loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
defined Opposite

defined Opposite

kabrobars · 63 chapters · 283,977 words

Choice Open

“Kaloy , hinihintay ka na ni Tiyo Bernardo mo sa labas, baka mahuli kayo sa Bagsakan. Masasayang na naman itong mga gulay natin kung hindi mapaubos. Bilisan mo na diyan at pupuntahan ko muna ang ama mo sa kapihan.” Sigaw ni Tessa sa anak na si Kaloy na nuoy nagaayos na ng sarili.

Alas tres palang iyon ng umaga. At ito na ang nakasanayan ni Kaloy tuwing Sabado. Araw ng tabu-an. Biyernes pa lang ng hapon  ina-ani na ng Ina nito ang mga gulay at prutas na puwede nang ibenta, Sabado kinabukasan. Sumasama si Kaloy sa jeep ng kanyang tiyo, upang magbenta ng mga produktong bukid sa Bagsakan (Ang pinaka sentrong palengke ng San Gabriel) kung saan doon binabagsak ang lahat ng mga produkto mula sa mga katabing nayon at probinsiya. Na siya namang dinadayo tuwing Sabado ng mga taga siyudad at mga dayo na nais maka bili ng mura ngunit sariwang mga gulay at prutas.

Sa bubong ng jeep pumuwesto si Kaloy, kasama ang iba pang bababa sa Bagsakan.  At habang nasa biyahe, hindi maitanggi sa mukha niya ang lungkot. Lungkot dahil sa hirap ng kanilang buhay. Dese siyete na si Kaloy ngunit sa kahirapan, kailangan niyang tumulong na kumayod para sa sarili at sa mga magulang.

Gayun pa man ang araw na iyon ang pinaka hinihintay ni Kaloy sa buong linggo. Dahil muli na naman ito makaka punta ng siyudad. At makikita na naman nito Ang babaeng pumapawi ng kanyang lungkot at minsan problema. Si Danica.

Alas siyete na  ng umaga nang makarating ang jeep sa Bagsakan. Marami ng tao, at kanya-kanyang babaan at latag na ang mga bolantero. Dagsaan na rin ang mga mamimili. Nang maibaba na ni Kaloy Ang mga ibibenta nito, nagsimula na itong mag latag. Doon mismo sa tapat ng puwesto nina Danica. 

“Nahuli yata kayo? Marami na tuloy naka-una sa puwesto niyo.”  Lumapit si Danica kay Kaloy at tinulungan nito ang binata na mag salansan ng mga gulay na ibibenta nito.

“Nagka aberya kasi ang jeep nang pababa na kami,  pumutok ang Isang goma. Pero sa kabilang banda masaya ako dahil , katabi kita ngayon. “ Pakindat-kindat pa si Kaloy na nakangiti kay Danica.

“Kaloy baka ito na siguro ang huling kita natin.  Isasama kasi ako ni tita sa Manila, mag aaral ako doon.”  Biglang nalungkot si Danica na sinabi kay Kaloy ang kanyang pag-alis.

“Bakit doon pa? Puwede naman dito ah, o di naman kaya sa Siyudad. Mas ok pa sa akin iyon, kasi puwede lang mag bus. Mapupuntahan agad kita.  Huwag lang doon ,mahal mag eroplano .”  Sabi pa ni  Kaloy na dinaan pa sa biro ang lungkot nito.

“Kailangan ako ni tita doon, at gusto ko talagang makatapos. Ikaw, bakit di ka mag aral ulit . Malay mo , balang araw yayaman ka pa.” Ayon pa kay Danica.

“Nakakahiya na kaya mag aral. Seventen na ako, tapos ang magiging mga kaklase ko mga uhugin .Nakow,… huwag na lang, pagtatawanan pa ako ng mga barkada ko. Tama na iyong marunong ako mag basa, mag sulat at magbilang.  At yayaman talaga ako. Iyon ang sabi sa akin ni Aling Ising.”

“Si Aling Ising? Ang lasingerang manghuhula na nag titinda ng halamang gamot diyan ?  At naniwala ka na naman?” natawa pang tugon ni Danica kay Kaloy.

“Uy huwag mong ismulin si Aling Ising , sa kanya kaya galing ang numero ng lotto na nagpayaman kay Kentoy.”

“Eh kung totoong nahulaan niya iyon bakit di siya ang tumaya? Di sana siya ngayon ang may-ari ng buong palengke diyan. Kaloy, iba parin talaga pag nakapagtapos ka.  Mas liliwanag ang future mo. At mas mabibigyan mo ng magandang buhay ang magiging mga anak mo.”  Sabi pa ni Danica na seryusong nakatingin kay Kaloy.

“Di mo pa nga ako sinasagot, gusto mo na agad magka anak tayo.”

“Kaloy, gusto ko ng maayos na buhay, Ayuko na maging ganito na lang ako forever. Ayokong tumanda na nasa palengke parin ako at nagtitinda ng mga kamote at gulay ang magiging mga anak ko.”

Natahimik si Kaloy sa sinabi na iyon sa kanya ni Danica. Napayuko ito sa kanyang mga paa at tinitingnan ang paa nitong may mga bakas ng putik at lupa. Bumalik si Kaloy sa mga paninda nito at inaliw ang sarili sa pagtawag ng mga tao para bumili sa kanyang mga paninda.

Hindi na nito nakuha pang tumingin kay Danica, ramdam niya ang hiya. Alam ni Kaloy na siya ang pinaparinggan ng babae. Kaya nanliit talaga ito sa sarili. Sinuwerte at naubos Ang mga paninda nito Bago pa sila makabalik sa kanila. Bandang alas dos na ng hapon ng makabalik sila sa Sityo nila.

Sa kabila ng malaki ng kinita ni Kaloy, umuwi itong bagsak ang mukha. Matapos mai-abot ang pera sa Ina, pumunta ito sa ilog malapit lang sa kanila. Inabutan niya doon ang mga barkadang naliligo sa busay.

“Gib, diba may bahay kayo sa siyudad?” Tanong ni Kaloy sa kaibigan habang naka lublob ang mga ito sa ilog.

“Bahay ni Papa, hindi namin ni Mama. Bakit ba?”

“Patulong naman, gusto ko makapunta ng siyudad. Kaso wala akong alam doon. Samahan mo ako.”

Nagulat si Gib sa gusto ni Kaloy. Natawa pa ito dahil mukhang hindi seryoso ang mukha ni Kaloy nang sinabi iyon sa kanya.

“Ano ang gagawin mo doon? Magulo roon pare, maingay. At araw-araw kailangan mo mag trabaho para lang mabuhay. Walang silbi ang cellphone mo doon kung wala kang load. Dito bukod sa tahimik at sariwa ang hangin. Ang bagal ng oras dito, hindi mo kailangan mag pagod ng husto para mabusog. Magtanim ka lang o mamitas sa paligid, busog ka na. At hindi na kailangan ng wifi dito dahil ang daming puwedeng gawing libangan  dito sa atin. Ano ka ba?” Sabi pa ni Gib sa kaibigan.

“Gusto kong yumaman tol, At nasa siyudad ang suwerte ko.  Wala dito.” Anas pa ni Kaloy na napasandal sa malaking bato.

“Mas maraming pera dito sa bundok pare kumpara doon sa baba. Kaya nga hindi na ako pumayag kay Mama nang alukin niya akong bumalik doon. Pare, pagbutihin mo lang ang pagtitnda mo, aasenso ka diyan.” Ayon pa kay Gib, at lumangoy ito papunta sa  mga barkada pa nila.

Naiwan lang doon sa malapad na bato si Kaloy na nakasandal at iniisip ng paulit-ulit ang sinabi sa kanya ni Danica. Tinamaan talaga si Kaloy sa mga salitang nabitawan ng dalaga patungkol sa kanya.

Takip silim na nang umuwi si Kaloy, tahimik parin ito at tila nagmamaktol. Napansin ito ni Tessa na nagluluto ng ginataang labong na may talangka.

“Anong nangyari, matagal pa mag biyernes santo ah. Bakit parang may limang kilong kamote ang naka lambitin sa mukha mo? Napa-away ka ba?” Tanong ng ina.

“Nay ,gusto ko mag aral sa siyudad.” Sagot agad ni Kaloy.

“Mag aaral? Naku huwag mo nga akong biruin ng ganyan nak, dahil natatawa ako.”

“Seryoso ako Nay, gusto ko mag-aral sa siyudad.” Ulit pa ni Kaloy.

“Kaloy, hindi mo nga tinapos ang grade six kasi sabi mo tinatamad ka mag aral tapos ngayon,agad-agad gusto mo na. At sa siyudad pa talaga.  Tingin ko gutom lang iyan…tawagin mo na ang tatay mo at kakain na tayo.” 

Padabog na umalis si Kaloy para tawagin ang ama na nuoy nakikipag-inuman ng tuba sa mga kapwa nitong manananggot (tawag sa mga nangunguha ng tuba sa niyog).

Buong gabi na iniisip talaga ni Kaloy ang nangyari sa Bagsakan. Bawat salita na binigkas ni Danica, tumatak iyon kay Kaloy.

Sa kabilang side naman ng kuwento.

Ginabi na naman si Vince ng uwi, galing sa gala nila ng mga barkada nito. At tulad ng nakasanayan na nito, mga katulong na naman ang sumalubong sa kanya.

“Where are they, yaya? Sinabi ba nila kung saan na naman sila?” Tanong ni Vince kay Ponyang nang bumaba ito ng kotse.

“Hindi sinabi , pero sabi ng papa mo sir Vince tawagan mo daw siya agad pag dumating ka.” Sagot pa ni Ponyang na nag aalala sa alaga nito dahil pasuray-suray na ito kung lumakad papasok ng bahay.

“What for, for sure papagalitan lang ako nun. Sige na yaya, inaantok na ako. Pakisabi na lang kay Kuya Tipen na siya na mag park ng kotse ko.”  Sabi pa ni Vince at diretso akyat na ito sa kanyang silid.

Nang masigurong naka akyat na si Vince agad na tinawagan ni Ponyang ang ama ng alaga.

“Sir ,nandito na po si sir Vince at lasing. Ayaw niya daw po kayong makausap, inaantok na raw.” Sumbong pa ng yaya.

“Ok , Ponyang salamat. Ako na bahala sa kanya pag naka-uwi kami. Pakisabi kay Tipen na huwag ipagamit kay Vince ang dalawang kotse. Itago niya ang mga susi. Sumusobra na ang Bata na iyan.” Tugon pa ng amo.

Narinig ni Vince ang pag-uusap na iyon ng kanyang Yaya at ng papa niya. Nang sumilip ito mula sa hagdan. Rinig niya iyon, dahil sa naka speaker ang cellphone ni Ponyang. 

Napailing lang si Vince sa narinig na tila hindi naman apektado sa utos ng kanyang ama.

Solong anak si Vince, seventeen years old, Isang senior high sa isang exclusive school ng mga mayayaman. Madalas wala sa bahay nila ang mga magulang nito dahil sa kanilang mga trabaho. At tanging mga katulong at Yaya lang nila ang kasama lagi ni Vince.

Kung magkataon mang magtagpo ang kanilang mga landas sa bahay, puro bulyaw ,away at saway lang ng kanyang mga magulang ang naririnig nito.

Bumalik sa silid nito si Vince at tinawagan Ang kaibigan nitong si Nate.

“Dude late na, bukas mo na ako kulitin. Inaantok na ako.” Tugon ni Nate kay Vince.

“Huwag ako Nate, I know na nasa Cyber pa kayo, rinig ko pa ang tugtugan sa background.” Sabi pa ni Vince.

“Ok fine, yes dude ano ang kailangan mo. Kush? twisters? or what? Make it fast, may client pa ako na naghihintay sa akin.” Pagmamadali pa ni Nate.

“Pahiram ng pera,”

“The hell ,Dude. Is that you?  Si Vince Montiverde, manghihiram ng pera? Seryuso ka? Let me guess prank call ito nuh? I knew it , prank call nga ito. Sorry dude, but I’m busy. Wala akong time for this.” Ang natatawa pang reaksiyon ni Nate nang sinabi ni Vince na hihiram ito ng pera.

Kilala ng mga barkada ni Vince na super galante itong kaibigan. Sa yamang meron ito. Hindi problema kay Vince ang pera. Winawaldas nga niya lang ito sa kung saan saan. Dahil iyon ang paraan ni Vince ng pag rerebelde sa mga magulang.

“Tang Ina pare, seryuso talaga ako. I need money now. And don’t worry babayaran kita may interest pa.” Ayon pa kay Vince na naiinis na.

“Magkano?”

“200,”

“That’s too much dude, para saan ba iyan? “ Gulat na tanong pa ni Nate sa laki ng pera na hihiramin ng kaibigan.

“Lalayas ako, gusto ko pag balik nila papa ,wala na ako dito. Hindi ko gagalawin ang funds ko, para iisipin nila na nawawala ako. So ano pare, papahiramin mo ba ako?” Sabi pa ni Vince.

“Wala akong ganyan ka laking amount dude. Pasensiya na.”

“Ok, tatawagan ko na lang sina tito, sa dad mo na lang ako hihiram ng pera, tapos sasabihin ko na din sa kanila kung ano ang extra curricular activities ng kanilang butihing anak. Sige pare thank you na lang.”

“Lang hiya ka talaga, Sige magkita tayo dito sa coffee shop malapit sa Cyber. Pasalamat ka at bultuhan ako ngayon. “ Napapayag din si Nate dahil sa pang blackmail ni Vince sa kanya.

Tumakas ng bahay nila si Vince nang hindi nalalaman ng mga katulong at mga kasamahan nila sa bahay. Sinakto din nitong nag iikot-ikot ang guard ng lumabas ito ng gate.

Sakay ng taxi pinuntahan agad ni Vince si Nate na noon nag hihintay na sa kanya sa kanilang tagpuan. Inabot ni Vince kay Nate ang mamahaling cellphone nito. Matapos maibigay sa kanya ng kaibigan ang hiniram nitong pera.

“Ano ito?” Pagtatakang tanong ni Nate.

“Collateral, mamahalin iyan ha. Sobra pa iyan dito sa hiniram ko.“saad ni Vince

“paano ang gamit mo? Ikaw pa naman na palaging babad sa mga social accounts mo.” tanong pa ni Nate.

“I have my extra. Siya nga pala pare, pakiusap lang,  baka tanungin ka ni Mama. Tumanggi ka na lang. I-deny mo na nagkita tayo.“sabi pa ni Vince.

“Siyenpre naman uy, ipapahamak ko pa sarili ko sa kalokohan mo. Teka dude, what’s really your plan ba?. Lalayas ka ba talaga? Paano na schooling mo?” Tanong pa ni Nate.

“Who cares? Feel ko pa nga mas sasaya pa buhay nila pag lumayo na ako. Wala na silang poproblemahin.” Sagot ni Vince, at umalis din agad ito bitbit ang Isang malaking bag. Sumakay agad ito sa humintong taxi.

Napakamot na lang sa batok nito si Nate habang pinagmamasdan ang papalayong kotse.

Sunod na kinulit ni Vince, ang isa pa niyang kaibigan na may rent a car business, at nanghiram doon ng kotse na siyang gagamitin nito sa kanyang balak na paglayo.

Trip

Sakay ng kanyang sinasakyang kotse, tulala lang si Vince na binabaybay ang highway palawpbas ng city habang nagpapa-sound trip. Maluwang ang daan kaya mabilis ang takbo ng kotse nito. Ginabi na ito masyado sa daan at wala parin itong saktong direksyon kung saan ito tutungo. Napatigil ito sa isang bar na nasa gilid ng highway sa bungad ng unang bayan sa labas ng siyudad.

Solo ito sa isang sulok ng bar at nagpapaka-senti habang nakikinig ng acoustic band na tumutugtog ng mga sandaling iyon. Nag nakatutok din ito sa kanyang cellphone habang hinihintay ang tawag ng mga magulang, nang malaman man lang nito na nagaalala rin ang ito sa kanya. Pero lumipas lang ang oras na wala man lang tugon mula sa magulang.

“Kuya wala bang malapit na hotel O lodge man lang dito na maari kong natuluyan ngayong gabi?” tanong ni Vince sa tindero ng isaw sa labas ng bar.

“Walang hotel O lodge dito sa lugar na ito. Meron dito ,mga resort pero masyado nang gabi ngayon malamang wala ng bukas, kahit pang overnight.” sagot ng lalake kay Vince.

Inaantok na ito at pagod na sa biyahe. Kaya napilitan itong maghanap ng lugar at magtiis na magpalipas ng gabi sa kanyang sasakyan. Hindi naman ito lumayo sa bar na iyon. Tumabi ito sa kalsada at doon pumarada.

Nagising na lang ito kinaumagahan ng madaling araw sa ingay ng mga tao sa labas ng kanyang sasakyan. Madilim pa ang buong paligid dahil mag-aalas kuwatro pa lang ng umaga nun. Nang sumilip ito, isang jeep pamasada ang tumagilid sa gilid ng highway at nagkalat pa sa daan at paligid nito ang mga kargang mga prutas,gulay at mga manok. Nag aayos ito ng sarili nang may kumatok sa kanyang bintana. Isang lalake na ka-edad lang nito ang nakikisuyo sa kanya. Agad naman binuksan ni Vince ang bintana ng kanyang kotse.

“tol may telepono ka ba diyan? Patulong naman tumawag ng rescue,na disgrasya kasi kami at mga nadaganan pa sa mga kasamahan ko.” pakiusap ng lalake na may gasgas din sa nuo.

Agad namang kumilos si Vince, lumabas ito ng kanyang sasakyan habang tumatawag ng rescue. Ilang saglit pa dumadami na ang mga tao sa paligid. May mga dumating narin na ambulansya, pulis mga taga media. Hindi na nakita ni Vince ang lalakeng humingi sa kanya ng tulong. Pabalik na ito sa kanyang sasakyan nang may tumawag sa kanya. Napalingon naman si Vince at napahinto ito nang makita ang lalake na kumatok sa kanyang kotse. May plaster na ito sa kanyang nuo at nalapatan na rin ng first aid ang galos nito sa mukha.

“Hi, ayos ka lang?” tanong ni Vince sa lalake.

“Mahapdi lang ng kunti ang mga galos pero ok naman. Siya nga pala salamat sa pagtawag ng rescue. Ako nga pala si Kaloy.” tugon ni Kaloy kay Vince at nakipag kamay ito.

“Vincent pare.” pakilala naman ni Vince kay Kaloy.

Mula sa simpleng pagpapakilala sa isa’t isa hanggang sa napahaba ang usapan ng dalawa. Sa maikling minuto lang nalaman ni Vince ang trabaho ni Kaloy at kung bakit napasama ito sa jeep na naaksidente. Naramdaman nang panghihinayang si Vince nang malaman kay Kaloy na nasira ang halos karamihan sa mga ititinda niya pa sanang gulay. At hindi na rin ito makakatuloy sa pagpunta nito sa siyudad para doon sana magbenta.

“Ibig sabihin uuwi kang walang wala sa inyo ganun?” tanong pa ni Vince kay Kaloy.

“Ano pa nga ba. Mag aabang na nga rin lang kami ng bus paakyat sa amin dahil hindi na magagamit ang jeep. Malas talaga, kung kelan chance ko na sana makababa ng siyudad tsaka pa nangyari ito sa amin. Mukhang hina-harangan talaga ng tadhana ang mga plano ko.” tugon ni Kaloy na dismayado dahil sa naudlot ang plano nitong mag-paiwan sana sa siyudad.

“Malayo pa ba rito ang sa inyo? Kung gusto mo ihahatid na lang kita sa inyo.” pag-alok ng tulong ni Vince.

“Subrang layo mula dito, tapos bundok na talaga ang sa amin. Liblib masyado.“ayon kay Kaloy

“Ayos lang, pang rough road itong sasakyan na dala ko. Full tank , kayang-kaya nito ang mahaba-habang trip. At isa pa gusto ko mag explore, pumunta sa mga lugar na hindi ko pa napuntahan. Payag ka?” Sabi pa ni Vince.

“Ikaw, kung hindi abala sa iyo. Tatanawin kong malaking tulong ito kung maihahatid mo ako sa amin ng libre. Pero pa’no ang mga karga kong gulay, baka mangamoy itong sasakyan mo?” saad pa ni Kaloy.

“Iwan mo na lang ang iyon, at ibigay sa mga tumulong sa inyo kanina. Magkano ba lahat kung naibenta mo lahat iyon?”

“tatlong libo.”

“Bibilhin ko ng five thousand lahat dalhin mo lang ako sa inyo.”

Sa laki ng offer ni Vince hindi na tumanggi si Kaloy, pumayag ito sa deal ni Vince. Para naman kay Vince, pagkakataon niya na iyon para makalayo ng husto sa tinatakasang stress sa buhay. Naging komportable na ang dalawa sa isa’t isa. Pakiramdam pa nga ni Kaloy parang matagal na silang magkakilala ni Vince. Dahil sa kabila ng katayuan nila sa buhay. Hindi kinakitaan ni Kaloy si Vince ng kaartehan sa katawan. Giliw na giliw pa nga ito sa mga kuwento ni Kaloy sa kanya. Malayo talaga ang lugar nila ni Kaloy, kaya maliwanag na ang paligid nasa daan parin sila. Wala naring signal sa bahaging iyon.

“Ayos lang ba na mag pa sounds tayo pare?” Tanong ni Vince kay Kaloy.

“Ikaw bahala, ayos lang naman sa akin.” sagot ni Kaloy na nahiya pa dahil sa kanya pa mismo nagpapaalam si Vince, ganung nakikisakay lang naman ito sa kanya.

“May mga chips ako diyan at chocolates kung gusto mo. Kuha ka lang pare, Nag vi-vape ka ba?”

“ano iyon?” tanong ni Kaloy kay Vince.

“parang yusi, sigarilyo parang ganu’n pero electronic. Kasi if you do,may spare ako diyan, bigay ko sa iyo.” tugon ni Vince.

“Hindi ako nag bibisyo pare.” sabat pa ni Kaloy.

“Bait mo naman pare, bakit ayaw ni GF ng mabisyo? Naku pare, hindi tayo dapat nagpapa-under sa mga babae na iyan. Mga accessories lang sila sa buhay natin. Kaya naman nating mabuhay na wala sila. Kaya bakit naman tayo magpapakontrol sa mga kapretso nila. Kung mahal tayo ng babae, tatanggapin nila tayo ng buo, may pagkukulang man tayo o wala. Kaya ako, hihintayin ko na lang ang taong nakakaintindi at nakakatagal sa akin. Kahit sino pa iyan.” saad ni Vince.

“Kahit bakla?”

“kahit pa, at wala namang prescribe gender sa nagmamahalan. Hindi garantiya na pag sa opposite ka na hulog magiging happily ever after na ang life story niyo. Walang ganun pare. Parents ko , makasalo nga sa iisang bubong pero magkahiwalay naman ng kama.” Katuwiran pa ni Vince.

Naging ganun ka lalim ang mga napapag-usapan ng dalawa habang ini-enjoy ni Vince ang long ride at ang mga nakakapigil hiningang scenic view ng lugar. Wala pa sila sa kalahati ng daan papunta sa baryo nila ni Kaloy, pero sa ganda ng mga nakikitang tanawin ni Vince, pakiramdam nito nasa labas na ito ng Pilipinas. Si Kaloy naman nagmistulang tour guide ni Vince ,sa bawat site kasi na madaanan nila, nagkukuwento si Kaloy ng mga stories behind ng mga spot na kina aaliwan ni Vince.

May pagkakataon pa na bumababa ang dalawa para mag selfie sa bawat stop over nila. Subrang naaaliw si Vince sa lugar. Sa buong buhay niya ngayon lang ito nakaramdam ng lihitimong saya, iyong sayang hindi pilit, at mga ngiting kusa na lang lumalabas at hindi sadya.

Maging si Kaloy na pabalik-balik na sa lugar na iyon, ngayon lang din na appreciate ang ganda ng kanilang lugar. Sa tuwing dumadaan siya kasi doon, hanapbuhay at kikitaing pera ang laging laman ng isip niya at hindi ang ganda ng paligid.

“Ngayon ka lang ba nakapunta sa ganitong lugar?” tanong ni Kaloy kay Vince nang huminto sila saglit upang namnamin ang pinamamalas na kagandahan ng lugar.

“Never pa ako naka-experience ng ganitong nag out of town ng solo. Mahilig ka kami mag beach ng barkada, tumawid ng isla pero hindi ganito ang saya na nararamdaman ko ngayon. Ngayon lang ako sumaya ng ganito na walang filter pare.” sagot ni Vince.

“Ako din, ngayon ko lang na appreciate ang lugar ko. Maganda pala.” wika pa ni Kaloy.

“Sobrang ganda pare, Para tayong napagitnaan ng bundok at dagat. Hindi ako nagsisisi na inalok kita ng ride. Salamat sa experience pare.” sambit ni Vince at napa-akbay pa kay Kaloy.

Matapos ang kaunting pahinga nagpatuloy ang biyahe ng dalawa, hanggang sa narating na nila ang lugar nina Kaloy. Ngunit ang buong akalang tapos na ay hindi pa pala dahil mula sa highway may papasukan pa silang daan patungo talaga sa pinaka baryo nila ni Kaloy.

Alas nuwebe na ng umaga ng marating nina Vince ang lugar ni Kaloy. Dahil magara ang sasakyan ni Vince naging takaw pansin ito sa mga tagaroon. Hindi kita mula sa labas ang nasa loob ng sasakyan kaya marami sa mga kapitbahay at ka-baryo ni Kaloy ang nagtataka sa kanilang pagdating. Lalo na ang ina ni Kaloy na si Tessa. Dahil sa mismong bakuran nila huminto sina Vince.

Pagkababa nang dalawa sa sasakyan ni Vince,agad silang pinagkaguluhan ng mga tao. Kitang-kita pa sa reaksiyon ni Aling Tessa ang subrang pag-aalala nang makita ang anak na may plaster sa nuo at may mga galos sa mukha. Agad niyang nilapitan si Kaloy at tinanong agad tungkol sa nangyari. Napaiyak na lang si Tess sa sinapit ng anak at napayakap na lang dito.

“Sino naman siya anak?” tanong ni Tess kay Kaloy.

“si Vincent,bagong kakilala.Siya ang tumawag ng rescue. Inalok narin ako ng tulong para maihatid dito ng libre.” pakilala pa ni Kaloy kay Vince sa ina.

“Magandang umaga po tita, Vince po.” tugon ni Vince at nag mano ito kay Tess.

“Naku, maraming salamat sa tulong sir, pumasok muna kayo sa munting bahay namin nang mai-alok man lang kita kahit kape.” sabi ni Tess.

Hindi na tumanggi si Vince at sumama na ito sa mag-ina sa loob ng kanilang bahay. Gawa man sa nipa, kawayan at amakan ang bahay nina Kaloy, may kaluwagan naman ito at maayos. Malinis at organisado. Nakipag kape sa kanila si Vince at nakipag kuwentuhan nang dumating ang tatay ni Kaloy galing sa kanilang maliit na bukirin. Naki mano sa tatay ni Kaloy si Vince. At sa unang pagtatagpo nila,napansin agad ni Vince ang malaking pinagkaiba ng pamilyang meron siya sa pamilya ni Kaloy. Simple,payak at walang luho man ang pamilyang meron si Kaloy pero halata sa kanila ang pagmamahalan at pagpapahalaga sa isa’t isa. Kabaliktaran sa kinalakihan nitong buhay. Busog man sa yaman at karangyaan, wala naman sa mga iyon ang hinahanap nitong pagmamahal. Simula kasi nang magka-isip si Vince ,yaya at mga katulong nila ang kinamulatan nito at nakasanayan. Maging sa mga mahahalagang bahagi ng kanyang buhay tulad ng family day, graduation,o birthday laging wala ang mga magulang nito. Kung hindi busy sa trabaho at negosyo ,nasa mga business meetings at gathering ang mga ito. Napupunan lang ang kanilang pagkukulang sa anak sa mga mamahaling regalo na binibigay nila kay Vince. Kaya lumaki si Vince na mas malapit pa sa yaya at mga kasambahay kumpara sa mga magulang. At lalong tumindi ang naramdamang frustration ni Vince nang malaman nitong hiwalay na ang kanyang mga magulang. At nagsasama lang sa iisang bubong for the sake of kahihiyan. Nais din kasi ng mga magulang ni Vince na magmukhang perfect family parin sila sa paningin ng ibang tao, kahit na ang totoo matagal na silang wasak.

Sa parte naman ng buhay ni Kaloy, wala naman itong problema sa magulang, ang hinaing lang naman nito ay kung bakit isinilang siya sa mahirap na buhay na sa murang edad kinailangan niya nang mag banat ng buto upang makakain at nakabihis ng maayos. Kahirapan at pagod ang isa sa mga personal na rason ni Kaloy kung bakit ito huminto ng pag-aaral. At pinangarap ang buhay sa siyudad. Naniniwala kasi ito na nasa siyudad ang kanyang pag asenso.

Pinaghanda si Vince ng nanay ni Kaloy ng tinolang native na manok, at mga sariwang prutas mula sa mismong bakuran nila.

“Nakakatuwa naman kayo, nag-abala pa talaga kayo para sa akin ,tito, tita “

“Ngayon lang kami nagkaroon ng bisitang taga siyudad at mayaman pa, nakakahiya naman kung papabayaan ka lang namin. At ganito talaga kami rito sa mga bisita namin. Kaya feel at home, Vincent” tugon ni Tess.

“Mukhang mawiwili nga ako sa lugar niyong ito tita. Kung puwede nga lang tumagal pa dito sa inyo balak ko po sana magbakasyon muna rito.” parinig pa ni Vince.

“Naku walang problema dito iyan sir, ang tanong ay kung sanay ka ba sa buhay namin dito?” sabat pa ng tatay ni Kaloy.

“Cowboy ito tito, at sanay ako maki-ayon sa mga bagay na bago sa akin. Challenge nga iyon sa akin at game ako lagi sa ano mang challenge tito.” Ang masayang wika ni Vince.

“Sure ka pare? Wala kaming libangan dito ng tulad sa inyo, ang TV namin iisang chanel lang malabo pa.” ani pa ni Kaloy.

“Hindi naman ako mahilig manood ng tv pare.” tugon ni Vince.

“walang signal ang cellphone dito.”

“ayos lang wala namang may nag-aalala sa akin pare. At wala naman akong ka text o katawagan lagi, kaya wala akong paki sa signal pare. Ok nga iyon kasi makakapagpahinga ang phone ko.”

“wala ditong wifi pare.”

“As long may battery ang phone ko, kahit walang wifi ayos lang. Tsaka na ako mag upload ng mga memories ko dito kapag nakauwi na ako sa amin. Nakita ko namang may kuryente kayo dito, ayos na sa akin ito.” saad pa ni Vince.

“walang ibang alak dito kung hindi tuba at lapad pare, baka hindi ka sanay.”

“pare, baka ito na ang chance para baguhin ko na ang lifestyle ko. At sigurado akong matutulungan mo ako sa bagay na iyon. Kaya ayos lang kahit walang alak muna sa dugo ko.” nakangising sagot ni Vince.

Dinaot man ng husto ni Kaloy ang lugar nila, hindi iyon nagpabago sa pasya ni Vince na magbakasyon sa kanila. Wala namang pag-aalinlangan ang mga magulang ni Kaloy na pumayag sa balak ni Vince. Sa katunayan masaya sila na may isang tulad ni Vince ang gustong makisalamuha sa kanila.

Nang lumabas saglit ng bahay si Kaloy, nilapitan ni Vince si Tess at may inabot ito rito na ikinagulat ng mag-asawa.

“ang laki naman nito Vincent, para saan ba ang perang ito?” tanong ni Tess.

“Bayad ko po tita sa pag stay sa inyo ng mga ilang araw. At pasasalamat na rin sa pagpayag niyo na magbakasyon muna dito.” sagot ni Vince.

“Hindi mo na kailangan magbayad sir, maari kang magbakasyon dito hangga’t kelan na gusto mo. Mukhang mabait ka namang bata at magkasundo naman kayo ni Kaloy namin kaya walang problema sa amin.” sabat pa ng tatay ni Kaloy.

“Eh di putok ñgamitin niyo na lang ang pera na iyan sa pag stay ko para naman kahit papano makakagaan naman ako sa pang araw-araw niyo.“ayon pa kay Vince.

Sa tanang buhay nilang mag asawa ngayon lang sila nakahawak ng ganong kalaking pera kaya masayang masaya ang mga ito sa natanggap mula kay Vince.

Iyon ang simula ng buong araw  ni Vince na kasama si Kaloy sa lugar nilang iyon. isang simula na siyang magbubukas ng panibagong karanasan ng dalawa sa mundong ngayon lang nila madidiskubre.

FIRST TIME

Katanghalian ng mga oras na iyon nang magpasya si Tess na ipagluto ng tinolang manok si Vince. Inutusan nito ang asawa na ihuli ito ng manok sa silong. Naaliw naman si Vince habang pinagmamasdan ang tatay ni Kaloy na namimili ng mga manok na iluluto.

“Ang galing naman dito sa inyo pare. Sa supermarket ng mall sa siyudad three forty agad ang kilo ng karne ng manok. Tapos ilang piraso lang iyon. Tsaka hindi mo pa alam kung fresh from the farm ba talaga iyon o fresh from the freezer. Sa inyo, kaunting habulan lang sa silong may manok ka ng buo. Ang maganda dun alam mo talagang fresh kasi buhay.”  Komento pa ni Vince habang nanonood sa tatay ni Kaloy sa silong.

“Gusto mo ng fresh pare? Halika sa gulayan namin. Mas maraming fresh dun. Doon tayo kukuha ng mga gulay at sangkap na gagamitin natin para sa masarap na tinola ni nanay Tess.” Napangiti namang bida ni Kaloy sa bagong kaibigan.

“Ayos lang sa iyo pare? Hindi ba masakit ang sugat mo?” Tanong bigla ni Vince na bahagyang nag-alala sa binata.

“Ayos lang ito pare, kaunting galos lang ito. Halika na sa gulayan nang masimulan na ni nanay ang tinola niya. Tiyak makakalimutan mo nang umuwi sa inyo kapag natikman mo ang tinolang gawa ni nanay pare.”

“Talaga ba? Hindi pa man pero parang naaamoy ko na ang bango ng tinola.”

Binaybay nila ang daan sa likod bahay nila Kaloy patungo sa malawak na gulayan ng mga magulang nito. Doon halos lahat ng mga gulay sa bahay kubo meron sila. Pero ang star talaga sa kanilang taniman ay mga petchay at talong na sakop nun ang mahigit sa kalahati nilang lupain. Nawili si Vince sa kakapitas ng mga kakailanganin nilang sangkap. Mula sa papaya, sili, kamatis at kung ano-ano pa. Sa pagpunta pa lang sa gulayan nila Kaloy pakiramdam ni Vince isang unwanted experience na ang na unlock nito. Tumulong din ito sa kusina. Sa paggagayat ng mga sangkap. Sanay na sa ganun si Vince dahil madalas na iyon ang bonding nila ng kanyang yaya sa kanila. Ang magluto ng kung ano-anong request nito.

Mahilig sa kusina si Vince, at napansin iyon ni Tess. Bagay na hindi naman hilig ni Kaloy. Taga tikim at kain lang kasi ito. Iba ang gusto ni Kaloy na gawin. At iyon ay ang magtrabaho, magbenta at magbilang ng pera na kinikita nito tuwing sumasama sa tabu-an. Kaya nga siya ang inaasahan ng mga magulang nito sa kanilang negosyo dahil magaling sa kuwentuhan at diskarte sa pagtitinda si Kaloy. Taliwas naman kay Vince na walang hilig sa negosyo. Para sa kanya nakaka-stress lang ang ganun.

Habang kasalo sa pananghalian ang pamilya ni Kaloy, hindi maiwasang mainggit ni Vince lalo na ng makita pa nitong nagkukulitan ang tatlo habang nagbibidahan sa hapag kainan. Napansin ni Tess ang lungkot sa mga titig sa kanila ni Vince sakabila ng matamis nitong ngiti.

“Kain pa Nak Vince, magpakabusog ka. Itong adobong dabong masarap din ito, tsaka itong atsara ko. Tikman mo.” Alok pa ni Tess, mabasag lang ang iniisip ng binata.

“Huwag kang mahiya pare, habang nandito ka sa amin bubusugin ka namin sa mga pagkaing dito mo lang matitikman. Kain pa pare, para sa iyo itong lahat ng niluto ni nanay.” Dugtong pa ni Kaloy.

“Mukhang tataba nga ako rito sa inyo pare, ang sasarap ng mga pagkain niyo dito. Bukod sa natural ang lasa, sariwa pa.” Napangiti namang tugon ni Vince sa mga ito.

Unang araw pa lang ng binata sa lugar nila ni Kaloy ngunit marami ng na-realized ni Vince sa buhay. Na hindi lahat ng bagay sa mundo napapalitan ng garbo at luho na dulot ng pera. Ang simple at payak na buhay ng pamilya ni Kaloy ay sapat na upang ikumpara nito ang layo-layo ng agwat sa kinagisnan nitong pamilya at buhay. Matapos ang nakakabusog na pananghalian, ay niyaya naman ni Kaloy si Vince sa tambayan ng mga barkada nito.  Sa tabing ilog kung saan madalas sila naliligo at nagpapalipas ng buong araw kapag walang klase at trabaho.

May maliit na dampa roon na nagsisilbing pahingahan nila ni Kaloy. Wala roon ang mga barkada nito ng mga sandaling iyon. Kaya tahimik ang dampang tambayan nila. Takaw pansin ang ganda ng paligid at nakaka-tukso ang mangasul-ngasol na tubig ng ilog nito. Marami namang katulad na ganu’ng lugar napuntahan si Vince, ngunit iba ang bigay na saya ng ilog na iyon para sa kanya.

“Daig mo pa ang ngayon lang nakapunta ng ilog ah., Hindi ba uso sa mga tulad niyong mayayaman ang mamasyal sa lugar na tulad nito pare? Ang surreal ng reaksyon mo, pagkakita mo sa ilog namin.”  Puna pa ni Kaloy nang napangiti sa reaksiyon ng mukha ni Vince.

“Surreal talaga?(Vince chuckled)

“Hindi ko alam na gamit din pala sa inyo ang word na iyan pare., But yeah,…tama ka, ang surreal talaga ng feeling ko ngayon habang nakatayo lang dito. Parang ito iyong ini-imagine kong tagpo noong bata pa ako. Maraming ilog na akong napuntahan dito sa Pilipinas ngunit hindi ganito ang pakiramdam nun. Ang swerte mo pare at dito ka lumaki.” Tugon ni Vince sabay tapik sa likod ni Kaloy.

“Nasabi mo lang iyan pare kasi hindi ka dito isinilang at nagkamalay. Mukhang maganda lang ang lahat sa unang tingin, ngunit kung nakasanayan mo na, masasabi mo rin na mahirap din pala ang ganitong buhay.” Ayon naman sa perspektibo ni Kaloy.

Dalawang nilalang na hinubog mula sa magkasalungat na mundo. Isa nais ng simpleng buhay na masaya at malaya. Habang pangarap naman ng isa ang makaahon sa hirap at salat na buhay na malayo sa kinamulatan. Dalawang binata na ang tanging gusto lang sa sarili ay ang maabot ang ninanais na pangarap. Naupo sa dampa ang dalawa at seryosong pinag-uusapan ang kanilang mga karanasan sa buhay.

Hindi sanay sa seryosohang usapan si Vince kaya niyaya nito si Kaloy na maligo sa ilog. Ayaw na ayaw ng binata ang madramang tagpo. At upang kumambiyo ang tema ng kanilang sandali, agad itong nag hubad ng kanyang suot at wala itong itinira na kahit ano maging ang suot na brief.  Sanay naman si Kaloy na makakita ng kapwa niya binata na hubo’t hubad kung maligo sa ilog dahil ganun din naman silang magbabarkada tuwing maliligo sila roon. Ngunit nagulat parin ito sa ginawa na iyon ni Vince sa kanyang harapan. Hindi kasi nito inakalang ganun ka confident ang binata na magpakita ng kanyang tinatagong pag-aari sa tulad niya na kabagu-bago pa lang niyang kakilala.

“Ano pa ang hinihintay mo pare,…hubad na at sabayan mo ako rito! Ang sarap ng lamig ng tubig. Halika! Paunahan tayo sa gitna. Pag naunahan mo ako sa malaking bato na iyan,…bibigyan kita ng isang libo, pero kung ako ang makauna dun, magiging personal tour guide kita dito sa inyo habang nandito ako!” Pang-hahamon ni Vince na pakampay-kampay na sa tubig.

“Ihanda mo na ang isang libo pare dahil nagkakamali ka ng hinahamon!” Ang nakatawang tugon naman ni Kaloy na mabilis naman nag hubad ng kanyang mga suot sa katawan.

Hindi nga umurong sa hamon ni Vince si Kaloy at sineryoso talaga ang biro ng isa. Nang tumalon ito sa ilog, agad itong kumampay papunta kay Vince. Nag-aabang naman sa kanya ang nauna. Nang magsimula ng lumangoy ang dalawa, todo tawanan pa ang mga ito na tinutumbok ang tinutukoy na bato sa gitna ni Vince. Magaling si Kaloy at sanay na ito sa ilog ngunit hindi nito natalo si Vince na nauna sa minarkahan nilang dulo.

Agad na sumampa sa bato na iyon si Vince at napatayo roon habang nakapamewang na inaasar si Kaloy na patuloy parin sa paglangoy papalapit sa kanya. Animoy isang nililok na estatwang hubad si Vince na nakatayo mula sa malapad na batong iyon. Hindi naman makatingin ng diretso si Kaloy sa ayos ng kaharap.

“Bumaba ka nga diyan pare, ang sagwa mong tingnan. Pati iyong ano mo tila naka-belat pa sa akin.” Wika ni Kaloy sabay hampas ng tubig sa kay Vince.

“Huwag kang loloko-loko dito sa titi ko pare, ilang kuweba na ang nagalugad nito. Marami nang babae ang pinaiyak nito at pinatirik ang mata sa sarap.” Sabi naman ni Vince sabay himas sa leeg at ulo ng kanyang lawit sa baba.

“Gagi…ibig mong sabihin nakabuljak ka na ng ano ng babae pare?” Ang gulat na reaksyon ni Kaloy sa ibinida ni Vince.

Napaupo si Vince at natawa sa reaksiyon ng mukha ni Kaloy. Sinamahan nito sa ang isa sa tubig tsaka nilapitan nang mas malapit pa. Na halos magkadikit na balikat ni Kaloy sa dibdib nito.

“Bakit pare,..ikaw hindi pa? Kahit isang beses?” Mahinang tanong ni Vince sa kaharap.

Napailing lang si Kaloy na tila nahiyang tumugon sa tanong sa kanya ni Vince. Napaatras ito sa binata at napasandal sa malapad na bato.

“The f*ck pare, ibig sabihin sa edad mong iyan virgin ka pa?” Ang tawang-tawa na pang-aasar ni Vince.

“Kay Danica ko lang kasi balak ialay itong pagkalalaki ko pare. At si Danica lang ang nag-iisang babae na minahal ko ng todo.” Tugon ni Kaloy na biglang sumeryoso ang mukha at tubo ng pananalita.

“Eh talagang hindi ka makakabungkal ng maraming kanal niyan pare. Eh sa iisang babae lang pala umiikot ang utog mo. Ilang buwan na ba kayong magjowa ng Danica na iyan?” Tanong ni Vince.

“Hindi ko pa nga nililigawan eh, at mukhang malabo na kasi luluwas na siya ng Maynila sa susunod na Linggo.” Sagot ni Kaloy.

Lalong humagalpak sa kakatawa si Vince sa sinabi ni Kaloy. Tuloy , napukol ito ng pang-aasar ng isa. Hindi naman napikon doon si Kaloy sa halip mas inggit ang nanguna sa nararamdaman niya sa mga kuwento ni Vince sa kanya. Hindi na nagtagal pa ang dalawa sa ilog at nagpasya ang dalawa na doon na lang ituloy ang kanilang kuwentuhan sa lilim ng dampa sa tabing ilog.

“Next month eighteen ka na at magka birth month pa talaga tayo. Mukhang inadya talaga tayo ng tadhana na pagtagpuin sa araw na ito pare. Di kaya…tayo talaga ang mag soulmate sa past life natin?” Sambit ni Vince nang malaman ang kaarawan ni Kaloy.

“Gago baliw,…parehas tayong lalake tapos soulmate? Hindi porke’t virgin ako sa pu-ki ibig sabihin bakla ako. Straight na lalake itong katabi mo pare. Straight , tuwid at matikas na lalake.” Biglang depensa naman ni Kaloy sa sinabi ni Vince.

“Hindi ko naman sinabi na bakla ka. At wala naman sa gender ang pagkakaroon ng soulmate pare. Hindi naman ibig sabihin na pag soulmate mo ang isang tao eh magiging karelasyon mo na. Siguro in some cases. Pero kuwan kasi may mas malalim na kahulugan ang salitang soulmate. At malalaman mo lang daw iyon na ka soulmate mo ang isang tao, kung unang pagkikita niyo pa lang may spark na agad kayo. Tipong may koneksyon kayo agad tapos mari-realize mo na lang na tila ang gaan ng pakikitungo niyo sa isa’t isa. Na para bang matagal na kayong magkakilala kahit ngayon lang kayo nagkita.”  Paliwanag pa ni Vince.

