DAYO
kabrobars · 52 chapters · 175,338 words
DAYO : first part
Unang Tagpo
Makikita sa Isang maliit na tindahan ang grupo ng mga kalalakihan na pinagtitripan ang isang lasing na bakla na kasama nila nag-iinuman. Lima silang naroon kasama na ang baklang iyon. Nasa alas otso na ng gabi noon at pasara na ang tindahan na tinatambayan ng mga ito.
Halatang mga lasing narin ang mga lalake at kung anu-ano na lang ang mga napag-uusapan ng mga ito. Lumabas ang nagbabantay ng tindahan para mag ligpit ng mga pinag inuman ng mga lalake ng bigla na lang ito hinipuan ng isa sa kanyang harapan. Napa urong ito dahil sa pagkabigla.
“Sus kunwari pa Ang isang ito, gusto din naman na ina-ano siya.” Sabi pa ng isa, at nag tawanan ang lahat.
“Alam niyo ang babastos niyo, kung si Nam nagaganyan niyo, huwag ako dahil baka ipa dampot ko kayo kay tatay.” Galit na sabi ni Maru, ang may-ari ng tindahan na iyon.
Tawanan pa ang lahat, dahil sa tinugon sa kanila ni Maru.
“Naku ang pulpol mong tatay na pulis? Sus, kung ni wala nga iyan nahuli kahit Isang daga kami pa. Buti pa ang mga tanod dito.” Ayon pa sa isa na nag ngangalang Jak.
“Alam, mabuti pa tumibol ka na lang dito sa amin. Mamaya kana mag ligpit, aga pa nito. Samahan mo naman si Nam. Babae ka din naman diba? Hahaha!” Sabat pa ni Cholo, na tudo halakhak pa matapos sabihin ito.
Tumayo si Luca at nilapitan si Maru, na nuoy nag sasalansan na ng mga case ng beer. Nang nasa likuran na ito ni Maru, bigla na lang nitong kiniskis sa likod ni Nam ang tigas nitong titi, tsaka kinaldagan ito ng malakas. Muntikan nang mapasubsob sa mga pile case ng beer.
Napikon si Maru sa ginawa ni Luca sa kanya, kaya napamura ito. Hahampasin na sana niya ito ng walis tingting nang ipinakita sa kanya ni Luca ng buong buo ang tayung-tayo nitong titi. Natigilan si Maru sa kanyang nakita.
Hindi man aminin ni Maru ang tunay nitong pagkatao sa lahat. Usap usapan na sa kanilang lugar ang pagiging bakla nito. Dahil sa Isang pangyayaring kinasangkutan nito kasama si Nato. Na nuoy nandoon din kasama ang mga kainuman.
“Ano pa hinihintay mo, dilaan mo na. Patikim naman ng Isang malakasang deep throat diyan. Sabi ni Nato, da best ka daw sa subuan.” Pang aasar pa ni Luca kay Maru, habang pinapatalbog-talbog ang titi nito.
Hindi mag kamayaw ang halakhakan at tawanan ng mag babarkada habang pinag titripan ng mga ito si Maru.
Hindi na kumibo pa sa kanila si Maru na pigil ang galit nito sa apat. Pinagpatuloy pa nito ang pag aayos nang may umagaw ng pansin sa atensiyon ng apat. Napalingon din si Maru nang tumahimik ang mga ito. Isang lalaking nasa edad kwarenta ang papalapit sa kanyang tindahan. Bagamat may edad na, hulmado pa din Ang matipunong katawan nito sa suot na puting T-shirt na hapit sa kanya at sa maong nitong pantalon na maraming punit. May bitbit itong malaking bag sa likod at mayroon pa sa kanyang kamay nito. Mahaba ang buhok, at kahit bigotilyo bakas ang pagkagandang lalake nito. Katangian na takaw pansin sa mga mata nina Nam at Maru.
Matangkad ang lalake at malaki ang pangangatawan na maging ang apat na lalaking naroon napahanga dito.
“Isang kaha nga ng pula.” Unang salita ng lalake.
Tumalima agad sa loob ng tindahan si Maru at ibinigay ang isang pakete ng sigarilyo. Hindi nakatiis si Maru, at napatanong agad ito sa lalake. “Hindi ka taga dito , mawalang galang na kuya, may hinahanap ka ba?” Tanong nito.
“Nag hahanap ako ng bahay na malapit sa trabaho ko, at ito ang medyo malapit na barangay na nadaanan ko.” Tugon ng lalake kay Maru.
“Bahay ba kamo sir?…Maru diba pinapaupahan ng tatay mo ang bahay niyo sa malapit sa maisan niyo?” Biglang singit ni Nam, na tila nagpapapansin sa lalake. Pangiti-ngiti pa ito.
“Ay sus, mga bakla talaga, makakita lang bagay na bumabakat , lumalandi agad. Daig pa ang higad na inasinan kung makabali ng balakang.” Parinig ni Jak nang mapansin ang kinikilos ni Nam.
“Nagpapaupa kayo?” Tanong pa ng lalake kay Maru.
“Chu-mu-chu-pa din ho iyan, barat nga lang magbayad”. Sabat ni Nato sa usapan ng lalake at ni Maru.
“May pinapaupahan kaming bahay, ang luma naming bahay. Kaso malayo ito dito. Nasa dulo pa nitong kalsada. At isa pa gabi na wala pa namang posted sa daan papunta doon.” Tugon ni Maru sa lalake.
“Kunwari ka pa, ang sabihin mo kating-kati ka na diyan sa loob. Hatid mo na doon si sir, pabor naman sa iyo ang madilim diba. Malay mo mapagbigyan ka pa nito. Hahaha.” Ang sabi pa ni Luca, na tawang tawa sa kanilang ginagawang pangingialam at pang aasar.
Tahimik lang ang lalake na sumisimple sa kanilang puwesto. Wala itong tugon o reaksiyon sa mga naririnig nito sa apat. Nagpatuloy ito sa pakikipag usap kay Maru.
“Ayos lang sa akin kahit malayo, mahalaga may matuluyan lang ako ngayong gabi. Mag binigay ako ng paunang bayad. At bukas, kapag hindi ok sa akin. Mag hahanap na lang ako ng iba.” Sabi pa ng lalake na kinukumbensi si Maru.
“Oh sige, hintayin mo na lang ako at isasara ko lang itong tindahan baka may mawala pa sa loob. “ Tugon ni Maru.
Matapos ngang maisara ni Maru ang kanyang tindahan sinamahan nito ang lalake sa bahay na pinapaupahan nila. Dala ang malaking flashlight sinuyod nila ang makipot na daan papunta sa kinaroroonan ng bahay. Maputik sa mga oras na iyon dahil kakatapos lang ng ulan.
Madadaanan pa ng dalawa ang mga taniman ng tubo sa magkabilang gilid ng kalsada. Lumampas na ang dalawa sa mga kabahayan at sa bahaging ito, wala ng poste ng ilaw hanggang sa pinakadulo ng daan. Maliwanag naman ang buwan kaya kahit papano tanaw parin nila ang daan lalo na ang repleksiyon ng buwan sa mga lubak.doon na may naipong tubig.
Tahimik lang si Maru. Hindi ito nag sasalita kung hindi nagtatanong ang lalake, hanggang sa kusa na itong nagpakilala sa kanya. “Hector” pag banggit ng lalake sa kanyang pangalan.
Tsaka lang nagsimulang dumaldal si Maru. Marami na itong na ikuwento at nasabi kay Hector. Ngunit ang lalake naman ang siyang tumahimik.
“Malayo nga talaga ito.” Sabi ni Hector.
“Malayo ito pag ganitong oras na, pero pag araw, may mga dumadaan namang traysikol dito palabas ng barangay. Banda doon kasi may daanan din pa highway. Dito naman may short cut sa kabilang barangay.” Tugon naman ni Maru habang tinuturo ng kanyang dalang flash light Ang mga daan doon.
“Napansin ko na maraming maisan dito.” Pansin pa ni Hector nang malapit na sila sa maisan nina Maru.
“Sa lolo at lola ko pa ang mga maisan dito. Ngayon sina tatay na ang nangangalaga dito. At sa dulo nito, naroon ang bahay.”
Nang marating nila ang sinasabing bahay ni Maru. Nagulat si Hector sa laki nito. Bagamat luma, gawa naman sa matibay na kahoy ang bawat parte nito. Lalo itong natuwa ng pinailawan na ni Maru ang buong bahay.
“Maayos pa ang mga upuan, mesa at kama dito. Kada linggo din namin ito nililinis para hindi pamugaran ng mga ibon at ahas. Walang nag kaka interes na umupa dito, kasi lubhang napakalayo sa lahat. Walang kapitbahay, kaya boring dito. Bahay ito dati nina papa. Hindi rin namin magawang ibenta kasi ayaw ni papa.” Kuwento pa ni Maru.
“Ayos na sa akin ito. Maganda. Magkano ang upa dito?” Tanong ni Hector habang nag iikot-ikot sa loob.
“Two thousand five hundred,kasama na ilaw. Medyo problema nga lang sa tubig. Pero may balon naman sa likod kung gusto mo maligo.”
Agad nag abot ng pera si Hector para sa upa sa loob ng dalawang buwan. Hindi na nagtagal doon si Maru, dahil nakiusap si Hector dito na gusto na nitong magpahinga. Ngunit bago pa man ito lumabas ng pintuan, tinanong muna ni Maru si Hector sa trabaho nito.
“Crane operator” ang sagot naman ni Hector.
Madaling araw na ng dumating ang ama ni Maru. Agad naman itong pinagbuksan ng kanyang kapatid na tiya ni Maru na si Paz. Nagkukusot pa ito ng kanyang mata ,dahil sa naalimpungatan ito ng makarinig sa kalapag ng gate.
“Bakit ikaw ang nagbukas, tulog pa ba si Maru? Hindi ba siya magbubukas ng maaga sa kanyang tindahan? Mag aalas singko na ah.” Pagtataka pa ni Paeng, nanibago ito dahil araw-araw maagang nagigising si Maru para mamalengke ng mga paninda nito sa kanyang sari-sari store. At wala itong palya sa pagbubukas ng gate sa tuwing inuumaga ng uwi ang ama.
“Hayaan mo na ang anak mo, nagpuyat iyan kagabi dahil sa mga tambay na nagbabad na naman sa tindahan niya. At may hinatid pa iyan doon sa maisan ,may umuupa na kasi sa dati nating bahay.” Tugon pa ni Paz.
“Sino naman? Himala at may nagka interes na umupa doon.”
“Sabi ni Maru , operator daw ng crane diyan sa malapit na construction site. Diyan siguro sa pinapatayong condo malapit sa mall. Nag bagay nga agad ng advance. “ Kuwento pa ni Paz.
“Abay mabuti, nang sa ganun may pang dagdag na tayong gastos dito sa bahay. Sige magpapahinga na ako. Gisingin mo ako kapag gising na si Maru, gusto ko makilala ang umupa doon.” Wika pa ni Paeng at pumasok na ito sa kanyang silid.
Tinanghali na ng gising si Maru. Naalimpungatan ito nang makita ang oras sa kanyang cellphone. Agad itong nag banyo at nag ayos. Pagkatapos tinungo agad nito ang tindahan para buksan.
Napadaan naman ng mga sandaling iyon si Fil, kababatang matalik ni Maru. Kagagaling lang nito sa parke at pawisan dahil sa pag jogging. Binati nito agad si Maru na noon nag aayos na ng mga upuan at mesa sa harapan ng tindahan nito.
“Na late yata ang bukas natin ah, napasarap ba ang tulog?” Tanong pa ni Fil.
“Medyo, hindi na nga ako naka pamalengke kanina. Galing ka ba ng park?” Tugon na tanong ni Maru. Tumago lang si Fil at nagpaalam din ito sa kanya.
Matagal ng may kursunada si Maru sa kaibigan, ngunit hindi ito makapag landi kay Fil dahil sa kabaitang pinapakita naman nito sa kanya. At ayaw ni Maru na mawala iyon sa kanila ni Fil. Simula elementarya magkaibigan na sila nito. Hanggang sa nakapagtapos sila ng highschool, naging magkaklase pa sila nito. Nasa college na si Fil at kumukuha ng kursong criminology. Si Maru naman pansamantalang huminto sa pag aaral simula ng magkasakit ng cancer ang kanyang Ina. Nang namatay ang Ina nito nalubog sila sa utang at hindi naman sumasapat ang sweldo ng kanyang amang pulis sa kanila. Kaya napilitan na lang itong huminto muna at nagnegosyo na lang. Malaki din naman ang naitulong nito sa kanila. Mula sa maliit na tindahan lumaki din ito kalaunan. Si Maru ang takbuhan ng mga taga roon sa kanila dahil sa kumpleto ang laman ng tindahan nito.
Bandang alas diyes na ng nagising si Paeng, tinungo agad nito ang anak sa tindahan. Kinamusta nito ang bagong umuupa sa bahay nila sa maisan. Nais nitong makilala ang lalake.
“Naku Tay, malamang wala na iyon doon. Anong oras na oh. Nasa trabaho na siguro iyon.” Sabi ni Maru sa ama.
“Baka nga siguro, eh kamusta ang itsura, mukhang mapagkakatiwalaan ba? Baka naman sanggano iyon at gulo lang pakay nito dito.” Ayon pa sa ama ni Maru.
“Grabe naman si Tatay kung makapag judge sa tao. Pero huwag kang mag alala Tay mukhang mabuting tao naman iyon. Medyo bata lang ng kunti sa inyo ang edad pero pogi.”
“Ayan ka na naman Maru, pumipilantik na naman ang dila mo. Kaya ka nababastos ng mga tambay dito. Lumalabas agad ang kalandian mo kapag may guwapo.” Saway ng ama nito kay Maru.
“Si Tatay talaga, humahanga lang naman, naglalandi agad.”
“Maru, wala akong pakialam kung ano man ang gusto mo, ang sa akin lang bigyan mo ng kunting respeto ang sarili mo para respetuhin ka din naman ng iba. Lalo na ng mga tambay diyan. Ama mo ako at tanggap ko kung ano ka. Ngunit ang iba,hindi mo sigurado kung tanggap ka.” Paalala pa nito kay Maru.
“Copy po Tay, sige na po, baka ma late pa kayo sa trabaho. Ingat po sa daan Tay.” Tugon ni Maru sa ama sabay lambing dito.
Kinahapunan naglabas na ng ihawan ang tiyahin ni Maru na si Paz. Tuwing hapon kasi nag bibenta ng mga isaw at barbeque ang tiyahin nito sa tabi lang ng tindahan nito. May mga Ilan ng tumatambay sa puwesto nina Maru. Mga kalalakihan na maaga palang namumulutan ng ng isaw. At ang mga marites ng barangay na hindi nahuhuli sa mga latest isyu ng mga kapitbahay. Habang nag papaypay ng ihawan si Paz, nilapitan ito ng Isang babae.
“Uy Paz diba sa inyo ang bahay doon sa dulo ng maisan? May tao na pala iyon don?” Tanong nito kay Paz.
“Umuupa.” Sagot ni Paz.
“May umupa sa bahay niyo doon? Abay bakit?” Tanong pa ng Isang babae nang marinig ang sabi ni Paz.
“At bakit naman hindi? Parang takang-taka naman kayo. Ano naman ang masama kung uupa sila doon? Tahimik at malayo sa mga maiingay na kapitbahay ang bahay na iyon.” Tugon pa ni Paz , na napataas na lang ang kilay sa mga babaeng nag kukumpulan doon.
“Naku Pasing, naway hindi mangyari dito sa atin ang nangyari sa kabilang siyudad.” Sabi pa ng nauna.
“Alin, ang natagpuang mga bangkay ng kalalakihan sa Isang bahay?” Tanong pa ng lalaking nakatambay doon.
“Oo, iyon nga Carlito. Isang lalake daw ang umuupa sa bahay na iyon. Nang bigla na lang ito hindi nagpakita sa may ari. Nang pinuntahan nila upang kamustahin at singilin, sinalubong na sila ng nakakasulasok na amoy ,at nang pinasok doon na nakita ang mga bangkay ng mga nawawalang kalalakihan sa barangay na iyon.” Kuwento pa ng babae, na lumalaki pa ang mga mata habang nagkukuwento.
“At paano mo naman nasabi na ang umuupa kina Pasing ay magiging ganun din sa nangyari sa barangay na iyon. Kayo talaga,lahat na lang ginagawan niyo ng kuwento may pag tsismisan lang kayo.” Tugon ng Carlito.
“Sinabi ba ni Laura na ang umuupa kina Pasing at ang umupa doon sa barangay na iyon ay iisa? Ang sa amin lang naman ,ay mag ingat din tayo sa mga taong dayo lang dito sa atin. Awareness ba.” Sabat pa ng Isang babae.
Naging maiinit ang diskusyon at talakayan ng mga nakitambay doon sa tindahan nila ni Maru. Pumukaw din naman talaga ng atensiyon ng mga tao ang nangyari nga sa katabing siyudad. Karumal dumalo na sinapit ng mga natagpuang bangkay sa Isang paupahang bahay sa Isang barangy ay nag iwan din ng takot hindi lamang sa lugar na iyon kung hindi maging sa kalapit na mga siyudad, lalo pa at walang malinaw na pagkakakilanlan ang nasabing suspect na siyang umuupa noon sa bahay.
Padilim na sa mga oras na iyon at nagliligpit na si Paz, nang saglit na nagpaalam sa kanya si Maru.
“Alam ko na ang mga ngiti na iyan, hindi ka pa nadala sa mga tsismis ng mga tao dito sa atin. Saan ka na naman lalamyerdang bata ka?”
“Sandali lang ito tita, may liga kasi sa kabilang purok, maglalaro sina Fil, makikinuod lang ako. Sasaglit lang ako, promise.” Ayon pa kay Maru.
“Ang saglit mong iyan,tiyak hanggang alas diyes na naman. Mag text ka kung gagabihin ka. Ayukong naghihintay ng hapunan. Umuwi ka ng maaga baka maagang uuwi ang tatay mo.” paalala pa ng tiya ni Maru.
Hindi nga nagkamali si Paz. Nagkaroon ng problema sa naturang paliga kaya naantala ng ilang oras ang simula ng laro. Bandang alas otso na eksatong natapos ang basketball. Kasama na noon ni Maru si Fil pauwi. May kalayuan din ang purok na pinag dausan ng laro. Dahil din sa nasabing liga punuan ang mga tricycle at pedikab sa oras na iyon dahil sa dami ng mga nagsisiuwian. Binabagtas ng dalawa ang tulay sa may ilog nang masalubong nila ang grupo nina Luca na ginawang tambayan ang waiting shed malapit sa tulay. Bangag na naman ang mga ito, at tila naghahanap ng mapaglibangan.
“Ang mag jowa ginabi, mga pare mukhang may nanalo na sa puso ni Mare,este ni Maru. “ Ang sabi pa ni Luca nang pumagitna ito sa daraanan ng dalawa.
“Ang sweet naman nila mga pre, nakakaingit hahaha” Ang sabat pa ni Jak.
“Mga pare, ayaw namin ng gulo, padaanin niyo na kami ni Maru.” Sabi ni Fil.
“Paano kung ayaw namin, may angal ka?” Tugon naman ni Nato ,na tila hinahamon si Fil.
“Wala na talaga kayong matinong nagagawa dito sa atin. Padaanin niyo na kami, kung ayaw niyong ipapatanod ko kayo.” Ayon pa kay Maru.
“Tapang mo naman, hindi mo ba kami isusumbong sa pupol pulis mong tatay? “ Pang aasar pa ni Jak sabay labas ng patalim na hawak nito.
“Walang ganyanan Jak, parang hindi tayo magkabarangay ah. Padaanin niyo na lang kami.” Sabi pa ni Fil na biglang kinabahan nang makita ang mahabang panaksak ni Jak.
Nasa ganong sitwasyon sila nang may humintong tricycle sa likod nina Maru at Fil. Sinita naman ng driver ng tricycle ang grupo nina Luca. “Wala na talaga kayong pinipili, magsi uwi na kayo. Bago pa ako mag patawag ng pulis dito.”
Umatras ang tatlo, at Bumalik sa tinatambayan nilang waiting shed.
“Sumakay na kayo dito at idadaan na lang namin kayo sa inyo.” Sabi ng lalaking pasahero ng tricycle.
“kuya Hector kayo pala.” Pansin ni Maru nang dumungaw si Hector sa tricycle.
“Magandang gabi sir.“pag bati pa ni Fil dito.
Hindi na tumanggi pa ang dalawa, at nakisakay din ang mga ito sa sinasakyan tricycle ni Hector.
“ANG KREMIN SA KWATRO UNO”
Idinaan nga muna ni Hector sina Fil at Maru sa kani-kanilang mga bahay. Sa tindahan na nito bumaba si Maru, agad naman silang sinalubong ni Paz na kanina pa hinihintay ang pamangkin. Nang gabi din na iyon nakilala nito si Hector ang matapang na umupa sa bahay nila sa maisan. Sa pag mamagandang loob ni Hector, natuwa sa kanya si Paz,at inalok siya nito na doon na sa kanila maghapunan.
“Naku, ang kisig at ang guwapo mo naman pala Hector. Ilang taon ka na ba? Kung hindi ako nagkakamali hindi naman nagkakalayo ang edad natin, tama ba?.” Tanong pa ni Paz, na manghang-mangha sa kakisigan at gandang lalake nito sa kabila ng kanyang edad.
“Hay si Tita, daig pa ang gen z kung mag landi. Baka may Asawa na itong si kuya Hector nuh. Kuya Hector maraming salamat talaga, siguro kung hindi kayo dumating, may ginawa nang masama sa amin ang grupo nina Luca”.
“Matagal ka na ba ginugulo ng mga iyon?” Tanong pa ni Hector kay Maru.
“Ang mga kabataan na iyan talaga, sakit na dito iyan sa barangay. Pati nga mga kaanak ng mga iyon ,sinusuka na sila dito. Mga adik, basagulero, tambay at mga bastos. At alam mo ba ,ang Nato. Ginawan pa ng scandal itong pamangkin ko. Sukat bang ibidyu ang pagkain sa kanya ni Maru. Itong si Maru naman kasi, mahilig pala sa morcon nakikikain pa sa iba. Nalaman tuloy ng lahat.” At napa kuwento na nga si Paz ng tudo.
“Hay naku tita, daig mo pa ang social media kung magpakalat ng scandal. Nakakahiya. Grabe kayo sa akin. Halos binuklat mo na dito kay kuya Hector ang sekreto ko oh.” Ang napahiyang sabat ni Maru.
“Huwag ka mag alala Maru, hindi na nila magagawa pa ulit iyon sa iyo. Takot lang nila sa tatay mo. Diba nga sabi mo, pulis ang tatay mo?” Sabi pa ni Hector kay Maru.
“Si Paeng? Naku sa daga nga lang takot iyon. Ayaw ni Paeng ng gulo. best in friendship kaya ang kapatid kong iyon dito.” Sabat pa ni Paz kay Hector.
“Masyado ng lumalalim ang gabi, salamat sa hapunan. Aalis na ako.” Paalam na ni Hector.
Nais pa sanang ihatid ni Maru si Hector ngunit tinanggihan na ito ng lalake. Kakaalis lang ni Hector nang siya namang dating ng ama ni Maru.
“Sino na naman iyon Maru?”
“Si kuya Hector Tay ang umuupa sa bahay natin sa maisan. Dito siya nakihapunan sa atin.“tugon ni Maru sa kanyang ama.
“At bakit naman?”
“Ang tita Paz ang nag alok sa kanya dito. Mukhang gusto pa yata humabol ng kapatid mo Tay.”
“Siya nga pala, mag ingat ka anak. Alam mo ba ang nangyari doon sa kabilang siyudad? Sa mga natagpuang bangkay ng mga kalalakihan sa Isang bahay? Hindi lang pala doon unang nangyari iyon. Sa pag iimbestiga namin, may mga nauna na palang kaso , tulad nito sa ibang lugar. Hindi lang gaanong napabalita dahil wala namang pumapansin. Ngayon lang ulit umingay dahil sa social media. Malaking tulong din minsan ang social media na iyan sa awareness ng mga tao. Kaso madalas din nagagamit sa mga fake news.” Paalala pa ni Paeng sa anak nito.
“Malabo naman siguro mangyari iyon dito Tay, malapit ang barangay na ito sa detachment at sa police station niyo. Takot lang ng killer na gumawa ng ganun dito. Pero salamat sa paalala Tay.”
At lumipas na naman ang Isang buong gabi. Tahimik at payapa ang paligid. Mahimbing ang tulog ng mga tao sa barangay, walang kamalay malay sa panganib na naghihintay.
Maagang nagising kinabukasan si Maru. Palabas na ito ng kanilang gate para mamalengke nang saktong palabas din sa bahay nila si Fil. Nagkabatian ang dalawa.
“Mamamalengke ka na ba?”
“Oo Fil, hindi kasi ako nakapamalengke kahapon. Saan ka ba? , mukhang hindi ka naman naka pang jogging. Pustura ka naman masyado.” Tugon ni Maru nang mapansin ang ayos ng kaibigan.
’Hahabol ako sa first trip pa probinsiya, susunduin ko ang kapatid ko.“
“Ganun ba, eh di sumabay ka na sa akin. Daanan lang din naman papuntang palengke ang terminal.” At nag kasabay nga ang dalawa.
Pagtawid na sina Fil at Maru sa tulay nang napansin ng mga ito ang pag dagsa ng mga tao na pababa ng ilog sa ilalim ng tulay. Naintriga ang dalawa kaya naki-usyuso din ang mga ito.
“Ate, ano ba ang pinagkakaguluhan ng mga tao sa baba? “ Usisa agad ni Maru sa babae na kakagaling lang noon sa ilog.
“May patay sa ilog, putol ang ulo ng katawan.” Tugon sa kanya ng babae.
Naging usap-usapan ang natagpuang bangkay na walang ulo, lalong lalo na barangay na sakop ang ilog na iyon. Nang aktuwal na makita nina Fil at Maru ang katawan agad nila itong nakilala base sa mga tattoo nito sa braso at dibdib. Kinumpirma din ito ng mga kaanak na si Luca ang bangkay na natagpuan.
Dahil sa pangyayari ,umugong ang balita na nasa barangay na na iyon ang killer. Kakabukas lang ni Maru ng kanyang tindahan ,pero dagsaan na agad ang mga tumambay doon para maka sagap ng latest. Sinamantala naman ito ni Paz at nag tinda na rin ng kape ,para mga OZ at mga marites na nandoon.
Topiko parin nila ang pinangingilagang killer na nakatawid na umano sa kanilang barangay.
“Hoy kayo, mga wala talaga kayong magawa sa buhay. Tantanan niyo na nga ang boarder namin. Kayo talaga, may mapagbintangan lang kahit sino ,ituturo. Kasama namin buong gabi si Hector, dito siya naghapunan. Tanong niyo pa kay Paeng.” Bulyaw ni Paz sa mga naghihinala na si Hector ang pinaghihinalaan nilang killer.
Sakto namang kakagising lang ni Paeng at nakisawsaw na rin sa usapan at diskusyon ng mga kapitbahay.
“Puwede ba bago kayo mag turo ng kapwa. Manalamin na muna kayo. Kitang kita pa ang mga muta niyo sa mata oh. Dahil ba sa dayo ang tao, siya agad ang paghihinalaan niyo. Mabigat binibintang niyo sa tao, baka balikan kayo.” Sabi pa ni Paeng.
“Saan ba at mapapatunayan din natin ang lahat. Tama si Paeng , hanggat wala pa tayong ibedensiya huwag muna tayong mag bintang. Bisitahin muna natin ang bahay nina Paeng sa maisan. Kung wala tayong makitang kahinahinala eh di, nagkamali tayo.” Sabat pa ng Isang lalake na kilala sa barangay, si Tilyo.
“Tilyo, pati ikaw ba naman? Tagapamayapa ka ng barangay ,pero ikaw pa ang nag uudyok ng gulo.” Napataas ng boses si Paeng sa binabalak ni Tilyo.
“Pare, kaya nga,para matapos na ang paghihinala at kuro-kuro nila mas mabuti pang ipakita na lang natin sa mga ito ang bahay niyo doon. Dahil hanggat ganito, Lalo lang maririndi ang tenga natin sa mga alingawngaw ng tsismisan dito.” Sagot pa ni Tilyo.
At sa gitna ng ingay at kumpulan ng mga naroon, biglang natahimik ang lahat. Napatingin ang mga ito sa lalaking parating.
“Mas maiingay pa nga sa inaakala ko Ang mga tao dito. Kung ganito kayo tumanggap ng bisita sa inyong barangay. Pati ang killer kakabahan na dayuhin ito. Pero sige, puntahan niyo ang bahay ko. Medyo magulo iyon ,paki linis na lang din para sa akin. Mahuhuli na kasi ako sa trabaho.”
“Hertor magandang umaga. Pagpasensiyahan niyo na Ang mga kabarangay ko. Magkape ka muna” .Sabi pa ni Paz nang dumating si Hector.
“Ikaw pala ang tagaupa sa bahay ko pare, Paeng nga pala.” Ang pagtugon at pagpapakilala ni Paeng kay Hector.
“Mukhang maligalig ang mga kapitbahay niyo dito. Pagbigyan niyo sila sa gusto nilang gawin sa bahay niyo. Ayusin lang nila na walang mawawala sa mga gamit ko. Mauna na ako at may trabaho pa na naghihintay sa akin.” Tugon ni Hector at umalis din ito.
Labag man sa kagustuhan ni Paeng, pinagbigyan nito ang mga kapitbahay para na rin sa kapanatagan ng lahat. Hinayaan nito na bisitahin ng mga kapitbahay ang bahay nito sa maisan. At gaya nga nang inaasahan, napahiya ang mga ito nang wala silang nakitang kahinahinalang bagay sa paupahan ni Paeng.
“Siguro naman ngayon tatahimik na kayo sa ka praningan niyo. Walang killer,at ang nangyari kay Luca, kagagawan iyon ng mga naatraso siguro nito sa druga.” Sabi pa ni Paeng.
Pansamantalang tumahimik ang barangay, lumipas na parang ulan lang ang balita. At nabaon na lang sa limot ang nangyari kay Luca.
Ginabi na sa pag uwi si Nam mula sa sinalihan nitong miss gay. Hindi ito nakahanap agad ng tricycle papasok sa kanila dahil sa madalang na lang ang bumabiyahe sa mga oras na iyon. Tinawagan nito ang kaibigan upang makiusap na sunduin na lang ito.
“Pakibilisan na lang , nandito ako sa waiting shed sa dulo ng tulay. Maghihintay ako salamat.” Ang huling sabi ni Nam,bago patayin ang cellphone.
Nagulat ito nang may dumantay na malamig na bagay sa kanyang leeg. Madilim sa puwesto niyang iyon dahil sa mga pundedong ilaw ng poste sa daan. Hindi na nagawa pang makalimgon ni Nam sa subrang takot at kaba nang makita ang patalim na nasa leeg nito. Nakahinga lang ito ng maluwag nang mag tawanan Ang mga kalalakihan at nakilala niya ito.
“Natakot ang bakla mga tol hahaha” boses iyon ni Jack. Siya ang may hawak ng patalim na pinandantay sa leeg ni Nam.
“Ano ba kayo, pati ba naman ako Jak?” Wika ni Nam.
“Kailangan namin ng pera, meron ka ba diyan? Mukhang marami kang dala, ano ang laman niyan? Tol, tingnan niyo nga” utos pa ni Jack sa kasama nitong lalake.
“Mga damit at gown lang ang laman niyan. Ano ba Jack. Kung gusto mo ng pera, puntahan mo na lang ako sa parlor bukas. Wala akong pera ngayon dito.” Pakiusap ni Nam.
Nang makuha ng lalake ang bag kay Nam. Binuhos nito ang lahat na laman ng bag. Nagkalat sa lupa ang mga damit at makeup kit ni Nam. Napamura naman si Nam sa ginawa ng lalake na lalo pang binulatlat ang loob bag. At nang wala silang makita at nakuha… Pinagtulungan na ng dalawa na gulpihin si Nam. Nanglaban si Nam at nagsisigaw, habang humihingi ng tulong. Sa taranta at sa inis narin ni Jack, nasaksak nito si Nam sa tagiliran. Nang makita ang sitwasyon ni Nam, inundayan pa niya ito ng saksak, nang makailang ulit. Nakarinig ang mga ito ng andar ng papalapit na motor kaya tumalima ang mga ito sa pag takas.
“Nam! diyos ko sino ang may gawa sa Iyo nito. Tulong! Tulong! mga kabarangay tulumgan niyo kami! Ang pinsan ko!” Sigaw ng pinsan ni Nam nang maabutan siya nito.
Sa tulong ng mga taong nakarinig sa paghingi ng tulong ng pinsan ni Nam, Naidala agad ng mga ito si Nam sa hospital. Papasara naman ng tindahan nito si Maru nang makita nang makita nito si Fil na kagagaling lang nito sa pinangyarihan ng insidente.
“Ano ba ang nangyari Fil? Bakit kanina ko pa nakitang pabalik balik ang mga tanod dito?” Tanong pa ni Maru kay Fil.
“Naku Maru, si Nam. Alam mo ba ang nangyari kay Nam. Totoo siguro ang gumagalang killer. Nasaksak si Nam doon malapit sa tulay, at matindi ang tinamo niyang sugat.”
“Ano? Talaga ba? Nakakatakot at nakakabahala naman iyan Fil. Paano kung marami pang mabibiktima ang killer na iyan dito.” Ayon pa kay Maru.
“Kaya ikaw mag ingat ka din. Masmabuti siguro mas agahan mo muna ang pagsasara ng tindahan mo. Para maaga ka rin makauwi sa Inyo. At siguro schedule mo na lang ang pamamalengke mo hindi iyong kada madaling araw.” Payo naman ni Fil sa kaibigan.
“Ikaw din Fil, ang aga mo pa naman nalalabas para mag jogging. Wala bang nakakita kung sino may gawa nun kay Nam? Di ba may mga CCTV malapit sa tulay?”
“Iyon ang problema, ayon sa mga tanod sira daw ang Ilan sa mga CCTV malapit sa lugar, lalo na ang nandoon sa waiting shed. Kung kelan ba kasi na kailangan ng bantay sa daan tsaka pa nasira ang mga CCTV doon. Sige Maru, uwi na ako. Ingat ka na lang sa pag uwi.”
Nang magkahiwalay ang dalawa napansin naman nito si Hector na papauwi palang. Tinawag niya ito, ngunit hindi siya nito pinansin. Hindi narin niya ito pinagtuonan pa ng pansin. Umuwi ito at ibinalita sa ama ang nangyari kay Nam. Rumespondi sa lugar ang ama ni Maru.
Sa pagsikat ng umaga, hindi lang ang nangyari kay Nam ang naging malaking balita sa lahat ng mga taga-roon. Dahil may panibagong bangkay na naman ang natagpuan sa gitna ng tubuhan, at tulad sa nangyari sa katawan ni Luca na natagpuan sa ilog. Ang bangkay na nakita ng Isang lalake sa tubuhan, ay pugot din ang ulo.
Kinagimbal ito ng lahat lalo na ng mga nakakilala kay Dagul. Si Dagul ang lalaking kasama ni Jack noong gabing tinambangan nila si Nam.
“Mga pare, tol kilala ko ang pumatay kay Dagul. Nakita ko. Siya iyon.” Ang nanginginig pa sa takot na sumbong ni Jack sa mga kaibigan nitong sina Cholo at Nato.
“Sino? Kung kilala mo siya, sabihin mo. Babalikan natin ang hayop na iyon. Sino siya pare?” Tanong pa ni Nato.
“Ang lalake sa may maisan, ang umuupa sa kanila ni Maru. Siya ang nakita ko. Bago kami magkahiwalay ni Dagul kagabi nakita namin siya, mabalisik ang tingin niya sa amin. Galit.” Sabi pa ni Jack.
“Ibig sabihin,hindi mo talaga nakita na pinatay niya si Dagul?” Tanong ni Cholo.
“Hindi, pero alam ko siya ang pumatay kay Dagul. Nakita niya Ang ginawa namin kay Nam.”
“Putcha pare, kayo ang kumana kay Nam?, Pati ba naman siya?” Nagulat si Nato sa pag aamin ni Jack sa ginawa nilang krimen.
“Problema ito pare pag may nakaalam ba sa ginawa niyo,baka pati kami madadamay dahil barkada ka namin. “Ayon pa kay Cholo.
“Sumigaw eh, nataranta na ako. Tatakunin lang naman sana namin si Nam. Pero si Dagul kasi,. Kaya hindi na ako nakapag isip pa. Nasaksak ko si Nam.” Kuwento pa ni Jack.
“At si Hector, paano ka nakakasiguro na siya nga ang pumatay kay Dagul?” Tanong pa ni Nato
“Basta malakas ang kutob ko na siya. Siya lang naman ang tao doon. Nagkatinginan pa nga kami . Mga pare, ipaghiganti natin si Dagul. Tatambangan natin sa kanyang pag uwi ang Hector na iyon.” Sabi pa ni Jack na maligalig ang mga mata na halatang takot.
“Pass muna ako pare, masyadong maiinit pa ang sitwasyon, baka sa pinaplano mong iyan pati kami mapahamak. Gusto ko pang mabuhay pare.” Pag tanggi na ni Nato.
“Ako din pare, kung gusto mo magsama ka na lang ng iba. Baka mapa aga pa ang buhay ko sa binabalak mo.” Ganun din si Cholo.
Iniwan ng dalawa si Jack sa kanilang tambayan. Sa kabilang banda, maging ang mga kapulisan, hirap din sa kanilang imbistigasyon. Malinis ang pagkagawa ng krimen. Wala silang matukoy na salarin sa dalawang sunod-sunod na krimen sa barangay kwatro uno.
“Makalaay, wala ka bang nadidinig na kahinahinala sa barangay niyo? Dalawang beses nang may natagpuang bangkay na pugot ang ulo sa inyo. At mula sa iisang grupo lang ang mga biktima. Wala bang mga kaalitan na grupo Ang mga iyon sa Inyo?” Tanong pa ng hepe kay Paeng.
“Chief, matagal na ngang sakit sa ulo sa aming barangay ang grupo nila. Pero wala naman kaming nalalaman na may mga kalaban silang grupo sa amin. Pero ,magtatanong ako.mag iimbestiga ako. Baka may ma sagap akong sagot sa kaso na ito.” Tugon ni Paeng.
“May naka assigned ng team na humahawak sa kaso na ito Makalaay,pero kung may impormasyon ka, makakatulong iyon para mapadali ang kaso. At malay mo, mapunta pa sa iyo ang credit kung ma solb mo ang kaso. At matutupad na ang hinahangad mo na promotion.” Ayon pa sa Hepe ni Paeng.
“Sapat na sa akin ang makatulong Chief.”
“Hayaan mo Makalaay, magbubunga din ang kasipagan mo.” Tugon pa ng Hepe.
Hapon na noon nang mapadaan si Hector sa tindahan ni Maru. Bumili ito ng isaw at barbeque sa ihawan ni Paz. Nang mga oras na iyon, naroon at maagang nag tatagay at naka tambay sina Nato, Cholo at Jack kasama ang iba pang mga kalalakihan. Present din ang marites ng bayan na mga kapitbahay nina Maru. Lasing na si Jack at galit itong sinumbatan si Hector na nuoy namimili ng mga paninda ni Paz.
“Ikaw ang pumatay kay Dagul, alam ko at ikaw din ang pumatay kay Luca!” Bintang pa ni Jack kay Hector, na nakatingin lang sa kanya.
“Ayan na naman kayo, lubayan niyo nga si Hector sa kapraningan niyo. At ikaw…kayo …kung hindi pa kayo magbabago, hindi malayo na kayo na Ang isusunod ng killer. Naku mas ikakatuwa pa namin kung mabawas bawasan na Ang mga adik at mga basagulero dito sa ating barangay, hindi ba?” Sabi pa ng Isang babae,nang sinaway nito si Jack.
“Tama ka diyan Dolor, naku Hector, hayaan mo na ang mga ito. Huwag mo silang pansinin.” Ayon pa kay Paz.
“Mukhang hindi nga talaga ako titigilan ng mga tao dito. Kaya nakapag pasya ako na lumipat na lang ng ibang mauupahan bukas. “Tugon ni Hector kay Paz.
“Bakit naman. Sayang naman ,wala ka pa nga Isang buwan dito.” Sabi pa ni Paz na nalungkot sa desisyon ni Hector.
“Mabuti na iyon nang matahimik na ang mga pagiisip ng mga tao dito sa Inyo. Sana nga lang sa pag alis ko. Matigil na ang patayan dito sa Inyo.” Ayon pa kay Hector.
At iyon na nga ang huling gabi ni Hector doon. Maaga itong pumunta sa bahay nina Maru para mag paalam at kunin ang subrang sa kanyang pinambayad sa upa. Hindi na pinigilan pa nina Maru ang desisyon ng lalake, dahil alam naman nila na dahil sa mga iniisip ng mga tao kay Hector nalalabag na ng mga ito ang karagatan at privacy ng lalake.
Ngunit sa pag lisan ni Hector sa barangay kwatro uno. Panibagong dayo na naman ang magpapakilala sa kanila. Mas bata, makisig, gwapo at hindi naman masyadong nalalayo sa edad ni Maru.
“May kalayuan nga itong bahay paupahan niyo dito sa maisan. Kung matatakunin kang tao, hindi mo na gugustuhing tumira dito.”
“Kaya nga walang kumukursunadang uupa dito. Hindi ko naman mabenta-benta kasi ito na lang ang natitirang ala-ala ko sa mga magulang ko. Ang gusto ko lang naman may tumao dito, para hindi naman Maluma at pagbahayan ng mga ahas.” Kuwento pa ni Paeng.
“Ang anak niyo, si…Maru ba iyon? Nagiisa lang ba siya? Bakit hindi na lang siya ang tumao dito.”
“Ayaw nun dito, takot iyon mag isa, at isa pa medyo kuwan kasi si Maru. Alam mo na. Ayuko namang mapalayo sa kanya. Tampulan kasi iyon ng tukso. At ako lang ang tagapagtanggol ng anak ko. Oh ano, interesado ka pa ba dito?”
“Mukhang ok naman, sige po sir kukunin ko. Babalik na lang ako bukas para dalhin mga gamit ko. At gusto ko sanang makilala si Maru. Baka magiging magkasundo kami ng anak mo.”
“Naku Rodge, kilala ko ang anak ko. Siguradong magkakasundo kayo. Huwag mo lang paasahin. Ayukong nasasaktan iyon. Sige bumalik ka na lang bukas , ipapalinis ko muna ito. Para naman kumportable sa iyo.” Sabi pa ni Paeng sa lalake.
Si Rodge ang panibagong tenant nina Paeng sa iniwang bahay ni Hector. Call center agent ang pakilala nito kay Paeng. Mabait at malumanay itong magsalita. Kaya agad itong nakagaanan ng loob nina Paeng at Paz. Maging si Maru napahanga din sa katangian ni Rodge.
Hindi pa man lumipas ang isang linggo, binulabog na naman ng lagim ang buong kwatro uno. Panibagong bangkay na naman ang natagpuan sa may talahiban, malapit sa tapunan ng mga basura sa likod ng simbahan sa barangay.
MALING HINALA
Sa paglisan ni Hector sa barangay Kwatro Uno, panandalian humupa ang takot at pangamba ng mga tao doon. Para namang usok na bigla nalang nilgjipad ng hangin ang mga balita ukol sa mga nakaraang krimen.
“Ayan wala na si Hector, baka naman bagong boarder naman nina Paeng ang pagdidiskitahan niyo. Maawa kayo sa bata.” bungad pa ni Marisol sa mga kabarangay nito na noon maaga pa lang naka tambay na sa tindahan ni Maru.
“Naku kung makapag salita , eh Ikaw nga itong number one na pasimuno ng tsimis dito sa atin.” sabat pa ng isang babae sabay winawasiwas pa nito ang mga kamay na may hawak pang sandok.
“Teka nga lang, puwede ba doon kayo mag tsismisan sa gilid, nahaharangan ang tindahan ko. Tinatawag niyo ang malas.” Saway pa ni Maru sa mga kapitbahay nito.
“Hayaan mo na ang mga iyan Maru, part na ng lifestyle nila ang mag tsismisan dito. Siya nga pala, balita ko bata pa ang pumalit kay Hector doon sa bahay niyo sa maisan?” sambit ni Fil nang bumili ito sa tindahan ni Maru.
“Sabi ni tatay, pero hindi ko pa nakita. Inaabangan ko nga din iyon dito. Call center agent daw sabi ni tatay at guwapo.“tugon pa ni Maru.
“Sus, umiiral na naman ang lalandian mo. Kaya ka inaasar ng mga kalalakihan dito dahil diyan sa kilos mo. Umayos ka nga.” saway bigla ni Fil kay Maru.
“selos ba iyan? Ikaw Fil ha kunti na lang , magdududa na talaga Ako na may gusto ka sa akin.” pang aasar pa ni Maru sa kaibigan.
“Ako? sa iyo? mangilabot ka nga Maru. Hinding hindi ako papatol sa iyo ano. Hindi pa ako disperado nuh, marami pa akong pangarap sa buhay ko.” natawang tugon pa ni Fil.
“Alam mo grabe ka na sa akin. Hindi ka na makakautang dito.”
Bigla na lang tumahimik ang mga nakatambay doon sa tindahan ni Maru. Nagkaroon ng mga mahihinang bulong bulungam ang naging kasunod. Napabaling narin si Fil sa kanyang likod. Isang lalake na kasing edad lang din ni Fil ang papadating sa tindahan ni Maru.
Maputi, matangkad, matipuno at mukhang banyaga, bigotilyo pero malinis. Ito Ang mga naiisip ni Maru habang seryusong tinitingnan ang lalaking paparating sa kanyang tindahan. Kung ano-ano ang na i-imagine nito sa lalake. At habang papalapit ito sa kanya lalong lumilipad ang isip ni Maru. Natauhan na lang ito ng muling magsalita si Fil.
“Hoy bago ka makipaglandi, punasan mo muna ang laway mo, sumasayad na oh” Sabi pa ni Fil kay Maru.
“Alam mo kahit kailan,basag trip ka. Ok sana kung kasing guwapo ka niya.”
“sus, pumuti lang naman iyan. Iba pa din ang lutong pinoy.” Sabi pa ni Fil kay Maru tsaka ito umalis sabay tingin sa lalaking kasalubong nito.
“magandang araw” pagbati agad ng lalake kay Maru.
“Mas gumanda ang araw ko nang dumating ka.” tugon naman ni Maru sa kanya.
“Ako si Rodge, hinahanap ko si sir Paeng, idadaan ko lang ito ang kulang ko sa upa. Ikaw ba si Maru?” pagpapakilala nito kay Maru.
kinilig naman si Maru nang mabanggit ni Rodge ang pangalan nito. Nawili ito sa pakikipagusap sa lalake. Sa unang pagkikita nila, agad nagkalapit ang loob ng dalawa. Araw-araw mula sa trabaho, dumadaan si Rodge sa tindahan ni Maru para iwan ito ng donut, bago ito umuwi sa tinutuluyan nito. Bagay na nagbibigay ng kakaibang sigla kay Maru sa tuwing gigising ito para magbukas ng tindahan. At kung ikinalulugod ni Maru ang ginagawa sa kanya ni Rodge araw-araw.May isa namang tumataas ang kilay dahil sa nakikita nito araw-araw.
“Mukhang nagiging routine na ng lalaking iyon ang pa donut niya sa iyo ah. Di ka kaya magkaka diabetes ka na niyan?” sambit pa ni Fil nang napadaan ito sa tindahan ni Maru,at makitang may iniwang box ng donuts si Rodge.
“Alam mo inggit lang iyan Fil. kumuha ka na.” tugon ni Maru sabay abot ng box ng donuts dito.
“Hindi kumakain ng ganyan, puto lang ok na sa akin. Teka nga lang Maru. Bakit ganun na lang kung mag pa empress sa iyo ang kanong hilaw na iyon?”
“eh di nanliligaw.” agarang sagot ni Maru
“Gago, ano ka babae? feeling mo din ano? Alam mo nakakabahala ang kabaitan niya. Sabi ni Inang kapag mabait daw ang isang tao. May dalawa lang itong dahilan. Ang una, dahil nais nitong makuha ang loob ng taong gusto niya ang pangalawa, may tinatago itong lihim. Alangan namang may gusto iyon sa iyo. Ano ka si Anne Curtis?” Sabi pa ni Fil.
“Gago rin talaga nuh? Sa lahat dito sa atin Ikaw pa itong nagiisip ng masama sa kapwa. Naku Fil tigiltigilan mo na iyan. Walang ginagawang masama sa iyo Ang tao.” Saway pa ni Maru sa kaibigan.
Simula noon naging paksa na sa pagdududa ni Fil si Rodge.
Minsan pa, kahit hindi naman madalas dumadaan si Fil sa daan patungong maisan, Natutukso itong dumaan doon,upang silipinw ang bahay paupahan nila ni Maru. Tanghaling tapat nang dumaan sa gawing iyon si Fil. Balak nitong tumawid sa kabilang highway at doon nito naisipang dumaan. Nang malapit na ito sa maisan napansin nito si Rodge na may bitbit na mga bagong gamit pang hukay na w mula sa isang tricycle.
Nagtaka ito kung bakit may mga ganong bagay na binili si Rodge. Dahil sa kanyang nakita lalong nabubuo ang samot saring hinala sa isip ni Fil.
Sabado ng gabi ng may natagpuan na namang bangkay sa w ng katabing barangay, katulad din noong mga naunang kaso ang estilo sa pag patay , pugot ang ulo.
Muling.nabuhay ang kuro-kuro tungkol sa isang serial killer. Walang pagkakakilanlan ang naturang biktima. Hubot hubad ito ng matagpuan ang Isa pang biktima nang sumunod na araw. At tulad ng mga nauna ,natagpuan din ito sa ilog sa ilalim ng tulay papasok ng hotel Kwatro Uno. Nabulabog muli ang tahimik na mga araw ng taga roon. Ngunit sa kabila ng pangamba, sa isang banda may positibo naman itong we q sa iba. Lalo na sa mga nabiktima ng mga isang bangkay na nakita sa tulay.
“Kung sino man ang nasa likod ng mga patayan dito. Dapat magpasalamat na lang din pala tayo. Eh mga criminal din naman pala ang mga biniktima nila. Alam niyo ba na isang notorious rapist ang natagpuang bangkay noong nakaraan sa tulay. Pati anak niya ginahasa pa daw nito.” bulalas pa ng babae na nakikitambay sa tindahan ni Maru.
“Pero kahit na, hindi parin dapat na ganun. Takot lang naididulot nito sa atin. Eh ginawa niya nang tapunan ng kanyang biktima ang lugar natin eh. Dapat talaga mahuli na iyan.” tugon pa ng isa.
Sa gitna ng usapan, dumating naman si Paeng na kakauwi lang din mula sa operasyon.
“Ang aga naman ng sesyon natin dito, Wala ba kayong mga gawain sa inyong bahay? Eh daig niyo pa ang mga tandang kung tumilaok sa umaga ah.” sambit pa ni Paeng ng dumating ito.
“Magandang umaga Paeng, eh hindi lang naman kami tumatambay dito, nagkakape din naman kami dito kay Maru.” sabat pa ng isang babae.
“Ganun ba? Eh ano naman ang topiko niyo ngayon dito? Hulaan ko, pinagdududahan niyo na naman ang boarder ko sa maisan. Iniisip niyo na naman na siya ang may kagagawan sa natagpuang bangkay sa tulay.” Tugon pa ni Paeng sa mga ito.
“Si Paeng naman, hindi naman ganun. Sa gwapo ng boarder mo, pag iisipan pa ba namin iyon nang ganun. Napaka judgemental mo naman sa amin.” Sabi pa ni Marites kay Paeng.
“Aling Marites hindi judgemental si tatay, guilty lang ho kayo. Magandang umaga tay.” pagsalubong naman ni Maru sa ama sabay mano dito.
“Magandang umaga anak, wala ba tayong pa donut ngayon diyan?”
“Wala tay, Hindi naka daan dito si Rodge kanina. Nagtaka nga din ako. Hindi ko siya nakitang dumaan dito simula nang magbukas ako ng tindahan.” Sagot ni Maru sa ama.
Nang araw lang din talaga na iyon pumalyang dumaan sa tindahan ni Maru si Rodge. At hanggang sa Oras ng pagsasara nito ng tindahan hindi napansin ni Maru ang anino ni Rodge.
Ilang araw ding hindi na dumadaan doon si Rodge, at ipinagtaka ito ni Maru. Isang araw madilim pa nang maisipan nitong magbukas na ng tindahan. Nakita naman ito ni Fil mula sa kanyang bintana ang maagang pagbubukas ni Maru sa kanyang tindahan. Lumabas ito at tinungo ang tindahan ng kaibigan na halos katapat lang din ng bahay nila.
Agad nitong inasar si Maru nang makitang humahaba ang leeg nito sa kakadungaw sa daan, mapakaliwa o kanan man.
“Wala pa ba ang delivery boy mo?” tanong ni Fil kay Maru.
“Anong delivery boy, naku Fil huwag mong simulan ang araw ko sa pang aasar. May bibilhin ka ba?”
“isang kape,…Apaka aga mo naman nag bukas,inaabangan mo siya nuh?“tanong ni Fil.
“Bawal ba mag bukas ng maaga? At bakit ko naman aabangan si Rodge…” sambit pa ni Maru.
“Mag di-deny ka pa eh inamin mo din. Naku Maru nagsawa na iyon. Napagtanto siguro nun na sayang lang ang pera niya sa donut na binibili niya.” Sabi pa ni Fil, sabay lagok ng kape.
“Hindi kaya may masamang nangyari sa kanya? Baka naman may sakit. oo tama baka may sakit si Rodge,kaya hindi ko siya nakikita dito mga ilang araw na.” ayon pa kay Maru.
“Eh di puntahan mo, bisitahin mo. Ipakita mo Ang concern mo.” sambit ni Fil
“Tama ka, pupuntahan ko siya.Aalamin ko kung kamusta siya.” Sabi pa ni Maru.
“Ay tanga. at gagawin mo talaga iyon? Ano naman Ang pakialam mo sa taong iyon?
“Fil , boarder namin si Rodge at obligasyon namin namin na siguraduhing maayos siya sa doon. Alam mo pansin ko lang nitong mga huli ,ang init ng dugo mo kay Rodge. Nagseselos ka ba? o baka naman…May gusto ka rin ba kay Rodge?” Ayon kay Maru. Dahil sa kinikilos ni Fil, pinagdududahan tuloy ni Maru ang pagkalalake nito.
“Hindi ako bakla nuh!” napikong tugon ni Fil at umalis ito na hindi man lang naubos ang kape.
Ibinilin ng araw na iyon ni Maru ang tindahan kay Paz. Bitbit ang nilutong ulam, tinungo ni Maru ang bahay nila sa maisan. Sakay ng tricycle, narating agad ni Maru ang maisan. Nagmamadali itong pumasok sa bakod nila. Agad nitong napansin Ang mga nakatambay na lupa sa gilid ng bahay, na tila ba ay nagmula sa isang paghuhukay.
Papalapit ito sa nakitang tambak na lupa habang tinatawag ang pangalan ni Rodge. Nang may napansin pa ito sa katabing bakanteng lupa, mga drum na plastic na kulay asul at mga sako.
At mas umagaw sa pansin nito ang masangsang na amoy na tila galing sa nabubulok na hayop. Hindi naman ito ganun ka tapang ngunit umaalingasaw ang amoy nito.
Nang tutumbukin na nito ang mga nakahilirang drum. Narinig nito mula sa kanyang likuran Ang pagtawag sa kanya ni Rodge, may mga bitbit itong mga halaman. At may mga ibinababa pa itong iba mula sa tricycle.
“Maru, naparito ka? Kakabigay ko lang ng bayad sa upa sa tiya Paz mo last week.”
“Naku hindi ako maniningil Rodge, dinalhan kita ng Kasi, malaman ang mga butong ito. Niluto ni tita. At balak ko lang din na kamustahin ka dito.” tugon naman ni Maru.
“Ganun ba, salamat naman. Gusto mo bang tumuloy muna sa loob?” Sabi pa ni Rodge.
“Hindi na ,iiwan ko lang itong ulam.” sabay abot ng dala nito kay Rodge.
“Siya nga pala Maru, ipapaalam ko sana itong ginagawa kung project dito sa bakanteng lupa sa bakuran niyo. Actually naipaalam ko na ito kay sir Paeng at pumayag naman siya.” sambit ni Rodge.
“Anong project? At tatanungin ko din sana kung para saan iyang mga drum, tsaka bakit may mga tambak na lupa dito?” tanong pa ni Maru.
“Iyon nga Maru ang ipapaalam ko sa iyo. Plano kong gawan ng garden ang parteng iyan. Hindi mo kasi naitanong, landscape artist din ako. Napansin ko kasing boring masyado dito. At siguro Isa na din sa dahilan kung bakit walang nais umupa dito, kasi Ang lungkot-lungkot ng lugar. Sayang naman ang area,malapit pa sa ilog. Kunting ayos lang dito, pati ikaw mawiwili nang tumambay dito. At iyang mga drum na iyan,mga fertilizer laman na iyan. Mga pinabubulok na mga bagay.” paliwanag pa ni Rodge.
“Kaya pala may mga halaman kang dala. Nakakahiya naman, Ikaw pa nagkaisip niyan eh boarder ka lang namin dito.”
“it’s ok, pang tanggal stress ko na rin ito pag off ko na sa trabaho. Sa totoo lang kasi bored talaga dito sa Inyo.“natawang sabi pa ni Rodge.
“Maraming ko lang Rodge, bakit hindi ka na nga ba dumadaan doon sa tindahan?” Naitanong pa ni Maru.
“Ah eh, may nakita kasi akong mas madali at malapit na daan dito papunta sa trabaho ko. May short cut pala dito pa puntang highway.” ayon pa kay Rodge.
Nang marinig ni Maru ang lahat na nais nitong malaman mula kay Rodge, hindi na rin ito nagtagal doon. Umuwi itong masaya at abot tenga pa ang ngiti,lalo pa noong sinabi sa kanya ni Rodge na dadalawin siya nito tuwing linggo.
Isang maulan na gabi noon, kasagsagan ng malakas na ulan. Nagmamadali ang lahat para makauwi sa kani-kanilang tahanan. Sa isang kanto, sa tapat ng isang convenient store. Habang nakikisilong doon si Fil at naghihintay ng masasakyan may napansin ito. Isang bakla ang tumatakbo sa gitna ng ulan at humihingi ng tulong habang sapu-sapu nito ang kanyang tiyan. May tatlong katao na humahabol dito. Ang dalawa tumatakbo at nakasakay naman sa motor ang Isa pa sa mga ito.
Agad na lumapit si Fil sa security guard sa sinisilungang convenient store,upang humingi ng tulong dito.
“Tumawag ka na lang pulis, hindi ko puwedeng iwan ang puwesto ko dito.” Tugon pa ng guard kay Fil.
Wala nang nagawa pa si Fil, takot din itong sumugod dahil sa alam niyang hindi niya kaya ang mga ito. At kahit masakit sa loob, hinayaan na lang nito ang lahat. Pikit mata itong nilunok ang mga nangyayari. Tanging ang ulan ang piping saksi sa krimen nang gabing iyon.
Kinabukasan, muling binulabog ng malagim na krimen ng lahat. Lalo na ang mga nasa kumunidad ng mga nabibilang sa LGBT. Walang awang pinagtataga at sinaksak ang isang bakla. Pagkatapos isiniksik pa sa isang maliit na kanal ang katawan nito.
At habang pinapanood ni Fil ang balita. Hindi nito maiwasan ma guilty. Dahil wala itong nagawang mapigilan ang nangyaring krimen. Ipinagtapat niya ito kay Maru.
“Nakita ko ang nangyari, pero wala akong nagawa. Ni hindi man lang ako nakaisip o gumawa ng paraan na humingi ng tulong sa kapulisan. Kung may nagawa lang sana ako, siguro buhay pa siya.”
“Hindi mo kasalanan iyon Fil. Saan ba at mahuhuli din Ang mga may gawa nito sa kanya. Buti na lang nakatulong ang mga CCTV sa lugar at malinaw na namukhaan ang mga iyon.” Ayon pa kay Maru.
Sa kabila ng pagbabahagi ni Fil ng kanyang nalalaman, hindi parin maalis ang bigat nitong nararamdaman sa kanyang dibdib. Naisipan nitong libangin ang sarili sa pamamagitan ng pamamasol sa ilog. Patungo na ito sa ilog ng makasalubong nito si Rodge. Nagkatinginan lang ang mga ito. Ngunit sa kanilang pag haharap may napansin itong kakaiba kay Rodge, Balisa ang mga mata nito at seryuso ang mukha. Ni hindi man lang ito ngumiti o bumati sa kanya.
Nagpatuloy si Fil sa ilog, Sa paghahanap nito ng puwesto na padpad ito sa bahagi kung saan matatanaw ang bahay paupahan nila ni Maru.
Nakatuon doon ang tingin ni Fil nang may nakita itong Isang bagay na inaanod ng tubig sa ilog. Nilapitan niya ito at sinungkit gamit ang kanyang pamingwit. Dinakot niya ito.
“Damit ito ah at may bahid pa ng dugo” sambit pa nito ng mahawakan ang nakitang bagay. At sa tantiya pa ni Fil kakaanod lang nito sa ilog at mula ito sa direksiyon kung saan naroon ang bahay paupahan nila Maru.
May kung anong umuodyok kay Fil na sipatin at silipin ang bahay na iyon. Alam ni Fil na wala sa mga oras na iyon si Rodge dahil makasalubong niya ito. Sa bakuran pa lang kinakabahan na ito. Ngunit Bago pa man ito nakalapit sa bahay dumating si Rodge.
“Ano ang pakay mo sa akin?” Sambit ni Rodge
“May napansin kasi akong ahas na gumapang papasok ng bakuran nang dumaan ako dito kanina.” Tugon naman ni Fil.
“Ako na ang bahala kung may ahas man dito. Maari ka nang umalis.”
Hindi na nagtagal pa doon si Fil at nilisan agad ang lugar. Dumaan pa ang mga sumunod na araw at Isang pangyayari ang nagpabago sa pananaw ng mga tao sa sinasabi nilang serial killer.
Natagpuan sa Isang basurahan Ang tatlong pugot na ulo ng mga kalalakihan. Sila Ang mga kalalakihang nakita sa CCTV na gumawa ng karumaldumal na pagpatay sa Isang bakla.
Dahil dito, natuwa Ang mga tao dahil sa may tagatugis na ng mga kriminal na hindi kanyang hulihin ng mga pulis.
UTANG
Bakas sa mukha ni Fil ang pagkabalisa. Umuwi ito sa kanila at nagbabad sa banyo. Nasa loob parin ito nang tinawag ito ng kapatid, dahil may naghahanap sa kanya sa labas. Nang malamang si Maru ang naghihintay sa kanya, lumabas agad ito na naka tuwalya lang. Tinungo nito ang kanilang sala kung saan naroon na si Maru.
“Napasugod ka? Nagulat naman ako.” Bungad ni Fil nang makita si Maru na naka tayo sa may pintuan.
“Ako yata nagulat sa ayos mo, mag bihis ka kaya muna. Hihintayin na lang kita sa labas.” Pa utal na tugon ni Maru habang titig na titig sa katawan ni Fil na basa pa.
“Sara mo kaya muna bibig mo, tumatapon na sa damit mo laway mo. Type mo katawan ko ano?” Patuksong tanong ni Fil kay Maru na bigla naman napakunot ng nuo.
“Alam mo kahit kelan, feeling mo ang yummy mo. Hindi ko type ang katawan mo nuh, kung katawan siguro ni Rodge, oo. Pero sa iyo never. At hindi ako pumunta dito para makita iyang katawan mo. “ Tugon ni Maru.
“Bakit ano iyon, bilisan mo lang kasi may gagawin pa ako.”
“Dumating na si Sue, pinapapunta tayo. Miss ka na daw niya.” Sabi pa ni Maru na mas kina-inis pa lalo ni Fil.
Si Sue ang ex girlfriend ni Fil na pinsang buo ni Maru, na siyang naging dahilan kung bakit naging malapit sina Fil at Maru sa isat isa. Nang mag hiwalay sina Fil at Sue, naging hingahan ng sana ng loob ni Fil si Maru. Si Maru ang naging taga aliw ni Fil noong mga panahong down ito sa paghihiwalay nila ni Sue.
“Wala na akong oras sa mga walang kuwentang bagay. Sabihin mo na lang sa pinsan mo na busy ako at may mahal na akong iba para tapos ang kuwento.” Ang tugon ni Fil. Hindi man masabi nito ang totoo, rinig sa bigat ng kanyang mga bigkas na galit pa din ito sa pinsan ni Maru.
“Ang arte neto,… kung magtatanong iyon kung sino na ang pinalit mo sa kanya, Ang bago mong mahal , sino ang sasabihin ko, eh simula nang mag hiwalay kayo wala ka namang pinakilala sa aking bagong girlfriend.”
“Ikaw, sabihin mo na tayo na. Na ikaw ang ipinalit ko sa kanya.” Pabirong sagot pa ni Fil kay Maru.
“Wala ka talagang klarong kausapin,’ nuh? Sige na gawin mo na nga ang ginagawa mo, basta kung mag bago isip mo, puntahan mo na lang ako. Kainis ka.” at umalis na si Maru. Biro man iyon kung ituring para kay Maru, nag dulot naman iyon sa kanya ng kunting ngiti.
Natawa na lang sa sarili nito si Fil kung bakit iyon ang kanyang sinabi kay Maru. Hindi rin maitatanggi ang subrang closeness ng dalawa, bagamat parang aso’t pusa kung magbangayan minsan. Madalas naman takbuhan ng bawat isa ang isa’t isa, lalo na kapag may problema.
Pagbalik na sa loob ng silid nito si Fil nang masulyapan nito ang balita sa tv. At nanlumo ito sa panibago na namang biktima ng patayan at sa puntong iyon, mga pugot na ulo na naman ang natagpuan. Kinilabutan si Fil lalo na nang malaman nito na iyon ang mga ulo ng tatlong tao na pumatay sa bakla.
Gabi na at maraming tambay noon sa tindahan ni Maru ng mapadaan ang grupo nina Jack. Mga bangag na naman ang mga ito at pinag didiskitahan ng mga ito ang matandang bakla na si Mamu Perli, ang nagpapautang ng lending sa barangay nila ni Maru. Pauwi na din sana ito mula sa paniningil nang maabutan ito nina Jack sa tindahan ni Maru.
Pilit na hinaharangan ng mga ito si Mamu at hinihingan ng pera para pang inum. Ngunit umiiwas si Mamu. Dahilan para lalo itong asarin at bastusin nina Nato at Jack.
May mga tambay nga doon , ngunit hindi naman nila sinasaway ang mga iyon sa halip inuudyukan pa nila ang grupo nina Jack na kulitin si Mamu.
“Maglabas kana kasi Mamu, tapos ambunan niyo rin kami dito ng kunting grasya. Para naman may proteksiyon ka.. Ikaw din,.” Sabi pa ng ilang sunog baga doon na nakatingin lang kay Mamu.
“Mga salot talaga kayo sa lipunan! Mga patay gutom. Mga adik! Lalo na kayo …Humanda talaga kayo, ipapatukhang ko kayo kay Kernel Juarez!” Bulyaw pa ni Mamu na dinuduro ng hawak nitong paying sina Jack at Nato.
“Hoy baklang gurang,Ikaw ang salot dito! Sa dami ng chinupa mo ditong mga kabataan, marami ka nang sinirang kinabukasan! Isa na kami doon sa chinupa mo noon, Ikaw ang sumira sa kinabukasan namin! Ikaw ang salot!” Ang sabi pa ni Jack sabay tawanan ng kanyang grupo.
“Aba aba aba at ako pa ang sinisisi ng mga hinayupak na ito. Mga buwesit talaga kayong lahat! Mga bahog bulog! Mamatay na sana kayong lahat ng mabawasan na ang problema ng Pilipinas!” Sigaw pa ni Mamu na naiinis na sa kanila.
“Mamu, ingat-ingat sa iyong hiling, baka bumuwelta sa iyo, at mauna ka pa sa amin. Sayang din ang yaman mo kung uod ang makinabang “ Bulong pa ni Nato kay Mamu.
Nagsi alisan lang ang mga ito ng dumating na Ang mga tanod ng barangay at sinaway sila. Kakahupa lang ng gulo nang dumating naman si Rodge para bumili sa tindahan ni Maru.
“Hi Rodge, anong atin?”
“Magandang gabi Maru, isa ngang corned beef…Ang gulo pala dito sa Inyo, Sino iyong ginugulo dito kanina? Malayo palang ako nakita ko na siyang hinaharas ng mga tambay dito.” Sambit ni Rodge.
“Si Mamu Perli, …hindi lang ngayon iyan. Madalas talaga binabastos iyon dito ng mga tambay, lalo na mga grupo nina Jack. Masungit din kasi sa mga tambay si Mamu kaya kahit matanda na binabastos parin.” Sabi pa ni Maru.
“Kahit na, hindi parin tama. Pansin ko pa kanina, parang balewala lang sa mga taga rito na may ginaganun sa harapan nila. Ang iba nagtatawanan pa. Kung ganito naman pala lagi, lalong mawiwili lang ang mga tambay na iyon sa pang haharas dito. Parang wala na silang kinakatakutan. Pati mga tanod dito kanina mukhang sa kanila pa takot.” Ayon pa kay Rodge.
“Alam mo Rodge tama ka, sana nga lang lahat dito tulad mo mag isip.” Ang giliw na giliw namang tugon ni Maru.
Lalong nahumaling ng husto si Maru sa kabutihan ni Rodge. Kakaalis lang ni Rodge nang siya namang dating ni Fil na nagmamadali. Agad nitong kinausap si Maru.
“Abot tenga ang ngiti mo sa lalaking iyon ah, gusto mo talaga ang tao na iyon nuh?” Tanong ni Fil kay Maru.
“Hindi lang gusto, mahal ko nga eh. Teka ba Fil, bakit ang init ng dugo mo kay Rodge, ang bait kaya ng tao.” Sagot pa ni Maru.
“Huwag ka magpapalinlang sa maamong mukha ng Rodge na iyon. May hinala ako, may lihim ang lalake na iyon. Galing ako sa paupahan niyo, may nakita ako…” Sumbong ni Fil nang pumunta ito sa maisan.
“Pumunta ka doon? Bakit? Alam mo Fil sa halip na pakialaman mo si Rodge, ang atupagin mo, Ang sa Inyo ng pinsan ko. Feel ko kulang ka lang sa inspirasyon , kaya kung ano-ano na lang naiisip mo. Walang mali kay Rodge. “ Ang tugon pa ni Maru.
Umalis si Fil na masama ang loob dahil sa hindi man lang ito, pinakinggan ng kaibigan. Ngunit sa halip na tumigil, naging dahilan pa ito upang lalong manmanan si Rodge. May kung ano kasing pakiramdam si Fil nang makita doon ang duguang damit malapit sa paupahang bahay.
Linggo ng gabi, naglalakad sa may tulay si Mamu pauwi mula sa paniningil. Maaga pa sa oras na iyon, kaya kampante si Mamu na may masasakyan pang tricycle papasok ng barangay. Nag abang ito sa waiting shed, sa lugar mismo kung saan, nasasak noon si Nam.
Malas lang nito dahil sa oras iyon ang uwian ng karamihan, kaya halos lahat ng dumadaang tricycle papasok sa looban ng barangay ay punoan. Kung may napapadaan mang bakante hindi naman ito pang depasahe.
Panay mura na sa kakahintay doon si Mamu, bukod kasi sa malamok. Nagbabadya pang umulan. May mga Ilan namang naglalakad sa mga sandaling iyon kaya naisip na lang nitong maglakad na rin.
Mula sa tulay doon madadaanan pa ang malapad na bakanteng lote na pag aari ng isang mall bago marating ang pinaka welcome arc ng barangay Kwatro Uno. Malayo layo din ito kung lalakarin lang. Bukod sa matalahib sa bahaging iyon, iisa lang ang gumaganang poste doon.
Hindi pa man ito nakarating sa parteng iyon, bumuhos na ang napakalakas na ulan. Nabasa na ito bago pa man naibukad nito ang kanyang payong. Lalo itong nahirapang makahanap ng masasakyan.
“Buwesit talaga itong mga tricycle dito ang aarte, Manalo lang ako bilang kapitana dito sa Kwatro uno, ipagbabawal ko na talaga ang mga striker na iyan dito. Jusko ,manalo talaga ako pati itong baku-bakong daan rito ipapa aspalto ko nang hindi na nalulubog sa putik itong tsenelas ko.” Reklamo pa ni Mamu habang naglalagad sa daan.
Ilang tricycle na ang lumampas at pinarahan ni Mamu, ngunit wala man lang sa mga iyon ang huminto para pasakayin ito. Hindi maka usad-usad si Mamu sa daan ,dahil sa tuwing lumalakad ito nababaon sa putik ang mga paa nito.
Nang may naaninag itong paparating na tricycle. Pumagitna si Mamu sa daan para harangan ito. Ngunit lingid sa kaalaman ni Mamu, ito ang pinakamalaking hakbang na ginawa niya.
“Uy mga tol si Mamu gurang pala ito, Magandang gabi Mamu, ginabi ka yata.” Pagbati ni Cholo kay Mamu nang mailawan nila ito ng dala nilang tricycle.
“Pare, mukhang hindi na natin kailangang lumayo para mangisda sa kanto. Dahil grasya na mismo ang sumalubong sa atin.” Sabi pa ng kasamahan ni Cholo na siyang driver ng tricycle
“Uy, umalis na kayo! Alis sa daraanan ko mga adik” bulyaw ni Mamu sa mga ito.
“Teka Mamu, di ba Ikaw ang pumara sa amin, Sige na…sumakay ka na at ihahatid ka namin sa langit.” Ayon pa kay Nato na bumaba pa sa tricycle.
“Sige subukan niyong lumapit ,sisigaw ako…Saklolo, tulong!!!” Pagsisisigaw pa ni Mamu sa gitna ng daan.
Doon na pinalibutan nina Jack si Mamu habang nagtatawanan pa ang mga ito.
“Sigaw Mamu, hahaha humingi ka ng tulong sa ulan. Sigaw!!!”
Pilit na tumakbo si Mamu ngunit dahil sa maputik ang daan hirap itong makalayo sa kanila ni Jack. May pagkakataon na nadudulas pa ito at nadadapa.
“Hayaan niyo lang siyang magtatatakbo, matandang hukluban na iyan. Hindi iyan makaka layo sa atin.” Sabi pa ni Jack na dumukot na ng patalim sa kanyang likod.
“Takbo Mamu! Dahil pag inabutan ka namin tapos kang Bakla ka!”
Kasabay ng nakabibinging kulog at kidlat naglaho ang mga tawanan at sigawan ng mga grupo ni Jack. Nawala na rin sila sa gitna ng daan kabilang na si Mamu. Tanging naroon at naiwan sa daan ay ang tricycle.
Kinaumagahan, kasabay ng pag linaw ng kalangitan at panaka-nakang ambon. Muli na namang ginising ng panibagong balita mga residente ng Barangay Kwatro uno.
Maaga pa lang kumpulan na ang mga tao sa tindahan ni Maru, nandoon din ang ama nitong pulis na si Paeng at ang iba pang mga kasamahan nitong pulis. Nagtatanong-tanong sa mga tao roon.
“Meriam, sabi ni Lucing nakita daw niya kayo kagabi kasama si Perli sa merkado, totoo ba iyon?” Tanong ni Paeng sa kabarangay nito, habang nangangalap ng impormasyon.
“Oo, pero saglit lang iyon. Sinamahan ko lang si Mamu sa Kamyas dahil may sisingilin doon. Tapos nagkahiwalay na kami, maaga pa iyon.” Tugon ni Lucing kay Paeng.
“Sir, Paeng napadaan ako sa tulay kagabi. Nakita ko pa doon si Mamu sa waiting shed nang mga bandang alas syete. Hindi ko na hinituan ,gawa ng inarkila ako ng pasahero ko. Tapos mga bandang alas diyes, napadaan muli ako sa tulay dahil may binili akong gamot sa botika. Wala ng tao doon pero may napansin akong nakaparadang tricycle sa daan malapit doon sa bakanteng lote. Hindi ko lang maaninag masyado ang kulay kasi makapal Ang ulan kagabi, madilim pa sa bahaging iyon.” Sumbong naman ng isang tricycle driver sa mga pulis.
“Ibig sabihin lang nito, taga rito ang may gawa ng krimen. Kung gunagana lang sana ang CCTV sa area na iyon, madali na natin malalaman kung sino ba talaga ang mga nangbibiktima dito sa atin. Hindi pa nga tukoy ang pumatay kay Nam, si Mamu naman ngayon.” Ayon pa kay Paeng na napakamot sa kanyang baba.
“Di kaya may galit sa mga bakla ang killer?” Tanong pa ng Isang babae sa mga nandoon.
“Baka nagkataon lang, Tingin ko na hold up lang talaga si Mamu, araw kasi ng paniningil niya kahapon. Malay natin tinambangan talaga iyon. Si Rigor, ang jowa niya baka siya. Diba ex con iyon.” Sabat pa nang isang babae.
“Grabe ka, wala kang ibidensiya uy. Nasa bahay si Rigor buong gabi kasama ng anak ko, nag inuman sila dahil birthday ni Junjun. Doon na nga natulog dahil malakas ang ulan. Alam mo sa tabil ng dila mo baka ikaw pa makulong.” Saway pa ni Marites na kapitbahay nina Maru.
“Di naman kaya sina Jack at grupo niya ang kumakana sa mga kabarangay natin. Nakaraang linggo lang diba, nang pagtripan pa ng mga iyon si Perli? Kami pa nga nag responde dito noon. “ Ayon pa sa isang tanod na sumingit pa talaga sa kumpulan na iyon.
“Isa ka pa, Felimon. Iyang bibig mo ang magpapahamak sa iyo. Huwag na tayo dumagdag pa ng kalituhan sa imbistigasyon ng mga pulis, Kung hindi rin lang naman tayo sigurado mabuti pa itikom na lang natin mga bibig natin.” Sabat pa ng asawa ng tanod na si Felimon.
Napadaan din ng mga sandaling iyon si Rodge na ayon pa sa kanya kagagaling lang nito sa trabaho. Saglit itong nakipag kuwentuhan kay Maru tungkol sa nangyari kay Mamu, bago ito nag paalam na umalis.
Sa panibagong kaso na naman ng patayan sa barangay, nagpatawag na ng pulong ang kapitana at napag pasyahan ng lupon na mag karoon ng ronda mula alas syete ng gabi hanggang alas singko ng madaling araw. Mag pagtatalaga din ang siyudad ng magpapatrol na pulis paikot sa barangay at sa kalapit nito. May curfew din pagsapit ng alas otso para sa mga kabataan at alas diyes naman para sa lahat.
“Paano ba iyan, mababawasan na ang milyon mo dahil sa curfew.”
“Ok na iyon para naman mabawasan ang pangamba ng lahat. Nakakatakot lang na nasa paligid lang natin ang kriminal na iyon. Tama nga si Rodge, hindi talaga safe dito.” Sabi pa ni Maru kay Fil.
“At siningit mo na naman agad ang Rodge na iyan ha. Ano ang Meron diyan sa tao na iyan at giliw na giliw ka sa kanya?” Tanong ni Fil kay Maru na bigla na lang nainis nang marinig ang pangalan ni Rodge.
“Paki mo naman, eh sa kanya ako nahuhumaling. Naku talaga Fil, kunting kunti na lang talaga maniniwala na akong may gusto ka sa akin, at nagseselos ka kay Rodge.” Sagot ni Maru sa kaibigan sabay duro sa ilong ni Fil.
“Hoy gising,…kahit ilibre mo pa lahat sa akin ang laman ng tindahan mo hindi ako magkakagusto sa iyo nuh. Lakas din ng kumpiyansa mo taong. Ayaw ko lang na iiyak ka nanaman sa bandang huli dahil sa lalake. At isa pa dayo lang iyan dito. Hindi mo pa kilala pagkatao nun.” Sabi pa ni Fil.
“Kaya nga kikilalanin ko. At bukas dadalaw siya sa bahay, at ipapakilala ko siya kay Sue. Since ayaw mo na sa pinsan ko, si Rodge na lang ang irereto ko sa kanya.” Sambit pa ni Maru , na iniingit si Fil.
“Akala ko ba gusto mo si Rodge,bakit kay Sue mo siya irereto?”
“Oo, crush ko si Rodge pero iba ang mahal ko.”
“Sino?” Tanong agad ni Fil. Tila hindi nito nagustuhan ang huling sinabi ni Maru. Nagsalubong ang mga kilay nito sa rebelasyon na iyon ng kaibigan.
“Sekret ko na iyon, mahirap na baka pati iyon paginitan mo pa.”
Napansin ni Maru na nagmamadaling lumalapit sa tindahan nito ang tiyahing si Paz. Abot tenga pa ang ngiti nito. Ibinalita nito kay Maru na nag kita sila ni Hector sa merkado. Kilig na kilig si Paz habang kinukuwento sa dalawa ang paguusap nila ni Hector na ayon pa kay Paz nasa katabing barangay lang ito ngayon. At inimbitahan pa nito na bumisita sa kanila sa darating na fiesta ng barangay.
BAYAD
Balisa na naman si Jack nang dumating ito sa tambayan nila ng kanyang mga barkada. Nandoon sila,maliban sa isa. Si Intoy na siyang naging driver noon ng tricycle,nang gabing tinambangan nila si Mamu.
“Saan ba naroon iyang si Intoy?” Paghahanap pa ni Jack dito.
“Hayaan mo na, baka ini-enjoy lang nun ang kinita natin sa baklang iyon.” Sambit pa ni Cholo.
“Teka nga lang, pare…saan ka ba galing?Huwag ka ngang gala ng gala baka tayo pa pagdiskitahan ng mga pulis doon.” Paalala pa ni Nato.
“Nakita ko ang Hector mga tol, nadoon siya sa bakanteng lote. Nakatingin ng masama sa akin.” Sabi pa ni Jack.
“Sinong Hector? Ang dating boarder nila Maru?…eh di ba wala na iyon dito? Baka namalik mata ka lang. Siya nga pala pare laylo muna tayo, magkanya kanya muna tayo hanggat mainit pa ang balita kay Mamu.“ayon pa kay Nato.
Nag bigla na lang natamik ang lahat nang makarinig sila ng ingay sa labas , tila may nakatabig ng mga latang nandoon sa labas ng kanilang tambayan. Nagkatinginan ang mga ito. Agad napasilip si Cholo.
“May tao” sambit nito.
“Baka mga bata lang lang iyan na naglalaro. Siya nga pala Nato pare, may bago tayong target si Margie, ang alahera diyan sa may Humay road. Papalamigin lang natin ang balita kay Mamu tsaka tayo kikilos.” Ayon pa kay Jack.
“Ang pekeng babaeng iyon?” natawang tanong ni Bingo.
“Pansin ko lang pare, nitong huli mukhang nawiwili kang biktimahin ang mga tulad nila ah, May galit kaba sa mga bakla?” tanong pa ni Nato kay Jack.
“Wala naman , naaalibadbaran lang Ako sa kanila. Ang sakit lang sa mata minsan. At iyong may mga laman lang naman ang titirahin natin.” tugon ni Jack.
“papatayin din ba natin?” tanong naman ni Cholo.
“Nanakawan lang natin, pero kung manglaban eh di sunggaban. Hindi naman siguro kayo dadagain, nagawa niyo na iyon kay Mamu.” sagot ni jack na may sarkastikong ngiti kay cholo.
“Anong Ako, si Intoy kaya ang sumaksak sa dun.” dipensa ni Cholo.
“Pero sinakal mo.” Sabi pa ni Jack
“Sumisigaw kasi. kaya na taranta ako.”
“Ang mahalaga walang kakanta sa atin, dahil pag may nag laglag sa grupo. Pasensiyahan na mga pare,…uunahan ko na siya.” Ang sabi pa ni Nato ,sabay labas ng tinatago nitong baril.
“Kaya nga kung ano man ang tungkol sa atin, Dito lang iyon at hindi na dapat makakalabas pa.” tugon naman ni Jack na nagpakita din ng pag aari nitong baril.
May sampung miyembro ang grupo nina Jack. Sila ang tinuturing na lider ng grupo,sina Cholo, Nato at si Luca, na nauna ng nabiktima ng killer. Nalagasan din sila ng Isa pa nang sumunod na natagpuang patay si Dagul.
Papauwi noon si Paeng sakay ng kanyang service nang madaanan nito si Hector na nakatayo sa bukana ng tulay na may dalang aso. Huminto si Paeng sa tabi ni Hector.
“uy Hector pare magandang hapon, ano ang ginagawa mo dito? Saan ka nga pala ngayon?” bungad na tanong ni Paeng kay Hector.
“Magandang hapon Paeng, May pinuntahan lang akong kasamahan diyan sa may kalye Ipil. Dito lang din Ako nakalipat malapit lang din sa Kwatro Uno.” tugon ni Hector na lumapit naman kay Paeng.
“Aso mo? ang laki niyan ah.Mukhang mamahalin.”
“Ampon ko, pinabayaan kasi ng amo kaya kinuha ko. Isang boxer.”
“Tara muna sa bahay pare, inum tayo. Hatid na lang kita mamaya.” paanyaya pa ni Paeng sa lalake.
Hindi naman tumanggi si Hector at sumama ito. Papadaan na sila sa tulay nang matanaw naman ni Paeng si Intoy na takot na takot. Palinga-linga itong tumatakbo.
“Tingin ko naka druga na naman ang gagong ito. Mukhang nag titrip na naman.” Ayon pa kay Paeng.
“Hindi niyo ba hinuhuli Ang mga iyan, sakit lang iyan sa barangay niyo ang mga tulad nila.” opinyon ni Hector.
“Labas pasok na iyan sa kulungan, Sawa na kami sa mga adik na iyan…Hoy Intoy iligo mo na lang iyan sa ilog nang kumalma ka!” tugon pa ni Paeng, sabay sinigawan si Intoy.
Dinaanan lang nila si Intoy, ngunit naiiwan sa lalaking iyon ang mga tingin ni Hector. Nagpatuloy sila sa barangay Kwatro Uno. Pagkadating sa bahay, agad sila sinalubong ni Paz nang matanaw nito mula sa bintana na kasama ni Paeng si Hector.
Nagtaka naman si Paeng nang madatnan niya doon si Maru.
“anak, sino ang nagbabantay ng tindahan mo ngayon?”
“maaga lang ako nagsara Tay, may lakad kasi kami ni Sue. Manunuod kami ng concert sa Coliseum. Baka nga gabihin kami mamaya.” sagot ni Maru
“kayo lang ba?” tanong pa ng ama nito.
“kasama sana namin si Rodge kaso, hindi daw siya makakatuloy kasi masama ang pakiramdam niya.” Sabi pa ni Maru.
“Siya ba iyong pumalit sa akin sa bahay niyo sa maisan?” sabat ni Hector.
“Kilala niyo po ba si Rodge, kuya?” pagtatakang tanong ni Maru.
“Hindi naman , nabanggit lang minsan sa akin ni Paz ng magkita kami.” Ayon pa kay Hector.
Naputol ang kanilang usapan ng marinig nila Ang aso ni Hector na tila ba may kalaro sa labas. Iniwan kasi niya ito doon sa tabi ng gate. Nang mulabas ang mga ito nakita nila na nilalaro ni Fil Ang aso, dinidilaan pa siya nito.
“Mukhang nagkakasundo kayo ng aso ko ah.” Bungad ni Hector kay Fil.
“Kuya Hector, magandang hapon kayo pala, aso niyo?” tugon ni Fil nang makita si Hector.
“Si Bronx “ sagot pa ni Hector.
Nagbigay galang din si Fil kay Paeng nang lumabas ito.
“kasama ka ba sa kanila ni Maru, Fil?” tanong ni Paeng.
“Opo, manonood kami ng concert sa Coliseum.”
“Mag text kayo o tumawag kapag wala na kayong masakyan, para masundo ko kayo.” Sabi pa ni Paeng.
Mga bandang alas singko na nang makaalis ang tatlo. Sakay ng tricycle,magkatabi sina Maru at Sue naka backride naman si Fil sa likod ng driver. Sa kabilang kalsada sila dumaan at hindi doon sa tulay. May kadiliman na sa mga Oras na iyon. Nang mapadaan sila sa palayan. May napansin si Fil.
“Akala ko ba, masama ang pakiramdam ni Rodge. Bakit mukhang maayos naman iyon.” sambit pa ni Fil.
Napasilip naman si Maru ,ngunit nakalampas na sila at natakpan na iyon ng mga nag tataasang kugon.
“Baka hindi naman siya iyon,” ayon pa kay Maru.
Tumuloy sila sa sentro.
Alas diyes na ng gabi nang matapos ang concert na pinuntahan nina Maru. Bago umuwi dumaan muna ang mga ito sa isang tapsilogan para kumain. Hindi naman iyon kalayuan sa kanilang barangay. Bukod doon, dagsa ang mga tao sa kalapit ding karnabal kasi malapit na ang fiesta sa kanilang barangay.
“Kanina pa kayong walang imikan diyan. Mula pa doon sa concert. Hoy Fil, kausapin mo naman itong pinsan ko.” Sabi ni Maru.
“Naku Maru, huwag mo nang pilitin ang ayaw. Hindi na rin naman ako interesado sa kanya. Mas excited na akong makilala ang Rodge na binibida mo sa akin, pinsan.” tugon ni Sue.
“Ewan ko na lang sa inyo, Basta ako wala talagang tiwala sa tao na iyon. Unang tingin ko pa lang parang may mali na.” Biglang salita ni Fil.
“Sabihin mo na iinggit ka lang , kasi marami sa mga kapitbahay natin crush na si Rodge. At natabunan ka na.” pang aasar pa na tukso ni Maru sa kaibigan.
“Tandaan niyo ito, makikita niyo rin na tama ako.” Sabi pa ni Fil.
Tapos na silang mag hapunan sa tapsilogan na iyon nang may narinig silang sumisigaw ng tulong na sinundan naman ng mga putok ng baril. Pinaatras ni Fil sina Maru at Sue, pabalik sa loob ng tapsilogan. Nagkagulo na salabas at nagsisitakbuhan na ang mga bystander sa lugar na iyon. Hanggang sa makarinig sila ng paparating na patrol car ng pulis.
Doon na lumabas sina Maru,Sue at Fil. Naki-isyuso na din ang mga ito sa nangyari. Doon nakita nila ang nakabulagtang lalake sa gitna ng daan. May nag sidatingan ding media roon.
Agad napansin ni Maru ang ama na nandoon din sa lugar. Nilapitan nila ang ama.
“Tay ano ba daw ang nangyari?” tanong agad ni Maru.
“Nandito kayo?” gulat na tanong din ni Paeng nang makita sina Maru.
“Magandang gabi Tiyo Paeng, galing kami diyan sa tapsilogan nang makarinig kami ng gulo.” Singit pa ni Fil.
“Mabuti pa sumabay na kayo sa akin.” Sabi ni Paeng.
“Tito ,ano nga ba daw ang nangyari diyan?” tanong ni Sue.
“Wala pang nakakatukoy, pero ayon sa mga nakakakita, tumatakbo na lang daw iyan at humihingi ng tulong. Magkaangkas sa motor daw ang bumaril sa kanya. Malamang riding and tandem at druga na naman ang puno’t dulo nito.” Ayon pa kay Paeng.
Nang makarating ang mga soco, nagpaalam na si Paeng sa mga kasamahan nito, dahil sa hindi naman ito naka duty noon. Sakay ng kanyang service binabagtas na nila ang bukana papasok sa barangay Kwatro Uno.
Papasok na sila sa bukana ng tulay.
“Kaya nasasanay ang mga adik dito sa atin kasi hanggang ngayon hindi man lang umaaksiyon si kapitan para maayos ang mga poste ng ilaw dito.” Ayon pa kay Maru nang mapansin na subrang dilim pa din ng tulay.
Kung hindi dahil sa ilaw ng sasakyan nila at sa mga tricycle na dumadaan doon, subrang dilim talaga ng daan sa magkabilang dulo ng tulay.
“Kaya nga Sabi ko sa Tiya mo pag nanalo siya, unang niya tutukan na mapailawan Ang mga kalye dito. Dahil wala talaga tayong maaasahan kay kapitana.” Tugon pa ni Paeng.
Sapagpatuloy nila, biglang napalingon si Fil na tila ba may nakita sa mga kawayan sa gilid ng daan paglampaas nila sa tulay.
“Bakit Fil?” tanong ni Paeng na nagulat sa paglingon na iyon ni Fil. Katabi kasi nito si Fil sa driver seat area.
“Nakita niyo ba iyon Tiyo? Ang lalake, duguan at may hawak na patalim sa kamay.” Sabi pa ni Fil,na balot ng kaba Ang mukha.
“Wala naman akong napansin. Saan ba banda?” usisa ni Paeng.
“Doon sa may kawayanan, sa tabi ng poste ng tulay pababa ng ilog. Nakita ko nang mahagip ng ilaw ng sasakyan.” ayon pa kay Fil.
Huminto sila sa unahan ng tulay, natakot naman sina Maru dahil baka multo iyon ng mga itinapong bangkay sa ilog. Bumaba sina Paeng at Fil dala ang malaking flashlight. Pinuntahan nila ang bahaging tinuturo ni Fil ngunit wala silang nakitang tao. Sa halip may napansin si Paeng sa bahaging iyon.
“Patak ito ng mga dugo ah, mukhang sariwa pa.” habang iniilawan ang paligid ng mga damo sa tabi ng kawayanan.
Doon may nakita silang mga patak ng dugo sa lupa at sa mga damo. Kapansin pansin din ang bakas ng sapatos na bumakat sa basang lupa. Agad na inilawan ni Paeng ang paligid. Ngunit Wala na silang napansin. Bumalik silang dalawa sa sasakyan na karga ang pagtataka.
“Tao talaga iyon Tiyo , sigurado ako.” Sabi pa ni Fil.
“Umuwi na tayo, simula ngayon iwasan niyo na dumaan dito pag masyado ng gabi. Bukas, magpapatulong ako sa mga kasamahan ko para tingnan ang lugar.” ayon pa kay Paeng.
Nang makauwi. agad na naligo si Fil. Nag babad ito sa banyo ng matagal. Bumabalik sa isip niya ang kanyang nakita sa may tulay. Hindi kasi ito mapakali sa nakitang suot na damit ng lalaking iyon. Dahil iyon din ang nakita nitong suot ng makita niya si Rodge na naglalakad sa tabi ng palayan. long sleeve na asul. Naka ball cap ang lalake kaya hindi nahagip ng ilaw ang mukha nito. Pero base sa damit na suot ,sa taas at pangangatawan nito, para kay Fil kawangis ito ni Rodge. Maging sa kanyang pag tulog balisa parin si Fil.
Napag usapan naman ng mag ama ang nakita ni Fil.
“Totoo kaya na may nakita si Fil Tay?”
“Posible, may nakita din kasi akong mga bakas na sapatos doon. Kaya nga bukas aagahan ko pa sa station. Susuyurin namin ang area na iyon. At Ikaw Maru, mag duble ingat ka din. Isarado mong mabuti Ang tindahan mo. Pagkatapos kung mag sasara kana ,tawagan mo Ako , kung Wala Ako Ang tiya Paz mo. Nakakabahala na Ang mga nangyayari dito sa barangay natin.” Paalala pa ni Paeng sa anak.
“Matagal ng kaso ang gumagalang killer na iyan, wala pa ba kayong lead?” Tanong ni Maru.
“Malinis siya gumawa. Alam niya kung saan at kelan siya aatake. Pero sa totoo lang pabor din sa amin ang ginagawa niya. Hindi na kami mahihirapan pang manuyod ng mga kriminal na pinapatay niya. Iyon nga lang mali din Ang paraan niya. Kahit maganda Ang intensiyon niya, may kasalanan pa din siya sa batas.” Ayon pa kay Paeng.
“Di kaya killer iyon ang nakita ni Fil Tay?” sabi pa ni Maru.
“Kung ano man iyon o sino man iyon, hindi iyon maganda. Ibig lang sabihin nasa paligid lang ang panganib.” sagot ng ama kay Maru.
Lumipas ang gabi ngunit balisa parin si Fil. Nakaubos na ito ng dalawang baso ng gatas ngunit hindi man lamg ito madapuan ng antok. Hindi niya alam bakit si Rodge ang naiisip nito.
Napabangon ito sa mga tahol ng mga aso sa labas, Napasilip si Fil sa kanyang bintana, kung saan mula doon tanaw nito ang tindahan ni Maru. May nahagip itong anino sa gilid ng tindahan. Sa banda kung saan nandoon ang pintuan papasok sa tindahan. Inakala pa nito na si Maru lang iyon kaya tinawagan niya ito, ngunit naka ilang tawag na, hindi man lang ito sinasagot.
Nasa bintana niya parin ito at pangingilagan ang nasa tindahan ni Maru. Nang makita nito si Guyong na sumilip sa gilid ng tindahan, sa mga nakasalansang kaha ng sofdrinks. Kagrupo nina Jack si Guyong kaya masama ang kutob nito.
Nagmamadali itong lumabas ng kanilang bahay at mula doon sinigawan nito ang mga tumitira sa tindahan ni Maru sa pagaakalang masisindak niya ang mga ito. Ngunit binalewala lang siya ng mga ito. Tatlo ang nakita ni Fil doon, si Guyong at may dalawa pa na hindi nito kilala dahil may damit na takip sa mukha.
Bumalik sa loob ng gate si Fil at kumuha ng bastong pang Arnis. Maalam sa paghawak nito at eskrema ang lalake, kaya buong tapang itong sinugod ang mga nanloloob sa tindahan ni Maru.
Nang makalapit pa ito, kita na nito na bahagya ng naka angat ang bakal na gate sa pintuan ng tindahan. Ginamitan nila ng bolt cutter ang kandado ng gate.
“Hoy ,itigil niyo iyan! mga gago kayo pati mga kapitbahay natin tinatalo niyo pa! Guyong, inaanak ka pa naman ni Tiyo Paeng, pati si Maru hindi niyo na pinalampas.! Pabulyaw na sigaw ni Fil. nilakasan nito ang boses, upang makakuha ng atensiyon sa mga kapitbahay.
Ngunit sa halip na kabahan at magpulasan, hinarap ng mga iyon si Fil.
“Pakialamero kang tungaw ka, naghahanap ka siguro ng sakit sa katawan. May pa yantok ka pa. Hindi iyan uubra dito.” Tugon ni Guyong sabay labas ng dala nitong patalim.
Una nitong inatake si Fil sabay sunggab ng patalim dito, ngunit nakailag si Fil at napalo nito ang kamay ni Guyong na may patalim kaya nabitawan niya ito. Sumugod pa ang dalawa kay Fil na may hawak din na patalim. Nailagan at nasalag muli ito ni Fil ngunit nadaplisan ng talim ang braso nito.
Magaling sa mano-mano si Fil kaya kahit tatlo ang sumusugod sa kanya , nakakaganti ito. Pero naka puntos si Guyong at nasipa nito si Fil na napaurong sa gilid ng tindahan ni Maru. Na sipa sa tagiliran si Fil kaya ininda niya talaga ang sakit.
Muling dinampot ni Guyong ang nabitawan nitong patalim at akma na sana nitong isaksak kay Fil nang may bumato sa kanya at tinamaan talaga ito sa likod ng ulo. Napalingon ito. Nagulat naman si Fil nang makita si Rodge na naka tayo doon.
“Huwag niyo pagtulungan ang Isa, hati-an niyo naman Ako.” sambit pa ni Rodge na hinahamon Ang dalawa pa sa kasamahan ni Guyong.
Nagkarambulan na sa tapat ng tindahan ni Maru. Talikurang hinarap at nilalabanan nina Fil at Rodge sina Guyong. Magaling din sa suntukan at bakbakan si Rodge, lahat nag tapon nito sapol sa mukha at katawan ng mga kalaban. Hindi rin umubra kay Fil Ang mga armas ng mga ito. Nagamit ng husto ni Fil ang alam niya sa ekrema at kick boxing.
Nagsibukasan na rin Ang mga ilaw sa mga katabing bahay dahil sa ingay ng mga aso. At sa karambula na rin ng mga nag aaway sa labas ng tindahan ni Maru. Nang mag silabasan na Ang mga tao, doon na napa atras Ang grupo ni Guyong. Ngunit maagap si Rodge at Fil, napigilan nila Ang dalawa. Nakatakbo paalis ang Isa sa kanila.
Hawak ni Fil si Guyong sa damit nito. At naka baklid naman sa likod Ang kamay ng Isa na hawak naman ni Rodge, na nang marangal ang damit sa mukha ay si Cholo pala.
Dumating Ang mga tanod ng barangay, kasunod sina Paeng , Paz at Maru na patakbong lumamit sa kanila. Kumpulan na Ang mga tao sa tapat ng tindahan at naka gapos na ng cable tie sina Cholo at Guyong. Makaraan dumating din Ang mga pulis at dinala ang dalawa.
“Tiyo Paeng, pasensiya na at nayupi namin ang bakod niyo dito. Intense kasi ang eksena kanina.” bungad pa ni Fil kay Paeng.
“Ayos lang Fil, maraming salamat sa pagiging maagap. kung di dahil sa iyo, nilimas na ng mga iyon Ang laman nitong tindahan ni Maru.” Sabi pa ni Paeng kay Fil.
“Naku Fil pasensiya hindi ko nasagot mga tawag mo, tulog na kasi Ako. Pero salamat talaga ng marami. Na save mo Ang tindahan ko…Pero teka, may sugat ka pala.” pansin ni Maru nang makitang dumudugo Ang braso ni Fil.
“Daplis lang naman ito, Buti na lang may dumating na resbak. Pare salamat. Kung hindi ka dumating, siguro Ako ang kinawawa ng mga iyon.” Sabi pa ni Fil ,nang bumaling ito kay Rodge.
“Nakita kong kinailangan mo nang tulong. Sakto namang napadaan ako, kaya ginawa ko lang ang dapat. Pero bilib ako sa angas mo kanina. May tinatago ka palang galaw.” tugon pa ni Rodge at tinapik nito ang balikat ni Fil.
Nang humupa na Ang mga kaganapan. Nagpaalam na si Rodge sa kanila ni Maru. Hinatid na ito ni Paeng sa maisan upang masiguro ang kaligtasan nito. Napag alaman ni Fil na kaya pala nandoon si Rodge, dahil papasok pa sana ito sa call center. Kaso nadaanan nito na nakikipagrambulan si Fil , tumulong na ito. Sa nangyari, hindi na ito tumuloy.
Tumambay pa doon si Fil sa tindahan ni Maru habang hinihintay nila Ang pag balik ni Paeng.
“Naku Fil, buti na lang talaga, nakita mo. Pero ingat ka, ngayong nakaharap mo Ang mga grupo ni Jack siguradong gaganti iyon sa Inyo ni Rodge. Bakit pa kasi hinahayan pa mga iyan dito na pumirmi sa ating barangay. Perwesyo talaga ang dala ng mga iyon dito.” Sabi pa ni Paz, sabay paalala kay Fil.
“At buti na lang din talaga dumating si Rodge, baka hindi lang sugat sa braso Ang inabot mo. Alalahanin mo Ang laman ng tindahan nakakabili pa niyan sa palengke, eh Ang buhay mo? …” Sambit pa ni Maru. Habang ginagamot ang sugat ni Fil.
“concerned ka ba niyan,o binibida mo lang sa akin si Rodge? Sa totoo lang kayang-kaya ko naman iyong tatlo. Inaantok lang talaga Ako kaya medyo napapikit ako kanina, tuloy na daplisan ako.” bida pa ni Fil.
“Ayan…iyan ang problema sa iyo, sugod ka ng sugod. Inaantok ka pala eh, di sana natulog ka nalang, Wala rin naman sila makukuha sa tindahan ko, hindi naman nila kayang ilabas ang freezer ko. Mabigat iyon. At safe ka pa.”
“Alam mo Ikaw na nga itong tinulungan, Ikaw pa itong galit. Panourin mo kaya Ang mga da moves ko sa CCTV nang makita mo effort.”
“oo na po, Salamat ng marami. Naku ewan ko sa iyo, hindi mo talaga gets ang ibig kong sabihin. Basta duble ingat ka na simula ngayon. Dahil baka tama si Tiya at pagbalingan ka nina Jack.” tugon pa ni Maru sa kaibigan na napakamot na lang sa ulo.
May hinala si Fil na si Jack Ang Isa sa mga nakasagupa nila. May kaba din itong nararamdaman dahil sa nangyari. Lalo na sa siguridad ng kanyang kapatid, pero nangyari na ang lahat. Duble ingat na lang talaga ito. Notoryos talaga Ang grupo nila Jack kaya alam ni Fil ang takbo ng mga utak nun.
Isang gabing puno ng tagpo Ang natapos sa barangay Kwatro Uno. At sa mga natitirang mga oras ng mga sandaling iyon. Nakatikim ng panandaliang kapayapaan at kahimbingan sa pag tulog Ang mga residente sa lugar.
TAKOT
Maaga palang bumaba na sa ilog sa may tulay si. Manding upang mamasol. Bitbit ang maliit na timba at pamingwit nag hanap ito ng magandang puwesto. Habang sinusuyod ang gilid ng ilog. May napansin agad ito sa paligid.
Amoy na amoy nito ang mabahong ihip ng hangin.
“lang hiya mukhang iba na ang kutob ko sa amoy na ito ah. Kailangan maipaalam ko agad ito kay kapitana nang masuri namin ang parte ng ilog.” sambit ni Manding sa sarili.
Hindi na ito tumuloy sa pamamasol upang ipaalam agad sa barangay ang kanyang nadatnan sa ilog.
Sa tindahan naman ni Maru, topiko agad ng mga tambay doon Ang nangyaring pagtangkang panloloob ng mga tropa ni Jak sa tindahan nito.
“Buti na lang talaga, maagap ang jowa mo Maru. Natunugan agad pagnanakaw sa iyo.” Sabi pa ni Marites na palaging bida pag dating sa tsismisan sa kanilang lugar.
“Ayan ka na naman Aling Tes, gumagawa ka na naman ng isyu. Hindi ko jowa si Fil.” Sabat pa ni Maru.
“Dapat talaga mawala na sa barangay natin iyang grupo ni Jak. Perwesyo na lang palagi ang dulot nila sa atin.” Hirit pa ng Isang babae doon.
Walang oras na bakante ang tindahan ni Maru. Naging sentro na talaga itong tambayan ng mga nakikiusyuso at tagabantay ng mga kapitbahay sa barangay. Mistula na ngang meeting place ito lagi ng mga tambay doon, Lalo na kapag may malapot na isyu na trending sa buong barangay ng Kwatro uno. Kumpulan pa roon ang mga tao , nang bigla na lang napabaling ang lahat sa sigaw ni Eteng. Nagngangangawa ito ng iyak.
“Diyos ko Intoy ko! Sabi ko na nga ba umiwas kana sa grupo ni Jak. Tingnan mo na ngayon nangyari sa iyo! Intoy!” Ang sigaw ni Aling Eteng, ina ni Intoy. Halos maglupasay na ito sa daan sa kakaiyak dahil na natanggap na balita tungkol sa anak.
Natagpuan ang bangkay ni Intoy sa matalahib na bahagi ng ilog. Wala na ang ulo nito.
“Ano ang nangyari sa mga iyon? Si Aling Eteng ba ang narinig ko kaninang sumisigaw?” Tanong ni Fil kay Maru nang lumapit ito sa tindahan. At nang mapansin na nagsitakbuhan Ang mga nakatambay doon paalis sa tindahan ni Maru.
“May pinugutan na naman daw, at si Intoy na naman ang biktima. Naku Fil totoo yata iyong nakita mo kagabi sa may tulay. Tingin ko, siya nga iyong killer.” tugon ni Maru. Nakaramdam na ito ng takot sa mga nangyayari.
“Totoo naman talaga na may nakita akong tao doon. Mukhang nandito lang nga sa atin ang killer. Kaya Ikaw Maru, bawas-bawasan mo na ang paglalandi sa mga lalaking hindi mo pa kakilala, baka Isa sa mga iyon Ang hinahanap nating killer.” Sabi pa ni Fil.
“Asus, ayan ka na naman. Alam ko na ang tinutumbok ng dila mo Fil. Si Rodge na naman nuh? Bakit di mo na lang tatantanan si Rodge, wala namang ginawa sa iyong masama ang tao tapos tinulungan ka pa nga niya kagabi. Naku isang hirit mo pa diyan laban sa tao na iyon, iisipin ko talagang may gusto kana sa akin. At kung may dapat man na mag ingat sa atin, Ikaw iyon. Dahil baka balikan ka ng mga hinayupak na grupo nina Jack.” anas pa ni Maru.
“Hindi uubra sa akin ang mga iyon. Takot lang nila dito.” Tugon pa ni Fil sabay flex ng malaki nitong braso at kamao.
“yabang mo din. Ewan ko na lang sa iyo pag napagtripan ka ng mga gagong iyon. Siya nga pala, mabalik tayo sa killer. Hindi mo ba nahalata. Nitong huling biktima ng killer ay mga ka grupo nina Jack. Hindi kaya, Isa sa mga inagrabyado ng grupo ang killer?” hinuha pa ni Maru sa mga nangyayaring patayan.
“Iyon din nga ang napansin ko noong una, nang pinatay si Dagul. Pero sino naman kaya? Sa dami na nang biniktima ng grupo nila Jack hirap na matukoy kung sino talaga ang salarin sa pamumugot ng ulo.” Ayon pa kay Fil
Naging malaking palaisipan na sa lahat kung sino ba talaga ang pumapatay sa kanilang lugar. At maging ang grupo nila Jack ay unti-unti nang tinatablan ng kaba.
Sa tambayan nila Jack, nagkagulo na ang mga ito dahil sa nangyari kay Intoy. Kumakalas na si Hak at Tikoy sa kanilang grupo. Nagkakasumbatan na. ang mga ito. Nagkalaglagan na.
“Puta ka pare, subukan mo lang na isumbong kami. Uubusin talaga namin ang pamilya mo!” Bulyaw ni Jack kay Tikoy na tinutukan pa nito ng baril.
“Tatlo na sa grupo natin ang pinugutan ng ulo. Hindi pa ba malinaw sa Inyo na tayo ang target ng killer?! Pare gusto pa namin mabuhay may anak at asawa ni Hak. Kaya pasensiyahan na, kakalas na talaga kami.” Ayon pa kay Tikoy.
“Hayaan mo na ang mga duwag na ito. Lalo lang tayo magigipit pag pinigilan pa natin ang mga ito.” Sabi pa ni Nato na namigatan na kay Jak.
“Lumayas na kayo, ito lang tandaan niyo. Pag nalaman ko lang na kinanta niyo kami. Pasensiyahan na.” Ang tugon ni Jak na nanlilisik Ang mga mata sa galit.
Nasa ganun silang eksena nang mapasigaw sina Hito at Marben. Nakita ng mga ito si Hector na nakatayo hindi malayo sa kanila. Nandoon ito sa likod ng kakugnan nakatingin sa kanila.
Tumalima naman ang grupo para habulin si Hector na agad namang sumuot sa masukal na bahagi ng lugar. Kalsada na ang likod ng talahiban kaya hindi na inabutan pa nila Jak ito. Mabilis na nakatakas si Hector. Malakas Ang hinala ng grupo ni Jak na si Hector ang gumagalang killer sa barangay nila. Lalo pa itong lumakas dahil pangalawang beses na nila nakita sa barangay Ang lalake sa kabila na hindi na ito nakatira doon.
“Mukhang hindi talaga tayo titigilan ng Hector na iyon hanggat hindi tayo nauubos. Mabuti pa siguro mag laylo muna tayo. Magpalamig sa sitwasyon. Ngayong si Intoy na naman ang biktima. Hindi malayong pag-initan din tayo ng mga kapulisan.” Mungkahi pa ni Cholo.
“Buwesit talaga ang Hector na iyon. Bakit tayo ang tinatarget ng gagong iyon. Sige mga pare…laylo muna tayo. Pero hindi natin titigilan ang matandang iyon. Tayo mismo ang lalapit sa kanya. Siya muna ang gagawin nating misyon.” May ngitngit na tugon ni Jack.
Nang araw din na iyon sinimulan ng grupo na alamin ang nilulunggaan ni Hector.
Tila bula na naglaho ang grupo nina Jack sa barangay. Nakatunog Ang mga ito nang iniisa-isa sila ng mga kapulisan dahil sa pagkamatay ni Intoy. Nag alsa balutan naman sa kanilang barangay sina Hak at Tikoy kasama ang kanilang mga asawa at mga anak.
Sa kabila ng malalagim na patayan sa barangay Kwatro uno. Tuloy na tuloy parin ang paghahanda ng mga taga roon para sa nalalapit nilang kapistahan.
May Isang linggo na mula ang nangyaring pagpatay kay Intoy. Naging tahimik ang buong linggong iyon. Walang gulo at walang mabigat na pangyayari.
Katuwang sina Maru at Fil sa punong abala sa pagkakabit ng mga banderitas sa kanilang kalye.
“Pati ba dito lalagyan pa natin ng mga banderitas? Eh tubuhan na ito dito tsaka palayan tapos ang maisan niyo na hindi naman namumunga.” Reklamo ni Sue kay Maru nang umabot na sila sa dulong daan ng barangay.
“part pa din ito ng barangay natin. Kung ang China nga kung saan-saan nag lalagay ng 10 dash line kahit labas na sa teritoryo nila, Tayo pa ba. Kaya Fil ,paki tusok na ng kawayan diyan banda nang may mapagkabitan tayo ng banderitas.” Ayon pa kay Maru.
“Ang sabihin mo, gusto mo lang mapansin ka ni Rodge, kaya pati dito pinapalagyan mo. Eh madalang lang namang may dumadaan dito ah.” Tugon pa ni Fil.
“Alam mo kas, curious na talaga ako sa Rodge na iyan. Gusto ko na talaga siyang ma meet. Nandiyan kaya siya sa bahay niyo?” Ang nakangiting tanong ni Sue kay Maru.
“Hindi ko alam, siguro. “Tila kinikiliti namang sagot ni Maru.
“Tara kas silipin natin.” Bulong pa ni Sue sa pinsang si Maru.
Abala si Fil kasama ang iba pa sa pag libing ng mga buho ng kawayan upang gawing poste na pagkakabitan ng mga banderitas kaya hindi nito napansin ang pag alis ng dalawa, Maru at Sue.
Palinga-linga ito nang sa kanyang paglingon wala na Ang mga kaibigan. Napakamot na lang ng batok si Fil.
Nasa bakuran na sina Maru at Sue ng paupahang bahay. Agad na napansin ng dalawa ang magandang landscape garden sa bakanteng lote. May papag pa malapit sa ilog na puwedeng pag tambayan. Tinungo iyon ng dalawa at manghang-mangha talaga si Maru sa pagkaka-landscape ng lugar. Buhay na buhay na Ang dating bakanteng lupa noon na puno ng mga talahib at ligaw na damu.
Mula doon binalikan ng dalawa ang bahay. Napansin agad ni Maru ang tatlong magkapatong na kadena na may mga kandado pa,sa hawakan ng pinto.
“Grabe naman kung makapag secure ng bahay itong si Rodge. Tatlong kandado talaga. Mayaman nga talaga siguro ang boarder niyong iyon. At maraming cash na tinatago sa loob.” Sabi ni Sue.
“Mukhang wala dito si Rodge,baka nasa trabaho pa. Bumalik na lang tayo sa Sabado, day off niya Kasi iyon at araw din ng pagbayad niya ng upa.” Ayon pa kay Maru.
Paalis na sana sila nang may nag salita mula sa likuran nila. Napamura pa sa gulat si Sue sa lakas ng pagtawag sa kanila ni Fil.
“Sabi ko na nga ba dito ko lang kayo makikita. Maru,ano na? Huwag mong sabihin pati dito palalagyan mo rin ng banderitas?” Bungad pa ni Fil nang papalapit ito sa dalawa.
“Ewan ko sa iyo, halika na nga Insan.” Tugon ni Maru kay Fil na medyo nainis sa lalake.
Muli namang napakamot ng baba si Fil. Susundan na nito ang dalawang na una, nang may naramdamang kakaiba si Fil. Tila may nakatingin sa kanila. Kaya lumingon ito. Ngunit wala itong nakita.
Patakbong hinabol ni Fil ang dalawa na mabilis na nakalayo sa lugar na iyon. Nangmakaalis na Ang tatlo , bumukas ang pinto sa likod ng bahay malapit sa balon. Lumabas si Rodge na bitbit ang pinaghubaran nitong damit na puno ng dugo. Maging ang suot nitong pantalon may mga tilamsik ng sariwang dugo. Wala itong suot pang-itaas na tinungo ang balon. Hinubad nito ang natitirang saplot sa katawan at walang itinira. Sumalok ito ng tubig mula sa balon at ibinuhos iyon sa kanyang katawan. Kasama sa tubig na tinangay Ang bahid ng dugo sa kanyang katawan. Umagos ito mula sa kanyang katawan, pababa sa kanyang binti , patungo sa maliit na kanal diretso sa ilog.
Sinabon ng maigi ni Rodge ang katawan bago ito tinapos ang pagligo.
Alas otso ng gabi ng araw din na iyon. Kakauwi lang ni Hector mula sa konstruksiyon site. Agad itong sinalubong ng kanyang asong si Bronx. Inilapag ni Hector ang dala nitong supot sa mesa, at hinugot doon ang Isang malaking buto na may sariwa pang laman na karne. May dugo pa. Inabot iyon ni Hector sa kanyang aso na tuwang-tuwa namang nilantakan agad ang balot pa sa dugong karne.
Tinungo agad ni Hector ang banyo at naligo ng mabilis. Nakatapis lang ito ng tuwalya na umupo sa sofa. Nagbukas ng bote ng beer mula sa ref, at lata ng pork and beans. Nakapatong Ang mga paa nito sa maliit na mesa habang nanonuod ng Batang Quiapo.
Dala ng pagod nakaidlip si Hector na hindi man lang nangalahati ang hawak nitong beer. Nang magising ito sa tahol ng kanyang aso. Nakita nito si Bronx na nakadungaw sa bintana at panay ang kahol. Marahang kumilos si Hector. Pinatay nito ang tv at ang buong ilaw sa loob. Lumapit ito sa bintana kung saan naroon ang kanyang aso. Sumilip siya doon upang tingnan kung ano ang kinakahulan ng alaga.
May dalawang tao na nakatayo sa tapat ng kanyang bahay. Alam ni Hector na nakatingin Ang mga iyon sa bahay niya. Bukod sa may suot na mga sumbrero Ang mga ito, madilim sa bahaging iyon na hindi abot ng liwanag mula sa poste.
Nag abang si Hector sa mga gagawin pa ng dalawa ngunit umalis din ang mga ito. Na tila ba inalam lang ng mga iyon kung sino ang nakatira sa bahay.
Pero malakas ang kutob ni Hector na kilala niya kung sino ang mga iyon. Lihim na napangiti si Hector. Isinara nito ang bintana at dinala sa kanyang kuwarto si Bronx. Tinabi niya sa kama ang aso at natulog.
Nang sumunod na araw panibagong bangkay na naman ng tao ang natagpuang nakasilid sa sako ng simento. Sa gilid mismo ng itinatayong mall. Putol-putol na ito at nawawala ang ilang mga bahagi nito kabilang na ang ari at ulo nito. Walang pagkakilalan ang naturang biktima maliban sa tattoo nitong alakdan sa balikat.
Papasok palang ng araw na iyon si Hector sa konstruksiyon site nang makasalubong nito si Paeng na sakay ng patrol car.
“Papasok na pare?” Tanong ni Paeng
“Oo eh, medyo late na nga ako, nagkayayaan kasi kagabi. Bakit anong meron? Pansin ko, ang daming tao sa tabi ng site.”
“May natagpuan na namang bangkay, pinagpuputol ang katawan. Agresibo na talaga sa paggawa ng krimen ang killer, sunod-sunod na ang kanyang mga biktima.” Sabi pa ni Paeng.
“Sana mahuli na kung sino man iyon nang mabawasan na ang takot dito sa lugar natin. Sige pare, duty na muna ako. Late na kasi.” Tugon pa ni Hector. Nagmamadali itong pumasok sa site
Tumuloy naman si Paeng.
Pagpasok pasok pa lang ni Hector sa entrance para mag log in nang ibalita sa kanya ng guard ang nangyari sa kanilang kasamahan sa site.
“Nakahanap din ng katapat si Max. Masyado kasing mayabang, daig pa si engineer kung mag mando.” bungad na kuwento ng guard.
“Bakit ,ano ba nangyari?”
“Nakita mo naman siguro ang kumpulan ng mga tao sa labas malapit sa site? Si Max ang pinagkakaguluhan doon. Pinatay, basag ang bungo tapos pinag puputol pa ang mga braso. Tingin ko may malalim na galit sa kanya ang gumawa nun.” Ayon pa sa guard.
Tumahimik si Hector. Hindi na ito tumagal pa sa kuwentuhan nila ng guard at tumuloy na ito sa puwesto niya.
Sa mga kaliwat kanang patayan sa lugar, naging sakit na sa ulo ng kapulisan kung sino ang salarin sa lahat ng mga kaganapan.
Anino
Galing sa loob ng simenteryo sina Fil kasama ang kapatid at lola nito nang makasalubong nila si Paz na nag sisindi ng kandila sa gilid ng kumon na krus.
“Kayo lang mag isa, si Maru hindi niyo ba kasama?” paglapit ni Fil kay Paz
“kayo pala Fil, nagkahiwalay kami, kasama niya si Sue nasa merkado yata. Mukhang may bibilhin daw si Sue na pampasalubong sa mama niya sa Laguna.”
“Uuwi na si Sue sa kanila?”
“Sasaglit lang naman, birthday kasi ng mama niya.”
Sa kanilang pag uusap may nahagip ang paningin ni Fil. Kaya napatanong ito kay Paz.
“Tiya, magkasama ba kayo ni kuya Hector?”
“Hindi, bakit mo na itanong Fil?”
“Kuwan kasi parang nakita ko siya sa banda roon. Nakatingin sa atin.” sagot ni Fil, ngunit nagtaka ito nang pagtingin muli nito sa direksiyon kung saan nakita niya si Hector, Wala na ito doon.
“Nasaan? Naku Fil baka kung sinong multo lang iyon. Undas pa naman ngayon. Mabuti pa sabay na tayong puntahan sina Maru, baka nag hihintay na Ang mga iyon sa akin.” Tugon pa ni Paz.
“Sige mauna na lang kami Tiya Paz, pupunta pa kami ni lola sa Chinese cemetery para dalawin naman ang puntod ni papa.”
Lumabas ng simenteryo si Fil na may pagtataka parin dahil sa nakita. Sakay na sila ng jeep ng may nagkagulo sa paradahan. Isang babae ang na saksak sa gitna ng kumpulan ng tao. Bababa pa sana sina Fil nang siya namang sakay ng dalawang lalake na naka itim na jacket May mga patalim ito. Nasa babaan lang nakaupo si Fil kaya kitang-kita nito ang mukha ng mga lalaking sumakay. Nagkatinginan sila ni Jack.
sina Jack at Nato ang tumira sa babae na kanilang na hold-up na siyang sumabit din sa jeep na nasakyan nina Fil.
Nagkatitigan sa mga mata ang dalawa, matalim ang mga pagsulyap ni Jack kay Fil. Kaya bago pa naka alis ng tuluyan ang jeep bumaba na sina Fil kasama ang Lola at kapatid nito.
Hanggang sa pagbaba, nila ng Jeep nakatingin lang kay Fil si Jack. Mga tingin na tila nagbabanta. Habang papaalis ang Jeep na sinasakyan nina Jack, napatulala muli si Fil nang makita si Hector na pumara at sumakay sa driver seat sa mismong jeep na sinakyan ng dalawa.
Ginabi na sina Fil sa pag uwi mula sa pag-bisita sa simenteryo. Hindi naman ito kinabahan na dumaan sa tulay, dahil sa dami ng mga tao na nakasabayan nila ng sandaling iyon. Bukod kasi sa maraming dumadalaw sa mga puntod dahil sa undas, marami din Ang pumupunta sa peryahan malapit doon.
Nakalampas na sila sa tulay papasok sa kanilang barangay nang makasalubong naman nito si Rodge na may bitbit na malaking bag. Agad naman niya itong binati.
“Uuwi ka, gabi na ah. May masasakyan ka pa ba sa Oras na ito?” tanong ni Fil kay Rodge.
“May pupuntahan lang Ako malapit diyan. Wala kasi akong pasok bukas. O siya pare hindi na ako magtatagal.” tugon ni Rodge at mabilis na sumakay sa pinara nitong tricycle.
Sinundan pa ng tingin ni Fil ang papaalis na si Rodge. Hindi nito maiwasang mapako ang atensiyon sa malaking bag na dala ni ng lalake. May kung ano doon na humihila sa atensiyon ni Fil.
Hanggang sa naka uwi ito, pilit niya inaalala kung saan niya nakita ang bag na iyon. Nang maalala niya si Hector. Minsan na nito nakita ang katulad na bag na bitbit ni Rodge noon kay Hector nang araw na umalis ito doon sa kanila.
“Ano ba itong nangyayari sa akin, kung ano-ano na lang naiisip ko. Pati bag? Ano ba Fil, gising. Masyado ka nang praning.” Sabi ni Fil sa sarili nito habang nasa harapan ng shower.
Pagkalabas nito ng banyo, hindi pa man ito naka pagbihis ,hinawakan agad nito ang laptop at may hinanap ito sa isang site.
Abala ito sa kanyang ginagawa nang tumawag sa kanya si Maru. Umiiyak ito. Kaya kinabahan naman si Fil.
“Teka sandali Maru, relax muna. Ano ba Ang nangyari? “ Pag-alalang usisa ni Fil sa kaibigan.
“Si Sue kasi Fil nasa hospital ngayon nasaksak kasi kanina malapit sa public cemetery habang hinihintay namin si Tita.” Ang umiiyak na kuwento ni Maru.
Hindi makapaniwala si Fil na ang nasaksak pala doon malapit sa sakayan ng jeep sa labas ng simenteryo ay si Sue. Hindi nag sayang pa ng oras si Fil at mabilis itong nagbihis upang puntahan ang kaibigan sa hospital.
Pag dating doon agad sinalubong ng yakap ni Maru si Fil. Grabe ang iyak nito dahil nasa ICU parin si Sue. Malalim ang pagkasaksak sa kanya.
“Huwag kang mag alala,makakaligtas si Sue. Ipagdasal natin na magiging maayos siya.” Tugon ni Fil at mahigpit na niyakap si Maru,upang pakalkahin.
“Kung hindi ko lang sana iniwan doon si insan, hindi sana ito nangyari sa kanya. Natulungan ko sana siya.” Sambit pa ni Maru.
“Namukhaan ba ang gumawa nito sa kanya? Iposibleng wala, maraming tao doon kanina. Kakasakay lang namin sa jeep nang magkagulo roon. Hindi ko alam na si Sue pala ang biktima ng pananaksak.” Sabi pa ni Fil.
“Hindi nga eh, pero ang sabi ng mga nandoon naka jacket ng itim ang dalawa at naka ball cap na itim. Biglaan din ang nangyari, nagulat na lang Ang mga nandoon nang humingi na ng tulong si Sue bago ito natumba sa isang tabi. Pinagkakaguluhan na si insan nang dumating ako.” pag detalye pa ni Maru.
Sa pagsalarawan ni Maru, napamura si Fil nang maalalang nakaharap nito sina Jack at Nato sa Oras na nasaksak si Sue. At base sa diskripsiyon ni Maru malaki ang hinala nito na sina Jack ang may kagagawan nun kay Sue.
“Malamang nakilala sila ni Sue kaya nila sinaksak ito. Ang mga hayop na iyon. Kahit saan na lang. Wala na silang pinipiling lugar at Oras. Pati si Sue nabiktima na rin ng kanilang kasamaan.” Ang galit na sambit ni Fil.
“Kung Tama nga iyang hinala mo Fil, dapat malaman ito Tatay. Kailangan na matigil ang kasamaan ng mga gagong iyon. Sana inubos na lang sila ng killer.” Ang tugon ni Maru na nanggagalaiti din sa galit.
Agad nag conduct ng hot pursuit operation ang kapulisan nang pinaalam ni Maru sa amang pulis ang tungkol sa hinala ni Fil.
Samantala sa bahay kung saan nagtatago ang grupo nina Jack. Balisa Ang mga ito dahil sa nabalitaan nila sa tv na pinag hahanap na sila ng kapulisan. Nagsisihan sina Jack at Nato sa nangyari.
“Kung hindi ka ba naman gago. Sa dinami-dami ng mga taong nandoon bakit si Sue pa ang napili mo. At sinaksak mo pa talaga.” Paninisi ni Nato kay Jack .
“Huy gago, alam ko ba na siya iyon? At huwag mo nga isisi sa akin Ang lahat. Kung hindi mo sana Ako tinaranta, hindi ko sana nasaksak si Sue. Ginulat mo akong hayop ka. Eh alam mo namang nanginginig Ang kamay ko kapag natataranta Ako.” Tugon ni Jack.
“Buwesit, hindi na nga tayo naka score. Na wanted pa tayo. Paano pa tayo nito makakapag trabaho kung ganitong tagilid na Ang daan natin?” Paghihimutok pa ni Nato.
“Ang hayop na Fil na iyon. Tingin ko siya ang nag chocho sa atin sa mga pulis. May araw din ang Gago na iyon sa akin.” muling tugon ni Jack.
Sa kanilang pagtatalo, bigla nalang sila napahinto ng isang malakas na putok ng baril. Kanya kanyang bitbit naman ng kanilang mga armas sina Jack at sinilip ang dahilan ng putok na iyon. Nakita nila si Cholo na tumatakbo papalapit sa bahay. May baril ito sa kamay.
Pinagbuksan nila ito at agad inusisa Ang namumutlang si Cholo.
“May taong nakapasok dito, nakamaskara may dalang kalawit. Kailangan na nating umalis dito. Papatayin niya tayong lahat. Hayan na siya, nakikita ko na Ang anino niya , papalapit na sa atin.” Ang nanginginig sa takot na si Cholo, habang nakaduro sa pader .
Napakamot na lang sa ulo nito si Nato. Inakala nilang sabog lang si Cholo kaya kung ano-ano ang nililikha nitong trip. Binalewala nila Ang kasama. Hanggang sa nagulat na lang Ang mga ito ng mag baril sa sarili si Cholo. Basag ang ulo nito nang sinubo nito ang baril at pinasabog.
Nag panic ang lahat sa ginawa ni Cholo. Nagkalat at mga dugo sa pader at sahig. Nagtuturuan ang lahat kung ano ang gagawin sa katawan ng kasama.
“Uy Marben, huy kayo! Iligpit niyo nga iyan! “ Tarantang utos ni Nato.
“Anong kami? Kaibigan niyo iyan kayo na mag dispatsa. Gagawin niyo pa kaming mga boy niyo. Parehas lang tayo dito uy. Kayo mag linis.” Tugon ni Marben at umalis Ang mga ito.
Naiwan sina Nato at Jack doon na nakatingin sa patay na katawan ni Cholo.
“Paano ngayon ito, anong gagawin natin kay Cholo?…Nato?” tanong ni Jack na napakamot ng bumbunan sa nerbiyos.
“Iwanan na natin ang Gago na iyan, ginusto niya iyan eh, siya na bahala mag ligpit ng kalat niya.” sagot ni Nato na agad nag ligpit ng mga gamit nito na isa-isang pinasok sa bag.
“Teka Nato, aalis ka? iiwan mo Ako?” tanong ni Jack na may pangamba at pagkabalisa.
“Minamalas Ang grupo natin Jack, ilang araw na na tuyo tayo. Gutom lang Ang aabutin ko dito kung ganito na lang palagi. Tapos mainit na tayo sa mga pulis. Kailangan hanggat may oras pa exit na muna ako. Dumagdag pa sa problema natin ang Gago na iyan. Mag kanya-kanya na muna tayo.” tugon pa ni Nato.
“tang Ina, paano Ako? Akala ko ba walang iwanan sa grupo. Bakit gumagaya ka na yata sa kanila ni Marben? …Hindi Ako papayag pare. Ayukong mag Isa dito!” pag aakalang Sabi ni Jack.
“Pasensiyahan na pare, gusto ko pa humaba Ang buhay ko. Dumiskarte ka na lang ng solo. Magaling ka naman don. Pero ako, quit na muna.” Bitbit ang bag iniwan ni Nato ang bahay na nag sisilbi nilang hideout ng ilang linggo.
Binabagtas ng dalawa, Marben at Hito ang kahabaan ng isang kalye, palabas ng highway. Magkabilaan ang mga factory sa lugar na karamihan sarado na sa Oras na iyon dahil bukod sa gabi na, holiday din sa araw na iyon. Naguusap ang dalawa tungkol sa problema ng kanilang grupo. Puno ng paghimutok at paninisi Ang dalawa sa kasamahan nilang sina Jack at Nato.
“Buwesit talaga, nagsisisi tuloy Ako bakit pa Ako nagsama-sama kina Jack. Sa halip na gumanda ang kita natin , Lalo pa tayong minamalas.” anas pa ni Marben.
“Dunong-dunungan din kasi iyang hayop na Jack na iyan. Kung maka mando akala mo kung sinong lider. Pulpol naman kumana. Sa nangyari kay Nam, siya ang samaksak pero si Dagul ang napatay, Nang dalihin nila si Mamu si Jack din ang sumaksak sa bakla. Pero sinuwerte at si Intoy ang minalas. Tapos ngayon dahil sa katangahan niya pati si Sue niyari. Hindi man lang nag takip ng mukha Ang mga ulok. “ Saad pa ni Hito.
“Ewan ko nga din kung bakit na guyo din Ako sa mga katarantaduhan ng magbarkadang iyan. Kita mo ang ginawa ni Cholo.Putcha pare, bigla na lang Ako natauhan sa mga pinaggagawa natin.” Sabi pa Marben habang nag sisindi ng sigarilyo.
Nagsasalita pa ito nang mapansin na natigilan si Hito at napako ito sa kinatatayuan nito. Madilim sa bahaging iyon na tambakan na ngga basura ang gilid ng daan. Napagitnaan sila ng mga nagtataasang mga fire wall ng dalawang factory. May poste naman ng ilaw sa lugar na iyon ngunit nasa bandang unahan pa nila at may ilang dipa pa Ang layo nila bago marating ang main highway at labasan ng kalyeng iyon.
Nagtaka si Marben sa biglang pag hinto ng kasama. Binalikan niya ito at tinanong.
“Bakit pare?”
“May nakita akong tao na nakatayo sa unahan natin. May hawak siyang kalawit sa kamay” Nanginginig na bulalas ni Hito kay Marben.
Ngunit nang tingnan naman ito ng kasama. Wala naman.
“Ano ba ang tinira niyo ni Cholo pare? Baka mamaya niyan gayahin mo din ginawa niya.” tinawanan lang ni Marben si Hito.
“Hindi Ako naka druga pare, malinaw Ang paningin ko, maayos Ang utak ko. Nakita ko talagang may nakatayo diyan kanina. Naka jacket ng mahaba may sumbrerong pang bukid, tapos may kalawit pang hawak.” Ayon pa kay Hito.
Sinawalang bahala iyon ni Marben at iniwan ang kasama. Nagpatuloy ito sa kanyang paglalakad. Sumunod din naman si Hito, ngunit balisa na ito at nangangatog sa takot. Panay ang lingon-lingon nito sa paligid.
Tuwid Ang tinatahak nilang kalye, hindi naman ito makipot dahil dinadaanan din iyon ng mga tricycle at pedicab tuwing umaga.
Nakaramdam ng tawag ng kalikasan si Marben kaya nag hanap ito ng lugar, na puwede niyang buhusan.
“Maauna ka na pare, iihi lang ako. Magpara ka na din ng jeep, saglit lang ito.” Sabi pa ni Marben na tumayo sa gilid ng isang basurahan para umihi.
Kinakabahan man, nag madali si Hito sa kanyang paglalakad. Mabilis ang mga hakbang nito na agad narating ang labasan. Nakahinga ito ng malalim. Maliwanag na sa bahaging iyon. Marami ng dumadaan na mga sasakyan at tao. Kung Anong tahimik sa kalyeng dinaanan nila kani , Ang siyang ingay naman ngayon nang marating ni Hito ang highway.
Mahigit limang minuto na ngunit hindi pa nakasunod sa kanya si Marben. Nag hintay pa ito. Gusto mang balikan nito ang kasama. Natakot na ito. Nakisindi muna ito ng sigarilyo sa tindira doon sa sidewalk nang may sumagi sa kanya.
Napatingin ito sa taong dumaan at nakasagi sa kanya. Tila binuhusan ng tubig na may Yelo si Hito nang makita Ang kakadaan lang na lalake. Hindi niya ito namukhaan kasi naka talikod itong lumalakad palayo doon.
Naka jacket ito ng itim na mahaba, may suot na sumbrerong pang bukid ngunit sa kanyang mga kamay, sa halip na kalawit, malaking bag Ang bitbit nito.
Bigla na lang pumasok sa isip ni Hito ang kasamang si Marben. Kaya walang pag alinlangang binalikan niya ito . Ngunit nagulantang na lang ito ng makita sa basurahan Ang nakasubsob na katawan ng kaibigan. Patay na at Wala ng ulo. Napasigaw si Hito sa nakita. Napatakbo ito paalis sa lugar na iyon.
Pabalik ng hospital, nakahinga na ng malalim sina Maru at Fil dahil ligtas na si Sue. Sinalubong ni Maru ang ama na si Paeng.
“Tay kamusta? nahuli na ba sina Jack?”
“Hindi pa pero natunton na namin ang hideout nila. Ngunit hindi na namin inabutan pa sina Jack. Pero si Cholo, nadatnan naming patay na, sabog Ang ulo. Sinusuri narin namin Ang mga CCTV malapit doon. Mahuhuli din Ang mga iyon.” tugon ni Paeng sa anak.
“Dapat lang po Tiyo, kailangan nilang pagbayaran Ang ginawa nila kay Sue, muntikan na nila mapatay Ang tao.” Saad pa ni Fil.
“kumusta na pala ang pinsan mo Maru?”
“Ayos na daw po siya Tay, nailipat narin siya ng silid para makapag pagaling agad.” Sagot ni Maru.
Abala na naguusap ang mag ama sa Isang tabi, nang mapadako ang tingin ni Fil sa madilim na parti ng hallway ng hospital. Napansin ni Maru ang nakatulalang kaibigan kaya nilapitan niya ito at tinapik sa balikat.
“Huy Fil sino ang tinitingnan mo diyan?” Tanong ni Maru.
“Iyong tao, nakatayo doon at nakatingin sa atin.”
“Saan, wala naman ah. Alam mo baka gutom lang iyan. Total nandito naman si Tatay labas muna tayo para kumain.”
“Siguro nga.”
Matapos mag paalam ang dalawa kay Paeng lumabas ang mga ito ng hospital at kumain sa katapat na pansitan. At habang nag hihintay ng order nagpaalam muna si Fil kay Maru na mag banyo. Out of order ang banyo sa pansitan na iyon kaya nag hanap ito sa labas. Papunta ito sa madilim na bahagi ng Isang lumang gusali para umihi sana, nang makita nito muli ang lalake, na nakita niya sa hospital. Hindi nito maaninag ang mukha dahil nakayuko ito at natatakpan ang mukha ng sumbrero.Naka jacket itong itim at patalong hapit na itim din. May bumunggo sa likod ni Fil kaya napalingon ito, at nang balikan niya ang lalaking nakita , wala na ito doon.
Singaw
Hanggang sa pag-uwi, binabagabag parin si Fil sa kanyang nakita. Pinaniwala na lang nito ang sarili na Ang lahat ng iyon ay bunga lang nang malikot niyang mga mata.
Hirap makatulog si Fil, balisa ito sa kanyang kama. Naisipan nitong tawagan si Maru para kamustahin si Sue sa hospital.
“Gising ka pa, matulog ka na may pasok ka pa bukas. Daanan mo na lang kami ni Sue dito pag out mo.”
“Sa Lunes na ako papasok,pero bukas dadalaw talaga Ako diyan. Mabuti at nakakakilos na si Sue. Wala parin ba update sa tatay mo tungkol kina Jack?” tugon ni Fil kay Maru.
“Mailap Ang mga hinayupak na iyon. Siguradong nagtatago na iyon sa impiyerno. Siya nga pala Fil, paki tingin-tingin na lang din muna sa tindahan ko. Ako bahala sa iyo pag nakalabas na si insan dito.” Sabi ni Maru
“Kahit hindi mo pa iutos , palagi kong sinisilip Ang tindahan mo.” Napangiting saad ni Fil.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag uusap, bigla na lang nakarinig ng sigaw si Fil mula sa kanyang lola. Agad na pinutol ni Fil Ang usapan nila ni Maru. Nagmadali itong lumabas ng kanyang silid, halos lundagin na nito ang hagdan pababa para lang puntahan ang nagtitiling Lola.
Inabutan ni Fil Ang lola nito sa may kusina, takot na takot ang itsura nito. Nanginginig din ito habang hawak sa kamay ang walis tambo.
“Nay bakit?”
“May ahas, napakalaking sawa, gumapang palabas ng kusina. Tapos dumaan diyan sa jalousie.” Sagot ng lola nito.
“Ahas?naku akala ko kung ano na. Nakakatakot ang sigaw mo Nay, grabe!” Ang napakamot na lang na sabi ni Fil.
“Eh bakit hindi ka ba matatakot sa ahas tapos ang laki pa. Eh kung may kamandag pa iyon.” ayon pa sa lola nito.
“Sige na Nay, bumalik ka na sa kuwarto mo at bukas din hahanapin ko Ang sawa na iyon. Malamang galing iyon diyan sa kabilang pader. Pagubat na kasi Ang mga tinim sa likod.” Sabi pa ni Fil.
Pumasok na sa silid nito ang kanyang lola. Matapos maisara ang lahat sa kusina, umiinom muna ng tubig si Fil. Nang ilang saglit pa may kalampag itong narinig mula sa kanilang gate. Sinundan ito ng ingay na para bang may nambato sa kanila. Rinig ni Fil ang pagbagsak ng kung ano sa labas ng kanilang pintuan.
Agad na pinatay ni Fil Ang ilaw sa kusina at lumapit sa sala para silipin sa bintana ang labas ng kanilang gate. Tahimik naman sa labas at wala naman itong napansing kakaiba. Napaisip na naman ito na guni-guni niya lang iyon. Kaya binalewala niya na ito.
Samantala sa station nina Paeng, nagkagulo ang lahat dahil sa natanggap nilang report tungkol sa panibagong bangkay na naman na walang ulo ang natagpuan sa isang reclaimed area malapit sa pantalan.
“Sunod-sunod na ang pag aatake ng vigilante na ito, mukhang nawiwili na talaga siya sa kanyang ginagawa.” Sambit ni Paeng sa kasamahan nitong pulis.
“Hinala ko nga nasa paligid lang iyon at buntot lang natin ang binabantayan nun. Hirap mahuli, magaling mag tago. Sa dami ng mga CCTV sa paligid ng crimen hindi man lang nahagip Ang pinaggagawa niya.” tugon naman nito kay Paeng.
“Makalaay,”
“Hepe, bakit?” Tugon ni Paeng sa Hepe nila nang tawagin ito.
“May nagsurender sa station 13, kasamahan daw ni Jack. Ikaw ang hinahanap. Puntahan mo muna “
“Sige hepe salamat.”
Agad na pinuntahan ni Paeng ang nasabing police station, at doon agad siya sinalubong ni Hito na nanginginig sa takot.
“Mang Paeng, maawa kayo tulungan niyo Ako. Uubusin niya kaming lahat. Mang Paeng maniwala kayo at sa hindi wala ho akong kinalaman sa mga pinag gagawa nina Jack, nadadamay lang Ako dahil kabarda namin sila.”
“Huminahon ka nga Hito. Linawin mo sa akin ang lahat. At sino ang uubos sa inyo?” tanong ni Paeng sa binata.
“Ang pumatay sa kanila ni Dagul, ni Luca, ni Intoy ,ni Cholo at kay Marben. “ bulalas pa ni Hito.
“Si Marben patay na?” gulat na tanong ni Paeng.
kinuwento ni Hito ang lahat na nangyari sa kanila kay Paeng. Dahil sa mga salaysay ni Hito agad na tinungo nina Paeng ang nasabing lugar kung saan ayon kay Hito , pinaslang si Marben.
At na kumpirma nga nila ang lahat. Sa tambak ng mga basura naroon ang nakasubsob na katawan ni Marben at wala na itong ulo.
Bukod doon Isa pang bangkay ang natagpuan naman sa isang kanal malapit sa lumang gusali ng postal office.
Tatlong mga pugot na bangkay sa magkahiwalay na lugar Ang natagpuan ng gabing iyon. Malalayo Ang agwat ng mga pinagtapunan ng bangkay kaya palaisipan sa mga kapulisan kung nagiisa nga lang ba Ang salarin o grupo talaga ito ng mga vigilante.
Kinabukasan nagising na lang si Fil sa katok ng kanyang kapatid.
“kuya nakita ko ito sa tapat ng pinto, nakabalot ito sa bato. May kaaway ka ba kuya?” tanong ng kapatid nito.
Isang nakayukot na papel na may nakasulat na pagbabanta kay Fil ang ipinakita ng kapatid nito sa kanya. Base sa nakasulat, isa lang Ang pinaghihinalaan ni Fil na may kagagawan nito, walang iba kung hindi sina Jack. Dahil ito lang ang naalala nitong nakabanggaan niya sa lugar nila.
“uy Ikaw, huwag ka mag gagala ng mag Isa o hindi Ako kasama. At pati si nanay huwag mong hayaang mag Isa dito kapag wala Ako. Siguraduhin mo din na naka lock Ang gate ano mang oras” paalala pa ni Fil sa kapatid.
“sino ba ang kaaway mo kuya?”
“Hindi ako sigurado kung sino, basta sumunod ka na lang.”
Agad na pinuntahan ni Fil si Paeng sa bahay nito ngunit hindi na nito inabutan ang ama ni Maru sa halip si Hector ang bumungad sa kanya sa gate. Lumabas naman si Paz at pinatuloy si Fil sa loob.
“Napasugod ka Fil, hindi pa nakauwi sina Maru baka sa lunes pa ang labas nila.” bungad ni Paz
“Si Tito po ang sadya ko, kaso hindi ko na inabutan.”
“Saglit lang iyon dito, nag almusal lang saglit tapos umalis din. Balita ko kasi mula sa kanya, tatlong bangkay ang natagpuan kagabi, at alam mo ba kung sino ang Isa sa mga iyon?”
“Sino po tita?”
“Si Marben ang anak ni Roman na kabarkada din nina Jack. At si Hito mismo ang nag turo sa mga pulis. “ kuwento pa ni Paz kay Fil.
“Tungkol din sana sa grupo nina Jack ang sadya ko kay Tito. Nadali na rin pala si Marben ng killer, pero kung ako ang tatanungin hindi na makatarungan ang ginagawa ng killer na iyan. Nilalagay niya na sa kamay niya ang batas.” tugon ni Fil.
“Sa bagal ng hustisya dito sa atin, hindi ba at mas nakakatulong pa sa mga biktima ang ginagawa ng killer?” pag singit ni Hector sa usapan ng dalawa.
“Sang ayon ako kay Hector. Mga salot naman sa lipunan ang tinutumba ng killer. Deserve nila iyon bilang kabayaran sa mga perwesyo nila sa mga biktima.” ayon pa kay Paz.
“Paano kung wala naman talaga silang kasalan at nadamay lang sila. Eh di tinanggalan niya lang ng karapatan ang mga pinatay niya na magbago.” Sabi naman ni Fil.
“Kung nais nila mag bago, una pa lang hindi na sila gumagawa ng masama. At Isa pa dawit man sila o hindi, bahagi na sila ng krimen kasi kasama din sila sa grupo.” Ayon pa kay Hector.
“Pero mali pa din. May batas naman tayo.” sambit pa ni Fil habang humihigop ng tasa ng kape na inabot sa kanya ni Paz.
Inakbayan ni Hector si Fil at may binulong ito sa binata na siyang ikinagulat naman nito. Napatingin si Fil kay Hector. Hindi na nakuha pang lagukin ni Fil ang kalahating laman na kape sa kanyang tasa. Nagpaalam na ito kay Paz at lumabas na ng gate.
Hindi pa naman katirikan ng araw ng Oras na iyon ngunit pinagpapawisan si Fil na binibilisan ang mga hakbang palayo sa bahay nina Maru. Palingon-lingon din ito sa kanyang likod.
Umuwi ito sa kanila na hindi mawari ang reaksiyon sa mukha.
“Huy Fil, anong nangyari sa iyo bakit pinagpapawisan ka? Nakipaghabulan ka ba sa demonyo?” usisa pa ng Lola ni Fil nang mapansin siya nitong pumasok sa kanilang gate.
“Wala po nay, mainit lang talaga sa labas.” sagot naman ni Fil.
Buong araw na hindi na lumabas ng bahay si Fil ng araw na iyon.Hindi na nito nagawang makadalaw kina Maru sa hospital. Nagkulong lang ito sa kanyang silid at inaalala ang binulong sa kanya ni Hector. Ito ang bumabagabag ngayon sa isipan ni Fil.
Napatawag si Maru kay Fil ng gabing iyon, dahil nga hindi ito naka dalawa gaya ng kanyang pangako.
“Pasensiya na, medyo sumama kasi ang tiyan ko kanina. Pabalik-balik ako ng banyo kaya di na Ako naka punta diyan.” Ang dahilan pa ni Fil.
“ok ka na ba ngayon?”
“Mabuti-buti na baka bukas makakadalaw na ako diyan.” Sabi pa ni Fil.
“Huwag na Fil, lalabas na si Sue at doon na sila sa kanila magpapagaling. Nandito kasi parents niya. Nandito rin sina Tita at Mang Hector. Sila muna kasama ko dito.” sambit ni Maru.
“Nandiyan si Mang Hector?” tanong ni Fil kay Maru na bigla na lang nabahala.
“Oo kararating lang nila. Bakit parang hindi mapakali ang boses mo? Natatae ka na naman ba?…Baka may makain kang panis o hilaw. Uminom ka na ba ng gamot”
“Maru, huwag ka mag didikit o magtiwala diyan kay Hector na iyan.” utos bigla ni Fil sa kaibigan.
Nagtaka naman si Maru sa sinabi na iyon ni Fil sa kanya. Hindi niya iyon binigyan ng pansin at inakalang nag titrip lang ang kaibigan.
Hindi mapakali si Fil. Binabalot ito ng kaba at takot sa di matukoy na dahilan. Uminom ito ng beer para lang antukin at makatulog.
Malakas ang ulan ,subrang lakas na halos hindi na matanaw ang daan at kalsada. Sinabayan pa ito ng nakakabinging kulog at kidlat. Nagising si Fil sa iyak ng isang bata sa loob ng isang kabinet ng aparador.
Marahan itong lumapit doon at maingat na inangat ang puting kurtinang tabing sa aparador tsaka binuksan ang pinto. Roon isang batang lalake ang nakita nitong nanginginig sa takot.
“Boy ano ang ginagawa mo diyan?” tanong ni Fil sa bata.
“hush… huwag kang mag ingay ,maririnig niya tayo.” Sabi ng bata kay Fil sa mahinang boses.
