loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Death Threat

Death Threat

Athazagoraa · 3 chapters · 3,251 words

Chapter One - Surprise

Narinig kong may nag-urong ng kurtina sa binta dahilan ng pagtama ng sinag ng araw mula sa aking mata. Napapikit ako ng madiin kahit na nakapikit pa ako.

Nagtakip ako ng unan sa mukha, pero naramdaman ko naman na may nag-alis ng kumot mula sa pagkakabalot nito sa aking katawan.

“Jusko kang

and

bata ka, bakit ganyan yung suot mo?“ Sabi ng isang matanda naging dahilan para idilat ko ang aking mga mata.

“Nay Daisy, may problema ba sa suot ko?” Nakangiti kong sagot sa aking pinakamamahal na yaya.

“Hay nako, umiral na naman yang kalandian mong bata ka. Bumangon ka na nga at mag-asikaso ka na, male-late ka naman sa school.” Maagang sermon sa akin ni Nay Daisy. Hahaha. Di ko in-expect yung salitang ‘kalandian’ mula sa kanya. Haha.

“Ang hard mo sa akin ngayon Nay, meron ka na naman po ba?” Biro kong tanong sa kanya.

“Ewan ko sayong bata ka, matagal na ’tong menopause. Bumangon ka na dyan, ihahanda ko na yung agahan mo.” The best talaga yang si Nay Daisy, nasasakyan nya yung kalokohan ko kahit medyo may edad na sya.

Nang makalabas na si Nay Daisy bumangon na din ako. Pagkatayo ay pa-ikot ikot akong naglakad papunta sa harap ng malaking salamin sabay pose na para bang isang model ng FHM, COSMO or PLAYBOY. Haha. Sabay kuha ng cellphone, selfie click, i-open ang instagram sabay post ng picture ko na may caption na ‘Do I look sexier with this Night Dress 👗👗👗’.

Syempre after nun naligo na ako, nagbihis at bumaba na sa dinning area kung saan naka-prepare na yung breakfast ko.

Kumain, kinuha ko ang bag pack, lumabas ng bahay at sumakay na sa sasakyan kung saan naghihintay sa akin si Manong June (driver ko). Hinatid nya ako sa school at nang makarating dun, sinabihan ko sya ng:

“Kuya June, wag mo na akong sunduin mamaya ha may bibilihin ako sa mall after ng class ko.”

“Pero Sir, bilin po sa akin nila ma’am at sir na nadapat ako ang maghahatid sa iyo pa-uwi.” Okay, nag-explain na naman nya yan sakin.

“Please, Kuya June. Hindi naman ito malalaman ni mom at dad e.” Pagpupumilit ko sa driver ko.

“Pero Sir–” Di ko na sya pinatapos magsalita.

“No more ‘pero’ kuya. Sige po, ingat.” At tumakbo na ako papasok ng campus.

2:30 PM ang tapos ng klase ko at agad akong lumabas sa ibang gate ng school para di ako makita ni Kuya June. So pagkalabas na pagkalabas ko nagpara agad ako ng taxi at nagbyahe papunta sa medyo may kalayuang mall. Hahaha.

7:46 PM ang nakita ko nang tumingin ako sa aking relo. Medyo napatagal ata ako sa paggagala ko. Actually wala naman talaga akong bibilihin ang balak ko talaga akong binili, nagmovie marathon lang ako sa sinehan. Hahaha. Lakas ng trip ko e. Syempre bago tuluyang uwi kumain muna ako sa isang fastbood chain na ang motto ay “love ko ’to”, at dumaan na din sa bookstore syempre para bumili ng libro. Hahaha. Para naman may ipakita ako kung sakaling tanungin kung anong binili ko sa mall.