Tumugon ng ngiti si Kaloy kay Vince at napailing na lang ito. Muli nilang napag-usapan ang naging mga karanasan ni Vince sa mga babae. Interesado si Kaloy sa mga pagbibida sa kanya ng isa. Doon napagtanto ni Vince na marami na pala itong nagawang mali sa buhay. At kinalungkot niya iyon. Magkasing edad lang sila ni Kaloy ngunit pagdating sa karanasan sa buhay higit na mas mayaman parin ang naranasan ni Kaloy kumpara sa kanya. Sa edad ni Kaloy, kaya na nitong buhayin mag-isa ang sarili. Responsable at may diskarte. Di tulad niya na puro pagrerebelde ang kinahuhumalingan. Kulang na nga sa aruga ng mga magulang sakit pa sa lipunan.

Ibang-iba ang kinikilos ni Vince sa dating siya sa piling ni Kaloy.

Sa kina-sanayang buhay, kilala si Vince na bad boy at f*ckboy ng kanyang mga barkada, kaeskuwela at ng mga nakakakilala pa sa kanya. Ngunit naisantabi niya iyon nang makilala si Kaloy at marating nito ang lugar ng binata.

“Ang swerte mo pare, biro mo seventeen ka pa lang pero labing limang pukiko na ang binaunan  mo ng iyong tubo. Hindi pa kabilang dun ang mga pukiko ng mga pawarat na babae na sabi mo. Ang sarap siguro magbuhay mayaman. Lahat magagawa mo na hindi mo na kailangan pa magpakapagod sa kakabungkal ng lupa, kakasigaw ng paninda para lang magkapera.” Wika ni Kaloy na nakatingala sa mga ulap sa langit habang nakahiga ito sa lapag na nakadagan ang ulo sa mga nakataas na braso.

“Masarap kapag may pera pare. Tama ka magagawa mo lahat kung may pera ka. Mabibili mo ang lahat ng gusto kapag makapal ang wallet mo. Pero hindi ko naman pera lahat ng iyon pare. Sa parents ko iyon at nilulustay ko lang sa mga walang kuwentang luho at bisyo dahil sa pagrerebelde sa kanila.  Sila ang nagpapakapagod para magkaroon kami ng pera at yaman. Hindi nga lang sila nagbubungkal ng lupa at nagtitinda ng mga gulay. Pero sinasabi ko sa iyo pare, kung wala ka’ng sipag at kilos, hindi ka yayaman gaya ng inaakala mo. At least ikaw alam mo na kung paano buhayin ang sarili mo. Di tulad ko…umaasa lang sa bigay ng parents ko sa akin. Kaya mas maswerte ka pare.” Tugon naman ni Vince na napahiga narin sa tabi ni Kaloy at nakikinood sa mga naghahabulang mga ulap sa    kalangitan.

Marami pang napagkuwentuhan ang dalawa at sa mga pag-uusap na iyon mabilis na nagkapalagayan ng loob sina Vince at Kaloy. Umusad ang oras hanggang sa sumapit ang gabi. Habang abala si Kaloy sa pagtulong sa ina sa kusina, nasa kotse naman nito si Vince. Nakaupo lang ito sa driver seat nagmumuni-muni habang pinagmamasdan ang hawak na cellphone. Wala ngang gaanong signal ng network sa lugar nila ni Kaloy. Gayunpaman makakatanggap pa rin naman ito ng text o tawag. Ngunit wala talaga itong natatanggap na kahit isa mula sa mga magulang nito. Kahit sa yaya niya man lang.

Tinuon na lang ni Vince ang kanyang nararamdamang inis sa pagpapausok ng baon nitong vape. Mula sa kanyang puwesto sa loob ng kotse, tanaw nito ang mag-inang Kaloy at Tess na nagkukulitan habang gumagawa ng mga gawaing bahay. Bakas sa reaksiyon ni Vince ang inggit.

Samantala sa iniwang tahanan nito, wala man lang bakas ng pag-aalala sa mukha ng ama nang malaman nito ang ginawa ni Vince. Maging ang ina nito ay wala man lang aksiyon na ginawa, sa halip naging rason pa iyon ng sisihan ng dalawa.

“let him! I’m sick of your son’s disrespect! Bahala siya sa buhay niya, tingnan ko lang kung hanggang saan aabutin ang katigasan ng sungay ng anak mo!” Bulyaw ng lalake sa asawa nito.

“Anak ko?…that’s your son too Hernan! At alam mo na nagmana lang iyon sa iyo! Dahil sa kawalan mo ng oras sa pamilyang ito kung bakit nagkakaganyan si Vincent!” Pasigaw na tugon din ni Sonya sa asawa.

“Nakakatawa!…you called this fucking set up a family? Kailan pa tayo naging pamilya? Simula nung kumabit ka kay  Rendon sinira mo na ang pamilyang ito! So don’t put the blame on me Sonya. Kung may dapat sisihin sa inaasal ni Vince, ikaw iyon!” Galit din na sagot ng lalake.

Pataas lang sila ng boses habang nagsusumbatan. Nagtatalo sa mga bagay na kapwa naman may mali. Sa halip na mag-alala sa anak, naging mitsa pa iyon nang lalong pagkasira ng kanilang relasyon bilang mga magulang ng isang anak na nangungulila sa isang buo at maipagmamalaking pamilya.

Dahil sa bangayan ng mag asawa lalo lang naawa si Ponyang sa alaga. Rinig pa sa silid nito ang away ng kanyang mga amo. Hindi na nakatiis pa ang yaya at sinusubukang tawagan si Vince.

‘the subscriber can not be reached, please try your call later’…

Hindi nito makontak ang alaga kaya nagpasya na lang ito na magpadala ng mensahe. Dinetalye niya sa text message nito ang naging tugon ng mga magulang sa kanyang paglayas. Hindi man tiyak kung mababasa iyon ni Vince nagbabakasakali pa rin ito.

Mula sanggol hanggang sa naging seventeen na ang edad ni Vince, si Ponyang na ang kinamulatang yaya nito. Kaya kumpara sa mga tunay na magulang,mas malapit pa ang loob ni Vince sa yaya.

Ganun kasalimuot ang tahanang meron si Vince. Uri ng tahanan na nagtulak sa kanya upang hanapin ang sariling kaligayahan sa piling ng ibang tao.

Alas siyete pa lang ng gabi sa kanila ni Kaloy ngunit oras na iyon ng hapunan. At sa ganoong oras dapat kumpleto na ang tatlo na magkakaharap sa hapag kainan. Isa na namang tagpong pampamilya na kinaiinggitan ni Vince. Tulala itong nakatitig sa tatlo habang masayang kumakain ng hapunan. At muli, napansin na naman ni Tess ang lungkot sa mga mata ni Vince.

“Nak Vince, ayos ka lang? Hindi mo ba gusto ang ginataang hito? Itong adobong humba, masarap ang pagkakatuyo ko nito. Nak Kaloy abot mo nga itong humba sa kaibigan mo.” Saad pa ni Tess.

“Ayos lang ako Nay Tess. Paborito ko itong hito. May iniisip lang ako.” Tugon ni Vince.

“Kaninang umaga tita pa tawag mo kay Nanay ah, ngayon nakikinanay ka na rin ha. Baka mamaya niyan papalitan mo na ang puwesto bilang paboritong anak ni nanay, pare.” Natawang puna ni Kaloy nang tinawag ni Vince na Nay si Tess.

“Sorry pare, parang ang sarap lang kasi maging nanay ng nanay mo eh. Kasing sarap nitong mga ulam na nasa harapan ko.” Ayon pa kay Vince.

“Naku walang kaso iyon Vince, lahat naman ng mga kaibigan at kabarkada nitong si Kaloy ko ay nanay din naman talaga ang tawag sa akin. Kaya kung kumportable kang tawagin akong nanay…tawagin mo akong ganun. Mas gusto ko nga iyon eh.” Sabat ni Tess na natuwa naman kay Vince.

Nakitatay na rin si Vince sa tatay ni Kaloy. At masaya naman sa ganun si Kaloy.  Unang araw at gabi pa lang ni Vince kina Kaloy ngunit tila nagustuhan na nito ang pumirmi roon.

SO CONFUSED

Katulong nun ni Kaloy ang ina sa pagpapalit ng mga punda at kumot sa silid ng anak nang mapag-usapan ng dalawa ang mga napapansin ni Tess kay Vince. Nakaramdam ng pagkabahala at awa ang babae sa mga nakikita nito sa binata. Ibinahagi niya iyon kay Kaloy na nahalata rin pala ang mga iyon.

“Natawa rin nga ako sa reaksiyon niya nang dinala ko siya sa ilog at sa gulayan natin nay. Daig pa niya ang niregaluhan ng milyon sa tuwa at saya ng pinasyal ko siya dun.” Ang natawang kuwento ni Kaloy.

“Huwag mo siyang pagtawanan. Kung sa tingin mo mababaw lang sa iyo iyon. Malay mo para sa kanya mahalagang bagay na iyon na ngayon niya lang naranasan. Kaya ikaw, hangga’t narito iyon dito, aliwin mo. Ilibot mo dito sa atin tsaka ipakilala mo sa mga kaibigan mo.” Ayon pa kay Tess.

“Magaan nga ang loob ko sa kanya Nay, ganito pala ang pakiramdam na may kapatid na lalake dito sa bahay.” Ani pa ni Kaloy.

“Sina Gib, Burnok , Paquito at Yuri diba sabi mo mga kapatid narin ang turing mo sa mga iyon? Lalo na iyang si Gib, halos magkabuhol na ang mga bituka niyo simula pa nung mga uhugin pa kayo. Daig mo pa nga ang hiniwalayan ng girlprend ng dinala siya ng mama niya sa siyudad kung makangawa ka noon diba?” Wika pa ni Tess sa anak nang binibiro niya ito.

“Iba naman ang mga iyon. Nakiki-utol lang ang mga iyon sa akin kasi ako lang ang nakatagal sa mga kalokohan ng mga iyon. At dahil palagi silang busog sa inyo kapag nandito ang mga iyon.”

“Para naman kasi talagang mga anak narin ang turing ko sa apat na iyon. At minsan naman naaasahan namin sila ng tatay mo sa bukid. Tsaka aminin mo tumino ka din dahil sa mga iyon.”

Nasa ganung pag-uusap ang mag-ina nang pumasok sa kuwarto ang tatay ni Kaloy.

“Kaloy, puntahan mo nga iyong kaibigan mo. Narinig ko nang mapadaan ako sa likod ng kotse niya, umiiyak. Tingnan mo dun, baka May problema ang tao. Baka gusto na nun umuwi sa kanila hindi lang masabi sa atin kanina.” Ani pa ng ama.

“Sige na Kaloy,…ako na ang tatapos dito. Pero kung totoong nais niya nang umuwi sa kanila, sabihan mo na ipagpabukas na lang, delikado na ang daan sa gabi.” Sabi naman ng ina nito.

Tumayo si Kaloy at nilabas si Vince. Napansin nga nitong nakasindi ang ilaw sa loob ng kotse ng binata. Lumapit pa ito roon ngunit wala naman doon sa loob si Vince. Hinanap niya ito sa paligid ngunit wala ito. Nakaramdam ng pag-alala si Kaloy at tinignan ang buong bakuran maging sa likod ng bahay. Papalabas na ito ng bakuran nila nang makasalubong nito ang tiyuhin na kapitbahay nila.

“Noy Kaloy… nakasalubong ko ang kaibigan mo, patungong ilog. Tatanungin ko pa sana kung ano ang gagawin niya roon kasi gabi na, ngunit tila malalim ang iniisip. Sundan mo kaya, baka mapa-ano iyon doon.” Sabi pa ng tiyo nito.

Patakbo na ngang tinungo ni Kaloy ang daan pa ilog. Hindi rin naman kalayuan iyon doon sa bahay nila. Gabi man pero dahil sa maaliwalas ang panahon at malaki ang buwan ng mga oras na iyon, maliwanag parin ang paligid. Malayo pa sa ilog si Kaloy tanaw na nito si Vince na nakaupo sa may dampa habang nakatuon ang pansin sa ilog.

“Ano ang ginagawa mo dito?” Bungad agad na tanong ni Kaloy nang lapitan na nito si Vince.

Nagulat naman ang huli nang mapansin si Kaloy. Mabilis itong nag punas ng mata bago binalingan ng tingin si Kaloy. Nakita ni Kaloy ang ginawa na iyon ni Vince. Naupo rin ito sa tabi ng lalake at inakbayan ito tsaka tinapik ang balikat.

“Namiss mo na ang sa inyo noh? Sabi na nga ba at hahanap-hanapin mo rin ang nakasanayan mo sa siyudad.” Wika ni Kaloy.

“Bakit ko naman ma mi-miss ang buhay na tinatakasan ko?” Tugon na tanong ni Vince.

“Nakita kitang nagpunas ng mata, at sabi ni tatay narinig ka daw niya na umiiyak kanina. Kung hindi pagkamiss ang dahilan, bakit parang malungkot ka?” Ani ni Kaloy.

Hindi sumagot si Vince, bigla na lang ito napasandal sa balikat ni Kaloy tsaka kinabig sa beywang ang lalake palapit sa kanya. Nagtaka naman si Kaloy sa ginawa na iyon ni Vince ngunit tila alam na nito ang nasa loob ng binata. Kinabig din ni Kaloy si Vince sabay haplos sa likod ng lalake. Batid ni Kaloy na may personal na pinagdadaanan si Vince at nirerespeto nito ang pasya ng binata kung ayaw nitong sabihin sa kanya.

Ang alam lang ni Kaloy, kailangan ni Vince ng karamay at balikat na masasandalan. Naroon lang ang dalawa sa dampa habang nagpapalipas ng mga sandali. Nang makaramdam ng antok ang dalawa nagyaya na si Kaloy na umuwi sa kanila. Tabi sa kawayan na higaan ang dalawa.

“Dinoble na ni Nanay ang kumot para naman malambot pa din ang mahihigaan mo. Alam ko hindi ka naman sanay sa matigas. Tsaka medyo malamok dito kaya magkukulambo tayo.” Ani ni Kaloy habang inaayos ang kanilang tulugan.

“Ayos nga din kung banig na lang higaan ko, nang ma-experience ko naman ang simpleng buhay. Salamat talaga pare, sobrang na appreciate ko ang kabaitan niyo sa akin. Sana naging ganito na lang din kami.”

Muling gumuhit ang lungkot sa mukha ni Vince. Nakaramdam ng habag si Kaloy sa bagong kaibigan. Hindi man nito alam ang mga pinapasang bigat sa loob ni Vince, ngunit ramdam niya ang paghihirap ng lalake.

“Alam mo pare, itulog na muna natin iyan. Kung ano man iyang nagpapalungkot papawiin natin iyan bukas. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko, iikutin natin itong lugar namin. Susulitin natin ang mga araw mo dito. Para naman pag balik mo sa inyo, hinding-hindi mo ako makakalimutan.” Napangiting sabi ni Kaloy sabay humiga na ito.

Lihim na napangiti si Vince habang pinagmamasdan ang nakapikit na si Kaloy. Ibang-iba ang nararamdaman nitong gaan ng loob sa binata, kumpara sa mga kaibigan nito sa siyudad. May katangian si Kaloy na bentang-benta kay Vince na hindi nito nakikita sa mga nakakasamang mga kaibigan.

Hindi sanay matulog si Vince na may katabi dahil ayaw nito ng masikip, pero nang mga sandaling iyon wala pang limang minuto nakatulog agad ito na katabi si Kaloy. Hindi kalakihan ang higaan ngunit kumportableng komportable si Vince sa kanyang puwesto.

Sa paglalim na ng gabi naging mapayapa ang mga nakalipas na oras nang magising si Vince dahil sa may nakadagan sa kanyang katawan. Nakayakap sa kanya si Kaloy tsaka nakadantay pa ito habang tulog na tulog. Nang kumilos si Vince upang alisin ang mga kamay ni Kaloy sa kanya bigla na lang nagising ang lalake at napansin ang ginawa nito kay Vince. Napabangon si Kaloy at humingi ng paumanhin kay Vince.

“Sorry pare, malikot lang kasi talaga ako matulog tsaka nasanay kasi akong may kayakap at nadadantayan na unan. Kung hindi ka kumportableng may katabi, lilipat na lang ako sa sahig.” Ani ni Kaloy na papalabas na ng kulambo.

“Ano ka ba pare, ayos lang naman sa akin. Nagising lang talaga ako kasi naiihi ako. Huwag ka nang lumipat, dumantay ka lang sa akin kung gusto mo. Walang problema. Sarap ngang matulog na may kayakap eh. Pakiramdam ko, secured ako.” Tugon ni Vince na may ngiti sa labi.

Saglit na nawala ang antok ng dalawa. Sabay na lumabas ng silid sina Kaloy at Vince para umihi. Pagkabalik ng silid muli silang natulog. Mabilis na nakahilik si Kaloy. Tulog agad ito ng lumapat ang katawan sa higaan. Samantala si Vince tuluyan nang napawi ang antok. Nakahiga lang ito ngunit lumalakbay ang isip nito. Akto na itong ibaling ang katawan patagilid nang sakto namang humarap sa kanya si Kaloy na mahimbing parin ang tulog. Dahil nga sa maliit lang ang higaan hindi man sadya, muntikan na magtama ang mga labi nila sa isa’t isa. Gusto man umayos ni Vince sa kanyang puwesto ngunit dahil sa ayos ni Kaloy hirap na ito gumalaw. Lalo na nang muling niyakap ito ng lalake. Napangiti na lang si Vince na nakatitig sa mukha ni Kaloy. Hindi mawari ni Vince ang sarili bakit nagugustuhan nito ang mga pagyakap na iyon sa kanya ni Kaloy.

Hanggang sa nakatulugan na rin kalaunan ni Vince ang kakatitig sa mukha ni Kaloy.

Nang mga sandali naman na iyon sa bahay nila Vince. Nakaramdam na ng pag-aalala ang mama nito.

“Yaya, hindi ka pa ba tinatawagan ni Vincent?” Tanong ni Sonya kay Ponyang nang lapitan siya nito.

“Hindi pa nga po ma’am eh, nag-aalala na nga ako dun sa bata baka hindi pa iyon nakaka-kain.” Ang puno ng pag-aalalang tugon ng yaya.

“Nagpatulong na ako kay Garry, susubukan nilang tingnan ang lahat ng cctv sa subdivision pati na sa dating tambayan nila ni Vince. Nakausap ko na rin ang anak niyang si Nate, at mukhang sinusukat talaga tayo ng anak mo, nangutang pa ng 200 thousand kay Nate. Wala na talagang respeto iyang anak mo.” Sabat ni Herman na kakagaling lang sa paghahanap sa anak.

“Ayan ka na naman, anak mo rin si Vince. Bakit ba parang sa akin mo na lang binabato lahat? Ikaw ang ama, at kung may dapat dumisiplina sa kanya, ikaw iyon!” Tugon ni Sonya na napataas na naman ng boses.

Nagbabadya na naman ang bangayan ng mag-asawa kaya bago pa muling magsalpukan ang kanilang mga galit, pumagitna na si Ponyang . Sumingit na ito sa usapan ng dalawa habang nanginginig ang boses at pigil ang luha.

“Ma’am ,sir? Totoo nga ba’ng naging magulang kayo sa anak niyo? Natanong niyo na ba ang mga sarili niyo kung bakit ito nagawa ni sir Vince? Mawalang galang lang po. Yaya lang ako dito pero sa loob ng pitong taon kahit kailan hindi ko naramdaman na may mga magulang si Vince. Sana man lang alam niyo din ang lihim na pinagdadaanan ng anak niyo bago niyo husgahan ang ginawa niya. Mabait si sir Vince, ngunit ang kasutilan lang ang napapansin niyo dahil nandoon lang kayo sa tuwing nagpapapansin ang anak niyo. Ngunit sa mga panahon na kailangan niya kayo wala naman kayo dito para iparamdam sana sa kanya na hindi siya nag-iisa. Kung ganyan lang din ang tingin niyo sa anak niyo, sana hindi na lang kayo naging magulang. Pasensya po”.

Patakbong tinungo ni Ponyang ang silid, batid niya na ang kanyang sinasabi ay kalapastanganan para sa kanyang mga amo at maaaring maging dahilan iyon upang tanggalin ito sa kanyang trabaho. Kahit na sa alanganing gabi, nagbalot-balot na ng mga gamit ang yaya. Handa na ito sakaling papalayasin na ito ng mag-asawa.

Napako naman sa kanilang kinatatayuan sina Herman at Sonya. Sa mga narinig kay Ponyang tila nagising sa mga puso nila ang pagiging ama at ina. Napahagulgol na lang bigla si Sonya at napayakap kay Hector. Maging ang matigas na si Herman bigla na lang nangilid ang mga luha sa mata. Niyakap din nito ang asawa.

Ang realidad ng isang buhay ay hindi talaga nababase sa ano mang estado na meron tayo sa sosyodad na ating ginagalawan. Maaring masasabi ng iba kawawa ang mga may kakulangan at mapalad ang mga nabibiyayaan ng karangyaan. Ngunit hindi sa lahat ng aspeto sa buhay perpekto ang lahat. Hindi dahil salat wala ng tamis kundi puro alat, at hindi naman garantiya na porket naka-aangat ay wala ng pinapasan na bigat. Ibig lang sabihin walang tamang formula upang maging perpekto ang buhay ng tao. Ngunit may paraan kung paano lang gawing positibo ang maging pananaw mo sa mundo. Kung paano mo laruin at pakisamahan ang buhay. Kaya nga may freewill tayo to choose things to make us better no matter what standards ang binabasehan natin sa buhay.

Madilim pa sa labas, ginising na ang dalawa Kaloy at Vince ng mga tilaok ng tandang sa paligid. Alas singko na ng umaga. Halos sabay pa na nagmulat ng mata ang dalawa, tsaka sabay din silang nagulat sa kanilang ayos nang mapansin ng mga ito ang kanilang mga sarili na nakayakap sa isa’t isa na magkaharap.

Napabalikwas ang dalawa na halos sabay na din ang pagbangon, sa halip na makaramdam ng ilang nagkangitian pa ang dalawa dahil sa kanilang nabungaran sa kanilang pag-gising.

“Sarap na sarap ka sa pagyakap sa akin ah, tsaka hinigpitan mo pa talaga.” Napangiting sabi ni Vince kay Kaloy.

“Parang nagustuhan mo nga din eh, gumanti karin kaya ng yakap sa akin.” Tugon ni Kaloy na napangiti na lang din kahit may kaunting hiya sa nangyari.

“Pero, sa totoo lang ngayon lang talaga ako nakatulog ng sobrang sarap. Na may katabi pa sa kama, tsaka kayakapan ko pa.” Ani ni Vince sabay patong ng kamay sa hita ni Kaloy.

“Buti naman hindi ka nailang na niyakap kita. Ganun talaga ako kung matulog eh, kaya nga sa tuwing nandito ang mga tropa ko at nakikitulog wala man lang sa kanila ang may gustong tumabi sa akin. Naasiwa sila kapag niyayakap ko sila.” Sabi ni Kaloy na napasulyap ng tingin sa kamay ni Vince na nasa hita niya.

“At sa lamig ba naman dito kapag madaling araw na, kailangan mo naman talaga ang may kayakap sa kama lalo na kung jowa mo naman ang katabi mo.” Dagdag pa ni Vince sabay pisil ng marahan sa hita ni Kaloy tsaka kinindatan pa ito.

Napailing na napangiti na lang si Kaloy, alam niya ang ibig sabihin ni Vince. Nauna itong tumayo para ligpitin na ang higaan, tumulong naman sa kanya si Vince na tinanggal sa pagkakasabit ang kulambo. Nang matapos doon sabay din ang dalawa na tinungo ang kusina. Bungad pa lang ng kusina amoy na ng dalawa ang mabangong aroma ng native na kape, tsaka ang nilulutong sinangag ni Tess.

“Gising na pala kayo, ang aga naman? Nak Vince nakatulog ka ba ng maayos?” Tanong ni Tess nang makita ang dalawa na pumasok ng kusina.

“Malamang Nay, napayakap pa nga ito sa akin nang pagmulat ko. Akala niya siguro Teddy bear ang katabi niya.” Ani ni Kaloy sabay tungo sa lababo tsaka nag mumog.

“Ikaw kaya ang naunang lumandi ng yakap sa akin. Akala siguro girlfriend niya ang kayakap niya. May padantay pa eh.” Natawang sabi ni Vince na naupo na sa lamesa.

“Mukhang maganda nga ang tulog niyong dalawa. Sige na umupo na kayo at papatapos na itong sinangag ko. Nagprito ako ng itlog diyan, tsaka Nak Kaloy baka gusto ni Vince ng native na kape, meron na diyan sa takure.” Napangiting puna ni Tess.

Napansin ni Kaloy na wala na sa lagayan ang mga kaing nilang basket. Hinanap nito ang ama sa ina. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw nagpunta na ng taniman nila ang ama nito para mag harvest ng mga puwede nang maibentang gulay para sa Agrifair na sasalihan nito kinabukasan sa kabilang bayan.

“Bukas na ba iyon Nay? Sana ginising na lang ako ni Tatay nang nasamahan ko siya kanina.”

“Kasama na ng tatay mo sina Burnok at Paquito doon. Nagpresenta kasi ang dalawa na sasama sila bukas sa tatay mo sa Estancia. Kaya maaga pa lang kanina nandito na ang mga kaibigan mo.” Sabi ni Tess.

“Nay sasama rin kami bukas kay Tatay, gusto ko rin maranasan ang Agrifair. Tsaka diba po fiesta ngayon dun?” Ani ni Kaloy.

“Umpisa ng fiesta nila bukas,. Sige kung gusto niyo sabihan mo ang tatay mo. Pero baka hindi na kayo magkasya sa truck sa dami ng mga tagarito na sasali sa Agrifair.”

“May sasakyan naman ako nay, sabay na kami ni Kaloy sa kotse ko.” Sabat ni Vince.

Natuwa si Kaloy sa sinabi ni Vince. Napangiti naman si Tess nang makita sa mukha ng anak ang saya. Ngayon niya lang iyon muling nakita sa anak. Masayahin naman talaga si Kaloy, ngunit madalang lang nito nakikita ang ngiti ng anak na walang halong daya. Iyong saya na punong-puno ng galak. Dulot kasi ng kahirapan, batid ni Tess na may mga bagay itong hirap matugunan lalo na para sa kaligayahan ng nag-iisang anak. Hindi mang kailangan ngunit sa murang edad ni Kaloy kailangan niya nang matutunan ang kahirapan sa buhay. At dahil dun may mga bahagi sa kabataan ni Kaloy ang naipagkait sa kanya. At alam iyon ng mga magulang nito.

Mapalad lang talaga si Tess sa anak dahil hindi ito nagtatanim ng hinanakit sa estado nila sa buhay. Bagay na kabalaktaran sa totoong nararamdaman ni Kaloy.

Matapos makapag almusal ang dalawa, pinuntahan nila Kaloy ang ama nito sa kanilang gulayan. Doon inabutan nito ang iba pang mga kaibigan na abalang nakikiani sa kanilang produkto. Tumulong narin si Kaloy doon tsaka tinuruan na rin nito si Vince kung paano ang tamang pagpili ng mg gulay na dapat pitasin at puwede nang ibenta.

“Ang lalaki naman at ang hahaba ng mga talong niyo dito pare, iyong iba ang tataba pa.” Ang naaliw na si Vince habang himas-himas ang mga talong na nasa bakag.

“Nasa kamay ng nag-aalaga lang iyan. Tsaka sa tamang pagtatanim. Uy pare dahan-dahan naman sa pagpisil ng mga talong hindi iyan titi uy. Ingat baka malamog”. Sabi ni Kaloy , na natawa naman sa ginagawang paghimas ni Vince sa mga nakuha nilang talong.

“Araw-araw kaya ako nagbabati, kaya alam ko kung paano ang tamang paghawak at paghimas ng titi… ganito lang iyon oh.” Pabirong tugon pa ni Vince na ipinakita pa kay Kaloy kung paano ito magbati ng talong na may itlog.

Napuno ng harutan, tawanan at kulitan ang pagtulong ng dalawa sa gulayan. Lahat ng mga gulay doon ay pinagti-tripan ng dalawa. Bentang benta naman kay Kaloy ang mga green jokes ni Vince patungkol sa mga gulay. Maging si Lando na ama ni Kaloy napansin ang kakaibang saya ng anak na kasama si Vince.

Hindi naman iyon nakaligtas sa mapanuring mata ng mga kaibigan ni Kaloy na sina Burnok at Paquito na panaka-naka ang pagsulyap sa dalawa.

“Mukhang may ibang bespren na si Kaloy pare, hindi na si Gibo.” Bulong ni Paquito kay Burnok.

“Pati narin yata sa atin pare, kita mo naman kanina parang damong ligaw lang tayo dito. Ni hindi man lang tayo pinansin. Kung hindi ka pa nga nagsalita kanina hindi niya tayo nilapitan.” Komento naman ni Burnok.

“Nakadikit kasi sa mayaman, kaya bigla na lang yumabang. Nakahanap lang de kotse parang hindi na tayo kilala. At isang araw palang niya kasama ang isang iyan.” Dagdag pa ni Paquito.

“Hayaan mo na tol, kilala naman natin si Kaloy, dati pa naman pangarap na niya ang yumaman at makawala dito sa bukid. Baka ang lalake na iyan ang nakikita niyang paraan para mapadali ang suntok sa buwan niyang panaginip. Maging masaya na lang tayo sa kanya. Pangarap niyan iyan eh.” Ani ni Burnok na napabuntong hininga na lang at nagpatuloy sa kanilang ginagawa.

Dahil kakaibang chemstry ng dalawa, nabigyan iyon ng masamang impresyon para kay Kaloy mula sa mga dati na niyang mga kaibigan. Ang pagtuon ni Kaloy ang kakaibang atensyon para kay Vince ay nagdulot ng sama ng loob kina Paquito at Burnok nang hindi sila pinansin ng husto ng lalake ng mga sandaling iyon.

Natapos ang kanilang gawain sa taniman na walang kamalay-malay si Kaloy na hindi na pala ito OK sa kanyang mga kaibigan. Nagtaka na lang ito nang yayain nito sina Burnok at Paquito na manguha ng niyog sa niyugan ng tiyuhin nito nang tumanggi ang dalawa. Ipinagtaka iyon ni Kaloy, dahil sa tuwing magyayaya ito na mangulabo ng niyog, nag-uunahan pa ang mga ito na sumama sa kanya. Isa rin kasi sa mga bonding nilang magbabarkada ang mang-akyat ng niyog.

Binalewala lang iyon ni Kaloy, inisip na lang nito na baka may gagawin pa ang dalawa na mas mahalaga sa araw na iyon. Matapos mai-uwi sa kanila ang mga inaning gulay, tinungo naman ni Kaloy kasama parin si Vince ang bahay nina Gib at Yuri ngunit wala ang mga iyon doon. Nagbabakasakali si Kaloy na baka nadoon ang mga kaibigan sa ilog, kaya doon agad ang punta nila ni Vince ngunit wala rin doon ang dalawa.

“Mukhang busy yata ang mga kaibigan mo pare. Ano kaya kung tayo na lang ang mamasyal. Balikan natin iyong mga spot niyo dito na nadaanan natin. Tsaka maghahanap tayo ng malapit na mapagbilhan ng grocery. Balak ko kasi ipagluto kayo ng espesyal na carbonara tsaka magpapakarga narin tayo ng gas para sa pagpunta natin sa Agrifair bukas.” Ani ni Vince kay Kaloy.

“Gusto ko iyan, teka saglit magbibihis na muna tayo. Ramdam ko kasi na mapapalaban na naman itong kapogian ko sa kaka-selfie mo mamaya. Nakapambahay lang itong suot ko. Ang panget nito sa picture.” Tugon ni Kaloy.

“Ano ka ba, kahit nakapambahay ka lang pare, pogi ka. Pero sige kung gusto mo talaga magbihis, meron akong mga dalang extrang damit sa kotse. Ibibigay ko na sa iyo ang iba. Tsaka may sapatos ako dun ibibigay ko na din iyon sa iyo.” Wika pa ni Vince.

Sa sobrang tuwa ni Kaloy napayakap ito kay Vince tsaka nahalikan pa sa pisngi ang lalake. Kinabigla iyon ni Vince ngunit sa halip na mainis sa ginawa ni Kaloy natuwa ito. Hindi alam ni Vince bakit bigla na lang nakaramdam ito ng sigla sa loob niya, tila may sumipa ng malakas sa puso niya. Nginitian nito si Kaloy.

Gaya ng sinabi ni Vince pinapili nito si Kaloy ng mga damit na magugustuhan niya. Nang makapili na si Kaloy, sabay na nagbihis sa kuwarto nito ang dalawa. Habang naghuhubad ng damit si Kaloy sa harapan hindi nakatitig ng deretso si Vince tila nakaranas ito ng pagka-ilang, na hindi naman nito naramdaman noong naligo silang dalawa sa ilog.

Nang makapagbihis na si Kaloy, na impress si Vince sa kinalabasan ng transformation ni Kaloy. Lumitaw lalo ang gandang lalake ni Kaloy ng mabihisan ng magarang damit. Bagama’t bukid ang lugar nila Kaloy hindi naman sunog ang balat nito. Hindi man kaputian ngunit makinis ang kutis ni Kaloy.

“Bagay ah, yayamanin na ang datingan mo pare. Tamang damit lang pala at porma ang kulang sa iyo papasa ka ng anak mayaman. Pero kailangan pa natin ng kaunting enhancement dito sa buhok mo, teka lang at kukunin ko ang wax ko sa bag, tsaka papalitan natin itong Band-Aid mo sa noo. Meron ako dun pang porma .”

Maging si Kaloy manghang-mangha sa ayos nito na nakatingin sa salamin. Hindi nito akalain na may igaganda pa pala ang ganda niyang lalake. Bukod sa damit, pantalon tsaka sapatos pinasuot din ni Vince kay Kaloy ang ilan sa mga bitbit nitong accessories.

“Huwag na itong kuwintas at relo pare…sakto na itong suot ko.” Pagtanggi ni Kaloy nang sinusuot na sa kanya ni Vince ang kuwintas at relo.

“Ano ka ba, kulang ang porma kung walang accesories. Tsaka ganito ang pormahan ng mga ka-edaran natin sa siyudad pare. Dapat masanay ka na ngayon pa lang. Para pagpunta mo doon hindi ka na mailang sa mga pormahan dun. At dagdag charm din ito.” Ani pa ni Vince.

Natutuwa si Kaloy sa ginagawa sa kanya ni Vince hindi pa man nito nararanasan ang buhay sa siyudad, sa pamamagitan man lang ng pagsuot nito ng mamahaling gamit maranasan niya ang pakiramdam ng taga siyudad.

Nang makita ng mga magulang ni Kaloy ang ayos nito pagkalabas ng kuwarto maging sila natuwa sa anak. Napaluha pa nga si Tess nang tinititigan ang bagong bihis na si Kaloy. Bakas na bakas ang saya sa mukha ni Kaloy habang papunta sila ni Vince sa kotse ng lalake. At ang parte na iyon ng experience ni Kaloy ay nakita ng mga kaibigan na nandoon lang din hindi kalayuan sa bakuran nila Kaloy.

“Ay gagi si Kaloy na ba iyon, ang gara ng pormahan ah parang walang bahid ng lupa ang mga kuko sa papa. Nagmukhang yayamanin ang utol natin mga tol.” Puna pa ni Yuri nang makita nito si Kaloy sumakay ng kotse ni Vince.

“Tama nga kayo mga tol mukhang mababalewala na tayo ni Kaloy. Walang wala na tayo sa bago niyang kaibigan. De kotse na iyan, tayo Naka kalabaw lang.” May ismid na tugon ni Gib.

Ang maliit na pagbabago kay Kaloy ay iba ang naging pakahulugan para sa mga kaibigan nito. Ang pagdating ni Vince sa buhay ni Kaloy ay tila nagbabadya ng napipintong lamat sa isang matagal ng samahan na pinanday na ng mahabang taon na pagsasamahan.

Si Kaloy at ang mga kaibigan nito nandoon na simula nung musmos palang sila. Magkasamang lumaki, nagkaisip nagbinata at nangarap. Ngunit kaya bang palitan ang mahabang samahan ng isang araw lang na pagkakakilanlan? Saan ba nasusukat ang tunay na pagkakaibigan?

Sa pagtatagpo ng dalawa Kaloy at Vince, masusumpungan nila ang tunay kahulugan ng buhay sa isa’t isa. At sa pag-usad ng kanilang kuwento may mga bagay pa silang matutuklasan na siyang huhubog pa lalo sa kanilang kaisipan bilang tao na nakikipagsapalaran sa kanilang henerasyon.

SPOTLIGHT

“Dad, hindi ko trip ang mga ganyan. Mas gugustuhin ko pang sumama sa mga outreach program niyo kaysa dumalo sa seminar na iyan. Si Nathalie na lang isama niyo. Ma bo-bored lang ako dun.”  Wika ni Natte, habang kumakain ito sa dining area kasama ang ama at kapatid na babae.

“At ano ang gagawin mo rito? Magkulong na lang lagi sa kuwarto mo kasama ang mga kaibigan mong wala ring pakinabang. Hoy Nate, marami na akong naririnig na hindi maganda sa iyo. Hindi lang kita sinasaway kasi may tiwala parin ako sa iyo, pero hindi ibig sabihin sang-ayon na ako sa mga kalokohan mo. Sasama ka sa akin, sa ayaw at sa gusto mo.” Tugon ng ama nito.

“Buti pa si Vince nagagawa niya na ang kanyang gusto ng malaya.” Sabi pa ni Nate.

“Independent ka na diba sabi mo? Kung kaya mo na man gawin lahat, go magrebelde ka tulad ni Vince. Pero iwan mo ang lahat ng mga bagay na bigay ko. Kaya mo naman siguro kumita ng sarili mong pera. Hindi kita pipigilan. Pero sa oras na may mangyari sa iyo, huwag mo nang asahan ang tulong ko o namin ng mommy mo.” Ani pa ng ama.

“Hindi ko naman sinabing lalayas din ako ah, daddy talaga. Alam mo namang hindi ko magagawa iyon sa inyo ni mommy. Mahal ko kaya kayo.” Sabat ni Nate na nginitian ang ama.

“Naku kuya, ang sabihin mo takot ka lang maputulan ng account. Mawawalan ka na ng source para sa mga ginagawa mo. If I were you dad, huwag mo nang bigyan ng access si kuya sa mga pera mo. Uubusin niya lang iyan sa mga adik niyang barkada.” Pang-iinis pa ng kapatid ni Nate sa kanya.

“Nate, bata ka pa ang part ng journey ng isang teenager ang mag explore at ma exposed sa mga bagay na dulot ng curiosity niyo. Pero huwag mo namang hayaang lamunin ka ng sistema hanggang sa masanay ka. Mahabang paglalakbay ang buhay. Iwasan mong mahulog sa tentasyon. Lalo na sa mga huwad na kaligayahan. Don’t waste your time and strength sa mga walang kabuluhang bagay na later on magpapahina sa iyo at babagsak. Hindi kita sinisermunan. Gusto ko lang matuto ka sa mga pinaggagawa mo. Because, I was there before, I’ve been there too noong ka edad mo ako.” Paglinaw ng ama nito kay Nate.

Napabuntong hininga na lang ang binata at wala na ngang nagawa kundi ang sumama sa kanyang ama sa lakad nila sa araw na iyon.

Samantala binabaybay na nila Vince at Kaloy ang kahabaan isang highway papunta sa kabilang bayan para sa gaganaping Agri Fair. Nakasunod ang kanilang sasakyan sa truck na puno ng mga gulay at prutas na ibebenta sa nasabing Argri Trade Fair. Lulan ng truck na iyon  ang ama ni Kaloy at ang mga kaibigan nito na sina Paquito, Burnok at Gibo. Malaki ang Agri Fair na dadaluhan nila kaya isang truck ng mga produktong bukid ang dala nila.

“Sana nga lang mabenta lahat ng mga produkto namin sa trade fair nang masulit naman ang pagod ni tatay. Sa mga ganitong okasyon lang kasi kami bumabawi. Kahit ipagbili pa namin ng mahal marami pa ring mayayaman ang bibili dahil sariwa at organic ang mga produkto namin.” Ani ni Kaloy.

“Tiwala lang pare, pakita ko sa iyo kung paano mabilis na maubos ang mga gulay at prutas niyo. Tsaka sa ayos mo ngayon pakiramdam ko susuwertehin tayo.” Ang positibo namang tugon ni Vince kay Kaloy tsaka tinapik ang balikat ng kaibigan.

Hindi naman mapakali ang tatlo sa ibabaw ng truck na panay ang sulyap kina Kaloy at Vince na nakasunod sa kanila. Panay tapon naman ng masamang tingin si Gibo sa sasakyan ni Vince.

“Parekoy, ano ba iyan, inggit? O selos?” Pang-aasar na tanong ni Burnok kay Gibo.

“Gago ka ba anong selos ang sinasabi mo? Magjowa ba kami ni Kaloy para mag selos ako?”. Tugon ni Gibo na medyo napikon ng kaunti sa kaibigan.

“Hindi nga ,pero sa mga reaksyon at kilos mo halatang apektado ka sa dalawa.” Ani ni Burnok.

“Naaangasan lang ako sa kasama niyang si Vince. Ang hambog kasi ng dating niya sa akin. Tsaka mukhang ini-impluwensyahan niya si Kaloy na layuan tayo. Dati kapag ganitong mga lakad ang saya-saya natin dito sa ibabaw ng truck, nang dumating iyan ayaw na ni Kaloy sumama sa atin. Masikip daw. Eh ang luwag-luwag naman.” Paliwanag ni Gibo ngunit halata sa mga tingin nito ang inis.

“Hindi ka nga nagseselos pare.” Biglang sabi ni Paquito na ibinaling na lang ang tingin sa ibang direksyon sabay ngiti.

Alas siyete na ng umaga nang marating nila ang lokasyon ng trade fair. Sakto lang para sa pagbubukas ng event ng alas diyes. Mabilis na kumilos ang mga lulan ng truck kasama na ang ama ni Kaloy at mga kaibigan. Tulong-tulong sila na maibaba ang mga karga, upang mai-display na sa mga nakuha nilang puwesto. Pagkahimto naman ng sasakyan ni Vince, akma nang bababa si Kaloy para tumulong sana sa pagbaba ng kanilang mga produkto sa truck nang pinigilan ito ni Vince.

“Ang dami na nilang tumutulong sa tatay mo. Tsaka sayang naman ang ayos mo kung pagpawisan ka agad hindi pa man nagsisimula ang trade fair. Hanap muna tayo ng makakainan pare, ginutom ako sa biyahe natin. May napansin akong fastfood malapit lang dito. Balik na lang tayo pag naready na sila.”  Ani ni Vince.

“Sabagay, kanina pa nga nagrereklamo ang tiyan ko. Hindi na kasi tayo nakapag-almusal sa bahay dahil nahuli tayo ng gising. Halika kain muna tayo,tiwala naman ako sa mga kaibigan ko na hindi nila papabayaan si Tatay.” Pagsang-ayon ni Kaloy.

“Good, umorder na lang din tayo ng foods para sa kanila. Bibilisan lang natin pare, para makaabot agad tayo bago mag bukas ang trade fair nabasa ko sa banner, 10:30 am pa ang pormal na pagbubukas.” Sabi ni Vince.

Umatras ang kanilang sasakyan at nilisan saglit ang lugar. Napansin iyon ni Gibo na lalo lang nainis sa dalawa.

“Ni hindi man lang bumaba para tumulong sa atin. Tingin ko gala lang ang pinunta talaga nun at hindi ang tumulong. Hindi man lang muna kinamusta ang tatay niyo o tayo rito kung ok lang ba tayo.” Punang reklamo ni Gibo.

“Hayaan mo na koys tol, kaya naman natin ito lahat. Baka hindi naman talaga sila pumunta rito para sa Agrifair na ito. Bilisan na lang natin ang pag-aayos ng mga ito nang makakain na tayo. Humihilab na ang tiyan ko kanina pa.” Tugon ni Burnok.

Nagpatuloy sa ginagawa ang tatlo samantala nasa kina Vince at Kaloy pa rin ang isip ni Gib.

Pagkababa ng dalawa Vince at Kaloy sa kotse sa isang fastfood, ilang mga naroon agad ang nakapansin sa dalawa. Sa kanilang dalawa agad ang tingin ng marami. Animoy mga artista na sinusundan spotlight. Angat ang gandang lalake ng dalawa. At kahit laking bundok si Kaloy litaw ang kagwapuhan nito dahil sa kanyang modernong porma na mala Koreano. Ilan pang mga estudyante na naroon din sa fastfood na iyon ang nahumaling sa dalawa. Marami sa mga iyon ang kinukunan sila ng larawan at video ng palihim, ngunit ang iba halata kaya doon na nailang si Kaloy.

“Parang ayaw ko na yatang kumain dito pare, nakakailang na ang ginagawa nila. Bakit kaya nila tayo pinagtitinginan?” Bulong ni Kaloy kay Vince.