“Sinong tinutukoy mo? “ Tanong pa ni Fil.
Nang bigla na lang napalingon si Fil sa pag guhit ng liwanag ng kidlat na sinabayan pa ng isang hiyaw ng takot mula naman sa isang babae.
“Sino iyon?” tatanungin pa sana muli ni Fil Ang bata ngunit pag tingin niya muli dito wala na doon ang bata.
Napansin ni Fil na nakabukas na ang silid niya kaya dali-dali itong lumabas at bumaba. Nasa hagdan na ito ng makasalubong nito ang isang babae na duguan ang suot na damit.
“Bakit ka lumabas, bumalik ka sa loob! Magtago ka! Papatayin niya tayong lahat. Ayan na siya!” Sigaw ng babae kay Fil, na pilit siya nito pinapabalik sa kanyang silid.
Napaatras si Fil nang makita sa likod ng babae ang nakatayong lalaki na naka mahabang jacket na itim, naka sumbrero at may kalawit sa kanang kamay nito na may bahid pa ng sariwang dugo.
Pabalik na sana si Fil nang bigla na lang sa kanyang harapan, inundayan ng lalake ng taga ang babae. Gustong sumigaw ni Fil para humingi ng tulong ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.
Natagpuan na lang nito ang lalake na nasa harapan na niya,
“Tandaan mo, Kamatayan lang magpapalaya sa lahat ng kasalanan. Kamatayan lang.” Ang bulong pa ng lalake kay Fil.
Nanglaki ang mga mata ni Fil sa kanyang narinig. Dahil iyon mismo ang narinig nito kay Hector ng binulungan siya nito.
At kasabay ng pag guhit muli ng malakas na kidlat ,nagising si Fil. Habol hininga itong napaupo sa kanyang kama. Tumayo ito para kumuha ng tubig sa kusina. Umuulan din talaga ng mga sandaling iyon kaya bago ito lumabas ng silid, sinara muna nito ang jalousie ng kanyang bintana dahil sa pumapasok na ulan.
Nang may napansin ito sa labas ng kanilang gate. Sa gitna ng malakas na ulan may naaninag itong tao na nakatayo sa labas ng kanilang gate at naka tingin sa kanilang bahay.
Kinabahan na naman muli si Fil. Hindi rin nag tagal doon ang nakita niyang tao at umalis din ito. Nagmadaling isinara ni Fil ang bintana at bumaba na ng kusina.
Hindi na madapuan ng antok si Fil, kaya doon na ito pumermi sa may sala at nanuod na lang ng pelikula. Nagbabakasakaling dalawin ito ng antok.
Sa kanyang pag mumuni-muni bumalik na naman sa isip niya ang paulit-ulit nitong panaginip. Kaya napapaisip ito kung sino ba talaga ang babae sa panaginip niya na tinatawag siyang anak.
Lumaki si Fil sa isang pamilya na tumulong sa kanya matapos ito ma truma sa nangyaring pag massacre sa kanyang magulang. Apat na taong gulang palang ito noon ng inampon si Fil ng mag asawang pulis na siyang kinilala ng ama at Ina nito. Ngunit nang isinilang ang bunsong kapatid namatay ang Ina nila. At dahil naman sa Isang aksidente sumunod na nawala ang kanilang ama.
Kaya ang lola na nila ang nagpalaki sa kanila. Sa mga nagdaang taon kasabay nang paglaki ni Fil,nabura nang tuluyan ang malagim na nakaraan nito noong musmos pa siya sa kanyang isipan.
Ngunit sa sunod-sunod na mga patayan sa kanilang lugar, bigla na lang ginambala ng nakakabahalang panaginip si Fil. At hindi mawala-wala sa isip nito ang image ng Isang lalake na may kalawit na hawak sa kamay.
Kinabukasan,maaga pa lang at pinuntahan agad ni Paeng si Fil sa kanila.
“Magandang umaga Tito, ano po ang sadya niyo at ang aga niyo naman yata?”
“Kuwan kasi, may nagtungo kahapon sapresento, isang lalake ,hindi ko na nakuha pa ang pangalan niya pero hinanap niya doon si pareng Julio ,ang papa mo. Nang malaman niyang patay na. Iniwan na lang niya ito sa akin. Para daw ito sa iyo. Idinaan ko lang iyan dito. Ika ko baka importante. Di ko na pinakialaman kasi balot na balot”
Isang tila parcel package ang inabot ni Paeng kay Fil. Alangan pa sana si Fil na tanggapin ito ngunit kinutuban ito na mahalaga ang laman ng bagay na iyon. Matapos makapagpasalamat kay Paeng, pumasok agad sa loob si Fil at umakyat sa kanyang silid.
Naghagilap ito ng gunting para pambukas sa hawak niyang package. Nanginginig ang kamay ni Fil habang isa-isang pinipilas Ang mga nakabalot doon. Nang matanggal na lahat. Isang plastic envelope ang laman nito at may brown envelope pa sa loob.
Biglang naitapon ni Fil ang laman ng brown envelope, dahilan para mag kalat Ang mga ito sa sahig.
Ang laman ng envelope ay mga larawan ng mga taong pinaslang at wala ng mga ulo. Kasama pa doon ang larawan nito na panakaw na kinuhanan sa mga lugar kung saan ito nag lalagi, mula sa bahay, sa kanyang trabaho sa daan at maging noong bumisita ito sa hospital.
Nanghilakbot sa takot si Fil, nanginginig ito at pinagpawisan ng matindi. Agad nitong tinawagan si Maru para humingi ng saklolo kay Paeng. Ngunit napahinto ito nang may nakitang sulat sa Isa sa mga litrato na nandoon.
Napako ang atensiyon nito sa pangalan na nakasulat roon.
“Paz, ano ba ang meron sa inyo ni Hector? Napapadalas yata iyon dito. Nanliligaw ba iyon sa iyo o naliligaw?” Tanong ni Paeng sa kapatid habang kumakain sila ng hapunan.
“Naku tita, kung totoo yan sunggaban mo na si Kuya Hector. Minsan lang iyan. Wala na iyang ka double. Support tayo diyan.” sabat bigla ni Maru sa usapan
“Anong support? Mabuti si Hector. Wala akong nakitang mali sa intensiyon ng taong iyon sa iyo. Pero wala tayong alam sa background ng lalaking iyon. Ni hindi nga natin alam kung taga saan talaga ang pinagmulan niya.” Sabi pa ni Paeng
“Kumain na nga lang kayo,. Nakikipag kaibigan lang si Hector. At wala na sa isip ko Ang mga ligaw-ligaw na iyan. “ tugon ni Paz
“Ayos lang naman iyon, personal na kaligayahan mo naman iyan. Kilalanin mo lang muna ng mabuti si Hector” ayon pa kay Paeng
Sa kasarapan ng kanilang pag kain, napahinto Ang tatlo sa pangangalampag sa kanilang gate. Sa lakas ng kalampagan napatayo Ang tatlo at napasilip sa bintana.
“Si Fil iyon ah, may nangyari ba? bakit parang nagmamadali. Maru pagbuksan mo nga Ang kaibigan mo nakaka bulahaw sa mga kapitbahay Ang ingay ng gate.” Utos ni Paeng sa anak.
Agad na pinagbuksan ni Maru si Fil at pinapasok Ang pawisang kaibigan. Nang makita ni Fil si Paeng agad itong lumapit dito at may inabot na brown envelope.
“Tito, ito iyong binigay mo sa akin kanina. Kailangan ko na ng tulong ng mga pulis dito Tito.” bulalas ni Fil.
“Ano? bakit naman? ano ba ang laman nitong envelope” At binulatlat ni Paeng ang loob nito at maging siya napalunok nang makita Ang mga laman nitong mga larawan .
Napasilip din si Maru sa mga larawan.
“Ano ito Fil bakit may ganito? May mga naka banggaan ka bang sindikato o mga prankster?” tanong ni Maru habang iniisa-isa Ang mga larawan.
“Hindi ko alam, ang buong akala ko dati sina Jack lang iyong nakikita ko na nakamasid lagi sa bahay. Pero this time ibang level na ito.” sagot ni Fil na may nginig pa sa boses.
“May stalker ka sa bahay niyo? Kailan pa Fil?” dugtong na tanong ni Paeng.
“Simula noong may nangyari kay Sue, Tito.. Sa hospital may nakita akong lalake na nakatingin sa malayo. Hindi siya pamilyar sa akin. At nasundan na iyon ng may nakita akong tao na nakatayo sa labas ng gate. Simula noon ginagambala na Ako ng mga bangungot ko tuwing gabi.Sa panaginip ko nandoon Ang lalake, may hawak siyang kalawit sa kanyang kamay. Isang pamilya ang pinaslang niya. Paulit-ulit iyon.” kuwento pa ni Fil.
“Ano nga iyong pagka describe mo sa tao?” paglinaw na tanong ni Paeng nang marinig ang kuwento ni Fil.
“Naka, mahabang jacket na itim ,naka sumbrero tapos may hawak siyang kalawit sa kanang kamay Tito.”
Naalala bigla ni Paeng ang nilahad sa kanya ni Hito. Ang tao na pumatay sa kasamahan nito may hawak din itong kalawit sa kamay. At tulad ng pagsalarawan ni Fil, naka suot din iyon ng mahabang jacket at naka sumbrero.
“Tito, may napansin pa Ako sa Isa sa mga larawan na iyan. Nakasulat diyan Ang pangalang Joram Treyes, at ang birthdate ko. Hindi ko iyan Kilala pero parang pamilyar sa akin ang pangalan na iyan. May hinala ako kung sino man ang nagbigay niyan sa iyo. Alam niya kung sino ang killer at maaring siya din iyong killer. Tito natatakot Ako sa kaligtasan namin. “ Ang pangamba pa ni Fil.
Nakaramdam din ng ganun si Paeng ngunit hindi iyon nagpahalata sa kanila. Agad nitong tinawagan ang kanilang hepe. Hindi na ito tinapos Ang hapunan at nagpaalam na kina Paz at Maru na bumalik na ng police station. Sinama nito si Fil para maka pag blotter.
“Maru, puntahan mo Ang Lola at kapatid ni Fil. Sabihin mo na dumito na muna sa atin. Hanggat hindi pa malinaw ang bagay na ito.” Utos ni Paeng sa anak.
“Ingat po kayo Tay, Fil kami na muna bahala sa lola at kapatid mo. Maaayos din ito.” tugon ni Maru.
Palabas na ng barangay sina Paeng at Fil sakay ng service, At nasa bungad na sila ng tulay nang makasalubong nila si Rodge na naglalakad naman papasok sa barangay nila. May bitbit itong malaking bag.
Napahinto sina Paeng para kausapin si Rodge.
“Ngayon ka lang nakauwi Rodge?” tanong ni Paeng.
“Magandang gabi sa Inyo. Opo , medyo ginabi na nga eh. balik trabaho na po ba kayo?” tanong naman ni Rodge ng tumugon ito.
Tumango si Paeng bilang sagot. Sumilip naman si Fil para bumati kay Rodge. Sa pag silip ni Fil, agad nitong napansin Ang hawak na bag ni Rodge.
“Pare dugo ba iyang tumatagas sa gilid ng bag mo?” bulalas na tanong ni Fil.
Maliwanag na Ang tulay ng mga sandaling iyon dahil sa naayos na Ang mga poste ng ilaw. Kaya kitang kita Ang lahat sa paligid. Napatingin din si Paeng sa tinutukoy ni Fil.
“Dugo nga iyan Rodge, ano ba ang laman ng bag mo? “ tanong din ni Paeng.
Hindi agad naka sagot si Rodge, sinapo nito ang parte ng bag kung saan tumatagas ang dugo na napansin ng dalawa.
“Ah eh, ang karne na pinadala sa akin ni Nanang ko. Nagkatay kasi sila kanina ng kambing. Nagtanggal siguro Ang pagkabuhol ng plastic kaya tumagas Ang dugo.” Tugon ni Rodge at pinakita pa sa dalawa ang laman na iyon. At Isa ngang karne Ang laman.
“Naku, babaho Ang mga damit mo niyan. Sige Rodge, mauna na kami. Ingat sa pag uwi maraming aso sa daan papunta sa maisan, baka pag disketahan iyang bag mo. Nangangamoy na Ang lansa.” Sabi pa ni Paeng at tumuloy na Ang mga ito.
Pagkadating sa police station, Sinalubong agad sina Paeng ng mga nag mamadaling mga kasamahan nito. Panibagong biktima na naman ng killer ang natagpuan sa isang talahiban malapit sa old city market.
Sinalubong sina Paeng ng kanilang Hepe, at may inabot na folder dito.
“Ito ang lahat ng files ng mga Treyes. Sa mga nangyayari ngayon at sa sinabi mo sa akin. Mukhang kailangan mabuksan muli ang kaso na ito. Kayo ni Ignacio ang hahawak nito.”
“Hepe, kailangan nina Fil ng proteksiyon, may umaaligid na sa kanilang bahay ayon sa kanya.” ayon pa kay Paeng.
“Magpapa deploy ako ng team sa barangay niyo. May nakapag timbre din kasi dito na bumalik na sina Jack . May nakakita sa kanila sa peryahan.” Tugon ng Hepe.
Samantala matapos makapag pa blotter si Fil, lumabas muna ito saglit sa police station para bumili ng makakain dahil sa hindi pa nga ito nakapaghapunan. Bumili ito ng burger sa katabing burger station. Habang nag hihintay ito ng kanyang order , may natanaw si Fil sa kabilang bahagi ng kalsada. Sa lilim ng isang waiting shed, isang lalake ang nakita nitong nakatayo doon. Naka-jacket at naka ball cap. Matangkad ito at base sa kanyang pangangatawan inakala pa ni Fil na si Hector iyon. Napalunok ng laway si Fil sa kaba.
Hindi masyadong maliwanag sa bahaging iyon kaya hindi makumpirma ni Fil kung tama ang hinala niya, bukod dito natatakpan pa Ang mukha ng lalake sa suot nitong sumbrero.
Saktong naluto Ang burger ni Fil Ang pagdaan ng isang bus. Pagkakuha ng kanyang order, binalingan muli ni Fil ang waiting shed, ngunit wala na roon ang lalake.
Nagulat si Fil nang may nag salita sa gilid niya. Napabuntong hininga na lang ito nang makita si Paeng.
“Fil ,pasasamahan na kita sa patrol car pauwi. Doon muna kayo sa bahay. “ Sabi ni Paeng.
Tumango si Fil at sumampa na sa back to back ng police para umuwi.
Sa bahay nina Maru muna tumuloy sina Fil kasama ang kanyang lola at kapatid. Sinalubong ito ni Maru nang mag bosina ang naghatid kay Fil sa kanila. Ang team narin na iyon ang inatasang mag ikot-ikot sa buong barangay ng Kwatro Uno.
“Tulog na Ang lola mo at si Ping, kasama sila ni Tita Paz sa kuwarto. Kumain ka na ba? ipaghahain kita may Karne frita pa akong tinabi para sa iyo.”
“Salamat, medyo humihilab pa nga ang tiyan ko. Samahan mo na akong kumain. Hindi kasi Ako sanay na walang kasama sa mesa.” tugon ni Fil na napangiti sa kaibigan.
Sinabayan ni Maru si Fil habang kumakain ito. Napag-usapan ng dalawa Ang tungkol sa mga nararanasan ni Fil na para pa kay Maru, parang may something na koneksiyon at may ibigsabihin.
“What if ikaw Ang susi para ma unlock Ang mystery ng mga patayan dito sa atin? May nabasa kasi ako sa isang post na may mga tao daw na may kakayanan na makita ang past and future. Ano ba tawag nila doon. Mga may psychic vision? Baka ganun ka Fil.” Sabi pa ni Maru sa kaibigan.
“Hindi naman iyon pangitain Ang sa akin, kung hindi bangungot. At hindi totoo Ang mga psychic vision na iyan.Walang ganun. Sana nga lang malaman na ng tatay mo kung sino Ang nag abot sa kanya ng envelope na iyon. Maingat din kasi ang tao na iyon, siniguradong hindi mahahagip ng CCTV Ang mukha niya.” Komento ni Fil.
“Di kaya mga kinalaban dati ng mga parents niyo Ang may pakana nito? Mga pulis dati sina Tito Julio at Tita Carmen. Ilang mga drug masters din Ang kinalaban dati ng papa mo,tapos si mama ganun din.” Teyoriya pa ni Maru.
“Kaya nagpatulong na Ako kay Tito Paeng dito. Hindi naman Ako natatakot para sa sarili ko, pero natatakot sa puwedeng mangyari kina Nanay at Ping. Ilang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil dito alam mo ba iyon?”.
“Alam mo may sagot tayo diyan, wait lang. Ito lang katapat ng insomnia mo.”
tumayo si Maru at may kinuha sa loob ng ref. Dalawang malamig na beer mocho ang tinapay nito kay Fil, kumuha din ito ng ice cubes at dalawang baso.
Pansamantalang nabaling sa ibang topiko Ang kuwentuhan ng dalawa. Ang nuoy pangamba ni Fil ay napalitan ng tawa at ngiti sa mga hirit at mga kalokohang biro ni Maru. Napawi bigla Ang takot sa mukha ni Fil. Hindi na maalis sa mga labi at mata nito ang saya habang pinagmamasdan si Maru.
Nang bigla na lang napahinto sa kanyang pagdadaldal si Maru. Natigilan ito nang hinawakan ng mahigpit ni Fil Ang kamay nito.
Kaibigan
Nagulat ang dalawa nang makarinig sila ng ingay mula sa labas ng gate nina Maru.
“Huwag” pag pigil ni Fil kay Maru nang akma itong tatayo para silipin ang gate.
“Titingnan ko lang sa bintana, baka mga akyat bahay na naman iyon. Last week lang kasi , ninakawan ng mga cellphone at tv sina Mang Marsing.” ayon kay Maru.
“Sabay na tayo.”
Tumayo ang dalawa at marahang lumapit sa may bintana. Sa unang silip pa lang ng dalawa na gulat na Ang mga ito nang makita sa labas sina Jack at Nato na tinatangkang akyatin ang kanilang gate.
“Ang mga walang hiya, Ang lakas ng apog. Humanda kayong mga gago kayo.”
“Anong gagawin mo? Tumawag na lang tayo ng tanod” Sabi ni Fil.
“Sige tumawag ka sa barangay,at gugulatin ko lang Ang mga ito.” May kinuha sa kabinet sa may sala si Maru na ikinagulat ni Fil.
“uy teka, baka matuluyan mo Ang mga iyan”
“Sa ginawa nila kay Sue, baka tuluyan ko nga sila. Pero huwag ka mag alala, tatakutin ko lang Ang mga iyan. Tumawag ka na ng tanod sa barangay.”
Tumawag ng tulong si Fil sa barangay, samantala sa likuran ng bahay dumaan si Maru para Hindi sila mapansin nina Jack na noon malapit nang maabot ang taas ng gate.
Handa na Ang mga itong tumalon nang gulatin ito ni Maru habang tinututukan sila ng hawak nitong baril.
“Sige , pumasok kayo nang hindi na kayo makakalabas ng buhay dito. Mga tang Ina niyo Ang lakas ng loob niyo at bahay pa mismo namin Ang napili niyo!”
Natigilan na ang dalawa sa taas nang gate nang makita si Maru. Sa takot agad na napa talon si Nato at hindi maganda ang pagkabagsak nito. May kataasan Ang gate nila ni Maru na rehas. Walang ano mang patusok o patulis na desinyo Ang gate. Pero mataas talaga Ang gate na pantay sa pader.
Pinutukan ni Maru si Jack pero hindi niya ito pinatamaan. Sa takot ni Jack napabitaw ito sa kakakapit kaya nahulog din ito at nabagsakan pa si Nato. Sa pagpapaputok ng baril ni Maru, nagising Ang mga kapitbahay nila at nagsilabasan Ang mga ito.
Hirap sa pag bangon Ang dalawa dahil sa pagkabagsak.
“Putcha pare, tayo…bago pa tayo makuyog dito.” Ang pa ika-ikang galaw ni Jack habang inalalayan si Nato para tumayo.
“Kasalanan mo ito, Nabalian pa tuloy Ako.”
Kahit hirap kumilos Ang dalawa nagawa parin nilang makaalis sa harapan ng gate. Ngunit dahil sa sama ng pagkabagsak nila hindi na Ang mga ito nakalayo at inabutan na ng mga tanod. Rumesponde din sina Paeng para hulihin sina Jack. Sa pagkakahuli kay Jack at Nato nabawasan na ang pangamba ni Fil.
“Sa dami ng kasong kinasangkutan nina Jack mabubulok na Ang mga iyan sa kulungan. Buti na lang gising pa kayo nang pagtangkaan kayong pasukin ng dalawa.”
“Bobo lang talaga ang Jack na iyon Tay, sa dinami-dami ng puwede nilang pagnakawan ,bahay pa talaga natin. Siya nga po pala Tay kamusta na iyong inilapit sa Inyo ni Fil?”
“Wala pa kaming lead ,pero baka mabuksan muli Ang kaso ng tunay niyang mga magulang “ Nadulas si Paeng at may nasabi ito sa anak. Babawiin pa sana nito ang sinabi ngunit inusisa na ito ng anak.
“Ampon si Fil Tay?” tanong ni Maru sa ama.
“Maru, puwede huwag muna nating pag usapan ang tungkol diyan. Baka marinig pa tayo ng kaibigan mo.”
“Hindi alam ni Fil na ampon lang siya Tay?”
“Maru ano ba,”
“sorry Tay, binigla mo din kasi ako.”
“Wala munang makaalam tungkol dito. Sige na puntahan mo na si Fil at babalasahin lang namin Ang mga kumag na ito.”
Nang maiwan na muli Ang dalawa, hindi maiwasan ni Maru na malungkot at maawa sa kaibigang si Fil. Nakatitig lang ito sa kaibigan. May nais itong sabihin kay Fil ngunit dahil sa bilin ng ama, pinili na muna nito ang manahimik.
“Bakit ganyan ka makatitig sa akin?” pansin ni Fil kay Maru.
“Bakit, bawal?” sagot na tanong ni Maru
“Hindi, nakakailang lang, puno kasi ng pag nabasa mga titig mo eh. Baka mamaya niyan habang tulog tayo, may gagawin kang hindi maganda sa katawan ko.” nakangiting tugon ni Fil sabay angat ng damit nito para ipasilip ang galit nitong abs.
“Alam mo kung may trust issue ka sa akin, dito ka na lang matulog sa sala. Magtiis ka sa mga lamok dito. At hindi ako nasisilaw sa abs mo kaya itago mo iyan, mas maganda pa abs ko sa iyo.” pag susungit naman ni Maru na tinungo na ang pintuan ng kanyang kuwarto.
Hinabol ito ni Fil at hinawakan siya nito sa kamay.
“Teka lang nagbibiro eh. Kahit reypin mo pa ako, ok lang naman sa akin eh, best friend naman tayo. At giver naman Ako. Be gentle ka nga lang kasi virgin pa Ako.” pang iinis pa ni Fil kay Maru sabay kagat pa ng labi.
“Antok lang iyan Fil, ituloy na natin iyan at bukas magiging muta na iyan.”
Bago pumasok ng silid Ang dalawa, sinaglit muna ni Maru ang switch ng ilaw sa sala para patayin ito. Pinauna na nito si Fil sa loob ng kuwarto.
Sinigurado ni Maru ang lahat ng mga pintuan , maging sa kusina kung nakasara na ba lahat tsaka bumalik ng sala para patayin ang ilaw.
Nang patay na ang mga ilaw sa loob ng bahay, sumaglit muli si Maru sa bintana, hinawi nito ang puting kurtina at sumilim doon upang tingnan ang labas.
Nanglaki ang mata ni Maru nang may nakita itong lalake na nakatayo sa tapat ng kanilang gate, naka itim ito na jacket na mahaba, may sumbrero at may hawak na malaking bag sa kamay na nakatingin sa kanilang bahay.
Natigilan si Maru sa kakatitig sa lalake.
Nang napatili ito at napamura , dahil sa pag gulat sa kanya ni Fil na sinundan pala siya sa labas.
“Gago ka talaga ,bakit ka nanggugulat?”
“tagal mo kasi, sino ba iyang sinisilip mo sa labas?” tanong ni Fil na napasilip din.
Ngunit nang tingnan muli ni Maru ang kaninang tao sa gate ,wala na ito doon. Hindi na nito sinabi pa kay Fil Ang kanyang nakita, at inisip na baka na Malik mata lang ito, at baka kapitbahay lang iyon na napadaan. Binalewala na lang iyon ni Maru at nagpahinga na ang dalawa.
Mahaba pa ang gabi, ngunit para sa iba, ang gabi na iyon ang pinaka maikling sandali ng kanilang buhay.
“Huwag kang lalapit, maawa ka…huwaaaag!!!”
At gumuhit sa leeg ng lalake ang hawak ng kalawit ng taong may hawak nito. Gumulong Ang ulo nito sa damuhan ng humiwalay ito sa kanyang katawan.
“Kamatayan lang magpapalaya sa lahat ng kasalanan. Kamatayan lang.” Usal ng lalaking may hawak na kalawit sabay dampot ng pugot na ulo at isinilid sa dala nitong malaking bag.
Kinabukasan ginising sina Fil at Maru ng ingay mula sa labas ng kanilang kuwarto.
“Gising na Mar, mukhang may kaaway yata ang tita mo.”
“Ganyan ta lang talaga iyan mag salita sa umaga, punong-puno ng energy. Malamang nakikipag talo na naman kay Tatay.” Tugon ni Maru na tila ayaw pa bumangon sa kama.
“Bangon ka na kasi, hindi ka ba mag bubukas ng tindahan mo ngayon?’ pangungulit pa ni Fil sa kaibigan.
“Mamaya na, kapistahan ngayon abala ang mga tao.”
“Kaya nga kailangan bumangon ka na diyan, at sayang ang kikitain mo. Siguradong maraming bibili ng mga sangkap at rekado sa tindahan mo. Tutulungan kita.’ pamimilit pang muli ni Fil.
“Alam mo badtrip ka, kaya nga ayaw na ayaw ko na may kasama dito sa kuwarto kasi ayuko ng naiistorbo.” ang napakamot na lang sa baba na sagot ni Maru kay Fil.
“Kunwari ka pa, if I know, ayaw mo bumangon diyan kasi gusto mo pa akong makatabi dito sa kama, diba friend?” panunukso pa ni Fil sabay kiliti pa kay Maru.
“Alam mo feeling ka din nuh. Hindi porke’t pumayag ako na makatabi ka dito sa kama ko, eh pinagnanasaan ko na katawan mo. Kung si Rodge ka siguro, baka. Pero ikaw…walang spark. Ni hindi nga ako tinigasan nang dumantay hita mo sa akin kagabi eh.” tugon naman ni Maru.
“Hindi raw eh nang hawakan ko ang harapan mo kagabi may nahawakan akong basa. “
“Bastos mo talaga. Labas na nga lang tayo, humilab tiyan ko sa iyo.”
“Baka baby na natin iyan,” panghaharot pa ni Fil
“Baliw” sabat ni Maru sabay hampas ng unan sa mukha ni Fil bago lumabas ng silid.
Inabutan ni Maru ang tatay nito at tiya na nag-uusap sa sala, nandoon din si Hector. Pansin agad ni Maru na tila maiinit ang ulo ng tiya nito at ama kaya napatanong agad ito.
“Bakit nakatakas? wala bang mga bantay sa hospital Tay?” laking pagtataka pa ni Maru.
“May sa palos lang din talaga ang mga iyon. Ayon sa nagbabantay, humiling daw ang dalawa na mag banyo. Sira ang banyo sa ward kung saan sila ginagamot kaya bumaba daw sila at doon na nakatakas ang dalawa. Pinaghahanap na sila ngayon.” kuwento pa ni Paeng.
“Sino ang nakatakas tito?” ang kakalabas palang sa silid na si Fil.
“Ang mga natuklasan na nagtangkang manloob dito, sina Jack at Nato. Naku kuya, nakakagigil talaga ang mga kasamahan mo. Ang mga bobo.” Ang naiinis paring si Paz.
“Ginagawan na nga ng paraan. Naka suspende na ang mga pulis na naging bantay nila.” ayon pa kay Pareng.
“Paano iyan Tay, eh di balik banta na naman sa lahat iyang sina Jack, Fiesta pa naman ngayon ,malamang may binabalak na namang masama ang mga iyon.” ayon pa kay Maru.
“Sa sitwasyon ng mga iyon, mag la-laylo muna sila sa kanilang mga mudos.“sabat pa sa usapan ni Hector.
Napabaling talaga ang tingin ni Fil nang magsalita si Hector. Sumulyap din sa kanya ang lalake,sulyap tila may pagbabanta. Umiwas si Fil ng tingin at tinungo ang kusina. Sumunod naman sa kanya na napansin pala ang naging palitan ng tingin nila ni Hector.
“Uy Fil ano iyon? May problema ba kayo ni kuya Hector?” usisa pa ni Maru sa kaibigan.
“Wala iyon, huwag mo ng pansinin.”
“Anong huwag? At naalala ko noong nasa hospital kami ni Sue, sinabihan mo ako na huwag mag tiwala kay Hector, anong ibig mong sabihin dun. May something ba kayong dalawa, mag-jowa ba kayo?” tanong pa ni Maru na may pang-aasar kay Fil.
“Anong jowa? huwag mo na ngang pansinin iyon. Bilisan mo na diyan, magkakape lang ako at mauna. Hihintayin kita sa tindahan mo.”
“Teka sabay na tayo. magpapaalam lang ako kina Tatay. Pero sure ka wala kayong something ni Kuya Hector? Hindi kayo mag-jowa?”
“Hindi nga ang kulit, alam mo para ka’ng temang.”
Hindi man masabi ni Fil ang laman ng isip niya, binabagabag parin ito ng mga nangyayari sa kanyang kakaiba. Dagdag pa ang kaba at pagkabahala na baka balikan siya nina Jack ngayong nakatakas ito.
Abala na ang mga tao sa barangay kwatro Uno , Araw na siyang pinakaaabangan ng mga tagaroon. Ang Fiesta ng kanilang barangay. Kaliwa’t kanan ang mga nag sisiga at naglalatag ng mga mesa sa labas ng kanilang mga tahanan. May mga nag inihaw, nag liletchon. Mga kalde-kalderong mga pagkain handang ihain sa mga bisita at mga dadayo sa kanilang barangay.
Maingay ang mga daan dahil sa naglalakasang mga sound system. Kapansin-pansin ang mga saya at ngiti sa mukha ng bawat isa. Mga ngiti na pansamantalang nagsisilbing maskara ng takot at hilakbot na bumabalot sa puso ng karamihan dahil sa mga misteryo ng patayan sa barangay at sa mga kalapit na lugar.
“Ang saya pala dito sa inyo kapag Fiesta, sana palaging ganito na lang araw-araw.” bungad ni Ridge nang lumapit ito sa tindahan ni Maru.
“Hi Rodge kamusta, na miss ko na ang donut mo ah. Ang tagal mong hindi nagpapakita dito.” pagbati ni Maru kay Rodge.
“Bakit naman magpapakita siya sa iyo, multo ba si Rodge? Rodge pare kamusta, walang pasok sa trabaho?” Paglapit naman ni Fil sa dalawa.
“Mamaya pang hapon, parang gusto ko nga lumiban muna, gusto ko ma-experience ang fiesta niyo dito. Mukhang masaya eh.” tugon ni Rodge.
“Subrang saya dito Rodge promise, may barako gay contest mamayang gabi, super aliw iyon. Iyon talaga ang highlight ng fiesta dito. Pangmalakasan.” bida pa ni Maru.
“Kasali ka ba? dahil kung oo, manonood talaga ako.” naitanong pa ni Rodge kay Maru.
“Sus, magsasayang lang ng oras ang mga judge pag nag sali si Maru, eh walang katalent-talent naman iyan.”
“Naku Fil,sige lang dautin mo ako kayRodge, akala mo naman effective iyan.”
Habang nag uusap ang tatlo ,bigla na lang nagsisitakbuhan ang mga tao, ang iba nagsisigawan pa, nag bigay ito ng pag alala sa tatlo.
“Uy aling Maritess ano ang meron may artista ba? Bakit nagkukumahog ang mga tao? “ tanong ni Fil sa kapitbahay nilang si Maritess.
“May natagpuan na namang pugot na bangkay malapit sa maisan nina Maru. Sa may palayan, hindi lang Isa kung hindi tatlo.” ang nanginginig na sabi pa ng babae.
Ang balitang iyon sa araw na iyon ang naglagay muli sa barangay sa lahat ng post sa social media, sa news sa tv, pahayagan, mga radyo. Ang masayang pagdiriwang ng kapistahan ay muli na naman nasindak ng panibagong biktima ng serial killer.
Agad na nag paalam si Rodge para bumalik sa paupahan nina Maru, lalo na’t ayon pa sa kanyang narinig malapit lang iyon sa kanya. Sumunod naman sa kanya si Fil Habang naiwan si Maru na tinatawagan ang ama.
Binulabog ng mga natagpuang bangkay ang araw ng fiesta ng Kwarto Uno . Tulad ng mga naunang mga biktima, walang pagkakakilanlan ang natagpuan. Ayon sa mga usap-usapan, mga karnal na holdaper at rapist ang dalawang napaslang at isang tirador naman ang isa na ayon pa sa balita wanted na miyembro ng riding-in-tandem.
Bagaman may salot sa lipunan at kalaban ng batas ang mga pinapatay ng killer, nakakabahala din para sa iba ang dinudulot na takot nito.
Paano kung hindi lang mga kriminal ang susunod na makursunadahan nito? ilan pa sa pangamba ng mga tao.
Dahil sa malapit lang sa tinutuluyan ni Rodge natagpuan ang mga bangkay, kasama ang parte ng mga maisan sa sinuyod ng mga nag iimbestiga.
“bakit pati dito?” naitanong ni Fil kay Rodge
“Baka daw may mga naitapon na ibidensiya ang killer sa parteng ito. Posibleng naman kasi diba? tahimik ang bahaging ito at malayo sa mga kabahayan. Buti na nga lang at dinagdagan ng mga poste dito, hindi na masyado nakakatakot umuwi dito ng gabi.” tugon naman ni Rodge na nakiki usyuso din sa mga nandoon.
“Bakit ba kasi ,dito pa ang napili mong tirhan. Sina Maru nga iniwan na ang dating bahay nila dito kasi masyado ng liblib.”
“Grabe naman ito sa liblib. Ang ganda kaya ng lugar dito, marami pang lagusan na malapit sa highway. Malayo nga lang sa mga kabahayan pero tahimik dito. At ito na ang pinakamurang bahay paupahan na nakita ko.”
Nag uusap ang dalawa nang lapitan sila ng isang taga soco at kinausap si Rodge.
“ excuse me po, Kayo daw ang nakatira sa bahay na iyon malapit sa ilog? Maari ba kaming mag ikot sa bakuran mo? May titingnan lang kami.“
Napansin ni Fil ang pag iba ng reaksiyon ni Rodge, pinagpawisan ito bigla at bahagyang natigalgal. Tumugon naman ng mahinang tango si Rodge. Sinamahan nito ang taga soco sa bahay, sumama na rin si Fil sa kanila. Nasa may bungad na sila ng bakuran nang lumapit sa kanila si Paeng. Nagpakilala itong may ari ng naturang bahay.
“sorry sir, sa iyo pala itong property na ito. “
“pati ang maisan na iyan, kung gusto niyo silipin ang bakuran ko para makatulong sa kaso, puwede naman pero sa labas lang po tayo, imposible na kasing umabot pa dito ang killer. May kalayuan na ito sa mismong palayan kung saan natagpuan ang mga bangkay. At base sa ayos ng mga iyon mukhang itinapon lang iyon doon.” sabi pa ni Paeng.
Sa pagpapakilala ni Paeng sa mga taga soco, hindi na ang mga ito tumuloy sa balak nilang pag galugad sa bakuran ng bahay nito.
Pabalik na sa tindahan ni Maru si Fil, ngunit hindi parin mawala sa isip niya ang reaksiyon ng mukha ni Rodge ng tanungin ito ng taga soco, bumalik din sa ala-ala nito ang natagpuang duguang damit malapit sa tinitirhan ni Rodge. Tulala si Fil Habang naglalakad ito, bumalik na naman kasi ang mga pagdududa nito kay Rodge.
Nang sa kanyang paglalakad may nakabangga itong tao. Humingi ito ng paumanhin sa lalake. Ngunit nang mag krus ang kanilang mga tingin,nagulat si Fil nang makita ang mukha ng naturang lalake. Mabilis itong naglakad palayo kay Fil. Saglit na natigilan si Fil habang sinusundan ng tingin ang nakatalikod ng lalake. Aktong susundan niya pa sana ito nang May humila sa dulo ng damit nito.
“Bakit gulat na gulat ka naman diyan? “ nang mag salita si Maru sa gilid niya.
“Iyong lalake, nakita ko na naman siya. Nabunggo ko siya.”
“sinong lalake?” tanong pa ni Maru.
Ngunit ng ibaling muli ni Fil ang tingin sa direksyon na tinahak ng lalake, wala na ito doon. Hinanap pa niya ng tingin sa mga kumpulan ng mga tao sa daan at sa mga gilid ngunit di niya na ito napansin.
“Alam mo pa check up kana, kung ano-ano na lang nakikita mo. Di kaya may third eye ka Fil, tapos nakakakita ka pala ng mga kaluluwa, mga engkanto.” komento pa ni Maru.
“Nabunggo ko nga diba, di sana tumagos lang iyon sa akin kung kaluluwa. At wala akong sayad sa utak no. Teka lang, sino nagbabantay ng tindahan mo?” ayon pa kay Fil.
“Si Tita, susundan sana kita doon sa crime scene kaso nandito ka na pala. Sino daw ba ang mga iyon? taga dito ba?”
“Sabi-sabi mga kriminal daw iyon, mga rapist at miyembro ng riding-in-tandem. Nandoon pa ang tatay mo, tumutulong sa mga taga soco.”
“Talamak na talaga ang mga patayan dito sa atin, At may tinaon pa talaga sa kapistahan ng ating barangay. Alam mo Fil may kutob akong nandito lang iyon sa atin ang killer, kasi mukhang alam niya kung saan niya dapat iiwan ang mga bangkay na pinapaslang niya. Tila kabisado niya na ang barangay natin.” Ayon pa sa mga napansin ni Maru.
“Ibig sabihin isa sa mga taga barangay natin ang killer?”
“posibleng ganun nga Fil, pero puwede rin namang dayo lang din dito. Magandang lokasyon kasi itong barangay natin bukod sa malapit sa sentro eh ang dami-dami pang exit at entry point dito. Maraming escape route. Tagusan pa ang mga daan dito papuntang ibang barangay. kung ako kay kapitan, papasuri ko lahat ng mga boardinghouse at mga boarders dito na hindi taga atin”
“Eh kasama na iyong bahay niyo doon sa maisan, pati si Rodge , iimbestigahan. Dayo din naman siya dito sa atin diba?”
“bakit pati bahay namin,eh amin iyon. At kilala naman natin si Rodge, mabait na tao iyon. Wala sa mukha niya ang gagawa ng ganun. Ipis nga siguro di kayang apakan nun, pumatay pa ng tao.” pagtanggol naman ni Maru kay Rodge.
“May criteria ba dapat sa pagiging killer? Kilala lang naman natin si Rodge kasi nakakausap natin siya. Pero wala tayong alam sa buong pagkatao niya. Kung saan siya galing.”
“Ayan ka nanaman Fil, pinagdiinan mo na naman si Rodge.Akala ko ba ok na kayo?”
Hindi na tumugon si Fil, sasabihin pa sana nito sa kaibigan ang napansin nito kanina kay Rodge ngunit sinarili na lang niya ito. Alam niyang hindi rin siya paniniwalaan ni Maru at isiping sinisiraan lang nito si Rodge sa kanya.
Bagaman may mga pangyayaring di maganda, tuloy parin ang kasiyahan ng kapistahan ng Kwarto Uno. Dinagsa ng mga bisita ang kasiyahan. Nag handa na noon si Fil para sa paliga ng barangay. Papalabas na ito ng kanilang bahay nang may napansin ito na nakasiksik sa gilid ng kanilang gate, wala naman iyon doon ng pumasok ito. Nakabalot ng packaging tape ang bagay na iyon. May pag alangan man kinuha niya ito at namutlat ito nang makita ang nakasulat doon, “Mag-ingat ka”. Nakasulat sa pulang marker tapos sa baba ng mensahe ang pangalan nito. Palinga-linga ito sa labas ng gate. Wala naman itong nakitang kakaiba. Dinala ni Fil ang bagay na iyon sa loob ng bahay nila at binuksan ang nakabalot na iyon.
Kabado man, nilakasan nito ang loob. At natigalgal ito nang makita ang laman nun. damit niya iyon na may mga punit,na tila ginamitan ng matalas na blade. May mga tilamsik din ito ng mga dugo. kinabahan na ng tudo si Fil, kung gayon nakapasok na sa bahay nila ang kung sino mang nananakot sa kanya. Agad itong humingi ng tulong kay Paeng, na agad namang sumugod sa bahay ng binata.
“Hindi na nakakatuwa ang nangyayaring ito sa iyo Fil, hindi lang ito basta prank lang. Ipapadala ko sa crime lab itong damit na ito para masuri ang mga bahid ng dugo. Sa ngayon mas mabuti, kung doon na talaga muna kayo sa bahay. Huwag na muna kayong bumalik dito. Huwag ka na rin sumali sa liga mamaya, baka nasa paligid lang ang may gawa nito.”
“Pero bakit naman ako tito? Wala naman akong nakaaway para pagbantaaan ng ganito ang buhay ko.” pag aalala pa ni Fil.
“Hindi ko alam kung ito ba ang tamang panahon para sabihan ko ito sa iyo, pero may dapat kang malaman tungkol sa nakaraan mo, sa tunay na pinagmulan mo.”
Nagtaka si Fil sa kanyang narinig. Lalo na nang magsimula ng magkuwento si Paeng.
Sa Lilim ng Ulan
Bago pa maipagtapat ni Paeng ang lahat kay Fil, bigla na lang tumunog ang cellphone nito,
“Hepe napatawag ka?” tugon ni Paeng sa kausap nito sa linya.
“Makalaay, nakakuha na kami ng cctv record mula sa katapat na pawnshop sa station natin,kung saan nakatambay ang noon ang lalakeng nag padala ng package para kay fil.” kuwento ng hepe.
“Maari ko bang dalhin si Fil, para naman ma identify niya kung sakali?”
“huwag na muna, mukhang malalim itong kaso na ito, Mabuti pa pumunta ka dito ngayon din,”
“copy hepe, nandiyan na ako in 15 minutes” at pinatay ni Paeng ang cellphone.
Lumapit sa kanya si Fil, at tinatanong nito ang naudlot niyang sasabihin sa kanya. Ngunit sinabihan lang nito si Fil na ipagpaliban mo nila ang kanilang usapan dahil may mas mahalaga itong gagawin. Ipinagsawalang bahala na lang ito ng binata. Gayon pa man dumagdag ang mga nabitawang salita ni Paeng sa kanyang iniisip.
Pinilit ng mga taga Kwatro Uno na isantabi ang takot alangan sa kanilang kapistahan, Tambay buong araw si Fil sa tindahan ni Maru dahil sa hindi nga ito nakasali ng liga, ayon sa mungkahi ni Paeng. Tuloy naging tampulan ng biro si Fil ng mga tropa nito. Biro na game namang sinakyan ni Fil.
“Uy Fil, mukhang may basbas ka na mula kay mang Paeng ah. Kelan ba ang kasal niyo nitong si Maru?” panimula ni Vin.
“Sa totoo lang itong si Maru lang ang hinihintay ko. Kung ako lang, gusto ko nga sumabay na kami sa mass wedding kanina. Kaso pakipot itong baby love ko.” tugon ni Fil sabay kindat kay Maru, na may pakurot pa sa pisngi ng kaibigan.
“Huy Fil, ang feeling mo. Akala mo talaga bet kita nuh? Pero kung itong si Bam ang manligaw sa akin, ako na mismo ang bibili ng singsing para sa kasal namin.” turan pa ni Maru, na naka hawak sa braso ni Bam, isa sa mga tropa ni Fil at hardcore heartthrob ng basketball team nila, buko siyempre kay Fil na gwapo din naman.
“Kaso nga lang Mar, May girlfriend na ako at loyal ako dun. Itong si Fil bagay kayo. Walang tapon kasi dito kay Fil, basta may butas, pinapatulan nito.” Natawa namang sagot ni Bam.
Kuwetuhang may kulitan lang sila habang nag iinuman nang bigla na lang napatayo sa kinauupuan nito si Fil. May hinahabol ng tingin ang kanyang mga mata mula sa mga naglalakad na mga tao sa harapan ng tindahan ni Maru. Napatayo din ang mga tropa ni Fil nang mapansin siya ng mga ito.
“Fil bakit na naman? humahaba naman ang leeg mo.” tanong ni Maru na napalapit pa sa kaibigan.
“iyong lalake sa hospital,nakita ko siya Maru. Nandito ang lalake sa hospital. At sa tingin ko nandito siya sa akin. Sa tingin ko nga siya ang stalker ko.” Tugon ni Fil sa kaibigan.
“Sigurado ka ba Fil? Sigurado kang siya nga ang stalker mo? “ panigurado pa ni Maru.
“Ewan, Pero hindi ako nag kakamali iyon ang lalakeng nakita ko sa hospital.” sabi ni Fil.
“Atraso mo ba iyon pare? Ano gusto mo, resbakan natin?” Sabat ni Vin sa dalawa.
“Tara mga pre, habulin natin.” singit pa ni Bam.
“Huwag mga pre, baka nga nagkamali lang ako. Dumito lang kayo. Sisiguraduhin ko lang ang nakita ko.” Ayon pa Fil.
Sinundan nito ang nakitang lalake, Tinawag naman ito ni Maru at balak pa sanang sundan, ngunit hindi nito maiwan ang kanyang tindahan.
Tuloy-tuloy lang si Fil sa pag sunod sa lalake na tila ba alam din nito na sinusundan siya. Duritso ang lalake sa mga kumpulan ng mga tao na nakiki uod ng parada at street dance. Humalo ito sa dami ng mga taong nandoon.
“saan na iyon?” tanong ni Fil sa sarili habang pa dungaw-dungaw at palinga-linga ito sa maraming nanonood ng parada.
Nang may umakbay sa kanya, Nagulat si Gil at muntik pa masapak ang gumawa nun sa kanya.
“teka pre, ako lang ito.”
“Rodge,ikaw pala. Akala ko naman kung sino na. Hindi ka pumasok ng trabaho?” bulalas ni Fil nang makita si Rodge.
“Lumiban muna, minsan ko lang ma-experience ang pista niyo dito, kaya sinulit ko na. Si Maru di mo kasama? Mag-isa ka lang yata ngayon.” ani ni Rodge na aliw na aliw sa street dance.
“Nasa tindahan niya si Maru, mamayang gabi pa ang gala nun. Di niya kasi maiwan ang tindahan sa dami ng tao. Gusto mo, samahan kita mag-ikot, may baratilya at ukay-ukay doon malapit sa gym, maraming branded na sapatos baka may matipuhan ka.” sabi pa ni Fil na palinga-linga parin sa paligid.
“May hinahanap ka?” tanong ni Rodge.
“Wala naman, parang may napansin lang akong kakilala, tara pare tour muna kita sa kapistahan namin. Makikimukbang tayo sa mga bahay-bahay dito. Ito iyong pinaka highlights rito tuwing pista ang eat all you can. Lahat ng pagkain dito libre.” ayon kay Fil.
Sinamahan nito si Rodge, nilibot niya ito sa kanilang barangay, habang hinahanap parin ang lalakeng sinusundan nito kanina.
Samantala, ikinagulat ni Paeng ang enhance footage na kuha ng cctv sa isang pawnshop. Dahil hindi lang pamilyar sa kanya ang lalakeng nahagip ng camera, kung hindi kilalang-kilala niya pa.
“Bakit Makalaay?”
“Wala hepe, so ngayong may mukha na tayo ng taong iyan. Ano ang next move natin?” tugon ni Paeng.
“Na verify na namin ang pagkakilanlan ng tao na iyan.At base sa info, siya ang panganay na anak ni Salvacion at Mariano Treyes, si Jericho,’” Sabat ng kasamahan ni Paeng na si Miranda.
“Kung siya nga iyan, ano ang motibo niya para takutin ang sariling kapatid?” pagtataka ni Paeng.
“Iyon ang kailangan nating alamin, at may hinala ang team na maaring may kinalaman din siya sa serye ng mga patayan dito. And if that’s the case, mabibitag na natin ang killer.” tugon ng Hepe ka Paeng.
“Killer talaga Hepe?”
“May posibilidad, And how did he capture the victims so closely, if he wasn’t the one ang may gawa nun? Makalaay, nasa poder mo ngayon si Fil. Have your eyes on him, may kutob akong babalikan siya ng kapatid niya.” ayon pa sa hepe.
“Bakit hepe, hindi niyo pa ba na hanap itong si Jericho?” usisa pa ni Paeng.
“Wala na siya sa address na nahanap namin. May nakapagsabi na may kumupkop daw na kamag-anak na iba matapos masunog ang tenement kung saan ito huling tumira.” detalye pa ni Miranda.
Matapos ang meeting na iyon, nagpaalam na si Paeng para umuwi. Palabas na ito ng station nila nang may tinawagan ito.
“Nasaan ka, kailangan nating mag usap.” At sumampa agad ito sa sasakyan niya.
Nawili nga sa ginawang pag sama ni Fil sa kanya si Rodge, nag enjoy na ito , at nabusog pa. Ngunit ang hinahanap ni Fil, ay di na niya nakita. May mga palarong Pinoy na kalahok ang mga binatilyo at mga kabataan doon.
“Bakit Rodge?”
“sali tayo sa agawan ng biik”
“seryuso ka? eh putikan iyan nuh,madudumihan ka lang, makikinood na lang tayo at sa dami ng mga kalahok , panggulo lang tayo.” Sambit ni Fil.
“putik lang iyan, eh di mag hubad, ang mahuhuli nating biik ibibigay natin kay Maru.” Tugon ni Rodge at agad na nga itong naghubad ng t-shirt at sapatos.
“Di ka rin talaga nag biniro nuh?” Napangiting sambit ni Fil na nakatitig sa hubad na katawan ni Rodge.
Hiyawan ang mga babae at bading na nakapansin sa kakisigan at magandang katawan ni Rodge, Maraming pumalakpak at sumisigaw ng suporta kay Rodge. Pakaway-kaway naman ito sa mga nanonood na parang artista. Takaw pansin nga naman ang katawan at kagwapuhan ni Rodge. Nang walang anu-ano, naghubad narin ng damit si Fil na lalong nag pawala sa mga kababaihan at sang kabaklaan na present doon. Maging ang ilang mga lalake napahanga rin sa hubog ng mga katawan ng dalawa.
Hinabilin ni Fil sa kakilala nitong makikinood ang kanilang mga damit nang humudyat na ang announcer na pumasok ang lahat ng mga kalalakihang kalahok sa arena ng putik.
May singkwentang mga kalalakihan ang naroon sa gitna. Sampung mga biik ang pag aagawan nila na siya namang magiging premyo ng makakakuha. Pisikalan ang labanan dahil agawan ang laro. Hanggat wala pang hudyat ng pag hinto puwede pang agawin sa nakakuha ang biik. Ayon sa panuntunan ng laro.
“Walang iwan pare, tag team tayong dalawa” bulong ni Rodge kay Fil.
“Ako bahala sa iyo, ikaw naman sa akin. Tig-iisang biik tayo” Nakangising tugon naman ni Fil.
Bakbakan na ang lahat nang pinakawalan na ang mga biik sa arena ng tubig. Balayan, yapusan ,hilahan, yakapan, wrestling,balibagan ang lahat ng naroon. May sakitan man ngunit ganado at masaya ang lahat ng kalahok. Lalo na sina Rodge at Fil na ginawang swimming pool ang putik dahil sa makailang ulit na pag dive nila sa biik mahuli lang ito.
Sa kalagitnaan ng laro, lalong naging pahirapan ang agawan dahil sa pag buhos ng malakas na ulan. Gayun pa man tuloy ang laro ng kapistahan walang nagsiuwian, kahit ang mga makikinood lang.
Nang matapos ang oras, masaya ang dalawa na napayakap pa sa isa’t isa habang hawak-hawak ang mga biik na kanilang napanalunan. Basang-basa ang mga ito dahil sa wala paring tigil na pag buhos ng ulan. Naging instant celebrity pa ang dalawa matapos ang laro,sa dami ng nagpa-picture sa kanila.
Masaya ang dalawa na dinala sa tindahan ni Maru ang napanalunan nilang biik. Parating palang ang dalawa, nakasalubong na ang mga kilay ni Maru na nakatingin sa kanila. Padabog pa itong pumasok sa tindahan niya, habang tinutukso naman ito ng mga kabarkada ni Fil na nag-iinuman parin doon.
“Ang daya ng mga ito, kainis kayo alam niyo ba iyon. May balak pala kayong mag ikot-ikot di niyo man lang ako niyaya. Ikaw Fil ha, kunwari ka pang may hinahabol na stalker. Gusto mo lang pala tumakas.” ang nagtatampong wika ni Maru.
“Ito naman kung magtampo parang babae. Huwag kang mag alala, di kaman nakasama sa amin, para naman sa iyo itong napanalunan naming biik. Tamang-tama ito para may paglilibangan kang pet. Nang may makatabi ka sa pagtulog.” ani pa ni Fil sabay patong ng hawak na biik sa mesa.
“Alam niyo, tamang tama iyan doon sa bakanteng lote natin Maru, roon malapit sa ilog, sa gilid ng tinutuluyan ni Rodge. Sakto iyan ng may dadalawin naman ako araw-araw sa may maisan.” Singit ni Paz sa usapan.
Napansin ni Fil na biglang nabahala ang reaksiyon ng mukha ni Rodge nang marinig ang sinabi ni Paz. Sinundutan niya pa ito, at sinang ayunan ang balak ni Paz.
“Tama ka Tita, bagay nga iyon doon malayo sa mga kabahayan at malapit lang sa ilog. Hayaan mo ako na bahala sa pagbuo ng kural ng mga biik. Siguradong tutulungan naman ako nitong si Rodge. Pinagpawisan kaya namin makuha lang ito diba pare?”
Napatango na lang si Rodge na para bang napipilitan lang, hilaw din ang tugon nitong ngiti sa sinabi ni Fil. Kumalma lang ito nang sumabat sa usapan si Maru.
“Ikaw talaga Fil, binigyan mo pa ng problema itong si Rodge. Malayo nga sa mga kabahayan malapit naman sa paupahan. Magiging perwisyo pa kay Rodge ang ingay at baho ng popo ng mga biik na iyan nuh. Alam mo namang call center ang trabaho ni Rodge, kaunting konsiderasyon naman po.”
“Tama si Maru pare, so I suggest na sa akin na lang ang dalawang biik. Di kaya paghatian na lang namin ang mga biik na iyan. O para naman lahat masaya, ibenta na lang natin iyang mga biik, may pera na kayo may pang inum pa kami at pang pulutan.” mungkahi pa ng kaibigan nitong si Bam.
“Puro talaga kayo kalokohan, para kay Maru itong mga biik na ito. Kung bawal doon sa maisan, si Maru na bahala kung saan niya ilalagay ang mga ito. Pero Maru, gusto ko itong sa akin ang magiging baby natin. Ano gusto mo itawag natin dito.?” Saad ni Fil at inilapit pa kay Maru ang hawak nitong biik.
“Ewan ko sa iyo, “ tugon ni Maru na may tampo parin kay Fil.
Hindi na naglagi pa roon si Rodge at nagpaalam na kanila para makaligo ng maayos at makapagpalit ng matinong damit matapos sila mabasa ng ulan ni Fil. Paalis na si Rodge ngunit nakasunod pa rin ang tingin ni Fil sa kanya. May kung ano kay Rodge na bumabagabag kay Fil. Hindi mawari ni Fil kung ano iyon pero sa tuwing napapatingin ito sa mga mata ni Rodge, may kung anong nandoon na nagtatago sa kanya na pilit kinukubli ng maamo nitong mukha.
Samantala, inabot na nang dapit hapon si Paeng sa kahihintay sa taong katatagpuin nito sa isang lumang tambakan ng bakal malapit sa reles ng train. Muli nitong tinawagan ang kausap, ngunit bago pa siya nito sagutin dumating na ang hinihintay nito. Isang lalake ang papalapit sa kanya. Napasindi ng sigarilyo si Paeng habang hinihintay ang paglapit ng lalake.
“Saan ka ba nanggaling?” bungad na tanong ni Paeng sa lalake.
“Sa barangay niyo, naki fiesta.” tugon ng lalake.
“Hindi ka ba talaga titigil diyan sa ginagawa mo? Tinatakot mo ang kapatid mo alam mo ba iyon?” saad ni Paeng sa kausap.
“Pinoprotektahan ko lang ang kapatid ko.”
“Pero hindi iyon ang nangyayari, alam mo ba na sa iyo inuugnay ang mga serye ng patayan dito? Hinanap ka na ng mga pulis Jeric .” Sabi pa ni Paeng sa lalake.
“Alam mong wala akong kinalaman doon. Hindi ako ang pumapatay.”
“Pero ikaw ang tinuturo ng lahat, dahil sa hindi mo pag-iingat. Ngayon paano na? Makakakilos pa ba tayo nito ng maayos? Padalos-dalos ka kasi, hindi ka nag-iisip.” ayon pa kay Paeng na pinagsabihan ang lalake.
Walang naitugon si Jericho sa mga nasabi sa kanya ni Paeng. Tanging malalim na buntong hininga lang ang nagawa nito. Isinakay ni Paeng si Jericho, at lumipat sila ng puwesto malayo sa lugar na iyon.
SUNDO : second part
“Resbak’
Natapos ang fiesta na walang aberya, ngunit matagal na pawi ang tampo ni Maru kay Fil. Alas dose na mahigit nang magsara si Maru ng tindahan at tumulong sa kanya si Fil sa pag ligpit ng mga gamit nito. At dahil may pa-sayaw sa barangay matapos ang programa at pa-fireworks, marami paring mga naglalakad na tao sa kalye. Kaya kahit na hatinggabi na, hindi man lang dinapuan ng pagod at antok ang dalawa.
“Uy Maru, kanina ka pang walang imik diyan. Dinadamdam mo parin ba ang pagsama ko kay Rodge? Kung nag siselos ka, sinasabi ko na sa iyo hindi ako papatol dun nuh. Di pa ako despirado para bumaling sa kapwa lalake. Pero kung sa iyo, susubukan ko.” Pangungulit pa ni Fil sa kaibigan.
“Ewan ko talaga sa iyo Fil,akala mo talaga may epek ka sa akin nuh? At anong selos iyang pinagsasabi mo?”
“Bakit di mo ako kinikibo? Niyaya kita manood ng miss gay, ayaw mo. Niyaya kita sa sayawan ayaw mo rin. Tapos kanina pa nakasalubong ang mga kilay mo, kunti na lang mag-sasabunutan na nga iyan sa subrang lapit.” saad ni Fil
“Bakit Fil, pinakikialaman ko ba ang mukha mo? At nawalan na ako ng gana sa dami ng mga tao na pabalik-balik dito sa tindahan ko. Bilisan mo na kaya diyan nang makauwi na tayo at makapagpahinga, inaantok na ako.” sagot pa ni Maru.
Nang matapos ang dalawa sa pagsasara ng tindahan,magkasabay ang dalawa na lumalakad pauwi kina Maru. Sa daan papunta sa kanila, madalang na ang mga naglalakad ng oras na iyon. Sarado na ang mga bahay at tahimik na ang kalye. Magkasama man ang dalawa sa kalsada, tahimik naman ang mga ito at walang imikan. Isang kanto na lang at bahay na nila ni Maru. Madilim sa bahaging iyon ng kalye dahil sa patay sinding poste.
Nagulat si Fil nang bigla na lang napahawak sa kanyang braso si Maru.
“Bakit, gusto mo i-holding hands kita? ok game.” pabirong tugon ni Fil kay Maru.
“Umayos ka nga, may nakita akong mga anino na nagtago sa likod ng mga yerong iyan sa bakanteng lote. Baka ang killer na iyan.” Ang kabadong sambit ni Maru.
Tinignan ni Fil ang bahaging iyon ngunit wala naman itong napansing anino O bakas ng tao ayon kay Maru. Gayunpaman naghanda ito, inutusan nito si Maru na tumawag ng tulong sa tiya niya O sa tatay niya. Sinabihan din nito si Maru na humanap ng puwedeng pampalo sa paligid. Naglabas naman ng di tiklop na patalim si Fil mula sa kanyang bulsa. May hinala si Fil na baka holdaper iyon, gawa nga nang may bitbit silang pera mula sa benta ni Maru.
Di numero ang bawat hakbang ng dalawa, nakikimatyag at nakikimasid sa paligid. Nakapag text na rin si Maru sa tiya nito. Kanto lang naman ang pagitan kaya kung mababasa iyon ng tiya, mapupuntahan agad sila ng tulong na sundo.
Malapit na ang dalawa sa bakanteng lote kung saan may bakod na yero. Hindi sakop ng liwanag ng poste ang bahaging iyon dahil sa makakapal na dahon ng mangga na nakalaylay sa daan mula sa bakanteng lote. Kabado ang dalawa kahit wala naman silang napansing kakaiba.
Nang sabay napaatras sina Fil at Maru dahil sa natumba ang latang drum na basurahang walang laman. Gumulong ito sa gitna ng daan na tila sinadyang sipain kaya nabuwal sa kinalalagyan nito.
At mula nga sa nakausling mga yero, isa-isang lumabas ang apat na lalaking naka-itim na bonet. May mga hawak itong pang hampas sa kanilang mga kamay. Hinarangan ng mga ito ang daraanan ng dalawa. Binulungan ni Fil si Maru na umatras at tumakbo pabalik ngunit bago pa nakahakbang si Maru pabalik nakita nitong may naka-harang na rin sa kanilang likuran. May dalawa pang lalake na nakaabang sa kanilang likuran. Napamura na si Fil, pinagpapawisan na ito. Lima ang makakalaban niya. Sa loob niya, kung siya lang kaya niyang lampasan ang limang iyon, ngunit ang inaalala nito ay si Maru. Mahihirapan itong depensahan ang sarili kung didepensahan din nito ang kaibigan.
Unang sumugod ang isa sa apat na nasa harapan nila, hinataw nito ng baseball bat si Fil ngunit mabilis itong naka-iwas. Napasigaw naman si Maru at nag nga-ngawa na ng tulong nang pinaligiran na rin ito ng dalawa. Wasiwas naman ng hawak na kahoy ang ginawa ni Maru, ngunit pinagtawanan lang ito ng dalawa. Kaharap na ni Fil ang dalawa sa apat, samantala ang dalawang iba pa naka-abang lang doon.
Balewala lang kay Fil kahit may mga panghampas ang dalawang kaharap dahil magaling at eksperto ito sa eskrima. Sa isang paghataw pa sa kanya, nasalag nito at nabawi sa isa ang hawak nitong tubo. Si Fil na ang may hawak nito na agad naman niyang ginamit pang hampas sa kaharap. Nasapul agad nito sa balikat ang isa kaya napa kiyod ito sa sakit. Sumugod muli ang isang may hawak ng baseball bat at mabilisang hinambalos ng hawak si Fil. Mabilis namang naka-atras si Fil kaya hindi ito natamaan. Gumanti rin si Fil at gamit ang naagaw na tubo, buong lakas nitong hinataw ang braso ng lalaking may hawak ng baseball bat. Sapul na naman ang atakeng iyon ni Fil. Nabitawan ng lalake ang baseball bat.
Sa nakitang effort ni Fil, nilokuban din ng tapang si Maru at kahit wala sa porma ang kanyang kilos, sa walang tigil na pag wasiwas nito ng hawak na kahoy , swerteng natamaan nito ang kamay ng isa sa dalawang humaharang sa kanya. Nakipag bakbakan din ito ng patayan sa mga kalaban nito.
Humugot na ng patalim ang dalawang naka-abang nang mapansin nilang tila walang panalo ang dalawa na kanilang kasama sa pangamay ni Fil. Lumabas ang natural na abilidad ni Fil sa pakikipagbakbakan ng mano-mano. Nakita ni Maru na susugurin ng dalawa si Fil kaya, humarang ito at pinag hahampas ang dalawa. Napalingon naman si Fil kay Maru at tinulungan niya ito. Ang mga may hawak naman ngayon ng patalim ang kaharap ni Fil.
Ngunit ang mga sumusunod na eksena ay di na nabantayan ni Fil, dinampot muli ng isa ang nabitawang baseball bat, at habang nakatalikod sa kanya si Fil, agad niya itong hinataw sa ulo si Fil. Bumagsak agad si Fil sa kalsada at hindi na nakatayo. Napasigaw na lang si Maru nang makitang duguan na ang ulo ni Fil. Ngunit hindi pa nakuntento ang grupo, pati si Maru ay hinampas din nila sa likod. Nang napasubsob na ito kay Fil, pinang hahampas pa nila ang dalawa.
Lumapit pa ang isa kay Fil at balak pa sanang gilitan ito sa leeg nang inilawan na sila ng patrol car ng barangay. Nagpulasan ang lima na hinabol naman agad ng mga tanod. Napasigaw na lang si Paz nang makitang nakahandusay ang dugang pamangkin na si Maru at ang kaibigan nitong si Fil. Napatawag agad ng ambulansya ang mga rumispondeng mga tanod. Dumating din si Paeng na nakatanggap din pala ng text ng anak. Nagulantang ito sa sinapit ni Maru at Fil. Agad itong humingi ng tulong sa mga kasamahan at nagsagawa agad ng man-hunt operation para madakip ang mga salarin.
Wala ng malay ang dalawa ng kinarga ng ambulansya at dinala sa hospital.
Nang magising si Maru agad nitong hinanap si Fil. Nilapitan naman agad ito ni Rodge na nagkataong naroon sa hospital para dumalaw.
“Under observation pa si Fil, hindi pa siya nagkakamalay hanggang ngayon. Mukhang napalakas yata ang pagpalo sa kanya sa ulo.” saad ni Rodge.
Sakto namang pumasok si Paeng at natuwa ito nang nagising na ang anak. Inusisa niya ito tungkol sa nangyari at kung namukhaan ba nito ang mga may gawa nun sa kanila. Ngunit walang masabi o matukoy si Maru dahil hindi man lang nito namukhaan o na bosesan ang mga tumambang sa kanila. Problema rin sa imbitasyon ang sirang cctv sa lugar kung saan nangyari ang pananambang sa kanila ni Fil.
“Malaki ang kutob ko na sina Jack na naman ang nasa likod nito. May nakapagtimbre sa akin na namataan nila si Na’to sa slaughter house na kinakausap sina Dinggoy. “ saad ni Paeng sa anak.
“Pero ayon sa asawa ni Dinggoy hindi raw nagawi roon sina Nato. Ewan ko lang, iisang tuhogan lang din naman ang mga iyan. Mga adik mga sakit sa ulo.” dugtong pa ni Paz na kakapasok lang dala ang ibang gamit ni Maru.
“Tay, si Fil, gawin niyo po ang lahat para sa kanya. Kung sina Jack man iyon o hindi, isa lang ang ibig sabihin ng nangyari sa amin Tay, nasa panganib ang buhay ni Fil.” ayon pa kay Maru.
“Huwag ka mag alala Maru, ginagawa na namin ang lahat. At magpagaling ka kaagad. Pagkalabas mo rito, doon ka muna sa pinsan mo. Tinawagan ko na si Sue.” sambit ni Paeng.
“Paano si Fil Tay?”
“Doon muna siya sa probinsiya nila sabi ng kanyang lola. Pinauna ko na nga sila roon at pag nakalabas na si Fil ako na maghahatid sa kanya sa kanila.”
Sa puntong iyon ,noon lang naramdaman ni Maru ang matinding pag-aalala sa kaibigan. Sa kada pikit nito ng kanyang mga mata, ang duguang mukha ni Fil habang binubugbog ang nakikita nito.
Samantala silid ni Fil, umuungol na ito. Nasa labas nun ng silid niya sina Paz at Hector nang mag wala at nag sisigaw si Fil. Agad na pumasok ang dalawa sa loob, nakita nila na nagwawala si Fil at nagpupumiglas sa kanyang higaan.
“Tumawag ka ng nurse, ng doktor, sabihin mong nagising na si Fil.” utos ni Hector kay Paz.
Tumalima naman ng kilos si Paz para tumawag ng nurse at doktor. Nang maiwan sa loob si Hector, nilapitan nito si Fil at tinitigan ng maigi. Nakangisi ito habang nakatingin ng seryoso sa gising nang si Fil. Bigla naman nanlaki ang mga mata ng Fil na tila ba nakakita ng demonyo nang sa pagmulat nito mukha ni Hector ang agad na tumambad sa kanya.
“Ikaw! ikaw ang pumatay sa mga magulang ko! ikaw ang killer!” bulalas ni Fil na takot na takot.
Nagpupumiglas ito sa kanyang kama at tinangka nitong bumangon, ngunit agad naman itong pinigilan ni Hector sa pamamagitan ng paghawak nito sa mga braso ni Fil at pagdagan ng bigat nito sa katawan ng binata.
“Ako ba talaga ang pumatay sa kanila, Fil?” Sarkastikong saad pa ni Hector na pabulong kay Fil.
Ilang saglit pa dumating na ang nurse at doktor kasama sina Paz at Paeng. Inabutan nilang pinipigilan ni Hector si Fil na tuloy parin sa pagpupumiglas.
“Nandito ang Killer Tito, papatayin niya ako! papatayin niya tayo! Nandito ang killer!” Pagwawala pa ni Fil na pilit kumakawala sa mahigpit na paghawak sa kanya ni Hector.
“Tinatanggal niya ang mga suwero niya dok. Gusto niyang bumangon kaya pinipigilan ko.” ani ni Hector.
Agad namang tinurokan si Fil ng pampakalma. Nakatulog muli ito. Agad naman nag usap sina Hector at Paeng tungkol sa napapadalas na panaginip ni Fil. Naibulalas din ni Paeng kay Hector ang katotohanan sa nakaraan ni Fil.
“Minasaker ang pamilya noong bata pa iyan. Sa harapang niya mismo pinatay ang tunay niyang ama at ina. Matagal din bago nakapagsalita iyang si Fil matapos ma trauma. Akala nga noon ng mga umampon sa kanya hanggang sa paglaki niya dadalhin niya ang kondisyon niya. Pero ngayon , mukhang dinadalaw na ng nakaraan si Fil.” kuwento pa ni Paeng.
“Base sa obserbasyon ko, kailangan ni Fil ng gabay ng isang ama, pare. Wala siyang outlet kaya siguro ganyan na lang ang nararanasan niya.” saad ni Hector.
“Kaya nga noong namatay ang kumpare ko na umampon sa kanya, Ako na ang tumitingin-tingin sa kanila ng kapatid niya. Tama ka, gabay ng isang ama ang kulang sa kanya.” ayon pa kay Paeng.
Papalabas na ng hospital noon si Rodge mula sa pagdalaw kana Maru at Film nang may bumangga sa kanyang lalake, naka sumbrero ito at naka-shades. Naka-jacket na maong at hapit na pantalon. Natigilan saglit si Rodge nang makita ang lalake, sinundan niya ito ng tingin habang papasok ito ng elevator.
Iba ang kutob ni Rodge sa nakabanggaan nito, ngunit dahil sa nagmamadali nga ito , binalewala niya na lang ang kanyang kutob at tumuloy na sa pag labas ng pinto, nang may naapakan ito. Agad iyon dinampot ni Rodge. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang nadampot nito.
Bumalik si Rodge at sinundan sa elevator ang nakabanggang lalake ngunit nakaakyat na ito. Mabilis na tinungo ni Rodge ang hagdan, patakbo itong umakyat para maabutan ang lalake. Nang nasa fifth floor na ito kung saan nandoon ang silid nina Maru at Fil, nakasalubong naman nito si Paeng na pababa na rin ng sandaling iyon.
“Rodge, may nakalimutan ka?”
“sir kayo pala, wala naman. Magpapaalam lang sana ako. Wala kasi kayo kanina sa silid ni Maru.” sagot ni Rodge.
“Ganun ba?, kung ganun sumabay ka na sa akin. Idadaan na kita sa trabaho mo bago ako pupunta ng station.” alok ni Paeng.
Hindi na nakatanggi pa si Rodge nang inakbayan na ito ni Paeng pababa ng hagdan. Tahimik lang si Rodge at balisa habang pababa sila ni Paeng. Nang nasa groundfloor na sila, tumingala si Rodge sa mga floor sa taas. Hinahanap ang lalake. Nang mapadako ang paningin nito sa fifth floor. Naroon ang nakabanggaan nitong lalake, naka-dungaw sa railings at kumakaway sa kanya sa baba. Napansin ni Paeng ang pagtingala ni Rodge, kaya tumingala rin ito. Wala nama itong nakita sa parteng nakatingin si Rodge.
“Ano ang tinitingnan mo du’n?” tanong ni Paeng.
“Wala sir, akala ko kasi kakilala ko ang nurse na dumaan doon kanina.” pag-dahilan pa ni Rodge.
Hindi na mapakali si Rodge, matapos nun. Balisa na ito. Ngunit di ito nagpahalata kay Paeng hanggang sa nakabababa na ñito sa building na pinagtatrabahuhan niya.
Banta
Gaya nga nang napag-usapan, pagkalabas ni Maru ng hospital sinundo agad ito ng ama ni Sue para doon muna ito pansamantalang manatili hanggat wala pang linaw kung sino ang mga kumursunada sa kanila at hindi pa nadadakip ang mga ito. Si Fil naman ay inihatid muna ni Paeng sa probinsiya ng lola nito sa San Andres.
“Fil, noong naabutan ka namin sa silid mo nang nagkamalay ka, nabanggit mo na nakita mo ang killer. Ano ba ang ibig mong sabihin nun?” tanong ni Paeng kay Fil habang bumabiyahe ang dalawa palabas ng siyudad.
“Ang tagpo na paulit-ulit bumabalik sa aking panaginip. Isang pamilya ang walang awang pinaslang sa aking harapan. Noong una ,hindi ko maaninag ang mukha ng killer dahil parati itong nakayuko at natatakpan ng sumbrero niya ang kanyang mukha. Hanggang sa naririnig ko na ang kanyang boses. At sa huling bangungot ko, nakita ko ang mukha niya. At… kamukhang-kamukha niya si Hector tito.” kuwento ni Fil.
“Kaya ba napasigaw ka nang makita mo si Hector?” tanong pa ni Paeng.
“Hindi ako sigurado tito, pero nang makita ko si Kuya Hector, parang siya iyong killer na may hawak na karit sa kamay na pumatay sa magpamilya.” dagdag pa ni Fil.
“Paano naman nangyari iyon, baka kamukha niya lang.” sabi pa ni Paeng.
“Sana lang tito, pero hindi ko rin maiwasan itanong sa sarili ko kung bakit paulit-ulit na lang bumabalik sa panaginip ko ang tagpong iyon. At ang batang nakikita bakit parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya.”
“kaya kailangan mo munang ma-relax Fil, masyadong naaapektuhan na ang pag-iisip mo sa mga nangyayari sa barangay natin. Dagdag pa ang nangyari sa inyo ni Maru. Nawa’y sa pagbakasyon maging maayos na ang lahat. Ako na ang bahala sa pagtugis sa mga nanambang sa inyo.” ayon pa kay Paeng.
Sa paglayo nina FIL at Maru, may mga panibagong bagay na mabibigyan ng pansin, mga sekretong malalantad at mga karakter na mahuhubaran. Matapos maihatid ni Paeng si Fil, bumalik agad ito ng siyudad,
“Magkita tayo sa South park, nandun na ako in thirty minutes. “ saad ni Paeng sa kausap nito sa cellphone.
Samantala, maagang umuwi si Rodge,at dumaan ito sa bahay nina Maru, inabutan niya roon si Paz. Nagdidilig ng halaman sa labas.
“Uy Rodge, ang aga mo naman, si Maru ba ang hinahanap mo?Wala siya rito, pinabaksyon muna namin sa probinsiya.”
“Ganun ba manang, napadaan lang po ako para iwan itong huling bayad ko sa upa, Hanggang sa susunod na linggo na lang po ako sa paupahan niyo.” Wika ni Rodge.
“Bakit naman? biglaan naman yata.”
“Ipapadala po kasi ako sa Cebu ng kompanya namin. Doon na ako ililipat.” saad pa ni Rodge.
“Nakakalungkot naman, sige ako na mag sasabi kay Paeng sa plano mo. “
Matapos maiabot kay Paz ang bayad, agad na umalis si Rodge. Isang normal lang na araw iyon at walang masyadong ganap. Hanggang sa ang matahimik na araw ay muling ginambala ng panibagong kaso ng patayan sa kanilang barangay. Ngunit hindi katulad ng mga naunang biktima, buo ang katawan nito at tama ng baril sa ulo at dibdib ang ikinamatay nito.
“Ibang kaso na naman ito pare, Nag imbestiga na kami, at walang narinig na mga putok ng baril ang mga tao malapit sa crime scene. Posibleng itinapon lang doon ang bangkay. Hindi rin pamilyar sa mga taga barangay niyo ang biktima, wala ring pagkakilanlan.” kuwento ng kasamahang pulis na si Villegas kay Paeng.
“Ginawa na talaga nilang tambakan ng mga bangkay ang barangay namin. Kung hindi ako nagkakamali, drug related case na naman ito. Kamusta na nga pala ang kaso ng killer na pagala-gala? May lead na ba?” wika ni Paeng.
“Wala parin, mukhang mailap ang hayop na iyon. Napansin nga naming tahimik siya ngayon. Hindi na nasundan pa ang huling dalawa niyang biktima. Nagpapalamig siguro.” ayon pa kay Villegas.
“Si Jericho Treyes parin ba ang main suspect natin?” dagdag pa na tanong ni Paeng.
“Hanggat hindi pa malinaw ang lahat, isa pa rin siya sa pinangingilagan namin. Pero base sa pag-iimbestiga namin wala namang direktang ebidensya na tumutukoy sa kanya na siya ang killer. Kaya posibleng hindi naman talaga siya.” sagot pa ng kabaro.
Nakahinga ng malalim si Paeng sa sinabi na iyon ng kasama. Habang nag uusap ang dalawa, isang tawag mula sa kanilang presinto ang natanggap nila. Agad naman sila tumugon at bumalik sa kanilang himpilan.
Sa paglayo ni Maru sa buhay niya sa siyudad, May isang linggo pa lang ang naka-lipas, nakaramdam agad ito ng lungkot at pangungulila. Bukod kasi sa masyadong malayo sa bayan ang lugar, malayo rin sa mga kabahayan ang farm nina Sue kung saan doon muna ito nagbabakasyon.
“Tindahan lang ba talaga ang na miss mo o pati si Fil?” hirit ni Sue sa pinsan nang mapansin itong nakatunganga sa balkonahe ng kanilang bahay at nakatingin sa malawak na bundok.
“Parang timang ito, at bakit ko naman ma mi-miss ang ulok na iyon? Naku kahit ilang taon pa kaming hindi magkita nun, wala akong paki.” tugon pa ni Maru sabay irap sa pinsan.
“Talaga ba, sayang kausap ko pa naman ngayon si Fil,…Hello Fil , hindi ka raw niya na miss,” wika pa ni Sue na kunwari may kausap ito sa kanyang cellphone.
Mabilis naman lumapit sa pinsan si Maru sabay hablot ng cellphone nito, para kausapin si Fil. Ngunit napakunot na lang ang noo nito nang wala naman palang kausap si Sue. Tudo halakhak naman ang pinsan kay Maru nang makita ang reaksiyon ng pinsan.
“Kilala kita insan, kaya huwag mo akong i-chusen, Itanggi mo man kitang-kita sa mga kilos mo na may gusto ka sa ex ko. Kung hindi nga lang kita paboritong pinsan at bestie, iisipin ko talaga na ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Fil.” saad pa ni Sue.
“Parang temang ito, ikaw kaya nakipag hiwalay sa kanya. Huwag mo kaming i-ship na dalawa nakakangilo.”
“Nakakangilo talaga? After what Fil did to you? na halos itaya na ng lalake ang buhay niya para i-save ka. Tapos sasabihin mo, nakaka-ngilo, ang taas naman ng standards mo insan, daig mo pa ang may regla kung maka-arte.” tugon pa ni Sue.
Habang nag tutuksuhan ang dalawa, nakarinig sila ng pagtawag mula sa katiwala nina Sue, kaya napa-dungaw ang dalawa sa baba mula sa balkonahe.
“Ano po iyon Aling Santa?” tanong ni Sue.
“May kilala ba kayong Rodge?” tugon na tanong naman ng Santa.
Nagkatitigan ang dalawang mag pinsan nang marinig ang pangalan ni Rodge. Agad na bumaba ang dalawa para puntahan katiwala nila Sue na si Santa. Mabilis pa sa kidlat kung bumaba si Maru na nauna pa kay Sue. Sinalubong naman sila ni Santa nang makita ang dalawa.
“Manang ,ano iyong sabi mo tungkol kay Rodge?” usisa agad ni Maru kay Santa.
“Kuwan kasi, may nakasalubong ako kanina sa may merkado papunta rito, tinatanong kung alam ko ba raw ang farm nila Sue, sinabi ko na dito ako nagtatrabaho. Nang tinanong ko kung bakit, ang sabi, kakilala niyo. Rodge ang pangalan.” kuwento naman ni Santa.
Biglang nag duda si Sue nang marinig ang kuwento ng katiwala. Nagtaka ito kung paano nakaabot sa kanilang lugar si Rodge, at kung bakit niya hinahanap ang kanilang farm. Inusisa pa ni Sue si Santa,at pina-describe pa ang itsura ng nagpakilalang Rodge. Ngunit base sa diskripsyon ni Santa, hindi ito tugma sa Rodge na nakilala nila.
“Naku manang naman , next time nga mag-ingat ka sa pagbigay ng impormasyon sa mga taong hindi mo kakilala, paano kung masama ang taong iyon, di kaya ang mga nambugbog dito kay Maru. Manang Santa naman, binigyan niyo pa kami ng takot nito.” saad ni Sue na biglang nangamba sa siguridad nila ni Maru.
“Paano ba ito, pati tuloy ako biglang kinabahan. Hindi ko naman alam na May ganun palang nangyari dito sa pinsan mo. Ang mabuti pa mag patawag na lang tayo ng mga pulis habang may araw pa.” ani pa ng katiwala.
“Manang talaga, naisip mo ba kung gaano tayo kalayo sa bayan? Good luck na lang kung pupuntahan nila agad tayo rito. Puntahan mo na lang si Kuya Pitoy, sabihin mo na dito na muna sila ng mga kapatid niya matulog sa bahay. Naku ngayon pa talaga kung kelan wala sina papa.” ang di na mapakaling si Sue.
“Tatawagan ko si Tatay, para siguraduhin ang lahat at para maipaalam ko na rin ang tungkol dito.” wika ni Maru habang tumatawag sa kanyang cellphone.
“Goodluck kung makontak mo agad si tito, mahina pa sa uod ang signal dito insan, pero try mo lang, susubukan ko rin kontakin sina papa.” ayon pa kay Sue.
At gaya nga nang inaasahan, hindi makontak ng dalawa ang gusto nilang kontakin, kaya naisipan na lang ng dalawa na mag-iwan na lang ng mensahe. Buong araw na walang nagawang maayos ang dalawa sa kakaisip sa posibleng panganib na kakaharapin nila dahil sa pag turo ng katiwala sa bahay nila sa di kilalang tao.
Hapon na at palubog na ang araw nang dumating sa bahay nila Sue ang mga anak ng katiwala nila sa manggahan na sina Pitoy at Tino. Nasa mga gitnang trenta anyos palang ang dalawang magkapatid Nagtaka naman ang dalawa kung bakit biglaan naman ang pagpapatawag sa kanila ni Sue. Agad naman sila sinalubong ng dalaga na maging sa mga sandaling iyon ay balisa parin.
“Inday Sue, ano ba ang problema at sabi ni papa dito na muna kami ni Pitoy sa inyo makitulog. May nangyari ba?” usisa agad ni Tino kay Sue.
“wala pa naman, pero naniniguro lang, wala kasing lalake dito sa amin. Dumito na muna kayo kahit hanggang bukas lang.” sagot ni Sue.
“walang kaso iyon sa amin ni Tino. Pero diba may lalake kayong pinsan, iyong kararating lang dito kahapon. Makro ba pangalan nun?” saad ni Pitoy.
“ah si Maru, lalake lang itsura at katawan nun, pero mas malambot pa iyon sa marshmallow. Naku salamat sa inyo kuya ha, kuwan kasi parang hindi lang kami kumportable dito na walang kasamang lalake, ang tatay niyo di man puwede.” sabi pa ni Sue.
“Gaya nga nang sinabi ng utol ko Inday Sue, walang kaso iyon. Maging panatag na kayo at nandito na kami.” wika pa ni Tino.
Hindi sinabi ni Sue ang tunay nitong dahilan sa pag hiling sa dalawa. Bumalik na ng silid nila ni Maru si Sue na bahagya nang mapanatag ang loob.
Samantala, napukaw naman ng pangamba si Paz nang mabasa ang mensahe ni Maru tungkol sa taong nagtanong sa katiwala nina Sue at nagpakilalang si Rodge. Gayung ang alam nito na sa susunod pa na linggo ang alis sa kanila nito, at kakausap lang nito kahapon kay Rodge. Nanginginig pa ang kamay ni Paz habang dina-dial ang numero ni Paeng. Ngunit bago pa man ito na kontak ang kapatid, tumawag na sa kanya si Paeng.
“papunta ako ngayon ng oriental, natanggap ko rin ang message ni Maru. Hindi ko nga lang matawagan siguro walang signal doon. Magsara ka ng mabuti, at mag-ingat ka diyan.” saad ni Paeng nang tumawag ito kay Paz.
Matapos,ang tawagan nila ng kapatid tinawagan din ni Paz si Hector,para sana maglabas ng kaba na nararamdaman kaso, hindi nito matawagan ang numero ng lalake.
Pabalik sa bahay nina Sue, oras na nang hapunan nang pinatawag ni Sue ang magkapatid para sumabay na sa kanila ni Maru na kumain. May ginagawa pa noon ang katiwala nitong si manang Santa, kaya nag bulontaryo na si Maru na siya na ang tumawag sa mga ito. Wala sa harapan ng bahay ang dalawang magkapatid kaya umikot sa likod ng bahay si Maru. Madilim na ang ilang bahagi ng paligid ng bakuran dahil alas Siete na iyon ng gabi. Padako na si Maru sa likod na bahagi ng bahay nang makarinig ito ng mga pagtimpasaw ng tubig sa bang ibaba ng gulod malapit gruto.
Lumapit doon si Maru dahil sa may narinig itong mga boses na nag-uusap. At nang dumungaw nga ito roon, nakita nito sina Pitoy at Tino na naliligo sa balon malapit sa mga sampayan. Madilim sa bahaging iyon at tanging liwanag lang ng buwan ang tanglaw sa kanila. Pero klarong-klaro sa mga mata ni Maru ang hubad na mga katawan ng magkapatid. Naka-brief lang ang mga ito habang nagsasabon at naliligo roon.
Dala ng kanyang pagkatao, natukso si Maru sa tanawing nasa harapan niya. Naghanap ito ng maayos na puwesto para malinaw nitong mabusohan ang magkapatid. Gumagapang na ang init ng libog sa katawan ni Maru habang pinipintahan ng mga titig ang bawat bahagi ng katawan ng dalawa, Pitoy at Tino.
Nang sa kanyang pamboboso bigla na lang ito mapa mura nang bigla nalang nagtukaan ng labi ang magkapatid. Nabigla si Maru sa kanyang nakita ,at hindi nito namalayan ang nakasalansan na batay sa kanyang likuran, natabig niya iyon at magkanda hulog. Lumikha iyon ng ingay dahilan para mapatingin ang magkapatid sa puwesto niya. Mabilis naman itong sumiksik sa gilid ng pader upang hindi makita.
Nabulabog ang dalawa kaya nagmadali ang mga ito. Si Maru naman ay mabilis na bumalik ng bahay. Nagtaka si Sue nang mapansin ang pinsan na pawisan.
“Saan ka ba nagpunta? natawag mo ba ang magkapatid? Halika na at kanina pa nakahain ang hapunan.Siya nga pala insan palit muna tayo ng room mamaya,Ikaw na muna roon malapit sa balkonahe.” wika ni Sue.
“Ayuko ko rin nga roon, baka magising na lang ako nasa balkonahe na ang kung sino’ng tao man iyon. Mabuti pa tabi na lang kaya tayo. Parang sa bahay dati.” ani pa ni Maru.
“Sige-sige tabi na na tayo, after ng dinner tulungan mo akong kunin ang mga gamit ko sa kuwarto.”
Nasa hapag na sina Maru at Sue nang pumasok ang magkapatid dahil tinawag ito ni Santa. Nakisabay na ang mga ito sa hapunan. Kaharap ni Maru ang dalawa, at iwas na iwas itong tingnan sina Pitoy at Tino, hindi niya maalis sa kanyang isip na balikan ang tagpong nakita niya. Napasulyap sa kanya si Pitoy nang mapansing paiwas ang mga sulyap sa kanila ni Maru. Napangiti namang tinapunan ng tingin ni Tino ang kapatid at palihim na siniko ang kuyang si Pitoy. Isang taon lang ang agwat ng edad ng dalawa kaya naman halos magkaibigan lang ang turingan ng mga ito sa isa’t isa.
Tahimik ang hapag kainan,nang bigla na lang sabay-sabay na nagsilingunan ang mga ito sa pintuan sa sala, dahil sa narinig na katok sa pinto.
“Manang may inaasahan ba tayong bisita ngayon?” tanong ni Sue, na nanlaki ang mata sa biglang takot.
“Aba’y ewan. Baka itong dalawang magkapatid, Huy Pitoy may inaasahan ba kayong dalawa?” turan ni Santa.
“Bakit naman kami magkakabisita manang? Nakikitira lang kami rito, kalabisan na kung pati mga barkada namin papadayuhin pa namin dito. Nakakahiya na kay Inday Sue.” Sagot pa ni Pitoy.
Biglang nahinto ang mga katok sa pintuan at muling tumahimik ang paligid. Tumayo si Tino para silipin ang labas, ngunit pinigilan ito ni Maru. Naghintay pa ang lima nang muling kumatok ang nasa labas. Si Pitoy na ang tumayo at tinungo ang pintuan. At dahil wala nga sa kanila ang may inaasahang bisita, bilang panigurado,hinugot nito ang mahabang kutsilyo sa lagayan katabi ng lababo, bago ito pumunta ng sala. Nagsitayuan naman ang lahat para sundan si Pitoy. Kanya-kanyang dampot naman ng armas ang apat, humugot rin ng kutsilyo mula sa kusina sina Maru at Sue, walis tambo naman kay manang Santa, samantala mula sa beywang nito, inilabas ni Tino ang dala nitong kalibre kuwarenta’y singko na baril na ikinagulat ni Maru.
“May baril ka?” Takang tanong ni Maru.
“Pang-depensa, bakit ngayon ka lang ba nakakita ng baril?” napangiting tugon ni Tino kay Maru.
“Pulis ang tatay ko, lahat ng klase ng baril nakita ko na.” wika ni Maru sabay irap kay Tino.
“Eh naka-hawak kana ba? Baka hanggang tingin ka lang. Gusto mo hawakan ang baril ko?” pang-aasar pa na tanong ni Maru.
Napasulyap si Sue sa dalawa nang marinig niya ang mga ito na nag kaka asaran. Pinatigil nito ang dalawa at pinatahimik. Nasa tapat na ng pintuan si Pitoy nang bigla nalang may narinig silang nabasag musala sa ikalawang palapag ng bahay. Tumalima sina Pitoy at Tino na akyatin ang hagdan para usisain ang narinig nilang nabasag. Kabado man at takot, sumunod parin ang tatlo, Maru ,Sue at Manang Santa kina Pitoy at Tino.
At laking gulat ng lahat nang makita na basag ang salamin ng pintuan sa balkonahe,malapit sa kuwarto ni Sue.
Lalong kinabahan sina Maru at Sue sa sinabi ni Pitoy.
“May nagtangkang pasukin kayo Inday Sue, “ sambit ni Pitoy na agad na dumungaw sa balkonahe.
May nakita itong anino na patakbong naglaho sa dilim.
“Sino naman kaya iyon” Ang nanginginig na boses ni Sue.
“Baka dayo, mukhang hindi taga rito. Ang mabuti pa Inday Sue, doon ka muna sa silid ni manang Santa. Tapos ikaw, tulungan mo kami ni Tino na mag-bantay. Dito kayo sa taas at mag-iikot ikot ako sa labas.” mungkahi ni Pitoy sa lahat.
Ngunit hindi sumang-ayon si Maru sa gusto nitong mangyari.
“Bakit pati ako? Kaya nga kayo pinapunta dito para magbantay sa amin ,tapos idadamay niyo pa ako diyan. Ayuko nga, sasama ako kina Sue. Kayong dalawa na ang magbantay. Iyang si Tino siya na rito, kayang-kaya niya na iyan dahil may baril iyan.” ani pa ni Maru.
Hindi nagpumilit pa ang magkapatid at hinayaan na lang si Maru na samahan sina Sue at manang Santa sa isang kuwarto.
Bulaga!
Lumalim pa ang gabi at nakatulog na sa takot si Sue, maging ang katiwala nilang si Santa ay humihilik na rin sa isang tabi. Habang si Maru dilat parin ang mata at hindi man lang madapuan kahit na kaunting antok. Maiinit ang silid ni Santa dahil wala itong bintana. Electric fan lang ang meron doon tapos mahina pa ang buga ng hangin.
Nakaramdam ng alinsangan si Maru kaya bumangon ito sa kama para lumabas at kumuha ng maiinom na tubig. Pagsilip ni Maru sa labas,nakapatay ang mga ilaw sa sala at maging sa kusina,tanging sa ikalawang palapag lang ang may bukas na ilaw at ang ilaw sa labas na tumatagos sa salamin ng binata sa palibot ng bahay kaya kahit papano maaaninag pa rin nito ang loob ng bahay.
Habang papalapit ng kusina, naisip nito ang magkapatid. Hinanap nito si Tino dahil ang alam nito nasa loob lang ng bahay ang kapatid ni Pitoy. Nang tapos na itong uminom ng tubig sa kusina, maingat na sumilip sa labas ng binata si Maru. Tahimik ang labas ng bakuran, payapa at walang pagbabanta ng panganib. Sunod na tinungo nito ang taas. Maingat ang bawat hakbang nito sa hagdan. May ilaw sa ikalawang palapag kaya kita ang lahat doon. Napatingin si Maru sa basag na salamin ng pintuan sa balkonahe. Naroon pa din sa sahig ang mga basag na bahagi ng pintuan at mga nagkalat na bubog. Papalapit na sana si Maru sa may balkonahe para sumilip nang mapansin nitong naka awang ang pintuan ng kuwarto ni Sue, bahagya itong nakabukas at napansin itong anino na gumalaw sa loob. Kinabahan si Maru. Para kumalma, inisip nitong si Tino lang ang nasa loob. Ngunit naging palaisipan din sa kanya na kung si Tino iyon, ano naman ang ginagawa nito sa loob ng kuwarto ng pinsan.
Napansin nitong papalabas na sa silid ang may-ari ng nakitang anino kaya nag hanap ng mapagtataguan si Maru. May malaking bookshelves malapit sa kinatatayuan ni Maru na may indoor plant na makapal ang dahon sa tabi ng isang rebulto na dragon. Hindi masyado abot ng ilaw ang gilid ng shelves kaya doon isiniksik ni Maru ang katawan.
Nagulat na lang si Maru nang makita ang isang lalake na minsan na niyang nakita nang dumating ito sa farm nina Sue. Hindi niya ito malimutan dahil ang lalake na iyon ang driver ng tricycle na naghatid sa kanya sa kanila ni Sue.
Bitbit nito sa kanyang likod ang malaking pink na backpack ni Sue,alam ni Maru na maraming laman iyon dahil halos pumutok na ang bag sa laki. Pinagpapawisan ng malamig si Maru dahil sa takot. Hindi ito mapakali sa kanyang pinagtataguan, nanginginig ito sa takot.
Nakita nitong palinga-linga ang lalake pagkalabas sa kuwarto ni Sue bago tinungo nito ang katapat na silid ng mga magulang ni Sue. Kumatok ito roon at lalong nagimbal si Maru nang tinawag nito ang mga pangalan ng magkapatid na Pitoy at Tino. Saglit pa bumukas ang pinto ng silid at sumilip mula sa loob ang tila kaliligo lang na si Pitoy ,dahil basa pa ang buhok nito at nakatapis pa ng tuwalya.
“O ano nalimas mo na ba lahat ng mahahalagang bagay sa kuwarto?” mahinang tanong ni Pitoy sa lalake.
Mahina man pero rinig iyon ni Maru dahil halos dalawang dipa lang ang layo ng mga ito sa puwesto niya. Sumunod na lumabas galing sa loob si Tino na may tangay ding bag. Ipinasa niya iyon sa lalake.
“Mga alahas at pera ang laman nitong bag, mauna ka na sa baba.Bilang ko ang mga alahas at pera kaya umayos ka. Huwag mo kaming dudugasan kung ayaw mo ilipat namin ang lahat ng birthday ng mga kaanak at pamilya mo sa November 1.” wika pa ni Tino na tinapik-tapik pa ang pisngi ng lalake.
“Parang wala naman kayong tiwala sa akin. Magkita na lang tayo sa bahay. Wala talaga silang kamalay-malay na inaanay na pala sila.” sabat ng lalake.
“Malas lang nila at kami pa talaga ang pinagkatiwalaan nila. Naturingan pa namang mga laking siyudad pero mga bobo. Mga uto-uto. “ Natawang tugon ni Pitoy.
“At kahit pa nga hindi natin sila takutin, kaya naman nating gawin ito. Dadalawa lang naman pala sila dito at bakla pa iyong isa. Nahuli pa nga namin ni kuya na sinisilipan kami habang naliligo. Tinakam nga namin ni kuya, ayon bumigay nga.” saad pa ni Tino.
“Akala ko lalake iyon. Wala sa mukha ah. Pero sigurado ba talaga kayo na tulog na ang mga iyon. Baka bumulaga na lang sa atin ang mga iyon bigla, mabulilyaso pa tayo.” wika ng lalake.
“Madali lang magpatahimik ng palaka, isang bala sa bawat isa sa kanila ayos na. At huwag ka mag alala, sigurado ako ang dalawang babae, bukas pa ang gising nun pero ang bakla mukhang doon tayo magingat, hindi niya ininum ang juice na may pampatulog. “ sabi pa ni Tino habang kinakasa ang hawak na baril.
Hindi makapaniwala si Maru sa kanyang narinig. Kunwari lang pala ang kabaitan na ipinakita sa kanila ng magkapatid, may masamang pakay pala ito sa kanila. Napatingin si Tino sa puwesto ni Maru, at dahil maliwanag nga napansin agad ni Tino na may tao roon. Kaya lumapit ito sa puwesto ni Maru habang nakatutok doon ang baril.
“uy may naninilip na naman sa atin kuya, nag aabang siguro ng live show.” nakangising wika ni Tino habang tinututokan ng baril sa noo si Maru.
“Please Tino, huwag mo akong barilin. Promise wala akong narinig. Hindi ako mag sasalita, hindi ako magsusumbong.” Nanginginig na sabi ni Maru kay Tino habang nakataas ang dalawang kamay.
Pinapunta ni Tino si Maru sa loob ng kuwarto ni Sue habang patuloy lang ito sa pagtutok ng baril sa ulo ni Maru. Panay pakiusap at pagmamakaawa naman si Maru kay Tino. Nang nasa loob na sila ng silid, sumunod sa kanila si Pitoy at ang isa pang lalake na tinawag ni Tino na Bulog.
“Please lang huwag niyo akong saktan, maawa kayo. Pangako hindi ako mag susumbong.” Pakiusap ni Maru na nanginginig na sa takot.
“Kuya, sasaktan ba natin ito?” nakangising tanong ni Tino kay Pitoy.
“Hindi ka namin sasaktan, sa halip mag sasaya lang tayo. Sa totoo lang wala naman talaga ito sa plano. Pero dahil nangi-alam ka rin lang. Nagbago na ang pasya namin. sige Bulog tulungan mo si Tino. Igapos niyan sa kama.” Utos ni Pitoy sa dalawa at sinara ang pinto.
Pinadapa ng dalawa si Maru sa kama at itinali ang mga kamay sa likod gamit ang kumot. Nagpupumiglas si Maru, pilit itong lumalaban sa dalawa. Gamit ang mga paa, pinang sisipa niya ang mga ito ngunit sa pikon at inis ni Tino nang matamaan ito sa mukha ng sipa ni Maru. Bigla na lang nitong sinuntok ang hita ni Maru dahilan para mamilipit sa sakit ang lalake. Sumisigaw na humihingi ng saklolo si Maru ngunit tinawanan lang ito ng tatlo.
“Sa tingin mo May tutulong pa sa inyo dito kung papatayin namin kayo lahat. Nasa tuktok tayo ng bundok at tanging mga kuliglig lang ang makakarinig sa gagawin namin sa inyo. Kaya bago pa kami marindi sa boses mo tumahimik ka at umayon na lang dahil alam naman namin na magugustuhan mo itong gagawin namin sa iyo.” wika pa ni Tino, sabay baklas sa suot na shorts ni Maru.
Halos mapunit ang shorts ni Maru nang sapilitang binaklas iyon ni Tino. Sinunod naman nito ang brief ni Maru. Tawanan ang tatlo nang malantad na sa kanila ang maputi at makinis na pisngi ng puwet ni Maru.
“Tang ina mga pare, tama nga talaga ang mga naririnig ko, mapuputi ang tumbong ng mga taga siyudad. Kahit lalake ito nakaka-tuksong dilaan.” turan ni Bulog na hindi napigilan ang sarili at nginudngud ang mukha sa hiwa ni Maru sabay kagat dito na may pang-gigigil.
Napahiyaw si Maru dahil sa ginawang pagkagat doon ni Bulog. Pumuwesto si Tino sa ibabaw ng kama at nagbaba ng kanyang shorts. Pinatabi nito si Balong at tumapat sa likuran ni Maru. Pinatuwad nito si Maru tsaka itinutok sa butas ng lalake ang bahagyang tigas nitong titi. Makipot ang butas ni Maru kaya nahirapang makausad si Tino. Doon na pumalit sa kanya si Pitoy na himashimas pa ang tirik na tirik na nitong tarugo. Mahaba at may kalakihan ang ulo nito na parang mushroom, dagdag pa ang maugat nitong katawan. Kita sa titi ni Pitoy na batak na ito sa bungkalan at pukpukan.
Dinuraan nito ang ulo ng kanyang taruytoy pati ang butas ni Maru. Binalot nito ng sariling laway ang kahabaan ng kanya bago tinutok iyon kay Maru.
Mangiyak-ngiyak na si Maru sa pagmamakaawa nang binigla ito ni Pitoy. Napangawa talaga sa sakit si Maru ng buong-buo isinuksok ni Pitoy ang tarugo nito sa hiwa niya. Hindi sarap kung hindi hapdi at kirot ang namayaning nararamdaman ni Maru habang tila asong hayok sa kasta si Pitoy na bumabarurot sa kanya.
Nilaspag ng husto ni Pitoy ang bahay tae ni Maru bago ito pinagamit kay Tino at Bulog. Salitan ang tatlo sa pagbungkal at pag araro sa butas ni Maru. Pagod na si Maru sa kakabalibag sa kanya ng tatlo. Tanging mga paghagulgol at pag iyak na lang ang kaya nitong gawin.
Lalo pang napahiyaw si Maru nang sabay na ipinasok ng magkapatid ang kanilang mga naglalakihang tarugo sa hiwa nito. Binaboy ng husto ng tatlo si Maru. Nasa puntong pinagsasaluhan nila si Maru nang bigla na lang bumukas ang pintuan ng silid na iyon.
Napabalikwas ang tatlo sa pagkabigla at natigil sa kanilang ginagawa. Tumambad sa kanila ang isang tao na naka long coat na itim ,may takip ang mukha, naka sumbrero at May hawak na karit sa kanyang kamay.
Agad na hinagilap ni Tino ang hawak nitong baril kanina, ngunit wala na iyon sa kanya. Nasa ibabaw ito ng lamesang malapit sa pintuan kung saan doon niya ito naipatong. At nakita iyon ng lalaking pumasok. Kinuha iyon ng lalake at agad na itinutok sa tatlo.
Nagmakaawa pa si Tino sa lalake na huwag itong barilin ngunit hindi ito pinakinggan ng lalake at binaril siya nito sa balikat. Nang makita ni Pitoy ang ginawa sa kapatid susugod sa na ito, ngunit binaril din siya ng lalake sa balikat. Sa takot napa atras si Bulog at tinungo ang malaking bintana sa silid ni Sue, nakabukas iyon at tagos iyon sa balkonahe ng bahay. Ngunit bago man ito nakalapit sa bintana binaril din ito ng lalake sa hita.
Dahil sa mga putok ng baril lalong natakot si Maru na napa takip ng tenga at nangangatog sa takot.
Bagama’t may mga tama na, sumugod parin ang magkapatid sa lalake ngunit ang karit na ang tumapos sa kanila ng pag-ha-hatawin sila nito sa leeg. Nang masaksihan iyon ni Bulog nagsusumamo ito sa paghingi ng tawad at pakiusap na huwag itong patayin. Habang papalapit sa kanya ang lalake.
“Naisip niyo ba iyon bago niyo nilapastangan ang katawan niya? Sabihin mo sa akin, bakit ka takot? Saan ka takot?” tanong ng lalake kay Bulog.
“Maawa ka, ayuko pang mamatay may asawa pa ako at mga anak .” tugon ni Bulog na naiihi na sa takot.
“May asawa ka pala eh bakit hindi mo gawin ang ginawa mo sa lalaking ito? Hindi pa ba sapat sa iyo ang asawa mo?” tanong muli ng lalake habang dinadantay sa tarugo ni Bulog ang talim ng hawak na karit at nakatutok naman ang hawak na baril sa baba ni Bulog.
“Napasubo lang ako sa trip ng dalawa, wala naman dapat ito eh, pagnanakaw lang talaga ang balak namin. Kaya paki-usap , ipakulong mo na lang ako. Huwag mo na lang ako patayin.” Saad pa ni Bulog.
“Ok hindi kita papatayin pero ito, kailangan na magpahinga ng hindi na ito gumawa pa ng kasalanan.!” Sambit ng lalake sabay tapyas ng tarugo ng lalake gamit ang karit.
Todo hiyaw si Bulog nang makita ang tumilapon na tarugo sa sahig at pag sirit ng dugo sa kanyang harapan. Maging si Maru napasigaw sa kanyang nasaksihan. Napasulyap kay Maru ang lalake at dahil sa maliwanag sa loob ng silid, nakita ni Maru ang mga mata ng lalake kahit nakatakip pa ang mukha nito.
Nang ilang saglit pa nakarinig ng mga pagtawag si Maru mula sa labas. Boses iyon ng kanyang ama na si Paeng. Tumugon ng sigaw si Maru upang marinig ito ng ama.
Nang balikan nito ng tingin ang lalake, wala na ito sa kinatatayuan nito. Nakatiwangwang na ang bintana. Sa mga sandaling iyon , doon na pumasok si Paeng kasama ang ilang mga pulis na kinausap nito bago ito dumating sa farm nina Sue.
Natigalgal si Paeng nang makita ang ayos ng anak at ang sinapit ng mga may gawa nun sa kanya.
Wala ng buhay ang magkapatid na Pitoy at Tino, habang si Bulog tulala sa isang sulok na nakatingin sa putol nitong ari na nasa sahig.
Nakapag radyo agad ng ambulansya ang mga pulis na kasama ni Paeng at naisugod pa si Bulog bago pa ito tuluyang maubusan ng dugo. Hindi parin makausap ng maayos si Maru dahil sa trauma.
Samantala sa kabila ng gulo sa bahay, nanatiling tulog parin sina Sue at Santa sa kanilang silid. Kinaumagahan na ng malaman nila ang lahat. At maging sila hindi makapaniwala sa mga nalaman lalo na si Santa na simula pa lang pagkabata kilala na nito ang magkapatid at hindi nito lubos maunawaan bakit nagawa iyon ng dalawa sa pamilya ni Sue.
“Hindi kaya ang nagtanong sa akin ang siyang may gawa ng pagpaslang sa magkapatid sir?” nanginginig pa na wika ni Santa nang kausapin ito ni Paeng.
“Sino manang? Natatandaan mo ba ang pagmumukha niya?“tanong ni Paeng.
“Ang sabi niya, Rodge daw ang kanyang pangalan at kaibigan daw siya nina Inday Sue at Maru.” tugon ni Santa at inilatag din nito ang diskripsyon ng nakausap na lalake.
Base sa diskripsyon ni Santa, iba ang na pi-picture out nitong tao sa kanyang isip. Malalim ang iniisip nito habang pinoproseso sa isipan nito ang impormasyong nakuha sa katiwala nila Sue na si Santa.
“Sir, nagsalita na si Bulog. Isang lalaking nakatakip ang mukha at may dalang karit ang umatake sa kanila. Sinegundahan naman ito ng anak niyo.” wika ng isang pulis na lumapit kay Paeng.
Biglang naguluhan si Paeng dahil base naman sa salaysay ng Bulog. Kahawig ang diskripsyon ng salarin sa minsan ng umatake noon kina Hito at Marben.
Matapos ang pangyayari napagpasyahan ni Paeng na iuwi na lang si Maru sa kanila. Si Sue naman ay pinasundo ng ama at pinasunod muna ito sa Manila.
“Maru ayos ka na ba?” tanong ni Paeng sa anak na sa buong biyahe tahimik lang.
“Tay, parang nakita ko si Fil.” bulalas ni Maru.
“Anong ibig mong sabihin? paano mo nakita si Fil? “
“Ang lalakeng pumatay kina Pitoy at Tino, ang mga mata niya, parang kay Fil. Hindi ko alam pero nang magtaka ang mga tinginan namin si Fil ang nakita ko sa kanya.” saad ni Maru.
“Imposible iyan, ako ang naghatid kay Fil sa kanila. Kaya sigurado ako na hindi iyon si Fil. At bakit mo naman naisip na si Fil ang taong iyon?” tugon ni Paeng sa anak.
“Hindi ko naman sinabing si Fil iyon Tay, pero kuwan kasi ang mga mata niya. Parang kay Fil.” wika pa ni Maru.
“Ito si Fil, tumatawag. Kausapin mo. Sinabi ko sa kanya ang nangyari sa iyo. Sobrang nag-alala ang kaibigan mo.” sabi ni Paeng nang inabot ang cellphone kay Maru.
Pagkasagot ni Maru ng cellphone bumuhos agad ang emosyonal nito habang kinukwento sa kaibigan ang nangyari sa kanya.
“Magkita agad tayo sa inyo, sinabi ko na kay tito na sa inyo muna ako.” wika ni Fil kay Maru.
Naka speaker ang cellphone kaya sumabat agad si Paeng sa usapan ng dalawa.
“Uy Fil, siguraduhin mong nakapagpaalam ka diyan ng maayos sa inyo. Dumiretso ka na sa bahay at dadaan muna kami ni Maru ng hospital.”
“Sige tito ingat kayo.”
Sa nangyari kay Maru, panibagong palaisipan naman ito para kay Paeng, bagaman nagpapasalamat ito dahil nailigtas ang buhay ng anak. Ang pag litaw ng lalaking may karit ay lubhang nakakabahala ayon kay Paeng.
Maaliwalas ang gabi at kakaunti lang ang mga tao noon sa labas ng bahay na tinutuluyan ni Jericho. Sakto lang para makapagmuni-muni ito. Lumabas ito ng gate at tumambay sa katapat na tindahan.
“Manang isang malamig na softdrinks nga diyan. Tapos isang spicychips”.
“Magandang gabi iho, ikaw ba ang nakatira diyan sa tapat? Kaano ano ka ba ng pulis na may-ari niyan dati?” tanong ng tindera kay Jericho.
“Bakit manang,pulis ba ang may-ari ng bahay na iyan? Pasensiya na hindi ko kasi alam eh. Pinatira lang ako ng isang kakilala diyan pansamantala.” Tugon ni Jericho.
“Ganun ba, buti naman at may tao na riyan. Nagmumukha na kasing hunted haws ang bahay simula nang iwan iyan ng pamilya Makalaay.”
Biglang natahimik si Jericho. Hindi na nito inubos ang iniinom na softdrinks at bumalik na sa tinitirhan nito. Saktong pagtawid ni Jericho nang siyang dating naman ni Paeng.
Lumapit si Jericho kay Pareng nang tinawag siya nito.
“Napasugod naman kayo, Sumusunod na ako sa iyo. Hindi na ako umaalis dito. Napakaboring nitong lugar pero, susubukan kong magtiis.” bungad ni Jericho kay Pareng.
“Hindi ka umalis dito? Hindi ka nag punta ng San Valencia?” gulat na tanong ni Paeng.
“Hindi ah, at ano ang gagawin ko roon sa San Valencia.” pagtanggi ni Jericho.
Lalong napapaisip ng husto si Paeng.
“Teka lang, iyan lang ba ang pinunta mo dito? Bakit may nangyari ba? Si Jerome kamusta?” usisa naman ni Jericho.
“Maayos ang kapatid mo, pero sa amin na muna siya tutuloy. Magpahinga ka na. Bukas magkita tayo sa bahay. Kailangan na siguro malaman ng kapatid mo ang tungkol sa iyo.”
Natuwa si Jericho sa sinabi na iyon sa kanya ni Paeng at sa sobrang saya nito napayakap ito kay Paeng. Sa ginawa na iyon ni Jericho hindi na rin napigilan ni Paeng ang sarili at tumugon ito ng yakap kay Jericho. Napansin na lang ni Jericho na tumulo ang luha sa mata ni Paeng. Doon na kumalas sa pagyakap si Jericho.
“siya nga pala, bakit hindi mo sinabi na sa inyo din pala itong bahay na ito. Anong dahilan bakit iniwanan niyo ito?” singit pa na tanong ni Jericho kay Paeng.
“marami na talagang nabura sa ala-ala mo” bulong ni Paeng sa isip nito.
“Personal,at hindi mo na dapat malaman. Magpahinga ka na. Hintayin mo ang text ko sa iyo bukas.” saad ni Paeng bago ito iniwan si Jericho.
Anino ng Pagdududa
Mag-aalas otso na ngunit wala pang Fil na dumating sa bahay nila ni Maru. Maging si Paeng nag alala na rin sa binata, lalo pa at hindi na nito matawagan ang numero. Ayaw mag isip ng masama Paeng ngunit kinakabahan ito.
“Aalis ka na naman? Puwede kahit saglit lang pagpahingahin mo naman ang sarili mo. Wala ka pang tulog. Bukas balik trabaho ka na naman.” wika ni Paz ng mapansin ang kapatid na si Paeng na nag-susuot na naman ng jacket.
“Wala pa si Fil, susunduin ko lang sa terminal baka nandoon na iyon. Hindi rin ako makakatulog ng maayos pag ganitong nag-aalala ako.” Tugon ni Paeng.
“Masyado nang nalalagay sa alanganin ang mga anak mo. Nasa paligid lang ang panganib at mas lalo na ngayon. Baka panahon na para sundin mo ang payo ko. Nang sa ganun matahimik na ang buhay niyo.” saad pa ni Paz.
“Wala sa ibang bansa ang katahimikan. At kahit saan pa kami naroon, kung susundan talaga kami ng panganib magiging ganito parin ang takbo ng sitwasyon. Ang solusyon dito. Kailangan mahuli na kung sino ang mga salarin sa mga pangyayaring ito ng hindi lang ako ang matahimik pati na ang mga tao na apektado.” ayon pa kay Paeng.
“Bahala ka, ang sa akin lang naman ang kaligtasan ng mga anak mo. Siya nga pala tumawag si Mercedes kanina, nag alala sa nangyari kay Maru at balak na isama ang anak mo sa Canada.” sambit ni Paz.
Natigilan si Paeng sa sinabi na iyon ni Paz. Nadagdagan tuloy ang iniisip nito. Hindi nito ikinasaya ang narinig na balita sa kapatid.
“Kapag tumawag muli sabihin mong hindi puwede, hindi ko ipapadala sa kanya si Maru. Dito lang ang anak ko. Kaya kong proteksiyunan ang anak ko.” sambit ni Paeng bago ito lumabas ng bahay.
Samantala sa isang luma at abandonadong bodega, malayo sa barangay naroon si Fil at minamanmanan ang grupo nina Jack. Nakita niya ang mga ito nang papunta ito kina Maru. May kutob si Fil na grupo ni Jack ang may kagagawan ng pambubugbog sa kanila noon. Napansin pa ni Fil na tila na dagdagan pa ang mga kasamahan ng grupo, hindi pamilyar sa kanya ang mga iba sa kanila kaya batid nitong hindi taga barangay nila ang mga ito.
Lumapit pa si Fil sa kanila, ngunit maingat ito sa kanyang galaw. Madilim sa kanyang puwesto kaya hindi siya agad mapapansin doon. Sa kanyang distansiya rinig nito nang malinaw ang kanilang pinaplano. Isang bahay ang balak nilang looban at pagnakawan. Matapos marinig ang lahat sa mga ito umalis din si Fil.
Napatingin ito sa kanyang relo, at naalala sina Maru at baka nag aalala na ang mga ito sa kanya. Nangalsada ito upang mag abang ng masasakyan nang may napansin at nakita ito sa katapat na daan. Nagmamadali itong tumawid upang habulin ang taong kanyang nakita ngunit mabilis itong nawala sa mga taong nandoon. Isang jeep ang huminto sa tapat ni Fil kaya sumakay na ito. Ngunit nang nakaupo na ito sa loob ng jeep, muli nitong natanaw ang nakitang lalake na nakatingin sa kanya habang papalayo na ang jeep na sinakyan niya.
Hindi siya nagkakamali si Rodge iyon.
Lalo namang nag alala si Paeng nang pagkadating nito sa terminal, napag-alaman nitong kanina pang alas sais ng gabi ang huling dating ng inaabangan nitong bus. Pabalik na ito sa kanyang sasakyan nang tumawag sa kanya ang anak na si Maru at sinabing nasa bahay na nila si Fil. Nakahinga ng maayos si Paeng ng malaman iyon sa anak kaya nagmadali na itong umuwi.
Sa bahay naman kung saan naroon si Jericho, hindi ito makatulog ng maayos. Pabaling-baling lang ito sa kanyang kama. Inaalala nito ang kapatid na si Joram. Bumangon ito sa pagkakahiga at hinugot ang bag sa ilalim ng kanyang kama. Kinuha mula doon ang isang box na gawa sa matibay na karton. Binuksan niya iyon ang kinuha ang isang litrato ng isang masayang pamilya. Ang kanyang ina, ama, siya at ang kapatid nito na nasa tatlong taong gulang palang, anim na taong gulang naman ito sa larawan.
Binalikan ni Jericho ang mga panahon noong buo pa ang kinagisnan nitong pamilya, bago pa nangyari ang nakakapanglumong trahedya na naging dahilan upang mapalayo ito sa kanyang kapatid.
“Kapag napatunayan ko na tama ang hinala ko. Maipaghihiganti ko na rin kayo mama , papa. At pinapangako ko, hindi ko papabayaan si Joram. “ wika ni Jericho habang nakatitig lang ito sa larawan.
Ibabalik na sana ni Jericho ang hinugot na bag sa ilalim ng kama nang may napansin itong nasama sa ilalim ng bag nito. Isang sintas ng isang pambatang sapatos. Simula nang dinala ito ni Paeng sa bahay na iyon, ni minsan hindi pa nito nagawang usisain ang mga kasuluk-sulukan ng bahay. Kinuha nito ang naturang sintas na naka kabit pala sa dalawang pares ng sapatos na pambata. Napatitig sa bagay na iyon si Jericho,na tila ba may naalala sa sapatos na iyon. Niyuko pa nito ang ilalim ng kama at isang karton pa ang napansin nito roon. Hinila ito ni Jericho at tumambad sa kanya ang mga lumang gamit at laruan na naroon sa kahon.
Dahil hindi pa nga inaantok, naisipan ni Jericho na usisain ang mga ito. At isa-isa na nga nitong kinuha ang laman na nasa kahon. Umagaw sa pansin nito ang isang laruang sasakyan na sobrang pamilyar sa kanya.
“paano napunta ito rito. Imposibleng kapareho lang ito ng paborito kong laruan noon. Nandito pa ang pangalan ko. Pero paano?”
Dahil sa kuryosidad, naghalungkat pa si Jericho at isang maliit na photo album ang nahulog sa sahig. Binulatlat niya ito at may mga ilang mga litrato roon na nagbigay ng malaking katanungan sa kanya. Lulan ng album ang mga pictures nito noong baby pa palang ito, naroon din sa album ang larawan ng kanyang ina. Ngunit ang ipinagtaka nito iba ang kasama nito sa larawan, hindi ang kanyang ama kung hindi si Paeng. Kapansin-pansin pa ang pagiging malapit ng ina nito kay Paeng sa mga larawan. At ang isa sa mga larawan na umagaw talaga ng atensiyon ni Jericho ang larawan nilang tatlo kung saan bitbit siya ni Paeng. Sa tantiya ni Jericho nasa tatlong taong gulang ito sa larawan. Tandag tanda ito ni Jericho dahil meron pa itong mga litrato noong bata pa siya.
Sa mga nakita nito, nabulabog ang isipan ni Jericho. May katanungan ito sa isip na bumabagabag sa kanya. Nais niyang linawin ang mga bagay na natuklasan kay Paeng kaya tinawagan niya ito, ngunit panay ring lang ang numerong tinatawagan.
Naghalungkat pa si Jericho sa mga aparador na naroon sa loob ng silid.
Sa pagtakbo ng mga araw at oras, unti-unti nang nagsilantaran ang totoong anyo ng bawat character sa ating kuwento. Ano nga ba ang tunay na koneksyon at relasyon ni Paeng kay Jericho at sa ina nito? Bakit ganun na lang ang pagtulong nito sa lalake? Ilan lang sa bibigyan natin ng linaw sa mga susunod na tagpo. Sa ngayon balikan muna natin ang grupo nina Jack habang nagpaplano sa mga susunod nilang gagawin.
“Maaasahan ba talaga ang mga ito Nato? Baka problema lang ang maging ambag nila sa grupo. Mukhang hindi pa sanay ang mga ito sa takbuhan.” Saad ni Jack habang kinikilatis ang mga bagong miyembro ng kanilang grupo.
“Maaasahan ang mga ito, hindi nga tayo nito binigo nang tambangan nila sina Fil at Maru diba? Hindi tayo ilalaglag ng mga ito pare. At mas mabuti nang hindi sila pamilyar sa mga humahabol sa atin. Makakagalaw tayo na ng tahimik.” bulong pa ni Nato kay Jack.
“Anong nasagap mong balita sa atin, kamusta ang mga tarantado nating mga kasamahan dati?” tanong ni Jack.
“Hindi na umuuwi sa atin ang mga gagong iyon, natakot baka pag-balingan ng serial killer na namumugto ng ulo.” tugon ni Nato.
“Eh sina Fil, alam na ba nila kung sino ang kumastigo sa kanila?”
“pinalikas na nila ang dalawa, ayon sa mga nasagap ko pinatapon muna sa kani-kaniyang probinsiya sina Fil at Maru sa takot na balikan sila ng mga nambugbog sa kanila. Kaya wala na tayong dapat pa na isipin. Malilihis din ang atensiyon nila sa iba. Sa ngayon sila muna ang papa galawin natin habang nagpapalamig tayo.” saad ni Nato.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap natigilan ang lahat nang makarinig ang mga ito ng mga na tumbang bakal mula sa labas ng kanilang lungga.
“Sigurado ba kayong hindi kayo nasundan dito?” Biglang pag alala ni Jack.
“Sigurado boss. Nagingat kami sa pagpunta rito. Baka mga aso o pusang gala lang ang may likha ng ingay na iyon. At abandonado na ang lugar na ito. Maging ang mga pulis hindi iisiping nandito tayo.” tugon ng isa sa kasamahan nila Jack.
“Titingnan namin sa labas para makasiguro.” mungkahi ng isa pa na lumabas kasama ang apat pa sa kanila.
Susunod pa sana si Na’to ngunit hinawakan ito ni Jack sa braso para pigilan.
“Hayaan na natin sa kanila, iba ang kutob ko. Halika sumunod ka sa akin.” saad ni Jack at pinasunod sa kanya si Na’to sa isang makipot na daan sa likod ng warehouse na iyon.
Mabilis na naglaho ang dalawa sa dilim. Samantala nasa labas naman ang apat nilang kasama upang suriin ang pinagmulan ng ingay.
“Sabi na nga ba mga asong gala lang ang may gawa nito eh. Bumalik na tayo sa loob. Magpahinga na tayo at bukas mukhang mapapagod tayo sa laki ng bahay na titirahin natin.” wika ng lalake ng makita ang tatlong aso na palaboy-laboy sa labas ng warehouse.
“Bakit ba kasi sa dami-daming puwedeng gawing hideout dito pa talaga sa lugar na ito. Tara na nga sa loob, baka iba pa ang makita natin dito.” tugon ng isa pa.
dalawa sa kanila ang nagpaiwan para umihi. Nagpatuloy naman sa loob ang apat. Ngunit laking pagtataka ng mga ito nang wala na roon sa loob sina Jack at Nato. Wala silang ilaw sa warehouse na iyon at tanging malaking flashlight lang ang gamit nila bilang tanglaw sa loob.
“Tang ina ano ang nangyari, nasaan na ang mga iyon? Dahil sa ingay lang na iyon na praning na sila. Iyon ba ang leader, duwag?” natawang wika ng lalake ng mapansing wala na sa loob sina Nato at Jack.
“Sa dami ng kaso at atraso ng mga iyon, kahit huni ng mga bubwit sa bubong matatakot na ang mga iyon. Malamang nasa paligid lang ang mga iyon nagtatago. Magpahinga na nga tayo. Babalik din ang mga iyon. Ang paghandaan natin ang bukas. Kapag nagawa natin ng maayos ang lahat. Itutuloy natin ang plano.” saad ng isang lalake na mas matangkad sa kanila.
“Itutuloy mo pala ang balak mo sa dalawa?”
“iyon naman ang plano diba. At isa pa hindi sila kaaya-ayang lider. “
Sa kalagitnaan ng kanilang usapan nagulat ang mga ito sa sigaw na nagmula sa labas. Nakakakilabot na sigaw mula sa mga kasamahan na naiwan sa labas, Tumalima ang apat para usisain ang dahilan ng mga sigaw ng mga kasamahan. At nang lumabas na nga ang mga ito tumambad sa kanila ang isang anino ng isang lalaking may hawak ng karit sa kamay, madilim sa bahagi kung saan nakatayo ang tao kaya hindi nila ito maaninagan.
“Ang killer pare!” bulalas ng isa nang maalala ang tungkol kumakalat na kuwento tungkol sa serial killer na salarin sa mga pamumugot ng ulo ng mga nabibiktima nito.
Dahil sa wala silang ibang armas na hawak bukod sa mga patalim, na meron sila. Binalot ng takot ang apat nang makaharap nila ang tao. Kanya-kanyang atrasan ang mga ito para makatakas sa papalapit na lalake. Nagkahiwa-hiwalay na ang mga ito dahil sa aligaga na ang bawat isa na makatakas sa lugar na iyon. Ngunit sadyang ang gabi na iyon ay nakalaan na para sa mga kamay ng lalaking may Karit na hawak.
Madaling araw nang magising si Maru upang magbawas sa banyo, nang paglabas nito sa kanyang silid nakasalubong nito si Fil na nakatayo sa tapat ng kanyang kuwarto. Nagulat si Maru nang bumungad sa kanyang harapan ang kaibigan.
“Ginulat mo naman ako Fil, ano ang ginagawa mo dito? At teka bakit nakahubad ka?” pansin pa ni Maru sa ayos ni Fil na walang suot na damit pang-itaas.
“Napadaan lang, galing ako ng banyo. Sakto naman kasi paglabas mo.” nakangiting tugon ni Fil.
Tumango na lang si Maru kahit may pagtataka pa rin ito. Mukhang sa labas kasi nanggaling ang posisyon ni Fil ng una itong mapansin ni Maru at hindi galing ng banyo. Gayunpaman, hindi na iyon binigyan ng pansin ni Maru.
Didiretso na ito ng kusina para mag banyo nang biglang napahinto sa kanyang mga hakbang si Maru, nilingon nito si Fil at biglang tinawag. Napalingon naman sa kanya ang kaibigan ng tawagin niya ito. Ngunit ng magtama ang kanilang mga tinginan at napatitig ng husto si Maru sa mata ni Fil bigla itong natigilan. Bumalik sa kanyang gunita ang tagpo kung saan nagkatitigan din sila ng taong nag ligtas sa kanya sa pambababoy ng magkapatid na Pitoy at Tino. Ang paraan kasi at ang reaksiyon ng pagkatitig sa kanya ni Fil ay katulad na katulad sa pagkatitig sa kanya ng lalaking iyon.
“Bakit Maru, may kailangan ka pa?” tanong ni Fil.
“Ah eh, wala naman. yayain lang sana kita mag kape mamaya kung hindi ka na matutulog.” Sagot ni Maru.
“Sige, magbibihis lang ako. Hindi natin naman ako inaantok at isa pa alas tres na ng umaga.” nakangiting sabi pa ni Fil.
“banyo lang ako saglit, tapos kape na tayo.” wika ni Maru.
Sa nangyari sa kanya, lalo na nang makita mismo nito ang pagpatay ng lalake na pinaniniwalaan ng marami na serial killer, nag iba na ang takbo ng lahat para kay Maru. Palagi na lang ito balisa at hindi mapakali. Pakiramdam ni Maru nasa paligid niya lang ang naturang lalake. Minsan pa nga pakiwari nito katabi niya lang ito. At sa tuwing kaharap niya si Fil, bumabalik sa paningin niya ang mga mata ng taong nag ligtas sa kanya. Hindi takot ,kung hindi ang kagustuhang malaman kung sino ba talaga ang killer at kung sino ang nasa likod ng totoo nitong pagkatao.
Sekreto o Surpresa?
Muling umalingasaw ang isa na namang nakakagimbal na balita sa lahat.Ang balita na muling nagpasindak sa mga tao sa kalapit na mga barangay lalo na sa Kwatro Uno.
“Akala ko wala na iyang killer-killer na iyan, bakit may mga biniktima na naman siya, hindi lang isa o dalawa, jusko,anim talaga!”
“At ang nakakapangilabot pa nito, hindi lang pugot ulo, chop-chop na talaga! kaloka, nakakatakot na tuloy gumala pag gabi.”
“Ayon pa nga sa basurero sa Dos Palmas, iyong nakakita ng putol na braso. Akala niya karne lang at bahagi ng baboy ang pinag-aagawan ng aso. Iyon pala braso na ng tao.”
“Paano ba naman kasi ang kupad ng mga pulis natin dito, panay porma at dakdak lang wala namang nagagawa. Puro hinala, puro lead,pero ni larawan ng suspek of ng killer wala.”
“Feel ko nga totoo ang kumakalat na balita sa social media, na ang lahat ng ito ay palabas lang ng kapulisan upang takutin ang mga kriminal at mga tarantado dito sa atin lalo na ang mga sakit sa ulo na mga adik na iyan. At ang totoo, pulis din ang may gawa. Hindi pa ba halata lahat ng mga biktima, mga adik, kawatan, tulak, wanted, at mga mamamatay tao rin. Kaya kung may dapat mang matakot dito ang mga kriminal na iyon!.”
“May punto ka pero hangga’t walang linaw sa mga nangyayari, banta pa rin sa seguridad at kaligtasan natin ang gumagalang killer. Hindi natin alam baka front lang ito ng killer para linlangin tayo sa totoo niyang pakay. Kaya dapat talaga mahuli na iyan.”
Iyon ang palitan ng mga kuro-kuro ng mga tao saan mang kanto at kalye ng mga barangay na kadikit lang ng lugar kung saan natagpuan ang mga katawan ng biktima. Higit na ang barangay Kwarto Uno na ilang lakaran lang layo mula crime scene.
At mula nga sa siksikan at kumpulan ng mga tao sa fishport, nandoon sina Nato at Jack na nakikibalita sa mga kaganapan.
“Buwesit talaga ang hinayupak na killer na iyan , malaman ko lang kung sino siya, mas pino pa sa giniling na karne ang gagawin ko sa katawan niya.” Ang nagpupuyos sa galit na si Jack habang pasimple lang na humihigop ng kape sa isang maliit na kapihan doon.
“Buti na lang talaga nakatakas agad tayo, kung hindi,isa na siguro tayo sa mga pinag aagawan ng mga aso. Ano na ang plano pare?” tanong ni Nato.
“Hindi tayo magpapasindak sa killer na iyon. Hindi iyon alien na hindi namamatay. Kailangan lang maunahan natin siya. “ sagot ni Jack.
“Paano, hindi nga natin alam kung sino ang demonyong iyon?”
“Siya ang magpapakilala sa atin pare,”
“Tang ina pare, huwag mong sabihin na ipapain natin ang sarili natin sa kanya. Gago ka ba? Parang suicide mission iyang binabalak mo eh.” pag aalangan ni Nato.
“Paano ba dapat manghuli ng maiilap na hayop sa masukal na gubat? Basta sisiguraduhin ko na sa atin babagsak ang hayop na iyan. Bilisan mo na mag kape at may operasyon pa tayo.” saad ni Jack sabay tayo.
Sumunod sa kanya si Na’to na hindi man lang nila binayaran sa matanda ang ininom nilang kape at ang inalmusal nila. Na kahit ano’ng sigaw at mura pa sa kanila ng tindera balewala lang sa kanila.
Inabutan ni Fil si Maru na nag aayos ng mga dadalhing paninda sa tindahan nito. Tinanghali na nga ang dalawa ng gising. Dalawa na lang sila ang naiwan sa bahay dahil maagang umalis si Paz at si Paeng naman hindi pa nakauwi mula sa trabaho.
“Magbubukas ka ng tindahan?” tanong agad ni Fil.
“Gusto kong malibang, at sayang din ang kikitain ng tindahan ko. Ikaw, may gagawin ka ba ngayong araw?” tugon ni Maru.
“Balak ko pumunta ng shop para makabalik na ako ng trabaho. Gusto ko na rin malibang.”
“Ang sabihin mo na mi-miss mo lang ang anak ng boss mo. Ikaw ha kung hindi pa nasabi sa akin ni Joey hindi ko pa nalaman na may pinopormahan ka na pala.” wika ni Maru.
“Uy mukhang nagseselos. Huwag ka maniwala dun, kailan man ay hindi ako papatulan ni Chloe. At isa pa wala pa sa isip ko ang mag girlfriend ano ka ba.” napangiting saad ni Fil.
“Sus, ano naman ang paki ko kung mag girlfriend ka. At anong selos ka diyan. Mabuti pa tulungan mo na muna ako dito sa mga dadalhin ko sa tindahan ng hindi na ako pabalik-balik.Tapos gawin mo na ang balak mong gawin sa araw na ito. Hindi puwedeng hihinto na lang ng ganun ang buhay natin matapos ang nangyari sa atin.” ayon kay Maru.
Abala ang dalawa at papalabas na ang mga ito nang may natanaw si Fil sa labas ng gate nila Maru. Kaya agad nitong sinara ang pintuan at pinigilan si Maru na lumabas. Ipinagtaka iyon ni Maru.
“Ang lalakeng nakita ko noon sa hospital, ang sumusunod sa akin palagi, nasa tapat siya ng gate niyo at nakatingin dito.” mahinang sabi ni Fil.
Kinabahan na naman si Maru, gayunpaman nais nitong makita ang tinutukoy ng kaibigan kaya napasilip ito sa jalousie ng bintana. Ngunit wala itong nahagip o napansing tao sa labas ng kanilang gate. Napakunot ang nuo ni Maru, at napatingin ng masama kay Fil. Nagalit ito dahil akala niya tinatakot at pina-prank lang siya nito. Sa inis ni Maru, kinuha nito ang ibang dala kay Fil at agad na lumabas ng bahay. Tumalima naman sa pagsunod si Fil hanggang sa labas ng gate.
“Nasaan ang sinasabi mong tao? Naku puwede ba Fil wala munang ganyanan. Ayoko na ng na i-stress ako. Matapos ang mga nangyari sa akin, ayuko nang matakot. Lalaban na ako.” wika pa ni Maru na bumaling ng makahulugang tingin kay Fil.
Bumalik kasi sa alala ni Maru ang mga sinabi at narinig nito sa lalaking tumulong sa kanya. Nagdulot iyon ng kakaibang tapang kay Maru na harapin ang lahat at hindi takot o pangamba. Nagpatuloy ang dalawa sa tindahan ni Maru. Hindi pa man nabubuksan ni Maru ang tindahan, kanya-kanyang puwesto na ang mga tambay sa tapat ng tindahan nito. At sa kanila na nga nalaman ng dalawa ang karumaldumal na sinapit na naman ng mga biktima ng killer.
Kung dati, takot ang tugon ni Maru sa ginawa ng killer sa kanilang lugar, ngayon malaking pag sang-ayon ang binitawan nitong komento sa mga tao na naroroon.
“Deserve ng mga kriminal na iyan ang ginawa sa kanila ng killer nang hindi na sila pamarisan pa. At sana nga marami pang mga demonyo ang mapatay ng killer na iyan ng luminis at tumahimik naman ang lugar natin.” kumento ni Maru.
“para namang kinukontra mo na niyan ang trabaho ng tatay mo eh. Aligaga si Paeng sa pagtugis sa killer na iyan pero ikaw parang naging fan ka na ng killer ah. Totoo ba ang umabot dito na balita na tinulungan ka raw ng killer na iyon ha? Maru?” singit ng isang tsismosang babaeng kabarangay sa usapan.
Natahimik si Maru, nakiusap kasi siya noon sa ama na sana hindi na umabot pa sa kanilang barangay ang sinapit nito sa pagpunta niya sa lugar ng kanyang pinsan. Inagaw ni Fil ang usapan nang mapansin ang biglang pananahimik ni Maru. Itinanggi nito sa nagsabi ang tanong kay Maru.
Pumasok ng tindahan si Fil at nilapitan ang kaibigan.
“Ayos ka lang?” tanong nito kay Maru.
Tumango lang si Maru, ngunit bakas parin sa mukha nito ang sakit ng karanasan na muling rumihestro sa kanyang ala-ala. Napahawak na lang si Fil sa kamay ng kaibigan bilang pagpapahayag ng kanyang simpatya. Pero sa pag hawak niyang iyon, biglang may napansin si Maru sa kamay ni Fil.
“Namamaga ang kamay mo Fil?”
“Wala ito.” tugon ni Fil na tila may pag iwas sabay kuha ng kamay nito at ibinalot ang palad ng dala nitong towel.
“Napano ba iyan? Kahapon pa ba iyan?” tanong muli ni Maru.
“Dahil sa ipis, sa gulat ko aksidente ko na hampas sa kanto ng kama ang kamay ko. Hindi ko nga napansin ito kanina. Hindi naman masakit.” paliwanag pa ni Fil.
Hindi pa nag-usisa pa si Maru at nagpatuloy din ito sa pag-aayos ng kanyang tindahan. Nabulabog na ang mga kapulisan dahil sa panibago na namang pangyayari sa lugar. Lalo na ang police station na sakop nina Paeng.
“Makalaay, wala pa rin ba update sa kaso?”
“Chief, wala pa. Masyadong mailap ang salarin. Parang hindi tao kung kumilos walang makitang bakas.” wika ni Paeng.
“Kalokohan, ano itong hinahanap natin aswang, maligno? Huwag mo nga akong umpisahan sa kawerduhan ng imahinasyon mo Malalagay. Hindi tayo nagpapatawa dito. Nagmumukha na tayong clown sa mga tao dahil wala pa tayong maiharap sa kanilang killer.” ang napipikon ng hepe.
“Chief, bakit hindi na lang kaya natin gawin ang tradisyon.? Nang matahimik na ang mga tao. Total ang nais lang naman nila ay makita at malaman kung sino ang killer.” Mungkahi ng isa sa mga kasamahan nilang pulis.
“Paano wala pa nga tayong maiharap na killer sa kanila?” sabat ni Paeng.
“Paeng pare, hindi na uubra ang paglinis-linisan ngayon sa sitwasyon natin. Binabaliktad na tayo ng mga tao. Tayo na ang naging salarin sa mga mata nila. Nag so-sosyal medya ka naman siguro, tiktok man lang at least. Tingnan mo ang mga komento ng tao. Kaya sang ayon ako suggestion ni Bellegaz , chief.” dagdag pa ng isa.
“Chief, huwag mong sabihin na papayag ka?” Binalingan ni Paeng ang hepe.
“Makalaay, reputasyon ng imahe natin ang inaalala ko. Kung hindi tayo gagawa ng hakbang, baka magulat na lang tayo, walang tao ang magtitiwala sa atin.” saad pa ng Hepe.
“Alam niyo na hindi sagot iyon. Ipapa-ako niyo sa iba ang krimen na wala naman silang alam! Sa sakripisyo kayo ng buhay para lang bumango sa mata ng mga tao?! Mga tao pa ba kayo?! Hindi iyan ang sinumpaan natin sa batas! Chief?” Himutok ni Paeng ng malaman ang balak ng mga kasamahan.
“Magpakabayani ka Makalaay, hulihin mo ang killer at iharap sa amin. Tsaka kami magpapakatupa. Chief mauna na kami, kayo na bahala kay Makalaay.” tugon ni Bellegaz, at umalis na ang mga ito kasama ng iba pa.
Sumunod na rin sa mga umalis ang hepe at naiwan si Paeng na napamura na lang sa mga ugali ng kanyang mga kabaro. Nang tumunog ang cellphone nito. Isang mensahe mula kay Jericho. Nasa labas ito ng police station. Nagmadali agad si Paeng na lumabas at hinanap si Jericho.
“Nasaan ka? sabi ko sa iyo ako na ang tatawag sa iyo.” wika ni Paeng habang kausap si Jericho sa cellphone.
“Nandito lang ako sa batchoy haus malapit sa kanto.” tugon ni Jericho tsaka pinutol ang kanilang usapan.
-*-
Naging malaking balita na ang nangyari sa mga kasamahan nina Jack at Nato. Hindi lang kasi ito naging usap-usapang lokal naging viral na ito sa buong bansa dahil sa mga serye ng kaparehong estilo ng pagpatay. Binansagan na nga ng karamihan ang hindi pa matukoy na killer na “Slasher”.
“Anak ng puta pare, mukhang balak pa yata agawan ng papel nito sina Batman at Punisher ah. May pangalan na ang hinayupak na killer na iyan. “Slasher “. Mas lalong mamimihasa ang demonyo na ito dahil sa suporta ng ilang tao. May post pa dito na mga fans club niya.” Wika ni Jack habang nakamasid sa hawak nitong cellphone.
“Hindi ka ba natatakot sa kanya pare?” tugon na tanong ni Nato.
“Pare, sa diyos nga hindi tayo takot sa demonyo pa kaya. Saan ba at malalaman din natin kung sino ang killer na iyan. At pag ako talaga makapuntos, uunti-untiin ko ang pag pirapiraso sa kanyang katawan ng maramdaman niya ang todong hirap.” saad ni Jack.
“paano kung tayo ang maunahan niya di kaya ang isusunod niya? Pare ,pilit ko mang labanan ang takot ko hindi rin mawala sa isip ko ang pangamba na sasapitin din natin ang nangyari sa mga kasamahan natin. Wala tayong proteksyon pare, dadalawa lang tayo.” Ang takot na kumakalampag sa dibdib ni Nato.
“Dalawa tayo, mag isa lang siya. Alisin mo nga iyang daga sa dibdib mo, nahahawa tuloy ako sa iyo. Nawawala ako sa pukos. Basta, hindi tayo magpapatinag sa killer na iyan. Hindi lang tayo ang mga kriminal dito tandaan mo iyan.” sabat ni Jack.
“Paano kung kilala niya na tayo. Paano kung kabarangay lang pala natin ang killer? “ sambit pa ni Nato na may pag aalala.
Natahimik si Jack sa mga nasabi na iyon sa kanya ng kaibigan. Napatingin ito kay Na’to napa ngisi. Bigla na lang nito nilapitan ang kaibigan at hinalikan sa labi tsaka tumawa ng malakas. Nabigla si Nato sa ginawa at reaksiyon ni Jack. Napapunas ito ng bibig at napamura sa paghalik sa kanya ni Jack.
“Puta pare, nababakla ka na ba sa akin?!” Pikon na bulyaw ni Nato sabay tulak kay Jack.
“Uy gago! anong bakla ang pinagsasabi mo?! para iyon lang, walang malisya iyon gago. Baka ikaw, kinilig. Pero dahil sa sinabi mo, may naisip ako. Tingnan ko lang kung masusundan pa tayo ng killer na iyan.” Ang nakangising tugon ni Jack.
Napakunot na lang ng nuo si Nato. Sa kanilang dalawa si Jack ang may utak na nag iisip ng mga diskarte nila. Sunod naman sa agos si Nato na sumasang-ayon naman sa kaibigan. At dahil nga sa takot at pangamba ni Nato para sa kanilang buhay isa na namang ideya ang nabuo sa isip ni Jack. Sa kabilang banda, sa pag kikita nina Paeng at Jericho hindi na makapaghintay ang huli at inusisa agad nito si Paeng tungkol sa mga bagay na gumambala sa kanya kung saan binalik siya nito sa kanyang nakaraan.
Inilapag nito sa mesa ang isang litrato na nakita niya sa bahay na tinutuluyan. Tahimik lang sa umpisa si Paeng, napabuntong hininga ito. At napatingin na may lungkot sa larawang hawak.
“Bakit may larawan kayo ni mama na kasama ako?” tanong ni Jericho na may bigat sa tuno.
“Alam kong darating din tayo dito kahit na sa tingin ko hindi pa ito ang tamang panahon. Pero dahil sa nakita ko namang handa ka na, may ipagtatapat ako sa iyo. “ Tugon ni Paeng sabay sindi ng kanyang sigarilyo.
“Ano nga? “
“Ako ang tunay mong ama, anak ka namin ni Salvi. Naging kami ni Salvi bago niya nakilala si Mariano, ang kinikilala niyong ama ni Joram. “ Ang diretsahang pag amin ni Paeng kay Jericho.
Natulala na lang si Jericho sa rebelasyon ni Paeng. Natawa pa ito sa pag aakalang nagbibiro lang si Paeng base sa pagkakasabi nito. Iniisip pa nga ni Jericho na gino-good time lang siya ng pulis upang tumigil na kakatanong.
“Ayaw mo maniwala? Inamin ko na sa iyo ang lihim ko. Ito ang dahilan kung bakit kinuha kita noon sa DSWD at itinago matapos ang malagim na nangyari sa kinalakihan mong magulang. Nais kong ilayo ka at protektahan sa taong gumawa nun sa kanila. “ Dagdag pa ni Paeng.
“Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo? Ang kailangan ko ay sagot hindi panggulo. Ilang taon ang lumipas, tapos ganyan ang sasabihin mo? Ginagago mo ba ako? “ Ang nainis na sabat ni Jericho.
“Sa tingin mo ba ano ang dahilan ko ng pagtulong sa iyo? Bakit kita kinupkop, pinag aral at ginagabayan hanggang ngayon. Maraming taon ang tiniis ko na ilihim ang lahat dahil ayukong masaktan ka. Hindi ako naging tapat noon sa mama mo pero minahal ko siya. Nagkulang ako kaya sinubukan kong bumawi sa iyo, lalo na noong naulila kayo ni Joram. Hindi ko na inaasahan na tanggapin mo akong ama o kilalanin. Masaya naman ako dahil sa mga taong lumipas nakasama kita at nagabayan. Malaki ka na at nasa tamang edad para piliin ang buhay na nais mo. Pero paki-usap lang huwag muna sana ito malaman ni Joram. “ Paglalahad pa ni Paeng.
Sa mga natuklasan ni Jericho tila nga lalo lang nagulo ang isipan nito. Iniwan nito si Paeng na wala man lang salitang binitawan. Hinayan lang ito ni Paeng sabay higop ng kape na nasa kanyang harapan. Nanatili pa roon si Paeng upang makapag isip nang may tumapik sa kanyang balikat. Napalingon si Paeng at nagulat ito nang makita sa lugar na iyon si Hector na may bitbit na malaking bag.
“Sabi ko na nga ba na ikaw, kanina pa sana ako lalapit pero napansin ko na tila seryoso ang usapan niyo ng kausap mo. Kasamahan mo? “ Bungad ni Hector.
Tumango lang si Paeng bilang Tugonapansinayn, sabay alok kay Paeng ng sigarilyo.
“Mukhang kargado ka ah, saan ang punta pare? “ Tanong ni Paeng.
“Mamaya na ang lipad ko pa Manila, tapos na kasi ang trabaho ko. Doon naman ngayon ang nextime ulit ang
project ng construction company na pinag tatrabahuhan ko. Ikaw talaga ang sadya ko, kaya dumaan ako sa station niyo pero ang sabi umalis kana. ToNang papadaan ako rito napansin kita. “ Sagot ni Hector.
“Hindi na pala kita maiimbitahan sa kaarawan ko. Ma mimiss ka ni Paz sigurado. Bakit mo nga pala ako hinahanap pare? “
“Dahil dito,… “
Isang I’ma ang inilapag ni Hector sa mesa sa harapan ni Paeng.
“Ano ito pare? Para saan ang usb na ito?” Pagtataka ni Paeng
“Mga kuha iyan ng CCTV sa buong sakop ng site, ninakaw ko bago pa mapunta sa iba. Pinapabuksan ng pamilya ni Max ang kaso ng pag paslang sa kanya. May dapat ka makita sa mga kuha na iyan. Kasama ako ng i-retrieve ang file ng mga footages na iyan. At nagulat ako nang makita ko si Fil na naroon sa vicinity ng site noong gabi bago natagpuan ang bangkay ni Max. “ Kuwento ni Hector na sinadyang hinaan ang boses.
“Sigurado ka na si Fil ang nakita mo? “ May pag alala sa reaksyon ng mukha ni Paeng.
“Ilang ulit namin pinalakihan ang mga kuha. Mataas na kalidad ang mga naka install na mga camera sa site kaya malinaw ang mukha niya. Hindi nakita sa CCTV ang mismong pag paslang kay Max, ngunit palaisipan kung ano ang ginagawa ni Fil sa lugar na iyon. “ Saad pa ni Hector.
“Paano kung may kopya parin ang opisina niyo sa file na ito? “ Tanong ni Paeng.
“Iyan ang natatanging file ng security. Matapos makuha at mailipat ang lahat ng file sa usb na iyan, binura ang nasa main server. Pinalitan ko ng bago ang usb tsaka ko iyan kinuha. Saktong lilipat na ako ng distinasyon kaya sinamantala ko na. Pare, ayukong mag isip ng kung ano kay Fil pero sa tingin ko kailangan mo siyang bantayan. Napalapit narin ako sa bata na iyon kaya ginawa ko ito.” Wika ni Hector.