9:57 PM na nang nakarating ako sa bahay. Ang hirap kasi kumuha ng masasakyang taxi kanina tapos traffic pa pauwi. Nagtaka ako bigla kasi nakapatay lahat mg ilaw sa bahay eh usually halos buong bahay ay nagliliwanag dapat ng mga oras na ito. Patay ang ilaw sa gate, sa mga lamp sa may garden, pati yung ilaw sa porch nakapatay din. Bigla tuloy akong kinabahan.

“Ano kayang nangyari? May surprise party ba, kaya dapat ganito kadilim?” Bulong ko sa sarili ko habang papunta sa receiving area ng bahay.

Pagbukas ko sa pinto, wala talaga akong makita eh saktong new moon pa na talagang madilim kasi walang buwan. Walang magbibigay kahit konting liwanag man lang. So ang ginawa ko lumapit ako ng kaunti at kinapa-kapa ying pader para mahanap yung switch ng ilaw. Nang nahagilap ko na yung switch, syempre binuksan ko na ang ilaw. . . . .

Chapter Two - Deep Excavation

Nang nahagilap ko na yung switch, syempre binuksan ko na ang ilaw. . . .

Nasurprisea talaga ako nang nakita kong wala namang nangyari sa qqqmay receivingx area pero nagtataka pa din ako. Ang tahimik kasi masyado, kaya umupo muna ako sa sofa. Pagka-upo ko hindi ko naman sinasadyang masagi ng siko ko yung family picture namin na nakaframe sa side table dahilan kung bakit ito nalaglag at nabasag. Bigla akong napatayo sa nangyari, ni hindi man lang nag-init yung pwet ko sa upuan.

“My God! It is not a good sign. Lord sana mali po yung naiisip ko” . Dahil sa kaba, dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto nila Mama at Papa.

Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto nila, biglang nanlambot yung tuhod ko dahilan kung bakit ako napa-upo.

“Ma, hindi magandang biro yang ginagawa nyo ngayon ni Papa”. Sabi ko habang namumuo na ang mga luha ko sa mga mata.

“Ma, wag naman kayong ganyan. May pa-ketchap ketchap pa kayong nalalaman e” . Umiiyak kong sabi habang gumagapang akong papalapit sa kanila.

Nang hinawakan ko sila, sobrang lamig na nila. Agad ko silang yinakap. Humahagulgol ako sa sakit na nararamdaman ko. Bakit? Sinong may gawa nito? Akala ko biro lang ang mga death threats na natatanggap ng pamilya ko, yung pala totoo. At tinotoo talaga nilang gawin. Yakap yakap ko ang malalamig na bangkay ng aking mga magulang.

May tatlong tama ng baril si Mama sa Dibdib, si papa nama’y may tama sa kanyang ulo. Napakahayop ng gumawa nito sa kanila. Kahit na nagsisisigaw ako ng tulong ay wala namang makakarinig. Tumayo ako na umiiyak, natatakot. Yung kulay puti kong uniporme ngayo’y naging pula na dahil sa dugo ng mga magulang ko.

“Nay Linda!” Umiiyak kong sigaw sa pagtatawag ko sa aking yaya.

Napadpad ako sa maid’s quarter ng bahay. Nakita kong nakahandusay sa sahig ang lima pa naming katulong, duguan at malamang wala na ring buhay. Sa isip ko, napakahalang ng kaluluwa ng mga gumawa nito sa amin.

“Nay Lindaaa, please. Na saan po ba kayo?” Paulit ulit kong sinasabi. Natatakot ako.

Sa paglalakad ko sa bahay nakita ko ding wala nang buhay si Kuya June. Naglakad ko para hanapin si Nay Linda nagbabakasakaling ligtas at buhay pa sya, hanggang sa nakarating ako sa kusina. Wala na ako sa sarili, ang sakit sa damdamin. Napagod na ako sa kakaiyak, napaos na sa kakasigaw. Hanggang sa napa-upo ako sa high stand chair sa may kitchen counter.

“ZOMBIEEEE!!!” Sigaw ko ng may nakita akong kamay na humawak sa aking binti. Dahilan ng bigla kong pagtayo.