“Akala siguro nila mag jowa tayo. Ngayon lang sila siguro nakakita ng dalawang lalakeng magjowa. Hayaan mo na lang sila pare, isipin mo na lang mga halaman lang ang mga iyan. Tsaka masasanay ka rin niyan. Sa amin, lalo na sa school… kaliwa’t kanan ang nagpapa-picture sa akin. Ang iba inaabutan pa ako ng mga bulaklak at regalo. And it’s a blessing pare, bihira lang may ganitong karisma sa mga tao. Maiintindihan mo rin iyan kapag nagbukas na ang trade fair mamaya.” Sabi ni Vince na inakbayan pa si Kaloy nang pumasok na sila sa fastfood na iyon.

Marami ang nag-akalang mga celebrity nga sina Kaloy at Vince. Lalo na nang sinabihan nito si Kaloy na huwag mag salita kundi ngumiti lang  at tumango-tango kapag kinakausap sila ng tao. Hindi iyon gets ni Kaloy, ngunit dulot naman talaga ng ilang at hiya. Ganun ang ginawa ni Kaloy. Hinayaan lang nito si Vince. Nagulat na lang si Kaloy nang magsalita ng Hangukeo si Vince. Kinausap nito ng Korean ang mga crew ng fastfood habang umoorder. Kahit na ini-english siya ng mga iyon, Koreyanong linguwahe parin ang sinasagot ni Vince. Kaya lalo lang sila pinagkaguluhan sa loob.

Hindi nga nakakain ng maayos ang dalawa dahil sa dami ng gusto magpa-picture sa kanila. Nakahinga lang ng normal si Kaloy nang pumasok na sila sa kotse at pabalik na sa Agrifair.

“Ano ba kasi ang naisip mo at nag-iba ka ng linguwahe. Lalo tuloy sila nagkagulo. Tapos ikaw pa ngiti-ngiti lang sa kanila. Hiyang-hiya na ako dun kanina. Grabe ngayon ko lang iyon na experience pare, nakakatakot ang mga tao.” Wika ni Kaloy sabay sipsip sa hawak nitong inumin.

“We’ll dapat masanay ka na pare. Nakita mo ang reaksyon ng mga tao sa atin, lalo na sa iyo? Ibig sabihin lang nun may kapangyarihan ka over them, gamitin mo lang ang charm ng looks mo. Kung tinatanong mo bakit lalo silang nagkagulo kanina sa loob kasi sinabi ko sa kanila na mga Korean actor tayo at nagbabakasyon lang dito sa lugar nila. Tsaka tinatanong nila bakit di ka nagsasalita, sagot ko kasi hindi ka nakakaintindi ng Tagalog o English. Tsaka sabi ko bida ka sa isang Korean drama series, at ikaw ang gumaganap na halimaw dun. Tsaka kabilang tayo sa isang KPOP na grupo. Pero hindi ko na sinabi kung ano. Hayaan mo silang mabaliw sa kakasearch sa BrowseBuddy at sa mga social media platforms.” Natawang sabi ni Vince habang nagmamaneho.

Mabilis na kumalat ang mga mukha ng dalawa sa mga social media. Marami talaga ang naniwala na mga Korean celebrity nga sila na nagbabakasyon lang sa bansa. Walang kamalay-malay ang dalawa na ang ginawa nilang iyon ay tila wildfire na mabilis kinalampag ang mga netizens. Marami ang mga umasam na makilala nila in person ang dalawa. Lalo na ang mga tagaroon mismo sa bayan na iyon ng Estancia.

Tapos na ang lahat ng dumating ang dalawa. Kakatapos lang ng mga kaibigan ni Kaloy masalansan ng maayos ang mga gulay at prutas. Agad sila nakita ni Paquito nang bumaba ang dalawa sa kotse. Gumuhit ang mga ngiti sa mukha nina Burnok at Paquito nang mapansin ang mga bitbit ng dalawa kaya agad nilang nilapitan sina Kaloy at Vince. Nagpaiwan si Gib na nakataas na naman ang kilay sa dalawa.

“Naisipan nitong si Vince na in-order kayo ng pagkain kaya kami umalis muna. Para sa inyong lahat itong dala namin mga tol.”  Wika ni Kaloy nang inabot na sa dalawa ang mga plastic na may mga pagkain.

“Wow pare, fried manok, espageti tsaka burger.  Naku salamat dito Vince pare. Akala namin gumala-gala lang kayo. Sakto ito, kanina pa nga kami gutom eh.” Ani ni Burnok.

“Ayos ka naman pala pare, salamat dito. Halina kayo, tapos na namin maayos ang puwesto. Hihintayin na lang natin ang pagbubukas ng trade fair.” Sambit ni Paquito.

Napansin ni Vince ang mga tingin sa kanila ni Gibo, maging ang pag-iwas nito. Kaya kumusang lumapit sa kanya si Vince at personal na inabot sa lalake ang hawak nitong burger at drinks. Ngunit hindi man lang siya pinansin ng binata at kunwari abala itong inaayos ang mga gulay.

“Huwag mo nang ayusin pare, maayos na eh. Kumain ka na muna. Kanina ka pa nagrereklamong gutom. Kunin mo na ang bigay ni Vince. Nahiya ka pa.”  Wika ni Paquito na tila may pang-aasar sa kaibigan.

“Salamat na lang pare,pero naumay na kasi ako sa burger eh. Dati sa amin, araw-araw nagbu-burger kami. Kung pizza siguro ang binili niyo kakainin ko pa. Tsaka may baon akong kamote. Mas healthy iyon kaysa sa burger.” Tugon ni Gib na tinanggihan ang bigay ni Vince.

“Sige, kung gusto niyo mag pizza. Magpapabili tayo. May delivery rider din ba rito. Like GetFood o FoodKarga?” Sabi naman ni Vince.

“Hambog talaga ng gago”. Wika ni Gibo sa sarili.

Ramdam ni Vince na tila hindi ito welcome sa mga barkada ni Kaloy ngunit hindi naman iyon nakaapekto sa pakikisama kay Kaloy. Hinayaan na lang nito ang mga barkada ng kaibigan. Malinaw naman kay Vince na hindi lahat kumportable sa kanya. Lalo na at sumingit lang naman ito sa barkadahan nila ni Kaloy.

Nagsimula na ang opisyal na pagbukas ng Agrifair at tatakbo iyon ng isang buong linggo. Bumida sa pagbenta at pag-alok ng mga gulay at prutas sina Gibo, Paquito at Burnok habang kasama naman noon ni Kaloy ang ama at si Vince sa loob ng kotse para kumain.

“Ang mabuti pa magliwaliw muna kayong dalawa dito. Fiesta ngayon kaya marami kayong makikita sa lugar.  Nandito naman sina Paquito at Burnok, sumama pa si Gibo. Kaya na namin dito mga anak. Tsaka Vince nak, salamat dito sa pagkain, nabusog talaga ako.” Ani ng ama ni Kaloy.

“Ayos lang po ba talaga Tay?” Tanong ni Kaloy

“Ngayon ko lang nakita ang saya diyan sa mga mata mo nak. Kaya masaya muna kayo ni Vince. Balikan niyo na lang kami mamayang hapon. “ Ani ng ama.

“May oras pa naman mamaya Tay, doon muna kami tatambay ni Vince sa puwesto natin. Tapos ikaw na muna mag-relax. Maya-maya lang marami ng tao ang pupunta rito. Mag recharge ka muna. Ayos ba tay?” Saad ni Kaloy.

“Sabagay marami na tayo sa puwesto. Sige doon na muna ako sa tiyo Tomas mo. Vince, kung pakiramdam mo na nababagot ka na, puwede ka namang gumala. Balikan mo na lang kami bago mag alas kwatro.” Tugon ng ama ni Kaloy.

“Walang kaso iyon Tay, sure naman akong hindi ako mabo-bore dito.” Napangiting sagot naman ni Vince.

Unti-unti nang napupuno ng mga tao ang venue ng Agrifair. Papunta na rin sina Kaloy at Vince sa kanilang both. Tila umusbong bigla ang kumpetisyon nang magsimulang magtawag ng pansin ng mga customer si Gibo. Guwapo din si Gibo at kahit sa bukid na ito pumirmi laking siyudad pa rin ito.  Malaki ang katawan ni Gibo na tila batak sa gym. Hindi man kaputian ngunit makinis ang balat nito at may taglay din itong kakaibang karisma na talaga namang agaw pansin sa mga babae lalo na sa mga bading. Nag tanggal ito ng suot na damit kaya nalantad sa lahat ang balanseng ukit ng hulmado nitong maskulo at ang nagmamayabang nitong abs na putok na putok. Inudyukan rin nito sina Paquito at Burnok na magpakita rin ng kanilang mga katawan. May pag aalangan man. Para sa lang makahatak ng pansin naghubad din ng damit ang dalawa.

Tulad ni Gibo, hindi rin maitatanggi ang gandang lalake ng dalawa, moreno nga lang ang mga ito ngunit mapamuksa naman ang kanilang mga katawan na hinubog din sa mga mabibigat na trabaho kaya maganda rin ang mga porma.

Pumatok ang gimik ng tatlo, marami agad ang nakapansin sa kanila at bumili ng kanilang itinitindang mga gulay at prutas.

Natuwa si Kaloy dahil unang pasada pa lang ng trade fair mukhang maganda na ang nakikita niyang resulta. Dinumog ang kanilang both dahil sa tatlo.

Nang makita ng ibang mga mamimili ang pagdating ng dalawa, biglang nabaling sa kanila ang atensiyon ng mga tao. Lalo na ng magsimula ng mga English at mag Koreano si Vince habang inaalok ang mga gulay sa mga lumalapit na customer. At tulad nang ginawa nilang dalawa sa fastfood, si Vince ang nagsasalita samantala tahimik lang si Kaloy na pangiti-ngiti lang, patango-tango tsaka pakaway-kaway lang. Pinanindigan ni Vince ang pagpapakilala nitong bilang Korean actor.

Dinagsa ang kanilang both ng mga tao, hindi lang para bumili ng kanilang ibinibenta kundi para magpa-picture sa kanilang dalawa.

Ipinagtaka iyon ng tatlo, lalo na si Gibo. Takang-taka sila bakit marami ang nagpapa-picture kina Kaloy at Vince tsaka kung bakit iniba ni Vince ang linguwahe nito. Hindi iyon ikinatuwa ni Gibo kahit na nakakatulong iyon unang marami ang nakapansin sa kanila, sa halip kina inisan niya iyon. Kaya gumawa rin ito ng eksena upang muling mapansin ng mga tao. Gamit ang cellphone kinonekta niya iyon sa speaker nilang dala tsaka nagpatugtog ng trending na mga dance craze sa VidVibe at nagsimulang sumayaw na may pakaldag sabay tawag ng mga customer. Inudyukan din nito sina Paquito at Burnok na game namang sumayaw.

Naging maliit na entablado ang both dahil sa lima. Dinagsa ng maraming tao ang kanilang both. Marami ang bumili ng kanilang mga gulay at prutas makapagpa-picture lang sa lima. Instant celebrity ang lima. Nilangaw ang ibang mga both dahil sa kanila na napunta ang atensyon ng lahat. Pinagtaka iyon ng ama ni Kaloy, hindi na ito makasingit para puntahan sina Kaloy dahil sa dami ng mga tao. Maging ang mga organizers ng even nagtaka sa biglaang pag dami ng mga tao sa venue at sa iisang both lang naman ang pinupuntahan.

Marami ang kumuha ng video at larawan ng dalawa tsaka inap-load iyon sa lahat ng mga social media platforms. Naging trending sa BuzzFeed at TweetWave ang mga hashtag yummytindero at Oppatindero. Maging sa Facezone at FrendSphere pinag-uusapan ang lima. Lalo na sina Kaloy at Vince.

Sakay na nun ng kanilang kotse si Nate kasama ang ama nito matapos ang isang  business seminar na dinaluhan. Bagot na bagot na si Nate at gusto na nitong makauwi agad. Napabuntong hininga na naman ito nang sinabi ng ama na dadaan muna sila sa isang trade fair para mamili ng pasalubong sa kanyang mommy. Wala narin itong nagawa dahil ang ama naman nito ang nagmamaneho ng kanilang kotse.

Para hindi mapansin ang pagkabagot tinuon na lang nito ang pansin sa hawak na cellphone. Nang napamura na lang ito sa nakita nang buksan nito ang Facezone account tsaka ang BuzzFeed.

“Dad saan nga ba tayo pupunta sabi mo?”

“Open Market Agrifair. Bibili tayo ng mga sariwang gulay at prutas at kung ano pang makikita natin dun. Mas mura kasi ang bilihan dun kasi direct mismo sa mga local farmers.” Sagot ng ama.

“Dad, nandito si Vince. Nasa trade fair siya ngayon.” Wika ni Nate na gumuhit ang ngiti sa mukha.

“Sure ka? At ano naman ang ginagawa nun dito sa Estancia? Iyang kaibigan mo talaga kahit kailan talaga sakit na sa ulo ng mga magulang niya. Ang layo-layo na nitong lugar umabot pa siya rito.” Tugon ng ama.

“Dad mukhang mali yata ang iniisip mo kay Vince. Mabait naman talaga iyon. Sina Tito at tita lang naman ang may problema. Ayos lang naman kay Vince na hiwalay na sila. Ang hindi lang gusto ni Vince eh iyong araw-araw nilang bangayan tsaka iyong oras nila kay Vince na hindi nila kayang ibigay. At sa tingin ko mukhang maganda ang resulta ng paglalayas ni Vince dad.” Ani pa ni Nate.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Look dad, check this video na kaka-upload lang sa isang reels.  Si Vince iyan diba at masaya siyang nagbebenta ng mga gulay at prutas sa isang trade fair dad. Hindi ko pa nakita si Vince na ganyan kasaya ang mukha. And who ever those guys na kasama niya, lalo na iyang katabi niya, mukhang maganda ang impluwensya nila sa kaibigan ko. Bilisan na natin dad, gusto ko na makita ang kaibigan ko.” Ang masayang sabi ni Nate.

“Tatawagan ko ang Tito Herman mo. He should see this. Forward mo sa kanya ang link ng video na iyan.” Sabi ng ama ni Nate.

Nang matanggap ng ama ni Vince ang tawag mula sa ama ni Nate at makita ang trending video ng anak agad na kumilos si Herman para puntahan ang anak, sumabay din si Sonya nang malaman ang ginawa ng anak.

SILENT HINT

Dahil sa pa-gimik ng lima, dinagsa ang both nila ng Tatay ni Kaloy. Dahil dun wala pa mang hapon napakyaw na lahat ang mga naka-display na mga gulay at prutas sa kanilang booth. Ngunit dahil sa biglaang pagdagsa ng mga tao na di inaasahan sa puwesto nila. Kinuntrol na ng organizer ng event ang pasok ng mga tao, sa reklamo na rin ng ibang mga lokal farmers at negosyante na naapektuhan sa nangyari. Nilangaw ba naman ang kanilang booth dahil sa ginawang eksena ng lima.

Maging ang tatay ni Kaloy bagama’t natuwa sa nangyari, hindi naman ito masaya sa mga kasama niyang magsasaka na hindi napansin ng mga mamimili sa unang araw palang ng Agrifair.

“Maraming salamat sa ginawa niyong lima, lalo na sa iyo Nak Vince. Grabe wala pa tayo sa kalahati ng araw naubos na agad ang na idispley natin. Pero, marami ang masama ang tin

gin sa atin ng iba. Lalo na sa mga taga sa atin. Wala man lang pumansin sa kanila dahil dito na sa atin ang atensyon ng mga tao.“ Ani ng ama ni Kaloy.

“Hindi lang kasi sila marunong humatak ng costumer Tay. Hayaan niyo na marami pa namang araw, isang buong linggo kaya ito. Bumawi na lang sila bukas.” Saad ni Gibo na nililigpit na ang mga crates na wala ng laman.

“Tama si Gib Tay, tsaka customer ang lumapit sa atin, nagtitinda lang naman kami kanina. Hindi naman namin alam na mabenta rin pala kami sa kanila.” Ang napangiting sabat naman ni Vince na napa-akbay pa sa ama ni Kaloy.

Hindi iyon nakaligtas sa mga padaplis na tingin ni Gib. Muli na naman ito sinumpong ng inis nang makitang inaakbayan ni Vince ang tatay ni Kaloy.

Padabog nitong binuhat ang mga crates na walang laman tsaka pabagsak na nilagay sa likod ng booth nila. Nagulat sina Paquito at Burnok sa pagmamaktol na naman ng kaibigan. Pinuna ito ni Paquito.

“Hoy pare ano na naman iyan. Umuusok na naman ang ilong mo sa galit. Ano na naman ba ang nakita mo roon?” Tanong ni Paquito.

“Pa-epal talaga ang hambog na iyan eh. Feeling Close. At ang puta nakiki-tatay pa. Ano ba ang balak niya mag-papaampon kina Kaloy?” Sagot ni Gib.

“Si Vince parin? Pare mukhang hindi lang simpleng inis iyan ha. Nakikipagkumpitensya ka ba sa kanya?” Tanong muli ni Paquito na may makahulugang ngiti kay Gibo.

“Selos iyan parekoy, tol simula pa lang pansin ko na eh. Suyang-suya ka diyan sa tao na iyan na wala man lang dahilan. Tapatan na ito tol, pare… nagseselos ka talaga noh? Gusto mo sa iyo lang si Kaloy noh?” Pang-aasar pa na hirit ni Burnok kay Gibo.

Tila lalo lang napikon si Gibo sa sinabi ni Burnok. Hindi nito tinugon ang biro ni Burnok at iniwan ang dalawa. Binatukan naman ni Paquito si Burnok sa sinabi nito.

“Gatong pa kasi, iyan tuloy nag walk-out. Malamang pati sa atin galit na rin iyon. Wala ka kasing preno.” Wika ni Paquito.

“Eh sa iyon ang napansin ko eh. Tsaka sa iyo naman talaga nagmula ang ideya na iyon noh. Sinabi ko lang. At kahit man ako, nang makita ko ang kagwapuhan ni Kaloy, bigla na lang ako nababakla sa kanya. Hindi ko akalaing may tinatago pa lang kagwapuhan ang kaibigan natin. Nasanay kasi tayong nakikita siyang dugyot at walang ayos sa sarili. Diba?” Ani pa ni Burnok.

“Ewan ko sa iyo. Tapusin na nga natin ito nang may ma idispley na tayo sa harap.”

Malaki-laki ang kinita nila sa bungad pa lang ng event, halos bawing-bawi na nga ang ama ni Kaloy sa kanyang puhunan. Kakaunti na lang ang natitira sa kanilang mga produkto kaya minabuti na muna nitong huwag na pag-bantayin sa puwesto nila ang lima. Nag mungkahi ang ama ni Kaloy sa kanila na magliwaliw muna sa lugar upang masulit naman nila ang pagpunta sa kapistahan ng lugar.

“Gibo, para sa inyong tatlo ito. Maraming salamat sa ginawa niyo kanina. Tsaka heto pa, gamitin niyong pang gala dito sa Estancia. Mamili kayo ng gusto niyo. Balikan niyo na lang ako rito bago mag alas singko ng hapon.” Wika ni Karding ng abutan ng pera ang tatlo.

“Wow! Ang laki naman nito Tay, sobra yata ito sa napag-usapan natin.” Tugon ni Gibo nang makita ang inabot sa kanilang sahod.

“Sapat lang iyan sa trabaho niyo kanina. Tsaka ang sobra pang gala niyo. Mag enjoy kayo rito habang nandito kayo. Minsan lang ito kaya sulitin niyo na.” Sagot pa ng ama ni Kaloy.

Alangan pa si Gibo sa suhestiyon ni Karding ngunit nang sumang-ayon ang dalawa, Paquito at Burnok napapayag din itong gumala sa lugar. Nalaman ni Kaloy ang balak ng mga kaibigan kaya inalok nito ang tatlo na sumama na lang sa kanila ni Vince dahil balak din nila nun mamasyal sa lugar.

“Tara na mga tol, sabay na kayo sa amin ni Vince. Mas masaya ang gala kung sabay-sabay tayo mamasyal.” Wika ni Kaloy.

“Hindi salamat na lang tol, pero kaya na naming tatlo lumakad. Kayo na lang ni Vince. Mamaya pa naman kaming tatlo.” Tugon ni Gibo.

“Pumayag naman si Vince mga tol, siya nga ang nagsabi na sumabay na kayo sa amin. Kasya naman tayo lahat sa kotse niya.” Ani pa ni Kaloy.

“Siya nga naman pare, makatipid man lang tayo sa pamasahe. Tsaka para masubok din natin ang makasakay sa magarang kotse pare, tapos may aircon.” Sabi ni Burnok na kinukumbinsi si Gibo.

“Para ka lang din naman nakasakay sa kalabaw wala namang pinagkaiba. Tsaka mas maganda ang sariwang hangin kumpara sa aircon. At kung nang hihinayang ka sa pamasahe, ako na ang lilibre ng pamasahe mo.” Sagot naman ni Gibo sa sinabi ni Burnok.

“Ayos lang kung hindi kayo sanay sa aircon, puwede naman natin buksan ang bubungan ng kotse para fresh air pa rin ang masasagap nating hangin. Kaya halina kayo, mahaba-haba pa ang oras natin para makisaya sa kapistahan nila dito.” Pagsingit ni Vince nang lumapit ito sa kanila.

“Salamat na lang talaga, magmumukha lang kaming galising aso pagsumama kami sa inyo. Kita niyo naman ang pormahan niyong dalawa sa ayos namin. Kayo na lang ni Kaloy magsama, total kayo naman bagay. Dito lang kami, kami na bahala sa sarili namin.” Tugon pa ni Gib na halata na ang kinikilos nito.

Nais ni Vince na makuha ang loob ng mga kaibigan ni Kaloy dahil nakita niya sa kanya ang pagiging totoo ng mga ito. Katangian na malayong-malayo sa mga kaibigan niya sa kanila. At nais din nito mapasaya si Kaloy. Kaya kahit ang asim ng pakikitungo ni Gib sa kanya, hindi nito tinapatan ang ugali ng lalake.

“Naku walang problema ma, may mga extra pa akong damit, pantalon at sapatos sa kotse mamili na lang kayo, sigurado naman ako na magkakasukat lang naman tayo.” Nakangiting sabi ni Vince.

Kinagalak iyon nina Burnok at Paquito ngunit hindi ni Gib. Sa halip tinalikuran lang sila nito. Nakita iyon ni Kaloy at sa pag-aakalang nahihiya lang ang kaibigan nilapitan niya na ito tsaka inakbayan. Napatingin si Gib sa braso ni Kaloy na nakaangkla sa balikat nito. Pawisan at madungis ang ayos nito dahil sa paghahakot nito ng mga crates. Binaling ni Gib ang mga tingin nito sa mukha ni Kaloy na nakangiti sa kanya. Namangha si Gib sa kagwapuhan ni Kaloy sa malapitan. Doon na niya nakita ang totoong Kaloy. Na kahit ibang-iba na ang postura iyon parin ang dati niyang kababata at matalik na kaibigan. Gumanti ito ng ngiti kay Kaloy nang piningot ni Kaloy ang ilong nito.

“Ako ang bahala sa iyo tol, ako ang pipili sa damit na babagay sa iyo. Sisiguraduhin kong aangat ang kagwapuhan mo sa ating lima. Ikaw yata ang pinakagusto ko sa lahat.” Wika ni Kaloy kay Gibo.

“Gusto mo ako?” Tanong ni Gib na medyo may halong pagtataka at kaunting pilantik ng kilig.

“Oo naman, hindi pa ba halata tol? Sa ating apat ikaw lang ang sumama sa akin noong araw na takot ako magpatuli. Dahil may tiwala ako na hindi mo ipagkakalat ang secret ko na supot pa ako nun kahit grade six na ako. Tsaka solid ka sa puso ko tol. Sa inyong tatlo, sa iyo lang ako nagsabi ng I love you. Naalala mo?” Kuwento pa ni Kaloy.

“Baliw, para naman iyon kay Danica, pinagpraktisan mo lang ako tange.”

“Pero nasabi ko sa iyo, kasi nga sa iyo lang ako kumportable. Ganun ka kalakas dito sa heart ko after Danica ikaw na iyong next. Kung naging babae ka lang ikaw na lang ipapalit ko sa kanya eh. Kaso parehas tayong detubo tol. Baka magkahampasan lang tayo.” Pangungulit pa ni Kaloy kay Gibo.

“Puro ka kalokohan,sige na sasama na kami sa inyo.” Sambit ni Gibo na kinatuwa naman ni Kaloy.

Sa tuwa ni Kaloy hinalikan nito sa pisngi si Gibo. Wala naman iyong malisya kundi dala lang naman ng sobrang closeness ng dalawa at saya ni Kaloy, ngunit kinabigla parin iyon ni Gibo. Lalo na ni Vince na nang makita niya iyon. Hindi mawari ni Vince ang sarili nang bigla na lang ito nainis sa kanyang nakita.Umiwas na lang ito at sinundan sina Paquito at Burnok na naghihintay na sa kanyang kotse.

Nasa kalye na sina Nate patungong venue ng Agrifair.

“Malayo pa ba tayo dad?”

“Ayon sa locator guide, dalawang palikong street pa bago ang venue. Natawagan mo ba si Vince?”

“Yes dad pero nakapatay yata ang phone. Ayaw talaga niya maistorbo. Ano kaya naisip nun at nagpanggap siya na Koreanong artista. Tsa iyong kasama niya, sure ako na Pinoy iyon pero parang Koreano rin talaga eh. Ever in my wildest imagination, I never thought that Vince could do that. Knowing him…mag panggap na Korean celebrity tapos magbenta ng mga gulay at prutas sa isang Agrifair?”

“Baka hindi mo lang talaga kilala ang kaibigan mo. And you should know him now. Sa nakita ko kay Vince may nais siyang patunayan sa parents niya. And he did it well. “

“Kung may gusto siyang patunayan bakit hindi na lang niya gawin sa negosyo nila?”

“Sa tingin mo ba mapapansin ang kaibigan mo kung sa business nila siya magpasikat? That’s why I want you to explore your limits Nate. Hindi iyong nasa apat na sulok ka lang kwarto mo at nagkukulong. Tapos lalabas ka lang para gumimik. Use your free time. Be productive. Kaya kita sinama today, because I want you to see opportunities outside your comfort zone. Hindi para ikahon ka sa kung ano ang gusto namin ng mommy mo sa iyo. Mali ang ginawa ni Vince na paglayas, but we never know his reason. At nang makita ko video niya naintindihan ko ang kaibigan mo.” Ani pa ng ama ni Nate.

Natahimik na lang sa upuan nito ang binata habang pinapanood ang mga videos ni Vince na inap-load ng mga netizens.

Matapos makapagpalit ng mga suot ang lahat sumakay na ang mga ito sa kotse ni Vince. Ang babango nang tingnan ng tatlo matapos mabihisan ng maayos. Tabi parin sa front seats sina Kaloy at Vince, sa likod naman ang tatlo. Kitang-kita ni Vince ang pagbabago sa ayos ng mga kaibigan ni Kaloy kaya may naisip ito. Nagpaikot-ikot sila sa buong lugar, sinuyod ang mga kalye at daan upang makahanap ng isang salon o di kaya skin-care spa. Hindi naman nabigo si Vince at may nakita ito malapit sa isang mall. Nagtaka ang apat dahil doon silang dalawa huminto.

“Dahil sa napagod tayo nang husto, magpaparelax tayo rito.” Wika ni Vince nang pumasok sila sa isang salon-spa.

Unang beses iyon ng lahat liban kay Vince kaya nag-aalangan pa at nahihiya ang apat lalo na nang makita na mga babae ang karamihan sa mga customer na naroon. Paglapit ni Vince sa transaction counter agad itong namukhaan ng babaeng nagbabantay doon.

“You Korean? You’re the guy in the video?” Tanong ng babae na nanginginig na pinakita kay Vince ang video nila na viral na.

Napalunok ng laway si Vince at napalingon sa apat. Gusto na sana nilang umatras, doon lang nalaman ni Vince na viral na pala sila sa lugar na iyon. Tatanggi pa sana si Vince at lalabas na lang nang lumapit na sa kanila ang manager dun at namukhaan din sila. Sa sobrang tuwa ng manager nang makita ang lima. Agad ito nagpapicture sa kanila na pinagtaka naman ng ibang nandoon. Nang magsilabasan na ng cellphone ang iba at kinumpirma na sila ngang lima ang nasa video. Lahat ng nandoon sa loob nakipag picture narin sa kanila.

Aliw na aliw naman sina Paquito at Burnok na sinasakyan ang trip ng mga tao. Todo pa cute rin ang dalawa na nakikiselfie sa kanila. Pinanindigan na rin ni Vince ang pag arte bilang Koreano. Ganun din si Kaloy na on character agad. Inalok sila ng manager ng libreng serbisyo kapalit ng pagpapa-picture sa kanila. Natuwa naman si Vince at pumayag sa alok.

“Can we just keep it a secret from others that we are here? We don’t want to be the cause of trouble anymore. We want privacy. For our safety too. Is it ok?” Pakiusap ni Vince sa manager.

Sumang-ayon naman ang manager at pansamantala munang sinara ang salon sa iba habang nandoon pa ang lima. Takang-taka ang apat sa nangyayari ngunit sinakyan na lang nila ang pagkakataon. Nagpa facial, foot scrub, palinis ng mga kuko, gupit ng buhok, hair dye at masahe lahat ng pamper pinaranas iyon ng salon sa apat na first time palang sa ganun. Sa ginawang pambubudol ni Vince nakalibre sila ng package.

Matapos ang mahaba-habang proseso, kinatuwa ng apat ang pagbabago sa kanilang itsura. Lalo na sa kanilang mga gupit at nakakulay na buhok. Lalong umangat ang ganda nilang mga lalake. Nagmistulang mga model endorser sila ng salon na iyon matapos mag-pictorial ang lima sa salon.

Mula sa salon nag-grocery naman ang lima sa mall na katabi lang din ng salon na iyon. Sa aliw ni Vince na kabonding ang mga kaibigan ni Kaloy lalo na sina Paquito at Burnok pinang shopping niya ito ng mga damit at sapatos. Hindi inalintana ni Vince ang gastos dahil sa nakaramdam ito ng koneksyon sa grupo nila ni Kaloy. Nang malaman kung gaano ka kalog at kasayang kasama ang mga kaibigan ni Kaloy lalo lang ninais ni Vince na mapalapit sa kanila. Nakuha naman nito ang tiwala nina Paquito at Burnok ngunit pagdating talaga kay Gibo mukhang mahihirapan ito.

Hindi na ito gaanong nakakalapit kay Kaloy dahil palaging nakapagitna sa kanila si Gib. Panay ang akbay din nito kay Kaloy kung kaya pasingit-singit lang ang usap nito sa lalake. Nakakatabi lang nito si Kaloy kapag nasa loob na sila ng kotse. Marami silang napamili sa mall at napagastos rin ng malaki si Vince ngunit hindi na iyon pinansin ng binata. Ang marinig lang kina Paquito at Burnok ang paulit-ulit na pasasalamat,ay ayos na sa kanya.

“Parang ginugutom na yata ako, kayo ba mga tol? Vince pare gutom ka na ba? Kain muna tayo. Ako naman ang taya, may binigay sa akin si Tatay kanina. Pangkain natin ito. Ako naman ang manglilibre, pero siyempre doon lang tayo sa turo-turo restauran para mura.” Wika ni Kaloy.

“Ako na!” Sabay na sambit ni Vince at Gib.

Nagkatinginan naman si Burnok at Paquito na pinipigilan ang sarili na matawa dahil sa nagkasabay sina Vince at Gib.

“Ako na ang lilibre pare.” Sabi ni Vince kay Kaloy.

“Ako na pare, kanina ka pa nanglilibre sa amin. Baka maubos ang laman ng wallet mo. Sabihin mo pa pinagsasamantalahan ka lang namin. Ako na ang bahala sa pagkain.” Sabat ni Gib.

“Ayos lang pare, ako na. Sa ating dalawa mukhang mas kailangan mo ng pera, kaya itago mo na lang ang sa iyo. My treat.” Ani pa ni Vince.

“Sure ka ba pare? Nakakahiya na sa iyo. Pero sige…masama tanggihan ang grasya. Huwag kang magalala pare, mamasahiin na lang kita pag-uwi sa bahay makabawi man lang sa iyo. “ Ang nakangiting tugon ni Kaloy sabay akbay kay Vince.

Hindi nagustuhan ni Gibo ang narinig kay Kaloy, ngunit ayaw nitong ipahalata sa dalawa nitong katabi na sina Paquito at Burnok. Pero tila nakaramdam na ng kakaiba si Burnok kaya pinadaplisan nito ng salitang pabulong si Gibo.

“Paano iyan parekoy, mukhang may himasan na mangyayari pag-uwi natin ah. Papayag ka ba na si Vince lang ang mamasahiin ng bespren mo?” Pang-aasar pa ni Burnok.

“Tigilan mo ako, baka mabigwasan kita ng kamao ko.” Pikon na tugon nito kay Burnok.

“Ay walang pikunan pre, magdududa na talaga kami niyan sa iyo. Pag biro, biro lang walang seryosohan. Tara na nga siguradong gutom lang iyan. Kumain na tayo! Magpakabusog tayo kasi libre.” Ani pa ni Burnok na pinakakalma si Gibo.

Nakarating na sa venue sina Nate, ngunit tahimik na nun ang lugar, may mga tao ngunit hindi naman marami. Hinanap nila ang puwesto kung saan nakita si Vince ngunit wala na iyon doong tao. May mga naka-display na mga gulay at prutas ngunit kakaunti na lang. Wala ang inaasahan nilang dami ng tao na nakita nila sa video. Nagtanong-tanong si Nate sa mga katabing booth ngunit wala silang alam kung nasaan na nun ang mga bantay sa booth nina Kaloy.

Dismayado ang mag-ama dahil hindi na nila naabutan si Vince sa lugar. Nang may nakitang bagong post si Nate sa isang vlogger na pina-follow nito.

“Dad nandito pa sila ni Vince sa lugar, kaka-upload lang ito 20 mins ago. Nadaanan na natin ang mall na ito on the here. Makikita pa natin si Vince dito dad.”

“Hindi tayo napunta dito para buntutan ang kaibigan mo Nate, hayaan na lang natin si Vince. At nakita mo naman mukhang nag i-enjoy lang ang kaibigan mo. Never ko nakita ang mukha na iyan sa kanya sa tuwing pumupunta siya sa bahay. Hayaan na lang natin si Vince ang mahalaga we that he’s o.k. Umuwi na tayo. Anyway papunta na rin naman dito sina Hector at Sonya they know what to do.” Ayon pa sa ama ni Nate.

“Lang hiyang Vince, nagmukha na tuloy silang pop idol sa bago nilang ayos. Ano ba kasi ang pinaggagawa mo Vince? Pero tama si dad, ibang-iba ang saya mo ngayon. I miss you dude.” Bulong ni Nate sa sarili.

Umuwi na sina Nate kasama ang kanyang ama. Naupo ito sa likod ng kotse para makasilip. Muli nitong binuksan ang kanyang phone at paulit ulit sinu-zoom ang video ni Vince. Titig na titig ito sa bagong gupit at ayos ng kaibigan. Nahuli na lang ni Nate ang sarili na nakangiti lang habang pinapanood si Vince sa Video. Kung ano ang ngiti ni Vince ganun din ang reaksyon nito sa kanya.

“Tang ina Nate, ano ba ang nangyayare sa iyo. Straight ka huy, umayos ka nga. Tropa mo si Vince iyon lang iyon huwag kang kiligin gago.” Bulong ni Nate sa sarili na hindi mahinto ang pagngiti nito habang pinapanood ang video ni Vince na nagko-Koreano.

Sa mall na naisipan ni Vince na ilibre ang apat at gaya nang inaasahan muli silang pinagkaguluhan pagpasok nila sa isang restaurant lalo na sa bago nilang looks at ayos. Ang babango na nilang tingnan at para na nga silang idol group dahil sa kanilang porma. Kanaaliwan ang lima lalo na sina Kaloy at Vince na parang mag jowa sa isang Korean BL series. Kapag nakikipagkulitan sa mga nakikipicture sa kanila.

Game na game naman si Kaloy na pinagbibigyan ang request ng mga nakikipicture. Lalo na kung makiusap ang mga ito na mag akbayan ang dalawa habang gagawa ng heart gamit ang pinagdugtong nilang mga kamay. Hindi maitatago ang spark ng kilig sa tuwing magtatama ang mga tinginan ng dalawa habang nagkakangitian.

Kung kinakilig iyon ng nina Paquito at Burnok, hindi naman iyon bumenta kay Gibo.

“Maraming salamat sa pare, first time lang namin nakakain sa lugar na iyon, grabe ang sasarap ng pagkain. Diba mga tol?” Ani ni Kaloy nang nasa kotse ang lahat.

“Siya nga Vince pare, salamat ng sobra. Tsaka dito sa mga pinamili mo sa amin ni Burnok at Gibo, solid ka talaga. Kaya wine-welcome ka na namin sa tropa pare. Diba Gib?”

“Kayo lang, hoy Vince hindi dahil nilibre mo kami eh ok ka na sa akin. Nangangati ako sa mga hambog at epal para malinaw lang sa iyo. Kung nais mo maging parte namin dapat alam mo kung paano maputikan at madumihan ng lupa sa mga kuko.” Tugon ni Gibo.

“Game, walang kaso iyon sa akin pare. At salamat sa pagpayag na sumama kayo sa akin.” Tugon pa ni Vince sabay gumawad ng ngiti at kindat kay Gib bago nito pinaandar ang kotse.

Napakunot ng noo si Gibo nang makita iyon. Napuno naman ng asaran at tuksuhan ang loob ng kotse dahil sa tugunan ng dalawa. Sinulit ng lima ang pagpunta sa Estancia. Pinuntahan nila ang lahat ng mga highlighted spot ng lugar. Nag enjoy ng husto ang lahat, higit na dun si Vince na lasap na lasap ang authentic na saya na walang filter at walang pagkukunwari. Dahil sa napasarap sa pamamasyal, dapit hapon na sila nakabalik ng Agrifair. Nagsasara na ang ibang mga booth. Wala na rin ang truck na sinakyan nila Gibo papunta roon. Nag-aalala na ang lahat para sa ama ni Kaloy.

Ngunit nang papalapit pa sila sa venue, may nakita si Vince na kinagulat nito. Namukhaan nito ang nakaparadang SUV sa parking space ng venue. At nakumpirma rin ang kutob nito nang makita ang plate number ng naturang kotse. Kinabahan bigla si Vince at napansin agad ni Kaloy ang pagbago ng mukha ng kaibigan.

DOUBT

Napansin ni Kaloy ang biglaang pagkunot ng noo ni Vince nang makita ang tatlong taong kasama ng ama nito. Pagkahinto ng kotse ni Vince bumaba agad ang tatlo, saglit na nagpaiwan pa sa loob si Kaloy kasama ni Vince.

“Ayos ka lang pare? Kilala mo ba ang mga iyan?” Tanong ni Kaloy sa kaibigan.

“Sina mommy at daddy, tsaka si yaya.” ang sagot ni Vince na ramdam ang inis sa boses nito.

Lumapit sa kanila ang ama ni Kaloy para salubungin ang dalawa.

“Nak, mga magulang mo raw sila kanina pa ang mga iyan dito. Naglayas ka pala sa inyo. Alam mo Vince bilang ama at magulang may mga bagay sa isang pamilya na hindi lahat maiintindihan ng isang anak. Lalo na sa edad niyo ngayon. Ang magulang mananatiling magulang kahit gaano pa sila kasama sa tingin niyo. Maiintindihan mo iyan kapag nagkapamilya ka na. Wala rito ang mga iyan kung hindi ka mahalaga sa kanila. Lapitan mo na sila at Nak, magpakumbaba ka bilang isang anak sa mga magulang mo. Nandito lang kami ni Kaloy.” Wika ni Karding ,sabay tapik sa balikat ni Vince.

Tumango naman si Vince bilang tugon tsaka nilapitan ang mga magulang na nakatayo roon.

“Kaloy anak, tulungan mo akong mag-ayos sa puwesto natin, mukhang dito na muna tayo magpalipas ng gabi. Tila mahaba-habang pag-uusap pa ang gagawin ni Vince sa mga magulang niya. Hindi naman natin maaring iwan dito ang kaibigan mo na sa pakiwari ko may malaking pinagdadaan sa pamilya niya.” Ani ni Karding.

“Bakit daw po tay?”

“Problemang pamilya, kaya huwag na tayong makisawsaw. Pasasabayin ko na ang mga kaibigan mo sa truck pabalik sa atin nang masabihan nila ang nanay mo. Bukas na lang tayo uuwi.”

Napatingin si Kaloy sa direksiyon nina Vince, tsaka muling ibinaling ang tingin sa ama. Sa postura pa lang kitang-kita na ang pagkakaiba sa pamilya nila Vince at ng kanya. Hindi nagkakalayo ang edad ng ama nito sa ama ni Vince ngunit bakas ang hirap ng pamumuhay nila sa ayos ng kanyang ama.

“Hayaan na muna natin si Vince, halika na magkakarga pa tayo ng mga lagayan sa truck, bilis na.”

Naiwan na doon si Vince kasama ang mga magulang nito at ang yayang si Ponyang na labis ang tuwa nang makita ang alaga. Nauna pa itong yumakap sa binata na daig pa ang tunay na ina na nawalay sa anak.

Matabang ang naging pagbating bungad ni Vince sa magulang. Niyakap naman ito ng ina ngunit walang tugon mula sa kanya. Kinagalak pa nito ang mainit na braso ng nagpalaking yaya.

“Uwi na tayo Vince, kakalimutan na namin ng dad mo ang ginawa mo. Just come home.” Pakiusap ni Sonya sa anak.

“Ito lang pala ang gusto mo, bakit hindi mo man lang sinabi, di sana nakatulong ka pa sa business natin. Nakita ko ang ginawa mo sa mga online post. At nakikita ko na malaki ang potential mo sa kompanya kung matutukan ka lang ng husto.” Sabi naman ng ama nito.

“Kaya ba kayo pumunta rito dahil na miss niyo talaga o dahil nakita niyo lang ang potential ko sa negosyo niyo? Kasi kung iyon lang naman, hayaan niyo na muna ako rito. Mas masaya po ako dito.” Tugon ni Vince sa ama.

“Kahit kailan hindi ka na talaga natutong kumilala sa mga nagpalaki sa iyo. Hindi kami nag aksaya ng oras namin dito kung hindi kami nag aalala ng mommy mo sa iyo. Kaya umayos ka. Huwag mo akong simulan. Uuwi ka sa ayaw at sa gusto mo.” Pagpipigil pa ng galit ni Herman sa anak.

“Kung alam mo lang kung gaano kami nag alala sa iyo nang umalis ka. Kaya please ,let’s go home baby.” Ani pa ni Sonya.

“Huwag na kayo mag drama mommy, alam ko namang hindi iyan totoo. Inaalala niyo lang naman ang sasabihin sa inyo ng mga kakilala niyo, kaya pinuntahan niyo ako rito. Hindi dahil na miss niyo o nag alala kayo sa akin. Diba yaya? Sinabi sa akin ni yaya na mas nais niyo pa nga na hindi na ako bumalik diba? Tama ba dad? Kaya para wala na kayong sakit sa ulo, hayaan niyo na ako. Kaya ko na sarili ko.” Sagot ni Vince sa mga magulang.

Doon na lumabas ang galit ni Herman sa anak, bigla nitong hinatak ang damit ni Vince at sinampal ang anak. Kinabigla iyon ni Ponyang kaya napasigaw ito. Narinig nang mag-ama Kaloy at Karding ang pagtili ni Ponyang kaya napalingon ang mga ito. At kitang -kita ni Kaloy na pinagagalitan si Vince ng ama.

“Hayaan mo sila, problemang pamilya iyan. Mali ang ginawa ni Vince na paglalayas. May dahilan man siyang mabigat hindi iyon dapat. Ang magulang ay magulang. Kaya ikaw Kaloy, iyang pangarap mo na lumuwas ng siyudad para sundan si Danica, pag-isipan mong mabuti. Baka magaya ka kay Vince na dahil sa kagustuhang masunod ang layaw ay naglayas. Gawin mo sa amin ng nanay mo iyan at makikita mo kung gaano ano ako kung magalit.” Paalala ni Karding sa anak

“Tay, mahal ko kayo ni nanay at hindi ko naman kayang bigyan kayo ng sama ng loob dahil lang sa kagustuhan kong sundan si Danica. At isa pa , Tay hindi naman tayo kasing yaman nila Vince. Ano ang sasakyan ko papuntang siyudad, kalabaw natin? Hinding hindi ko magagawa iyon. Kahit matagal ko nang pangarap ang maranasan ang buhay sa siyudad hindi ko kayo kayang iwan ni Nanay, Tay.” Paglalambing naman na tugon ni Kaloy sa ama.

Kung may ganung pagkakaintindihan ang mag ama hindi naman iyon ang sitwasyon sa pagitan ni Vince at Herman. May diin ang pagpisil ni Herman sa braso ni Vince habang pinagsasabihan ang anak. Nasaktan si Vince kaya pumapalag ito sa ama. Nang hindi na nakontrol ni Herman ang galit sa anak na suntok na nito si Vince, dahilan para bumagsak sa lupa ang binata. Nakatawag ng pansin sa lahat ang pagsigaw nina Sonya at Ponyang sa mga nandoon.