Matapos ang pag uusap ng dalawa, nagpaalam na si Hector kay Paeng. Umalis din agad sa kainan na iyon si Paeng bitbit sa kamay ang usb na iniwan sa kanya ni Hector. Sa kanyang sasakyan halos hindi mapakali si Paeng sa mga narinig kay Hector, panay ang tingin nito sa usb na nakapatong sa dashboard ng kanyang sasakyan. Tila nag flashback ang lahat kay Paeng ng mga sandaling iyon. Ayaw niya mag isip ng kung ano tungkol sa nalaman niya ngunit dahil narin sa noon pa may napapansin narin naman talaga itong kakaiba sa mga kilos ni Fil, lalo na nitong mga huling nakalipas na mga buwan, matapos ang mga sunod-sunod na insedente ng patayan sa kanilang lugar lalo na sa kanilang barangay. Dagdag pa ang mga naikukuwento sa kanya ni Fil tungkol sa mga panaginip niya. Nagmamaneho lang si Paeng ngunit balisa ang diwa nito sa mga posibleng mabuksan sa oras na makita nito ang laman ng usb drive na iniwan sa kanya ni Hector.
SUSI : third part
“Hakbang Pabalik”
Maalala pa ni Paeng ang araw na tinawagan ito noon ni Jericho na sobrang aligaga at balisa. Hapon ng mga sandaling iyon matapos matagpuan sa ilalim ng tulay ang pugot na katawan ni Luca.
“Nakita ko kung sino ang pumatay sa lalaking natagpuan sa tulay.” bulalas ni Jericho mula sa kabilang linya.
“Anak ka ng tinapa, at ano naman ang ginagawa mo dito? Sinabi ko na sa iyo na huwag kang basta-basta maggagala ng hindi ko alam. Alalahanin mo, hanggang ngayon hindi pa natukoy ang salarin sa nangyari sa mga magulang niyo.” may pag aalalang tugon ni Paeng.
“Alam mo ang sagot ko diyan. Kung inaalala mo ang kaligtasan ko, ganun din ako sa kapatid ko. Lalo na ngayong nasaksihan ko mismo ang nangyaring pagpatay diyan sa inyo.” sabat ni Jericho.
“Kaya mas lalo kang mag ingat, magkita tayo.At hayaan mo na sa akin si Joram, sisiguraduhin ko sa iyo ang kaligtasan ng kapatid mo.” saad pa ni Paeng.
Ayon pa sa kuwento ni Jericho, naroon siya sa barangay Kwarto Uno upang resbakan sana ang mga sumita sa kanyang kapatid. Nandoon kasi ito ng harangan ng mga grupo ni Jack sina Fil at Maru nang gabing pauwi ang mga ito. Buti na lang at may sumaway sa kanila na sakay ng tricycle. At ng gabing babalikan na sana nito ang grupo, na tiyempuhan nito ang isa sa mga iyon lasing at pasuray-suray malapit sa tulay. Lalapitan na sana ito ni Jericho ngunit napa atras na lang ito nang mula sa madilim na kawayanan sa gilid ng tulay sumulpot ang isang taong naka-itim lahat at may hawak na karit sa kanyang kamay. Hinarangan nito ang daraanan ng lalake. Kitang-kita ni Jericho kung paano nabalot ng takot ang mukha ng lalake. Napaatras ito at napatakbo. Doon na ito hinabol ng taong may karit. Dahil sa matinding kalasingan patagilid ang takbo ng lalake hanggang sa nahulog ito sa gilid ng tulay. Doon na ito nasukol ng taong may karit.
Dagdag pa ni Jericho, masyadong madilim at masukal ang bahagi na iyon sa gilid ng tulay kaya nang silipin niya ito, hindi na nito nakita ang dalawa. Sunod na lang nito narinig ang sigaw ng lalake na nagmamakaawa para sa kanyang buhay. Sinundan ni Jericho ang pinagmulan ng boses at dinala siya nito sa gilid ng ilog kung saan akto nitong nasaksihan kung paano tapyasin ng taong may karit ang ulo ng lalake. Nagulantang si Jericho sa nasaksihan. Hindi niya inaasahan na iyon ang bubungad sa kanya sa kanyang pag-punta. Napakubli ito sa mga halamanan nang mapalingon sa puwesto nito ang taong may karit.
Simula noon, sa kabila ng pagbabawal ni Paeng kay Jericho, mas lalo pa nga itong naging mapagmasid sa pagbabantay sa kanyang kapatid bagay na madalas pinagtatalunan nila ni Paeng sa tuwing nagkikita ang dalawa.
“Hindi ka ba titigil sa ginagawa mong pagsunod-sunod sa kapatid mo Jericho? Tinatakot mo na si Joram sa ginagawa mo. Alam mo ba na napa-praning na siya at kung ano-ano na lang ang sinasabi niya. Wala ka bang tiwala sa akin?” Galit na boses ni Paeng.
“Paano ako kakampante? Nakikita ko madalas ang tao na iyon sa tuwing naroon si Joram pero hanggang ngayon ni anino ng taong iyon hindi niyo mahuli-huli. Sinabi ko na sa iyo nasa paligid lang ang mamamatay na iyon pero tila nagbibingi-bingihan ka lang. Nangako ka sa akin na tutulungan mo akong makamit namin ang hustisya, lumipas na ang mga pangako mo pero wala parin nangyayari. At ngayong bumalik na muli ang hayop na iyon at nasa panganib ang kapatid ko, hindi mo na ako madidiktahan sa gagawin ko. Ako na ang kikilos. “ Sumbat ni Jericho kay Paeng.
“Dahil sinusolo mo ang lahat, tsaka mo lang sasabihin sa akin ang lahat kapag wala na. Hindi ko pinapabayaan si Joram alam mo iyon. Kumikilos na ang kapulisan upang matukoy ang killer. Pinabuksan ko na muli ang imbistigasyon. Pero sana naman makinig ka sa akin. Panganib ang binabangga mo. “ Saad pa ni Paeng.
“Gawin niyo na lang ang magagawa niyo, at gagawin ko rin ang magagawa ko. Parehas tayong alagad ng batas, pero sa puntong ito batas ng isang kapatid ang ipaiiral ko. “ Ang iniwang salita ni Jericho bago sila maghiwalay ni Paeng.
Walang silbi ang mga bilin ni Paeng sa desisyon ni Jericho. Gayunpaman gumagawa naman ito ng mga hakbang upang doblehin ang pagbabantay sa kapatid ni Jericho. Nagsunod-sunod na ang mga patayan sa kanilang lugar ngunit blangko parin ang mga kapulisan sa kung sino ba salarin sa mga nangyayaring krimen. At bagamat parating naka subaybay si Jericho sa kapatid, bigo naman itong muling ma tiyempuhan ang taong hinihinalaan nitong killer.
Dumaan sa may simbahan si Paeng upang dalawin ang kapatid na pari ni Salvi. Sa tagal ng panahon ngayon lang muli nakipagkita si Paeng sa kapatid na pari ng dating kinakasama na si Salvi, kaya nagulat ang pari ng sadyain ito ni Paeng.
“Pinapasa-Diyos ko na lang ang lahat Paeng. Matagal na iyon at kahit balikan pa natin ang gumawa nun sa kanila, hindi na maibabalik pa ang buhay ni Salvi. Panatag na ako na nasa maayos ang dalawa niyang anak. Salamat at hindi mo sila pinapabayaan. “
“May itatanong lang ako, alam ko na walang sinisekreto sa iyo si Salvi. Bukod kay Mariano, may alam ka pa bang naging karelasyon niya, bago sila? “ Diretsahang tanong ni Paeng.
Saglit na tumahimik ang pari tsaka ito napabuntong hininga bago tumugon kay Paeng.
“Hindi naging maganda ang imahe ni Salvi dahil sa kanyang nakaraan pero tinanggap mo siya ng buo. Dahil sa iyo malaki ang pinagbago niya lalo na ng magka-anak kayo. Ngunit minsan may nabanggit noon si Salvi sa akin. Bagay nagtulak sa kanya para iwan ka. “ Pagsiwalat ng pari.
“Anong ibig mong sabihin? “
Nagulantang si Paeng sa kanyang narinig.
“Marahil narinig mo na ang pangalan ni Romero, at nabanggit na siya sa iyo ni Salvi minsan. “ Sambit ng pari.
“Matagal ng nasama sa natupok na mental hospital ang baliw na iyon bago pa kami nagsama ni Salvi. Paano napasok dito ang pangalan niya? “ Tanong ni Paeng.
“Iyon ang akala ni Salvi. Hindi lang nabanggit sa iyo noon ng kapatid ko sa takot na baka pati ang anak niyo malagay sa panganib, ngunit sa tuwing umaalis ka para mag trabaho, madalas nakikita niya si Romero na umaaligid sa bahay niyo. At minsan pa nagulat na lang ito ng isang gabi, nagising na lang ito na nasa loob na ng kuwarto niyo si Romero.” Kuwento pa ng pari.
“Paano ito nangyari nang wala akong alam?! Bakit ngayon lang kayo nag Salita?! “ Ang galit na wika ni Paeng sa pari.
Sa tagal ng panahon, hindi lubos maisip nj Paeng na nagawa iyong ilihim lahat sa kanya ni Salvi. Nasumbatan pa nito ang pari dahil nagawa pa nitong sakyan ang desisyon ng kapatid.
“Hindi ko pinaniwalaan noon si Salvi, alam ng lahat ang trahedyang nangyari noon sa mental hospital, wala ni isa man doon ang nakaligtas. Kaya paano ang isang patay na ay muling mababalik? Pinayuhan ko pa noon si Salvi na mag patingin sa doktor, baka kako bunga lang iyon ng stress, dahil sa ilang araw na daw itong walang tulog. Ginawa din naman niya ayon sa kanya.” Ayon pa sa pari.
“Nasa isang bubong lang kami, pero bakit ni minsan hindi man lang ito nabanggit sa akin ni Salvi? . Na may pinagdaanan pala siya. “
“Sa bagay na iyan hindi ko alam. Buwan din ang dumaan bago muli kami nag usap ni Salvi, at iyon na nga ang araw na nag desisyon siya na lumayo sa iyo, para sa kaligtasan mo at ng anak niyo. Inalam ko ang dahilan ng kanyang pagpapasya. At ang tanging nasambit niya lang ay binabalikan parin siya ni Romero. “ Sagot ng pari.
Nang iwan ni Salvi noon si Paeng halos gumuho ang mundo nito, lalo na kasama sa nawalay sa kanya ang anak nila na nuoy dalawang taong gulang palang. Nalugmok noon sa depresyon si Paeng dahil sa nilayasan ito ng kinakasama na hindi man lang nalaman ang dahilan. Hanggang sa nalaman na lang nito na ikinasal na sa isang negosyante si Salvi at may isa na ring anak at nakatira na sa Canada.
Sa mga panahon na rin na iyon isang anghel naman ang dumating sa buhay ni Paeng. Isang sanggol ang iniwan sa labas ng kanilang presinto ng isang babae. Inampon ito ni Paeng dahil sa pangungulila sa anak. Pinalaki ni Paeng si Maru na parang sariling anak. Sa pagdating ni Maru kay Paeng, muling nagkaroon ng saysay muli ang kanyang buhay. Naibsan ang pangungulila sa anak at nakalimutan ang inakalang kataksilan noon ni Salvi.
Ngunit sadyang maliit lang ang mundo. Ang dating nagkalayo, pinagtagpo muli ng pagkakataon ng bumalik ng Pinas si Salvi kasama na ang bago nitong pamilya. Nang malaman ito ni Paeng, muling nabuhay ang pananabik nito sa kanyang anak. Ilang beses na tinangkang kausapin ni Paeng si Salvi tungkol sa kanilang anak ngunit mailap na ito sa kanya. Ayaw narin nitong manggulo pa ng pamilya dahil nakita naman nito na hindi naman pinapabayaan ni Mariano si Jericho. Tinanggap na lang ni Paeng ang lahat at naging masaya na lang para sa lahat. Gayunpaman kahit sa malayo, nakabantay parin ito sa anak. Araw-araw itong pinupuntahan ang anak sa eskuwelahan. Pinagmamasdan mula sa malayo. Anim na taon simula ng pag balik ni Salvi, at nangyari na ang karumaldumal na sinapit ng mga ito sa hindi pa matukoy na salarin.
Walang pagsidlan ang takot ni Paeng ng malaman ang pangyayari. Natakot ito para sa anak. Buti na lang na noong araw na nangyari ang krimen nasa school camping si Jericho. Tanging naiwan lang noon sa bahay ang mag asawa ang kapatid na si Joram, ang dalawang katulong at ang driver na kapwa nasawi rin sa masacre. Himala namang nakaligtas si Joram matapos matagpuan ito sa loob ng kabinet, ngunit hindi na ito makausap at nanginginig na lang sa takot.
Dahil sa walang kaanak sa Pinas si Mariano, napunta sa pangangalaga ni Alejandro ang dalawang anak ni Salvi. At dahil sa pari isang pagpapasya ang ginawa nito. Inampon ng mag asawang pulis si Joram na sakto namang kabarangay lang din ni Paeng at kasamahan pa sa trabaho. Nang malaman ito ni Paeng pinuntahan agad nito ang pari upang ipakiusap na sa kanya na ihabilin ang anak na si Jericho ngunit nahuli na ito. Kinuha na si Jericho ng kamag anak ng pari. Nanlomo man, ikinagaan na rin iyon ng loob ni Paeng upang mailayo sa kapahamakan ang anak.
Naawa si Paeng sa sinapit noon ni Joram, matagal bago ito muling nakapag salita. Kalaunan napamahal narin sa kanya si Joram na kilala na sa bago nitong pangalan bilang Felip. At mas napalapit pa ito ng husto ng maging kalaro na nito si Maru. Madalas na ito sa kanila kaya ng mangulila itong muli sa magulang si Paeng na ang tumatayong ama nito. Nang taon na din na iyon ng umabot kay Paeng ang trahedya na sinapit ng tenement kung saan nakatira noon ang anak nitong si Jericho. Agad na tinungo ni Paeng ang evacuation center kung saan nahanap nito ang pamilya na kumupkop sa anak. Nakilala nila si Paeng, kaya pinaubaya na nila si Jericho sa kanya. Hindi naman tumanggi si Jericho na sumama kay Paeng lalo na ng nalaman nito ang kalagayan ng kapatid.
Lihim na tinustusan ni Paeng ang anak, Ikinuha niya ito ng Bahay at yaya. Pinag aral na lingid sa kaalaman ng lahat maging sa kapatid na si Paz, higit na sa mga kasamahan nitong pulis. Bilang pangako kay Jericho, araw-araw dinadala niya ito sa eskuwelahan ni Fil. At upang masigurado ang kanilang kaligtasan, nagkasundo ang dalawa na hanggat hindi pa nahuhuli ang salarin bawal muna silang magkita ng kapatid. Mahirap man sa loob, sumang-ayon na rin si Jericho. At nangako ito sa sarili na sa kamay niya magbabayad ang pumaslang sa kanilang mga magulang.
Matapos makuha ang impormasyon sa kapatid ni Salvi, bumalik ng presinto si Paeng.
DUDA
“Pre, para saan ba pinapahanap mo?”
Tanong ni Ignacio ng makita si Paeng na tila aligaga sa kakahalungkat ng mga lumang file sa archive section ng kanilang opisina.
“Tulungan mo na lang akong hanapin ang file ng kaso ni Romero Gabon. Baka iyon ang sagot sa kaso ng mga patayan ngayon sa atin. “ Sagot ni Paeng.
“Kalimutan mo na ang misyon pare. Ipinatitigil na ni chief ang misyon natin. “ Biglang sabi ni Ignacio.
“Ano? Bakit? Case closed na ba? “
Nagtaka at nagulat si Paeng sa biglaang desisyon ng kanilang hepe ukol sa pinahahawakan nilang kaso. Ikinabahala iyon ni Paeng dahil alam niya na may ginawa na maling hakbang ang mga kasamahan. Kinausap nito ang hepe at iginiit na maling-mali ang ginawa nilang solusyon sa kinakaharap nilang problema. Ngunit na balewala lang ang lahat ng pagpapaliwanag nito dahil kasado na ang lahat at pinal na ang desisyon ng kanilang hepe. Lumabas ng opisina ng hepe si Paeng na hindi maipinta ang mukha sa inis at galit. Lalo na nang makita nito ang mga kasamahan na naka ngiti at nagtatawanan na nakatingin sa kanya.
“Makalaay, huwag mo ng pagurin ang sarili mo sa kakahanap sa killer na iyan. Sumang-ayon ka na lang sa amin at makakaasa ka isasama namin ang pangalan mo sa bibigyan ng credit kapag na interview na kami ng mga press. “ Dagdag pang aasar pa ni Bellegaz kay Paeng.
“Alam niyong mali itong gagawin niyo. Maaaring babango muli ang departamentong ito, pero saan ba at aalingasaw din ang bulok na sistema dito. At lahat kayo mangangamoy sa sarili niyong baho, lalo ka na. “ Tugon ni Paeng na ikinapikon ni Bellegaz.
Nagkainitan ang dalawa kaya bago pa lumapot ang eksena, inawat na sila ng mga kasamahan upang ilayo sa isa’t isa. Umuwi si Paeng sa kanila bitbit ang sama ng loob sa mga kasamahan. Napansin ito ni Fil na sa mga oras na iyon ay nasa bakuran at nagpipintura ng kanyang bike.
“Ayos lang po kayo tito? “
“Pagod lang, ikaw lang ba tao rito? “
“Nasa taas po si tita Paz nagluluto si Maru po nasa tindahan niya. Gusto niyo po ng kape tito?”
“Salamat na lang, magpapalit lang din naman ako ng damit at aalis din. Tapusin mo na lang iyang ginagawa mo. “ Tugon ni Paeng na seryosong nakatingin kay Fil.
Nahuli ni Fil ang kakaibang titig na iyon sa kanya ni Paeng kaya na ilang ito. Inilihis nito ang atensyon at bumalik sa kanyang ginagawa. At kahit hindi nakatingin kay Paeng, batid ni Fil na naka tingin parin ito sa kanya. Ramdam niya parin si Paeng sa likuran niya at hindi pa nakapasok ng bahay. Nanibago si Fil sa kilos ni Paeng, dahil hindi ito ganito base sa kanyang nakasanayan. Na kahit pagod at problemado sa trabaho, masaya parin at maaliwalas pa din ang mukha nito. Ibang-iba sa napapansin niya ngayon na tila may bigat at diin ang kilos nito.
Binalewala lang iyon ni Fil, ngunit hindi nito napigilan ang sarili na ikuwento ito kay Maru. Nabigyan pa niya ng ibang kahulugan ang mga titig sa kanya ni Paeng.
“Huwag ka magagalit ha, pero hindi kaya nagmana ka talaga kay Tito? “ Pabirong tanong ni Fil kay Maru.
“Alam mo gago ka, ano ba tinira mo at pinag iisipan mo ng ganyan ang tatay ko. Ang sama mo grabe. Hindi ganun si Tatay, tang ina ka.” Ang pikon na pikon na tugon ni Maru sa sinabi na iyon ni Fil.
“Sorry na, naisip ko lang. Iba lang kasi ang lagkit ng titig ni Tito sa akin kanina. Parang may something siya sa akin. “ Dagdag pa ni Fil.
“Buwesit ka! Naisip mo pa talaga iyan sa tatay ko matapos ka niya ituring na anak. Pagod nga diba? Alam sa lahat ng pang aasar mo, ngayon lang ako napikon ng husto sa iyo. Wala ka na pinagkaiba sa mga tao diyan na humuhusga sa kanya. “ Ang galit na sabi pa ni Maru.
Inamo naman agad nito ni Fil at paulit-ulit na humingi ng sorry. Gayunpaman nasaktan talaga si Maru sa sinasabi ni Fil. Buong araw na hindi na kinausap ni Maru si Fil kahit anong suyo pa ang gawin ng lalake sa kanya. Nagsisisi man sa mga nasabi hinayaan na lang muna ni Fil na humupa ang lahat. Gabi na noon at papasara na ng tindahan nito si Maru nang may napansin itong lalake na dumaan sa tapat lang ng tindahan nito at nakatingin sa kanya. Naka hoodie na itim ito at may suot na itim din na face mask. At kahit may takip ang mukha, alam ni Maru na hindi taga roon sa kanila ang lalake. Nagkatitigan ang dalawa hanggang sa lumampas na nga ito sa kanya. Sinundan parin ng tingin ni Maru ang lalake na papunta sa dereksyon ng daan patungong maisan.
Laktaw-laktaw na ang mga posteng may ilaw sa bahaging iyon, kaya ng matapat ang lalake sa bahaging medyo madilim hindi na ito mahagip ng tanaw ni Maru. Kinutuban at kinabahan na sa puntong iyon si Maru, dagdag pa na iilan na lang ang mga dumaraang taga barangay nila sa puwesto niya. Binilisan na lang nito ang pag sara ng tindahan at agad na nagpara ng tricycle para makauwi. Hindi niya kasi kasama ng oras na iyon si Fil dahil nga sa nagalit ito sa kaibigan.
Inabutan ni Maru si Fil na naka-abang sa kanya sa gate. Nilapitan siya ng kaibigan upang tulungan sa mga dala nito. Kahit papano humupa naman ang galit ni Maru kay Fil. Hindi rin kasi makuha ni Maru na magtampo mo mainis ng matagal sa kaibigan lalo na kapag nakikita nito ang nakaka lambot na ngiti ni Fil.
“Hinintay mo talaga ako?” tanong ni Maru nang malamang hindi pa nakapag hapunan si Fil.
“Gusto ko sabay tayo,at gusto ko matikman mo ang niluto kong espesyal na picadillo.“tugon ni Fil.
“pare-parehas lang naman ang luto sa lahat ng picadillo, hindi mo ako nasusuhulan ng pagkain kahit espesyal pa iyan. Lumaki ako sa de-lata. At huwag mo ako ngingitian ng ganyan red flag ka parin sa akin.” saad ni Maru.
“kahit ano’ng flag pa ang itawag mo sa akin ikaw ang bahala. Pero kumain na muna tayo, ayukong pati mga bulate ko magtampo na rin sa akin.”
Pinaghain at pinagsabihan ng todo ni Fil si Maru. Nagpapakita man ng inis, pero sa loob ni Maru hindi nito mapigilan ang kiligin sa ginagawa sa kanya ng kaibigan. Noon pa man , kahit noong bata pa sila si Fil na talaga ang lalakeng pinapangarap nito ngunit hindi niya lang maamin dahil mabait sa kanya ito at ayaw nitong pagsamantalahan ang pinapakita sa kanyang respeto ni Fil.
Kasalukuyang kumakain ang dalawa ng makarinig sila ng ingay sa labas. Napatayo agad si Maru at napasilip sa binata. Sumunod si Fil nang marinig ang mga sigawan ng tao sa labas. Dahil sa ingay nagising si Paz at naki-usyuso na rin. Lumabas ang tatlo sa gate.
“May nakitang dayo ang mga tanod na umaaligid dito sa atin. Kahina-hinala ang kilos at parang palos kung maglaho sa dilim. Inisip nga namin na baka iyon na ang killer at may tinatarget na naman dito sa Kwatro Uno.” kuwento pa ng isang residente na pinagtanungan ni Paz ukol sa kaguluhan ng mga tao sa dis oras na ng gabi.
Nabulahaw ang tahimik na gabi ng mga taga-Kwatro Uno dahil sa di umano’y nakitang kahinahinalang dayo na pinaniniwalaan ng lahat na siyang killer.
Naikuwento rin ni Maru ang napansin niya nang magsara ito ng tindahan.Dahil sa sinabi ni Maru lalong kinabahan si Paz at agad inutusan sina Fil na pumasok na sa loob at mag lock ng mga pinto. Ngunit sa halip na sumunod, nag paalam pa si Fil na sumama sa ilang mga kabataang lalake at tanod upang hanapin at suyurin ang sinasabi nilang dayo.
“Uy anong sama-sama, may maitutulong ka ba? ha? Hayaan mo na iyan sa mga tanod kaya na nila iyan. Akala mo naman may mai-ambag ka diyan. Pumasok ka na at isarado mo na ang gate.” ang galit na reaksiyon ni Maru nang magpaalam sa kanila si Fil.
“Ayaw mo lang mapahamak ako eh, sabi na nga ba may care ka din sa akin.” pang aasar pa ni Fil.
“Naku Fil, tama si Maru hayaan mo ang mga tanod diyan. Huwag mo nang dagdagan ang nerbyos ko. Tinawagan ko na si Paeng at papunta narin sila rito. Pumasok na tayo nang makapagpahinga.” sabat ni Paz.
Hindi na namilit pa si Fil. Ngunit hindi maalis sa isip niya ang kuwento ni Maru. Duda rin ito sa taong nakita ng kaibigan. May kutob ito na ang tinutukoy ni Maru ay ang tao rin na madalas nakikita nito na umaaligid sa kanila na tila nagmamasid sa mga kilos nila.
-*-
Sa isang barangay na katabi lang ng barangay Kwarto Uno, Na kilala sa tawag na “pride bowl of the city” dahil sa dami ng mga miyembro ng LGBTQ community na sikat, tanyag at markado sa lahat ng larangan na produkto mula sa barangay na ito. Ang barangay Lulos.
Makikilala natin sa ating bungad si Precy ang tumatayong kapitana ng barangay. Kilala si Precy na sobrang matulungin sa lahat ng kanyang nasasakupan at kahit na sa sino pang nangangailangan ng kanyang ayuda o serbisyo. Ngunit lingid sa lahat, ang ipinapakitang kabutihan at kabaitan nito ay isa lamang maskara na ikinukubli ang totoo nitong ugali at pamamaraan.
Malakas si Precy sa mga katulad niyang mga politiko. Dahil nga sa lawak din ng impluwensya nito at bilang kabilang na rin sa isang komunidad na kinabibilangan nito kaya marami ang kumakapit sa kanya. Dagdag pa diyan ang pagiging impluwensyado nito, maging sa mga kabataan bunga na rin sa mga nai-ambag niya sa kanyang kabarangay. Mahirap masilipan ng butas si Precy dahil sa mga achievements nito at imahe na kalugud-lugod sa mata at puso ng mga taong umiidolo sa kanya.
Isang malakihang gay beauty pageant ang kasalukuyang kinaaabalahan ng naturang barangay. Ang barangay Lulos ang isa sa malaking barangay ng siyudad. Higit sa kalahati ng mga residente rito ay masasabing mga middle to high-income class. Kung kaya marami at karamihan sa mga establishments ng siyudad ay makikita sa sakop ng barangay na ito.
Handa na ang enggrandeng entablado sa gitna ng plasa, at aligaga na ang lahat para matapos ang venue dahil dalawang araw na lang at koronasyon na para sa naturang patimpalak.
“Madam, may kaunting problema po tayo.” Paglapit Tuti kay Precy.
“Naku Tuti huwag muna ngayon, maganda ang araw ko. At busy ako, may susunduin pa akong mga artista at mga politiko, may meeting pa ako with mayor. Ayukong ma stress today. Kamusta na ang mga kandidata, dapat all set na para sa motorcade mamaya.” Tugon ng kapitan.
“ehe, iyon na nga Madam kapitana, tungkol ito sa mga kandidata natin. Apat po sa kanila nag backout, hinihingi pa po namin ang rason pero until now wala pa kahit isa sa kanila ang tumutugon.” saad ni Tuti.
“Jusko, two days na lang coronation na. Nasaan na ba ang organizer? Tawagan si Fefe, gawan niyo agad ng paraan ito. Huwag niyo nang pag kasayahan pa ng oras ang mga gaga na iyan. Kung ayaw nila, tanggalin sila sa listahan. Mga ingrata.” nairitang wika pa ni Precy
Dahil sa aberya, nagkaproblema ang mga staff na in-charge sa event. Malakihan ang event dahil sa isa ito kinikilalang main pageant sa bansa na dinadagsa naman talaga ng mga kilala at batikang mga kontesera. Maganda ang panahon sa araw na iyon. Walang bakas ng takot at pangamba sa kabila ng nakakatakot na imahe ng siyudad dulot ng mga serye ng patayan at pag-iral ng gumagalang killer.
“Ano ang ginagawa natin dito pare?” Tanong ni Nato kay Jack habang magka angkas sa ninakaw nilang motor.
“Dito tayo bubuo ng panibagong plano pare.” sagot ni Jack.
“Mas alerto ang mga tao dito pare, Kita mo naman halos lahat ng mga kanto dito tadtad ng mga CCTV. Ang tataas pa ng mga gate ng bahay. Mahihirapan tayong kumana dito.” obserbasyon pa ni Nato.
“Pabor nga ito sa atin pare, paldo-paldo ang mahihita natin dito. Kailangan lang natin humanap ng tamang timing. Tulad niyan, mukhang may malaking kaganapan ngayon dito. At alam mo na ang kasunod nun.” saad ni Jack.
Huminto ang dalawa sa plasa habang pinagmamasdan ang mga gumagawa sa entablado. Isang matabang bakla ang bigla na lang napasobsob sa tabi nila dahil sa pagkatinuod dulot ng pagmamadali nito. Marami itong bitbit na mga bag at maleta. Sa ayos at pananamit nito, halatang angat ang estado nito at umagaw iyon sa atensiyon ni Jack. Nagtaka si Nato ng bumaba ng motor si Jack at nilapitan ang bakla. Napangiti na lang si Nato nang makitang tinulungan pa ni Jack ang bakla sabay tanggal ng helmet nito.
“Pogi salamat sa tulong ha, akala ko sobrang malas ko na sa araw na ito, hindi pala. Swerte parin pala ako. Ako nga pala si Fefe, ikaw ano name mo?”
“Dustin” pakilala ni Jack sa sarili.
May ang aking kakisigan at kagwapuhan si Jack na takaw pansin sa mga kababaihan at kabaklaan. Kung wala lang makakakilala sa kanya at may alam sa kanyang pagkatao maraming malilinlang sa mukha nito.
“Dayo ka ba dito? Alam mo artistahin ka, barakong-barako ang mukha, baka gusto mag modelo. Marami na akong napasikat, humahawak din ako ng mga talent. Actually kilala talaga ako dito.” Paglalandi pa ni Fefe kay Jack.
“Pasensya na gusto ko rin sana na mag-usap pa tayo, kaso baka naiinip na ang baby ko. At baka mag selos pa iyon.” wika ni Jack sabay baling kay Na’to.
Napataas ng kilay si Fefe sa sinabi na iyon ni Jack. Napakunot naman ng nuo si Nato sa narinig kay Jack dahil dito napatanggal na rin ito ng suot na helmet. At pagkasulyap nga ni Fefe, napahanga rin ito sa kagwapuhan ni Nato. Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Fefe at inimbitahan ang dalawa sa gaganaping event. Inabutan din nito si Jack ng card bago iniwan ang dalawa.
Nang makalayo si Fefe, binato ng helmet ni Nato si Jack sa pagka-biwesit.
“Relax pare, bago ka mainis sa akin, tingnan mo muna itong nasa kamay ko. Ang kapal diba?“wika ni Jack habang binubulatlat ang nakuhang pitaka mula kay Fefe.
“Putcha pare, ang bilis talaga ng kamay mo.”
“tip palang ito pare,kukubra pa tayo ng mas malaking sahod. Halika na bago pa mapansin ng butanding na iyon na wala na ang pitaka niya.” saad pa ni Jack.
Napangiti nalang si Nato nang makuha ang balak ni Jack. Umalis ang dalawa at pansamantalang naghanap ng kanilang paglalagian.
Muli namang nakipagkita si Paeng kay Jericho dahil malakas ang kutob ni Paeng na si Jericho ang namataan ng mga taga-barangay sa Kwatro Uno. Ngunit muli lang nagkagirian ang dalawa.
“Alam ko kung paano gawing pino ang kilos ko. At sinasabi ko sa iyo ,siya iyong killer. “ Bulyaw ni Jericho.
“Sinisiguro ko lang na hindi ikaw iyon. Alam mo na ang mangyayari.” sabat ni Paeng.
“Gusto ko na magpakilala kay Joram. Ayuko na magtago sa anino. Mas mapoprotektahan ko ang kapatid ko kapag kasama ko siya.”
“Hindi na kita pipigilan sa balak mo, pero bago iyan panoorin mo muna ito.” tugon ni Paeng sabay abot ng USB drive kay Jericho.
“Kuha iyan noong gabi bago matagpuan ang bangkay ng tauhan sa tumatayong mall.Ang ipinagtataka ko lang bakit naroon ang kapatid mo sa mga oras na iyon. Hindi ko maitanong sa kanya ang tungkol diyan, dahil may kung ano na pumapasok sa isip ko. Ayukong magkamali sa hinala ko.” dagdag pa ni Paeng.
“Ano ang ibig mong sabihin? may kinalaman si Joram sa krimen?! “ Ang galit na reaksiyon ni Jericho sa sinabi ni Paeng.
“Ayukong maniwala at lalong ayuko mag duda. Kaya hinahayaan na kita sa kapatid. Sana nga lang mali ako.” ang iniwang salita ni Paeng bago nito iniwan ang anak.
Ikinabahala ni Jericho ang narinig kay Paeng. Nangamba ito sa puwedeng mangyari sa kapatid. Alam ni Jericho na bagamat lisensiyado itong NBI agent walang basbas mula sa kanyang opisina ang kanyang ginagawa at lalong lingid ito sa departamentong kinabibilangan nito. Isang personal na pagpapasya ang isinagawa ni Jericho upang mabigyan lang ng katarungan ang nangyari sa magulang at maprotektahan ang kapatid. Dagdag pa naging awol narin ito sa serbisyo dahil na rin sa kanyang personal na misyon.
Ang matuklasan ang tunay na pagkatao bilang tunay na anak ni Paeng ay may malaking epekto na sa kanyang misyon. Agad na pinanood ni Jericho ang laman ng USB at may napansin ito.
“HAWLA”
“Tiya, hindi ba umuwi si Tatay kagabi? Hindi ko napansin ang sasakyan niya mula kahapon. “ Wika ni Maru kinaumagahan nang lumabas ito ng bahay.
“Dumaan lang dito saglit ang tatay mo tapos umalis din agad. Ewan ko ba sa tatay mo, nitong huling mga araw mukhang hindi mapirmi dito sa bahay. Madalang na nga kami nag uusap. Parang may iniiwasan.” Saad ni Paz habang nagwawalis ng mga tuyong dahon sa kanilang bakuran.
“Marahil pressure na naman iyon sa trabaho dahil sa hinahawakan niyang kaso. Dagdag pa ang panibagong pagpatay nitong huli.” Pakiwari ni Maru.
Palabas na ito ng gate upang magbukas ng kanyang tindahan ng palabas din ng bahay si Fil at naka ayos ng todo.
“Balik trabaho ka na?” Tanong ni Maru nang magulat sa pormahan ng kaibigan.
“Maghahanap ako ng bago, susubukan ko sa kumpanya na pinapasukan ni Rodge. “ Sagot ni Fil.
“Mag ko-call center ka? Kaya mo?”
“Kakayanin, nakakaburyo din ang tumambay na lang dito. Isa pa nakakahiya na sa inyo. Palamuning baboy na ako dito. Siya nga pala baka hindi ako makakauwi mamaya, raraket kami ni Joey sa kabilang barangay.” tugon ni Fil.
“anong raket na naman iyan? baka iligal iyan ha at mapahamak ka, si Joey pa kamu ang kasama mo.” may pa irap na komento ni Maru.
“legit na raket iyon, naghahanap kasi ng mga lalaking usherette ang kakilala ni Joey para sa mga VIP guests sa nagaganap na event ngayon sa barangay Lulos. Rinig ko mga bigating artista, producers at personalidad ang mga bisita nila doon. Malay mo, mahagip tayo ng swerte, eh di may best friend ka ng celebrity.” saad pa ni Fil.
“Ito ba iyong Queen “V” Universe?“ paglinaw na tanong ni Maru.
“Hindi ako sigurado kung iyan ba ang pangalan ng event ,basta ang sabi lang sa amin mga bigating tao daw ang dadalo mamaya.”
“sama mo ako, Gusto ko rin manood.”
“Eh di pumunta ka, libre naman yata iyon. Kaso nga lang malayo sa mismong stage. Pero nakita ko sa post ni Joey mukhang may malalaking LED Wall naman sa paligid ng plasa.” tugon pa ni Fil.
“Gusto ko malapit sa VIP, sigurado ako guest nila si Meme. Sige na please, pag sinama mo ako hindi na ako galit sa iyo. Kahit ito na lang gift mo sa birthday ko.”
“Susubukan ko, text na lang kita kung puwede. “ Ang naisagot na lang ni Fil kay Maru.
Maaliwalas ang araw na iyon. Walang panibagong ingay ng krimen na napapabalita. Tila umaayon ang lahat sa engrandeng kaganapan sa katabing barangay. Daig pa ang may pa Festival sa siyudad sa dami ng mga makikitang atraksyon sa kahabaan ng kalye ng barangay Lulos. Kaliwa’t kanang mga food both, souvenir stall, mga street performers at ang ilang mga daanan na sakop ng Lulos ay nagmistulang street food alley sa dami ng mga street vendor doon. Dagsa ang mga turista at mga lokal na dumadayo sa barangay.
At sa kumpulan ng mga tao naroon ang dalawa, Jack at Nato.
“Jackpot tayo nito pare, ang daming foreigner. Isang mali lang ng mga iyan, pagsisisihan talaga nila ang pag dayo dito.” bulong ni Nato kay Jack.
“Relax pare, hindi sila ang main target natin. At isa pa tumingin ka sa paligid ang daming aso na nakakalat sa paligid baka matahulan tayo. Kalaboso pa bagsak natin.” tugon ni Jack habang nakatingin sa mga nag iikot na mga pulis sa paligid.
“Ano na ang plano?” tanong ni Nato.
“Stick tayo sa plan A, tara may nakita akong parlor sa banda roon.” saad ni Jack.
“Di kaya tayo makikilala pare. Baka pagnakita tayo magsumbong pa sa pulis ang mga tao dun?” pag-aalangan ni Nato.
“Alam mo na ang gagawin. Pero sa tingin ko naman hindi na nila iyon mapapansin.” ayon kay Jack.
Lumakad ang dalawa at tumawid ng daan, tinungo ang isang parlor na nasa kanto lang. Kasalukuyang naroon din si Paeng kasama si Ignacio sakay ng patrol car at nag iikot sa lugar. Kakatawid lang nina Jack ng siya naman pagdaan nina Paeng. Muntik na magkasalubong ang kanilang landas. Huminto sina Paeng sa tabi, halos katapat lang din ng parlor kung saan pumasok sina Jack at Nato. Bumaba ng patrol car sina Paeng at Ignacio upang kumain saglit sa isang kainan doon.
Mula sa loob ng naturang salon, natanaw ni Nato ang pagbaba ni Paeng sa patrol car kaya kinalabit nito si Jack.
“Ang tatay ni Maru pare nasa tapat lang nitong parlor, buti pa lumipat na lang tayo ng parlor.” mahinang sabi ni Nato kay Jack.
“Kumalma ka nga, mas mahahalata tayo sa kinikilos mo na iyan. Hayaan mo sila, dahil pag labas natin dito hindi na nila tayo makikilala.” kumentong nakangiti pa ni Jack.
Sinalubong ng isang staff ang dalawa at inasikaso ang mga ito. Nabighani ang ilan pa sa mga staff doon ng tinanggal na ng dalawa ang kanilang mga face mask. Mukha nga rin talaga ang isa sa angat na katangian nina Jack at Nato kaya hindi imposible na walang makakapansin sa kanila lalo na sa mata ng mga babae at bakla.
Kinabahan si Nato nang mabanggit ng isa sa mga staff na mukhang pamilyar ang mga mukha nila na minsan na nilang nakita sa mga social media posts. Todo tanggi naman si Jack, pilit na pakalmahin ang sarili upang hindi mapaghalata.
“Tama kamukha mo iyong isang actor sa isang BL Thai series na napanood ko sir, Joss ba pangalan nun? “ Giit pa ng staff.
“True the fire ka diyan ging, tapos itong isa naman parang si Jamasian. Ang bongga at swerte naman natin ngayon at dinalaw tayo ng mga Thai hottie actor.” pag sang ayon pa ng isa.
“Hoy bakla, mga magagandang lalake ba iyang sinasabi niyo? Kamukha ba talaga namin ang mga iyon?” tanong ni Jack sa nauna.
“May anggulo, kaunting ayos lang sa buhok at porma papasa na kayong kalevel nila. Pero matanong lang namin mga pogi, ano ba talaga ang pakay niyo sa salon namin? Magpapatrim?, hair dye? hair cut? nail service? facial? or what?” Tanong ng manager na si Veki.
“Ayusan niyo kami na parang…iyong mga binanggit niyo kanina. Gusto namin maging ganun kami. Kaya niyo ba?” saad ni Jack.
“Total transformation pala gusto niyo, naku keri iyan. Sa mga mukha niyo walang kahirap-hirap. Umupo lang kayo at kami na ang bahala. Pagkalabas niyo dito mamaya achieve na achieve na ang peg na gusto niyo.” ang nakangiting tugon ng manager.
Napakindat na lang si Jack kay Nato. At kahit walang ideya sa balak ng kaibigan nakisakay na lang din si Nato.
Sa kabila naman ng pagiging abala ni Paeng sa bagong assigned sa kanyang trabaho matapos ipatigil na sa kanya ng kanilang hepe ang misyon nito sa pagtugis sa killer, mas lalong nagka interes ito na ipagpatuloy ang sarili nitong balak. Lalo pa na handa na rin ang anak na si Jericho na gampanan pa lalo ang kanyang personal na misyon. Batid ni Paeng na mahirap ang tatahakin niyang imbestigasyon ngunit iba na kasi ang kutob nito sa mga pangyayari. Na hindi lamang ito basta kaso lang ng mga pagpatay.
“Seryoso mo naman pare, hayaan mo na ang mga kasamahan natin. Kung ano man ang maging resulta sa mga kahibangan nila labas na tayo dun. Nakakalungkot lang dahil kabilang tayo sa departamento nila, nadadamay pati ang mga matitino. “ Wika ni Ignacio nang mapansin si Paeng na malayo ang tingin at malalim ang iniisip.
“Ang aga naman magsara ng salon na iyan.” Biglang tugon ni Paeng.
Nabigla at natawa na lang si Ignacio sa sinabi na iyon ni Paeng, Ang buong akala kasi nito iba ang iniisip ni Paeng iyon pala nasa kabilang na kalsada sa isang salon sa kanto ang atensyon nito.
“Napansin mo pa talaga ang salon nayan ha, bakit pare may balak ka ba magpakulot? “ Pang aasar ni Ignacio.
“Nagtaka lang ako, kasi kanina nakita ko bukas pa iyan eh, tapos ngayon sarado na.” Saad pa ni Paeng.
“Malay mo naman kasali sa event mamaya ang mga nagtatrabaho diyan, nagsara muna para makapaghanda ng todo. Hayaan mo na nga iyan pare, nandito na ang order natin, kumain na muna tayo. “ Sambit ni Ignacio.
Habang kumakain ang dalawa, hindi maiwasan ni Paeng na mapasulyap talaga sa salon na katapat lang ng kainan na kinakainan nila. Tila may kung ano sa lugar na iyon na tinatawag ang kanyang pansin. At sa kalagitnaan ng kanilang kasarapan sa pagkain isang tawag naman ang natanggap ng dalawa dahil sa may hinahabol na snacher malapit lang sa area nila. Tumalima naman agad ang dalawa upang mag responde.
-*-
Bandang alas singko na ng hapon ng matapos si Fil sa paghahanda kaya naiwanan na ito ni Joey kaya nagmamadali agad itong nag hanap ng tricycle na masasakyan sa may labasan. Habang nag aabang nga ito isang lalake sakay ng motor ang lumapit kay Fil at may tinanong. Unang sulyap pa lang ni Fil sa lalake ay nagulat agad ito dahil May hawig sa kanya ang mukha ng lalake.
“Excuse me tol, taga Kwatro Uno ka ba?”
Sabay tango naman ni Fil at nag tanong din ito. “bakit tol?”
“May kilala ka bang Joram Treyes?, kuwan kasi may nakapagsabi kasi sa akin na tagarito raw ang pamilyang umampon sa kanya. Siya nga pala tol, ako nga pala si Echo.” tugon pa ng lalake nang magpakilala ito.
Saglit na napaisip si Fil nang sambitin ni Jericho ang pangalang Joram Treyes.
“Pasensya na tol, hindi ko kilala ang hinahanap mong pangalan, baga mga bagong lipat lang iyan dito. Buti pa sa barangay hall ka na mag tanong nasa palikong kalye lang ang barangay hall. Pasensya na talaga kung hindi lang sana ako nagmamadali sasamahan kita.” saad ni Fil.
“Ayos lang tol, salamat,. Babalik na lang ako dito bukas. Dadaan pa naman ako sa kabilang barangay.” wika ni Jericho sabay suot ng helmet nito.
“Saan bang barangay ang daan mo tol, puwede ba makisuyo? Kailangan ko lang kasi makaabot sa pupuntahan ko. Awit din kasi ang mga motor dito kung kelan kailangan mo wala kang mahagilap. Puwede ba tol? Magbabayad ako.” pakiusap ni Fil
“Huwag na, hatid kita ng libre. Saan ba ang punta mo?, baka malapit lang din sa pupuntahan ko.” sabi ni Jericho na natuwa naman dahil tila naging kumportable agad sa kanya si Fil.
“Diyan lang tol sa main plasa ng Lulos,” sagot ni Fil.
“Eh tamang-tama pala at napadaan muna ako dito, doon din kasi ang punta ko.” ani pa ni Jericho.
Natuwa naman si Fil at nakalibre ito. Habang nasa daan at Naka angkas na nga kay Jericho, doon lang nahimasmasan si Fil kung bakit ganun na lang agad ang binigay nitong tiwala sa lalake. At habang nakaangkas nga ito may kung ano itong naramdaman na lukso ng damdamin sa lalake na ngayon niya lang nakita at nakilala.
Tahimik lang si Fil at nakikiramdam, napangiti nalang ito nang matanaw na nito ang rotonda na palatandaan na pumapasok na sila sa barangay Lulos.
Sa pag iikot naman nina Paeng at Ignacio sa palibot ng plasa ng Lulos , nakaramdam ng pagkabagot si Paeng sa kanilang ginagawa.
“Kailangan pa ba tayo dito? Ang dami ng naka deployed sa paligid. Pandagdag lang tayo sa sikip ng mga tao rito.” reklamo ni Paeng na naka dalawang pakete na ng tambutso.
“Ayaw mo ito pare? Sa buong duty natin ito ang gusto ko. Chill lang kalma at pagala-gala lang. Walang pressure.” saad ni Ignacio.
“Trabaho ito ng mga tamad pare. May mas kailangan dapat tayong pagtuunan ng pansin, hindi ito. Sa mga baguhan lang ito dapat, diba?” wika pa ni Paeng.
“Eh ang sesti pare, tila na ungusan na tayo ng mga baguhan. Sina Bellegaz, Cortez, at Guevarra, kelan lang ang mga iyan pero nauna pa sa atin ma-promote. Ayuko nang makipag kumpitensya sa mga ganyan. Di bale ng ganito ako basta malinis at marangal ang pinapakain ko sa pamilya ko. At hindi pang tamad ang ginagawa natin dito nuh. Nandito tayo para panatilihin ang katahimikan at kaayusan sa lugar.” ayon kay Ignacio.
Napabuntong hininga na lang si Paeng. Nag ikot-ikot pa ang dalawa hanggang sa may nahagip ng paningin nito si Paeng. Agad nitong pinatigil kay Ignacio ang patrol car. Ibinaba ni Paeng ang bintana sa tabi niya at dumungaw ito na tila ba may hinahanap sa gitna ng mga nag si-siksikang mga tao.
“Bakit pare?” tanong ni Ignacio.
“wala pare, nakita ko lang ang kakilala ko. Siya nga pala nahanap mo ba ang files ni Romero Gabon?” balik na tanong ni Paeng.
“Hindi eh, mukhang may gumalaw na sa mga lumang files sa archive, Siguro na ilipat na iyon sa main noong nag clearing last year. Pero sa pag tanong-tanong ko sa mga kasamahan natin,may mga kaanak pa dito sa Lulos ang Romero.” saad ni Ignacio.
“salamat, mahalaga alam na natin kung saan mag sisimula.” wika ni Paeng.
“Para saan ba talaga itong pag halungkat mo tungkol sa taong ito pare?May personal ka bang agenda sa kaso niya?” usisa pa ni Ignacio.
“tsaka ko na sasabihin kapag malinaw na sa akin ang lahat. Pakiusap lang sana sa atin lang ito at huwag na sana makarating pa kay hepe, pare?” sagot ni Paeng.
“oo naman pare, maaasahan mo ako diyan. Kung ano man itong misyon mo, ikasa mo ang suporta ko. Sekreto lang natin ito.” Tugon ni Ignacio sabay tapik sa balikat ni Paeng.
Sobra naman ang tuwa ni Maru habang sakay ng tricycle papuntang central plasa ng Lulos. Ngunit sa kabila ng kanyang mga ngiti naroon ang lungkot sa dibdib dahil mag-isa lang ito na ma i-enjoy ang moment na iyon. Lumaki si Maru na bilang lang ang mga malalapit na kaibigang nakakasama. Bukod sa pinsang si Sue, si Fil na ang naging bestfriend nito. Nagsipag-asawa na kasi ang karamihan sa mga kababata na ka-barangay din nito.
Namangha si Maru sa dami ng tao na naroon sa lugar na iyon. Tinungo agad ni Maru ang likod ng stage ayon sa instruction sa kanya ni Fil. At habang papunta na nga ito sa parte ng likod ng stage napa ngiti na lang ito sa mga nakikitang mga pangalan ng artista na Naka dikit sa mga tent sa bahaging iyon. Tinawagan nito si Fil upang ipaalam sa kaibigan na nakarating na ito. Ngunit panay ring lang numero ni Fil. Nakatayo lang noon si Maru sa isang sulok habang sinusubukang muli na makontak si Fil nang lapitan ito ni Tuti.
“Huy ikaw, staff ka ba ni Fefe? buti naman at finally may nakita rin akong representative niya. Kaloka talaga iyang balyenang iyan. Nang iiwan sa era. Sa akin tuloy ang lahat ng trabaho. Teka ikaw lang? nasaan na ang iba sa team niyo? ang mga usherettes niyo nasa kabilang side na, kami ang kinukulit na supposedly trabaho iyon ni Fefe.” bungad agad ni Tuti kay Maru.
“Sorry po, hindi po ako staff dito.” gulat na reaksiyon ni Maru nang talakan ito ni Tuti.
“Ay aba, ano ka dito VIP? Alam niyo nagiging kaugali niyo na ang balyena niyong amo. Malapit na gumabi at magsisimula na ang pageant, at wala pa rito ang mga trophy at mga bouquet para sa mga kandidata. Kaya huwag mo nang dagdagan ang stress ko please. Kung pagod ang amo niyo at ayaw magpakita rito. Ikaw na ang kumuha ng mga trophy at bulaklak sa bahay niya bago pa malaman ito ni Madam Percy.” tugon ni Tuti kay Maru.
“Pero, hindi nga ako staff dito, hindi ko kilala ang Fefe na tinutukoy mo. Audience lang din ako, at may kaibigan lang ako na kabilang sa mga usherettes niyo.” Paliwanag pa ni Maru.
“Hindi ka staff, hindi mo kilala si Fefe? eh bakit suot mo ito? Alam ko na, bagong nauto. Kaya siguro wala akong nakitang mga senior staff niya rito marahil nag quit narin dahil sa ugali niya. We’ll anyway, goodluck. Sige na puntahan mo na lang si Fefe sa kanila, ako na bahala sa iyo after.” wika ni Tuti.
Natahimik saglit si Maru at napatingin sa suot nitong ID pass. Tsaka lang napagtanto ni Maru na para nga talaga sa staff ang ibinigay sa kanyang pass ni Fil hindi rin naman kasi niya ito binasa of sinuri man lang sa sobrang excited. Sinakyan na lang nito ang sitwasyon at pinangatawanan ang pagiging staff ng event na iyon. Para kay Maru mas malaki ang chance niya na makasalamuha ang mga artista pag staff siya.
“Excuse me pero, hindi pa ako nakapunta sa bahay ni Fefe.” wika ni Maru.
“Joker! narito ang tauhan ni Fefe, samahan mo siya na kunin ang mga trophy, sash, bouquet at mga ibang gamit para sa awarding mamaya. Dapat before six nandito na kayo. Jusko, almost set na ang lahat kung hindi lang talaga pasaway ang Fefe na iyan.” tugon ni Tuti.
Sumabay naman si Maru sa tinawag na Joker ni Tuti. Sakay ng van pinuntahan nila ang bahay ng Fefe.
KAKILALA
“Sino iyon? Gara ng motor.” Tanong ni Joey kay Fil nang makita itong papalapit sa kanya, matapos bumaba mula sa inangkasan nitong motor.
“Si Echo, bagong kakilala. Nakisabay na lang ako kasi dito rin naman ang punta niya. “ Tugon naman ni Fil.
“Duda talaga ako sa mukha na iyan pare, bagong kakilala angkas agad. Kilala kita parekoy, kumakana karin ng pang baon minsan. Pero ayos lang iyan sayang din itong gandang lalake natin kung hindi gawing puhunang pangkabuhayan. “ Kumento pa ni Joey.
“Uy gago huwag mo akong ipares sa iyo. At huwag mo nga ipasa sa akin ang ginagawa mo. Hindi for sale itong mukha na ito lalo na itong tite ko. “ Sabay ni Fil.
“Depensahan mo na sarili mo pero hindi mo ako maloloko pare. Siya nga pala ito iyong uniporme na isusuot mo, nandoon ang tent natin,magbihis ka na at ayon sa nakausap ko paparating na ang mga guests. Dapat ready tayo. “ Wika ni Joey sabay abot kay Fil ng isusuot nila.
“Putcha pare, ano ito? Damit pa ba ito, eh kita na halos dede natin dito ah, ang nipis nito. Tapos itong pambaba, sure ba na pang matanda ito? Ang liit nito pare. Tapos puti pa. Mahahalata ang bukol natin dito. “ Ang gulat na reaksyon ni Fil habang tinitingnan ang gagamitin.
“Ops wala ng aatras pare, naka pag advance na si Mamu Fefe sa atin. Ito ang para sa iyo, three five iyan kalahati ng full payment natin. Bukod pa diyan sa extra kung maganda ang trabaho natin. Sure seven kyaw ito pare. Tapos wala pang kahirap-hirap tatayo lang tayo ganun. Kaya isuot mo na. Isipin mo na lang nasa beach ka, para di ka mag ilang. At huwag ka mag alala kung bumakat ang punyong mo. Dahil lahat naman tayo pare-pareho ng suot. Edi magpapabakatan na lang tayo. Pagpupustahan natin kung sino ang liyamado at daks. Dagdag income din iyon pare, at sa iyo ako tataya. “ Saad pa ni Joey.
“Ulol, puro ka talaga kalokohan. Langhiya talaga itong costume na ito sana pinaghubad na lang talaga tayo. “ Napakamot na lang ng batok si Fil sa pagkadismaya sa susuoting damit para sa event na iyon.
Sinamahan ni Joey ang kaibigan sa kanilang tent para makapagbihis. Samantala matagumpay na nakapasok sa target na bahay sina Jack at Nato. Malalaki at matataas ang mga gate ng mga bahay sa kalye na iyon na sakop parin ng barangay Lulos. Yayamanin at angat talaga sa buhay ang karamihan sa residente ng area na iyon. Kaya isa sa mga bahay doon ang napili ng dalawa.
“Anong gagawin natin sa kanya? Ang bigat nito pare, mahihirapan tayong ibaba siya.” Wika ni Nato.
“Ibalot na lang natin ng kumot tapos ipasok natin sa aparador. Hindi na siya makikita riyan hangga’t hindi pa nangangamoy. May mga nakita akong pakaging tape at cling wrap, ito muna ang upang balot natin sa kanya. “ Sabat ni Jack.
“Paano ang mga CCTV pare? “ Tanong ni Nato.
“Nasira ko na lahat, maghintay na lang tayo na dumilim, tsaka tayo lalabas. “ Sagot ni Jack.
“Kahit ilang buwan pa tayo tumambay nito pare hindi mauubos ang pera natin. Sino ang mag aakala na may sariling bangko at pawnshop ang butanding na ito. Ang daming pera, at mga alahas. “ Wika ni Nato habang ginagawa ang pagbalot ng pakaging tape sa katawan ni Fefe.
“Ganito dapat ang galawan natin pare, isahan pero maramihan. Pagkatapos natin dito, luluwas tayo, magpakalayo-layo muna tayo. Doon tayo sa mga lugar na walang nakakakilala sa atin. “ Saad ni Jack.
“Gusto ko iyan pare, at sa mga nakuha natin dito, mag bubuhay mayaman tayo. “ Napangiting tugon ni Nato.
Binilisan ng dalawa ang ginagawa nilang pagliligpit sa nagawa nilang kalat. Matapos maibalot ng todo ang wala ng buhay na si Fefe, pinasok na nila ito sa aparador at isiniksik doon. Sakto lang ng maisara ni Jack ang aparador nang may narinig silang busina ng sasakyan sa labas ng gate na ikinagulat ng dalawa. Napasilip agad si Nato sa bintana ng silid. Mula sa puwesto nila sa taas, tanaw na tanaw nila ang baba ng bahay at ang labas ng gate. Napamura na lang si Nato sa kanyang nakita. Sa reaksiyon nito, napatayo na rin si Jack at nakisilip sa bintana.
“Tang ina pare, ano ang ginagawa niyan dito?” Sambit ni Jack nang makita si Maru na bumaba ng van.
“Paano na ito pare, mahuhuli na tayo at may kasama pang iba si Maru. “ Ang kinakabahang reaksiyon ni Nato.
“Hindi puwede, bilisan mo pare dalhin mo sa likod ng bahay ang mga nakuha natin. Maghintay ka roon. Hintayin mo ako. Ako na ang bahala sa kanila. “ Utos ni Jack.
“Hindi mo malilinlang ang Maru na iyan. Mabuti pa magbingi-bingihan na lang tayo. Huwag na lang tayo tumugon sa kanila pare. Malay mo aalis din ang mga iyan pag na inip. “ Suhestiyon pa nj Nato.
“Lalo lang magdulot iyan ng duda. Pagnalaman nilang walang tao dito, baka magtawag pa iyan ng ibang kakilala ng Fefe na iyan, at mas lalo tayong delikado. Gawin mo na lang ang utos ko. Ako na bahala. “ Saad ni Jack.
“Mag ingat ka, si Maru lang iyan kapag nag ingay patahimikin mo na lang. Hihintayin kita sa likod. “
Agad na kumilos ang dalawa. Tangay ang dalawang malaking duffle bag na may lamang mga pera at alahas na nakulimbat nila sa bahay ni Fefe, tinungo ni Nato ang likod ng bahay upang maghanap ng escape exit doon. Si Jack naman nag halungkat sa mga gamit ni Fefe, naghahanap ng mga gagamitin sa kanyang balak.
Nagrereklamo na si Maru sa labas ng gate dahil may ilang minuto na sila na naghihintay doon pero wala man lang sumasagot sa kanila.
“Kuya, tawagan mo na lang kasi iyong boss mo. Mukha namang wlang tao sa bahay na iyan. Baka nagsisimula na ang palabas sa plasa kailangan ko nang bumalik doon” Wika ni Maru
“Sandali lang tinatawagan ko na. Kung hindi lang kasi inuna ng amo niyo ang paglalandi, hindi na sana tayo nagsasayang ng oras dito. “ Tugon ng driver ng van kay Maru.
“Hindi ko nga kasi kilala ang pinuntahan natin dito, bakit niyo ba pinipilit na amo ko ang Fefe na iyan? Pahamak din kasi itong si Fil eh. Magbibigay lang ng VIP pass may kasama pang trabaho. “ Pagmamaktol ni Maru.
“Mag-doorbell ka ulit. Baka busy lang iyan sa loob. “ Utos ng Joker kay Maru.
Naka ilang doorbell na si Maru ngunit wala parin kaya si Joker na ang nag-doorbell. Makaraan ang ilang minuto napansin na nito na may mga yabag na papalapit sa gate. May nag bukas ng tarangkahan ng gate at may sumilip mula sa loob. Isang baklang naka suot ng pula at kulot na wig ang kumausap kay Joker. Nakafacemask ito kaya mata lang ang kita. Maluwag na damit na bulaklaking may manggas hanggang braso itong suot na sayad sa sahig ang laylayan nito.
Bahagya lang ang bukas ng gate.
“Staff ako ni kapitana, kasama ko rin ang isa sa mga staff ni Fefe. Nandiyan ba siya. Pinapunta kasi kami dito ni Tuti kasi magsisimula na ang pageant pero wala pa doon ang mga trophy at mga gagamitin sa awarding mamaya. Kukunin sana namin. “ Sabi ni Joker.
“Ganun ba, ako nga pala si Beki kaibigan ni Fefe, pasensya na at hindi makakaharap sa inyo si Fefe, masama kasi ang pakiramdam mula pa kagabi. Napasobra kasi ng walwal hayon mabigat ang katawan at mukhang tatrangkasuhin. Ito nga naka face mask ako, baka ako naman ang mahawa. “ Tugon ng kausap ni Joker.
“Sasaglit lang kami, kukunin lang namin ang mga kakailanganin sa event. Nagmamadali rin kasi kami. “ Saad ni Joker.
Hindi na umangal pa si Jack at pinapasok ang Joker. Napasulyap si Jack kay Maru na noon may ka text sa kanyang cellphone. Nasa receiving area malapit sa living room lang naman naka lagay ang lahat ng kakailanganin nina Jack dahil nakahanda na ang mga ito. Nakatayo lang si Jack habang pinapanood si Joker na pabalik sa pagkuha ng mga trophy at mga boquet. Biglang napalingon si Jack sa puwesto ni Maru nang tawagin ito ni Joker para tumulong sa pag hahakot.
Pagpasok pa lang ng gate napatitig agad si Maru kay Jack na halatang umiiwas ito ng tingin sa kanya. Hindi iyon pinansin ni Maru dahil sa nagmamadali narin ito na matapos ang kanilang pakay. Nang maisakay na nila ang lahat sa van nagpaalam na sina Joker at Maru. Nang makaalis ang dalawa dali-daling sinara ni Jack ang gate at pinuntahan si Nato na nagpipigil ng tawa dahil sa ayos ng kaibigan.
“Bumigay ka na pare, hindi bagay. Daig mo pa ang naluging bakla sa ayos mo. Nag lagay ka pa talaga ng make up. Buti hindi nag duda sa iyo ang lalake. “ Pang asar pa ni Nato.
“Ang lalake mukhang nakalusot ako pero kay Maru mukhang nakikilala ako. Panay ang tingin ng gago sa mga mata ko.” Saad ni Jack habang nag tatanggal ng wig.
“Eh ano pa ang hinihintay natin dito, batsi na tayo. Baka bumalik pa ang mga iyon. “
“Teka lang, magpapalit na muna ako. Para na akong timang sa suot ko na ito. Mauna ka na sa labas at susunod ako. “ Ayon kay Jack.
Pabalik na ng plasa sina Maru sakay ng van ng may nabanggit si Jack na sinegundahan ni Maru.
“Bakla ba talaga iyon? Napansin mo ba ang kilos niya? parang ang sagwa. Ang laki ng katawan. Nakadaster pero naka boots. “ Saad ni Joker.
“Parang ang ilap pa ng kanyang kilos. Tapos mukhang pilit ang pagbali niya ng kanyang dila. Iwas na iwas pa kapag tinititigan ko sa mata. Tila may tinatago.” Sabat ni Maru.
“Madalas ako dati sa bahay ni Fefe, at karamihan sa mga malalapit na kaibigan niya hindi ko man kilala pero nakita ko na. Ngayon ko lang nakita ang Beki na iyon. “ Wika ni Joker na may duda.
“May duda ka pala, bakit hindi mo inusisa?” Tanong ni Maru.
“Nai-message ko na kay kapitana, mga tauhan niya na bahala doon. Hindi lang ako nagpahalata baka kung ano ang gawin sa atin. Pero duda talaga ako, unang silip ko palang kanina, iba na ang kutob ko. “ Ayon pa kay Joker.
Pagkadating ng dalawa sa plasa deritso agad sila sa likod ng stage kung saan sinalubong naman sila ng mga staff ni Tuti. Nang makahanap ng tiyempo, umiskapo na si Maru sa mga nagkakagulong staff doon. Naghanap si Maru ng magandang spot kung saan makakapanood ito ng maayos. At sa pag iikot nito, bigla na lang ito napatulala sa kanyang nakasalubong.
-*-
Inabutan ni Paeng na nagliligpit na ng isawan nito ang kapatid na si Paz, agad nitong napansin na wala ang anak na si Maru sa tindahan nito. Inusisa nito ang kapatid na tila may pag aalala.
“Ang O. A. ng reaksyon mo. Ano ba nangyayari sa iyo? Nitong mga huli tila balisa ka at aligaga sa mga kilos mo. At matanda na iyong anak mo, hindi mo na dapat binubulsa. Hayaan mo naman si Maru na kumilos ng normal. Nagpaalam naman sa akin ng maayos ang anak mo. Ang lapit-lapit lang Lulos Paeng kaya kalma. “ Wika ni Paz.
“Si Fil, kasama niya ba? “ Tanong ni Paeng.
“Unang umalis ng bahay si Fil, maagang lumarga si Fil para mag hanap yata ng trabaho. Si Maru, mga bandang alas singko na ng hapon umalis. Pero ang sabi baka sabay na sila ni Fil sa pag-uwi pag nagkita sila.” Sagot ni Paz kay Paeng.
Sumaglit lang si Paeng pagkatapos binalikan rin nito si Ignacio na sakay ng nakaparadang patrol na naghihintay sa kanya. Bago bumalik ng Lulos dumaan muna ng presinto ang dalawa dahil sa pinatawag ang mga ito ng kanilang hepe.
Balik sa mga kaganapan sa Lulos, halos hindi naman mapigil ni Maru ang kanyang naging reaksyon ng makita ang ayos ni Fil. Umangat lalo ang kagandahan ng hubog ng katawan ni Fil sa sinuot nitong manipis at halos transparent na damit. Hulmado rin ang itinatago nitong bakat dahil sa sobrang hapit na puting pantalon na suot. Dagdag pa na tila inayusan talaga ito mula sa buhok at sa mukha. Hindi maitatago sa kahit na kaninong mata ang gandang lalake ni Fil. Pigil man ang paghanga ni Maru sa kaibigan ngunit bakas sa mukha nito ang matinding paghanga sa bagong ayos ng kaibigan. Kaya upang patayin ang nararamdaman, inasar nito si Fil at nilaro ng pormahan ng kaibigan.
“Grabe libog na libog ka diyan sa outfit ah, halata ang tigas ng utong mo. Bakit ba ganyan ang suot mo? Anong klaseng pag a-usherette ang gagawin niyo?” tanong ni Maru kay Fil.
“Nakakailang nga eh, kada may tumitingin sa akin tila dinidilaan ang katawan ko. Mag ba-back out na sana ako kaso bayad na kami tapos malaki pa. Sayang naman, isa pa minsan lang naman ito. Siya nga pala, ikaw? Bakit nandito ka? Diba dapat nandoon ka na sa harapan ng stage?” Tugon ni Fil.
“Buti naitanong mo iyan. Alam mo ba nang dahil sa iyo naging instant utusan ako ng mga tao dito. Binigyan mo nga ako ng VIP pass ID, pero binigyan mo rin ako ng extranh surprised na trabaho.” saad ni Maru.
“Paano? Legit namang VIP access ang binigay ko sa iyo ah.”
“legit? legitin mo mukha mo. Eh staff ID itong binigay mo sa akin. Napag-utusan pa ako tuloy kanina. Siguraduhin mo lang na magkaron talaga ako ng close encounter sa mga artista dahil kung wala, war muna tayo.” wika ni Maru.
“Ganun agad? Mabuti pa maghanap ka na muna ng puwesto doon. Gagawan natin ng paraan iyang request mo. Ayon kasi sa nag briefing sa amin kanina mga artista nga raw at kilalang mga personalidad ang kakaharapin namin. Basta ako ang bahala sa iyo.“saad ni Fil.
“Sige na, doon na ako. Teka sandali Fil, ang bukol mo paki-ayos, mukhang tabingi ang pagkakabakat. Pinapahalata mo masyado na bless ka.” puna ni Maru na sinipat ang babang harapan ng kaibigan.
“Ito talaga napansin mo ha, hayaan mo pag uwi natin sa iyo ko ipapaayos ito.” ang natawang tugon ni Fil sabay kindat kay Maru.
Lihim na kinilig si Maru sa biro na iyon ni Fil ngunit pinakitaan parin niya ito ng pagtataray. Iniwan nito ang kaibigan at dumeretso na nga sa VIP seats para sa mga audience. Si Fil naman bumalik na din sa assigned tent nila nang tinawag na ito ni Joey.
Maayos na nagsimula ang engrandeng event ng gabing iyon at matagumpay na nagtapos sa isang pangmalakasang fireworks display. Busog mga mata ng lahat ng mga naroon na nakinood at nag abang sa buong palabas dahil bukod sa pang international approach ng pageant maraming artista rin ang nakisaya sa event.
Tapos na ang palabas ngunit ang totoong eksena ay pasimula pa lang sa barangay Lulos. Sa kabila ng kasiyahang nagaganap sa plasa. Pagkagimbal naman ang naranasan ng kalye Mahayahay na sakop parin ng barangay Lulos dahil sa isang karumaldumal na insidente ng pagpatay at panloloob sa isang bahay.
“Ginulantang ng mga tauhan ng barangay ang mga kalapit na residente ng bahay na ito sa pagkakatuklas sa bangkay ni Felomino “Fefe” Velat. Natagpuan ang nakabalot pang katawan ng nasabing biktima sa sarili mismo nitong closet. Balot ng cling wrap at packaging tape ang biktima mula ulo nito pababa. Pagnanakaw ang tinitingnan na motibo sa nangyaring krimen. Katabi po natin ngayon si PO2 Rafael Makalaay ng station 4 police district, na siyang unang rumesponde kanina. Sir may suspek na ba tayo sa posibleng may kagagawan nito?“ wika ng isang local TV reporter kay Paeng.
“Sa ngayon, focus kami sa motibo ng pagnanakaw dahil sa mga ilang personal na gamit ng biktima na nawawala. Unfortunately wala kaming nakuhang CCTV record. Marahil sinira talaga ng mga suspect ang mga kamera sa buong bahay para magmukhang malinis ang pagsasagawa nila ng krimen. But according sa isang saksi, isang unknown person daw ang nakita nila sa bahay na nakabihis bakla bago pa matuklasan itong nangyari. At sa tulong na rin ng barangay officials dito, mahuhuli rin kung sino man ang may gawa nito.” Ang paglalahad naman ng sagot ni Paeng.
Matapos ang pagpapa interview, lumapit si Ignacio kay Paeng at may ibinulong ito sa kasama. Napakunot ng nuo si Paeng ng may ipinakita sa kanya si Ignacio mula sa cellphone.
“Kuha iyan mula sa cctv sa katapat na bahay ng biktima sa kabilang daan. Binidyo ko nang makita ko iyan. Kakilala ba ng anak mo ang biktima? “ wika pa ni Ignacio.
“Hindi ko alam pare. Teka lang at tatawagan ko.” Biglang namula ang mukha ni Paeng habang tinatawagan ang anak na si Maru.
Kita sa kuha ng cctv ang pagdating ng van kung saan kasama nga roon si Maru. Hagip din sa cctv ang paglabas masok ng mga ito habang naghahakot ng mga gamit noon para sa event mula sa bahay ni Fefe. Hindi man sila ang tinutukoy na may kagagawan ng krimen, ngunit ayaw naman ni Paeng na madawit ang anak sa kung ano mang imbestigasyon na gagawin.
Hindi makontak ni Paeng ang telepono ng anak kaya nagpasya na itong umuwi sa kanila at personal na usisain ang anak. Alas onse na iyon ng gabi at mag a-alas dose na. Inabutan ni Paeng ang kapatid na si Paz na naka abang sa labas ng gate at hindi mapakali. Wala pa sa ganoong oras sina Fil at Maru. Dumagdag iyon sa pag aalala ni Paeng. Maging ang numero ni Fil ay hindi rin matawagan.
Nagpasya si Paeng na bumalik ng Lulos at hanapin ang anak at si Fil sa palibot ng plasa. Marami parin ang tao sa pinagdausan ng event. Buhay parin ang lugar dahil sa mga nakabukas paring mga kainan sa night market. Ngunit bigo si Paeng na mahanap ang dalawa sa halip iba ang nakasalubong nito.
Isang pamilyar na mukha ang makakasalubong nito. Isang mukha na minsan na niyang nakasalamuha ngunit hindi na nito matandaan kung kelan at kung saan. Saglit na nag katitigan ang dalawa ng halos mag pantay na ang kanilang linya bago pa ibinaba ng lalake ang itim na bucket hat nito. Nang makalampas na kay Paeng ang lalake, napahinto si Paeng at sinundan parin ng tingin ang lalake. Naka long coat na leather na jacket ang lalake at may sukbit itong malaking bag na itim. Matangkad ang lalake , malaki ang katawan, may pilat sa bandang pisngi na tila sanhi ng pagkapaso. Ka edad lang din ni Paeng ang lalake base sa itsura nito.
At sa patuloy nga ng pag sunod ng tingin ni Paeng sa naturang lalake, may napansin ito. Isang bagay na tila ipinako agad doon ang mata ni Paeng. May nakita itong nakausling matulis na bagay mula sa hawak na bag ng lalake. May mahalagang kaganapan sa lugar na iyon, striktong pinapatupad ang pagbabawal ng pagdala ng ano mang armas habang nasa loob ng venue lalo na sa paligid na sakop ng plasa. Bukod pa riyan ang nangyaring pangloloob at pagpaslang kay Fefe.
Nagdadalawang isip pa noon si Paeng kung susundan ang lalake nang lingunin siya nito at ginawaran ng nakakaasar na ngiti. Ngiting nanghahamon kay Paeng na sundan siya nito. Doon na kumilos si Paeng, sinundan nito ang lalake na mabilis namang humalo sa mga nagsisiksikang mga tao.
HABLOT
Lampas na sa napagkasunduang oras ngunit hindi parin makontak ni Fil si Maru. Nag aalala na ito. Dahil simula ng matapos ang palabas sa plasa hindi na nito nakita ang kaibigan. Sinubukan din nitong tawagan si Maru ngunit naka patay ang cellphone nito. Nagsiuwian na ang mga kasamahan nina Fil mula sa pag a-usherette pero nagpa-iwan parin ito, nagbabakasakaling pupuntahan parin ito ng kaibigan doon. Kasama si Joey naghintay pa sila.
“Uwi na tayo pare, antok na ako. Baka nakauwi na sa kanila si Maru. Doon mo na siya hintayin.” Wika ni Joey.
“Sige pare, mauna ka na. Salamat sa pagsama. “ Tugon ni Fil.
“Ingat pare, kung wala parin siya tawagan mo na si Tiyo Paeng. Kita na lang tayo bukas. “
Naiwan si Fil na matyaga paring hinihintay ang kaibigan. Upang hindi mabagot , nag ikot-ikot muna ito sa harapan ng stage at naki-usyoso muna sa nagbabaklas ng mga ilaw at sound system. Sa pagmamasid nj Fil napansin nito ang lalake na kasama ni Maru na kabilang sa mga staff ng organizer ng event. Nilapitan niya ito upang itanong kung napansin nito si Maru.
“Kasamahan mo pala iyon, kanina dumaan siya sa backstage habang nag a-awarding. Kaso umalis din iyon ng lapitan ng kanyang kasama. “ Tugon ni Joey kay Fil.
“Sino ang kasama niya? “ Tanong muli ni Fil.
“Ewan, hindi ko na naitanong jowa siguro. May itsura din kasi iyong lalake, maporma at matangkad. “
Dahil sa sinabi na iyon sa kanya ni Joey napatahimik na lang si Fil. Nagtataka kung sino ang lalaking sinamahan nj Maru. Nang iwan ito ni Joey nakaramdam na lang panlalamig si Fil, pinagpawisan ito ng malala. Nanginginig ang kanyang mga kamay kaya agad niya itiniklop ang mga kamao upang pigilan ang panginginig nito. Kasunod ng kanyang pagpapawis ang pag-init naman ng tenga nito na tila sinidihan. Malalim ang iniisip nito na napapatingin na lang sa walang kasiguraduhang direksyon. Nabasag lang ulirat ni Fil nang pinaalis na ito ng isa sa mga nagliligpit ng gamit sa stage.
Doon na lumayo si Fil. Umalis ito na may kinikimkim na inis sa loob.
Sa isang maliit na bar malapit lang din naman sa plasa naroon si Maru kasama ang bagong kakilalang lalake na si Zek. Game na nakipag inuman si Maru sa lalake kasama ang dalawa pang barkada ng Zek na kararating lang ng oras na iyon.
“Ok lang ba na mag join sa atin ang mga kaibigan ko? Siya nga pala si Dice at si Yab. Mga tol si Maru nga pala. “ Wika ni Zek ng pinakilala ang mga barkada.
“Sure, bakit hindi. Nice to meet you both.” Tugon ni Maru.
Hindi talaga sanay si Maru sa maramihang inuman kaya halata na sa kilos nito ang pagkalasing. Hindi pa man na tapos ng huli ang bote ng beer na inorder sa kanila ni Maru, nag senyasan na ang dalawa na aalis na. Nang sina Maru at Zek na lang ang naiwan humirit na rin si Zek.
“Hindi ka ba naiinitan? “ Tanong ni Zek kay Maru na pabulong sa tenga ng lalake.
“medyo nga eh, lasing na siguro ako. Mabuti pa mauna na ako.Baka nag aalala na iyong mga tao sa bahay. Kita na lang tayo ulit Zek.” saad ni Maru.
“Uuwi ka na? ang aga pa nito. Mag saya pa tayo. May alam ako na lugar kung saan mapapawi natin iyang init mo at matanggal natin iyang kalasingan mo.” Bulong pa ni Zek sabay dampi ng labi nito sa butas ng tenga ni Maru at dinilaan.
Tila gina-pangan ng kakaibang kuryente si Maru ng mabasa ng laway ni Zek ang tenga nito. Umabot sa pinakadulo ng ugat nito ang kilig at kiliting naramdaman sa ginawa na iyon sa kanya ng lalake. Nagpalamon sa kalandian si Maru. Magandang lalake si Zek, mapungay ang mata at mabango ang tindigan. Porma pa palang nakalambot na ng panga. Si Maru ang sumagot ng lahat ng bill nila sa bar.
Hindi na nagdalawang-isip pa si Maru at sumama muli ito kay Zek.
Balisa parin si Fil, na halo-halo na ang pag aalala at kaba ng pagsama ni Maru sa iba. Lalo na nang malaman nito kay Paz na wala parin sa oras na iyon sa bahay ang kaibigan. Nagpasya na si Fil na hanapin si Maru roon. Malakas ang kutob niya na nasa malapit lang kaibigan. Sinimulan ni Fil ang paghahanap sa mga nakahilerang food station malapit sa Baywalk, nang walang makitang sinyales ni Maru ang mga nakahilerang bar naman ang isa-isa nitong pinasok hanggang sa nakapagtanong ito sa bar na dinaanan nga nina Maru.
Nagkasalisi lang ng landas sina Fil at Maru. Kakalabas lang nina Maru nang siyang pagdating naman ni Fil. Napamurang lumabas ng bar si Fil. Alam niyang hindi pa nakakalayo ang kaibigan ngunit wala itong ideya kung saan na nagpunta ang mga ito. Balak ng sumuko ni Fil sa kahahanap sa kaibigan at hihintayin na lang sana ito sa bahay nang mahagip ng pandinig nito ang usapan ng dalawang lalake na nakasandal sa nakaparadang single na motor. Biglang uminit ang tenga ni Fil ng mabanggit ng isa ang pangalan ni Maru at may masamang balak ang mga ito na gagawin sa kaibigan.
Kinalmahan ni Fil ang sarili. Batid nito na sa maling hakbang lang nito lalong mapapahamak si Maru. Nagpatuloy sa pag lalakad si Fil at nilampasan lang nito ang dalawa.
Sa kabilang banda patuloy pa din ang pagsunod ni Paeng sa lalake, wala itong balak na lubayan ang isa. Malayo na sila sa mga tao at tahimik na ang bahaging iyon. Dis oras na ng gabi at sarado na ang mga establisyemento sa paligid. Madalang na rin ang mga tao na palakad-lakad sa mga daan.
Gigil si Paeng na sundan talaga ang lalake dahil sa tila inu-udyukan pa ito ng lalake na sundan siya nito. Bukod pa sa kakaibang kutob nito sa kung anong misteryo ang hatak sa kanya ng naturang lalake. Hanggang sa kalagitnaan ng kanyang pag sunod, tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag sa kanya ang kapatid na si Paz, aligaga at may pag aalala sa boses nito.
“Ano? Anong oras na ito ah.”
“Iyon na nga, maging si Fil nga nag aalala kaya napatawag na rin dito. Ayon sa kanya posibleng nandiyan pa si Maru sa Lulos.” Saad ni Paz
“Ako na ang hahanap dito sa kanya, matulog ka na riyan at mag sara ka ng mabuti. Tatawag ako kapag kasama ko na ang dalawa. “ Tugon ni Paeng.
Matapos ang usapan ng magkapatid nawala na sa isip ni Paeng ang lalaking sinusundan. Kaya nang balingan na nito ang direksyon ng lalake wala na ito. Hindi na nito mahagilap sa paligid. Wala na itong ideya kung saan na sumuot pa ito.
-*-
Hindi rin naman kalayuan sa kinaroroonan ni Paeng, sa isa sa mga di mataong bahagi ng mga eskenita sa lugar nandoon naman si Maru kasama ang bagong kakilalang si Zek.
Nakaharap malapit sa basurahan si Maru habang inilalabas nito ang sobra sa kanyang nainum. Todo suka ito sa tabi na halos bumaliktad na ang sikmura.
“Ilabas mo lang iyan diyan, may tatawagan lang ako.” Wika ni Zek kay Maru.
“Uwi na ako Zek, gusto ko na magpahinga” Saad ni Maru na hilong-hilo na sa kalasingan.
“Teka, nagmamadali ka naman masyado. Hindi pa nga tayo nakakapag enjoy ng husto diba?” Sabi ni Zek nang linapitan nito si Maru para alalayan.
“Ano ba kasi ang ginagawa natin dito. Wala ng katao-tao sa bahaging ito, baka mapagtripan pa tayo dito. Bumalik na tayo. “ Pakiusap pa ni Maru.
“Ayaw mo ba? Tahimik, solo natin ang lugar, walang disturbo. Magagawa natin kahit ano.” Ayon pa kay Zek.
“Ayuko na Zek, tsaka na lang. Hindi ko na talaga kaya nahihilo na ako.“reklamo na ni Maru.
“Teka lang hindi pa nga tayo nag uumpisa umaayaw ka na. Alam mo ba na ito talaga ang fetish ko. Itong ganitong vibe mismo, tahimik pero nakakatakot na lugar,iyong hindi mo alam kung mahuhuli tayo o baka may makakakita sa gagawin natin. Lalo akong na i-excite sa mangyayari. Tumataas ang libido ko sa mga ganitong tagpo. Libog na libog ako.Kaya please pagbigyan mo ako. Mag i-enjoy ka rin sa gagawin natin.” saad pa ni Zek na sinimulan ng magparamdam ng pagka-agresibo nito kay Maru.
Ginagalugad na ni Zek ng dila nito ang tenga ni Maru habang pilit na tinatanggal ang butones ng pantalon ni Maru. Bagama’t napapaigtad sa kiliti at sarap si Maru sa ginagawa sa kanya ni Zek. Nanglalaban parin ito at pilit na kumakawala sa bisig ni Zek na gumagapos sa kanya. Hindi sanay sa ganun si Maru. Lalo na nasa alanganin silang lugar. Hindi man kadiliman sa bahaging iyon gawa ng mga poste sa paligid. Masyadong bukas ang lugar sa publiko kahit na sa mga sandaling iyon tahimik na at wala namang tao sa paligid. Malayo narin iyon sa main road kaya wala ng dumadaan na tao sa parte na iyon. Gayunpaman ang masyadong tahimik na kapaligiran ang inaalala ni Maru kaya tumatanggi ito sa gustong mangyari ni Zek.
Sa pagpupumiglas ni Maru na itulak nito si Zek at bahagyang nakalayo sa lalake. Pasuray-suray si Maru na lumalakad palayo kay Zek habang pilit na binubuksan ang lowbat na cellphone upang i-text sana si Fil.
“Gusto mo pala ng habulan baby? sige takbo, hahabulin kita. Pero lagot ka pag inabutan kita.” Ang nakangising wika ni Zek na nakatayo lang habang pinagmamasdan si Maru na lumalakad palayo sa kanya.
Biglang kinabahan si Maru ng makita ang nakangising mukha ni Zek, parang sinapian ng demonyo ang lalake at iba na ang kinikilos nito. Bigong mabuksan ni Maru ang cellphone dahil sobrang drain na talaga ito. Nang lingunin muli si Zek papalapit na ito sa kanya, na hawak na sa kamay ang binaklas na sinturon na pumulupot sa kanyang kamao habang inu-unat ang dulo nito ng isa pang kamay.
Hayok sa pagnanasa ang nakikita ni Maru sa mukha ni Zek kaya tuluyan na nga itong kinabahan at nahintakutan. Napatakbo na lang ito kahit hirap nang maipantay ang mga paa sa kalasingan. Ngunit kahit anong pagmamadali ang gawin ni Maru hindi man lang ito nakalayo ng husto kay Zek. Sa mga pag hakbang pa nito, biglang matisod sa madamong parte si Maru kaya napasubsob ito mga talahib. Babangon na sana ito nang bigla itong dinambahan ni Zek mula sa likod sabay sakal kay Maru ng hawak nitong sinturon. Pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakasakal si Maru ngunit ng dahil sa nasa impluwensiya parin ito ng kalasingan hirap itong labanan ang puwersa ni Zek.
“Huwag ka na kasi mang laban baby, mag i-enjoy ka rin naman sa gagawin natin ah. Hindi naman kita sasaktan, maglalaro lang naman tayo.” wika pa ni Zek na tila hayok na hayok sa kanyang ginagawa.
Gamit ang isang kamay, matagumpay nitong nabuksan ang pantalon ni Maru sabay baklas nito ng malakas dahilan para mapunit iyon at masilayan ang maputing hita ni Maru na lalong nagpataas ng libog nito. Walang silbi ang pag mamakaawa ni Maru, maging ang kanyang mga pagsigaw ng tulong. Ginapi si Maru ng lakas ni Zek. At upang mapigilan ang ingay ni Maru gamit ang panyo, binusalan ni Zek ang bibig ni Maru habang nakasubsob ang mukha nito sa damuhan. Nakadapa si Maru na sa puntong iyon nakababa na ang pantalon pati ang brief na suot. Nasa likod naman nito si Zek na naghahanda na sa pagsasakatuparan ng kanyang masamang hangarin kay Maru.
Impit na iyak na lang ang nagawa ni Maru habang hinahayaan na lang si Zek. Batid nito ang mas malalang sasapitin kung tuluyan pa rin itong manlaban. Tila bumalik lang kay Maru ang sinapit nito noon ng pagsamantalahan siya ng magkapatid na Pitoy at Tino. Ipinikit na lang ni Maru ang kanyang mga mata.
Nang makarinig ito ng tawanan at halakhakan mula sa magkaibang tao. Sinikap nitong lumingon upang makita kung kanino at sino pa ang mga nandoon na kasama ni Zek. Ngunit ng mapansin ni Zek ang paggalaw ni Maru pinigilan niya ito at mas dinaganan si Maru.
“Putang ina tol ang kinis ng puwet mo sa kamera.” Natatawang wika ni Yab habang kinukunan ng video si Zek habang nakabaon kay Maru.
“Lang hiya, ayusin niyo naman ang anggulo, baka puro puwet ko na lang kita sa video. Bigyan niyo naman ng kaunting cinematic approach.” Tugon ni Zek habang patuloy sa pag aayuda kay Maru.
“Siguradong pipilahan na naman itong video kapag nag-upload na natin ito. Da best ka talaga gumawa ng outdoor fun Zek.” Sabat ni Dice na tulad ni Yab kinukuhanan din ng video ang ginagawang pag kantot ni Zek kay Maru.
Masayang pinagkakatuwaan ng tatlo si Maru. Ngunit lingid sa kanilang alam hindi lang sila ang naroon sa lugar na iyon. Habang abala sa kanilang ginagawa ang tatlo bigla na lang napalingon si Zek ng marinig ang malakas na paghataw ng hampas kina Dice at Yab. Napatayo agad ito mula sa pagkakabaon kay Maru ng makita ang dalawa na namimilipit sa sakit habang nakadapa sa lupa.
Nagulat na lang si Zek ng makita ang mga kaibigan at ang lalake na naka facemask ng itim na may hawak na tubo na naka harap sa kanya at nanlilisik ang mga mata sa galit. Sa takot ni Zek napaatras na lang ito habang tina-taas ang pantalon tsaka patakbong lumayo. Iniwanan na lang nito ang mga kaibigan na tila napuruhan sa ginawang pag hambalos sa kanila ng lalake ng tubo.
Nagtaka si Maru bakit kumaripas na lang ng ganun si Zek, nagulat na lang ito nang May humawak sa kanya upang tulungan itong makatayo, pagkalingon nito… ikinagulat na lang ni Maru ng makita ang mata ng lalake nang magtama ang kanilang mga tinginan. Isang pamilyar na mata na minsan na nitong nakita. Tulalang nakatitig lang si Maru sa mga mata nito.
“Uy, ako ito si Fil.” wika ni Fil nang tanggalin nito ang suot na facemask.
Nang makita ang mukha ni Fil, agad na lang napayakap sa kanya si Maru habang bumubuhos ang luha. Mahigpit ang pagkakayakap ni Maru na tinugunan naman ni Fil. Nang mahimasmasan si Maru doon na ito humingi ng tawad kay Fil.
“Nangyari na iyan, sa susunod magingat ka sa kung sino ang sasamahan mo.” tugon ni Fil.
“Buhay pa ba ang mga iyan Fil?” Tanong ni Maru nang mapansin na hindi na gumagalaw ang dalawang kaibigan ni Zek.
“Hinimatay lang ang mga iyan. Mabuti pa tawagan na lang tanin si Tito nang madampot na ang mga iyan at makapagsampa ka ng reklamo at mahuli na rin ang Zek na iyon.” saad ni Fil.
“Huwag na Fil umuwi na lang tayo. Ayuko nang dagdagan pa ang pag aalala ni Tatay. Minsan ko nang nailagay sa eskandalo ang pangalan niya ayuko ng maulit muli iyon. Ligtas naman ako, iniligtas mo ako. Umuwi na lang tayo.” Pakiusap ni Maru.
“Hindi puwede, dapat pagbayaran nila ang ginawa nilang ito.” Pagkontra pa ni Fil.
“Gagawin lang nilang katatawanan ang nangyari sa akin Fil. Mababaliktad lang din ang kuwento,.Higit sa lahat ayukong gawing katawa-tawa ng mga kasamahan niya si Tatay. Kaya huwag na. Gunusto ko rin naman ito.” Ayon pa kay Maru.
Tutol man sa desisyon ng kaibigan, hindi na kumontra pa si Fil. Nilisan nila ang lugar na tila walang nangyari habang naiwang walang malay parin ang mga kaibigan ni Zek.
Malayo na ang nilakad ni Paeng sa kakahagilap sa anak na si Maru. Malayo na ito sa plasa kaya wala halos itong nakikita of nakakasalubong na tao. Tahimik na ang paligid dahil sarado na halos ng mga gusaling nandoon. Papasok na ito sa isang kalye nang may makasalubong itong lalake na pawisan at patakbong nagmamadali. Sinubukan pang harangin ni Paeng ang lalake para sana tanungin ngunit nilampasan lang siya nito. Iba ang tingin ni Paeng sa kinikilos ng lalake. Tinandaan nito ang pagmumukha ng lalake bago tinungo ang pinanggalingan nito.
Dinala si Paeng sa isang bakanteng lote sa likod ng isang lumang building ng foam factory. Malawak ang lugar na iyon na minsan naging tambayan noon bago pa naitayo ang modernong plasa ng Lulos. Tagusan ang mga daan doon na kumukunekta sa mga karatig barangay ng Lulos. Katahimikan ang dinatnan doon ni Paeng. Walang kahinahinalang sitwasyon, maliban sa mga matataas na damo na pinapasayaw ng malamig na hampas ng hangin. Payapa ang lugar walang bahid ng karahasan, hanggang sa may napansin si Paeng sa mga dahon ng damo na naroon. Maliwanag ang lugar dahil sa mga poste ng ilaw sa ligid nito.
Nais kumpirmahin ni Paeng ang nakita kaya lumapit pa ito ng husto. Hindi pa man ito nakalapit sa damuhan, nagulantang na ito sa tumambad sa kanyang harapan. Halos masuka ito sa kanyang nakita. Agad itong tumawag ng responde sa kanilang istasyon.
BAHAY : Fourth part
“TURO-TURUAN”
Nakahinga ng maluwag si Paz nang makita sina Maru at Fil na papasok na ng gate. Agad niya ang mga ito sinalubong.
“Ayos ka lang ba Maru?” Usisa ni Paz ng mapansin ang pamumutla ni Maru.
“Ok lang po si Maru Tita, nakainom lang kaya ganyan. “ sabat ni Fil.
“Buti na lang talaga nahanap mo siya Fil, alalang-alala na si Paeng dito. Uy Maru tawagan mo agad ang tatay mo tiyak hilong-hilo parin iyon doon sa kakahanap sa iyo. Ikaw talaga, minsan ka na nga lang lumalabas pinapakaba mo pa kami.” wika pa ni Paz nang pinagbuksan ng gate ang dalawa.
“Tinawagan na po ni Fil si Tatay Tiya. Pero mukhang may emergency yata sina Tatay.” tugon ni Maru.
“Oh siya, tumuloy na kayo sa loob ng makakain kayo mukhang mga gutom ang mga itsura niyo. Tamang tama nag bulalo ako kanina. Iinitin ko lang iyon ng mahawasan ka sa kalasingan mo. Ikaw ba Fil nakipag-inuman ka rin ba?”
“Matagal na po akong graduate sa ganyan Tita.”
“Rinig mo iyon Maru, buti pa itong si Fil umabot na sa ganung responsibilidad. Hindi ka naman pinagbabawalan ng Tatay mo na gumala at magliwaliw pero sana naman sa susunod magparamdam ka man lang sa amin. Lalo na ngayong hindi na ligtas ang kapaligiran.” komento pa ni Paz.
“sorry po tiya, huli na po ito. Hinding hindi ko na po kayo bibigyan ng problema.” Sabat ni Maru at tumuloy na ito sa kanyang silid.
Hinayaan na lang ni Paz si Maru. Alam naman nito na nais lang naman ni Maru na makaranas ng normal na buhay na hindi lang nakukulong sa apat na sulok ng kanilang bahay at matali sa kanyang tindahan. Nasa tamang edad na si Maru ngunit dulot ng naunang eskandalong naranasan nito naging limitado na lang ang espasyong ginagalawan nito. Buti na nga lang at nanatiling nakaprotekta si Fil sa kanya. Kahit papano nanumbalik ang kumpiyansa nito sa sarili.
Hindi na sumabay sa hapunan si Maru, kaya dinalhan na lang ito ni Fil ng sabaw sa kanyang silid. Pagkapasok ni Fil sa kuwarto ni Maru nasa banyo ito at naliligo. Pagkalapag nito ng bowl na may sabaw sa mesita nagpaalam na agad itong lalabas. Ngunit sa paglapit nito sa pintuan ng banyo ni Maru hindi lang lagaslas ng tubig ang kanyang narinig kung hindi ang mga pagtangis ni Maru na sadyang doon niya ibinuhos kasabay ng pag bagsak ng tubig sa kanyang katawan.
“Maru,ayos ka lang ba? Maru buksan mo ang pinto kausapin mo ako. Hindi mo dapat sinosolo iyan. Nandito kami. Ako. Maru…” sambit ni Fil habang kinakatok sa banyo si Maru.
Walang tugon si Maru sa loob at patuloy parin ito sa pag-hikbi. Sinubukan ni Fil na pihitin ang doorknob ng banyo, hindi ito naka-lock. Hindi nagdadalawang isip pa ang lalake na buksan ang pinto at pumasok sa loob. Doon nakita nito sa sulok ang hubo’t hubad, nakatalungko na si Maru walang tigil sa pag-iyak habang bumubuhos sa kanya ang tubig ng shower. Awa ang kumapit kay Fil nang makita ang kaibigan. Agad niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Sa paglapit ni Fil lalong bumigay ang damdamin ni Maru humagulgol ito ng labis.
“Tahan na, pangako hanggat nandito ako poprotektahan kita laban sa mga mang-aapi sa iyo. Hindi ka na nila muling masasaktan.” saad ni Fil kay Maru habang pina-pakalma ang kaibigan.
Sa presinto dinagsa ng mga media reporter ang opisina ng hepe dahil sa panibago na namang insidente ng karumaldumal na pagpugot ng ulo sa araw mismo ng kasayahan sa Lulos. Napukol ng mga kaliwa’t kanang mga katanungan at pambabatikos ang estasyon nina Paeng. Maging ang mayor ng siyudad ay nag bigay na ng ultimatum sa lahat upang mahuli lang ang killer.
“Grabe talaga ang nangyari ng araw na ito sa barangay Lulos pare, Tinaon pa talaga kung saan may malaking event. Buti na lang at natapos ang palabas sa plasa na walang problema. Pero rinig ko sa mga press kanina, maraming mga bigating guest at mga bigtime investors sana ang nadismaya at natakot sa seguridad nila dahil mga nangyari.” wika ni Ignacio kay Pareng habang nagkakape ang mga ito sa canteen ng estasyon.
“Kahit saan naman pare nangyayari ang mga krimen. Nagkataon lang talaga na sa Lulos ang napagtripan nilang venue. Iyon nga lang bagsak na bagsak na ang performance rate natin sa publiko dahil sa serye ng mga krimen dito sa atin. Siya nga pala tapos na ba ang AI generated cartographic image nung taong nakasalubong ko?” saad ni Paeng.
“Naipalabas na nga sa media pare, ginawa na ngang wanted iyon ni hepe dahil iyon daw ang mukha ng killer.” tugon ni Ignacio.
“Ano? confidential iyon pare, ginawa iyon ni hepe kahit wala pang further investigation? Paano kung hindi siya iyon at wala naman talaga siyang alam. Pa’no kung inosente ang tao at napadaan lang din iyon doon. Ako ang malalagay sa alanganin nito dahil sa akin nanggaling iyon! Anak ng putcha naman.” Ang dismayadong reaksiyon ni Paeng.
“At least may mukha na ang killer na hinaharap natin. Siya man iyon o hindi may karapatan naman siyang i-clear ang lahat. Mukha lang naman ang meron tayo. Hindi pa natin alam ang tunay niyang pagkakakilanlan kaya huwag kang OA Makalaay. Mapupunta naman sa iyo ang credit kung siya nga ang killer, pero kung hindi well it’s time na siguro na mag shift ka ng career”. biglang hirit na kumento ni Bellegaz nang sumabat ito sa usapan nina Paeng at Ignacio.
Kahit pikon na pikon na si Paeng sa pangingi-alam sa kanya ni Bellegaz mas pinili parin ito na huwag na lang patulan ang kasamahan. Hindi na ito nagtagal sa presinto at umuwi na ito. Rest day din naman nito ng araw na iyon. Inabutan nitong tulog pa ang anak pati si Fil sa kabilang kuwarto. Naghahanda noon si Paz ng almusal dahil siya muna ang magbubukas ng tindahan ni Maru. Nabanggit ni Paz na lasing si Maru ng umuwi. Walang tugon si Paeng kung hindi isang malalim na buntong hininga. Matapos makapag almusal pumasok na ng silid nito si Paeng at nagpahinga.
Si Paz naman habang kumakain parin ng almusal nanood muna ito ng balita sa TV, sakto namang paglabas ni Fil sa kuwarto.
“Fil, pumarini ka na at mag almusal habang mainit pa itong sinangag.” pagtawag ni Paz kay Fil.
“Narinig ko ang pagdating ni Tito, “
“Nagpapahinga na, mukhang pagod masyado. Samahan mo na ako mag almusal dito.”
“Sige po tita, mukhang masarap nga iyang niluto mo.”
“Tira ito ng karne kagabi ginawa kong karne prita, tapos init ko lang ang bulalo. Hindi ba kumain kagabi si Maru?”
“Lasing kasi, kaya hinayaan ko na lang makapagpahinga. Sabi niya nakakain naman daw siya sa pinag-inuman nila.” sagot ni Fil.
“Eh sino ba ang kasama niya kagabi? Naitanong mo ba? Kung hindi ako nagkakamali umalagwa na naman iyan sa mga lalake. Ewan ko ba sa batang iyan, hindi na natuto. Ilang beses ko nang sinabihan iyan na walang lalaking seseryoso sa kanya, bukod sa peperahan lang siya aabusuhin lang ang kahinaan niya at sasaktan lang siya.” komento pa ni Paz.
“Hindi naman lahat ng lalake ganun tita. At karapatan naman ni Maru na sumaya at lumaya. Iyon nga lang hindi sa lahat ng pagkakataon tama ang kanyang pasya.” ayon pa kay Fil.
Habang kumakain at nagpapalitan ng opinyon napa-dako ang atensiyon ng dalawa sa balita na nasa TV. Biglang napaubo si Fil nang makita ang laman ng balita. Ikinagulat nito ang nakita sa TV. Patay na at naiwang wala ng ulo ang dalawang lalake na inabutan nitong nag bi-bidyo noon kay Maru habang ginagawan ito ng kahalayan ng lalaking nakilala sa pangalang Zek. Lumabas din ang larawan ng mukha ni Zek bilang suspek sa krimen at kinilala na siyang pinaghahanap na killer ng batas.
Alam ni Fil na may mali sa balita dahil nandoon siya mismo sa lugar na iyon kasama si Maru. At malabong maging killer ang Zek dahil kasamahan nga nito ang dalawa. Biglang tumayo mula sa pagkakaupo si Fil at kinatok si Maru sa silid nito. Pinagbuksan din naman ito ng kaibigan at pinapasok si Fil. Naiwan si Paz sa kumidor na nagtataka sa ikinilos ni Fil.
Agad na ibinalita ni Fil ang nakita sa TV kay Maru. Ikinabigla ni Maru ang narinig.
“Paano? Ibig sabihin may tao pa roon bukod sa atin.” Wika ni Maru.
“Ewan , wala naman tayong nakitang tao sa paligid diba? At sigurado tayong buhay pa ang mga iyon ng iwan natin. At ang Zek, siya ang tinuturong salarin sa nangyaring pag pugot. Siya ang tinutukoy na killer.” saad ni Fil na medyo pabulong kay Maru.
“Kung ganyan nga ang nangyari sa kanila, nararapat lang din. Pero ang palaisipan dito kung sino ang totoong killer. At bakit nandoon siya sa lugar na iyon kung saan nandoon din tayo” sabi ni Maru na napatingin kay Fil.
“ano ang ibig mong sabihin? Tayo ang sinusundan ng killer, ganun?” tanong ni Fil na tila napapaisip din.
“Hindi ako sigurado, pero posible, at posibleng nagkataon lang din. Fil wala ka bang aaminin sa akin?” biglang bulalas na tanong ni Maru.
“Ano naman ang aaminin ko? Lang hiya Maru pinagdududahan mo ba ako na killer? Saang pelikula mo naman nahablot ang ideyang iyan. Magkasama tayong umuwi diba? Hawak-hawak mo ang kamay ko mula roon hanggang sa makauwi tayo. Paano ako magiging killer. Oo nahampas ko sila ng tubo pero hindi ko kayang pumatay ng tao. Lamok nga pinagbibigyan ko. Grabe ka.” nabiglang reaksiyon ni Fil sa tanong ni Maru.
“Gagi, sinabi ko ba na ikaw ang killer? Ibig kong sabihin wala ka bang aaminin diyan, kanina ko pa na aamoy ang utot mo. Dinadaan mo lang ako sa kuwento pero sumesimple ka ng buga diyan. Pang ilang araw na ba iyan. Amoy bulok na na itlog.” saad ni Maru sabay pagpag ng hangin.
“Ah ganun, teka lang paamoy ko pa sa iyo ito ng buo. Amoy bulok na itlog ha.” ibinaba ni Fil ang shorts nito at inilabas ang puwet tsaka itinapat iyon sa mukha ni Maru.
Napalitan ng harutan sa kama ang kaninang seryosong usapan ng dalawa. Sinadya iyon ni Maru dahil alam niyang may nakikinig sa usapan nila ni Fil. Napansin kasi nito ang anino sa siwang ng kanyang pintuan. Si tiya Paz man iyon o ang kanyang ama, hindi nila dapat malaman ang nangyari sa kanila lalo na sa kanya ng gabing iyon. Sabay na lumabas ng silid sina Maru at Fil. Inabutan nila si Paz na inaayos ang sako bag na dadalhin sa tindahan ni Maru.
“Tiya ako na po ang magbubukas ng tindahan, kami na ni Fil bahala riyan.” wika ni Maru.
“Sigurado ka, wala ka na bang hangover?”
“Ligo lang katapat nito, goods na ako.”
“Buti naman nang may oras naman ako para makapaningil sa merkado. Ang tatay mo nasa kuwarto na, gisingin mo kapag umalis ka na. Iyon ang bilin niya.” ani pa ni Paz.
Hindi pangkaraniwang ang bungad ng umagang iyon para kay Maru. Ang araw na iyon tila simula ng panibagong siya. Nagpatuloy ang araw para sa dalawa Maru at Fil na walang bakas ng pag-aalangan at agam-agam sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Ganadong binuksan ni Maru ang ang kanyang tindahan samantala pangalawang balik naman ni Fil sa inaaplayan nito para sa final interview.
-*-
Vista Alegre Subway station;
“Bibili lang ako ng makakain natin pare, mahaba-habang biyahe ito baka gutomin tayo.” paalam saglit ni Nato kay Jack.
“Bilisan mo lang, hindi tayo hihintayin ng train kung mahuli tayo.” tugon ni Jack na nakaupo sa hintayan ng train.
“Mabilis lang ako.” Tinungo ni Nato ang bilihan ng pagkain sa malapit. Matapos makabili ng pagkain bumalik agad ito sa puwesto ni Jack.
Ngunit laking pagtataka nito nang wala na roon ang kaibigan. Maging ang mga bag na kanilang dala ay wala na. Napamura na lang ito nang maisip na baka inonse na ito ng kaibigan. Hawak ni Jack ang bag na may lamang pera at alahas na ninakaw nila kay Fefe. Nakabukas na ang pintuan ng train para sa mga sasakay. Hinagilap muna nito sa paligid si Jack bago ito sumampa ng train upang hanapin sa loob nito ang kasama.
Pero wala na ang Jack na kasama, akma nang lalabas ng train si Nato nang magsara na ang pintuan ng train at umandar. Napa-suntok na lang ito sa bakal na hawakan at napamura sa sarili.
Umaandar na ang train nang mapatingin muli sa labas si Nato. At mula sa kanyang puwesto, natigalgal ito nang makita sa labas si Jack na tangay ng apat na kataong armado ng baril. Iniipit nila papalabas ng train station si Jack habang pumapalag ito sa kanila. Nais bumaba ni Nato para sa kaibigan ngunit nasa loob na ito ng tumatakbong train at malayo na rin ito.
Nang saglit pa tumunog ang cellphone ni Nato,at numero ni Jack. Alangan pa ito sagutin ang tawag ngunit walang tigil ang pagtunog nito.
“Hello, sino kayo ano ang gagawin niyo sa kaibigan ko?” Ang nanginginig na tanong ni Nato nang sagutin nito ang tawag.
“Nagkamali kayo ng pinasok na lungga. Huwag ka mag alala magkikita rin kayo ng kaibigan mo.” tugon ng nasa kabilang linya tsaka nito pinatay ang cellphone.
Ngayon lang binalot ng matinding kaba at takot si Nato. Kulang na lang maihi na ito sa kanyang salawal. Hindi ito mapakali sa kinauupuan nito. Pabaling-baling ang ulo nito at balisa, pinagdududahan ang bawat pasaherong sakay ng train.
Samantala mula sa building na pinuntahan ni Fil nag lakad-lakad muna ito upang maghanap ng makakainan. Tanghaling tapat na sa mga sandaling iyon at may katirikan ang araw. Napakamot ng batok si Fil nang sipatin nito ang laman ng kanyang wallet. Kailangan niya maka hanap agad ng trabaho bago pa maubos ang niraket nito nung nakaraang gabi. Hindi ito natanggap sa trabaho. Isang paresan sa kanto ang dinayo nito para magkalaman na ang kanina pang naghihilab na tiyan.
Usap-usapan parin ang nangyaring krimen sa Lulos. Lahat halos ng mga naroon sa kanto bukang bibig ang patayan na nangyari.
Habang nakapila si Fil isang lalake ang tumapik sa kanyang balikat kaya napalingon din ito. Muling nagkita sina Fil at Jericho sa lugar na iyon. Kakarating lang ni Jericho at doon na rin naisipang kumain.
“Madalas ka ba dito?” Tanong ni Jericho kay Fil
“Bago lang,galing ako diyan sa building na iyan nag apply ng trabaho kaso ulats, bagsag. Kaya lalo akong nagutom. Buti na lang nakita ko itong unli rice pares dito. Ikaw ba pare?” sagot ni Fil.
“Pangalawang beses pa lang. Masarap kasi ang pares nila rito at mura. Naghahanap ka ba kamo ng trabaho?” tugon ni Jericho.
“iyon ang target ko ngayon pare, kapagod na rin kasi tumambay na lang.“saad ni Fil.
“Subukan mo sa mga mall di kaya sa mga resto. Hayaan mo kapag may nakita ako sabihan kita.” Sabi ni Jericho.
“Maraming salamat pare, siya nga pala kamusta nga pala ang paghahanap mo sa kapatid mo? Nakabalik ka na ba sa barangay namin?” tanong ni Fil.
“Buti na itanong mo pare, doon talaga sa barangay niyo ang punta ko ngayon dumaan lang ako rito para kumain..Sana palarin ako sa paghahanap sa kapatid ko. Miss ko na kasi iyon eh. Ilang taon din ang ipinagkait sa amin na magkasama.” Saad ni Jericho.
“kung gusto mo sasamahan na kita sa barangay namin, pauwi na rin ako pagkatapos dito. Marami akong koneksyon sa amin baka mapadali ang paghahanap pag sinamahan kita.” Pagbulontaryo ni Fil sa sarili.
Ikinatuwa iyon ng lihim ni Jericho. Sumang-ayon agad ito sa alok ng kapatid. At bilang pasasalamat sa gagawing tulong ni Fil sinagot na ni Jericho ang bayad sa kanilang kinain. Agad na nakuha ni Jericho ang loob ni Fil. Mabilis na nagkapalagayan ang dalawa. Para kay Jericho magandang senyales iyon upang hindi na ito mahirapan sakaling ilahad na nito sa kapatid ang buong katotohanan sa kanilang kuwento.
Nalinawan naman si Paeng kung paano napunta ang anak na si Maru sa bahay ng Fefe sa pag usisa nito sa anak. Gayunpaman dahil sa nandoon ito bago natuklasan ang bangkay, kinakailangan pa rin ang statement nito upang mabigyan ng linaw ang kaso.
“Hindi ko masyadong namukhaan iyong baklang nagbukas sa amin ng gate Tay, pero parang nakita ko na ang mga matang iyon. Kung paano niya ako titigan parang kilala niya rin ako Tay. Kaya nga matagal din kami nagkatinginan ng diretso. Tapos iyon umiiwas na siya. Naka face mask kasi siya at tanging ganito lang ng mga mata niya ang kita. “ Ayon pa kay Maru.
“Mukhang mahihirapan nga kami kung mata lang ang pagbabasehan namin. Matalino din ang nanloob sa bahay dahil lahat ng kuha ng CCTV sinira. “ Saad ni Paeng.
“Maraming CCTV sa kalye papasok sa lugar na iyon Tay imposibleng walang record sa barangay. Kung kami nga nakunan, posibleng nakuhanan din sila.” Wika pa ni Maru.
“Iyon nga rin ang ipinagtataka ko, wala man lang nahagip na kahina-hinala sa bahay na iyon bago ang lahat. Posibleng kasama na ngang talaga ng biktima ang mga salarin sa bahay niya. Pero maging ang pagtakas ng mga ito walang nakapansin. “ Ang malaking palaisipan ni Paeng.
“Hayaan mo na iyan sa mga imbestigador na humahawak ng kaso Tay. Sabi mo nga hindi naman iyan ang ina-signed sa iyong kaso. At day off mo ngayon, kahit ngayon man lang iwanan mo muna ang trabaho. “ Sambit pa ng anak na nilambing ang ama.
“Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo kagabi. Sabi ng Tiya mo sobrang lasing mo raw. Kung hindi ka pa nahanap ni Fil, ewan ko na lang kung saan pa kita hahagilapin. Gawin mo pa iyan minsan sa akin, kahit matanda ka na, ikukulong na talaga kita sa bahay. “
“Si Tatay, ginawa mo naman akong bata niyan eh. Ninamnam ko lang ang ambiance doon sa Lulos. Nakauwi naman ako ng maayos. At pasensya na hindi ako nakapagpaalam sa inyo, na lowbat ako. Pero promise huli na iyon. Wala ng walwal moment, ang sakit sa sikmura at ulo Tay. Nanibago ang katawan ko sa hang-over. “ Ani pa ni Maru.
“Mahal kita anak, ayukong nasa panganib ka lagi. Kaya hindi ako napapakali kapag wala ka pa sa bahay. Malupit ngayon ang paligid, hindi natin alam kung kelan at kung saan tayo tatambangan ng panganib kaya mag-ingat ka. Wala ako lagi sa tabi mo para ipagtanggol ka. At hindi sa lahat ng oras kasama mo si Fil. Maru alam ko na may mga pagkukulang ako sa iyo, pero hangga’t buhay ako poprotektahan kita. “
“Tatay naman, ang aga pa nito para mag senti. Wala namang ganyanan. Alam ko namang mahal mo ako eh, Ikaw kaya ang super hero tatay ng buhay ko. At promise Tay, habang buhay kitang mamahalin, aalagaan at susuportahan. Hindi ko na nga kailangan ng ibang lalake pa sa buhay ko dahil ikaw lang sapat na. “ Ang tugon ni Maru na napayakap na lang ng mahigpit sa ama.
Nasa gano’ng tagpo ang mag-ama nang makatanggap ng mensahe si Paeng mula kay Ignacio. Agad itong tumalima na nagpaalam sa anak para lang tugunan ang mensahe ng kasamahan. Makaraan ang ilang minuto mula ng pag alis ni Paeng ang siyang pagdating naman ni Fil angkas ng motor na dala naman ni Jericho.
LAPIT-KAPIT
Matapos nga samahan ni Fil si Jericho sa barangay hall sumaglit muna ang mga ito sa tindahan ni Maru para uminom ng malamig na softdrinks. Pagparada pa lang ng motor ni Jericho, tinginan na lahat ng mga marites na noo’y tambay na sa puwesto ni Maru. Magara ang dalang motor ni Jericho kaya takaw pansin agad ito sa sino mang makakita. Lalo pang nagtaasan ang mga kilay ng mga tsismosang kapitbahay nang magtanggal na ng helmet si Jericho. Makisig, maangas at ang gwapo naman talaga ni Echo, pang action star ang tindigan at appeal. Ngunit ang nakakuha talaga ng pansin ng mga naroon ang pagkakahawig ng mukha nito kay Fil. Sa unang tingin pa lang masasabi mo talagang mag-utol ang dalawa.
Kaya hindi na nakapagpigil si Aling Maria na hiritan ng tanong si Fil.
“Uy Fil, kaano-ano mo ba itong poging mama na ito? Kapatid mo?o pinsan?”
“Si Aling Maria talaga, ganun na ba ako ka guwapo para mapagkamalan mo kaming magkakapatid? Sa bagay, sa basketball court nga napagkakamalan akong si Enrique Gill eh.” tugon naman ni Fil sabay flex ng mukha nito at nagpa cute pa.
“Taas din talaga ng confidence mo nuh. Kamusta ang final interview?” sabat ni Maru sabay abot ng dalawang softdrinks kay Fil.
“Olats, bagsak tayo sa assessment. Pero laban lang makakahanap din ako ng trabaho, tutulungan din ako nito ni Echo. Siya nga pala tol si Maru, bespren ko. Mar si Echo bagong kaibigan taga Marang, diyan lang sa kabilang barangay.” sagot ni Fil at pinakilala na rin ang dalawa sa isa’t isa.
Maging si Maru napatitig talaga ng matagal sa mukha ni Jericho dahil nakikita nito sa kanya ang mukha ni Fil. Malaki lang ang katawan ni Jericho ng kaunti kay Fil pero magkasing tangkad lang ang mga ito. Makanto ang mukha ni Jericho na bagay sa brusko nitong features samantala medyo bilogan naman kay Fil.
“Kung inabutan niyo lang sana si Tatay tiyak maraming alam iyon dito sa barangay. Halos ng mga tao dito kilala niya. At sigurado akong kilala niya ang Joram Treyes na hinahanap mo. Hayaan mo ipagtatanong ko.” saad ni Maru nang malaman ang pakay ni Jericho sa kanilang barangay.
“Tatanawin ko na malaking utang na loob kung matutulungan mo ako. Oh siya tol hindi na ako magtatagal at may dadaanan pa ako. Balitaan na lang kita kapag nakakita na ako ng bakanteng trabaho para sa iyo.” wika ni Jericho.
Hindi na pumermi ng matagal pa roon si Jericho. Nang makaalis ito, sinabi agad ni Maru kay Fil ang napansin nitong pagkakahawig ng kaibigan kay Jericho. Ngunit sa halip na ma curious, ikinatuwa lang iyon ni Fil at sinabihan ang kaibigan na normal lang na may kamukha talaga ang mga tulad niyang artistahin at guwapo.
Sa presinto kahit day-off sinadya parin ni Paeng na kitain si Ignacio dahil sa mensaheng ipinaabot nito sa kanya ukol sa impormasyon ni Romero Gabon. Isang brown envelope ang inabot ni Ignacio kay Paeng.
“Lumang clips lang iyan mula sa mga diyaryo ng mga biktima noon ni Romero bago ito nadakip at nakulong. Inabot iyan sa akin ng asset ko. Isang Josefino Lansang ang nagmamay-ari niyan. Nang usisain ko sa files natin. Isa si Lansang sa kapatid ng isa sa mga nabiktima noon ni Romero.“saad ni Ignacio
“Pero ang kailangan ko ang impormasyon kung buhay pa nga ba o patay ang Romero na iyon at kung ano na ang mukha niya ngayon kung buhay pa iyon, pare”. tugon ni Paeng.
“May mukha niya siya diyan sa isang clip sa diyaryo pare. Grabe rin naman talaga ang Romero na iyon pare, ngayon ko lang nalaman na may ganung kaso palang hinahawakan noon ang departamento natin. Pero bakit hindi ko naman ito nabalitaan noon? Gulat nga ako nang makita ko ang mga clip na iyan diyan.” wika ni Ignacio.
“Limitado rin ang alam ko sa kaso pare, pero ayon dati sa ninong ko na minsan ng humawak ng kaso, mula sa maimpluwensyang pamilya si Romero. Namanipula nila noon ang mga media upang huwag ng palakihin ang kaso. Kinse anyos pa lang ako noon ng marinig ko na ang tungkol kay Romero nguni’t ni minsan hindi ko pa nakita ang mukha nun.” saad pa ni Paeng.
“Kaya naman pala ang bata pa ng mukha niya diyan sa clip pare, Pagkakita ko nga diyan akala ko nga si Fil iyong inaanak mo. “ Wika ni Ignacio.
Pagkasabi na iyon ng kasama agad na binulatlat ni Paeng ang laman ng supot at tiningnan ang laman. Kamukha nga ni Fil ang nasa larawan, mabalbas nga lang ang Romero pero sa unang tingin mukha talaga ni Fil. Kinabahan si Paeng. Kinutuban ito ng hindi maganda. Paano kung tama nga ang kanyang hinala. Sa loob pa ni Paeng. Ngayong nais na ni Jericho na mapalapit sa kapatid kinakailangan masagot na rin ang mga pag agam-agam sa isipan ni Paeng.
“Alam mo ba kung saan mahahanap itong si Josefino pare? “ Tanong ni Paeng.
“Hindi ko alam pero madadala tayo ng asset ko sa kanya pare. “
Confidential ang usapan ng dalawa kaya halos nagbubulungan ang mga ito kung mag usap. Magkalapit ang mga mukha ng dalawa habang magkatabi sa isang lamesa iyon ang tagpong inabutan ni Bellegaz kaya nakahanap na naman ito ng bato na ipang-aasar kay Paeng.
“Uy ang cheesy niyo namang tingnan, layag na layag ang sweetness ah. Sige tuloy niyo lang huwag na kayo mahiya matagal na naming ramdam. At pro tayo tayo diyan. Hindi naman kami homophobic dito, diba mga pare? “ Hirit ni Bellegaz, habang inuudyukan pa ang mga kasama na suportahan siya sa kanyang pang aasar.
Tawanan ng malala ang mga kasama ni Bellegaz nang dumating ang mga ito. Hindi na nakapagpigil si Ignacio at napagbalingan niya talaga ng suntok sa mukha si Bellegaz. Maagap namang umawat si Paeng ngunit bago pa ito pumagitna naka ganti na ng sapak si Bellegaz kay Ignacio. Minabuti na lang ni Paeng na iiwas si Ignacio at huwag ng pansinin sina Bellegaz.
Lumabas ang dalawa sa kainan na iyon na sobrang badtrip ni Ignacio kay Bellegaz, kaya napagbuntunan nito si Paeng dahil sa pag awat nito.
“Kaya namimihasa ang mga iyan eh, pinagbibigyan mo. Pare naman hindi masama ang umiwas sa gulo pero kung sa tingin mo kailangan na, Tumahol ka naman. Bakla ka ngang talaga nuh? “ Wika ni Ignacio.
“Sabihin mo ng bakla ako pare, pero hindi ako lelebel sa kanila. Ikaw na mismo nag sabi hindi sila ang sisira sa reputasyon ko. At walang mali sa pagiging bakla.” Saad ni Paeng tsaka iniwan si Ignacio.
Bahagyang sumama ang loob ni Paeng sa kaibigan ngunit di rin niya masisi si Ignacio kung dinamdam nito ang mga hirit ni Bellegaz sa kanila. Maging si Paeng man punong-puno na rin sa ka epalan ni Bellegaz pero kailangang habaan pa nito ang pasensya. Ayaw niyang matapon na lang sa wala ang mga nasimulan at sinumpaan nito bilang isang alagad ng batas.
-*-
Matapos nga ang magarbong pasundayag sa kanya sakop na barangay na dinaluhan pa ng mga bigating artista, personalidad at mga politiko, kinaharap naman ngayon ni Precy ang mga krimen na nangyari mismo ng araw din na iyon sa kanyang balwarte. Higit na ang pagkapaslang sa isa sa mga malapit nitong tauhan na si Fefe.
“Ayukong matulad ang barangay ko sa katabing barangay ng Kwarto Uno. Ayukong katakutan ang barangay natin ng mga tao lalo na ng mga dayo rito sa atin. Mawawalan tayo ng market. Nakakabawas ng salapi ang mga negatibong feedback, kaya make sure na malinis niyo agad ang mga iyong ito. Chef, alam mo naman kung gaano ako ka galante sa tuwing birthday mo at ng asawa mo. Baka makalimutan ko bigla na bigay iyon at bawiin ko.” paalala ni Precy sa hepe nang dalawin siya nito sa kanyang opisina.
“Nalinis na po lahat madam. Wala na po kayong alalahanin.” tugon ng hepe.
“Paano ang mga bangkay na natagpuan sa likod ng lumang gusali?” tanong ni Precy.
“Nagawan na rin namin ng paraan. within this day ayos na talaga ang lahat.” saad ng hepe.
“Hepe, masyado ng makulet ang killer na ito. Wala bang paraan para mahanap siya, mapasuko nang wala na tayong pinoproblema. At least magkaroon man lang kayo ng pointing person para makapag connect the dots kayo. Huwag mo naman ipamukha sa akin na mga tanga at bobo ang mga tauhan niyo hepe. Sayang ang tax ng taong bayan kung hindi niyo mabibigyan ng assurance ang kaligtasan namin.” komento pa ni Precy.
“Ginagawa naman namin ang lahat, maingat lang talaga ang killer.”
“No hepe, mas magaling lang talaga ang killer na iyan kumpara sa effort niyo. we’ll anyways, I’m done with you. Just do your thing and impress me more Chef Samonte.” saad ni Precy na may halong pang-iinsulto dito.
Lumabas ng silid na may kimkim na pagkapikon ang hepe, ngunit sumakay na lang ito sa pangbabalahura sa kanya ng kapitana. Wala naman kasi itong magawa kung hindi ang sumunod sa ano mang mga utos sa kanya na parang aso. Pagkalabas ng hepe ang siyang pag pasok naman ng isa sa mga personal guard ni Precy at may ibinalita ito sa kanya na ikinagaan ng kanyang araw.
Pagkauwi ni Paeng naligo lang ito saglit at muli naman nagbihis para umalis.
“Aalis ka na naman? kararating mo lang ah. akala ko ba dayoff mo ngayon?” pansin ni Paz sa kapatid.
“May importanteng lalakarin lang parang hindi ka pa nasanay sa trabaho ko kung makapag usisa ka.”
“Nagtatanong lang, napapansin ko kasi nitong huli parang hindi mapakali iyang itsura mo. Hindi ka naman ganyan dati, kahit ano’ng bigat pa ng trabaho mo. Paeng kilala kita,hindi mo maitatago sa akin ang kinikimkim mo. Ano ba iyan?” wika pa ni Paz.
Hindi na naitago pa ni Paeng at napakuwento na nga ito sa kapatid.
“Anak ka talaga ng monggo Paeng, ang tagal mo na pala akong niloloko. Akala ko ba kasangga mo ako, tayo na nga lang ang natitirang magkaramay dito tapos nagawa mo pang ilihim sa akin lahat. Di sana nagawa ko man lang alagaan ang sarili kong pamangkin.Diyos ko Paeng, ilang taon ang buong akala ko tuluyan ng inilayo sa atin ng panahon si Jericho. Iyon pala alam mo kung saan, at nakuha mo pa talagang itago siya sa ng ganun katagal.” Ang hindi mawaring emosyon ni Paz matapos mabunyag sa kanya ang pinaka sekreto ni Paeng.
“Nagawa ko iyon para na rin sa kaligtasan ng anak ko. Siya lang ang meron ako sa ala-ala ni Salvi. Naipagtapat ko na rin sa kanya ang totoo, pero mukhang ayaw niya akong tanggapin na ama niya.” wika ni Paeng na bagsak ang tuno ng boses.
“Kahit sino namang anak, ilang taon mo siyang kasama,inalagaan, pinagtapos binihisan pero di mo manlang inamin sa kanya ang totoo. Ngayon pa kung kelan buo na ang isip niya na iba ang kinikilala niyang ama, timang ka ba? Natiis mong ilihim sa kanya ng ilang taon ang pagkatao niya kaya dapat lang na tiisin mo rin kung hanggang kelan ka niya itatakwil bilang ama. Ewan ko sa iyo Paeng, ang galing mo magpaka tatay sa ibang anak na hindi mo naman kadugo pero sa sarili mong anak nagpakaduwag ka.” saad pa ni Paz.
“Hindi mo lang alam ang pinagdaanan ko,ang tiniis ko gawing normal lang buhay ng anak ko. Sinigurado ko lang ang kaligtasan niya.” ayon kay Paeng.
“Nandoon na tayo, pero diyos ko naman ilang taon Paeng. Taon ang pinalampas mo. Kung sa akin mo pinaubaya noon si Jericho,Eh di sana hindi ka nagkakaganyan ngayon. Kung hindi pa pala nag tanong ang anak mo, hanggang ngayon ang buong akala niya fairy godfather ka niya. Kagaling din naman ng concept mo ng pagiging ama. Buti hindi ka napagkamalang sugar daddy ng mga kakilala ng anak mo.” panggigigil pa ni Paz sa kapatid.
Hindi na maawat ni Paeng ang mga banat sa kanya ni Paz kaya umalis na ito. Ang biglaang paglayo ni Jericho sa kanya ang isa sa bubug ni Paeng sa araw-araw. Nakuha niya nang mapalapit sa anak ngunit sa ginawa nitong pag amin tila dumidistansya naman ito ngayon sa kanya. Hindi na ito sinasagot ng anak kapag tinatawagan niya ito. Palaging wala rin ito sa bahay ang anak.
Nang mga sandaling iyon sinalubong naman ni Fil si Maru na tila namumugto ang mga mata. Malayo ang isip nito at medyo may mabigat na dinadala sa loob.
“uy ayos ka lang? Nagdala ka lang ng pagkain sa inyo pagbalik mo ganyan ka na. Naabutan mo ba ang Tatay mo?” usisa ni Fil nang mapansin ang kaibigan.
“wala ito, napuwing lang ako maalikabok kasi sa daan. Ikaw na kumain nitong pansit gisado,nakaalis na si tatay nang dumating ako mukhang nakakain na rin si Tiya. Ubusin mo iyan kung ayaw mo bigay mo na lang sa iba.” tugon ni Maru na dumeretso agad sa loob ng tindahan.
“Alam kong hindi ka ok,spluk mo na iyan sa akin. Tara pag usapan natin iyan habang minumukbang ko itong pansit mo. Lapag mo na sa akin iyang dinadala mo. “ wika ni Fil.
“wala nga eh kulet nito. Kainin mo na lang iyan at tumambay ka muna sa mga barkada mo, nakakasawa na ang mukha mo sa harapan ng tindahan ko. Matumal tuloy ang kita ko.” saad ni Maru.
“Naku diyan ka nagkakamali, itong mukha na ito ang lucky charm mo. Tingnan mo pa diyan sa kaha mo. Nang ako na tumao diyan kanina, dinagsa ang tindahan mo. Pinakyaw nila ang mga paninda mo pati mga hindi gaanong mabenta binenta ko. Kaya huwag mong ismolin ang tulad ko dahil malaki ang hatak nito sa negosyo mo bespren.” pagmamalaki pa ni Fil.
Bahagyang napangiti nito si Maru, ngunit bakas parin sa mukha nito ang kakaibang lungkot na pilit nitong tinatago.
HARVAT
Maagang nagising si Maru, wala pang alas tres ng madaling araw nagmamadali na itong mag ayos ng sarili, sinilip mula sa kanyang bintana ang sasakyan ng ama sa labas, nakagarahe na ito ibig sabihin nakauwi na ang ama. Tinungo agad ni Maru ang banyo at mabilis na naligo. Hindi na nito binuksan ang mga ilaw sa sala nang lumabas ito. Dahan-dahan ang pagpihit nito ng knob ng pintuan at maingat na lumabas. Kalawangin na ang kanilang gate kaya ingat na ingat si Maru sa pag angat ng trangka upang hindi maka likha ng ingay. Nang papalabas na ito bigla na lang nagsalita sa gilid nito si Fil na kanina pa palang nakabantay sa kanya. Sa gulat muntik na mapasigaw si Maru ngunit nakapagpigil ito nang makita si Fil.
“saan ka pupunta? masyado namang maaga ito para magbukas ka ng tindahan?” tanong ni Fil.
“Mamamalengke siyempre, wala na kayang laman ang tindahan ko. Ikaw, bakit ang aga mo nagising?” tugon ni Maru.
“Mag jogging.”
“jogging talaga? naka boxers, nakatsinelas, jogging? bumalik ka na nga sa loob. Inaabala mo pa ako. Baka magising pa sina Tatay, hindi pa ako papayagan nun.” nairitang wika ni Maru.
“Hintayin mo ako, magbibihis lang ako. Sasamahan na kita mamalengke baka kung saan ka na namang palengke makarating at baka kakaibang talong na naman mabili mo. Madali lang ako.” saad ni Fil na mabilis tinungo ang sampayan sa gilid sabay hablot ng mga nakasampay na damit at shorts.
Wala nang nagawa pa si Maru kung hindi pagbigyan ang kaibigan. Sabay ang dalawa na nilakad ang tahimik pa noong kalsada palabas ng kanilang kalye. Kapansin-pansin ang pananahimik ni Maru kahit anong kulit pa ang gawin sa kanya ni Fil. Matipid ang mga reaksyon at tugon nito. Hindi iyon nakaiwas sa puna ni Fil.
“Iniisip mo pa rin ba ang nangyari sa iyo? Hayaan mo na, lilipas din naman iyan. Mahalaga kasama pa kita ngayon. Naiganti ka rin naman ng killer, lahat sila na umabuso sa iyo wala na. Nakatakas man ang Zek na iyon sa nangyari sa kanyang mga kasama tiyak binabangungot na iyon sa takot. “ Wika ni Fil para pakalmahin ang kaibigan.
“Fil…ano ang mararamdaman mo kapag nalaman mo na hindi ka pala tunay na anak ng kinalakihan mong magulang?” Biglang bulalas na tanong ni Maru kay Fil.
Hindi iyon inaasahan ni Fil dahil ang buong akala nito kaya ganun ang kinikilos ng kaibigan ay dahil iyon sa nangyari sa kanya. Hindi agad nakatugon sa tanong na iyon si Fil. Ninamnam muna nito ang laman ng tanong na iyon sa kanya ni Maru, at bakit ganun ang klase ng tanong ang nais nitong pag-usapan.
“Sakali man, siyempre sa umpisa magugulat, mapapatanong pero hindi ko siguro kayang magalit sa halip magpapasalamat dahil minahal at pinalaki nila ako bilang tao, bilang sariling anak at kadugo. Kung magkaroon man ako ng tampo o galit doon sa tunay na bumuo sa akin. Bakit ba? Ano na naman ang napanood mong teleserye at naitanong mo iyan? “ Saad ni Fil.
Hindi na sumagot si Maru. Sakto naman kasi ang pagdaan ng tricycle sa may tulay kaya pumara ito at sumakay. Hindi na naungkat ang ganung topiko hanggang sa nakarating na nga ang dalawa sa public market.
Tinanghali na ng gising si Paeng, tahimik ang buong bahay sinilip nito ang silid ni Maru ngunit wala na ito ganun din si Fil. Wala na rin sa oras na iyon si Paz. Dumeretso na ito ng kusina para kumain. Hindi pa man nakapag-uumpisa. Isang trycicle ang pumarada sa tapat ng kanilang gate. Nang silipin kung sino ang sakay, bumaba na si Paeng para salubungin ang kasamahang si Ignacio.
“Napasugod ka pare? “
“Pasensya nga pala noong nakaraan pare. Wala namang kaso iyon diba? Nabigla lang ako. “ Tugon ni Ignacio.
“Wala na iyon, para kang bata. Ano nga’t napasugod ka? Nabigla naman ako sa padalaw mo. “ Saad ni Paeng.
“Kasama ko kanina ang grupo ni Bellegaz na nagresponde sa isang reklamo. Naalala mo iyong salon? Iyong katapat lang ng kinainan nating resto. Sa kanto ng Tamsi street. Pare may mas malala pang kaso dun. Apat sa mga nagtatrabaho roon pinatay. May tatlong araw na pare.” Kuwento ni Ignacio.
“Ano ang ikinamatay? Kagagawan ba ng killer? “ Usisa pa ni Paeng.
“Mukhang iba ang salarin nito pare, dalawa sa biktima bagok ang ulo mukhang hinampas ng matigas na bagay, iyong isa sinakal ng cord ng blower ang isa sinaksak ng gunting sa leeg. Pagnanakaw ang nakita naming anggulo dahil sa mga nagkalat na kagamitan sa loob. Wala rin iniwang bakas ang mga salarin, sinira ang cctv. “ Dagdag pa ni Ignacio.
“Wala na talagang ligtas sa panahong ito, kahit saan na lang nagkalat ang mga walang kaluluwang mga kriminal na iyan. Kaya nga siguro hindi talaga ako mapakali ng mga sandaling iyon dahil may nangyayari talaga sa salon na iyon. “ Wika ni Paeng.
“Iyon nga rin ang naisip ko nang makita ko ang salon. Kung pinuntahan kaya natin iyon kaagad, marahil napigil pa natin ang krimen di naman kaya nailigtas man lang sana natin ang buhay ng mga iyon. “ Saad ni Ignacio.
“Malay naman natin na iyon ang nangyayari sa loob. Siya nga pala kumain ka na ba? Saluhan mo na ako sa almusal ko at sabay na tayo bumalik ng presinto. “
“Hindi ko talaga hihindian ang pagkain pare. Oo nga pala isa pa sa pinunta ko rito ay tungkol kay Romero. Kinuntak ako ng Josefino kagabi, nag-usap kami at sinabi niya sa akin na may tatlong taon ng patay ang hinahanap nating Romero Gabon.” Sambit ni Ignacio.
Ayaw kagatin ni Paeng ang impormasyong iyon dahil malakas ang kutob nito na buhay ang Romero at posibleng may kinalaman ito sa mga nangyayaring krimen sa kanilang lugar. Sa kabila nang nalaman nais parin makilala ni Paeng ang Josefino na tinutukoy ni Ignacio at kung gaano ba ka lehitimo ang impormasyong hawak nito.
Sa kabilang banda inagahan pa ni Paz ang pagpunta sa kalapit na barangay ng Puerto Asin. Nasa banda malapit sa sea port ang naturang barangay na may pitong barangay pa ang layo mula sa barangay Kwarto Uno. Sinadya talaga ni Paz na balikan ang unang lugar kung saan nag-ugat ang kanilang pamilya. Kung saan dati nabuo ang kanilang nakaraan higit sa lahat narito ang isa sa mahalagang kayamanan ng kapatid nitong si Paeng.
Pagkababa pa lang ni Paz sa taxi agad itong binati ng isang babae na nagwawalis sa tapat ng isang gate ng bahay.
“Pasing ikaw na ba iyan, grabe ha ibang-iba ka na talaga. Mukhang hindi ka umi-edad blooming ka parin.”
“Alam mo na,… walang stress. Buti narito ka pa, hindi na ba binabaha rito sa atin?” tanong ni Paz.
“Minsanan na lang kapag may bagyo. Pero teka bakit napadalaw ka? Ibebenta mo na ba ang lote niyo diyan sa lumbuyan?” usisa ng kakilala ni Paz.
“Si Paeng na ang bahala sa lote namin kung ano ang plano niya. Pupuntahan ko lang ang dating bahay niya diyan sa may Dawis, bibisitahin ko.” tugon ni Paz.
“Ganun ba? siguro nakarating na rin sa iyo ang tsismis nuh? Naku Paz marami na talagang marites. Hindi mapirmi ang mga bunganga. Biro niyo umabot pa sa inyo ang tsismis “
“Anong tsismis?” tanong ni Paz.
“Hindi mo pa pala alam, akala ko naman iyon ang pinunta mo rito. Paz hindi sa nakikisakay ako sa mga marites ha. Kilala mo naman ako, magkababata tayo, halos magkapatid nga tayo diba. At kahit noon pa man kahit hindi pa inamin ni Paeng, ramdam ko na noon pa kung ano siya. Kaya nga hindi na ako nagulat ng bigla na lang siya iniwan ni Salvi dati.” saad ng babae.
“Deretsahin mo na ako Bebang, ano ang tsismis na iyan?” usisa ni Paz na interesado sa sasabihin ng babae.
“Madalas dito si Paeng, at kalat na dito na may ibinahay na siyang lalake diyan sa lumang bahay nila ni Salvi. Hindi ko pa nakita ang mukha ng boypren niya pero ayon sa mga matanglawin dito pogi raw ,borta at mukhang mahalin din sa baril, bakat daw kasi. Ayuko namang i-judge si Paeng. Pero iyon kasi ang kumakalat na tsismis dito.” Saad ni Bebang.
“Tama ka nga, ang dami na ngang marites ngayon at mas nakakahawa pa nga sila sa virus. Buti pa ang covid na agapan pero ang mga marites na iyan kahit pagunaw na ang mundo andiyan parin. Buti na lang hindi ka nahawa sa kanila Bebang, buti na lang.” sabat ni Paz.
“Ay naku, it’s a no talaga sa akin ang mga ganyan. Kaya ako, doon lang sa totoo at may sense. Naniniwala ako na fake news lang naman ang tungkol kay Paeng.”
Napataas na lang ang kilay ni Paz sa kanyang kausap. Nagdahilan na lang ito upang makaalis na agad. Nasa dulong kanto pa ang pakay ni Paz. May balak pa sana itong kamustahin ang dating mga kapit bahay ngunit dahil sa narinig na usapan kay Bebang patungkol kay Paeng minabuti na lang nito na tumuloy na. Pumara muli ito ng tricycle.
-*-
Muli na namang kumati ang anit ni Paeng nang magkrus ang landas nila ni Bellegaz. Nakasalubong na naman kasi sila ni Bellegaz na magkasama ni Ignacio kaya napahirit na naman ito sa kanila ng di maganda.
“Napapadalas ang bonding niyong dalawa ah, baka magulat na lang kami rito isa na sa inyo ang buntis. Payo lang, huwag masyadong mahalata hindi nakakaganda sa imahe natin.” wika pa ni Bellegaz sabay tapik sa balikat ni Paeng na lalong kina-inis ng huli.
’Pasalamat ka nakauniporme tayo. Tandaan mo Bellegaz hindi sa lahat ng oras nakakapagtimpi ang kamao ko. At bawasan mo ang pangingi-alam mo hindi nakalalake. Lalake ka nga ba’ng talaga? Bawasan mo ang foundation mo sa mukha, mukha kang ibuburol.“ pasimpleng tugon ni Paeng sabay tapik naman ng pisngi ni Bellegaz.
“Sa birthday mo pare regaluhan kita ng lipstick para bumagay sa foundation mo.” dagdag hirit pa ni Paeng na mas nilakasan ang boses para marinig ng iba nilang kasama.
Nabasag ng mga tawanan ang estasyon sa pasaring na iyon ni Paeng kay Bellegaz. Nag-init ang buong mukha ni Bellegaz sa galit Ngunit bago pa nito pagbalingan si Paeng,inawat na sila ng kanilang hepe.
“Paeng, Ignacio magdala kayo ng kasama, pumunta kayo sa Kilometrahe village. Bellegaz, gawin mo na ang pinapagawa ko sa iyo.” wika ng hepe.
“Bakit Hepe?” tanong ni Paeng.
“Ang suspected killer natin natagpuang wala ng buhay at wala na ring ulo sa kanyang tinutuluyan. Mag imbestiga kayo roon, nagpapunta na rin ako ng taga soco.” sagot ng Hepe.
“Mukhang tostado na naman tayo nito hepe. Makalaay mukhang bibida ka na nito sa mga balita. Pero huwag kang mag alala gagawan namin ng paraan na hindi naman masyado madiin dito ang pangalan mo. Hepe mauna na kami.” pasaring pa ni Bellegaz kay Paeng.
Pigil timpi na lang ang nagawa ni Paeng sa mga pang-aasar sa kanya ni Bellegaz. Dagdag pa ang pag-aalala nito gayong patay na rin ang taong inakusahan nila at tinurong killer. Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang pangalan dahil sa kanya nanggaling ang impormasyon. Hindi man siya ang direktang tumukoy sa tao bilang killer. Sa kanya naman nagmula ang pagkakilanlan ng lalake.
Hindi mapakali si Paeng habang papunta sila ng crime scene. Hindi niya mawari kung dapat ba siyang sisihin sa nangyari.
“Madali lang naman malusutan iyan pare. Alleged killer lang naman, hindi naman talaga siya ang tinutukoy na killer. May mga aalmang mga netizen, pero hanggang kumento lang naman sila.” Wika ni Ignacio.
“Pero paano kung dahil sa paglathala natin ng mukha niya ang dahilan bakit siya pinunterya ng killer pare. Hindi pa malinaw sa atin kung ano ba talaga ang motibo ng killer na iyon sa pagpatay at kung ano ang batayan para maging biktima niya. “ Saad ni Paeng.
“Obvious naman pare na mga halang at kriminal din ang target ng killer.” Komento ni Ignacio.
“Kung iyon nga ang pattern ng killer pare, ano ang krimen na kinasasangkutan ng dalawang pinaslang nitong huli. Malinis ang mga records nila,” Ayon pa kay Paeng.
“Pare, hindi lahat ng malinis wala ng bahid, malay mo mga tulak iyon doon sa lugar. Di kaya mga adik mismo. Ayon sa informant ko talamak sa area na iyon bintahan ng mga druga lalo na sa mga kabataan. Doon mismo sa malapit lang na Bar Alley. Itinimbre ko na iyan noon pa kay hepe pero mukhang nasa taas ang kapit ng lugar kaya talamak parin ang operasyon. “ Dagdag pa ni Ignacio.
Tumahimik si Paeng nang marinig ang sinabi Ignacio. Nang marating nila ang crime scene, naroon na ang mga soco at ang mga nauna nilang kasama. Kumpulan na rin ang mga nakikiusyoso, mga TV reporter at iba pang taga media. Isa sa mga kasamahan nila ang ini-interview noon ng taga TV. Papasok na sana si Paeng sa bahay ng biktima nang may nahagip ang mga mata nito mula sa mga kumpulan ng mga tao kanyang harapan. Agad nitong pina alerto si Ignacio. At sinundan ang tao na bigla na lang tumakbo palayo sa lugar.
Nagulat man sa ikinilos ni Paeng napatakbo narin ito para sumunod.
“Pare, sino ba iyon?” Tanong ni Ignacio kay Paeng na takang-taka.
“Gamitin mo ang sasakyan, umikot ka sa kabilang kalye. May kokornerin tayo. “ Utos ni Paeng kay Ignacio habang papalayo itong tumatakbo.
Di man sigurado at nalilito, sumunod na lang si Ignacio. Pagkasakay ng Patrol car agad na pinaharurot ito ni Ignacio. Nagkagulo bigla ang mga naroon. Maging ang mga kasamahan nila Paeng nagtaka sa nangyari. At dahil naroon ang mga media, naibalita agad iyon sa lahat mula sa radyo, TV at mga social media sites.
VIRAL
Nag viral sa lahat ng soc-med ang ginawang biglaang paghabol ni Paeng sa isang tao, na sinasabi ng ilan na siyang tunay na killer. Nagmistulang palabas sa isang action series ang habulan na nangyari. Maraming exit point sa area na iyon kaya nakatakas din ang tinutugis nila Paeng. Samo’t saring komento ang pinukol sa mga kapulisan dahil sa nangyari, karamihan negatibo. Pero higit na apektado ang mga taong naninirahan sa lugar na iyon at sa mga katabi pang barangay. Sa pagkalat ng video, parang apoy din na kumalat ang takot sa mga tao. Naging sentro ng atensyon si Paeng.
“Ano ito Makalaya? Sa halip na papahupain natin ang tensiyon at takot ng mga tao, lalo mo lang ginagatungan. Sino ba kasi iyong hinahabol niyo roon, binulabog niyo pa ng wang-wang ang lahat. Sino at ano ba iyong hinahabol niyo? Siya ba iyong killer na hinahanap ng lahat?” Pagsabon ng hepe kay Paeng matapos ang nangyari.
“Hindi po hepe, hindi siya ang killer. “
“Then who?! Alam mo ba kung anong eskandalo ito sa departamento natin. Nanghahabol tayo ng mga taong inosente at walang alam. Ano sa tingin mo ngayon ang sasabihin ng mga tao sa mga pulis. Mga baliw, kung sino-sino na lang ang gagawing suspek. “ Saad pa ng hepe.
“Iyon naman ang ginagawa dito ah, diba hepe. Kapag walang madukot kung sino-sino na lang para sabihing kumikilos ang mga pulis. “ Sabat ni Paeng.
“Don’t give me your nonsense back! And don’t blame this department for your stupidity! Hindi iyan ang isyu dito kung hindi ang kabobohan mo! Dismiss. “ Ang pigil na ngitngit ng hepe dahil na back to you ito ni Paeng.
“Pasensya na sa pagiging bobo hepe, pero hindi ako tanga. At papatunayan ko na ang bobo na ito ang lilinis sa bulok na departamentong ito. “ Tugon ni Paeng tsaka lumabas.
At tulad ng kanyang inaasahan, pangbubuyo at pang-aasar na naman ang sumalubong sa kanya mula sa grupo ni Bellegaz. Hindi na rin ito pumatol sa mga iyon dahil tanggap naman ni Paeng ang malaking pagkakamali. Nilapitan ni Ignacio si Paeng na tulad niya matinding pagsabon din ang inabot sa kanilang hepe.
“Nag wang-wang ka pa kasi. “ Nakangiting hirit ni Paeng kay Ignacio.
“Aba malay ko naman, akala ko naman talaga kriminal iyong hinahabol natin kaya nagpawang-wang ako para walang sagabal. Ikaw naman kasi basta ka na lang nagtatatakbo, nataranta na rin ako. Pero, pare siya ba talaga iyon? “
“Hindi ko rin kilala sa totoo lang pare. Minsan ko na siya nakasalubong doon sa night market ng Lulos. Iba ang naramdaman ko sa kanya ng makita ko siya. Tapos iyong talim ng mga tingin niya sa akin parang nanghahamon. Kaya nang muli ko siyang makita sa kumpulan ng tao sa crime scene, bigla ko na lang naisip na habulin siya. “ Kuwento ni Paeng.
“Ang labo mo naman pala pare, eh baka may gusto lang sa iyo iyong tao kaya ganun kung makatitig sa iyo. Na damay tuloy ako sa suspensyon. “ Napakamot na lang ng batok si Ignacio sa kuwento ni Paeng at sa sinapit nila.
“Para tatlong araw lang eh, mainam na rin iyon para masamahan mo ako sa misyon ko. Huwag ka mag alala sagot ko pagkain at pantulak mo. “ Wika ni Paeng.
“G tayo diyan pare, saan ang lakad natin bukas? “
“Gusto ko makausap si Josefino. “
Isang buong araw ng malaking kapalpakan ang naging bungad kay Paeng, ngunit naging pabor din ito sa kanya dahil mabibigyan na nito ng extrang oras ang mga nakalatag nitong plano para sa kanyang sariling misyon.
Samantala, sa kasabikang makita ang tunay na anak ng kapatid nasa tapat na ng lumang bahay noon nina Paeng at Salvi si Paz. Sarado ang gate at mukhang walang tao sa loob. May dalawang oras at kalahati na itong pabalik-balik sa bahay at kumakatok sa gate ngunit walang tumutugon sa kanya. Solo ang bahay na iyon sa lote dahil sa pribado iyon na pagmamay-ari mismo ni Paeng. Masyadong malayo ang mga kapitbahay kaya walang mapagtanungan doon si Paz. May tindahan naman sa hindi kalayuan sa katapat na kalsada ngunit sarado ito ng mga sandaling iyon. Tirik na tirik ang araw at pagod na rin si Paz sa kakabalik-balik. Nagpasya na lang ito na ipagpaliban na muna ang araw na iyon kaya nag abang na ito ng tricycle sa daan.
Pinakadulo ang bahay na iyon sa kalye kaya kung walang pasaherong pupunta ng sea port wala talagang trycicle na madadaan doon. Minuto pa ng pagkainip ang lumipas kaya nagpasya na si Paz na maglakad-lakad muli nang may masasalubong itong single na motor. Naka-helmet ang sakay sa magarang big bike kaya di nakita ni Paz ang mukha.