Nakita kong si Nay Linda sa sahig, duguan ngunit buhay pa sya. Nakahawak sya kanyang tiyan marahil may tama sya ng bala doon.

“Nay Linda! Anong nangyari? Teka tatawag ako ng ambulansya. Tatawag ako ng pulis. Kailangan nyo madala sa hos–.” Hindi na ako pinatapos ni Nay Linda sa pagsasalita.

“Anak….huwag na.” Umuubo ubong sabi ni Nay Linda. “Mukhang di na rin ako magtatagal.” Dagdag pa nya.

“Nay wag naman kayong magsalita ng ganyan. Iniwan na nga ako nila Mama, wag na kayong sumama sa kanila. Hindi ko kayang mabuhay mag-isa. Tatawag ako ng ambulansya.” Umiiyak kong sabi. Di ko kayang makita si Nay Linda na nahihirapn ng ganito. Gusto ko syang maligtas, gusto ko syang mabuhay.

“Anak, umalis ka na dito. Iligtas mo na yang sarili mo. Babalik pa yung mga taong gumawa nito sa amin dahil alam nilang uuuwi ka dito. Baka isunod ka nila sa amin…” Naghihingalong sabi ni Nay Linda.

“Pero Nay.”

“Sige na anak. Para sa mga magulang mo, sa mga kasamahan ko dito sa bahay at para sa akin. Ibigay mo sa amin yung hustisya.” At hindi na pa muling nagsalita si nanay. Wala na sya. Wala na.

Umiyak ako sa tabi ni Nay Linda. Sa isip isip ko, kakayanin ko bang mabuhay na ako lang? Kakayanin ko bang hanapin at ibigay ang nararapat na hustisya para sa kanila? Natauhan ako bigla nang narinig kong may magbukas ng pinto at mga yabag na naglalakad. Takot. Kaba. Iyan ang nararamdaman ko.

Agad akong lumabas sa may pinto sa may dinning area papunta naman sa pool area ng bahay. Habang naglalakad ako sa pathway sa gilid ng pool biglang…

“Hoy!” BANG! BANG! Nagring yung phone ko. Narinig ko kasing kumanta mula sa cellphone sila Jessie J., Ariana Grande at Nikki Minaj pero joke lang yun. Ang totoo, pinagbabaril ako ng lalaking nakakita sa akin.

Nasa bingit na ako nang kamatayan pero naisip ko pa yang punch line na super korni naman at hindi talaga nakakatawa. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawa yun pero hindi talaga ako tinamaan ng bala. Sa isip isip ko, sinaniban ako ng kaluluwa ni Sailor Moon kaya nagawa kong tumalon ng mataas, tumambling, gumulong gulong, nag-split sabay sigaw ng ‘Ako ang pinakamagandang tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan’. Oo nakapagjoke pa ako ng mga panahong yun. Buti na lang malapit na ako sa gate.

“Dalian nyo! Lumabas na yung anak ni Dela Vega!” Narinig kong sigaw ng lalaking bumaril sa akin.

Nasa labas na ako nun ako tumatakbo ng biglang, BANG! BANG! Hindi na yan ringtone. Totoong baril na talaga yan at shoot!.

Natumba ako. Oo, tinamaan ako. Ang sakit. Tinamaan ako sa braso. Gusto ko ngang magpaparty dahil dun kasi buti na lang sa braso lang. Buhay pa ako. Tumingin ako ulit sa likod at malapit na sa akin yung mga goons na gustong pumatay sa akin. Tumayo ako, hawak hawak ang braso kong nabaril at tumakbong muli. Hindi ko na nga alam kung saang parte ng subdivision ito e pero mukha syang construction site.

BANG! BANG! BANG! At tinamaan ako sa binti. Natumba ako at gumulong gulong sa pababa at malalim na parte ng construction site. Tinitiis ko yung sakit na naramdaman ko.