Nakita ni Kaloy ang nangyari kaya hindi na nito napigil ang sarili at nilapitan si Vince para itayo. Nakiusap na rin ito sa ama ng kaibigan na huwag ng saktan si Vince. Marami na ang naki-usyoso sa nangyayari. Ayaw na madagdagan pa ang kahihiyan na ginawa ng anak kaya bumalik na sa sasakyan nila si Herman. Lumapit si Sonya sa anak at muli nitong nakiusap na sumama na sa kanila ngunit nagmatigas pa rin si Vince.

“Sorry mommy, pero dito ko nakita ang mga bagay na nagpapasaya sa akin. Sa ngayon pakiusap hayaan niyo na lang muna akong makita ang sarili ko.” Ani ni Vince.

“Malaki ka na, at naiintindihan kita. Sorry baby hindi ako naging mabuting mommy for you. But I want you to know that I love you, mahal ka namin ng daddy mo. Sorry kung itong pamilya ang kinalakihan mo. Hindi mo deserve ang ganito. But please come home, kung handa ka na hihintayin kita baby ko.” Ang tugon ni Sonya na niyakap ng mahigpit ang anak habang napapaluha.

Ramdam ni Vince ang sinseridad ng ina ngunit tila wala naman iyong epekto sa kanya ni hindi man lang ito gumanti ng yakap kay Sonya.

“Ma’am, kung ayos lang po, magpapaiwan ako rito para alagaan si sir Vince. Wala rin naman akong silbi dun sa mansyon na wala ang alaga ko.” Singit na pakiusap ni Ponyang.

Tutol si Vince ngunit pumayag si Sonya. Iniwanan nito ng malaking pera ang yaya ni Vince. Halos lumuwa ang mata ni Kaloy nang makita ang makapal na pera na inilabas ni Sonya sa bag.

“Grabe hindi lang pala basta mayaman sina Vince kundi mayamang-mayaman, tapos mansiyon pa pala bahay nila…grabe.” sa isip pa ni Kaloy.

Bumaling sa kanya si Sonya at hinabilin kay Kaloy ang anak. Nagpasalamat din ito dahil nakita ni Sonya na nasa mabuting pangangalaga ang kanilang anak. Muling dumukot sa kanyang bag si Sonya at may inabot ito kay Kaloy. Malaking halaga ng pera bilang pasasalamat sa tulong nila ng ama kay Vince. Gusto nang kunin iyon ni Kaloy nang napabaling ito kay Vince na nakatingin sa kanya.

“Madam, masyadong malaki po iyan. At hindi naman kami nagpapabayad sa pagkupkop namin kay Vince. Bukal po sa loob namin ang pagtulong at tsaka tinutulungan din kami ng anak niyo. Salamat na lang po. Huwag kayong mag aalala kay Vince, safe po siya sa amin.” Saad ni Kaloy nang tanggihan ang inabot na pera sa kanya ni Sonya.

“Huwag mo itong isiping bayad, kundi regalo dahil sa kabutihan niyo sa anak ko. Tanggapin mo na bilang pasasalamat namin sa inyo.” Wika pa ni Sonya sabay kuha ng kamay ni Kaloy at bigay ng pera.

Hindi na nakahindi pa ang binata ng mahawakan na ang ganun ka laking halaga ng pera sa kanya palad. Pagkatapos ihabilin saglit si Vince kay Kaloy umalis si Sonya kasama si Herman at gaya nga ng pakiusap ng yaya naiwan sa kanila si Ponyang.

Hapon na ng mga sandaling iyon ngunit maaga pa naman kaya minabuti na nilang umuwi sa kanila gamit ang sasakyan ni Vince. Boong biyahe tahimik lang si Vince at tila malalim ang iniisip hanggang sa nakarating na sila kina Kaloy, walang imik pa rin ang binata. Kinausap na ito ni Kaloy.

“Ayos ka lang ba pare?” Tanong nito nang tinabihan sa mahabang papag sa labas ng kanilang bahay si Vince.

“Sana hindi na ako ang anak nila at sana di na lang sila ang naging magulang ko.” Tugon ni Vince.

“Huwag mo namang sabihin iyan pare, may rason kung bakit napunta ka sa kanila at kahit may di kayo pagkakaunawaan ng magulang mo hindi mo maitatanggi na magulang mo parin sila. Wala ka nang magagawa dun. Tsaka pasalamat ka pa nga kasi pinalaki ka nilang sunod ang lahat ng luho mo sa buhay. Kung may hindi man magandang nangyari, malamang may dahilan din iyon.” Ani pa ni Kaloy.

“Nasabi mo lang iyan kasi hindi mo naranasan ang mga naranasan ko pare, Magulang ko nga sila pero simula nang nagkaisip ako never ko naramdaman ang pagiging magulang nila. Lumaki ako, at nagkaisip na ang kinamulatan kong tao sa tabi ko si yaya Ponyang. Pare hindi kayang punan ng luho at pera ang pangungulila ko sa pag-aaruga ng isang ina at ama. At ngayong ganito na ang edad ko, hanggang ngayon hinahanap ko pa rin ang presensiya nila bilang magulang ko pare dahil hindi ko parin ramdam iyon.“ang saloobin ni Vince.

Hindi na dumagdag pa ng komento si Kaloy dahil wala rin naman itong alam sa mga pinagdadaanan ng kaibigan. Dumating ang gabi ngunit wala paring pagbabago, bakas parin sa mukha ni Vince ang lungkot. Pinag alala iyon ni Kaloy. Nais niyang makita muli ang ngiti sa mukha ng kaibigan. Kaya matapos ang hapunan nila niyaya nito si Vince na pumunta kina Gibo. Sakto naman dahil nang dumating ang dalawa nandoon din sina Burnok at Paquito na suot-suot pa ang mga bagong damit na pinamili sa kanila ni Vince.

Sinalubong sila ni Gibo na may bitbit na maliit na lamesa.

“Para saan ang lamesa na iyan tol?” Tanong ni Kaloy kay Gibo.

“Nagyaya itong sina Paquito na mag inuman, sakto naman at maraming nahuling palaka si insan, inadobo ko sa gata na maraming sili. Halikayo pagsaluhan natin ang dalang tuba ng dalawa.” Sagot ni Gibo habang inaayos ang lamesa sa kanilang bakuran.

“Uy Vince pare, nakakain ka na ba ng jumping pulutan?” Paglapit ni Burnok.

“Mukhang na curious nga ako sa lasa nun eh.” Nakangiting sagot ni Vince.

Nakita iyon ni. Kaloy at napangiti na rin ito. Nang lumapit na rin si Paquito bitbit ang isang malaking bote ng tuba at ang pulutan nilang palaka, kanya-kanya na silang ng hanapan ng puwesto sa harap ng lamesa. Katabi nun ni Kaloy si Vince sa kanyang kaliwa at sa kanan naman neto si Gibo. Kaharap ng tatlo ang dalawa. Unang beses ni Vince makainom ng tuba tsaka makakain ng palaka ngunit nagustuhan niya agad ito. Masayang nagkukuwentuhan ang lima, at mabilis namang nakasabay sa kanila si Vince. Habang lumalalim ang gabi lalong naging komportable ang loob ni Vince sa mga kaibigan ni Kaloy, at kahit sa sandali man lang nakalimutan nito ang bigat na dala dulot ng pagkikita nila ng kanyang magulang.

Nasarapan ito ng husto sa tamis ng iniinom nilang tuba kaya hindi na nito namalayan na nalasing na pala ito. Maging lahat naman sila tinablan na ng kalasingan.

Tumayo si Kaloy para magpaalam na magbabawas saglit ng tubig sa katawan ngunit sa kanya pag hakbang paalis sa kinauupuan nito, bigla itong nawalan ng balanse at natumba sa puwesto ni Gibo. Bumagsak ang dalawa sa lupa na magkapatong. Tumayo naman si Vince para tulungan sanang maitayo ang dalawa ngunit napasubsob na rin ito kay Kaloy. Tila na sandwich si Kaloy sa pagitan ng dalawa. Nakadapa si Kaloy sa nakatihayang si Gibo habang nakasampa naman sa likuran nito si Vince. Doon na tumulong pa ang dalawa Burnok at Paquito.

Nang makatayo na ang tatlo, sabay na ang lima na tinungo ang tanim na kawayan sa bakuran nila Gibo at doon nakahilirang humarap doon ang lima at sabay nag labas ng kanilang mga tarugo at nagpataasan ng kanilang mga ihi habang nagtatawanan bago bumalik sa lamesa.

“Pano ba ito mga parekoys mukhang kailangan na nating magpaalam sa isa’t isa, wala ng laman ang bote ng tuba. Tsaka parang umiikot na rin ang paningin ko. Inaantok na ako mga kotse”. Wika ni Burnok.

“Ako rin mga pare, parang tinatamad na nga akong tumayo rito. Gusto ko nang matulog dito.” Sabat naman ni Paquito.

“Siya nga tol, uwi na kami ni Vince, malayong-malayo pa naman ang lalakarin namin makarating sa amin. Kita na lang muli tayo bukas, doon sa ilog.” Sabi ni Kaloy.

“Dito na kayong lahat matulog, doon tayo sa kuwarto ko, kasya tayong lima dun. Bukas na kayo umuwi baka mapano pa kayo sa daan, gabing-gabi na mga pre.” Tugon ni Gibo.

“Sina Kaloy na lang at Vince isama mo sa loob pare, dito na lang kami ni Paquito sa labas…masarap dito, malamig ang hangin. Diyan na lang kami sa papag mamaya.” Wika ni Burnok kay Gibo.

“Siya nga naman pare, sina Vince na lang dun. Sanay naman kami rito sa papag.” Pagsang-ayon naman ni Paquito.

Dahil sa madalas naman talaga nakikitulog si Kaloy kina Gibo, at sa nakitang sitwasyon ni Vince sumang-ayon narin ito. Naiwan nga sa bakuran nila Gibo ang dalawa samantala kasabay na nito sa loob ng kanyang silid sina Kaloy at Vince. Pagkapasok pa lang humilata na agad sa kama nito si Kaloy na komportableng-komportable pa. Napaupo naman sa gilid ng kama si Vince na medyo nahihiya pa.

“Diyan na kayo ni Vince sa kama ko tol, dito naman ako sa lapag.” Ani ni Gibo.

“Tabi-tabi na tayo dito tol ang laki-laki nitong kama mo, kasya nga tayong apat dito eh. Tabi ka na sa akin nang may kadantayan ako.” Tugon ni Kaloy na inayos ang sarili sa kama.

Malapad ang kama ni Gibo, malaki rin ang silid nito. Sa kanilang lugar isa sina Gibo sa may malaking bahay doon na gawa sa semento. May kaya sa buhay ang ama ni Gibo ngunit may nauna na itong pamilya. Gayunpaman tuloy ang sustento nito mula sa ama. May sariling pamilya na rin ang ina nito na ofw sa Dubai, at ang lola at lolo na lang nito ang tanging kasama nito doon. Kaya madalas doon sina Kaloy sa kanila.

Mabilis na nakatulog sina Kaloy at Vince ngunit si Gibo, balisa sa kanya puwesto. Babangon pa sana ito nang maramdaman nito ang braso ni Kaloy na kumabig sa kanyang katawan palapit sa kaibigan. Saglit pa niyakap na siya nito ni Kaloy ng madiin at may higpit.

Bigla na lang ginapangan ng init sa katawan si Gibo na hindi niya mawari kung bakit. Nagugustuhan nito ang pagyakap na iyon sa kanya ng natutulog na si Kaloy.

Madalas namang ganun sila, at ganun sa kanya si Kaloy. Ngunit pakiramdam nito parang iba ngayon ang dulot nun sa kanya. Bigla na lang sumagi sa isip nito ang tagpong kanina lang. Nang muntikan nang magtama ang kanilang mga labi sa isa’t isa nang mapasubsob sa kanya si Kaloy nang matumba si Vince. At nang makita nito ang ari ng kaibigan habang umiihi sila ng sabay. Ilang ulit na niya iyon nakikita kay Kaloy sa tuwing sabay sila naliligo sa ilog, ngunit iba sa mga sandaling iyon.

Natagpuan na lang ni Gibo ang sarili na himas-himas ang sarili nitong alaga na unti-unti nang nagkakabuhay. May kung anong kapilyuhang naisip si Gibo na gawin. Hinawakan nito ang kamay ni Kaloy na nakayapos sa kanya at ipinasok niya iyon sa loob ng kanyang briefs. Gamit ang palad ni Kaloy ,kinuskos niya iyon sa nagwawala na nitong kobra. Ang mainit na palad ni Kaloy ang lalong nagpatindi ng libog na kanyang naramdaman hanggang sa sumirit na lang mula sa matigas na taru nito ang malapot at mainit-init na katas ng kalibugan. Napuno ng dagta nito ang palad ni Kaloy na walang kamalay-malay sa nangyayari. Hinayaan pa ni Gibo ang kamay ni Kaloy sa loob ng kanyang briefs hanggang sa nakatulog din ito.

Kalaliman na ng gabi nang maalimpungatan si Kaloy. Nagulat na lang ito nang mapansin ang sariling kamay sa loob ng briefs ni Gibo. Agad niya iyon kinuha at doon na nito napansin ang basa nitong palad na nanglalagkit pa. Napalunok na lang ito ng sariling laway ng mapagtanto kung ano ang bagay na iyon na nasa kanyang palad. Napatingin ito sa kaibigan na mahimbing na natutulog.

“Tang ina, ano itong ginawa ko. Buwisit…binayo ko ba habang tulog si Gibo? Buti hindi ko siya nagising. Buwisit talaga.” Bulong ni Kaloy sa sarili.

Bumangon ito nang dahan-dahan sa kama at tinungo ang banyo sa labas ng silid ni Gibo at doon naghugas ng kamay at nagsabon ng husto. Hindi na nito nagawa pang makabalik ng tulog sa kakaisip sa kanyang ginawa. Kahit kailan hindi pa nito nagagawa ang ganun. Madalang nga din itong magbayo ng sarili at dahil sa nangyari biglang nagkaroon ng kalituhan si Kaloy sa sarili.

CITY LIGHTS

Dahil sa hindi na nga makatulog lumabas ng bahay nila Gibo si Kaloy at doon inabutan nito sa may papag ang dalawa Paquito at Burnok na nagkakape habang nag lalagay ng kamoteng kahoy sa ginawa nilang lutuan sa bakuran nila Gibo.

“Ang aga niyo namang nagising dalawa. Kung sa loob na kasi kayo natulog di sana humihilik pa kayo ngayon.” Paglapit ni Kaloy sa dalawa.

“Ginutom kasi kami ni Paquito, buti naalala namin ang kamoteng kahoy nila Gibo sa kusina. Ikaw pare bakit ang aga ng gising mo mag aalas kuwatro pa lang ng madaling araw ah.”

“Nag banyo ako tapos nawala na ang antok ko. Pero ang dalawa humihilik parin sa loob. Lalo na si Vince. Sarap na sarap sa kama ni Gibo.” Ani pa ni Kaloy.

“Tiyak na miss niya siguro ang malambot na kama. Maiba tayo parekoy hanggang kelan ba sa inyo iyang kaibigan mong taga siyudad. Nakita pa namin na may isa pa kayong bisita sa inyo. Sino naman iyon?” Tanong ni Paquito.

“Yaya ni Vince, ayaw nga sana ni Vince na dumito iyon kaso namilit kaya pinagbigyan na lang niya. At kung hanggang kelan siya rito iyon ang hindi ko alam. Pero mukhang magtatagal pa iyan dito.” Sagot ni Kaloy.

“Mukhang matatagalan pa pala ang selos neto ni Gibo? Hahaha” sabat ni Burnok na nakatawa.

“Selos? Kanino?” Pagtatakang tanong ni Kaloy.

“Wala, pansin lang naman namin ni Burnok iyon kay Gibo. Mula kasi nang dumating sa inyo iyang si Vince, suyang-suya na iyon sa bisita mo. Mukha lang iyon ok pag kaharap kayo pero kapag hindi inis na inis iyon kay Vince.Tila kasi ninakawan na siya ng atensiyon sa iyo ni Vince. Ewan ko ba sa tropa nating iyon, nababakla na yata sa iyo pare.“saad pa ni Paquito.

Natawa na lang si Kaloy sa mga sinabi sa kanya ng mga kaibigan. Ngunit bigla na lang ito natigilan ng maalala muli ang ginawa niya kay Gibo. Hindi parin ito mapakali sa sarili kung bakit nasa loob ng salawal ng kaibigan ang kamay nito. Samantala nagising na lang si Gibo nang may naramdaman itong may mabigat na nakadagan sa hita at dibdib nito at nang iminulat nito ang mga mata nagulat ito nang kaharap na nito si Vince na halos dikit na ang mukha sa kanya, nakayapos ang mga braso nito sa kanyang katawan at nakadantay pa ang mga hita at Paa nito sa kanya.

Kumilos si Gibo para alisin ang kamay at hita ni Vince sa kanya ngunit lalo lang sumiksik sa kanyang katawan si Vince. Nang maramdaman nito ang pagkislot ng kuwan ni Vince na tumama sa kanyang tagiliran. Tinapik-tapik nito ang hita ng binata na nakadantay sa kanya sa pag-aakalang magigising ito ngunit sa halip ikiniskis pa nga ni Vince ang harapan nito sa hita ni Gibo.

Malamig ang ihip ng hangin sa mga sandaling iyon pero pinagpapawisan ng hindi niya maipaliwanag si Gibo. Hanggang sa naramdaman na rin nito ang unti-unting paninigas ng kanyang turon de saba. Sinikap nitong makatayo dahil ayaw niyang maabutan sila ni Kaloy na nasa ganoong ayos. Nang maalis na nito si Vince sa kanya ay agad na bumangon si Gibo at lumabas ng silid, iniwan nito sa kama ang tulog na tulog parin na si Vince. Pagkalabas ni Gibo agad nito hinanap si Kaloy nang marinig nito ang mga tawanan ng kaibigan sa labas.

“Gising na rin pala itong si Gibo, pare mag kape ka muna.” Pagtawag ni Burnok.

“Ang aga niyo namang tatlo.” Paglapit ni Gibo.

“Kape ka muna tol” pag-abot naman ni Kaloy ng tasa ng kape kay Gibo.

Tumugon ng ngiti si Gibo kay Kaloy na siyang kinailang naman ng huli. Matapos maiabot sa kaibigan ang mainit na kape pansin agad ang pag-iwas nito ng tingin kay Gibo bagay na kinailang din ng binata.

“Alam niya kaya ang ginawa ko sa kanya kagabi?” Sa isip ni Gibo.

Naunang magpaalam sa kanila si Kaloy para puntahan si Vince sa silid ni Gibo. Nanatili naman doon si Gibo kasama sina Paquito at Burnok.

-*-

Dahil kay Ponyang maraming nalaman si Tess tungkol sa buhay-buhay ni Vince at bagabag ito sa binata. Gayunpaman ayaw naman nitong panghimasukan ang buhay ni Vince. Nagtagal pa ng ilang mga araw at linggo ng pananatili ni Vince sa kanila hanggang sa sumapit ang buwan ng kanilang kaarawan.

“Next week birthday mo na pare, ano sa iyo kung mag pa lechon tayo?” Wika ni Vince.

“Naku huwag na pare, sanay na kami sa kaunting handa. Tsaka hindi naman talaga ako nagdidiwang ng kaarawan ko. Tuwing birthday ko doon lang kami ng tropa sa may dampa. Gawin mo na lang ang balak mo sa kaarawan mo, diba birthday mo rin pagkatapos ng sa akin?” Ani ni Kaloy.

“Isasabay ko na lang sa birthday mo ang sa akin isang araw lang naman pagitan natin diba. Sasabihan ko ang tatay Karding mo, magpapa lechon tayo sa birthday mo pare. Tsaka pa despedida ko na rin dahil babalik na ako sa amin. “ Saad pa ni Vince.

“Uuwi ka na, mabuti naman siguradong matutuwa nito ang mga magulang mo. Promise mo pare, huwag ka ng maglalayas ha.”

“Actually si mommy lang naman ang dahilan, na miss ko na si mommy. Tsaka hindi na ako maglalayas pare, basta sasama ka sa akin pagbalik ko sa amin.” Tugon ni Vince.

Kinabigla ni Kaloy ang huling sinabi sa kanya ni Vince. Sa sobrang tuwa nayakap nito ang kaibigan na kinatuwa din ng isa. Tumugon din ito ng yakap. Ngunit sa paglapat ng kanilang mga katawan may kung anong kuryente ang gumapang sa balat ni Vince at nanuot iyon sa kanyang mga ugat. Damang-dama nito ang tibok ng puso ni Kaloy. Nagustuhan niya ang yakapan nilang dalawa. Nang napansin ni Kaloy ang pahigpit na yakap sa kanya ni Vince, napa atras ito at kumalas sa pagkakayapos sa kaibigan. Tila na ilang kaya humingi ng paumanhin si Kaloy sa mapangahas nitong pagyakap sa kaibigan.

“Pasensya na pare, na excite lang ako sa sinabi mo. Sa wakas makakapag siyudad na talaga ako nito.” Ani ni Kaloy.

“Nakapagpaalam na kita kina nanay Tess at pumayag na sila na sumama ka sa akin pagkatapos ng birthday mo.” Sabat ni Vince na napangiti na lang kay Kaloy.

Ang excitement ni Kaloy ay agad nito ibinalita sa mga kaibigan,kinatuwa iyon ng dala Burnok at Paquito ngunit hindi iyon magandang balita para kay Gibo. Kinontra nito ang balak ni Kaloy na sumama kay Vince.

“Madada-ot ka lang doon tol sinasabi ko na sa iyo. Mapapariwara ka lang doon. Doon na ako lumaki kaya alam ko kung ano ang meron dun. Hindi sa pinipigilan kita, pero pag-iisipan mo muna tol. Mapanganib ang siyudad, mapanlinlang ang mga ilaw doon baka masilaw ka at matulad ka sa iba na wala rin napala.” Ayon pa kay Gibo.

“Hindi naman siguro, kasama ko naman si Vince. Alam ko naman na hindi niya ako pababayaan. Tiwala naman ako sa kanya at isa pa payag na sina nanay at tatay. Subok lang naman ito baka sakaling susuwertehin ako.” Tugon ni Kaloy.

“Tiwalang-tiwala ka na talaga sa tao na iyon. Isipin mo anak mayaman iyon tol at baka kung nandoon ka na gagawin ka lang utusan nun di kaya alalay. Mabait lang iyon ngayon sa iyo kasi sa inyo siya nakatira. Malulupit ang mga mayayaman sa mga kagaya natin. Oo puwedeng iba si Vince, pero ang mga magulang niyan sigurado akong mga matapobre ang mga iyon.”  Dagdag pa ni Gibo.

“May punto naman si Gib parekoy, pero sa tingin ko wala namang masama kung sumubok ng bago. May uuwian ka pa namang lupain dito sa atin sakaling di mo magugustuhan ang buhay dun. Pero sana lang sakaling umasenso ka na, huwag mo kaming kalimutan dito.” Singit naman ni Paquito.

“Kung ako,kahit gawin pa akong taga hugas ng puwet ni Vince payag na ako, basta ba may sahod. Pangarap ko rin makapunta ng siyudad, ma experience man lang sinasabi nilang city life.” Komento naman ni Burnok.

“Ewan ko sa inyo,pero sinasabi ko na tol, hindi ka mag i-enjoy dun. “ Ang nakasimangot na si  Gibo.

“Hindi lang naman ako dadayo dun para mag saya. Balak kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko roon at tutulungan ako ni Vince para makahabol.” Ani naman ni Kaloy.

Lalo lang nainis si Gibo sa sinabi ni Kaloy, dahil ibig lang sabihin nun magtatagal talaga ang kaibigan sa poder ni Vince. Tumayo ito at iniwan ang tatlo sa may dampa. Napakamot na lang ng ulo si Kaloy sa inasta ng kaibigan. Natawa naman ang dalawa Paquito at Burnok sa naging reaksyon ni Gibo. Buo na ang pagpapasya at may pahintulot na sa magulang ni Kaloy, tuloy na nga ang pagpunta nito ng siyudad.

Dumating ang kaarawan ni Kaloy at sinabay na rin sa pagdiriwang ang kay Vince. Naging abala ang lahat dahil sa magarbong paghahanda para sa dalawa. Parang may fiesta lang sa bakuran nila Kaloy sa dami ng pinaluto ni Vince na pagsasaluhan nilang lahat. Katuwang din sa paghahanda sina Paquito at Burnok. Ngunit sa buong araw ng paghahanda hindi nila napansin ang anino ni Gibo. Pinagtaka iyon ni Kaloy kaya pinuntahan nito ang kaibigan sa bahay nito.

“La, si Gibo po? Nandiyan ba?” Tanong ni Kaloy sa lola ng kaibigan.

“Wala dito ang kaibigan mo, maaga iyon umalis kanina. Bakit hindi ba pumunta sa inyo?”

“Hindi nga eh, kanina pa siya namin hinihintay sa bahay. Siya nga pala La, doon ka na mananghalian sa amin, tsaka hapunan.” Sabi ni Kaloy.

“Sige ba, Happy birthday nga pala Kaloy. Teka subukan mong puntahan sa kubo-kubo niya sa may itikan, baka nandoon iyon nagpapakain ng mga itik niya.”

Tinungo agad ni Kaloy ang itikan nila Gibo, nandoon nga ito at nagpapakain ng mga itik. Malayo pa lang tinawag na ni Kaloy ang kaibigan ngunit tila talaga umiiwas si Gibo sa kanya. Nang makita ito ng kaibigan agad na pumasok ng kubo si Gibo na hindi man lang pinansin si Kaloy. Nagtaka na si Kaloy sa pinapakitang kilos sa kanya ni Gibo. Kaya naisip nito na baka dahil iyon sa ginawa niya sa kaibigan nang minsan natulog ito sa kanila.

Hindi sanay si Kaloy sa pinapakita sa kanya ng kaibigan, kaya para malinawan sinundan nito si Gibo sa kubo.

“Ano ang ginagawa mo rito? Baka hinahanap ka na ng Vince mo. Magtaka pa iyon dahil wala ka.” Bungad ni Gibo nang maramdaman sa likod nito si Kaloy.

“May problema ba tayo tol? Bakit ang asim ng dating ko sa iyo ngayon? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo na hindi ko alam?” Katanungan pa ni Kaloy.

“Paano mo naman naisip iyan. Hindi ba puwedeng badtrip lang ako. Dapat pa ikaw talaga ang dahilan?” Tugon ni Gibo kay Kaloy habang abala ito sa pagsalansan ng mga sako ng feeds sa isang tabi.

“Di ka naman kasi dati ganyan. Nakakapanibago lang ang kinikilos mo sa akin. Kung kelan ilang araw na lang ako dito sa atin tsaka ka pa nagkakaganyan. Kanino ka ba kasi badtrip?” Wika ni Kaloy.

“Sa sarili ko. Ano OK na?! Bumalik ka na doon sa inyo at abala ako ngayon.” Ani ni Gibo at iniwanan na naman si Kaloy para tunguhin ang paitlogan ng mga itik.

Sumunod pa rin sa kanya si Kaloy dahil hindi ito kumbinsido sa sagot sa kanya ng kaibigan. Ramdam ni Kaloy na may kinikimkim talaga si Gibo sa kanya na hindi lang nito mailabas sa harapan niya.

“Tutulungan na kita para madali kang matapos, tsaka para sabay na tayo pupunta sa amin. “Saad ni Kaloy habang tinulungan si Gibo na maglagay ng mga itlog sa basket nito.

“Hindi ka ba nakakaintindi tol? Gusto ko mapag-isa. Kailangan ko pa ba sabihin sa iyo na ayaw kitang makita para tumigil ka na?” Bulalas ni Gibo ng balingan nito si Kaloy.

Hindi inasahan ni Kaloy ang biglang pagtaas ng boses ni Gibo, natigilan ito sa kanyang ginagawa. Aktong lalabas na naman muli si Gibo para muling iwasan ang kaibigan nang hinawakan na siya nito Kaloy sa braso para pigilan. Nang walang ano-ano hinarap ni Gibo si Kaloy at sinunggaban nito ng mapusok na halik sa labi ang lalake. Kinagulat iyon ni Kaloy kaya naitulak nito si Gibo, dahilan para mapasubsob ito sa putikan. Mabilis na umalis si Kaloy na gulat na gulat sa ginawa na iyon sa kanya ni Gibo. Naiwan doon si Gibo na napaiyak na lang habang pinag susuntok ang mga itlog na nasa loob ng basket. Doon nito ibinuhos ang inis nito sa sarili. Sising-sisi ito sa ginawa niya kay Kaloy.

Pagkabalik sa kanila agad na pumasok ng banyo si Kaloy at naligo. Habang sinasabon ang sarili bumabalik sa kanya ang paghalik sa kanya ni Gibo. Tulala itong nakatitig lang sa drum ng tubig na nasa harapan nito.

Dinagsa ng mga kaibigan at kaanak ni Kaloy ang hinanda nilang salo-salo para sa kaarawan nila ni Vince. Natapos na ang kasiyahan at nagsiuwian na ang ilan ngunit walang Gibo na sumipot sa handaan.

“Ano kaya nangyari sa taong iyon? Hindi man lang nagpakita rito kahit saglit. Parekoy diba pumunta ka sa kanila kanina, ano daw ang sabi?” Wika ni Paquito.

“Masama raw ang pakiramdam niya. Hindi ko na pinilit. Dalhan niyo na lang siya sa kanila. Ipinagbalot na siya ni Nanay. Paki-daan na lang nun sa kanya mamaya.” Tugon ni Kaloy.

Matamlay ang tugon ni Kaloy, na tila may malalim na iniisip. Napansin iyon ni Vince.

“Ayos ka lang ba pare? Kanina ko pa nakikitang hindi ka mapakali. May iniisip ka yata.” Puna ni Vince kay Kaloy.

“Wala ito, medyo napagod lang ako sa dami ng bisita kanina. Nanibago kasi ako sa ganito kalaking pa handa, akala tuloy ng ibang mga kakilala ko ikinasal ako.” Sagot ni Kaloy na may matipid na ngiti.

Kahit anong aliw pa ang gawin nito sa sarili, ang nangyari sa kanila ni Gibo paulit-ulit nitong nakikita. Gabi na ngunit tuloy parin ang kasiyahan sa bakuran nila Kaloy.

“Dahil eighteen na tayo pare, dapat lang mabinyagan na iyang junjun mo. At pagdating agad natin sa amin dadalhin kita sa lugar kung saan magsasawa ka sa kakapili ng lahat ng klase ng hiwa ng karne. Sagot ko ang first time mo pare.” Ani ni Vince.

“Ka swerte mo naman parekoy, sana ol mabibinyagan na. Kami nito kamay-kamay na lang muna. Pareng Vince baka naman kahit isang gabi lang pa experience naman sa inyo.” Hirit ni Burnok.

“Siya nga pare, kahit isang gabi lang tapos uwi na agad kami. Hindi na kasi nag i-enjoy titi ko sa mga palad ko eh, makatikim man lang ng monay na tinapay sa siyudad.” Sabat pa ni Paquito.

“Kayo talaga kahit kailan talaga ang lilibog niyong dalawa. Kaya walang sineseryoso sa inyong mga babae dito kasi ang mamanyak niyo. Aabalahin niyo pa itong si Vince.” Saad ni Kaloy.

“Huwag kayong mag-alala, sama kayo pag balik ko sa amin. Kahit tumira pa kayo ng isang linggo sa bahay. Kung gusto niyo doon na nga kayo tumira para sama-sama na tayo, walang kaso iyon. Sagot ko kayo mga pare.”  Ayon kay Vince.

Masaya ang apat ng mga sandaling iyon habang sa kabilang banda meron isang malungkot at mag-isa.

“Nagso-solo ka yata apo. Bakit hindi ka na lang pumunta kina Kaloy at doon makipag inuman. Hinanap ka kanina sa akin nila Paquito at Burnok. Ano ba ang nangyari, nagkasamaan ba kayo ng loob na magkakaibigan?”

“La, gusto ko puntahan si papa sa siyudad bukas.” Biglang sabi ni Gibo na kinabigla ng lola.

“Agaran naman yata. Uy Gilbert tapatin mo nga ako may problema kayo ng mga barkada mo noh? Ano ang nangyari? Hindi ka basta-basta hihiling na pumunta sa ama mo kung ayos ka lang.” Pag-aalala pa ng lola nito.

“Wala lola, gusto ko lang makita si papa. Tsaka pakiusap huwag mo na itong sabihin sa iba. Lalo na kina Kaloy. Kung magtanong tungkol sa akin sabihin mo na lang na may pinuntahan ako.”

“Si Kaloy ba ang dahilan nito?”

“Hindi po lola, sariling disisyon ko po ito. Gusto ko lang din hanapin ang sarili ko na ako lang. Nasa tamang edad na naman ako para subukan ang maging independent.” Ani pa ni Gibo.

“Ikaw ang bahala, alam ko naman na kahit pigilan kita, sisige ka pa rin sa balak mo. Pero huwag naman agad bukas, sa susunod na linggo na. Tamang-tama at magpapadala ang mama mo.”

Napatungo na lang si Gibo sa sinabi ng lola. Hapon kinabukasan humahangos na pinuntahan ni Burnok si Kaloy sa kanila. Inabutan nito ang kaibigan na nililinis ang kotse ni Vince.

“Anong meron pare nagmamadali ka yata?” Tanong ni Kaloy kay Burnok.

“Dumaan ba dito sa iyo si Gibo bago siya umalis pare?”

“Hindi naman,kanina pa ako dito. Bakit saan ba siya nagpunta?”

“Sabi ng lola niya bumaba raw ng siyudad para puntahan ang ama niya.”

Natahimik si Kaloy sa ibinalita sa kanya ni Burnok. Pakiwari nito, may kinalaman ang nangyari sa kanila ni Gibo sa biglaang pag alis nito. Nakaramdam ng konsensya si Kaloy sa ginawa ni Gibo. Sa isip nito baka dinibdib ng lubos ng kaibigan ang naging reaksyon nito ng hinalikan siya nito ni Gibo. Gayunpaman tuloy parin ang buhay. Dumating ang araw na aalis na ito sa kanila para sumama kay Vince sa siyudad. Naging madamdamin ang kauna-unahang beses na malayo ito sa mga magulang sa mga kaibigan.

Inabot na ng tanghali sina Kaloy at Vince sa daan pababa ng siyudad. Saglit na bumaba muna ang tatlo kasama si Ponyang para kumain ng pananghalian sa isang kainan ng mountain resort sa gilid ng daan.

“Malapad ang siyudad at maraming barangay, kaya 60% ang chance natin na makita si Gibo, unless alam mo talaga ang address nila dun.” Ani ni Vince.

“Wala eh, hindi rin alam ng lola niya ang eksaktong address ng ama ni Gibo sa siyudad.”

“Huwag kang mag-alala may kutob naman ako na si Gibo mismo ang hahanap sa iyo pag nandoon na tayo.“saad pa ni Vince.

“Tatanggapin kaya ako ng magulang mo sa inyo pare? Di ba nakakahiya kung makikisiksik ako sa inyo.” Pagdadalawang isip ni Kaloy.

“Ang laki-laki ng bahay namin huwag kay mag-alala. Tsaka wala rin sila magagawa kung nandoon ka na. Ako ang bahala sa iyo pare. Kaya kalmahin mo lang ang sarili mo at mararanasan mo na rin ang buhay sa siyudad.” Ayon pa kay Vince.

Pagkatapos ng stop over, nagpatuloy sila sa biyahe. Hapon na ng marating nila ang bungad ng highway papasok ng siyudad. Sa tulay pa lang na nagdudugtong sa siyudad na mangha na si Kaloy. Malayo pa sila sa sentro ngunit pansin na at tanaw ang mga naglalakihang mga gusali sa dulo. Binuksan ni Vince ang bubong ng kanyang kotse para lalong makita ni Kaloy ang kabuohan ng siyudad sa malayo. Papalubog na ang araw ng mga sandaling iyon at tuwang-tuwa ang binata ng masilayan sa malapitan ang ganda ng sunset sa dagat. Nasa mahabang tulay parin sila papasok ng siyudad.

Alas sais na ng gabi eksaktong narating nila ang unang kalsada ng sentro ng siyudad. At dahil sa papadilimin na unti-unti ng kumikinang ang buong paligid dulot ng mga ibat-ibang kulay ng ilaw sa mga gusali at establisimyento. Kinaaliwan ng husto ni Kaloy ang mga naglalakihang LED billboard sa paligid. Nalulula ito sa mga natatayugang mga buildings sa lahat ng sulok.

“Ang daming tao pare, sa amin pag ganitong oras tulog na ang karamihan doon. Dito buhay na buhay ang lahat.” Ang aliw na aliw na si Kaloy.

“Friday ngayon kaya maraming tao. Tsaka gitgitan ang traffic. Baka abutin pa tayo ng ilang oras bago makarating sa bahay. Mabuti pa kumain muna tayo ng dinner sa mall.“wika pa ni Vince.

“Ikaw ang bahala pare, susunod lang ako sa iyo.”

Dinala ni Vince si Kaloy sa isang restaurant na nasa mall na pagmamay-ari ng kayang ina. Ipinagtaka ni Kaloy kung bakit aligaga ang lahat ng crew doon at staff ng makita ng mga ito si Vince. Malaki ang restaurant na iyon at mamahalin ang ambiance ng lugar. Isa itong buffet style restaurant. Bukod sa laki at lawak ng mall na ikinamangha ni Kaloy, ang restaurant talaga na iyon ang umagaw ng pansin ng binata. Maraming tao sa loob hindi pa kasama roon ang mga nakapila sa labas. Agad na napatingin si Kaloy sa suot nito nang makita ang mga tao na kumakain doon.

“Guwapo ka sa suot mo, magmumukha lang silang ukay-ukay pag tumabi sa iyo kaya huwag ka na ma conscious sa ayos mo pare. Doon tayo sa banda roon. Magpakabusog muna tayo.” Ani ni Vince nang mapansin ang kaibigan.

“Huwag kang mahiya noy Kaloy, anak ng may-ari nito ang kasama mo kaya relax. Maraming pagkain diyan ,mamili ka lang lahat ng pagkain na hindi mo pa natitikman meron dito.” Sabat ni Ponyang.

“Talaga ba pare, sa inyo itong magarang restaurant na ito? Grabe ang yaman mo pala talaga.”  Tugon ni Kaloy.

“Correction, sa mama ko lang ito pare, hindi pa ito akin. At sila lang iyong mayaman, nakikinabang lang ako dahil sa anak niya ako.” Sabi pa ni Vince at naupo na ang tatlo sa lamesang nakareserba sa kanila.

Sa dami nga ng pagkain na nandoon nahirapan si Kaloy na makapili, bukod du’n nahihiya pa rin ito. Hindi pa kasi ito ganun ka sanay sa mga ganung lugar. Gabi na pero para kay Vince ang aga pa nun para umuwi sila ngunit nakaramdam na ng pagod ang yaya nito. Kaya nagpasundo na ito sa kanilang driver. Doon din nalaman ni Vince na wala sa kanila ang mga magulang nito dahil may kanya-kanyang agenda sa ibang bansa. Nasa Japan ang ama nito para sa kanilang negosyo at ang ina naman nito nasa Paris kasama ang mga kaibigan.

“Tamang-tama lang pala ang pagbalik ko tahimik ang bahay. Pare, kaya mo pa ba? Kasi kung pagod ka na puwede naman tayong umuwi na sa amin.”

“Hindi pa pare, naaliw nga ako sa mga nakikita ko rito sa paligid. Parang gusto ko pa nga sana magikot-ikot saglit. Iyon kung ayos lang sa iyo.” Sagot ni Kaloy.

“OK, game pare…mag pa party-party tayo. Sure ako na mas mag i-enjoy ka sa pupuntahan natin. Pero bago iyan change outfit muna tayo, halika pare, bibili tayo ng pang party mo.”

Hinawakan ni Vince ang kamay ni Kaloy at patakbo itong hinila ang kaibagan papasok sa isang clothing line sa mall na iyon. Binihisan ng angkop na porma nito si Kaloy para sa pupuntahan nila. Namili rin ng maisusuot si Vince. At sa tindig ng pormahan ng dalawa, napapatitig ang mga nakakapansin sa kanila. Angat na naman ang gandang lalake ng dalawa.

NEW FRIEND,OLD FACE

“Dito ang safe haven ko, dito malaya ako sa problema. Halika ipapakilala kita sa mga kaibigan ko, siguradong nandito ang mga iyon ngayon.” Wika ni Vince nang dumating sila ni Kaloy sa club na madalas tambayan nito.

Unang tapak pa lang ni Kaloy sa ganun klaseng lugar kaya naroon ang hiya nito lalo na nang makita ang mga tao at kabataang nandoon na kapansin-pansin ang mga estado sa buhay dahil sa mga pormahan at mga kotseng dala.

“Pare dito na lang kaya ako sa loob ng kotse mo. Ikaw na lang ang pumasok sa loob. Parang hindi tugma sa akin ang lugar na ito. Baka mapapahiya ka lang sa akin.” Ani ni Kaloy na may pag-aalangan.

“Kaya gusto ko masanay ka pare, ngayong nandito ka na sa siyudad dapat marunong kang maki ayon sa mga ganapan dito. Huwag kang mag alala kasama mo ako. Dumikit ka lang sa akin akong bahala sa iyo. Tsaka, tingnan mo naman ang sarili mo kumpara sa iba dito. Mas mukha ka pang mamahalin at mabango sa kanila. At huwag ka ma intimidate sa mga iyan, ang iba sa kanila puro porma lang wala namang barya. Eh tayo, bestfriend ko ang anak ng may-ari nitong club kaya tara na pare bago pa tayo maubusan ng upuan sa loob.”

Inakbayan na ni Vince si Kaloy at pumasok na ang dalawa sa loob. Hindi sanay sa malalakas na ingay si Kaloy ngunit nang nakapasok na ito sa loob napapaindak na rin ang ulo nito sa tugtog na likha ng isang DJ sa gitna ng mataas na entablado. Siksikan ang mga tao sa loob na karamihan nga kabataan. Maaga pa lang ngunit halos mapuno na ang mga espasyo sa loob ng club na iyon.

Isang lalaking kakilala ni Vince ang nakapansin sa kanila at sinalubong sila nito tsaka dinala ang dalawa kung saan naroon nakapuwesto ang mga barkada ni Vince.

“Hey dude kamusta ang buhay ng isang layas na anak? Anyway good to see you. Hindi pa dumadating iyong iba pero I’m sure matutuwa ang mga iyon pag nakita ka.” Pagsalubong ng isa pang lalake kay Vince, si Dustin.

“Siya nga pala guys, I want you to meet my buddy Kaloy. Pare mga tropa ko, this is Dustin, Eunice, Bella,Mon ,Xander at si Yessa girlfriend ni Dustin.” Pagpapakilala ni Vince kay Kaloy sa lahat.

“Hi sa inyo” ang nahihiyang tugon ni Kaloy.

“So ikaw pala iyong kasama nitong si Vince sa nag-viral na video. Well infairness ha, mas cute at ang guwapo mo naman pala in person. Kamukha mo si Park Hyung-sik, may girlfriend ka na? If wala pa mine mo na ako I’m available for dine in and take out.” Ani ni Eunice kay Kaloy nang nakipagkamay ito sa binata.

“Huy teka lang naman Eunice,huwag mo namang ipahalata dito kay Kaloy na pang buffet ka. Pero talaga ba single ka na ulit? Anong nangyare sa inyo ni Tim? Wala pa nga kayong two months diba?” Wika ni Vince sa babae.

“Naku hindi hiwa ko ang habol nun sa akin kundi ang kuya ko. Kaya lang ako jinowa ng gagong iyon para mapalapit kay kuya. Bakla ang hayop na iyon noh. Ang laking lalake, lalake rin pala ang gusto.” Tugon ni Eunice na may inis sa mukha.

“Talaga ba? No way…si Tim bakla? I can’t imagine sa laki ng katawan nun mga dude. Tsaka diba ang daming girlfriend nun?” Natawang reaksyon ni Vince.

“Huwag ka na magtaka sa panahon ngayon dude, dahil sa climate change, pati mga tao nalilito na sa gender preference nila at orientation. Kaya hindi nakakagulat kung ngayon babae pa ang hilig mo bukas lalake na ang kinakama mo. Diba mga dude? Kaya ako time to time bina-validate ko ang sarili ko baka magising na lang ako iba na rin ang gusto ko.” Sabat ni Mon kay Vince.

“May validation ka pang nalalaman diyan, aminin mo na rin kasi na bi ka rin. Tanggap naman kita kahit gay ka noh. Tsaka willing naman ako maki share ng hotdog sa iyo kung gusto mo.”  Hirit naman ni Bella sa sinabi ni Mon.

“Hindi naman iyan issue ngayon diba, diverse na ang lahat pag dating sa love. Tsaka kahit pa man di ganun katanggap sa culture natin ang mga ganyan, open naman ang lahat sa ganun. Ang mahalaga we spread love naman diba? Kaya dude Mon, tama si Bella just be yourself tanggap ka namin.” Saad pa ni Vince.

Madaling nakapalagayan ng loob ni Kaloy ang mga kaibigan ni Vince, dahil bagama’t mga anak ng mga maimpluwensiya at kilalang mga pamilya hindi rin nagkakalayo ang mga ugali nito sa kanya. Medyo hindi lang ito nakakasakay sa usapan pag nag inglesan na ang lahat. Habang papalalim ang gabi lalo rin nadadagdagan ang mga kagrupo ni Vince. At dahil marami na sila marami na rin ang mga na order nilang alak na lahat bago pa kay Kaloy.