Napalingon na lang si Paz nang huminto sa tapat ng gate ng bahay ang motor. Napahinto na rin si Paz at inabangan ang gagawin ng lalake. Nang akmang papasok na sa gate ang lalake, napasigaw agad si Paz ng…
“Jericho!!! “
Nagulat na napatingin sa direksyon ni Paz si Jericho. Abot tenga ang ngiti ni Paz nang makita ang mukha ni Jericho, maluha-luha pa ito pagkalapit nito sa lalake.
“Ikaw nga ito Jericho. Jusko ang laking mama mo na at ang pogi mo. Salamat sa diyos at nakita kita muli.” napahawak sa pisngi ni Jericho si Paz, hindi maitanggi sa kilos nito ang matinding pananabik sa kanya.
“Teka lang manang, sino po ba kayo?”
“Ako ito Jericho,ang Tiya Paz mo. Kapatid ng Tatay mo. Sabagay sobrang bata mo pa noon ng ilayo ka ng Nanay Salvi mo sa amin.” sagot ni Paz.
Napatulala saglit si Jericho sa sinabi ni Paz. Alam na nito ang tungkol sa kanya dahil inamin na ito sa kanya mismo ni Paeng. Ngunit ang tunay na dahilan kung bakit sila nawalay sa kanya ay hindi pa ganun kalinaw para kay Jericho. Sa pagbisita ni Paz ,nakakita ng pagkakataon si Jericho na mabuo ang bahagi ng kanyang nakaraan. Inimbitahan nito si Paz sa loob ng bahay upang makapag-usap. Hindi pa man ganun ka kumportable si Jericho sa presensya ng tiyahin may kung ano naman sa puso nito na nagdulot ng kakaibang saya at kapanatagan. Pagkaabot ng baso na may malamig na tubig nagsimula ng mag kuwento si Paz.
-*-
Gabi na at tahimik pa rin ang bahay ng dumating si Paeng. Patay ang ilaw sa labas at loob ng bahay, Naka-lock padin ang gate palatandaan na hindi pa nakauwi si Paz. Matapos magbihis pinuntahan ni Paeng ang anak sa tindahan nito. Kumpulan ang mga taong tambay at tsismosa sa tindahan ni Maru. Parang mga larong nagsisidaldalan habang abala sa pinapanood nila sa kanilang mga cellphone.
Si Fil ang unang bumati kay Paeng nang makita siya nitong paparating. Nang makita ng mga naroon si Paeng lalong umingay ang harapan ng tindahan ni Maru.
“Uy Paeng totoo ba na ang killer talaga ang hinabol mo kanina? Grabe ang habol mo dun ha,lakas maka Tanggol. Pero sayang hindi mo nahuli.” bungad na tanong ni Marisol.
“Kung iyon nga ang killer, bakit iba ang ipinakitang larawan noong nakaraan? Tapos natagpuan na lang din na pugot na rin ang ulo. Paeng pare, nakita mo ba talaga ang killer. Pa describe naman para maging aware naman kaming lahat. Baka magulat na lang kami nasa tabi lang pala namin ang killer, diba?.” Wika pa ni Lucio na mapa tingin pa kay Fil na katabi lang nito sa mahabang upuan.
“Paano mo ba nakita at na mukhaan ang killer Paeng, naaktuhan mo ba ang kanyang pagpatay? Alam mo buti ka pa kumikilos talaga para lang matugis iyang demonyong killer na iyan. Di tulad ng mga kasamahan mo puro na lang statement hindi naman consistent. Diba dati may nakatalaga pang nag-iikot-ikot dito tuwing gabi para panatag ang tulog natin, ngayon nasaan na? Ni minsan hindi na natin nakita ang gulong ng patrol car ng pulis dito.” saad pa ng isa sa mga marites doon.
“May Paeng na kasi tayo, iyang Elias at Tanggol taob iyan sa Paeng natin. Kita niyo naman sa video kung gaano siya ka determinadong habulin ang nakita niyang killer. Pero ito lang,ayon kasi sa ilang mga netizens, baka eksena niyo lang iyon Paeng dahil lumabas na mali ang ipinakita niyong mukha ng killer. At ayon pa nga sa iba na ikaw din naman ang source ng naunang larawan base sa diskripsyon mo. At kaya mo lang iyon ginawa kanina para may maituro na naman kayong iba.” singit naman ng kagawad na si Bulog.
Walang naitugon si Paeng sa mga putak at tanong sa kanya ng mga kabaranggay. Ayaw na nitong palakihin ang isyu at madagdagan ang pangamba ng lahat sa kanilang kasiguraduhan. Nag-iwan na lang ito ng pangako na mahuhuli rin ang kriminal sa lalong madaling panahon. Pumasok sa tindahan ng anak si Paeng para kumuha ng de-lata na pang ulam.
“Hindi na ako nakadaan sa bilihan ng ulam, akala ko naman nakapagluto na ang tiya mo sa bahay. Pero walang tao roon. Hindi ba nabanggit ng tiya mo kung saan siya nagpunta?” tanong ni Paeng kay Maru.
“Hindi kami nagkita buong araw Tay, mula palengke kaninang madaling-araw diretso na po kami rito ni Fil. Hindi niyo po ba natawagan? Teka lang at ako na ang tatawag “ kinuha ni Maru ang cellphone sa ibabaw ng ref, at tinawagan agad ang tiya.
Tumutunog lang ang linya ngunit hindi naman ito sinasagot. Nakaramdam ng pag-alala si Maru.
“kapag wala pa iyon doon sa bahay pagbalik ko ako na ang hahanap sa kanya. Siya nga pala Maru, simula ngayon hanggang alas diyes ka na lang dito sa tindahan mo. Tapos inarkila ko na si Benito, susunduin ka niya rito ng tricycle niya gabi-gabi maliwanag.”
“Tay bakit? sayang naman ang benta. Pasimula pa lang iyan ng mga manginginom dito. Ang aga pa ng alas diyes Tay. At kasama ko naman si Fil.” katuwiran pa ni Maru.
“Ayuko nang maulit ang nangyari sa inyong dalawa ni Fil. Hindi pa nahuhuli ang mga nanambang at nangulata sa inyo dagdag pa ang buwesit na killer na iyan. Sundin mo na lang ako. Ayukong mapahamak kang muli. Nag-iisa ka lang sa buhay ko. At gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang.” tugon ni Paeng sa anak.
Pagkarinig na iyon ni Maru sa ama, bigla na lang tumulo ang luha nito na ipinagtaka ni Paeng. Bigla na lang niyakap ni Maru si Paeng ng mahigpit at sobrang higpit pa. Tsaka bumitaw ng mga katagang “ salamat Tatay, mahal na mahal kita.“
Napayakap narin si Paeng sa anak. Nakita iyon ni Fil na napaluha na rin sa tagpong inabutan. Bigla na lang kasi nito naalala ang mga kinalakihang mga magulang. Tanggap naman nitong wala na ang mga ito ngunit ang pangungulila sa mga bisig ng isang ama ay siyang kumukurot sa puso nito. Kaya nga ng nag alok si Paeng na aampunin siya nito at ituturing na anak laking tuwa talaga ni Fil.
“Buti naman at kabisado mo pala ang pasikot-sikot dito sa barangay namin. Nakapunta ka na ba rito?” tanong ni Paz.
Angkas sa motor ni Jericho si Paz. Tanaw na nila ang gate ng bahay. Walang pagsidlan ng tuwa at saya ang babae dahil muli nitong nakapiling ang nag-iisang pamangkin.Ang tunay na pamangkin.
“Naka GPS po tayo kaya hindi ako nahirapan sa daan. Sige po, mauna na ako. Salamat muli sa pagpunta.“tugon ni Jericho kay Paz.
“Mamaya ka na umuwi, dito ka na maghapunan. Papatikim ko sa iyo ang paboritong pochero de Cebu ng nanay Salvi mo. Luto ko lang ang gusto ni Salvi noon hindi kasi marunong magluto ang tatay Paeng mo. Lahat ng pagkain order sa labas. Pasok ka muna pati iyang motor mo baka pagdiskitahan pa iyan diyan.”
Alangan pa si Jericho sa paanyaya ng tiya, ngunit ng makita ang bike ni Fil sa isang tabi pumayag ito. Kilalang kilala niya ito dahil ito ang madalas niyang nakikitang gamit ng kapatid tuwing pumasok ito noon sa trabaho.
Napansin ni Paz na nakatingin sa bike si Jericho. Nais niya pa sana itong tanongin nang mag salita si Jericho.
“May gumagamit ba nito sa inyo dito?”
“Kay Fil iyan, isa sa anak-anakan ni Paeng. Dito na rin nakatira dahil mag isa na lang iyon ngayon sa bahay nila. Inaanak ni Paeng kaya minabuti na lang namin na kupkupin.” sagot ni Paz.
Nais nang ibulalas ni Paz kay Jericho na si Fil ang Joram na hinahanap nito na lingid naman kay Paz matagal nang alam ni Jericho iyon. Ipinaghanda na nga nito ng ulam na paborito ni Salvi si Jericho. Habang naghihintay na maluto ang ulam nakipagkuwentuhan muli si Paz. Nang mga sandaling iyon malapit na rin sa bahay nila si Paeng sakay ng kanyang sasakyan.
BISITA
Pagkapasok palang ng gate ni Paeng ang motor agad ni Jericho ang bumati sa kanya. Nagmadali itong pumasok ng bahay at sa kumedor inabutan nito ang anak na sarap na sarap sa pagkain na hinain sa kanya ni Paz. Napansin ni Paz si Paeng at niyaya niya ito sa hapunan.
“Magandang gabi, kain. Pasensya na at nakihati pa ako sa ulam niyo. Masarap kasi ang nilitong pochero ni Tita. “ Pagbati naman ni Jericho kay Paeng.
“Sige tapos na ako, kumain na ako sa tindahan ni Maru wala kasing tao sa bahay ng dumating ako. Pa expire na itong mga delata, pinadala na rin ni Maru sayang naman kung hindi makain. Ikaw Jericho baka gusto mo, mag dala ka neto. Pang emergency, huwag mo lang paabutin ng expiry date. “ Tugon ni Paeng habang sinasalansan sa hanging cabinet sa kusina ang mga dalang de lata.
“Pumunta kasi ako ng Puerto. Nais ko kasing makita itong si Echo. Siya nga pala Paeng sa sususnod na balik mo doon magpaliwanag ka sa mga dati nating kapitbahay doon. Ang dudumi ng isip, ang babastos. Matatanda na pero walang mga respeto. Sukat bang pag isipan ka ng di maganda. “ Sabay na naman ni Paz na nagkukumpasan pa ang mga kamay sa ere.
“Hindi ka na nasanay saga iyon. At bakit ganun ka naman ka apektado eh parehas lang din naman kayo. Muntik na nga ako makipagpatayan sa mga taga barangay natin noon dahil sa dila mo. Marami akong nilalakad na trabaho, wala na akong oras sa mga iyon. At sa susunod puwede ba magsabi ka kung gagabihin ka at kung saan ka pupunta. Tinatawagan ka ni Maru pero hindi ka sumasagot. “ Saad ni Paeng na pataas taas ang kilay habang pasimpleng tumitingin sa kapatid.
“Nakaangkas siguro ako sa motor ni Jericho kaya hindi ko napansin. “ Paliwanag ni Paz.
“Balak ko nga pala pa renovate ang bahay, kung ayos lang sa iyo. Nagpaalam na ako kay tita pero ang sabi sa iyo ko dapat ipaalam iyon. “ Wika ni Jericho.
Lihim na napangiti si Paeng sa sinabi ng anak. Walang pag alinlangan na pumatay agad ito sa gusto ni Jericho. May kung anong malaking bubog ang natanggal sa dibdib niya dahil sa narinig. Ang kagustuhan ni Jericho na buhayin ang bahay ay isang panimulang hakbang upang akapin nito ang mga pagkukulang ng ama na ilang taon din nalayo, nagpakita ngunit nag lihim sa kanya.
“Bahay mo rin iyon at kung ano ang gusto mo doon gawin mo. Pagsabihan mo lang ako sakaling kakailanganin mo ng tulong. Nandito lang ako. Magbibihis lang ako. “ Iniwan ni Paeng ang dalawa sa kusina at pumasok sa kanyang silid.
Doon binuhos ng ama ang kinikimkim na saya sa kanyang loob. Hindi nito napigilang mapaluha habang nakangiti at mahinang nakatawa. Kung ano man ang ginawa ni Paz pinasasalamatan niya ito. Matapos ang hapunan nagpaalam na si Jericho, hinatid siya ni Paeng sa gate.
“Kelan mo sasabihin sa kapatid mo ang totoo? “ Tanong ni Paeng.
“Humaharap pa ako ng tiyempo, hindi ko pa kasi alam kung saan ako magsisimula. “ Sagot ni Jericho.
“Bata pa si Fil ng mangyari ang lahat, maraming alala ang nabura sa kanya dulot trauma. Hayaan mo susubukan kong ikondisyon ang sarili at isip niya.” Saad pa ni Paeng.
“Salamat, sige hindi na ako magtatagal.” Sabay paandar ng motor nito at mabilis na umalis doon.
Kahit ang lapit-lapit lang ng anak sa kanya ramdam parin ni Paeng na malayo parin ito. Gayunpaman batid ng isang ama na balang araw matatanggap din siya ng sariling anak.
Pauwi ng mga oras na iyon si Fil sakay ng tricycle nang masalubong nila ang motor ni Jericho na lumampas sa kanila. Napalingon pa ng tingin si Fil upang siguraduhing kay Jericho nga iyon.
“Ano pa kaya ang pinunta nun dito sa ganitong oras?” Napapaisip na tanong ni Fil.
Silipin naman natin ang isa pang tagpo sa barangay Lulos, sa mismong bahay ni kapitana Precy. Nasa mahabang hapag kainan ito kasama ang ilang mga tauhan at mga tapat na kagawad na masayang nag kukuwentuhan habang kumakain ng hapunan, nang nilapitan ito ng isa sa kanyang tauhan.
“Madam dala na po nila ang dalawa. “
“Ok, paghintayin niyo. Bigyan ng pagkain, busugin at patayin. Chaaaaar lang! Alam niyo na ang dapat. Gora na, kumakain pa kami rito. “ Tugon ng kapitana.
“Tila yata may paayuda na naman sa iyo kapitana. Baka naman meron pa kami diyan. “ Hirit ng isang baklang kagawad na malapit sa upuan ng kapitana.
“Iba iyon. Hindi ako ganun kasiba sa titi ng lalake tulad mo Bruno. Pero kung gusto mo talaga ng panghimagas, pumili ka diyan sa mga security ko, di kaya dito sa mga tauhan ko. Mukhang junda na ang iba sa kanila pero palaban ang mga nota niyan. Lalo na itong si Kanor, ewan ko lang kung hindi ka gagapang pag inararo ka na nito ng kanyang kamoteng-kahoy. “ Saad ni Precy.
Tawanan ang mga naroon sa hapag. Ganun ang eksena gabi-gabi sa bahay ng kapita. Tila may papiging para sa lahat ng mga tapat sa kanya. Busog kung busog ang mga kagawad at mga tauhan nito sa dami ng mga handa na nakahain sa lamesa. Iyon nga lang minsan walang preno talaga ang bibig nito lalo na sa usaping lalake at titi. May oras ang pagkain sa bahay ng kapitana kaya pag nag alarm ang pagtatapos ng oras, kahit hindi kapa tapos kumain kailangan mo na talagang tumayo at iwan ang lamesa.
Nang nagsipag-alisan na ang mga bisita naiwang mag-isa si Precy sa kanyang upuan.
“Paki balot na ng mga tira at ibudbod na iyan sa mga bata natin sa kalye. Priority ang mga batang kilkil at mga snatcher. Kung may sobra sa mga nanlilimos.” Utos ni Precy sa mga katulong na agad namang kumilos.
Isang tawag ang natanggap ni Precy.
“Ipapahanap ko ang mga iyon, huwag kang mag alala Mr. Bakoyaku. Pero alam mo na ang patakaran ko sa mga special request tulad nito. Triple ang presyo ng bawat isa. “ Wika ni Precy.
“No problem, you know me. Make sure you can make it before I go back to Japan. I want them with me. “ Ayon pa sa kausap nitong Hapon.
“Sure, Mr Bakoyaku makakaasa ka.”
Abot tenga na naman ang ngiti ng baklang kapitana, malinaw pa sa sikat ng araw ang nakikita nitong limpak-limpak na namang pera. Lowkey na lider ng isang sindikato si Precy. Tanging ang mga malalaking pangalan lang na kanyang katransaksyon ang nakakaalam ng tunay nitong pagkatao at estado. Wala sa bansa ang mga yaman nito kung hindi nasa ibat ibang panig ng Asya at Europa. Kaya hirap din itong masilipan ng butas ng gobyerno. Mapagkawanggawa gawa rin ito at hindi madamot sa mga humihingi ng tulong sa kanya. At ang pera ng gobyerno ay inilalaan talaga nito para paunlarin ang kanyang barangay kaya kailan man simula ng maluklok ito sa pagkakapitan, hindi na ito napapalitan. Huling termino na nito sa Lulos at marami sa mga politiko ang nais siyang gawing kapartido sa mas mataas na posisyon ngunit mas pinili nitong manatili sa ganun.
Matapos ang pakikipag-usap sa Hapon, pinuntahan na nito ang mga tunay niyang panauhin ng gabing iyon.
Sa bahay nina Paeng, matapos makaalis ni Jericho bumalik ng kusina si Paeng kinuha ang sardinas sa kabinet at nagbukas ito ng isa. Nagsisimula na itong kumain nang lapitan ito ng kapatid.
“Akala ko ba tapos ka nang kumain, mainit pa iyang pochero.”
“Alam mo namang ayuko sa putahe na iyan.Itabi mo na lang para sa dalawa mamaya pagka uwi.” sabat ni Paeng.
“Dahil na naman ba sa naaalala mo dito ang pagtataksil noon sa iyo ni Salvi? Paeng lumipas na ang nakaraan. Wala na si Salvi. Subukan mo namang tanggapin ang nangyari sa inyo. Kaya hirap kang tanggapin ng anak mo kasi ikaw mismo hindi magawang tanggapin at patawarin ang ina niya. Nakikita ko kay Jericho ang dating ikaw, mapagkimkim ng galit, at hindi basta-bastang tumitiklop kahit nahihirapan.” saad ni Paz .
“Madaling sabihin ang mga iyan dahil hindi ikaw ang nasaktan. Lumipas man ang ilang taon, ngunit ang bubog dito sa puso ko ay mananatiling nakabaon. Lalo na kapag nakikita ko ang bunga ng kanyang pagtataksil sa akin.” Ang tugon ni Paeng sa mahina pero may bigat na tono.
“Nasasaktan ka nga ba talaga? O sadyang hindi mo lang kayang aminin ang totoo diyan sa loob mo. Nakita ko kung paano na napalapit ang loob mo kay Joram. At nakikita ko na mahal mo na rin siya at itinuturing mo na ngang parang sarili mong anak. Paeng kilala kita, hindi ka lang masalita pero kitang -kita ko ang lahat ng nararamdaman mo sa kilos mo.” dagdag pa ni Paz.
Ang usapan ng dalawa ay narinig ni Fil mula sa labas ng pinto. Seryoso ang topiko kaya minabuti ni Fil na manatili muna saglit sa labas. Base sa kanyang narinig,iba ang naging konklusyon ni Fil dito.
“Shucks, si Maru… si Maru ang hinahanap na kapatid ni Jericho. Si Maru ay ang Joram na hinahanap niya? Kaya naman pala ganun ang naitanong sa akin ni Maru kaninang umaga, marahil narinig na rin nito ang rebelasyon tungkol sa kanyang pagkatao.” wika ni Fil sa sarili.
Hindi muna ito pumasok at muling lumabas ng gate si Fil para tumambay saglit sa mga tropa niyang kapitbahay. Bitbit ang kuwentong kanyang narinig.
-*-
Linggo, isang tipikal na araw para sa mga taga Kwatro Uno. Walang bahid ng pangamba sa mga mukha ng mga tao habang papalabas ng simbahan.
Sumaglit sa isang tindahan ng bibingka si Maru nang makita nito sa di kalayuan si Jerico na nag aayos ng sariling motor sa isang tabi. Tinawag niya ito hanggang sa nagkatinginan ang dalawa. Nakangiting lumapit kay Maru si Jericho.
“Dito rin pala kayo nag sisimba.” sabi ni Jericho.
“Minsan, nagkataon lang ngayon. Ewan ko ba kasi kay Tiya Paz bakit dito ang trip niya may kapilya naman malapit sa bahay.” tugon ni Maru sabay alok ng biniling bibingka kay Jericho.
“Ako naman napadaan lang kaya naisipan ko na rin magsimba. Balak kong puntahan si Fil may usapan kasi kami kahapon na magkita ngayon.” saad ni Jericho
Biglang tumaas ang kilay ni Maru sa sinabi na iyon ni Jericho. May kurot ng selos itong naramdaman sa linyang iyon.
“May date pala kayo today ni Fil? Tamang-tama huwag mo na siyang puntahan kasi kasama namin siya ni Tiya. Iniwan ko lang sila banda roon. Halika.” wika ni Maru.
“Hihintayin ko na lang si Fil dito, kaka-text niya lang sa akin.” tugon pa ni Jericho.
Lihim na nainis si Maru sa kapreskuhan ng lalake. Gayunpaman nakangiti parin itong nagpaalam kay Jericho para balikan ang tiyahin. Ngunit nakasimangot na ito nang papalapit na kay Paz. Hindi na nito binanggit ang kanyang dahilan. Hinanap na lang nito si Fil nang mapansin.hindi na kasama ng tiyahin ang kaibigan.
“Umalis na, nagmamadali mukhang May lakad. Halika na at umuwi na tayo. Pero samahan mo muna ako sa Zamora market. Dadaanan lang natin ang ibibigay na karne ng kakilala ko. Tara na.”
Paalis na ang mag tiyahin ngunit naiiwan ang mga tingin ni Maru sa kinaroroonan ni Jericho kung saan tanaw nito kung paano tinutulungan ng lalake na isuot ang helmet kay Fil. Wala mang rason pero hindi mapigilan ni Maru ang makaramdam ng selos sa dalawa.
Sa isang pribadong restaurant na pagmamay-ari ni Percy, naroon sina Jack at Nato. Nakaupo sa isang lamesa roon kung saan nakahain sa kanila ang mga masasarap na seafood express ng resto na iyon. Sarap na sarap ang dalawa bagama’t kabado dahil sa nakapalibot sa kanilang mga crew na may mga dalang mahahabang kargada.
“Grabe pare akala ko talaga katapusan ko na nang bitbitin ako roon sa train station. Hindi pala basta-basta ang kapitan ng Lulos. Tanging mga mafia at big boss lang ng mga sindikato ang kayang magkaroon ng ganito karaming mga tauhan at bodyguard.” pabulong na kuwento ni Jack kay Nato.
“Akala ko nga din tahimik na ang buhay natin matapos ang operasyon natin. Mukhang mas magiging kumplikado pa pala.” tugon ni Nato sabay higop ng mainit na sabaw ng tinolang tulingan.
Napalingon na lang ang dalawa nang may lumapit sa kanilang lalake.
“kamusta? nakaharap din kita ng walang make-up. Alam mo ba na nang makita kita sa ganung ayos tawang-tawa talaga ako mukha ka kasing clown.” hirit ng lalake na umupo sa harapan ni Jack.
“Tauhan ka rin pala ng kapitana. Siguro ikaw ang dahilan kaya nandito kami ngayon nuh?” wika ni Jack.
“Nakakaduda ka kasi, sayang ang galing niyo sa ganun kung kulang kayo sa linis at diskarte. Unang kita ko pa lang sa iyo iba na ang hinala ko. Alam kong sa inyo ang motor sa gilid ng gate dahil walang ganun si Fefe. Kaya nilagyan ko ng tracking device iyon habang nililibang ka ng kasama ko. Matagal ng pinamanmanan ni Madam si Fefe, dahil duda ito na ninanakawan siya nito. At salamat sa inyong dalawa at nabawi namin ang mga pera at alahas ni Madam.” saad ni Joker.
“Ano ba ang kailangan ng Madam niyo sa amin bakit ganito na lang ang trato niyo sa amin. Noong nakaraan niyo pa kami binubusog ng mga pagkain, balak niya ba kaming katayin?” tanong ni Nato kay Joker.
“Hindi kumakain ng walang lasa si Madam, kaya ligtas kayo. Sa halip magpasalamat kayo kasi kinagigiliwan niya kayo, at nais niyang kunin kayo bilang birador niya. At para sa unang trabaho niyo,” ani pa ni Joker sabay bigay sa dalawa ng brown envelope.
“Brown envelope talaga, wala bang ibang kulay? bakit ba pag ganitong medyo maaksiyon at involved ang sindikato palaging may pa brown envelope.” kumento pa ni Jack ng kunin ang envelope.
“Ano ang gusto niyo may glitters? Pumili kayo sa dalawang baril na ito. Dahil hindi lang glitters ang ibibigay nito sa inyo kung hindi fireworks.” tugon ni Joker sabay lapag sa lamesa ng dala nitong kwaretay singko.
“Ito naman siniseryoso masyado, nagbibiro lang naman ako. Perfect nga itong brown envelope eh esthetic diba pare, lakas maka confidential.” pangiti-ngiti na sabat ni Jack.
“Hindi kayo pinagbigyan ni Madam para makipagbiruan sa amin. Hindi niyo gugustuhin kung si Madam na ang hihirit ng joke sa inyo. Iyan ang unang trabaho niyo sa kanya. Laman ng envelope na iyan ang mga listahan ng pangalan, detalye at address ng mga tao na hahanapin niyo at dadalhin kay Madam. May tatlong araw kayo para kumpletuhin ang lahat ng na sa listahan.’. paglatag ni Joker ng detalye sa misyon ng dalawa.
“Gagawin niyo kaming kidnappers?” gulat na tanong ni Nato.
“Kayo ang bahala kung ano ang diskarte niyo sa pagkuha sa kanila. At huwag nga kayong umastang ganyan. Matapos niyo patayin si Fefe at ang mga parlorista sa salon alam ko na monggo lang sa inyo ang trabaho na iyan. Tandaan niyo, nakamasid lang kami sa paligid.Subukan niyong salisihan kami at iyon na ang huling sandali na makikita niyo ang araw.” ayon pa kay Joker.
Napasubo na sa sitwasyon ang dalawa, buhay o bala na lang ang tanging pagpipilian nila. Tinanggap nila ang utos kahit ngayon lang iyon nila gagawin. Binigyan ng isang apartment sina Jack at Nato ni Joker sa utos na rin ni Precy. Pinalitan ng bago ang luma nilang motor at binigyan pa ng kotse na magagamit nila sa una nilang trabaho.
“Ito ang buhay na hinahanap natin pare, may sariling bubong , kumpleto sa gamit, san damukal na pera, at may pa kotse pa. Di baleng maging tauhan muna tayo, balang araw tayo naman ang magiging boss. Tamang diskarte at timing lang.” Wika ni Jack habang nakahilata sa malambot na sofa.
“Pero, alam naman natin na mapanganib din itong pinasukan natin. Isang maling kilos lang, lahat ng ito balewala. Hindi ako sanay na may nag uutos sa atin pare, para tayong de susing robot nito.” sabat ni Nato na nag abot ng beer in can kay Jack.
“Kaya nga galingan natin sa trabahong ito. Malaking tae ang may hawak sa atin. Mas mabaho pa sa mga nakilala nating Dagang kanal dati sa Estero ng San. Gabriel. Mas halang ang mga bituka nito. “ ayon pa kay Jack.
“Maiba ako pare, kung kasama ni Joker si Maru noong nagpunta sila sa bahay ng Fefe, hindi kaya miyembro rin ng sindikato si Maru? Naisip ko lang, hindi malayo iyon diba. Bakla si Maru at bakla rin ang lider ng sindikato. At ito pa pare, bigla lang ito sumagi sa isip ko. Hindi kaya ang sindikatong hawak ni Kapitana Precy ang dumale sa mga kasamahan natin. Pinalalabas lang nila na killer para walang may madiin na salarin. Lahat ng mga tinira natin mga bakla diba? at nitong huli, paano nila nalaman na tayo ang pumatay sa mga parlorista?” saad ni Nato nang ilahad nito ang kanyang hinala.
Sa mga puntong inilatag sa kanya ni Nato, tila napapaisip din si Jack. Paano kung ang nangyari kina Luca,Dagul,Intoy,Cholo,Marben at sa mga bago na inutusan nilang tambangan sina Maru at Fil noon ay ginawa bilang ganti sa kanila ng grupo kung saan kabilang na sila ngayon. Sa puntong iyon doon na kinabahan si Jack. Paano kung matapos nila ang ipinapagawa sa kanila baka sapitin din nila ang karumaldumal na paraan ng paghihiganti.
LITRATO
Inabutan ni Bellegaz na may kausap sa telepono si Samonte ng pumasok ito sa opisina. Kitang-kita ni Bellegaz kung paano nagulat ang hepe sa biglaang pagpasok nito. Agad namang ibinaba ng hepe ang telepono para harapin si Bellegaz.
“Sorry hepe akala ko narinig mo na ang pagkatok ko.”
“Ano ang dala mo? “ Nang mapansin ni Samonte ang hawak ni Bellegaz.
“Ito po lahat ng mga napili namin hepe, karamihan sa mga iyan may mga kaso na ng pagpatay , tatlo diyan wanted. Kasado na ang lahat go signal mo na lang ang kailangan namin hepe.” Ani pa ni Bellegaz.
“Do it, make sure na malinis ayuko na may makita na naman silang butas. Kailangan ma plantsa na ang gulo ng hinayupak na killer na iyan. Kinakalampag na tayo taas. “ Tugon ni Samonte.
“Maiba ako hepe, alam mo ba na may sariling nilulutong sariling imbestigasyon si Makalaay tungkol din sa killer? “ Bulong ni Bellegaz.
“Anong ibig mong sabihin? “
“Ito ay impormasyon lang na inabot sa akin hepe. Pero iyang si Makalaay, hinahalungkat ang kaso ni Romero Gabon. Hindi ko lang alam kung bakit naisip niya na bumalik ang Romero at muling naghahasik ng lagim. Di ba namatay na iyon sa sunog? “ Ayon pa kay Bellegaz.
“Kelan pa ito? “
“Nitong nakaraan lang hepe. Ayuko na sanang banggitin ito sa iyo dahil mukhang wala namang patutunguhan ang ginagawa niya. Pero baka lang kasi maging kumplekado sa ating plano. “ Saad ni Bellegaz.
“Salamat Bellegaz, ako na bahalang kakausap kay Makalaay. “ Tugon ni Samonte.
Pansin ang malaking pagkabahala ni Samonte sa impormasyon na iyon ni Bellegaz. Ga butil ang pawis nito kahit malakas naman ang aircon nito sa opisina. Naging balisa ito matapos ang usapan nila ni Bellegaz. Kinuha nito ang cellphone at may hinanap doon.
Ginabi na sina Paeng at Ignacio bago nila nahanap ang bahay ng isang Josefino. Nakatira ito sa lumang Tenement building malayo sa downtown main. Mga lumang gusali ang nakapalibot sa tenement. Lahat ng mga naroon ay tila napag-iwanan na ng panahon sa kalumaan. Ito ang lugar ng Centro de la libertad, Ang kauna-unahang sentro ng siyudad bago pa naitayo ang Grand Town city sa Lulos, na siya ng sentro ngayon ng komersiyo ng lungsod.
“Sayang naman ang tenement na ito, kunting alog lang ng lindol nito, bibigay na.” Puna ni Ignacio.
“Saan ba dito ang unit ng Josefino na iyon? “ Tanong ni Paeng.
Paakyat ang dalawa sa bitak-bitak na at sirang hagdan ng tenement.
“Sa 5th floor daw sa bungad na bahay pag-akyat natin ang bahay ni Josefino.” sambit ni Ignacio.
Nang matunton ang bahay ng hinahanap, agad naman sila hinarap ng lalake, may katandaan na ito at bulag ang kaliwang mata dulot ng di naagapang katara. Wala nang paligoy-ligoy na tinanong agad ni Paeng ang tungkol kay Romero.
“Kapatid ko at dalawa sa mga dalaga kong anak ang biniktima noon ng demonyong si Romero. Nagdiwang kami ng mahuli siya dahil sa tagal nakamit namin ang hustisya, ngunit sa halip na pagdusahan ang nagawa niya sa kulungan. Pinalabas nilang baliw at wala sa katinuan si Romero at inilipat sa mental hospital. Una pa lang duda na kami sa plano nila. Mayaman ang pimilya niya at gagawin nila lahat para sa kanya. Wala pang isang linggo si Romero sa institusyon na iyon, nasunog ang buong pasilidad. Nadamay ang lahat, mga pasyente, doktor lahat ng walang malay. Inilabas sa imbistigasyon na kasama sa namatay sa sunog si Romero. Pero kung ang lahat kumbinsido, kami hindi. “ Ang simula ng kuwento ni Josefino.
“Paano niyo nasabing wala sa mga nasunog si Romero? “ Tanong ni Paeng.
“Dahil nakita siya namin, maayos walang bahid nag kahit anong sunog sa katawan. Naroon kami sa mismong araw na nasusunog ang hospital. Kinutuban na kami sa simula pa lang kaya hindi namin nilubayan si Romero. Hindi nga kami nagkamali. May tumolong kay Romero na makatakas sa mental hospital. Sila rin ang sumunog ng naturang pasilidad. Sinakripisyo nila ang mga inosenteng naroon matakpan lang ang kanilang balak. “ Dugtong ng matanda.
“Sino ang tumulong sa kanya. At kung ayon sa kuwento mo buhay si Romero paano mo nasabi sa kakilala nitong kasama ko na patay na si Romero? Ano ba talaga ang nangyari? “ Usisa pa ni Paeng.
“Mga pulis kayo diba? Higit sa akin dapat alam mo kung sino. Dahil hanggang ngayon nandiyan pa siya, nagkukunwaring inosente at mangmang sa nagyari. “ Saad ni Josefino, sabay abot ng malamig na tubig sa dalawa.
“Sino po ang tinutukoy niyo manong? Taga departamento ba namin? “ Tanong ni Ignacio.
“May iba pa ba? “ Sagot ng matanda.
“Ang pinunta namin dito ang tungkol kay Romero, ano na ang nangyari sa kanya? “ Muling usisa ni Paeng.
“Pinatay si Romero,… “
Matindi at sukdulan ang galit noon ni Joselito nang malaman na nabasura lang at nawaglit ng ganun-ganun na lang ang hustisya para sa kanyang kapatid at sa mga anak nito. Nais niyang makaganti kapalit man ang kanyang kalayaan. Binalak niyang patayin si Romero. Ilang araw, at linggong pagmamanman ang ginawa nito hanggang sa nakakita ito ng pagkakataon. Balak pa noon ni Josefino na gawin din kay Romero ang paraan kung paano niya nilapastangan ang buhay ng mga anak at kapatid nito. Sinundan niya ito sa isang resort sa Norte kung saan ito tinago ng kanyang mga kaanak. Determinado na noon si Josefino sa kanyang plano na tapusin ng gabing iyon si Romero.
Maulan ang gabing iyon dahil sa paparating na bagyo. Nasa bungad na ito ng resort nang makita nito si Romero, may hilakbot sa mukha nito habang tumatakbo sa gitna ng ulan papunta sa kotseng nakaparada. Nang balingan ni Josefino ang pinagmulan ni Romero, isang lalaking nakasuot ng itim na raincoat na may tangang karit ang humabol pala dito. Doon na rin napansin ni Josefino na may tama na pala noon sa balikat si Romero. Hindi noon napaandar ni Romero ang kanyang kotse, kaya lumabas muli ito at nag simula na namang nagtatatakbo, habang mahinahon ang lalaking may karit na sumusunod lang sa kanya. Walang tao noon sa resort dahil sa bagyo kaya walang ibang taong naroon kung hindi si Romero lang. Malalim ang taga noon sa balikat ni Romero at marami ng dugo narin ang nawala sa kanya. Hirap na ito sa pagtakbo at makanaka-nakang natutumba dagdag pa sa hirap niya ang putik. Natulala na lang si Josefino sa mga nasasaksihan. Madilim ang buong paligid at tanging mga latay lang kidlat ang paminsan-minsan tumatanglaw sa gitna ng kadiliman kaya hindi maaninag at mamukhaan ni Josefino ang lalaking may karit. Bukod sa madilim natatakpan pa ng raincoat ang mukha nito. Bumagsak malapit sa highway si Romero at doon na ito na corner ng lalake.
Natigalgal na lang sa kanyang puwesto si Josefino sa mga sumunod na ginawa ng lalake kay Romero, matapos nito hatok-hatukin ng taga sa dibdib si Romero, walang habas nitong kinalas ang ulo ng lalake sa kanyang katawan gamit ang karit. Tila batid ng tao na iyon na naroon si Josefino at nakamasid lang dahil matapos ang ginawa bumaling ito ng sulyap sa puwesto ni Josefino bago ito tumakas.
“Naluha na lang ako sa saya dahil sa sinapit ni Romero sa kamay ng taong iyon. Hindi man sa mga kamay ko, umagos ang dugo ng demonyo. Naipaghiganti naman ng halimaw ang mga anak ko at kapatid. Inabangan ko ang balita kinabukasan, ngunit hindi man lang naibalita ang nangyari sa kanya. Marahil sinadya iyon ng mga pamilya niya upang takpan ang nangyari sa nasunog na hospital. Pero saksi ako kung paano gumulong sa kalsada ang kanyang ulo. “ Pagtatapos pa ng kuwento ni Josefino.
“Ayan pare, malinaw na. Patay na ngang talaga ang Romero na hinahanap natin. Ibig sabihin lang nun, hindi siya ang killer. “ Wika ni Ignacio.
“Hindi nga siya pare, pero base sa kuwento mukhang may hahanapin na naman tayo. “ Tugon ni Paeng.
“Kung ang tinutukoy niyo ang taong pumatay kay Romero, sa nasabi ko na hindi ko siya kilala at hindi ko man lang naaninag ang mukha niya. At kahit na kilala ko pa. Hindi ko ilalaglag ang taong nagbigay ng hustisya sa mga anak ko at kapatid. Makakaalis na kayo. “ Sabat ni Josefino.
“Sapat na ang nalaman namin, salamat sa pagpaunlak. Aalis na kami. “ Saad ni Paeng at nag-paalam.
Papalabas na ang dalawa nang magawi ang atensyon ni Paeng sa malaking picture frame na nakasabit sa dingding. Larawan ng mga anak ni Josefino. Kuha iyon noong kabataan pa nila. Hindi nakapag pigil si Paeng na magkumento tungkol sa larawan, lalo nang matuon ang pukos nito sa lalaking nasa likod ng dalawang babae sa larawan.
“Magaganda pala ang mga anak mong babae, high school na ba sila nito? “ Ani pa ni Paeng.
“Nasa grade five si Julie iyang sa kanan at grade six naman diyan si Jasmin. Ang naiwan na lang sa akin ngayon si Jaime, ang panganay ko. Second year high school naman siya diyan. “ Sabat ni Josefino na medyo naging emosyonal sa sandaling iyon.
“Mistiso rin ang panganay mo, guwapo.Tingin ko mana ito sa iyo, at base sa petsa na nandito halos magkasing edad lang kami siguro nito ngayon. Kasama mo pa ba siya dito? “ Hirit pa na tanong ni Paeng.
“Hindi na, pero paminsan-minsan napapadaan siya rito para kamustahin ako. Hinahanap din niya kasi ang anak niya sa dati niyang asawa. Kaya palipat-lipat ang bahay nun. Oh siya, kailangan ko pa magpakain ng aso, baka gutom na iyon. “ Ayon pa sa matanda.
“May aso kayo? Asan? Wala man lang kami narinig na tumahol mula ng dumating kami. “ Singit ni Ignacio sa usapan.
“Sa mga hindi kakilalang tao lang tumatahol ang aso na iyan. Ewan ko nga ba kay Bronx kung bakit hindi man lang nag-ingay ng dumating kayo. Lagi naman ang ingay talaga ng aso na iyon, kahit sa mga kapitbahay tumatahol. Nanibago siguro. “ Sagot ng matanda.
“Bronx ang pangalan ng aso niyo? “ Tanong ni Paeng na tila ba nagulat ng marinig ang pangalan na iyo.
“Aso ng anak ko, may lahi kasi kaya siguro iyan ang pinangalan niya roon. “ Ayon pa sa sagot ng matanda.
Umalis ng mga puntong iyon sina Paeng, pababa na sila sa hagdan pero naiiwan ang isip ni Paeng sa bahay ng Josefino. May pagkakataon pang napapatingala ito na tila ba may halong kutob ang mga tingin. Palabas na sila ng tenement nang may napansin na naman itong lalake na nakatingin sa kanila ni Ignacio. Malayo ang puwesto ng lalake kaya hindi malinaw ang mukha nito sa puwesto naman ng dalawa. Nang mapansin ng lalake na nakatitig din sa kanya si Paeng mabilis itong umalis at humalo na sa mga tao na nasa labas ng tenement.
“Bakit na naman pare? “ Pansin ni Ignacio.
“Wala pare may naalala lang ako. Pare may ipapagawa ako sa iyo. Alam ko marami kang source sa bagay na ito. Nais kong alamin mo ang lahat tungkol sa pamilya ni Josefino. Lalo na sa anak niyang lalake. “ Tugon ni Paeng.
“Akala ko ba tapos na tayo sa kanya?”. Pagtataka ni Ignacio.
“ Sa kanya tapos na, pero sa killer magsisimula pa lang tayo. “
Umalis ang dalawa sa lugar na iyon bitbit ang pag-asang matutukoy na ni Paeng ang tunay na mukha ng lalaking may hawak na karit.
-*-
I
kinatuwa naman ni Fil ang pagkatanggap nito sa bago niyang trabaho bilang food delivery rider, bukod doon masaya rin ito dahil sa wakas nakahawak na rin ito ng sariling motor.
“Tulong kaibigan lang ba talaga? Bakit binigyan ka ng motor? Ang galante naman niyang kaibigan. Para sa bago pa lang niya na met. “ Taas baba pa ang kilay ni Maru na may pairap pa nang marinig kay Fil ang magandang balita na hindi naman niya ikinatuwa.
“Grabe ka maka husga sa tao Maru. Alam ko kahit hindi mo tumbukin alam ko ang iniisip mo kay Echo. Grabe siya kung maka selos, nang aano ng kapwa. “ hirit nj Fil kay Maru.
“Hindi ako nag seselos nuh, ang sa akin lang naman mukhang sobra naman iyon. Wala pa ngang isang linggo kayong magkakilala, may pa motor agad. Apaka thoughtful naman mag regalo nun. Malayo pa ang pasko may pa exchange gift na. So ano ang kapalit? Sabi ko na nga ba unang pinta ko pa lang sa pagmumukha nun hatsing na hatsing na ako. May catch iyan, sure ako. Hindi iyan mag papaayuda ng motor kung walang bawi. “ Saad pa ni Maru, na halata namang hindi mapigil ang gigil sa selos.
“Ang dumi ng isip mo. Hindi iyan bigay ano ka ba, hulugan iyan. Kumpanya ang nag bigay niyan sa akin para gagamitin ko sa trabaho. Since wala pa akong pera at kakilala naman ng tao ang may-ari, si Echo muna ang bahala dahil siya ang garantor ko. Ganun iyon, Ikaw talaga ang dami mong duda sa sarili. Bakit kasi Hindi mo muna kilalanin ang tao, malay mo may koneksyon pala kayo ni Echo. Malay mo kapatid mo pala siya. “ Biglang nadulas ang dila ni Fil dahil sa diskusyon nila ni Maru.
Natigilan si Maru. Biglang kambyo ang kanyang mukha.
“Alam mo na? “ Sambit ni Maru sa mahinang boses.
“Pasensiya na, hindi ko kasi sinasadyang marinig ang usapan ng Tiya mo at Tatay mo. Kaya pala ganun ang tanong mo sa aking noong isang araw.” ani ni Fil na hinawakan ang kamay ni Maru.
“Nais ko ngang itanong kay tatay ang lahat pero nag-aalangan din ako. Kuntento na ako sa pagmamahal ni Tatay, Fil. Pinalaki niya akong higit pa kanyang kadugo. Ni minsan hindi ko naramdaman na hindi niya ako anak. At kailangan man hindi ko naisip na may kulang sa pagkatao ko. Ngunit ng malaman ko ang katotohanan, bigla na lang nagkaroon ng siwang dito sa loob ko. May bahagi dito sa puso ko ang bigla na lang nabalot ng mga katanungan. “
Umagos na lang ng dahan-dahan ang mga luha sa mga mata ni Maru habang sinasabi ang mga salitang iyon. Alerto naman ang mga palad ni Fil na agad hinawi ang papatak na luha sa pisngi ng kaibigan.
“Maiintindihan ka ni Tito, mahal ka nun eh. At mukhang hindi ka naman mahihirapan sa mga tanong mo, dahil kusa ng lumalapit sa iyo ang sagot. “ Saad pa ni Fil, habang patuloy sa pagpunas ng luha ni Maru gamit ang kanyang mga kamay.
“Ano ang ibig mong sabihin? “ Tanong ni Maru.
“Sa narinig ko kasi sa usapan nila ng tatay mo ang pangalan na Joram, tapos itinuring at minahal na parang anak. Eh sino ba ang anak na kinikilala ng Tatay Paeng mo, eh di ikaw. Baka Joram talaga ang tunay mong pangalan bago ka inampon. Tapos itong si Echo naman ngayon, nagpatulong sa akin na hanapin sa barangay natin ang kanyang kapatid na Joram din ang pangalan. Ayon pa nga sa kanya ka edaran lang daw natin iyong kapatid niya ngayon. Diba, make sense? Baka magkapatid kayong dalawa. “ Kuwento pa ni Fil.
Ngunit matapos marinig iyon mula kay Fil, tila iba ang tumatakbo sa isip ni Maru. Alam din kasi ni Maru na ampon lang din si Fil, at minsan na nabanggit ng ama nito ang tunay na pangalan noon ni Fil na Joram bago pa ito napunta sa pamilya Brillones. Alam din ni Maru na may nakatatandang kapatid si Fil na sadyang inilayo sa kanya matapos ang trahedya na nangyari sa tunay nitong magulang. Ibinahagi iyon ni Paeng kay Maru sa pangakong hindi nito babanggitin o sasabihin kay Fil ang nalalaman. Kaya matapos ang kuwento ni Fil tungkol sa paghahanap ni Echo ng kanyang kapatid, iba ang naisip nito.
Batid ni Maru na hindi lang siya ang may isyu sa kanilang nakaraan, tulad niya si Fil ay may ganun din. Ang pinagkaiba wala pa nga lang itong alam. Ayaw naman pangunahan ni Maru ang ama sa pagsabi ng nalalaman kay Fil.
Tanggap naman ni Maru ang kanyang buhay at masaya naman ito. Ang makilala ang tunay na pinanggalingan ay makakapaghintay sa Takdang-panahon. At kung tama ang kanyang iniisip. Higit na kailangan ni Fil ang suporta sa bigat at dilim ng kanyang nakaraan.
Ikinagulat ni Fil ang biglang pagbawi ng emosyon ni Maru kung kanina, papunta na sa MMK ang tagpo sa isang iglap balik muli sa pagtataray ang kaibigan.
“Dina-divert mo ang emosyon Fil, pa breakdown na ako oh Tapos higiritan mo akong kapatid ko si Echo. Iniinsulto mo ba ako ha? Napagtabi mo ba ang mukha namin? Magkamukha ba kami? Alam minsan talaga hindi ko alam kung bestfriend ba talaga kita. Harap-harapan ang daot friend. Fil ako ito oh, si Maru, hindi kagandahan pero pinipilahan. Pero utang na loob naman walang bastosan. “
“Teka, bakit galit ka na naman? Kinakalamayan ka na nga, ganyan ka pa.”
“Kalamayan mo mukha mo. Salamin ang una sa playlists ko kaya alam ko kung sino kamukha ko at puwedeng maging kapatid ko. Ang gwapo-gwapo ng Echo tapos itatapat mong kapatid ko. Kayo siguro papasa pang mag utol. Unang kita ko pa lang sa inyo parang iisang variant lang pinagmulan niyo.“Saad pa ni Maru.
“Eh ganun nga siguro talaga, mga guwapo eh. Lahat ng pogi parang iisang hulmahan talaga iyan. Pero tandaan mo hindi naman lahat sa magkakapatid magkakamukha. Huwag ka mag alala, aalamin natin iyang nakaraan mo. “ Tugon pa ni Fil.
Sa usapang iyon, panibagong paghahanap na naman ang nasa listahan ni Maru, una ang malaman kung sino talaga ang lalaking sumaklolo noon sa kanya sa kamay ng magkapatid na Pitoy at Tino. At kung sino ang tunay nitong magulang at ano ang dahilan ng mga ito para iwan siya. Ang walang kamalay-malay namang si Fil ay pansamantalang nakalimutan ang mga tagpong minsan nagbibigay sa kanya ng bangungot. Sa pag lapit ni Jericho sa buhay ng kapatid mas lalong iintig ang mga emosyon at tagpo.
Sa paghahanap sa katotohanan kinakailangang mahalungkat ang nakaraan. Gaano man ito ka bigat, kung ito naman ang sagot sa lahat. Ang siyang nararapat.
AMA: fifth part
Ikinadismaya ni Paeng ang ginawa ng kanyang mga kasamahan. Ngunit wala naman itong magawa, umalma man ito, hindi rin naman mapapakinggan ang kanyang boses. Dagdag pa ang daot ng husto ng pangalan nito dahil sa maling impormasyon sa pagtukoy ng katauhan ng killer. Pansamantala nabunutan ng pangamba ang mga tao dahil sa wakas tapos na ang bangungot nila, patay na ang pagala-galang killer. Ngunit hindi ang pamilya ng mismong pinaslang na killer.
“Hindi killer ang asawa ko! Mga sinungaling ang mga pulis na iyan! Sila ang tunay na halimaw na lihim na umaatake sa ating mga inosenteng mata. Sila ang tunay na demonyo, si ang killer!!! Dahil pinatay nila ang asawa ko na walang kalaban laban! Hindi killer ang asawa ko!Mga hinayupak kayo!” sigaw ng nawawalang misis sa isang interbyu sa balita matapos nga mapatay ng task force Ayam ang kanyang mister na siyang tinuturong killer sa lugar.
“Lihitimo po ang isinagawang operasyon. Wanted ang asawa niyo sa salang multiple murder at attempted murder. At base sa mga pag iimbestiga siya ang tinuturong salarin sa mga nangyayaring serye ng mga patayan dito sa atin. Pero kung pinag didiinan niyo na inosente ang iyong asawa, may karapatan naman po kayong ilaban siya. Iyon kung maipaglaban niyo po siya sa mga pamilya na kanyang pinaslang.” tugon ni Bellegaz.
Wala nang naisagot pa ang babae, dahil maging siya ay kinuyog na rin ng mga dating binikma ng kanyang asawa. Naging malaking ingay ang nangyaring operasyon, at naging daan muli ito para manumbalik ang amor ng tao sa mga kapulisan. Nabigyan ng parangal si Bellegaz ang team nito dahil sa kanilang ginagawa na siya namang pinang-asar nito kay Paeng.
“Ganun dapat ang trabaho, swabe lang hindi iyong naghahalungkat pa ng files ng patay. Bukod sa nakakaabala sa iba, ang bagal pa. Parang ang pag-asenso mo Makalaay, lahat umabante na, ikaw dito pa rin, kuntento na sa ganito. Hindi lang sipag ang puhunan ng achievements Makalaay, minsan ang diskarte kailangan samahan mo rin ng kaunting pakikisama. Hindi sana ngayon kasama ka namin sa selebrasyong ito.” bida ni Bellegaz at pagmamayabang.
“Tapos ka na? sir?Una sa lahat hindi ko kailangan ng inspirational message sa isang katulad mo,dahil hindi ka ka-inspire inspire. Sige lang magpakasaya ngayon dahil baka ito narin ang huli niyo.Good job nauto niyo ang mga tao, pero hindi ako. Tama iyong babae, mas masahol pa kayo sa pinatay niyo.” tugon ni Paeng, at lumabas ito ng presinto.
Umuwi agad ito sa kanila, at doon ibinuhos ang galit at ngitngit sa mga kasama. Sa kanyang emosyon nasira ang pintuan ng kanyang kuwarto.
-*-
“sa tingin mo ba, lalabanan ka ng pintuang iyan? Ilang beses ko na sinabi sa iyo na umalis ka na lang sa serbisyo. Kahit ano’ng gawin mo’ng linis sa departamento niyo, wala na iyan kapag-asa-asa.Mula ugat hanggang bunga inu-uuod na.” kumento ni Paz nang makita ang sitwasyon ng kapatid.
Buhos na buhos ang galit ni Paeng, duguan na ang kamao nito. Napasalampak na lang ito sa sahig at humagulgol. Lumapit si Paz bitbit ang medkit para gamutin ang sugat ng kapatid. Sa kabilang kuwarto rinig ni Fil ang bigat ng dinadala ni Paeng. Nakaramdam ng awa si Fil sa itinuturing na nitong pangalawang ama. Masakit din kahit papano para sa kanya ang masaksihan ang hirap na pinagdadaanan ni Paeng. Mula kasi nang makilala si Paeng ni minsan hindi pa niya ito nakitang magalit, umiyak at bumigay ng ganun sa isang problema. Lahat ang labas kay Paeng puro positibo at chillax lang. Kaya nagulat din si Fil sa kanyang nakita. Maging siya napaluha na lang sa pinagdadaanan ni Paeng.
Sinimulan naman ng araw na iyon nina Jack at Nato ang unang araw ng kanilang trabaho. Matapos nga isa-isang pag aralan ang mga nasa listahan kumilos agad ang dalawa ayon sa mga nabuo nilang plano.
“Hindi ko talaga alam bakit nasama sa listahan ang pangalan ni Joey dito, gaano kaya ka laki ang atraso nito kay Precy?” Ani ni Jack habang inaabangan nila ni Nato ang unang target.
“Nagtaka ka pa, eh suki din ng mga bakla ang gago na iyan eh. Madalas pa nga iyan napapalaban sa mga kolboy sa parking ground ng isang mall dahil mas marami pa siyang parokyano kaysa sa mga karanso kong kolboy. Malamang nilansi niya si Kanina, di kaya ninakawan. Adik din naman kasi.” saad ni Nato.
“Ang problema sa atin nito, wala tayong Edita sa mga pagmumukha ng mga nasa listahan. puro pangalan,address at numero lang wala man lang pictures.” wika ni Jack.
“Makikilala din natin ang mga ito pare, kaya nga inuuna natin itong nasa malayo. Ihuli na natin si Joey ang dali lang ng gagong iyan.” tugon ni Nato.
“Isabay na lang natin sa kanya itong si Kobi Pacasta.Taga atin ito pero hindi ako pamilyar sa isang iyan.”
“Kakilala siguro ni Joey, ginamit lang ang address para makapambudol. Malas lang nila dahil ibang tao ang nabudol ng mga titi nila.” ayon pa kay Nato.
Habang nag uusap, isang estudyante ang lumapit sa kanila mula sa isang eskuwelahan ng mga highschool. Nagtaka ang dalawa dahil ibang Iba ang ini-expect nila sa posibleng itsura ng kanilang tatrabahuhin. Matino ang kilos ng estudyanteng lalake, na sa tantiya ng dalawa na sa dede siyete ang edad, may porma naman ang katawan ngunit ang inosente ng mukha na may suot pang salamin na makapal. Parang nerd na Koryano ang binata.
Inisip pa ni Nato na baka front lang ng lalake ang pagiging highschool boy , at pa-booking din ito sa gabi.
“Ben Inyuha?” tanong ni Jack.
“Opo kuya, kayo po ba ang galing sa agency ng Starlights Image?” Pagklaro pa ng estudyante.
“Kami nga, kami ang tumawag sa iyo para sunduin ka upang isalang sa audition ngayong araw. Ako si Jessie at ito si Nate siya ang nagkontak sa iyo.” ang swabeng tugon ni Jack.
“Pumasok ka na rito,medyo malayo pa ang pupuntahan natin baka abutan tayo ng rush hour sa daan, mapornada pa ang misyon namin, ibig ko sabihin ang pangarap mong maging artista.” dugtong ni Nato sabay bukas ng lock sa pintuan ng van.
Walang tutol naman ang lalake na sumakay naman agad ng van. Sa tuwa at excited hindi na nito nagawang magtatanong pa sa dalawa, hindi rin naman ito nagduda dahil maayos at pormang-porma sina Jack at Nato, mala oppa din ang datingan nila kaya mabilis nilang nakumbinsi ang unang sakay.
“paalala, walang live, bawal mag post sa social account mo, at huwag mo munang ipagkalat ito, hangga’t hindi ka pa official na napili. Confidential ito at selected lang kayo ang binigyan ng oportunidad. Kaya suhestiyon ko patayin mo na lang ang cellphone baka kami ang mapatay ni boss ng wala sa oras.” paalala ni Nato kay Ben.
Sumunod na lang ang binata na balak pa sana mag-selfie kasama nila.
“May pagkain at inumin diyan sa likod ng upuan mo. kumain ka muna habang mamimik-up pa kami ng mga makakasama mo.” sabat ni Jack.
“May kasama pa pala ako, akala ko ako lang.” napangiting tugon ng estudyante.
“Kunti lang naman kayo, kaso ang lalayo ng lokasyon niyo. enjoyin mo lang ang biyahe dahil baka last mo na ito, ibig kong sabihin last mo na itong makasama kami dahil malay mo after ng audition mo, isang ganap na artista ka na. Kaya ihanda mo na diyan ang malupitang piyesa mo para mamaya.” ayon pa kay Jack.
Gumagana ang naisip na paraan ng dalawa,swabe at walang kahirap-hirap nilang unti-unting naisasagawa ang lahat. Wala pang hapon halos higit na sa kalahati ng nasa listahan ang naisakay na nila sa van na walang aberya. Nang mapansin nila na sakto na ang lahat sa van,nag paikot-ikot pa ng isang beses sa siyudad ang mga ito.
“Mukhang kakilala niyo na pala ang isa’t isa” pansin ni Nato.
“Yes po, kami-kami rin po kasi ang magkakasama sa last event doon sa Lulos nitong nakaraang Linggo lang.” Agad na sabat ng naunang naisakay na si Ben.
“Ganun ba, eh di wala ng ilangan pagdating mamaya sa location. Siya nga pala nag text si boss na kailangan niyo daw isuot itong mga blind fold na ito.Tapos tsaka niyo lang ito tatanggalin kapag nandoon na kayo mismo.” sabi pa ni Nato at inabot na isa-isa sa mga ito ang sleep mask.
Wala na mang tutul na sumunod ang lahat, at inisip pa na parang housemates lang sila ni kuya. Nang masiguradong nakatakip na ang mata ng lahat. Naglagay na rin ng gas mask sina Jack at Nato habang patuloy lang sa pagmamaneho. May kinuha si Nato sa ilalim ng dashboard at ini-spray ang laman nun sa vent ng aircon. Wala pang ilang minuto nakaramdam na ng panghihilo ang lahat sa likod, dinagdagan pa ni Nato ang spray hanggang sa tuluyan na ngang nawalan ng malay ang mga binatang dala nila.
Alas Siyete na ng gabi ng araw na iyon habang nakatambay sa gilid ng burger junction si Fil, napalingon ito sa tabi ng makita ang pagparada ni Jericho.
“Nagkita na naman tayo tol, ano ang ginagawa mo sa area na ito? May delivery? “ Bungad na tanong ni Jericho kay Fil sabay bro-shake.
“Close na ako for delivery, sinumpong kasi ng katamaran. Bawiin ko na lang bukas. Bumili lang ako ng burger. Gusto mo? , i-order kita.” Tugon ni Fil.
“Salamat na lang, busog pa ako. Dadaan lang ako sa police station. May kakilala kasi akong pulis doon, mangangamusta lang. “ Sagot ni Jericho.
“May kakilala ka pala roon, eh di marahil nakita mo na rin siguro ang Tatay ni Maru?”
“Sa mukha siguro, baka nagkita na kami. Hindi naman kasi ako iyong tipong ini-isa-isang kilalanin ang lahat ng tao. Pero teka lang ha, kanina ko pa na pansin na mukhang aburido ka. Na scam ng customer nuh? Ganun talaga, normal na iyan sa mga baguhang delivery rider. Masasanay ka rin. “
“Huwag mo na lang akong pansinin, ganito lang talaga ako kung hindi ko nailalabas ang init ko at gigil. “ Saad ni Fil.
“Masamang maipon ang gigil tol nakakapandilim ng paningin. Sino ba iyang nagpapainit ng dugo mo? Kung hindi mo mamamasamain. “ Usisa ni Jericho.
Naikuwento ni Fil ang tungkol sa mga pang-iinsulto ni Bellegaz kay Paeng, Bahagyang gumaan ang loob ni Fil matapos mailabas kay Jericho ang lahat na hindi naman nito kayang gawin kay Maru, dahil ayaw din nitong mag-alala ang kaibigan.
“Hindi na ako magtatagal tol, mukhang nakauwi na rin ang kakilala kong pulis. Uuwi na lang siguro ako. Siya nga pala sa Sabado kung libre ka magpapasama sana ako sa iyo. May bibisitahin lang akong bahay, baka sakaling makita ko na ang kapatid ko. “ Wika ni Jericho at nag suot na ng helmet.
Ang totoo, maging si Jericho nakaramdam din ng gigil at ngitngit matapos ang kuwento sa kanya ni Fil. Higit na masakit sa kanya dahil ama niya si Paeng.
“Magandang Balita iyan tol, sige para sa iyo ang schedule ko sa Sabado. Gusto rin makilala ang kapatid mo. “
Hiwalay ng daan ang dalawa. Inabutan ng rush hour si Fil kaya naipit ito ng matagal sa trapik. Hirap itong makisingit dahil sa gitgitan ng mga motorista na papauwi. Sa mismong kahabaan ng kalsada kung saan nandoon naipit si Fil naroon din ang van nila Jack at Nato. At katabi niyang ito. Tinted ang van ,ngunit medyo lang sa driver seat at kahit papano naaaninag parin ang driver at ang katabi nito sa loob. Nakatuon sa harapan ang tingin ni Fil kaya walang paki na ito sa kadikit na van.
“Makikilala kaya tayo ng mokong iyan pagnakita niya tayo rito?” Tanong ni Nato.
“Hindi naman siguro. Ang aalalahanin mo ang mga sakay natin. Baka magising ang mga iyan wala pa tayo kay boss. Kung bakit ba kasi ang dami pa nating dinaanan dito rin pala ang bagsak natin. Nakakabuwisit na trapik” sagot ni Jack.
“Eh sa akala ko mas malapit dun. Di naman nagsabi ang wayz mo na sarado pala ang kalye na iyon.At huwag ka mag alala pare, aabot pa kay boss ang mga panaginip nila.”. sabat ni Nato.
“Sana lang. Pero alam ba pare, nitong araw na ito ang dami kong naisip dahil sa trabahong pinasukan natin ngayon. Napatanong tuloy ako sa sarili ko kung ganito na ba talaga tayo ka sama. Lalo na ng makita ko kanina ang una, iyang si Ben. Parang ako lang iyan noong hight school ako. Naalala mo? Ako binu-bully noon nina Fil na iyan. Pero babaliktad na ngayon. Mula sa pagiging werdong matalino, hanggang sa tauhan na ngayon ng isang sindikato. Ang dating kumakawawa noon sa mga bakla at nababahag na sa boss nating bakla. Alam mo iyon pare?Bukas kaya ano na naman tayo?” saad ni Jack.
“Eh ganito parin, ganito na tayo eh. Imburnal na ang tinubugan natin pare. Subukan man nating mag bagong buhay mukhang mahihirapan din tayo. Malaki na ang nagawa nating labag sa batas. Kaya walang magbabago. Enjoyin na lang natin pare, Tayo na lang dito. Hanggang sa finish line sasabayan kita.“ngiti na may madiin na tapik sa balikat ang tugon ni Nato sa kaibigan.
Sa wakas at nakausad din ang lahat. Dumeretso si Fil at pakanan naman ang van nila Jack.
PAGTATAHI
Maagang nagsara ng tindahan si Maru alinsunod sa kagustuhan ng ama. May trabaho na si Fil kaya wala na itong kasama sa pag uwi. Nagligpit na ito ng mga upuan at mesa sa tapat ng kanyang tindahan nang dumating ang tricycle na kinontrata ng ama para sunduin gabi-gabi si Maru.
“Magandang gabi Maru, sakto naman pala pagpunta ko papasara kana.” wika ni Beni nang bumaba ito ng tricycle at lumapit kay Maru.
“Magandang gabi rin kuya Ben. Ayaw ko pa sana magsara eh. Marami pa kasing bumibili. Kaso itong si Tatay ang may gusto. Nakakahiya nga sa iyo eh,alam ko mas marami ka pa sanang kikitain sa pamamasada kaysa hintayin ako dito matapos.” saad ni Maru.
“Ayos lang iyon. Balik pasada rin naman ako matapos kita mahatid sa inyo. At tama naman ang tatay mo. Kaligtasan mo lang ang inaalala noon. Ang layo naman kasi nitong puwesto mo sa inyo.” sagot ni Benito habang tinutulungan sa pagligpit si Maru.
“Mainam ang puwesto ko rito kuya walang kakumpitensiya. Solong-solo ko ang benta. Malapit pa sa labasan. Kaya kahit may kalayuan sa bahay hindi ko po iiwan itong tindahan ko.” tugon ni Maru.
“Sabagay kilala na itong tindahan mo rito sa atin na kahit may mga tindahan naman sa looban, dito parin ang pinipiling puntahan at tambayan. Siya nga pala napadaan ako nito lang sa maisan niyo. May umuupa na palang bago sa bahay niyo roon?” ayon pa kay Benito hanggang sa may naitanong ito kay Maru.
Napakunot ng nuo si Maru sa sinabi ni Benito. Nagkibit balikat lang ito at sinabi na baka ang tatay niya lang ang napansin ni Benito na tiningnan ang bahay. Hindi na rin naman nag-usisa pa si Benito. Naniwala na lang ito sa sinabi ni Maru. Nang makapagsara na ng tindahan hinatid agad ni Benito si Maru. Malayo palang tanaw na ni Maru ang owner type jeep ng ama na nakaparada sa labas ng kanilang gate. At kung totoo man ang nakita ni Benito sa bahay paupahan sa maisan, malamang ibang tao nga iyon.
Inabutan ni Maru ang ama na nakasalampak sa sofa, tulog sa kalasingan. Iyon ang naisip ni Maru dahil sa dami ng mga bote ng beer na nasa lamesita. Agad nitong napansin ang nakabendahing mga kamao ng ama. Nilapitan niya ito at sinuri ang mga palad ng ama. Nang siya namang paglapit ng tiyahin na bitbit ang bakanteng case ng beer para paglagyan ng mga kalat ni Paeng.
“Tiya ano ba ang nangyari kay Tatay, bakit may sugat ang mga kamay niya? May problema ba na malala si Tatay, ang dami namang beer nito.”
“Bukas muna tanungin diyan ang tatay mo. Tungkol sa naman sa mga sugat na iyan, huwag ka mag alala,pintuan lang ang ka sparing niyan kanina. Pagpahingahin mo na ang tatay mo riyan at kumain ka na ng hapunan tirhan mo na lang si Fil.”
“Wala pa ba si Fil?”
“Mukhang abala ngayon iyon sa pagdi-deliver. Alam mo na, malapit na ang Disyembre. Ako na ang makikiramdam kay Fil pagkauwi niya. Kumain ka na at magpahinga.” wika pa ni Paz.
Samantala, naihatid na nina Jack at Nato ang mga naunang mga lalake na nasa listahan. Sinalubong sila ni Joker kasama ang ilan pa sa mga tauhan ni Precy. Empres na empres si Joker sa bilis ng trabaho ng dalawa.
“Pinabilib niyo naman si Madam sa galing niyong dalawa, unang araw pa lang halos kinumpleto niyo na ang order niya. Pero nasaan na iyong dalawa? Bakit nagtira pa kayo?” wika ni Joker.
“Hulas na lang sa amin ang natira,kakilala namin ang isa at kabarangay lang din namin. Bukas bago mag tanghali dala na iyon namin.” tugon ni Jack.
“Ano ba ang gagawin niyo sa mga ito?” tanong ni Nato.
“Labas na kayo roon. Gawin niyo lang kung ano ang utos sa inyo. Bawal mangi-alam at lalong bawal ang magtanong. Dahil magaling kayo sa unang trabaho niyo. Ito ang bonus ni Madam. Tapusin niyo ang trabaho at may dagdag pa iyan.” saad ni Joker sabay tapon ng sobre kay Jack na may lamang mga pera.
Siksik ang laman ng sobre na nagpatingkad sa mga mata ng dalawa. Laking tuwa ng dalawa nang makahawak ng ganun ka kapal at karaming pera. Masayang umalis ang dalawa na nangakong tatapusin ang trabaho.
“Ito na talaga ang simula ng pag angat ng ating karera pare, ito talaga ang tadhana natin. Maliwanag na pera talaga ito.” Ang walang pagsidlan na kaligayahan ni Jack.
“Bigtime na tayo nito pare, hindi na lang tayo nito basta bastang uhuging magnanakaw sa bangketa. Pang malakihang galawan.na ito pare. Teka ano ba ang plano.natin ngayon? Mag ri-restaurant ba tayo?” ani ni Nato.
“Nak nang…anong restaurant? Mag hahapi-hapi tayo ngayon pare, mag su-super club tayo. Kukuha tayo ng mga babae. Magpapakasaya tayo buong gabi.” tugon ni Jack sabay hiyaw sa saya.
Silaw na silaw ang dalawa sa natamong pera. Buong gabi ngang nagpakalunod sa saya sina Jack at Nato. Nagpakasasa sa mga mamahaling alak sa bigtime na bar ,tumikim ng pangmayayamang party drugs at nagpakasasa sa mga natitipuhan nilang mga babae. Hanggang sa naisipan ni Jack na mag-uwi sila ng isang babae sa kanilang inuuwian upang pagsaluhan nilang dalawa ni Nato.
Sa mga oras na iyon papauwi na si Bellegaz matapos makipag inuman ito sa kanyang mga kabaro.
“Hatid ka na namin pare, iisang kalye lang naman ang papunta sa atin.” alok ng kasamahan nitong si Hener.
“Ayos lang mga pare, lalakarin ko na lang hanggang tawiran. May dadaanan din kasi ako sa may Trese, baka bukas pa ang bakery doon. Bibili muna ako ng monay.” Tugon ni Bellegaz na ngumiti pa sa mga kabaro.
“Tinapay na monay, o monay mismo ni Luisa. Naku ikaw talaga pare pag nalaman ito ni Mina, ewan ko lang kung ano ang gagawin sa iyo nun.” sabat pa ng kasamahan ni Bellegaz.
“Madulas pa ito sa palos kung mag tago mga pre. Kung malaman man ni Mina ang ginagawa ko eh alam ko na kung sino ang mga babalikan ko. At huwag nga kayong kontra ng kontra sa akin baka uunahan ko kayo sa mga asawa niyo.” saad pa ni Bellegaz na tinawanan lang ang mga kasamahan.
“Palitan mo na kasi ang garalgal mong sasakyan ng hindi na pabalik balik ng talyer. Pagtatawanan ka na niyan ni Makalaay pare, ang dami mong sideline pero kotse mo tagpi-tagpi.” wika pa ni Hener.
“Magugulat kayo isang araw sports car na ang service ko sa presinto. Huwag niyo nga mabanggit banggit ang baklang Makalaay na iyon. Maganda ang modo ko ngayon ayaw ko masapawan ng malas. Sige na uwi na kayo, kaya ko na sarili ko dito. “ saad pa ni Bellegaz.
“ingat sa pagtawid pare, baka sa ibang bahay ka na naman magising. Mauna na kami.” bilin ni Hener at pinaandar na ang sasakyang dala.
Naiwan sa tapat ng beer house si Bellegaz, lumapit pa ito sa may tindahan ng sigarilyo sa gilid at bumali ng isang kahang pula tsaka nagsindi ng isa. Napadaan ang batang magbabalut kaya tinawag niya pa ito at bumili ng tatlo. Sinilip pa ni Bellegaz ang oras sa kanyang cellphone. Alas onse kinse na ng gabi. Matao pa naman sa mga kalye, marami pang mga sasakyan na dumadaan sa kalsada..Bukas pa ang ilang mga katabing tindahan malapit doon. Nagsila na itong mag lakad. Binabaybay ang sidewalk papunta sa tawiran malapit sa isang overpass. Nag-aabang si Bellegaz sa pagbago ng traffic light para tumawid nang may naramdaman ito na tila ba may nakasunod sa kanya. Hinagilap niya ng kanyang mga mata ang mga nasa paligid. Ngunit wala naman itong nakitang kahinahinalang tao. Inisip na lang nito na baka bumababa lang ang amats nito sa ininum na alak kaya kung ano-ano na lang ang sumasagi sa kanyang isip. Napatingin ito sa bukas na convenience store. Naisipan nitong ibili ng pagkain ang pinopormahang babae na nagbabantay ng bakery sa kabilang kalsada.
Pagkapasok sa tindahan na iyon agad na tinungo ni Bellegaz ang isang isle para mamili ng mga chips at chocolate. At habang abala ito sa kakapili ng mga bibilhin, muli na naman itong kinutuban. Kaunti lang ang namimili ng oras na iyon sa tindahan kaya iba talaga ang kalabog ng dibdib ni Bellegaz na tila ba may sumusunod talaga sa kanya. Napatingala ito sa pabilog na salamin sa uluhan niya, at doon napansin nito ang isang lalaking nakahoodie ng itim at nakatayo lang malapit sa beverage section at mukhang nakabantay sa kanya.
Inakala ni Bellegaz na iyon ang sumusunod sa kanya. Pasimple nitong inikutan ang naturang lalake at nang makatiyempo bigla niya na lang ito binalibag sa sahig at tinutukan ng baril. Na siyang ikinagulat naman ng mga nandoon pati na ng guwardiya at kahera. Halos mangiyak-ngiyak ang bata sa ginawa sa kanya ni Bellegaz. Agad namang lumapit ang kahera na nanginginig sa takot. Napalapit din ang guard na nakatutok kay Bellegaz ang baril.
“Pasensya na pulis ako, akala ko kasi isa siyang holdaper. Nakatayo lang siya kasi dito at nakatitig lang sa akin. Sorry talaga, hindi ko alam na empleyado ka pala dito.” Ang tanging nasabi lang ni Bellegaz ng ipinakita ang tsapa nito.
Nagmamadaling lumabas si Bellegaz bago pa ito makuhanan ng video ng mga nandoon at pagpiyestahan. Pawisan ito na ,badtrip na badtrip sa kanyang ginawa. Dahil sa pangyayari nawalan na ito ng gana na puntahan ang pinupormahang babae. Napagpasyahan na lang nito na umuwi na lang. Habang papalayo sa convenience store rinig na rinig pa nito ang mga tao na pinaguusapan ang kanyang ginawa kaya nagmamadali itong makalayo agad doon. Lumiko ito sa isang kalye na madalang na lang ang mga tao dahil sarado na halos ang mga establisyemento sa bahaging iyon. Kung May bukas man ,mga spa at masahe-an lang. Iilang mga jeep at sasakyan na lang din ang dumadaan sa kalsada. Malayo kasi ito sa tawiran kung saan naroon sana ang paradahan ng mga jeep at taxi.
Patuloy lang sa pag lakad si Bellegaz.Nang muli na naman itong nakaramdam ng tila may nakasunod sa kanya. Hindi gaanong maliwanag ang sidewalk sa area na iyon gawa ng klase ng ilaw mayroon doon. Napapalingon si Bellegaz ngunit wala naman itong nakikitang ibang tao bukod sa kanya.
Nagtapangtapangan na lang ito kahit na halos maihi na ito sa salawal. Hinanda nito ang baril. Nang matapat sa isang ihawan sa gilid ng kalsada nakahinga ng saglit si Bellegaz,marami na kasi ulit mga tao sa bahaging iyon. Doon na rin nag tiyagang mag abang ng taxi si Bellegaz hanggang sa nakasakay na nga ito ng ligtas.
Naalimpungatan na lang si Maru sa tawag sa kanya ni Fil na noo’y May kalahating oras ng nilalamok sa labas ng gate. Nakatulog na kasi si Paz sa kakahintay sa kanya.
“Grabe namang focus sa work iyan, inumaga ka na talaga. Kumain ka na ba niyan?” tanong ni Maru kay Fil.
“Sayang naman kasi, hindi pa nga eh. Pero ito dumaan ako sa isang kainan, bumili ako nitong pizza at mga chips. Tara kumain tayo.” sagot ni Fil.
“hindi ko talaga tatanggihan ito, dinistorbo mo kaya ang tulog ko. Anong oras na oh, ala una ng madaling araw. “ ayon pa kay Maru.
Kumakain na ang dalawa nang magising si Paeng.at lapitan ang mga ito. Agad namang inalok ni Fil si Paeng na kumain ngunit sa halip kumuha lang ito ng beer sa ref at nakisabay sa dalawa.
“Tay nakarami ka na ng beer kanina, wala ka bang pasok bukas?” tanong ni Maru.
“banlaw lang ito Nak, uy Fil kamusta ang trabaho?”
“Ayos lang naman tito, naninibago ng kaunti pero masaya naman.“tugon ni Fil
“Mabuti naman, siya nga pala simula ngayon ayoko ng may naglilihim sa inyo sa bahay na ito. Inaalala ko ang mga kaligtasan niyo, kaya kailangan ko rin ang katapatan niyo. Maliwanag?” saad ni Paeng.
Sumang-ayon naman ang dalawa kahit hindi nila makuha ang pinupunto ni Paeng, inisip na lang ng dalawa na baka lasing parin ito. Ngunit hindi maalis kay Fil ang mga titig sa kanya ni Paeng. Tingin na may lalim at pagdududa. Tingin na may gustong tuklasin sa kanyang pagkatao.
“Naninibago talaga ako ngayon sa mga tinginan sa akin ng tatay mo, iyong tipong binabalatan niya ang pagkatao ko. Sa totoo lang nakakailang na minsan.” pabulong na wika pa ni Fil.
“Parang hindi ka pa nasanay kay Tatay, ganyan na iyan kung makatingin ngayon ka pa maiilang?“tugon ni Maru.
Napalingon pa si Fil kay Paeng habang patuloy parin ito sa pag inom ng alak sa sala.
Samantala abot bayag ang kaba parin ni Bellegaz sa kanyang naranasan. Balisa ito at nasa mga tao sa paligid lagi ang kanyang tingin.
“Bakit pare? hindi ka pa ba nakauwi?” tanong ng kasamahan nitong pulis kay Bellegaz ng tumawag ito.
“Kakauwi lang pare, at maniwala ka sa hindi pare may nagtangka sa buhay ko kani-kanina lang” kuwento pa ni Bellegaz.
“ano? paano mo naman nasabi pare, ano ba ang nangyari?”
“May sumusunod sa akin kanina pare, parang may balak na masama sa akin. At pakiwari ko pa nga siya iyong killer.” ayon pa kay Bellegaz.
“Sigurado ka? baka naman isa lang iyon sa mga fans mo pare. Bakit ka naman titirahin ng killer, ang linis-linis mo nga diba? unless kilala ka talaga ng killer.” natawang tugon pa ng kasama.
“tangna naman pare, huwag mo naman ako pagtawanan. Pero alam mo duda ako kung sino iyon.”
“May hinala ka kung sino iyon?”
“si Makalaay, malakas ang kutob ko na siya iyon. At may hinala rin ako na siya talaga ang killer.” saad pa ni Bellegaz.
“grabe pare, umabot na talaga sa ganyan ang inis mo kay Makalaay? Ano ba ang kina iinisan mo sa kanya, eh kung tutuusin ikaw pa nga ang mas nakakaangat sa inyo.”
“ah basta pare,…malalaman ko rin ang kulo ng taong iyan. At pag napatunayan ko talaga. Ako mismo puputol sa buntot nito.”
Lalong natantusan pa ang ngitngit ni Bellegaz kay Paeng. Dahil pa sa nangyari sa kanya, pinagdududahan na rin nito si Paeng na siyang killer na hinahanap nila.
HANAPAN
Kinaumagahan sa presinto, agad napuna ni Paeng ang himalang pag-iwas sa kanya ng mga kagrupo ni Bellegaz na siya namang ikinatuwa nito. Lumapit sa mesa nito si Ignacio at may inabot na folder.
“Ano ba ang nangyari sa mga iyan bakit biglang nagkakaganyan ang mga iyan? “ bulong na tanong ni Paeng kay Ignacio.
“Paminsan-minsan kasi makikibalita ka rin sa mga social media para naman updated ka. “ wika ni Ignacio sabay labas ng cellphone at may ipinakitang video kay Paeng.
“Gisado ngayon sa loob si Bellegaz dahil sa video na iyan. Nanutok ba naman ng empleyado ng convenience store dahil sa kalasingan. Viral tuloy ang hambog.” saad ni Ignacio.
“Kung ako sa mga iyan kinasuhan ko na iyang si Bellegaz para magtanda. Pero ano nga pala ang folder na ito pare?”
“Mga impormasyon tungkol sa pamilya ni Josefino Lansang at sa mga anak niya. Nariyan din ang larawan ng mga anak niya pati na iyong panganay na pinaiimbestigahan mo.” Ayon kay Ignacio.
“sure ka na siya ito? eh ibang tao ito pare. Hindi ito ang anak ni Josefino.” ang reaksiyon ni Paeng ng makita ang larawan ng sinasabing anak ni Josefino.
“imposible mga kamaganak nila mismo ang nag bigay ng litrato na iyan. Siya si Jaime Lansang, dating ofw sa Dubai ngayon isa ng negosyante at may ari ng auto supplies sa Balwarte. Malinis naman ang records ng tao. Legit ang negosyo at gaya nga ng nasabi dati ng ama niyang si Josefino, hinahanap niya parin ang kanyang anak na inilayo sa kanya ng dati niyang kinakasama. Bakit pare, nakita mo na ba itong si Jaime?”
“Ang ibig ko sabihin,iba lang kasi ang itsura niya dito kumpara sa larawan na nakita natin sa bahay ng matanda. Ang layo lang ng facial structure niya dito kung ang larawan na iyon ang pagbabasehan ko. Parang hindi siya eh.” ayon pa kay Paeng na tila hindi kumbinsido sa larawan ng Jaime na hawak nito.
“Malamang pare, highschool pa ang picture niyang iyon. Malay mo naman nag glow up lang ng husto ang tao. At isa pa ma’y edad na rin ang tao na iyan kaya puwedeng malayo na talaga ang mukha niya ngayon sa mukha niya dati. So ano na ang next pare?” ani pa ni Ignacio.
“Salamat dito pare, pag-aaralan ko muna ito. Sakaling may makita akong butas sasabihin ko sa iyo. “ saad ni Paeng.
Hindi talaga mapakali si Paeng sa taong nasa larawan. Iba kasi ang inaasahan nitong makita at malaman. Gayunpaman hindi iyon nagpatinag kay Paeng na itigil na ang pagiimbestiga. Pagkatapos ng kanyang trabaho bumalik ito sa lumang tenement na pinuntahan nila ni Ignacio. Tinumbok agad ang bahay ni Josefino. Ngunit laking pagtataka lang nito nang mapansin na nakakandado na ang pintuan ng bahay ng matanda. Isang babae ang lumabas mula sa katabing unit. Agad nitong napansin si Paeng na pasilip-silip sa basag na jalousie ng bintana nila Josefino.
“Wala ng tao diyan, may dalawang Linggo na.” wika ng babae.
“May alam ka ba kung saan nagpunta si tatang Josefino?” tanong ni Paeng.
“Wala eh, gabi kasi ng umalis sila dito. Isinama na yata ng anak.” sagot ng babae.
“Ganun ba, Ale…kakilala niyo ba ang anak na panganay ni Josefino?” tanong muli ni Paeng.
“Hindi masyado, minsan lang kasi nagagawi iyon dito. Pero mabait iyon at guwapo. Kamaganak ho ba kayo nila?” ayon pa sa babae.
“kapatid ko po sa labas si Jaime, iisa lang po ang ina namin.” sagot ni Paeng.
“Kaya naman pala kasing gwapo mo ang anak ni Josefino. Sayang at hindi na kayo nagpang abot.”.
“Oo nga eh, hindi ko na rin kasi nakita ang kapatid kong iyon, Ale ganito pa rin ba ang itsura ni Jaime ng makita mo?” wika ni Paeng sabay pakita ng larawan ng Jaime na hawak niya.
“Ay,hindi naman iyan ang anak ni Josefino mas gwapo iyon diyan. Parang foreigner iyong si Jaime. Baka iba siguro ang hinahanap niyo. Kahit na minsan lang dito ang anak ni manong Josefino, hinding-hindi namin makakalimutan ang mukha ng anak niyang lalake. At sigurado ako na hindi siya iyang nasa litrato.” Tahasang pag tanggi ng babae.
Agad na kinuha ni Paeng ang kanyang cellphone at hinanap sa gallery ang larawan nila ni Hector noong minsan nagkasama ito sa isang beerhouse. Ipinakita niya iyon sa babae.
“siya nga iyan, siya ang anak ni manong Josefino. Diba ang gwapo niya.” saad ng babae.
Hindi na nagtagal pa roon si Paeng. Ngayon kumpirmado na ang kanyang hinala kailangan niya lang alamin ang koneksyon ni Hector sa mga nangyayari kung totoo man ang kanyang teyoriya. Binalikan ni Paeng ang dating construction site na pinagtatrabahuhan ni Hector. Hindi agad ito pinapasok dahil sa private area iyon at bawal talaga sa hindi empleyado ng itinatayong gusali. Tsaka lang pinayagan si Paeng nang magpakilala itong pulis. Isang engineer ang humarap sa kanya.
“Engineer Ajero,” pagpapakilala pa ng engineer kay Paeng.
At nagpakilala rin si Paeng dito. Hindi na ito nagpaligoy-ligoy at inalam agad kung saan niya puwede makita si Hector Makaraig. Nagulat na lang si Paeng ng hindi matandaan ng engineer na may empleyado silang ganun ang pangalan. Kaya agad na ipinakita ni Paeng ang picture ni Hector sa kanyang cellphone.
“Ah si Lansang, hindi ko alam na may iba pa palang bitbit na pangalan itong si Jaime. Hindi ko alam kung saan na ang taong iyan. Bigla na lang hindi nagreport dito isang araw. Ang sabi-sabi rito sumama daw sa kerida natunton dito ng misis kaya umalis. Kinuha lang ang huling sahod tapos di na bumalik. Kaya siguro gumamit ng ibang pangalan, para hindi mabisto ng asawa.” ayon pa sa engineer.
“Wala ba siyang records na naiwan o detalye man lang tungkol sa kanya para malaman ko man lang ang address niya sir?” usisa pa ni Paeng.
“pasensya na sir, hr ang may hawak ng mga records ng mga empleyado ko at wala rito iyon sa site. Pero kung iyon talaga ang request mo ipa-check ko agad sa hir, tatawagan ko.” tugon ng engineer.
“maraming salamat, isa pa nga pala ang nangyaring pagpatay dito noon sa isa sa mga empleyado niyo, ano ang update roon?” tanong pa ni Paeng.
“Wala ng tugon ang pamilya ng biktima. Sinubukan naming tumulong pero tila pinabayaan na ng mga kaanak ang kaso. Matapos kami mag abot ng pinansiyal na tulong,wala na kaming ugnayan sa pamilya ng pinatay.”
Habang nag uusap pa ang dalawa nakatanggap ng tawag ang engineer,ukol sa kailangan ni Paeng. Nang makuha na nito ang kumpletong address ni Hector hindi na nag sayang pa ng sandali si Paeng at pinuntahan agad ito.
Vista Monte Pamana Homes,… doon ang punta ni Paeng ayon sa nakuhang address na siyang nakalagay sa resume ni Jaime Lansang a.k.a Hector Macaraig. Malayo sa siyudad ang lugar, halos pa labas na ito ng sentro pero parte parin naman ng siyudad. Malayo nga lang at masyadong liblib. Relocation site ito na may pabahay ng gobyerno para sa mga residente ng Bacolod na naapektuhan ng mga kalamidad at demolisyon.
Ang layo at liblib talaga lugar maging ang daan papunta roon. Kahit na highway pa, mga truck lang ng tubo at iilang mga pribadong sasakyan lang ang dumadaan doon. Kung residente ka ng Vista Monte at wala kang sariling sasakyan o masasakyan, mahihirapan ka talaga bumalik ng siyudad dahil walang public vehicle na may ruta sa lugar na iyon.
Hapon na nang marating ni Paeng ang mismong site. Bungad pa lang nagduda na ito na sinadyang maliin ni Hector ang kanyang address. Masyadong tahimik ang site na tanging matataas lang na mga damu at ligaw na halaman ang siyang nag dominar ng lugar. Walang mga tao on isang residente man lang itong nakita sa paligid. Nilulumot na ang mga pader ng mga abandonadong mga bahay sa paligid. Tahimik ang site at walang sinyales na minsan itong naging tirahan ng marami. Marahil dahil sa lokasyon ng lugar kaya wala man lang tumira roon.
Iniwan ni Paeng ang sasakyan sa isang tabi at naglakad-lakad ito. Batid niyang wala na itong mapapala sa lugar ngunit tila hinihila ang mga Paa niya na suriin pa ang paligid. Talagang abandonado ang lugar.
Naglalakad-lakad si Paeng nang makatanggap ito ng tawag galing kay Jericho.
“Nasaan ka? magkita tayo.” wika ng anak.
“Sa trabaho, hintayin mo na lang ako at pupuntahan kita.” sagot ni Paeng.
“,Ayos ka lang? nalaman ko kay Joram na may pinagdadaanan ka. Baka gusto mo pag-usapan. Nasa Tower lang ako. Doon mo na lang ako puntahan.” wika ng anak.
Napailing na napangiti si Paeng sa sinabi ng anak. Biglang gumaan ang loob ng isang ama nang marinig ang salitang iyon mula sa anak. Hindi man direktang nasabi ni Jericho ang pag-aalala sa ama, ramdam naman iyon ni Paeng sa tuno at paraan ng pagkakasabi ng anak. Napapunas ng mata si Paeng nang maramdamang papabagsak na ang luha nito.
Pabalik na ito sa kanyang sasakyan ng may narinig ito mula sa malayo.
Tahol ng isang aso…
Hinanap ni Paeng ang pinagmulan ng tahol ng aso sa paligid, hanggang sa napansin nito ang isang itim na aso na tumatakbo sa di kalayuan at sumuong sa mga damuhan. Hindi iyon ang aso na inaakala ni Paeng. Hindi na nagtagal pa roon si Paeng excited na ito sa pagkikita nila ng anak.
Kakaalis lang ng sasakyan ni Paeng nang may lumabas na lalake mula sa likod ng isa sa mga bahay na naroon. Nakatingin ito sa papalayong sasakyan ni Paeng.
“Max! “;sigaw nito.
At mula sa mga damuhan, lumabas muli roon ang kaninang aso na nakita ni Paeng. Maliksi itong tumatakbo papalapit kay Hector.
“good boy Max.” pag amo ni Hector sa kanyang aso.
“Siya pala ang tinutukoy mo?” wika ng matanda nang lumapit ito kay Hector kasama pa ang isang aso na si Bronx.
“Si Paeng, siya ang tumatayong ama ngayon ng anak namin ni Mercedes. At sa anak ni Romero.” tugon ni Hector
“Mukhang alam na niya ang pagkatao mo anak. Ano ngayon ang plano mo?…hindi puwedeng magtatago na lang tayo dito habang buhay. Kung tama ang kutob ko na pakawala siya ni Samonte para tugisin ang pumatay kay Romero dapat lang na maunahan mo siya.” saad pa ng ama na si Josefino.
“Hindi si Paeng ang banta sa akin Tay, ang kung hindi ang anak ni Romero,” tugon ni Hector.
“kung gayon dapat mo na siguro gawin ang nararapat sa anak mo, bago pa tuluyang mahulog sa isa’t isa ang dalawa. Magpakilala ka na Maru at ilayo mo na siya dito.” ayon pa kay Josefino.
“Malapit na Tay, naghahanap lang ako ng tiyempo. Sa ngayon kailangan malaman ko kung sino ang killer,at may kutob talaga ako na may kinalaman ito kay Fil.” saad pa ni Hector habang naglalakad ang dalawa pauwi kasama ang dalawa nilang aso.
Maging si Hector tulad ni Paeng ay nais rin malaman kung sino ba talaga ang pumapatay. Dahil para sa dalawa hindi lang ito basta pangyayari na puwede nilang palampasin dahil sangkot dito ang kanilang buhay lalo na ang mga taong mahalaga sa kanila.
Alas tres na ng hapon ng magkita sina Paeng at Jericho sa isang bar. Pagkakita sa ama agad na sinalubong ito ni Jericho, niyakap at tinapik sa likod. Napangiti si Paeng,at alam niya ang ibig sabihin ng pagtapik ng anak. Naupo ang dalawa sa counter .
“ang aga naman nito para mag lasing, may problema?” tanong ni Paeng.
“kung gusto mo may kape sila dito, juice at soda. Ano gusto mo?”
“kape na lang, brewed.”
tsaka nag order si Jericho. Muling tinanong ni Paeng si Jericho kung bakit nais siya nitong makausap. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Jericho. Pinagsabihan ang ama tungkol sa trabaho nito.
“Hindi ko ikinatuwa ang sinabi sa akin ni Joram. Kung ganyan din lang lagi, mag resign ka na lang sa trabaho. Masyado mo ng ibinababa ang sarili mo dahil sa pagmamahal mo diyan sa posisyon mo. Ni hindi ka man lang nirerespeto ng mga kasamahan mo. Pinapahiya ka pa. “ wika ni Jericho.
“Hindi lang ito tungkol sa trabaho, buhay ko ang pagpupulis at hindi ako magpapatinag dahil lamang sa kanila. Wala pa ako sa edad para isipin ang pag reretiro. Kaya ko ang sarili ko.” tugon ni Paeng.
“Kung nais mo ng resbak, nandito lang ako. At isang pamamahiya pa ng Bellegaz na iyan sa iyo, may kalalagyan iyan sa akin.” dagdag ni Jericho.
“Personal ko na ito, huwag ka ng mangialam, mag pukos ka na lang sa trabaho mo at sa kapatid mo. Siya nga pala kamusta na kayo? sinabi mo na ba sa kanya?”
“Hindi pa, pero balak kong dalhin si Joram sa dati naming bahay, baka sakaling may maalala siya sa nangyari at bumalik sa kanya ang lahat.” ayon kay Jericho,
“Alalayan mo lang si Fil, kung kailangan mo ako magpasabi ka lang” wika ni Paeng tsaka ginulo ang ayos ng buhok ng anak.
Nainis si Jericho sa ginawa ng ama pero sa halip na galit napangiti ito. Sa sandaling iyon tila wala na ang bubog sa dibdib ni Jericho at tanggap na nito si Paeng na siyang tunay niyang ama. Si Paeng, hindi man nilalabas sa anak ang totoong emosyon. Sa loob nito halos gusto na nitong sumabog sa saya dahil sa wakas natawag na itong ama ng kanyang anak.
Tuloy lang sa pag-uusap ang dalawa ng mapatingin sa labas ng bar si Paeng, napansin agad ni Jericho na ang pagkunot ng nuo ng ama. Tumayo si Paeng sa kinauupuan nito at dali-daling lumabas ng bar. Agad naman nag iwan ng bayad si Jericho at sinundan ang ama na tila may hinahabol.
Umabot na sa kabilang daan si Jericho sa kakasunod sa ama. Nakita pa nito si Paeng na pumasok sa isang makipot na kalsada kung saan siksikan ang mga tao dahil sa hilira ng mga kainan at maliliit na tindahan. Sinundan parin nito ang ama hanggang sa nakarating ito sa likod ng lumang sinehan na naging tambakan na ng mga lumang kagamitan ng katabing appliance shop. Hindi na iyon passable sa mga tao ang lugar dahil private property na iyon kaya wala ng masyadong dumadaan sa naturang kalye. Palinga-linga si Jericho sa paligid hinahanap ang ama na bigla na lang nawala sa kanyang paningin.
Samantala nang mga sandaling iyon inabutan din ni Paeng ang hinahabol nitong lalake. Hinawakan niya ito at itinumba sa daan tsaka dinaganan ang lalake ng nakadapa na ito sa daan. Habang naka pin down ang lalake tinutukan nito ni Paeng ng baril sa batok at masinsinang inusisa ang lalake.
“sino ka?! at bakit mo ako sinusundan?!” tanong ni Paeng na gigil na gigil sa galit.
“hindi mo ako kilala, pero kilalang-kilala kita. Alam ko ang sekreto mo. Nakita ko lahat ng ginawa mo.” natatawang tugon ng lalake kay Paeng. Mapang-asar ang tuno ng tawa nito na siyang kinaiinisan lalo ni Paeng.
“Hayop ka ,ano ang nalalaman mo?” tanong muli ni Paeng, tsaka idiniin ng husto ang dulo ng baril sa ulo ng lalake habang nakadapa ito.
“hindi mo matatakasan ang katotohan. Maglinis linisan ka man sa harap nila hindi parin mabubura ang bakas ng dugo na iyong ipininta. Patayin mo man ako, sinisiguro ko sa iyo na aalingasaw parin ang baho mo.” saad pa ng lalake.
Makakalabit na ni Paeng baril nang marinig nito ang boses ni Jericho na papalapit sa kanila ng lalake, napalingon si Paeng at bahagyang napatayo sa likod ng lalake. Kinuha iyon ng huli na pagkakataon para kumawala kay Paeng, mabilis itong kumilos at nakabangon. Nagulat si Paeng, babarilin na sana nito ang lalake pero papalapit na rin sa kanya si Jericho.
Nakalayo na ang lalake ng balingan ito muli ni Paeng.
“sino iyon?”
“hindi ko kilala, pero lagi ko siyang namamataan kung nasaan ako. Nakita ko na siya minsan noong gabing may natagpuang patay sa Lulos, tapos noong may natagpuang patay sa isang village. At kanina lang nakita ko na naman siyang nakatayo sa labas ng bar at nakatingin sa atin, kaya hinabol ko.” kuwento ni Paeng.
“Pasensya na ng dahil sa akin nakawala iyon. Pero bakit ka niya sinusundan?”
“Iyon sana ang tanong ko sa kanya kaso dumating ka. Hindi ko na nakuha ang sagot. Pero kung sino man siya, magkikita muli kami.” ani pa ni Paeng.
Hindi na hinabol pa ng dalawa ang lalake. Naunang nagpaalam si Jericho sa ama. Habang nagmamaneho naman ng sasakyan si Paeng, paulit-ulit na naririnig nito sa tenga ang mga sinabi sa kanya ng lalake. Galit na galit ito habang sumisigaw at nagmumura sa loob ng kanyang sasakyan.
Tuloy naman ang normal na araw ni Fil bilang delivery rider,.nasa downtown area ito nang makatanggap ng text galing kay Joey.
ALINLANGAN
Pagkatapos mag hatid ng delivery pinuntahan agad ni Fil ang kaibigang si Joey sa sinabing lokasyon nito. Malayo ang lugar na pagtataguan ng dalawa at ipinagtaka iyon ni Fil. Nang marating ang lugar napansin nito agad si Joey na nakaupo sa gatir ng sidewalk. Extention highway iyon palabas ng siyudad kaya karamihan sa dumadaang sasakyan doon mga bus at mga private. Talahiban at mga tubo ang tanging makikita sa magkabilang parte ng highway. Kaya Takang-taka si Fil bakit iyon ang pinili ni Joey na meeting place nila. Hapon na rin iyon at lalong madalang ang mga dumadaan sa lugar.
“Ano ang meron pare, bakit dito talaga? “ tanong ni Fil.
“Eh iyon ang sabi sa text eh, dito raw ang pick up ng van ng agency. Bakit pare? hindi ka ba nakatanggap ng text galing sa Starlights Image?” sagot ni Joey.
“Anong Starlights Image? anong text? Naku pre, malinaw na scammer iyan.” wika ni Fil sa kaibigan.
“Hindi pre, ito iyong agency na kumuha ng mga pangalan natin noong rumaket tayo sa event ng Lulos. Iyong nangakong isasalang tayo sa pag-aartista. Diba kinuha rin nila pangalan mo , sabi mo.” paliwanag ni Joey.
“iyon ba iyon?…oo tinanong nga ako, pero ibang pangalan ang sinabi ko at imbento ko lang ang ibinigay kong numero. Wala naman kasi ako interesado sa mga ganyan pre. Wala tayong skills sa ganyan. Ikaw siguro.” saad ni Fil.
“Subukan mo lang pre, malay mo sisikat ka pa kay Coco. Audition pa lang naman daw. Pero baka suwertehin.” ayon pa kay Joey.
Nang mga oras din na iyon malapit na sa lugar sina Jack at Nato sakay ng silver na van. Bungad pa lang agad na napansin ng dalawa sina Joey at Fil na nag-uusap sa gilid ng kalsada.
“Ano ang ginagawa ng Fil na iyan dito? Mukhang mapornada pa ang huling araw natin ah.” wika ni Nato kay Jack.
“I-text mo si Joey , sabihin mo change location at dapat siya lang mag isa. Dahil confidential ito. Lipat tayo ng lugar. Bulilyaso tayo dito.” utos ni Jack kay Nato.
Nang matanggap ni Joey ang text nagpalinga-linga ito sa magkabilang parte ng highway.
“uy pre, ano na? wala pa ba ang hinihintay mo? “ tanong ni Fil.
“kaka-text nga lang eh, change location daw, tapos ako lang mag isa.”
“sa malamang scammer talaga iyan. Saan ba ang location na iyan?” sambit pa ni Fil.
“sa upper north daw, sa may rebulto ng agila.”
“eh ang layo nun dito pare, buti pa cancel mo na iyan, surebol akong scammer iyan, labas na ng siyudad iyon tol. At kung legit iyan sana sa opisina kayo pinapunta hindi sa kung saan kayo papupuntahin at pipik-apin.” saad ni Fil na nagdududa na mudos lang ang nag te-text kay Joey.
“Mukhang nawawalan narin ako ng gana tol, baka tama ka scammer lang talaga ito.” ani ni Joey.
“ito ni locate ko sa map ang agency na iyan, malapit lang sa Tower ang opisina nila mukhang may oras pa naman. Puntahan natin iyan ngayon doon tayo mag tanong kung legit talaga iyan. Tara angkas ka na pre.”
Sinunod na lang ni Joey si Fil. Nakatunog narin kasi ito ng hindi maganda sa nag te-text sa kanya. Nakita ng dalawa ang pag alis nina Fil at dismayado ang mga ito.
“Mukhang mahihirapan tayo dito kay Joey , umepal na naman. kasi ang Fil na iyon.” wika ni Nato.
“Bahala na kung hindi natin madadala si Joey, iba na lang ang dadalhin natin. Baka madisgrasya pa tayo sa dalawa na iyan.” ani ni Jack
“anong gagawin natin?”
“Kita mo naman siguro ang mga kalidad at mukha ng mga gusto ni Precy. Mamimik-up tayo ng kolboy pare. Iyon ang ipapalit natin kina Joey.” saad ni Jack.
“saan naman tayo hahanap ang aga pa nito?”
“Sa dating tambayan, basta ako ang bahala. “
Hindi nagtagumpay ang dalawa sa pagkuha kay Joey. Gayunpaman nakaisip agad ng solusyon si Jack. Bukas pa ang agency na pinuntahan nila Fil at doon nga nakumpirma ng dalawa na peke ang natanggap na mensahe ni Joey at walang ganung sistema ang kompanyang iyon. Hindi magkamayaw sa pasasalamat si Joey dahil hindi ito nadala sa pambubudol sa kanya.
“Sa malamang mudos na naman iyan ng isang sindikato. Paraan nila iyan para makadulot ng tulad mo na kapit sa patalim tapos gagawin nilang corned beef. Buti na lang nakinig ka sa akin, dahil kung hindi baka nasa lata ka na ngayon pre.” wika ni Fil sa kaibigan.
“Kaya nga nagpapasalamat ako sa iyo pre, buti na lang talaga tinext muna kita. Bago pa dumating ang kung sino mang may balak na biktimahin ako.” tugon ni Joey.
“Para sura tayo, mag pa blotter tayo pare, tapos ibigay mo sa kanila ang number na ginamit sa iyo, baka ma track nila kung sino ang nasa likod niyan. Kung sindikato ba talaga iyan.” suhestiyon pa ni Fil.
At iyon nga ang ginawa ng dalawa.
Pagkauwi ni Paeng dumeretso agad ito sa tindahan ni Maru, ngunit wala ang anak at tanging si Paz lang ang inabutan nitong nagbabantay ng tindahan at ihawan.
“At ano ang gagawin niya sa May maisan?” tanong ni Paeng na may malaking pag-aalala sa mukha.
“ewan ko sa anak mo, hindi sinabi. Pero baka bibisitahin niya lang ang bahay doon, Mabuti na rin iyon para kahit papano nagagalaw din ang bahay lalo na at wala namang umuupa roon.” tugon ni Paz.
Sumakay pabalik ng sasakyan si Paeng tsaka umalis ng hindi man lang sinabi kay Paz.
“kita mo ang taong iyon, kakarating lang aalis uli. Naku mas mainam pa tumambay dito sa tindahan ni Maru, maraming tao. Naaaliw pa ako.” saad ni Paz sa sarili.
Nang napadaan si Benito para bumili ng sigarilyo.
“Nakita ko si Maru papuntang maisan.” wika nito.
“pupuntahan niya ang lumang bahay.” tugon ni Paz.
“Nabahala siguro siya sa sinabi ko noong isang gabi na may nakita akong tao na pumasok sa bahay niyo roon, nagsindi pa nga ng ilaw. Nagtaka lang ako kasi sa pagkakaalam ko wala ng umuupa doon diba?” kuwento ni Ben
“kelan mo nakita na may tao, jusko baka nilooban na pala ang bahay doon.” nabahalang reaksiyon ni Paz.
“noong isang Linggo pa nang may hinatid ako sa kabilang barangay, doon ako dumaan. Hindi ko naman naaninagan kung sino kasi madilim na sa bahaging iyon. Sabi ni Maru baka si Tiyo Paeng lang iyon.” ani pa ni Benito.
Nag-alala man si Paz pero sa isip niya na baka si Paeng lang din naman ang nakita ni Benito ng magawi ito sa maisan. At doon nga sa may lumang bahay nila ipinagtaka ni Maru kung bakit tila hindi Naka lock ang pintuan ng bahay. Napansin din nito na maayos parin ang paligid ng bahay na tila ba may nag-aasikaso parin dito. Maging ang naiwang garden ni Rodge, maayos ang mga pagtubo ng mga halaman dito. Sali likod ng bahay dumaan si Maru malapit sa balon. At isang bagay ang umagaw ng kanyang atensyon, basa ang paligid ng balon na halatang may bagong gumamit dito. Sinundan ni Maru ang bakas ng basa at patungo ito sa loob ng bahay.
Kinabahan si Maru na agad inilabas ang cellphone para i-video ang lahat ng makikita nito sa loob. Maingat nitong itinulak ang pintuan sa bahaging likuran ng bahay. Bukas ito at may bakas ng basang kamay sa mismong pinto.
kabado si Maru sa maaring masumpungan nito sa loob ng bahay. Nasa kusina na ito at napansin ang maayos na loob. nakabukas ang ilaw sa kusina kaya ramdam mo talaga na may tao. May nakasalang pa na kaserola sa kalan at nangangamoy pa ang ulam. May bawas na tinapay at palaman sa mesa. Tirang pagkain na tinakpan lang ng plato. Lalong lumakas ang kutob ni Maru na may tao sa loob. At naroon lang iyon doon.
kinuha ni Maru ang nakasandal na pala sa gilid ng lababo. Hawak niya ito bilang sandata sakaling masamang tao ang naroroon sa loob. Nagpatuloy si Maru nang bigla na lang ito nakarinig ng mga kalabog mula sa kuwarto sa ikalawang palapag. Nagulat si Maru, kaba at takot na ang bumabagsak sa kanya ngunit nagtapangtapangan ito. Dahan-dahan itong umakyat ng hagdan, nasa kalagitnaan na ito ng may tumawag sa kanyang pangalan.
“Maru, ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Paeng na nakatingala kay Maru na nasa hagdan.
“Tay may tao sa taas, narinig ko may kumalabog sa isa sa mga kuwarto.” wika ni Maru sa ama.
“Baka, ligaw na mga pusa lang iyan dito. Mga pinapakain ko kapag nandito ako. Nasasanay na ang mga iyan dito sa bahay kasi maraming daga rito.” saad ni Paeng.
“Madalas kayo rito Tay?” pagtataka ni Maru.
“Kapag gusto ko mapag-isa dito ako nagpapahinga. Dito nga ako galing bago ako sumaglit ng bahay. Baka gusto mo kumain may pagkain diyan.” tugon ni Paeng.
“Ibig sabihin kayo ang gumamit ng balon?” tanong pa ni Maru.
“kanina,bago ako umalis. Bakit ka nga pala pumunta rito?” balik na tanong ni Maru.
Ipinaliwanag naman ni Maru sa ama ang kanyang dahilan. Matapos malinawan na si Paeng talaga ang nakita noon ni Benito, hindi na nag tanong pa si Maru sa ama. Sumabay narin ito sa ama na umuwi dahil hapon na nga ng mga sandaling iyon at papadilim na.
Lumabas saglit ng gate si Paeng at may tinawagan ito.
“Hindi ka ba niya nakita?” tanong ni Paeng sa kausap.
“muntikan na mabuti na lang at nararamdaman ko ang pagpasok niya,akala ko pa naman ikaw. I miss you.” tugon ng kausap nitong lalake ni Paeng sa cellphone.
“bukas dadaan ako diyan pagkauwi galing sa trabaho. Pasensya na talaga.” saad ni Paeng.
“huwag mo akong alalahanin, ayos lang ako. Pero sana lang dalasan mo dito. Nakakalungkot minsan ang mag isa. Nakakabagot na wala ka sa tabi ko.” sabi pa ng lalake na kausap.
“babawi ako,pangako.” ayon pa kay Paeng.
Isa pang lihim ang nasilip sa kuwento ni Paeng. Samantala, sa kadahilanang napurnada ang balak nila sa kaibigan ni Fil na si Joey tinuloy nila ang balak ni Jack.
“Alin sa mga diyan pare?” tanong ni Nato kay Jack.
“Iyong dalawa sa may poste ng parking lot. Mukhang pasok sila sa banga.” Nakangiting saad ni Jack.
Doon na bumaba si Nato para lapitan ang target. Agad namang sinalubong ng isang lalake si Nato nang tawagan niya ito.
“Gusto niyo bang kumita?” tanong agad ni Nato.
“Kaya nga kami tumatambay dito eh, Bakit ikaw ba ang kukuha sa amin?” tugon ng lalake kay Nato sabay pakagat-kagat pa ng labi nito.
“hindi ako, ang boss namin. huwag kayong mag alala babayaran kayo ng malaki.” saad pa ni Nato.
Agad na sumama ang dalawa kay Nato. At kagaya ng mga nauna, pinatulog din nila ang dalawang bagitong kolboy.
Dinala nga ng dalawa ang pinik-up nilang mga lalake sa bahay ni Joker.
’ANAK KA NG…“
“anak ng kabute, sino ang mga iyan?” bungad ni Joker ng makita ang dala ng dalawa.
“nahirapan kami sa dalawa, mukhang delikado kung itinuloy namin kaya naghanap na lang kami ng iba. swak naman iyan sa panlasa ni Madam sigurado.” tugon ni Jack
“Puwede na iyan siguro. Kahit papano good job parin kayo dahil marunong kayo makiramdam kung tagilid ang lakad o hindi. Iwan niyo na ang mga iyan dito. Kami na ang bahala.” saad ni Joker sa dalawa.
“boss Jack wala na bang follow up na trabaho? parang gusto pa namin eh.” hirit ni Nato.
“wala muna sa ngayon, pero asahan niyo ang tawag ko o ni Madam. Makakaalis na kayo.” sagot ni Joker at pinagsarhan ang dalawa ng pinto.
Pabalik na ang dalawa sa kanilang sasakyan ng may naisip si Jack.
“Bakit pa tayo babalik ng Kwatro Uno? baka isumbong pa tayo ng mga kabaranggay natin, matiklo pa tayo.” pagtutol ni Nato sa plano ni Jack.
“Mang ri-recruit tayo ng mga bago nating mga kamay. Maraming mga dagang kanal sa atin na madaling utusan. Titira ang mga iyon kahit pang ragbi lang. “ saad ni Jack.
“sige, kelan ang plano?”
“ngayon din, bibisita tayo sa creek sa tambayan ng mga anak kalawang at mga batang kalkal.”
sakay na ang dalawa ng sasakyan at papaalis na ito nang habulin sila ni Jack at pinababa. Nagtaka ang dalawa. Gayunpaman sumunod na lang ang dalawa kay Joker matapos malaman na utos iyon ni Precy. Pinapasok muli ang dalawa sa bahay at pinaupo sa sala.
“Baka may iutos si Madam sa inyo kaya maghintay muna kayo. Ano gusto niyong inumin Juice, beer o whiskey?Ikukuha ko kayo.” wika ni Joker na nakangiti sa dalawa.
“kahit ano na lang boss” tugon ni Nato.
“sige, magrelax lang muna kayo. Ikukuha ko lang kayo ng beer .” wika ni Joker bago iniwan ang dalawa.
Hindi mapakali si Jack sa nakitang ikinikilos ni Joker. May kutob itong hindi kanais-nais sa mga nangyayari kaya sinabi niya ito kay Na’to.
“Hindi maganda ang kutob ko dito pare, mukhang ito na iyong sinasabi ko.” bulong ni Jack kay Nato.
“Ano ang plano? Maraming kasama dito si Joker at sa labas may dalawa. Mapapaso lang tayo kapag matunugan nila tayo.” nagdadalawang isip naman ni Nato.
“Bahala na,”…
Tumayo si Jack at lumapit sa isang lalake na nakaupo malapit sa pinto. Nakiusap ito na may kukuhanin lang saglit sa sasakyan. Pumayag naman ang lalake at hinayaan si Jack. Sumunod kay Jack si Nato. Nang makalapit sa van dali-daling sumakay ang dalawa at agad na pinaandar ang sasakyan.
Napansin ni Nato ang paglabas ni Joker sa bahay at pagutos sa mga kasamahan na pigilan ang dalawa.
“Huy kayo baba!!!” sigaw ng dalawang lalake na papalapit sa van.
“pre, bilis andiyan na sila.” taranta ng si Nato. Na inaapura si Jack na nagpapaandar ng kotse.
“Teka! teka!…ito na huwag mo akong tinataranta!”
saktong paglapit ng mga lalake at umandar ang van. Pinaharurot ito agad ni Jack. Hindi naman magawang paputukan ng dalawang lalake ang van dahil maraming mga bahay sa paligid.
“Mga gunggong talaga kayo! habulin niyo mga punggok!” utos ni Joker sa dalawa na tumalima naman sa pag sakay sa kotse para habulin ang van nila Jack.
Sa bahay nila Paeng , tahimik lang ito habang kumakain ng hapunan kasama sina Maru at Paz. Pansin ng kapatid ang lalim ng iniisip nito.
“Trabaho pa rin ba iyan? Nasa bahay ka na… puwede ba iwan mo muna sa labas ng gate ang trabaho mo? igarahe mo muna kasama ng sasakyan mo. Nawawalan ng lasa ang ulam kung sinasabayan mo ng problema ang bawat pagsubo mo.” wika ni Paz sa kapatid.
“siya nga Tay, madalang na nga lang tayo nagkakasama sa hapag pero parang wala naman dito sa bahay isip mo.” Sabat ni Maru.
“Pasensya na, kumain na tayo, siya nga pala Paz, wala bang nabanggit sa iyo si Hector tungkol sa kung taga-saan ba siya?” tanong ni Paeng sabay kambyo ng modo nito sa harap ng dalawa.
“Ang sabi hindi talaga daw siya taga rito. Sa Kalasyaw ang huling nasabi niya sa akin. Taga roon daw ang una niyang asawa. Bakit mo naman naitanong?”
“May plano kasi kami dati na mag susyo sa ng negosyo. Bigla ko lang naisip, wala ka bang kontak sa kanya? “ tanong pa ni Paeng.
“wala , ni minsan hindi iyon nagbahagi ng numero ng cellphone niya sa akin. At speaking ng cellphone tumawag muli si Mercedes…” naputol ang dapat sabihin ni Paz nang maalala nito na kasama pala nila si Maru.
Napaubo tuloy si Paeng sa gulat. Nagtaka si Maru bakit hindi tinuloy ni Paz ang dapat na sasabihin nito sa ama. Maging sa naging reaksiyon ni Paeng nagtaka rin ito. Biglang nagka ideya si Maru na may itinatago sa kanya ang dalawa. Nagsawalang bahala na lang ito na kunwari hindi nakikinig sa usapan ng magkapatid.
Makaraan dumating si Fil na may dalang dagdag na ulam sa kanila. Agad itong kinamusta ni Paeng tungkol sa kanyang trabaho.
“Naku tito sa trabaho ko maayos ,pero ang nangyari kay Joey kanina hindi. Muntik na matangay ng scammer si Joey Tito. Mabuti na lang nandun ako at hindi natuloy.” Kuwento ni Fil
“Paano nangyare?” tanong ni Maru.
Ikinuwento at idinetalye ni Fil sa tatlo ang nangyari.
“tingin ko nga mudos na naman iyon ng mga sindikato Tito, parang mas safe na pamamaraan ng kidnapping tapos ang mga biktima ipapasok sa online farm para gawing mga online scammer o di kaya sa online prostitution at kung mamasamain…gawin pang corned beef sa lata, gaya ng napanood ko sa isang video sa Mytube.” dagdag pa ni Fil.
“Alam mo hindi malayong tama ang hinala mo diyan Fil, kaya kayo lalo kana Maru hinding-hindi talaga kayo basta basta kakagat sa mga offer online na madalian lang ang kita. Alam niyo na ang kalakaran ng mga sindikato ngayon…online na.” payo ni Paeng.
Nang mga sandaling iyon patuloy parin na sinusundan ng mga kasamahan ni Joker sina Jack. Naisip ng dalawa na pumasok sa isang mall para iligaw ang mga ito at makatakas. Pumasok sa isang bukas pa na mall ang dalawa at iniwan ang van sa parking lot nito sa basement tsaka dumaan sa entrance ng mall. Nagpaikot-ikot pa ang dalawa sa loob bago lumabas muli ng mall at sumakay ng taxi.
“ saan na tayo ngayon nito, hindi naman tayo maaring bumalik sa bahay dahil malamang nakaabang na ang mga iyon doon.“ tanong ni Nato kay Jack.
“ naalala mo ang bahay sa 6th street?“
“Alin? iyong bahay ng mag-asawang pinatay?”
“mismo. mukhang pinabayaan na iyon ng mga kaanak ng biktima. Nagmumukha na nga iyong haunted house dahil sa wala ng pumapansin. Abandonado na iyon kaya tayo muna makinabang doon.” mahinang tugon ni Jack kay Nato.
“Eh gago, baka multuhin tayo ng mga pinatay doon.”
“Tang ina sa dami ng kinanta natin, may takot kapa niyan sa multo? Kung ayaw mo doon saan ang balak mo?…kung may alam ka. Nasa bahay ang ibang pera natin, kung itong pera lang na dala natin Ipang che-chek-in natin baka wala pang isang linggo balik kalye na naman tayo.”
“sige na nga, …Manong sa kanto ng 6th street tayo.” pagsang-ayon na lang ni Nato.
Sa 6th street sa mismong kalye kung saan nagsimula noon ang masaya ngunit naging malagim na kapalaran ng isang pamilya.
Pinahinto ng dalawa ang taxi sa may kanto at naglakad na lang ang mga ito papasok ng kalye..Malalayo ang mga agwat ng bahay sa lugar na iyon, American inspired houses ang karamihang bahay doon. Walang mga gate kung meron man mga mababa lang karamihan kasi sa mga nakatira sa lugar mga balikbayan o di naman kaya mga nakapag asawa ng banyaga. Tahimik ang mga kalye kahit alas Siyete palang ng gabi. Hindi tulad ng ibang mga barangay at lugar na maraming tambay at sasakyan sa daan.
Malapit na sa tinutumbok na bahay ang dalawa nang may nakita ang mga ito.
“sabi mo wala ng pumupunta sa bahay eh ano ang ginagawa ng lalake na iyan diyan?.” Wika ni Nato
“Nakatayo lang naman eh, baka balak bilhin ang bahay.” tugon ni Jack.
Napahinto sa paglapit sa bahay ang dalawa nang may nakita itong lalake na naka tayo sa tapat nito mismo. Ngunit makaraan umalis din ito sakay ng dala nitong motor. Doon na dali-daling kumilos ang dalawa para pumasok ng bahay.
Sira na ang doorknob ng bahay, May mga bahagi na ng binata na basag ang salamin. Indikasyon na minsan na itong nilooban matapos ang malagim na sinapit ng mag asawang Treyes. Madilim sa loob kaya ilaw ng cellphone ang gamit ng dalawa.
“nimal, limas na limas na ang loob nito pare, halos wala ng mga gamit ang natira bukod sa family painting na ito.” sabi ni Nato habang iniilawan ng cellphone ang malaking portrait ng pamilya na nakasabit malapit sa hagdan.
“at sinong kawatan naman ang magkakainteres na kunin iyan. umakyat ka sa taas tingnan mo ang mga silid kung saan tayo puwede matulog diyan.” saad ni Jack na tinungo naman ang kusina ng bahay.
Ganun din ang napansin ni Nato sa tatlong silid na nasa taas ng bahay limas na lahat ng gamit at tanging mga built-in cabinets at kama na lang ang naiwan .
“Dito na tayo mag pahinga ,wala naman sigurong surot sa kama. tinanggal ko na lang ang kumot dahil maalikabok na at mabaho. Pinagpag ko narin ang foam mabawasan man lang dumi.” wika ni Nato nang pumasok si Jack sa silid na pinili nito.
Maliwanag sa loob ng silid dahil sentro nito ang ilaw mula sa poste sa tapat ng bahay.
“magpa-deliver ka nga ng pagkain pare, nagugutom ako.” utos ni Jack sa kaibigan.
“sigurado ka? hindi kaya matakot ang rider pag nalaman nilang may umorder sa kanila mula sa bahay na ito?” tanong ni Nato.
“ang bupols mo talaga pre, ang daming bahay dito sa 6th street hindi lang ito ano ka ba. Aabangan na lang natin sila sa kanto. humihilab na ang tiyan ko eh. iyong madali lang para makakain agad tayo samahan mo narin ng tubig. Putol na ang linya ng tubig sa bahay ng tiningnan ko. “
“anak ng…eh di palakasan na naman tayo nito ng amoy” napailing na sabi ni Nato.
“sanay ka naman sa amoy ko kaya ayos lang iyon. Kaya ko namang tiisin baho mo eh, sige na tol order Kana ng makapagpahinga na tayo.” tugon ni Jack sabay hubad ng jacket at damit nito tsaka humilata sa kama.
Napakamot na lang si Nato habang naghahanap ng o-orderin sa kanyang app.
Nasa gate naman noon sina Maru at Fil habang naguusap ng makatanggap ng booking order si Fil mula sa kanyang cellphone.
“di ba out mo na, huwag mong sabihin na kukunin mo pa iyan?” wika ni Maru nang makita ang nasa app ni Fil.
“pang extra din ito. Malapit lang naman ito dito tapos nasa labasan lang ng barangay ang kainan na inorderan ng customer. at malay mo may malaking tip ito bespren. Mga foreigners at mga balikbayan ang mga nakatira sa 6th street kaya kukunin ko ito. Saglit lang ako.” saad ni Fil.
“sige mag ingat ka, tapos Fil kung mapadaan ka sa 24/7 bili mo ako ng balut, babayaran kita pagbalik mo.” ani ni Maru sa kaibigan.
“Balut ko ayaw mo? libre lang ito?” biro ni Fil sabay kindat sa kay Maru.
“ayuko sa mabuhok at kulot na balut.” sabat ni Maru na tila kinilig ng kunti sa alok ni Fil.
“Bahala ka, malaki sisiw nito magsasawa ka…( sabay suot ng helmet at sampa na ng motor) sige na bespren alis na ako. “
“ingat… hihintayin ko ang balut mo…na pinabili ko!” sigaw ni Maru ng umalis na si Fil.
Pagkaalis ng kaibigan napabuntong hininga ng malalim si Maru. Tinanong ang sarili bakit ba pilit niya itinatanggi ang nararamdaman nito kay Fil gayong ramdam naman nito ang pagpapahiwatig sa kanya ng kaibigan. Maging si Maru naiinis na rin sa kanyang sarili. Kaya isang pagpapasya ang naisip nito.
AMINAN
Dala na ni Fil ang order ng nag book sa kanilang app. Ngunit nagtaka ito sa instruction ng customer.
“Anong trip kaya ng customer na ito, Bakit dito niya ako balak kitain sa madilim na bahagi ng daan? Pero imposibleng scammer ang isang ito, bayad na ang order niya.” sambit ni Fil sa sarili habang sinusubukang kontakin ang umorder na customer.
Nasa gilid ito ng isang kanto malayo sa mga kabahayan. Napuno sa bahaging iyon bagamat may mga poste sa malapit, dahil sa mga lilim ng dahon ng mga puno may kadiliman parin sa bahaging iyon.
Sa di kalayuan sa kinatatayuan ni Fil naroon naman si Nato na nagulat ng makita ang isa. Alangan itong lumapit dahil baka makilala siya nito.
“naloko na, si Fil pa talaga ang nag deliver ng in-order namin, paano ngayon ito? Bahala na.”
Maya-maya pa ay tumawag na si Fil sa numero ni Nato.
“sir nandito na po ako, dala ko na po ang order niyo, eh kaso mukang wala namang tao sa bahaging ito. “ wika ni Fil.
“ iwan mo na lang diyan sa gater ang order ko, tapos umalis ka na.“ tugon ni Nato.
“sir baka pagpiyestahan po ito ng mga aso. Saan ba rito ang bahay niyo at ihahatid ko na lang.”
“basta iwan mo na lang diyan, ako na ang bahala.” utos ni Nato.
Nawe-weirduhan man, sinunod na lang ni Fil ang utos sa kanya. Pagka iwan ng mga in-order ng customer, umalis na din ito sa lugar. At nang mapansin ni Nato na nakalayo na ng husto si Fil tsaka lang ito lumapit sa mga iniwang order tapos agad na bumalik sa abandonadong bahay kung saan naabutan nito si Jack na hubo’t hubad at nakabukakang Naka hilata sa ibabaw ng kama.
“ano nangyari sa iyo, bakit ganyan ang ayos mo?” wika ni Nato pagkalapag ng mga pagkain sa tabi ni Jack sa ibabaw ng kama.
“maalinsangan kasi, walang masyadong hangin na pumapasok kahit nakabukas pa ang bintana. Ikaw bakit ang tagal mo sa labas?” saad ni Jack.
“paano kasi sa dinami-dami ng delivery rider si Fil pa talaga ang naghatid ng mga iyan. Kaya natagalan ako.”
“edi nag kita kayo?…. nakilala ka niya?”
“hindi ako nagpakita, pinaiwan ko na lang at pinaalis. Buti na nga lang at Ecash ang ginamit ko pambayad. Oh siya banatan na natin itong pagkain habang mainit pa nang makapagpahinga tayo.” sabi pa ni Nato at isa-isa na nitong nilabas sa supot ang mga pagkain.
Dala ng gutom walang imikan ang dalawa habang kanya-kanyang subo sa mga sarili.
Nasa tapat na noon ng 24/7 si Fil at pumipili ng balut para dadalhin kay Maru nang may napansin itong lalake na pumasok sa naturang tindahan.
“si kuya Hector iyon ah,akala ko ba nasa Maynila na ito? Baka nakabalik na.” sambit pa ni Fil nang masiguradong si Hector nga ang nakita nito.
Halos sa tabi lang niya dumaan si Hector ngunit hindi siya nito napansin dahil nakasuot ng helmet si Fil at abala sa kakapili ng balut sa puti.
“ito tol, malaki na sisiw nito. ilan ba lahat ang bibilhin niyo bibigyan kita ng libreng maning nilaga” pagtawag ng tindero ng balut kay Fil kaya nawala ang tingin nito kay Hector na nasa loob pa ng store.
“bigyan mo ako ng anim tol, tapos pahingi ako ng maanghang na suka sa plastik.” tugon ni Fil.
Pagkaabot kay Fil ng mga balut nagbayad agad ito at dali-daling pumasok ng convenience store. Ngunit inikot na nito ang loob ng store pero wala na roon si Hector. Hindi na nito napansin ang paglabas ng isa dahil kinakausap na siya noon ng magbabalut. Lumabas si Fil baka sakaling maabutan niya pa si Hector ngunit tila nakaalis na nga ito.
Umuwi na lang ng bahay si Fil at ikinuwento niya agad kay Maru na nakita niya si Hector malapit lang sa kanilang barangay. Nasa likod lang ng pintuan noon si Paeng at narinig ang pag-uusap ng dalawa.
“Kung gayon nandito parin sa amin ang pakay ni Hector. Kung ikaw man ang nakatagong killer,malalaman ko rin.” sambit ni Paeng sa sarili.
Balik kina Jack at Nato, kapwa na itong nakabulagta sa ibabaw ng kama matapos mabusog sa kanilang hapunan. Tahimik lang ang dalawa nang biglang may naitanong si Jack kay Nato na siyang ikigulat naman ng isa.
“pare bakla ka ba?” walang prenong tanong ni Jack sa kaibang si Nato.
“ ’tang inang tanong iyan pre, saan at bakit mo naman naisip na bakla ako?“ ang tila napikon na reaksiyon ni Nato sa tanong ng kaibigan.
“lasing ako at sabog noon pre, pero alam ko hindi si Xandra ang kalaplapan ko nun. Kung hindi labi mo ang kalampungan ng bibig ko.” seryusong tugon ni Jack.
“He-hindi ko alam ang sinasabi mo, wala akong matandaan. Lasing din ako at sabog nang sandaling iyon pero wala akong matandaang ganun.” pagtanggi ni Nato sa paratang ni Jack.
“iyong mga kamay na humahagod noon sa likod ko at sa puwet ko habang kinakangkang natin si Xandra hindi rin kay Xandra iyon. Kung hindi mga hagod at pagpisil mo.” dagdag pa ni Jack at nakatingin na ito kay Nato.
“…alam mo kung ano man iyang pinupunto mo, deretsahin mo na ako pre. Hindi kung ano anong paratang pa ang pinagsasabi mo na wala namang basehan.” galit na saad ni Nato.
Bumangon si Nato sa kama at tumayo nang nakaharap sa bukas na bintana tsaka humithit ng kanyang vape. Nakakunot ang nuo nito sa galit dahil sa mga narinig kay Jack. Bumangon ng nakaupo sa kama si Jack at kinuha ang cellphone na nakapatong sa pinaghubarang pantalon.
“hindi ako nagpaparatang ng walang ibedensya pare. Ayan ang video. Binidyuhan ko ang ginawa natin noong sinama natin si Xandra sa apartment. Pati ang ginawa mong pagkain sa akin.” saad ni Jack nang ipinakita kay Nato ang nakaplay na video.
Napatahimik na lang si Nato nang makita ang mga pinaggagawa nito sa kaibigan noong gabing may kinuha silang babae sa bar. Kitang-kita sa naturang video kung paano niya pinagsawaan ang katawan ni Jack habang kinakangkang naman nito ang babae. May kuha rin sa bidyo kung saan ka romansahan at kalaplapan talaga nito si Jack habang magkapatong ang dalawa.
Hindi na naitago pa ni Nato ang totoo nitong nararamdaman sa kaibigan dahil sa mga ibedensya na ipinakita sa kanya ni Jack. Napaamin ito sa kaibigan. Lumapit sa kanya si Jack at hinawakan siya nito sa mukha.
“sabi ko na nga ba, in love ka na rin sa akin.” wika ni Jack tsaka inangat ang mukha ni Nato paharap sa kanya.
“Nahulog ako sa iyo nang hindi ko namamalayan. Nagulat na lang ako isang araw na gusto na kita, na mahal na kita pre. Pero hindi ako bakla gaya ng iniisip mo sa akin.” sabi ni Nato sa mahinang boses.
“alam mo ba bakit hinayaan lang kita na gawin iyon sa akin? Dahil na gustuhan ko iyon pre. Mas nagustuhan ko ang mga hagod mo kasya kay Xandra. Mas naramdaman ko ang mga paghalik mo sa akin kaysa babae na iyon.” saad ni Jack habang unti-unting nilalapit nito ang mukha sa mukha ni Nato.
“nararamdaman ko ang nararamdaman mo sa akin pre, kaya ayos lang sa akin dahil nagustuhan ko lahat ng iyon.” dagdag pa ni Jack na mas inilapit pa ang mukha kay Nato.
Hindi na nakapagpigil pa si Nato at bigla nitong dinakamaan ng masuyong halik sa bibig si Jack na malugod namang tinanggap at tinugunan ng kaibigan. At habang nagpapalitan ng halik ang dalawa, tinatanggal naman ni Jack ang butones ng pantalon ni Nato at nang maibaba na pati zipper nito, si Nato na ang kusang nag hubad ng lahat kasama ang brief nito.
Kapwa ng walang mga saplot sa katawan ang magkaibigan na patuloy lang sa kanilang maalab na halikan. Mula sa pagkakatayo hanggang sa pagbagsak sa kama walang kalasan ng mga bibig ang dalawa. Nakadagan kay Nato si Jack habang hinahasa ang tt nito sa tt ng kaibigan.
“pre I love you,…” humahangos na sambit ni Nato
“I love you too pre…” tugon ni Jack
Iyon lang ang salitang pinakawalan ng dalawa at napalitan na ng mga salitan nilang mga halinghing at mga ungol na punong-puno ng romansa at pagnanasa sa isa’t isa.
Samantala, nasa labas parin ng bahay ang dalawa Fil at Maru na nag uusap habang pumapapak ng mani at balut. Sa kalagitnaan ng kanilang kuwentuhan biglang may pag aaminan din na nangyari nang magpahayag na nang nararamdaman nito si Maru para sa bestfriend na si Fil.
“gusto kita Fil noon pa, nahiya lang ako noon kasi nobya mo si Sue. Pero dati pa, bata pa lang tayo iba na talaga ang paghanga ko sa iyo. Alam mo noon gusto ko na talagang lumandi sa iyo kaso nga lang hindi pa man ako nakapagpakita sa iyo ng motibo, na friendzone mo na ako. Bespren na tawag mo sa akin.” paglalahad ni Maru kay Fil.
“seryoso na ba iyan?” tanong ni Fil na tinawanan lang ang confession ni Maru sa kanya.
“parang gago ito, nanginginig na nga akong umaamin sa iyo tapos tinatawanan mo lang ako. Nakaka insulto ka promise” ang biglang nainis na sabi ni Fil.
“Grabe, balut lang pala at mani ang makapagpaamin sa iyo. Edi sana isang tray na ng balut ang pinakain ko sa iyo noon.” saad ni Fil na natatawa parin sa kaibigan.
“alam mo kahit kalian wala talaga akong nakuhang matinong reaksiyon sa iyo. Ewan ko ba bakit nagustuhan kita. Hindi ka naman kagwapuhan…”
“hindi kagwapuhan pero may kasarapan naman. Alam mo kahit hindi mo naman aminin sa akin alam ko naman na may gusto ka sa akin. Hindi naman ako manhid para hindi ko maramdaman iyon. ino-offer ko na nga sa iyo ang katawan ko ng libre ayaw mo pa. Di sana hindi ka na nagkaroon ng scandal kay Nato noon.” ayon pa kay Fil sabay pingot ng ilong ni Maru.
Nagkatinginan ang dalawa at biglang natahimik si Maru. Sumeryoso naman ang mukha ni Fil habang tinitignan ng husto ang mukha ng kaibigan.
“Alam mo ba kung bakit hindi pa ako nagkaka-girlfriend simula noong nag break kami ng pinsan mo? Dahil sa iyo. Ikaw ang dahilan kung bakit nawala na sa isip ko ang mga babae. Mas masaya ako pag ikaw ang kasama ko, mas ramdam ko ang pagmamahal mo. At gusto rin kita Mar.”
pagkasabi na iyon ni Fil ay agad nitong dinampi-an ng halik si Maru sa labi. Napapikit naman si Maru nang tanggapin nito ang pinapangarap na halik mula sa kaibigan na matagal niya nang inaasam-asam. Masuyo ang naging unang pagtatagpo ng mga labi ng dalawa at sa mga sandaling iyon hindi napigil ni Maru ang mapaluha sa saya.
“hindi pa nga kita ina-ano umiiyak ka na. tsaka mo na iyan ibuhos kapag kinaldagan na kita.” wika pa ni Fil nang punasan nito ng mga palad ang luha sa pisngi ni Maru.
Nagkayayaan na ang dalawa na pumasok sa loob ng bahay. Sa kuwarto na ni Fil sumama si Maru. At pagkasara nga ng pintuan ng kuwarto ni Fil ay muling naghalikan ang dalawa at mabilis na nagtanggal ng mga saplot sa katawan.
Pinaupo ni Maru si Fil sa gilid ng kama tsaka niluhuran ang kaibigan. Unang pagsayad palang ng bibig ni Maru sa ulo ng tt ni Fil halos mapasigaw na si Fil sa sarap. Ramdam na ramdam ni Fil ang init ng bibig ng kaibigan na dahan-dahang lumulukob sa kabuuan ng pagkalalaki nito samahan pa ng malambot na bibig ni Maru at malikot nitong dila na nilalaro ang butas ng kabute nito. Napahiga sa kama si Fil habang kagat-kagat ang kumot upang pigilan ang ingay ng kanyang ungol dahil sa dulot na sarap ng pagtaas baba ng bibig ni Maru sa kanyang matigas na taruytoy.
Buong galing naman na pinaranas iyon ni Maru kay Fil. Matagal din niya itong gustong gawin sa kaibigan. Kaya ngayong hawak niya na ang pagkakataon nais ni Maru na sulitin ang lahat.
Kasabay ng mainit na tagpo sa pagitan nina Fil at Maru, tuluyan namang nagliyab ang mga eksena sa pagitan naman nina Jack at Nato. Kung sina Fil at Maru, pigil ang mga ingay sina Jack at Nato naman umaalingawngaw sa buong bahay ang kanilang mga hiyaw at ungol na may kasama pang pagmumura.
“putang ina pare ang sarap ng bibig mo gago, ang galing mo sumunod puta. augh ahhhhhhhhhh shiiiit pare huwag mong tigilan.”
_ang salitang nasasambit lang ni Jack sa pagsubo ni Nato sa kanya.
Baliw na baliw si Jack sa bawat pag supsop ni Nato sa kanya lalo na nang dinilaan pa nito ang pagitan ng bayag at butas ni Jack. Tinodo talaga ni Nato ang pag himod sa tite, bayag at singit ng kaibigang si Jack na sa tindi ng sarap na dulot sa kanya napapaangat na ang balakang at puwet.
“puta pare, lalabasan na yata ako” bulalas ni Jack.
pagkasabi iyon ni Jack , agad na bumitaw sa pagsubo si Nato.
“huwag muna pare, magpapasarap pa tayo.” wika ni Nato nang pumaibabaw ito sa katawan ni Jack at sinimulan niya muli itong sinibasib ng halik sa labi.
Hindi inasahan ni Jack na ganun pala ka agresibo sa kama si Nato. Daig pa nito ang hayok sa laman na hayop kung pangasin , dilaan at himurin ang katawan ni Jack bagay na halos kinabaliw ng huli.
Balik kina Fil at Maru naging masuyo naman at puno ng paglalambing ang maalab na kumpetisyon sa pagitan ng dalawa.
Napakagat sa unan si Maru nang pinaghahalikan ito ni Fil sa kanyang leeg at dibdib. Ginawang babae ni Fil si Maru naging swabe ang mga pagromansa nito sa katawan ni Maru.
“ang sarap ng katawan mo Mar, nakakalibog ang hubad mong katawan. ooohhhhhh, hahalikan kita muli sa iyong leeg, pababa sa dibdib mo. Didilaan ko at sisipsipin itong mga tigas mong utong na nakakagigil sa pagka pink.” wika pa ni Fil na pinasadahan ang bahaging iyon ni Maru ng dila nito.
“Fil ang sarap, nakakabaliw ka sa sarap aaahhhhh Fil iyong-iyo ako, angkinin mo ako, bastusin mo ang katawan ko ooohhhhhh Fil I love you.”
_ tanging ungol at halinghing lang ni Maru sa ginagawang pag romansa sa kanya ni Fil.
-*-
“augh ahhhhhhhhhh putang ina pare dahan-dahan lang sa pag bayo…masakit ahhhhhhhhhh puta, gago ang laki ng burat mo! teka!”_ ang reklamo ni Nato kay Jack nang tinitira na nito ni Jack.
“ahhhhhhhhhh tang ina , nakakagigil ka kasi pare. Ang sikip ng butas mo. putcha nakakalibog ka, ang sarap ng puke mo pare.”_ ang walang tigil na pagbayo ni Jack kay Nato.
-*-
“buntisin mo na ako Fil ibuhos mo sa loob ka ang lahat ng tamod mo. Gusto kita maramdaman sa loob ko.”_ hiling naman ni Maru kay Fil.
“ahhhhhhhhhh ang sarap mo Mar, sige ipuputok ko na sa loob mo. ohhhh Mar I love you, ilalabas ko na augh ahhhhhhhhhh ayan nah”_ tugon ni Fil habang labas masok sa butas ni Maru ang makabagong tarugo nito.
“i love you too Fil, sige ibuhos mo na ahhhhhhhhhh “_
-*-
“tang ina pare sasabog naaaah ahhhhhhhhhh yan naaaah ang tamod ko lunukin mo lahat pare!”
_hiyaw ni Jack habang binabayo ng kamay ang burat nito habang subo-subo ni Nato.
Napapa jakol narin nito sa sarili si Nato para sabayan si Jack. At ilang mga pag bayo pa ng dalawa sabay na pumilandit ang masagana nilang mga tamod sa isa’t isa. Wala namang sinayang na patak si Nato at sinimot lahat ang inilabas ni Jack sa kanya.
Matapos ang maiinit na tagpo, lupaypay ang katawan ng dalawa, Fil at Maru na sabay na nakatulog na magkayakap. At maging sina Jack at Nato .
ANAK: SIXTH PART
Naging tahimik ang nagdaang mga araw. Walang panibagong insidente ng mga patayan o krimen na kagagawan ng gumagala pang killer. Ngunit bigla namang dinagsa ng complainant ang presinto dahil sa mga nawawalang mga kalalakihan sa siyudad na karamihan mga binata at magagandang lalake pa.
“panibagong kaso na naman ito pare, hindi pa nga nahuhuli ang killer ito kaso na naman ng abduction.” wika ni Ignacio kay Paeng.
“mukhang ganito rin ang muntikan ng dumale sa kaibigan ni Fil noong nakaraang linggo. Base kasi sa mga kuwento ng mga kaanak at saksi parang parehas ang estilo pati ang van na ginamit pareho.” saad ni Paeng.
“buti na lang at hindi siya nasama sa mga nawawala. paniguradong malaking human smuggling syndicate na naman ang nasa likod nito. At ito pa pare, lahat ng mga nawawala ay mga male usherettes sa event ng Lulos . Iyong mga umasikaso daw sa VIP guests ni kapitana Precy.” dagdag pa ni Ignacio.
“hayaan na natin sa team ni Bellegaz ang kaso na iyan total siya naman ang bida dito para kay Samonte. “
“Tama ka dyan pare, mabuti pa magtrabaho na lang tayo.”
Dumeretso na sina Paeng sa assigned duty nila ni Ignacio bilang mga highway patrol unit. Bagama’t hindi nila sakop ang kaso, balisa rin ang isip ni Paeng dahil alam niya na hindi ito ganun ka simpleng kaso lang. Samantala gising na si Nato, nakangiti itong pinagmamasdan si Jack na nakayakap sa kanya. Mahimbing ang tulog nito na para bang wala silang kinakaharap na problema. Hinawakan ni Nato ang pisngi ng kaibigan at marahan itong hinaplos. Gumalaw si Jack at hinawakan din nito ang kamay ni Nato na nakadampi sa kanyang mukha. Minulat nito ang kanyang mga mata, tumingin kay Nato at gumawad ng halik sa labi ng kaibigan.
“kamusta ang tulog?” tanong ni Jack kay Nato.
“masarap, maganda ang tulog ko dahil katabi kita.” tugon ni Nato at hinalikan din nito sa labi si Jack.
Naging bungad ng dalawa ang kapwa nilang laway. At sa muli nagsanib ang kanilang mga hubad na sarili para tugunan ang nag-aalab nilang mga damdamin. Tulad ng mainit nilang umaga, nauna namang nagising si Fil upang ihanda ang sarili para sa trabaho. Yakap nito si Maru habang ginigising ng kanyang malambing na bulong.
“Gising na baka magtaka si tita na ganitong oras na hindi ka pa nagbubukas ng tindahan.” wika ni Fil.
“Anong oras na ba?”
“Alas sais na ng umaga. Bumangon ka na at sabay na tayo maligo.” nakangiting tugon ni Fil sabay halik sa batok ni Maru.
“gagi, baka magulat si tiya Paz pagnakita niya tayo. Mauna ka na maligo may pasok ka pa kaya.” saad ni Maru.
“ayaw mo ba na sa’yo muna ako papasok? Nabitin si jujun eh, galit namimilit.” pangungulit pa ni Fil habang kinikiskis ang harapan nito sa likod ni Maru.
“Ikaw, kung gusto mo ma late.” pabebeng sagot pa ni Maru kay Fil na lalong idinikit ang puwet nito sa matigas na batuta ng kaibigan.
“di baleng ma late,…”
Agad na inilabas ni Fil ang kanya sa kanyang boxer at ibinaba naman ang suot ni Maru. At sa isang kaldag lang swakto agad sa butas ng kaibigan ang taruytoy nito na sabik ng magpakawala ng galit. Ilang pag ayuda pa at nanigas na ang mga binti at paa ni Fil, napayakap na din ito ng mahigpit kay Maru. Hanggang sa nangisay na lang ang katawan nito nang magpasabog na ito ng gata ng lalake kay Maru.
At habang nakabaon pa ito, dinukot naman ni Fil ang matigas na rin na patutoy ni Maru at maigi nitong binayo hanggang sa sumirit ang nakaimbak na gatas nito. Tinapos ng dalawa ang mainit na tagpo sa isang masuyong halik sa isa’t isa.
“salamat sa almusal, maliligo na ako.” bulong pa ni Fil kay Maru tsaka ito bumangon at lumabas ng silid para magtungo ng banyo at maligo.
Naiwan sa kama si Maru na abot tenga ang ngiti. Inabutan ni Fil si Paz na nakikinig ng balita sa radyo at tutok na tutok ito sa pinapakinggan at nang makita si Fil na lumabas ng silid nito agad niya itong tinawag.
“uy Fil, naalala mo ang naikuwento mo tungkol sa nangyari kay Joey? naku hindi lang pala siya ang nabiktima. Buti na lang at hindi siya nagpauto sa mudos ng sindikato.” bungad nito.
“bakit po? ano ba ang binabalita riyan sa radyo at tutok kayo diyan.” tanong ni Fil.
“Anim na mga kalalakihan na karamihan mga binatilyo ang napapabalitang inabdak ng hindi pa tukoy na sindikato. At ayon sa mga kaanak at mga witness katulad ang mudos sa nangyari sa kaibigan mo.” kuwento pa ni Paz.
“buti na lang pala talaga napigilan ko si Joey. Grabe na talaga ang krimen sa atin. At tiyak mapupukol na naman nito ng sisi sina tito.“ani pa ni Fil.
“wala silang magawa , trabaho nila iyan at obligasyon nila ang katahimikan ng lugar natin. Pero ikaw magingat ka, mukhang target daw ng sindikato ang mga magagandang lalake. Kutob ko nga bakla ang lider ng sindikatong ito. Mga artistahin daw ang mga nawawala eh.” saad pa ni Paz.
“exempted po tayo diyan tita, masarap lang tayo hindi po tayo kasali sa mga guwapo. Pero salamat at magandang lalake pala ako para sa iyo.” ang natawang tugon pa ni Fil sa sinabi ni Paz.
“naniwala ka naman, oh siya maligo ka na dun at anong oras na baka ma late ka pa, kakatukin ko lang si Maru sa kuwarto niya. Alas sais emidya na sarado pa ang tindahan niya, tiyak marami ng nag-aabang na mga marites at tambay doon.” wika ni Paz.
“tita nag sabi nga pala si Maru na mamaya na raw siya magbubukas ng tindahan. Napuyat kasi siya sa kakain ng balut ko, ibig ko sabihin iyong balut na binili ko kagabi. Napahaba kasi ang kuwentuhan namin kaya inumaga na kami.” pagharang ni Fil nang pupuntahan na ni Paz ang silid ni Maru.
“hay naku, sayang ang oras kung mamaya pa. Mabuti pa ako na ang magbubukas ng kanyang tindahan. pakisabi na lang kay Maru.”
Kinuha na lang ni Paz ang susi ng tindahan na nakasukbit sa dingding sa labas ng kuwarto ni Maru at umalis ito. Nang makaalis na si Paz nagmadali na si Fil sa banyo.
Habang nag ikot-ikot sa main road at mga kasingit-singitang kalye bigla na lang napalingon si Paeng nang may nahagip ang mata nito. Nakita nito si Hector na sumakay ng jeep na may ruta papunta sa kanilang barangay.
“pare ibalik mo!” utos nito kay Ignacio na siyang nagmamaneho ng patrol car.
“pre hindi puwede, one way ito. bakit ba? kung gusto mo mag short cut tayo sa kalyeng iyan para makabalik tayo.” wika ni Ignacio.
“di bale na lang,” tugon ni Paeng na napakunot ang nuo sa pagkadismaya.
Sakay nga noon ng jeep si Hector at patungo ito sa….
“bayad boss, sa kanto lang ng Kwatro Uno sa lumang tulay.” pagkaabot ni Hector ng pamasahe nito sa driver ng jeep.
Tumunog ang cellphone nito at May babaeng nagsalita sa kabilang linya.
“kuya Jaime mabuti naman at ganun parin ang numero mo.” bungad ng babae sa kabilang linya.
“Mica kamusta. salamat at napatawag ka may balita ka ba sa ate mo?” tanong ni Hector.
“kay tiyo Mael ko nalaman na hinahanap mo ang ate. Kuya uuwi bukas ng Pinas si ate at ang sabi pupuntahan niya ang anak niyo.”
Napatahimik si Hector sa ibinalita sa kanya ni Mica. Bigla itong nabahala sa pagbabalik ng dating asawa.
Palubog na ang araw nun nang may napansin si Nato sa labas ng bahay na nilalagi-an nila. Ipinaalam niya agad ito kay Jack na noon ay naglilinis ng kanyang baril.
“Siya iyan ang nakita natin noong nakaraang araw, at mukhang dito talaga ang pakay niya.” wika pa ni Nato.
“Kung sino man iyan mamalasin siya sa baril na hawak ko.” ayon pa kay Jack na nakisilip na rin sa bintana.
“ano ang balak mong gawin?Baka lalo lang tayo malagay sa alanganin niyan.” pag-alala pa ni Nato.