“Sana. Sana hindi na nila ako sundan dito”. Bulong sa sarili ko habang nagtatago sa madilim na parte ng kinahulugan ko.

Pinagbabaril ng mga goons yung lugar na kinalaglagan ko at laking papasalamat ko na hindi ako tinamaan. Sa mga nagtatanong, hindi ako sa bangin nalaglag. Siguro may deep excavation dito sa contruction site na ito at nagpapasalamat ako sa contractor kasi meron nito at buhay pa ako.

Hindi man lang nagtagal yung istorya ko. Natapos na agad, pero bago pa man ako mamatay gusto kong magpakilala. Ako si Liam Louise Dela Vega. Anak ako ng Senate President ng Pilipinas na si Meriam Dela Vega at ng Chief Justice ng Supreme Court ng bansa na si Roberto Dela Vega. Siguro dahil sa mataas na posisyon sa gobyerno ng mga magulang ko kaya nangyari sa amin ito. Pero hindi ko sila sinisisi. Tama na nga, hindi na mahalaga ang iba pang kwento ng buhay ko kasi mamamaalam na ako. Pero Lord, wag naman po sana.

Tumingala ako sa itaas at may nakita akong liwag.

“Kukunin na ba ako ng langit?” Natatawa kong sabi sa sarili ko.

Pero hindi naman kasi puting liwanag yun na nanggagaling sa kalangitan. Galing yung liwanag sa taong may hawak ng isang gasera ata o lampara. Siguro sya yung superhero ko. Sana mailigtas nya ako. Sana, sana….

Chapter Three - Green Lantern

Galing yung liwanag sa taong may hawak ng isang gasera ata o lampara. Siguro sya yung superhero ko. Sana mailigtas nya ako. Sana, sana….

Nagising ako sa puro puti ang nasa kwarto. Puting kurtina, puting higaan, unan at kumot, pati yung suot ko. Bigla kong naalala yung nangyari, napaluha ako pero agad ko din namang pinunasan ’yon. Napansin ko ring nakabenda yung kanang braso ko.

“Nasa Ospital ata ako.” Mahina kong sabi pero naging dahilan ito para magising yung lalaking natutulog sa gilid ng kama.

“Gising ka na pala, tatawag ako ng nurse.” Sabi nung lalaki na agad tumayo.

“Sandali. Buhay pa ba ako? Sino ka? Nasaan tayo? Ilang araw na ako dito?” Sunod sunod kong tanong sa lalaki.

Tumawa sya. Tawang tawa talaga sya. Meron bang nakakatawa sa mga tanong ko? Wala naman di ba? Di ba? Kung makatawa naman itong lalaki na ’to. Lumapit sya sa akin at ngumiti.

“Wag kang mag-alala, buhay ka. Dalawang araw ka na dito, sige tawagin ko muna yung nurse. Nga pala binenta ko yung relo mo para ipambayad dito sa hospital” . Sabi ng lalaki at naglakad na papuntang pinto.

“Teka, anong pangalan mo?” Tanong ko ulit. Hindi naman nya kasi sinagot e.

“Harry.” Sabi nya at umalis na nga sya.

“Ang gwapo nya” . Bulong ko sa sarili ko. Hahahaha. Medyo kinikilig-kilig pa nga ako e.

Liam tandaan mo nasa hospital ka pa, hindi ka pa okay ha. Magpagaling ka muna bago lumandi dyan. Isipin mo rin kung paano mo maipapakulong yung gumawa sayo nyan at pumatay sa mga magulong mo. Hahaha. Pagalitan ko daw ba yung sarili ko.

Pero kasi ang gwapo talaga nya. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa nya sa construction site e. Pang model talaga yung dating nya. Pinoy version ni Sean O’Pry talaga yung dating nya. Kinikilig tuloy ako. Biglang pumasok sa isip ko yung palabas sa Abs-Cbn tuwing gabi, yung Forevermore. Kung si Agnes nga may Superman at Batman, ako naman ay may Green Lantern kasi sya siguro yung taong nakita ko na may dalang lampara. Waaaaaah. Hahahaha. Kinikilig ako. Naputol lang yung kakiligang nararamdaman ko nung biglang bumukas yung pinto at pumasok si Harry at yung nurse.