Lumapit si Xander kay Kaloy hawak ang shot glass ng tequila. Hinamon nito ang binata na inumin nito ang hawak niya. Hindi nagustuhan ni Kaloy ang amoy ng alak na iyon kaya tumanggi itong subukan. Nang marinig iyon ng iba pinilit nila si Kaloy bilang pa welcome iyon ng binata sa kanila. Sanay naman sa inuming nakakalasing si Kaloy ngunit batid nito na iba ang tama ng mga alak na nasa harapan niya.

Wala na ngang nagawa si Kaloy kundi ang pagbigyan ang kahilingan ng mga kaibigan ni Vince, bilang pakikisama narin niya rito. Akma nang iinumin ni Kaloy ang tequila nang pinigil siya ni Xander.

“Wait pare, ganito ang tamang pag inum diyan. Bella ,Mon show him the right way to enjoy this drinks” ani pa ni Xander at pinalapit nito sa harapan ni Kaloy sina Bella at Mon.

Pumuwesto si Mon na nakaupo sa mesa tsaka itinaas ang suot na damit upang ilabas ang mga pandesal nito sa tiyan. Tsaka lumuhod naman sa harapan nito si Bella na hawak ang shot glass ng tequila at slice ng lemon. Nilagyan naman ng kaunting asin ni Xander ang pusod ni Mon. Nang handa na pinakita ni Bella kay Kaloy ang pag-inom ng tequila. Takang-taka naman ang binata sa paraan na iyon. Kaya napapaisip na ito kung kaninong pusod ang didilaan nito.

Lumapit sa kanya si Bella at tinanong ito kung gusto ba niya na gawin iyon sa babae. Ngunit bago pa makapag desisyon si Kaloy pinutol na ni Xander si Bella.

“Masyadong madali kung kay Bella mo iyan gawin. Walang ka challenge-challenge diba guys. We want some twist here. Kaya pareng Vince dude, come to papa,papadilaan kita dito sa bagong recruit mo. Gusto niyo iyon guys?!!!” Wika ni Xander sa lahat.

Todo cheer naman ang lahat sa trip ni Xander, maging si Vince game na game rin sa trip ng kaibigan. Nagdadalawang isip pa si Kaloy sa gagawin ngunit nandoon na ito sa sitwasyon na kailangan gawin niya ang bagay na hindi pa niya nagagawa para sa tawag ng pakikisama.

Tiwala naman si Kaloy sa gagawin dahil gagawin niya naman iyon kay Vince. Hinubad na talaga ni Vince ang suot na damit tsaka pinapili si Kaloy kung alin sa parte ng katawan nito gusto niyang lagyan ng asin. Balikat ang napili ni Kaloy ngunit hindi pumayag ang lahat. Nag suggest si Dustin na sa utong ni Vince maglagay ng asin. Asiwa man sa gagawin pikit mata na lang na pinagbigyan ni Kaloy ang lahat. Dahil nga sa first time hindi lang pagdila ng asin ang nagawa ni Kaloy, napasakmal na talaga ito sa utong ni Vince dahilan para nagsigawan ang lahat ng more!  Inulit ulit ni Kaloy ang ginawang bodyshots kay Vince sa mga parte ng katawan ng kaibigan na request ng mga tropa ni Vince.

Sa dami ng mga nainum ng dalawa, ramdam na ni Kaloy ang pag-ikot ng paligid. Hindi na nito nakayanan ang kalasingan at napasandal na lang sa couch.

Hindi na rin kaya pang magmaneho ni Vince kaya nagpasundo na lang ito sa kanilang driver. Umuwi sa ang dalawa sa bahay nila Vince na halos hindi na maihakbang ang mga Paa sa kalasingan. Sa tulong ni Ponyang at ng driver naiakyat naman ang dalawa sa silid ni Vince. Bulagta agad sina Vince at Kaloy sa kama nang nilapag sila ng driver. Hinayaan na sila ni Ponyang na makapagpahinga at hindi na ginalaw ang dalawa.

“Siya ba iyong kasama ni Sir Vince? Hindi halatang taga bundok ah, mas makinis pa ang balat nun sa akin na dito na tumanda sa siyudad. Tsaka gandang lalake din.” Pansin pa ng driver habang kausap nito si Ponyang.

“Eh pano ba naman ang guwapo rin ng ama tsaka iyong ina maganda rin. Tsaka may lahi rin talagang hapon iyang si Kaloy kasi ang tatay niyan hapon ang ama, bale ang lolo ni Kaloy hapon. Iyon ang sabi ng nanay sa akin. Tsaka ang babait ng magulang ng batang iyan. Malayong-malayo sa magulang na meron ang alaga natin. Kaya nga nawili na dun sa kanila si Vince.” Kuwento ni Ponyang.

“Masuwerte si Vince dahil isinilang siya sa sobrang mayamang pamilya ngunit malas niya lang sa kinamulatang magulang. Ewan ko ba bakit ganun sila sir sa anak nila. Nag-iisang anak nga lang nila ito pero hindi man lang nila mabigyan ng kaunting oras. Buti na lang talaga nariyan ka, kahit papaano may gumagabay parin kay Vince kaya lumaki parin iyang matino kahit minsan pasaway.” Ayon pa sa driver.

“Pasaway lang naman si Vince pag nandito ang mga magulang niya. Alam mo na nagpapapansin ang bata.”

“Pinaalam mo na ba kina sir at ma’am na bumalik na si sir Vince?”

“Kahapon pa bago pa kami bumalik dito, tinawagan ko na si ma’am.  At may pa sorpresa pa ngang pa-party si ma’am Sonya para sa birthday ni sir Vince. Ewan ko lang mag wo-work. Gusto siguro bumawi ng dalawa sa anak.”

“Alam ba ito ni sir? Baka pakana lang ito ni ma’am at pagsimulan na naman ito ng bangayan ng dalawa. Alam mo naman si sir ayaw na ayaw nun ng selebrasyon. Pasko at new year nga parang semana santa rito. Tsaka kelan pa nagka birthday party dito sa bahay? Lahat ng kaarawan ni Vince simula bata sa bahay ng mga lolo at lola niya lagi.”

“Hayaan mo na, baka sa pagkakataong ito, ito pa lang ang una. Para naman ito kay sir Vince.”

Iyon ang malungkot na party sa buhay ni Vince halos nasa kanya na ang lahat ngunit pagdating talaga sa magulang kulang.

Mataas na ang araw tulog parin ang dalawa kaya kinatok na sila ni Ponyang para yayaing mag almusal. Ngunit walang tugon itong naririnig mula sa dalawa sa loob kay minabuti na ni Ponyang na pasukin sa silid ang dalawa para gisingin dahil hindi naman naka-lock ang pinto.

Tuloy-tuloy lang sa pagpasok si Ponyang habang tinatawag ang dalawa ng mapasigaw ito sa kanyang nakita.

“Aaay!!! Mga baklaaaa!!!” Ang malakas na sigaw ni Ponyang nang makita ang dalawa.

Inabutan nitong nakahubo na ang dalawa at magkalingkis ang mga katawan na mahimbing na nagyayakapan. Tanging briefs lang ang suot ng dalawa. Sa lakas nga ng sigaw ni Ponyang napabalikwas ng bangon ang dalawa at nagulat rin sa kanilang sitwasyon. Mabilis na bumangon ang dalawa at kanya-kanyang takip ng kanilang mga harapan dahil kapansin-pansin ang mga nakaumbok nilang pag-aari roon.

Pinatayan ni Vince ang yaya sa kakatili, tsaka nagpaliwanag ito.

“Sir Vince kelan ka pa naglalad ng pakpak?”

“Yaya anong ladlad ang pinagsasasabi mo? Tsaka wala kaming ginawang masama ni Kaloy. Hindi kami bakla ano ka ba. Nilamigan kami kagabi kaya nakatulog kaming magkayakap. Ganun lang iyon.”  Paliwanag pa ni Vince.

“Bakit nakahubad kayong dalawa na magkayakap?”

“Nainitan kami kagabi kaya nag hubad kami, OK na tayo? Sige na labas na, magbibihis pa kami.”

“Sabi mo nilamigan kayo,tapos ngayon sabi nainitan ano ba talaga? Alam mo kung nahihiya kang umamin kina ma’am, puwede mo naman ipagtapat sa akin. Kaya ka  siguro nag layas kasi gusto mo na mag out noh kaso natatakot kang magpakatotoo sa parents mo baka hindi ka nila matanggap.  Ayos lang iyon sir Vince, maiintindihan ka rin nila.”

“Ano ba yaya, hindi nga ako bakla, walang bakla sa aming dalawa. Puwede ba labas na please.” Saad pa ni Vince sabay tulak kay Ponyang palabas ng pinto.

Nang maisara na ni Vince ang pinto, napatingin ito kay Kaloy na nagtataka rin sa naging sitwasyon nila kanina. Ngunit sa halip na seryosohin ang sitwasyon tinawanan lang nila ang naging reaksyon ni Ponyang ng makita sila nito. At dahil sa pangyayari may naisip na panibagong plano si Vince para asarin na naman ang mga magulang.

“5000 bawat linggo, sakyan natin ang delulu ni yaya. Magkunwari tayong magjowa. Magpapanggap akong bakla tapos boyfriend kita. Titingnan ko lang kung ano ang magiging reaksyon nila mommy sa gagawin ko.”

“Gagi sura ka? Magpapanggap tayong magjowa? Parang hindi ko yata kaya iyan pare. Girlfriend nga hindi pa ako nagkaroon, boyfriend pa kaya.” Pagdadalawang isip pa ni Kaloy.

“Eh di gawin mo itong training, tuturuan naman kita sa gagawin mo. Pagpraktisan mo ako para sakaling magkita kayo muli ni  Danica alam mo na kung paano ka maging boyfriend sa kanya. Tsaka babayaran naman kita. Diba balak mo magtrabaho para makabalik ng pag-aaral,so sa akin ka na lang magtatrabaho.” Ani pa ni Vince.

“Paano kung magalit sa atin magulang mo pare?”

“Iyong nga ang goal ko eh ang galitin sila at asarin. Basta pagkalabas na pagkalabas natin sa pintong ito mag jowa na tayo. Sakyan mo lang ang gagawin ko sa iyo tapos gayahin mo. Alam ko na mag susumbong agad itong si Yaya pag nakita niya tayo.”

“Sige, pero promise mo ha iyong 5k kada linggo.”

“Bibigyan pa kita ng downpayment, tara na magbihis na tayo, gutom na ako.”

Sabay na bumaba ng hagdan ang dalawa na magkahawak ang mga kamay habang naghaharutan. Napansin iyon ng ibang mga katulong na agad naman nila pinagtsitsismisan. Inabutan ng dalawa si Ponyang na nag aayos ng pagkain sa mesa. Hindi na naiwasan ni Ponyang na punahin ang harutan ng dalawa habang papalapit ito sa kanya.

“Na glue na yata kayong dalawa. Sir Vince dito ka na maupo tapos ikaw Kaloy diyan ka sa harap.  Bitaw na kay sir Vince hindi iyan siya mawawala.”

“No yaya gusto ko katabi ko lang ang bebe loves ko. Dito ka lang sa akin bebe loves.”  Tugon ni Vince sa yaya.

“Bebe loves talaga? Jusko naman ganito na ba kalala ang climate change ngayon. Sir Vince sure ka na ba diyan sa choice mo?”

“Bakit yaya, diba sabi mo tanggap mo naman ako kapag nagtapat na ako. Heto na, tama ang sabi mo kanina bakla ako at boyfriend ko talaga si Kaloy. Salamat sa iyo at binigyan mo ako ng tapang na ilabas na talaga ang totoong ako.” Ani pa ni Vince sabay halik sa kamay ni Kaloy na hawak nito.

“Sa totoo lang sir wala naman sa akin, kaso nakakapanibago na makita ko kayong ganyan. Di kaya na barang ka lang doon sa kanila ni Kaloy. Uy Kaloy magsabi ka nga ng tapat sa akin, kinulam mo siguro si Vince noh?”

“Grabe ka naman sa akin manang, kapag nagmamahalan ba ang dalawang lalake, kinukulam na. Hindi ba puwedeng gusto lang talaga namin ang isa’t isa? Tsaka nakapunta ka na sa bahay, may nakita ka bang manika ng mangkukulam dun?” Panggagatong pa ni Kaloy.

“Pakita mo nga sa kanya bebe loves na mahal mo talaga ako. Kiss mo nga ako sa lips bebe loves para maniwala naman si yaya na legit tayong mga jowa.” Ani pa ni Vince na tila inaasar din si Kaloy sa trip nito.

“Bebe loves mamaya na tayo magtutukaan ha, kumain na muna tayo. Diba gutom ka na. Mag almusal muna tayo pagkatapos sa kuwarto na natin gawin ang gusto mo. At hindi lang kiss ang ibibigay ko bebe loves, kakabayuhin pa kita. Gusto mo iyon bebe loves?” Tugon naman ni Kaloy na pigil na pigil ang tawa.

“Gustong gusto ko bebe loves.”

Hindi na nakayanan pa ni Ponyang ang nakikita sa dalawa kaya umalis ito ng kumidor at tinungo ang harden kung saan inabutan naman nito ang mga kasambahay na nag tsitsismisan, at ang topiko sina Vince at Kaloy.

Sa pag-aalala sa alaga nagdadalawang isip na si Ponyang na ipaalam kay Sonya ang nalaman kay Vince. Ngunit ayaw naman nitong pangunahan ang alaga sa pag-amin ng sarili sa pagiging bakla nito. Kung si Ponyang napigilan ang sarili na mag sumbong. Si Badong hindi, ang tsismosong driver ng pamilya.

Napatawag nang araw na iyon si Herman kay Badong para magpasundo ito ng airport. At sa kalangitan ng kanilang pag-uusap nadulas si Badong at nasabi nito kay Herman na nagdala ng lalake si Vince sa kanilang bahay. Pagkasabi  na iyon ni Badong naputol na ang linya.

“Patay”  nasambit na lang ni Badong.

“Sinong namatay? Sino ba ang tumawag sa iyo?” Tanong ni Ponyang.

“Si sir Herman uuwi ngayong araw magpapasundo sa airport. Ang problema nasabi ko sa kanya ang tungkol kay sir Vince. Tingin ko galit iyon, pinatayan ba  naman ako ng telepono.”

“Ano? Gago ka talaga, daig mo may bibig sa noo sa pagiging tsismoso. Paano ngayon iyan. Tiyak gulo na naman ito pag nagkaharap ang mag ama.”

Sa kabilang banda, matapos marinig ang sumbong ng driver tungkol sa anak tila nawalan ng gana si Herman na umuwi sa kanila. May tinawagan ito sa kanyang cellphone.

“Hindi muna ako uuwi sa bahay, diyan ako didiretso. Magkita tayo,” wika nito sa kausap tsaka pinatay ang cellphone.

Samantala, nagkita na muli si Gibo at ama nito. Ngunit dahil sa sitwasyon hindi na maaring makitira pa ito sa ama kaya ikinuha na lang siya nito ng isang condo unit. Unang araw din iyon ni Gibo na mamuhay ng solo at walang aasahang iba kundi ang sarili. Lumabas ito para mamili ng mga kakailanganin sa kanyang condo.

Papatawid na ito ng kalsada nang muntikan na itong mahagip ng kotse. Sa pagkabigla natumba sa daan si Gibo na agad namang tinulungan ng driver ng kotse na kamuntikan ng makabangga sa kanya.

“Ayos ka lang pare, sorry ha hindi agad kita napansin. May masakit ba sa katawan mo o ano? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?” Ani pa ng lalake na sakay ng kotse nang lapitan nito si Gibo para tulungan.

“Maayos ako pare, salamat. Kasalanan ko rin naman eh, hindi ko tinitignan ang traffic light. Tsaka hindi mo naman ako nabangga, nagulat lang ako kaya ako natumba.” Tugon ni Gibo.

“Saan ba ang punta, hatid na lang kita. At least makabawi man lang sa iyo.”

“Huwag na, mag ta-taxi na lang ako, pupunta lang naman ako ng mall.”  Sabi ni Gibo sa lalake.

“Naku pare private lane ang daan na ito. Walang taxi na dumadaan dito. Kung hindi ako nagkakamali bago ka lang sa lugar na ito. Nasa kabilang side kasi ang highway para mga public transpo.  Saang mall ka ba pupunta hatid na kita.”

“Hindi ko pa nga alam kung saang mall ako pupunta. Tama ka baguhan pa lang ako dito. Kahapon lang actually. Kakalipat ko lang diyan sa condo.” Ayon kay Gibo.

“Mukhang kailangan mo nga ng tour guide. Nate nga pala pare. I can be your today’s tour guide kung gusto mo. For free, mukhang mabait ka naman.” Pagpapakilala ni Nate kay Gibo.

“Nakakahiya naman sa iyo, pero sige hindi ko tatanggihan iyang alok mo mukhang mabait karin naman. Gilbert pare. “

Unang kita palang ng dalawa tila magaan na ang loob nila sa isa’t isa. Hindi man masabi ni Gibo kung bakit ganun na lang ang tiwala nito kay Nate, pero sa mga pagkakataong kailangan niya ng kakilala malaking tulong na sa kanya ang isang tulad ni Nate.

MEET THE PARENT

Ipinasyal ni Vince si Kaloy sa mga dapat niya mapuntahan sa siyudad. Ipinag-shopping niya rin ito ng mga damit, pantalon, sapatos tsaka binigyan ng bagong cellphone. Lahat ng iyon parte ng ginagawang pagpapanggap ng dalawa na magkasintahan.

“Puwede bang huwag na tayong maghawakan ng kamay pare? Nasa labas naman tayo ng bahay niyo tsaka pasensya na pero hindi talaga ako kumportable sa ganito.”  Ani ni Kaloy kay Vince.

“Para mag mukhang kapanipaniwala ang pagpapanggap natin dapat sa lahat ng oras sweet tayo. Tsaka wala naman itong malisya pare, unless kinikilig ka na sa mga ginagawa ko sa iyo. Bakit pare, nahuhulog ka na ba sa akin?” Pang-aasar na tugon ni Vince.

“Baliw ka talaga, bakit naman ako kikiligin eh nakakaasiwa nga ang ganito. Nakakailang pati, lalo na kapag pinagtitinginan tayo ng mga tao.” Saad ni Kaloy.

“Hayaan mo silang mainggit. Hindi naman nila alam ni umaarte lang tayo. Tsaka ito talaga ang gusto, ang mapansin tayong ganito ng mga tao. Maraming kakilala sina mommy at daddy sa lugar na ito at sure ako na makakarating agad sa kanila ang mga pinaggagawa ko.” Ayon pa kay Vince.

“Dinawit mo pa talaga ako sa pagrerebelde mo sa kanila ha. Baka pati ako pag-initan din ng mga magulang mo.”

“Sagot kita pare kaya relax ka lang, sumakay ka lang sa trip ko akong bahala sa iyo.”

At tama nga ang sabi ni Vince, isa sa mga ninang nito na kaibigan ni Sonya ang nakakita sa dalawa na magkahawak ang kamay na namimili ng mga damit sa isang branded na clothing store sa isang mall. Agad itong naitimbre kay Sonya na may kasama pang video.

“Ano naman ngayon kung gay ang apo ko? There’s nothing wrong sa pagiging gay, ang masama kung naging kriminal si Vince.”  Komento ng lola ni Vince nang makarating din sa kanya ang tungkol sa apo.

“Ma, hindi ko naman sinabing mali ang pagiging gay. Nababahala lang ako sa magiging judgement ng mga kakilala natin. Alam niyo naman ang sitwasyon namin ni Herman diba?” Ani ni Sonya.

“Problema niyo iyang mag-asawa huwag niyong idamay ang apo ko. At wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Bakit si Vince lang ba ang natatanging baklang anak? Bakit wala ba silang kamaganak na mga bakla sa kanilang mga pamilya? Kung ano man ang pinagdadaanan ng anak mo ikaw dapat ang higit na nakakaintindi kayo ng asawa mo.” Ayon sa lola.

Hindi na rin kumontra pa si Sonya, Agad itong nag book ng flight pabalik ng Pilipinas ng araw din na iyon. Samantala si Herman pagkalapag ng airport tinawagan ito ang driver na huwag na itong sunduin. Palabas na ng arrival area si Herman nang sinalubong ito ng isang lalake, matangkad moreno, guwapo at malaki ang katawan.

“Welcome back,” tugon ng lalake kay Herman sabay yakap dito.

Agad naman siyang tinulak ng bahagya ni Herman para umatras ito.

“What do you think you’re doing? At ano ang ginagawa mo rito? Diba sabi ko ako ang pupunta sa iyo?” Mahinang sabi ni Herman na may pigil ng inis sa tono ng boses nito.

“Why? I just missed you. Tsaka hindi na ako makapaghintay na makita ka.” Ani pa ng lalake na akma pang aakbay kay Herman ngunit umiwas na ang isa sa kanya.

“Don’t get too close, umayos ka huwag kang gumawa ng eksena rito.”

“Fine, reserve ko na lang ang gigil ko sa iyo pag nasa bahay na tayo.  There’s my car, mauna ka na ako na bahala sa mga bagahe mo.”

Tinang-hali naman ng gising si Gibo ng araw na iyon. Sa ganda ng kanyang unit napasarap ng husto ang kanyang tulog. Saktong tumunog ang kanyang cellphone at nang tingnan niya ito napabangon ito nang makita kung sino ang tumatawag.

“Hey bro pare good morning kamusta ang tulog? Nandito ako sa labas ng condo mo may dala akong food I’m sure na wala ka pang kain tsaka may hangover ka pa.” Wika ni Nate sa kabilang linya.

Bumangon ng kama nito si Gibo tsaka hinablot ang kumot tsaka pinantapis sa hubad nitong ibaba. Lumapit ito sa pintuan ng kanyang condo tsaka pinagbuksan si Nate na nakatayo roon sa labas at may bitbit na pagkain. Pinapasok nito ang lalake sa kanyang unit.

“Ang laki rin naman pala nitong unit mo pare, siya nga pala kamusta ang unang night experience mo kagabi. Hope na enjoy mo ang pa welcome treat ko sa iyo kagabi.”  Ani ni Nate.

“Sobrang na enjoy ko pare, salamat talaga kagabi. Hindi ko ini-expect na ito agad ang sasalubong sa akin sa pagtira ko rito.  Halika sabayan mo na ako kumain, salamat dito sa pagkain.” Tugon ni Gibo.

Habang inaayos ni Gibo ang mga pagkain na dinala sa kanya ni Nate, napansin nito na nakatitig sa kanya ang lalake na tila may nais sabihin sa kanya. Nang sinundan nito ang tingin ni Nate napadako ito sa kanyang baba kung saan nakasilip mula sa nahawing kumot na tinapis ang ulo ng kanyang kabuteti na halos nakadungaw na nga. Mabilis nitong inayos ang kumot at pumasok ng kuwarto upang magbihis bago muli itong lumabas.

“Tila yata pati iyong alaga mo gutom na rin, hindi na nakapaghintay sumilip na sa mga ulam na dala ko.” Natawang sabi ni Nate.

“Pasensya na hindi talaga kasi ako nagsusuot ng briefs pag natutulog, sakto naman paggising ko ang pagdating mo hindi ko agad naisip mag suot ng shorts.”

“Ayos lang naman iyon, ganun rin naman ako pag ako lang mag isa sa kuwarto ko.” Ani ni Nate.

“Tara na pare saluhan mo na ako dito sa pagkain.”

“Sige lang pare, tapos na ako. Actually pakay ko talagang isama ka today sa bar ng kaibigan ko, diba you mentioned kagabi na kailangan mo ng trabaho? Naghahanap sila ngayon ng bar tender dun. Ipapasok kita.” Saad ni Nate.

“Grabe naman iyan pare, kahapon mo pa lang ako nakilala pero sobra-sobra na ang tulong na inaalok mo sa akin. Pero gustuhin ko mang tanggapin ang oportunidad na alok mo hindi naman ako marunong sa trabaho na iyan.”

“Lahat naman natutunan. Iyong kaibigan ko na ang bahala sa iyo. Tsaka wala namang masama kung subukan mo. Kaya bilisan mo na riyan at may lakad tayo.”

Malapit ang loob ni Nate kay Gibo kung kaya bukas palad itong tinutulungan ang binata. Hindi naman iyon tinatanggihan ni Gibo dahil kailangan din niya ng masasandalan habang sinasanay ang sarili sa siyudad na mabuhay ng solo. Nais din kasi ng binata na kumilos nang hindi umaasa sa tulong ng ama bagama’t hindi naman siya nito pinapabayaan.

Gabi na nang nakauwi si Sonya, agad nitong hinanap si Vince ngunit wala pa ang anak ng mga sandaling iyon.

“Ang sir Herman mo dumating na ba?”

“Sabi ni Badong ngayon din ang uwi ni sir, susunduin pa sana dapat ni Badong si sir sa airport pero kanina ang sabi wag na lang daw. Baka hindi na tuloy ang biyahe ma’am” . Sagot ni Ponyang.

“Saan natutulog ang bisita ni Vince?” Tanong pang muli ni Sonya.

“Ah eh kuwan ma’am sa kuwarto po mismo ni sir Vince. Iyon kasi ang nais ng anak niyo ma’am.”

“Kung nakahanda na ang mga pagkain iayos niyo na sa lamesa. Tsaka pag dumating ang dalawa tawagin mo ako sa kuwarto.”

Hindi pa man nakaakyat ng silid si Sonya narinig na nito ang kotse ni Vince sa labas. Inutusan nito si Ponyang na ipahanda na ang hapunan. Nag-ipon ng hininga si Sonya sabay pakawala nito bago binuksan ang pinto para salubungin ang anak.

Naunang bumati si Kaloy nang makita si Sonya. Gumawad naman ng matabang na ngiti ang babae kay Kaloy tsaka niyakap ang anak na si Vince at kinamusta ito. Matapos mayakap ang ina nilapitan agad ni Vince si Kaloy at hinawakan ang binata sa kamay nito. Tumaas ng bahagya ang kilay ni Sonya sa nakita. Ngunit hindi nito pinahalata sa anak, napangiti pa itong inimbitahan ang dalawa na sumabay na sa kanya sa hapunan. Tumanggi si Vince dahil kakatapos lang nila mag dinner ni Kaloy sa labas ngunit sumabat si Kaloy at pinaunlakan ang ina ni Vince.

Habang papunta sila ng kumidor hindi maalis ni Kaloy ang mga mata nito sa kagandahan ng ina ni Vince. Forty two na si Sonya ngunit bakas parin ang alindog ng maganda nitong kurba at magandang mukha. Doon lang natitigan ng husto ni Kaloy ng malapitan at matagal ang ina ni Vince. At nahalina talaga ito sa babae. Napansin ni Vince ang pananahimik ni Kaloy.

“Baby Love OK ka lang?”

Napalingon si Sonya sa sinabi ng anak.

Sa harapan ng hapag magkatabi sina Vince at Kaloy ng upuan habang kaharap naman nila si Sonya. Tahimik ang mga naunang minuto ng tatlo habang kumakain, nang magsalita si Kaloy at pinuri ang kagandahan ni Sonya.

“Hindi nakapagtataka na magandang lalake itong anak niyo ma’am. Kasi sobrang ganda niyo rin po. Parang magkapatid lang kayo ni Vince kung titingnan.” Ani ni Kaloy.

“Actually mas kamukha niya ang kanyang dad. Pero salamat sa napansin mo. Na met ko na ang father mo, and I must say na sa kanya ka rin nagmana ng kaguwapuhan. Nagtaka nga ako kung taga bundok ba talaga kayo, kasi ang kinis mo bilang anak ng isang farmer.” Tugon ni Sonya.

“Mom, please huwag mo naman insultuhin si Kaloy.”

“Sorry Kaloy, pero really para kang hindi taga bundok, you’re too handsome para dun.” Dagdag pa ni Sonya.

“Hapon po kasi ang lolo ko ma’am, tapos si tatay half Japanese. “ Sabat ni Kaloy.

“Make sense. Anyway hanggang kelan ka magbabakasyon dito?” Wika ni Sonya.

“Dito na siya titira for good, kasama ko mommy.” Sagot ni Vince na bumasag sa tenga ni Sonya.

Sa sagot ni Vince tumaas ang boses ni Sonya na tutol sa sinabi ng anak.

“I know na confused ka lang sa sarili mo, maybe na impluwensyahan ka lang ng paligid mo. Please tell me na isang joke lang ito.”

“Mommy I’m gay at hindi ito joke. Boyfriend ko si Kaloy. And I want him here kasama ko since madalas naman kayo wala ni dad dito. I want someone na palaging nasa tabi ko kapag may kailangan ako, at si Kaloy lang ang nakakapagbigay nun sa akin.” Ayon kay Vince.

“Nandito ako kami ng dad mo, just tell us kung ano ang gusto mo. Ibinibigay naman namin lahat sa iyo diba?What else pa ba ang kailangan mo?”

“Lahat ba talaga naibibigay niyo? Kailan? Ipaalala niyo sa akin kasi hindi ko maalala. At please mom, wag naman kayo umarte as if concern kayo sa akin kasi hindi ko naman ramdam. Tsaka hindi ko naman hinihingi ang pagsang-ayon niyo sa relasyon namin ni Kaloy. Tanggapin niyo man kami of hindi ,it doesn’t matter.  Kung ayaw niyo kami makita rito sa bahay na ito, aalis kami.” Sabi pa ni Vince na sinusubukang asarin pa lalo ang ina.

“No, I don’t want you to go anywhere anymore. He can stay, dito lang kayo. This is so hard for me but I love you son. Pakiusap lang respect this house. You are free to express yourself but you can’t stay in the same room. Iho sana naiintindihan mo ang side ko bilang ina. Sa guest room ka matutulog.”

Tutol si Vince sa mungkahi ng ina ngunit si Kaloy na mismo ang pumayag dahil ayaw din nitong dagdagan pa ang lamat ng mag-ina. Pagkatapos ng matensyong hapunan. Hinatid na ni Vince si Kaloy sa silid na nais ni Sonya sa kanya.

“Grabe ka naman pare kung pagsalitaan ang mommy mo. Buti hindi ka natatampal nun. Tsaka mukhang mabait naman ang mommy mo sa iyo ah bakit ginaganyan mo pa? Kawawa naman.”  Wika ni Kaloy.

“Ngayon naging concern iyan sa akin. Pero salamat sa acting pare, umaayon sa akin ang situwasyon. “ Ani ni Vince.

“Tigil na lang kaya natin ito pare, nakokonsensya na ako sa ginagawa natin. Kanina parang gusto ko nang aminin sa kanya na wala naman talaga tayong relasyon. Pero kung pinagalitan ako ng mommy mo kanina baka napaamin talaga ako.” Sabi ni Kaloy.

“Bakit naman iyon magagalit sa iyo, pasalamat nga iyon kasi sa inyo ako napunta noong naglayas ako.”

“Si mommy mo mukhang tanggap na ang pagpapanggap mong bakla pero iyong dad baka bugbugin ka nun kapag nalaman niya ito. Nakita ko kaya iyon ng pinagalitan ka niya doon sa trade fair.”

“Kung magalit siya ibig sabihin balewala talaga ako sa kanya. “

“Hanggang kelan pala tayong ganito pare?”

“Kapag nakita kong may nagbago sa kanila, tsaka ko aaminin ang lahat.”

Hindi mapakali si Sonya sa nalaman sa anak, gusto niyang tanggapin ang natuklasan ngunit merong bigat sa loob niya na hindi niya mapakawalan. Tinawagan nito si Herman ngunit nakapatay ang cellphone nito. Lumabas ito veranda at May isa pa itong tinawagan.

“Hello, nandiyan ba siya?” Tanong agad ni Sonya nang sumagot ang nasa kabilang linya.

“Gusto niya mapag-isa, nasa kuwarto siya ngayon.” Tugon ng kausap ni Sonya.

“Alam na ba niya na umuwi na ang anak niya?” Tanong pa ni Sonya.

“Nasabi niya sa’kin, malamang alam niya.”

“Alam niya pero hindi man lang siya nagpakita sa anak niya, mas inuna niya pang makipaglimliman ng itlog kaysa kamustahin ang sarili niyang anak.” Ani pa ni Sonya sa kausap.

“Hayaan mo at sasabihin ko sa kanya ang sinabi mo.”

“Huwag na, laking abala pa sa kanya ang makita si Vince. Pakisabi na lang na bukas ang kaarawan ng anak niya baka sakaling nakalimutan niya.” Pagputol ni Sonya sa kanilang usapan.

Papasok na sana sa loob ng silid nito si Sonya ng matanaw nito si Kaloy sa baba na naglalakad papuntang swimming pool. Naisipan nitong puntahan ang binata para kausapin.

Tahimik na ang paligid at nagpapahinga na ang mga tao sa bahay nila Vince. Dahil sa hindi pa madapuan ng antok naisipan ni Kaloy na maglakad-lakad saglit sa bakuran nila Vince hanggang sa nagawi ito sa pool area. Na miss nito ang ilog sa kanila kaya naupo ito sa gilid ng pool at nilubog ang mga paa sa tubig.

Naaliw si Kaloy sa lamig ng tubig sa pool kaya nilaro nito ng paa ang tubig nang maramdaman nito ang paglapit ni Sonya na nakasuot ng manipis puting pantulog. Sa suot ng babae lalong lumitaw ang sexy padin nitong katawan. Napatingin ng nakatulala si Kaloy sa ayos ni Sonya. Napalunok ito ng laway dahil sa pagkamangha sa kagandahan ng katawan ng babae. Dinaluyan ng libog si Kaloy dahil kay Sonya kaya agad nagising ang natutulog nitong pagkalalaki. Ramdam niya ang paggalaw nun sa loob ng kanyang suot na maiksing shorts.

Kaya gustuhin man nitong tumayo mula sa pagkakaupo sa pool hindi niya magawa dahil makikita ng babae ang nakaumbok na bukol sa pagitan ng kanyang mga hita.

Lumapit sa kanya si Sonya at naupo sa lazy pool chair na nasa tabi ng pool.

“Gusto mo maligo? Sige lang, maganda ngang maligo sa pool pag ganitong oras.” Ani ni Sonya kay Kaloy.

“Kuwan ma’am magpapaantok lang ako rito, hindi kasi ako makatulog.” Tugon ni Kaloy

“Bakit hindi ka sanay na hindi kayo magkatabi ni Vince? Sorry pero masyado pa kayong pre mature sa pinasok niyong relationship.  And honestly, hindi ako pabor sa relasyon niyong dalawa. And I don’t want you for my son.” Biglang sabi ni Sonya kay Kaloy.

Nanliit si Kaloy sa narinig sa babae, at ang libog na naramdaman humupa at nawala. Hindi tumugon si Kaloy sa sinabi ni Sonya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at nagpaalam na sa babae. Ngunit tumayo rin si Sonya at nilapitan ang binata.

Sa paglapit ni Sonya, naamoy naman ni Kaloy ang bango nito na muling nagpainit ng dugo ng binata. Muling ginapangan ng libog sa katawan si Kaloy. Bumangon muli ang ahas nitong alaga at nagwawala ng kumawala sa loob ng kanyang shorts. Gusto niyang itago iyon sa babae kaya bahagya itong tumalikod kay Sonya. Na siyang kinainis naman ng babae dahil sa bastos ang dating sa kanya nito. Pinaharap nito si Kaloy sa kanya.

Nahihiya man sa kanyang sitwasyon humarap na lang din si Kaloy na sapong-sapo ng mga palad ang nagmamatigas nitong ahas.

At sa laki nga ng pag-aari ni Kaloy lumalampas parin ito kahit dalawang kamay pa ang pinangtabon nito. Hindi iyon nakatakas sa paningin ni Sonya na kinabahan sa kanyang nakita. Naputol ang inis ni Sonya nang mapadapo ang tingin niya sa tinatakpan ni Kaloy. Natigilan ito at hindi na binulyawan pa ang binata.

Nahuli rin ni Kaloy ang reaksyon ni Sonya kaya lalo itong nahihiya sa sarili. Hindi na nito nagawang magpaalam muli sa babae at nagmamadali na itong umalis. Naiwan sa pool area si Sonya na tulala parin sa nakita.

Pagpasok sa loob ni Kaloy si Vince naman ang nakasalubong nito na balak din sanang silipin ito sa kanyang silid. Dahil hindi pa humuhupa ang utog ni Kaloy bakat parin sa shorts nito ang kanyang pinagmamalaki.

“Tang na pare, saan ka galing? Bakit bakat na bakat ang kuwan mo? Teka-teka sino sa mga katulong na ang sinilipan mo. Si Juvy ba o ang anak ni Manang Luding?” Tanong ni Vince na tawang-tawa sa kaibigan lalo pa at napansin nitong pawisan si Kaloy.

“Wala pare, medyo umapaw lang iyong naipon ko. Saglit lang at babawasan ko lang sa loob.” Ani ni Kaloy.

“Sige pare ilabas mo na muna lahat dun. Tapos magpahinga ka na at bukas may lakad tayo.” Saad ni Vince.

Pagkapasok ni Kaloy sa guest room si Vince naman ang lumabas ng bahay para kunin ang naiwan niyang pinamili sa kotse. Palabas na ito nang siyang pasok naman ni Sonya.

“Mom, gising pa kayo? Saan po kayo galing?” Pagtataka ni Vince nang makita ang ina.

“Sa pool area, nagpahangin. Ikaw saan ka pupunta? Lalabas ka pa ba?Hating gabi na ah.”

“Sa kotse lang ,may kukunin lang ako. Matutulog din ako after.”

Laking palaisipan kay Vince kung ano ang ginagawa ng ina sa labas sa ganung oras na ganun ang suot. Napapaisip rin ito sa kaibigan na kakagaling lang din ng isa sa labas. Ayaw mang sakyan ang tumatakbo sa kanyang isip, naalala ni Vince ang unang bungad ni Kaloy sa ina nito ng magkita sila.

“Imposible, hindi naman ganun si Kaloy. Tsaka hindi iyon papatusin ang mommy ko.” Ani ni Vince sa isip nito.

Sa silid ni Sonya, iba na ang naglalaro sa isip nito dahil sa kanyang napansin kay Kaloy. At para mawala ang malikot na iniisip uminom ito ng alak. Si Kaloy naman sa isang silid, hindi parin madapuan ng antok, pabaling-baling ito sa kanyang kama na hindi niya mawari ang pakiramdam. Hindi mawala-wala sa paningin nito ang alindog ni Sonya. At sa isip nito kanya nang hinuhubaran ang babae. Nagdulot iyon di mapigil na sensasyon sa katawan ni Kaloy. Hanggang sa natagpuan na lang nito ang sariling himas-himas ang nagwawalang kobra na naninigas na sa haba.

Saglit pa natigilan si Kaloy sa kanyang ginagawa ng mapansin nitong may bumukas ng pinto sa kanyang silid.

Poppers

Babangon pa sana si Kaloy para silipin ang nasa pinto nang magbukas ito. Napatulala na lang ang binata nang tumambad sa kanyang harapan ang hubo’t hubad na katawan ni Herman. Nakakalusaw ang malagkit nitong mga titig sa binata. Mautal-utal pa si Kaloy nang sambitin nito ang pangalan ng lalake habang unti-unti itong lumalapit sa kanya.

Napako sa kanyang higaan si Kaloy na hindi maintindihan ang sarili kung bakit tulala lang ito at manghang-mangha sa kakisigan ng lalake na animoy inukit na rebolto tulad ng mga Greek goddess. Ang matipuno nitong katawan, ang malapad na balikat at dibdib, ang mga malalaki nitong mga muscle sa braso na para bang nakahandang mang durog ng buto. Tahimik lang si Herman na hindi inaalis ang mapang-akit nitong tingin sa binata. Maging si Kaloy tila nawalan ng dila at natameme na lang sa kama habang hinihintay ang paglapit ni Herman.

Huli na nang maramdaman ni Kaloy na nakadagan na sa katawan niya si Herman. Nais na magsalita nun ni Kaloy nang bigla na lang itong lamutakin ng halik ni Herman sa labi nito. Kinabigla iyon ni Kaloy, ngunit tila mabilis natuto ang kanyang bibig, ibinuka niya iyon at hinayaang galugarin pa ng dila ni Herman ang loob niya. Napapikit na lang si Kaloy sa nararanasang sensasyon sa bawat pag kiskis ng balat nila sa isat-isa.

Nakipag eskrimahan ng dila si Kaloy kay Herman. Ewan ng binata ngunit ng mga sandaling iyon tila alam na alam ng katawan niya kung paano tumugon sa mga ginagawa sa kanya ni Herman.

Napilitan na lang si Kaloy nang dumausdos na ang mga halik ng lalake sa kanya mula sa kanyang labi, dahan-dahan sa kanyang leeg, pababa sa dibdib nito. Nais tutulan ni Kaloy ang ginagawa na iyon sa kanya ni Herman ngunit hindi nito mapigil ang sarili na magustuhan din iyon. Sa bawat pagdampi ng bibig at dila ni Herman sa balat nito tila ginagapangan ito ng libo-libong boltahe na nagpapatirik ng kanyang mga mata at nagpapanginig ng kanyang mga ugat at laman. Saglit pa napadilat si Kaloy nang maramdaman nito ang mukha ni Herman sa manipis nitong karug na sumisilip sa suot nitong   pambaba.

Napamura na lang ito ng mahina habang kagat ang ibabang labi nang maramdaman nito ang mainit na hininga ni Herman na lumulukob sa nagmamatigas nitong kabute. Animoy isang bagong silang na tuta si Herman kung makadutdot ng bibig nito sa feeding tumbler ni Kaloy. Halos mawala na sa sarili si Kaloy dulot ng di maipintang kiliti at sarap na nararanasan sa mga palad at bibig ni Herman.

Nang muling pumaitaas ang lalake,muli nitong sinunggaban ang bibig ni Kaloy ng malupitang paglaplap. Na hindi naman inurungan ng isa. Tangay na tangay na si Kaloy sa daluyong ng pagnanasa sa laman ng mga sandaling iyon. At habang abala si Herman sa pagmukbang ng labi ni Kaloy, itinaas na nito ang mga hita ng binata upang bigyan ng daan ang sunod niyong pakay, kasabay nun rinig din ni Kaloy ang napunit na briefs na puwersahang binaklas ni Herman.

Walang kibuan ang dalawa na tanging ang mga tinginan lang sa isa’t-isa ang nagkakaunawaan. Sunod na napaigtad na lang si Kaloy nang bigla na lang pinasakan ng tubo ni Herman ang butas nito. Damang-dama ni Kaloy ang laki at haba ng tubo ni Herman ngunit nagtaka ito nang hindi man lang ito nasaktan sa unang pagbaon. Lalo pang lumiyab ang mga tagpo ng umayuda na ng bayo at kaldag si Herman sa fire exit ng binata. Bawat baon ng piko ni Herman tinatamaan nito ang x-spot ni Kaloy. Kaya halos maihi na ito sa sarap. Hanggang sa hindi na nakayanan ni Kaloy at nakiusap na ito sa lalake.

“Iputok mo na,…malapit na ako.”… Bulong pa ni Kaloy habang nakayapos sa leeg ni Herman.

Nginitian lang siya ng lalake at sa ilang pabalik-balik na pagbayo, May sinabi si Herman.

“Sunduin mo ako, malapit na rin ako…sabay na tayo.”

Saglit pa sabay na nagpakawala ng malapot at masagong katas ng pagkalalake ang dalawa. Sa dulot ng matinding sarap at ginhawa napasigaw si Kaloy habang sinasaid ang lahat ng dagta ng kanyang kabute. Nang mahimasmasan sa nakakahulas na kayuran ng ba-o, nakatulog si Kaloy na nakayakap sa katawan ni Herman na nakapatong sa kanya.

Maya-maya pa muling napadilat si Kaloy. Nagising ito sa mga katok sa kanyang pinto. Nang mapabangon ito, agad nitong hinanap si Herman, ngunit mag-isa lang naman ito sa kanyang kama nang suriin nito ang sarili napansin nito na nasa dulo na ng Paa nito ang nakababang briefs, pansin din nito ang malagkit na likidong tumapon sa kanyang puson at dibdib at nang hinawakan nito ang medyo naninigas pang pipino, doon na napagtanto ng binata na panaginip lang pala ang lahat. Ang ipinagtaka lang nito kung bakit si Herman ang kabengbangan nito sa kanyang panaginip.

“Pare,…ayos ka lang ba diyan? Pare…” Si Vince ang kumakatok sa pinto.

“Ah eh,…ayos naman, saglit lang at pagbuksan kita pare.” Tugon ni Kaloy habang pinupunasan ang sarili at sinusuot ang boxers shorts.

Nang mabuksan nito ang pinto agad na pansin ni Vince ang mga pawis ni Kaloy.

“Mainit ba sa loob pare,… hindi ba naka-on ang aircon?” Tanong ni Vince.

“Ah kuwan, malamig nga dito sa kuwarto pare.”

“Bakit namamawis ka, masama ba ang pakiramdam mo? Masakit ba tiyan mo?  May gamot dun sa baba ikukuha kita.”

“Kuwan lang ito pare,…kuwan kasi nag push up ako, kaya pinawisan. Hindi kasi makatulog. Ikaw ba ,bakit ka nga pala nandito? May problema ba?” Balik na tanong ni Kaloy kay Vince.