“No choice na tayo, sa tindig at porma ng isang iyan malakas ang kutob ko na paratoy iyan. “ hinala ni Jack.
Inaabangan nila ang bawat kilos ng lalake na nakatayo at nakatuon ang tingin sa bahay.
Napadukot naman ng kanyang cellphone sa bulsa si Jericho nang tumunog ito. Tumatawag sa kanya si Paeng at tila may mahalaga itong pakay sa kanya.
“Ngayon ba talaga tayo magkikita?” tanong ni Jericho.
“kailangan, may dapat tayong pagusapan. Nasaan ka ba? ako na ang pupunta sa iyo riyan.” tugon ni Paeng.
“Nandito ako sa dati naming bahay”
“ano ang ginagawa mo diyan? kasama mo na ba si Fil?” tanong muli ni Paeng.
“Hindi pa, napadaan lang ako rito. Pero parang may tao sa loob, may napansin akong anino ng tao kanina. Hindi lang ako sigurado kung tao nga ba iyon. Kaya minamanmanan ko muna.” sagot ni Jericho na nakatuon parin ang atensiyon sa bahay.
“Baka mga kawatan na naman iyan, sandali at magpapapunta ako ng responde riyan. Alanganin kasi ang ruta ko ngayon diyan.” sabat ni Paeng.
“mabuti pa nga. hihintayin ko na lang ang papapuntahin mo rito tsaka ako didiretso sa iyo. saan ba tayo magkikita?”
“Sa pinupuntahan natin madalas, maghihintay ako dun.” sagot ni Paeng at pinutol na ang usapan nila ng anak.
Abala naman noon si Paz sa kanyang ihawan at hindi narinig ang pagtunog ng kanyang cellphone na nakapatong sa lamesa kung saan nakaupo naman si Maru. Napansin iyon ni Maru at siya ang sumagot ng tawag.
Hindi pa man ito nakapagsalita, nauna ng magsalita ang babae sa kabilang linya.
“Hello Paz, salamat at sinagot mo. Pakisabi kay Rafael na papauwi na ako this week at gusto ko po siya makausap.” wika ng babae sa kabilang linya.
“Hello po , sasabihin ko po kay tiya Paz mamaya medyo busy pa siya kasi ngayon.” tugon ni Maru sa mahinang boses.
lumayo rin ito kay Paz at pumasok sa kanyang tindahan para hindi ito mapansin ng tiyahin. Naalala ni Maru ang narinig niya noon sa usapan nila ng ama at tiya.
“hello, Maru ikaw ba ito?” pautal na tanong ng babae sa kabilang linya na tila mangiyak-ngiyak nang marinig ang boses ni Maru.
At sa punto ngang iyon nakilala ni Maru si Mercedes.
Sa isang kapehan naman nagtapo ang mag-ama.
“kung gayon ang Hector na iyon ang pinaghihinalaan mong killer?” Paglilinaw ni Jericho kay Pareng.
“Posible, pero hangga’t wala pa akong kongkretong patunay siya ang nangunguna sa listahan ko.”
“ibig sabihin may mga pinaghihinalaan ka pa?”
“Hindi ako naniniwala na patay na si Romero.”
“At pati si Joram kasama parin ba sa listahan mo?”
“Pinagtagpi-tagpi ko lang ang mga pangyayari. Kaya pasensya na kung hindi ko maiwasang isama ang kapatid mo.” ayon pa kay Paeng.
“sinisiguro ko sa iyo, walang kinalaman dito si Joram at kaya kong patunayan iyan. “
“Kaya nga kailangan ko ng tulong mo. Mailap ang Hector kaya nais ko na alamin mo kung ano ang binabalik-balikan niya sa barangay Kwarto Uno. Nakita ko siya kanina at doon muli ang destinasyon niya. Nitong nakaraan nakita rin siya ni Fil sa labasan ng hating gabi. Hindi ka niya kilala kaya madali lang sa iyo na sundan siya.” saad ni Paeng.
“sinasabi mo ba na nasa panganib si Joram sa taong iyan?” tanong pa ni Jericho na bigla na lang nangamba sa siguridad ng kapatid.
“posible, dahil hindi ko makuha ang koneksyon kung bakit niya nais idiin si Fil sa nangyaring krimen noon sa dati nitong pinagtatrabahuhan” tugon ni Paeng.
“saan ko mahahanap ang Hector na iyan?”
“iyon ang problema dahil wala akong alam kung saan ko hahagilapin ang taong iyon. Tulungan mo ako sa kanya.” hiling ni Paeng sa anak.
Habang nagkakape ang dalawa,isang flash report sa telebisyon ang umagaw ng atensiyon ng dalawa. Panibagong kaso na naman ng pagpugot ng ulo ang ibinalita sa news. Agad na napatawag si Paeng kay Ignacio na siyang nandoon sa crime scene.
“Hindi lang pamilyar sa atin ang biktima pare, isa siya sa malapit na tauhan ni Kapitana Precy ng Lulos. siya rin iyong kasama ng anak mo noong araw na nagresponde tayo sa kaso ng nakawan sa naturang barangay.” tugon ni Ignacio kay Paeng.
Napaisip na ng puntong iyon Paeng kung ano ang maaring koneksyon nito sa mga nakaraang kaso ng patayan o may kuneksyon ba iyon sa hinala niya kay Hector. Maging si Jericho ay napatanong din sa ama kung posible bang kagagawan parin iyon ni Hector.
“posible ba na si Hector din ang may gawa nito?”
“hindi ko masabi, kaya aalamin ko.”
Agad na naghiwalay ang mag ama sa puntong iyon. Dumeretso si Paeng sa crime scene kung saan inabutan nito si Ignacio na kinakausap na ng mga media reporter. Wala na sa crime scene ang biktima kaya hindi na nakita pa ni Paeng ang estilo ng pagpugot kung katulad rin ba ito sa mga nauna.
Isa pa sa palaisipan ni Paeng ay lubhang malayo ang pinagtapunan ng bangkang sa vicinity ng siyudad at ayon pa kay Ignacio sariwa pa ang bangkay na wala pang apat na oras ang nangyaring krimen. At nang araw din kasi na iyon nakita ni Paeng si Hector na papunta sa kanilang barangay kaya malayong siya ang may gawa nun.
“pare tahimik ka yata, ano ba gumugulo sa isip mo?” tanong ni Ignacio ng mapansin ang tulalang si Pareng.
“Iniisip ko lang kung ano ang motibo ng killer sa pagpatay pare.” tugon ni Paeng.
“Ayon sa nag feed sa akin, kilalang tulak din itong biktima. Walang pinagkaiba sa mga naunang biktima na pawang mga sakit ng lipunan.” ayon pa kay Ignacio.
Ngunit kahit ganoon ang background ng biktima hindi parin maikunekta ni Paeng iyon sa mga nakaraang kaso. Sa kabilang banda,nakahinga naman ng maluwag sina Jack at Nato nang hindi na naghalughog pa ng bahay ang mga rumespondeng mga kapulisan. At nang makaalis na nga ang mga ito, kumilos agad ang dalawa para umalis saglit sa bahay na iyon.
“Ano ngayon ang plano? wala tayong magagawang maayos nito kung magtatago na lang tayo rito.” kumento ni Nato.
“Kailangan natin ng panibagong getaway.” sambit ni Jack.
“May naisip akong paraan kung paano.” saad ni Nato.
Agad na nag-book ng online ride service si Nato gamit ang isang app. Nakakuha naman agad ito ng rider kung saan nakipagtransaksyon ito. Noong una ay hindi pa pumayag ang naturang rider dahil bawal na dala-dalawa ang iaangkas nito. Ngunit sa malaking bayad na ipinangako sa kanya pumayag din ito. Naghintay pa ng mga kinse minutos sina Nato bago nakarating ang rider sa lugar kung saan sila pi-pick up-in.
“good evening po mga boss, pasensya na at medyo natagalan ako rush hour na kasi kaya masikip ang traffic.” wika agad ng rider nang dumating ito.
“ayos lang tol, hindi naman kami nag mamadali nitong kasama ko. Siya nga pala tol umiwas na lang tayo sa mga main road para iwas huli.” tugon ni Nato.
“iyon nga din sana ang sasabihin ko boss, isang helmet lang din kasing extra helmet ang meron ako. Saan po tayo sa Pasil boss?”
“Lampas lang ng kaunti sa lumang sementeryo, papuntang kalye Kabute.” sabat ni Jack.
“Boss masyadong malayo na ang papunta roon, hanggang Damong ligaw lang siguro ako, sa terminal ng mga tricycle.” biglang pag aalangan na ng rider.
Talahiban na kasi ang ang daan papunta sa lugar na binanggit ni Jack at masyadong malayo na iyon sa mga kabahayan dahil ang dulo nun ay dagat na at minsan na naging tapunan ng mga salvage victim.
“huwag ka mag alala, kami ang bahala sa iyo. Iyong napag-usapan nating halaga, doble pa roon ang ibabayad namin.” wika ni Nato.
At para hindi na makatanggi pa ang rider, inabot agad ni Nato ang pera na pinangako nito. Sa laki nga ng bayad napasubo na ang rider. Inangkas nito ang dalawa at dinala sa lugar na tinukoy sa kanya ni Jack.
Palayo na sila sa maingay na down town at palihis na sila ng daan tungo sa binanggit na lugar ng dalawa sa rider.At tila umaayon kina Nato ang kanilang plano, sa bungad pa lang ng kalye papasok sa daan papuntang sementeryo ay pundido ang ilang mga poste sa gilid ng daan kaya may mga parte na madidilim kaya nagsimula na namang mag alangan ang rider.
“boss masyado nang madilim ang daan papasok ng Pasil, hanggang dito na lang siguro tayo. Ibabalik ko na lang ang sobra sa binayad niyo.”
“Naku tol matatakutin ka pala sa madidilim, hindi bagay sa iyo ang ganitong trabaho. Tingin namin kailangan mo na siguro mag palit ng trabaho.” tugon ni Nato sa rider.
“itabi mo sa sementeryo ang motor, dali.” biglang utos ni Jack sa rider habang tinututukan niya ito ng baril sa leeg.
“boss, ano ito? mga holdaper ba kayo? Boss… kung ho-holdapin niyo ako wala po kayong makukuha sa akin kung hindi iyong binayad niyo din mismo sa akin.” wika ng rider na nanginginig ang boses sa takot.
“ang ingay mo alam mo iyon? Sumunod ka na lang itabi mo sa sementeryo dali kung ayaw mo mapikon ako sa iyo ang baril ko.” saad ni Jack.
Pagkatabi nga ng motor agad na bumaba ang tatlo habang patuloy lang sa pagtutok ng baril sa rider si Jack.
“pare , baklasin mo ang sinturon nito at itali sa mga kamay niya.” utos ni Jack kay Nato na agad namang kumilos.
“boss sandali anong gagawin niyo sa akin, maawa na kayo, may asawa pa po akong naghihintay sa akin, maliit pa po ang anak ko. pakiusap po kunin niyo na lang ang gusto niyo… hayaan niyo na po ako.” Ang nangangatog na sa takot na rider.
“tumahimik ka nga, isang salita mo pa at ibabaon ko talaga sa iyo itong lamang bala ng baril ko.” ang kalmado lang na boses ni Jack.
Nang maitali na ang kamay ng rider ay pina lakad ito nina Jack papasok sa masikip at madilim na sementeryo. Mangiyak-ngiyak na ang rider sa pagmamakaawa sa dalawa, pero sa halip na makinig sa pakiusap ng rider ay tinatawanan lang nila ito. Nang makarating ang tatlo sa medyo kalagitnaan na ng sementeryo ay muling nag utos si Jack kay Nato.
“romansahin mo nga ang bibig nito ang ingay, sakit sa tenga. Paungulin mo nang sumaya naman ako.” utos ni Jack.
“tol, narinig mo, umungol ka raw para matuwa siya sa’yo. Huwag ka mag alala sasarapan ko ang gagawin ko sa iyo.” wika ni Nato at pinahiga sa isang nitso ang rider.
“boss ano ang binabalak niyong gawin sa akin?”
“wala, magpapasarap lang tayo.” sagot ni Nato sabay dila sa magkabilang tenga ng rider.
Pinagpatuloy ni Nato ang ginagawa nitong pagdila sa tenga ng rider habang minamaneho naman ng kamay nito ang harapan ng lalake. Ipinasok niya sa loob ng pantalon ng rider ang kamay nito at marahang hinimas ang nakaurong sa takot na ugat ng lalake.
“umungol ka na,… hindi ka pa ba nasasarapan sa ginagawa ko sa iyo?”
“boss pakiusap, pakawalan niyo na po ako.” sagot ng rider.
“Ano ba pare, bakit wala akong naririnig na ungol? kating-kati na ang kamay ko na nakahawak sa baril dito.” wika ni Jack na nakasandal sa isang nitso na nakatingin lang sa dalawa.
Bilog ang buwan noo kaya kitang-kita ang mga eksena sa loob ng sementeryo.
“narinig mo iyon? umungol ka na kasi.” bulong muli ni Nato sa rider sabay sakmal ng labi nito sa rider ng kanyang bibig.
Ginalingan ni Nato ang paggalugad sa bibig ng rider, nilamas niya ito ng husto ng kanyang mapusok at maalab na halik. Lahat ng estilo sa romansa ay ginawa ni Nato sa rider hanggang sa hindi na rin natiis ng rider ang libidong unti-unting kumukulo sa kanyang katawan. Natangay din ito sa mga hagod at pasada ni Nato sa kanya. Kaya nakipaglaban na rin ito ng salpukan ng nguso at eskrimahan ng dila kay Nato. Nang maramdaman na ni Nato ang paninigas ng kahabaan ng rider kumalas ito sa pagkakapatong sa lalake para hubaran ito ng suot na pantalon.
PAGTATAGPO
Ginalingan ni Nato ang paggalugad sa bibig ng rider, nilamas niya ito ng husto ng kanyang mapusok at maalab na halik. Lahat ng estilo sa romansa ay ginawa ni Nato sa rider hanggang sa hindi na rin natiis ng rider ang libidong unti-unting kumukulo sa kanyang katawan. Natangay din ito sa mga hagod at pasada ni Nato sa kanya. Kaya nakipaglaban na rin ito ng salpukan ng nguso at eskrimahan ng dila kay Nato. Nang maramdaman na ni Nato ang paninigas ng kahabaan ng rider kumalas ito sa pagkakapatong sa lalake para hubaran ito ng suot na pantalon.
Niluhuran agad ni Nato ang rider tsaka sinubo ng buo ang matigas na nitong tubo. Sa pagsayad pa lang ng bibig ni Nato sa ulo ng kahabaan nito napamura na at ungol ang rider sa lambot ng bibig ni Nato at mainit nitong hininga na lumukob sa kanyang nagwawalang pagkalalaki. Wala nang nagawa pa ang rider kung hindi ang hayaan na lang si Nato na pagnasaan ng husto nito ang kanyang kargada. Hindi rin kasi ito makagalaw ng maayos dahil sa pagkakatali ng kamay nito na nasa kanyang likod.
“tama na , lalabasan na ako aaahhhhh tangna pakiusap.” sambit pa ng rider sa tuwing binibitin ito ni Nato.
“Tirahin mo na pare, mukhang nag i-enjoy na iyan masyado sa ginagawa mo.” utos pang muli ni Jack kay Nato.
Sa puntong iyon nakalabas na rin ang batuta ni Jack sa kanyang pantalon habang hagod-hagod na niya ito. Tayong-tayo na rin ito at nagmamayabang na sa tigas.
Napalingon pa si Nato kay Jack nang pumuwesto na ito sa harapan ng rider.
“huwag iyan pakiusap boss hindi ako nagpapaganyan.huwag iyan…masakit iyan boss pakiusap.” saad pa ng rider nang inangat na ni Nato ang magkabila nitong mga binti.
“relax ka lang tol, masasarapan ka dito. dadamihan ko ang laway para hindi ka masyadong masaktan. Magpaubaya ka lang huwag mo lang kontrahin para maramdaman mo rin ang bawat mga pagsayad ko.” sabi pa ni Nato.
Napasigaw sa sakit ang rider nang itinarak na ni Nato ang gatubo nito sa tigas na punyong sa butas ng lalake. Tinodo ni Nato ang pagbaon sa isang saksakan lang kaya ramdam talaga ng rider ang pagkawarak ng kanyang tumbong. Animoy nagbabayo ng nilupak na saging si Nato sa paglabas masok nito sa rider na panay ang sigaw at mura sa sakit.
“tangna pare nang ininggit naman yata kayo. Ako nga naman diyan.” pag hawi ni Jack kay Nato sabay palit sa puwesto ng kaibigan sa rider.
“Augh ahhhhhhhhhh puuuu…tang in…aaaa!!! tama na ang sakit!” hiyaw pa ng rider.
Kung may kaunting alalay pa si Nato sa pag barurot sa rider kabaliktaran naman si Jack na halos halukayin na ng todo nito ang butas ng tumbong ng rider sa lakas ng pagbayo nito.
“tangna ka ang sarap ng butas mo gago. Ang init tas ang sikip. ohhhh shet ka.” tugon ni Jack na todo lang sa pag kaldag sa rider.
Lumapit si Nato kay Jack at sinimulan niya itong pag hahalikan sa leeg at bibig. Naglaplapan ang dalawa habang bayong-bayo parin si Jack sa rider.
“sino ba ang mas masarap sa aming dalawa?” bulong na tanong ni Nato kay Jack nang dinilaan nito ang lalake sa tenga.
Nagulat na lang si Jack ng bigla na lang kinuha ni Nato ang baril na hawak nito sa kamay at idinantay ni Nato ang dulo ng baril sa kanyang pisngi. Saglit na napahinto sa pag bayo sa rider si Jack sa ginawa ni Nato.
“tangna Nato, ano iyan? bakit mo dinadampi sa pisngi ko ang baril baka pumutok iyan.” wika ni Jack.
“sagutin mo ako, sino ang mas masarap sa aming dalawa?” Tanong muli ni Nato kay Jack.
“anong tanong iyan? anong nangyayare sa iyo?” tugon na tanong din ni Jack sa kaibigan.
“sagutin mo ako…kanino ka nasasarapan?” pag uulit pa na tanong ni Nato.
“ikaw siyempre, tangna ano ba?!” sagot ni Jack kay Nato dahil kinakabahan na ito sa reaksiyon ng mukha ni Nato habang tinatanong niya ito.
“Ako lang dapat wala ng iba.” sambit pa ni Nato at ginawaran ng masuyong halik si Jack.
Ngunit kasabay nang paglapat ng labi ni Nato sa bibig ni Jack ang pag alingawngaw ng putok ng baril sa kalagitnaan ng katahimikan ng sementeryo. Nanlaki ang mata ni Jack sa ginawa ni Nato.
Hindi nito inasahan na magagawa iyon ni Nato dahil sa selos.
“akin ka lang pare, sa akin ka lang. ako lang dapat wala ng iba.” saad pa ni Nato sa gulat na gulat paring si Jack.
“gago ka pare ano ang ginawa mo sa kanya? bakit mo siya binaril? puta.”
“sa akin lang ang TT mo, para sa akin lang dapat ang tamod mo.” tugon ni Nato kay Jack sabay sunggab muli nito ng halik sa labi ng kaibigan.
inihiga ni Nato si Jack sa katabing nitso at pinasadahan ang kaibigan ng maalab na romansa. Mabilis itong naghubad ng lahat ng kanyang suot sa katawan tsaka pinatungan si Jack. Sa galing ni Nato, hindi narin nakatanggi si Jack at pinagbigyan din ang trip ng kaibigan.
Habang nakaupo si Nato sa taruytoy ni Jack pinapasubo naman nito kay Jack ang ulo ng baril na siyang ikinabigla muli ni Jack.Nanibago ito sa kinikilos ng kaibigan sa kanya.
“tangna ka pare, anong trip ito?alisin mo sa mukha ko ang baril ang init puta.”
“masarap ba ako pare?” muling tanong ni Nato kay Jack habang umindayog ito sa punyong ng kaibigan na nakatarak sa kanyang butas.
Matagal na nakasagot si Jack kaya medyo nainis si Nato at inulit muli ang tanong. Magkahalo na ang nararamdaman ni Jack, kaba at libog. Napansin ni Jack na tila bumaliktad ang posisyon nila ni Nato at hindi siya sanay sa ganun.
Bumangon ito at hinawakan nito sa leeg si Nato. Naging marahas din ang kilos ni Jack kay Nato.Pinagkakagat nito ang utong at dibdib ni Nato dahilan para mapa ungol ang kaibigan na tila nasasarapan sa ginagawa sa kanya ni Jack.At sa mainit nilang tagpo sabay na nagpakawala ng katas ang dalawa.
“puta ka pare, grabe ang trip mo…pero hayop ka sa tindi. sarap mo gago.” wika ni Jack na hingal na hingal habang nakadagan sa dibdib ni Nato.
“akin ka lang pare, wala ng iba pang hahawak sa tite mo kundi ako lang.” tugon ni Nato.
Tinapos ng dalawa ang mainit na tagpo sa masuyo nilang halikan sa ibabaw ng isang nitso. Tanging ang mga walang buhay ang siyang naging saksi nang madugo ngunit matamod na pangyayari.
Pauwi na noon si Fil nang madaanan nito si Maru sa isang convenience store.
“psst baby” pagtawag ni Fil kay Maru.
hindi agad nakalingon sa kanya ang kaibigan dahil hindi naman niya ito tinatawag na baby dati. Kaya nilakasan pa ni Fil ang sigaw kaya hindi lang si Maru ang napatingin sa kanya kung hindi ang iba pang mga naroon sa labas ng convenience store. Nang makita na siya ni Maru , bumaba ito sa kanyang motor at nilapitan ang isa.
“uy teka bakit mo ako hinalikan?” gulat na tanong ni Fil nang bigla itong halikan ni Fil sa pisngi.
“grabe ang arte, para halik…ano gusto mo i-dogstyle rin kita dito gaya ng dalawang aso na iyan?” pangiti-ngiti na sagot ni Fil sabay turo sa nagkakastahang mga aso sa tabi.
“gagi,…hindi ka ba nahihiya?” sabi pa ni Maru.
“kinahihiya mo ba ako? at bakit ko naman itatanggi sa lahat na boyfriend mo ako. Mahal kita. At handa akong ipagsigawan sa lahat na mahal na mahal kita.” tugon ni Fil.
“Salamat,…pero ano iyong tawag mo kanina sa akin? baby?” tanong pa ni Maru.
“oo baby, mula ngayon baby na kita.” saad ni Fil.
“so ano kita, daddy?” natawang tanong pa ni Maru.
“puwede ,pero mas masarap sa tenga kung baby na rin ang itawag mo sa akin. Siya nga pala ano ang ginagawa mo dito. May binili ka ba?” sabi ni Fil.
“Nagbayad ng load naubusan na kasi ako ng pang load sa tindahan.”
“sana itinawag mo na lang sa akin, para ako na. Kumain ka na ba baby?” tanong ni Fil
“hindi pa nga eh, bakit kakain tayo libre mo?”
“Ako na lang kainin mo kaya baby , makakatipid na tayo, masasarapan pa ako.”
“baliw”
“Tara baby angkas ka na sa motor ko kakain tayo sa paresan ni Maligno , trending daw kasi iyon ngayon.” saad pa ni Fil.
Magkasama ang dalawa na masayang ninanamnam ang unang sandali na sila na ngang talaga bilang magkasintahan. Sa labas na nag-almusal ang dalawa. Doon narin nasabi ni Maru kay Fil na nakausap na nito sa tepono ang totoong ina.
Kinabukasan nabungaran ni Paz si Maru na nag-aayos ng sarili.
“Maru saan ang punta mo? hindi ka ba magbubukas ng tindahan? anong oras na ah.” wika ni Paz nang makita si Maru na bihis na bihis at nag-aayos ng buhok sa salamin.
“Magpapasama po sa akin si Taruk sa airport uuwi daw kasi ngayon ang boyfriend niyang afam, baka maambunan po ako ng grasya kaya sasamahan ko tiya.” tugon ni Maru.
“siya nga pala , hindi mo ba napansin ang cellphone ko kahapon? hindi ko kasi makita. sa pagkatanda ko kasi nasa gilid ko lang iyon kahapon.”
“nasa ref doon sa tindahan, kinuha ko dahil nakita kong nahulog. nakalimutan ko nang ibalik sa iyo kasi ang busy mo kahapon.”
“ganun ba. o sige ako na muna ang tatao sa tindahan mo, hindi na muna ako magiihaw.”
May lakad si Maru na lingid sa alam ng mga tao sa kanila. Nag-aabang na ito ng masasakyang jeep sa labasan ng may humintong kotse sa kanyang harapan, nagulat ito ngunit napalitan ito ng tuwa ng makita ang sakay nito.
“Hi, sabi ko na nga ba. ikaw iyan. kamusta?”
“good morning po sa iyo kapitana Precy, ito ok lang.” tugon na bati ni Maru kay Precy.
“taga rito ka pala, saan punta mo? pansin ko na tila nagbabantay ka ng masasakyan.”
“pupunta po ako ng airport kapitana”
“really? what a coincidence. doon din ang punta ko may dinaanan lang ako riyan sa malapit. bakit hindi ka na lang sumabay sa akin nang makatipid ka pa ng pamasahe “ saad pa ni Precy.
“nakakahiya naman kapita pero hindi ko tatanggihan iyang offer mo sige po, maraming salamat.” agad na pagpayag ni Maru na walang pag alinlangan.
“hindi ko talaga nalimutan ang mukha mo dahil sa katangahan ng staff ko nang napagkamalan ka niya nang crew noong nakaraang pa event sa ko. pero dahil sa tulong mo natuloy ang event ng matiwasay. ano nga iyong name mo?”
“Maru po kapitana. naku ayos lang iyon nakinabang rin naman ako sa pangyayari nakapagpa-picture ako ng walang pila sa mga guests niyong mga artista.”
Naging magaan lalo ang loob ni Maru sa kuwentuhan nila ni Precy. Ngunit sa kalagitnaan ng biyahe napansin ni. Maru na hindi patungong airport ang tinatahak nilang daan lumihis sila ng direksyon. Ngunit ayon kay Precy umiiwas lang sila sa traffic kaya kailangan nila mag hanap ng ibang maluwag na daan. Naniwala naman si Maru at hindi nag duda dahil sa isang alagad naman ng barangay ang kasama niya at kapitan pa.
Nang araw din na iyon panibagong krimen na naman ang bumulabog sa lahat lalo na sa mga nakatira malapit sa sementeryo.At ikinabigla ni Fil ang naturang insidente.
“ang brutal naman ng sinapit ni Jigger pare, hinalay na nga pinatay pa ng mga walang kaluluwang iyon. Malamang ang mga ka booking niya kagabi ang tumira sa kanya.” wika ng kasamahang rider ni Fil.
“ano ang ibig mong sabihin pare?” usisa pa ni Fil.
“Bukod kasi sa pagiging food delivery lumalagare rin bilang backrider si Jigger pare. at kagabi nga may katransaksyon ito nang huli naming pag-uusap. Sinabihan ko na siya at pinapaalalahanan kasi malayo na sa ruta niya ang lokasyon ng customer.” saad pa ng kasamahan nito.
“pero paano mo nasabing hinalay din siya bago pinatay?” tanong pa ni Fil.
“Natagpuan siyang hubo’t hubad at nakatali ang mga kamay gamit ang sariling sinturon sa kanyang likod. tapos may nakitang bahid ng tamod sa kanyang butas.” tugon pa ng isa.
Dahil sa sunod-sunod na mga krimen na nangyari, aligaga ang mga kapulisan kung alin sa mga ito ang uunahin. Ipinatawag ni Samonte ang mga tauhan nito kabilang na sina Paeng at Ignacio.
“ibigay niyo na lang kina Bellegaz ang lahat ng kaso hepe, itambal niyo sa kanilang team lahat. Ayos na sa akin na maging traffic police. Total mga tuta mo naman ang mga iyan at kayo na ang bahala humarap sa mga tao. Magagaling kayo diba? Ito nga pala ang tsapa at baril ko, I’m resigning. good luck hepe.”
“Makalaay bumalik ka dito, hindi ko tinatanggap ang pag re-resigned mo.Makalaay!” sigaw pa ni Samonte kay Paeng na tuloy-tuloy lang sa paglakad palabas ng opisina.
“kayo ang bahala hepe, gawin niyo akong AWOL kung gusto niyo.” sabat ni Paeng
Sa kalagitnaan ng kinakaharap na problema ng kanilang departamento binitawan na ni Paeng ang kanyang obligasyon bilang alagad ng batas. pasakay na ito ng kanyang sasakyan ng humahangos na lumapit sa kanya si Ignacio.
“Ano iyon pare? binigla mo naman ako sa pag re-resigned mo. wala ka man lang pasabi.” wika ni Ignacio.
“nasusuka na ako sa kalakaran sa loob pare, hindi ko na masikmura at isa pa parang alikabok lang naman ako sa tingin ni hepe. Dalawin mo na lang ako sa bahay pare. nakakaumay nang makita ang lugar na ito.” ayon pa kay Paeng.
Maging si Ignacio wala nang nagawa pa sa desisyon ni Paeng. Naiintindihan rin naman nito kung saan nang galing ang papasyang iyon ng kaibigan.
Sa airport, agad na nagkaharap sina Hector at ang kararating na si Mercedes. Ikinagulat ng babae nang sa kanyang paglabas sa main lobby ng arrival nakaabang na sa kanya ang dating asawa at ama ni Maru na si Hector. Iiwas pa sana ito ngunit hinarang siya nito.
“ano ang ginagawa mo rito?” tanong ni Mercedes
“magusap tayo.” sagot ni Hector
“wala na tayong dapat na pag-usapan pa Jaime. tinapos ko na noon pa ang lahat sa atin kaya puwede ba huwag mo nang guluhin ang buhay ko. matagal ka ng burado sa isip ko si please let me go.” saad pa ng babae at tuloy-tuloy itong lumabas ng airport para pumara ng taxi.
nakasunod naman sa kanya si Hector.
“hindi mo na mailalayo sa akin si Maru.” biglang sabi ni Hector na siyang nagpahinto kay Mercedes
“huwag na huwag kang lalapit sa anak ko.”
“anak natin, at matagal ko ng nakakasama si Maru. kilala na ako ng anak ko.” wika ni Hector.
“wala kang karapatang na maging ama sa kanya, mamamatay tao.” ang nagtitimpi sa galit na sabat ni Mercedes kay Hector.
“at ikaw?… deserve mo ba ang maging ina sa kanya matapos mo siya iwan ng dalawampu’t dalawang taon sa ibang tao? para ka lang nang-iwan ng tuta tapos kung kelan malaki na tsaka mo babalikan. Hindi ka karapat-dapat na magiging ina ni Maru.” saad pa ni Hector na nanlilisik din ang mata na tinititigan ang babae.
“ginawa ko lang ang nararapat sa anak ko. at kahit kailan hindi ako naging pabaya sa kanya kahit wala siya sa tabi ko.” tugon ni Mercedes.
“hindi mo mailalayo sa akin Maru. hinding-hindi na Mercedes.”
“at subukan mo lang lumapit sa anak ko at malalaman ng lahat ang sekreto mo!” pagbabanta ng babae
isang kotse ang huminto sa harapan ni Mercedes. At nagkabiglaan ang lahat ng magkaharap-harap ang apat.
“Jaime ikaw?” gulat na reaksiyon ni Precy ng makita si Hector
“kuya Hector ?” reaksiyon din ni Maru nang makita ito.
Nagulantang ang lahat ng magkita ang mga ito sa lugar na iyon. Hindi agad nakatugon si Mercedes sa naging reaksiyon ng dalawa at maging si Hector tila napako ang mga paa sa kinatatayuan nito.
“Precy, tsaka na tayo mag usap umalis na tayo rito.” wika ni Mercedes.
“Mercy ano ito? sabi mo sa akin patay na si Jaime, bakit narito siya at buhay na buhay? tanong ni Precy na hindi makapaniwala sa nakikita. lumapit ito kay Hector at agad na niyakap ang lalake.
Nasa loob pa nun ng kotse si Maru na takang-taka sa mga pangyayari. Napatingin ito kay Mercedes at nakita nito ang pagkakamukha nilang dalawa. Nagkatinginan din ang mga ito at sa sobrang pananabik ng babae sa anak, agad itong lumapit kay Maru ng lumabas ito sa kotse. Niyakap agad ni Mercedes si Maru ng mahigpit. sa hindi malamang dahilan tumugon din ng yakap si Maru sa babae.
Hindi maipaliwanag ni Maru ang nararamdaman habang magkayakap sila ni Mercedes hanggang sa sinabi na nga ng babae ang salitang…
“anak na miss kita ng sobra, miss na miss ka na ng nanay” napahagulgol na lang si Mercedes habang nakayakap kay Maru.
Nang marinig iyon ni Precy nagulat ito.
“siya ang anak niyo ni Jaime? Mercy?” tanong ni Precy.
Napatingin si Maru kay Hector na sa mga sandaling iyon halos hindi naman makatingin sa kanya. Malinaw ang pagkadinig ni Maru sa sinabi ni Precy kaya tinanong niya si Hector.
“Kuya Hector…kayo ang ama ko?”
Kumalas sa pagkakayakap si Maru kay Mercedes para lapitan sana si Hector ngunit pinigilan siya ng babae.
“hindi siya ang ama mo at hinding-hindi siya karapat-dapat na tawagin mong ama.” saad ni Mercedes.
Ngunit ang pananabik noon pa ni Maru para sa kanyang tunay na pagkatao ang nagtulak sa kanya upang lapitan si Hector.
“Kuya Hector,…kayo ba talaga ang ama ko?”
Wala ng salitang inilabas pa si Hector kinabig na lang nito si Maru at mahigpit na niyakap. Napayakap narin si Maru kay Hector. Tila na punan ang matagal ng puwang sa pagkatao ni Maru nang maramdaman nito ang mahigpit at mainit na yakap ng tunay na ama. Wala nang nagawa pa si Mercedes kundi ang pagmasdan ang mag-amang sinusulit ang mga yakap sa mga taong nakalipas na siyang ipinagkait sa kanila.
Dahil sa nangyari sa nakaraang gabi, hindi na mapakali si Jack sa kinikilos ni Nato. Nawalan na rin ito ng tiwala sa kaibigan at hindi na naging kampante para sa kanyang kaligtasan.
“Akala ko ba gastos lang ang mag renta ng bahay?” tanong ni Nato kay Jack.
“mura lang ang kuha ko sa unit na ito. At isa pa mukhang inabandonang tenement narin naman ito kaya ligtas itong gawing hide out. kakaunti lang ang mga tao dito at tila hindi naman tayo kilala.” tugon ni Jack.
“hindi parin tayo sigurado. hindi rin natin kakilala ang mga tao rito.” ayon pa kay Nato.
“ibalik mo na sa akin ang baril ko at bibili na lang tayo ng para sa iyo.” sabi pa ni Jack.
“sa akin na lang ito, mukhang hiyang na sa palad ko ang baril na ito. Papalitan na lang kita ng bago. kinuntak ko na si Borgy, may available raw siya roon.” saad ni Nato.
“Makikipagkita ka sa tukmol na iyon? baka ang pagkikita niyo pa ang maglalagay sa atin sa alanganin niyan kilala mo namang asset iyon ni Bellegaz diba?” pag-aalangan ni Jack.
“akong bahala, magtiwala ka sa akin. subukan niya lang ilaglag ako at pipila ko siya sa pinatahimik ng baril na ito.” Nakangising tugon ni Nato kay Jack.
Sa ipinapakitang kilos ni Nato sa kaibigan lalong nabahala si Jack. Ibang iba ang kilos nito sa pagkakakilala niya kay Nato na palaging sunud-sunuran lang noon sa mga utos at mando niya.
Kumakain ang dalawa nang makarinig ang mga ito ng malakas na tahol ng aso sa labas ng pintuan ng kanilang unit. Tumayo si Nato at kinasa ang baril.
“uy ano na naman ang gagawin mo? umupo ka nga, baka aso lang iyan sa kabilang unit.” pag pigil ni Jack kay Nato.
Sumunod naman si Nato at bumalik ito sa pagkakaupo tsaka ipinagpatuloy ang pagkain.
“May bago na naman pala tayong kapitbahay dito Belen, kelan pa?” tanong ni Josefino sa babae na lumabas sa katabing unit ng marinig ang kahol ng aso ng matanda
“Manong Josefino kayo na pala iyan, ang tagal niyong nawala ah, saan ba kayo galing?” tugon ng babae.
“nagbakasyon lang sa probinsya, siya nga pala ano ba ang bagong kapitbahay natin, mag asawa ba of isang pamilya?”
“magpinsang lalake ,iyon ang sabi ni Domeng. pero hindi ko pa nakita, kaninang umaga lang din yata sila diyan. Pagod pa siguro kaya hindi pa lumalabas.” sagot ng babae
“ganun ba, sige Belen papasok na muna kami nitong mga aso ko. “
“naku may kasama na pala iyang si Bronx.” pansin pa ng babae sa isang aso.
“bagong apon ni Jaime. o sige papasok na kami”
Sadyang umiikot lang sa iisang kununidad ang mga karakter ng kuwentong ito. Ano pa ang susunod na mangyayari ngayon ang tadhana na ang naglalapit sa kanila sa bawat isa? At ano ang totoong papel ni Precy sa buhay ni Hector at Mercedes?
“LIHIM”
Kakatapos lang ni Fil sa pagdi-deliver ng tinawagan ito Jericho.
“Tol napatawag ka?”
“hindi ka ba busy ngayon?”
“hindi naman, bakit tol may kailangan ka?”
“naalala mo ang sinabi ko sa iyo noon? magpapasama sana ako sa iyo. magkita tayo sa Maharlika road ,sa 6th street.” ayon kay Jericho.
Hindi na inusisa pa ni Fil ang detalye, pumayag na lang ito sa pagkikita nila ni Jericho. Samantala, bagama’t may kimkim parin na sama ng loob si Paeng di naman hamak na mas magagaan na sa pakiramdam ang ginawa niyang desisyon. Dumaan muna ito sa dati nilang bahay sa maisan. Nakabukas ang pintuan sa likod kaya tuloy-tuloy na ito sa loob. Bumungad sa kanya ang mabangong amoy ng sinigang na karne ng baka na kumukulo pa sa may kalan.
Kumuha ng sandok si Paeng at tinikman ang lasa ng nakasalang na ulam.
“sakto na ba sa timpla?”
napalingon si Paeng nang marinig ang boses ng nagsalita.
“lagi namang masarap ang timpla mo eh, “ nakangiting tugon ni Paeng kay Rodge.
“sana naging ulam na rin pala ako.” wika ni Rodge sabay yakap kay Paeng.
“siyempre,mas masarap ang tagaluto. Na miss kita Rodge, pasensya na at madalang lang ako nagagawi rito.” saad ni Paeng at hinalikan si Rodge sa kanyang bibig.
Masuyong halik ang naging tugon Rodge kay Paeng.
“naintindihan ko, huwag mo akong alalahanin. Pero ang inaalala ko lang, paano kung malaman ito ni Maru. Hindi habang buhay maitatago natin sa kanila ang relasyon natin.“wika pa ni Rodge
“naisip ko na iyan,at alam ko maiintindihan nila ako lalo na si Maru. Sa ngayon ganito muna tayo.” tugon ni Paeng at hindi magkamayaw sa kakahalik kay Rodge.
“baka gutom ka na, luto na iyang ulam. Kumain na tayo.” paanyaya ni Rodge.
“mamaya na main course, ibang course muna ang pagsasaluhan nating kainin. Na miss na kita.” muling sinunggaban ni Paeng ng mapusok na halik sa labi si Rodge.
Kinarga ni Paeng si Rodge na nakaharap sa kanya na parang isang batang paslit. At umakyat ang dalawa sa kuwarto habang tuloy-tuloy na naglalapaan ng bibig. At pagkapasok nga sa loob ng kuwarto hindi na napigilan ng dalawa ang ilabas ang matinding kasabikan sa isa’t isa.
Kanya-kanyang baklas ng mga saplot nila sa katawan sina Paeng at Rodge. Nang kapwa ng hubo’t hubad ang dalawang Adan ay muling naglaban ang kanilang mga labi. Pagkahiga ni Paeng sa kama dumagan agad sa ibabaw niya si Rodge na parang asong nginangatngat ang buto kung pasadahan niya ng dila at bibig ang lahat ng parte ng katawan ni Paeng lalo na ng napa-dako ito sa kahabaan ng lalake na parang buto na rin sa tigas. Pinaliyab ng dalawa ang buong silid sa kanilang mainit na talpakan.
“pagurin mo ako Rodge, gusto mapagod sa sarap ngayon.” hinihingal na wika ni Paeng habang sinasagad ang ulo ni Rodge sa pagitan ng kanyang hita.
“ako ang bahala sa iyo, hindi lang kita papagurin, pipigain pa kita hanggang sa wala ka ng ibubuga” tugon pa ni Rodge at muling pinagdiskitahan ang palaban na alaga ni Paeng.
Kitang-kita sa reaksiyon ni Paeng ang tindi ng sarap na dulot sa kanya ng mga ginagawa sa kanya ni Rodge.
Nauna namang nakarating si Fil sa lugar na sinabi sa kanya ni Jericho.
“dito rin iyon ah, ito rin iyong lugar na pinaghatiran ko ng order nun. Bakit kaya dito ako pinapunta ni Echo, nasa kabilang kalye ang mga kabahayan ah. Wala man lang ako nakikitang tao dito. Ibang-iba sa barangay namin na lahat ng oras maingay sa dami ng tao.” wika pa ni Fil sa sarili.
Ilang minuto pa ang lumipas nang mapansin na nito ang motor ni Echo na papalapit sa kanya.
“sumunod ka sa akin tol doon tayo” saad ni Echo na iginiya ang daan kay Fil.
Sumunod si Fil kay Jericho. Ngayon lang nakapasok sa kalye na iyon si Fil, at nagulat ito ng ang mapansin ang bahay sa dulo. Hindi agad na mukhaan ni Fil ang naturang bahay ngunit nang nasa tapat na ito mismo ng abandonadong bahay tila May kung anong ala-ala ang bumalik sa kanyang gunita.
“ano ang ginagawa natin dito tol? kaninong bahay iyan? mukhang matagal ng inabandona ah.” tanong ni Fil pagkababa nito sa kanyang motor at nagtanggal ng helmet.
“wala ka bang naalala sa bahay na iyan?” tanong din ni Jericho kay Fil ng magtanggal din ito ng helmet at bumaba ng kanyang motor.
umiling lang si Fil.
“mukhang pamilyar ng kaunti ang bahay pero wala akong matandaan sa bahay na iyan. At ngayon ko lang nalaman na may bahay pala dito. Bakit tol kanino ba iyan?” saad ni Fil.
“halika tol, pumasok tayo.”
May pagtataka sa mukha ni Fil ngunit kibit balikat na lang itong sumunod kay Jericho papasok sa bahay na iyon. Napahinto sa may pintuan si Fil nang makaramdam ito ng bigat sa dibdib na hindi niya maipaliwanag. Nang marinig nito ang ingay ng kinakalawang at sira ng swing sa gilid ng naturang bahay napabaling dun ang tingin ni Fil. Lumangitngit kasi iyon ng gumalaw dahil sa squirrel na tumalon dun.
At sa kung paano nangyari, hindi na matandaan ni Fil. Bigla na lang may dumaan na imahe ng isang bata na naglalaro ng bola malapit sa swing na iyon. Bumalik na lang ang ulirat nito nang tapikin siya ni Jericho.
“tol ayos ka lang?’ tanong ni Jericho kay Fil na nakatingin pa rin sa sirang swing.
“ayos lang tol, parang may nakita lang ako na dumaan bigla sa paningin ko. Ano ba ang nangyari sa bahay na ito? bakit naman inabandona?, ang ganda pa naman tapos malaki. “ tugon ni Fil.
“dito tayo sa loob tol.”
Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Fil sa bahay, bigla na lang nag flash back sa kanya ang lahat. Napatingin ito sa bawat sulok ng paligid hanggang sa ma-pako ang mata nito sa malaking kwadro na nakasabit sa dingding sa bandang hagdan. Nang may narinig itong sigaw ng isang babae kaya napalingon ito sa bahagi ng kusina.
Natigalgal sa kinatatayuan nito si Fil nang makita ang duguang babae na patakbo sa kanyang direksyon. Nang malapit na ito sa kanyang nilampasan lang ito ng babae at tinungo ang hagdan. Sinundan ni Fil ng tingin ang babae at pagkatingala nito sa hagdan isang batang lalake ang nakita nitong umiiyak na nakayapos sa railings. Pamilyar kay Fil ang mukha ng bata dahil madalas na niya itong nakikita sa kanyang mga bangungot.
“Joram! takbo! magtago ka sa kuwarto mo Joram!” alingawngaw ng boses ng babae na sumisigaw.
“Tol, ok ka lang?” muling pagtapik ni Jericho kay Fil nang mapansin na tulala itong nakatingin sa painting ng magpamilya sa dingding ng hagdan.
kasabay nang pag tapik ni Jericho kay Fil nawala narin sa paningin ni Fil ang imaheng nakita.
“Joram” biglang nabanggit na pangalan ni Fil.
Pinaulit pa ni Jericho kay Fil ang pangalang nabanggit. Natuwa si Jericho na niyakap ng mahigpit si Fil.
“naalala mo na” wika ni Jericho nang niyakap si Fil.
“ang batang maliit sa larawan, tinawag siya ng babae sa pangalang Joram.” wika ni Fil.
Biglang bumalik ang lungkot sa mukha ni Jericho nang mapagtanto na wala parin palang naalala si Fil sa lahat tungkol sa kanyang pagkatao.
“Joram nga ang pangalan ng kapatid ko, ako iyang nasa tabi niya at sila ang mga magulang ko Joram.”
Napatingin si Fil kay Jericho nang tinawag siya nitong Joram. Doon na inihayag ni Jericho sa kapatid ang lahat ng kuwento ng bahay na iyon. Ibinalik ni Jericho si Fil sa mga taong nawaglit na sa kanyang isipan. Hindi makapaniwala si Fil sa mga nalaman nito.
“alam kong hirap ka pang i-proseso ang mga natuklasan mo tol pero karapatan mong malaman ang katotohan sa pagkatao mo. Matagal na kitang sinusubaybayan, at kahit kailan hindi ka nawala sa paningin ko.” saad pa ni Jericho.
“kaya naman pala paulit-ulit na lang bumabalik sa akin ang tagpong iyon. Ako pala ang batang nagpapakita sa akin.“wika pa ni Fil nang hinahaplos ang painting.
Idinetalye pa ni Jericho ang iba pang mga bagay kay Fil o sa totoong pagkakakilanlan bilang si Joram. Bukas naman si Fil na malaman ang tungkol sa kanya. At dahil na nga sa mga nalaman ni Fil sa sinapit ng mga magulang, may namuong galit sa puso nito. Galit na gustong sumabog dahil sa tingin nito ay pinagkaitan siya ng karapatan na ilaban ang katarungan sa karumaldumal na pagpaslang sa ama at ina nito.
“Bakit hindi mo sinubukang buksan muli ang kaso nila?” tanong ni Fil kay Jericho.
“ginawa na iyan ni papa. pero wala rin nangyari. wala rin kasing maturong salarin sa nangyari.” sagot ni Jericho.
“kaya ba nais niyo ni tito na kayo mismo ang makakahuli sa killer?” dagdag na tanong ni Fil.
“wala na ang killer na pumatay sa kanila tol. Sa pangangalap ni papa sa mga kasagutan, natuklasan nitong pinatay din ang killer ng kamaganak ng isa sa mga nabiktima rin niya.” kuwento pa ni Jericho.
Sa kabila nang nalaman nito sa sinapit ng taong lumapastangan sa kanilang magulang hindi man lang nabawasan ang silakbo ng galit ni Fil sa dibdib. Gayunpaman wala narin naman itong magagawa dahil wala narin ang dahilan ng kanilang pagiging ulila.
Palabas na ang magkapatid sa naturang bahay nang may napansin silang tao sa kabilang kalsada na nakatingin sa kanila. Iba ang kutob ni Jericho sa taong iyon kaya sinitsitan niya ito ngunit nang akmang lalapitan na niya ito, bigla na lang tumakbo palayo ang nakita nilang tao. Dahil sa ginagawa nito, na trigger si Jericho at naisipan siya nitong habulin ngunit napamura na lang si Jericho nang malamang butas na ang pang huling gulong ng kanyang motor. At nadale pati ang motor ni Fil.
“sino ba iyon kuya?” tanong ni Fil
“hindi ko alam, ang hayop na iyon pinagtripan pa ang mga motor natin.”
Napakamot na lang sa batok si Jericho sa galit at inis.
Ngayong may mga bahagi ng kuwento na unti-unti nang nalantad.
Matagal din bago tinanggap ni Fil sa sarili ang kaugnayan nito kay Jericho. Ngunit dahil sa ilang mga patunay narin na hawak ng kuya at dahil naging mabuti rin naman ito sa kanya, maluwag na niyakap ni Fil ang realidad na magkadugo nga sila. Ngunit sa kabila ng mga natuklasan hindi parin maiwasan ni Fil ang manghinayang sa mga taong ipinagkait sa kanya ng tadhana.
Kasama si Jericho pinuntahan nila ang puntod ng mga magulang.
“sana nga lang makamit na nila ang katahimikan na kailangan nila.” saad ni Fil habang nagsisindi ng kandila sa puntod ng magulang.
“alam ko na matatahimik na sila kasi magkasama na tayo tol.” ayon pa kay Jericho sabay akbay sa kapatid.
Nang magkahiwalay ang magkapatid agad na nakipagkita si Fil kay Maru para ibalita sa kasintahan ang mga nalaman tungkol sa kanyang sarili, ngunit nagulat ito nang inamin sa kanya ni Maru na alam na nito ang nakaraan niya noon pa.
“matagal mo nang alam?”
“duda ko lang iyon noong una, hindi ko naman alam na totoo palang kuya mo talaga si Echo. Pero ang tungkol sa iyo dati na nasabi sa akin ni tatay.” tugon ni Maru kay Fil.
“Eh ang tungkol sa kanila ng tatay mo? alam mo ba na ang tatay mo pala ang tunay na ama ni Kuya Echo?” tanong pa ni Fil.
“Ngayon lang, nang sinabi mo. Pero ok lang iyon dahil nakilala ko na ang tunay kong mga magulang Fil.”
“talaga? grabe…ang dami palang lihim ng nakaraan natin. Pero iyong sa akin sana hindi ko na lang nalaman. Hanggang ngayon uma-alab parin sa galit ang kalooban ko dahil sa sinapit ng mga magulang ko.” saad ni Fil
“move on ka na Fil, sabi mo nga patay na ang salarin na pumatay sa kanila.” wika pa ni Maru habang yakap-yakap si Fil.
“iyon ang sabi nila pero parang ayaw maniwala ng isip at puso ko. pakiramdam ko malaya parin ang demonyong May gawa sa kanila nun Mar.”
Nagkalantaran na nga ang katutohanan sa buhay ng isang anak. Ngunit sadya bang nalantad na nga sa kanila ang lahat? Nakipagkita si Hector kay Precy dahil sa sinabi nito sa lalake.
“Taon din kitang hinanap Jaime, nasa tabi-tabi ka lang pala. Buti na lang pala at humiling ng tulong sa akin si Mercedes.” wika ni Precy
“pumunta ako dahil sa sinabi mo sa akin. Ano pa ang nalalaman mo at may pagbabanta ka pa sa akin?”
“Alam ko na ikaw ang pumatay sa kay Romero. Sa kapatid ko.” tugon ni Precy sabay bunot ng baril at tinutok ito sa nuo ni Hector na nakaupo nun.
“Anong patunay mo? at huwag mo akong takutin. Dahil alam ko na hindi mo iyan magagawa sa akin.” ang relax lang na saad ni Hector sa akto ni Precy sa kanya.
“hayop ka, bakit ikaw pa! bakit?!” sigaw ni Precy kay Hector at idinidiin pa lalo sa mukha ng lalake ang baril.
“bakit hindi mo iyan itanong sa sarili mo? Dahil kung tutuusin ikaw ang tunay na pumatay sa iyong kapatid at iyon ang totoo hindi ba?” naka-ngising tugon pa ni Hector na hindi man lang kinakitaan ng kaba sa mukha.
Biglang sinunggaban ng halik ni Precy si Hector na tila inasahan naman ng lalake. Ngunit sa halip na masuyong halik ang itutugon ni Hector kay Precy isang marahas na kagat ang ginanti nito dahilan para kumalas si Precy sa kanya. Dumudugo ang labi ng Kapitana ng bitawan ito ni Hector na napadura sa sahig nang tumayo ito.
“lalo ng pumait ang lasa ng dugo mo. Kasing pait ng pagkatao at ugali mo.” wika pa ni Hector at tinalikuran si Precy.
“Bumalik ka dito! papatayin kita!” sigaw pa ni Precy.
“gawin mo iyan ng nakatalikod ako. At subukan mo lang pakialaman ang anak ko, ako ang makakalaban mo” banta pa ni Hector at tuloy-tuloy lang itong lumabas sa bakuran ni Kapitana.
Hanggang sigaw lang si Precy kay Hector at hanggang pagtutok lang ng baril ang tanging kaya nito. Palabas na sa kalsada si Hector at pasampa na ito sa kanyang motor nang may napansin ito hindi kalayuan sa kanya.
“imposibleng si Paeng iyon, pero sino? Masama ang kutob ko taong iyon. Malalaman ko ngayon kung ako ngang talaga ang target nito.” sa isip ni Hector at pinatakbo na ang kanyang dalang motor.
Pinaharurot agad nito ang motor paalis sa lugar na iyon. Samantala nakarating na rin kina Jack at Nato ang nangyaring karumaldumal kay Joker. Hinala pa ng dalawa may kinalaman ang kapitana sa nangyari sa kanyang tauhan.
“di kaya, si Precy talaga ang killer na namumugot ng ulo pare? At siya din ang dahilan sa nangyayari kina Cholo at Dagul noon.” sabi ni Nato.
“At ano naman ang motibo nun sa mga kaibigan natin para gawin niya iyon sa kanila. Iyong Hector siya ang pinaghihinalaan ko. Kitang-kita ko siya noon na nakatayo sa tapat ng hide out natin. Si Hector ang pumatay sa kanila.” tugon ni Jack.
“pero ang paraan sa pagpatay kay Joker, walang pinagkaiba sa nangyari sa tropa.” saad pa ni Nato.
“hindi tayo sigurado, pero ako sigurado ako na si Hector ang tumira sa mga kaibigan natin. Makita ko lang ang tao na iyon. Ako mismo ang hihiwalay ng ulo niya sa kanyang leeg.” ayon pa kay Jack.
“Aalis ako ngayon, pupuntahan ko si Borgy, may ipapadala ka ba? pagkain?” wika ni Nato habang nagbibihis ito.
“ikaw, kung ano na lang ang madadala mo at mag ingat ka na lang.” tugon ni Jack.
“ikaw din magingat ka rito, tawagan mo agad ako kung may problema.” sagot ni Nato tsaka hinalikan si Jack na tinugunan naman ni Jack nang masuyong halik.
Nasa hallway na po si Nato nun nang mapadaan ito sa unit ni Josefino. Na sakto namang paglabas ng matanda kasama ang asong si Bronx. Napaatras pabalik si Nato nang inangilan ito ng aso. Na sinuway naman ng matanda.
“pasensya na sir,” tugon ni Josefino at muling pinapasok ang asong si Bronx.
Napatitig talaga si Nato sa aso, at maging sa collar ng aso dahil napaka-familiar ito sa kanya. Agad nitong ipinaalam kay Jack ang kanyang obserbasyon. At inutusan si Jack na obserbahan pa lalo ang katabing unit.
“Sigurado ka na aso talaga iyon ni Hector?” paglinaw ni Jack.
“Hindi ako puwedeng magkamali, tandang-tanda ko ang collar ng aso. Kaya kilalanin mo ang matanda. Baka may matuklasan ka. Babalik ako agad.” saad ni Nato.
Sa kabilang parte ng kuwento, nagising si Paeng mula sa masarap na tulog katabi si Rodge na nakayapos pa sa kanyang dibdib. Napabangon ito nang mapansin ang nakailaw na cellphone.
Naka ilang missed calls na pala si Jericho sa kanya at may ilang mga mensahe na rin.
“sinusundan ko ngayon si Hector. at galing siya sa bahay ni Kapitana Precy dito sa Lulos”- laman pa ng mensahe ni Jericho.
Nqgising si Rodge nang tumayo na si Paeng.
“Aalis ka na ba?” tanong ni Rodge.
“Kailangan eh, hayaan mo dadalasan ko sa susunod ang pagpunta ko dito. Uuwi muna ako baka magtaka sila na wala pa ako.” tugon ni Paeng sabay halik kay Rodge sa labi.
“take you time , mamaya rin aalis din ako para mag trabaho.” sagot pa ni Rodge.
Lumabas ng kuwarto si Paeng at agad na tinawagan ang anak na si Jericho upang usisain kung nasaan na si Hector ngunit hindi na nito makontak ang anak at panay ring lang numero nito. Kinutuban ng hindi maganda si Paeng kaya nagmadali itong sumakay ng kanyang jeep at pinuntahan ang huling area na nabanggit sa kanya ng anak.
SUNOD
Ipinagtapat ni Maru kay Paz ang kanyang natuklasan. Ganun din si Fil habang kumakain ang tatlo ng hapunan. Ikinagulat ni Paz ang rebelasyon ni Maru tungkol sa kanyang ama.
“Maging ako man tita nagulat ako nang malamang si Hector pala ang tatay nito, kaya naman pala ganun na lang kung mag feeling close iyon kay Maru dati kasi siya pala ang ama.” saad ni Fil.
“Jaime po ang tunay niyang pangalan tiya. Ang liit ngang talaga ng mundo. Kaharap ko na pala dati pa ang tunay kong tatay.” sabi pa ni Maru.
“Alam na ba ito ni Tatay Paeng mo?” tanong ni Paz.
“hindi pa po tiya, hindi pa nakauwi si tatay. “ sagot ni Maru.
“anong oras na bakit wala pa kaya ang tatay mo?” pansin pa ni Paz
“Baka busy lang sila tita, sunod-sunod kasi ngayon ang mga nangyayaring krimen dito sa atin. Sana nga lang mabigyan na ng linaw ang mga lahat.” sabat ni Fil.
inabutan na ng dilim si Paeng sa kakahanap sa anak na si Jericho, dagdag pa sa pag-alala nito dahil ang hindi na makontak na numero ng anak. Paikot-ikot lang ito sa mga kalye ng Likos. Huli na nang maisip niyang puntahan si Precy para tanungin ang tungkol kay Hector.
“pinadala ka ba rito ni Samonte? hindi ba siya makapaghintay? bueno sandali lang.” pagharap ni Precy kay Paeng habang dimudukot ito ng kumpol ng pera sa kanyang drawer.
“para saan po ang pera na ito kapitana?” pagtataka pa ni Paeng nang iabot sa kanya ni Precy ang isang bundle ng pera na tag iisang libo.
“para sa pulpol niyong boss kay Samonte. At pakisabi sa kanya na ayusin niya ang serbisyo niya kung ayaw niya na papalitan ko siya. Dali kunin mo na at may gagawin pa ako.” tugon ni Precy.
“Hindi po ako utusan ni Samonte, iba ang sinadya ko sa iyo dito kapitan.” saad ni Paeng.
Napataas bigla ang kilay ni Precy nang marinig ang sinabi ni Paeng. Naintriga pa ito nang nilatag na ni Paeng kailangan niya sa pag punta sa opisina ng kapitan.
“kaibigan ka pala ni Jaime, oo dito siya galing kanina pero wala akong alam kung saan sa ngayon. Bakit mo nga pala siya hinahanap? sir?…” wika ni Precy.
“pasensya na kapitan, sa akin na lang iyon. aalis na po ako.” tugon ni Paeng at umalis ito.
Tutok na tutok kay Paeng ang paningin ni Precy habang papalabas sa opisina niya ang lalake. Sinundan pa niya ito hanggang sa labas at nang makaalis na nga si Paeng sakay ng sasakyan nito, tinawag ni Precy si Tuti.
“Kailangan ko ang lahat ng impormasyon tungkol sa pulis na iyon, when I say lahat, ibig sabihin lahat. Pasundan mo siya.” utos ni Precy sa tauhan nito na si Tuti.
“sureness madam. ngayon din”
Lumilipad ang ang isip ni Paeng sa pag-aalala sa anak, dahil wala rin ito sa kanyang bahay. Bagama’t gulong-gulo ang isip ni Paeng nagpasya itong umuwi muna sa kanila. Inabutan nito ang kapatid na nanonood ng tv sa sala.
“Anong nagyari bakit parang hindi ma ipinta ang mukha mo?” tanong ni Paz ng pagbuksan nito ang kapatid.
“sina Maru at Fil nandito na ba?”
“kanina pa, nasa kani-kanilang mga kuwarto na ang dalawa. Kumain ka na ba?”
“wala akong gana, magpapahinga na lang ako sa silid ko.” saad ni Paeng.
“mukhang wala ka naman ngayon sa tamang templa, may sasabihin pa sana ako sa iyo tungkol sa anak-anakan mo.” wika ni Paz.
“kay Fil? o kay Maru?”
“sa dalawa.”
Pinagbigyan ni Paeng ang kuwento ni Paz. Naibulalas din nito sa kapatid ang pag-resigned nito sa pagkapulis. ikinatuwa iyon ni Paz dahil sa wakas nakapagdesisyon din ng tama ang kapatid. At nang marinig naman ni Paeng ang kuwento ni Paz, parang bumagsak ang langit para kay Paeng lalo na nang malaman nito na si Hector ang tunay na ama ang pinaka mamahal niyang anak na si Maru. Pano niya pa itutuloy ang sinimulan gayong sangkot na rito si Maru na itinuring niya ng tunay at sariling anak.
Samantala pilit na kinakalas ni Jericho ang lubid na naka tali sa kanyang mga kamay. Nakagapos ito sa isang bakal na upuan habang nakatali naman sa likod nito ang kanyang dalawang kamay pati ang mga paa tsaka nakabusal ang bibig nito. At nakapiring pa ang mata.
Nagpupumiglas ito nang lumapit sa kanya para tanggalin ang busal nito sa bibig.
“Tauhan ka ba ni Precy? “ Tanong ni Hector kay Jericho.
“Sinong Precy? Hayop ka! Makawala lang ako rito, magsisisi ka! “ Sagot ni Jericho
“Kaya bakit pa kita pakakawalan kung magsisisi ako? Ikaw ang magsisisi sa pagsunod sa akin. Kuntodo porma ka pa, Hindi mo ako matatakot sa pa black leather mo na iyan. Totoy ka pa kumpara sa akin. “ Saad ni Hector.
“Pakawalan mo ako rito! “
“Sumigaw ka hanggat kaya mo, dahil wala rin tutulong sa iyo rito. Kaya sabihin mo sa akin, kung hindi ka tauhan ni Precy, ano ang dahilan mo para sundan ako? “ Usisa pa ni Hector kay Jericho.
Ngunit hindi tumugon si Jericho.
“Iwan muna kita, bibili lang ako ng pagkain. Pakatino ka rito. Baka maingayan sa iyo ang mga kuliglig dito at pumasok sa bibig mo.” Saad ni Hector bago nito iwan si Jericho sa lugar na iyon.
Nang marinig ni Jericho ang papaalis na motor, gumawa ito ng paraan para makawala sa kinalalagyan nito. Ngunit sinigurado talaga ni Hector na wala itong kawala sa upuan na iyon. At sa paggagagalaw ni Jericho natumba ang upuan na bakal at bumagsak ito sa sementadong sahig. Malakas ang pagbagsak ni Jericho kaya ininda talaga nito ang sakit ng pagkatumba niya.
Sa tahanan nila ni Paeng, balisa sa higaan nito si Fil dahil bumabalik muli sa sa kanyang gunita ang tagpo sa kanyang mga bangungot. Bumangon ito at lumabas ng bahay. Lingid sa kanya, nakita ito ni Maru na lumabas ng gate. Hindi gumamit ng motor si Fil at naglakad lang ito
May kung anong bulong ang nag-udyok kay Maru na sundan si Fil sa kabila ng malalim na gabi. Ipinagtaka lang nun ni Maru dahil parang wala sa sarili si Fil ni hindi nga siya nito napapansin na sinusundan niya ang kaibigan. Hanggang sa natagpuan na lang ni Maru na nasa tapat na sila ng bahay nila Fil.
Sumilip saglit si Hector sa bahay ng ama sa lumang tenement, papasok na sana ang motor nito sa naturang tenement nang mapansin niya ang pamilyar na lalake na bumibili ng sigarilyo sa tindahan sa baba ng building.
“Ano ang ginagawa ng lalaking ito dito? At paano sila napadpad dito?” tanong ni Hector sa kanyang isip.
Nakita nitong tumingin sa kanyang direksyon si Nato kaya napayuko si Hector at ibinaba ng husto ang suot na sumbrero para matakpan ang mukha. Itinaas din agad nito ang facemask at tumuloy sa parking lot sa taas ng tenement.
Batid niyang nakasunod ang mata ni Nato sa kanya. Kaya hindi ito nagpahalata, dahan-dahan lang ang pag akyat nito sakay ng motor. At hindi nagkamali si Hector, dahil tila namukhaan nga ito ni Nato, huli na kasi nang isinuot nito ang facemask Kaya nakita agad ni Nato ang mukha nito lalo pa at malapit lang nun ang distansya nila sa isa’t-isa.
“Alerto ka diyan pare, mukhang tama ang kutob ko. Nakita ko si Hector at paakyat siya ngayon diyan. “ Saad ni Nato kay Jack.
“Hihintayin ko siya dito, buti at siya na mismo ang lumapit sa kamatayan niya. “ Ang tugon ni Jack
Kinukutuban na nun si Hector nang hindi maganda. Kaya hinanda rin nito ang sarili. Nakahanda na sa sukbit nitong bag ang kanyang armas na hawak-hawak na ng kanyang kamay. Hababang lumalakad ito sa pasilyo lalong bumibigat ang kaba na nararamdaman ni Hector, inaalala nito ang ama. Malapit na ito sa unit ng ama nang magtaka ito dahil hindi man lang nag-ingay ang isa sa mga aso nito na kasama ni Josifino. Lalo na si Bronx na amo palang at yabag ng sapatos ni Hector ang marinig nagwawala na ito at kahol ng kahol.
Maingat ang bawat hakbang ni Hector palapit sa pintuan. Muling sinilip ni Hector si Nato sa tindahan sa baba ngunit wala na ito roon. Kaya lalong naghinala ng hindi maganda si Hector. Umatras ito at hindi tumuloy sa pinto. Dumaan ito sa likod na bahagi ng unit kung saan may lagusan doon patungo sa likuran direkta sa banyo at kusina.
“Sino ba kayo? At ano ang kailangan niyo sa akin? “ Tanong ni Josefino na naka gapos sa isang tabi.
“Sa iyo, wala… Pero sa may-ari ng asong iyan meron. Kaya huwag kang mag-alala labas ka dito. Pero huwag ka nga lang maingay baka sapitin mo rin ang nangyari sa mga aso mo. “ Nakangising tugon ni Jack habang ginuguhit sa mukha ng matanda ang dulo ng hawak nitong baril.
Lingid kay Jack nakapasok na mula likurang bahagi ng unit si Hector. Dumaan ito sa laundry area. Kabisado ni Hector ang bahay dahil doon din ito lumaki noon. At mula sa puwesto nito, nanlumo ito sa sinapit ng dalawa niyang alaga na nakahandusay sa sarili nitong mga dugo. Tanaw rin nito ang ama na nakagapos sa isang sulok habang binabantayan ni Jack na nakatutok ang baril nito sa ulo ng kanyang ama.
Kinakalkula ni Hector ang bawat kilos nito dahil isang mali niya lang buhay ng ama niya ang malalagay sa alanganin.
Samantala balisa si Paeng sa higaan nito, dahil bukod sa pag alala sa di pa makontak na anak na si Jericho. Laking problema rin ang natuklasan nito sa pagkatao ni Maru. Bumangon ito sa kanyang kama, lumabas ito ng silid at tinungo ang kuwarto ng anak para kausapin si Maru. Ngunit napansin nitong naka awang ang pintuan kaya alam niyang bukas ito.
“Maru anak, gising ka pa ba? “
Maka ilang ulit pa tumawag si Paeng sa anak. Sa pag-aakalang tulog na ito, sa silid naman ni Fil ang balak niyang katukin nang mapatingin ito sa labas ng bahay, bukas ang kanilang gate. Inisip pa nito na baka si Fil ang lumabas at nakalimutan lang isara ito. Ngunit nang mapansin ang motor ng lalake na naka parada sa gilid ng kanyang sasakyan, si Maru agad ang naisip nito.
Kaya binalikan ni Paeng ang silid ni Maru at itinulak ng marahan ang pinto. Nagtaka ito nang wala doon ang anak. Kinatok nito si Fil sa kabila sa pagbabakasakaling may alam ang isa ngunit ng sa pag katok ni Paeng naitulak nito ang pinto. Wala rin doon si Fil.
Nagising si Paz mula sa kabilang silid.
“Baka kumain lang sa labas ang dalawa gaya ng madalas nilang ginagawa. Wala ka kasi dito lagi kaya naninibago ka lang. Matulog ka na bukas mo na sila kakausapin. Uuwi din ang mga iyon. Nag balut lang ang mga iyon sa labasan. “ Saad ni Paz
“Lampas hating gabi na, paano kung mapahamak ang mga iyon? At mangyari na naman sa kanila ang nangyari noon? “ Pag aalala pa ni Paeng.
“Bente kwatro oras na ang pag ronda ng mga tanod sa kada kalye, Wala ng pundi na mga poste sa daan. Kumalma ka nga Paeng, sa kakaisip mo ng hindi maganda sa mga bata baka undyukan pa ng demonyo iyang ideya mo at mapahamak nga sila. “ Sabi pa ni Paz.
“Sinong hindi mag alalang ama, pati si Jericho hindi ko rin mahagilap. Wala siya sa bahay, hindi rin sinasagot ang mga tawag ko. “ Ayon pa kay Paeng.
“Malalaki na ang mga anak mo Paeng pakawalan mo na sila sa mga bisig mo. Huwag mong lasunin ang isip mo sa mga negatibong ideya. Bukas tatawag iyon sa iyo. “ Saad pa ni Paz.
Ngunit tila tama nga ang sabi, ramdam ng mga magulang kung ano ang nangyayari sa mga anak.
Sinundan ni Maru si Fil sa loob ng bahay. Ngunit nagtaka ito dahil hindi man lang nagbukas ng ilaw ang kaibigan. Lubhang napakadilim sa loob. Kung may liwanag man, ito ay repleksyon lang ng ilaw ng poste sa tapat ng bahay nila ni Fil. Hindi pa rin ito sapat para magbigay ng liwanag sa loob. Hinanap ni Maru si Fil sa loob.
“Fil? Nasaan ka na? Fil si Maru ito…Fil huwag mo naman akong pagtaguan, ano ba ang ginagawa mo rito at bumalik ka pa sa inyo? Fil? “ Pagtawag pa ni Maru habang nangangapa sa dilim.
Nang may nahagip ang paningin ni Maru sa unahan nito. Isang anino ng tao.
“Fil ikaw ba iyan? Fil ano ba? Wala namang ganyanan. Ikaw ba iyan? Huy! Sumagot ka naman. “ Wika pa ni Maru na binalutan na ng kaba lalo na ng mawala sa kinatatayuan nito ang anino.
Nang walang ano-ano may kung sinong kamay ang tumakip sa bibig at ilong nito na may hawak na panyo. Pumalag si Maru at nagpupumiglas sa nakahawak sa kanya mula sa likod. Ngunit lubang malakas ito sa kanya. At dahil sa may naamoy na kung ano si Maru mula sa panyo na pinaamoy sa kanya, nawalan ito ng malay at bumulagta na lang sa sahig.
Samantala…
Natunugan ni Jack si Hector nang matabig nito ang baso sa lababo. Nagkatutukan na ng baril ang dalawa.
“Nagkaharap rin tayo hayop ka, pagbabayaran mo ang ginawa mo sa mga kaibigan ko. “ Saad ni Jack na nakatutok ang hawak na baril kay Hector
“Wala akong alam sa sinasabi mo ungas, pero kung nangyari man iyon sa kanila, dapat lang dahil mga hangal kayo at masahol pa sa mga hayop. “ Tugon ni Hector na nakatutok din ang baril kay Jack.
“Huwag ka ng mag maang-maangan pa, bistado ka na! “ Wika pa ni Jack.
Akma na nitong babarilin si Hector nang buong lakas na pinatid ng matanda si Jack sa paa kaya natumba ito at sa halip na mapuruhan ng bala si Hector dumaplis lang ito sa balikat ng lalake. Sa galit ni Jack sinipa nito ang matanda at babaril din sana nang inunahan na ito ni Hector. Sapol sa dibdib si Jack dahilan para matuluyan ito.
“Napatay mo siya Jaime” Bulalas ng matanda.
“Wala na akong magawa, kaysa ikaw ang mapatay niya. Halika na tay,” Saad ni Hector habang tinatanggalan ng tali ang ama.
At saktong na sa ganung tagpo ang mag ama nang siyang pag dating ni Nato sabay tadyak ng pinto. Nilamon ng matinding galit si Nato nang bumungad sa kanya ang wala ng buhay na si Jack.
“Tangnaaaa kaaaaa!!! “ Sigaw ni Nato na pinaulanan ng putok si Hector.
Nasinalag naman ng katawan ng ama. Hindi agad naka porma si Hector dahil sa nangyari. Gumanti ito ng putok kay Nato at tinamaan niya ito. Ngunit patuloy parin ang pagbaril ni Nato sa kanya. Gumaganti rin si Hector ng putok habang pa atras ito sa kusina.
“Hayop kaaaa!!! Pinatay mo Jack! Papatayin rin kita. “ Ang huling sigaw ni Nato nang sinapol sa ng bala ni Hector sa nuo.
Bumulagta si Nato sa tabi ni Jack. Lalapitan pa sana ni Hector ang amang wala na ring buhay nang makarinig ito ng sirena ng Patrol car ng mga pulis na rumisponde. May ilang tama rin si Hector sa balikat at braso ngunit mga daplis lang ito dahil ang bala sana na para sa kanya ay sinalo lahat ng ama.
Rinig na ni Hector ang mga tao sa labas, kaya bago pa ito masukol ng kapulisan tumakas na ito at dumaan muli sa likod ng unit.
Naging malaking balita agad ang nangyaring patayan sa tenement. Lalo na at hindi kaila sa publiko ang mga taong sangkot sa insidente. Dahil sa hindi nga makatulog nun si Paeng tumagay na lang ito ng kape sa kusina nang tawagan siya ni Ignacio tungkol sa nangyari. Tumalima agad si Paeng na pumunta sa naturang tenement upang makasagap ng balita.
Si Bellegaz ang agad na nakapansin sa kanya.
“Resigned ka na di ba? Ano pa ang ginagawa mo rito? Lumayo ka,doon ka sa mga usiserong iyon. Wala ka ng karapatan dito. “ Pagharang ni Bellegaz kay Paeng.
“Pare hayaan mo na ang pa epal na iyan, doon tayo. “ Paglapit ni Ignacio kay Paeng.
“Ayon,…sa gitna pa mismo ng trabaho kayo makikipaglalandian. Galing. “ Hirit ni Bellegaz.
“Ikaw na diyan Bellegaz total ikaw naman ang super hero dito. O baka naman nag seselos ka sa amin ni Paeng, halika threesome tayo. “ Natawang tugon ni Ignacio sabay akbay kay Paeng palayo kay Bellegaz.
Ikinabigla ni Paeng ang pangyayari, agad nitong tinong si Ignacio tungkol pag iimbestiga nila sa insedente. Ngunit wala rin itong nakuhang lead kung si Hector nga ba ang may kagagawan ng pagkapaslang kina Jack at Nato.
“Hindi matukoy kung sino ba talaga ang naka engkuwentro ng dalawa. Walang sino man dito sa tenement ang nais mag salita, Parang takot masangkot at mabalikan ng kung sino mang may gawa nito. Pero ang tiyak mukhang grabe din ang tama nun sa dami ng dugo na napansin namin sa likod. Kaya nagpauna na kami ng pulis sa mga hospital na malapit dito. “ Kuwento ni Ignacio.
“Ano raw ang motibo bakit napunta dito iyong dalawa? “ Tanong pa ni Paeng.
“Bagong salta lang ang mga iyan dito kaninang umaga. Malabo namang pagnanakaw ang balak na dalawa dahil wala naman silang makukuhang mahalaga sa bahay ng matanda.” Saad ni Ignacio.
“Balitaan mo ako sakaling may update na kayo sa kasong ito. Kawawa naman ang matanda kelan lang nakausap pa natin siya. “ Sabi pa ni Paeng.
“Malaki ang posibilidad na may koneksiyon ang dalawa sa nangyaring abduction nitong nakalipas na linggo. Marahil kabilang na rin sa malaking sindikato sina Jack at Nato. Natagpuan namin sa loob ng gamit nila ang listahan ng mga nawawalang lalake. Maraming pera, mga ATM at dalawa pang baril. “Dagdag pa ni Ignacio.
“ Nag upgrade na talaga ang mga dalawa. Sayang at dito lang humantong ang buhay nila. Pero magandang balita itong nangyari sa kanila para sa akin. Matagal rin pinasakit ng mga iyon ang ulo ko. At sa mga nabiktima nila sa lugar namin, pangit man sabihin. Pero deserve rin nila ang nangyari. “ Sambit pa ni Paeng.
Patuloy parin sa pagmamaneho ng motor si Hector kahit hirap na ito. Bagamat mga daplis lang ang tama niya ngunit malaki ang dulot na sugat sa kanya. Malapit na ito sa kanyang hide-out. At halos pinipilit na lang nito ang sarili na makarating sa pintuan ng bahay na kanyang pinagtataguan.
Nang sa kanyang pagbukas napatigagal ito dahil wala na si Jericho sa upuang pinagtalian sa kanya. Hinagilap niya ito ng kanyang mga mata sa loob. Ngunit dahil sa tinamong mga sugat hindi na nito natagalan pa ang pagkahilo at bumagsak na lang ito sa sahig at nawalan ng malay.
Nakauwi na nun si Paeng sa kanila ngunit laking pagtataka parin nito na wala parin ang anak na si Maru at si Fil. Doon na rin kinabahan si Paz dahil alas dos na ng madaling araw wala pa rin ang dalawa.
“Dito ka lang at hahanapin ko ang dalawa sa labasan. At kung makahingi ka ng tulong sa mga tanod, humingi ka na ng tulong. Nakagana naman ang mga CCTV sa poste. Tawagan mo agad ako kung ano ang makita niyo. “ Wika ni Paeng at sumakay uli ito sa kanyang sasakyan para hanapin ang dalawa.
Tumilaok na ang mga manok at sumilip na ang araw ngunit wala paring Maru at Fil na naka uwi. Walang silbi rin ang kuha ng CCTV dahil ang tanging na hagip lang nito ang paglabas ng dalawa sa gate nila Paeng at ang pagsunod ni Maru kay Fil na naunang lumabas ng gate. Hindi narin kasi nasakop ng ibang CCtV ang ibang bahagi ng kalye ng barangay kaya wala rin silang matukoy kung saan nagtungo ang dalawa.
Ang malinaw lang, hindi nahagip sa CCtV na nasa tulay ang dalawa. Kaya tiwala sina Paeng na hindi lumabas ng barangay nila ang dalawa.
Hanggang sa isang kapitbahay nila Fil ang dumulog sa bahay nila Paeng.
“Oo kagabi sigurado ako, Kitang-kita ko na pumasok ang dalawa sa bahay nina Fil. Hindi ko na lang din pinansin kasi bahay naman iyon ni Fil. Hindi ko lang alam kung lumabas din sila pagkatapos” Sumbong ng babae.
Kumilos agad sina Paeng at Paz na puntahan ang bahay nila Fil. At doon nga inabutan nila sina Maru at Fil na nakabulagta sa sahig at walang malay. Magkahiwalay ang puwesto ng dalawa. Sa sala natagpuan si Maru at sa kusina naman natagpuan si Fil na nakadapa malapit pintuan ng likod bahay.
Ano ba ang nangyari sa dalawa? . At nasaan na si Jericho? Ngayong tila gulong-gulo na ang isip ni Paeng alin ba ang uunahin niya at bibigyang halaga. Ang kapakanan ng kayang pamilya, ang matimbang sa kanyang puso o ang katarungang matagal ng sinisigaw ng kanyang dugo?
DUGO: Seventh part
‘Hakbang sa Nakaraan’
Isinugod sina Fil at Maru sa malapit na hospital ngunit sa patrol palang ng barangay nagkamalay na ang mga ito. Agad na inusisa ni Paeng sina Maru sa nangyari ngunit wala silang alam kung sino ang may gawa sa kanila nun. Basta na lang may kung sino ang nagtakip sa kanila ng panyo o basahan na may matapang na amoy kaya sila nawalan ng malay.
“may tumawag sa akin, lalake at gusto niya na magkita kami dahil may alam daw siya kung sino ang tunay na pumatay sa magulang ko. Nang tanungin ko kung saan kami magkikita ang sabi nasa tapat daw siya ng bahay. At ako lang dapat ang pupunta. Hindi ko naman alam na nakasunod itong si Maru, akala ko tulog na kasi hating gabi na iyon.”_ayon pa sa kuwento ni Fil
“sinundan ko si Fil nang pumasok ito sa bahay nila, madilim kaya hinanap ko siya ng may naaninag akong anino ng tao. Akala ko si Fil na iyon ngunit hindi ito tumugon. Kasunod na nun may bigla na lang may nag takip ng panyo sa mukha ko.Nagpumiglas ako pero ang lakas niya hanggang sa nawalan na nga ako ng malay.”_dugtong na kuwento ni Maru.
“ikaw Fil,nakita mo ba iyong tumawag sa iyo?” tanong ni Paeng.
“walang tao sa tapat ng bahay nang dumating ako, ngunit nagtaka ako kasi bukas na ang gate nun. kaya kinutuban ako na may nakapasok sa bahay. Kaya dahan-dahan akong tumuloy napansin ko na pati ang main door bukas, kaya sa likod ako dumaan ng kusina. Nakabukas din iyon kaya takang-taka ako. Pero nang nasa loob na ako may tumabon na sa mukha ko kaya nawalan na rin ako ng malay. Kaya siguro hindi na ako nakatugon kay Maru ng tumawag ito.” paglalahad pa ni Fil ng kanyang kuwarto.
sinubukang tawagan ni Paeng ang numero ng taong tumawag kay Fil ngunit hindi na ito gumagana.
“ipapa trace natin sa kuya mo ang numero ng tumawag sa iyo kapag nahanap ko na siya.” sabi ni Paeng.
“nawawala si Kuya Echo?”
“hindi, ewan…hindi kasi siya sumasagot sa mga tawag ko. Wala rin siya sa bahay niya. Pero susubukan ko muling kontakin siya at puntahan siya baka sakaling naroon na iyon.
Dahil sa mga naikuwento ni Fil, balisa ngayon si Paeng. At kung bakit tanging si Paeng lang ang nakakaalam. Sa nangyari sa dalawa mas hinigpitan pa ng barangay ang siguridad sa kanilang lugar. Pinuntahan ni Paeng si Jericho sa bahay nito ngunit wala parin ang anak kinakabahan na nun si Paeng sa posibleng ginawa ni Hector sa anak. Kaya naisip nito na alamin kay Maru ang tungkol sa kanyang ama.
Pabalik na si Paeng sakay ng kanyang sasakyan nang tumawag sa kanya si Jericho. Nakahinga ng malalim ang lalake nang makita ang pangalan ng anak na tumatawag sa kanya.
“bakit hindi mo sinabi sa kanya na hawak mo na ako?” tanong ni Hector kay Jericho matapos tawagan nito si Paeng.
“gusto mo ba? tatawagan ko muli…ikaw ang magsabi.” tugon ni Jericho.
“bakit hindi mo na lang ako tinuluyan? sa halip tinulungan mo pa ako.” sabi pa ni Hector.
“hindi ako naniniwala sa binibintang sa iyo ng aking ama.At ayukong dungisan ng dugo ang kamay ko ng mga taong wala namang kasalan.” ayon pa kay Jericho.
Nilapitan nito ang nakahiga na si Hector at sinuri muli ang mga sugat nito para gamutin muli.
“daplis nga lang ang mga tama mo pero, malalim din ang mga ito.Swerte mo at hindi ka napuruhan.” wika ni Jericho habang nililinisan ang mga sugat ni Hector.
“pero ang kapalit naman nun ang buhay ng ama ko.”’malungkot na tugon ni Hector.
“hindi mo rin masusukat ang kayang isakripisyo ng ama para sa kanyang anak. Gaya ng ginagawa mo rin kay Maru.” saad pa ni Jericho.
“at ng ama niyo sa inyo ni Fil.” dugtong pa ni Hector at napangiti ng bahagya kay Jericho.
Tumugon ng ngiti si Jericho kay Hector at saglit nagkatinginan sa isa’t isa ang dalawa. Itinuloy ni Jericho ang paggamot sa sugat ni Hector at pinalitan pa niya ito ng bindahe.
Ipinaabot ni Paeng kay Maru ang nangyari sa kanyang lolo. At ikinagimbal ni Maru ang kanyang nalaman.
“Isinantabi na ang teyorya ng pagnanakaw dahil sa wala namang nawala sa mga gamit ng lolo mo. Ang hindi lang malinaw ay kung bakit nandoon sina Nato at Jack sa mismong bahay ng ama mo. Posibleng galit o paghihiganti o may personal na lamat dahil sa transaksyon ang dahilan. At iyon ang tinututukan na anggulo ng mga imbestigador’ ayon pa kay Paeng.
“Hindi ako naniniwala na may kaugnayan si Papa sa mga pinag-gagawa ng dalawang hayop na iyon. Pero karapat-dapat lang na sapitin nila iyon. Masyado na silang maraming inaabala. Nakakalungkot lang na hindi ko pa man nakilala ang lolo dinamay na nila sa kasamaan nila. “ Ang tugon ni Maru na pigil ang emosyon at luha.
“May sugat ang ama mo, at sa mga bahid ng dugo na nakita, mukhang malalim ang tama niya kaya kung may paraan ka para malaman natin ang lokasyon ni Hector sabihin mo sa akin. “ Saad pa ni Paeng sa anak.
“Walang iniwan na address si Papa noong nagkita kami. Hindi sila ok ni mama kaya malamang wala rin iyong alam. Si Kapitana Precy, kakilala siya ni Papa baka may alam siya. “ Sabi ni Maru.
“Napuntahan ko na iyon ngunit wala rin. Sana nga lang maayos ang ama mo at hindi iyon napuruhan sa kanyang mga sugat. “ Wika pa ni Paeng.
Wala namang nagawa ang lalake dahil wala naman itong nakuha kay Maru at alam naman nito na nagsasabi ng totoo ang anak. Nang araw na iyon nakalabas din ng hospital sina Fil at Maru. Balik trabaho agad si Fil, si Maru naman kasama si Paz pinuntahan ang burol ni Josefino na lolo nito.
At doon sa lamay marami pang nalaman si Maru tungkol sa malagim na sinapit ng pamilya ng kanyang ama. Na maging si Paz nagulat din sa mga nalaman.
“Anak at kapatid pala ng lolo mo ang ibinalita noon na naging biktima ng serial killer na si Romero. At ngayon ang lolo mo naman ang naging biktima ng kadimonyohan nina Nato at Jack. “ Sabi pa ni Paz.
“Masakit ngang isipin na kung kelan alam ko na ang totoo sa akin, sa pagkatao ko…ngayon pa ito nangyari. Ni hindi ko man lang naranasan ang yakap ng isang totoong lolo. “ Saad ni Maru.
Sa di inaasahan dumating sa lamay si Precy at agad nitong nilapitan si Maru at niyakap. Nagtataka man, napayakap na rin si Maru sa Kapitana. Ngunit iba ang naging tugon ni Paz nang makita ng malapitan si Precy.
“Magandang hapon sa iyo Kapitana, ikinagagalak ko na makilala kayo ng personal. Ako nga pala si Paz” Pagbati ni Paz kay Precy habang titig na titig ito sa mukha ng Kapitana
Nakaramdam ng ilang si Precy sa mga pagtitig sa kanya ni Paz. Kaya umiwas ito sa babae at tinutukan si Maru. Hinila nito si Maru sa isang tabi para kausapin. Hinayaan naman sila ni Paz ngunit hindi talaga maalis ang mata nito kay Precy.
“Parang pamilyar talaga sa akin ang mukha niya, hindi ko lang matandaan kung saan at kung kelan. Pero may kutob ako na minsan na nag krus ang landas namin ng Precy na iyan. “ Bulong ni Paz sa sarili.
Isang kaanak ni Josefino na babae ang bigla na lang humila kay Paz palabas ng memorial Chapel.
“Nakilala mo ba iyon?…siya nga pala ako si Berta pinsang buo ni Jaime.” Tanong ng babae tsaka nagpakilala kay Paz.
“Matagal ko ng naririnig ang pangalan niya kasi magkalapit lang ang mga barangay namin kung saan siya Kapitan. Pero ngayon lang kami nun nagkakilala at nagkita ng personal. Ayon kay Maru kakilala daw si ni Hector ibig kong sabihin ni Jaime. “ Tugon ni Paz.
“Hindi lang kakilala, dati iyang karelasyon nj Jaime bago pa si Mercedes dumating sa buhay niya. Guwapo pa iyan dati pero ngayon kahit may edad na maganda parin. Para na talaga siyang babae kahit medyo mataba.” Saad ni Berta.
“Talaga, pero infairness kahit ganyan siya sexy pa rin. Kung hindi nga lang mag salita iyon aakalain mo na talagang tunay siyang babae. Iba na ngang nagagawa ng siyensya. “ Ayon pa kay Paz.
Sumunod na dumating sa lamay si Mercedes na agad naki beso kay Paz.
“Nagkita muli tayo, tuloy ka nasa loob na si Maru kasama si Precy. “ Wika ni Paz kay Mercedes.
“Nasa loob na pala si Premo…i mean si Precy. “ nadulas na sambit ni Mercedes.
“Premo? Si Precy ay si Premo? Siya si Premo, kaya naman pala parang pamilyar siya sa akin. “ Saad ni Paz na nagulat ng masambit ni Mercedes ang pangalan ni Premo.
At kinumpirma pa nga ni Mercedes na si Precy at Premo ay iisa. Naalala pa nga ni Paz na noong kabataan nila, noong magnobya pa si Paeng at Salvi minsan na nga niyang nakita si Premo na dumalaw noon kay Salvi at napagkamalan pa nga niya itong manliligaw at karibal ni Paeng kay Salvi.
-balik-tanaw sa nakaraan-
“Tuloy na ba talaga ang kasalan nito bestfriend? “ Ang masayang tanong ni Paz kay Salvi habang tinitirintas nito ang buhok ng kaibigan.
“Sana, mahal na mahal ko talaga ang kuya mo. Lahat na yata ng katangian ng isang lalake nasa kanya na. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na sagutin agad siya. “ Saad ni Salvi na tumugon ng ngiti kay Paz.
“Buti na lang talaga nakilala ka ni kuya, akala nga namin bakla talaga si kuya eh. Never pa iyan nagka-girlfriend at nagdala ng babae sa bahay. Pero ginulat naman kami ng dumating ka sa buhay niya. At hindi ko akalaing ikaw lang pala ang hinihintay ng kuya.” Sabi pa ni Paz
“Guwapo, matipuno, masipag, mabaitat higit sa lahat mapagmahal si Paeng. Paanong hindi ko siya magugustuhan. At kahit sinong babae pa siguro diyan ang tipo ni Paeng ang pinapangarap na maging asawa. “ Tugon pa ni Salvi
“Ako kaya, kelan kaya ako narerendahan ng isang lalake? Baka tatanda na lang akong dalaga nito. Lahat kasi ng nobyo kung hindi mayroon ng nobya may asawa. Ayoko namang maging jumper noh. “ Ayon pa kay Paz
Nang walang anu-ano isang magarang kotse ang pumarada sa katapat na kalsada ng bahay nila Salvi. Isang matangkad, guwapo at makisig na lalake ang bumaba mula roon. May kapayatan ang katawan ngunit hindi maitanggi ang artistahin nitong mukha.
Nang makita iyon ni Paz na star struck agad ito. Agad na tumayo si Salvi at sinalubong ang naturang lalake sa labas ng kanilang bakuran.
“Nagwawala ang kapatid ko hindi niya tanggap ang naging desisyon mo Salvi. “ Wika ng lalake nang salubungin ito ni Salvi.
“Ayoko na sa kanya, impiyerno ang buhay ko kapag kasama ko siya. Kaya puwede ba tigilan niyo na ako. Hindi na ako babalik sa demonyo mong kapatid. “;tugon ni Salvi sa lalake.
“ Magkano ang kailangan mo para bumalik lang sa kanya. Ano ba kailangan mo? Negosyo, posisyon sa kompanya, pera, luho, ari-arian? Name it, willing kami ibigay iyon sa iyo. Bumalik ka lang kay Romero. “ Saad ng lalake.
“Hindi ako bayarang babae, hindi ako pokpok at lalong hindi ako martir. Makakaalis ka na. At sana ito na ang huli niyong panggugulo sa akin.” Paki-usap pa ni Salvi.
“Pagsisisihan mo ang pagtalikod mo sa grasya Salvi. Hindi pa tayo tapos. “ Pag babanta ng lalake tsaka bumalik ito sa kanyang kotse.
Nang makaalis na ang lalake tsaka lang lumapit si Paz kay Salvi.
“Sino iyon? guwapo ha. Manliligaw mo rin ba iyon?” Tanong ni Paz
“Si Premo, kakilala lang. Nagtatanong lang direksyon bago lang kasi siya dito sa lugar.” Sagot ni Salvi.
Ang pagtatagpo na iyon nina Paz at Premo ay naulit pa nang araw na sinamahan ni Paz si Salvi sa isang hospital para mag pa check up, isang buwang buntis na noon si Salvi.
“Hi I’m Premo…and you? “
“Paz, ikaw iyong minsan nadaan sa bahay nina Salvi na naliligaw right? “ Tugon ni Paz kay Premo.
“Ah oo, ako nga. Ano ang ginagawa niyo dito? May pasyente ka ba rito?” Tanong ni Premo kay Paz.
“Sinamahan ko lang si Salvi magpa check up sa kanyang OB. “
“Buntis si Salvi? “ Gulat na reaksyon ni Premo sa sinabi ni Paz.
“Isang buwan, ikaw ano ang meron at nandito ka. May pasyente kayo? “ Tanong ni Paz.
“Pinuntahan ko lang ang kaibigan kong doktor, sige Paz I have to go. Pakisabi na lang kay Salvi na nagkita tayo. At in case na may kailangan siya sa kanyang pagbubuntis tawagan niya lang agad ako. Nice meeting you na rin. “ Bilin ni Premo bago ito sumakay ng kanyang kotse at umalis.
“Ibang kotse na naman ang gamit niya, sobrang yaman siguro nun tapos ang guwapo pa. Naku ligawan mo lang ako, hindi lang kita sasagutin ako mismo ang mag po-propose ng kasal sa iyo. “ Wika pa ni Paz sa sarili habang nakatingin pa sa papalayong kotse ni Premo.
Ang bagay na nalaman ni Premo tungkol kay Salvi ay agad nitong ibinalita sa kapatid na si Romero.
“Buntis na si Salvi kaya tapusin mo na iyang kahibangan mo sa kanya. Marami ng babae ang nadamay dahil sa galit mo diyan sa babaeng hindi ka naman mahal. Kalimutan mo na si Salvi. Pagod na si daddy sa kalilinis ng kalat mo. “
“Akin ang ipinagbubuntis niya, ako ang ama ng dinadala niya. Akin lang siya. “ Ang nakangising tugon ni Romero sa sinabi ni Premo habang gigil na gigil sa paghiwa ng karne sa kanyang pinggan.
“Hibang ka na talaga, baliw ka ngang talaga sa pagnanasa mo sa Salvi na iyan. kumain ka na. Baka pasukin na naman ng hangin iyang utak mo kung sinong babae na naman ang pagbalingan mo ng gigil mo. Tandaan mo, pinaghahanap na ng batas ang killer. At malasin ka. Mas mahalaga sa pamilyang ito ang pangalan kaysa sa iyo, kaya ayusin mo ang galaw mo. Ako lang ang nagmamalasakit sa iyo rito kaya makinig ka sa akin. “ Saad pa ni Premo sa kapatid.
Nang bigla na lang sinugod ni Romero si Premo at tinutukan ito ng steak knife sa leeg ang kapatid. Ikinagulat ni Premo ang naging akto na iyon sa kanya ni Romero.
“Pag sinabi kong akin, akin. Ako ang ama ng pinagbubuntis ni Salvi ako ang ama ng aming magiging anak. Ako lang. “ Wika pa ni Romero tsaka umalis.
Naiwan si Premo sa lamesa na tagaktak ang pawis habang hinihimas ang leeg na kanina lang may nakadantay na kutsilyo. Samantala ikinatuwa naman ni Paeng ang pagiging ama nito. Ingat na ingat ito nang salubungin sina Paz at Salvi na pababa nun ng taxi.
“May surpresa ako sa iyo mahal” Ang tuwang tuwa na pagsalubong sa kanila ni Paeng.
“Lagi ka namang may surpresa sa akin mahal ano pa ba ang bago. “ Ang nakangiting tugon naman ni Salvi.
“Iba ito, dahil kung dati para lang sa iyo ang surpresa ko, ngayon para na rin sa baby natin. “ Saad ni Paeng.
Tumugon ng malungkot na titig si Salvi kay Paeng at niyakap niya ng mahigpit ang lalake. Lingid sa kanilang dalawa mula sa malayo isang nilalang ang nakamasid lang na may ngit-ngit at galit ang mga mata.
Pabalik sa kasalukuyang tagpo.
Umiinom sa sala noon si Paeng nang dumating si Paz.
“Nagpaiwan muna roon si Maru, dumating kasi ang iba sa mga kaanak nila Hector este Jaime. Bukas na raw ito uuwi. Sumaglit din dun si Fil at sasamahan niya raw muna si Maru. Kamusta nakausap mo na ba si Jericho?” tugon ni Paz nang tanungin ito ni Paeng kung nasaan si Maru.
“Tumawag siya kanina sa akin. May pinuntahan lang daw kaya wala siya sa bahay.” sabi pa ni Paeng.
“May problema ba? Akala ko, makakatakas ka na sa problema sa pag resigned mo sa pagkapulis, pero sa napapansin ko mukhang wala namang pinagbago. Sa tuwing nandito ka sa bahay bote agad ng beer ang kausap mo. Aba Paeng baka darating ang araw na maiiwan kang mag-isa.” saad ni Paz.
“wala ka talagang pinagkaiba kay mama noon. Ang daldal mo. Hindi ba pweding uminon na walang problema? At namimihasa ka na sa kakapukol sa akin ng saway. kuya mo ako baka nakakalimutan mo na.” sabat ni Paeng sa kapatid.
“isang taon lang ang itinanda mo sa akin,naku kuya nga kita pero parang ako pa ang ate sa ating dalawa. Kumain ka na ba?” sagot ni Paz.
“Tapos na, initin mo na lang ang menudo kung gusto mong kumain”
“siya nga pala, nagkita kami ni Mercedes sa lamay. Tapos na kilala ko rin ang kapitan diyan sa Lulos. Akalain mo na siya pala ang dating kasintahan ni Jaime.Hindi ko akalain na pumapatol pala sa bakla ang tulad ni Hector,ni Jaime pala.” pagkuwento na ni Paz habang iniinit sa microwave ang tirang ulam.
Napatayo si Paeng at lumapit kay Paz nang marinig ang kuwento nito. Naging interesado ito sa litanya ng kapatid. Inusisa pa nito kay Paz ang mga nalaman niya.
“kaya naman pala parang pamilyar siya sa akin. kahit mukha na siyang babae ngayon hindi ko talaga malilimutan ang mata niya. Alam mo ba na sobrang gwapo nun dati nang hindi pa siya si Precy. Inakala ko pa nga noon na karibal mo siya kay Salvi eh. Pero dalawang beses ko lang siya nun nakita. Ginulat niya na lang ako na ang dating Premo ,Precy na.” dagdag pa ni Paz habang kumakain ito.
“Premo?”
“hmmm ,Premo ang orihinal na pangalan niyang si Precy, hindi ko lang noon inalam kay Salvi ang tungkol sa kanya pero magkakilala sila dati. Alam mo ba na ngayon ko lang na pagtanto na noon paman pala may mga koneksyon na pala ang lahat sa isa’t isa. Biro mo, si Hector naging boarder natin dahil sa kakahanap sa anak niya kay Mercedes. Na ipina ampon sa iyo. Tapos itong si Precy na ka close ni Maru ngayon ay dati palang boypren ng kanyang ama bago si Mercedes.” kumento pa ni Paz.
Tahimik lang na nakikinig si Paeng sa detalye sa kanya ni Paz. Malalim ang iniisip at maging siya napasubong pagkoni-konektahin ang lahat. Binalikan ni Paeng ang mga sandaling minsan niya ngang narinig ang pangalang Premo kay Salvi.
-*-
“kanino galing iyang mga gamit ng baby mahal? mukhang mamahalin.” tanong ni Paeng kay Salvi nang mapansin ang mga gamit ng baby sa sofa.
“bigay ni Premo, para daw sa baby natin” tugon ni Salvi.
“sinong Premo? ngayon ko lang yata narinig ang pangalan ng tao na iyan ah.” tanong pang muli ni Paeng.
“Dating kaklase ko sa highschool, nagkita kami kahapon sa mall nang bumili ako ng mga kakailanganin ko sa panganganak. Kaya iyan, nag-abot ng pinamili para sa baby.” saad ni Salvi.
“mayaman ba? branded lahat ng ito. Sana ma meet ko minsan iyang kaklase mong si Premo nang maka pag-thank you naman ako ng personal. At makilala ko.” wika ni Paeng.
“malabong mangyari iyon, bumalik na iyon kanina ng US at wala nang balak iyon na bumalik dito.” pag dahilan pa ni Salvi.
Kahit ano’ng taboy at iwas noon ni Salvi na magkaroon pa ng koneksyon sa kanyang nakaraan hindi nito magawa-gawa, dahil sa pangungulit ni Premo.
“ano pa ang kailangan mo? wala na kami ni Romero. Tapos na kami,tapos na ang paghihirap ko sa kanya at Ayuko nang bumalik pa sa demonyo mong kapatid Premo. Kaya please lang lubayan mo na ako, lubayan niyo na ako.” wika ni Salvi nang pinagtutulakan si Premo palabas sa kanilang bakuran.
“umiwas ka man, hindi mo maitatanggi ang katotohan Salvi. Dinadala mo ang dugo ng mga Santana. Alam ba iyan ng kinakasama mo? gusto mo ako na ang magsabi?.” naka-ngising tugon ni Premo kay Salvi.
“Subukan mo lang, umalis ka na!”
Sumakay pabalik ng kanyang kotse si Premo, saktong pag alis nito ang siyang dating naman ni Paeng na napansin pa ang pag alis ng kotse.
“sino na naman iyon mahal? ang gara ng kotse kay Premo ba iyon?” tanong na bungad ni Paeng kay Salvi.
“hindi napadaan lang nagtanong lang ng direksyon. Halika na mahal, nagluto ako ng kaldereta alam ko gutom ka na.” tugon ni Salvi.
“mahal ok ka lang?Bakit parang takot ka?“tanong pa ni Paeng nang mapansin na balisa ang mga tingin ni Salvi. Palinga-linga ito sa paligid.
Inilihim ni Salvi ang mga iyon kay Paeng. Bago ang kabuwanan ni Salvi ay lumipat ang dalawa sa bagong biling bahay ni Paeng para sa kanila. At bago pa maisilang ang kanilang anak may ipinagtapat si Salvi kay Paeng. Bagay na inaasahan na ni Paeng na mangyari.
“alam ko na hindi sa akin iyang dinadala mo, dahil ba-og ako Salvi. Pero hindi na bale iyon sa akin, handa akong kilalanin ang anak mo na akin. Kaya tahan na ang iyak mahal. Hindi kita tatalikuran. Ako ang ama ng baby natin. Akin ang baby na iyan, at ako ang kikilalaning ama ni baby Jericho.” saad ni Paeng sa umiiyak na si Salvi.
Buong puso na tinanggap ni Paeng ang nakaraan ni Salvi. At isinilang si Jericho.
Na ayon pa noon kay Salvi bunga raw ng panghahalay sa kanya ng isang di nakikilalang lalake.
Inilihim ni Salvi ang katotohan kay Paeng. Hanggang sa nagyari ang hindi inaasahang gagawin nito sa kanilang pagsasama ang iwanan si Paeng na wala man lang iniwang dahilan tangay si Jericho. Lubos iyong ikinalugmok ni Paeng, dinamdam.
At lilim ng pangungulila sa anak na kinilala panibagong anghel ang ipapaubaya kay Paeng.
“ano ito Mercedes?” tanong ni Paeng nang pinuntahan ito ng kaibigan na may bitbit na sanggol.
“ikaw lang ang matalik kong kaibigan dito Paeng,at may tiwala ako sa iyo na hindi mo papabayaan ang anak ko. Babalik ako pangako. “ tugon ni Mercedes na agad pinakarga kay Paeng ang dalang sanggol.
Simula nun, hindi na muling pa nagparamdam si Mercedes kay Paeng. Pinabinyagan nito si Maru at inakong sariling kanya. Lumaki si Maru na hindi man lang nagpakita nun ang kanyang ina.
Sa kasalukuyan, sa guhit ng tadhana muling nagtagpo-tagpo ang mga landas ng kanilang kapalaran.
Samantala,…nakakatayo na si Hector ng maayos at naigagalaw na nito ang kanyang braso na may sugat. Lumabas ito at nasumpungan nito si Jericho na naglilinis ng sariling motor.
“aalis ka?” tanong ni Hector
“kailangan, baga mag taka si papa na hindi pa ako nakauwi. Mukhang ok ka na.” tugon ni Jericho.
“magaling ang nurse ko eh.” sabi ni Hector na ngumiti kay Jericho.
“huwag kang mag alala,babalik ako. Magpapakita lang ako kay papa.” saad ni Jericho na tumugon din ng ngiti kay Hector.
Titig na titig lang si Hector sa walang damit na si Jericho. Hindi nito maiwasan na hangaan ang kakisigan ng lalake. Ang magkahalong angas at maamong mukha nito na talaga namang takaw pansin dahil pa sa kagwapuhan. Kinailang ni Jericho ang mga titig sa kanya ni Hector.
“di naman kaya mausog ako niyan sa katititig mo sa akin?” pagbaling ni Jericho kay Pareng.
“pasensya na, may naalala lang po ako. May kamukha ka lang kasi.” sagot pa ni Hector.
“hindi naman siguro artista ah noh?”
“hindi naman. Dating kakilala lang. “ ayon pa kay Hector tsaka ito bumalik sa loob ng bahay.
Tinungo ni Hector ang kanyang bag na nakapatong sa mesa. Binuksan iyon at nagtaka ito dahil wala na doon ang kanyang baril. Babalikan na sana nito si Jericho para tanungin ito tungkol dito nang sa pag lingon niya ikinagulat nito nang makaharap si Jericho na nakatayo na sa pintuan, may hawak na baril at nakatutok sa kanya.
Ngumiti lang si Jericho nang makita ang reaksiyon ni Hector.
“ito ba ang hanap mo? Nilinis ko lang iyan kanina. Ito na iyong baril mo.” wika ni Jericho sabay abot ng baril kay Hector.
“huwag kang mag-aalala, dahil kung… balak ko na tudasin ka,noon pa. At sinabi ko na sa iyo hindi ako naniniwala sa hinala sa inyo ni papa.” dagdag pa ni Jericho.
“tiwala naman ako sa iyo. Ginamot mo nga ako diba?” tugon ni Hector.
Pabalik na sa labas si Jericho nang pinigilan pa ito ni Hector para mag pasalamat. Tumugon lang ng tango si Jericho sabay tapik sa balikat ni Hector. Ngunit ng tanggalin na ni Jericho ang kamay nito sa balikat ni Hector napahawak naman dito si Hector sa kanya.
Nagkatitigan muli ang dalawa dahil sa paghawak na iyon ni Hector sa kamay ni Jericho. Pinagtaka ni Jericho ang ginawang iyon na paghawak sa kanya ni Hector. Tinanong nito si Hector kung bakit, ngunit sa halip na salita ang itugon ni Hector kay Jericho,bigla na lang niya nito kinabig ang lalake at tinugunan ng masuyong halik.
Kinabigla iyon ni Jericho, ngunit hindi naman ito tumutol sa ginawa na iyon sa kanya ni Hector sa halip tumugon rin ito at sinabayan ang mga paghalik sa kanya nito.
TUHOG
Hindi inalintana ni Hector ang sugat nito sa balikat at braso nang balibagin nito si Jericho sa ibabaw ng lamesa. Umaatikabong sunggaban ng dalawang hubad na Adan ang nangyayari sa loob ng kusina sa ibabaw mismo ng hapag. Dominante si Hector sa kanilang dalawa. Ngunit palaban din si Jericho na parang hindi papayag na mapailalim kay Hector. Pisikalang masarap ang ginagawa ng dalawa. Salitan sila kung sino ang mapupunta sa taas at sa baba. Ngunit kahit may sugat malakas pa rin si Hector pinadapa nito sa lamesa si Jericho at inambahan sa ito likod.
“tang na ka hindi ako nagpapaturok gago, umalis ka sa likod ko.” sambit ni Jericho na nagpupumiglas pa rin kay Hector. Ngunit lumalaban naman ng laplapan sa tuwing sinusunggaban ito ng halik ni Hector.
“magparaya ka na lang kasi, masasarapan ka naman eh. hindi ka magsisisi ummmm” tugon ni Hector habang pilit pinapabuka kay Jericho ang mga hita nito.
“pagurin mo muna ako, tsaka mo magagawa ang gusto mo.” wika pa ni Jericho.
“edi magpapapaguran tayo, sinisiguro ko sa iyo na susuko ka rin sa akin.” tugon pa ni Hector habang kinikiskis ang tigas na tigas na lawit nito sa hiwa ni Jericho na pilit namang sinasara ng lalake upang hindi mapasok.
Biglang dinakma ni Jericho ang parte ng braso ni Hector na may sugat at pinisil iyon, sa tindi ng kirot na nararamdaman sa ginawa sa kanya ni Jericho napabitaw sa likuran niya si Hector. Doon na kumilos si Jericho para siya naman pumaibabaw dito. idiniin nito si Hector na nakaharap sa dingding tsaka pinasadahan ng romansa at halik mula sa likod ng leeg ng lalake pababa sa gulugod nito sa likod.
“aaahhhhh sheeet ka, ang galing mo rin sa romansahan hayop ka, lalo mo lang pinapasidhi ang libog ko sa katawan aughhhh aaahhhhh” mga sambit pa ni Hector habang ninanamnam ang sarap ng mga pag brutsa ni Jericho sa katawan niya.
Napaliyad ng bahagya si Hector nang maramdaman ang paghimod ni Jericho sa guhit ng kanyang hiwa.
“Nakakagigil ang tambok ng pisngi mo sa likod , ang sarap kagatin uuuuummmmm” saad pa ni Jericho na hayok na sinunggaban ng kagat ang magkabilang pisngi ni Hector sa likod.
Nilaro-laro pa ni Jericho ng dila nito ang balon ni Hector habang binabayo naman ng isang kamay nito ang naghuhuramentadong sawa ng lalake na naglalaway na sa dulot ng matinding kalibugan. Binasa pa ng husto ni Jericho ng laway ang huka ni Hector bago ito tuluyang puwesto ng maayos sa likod ng lalake. Dinuraan nito ang sariling saging at nang naliligo na ito ng laway agad niya itong itinarak sa balon ni Hector na walang sabi-sabi. Sa ginawa niya napahiyaw ng todo si Hector sa sakit. Napamura pa ito dahil sa ginawa na iyon ni Jericho sa kanya.
Pumapalag pa nun si Hector kay Jericho ngunit desidido na talaga ang isa na hindi siya magpapapigil sa kagustuhan nitong laspagin ng husto ang bahay-tae ni Hector. Sarap na sarap si Jericho ka kanyang pangangabayo sa masikip na butas na iyon. At sa mga ilang pag hugot-baon pa ni Jericho sumambulat sa loob ni Hector ang malapot at masagana nitong dagta. Rinig pa ni Hector ang tunog ng binigla pa ni Jericho ang paghugot ng kabuti-te nito sa kanyang butas.
Ang akala ni Jericho tapos na sila ni Hector ngunit nagulat ito nang balingan siya ni Hector at sinunggaban agad ng yakap sa katawan at ibinalik sa pagkakahiga sa lamesa. Pumapalag na nun si Jericho dahil alam na nito ang balak ni Hector sa kanya ngunit napagod na ito sa ginawa niya kanina kaya hindi na nito napigilan pa si Hector nang dinaganan na siya ng lalake sa katawan habang nilalamutak ng halik sa kanyang bibig.
Habang nagpapasasa sa kakaromansa si Hector kay Jericho, gamit ang kanang kamay nito ay inangat nito ang binti at hita ng lalake at ipinatong sa kanyang balikat. Sa ganung sitwasyon at posisyon naging malaya ang kanina pang atat na atat na alaga na naglalaway pa na pasukin ang masikip na lagusan ni Jericho. Wala nang nagawa pa si Jericho nang tuluyan ng ipinako ni Hector sa kanya ang malaki at mahaba nitong pako. Mabilis na umindayog agad sa ibabaw ni Jericho si Hector. Said na said ang kalakiman ng lalake, at sinagad pa ng todo ang pagkabaon niya dito.
Ungol, halinghing at mga malulutong na mura na lang ang tanging lumalabas sa bibig ni Jericho habang sarap na sarap si Hector sa pagkaldag sa kanya.
“binalik mo ang kabataan ko, pu…tah…aaahhhhh nakakabaliw ang sarap mo gago ooohhhhhh.” wika pa ni Hector habang tuloy lang sa pagtaas-baba kay Jericho.
Sa mainit na tagpong iyon sa pagitan ng dalawa, may isang tao na biglang sumagi sa alaala ni Hector lalo na nang mapansin na nito ang pagkakamukha ni Jericho at ng lalake na minsan naging bahagi rin ng kanyang nakaraan at kabataan.
-*-
“Jaime, I love you…iputok mo lahat sa akin. Akin lang ang lahat sa iyo, wala ng iba pang aangkin ng iyo sa akin. Akin lang ito, ooohhhhhh Jaime.”
“hayan naaaaahhh aaahhhhh tangna ka tanggapin mo lahat ng katas ko Premo ooohhhhhh.”
“ang dami , Jaime. Pinuno mo talaga ang imbakan ko ng gata mo. Salamat Solb talaga ako sa iyo.” wika ni Premo at kinabig ang mukha ni Jaime para halikan ito.
Ngunit pag-iwas na ang naging tugon sa kanya ng lalake. Umalis agad sa pagkakabaon kay Premo si Jaime. Bumangon ito at naupo sa gilid ng kama tsaka nag sindi ng sigarilyo.
“why? anong nangyari?” nainis na tanong ni Premo sabay agaw kay Jaime ng hinihithit nitong sigarilyo.
“ito na ang huling pagtatagpo natin Premo. Buntis na si Mercedes at kailangan niya ako. Dinadala niya na ang anak namin.” siwalat pa ni Jaime.
“no, hindi puwede. Akin ka lang subukan mong sumama sa kanya at makikita mo kung paano ako magalit. Binili na kita, mula ulo hanggang paa. Pati buhay mo pinatungan ko na. Kaya hindi ka maaring lumayo sa akin. Akin ka lang Jaime.” tugon ni Premo na halos maluha na sa rebelasyon ni Jaime sa kanya.
Niyakap pa niya ng mahigpit si Jaime at nagmakaawa pa ito na huwag siyang iwan. Ngunit buo na ang pasya nun ni Jaime na tapusin na ang kung ano mang namamagitan sa kanila. Kumalas si Jaime sa mga yakap ni Premo at tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kama.
“mahal kita Premo pero pangarap ko noon pa ang magkaroon ng pamilya. At matutupad ko na iyon ngayon sa piling ni Mercedes.” saad pa ni Jaime.
“magagawa naman natin iyon ah, maraming paraan. Kahit gumastos pa ako ng mahal. Mabibigyan kita ng pamilya na nais mo Jaime.” ayon pa kay Premo na todo ang pagmamakaawa kay Jaime.
“normal na pamilya ang gusto ko Premo. kaya pasensiya na ,buo na ang pasya kong tapusin ang lahat sa atin. Huwag kang mag alala hindi ko nalilimutan ang mga tulong mo sa akin. Babayaran kita.” paglinaw pa ni Jaime habang nagsisimula na itong magbihis.
nilapitan pa ni Premo si Jaime at muling niyakap ng mahigpit habang pilit paring nagmamakaawa.
“Ikaw lang ang kailangan ko Jaime, ikaw lang. Handa akong magpa-alipin sa iyo huwag mo lang akong iwan. maawa ka…mahal kita Jaime at mamamatay ako kapag nawala ka.”
“pasensya na talaga, hindi ko na kayang lokohin pa si Mercedes at balak na naming magpakasal.” pagmamatigas pa ni Jaime.
Palabas na ng silid nun si Jaime nang muling nagbanta sa kanya si Premo. Tinutukan nito ng baril si Jaime.
“subukan mong lumabas ng pintuan na iyan ,at ang huling makikita mo ay ang dulo ng baril na ito.” Ang galit na banta ni Premo.
“kung iyan ang ikakasaya ng kaluluwa mo gawin mo. At dahil sa ginawa mo ngayon pinatunayan mo lang sa akin na tama ang desisyon ko na iwan ka. Sige barilin mo ako. Hinding-hindi na ako papasukob sa iyo.” tugon pa ni Jaime at tuluyan nang lumabas ng silid na iyon.
At pagsara nito ng pinto umalingaw na lang sa loob ng silid ang sunod-sunod na mga putok kasabay ang mga pagwawala at sigaw ni Premyo na tinatawag ang pangalan ni Jaime.
-*-
Matapos ang umaatikabong sabungan sa apat na sulok ng kusina sa pagitan nina Hector at Jericho, hingal na hingal ang dalawa na nagkasya sa ibabaw ng lamesa habang baliktarang nakahiga roon.
“Masaya ka ba sa nangyari ?” tanong ni Hector kay Jericho na nakangiti.
“ikaw ba? nasarapan ka ba sa ginawa natin?” balik na tanong sa kanya ni Jericho na gumanti rin ng ngiti kay Hector sabay hawak sa palad ng lalake.
“hindi lang nasarapan, nagustuhan ko pa. Hindi ko akalaing aabot sa ganito ang ilang araw nating pagsasama rito.” tugon ni Hector.
“Ewan ko, pero noong una pa lang kita nakita nun may kung ano na akong naramdamang paghanga sa iyo. At nang makasama na kita, bigla na lang nagkaroon ako ng pagnanasa sa iyo. Nagustuhan na kita.” saad ni Jericho.
“Hindi ko maarok isipin kung ano ang magiging reaksiyon ni Paeng pag nalaman niya ang tungkol sa atin.” wika pa ni Hector.
“patunayan natin sa kanya na mali ang hinala niya. Sa ngayon ganito na muna tayo hangga’t magulo pa ang lahat.” ayon pa kay Jericho sabay tugon ng masuyong halik sa labi ni Hector.
Samantala, dahil sa nalaman ni Paeng na magkakaugnay lang ang lahat binalikan nito ang paring kapatid ni Salvi. Inalam nito ang totoong pinagmulan ng pamilya ni Romero. At doon nga nalaman nito na anak sa labas si Romero ng kilalang negosyante at governor noon na si Emilio ‘Emong’ Santana, na ama rin ni Premo Santana na ngayon ay isa ng transwoman at nagpalit na ng pangalan bilang Precy na siyang kapitan ng Lulos.
Kung gumagawa ng sariling imbestigasyon si Paeng, ganun rin ang ginagawa ni Precy sa kanya.
“Siya pala ang naging dahilan kung bakit iniwan ni Salvi ang kuya. Nalaman niyo ba kung may koneksyon parin siya sa panganay na anak ni Salvi?” usisa ni Precy kay Tuti.
“mukhang wala madam, apat lang sila ang nakatira sa bahay nila sa Kwatro Uno. Ang kapatid niyang si Paz, ang anak ni Mercedes na si Maru at ang isa pang anak ni Salvi na si Fil.” paglitanya pa ni Tuti.
“Ang Fil na iyan, marahil babalikan iyan ng panganay. Tutukan niyo. Sundan niyo. “ saad ni Precy.
“nagawa na po namin Madam, lahat ng mga nasa paligid ng Paeng pinatiktikan namin. At napag alaman namin na magkarelasyon ang Fil na iyan at si Maru. Minsan narin palang nasama noon sa event mo itong Fil kaso iba ang ginamit nitong pangalan.” Ayon pa kay Tuti sabay pakita ng video kay Precy na kuha noong event kung saan naging male usherette ito sa mga VIP guests ni Precy.
Napa zoom in agad si Precy nang makita ang mukha ni Fil. Agad itong nag utos kay Tuti.
“gusto ko makilala ang Fil na ito, gumawa ka ng paraan na magkita kami.” utos nito.
Mag galak na namutawi sa mukha ni Precy nang makita sa video si Fil.
Nagkalabo-labo na ang isip ni Paeng sa mga nakalap nitong impormasyon. Nagkaroon na rin ito ng mga pagdududa sa mga bagay bagay na noong una kanyang pinaniniwalaan.
“Normal naman ang sperm count mo mister Makalaay,at hundred percent active kaya hindi malabong makakabuo kayo ng misis mo. Why not isama mo dito sa akin next time ang misis mo para masuri ko rin siya. But as for you, the results show na ok ka. At hindi totoo ang paniniwala mong baog ka. Maybe hindi pa ang time. “ tugon ng doktor na sumuri kay Paeng.
Nang marinig ito ni Paeng lumakas ang kalabog ng dibdib nito. Kinutuban ito nang kung ano. Kaya mula sa clinic pinuntahan agad nito ang isa pang tao na malapit sa kanila noon ni Salvi ang pinsan ni Salvi na si Bambi. At doon muli nitong inalam ang mga huling pag-uusap ng magpinsan bago linisan ni Salvi ang Pinas.
“isang buwan nang buntis si Salvi nang umalis siya pero inamin niya sa akin nun na may kutob siya na hindi ikaw ang ama nun. Nagalit nga ako sa kanya nun kasi nagawa ka pa niyang lokohin sa kabila ng kabaitan mo sa kanya.” saad ni Bambi kay Paeng.
“wala bang nabanggit sa iyo noon si Salvi kung sino ang iba niya?” tanong pa ni Paeng.
“parang wala, hindi ko na matandaan matagal na kasi iyon. Teka ba ,bakit mo pa inuungkat ang tungkol dun. Tagal na nun ah?. Huwag mong sabihin after twenty five years hindi ka pa rin nakamove-on sa masaklap niyong relasyon “ saad pa ni Bambi.
“Hindi naman sa ganun, naalala ko lang kasi si Salvi, ilang araw na lang kasi birthday niya na at ito rin sana ang araw na balak naming magpakasal noon.” ang naging tugon lang na dahilan ni Paeng.
Pagkaalis ni Paeng doon, humingi naman ito ng tulog sa kakilalang doktor na may-ari ng isang diagnostic Lab center.
“Saan kayo nagpunta ni Tatay?” tanong ni Maru kay Fil nang makauwi ito.
“nakiusap si tito na kung puwede raw ba ako magpa test ng blood type, may kaibigan daw kasi siyang kailangan ng dugo. Sabay nga kami nagpakuha eh. “ tugon ni Fil.
“sana sumama na ako noh, gusto ko rin sana makapag-donate ng dugo.” sabi pa ni Maru.
Napansin ni Maru na palinga-linga sa labas ng kanilang gate si Fil.
“bakit Fil?”
“wala, parang may nakita lang akong hindi taga rito. Baka napadaan lang.” sagot ni Fil.
“may napansin ka rin pala, nakaraang araw ko pa napansin ang isang maroon na kotse na padaan-daan sa tapat mismo ng gate. Tapos last week ,si Tiya may napansing sumusunod sa kanya ng maningil ito sa merkado.” kuwento ni Maru.
“talaga? ipinaalam niyo ba ito sa tatay mo?”
“binalak ko, kaso pinigilan ako ni Tiya. huwag na muna raw namin dagdagan ang iniisip ni tatay. Kahapon ko lang din nalaman na nagresign na pala si tatay sa kanyang serbisyo. Naireport na rin naman namin ito sa barangay at nangako si Kap na dudublehin ang pagbabantay sa atin, bunsod na rin nung nangyari sa atin ng nakaraan. Sino kaya ang gumawa sa atin nun?” saad ni Maru.
“hindi ko rin alam, blangko din ako sa nangyari sa atin nun. Pero may hinala ako na kilala lang natin iyon, hindi ko lang matukoy kung sino. At pag nalaman ko lang kung sino, malilintikan talaga iyon sa akin.” sabi pa ni Fil.
“tumigil ka nga, hindi ka nga nakaporma nun hihirit ka pa ng ganyan. Basta magingat na lang tayo. Siya nga pala nagkita na ba kayo ng kuya Echo mo?”
“hindi pa pero tumawag na siya sa akin at ok naman daw siya. Eh kayo ng tatay Hect…nang tatay Jaime mo, nagkakontakan na ba?”
“hindi pa nga eh, nag-aalala na rin ako. Kung alam ko lang sana kung nasaan siya ako na ang pupunta sa kanya.”
“halika, angkas ka sa akin mag-ikot-ikot tayo baka sakaling ma tiyempuhan natin ang tatay mo. Maaga pa naman. Babalik agad tayo bago dumilim.” wika ni Fil.
Sinuyod ng dalawa ang mga kalye at daan kung saan minsan nang namataan si Hector sa mga lugar na iyon. Ngunit sa kakaikot at kakahanap nila ni Fil at Maru iba ang kanilang nakita.
“sasakyan ni Tatay iyon ah” wika ni Maru.
“Saan hindi ko napansin” sabi ni Fil na hinanap naman sa daan ang sasakyan ni Paeng na nakita ni Maru.
“Hayun lumiko sa kalye na iyon.” turo pa ni Maru.
“Aba, patungong BlackRoom motel iyan ah. Mukhang may pinagkakaabalahan na pala ang tatay mo. Kaya naman pala madalang na lang sa bahay si Tito, dito pala ang tambayan niya. O ano baby, susundan pa ba natin siya?” saad pa ni Fil.
“huwag na lang siguro ,hayaan na lang natin si Tatay na mag enjoy.” ayon pa kay Maru.
Didiretso na sana ang dalawa nang may napansin si Maru na kasama ni Paeng sa front seat ng kanyang sasakyan.
“Rodge?” bulalas ni Maru na nanlaki ang mata sa nakita.
Saglit na tumabi sa isang parte ng kalsada sina Fil at Maru nang marinig ni Fil kay Maru na nakita nito si Rodge na kasama ni Paeng.
“sure ka ba na si Rodge ang nakita mo na kasama ng tatay mo?” tanong ni Fil.
“si Rodge talaga iyon hindi ako nagkakamali. Bakit kasama siya ni Tatay? at ano ang gagawin nila sa lugar na ito?” tugon ni Maru.
Naging palaisipan na sa dalawa ang nakitang tagpo.
Sa loob ng naturang motel, tila mga bagong kasal sina Paeng at Rodge na naghaharutan pa sa isa’t isa habang nagtatanggal ng mga saplot sa katawan.
“maligo muna tayo, amoy pawis na ako.” wika ni Paeng habang hinahalikan siya ni Rodge sa kanyang leeg.
“hindi na kailangan, alam mo naman na mas ginaganahan ako kapag nagpapawis ka.” tugon ni Rodge sabay sunggab ng maalab na halik sa bibig ni Paeng.
“kaya gusto kita,alam mo kung paano tanggalin ang pagod ko.” saad ni Paeng na gumanti naman ng masuyong halik at romansa kay Rodge.
“tatanggalin ko hindi lamang ang pagod mo, kundi ang lahat na bumabagabag diyan sa isip mo. Lulunurin kita sa sarap.” wika pa ni Rodge sabay tulak kay Paeng sa kama tsaka pinatungan ang lalake.
Ilang minuto rin na tumambay sina Fil at Maru sa labas ng motel kung saan nakita nilang pumasok sina Paeng.
“Hihintayin talaga natin dito ang tatay mo?” tanong ni Fil kay Maru.
“nais ko lang sana siguraduhin na si Rodge nga iyong kasama niya.”
“kanina sabi mo sure ka na si Rodge iyon. At ano naman sa iyo kung siya nga iyon? Hayaan na lang natin ang tatay mo na mag libang. O baka naman… Nanghinayang ka kasi ang tatay mo ang nakadale sa crush mo at hindi ikaw?” saad ni Fil na may pagkunot ng nuo kay Maru.
“saan naman nanggaling iyan?”
“kunwari ka pa, diba nga crush mo dati si Rodge? malay ko ba na bumalik ang interes mo sa kanya nang makita mo siya kanina.” sagot ni Fil na may diin na ang boses.
“nagseselos ka? nagseselos ka noh?” hirit na tanong ni Maru kay Fil na pangiti-ngiti pa.
Ngunit lalo lang sumeryoso ang mukha ni Fil at tumingin lang kay Maru. Sumampa ito ng kanyang motor tsaka nagsuot ng helmet.
“hihintayin mo pa ba sila o aalis na tayo?” tanong ni Fil kay Maru na may inis sa tono ng boses.
“Huy galit ka ba?” pansin ni Maru.
“Nasasayang ang oras ko sa kakahintay dito. Pero kung wala ka pang balak na umalis, maghintay ka dito hangga’t gusto mo basta ako aalis na ako.” sagot ni Fil at pina-start na ang dalang motor.
Dahil sa nakasimangot na nga ang mukha ni Fil, kahit nais pa sana manatili dun ni Maru napilitan na rin itong sumama sa kasintahan. Panay pa ang tanong ni Maru kay Fil kung ayos lang ba ito ngunit hindi sumasagot sa kanya ang lalake. Nawala na sa pukos nila ang unang pakay nila sa pag iikot-ikot dahil sa di inaasahang nakita sa daan. Deretso uwi ang dalawa na walang imikan.
Nang mga sandali namang iyon, sa kinaroroonan nina Hector abala ito na nagligpit ng kanyang gamit nang lumapit sa kanya si Jericho.
“sigurado ka? may mga pulis doon baka alanganin ka.” wika ni Jericho.
“huling gabi ng ama ko, sisilipin ko lang siya. hindi naman nila ako kilala mag iingat na lang ako.” tugon ni Hector.
“susundan kita, sakaling may mangyari at least may resbak ka.” saad ni Jericho.
“Hindi na kailangan baka madamay kapa. walang mangyayaring masama sa akin. Mag-iingat ako.” ayon kay Hector sabay halik kay Jericho sa labi nito.
“tawagan mo agad ako kapag kailan mo ng tulong. ingat.” sabi pa ni Jericho sabay yakap kay Hector.
Alam ni Hector na malamang may nag-aabang sa kanyang mga pulis sa pagpunta nito sa burol ng ama ngunit nais niya masilayan ang ama kahit sa huling silip man lang. Sakay ng kanyang motor binagtas nito ang daan patungo sa kanyang distinasyon. Nang mga sandaling din iyon tinatahak rin ni Paeng ang kahabaan ng highway matapos maihatid si Rodge sa pinagtatrabahuan nito. Papatawid na sana sa overpass si Paeng nang mapansin nito ang sinusundang motor. Isang dipa lang ang agwat niya dito. At bagama’t naka-helmet ang naturang sakay ng motor. Parang kinikilala niya ito. Sa perspektibo naman ni Hector, napansin na pala nito ang sasakyan ni Paeng ngunit dahil sa naipit na ito sa sikip ng trapiko, hirap maka paring sa ibang direksyon ang kanyang motor. Buti na lang nakababa ang takip ng kanyang helmet kaya hindi siya agad matutukoy ni Paeng. Alam din niya na hindi pamilyar sa lalake ang dala nitong motor.
Nang gumalaw na ang trapiko, mabilis na sumingit sa pagitan ng mga sasakyan si Hector hanggang sa nakalayo ito kay Paeng. Hindi naman makakabalik pa ng ruta nito si Paeng para salubungin sana sa ibang daan ang naturang motor dahil na ipit narin ito sa gitna ng mga sasakyan. Napakamot na lang ito ng ulo nang muli itong inabutan ng trapik hanggang sa nawala na sa paningin nito ang sinisipat na motorista.
Nang tumatawag sa cellphone nito si Jericho.
“Saan ang punta mo? nakikita ko mula sa puwesto ko ang sasakyan mo?” bungad na tanong ni Jericho nang sagutin ni Paeng ang tawag nito.
Hinagilap naman ng paningin nito sa paligid ang anak.
“Pauwi na, nasaan ka?” tugon ni Paeng.
“Nasa kabilang lane, nakasunod sa iyo. Uuwi ka kamo? hindi naman ito ang daan papuntang Kwatro Uno ah.” sabi pa ni Jericho.
“May sinundan akong motorista kanina, hindi ako sigurado pero sa tindig ng pangangatawan niya parang si Hector. Kaso naungusan ako dahil naipit ako dito sa trapik.” saad pa ni Paeng.
“magkita tayo sa tower gusto ko mag kape ngayon.” sabi ni Jericho sa ama.
Ikinatuwa naman iyon ng isang ama. Iyon lang ang tanging naisip ni Jericho para malihis na ang atensiyon ng ama at hindi na masundan pa si Hector. Ngunit lingid sa kanila, hindi lang pala sila ang may sinusundan.
Nagkita ang mag ama sa tinatambayan nilang kapehan, sa ‘tower kape’. Halos magkasabay na dumating ang dalawa sa lugar. Napaakbay si Jericho sa ama nang bumaba sa sasakyan nito si Paeng. Ipinagtaka ni Paeng ang kinikilos ng anak. Kailan man kasi, simula nang magtapat ito sa anak na siya ang tunay na ama hindi ito naging ganun ka mahawak sa kanya. Madalas dumidistansiya ang anak. Kaya nang inakbayan ito ni Jericho pakiramdam ni Paeng parang nasa alapaap ito. Hindi na naalis sa mukha nito ang ngiti.
Naupo ang dalawa sa may veranda. Wala man silang napapag-usapang topiko nang mapansin ni Paeng na balisa ang mga tingin ni Jericho.Kaya pasimple nitong tinanong ang anak.
“ano ba ang sinisipat mo?” tanong ni Paeng.
“iyong lalake na sumunod sa atin nang pumasok tayo. Ang nakaupo sa dulo. Kanina ko pa siya napansin na nakasunod sa iyo nang dumating ka.” may pabulong na tugon ni Jericho sabay higop ng kape.
Hindi pamilyar kay Paeng ang tinutukoy ni Jericho ngunit base sa mga kilos nito tila kahina-hinala nga.
Papunta naman sa huling lamay ni Josefino si Precy nang may nagsend sa kanya ng litrato nila ni Paeng kasama si Jericho na nagkakape. At sa unang sulyap pa lang sa natanggap na larawan kumalabog agad ang dibdib nito.
“Romero?” nabanggit na lang nito.
Agad nito tinawagan ang nag padala ng larawan sa kanya. Ngunit ibang boses na ang sumagot sa kanya.
KADUGO, KALAMAN
“Sino ito?” pautal na tanong ni Precy sa kabilang linya.
“Huli ka balbon, bakit mo kami pinasusundan? Ano ang papel mo sa mga nangyayari sa pamilya ko?” tugon ni Paeng sa tanong ng kapitana.
Agad pinatay ni Precy ang cellphone at pinatawag ang mga tauhan nito. Hindi na ito tumuloy sa huling lamay ni Josefino. Nalantad na kay Paeng ang maskara ni Precy ngunit hindi nito mawari ang dahilan ng bakla para pasundan sila at pamanmanan. Sa paghihiwalay nila ng anak na si Jericho dali-dali itong umuwi sa kanila.Si Jericho naman ay pinuntahan si Hector. May nais din itong linawin sa mga nangyayari.
Papasok pa lang nun si Paeng sa kanilang barangay ng harangin na ito ng mga tanod sa tulay. Nabahala at kinabahan ito sa sumbong ng isa sa mga ito sa kanya.
“Paeng magmadali ka, pinasok ng mga armadong tao ang bahay niyo.”
Tumalima agad si Paeng, inabutan nito ang kumpulan ng mga tao na nakikiusyoso sa bahay nila. Nagmamadali itong pumasok at inabutan si Paz na nanginginig sa takot.
“Sino ang mga iyon Paeng? ginulo nila ang bahay…ano ba ang hinahanap nila rito?” usisa ni Paz na kabang-kaba sa nangyari.
“ang mga bata? mabuti at hindi ka nila sinaktan.” saad ni Paeng
“mabuti na lang kamu at nasa tindahan ako nagbabantay, walang tao rito kanina. si Maru nandoon sa burol ng kanyang lolo, si Fil naman nasa trabaho nang looban tayo.” ayon sa kuwento ni Paz.
Ilang saglit pa dumating din sina Maru at Fil na magkasama. Nang makita ni Paeng si Fil agad niya itong niyakap ng mahigpit sa halip na si Maru. Nagtaka ang dalawa sa ginawa ni Paeng ngunit dahil sa nangyari sa kanilang bahay binalewala na lang nila iyon. Maging si Paz napansin ang ginawa ni Paeng.
Makaraan dumating ang mga pulis na dating kasamahan ni Paeng sa pangunguna ni Ignacio.
“pare mukhang may alam na ako kung sino ang may kagagawan nito.” saad ni Paeng kay Ignacio.
“at sino naman ang may galit sa iyo para gawin ito pare? may koneksyon parin ba ito sa paghahanap mo kay Hector?” tanong ni Ignacio.
“Hindi ako sigurado pare, pero malaki ang tiwala ko na may kaugnayan ito kay Romero.”
“Romero? ang psychopath killer? paano? matagal nang patay ang taong iyon diba? naikuwento pa nga sa atin ni Mang Josefino.” pagtataka ni Ignacio bakit naisingit ni Paeng ang pangalan ni Romero.
“Si Precy, siya si Premo ang kapatid ni Romero. At kanina lang kausap ko siya. Pinapasundan niya kami sa tauhan niya.” kuwento ni Paeng.
Lalong nalito si Ignacio sa mga pinagsasabi ng kaibigan. At sa pagtatanong pa nito kay Paeng isang sekreto ang naibulalas ng kaibigan sa kanya.
“anak ng putakte, ikaw pala ang nagtatago kay Jericho pare. Bakit ngayon mo lang ito sinabi? Alam na ba ito ni Maru at Fil?”
Tumango lang si Paeng. May napansin kasi ito sa naging reaksiyon ni Ignacio nang maipagtapat nito ang tungkol kay Jericho. Kinutuban ito ng hindi maganda kaya iniba na nito ang topiko at isinantabi muna ang impormasyong hawak niya. Sa nangyari sa bahay nila nag pasya si Paeng na pansamantala munang lumipat ng bahay. Kasama sina Maru at Fil bumalik sila sa dating bahay nila Paeng na siyang tinutuluyan din ni Jericho.
Sa burol, matagumpay na nakasilip sa kabaong ng ama si Hector na hindi man lang natutunugan ng mga bantay na pulis at ng mismong mga kaanak nito. Hindi ito nagtanggal ng takip sa mukha at shades. Matapos magpaalam sa namayapang ama, lumabas agad ito at bumalik sa kanyang motor. Paalis na ito nang makita si Jericho na nakatambay sa katapat na kalsada at nakatingin sa kanya. Hindi ito nagpahalata sa mga naroon, pagkasakay ng kanyang motor agad itong lumayo sa lugar nang medyo nakadistansiya na ang siya namang pagsunod sa kanya ni Jericho. Wala pang kaalam-alam si Jericho sa nangyari sa bahay ng ama. Nagpangabot ang dalawa sa isang lugar na overlooking ang siyudad sa baba.
Nagusap ang dalawa at may itinanong si Jericho kay Hector tungkol sa ugnayan nito kay Precy. Pinagtaka naman ito ni Hector at kung bakit naitanong niya iyon sa kanya. Ipinagtapat naman nito kay Jericho ang lahat na naging koneksyon nito sa kapitana maging ang pakikipagrelasyon nito dito noong si Premo pa ito.
“Tauhan ako ng ama ni Premo noon bilang private security bodyguard. Dahil sa kakapusan sa buhay pumayag ako na maging isa sa mga laruan ni Premo hanggang sa nagustuhan niya ako,ibinahay at binigyan ng karangyaan sa buhay. Noong una dahil lang sa pera kung bakit nagpagamit ako sa kanya. Kalaunan hindi ko namalayan nahuhulog na rin pala ako sa kanya. Ngunit lingid sa akin masahol pa pala sa halimaw si Premo kung mag selos.” pagsimula ng kuwento ni Hector.
Muling binalikan nito ang nakaraan niya sa piling ni Premo para ikuwento kay Jericho ang lahat ng nais nitong malaman. Sa paglatag ng kanyang nakalipas, nabanggit nito sa lalake kung paano niya nasaksihan ang totoong ugali ni Premo nang minsan itong mahuling nakikipag talik sa isa sa mga lalake ni Premo.
“bakit mo siya pinatay?” ang nagulat na reaksiyon ni Jaime nang bumulagta sa harapan niya ang hubo’t hubad na katalik matapos barilin ni Premo ang lalake sa ulo.
“ang akin ay akin at wala nang puwedeng umangkin pa. ngayon alam mo na ang mangyayari sa kanila kapag nakikisalo sila sa pagkain ko. tandaan mo Jaime akin lang ang katawan mo.” tugon ni Premo sabay sunggab ng halik kay Hector noon.
Sa nangyari natakot si Hector sa maari pang gawin ni Premo, lalo na at may tinatago itong girlfriend. Nabahala ito sa seguridad ni Mercedes sakaling matuklasan ni Premo ang lihim nilang relasyon. Kaya noon din nagpasya si Hector na kumalas na sa kandungan ni Premo.
“Bakit kailangan pa nating lumayo Jaime? ano ang ikinatatakot mo kay Premo? for sure naman maiintindihan niya na kailangan mo rin ng personal na kaligayahan sa buhay.” pagtataka nun ni Mercedes nang yayain nito ni Hector na mangibang bansa.
“hindi mo alam kung anong klaseng tao si Premo. kaya wala ng maraming tanong,kung talagang mahal mo ako sasama ka sa akin.” saad ni Hector.
“bakit ba kasi tila natatakot ka sa kanya, si tito Emil naman ang boss mo ah bakit pati kay Premo nanginginig ka? ano ba ang totoong dahilan? may dapat ba akong malaman?” paglilinaw pa ni Mercedes.
Sa kalakasan ng kanilang pagtatalo sumingit sa usapan nila si Premo na kanina pa nakikinig sa kanila. Inaanak ng ama ni Premo si Mercedes at matalik din na kaibigan. Ulila na sa mga magulang si Mercedes at halos nasa ibang bansa na ang mga kamaganak nito kung kaya inari na ng gobernador ang dalaga na parang sariling anak at doon na rin pinatira sa kanilang mansiyon.
Makisig at guwapo si Hector kaya nabihag nito ang puso ng babae. Nagkarelasyon sila na hindi alam ni Mercedes na may relasyon din si Jaime kay Premo.
“Mag a-abroad kayo? kayong dalawa? Bakit naman? teka lang Mercedes mayroon ba akong hindi alam sa inyo nitong si Jaime?” tanong ni Premo na pangiti-ngiti pa sa dalawa.
Sa puntong iyon inamin ni Mercedes kay Premo ang relasyon nila ni Jaime. Positibo ang naging tugon na reaksiyon nito nang malaman sa kaibigan ang totoo. Masaya pa nga ito na binati ang dalawa, ngunit batid ni Hector na hindi iyon ang totoong saloobin ng lalake. Hindi nga ito nagkamali dahil matapos ang pag aamin na iyon binantaan ni Premo si Hector.
“subukan mo lang na iwan ako, dahil hindi mo na mapapakinabangan pa ang katawan niya. kilala mo ako, wala akong sini-sino. Kahit kaibigan,basta tinik sa lalamunan ko, tinatanggal ko.” banta sa kanya ni Premo.
inilihim ni Hector kay Mercedes ang namamagitan sa kanila ni Premo. At para sa kaligtasan ng minamahal nagpaka-aso ito kay Premo. Naging alipin at laruan. Hanggang sa nabuntis si Mercedes doon na nagkaroon ng lakas ng loob si Hector na ihinto na ang kahibangan ni Preno sa kanya. Ngunit sa pagtangka nito kumalas, sumabay ang sunod-sunod na dagok sa pamilya nito.
Natagpuang patay ang tiya nito at kapatid na babae. halos gumuho ang mundo ni Hector sa nangyari lalo na nang malaman nito na ang naging salarin sa sinapit ng kapatid at tiya ay ang kapatid sa labas ni Premo na si Romero, na nuoy kasintahan pa ni Salvi.
Naging malaking kahihiyan para sa pangalan at apilyedo ng gobernador ang pagkakasangkot ng pangalan ng anak na si Romero sa mga kaso ng patayan noon. Binansagan si Romero bilang psychopath killer dahil sa mga estilo ng mga krimen na kinakabit sa kanya. At upang malinis ang pangalan ng gobernador, siya mismo ang nagpahuli sa anak. Ngunit dahil sa kondisyon nito minabuting ilipat si Romero sa hospital ng mga baliw kung saan sumiklab noon ang sunog isang araw matapos maipasok doon ang lalake.
Ngunit ang pangyayari din na iyon ang tuluyang nag udyok kay Hector na kumalas na sa poder ng mga Santana. Ito ay upang hanapan ang hustisya sa nangyari sa kapatid at tiyahin. Umabot kasi sa kanya na planado ang nangyaring sunog upang patakasin si Romero.
“tama ka, sinadya ni papa na ipasunog ang hospital. Kahit ganun ang kuya,mahal siya ni papa kaya gumawa siya ng paraan para maitago si Romero sa mga mata ng mga inagrabyado niya.” pag amin ni Premo kay Hector.
“bakit mo ito sinasabi? sa tingin mo ba magbabago pa ang desisyon ko dahil sa sinabi mo. Pare-parehas kayo mga demonyo, halimaw. Pati ang mga walang kalaban-laban at atraso sa inyo dinamay niyo. Dapat sa inyo ibalik sa impyerno.” tugon ni Hector na nagpipigil ng galit.
“alalahanin mo, buntis si Mercedes. ang sa akin lang naman baka magbago ang isip mo. kaya ko sinabi sa iyo ito dahil hindi ako pabor sa ginawa ni papa. malaking balakid sa pag-angat ko si Romero. Siya ang paborito ni papa kahit ganun iyon. at habang buhay siya,pangalawa lang ako sa mata ni papa.” saad ni Premo.
“ano ang ibig mong sabihin?”
“alam ko kung saan itinago ni papa si kuya. sasabihin ko sa iyo ang lugar. ikaw na ang bahala kung ano ang gagawin mo sa kanya.”
Ang kasabikan sa hinahangad na hustisya ang nagtulak kay Hector na gumawa ng hakbang na siyang magpapabago ng lahat. Isinagawa nito ang planong pagpatay kay Romero, ngunit bago pa man nito maisagawa ang krimen. May nauna nang gumawa nito para sa kanya. Sa gitna ng malakas na bagyo noon, bumulagta sa harapan ni Hector ang katawan ni Romero na wala ng ulo. Tinapyas ito ng isang lalaking nakasuot ng itim na kapote ,may takip ng mukha at may hawak na karit sa kamay.
Hindi man sa kanya nagwakas ang buhay ni Romero. Para kay Hector naipaghiganti na nito ang kapatid at tiya. Gayunpaman tinupad nito ang pag-alis sa poder ng mga Santana kasama si Mercedes.
Hindi iyon tanggap ni Premo,kaya upang mahadlangan ang kaligayahan at pagsasama ng dalawa, idiniin nito si Hector sa nangyaring pagpaslang sa kapatid na si Romero. Sa galit ng gobernador pinaliligpit nito sa tauhan si Hector dahilan upang nagpalipat-lipat ito ng tirahan at katauhan mula sa Jaime na naging si Hector.
“Ikaw ba talaga ang pumatay kay kuya Romero?” tanong ni Mercedes kay Hector.
“maniwala ka, hindi ako. patay na siya ng dumating ako. oo binalak ko pero hindi ako mahal.”
“so inamin mo ring may plano kang patayin ang tao.” saad ni Mercedes na umiiyak dahil sa nangyayari sa kanila.
“mapapatunayan ko rin na wala akong kinalaman sa nangyari. sa ngayon magtiis na muna tayo sa ganito habang hindi pa ayos ang lahat.” ayon pa kay Hector na pilit inaamo ang babae.
“at hanggang kailan tayo magtatago sa mga mata ni tito? gobernador ang kalaban mo Jaime. wala tayong matatakbuhang butas kung gugustuhin ni tito. kung tunay na wala kang sala, harapin mo sila, magmakaawa ka. humingi ka ng tawad. hindi ko na kayang tumakbo at magtago, paano na lang ang magiging anak natin?”
Hindi naging madali ang lahat para kay Hector. Nais na nitong lumapit sa kinauukulan ngunit nagdadalawang isip ito dahil sa alam niyang hindi basta-basta ang mga koneksyon ng mga Santana. At baka sa halip na kaligtasan ang masumpungan niya kamatayan ang susundo sa kanya. Nanganak si Mercedes. Walang pagsidlan ng saya si Hector ng unang marinig ang iyak ng kanyang anak. Lingid sa kanya iyon na din pala ang huling sandali na marinig nito ang uha ng sanggol.
“Nang dahil sa pamilya ni Premo, nawala sa akin ang mga mahal ko sa buhay, at dahil narin sa kanila bakit nalayo ako sa anak ko. Tinanggalan nila ako ng pagkatao, kalayaan at dignidad.” pagtapos ni Hector sa kanyang kuwento.
“ngayon malinaw na sa akin kung bakit pati si papa pinasusundan ng Precy na iyon. Kapatid pala siya ng hayop na Romero na siyang sumira rin sa pamilya namin.” tugon ni Jericho na napailing na lang sa kanyang mga nalaman.
Sandali pa at nakatanggap ng tawag si Jericho mula sa ama. Nalaman na nito ang nangyari sa bahay kaya agad itong nagpaalam kay Hector na mauna na.
“sasama na ako sa iyo, oras na rin siguro para harapin si Paeng at linisin ang pangalan ko. Sa mga ng angyayaring ito mukhang kailangan na natin magkaisa upang matapos na ang lahat ng ito.” wika ni Hector sabay suot ng kanyang helmet.
“huwag kang mag alala, tutulungan kitang magpaliwanag kay papa.” sagot ni Jericho at kinamayan si Hector.
Sabay na lumarga pabalik ng siyudad ang dalawa.
Nakarating na ang apat sa lilipatan nilang bahay. Napabuntong hininga si Paeng nang bumaba ito sasakyan at tinitingnan ang kabuuan ng lilipatan nila.
“Bumalik din tayo sa simula. Sana nga lang ligtas na dito.” Wika ni Paz na lumapit sa kapatid.
“Dito ko unang binuo ang pamilya ko noon, dito rin naglaho ang pangarap ko. At ngayong buo na ulit ang buhay ko, hindi ko na hahayaang nakawin pa nila sa akin ito. Dadaan muna sila sa ibabaw ng bangkay ko bago nila kayo magalaw.” Saad ni Paeng.