“Okay na po ba kayo Sir?” Tanong sa akin ng nurse.

“Opo. Okay naman na ako. Medyo namamanhid lang yung braso at binti ko.” Sagot ko naman sa tanong ng nurse.

“Normal lang po yan sir. Nga po pala, ano pong pangalan nyo?” Ano daw pangalan ko.

Teka, sasabihin ko ba yung totoo kong pangalan? Baka malaman nila kung sino ako. Sigurado akong headline na ng balita ang nangyari sa pamilya ko. Tama, hindi dapat nila malaman kung sino talaga ako.

“Sir?” Sabi nung nurse. Ayy, mukhang napatagal yung pag-iisip ko.

“Ahh. Louise. Louise yung panggalan ko” . Sabi ko. Haha, hindi ko na sinama yung Liam. Okay na siguro yan.

“Surname nyo po Sir?” Sabi ulit ng nurse habang sinusulat yug pangalan ko.

Ano kayang magandang apelyido? Hmmm.

“Cruz”. Ayan ang unang pumasok sa isip ko. Okay na din yan kasi common.

“Ahh. Excuse me nurse, magaling na ba sya?” Biglang singit na tanong ni Harry.

“Yes Sir, okay na po sya. Pahinga na lang yan at pwede na syang lumabas ng hospital bukas” . Paliwanag ng nurse.

“Kung okay lang ba, pwede bang ngayon na kami umalis?” Eksena ni ulit ni Harry.

Gusto nya na umalis na daw kami ng hos–. What! Teka teka, kakasabi lang ng nurse na. Arrgh, ano bang problema nitong lalaki na ’to. Parang isang araw lang. Oo okay na ako pero hindi ko pa kasi alam kung saan ako pupunta. Hindi naman pwedeng bumalik ako dun sa bahay di ba? Baka matuluyan na ako.

“Hoy, wag ka ngang excited. Di ba kakasabi lang ng nurse na bukas pa” . Ako naman yung umepal sa usapan ng nurse at ni Harry. Hahaha.

“Babe wag ka nang umapila sakin, ako naman na mag-aalaga sayo. Medyo kapos na tayo para sa pambayad ng bill natin sa hostipal” . Pasweet na sabi ni Harry. Babe daw, wait Babe nya ako? Is that for real?

Blush Yeah! Nagblush talaga ako. Kese nemen si Herry e. Natameme ako at di na ako nakapagsalita pa sa sanabi nya. Ewan ko ba, pero swear kinilig talaga ako kung nakatayo nga lang ako nalalaglag na yung panty ko. Ayy, wala pala akong suot kasi naka labgown ako saka hindi din pala ako nagpapanty. Haha. Minsan lang, pag trip ko. Joke lang.

“Ahh ehh kung kaya naman na ni Sir Louise yung katawan nya, okay lang po”. Sabi ng Nurse na mukhang nagulat din sa sinabi ni Harry.“ Ahhm Sir Louise, okay lang po yun?“

Hindi ako nakasagot nun pero tumango ako sa sinabi ng nurse. Ewan ko nga ba kung bakit e.

“Okay naman pala sa boyfriend mo po Sir Harry. Sige at aasikasuhin ko na yung papers nyo” . Sabay umalis na ito.

Kung maka-ngiti naman itong nurse na ito kala mo sya yung kinikilig. Yung itsura nya kasi parang snagpapahiwatig ng ‘Aww. Ang sweet, sana ako na lang girlfriend mo’. Di ba? Agawan daw ba ako. Hahaha. Boyfriend daw. Hahaha. As if naman na totoo yun di ba? Pero hoping ako. Hahaha. De joke lang. Teka mukhang may nakakalimutan ako e, ano bang problema ng Harry na yan kaya gusto nya akong lumabas na agad?