“Tulad mo hindi rin madalaw ng antok. Naisipan ko mag swimming sa pool. Saktong pagdaan ko sa silid mo, narinig ko na napasigaw ka, kaya kinatok kita.” Ani ni Vince.

“Ah kuwan naglabas lang ako ng hangin. Pasensya na, di ko alam na rinig pala sa labas ang sigaw ko.”

“Bukas doon tayo sa clubhouse may gym dun tsaka basketball tayo. Matutulog ka na ba?” Wika ni Vince.

“Mamaya siguro, hindi pa inaantok eh.”

“Tara na lang sa pool area, mag night swimming tayo. Sure ako miss mo na rin iyong ilog sa inyo. Kukuha lang ako ng beer. Quick lang.”

“Di ba nakakaistorbo sa mommy mo, baka mapagalitan pa tayo, gabing-gabi na kasi.” Pag-aalangan ni Kaloy.

“Tulog na iyon, tsaka wala naman iyong paki sa akin. At diba sabi di ka rin inaantok ito magpapaantok tayo.” Saad ni Vince.

“Hindi nga eh mukhang namamahay lang siguro pare.”

“Sabihin mo, na miss mo lang ako katabi kaya hindi ka makatulog.” Pang aasar pa ni Vince.

“Baliw , bakit naman kita ma miss eh hindi nga ako sanay na may katabing matulog. Tsaka tayo lang ang gising ngayon kaya tigilan mo na muna ang pagpapanggap na magkasintahan tayo. Nakakangilong isipin.” Sabat ni Kaloy na pigil ang tawa.

“Nakakangilo pero nahuhuli kita minsan kinikilig ka rin. Naku pare, pigilan mong mainlove sa akin baka mauwi talaga sa tutuhanan ang pagtawag mo sa akin ng baby love.” Tugon ni Vince sabay akbay kay Kaloy.

“Tingnan na lang natin kung sino sa atin ang bibigay sa kalokohan mong ito pati magulang mo pinaglaruan mo pang hayop ka.”

“Success naman diba?  Halika na nga sa pool doon na natin ituloy ang harutan natin baby love.”

“Baby love mo mukha mo. “

Nagtuloy ang dalawa palabas ng pool area, lingid sa kanila nasa isang bahagi lang ng sulok si Sonya na matiyagang nakikinig sa usapan ng dalawa. Nang dahil sa natuklasan nakahinga ng maluwag si Sonya. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha dahil sa nalaman.

Sa kabilang banda, sa ganung sandali rin tulad ng mga nauna, hindi rin madapuan ng antok si Herman. Nakatayo ito sa malaking bintana ng tinutuluyan nito. Malalim ang iniisip habang nakatanaw sa mga ilaw ng mga building sa ibaba. Hawak sa kamay nito ang isang baso ng alak. Sunod-sunod ang mga buntong hininga nito. Isang lalake ang naka suot ng pantulog ang marahang lumapit kay Herman. Ang lalake na siyang sumundo rin sa kanya sa airport.

“Tumawag si Sonya, sinabi kong nandito ka. Tsaka pinapasabi niya na may gaganaping party sa bahay niyo bukas. Baka nais mong pumunta para sa anak niyo. Birthday ni Vince.” Ani ng lalake sabay buhos ng dagdag na alak sa baso ni Herman.

“Magpapa-party siya sa bahay, kung kelan malaki na ang anak niya? Lagi na lang talaga sarili lang ng babae na iyan ang iniisip niya. Ginamit pa si Vince para magpasikat na naman sa mga plastik niyang mga kaibigan kuno.”  Tugon ni Herman.

“Baka naman para talaga kay Vince ang party, masyado mo namang pinangungunahan ang dahilan ng asawa mo.  Tsaka baka pa welcome party narin niya ito sa anak niyo.”

“Mag asawa pa pala kami? For so long hindi ko na maalala kung naging mag-asawa ba talaga kami. Nakakatawa ang word na asawa.” Naka ismid na wika ni Herman.

“So ano, pupunta ka bukas? Kahit kay Vince man lang. Maramdaman man lang ng bata na kasama ka parin sa buhay nila.” Tanong ng lalake.

“Titingnan ko ,pero baka palipasin ko muna ang party, ayokong makipag plastikan sa mga kaibigan ni Sonya.”

“Ano sa iyo kung sabay na lang tayo?” Tanong pa ng lalake.

“Para ano? Huwag na…nakakapagod na mag explain sa mga taong wala namang alam.” Sagot ni Herman.

Umusad ang mga oras at natapos na naman ang gabi. Panibagong sikat na naman ng umaga ang sisilip upang bigyan ng panibagong kuwento ang isa pang araw. Nagising si Vince sa mga ingay sa labas. Mula sa kanyang silid tanaw doon ang bahagi ng garden at ang pool area. Napabangon si Vince para tingnan ang mga naririnig sa baba. Sumilip ito sa kanyang bintana.

Nagtaka ito sa kanyang mga nakita, mga tao na abalang inaayusan ang buong garden at pool area. Meron pang mga nag bababa ng mga upuan at mga kagamitan pang okasyon. Isang maliit na panel truck din ang napansin nitong nagbababa ng mga ilaw, stage equipments at mga speakers. Ipinagtaka iyon ni Vince. Pabalik na ito ng kama ng tumunog ang kanyang cellphone. Si Kaloy ang tumatawag.

“Happy birthday baby love, Uy pare gising na diyan at pumunta ka na rito sa baba, kasama ko ang mommy mo na nag-aalmusal ngayon.” Bungad ni Kaloy kay Vince sa kabilang linya.

“What? Kasama mo si mommy? Hindi siya galit sa iyo?” Pagtatakang tanong ni Vince.

“Hindi naman pare, nagtaka nga rin ako bakit bigla na lang gumaan ang pakikitungo niya sa akin kumpara kahapon. Siya pa nga ang nag-utos sa akin na tawagan ka para gisingin. Sige na pare, bumaba ka na rito. Maraming pagkain ang mommy mo.” Tugon pa ni Kaloy.

Nawe-weirduhan ng mga sandaling iyon si Vince.  Lalo pa at sa buong buhay nito ngayon lang nagkaroon ng pa party sa kanila. Agad itong nag-ayos ng sarili at nagmamadaling bumaba para puntahan ang dalawa.

Sa kumidor inabutan ni Vince sina Kaloy at ang mommy nito na masarap na kumakain ng almusal habang nagkukuwentuhan. Pansin pa sa mukha ni Sonya na kumportable na ito kay Kaloy. Nang makita ng dalawa si Vince, tumayo si Kaloy para sunduin ito at ialok ng upuan katabi niya.

“Kamusta ang umaga ng baby love ko? Ano ang gusto mong kainin? Bacon, manok ,itong itlog, beef tapa o…ako?” Tanong ni Kaloy kay Vince na may harot kahit na sa harapan ni Sonya.

Takang-taka na naman si Vince sa kinikilos ng kaibigan. Tila nawala na ang ilang nito sa ginagawa nilang pagpapanggap lalo na at naroon sa harapan nila ang mommy nito. Pansin rin ng binata na tila kinikilig pa ang ina sa mga ginagawang panghaharot sa kanya ni Kaloy habang siniserbisyuhan ito ng kaibigan ng almusal.

“Baby love naman ang aga pa nito para magkainan tayo. Respeto naman kay mommy baka mawalan pa iyan ng gana sa kinakain niya.” Ani ni Vince na napatingin kay Kaloy.

“It’s ok son,  sa totoo lang ang cute niyo tingnan dalawa. Don’t worry about me, medyo nabigla lang ako kahapon. Tanggap kita, tanggap ko kayo and I love you. Sorry sa mga pagkukulang namin ng dad mo. Sana hindi pa huli ang lahat para bumawi kami sa iyo. But please, pakiusap huwag niyo muna ako bigyan ng apo. Ang bata ko pa para maging lola.” Tugon ni Sonya sa anak.

“Huwag ka mag alala tita, wala pa sa isip namin ni baby love ang magka-anak. Tatapusin muna ni Vince ang pag-aaral niya tsaka kami magpaplano for the future.” Ang natatawang sagot ni Kaloy kay Sonya.

“Kayo talaga, ang mabuti pa kumain na nga kayo. Dahil after nito sasamahan niyo ako mag shopping, ipag-sa-shopping ko kayong dalawa. Dapat guwapong-guwapo ang uniko iho ko sa party mamaya.” Saad ni Sonya.

“Mom, you don’t have to. Sanay naman akong nag bi-birthday na walang party. Tsaka may lakad kami today ni Kaloy.” Ang matabang na sabat ni Vince sa ina.

“Hindi na ngayon, sorry kung madalas nakakalimutan ka namin ng dad mo. But it doesn’t mean na hindi ka naging mahalaga sa amin. Ikaw lang ang meron kami. And gusto ko bumawi , nais namin ng dad mo na makabawi sa mga panahong nasayang namin. Oo masyado ng late para sa ganito. Pero kaya pa naman habulin diba? Hayaan mo na lang kami na makahabol sa oras na nawala.” Ani ni Sonya na nginitian ang anak.

Hindi sanay si Vince sa usapan nilang iyon na mag ina, dahil una kahit kailan hindi naman sila nagkaroon ng ganoong klaseng pag-uusap.  Walang naitugon si Vince sa sinabi ng ina. Pakiwari ng binata ibang Sonya ang kaharap nito at hindi ang totoo niyang ina.

“Naikuwento sa akin ni Ponyang ang naging celebration niyo sa kaarawan ni Kaloy sa kanila at kung gaano mo na enjoy ang moment doon, so I decided na ulitin iyon dito sa atin. Since same month lang din naman kayo ni Kaloy at magkasunod pa. Para sa inyong dalawa ang gaganaping party mamaya.” Dagdag ni Sonya.

“Sa akin ba talaga ang party na ito mom? Hindi ba para sa iyo, para magyabang na naman sa mga kaibigan niyo ni dad? Baka nga siguro kayo-kayo lang din ang bisita niyo mamaya. “ Wika ni Vince.

“I already sent an invitation sa mga kaibigan mo, and promise para sa iyo at sa inyong dalawa ang party na ito. And I invited a live band to make the party more fun later. “Saad ni Sonya.

Tila hindi tumugma ang nais na mangyari ni Vince sa naging tugon ng ina sa mga sitwasyon. Ang balak nitong asarin at inisin ang ina sa ginagawa nilang pagpapanggap ni Kaloy ay tila kabaliktaran ang naging resulta. Pansin nito ang malaking pagkambyo ng ugali ni Sonya. Lumaki si Vince na madalang lang nakakasama ang mga magulang sa pamamasyal. At nung nagkaisip naman ito nawalan na ng panahon ang mga magulang nito sa kanya dahil parating nasa trabaho at negosyo na lang ang oras ng ama at ina. Kaya ang makasama ang ina sa pagsa-shopping ay  sadyang nakakapanibago para kay Vince. Gayunpaman pinagbigyan parin nito ang ina. Matapos ang mahaba-habang oras ng pamimili sa mall nakakuha ng tiyempo si Vince na kausapin si Kaloy nang magpaalam ang ina nito na mag banyo.

“Ano ba ang nangyari pare, bakit nagkakaganyan si mommy.? Tsaka bakit parang ang close-close niyo sa isa’t isa?” Tanong ni Vince kay Kaloy.

“Hindi ko alam, nagtaka nga rin ako nang batiin niya ako kanina. Akala ko rin kasi galit iyon sa atin dahil sa pinaggagagawa natin. Pero ayaw mo nun pare, diba ito naman ang gusto mo sa mommy mo?” Tugon ni Kaloy.

“Ang gusto ko mainis sa akin sina mommy,magalit. Gusto ko maasar sila , mapahiya. Iyon ang deserve nila.  Pero bakit ganun?” Ani ni Vince.

“Baka kasi ganyan talaga ang mommy mo.  Hindi mo lang napansin kasi masyado ka ng nakain ng galit mo sa kanila. Pare sa nakita ko at sa naobserbahan ko, mabait ang mommy mo. At kung totoong nais ng mommy mo ang bumawi, bakit di mo pagbigyan, hindi pa naman huli ang lahat diba pare?” Ayon pa kay Kaloy.

Sa di kalayuan naroon lang si Sonya at nakatingin sa dalawa, hindi talaga ito nagbanyo.

“Tama nga si Ponyang magandang impluwensya si Kaloy kay Vince. Hindi mo deserve ang nararanasan mo sa amin anak. Promise babawi ako sa iyo.” Sa isip ni Sonya.

Mula sa mall isinama pa ni Sonya ang dalawa sa isang skin care clinic kung saan pina experience ng babae kay Kaloy ang ibat-ibang proseso ng skin care kasama si Vince.  Sa simpleng effort ng ina lihim na napangiti si Vince. Hindi man sanay na kabonding ang ina, nang mga sandaling iyon tila napunan ang maliit na puwang ng pangungulila sa puso ng binata.  Ngunit hindi niya iyon ipinahalata sa harapan ng ina. Naroon parin kasi ang pagdududa sa biglaang pagkambyo ng ugali ni Sonya sa kanya.

Nang mga sandali naman na iyon kasama si Nate, abalang namimili ng susuoting damit si Gibo. Inimbitahan kasi ito ni Nate sa isang pupuntahang event.

“Alam mo dude, hindi mo naman kailangan mag-ayos ng sobrang gara sa pupuntahan natin. Tsaka kahit alin naman dito sa napili mo babagay sa iyo.”  Ani ni Nate kay Gibo habang tinutulungan ang kaibigan sa susuotin nito.

“Hindi ba nakakahiya. Hindi naman ako imbitado eh. Ni hindi ko nga kilala iyang kaibigan mo.” Wika ni Gibo.

“Ayos lang daw sabi ni tita, ang mahalaga naman kakilala ko kaya kalma lang sagot kita. Tsaka pag makilala mo si Vincent, paniguradong mag ja-jive ang personality niyong dalawa. Walang arte rin kasi ang taong iyon.” Saad ni Nate.

“Ok na ito.”

Habang nagbabayad sa counter ang dalawa, isa sa mga kabarkada nila ni Vince ang lumapit kay Nate. Si Dustin kasama si Yessa na girlfriend ng lalake.

“So reunion pala natin lahat ito later. Balita ko kasi pati mga team mates dati ni Vince sa Everhigh pupunta rin. And dude you should meet his new buddy, alam mo parang ikaw din. Same vibe kayo ng humor pero solid din makisama. Sobrang game din. Akala nga namin ma i-intimidate sa amin kasi galing siyang bundok. But he’s cool.” Kuwento ni Dustin.

“Siguro iyon iyong kasama niya dun sa kumalat na video lately. Hindi pa nga kami nagkita after niya bumalik kasi na-busy din sa pagsama-sama kay dad.” Tugon ni Nate.

“Siya nga iyon mismo, and he’s cute. Ang guwapo in person hindi nga ako makapaniwala na isa siyang farmer sa kanila kasi sobrang kinis ng balat, tsaka ang bango ng mukha.” Sabat ni Yessa.

“Wait naman diyan, harap-harapan namang pagtataksil iyan babe, akala ko ba ako lang ang pinaka guwapo para sa iyo?” Pagputol ni Dustin sa girlfriend.

“Babe, kahit guwapo iyon hindi naman ako papatol sa bakla noh. Tsaka kay Vince na iyon. Selos ka naman agad.” Sagot ni Yessa.

“Saglit,…you mean gay ang bagong buddy ni Vince?” Gulat na tanong ni Nate.

“Iyon ang hula ng mga kaibigan natin, nila…silang mga girls. Duda sila na gay iyong bagong friend ni Vince. Pero kami…we don’t wanna judge muna hangga’t hindi namin nakita personally. Tsaka as for Vince,sure naman tayo na straight ang kaibigan natin. Halos sabay-sabay na tayong nagbinata lahat. Teka don’t tell me na hindi ka pa aware sa circulating videos nung dalawa?” Kuwento ni Dustin kay Nate.

“Busy nga kasi ako lately, don’t have much time para mag update ng mga social media accounts ko. Pero ano ba kasi iyang video? At bakit niyo naman nasabi na gay iyong tao. And knowing Vince?…dude allergic iyon sa mga bading.” Ani ni Nate.

“Di ka sure, malay mo pa epek niya lang iyon sa atin. Pero iyong totoo he’s into gay naman. Tsaka baka sa efem lang naman siya allergic pero pag sa mga borta ok naman sa kanya. Kaya ok sila nung guy.” Dugtong pa ni Yessa.

Biglang na curious si Nate sa sinasabi ng dalawa na bagong kaibigan ni Vince. Marami pa itong naitanong sa dalawa nang maputol ang usapan nila nang lumapit na si Gibo. Tapos na itong mag bayad sa counter. Agad namang pinakilala ni Nate sa dalawa si Gibo. Hindi na rin nagtagal pa sina Nate at nauna ng umalis sa dalawa.

“Parang familiar din sa akin iyong guy na kasama ni Nate, di ko lang alam kung saan ko siya nakita or na meet.” Wika ni Yessa na sinusundan ng tingin sina Nate at Gibo papalabas sa store na iyon.

“Baka kasi kamukha lang, tara na nga sa kabila, ibibili pa natin ng regalo si Vince.”

BIG NIGHT

Padilim na nang umuwi sina Vince at Kaloy kasama si Sonya. Nang sinalubong sila ni Ponyang takang-taka ang yaya nito sa biglaang pagiging close ni Vince sa ina. Unang pagkakataon iyon na nakita niyang masaya ang alaga na nakikitawa sa ina habang bumababa sa SUV nila.

“Ponyang patulong sa mga pinamili namin ng mga boys ko. Lahat ng iyan iakyat mo sa silid ni Vince.” Ani ni Sonya.

“Ma’am, handa na po ang pool area at garden para mamaya nandon na rin ang catering. May mga bisita na rin si sir Vince. Nandoon sila sa visitor lounge.”

“Ya, pakiasikaso sa kanila, maya-maya lang lalabas na kami. Kaloy pare halika na sa taas para makapagbihis na tayo. Mommy mauna na kami , salamat para sa araw na ito.” Wika ni Vince.

“For you son, sige na go and have fun later.” Tugon ni Sonya na hinalikan pa sa pisngi si Vince.

Nang umakyat na ang dalawang binata hindi napigilan ni Ponyang na punahin ang napansin nito. Tinanong nito si Sonya.

“Mukhang ayos na sa inyo ang boyfriend ni Vincent ah. Ibig sabihin ba nito payag ka na sa relasyon nila ma’am?” Tanong nito.

“Ponyang, maging masaya na lang tayo para sa alaga mo. Maraming taon ang na miss ko kasama siya kaya siguro hindi ko napansin ang mga pinagdadaanang pagbabago ni Vince. Nandito lang ako ngayon para gabayan at suportahan ang anak ko.” Sagot ni Sonya.

Sa silid ni Vince napag-usapan ng dalawa ang pagkambyo ng ugali ni Sonya. Lalo na ang pagpayag nito na magsama muli ang dalawa sa iisang kuwarto.

“Paano ngayon iyan pare, mukhang butong-buto na ang mommy mo sa akin. Payag na nga siya sa relasyon natin diba. So itutuloy pa ba natin itong acting-aktingan natin?” Ani ni Kaloy.

“Weird nga eh, pero siyempre pare tuloy ang jowaan prank natin. Hindi ko pa nakikita ang reaksyon ni dad.” Saad ni Vince.

“Dadalo ba ang dad mo mamaya?”

“Sabi ni mommy, pero ayokong umasa. Ayaw na ayaw ni dad ng ganitong mga event.”

“Bakit di mo tawagan.”

“Alam nun na bumalik na ako pero hindi man lang iyong tumawag. Bahala siya kung magpapakita siya o hindi.”

“Pero maiba tayo pare, kinakabahan ako sa magaganap ngayong gabi. Kuwan kasi sa ayos palang ng pool area at garden niyo mukhang marami-rami kang bisita mamaya. Tsaka hindi naman ako sanay sa mga ganito. Baka magkalat lang ako sa mga kaibigan mo.” Pag-aalala pa ni Kaloy.

“Nakilala mo na ang ilan sa mga malalapit kong kaibigan.  Sila sila rin ang makikita mo mamaya. Tsaka mag enjoy ka lang sa party at dito ka lang sa tabi ko, ako ang bahala sa iyo pare.” Ani ni Vince.

Samantala sinundo naman ni Nate si Gibo sa condo nito. Tinulungan din niya ang binata sa pag-ayos ng susuotin nitong damit. Nang makita ni Nate ang ayos ni Gibo napa-wow ito sa kaibigan. Manghang-mangha ito sa magandang ayos nito.

“Alam mo dude, para kang artista sa porma mo. Bagay sa iyo ang fit ng damit na napili natin. Sabi na nga ba at lalo kang gu-gwapo diyan.” Ani ni Nate.

“Talaga ba pare? Ngayon lang kasi ako pomorma ng ganito, sa amin saktong sando lang ako di kaya t-shirt tsaka pantalon di kaya shorts.”

“Maniwala ka dude, ang pogi mo diyan. So shall we? Baka nandoon na roon ang mga kaibigan ko. Siya nga pala iyong regalo mo baka maiwan.”

“Magugustuhan kaya ng kaibigan mo itong napili kong regalo sa kanila? Mumurahin lang ito.”

“Huwag mo nang problemahin iyan ang mahalaga may bitbit tayo para sa kanya. Hindi naman iyon mahilig sa regalo talaga,pero since birthday niya pakikiligin natin ang kaibigan kong iyon.” Saad ni Vince.

Saktong alas siyete nang magsimulang magtipon-tipon na ang mga bisita sa pool area at garden nila Vince. Nandoon na rin ang celebrity band na tutugtog sa boong gabi ng event. Isang sikat na lalaking social media influencer ang naging host sa event na iyon. At gaya nga ng pinangako ni Sonya kay Vince karamihan sa mga bista nito mga kaibigan ng binata at kakilala. Meron mang bisitang iba pero nakabukod iyon kasama si Sonya sa loob ng bahay.

Nang pinakilala na ng host sina Vince at Kaloy sa lahat, hiyawan ang mga roon at todo ang palakpakan. Lahat sini-celebrate hindi lamang ang birthday ng dalawa kundi pati ang paglalantad ng relasyon nilang iyon. Hindi inaasahan ni Vince na marami sa mga kaibigan nito ang sumusuporta sa palabas nilang relasyon ni Kaloy. Wala silang nakuhang hate comments o reaction lalo na sa mga malalapit nitong kaibigan.

“So proud of you bro, hindi lahat kayang i-flex ang ganitong side of relationship na super loud and confident. Knowing you since then. Everyone was shocked matapos namin malaman ang tungkol sa inyo.” Ani pa ni Dustin.

“Pero infairness, bagay kayong dalawa. Both guwapo and undeniably hot.” Sabat pa ni Bella.

“Kelan mo pa napagdesisyunan na lalake pala ang bet mo Vince?” Tanong ni Yessa kay Vince.

“Nung sinubukan kong hanapin ang sarili ko. At masaya ako kasi agad ko natagpuan si Kaloy. Diba baby love?”  Tugon ni Vince sabay hawak sa kamay ni Kaloy at hinalikan ito.

Tumango naman si Kaloy kahit naiilang na ito sa harapan ng mga kaibigan ni Vince. Sakay na sakay naman si Vince sa mga pagpuri sa kanila ng mga kaibigan. Lalo pa ito naging clingy kay Kaloy. Si Kaloy naman nilunok na lang ang hiya at makipagharutan din kay Vince. Lumapit sa kanila ang host ng event at nakipagpalitan ng biro kina Vince at Kaloy. Pinaakyat nito sina Vince sa stage at game naman nakipaglaro si Vince sa mga hirit nito ngunit si Kaloy kitang-kita sa mukha nito ang sobrang hiya at pagkailang sa sitwasyon.

Mula sa isang tabi, naroon naman si Sonya na hindi maitago ang ngiti. Ngayon niya lang nakitang ganun ka saya ang anak. O baka iyon pa lang ang unang beses na nakita nitong ganun ang anak dahil wala naman ito lagi sa tabi ni Vince. Nang may lumapit sa kanya at kumamusta. Napailing ito at nagulat nang makita ang kapatid na si Seth.

“Kamusta? Para kay Vince.”

“Hindi talaga siya pupunta?” Tanong ni Sonya sa kapatid.

“Mamaya siguro, pero sinabi naman niya na pupunta siya.”

“Alam niya na ba ang nangyayari sa anak niya?”

“Siguro pero hindi niya na open sa akin. Ngayon ko lang din nalaman actually.  Sa nakita ko sa iyo mukhang tanggap mo na. Finally naging open ka na rin.” Ani ni Seth.

“Magkaiba ang sitwasyon ng anak namin sa ginawa niya. Iyong sa anak ko tanggap ko pero iyong sa inyo hindi. And let me clear to you, hindi dahil nakipag-ayos ako sa iyo eh kinalimutan ko na ang lahat. Ayoko lang saktan si mommy. At may respeto parin naman ako sa iyo bilang kuya o shall I say ate.” Tugon ni Sonya.

“Ilang ulit ko bang ipaliwanag sa iyo na wala kaming relasyon ni Herman. Napangunahan ka lang ng pagiging over thinker mo.Na miss judge mo lang kami dahil masyado kang nagpapaniwala sa mga kaibigan mong wala namang alam.” Saad ni Seth.

“Over think? Miss judge? I know what I saw. And please let’s stop this nonsense argument. Birthday ni Vince ngayon. I want the best for him tonight huwag mo naman sirain ang mood ko. If you wish to enjoy the party, go have fun. But enough for this. Tapos na ito, napag-usapan na natin ito. “ Sabi pa ni Sonya sabay talikod sa kapatid.

Napabuntong hininga na lang si Seth at hinayaan ang kapatid. Napansin na pala sila ni Vince kaya lumapit ang binata at kinamusta ang tiyuhin. Kasama nito si Kaloy.

“Hi tito good to see you. Buti at nakapunta ka.” Pagbati ni Vince.

“Kelan ko ba nakaligtaan ang special na araw ng nagiisa kong pamangkin? And I am happy for you, at sa inyong dalawa. Proud ako sa iyo that you have this courage na ilantad ang relasyon niyo sa lahat lalo na sa mommy mo.” Saad ni Seth.

“Siya nga pala tito si Kaloy, I was with him nung lumayas ako.”

“Hello po, kinagagalak ko pong makilala kayo sir.” Wika ni Kaloy na may ilang habang kinakamayan siya ni Seth.

“Happy to know you. Salamat at inalagaan mo itong pamangkin ko. Pero paalala lang Vince, hindi dahil open na kayo it doesn’t mean na puwede niyo nang gawin lahat. At isa pa mga bata pa kayo, just enjoy your moment but know your limitation. Still may apelyido at pangalan ang dad mo na pinoprotektahan.” Ani ni Seth.

“Tito, actually lahat ng ito ay public show lang. Wala talaga kaming relasyon nitong si Kaloy. At sa’yo ko lang ito aaminin dahil may tiwala ako sa iyo.” Biglang bulalas ni Vince.

Kinagulat ni Seth ang pag-amin ni Vince sa kanya. Kinuwento naman ng binata ang mga dahilan niya at kahit hindi sang-ayon sa ginawa ng pamangkin pilit nitong inintintindi si Vince.

“So paano iyan hindi affected ang mommy mo, at sinuportahan pa kayo. Bakit ba kasi sa dinami-dami nang paraan para makuha ang atensyon ng magulang mo eh ito pa ang napili niyo. Pati ang ibang tao tiwalang-tiwala naman sa inyo.” Ani ni Seth.

“Pakiusap tito don’t tell dad, hayaan mo na ako mag reveal ng lahat sa takdang panahon.”

“May takdang panahon ka pang nalalaman. Ano pa ba ang magagawa ko, pero hindi dahil kinokonsenti kita. Gusto ko rin kasi magkaayos na iyang daddy at mommy mo. At kung ito iyong paraan makakaasa ka hindi ko sasabihin sa dad mo. But then again huwag sobra.” Ayon pa kay Seth.

Niyakap ni Vince ang tiyuhin at mula sa loob ng bahay nakita iyon ni Sonya na napaismid na lang at napataas ng kilay.

Kakarating naman nun nina Nate at Gibo sa bahay nila Vince. Agad sila sinalubong ng katiwala nila Sonya at dinala ang dalawa sa garden area kung saan naroon ang mga pagkain. Nang makita ni Nate ang mga kaibigan nila agad itong lumakad palapit sa mga iyon nang may naalala si Gibo.

“Sandali pare, naiwan ko sa kotse ang mga regalo babalikan ko lang saglit.” Sabi ni Gibo.

“Ah OK, eto ang susi bilisan mo lang doon lang ako sa table na iyon malapit sa stage.”

“Mabilis lang ako.”

Patakbong bumalik ng kotse nila si Gibo para kunin ang regalo nila para kay Vince. Sakto namang nakita ni Vince si Nate na papunta sa mesa nila Dustin. Agad nagyakapan ang dalawa na tila na miss nang sobra ang isa’t isa. Matapos, napa-suntok ng mahina si Nate sa balikat ni Vince tsaka sinumbatan ang kaibigan dahil sa nalaman nito.

“Kelan mo pa naramdaman na bakla ka dude?” Tanong ni Nate kay Vince.

“Tagal na, naalala mo iyong minsan natulog ako sa inyo tapos sabay tayo naligo sa banyo mo. Nun palang iba na ang kutob ko sa sarili ko. Di mo ba alam na matagal na akong may crush sa iyo dati dude? Eh kaso, mukhang hindi ako nakaramdam ng spark kaya hindi na kita pi-nursue.” Ang natatawang kuwento ni Vince sa kaibigan.

“Tang na, di ko pala alam na pinapantasya mo na pala ako. Pero grabe, ginulat mo talaga ako. Bago ka umalis nakalimang girlfriend ka pa, ngayon sa pagbalik mo may jowa ka ng lalake. Buti natanggap ka agad ni tita.” Ani pa ni Nate.

Lumapit na nun si Kaloy sa dalawa na may dalang pinggan na may lamang lechon. Nang mapansin siya ni Nate, tila na star struck ito nang nakatitig kay Kaloy. Nahuli ng kagwapuhan ni Kaloy ang mga mata ni Nate. Agad nitong kinamayan ang binata.

“Dude, iyong kamay mo sa kamay ng baby love ko. Baka nalimutan mong akin na iyan.” Sambit ni Vince na napangiti sa kaibigan.

“Sorry, hindi ko lang kasi alam na ganito pala ka-guwapo itong jinowa mo. Kaya naman pala nag-viral kayo nito.” Saad ni Nate na binitawan ang kamay ni Kaloy.

Nagtawanan ang tatlo sa sinabi ni Nate,  ngunit natigil ang mga ito nang dumating na si Gibo. Nagulat si Kaloy nang magtama ang tinginan nila ni Gibo. Sabay pa nga ang dalawa na tinawag ang kani-kanilang pangalan na nagulat sa presensiya ng isa’t isa sa event na iyon. Maging si Vince nagtaka nang makita si Gibo at nalamang magkakilala pala sila ni Nate.

“Teka-teka dude, you mean kakilala mo rin itong si Gilbert?” Tanong ni Nate.

“Siyempre naman naging mga kaibigan ko rin sila doon kina Kaloy. Kamusta Gib, balak ka pa sana namin hanapin ni Kaloy dito. Magkakilala naman pala kayo nitong si Nate. Gibo pare, mag-ingat ka sa bestfriend kong ito, isa itong malaking B-I sa grupo. Bad influence. Baka kung ano-ano ang ituturo nito sa iyo.” Wika pa ni Vince.

Tawang-tawa ang dalawa ngunit sina Kaloy at Gibo seryoso ang tinginan sa isa’t isa. Nagpaalam si Kaloy sa tatlo na pumunta muna sa mesa ng mga kaibigan nila Vince para ilapag ang bitbit na lechon. Nang marinig iyon ni Vince nag pasya na sila ni Nate na sabay na pumunta roon. Pagkarating sa puwesto ng mga kaibigan agad na pinakilala ni Vince si Gibo sa lahat. Tahimik parin sina Kaloy at Gibo sa kanilang upuan. Nakikiramdam sa isa’t isa at medyo nagkailangan.

Mabilis na umikot ang oras at nagsimula na magtugtog ang banda. Party-party na. Nagmistulang club ang pool area nila Vince sa ganda ng mga tugtugan. Nagkalasingan na ang karamihan. Iyong iba kanya-kanyang kumpulan na. Sa udyok ng kalasingan at kasayahan sumampa si Vince sa stage at kinuha ang isang mic tsaka sinabayan ng kanta ang banda. Sa kalagitnaan ng kanyang pakikipag-jam may inanunsyo ito.

“It’s time to party!!! Lahat nang gusto maligo, our pool party is officially open!!”

Matapos ang hudyat na iyon ni Vince, kanya-kanyang lundagan na sa pool ang iba. Kabilang sa nakisaya sa pool ang mga malalapit na tropa nito na sina Dustin at ng iba pa.

“Pool party pala ito pare.” Ani ni Gibo kay Nate.

“Bakit pare gusto mo maligo sa pool? Ihihiram kita ng maisusuot kay Vince.” Sabat ni Nate.

“Hindi na,  kung ayos lang sa iyo mauna na akong umuwi. Inaantok na din kasi ako.” Saad ni Gibo.

“Ang aga pa naman para umuwi ngayon pare, kung inaantok ka puwede ka roon sa visiting area nila Vince. Halika at ihahatid na kita dun.” Saad ni Nate.

“Mag ta-taxi na lang ako. Pakisabi na lang sa kanila na umuwi na ako.”

“Eh kung ganun, sasamahan na kita. Sabay na tayong umuwi. Wait lang at magpapaalam lang ako kina Vince.” Wika ni Gibo.

Pipigilan pa sana ni Gibo si Nate ngunit mabilis na umalis ang lalake. Sinamantala iyon ni Gibo para lumabas na sa bahay nila ni Vince. Paalis na sa garden area si Gibo nang harangin ito ni Kaloy. Agad na umiwas si Gibo kay Kaloy at wala itong balak na  kausapin ang kaibigan.

“Tapatin mo nga ako Gib tol, galit ka ba sa akin?” Tanong ni Kaloy.

“Bakit naman ako magagalit, may dahilan ba ako?” Sagot ni Gibo.

“Hindi mo ba na miss iyong tayo dati? Bakit ang ilap mo ngayon sa akin? Umalis ka na lang bigla sa atin nang hindi ka man lang nagpaalam. Pati kami na mga kaibigan mo napapaisip pa sa pag-alis mo.” Ani ni Kaloy.

“Talaga bang wala kang ideya sa dahilan ko? Huwag mo nga ipamukha sa akin ang pagkakamali ko. Alam mo ang rason tol.”

“Dahil lang doon sa ginawa mo sa akin? Ano ba ang tingin mo sa akin, basta-basta na lang itatapon ang pagkakaibigan natin dahil lang doon? Oo nabigla ako sa ginawa mo pero hindi naman ako nagalit sa iyo para iwasan mo.” Paliwanag pa ni Kaloy.

“Hindi lang iyon dahil dun. Tsaka tingnan mo ang sarili mo ang layo mo na sa dating Kaloy na nakilala ko. Hindi ko na nakikita ang kababata ko noon sa kaharap ko ngayon.” Saad pa ni Gibo.

“Ako? Tol damit lang ang pinalitan ko pero ako parin ito. Ang dating Kaloy na kaibigan mo simula noong bata pa tayo. At ko nakalimutan ang sarili ko. Ewan ko lang ngayon sa iyo. Dahil kung may nagbago man  hindi ako iyon.” Sagot ni Kaloy.

Lumapit si Nate nang napansin na tila nagtatalo ang dalawa.

“Are you guys OK?” Tanong ni Nate sa dalawa.

“Gusto ko nang umuwi. Kung mag i-stay ka pa ayos lang sa akin. Mag tatawag na lang ako ng taxi.” Wika ni Gibo kay Nate.

“No, I’ll go with you. Nagpaalam na ako kay Vince. Hatid na kita sa condo mo. Dude mauna na kami ni Gilbert. I’m happy to met you. More bonding time tayo soon. “ Ani pa ni Nate na sinundan si Gibo palabas ng gate.

Tumango naman si Kaloy bilang tugon kay Nate. Nanatili ito roon habang sinusundan ng tingin ang dalawa palabas. Napabuntong hininga na lang si Kaloy sa naging harapan nila ni Gibo. Hindi niya inasahan na iyon ang magiging reaksyon ng kaibigan sa muli nilang pagkikita. Pabalik na ito ng pool area nang napabaling ang tingin nito sa terrace nila Vince. Nakita nito ang ama ni Vince na si Herman na nakatingin sa kanyang direksyon. May hawak itong inumin at masama ang titig sa kanya. Biglang nailang si Kaloy kaya napayuko ito at mabilis na tinungo si Vince sa pool area.

Inabutan nito si Vince na masayang nakikipag party sa mga kaibigan sa pool. Nang makita siya nito agad na sumigaw si Vince sa kanya.

“Baby love, come join us!!!” Sigaw pa ni Vince habang sinisenyasan si Kaloy na tumalon din sa pool.

Ngunit minabuti ni Kaloy na lumayo sa pool side at naupo sa sulok na umiinom ng beer habang pinagmamasdan sina Vince. Halatado na ang kalasingan ni Vince, sobrang sabog na ito at tila wala na sa tamang huwisyo. Umahon ito sa tubig at nilapitan si Kaloy.

“Halika, samahan mo kami dun. Magsaya tayo this our night. Don’t isolate yourself here. Let’s enjoy and have fun pare. Pakita natin sa kanila how happy couple we are baby love.” Ani ni Vince na pinipilit si Kaloy na makisama sa kanila.

“Dito lang ako, kayo na lang. OK na ako dito.”

“No, it’s not OK. Lumabas ka muna sa Shell mo pare. Minsan lang ito and please pagbigyan mo na ako.”  Pakiusap pa ni Vince.

“Nandito na iyong dad mo. Nakita ko siya sa terrace at iba ang tabas ng mga titig niya sa akin.” Saad ni Kaloy.

“Well then good, perfect to give him a show. Halika na and dont mind him.”

Nagulat si Kaloy nang bigla na lang binaklas ni Vince ang polo nito. Nang makita iyon ng mga kaibigan ni Vince agad nag sigawan ang lahat at nagpalakpakan.

“Take it off!!!” Sigaw pa ng lahat.

Naghihilahan pa ng damit sina Kaloy at Vince pero sa bandang huli nahubaran din ni Vince ang isa. Napa wow ang lahat ng makita ang cut ni Kaloy. Marami sa mga babaing kaibigan ni Vince ang napakagat labi ng makita ang katawan ni Kaloy. Dahil sa mga sigaw ng karamihan napilitan na rin si Kaloy na pagbigyan ang lahat. Agad nito hinubad ang suot na pantalon tsaka lumapit sa edge ng pool at pinaikot-ikot sa kamay ang hinubad na suot tsaka itinapon sa tubig na pinag aagawan naman ng mga babaing nandoon.

“Gusto mo mag show tayo? Edi mag show tayo.” Wika ni Kaloy sabay baling ng tingin kay Vince.

Ang sunod na ginawa ni Kaloy ay kinabigla rin ni Vince. Dahil pikit matang pinunit ni Kaloy ang natitirang boxer briefs na suot dahilan para malantad sa lahat ang mahaba nitong kabuteti. Tsaka ito tumalon sa pool.

JEALOUS

Hindi inaasahan ni Vince na umabot sa ganun ang gagawin ni Kaloy. Tila nawala ang kalasingan nito sa ginawa ng kaibigan. Hiyawan naman ang lahat lalo na ang mga nasa pool nang makita ang kahubdan ni Kaloy. Mabilis naman sumunod si Vince sa tubig sabay nilangoy si Kaloy na noo’y nakipagkulitan na at harutan kina Dustin, Mon at Xander. Nagkasalubong bigla ang kilay ni Vince nang hinahalikan ni Xander si Kaloy sa leeg habang si Mon naman niyayakap si Kaloy mula sa likod nito. Tila sina-sandwich ng dalawang barkada nito si Kaloy. Balewala naman kay Kaloy ang ginagawa sa kanya na tila nakikipagsaya pa nga ito. Akma nang hahalikan ni Xander sa bibig si Kaloy nang hilahin na ni Vince ang kaibigan.

“Halika na, lasing ka na masyado binabastos ka na balewala lang sa iyo.” Wika ni Vince kay Kaloy.

“Dude were just having fun here, sorry kung medyo touchy kami sa jowa mo pero hindi namin siya binabastos. This is fun party right? At ganito naman tayong tropa. We shared everything diba guys?” Sabat ni Xander sabay hiyaw at nagtatalon pa sa tubig teasing Vince.

“Teka lang Vince, diba gusto mo mag show pa tayo? Bakit mo naman ako pinapatigil? Kakasimula ko pa nga lang eh. Mabuti pa dumito ka na at mag saya tayo.  Ang saya nito! Woooow!!!” Tugon ni Kaloy na kumawala sa kamay ni Vince at bumalik kina Xander.

Tila natigilan si Vince sa sinabi ni Kaloy, lasing na ngang talaga ang kaibigan. Muli na naman pinaikutan ng mga tropa ni Vince si Kaloy habang si Mon at Xander panay ang dikit sa katawan ni Kaloy. At kahit hindi kita sa lahat pansin ni Vince na hinahawakan ni Xander ang buratso ni Kaloy, kita niya iyon sa kilos ng kaibigan. Tila nang init ang mukha ni Vince at marahas na hinawi sina Mon at Xander mula kay Kaloy tsaka hinila sa gilid ng pool si Kaloy. Isang naroon ang nagmagandang loob na abutan si Vince ng tuwalya. Agad naman iyon kinuha ni Vince at pinangtabon kay Kaloy.

Umahon ang dalawa sa pool at dinala ni Vince si Kaloy sa loob kung saan nakasalubong nila si Sonya.

“Anong nangyari? Tapos na ba ang party?” Tanong ni Sonya.

“Magpapahinga na kami ni Kaloy. Ikaw na ang bahala magpatigil ng party. Pakisabi na lang sa mga katulong na pa assist ang mga guests na medyo lasing na.” Tugon ni Vince sa ina.

“Fine, magpahinga na kayo. By the way ang dad mo nasa terrace.”  Ani ni Sonya.

“Bukas na kami magusap, magpapahinga na kami.”

Akay-akay ni Vince si Kaloy na tahimik lang at malayo ang iniisip. Inakyat na nito ang kaibigan sa kanyang silid. Agad na naupo si Kaloy sa couch na nasa gilid ng pinto.

“Huwag ka diyan, doon ka na sa kama. Ikukuha lang kita ng damit.” Saad ni Vince kay Kaloy.

“Bakit mo ako pinigilan?” Biglang tanong ni Kaloy.

“Bakit hindi, kabastusan na iyong ginagawa mo. Binabastos ka na nila hindi mo pa ba ramdam? “ Tugon ni Vince.

“Sinasakyan ko lang naman ang trip mo ah,.”

“Iba na iyon, hindi iyon ang gusto ko. Hindi iyon ang napag-usapan natin. Teka lang nagustuhan mo ba ang ginawa ng dalawang iyon sa iyo? Ang panghihipo ni Xander nagustuhan mo ba?” Wika ni Vince na medyo may panghuhusga ang tuno ng tanong.

“Kung oo, ano naman sa iyo? Katawan ko naman ito.” Ang tanging tugon ni Kaloy kay Vince na napakunot noo sa binata.

“Fine, sabagay katawan mo nga iyan. Pero Kaloy naman pare ilugar mo naman ang ganung kilos. Tsaka flesh eater iyang si Xander. Kahit sino kinakain nun. At pansin ko lang ha. Kanina pa…hindi kayo nagkikibuan ni Gibo kanina, magkagalit ba kayo?” Saad ni Vince.

Hindi umimik si Kaloy umayos lang ito ng higa sa couch at tinakpan ng unan ang mukha. Hindi naman ito pinilit ni Vince. Nang pumasok ng banyo si Vince bumangon naman si Kaloy tsaka lumipat ito ng kama. Kinuha nito ang cellphone na bigay sa kanya ni Vince. Hinanap sa facenote nito si Nate, maging sa InstaGlam at sa iba pang social apps ang pangalan ng kaibigan ni Vince. Sa matiyagang pag hahanap ng binata sa wakas natumbok niya rin ito at bungad pa lang sa post ni Nate sa InstaGlam nito napakunot na ang noo ni Kaloy.

Kita kasi nito sa post ang masayang bonding nila Nate at Gibo. Mapapansin pa sa mga larawan na tila matagal ng magkakilala ang dalawa sa closeness nila sa mga post. Hindi naman maintindihan ni Kaloy kung bakit iyon na lang ang reaksyon nito sa dalawa. Nang sumingit sa isip nito ang tagpo nang minsan magising ito noon na nasa loob ng shorts ni Gibo ang kamay nito at nang maamoy pa nga ,amoy nanuyong buras. Tsaka ang panakaw na halik sa kanya noon ni Gibo sa kanya.

Napakislot na lang ito ng tamaan ito ng unan na binato sa kanya ni Vince.

“Lalim ng iniisip ah, sino ba ang ini-imagine mo si Mon o si Xander?” Biro ni Vince nang maabutan nito sa paglabas ng banyo si Kaloy na tulala.

“Gago, bakit ko naman iisipin ang mga iyon?.” Tugon ni Kaloy na nainis kay Vince.

“Bakit ba hindi?, eh nasarapan kamo diba?” Ani ni Vince.

“Eh parang sa tuno ng pananalita mo, selos na selos ka diyan?”