“Nakatago sa likod ng maskara ang mga kalaban mo. Hindi mo sila kaya. Hayaan mo na ang mga kapulisan sa sitwasyon natin. Sila na ang maalam na gumalaw para sa atin.” Ayon pa kay Paz.
“Galing na ako sa serbisyo. Kaya alam ko na kahit sila, walang magagawa rito. Huwag ka nang aasa na may maitutulong sila sa atin.” Sabi Paeng at binuksan ang gate ng bahay.
Hindi na bago kay Fil ang nilipatan nila dahil minsan na siya dinala roon ni Jericho. Balisa naman si Maru sa mga nangyayare sa kanila. Nababahala na rin ito sa puwede ring mangyari sa ama nitong si Hector.
“Alam ko huling lamay ito ng lolo mo. Mahalaga sa iyo na makasama ang mga kamag-anakan ng ama mo. Ngunit mas mahalaga sa akin ang kaligtasan mo. Hindi natin alam kung sino sa pamilyang ito ang target ng mga iyon, kaya kailangan doble ang pag-iingat natin.” saad ni Paeng kay Maru.
“Naintindihan ko Tay, ngunit nababahala rin ako sa kaligtasan ng ama ko. Kung totoong kakabit ng pangyayaring ito ang pangalan ni kapitana Precy hindi malayong pati siya gawan din ng hindi maganda. Mabuti na nga lang at nakabalik agad ng Amerika si mama.” Tugon ni Maru.
“Kaya nga hangga’t wala pang linaw para sa lahat dumito na muna tayo.”
Lumapit sa kanila si Fil.
“Papauwi na si kuya. Kakatapos lang naming mag-usap.”
“Fil ang silid sa kanan ang gamitin niyo ni Maru. Kayo na bahala mag ayos doon. Ako na maghihintay sa kuya mo rito.” Saad ni Paeng.
Nauna nang umakyat sa kuwarto si Maru samantala nagpaiwan saglit si Fil at may sinabi ito kay Pareng. Na siyang ikinagulat naman ng isa. Hindi niya iyon inaasahan na itatanong iyon sa kanya ni Fil.
“Ayokong husgahan kayo, dahil wala naman akong karapatan sa buhay mo. Sampid lang ako sa pamilyang ito ngunit itinuring ko na rin kayong parang totoong ama, lalo na nu’ng nalaman ko ang tungkol sa inyo ni kuya. Kaya nag-aalala ako sakaling malaman ito ni kuya. Nangangamba ako sa maaring maging epekto nito sa relasyon niyo bilang mag ama.” Pag amin ni Fil sa kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.
“Hindi kita maunawaan, ano ba ang pinupunto mo? Diretsahin mo na ako. Ano ba ang hindi dapat malaman ng kuya mo?” Tanong ni Paeng kay Fil.
“Bakit magkasama kayo ni Rodge? Huwag mong itanggi dahil nakita ka namin ni Maru nang pumasok kayo sa isang motel. Hindi kayo papasok doon na walang dahilan at wala kayong gagawin. Tito ang respeto ko sa iyo, at tanggap ko kung ano man kayo gaya ng pagtanggap ko kay Maru kung ano siya. At mahal ko kayo hindi lang ninong kundi bilang ama na rin. May mas malalim pa ba kayong ugnayan ni Rodge? May relasyon ba kayo?” Tugon ni Fil.
Katahimikan naman ang naging sagot ni Paeng sa tanong ni Fil. Pinili nitong huwag sagutin ang lalake at tumalikod ito tsaka lumabas ng bahay. Naiwan si Fil na napailing na lang at napabuntong hininga ng malalim. Sinundan nito sa silid si Maru.
Lingid sa kaalaman ng lahat kahit saan man sila pipili ng lungga na lilipatan. May mga mata parin ng pusa na nasa paligid lang at inaabangan ang kanilang paglabas.
“Confirmed madam, nandito nga sila. Ano ang gagawin namin?” Tanong ng isang lalake sa kausap nito sa cellphone habang nakatingin sa bahay kung saan nandun sina Paeng.
“Ganun parin , pero kailangan ko ang mga bata lalo na iyong isa. “ Tugon ng nasa linya.
“Clear Madam kami na ang bahala.”
“Gusto ko malinis, baka magkalat na naman kayo!”
Panibagong banta na naman ng panganib ang nagbabadya kina Paeng. Samantala pabalik sa bahay, pumasok na si Fil ng kuwarto para tulungan si Maru sa pag aayos ng kanilang gamit nang matigilan ito sa ipinakita sa kanya ni Maru. Hawak ni Maru ang isang itim na long coat na may hoodie,itim na sumbrero at ang karit na nakabalot ng news paper.
“Bakit meron ka nito sa bag mo? Ikaw ba?” Tanong ni Maru kay Fil.
“Akin na iyan, magpapaliwanag ako.” Sabi ni Fil habang lumalapit kay Maru habang inaabot ang hawak na bagay ng kasintahan.
Paatras naman si Maru na nanginginig habang nakatitig lang kay Fil.
“Sabihin mo sa akin Fil, ikaw nga ba?“tanong muli ni Maru.
“Nagkakamali ka sa iniisip mo. Hayaan mo akong magpaliwanag.”
“Sige ipaliwanag mo sa akin kung paanong meron ka nito. Dahil tandang-tanda ko pa ang bagay na ito na suot noon ng taong nagligtas ng buhay ko.” Saad ni Maru na naluluha nang kinakausap si Fil.
Tumitig ng diretso sa mata ni Maru si Fil tsaka isiniwalat ang totoo. Inamin nito sa kasintahan ang lahat-lahat.
“Hindi ako mapakali nun noong araw na sinamahan ako ni Tito Paeng sa sakayan ng bus papuntang probinsya. Hindi mawala sa isip ko ang pangamba para sa kaligtasan mo. “ Pagsisimula ni Fil nang kuwento.
“Hanggang dito na lang ako, kailangan ko na agad bumalik sa trabaho at may dapat pa akong aasikasuhin. Tsaka na lang kita babalitaan kung ligtas na bumalik sa ngayon magpakalayo-layo muna kayo ni Maru.” Saad ni Paeng kay Fil nang pasakay na ng bus ang binata.
“Ayos lang ba talaga si Maru doon tito?” Pag alala ni Fil.
“Huwag mong alalahanin si Maru, balwarte namin ang lugar na iyon kaya safe siya doon.” Tugon ni Paeng.
Ngunit hindi talaga mapakali si Fil nang mga sandaling iyon. Hinintay muna nitong makaalis ng tuluyan si Paeng tsaka bumaba ng bus at lumipat sa isa pabalik ng siyudad at lumipat naman sa isang terminal ng bus papuntang probinsya naman nina Sue, kung saan nandun si Maru. Wala sa plano nito ang sundan sa lugar na iyon ang kaibigan. Bigla na lang niya iyon naisip at ginawa. Hapon na nang Marating ni Fil ang bayan doon. Kaya bago pa magdilim nakahanap agad ito ng bahay na mapaglipasan nito ng gabi. Hindi nito alam kung saan niya hahanapin ang kaibigan kaya mula sa palengke nagtanong-tanong ito.
Hanggang sa swerteng nasumpungan nito ang isa sa tauhan ng pamilya nila Sue sa farm.
“Ako nga pala si Santa katiwala nila mang Sue sa rest house nila sa farm. Malapit lang iyon dito ang bahay nila ,pero iyong rest house at farm may kalayuan mula dito sa bayan. Pabundok na kasi, kung gusto mo ipapahatid na lang kita roon sa mga kakilala kong habal-habal.”
“Naku salamat na lang Manang, pero may dadaanan pa kasi ako diyan sa kabila. Inaalam ko lang naman kung ito ba iyong lugar nila baka kasi maligaw ako.” Pagdahilan pa nun ni Fil.
“Ganun ba? Sasabihin ko na lang kay Maam na hinahanap mo siya pagkauwi ko mamaya doon. Siya nga pala Noy, ano nga iyong pangalan mo?” Tanong ni Santa.
“Rodge po Manang. “ Ang pinakilalang pangalan ni Fil.
Ayaw ni Fil na malaman ni Maru na nandoon na ito. Ang nais lang sana nito ang siguraduhin ang kaligtasan ng kaibigan. Sakay noon ng motor si Fil papasok sa bungad ng Sagrada. Nang marinig nito ang usapan ng driver ng motorsiklo at ng dalawang angkas nitong lalake.
“Mukhang timing ang lahat mga pare, noong nakaraan lang nagpaplano pa lang tayo. Ngayon ang mismong pagkakataon na ang nagbigay sa atin ng daan upang mapadali ang lahat.” Wika ng driver ng motorsiklo.
“Kaya nga umiba ka na ng raket, tigil-tigilan mo ang pamamakla sa bayan. Barya-barya lang naman ang kinikita mo diyan pare. Sa gagawin natin, isang bagsakan lang paldo-paldo agad tayo.” Ayon sa isang lalake.
“At kung sakali may bonus pa tayong lechon manok na lalantakan. diba tol?” Sabat pa ng isa.
Sa simula pa lang duda na si Fil sa pinag-uusapan ng dalawa. Hanggang sa mabanggit nang isa ang pangalan ni Sue. Doon na kinutuban si Fil nang hindi maganda. Hindi ito nagpahalata sa tatlo na kilala nito ang kanilang tinutukoy na tao. Ngunit napansin ng isa na hindi tagaroon si Fil kaya iniba nila ang usapan.
“Brad saan nga ang punta mo? Wala nang mga kabahayan paglampas natin sa palayang ito. Farm na ng mga Juarez sa dulo.” Tanong ng driver kay Fil.
“Diyan lang sa palikong daan pare.” Sagot ni Fil na tinuturo ang daan pa kanan.
“Papunta iyan kina Tilyo ah, kamag anak kaba niya?“tanong ni Pitoy kay Fil.
“Pamangkin. Pamangkin ako ni tiyo Tilyo.”
’kita mo naman kung paano mag joke ang diyos, sa mukha ng taong iyon akalain niyong may guwapo palang pamangkin iyon. Pasensya na pare, masyado ka kasing pogi para maniwala kaming kamaganak ka ni Tilyo. Pero mabait naman iyang tiyuhin mo. Wala iyang kaaway dito dahil halos lahat takot lumapit sa kanya. Hahahha!“ Hirit pa ni Pitoy sabay tawa. Nakitawa na rin ang dalawa pa.
Sa bahagi nga iyon ng lugar bumaba si Fil. Walang alam si Fil sa lugar na iyon. Mga palayan ang nasa paligid nito. Napabaling ito sa direksyon na sinabi nito sa tatlo. Nagbabakasakali itong may mahingan ng tulong sa parte na iyon kaya nag lakad ito, binagtas ang makipot na daan. Ang tahimik ng paligid, tanging mga kaluskos lang ng dahon ng mga kawayan sa magkabilang gilid at mga huni ng mga ibon ang siyang lumilikha ng musika sa lugar. Larawan ng isa mapayapang mundo. Ngunit sa kabila ng kapayapaan nagbabadya ang mga pangil ng kasamaan upang maghasik ng lagim sa lugar.
Hindi maalis sa isip ni Fil ang usapan ng tatlo. Bagama’t hindi ditalyado ang kanilang plano batid ni Fil na nakataya roon ang kaligtasan at seguridad ng mga kaibigan. Sa hindi kalayuan tanaw na nito ang isang kubo na binakuran ng mga palpal na kawayan. Isang lalake ang sumilip sa may bakuran. Natingin ito sa kanya.
“Sino ka? Dayo ka sa lugar na ito. Ano ang kailangan mo?” Tanong ng lalake na galit ang punto ng boses.
“Galing po ako ng kabilang lungsod kuya. Sa farm po ng mga Juarez ang punta ko. Bago lang po ako dito. At tila na loko yata ako ng sinakyan kong traysikel, sa banda dito niya po ako binaba.” Tugon ni Fil sa lalake.
“Malayo pa mula dito ang manggahan ng mga Juarez. Tatawid ka pa ng irigasyon papunta roon. Malamang sina Bulog ang nasakyan mo. Mga walang magawang matino sa kapwa. Mga kawatan”. Ayon pa sa lalake.
“Manong medyo padilim na, maari bang makiusap na magpalipas muna ng gabi dito. Magbabayad ako ng isang gabi, bukas aalis din ako.” Pakiusap ni Fil.
Pumayag naman ang lalake na nagpakilalang si Tilyo. At gaya nga nang komento ng tatlong sakay ng motorsiklo, hindi nga kagandahan ang mukha nito. Ngunit hindi naman iyon mahalaga kay Fil. Ang nais niya lang ang masilungan ng araw na iyon. Sa pagsilong ni Fil sa lilim ng kubo ni Tilyo marami itong nalaman tungkol sa tatlong lalaking nakasabayan nito sa pagpunta roon.
“Paano mo nalaman na sila nga iyong nakasama ko kanina?” Tanong ni Fil sa lalake.
“Wala namang iba pang bumabiyahe sa gawing ito maliban sa kanila. At isa pa katiwala sa manggahan ng mga Juarez si Pitoy. “ Sagot ni Tilyo.
“Ano nga ba ang nagawa ng mga iyon bakit ganun ka na lang ang ngitngit mo sa mga iyon kuya?”
“Ilang mga kambing ko na ang pinagdiskitahan nilang nakawin, pati mga pananim hindi pinalampas ng mga kawatan na iyan. Tiyempo lang ang hinihintay ko at maigaganti ko rin ang apo ko.” Tugon pa ni Tilyo habang hinahasa ang karit nito sa harapan ni Fil.
“Ano ang ginawa nila sa apo niyo? At bakit hindi niyo na lang sinumbong sa mga kapulisan?” Sabi ni Fil.
“Sa lugar na ito hindi sagot ang posas at rehas sa paghangad ng katarungan at hustisya. Buhay ang ninakaw nila buhay rin nila ang kabayaran.” Ayon pa kay Tilyo.
Natuklasan ni Fil na biktima ng rape at pagpatay ang nag-iisang apong babae nito. Natagpuan na lang isang araw sa may palayan ang apo nito na balot ng putik ang katawan, wala ng buhay at hubo’t hubad. Minsan nang nasambit noon ng apo ang panghaharass sa kanya ng magkapatid na Pitoy at Tino bago nangyari ang kalunos-lunos na sinapit nito. Kaya wala nang ibang pinagbibintangan si Tilyo kundi ang magkapatid. Ngunit hindi rin nito nabigyan ng hustisya ang apo, dahil sa kawalan ng ibidensiya at patunay sa kaniyang akusasyon.
Nadagdagan ang pag-alala ni Fil dahil sa kuwento sa kanya ni Tilyo.
“Maari mong gamitin ang motorsiklo ko sa labas sa pagpunta mo sa manggahan ng mga Juarez. May karga pang gas iyan. Tsaka mo na ibalik sa akin kapag bumalik ka na. Minsan ko lang naman ginagamit iyan papuntang bayan.” Saad ni Tilyo kay Fil.
Labis-labis man ang pagtugon ni Tilyo. Naging pabor iyon para kay Fil. Tulog na si Tilyo sa papag nito. Ngunit si Fil dilat parin ang diwa. Bumangon ito para uminom sana ng tubig nang may narinig itong andar ng motorsiklo sa malayo na mapapadaan sa bahaging iyon. Agad na pumasok sa isip ni Fil ang usapan ng tatlo. Napatingin sa dingding ng kusina si Fil at nakita nito ang nakasukbit na karit ni Tilyo roon. May naisipan itong gawin ng mga sandaling iyon. Suot ang itim long coat na hoodie lumabas ng kubo si Fil. Tinungo ang nakaparadang motor ni Tilyo at tinulak ito palabas ng bakuran upang hindi makalikha ng ingay.
Gamit ang motor na iyon tinungo ni Fil ang farm. Inabutan pa nito ang likod ng kakadaang motorsiklo. Kahit malayo na ito natatandaan nito ang motor na siyang sinakyan niya papunta roon. At hindi nga nagkamali sa hinala nito si Fil. Narinig nito plano ng tatlo. Doon na gumawa ng hakbang si Fil para mailigtas ang mga kaibigan.
Sa galit ni Fil sa sinapit ng kaibigan sa kamay ng tatlo nakagawa ito ng krimen na hindi niya sinasadya. Gamit ang karit na kinuha nito sa kubo ni Tilyo. Nangdilim ang paningin ni Fil sa nangyari kay Maru dahilan para mabalot ito ng matinding galit at makagawa ng bagay na hindi niya inaakalang magagawa nito.
“Nahimasmasan lang ako noon nang tinitigan mo ako sa mata. Sa takot na makilala mo ako at maabutan ako ni Tito Paeng. Umalis na ako at bumalik sa kubo ni Tilyo.” Kuwento ni Fil.
Pagkabalik ni Fil sa kubo nakaabang na sa bakuran nito si Tilyo. Doon na sinabi ni Fil sa lalake ang nagawa nito. Ngunit sa halip na matakot, pinasalamatan ni Tilyo si Fil sa ginawa nito. Dahil sa pagkamatay ng dalawang magkapatid tila nakamit na rin nito ang hustisya para sa kanyang apo.
“Magpalit ka na ng damit at siguraduhin mong walang maiiwan na ibedensya dito. Ihahatid na kita sa bayan bago pa dumating ang mga kapulisan.” Saad ni Tilyo kay Fil.
“Maraming salamat kuya.”
“Hinatid ako ni Tilyo sa terminal ng bus pauwi dito nang mismong araw din na iyon.” Pagtatapos ni Fil ng kuwento.
Napayakap ng mahigpit si Maru kay Fil. Doon mas lalong hinangaan nito ang pagmamahal sa kanya ng lalake. Nagkaiyakan ang dalawa na nagyakapan. Kumuha ng itim na trashbag si Maru at inilagay ang lahat ng iyon doon.
“Tama na na iyon lang Fil. At mangako ka sa akin na hindi mo na iyon uulitin. Walang makakaalam ng pangyayaring iyon. Kaya ibabaon natin ang lahat ng ito.” Wika ni Maru.
“Handa kong gawin ang lahat sa ngalan ng pagmamahal ko sa iyo Maru. Poprotektahan kita laban sa mananakit sa iyo. Ayoko nang maging duwag tulad noon. Hindi ko na hahayaan na may isa pa sa mga mahal ko sa buhay ang makakaranas ng kalupitan sa kamay ng mga hangal na berdugong iyon. Hindi ko hahayaan na mangyari sa iyo ang nangyari kay mama noon.” Tugon ni Fil na mas hinigpitan ang yakap kay Maru.
“Mas mahal kita Fil at ayokong mabahiran ng kasamaan ang mga kamay mo. Kaya tulad mo poprotektahan natin ang isa’t isa. I love you Fil.”
“I love you too Mar”
Tinuldukan ng dalawa ang kanilang usapan sa isang masuyong halikan.
Walang kaalam-alam ang dalawa na narinig ni Paeng ang lahat mula sa labas ng pintuan. Sa puntong din na iyon nalaman ni Paeng ang relasyong nag-uugnay kina Fil at Maru. Nais mang tutulan ni Paeng ang pagmamahalan ng dalawa, wala itong karapatan at lakas ng loob para gawin iyon dahil maging siya alipin din ng pagmamahal niya kay Rodge.
“Umiiyak ka?” Tanong ni Paz nang mapansin ang kapatid na namumula ang mga mata at panay ang punas nito dito ng maliit na bimpo.
“Napuwing lang, maalikabok ang mga dingding at kisame.” Tugon ni Paeng.
“Kapatid mo ako at noon pa alam ko na kung nagsisinungaling ka o hindi. Kailan mo pa balak itago ito sa akin?” Saad ni Paz habang pinapakita kay Paeng ang nakita nitong DNA result sa mga gamit ng kapatid.
“Hindi na niya dapat pa malaman ang tungkol diyan. Hindi pa sa ngayon. “ Sagot ni Paeng.
“Kaninong anak si Jericho?” Tanong ni Paz.
Magsasalita na sana si Paeng nang tumawag sa kanya si Jericho.
“Pa, mag-ingat kayo may mga nahuli kaming tauhan ni Kapitana na nagmamasid sa bahay. Mabuti na lang naunahan namin bago pa sila may gawin sa inyo.” Sumbong ni Jericho .
“Sinong kayo? May kasama ka?” Tanong ni Paeng na takang-taka.
“Kasama ko si Hector pa.” Sagot ng anak.
Natigilan si Paeng na hawak ang cellphone.
SALARIN SALAMIN
“Kuya ipaubaya mo na kasi sa akin ang lahat. Malapit ko na rin malaman kung sino ba sa kanila ang dapat nating sisingilin sa nangyari sa iyo.” Wika ni Ignacio sa kapatid ng maabutan nito ang kanyang kuya na nag bibihis.
“Higit pa sa paniningil ang kailangan ko. Dahil sa kanila nawala ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Kaya buhay din nila ang kapalit. Wala na silang awa, pati ang walang mga malay nadamay sa mga kademonyuhan nila mga hayop sila.” Tugon ng kuya nito.
“Naiintindihan kita kuya, pero hindi sa ganitong paraan nila dapat magbayad. Mapapahamak ka lang. Hayaan mo na ako sa lahat.” Pakiusap pa ni Ignacio sa kapatid.
Napabuntong hininga naman ang kuya nito habang nakatingin sa salamin na nasa aparador.
“Sa tuwing nakikita ko ang pilat na ito sa mukha ko. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano nila ako binawian ng pamilya.” Wika pa nito habang hinahaplos ang bahagi ng mukha nitong may pilat ng sunog.
Bumalik tanaw ito sa tagpong nag dulot sa kanya ng matinding bangungot at nag tanim sa kanya ng puot sa dibdib.
General Roxas Mental hospital, Lunes; alas tres ng hapon. Nagkakagulo nun ang mga media reporters mula sa labas ng gate ng mental facility dahil sa pagpasok noon ng isang psycho killer, si Romero Santana. Anak sa labas ni Gov. Emilio Gracia Santana. Naging aligaga ang lahat ng mga doktor, nurses at staff ng lugar na iyon dahil sa pagkaditeni nun ni Romero.
“My labs , mag-ingat ka sa taong iyan. May sa hayop ang ugali ng isang iyan baka pati kayo dito pagdiskitahan pa ng mamamatay tao na iyan.”
“My labs naman kahit sino naman sa kanila dito nag-iingat naman kami. At huwag ka mag aalala nakabukod naman ang Romero na iyan sa iba. At may assigned pulis naman na nakabantay sa kanya.”
“Inaalala lang kita at ang magiging baby natin. Baka madagdagan ang stress mo at maapektuhan ang kalusugan niyong dalawa. Kung ako ang masusunod patitigilin na muna kita sa pagiging nurse mo dito.” Saad pa ni Lucas sa asawa.
“Isang buwan palang itong binubuntis ko my lab, huwag kang OA. Ang mabuti pa bumalik ka na sa trabaho mo, makakaasa ka mag-iingat ako. Iingatan ko ang baby natin.” Ayon sa asawa nitong nurse na si Nica.
“Mag ingat ka my lab, I love you.”
“Bye my lab, I love you too.”
Iyon ang naging huling mga salita ng pamamaalam narinig ni Lucas mula sa asawa, dahil gabi ng araw din na iyon sumiklab ang isang trahedya na nagpaguho ng lahat ng kanyang pangarap sa buhay. Nasunog ang buong mental hospital. At bilang isang bombero,hindi lubos maisip ni Lucas na isang araw , susubukin ang kanyang katatagan sa serbisyo. Kabilang sila sa mga rumesponde sa sunog. Natigalgal si Lucas nang maabutan ang mala-impiyernong sitwasyon na ng hospital na nilalamon na ng apoy. Napasigaw ito na tinatawag ang pangalan ng asawa. Inilayo na ng mga kasamahan si Lucas sa lugar dahil nawala na ito sa pukos ngunit ang pagnanais na matagpuan pang buhay ang asawa ang nagtulak dito na suungin ang nagliliyab na gusali. Bagama’t delikado at lubhang mapanganib na. Nakuha parin nitong matagpuan ang mahal na asawa. Nailabas nga nito sa nasusunog na gusali ang asawa nagtamo naman ito ng sunog sa mukha matapos mabagsakan ng kisame. Akay-akay noon ni Lucas ang lapnos na katawan ng asawa ngunit wala na rin itong buhay. Halos mabaliw sa pangungulila si Lucas na yakap-yakap ang labi ng asawa.
Walang kahit isa ang nakaligtas sa sunog, maging ang anak ni gov. Santana. Ngunit hindi roon naniniwala si Lucas. Gumawa ito ng sariling imbestigasyon hanggang sa nalaman nito na totoo ang kanyang hinala. Sinadyang sunugin ang hospital upang itakas si Romero.
Buwan at taon din ang ginugol ni Lucas sa pagsubaybay sa pamilya Santana, upang makamit ang hustisya sa pagkawala ng mag-ina nito. Ngunit mahirap pasukin ang bakuran ng mga Santana. Muntik na ito mawalan ng pag-asa hanggang sa natuklasan nito na may kasintahan pala si Romero, si Salvi. Na sa mga panahon na iyon ay kababalik lang mula ibang bansa kasama ang bago nitong asawa.
Batid ni Lucas na pag nalaman ni Romero na bumalik nang muli ang pinakamamahal nitong babae, magpapakita rin ito. Pagnagkataon maisasagawa na nito ang plano niyang paniningil. Ilang araw din minamanmanan ni Lucas ang bahay Nina Salavi. Nagbabakasakali na matiyempuhan nito si Romero ngunit bigo ito. Walang bakas at anino ni Romero itong nakikitang umaaligid sa lugar.
Isang gabing makulimlim, nang muling nagpasya itong puntahan si Salvi. Papunta pa lang ito roon kakaiba na ang kalabog ng dibdib nito. May kutob ito na sa sandaling iyon makakaharap na nito si Romero. Malapit na ito sa bahay nila Salvi nang may lumabas mula sa pinto. Naka suot ito ng mahabang coat na kulay itim ,naka-bucket hat na itim. Isang lalake at nagmamadali ito. Palinga-linga pa ang lalake na tila sinisigurado na walang ibang tao sa paligid. Hindi nito napansin si Lucas dahil nakapagkubli agad ang lalake sa isang malaking puno malapit sa playground sa harap ng bahay.
Noong una inakala ni Lucas na iyon na si Romero ngunit ng napatingin ang lalake sa direksyon nito at natamaan ng liwanag ng ilaw ang mukha nito, nagtaka ito dahil kilala nito ang lalaki na lumabas doon.
“Ano ang ginagawa niya rito?…at bakit parang balisa ang kinikilos niya?’ Bulong na tanong ni Lucas sa sarili.
Hinintay nitong makaalis ng tuluyan ang nakitang lalake,at siya namang paglapit nito sa bahay. Hindi mawari ni Lucas bakit tila may nagtulak sa kanya na makisilip sa bahay na iyon. Sa bungad palang ng pinto mga bakas na ng dugo ang tumambad sa kanya. Kinabahan na ito. At nang makapasok na ito sa loob doon na nasaksihan nito ang karumaldumal at malagim na sinapit ng mag-asawa sa loob ng bahay. Nakita nitong nakahandusay malapit sa kusina ang duguang mister ni Salvi, samantala nasa baitang naman ng hagdan si Salvi na wala naring buhay at naliligo ng sariling dugo.
Napaatras si Lucas sa tagpong kanyang inabutan sa loob. Natigalgal ito sa kanyang kinatatayuan.nang makarinig ito ng ngawa at iyak ng isang bata na tinatawag ang ina. Napatingin sa may taas ng hagdan si Lucas at doon nakita nito ang isang batang lalake na nasa tatlo hanggang lima ang gulang at humahagulgol ng iyak. Sa takot na madamay sa krimen mabilis na umalis si Lucas sa lugar.
Naging malaking balita ang nangyaring iyon na kinagimbal ng lahat ng mga nakakakilala kay Salvi. Nais noon magsalita ni Lucas tungkol sa kanyang nalalaman ngunit nagdadalawang isip din ito para sa sarili. At maibaling sa kanya ang imbestigasyon at tanungin ito ung bakit naroroon din ito sa nasabing lugar. Kaya kinarga nito sa dibdib ang nalalaman.
Tinapik ni Ignacio ang kuya sa balikat nang mapansin na naman nitong tulala na nakaharap sa salamin.
“Kuya alam ko hanggang ngayon may galit ka pa rin sa mga Santana, pero hindi sagot sa katahimikan mo ang gusto mong mangyari sa kanila. Ako na ang tatapos nito para sa iyo.” Wika ni Ignacio
“Hangga’t buhay ang sanga ng puno, hindi pa tapos ang laban ko. At hangga’t hindi ko nakikita ang ulo ng Romero na iyon na gumugulong sa paanan ko. Hindi ako naniniwalang patay na siya.” Ayon kay Lucas.
“Matagal ng patay ang hinahanap mo kuya, kinuwento mismo sa amin ng ama ng taong pumatay sa kanya. Marahil sinadyang itago na lang ng mga Santana ang nangyari upang hindi na maungkat ang nangyaring pagsunog sa hospital noon. Wala na ang Romero na iyon kuya kaya tigilan mo na ang pagsunod-sunod mo sa kanila. Alalahanin mo, muntikan ka nang mapuruhan ni Makalaay dati.” Sabi pa ni Ignacio
“Gawin mo ang sa tingin mo makakabuti sa trabaho mo. At gagawin ko ang sa tingin ko tama. “ Tugon ni Lucas at lumabas na ito ng kuwarto, habang naiwan si Ignacio na napakamot na lang ng ulo.
Sa bahay nila Paeng, nagkaharap-harap na ang lahat, kasama ang apat na lalaking nahuli nila Hector at Jericho na nagbabalak ng masama sa kanilang pamilya.
Kahit bugbog sarado na ang mga ito kina Jericho,Fil, Hector at Paeng. Nagmamatigas parin ang mga ito na amin sa apat ang dahilan ni Precy sa pagutos sa kanila. Na siyang kinapikon ni Jericho kaya kinasa nito ang hawak na baril at itinutok sa ulo ng isa sa mga lalake. Biglang awat naman si Paz sa apat.
“Tama na iyan, bakit hindi niyo na lang ibigay sa mga kapulisan ang mga ito at hayaan na sila na ang mag imbestiga sa kanila.”
“Hindi kailangan tita, dapat sa mga ito binabaon na lang sa basurahan na wala ng buhay, ayaw din naman magsalita eh. At hindi tayo sigurado kung kakampi pa natin ang mga pulis. Eh pulis nga ang isa sa mga ito.” Tugon ni Fil.
“Tama si Fil, sa mga natuklasan namin mahirap ng magtiwala sa mga kapulisan, liban na lang sa mga mabubuti na nadadamay lang sa mga kawalanghiyaan ng mga ito.” Sabat ni Hector.
Napasulyap si Paeng sa sinabi ni Hector. Lumabas ito ng silid at tinungo ang likod ng kusina para magsindi ng sigarilyo. Sumunod sa kanya si Jericho. Kinausap nito ang ama. Alam ni Jericho na may tampo si Paeng sa kanya gawa ng paglihim nito sa kanya tungkol kay Hector. Ikinuwento ng anak sa ama ang dahilan nito kung bakit nagtiwala agad ito sa tao na siyang pinaghihinalaan nilang killer.
“May sariling laban si Hector, nagkataon lang na sa iisang direksyon tayo pinagtagpo. Siya ang matagpuan at makilala lang noon ang kanyang anak dahilan upang mapadpad siya dito. Ikaw na nais malaman ang tunay na mukha ng killer na sa tingin mo ang siyang susi upang malantad ang misteryo ng patayan nito na naging banta na rin sa buhay nila Maru at Joram. At ako para sa hangarin na makilala ang taong pumaslang sa mga magulang namin. At malaki ang paniniwala ko na kailangan natin ang bawat isa lalo na ngayong alam natin na iisang tao lang pala ang nag-uugnay sa ating lahat. Si Romero, na sa kasamaang palad wala na.”. Ayon pa kay Jericho.
“Paano ko pagbibigyan ang taong minsan ng pinagdududahan ang kapatid mo? At paano ka nakakasiguro na tanging ang paghahanap lang kay Maru ang motibo niya kung bakit iyan makikisiksik sa atin? Sa mga nangyayare ngayon mahirap na magbigay ng tiwala sa iba. Hindi ko nga alam baka dawit pati dito si hepe. Kagrupo pa ni Bellegaz ang isa sa kanila.” Tugon ni Paeng sa anak.
“Iba ang pagkakakilala ko kay Hector. Ang sigurado lang ako, hindi si Hector ang kalaban natin dito.” Saad ni Jericho.
Samantala; Hindi naman mapakali si Precy sa kanyang bahay, paikot-ikot lang ito sa kanyang garden at panay ang tawag sa kanyang cellphone. Isang tauhan nito ang lumapit sa kanya.
“Madam, pinasundan na po namin sila sa Puerto Asin ngunit wala sila kahit bakas ng kanilang anino, maging sa Pasil sa mismong bahay ng mga Makalaay hindi po namin napansin ang kotse nila Pido. Malamang natunugan sila kaya umalis muna dun sa lugar.”
“Nang hindi man lang nagbalita sa akin? Mga inutil talaga. Mga gunggong. Hanapin niyo sina Pido at iharap niyo agad sa akin! Tapos kayo bumalik kayo doon sa Pasil at gawin niyo ang utos ko! At huwag kayong magpapakita sa akin ng buhay hangga’t hindi niyo nagagawa ang pinag-uutos ko mga tang ina kayo!” Tugon ni Precy.
Kakaalis lang ng mga tauhan nito nang siya namang pagdating ng pamangkin nito na agad na bumati sa kanya.
“Good evening tita, patapos na ang araw pero parang hindi pa rin tapos ang stress mo. Nakakasira ng ganda iyan.”
“Huwag mo na akong bolahin, alam ko na ang kasunod ng hirit mo na iyan. Ano ba ang masamang hangin ang nagdala sa iyo dito? Baka pag nalaman ng papa mo na nandito ka, bubumbahin na naman ako nun. Kilala mo ako, mapagpatol din talaga ako sa mga kapamilya.” pagtatalak pa ni Precy.
“Wala namang pakialam sa akin ngayon si papa. Matagal na akong humiwalay sa kanila.” Tugon ng pamangkin nito.
“So ngayon? Ano nga ang kailangan mo? Bilis tumbukin mo na at busy ako Rodge. Pera? Pang allowance? Magkano? …” wika ni Precy.
“Actually tita, naparito ako not for that. Pero since nag offer ka na rin naman. Ibebenta ko na lang ito sa iyo.”
Napatulala si Precy nang ipinakita sa kanya ni Rodge ang isang cellphone. Kinuha agad iyon ni Precy sa kamay ni Rodge at inusisa ang pamangkin kung paano iyon na punta sa kanya.
“Kasama ako ng tao na pinasusundan mo. Nakita ko ito sa gamit niya. Pinakialaman ko at nakita ko ang mga pictures mo diyan. Nagtaka lang ako kung paano nandito iyon sa gamit niya, at narinig ko na lang sa paguusap nila na galing pala ang cellphone na iyan sa isa sa mga tauhan mo na inutusan mo para sundan sila.” Kuwento ni Rodge kay Precy.
“Kailan ka pa nagkaron ng kaugnayan sa kanya?” Tanong ni Precy.
“May tanong rin ako sa iyo tita, ano ba ang dahilan bakit mo pinasusundan sina Paeng? Kayo rin ba ang nag-utos na pasukin ang bahay nila?” Balik na tanong ni Rodge.
“At bakit ko naman sasagutin iyan? Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo, makaalis ka na marami pa akong gagawin.” Tugon ni Precy
“Maraming gagawin o may pinaplano ka na naman para sa kanila? Tita kilala kita, at matagal ko nang alam ang tunay na baho ng pamilya natin. Kaya pakiusap tita, kung ano man ang atraso nila sa’yo balato mo na sa akin. Pabayaan mo na sila.” Pakiusap pa ni Rodge kay Precy.
“Pabayaan? Mukhang masyado namang mahalaga sa iyo ang pamilya nila. Duda lang ako. Sige na umalis ka na. At huwag kang masyadong pagpasakop sa pamilya na iyan baka madamay ka.”
Umalis si Rodge na balot ng pagdududa. Hindi man nito nakakuha ng sagot kay Precy ngunit batid nito na tama ang kanyang hinala. Pagkaalis na pagkaalis ni Rodge may tinawagan agad si Precy. Pabalik sa kina Paeng nagkaroon ng pagkakataon na magkausap ng sarilinan sina Hector at Paeng. At sa kanilang pag-uusap pansamantalang naisantabi ang pagdududa ni Paeng kay Hector. Inabutan ni Paz ang magkapatid na Jericho at Fil na nakadungaw sa balkonahe ng bahay. Dinalhan nito ng kape ang dalawa.
“Magkape na muna kayo”
“Salamat tita, nag-abala pa kayo. Sana magpahinga na lang kayo. Kami na ang magbabantay dito.” Tugon ni Jericho kay Paz.
“Siya nga tita , matulog na kayo.” Sabat ni Fil sabay abot ng dalang kape ni Paz.
“Napag-usapan niyo na ba ng ama niyo ang balak niyong gawin sa apat na iyan? Hindi puwedeng magtagal iyan dito, baka balikan tayo at makasuhan pa tayo ng kidnapping,di kaya abduction.” Pangamba pa ni Paz.
“Ibabalik na namin ang mga iyan sa amo nila.” Tugon ni Jericho.
“Isasauli? Wala ba talaga kayong balak na ipaalam ito sa kapulisan? Nasaan ba si Paeng hindi pupuwedeng ganun na lang iyon. Baka mas lalo lang tayo pag-initan ng Precy na iyan. Ang dapat sa kanya sampahan na ng kaso.”
“Alalahanin mo tita, Santana ang sangkot dito. Hawak nila ang lahat pati na ang mga pulis dito at ang batas. Ganito sila makipaglaro kaya sasabayan lang natin.”. Ayon pa kay Jericho.
Napatahimik na lang si Paz sa sinabi ni Jericho. Maimpluwensyang pamilya ang Santana. Mahirap tibagin at masamang banggain. Ngunit hindi magpapatinag sina Jericho at Paeng sa laban na nag-uudyok sa kanilang umalma. Kasangga si Hector buong tapang nilang haharapin ang panganib. Gayunpaman sa unti-unting paglinaw ng lahat may mga bagay na mabubunyag. Mga bagay na naging bangungot na ng bawat isa sa kanila.
BANGUNGOT
Dahil sa mga naglalabasang mga rebelasyon, kanya-kanyang teyoriya na ang lahat.
Nagising na lang si Precy sa mga kalabog mula sa labas ng kanyang kuwarto. Sa pag-aakalang gawa lang iyon ng kanyang alagang aso na si Drag binalewala niya ito at bumalik ito pagkakahiga. Papikit na muli ito nang muli na naman ito ginulat ng mga kalabog sa labas. Bumangon na ito upang usisain ang ingay na iyon. Ngunit nang sa kanyang paglabas mula sa pinto mga bakas ng nagkalat na dugo ang nagpagimbal sa kanya.
“Anong prank ito! Daks! Pokiko! nasaan kayo! Puday!!! Mga ’tang na kayo anong prank ito!!! Nasaan na kayo!!!” Sigaw ni Precy sa mga kasambahay nito.
Ngunit wala man lang tumugon sa mga pagtawag nito. Nang magbukas ang pintuan ng veranda. Nanghilakbot ito at natigalgal sa kanyang kinatatayuan nang makita nito ang isang tao na naka-itim na raincoat, at may hawak na karit sa kanang kamay nito. Sa takot ni Precy mapatakbo ito pabalik ng kanyang silid ngunit maagap ang lalake at hinablot nito si Precy tsaka hinatak sa buhok. Hawak ng lalake ang buhok ni Precy. Todo pagmamakaawa naman ng huli nang tutukan siya nito sa leeg ng lalake ng hawak nitong karit.
“Sama-sama na tayo sa impiyerno!” Sambit ng lalake sabay guhit ng karit na hawak sa leeg ni Precy.
Tumilamsik agad ang mga dugo na sinabayan ng hiyaw at sigaw ni Precy. Napabalikwas ito ng bangon mula sa kanyang kama. Agad na sinapo ng mga kamay ang kanyang leeg, sinuri kung may bahid ito ng sugat nakahinga ito ng maluwang dahil isang masamang panaginip lang lahat. Tumayo ito at tinungo ang water dispenser para kumuha ng tubig. Papainum na ito nang magulat na naman ito sa malakas na pagkatok sa kanyang pintuan.
Gulat na may takot, Tinanong nito kung sino ang nasa labas.
“Madam si Popee ho ito. May naghahanap ho sa inyo sa labas.”
“Tang-ina sila, gabi na! Hindi na ako tumatanggap ng bisita. Pabalikin na lang sila bukas!” Bulyaw pa ni Precy.
Pero nang malaman nito na ang mga inutusan niyang tao ang naghahanap sa kanya, lumabas agad ito na nagmamadali. Nang malaman ang kinahinatnan ng kanyang utos sa mga tauhan nito lalong umalburoto ang galit ni Precy. Pinalayas nito sa kanyang harapan ang tauhan. Sa kabilang banda, dahil sa nangyari kina Paeng nabahala si Rodge dito. Kaya nang magkita muli ang dalawa, inusisa nito si Paeng sa dahilan ng pagpasok ng mga di kilalang mga tao sa kanilang bahay.
“Wala kaming matukoy na kongkretong dahilan kung bakit pinasok kami. Pero hinala ng mga nag-iimbestiga maaring hindi naman kami ang pakay at mga magnanakaw lang talaga iyon.” Tugon ni Paeng kay Rodge nang tanungin siya nito.
“So saan kayo ngayon nakatira? Napadaan ako kahapon sa bahay niyo walang tao, tapos ang tindahan ni Maru nakasarado.” Sabi ni Rodge.
“Inilayo ko muna sila dito, iba na rin ang nag iingat. Siya nga pala baka hindi muna ako magagawi rito. Hindi na muna tayo magkikita.” Biglang sabi naman ni Paeng na ikinabigla ni Rodge.
“Teka bakit? May koneksyon ba ito sa nangyari sa inyo? Gaano katagal na hindi tayo magkikita?” Katanungan pa ni Rodge.
“Nakita nila tayo, nakita ako ng anak ko.”
“Kelan? Eh di mas mabuti, hindi na natin kailangan pang ilihim sa kanila ang relasyon natin. Hindi na natin kailangan pa itago kay Maru kung ano talaga ako sa buhay mo at ano ako sa iyo. Sure ako na maiintindihan tayo ni Maru.” Tugon ni Rodge na natuwa pa nga sa sinabi ni Paeng.
“Hindi si Maru ang inaalala ko, kundi si Fil.”
“Si Fil? Bakit siya?…teka huwag mong sabihin na pati si Fil…tapatin mo nga ako Rafael ,may relasyon din ba kayo ni Fil?”
“Anak ko si Fil…ang totoo kong anak” pag aamin ni Paeng.
Hindi makapagsalita si Rodge sa kanyang natuklasan. Ikinuwento ni Paeng ang lahat tungkol sa tunay nitong ugnayan kay Fil. Hindi makapaniwala si Rodge na iyon ang plot twist sa buhay ni Paeng. Bagama’t inamin na ni Paeng ang tungkol kay Fil, hindi naman nito nabanggit kay Rodge ang tungkol kay Jericho. Kahit sa harapan ng pagkain naging topiko parin ng dalawa ang tungkol kay Fil.
“Kailan mo naman balak sabihin kay Fil na ikaw ang totoo niyang ama?” Tanong ni Rodge.
“Tsaka na ,kapag kaya ko nang aminin sa kanya ang lahat. Hindi pa ito ang tamang oras.” Sagot ni Paeng.
“Hindi pa oras? Paano kung wala ng oras? Hahayaan mo na lang na ganun? Deserve ni Fil na malaman ang totoo sa kanyang pagkatao. Paano niya mauunawaan ang tungkol sa atin kung hindi niya malalaman ang lahat? Sa tingin ko kailangan mo nang sabihin sa kanya.” Ayon pa kay Rodge.
“Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob, pero hindi muna sa ngayon.”
Hindi na nagsalita pa si Rodge batid nito ang bigat na bitbit ni Paeng.
Samantala nang sandaling iyon sa kuwarto nila Maru at Fil. Alalang-alala si Maru nang ginising nito ang pupunga-pungang si Fil habang umuungol. At nang sa pagmulat ng mata ni Fil bakas sa mukha nito ang takot.
“Ano ba ang napanaginipan mo at tila takot na takot ka?” Tanong ni Maru kay Fil habang inaabutan niya ito ng tubig.
“Napanaginipan ko na naman ang taong pumatay kina mama at papa. Akala ko natigil na ito dahil sa nagkita na kami ni kuya.” Sagot ni Fil.
“Baka dahil lang iyan sa mga naiisip mo baby ko.”
“Matagal nang hindi ako nananaginip ng ganito, at ngayon muli na naman siyang pumasok sa akin. Pero this time iba na ito. Dahil kung dati, bata ako sa panaginip ko…ngayon hindi na. Parang totoo.” Ayon pa kay Fil.
“Ano ba ang nagyayari sa panaginip mo?”
Sa kuwento ni Fil, ayon sa kanya natagpuan na lang niya ang kanyang sarili sa dati nilang bahay na nakatayo sa gitna ng hagdan habang nakatingin sa main door. Maya-maya pa kasabay ng malakas na kidlat at kulog, nagbukas ang pintuan at doon natigalgal si Fil nang makita niya roon ang isang taong nakasuot ng maitim na rain coat,naka sumbrero at may hawak na karit sa kanang kamay. Kung sa mga naunang bangungot ni Fil hindi pa nito maaninag ang naturang mukha ng killer, sa pagkakataon na iyon malinaw na malinaw sa mata ni Fil ang mukha ng killer. Ngunit sa kalagitnaan ng pagkukuwento nito natigilan si Fil.
“Bakit Fil? Sabi mo nakaharap mo na sa panaginip mo ang pumatay sa magulang mo. Ano ang kanyang mukha? Malay mo maging lead iyan para mahuli na ang lumapastangan sa kanila at naging dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay ni Echo ng matagal.” Ayon pa kay Maru.
“Hindi ko alam kung dapat ba paniwalaan ang isa lamang panaginip baby ko.” Tugon ni Fil.
“Bakit baby ko? Namukhaan mo ba ang killer sa panaginip mo? Kilala mo ba?”
“Ewan ko kung maniniwala ka sa sasabihin ko, pero malinaw na malinaw pa sa isip ko ang mukha niya. At kung paano siya napasok sa panaginip ko, hindi ko alam. Pero parang totoo lahat. Nakaharap ko mismo ang killer. At kilala natin siya baby ko. Ngunit ayokong kumapit sa paniniwalang siya iyon dahil imposible. “ Saad ni Fil na pautal-utal ang kuwento kay Maru.
“Sino nga?”
“Ang tatay mo, si…si tito Paeng, siya ang nakita kong killer sa panaginip ko.” Sagot ni Fil.
Sa pagkakakwento ni Fil, nagkatinginan ang dalawa. At kahit na sabihing panaginip lang iyon, sumama ang loob ni Maru sa pagdawit ni Fil kay Paeng sa trahedya na nangyari sa pamilya nila. Niyakap ni Fil si Maru at sinabi rito na hindi naman ito naniniwala sa ganun. At walang ibang ibig sabihin ang kanyang panaginip.
Sa labas ng bahay sa ilalim ng puno ng mahogany na tanaw sa malawak na bakanteng lote nila Paeng, naroon si Hector at nakatayo sa lilim ng puno habang inuubos ang sigarilyong hawak. Nagmuni-muni ito at may malalim na iniisip. Lumapit sa kanya si Jericho na may hawak na dalawang bote ng malamig na beer.
“Pampatulog” pag abot ni Jericho ng bote ng beer kay Hector.
“Salamat, mukhang kailangan ko nga ito.”
“Ano ba ang iniisip mo? Pansin ko ang tayog ng mga tanaw mo sa malayo. May bumabagabag pa ba sa isip mo?” Tanong ni Jericho.
“Iniisip ko na baka nang dahil sa akin kung bakit kayo pinakikialaman ni Premo. Hindi naman lingid sa iyo kung ano kami dati. At nagsimula lang naman ito nang bumalik dito si Mercedes at nalaman niyang anak ko si Maru. Kahit sinabi niya pang tanggap niya na ang nangyari noon. Hindi parin maalis sa isip ko na pagdudahan ang sinseridad ni Premo. Galit siya sa amin noon sa pagpili ko kay Mercedes. Kilala ko si Premo, mapagtanim ito ng galit.” Kuwento ni Hector.
“Kaya iniisip mo na binabalikan ka niya, at nadadamay lang sila papa dahil kay Maru?”
“Hindi ko alam, kaya balak kong harapin si Premo at pakiusapan na huwag niya na idamay ang pamilya niyo sa galit niya sa akin.” Tugon ni Hector.
“Hindi lang ikaw ang may koneksyon sa kanya, alalahanin mo, kapatid din siya ng taong minsan na naging parte ng buhay ni mama. Hindi man malinaw sa atin ang dahilan ni Precy sa paglapit sa pamilya ko. Ang klaro lang sa akin ay may binabalak itong hindi maganda “ ayon kay Jericho.
“Kaya nga aalamin ko nang matigil na ang kahibangan ng taong iyon. Kung ako parin ang kailangan niya handa akong magpa-alipin muli sa kanya para sa kaligtasan ni Maru at sa katahimikan niyo.”
“Paano ako? Paano tayo? Hindi ako papayag.” Pagkontra ni Jericho.
“Mahal na kita, at mahal ko rin ang anak ko. Ngunit mahalaga ngayon sa akin ang buhay niyo. Ayokong madamay kayo.”
“Laban mo ay laban ko. Kung si Precy ang siyang sagabal sa pagmamahalan natin, ipaubaya mo na sa akin ang pagwalis sa kanya. Hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin. Mahal kita Jaime.”
Isang masuyong halik sa labi ang iginawad ni Jericho kay Hector na siyang tinugunan naman ng huli. Naging mapusok ang banggaan ng kanilang mga bibig sa isa’t isa. Pina sandal ni Jericho si Hector sa puno ng mahogany at doon niromansa nito nang todo ang lalake. Di alintana na sa bakuran na iyon naroon lang ang bahay. Gabi ng mga sandaling iyon at bagama’t may kadiliman sa bahaging iyon, dahil sa liwanag ng buwan at sa ilaw mula sa balkonahe ng bahay , maaaninag parin ang lahat sakaling may sumilip sa kanila.
Sa daluyong ng makamundong pagnanasa at kasabikan tuluyang nagpaagos sa bulong ng kalibugan ang dalawa. Hanggang sa ang dalawang anino sa lilim ng puno ay naging isa.
At dahil nga sa masamang panaginip, naisip ni Fil na lumanghap ng sariwang hangin sa labas ng bahay. At sa di inaasahang tagpo nanlaki ang mata nito. Mula sa kanyang kinatatayuan, kitang-kita nito kung paano kinakabayo ni Hector ang kuyang si Jericho habang naglaplapan ang dalawa. Hindi mawari ni Fil ang nararamdaman ng mga sandaling iyon habang pinagmamasdan ang salitang pagkangkangan ng dalawa. Hindi sukat akalain ni Fil na makikita niya sa ganoong tagpo ang ama ni Maru at kapatid nito.
Nanatiling tutok na tutok si Fil sa dalawa habang nagpapasarap sa isa’t isa. Hanggang sa naramdaman na lang nito ang unti-unting pag init ng kanyang dugo sa katawan.
“Tang-ina ang sarap ng kanilang ginagawa,” biglang nasambit na lang ni Fil sa sarili.
Bago pa tuluyang lamunin ng kalibugan si Fil dahil sa maalab na eksenang nasaksihan, umalis na ito roon at bumalik sa silid nila ni Maru. Nakasilip na muli noon si Maru nang sinimulan na itong gisingin ni Fil ng kanyang mga halik.
“Bakit baby ko?” Tanong ni Maru kay Fil nang magising ito sa mga paghalik sa kanya nito.
“Paligayahin mo ako baby ko.” Sagot sa kanya ni Fil .
Ipinagtaka ni Maru ang pagiging mapusok ni Fil bigla sa kama. Para itong nag-aalab na turo na sabik manuwag ng tao. Niromansa ni Fil ng malala si Maru. Halos mapunit na nga ang damit na suot ni Maru nang baklasin ni Fil ng biglaan ang kasintahan sa kama.
“Teka lang Fil, ano ba ang nangyayare sa iyo? Bakit ang hayok mo naman masyado?” Tugon ni Maru na nasasaktan na ng kaunti sa panghaharass sa kanya ni Fil.
“Paligayahin mo ako Mar, gusto kong magpakawala ng init ngayon sa katawan.” Pakiusap pa ni Fil habang pinapaligu-an ng halik si Maru mula sa leeg hanggang sa bahagi ng katawan nito.
“Ok wait lang paliligayahin kita baby, pero huwag namang masyadong pisikal. Nasasaktan ako sa ginagawa mo.” Saad ni Maru.
“Sorry baby, hindi ko lang kasi mapipigilan itong nararamdaman ko. Minamanyak kasi ako sa iyo baby. Ang sarap-sarap mo kasing lantakan. Nakakalibog ka.” Sabi pa ni Fil, at muli nitong inayudahan ng romansa si Maru habang isa-isa nitong hinuhubaran ng saplot ang huli.
Ginawa naman ni Maru ang obligasyon nito kay Fil bilang kasintahan. Niromansa rin nito si Fil at tinanggalan ng damit at shorts na suot. Pinaliguan din nito si Fil ng halik mula sa mga labi nito, pababa ng kanyang leeg, padausdos sa mga dibdib ng lalake tsaka pinaglaruan ng dila ang mga naninigas na utong ni Fil.
Hanggang sa pumailalim na ito sa puson ng kasintahan. At nang mahagip na ng bibig nito ang turon ni Fil, agad niya itong sinubo ng buong-buo. Mga pag-ungos ang tanging naitugon ng lalake sa ginagawa sa kanya ni Maru. Nagpakasawa naman si Maru sa kakahigop-lollipop sa tarugo ni Fil.
“Tangna p*ta, ang sarap mo sumupsop baby ko. Ang init ng hininga mo at nakakakiliti ang dila mo grabe. Sige lang ituloy mo pa baby “ ayon pa sa mga ungol ni Fil habang kinakayod ang harapan nito sa mukha ni Maru.
Todo kaldag ito sa bibig ni Maru, habang nginungudngod ang ulo ng kaharap sa kanyang harapan. Hindi alintana na halos mabilaukan na ang huli sa laki, haba at taba ng kanyang turon.
Nang maramdaman na ni Fil ang ngilo at tila bubulwak na ito. Hinugot nito ang tt mula sa bibig ni Maru at itinulak ang isa sa kama. Nakatihayang nakabukaka si Maru nang pumaibabaw na sa kanya si Fil. Inilapit ng lalake ang katawan ng kasintahan sa kanya. At nang malantad na kay Fil ang pakislot-kislot na yungib ni Maru, agad nitong itinarak ang matigas nitong batuta roon. Daig pa ni Fil ang hayok na kabayo kung bayuhin ng todo ang lagusan ni Maru.
At habang kinakabayo nito ang kasintahan, ang nakitang kangkangan nila Hector at Jericho ang naglalaro sa isip ni Fil na lalong ikinabaliw nito sa kama.
Hindi na rin napigilan ni Maru ang mamahalinghing at mapaungol sa sarap na dulot sa kanya ng pag barurot ni Fil. At ang mga ingay sa silid na iyon ay aksidenteng narinig ni Jericho nang mapadaan ito sa pintuan nila Maru at Fil.
Samantala sa presinto, isang masamang balita ang nakarating sa grupo nila Bellegaz na ikinabahala rin maging ni Samonte.
“Ano ang nangyari Bellegaz? Bakit hindi man lang kayo nakipag-coordinate sa akin na makipagtransaksyon din pala kayo kay kapitana? Kailan pa kayo naging tauhan niya?!” Bulyaw ng hepe sa grupo nila Bellegaz.
“Sir, labas na po ang team sa extra curricular ni Manzano. Ni hindi nga namin alam na tauhan pala siya ni kapitana. Alam niyo namang sa inyo lang kami kumukuha ng direktang utos.” Pagtatanggol pa ni Bellegaz sa grupo niya.
“Make sura na hindi tayo masilipan ng media dahil dito. Kapag may nagtanong, ikunsulta agad sa akin.” Saad ng hepe.
“Kung si Kapitana nga ang may kagagawan ng pagpaslang kay Manzano at sa tatlo pa. Hindi ba at dapat lang na pati siya paimbestigahan natin?” Ani pa ni Bellegaz.
“Bobo ka ba? Eh di pati tayo pag-initan nun. Alam mo naman iyon. Mabilis magalit. Ayoko pang ma headline sa balita na wala ng buhay. Pero kung sawa ka na sa mundo, kalabanin mo si Kapitana. Nang sumunod ka kay Manzano.” Ayon pa kay Samonte.
“Ano ba kasi ang atraso ni Makalaay at pinaliligpit ni Kapitana ang pamilya niya?” Katanungan pa ni Bellegaz.
“Iyan ang hindi ko alam. At wala akong balak na alamin. Sige na bumalik na kayo sa mga trabaho niyo. Panibagong kati na naman ito sa ulo. Bwisit!”
Narinig ni Ignacio ang usapan nila hepeula sa opisina nito. Kaya nang makitang palabas na sina Bellegaz , napatingin talaga ito sa mga iyon. Palaisipan din para kay Ignacio ang pagkadawit ng kapitana sa pamilya ni Paeng. Nang araw din na iyon napagpasyahan nitong makipagkita sa kaibigan at dating kasamahan na si Paeng.
Kakalabas lang din noon ni Paeng mula sa luma nilang bahay sa may maisan. Pasakay na ito ng kanyang sasakyan nang may napansin itong kahina-hinalang tao na mabilis na nagkubli sa mga tanim na mais. Kinutuban ng masama si Paeng, pakiwari nito, padala na naman iyon ni Precy. Hinanda na nito ang bitbit na baril at dahan-dahang lumapit sa taniman ng mais.
“Kung sino ka mang hayop ka, pasensyahan na tayo sa bala ng baril ko.”
Sinuyod ni Paeng ang kasukalan ng maisan. Sinundan nito ang puwesto kung saan niya napansin ang tao na mabilis nagkubli sa mga mais. Ngunit malapit na nito makalahati ang gitna ng maisan ngunit hindi na nito nakita ang naturang lalake. Pabalik na ito sa dinaanan niya nang may nagsalita mula sa likuran nito.
“Itapon mo sa malayo ang baril mo kung ayaw mong ihatid ka ng hawak ko kay kamatayan.” Utos ng boses ng lalake sa kanya.
Nakatutok ang baril na hawak ng lalake sa ulo ni Paeng habang nakatalikod ito. Kabado na noon si Paeng, ngunit kumalma lang ito. Pinagbigyan nito ang utos sa kanya ng lalake. Ngunit sa halip na itapon ang baril ,marahan niya itong inilapag sa lupa.
“Subukan mong kumilos ng di naaayon, basag ang bungo mo! Sipain mo papalayo ang baril at itaas mo sa ulo mo ang mga kamay mo!” Banta pa ng lalake sabay utos pa kay Paeng.
Tahimik lang si Paeng na pinakikiramdaman ang lalake sa kilos nito. Ginawa naman niya ang utos sa kanya. Naghahanap lang ito ng pagkakataon para makabuwelo para labanan ang lalake. Nang makalapit na sa kanya ang lalake, kinausap na niya ito. Samantala nakatutok naman nun ang baril sa ulo niya sa likod.
“Alam kong padala ka rin ni Precy, pero pakiusap kung may kasalanan man kami o ako sa kanya. Huwag niyo nang pakialaman ang pamilya ko. Ako na lang. “ Sabi ni Paeng sa lalake.
Hindi ako tauhan ng sinasabi mong Precy, iba ang kailangan ko sa iyo. Nasaan na ang anak ni Romero?!“ Bulalas pa ng lalake nang idiniin nito ang baril sa ulo ni Paeng.
Napaisip bigla si Paeng sa tanong ng lalake., Iba na ang inaalala nito. Kalmado parin ito habang kinakausap niya ang lalake na tumutugon naman sa kanya. At nang makahanap ng pagkakataon, sa maagap nitong kilos at mabilis na galawan, nahawakan nito ang kamay ng lalake na may bitbit na baril. Nagulat naman ang lalake na hindi inasahan ang pagkilos na iyon ni Paeng. Pagkahawak ni Paeng sa kamay at braso ng lalake, binalibag niya agad ito. Nabitawan ng lalake ang hawak na baril ng bumagsak ito sa lupa. Lumaban din naman ito kay Paeng ngunit agad na nakaporma sa ibabaw niya ito. At nang malantad kay Paeng ang mukha ng lalake, nagulat ito.
“Ikaw?” Nasambit pa ni Paeng nang makita ang mukha ng lalake.
Ikinagulat iyon ni Paeng dahil makailang ulit na nagkrus ang landas ng dalawa. Siya ang lalaking minsan pa nahuli ni Paeng na sumusunod sa kanya.
Sinipa ng lalake si Paeng ng matigilan saglit ang isa. Napaatras si Paeng sa lakas ng tadyak na ginawad sa kanya ng lalake. Hindi naman nagkakalayo ang katawan ng dalawa sa laki at porma. Nakatayo na ang lalake at handa na itong makipagbasagan ng mukha kay Paeng. Ganun din naman si Paeng.
Mano mano na ang labanan. At walang bumigay sa kanilang bakbakan. Sagutan ng suntok, sapak, sipa at balyahan ang dalawa hanggang sa nagpagulong-gulong ang mga ito sa lupa at inararo pa ang mga nakatayong tanim na mais na naroon sa paligid. Duguan na ang mukha ng dalawa ngunit walang bumibitaw. Hanggang sa nakapuntos si Paeng at napaibabawan na nito ang lalake. Gigil na gigil itong sinusuntok sa mukha ang lalake habang nakahiga sa lupa at sinasakyan nito.
“Hayop kang gago ka! Sino ka ba at bakit ka nagmumulto sa paligid namin! Sino ka!!! Aaaahhh!!!” Wika pa ni Paeng na galit na galit.
“Itanong mo iyan sa sarili mo, huwag sa akin!!! Mamamatay tao! Pare-parehas lang kayong mga hayop! Mga demonyo! Dapat sa inyo sama-sama nang ibalik sa impiyernong pinanggalingan niyo! Pweeh!!!” Tugon ng lalake kay Paeng sabay dinuraan ito.
Sa tindi ng inis na ni Paeng, hinawakan nito ang damit ng lalake sabay hila ng malakas tsaka planong sasalubungin ng suntok ang mukha ng lalake nang may napansin ito sa leeg ng kaharap. Ang suot na gold na kuwentas nito.
Hindi na naituloy ni Paeng ang pagsuntok at naiwan bigla sa ere ang kanyang kamao nang may naalala ito sa kuwentas na suot ng lalake.
“Para kanino ba iyang pinipili mong kuwentas pare? Hindi ka naman mahilig sa ganyan.” Tanong noon ni Paeng kay Ignacio nang mapadaan sila sa isang pawnshop.
“Kuwentas ito ni kuya pare, bigay sa kanya ng kanyang asawa. Sinanla niya ito dito para sa kasal nila. Ngunit hindi na natubos dahil nawala rin sa kanya si Ate isang taon matapos ang kasal nila. Ito na lang ang tanging ala-ala na naiwan ni Ate kay kuya. Sayang naman kung sa iba pa ito mapunta. Buti na lang at naabutan ko pa bago pa masama sa auction.” Tugon ni Ignacio, habang hawak-hawak ang kuwentas.
“Mahal mo rin talaga ang kuya mo noh?”
“Si kuya na lang ang kakampi ko sa buhay simula ng maulila kami sa magulang. Bata pa lang ako si kuya na ang idolo ko. Dahil kay kuya kung bakit ako nagpursige na maging pulis. At iri-regalo ko ito sa kanya sa kaarawan niya pare.” Sabi pa ni Ignacio.
“Tiwala akong mabait at responsable ng kuya mo pare. Sana ma kilala ko rin siya minsan nang maging kaibigan ko naman iyon.” Saad ni Paeng.
“Tiyak magkakasundo kayo nun pare, halos ka edaran mo lang kasi si Kuya. Hayaan mo kapag may pagkakataon kakilala’ ko kayo sa isa’t isa.”
Hindi maaring magkamali si Paeng sa suot na kuwentas ng lalake. Natigilan ito at binitawan ang damit ng lalake.
“Bakit mo pinigilan?! Sige gawin mo! Patayin mo ako! Dahil wala naman sa iyo ang pumatay ng tao diba?! Dating asawa mo nga nagawa mong patayin diba?! Ikaw ang pumatay sa dati mong asawang si Salvi at sa kinakasama nito diba?! Huwag mo nang itanggi kasi naroon ako nang ginawa mo ang krimen. Nakita kita! Akala mo siguro walang nakakita sa ginawa mo noh? Kaya hanggang ngayon malaya ka pa.”
Napaatras si Paeng sa sinabi ng lalake, tulala na itong tumalikod na lang basta sa nakahigang kalaban. Tumayo ang lalake.
“Kung sa akala mo habambuhay ka na makakatakas sa katotohanan, nagkakamali ka! Dahil alam ko. Sa bawat pagpikit mo ng mata mo sa gabi, mukha ni Salvi ang nakikita mo na humihingi ng hustisya dahil sa pagpaslang mo sa kanila. Hindi kabayaran sa kasalanang nagawa mo ang pagkupkop mo sa mga anak nila. Dahil pag nalaman nila na ikaw ang siyang pumatay sa kanilang ina, baka pagsisisihan mo pa kung bakit itinira mo pa silang buhay.” Wika pa ng lalake habang nakatuon sa nakatalikod na si Paeng.
Wala nang naitugon pa si Paeng, bigla na lang ito natigalgal sa kanyang kinatatayuan. At isang ala-ala muli ang nabuksan kay Paeng dahil sa sinabi na iyon sa kanya ng lalake.
Ibinalik si Paeng sa tagpo bago nangyari ang karumaldumal na kaganapan sa Pamilyang Treyes.
Gabi nang magising si Paeng sa pagtunog ng kanyang cellphone. At nagulat ito nang marinig ang boses ng babae sa kabilang linya.
“Salvi ikaw nga. Paano mo nakuha ang numero ko? “ Tanong ni Paeng na may galak ang mukha nang marinig ang boses ng dating asawa.
“Nagkita kami ni Paz noong nakaraan, hiningi ko sa kanya. Paeng, kailangan ko ng tulong mo. Nakapag pa-blotter na rin naman ako ngunit ayaw nilang maniwala sa akin. Parang pinagtawanan pa ako ng mga kasamahan mo.” Ang tugon ni Salvi sa kabadong boses.
“Teka Salvi,… anong blotter? Sinasaktan ka ba ng asawa mo?! Ang walang hiyang iyan. Ayos ka lang ba? Ang mga bata?” Pag-aalala ni Paeng.
“Hindi…hindi sa ganun. Mabait sa akin ang Martin, lalo na sa mga bata. Iba ang sinadya ko sa iyo. Paeng buhay siya…buhay si Romero. At nandito siya.” May nginig sa boses nito.
“Paano nangyari? Patay na siya Salvi, nasama siya sa sunog. Kinumpirma iyon mismo ng kanyang ama.” Sabi pa ni Paeng na hindi rin makapaniwala sa sumbong ni Salvi.
“Buhay siya Paeng, nakita ko siya. Nakatayo siya sa tapat ng bahay namin. Paeng tulungan mo kami. Ginagambala niya parin ako. Sa tingin ko bumalik siya para sa anak niya. Paeng natatakot ako baka kung ano’ng gagawin niya sa amin. Paeng tulungan mo kami.” Mangiyak-ngiyak na nakikiusap na si Salvi.
May pagdadalawang isip man, ikinabahala parin ni Paeng ang mga pagsumbong na iyon sa kanya ni Salvi. Kaya kinabukasan din na iyon kumasa ng pagdalaw si Paeng sa bahay nila ni Salvi. Tinawagan pa niya nito ang babae bago ito pupunta roon.
“Wala bang cctv sa bahay niyo?” Tanong ni Paeng.
“Balak pa lang namin mag pa install Paeng,. Pupunta ka ba ngayon? Maghihintay kami ni Martin sa iyo rito.”
“Dadaan muna ako ng presinto, bago ako pupunta diyan. Siguro mas kailangan niyo na ngang mag lagay ng cctv, wala pa namang gate diyan ang sa inyo. Manatili lang kayo sa loob at huwag muna kayo magpapapasok ng kung sino. At mag lock lagi kayo ng pinto. Susubukan ko kung ano ang magagawa ko sa reklamo mo.” Saad pa ni Paeng bago pinutol ang pag-uusap nila ni Salvi.
Hapon na nang makarating si Paeng sa lugar nila ni Salvi. Madilim nun ang panahon dahil sa makulimlim ang langit at nagbabadyang uulan. Hanggang sa unti-unti na ngang pumapatak nun ang ulan.
Nasa tapat na si Paeng ng pintuan nila Salvi nang mapansin nitong tahimik masyado ang bahay. Nakailang katok at doorbell na ito ngunit walang tumutugon. Tinawagan na nito ang cellphone ni Salvi ngunit nagri-ring lang ang numero nito. Sinubukang pihitin ni Paeng ang door knob ng main door at nagulat ito nang hindi ito naka-lock. Binuksan niya iyon, at sa pag tulak pa lang ng pinto tumambad na kay Paeng ang ka lunos-lunos na sinapit ni Salvi.
Naliligo na ito ng sariling dugo at wala ng buhay sa paanan ng kanilang hagdan. Bumuhos ang emosyon ni Paeng sa kinahinatnan ni Salvi. Akay-akay niya ito sa kanyang bisig habang sinisisi ang sarili dahil sa nahuli ito. Wala na si Salvi. Nasumpungan din ni Paeng sa bahagi ng kusina ang bagong asawa ni Salvi na laslas din ang leeg at wala na ring buhay. Agad na hinanap ni Paeng ang mga anak nila Salvi kaya umakyat ito at tiningnan ang mga kuwarto ngunit wala itong nakitang mga bata, maging ang kasambahay nila Salvi.
Solo lang ang bahay nila Salvi sa block na iyon at walang malapit na mga kapitbahay,kaya wala ka ring mahanap na tulong. May mga cctv naman sa lugar na iyon pero nasa main road lang ito papasok sa block na iyon at malayo parin sa bahay nila Salvi. At kung sino man ang gumawa ng krimen na iyon ay malaya talagang maisasagawa ang lahat na walang makakaalam.
Nagmamadaling lumabas mula sa bahay na iyon si Paeng para humingi sana ng tulong at magreport na tungkol sa nangyari, nang may napansin itong anino ng tao na nasa likod ng isang puno sa bahaging iyon. Sa kaba na baka sa kanya ibunton ang krimen mabilis na nilisan ni Paeng ang lugar. Umiiyak na nilisan ni Paeng ang lugar sakay ng kanyang sasakyan. Naghanap ito ng malapit na phone both at ini-report ang nangyari kina Salvi.
Naiisip ni Paeng na ang taong nakita niya noon sa likod ng puno ay ang tao na nakaharap niya ngayon. Babalikan na sana ni Paeng ang lalake nang magulat ito sa tatlong sunod-sunod na putok ng baril. At nang galingan na nito ang lalake, may mga tama na ito ng bala sa katawan. Nakabulagta na ito sa lupa na may hawak pang baril sa kamay.
At ang mas ikinagulat pa ni Paeng ay nang makita kung sino ang gumawa nun sa lalake.
“Ligtas na ang sekreto mo, wala ng makakaalam na ikaw ang pumatay sa mga magulang ni Fil. Wala na ang witness.” Wika ni Rodge na nakatingin kay Paeng at may hawak na baril.
“Bakit mo siya pinatay?!” Tanong ni Paeng
“Dahil papatayin ka niya, inunahan ko lang. Hindi mo ba nakita may hawak siyang baril? Rafael ligtas ka na. Iniligtas kita.” Tugon ni Rodge nang lumapit ito kay Paeng.
“Pero bakit mo nga siya pinatay? Wala namang kasalanan ang tao.”
“Dahil sinaktan ka niya! At hawak niya ang sekreto na ikakapahamak mo! Ayokong mawala ka sa akin dahil lang sa kanya!” Sabi pa ni Rodge at niyakap si Paeng.
“Pero nakapatay ka ng tao, kriminal ka na rin Rodge. Makukulong ka sa ginawa mong ito.”
“Hindi mo naman ako ilalaglag diba? At parehas lang tayong kriminal Rafael. Pinoprotektahan lang kita.” Saad pa ni Rodge.
“Pero wala akong kasalanan, hindi ako ang pumatay kina Salvi. Hindi ako kriminal Rodge. Wala akong pinatay na tao. Wala ng buhay sina Salvi nang dumating ako. Rodge…nakapatay ka.” Pag-amin ni Paeng.
Doon natauhan si Rodge sa mali na kanyang ginawa. Sa malaking krimen na dulot ng matindi nitong pagmamahal para kay Paeng. Naipit sa sitwasyon si Paeng, kakampi siya ng batas at May hinala itong kapatid ng kanyang kaibigan ang napatay ni Rodge. Ngunit mahal din nito si Rodge at hindi niya kayang ipagkalulo ito. Maging kapalit man nito ang dignidad nito bilang dating alagad ng batas.
Siniguro ng dalawa na walang ibang taong nakakaalam at nakarinig sa kanilang ginawa. Pinagtulungan nilang hilahin ang katawan ng lalake sa pinkagitna ng maisan upang doon ito ikubli.
“Huwag ka na munang umuwi dito. Bumalik ka na muna sa inyo. “ Sabi ni Paeng kay Rodge.
“Paano tayo? Hindi ko kayang hindi ka makita Rafael, isama mo na lang ako sa inyo.”
“Hindi puwede, baka lalong magkagulo-gulo kung makita ka nila dun .” Ayon pa kay Paeng.
“Sasama ako sa iyo sa ayaw at sa gusto mo. Sawa na akong tinatago Rafael. At wala narin naman tayong dapat pa ilihim sa kanila.Nakita na tayo ng mga anak mo. “ Pamimilit pa.ni Rodge .
“Sige bahala na, sana tama itong desisyon ko.”
Wala nang nagawa pa si Paeng, isinama na nito si Rodge.
UGAT
Tensionado si Precy matapos ang pag-uusap nila ni Samonte. Hindi ito mapakali sa kanyang opisina. Hithit-buga ito ng sigarilyo na paparing-paring sa balkonahe nito. Nang mapadako ang paningin nito sa maze garden niya. Hapon na nang mga oras na iyon at medyo nagbabadya pa ang masamang panahon.
Pakiwari ni Precy nang mga sandaling iyon ay may mga matang nakatingin sa kanya. Kinabahan ito kaya agad itong bumalik ng den. Tinungo ang kabinet ng mga alak at kuha roon ng whisky. Nanginginig ang kamay nito habang sinasalin sa basong may ice ang laman ng hawak na whisky . Papainum na ito nang siyang pasok naman ng katulong nito. Nagulat ng husto si Precy nang magsalita ang katulong kaya nabitawan nito ang hawak na baso at nabasag iyon sa sahig.
“Punyeta ka! Hindi ka ba marunong kumatok man lang ?!!! Tingnan mo ang ginawa mo?! Tangna kayo!” Galit na bulyaw ni Precy sa katulong.
“Sorry Madam, kuwan kasi…may tao po sa labas, nagpupumilit na makapasok. Hinaharangan na nga ng mga tauhan mo, pero ayaw talaga magpaawat.“tugon ng katulong na nangangatog sa takot sa amo.
Dinampot ni Precy ang remote control at binuksan ang monitor na nandoon. Mula roon makikita nito kung sino ang tinutukoy ng katulong na nais makapasok sa gate. Napamura si Precy nang makita kung sino ang naroon sa may gate. Agad nitong tinawagan ang mga security guards sa gate.
Bumaba ng receiving area si Precy., Naupo ito sa paborito nitong pulang upuan habang hinihintay ang di inaasahang bisita. Saglit pa, kasama ang apat na tauhan ni Precy… dumating sa silid na iyon si Hector na nagpupuyos ng galit kay Precy.
Mura agad bungad na salita ni Hector nang muling makaharap ang Kapitana.
“And what made you think na sasaktan ko si Maru?! May rason ba para akusahan mo ako ng ganyan?! Kahit kailan never sumagi sa isip ko na gantihan ka sa kabila ng pangloloko mo sa akin. Twenty four years ago Jaime. Ganun na katagal. Sa tingin mo ba ganun parin ako kainteresado sa iyo?!” Galit na tugon ni Precy kay Hector.
“Baliw ka Premo., Alam ko na hindi ikaw ang tipo na madaling makalimot. Subukan mo lang na saktan o dampian man lang ng kamay mo ang anak ko. Hindi mo gugustuhing kinalaban mo ako.” Wika pa ni Hector.
“Oh shucks, grabe. Tingnan mo dear, nanginginig ang laman ko sa takot. Takot na takot ako sa iyo Jaime. Tila hindi mo yata naaalala kung sino ang kaharap mo ngayon at kung nasan ka! Kulangot ka lang kung tutuusin. Kaya kung may halaga pa sa iyo ang buhay mo. Umalis ka na dito, at huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin.Dahil baka nga makalimutan ko na minsan…minahal kita! Ilabas na iyan dito. “
Matapos makaharap si Precy, nakumpirma na nito na hindi sila ang puntirya ng kapitana. Gayunpaman hindi nagpakasigurado si Hector sa tinuran na iyon sa kanya ni Precy.
Nadagdagan pa ang pagkabalisa ni Precy dahil sa pag-aakusa sa kanya ni Hector. Hindi parin ito mapirmi sa isang tabi. Muli na naman nitong tinatago ang malapad na espasyo ng kanyang den area. Pabalik-balik lang ito ng lakad habang tinutungga ang bote ng whisky na hawak. Maraming mga bulong ang gumagambala sa isip nito. Na kahit ang mga nirekomendang sleeping pills sa kanya ng kanyang doktor ay hindi na tumatalab.
Dagdag pa sa gumagambala sa kanya ang paulit-ulit at pabalik-balik na bangungot na pilit niyang tinatakasan.
“Ingrato!!!” Pagsalubong ng ama kay Premo sabay hataw ng malutong na sampal sa anak.
“Pa?! Bakit?!”
“Bakit? Tinatanong mo ako kung bakit?! Wala ka nang ginawang matino para sa pamilyang ito! Kundi puro kahihiyan! Wala akong anak na bakla!!! Lumayas ka ditong hayop ka! Pati ang pamamahay na ito dinungisan mo pa ng kababuyan mo! Layas!!!” Galit na sumbat ng ama.
“Sige papa pagtabuyan mo ako! Ganyan naman talaga kayo sa akin simula pa noon. Wala nang mas kaaya-aya sa iyo kundi si kuya! Si kuya! Si kuya! Si kuya!”
Ngunit isang malakas na suntok sa mukha ang sinagot ng ama kay Premo. Bumagsak ang huli sa sahig na hawak ang pumutok na labi na nagdurugo. Lingid noon sa kaalaman ni Premo, isinumbong ng kanyang kuya sa ama nila ang pakikipagrelasyon nito sa isa sa mga security staff ng kanilang ama. Ikinagalit iyon ng husto ng gobernador lalo na nang makita nito ang pinadalang video sa kanya ni Romero. Isang video kung saan kitang-kita roon ang pagsubo at pagkain ni Premo sa talong ng isa sa mga security personnel nito.
“Tatandaan ko ang araw na ito, Pa. Hindi ako makakapayag na dahil lang sa pagiging bakla ko ibabasura mo na lang ako nang ganito!” Pagbabanta ni Premo.
Nilisan nito ang mansion. Nagpakalayo-layo, nagpalakas upang itayo muli ang kanyang karapatan sa pamilya.
Isang araw, ginulantang na lang ng isang nakakagimbal na balita ang buong bayan at distrito na sakop ng gobernador.
“Natagpuan na ang mga pinaghihinalaang mga kaputol na ulo ng mga biniktima ng serial killer na ilang buwan ng laman ng balita. Walong pugot na ulo ang natagpuang nakabaon sa bakanteng lote na pag-aari ni governor Santana na malapit lang din sa poultry farm ni Romero Santana. Kasalukuyan ngayong kinukuhanan ng statement si gob Santana ukol dito. Antabayanan ang ilan pang mga detalye.”
Nadiin sa kaso ang pangalan ni Romero….Hinuli si Romero sa salang pagpatay. Isinuko ito mismo ng ama sa kapulisan upang ipakita sa lahat na hindi nito kinukunsinti ang maling gawa ng anak. Bagamat nakaturo ang lahat ng ibedensya kay Romero, kailan man ay hindi nito inako ang krimen.
Isinara ang mga kaso matapos makulong si Romero. Ngunit inilipat din ito sa mental facility dahil di umano sa kondisyon nito. Natuklasan ng ama na si Premo ang siyang nagtimbre ng impormasyon sa kapulisan. Kaya lalong umigting ang galit nito sa anak.
“Mas kasuklam-suklam kayo papa!!! Kriminal si kuya ngunit mas pinili niyo parin siyang kampihan. Mas kaya mo pang lunukin at sikmurain na may isang mamamatay tao sa pamilyang ito, kaysa magkaroon ng anak na bakla!!” Ang humahagulgol ngunit galit na si Preno.
“Oo!!! Kaya ko pang tanggapin na may anak akong baliw at kriminal, kaysa baklang tulad mo!!! At huwag ka nang umasang kikilalanin pa kitang miyembro ng pamilyang ito. Dahil pinuputol ko na ang kaugnayan mo bilang Santana! Dahil sa totoo lang hindi ka naman talaga parte ng pamilya, dahil hindi kita anak! At lam mo ba na sa tuwing kaharap kita, ang kataksilan at kawalanghiyaan ng ina mo ang nakikita ko sa iyo!!!” Tugon ng galit nitong ama.
Dinibdib nang husto ni Premo ang pagtakwil sa kanya ng kanyang ama. Puot at galit ang umaapoy sa puso nito lalo na nang malaman nitong hindi pala ito tunay na anak ng kinikilalang ama.
“Hello Jaimie, si Premo ito…totoo ang hinala mo. Buhay pa si Romero. Sinadya ang pagsunog sa mental hospital upang itakas nila ang kuya. At alam ko kung saan nila siya tinatago.”
“Huwag mo nang bilugin pa ang ulo ko Premo. Hinding-hindi na ako magpapagamit sa iyo. At huwag ka nang magpapakita sa akin, sinusumpa ko ang pamilya niyo! Pare-parehas lang kayong mga hayop. Pati ang kapatid ko dinamay niyo pa sa kademonyuhan niyo!” Tugon ni Jaime nang tinawagan ito ni Preno.
“Ang kapatid ko ang may gawa nun sa kapatid mo. Alam ko kung gaano kasakit para sa iyo ang nalaman mo. Kaya nga sinasabi ko sa iyo ito. Maniwala ka man o hindi…wala akong alam sa ginawang krimen ni kuya. At kinukundena ko mga ginawa niya. “ Saad pa ni Premo.
“Bakit naman ako naniniwala sa mamamatay tao rin na tulad mo?!”
“Ginago mo ako. Sa mismong pamamahay ko, nakikipagkantu - tan ka sa lalake. What would you expect na gagawin ko after ko kayo mahuli? Magpa-party?, magpapasabog ng confetti? Pinakita ko lang sa iyo kung ano ang kaya kong gawin kapag kinakalaban ako. At hindi lang ang sarili ko ang pinaglalaban ko sa iyo. Pati na kay Mercedes.” Depensa pa ni Premo.
“Kung seryoso ka diyan sinasabi mo, bakit sa akin mo pa dinadaan? Bakit hindi direkta sa mga pulis?” Tanong ni Jaime na bahagyang kumalma ang boses.
“Baka nakalimutan mo, kung ano ang papel ni Papa sa lugar na ito. Security personnel ka niya diba, so dapat alam mo. Ikaw na ang bahala sa gagawin mong hakbang. Ibibigay ko lang sa iyo ang exact location ni kuya. Do whatever you want. Labas na ako dun. Ipahuli mo sa mga pulis,.. fine. Kung sa tingin mo deserve ni kuya mamatay. Drag him to hell, I don’t care.”
Doon na pinutol ni Premo ang usapan nila ni Jaime sa telepono. Malaking palaisipan sa lalake kung bakit nagawang ipagkalulo ni Premo ang sarili nitong kapatid. Hustisya ang sinisigaw ng puso nito para sa kapatid na babae at tiyahin nito kaya pinatulan nito ang timbre sa kanya ni Premo. Matapos ang usapan nang dalawa, isang text message ang pinadala ng lalake kay Jaime. Agad na nagbihis ito nang mabasa ang laman ng text.
Inabutan ng amang si Josefino si Jaime na aligagang nag aayos ng sarili.
“Nagmamadali ka yata? Saan ang punta mo?”
“Sa police station Tay., may impormasyon akong nakuha. Buhay pa nga ang animal na si Romero. Tama ang hinala natin Tay. Hindi isang aksidente ang nangyaring sunog.” Tugon ni Jaime sa ama.
“Mga walang hiya, mga walang kaluluwa. Nang damay pa sila ng mga inosenteng tao. Matakpan lang ang kahayupang ginawa nila sa pamilya natin. Magbabayad sila, sisingilin ko rin ng mga dugo nila ang ginawa nila sa kapatid ko at kapatid mo.” Wika ng napahagulgol na lang sa sulok na ama.
“Ipaubaya mo na sa akin ito Tay. Kukunin ko ang hustisya na nararapat sa kanila. Hindi ako titigil hanggat hindi ko makikitang patay na ang demonyong iyon.”
Nang sandaling iyon dumulog agad sa police station si Jaime. Ngunit gaya nang inaasahan walang naniniwala sa kanya. Nilapitan ng isang pulis si Jaime nang pasakay na ito sa dalang motor.
“Police inspector Carmelo Samonte.” Pagpapakilala nito kay Jaime.
“Narinig ko ang kinuwento mo kanina, gaano ka kasigurado na buhay pa nga si Romero? Nakita mo ba siyang nakalabas sa nasusunog na hospital na iyon? Paano mo na sabing buhay siya?” Tanong pa ni Samonte.
“Alam ko na iniisip niyo na nahihibang ako. Ngunit naniniwala ako sa sarili ko na buhay pa ngang talaga ang hayop na kriminal na iyon. Hindi maaring mauwi na lang sa limot ang ginawa nila sa kapatid ko. “ Tugon ni Jaime.
“Mabigat ang pinuputol mong paratang sa mga Santana. Pader ang babanggain mo pare. Ramdam ko ang pighati sa parte niyo, ngunit nakita naman ng lahat ang nangyari. Si Gob na mismo ang nagsurender sa anak niya sa batas. Ngunit sinawing palad nang ilipat sa mental hospital. Patay na si Romero pare, patay na ang kriminal na lumapastangan sa kapatid mo. Sana tanggapin na lang natin iyon. Dahil kung ipagpipilitan mo talaga iyang sinasabi mo na buhay pa si Romero,… baka pagsisihan mo pa iyan sa huli.” Ayon pa kay Samonte.
Dismayadong nilisan ni Jaime ang presinto. Binabaybay nito ang kahabaan ng highway nang mapadako ang tingin nito sa malaking Billboard ni gob Emilio Santana. Tinawagan nito si Premo at muling nakipagkita ito rito. Sa puntong iyon inilahad sa kanya ni Premo ang tunay nitong dahilan kung bakit napagdesisyunan nitong ipagkalulo ang kapatid.
“Malaking harang at tinik sa aking pag angat si Romero. At habang buhay ito,…mananatiling pangalawa lang ako para kay Papa.”
“Ano ang ibig mong sabihin?” Nagtatakang tanong ni Jaime.
“Wala ka nang pakialam. Ibibigay ko sa iyo ang pinagtataguan nila kay kuya. Ikaw na ang bahala kung ano ang gagawin mo sa kanya.”
Sa kagustuhang makamit ang katarungan, kinasa ni Jaime ang isang hakbang upang isakatuparan ang nais na hustisya.
-*-
Balik sa kasalukuyang tagpo, sa kagustuhan at hiling ni Rodge, isinama nga ito ni Paeng sa tinitirhan nilang bahay. Pauwi na si Paeng nang makatanggap ito ng tawag mula kay Ignacio. Pautal-utal itong tumugon sa kaibigan.
“Pare ayos ka lang ba?” Tanong ni Ignacio nang mapuna ang pagkabalisa sa boses ng kaibigan.
“Ayos lang pare,… kuwan kasi nagmamaneho ako pauwi. Nasa highway ako ngayon.” Sagot ni Paeng.
“Saan banda pare? Nasa highway din kasi ako tsaka papunta rin talaga ako sa inyo pare.” Wika pa ni Ignacio.
“Ganun ba?,… Bakit pare may problema ba?” Tanong ni Paeng na patingin tingin sa daan.
“Mas maigi siguro kung magkita na lang tayo ng personal. Malayo ka ba sa Velvet bar pare?”
“Malapit lang,…nasa overpass na ako malapit sa kalye papunta riyan.”
“Ok pare, doon na lang tayo magkita.”
Tagaktak ang pawis ni Paeng habang kausap ang kaibigan. Hindi mawala sa isip nito ang kuwentas na suot ng lalaking binaril at napatay ni Rodge. Ayaw man nitong paniwalaan ang kanyang hinala, kinukutkot parin ito ng kanyang konsensya. Hindi makapaniwala si Paeng na nagawa niyang makipagsabwatan kay Rodge sa pagtago ng krimen.
“Sino iyon?” Tanong ni Rodge kay Paeng
“Dating kasamahan ko sa pulis. Si Ignacio.” Sagot ni Paeng.
“Makikipagkita ka sa kanya? Isusumbong mo ako Rafael?”
“Kumalma ka. Hindi ko magagawa sa iyo iyon. May pag-uusapan lang kami. Just be still, walang sino mang makakaalam sa nangyari, kaya wala ka’ng dapat ipag-alala.”
Tinungo nang dalawa ang sinabing lugar ni Ignacio kung saan nito kakatagpuin si Paeng. Nauna na sa kanila ang pulis at naghihintay na ito sa dalawa. Kabado at balisa na nun si Ignacio. Alalang-alala na ito sa kanyang kuya. Nakailang tawag na ito sa kapatid, ngunit hindi man lang ito tumutugon sa kanya kahit text.
Samantala…umabot na sa kanila ni Paz ang nangyari sa mga lalaking nahuli nila Paeng na nagtangkang pumasok sa kanilang bahay.
“Huy Hector!…ibig ko sabihin Jaime, nasaan na si Jericho?! Si Paeng? Bumalik na ba?” Ang galit na wika ni Paz nang pinuntahan nito si Hector na kakarating lang nun.
“May pinuntan lang si Jericho, pero hindi nagsabi kung saan. Si Paeng naman sumaglit muna sa bahay niyo dun sa kwatro uno. Tiningnan kung may nagalaw ba sa mga gamit niyo roon. Bakit ba? Mukha yatang galit ka?” Tugon ni Hector.
“At sinong hindi magagalit sa ginawa niyo?! Bakit kayo pumatay ng tao?! Bakit niyo sila pinatay?!” Wika ni Paz na nagpupuyos ng galit.
“Teka lang, ano ba ang nangyari? Bakit mo kami inaakusahang pumatay? Sino ba ang namatay?…wala kaming pinatay. Ano ba ang pinagsasabi mo?” Tugon ni Hector na takang-taka kay Paz.
“Ito!…sila! Bakit niyo naman sila pinatay?! Jusko!” Sambit pa ni Paz nang ipakita nito ang post na balita sa social page ng isang news channel sa cellphone nito.
Kinagulat ni Hector ang nabasa sa news article na iyon. Natagpuang patay at pugot na ang mga ulo ng apat na lalake na pinabalik noon nila Paeng kay Precy. Itinanggi ni Hector na may kinalaman ang nga ito sa nangyari. Ipinaliwanag nito kay Paz na matapos ang gabing iyon ay hinayaan na nilang makabalik sa kanilang boss ang apat at wala na silang alam pagkatapos nun.
’kaming tatlo nga ang nagdala sa kanila nang gabing iyon., Ngunit iniwan na lang namin sila sa highway tsaka bumalik na kami pagkatapos dito. Wala kaming kinalaman sa nangyari sa kanila.“
“Kung hindi kayo sino? Ang killer? Pero paanong sila ang naging target ng killer? Kung killer ngang talaga ang may gawa nito sa kanila.” Pag-aalala pa ni Paz.
“Isa lang ang pumapasok sa isipan ko na posibleng may kinalaman dito. Si Preno…” Hinala pa ni Hector.
“Jusko,…Kaya ba talaga ng baklang iyon ang pumatay?” Pagkawindang ni Paz.
“Pamilya sila ng mamamatay tao, kaya hindi nakakapagtakang,…dawit ang pangalan niya dito.” Ayon pa sa paniniwala ng lalake.
Maging sina Maru at Fil ay nabahala rin sa nasabing balita.
“Paano kapag nalaman sa imbestigasyon na dito sa atin huling namataan ang apat na iyan? Baka sa atin pa ibintang ang krimen.”
“Kaya nga Fil, kailangan mawala na dito iyang mga ginamit mo sa pagpaslang kina Pitoy at sa kapatid nito . Baka iyan pa ang paghihinalaan nilang ginamit sa apat na iyan.” Pag-aalala ni Maru.
Bitbit nun ng dalawa ang isang itim na duffle bag na naglalaman ng mga kagamitan na siyang ginamit noon ni Fil nang iligtas nito si Maru sa mga humalay dito. Binabagtas nila nun ang madamong bahagi ng reclamation area malapit sa dagat. Doon nila balak ibaon ang dalang bag. Malayo na sa mga kabahayan ang bahaging iyon at madalang lang din ang mga tao.
“Ikaw ang magbantay sa paligid baka May ibang tao. Ako na ang maghuhukay.” Sabi ni Fil.
“Mas mabuti siguro kung sa bandang gitna natin ito ibabaon ng hindi mahalata ang pinaghukayan natin.” Ayon kay Maru.
“Ayokong makulong baby ko.” Ani pa ni Fil nag simula nang maghukay.
“Hindi ka makukulong baby ko. Kasabay ng pagbaon natin sa mga iyan. Ililibing narin natin ang mga nagyari.” Saad ni Maru.
Ang inakala nilang tahimik na lugar na iyon ay nagbago . Nang may narinig ang dalawa na paparating na sasakyan sa mismong parte ng lugar kung saan ginagawa nila ang paghuhukay. Sa pangambang makita sila ng mga sakay ng paparating na sasakyan, itinigil ng dalawa ang ginagawa at nagkubli ang mga ito sa matataas na damong kugon. Tanaw mula sa puwesto ng dalawa ang mga sakay ng itim na fortuner na doon pa talaga pumarada sa lugar na iyon.
Limang mga kalalakihang nasa edad bente singko pataas ang isa-isang bumaba sa kotse na iyon. Pansin ng dalawa ang kahina-hinalang kinikilos ng lima. Palinga-linga ang mga ito na tila sinisigurado ang paligid. Umikot sa likod na bahagi ng sasakyan ang isa at may ibinaba roon. Isa pang lalaki na nakapiring ang mata at may duct taped ang bibig. Nakagapos ang mga kamay nito sa likod.
“Ano ang gagawin ng mga iyan sa lalake, baby ko.” Ang kinakabahang si Maru.
“Masama ang kutob ko sa mga iyan baby ko. Mukhang may plano silang hindi maganda sa isang iyan.” Tugon ni Fil.
“Tumawag na tayo ng tulong baby ko baka patayin nila ang lalake.” Sabi pa ni Maru na nanginginig na sa kaba.
“Kanino tayo hihingi ng tulong baby ko? Walang katao-tao sa lugar na ito bukod sa atin. Tumahimik na lang tayo, hintayin ang gagawin nila.” Sabi ni Fil na hinahanda na ang sarili sakaling may mangyari ngang di inaasahan.
Sa perspektibo ng dalawa, nakita ng mga ito na tinutulak ng isang lalake ang nakapiring papasok sa gitna ng kakugnan habang nakasunod ang iba pa. Kinakabahan na rin nun si Fil dahil sa puwesto nila ang tumbok ng mga kalalakihan. May limang dipa ang agwat ng mga ito sa kinaroroonan nila Fil at Maru nang huminto ang mga iyon. Isa sa mga lalake ang bumunot ng baril habang nakatawang inuutusan ang nakapiring na lumuhod at magdasal. Sumunod ang iba na bumunot din ng mga baril.
Kitang-kita ng dalawa nang tinutukan ng lima ang lalake ng mga hawak nilang baril. Rinig pa ng dalawa ang pagbibilang ng isa mula sampu habang nag tatawanan ang iba.
Six…five…four…three…to…
Tumunog bigla ang cellphone na dala ni Maru sa kanyang bulsa. Dahil sa may tumatawag dito. Nabulabog ang lima sa kanilang plano. Napigil ng ingay ng cellphone ang masama nilang balak. Hindi inaasahan ng mga ito na may ibang tao pa pala roon bukod sa kanila. Tarantang pinatay naman agad ni Maru ang cellphone nang marinig ang sigaw na mura ng isang lalake.
Saglit na iniwan ng lima ang lalaking nakapiring, at nagpasyang hanapin ang may-ari ng tumunog na cellphone.
“Hanapin niyo ang asungot na iyon. Baka iyon pa ang magsumbong sa atin. Nasa paligid lang iyon!” Utos ng isang lalake sa mga kasama.
“Paano ang isang ito? baka tumakas pare” sabat ng isa.
“Nakapiring ang gagong iyan, magtatakbo man iyan dito hindi rin makakalayo ang gagong iyan sa atin. Unahin na muna natin ang may-ari ng cellphone na iyon. Malay ba nating kinukuhanan pala tayo nun ng bidyo. Mas yari tayo dun.” Tugon ng lalaking nauna.
“Ano ang gagawin natin kapag nakita natin iyon?” Tanong ng isa pa.
“Putcha pare, ano pa eh di tumba narin natin. Walang sabit, mas safe tayo. Kaya tara na baka makatakas pa iyon.”
Uminit sa galit ang tenga ni Fil nang marinig ang lahat ng iyon sa mga lalake. Kaya sinabihan na nito si Maru na tumakas na papalayo roon habang malayo pa ang lima sa puwesto nila.
“Bakit ako lang? Sabay na tayo Fil”
“Umalis ka na, ako na ang bahala sa mga iyan. Masusukol lang tayo pag magkasama tayo. Magkita na lang tayo sa labas. Dito ka na dumaan. Makakapal ang mga damu rito, makakapagtago ka kaagad.”
Hawak na nun ni Fil ang karit na hinugot nito sa dapat sanang ibabaon nilang bag. Kabado at may pag-aalala man sa gagawin ng kasintahan, ibinigay na lang ni Maru ang buong tiwala kay Fil.
“Mag-ingat ka sa kanila Fil, hihintayin kita sa labas.”
“Mag-ingat ka rin baby ko. Kapag nakalayo ka na sa lugar na ito, humingi ka agad ng tulong. “ Saad pa ni Fil.
Makulimlim pa sa mga sandaling iyon. At papalubog na ang araw. Kumakalat na ang dilim sa paligid. Pabor na pagkakataon sa binabalak ni Fil.
SUGAT
Nakarating na sa naturang bar ang dalawa.
Kumaway si Ignacio nang makita si Paeng na pumasok ito ng bar. Tumugon naman si Paeng na lumapit agad sa kinauupuan ng kaibigan.
“Excuse me…waiter isang beer pa nga dito!”
“Dalawahin mo na pare, may kasama ako.”
“Magandang Gabi sir!” Pagbati ni Rodge nang lumapit ito kina Paeng.
“Si Rodge nga pala pare, isang kakilala…taga barangay din namin” pakilala ni Paeng kay Rodge sa kaibigan nitong si Ignacio.
Napakunot ng noo si Rodge sa paraan nang pagpapakilala nito sa kanya. Tiningnan naman siya ni Paeng at tinaasan ng kilay. Naiintindihan ni Rodge si Paeng ngunit may kurot iyon sa loob niya. Tumugon ng ngiti si Rodge kay Ignacio nang magpakilala rin ito. Bungad pa lang tinumbok na ni Ignacio ang pakay nito sa kaibigan.
At ikinagulat ni Paeng ang balitang ipinarating sa kanya ni Ignacio. Pinagpawisan ito at bigla na lang naging balisa.
“Maging kami man sa station nagulat nang mabalitaan namin ang nangyari kay Manzano. Tama nga ang hinala mo pare, si Kapitana Precy Santana nga ang nasa likod ng panloloob sa inyo. At mga kasamahan ni Manzano ang gumawa nun sa bahay niyo pare. At narinig ko pa mula sa opisina ni chief, hindi lang pala si Manzano ang tuta tutaan ng Precy na iyan kundi marami pa sa hanay ng kapulisan.”
“Ang malaking palaisipan lang sa akin pare, kung bakit ginaganito kami ni Kapitana?. Dahil kahit bali-baliktarin ko man ang utak ko wala akong maalalang atraso ko sa kanya.” Sabat ni Paeng.
“Maaring ikaw wala, pero ang anak-anakan mo baka meron. Hindi ba at kaibigan nito ang mama ni Maru na dating kinakasama naman nung Jaime, na anak nang matandang si Josefino na pinatay sa unit niya sa tenement nina Jack at Na’to? Diba sabi mo naging kasintahan din nung Jaime si Precy? At sa tingin ko nga iyong nangyari sa matandang Josefino ay si Jaime yata talaga ang pakay. At mautusan lang iyong dalawang tokmol. Kaso namalas at naunahan.” Teyoriya pa ni Ignacio.
“Ano naman ang punto niya na pati kami ginugulo niya?” Tugon ni Paeng sabay tungag ng hawak na beer.
“Baka hanggang ngayon baliw na baliw pa rin siya kay Jaime na iyon at gagamitin niya si Maru para makuha niya muli ang titi ng lalake, di naman kaya?” Ayon pa kay Ignacio.
“Ano man ang rason niya pare, isa lang ang napatunayan ko sa nangyari kina Manzano. Hindi lang basta kapitana iyang si Precy, tingin ko May ibang lihim pa siyang tinatago sa likod ng makapal niyang make-up.” Dagdag pa ni Paeng.
Tahimik lang na nakikinig sa usapan nila si Rodge. Lingid sa alam ng dalawa, malapit na kamaganak ng mga Santana si Rodge. At tiyuhin nito si Precy. Na curious bigla si Rodge sa pinag-uusapan nilang si Jaime.
“Pare actually may iba pa akong sadya sa iyo. May aaminin din ako sa iyo. Hindi ko na ito nasabi sa iyo noon kasi biglaan ka nag resigned. Kakasimula palang ng tandem natin sa hinahawakan nating kaso noon, at masaya ako kasi sa atin iyon binagay. Noong hinahanap na natin ang mga posibleng koneksyon sa kaso ni Romero Santana. Nabuhayan ako ng loob na ipagpatuloy ang pangarap ni kuya na makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang asawa.” Wika ni Ignacio.
“Hindi kita maintindihan pare, ano ba ang isa mo pang sadya sa akin? Bakit napasok na naman dito ang pangalan ni Romero?”
Ikinuwento ni Ignacio kay Paeng ang tungkol sa malagim na sinapit ng asawa ng kanyang kapatid na si Lucas. Nanlomo si Paeng nang malaman na kasama sa nasunog na mental hospital ang nasawing palad na asawa ng kapatid ni Ignacio. Ipinagtapat pa ng kaibigan na simula nung nangyari ang insidente naging puspusan na ang pagmanman ng kuya nito sa mga Santana, at maging sa mga may ugnayan kay Romero.
“Kasama na sa sinusundan ng kuya ang dati mong kinakasama na si Salvi. Nang malaman ni kuya na bumalik na sa Pinas si Salvi, may kutob si kuya Lucas na babalikan siya ni Romero kaya minsan pa pinuntahan niya ito sa kanila. At nandoon si kuya noong araw na pinatay ang mag-asawa. Nakita ni kuya ang pumaslang kay Salvi at sa bago nitong asawa. Ngunit hindi si Romero ang nakita niya, ibang tao. Kaya nagpatuloy si kuya sa pagsuyod sa kinaroroonan ni Romero. Sumuko na nun si kuya sa kakahanap kay Romero. Ilang taon na nalugmok sa kalungkutan at kawalan ng pagasa si kuya. Hanggang sa umugong muli ang mga kaso ng mga pagpatay sa atin. Doon muling nabuhayan ng loob si Kuya at hinanap ang mga anak ni Salvi. Batid ni kuya na babalikan ni Romero ang mga anak ni Salvi.” Paglatag pa ng mga kuwento ni Ignacio.
“Bakit ngayon mo lang ito sinabi pare? Di sana nakipagtulungan pa ako sa kuya mo na mahanap si Romero.” Saad pa ni Paeng.
“Kaya nga nang sinabi mo na may sarili kang misyon, na hanapin si Romero. Agad ko ipinaalam iyon kay kuya. Ngunit sa halip na magalak sa balita ko. Binubulyawan niya ako. Wala siyang bilib sa iyo pare. At paulit-ulit niya sinasabi sa akin na hindi ka dapat pagkatiwalaan. Dahil hindi pa raw kita kilala.” Sabi pa ni Ignacio.
Binalikan ni Paeng ang mga sandaling nakikita niya noon si Lucas na umaaligid sa kanyang paligid. Si Lucas din marahil ang madalas na nakikita nun ni Fil. Nakikinig lang sa usapan ng dalawa si Rodge na tahimik lang sa isang upuan habang umiinom ng beer. Maging siya man ay napapaisip sa mga nangyayare. Hindi nito lubos maisip na ganun pala ka tindi ang naging sugat na dulot ng kanyang kadugo sa mga taong nakapalibot kay Paeng. Napuna ni Ignacio presensiya ni Rodge. Hindi maiwasang hindi mapasulyap sa lalake lalo na nang mahuli nito minsan ang tila malagkit na tinginan nina Paeng sa isa’t isa. Napatayo nun si Ignacio para mag banyo. Limang minuto matapos mag banyo si Ignacio, sumunod na tumayo si Paeng na agad na pinigilan ni Rodge sabay hawak sa braso ng lalake.
“Tinaon mo talaga? Hindi ka na ba makapaghintay? Susundan mo talaga?” Tanong ni Rodge na may punto nang pagseselos ang boses.
“Ano ba ang pinagsasabi mo Rodge? Iihi lang ako.”
“Iihi ka kasi nandun si Kumpare Ignacio mo? Bakit share kayo ng urinal? O baka naman may balak pa kayong mag-pagpagan ng titi sa loob?”
Napalakas ang boses ni Rodge, kaya na pikon na si Paeng. Ayaw niya makakuha ng atensiyon ng mga customer na nandoon kaya lumabas ito ng bar na pigil ang inis kay Rodge. Sumunod sa kanya ang lalake, Inabutan nito si Paeng na naninigarilyo sa parking space ng bar sa tapat ng kanyang sasakyan. Doon muli nagtalo ang dalawa sa walang kabuluhang selos ni Rodge.
“Sorry ha, nakalimutan ko nga pala…kakilala mo lang pala ako. Bumalik ka na sa kumpare mo, hindi na ako sasama sa iyo. “
“Anong ka dramahan na naman ito Rodge?” Tanong ni Paeng.
“Ka dramahan ba ang tingin mo dito? Ok fine madrama na kung madrama. Paalala lang Rafael matindi ako pag nagselos. Ayoko nang may nakikihati sa akin. Nakita mo na ang kaya kong gawin dahil sa pagmamahal ko sa iyo.”
“Binabantaan mo ba ako Rodge? Narinig mo ba ang sarili mo? Hindi mo ba alam na ang tao na napatay mo ay ang kapatid ng taong pinagseselosan mo? Nais mo ba na mabuking tayo at maungkat ang krimen na ginawa mo?! Umayos ka kung nais mong manatiling lihim ang ginawa natin.” Saad pa ni Paeng na pigil ang galit kay Rodge.
Natigilan si Rodge sa sinabi ni Paeng. Sakto namang lumapit sa dalawa si Ignacio. Lumabas din ito nang mapansin na wala na sa mesa nila ang dalawa. Tumigil sa pagtatalo ang dalawa nang mapansin si Ignacio. Napuna ni Paeng ang madalas na pagdutdot ng kaibigan ng cellphone nito. Napalunok ng laway si Paeng nang mabanggit ni Ignacio na buong araw na nitong tinatawagan ang kanyang kuya. Matapos ang ilang saglit nagkahiwalay din ang tatlo, hindi pa sana sasama si Rodge kay Paeng ngunit pinilit na siya ng huli.
Lumukob na ang dilim sa paligid at lalo lang nababalisa sina Paz at Hector. Ilang oras na ang nagdaan ngunit hindi pa bumabalik ang dalawa. Nagpasya na si Hector na hanapin ang dalawa. Pati si Jericho nun ay hindi pa rin nakakauwi.
Sa kinaroroonan parin ng dalawa, Fil at Maru. Nang masigurong nakalayo na si Maru, naghanda na si Fil. Hawak ng mahigpit ang karit sa kanyang kanang kamay nag-abang ito. Patuloy namang sinusuyod ng mga lalake ang masukal na kakugnan habang hinahanap ang dalawa. Sa puwesto ni Fil tanaw niya ang isa sa mga iyon na may hawak na baril. Siya ang lalaking humatak at tumulak noon sa lalaking kasama nila na nakapiring. Malapit na ito sa kinaroroonan niya nang marinig nito ang tawanan ng iba pa nitong kasamahan.
“Pare! Nahuli na namin ang namboboso sa atin! Nandito siya!” Sigaw ng isa pa mula sa malayo.
Nasundan iyon ng mga sigaw ni Maru. Nahuli ng dalawang lalake si Maru. Nabahala si Fil sa nangyari kay Maru. Nang balingan ni Fil ang lalake na noo’y papalapit sa kanya, nakaatras na ito. Hinanap ko ang kinaroroonan ni Maru, ngunit habang sinusuyod nito ang kakugnan ginulantang na naman ito ng nakakapangilabot na sigaw ng isa sa mga lalake. Tsaka nasundan iyon ng mga sunod-sunod na putok ng baril. Binilisan pa ni Fil ang pagsuyod sa kinaroroonan ni Maru. Samantala natigalgal naman si Fil nang makita ang nangyayare sa kanyang paligid. Napansin nito ang dalawang lalake na may hawak sa kanya, takot na takot ang mga ito habang palinga-linga ang kanilang mga mata sa paligid.
Kagat na kagat na ang dilim sa paligid kaya halos malabo na ang nakikita ni Maru, ngunit malinaw sa kanya ang nginig sa mga mukha ng mga lalake.
Nang napasigaw na rin sa takot ang isa sa may hawak sa kanya. At doon nakita ni Maru ang isang anino ng tao na nakatayo sa harapan nila. Nakapurong itim ito na suot kaya humalo ito sa lilim ng dilim. Halos hindi na ito kita, ngunit litaw na litaw ang talas ng karit na hawak nito na kanyang itinaas.
“Fil?” Nasambit ni Maru nang makita ang karit.
Binaril ng isa ang lalaking may karit ngunit mabilis itong nakailag at muling tagkubli sa anino ng dilim.
“Paputukan mo pare, nasa paligid lang iyon! Pare dito!” Sigaw pa ng isang lalake na patuloy pang nakahawak sa braso niya.
Nakatiyempo si Maru, sinipa nito sa harapan ang lalake kaya nabitawan nito siya nito sa sakit habang sapung-sapo ang pagitan ng kanyang mga hita. Nakita ng isa ang ginawa ni Maru sa kasamahan nito kaya binalingan niya ito. Muli nila dinambahan si Maru ngunit bago pa iyon naunahan na sila ng lalaking may karit.
Umulan ng dugo sa harapan ni Maru nang makita nito ang naggtilamsikang dugo mula sa katawan ng isang lalake. Nanghilakbot sa takot ang sa kaya kumaripas na ito ng takbo at iniwan na si Maru ngunit maagap ang lalaking may dalang karit at dinambahan ng taga ang lalake. Gulat na gulat si Maru sa taagpong iyon. Nang bumulagta na sa harapan nito ang dalawang lalake akmaa na nitong hahawakan ang lalaking may karit a tinawag na Fil…ang lalake na agad tumalilis naman itong sumuot muli sa makakapal na kakugnan.
Hinabol ni Maru ang inakalang si Fil, hinanap niya ito nang marinig din nito ang pagtawag sa kanya ni Fil. Nagpangabot ang dalawa sa abas na ng kakugnan. Nagkatinginan ang mga ito sa isa’t isa nang pamansin ng mga ito ang kanilang mga sarili na may mga bahid ng dugo. Ngunit ang umagaw taalaga ng pansin ni Maru ay ang hawak na karit ni Fil. Wala man lang itong kahit anong bahid ng dugo.
“nandito ang killer, at siya ang nagligtas sa atin sa ma iyon.” wika ni Fil na napayakap na lang kay Maru na noo’y tulala pa rin.
Bigla nila naalala ang lalaking nakapiring kanina. Binalikan nila iyon at hinanap. Buti na lang at naroon parin ito doon, nakaluhod parin at halatang humahagulgol sa takot. Nilapitan ito ng dalawa at tinulungang ilabas doon sa lugar.
Akmang tatanggalan na sana ni Maru ng piring at gapos ang lalake ngunit pinigilan ito ni Fil. Naintindihan naman ni Maru ang ibig sabihin ni Fil.
“nakatawag na kami ng tulong, mayamaya lang may mga pulis na dito. Huwag kang magalala ligtas ka na sa mga iyon.” saad pa ni Fil sa lalaking nakapiring.
Isinandal ng dalawa ang lalake sa nakaparadang fortuner na siyang sinakyan ng mga kalalakihan bago nilisan ang dalawa.
Binabaybay ng mga ito ang daan palabas ng reclamaition area nang makatanggap ng tawag si Maru mula sa amaang si Herctor.
“nasaan ba kayo ni Fil? Kanina pa kayo namin hinahanap sa paligid. Nagaalala na kami rito sa inyo.” tanong pa ni Hector kay Maru.
“Pauwi na kami diyan papa.” ang nanginginig pang boses ni Maru na sumagot sa ama.
“saan ba at susunduin ko na lang kayo?”
“dito sa reclamation area sa lumang port” tugon pa ni Maru.
Malapit na noon sa Puerto Asin sina Paeng at Rodge ngunit sa buong biyahe nila tahimik lang ang dalawa. Naroon parin ang tensiyon sa pagitan ng dalawa dulot ng selos ni Rodge.
“huwag mong kalimutan ang napagusapan natin. Wala kang sasabihin sa kanila, hayaan mo akong magsasabi ng tungkol sa akin.” paalala pa ni Paeng kay Rodge.
Ngunit tahimik parin ang lalake na tila ba hindi naririnig ang mga sinasabi sa kanya ni Paeng. Hiyaan na lang ito ni Paeng at nagpatuloy ito sa pagmamaneho. Nakauwi naman noon si Ignacio sa kanila. Alalang-alala parin ito dahil sa hanggang sa oras na iyon wala pa din ang kanyang kuya. Muli nitong tinawagan ang kuya ngunit nakapatay parin ang cellphone nito. Ikinabahala na iyon ni Ignacio. hindi na ito mapakali.
Balik sa bahay nila Paeng.
Nang mapansin ni Paz ang agdating ni Hector angkas ang dalawa Fil at Maru agad itong lumapit sa kanila at inusisa kung saan ang mga ito nagpunta. Magsasaita na sana si Maru ang inagaw ni Hector ang pagsagot.
“nakita ko sila sa may mini mart sa labasan don sa gasolinahan sa may tapat ng sanlaan kumakain ng burger. Pauwi na rin sila nang makasalubong ko.”
“Ganun ba? sige pasok na kayo nang sabay na tayong makapahaunan. Si Jericho ba hindi ba tumawag sa inyo kung nasaan na siya?” wikang tanong pa ni Paz.
“pauwi na rin siguro iyon. Si Paeng ba nandito na?” tugon ni Hector na hinanap din si Paeng.
“kakatawag lang at malapit na daw sila ni Rodge.” sagot ni Paz.
Nagkatinginan sina Fil at Maru nang marinig kay Paz na kasama ni Paeng si Rodge. Napansin ni Paz ang mga reaksiyon nga mukha ng dalawa kaya napatanong ito.
“ay problema ba? diba kakilala niyo naman si Rodge?“tanong pa ni Paz
“wala naman tita, hindi lang namin ini-expect na kasama ni tito Paeng si Rodge. Ang akala kasi namin wala na dito iyon.” sagot pa ni Fil.
Naunang bumalik ng bahay si Paz at naiwan saglit sa labas ang tatlo.
“wala ng dapat makaalam sa nangyari sa inyo maliwanag? lalo na si Paz at kay Paeng, baka lalo lang madagdagan ang alalahanin ng mga tao dito sa inyo. At baka pati kayo masangkot pa dun sa krimen. Hayaan niyo na lang ang mga kapulisan na mamroblema roon.“paalala pa ni Hector sa dalawa.
“salamat sa tulong tito.” sambit ni Fil
“ako ang dapat magpasalamat sa iyo sa pagprotekta mo sa anak kong si Maru. Pangako mananatiling sekreto ang nangyari.” sabat ni Hector at tinapik sa balikat si Fil na may marahang pagpisil pa dito .
Napasulyap si Fil sa kamay ni Hector na naka lapat sa balikat nito. May naramdaman ito na kung ano sa mga pagpisil na iyon sa kanya ng lalake. Muling bumalik sa isipan nito ang tagpo na kanyang nasaksihan sa pagitan ng kuya nitong si Echo at ni Hector. Saglit pa at tila ginapangan ng init sa kanyaang katawan si Fil. Napatitig ito sa mukha ni Hector na noo“y kausap naman si Maru.
Naunang pumasok ng bahay si Fil at nagpaalam itong magbanyo. Sumunod naman ang dalawa sa loob na inabutan sa kumidor Paz na naghahanda ng mga plato at pagkain sa mesa.
Nasa bungad na ng barangay nila ang asakyan nila Paeng ang huminto muna ito saglit sa isang manokan grill para bumili ng lechon manok.
“uy pareng Paeng ikaw pala., Totoo nga ang sabi ni Tuko. Bumalik na nga kayo sa inyo. Nabalitaan nga namin dito ng nangyari doon sa bahay niyo sa Kwatro Uno. Hindi na talaga nauubusan ng mga kawatan diyan sa barangay na iyan. Pugad na yata ng karahasan ng Kwatro Uno. Buti naisipan iyong bumalik dito.” sabi nang lalake na may-ari ng manukan grill na iyon na kababata naman ni Paeng.
“napabayaan na rin kasi ang lumang bahay at ang lote namin dito, sayang naman kung hindi matitirhan.” tugon pa ni Paeng.
“pansin nga namin dito na ang dami niyo na sa inyo. Tsaka mukhang may dagdag pa. Sino ba iyang poging kasama mo? Ang lagkit kung makatingin sa atin. Jowa mo ba iyan pare? Mukhang nagseselosang mga titig eh.” napangiting sabi pa ng lalake kay Paeng na pasempleng sumusulyap kay Rodge na nakasandal nun sa sasakyan ni Paeng, nang inaabot na nito ang dalawang balot ng lechon manok sa kanya.
Napa kunot ang noo ni Paeng nang hinawakan ng lalake ang kamay nito at pinisil ng mahigpit pagkabigay ni Pang ng bayad sa kanya. Kinindatan pa ng lalake si Paeng na may pakagat pa ng labi na tila ba inaakit ng mga titig nito si Paeng.
“Karding ang kamay ko.” wika ni Paeng na pilit na tinataggal ang kamay sa pagkakahawak ng lalake.
“na miss kita pare,…inuman tayo minsan sa bahay. Ako lang ang tao doon dahil nasa Dubai pa si Misis. Makakapagbonding muli tayo ng matagal.” pabulong pa na sabi ng lalake bago pa nito binitawan ang kamay ni Paeng.
Hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Rodge. Nakita nito ang ginawa ng lalake ay Paeng at muli naging mitsa na naman iyon ng kanilang pagtatalo.
“sa harapan ko pa talaga. Nanadya ka ba Rafael? Ito ba an paraaan mo upang layuan na kita? nang hindi ko na ipipilit pa sa iyo ang sarili ko? May balak ka na bang iwan ako Paeng?!” talak ni Rodge.
“kababata ko lang iyon ok! Dinudumihan mo ng ang isip mo Rodge. Kung ganyan na ganyan ka mabuti pa nga kung magpahinga na muna tayo. Ang dami ko nang pinoproblema, ayoko nang dagdagan pa ng mga walang kuwentang selos mong iyan!”
“so makikipagbreak ka nga ?1 subukan mo lang Paeng at pagsisisihan mo!”
Gigil na gigil na a galit si Paeng ngunit sinasagad parin nito ang pasensiya kay Rodge. Tumahimik na lang ito at hindi na tumugon sa lalake. Habang si Rodge sige parin ang sumbat at paratang kay Paeng hanggang sa makarating na nga sila sa bahay nila Paeng.
Halos magkasabay pang dumating ang dalawa…Jericho at Paeng.
Pagkahinto ni Jericho sakay ng kanyang motor sa tapat ng gate, bumaba agad ito para buksan ang gate. Nang tanggalin na nito ang suot na helmet napatulala si Rodge sa mukha ni Jericho. Tsaka nagulat din ito nang tawagin nitong papa si Paeng. Ipinakilalai Paeng ang dalawa sa isa’t isa. Nagkatinginan ng maigi sina Rodge at Jericho nang magkamayan ang mga ito. Hindi na bago kay Jericho si Rodge dahil dati pa nakikita na nito si Rodge sa tindahan ni Maru. Ngunit si Rodge gayon lang nakita at nakilala ang isa pang anak ni Paeng na panganay. Si Jercho.
AMA, INA ANAK
Nakangiting kinamayan ni Rodge si Jericho nang ibinigay naman ni Echo ang kamay nito nang pinakilala ni Paeng ang dalawa. Sabay ng tatlo na pumasok ng bahay at doon nga naabutan nila ang apat sa kumidor kumakain. Malagkitang tingin ang ginawad ni Fil kay Rodge nang kinawayan ito g lalake. Buong galak namang binati ni Maru si Rodge sabay alok pa ng silya dito. Napakunot ng noo si Fil sa reaksiyon na iyon ng kasintahan. Tumayo si Paz para maglatag ng dagdag na pinggan para sa tatlo. Sabay na kumain ang pito sa hapag kainan ngunit tanging ang mga kutsara’t tinidor lang na nagkikiskisan sa plato ang nagsisilbing ingay sa hapunan na iyon. Lahat tahimik, bawat isa abala sa kani-kanilang kinakain ngunit bawat isa ay nakikiramdam.
Hindi sanay si Paz sa ganun kaya napa-tanong agad ito kay Rodge.
“Uy Rodge buti naman at nagkita kayo nitong si kuya Paeng mo. Balita ko na destino ka na sa Maynila. Kelan ka pa nakauwi?” tanong ni Paz.
Sasagot na sana i Rode ngunit sinapawan ito ni Paeng at siya ang sumagot sa tanong ng kapatid.
“last week pa yata diba Rodge?…tsaka dito na muli siya magtatrabaho. At kaya kami nagkita, kasi balak niya muling mag board doon sa bahay natin sa maisan. Kaso sabi ko medyo alanganin na gawa nga nung nangyari sa atin. Kaya sabi ko kung gusto niya since my extrang kuwarto naman dito. Dito na lang .“paliwanag pa ni Paeng.
“Dito siya titira?!” halos sabay na reaksiyon ina Maru at FIl, na napatigil pa talaga sa pagsubo ng kanin nang marinig yon kay Paeng.
Maging si Paz man ay nagulat sa naging desisyon ng kapatid. Gayun paman sumang-ayon na lang din ito. Bahay naman iyon ni Paeng at kahit anong desisyon ang gawin nito sa pamamahay na iyon, may karapatan siya dun. Naunang tumayo si Fil ,maraming pagkain at masasarap ang ulam ngunit biglang nawalan na ng gana ito. Sumunod sa kanya si Maru. Naiwan ang lima na pinagpatuloy ang kamustahan at kuwentuhan. Ngunit hindi maiwasan Paeng ang magalala sa naging reaksiyon ni Fil. Pasimple tong sinundan ng tingin ang anak na papalabas a nun ng bahay kasunod si Maru.
Samantala,..abot-abot na ang kaba at pag-aalala ni Ignacio sa kanyang kuya. Kailan man ay hindi pa ginagabi nang ganun ang kapatid na hindi man lang tumatawag sa kanya. Pumasok ito sa kuwarto ng kanyang kuya at tiningnan ang mga gamit ng kapatid kung may naiwan ba itong clue kung saan ito pupunta ng araw na iyon. Nanghalungkat ito sa drawer ng kapatid. At isang journal ang nakatawag ng kanyang pansin. Isa iyong planner ni Lucas. Hawak iyon, naupo sa kama ng kanyang kuya si Ignacio at sinimulan na nitong suriin at basahin ang nalalaman ng journal na iyon.
Sa planner na iyon inilahad ni Lucas ang mga plano nito sa paghihiganti sa mga Santana. At kabilang na nga sa lano nito ang singilin ang anak ni Romero kay Salvi. Ikinagulat iyon ni Ignacio. HIndi na idinitalye pa doon sa journal kung paano nalaman ni Lucas ang tungkol sa anak ni Romero kay Salvi. Ngunit nakalagay doon ang pangalan ng tao na siyang nagtatago ng anak ni Salvi ay Romero. At ito ay si…
“Si Makalaay? at sinong anak ang tinutukoy dito ni kuya? Si Jericho kaya? o si Fil?…totoo naman kaya ng pinagsasabi dito ni kuya sa kanyang journal? Grabe talaga ang galit ni kuya sa mga Santana. Aabot pa talaga siya sa ganitong plano. Ngunit hindi ko rin naman masisi si kuya dalawang mahalaga sa buhay niya ang nawala dahil sa kawalanghiyaan ng mga iyon. Pero mali ito kuya…may batas tayo. At kahit kuya kita hindi ko hahayaang madungisan ng dugo ang kamay o dahil lamang sa walang kamatayang pu-ot at paghihiganti.” saad pa ni Ignacio sa sarili.
Binasa pa nito ang ilan pa sa mga laman ng journal na iyon. Hanggang sa may nabunyag sa kanyang sekreto na ikinagimbal nito. Sa bahaging iyon ng Journal na nakasulat sa mag-kabilaang pahina nito, nakasaad doon ang tagpong nasaksihan ni Lucas nung araw na pinuntahan nito si Salvi. At iyon ang mismong araw kung saan pinaslang ito. Detalyado lahat iyon na may kasama pang petsa at oras ung saan naganap ang krimen. Nabanggit din dun ang nakita nitong salarin sa karumaldumal na pangyayari. Natigalgal sa kinauupuan nito si Ignacio nang mabasa nito ang pangalang binanggit ng kanyang kuya sa journal. Hindi ito makapaniwala sa kanyang natuklasan. Malaki ang respeto at paghanga nito sa tao na iyon ngunit tila nagbago lahat ng iyon dahil sa kanyang natuklasan. Doon niya napagtanto na hindi lahat ng tupa ay maamo. Ang iba nagpapanggap lang lobo.
Sa natuklasan lalo lang ito nabahala para kanyang kuya. Buong gabi na iyon ay hindi nakatulog si Ignacio sa kakaisip sa anyang nalaman.
Balik kina Paeng…
Badtrip si Fil sa naging tugon ni Maru sa pagdating na iyon sa kanila ni Rodge. Dahil sa selos nagtalo ang dalawa. Nagpaliwanag naman si Maru na walang ibig sabihin ang naging reaksiyon nito sa pag-alok ng upuan sa lalake, ngunit iba lang talaga ang dating nun kay Fil.
“Ikinatuwa mo pa talaga ang narinig mo kanina. Kulang na lang mapunit ang bibig mo sa abot tenga mong ngiti sa kanya. Kung gusto mo doon ka na rin matulog sa kanya nang matuloy na iyang pagnanasa mo sa preskong iyon.” Sabi pa ni Fil na masama pa rin ang timpla kay Maru.
“Alam mo , hindi talaga tayo matatapos sa walang puntong selos mo na iyan Fil. Wala akong ibang ibig sabihin sa ginawa ko kanina. Nagmagandang loob lang ako bilang tugon sa isang bisita. Grabe ka naman sa pagnanasa Fil. Ganun ba ako sa tingin mo? Hanggang ngayon ba insecure ka pa rin kay Rodge?…”
“Insecure? Tang’na, siya lang? Maputi lang ang balat niyan sa akin. Mas guwapo naman ako hamak dun noh.”
“Kaya nga wala ka’ng rason para magselos sa kanya. Dahil ikaw lang ang mahal ko baby ko at wala nang papantay pa po hihigit pang lalake na aagaw nun sa puso ko. Hindi si Rodge at hindi ang ibang lalake. Liban sa iyo.” Paglalambing pa ni Maru kay Fil sabay yakap sa beywang ng lalake mula sa likod.
“Kaya subukan niya lang umeksena sa relasyon natin at ilalagay ko talaga siya sa lugar na nararapat sa kanya. Akin ka lang baby ko.” Tugon ni Fil na tinugunan pa ng halik sa bibig ang nakayakap sa kanyang si Maru.
Nasa labas lang ang dalawa ng bahay at nakasandal nun sa sasakyan ni Paeng. At kitang-kita ni Rodge ang lambingan ng dalawa na nakatingin sa kanila mula sa bintana ng bahay.
“Hindi ko masisi si Maru kung bakit nahumaling siya sa iyo ng labis Fil, tulad ng ama mo taglay mo rin ang kakisigan ng isang lalake na pangarap maikama ng isang baklang tulad ko. Unang kita ko pa lang sa iyo noon, pinukaw mo na ang damdamin ko. At mas lalo ka pang naging malutong sa panlasa ko. Ang sarap mo kagatin Fil. Parang mas malasa ka pa sa ama mo.” Bulong pa ni Rodge sa sarili habang nakatutok lang sa dalawa.
Napansin naman ni Paeng si Rodge, kaya nilapitan nito ang lalake. Tinanong kung sino ang sinisilip nito sa labas. At nang malaman na sina Fil pala ang tinitingnan nun, napakunot ng noo si Paeng. Nakita rin nito ang lambingan ng dalawa sa labas. Hindi maipaliwanag ni Paeng ang dulot nun sa kanya ngunit hindi niya gusto ang kanyang nakikita. Lumabas ito tsaka akmang lalapit sa dalawa nang pigilan ito ni Rodge.
“Bakit Rafael hindi ka ba natutuwa na nag-iibigan ang mga anak mo? Hayaan mo sila. Paano ka pa nila matatanggap kung sila hindi mo rin tanggap? Pabayaan mo na silang ganyan. Mas madali na lang para sa atin ang sabihin sa kanila ang tungkol sa atin kung maiintindihan mo din ang relasyon nila.”
Natahimik si Paeng sa sinabi na iyon ni Rodge. Bumalik ito sa loob ng silid at iniwan ang lalake. Nanatili lang doon si Rodge na nakatayo pa rin sa bintana. At hindi lang pala sila ang nakasaksi sa mga lambingan nila Maru at Fil dahil maging sina Hector at Jericho nakita rin iyon. Hindi gaya ng reaksyon ni Paeng, masaya si Hector para kay Maru dahil nakita nito kung gaano ka mahal ni Fil ang anak, na handa pa nitong ibuwis ang sariling pagkatao para lang maprotektahan si Maru. Sang-ayon naman sa kanya si Jericho. Na noon pa nakikita na ang magandang samahan ng dalawa. At tanggap din nito si Maru para sa kapatid nitong si Joram.
Katahimikan ng gabi nang napatingin si Precy sa kanyang cellphone na nakapatong sa side table ng kanyang kama nang tumunog ito. Nanglaki ang mata nito nang marinig ang sinabi ng kausap nito sa kabilang linya. Matapos ang maikling pag-uusap ng tumawag. Napatayo mula sa kanyang kama si Precy kumuha ito ng alak at napainom ito ng sunod-sunod.
May tinawagan ito sa kanyang cellphone.
“Magkita tayo bukas, iti-text ko ang details kung saan. May pag-uusapan tayo.” Wika nito tsaka pinatay agad ang cellphone tapos nagpatuloy sa pag-inom ng alak.
Muling nanumbalik sa isip ni Precy ang nakaraan. Ang tagpo kung saan ipinamumukha sa kanya ni Emilio na hindi siya tunay na Santana.
“ you don’t deserve to have a spot in this family! Because you don’t have even a bit of my name. You don’t have the blood of a real Santana. You are a scourge in this family! Isa kang anay sa apelyido ng mga Santana!!!“ Bulyaw pa na sigaw ni Emilio kay Precy habang nakaratay ito sa kama na nakagapos ang mga kamay.
“Oo!!! Wala na kung wala! Dahil noon pa man ramdam ko naman na hindi ako parte ng pamilya niyo! Lalo na nang mawala si mama. At nasanay na lang ako. Kaya pagdiinan mo man sa akin na sampid ako! Wala na akong pakialam. Nakuha ko na ang para sa akin. And even more. Hinihintay ko na lang si kamatayan na dalawin ka. And everything will be mine. Pati na ang apelyidong pinagkakait mo sa akin. Out with the old and in for the new. Lipas na ang kapangyarihan mo Emilio. Kupas na ang pangalan mo. Wala na rin si Romero, winalis ko na ang basura sa daraanan ko. At kaunting sandali na lang, ako na ang papalit sa puwesto mo. Ako! Na sampid lang at salot sa pamilya mo!”
“Hayop ka!!! “
“At kakampi ko ang demonyo. Huwag mo nang aksayahin pa ang lakas mo Emilio, kung ako sa iyo nanamnamin ko na lang ang bawat hininga ko habang hindi pa tuluyang kumakalat sa katawan mo ang lason na itinurok ko sa iyo.” Ang nakatawa pang tugon ni Precy nang papalabas na ito sa silid ni Emilio.
Matapos ang mahabang pagtitimpi, winakasan ni Premo ang pamamayagpag ni Emilio sa politika. Ipinahayag nito sa publiko ang pagpanaw ng ama dahil di umano sa stroke dulot ng stress sa pagkamatay ng panganay na anak na si Romero at sa mga eskandalong kinasangkutan nito, tulad ng drugs, prostitusyon, illegal smuggling, human trafficking at scam projects. Na lingid naman sa lahat kagagawan ni Premo. Nang mailibing ang ama. Nangibang bansa si Premo upang burahin sa kasalukuyan ang kina-mumuhiang si Premo.
After five years, bumalik ito sa Pinas at nagpakilalang si Precious ‘Precy’ Santana. Babaeng-babae na ito at wala na ang bahid ng pagkalalaki. Takaw eksena ang kagandahan nito na naging sandata nito upang manalong kapitan ng Lulos.
Hawak na ni Precy ang lahat ng meron ang mga Santana ngunit hindi parin maitanggi na may bahagi parin sa pagkatao nito ang kulang.
“Hanapin mo at alamin ang lahat ng mga lalaking naging kalaguyo noon ni mama. Nais ko iharap mo sa akin ang ama ko. Ang tunay kong ama. And I want this thing private. Tayo lang ang dapat makaalam nito. You what I’m capable of,…kapag sinusuway ako.”
“Makakaasa ka po Madam, mauna na po ako.”
Nag-hire ng private agent si Precy para lang alamin ang tungkol sa pinanggalingan nito. Nais niya makilala ang tunay niyang ama. Hindi man niya maipadama rito ang pansin bilang anak sa isang ama, ang makilala lang nito ang pumunla sa kanya ay sapat na. Ngunit ang paghahanap sa nagtatagong katotohanan ay tila paghahanap ng karayom sa mga nagkalat na dayami sa maruming kuwadra ng mga kabayo. Lumipas na ang mga taon hanggang sa kasalukuyan wala parin itong balita sa hinahanap na ama.
Habang nag-iisip ng malalim, napansin nito ang larawang portrait ng ina sa kanyang silid. Hindi na nito napigilan ang mangulila sa ina na siyang bukod tanging nagparamdam sa kanya ng kahalagahan at pagtanggap. Sa kabilang banda naroon ang hinanakit dahil nawala lang ito na hindi man lang inamin sa kanya ang katotohan sa kanyang pagkatao. Dahilan para mabuhay sa pagpapanggap at kasinungalingan si Precy.
Isang maulan na gabi noon, habang natutulog na sa kanyang silid si Salvi, ginising ito ng mga malalakas na kulog at kidlat. Napabangon ito sa kanyang kama nang makaramdam ng uhaw. Ngunit bago pa man ito makababa ng kama, bigla na lang nawalan ng kuryente ang buong bahay. Nagka-brown out dulot ng malakas na bagyo ng mga sandaling iyon. Nakabukas ang kanyang bintana sa silid kaya tinungo niya iyon upang isara nang kumidlat ng malakas. Saglit na lumiwanag ang loob ng kanyang silid at doon natigalgal ito sa kanyang kama. Isang pigura ng lalake ang naaninagan ng liwanag dulot ng kidlat. Nakatayo ang lalake sa tapat ng kanyang pinto at nakatingin sa kanya.
Gawa nga ng madilim na paligid hindi malinaw kay Salvi ang mukha ng lalake. Dagdag pa ang itim na facemask na suot nito sa mukha.
“Sino ka?! Romero ikaw ba iyan?! Lumabas ka ng silid na ito kung ayaw mong isumbong kita sa papa mo! Labas na!” Sigaw pa ni Salvi.
Ngunit tahimik lang nun ang lalake at walang imik na nakatingin parin sa kanya. Sumigaw na ng tulong si Salvi dahil kinakabahan na ito sa presensya ng lalaking naroon sa kanyang silid. Saglit pa lumapit na sa kanya ang lalake at doon na napagtanto ni Salvi na wala nga itong suot na damit pang itaas kaya mas lalo itong natakot at nabahala sa kanyang kalagayan. Lahat na lang ng mahawakan nito ay kanyang binabato sa lalake ngunit patuloy lang ito sa paglapit sa kanya, hanggang sa sumampa na nga ito sa kanyang kama at dinaganan ito.
Nagpupumiglas nun si Salvi at nagsusumigaw sa takot dahil sa panghaharass sa kanya ng lalake. Binalot na nang hilakbot ang babae nang puwersahang pinunit ng lalake ang damit nitong suot. Hanggang sa pinigtas pa nito ang panloob ni Salvi. Naghuhumiyaw na sa pagmamakaawa ang babae sa lalake ngunit wala itong tugon na kahit anong salita man lang.
Kasabay ng pagguhit ng malakas na kidlat sa kalangitan at pagdagundong ng nakakabinging kulog, matagumpay na pinilas ng lalake ang natural na sugat ni Salvi, nang buong pagbayo nitong itinarak ang naghuhumindik nitong pagkalalaki sa matambok na hiwa ng babae. Sagarang pagbaon ang ginawa ng lalaking iyon hanggang sa sumambulat na doon sa kaibuturan ng hiyas ni Salvi ang mainit, masago at malapot na tamod na ubod ng rami. Napahagulgol na lamang si Salvi habang sinasaid pa ng lalake ang huling patak ng kanyang dagta. Saglit lang namahinga ang lalake at muli na naman itong umayuda sa ibabaw ng babae at sa pangalawang tagpo, ipinunla muli ng lalake ang masagana nitong similya sa loob ni Salvi.
Wala ng lakas si Salvi at hinang-hina na nang iwan ito ng lalake. Hindi pa man naka-recover mula sa nanggahasa sa kanya, muli na namang bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Sa puntong iyon wala ng laban pa si Salvi nang agad siyang dambahan ng kakapasok na lalake at pinaibabawan. Hubo’t hubad na ang naturang lalake nang pumatong ito sa katawan ni Salvi. Hayok na hayok ang lalake na tila gutom na asong kalye na nilawayan ang buong katawan ng babae. Napahiyaw pa si Salvi ng muli naramdaman na naman nito ang malambot ngunit matigas na bagay na bumaon sa kanyang lagusan. Todo ang pagbayo ng lalake sa nakabukakang si Salvi nang biglang may dumamba ng malakas sa pinto. Bumukas iyon at natigilan ang lalake ng lumiwanag ang paligid at tumambad sa kanya ang galit na galit na amang si Emilio kasama si Premo.
“Hayop ka Romero! Lapastangan ka! Hindi ka pa nakuntento sa mga babae mo pati pagmamay-ari ko, ginalaw mo pang animal ka!!!” Bulalas ng galit na galit ng ama kasunod ng pagputok ng baril.
Sa takot nito sa ama napabalikwas mula sa katawan ni Salvi si Romero at tumalilis itong lumabas ng silid na hindi man lang nakasuot ng ano mang damit sa katawan. Nilapitan ni Emilio ang humahagulgol na si Salvi, ngunit sa halip na maawa sa sinapit ng babae, isang malutong na sampal ang tugon nito. Sinisi pa nito ang kalandian ng babae kung bakit naakit sa kanya ang anak at nagawan siya nito ng kahalayan.
Nang mamatay ang asawa nito na ina ni Premo, naghanap ito ng panibagong babae na makakasama sa buhay at ito nga si Salvi. Na nagtatrabaho noon sa isang club bilang waitress. Ikakasal na sana noon ang dalawa nang mangyari ang hindi inaasahang karanasan ni Salvi sa poder ng mga Santana.
Nasira ang plano ni Preno na guluhin ang estado ng mag-amang Romero at Emilio nang inamin ng anak na may gusto ito kay Salvi. Bilang paboritong anak at sa kabila ng mga nangyari,nagparaya si Emilio at ibinigay ang pahintulot kay Romero na siyang maging asawa ni Salvi sa gaganaping kasalan.
Ngunit walang pagtingin si Salvi na kahit katiting kay Romero kahit na kaunti kundi pagkasuklam at galit. Hindi ito sumasang-ayon sa kagustuhan ni Emilio dahilan kung bakit madalas itong sinasaktan ng lalake. At tanging si Premo lang nun ang naging tanggulan ng babae sa karahasan ng mag-ama.
“Pagbigyan mo na si papa, para rin sa iyong kaligtasan kung papayag ka na pakasal kay kuya. Kalimutan mo na ang nangyari. Panagutan naman ni kuya ang ginawa niya sa iyo. Gusto ka ni kuya. Magtiis ka lang at sakyan mo lang sila.” Payo pa ni Premo kay Salvi.
“Demonyo ang kapatid mo Premo, hindi siya tao. Impiyerno ang magiging buhay ko kung patuloy lang ako makikisama sa kanya. Ayoko na Premo. Kaya pakiusap, pakawalan mo na ako rito. Tulungan mo ako.” Pakiusap pa ni Salvi na napahagulgol na lang sa mga braso ng lalake.
Awa ang namutawi sa puso ni Premo para kay Salvi. Tinulungan niya itong makatakas sa hawla ng mga Santana. Kinabaliw iyon ni Romero kay ibinunton nito sa ibang babae ang galit niya kay Salvi. Doon na nakalabit ang turnilyo ng utak ni Romero kaya nakagawa ito ng mga bagay na ikakasira ng kanyang pangalan. At mabansagan itong psycho killer ng panahong iyon.
Nagtatrabaho na nun kay Emilio Santana si Jaime bilang isa sa mga security personnel nito. At may lihim na nun na ugnayan sina Premo at Jaime.
Isang araw habang wala noon si Jaime sa mansyon dahil sumama kay Emilio, dumalaw naman ang kapatid nitong babae kasama ang kanyang tiyahin na kaluluwas lang mula probinsya. Si Romero ang humarap sa kanila. Maganda ang kapatid ni Jaime at bagama’t may edad na ang tiyahin nito litaw pa rin ang natatanging gandang may alindog na taglay nito.
“Wala dito si Jaime, sumama kay papa sa kabilang siyudad para sa isang pulong. Kung gusto niyo, hintayin niyo na lang dito ang kapatid mo. Baka mamaya nandito na iyon. Halikayo sa loob, mag meryenda muna kayo mukhang malayo pa ang biniyahe niyo.” Saad pa ni Romero sa dalawa.
“Naku sir salamat na lang, babalik na lang kami bukas. Baka gabihin pa kami sa paguwi.” Tugon ng May edad na babae na may pag-aalinlangan.
Hindi kasi nito gusto ang mga tingin at ngisi sa kanila ni Romero.
“Huwag kayong mag-alala, maraming kotse si papa rito, pumili lang kayo at ipahahatid ko kayo sa inyo. For now, set yourself at home. Halina kayo sa loob.”
Mapilit si Romero, kaya kahit nagdadalawang isip, pumayag din ang dalawang babae. Sumunod ang mga ito kay Romero at iyon na ang huling sandaling nakita ang dalawa na buhay.
Kinalugmok na lang ni Jaime ang nalamang balita kinabukasan nang matagpuan ang mga wala ng ulong bangkay ng kanyang kapatid na babae at tiyahin na palutang-lutang sa ilog sa ilalim ng malaking tulay sa kahabaan ng eco highway. Ang pangyayaring iyon ay nasundan pa ng mga patayan, na ang tanging mga biktima ay mga babae na magaganda.
PUNLA NG GALIT
Ang mga tagpong iyon ang isa sa mga bangungot ng kahapon ni Precy na paulit-ulit na dumadalaw sa kanyang isipan kapag mag-isa na lang ito sa kanyang silid. Kaya bukod sa pagnanais na makita at makilala ang ama, isa din sa hangarin nito ang makilala niya ang anak nito kay Salvi.
Nang malaman nun ni Premo na buntis si Salvi nang tinulungan niya itong tumakas, gumuhit sa mukha nito ang pag-aalala. Alam ni Premo na bagama’t nagalaw nga ni Romero ang babae sigurado naman siya dito na hindi nagawang makapagpunla ng lahi nito ang kanyang kuya kay Salvi dahil bago pa man, dumating na sila ng amang si Emilio
Sa hangarin na sirain ang reputasyon ng kapatid na si Romero sa paningin ng kanilang ama, at bastusin ito. Nagkaroon ito ng anak kay Salvi na wala sa plano. Gawa ng bulong ng kanyang kunsensiya, sinikap nitong amuhin ang babae na bumalik sa kanila. Ngunit buo na ang pasya nun ni Salvi na tuluyan ng kamuhian at kalimutan ang ugnayan nito sa mga Santana.
Makabayad man lang sa nagawa nito sa babae, sinubaybayan ni Premo si Salvi hanggang sa maisilang na nga nito ang kanilang anak. Kumpirmadong anak niya nga iyon sa babae. Binayaran nito ang doktor na siyang nagpa-anak kay Salvi upang masuri ang DNA ng sanggol at nang malaman kung match nga ba sa kanya.
“99.9 %, anak mo ang baby”. pahayag pa ng doktor na nagsagawa ng test.“
“keep this information secret. hindi ito dapat lumabas… maliwanag? alam mo na ang mangyayari kung lalabag ka sa usapan natin.” paalala pa ni Premo sa doctor.
Nang malaman nito na nagbunga nga ang ginawa niya kay Salvi, biglang nagbago ang pananaw ni Premo sa buhay. Desidido na itong panindigan si Salvi ngunit nang balikan niya na ito sa dati nilang bahay wala na ito roon at nabalitaan na lang nito na may sinamahan na itong ibang lalake. Ikinagalit iyon ni Premo dahil malalayo na sa kanya ang kanyang magiging anak. Sa puntong rin na iyon nakikipagkalas na rin sa kanya si Jaime dahil natuklasan na din nito ang lihim na relasyon ng kaibigan nitong si Mercedes kay Jaime.
Naging sunod-sunod ang naging kamalasan ni Premo nang kanyang pagiging silahis ay natuklasan narin ng ama nito nang ilaglag ito ni Romero sa ama dahil sa ipinakitang sex video nito kasama si Jaime.
“Ingrato!!!” Pagsalubong ng ama kay Premo sabay hataw ng malutong na sampal sa anak.
“Pa?! Bakit?!”
“Bakit? Tinatanong mo ako kung bakit?! Wala ka nang ginawang matino para sa pamilyang ito! Kundi puro kahihiyan! Wala akong anak na bakla!!! Lumayas ka ditong hayop ka! Pati ang pamamahay na ito dinungisan mo pa ng kababuyan mo! Layas!!!” Galit na sumbat ng ama.
“Sige papa pagtabuyan mo ako! Ganyan naman talaga kayo sa akin simula pa noon. Wala nang mas kaaya-aya sa iyo kundi si kuya! Si kuya! Si kuya! Si kuya!”
“Mas gugustuhin ko pang makasama sa bahay na ito ang isang tulad ni Romero kaysa sa isang kagaya mo na bakla! Nakakasuka ang kababuyan mo!” Pagdidiin pa ni Emilio sabay hataw ng baston nitong hawak kay Premo.
“Mas kasuklam-suklam kayo papa!!! Kriminal si kuya ngunit mas pinili niyo parin siyang kampihan. Mas kaya mo pang lunukin at sikmurain na may isang mamamatay tao sa pamilyang ito, kaysa magkaroon ng anak na bakla!!” Ang humahagulgol ngunit galit na si Premo.
“Oo!!! Kaya ko pang tanggapin na may anak akong baliw at kriminal, kaysa baklang tulad mo!!! At huwag ka nang umasang kikilalanin pa kitang miyembro ng pamilyang ito. Dahil pinuputol ko na ang kaugnayan mo bilang Santana! Dahil sa totoo lang hindi ka naman talaga parte ng pamilya, dahil hindi kita anak! At alam mo ba na sa tuwing kaharap kita, ang kataksilan at kawalanghiyaan ng ina mo ang nakikita ko sa iyo!!!” Tugon ng galit nitong ama.
“Tatandaan ko ang araw na ito, Pa. Hindi ako makakapayag na dahil lang sa pagiging bakla ko ibabasura mo na lang ako nang ganito!” Pagbabanta ni Premo.
Ang galit na iyon ni Premo sa kanyang ama at kuya ang nag-udyok sa kanya upang kalabanin ang kinamulatan nitong apelyidong Santana. Ngunit sa gitna ng kanyang masakit na pinagdaraanan may isang tao ang handang magbigay ng buong atensiyon at proteksyon sa kanya. Pagkaalis nito sa mansyon, pinuntahan agad nito ang matalik na kaibigan ng kanyang ina na pulis.
““Police inspector Carmelo Samonte?” Wika ni Premo nang makasalubong ang pulis.
“Premo,…kamusta? Bakit ka naparito?” Tugon ni Samonte na nagulat nang makita roon si Premo.
“Kailangan ko ng tulong mo. Nasabi noon ni mama sa akin na kung nais ko ng tulong, sa iyo lang ako lalapit. Didiretsahin na kita, kailangan ko ng pansamantalang matutuluyan.” Sabi ni Premo.
“Walang problema iyon,…pero bakit hindi ka na lang kumuha ng kuwarto sa isang hotel? Diba may sariling hotel ang ama mong si Gov. Emilio?”
“Matutulungan mo ba ako ok hindi? Ayokong naaaksaya ang oras ko. “ Ang inis na sabat pa ni Premo.
“Naku pasensiya na, kung gusto mo doon ka muna sa townhouse ko sa Salvacion. Saglit lang at magpapaalam muna ako sa loob para masamahan kita.”
Sakay ng kanyang revo susunod sa kanya si Premo na sakay naman sa pulang Ford Mustang nito. Palabas ng siyudad ang direksiyon ng dalawa. Hanggang sa marating na nga nila ang sinasabing town house ni Samonte. Ngunit sa estilo, laki at lawak ng bahay na iyon. Masasabing hindi lang iyon basta town house lang. Malawak ang nakapalibot na lupain doon. Nasa tuktok ng isang burol ang bahay bakasyunan ni Samonte. Meron itong kuwadra ng mga mamahaling kabayo. Malawak na infinity pool na tumatanglaw sa kabuuhan ng siyudad sa paanan ng bundok. Nakakalula ang ganda ng paligid na siyang kinamangha at kinagulat ni Premo.