“Wag kang mag-asume. Di mo ko boyfriend. Di ako pumapatol sa bakla” . Aba, bakit ako ba nagsabi na boyfriend ko sya. Kung makainsulto ’to ng gender. Baka ma-hamehawave kita dyan e.

“Luuh. Bakit mo ba kasi sinabi yun? Saka bakit gusto mo na akong umalis ha?” Medyo naiinis na ako nyan e.

“Kasi nga wala na ka nang pambayad. Wala din akong pera.” Eehh, di ba binenta nya yung relo ko? Magkano ba nya binenta yun? An mahal kaya nun.

“Teka, magkano mo ba binenta yun?” Nacurious kasi ako kung magkano nya naibenta.

“Sampunglibo” . What! Ten thousand lang? Di makatarungan yun.

“What? Alam mo bang worth ninethy five thousand yung relo na yun saka first time ko lang na sinuot yun. Hindi mo ba alam yun? Hindi mo man lang naibenta sa mas mataas na presyo” . Hindi naman sa nagagaglit ako pero nakakapanghinayang kasi, sayang talaga e.

“Alam ko ba? Kung ganyan lang din naman yun sasabihin mo edi sana hindi na lang kita tinulungan. Hinayaan na lang kitang mamatay dun. Imbes na magpasalamat ka, kung ano ano pa yang pinagsasabi mo.” Oopss. Mukhang hindi maganda yung nasabi ko. Nagalit sya.

Ayan kasi. Napaka mo Liam. Tama nga naman si Harry kung ano ano pa yang pinagsasabi mo, obvious na obvious na offend sya. Dapat kasi nagpasalamat ka na lang. Tsk, magsorry ka nga sa kanya. Okay, binabagabag na ako ng konsensya ko. Huhu. Sorry naman.

“Sorry. Sorry sa mga nasabi ko. Hindi ko naman sinadya. Nadala lang ako ng sitwasyon. Sorry ulit.” Paghingi ko ng tawad kay Harry. Tinignan lang nya ko.

“Uhh, thank you. I am really thankful kasi dumating ka, niligtas mo ako. I owe you my life. Super thank you talaga” . Nakayuko ako. Nahihiya ako sa kanya.

“Sorry din. Nadala lang ako ng pagod. Ito pala yung cellphone mo saka yung sobra sa pera. Binilahan na din kita ng damit. Sige na, magbihis ka muna.” At lumabas na sya ng kwarto.

Wala namang mga dextrose or kahit na anong apparatus na nakakabit sakin kaya nakapagbihis na din ako. Kaloka nga yungd mga damit na binili nya. Paano ba naman, ang iksi nang shorts na khaki tapos yung t-shirt naman sobrang laki para na akong ganster, lagpas pa sa shorts yung damit. Kaya ang dinawa ko, tinupi tupi ko yung damit hanggang sa maging sa bewang ko na lang to tapos binuholmko yun sa magkabilang gilid. Yung sleeves naman ganun din, tinupi ko lang din. Grabe yung shorts, kalahatinlang hita ko. Feeling ko tuloy mukha akong prostitute. Hahahaha.

Nang nakabalik si Harry ay may dala na syang wheel chair. Sana buhatin nya ako para iupo nya ko dun. Hahahaha. Sa pagkakataong yang, umiiral na naman yung kalandian ko. Pero ang nangyari . . .

“Sige na umupo ka na dyan, lalabas na tayo.” Yan ang sinabi nya.

Grabe, nakakahurt. Umasa ako. Ikaw naman kasi Liam, wag ka nang lumandi. Di ba nga sinabi nya, di sya pumatol sa bakla. Hahahaha. So yun, umupo na nga ako tapos tinulak na nya yun palabas ng kwarto at nagtungo na kami sa lobby ng hospital.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.