“Selos? Ako? Alam mo pare tingin ko lasing ka parin. Mabuti pa magbanlaw ka na roon at matulog na tayo.” Sagot ni Vince.

Samantala mula sa bahay nila Vince nagbanlaw naman sina Gibo at Nate sa isang bar. Kakaunti lang ang tao sa nasabing bar na pinuntahan nila. Naupo ang dalawa sa counter.

“Dalawang Moscow Mule nga dito.” Senyas ni Nate sa bar tender.

Tahimik parin si Gibo buhat nang umalis sila sa party ni Vince. Kuwento na nang kuwento si Nate ngunit tahimik lang si Gibo, tumatango naman ito kay Nate pero sadyang wala doon ang diwa niya. Napabaling na lang ito kay Nate nang may sinabi sa kanya ang binata.

“Nagseselos ka ba nang makita sila?” Tanong ni Nate.

“Bakit mo naman naisip iyan? Hindi ako nagseselos noh.” Mabilis na tugon ni Gibo.

“Kasi tulad mo, ganun din ang nararamdaman ko nang malaman ko ang tungkol sa kanila.” Ang direktang sagot ni Nate na may lungkot sa mga mata nito.

Biglang napaisip at natigilan si Gibo sa narinig kay Nate. Gusto nitong mag tanong sa kaibigan ngunit sa mukha pa lang ni Nate tila alam na nito ang sagot. Saglit na tumahimik ang dalawa at nagkaiwasan ng titig. Nang hinubad ni Nate ang suot nitong singsing tsaka inilapag sa harapan nila ni Gibo.

“Ano ito?” Tanong ni Gibo.

“Singsing namin ito ni Vincent, tanda ng lihim naming relasyon.” Sagot ni Nate sabay inom ng hawak nitong baso.

“Anong relasyon?” Tanong pa ni Gibo.

“Magjowa kami ni Vince, simula first year highschool pa.” Simula ng kuwento ni  Nate.

Sa seryosong usapan ng dalawa, isang pag-aamin ang nasabi ni Nate. Pinagtapat nito kay Gibo ang tunay nitong pagkatao.

“Pansexual ako pare, at ganun din si Vince,” Wika ni Nate.

Natigilan si Gibo, hindi man nito lubusan naiintindihan ang ibig sabihin ng salitang pansexual. Gayunpaman naramdaman nito ang puso ni Nate. Napakuwento pa si Nate ng tungkol sa kanila ni Vince ganun din si Gibo sa kanya. Bago pa magsara ang bar umalis narin sila at doon na sa condo ni Gibo nagpalipas ng magdamag si Nate.

Tapos na ang party at nagsiuwian na rin ang mga bisita nila Vince. Tahimik na nun ang garden at pool area, may mga ilang naiwan para magligpit ng mga structures at kalat. Palabas na nun si Herman nang makasalubong nito si Sonya na kagagaling naman sa labas.

“Aalis ka na? Hindi mo man lang kakausapin ang anak mo?” Tanong ni Sonya.

“Magpapahangin lang ako sa labas.” Ang tugon lang ni Herman.

“Wala ka bang sasabihin patungkol sa anak mo?”

“Ano pa ang sasabihin ko? Wala na akong magawa ganyan na siya. Tanggap mo naman diba? So sino pa ako para hindi siya tanggapin.” Ang sambit lang ni Herman.

“Iyon lang? Ganyan ka ba talaga Herman? Buti pa ang anak mo matapang. Eh ikaw, hanggang ngayon ba hindi ka pa rin aamin sa akin?” Ani ni Sonya.

“Wala akong aaminin dahil wala naman akong aaminin. Sonya five years na. Hanggang ngayon ito pa rin ang pinagtatalunan natin. Hiwalay na nga tayo pero heto ka parin hindi maka pag move on. Oo naglihim ako sa iyo pero never ako nag taksil sa iyo alam mo iyon. Nirerespeto ko lang ang marriage natin kaya until now nakiki-silong parin ako sa  bahay na ito na kasama ka. At dahil sa anak natin.” Ang saad pa ni Herman na medyo napalakas ang boses.

Ang pagtatalo ng dalawa ay narinig lahat ni Vince nang bumaba ito para sana balikan ang mga kaibigan kung naroon padin ang mga iyon. Ngunit sa kanyang pagbaba iba ang nadatnan nito. At dun nga malinaw na malinaw sa tenga nito ang buong detalye at rason kung bakit ganun lagi ang mga magulang nito sa tuwing nagsasama silang dalawa.

“Make sense, naglolokohan lang pala lahat tayo rito all these time. Wala na talagang pag-asa na maging maayos pa itong pamilya na ito dahil sa simula pa lang sira na.” Bulong ni Vince sa sarili bago muli itong bumalik ng kanyang silid.

Nang sandali naman na iyon ang tungkol pa rin sa nararamdaman ang topiko ng dalawa Nate at Gibo hanggang sa silid ng condo nito.

“So bisexual ka nga kasi sabi mo nagka-girlfriend ka naman pero nitong huli iba na ang trip mo, at natagpuan mo na lang ang sarili mo na in love ka na kay Kaloy.”  Ani ni Nate sabay nagtanggal ng sapatos nito tsaka na higa sa kama ni Gibo.

“Hindi ko rin alam kung ano ang tawag dun. Dati naman wala ito, binabalewala ko rin nga minsan. Kasi sabi ko baka ganun lang talaga kasi masyado na kaming close ni Kaloy sa isa’t isa kaya ganun. Pero nung dumating si Vince doon ko napagtanto na iba na talaga. Mahal ko na ngang talaga si Kaloy. Pero siyempre nilihim ko dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Pero anak ng putik, baliko din pala.” Tugon ni Gibo na humilata na rin sa tabi ni Nate.

“Sa part ko hindi ko naman magawang sumbatan si Vince sa ginawa niya. Iyon kasi ang rules namin. Kung saan masaya ang isa, doon siya. Ang mahalaga nagkakaintindihan kami. Isa pa tago naman ang relasyon namin kahit na sa mga barkada namin. Siguro mas gusto ni Vince ang partner na kaya siya i-flex in public at proud sa relasyon nila. Which is hindi ko naman kayang gawin sa relasyon namin. Patay ako kay dad pag nagkaganun. Pero I thought na kaya ko, pero nang makita ko sila kung gaano ka sweet kanina parang pinipiga ang puso ko. Ang sakit.” Kuwento naman ni Nate.

Nagkatitigan ang dalawa at napangiti na lang sa isa’t isa nang walang ano-ano bigla na lang hinalikan ni Gibo si Nate sa labi nito. Pagdampi lang iyon, nakiramdam pa si Gibo sa maging tugon doon ni Nate nang kinabig naman ni Nate ang ulo nito at sinunggaban ng mapusok na halik sa labi si Gibo.  Naging mainit ang palitan ng laplapan ng dalawa.

Nagpatuloy ang tagisan ng kanilang mga labi at dila sa isa’t isa habang nagmamaniobra naman ang kanilang mga kamay upang tanggalin ang mga natitirang saplot sa katawan ng bawat isa.

Nang tuluyan ng naging malaya ang kanilang mga katawan sa ano mang harang, pumaibabaw na si Gibo kay Nate. Dominante at agresibo ang mga atake nito kay Nate. Matinding romansahan ang pinamalas ng dalawa. Ngunit ayaw ni Nate na kontrolin siya ni Gibo. Buong lakas nito naitulak si Gibo mula sa ibabaw niya upang siya naman ang magmaneho ng pagbayo. Walang nais magparaya sa kanila, lahat gusto ang posisyon sa taas.

“Whoever win, he will be the top. Pero galingan mo dahil hindi ako basta na lang bumababa sa trono ko.” Bulong ni Nate kay Gibo sabay kagat sa tenga ng isa.

“Sisiguraduhin kong isusuko mo rin sa akin ang butas mo. At sisiguraduhin ko na itong tubo ko ang babaon at hindi sa iyo. Kaya kung ako sa iyo ibuka mo na.” Tugon ni Gibo sabay sinunggaban muli ng mas mapusok na halik si Nate sa labi.

Ang mainit na tensiyon sa pagitan ng dalawa ay naging mas maalab pa sa inaasahan. Sadyang walang nais magpa-alipin sa kanila. Tagaktak na ang pawis ng dalawa. Halos na galugad na nga nila ang bawat sulok ng condo ni Gibo. Mula sa kama, sa sahig, sa couch, sa sink hanggang sa umabot na ang dalawa sa banyo. Dahil sa wala ngang bumigay isa man sa kanila naisipan na lang ng dalawa na mag kiskisan na lang ng mga jumbo posporo nila sa isat-isa hanggang sa sumabog ang mga iyon. Nang sabay na nagpakawala ng tamodels ang dalawa muli sila nagkatitigan at nag tawan sa isa’t isa tsaka tinapos ang hasaan sa masuyong halikan sa ilalim ng rumaragasang shower sa loob ng banyo.

Balik kina Vince, nagising si Kaloy sa pagpasok ni Vince. Napalakas kasi ang pag sara nito ng pinto. Bumangon si Kaloy nang mapansin ang namumulang mata ng kaibigan.

“Ayos ka lang ba pare?” Tanong nito.

“Matagal na pala silang hiwalay.” Bulalas ni Vince.

“Sinong hiwalay?”

“Sina mommy at daddy, matagal nang wala and they keep it hiding to everyone lalo na sa akin. Now I understand everything. Lahat sa pamilyang ito kasinungalingan.” Tugon ni Vince.

Natahimik lang si Kaloy, wala naman ito maiambag na payo sa kaibigan dahil wala naman itong alam sa buong kuwento. Nilapitan na lang nito si Vince at niyakap ng mahigpit. Iyon lang ang naisip nitong paraan upang kahit papano maibsan ang bigat sa loob ng kaibigan at maiparamdam kay Vince na handa ito na maging kanyang balikat sa mga pinagdadaanan nito. Saglit pa bumigay rin si Vince at binagsak ang lahat ng sama ng loob sa magulang. Napahagulgol ito ng iyak sa balikat ni Kaloy.

Ramdam ni Kaloy ang sakit sa mga hikbi ng kaibigan. Ngunit wala rin naman itong magawa upang masolusyunan ang problema ni Vince. Laking pasasalamat na lang ni Kaloy na hindi ganun ang kinagisnan nitong pamilya. Hindi  nararanasan ang katulad na problema sa kanyang mga magulang.

Ang rebelasyon na natuklasan ni Vince ay nagtulak sa kanya na tapusin na ang pagpapanggap nila ni Kaloy. Sang-ayon naman si Kaloy sa nais ni Vince dahil hirap na rin ito sakyan ang trip ng kaibigan.

Inumaga na nang gising ang dalawa dahil sa madaling araw na ang mga ito nakatulog. Kung hindi pa sa mga pagkatok sa kanila ni Ponyang hindi pa nagising ang mga ito. Bumangon si Vince para pagbuksan ng pinto ang yaya.

“Sir Vince, naghihintay na ang mommy at daddy mo sa garden doon daw kayo kakain ng almusal.” Bungad ni Ponyang.

“Pakisabi na dito na kami kakain. Tinatamad kaming bumaba.” Tugon ni Vince.

“Pero sir, gusto ng daddy mo makilala si Kaloy at makasama kayo sa baba.” Ani pa ni Ponyang.

“Para ano pa? Dati naman kanya-kanya na kami rito ah.  Hindi pa ba sila nasanay?” Sabi pa ni Vince.

“Sige na sir Vince, minsan lang itong magkakasama kayo sa hapag na kumakain. Tsaka mukhang napansin ko na nagbago na sila,”.

“Nagbago? Naku yaya wala nang ibabago ang pamilyang ito. Wala nang pagbabago sa bahay na ito. Hindi kami bababa, pakisabi sa kanila.” Saad pa ni Vince.

Narinig ni Kaloy ang usapan ng dalawa kaya sumingit na ito sa palitan ng mag-yaya.

“Sige na manang Ponyang susunod na kami ni Vince.” Ani ni Kaloy.

Ngumiti naman si Ponyang at dali-daling bumaba ng hagdan. Pagkaalis ng yaya, nagkasagutan naman ang dalawa.

“Hindi ako bababa pare, ayokong makipagplastikan sa kanila.”  Saad ni Vince.

“Eh di harapin mo sila na hindi nakikipagplastikan. Alam mo pare, isa sa bagay na natutunan ko sa iyo ay ang harapin ang reyalidad ng buhay. Sa edad nating ito ang mature mo na mag isip at bilib ako sa iyo dun. At gusto ko makita muli iyon sa iyo.” Tugon ni Kaloy.

Napatingin si Vince nang seryoso kay Kaloy.

“Palagay na nating totoo ang narinig mo kagabi at hiwalay na sila, wala ka ng magagawa roon kundi tanggapin ang katotohanang ito ang reyalidad ng buhay mo. Tsaka hindi lang naman ikaw ang may ganitong pamilya. Iyong iba pa nga hiwalay na ngang talaga, pero maayos naman. Ibig ko sabihin, ipakita mo sa kanila na tanggap mo na ang lahat. Total sabi mo naman kagabi tanggap mo na ang sitwasyon niyo.” Dagdag pa ni Kaloy.

“Pero hindi pa ako handa na harapin sila ngayon pare. Oo tanggap ko na ito na, itong pamilya na meron ako. Pero huwag naman agad-agad.” Ayon kay Vince.

“Masasanay ka rin, tsaka kelan pa?…ito na iyong tamang moment pare. At huwag kang magalala back up mo ako. Basta kalma ka lang,… reserba mo ang emosyon mo sa tamang panahon. Bilis na diyan at sabay na tayong bababa.”  Sabi pa ni Kaloy.

Napakamot na lang ng ulo si Vince sa mga sinabi ng kaibigan. Matapos nga makapag-ayos ang dalawa sabay na nilang tinungo ang garden kung saan naghihintay sina Sonya at Herman.

Naunang bumati sa dalawa si Kaloy na may buong galak. Nakipag kamay pa ito kay Herman bago naupo sa tabi ni Vince, sumunod naman si Vince na seryoso lang ang mukha. Hindi maitago ni Vince ang nararamdaman sa magulang, tahimik lang ito na kumakain. Samantala si Kaloy magiliw na nakikipag kuwentuhan sa mag-asawa. Napansin ni Herman ang pananahimik ng anak kaya may tinanong ito.

“Gusto niyo ba mag bakasyon ni Kaloy sa Bora? Malayo pa naman ang enrollment niyo. Gusto niyo ba?” Tanong ni Herman.

“Salamat na lang dad, pero may plano na kaming iba.” Tugon ni Vince.

“Saan ba iyan, outside the country ba? I may suggest na mag Korea kayo di kaya mag Disneyland kayo. Tell me kung kelan ako na ang bahala.” Sabat ni Sonya.

Muling nanahimik si Vince. Ayaw niyang sagutin ang mga magulang baka kung ano pa ang masabi nito sa kanila. Hindi na rin umiimik si Kaloy at nakikiramdam lang din ito. Hindi na nagtagal pa sa kanilang almusal si Vince at nauna na itong tumayo. Tumingin pa ito kay Kaloy bago umalis. Tatayo na rin sana si Kaloy para sundan si Vince nang nakiusap si Herman sa kanya na pumirmi saglit. Biglang nailang si Kaloy sa mga titig sa kanya ni Herman, gayunpaman kumalma ito at nanatiling nakaupo kaharap ang dalawa.

TEARING

Napalunok ng laway si Kaloy nang tinitigan ito ni Herman ng seryoso. Si Sonya naman tumayo at iniwan ang dalawa. Nang dalawa na lang sila ni Herman lalo lang kinabahan si Kaloy. Hindi nito alam kung ano ang gagawin sa harapan ni Herman. Panay ang lagok nito ng tubig.

“Bakit parang kinakabahan ka?” Tanong ni Herman.

“Ah eh kuwan sir…”

“Anong sir? Tito na lang.”

“Tito…”

“Talaga bang seryoso na kayo sa relasyon niyo ng anak ko?” Tanong ni Herman kay Kaloy sabay lagok ng kanyang kape.

Magsasalita na sana si Kaloy nang muling bumalik si Vince at sinagot ang ama.

“Hindi man pangkaraniwan ang aming relasyon, sigurado naman kaming seryoso kami sa pinasok namin. At kahit anong mangyari hindi hindi kami maghihiwalay humadlang pa kayo. Diba baby love?.” 

Sa harapan ng amang si Herman hinalikan ni Vince si Kaloy sa labi nito na siyang kinabigla at kinagulat naman ng huli. Maging si Herman nagulat sa ginawa ng anak sa harapan nito. Hindi na nakatugon pa si Herman nang pinatayo na ni Vince si Kaloy at iniwan siya ng dalawa.

Bumalik ng silid ni Vince ang dalawa. At pagkasara nga ng pinto agad na humagalpak ng tawa si Vince, pasayaw-sayaw pa ito na tuwang-tuwa.

“Kita mo ang reaksiyon ng mukha niya pare? Grabe hindi ko alam na magagawa ko iyon sa harapan niya. Ang savage nun pre.” Ang masayang wika ni Vince.

“Akala ko ba tapos na ang pagpapanggap pare, ano iyong ginawa mo?” Pagtatakang tanong ni Kaloy.

“Nakita ko kasi kanina na parang alangan ka. Ewan bigla ko na lang naisip na gawin iyon sorry. Pero sa tingin ko naman may dulot kay daddy ang nakita niya kanina. Kita mo naman iyong mukha niya.”

“Pero bakit mo ako hinalikan sa bibig?”

“Wala naman iyon pare, ewan… basta naisip ko lang bigla.” Ani ni Vince.

Nag-iwan ng pagtataka kay Kaloy ang ginawang paghalik sa kanya ni Vince. Kahit na sinabi pa ni Vince na hindi iyon sadya. Tila na nariwa lang kasi sa kanya ang nangyari sa kanila ni Gibo. Si Herman naman ng mga sandaling iyon hindi makapaniwala sa ginawa ng anak. Gusto niyang pagalitan si Vince ngunit sa anong rason? Napaisip din ito sa sinabi ni Vince dahil tila parinig sa kanya ang binitiwang salita ng anak. Pinuntahan nito si Sonya at kinausap.

“Kokunsentihin ba talaga natin ang kahibangan ng anak mo? Wala ba dapat tayong gawin?” Ani nito kay Sonya.

“Bakit? natapakan ba ng anak mo ang pagka-diva mo?Dahil mas natalbugan ka pa ng anak mo?” Tugon ni Sonya.

“Sonya do you hear your self? Sa tingin mo nagiging magaling kana na ina sa ginagawa mo? Alam mong mali ang ginagawa ng anak mo and yet kinokonsenti mo!” Saad ni Herman.

“Ama ka diba? Bakit hindi mo gawin ang sa tingin mo dapat? At ano ang alam mo sa tama at mali kung ikaw mismo nakalimutan mo. Huwag mo ibato sa anak mo ang ginawa mo. Dahil nagmana lang siya sa iyo. Bakla ang ama kaya huwag kang OA kung bakla rin ang anak mo.” Wika pa ni Sonya.

“Alam ng diyos na wala akong ginawang mali sa pamilyang ito. Ikaw ang sumira sa samahan natin kaya huwag mo ibuton sa akin ang pagkakamali mo Sonya! At hindi ako bakla!”  Sumbat ni Herman.

“Hanggang ngayon in denial ka parin. Kaya hindi tayo natatapos kasi hanggang ngayon pinapaniwala mo parin ang sarili mo sa kasinungalingan mo. Kung hindi ka bakla ano ka? Bisexual, pansexual,polysexual , omnisexual? Whatever that is…niloko mo ako. Binaboy mo ang pagiging mag-asawa natin. At hindi mo iyon tanggap kaya nag fi-feeling ka paring malinis.” Saad ni Sonya.

“This is not about us anymore Sonya. Si Vince ang pinag-uusapan natin dito.”

“I know! At alam mo ba kung bakit ginagawa ito ng anak mo? Dahil sa iyo! All because of you Herman!”

“Balik sa akin? Wow so kasalanan ko lang?”

“Kung hindi mo sinira ang pamilyang ito, hindi tayo naghiwalay, di sana natin napabayaan ang anak natin, at hindi na sana umabot pa sa ganito ang ginawa ng anak mo! Bulyaw ni Sonya.

“You ruined this family,…not me. Naniwala ka sa mga tsismis. You accused me for nothing. You choose to believe them and not for me. Hindi ka nakinig sa mga paliwanag ko. At ikaw ang nakipaghiwalay kahit ayaw ko. I’ll tried my best to fix everything… our family, our relationship. Pero sarado ka na. I did the right thing to this house kaya huwag mo isumbat sa akin na parang ako ang nagkulang. Sisihin mo rin ang sarili mo.” Ani pa ni Herman tsaka iniwan si Sonya.

Ang komprontasyon na iyon ng dalawa ay rinig ng mga kasambahay nila maging ni Ponyang na nagulat sa nalaman.

“Jusko, bakla pala si sir Herman. Eh kay naman pala sumingaw din sa dugo ni Vincent. Hay naku kelan pa kaya matatapos ang bangayan ng dalawa? Bakit ba kasi hindi na lang talaga sila maghiwalay ng bahay nang matahimik naman ang bahay na ito.” Sa isip pa ni Ponyang.

“Uy, tutok na tutok sa palabas ah. Naka premium ka ba? Daig mo pa ang naka-vip seat diyan ah.”  Wika ni Badong ng kalabitin nito si Ponyang.

“Tumahimik ka nga, bumalik ka na dun sa trabaho mo baka mag walk out na naman si sir at hahanapin ka.”

“Hindi iyon aalis, naglalasing lang iyon sa study room niya. Pero narinig mo ba? Bakla rin pala si sir. Grabe talaga ilang taon na rin ako dito pero hindi ko man lang naamoy ang pabango ni sir. Sino kaya ang lalake ni sir?  Kilala kaya ni Maam?”  Hinuha pa ni Badong.

“Aba’y ang bisugong ito. Ano naman ngayon kung bakla si sir? Naku tigil-tigilan mo iyang pagmamarites mo baka marinig ka ni sir at masisante ka. Kung ano man ang problema nila labas na tayo dun. Nandito tayo para mag silbi hindi para mangi-alam. Hala doon na tayo sa labas. Baka makita pa tayo rito.” Sabat ni Ponyang.

Sa mga oras naman na iyon sa bahay nila Nate. Sa mga nagdaang mga araw tila may napansin ang ama nito kay Nate na mga pagbabago. Bagay na agad pinuna ng ama sa anak.

“Masayahin ka yata ngayon. At impressive ang linis ng kuwarto mo. Tsaka mukhang inspired ka lately. May gusto ka bang i-share sa akin?”

“Dad naman , ano naman ang bago sa akin? I’m just being so positive. Sinunod ko lang naman ang payo mo na mag explore ng something out from my box. At mukhang nag wo-work naman.” Tugon ni Nate sa ama.

“Make sure lang na ang ini-explore mo na  something ay hindi katulad sa kaibigan mong si Vince. Baka mag uwi ka rin ng lalake sa bahay tapos gugulatin mo rin kami na gay ka. I warn you Nate, don’t ever do that. Kilala mo ako.” Ani pa ng ama.

“What makes you think na gagawin ko iyon? I’m no gay dad. And I will never be one.” Saad ni Nate.

“I’m just saying. Kabarkada mo si Vince at malay ko ba kung na impluwensyahan ka rin nun. Akala siguro niya nakakatuwa ang ginawa niya. Binigyan niya lang ng kahihiyan ang pamilya niya.”

“Dad?”

“Ayoko nang makita iyan dito sa loob ng pamamahay ko. And stay away from him. Tsaka umiwas ka na rin sa mga barkada niya. I know na katulad niya rin ang mga iyon. Mga imoral.” Sabi pa ng ama nito.

“Huwag mo naman idamay lahat ng barkada namin dad. Bakit pati sila?”

“Gawin mo na lang para wala tayong problema. Sagot ng ama.

Biglang sumikip ang daan para kay Nate sa sinabi ng ama. Dahil kay Vince mukhang lalo lang ito mahihirapan sa pag out sa sarili. Ngayon pa kung kelan nakilala na nito si Gibo.

Ilang buwan na lang at balik eskwela na. Matatapos na ang mahabang pahinga ng mga estudyante mula sa malayang bakasyon. At huling taon na ni Vince sa paaralan.

“Parang ayoko na yatang bumalik sa pag-aaral pare, ang tanda ko na para mag simula sa grade seven.” Ani ni Kaloy habang tinutulungan ito ni Vince na mag hanap ng magandang pag- enrolan na eskuwelahan.

“Hindi naman regular class ang hinahanap natin. Hahanap tayo ng paaralan na nag o-offer  ng alternative learning class, di kaya mga advance module para naman makahabol ka. Alam ko kasi merong ganun. Iyong maikling taon lang o buwan pero may deploma.” Ayon kay Vince.

“Baka naman mahal, ayoko namang maging sagutin mo pa pati pag aaral ko. Kalabisan naman yata iyon.” Wika ni Kaloy.

“Huwag mo na iyong alalahanin tutulong si mamita.” tugon ni Vince.

“Sinong mamita?”

“Si lola, mamita ang tawag ko sa kanya at excited iyon na makilala ka.” Nakangiting sagot ni Vince.

“Bakit naman?”

“Tinawagan niya ako at binati. Pati si lola paniwalang  boyfriend kita. Ewan ko ba bakit nakarating sa kanya ang tungkol sa atin.”

“Eh di sinabi mo sa kanya ang totoo?”

“Hindi siyempre baka magalit iyon sa akin, ayaw na ayaw pa naman nun ng sinungaling.”

“Anak nang…pano pa natin tatapusin ang pagpapanggap? gayung tila ayaw mo naman. Alam mo pare habang tumatagal parang nakokonsensya na ako sa ginagawa natin. Tiyak malaking gulo ito kung sumambulat na lang bigla ang katotohanan.” Pag aalala pa ni Kaloy.

“Tsaka na natin iyan po-problemahin kung nandiyan na. Sa ngayon ang problemahin natin ang eskuwelahan mo.” Sagot ni Vince.

Kung nagsisimula nang maging abala para sa susunod na school year sina Kaloy at Vince. Sina Gibo at Nate naman handa na para mag enroll. Tulad ni Nate, senior high na rin si Gibo. Kaya napagpasyahan nitong ituloy na ang pag-aaral sa paaralan kung saan nag-aaral din si Nate. Kilala ang pamilya ni Nate sa Victor High Academy kaya sa tulong nito, hindi na nahirapan pa si Gibo sa paglakad ng kanyang paglipat.  Sa suporta na rin ng ama ni Gibo sa kanya madali lang sa binata makakuha ng spot sa nasabing pribadong paaralan.

“Sana maging classmate tayo. Para naman hindi ako ma fomo sa klase .” Ani ni Gibo.

“Sana nga pero kahit na hindi, fire sure naman marami kang maging kaibigan dito.” Tugon ni Nate.

“Si Vince ba dito rin nag-aaral?”

“Oo, classmate me since grade seven at baka next year ulit. Iyong si Kaloy ba, mag-aaral din kaya rito?” Wika ni Nate.

“Hindi ko alam pero minsan na nasabi sa akin ni Kaloy na pangarap niya mag-aral sa city. Pero baka hindi iyon makakaabot dito, hanggang grade six lang kasi siya tapos huminto na. Sa aming magbabarkada ako lang ang nagpatuloy ng pagaaral. Malayo kasi ang highschool dun sa amin kaya marami sa mga kabataan doon na hindi na umaabot ng grade seven at pinipili na lang talaga ang mag trabaho sa bukid.” Kuwento pa ni Gibo.

“So first time mo pala sa ganitong private school. Huwag kang mag- alala you have me here. Halika pare, tour muna kita dito sa academy.”

Tapos na ang dalawa at nakahanap na din ng mapapasukang paaralan si Kaloy. Nang araw na iyon sinamahan naman ni Kaloy si Vince para mag enroll. Sa corridor pa lang marami na ang bumati kay Vince, maging kay Kaloy dahil sa nangyari noong kaarawan ni Vince. Karamihan kasi sa mga taga academy na naging kaibigan at kaklase ni Vince nandoon sa pa party nito. Nang makita sila ni Mon.

“Hey dude kamusta, dito rin ba mag i-enroll si Kaloy?” Tanong ni Mon.

“No, sinamahan niya lang ako rito. Tapos na ba kayo?” Ani ni Vince.

“Yeah, actually kasama ko si Nate tsaka iyong kaibigan niyang si Gilbert. Ang sabi, dito rin daw iyon mag-aaral.”

“Nandito pala sina Nate.” Sambit ni Vince.

“Baka nandiyan lang sila sa paligid. Sige dude I have to go now, may kakatagpuin pa ako.”

Nang umalis si Mon, nilapitan ni Kaloy si Vince.

“Hihintayin na lang kita sa kotse pare. Parang naiilang kasi ako sa mga tao rito. Lahat sila pinagtitinginan tayo.” Wika ni Kaloy.

“Sige, hintayin mo na lang ako dun pare, saglit lang ako. Then after natin dito kain tayo sa labas.”

Lumabas ng academy si Kaloy at pumunta ng parking lot kung saan nandoon ang kotse ni Vince. Kakapasok lang nito ng kotse nang mapansin nito sina Gibo at Nate na papalabas ng building. Papunta ito sa direksyon niya. Habang nakatingin sa dalawa tila may kung anong nararamdaman si Kaloy na hindi nito paliwanag. Naiinis ito na tila galit na hindi niya mawari. Kita kasi sa kilos ng dalawa na tila masaya ang mga ito at talagang malapit sa isa’t isa. Bagay na na-miss ni Kaloy sa kaibigang si Gibo. Nais niyang lumabas ng kotse para kausapin ang kaibigan ngunit may pagdadalawang isip din ito na baka iwasan lang din siya ni Gibo.

Napansin din nun ni Nate ang kotse ni Vince. Tinted ang salamin ng kotse kaya naisip ni Nate na baka nasa loob na ng building ang kaibigan.

“Kasama niya kaya si Kaloy?…” Sambit ni Gibo.

“Siguro, alangan namang iwan niya iyong isa sa kanila. Ano gusto mo, hanapin muna natin sila sa loob? Gusto mo makausap si Kaloy?” Ani ni Nate.

“Hindi na, para ano pa. May Vince na iyon hindi na niya ako kailangan. Bahala na siya kung saan siya masaya. Hindi ko na rin siya kailangan.” Sabat pa ni Gibo.

“Huwag ka magalala ako naman ang bahala sa iyo magpasaya. Hindi mo deserve maging malungkot. Kaya mag food trip tayo. Parang nag ki-crave ako ngayon ng street food. “ Saad naman ni Nate kay Gibo bago sila sumakay ng kotse.

Katabi lang ng kotse ni Vince ang bagong kotse ni Nate. Kaya malinaw na narinig ni Kaloy ang pag-uusap ng dalawa. Tila piniga ang puso ni Kaloy sa narinig kay Gibo. Sa matagal na nilang naging magkababata at magkaibigan hindi iyon inaasahan ni Kaloy na marinig kay Gibo. Nasaktan si Kaloy doon. Hanggang nagpakawala na lang ito ng luha. Nang bumalik si Vince nakaalis na sina Nate. Pagpasok sa loob ng kanyang kotse agad nito napansin ang pamumula ng mga mata ni Kaloy.

“Umiyak ka ba?”

“Naalala ko lang sila nanay at tatay,  na miss ko lang kasi ang mga luto ni nanay.”

“Ganun ba. What if umuwi muna tayo sa inyo. May three weeks pa naman bago mag simula ang klase. May enough time pa para makapag extend tayo ng free time. Ayos ba iyon pare?” Saad ni Vince kay Kaloy.

Nagulat na lang si Vince ng tinugunan ito ng yakap ni Kaloy. Napayakap narin ito sa kaibigan at napangiti.

“Salamat pare.”

“It’s OK pare, na miss ko din naman sina nanay.  Kaya bukas din susurpresahin natin sila. Sa ngayon kakain muna tayo tapos ibibili natin sila ng groceries.” Napangiting tugon ni Vince kay Kaloy.

Pilit man pinipigilan ang damdamin ramdam ni Kaloy na may kung ano itong nararamdaman kay Gibo. At sa mga nakikitang pagbabago sa kanilang pagitan tila lalo lang nabibigyan na mas malalim na kahulugan ang nararamdaman niyang iyon. Ito rin ang dahilan kung bakit nagdududa na rin talaga ito minsan sa kanyang pagkatao.  Na kaya agad naman itong pumayag na sakyan ang pagpapanggap nila ni Vince dahil ganun naman talaga siya. Iyong ang mga bagay na gumagambala sa isipan ni Kaloy. Wala pa itong karanasan sa pagiging ganun at kailan man hindi pa nito naranasan ang magkagusto sa kapwa lalake. Pero sa mga nararanasan sa sarili nalilito na rin ito.

Habang inaaliw nun ni Kaloy ang sarili sa kaka-update ng kanyang mga social accounts nakatanggap ito ng notifications sa kanyang InstaGlam. Isang pamilyar na pangalan ang nag follow sa kanya. At nang tingnan nito kung tama ang kanyang kutob, bigla na lang nag ningning ang mga mata ni Kaloy nang makumpirmang si Danica nga iyon.  Ibang-iba na ang ayos ni Danica buhat ng huli niya itong nakita. Lalo pa itong gumanda. Napansin naman ni Vince ang hindi maitagong ngiti na kaibigan nang dumating ito sa lamesa  nila bitbit ang kanilang order na pagkain.

“Abot tenga ang ngiti ah, sinong anghel kaya ang nag DM sa iyo bakit nagniningning ang mga mata mo sa saya pare?” Bungad ni Vince nang maupo ito.

“Si Danica, nag follow sa akin. Akala ko nakalimutan na niya ako.”

“You mean the Danica na pinag-iipunan mo ng ‘serm’ mo? That’s good news pare, kung ako sa iyo, pursue mo na iyan. Nagparamdam na sa iyo ibig sabihin she wants your attention.”  Wika ni Vince na tila natuwa rin sa kaibigan.

“Paano kung nagbago na siya?” Ani ni Kaloy.

“Pare constant ang change expect mo na iyon.  But the fact na siya ang unang nag follow sa iyo. Ibig sabihin lang nun may naiwan ka pa ring marka sa kanya. Diba siya ang nag-iisang babae na pinapangarap mo? So huwag mo nang pakawalan.” Saad ni Vince.

“Pero ibang-iba na kasi siya sa dati.”

“Patingin nga ng profile niya pare.”

Nabighani si Vince nang makita mga larawan ni Danica. Tunay nga itong napaka ganda. Maging si Vince humanga sa kanya, napakagat pa ito ng labi nang makita ang naka-two-piece na larawan ng babae. Lihim nitong kinuha ang pangalan ni Danica at agad na nag-follow. Kilala si Vince na matinik sa mga babae, at kapag nagpamalas na ito ng kanyang mga galawan himlay agad ang babaeng kanyang matipuhan. Kung si Kaloy nagdadalawang isip pa sa gagawing diskarte. Si Vince, nakapag DM agad kay Danica na hindi alam ni Kaloy.

“Sorry pare, pero ang ganda kasi ni Danica. Ang bagal mo kasi. May the best one win na lang pare.” Sa isip ni Vince habang mini-message si Danica at nakangiti naman kay Kaloy.

Pagsapit ng gabi ramdam parin ni Kaloy ang galak sa pagpaparamdam sa kanya ni Danica. Kahit nakapikit na ang mga mata, mukha pa rin ng babae ang kanyang nakikita.

“Hindi ka bakla Kaloy, nagkakagusto ka pa rin sa babae. Salamat Danica, nagparamdam ka sa panahong kinukwestiyon ko ang aking pagkatao. At ngayong nagbalik ka liligawan na talaga kita. I love you Danica.” Sa isip ni Kaloy habang nakapikit ito.

Kung si Kaloy todo imagine pa kay Danica si Vince sa mga oras na iyon kapalitan na ng mensahe ang babae.

“Pare gising ka pa ba?” Tanong ni Kaloy kay Vince.

“Medyo, pero inaantok na. Bakit pare?” Tugon ni Vince.

“Di bale na lang, saka na kung sasagutin na ako ni Danica.” Saad ni Kaloy.

Napabaling si Vince sa kaibigan at nakipagkamay ito.

“Win her heart pare, baka mapunta pa siya sa iba” tugon ni Vince at nginitian si Kaloy.

Nakatulog na si Kaloy ngunit madaling araw na kachat pa rin ni Vince si Danica.

WENT BACK

Wala pa ang araw nag gayak na agad ang dalawa Vince at Kaloy para makarating sila ng maaga kina Kaloy. Sa biyahe palang hindi na maipinta ang saya ni Kaloy na makita muli ang mga magulang.

“Tiyak na magugulat talaga neto sina nanay. Salamat dito pare. Hayaan mo pag medyo masanay na ako sa mga biyahe-biyahe at alam ko na mga sakayan dito sa siyudad, hindi na kita kukulitin na samahan ako pauwi sa amin.”

“Ayos lang iyon, kahit ipagmaneho pa kita sa tuwing uuwi ka sa inyo. Tsaka parang pangalawang bahay ko na rin ang bahay niyo ano ka ba.” Saad ni Vince.

“Ang swerte ko talaga dahil nakilala kita pare.” May pagngiti na tugon ni Kaloy nang sinulyapan nito si Vince.

“Kung swerte ako sa iyo, blessings ka naman sa akin pare. Simula nang inuwi kita sa bahay, never pa ako nabulyawan ng mga magulang ko. Ni hindi nga nagalit si daddy nang ginamit ko ang kotse niya. Binigyan pa tayo ng extra na pang gas.” Ani ni Vince.

“Alam mo pare, maaring strikto lang talaga ang mga magulang mo, pero sa ilang mga sandaling nandoon ako sa inyo napansin ko na ang bait naman pala nila, lalo na ang dad mo. Nakakatakot nga lang kung makatitig pero kapag nagsalita na malumanay naman. Tsaka ang mommy mo maya’t maya ka kinakamusta sa akin.” Komento pa ni Kaloy.

“Ganyan naman sila sa ibang tao. Pero sa akin bihira lang ako nakarinig ng pangangamusta lalo na nang wala ka pa.” Tugon ni Vince.

“Bakit hindi mo man lang sila bigyan ng isa pang pagkakataon na maging magulang mo? Malay mo hinihintay ka lang nila na lumapit sa kanila.” Ani pa ni Kaloy.

“Magulang ko pa rin naman sila, sa papel at katungkulan. Tsaka nirerespeto ko parin naman ang presensya nila. Pero tumayong magulang na parang isang pamilya… mukhang malabo. Ngayon pa na alam ko na hiwalay na pala sila dati pa. Kaya ko na ang sarili ko pare. Hindi ko na sila kailangan.”

Talagang sarado na ang puso ni Vince para sa mga magulang. At tila tanggap na rin nito ang katotohanang wala na talagang pag-asa na mabuo pa ang pamilya. Dahil sa maaga silang nagbiyahe ni Kaloy, Bago pa magtanghali nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Wala pang isang buwan na umalis ng Ilang, tila nanibago na agad ito sa lugar. Bungad pa lang ng daan papasok sa pinaka baryo nila Kaloy natanaw na nito si Burnok at Paquito sakay ng kanilang kalabaw. Kaya pinahinto na ni Vince ang sasakyan tapos binuksan ang bintana sa gilid niya at tinawag ang dalawa ng pasigaw. Si Kaloy naman di na nakatiis at bumaba na ng kotse at pakaway-kaway na tinawag ang mga kaibigan.

Gulat na gulat naman ang dalawa nang makita si Kaloy at Vince. Sa sobrang saya na nakita muli ang kaibigan napababa narin ng kanilang mga kalabaw ang dalawa tsaka patakbong nilapitan sina Kaloy.

“Tang na tol ang gara mo na talagang tingnan ah. Hindi ka na mukhang amoy ipot ng kalabaw sa ayos mo ngayon. Ibang-iba ka na talaga.” Paghanga pa ni Paquito nang niyakap nito si Kaloy.

“Ako parin ito baliw. Maayos lang ang suotan natin pero si Kaloy magbubukid parin ito. Teka saan ba ang punta niyo?” Ani ni Kaloy.

“Dadayo sana kami ng kabilang baryo. Anihan kasi ngayon ng palay, magbabakasakali kami ni Paquito baka makapag extra.” Sabat ni Burnok.

“Bukas na kayo pumunta dun, dun muna tayo kina Kaloy. Na miss na kayo nitong kaibigan niyo eh. Tsaka may mga dala kami para sa inyo.” Saad ni Vince.

“Iyon oh, sige pare mauna na kayo… kita na lang tayo sa inyo.” Ang tuwang-tuwa na tugon ni Burnok.

Tila muling nakaramdam ng kapayapaan si Vince nang muling masilayan ang lugar nila ni Kaloy. Saglit na nawala ang mga bigat nitong dala sa dibdib. Nauna na sila ni Kaloy habang nakasunod sa kanila sina Paquito at Burnok. Kung nakabalik na ng Ilang si Kaloy, si Gibo naman ng mga sandaling iyon naisipang ipasyal din si Nate sa kanila.

“Mukhang may mga araw pa naman tayong natitira bago magsimula ang klase, Balak ko sana imbitahan ka doon sa amin. Alam mo maraming magagandang spot dun na magugustuhan mo. Tsaka mahilig ka kamu sa nature. Dun malulula ang mga mata mo sa ganda ng lugar namin. Talon, ilog, hot spring name it meron kami.”  Wika ni Gibo habang ka video chat nito si Nate.

“G ako diyan pare, kailan?” Ang excited na tanong ni Nate.

“Bukas, okay ka?”

“Sure,…gusto ko iyan nang ma-iba naman ang background ng mga IG post ko. Tsaka pampa refresh na rin bago ang magsimula ang klase natin.” Ani pa ni Nate.

“Ayos lang ba sa dad mo, sabi mo strikto iyon sa inyo lalo na sa iyo?” Sambit ni Gibo.

“Magagalit lang iyon kapag di ako nagpaalam ng maayos, I’m sure naman papayag iyon pag nalaman niya kung saan tayo pupunta. Ano nga ba iyong lugar niyo pare”.

“Sityo Ilang pare, malapit lang iyon sa Kahublasan Peak eco park.” Tugon ni Gibo.

Hindi na mapigil ni Nate ang excited sa pagpunta nito sa lugar ni Gibo kaya agad din itong nagpaalam sa ama nito at para narin ipaalam ang gagamitin nitong kotse.

“Ilan ba kayo ang lalakad? Kasama ba si Vincent?” Tanong agad ng ama kay Nate.

“No dad, ako lang at si Gilbert.”

“At sino na naman si Gilbert? Kanino siyang anak? Tsaka bakit dalawa lang kayo? Nate huwag mong dumihan ang isip ko, after knowing what Vince did. Hindi na maalis sa isip ko ang mga duda. Now tell me who’s this guy at bakit ang intimate naman ng outing niyo na kayo lang dalawa?” Mga tanong ng ama ni Nate na puno ng agam-agam.

“Dad grabe na talaga kayo kay Vince. Parang nakalimutan mo na yata na inaanak mo kaya siya. Tsaka puwede ba dad, magkaiba kami ni Vince and not because close kami sa isa’t isa eh ganun narin ako kagaya niya.” Tugon ni Nate medyo discomfort na sa mga tanong ng ama.

“Then tell me who is this Gilbert? At bakit kayo lang dalawa? Bakit hindi mo kasama ang mga ka band mate mo?”

“Bagong kakilala ko lang si Gilbert, kaklase ko sa Victor High, anak siya ni mayor Jimenez dad. Kaka-transfer niya lang dito sa city. Ako iyong una niyang nakilala rito. At nais niya lang ipakita sa akin at ipa-experience ang lugar nila kung saan siya lumaki dad, kaya pupunta kami sa kanila.” Paliwanag pa ni Nate sa ama.

Kilala ni Karl ang tinutukoy na mayor at ama ni Gibo dahil naging kaklase niya ito noong highschool at college.  Kaya nagtaka ito kung paano hindi niya alam na may anak na lalake ang mayor dahil sa pagkakatanda nito tatlo lang ang anak ng mayor at lahat mga babae.

“Yes dad anak ni mayor sa labas si Gilbert, pero sinusuportahan parin naman niya ito. Sa katunayan siya nga ang nagbigay ng condo unit kay Gilbert.”  Dagdag pa ni Nate.

“At saan nga kayo pupunta?”

“Sa sityo Ilang dad, sa paanan ng mount Hublas malapit sa Kahublasan Peak eco park dad.” Tugon ni Nate.

Sa pagka-sambit ng anak sa lugar tila bigla nag relapse si Karl. Natigilan ito na parang may sumundot na ala-ala sa isip nito na may kaugnayan sa lugar na iyon. Napansin iyon ni Nate kaya binasag nito ang biglaang pananahimik ng ama.

“Dad are you okay?”

“Yeah, may naaalala lang ako. Anyway hanggang kelan kayo dun? Malayo ang lugar na iyon at matarik ang daan pa akyat.”

“Mga ilang araw lang naman dad, tsaka no worry mag-iingat ako.”

“Magpaalam ka sa mommy mo, alam mo naman iyon.”

“Thanks dad.”

Hanggang sa pag alis ng anak malalim parin ang iniisip ni Karl.