“Hindi ko alam na may ganitong kagarang na property ang isang pulis na katulad mo Samonte. Ito ba ang katas ng mga iligal niyong gawain sa departamento?” Puna pa ni Premo.
“Huwag mo namang insultuhin ang uniporme ko Premo. Kung iyan ang tingin mo sa karamihan sa amin, ibahin mo ako sa kanila. Sa totoo lang hindi naman sa akin talaga itong rest house na ito. Sa akin lang ipinagkakatiwala ito ng nasira mong ina. Upang pangalagaan ito para sa iyo sa takdang panahon na kakailanganin mo ito. At sa tingin ko ito na ang araw na iyon.” Tugon ni Samonte.
Natahimik si Premo sa sinabi na iyon ni Samonte sa kanya. Napaluha na lang ito nang malaman na sa mama niya pala ang lugar na iyon at sadyang hinanda para sa kanya. Humingi ito ng paumanhin kay Samonte. Ngunit hindi mawari nito ang pagtataka kung bakit sa dinami-dami ng tao na kakilala ng kanyang ina ay bakit kay Samonte niya hinabilin ang lahat ng iyon. Hindi lamang ang property na iyon ang naiwan ng ina sa pangalan ng anak. Meron din itong mga pera sa iba’t-ibang bangko sa loob at labas ng bansa. Na si Samonte rin ang may alam. Nagpahanda ng masarap na hapunan si Samonte para kay Premo. At sa harapan ng masasarap na putahe, isinawalat ni Premo ang ngitngit nitong galit sa inaakalang ama na si Emilio Santana. Hindi na iyon ikinagulat ni Samonte dahil noon pa man alam na nito ang katotohanan sa pagkatao ni Premo. Ang lubhang ikinagulant lang nito ang isa pang rebelasyon ni Premo tungkol sa kanyang sarili. Na siyang naging ugat kung bakit siya kinasusuklaman ng kinikilalang ama.
“Bakla ka?” Ang gulat na reaksyon ni Samonte sa pag-amin ni Premo.
“Bakit? Nandidiri ka rin sa tulad ko? Ganun na ba ka rumi ang mga baklang tulad ko na lahat kayo nagugulat? Hindi pa ba kayo sanay sa mga bakla? Eh sa pagkakaalam ko nga maging sa mga hanay niyo meron din diyan. Magaling lang talaga magtago.” Saad na tanong pa ni Premo.
“Hindi naman sa ganun, at hindi ako katulad ng ama mong si Emilio. Kung ganyan ka na ngang talaga at diyan ka masaya, eh suportado kita diyan. Buhay mo iyan at kung diyan ka malaya huwag mong ikahiya ang totoong ikaw.” Sagot ni Samonte.
“Alam mo kung ikaw na lang sana ang naging ama ko, siguradong ang gaan ng buhay ko ngayon.”
Napatingin ng may ngiti si Samonte sa sinabi na iyon ni Premo sa kanya. Tila lumuwag ang pakiramdam nito sa narinig sa lalake.
“Puwede mo naman akong maging ama kung nais mo. Bata ka pa lang noon nang dinadala ka ng mama mo sa akin. At noon pa man parang anak na rin talaga ang turing ko sa iyo. Naputol lang iyon nang pagselosan ako ng ama mo.” Kuwento ni Samonte.
“Wala ba talaga kayong relasyon ni mama dati? Hindi ipagkakatiwala sa iyo ni mama ang lahat ng ito kung wala kayong malalim na ugnayan sa isa’t isa. Kaya kung may dapat kang aminin sa akin, aminin mo na. Wala na rin naman si mama. At sa tingin ko naman mas minahal mo ng higit si mama kumpara sa Emilio na iyon.” Ayon pa kay Premo.
Walang naitugon si Samonte sa tanong ni Premo. Wala itong inamin at wala rin itong itinanggi.
“Hindi mahirap mahalin ang mama mo Premo, ngunit magkasalungat ang mundong ginagalawan namin. Hamak na putik lang ako kumpara sa ginto ng mga Santana. Kaya mahirap makipagsabayan. Naging magaan lang talaga ang pakikitungo ng mama mo sa akin na tinugunan ko naman ng sapat na atensyon. Hanggang sa ipinagkatiwala na lang nito sa akin ang lahat. Siguro alam na ng ina mo ang posibleng mangyari sa kanya, at ang magiging kapalaran mo sa puder ng ama mo kaya hinanda niya ang lahat ng ito para sa iyo.” Litanya pa ni Samonte.
“Pangako sa oras na makakabangon ako, hinding-hindi kita makakalimutan.”
Si Samonte ang naging buto ni Premo habang nagsisimula ulit ito. Hindi rin nito nakalimutan ang responsibilidad nito kay Salvi. Madalas nitong dinadalaw ang babae sa bago nitong tahanan. Natunton niya ito dahil sa tulong ni Samonte.
“Talaga bang hindi niyo ako titigilan? Tahimik na ang buhay ko Premo. Hindi na ako babalik sa poder ng kapatid mong demonyo. Hayaan mo ako.” Ang wika ni Salvi nang makita si Premo na nakatayo sa labas ng kanilang gate.
“Anak ni kuya ang bata. At bilang tiyuhin ayoko namang pabayaan siya. Kung ayaw mo na talagang bumalik ikaw ang bahala. Pero hayaan mo naman akong suportahan kahit papano ang pamangkin ko. Tanggapin mo na itong mga damit at gamit ng bata tsaka itong limang malalaking bag ng diapers. At May mga lata pa ng gatas doon sa kotse ko. Kahit ito man lang maibsan namin ang nagawa ng pamilya namin sa iyo.” Sabi ni Premo sabay lapag ng mga dala nito.
“Kung kasing bait mo lang sana ang kuya mo. Pero pakiusap lang Premo, huli na ito. Hindi alam ng asawa ko na nakikipag-ugnayan pa ako sa inyo. Tahimik na ang pagsasamahan namin ayokong madamay pa dito ang mga taong wala namang alam sa inyo.” Pakiusap pa ni Salvi.
“Hindi ako nangangako Salvi, pero titiyakin ko ang kaligtasan niyo.”
Ngunit ang lihim na mga pagpunta ni Premo sa babae ay hindi naitago sa kaalaman ni Romero. Nalaman nito na may alam ang kinikilalang kapatid sa bagong kinaroroonan ng pinakaiibig na si Salvi. Palihim nitong pinasusundan si Premo sa kanyang mga tauhan. Hanggang sa natunton na nga nito si Salvi. Natuklasan ni Premo ang tungkol dito kaya bago pa makagawa ng masamang hakbang si Romero kay Salvi, kinausap na nito ang babae.
“Narito ang pera, umalis agad kayo ng bansa. Ihahatid ka ng kakilala ko sa Manila. Mula doon may tutulong sa iyo para mapadali ang pagproseso mo ng passport at visa. Isama mo ang bata. Hindi kayo lulubayan ni Romero. Ayokong mapahamak pa kayo lalo na ang anak mo.” Saad ni Premo nang nakipagkita ito kay Salvi.
“Paano na ang asawa ko?”
“Ano ba ang mahalaga sa iyo ang asawa mo ang buhay niyo ng anak mo? Diba ayaw mong madamay dito ang mga taong walang kaugnayan sa iyo? Mag-isip-isip ka Salvi. Nasa paligid lang si Romero, baka sa susunod hindi ko na kayo mapoprotektahan ng anak mo.” Ayon pa kay Premo.
Nabahala at natakot si Salvi sa seguridad nilang mag-ina kaya kahit labag sa kanyang kagustuhan na iwan si Paeng nagpasya itong sundin ang sabi sa kanya ni Premo. Hindi naman ito pinabayaan ng lalake. Hanggang sa ang isang taong pananatili ni Salvi sa abroad kasama ang anak ay tumagal pa ng ilan pang taon hanggang sa nakatagpo na ito ng panibagong lalake na siyang tumutulong pa kay Salvi na makaahon.
Ikinalungkot ni Premo ang paglayo nina Salvi dahil ibig sabihin lang nun ay mapapalayo na rin ito sa anak. Sa kabilang banda ikinatuwa naman niya ito dahil mailalayo na nito kay Romero ang bata. Lumipas pa ang mga taon at kasabay ng mga pagbabago ng ikot ng buhay. Ninais din ni Premo na baguhin ang kanyang nakasanayan. Ngunit habang nasa ibang bansa ito, isang nakakabahalang balita ang dumating sa kanya. Nasunog ang hospital na pinaglagakan kay Romero. Batid ni Premo na may kinalaman doon ang kanyang papa. Dahil sa nangyari napauwi agad ng lihim si Premo. Inalam ito ang lahat tungkol sa nangyari. At nakumpirma nga nito na totoo ang kanyang hinala. Noong una hindi pa naging isyu kay Premo ang pagtakas ni Romero dahil wala naman itong banta sa kanyang buhay. Ngunit nang malaman nito na nakabalik na sa lugar nila si Salvi kasama ang bago nitong kinakasama, muling nabuhay ang pangamba nito para kay Salvi at sa anak nito.
Ngunit nahuli ito sa pagbigay ng babala kay Salvi. Ginulat na lang ito ng isang malagim na pangyayari. Karumaldumal na pinaslang sina Salvi at ang nakasama nito. Nanlomo si Premo sa sinapit ng babae. At batid niya kung sino ang may gawa nun. Nabahala ito sa puwedeng mangyari sa naiwang mga anak ni Salvi kaya humingi na ito ng tulong kay Samonte. Ayaw nun makialam ng lantaran ni Premo baka pagdudahan pa ito ng mga Samonte at masira ang kanyang plano.
“Huwag ka nang magalala tungkol sa mga bata, nasa pag aalaga ngayon ng magasawang pulis ang bunso nilang anak na si Joram. Si Jericho naman isang malayong kamaganak ni Salvi ang kumupkop naman dito. Hayaan mo at hindi kami titigil hanggat hindi mananagot ang mga may gawa nito sa kanila.” Wika ni Samonte nang ibialita nito kay Premo ang lahat.
“subaybayan mo ang panganay na si Jericho. Gusto ko maayos ang kalagayan ng batang iyon. Ipaalam mo agad sa akin ang estado niya at lahat ng kakailanganin nila.” tugon ni Premo.
“Bakit ganun na lang ang pagaalala mo sa kanila lalo na sa Jericho na iyon?” tanong pa ni Samonte.
“wala ka nang pakialam dun. Gawin mo na lang ang utos ko. At ayoko nang pinapakialaman ako sa mga desisyon ko.”
Kahit ganun ang pakikitungo ni Premo kay Samonte, parang bulag na bibe parin itong sumusunod sa mga utos sa kanya. Hanggang sa nakarating kay Premo ang pagtangka ni Romero na dukutin si Jericho nang minsan papauwi na ito ng paaralan. Buti na lang naroon si Paeng at naagapan ang balak ni Romero.
Hindi nun namukhaan ni Paeng si Romero dahil naka facemask ito at naka sumbrero, tsaka mabilis agad itong nakasakay ng kanyang kotse.
Nakita lahat iyon ni Premo na nakatingin lang sa kanila sa di kalayuan. Pigil ang galit ni Premo kay Romero kaya isang pagpapasya ang naisipan nitong gawin.
“Hello Jaimie, si Premo ito…totoo ang hinala mo. Buhay pa si Romero. Sinadya ang pagsunog sa mental hospital upang itakas nila ang kuya. At alam ko kung saan nila siya tinatago.”
“Huwag mo nang bilugin pa ang ulo ko Premo. Hinding-hindi na ako magpapagamit sa iyo. At huwag ka nang magpapakita sa akin, sinusumpa ko ang pamilya niyo! Pare-parehas lang kayong mga hayop. Pati ang kapatid ko dinamay niyo pa sa kademonyuhan niyo!” Tugon ni Jaime nang tinawagan ito ni Premo.
“Ang kapatid ko ang may gawa nun sa kapatid mo. Alam ko kung gaano kasakit para sa iyo ang nalaman mo. Kaya nga sinasabi ko sa iyo ito. Maniwala ka man o hindi…wala akong alam sa ginawang krimen ni kuya. At kinukundena ko mga ginawa niya. “ Saad pa ni Premo.
“Bakit naman ako naniniwala sa mamamatay tao rin na tulad mo?!”
“Ginago mo ako. Sa mismong pamamahay ko, nakikipagkantu - tan ka sa lalake. What would you expect na gagawin ko after ko kayo mahuli? Magpa-party?, magpapasabog ng confetti? Pinakita ko lang sa iyo kung ano ang kaya kong gawin kapag kinakalaban ako. At hindi lang ang sarili ko ang pinaglalaban ko sa iyo. Pati na kay Mercedes.” Depensa pa ni Premo.
“Kung seryoso ka diyan sa sinasabi mo, bakit sa akin mo pa dinadaan ang impormasyon na iyan? Bakit hindi direkta sa mga pulis?” Tanong ni Jaime na bahagyang kumalma ang boses.
“Baka nakalimutan mo, kung ano ang papel ni Papa sa lugar na ito. Security personnel ka niya diba, so dapat alam mo. Ikaw na ang bahala sa gagawin mong hakbang. Ibibigay ko lang sa iyo ang exact location ni kuya. Do whatever you want. Labas na ako dun. Ipahuli mo sa mga pulis kung gusto mo,.. fine. Kung sa tingin mo deserve ni kuya ang mamatay. Drag him to hell, I don’t care.” ayon pa kay Premo.
Ipinagtaka man ni Jaime ang naging hakbang ni Premo laban sa kapatid, ang tanging mahalaga lang noon kay Jaime ang mapagbayaran na ni Romero ang mga nagawa nitong kasalanan sa kanila.
Nabalitaan na lang ni Premo pagkalipas ng ilang araw mula kay Emilio ang masaklap na sinapit ng anak na si Romero sa hindi kilalang berdugo na tumapos sa kanyang buhay. ikinatuwa ni Premo ang balita at tiwala nitong si Jaime ang may gawa nun. Kinalugmok ng husto ni Emilio ang sinapit ng anak. Wala naman itong mapagbuntungan ng galit dahil wala naman itong alam sa kung sino ang may gawa nun kay Romero. Sa dami ba naman ng mga na biktima nito wala man lang ito matukoy na salarin.
Wala na ang kaisa-isang taga pagmana ni Samonte. Ang kalungkutan at agdadalamhati ni Emilio ang ginamit ni Premo na susi upang muling makapasok sa sabak ng mga Santana. Kinalugod naman ni Emilio na muling makita si Premo. Naging mabait man ngayon ang pakikitungo ng kinikilalang ama, hindi iyon kayang burahin sa puso at isip ni Premo ang latay ng masasakit na salitang pinamukha nun sa lalake.
“patawad sa mga nasabi ko sa iyo noon Premo anak. Sana kalimutan mo na ang lahat at magsimula muli tayo ng bago bilang mag-ama.”
“wala na iyon sa akin papa, patawarin mo rin ako sa mga nasabi ko sa iyo. Pangako, hindi ko hahayaang hindi magbabayad sa kanyang ginawa ang sino mang gumawa nito kay kuya.”
Napayakap si Premo sa ama. At isang lihim na ngiti ang ginawad nito. Ngiti ni hudas. Sekretong ipinagluksa ng mag ama ang nangyari kay Romero. Walang may nakaalam sa nangyari maging ang mga tauhan nila sa mansiyon. Pinili nila iyon upang hindi na gumawa pa ng ingay at maiwasang makaladkad sa kontrobersiyal ang pangalan ni Emilio Santana.
Wala pang dalawang linggo mula ng bumalik sa mansiyon si Premo. Ginulat ng balita ang lahat ng mga mamamayan sa biglaang pagpanaw ni Emilio Santana. Sinakto lang ni Premo ang tuluyang paglipat sa kanya ng lahat ng mga ari-arian at negosyo ng kanyang ama bago nito tinuluyan ang ama gamit ang lason. Matapos mailibing si Emilio nagpasya na si Romero na ituloy ang naudlot nitong plano. Kampante narin itong bumalik ng abroad dahil ligtas na sa kamay ni Romero ang anak. Nanatili ng taon sa ibang bansa si Premo at nang sandaling bumalik na ito ng bansa, naglaho na ang dating makisig at guwapong si Premo Santana. At bumungad na sa madla ng barangay Lulos ang maganda at glamurosang si Precious ‘Precy’ Santana.
KABIT-KABIT
Nagpapaantok na noon si Hector sa kanyang silid nang pumasok doon si Jericho. Hindi inaasahan ng lalake ang pasok na iyon ni Jericho kaya nagulat ito sa presensya ng lalake. Agad na lumapit kay Hector si Jericho at sinunggaban nito ng maalab na pagngasab ang kaharap. Hindi naman nagpatalo si Hector at sinibasib din ng husto ang bibig ni Jericho. Sa tindi ng kanilang mga pag-indayog at sa agresibo nilang mga galaw nabuwal ang dalawa sa ibabaw ng kama ni Hector. Manipis lang ang kutson nun kaya sa biglaang pagbagsak ng dalawa, lumangitngit ang kama.
Natigilan saglit ang dalawa sa kanilang ginagawa dahil sa nilikha nilang ingay. Plywood lang pagitan ng silid at katabi nilang kuwarto ay silid na ni Paeng at Paz.
“Huwag tayo dito baka marinig nila tayo sa kabila. Mabulabog pa natin sila.” Bulong ni Hector kay Jericho na pigil ang tawa.
“Doon tayo sa likod, walang istorbo roon.” Tugon ni Jericho sabay iwan pa ng kagat sa tenga ni Hector tsaka ito bumangon.
Naunang lumabas ng silid si Jericho at sumunod naman sa kanya si Hector. Maingat na lumabas ng bahay ang dalawa. Kalaliman na ng gabi kaya pakiwari ng dalawa tulog na ang lahat nilang mga kasama sa bahay. Ngunit lingid sa kanilang alam kanina pa sila binabantayan ni Rodge na noo’y nagkukubli lang sa gilid ng ref. Patay ang ilaw sa kusina kaya madilim sa puwestong iyon ni Rodge. Magpapalamig lang sana sa labas nun ang lalake nang mapansin nito ang pagpasok ni Jericho sa silid ni Hector. Baliwalain na lang sana niya ito nang lumabas ang dalawa na tila ingat na ingat sa kanilang kilos.
Doon nagkaroon ng ideya ang lalake na baka may tinatagong lihim ang dalawa. Nang makalabas na ang dalawa,kumilos naman si Rodge upang sundan ang mga ito. Ngunit nang mapadako na ito sa likod ng bahay, hindi na nito Inabutan ang dalawa. Malamlam ang ilaw sa likod bahay kaya hindi gaano naaaninag ang buong paligid doon. Nawala na sa paningin nito ang dalawa. Hindi naman nito alam kung saan ang mga iyon susundan dahil hindi nito alam kung saan doon nagtungo.
Matalahib na sa bahaging iyon ng bahay, dahil nandoon ang malawak na bakanteng lote nila Paeng. May mga puno din dun ng mangga, mahogany at ipil-ipil bukod pa sa mga kugon at mga damong nandoon. Kaya kung doon man sumuot ang dalawa lalong mahihirapan na si Rodge makita sila. Nagpasya na nun si Rodge na bumalik na lang sa kanyang silid nang may narinig itong mga impit na ungol at halinghing hindi kalayuan mula sa kanyang kinatatayuan.
Napadako ang tingin nito sa palikuran na nasa gilid ng laundry area malapit sa sampayan. Mababa lang ang pader ng palikuran at walang bubong. Hindi man abot ng ilaw mula sa likod bahay ang bahaging iyon, malinaw namang makikita kung ano ang meron doon dahil sa tanglaw ng buwan. Dahan-dahang lumapit doon si Rodge. At habang papalapit ito kasabay ng mga papalakas na ungol ang mabilis na pagkalabog ng kanyang dibdib. Kinutuban na si Rodge sa dalawa, kaya unti-unti ng gumagapang ang init sa kanyang katawan. Umikot ito sa likod ng palikuran. Sakto at may maliit na butas ang hallow blocks na pader. Doon sumiksik at pumuwesto si Rodge.
At hindi nga ito nagkamali sa kanyang hinala. Nanglaki ang mga mata nito nang tinutok nito ang mata sa butas na iyon. Hindi ito makapaniwala na iyon nga talaga ang tagpong maa-aktuhan niya.
Tanaw nito sa loob ng palikuran ang pagbayo ni Hector sa lagusan ni Jericho habang nakasandal ang likod nito sa pader. Kitang-kita pa ni Rodge ang pagtirik ng mata ni Jericho habang sinasagad ni Hector ang pagbaon sa kanya. Hubo’t hubad ang dalawa kaya tanaw ni Rodge ang nangingintab na katawan ng dalawang barako dahil sa pawis. Muling naglapaan ng mga bibig sina Hector at Jericho. Sa puntong iyon si Hector naman ang pinasandal ni Jericho sa pader. Bumaba ito sa kahabaan ng lalake at sinamba ang naghuhumindik nitong tarugo. Galing na galing si Rodge sa pagsubo ni Jericho sa tubo ni Hector. Kinabaliw iyon ng diwa ni Rodge, nilukuban na ito ng libog dahil sa kanyang nasasaksihan sa loob ng palikuran.
Sinabayan nito ang bawat pag dila at pagsubo ni Jericho sa kahabaan ng kabute ni Hector. Saglit pa ay pinatalikod ni Jericho si Hector at walang tanong-tanong na agad nitong itinarak sa butas ng lalake ang kanyang kargada. Umindayog ng mabilis si Jericho sa likuran ni Hector habang niroromansa nito ang likod at batok ng lalake.
Salitan ang dalawa sa pagbayo. Walang puknat na kangkangan at kaldagan ang ginawa nila Jericho at Hector sa isa’t isa. Kung gaano kaalab ang tagpo sa loob ng palikuran ganun din ang ginagawa ni Rodge sa sarili. Pakiramdam ni Rodge kasalo ito sa buljakan ng dalawa. At kasabay nga nang pagpapasabog ng dalawa, sumambulat din sa kamay ni Rodge ang mainit nitong katas mula sa sakal-sakal nitong alaga. Pigil ang ungol ni Rodge at hingal.
Nang makaalis na ang dalawa at bumalik na ng bahay. Kumilos na din si Rodge tsaka inayos ang sarili upang makabalik na rin sa loob.
Hindi na nawaglit pa sa isipan ni Rodge ang tagpong kanyang nasaksihan. Napangiti na lang ito ng lihim nang maalala si Paeng.
“Hindi mo talaga maikakaila Rafael, anak mo nga sila at ikaw ang kanilang ama. Like father like son. Ano kaya ang magiging reaksiyon niyong tatlo kung magkalantaran na ng kulay?” sa isip pa ni Rodge na hindi mapigil ang ngiti sa mukha.
Samantala sa silid naman nina Maru at Fil, nagising na naman ang lalake dahil sa isang panaginip. At gaya parin to ng dati. Kaya agad napatanong si Maru kung si Paeng parin ba ng nakikita nito sa kanyang panaginip.
“Hindi ko na nakita ang mukha ni tito Paeng sa panaginip ko. Kundi si kuya Echo. Ang weird ang kasi nang mga panaginip ko. Dati mukha ng tatay mong si Hector, tapos si Tito ngayon si kuya. Lahat na lang yata dumaan na sa panaginip ko” wika pa ni Fil.
“baka naman iba talaga ang pinapahiwatig g mga panaginip mo baby ko. Subukan kaya natin magpahula.” saad ni Maru.
“hindi madadaan sa hula ang kasagutan sa pagkamatay nila mama. Bukas din tutungo ako ng presinto. Hahanap ako ng tulong, pabubuksan ko ang kaso. Hindi ako matatahimik hanggat hindi malinaw sa akin kung sino ang pumatay kina mama.” ayon pa kay Fil.
“Pero diba nga ang sabi si Romero ang gumawa nun? eh patay na iyong tao. Bakit mo pa paiimbestigahan muli ang kaso?” komento ni Maru.
“iyon ang pinalabas nila, ngunit hindi malinaw kung ano ang totoong scenario. May kutob ako na hindi pa tapos ang kaso. At iyong killer na mulong sa atin, sino iyon? hindi ka ba nagtataka kung bakit na lang iyon sumulpot doon?” tugon ni Fil.
“paano kung sa kakahanap mo sagot maungkat ang ginawa mong krimen at makulong ka. Ayokong mangyari iyon sa iyo baby ko.” pagaalala pa ni Maru.
Biglang napaisip din si Fil sa sinabi ng kasintahan. Hindi na nagawa pang makabalik ng tulog ni Fil kaya sinamahan nalang ito ni Maru sa kusina para magkape. Naabutan nila si Paz na nagiinit ng tubig. Nakisabay narin sa dalawa ang babae sa pagkakape.Doon nga nagpakuwento pa si Fil kay Paz tungkol sa alaala ng kanyang inang si Salvi. Mua naman sa kanyang silid narinig ni Paeng pinagkukuwentuhan ng tatlo. Napaluha na lang ito sa tabi habang inaalala si Salvi. Nasa ganung tagpo ito nang umilaw ang kanyang cellphone. Napabangon ng kama si Paeng at tinungo ang kanyang pantalon na nakasabit a dingding kung saan nandoon sa bulsa nito ang cellphone. Tumatawag sa kanya si Rodge. Nagdadalawang isip itong sagutin ang tawag na iyon, ngunit nang sumunod na nagpadala ng text si Rodge, napakamot na lang ng ulo si Paeng.
’sagutin mo ang tawag ko ung hindi pupuntahan na lang kita sa kuwarto mo.“ laman ng text ni Rodge.
Nasa kusina ang tatlo kaya kung pupunta ng silid nito si Rodge baka magtaka ang mga iyon. Sa inis ni Paeng siya na ang tumawag sa lalake.
“gabing-gabi na, bukas na lang tayo mag-usap.” bungad ni Paeng na hininaan pa ang boses.
“tinitigasan ako ngayon, nananabik ako sa init ng katawan mo Rafael. Galugarin mo ang balon ko ng sagwan mo, sige na mahal.” ang tugon ni Rodge kay Paeng na tila may pang-aakit pa ang tuno ng boses.
“hindi puwede ngayon. Tsaka inaantok pa ako. Bayuhin mo na lang muna ang tubo mo. Magsarili ka na lang muna. Bukas na kita aararuhin.” saad ni Paeng na naiinis na kay Rodge.
“Gusto ko ngayon na, sige ka baka hanapin ko sa iba ang ginagawa natin.” Pagbabanta pa ni Rodge.
Alam ni Paeng na hindi nagbibiro si Rodge. Nabahala din ito baka kung ano pa ang gagawin nito kung hindi niya mapagbigyan ang gusto ng lalake.
“Sige, gagawan ko ng paraan. Nasa labas pa kasi sina Paz at Fil kasama si Maru.”
“Sige mahal hihintayin kita. Nakahanda na ang kuweba ko para pikohin mo.”
Doon napagtanto ni Paeng na mali ang desisyon nitong isama doon si Rodge. Naging sakit pa tuloy nito ng ulo ang kalibugan ng lalake.
Kinabukasan gaya nang inaasahan naging maingay muli ang balita dahil sa mga natagpuang patay na mga kalalakihan malapit lang sa bahay nila Paeng. Laslas ang mga leeg nito na halos humiwalay na sa kanilang mga katawan ang kanilang mga ulo. Kinabahan ang dalawa Maru at Fil dahil natagpuan din sa crime scene ang bag na ibabaon pa sana ng dalawa pati na ang karit na may mga bahid pa ng dugo. Mga anak ng negosyante ang mga natagpuang patay sa madamong bahagi ng reclamation area. Mga anak ng kasosyo ni Precy sa mga ilegal na negosyo.
Napansin ni Paz ang bulungan nina Maru at Fil habang nanonood ng tv. Nilapitan nito ang dalawa at pinagsabihan.
“Kita niyo na, kahit saan pa tayo dalhin ng ating mga paa. Nasa paligid lang lagi ang panganib at kasamaan. Kaya kayong dalawa mag-ingat kayo. Lalo ka na Fil, araw-araw ka pa naman umaalis. Pag alanganin ka na sa daan magpasabi ka kaagad nang masundo ka ng papa mo, ibig kong sabihin ni Paeng. Mga tunay na anak na ang turing namin sa inyo kaya nangangamba kami sa kaligtasan niyo. Ngayon pa at nangyayare ito sa atin.” Saad ni Paz.
“Naiintindihan ko tita, doble po ang ingat ko. Ayoko namang maging problema sa inyo ni tito Paeng. Tulad niyo ,parang magulang ko na rin kayo at parang tatay ko na rin si tito.” Tugon ni Fil.
“Tiya ,ano kaya kung babalik na lang tayo doon sa kuwatro uno. Na miss ko na rin kasi ang tindahan ko. Nakakabagot na rito. Kain at tulog lang ang ginagawa ko buong maghapon. Nais ko na rin makatulong sa pang-araw-araw natin. Diba nga sabi mo, kahit nasaan pa tayo, nasa paligid lang din ang panganib. Mag doble ingat na lang tayo.” Sabi ni Maru.
“Siya nga tita, at napag-usapan pa namin ni Maru na mas mainam pa ang bahay natin doon. Kasi kahit papaano may mga kapitbahay tayo. Eh dito, nag-iisa lang ang bahay na ito sa pinakadulo. Wala tayong kapitbahay bukod sa mga bakanteng lote sa paligid. Kung may mangyari man dito wala agad tutulong sa atin.” Komento pa ni Fil.
“Alam niyo may point kayo. Hayaan niyo at sasabihin ko iyan kay Paeng. Siya nga pala sina Hector at Jericho napansin kong ang aga nilang umalis. “
“Si papa may tinungo sa dati nilang tinitirhan ni lolo. Susubukan niyang ayusin iyon para naman hindi na raw siya makikisiksik dito. Nahihiya na rin si papa kay tatay.” Ani ni Maru.
“Babalik siya sa tenement?” Tanong ni Paz.
“Hindi na po Tiya, ibang bahay daw iyon.” Sagot ni Maru.
“Si Kuya naman may nilalakad tungkol sa pagbalik niya sa kanyang trabaho. Kung itatanong mo naman si Tito, maaga din iyon umalis kanina. Niyaya ko pa nga na magkape sana kaso mukhang mahalagang bagay ang lakad niya.” Sabi naman ni Fil.
Habang nag-uusap ang tatlo, lumabas naman ng silid nito si Rodge at lumapit sa kanila. Halatang kakagising lang nito. Papaupo na ito sa lamesa ng tatlo nang may napuna si Maru sa leeg at dibdib ni Rodge. Naka sando lang kasi ito ng masyadong maluwang kaya kita ang ibabaw ng dibdib nito. Tadtad ng mga pantal ang mga bahaging iyon ng katawan ni Rodge. At tila sinadya talaga ng lalake na ipakita iyon sa kanila. Marka bahala pa itong sinabing kagat lang iyon ng lamok at nakamot niya. Dahilan pa ng lalake na hindi naman bumenta kina Fil at Maru dahil halata naman kung ano iyon.
Nakaramdam ng hindi pagkakumportable si Maru sa mga kinikilos ni Rodge. Pansin nito ang malaking pagbabago kumpara sa noong nakilala nila ito. Pansin pa ni Maru ang panaka-nakang pagsulyap pa ni Rodge kay Fil habang kumakain ito ng pandesal habang sinasawsaw ang tinapay sa kape. Nakita rin iyon ni Fil kaya nakaramdam din ito ng ilang sa mga titig sa kanya ng lalake.
“Kamusta na nga pala iyong baboy na napanalunan natin noong naglaro tayo sa fiesta Fil? Alam mo na miss ko ang moment nating iyon. Naalala mo? Grabe ang saya nun diba? Lalo na iyong nagkarambola tayo sa putikan mahuli lang ang biik. Natawa pa ako nun kasi muntikan pa tayong mag-kiss nang madaganan mo ako nung sabay tayo natumba.” Biglang kuwento ni Rodge na sinariwa ang tagpong magkasama sila noon ni Rodge.
“Oo aliw nga iyon. Unang sabak ko iyon sa fiesta tapos inulan pa tayo. Buti na lang worth it kasi tayo ang nakahuli sa biik.” Napangiting tugon naman ni Fil.
“Naku Rodge, malaki na nga iyong baboy. Nandoon pa ang isa kay Mating pina-paalagaan parin balak naming gawing palahi-an. Pero iyong isa naibenta na nung na-ospital itong dalawa.” Singit ni Paz sa usapan.
Tahimik lang si Maru ngunit pansin sa mukha nito ang inis sa ngitian ng dalawa, Fil at Rodge. Nawili naman sa kuwentuhan ng dalawa si Fil at nakaligtaan na nandoon rin si Maru. Tsaka lang ito napalingon sa kasintahan nang padabog na tumayo si Maru at sumunod kay Paz sa labas ng bahay. Tatayo rin sana si Fil nang hinawakan ni Rodge ang kamay nito tsaka may tinanong ito.
“Kayo na ba ni Maru?”
Matagal bago nakasagot si Fil. Ngunit nang maalala nito si Paeng at baka masabi ni Rodge dito ang tungkol sa kanila, mabilis nitong itinanggi ang namamagitan sa kanila ni Maru. Hindi nito inamin kay Rodge ang relasyon nila. Dahil maging sa mga puntong iyon, sa kabila ng magandang relasyon ng dalawa. Wala paring tapang at lakas ng loob si Fil na aminin sa lahat na kasintahan na nito si Maru.
“Magkaibigang matalik lang talaga kami ni Maru. Alam mo naman iyon dati pa diba?” Ani ni Fil.
“Kuwan kasi, diba dati nagseselos ka pa sa akin kapag dinadalhan ko ng donuts si Maru. Tapos kapag nandoon ako sa tindahan niya, nayayabangan ka sa akin tsaka naririnig ko pa na dumidiskarte ka ng hirit sa kanya”. Ayon pa kay Rodge.
“Ganun lang talaga ako sa kanya. Biruan lang iyon naming dalawa. Pero walang ibig sabihin iyon na kung ano.” Turan ni Fil.
“Pero iba ang napansin ko sa inyo ngayon. Nakita ko kayo kagabi na naghalikan. Hindi niyo gagawin iyon kung magkaibigan lang kayo. “
Napalunok ng laway si Fil sa sinabi ni Rodge. Nautal na lang sa pag-amin ang lalake. Hindi na ito naitanggi pa kay Rodge ang totoo.
“Nagkakaintindihan kami ni Maru. At gusto namin ang isat-isa.” Tugon ni Fil na napatungo sa bintana habang pinagmamasdan si Maru na nagdidilig ng mga halaman sa labas.
“Ang swerte naman ni Maru. At siya ang nakakuha ng puso mo. Sayang at huli na akong dumating. Nabihag ka na niya bago pa tayo nagkakilala.” Sabi ni Rodge nang lumapit ito kay Fil at tumabi sa kanya.
Napalingon si Fil kay Rodge dahil sa narinig nito sa lalake.
“Ano ang ibig mong sabihin?” Tanong ni Fil na nagtaka sa pahaging na iyon sa kanya ni Rodge.
Ngunit sa halip na sagutin ito ni Rodge ng mga salita, isang maalab at mapusok na halik sa labi ang tinugon ng lalake na ikinagulat tsaka kinabigla ni Fil. Hindi agad ito nakakalas sa pagsunggab ng halik na iyon sa kanya ni Rodge. Agresibo ang mga atake ni Rodge kay Fil , di alintana na nasa bintana ang mga ito at ano mang sandali makikita sila ni Maru na nasa labas lang sakaling mapalingon ito sa kanila. Nang matauhan si Fil naitulak nito si Rodge kaya napabitaw sa paghalik nito ang lalake.
“Tang ina Rodge, ano ang ginagawa mo?” Tanong ni Fil na may pagtataka.
“I like you too Fil, dati pa. At kaya ako madalas kina Maru nun dahil inaabangan kita. Hindi mo ba naramdaman na gusto kita noong araw ng fiesta. Mas na-enjoy ko ang sandaling iyon dahil sa iyo. I love you Fil.” Bulalas na pag-amin ni Rodge.
Tulala si Fil sa mga pag-amin ng lalake. Hindi nito inaasahan ang ginawa ng kaharap sa kanya.
“Ano ba Rodge? Nasa labas lang si Maru, baka makita niya tayo at kung ano pa ang isipin nun sa atin.” Saway ni Fil kay Rodge nang pilit siyang niyayakap ng lalake.
Umiiwas naman si Fil sa lalake ngunit makulit si Rodge at nagpapahiwatig ito ng kakaiba kay Fil. Nilalandi nito ang lalake. Naiinis na si Fil sa ginagawa Rodge sa pag-aalala na baka bigla na lang pumasok si Maru at madatnan sila sa ganung ayos. Ngunit nang bigla na lang dinakma ni Rodge ang nasa harapan ni Fil. Napatingin ito sa lalake at napangiti. Natulala naman si Fil sa pagdakma na iyon sa kanya ni Rodge.
“Tinitigasan ka, ibig sabihin gusto mo rin ang ginagawa ko sa iyo Fil.” Nakangiting wika ni Rodge.
“Tang’na Rodge huwag mo nga akong demonyuhin. Mahal ko si Maru. Ayokong lokohin siya. Kaya puwede ba umayos ka. Hindi ka na nakakatuwa.” May timping galit sa boses ni Fil na hinihinaan ang salita baka marinig sa labas.
“Hindi man ako nakakatuwa pero kaya kong magpaligaya Fil. At ano naman ngayon kung si Maru ang mahal mo. Ikaw naman ang gusto ko. Alam ko nararamdaman mo rin ako. Kaya huwag mo nang pigilan Fil. Willing naman akong maging dessert sa relasyon niyong dalawa.” Paglalandi pa ni Rodge na tuluyan nang dinukot ang nasa loob ng shorts ni Fil.
Hindi naman mawari ni Fil kung bakit hindi man lang nito magawang tumutol sa ginagawa sa kanya ni Rodge. At sa halip na tuluyang magalit unti-unti pa nga itong nadadala sa kalibugan ng lalake. Hindi narin mapigilan nito ang paninigas ng kanyang titi. Sa pang uudyok sa kanya ni Rodge napapayag ito na pumasok sa silid ng lalake. At doon nga nakipagsabayan ng laplapan si Fil kay Rodge. Mapusok,at nakakapaso ang maalab na sagupaan ng mga labi ng dalawa. Espadahan ng dila na walang humpay at salitan pa ng laway sina Rodge at Fil.
Hanggang sa natagpuan na lang ng dalawa na kapwa na silang hubo’t hubad sa ibabaw ng kama ni Rodge. Wala nang sinayang na sandali pa si Fil at agad na itinaas ang mga binti ni Rodge upang malantad sa kanya ang mamula-mulang butas ng lalake. Dinuraan niya iyon at hinagod ng mga daliri tsaka binasa rin ng laway ang naghuhumindik nitong tarugo. At nang maipuwesto na nito ang balakang ni Rodge, isang malakasang pagbaon ang ginawad nito sa lagusan ng lalake. Halos mapahiyaw sa laki at haba ng titi ni Fil si Rodge. Panay ang mahihinang mura nito sa bawat pagbayo sa kanya ni Fil. Sarap na sarap nito sa pag-aararo sa kanya. Sagad kung sagad magbungkal na balon si Fil. Daig pa nito ang kabayo kung kumaldag ng todo sa butas ni Rodge.
Muli nitong niromansa si Rodge habang nakabaon ito at bumabayo sa lalake. Hindi naman magkamayaw si Rodge sa mga paglaplap sa kanya ni Fil. Gumalaw si Rodge. Nais niyang pagsilbihan ng lubos si Fil. Pinahiga nito ang lalake tsaka pinatungan. Todo sa paggiling si Rodge habang inuupuan ang gabakal sa tigas na titi ni Fil. Sanay na sanay ito sa pagsayaw sa ritmo ng kalibugan na lalong nagpabaliw sa diwa ni Fil.
“Hayop ka Rodge, ang galing mo gumiling. Sige pa ang sarap puta…huwag mong tigilan.” Sambit ni Fil na sinundan pa nito ng pigil na ungol at impit na halinghing.
“Sino ba ang mas magaling sa amin ni Maru, Fil?” Tanong pa ni Rodge na mas lalo pang ginalingan ang kanyang performance.
“Tang’na nakakabaliw ang sarap mo Rodge. Sige lang ang sarap puta. Giling pa.” Tugon ni Fil na habol na ang hininga sa sarap.
Napangiti si Rodge sa tugon ni Fil kaya mas ginanahan ito sa pagpapaligaya sa lalake. Hindi lang isa kundi nakadalawa pa ang dalawa.
Samantala muling nabulabog na naman ang mga kapulisan sa panibagong krimen na kinakabit na naman ng mga taumbayan sa killer gawa nga na mga anak ng mga kilalang iligalista ang mga biktima.
“Binubuhay na naman nila ang pesteng serial killer na iyan. Hindi pa ba sila naniniwa na patay na nga ang hinahanap nilang killer?” Ang umaalburoto na naman sa galit na si Samonte.
“Chief , hangga’t may ganitong mga uri ng pagpatay hindi talaga mahihinto itong isyu na ito. Ngunit may kutob ako na hindi lang isa ang gumawa nito sa kanila, kundi grupo. Marahil kalaban sa negosyo. Iyon din lumalabas sa mga teyoriya ng mga media.” Ani ni Bellegaz.
“Ano ang nakuha niyong lead sa lalaking witness? Nakita niya raw ba ang may gawa nun sa mga dumukot sa kanya?” Tanong pa ni Samonte.
“Hindi niya raw nakita ngunit ang sabi niya dalawang boses daw ang kumausap sa kanya nang iwan ito sa gilid ng sasakyan. Wala rin siyang nakita sa mga nangyari bukod sa mga narinig nitong mga sigawan at putukan ng baril habang nangyayari iyon.” detalye pa ni Bellegaz.
“Ibig sabihin blangko na naman tayo about sa mga suspek. Tang’na talaga ang mga iyan. Alam mo na ang gagawin Bellegaz. Ayokong pahabain pa ang kasong ito. I want a result within 48 hours. Sapat na iyan para maisagawa niyo ang trabaho. Siya nga pala nasaan si Ignacio? Hindi ko siya napansin mula pa kanina.”
“Kailangan pa ba natin ang isa pang punggok na iyon. Malamang sinusundan ang yapak dati ni Makalaay. Nagpapaka-importante. Akala mo naman kung sinong magaling. Gawin mo nang AWOL chief nang magtanda iyon.” Ang tugon pa ni Bellegaz na nakangiting demonyo tsaka lumabas ng opisina ni Samonte.
Nang mga sandali namang iyon ay maagang nagtagpo sina Paeng at Ignacio. Nagkita ang dalawa sa dati nilang tambayan na coffee shop.
“Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa pare, gusto kong kausapin kita dahil dito.” Wika ni Ignacio,sabay lapag sa mesa ng journal ng kuya na dala nito.
“Journal ito ah, ano ang meron sa bagay na ito pare?” Pagtataka ni Paeng.
“Sa kuya ko iyan pare. Nakita ko, at nagulat ako sa mga nakapaloob diyan. Pare, aminin mo nga sa akin. May kinalaman ka ba sa nangyari noon kina Salvi?” Ang walang patumpik-tumpik na tanong ni Ignacio.
Natigilan si Paeng at napatingin nang may pag-aalinlangan kay Ignacio. Agad nitong pinabulaanan ang tanong sa kanya ng kaibigan. Ngunit nang maipakita na ni Ignacio ang nakasulat sa journal natahimik ito. Hindi nito maumpisahan ang pagpapaliwanag sa kaharap.
“Hindi ko alam kung bakit nasabi ni kuya na ikaw ang nakita niya pare. Pero ayokong maniwala. Kaya tulungan mo ako, hanapin natin si kuya. Nais kong malinawan tungkol dito. Isang buong araw nang hindi nakauwi si kuya at nag-aalala na ako.” Saad ni Ignacio.
“Pare, hindi ko alam bakit nalagay diyan ang pangalan ko. Pero malinis ang konsensya ko na wala akong ginawang masama. Hindi ako ang pumatay sa taong naging bahagi na ng pagkatao ko at minahal ko. At hindi na ako pulis pare, magpatulong ka na lang sa mga kabaro natin. Tsaka malay mo may pinuntahan lang ang kuya mo sa malayo kaya hindi agad nakauwi. Wala pa namang 24 hours diba?” Tugon ni Paeng.
“Hindi pa nagawa ni kuya na hindi pinapaalam sa akin kung saan siya pumupunta pare. Ngayon lang.”
“Hayaan mo pare, titingnan ko ang magagawa ko.” Sabi ni Paeng.
“Salamat pare. Pasensya na kung napagdudahan pa kita dahil sa journal ni kuya.”
Napatapik na lang sa balikat ng kaibigan si Paeng. Matapos ang pagkikita ng dalawa nagkanya-kanya rin silang umalis. Sakay ng kanyang sasakyan balisang nagmamaneho si Paeng, paulit-ulit sa isipan nito ang mukha ni Lucas ang nakikita nito na nakatingin sa kanya matapos mabaril ito ni Rodge. Sa pagkikita nila ni Ignacio naawa ito sa kaibigan. Wala itong kaalam-alam na ang kuyang hinahanap ay wala na. Hindi makapagpukos sa daan si Paeng dahil sa bumabagabag na konsensya.
LUKSO NG UGAT
“Magandang umaga Madam, ano ang gusto mo? Coffee or …?”
“Just coffee, brewed no sugar.” Tugon ni Precy nang batiin ito ng katagpong lalake.
Sumaglit ang lalake at tinungo ang counter tsaka umorder. Habang naghihintay si Precy tinawagan nito si Samonte.
“Nasa Kapelandia ako, hihintayin kita dito.” Tugon ni Precy tsaka tinapos ang usapan nila ni Samonte.
“Ano ang reaksyon mo sa nalaman mo? Grabe hindi ko man lang nahalata. Kung saan-saan pa ako nakaabot, nasa harapan lang pala natin ang hinahanap mo. Ang galing din magtago ng nakaraan ang ama mo. Maging ikaw napaniwala sa acting niya.” Paglapit ng lalake kay Precy nang bumalik ito bitbit ang in-order nitong kape.
“Actually hindi ko alam kung ano ang magiging tugon ko sakaling magkaharap kami. Now I know kung bakit ganun na lang siya ka protected sa akin.“tugon ni Precy sabay tungag ng kape.
“Ngayong nakita mo na ang totoo mong ama, what’s next? Siguro naman may time kana for us. Masyado ng magulo ang lugar na ito para sa iyo. Lately napapansin ko na hindi ka ok. Nakakatulog ka pa ba? Lumalaki na ang mga eyebags mo.” ani pa ng lalake na kausap ni Precy.
“Hindi pa ako tapos, hindi pa kami nagkakaharap ng anak ko. At hindi pa nangyayari iyon, huwag mo muna akong kulitin sa ganyan dahil alam mo na ang sagot ko sa iyo.” turan ni Precy.
“Mahigit twenty years na but still hindi ko parin mapapantayan si Jaime sa puso mo. Despite ng loyalty at mga efforts ko to please you, ’till second rate parin ako. Mas magaling naman ako sa kama kumpara dun at higit sa lahat mahal kita Premo.“wika ng lalake na tila nakikiusap ang mga tinginan nito kay Precy.
“This is not about you Papi, kaya at lalong not for us ang pagkikita nating ito. Kung ayaw mo na ma badtrip ako sa iyo huwag mong painitin ang ulo ko.” tugon ni Precy na may inis sa lalaking si Papi.
“Gets sino nga ba ako sa iyo?, tagakan-tot mo lang naman ako, taga bayo ng tumbong mo, taga bungkal, taga barurot lagi sa iyo kapag wala kang mapagbalingan ng libog mo. At sino nga naman ako para pahalagahan ng isang tulad mo. Tauhan mo lang naman ako diba? Tauhan mo na handang gawin ang lahat para sa iyo. Tauhan mo lang ako na nagpapakatanga dahil sa pagmamahal ko sa iyo na hindi mo naman kayang tugunan ng kahit kaunting pagtingin man lang.” Ang pangiti-ngiti pang sabi ni Papi ngunit halata sa mga punto nito ang kinikimkim na sama ng loob kay Precy.
Napatitig ng masama si Precy kay Papi, pigil din ang inis nito sa lalake dahil nasa pampubliko silang lugar. Makiusap ito sa kaharap na tigilan na nito ang kanyang kadramahan, ngunit hindi na maawat si Papi sa paglabas ng kanyang mga hinanakit kay Precy. Dese otso noon si Precy na kilala pa bilang si Premo nang maging malapit na kaibigan nito si Papi na tauhan noon ng kanyang ama. Naging malapit si Premo kay Papi noon dahil sa ito lang hindi mailap sa mga tauhan ng kanyang papa. Pala-kaibigan ito at kasundo lagi si Premo. Hanggang sa natuklasan nito ang totoong kulay ni Premo. Minsan dahil sa kapusukan at silakbo ng kanyang kabataan, dagdag pa ang hindi mapigil na kalibugan may nangyari sa dalawa. Ang isang beses na buljakan ay naulit pa ng ilang ulit hanggang sa kalaunan nahulog na ang loob ni Papi kay Premo. Ngunit ang pag-amin noon nito sa nararamdaman sa lalake ay agad din nasupalpal nang dumating sa buhay ni Premo si Jaime. Nabaling na noon kay Jaime ang atensyon ni Premo dahilan para magselos si Papi. Minsan nitong nahuli sina Jaime at Premo na nagkakangkangan sa garahe ng mansiyon. Isang masamang balak ang naisipan nitong gawin. Patago niyang kinukunan ng video ang mainit na tagpo ng dalawa.
“Tingnan ko lang kung saan aabutin ang pagbasura mo sa akin. At ikaw Jaime, hayop ka inagawan mo pa ako ng papel kay Premo. Ang gaan na sana ng buhay ko, umipal ka pang hinayupak ka. Puwes humanda ka damay-damay na ito.” Sambit ni Papi sa sarili habang kinukunan ng video ang dalawa.
Nakalabas na ito ng garahe nang makita nito si Romero na papasok naman sana doon. Hinarang niya ito at isinumbong ang kanyang nakita. At bilang patunay ipinakita nito kay Romero ang video. Halos masuka si Romero nang makita ang ginagawa ni Premo kasama si Jaime. Galit ito sa dalawa. Susugurin na sana nito ang mga iyon sa garahe nang may sinabi si Papi.
“Boss, itatanggi lang din ng kapatid mo ang lahat sa papa niyo. Paglapatan niyo man ng kamay si Jaime, ipagtatanggol lang din siya ni Premo. Kaya gamitin mo itong video bilang ibedensya sa papa niyo. Pagnakita ito ni don Emil, mas lalo ka pang babango sa papa mo. Hayaan mo na ang papa niyo ang tatapos sa kahibangan ng Jaime na iyan sa paggamit sa kapatid mo.” Panguudyok pa ni Papi.
Dahil nga sa eskandalong nalaman ng ama, doon na sumambulat sa mukha ni Premo ang katotohanang hindi pala ito isang tunay na Santana. Sa masaklap na sitwasyong kinakaharap nun ni Papi muling napansin nito ang presensiya ni Papi. Ito’y matapos iwan din ito ni Jaime at mas pinili si Mercedes na matalik pa man din nitong kaibigan. Pakiramdam noon ni Premo ay pinagkaisahan siya ng lahat ng kamalasan sa mundo.
Sa madilim nitong sandali, nakatagpo ng pagkakataon si Papi upang muling makuha ang loob ni Premo.
“Mayor, hindi maganda ngayon ang sitwasyon ni Premo.Pinalayas siya ni Gov. Emilio. Narinig ko mismo nang ibulalas pa ni Gov na hindi niya tunay na anak si Premo at tanging si Romero lang ang kinikilala nitong anak.” Pagsumbong ni Papi sa kalagayan ni Premo sa kinikilalang ninong ni Premo na si Mayor Carlitos Bastos.
Bukod sa tauhan ni Gov Santana si Papi, nagtatrabaho rin ito kay Mayor Bastos. Si Mayor ang siyang nagpasok sa kanya sa kampo ni Gov Santana upang maging mata nito sa loob at mabantayan si Premo para sa kanya. Pabor iyon kay Papi kasi kaliwa’t kanan ang tanggap nitong sahod at insentibo. Ikinabahala ng Mayor ang nangyari kay Premo. Nalungkot ito sa sinapit ng inaanak. Kaya inutusan nito si Papi na huwag nitong pabayaan si Premo. Sa paglisan ni Premo sa mansyon, sumama sa kanya si Papi.
“Talikuran ka man ng lahat, aasahan mong mananatili lang ako sa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwan. Mahal kita Premo. At handa kong pagsilbihan ka hanggang sa huling hininga ko, mapasaya ka lang.” Turan ni Papi kay Premo tsaka hinalikan nito ang lalake sa kanyang labi.
“Tanggalin mo ang lungkot ko Papi, gusto kong makalimot kahit saglit lang. Paligayahin mo ako.” Tugon ni Premo, na namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.
“liligaya ka sa mga bisig ko Premo, ako ang bahala sa iyo. Mahal na mahal kita Premo oohhh”
Sa mga kalungkutan ni Premo si Papi ang naging tanggulan ng kanyang libog sa katawan…taga pawi ng init na kanyang nararamdaman. At sa amamagitan din ni Papi naipapaabot ng Mayor ang tulong na kailangan ni Premo upang makapagsimula muli. Sa tindi ng pagmamahal ni Papi kaya handa nitong patunayan ang sarili na mas magaling ito kumpara kay Jaime. Minsan nitong narinig kay Premo na kausap nito si Jaime sa telepono.
“Hanggng ngayon si Jaime parin. Kahit na ako ang nandito siya parin ng bukambibig ng puso mo. Kailan mo ba mapapansin ang pag-ibig ko sa iyo Premo. Hindi pa ba ako sapat? Tinalikuran ka na nung tao, pero heto siya parin…” ang nagseselos na tugon ni Papi matapos marinig ang pakikipag-usap ni Premo kay Jaime.
“ano ang pinuputok ng butse mo? Hindi ka naman pinapabayaan ah. Tsaka tigilan mo nga ko sa kadramahan mong iyan. Daig mo pa ang inahing inagawan ng itlog sa pugad. Walang kuwenta iyang selos mo dahil unang-una wala namang tayo at pangalawa tapos na ako sa Jaime na iyon.“ani ni Premo sabay tungag ng hawak nitong baso na may alak.
“kung gayon bakit mo tinawagan ang gagong ’yon?” tanong ni Papi.
“Nasa panganib ang anak ko kay Salvi sa kamay ng hilaw kong kapatid. Ayoko namang madungisan ng dugo ng isang kinikilalang kapatid itong mga kamay ko. Kaya sa iba ko na ipapagawa ang gusto ko. Biktima rin ng kuya ang kapatid ni Jaime. Kung mapatay nito ang kuya at malaman ito ni papa hindi rin makakatulog iyang si Jaime. Dahil alam ko hinding-hindi rin titigil si Emilio hanggat hindi makakaganti. Gusto ko makita silang magpatayan. At pagkatapos mapapasaakin muli ang lahat nawalang ka effort-effort. Nailigtas ko na ang anak ko naiganti ko pa ang sarili ko.” tugon ni Premo.
“Magagawa naman kaya ng kupal na iyon? eh puro porma lang ang lam nun. Lawlaw din ang bayag nun. Paano kung sa halip na maging pabor sa iyo , ay mas lalo ka lang kakasuklaman ni Gov Emilio. Hindi tanga ng kuya Romero mo malamang kung nasaan man iyon ngayon tiyakbantay sarado iyon sa mga tauhan ng papa niyo…ibig ko sabihin ni Gov.” pagkontra ni Papi.
“Kung duda ka sa kakayahan ni Jaime, then do it for me. Ipakita mo sa akin ang ulo ni Romero. Baka sakaling bumilib ako sa iyo. At kung may inggit ka pa rin kay Jaime, isama mo na rin ang kanya. Actually, kung lahat na lang sila pati na si Emilio.” saad pa ni Premo.
Sineryoso ni Papi ang sabi ni Premo. Tinutoo nito ang kagustuhan ng lalake at sa mismong kaarawan ni Gov Emilio inirigalo ni Papi ang ulo ni Romero sa kanya. Ipinaalam niya iyon kay Premo. Abot hanggang empiyerno ang galit ni Emilio nang malaman na si Jaime ang may gawa ng pagpaslang kay Romero. Si Jaime kasi ang nahagip ng cctv ng resort ng mga Santana kung saan nagtatago si Romero at bago ito pinatay. idenitalye pa ni Papi kung paano nito naisagawa ang pagpaslang hindi man lang natunugan ng mga tauhan ni Gov Emilio.
“Dati akong tauhan ni Gov Emilio, mga kaibigan ko rin ang halos sa mga nandoon sa resort niyo. Nang nalaman ko na doon gaganapin ni Gov ang kaarawan niya ng private, kinutuban na ako na nandoon si Romero. Good terms naman kami ni Gov kahit na umalis na ako sa kanya kaya nang imbitahin ako ng ma dati kong kasamahan, winelkam naman ako ni Gov. Di nga ako nagkamali nagkita kami ni Romero. At doon na nabuo ang plano ko. Malas lang ni Jaime at nakisabay pa sa moment ko. Tuloy siya ngayon ang hina-hunting ni Gov.” kwento ni Papi.
Sa ginawa nito, humanga si Premo sa determinasyon ni Papi makuha lang ang atensiyon nito. At gaya nga nang mga nabitawan nitong salita sa lalake. Pumayag ito sa matagal ng sinasambit ng puso ni Papi. Tinanggap nito ang lalake na maging kanyang nobyo at hindi lang basta laruan lang niya sa kama. Simula nun si Papi na ang naging kasakasama nito sa buhay. Maging sa pagbago nito ng katauhan, todo suporta si Papi. Ngunit sa kabila ng lahat hindi parin naging sapat si Papi para kay Premo.Lalo na ng pumasok na ito sa politika at sa mga negosyong naiwan sa kanya ng namatay na Gov. Nawalan na ng oras si Premo kay Papi at muli na naman to naiisantabi. Hanggang may nalaman ito tungkol sa napabayaang anak.
“Natagpuan ko na ang anak ko. Kunin mo siya sa dating pulis na si Makalaay. Gusto kong makasama ang anak ko.Pakiusap gawin mo ito sa akin.” pakiusap ni Precy kay Papi.
“twenty seven years, sigurado ka pa bang interesado parin siya sa totoo niyang buhay? At matatanggap kaya niya kung malaman nga niya ang totoo na ang tunay niya ama ay nasa katawan na ng isang ina? At isa pa hindi pa nga tayo tapos sa kakahanap ng ama mo. Ang anak mo na naman?” ani pa ni Papi kay Precy.
“nasagot mo na ang tanong mo. Fourty five years but still hinahanap ko parin ang nagiwan ng semilya sa nanay ko dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Hinding-hindi ako tutulad sa ama ko a hindi man lang gumawa nang paraan para hanapin ang kanyang pinagpaguran.Kung totoong mahal mo ako, dalhin mo sa akin ang anak ko.” ayon pa kay Precy.
Ito ang naging papel ni Papi sa buhay ni Precy. Ang matinding pag-ibig nito kay Precy ay hindi kayang sukatin ng simplen salita lamang. Sa ilang taong pagtitiis hanggang sa kasalukuyan hindi parin bumibitaw si Papi sa pag-asang matutumbasan din ni Precy ang kanyang mga sakripisyo.
Hindi kayang magtimpi pa ni Precy sa mga hirit sa kanya ni Papi at nanginginig ito sa galit. Papatayo na ito sa lamesa nila ni Papi nang pigilan ito ng lalake. Hinawakan ni Papi ang kamay ni Precy na nakapatong sa mesa. Umalis mula sa pagkakaupo si Papi at lumuhod ito sa harapan ni Precy tsaka may kinuha ito mula sa bulsa ng kanyang jacket. Isang maliit na box na kulay pula. Ikinagulat ni Precy ang sunod na ginawa ni Papi nang buksa nito ang hawak na maliit na kahon .
“will you marry me? Precious Santana?“maluha-luhang tanong ni Papi kay Precy nang ipinakita nito ang purong diyamanteng singsing na hawak nito.
Napatikom na lang ang mga bibig ni Precy sa alok sa kanya ni Papi. Ang kaninang kumukulong dugo sa galit ay agad tumahan. Nabasag ang matapang na angas ni Precy. Naging kasing lambot ito ng bulak na animoy dinduyan ng hangin sa kaulapan. Gumuhit ang hindi mapigil na ngiti sa mukha nito. Napansin na lang ni Precy ang pagdaloy ng mga luha nito sa kanyang mga pisngi. Doon na napagtanto nito na mahal ngang talaga siya ni Papi.
“handa ka bang maging asawa ko habang buhay?” muling tanong sa kanya ni Papi.
“I do, tinatanggap na kita ng buong-buo sa buhay ko bilang asawa ko. Mahal din kita Papi.” tugon ni Precy na bumuhos na ang luha.
Nagpalakpakan at naghiyawan ang ibang mga customer na nandoon. Nawala na ang hiya ni Precy nang nagsisigawan na ang lahat ng “Kiss!”. Hindi na inalintana ng dalawa ang mga mapagusig na mata ng mga nakakakita na hindi sang-ayon sa kanilang pagmamahalan. Marami ang mga nandoon na kinukunan sila ng video. At ang nakakakilig na tagpong iyon ay nakita mismo ni Maru sa kanyang cellphone nang gawin itong live ng isang netizen na agad namang pinagpiyestahan sa buong social media platforms.
Nagmamadali itong pumasok sa bahay nang hindi man lang natapos ang pagdidilig ng halaman sa labas sa sobrang excited nito na maipakita kay Fil ang video. Pagkapasok nito sa loob agad nitong nabungaran si Fil na nagpupunas ng pawisan nitong katawan gamit ang hinubad nitong damit. Pansin pa ni Maru ang tabingi nitong boxers shorts na suot. Napakunot pa ito ng noo nang makita si Rodge na kakalabas lang sa kuwarto nito at tulad ni Fil pawisan din ang katawan nito at tanging maiksing shorts na puti lang din ang suot. Nagkatinginan ang tatlo.
Agad na nilapitan ni Fil si Maru, tinungo naman ni Rodge ang banyo. Ngunit sinadya pa nitong dumaan sa harap ng dalawa sabay sabi kay Fil ng…“ulitin natin iyon minsan, pinagpawisan talaga ako dun. Ang galing mo Fil pare”.
Sumalubong ang mga kilay ni Fil nang marinig iyon kay Rodge. Malinaw din iyon sa tenga ni Maru kaya kinumpronta nito si Fil nang makapasok na ng banyo si Rodge. Tinanong nito ang lalake kung ano ang ibig sabihin ni Rodge na uulitin nila at ang dahilan kung bakit pawisan ang kanilang mga katawan. Mabilis naman nakaimbento ng dahilan si Fil.
“Nag push ups lang kami baby ko. Paramihan kami ng push up eh natalo ko siya. Kaya naghahamon ng rematch. At kaya nakita mo kaming pawisan parehas.” Paglinaw ni Fil.
“ Pero parang iba ang pagkasabi niya kanina, may landi ang dila. Tsaka ang titig niya sa iyo kakaiba, may lagkit eh.“ Ang may pairap na tugon ni Maru.
Inamo naman ni Fil ang kasintahan nang tila napansin nito ang pag-asim ng mukha ni Maru.
“Parang ikaw yata ang nagseselos ngayon ah. Diba ako dapat ang makaramdam niyan? Dati mo na kayang crush si Rodge.” Ani ni Fil habang nilalambing si Maru.
“Dati iyon, pero ikaw na ang boyfriend ko ngayon. At iba na ang feeling ko sa Rodge na iyan. Mukhang tama nga ang kutob mo, may lansa rin ang dugo niya. Kaya huy! Subukan mo lang na kumagat sa paglalandi niya sa iyo, puputulin ko talaga ang nakabukol diyan sa boxers mo. Tsaka ayusin mo nga iyan, sa kakapush up niyo tabingi na ang boxers shorts mo.” Sabi ni Maru tsaka kumalas sa mga braso ni Fil at tinungo ang sofa sa sala.
Sumunod si Fil at muling nilambing si Maru, sa aktong hinahalikan nito leeg ang huli nang siyang pasok naman ni Paz na nakita ang ginawa nito kay Maru. Sa gulat agad na napatayo ang dalawa at kumalas sa isa’t isa. Napatingin sa kanila si Paz na may katanungan ang expression ng mukha nito. Hindi paman bumubuka ang bibig nito para tanungin ang dalawa agad nang dumepensa si Fil.
“Tita nagbibiruan lang kami ni Maru, diba Mar? Nagbibiruan lang tayo? Walang ibig sabihin iyong nakita niyo lambingang mag tropa lang iyon.” Ani ni Fil.
“Maharot lang talaga itong si Fil tiya, sinasaway ko nga eh kaso ang kulit. Nagbibiruan lang talaga kami.” Pag segunda pa ni Maru.
“Huwag niyo na akong gawing tanga, alam ko ang nakita ko. At itanggi niyo man sa harapan ko, alam ko na may namamagitan na sa inyo. Lalo ka na Maru, hindi ka pa tinutubuan ng bulbol kabisado ko na ang kalandian mo. At kahit maglihim ka pa, alam ko kung may tinatago ka sa akin. Ikaw din Fil. Huwag ka na magkaila, hindi ko lang kayo sinisita pero matagal ko na kayong pinagmamatyagan. Hindi naman ako tutol diyan sa kung ano’ng meron kayo. Ang sa akin lang sana maging responsable kayo sa pinasok niyong iyan. Baka sa una lang ang pasarap. Sa bandang huli magkakasawaan din. Tapos may iiyak. Ayokong marinig isang araw na may luluha at magsisisi. Ayokong magkasamaan kayo ng loob sa isa’t isa balang araw. Tsaka kung seryoso naman kayo diyan bakit niyo pa nililihim sa amin. Lalo na sa tatay Paeng niyo.” Turan ni Paz sa dalawa.
Napayakap na lang ang dalawa sa sinabi ni Paz. Sa pagtanggap ni Paz sa relasyon ng dalawa nakaramdam ng kalayaan sina Fil at Maru. Mula sa pintuan ng banyo, nakita ni Rodge ang pagyayakapan ng tatlo. Lumapit ito sa mga iyon sabay tanong kung ano ang nangyayare. Hindi tumugon sina Fil sa halip umiwas ito at lumabas ng bahay at tinungo ang kanyang motorsiklo. Si Maru naman tinungo ang kanilang kuwarto. Naiwan si Paz na nagtataka sa biglang pag-iwas ng dalawa sa paglapit ni Rodge.
“May problema ba kayong tatlo?” Tanong ni Paz.
“Ewan ko tita, nagtaka nga ako nang hindi man lang ako napansin ng dalawa. Bakit ba tita, ano ba ang nangyari kanina? Nakita ko kayong tatlo na nagyayakapan dito.” Tugon ni Rodge.
“Ah eh kuwan may napag-usapan lang. Siya nga pala wala ka bang pasok ngayon sa trabaho mo?”
“Mamaya pa naman, hihintayin ko lang si Rafael…I mean ni tito Paeng, at ihahatid niya daw po ako.” Wika ni Rodge.
“Ihahatid ka ni Paeng?” Pagtataka ni Paz.
“Iyon ang sabi niya kanina, hindi ko pa kasi masyadong kabisado itong lugar dito. Hanggang sakayan lang naman. Gagamayin ko muna ang pasikot-sikot dito sa lugar tita.” Sagot pa ni Rodge.
“Hayaan mo pag nakausap ko na si Paeng tungkol sa balak namin na bumalik ng kuwatro uno, doon ka na muli sa dating tinutuluyan mo. Mainam dun kasi kabisado mo na ang lugar. Tsaka mas malapit iyon sa downtown area. Masyado ngang malayo itong lugar na’to. Tapos nasa pinaka dulo pa tayo.” Ani ni Paz at iniwan na si Rodge.
Hindi man magsalita si Paz,may mga pagdududa na rin ito sa totoong ugnayan ni Paeng at Rodge. Ayaw lang nitong pangunahan ang kuya dahil batid din naman nito ang lihim na pinagdadaanan ng kapatid sa kanyang sarili.
Nang araw na iyon isa sa malaking balita sa buong siyudad ang naganap na proposal ni Papi kay Precy. At isa si Jericho sa nakasaksi ng pangyayari dahil nandoon ito mismo sa lugar kung saan naganap ang lahat. Nang malaman nito na pinapasundan sila ni Precy sa mga tauhan nito, nagkainteres na rin si Jericho na subaybayan ang mga kilos ng kapitana. Lalo na nang mahuli nila ang mga nagbabalak nun sa bago nilang nilipatan na bahay.
Malayo ang puwesto ni Jericho kina Precy kaya hindi siya napansin nito nang mapalingon ang kapitana sa direksyon ng lalake. Papaalis na sana sa coffee shop na iyon si Jericho nang siyang pagpasok naman ni Samonte sa pintuan. Napayuko si Jericho at bahagyang ibinaba ang ball cap nitong suot. Sinundan lang nito ang hepe na dumaan sa kanyang harapan at nagtaka ito nang lumapit ang pulis kay Precy.
“Pati pala ang hepe tuta rin ng Precy na ito. Pero ano ba talaga ang dahilan mo at balak mo akong ipakuha sa mga surot mo kapitana?” Bulong ni Jericho sa sarili habang nakatingin sa tatlo.
Nang mapansin nitong paalis na ang tatlo, nauna nang lumabas ng coffee shop na iyon si Jericho. Tinungo ang kanyang motorsiklo at nag-abang sa kabilang kalye.
“Pasensya na kung naging kasabwat din ako ng ama mo sa paglihim sa iyo ng lahat. May dahilan ang ama mo bakit hindi siya nagpakilala sa iyo at sa kagustuhan na rin ng ina mo. Gayunman hindi ka naman pinabayaan ng mayor. Ipinasok niya sa bakuran ni Gov si Papi upang may mata siya sa iyo at mabantayan ka.” Turan ni Samonte nang kausapin ito ni Precy tungkol sa mga nalaman nito sa pagkatao ng kapitana.
“Ang mahalaga ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Isa pa pala sa dahilan nang pagpapunta ko sa iyo rito, ay tungkol sa mga inutusan ko. Aware ka naman siguro dun kasi isa sa kanila pulis mo. Gusto ko sa lalong madaling panahon mahanap agad ang may gawa sa kanila nun. Malakas ang kutob ko na pagbabanta iyon sa buhay ko. Kaya pakilusin mo ang mga pulis mo hindi iyong naghihintay lang kayo lagi sa biyaya hindi naman gumagawa.” Saad ni Precy.
“Ibig sabihin wala kang kinalaman sa nangyaring pagpatay sa kanila? Hindi ikaw ang may gawa nun?” Gulat na reaksyon ni Samonte sa sinabi ni Precy.
“Bakit ko naman iyon gagawin sa kanila? Mga tumatarantado lang sa akin ang tinutudas ko. Nabigo man sila sa utos ko pero mga tapat kong tao ang mga iyon. “ Tugon ni Precy.
“ Kaya nga kailangan mo na talagang iwanan ang lugar na ito. Magagawa mo parin naman ang pagmonitor sa mga negosyo mo kahit nasa ibang bansa na tayo.“ Sabat ni Papi.
“Gagawin ko iyon sa oras na makakaharap ko na ang anak ko. Tanggapin man niya ako ok hindi. Makita ko lang siya.” Ayon pa kay Precy.
Nauna na sa dalawa si Samonte, at matapos makapagpaalam sa isa’t isa sina Papi at Precy nauna na rin si Papi sakay ng kotse nito upang gawin ang isa pang kondisyon ni Precy. May ngiti na sa mukha ni Precy matapos ang pag-uusap na iyon ng tatlo. Isa na lang ang kailangan niya at buo na ang buhay niya. Sakay ng kanyang kotse nilisan narin nito ang lugar na iyon.
“Papunta na siya sa puwesto mo. Sakto kasi siya lang ang mag-isa sa kanyang kotse.” Ani ni Jericho sa kausap nito sa cellphone.
Sinusundan nito ang kotse ni Precy. Walang kamalay-malay ang huli na ang ninanais makita ay nasa likuran niya lang pala at nakasunod sa kanya. Nasa intersection na ito ng isang kalye nang may napansin si Precy sa unahan lang nito. Marahan siyang lumapit doon upang tukuyin kung tama nga ba ang nakikita niya.
Nasa unahan lang nito si Hector na tila nasiraan ng kanyang motor. Tubuhan ang magkabilang gilid ng kalsadang iyon at madalang lang ang dumadaang sasakyan sa parteng iyon dahil lihis ang kalye na iyon sa main road at daanan madalas ang daan dun ng mga pribadong kotse na gustong umiwas sa mabagal na traffic.l
Napansin ni Hector ang paghinto ng kotse malapit sa kanya, kumaway ito para makuha ang atensyon ng sakay tsaka nilapitan ang kotse na iyon.
“Ikaw pala, grabe sa dinami-dami ng puwedeng dumaan dito ikaw pa talaga ang na timing sa kamalasan ko.” Sambit ni Hector nang makita si Precy na siyang nagmamaneho ng kotse na iyon.
“Alam ko ba na makikita rin kita dito? Kung minalas ka, nabuwisit naman ako nang makita kang nakaharang sa daraanan ko. Tunay ngang makalat ang isang basura, kung saan-saan na lang gumagala. At puwede ba itabi mo iyang bulok mo na lata ng makadaan ako. Junkshop na ang kailangan niyan.” Pagtataray ni Precy.
“Grabe ka naman mang lait porke’t magara ang kotse mo. Hindi mo ba naaalala ang lata na iyan? Sabagay sa tulad mo, madali lang sa iyo ang lumimot. Pero ipapaalala ko lang sa iyo na sa iyo galing ang lata na iyan. Regalo mo sa akin noon. At kung wala na iyon sa iyo. Sige sagasaan mo. May samaan man tayo ng loob pero hindi ako tulad mo na isasantabi na lang ang masasaya nating nakaraan. Kaya kahit kalawangin iyan pinapahalagahan ko ang lata na iyan dahil bigay iyan ng taong minahal ako noon at minahal ko rin noon.” Tugon ni Hector, tsaka tinalikuran si Precy.
Natahimik ang kapitana sa sinabi ni Hector sa kanya. Nang makitang tinutulak ng lalake ang tumirik na motor. Bumaba ito ng kanyang kotse at nilapitan si Hector.
“Ipakuha mo na lang iyan sa mekaniko, sumabay ka na sa akin. Ihahatid na kita. Saan ba ang punta mo?” Paglapit ni Precy.
Napangiti si Hector sa pag alok na iyon ni Precy sa kanya. Pumayag ang lalake at sumakay sa kotse ni Precy. Matagal nang lumipas ang nakaraan ng dalawa ngunit hindi parin kumukupas ang gandang lalake ni Hector at kakisigan na siyang kinabaliwan noon ni Precy bilang si Hector dati. Magkatabi sa kotse ang dalawa. At bagama’t marami na ang nagbago hindi parin maitatanggi ni Precy sa sarili na natatakam pa din ito kay Hector.
“Papunta na ito sa relocation site ah, saan ba talaga ang punta mo?” Puna ni Precy habang nagmamaneho.
“Sa site mismo ang punta ko. Sa dating tinutuluyan namin matapos ako iwan ni Mercedes.” Ani ni Hector.
“Akala ko ba inabandona na ng mga residente dun ang lugar? May nagtitiyaga parin pala dun.” Wika ni Precy.
“Sa mga mahihirap na tulad namin lahat kayang tiisin may masilungan lang na libre. Sandali iliko mo ako sa kalye na iyan, short cut tayo nang makarating agad tayo tsaka makauwi ka na rin.” Tugon ni Hector.
Wala namang pag-alinlangang sumunod si Precy. Ngunit habang papasok na sila sa makipot na daan. Iba na ang kutob nito.
“Kung may binabalak kang masama sa akin, ngayon pa lang mag-isip-isip ka na. Naka track ang kotse kong ito at sakaling may mangyari sa akin matutunton ka ng mga tauhan ko.” Paalala ni Precy kay Hector.
“Kita mo nga naman kapag masama ang ginagawa sa kapwa, masama rin ang hinala. Hindi kami kasing sama ng iniisip mo. Alam namin tumimbang ng tao.” Turan ni Hector sabay labas ng nakatago nitong baril sa kanyang jacket at itinutok iyon kay Precy.
“Hayop ka Jaime, kung sa tingin mo nakapuntos ka sa akin ngayon, hintayin mo ang ganti ko. “ Tugon ni Precy at akmang inaatras ang kanyang kotse.
Ngunit nagulat si Precy nang sa kanyang pag atras isang nakamotorsiklo na tao ang bigla na lang lumabas sa mga talahiban at binunggo ang likod ng kanyang kotse.
“Relax ka lang, wala naman kaming gagawin sa iyong masama. May kakausap lang sa iyo. Sige na labas. Bumaba ka na ng kotse. At subukan mo lang tumakbo, gaya nga ng nasabi ko marunong kaming tumimbang ng tao. Ngunit nauutusan din namin ang bala. Baba na!” Utos ni Hector kay Precy.
Wala namang nagawa pa ang isa kundi ang sumunod na lang sa sinasabi ng lalake. Hindi rin nito nagawang kunin ang kanyang baril sa lalagyan nito sa kotse kasi naunahan na nitong pormahan ni Hector. Marahang bumaba si Precy sa kanyang kotse habang nakasunod sa kanya si Hector na nakatutok parin ang hawak na baril. Sinalubong naman si Precy ng sakay ng motorsiklo na naka-helmet ng itim at kulay maroon na leather jacket. Tinututukan din nito ng baril si Precy.
Sumusunod lang sa utos ni Hector si Precy ngunit nagiisip na ito ng paraan kung paano takasan ang dalawa. Palinga-linga ang tingin nito sa paligid, naghahanap ng malulusutan. Lumapit ang lalaking naka-helmet kay Precy at nilagyan nito ng dalang cable tie ang mga kamay ng kapitana patalikod.
“Hindi ka ba? At bakit ka nagpapauto sa Jaime na ito. Wala kang makukuhang kaginhawahan sa tarantadong ito. Ako, kaya kitang bigyan ng luhong nais mo. Kung pera ang habol mo, kaya kong ibigay iyon ng triple pa sa alok sa iyo ng taong ito!” Saad ni Precy sa lalaking naka-helmet.
“Hindi pera ang gusto, kundi kasagutan sa mga itatanong ko sa iyo. Kaya tama na ang daldal, ireserba mo na iyan sa mga katanungan ko mamaya, hala lakad!” Utos pa ng lalake sabay tulak kay Precy.
Sumigaw ng saklolo ang kapitana ngunit tinawanan lang ito ng dalawa.
“Humingi ka pa ng tulong, baka sakaling maawa sa iyo ang mga kuliglig at lamok dito at tulungan ka.” Natatawang wika ni Hector na inaasar lang si Precy.
Nang marating na ng tatlo ang bahay na minsan pinagdalhan ni Hector kay Jericho agad nilang itinulak sa loob si Precy. Kumuha ng isang silya ang naka-helmet at pina-upo roon ang kapitana. Doon na rin tinanggal ng lalake ang suot na helmet at ipinatong iyon sa mesa. Natigalgal si Precy nang tumambad sa kanya ang mukha ni Jericho. Titig na titig ito sa lalake na nakatingin sa kanya. Kumislap ang galak sa mga mata ni Precy nang masilayan ng harap-harapan ang pinakapangarap na makita. Isang ngiti ang gumuhit sa labi nito na sinabayan pa ng pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. Punong-puno ng pananabik ang mukha na iyon ni Precy.
Akma itong tatayo para sana lapitan si Jericho nang tinutukan ito ng lalake ng baril at inutusang pumirmi sa kinauupuan nito. Nasa sulok lang si Hector at nakamasid sa dalawa. Nagsimula nang magtanong si Jericho kay Precy.
“Ayaw ko ng maraming pasakalye. Gusto ko tumbok agad ang sagot mo sa itatanong ko. Umayos ka kung nais mo pang makita ang pinakamamahal mong si Papi.” Sambit ni Jericho na may sarkastikong ngiti kay Precy.
“Magtanong ka at handa akong sagutin ka ng pawang katotohanan. Matagal ko nang pangarap ang makaharap ka. Hindi nga lang sa ganitong paraan pero ayos lang ang mahalaga ngayon sa akin kaharap na kita.” Tugon ni Precy.
Malugod ang mga pagtanggap ni Precy sa mga tanong ni Jericho. Ngunit hindi kumbinsido ang lalake sa mga sagot sa kanya ng kapitana.
“Ginagago mo ba ako? Nais mo makasama at makita ang anak mo tapos pamilya ko ang pinapasundan mo? Ano ang akala mo sa akin, basta na lang maniniwala sa walang kuwenta mong dahilan? Isang tanong pa, bakit mo pinagtangkaan ang pamilya ko? Sagot!”
“Hindi ko balak na saktan ang pamilya mo, at wala akong intensyon na gawin iyon. Oo pinapasundan ko si Paeng dahil ang alam ko may kinalaman siya kung nasaan ang anak ko. At nang makumpirma ko na tama ako. Nag-utos ako para kunin siya sa kanya. Hindi ko alam kung paano lapitan at kakausapin ang anak ko na hinayaan ko sa loob ng mahabang taon. Dahil mahihirapan lang akong pantayan ang pagmamahal at pag-aaruga ng kinikilala niyang ama. Nagawa kong gumamit ng tauhan dahil naduwag akong magpakilala sa iyo ng harapan anak. Jericho ako ang totoo mong ama. Anak kita kay Salvi.” Bulalas ni Precy sabay humagulgol ng iyak.
Umalingawngaw sa tenga ni Jericho ang pagtawag sa kanya ni Precy ng anak. Natulala ito sa kanyang kinatatayuan sa pag-aamin na iyon sa kanya ng kapitana. Maging si Hector nagulat sa rebelasyon ni Precy. Nagpatuloy pa si Precy sa pagsasalaysay ng lahat. Ikinuwento nito ang buong estorya ng kanyang buhay noon kapiling pa si Salvi at kung paano nangyari ang lahat ng iyon. Natapos lang ang mga pagkuwento ni Precy na walang naitugon sa kanya si Jericho. Tahimik lang itong lumabas ng bahay na iyon.
Nilapitan ni Hector ang umiiyak parin na si Precy at binigyan ng mahigpit na yakap ang kapitana. Ramdam ni Hector ang bigat ng damdamin ni Precy, dahil ganun din ang naramdaman nito nang hinahanap niya ang kanyang anak na si Maru. Batid ng lalake na nagsasabi ng katotohanan si Precy. Gayunpaman nasa kay Jericho parin ang pagpapasya kung paniniwalaan nito ang mga sinabi ng kapitana o hindi. Sa puntong iyon tinanggal na ni Hector ang gapos ni Precy. Sinundan nila sa labas si Jericho ngunit wala na ito roon at narinig na lang ng dalawa ang tunog ng pag-andar ng motorsiklo palayo sa lugar na iyon.
“Hayaan na muna natin si Jericho na makapag-isip, saan ba at maliliwanagan din ang lahat. Hangad ko na magkausap kayo muli bilang mag-ama. Pero pwera biro, ano ba ang gusto mong itawag sa iyo ni Jericho saka-sakali, Papa ba? O Mapa?” Birong hirit pa ni Hector.
“Kahit na ano,” tugon ni Precy na may ngiti sa mukha.
Hindi man nito narinig ang reaksyon ng anak, sapat na para kay Precy ang maipaalam sa anak ang katotohanang matagal na nitong tinatago sa dibdib.
SIYA, SILA AT SIYA
Rinig mula sa labas ang paglagaslas ng tubig sa shower nang bumalik si Rodge sa unit ng hotel kung saan sila nagpunta ni Paeng. May dala itong pagkain. Pagkalapag ng dala sa maliit na mesa, agad itong nagtanggal ng suot sa kanyang katawan at pinasok si Paeng sa loob ng banyo.
Nakatapat nun si Paeng sa shower na nakaharap sa dingding na tiles at tila malalim ang iniisip. Hinahayaan lang nito ang buhos ng tubig sa kanya na para bang nagpapakalma sa kanya. Nang mapansin na lang nito ang pares ng mga kamay na humahaplos sa malapad nitong dibdib mula sa likuran niya. Napalingon ito at hinarap si Rodge na tumugon agad sa kanya ng mapusok na halik sa bibig. Napasandal si Paeng sa dingding ng idiniin ito ni Rodge tsaka sinibasib ng husto ang labi ng lalake.
Napansin ni Rodge ang matamlay na tugon sa kanya ni Paeng.
“Ano ba? parang wala ka namang gana. Namiss kita ng husto Rafael. Namiss ko na ang mga panglalaspag mo sa katawan ko. Paano ba kasi, kung doon sa bahay niyo parang kang nagmamadali. Namiss ko na iyong dating ginagawa mo sa akin.” Ani ni Rodge na sige parin sa paghimod ng halik sa leeg at dibdib ni Paeng.
“Nagkita kami ni Ignacio, at hinahanap niya na ang kuya niya. Rodge nakokonsensya na ako sa nagawa natin.” Tugon ni Paeng.
Napahinto sa ginagawa nito si Rodge at iniwan si Paeng tsaka lumabas ito ng banyo na may inis ang mukha. Sumunod sa kanya si Paeng na nagtapis ng tuwalya.
“Kung ganito lang naman pala ang pinunta natin dito sana hindi mo na lang ako sinundo sa bahay niyo. Doon, mas nalibang pa siguro kami ng anak mo.” Wika ni Rodge na may galit sa tono ng pananalita habang nagpupunas ng katawan na basa.
“Bakit parang ok lang sa iyo ang nangyari? Hindi ka ba nakokonsensya sa pagpatay mo sa kuya ni Ignacio?” Tanong ni Paeng na napataas narin ang boses.
“Ikaw dapat ang papatayin niya, inunahan ko lang siya. Kasalanan niya iyon kasi sumugod siya dun. At huwag ka ngang ganyan. Pulis ka dati diba? At gawain niyo rin naman iyan ang pumatay ng inosente at walang kalaban-laban?” Ang pabalang na sagot ni Rodge.
Napikon si Paeng sa sinabi ng lalake kaya napabigla ito ng reaksyon, naitulak nito si Rodge sa kama kaya napahiga dun ang isa.
“Huwag mo akong itulad sa iba. Iba ako sa mga iyon! Walang kasalanan sa akin ang taong pinatay mo at tinapon natin. Kung wala lang iyon sa iyo, sa akin binabagabag na ako ng konsensya ko. Dahil kuya siya ng kaibigan ko!” Bulyaw ni Paeng.
“Kaibigan lang ba talaga kayo ng pulis na iyon? Rafael hindi ako bulag, at lalong hindi ako manhid na hindi ko mararamdaman na may kakaiba sa mga titigan niyo. Kaya huwag mo na akong isama sa mga ginagago mo. Sige kung kinokonsensya ka na, magsumbong ka dun. Sabihin mo ang nangyari. Ipagtapat mo ang ginawa natin. Dahil hindi lang naman ako ang madidiin dito, kasama ka na!” Sabi pa ni Rodge na siyang kinatahimik bigla ni Paeng.
Mabilis na bumangon si Rodge at isa-isang dinampot ang mga pinaghubaran nito tsaka sinuot. Nahimasmasan naman si Paeng ng makitang nagbibihis muli si Rodge. Nilapitan nito ang lalake at niyakap ng mahigpit mula sa likod sabay pinaghahalikan nito sa leeg at batok si Rodge.
“Sorry, magulo lang talaga ang isip ko nitong mga nakaraan sorry talaga mahal. Please huwag ka muna umalis sa tabi ko. Ikaw lang ang nakakaintindi sa nararamdaman ko. Huwag mo muna akong iwan.” Ang biglaang paglambot ni Paeng habang niyayapos ng maalab na yakap si Rodge.
Hindi naman ito matiis ng lalake at hinarap si Paeng. Muli nitong dinampian ng mainit na halik sa labi ang ngayo’y nagmamakaawa sa kanyang harapan. Inihiga ni Rodge si Paeng sa kama tsaka muli itong nagbaba ng pantalon. Nang Naka hubo na lahat-lahat. Pinatungan na nito si Paeng na nakaabang naman sa kanya. Isang umaatikabong pangasan na naman ng laman ang pinagsaluhan ng dalawa.
Pagdating talaga sa kama, tiklop ang tapang ni Paeng. Bagama’t si Rodge ang botomesa sa kanila ito naman ang mas agresibo at dominante pagdating sa romansahan. Habol ang bawat hininga ni Paeng habang taas baba ang bibig ni Rodge sa naghuhumindik nitong tarugo. Baon kung baon, bahala na ang magkandaduwal-duwal sa kakasubo ang mahalaga mapagsilbihan ng maayos si Paeng.
Nang maramdaman ni Paeng na parang lalabasan na ito agad niya pinahinto si Rodge at siya naman ang umayuda sa lalake. Binalibag nito sa kama si Rodge tsaka pinasadahan ng bigay todo na pag brutsa mula talampakan ni Rodge paakyat sa nagmamatigas na titi ng lalake. Baliw na baliw si Rodge sa ginagawang pag-aararo sa kanya ni Paeng.
“Tuhugin mo na ako Rafael naglalaway na ang puki ko. Sabik na siyang maturukan ng hiringgilya mo. Barurutin mo na ako sige na.” Nakangiti pang hiling ni Rodge kay Paeng.
Agad pumwesto si Paeng at isinakay nito ang mga binti ni Rodge sa kanyang balikat tsaka inilapit sa kanya ang balakang ng lalake. Nang malantad na sa kanya ang kumikislot-kislot pa na butas ni Rodge, walang paa-paalam na agad nitong binuljak nang pakayod ang tumbong ng lalake. Swak na swak ang pagkatarak nito sa butas ni Rodge. Todo bayo agad si Paeng nang maineksiyonan si Rodge. Muling pinamalas ni Paeng sa lalake ang galing nito sa pagkudkod ng niyog.
Kwaretay otso na si Paeng, pero palaban parin ito sa kama, kahit pa na mas bata sa kanya ang katalpakan nito sa ibabaw ng kama.
“Mas masarap parin talaga ang daddy sa kulkugan. Sige lang Rafael, kabayuhin mo pa ako. F*ck me harder…much harder. Patunayan mo na mas magaling ang may edad kaysa sa mas bata. Oh shit Tang’Ina dad ang sarap.” Ani ni Rodge na panay ungol lang at mura ang tugon sa pagkangkang sa kanya ni Paeng.
Balik kay Hector, nakailang ulit na nitong tinatawagan si Jericho ngunit hindi siya sinasagot ng lalake. Pinapatayan siya nito ng cellphone. Nag-aalala na ito sa lalake ngunit wala na itong magawa talagang nais ni Jericho ang mapag-isa.
Nasa gilid ito ng bangketa nang may bumusina sa kanyang motor, nang tingnan kung sino. Napatungo ito nang makita si Fil sakay sa service nitong motorsiklo. Nilapitan ni Hector si Fil nang tawagin siya ng lalake, nasa kabilang daan si Fil kaya si Hector na ang tumawid ng kalsada para puntahan ito.
“Wala ka bang delivery ngayon?” Bungad na tanong ni Hector paglapit nito kay Fil.
“Galing nga ako sa condotel diyan sa Infiniland May dineliber. Ikaw kuya, pauwi na ba?” Tugon ni Fil.
“Pauwi na nga, nag-aabang nga ako diyan ng masasakyan ng tinawag mo ako. Nasira kasi iyong motor ko kanina kaya iniwan ko muna sa shop.”
“Kung gusto niyo hatid ko na kayo. Angkas na kayo.” Ani ni Fil.
“Hindi ba ako nakakaabala sa iyo?”
“Kayo pa, sige na hatid ko na kayo. Wala narin naman akong balak pa na bumalik sa trabaho dahil balak ko magtungo mamaya sa presinto.” Wika ni Fil.
Pinagtaka ni Hector ang plano ni Fil na pumunta ng pulis station. Inusisa nito ang lalake sa kanyang balak. Sinabi ni Fil kay Hector ang dahilan nito.
“Hindi kaya kailangan mo munang kausapin si Paeng tungkol dito. Siya lang ang may alam sa kaso noon ng mga magulang niyo. Tsaka baka matulungan ka pa niya. Ang alam ko dati pa nais pabuksan ni Paeng ang kaso na iyon. Kaso maging siya na nasa katungkulan pa noon wala rin nakuhang matinong sagot. Nang masunog ang hospital at magreport ang pagkamatay ni Romero, tuluyan ng sinara ang kaso.” Komento ni Hector.
“Naniniwala ako na hindi pa tapos ang kaso, at hindi pa nakakamit nila mama ang hustisya. Naniniwala ako na hindi si Romero ang salarin sa nangyari sa kanila. Kaya hahanapin ko ang tunay na sagot sa lahat ng mga bumabagabag sa mga panaginip ko.” Ayon sa paniniwala ni Fil.
“Desisyon mo iyan,…pero nasabi mo na ba ito sa kuya mo?”
“Hindi nga ako sinasagot ni kuya, kanina ko pa nga iyon tinatawagan. Wala ka bang alam kung saan nagpunta si kuya?”
“Wa-wala, hindi ko na siya inabutan kanina nang magising ako. Baka may mahalaga lang pinuntahan.”
Pansin ni Hector ang kakaibang titig ni Fil sa kanya nang tanungin ito tungkol sa kanyang kuya. Tila tinatagong kahulugan iyon na hindi niya makuha. Kinailang iyon ng lalake. Napaiwas ito ng tingin kay Fil sabay suot ng dala nitong helmet. Umangkas ito kay Fil ngunit may kaunting asiwa na itong nararamdaman.
“Masyado naman kayong dumidistansya sa akin. Ayos lang na dumikit kayo sa likod ko. Tsaka huwag na kayong mailang na kumapit sa beywang ko. Magkasing lapad naman kami ni kuya ng katawan.” Pangiting sabi ni Fil tsaka pinaandar na ang motorsiklo nito.
Kinutuban si Hector sa pahaging na iyon sa kanya ni Fil. Lalong hindi na ito naging kumportable sa pag-angkas sa lalake. Nais na lang sana nito bumaba ngunit tumatakbo na ang motor. Maalinsangan ang panahon na iyon ngunit nilalamig ni Hector. Pakiwari nito may alam na si Fil tungkol sa namamagitan sa kanila ni Jericho.
Papunta naman ng araw na iyon si Paz sa palengke para maningil sa kanyang mga pautang nang makasalubong nito ang dating kababata nila at labandera ni Salvi noon. Nabigla ang babae nang makakita si Paz, bakas sa mukha nito ang biglaang pagbago ng kanyang ekspresyon. Tila kabado ito. Balak pa nitong umiwas at lumihis ng daan ngunit nakita na siya ni Paz. Pasigaw pang tinawag ni Paz ang kanyang pangalan dahil sa tagal ng panahon ngayon lang sila muli nagkita.
“Kamusta Gema? Grabe ang tagal din na hindi kita na kita dito sa atin. Saan ka ba ngayon nakatira?” Salubong agad na tanong ni Paz sa babae na nagngangalang Gema.
“Kuwan mabuti naman. Ikaw kamusta may asawa ka na ba?” Tugon ni Gema na pilit ang ngiti nito kay Paz.
“Napaglipasan na tayo ng lovelife, tsaka masaya na ako ngayon kasi kasama ko sa bahay ang mga anak ni Salvi. Hindi ko na kailangan ng dagdag pa na lalake sa buhay ko. Sapat ng may tatlo akong anak-anakan na pinagkakaabalahan sa buhay.” Kuwento ni Paz.
“Tatlo ang naging anak ni Salvi? Kanino?” Ang gulat na reaksyon ni Gema.
“Hindi, dalawa lang ang anak ni Salvi. Iyong isa ampon ni Paeng. Anak ni Mercedes, iyong sosyalerang kaibigan ni Salvi. Iniwan kay Paeng nung baby pa lang. Hayun di na binalikan. Sa amin na nga lumaki…”
Biglang natahimik si Gemma nang mabanggit ni Paz ang pangalan ni Mercedes. Inusisa nito si Paz tungkol kay Mercedes.
“Nasabi ba ni Mercedes sa inyo kung sino ang ama ng kanyang iniwang sanggol?” Tanong ni Gema na may pagkabahala sa mukha.
“Naku twenty one years bago pa namin nalaman ang history ni Mercedes. Kung hindi pa dumayo sa amin si Hector hindi pa nagkabuklatan ng nakaraan. Itong si Hector pala ang ama ni Maru.” Sagot ni Paz.
“Hector? Ibig sabihin bukod kay…Jaime, may iba pang naging nobyo si Cedes?” Pagtataka ni Gema.
“Jaime?…ah oo nga pala tama, alter name lang pala ni Jaime ang Hector. Jaime nga pala ang totoo nitong pangalan. Pero teka, kilala mo si Jaime?” maging si Paz nagtaka rin.
Hindi tumugon si Gema kay Paz, agad itong nagpaalam sa babae na tila ba natataranta. Pansin ni Paz ang pag-iwas ni Gema. Likas na sa dugo ni Pasing ang pagiging marites, kaya hinabol pa nito si Gema na nilalakihan ang mga hakbang makalayo naman kay Paz. Panay ang tawag ni Paz sa pangalan ni Gema ngunit hindi na siya nililingon ng babae. Ipinagtaka ni Paz ang naging tugon na reaksyon ni Gema sa kanilang pagkikita. Napahinto lang sa kakasunod si Paz nang sumakay na ng jeep si Gema.
Napabuntong hininga na lang ito sa tabi. Nang may kumalabit kay Paz sa braso.
“Kakilala mo pala si Gema.” Wika ng babaeng tindera ng isda na nasa tabi lang ni Paz.
“Kapitbahay namin dati. Ngayon nga lang kami nagkita. Hinabol ko, kasi nakalimutan kong kunin ang cellphone number niya. Kaso hindi ko na naabutan. Bakit makakilala rin kayo nun?” Tugon ni Paz.
“Asawa siya ng kapatid ko. Nasa iisang bubong lang kami. Tinawag ko nga din iyon nang mapadaan dito. Pero hindi man lang ako pinansin.” Ani ng tindera kay Paz.
Kilala na ng mga tindera sa palengke na iyon si Paz dahil sa negosyo nitong pautang. Kaya nang humingi ito ng address ni Gema agad naman siyang binigyan. Hindi man sigurado si Paz sa kanyang kutob ngunit batid nito na may iniiwasang lihim si Gema, kaya ganun na lang ang pag-iwas nito kay Paz. At kung may kaugnayan man iyon sa nakaraan ng kanyang mga anak-anakan, naniniwala si Paz na dapat lang malaman nito. Nang mismong araw din na iyon, matapos ang kanyang pakay sa palengke tinungo agad nito ang address ni Gema. Ngunit huli na ang pagdating niya dun. Wala na dun ang babae. Tanging ang asawa na lang ng tindera sa palengke ang humarap kay Paz.
“Naku kakaalis lang ni Gema , nagtaka nga din ako nang bigla na lang nag-alsa balutan ang babaeng iyon tangan ang kanyang dalawang anak. Nang tanungin ko kung saan ang punta tinalikuran lang ako ng gaga. Bakit mo naman iyon hinahanap? Siguro isa ka rin sa inutangan ng babaeng iyon noh? Kawawa ka naman, hindi ka na mababayaran nun. Ikinamatay na nga ni bayaw ang kakunsumisyon sa asawa niya. Pasalamat siya at mabait ang asawa ko at pinatira parin sila rito. Dahil kung hindi lang sa mga pamangkin namin matagal na naming pinalayas iyon dito.” Turan ng lalake kay Paz.
Lalong lumakas ang hinala ng babae na may tinatago talaga si Gema.
“Matagal na ba dito sa inyo si Gema?” Tanong ni Paz.
“Walong taon na. Dinala siya dito ni bayaw buntis na sa kanilang panganay. Hanggang sa namatay si bayaw.” Sagot pa ng kausap ni Paz.
Nais pa sana magtanong ni Paz tungkol kay Gema nang tumawag sa kanya si Paeng. Sa pag-uusap nila ng kapatid naitanong ni Paz kay Paeng kung kasama ba sa naimbestigahan noon si Gema nang mangyari ang krimen kina Salvi. Hindi pa nakaalis nun si Paz kaya narinig ng lalake ang pinag-uusapan nila ni Paeng sa cellphone. At nang matapos na si Paz, biglang sumingit ang lalake. May sinabi ito kay Paz.
“Kamag-anak kayo nung pinatay na mag-asawa doon sa Maharlika road, dun sa 6th Street?”
“Bakit?” Pagbaling ni Paz sa lalake.
“Kuwan kasi, dati…hindi naman sa tsini-tsismis ko sa iyo si Gema. Pero dati pa nung buhay pa si bayaw. Nabanggit niya minsan sa akin nang mag-away sila ng asawa niya na may alam daw itong si Gema sa totoong nangyare sa mag-asawa. Pero hindi narin naman namin binigyan iyon ng lalim dahil nga sa hindi naman umusad ang kaso. Parang bula na nga lang na naglaho ang balita at nakalimutan na ang nangyari. Pero nang marinig ko sa iyo kanina na dati pala talaga nagtatrabaho bilang kasambahay si Gema sa mag-asawa, bigla na lang ako kinutuban ng hindi maganda. Tapos itong biglaang pag alis niya rito na wala namang dahilan.” Ani pa ng lalake.
“Dating labandera si Gema nila Salvi. Ako ang nagpasok sa kanya dun. Sayang at hindi ko na inabutan dito si Gema. Kung tama nga ang hinuha mo, baka siya nga ang susi para mabigyan na ng katapusan ang hustisya na ipinagkait kina Salvi at Martin” Nasabi na lang ni Paz.
“Subukan mong habulin sa terminal, malamang sa probinsya ang tungo nun. Ang problema wala akong ideya kung saang probinsya.”
Nakakita ng malaking pag-asa si Paz na kanya pang makikita si Gema. Umalis agad ito doon sakay ng pinara nitong tricycle.
Pagkaalis ni Paz, isang babae ang sumilip sa likod bahay ng naturang tahanan at sinitsitan ang lalake na nakangiting pinagmamasdan si Paz na papaalis. Binalingan ng lalake ang sumitsit sa kanyang babae tsaka nilapitan ito.
“Hindi na iyon babalik dito. Pero tandaan mo utang mo sa akin ang pagsinungaling ko.” Wika ng lalake.
“Oo na, didiskarte ako mamaya para mabayaran kita. Tang’nang babaeng iyon sinundan pa talaga ako dito.” Sambit ni Gema.
Nandoon lang pala ito sa likod ng bahay at tinataguan si Paz.
“Anong pera? Iba ang hinihintay ko na bayad gaga, tara na sa loob, magpapawis tayo habang wala pa ang malansa kong asawa na magaspang pa sa kaliskis ng isda ang balat.” Nakangising sabi ng lalake habang inaamoy at hinahaplos-haplos ang katawan ni Gema.
“Hayop kang gago ka, bakit mo naman ako nilalagay sa babaeng iyon? Paano kung maniwala sa sinabi mo? Daig pa kaya nun ang kuya niyang pulis kung magtagpi-tagpi ng mga senaryo.” Ani pa ni Gema.
“Hayaan mo na, hindi ko naman sinabi na ikaw naman talaga ang pumatay sa Salvi na iyon. Kaya hayaan mo siyang mabaliw sa kakaisip.” Tugon ng lalake habang niroromansa ng halik sa dibdib si Gema.
“Ulol anong ako, dalawa tayo. Napatay man lang natin ang dalawa na hindi man lang tayo nakapaglimas ng todo. May umipal kasing asungot.” Sabat ni Gema.
“Naunti-unti naman natin ang mga kagamitan nila dun. Tsaka nakuha mo naman ang mga pera. At ang mahalaga ligtas tayo sa kaso.”
Animoy mga demonyong nagtatawanan ang dalawa habang nagpapakasasa sa katawan ng bawa’t isa. Sa mga sandali naman na iyon gulong-gulo parin si Jericho sa kanyang natuklasan. Hindi nito alam kung paano iintindihin ang lahat ng mga rebelasyon sa kanyang pagkatao. Unti-unti palang nito natatanggap si Paeng bilang ama nang umamin ito sa kanya, ngayon panibagong katauhan naman ang lumantad sa kanyang harapan at magpakilalang tunay niyang ama. Binuhos ni Jericho ang kanyang nararamdamang kalituhan sa mga binili nitong beer. Nasa gilid ito ng dagat , nakaupo sa buhangin na mag-isa. Mataas pa ang araw ngunit para sa kanya papalubog na.
Isinigaw na lang ni Jericho sa mga alon ang lahat. Pakiramdam niya wala ng totoo sa buhay niya. Umiiyak ito nang bigla na lang napamura tsaka napangiti.
“Tang’na ang puta, kaya naman pala ganito ako. Anak ng titi. Sa kamalas-malasan siya pa talaga ang naging ama ko. Kaya naman pala iisang tamod lang din ang nagustuhan namin hayop. Ano kaya ang nasa isip ni Hector, mula sa ama hanggang sa anak nilagare niya.” Wika ni Jericho sa sarili.
Tulad niya balisa din ang pag-iisip ni Hector dahil sa narinig na rebelasyon. Hindi rin makapaniwala si Hector na umabot sila sa ganun. Matapos ang ama, heto at sa anak naman ito nakikipagrelasyon. Pagkauwi nila ni Fil agad itong tinungo ang silid. Tahimik noon ang bahay, walang tao. Wala si Paz, wala sina Paeng at Rodge. Kakaalis lang din ni Maru upang dalawin ang napabayaan ng tindahan. Sa labas na sila ng gate nagpang abot. Hinatid lang saglit ni Fil si Maru sa sakayan ng jeep at bumalik din ito ng bahay para magpalit lang ng damit.
Nasa silid pa si Hector nang pumasok ito ng bahay. Siya namang diretso rin sa kanyang silid para magbihis.
Naghubad na ito ng damit nang mapalingon sa whole body mirror na nakadikit sa aparador. Napatitig ito doon habang himas-himas ang dibdib at mga braso, pati na ang paumbok na abs. Napansin nito ang bakat ng kanyang v-cut kaya bahagya nitong binaba ang pantalon upang masipat ang sexy nitong hulma.
“Ang sexy mo pala Fil kapag hubad. Hindi ka nga lang kasing bato ng kuya mo pero yummy naman talaga ang katawan mo. Kaunting gym lang ito at gaganda pa ito lalo.” Ani ni Fil habang kinakausap ang sarili sa salamin.
Patuloy pa sa paghaplos at pag flex ng kanyang katawan si Fil nang biglang dumaan sa kanyang isip ang nakita nitong tagpo sa pagitan ng kuya Jericho nito at Hector. Natagpuan na lang ni Fil ang sarili na nasa loob na ng pantalon nito ang kanang kamay at sakal-sakal na ang unti-unting naninigas na tarugo. Nasa ganung tagpo ito nang may narinig itong mga hakbang na bumaba ng hagdan. Napalingon si Fil sa pintuan. Nakabukas pala ito ng bahagya. Nakaligtaan pala nitong isara iyon nang pumasok ito.
Kinuha nito ang nakahanger na damit sa dingding at lumabas ng silid. Tinungo nito ang kusina. Inabutan nito si Hector na nag-aayos ng lamesa. Tinanong nito ang lalake kung umakyat ba ito sa silid niya. Napatungo naman si Hector.
“Pinuntahan kita para tanungin sana kung dito ka ba mag tatanghalian. Bumili kasi ako ng menudo at pansit sa may labasan. Kakain ka ba dito?” Tugon ni Hector.
Tumango lang si Fil tsaka tinungo ang lababo para maghugas ng kamay. Pabalik na ito ng mesa nang sakto namang pagbukas ni Hector ng ref upang kuhanin ang pinalamig na litro ng Coke. Dahil sa katabi lang nun ang lababo at makipot ang espasyo nagkabungguan ang dalawa. Dahilan para matigilan saglit ang mga ito. Nagkatitigan ang dalawa.
Isinara muna ni Hector ang ref at pinadaan si Fil. Nakaramdam ng ilang si Hector sa mga titig na iyon sa kanya ni Fil. May bahid iyon ng panghuhusga. Na pakiwari pa ng lalake ay binabalatan ito ni Fil ng pagkatao. Tahimik lang sa una ang dalawa,… nagpapakiramdaman sa isa’t isa. Pansin sa tagpong iyon ang ilangan na hindi nila mawari.
“Gusto mo ng Coke?” Tanong ni Hector mabasag lang ang katahimikan sa harap ng lamesa.
“Sige, kaunti lang. Salamat” sagot ni Fil.
Iyon lang at balik na naman sa paghilum ang dalawa. Tahimik na muli sila habang subsob sa kanilang kinakain. Naunang matapos kumain si Fil, tumayo agad ito bitbit ang pinagkainan tinungo nito ang lababo.
“Aalis ka na? Itutuloy mo talaga ang pagpunta ng presinto?” Tanong ni Hector.
“Mamaya, hihintayin ko lang ang reply ni kuya. Ikaw wala ka na bang lakad?” ani ni Fil na naghuhugas ng pinggan.
“Magtatabas ako ng mga damo sa likod. Balak ni Jericho at Paeng na linisin ang bakanteng lote sa likod. Sisimulan ko na lang nang may paglibangan ako.” Tugon ni Hector.
“Malawak ang lote sa likod, tiyak mahihirapan ka. Sige tutulungan na kita.” Sabi ni Fil.
“Ako na, uunti-untiin ko lang naman, hanggang sa kung saan ang aabutin ko. Tumuloy ka na lang sa pupuntahan mo. Saad ni Hector na matapos kumain tinungo agad ang likod bahay.
Balik kina Paeng, sakay na ng sasakyan ang dalawa palabas ng inn nang nakatanggap ng text message si Paeng mula kay Jericho.
“Magkikita kami ng anak ko, mag commute ka na lang. Magkita na lang tayo mamaya sa bahay. Pero kung nais mo pang gumala o sumaglit muna sa bahay niyo, ikaw na ang bahala.” Sabi ni Paeng nang hininto nito ang sasakyan sa gilid ng kalye.
“Ano pa ba ang magagawa ko, mas matimbang ang dugo nila kaysa sa tamod ko. Idaan mo na lang ako sa MegaCentre, mag gi-gym lang ako bago umuwi. Doon mo na lang ako iwan.” Sagot ni Rodge.
“Huwag mo namang isipin na karibal mo sa akin ang mga anak ko. Dahil magkaiba ang lugar niyo sa puso ko.” Puna ni Paeng sa sinabi ni Rodge.
“Kay Fil siguro maiintindihan ko pero with Jericho,… I doubt. Kasi hindi mo naman siya tunay na anak diba. Malay ko ba kung ginu-groom mo lang siya para sa pangangailangan mo. Hindi ba at mas type mo ang mas bata sa iyo?. Iyong halos kalahati ng edad mo?Tulad ko.” Tugon ni Rodge.
“Tang’na,…pati ba si Jericho pagseselosan mo? Ganun na ba ka babaw ang tingin mo sa akin?! “ Tila napikon si Paeng sa sinabi ni Rodge. Pigil ang galit nito dahil nasa gitna sila ng kalsada at nagmamaneho ito.
“Huwag kang magalit, sinasabi ko lang ang nararamdaman ko. Matapos ko malaman ang lahat, what would you expect na iisipin sa palagi niyong paglalalabas ng mag kasama.? Gaano ba iyan ka sekreto at hindi kayo puwede mag-usap sa bahay? Bakit palagi na lang kayo nagkikita somewhere?” Ayon kay Rodge.
Nagpipigil lang si Paeng ngunit hindi na nito kayang tiisin ang mga naririnig sa bibig ni Rodge. Ayaw niya nang pahabain pa ang diskusyon kaya tumahimik na lang ito. Nang marating nila ang sinabing lugar ng lalake, doon na nito pinababa si Rodge. Nagkahiwalay ang dalawa na hindi man lang nagpansinan sa isa’t isa. Pinuntahan ni Paeng si Jericho. Sa isang pampublikong dagat pasyalan nagkita ang dalawa. Lasing na si Jericho ng lumapit ito kay Paeng at yumakap sa ama ng mahigpit tsaka napahagulgol ng iyak. Ipinagtaka iyon ni Paeng kaya pinakalma nito ang anak.
Pansin ni Paeng ang maraming nagtumbang can beer sa buhangin. Naparami na nga si Jericho. Naupo ang dalawa doon na nakaharap sa dagat. Tinanong agad ni Paeng ang dahilan ng biglaang paglasing ni Jericho sa ganung oras. Wala namang patumpik-tumpik na sinabi sa kanya ng lalake ang dahilan. Tinanong din nito si Paeng kung alam na ba niya noon pa na hindi niya talaga tunay na anak si Jericho.
Napayuko si Paeng,tsaka muling binalingan ng tingin si Jericho at sinabing…
“Matagal ko nang alam na hindi kita anak kay Salvi. At inilihim ko iyon sa lahat. Buntis na nun ang mama mo ng dumating siya sa buhay ko. At kahit hindi akin ang dinadala niya, minahal ko iyon at itinuring na akin. Ayokong isilang ka na walang kinikilalang ama. Kaya inako ko ang responsibilidad ng walang halong pagdududa. Inangkin kitang akin, tinanggap na aking kadugo at minahal kitang parang tunay na anak. Mula noon hanggang sa huling sandali ng aking hininga hinding-hindi iyon magbabago. Anak kita, hindi man sa dugo pero dito sa aking puso ikaw ang anak ko.” Napaluhang sabi ni Paeng kay Jericho.
Wala nang naitugon pa si Jericho sa sinabi sa kanya ni Paeng. Napahagulgol na lang muli ito at napayakap pa ng mahigpit sa taong nagbigay sa kanya ng panibagong buhay. Nangako si Jericho sa harapan ni Paeng na kailanman ay hindi niya papalitan ang lalaki bilang ama sa puso niya. Nagpasalamat naman si Paeng sa tugon na iyon ni Jericho sa lahat ng sinakripisyo nito at pagmamahal sa lalake.
Ngunit ang malaman ang katotohanang si Precy pala ang tunay na ama ni Jericho ay kinagulat iyon ng lubos ni Paeng. Nalungkot ito sa sinapit ni Salvi, namatay kasi ito na ang buong akala si Romero ang siyang gumahasa sa kanya at ang ama ni Jericho. Sumbatan man nito si Precy, wala na ring saysay.
Dahil sa nalantad na kay Jericho ang lahat sa tunay nitong pagkatao, minabuti ni Paeng na magtapat din ng katotohanan sa anak. Sinabi nito kay Jericho ang tungkol kay Fil. Gulat ang unang naging reaksiyon ng lalake sa pagsiwalat ni Paeng. Ngunit nang maikuwento na ni Paeng ang kabuuan, naliwanagan naman si Jericho.
“Wala namang magbabago, kapatid ko pa rin naman si Joram. Iisang sinapupunan pa din ang pinanggagalingan namin. Pero papa, alam na ba ito ni Joram? Nasabi mo na ba sa kanya ang katotohan sa pagkatao niya?” Ani ni Jericho.
“Naghihintay lang ako ng tamang buwelo. Baka mabigla ang kapatid mo.”
“Pero sa tingin ko kailangan mo na ngang sabihin sa kanya ang totoo. Dahil hanggang sa ngayon ramdam ko parin ang pangungulila ni Joram sa mga magulang. Nag message siya sa akin. Balak niya pabuksan muli ang kaso nila ni mama. Hanggang ngayon hindi parin tanggap ni Joram ang nangyari. Siguro kung malaman niya na buhay pa ang totoo niyang ama at kapiling niya, baka doon lang makapag-move-on si bunso.” Sabi pa ni Jericho.
Maging sa loob man ni Paeng, batid niya na hindi parin nakukuha ni Salvi ang karampatang hustisya para sa kanya. Dahil siya man, tulad ni Fil ay hindi naniniwala na si Romero ang may gawa ng krimen noon sa mag-asawa.
Sa bahay…abala na nun si Hector sa pananabas ng mga damo sa likod bahay nang lapitan ito ni Fil. Walang suot na pang-itaas ang lalake at nakapantalon ito na punit-punit tsaka may hawak itong bolo na panlabas.
“Akala ko ba may lakad ka ngayon?” Tanong ni Hector nang makita ang paglapit sa kanya ni Fil.
“Tumawag ang kuya, may pag-uusapan daw muna kami. Tinamad narin akong bumalik sa trabaho kaya tutulungan na lang kita dito.” Sagot ni Fil tsaka pumwesto na dun at sinimulang magtabas ng damo.
Malawak na rin ang nalinisan ng dalawa simula nung tumulong na si Fil. Tagaktak na ang pawis ng dalawa. Nakaramdam ng pagod si Hector at sumaglit muna ito ng pahinga sa lilim ng punong mangga. Naupo ito sa ugat ng puno tsaka napasandal sa dun. Nangingintab ang katawan ni Hector sa pawis. Gamit ang hinubad na tshirt pinunasan nito ang katawan. Mula sa puwesto ni Fil tanaw nito ang ginagawa ng lalake. Napatitig kay Hector si Fil. At sa pag titig niya sa lalake muling sumagi sa pananaw nito ang tagpong nasaksihan niya sa naturang puno.
Nabasag lang ang imahinasyon ni Fil nang tawagin ito ni Hector. Lumapit naman agad ito sa lalake.
“Tama na muna siguro iyan, bukas na natin ituloy nang lalagkit na ang katawan ko sa pawis.” Wika ni Hector.
“Sige, bukas na lang ulet. Tara na sa loob.” Pagyaya ni Fil.
“Susunod na lang ako, maliligo na muna ako dito. Ikaw baka gusto mo rin maligo madungis ka na rin. Puno ang imbakan na drum ng tubig. Kagabi pa iyan kaya paniguradong malamig ang tubig. Sumabay ka na sa akin dito maligo.” Ani pa ni Hector.
Tinungo ni Hector ang palikuran na nasa labas lang ng likod bahay. At dahil sa dalawa lang sila ni Fil ang tao nang mga sandaling iyon sa bahay, lakas loob itong nag hubo’t hubad sa labas. Napalunok ng laway si Fil nang malantad sa kanya ang nakabilad na katawan ni Hector. Bigla na lang ito ginapangan ng kakaibang boltahe sa katawan na hindi niya makontrol. Kumislot ang naroon sa loob ng kanyang pantalon. Tulalang nakatitig lang sa katawan ni Hector si Fil. Nahimasmasan lang ito ng marinig na ang pagbuhos ni Hector ng tubig sa katawan nito.
“Ano pa tinutunganga mo diyan? Halika ka na Fil malamig ang tubig, masarap ipangligo. Maghubad ka na.”
Mabilis na hinubad ni Fil ang pantalon kasama ang brief tsaka patakbong lumapit sa tabi ni Hector. Pagkalapit ng lalake agad naman sumalpok ng tubig si Hector at binuhos iyon lahat sa ulo ni Fil. Malamig ang tubig kaya napasigaw sa gulat ang lalake na hindi inaasahan ang ginawang pagbuhos na iyon ni Hector. Nang makahanap ng pangsalok, gumanti si Fil kay Hector. At ang simpleng paliligo lang sana ay nadagdagan ng mga harutan ng dalawa.
“Pagsabon naman likod Fil kung ayos lang.” Sabay bigay ni Hector ng maliit na sabon kay Fil.
“Pagkatapos ko, sabunin mo rin iyong sa akin.” Sabi ni Fil.
“Gusto mo, paliguan pa kita eh.” Natawang tugon ni Hector.
Mahinahon ang mga paghimas ni Fil sa likod ni Hector. Mula sa malapad na balikat ng lalake pababa sa spine nito hanggang sa tinutukan ng pansin nito ang maumbok na puwet ni Hector. Nilamas iyon ng marahan ni Fil hanggang sa hindi nito napigil ang gigil at napisil nito ang malaman na pisngi ng puwet ng lalake. Walang tugon si Hector na lihim namang nasasarapan sa ginagawang panghihimas sa kanya ni Fil. Gumapang ang mga kamay ni Fil mula sa likod ni Hector hanggang sa malapad at matigas nitong dibdib. Nilaro-laro ni Fil ang mga utong ni Hector. Doon na napaungol ang lalake. Hinawakan nito ang mga kamay ni Fil para patigilin ang lalake sa ginagawa nito sa kanya.
Dumistansya ito kay Fil, tsaka sumalpok ng tubig at ibinuhos iyon sa kanyang katawan.
“Gusto ko maranasan ang ginawa niyo ni kuya.” Biglang wika ni Fil na kinabigla ni Hector.
Napabaling ito kay Fil, magsasalita pa sana ito nang sinunggaban na agad siya ni Fil ng mapusok na halik sa bibig. Wala nang nagawa pa si Hector kundi ang tugunan ang ginawa sa kanya. Pinalasap nito kay Fil kung paano ang tunay na halik ng isang Hector. Nawala na sa isip ni Hector na ang kanyang ka laplapan ay kasintahan ng kanyang anak. Tila naguubusan ng hininga ang dalawa na ayaw paawat sa pangasan ng mga labi. Umaatikabong lapa-an ng bibig ang namagitan sa dalawa. Dila sa dila, salitan ng laway ang dalawa.
Pagkabitaw ni Fil sa bibig ni Hector, pinagapang naman nito ang bibig at dila mula sa leeg ng lalake, pababa sa malapad na dibdib ni Hector, sa mag-kabilaang utong pagbaba sa matigas na abs ng lalake na may pinong karug,… hanggang sa dulong ulo ng kabutite nito.
Unang beses na sinubukan ni Fil na sumubo ng ice candy na hindi malamig. At sa unang sayad palang ng ulo ng tarugo ni Hector sa bunganga nito, maduwal na agad ito. Ulo pa lang kasi ng kabute ni Hector hindi na magkasya sa bibig ng lalake, paano pa ang matabang leeg nun na maugat tsaka may sa pitong pulgada ang haba.
Ngunit nais patunayan ni Fil na kung kaya ng kanyang kuya kaya niya rin, kaya kahil nasusuka na sinubukan parin nitong isagad sa bibig niya ang naghuhumindik na tarugo ni Hector.
Dahil first timer napapaurong ang puwet ni Hector sa tuwing sumasagi ang ngipin ni Fil sa kahabaan ng kanyang titi. Napansin ni Hector ang hirap na pinagdaanan ni Fil kaya pinatayo nito ang lalake at pinasandal sa malaking drum ng tubig.
“Papatikim ko sa iyo ang tamang proseso ng pagsubo. Watch and learn.” Nakangising sabi ni Hector nang lumuhod ito sa harapan ni Fil.
Dila pa nga lang ang pinapagalaw ni Hector, halos mabaliw na sa sarap si Fil. Nang malasahan na ni Hector ang paunang katas ni Fil doon na nito buong lamon na sinubo ang may kahabaan din na kargada ng lalake. Mas masarap nga sumubo si Hector kumpara sa naranasan nito kina Rodge at Maru. Panay mura at ungol ang umaalingawngaw sa bakuran na iyon. Sinulit ng dalawa ang pagkakataong tahimik at walang istorbo sa ginagawa nila.
Abala sa pagkangkangan ang dalawa sa likod bahay nang siya namang pag-uwi nun ni Rodge. Bukas at hindi naka-kandado ang gate kaya pumasok na ito.
SALITAN
Pansin ni Rodge ang katahimikan ng buong bahay pagpasok nito doon. Tinungo nito ang silid upang ipasok sana ang mga binili nito nang may narinig itong mga kalabog sa labas. Mabilis nitong ipinasok sa kanyang silid ang mga dala. Pagtapos bumalik ito sa sala at pinakiramdaman ang narinig nitong ingay kani-kanina lang. Ngunit tumahimik na ito.
“Baka pusa lang iyon. Grabe naman ka complacent ang mga tao dito. Basta na lang iniiwan ang bahay na nakabukas ang lahat na walang tao. No wonder na papasok sila ng mga masasamang loob. Pero nasaan kaya ang tao dito?” Ani pa ni Rodge.
Pabalik na sana ito ng kanyang silid nang muli itong nakarinig ng malakas sa kalabog mula sa labas. Napa dako ang tingin nito sa likod na pintuan na nasa kusina. Kinutuban ng hindi maganda si Rodge. Dinampot nito ang kitchen knife na naroon sa lababo at dahan-dahang tinungo ang likod ng bahay. Duda si Rodge sa ingay na iyon. Lalo na nang marinig nito ang mga boses ng dalawang taong humahangos na tila ba nag-uunahan sa finish line.
Nadidinig nito ang boses ni Hector habang may kinakabayo. Napangiti si Rodge, inakala nitong si Jericho ang katalpakan nun ng lalake. Hahayaan na lang sana nila ang mga iyon nang marinig naman nito si Fil na nagsabi…
“Malapit na ako…saan mo gusto? Ibobulwak ko ba sa loob?” Tanong nun ng boses ni Fil.
Tila ginapangan ng kuryosidad si Rodge at marahang sinilip ang pinanggagalingan ng mga boses ng dalawa. Napatulala na lang ito nang mula sa kinatatayuan nito tanaw nito ang umaatikabong araruhan ng dalawa, Fil at Hector. Nagkakangkangan ang dalawa na nasa sementong sahig sa labas ng palikuran. Nakahiga si Hector na bahagyang nakaliyad na nakasandal sa natumbang drum ng tubig, habang kandong-kandong ito ni Fil na nakaharap naman sa kanya na todo bigay sa pagkayod ng balon ng lalake. Napailing si Rodge sa ginagawa ng dalawa.
Aalis na lang si Rodge sa puwesto nito para hayaan ang dalawa, nang di sadya nito natabig ang mga lumang paso ni Paz na nakasalansan doon. Natumba ang isang hanay nun at bumagsak sa semento kaya lumikha iyon ng ingay na siyang nagpahinto naman sa ginagawa ng dalawa. Naudlot ang napipintong pagpapalangit ng dalawa. Dahil sa gulat biglang umurong ang naghuhumindik na nun sanang kabute ni Fil. Napabalikwas ito ng tayo nang makita si Rodge na nakatingin sa kanila. Maging si Hector ay natigalgal nang mapansin din si Rodge. Napatayo ang dalawa na hiyang-hiya sa kanilang ayos.
“Sorry, akala ko kasi walang tao… pasensya na.” Nasambit na lang ni Rodge tsaka pumasok ito sa loob ng bahay.
Nakaramdam ng ilangan sina Fil at Hector sa isa’t isa dahil sa nangyari. Agad na dinampot ni Fil ang hinubad na damit , sinuot iyon tsaka iniwan na doon si Hector na hindi man lang tumugon ng ano mang salita sa lalake. Pagkapasok pa nito sa loob, Inabutan pa nito si Rodge na papasok din sa silid nito. Nagkatinginan ang dalawa., Ginawaran ng ngiti ni Rodge si Fil ngunit umiwas na ng sulyap ang lalake at pumasok na sa kanyang kuwarto.
“Gago-gago ka, ang gago mo. Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ng anak mo. Nagpadala ka sa tukso ng putang inang utog mo.” Sambit ni Hector sa sarili habang sinusuntok ang dingding ng palikuran. Punong-puno ito ng pagsisisi sa kanyang ginawang pagkakamali.
Nagkatikiman na ng laman ang mga tao na malalapit kay Maru na wala itong kamalay-malay. Abala naman ito noon na inaayos ang napabayaang tindahan nang inabutan ito ni Paz.
“Sinimulan mo ngang talaga ang pagbukas ng tindahan.” Wika ni Paz.
“Sayang naman kasi ang mga paninda dito tiya kung maabutan lang ng pagka-expire. Ito ngang iba, iuuwi ko na sa atin nang magamit na natin. Siya nga pala buti at nandito ka tiya. Dumaan dito si Mang Lino, iyong humalili kay Mang Sito sa may maisan.Hinahanp si Tatay may kailangan daw tungkol sa maisan. Sinabihan ko na lang na sasabihan ko si Tatay.” Sabi ni Maru.
“Bakit anihan na naman ba ng mais? Wala pang isang buwan matapos ang huling harvest ah. Ang bilis naman yata lumaki ngayon ng mga mais natin.” Tugon ni Paz.
“Ewan ko tiya. Balak ko nga din sana dalawin iyon doon pagkatapos ko dito. Tsaka balak ko din silipin ang bahay dun.” Ani pa ni Maru.
“Si Paeng na ang bahala dun. Tsaka huwag ka na muna masyadong maggagala. Intindihin mo na lang itong tindahan mo. Maru, may itatanong ako sa iyo ha. Sana sagutin mo ako ng tama. Ayoko nang lihiman alam mo iyan. Hindi ko na gusto na bigla na lang ako magugulat naman sa mga matutuklasan ko.” Saad ni Paz na sumeryoso bigla ang mukha.
Ipinagtaka ni Maru ang seryosong pagkakasabi ng tiyahin.
“Bakit tiya ano ba iyang itatanong mo? Parang nakakakaba tuloy.” Wika pa ni Maru.
“May alam ka ba tungkol kay Rodge at sa tatay Paeng mo? Kuwan kasi, parang iba ang napansin ko sa mga sulyapan ng dalawa. Tsaka nakaraang gabi nakita si Rodge na lumabas galing sa silid ni Paeng. Maru, bakla ba iyang si Rodge?” Pabulong na tanong ni Paz kay Maru.
May mga nakatambay kasi nun sa tindahan ni Maru kaya hininaan nito ang boses ng tanungin ang ampon. Napa-ubo sa gulat si Maru sa obserbasyon na iyon ni Paz kina Paeng at Rodge. Pautal na itinanggi ni Maru ang nalalaman. Hindi nito masabi sa tiya na minsan na nila nakita si Rodge at Paeng na pumasok sa isang motel. Ngunit sadya ngang kilalang-kilala na ni Paz si Maru mula sa kuko sa Paa nito hanggang sa dulong hibla ng buhok nito sa ulo. Batid nito na may tinatago si Maru. Kaya hindi nito tinigilan ang isa hanggang sa hindi nito mapiga ang impormasyon na nais niyang makuha.
Napataas na lang ng kilay si Paz sa siniwalat ni Maru.
“Ano naman ang reaksyon ni Fil dito? Ayos lang sa kanya? Na ang ama niya may karelasyon na lalake tsaka jusko naman. Hindi ba naisip ni Rodge na parang ama niya na si Paeng?” Himutok pa ni Paz na hindi nito namalayan na nadulas ang dila niya.
“Ama ni…ama ni Fil si tatay Paeng?” Gulat na tanong ni Maru.
Tsaka lang natigilan si Paz. Dahil sa kanyang inis hindi sadyang nabitawan nito ang sekreto ni Paeng. At bilang tiyahin ni Honesto, hindi na itinanggi ni Paz ang nalalaman. Sinabi nito kay Maru ang totoong relasyon ni Paeng kay Fil. Gulat na gulat si Maru sa nalaman, gayunpaman natuwa ito para kay Fil. Sa kabilang banda may pag-aalala rin ito para parin kay Fil. Dahil kung malaman nga nito na si Paeng pala ang totoo nitong ama. Ano na lang kaya ang magiging tugon nito sa ugnayan ni Rodge sa ama.
“Kaya pakiusap Maru, manatili na munang sekreto ito sa kanya. Hayaan na natin si Paeng ang maghayag ng katotohanan sa kanya. Pero iyang si Rodge, bantayan mo. Kung makakausap mo, kausapin mo nang mahimasmasan. Kakausapin ko rin si Paeng. Ano ba nangyayari sa tatay niyo, hindi nga pinalitan ng ibang babae si Salvi, nag-uwi naman ng lalake na halos anak niya na.” Ani pa ni Paz.
“Kaya nga hindi talaga magandang ideya na magsama-sama tayo sa iisang bahay tiya. Tsaka ang awkward din para kay Fil, dati pa kasing selos na selos iyon kay Rodge. Ang ending hindi naman pala ako ang nilalandi kundi si Tay Paeng.” Ayon kay Maru.
“Hangga’t nandun ako hindi makakaporma iyang si Rodge kay Paeng, ako ang numero unong hahadlang sa kahibangan nila. Wala naman akong isyu sa mga tulad niyo pero sana naman pumili siya ng ka-edaran niya. Hindi ko tuloy maalis sa isip ko na baka ginagawang ATM niya lang ang tatay niyo.” May pairap pa na sabi ni Paz.
“Hayaan niyo na si Tatay, kung kay Rodge ba niya nakita ang panibagong kaligayahan why not. Huwag lang ma landi-landi ni Rodge si Fil ko dahil magkakabasagan talaga kami ng mukha.” Ani pa ni Maru.
Lingid sa kaalaman ni Maru nausog na ni Rodge si Fil bago pa man nito narendahan ang kasintahan at tila hindi lang si Fil ang natatantusan sa listahan ni Rodge. Matapos ang tagpong nasaksihan nito, isa na namang pagbabalak ang naisipan nito. Kakalabas lang ito ng kanyang silid nang makasalubong si Fil na tutunguhin naman sana ang sala.Napansin ni Rodge ang pag-iwas sa kanya ni Fil kaya inunahan na nito ang lalake sa pagsasalita.
“Hindi ko ipagsasabi ang nakita ko kung iyan ang pingangambahan mo. Wala na akong nakita, kaya huwag ka ng mag-alala. Hindi ako mahilig lumuwa ng sekreto, lahat nilulunok ko.” May ngiting sabi pa ni Rodge.
“Puwede ba Rodge, dumistansya ka na muna sa akin baka hindi ko na mapigil ang sarili ko at makanti mo ang pikon ko. “ Pag-iwas ni Fil
“Teka, bakit ka naman mapikon, ina-ano ba kita? Kayo nga itong may ginagawa diba? Pero parang hindi ka man lang na guilty? Kawawang Maru, ang buong akala niya tapat ka sa kanya. Libog lang pala ang katapat mo bumibigay ka na. Minahal mo ba talaga si Maru? O baka utog lang talaga ang habol mo, dahil kung iyon lang, kaya kong tapatan ang magagawa ni Maru sa iyo. Nagpa-sample na nga ako sa iyo diba? Teasers pa lang iyon Fil wala pa ang buo. Pati ang ama tinira mo pa, kaya ko naman gawin iyon…sana sa akin mo na lang ginawa.” Ani pa ni Rodge na muli na namang inaakit ng mga malalagkit nitong mga tingin at haplos si Fil.
Ngunit nang akma na nitong hahalikan sa labi ang lalake, bigla na lang ito sinapak ni Fil sa mukha. Sa lakas ng tinugon na sapak ni Fil napaatras si Rodge, Nasaktan ito sa ginawa na iyon sa kanya ni Fil kaya gumanti rin ito ng malutong na suntok kay Fil.
Hindi iyon na salag ni Fil at tumama ang kamao ni Rodge sa ilong nito. Napansin ni Fil ang dugo kaya lalong uminit ang dugo nito at tumugon din ng suntok kay Rodge. Maliksi ang kilos ni Rodge at mas magaling ito sa mano-mano kumpara kay Fil. Nakaganti naman ng tama si Fil ngunit lamang ang mga patamang suntok ni Rodge sa kanya. Animoy may boxing at MMA fight sa loob ng bahay dahil sa dalawa.
“Hayop ka, ikaw ang sisira sa samahan namin ni Maru! Hindi ka na dapat dinala dito. Mas Makati ka pa sa higad tang ina ka!” Sigaw ni Fil habang nakapulupot ang mga braso nito at binti sa katawan ni Rodge at sinasakal ang lalake.
Matindi ang pagka-lock in ni Fil kay Rodge. Kaya hirap ang isa na kumawala sa lalake. Magaling sa kamao si Rodge ngunit pagdating sa pakikipagbuno lamang si Fil. Namumula na si Rodge sa sakal ni Fil, kaya pilit itong nagpupumiglas at kumakawala sa paggapos sa kanya ni Fil. Pero dahil sa galit at pikon ng lalake hindi na ito nakaramdam ng awa kay Rodge. Sa ingay na likha ng dalawa, narinig iyon ni Hector na nasa labas noon ng bahay. Nang makita ang sitwasyon ng dalawa agad nitong tumugon at pilit na pinatitigil si Fil sa ginagawa nito kay Rodge.
Nang maawat pinapasok ni Hector si Rodge sa silid nito nang hindi na muling magpang-abot ang dalawa. Si Fil naman lumabas ng bahay upang doon kumalma ang kulo ng dugo na nararamdaman. Nang medyo humupa na ang tensiyon, sinundan ni Hector si Fil nang mapansin niya itong nag suot na ng helmet at nakasakay na sa motor nito.
“Aalis ka?…” Tanong ni Hector kay Fil
“Magpapalamig lang ng ulo, baga mang dilim lang ulit ang paningin ko at mapatay ko pa ang gago na iyon.” Sagot ni Fil na pina-start na ang motor
“Pasensya na sa nangyari, kasalanan ko din. Ako itong nakakatanda pero hindi man lang ako nag-isip ng tama. Maging ang sarili kong anak ay nagawa ko pang saktan dahil sa kawalanghiyaan ko. Tama nga siguro si Mercedes hindi ako ang ama na kailangan ni Maru. Hindi ko man lang nirespeto ang pag-aari niya. Wala akong kuwentang ama. Hindi ko na kayang humarap sa anak ko matapos ang nangyari sa atin…kaya pakiusap Fil alagaan mo si Maru para sa akin. “ Wika ni Hector.
Natigilan si Fil sa narinig kay Hector, maging siya biglang nagkaroon ng galit sa sarili kung bakit nagawa nitong saktan si Maru ganung mahal din naman niya ito. At hindi lang isang beses niya nilagyan ng dumi ang ulo ni Maru. Dahil sa sinabi ni Hector na pagtanto ni Fil na mas kasuklam-suklam din ang ginawa nitong pangloloko sa kasintahan. Dahil sa kalibugan at di mapigil na pagnanasa, lihim nitong nasaktan si Maru.
“Ano ang ibig mong sabihin? Lalayo kang muli sa kanya? Nagkasala rin ako kay Maru hindi lang sa kanya maging sa kuya ko. At hindi ko rin alam kung kaya ko pa rin ba silang haharapin matapos ang nagawa ko.” Ani ni Fil
“Walang nangyari, kalimutan na natin iyon Fil. Dala lang iyon ng init ng ating katawan. Hindi kita sinisisi dun dahil ginusto ko rin kaya nangyari iyon. Kung may dapat sisihin dito ako iyon. Pangako mo lang na hindi mo na ulit iyon gagawin kahit kanino. Huwag mo nang saktan muli ang anak ko. Mahal ka ni Maru at kitang-kita ko iyon. Hindi magsasalita si Rodge, hindi mo aaminin kay Maru ang lahat. Ayokong umiyak ang anak ko.” Saad ni Hector bago ito muling pumasok ng gate.
Naiwan sa labas si Fil na sakay parin ng motor. Tanaw sila ni Rodge mula sa bintana ng silid nito. Nang mapansin si Hector na papasok na sa bahay sinalubong niya agad ito.
“Hindi ko alam na ‘house of libog’ pala ang bahay na pinasukan ko. Ano lang kaya ang iisipin ni Maru kung malaman niya na kapwa silang mag-ama na tinutuhog ng kanyang pinakamamahal na Fil.” Parinig ni Rodge nang mapansin ito ni Hector sa sala.
“Huwag mo akong sisimulan Rodge, “ pag-iwas ni Hector.
“Concern lang naman ako kay Maru, pero parang hindi naman kayo guilty ni Fil sa ginawa niyo. Might as well na sasabihin ko na lang sa kanya ang nakita ko nang matauhan na si Maru sa katotohanan na hindi worth ang pag-ibig niya kay Maru. Dahil sa utog lang, nagagawa niya ng makalimot at basta-basta na lang kumakaldag kahit kanino, maging sa ama niya pa.”
Matabil ang bibig ni Rodge, wala itong preno kinapikon iyon ni Hector kaya nakuwelyuhan ito ng lalake at naitaluk sa sofa. Pumaibabaw ito kay Rodge habang dinidiin ang kamay nito sa leeg ng lalake. Nakangisi lang sa kanya si Rodge na tila nagustuhan ang kanilang ayos. Nakahiga si Rodge sa sige habang nakapatong sa kanya si Hector na nakadiin ang braso sa dibdib nito at leeg.
“Subukan mo lang na magkuwento kay Maru, hindi mo talaga magugustuhan ang gagawin ko sa iyo.” Ani ni Hector na pigil ang gigil kay Rodge.
“Ano ba ang gagawin mo sa akin? Papatayin mo din ako gaya ng ginawa mo sa mga nang bugbog noon sa kanila ni Maru?” Bulalas bigla ni Rodge.
Natigilan si Hector at napaatras ito mula sa katawan ni Rodge. Napatayo naman si Rodge at inayos ang sarili tsaka nilapitan si Hector.
“Hindi lang ang nakita ko ang alam ko sa pamilyang ito. Baka kung isa-isahin ko nawindang kayo sa mga nalalaman kong sekreto sa bawat isa sa inyo. At kung sa tingin mo matatakot ako sa banta mo, sorry hindi iyon gagana sa akin. Dahil kung kaya mong pumatay ng tao, kaya ko rin at mas brutal akong gumawa. Mas hindi mo magugustuhan.” Pabulong na sabi ni Rodge kay Hector habang hinahagod nito ang mga balikat at braso ng lalake.
“Ano ba ang gusto mo? Matikum lang iyang bibig mo.”
“Mahirap magsalita kung may laman ang bibig, alam mo iyon…” Tugon ni Rodge sabay dakma sa harapan ni Hector tsaka pinisil iyon ng marahan na may paghagod.
“Sa kuwarto tayo, huwag dito baka bumalik si Fil, makita pa tayo.” Ani ni Hector kay Rodge.
“Patunayan mo na worth it ang pananahimik ko.”
Pumasok ang dalawa sa silid ni Rodge, at doon pinagbigyan ni Hector ang gustong mangyari ng lalake sa kanila. Pagdating sa kangkangan at turjakan walang papatalo sa galing si Rodge na buong galing nitong pinamalas kay Hector. Sa kanilang dalawa, mas gusto ni Rodge na siya ang nasa ibaba kaya ginanahan naman si Hector sa kanyang assignment bilang top.
Samantala matapos ang paglabas ng kanyang saloobin sa mga natuklasan, nagpasya na si Paeng na umuwi na sila ni Jericho. Nilapitan nito ang anak na nakatayo sa dalampasigan na nakatingin sa mga alon na humahampas sa mga kabatuhan.
“Halika na, uwi na tayo.” Paglapit ni Paeng.
“Mamaya na tayo umuwi, maliwanag pa ang araw. Dumito na muna tayo.” Tugon ni Jericho.
“May iniisip ka pa ba? Puwede bang malaman baka may matulong ako para mabawasan ang mga bumabagabag pa sa iyo.” Ani pa ni Paeng na inakbayan ang anak.
Napabaling kay Paeng si Jericho. Kinailang bigla ni Paeng ang mga titig sa kanya ng anak. Tumatagos sa kanya ang mga tingin ni Jericho. Tinitigan lang ito ng anak na hindi man lang nagsasalita. Iba na ang nasasagap na kutob ni Paeng sa mga pagtitig sa kanya ng anak, akma na nitong iiwas ang mukha nang bigla na lang kinabig ni Jericho ang mukha ni Paeng at hinalikan nito ang ama sa bibig nito. Matagal ang segundo ng ginawang paghalik na iyon ni Jericho kay Paeng.
Nang mahimasmasan kumawala si Paeng sa halikan nila ng anak. Naitulak nito si Jericho.
“Jericho ano ang nangyari? Ano ang ginawa mo?” Tanong na may pagtataka nang magulat ito sa ginawa sa kanya ng anak.
“Mahal kita pah…at ngayong alam ko na hindi talaga kita tunay na ama. Malaya ko nang maaamin sa iyo ang katotohanan sa nararamdaman ko sa iyo noon pa. Mahal kita nang higit pa sa pagiging isang ama.” Wika ni Jericho.
Kinabigla ni Paeng ang rebelasyon ni Jericho sa kanya. Hindi nito alam kung paano ito tumugon sa pag-amin sa kanya ng anak. Matagal na niyang gustong marinig ang salitang iyon sa anak ngunit nang mabanggit na iyon sa kanya ni Jericho matapos siya nitong halikan, bigla na lang ito nailang. Hindi na ito naging kumportable sa sitwasyon.
“Lasing ka lang, marami na ang nainom mo kaya hindi mo na alam ang lumalabas diyan sa iyo. Umuwi na tayo.” Wika ni Paeng nang paalis na ito.
“Mahal talaga kita, hindi lang bilang ama. Kung alam mo lang kung gaano katagal kong dinadala ang bigat na ito sa loob ko. Hindi noon ito masabi sa iyo dahil naguguluhan pa ako sa sarili ko, sa mga nararamdaman ko sa pagkatao ko. At lalong naging mas mahirap pa sa akin ng inamin mo sa akin na anak mo ako. Hindi ko nun natanggap na ama kita, dahil mababalewala na ang nararamdaman ko sa iyo. Sa kabilang banda masaya ako dahil mas nakakasama na kita. “ Siwalat pa ni Jericho.
“Kung naguguluhan ka noon, malamang naguguluhan ka parin ngayon. Lalo na sa mga nalalaman mo sa pagkatao mo. Baka nagkakamali lang iyang nararamdaman mo dahil sa mga nangyayare. Ama mo parin ako kahit hindi kadugo. Ako ang nagpalaki sa iyo kahit hindi man ako lagi sa tabi mo. Anak ang kita, at Inari na kitang sariling anak ko. Kaya kahibangan na iyang nararamdaman mo. Hindi iyan maari.” Pagkontra naman ni Paeng.
Pinaliwanag pa ni Jericho kay Paeng ang dahilan kung bakit ito nahulog ng ganun sa kinikilalang ama. Sa kalagitnaan ng pangungulila sa magulang lalo na sa ama, dumating si Paeng sa buhay ni Jericho upang punan ang mga nawala noon sa lalake. Sa mga sandali naman na iyon nasa lihim na pakikipaglaban sa sarili si Jericho, nasa punto ito ng kalituhan sa kanyang pagkatao hanggang sa minsan nito nasilayan si Paeng sa unang pagkakataon. Hindi maitatanggi ang pisikal na kagandahang lalake ni Paeng mula noong kabataan niya at kahit may edad na ito kinakitaan pa rin ito ng pambihirang karisma at nakakahalinang kakisigan. Bagay na hinangaan sa kaya noon pa ni Jericho. Hanggang sa kalaunan nahulog na ang nararamdamang paghanga sa mas malalim na pagkagusto. Iyon din ang dahilan kung bakit napalapit pa ng husto si Jericho kay Paeng
Sa mga narinig sa anak, hindi na alam ni Paeng kung paano tumugon kay Jericho. Hindi niya inaasahan ang mga maririnig nito.
“Hindi lang si Fil ang nakakita sa inyo ni Rodge ng pumasok kayo sa isang motel. Nakasunod din ako sa inyo nun. At alam ko na binabahay mo na si Rodge, bago pa siya dinala sa luma niyong bahay sa maisan. At alam mo ba na ninais ko na sana ako na lang siya.” Sambulat pa ni Jericho.
Mas lalong natahimik si Paeng sa mga sinabi sa kanya ni Jericho. Naghalo na ang hiya nito, pagkabigla at ilang sa mga sandaling iyon. Gayong pati si Jericho alam na ang tungkol sa kanila ni Rodge ano pa ang mukhang maipagmamalaki nito sa mga anak. Lalo na kay Fil.
“Wala ka’ng dapat ikahiya, naiintindihan kita.” Napayakap si Jericho kay Paeng ng mahigpit.
Hindi alam ni Paeng ang nararamdaman ngunit nang niyakap na siya ni Jericho bigla na lang gumaan ang bigat na nararamdaman nito. Napaiyak na lang itong napayakap narin sa lalake.
Sa mga nangyayari sa kanila,sa mga rebelasyon na isa-isang nalalantad hindi maiiwasan na mayroong nasasaktan at nawawalan. Sa pagkawala ng kuya nito lalong naging balisa si Ignacio, iba na ang naiisip nito na nangyari sa kapatid. At pansin na ng mga kasamahan ang pinoproblema nito. Tulala itong nakamasid sa computer nang lapitan ito ni Bellegaz.
“Bisperas na ng pasko pero parang naiwan pa sa halloween ang pagmumukha mo. Ano ba ang pinoproblema mo diyan sa ginagawa mo, eh nag i-encode ko lang naman ng data. Na miss mo ba ang jowa mo? Puwesto niya iyan diba? Sabi na nga ba mga bakla kayo ni Makalaay “ Pang-aasar pa ni Bellegaz
“Sino ba ang bakla sa ating dalawa, baka gusto mo ikalat ko sa lahat ang ginawa niyo Rasmon. Wala kang ibedensya sa mga binibintang mo sa akin. Pero ako meron. Gusto mo ng kopya. Ipapasa ko sa gc natin nang mabulabog ang kababuyan niyo sa departamentong ito. Ikaw ang bakla tang’na ka.” Bulalas ni Ignacio.
Namutla si Bellegaz sa sinabi sa kanya ni Ignacio. Pinagpawisan ito kahit na naka aircon naman ang paligid. Ngayon lang nakita ni Ignacio na tumiklop ng ganun si Bellegaz, tila naputulan ito ng dila at napatahimik na lang bigla. Papaalis na ito nang siyang lapit naman ni Rasmon nang mapansin na tila nagkakainitan ang dalawa.
“Right on cue, nandiyan na ang jowa. At sa susunod kung gusto niyo magparaos na dalawa, huwag dito. Respetuhin niyo sana ang departamentong ito kahit hindi na ang uniporme niyo.” Ani ni Ignacio.
Maging si Rasmon natulala at namutla sa sinabi ni Ignacio.
Nasa ganung tagpo ang tatlo nang dumating si Samonte.
“May problema ba kayong tatlo? Bellegaz, Rasmon bakit nandito pa kayo, hindi ba kayo sasama sa buybust operation? Bilisan niyo na baka masalisihan na naman kayo ng target. Siya nga pala Ignacio, may report ng lalaking natagpuang patay sa dagat ng Katalabahan. Hindi ba nawawala ang kuya mo? Tingnan mo dun baka siya iyon. Sana naman hindi. Iwan mo na sa iba ang ginagawa mo. Makipag coordinate ka na lang kay Martinez,siya ang nandoon.” Sabi ni Samonte.
Ayaw man isipin na kuya niya ang tinutukoy na bangkay, ngunit hindi maiwasan ni Ignacio na hindi kabahan. Agad itong kumilos para puntahan ang nasabing crime site. Nakarating agad ito roon. Laking pasasalamat na lang ni Ignacio na hindi niya kuya ang natagpuang bangkay na naanod sa dalampasigan ng Katalabahan. Gayun man hindi parin maalis sa kanya ang mangamba na baka tulad sa nangyari sa taong nalunod, mangyari rin iyon sa kuya. Lalo na at maging sa hanggang ngayon hindi parin nito tanggap ang nangyari sa buhay sa kabila ng ilang taon na ang nakalipas.
Hingal na hingal si Hector sa talpakan nila ni Rodge. Tila sinaid lahat ni Rodge ang kanyang lakas at pagod na pagod itong nakaupo sa gilid ng kama ng lalake. Sa kabila ng matinding kabayuhan ng dalawa, hindi man lang kinakitaan ng hingal si Rodge. At humihirit pa ito ng isa pa kay Hector. Ngunit talagang pigang-piga na ang pagkalalaki nito. At kahit anong mani-ubra pa ang gawin ni Rodge sa kanya hindi na sumisipa ang alaga nito. Hindi na ito tinitigasan.
“Tama na Rodge… Nakakangilo na, mahihirapan ka nang galitin iyan.” Ani ni Hector
“Relax lang ako ang bahala, bubuhayin ko muli ang dugo ng alaga mo. Kalma ka lang. Hindi pa ako nagsasawa sa kabute mo.” Wika pa ni Rodge nang muling sinubo ang kabute ni Hector na noo’y lupaypay na.
“Baka hindi na tamod ang lumabas diyan, sinimot mo na ang lahat, kahit huling buga ko sinaid mo.” Sabi pa ni Hector na hinahayaan na lang si Rodge.
Ngunit sadyang talentado talaga si Rodge. Sa kabila ng pagod at halos hindi na makatira. Dahil sa galing ng pag supsup ni Rodge, ang kaninang malambot ng tarugo ni Hector ay muling kumislot-kislot. Unti-unti itong nabuhayan ng dugo, saglit na tumigas ngunit nanlambot muli. Ngunit hindi tumigil si Rodge sa ginagawa at mas sinarapan pa ang pag kain sa pagkalalaki ni Hector. Hanggang sa nagtagumpay ito. Muling napatayo ang tarugo ni Hector, naghuhumindik muli ito sa katigasan. Pinagbuti pa ni Rodge ang pag sagad sa kahabaan ni Hector at sa ilang pag-taas baba nito, muling nagpakawala ng turos si Hector, at wala na namang sinayang kahit patak si Rodge, nilunok niya iyon lahat at sinimot.
Pati hininga ni Hector halos mapatid nang sinipsip pa ng matagal ni Rodge ang titi nito na parang straw. At kahit anong tulak nito sa ulo ni Rodge sa kanya, ay mas lalo lang dinidiin ng lalake ang mukha nito sa pagitan ng mga hita ni Hector.
Nang masigurong ubos na nito ang lahat, tumayo ito hinalikan sa bibig si Hector. Lingid sa lalake hindi lahat nilunok ni Rodge nagtira ito ng ilan sa kanyang bibig, kaya nang hinalikan na ito ng lalake, maging ang sariling tamod nalasahan nito. Pilit niya iyon niluluwa ngunit pilit din itong pinapalunok ni Rodge sa kanya habang nakikipaglaplapan ito. Gawa ng pagod hindi na nagawang makatutol pa si Hector, na overpower na ito ni Rodge. Hinayaan na lang nito ang lalake na tapusin ang kagustuhan nito sa kanya.
Abot tenga ang ngiti ni Rodge ng ma-satisfy nito ang kanyang sarili. Nang makapag-ipon ng lakas, agad na bumangon si Hector at nagbihis.
“Pinagbigyan na kita Rodge, pakiusap lang tigilan mo na si Fil. Huwag mo nang sirain ang relasyon nila ni Maru. Sana maliwanagan na iyon sa iyo.” Paalala muli ni Hector.
“Eh ang nangyari sa inyo ni Gil, hindi ba iyon paninira ng relasyon ng anak mo? Hindi ka pa nakuntento sa kuya, pati sa pagkain ni Maru nakitikim ka pa.” Tugon ni Rodge na may sarkastikong ngiti kay Hector.
“Kung ano man ang nakita mo wala iyon. Nadala lang kami sa mga pangyayari. At nangako ka, hindi na ito makakarating kay Maru.” Sabi pa ni Hector.
“Nakakatawa lang nagsama pa talaga tayong mga malilibog dito sa bahay, si Tita Paz lang yata ang wholesome sa atin dito. Huwag kang magalala, kaya kong magtago ng lihim. Lahat ng lihim.” Wika pa ni Rodge.
Nagkakatuhugan na ang lahat. Habang si Maru ay inosente pa rin sa mga nagaganap. Walang kamalay-malay na may makikisiksik ng anay sa relasyon nila ni Fil at maging sa relasyon nila ng ama. Samantala si Paz bulag din sa mga kaganapan.
“Sa dami ng mga nangyari sa atin hindi na natin napansin na magpapasko na pala bukas, kung hindi pa bumili ng mga pansahog sa salad at espageti si Marites hindi ko pa maalala na bisperas na pala ng pasko ngayon.” Wika ni Paz nang sinasalansan ang mga de-lata sa shelves ng tindahan ni Maru.
“Iyon nga din sana ang sasabihin ko sa iyo tiya. Parang ngayong taon lang na tila nakalimutan natin maging abala sa pasko. Ang laki talaga ng naging epekto sa atin ng mga nangyari. Ano kaya kung su-surpresahin natin sila sa bahay tiya, magluluto tayo. Pasalamat na rin ito kahit papaano sama-sama pa rin tayo sa kabila ng lahat. Sigurado pati sina tatay, papa at Fil nakalimutan na rin ang araw na ito.” Sabat ni Maru.
“Magandang ideya iyan, saglit at titingnan ko diyan sa market kung may mabibili pa ako para sa ihahanda natin mamaya. Tsaka sa bahay na lang tayo magluto, tapos dadalhin na lang natin pag uwi natin sa kabila. Dagdag hustle na kung doon pa tayo magluluto.” Ani pa ni Paz.
“Sige tiya, mag o-order na lang din ako ng cake at ibang pagkain online para kauti na lang ang lulutuin natin. Maya-maya lang magsasara na ako ng tindahan.”
“Babawi na lang tayo sa bagong taon, oh siya aalis na muna ako. Magkita na lang tayo sa bahay.”
Panahon ng pasko, mahalagang sandali para magsaya at magbigayan. Ngunit tila iba ang nangyaring exchange gift. Sandali ito upang magbahagi ng blessings sa iba. Ngunit sa mga nangyari tila iba ang na i-share nila sa isa’t isa. Ginabi na ng uwi sina Paz at Maru matapos magluto pa ang mga ito para sa pagsasaluhan nila sa pagsalubong sa pasko. Bandang alas sais na ng gabi ng dumating ang dalawa. Nilabas agad sila ni Rodge nang makita sila nito na maraming dala pagkababa nila sa sinasakyang tricycle.
“Magandang Gabi sa inyo tita, Maru. Ano ba iyang mga dala niyo ang dami naman yata. May party ba? Birthday mo ba Maru? May pa cake ka pang dala. Akin na nga iyan mukhang hirap ka na sa mga dala mo.” Pag bati ni Rodge sa dalawa.
“Pati ba naman ikaw, nakalimot na rin na bisperas ngayon ng pasko?” Tugon ni Paz.
“Twenty four na ba ngayon? Hala nakalimutan ko nga. Hindi rin naman kasi kami nag si-celebrate ng pasko sa bahay. Lalo na nu’ng nagsolo na ako.” Ani ni Rodge.
“Buti na lang pala naisipan namin ni tiya na maghanda, kung hindi, lilipas na lang ang taon natin na makakalimutan na lang ang pasko.” Wika ni Maru.
“Saglit Rodge, ikaw lang ba ang tao sa bahay? Wala pa ba sina Paeng? Si Hector, sina Jericho at Fil. Wala rin dito? Hindi pa nakauwi? Tanong ni Paz nang mapansin ang katahimikan ng bahay.
“Si kuya Hector binalikan ang motor niya sa shop. Si Fil umalis din pagkauwi ko. Sina Tito Paeng at Jericho hindi ko pa nakita mula kanina. Tita aalis muna ako, kulang ang mga foods kung walang pangtulak. Bibili lang ako ng mga maiinom natin para sa celebration mamaya. Tsaka susubukan ko kung ano pa madadagdag ko sa pagkain natin.” Ayon kay Rodge.
“Bilisan mo lang baka pauwi na ang mga iyon. Sabay-sabay na tayo maghahapunan.” Bilin ni Paz.
Abala naman nun si Maru na tinatawagan si Fil ngunit panay lang ang tunog ng cellphone ng lalake. Maging ang ama, hindi rin tumugon sa tawag nito. May pag-aalalang gumuhit sa mukha ni Maru at napansin iyon ni Paz.
“Relax uy…para hindi ka pa nasanay kay Fil. Baka may delivery pa iyon. Tsaka sabi ni Rodge nasa shop ang papa mo. Mamaya lang nandito na ang mga iyon.
“Pano kung nakalimutan na nga talaga nila ang araw na ito tiya, sayang naman itong effort natin na surpresahin sila.”
“Hindi na mga bata ang mga iyon, at imposibleng makalimutan nila ang araw na iyon. Sa dami ba naman ng aligaga sa kalye para mamaya,tiyak maaalala nila ang pasko.”
Alas Siyete na ng gabi ngunit wala pang sinyales na dumating na ang mga inaabangan ng dalawa. Nakahanda na ang hapag na pagsasaluhan ng lahat. Habang naghihintay inaliw muna nina Rodge at Maru ang sarili sa pag vi-videoke habang nag-aayos ng mga handa si Paz.
“Tamang tama, paborito ko ang kanta na iyan. Duet tayo Rodge.” Wika ni Maru.
“Paano tayo mag duet ,iisa lang ang mic na hawak mo. Sige na kantahin mo iyan mag isa. Galingan mo ha. Pataasan tayo ng score, ang matalo. Isang tagay nitong alak.” Ani ni Rodge.
“Sige na share tayo ng mic ko. Mamaya na tayo mag pataasan. Magandang kantahin ito pag duet. Ako ang part ni Regine…salitan na lang tayo ng mic.” Ayon kay Maru.
“Sure ka, magpapashare ka ng mic? Baka malunok mo laway ko. Mapalitan mo pa si Fil.” Pabirong tugon ni Rodge.
“Huwag mo naman kasi duraan ng laway ang mic noh. Sige na…ayan na kanta na Rodge.”
“Hindi ko naman talaga dinudura, nilulunok ko kaya “pabulong na sabi ni Rodge sa sarili.
“May sinasabi ka Rodge?”
“Wala ang sabi ko, akin na ang mic at makinig ka sa boses kong nakakainlove.”
Rinig sa labas ng bahay ang ingay ng kantahan nila Maru at Rodge sa loob. Kaya nang dumating sina Paeng at Jericho nagtaka ang mga ito kung ano ang meron. Nang mapansin ng dalawa ang nilagay na Christmas lights nina Maru at Paz sa pinto at bintana ng bahay. Doon pa lang naalala ng dalawa ang pasko. Sinalubong sila ni Paz sa gate. Makaraan ang ilang saglit dumating naman si Hector na tulad ng dalawa, ngayon lang din naalala ang pasko.
Nang makita ni Hector na nagkakasiyahan sina Maru at Rodge sa sala, napatitig ito kay Rodge at nang mapansin siya ng lalake lalo pang tumabi si Rodge kay Maru habang nakikipag-date habang magkahati sa iisang mic.
Hindi maalis ni Hector ang atensyon nito sa dalawa batid niyang may nilulutong balak si Rodge. Nang mapansin siya ni Jericho.
“Halika, tumabi tayo sa kanila… mukhang gusto ko rin makipagkantahan ngayon. Doon tayo.” Pagyaya ni Jericho kay Hector sabay abot ng bote ng beer.
Sumang-ayon na lang din si Hector. Tumabi ang dalawa kina Rodge at Maru.
Nasa isang mahabang sofa lang ang apat, nasa mag-kabilaang dulo sina Maru at Jericho,napagitnaan ng dalawa ang magkatabing Rodge at Hector. Nagkakasiyahan ang tatlo ngunit hindi si Hector nasa kay Rodge ang isip nito. Hindi ito mapakali lalo na sa tuwing sinasadyang ikiskis ni Rodge ang hita nito sa hita niya. Kapwa na shorts lang nun ang apat.
Nasa kusina naman sina Paeng at Paz na pinaguusapan ang nangyari kay Jericho. Maging si Paz nagulat sa kanyang nalaman na si Precy pala ang tunay na ama ni Jericho.
“Kaya naman pala dapat lang magdiwang tayo ngayong pasko. Ang dami ng nangyari na dapat ipagpasalamat natin. Buti na lang at natanggap agad ni Echo ang lahat.” Ani ni Paz
“Buti na lang naging bukas ako sa kanya, nakatulong iyon upang madali niyang matanggap ang lahat. Ang liit lang din talaga ng mundo para sa amin.” Sabi ni Paeng.
“Inadya talaga kayo ng tadhana na pagtagpo-tagpuin. Oh siya makipagsaya ka na rin sa kanila dun. Si Fil na lang ang wala pa. “
“Tatawagan ko na lang si Fil, baka lumagare pa iyon kasi nga pasko.”
Hindi pa man nakakapag dial si Paeng dumating si Fil. Tulad ng mga nauna, nagulat din ito at dun pa lang napagtanto ang araw ng pasko. Si Maru agad unang sumalubong sa kanya ng marinig nito ang paghinto ng motor sa labas ng gate.
“Merry christmas baby ko.” Pagbati ni Maru.
Sa halip na salita, isang mahigpit na yakap ang tinugon ni Fil kay Maru tsaka umiyak ito. Ipinagtaka iyon ni Maru.
“Teka lang baby ko, bakit? Ano ang nangyari sa iyo? Bakit ka na lang umiyak diyan?.” Tanong pa ni Maru.
“Sorry talaga, sorry. Mahal kita baby ko.” Sambit ni Fil.
Sa pag-aakalang ang pagkalimot ni Fil sa pasko ang dahilan ng paghingi nito ng sorry, hindi na iyon binigyan pa ng mabigat na pansin ni Maru.
“Ano ka ba, ok lang kahit wala kang gift sa akin. Ang nandito ka sa tabi ko, ang mahalin mo lang ako ay higit pa sa regalong hinahangad ko sa paskong ito. Mahal kita baby ko. Sapat ka na, para maging masaya ang pasko ko.” Sabi pa ni Maru sabay gawad ng halik kay Fil. Tsaka niyakap ng mas mahigpit si Fil.
Nairaos ng lahat ang diwa ng pasko na walang inindang samaan ng loob, at pinairal muna ang saglit na kasiyahan upang maging maayos at masaya ang mahalagang sandaling iyon.
LABI NG KATOTOHANAN
Matapos ang isang masayang pagdiriwang ng pasko, muling bumalik sa nakakabinging katahimikan ang buong bahay. Naiwan ang sala na wala ng tao kundi ang mga naiwang kalat at bakas ng kasiyahan.
Nagising si Paz at napansin iyon. Naisipan nitong ligpitin at linisin na lang ang mga kalat. Bitbit ang mga bote ng alak tinungo ni Paz ang kusina. Akma na sana itong lalabas sa likod ng bahay para itapon ang mga bote at basura nang may naririnig itong tila boses na nag-bubulungan. Sumilip ito sa siwang ng binata malapit sa lababo upang tingnan kung sino ang mga naririnig nito. Ngunit wala itong makita sa labas. Tumahimik na rin ang mga pag-uusap. Umiral na naman ang pagiging marites ni Paz at marahan itong umikot ng bahay. Dumaan ito sa sala ng dahan-dahan palabas.
Sina Jericho at Hector ang narinig ni Paz na nag-uusap. Napansin naman ng dalawa na may nakarinig sa kanila kaya lumipat sila malayo doon sa bahay.
“Ngayon ka pa aalis? Ano ba ang dahilan bakit bigla-bigla naman yata?” Tanong ni Jericho kay Hector.
“May alam na si Rodge sa sekreto ko. Nakita niya ang ginawa ko sa mga kumastigo noon kina Maru at Fil. At hindi ko alam kung ano pa ang mga alam nun sa akin. O sa atin.” Sagot ni Hector.
“Teka-teka linawin mo nga sa akin, may mga bagay pa ba akong hindi alam sa iyo? Ano ba ang nagawa mo na may alam si Rodge? Huwag mong sabihin na pati kay Rodge… nagpatangay ka.“ani ni Jericho.
Saglit na tumahimik si Hector, napabuntong hininga ito ng malalim bago sinagot si Jericho.
“Ayokong guluhin pa ni Rodge ang buhay ng anak ko kaya kailangan ko nang lumayo bago pa niya magamit sa akin ang mga nalaman niya upang tuluyan kami maghihiwalay ni Maru. Aalis lang ako dito ngunit hindi naman ako lalayo. Ayoko lang na manatili rito na kasama si Rodge.” Tugon ni Hector.
“So may nangyari nga sa inyong dalawa. At pumayag ka?”
“Wala na akong nagawa, iyon lang naisip ko. Hindi ko pa lubos na kilala si Rodge ngunit marami siyang alam tungkol sa atin lahat. At kailangan ko’ng alamin ang lahat sa kanya. Makakakilos lang ako ng maayos kung makalayo muna ako sa anak ko at sa inyo.” Sabi ni Hector.
“Ano ba kasi ang alam niya sa iyo, na hindi mo pa nasabi sa akin?.”
“Ako ang pumatay sa mga nang bugbog nun kina Maru at Fil. Ako ang pumatay sa dati kong kasamahan sa site na pinagtatrabahuan ko, maging ang natagpuang patay sa bakanteng lote ng Lulus kagagawan ko iyon. at ako rin ang tumapos sa buhay nina Jack at Nato.” Pagsiwalat ni Hector.
“Ikaw nga ang killer?” Pagkabigla pa ni Jericho.
“Nakapatay nga ako ng tao, pero nagawa ko iyon para sa mga mahal ko sa buhay. Hindi ko na ipaghiganti noon ang kapatid ko at tiya sa nangyari sa kanila. At hindi ko hahayaang mangyari iyon sa anak ko. Silakbo lang ng galit ang nagtulak sa akin na gawin iyon sa kanila. Muntik ng mawala sa akin si Maru, kaya nang malaman ko na sila ang may gawa nun nagdilim na ang paningin ko kaya napatay ko sila. At nang nakita kong binababoy nila ang anak ko hindi na ako nakapagpigil sa galit ko kaya nakapatay muli ako. At nang pati ang kaisa-isang taong karamay ko, pinatay nila. Hindi na ako nagdalawang isip na pagbayarin din sila ng dugo. At hindi ko pinagsisisihan ang mga nagawa ko dahil dapat lang iyon sa kanila.” Kuwento ni Hector.
Narinig ni Paz ang lahat ng mga inamin ni Hector kay Jericho kaya natigalgal ito sa kinukubliang puwesto.
“diyos ko hindi maari, siya ang killer? Sa lahat ng panahon kasama lang pala namin ang killer. At si Hector…diyos ko.” Sambit ni Paz sa sarili.
Inamin man ni Hector ang mga nabanggit nitong krimen ngunit itinanggi nito ang kinalaman niya sa mga bangkay na naunang natagpuan na walang mga ulo. Gayunpaman kinawindang parin ni Jericho ang mga nalaman nito kay Hector. Doon napagtanto ni Jericho na hindi rin pala basta-bastang tao ang kaharap niya. Handa itong kumitil ng buhay para lamang sa mga taong mahalaga sa kanya. Ngunit naging palaisipan din kay Jericho kung paano lahat iyon nalaman ni Rodge.
“Sinusundan ka ba ni Rodge? Bakit alam niya iyon sa iyo?” Tanong ni Jericho.
“Hindi tumugon sa akin si Rodge, ngunit ayon sa kanya alam niya ang lahat sa atin. Sa totoo lang gusto ko na lang tapusin ang gagong iyon para tumahimik na. Naalala ko lang si Maru at Fil. Nangako na rin ako sa sarili ko na ilalagay na sa tama ang mga desisyon ko. Lalo na nang makilala ka.” Ani pa ni Hector.
“Hindi kita hinuhusgahan sa ginawa mo, naiintindihan kita. Kahit ako kapag nalagay sa panganib si Fil maaring ganun din ang magagawa ko. Ngayon may pagdududa ka na kay Rodge dapat lang na mas magingat na tayo. Baka nga hindi pa natin kilala si Rodge.” Sambit ni Jericho.
“Kaya nga kailangan ko na munang lumayo. Ma mi-miss kita. Mag-ingat ka dito, ikaw na ang bahala sa dalawa. Protektahan mo si Maru para sa akin.” Sabi pa ni Hector sabay gawad ng halik kay Jericho sa noo nito.
“Magkikita pa naman tayo. Babantayan ko rin ang mga kilos ni Rodge. Ako na ang bahala kay Maru. Ingat ka. Tumawag ka lang kung kailangan mo ako.” At isang halik naman sa labi ang tinugon ni Jericho kay Hector.
Nakita lahat iyon at narinig ni Paz na siyang kinagulat nito. Nawindang din ito sa naaktuhang tagpo. Hindi niya inaasahan na may ganun na palang nangyayare sa mga taong nakapaligid sa kanya. Lalo na at malalapit pa sa kanya. Napa-tanong na lang si Paz sa sarili kung ano pa ba ang hindi niya alam sa mga kasama niya sa bahay. At kung bakit naging ganun sila. Wala naman sa tindig at itsura nila ngunit bakit nagbabaklaan ang mga lalake na nakapalibot sa kanya.
Hindi na nakatagal pa roon si Paz at nagmamadali na itong umalis dun. Ngunit nang sa kanyang paglingon sa kanyang likuran naroon si Rodge, nakatayo at nakatingin din sa dalawa. Nagulat si Paz sa presensya ni Rodge kaya napamura ito ng malakas. Narinig sila nina Jericho at Hector.
“Kanina pa kayo riyan?” Tanong ni Jericho sa dalawa.
“Kakarating ko lang, magpapahangin lang sana ako nang makita ko si Tita, kaya lumapit ako. Hindi ko alam na nandito rin pala kayo.” Agad na sagot ni Rodge.
“Kakalabas ko lang din Nak, nagtapon kasi ako ng basura. Sige mauna na ako sa inyo.” Sabat ni Paz
“Sasabay na ako sa iyo tita,matutulog na rin ako.” Wika ni Jericho.
Nagpaiwan pa si Rodge doon at naroon parin si Hector. Papasok na rin sana si Hector nang harangin siya ni Rodge.
“Nabitin ako sa performance mo kaya, mag laro muli tayo ng ungol-ungulan. Tamang-tama tulog na ang lahat at narinig ko matutulog narin ang boyfriend mo. ibig-sabihin, tayo na layang naiwang hot na gising pa sa gitna ng malamig na gabing ito. Punuin mo muli ang mug ko ng gatas mo Hector. Gusto ko kasi ang timpla ng sa iyo, sakto lang ang lasa… malapot at masago.” Panguudyok na naman ni Rodge kay Hector habang dinadakma ang nasa loob ng shorts ng lalake.
Tinapik ni Hector ang kamay ni Rodge na nakahipos sa kanya nang makita ang pagsilip ni Jericho mula sa terrace.
“Oh I see, gising pa pala siya…well sorry but just in case na kailangan mo ng ka boombayah mamaya. Iiwanan kong nakabukas ang pintuan ko. Hindi narin ako magsusuot ng damit, para sa pagpasok mo, rekta ka na sa hawla ko.” Pabulong pa na sabi ni Rodge bago ito pumasok ng bahay.
Naiwan si Hector na nakatingala parin sa terrace kahit wala na roon si Jericho. Nang gabi rin na iyon hindi na nag-aksaya pa ng minuto si Hector. Agad nitong niligpit ang mga gamit tsaka pinasok sa malaking bag at sa oras din na iyon nilisan nito ang bahay.
Kinabukasan napansin na lang ni Maru ang nakakabinging katahimikan sa loob ng bahay. Kagabi lang balot pa ng ingay ng tawanan at saya ang bawat sulok ng bahay ngunit paglipas ng pasko naging undas muli ang tema ng loob ng tahanan. Naroon ang lahat. Nasa kusina si Paz naglilinis ng mga hugasan, si Rodge nasa isang sulok at abala sa kanyang laptop, si Paeng nasa labas ng bahay naglilinis ng kotse, si Jericho nasa likod ng bahay naglilinis ng mga damo, samantala si Fil nasa sala at nanonood ng tv. Tila may kanya-kanyang mundo ang mga tao sa kanila. Tahimik at hindi nagpapansinan.
“Tiya, may challenge ba na bawal magsalita for today’s video? Ang tahimik niyo naman lahat. Kagabi lang ang saya-saya pa ng bahay bakit ngayon ang lungkot. Nakakagutom tuloy. Ano pa ba ang mga natira kagabi tiya?” Ani ni Maru nang mabasag man lang ang katahimikan sa loob.
“May spaghetti at salad sa ref. Iyong Mechado, menudo at afritada nainit ko na kung gusto mong kumain. Tsaka iyong tirang buto ng lechon, ginawa kong paksiw luto na iyan kumuha ka na lang sa kaserola.” Tugon ni Paz na tila wala rin sa modo ang tono ng boses.
“Hindi pa ba nakapag almusal lahat tiya? Mukhang wala namang bawas itong kanin sa rice cooker.” Pansin pa ni Maru.
“Sino pa ba ang gaganahang kumain kung ang lahat sa bahay na ito nagkakainan na. “ Biglang parinig ni Paz.
“Anong ibig mong sabihin tiya, paskong-pasko may hugot kayo?”
“Wala ito, hangover lang siguro ito dahil kagabi. Kumain ka na lang diyan. Tsaka bakante pa ang terrace baka gusto mo rin mamaya mag moment mag isa. Aalis lang ako.” Turan pa ni Paz na may pairap sa puwesto ni Rodge.
Naguguluhan man sa mga sinasabi ng tiya hindi na iyon binigyan pa ng lalim na pakahulugan ni Maru. Dumaan pa ang mga oras wala paring pagbabago sa loob ng bahay. Tulad lang ito nang umagang nabungaran ni Maru. Hanggang sa napansin na nitong hindi pa niya nakikita ang ama na si Hector. Doon na sinabi sa kanya ni Jericho na umalis ito kagabi at hindi na nagawang makapagpaalam sa anak dahil ayaw nitong makita ang reaksyon ni Maru pag umalis ito.
Agad na tinawagan ni Maru si Hector.
“Ngayon talaga, sana pinalipas mo man lang ang bagong taon Pa. Ang lungkot naman nitong new year ko. Akala ko pa naman mabubuo na ang taon kong ito kasama kayo.” Ani pa ni Maru.
“Para namang hindi ka sanay na wala ako. Makikipag video call na lang ako sa iyo sa new year nak. Sayang din kasi kung i-rebook ko ang ticket. Kapag stable na ang lahat dito, papupuntahin kita rito.” Sagot ni Hector.
“Hay naku, sige kung iyan sa tingin mo ang dapat support na lang kita diyan Pah. Ingat ka na lang diyan, love you” pagtatapos pa ni Maru.
Wala narin nagawa si Maru sa desisyon ng ama, malungkot man ito dahil sa pagalis ng ama inintindi na lang niya ito na may mga bagay din na mahalaga sa kanyang ama bukod sa kanya. Araw pagkalipas ng pasko isang masamang balita ang siyang bubungad naman kay Ignacio. Maaga pa lang nasa trabaho na ito. Nais niyang malibang ang sarili mula sa kakaisip sa nawawalang kuya at para narin makasagap ng balita sa kanilang opisina.
Isang lalake ang dumulog sa kanilang estasyon upang i-report ang nasaksihan nitong krimen may ilang araw na ang nakararaan.
“Ignacio ikaw na ang umasikaso sa isang ito. Tsaka kung samahan niyo ito sa sinasabi niyang crime site kung totoo nga ang mga kinukuwento nito.” Utos ni Samonte kay Ignacio.
“Totoo ho ang sinabi ko sir, hindi ko man nakita ang pagpatay. Pero nakita ko kung paano nila tinago na lang basta ang bangkay. At naroon parin iyon doon. Amoy na nga sa daan pa lang ang umaalingasaw na baho.” Pagdidiin pa ng lalake.
“Kung totoo nga, bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit ngayon ka lang nag-report di kaya kasabwat ka. Oh baka naman ikaw naman talaga ang may gawa.” Ani pa ni Ignacio.
“Hindi ho. Natakot lang ako nung una kasi nga first ko makasaksi ng ganun. At natakot talaga ako baka ako ang pagbalingan ng mga iyon at patayin.” Sagot pa ng lalake.
“Mga? Ibig mong sabihin marami sila?”
“Dalawa lang naman ho sir , ngunit malalaking lalake “
“So namukhaan mo silang dalwa?“tanong muli ni Ignacio.
Habang nakikipag-usap si Ignacio sa lalake, lumapit ang isa sa mga kasamahan nito bitbit ang isang bagong tarpaulin na ipapalit sa lumang tarp nila sa dingding. Nang napatitig sa lumang tarp ang lalaking kausap ni Ignacio.
“Siya! Sir siya! Hindi ako nagkakamali kamukha niya iyong lalaking kasama ng isa na nagtago ng bangkay sa gitna ng isang maisan.” Bulalas ng lalake sabay turo sa mukha ni Paeng na nasa tarp.
Napakunot ng noo si Ignacio lalo na nang marinig nito ang maisan sa sinabi ng lalake. Wala nang pag-aalinlangan na nag request ito ng permiso kay Samonte na puntahan ang lugar na sinasabi ng lalake.
Samantala sa kabilang bahagi ng eksena. Maaga pa lang masaya na ang bungad ng araw ni Precy. Maaga nitong tinungo ang multipurpose gym ng kanyang barangay para maghatid ng pamaskong handog para sa kanyang mga kabarangay.
“Tuti make sura na lahat makakatanggap ng pamasko, ayokong makakarinig ako ng mga reklamo,di na baleng magkanda doble-doble ang mahalaga lahat may mauuwi. Tsaka ano na ang balita sa utos ko? Napadala na ba kay William ang regalo ko sa kanya?” Ani ni Precy.
“Iyon nga ang sasabihin ko sana sa inyo Madam, nandito ang isang anak ni Sir William na kakauwi lang galing Germany nais ka niyang makausap.” Tugon ni Tuti
“For sure makikimasko rin ang isang iyan. Papuntahin mo dito.”
Malayo pa lang pansin na ni Precy ang namamagang mata ng pamangkin. Nagtaka si Precy, Lalo na nang nilapitan na siya nito at humagulgol na ng husto ito. Agad na inusisa ni Precy ang pamangkin at nalaman nito na may anim na buwan na palang nawawala ang ama nilang si William. Dahil sa nasa ibang bansa na ang pamangkin ni Precy naka-base hindi na nito nakakamusta ang ama dahil may tiwala naman ito sa mga naiwang kapatid na sina Rodge at Rodjun. Ngunit maging ang kapatid nilang si Rodjun ay hindi na rin alam kung saan naroon.
“Hindi na nga mawari ang loob ng bahay nang dinatnan ko kanina. Ang gulo, ayon sa driver ni papa,dahil sa hindi na nakabalik si papa, hindi na sila nasuwelduhan. Kaya iyong ibang mga kasambahay ini-isa-isa ang lahat ng gamit sa bahay. Buti na lang ibinalik pa sa amin ng driver ang kotse. Tita, baka naman matulungan mo ako na hanapin sina papa. Diba marami ka namang koneksyon?” Ani pa ng pamangkin nito.
“Nakausap mo na ba ang bunso niyo? Si Rodge baka alam niya kung nasaan si Rodjun at William. Pero sige itatawag ko sa mga kakilala ko. Baka sinadya lang ng ama niyo na magpakalayo-layo sa lugar na ito. Alam mo namang maraming kalaban ang ama niyo lalo na sa politika. Maging ako nga ayaw nun sa akin eh.” Saad ni Precy.
“Hindi ko makontak si Rodge baka nagpalit na ng number, pero mini sage ko na siya sa mga social accounts niya. Sana nga lang walang nangyaring masama kina Papa.” May pag-aalala pa ring sabi ng pamangkin.
“Huwag kang mag-alala, basta masama ang ugali mahaba pa ang buhay. At huwag ka ngang nega. Hindi na bata ang ama niyo, hayaan niyo na iyon mag enjoy na malaya sa inyo. Tsaka si Rodjun malamang ganun din. “ Ayon kay Precy.
Si William ay pinsan ng dating gov na si Emilio Santana. Ama din siya ni Rodge. Matagal na panahon na may samaan na ng loob si William at Precy simula nang magpalit si Premo ng kasarian. Galit sa mga bading si William,at kinasusuklaman talaga nito ang tulad ni Precy. Isang abogado si William at kilala rin bilang negosyante.
Ngunit matapos ang paghaharap ni Precy at Jericho, nagbago ang perspektibo ni Precy, pinapatawad na nito si William. At ito ang nagtulak sa kanya na aksiyonan ang hiling ng kanyang pamangkin.
Balik kina Paeng,…
Sa mga nakaraang mga rebelasyon sa pamilya, napagtanto ni Paeng na kailangan niya nang ayusin ang buhay niya. At isa sa balak niya ang tapusin na ang pakikipagrelasyon nito kay Rodge. Abala nun si Rodge sa kanyang laptop nang lapitan ito ni Paeng.
“Ayoko sanang sirain ang sandaling ito. Pero kailangan malaman mo na agad ito ng sa ganun ngayon pa lang malinaw na sa atin ang lahat.” Pagsimula ni Paeng.
“Seryoso mo naman ngayon. At ano ba ang ibig mong sabihin? Ano ang dapat kong malaman?” Pagtataka naman ni Rodge.
“Itigil na natin ang relasyong ito Rodge. Gusto ko nang ayusin ang sarili ko kasama ang mga anak ko.” Ani ni Paeng.
“Joke ba iyan? Dahil kung oo, hindi ako natatawa.”
“Seryoso talaga ako. Hindi ko na nakikita ang sarili ko na masaya pa sa piling mo. Masyado ka na kasing possessive. Nakakasakal ka na. Pati ang relasyon ko sa mga anak ko binibigyan mo na ng meaning. At hindi ko nagugustuhan iyon.” Dahilan ni Paeng.
“No, ayoko…mahal kita at alam ko mahal mo rin ako diba? Sabihin mong nagbibiro ka lang. Hindi ko gusto na mawala ka sa tabi ko Rafael. Please lang huwag mo akong iwan.” Tugon ni Rodge na agad niyapos ng mahigpit na yakap si Paeng.
Kumakawala na si Paeng sa mga yakap sa kanya ni Rodge ngunit ayaw bumitaw sa kanya ng lalake. Hindi na inalintana ni Rodge na nasa bahay sila, agad nitong sinunggaban ng mapusok na halik sa labi si Paeng. Todo piglas naman ang isa habang pinapahinto si Rodge sa kanyang ginagawa. Nang maitulak nito si Rodge umatras si Paeng.
“See, hindi mo na inisip na nasa pamamahay ko tayo. Hindi mo man lang naisip na baka may makakita sa atin. Hindi na kita kilala Rodge. Ibang-iba ka na sa dati. Kaya tama lang siguro na ito iyong desisyon ko.” Sabi pa ni Paeng.
“Ganyan? Ganun lang? Ganun lang iyon kadali?. Basta-basta mo na lang ako isasantabi sa gilid? No Rafael, hindi puwede. Hindi ako papayag sa gusto mo. Subukan mo lang na ituloy ang balak mo hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Kilala mo ako Rafael.” Banta pa ni Rodge tsaka iniwan si Paeng.
Nakita at narinig ni Paz ang lahat. Nagulat si Paeng nang makita si Paz na nakatayo sa pintuan. Kakauwi lang nito galing sa pinuntahan niya at iyon agad ang nabungaran niyang tagpo. Sinumbatan nito si Paeng sa kanyang nalaman.
“Kailan pa ito Paeng? Kailan ka pa pumatol sa lalake? At jusko naman ka edad lang ng anak mo si Rodge. Saan ba napunta ang talino mo Paeng? Kailan ka pa nagpauto sa pinasok mong relasyon?. Ilan pa ba kayo ang meron sa panahon ngayon? Wala na bang silbi ang mga babae sa henerasyon ngayon at mas gusto na ang kapwa lalake? Rafael ano? Ipaliwanag mo naman sa akin kung bakit ka umabot sa ganito?” Himutok pa ng kapatid na si Paz.
“Silahis ako, bakla…ito ang totoong ako, lalake ang gusto ko. At buong buhay ko nakakulong ako sa isang malaking kasinungalingan. Buong buhay ko, naglalakad akong nakamaskara. Nagpapanggap. Si Rodge lang nag-iisang lalake na nagparamdam sa akin na tao rin ako. Na may tunay pang pag-ibig para sa tulad ko. Naging malaya lang ako sa piling niya.” Ang pag-amin ni Paeng na napaiyak na lang sa tabi.
Nagulat si Paz sa pag-amin sa kanya ni Paeng. Dati pa man, noong mga bata pa sila. May kalambutan na talaga si Paeng. Ngunit pilit iyon tinutuwid ng kanilang amang isa rin pulis dati. Ayaw na ayaw noon ng kanilang ama na lalamya-lamya si Paeng. Matinding parusa ang inaabot ni Paeng sa kanilang ama kapag nakita itong pumipilantik ang mga daliri. Lumaki si Paeng na may takot sa ama.At dahil sa siya ang panganay tutok sa kanya ang kanilang ama. Sa murang edad, bugbog na sa pisikal na aktibidad si Paeng. Ang ama rin nila ang tumulak kay Paeng na pumasok sa pagpupulis kahit na hindi naman iyon ang gusto nitong destinasyon. Nagpatuloy ang buhay ni Paeng na kinukubli ang totoo nitong pagkatao. Natoto itong baguhin ang sarili at sundin ang gusto ng ama kahit ayaw niya. Nang mawala ang ama, hirap na si Paeng na ilabas ang sarili nitong katauhan dahil pinaglipasan na ito ng pagkakataon. Kahit gustuhin man noon ni Paeng na makipagrelasyon sa nagugustuhan nitong lalake, natakot rin ito na baka hindi niya magampanan ang sarili. At may takot din ito na mahusgahan. Lalo na at magpupulis ito. Nang dumating sa buhay niya si Salvi dun lang naramdaman ni Paeng ang silbi nito. Kay Salvi lang ito umamin kung ano ang totoong siya. Maging kay Paz kasi na kapatid niya hindi magawa nitong umamin. Si Salvi lang nag-iisang babae na tinanggap siya bilang siya. Kaya nung lumapit sa kanya ang babae, hindi ito nagdalawang isip na tanggapin ang babae na maging sila.
Gayunpaman kahit anong pagtanggi at pagbalewala ang gawin ni Paeng sa sarili hindi parin nito maiwasan ang hindi humanga sa kapwa lalake. Ngunit dahil sa pagiging pulis ang lahat ng mga gusto ni Paeng nanatili na lang isang pantasya na kailanman man hindi na mabibigyan ng katuparan. Hanggang sa dumating sa buhay nito si Rodge.
“Boy ginabi ka yata ng uwi, saan ka ba galing.” Pagtawag ni Paeng noon kay Rodge nang madaanan niya ang lalake sa madilim na daan sa dis oras na ng hatinggabi.
Iyon ang unang sandaling nag cross ang kanilang landas.
“Sir, maganda gabi po. Pauwi pa lang po ako galing trabaho. Taga call center po kasi ako. Eh wala nang masakyan kaya naglalakad na lang.” Tugon nun ni Rodge na gumawad ng ngiti kay Paeng na sakay ng dinadala nitong patrol car.
Unang sulyap pa lang ni Paeng sa guwapong mukha ni Rodge tinamaan na agad ito. Tila bumalik ang kabataang edad ni Paeng nang bigla na lang kumislot ang nahihimbing nitong puso. Humanga ito sa pisikal na katangian ni Rodge. Bukod pa sa maamo at guwapong mukha nito, umagaw din sa interes ni Paeng ang mabait na ugali ng lalake.
“Delikado ang lugar na ito, uso pa sa bahaging ito ang holdapan. Mabuti pa sumakay ka na at ihahatid na kita sa inyo. “ Pag-alok pa ni Paeng kay Rodge.
“Sure ka sir? Naku salamat po sir. Swerte ko naman naka-libre ako tonight. Sana lahat ng mga pulis kasing bait mo sir. Mabait na guwapo pa.” Tugon naman ni Rodge na may pagngiti pa kay Paeng.
Iyon ang simula ng magandang tinginan ng dalawa. Nagkapalagayan sa isa’t isa at nagkaroon ng lihim na relasyon. Sa mga pag-amin na iyon ni Paeng sa kapatid, napaiyak na lang din si Paz na niyakap ang kuya. Ramdam ni Paz ang bigat ng dinadala ni Paeng sa sarili at sa matagal na panahon wala itong kaalam-alam na iyon pala ang pinagdadaanan ng kapatid.
Hindi namalayan ng dalawa ang paglapit sa kanila ni Maru na napayakap narin sa dalawa.
Napansin naman ni Jericho at Fil ang pag-alis ni Rodge.
“Ano ang nangyari sa mukha nun?”. Pansin ni Jericho.
“Wala akong paki sa taong iyon, hayaan mo siya. Mabuti nga at umalis na iyon dito at hindi na bumalik. Hindi ako komportable na kasama natin ang asungot na iyon dito.” Tugon ni Fil.
“Pabor ako sa sinabi mo. Hindi rin ako sangayon sa pagtira niya rito. Siya nga pala, ano iyong sinabi sa akin ni Hector na balak mo muling pabuksan ang kaso nila mama?” Ani ni Jericho.
“Kuya hanggang ngayon hindi parin ako pinatatahimik ng mga panaginip ko. Kung sino-sino na lang ang nakikita kong mukha na posibleng may salarin sa nangyari sa kanila. Kailangan ko ng kongkretong sagot kuya. Gusto kong malinawan. “ Ayon kay Fil.
“Naiintindihan ko. Sige kung iyon ang sa tingin mo magpapanatag sa iyo gawin mo. Pabubuksan natin ang kaso. Palilipasin lang natin ang taong ito. Sasamahan kita.” Pagsang-ayon ni Jericho.
“Kuya…May relasyon ba kayo ni kuya Hector?”
Napalunok ng sariling laway si Jericho sa biglaang tanong na iyon sa kanya ng kapatid. Hindi agad ito nakatugon dahil hindi naman nito alam kung paano sasagutin ang tanong sa kanya ni Fil.
“Ayos lang naman sa akin kuya kung hindi mo ako sasagutin. Gusto ko lang malaman mo na nirerespeto ko ang choice mo, gaya nang kung paano mo kami tinanggap ni Maru. Talagang magkapatid nga tayo kuya. Parehas tayo ng hilig. “ Napangiting sabi ni Fil sabay akbay kay Jericho.
Tumugon na lang ng ngiti si Jericho kay Fil at tinapik din ang balikat ng kapatid. Tsaka sabay na pumasok ng bahay ang dalawa.
DUGO AT LAPOT (Rodge Rage)
Umalis si Rodge na may sama ng loob kay Paeng, hindi nito matanggap na doon na lang matatapos ang lahat sa kanila. Nang may nakitang tricycle sumakay agad ito hanggang labasan tsaka nagpara naman ng taxi. Umiiyak itong may ngit-ngit na dala, pinagpapawisan ito at nanginginig kahit na nakabukas naman ang aircon ng sinasakyang taxi. Napansin iyon ng driver at tinanong si Rodge.
“Ayos ka lang ba sir? Mukhang masama yata ang pakiramdam mo.” Ani ng driver.
“Sa daan ang tingin kuya, huwag mo akong intindihin. Ayos lang ako.” Tugon ni Rodge.
Hindi na nagsalita pa ang driver at pinagpatuloy na lang ang pagmamaneho. Habang si Rodge, kung ano-ano na ang naririnig nito sa kanyang utak. May mga boses na itong naririnig na umaalingawngaw sa kanyang tenga. Mga sigaw, mga mura at tawa mula sa sari-saring mga tinig ng mga lalake. Hinahampas na at pinapalo nito ng sariling kamay ang ulo, sinasabunutan ang sarili at panaka-nakang tinatakpan ang tenga. Mawala lang sa pandinig nito ang mga naririnig. Muling napalingon ang driver kay Rodge at tinanong muli ito, nang mapansin na inuuntog na ni Rodge ang ulo sa kanyang upuan.
“Sir, sure ka lang ba na ok ka?”
“Huwag mo akong pakialaman kung ayaw mo na napagbuntunan kita! “ Pasigaw na tugon ni Rodge sa driver, at galit na galit
Inisip na lang ng driver na baka may pinagdadaanan lang si Rodge kaya ganun iyon. Nag-aalala man hinayaan na lang ito ng driver. Nagpatuloy parin ang mga bumubulong na mga boses kay Rodge. At mas nakakabingi na ang mga ito para sa lalake. Dahilan para mapasigaw na lang si Rodge ng mura sa loob ng taxi, na kinabigla naman ng driver.
Natitgil lang ang gumagambala kay Rodge nang tumunog ang cellphone nito. Sa pag-aakalang si Paeng ang tumatawag at nais na itong makipagbati sa kanya agad niya itong sinagot nang hindi man lang pinansin kung kanino galing ang tawag.
“Sinong Rafael? Si tita Precy mo ito. Saan ka ba ngayon? Puntahan mo ako sa bahay, magkita tayo. Nandito ang ate Roxanne mo,kakauwi lang kanina. Rodge, may alam ka ba kung nasaan ang kuya Rodjun mo at si papa mo? Alam mo ba na ilang buwan na palang wala sa bahay niyo ang dalawa?” Sagot ni Precy na nasa kabilang linya.
“Buti naisipan pa pala niya umuwi, akala ko inabandona niya na kami kagaya ni mama. And yes alam ko na matagal ng wala si kuya sa bahay,pero about papa…wala akong pakialam sa kanya. Hindi ko alam tito. Wala na akong alam after niya ipamukha sa akin na wala akong silbi sa kanya.” Tugon ni Rodge.
“Alam ko ang pakiramdam na iyan, alam ko ang feelings kung paano ma-reject lalo na ng isang tao na akala mo ang siyang magiging lakas at sandigan mo. Pero hindi ka man lang ba aware kung nasaan na ang papa mo? Anyway baka alam mo kung nasaan ang kuya mo, sabihin mo sa kanya na gusto na kayo makita at makasama ng ate niyo.” Ani ni Precy.
“Hindi na magbabalik si kuya tito, nagpakalayo-layo na iyon, hindi niya na raw kasi deserve ang pamilya namin. Kaya hinatid ko na lang siya sa lugar na deserve niya.”
“Ayusin niyo ang issue niyong magkakapatid. Pumunta ka dito. Hinihintay ka ng ate mo…”
May sinasabi pa si Precy ngunit pinatay na ni Rodge ang cellphone. Tsaka ngumiti na may galit parin ang mukha. Nanlilisik ang mga mata nito na tila balot ng di mawaring gigil at galit.
“Kuya paki-liko sa street na iyan, sa barangay Kwatro Uno tayo.” Sabi ni Rodge sa driver ng taxi.
-*-
Ang pagdating ni Rodge sa buhay ni Paeng ay isang malaking hakbang upang tanggapin ng lalake ang kanyang sarili. Gayunpaman dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad naging hadlang ito upang lubusang makawala si Paeng sa kanyang kahon. Nilihim nila ni Rodge ang kanilang relasyon. Ikinuha ni Paeng si Rodge ng isang maliit na apartment malapit lang sa barangay nila sa Kuwarto Uno.
Nang sandali kasi na iyon napag-alaman ni Paeng na pinalayas na si Rodge sa dati nitong tinutuluyan dahil sa hindi daw ito nakabayad ng upa. Pinaniwalaan naman iyon ni Paeng. Sa kagustuhang hindi na mawalay sa kanya ang lalake,itinira nito si Rodge sa nasabing apartment.
“Maliit lang ito, pero kumpleto naman ito sa lahat. Sabihan mo na lang ako sakaling may kakailanganin ka pang idagdag dito.” Ani ni Paeng sa unang araw nila ni Rodge sa apartment na iyon.
“Dito ka na rin ba titira kasama ko Rafael?”
“Hindi Rodge, pero araw-araw nandito ako. Hindi pa nila alam ang tungkol sa akin kaya hangga’t hindi pa ako handa, ganito na lang muna tayo.” Sagot ni Paeng sabay halik sa noo ni Rodge.
“I love you Rafael, at salamat sa pagdating mo sa buhay ko.”
“I love you too Rodge, dahil sa iyo naging masaya na muli ako.”
“Pangako, gagawin ko lahat para lang mapasaya pa kita lalo Rafael.”
At sinimulan nang hinalikan ni Rodge si Paeng sa bibig nito. Nagkaisa ang dalawa sa init na kanilang nararamdaman. Pinatunayan ng dalawa kung gaano nila ka mahal ang isa’t isa. Nang malantad na ang katawan nilang wala ng mga suot ,doon na mas lalong nagliyab ang mga tagpo sa pagitan ng dalawang makikisig na Adan na sabik sa pagkain sa nakakalasong prutas ng pagnanasa.
Sa buong buhay nun ni Paeng ngayon lang muli ito makakatikim ng katawan ng isang lalake. Kaya naman daig pa nito ang hayok na liyon kung pangasin at dilaan ang bawat parte ni Rodge. Magkahalong ungol at mura ang panay nasasambit ng lalake sa bawat pagsayad ng bibig at dila ni Paeng sa balat nito. Ang lahat ng mga pinapangarap lang nitong gawin ngayon magagawa niya na kay Rodge. Pinagbuti ni Paeng ang kanyang assignment. Sinisigurado nitong nasasabayan nito ang energy ni Rodge sa kangkangan.
Hindi naman nito binigo si Rodge sa kanyang galing, kaya tinapatan din ito ng lalake. Halos kinabaliw ng diwa ni Paeng ang husay ni Rodge sa sisiran. Maning-mani lang sa lalake ang pag subo ng buo sa kahabaan ng kabute ni Paeng. Swabeng-swabe walang ka daplis-daplis at walang sayad. Tsa sagad hanggang ngala-ngala. Lalo na nang pumatong ito kay Paeng upang umayuda. Maging si Paeng hindi na alam kung ano pa ang isisigaw nitong mura sa tindi ng sarap na dulot ng pagkayod sa kanya ni Rodge. Bawat giling at indayog ng katawan at balakang ni Rodge habang nakaupo sa tarugo ni Rodge ay tila isang nakakaadik na Tempo ng isang tugtog na sinasabayan ni Paeng ng kaldag. Ang pagsanib ng kanilang mga katawan sa isa’t isa ay lalong naging makabuluhan ng sabay na silang nagpakawala ng kanilang katas na pinagpawisan. Tinapos ng dalawa ang malapot na tagpong iyon sa isang masuyo at malagkit na laplapan hanggang sa nakatulog ang dalawa.
Walking distance lang ang apartment na nilalagian ni Rodge sa mismong barangay kung saan taga-roon si Paeng. Kaya lingid sa kaalaman ng lalake, madalas pinupuntahan ni Rodge ang barangay upang lihim na alamin ang tirahan nila Paeng. At nang matunton na nga niya ito, binalak nitong surpresahin si Paeng. Hapon nun , nang muling maisipan ni Rodge na sumaglit sa barangay nila Paeng, balak na nito noon magpakilala sa anak ni Paeng na si Maru.
Nasa bungad palang ito ng tulay nang harangin na ito ng grupo nila Jack, Na’to, Luca at Dagul. Dahil dayo sa paningin ng grupo, pinagtripan ng mga ito si Rodge, sinita ng mga ito ang lalake at balak na kutungan.
“Uy mga tol may poging dayo, at mukhang malaman.” Pasimula ni Dagul nang lapitan ito si Rodge na naglalakad.
“Relax mga pre,…hindi ganyan ang pagbati sa mga dayong bisita, lalo na sa mga poging tulad nito. Past pare, ano kailangan mo sa teritoryo namin?” Ani ni Luca nang harangin nito si Rodge.
“May pupuntahan lang ako diyan sa Kwarto Uno. Isang kakilala.” Tugon ni Rodge na hindi man lang natinag sa mga pagmumukha ng apat.
“Sino?… Kami na bahala maghahatid sa iyo doon ng safe.“saad pa ni Luca.
“Hindi na kailangan mga pare, alam ko naman ang bahay nila. Kaya kung hindi naman nakakaabala sa inyo, padaanin niyo na ako.” Sabi ni Rodge na pigil na ang inis sa mga sandaling iyon.
“Mga tol mukhang maangas ang isang ito ah, hindi man lang nasisindak sa mga pagmumukha natin. Alam niyo matagal na rin akong hindi nakakatikim ng isang dayo. At tila yata binibentahan tayo ng angas nitong gago na’to “ Pagsingit ni Dagul na tila may panggigigil kay Rodge.
Kalmado lang si Rodge ngunit nakahanda ito sa maaring gawin sa kanya ng mga iyon. Buti na lang at may patrol ng tanod na napadaan sa bahaging iyon at sinita ang apat kaya nagsi-alisan ang mga iyon. Nang maiwan si Rodge, kinausap ito ng isang tanod. Nag-alok itong ihahatid ang lalake sa pupuntahan nito ngunit tumanggi na si Rodge at hindi na tumuloy.
Pagkauwi sa apartment, agad na hinalungkat ni Rodge ang laman ng kanyang malaking bag. Isa isa nitong pinangtanggal ang laman na mga damit doon, at nang makita na ang hinahanap kinuha niya iyon at seryosong tinitingnan. Nakabalot iyon sa isang makapal na itim na long coat. May hindi na kaaya-ayang amoy ang naturang coat at May mga bahid ito ng mga natuyo nang dugo. Nilapag iyon ni Rodge sa kanyang kama, at maingat na tinanggal ang pagkakatiklop nun. Nang malantad na ang laman, kinuha ito ni Rodge at ngumisi na parang demonyo. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Rodge na tila ba sina sapian ng ibang katauhan.
Nilaro-laro nito ng kamay ang bagay na hawak. Isang mahaba at matalas na karit iyon. May mga bahid na ito ng kalawang dahil sa tila mga bakas ng dugo na nandoon. Bagama’t kinakalawang, kapansin-pansin ang matalas parin nitong parte.
Nakatitig lang doon si Rodge nang bumalik sa kanyang gunita ang isang pangyayari sa kanyang buhay.
Gabi iyon nang maabutan nito ang kuya niya na tumitira ng druga sa kuwarto nito kasama ang lima pa nitong mga kaibigan. Nagalit ito dahil sa nakita, dagdag pa ang nagkalat nitong mga gamit. Nakabuyang-yang na ang mga drawer at kabinet nito. Nasa lapag na ang mga pinakatago-tago nitong pag-aari mga ibat-ibang klase ng vibrator, mga dildo mga koleksyon ni Rodge at gamit sa pansariling pangangailangan. Maging ang mga malalaswang mangga komiks nito at mga men to men magazine na binili pa ni Rodge online punit-punit na ang mga iyon at nagkalat na lang sa kung saan. Nang makita siya ng mga kaibigan ng kuya nitong si Rodge, agad ang mga iyon lumapit sa kanya at pilit siyang niyayaya na makipag sex sa kanila. Nakatingin lang ang kuya nito habang abala sa pagsinghot ng drugang ginagamit nila.
Pasigaw na pinapalabas ni Rodge ang kuya nito at ang mga kaibigan nito na nang gigigil na sa galit.
“Pare, mukha nireregla yata itong sister mo, ang init ng ulo eh, nang bubulyaw ng sigaw.” Ani ng isang lalake na sinundan pa ng nakakapang-asar na tawa.
Ngunit wala man lang imik ang kuya nito. Patuloy lang ito sa kanyang ginagawa.
Isa sa mga lalake ang bigla na lang naghubad ng damit at nilapitan si Rodge tsaka hinila palapit sa kanya. Nabigla si Rodge kaya hindi agad ito nakapaghanda, nabuwal ang dalawa sa kama. Napahiga silang dalawa, habang mahigpit na niyayapos ng lalake si Rodge, tsaka pinaghahalikan sa kanyang leeg. Pilit na kumakawala si Rodge sa mga braso ng lalake ngunit mas malakas ito sa kanya.
“Huwag ka nang pumalag bakla, alam ko naman gustong gusto mo rin itong ginagawa ko. Mag pakasaya ka na lang.” Turan pa ng lalaking nakayakap kay Rodge.
“Mga gago kayo! Putang ina niyo! Ayoko! Kuya tulungan mo ako! Awatin mo sila kuya please kuya ano ba?!!! Huwag!!!” Sigaw pa ni Rodge nang lumapit pa ang isa pang nakahubad na.
Puwersahang binaklas ng lumapit na lalake ang damit ni Rodge kaya napunit ito. Nang malantad na sa kanila ang malapad na dibdib ni Rodge at ang kulay pink nitong utong, lalong umugong ang mga tawanan sa loob ng kanyang silid. Saglit pa sinunod namang baklasin ng lalake ang shorts na suot ni Rodge, nasira rin iyon. Todo na ang pagpupumiglas ni Rodge. Sinisipa na nito ang isa pang lalake na nasa paanan niya. Sa galit ng lalake sinuntok nito si Rodge sa sikmura ng malakas, dahilan para mamilipit ito sa sakit. Humihingi pa rin ito ng tulong sa kanyang kuya, ngunit tila isang aninong multo lang ito sa sulok na hindi man lang pinapansin ang hiyaw at paghingi ng tulong ng kapatid.
Nang hubo’t hubad na si Rodge, doon na pinagtulungan ng lima na gawan ng kababuyan ang katawan ni Rodge, iginapos nila si Rodge sa sarili nitong kama gamit ang kanilang mga sinturon nang nakadipa at nakadapa ang lalake. Sunod nun isa sa lima ang tinipon ang tatlong dildo ni Rodge at puwersahan nitong ipinasubo sa kanya ng sabay. Sa laki ng mga iyon halos mapigtas ang bibig ni Rodge. Luhaan na itong nagmamakaawa sa lima at humihingi ng saklolo sa kanyang kuya ngunit tanging malalakas lang na tawanan ang tugon sa kanya ng mga ito. Habang si Rodjun na kuya nito ay nakatingin lang sa kanya na walang tugon. Salitan nilang binarurot si Rodge ng todo. Laspag na laspag na ang butas ng tumbong ni Rodge sa paulit-ulit na pagbungkal sa kanya ng lima. Wala nang nagawa pa si Rodge kundi ang magparaya na lang sa kahayukan nila sa laman. Binaboy nila ng husto ang katawan ni Rodge, ginawang inidoro,inihi-an at dinuraan. Habang nasa sulok lang si Rodjun na tulalang pinagmamasdan lang ang nakakaawang sitwasyon ng kapatid. Nawalan ng malay si Rodge dahil sa sakit,hapdi at pagod na naranasan.
Nang bumalik ang ulirat nito at bahagyang nanumbalik ang lakas napansin nito na tanggal na ang isang gapos sa kanyang kamay. Nang tingnan nito ang paligid tulog na ang mga kaibigan ng kanyang kuya na pawang mga Naka hubo’t-hubad parin. Wala ang kuya nito sa loob ng silid. Sinikap ni Rodge na makabangon sa kama at nang matanggal na nito ang mga gapos sa paa at kamay, dahan-dahan itong lumabas ng kanyang kuwarto na tanging kumot lang ang tinatapis sa katawan.
Nanginginig parin sa galit si Rodge dahil sa ginawa sa kanya. Nang makalabas ng silid tinungo nito ang kanilang kusina. Naghanap ng kutsilyo na siyang gagamitin nang mapansin ang naka-display na karit sa dingding. Kinuha iyon ni Rodge sa lagayan nito tsaka bumalik sa kanyang silid. Wala parin doon ang kuya at tulog pa din ang mga kaibigan nito.
Ni-locked ni Rodge ang pinto tsaka pinatay ang ilaw sa loob, tanging ang ilaw ng lamp shade lang nito na nasa dingding ang naiwang nakasindi. Marahang lumapit si Rodge sa isang nasa malapit sa paanan ng kama. Ginising niya iyon at nang naalimpungatan ang lalake,isang bigwas ng hawak na karit ni Rodge ang muling nagpatulog sa kanya. Isa pa sa mga iyon ang nagising at muli isang hataw ng karit sa kanyang leeg ang nagpatahimik sa kanya. At sunod-sunod ng ginawa iyon ni Rodge sa iba pa. Wala man lang salitang namutawi sa bibig ni Rodge habang ginagawa niya iyon sa mga lumapastangan sa kanyang katawan.
Nang binuksan na ni Rodge ang ilaw, tumambad na lang doon ang duguan at wala ng buhay na mga kaibigan ng kanyang kuya. Nagkalat sa buong silid ang mga tilamsik ng dugo. Maging ang sahig napinturahan ng pula. Hawak parin ang karit, muli pinagtataga ni Rodge ang mga nakahandusay na iyon nang mapansin na gumagalaw pa iyong isa sa kanila.
Nang masigurong hindi na nga humihinga ang lahat tinungo ni Rodge ang kabinet nito at kumuha roon ng damit na misusuot. Isang long coat na itim ang napili nito. Palabas na ito ng silid para hanapin sana ang kuya nang sa pagbukas nito ang siya namang pagdating ni Rodjun. Nagulat si Rodjun nang makita ang ayos ng kapatid na may hay hawak na karit sa kamay. Mas lalo itong nangilabot nang makita ang mga kaibigan nitong naliligo na sa mga sari-sarili nitong mga dugo.
“Pinatay mo sila! Mamamatay tao ka! Kriminal ka! Halimaw ka!” Sigaw ng kuya nito na nasindak sa naabutan.
Ngunit bago pa man nakatakbo si Rodjun, binigwasan na ito ng karit ni Rodge sa leeg. Sumirit ang dugo mula sa leeg ni Rodjun, nangisay ito bago tuluyang bumagsak sa paanan ni Rodge.
“Iyang ang dapat sa iyo, wala kang kuwentang kapatid. Mga hayop kayo at ang mga hayop kinakatay, pinapatay.” Sambit ni Rodge at muli nitong pinagtataga ang katawan ng kanyang kuya hanggang sa maghiwalay ang mga parte nito.
Ganun din ang ginawa nito sa iba pa. Nang maisagawa na lahat, isa-isa nitong nilagay sa itim na trashbag ang mga pinagpuputol-putol na parte. Ipinasok niya iyon sa loob ng kanilang kotse, pagtapos tsaka binalikan ang mga katawan ng kanyang pinaslang at dinala ito sa likod ng kanilang bahay. Tinungo nito ang malaking poso negro, at doon sa manhole na nandoon, inihulog niya roon isa-isa ang mga bangkay tsaka muling isinara ang manhole.
Sunod nitong nilinis ang buong silid. Tinanggal ang lahat ng naroon na natapunan ng tilamsik ng mga dugo at nilagay sa loob ng trashbag. Tsaka ikinarga iyon kasama ng mga nauna na nitong nilagay doon. Nang malinis na ang loob. Tinungo na nito ang banyo at naligo. Hinugasan ang lahat ng dugo na naroon sa kanyang katawan.
Sakay ng kotse, dinala ni Rodge ang mga nasa trashbag palabas ng siyudad naghanap ito ng medyo magubat na parte na halos madalang nang napupuntahan ng mga tao. Nang makatagpo ng isang bangin, doon na nito isa-isang inihulog ang mga iyon doon. Matarik ang bangin at walang kabahayan sa baba, perpektong site, upang ibaon ang krimen na ginawa. Hapon ng isang araw na iyon ng bumalik ang ama nilang si William at hinanap ang kuya nito sa kanya. Napansin kasi nito ang bahid ng dugo a likod ng kotse, tsaka ang mabaho at masangsang na amoy.
“Pagkauwi ko dito nang tuesday wala na rito si kuya, baka kasama na naman nun ang mga adik niyang barkada. At siya na rin ang tanungin niyo tungkol sa kotse, siya lang naman ang nakakagamit nun diba? Siya lang naman ang anak niyo rito. Palibhasa parehas kayong adik.” Tugon ni Rodge sa ama habang nanonood ng tv.
Sa inis ng ama ,sa pagsagot sa kanya ni Rodge, nadampot nito ang isang kristal na pigurin sa devider at ibinato iyon sa anak. Sapol sa ulo si Rodge. Nang makapa ni Rodge ang natamaang ulo, napansin nitong may dugo. Nasugatan ito gawa ng pagbato sa kanya. Napansin iyon ni William ngunit binalewala lang ito ng ama at pumasok ito sa kanyang silid. Nanlilisik ang mga mata ni Rodge sa galit habang sinusundan ng tingin ang ama.
Abala nun si William na nilalagay ang mga damit sa kanyang malaking bag, nang may kumatok sa kanyang pintuan. Nasanay na ito sa routine ng panganay na sa tuwing dumadating ito dumadaan muna ito sa silid ng niya. Kaya sa pag-aakalang si Rodjun ang kumakatok na iyon, agad itong pinagbuksan ni William, ngunit nang sa pagbukas nito ng pinto, bumungad sa kanyang harapan si Rodge na nakataas ang kanang kamay na may hawak na karit. Bago pa ito nakapagsalita, naiguhit na ni Rodge ang patalim na hawak sa lalamunan at dibdib ng ama. At sinundan pa niya iyon ng ilang ulit pa na pagtaga hanggang sa tuluyan ng binawian ng hininga ang sariling ama.
“Hindi ka karapat-dapat na tawaging ama, dahil kailan man hindi ko iyon naramdaman sa iyo!”
At gaya nung mga nauna, ginawa rin iyon ni Rodge sa ama. Nang malinis ang krimen na ginawa. Nagkibit balikat na lang ito sa mga tanong sa kanya ng mga katulong ng bumalik na ang mga ito mula sa kanilang day off.
“Pasensya na pero hindi ko alam kung saan nagpunta ang papa, at hindi ko rin naman kayo mabibigyan ng sahod kasi wala naman akong pera diba? Tsaka kay papa lang naman kayo nagtatrabaho, tsaka kay kuya. Kaya sila na lang singilin niyo.” Ani ni Rodge na handa na ang gamit sa pag-alis nito sa bahay.
“Pero sir ang bilin ng papa niyo ngayon daw niya kami si-suwelduhan.” Wika ng isang kasambahay.
“Kayo ang nag-usap diba? Kaya hintayin niyo na lang ang pag-uwi niya. At huwag niyo nga akong kulitin, dahil hindi naman ako ang amo niyo rito.” Tugon ni Rodge na naiinis na sa mga katulong nila.
“Sir Rodge, nasa garahe na ho ang kotse ng papa niyo ibig-sabihin lang ho niyan nakauwi na ho siya. Imposible namang umalis iyon na hindi dala ang kotse niya.” Sambit pa ng driver nila.
“Abay malay ko naman kung iyon ang trip niya. Ang umalis na walang kotse. Please lang po, nagmamadali ako. Kung gusto niyo hanapin niyo sa buong bahay si papa. Iyon kung makikita niyo rito. Tsaka kung atat talaga kayo sa sweldo niyo. Nariyan ang mga gamit ni papa, paghatian niyo. Pare-parehas lang kayo ng mga amo niyo mga walang kuwenta.”
Umalis sa kanila si Rodge na tila ba wala lang may nangyari. Gamit ang mga ATM at pera ng pera ng ama nagsimula itong mamuhay ng malaya. Hanggang sa nakita na nga nito si Paeng. Dahil kay Paeng nararamdaman muli ni Rodge ang halaga nito. Nahumaling na ng husto si Rodge kay Paeng. Sa puntong ayaw n nga nito minsan mawala pa sa paningin nito ang lalake. Ito ang nag udyok kay Rodge na lihim na puntahan si Paeng kahit ipinagbawal iyon sa kanya ng lalake.
Hawak pa nun ni Rodge ang karit sa kanyang kamay nang marinig nito ang boses ni Paeng sa labas. Dali-dali niya muli itong ibinalot sa damit at itinago iyon sa ilalim ng kama. At saktong pagpasok ni Paeng sa kanyang silid.
“Pasensya na at hindi ko agad napansin ang pagdating mo. Nagliligpit kasi ako ng mga damit.” Ani ni Rodge.
“Ayos lang may susi naman ako dito. Dumaan lang ako para sabihing hindi muna ako makakapunta rito ng mga ilang araw. Doon na muna ako sa bahay, nagtataka na kasi sila dun lalo na ang anak ko na hindi na ako nakakasabay sa kanilang kumain. Tatawag na lang ako sa iyo.” Saad ni Paeng.
“Gaano ka katagal mawawala? Baka maburyo ako rito sa kakahintay sa iyo.” Wika pa ni Rodge.
“Lalaruin ko na lang ang mga araw, madalas na kasi ako dito sa iyo. Huwag kang mag-alala puwede naman tayo magkita sa labas kung gusto mo.” Sabi pa ni Paeng tsaka dinampian ng halik sa labi si Rodge.
Pumayag naman si Rodge sa nais ni Paeng. Gabi nun nang maisipan ni Rodge na muling puntahan ang barangay Kwatro Uno. Palapit na ito sa welcome sign ng barangay nang mapansin ni Rodge sina Maru at Fil na naglalakad papatawid sa tulay. Kilala na nito si Maru dahil sa maka ilang beses na itong palihim na pumupunta sa barangay matunton lang ang bahay ni Paeng. Nais na sana magpakilala nun ni Rodge kay Maru nang bigla na lang hinarang ng grupo nila Jack ang dalawa. Nagsalubong ang mga kilay ni Rodge sa nakita, lalo na at kaparehong grupo rin na sumita sa kanya ang humarang ngayon kina Maru at Fil.
Nanginginig na naman ang laman ni Rodge sa nakikita. Agad nitong kinapa ang dalang bag, naroon sa loob ng bag na dala ang karit. Papalapit na sana si Rodge nang makarinig ito ng andar ng tricycle na papalapit kaya tumabi ito at nagkubli sa makapal na dahon ng mga kawayan. Nakita nitong napahinto ang tricycle kina Maru at Fil at sumakay doon ang dalawa. Nang makalampas na sa tulay ang napadaang tricycle. Kanya-kanyang pulasan naman ang grupo nila Jack. Papalapit sa kinaroroonan ni Rodge si Luca. Akto itong iihi sa puno ng kawayan nang lumabas mula roon si Rodge.
Napamura si Luca sa sobrang gulat nang makita si Rodge na lumabas mula sa lilim ng mga kawayan. Naudlot pati ang pag-ihi nito. Namukhaan ni Luca si Rodge kaya sinita niya ito sabay labas ng maliit nitong patalim sa bulsa.
“Naghahanap lang ako ng makatrip ngayong gabi. Baka gusto mo , babayaran kita kahit magkano”. Wika agad ni Rodge kay Luca.
“Tang’na, bakla ka?!” Gulat na tugon ni Luca.
“Mahalaga pa ba na sagutin ko pa iyon. Gusto mo ng pera diba? Sumunod ka sa akin.”
Nagpatuloy si Rodge sa masukal na damuhan sa gilid ng tulay, may daan doon pababa ng ilog. Sumusunod naman sa kanya si Luca na iba naman ang tumatakbo sa kanyang plano.
“Sige lang, akala mo siguro madadale mo ako sa trip mong bakla ka. Itong dala ko ang ibubutas ko sa iyo hayop ka. Mahilig ka pa sa madidilim ha. Puwes humanda ka at papadilimin ko pa lalo ang paningin mo.” Bulong ni Luca sa sarili nang nakangising sinusundan si Rodge.
Nang nasa ilog na ang dalawa agad na inutusan ni Rodge si Luca na maghubad ng lahat nitong suot sa katawan. Ngunit nagmatigas si Luca, sa halip si Rodge ang inutusan nitong maghubad habang nakaturo sa lalake ang hawak nitong patalim.
“Ikaw ang mag hubad animal ka. Sisindakin mo pa ako sa boses mo, akala mo naman madadala mo ako riyan. Gusto mo ng trip? Puwes trip ko ang mangholdap ngayon. Akin na iyang bag mo kung ayaw mong aahon ka sa ilog na isa ng bangkay!” Ani ni Luca kay Rodge.
Tahimik lang si Rodge. Lumapit ito sa kay Luca habang inaabot ang bag sa lalake. Ang hindi alam ni Luca, nasa kamay na ni Rodge ang karit.Akma nang kukunin ni Luca ang bag nang mapansin nito ang hawak ni Rodge. Natigalgal si Luca sa hawak na iyon ni Rodge. At bago pa ito nakapagsalita. Isang mabilis na paghataw sa leeg ni Luca ang ginawa ni Rodge sa kanya. Bumaon ang talim ng karit sa leeg ni Luca. At sa isang paghataw pa ni Rodge,tapyas agad ang leeg ng lalake. Ganun ka talas ang talim ng karit na hawak ni Rodge.
Nangisay ang wala ng ulong katawan ni Luca bago ito bumagsak sa batuhan sa gilid ng ilog. Nang hindi na gumagalaw ang katawan hinubaran iyon ni Rodge at ipinasok ang lahat nitong damit sa dala nitong bag. Tsaka dinampot ang ulo ni Luca at ipinasok sa dalang trashbag bago isinama sa bag. Napansin ni Rodge na may tao hindi kalayuan sa kanya, ngunit dahil sa madilim ang paligid kampante ito na hindi siya mamumukhaan kung sino man ang nandoon.
Agad na nilisan ni Rodge ang lugar. Kinabukasan na ng matagpuan ng mga taga barangay ang karumaldumal na sinapit ni Luca. Dahil sa pangyayari umugong ang balita tungkol sa gumagalang killer. Kinatuwa ni Rodge ang atensyon na nakukuha mula sa mga tao. Nakahanap ito ng kagalakan sa loob niya dahil sa nagawa niyang krimen,lalo na at marami ang natuwa dahil nabawasan ang sakit at pasaway sa barangay na iyon.
Muli na naman itong napagpasyahan na bumalik ng barangay. Gabi muli iyon.
Sa bungad pa lang ng tulay napansin na nito ang mga nag-kakagulong mga tao. Isang bakla ang nasaksak sa malapit na waiting shed kung saan doon rin si Rodge hinarang nina Luca.
Napansin ni Rodge si Paeng na rumisponde sa krimen, kaya umatras ito at nakiuyon sa mga kumpulan ng tao lamang di mapansin ni Paeng. Sa bandang unahan nakita ni Rodge si Jack kasama si Dagul na nakamasid sa mga tao. Nang mapansin na umalis ang dalawa, sinundan ito ni Rodge.
“Lagot tayo neto pare, paano kung mabuhay ang bakla na iyon at ituro tayo. Ayoko pang makulong pare.” Pag-aalala ni Dagul.
“Hindi na mabubuhay ang mukhang kabayo na iyon. At puwede ba, huwag mo akong hawaan diyan sa kapraningan mo, pati tuloy ako nahahawa sa iyo. Mabuti pa umuwi ka na muna sa inyo, magkita na lang tayo bukas.” Ayon kay Jack at lumihis na ito ng direksyon.
Si Dagul naman binaybay ang matalahib na kalsada papunta sa kanila. Kalat-kalat ang mga poste ng ilaw sa bahaging iyon at karamihan malamlam pa ang liwanag at ang ilan pundido pa. Bagama’t may mga kabahayan sa gilid. Matataas naman ang mga gate nun. Sa kabilang bahagi ng kalsada ay purong talahiban at wala masyadong ilaw. Sa likod nun ay ang karugtong na ilog papuntang tulay. Dinatnan ng tawag ng kalikasan si Dagul kaya sumimple ito sa talahiban. Abala ito sa pagbabawas nang may narinig itong kaluskos papalapit sa kanya at sa kanyang paglingon. Tanging ang talim ng isang karit na lang ang huli nitong nakita. Hindi na nagawa pang makasigaw o makalikha pa ng ingay ni Dagul dahil rekta na sa leeg nito ang karit na hawak ni Rodge.
Nagdulot ng kakaibang saya ang ginagawa na iyon ni Rodge sa sarili lalo na kapag nakakabasa ito ng mga post sa social media na deserve lang ng mga pinaslang nito ang mamatay dahil salot ang mga ito sa lipunan. Iyon ang naging labasan ni Rodge ng kanyang depresyon. Tuwing gabi, kapag walang trabaho nag-iikot ikot ito sa bawat kalye at naghahanap ng mabibiktima. Hanggang sa muli na naman nag kasalubong ang landas nila ng grupo ni Jack. Pinagtangkaan nilang kikilan si Rodge buti na lang at oras ng pagroronda ng mga tanod at nasita ang mga iyon.
“Dayo ka sa barangay na ito sir?” Tanong ng tanod kay Rodge.
“Hindi naman masyado, kakilala ako ni sir Paeng, diyan lang ako nakatira malapit sa highway, kakagaling ko lang sa kanila. Maring salamat nga po pala sa pagdating kung hindi pa kayo dumaan malamang napagtripan na naman ako ng mga iyon.” Ani ni Rodge.
“Mga kanser talaga sa barangay namin ang mga iyan. Ewan ko nga ba at hindi pa pinagdadampot ng mga pulis ang mga iyon. Panira sila ng imahe ng barangay. Kaya nga wala na halos mga taga-labas ang dumadayo rito para maki fiesta dahil sa kanila.” Wika ng isa pang tanod.
“Bakit hindi niyo inireklamo sa mga pulis, tanod kayo diba? Dakpin niyo at ipakulong ng tumanda ang mga iyon.” Sabi ni Rodge.
“Nagawa na namin iyan, pero nakakalabas pa rin dahil wala namang gustong magreklamo. Eh kung kakilala ko lang iyong killer na sinasabi nila. Ipapatira ko na sa kanya ang mga iyan tulad nang ginawa niya kina Luca at Dagul.” Sabat pa ng isa.
Isang ngiti ang tinugon ni Ridge bago ito umalis.
Nang lisanin ni Hector ang paupahang bahay nila Paeng, Naisip ni Paeng na doon na ibahay si Rodge. Makakatipid na sa bayarin mapapalapit pa ito sa lalake. Pinagpanggap ni Paeng si Rodge na uupa sa bahay nilang iyon. At doon na ang simula ng ugnayan ni Rodge kina Maru at Fil. Naging lihim na mata ni Maru si Rodge matapos itong pagtangkaan ng grupo ni Jack na pagnakawan ang kanyang tindahan. Sinikap din ni Rodge na mapalapit ang loob ni Maru sa kanya, bawat pagdaan nito sa tindahan ng lalake may pasalubong itong donut kay Maru.
Naging kalugud-lugod si Rodge para sa kanila. Ang kabutihan at kabaitan ng lalake ang umagaw sa atensyon nila upang pakitunguhan ng mabuti si Rodge. Lingid sa kaalaman ng lahat nasa bakuran lang nila ang hinahanap na killer.
Ngunit ang bawat lihim ay may hangganan at ang mga kasinungalingan ay may kaakibat na konsikuwensiya.
Tinatahak na nun ng sinasakyang taxi ni Rodge ang kalye pa puntang Kwatro Uno.
HABULAN TAYA
Nasa terasa si Paeng nang lapitan ito ni Paz, may ibinalita ito sa kapatid na siyang ikinatuwa nito.
“Galing ako sa merkado at makikibalita sana tungkol kay Gemma, ngunit iba ang bumungad sa aking balita. Muntikan na raw mapatay ni Luz ang asawa at si Gemma sa taga ng dala nitong kutsilyo nang maabutan ang dalawa na magkapatong sa kama.Sa mismong silid ng mag-asawa nitong bisperas ng pasko. Kaya napasugod ako kanina sa presinto para kamustahin si Luz.” Kuwento ni Paz.
“Bakit si Luz ang kinamusta mo at hindi si Gemma, diba kayo ang magkakabarkada noon?” Tanong ni Paeng.
“Paeng, mabibigyan na ng linaw ang nangyari kina Salvi at Martin. Dahil alam ko na kung sino ang tunay na pumatay sa kanila.” Sambit ni Paz
“Sino tita? Sino ang pumatay kina mama?” Pagsingit ni Jericho.
Hindi namalayan ng dalawa ang pagdating ni Jericho. At sakto ang paglapit nito sa sinabi ni Paz.
“Mabuti at nandito ka Echo, sa wakas matutuldukan na ang kaso. Hindi ang kung sino mang killer ang pumatay kina Salvi at Martin. At lalong walang kinalaman doon si Romero. Dahil ang pumatay sa kanila, nandoon ngayon sa hospital at ginagamot dahil sa natamong taga at saksak sa katawan. Sina Gemma at ang kalaguyo nito na asawa ni Luz ang walang awa na pumatay sa kanila. Ibinulalas mismo sa akin ni Luz ang kanyang nalaman. Pagnanakaw ang motibo ng dalawa. At nasa posisyon pa ni Gemma ang ilan sa mga alahas na ninakaw nila kay Salvi. Sila rin ang unti-unting umubos sa lahat ng mga gamit ng mag-asawa sa bahay nila.” Litanya pa ni Paz.
Hindi makapaniwala si Paeng sa kanyang narinig. Naroon sa kanya ang pagnanais na makaharap ang mga salarin. At dahil sa nalaman lumuwag ang kadenang pasan nito ng matagal na panahon dahil sa pangyayari. Ngayon wala na ang takot niya sa kanya ibaling ang panghuhusga. Maging si Jericho napaiyak na rin sa tuwa dahil sa wakas matatahimik na rin ang kanyang ina. At mabibigyan na rin ng hustisya ang kanilang pagkamatay.
“Gusto kong makita at makilala ang Gemma na tinutukoy mo tita. Pagbabayaran nila ang ginawa nila kina mama. Pabubuksan muli namin ang kaso. Mabubulok silang dalawa sa kulungan.” Ani ni Jericho.
“Nasa General hospital ang dalawa ayon kay Luz. At ayon sa kanya handa siyang tumistigo laban kay Gemma at sa asawa niya. Pero dapat mai-report na muna ninyo ito sa kapulisan baka makapuslit ang mga iyon doon sa hospital.” Sabi ni Paz.
“Pupunta ako ngayon ng presinto,maghahain ako ng kaso” wika ni Paeng.
“Sasama ako sa iyo Pa, tatapusin na natin ang kasong ito.” Saad ni Jericho.
Hinanap ni Jericho ang kapatid na si Fil upang isama sana nila ni Paeng, ngunit umalis ito ayon kay Fil. Magkasunod na umalis sina Paeng at Jericho sakay ng kani-kanilang service. Naiwan si Paz at Maru sa bahay. Naikuwento na rin ni Paz kay Maru ang nalalaman kaya excited itong tinawagan si Fil upang ipaalam ang magandang balita. Ngunit panay tunog lang cellphone ni Fil.
“Baka nagmamaneho pa iyon ng motor kaya hindi nasagot. Saan ba ang punta nun akala ko ba hindi siya magtatrabaho ngayong araw.” Ani ni Paz.
“Sa barangay natin tiya, sa Kuwarto Uno, tinawagan kasi siya ni Joey kanina. Makikipag bonding siguro sa mga kaibigan nila dun sa atin.” Sagot ni Maru.
“Ganun ba? Eh ikaw, hindi ka ba sasaglit sa tindahan mo doon?” Tanong ni Paz
“Parang gusto ko ngang magbukas ng tindahan ngayon. Halika tiya punta tayo dun, total tayo lang naman naiwan dito.”
“Mabuti pa nga, nakakapanghina dito. Wala kang kapitbahay na makakausap. Tara na Maru.”
Sakay ng tricycle,bumalik ng Kuwatro Uno ang dalawa. Samantala habang papalapit naman ang taxi na sinasakyan ni Rodge sa bungad ng Kuwatro Uno, tila kinakabahan ito nang hindi niya mawari. Sa kabilang kalsada ito dumaan, malapit sa paupahang bahay nila Paeng.
“Sir mukhang hindi po tayo makakaraan, maraming tao, tsaka may mga patrol car pa ng pulis at ambulansya. Mukhang may krimen na naman na nangyari rito. Naging tapunan na talaga ng mga salvage victim ang barangay na ito. So ano sir didiretso pa ba tayo?” Ani ng driver ng taxi.
“May ibang kalye pa dito kuya, umikot tayo. Di kaya doon na lang tayo sa tulay dumaan.” Tugon ni Rodge.
Sinunod ng driver ang sabi ni Rodge umatras ito at umaksyong babalik, napansin sila ng lalake na nagreport ng krimen sa kapulisan. Hindi tinted ang taxi , nakita nito ang pasahero nun tsaka namukhaan. Tinawag agad nito si Ignacio na noo’y humahagulgol na sa iyak dahil sa sinapit ng kuya.
“Sir iyong isa na kasama nung pumatay sa kapatid niyo, hayun sakay ng taxi na papaalis.” Sumbong ng lalake.
Nang marinig iyon ni Ignacio agad nitong binalingan ang tinutukoy na taxi ng lalake. At nang makita ang sakay nun kinasa nito ang hawak na baril at nagmamadaling nilapitan ang taxi habang tinututukan niya ito ng baril. Nakita iyon ni Rodge kaya inutusan nito ang driver ng taxi na umalis na agad dun. Sa taranta ng driver , pinaharurot naman nito ang dalang taxi paalis sa lugar na iyon.
Nang makita ni Ignacio na papalayo na ang taxi binaril niya ito ng makailang beses ngunit hindi man lang huminto ang taxi. Galit na tinungo ni Ignacio ang patrol car. Pinigilan ito ng mga kasamahan ngunit hindi nagpaawat ang lalake. Nanginginig ito sa galit na sumakay ng patrol car at sinundan ang taxi na sinasakyan ni Rodge.
“Hoy sino ba iyon?” Tanong ng isang pulis sa lalake.
“Sakay ng taxi na iyon ang kasamahan ng pumatay sa kuya ng kabaro niyo sir. Hindi ako maaring magkamali, siya iyon.” Sagot ng lalake.
“Brad nakuhanan mo ba ng plate number ang taxi.” Tanong ni Bellegaz.
“Naitawag ko na sa highway patrol. Tsaka si Makalaay nasa presinto na rin ngayon pina hold na ni hepe.”
“Ok, kayo na ang bahala sa crime scene,susundan lang namin si Ignacio, baka kung ano pa magawa nun sa tindi ng galit niya sa nangyari sa kanyang kuya.” Ani ni Bellegaz at sinundan nito si Ignacio sakay ng isa pang patrol car.
Nabulabog ang lahat sa Kuwatro Uno dahil sa natagpuang bangkay sa maisan nila Paeng. Napasugod din si Fil sa maisan kasama ang kaibigan nitong si Joey. Wala na roon ang bangkay at nadala na ng ambulansiya. Ngunit may mga naiwan pang mga pulis ang nandoon na sinusuri ang buong paligid. Kumpulan pa din ang mga tao roon. Kanya-kanyang komento at teyoriya lalo na at nalaman nila na isang dating pulis ang sangkot sa krimen.
“Hindi ako naniniwalang si tito Paeng ang tinutukoy nilang may gawa nito. Nasabi lang nila iyon kasi sa maisan nila tito Paeng itinapon ang bangkay.” Ani ni Fil nang papaalis na ito doon.
“Tiwala naman ako na hindi si tiyu-Paeng ang may gawa nun at rinig ko pa sa mga nandito na hinahabol na nila ang posibleng salarin sa krimen. Ang mabuti pa umuwi ka muna sa kanila at sabihin mo kina Maru ang tungkol dito. Nang makapaghanda naman si tiyu-Paeng” tugon ni Joey.
Samantala umabot na sa main high way ang paghahabol ni Ignacio sa sinasakyang taxi ni Rodge. At kahit may mga ibang motorista sa daan, walang pakundangan na binabaril nito ang taxi. Dahilan para magkaroon ng panic sa mga tao na nasa gilid ng daan at maging sa ibang motorista na naroon sa kahabaan ng highway.
“Sir, pinaputukan na tayo ng pulis…ayaw ko Pong madamay, itatabi ko na lang ho ang taxi tsaka bumaba na lang kayo. Ayoko pang mamatay limang pamilya pa ang umaasa sa akin.” Ang natataranta na at takot na driver ng taxi.
“Subukan mong ihinto itong taxi, at mapapaaga ang paghinto ng oras mo. Sige diretso, maghanap ka ng ibang daan para matakasan ang isang iyan dali!” Wika ni Rodge habang tinututukan ng baril na dala ang driver.
Naghanap ng ibang kalye ang taxi driver, bagama’t kabado at natetensiyon na sa mga nangyayare, pinilit parin nitong makapag-isip ng mabuti.Itinawid nito ang taxi sa isang overpass kung saan ang dulo nun ay isang kalye malapit sa police station. Nakasunod pa rin sa kanila si Ignacio. Ang tagpong iyon ay nakuhanan ng live feed ng isang tv network. At napanood iyon ni Paeng sa tv mula sa police station. Nakasubaybay din si Precy na walang kaalam-alam na si Rodge ang hinahabol nun ng patrol car.
“Sir huwag niyong hayaan mapahamak si Rodge. “ Pakiusap ni Paeng kay Samonte.
“Kung patuloy siyang tatakbo baka wala na kaming magagawa. Nakaabang naman ang team sakaling magiba ang scenario. Nakikipag coordinate naman si Bellegaz kay Ignacio.” Ayon pa kay Samonte.
Hindi na mapakali si Paeng sa kinauupuan nito. Ngunit hindi rin ito makakaalis doon dahil sa suspek din ito sa krimen. Namumutla na si Rodge sa kaba, nakaramdam na rin ito ng takot sa posibleng mangyari sa kanya kapag nahuli ito.Nasa kalagitnaan na sila ng overpass nang sinalubong sila ng limang patrol car. Sa takot ng driver, bigla nitong pinahinto ang taxi dahilan para mapasubsob si Rodge sa upuan. Dali-daling lumabas ng taxi ang driver at nakataas ang kamay nitong sumuko sa mga pulis.
Kabado na si Rodge at hindi na alam ang gagawin. Napansin nito ang paglapit ng isang pulis sa driver. Mabilis itong nakalipat sa manibela tsaka agad na pina andar ang kotse at pinaharurot ito ng mabilis. Sinagasaan nito ang isang pulis at driver ng taxi na agad tumilapon sa tabi. Binangga rin nito ang nakaharang na patrol car ng pulis lamang makalusot.
Natakasan ni Rodge ang mga pulis, mas binilisan pa nito pagpapatakbo ng taxi. Balik habol na naman ang kapulisan. Nagdulot ng gulo sa trapiko ang habulan na iyon. At sinamantala iyon ni Rodge. Isang kotse ang pinagdiskitahan nito. Binaril nito ang gulong ng isang kotse dahilan para mawala ito sa linya at bumangga sa isa pa na sumalpok naman sa isang truck mixer, at sa pampasaherong jeep. Isa pang kotse ang binaril ni Rodge. Nagkarambola ang mga sasakyan at kotse sa gitna ng kalsada.
Sa ginawa ni Rodge natuon sa aksidente ang atensyon ng kapulisan. Dahil nahirapan na silang buntutan ang taxi na tinangay ni Rodge. Maging si Ignacio napamura na lang dahil hindi na nito naabutan ang taxi sa biglaang pag sikip ng trapiko. Nakalayo na ng husto si Rodge sa mga humahabol sa kanya, ngunit batid niya na na nakasubaybay parin sa kanya ang traffic police dahil sa mga nagkalat na cctv sa daan , lalo na sa mga main road. Kaya minabuti nitong isingit ang taxi sa mga makikipot na kalye na hindi gaanong dinadaanan ng kotse o sasakyan.
Nang mapadaan sa isang university, pinarada nito ang taxi sa tabi ng isang kainan at mula roon naglakad ito kabilang kalsada kung saan maraming kotse ang naka park. Nag abang doon saglit si Rodge at nang may natiyempuhan kumilos agad ito. Isang kotse ang kaka-park pa.lang dun. Nagmamadali itong lapitan ang naturang kotse, isang lalaking estudyante ang papalabas na nun mula sa driver seat nang hinarangan ito Rodge.
“Subukan mong mag-ingay at papabaunan kita nitong bala.” Wika ni Rodge sa estudyante nang pinabalik niya ito sa loob ng kotse.
Naupo ito sa likod na bahagi ng estudyante habang nakatutok sa ulo ng lalake ang hawak nitong baril.
“Drive, kilos na dali!” Utos ni Rodge.
Wala nang nagawa pa ang estudyante kundi ang sumunod sa sinabi sa kanya ni Rodge. Nagpaikot-ikot ang dalawa sa main road bago nito naisipan na lumabas ng siyudad.
“Kinilala ang nang car-nap ng taxi na si Rodge Mykel Salvador Santana. Anak ng kilalang commentator, columnist na si attorney William Salvador Santana. Ayon sa nasagap na impormasyon ng ating field correspondent, di umano dawit ang pangalan ng lalake sa natagpuang bangkay sa isang corn field sa may barangay Kuwatro Uno. Na ayon din sa kumpirmasyon PO3 Ignacio ay ang kanyang nawawalang kuya. Kasalukuyan na pinaghahanap pa rin ang taxi at si Rodge Santana. Antabayanan ang update hinggil sa kasong ito. Para sa Flash Paspas report, Lulu Velasquez nag-uulat.”
Kinawindang ni Precy ang flash report sa tv. Agad itong nakipag-coordinate kay Samonte. Doon na rin nito nalaman na maging si Paeng pala kasabwat ni Rodge sa krimen. Pinaalam na rin ni Jericho kay Fil ang nangyari kay Paeng kaya agad na kumilos si Fil para puntahan sa presinto ang dalawa.
Kakarating lang nun nina Paz at Maru sa Kuwatro Uno, sakay pa ang dalawa ng tricycle nang salubungin sila ng kapitbahay nilang si Marites. Agad nitong ibinalita sa dalawa ang nangyari sa kanilang maisan.
“Oo, at heto pa Paz…ugong-ugungan pa dito na kasabwat si Paeng mo sa krimen. At iyon mismo ang pinaninindigan ng witness. Nakita na raw mismo kung paano basta na lang itinago nila Paeng ang bangkay sa gitna ng inyong maisan.” Kuwento pa ni Marites.
“Hindi iyon magagawa ni Paeng, kilala ko ang kapatid ko. Maaring nagsisinungaling lang kung sino man ang witness na iyan. O baka nga siya mismo ang gumawa at pinapasa lang kay Paeng ang ginawa niyang krimen ng mailigtas ang sarili.” Tugon ni Paz.
“Alam mo , baka nga. Maging kami dito hindi nga makapaniwala na magagawa iyon ni Paeng.”
“Tiya ang mabuti pa puntahan na lang natin sila tatay. Baka kailangan niya ng tulong natin.“sabat ni Maru.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang dalawa. Dumeretso na agad ang mga ito sa presinto kung saan nakaabang sina Paeng sa mga susunod na magaganap. Sinusubukan naman nun ni Precy na kausapin si Rodge ngunit hindi siya sinasagot ng lalake. Malayo na sa siyudad si Rodge,…
“Maawa na po kayo, balik na po tayo. Natatakot na po ako.” Ang pagmamakaawa ng estudyanteng tinangay ni Rodge.
“Huwag kang mag-alala makakauwi ka rin. Doon tayo sa bandang roon, ihinto mo sa gilid ng kalsada ang kotse.” Utos pa ni Rodge na nakangisi sa estudyante.
Nang dahil sa kabiguan na masundan si Rodge, minabuti na muna ni Ignacio na puntahan ang kuya nang sa huling sandali man lang ay masilayan niya ang bangkay nito. Walang pagsidlan ang galit at hinagpis ni Ignacio sa sinapit ng kapatid. Nagwawala ito at di maawat nang inilabas ito ni Bellegaz sa silid na iyon.
“Umayos ka nga Ignacio, kung nais mo bigyan ng hustisya ang nangyari sa kuya mo huwag mong pairalin ang init ng ulo mo. Tinutugis na ng mga kasamahan natin ang pumaslang sa kuya mo. Nasa presinto na si Makalaay, pero kung walang complainant, baka hindi mo na maabutan pa iyon dun.” Ani ni Bellegaz.
“Ang hayop na iyon! Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa kuya ko! Hindi siya pauutangin nitong bala ko, uubusin ko sa kanya ang laman ng baril ko! Putang ina siya!!!”
Lalong sumiklab ang galit sa dibdib ni Ignacio nang malaman na nasa presinto nila si Paeng. Hindi na nito napigilan pa ni Bellegaz nang tumalilis ito ng alis sakay ng patrol car. Napakamot na lang sa ulo nito sina Bellegaz at mga kasamahan nito nang hindi na naabutan sa labas ng crime lab.
“Hindi ba natin susundan iyon? Baka kung ano ang gawin nun dun sa presinto. Sa tindi ng galit ni Ignacio baka hindi niya mapigil ang sarili at mapatay nito si Paeng.” Ani ni Rasmon nang lumapit ito kay Ignacio.
“Maraming pulis dun. Hindi naman nila hahayaan na umabot sa ganun ang sitwasyon. Pero kung mangyari man, bahala silang dalawa na magpatayan wala akong paki-alam. Matutuwa pa nga siguro ako kung mawala na rin iyong dalawa.” Tugon ni Bellegaz.
“Pansin ko dati pa ang init ng dugo mo sa dalawang iyon. Tapatin mo nga ako sino ba sa kanila ang trip mo? Noon pa man halatadong selos na selos ka sa tuwing magkasama ang dalawa. Kursunada mo rin si Ignacio noh?” Kumento pa ni Rasmon.
“Tang’na saan naman nanggaling ang teyoriya mong iyan? Ang mabuti pa maghanap muna tayo ng makakainan, ginutom ako sa habulan natin na wala namang nangyari.” Tugon ni Bellegaz.
“Hindi talaga natin susundan si Ignacio?”
“Kung gusto mo, kayo na ang sumunod dun. Kakain na muna ako. Tsaka lang ako susunod kapag tapos na ang eksena. Tawagan mo na lang ako kung ano ang nangyari, di kaya i-live mo, nagku-comment na lang ako.” Sabi pa ni Bellegaz na iniwan si Rasmon.
Napasunod na rin lang si Rasmon kay Bellegaz. Samantala habang papalapit sina Paz sa presinto kausap nito sa cellphone si Paeng. Inaalam nito sa kapatid ang buong katotohanan tungkol sa pangyayari. At napaamin naman si Paeng sa nagawa nila ni Rodge. Ikinagulat ni Paz at Maru ang kanilang nalaman. Sa puntong iyon papaalis naman si Paeng at Jericho sa presinto sa pakiusap ni Precy kay Samonte.
“Hindi ko inaalis ang bintang sa iyo ng witness na iyon Makalaay. Pero alalahanin mo, dahil sa nangyari suspek ka pa rin sa kaso. Sakaling mag complaint si Ignacio, aasahan ko ang kooperasyon mo.” Wika ni Samonte.
“Aasahan mo sir, wala naman akong balak na talikuran ang lahat.” Tugon ni Paeng.
“Iyang bibig mo, sa sinasabi mo parang inaamin mo na rin talaga sa harapan ko na sangkot ka nga sa nangyari sa kuya ni Ignacio. At puwede ba kahit ngayon man lang Makalaay, matoto ka naman gumamit ng utak. Masyado kang honest alam mo ba iyon?” Ani pa ni Samonte.
“Sir kung may pananagutan man ako sa batas, handa kong pagbayaran iyon.”
“Ikaw ang bahala, sige na. Umalis na muna kayo baka magpang-abot pa kayo ni Ignacio rito. Ako na ang bahala sa kanya. At sakaling makakausap mo ang Rodge na iyon, kumbinsihin mo na rin siya na sumuko upang malinawan ang pangalan niya. Anak pa pala ni William Samonte ang kasama mo.” Sambit pa ni Samonte.
Ngayon lang nalaman ni Paeng na kamaganak pala ng mga Samonte si Rodge. Sinubukan ni Paeng na tawagan si Rodge ngunit nakapatay na ang numero nito. Balot na ng pag-aalala si Paeng. Katuwang si Jericho sinuyod ng dalawa ang bawat sulok ng mga kalye at eskinita sa pagbabakasakaling mapansin nila si Rodge. Binalikan ng dalawa ang taxi na tinangay ng lalake.
“Pa, nasa tapat ako ng Ever High university at napansin ko rito ang taxi na ginamit ni Rodge, abandonado na at wala na siya rito. Susubukan kong magtanong tanong dito baka sakaling may nakapansin sa kanya rito.” Sabi ni Jericho nang tinawagan nito si Paeng.
Mula roon sinimulan ng dalawa ang paghahanap kay Rodge. Isang Internet shop ang napansin ni Paeng malapit sa pinagiwanan ng taxi. Tinungo iyon ni Paeng at nakiusap doon kung maari niyang matingnan ang kuha ng cctv. Pinaunlakan naman si Paeng. At sa kuha ng cctv nakita ni Paeng kung ano ang sumunod na ginawa ni Rodge matapos nito iwan ang tinangay na taxi. Mula sa internet shop, tinawagan nito si Jericho.
“Nakalipat na ng kotse si Rodge, at mukhang kailangan na natin ng tulong.” Ani ni Paeng
“Hihingi ako ng tulong kay kapitana.” Tugon ni Jericho.
Maging si Precy nawindang sa mga nangyayare. Ngunit sa halip na magalit sa ginawa ni Rodge, naintindihan nito ang ginawa ng pamangkin. Kung nagawa man iyon ni Rodge dahil sa pagmamahal, walang nakitang mali roon si Paeng.
“Sundan niyo ang dinaanan ng kotse, dalhin niyo sa akin si Rodge ng ligtas” utos ni Precy sa mga tauhan nito.
Nagpang-abot naman sa presinto sina Fil, Paz at Maru. Naikuwento ni Maru kay Fil ang kanilang nalaman. Kinagulat iyon ni Fil. Biglang nabalot ng pag-aalala si Fil na hindi niya mawari para kay Paeng. Dahil sa wala na roon sina Paeng at Jericho nagpasya ang tatlo na umalis na doon. Pasakay na ng motor nito si Fil nang siyang pagdating naman ni Ignacio sakay ng patrol car. Nang makita ang pamilya ni Paeng, galit ito na bumaba ng sinasakyan at agad na sinugod sina Paz. Inambahan naman ni Fil si Ignacio nang harasin nito sina Paz at Maru. Ngunit hindi maawat ang gigil at galit ni Ignacio. Tinutukan niya ng baril si Fil kaya napaatras ang lalake.
“Ilabas niyo ang hayop na Paeng na iyon! Iharap niyo siya sa akin at uubusin ko sa ulo niya ang mga bala nitong baril ko! Huwag niyo nang itago sa akin ang mamamatay na tao na iyon! Isa siyang demonyo! Hayop! Walang puso! Pati ang kuya ko pinatay niya!” Ani ni Ignacio na puno ng puo’t galit.
“Wala kang karapatan na pagsabihan nang ganyan si Paeng, wala kang patunay sa mga pinagbibintang mo sa kanya. Hindi mamamatay tao ang kapatid ko! Wala siyang pinatay at hindi siya ang pumatay sa kuya mo!” Sigaw naman ni Paz kay Ignacio na dinuro-duro ang lalake.
“Talaga ba? Iyon ba ang pinaniwala sa inyo ng hayop na iyon?! Sabagay, ako man ay nalinlang ng malatupa niyang panlabas. Pero tapos na ang pagpapanggap niya. Ubos na ang kandila ng hinayupak na iyon. At kung nagawa niyang ilihim ang ginawa niyang pagpaslang kina Salvi, sinisiguro ko, pagbabayaran niya ang ginawa niya sa kapatid ko! Hindi niya na matatakasan ang krimen na ginawa niya!”
Nagpantig ang tenga ni Fil sa binulalas ni Ignacio. Pinaulit pa nito kay Ignacio ang kanyang narinig.
“Hindi ka bingi Fil, narinig mo ang katotohanan! Si Paeng walang ibang pumatay sa ina mo! Kaya siya mabait sa iyo, dahil nais niyang pagtakpan ang ginawa niya! Pinatay ni Paeng ang sarili mong ina! Niloko ka niya at pinaikot na parang tanga!” Tugon ni Ignacio.
“Huwag kang makinig sa kanya Fil, wala siyang alam. Malaking kasinungalingan lang ang sinasabi ng gagong ito! Huwag kang maniwala.” Pagkontra ni Paz sa paratang ni Ignacio kay Paeng.
“Pinagmumukha lang kayong tanga ni Paeng. Alam ni kuya ang sekreto niya, dahil nakita mismo ni kuya ang nangyari! At marahil iyon din ang dahilan kung bakit pinatahimik ni Paeng ang kuya. Gusto niyang mabaon na lang sa lupa ang ginawa niya! Ang tanga lang niya dahil hindi man lang niya nilinis ng maayos ang ginawa niyang kalat.” Dagdag pa ni Ignacio.
Nahinto sa pagtatalo ang lahat nang marinig ang pag-andar ng motor ni Fil palayo roon. Taranta naman sina Paz at Maru na pumara agad ng taxi upang sundan si Fil. Paalis na rin sana si Ignacio nang tinawag ito ni Samonte at lapitan. Pinigilan ni Samonte si Ignacio ngunit nagmatigas ang lalake at sinuway ang hepe. Bumalik ito sa patrol car at mabilis na nilisan ang estasyon. Napamura na lang si Samonte sa pagbalewala sa kanya ni Ignacio. Tinawagan nito si Bellegaz upang pasundan si Ignacio.
Sinusuyod parin ni Paeng ang mga kalsadang dinaanan ni Rodge ayon narin sa mga nakontak ni Precy.
“Hello Jericho, papalabas na ng siyudad itong binabaybay ko. Wala ng cctv paglampas ng Eco bridge. Mukhang mahihirapan na tayong masundan ang bakas ni Rodge. Hindi parin niya sinasagot mga tawag ko.” Ani ni Paeng nang tawagan ito ni Jericho.
“Papunta na rin ako riyan. Huwag kang mag-alala, na i-alerto na ang kotse na kinarnap ni Rodge, Naka poste na ang mga checkpoint sa bawat bayan sa labas. Makikita rin si Rodge.” Tugon ni Jericho.
Kakatapos lang ng usapan ng dalawa nang siyang tawag naman ni Fil kay Paeng.
“Nasaan kayo?” Tanong ni Fil
“Nasa Extension highway palabas ng siyudad, dito sa Eco bridge sinusundan si Rodge.” Sagot ni Paeng.
“Pupunta ako riyan, hintayin mo ako.” At tinapos na ni Fil ang tawag.
Ayaw na sana ni Paeng, ngunit naputol na ang linya. Nalungkot ito bigla. Inisip nito na marahil alam na ni Fil ang tungkol sa nangyari. Napabuntong hininga na lang si Paeng na litong-lito na sa pinasukang problema. Tanaw na ni Jericho ang bungad ng highway. Nang tinawagan ito ni Paz kaya muli ito napagilid sa daan upang sagutin ang tawag ng tiyahin.
“Magkasama ba kayo ni Paeng ngayon?”
“Hindi po tita, pero papunta na ako sa kanya.” Tugon ni Jericho.
“Pakiusap Echo, hadlangan mo na hindi sila magkita ni Fil. Baka kung ano pa ang magawa ng kapatid mo sa kanya. Galit na galit ngayon si Fil sa paniniwalang si Paeng ang pumatay sa mama niyo.” Ani ni Paz.
Sa sinabi na iyon ni Paz hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Jericho at sinundan na si Paeng. Sinubukan nitong tawagan ang kapatid ngunit hindi siya sinasagot ni Fil. Maging si Maru hindi rin pinapansin ni Fil. Sa mga sandaling iyon gulong-gulo na rin ang utak ni Fil, silakbo ng galit at puo’t ang namamayani sa dibdib nito. Ngayong nalantad na ang katotohanang hinahangad wala nang angat pa sa kagustuhan ni Fil ng mga sandaling iyon kundi ang pagbayarin ang walang pusong pumatay sa ina. Maging si Paeng man iyon. Umuwi ito sa kanilang bahay at tinungo ang silid nila ni Maru. Binuksan ang hanging kabinet at sa ilalim ng mga nakatiklop na mga damit hinugot niya doon ang isang kalibre kwaretay singko na baril. At muling umalis.
Kasalukuyan namang hinahagilap ng mga tauhan ni Precy ang kotse na ginamit ni Rodge. Ngunit bigo pa rin ang mga ito na makita ang hinahanap. Dagdag pa sa pahirap na hanapan ang bigla na lang pagbuhos ng napakalakas na ulan. Nakauwi na rin sa mga oras na iyon sina Paz at Maru.
“Tiya, batid ko na dito na galing si Fil. At masama ang kutob sa mangyayari.” Bulalas ni Fil nang lumabas ito mula sa silid nila ni Fil.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Wala na sa kinalalagyan ang baril.” Ani ni Maru.
“Anong baril? Bakit kayo may baril sa kuwarto?” Pag-tataka ni Paz
“Iyong baril na kinuha dati nila sa mga tauhan ni Precy. Naitago ni Fil ang isa sa mga iyon. At wala na iyon doon sa lagayan tiya. Baka ano ang gawin ni Fil pagnakita niya si Tatay Paeng.”
“Diyos ko, huwag naman sana. Halika dali hanapin natin ang tatlo. Tawagan mo ang tatay mo, si Jericho kahit sino alamin mo kung nasaan sila.” Ang kabadong-kabado na wika ni Paz.
HULING PATAK
Papalabas na ng gate sina Maru at Paz bitbit ang payong nang mapansin nila ang sasakyan ni Paeng na paparating. Malayo pa lang, patakbo nang sinalubong ng dalawa si Paeng. Bakas ang pag-aalala at takot sa kanilang mga mukha.
“Umalis ka na muna rito Paeng, hindi magandang ideya na magtago-tago kayo rito. Lalo na si Fil. Galit na galit iyon sa iyo dahil sa mga pinagsasasabi sa kanya ni Ignacio. Paniwalang-paniwala ang anak mo na ikaw ang siyang pumatay kay Salvi sa ina nila.” Ang nanginginig na turan ni Paz.
“Tsaka Tay, si Ignacio rin balak ka niyang patayin. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kuya niya. Kaya bukod kay Fil kailangan mo rin iwasan si Ignacio sa ngayon. Magtago ka muna hangga’t mainit pa ang lahat.” Ani pa ni Maru.
“Hindi ito matatapos kung hindi ko ito haharapin. Kailangan malinawan na ang lahat. Lalo na kay Fil. Kailangan niya malaman mismo sa akin ang katotohanan. Haharapin ko sila” tugon ni Paeng.
“Hibang ka ba, totoo ngang talaga ang hina ng pick-up mo pagdating sa matalinong desisyon Paeng. Hindi mo ba naisip na baka mapatay ka ng sarili mong anak bago mo pa masabi ang totoo? At si Ignacio, naniniwala ka bang maniniwala pa sa iyo iyon matapos mangyari ito sa kapatid niya? Paeng mag-isip ka naman. Palipasin mo muna ang lahat. Kami na ang bahala mag paliwanag kay Fil. Sigurado namang makikinig iyon sa amin. Huwag mo naman sanang dagdagan pa ang nerbiyos ko” mungkahi ni Paz
“Tay, sige na kami na ang bahala muna rito. Magpalamig ka na muna. “ Ani pa ni Maru.
Saglit pa dumating din si Jericho, inabutan nitong nag-uusap ang tatlo sa daan. Nang malaman ang nais ni Paz at Maru, sumang-ayon din ito. Hindi man kumpormi sa hiling ng tatlo, sa pag-aalala sa kapatid at anak, napapayag din si Paeng. Saglit muna itong bumaba ng sasakyan para mayakap ang tatlo. Ngunit nang muli na itong sasakay ng kanyang sasakyan para umalis isang putok ng baril ang sumingit sa ingay ng malakas na buhos ng ulan. Tumama ang bala at gumuhit iyon sa likurang bahagi ng sasakyan ni Paeng.
At isa pang putok ng baril. Doon na napakasa ng dalang baril sina Paeng at Jericho. Ngunit napako na lang sa pagkagulat ang lahat ng makita kung sino ang may gawa nun.
“Fil?” Sambit ng lahat.
Hindi namalayan ng apat ang pagdating ni Fil. Papalapit ito sa kanila habang nakatutok ang hawak nitong baril kay Paeng. Salubong ang mga kilay nito at nanlilisik ang mga mata sa galit. Hinarap ni Paeng si Fil nang nakataas ang mga kamay.
“Fil magpapaliwanag ako!” Sigaw ni Paeng para marinig ng anak.
“Wala na akong pakialaman sa paliwanag mong puro kasinungalingan! Pinaniwala mo akong iba ka sa lahat, ngunit mas masahol ka pa sa lahat ng kriminal! Pinatay mo sina mama. Ninakawan mo ako ng buhay at kabataan hayop ka! Alam mo ba iyon! Hinding-hindi ako pinapatahimik ng aking mga bangungot, iyon naman pala nasa tapat lang ng ilong ko ang dahilan kung bakit ako naging ulila! Magbabayad ka ngayon sa lahat ng inutang mo sa buhay ko!!! Matagal ko nang ninanais na makaharap ang demonyong pumatay kina mama!!!”
Isang putok ng baril ang muling namagitna sa gitna ng ulan. Mula iyon sa baril ni Jericho. Pumagitna ito at hinarang ang kanyang katawan kay Paeng.
“Fil anak, makinig ka muna sa amin. Hayaan mo muna makapagpaliwanag si Paeng sa iyo!” Sigaw ni Paz.
“Huwag niyo nang pagtakpan ang animal na iyan! Dahil walang kapatawaran ang ginawa niya sa magulang ko! Papatayin ko ang putang inang iyan!”
“Please Fil, kumalma ka muna. Mali ang iniisip mo kay Tatay. Hindi niya pinatay ang mama niyo!” Dagdag pa ni Maru.
“Fil anak, pag-usapan natin ito. Marami akong ipapaliwanag sa iyo. Pakiusap huminahon ka muna.” Wika ni Paeng.
“Huwag mo akong tatawaging anak, hindi kita ka ano-ano. At kahit kailan hindi ko gugustuhin ang magkaroon ng isang ama na katulad mo!” Sigaw na tugon ni Fil na puot na puot kay Paeng.
“Fil tumigil ka muna, makinig ka naman kay papa.” Wika ni Jericho sa kapatid.
“Huwag mo nang ipagtanggol ang taong pumatay sa ina natin kuya. Matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito. Kaya ikaw kung ayaw mo madamay sa ngitngit ng galit ko, lumayo ka sa kanya at hayaan mo akong ipaghiganti si mama. Papatayin ko ang hayop na iyan!” Tugon ni Fil na buo parin ang kasabikan na patayin si Paeng.
“Nabulagan ka lang sa galit mo Fil, maghunos-dili ka baka pagsisihan mo magagawa mo sa ama natin. Huwag mong bahiran ng sarili mong kadugo ang mga kamay mo. Makinig ka! Hindi si papa ang pumatay kay mama!” Bulyaw ni Jericho sa kapatid.
“Pati ba naman ikaw kuya? Puwes pasensyahan na kuya, pero kakalma lang ako kung makita ko nang walang buhay iyang demonyo na iyan!” Sagot ni Fil.
“Fil makinig ka! Tama ang kuya mo huwag mong patayin si Tatay Paeng, dahil siya ang ama mo! Si tatay Paeng ang tunay mong ama!” Sigaw ni Maru na pumagitna na rin sa kanila at hinarap si Rodge.
Natigilan si Fil sa sinabi ni Maru, na sinegundahan pa nina Paz at Jericho. Lumapit si Paeng kay Fil kahit may malaking banta na mapapatay ito ng sariling anak. Tumahimik si Fil ngunit nanginginig parin ito sa galit habang hindi parin inaalis ang nakatutok na baril kay Paeng. Lumapit pa ng husto si Paeng kay Fil. Akma itong pipigilan ni Jericho ngunit pinigilan siya ni Paeng. Kaharap na nun ni Fil si Paeng. Hinawakan ni Paeng ang kamay ni Fil na may baril at idiniin iyon sa sariling dibdib. Kinabigla iyon ng lahat, maging ni Fil.
“Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang lahat. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa iyo ang buong katotohanan. Galit na ang nakikita ko sa mga mata mo. At naiintindihan kita. Sana lang bigyan mo ako ng ilang minuto na sabihin sa iyo na minahal ko ang ina niyo. Siya lang ang kaisa-isang babae na minahal ko ng lubos sa buong buhay ko. At kailan man hindi sumagi sa isip ko na saktan siya o patayin kahit na ako iyong iniwan niya at nailayo kayo sa akin. Hindi ako ang pumatay sa kanya. At wala akong pinatay na kahit sino. Hindi ko rin alam kung sapat pa ba akong maging ama mo. Pero nais ko lang malaman mo na sa simula pa lang, anak na ang turing ko sa iyo. Maari mo nang iputok sa akin ang baril mo. Kung ang kamatayan ko ang magpapalaya sa iyo diyan sa galit mo. At para sa katahimikan at kaligayahan mo. Patayin mo ako anak. Tatanggapin ko ng malugod sa sarili ko.”
Ipinikit ni Paeng ang mga mata at idiniin pa lalo sa dibdib nito ang dulo ng baril na hawak ni Fil. Tensionado na ang lahat at todo awat na kay Fil. Nang umalingawngaw ang isang putok ng baril na sinabayan pa ng malakas na sigaw ni Fil na umiiyak. Nangamba ang lahat sa narinig na putok. Inakala ng lahat na binaril nga ni Fil ang sariling ama. Lalong bumuhos ang malakas na ulan na nagpalambo lalo sa paligid.
Nilapitan ng tatlo sina Paeng at Fil at natigilan na lamang ang mga ito nang makitang nakaluhod sa paanan ni Paeng ang anak na si Fil, nakayapos ito sa mga binti ng ama at humahagulgol ng iyak. Nakatayo parin si Paeng na tulad ni Fil humahagulgol din ng iyak habang nakatungo sa anak na si Fil.
Balot man nang kalituhan ang pag-iisip, ngunit napagtanto rin ni Fil na hindi niya kayang patayin ang ama kaya ipinutok na lamang nito sa ere ang baril. Itinayo ni Paeng si Fil at niyakap ng mahigpit ang anak. Tumugon naman si Fil at tinawag na papa si Paeng. Nang makita iyon ni Jericho agad itong lumapit sa dalawa at nakiyakap. Nakisama na rin sina Paz at Maru sa yakapan moment.
Ngunit ang akalang ending ay tapos na, hindi pa pala. Natigilan ang lahat nang may humintong kotse ng pulis sa unahan lang. Mula roon bumaba si Ignacio na umaapaw ang galit at silakbo ng paghihiganti sa mga nanlilisik nitong mga mata at nagngangalit na mga ngipin.
“Kung natakasan mo ang pagpatay mo kay Salvi, sa ginawa mo sa kuya ko sisintensiyahan ka na ng bala nitong baril ko. Magkakalimutan na tayo…Paeng!” Wika ni Ignacio sabay pitik ng hawak nitong baril.
At isang putok ng baril ang narinig ng lahat.
Kasunod nun ang pagbulagta ni Maru sa kalsada. Siya ang tinamaan ng bala na para sana kay Paeng matapos nito iharang ang likod nang makitang babarilin na ni Ignacio si Paeng.
“Maruuuuu!!!!” Sigaw ni Fil nang makita ang nangyari kay Maru.
Nilapitan ni Fil at agad na inakay ang duguang si Maru. Tsaka binalingan nito si Ignacio at binaril ng dalawang beses. Tinamaan sa balikat si Ignacio at sa kamay nitong may hawak na baril kaya tumilapon ang baril na hawak nito. Bumagsak din si Ignacio na sapung-sapo ang balikat na tinamaan. Tatapusin na rin sana siya ni Jericho nang humarang si Paeng.
Nagkatitigan sina Ignacio at Paeng. Saglit pa dumating sina Bellegaz na nakasunod lang pala kay Ignacio.Agad itong nag radyo ng tulong at tumawag ng ambulansiya nang makita ang sitwasyon ni Ignacio at Maru. Ngunit hindi na nakapaghintay pa si Paeng ng ambulansiya, agad nitong inutusan si Fil na isakay sa kanyang sasakyan si Maru na nuoy wala ng malay.
Hindi na tumutol si Bellegaz, at inutusan na lang ang kasamahan nito na i-lead ang daraanan nila ni Paeng.
“Kaya pa?” Tanong ni Bellegaz kay Ignacio na napasandal na lang sa gilid ng patrol car.
“Papatayin ko ang hayop na iyon!” Tanging nasasambit pa rin ni Ignacio.
“Huwag mong idaan sa kamay mo ang hustisya, hayaan mo ang batas ang siyang tumimbang kung may kasalanan ba talaga si Paeng o wala. May panibagong witness ang lumapit sa presinto kanina at sinabi niya na hindi si Paeng ang pumatay sa kuya mo. At na-videohan niya ang pangyayari. Gayunpaman sangkot parin si Paeng sa pagtago ng krimen. Tsaka hindi rin si Paeng ang pumatay sa mag-asawang Treyes, hawak na rin namin ang totoong salarin. Pero ang pumatay mismo sa kuya mo hanggang sa ngayon pinaghahanap pa rin namin. At alam mo kung sino? Anak ni attorney William Santana.” Kuwento pa ni Bellegaz kay Ignacio habang naghihintay ng ambulansiya.
Natahimik na lang si Ignacio sa sinabi ni Bellegaz. Mabilis na naisugod agad si Maru sa hospital. Hawak-hawak parin ni Fil ang kamay ni Maru habang sakay ito sa stretcher. Hindi mahinto ang iyak nitong ginigising ang kasintahan.
“Baby ko, lumaban pakiusap huwag mo akong iwan, Maru naman gising na baby ko.” Mga salitang lumalabas kay Fil.
“Mga sir, kami na po ang bahala sa kanya. Hanggang dito na lang po kayo.” Wika ng nurse nang ipinasok na sa emergency room si Maru.
Nagyakapan na lang ang mag-ama habang nagdarasal sa kaligtasan ni Maru.
Nang malaman ang sinapit ng anak agad na dumating si Hector sa hospital. Inabutan nito si Fil na nakaupo sa labas ng operating room.
“Kamusta si Maru?”
“Ligtas na si Maru, ngunit nasa operating room parin siya. Sino ang nagsabi sa iyo sa nangyari?” Ani ni Fil kay Hector.
“Tinawagan ako ni Jericho. Ang ama mo, kamusta?”
“Nasa police station naka-detained, inako niya ang pagbaril ko kay Ignacio.”
“Kahit kailan talaga balewala lang kay Paeng ang kanyang sarili, maprotektahan lang ang mga taong nasa paligid niya. Mapalad ka at si Paeng ang naging ama mo. Kahit noon pa man hindi na nagkulang sa inyo si Paeng bilang ama. Maging ang sariling kaligayahan nakalimutan niya na mabantayan lang kayo. Ang kuya mo kahit alam niya na hindi siya ang tunay na ama, nagpaka-tatay parin siya kahit noong una ang buong paniniwala niya anak si Jericho ni Romero. Si Maru kahit hindi niya kadugo, tinanggap niya ng buo at inako ang pagiging ama na hindi ko man lang naibigay sa anak ko ng twenty one years. Ikaw kahit na hindi pa nun alam ni Paeng na ikaw ang tunay niyang anak, ngunit nang mawala ang magulang na kinamulatan niyo at nung umampon sa iyo… Si Paeng tumayo paring tatay sa iyo. At ngayon na buo na ang pagkatao niya dahil sa iyo, mukhang mauudlot na naman ang pangarap niyang makasama ka pa ng matagal.” Ayon kay Hector.
“Alam mo ang tungkol sa akin? Alam mo na siya ang ama ko?
“Naikuwento na sakin ni Paeng. Hindi sana sa ganitong paraan nais ng ama mo ipagtapat sa iyo ang katotohanan. Ngunit nangyari na ito. Pati si Maru muntikan pa mawala sa atin.” Ani ni Hector.
“Patawarin mo ako sa nangyari kay Maru.”
“Walang dapat sisihin, ginawa lang ng isang anak ang dapat para sa kanyang ama. Ako kaya, ganun din kaya ang gagawin ni Maru kapag nalagay ako sa panganib. Lalo na kung malaman niya ang ginawa ko na pagsingit sa relasyon niyo. Sa tingin ko hindi. Wala akong kuwentang ama. At kailan man hindi ako magiging mabuting ama para sa kanya.”
Napayuko na lang si Fil sa sinabi ni Hector at natahimik. Batid niya ang kasalanang nagawa kay Maru ay hindi matutumbasan ng simpleng paghingi lang ng tawad. Matapos ang usapan ng dalawa muling nagpaalam si Hector, nakiusap ito kay Fil na huwag sasabihin kay Maru ang pagdalaw nito.
Sa presinto muling nagkaharap sina Paeng at Ignacio. Sa kabila ng mga nalaman. Sinisisi parin ni Ignacio si Paeng sa nangyari sa kuya. Humingi naman ng kapatawaran si Paeng sa nagawa nito. Ngunit nang dahil sa pangyayari na iyon, hindi na naisalba pa ang pagkakaibigan ng dalawa. Nilimot na ni Ignacio ang samahan nilang dalawa. May panghihinayang man, tinanggap na lang ni Paeng ang lahat. Inaamin naman nito ang kasalanan. Hindi man siya ang pumatay, kung hindi lang sana ito naduwag at nagpaalipin sa pagmamahal niya kay Rodge siguro hindi na umabot sa ganun ang lahat.
Apat na araw na ang lumipas at wala paring balita kung nasaan na si Rodge. Hanggang sa isang balita ang kinabigla ng lahat.
Isang bangkay na wala ng ulo ang natagpuang naaagnas na sa isang ilog sa ilalim ng tulay ng San Sebastian bridge. Natakpan ng mga water lilies ang wala ng ulo ng bangkay ng isang lalake. Suot nito ang damit na huling nakitang suot ni Rodge. Mas lumakas pa ang kumpirmasyon nang matagpuan sa bulsa ng pantalon nito ang wallet at mga ID ni Rodge. Maging ang sarili nitong cellphone naroon din.
“Tsaka lang ako naniniwalang siya iyon kung makita ko mismo sa harapan ko ang ulo ng hayop na iyon.”
“Ano pa ba ang kailangan mong patunay Ignacio? Pero sige kung hindi ka parin kumbinsido, halughugin mo ang buong paligid ng ilog na iyon. Di kaya sisirin mo, baliktarin mo ang ilog baka sakaling mahanap mo ang ulo niya. Parehas talaga kayo ni Makalaay, ang hilig niyo sumalungat sa lahat ng bagay!” Bulyaw ni Samonte kay Ignacio.
“Dahil hindi kami katulad niyo na kuntento na lang kung ano ang nakahain kahit na ito’y lason. Paniwalaan niyo ang gusto niyo. Hahanapin ko ang katarungang kailangan ko.” Tugon ni Ignacio, sabay baklas ng tsapa nito at inilapag ito sa mesa ng hepe kasama ang baril.
Biglaan ang pagkalas ni Ignacio sa serbisyo, hindi narin nito tinuloy ang kaso laban kay Paeng. Sa nangyari kay Rodge lumabas ang mga teyoriya na kalaban sa negosyo di kaya mga kalaban ng ama nito ang may kagagawan ng kanyang pagkamatay. Nalaman din ng publiko ang misteryosong pagkawala ni William at ng isa pa nitong anak na lalake. Kaya naging usap-usapan din na maging ang mga ito patay na rin. Kinabahala iyon ni Precy, kaya upang mailayo sa panganib ang kapatid ni Rodge na babae,pinabalik na ito ni Precy sa ibang bansa.
Samantala nagpapagaling na si Maru at sa huling araw nito sa hospital isang kahilingan ang nais nito.
“Tay Paeng, ang dami nang nangyaring hindi maganda sa atin. Gusto ko sana, kahit ngayon man lang lumayo na muna tayo sa lugar na ito. Pero siyempre, gusto ko lahat kayo kasama.” Ani ni Maru.
“Saan ang plano mo?” Tanong ni Paeng.
“Mag Palawan kaya tayo Tay, di naman kaya sa Batanes. Basta malayo dito. Gusto kong salubungin natin ang bagong taon na may panibagong bukang liwayway na makikita “ tugon ni Maru.
“Di naman kaya ang mahal ng gusto mo baby ko? Mag out of town na lang tayo. Mag beach tayo. Marami pang magagandang lugar dito sa palibot na puwedeng puntahan. Hindi pa magastos baby ko.” Sabat ni Fil na hindi sang-ayon sa gusto ni Maru.
“Siya nga naman Maru. Naiintindihan ko ang kagustuhan mo. Pero kuwan kasi ang gastos ng gusto mong mangyari. Kahit saan man tayong lupalop ng Pilipinas kung patuloy lang tayo mabubuhay sa nakaraan, eh talagang hindi tayo makausad niyan. Trauma man ang dulot sa atin ng lugar na ito, alalahanin mo may mga magagandang ala-ala rin itong naibibigay sa atin. Kaya iba na lang, hindi ang mapapagasto pa tayo ng malaki.” Ani pa ni Paz.
“Kayo naman, sineryoso niyo naman talaga ang sinabi ko. Alam ko namang mahirap iyon eh. Pero kung sakali lang naman mabigyan tayo ng chance gusto malayo muna rito sa lugar na ito.” Sabat ni Maru sa lahat.
“Kung iyan ang gusto mo, walang problema. Huwag niyo nang problemahin ang gastos. Makabayad man lang ng kahit papaano sa perwisyong naidulot ko sa inyo. Sagot ko na ang Palawan trip niyo.” Wika ni Precy na lumapit sa kanila na may bitbit na basket ng mga prutas at bulaklak para kay Maru.
Tumanggi si Paeng sa alok ni Precy maging si Maru hindi rin matanggap ang alok ng kapitana ngunit naging mapilit ito. Nang sumang-ayon si Jericho, pumayag na rin ang lahat na tanggapin ang alok ni Precy. Maging sa mga sandaling iyon, hirap parin si Jericho na tanggapin si Precy na bahagi ng buhay niya, na ito ang tunay nitong ama. Bukod kasi sa paraan kung paano nito inangkin noon ng lalake ang inang si Salvi, at sa mga nangyari…ang panibagong katauhan kasi ni Premo bilang si Precy ang isa pa sa nagpapalito sa nararamdaman ni Jericho.
Sinundan nito si Precy nang palabas na ito ng hospital. Hindi alam ni Jericho kung ano ba ang itatawag niya sa taong nag lagay sa kanya sa sinapupunan ng kanyang ina. Mama ba o Papa?
“Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa iyo, pero salamat. Hayaan mo, sisikapin kong matanggap agad ang lahat sa lalong madaling panahon. Pero sa ngayon patawarin mo ako kung hindi ko pa iyon mabibigay sa iyo.” Wika ni Jericho sa harapan ni Precy.
“Naiintindihan kita. At hindi naman kita pinipilit na tanggapin mo akong kadugo mo na siyang nagpunta sa iyo sa nanay mo. Sapat na sa akin ang makita ka at makilala ka. Tsaka, itong makausap lang kita, malaking halaga na iyon sa akin. At masaya ako na kinakausap mo ako ng ganito. Hindi ako sapat at karapat dapat na maging magulang mo. Pero sa loob ko proud ako na ikaw ang naging anak ko. Huwag mong hayaan ang mundo ang kumuntrol sa iyo, ikaw ang mag paikot ng mundo. Nandito lang ako, at hihintayin ko ang paglapit mo, anak ko.” Tugon ni Precy at ngumiti sa anak tsaka sumakay na ito sa kotse niya at umalis.
Malaman ang sinabi ni Precy at nagdulot iyon ng palaisipan kay Jericho na tila ba may iba pang alam ito sa kanya. Agad na tinawagan ni Jericho si Hector at sinabi ang kutob nito.
“Huwag mong intindihin ang papa,mama mong iyon. Ganun lang talaga magsalita si Premo. Ipaalam mo agad sa akin kung kelan ang alis niyo.”
“Sasama ka ba sa amin?” Tanong ni Jericho kay Hector.
“Susubukan ko, na miss ko na ang anak ko.” Sagot ni Hector.
“Ako ba hindi mo na miss?” Tanong muli ni Jericho.
“Napag-usapan na natin ito diba? Gustuhin man natin wala ring patutunguhan kung itutuloy pa natin ang lahat. Tama na ang sakit na naranasan natin. Huwag na nating dagdagan. “ Ani pa ni Hector.
“Mamimiss ko ang lahat ng mga hagod at mga yakap mo sa akin. Pero tama ka, pero mangako ka, isang buong pamilya parin tayo minus kantot ok?” Ayon kay Jericho.
“Baliw ka talaga, siyempre naman isang pamilya parin tayo kahit wala ng dilaan.” Natawang sabat ni Hector sa kabilang linya.
May mga lihim na kailangang mabunyag upang matuldukan at mabigyang linaw. Ngunit may mga lihim din na dapat magpatuloy na lang na lihim upang hindi na magdulot ng sakit at kumplikadong sitwasyon. Nang makauwi si Maru mula sa hospital, agad naman sila nag-impake at sakay ng private plane ni Precy, nagpalipas ng bagong taong ang lahat sa isang hotel sa resort ng Palawan. Saglit na napawi ang napagdaanan nilang unos, at pansamantalang nilunod ang mga sarili sa saglit na kaligayahan at saya.
Ikinagulat nila ang presensiya ni Hector na nakisalo sa kanila sa pagdiriwang ng bagong taon. Nasa isang sulok nun si Paz na nakangiting pinagmamasdan ang lima na masayang nagkukuwentuhan sa gitna ng bonfire sa tabi dalampasigan nang may napansin ito.
“Rodge?” Bulalas ni Paz nang matanaw niya ang isang lalake na nakadungaw sa terrace ng hotel.
Tumingin sa kanya ang lalake na kamukha ni Rodge bago ito umalis. Tumayo si Paz para sundan ang lalaking nakita. Hindi namalayan ng lima ang pag alis ni Paz kaya nang lumingon si Maru wala na roon ang babae.
“Baka nauna nang natulog si tita, na OP siguro kaya minabuti ng bumalik ng hotel.” Ani ni Fil.
Ngunit kinutuban ng hindi maganda si Maru. Hindi ugali ni Paz na umalis na lang basta-basta ng hindi nagsasabi. Tumayo si Maru upang sundan si Paz sa kanilang unit sa hotel. Ngunit wala si Paz sa kanilang silid. Mabilis na bumalik si Maru sa apat at sinabi ang nadatnan. Naputol ang kasiyahan ng apat nang kapitan sila ng pag-aalala. Sinubukan nilang tawagan si Paz sa cellphone nito ngunit hindi iyon dala ng babae, naiwan iyon sa kuwarto nila ni Maru. Sinuyod nila ang buong hotel ,pati na ang resort. Maraming guests ang lugar na iyon dahil marami ang nag celebrate ng new year’s eve roon. Napuntahan na nila halos lahat ng lugar na open para sa mga guests ngunit hindi nila makita si Paz. Doon na humingi ng assistance si Paeng sa management ng hotel at resort para mahanap si Paz.
Kinakabahan na ang lima sa posibleng nangyari kay Paz, ngunit pilit nilang pinapakalma ang mga sarili na walang masamang nangyari sa babae. Lumalalim pa ang gabi at hindi parin bumabalik sa kanila si Paz. Inulit muli nila ang pagsiyasat sa buong hotel at resort ngunit bigo parin sila.
“Magpahinga na muna kayo, ako na ang hahanap kay Paz.” Saad ni Hector.
“Sino pa ba ang makapagpahinga nito. Matulog na muna ang gustong matulog sa inyo. Sasama ako kay Hector sa paghahanap. Baka nakahanap lang iyon ng foreigner at sumama.” Ani ni Paeng.
“Sana nga lang ganun. Sige Tay, iidlip lang ako saglit medyo bumibigay na itong talukap ng mga mata ko. Ikaw baby ko. Hindi ka pa ba magpapahinga?” Wika ni Maru.
“Tutulong muli ako sa paghahanap. Susunod na ako kapag nahanap na namin si Tita.” Tugon ni Fil.
“Dito lang ako maghihintay. “ Sabat ni Jericho.
Magkasamang naghanap sina Paeng at Hector, si Fil naman mag-isang naghanap. Naiwan sa lobby ng hotel si Jericho. Ilang minuto na rin ang lumipas at dinadalaw na ng antok si Jericho, hindi pa nun nakakabalik sina Paeng, Fil at Hector. Para labanan ang antok nagpasya si Jericho na maglakad-lakad muna sa labas ng hotel. Nasa pool area na ito nang may tumawag ng kanyang pansin.
“Rodge?” Bulalas nito.
Agad nitong tinawagan si Paeng at sinabi ang kanyang nakita. Kinakausap nito si Paeng habang sinusundan ang nakitang lalake.
“Buhay si Rodge, nandito siya sa resort. Sinusundan ko siya ngayon. Naka uniform siya ng crew ng resort. Papunta siya sa beach front.” Ani ni Jericho habang kausap si Paeng.
“Sigurado kang siya iyan? Pero paano?” Pagtatakang tanong ni Paeng.
“Hindi ko alam pero, kamukha talaga niya si Rodge, tumitig pa nga sa akin. Imposibleng ibang tao ito.” Sagot ni Jericho na nakasunod pa rin sa lalake.
“Papunta na kami diyan. Huwag mong lubayan ng tingin ang sinusundan mo.” Tugon ni Paeng.
Saglit pa ay may narinig na sigaw si Jericho mula sa isang guest ng resort. Nagtitili ito na tila ba may nakitang nakakatakot. Nabaling doon ang pansin ni Jericho at nang balikan na nito ang sinusundan wala na ito at hindi na niya mahanap kung saan nagpunta. Napamura na lang na napakamot ng ulo si Jericho. Makaraan dumating sina Paeng at Hector ngunit wala na ang sinasabi ni Jericho na si Rodge.
Biglang nagkagulo ang mga tao sa resort,aligaga ang mga guests,
“Excuse me, ano ba ang nangyari?” Tanong ni Hector sa isang babae na tumatakbo at dumaan sa kanilang harapan.
“May natagpuang bangkay sa loob ng c.r.” Sagot ng nanginginig na babae.
Kinabahan ang tatlo sa narinig, nagkatinginan sila ng sumagi sa isip nila si Paz. Agad na pinuntahan ng tatlo ang pinagkakaguluhan doon. Doon napag-alaman nila isang crew ng resort ang natagpuang patay na sa loob ng isang cubicle, naka hubad at tanging brief lang ang suot. Nakahinga ng malalim ang tatlo, gayunpaman naroon pa rin ang pangamba dahil sa nangyari. Mukha kasing pinatay ang biktima at hindi nag suicide ayon sa bulong-bulungan.
Nasa kabilang bahagi naman ng resort noon si Fil ngunit tulad nila Paeng hindi rin nito nakita doon si Paz. Pabalik na sana ito nang may nakita rin ito.
“Si Rodge ba iyon?” Tanong na may pagtataka ni Fil nang mapansin ang isang lalaking dumaan sa kanyang harapan at gumawad pa ng ngiti sa kanya.
Hindi man sigurado ngunit sa unang tingin palang, inakala na ni Fil na si Rodge iyon. Susundan pa sana iyon ni Fil nang tumawag sa kanya si Maru at sinabing nandoon na si Paz sa kanilang silid. Nagmamadali naman itong bumalik at binalewala ang nakita. Inisip na baka kamukha lang iyon ni Rodge.
Nagulat ang lahat nang makita nila si Paz na may sugat sa noo. Agad nilang inusisa ang babae kung saan ito galing at paano ito nagtamo ng sugat.Ngunit tulad ni Jericho at Fil ang tanging nasambit ni Paz ay….
“Nakita ko si Rodge, buhay si Rodge at nandito siya. Nung una inisip ko na baka kamukha niya lang, ngunit ng nginitian niya ako, nasabi ko na siya nga iyon. Sinundan ko siya hanggang sa labas ng resort. Umabot na kami sa mga kakahuyan ngunit bigla na lang siya nawala. Pabalik na ako nang may humampas sa akin sa noo. Nawalan na agad ako ng malay. Nang magising ako nasa damuhan na ako, malayo sa resort.” Kuwento ni Paz.
“Kung buhay si Rodge, sino ang natagpuang bangkay na walang ulo? At paano nalaman ni Rodge na nandito tayo kung siya man iyon?” Ani ni Maru.
“Ayoko mang isipin, ngunit isang tao lang ang sumagi sa isip ko. Si Precy. Siya lang naman ang may alam ng lokasyon nating ito diba?” Pakiwari pa ni Hector.
“Kung totoo man iyan, pasensyahan na lang kaming dalawa. Kahit na ama ko pa siya.” Sambit ni Jericho.
“Huwag tayong padalos-dalos, wala tayong katibayan kung si Rodge man iyon. Ang malinaw lang sa akin, hindi ligtas ang manatili pa rito. Bukas din umuwi na tayo.” Ayon kay Paeng.
Sumang-ayon naman ang lahat sa desisyon. Kinabukasan agad na humanda ang lahat para sa pagalis dun sa resort. Nasa lobby na ng hotel ang anim nang marinig nila ang usapan ng dalawang staff ng resort na naroon. Ayon sa mga staff, lehitimong suicide ang ikinamatay ng lalake na natagpuan sa c.r. ng resort. Ngunit duda parin ang anim sa nangyari. Lalo na si Paz na iniisip padin kung sino ang humampas sa kanyang noo.
Maaga silang nakabalik sa kanila. Ngunit sa airport pa lang nagpaalam na si Hector sa lima at sumakay na ng taxi. Pasakay na rin nun sina Paeng ng van nang may napansin si Paeng.. Napatulala ito nang makita sa kumpulan ng mga tao ang nakatayong si Rodge at nakangiti sa kanya. Malayo ang distansya nila sa nakikita nito kaya hindi ito sigurado kung si Rodge nga ba ang nakita nito. Nang tinawag na ito ni Fil para sumakay pagbaling nito muli sa kinatatayuan ng lalaking nakita, wala na ito roon.
“Bakit Tay?” Tanong ni Maru nang mapansin ang pagiging tulala ni Paeng.
“Wala may nakita lang akong kakilala ,pero nakaalis na. Halina kayo, gusto ko na magpahinga.
Dumaan ang mga araw, linggo at mga buwan na walang nangyaring hindi maganda sa pamilya nila ni Paeng. Pinabulaanan naman nun ni Precy ang hinala nila na totoong buhay pa nga si Rodge at tinatago niya lang ito. Hindi na rin binigyan pa iyon ng pansin nila Paeng.
Iniwan ni Precy kay Jericho ang ilan sa mga negosyo nito bago nito tinapos ang termino bilang kapitan at lumipad pa Europe kasama si Papi. Napagpasyahan na rin ni Paeng na magsimula ng panibagong buhay na malayo sa nakaraan. Ibinenta nito ang kanyang bahay at lupa sa Barangay Kuwatro Uno kasama na ang maisan. Pati na rin ang bahay nila at lote sa kabilang barangay. Swerte naman at agad na may nagka interes na bilhin ang lahat ng iyon lalo na ang bahay nito sa maisan.
Pinili nila Paeng at Paz ang manirahan sa labas ng siyudad at manirahan ng tahimik at simple. Bumukod naman sina Fil at Maru at naghanap ng panibagong bahay sa siyudad. Si Jericho naman kumuha ng sariling condo malapit sa sentro.
Nakulong na rin ang totoong pumatay kina Salvi.
Dumaan ang limang taon at tuluyan ng nabura ang mga balita at ugong-ugungan tungkol sa gumagalang killer. Tahimik na muli ang siyudad. Sa wakas nakahinga na rin sila na walang takot at kaba.
“Paeng, kanina ko pa napapansin na malayo ang tingin mo. Na miss na ba ang buhay natin sa siyudad? Limang taon na ang nakalipas, pero pakiramdam ko parang kahapon lang ang lahat. Masaya ka na ba?” Ani ni Paz nang lapitan nito si Paeng na nakatingin sa malayo habang nagkakape sa kaniyang balkonahe.
“Na mi-miss ko lang ang mga anak ko. Ang dami kong nasayang na taon sa buhay ko. Maraming bagay ang hinayaan ko na lang lampasan ako. Kaya nang pilitin kong humabol ang dali kong napagod. Ikaw Paz, masaya ka ba na ganito ka? Hindi mo ba minsan pinangarap na maranasan man lang ang buhay ng isang babae? Ang makabuo ng sariling pamilya?” Tugon na tanong ni Paeng.
“Simula pa lang tinanggap ko na ang kapalaran ko na mag-isa at nakabuntot sa iyo. Nang maulila tayo, ako na ang tumayong ate sa atin kahit na ikaw ang kuya. Naging magulang mo na nga din ako minsan kasi sa ating dalawa ikaw ang mahina.”
“Tinanong ko lang naman kung masaya ka. Bakit sinusumbatan mo na ako? Ako pa yata sinisisi mo kung bakit ka tumandang dalaga. Hay kainis.”
“Hindi kayang sukatin ang kaligayahan ko na kasama ka at pinagsisilbihan kuya. Hindi ko kailangan ng kahit na sinong lalake sa buhay ko para lang maging buo ang pagiging babae ko. Dahil sobra-sobra na ang ibinigay na lalake sa akin ng Diyos. Kayo lang sapat na sa akin Paeng.” Ayon kay Paz.
“Hindi mo ba pinangarap na madapuan man lang ng bubuyog iyang kalachuchi mo? Kahit kailan ba hindi ka man lang tinatablan ng libog sa katawan?” Pabirong tanong ni Paeng.
“Ay ang bastos. Huwag mo nga ako itulad sa iyo na gutom sa sex. At kahit ganito ako hindi naman naging boring ang sexlife ko baliw.”
“Ibig sabihin hindi ka na virgin? Anak ng kabute, siguro ang pagpupunta-punta mo sa palengke para maningil ng pautang, hindi talaga iyon para maningil noh?”
“Bahala ka nga, magluluto pa ako maya-maya lang nandito na ang mga anak mo.”
Tuwing katapusan ng kada buwan dumadalaw sina Jericho,Fil at Maru kina Paeng. At sa araw na iyon inaasahan sila ng dalawa. Ngunit lubog na ang araw at humahalik na ang gabi sa lupa pero walang Jericho, Fil o Maru na dumating. Kinabahala iyon ng dalawa dahil kahit kailan hindi pa pumalya ang mga anak sa araw na iyon. Lalo pang kinabahan si Paz nang hindi na nila makontak ang tatlo. Tinawagan ni Paeng si Hector ngunit maging ito ay hindi na makontak.
“Saan ka pupunta Paeng? Gabi na.”
“Pupuntahan ko sila, hindi ako mapakali nito. Ayoko mang isipin na may masamang nangyari, pero iba na talaga ang kutob ko.” Tugon ni Paeng.
Hindi na ito nagsayang pa ng sandali at tumulak agad ito pa siyudad. At habang papalapit ito sa bungad ng siyudad lalong lumalakas ang pagkabahala ni Paeng para sa mga anak. Nasa bungad na ito ng kalye papunta sa tinitirhan nina Fil at Maru nang may tumawag sa kanyang hindi pamilyar na numero. Agad itong sinagot ni Paeng nang kinutuban ito.
“Tik-tak-tik-tak-tik-tak…kamusta? Nakapag relax na ba kayo ng matagal. Hindi naman siguro masama ang limang taon para bigyan kayo ng konsuwelo na magrelax diba?” Bungad agad ng boses sa kabilang linya.
“Sino ito? Ano ang ibig mong sabihin?” Pagtatakang tanong ni Paeng.
“Oras na ng paniningil ko. At uunahin ko ang pamilya mo! Bilisan mo na riyan baka hindi mo na maabutan pa ang mga anak mo, Paeng”. Wika ng kausap nito sa telepono at naputol agad.
“Hayop ka! Sino ka?!!!” Sigaw ni Paeng ngunit hindi na tumugon ang tumawag.
Pinaharurot ni Paeng ang sasakyan nito. Kinakalampag na ang dibdib nito sa ka kaba, pagkabalisa at pangamba para sa mga anak. Hindi pamilyar kay Paeng ang boses ngunit isa iyong lalake. Malapit na sa lugar ng mga anak si Paeng nang may narinig itong malakas na pagsabog, nasundan iyon ng mga nag-kakagulong mga residente na sumisigaw ng sunog. Napatingin na lang si Paeng sa direksyon kong san nagmula ang liwanag at usok ng sunog. Tumbok nun ang bahay nila Fil at Maru. Wala ng nagawa pa si Paeng kundi ang naghuhumiyaw sa galit habang tinatawag ang pangalan nina Fil at Maru. Humagulgol na lang ito ng nilalamon na ng apoy ang buong paligid. Mabilis na kumalat ang apoy. Akma pa sanang papasukin ni Paeng ang nasusunog na bahay nang hilahin na ito ng isang bombero na agad tumugon sa sunog.
Natigalgal si Paeng sa isang sulok. Nang tumawag muli sa kanya ang lalake.
“Demonyo ka! Hayop! Putang ina ka!!! Magpakita ka sa akin! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa mga anak ko!!!”
“Interes pa lang ang iyan kung tutuusin. Panoorin mo na lang ba na maabo ang bahay? Hindi mo ba sisilipin kung kamusta na ang pinakamamahal mong panganay Paeng? Sige ka baka, mahuli ka. Malapit na ako sa condo niya.” Tugon pa ng lalake na tinawanan lang si Paeng.Tsaka pinatay ang linya.
Kumilos agad Paeng at pinalipad ang sasakyan. May kalayuan mula roon ang condo ni Jericho kaya tinodo na ni Paeng ang bilis. Pawis ,luha hindi na mawari ni Paeng kung alin dun ang mapait. Ayaw pa nitong lisanin ang nasusunog na bahay nila Fil at Maru ngunit hindi naman nito puwedeng baliwalain na lang si Jericho.
Ngunit tila nilisan na ng suwerte si Paeng. Sa tulong ng sekyu ng condo pinasok nila Paeng ang unit ni Jericho. Ngunit wala na itong naabutan doon kundi ang magulong silid at mga tilamsik ng dugo sa kama, sa banyo at sa couch. Bakas na tila may nangyaring gulo sa loob. Basag ang mga gamit. Agad na tumawag ng pulis ang guard ng condo. Isang punit na papel ang napansin ni Paeng na nakasiksik sa isang unan.
Papel iyon na may nakasulat. Sulat kamay iyon ni Jericho. Kinuha iyon ni Paeng at ibinulsa tsaka mabilis na tinungo ang fire exit ng condo. At doon ilang mga patak ng dugo ang napansin nito. Bumaba roon si Paeng hanggang sa makarating ito sa parking lot ng condo sa baba. Pagkalabas ni Paeng isang itim na van ang mabilis na umalis sa lugar na iyon. Hindi na naabutan pa ito ni Paeng kaya napamura na lang ito sa galit.
Muling tumawag ang lalake kay Paeng.
“Your late sorry hindi na kita nahintay. Pero babalikan kita dahil ikaw na ang sunod” at pinutol ulit ang linya.
Halos gumuho ang lahat kay Paeng ng mga sandaling iyon, sabay na nawala sa kanya ang mga anak sa iisang gabi. Nang malaman ni Hector ang nangyari sumiklab muli sa loob nito ang galit. Ngunit tulad ni Paeng hindi nila alam kung para kanino iyon. Wala silang alam kung sino ang may kagagawan nun sa kanila.
“Walang nakitang mga bangkay sa nasunog na bahay nila ni Fil at Maru. Posibleng pinaglalaruan lang tayo ng kung sino man ang gumawa nito. Malabo man ang chance na buhay pa nga sila. May kutob ako na mahahanap ko pa sila.” Ani ni Paeng.
“At saan naman natin sila hahanapin? Ni hindi nga natin alam kung sino ang may gawa nito sa kanila. At kung pagbabasehan ko lang ang kuwento mo sa akin. Isa lang ang konklusyon ko. May matinding galit sa iyo ang may gawa nito.” Tugon ni Hector.
“Sisimulan natin sa taong pinaghihinalaan ko…si Ignacio.” Wika ni Paeng.
“Hindi na kailangan. Ako na mismo ang lalapit sa iyo. Alam ko na ako agad ang iisipin mo. Pero hindi lang ikaw ang nakatanggap ng pagbabanta. Bago ang nangyari sa mga anak mo. Muntikan na ako, nang may pumasok sa bahay ko at balak akong patayin. Malas lang niya at hindi niya ako napuruhan. Nahablot ko ito sa kanya nang nagpambuno kami.” Sabat ni Ignacio na bigla na lang lumabas mula sa likod ng pader.
Isang maskara ang inilapag ni Ignacio sa lamesa.
“Nakita ko ang mukha niya, at nagulat ako sa aking nakita. Pagkahablot ko niyan tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha. Hindi totoo ang mga kuwento na patay na si Romero Santana. Dahil nakita ko siya mismo ng harapan sa loob ng bahay ko. Buhay si Romero.”
….*….
SEASON 2
‘MASKARA’ soon