Nang mga sandaling iyon nakarating na talaga sila Kaloy sa kanilang bahay. Pagkababa palang nito sa kotse ni Vince animoy instant artista ito kong dumugin ng mga kamag-anak at mga kapit-bahay dahil sa ilang mga pagbabago sa itsura at postura nito. Nang makita naman sila ni Tess agad na napayakap si Kaloy sa ina, ganun din si Vince. Sinundo naman ni Burnok si Karding sa gulayan nito para ipaalam ang pag uwi ni Kaloy.

“Na miss ko kayo nay.” Ulit pa ni Kaloy sa ina na halos hindi na bumitaw sa kakayakap dito.

“Lalo na kami ng tatay mo, kung puwede nga lang liparin ang siyudad makita ka lang ginawa na namin. Walang oras na hindi ka namin inaalala anak. At mukhang wala naman pala kaming dapat ipag-alala sa iyo. Ang guwapo mo na lalo. Wala ka pa ngang isang buwan doon pero grabe na iyong glow up mo. Lalo mo lang naging kamukha si…” Biglang naputol ang sasabihin pa sana ni Tess nang matanaw nito ang asawa na padating.

“Sino nga iyong artista na nakikita ko sa tv, naku nakalimutan ko na. Nariyan na pala ang tatay mo, maiwan ko muna kayo at ipagluluto ko kayo ng paborito niyong ulam ni Vince.” Dugtong ni Tess.

“Naku nay ang luto mo talaga ang pinaka rason kung bakit ko sinamahan si Kaloy pauwi. Namiss ko kasi ang sarap ng timpla niyo nay.” Saad ni Vince.

“Ihanda niyo ang mga tiyan at balunbalunan niyo dahil mapapalaban talaga kayo sa kanin mamaya.” Ani pa ni Tess na tinungo na ang kusina.

Sinalubong naman ni Kaloy ang ama at niyakap din ito. Tila nabuhayan muli ang bakuran nila Kaloy sa pagdating nila ni Vince. Maging si Karding walang pagsidlan ang ngiti at saya habang pinagmamasdan si Kaloy na nakikipagkuwentuhan sa mga kababata niya mga pinsan sa isang sulok.

“Tay, para saan ang kawayan na iyan. Tutulungan ko na kayo.” Paglapit ni Vince sa ama ni Kaloy.

“Nagpakuha ako ng 45 days na manok kay Paquito sa kapatid ko. Gagamitin ko ito para dun, mag le-lechon tayo ng manok.” Ani ni Karding.

“Puwede ba tumulong Tay?”

“Aba baka madumihan ka pa, ako na… nandiyan naman si Burnok kami na ang gagawa. Tsaka magpahinga ka muna alam ko napagod ka ng husto sa biyahe.” Saad pa ng ama ni Kaloy kay Vince.

“Ayos lang po Tay, gusto ko rin ma-experience ang mag lechon-lechon ng manok. Ano ba ang puwede kung gawin?”

“Ayusin muna natin ang puwesto ng pag iihawan natin.  Halika at samahan mo ako kumuha ng uling sa likod ng bahay.”

Tanaw ni Kaloy ang ama nito at si Vince. Pansin nito ang malaking pagkakaiba sa pakikitungo ng kaibigan sa kanyang tatay kumpara sa pinapakita ni Vince sa daddy nito. Bagay na kinasasaya ng puso ni Kaloy para sa mga magulang ngunit sa kabilang banda may kurot din ng awa at lungkot para naman sa mga magulang ni Vince.

Tila may maliit na fiesta sa bakuran nila Kaloy sa dami ng mga bisita nilang naroon. Mula tanghali hanggang magdilim tuloy ang kainan at inuman kina Kaloy.

“Nagkita na pala kayo ni Gib tol, kamusta na siya? Bakit hindi niyo siya kasama?” Tanong ni Paquito kay Kaloy.

“Hindi nga kami nagkausap ng matagal, tsaka tila umiiwas siya sa akin. Mukhang maganda naman ang lagay niya dun. Sa katunayan kaibigan niya rin pala ang kaibigan ni Vince.” Kuwento ni Kaloy.

“Astig,…ibig sabihin yayamanin narin pala dun si Gib. Pero bakit ka naman niya iiwasan pare? Di kaya nagseselos parin iyon sa inyo ni Vince he-he-he”. Natawang kumento ni Burnok.

“Bakit naman iyon magseselos, siguro may rason naman bakit siya ganun sa akin nung nagkita kami hindi dahil dun.” Ani ni Kaloy.

“Dito pa lang nun duda na kami ni Paquito sa kakaibang kilos niya nang dumating dito si Vince. Tsaka may kutob na kami nun dati pa sa pagkatao ng bespren mong iyon parekoy. Tingin namin ni Paquito may pagka-atching si Gib…at tila may lihim iyong gusto sa iyo. Hindi lang namin binigyan ng lalim kasi kita naman natin kung gaano iyon ka bato kung kumilos. Barakong-barako pa kung magsalita. Pero nung dumating dito si Vince dun na talaga kami nag duda ng husto. Lalo na iyong umalis siya na hindi man lang nagpaalam sa atin.” Ayon pa kay Burnok.

“Masyado niyo lang binibigyan ng malisya at ibang pakahulugan ang napapansin niyo sa kanya. Hindi ganun si Gib, alam ko kasi kami ang halos magkasama mga sipunin pa lang tayo.”  Pagdepensa naman ni Kaloy sa kaibigan.

“Hindi lang namin nababanggit sa iyo ni Burnok pero noon pa ilang beses na kami sinubukang gapangin ni Gib tol pare…sa tuwing natutulog tayo nun sa dampa natin sa tabing ilog, ilang beses na namin naramdaman ang palad ni Gib sa mga tarub namin. Hinahayaan lang namin kasi nasasarapan din naman kami…diba tol? “ Pagsiwalat pa ni Paquito ng mga sekreto ni Gib kay Kaloy.

“Hindi ka man lang ba nagtaka kung bakit tumanggi kami ni Paquito na tumabi sa inyo sa silid niya nung huling sandaling nakipag-inuman tayo sa kanila, at mas pinili na lang na doon na magpalipas ng magdamag sa labas kahit malamok? Tol parekoy,ang totoo umiiwas na talaga kami nun ni Paquito. Ikaw ba,wala ka bang napansin o naramdamang kakaiba nung katabi niyo siya ni Vince sa silid niya nun?  Kung ikaw wala baka si Vince meron.”  Dagdag pa ni Burnok at humagalpak talaga ito ng tawa.

Hindi tumugon si Kaloy dahil may naranasan din dito kay Gib na hindi niya masabi sa harap ng mga kaibigan. Sa mga naririnig kina Paquito at Burnok tila naiintindihan na ni Kaloy kung saan nanggagaling ang emosyon na pinakita sa kanya ni Gib nang huling kita nila.

Naging malutong na pulutan ng mga naroon si Gib sa kanilang inuman. Si Vince, bagama’t nakikisakay din sa mga biruan ng mga kaibigan ni Kaloy,  ramdam naman nito ang biglaang pananahimik ni Kaloy.  Nakikitawa naman ito paminsan-minsan ngunit halata sa mukha ni Kaloy na hindi nito nagugustuhan ang mga naririnig nito sa mga kaibigan patungkol kay Gib. Kaya nang makakuha ng pagkakataon si Vince na masolo si Kaloy kinausap niya ito.

“Kanina ka pa tahimik, ayos ka lang?”

“Oo naman, nag-iisip ng kaunti.”

“Si Gib ba?” Tanong pa ni Vince.

“Hindi ko kasi alam na may pinagdadaanan palang ganun si Gib. Siguro hirap na hirap iyon sa kanyang sarili.” Sagot ni Kaloy.

“Lahat naman tayo may mga laban na kanya-kanya sa ating mga sarili. Nagkataon na iyon ang kanya at sa nakikita ko naman kay Gib alam naman niya kung paano harapin iyon. Nga lang iba ang tugon ng mga kaibigan niyo sa kanya.” Ani pa ni Vince.

Naiintindihan naman ni Kaloy ang panig ng mga kaibigan, sariling opinyon nila iyon kay Gib base sa kanilang naranasan at obserbasyon sa kaibigan. Maging sa pagtulog si Gib ang laman ng isip ni Kaloy.

Balik sa iba,…

Nakipagtagpo ng mga sandaling iyon si Herman kay Seth dahil kailangan nito ng makausap. Nagkita ang dalawa sa isang bar.

“Biglaan? Alam ba ni Sonya na makipagkita ka sa akin?” Bungad na tanong ni Seth nang mapansin si Herman na papalapit sa kinauupuan nito.

“Paki naman nun kung sino ang kakatagpuin ko. Tsaka sarado na ang isip ng kapatid mo. Kaya para saan pa na ipaalam ko sa kanya ang mga lakad ko.” Tugon ni Herman.

“Bakit hindi na lang talaga kayo mag hiwalay ng totoo nang maging malaya na talaga kayo sa isa’t isa?.” Ani ni Seth.

“Alam mo na ang sagot ko dun.”

“Eh ikaw, ganun din pa kaya siya sa iyo? Kapatid ko si Sonya at alam ko pang rejuv niya ang pride. Hindi iyon basta umaamin ng pagkakamali.” Saad pa ni Seth.

“Huwag na nga natin pagusapan ang babae na iyon.”

“Eh sino naman ang pag-uusapan natin, iyong tungkol sa atin?” Pang-aasar na tanong ni Seth kay Herman.

“Anong tayo? Asang-asa ka na naman. Kaya nga tayo pinagdudahan ng kapatid mo dahil diyan sa kalokohan mo.” 

“Fine, so ano nga ang core at pinapunta mo ako dito?”

“About Vince,… alam ko malapit sa iyo ang batang iyon. And this is not because against ako sa pagiging gay niya. Tanggap ko naman kung iyon talaga ang choice niya sa sarili niya. What about I don’t like is…ang pakikipagrelasyon niya. Ang bata pa niya para pasukin ang ganun.” Paglalahad ni Herman.

“And?…” Tanong pa ni Seth.

“Convinced him na hiwalayan niya iyong lalake. Paghiwalayin mo sila. Ayokong masira ang buhay ni Vince dahil lang sa lalake. Ang bata pa nila for this.”

“Mukha lang sila bata sa paningin mo but look Herman. Your son is no longer a baby anymore. Not even a child na kailan mo pang i-spoon feed. He’s a young man now. And honestly hindi ko nakikita sa kanila ang mga inaalala mo.” Saad ni Seth.

“Are you saying na mali ako? Na I should tolerate them?”

“Talk to your son. Or have you ever tried atleast na kausapin man lang si Vince tungkol dito? Anak mo iyon at kung ano ang sasabihin mo sa kanya alam ko naman makikinig iyon sa iyo. Kailangan mo lang mag insert ng effort and more effort. Palagi mo na lang kasi siya binulyawan, pinupuna at pinapagalitan kaya hirap ka na kausapin siya ng ama sa anak.” Dagdag pa ni Seth.

“Kaya nga kita kinausap para kausapin siya for me. Dahil hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Vince, baka iba ang masabi ko at instead na sumunod sa akin baka lalo lang mapalayo ang loob niya sa akin.” Wika pa ni Herman.

“Matagal ng malayo sa inyo ang loob ni Vince. Kaya nga nagrerebelde iyon sa inyo diba. Dahil simula pa lang inilayo niyo na ang damdamin ni Vince sa inyo ni Sonya. Bakit hindi mo na ayusin ang about sa inyo, tsaka na kay Vince. And trust me hindi mo kailangan magalala for him. Unless this is not only about your son but about your ego as well.” Komento ni Seth.

Napailing na lang si Herman sa sinabi ng kaibigan. Alam naman ng lalake na ang lahat ng sinabi na iyon sa kanya ni Seth ay tama. Isang hamon iyon kay Herman. Higit sa nais pa nitong maintindihan ang anak, nababahala rin ito na baka sa pagpasok ng anak sa isang relasyon baka lalo lang malilihis ang direksyon ng nag-iisang anak.

“Siya nga pala, uuwi ang mo next month, not sure kung anong exact date. Pero sabi ni Vince gusto ng mama mo na sosurpresahin kayo ni Sonya. And you know the drill. Plastik-plastikan acting na naman.” Balita pa ni Seth kay Herman.q

“Not this time, bahala na pero ayoko nang makipag plastikan pa kay mama. Siguro panahon na rin para malaman niya ang totoo sa amin Sonya.“ani ni Herman.

“Sure ka? Alam mo ang kondisyon ng health ng mama mo. I don’t think na kaya mong makitang masaktan si mamita. Ikaw din. Alam mo kung gaano ka lapit at kamahal ni Vince ang lola niya. At hindi ko ma-imagine ang mararamdaman ng anak mo kapag sinaktan mo ang lola niya. Tsaka why not use this chance para muling maka-konek sa anak mo.” Saad pa ni Seth.

Napaisip muli si Herman.

RIVERSIDE

“Saan ang itinerary natin bukas pare?” Tanong ni Vince kay Kaloy habang naghuhugas ang dalawa ng mga pinagkainan nila sa kusina.

“Ikaw saan ba ang gusto mong unahin natin? Aakyat ba tayo ng peak para sa sea of clouds? O di kaya, aakyat tayo ng talon tapos punta tayo ng hot spring? Kung gusto mo naman doon na lang tayo sa ilog tapos foodtrip lang tayo sa dampa. Ikaw na mag desisyon alin naman dun ayos lang sa akin.” Ani ni Kaloy.

“Tayo lang? Hindi kasama sina Paquito at Burnok?” Paglinaw na tanong pa ni Vince.

“Ikaw, depende sa iyo. Puwede namang tayo lang. Kung gusto silang isama, madali namang kausap ang mga iyon. Ang mahalaga ma enjoy mo ang comeback bakasyon mo dito.” Saad ni Kaloy.

“Iyong isinama mo ako dito pare at nakasama kitang muli sa roadtrip sobrang enjoy na sa akin iyon.” Napangiting sagot ni Vince sabay kindat kay Kaloy.

Matapos mag-bonding sa hugasan ang dalawa, lumipat naman ang mga ito sa kotse ni Vince kung saan nandoon ang ama ni Kaloy kasama ang mga tiyuhin nito at mga pinsan na nag-iinuman. Hindi naman tumanggi si Vince nang yayain ito ni Karding na makisabay sa kanila. Pinaupo pa nito si Vince sa tabi niya. Si Kaloy naman naupo sa tabi ng kanyang mga pinsan. Tunay ngang inako na rin ng ama ni Kaloy na bilang anak si Vince. At katulad ni Kaloy bininyagan na rin nito ng palayaw si Vince.

“Bensoy nak, pagbalik niyo sa inyo pasalubungan mo ng manok panabong ang papa mo. Tsaka mga sariwang gulay pasalamat namin sa kanya ni nanay Tess niyo sa pag-alaga dito sa Kaloy namin.” Wika ni Karding kay Vince na bakas na ang kalasingan sa pananalita nito.

“Naku Tay hindi po mahilig sa sabong si daddy kahit anong sugal ayaw nun. Tsaka hindi rin iyon magulay.  Mga kasambahay lang po namin ang naggugulay sa amin. Huwag na po kayo mag-abala.” Tugon ni Vince.

“Ganun ba, pero pakisabi parin sa kanila, sa mga magulang mo na maraming salamat sa nagawa niyong tulong sa anak namin. Tsaka lalo na sa iyo. Nang dahil sa iyo malaki ang pinagbago ng Kaloy ko. Guwapo na iyan pero mas gumwapo pa.” Saad ni Karding.

“Siyempre naman Tay, kanino pa naman ako magmamana ng magandang mukha na ito kung hindi sa puno. Ginalingan niyo rin ni nanay ang pagpanday sa akin noon kaya eto ang resulta. Guwapo na artistahin pa.” Sabat pa ni Kaloy na  nagflex pa ng mukha sa lahat.

Halakhakan ang mga nandoon sa sinabi ni Kaloy. Ngunit kapansin-pansin ang tila unti-unting paglaho ng ngiti ni Karding sa mukha. At para itago ang reaksiyon sa lahat sunod-sunod ang ginawa nitong pagtagay. Saglit pa nagpaalam ito sa kanila para magpahinga na. Dahil sa marami na nga itong nainom na beer at alak halos mabuwal na ito sa kanyang pagtayo. Buti na lang at maagap si Vince na agad inalalayan ang ama ni Kaloy.

“Kumapit ka na lang tay, ako na ang sasama sa iyo papasok ng bahay.” Wika ni Vince habang inaalalayan si Karding.

“Hindi, dito ka lang kaya ko pa. Mag saya kayo rito. Huwag mo akong alalahanin, I can manage my self son. Just stay put in your place.”  Ani ni Karding.

“Tay, nag i-english na kayo. Halika na ako na ang papasan sa iyo papuntang kuwarto niyo. Vince pare ako na ang bahala diyan kay tatay.” Paglapit ni Kaloy kina Vince sabay akay sa kanyang ama.

“Dalawa na tayo pare, tulungan na kita.” Tugon ni Vince.

Sabay nga nilang hinatid si Karding sa loob ng bahay. Aligaga naman silang sinalubong ni Tess na agad nahinagkan si Karding para i-higa sa malapad na papag.

“Sige na mga anak, ako na ang bahala sa tatay niyo. Bumalik na kayo dun.” Wika ni Tess.

Naunang lumabas si Kaloy habang nagpaiwan saglit si Vince para tulungan si Tess na iayos sa pagkakahiga si Karding. Nang masigurong maayos na si Karding, sumunod din ito kay Kaloy sa labas.

Sa mga sandali naman na iyon abala na si Gibo na hinahanda ang mga gamit na dadalhin sa pagbalik nito sa kanila. Kaharap naman nito sa cellphone niya si Nate na katulad niya nag-aayos na rin ng mga gamit para sa biyahe nila ni Gibo.

“Sure ka na mag ko-commute lang tayo? Well kung ako ayos lang sa akin kasi sanay naman ako na bumabiyahe ng bus. Eh ikaw baka mabagot ka lang sa trip. Mga limang oras din iyon tsaka hindi pa kasama ang mga stop over, baka higit pa sa limang oras.” Wika ni Gibo kay Nate.

“Huwag mo akong alalahanin pare, that’s fine with me, ma experience ko man lang ang mag commute ng long distance tsaka ayaw ko nang kulitin pa si dad baka magbago pa isip nun at di na ako payagan.”  Sagot ni Nate.

“Akala ko ba pumayag na siya na magamit mo ang kotse niyo?”

“Pumayag naman eh kaso ang daming kondisyon,ang dami pang comments. Kaya para  wala na siyang masabi sabi ko mag bus na lang tayo. Yon tumahimik. Anong oras ba ang alis natin bukas?”

“Four am, maaga na iyon para saktong tanghali ang dating natin doon.”

“Grabe ang aga naman nun pre, di sana nakipag sleepover na lang ako sa iyo para sabay na tayo.” Ani ni Nate.

“Tatawagan kita bago mag alas tres para gisingin ka. Tapos magkita na lang tayo sa bus terminal. Huwag ka na mag almusal diyan sa inyo doon na lang tayo kumain sa bus station. May karenderya doon na puwede natin kainan.” Saad naman ni Gibo.

“So that means kailangan na natin mag goodnight sa isa’t isa?” Tanong ni Nate na nginitian si Gibo.

“Mamaya pa ako matutulog, ang aga pa nito para mag shutdown ang katawan ko.” Sagot ni Gibo.

“Why? May gagawin ka pa ba?”

“Wala naman,…”

“May hinihintay kang tawag? May ka chat ka?”

“Kaninong tawag naman? Tsaka sino naman ang i-cha-chat ko? Diba nga hindi talaga ako palababad sa cellphone tsaka wala nga akong social accounts diba. Bukod sa gamit natin na ikaw lang naman ang nag-iisang laman ng contacts ko.” Paliwanag pa ni Gibo kay Nate.

“Ako lang ba talaga? Bakit nasa wallpaper mo parin mukha ni Kaloy. Huwag mong sabihin sa akin na wala kang number nun.”

“Hindi ko lang napalitan ang wallpaper ng cellphone ko. Tsaka hindi rin ako mahilig magpalit talaga ng kung ano-ano sa phone ko. Kaya kung ano ang nandiyan dati hindi ko na binabago.” Ayon pa kay Gibo.

“Ibig sabihin hanggang ngayon si Kaloy parin?”

“Eh ikaw si Vince parin naman diba?” Balik na tanong ni Gibo kay Nate.

“Alam mo tama ka nga pare, matulog na tayo. Bigla na kasi akong inantok. Kita na lang tayo bukas. Goodnight pare. Bye na… tulog ka na rin, love you dude.”

Doon natapos ang usapan ng dalawa. Napabuntong hininga si Gibo habang nakatingin sa hawak na cellphone. Matagal na pinagmamasdan ang mukha ni Kaloy na naging wallpaper na ng cellphone nito sa mahabang taon. Maya-maya pa nagpadala ng mensahe sa kanya si Nate, kasama nun ang larawan mismo ni Gibo na nakangiti at kita ang saya sa mukha. Kuha iyon ni Nate sa kanya ng minsan sila lumabas para mag night out.

“Panahon na para baguhin ang nakasanayan. Pahalagahan mo naman ang sarili mo. Deserve mo rin na maging wallpaper ng cellphone mo.  Mas bagay ang ngiti mo sa wallpaper, na try ko at napapangiti mo ako kapag hawak ko ang cellphone ko.” Laman pa ng message ni Nate kay Gibo.

Lihim na napangiti si Gibo sa nabasa. Agad nga nitong pinalitan ang kanyang wallpaper. Ngunit hindi iyong mukha niya ang ginamit niya kundi ang kuha rin nito kay Nate noong pangalawang araw na nakilala niya ito.

“Bago na ang wallpaper ko, pinalitan ko na.” Reply nito kay Nate.

“Pinalitan mo nga pero sure naman ako na naka-save parin ang picture niya sa phone mo. That means na may chance parin na puwedeng ibalik ang dati.” Pahaging na tugon sa mensahe ni Nate.

“Wala nang ibabalik kasi wala ng babalikan.” Maikling reply ni Gibo kay Nate.

Lumalalim na ang gabi at pabawas na ng pabawas ang mga kasama nila Kaloy sa tagayan hanggang sa dalawa na lang sila ni Vince ang naiwan sa bakuran. Lasing na ang dalawa at kung ano-ano na ang naiisip na mapag-usapan.

“Pare sakali bang may magkagusto sa iyong kapwa mo lalake, halimbawa ako pag kunwari isang araw umamin na lang ako sa iyo na gusto kita. Posible ba na magugustuhan mo rin ako?” Tanong ni Kaloy kay Vince.

“Ikaw pa ba, siyempre kilala na kita. Alam ko na mabait ka. At kahit hindi mo pa sabihin sa akin, nararamdaman ko na gusto mo rin ako. Actually gusto na rin kita pare.” Tugon ni Vince na marahang lumalapit kay Kaloy.

Namumungay na ang mga mata ni Vince na titig na titig sa namumulang mukha ni Kaloy na nakatingin din sa kanya. Dahan-dahan pa itong lumapit kay Kaloy hanggang sa halos magka-amuyan na sila ng hininga. Nang maramdaman na ni Kaloy ang ilong ni Vince sa ilong nito bigla itong natauhan at bahagyang naitulak si Vince palayo sa kanya tsaka ito umatras.

“Uy teka lang pare, tanong lang iyon huwag mo naman seryosohin. Iba naman ang pagkaintindi mo eh.” Wika ni Kaloy, na inayos ang pagkakaupo.

“Tange, akala mo rin talaga bumigay na din ako sayo noh? Sinakyan lang kita. Ang seryoso kasi ng tanong mo. Pero aminin mo kinilig ka rin sa ginawa ko noh?” Pang-aasar naman na tugon ni Vince sabay tawa ng todo nang makita ang reaksyon ni Kaloy.

“Gagi, bakit naman ako kikiligin sa iyo, binaliktad pa ako. Halata namang hindi ka na rin makatiis sa akin eh.” Ani pa ni Kaloy.

“Pero seryoso, bakit iyon ang tanong mo sa akin pare? Iyon na ba talaga ang nararamdaman mo sa akin?” Sabat na tanong ni Vince na muling sumeryoso ang boses at mukha.

“Kuwan kasi…hindi ako si Gibo. Iyong araw ng kaarawan ko, pinagtapat sa akin ni Gibo na gusto niya ako, na higit pa sa kaibigan ang turing niya sa akin.  Pinaramdam niya iyon sa akin ngunit hindi ako tumugon sa kanya. At nung gabi ng party mo, hindi ko alam pero nasaktan ako ng iwasan niya ako.” Pagkuwento ni Kaloy.

Naging seryoso ang mga sandali sa kanilang dalawa. Hinayaan lang ni Vince si Kaloy na maglahad ng saloobin sa kanya.

“Kaya mo ba ako tinatanong kung posible ba na magkagustuhan ang dalawang lalake, ganun ba pare?” Tanong ni Vince kay Kaloy

“Imposible naman iyon di ba pare? Liban na lang kung parehas talaga kayong bakla. Diba pare?Bakla lang naman ang nagkakagusto sa kapwa lalake diba?” Sabi ni Kaloy sa sagot nito.

“Universal ang love pare, tsaka hindi nadidiktahan ang nararamdaman ng puso. Magugulat ka na lang isang araw pagkagising mo iba na pala ang trip mo. Gaya nga nang nasabi ko na sa iyo, handa ako magmahal ng kung sino, babae man o lalake. At hindi isyu sa akin kung nakakabakla ba iyon ok hindi. Ang mahalaga nagmamahalan kami ng taong mahal ko.” Paliwanag pa ni Vince.

“Kaya ba ganun na lang kadali sa iyo ang magpanggap tayo bilang magkasintahan sa harapan ng marami?” Tanong ni Kaloy.

“Secure ako sa pagkalalake ko pare, pero bukas ako sa mga posibilidad. Bahala sila sa pagjudge sa akin wala akong pakialam.At walang masama sa pagiging bakla. At hindi kinahihiya ang pagiging bakla pare.” Saad ni Vince.

“Sa tingin mo, dapat ko pa ba kausapin si Gibo tungkol dito?” Tanong pa ni Kaloy.

“Bakit mahal mo rin ba siya? Handa ka bang tapatan ang nararamdaman niya sa iyo?” Balik na tanong ni Vince kay Kaloy.

“Ewan, hindi ko alam. Pero ayokong mabalewala  ang pagkakaibigan namin dahil lang dun.”

“Tanggap mo ba si Gibo? Ganun ka pa rin ba sa kanya? Buksan mo muna ang puso mo para sa kanya tsaka ka mag disisyon kung tatanggapin mo parin ang tulad niya na maging parte parin ng buhay mo.” Payo pa ni Vince at inakbayan si Kaloy.

Hindi na nga nakapasok ng bahay ang dalawa at sa loob na ng kotse ni Vince sila natulog.

Sa pagdating ng panibagong umaga,wala pa nga sa usapang oras ang dalawa nagkita na ng mas maaga sina Gibo at Nate sa bus station. Dahil maaga pa at hindi pa nakapagalmusal ang dalawa, dinala ni Gibo si Nate sa isang karenderya na katapat lang ng bus terminal. Palengke ang kabilaan nun kaya maaga pa lang marami ng tao roon. Katapat lang ng terminal kaya karamihan sa customer doon mga driver at kundoktor ng bus.

Lumaki man sa karangyaan at yaman pinakita parin ni Nate kay Gibo na game ito na makipagsabayan sa pagiging masa ng binata. Wala itong kaarte-arte na nakipagbardagulan kay Gibo habang kumakain sa karenderya. Kahit unang beses iyon ni Nate na kumain sa ganung lugar, nag enjoy ito.

“Alam mo pare sa totoo lang kahit hindi ganun ka hygienic ang lugar na ito because of the langaw anywhere, but damn , putang ina the food pare, mas masarap pa sa mga napuntahan kong mamahaling resto. Even more masarap kumpara sa luto ng mga kasambahay namin. And the suso with gata. Hindi ko alam na mag i-enjoy ako sa kakasupsop nun. And sa tingin ko I should tell dad na isama na sa menu namin sa breakfast ang tuyo.” Kuwento pa ni Nate kay Gibo habang paakyat na sila ng bus.

“Tuyo at suso lang nag-enjoy ka na, hintay ka pag nakarating na tayo sa amin dahil lahat ng exotic na pagkain na hindi mo pa nakain ipapakain ko sa iyo.” Sabat ni Gibo.

“Hindi pa ba iyon iyong pinakain mo sa aking ng last. Akala ko iyon na ang pinaka exotic na pagkain na pinakain mo sa akin galing sa inyo. Meron pa pala. “ Nakangiting bulong ni Nate kay Gibo.

“Uy gago iba iyon. Pero aminin mo, iba ang lasa pag fresh from the mountain. Ang sarap sa lalamunan.” Bulong na tugon din ni Gibo kay Nate.

“Tama na nga tayo. Baka kung saan pa aabot ang mga sinasabi natin.” Ani pa ni Nate na piniling maupo malapit sa bintana ng bus.

“Sakaling antukin ka sa biyahe, umidlip ka lang. Tsaka gamitin mo mamaya itong jacket. Malamig ang klima sa amin times two ng Baguio kaya kailangan mo iyan.” Pag abot ni Gibo ng jacket kay Nate.

“Bago ito ah,”

“Binili ko iyan kahapon para sa iyo.”

“Sweet mo naman, sign na iba ito na nililigawan mo ako?” Tanong pa ni Nate na hinawakan ang kamay ni Gibo.

“Ligaw talaga? Wala muna sa isip ko ang serious commitment. Pero to be honest, na i-enjoy ko ang bawat araw na kasama ka. I feel more free pagkatabi kita. At gusto ko na humaba pa ang experience kong ito na ikaw ang kasama ko.” Ani ni Gibo.

“Gets naman kita. Huwag kang mag alala hangga’t kailangan mo ako, nandito lang ako sa tabi mo.“wika ni Nate na mas hinigpitan pa ang pagkakahawak ng kamay nito kay Gibo.

Umandar na ang bus at tumulak na ito papunta sa destinasyon ng dalawa. Samantala alas siete na ng umaga nagising sina Kaloy at Vince na masakit parin ang ulo dahil sa inuman nung nakaraang gabi.  Pansin na ni Vince ang usok galing sa tambak ng mga tuyong dahon na winawalis ni Tess sa bakuran. Nakabangon narin si Kaloy na agad na tinungo ang balon sa gilid ng bahay nila para maghilamos ng mukha.

“Good morning nay.” Pagbati ni Vince kay Tess.

“Gising na pala kayo, nagluto ako ng sinigang na baboy pumasok na muna kayo sa loob ng makakain na. Mainit-init pa ang sabaw dun tamang-tama sa hangover niyo.” Tugon ni Tess.

“Si Tatay? Pansin ko pa ang mga gamit niya sa bukid ah…hindi ba siya umalis nay?” Tanong ni Kaloy sa ina.

“Mukhang mamaya pa magigising ang tatay niyo,  napasarap yata ng husto kagabi. Hayaan mo na at minsan lang naman nalalasing iyang tatay mo.” Ani ni Tess.

“Nga eh, napa-english na nga iyan kagabi. Nay siya nga pala balak namin ni Vince na mag picnic sa dampa mamaya. Magpapatulong sana kami para sa dadalhin naming pagkain dun.”

“Walang problema, ano ba ang plano niyong kainin, magpapabili ako sa baba.” Saad ni Tess.

“Ikaw na ang bahala  nay ,tapos kahit ano na puwede sa ihaw-ihaw.” Pakisuyo ni Kaloy sa ina.

“Nga pala Nak, dumaan kanina rito ang lola ni Gibo tinatanong kung nagkita ba kayo ng apo niya roon. Mula kasi ng umalis ito hindi man lang nagparamdam sa lola niya. Alam mo naman iyong matanda. Kitang kita ko kanina sa mukha niya ang labis na pangungulila.” Kuwento ni Tess.

“Oo nay, nagkita na kami ni Gibo, at kaibigan niya rin pala dun ang kaibigan ni Vince. Mukhang maayos naman siya, eh kaso hindi kami masyadong nagkausap talaga ng matagal. Hindi na rin na sundan pa iyon.” Sagot ni Kaloy.

“Ganun ba, mabuti naman kung ganun. Matutuwa ang lola nun pag nalaman na maaayos naman pala si Gibo. Mabuti pa ang ama ni Gibo, kahit na ganun hindi parin nakakalimutang suportahan ang kanyang anak. Kahit papano nagagampanan parin niya ang responsibilidad niya bilang ama kay Gibo.” Wika pa ni Tess na bigla na lang napa ismid na tila ba may naalala.

“Mayaman ba talaga ang papa ni Gibo nay? Malamang mayaman nga, kasi naging kaibigan niya agad iyong kaibigan ni Vince eh. Ang alam ko kasi sa mga kaibigan ni Vince, mga anak ng prominenteng mga pamilya roon.” Ani ni Kaloy.

“Galing sa angkan ng mga politiko ang ama ni Gibo. Ewan ko lang ngayon kung sumabak na rin iyon sa pagpupolitika. Tanong mo kaya kay Vince baka kilala niya.”

Nahinto lang ang kuwentuhan ng mag ina nang mapadaan ang kapitbahay nila Tess na umaangkat ng mga isda at malalaking sugpo mula sa ibang bayan para ibenta doon sa kanila. Tamang tama sa plano nila Kaloy. Pinakyaw na nito ang tatlong malalaking isda at ang limang kilong sugpo na dala ng kanilang kapitbahay. Sakto naman ng mga oras na iyon ang pagdaan nina Paquito at Burnok na nilibre na rin ni Kaloy ng pangulam para sa kanilang mga pamilya. Abot tenga naman ang ngiti ng dalawa ng hawak na sa mga kamay ang tig iisang kilong supot ng mga isda at sugpo.

“Salamat dito tol, tiyak matutuwa na naman nito si nanay tsaka ang kapatid ko.” Wika ni Burnok.

“Sana araw-araw meron neto parekoy, salamat dito.” Wika naman ni Paquito.

“Sige na dalhin niyo na iyan sa inyo tapos balik kayo agad dito. Ito naman iyong para sa atin, iihawin natin ito mamaya sa may tabing-ilog. Wala naman kayong trabaho ngayon diba? Kaya mag foodtrip lang tayo mamaya.”

“Iyon oh…sige tol asahan mo kami diyan.”

Lihis sa ibang kuwento… Maagang nakipagkape nun ang daddy ni Nate na si Karl kay mayor Gabby Jimenez na ama naman ni Gibo. Seryoso ang naging usapan ng dalawa lalo na nang mabanggit ni Karl kay Gabby ang pangalang Teresa.

“It’s been eighteen years bago ko muling narinig sa iyo ang pangalan niya pare and it seems you are worried. Bakit naman bigla na lang umapir ang pangalan niya dito? Nagkita ba ulit kayo after long years of hiding? Tugon ni Gabby na tila inaasar ang kaibigan.

“Alam mo ba na kaibigan ni Nate ang anak niyo ni Stella?” Tanong ni Karl.

“Really? That’s nice, sana nga lang hindi mangyari sa kanila ang nangyari sa atin noon. Na kamuntikan na mag away dahil sa iisang babae. But honestly wala talaga akong alam sa mga activity ng anak kong lalake. Alam mo naman siguro ang dahilan. But I’m happy na malaman ko na alam ni Gilbert kung sino ang dapat niyang pipiliin na maging kaibigan. But ano ang connect nito kay Teresa pare?” Saad ni Gab.

“I don’t know pero after knowing from Nate na kaibigan niya ang anak mo. May kung anong bumabagabag sa isip ko na hindi ko maipaliwanag. Tapos bigla ko na lang naaalala si Teresa. Ang weird lang kasi parang pakiramdam ko ang lapit lang niya sa akin pare.” Kuwento ni Karl.

“Di kaya guilt yan pare? We know both na may iniwan ka dun. And you left her without telling your reason. Kaya ka siguro nagkakaganyan kasi naalala mo na bestfriend ni Teresa ang ina ng anak ko. Pero malaking problema iyan kapag nalaman ni Jessica. I know your wife, tatahi-tahimik lang iyon pero iba rin kung mag selos.” Ani pa ni Gab.

“Doon pa rin ba nakatira si Teresa?”

“Not sure, hindi narin kasi kami nag uusap ni Stella. Si Gilbert na lang talaga ang koneksyon ko sa kanya. Bakit mo naman naitanong? Don’t tell me na balak mo pa mag reach out sa kanila matapos mo sila iniwan at tinalikuran? Pare, I don’t think na kailangan mo pa iyon. Binata na iyon I’m sure ang anak niyo. At sakaling malaman nun ang tungkol sa iyo hindi ako sigurado na kikilalanin ka pang ama nun.” Komento ni Gab.

“Hindi ko rin alam pare, pero kasi meron sa loob ko na kulang na hindi ko alam kung ano and maybe dahil nga sa responsibilidad na hindi ko pinangatawanan.” Ani pa ni Karl.

“At ngayon mo lang iyan naisip after so many years? No judgement pare, parehas naman tayo nagkamali at nagkasala noon.But I took my risk na iharap sa pamilya ko ang kamalian ko. Hindi naging madali ang simula ko. Pero pinakita ko na natuto ako sa kasalanan ko. At inayos ko. Pinanindigan ko. Hindi ko na pinatagal pa at luckily sa mahabang proseso natanggap din nila si Gilbert at okay kami. Hindi nga lang in public but we are good as family in private. Pero hindi ibig sabihin na nag work sa akin, eh mag wo-work din sa iyo lalo na at malalaki na ang mga anak mo. Maybe they will understand you somehow pero iyong anak mo sa kabila, hindi natin alam kung paano iyon pinalaki ng ina niya.” Litanya pa ni Gab sa kaibigan.

Sa pag-uusap ng dalawa lalo lang bumigat ang dinadala ni Karl sa dibdib. Nais man nitong sundin ang kaibigan na huwag nang ungkatin ang nakaraan hindi pa rin maalis kay Karl na alalahanin ang bubog ng nakalipas na nakakapa nito sa kanyang puso.

SPLASH BACK

Bago magtungo ng ilog ang apat dumaan muna sila sa niyugan ng tiyuhin ni Kaloy para kumuha ng buko. Habang umaakyat ang burol napagdiskitahan ni Vince ang kalabaw na gamit ni Burnok na siyang humihila sa karosang sinasakyan nila ni Kaloy. Nakiusap ito kay Burnok na siya naman ang sasakay ng kalabaw.  Pinagbigyan naman ito ng binata. Ngunit nang si Vince na ang may hawak sa lubid ng kalabaw ayaw na maglakad ng hayop. Tila napako na ang mga paa nito sa lupa.

“Pano ba iyan pare mukhang hindi ka gusto ng kalabaw, ayaw makisama sa iyo.” Ang natatawang si Kaloy.

“Himas-himasin mo lang pare, bakla kasi iyang si Unga gusto niyan nilalandi muna para sumunod.” Sigaw ni Paquito kay Vince na sakay naman ng kanyang kalabaw na nakasunod sa kanila.

“Talagang si Burnok lang yata ang kinikilala nitong amo, ayaw talaga eh”. Sabat ni Vince.

“Jowa kasi ni Unga si Burnok, diba tol? Hahaha!” Ani pa ni Paquito kay Kaloy.

“Di kaya may ginawa ka na naman kay Unga pare? “ Hirit na tanong pa ni Kaloy kay Burnok.

“Alam niyo ang babastos niyo talaga, pati hayop pinagdidiskitahan niyo maya niyan kikidlatan pa tayo dahil sa mga pinagsasabi niyo.” Tugon ni Burnok na tila na pikon sa hirit ng mga kaibigan.

Sumampa na sa puntong iyon si Burnok sa kalabaw, umayos ito ng pagkakaupo sa likod ni Vince habang tinatapik-tapik ng Paa nito ang katawan ng kanyang alaga. Sadyang si Burnok lang talaga ang sinusunod ng kalabaw dahil sa ilang pagtapik lang nito lumakad agad si Unga. Tuwang-tuwa naman si Vince na ma experience ang pagsakay sa kalabaw. Siya ang may hawak ng lubid ng hayop habang si Burnok naman ang nagmamando sa kalabaw.

Sa ayos ng dalawa halos nayayakap na ni Burnok si Vince mula sa likod nito dahil sa sobrang dikit nila sa isat-isa. At minsan pa kapag napapadaan sa mabatong daan ang kalabaw napapakapit sa shorts ni Burnok si Vince. At nang kamuntikan na itong mahulog napayapos naman sa kanya si Burnok para saluhin ito. Tutok naman si Burnok sa pagturo kay Vince sa kung paano kontrolin ang kalabaw gamit ang lubid at paa kaya madalas hawak ni Burnok ang kamay ni Vince. Kapag napapabilis ang lakad ng kalabaw tawanan lang ang dalawa lalo na kapag napapaangat ang puwet ni Vince sa likod ng kalabaw. Kung para sa dalawa walang malisya iyon, iba naman ang nakikita ni Kaloy sa perspektibo niya. Bagay na hindi niya maintindihan sa sarili. Parang naiinis ito, na naiinggit sa nakikitang harutan ng dalawa.

Upang iwasan ang nararamdaman inaliw na lang ni Kaloy ang sarili sa pagkuha ng mga litrato sa paligid gamit ang cellphone na binili sa kanya ni Vince.

“Tol kunan mo nga ng ibedensya iyang dalawa!, parang magjowa kung magharutan eh. Hoy kayo, baka magkadebelopan na kayo niyan ha. Burnok pare, tila binabaunan mo na ng kabuteti mo si Vince ah! Tang na baka nahawa ka na rin kay Gibo ah!” Sigaw pa ni Paquito habang pinupuna sina Burnok at Vince na naghaharutan sa likod ng kalabaw.

Napakagat na lang ng labi nito si Kaloy na nakatingin din sa dalawa. Nang mapansin na nasa niyugan na sila. Pinahinto na ni Kaloy sina Burnok. Naunang tumalon mula sa kalabaw si Burnok tapos inalalayan naman nito si Vince na makababa.  Bumaba na rin ng karosa si Kaloy at naunang maghanap ng puno ng niyog na puwede nilang pagkunan ng mga sariwang buko.

“Ang sakit pala sa hita ang sumakay ng kalabaw. Nangawit yata singit ko.” Reklamo ni Vince habang paika-ikang nakasunod kay Kaloy.

“Hindi ka lang kasi sanay. Magpaturo ka pa kay Burnok. Baka sa paguwi natin makalimutan mo ng may kotse ka at kalabaw na lang ang gamitin mo.” Tugon ni Kaloy na may sarkastikong ngiti, siyempre hindi niya iyon pinakita kay Vince.

“Sige pare tuturuan kita mangalabaw tapos turuan mo rin ako mag maneho ng kotse. Kahit basic lang.” Sabat ni Burnok sabay akbay kay Vince.

Napansin iyon ni Kaloy nang napalingon ito. Ramdam ni Kaloy ang pag-init ng tenga nito dahil sa nakita. Hindi niya mawari ang sarili kung bakit hindi nito nagugustuhan ang paglapit at pagdidikit ni Burnok kay Vince. Meron sa loob niya na nagsasabing hablutin na lang si Vince palayo kay Burnok. Pilit iyon binabalewala ni Kaloy. Para makaiwas, nagpasama ito kay Paquito na maghanap ng mas mababang puno lamang hindi makita ang dalawa.

“Ayos ka lang tol?” Tanong ni Paquito kay Kaloy.

“Oo naman bakit mo natanong?”

“Ang layo kasi ng tingin mo, may iniisip ka ba?” Tanong muli ni Paquito.

“Inaalala ko lang ang mga pagkain natin mamaya. Baka mahirapan si nanay sa pagdala nun doon sa dampa.” Pagdahilan ni Kaloy.

“Oo nga noh, mabuti pa ako na ang maghahanap ng mga buko. Tumungo na kayo ng ilog.” Saad ni Paquito.

“Teka, nasaan na ang dalawa?” Tanong ni Kaloy nang mapansin na hindi pala nakasunod sa kanila sina Vince at Burnok.

Hinanap nila ang dalawa sa paligid ngunit hindi nila ito nakita. Nagtaka si Kaloy dahil nandoon parin naman ang kalabaw ni Burnok. Nang makarinig sila ng mga tawanan sa bandang manggahan. Patakbong tinungo iyon ni Kaloy at doon nakita nito sina Burnok at Vince na namimitas ng mga manggang hinog at kapwa nakahubad ng damit. Ginamit kasi ng dalawa na lalagyan ng bunga ang mga t-shirt nito. Nang makita naman ito ni Vince nilapitan siya nito at pinagbalat ng isang mangga, tsaka sinubuan siya nito.

“Tamis diba pare? Grabe ito na yata ang pinakamasarap na mangga na natikman ko. Pare, pa-bring home ng ilan neto ha. Tapos ang lalaki pa.” Ani ni Vince matapos subuan ng mangga si Kaloy.

“Sige, magdala ka sa inyo. Hindi naman pinapansin ang mga ito dito. Tapos na ba kayo pare? Mauna na tayo sa ilog, susunod na lang si Paquito.”  Saad ni Kaloy na agad tinungo ang karosa.

Akala ni Kaloy sasampa rin kasama niya si Vince sa karosa ngunit napatungo na lang ito nang makitang tinutulungan ni Burnok si Vince na makasampa muli sa kalabaw. Nang makaupo na sa likod ng kalabaw si Vince, sumunod sa kanya si Burnok. At dahil kapwa wala ng suot na damit hindi maiiwasang madampi-an ng dibdib ni Burnok ang likod ni Vince. At sa paminsan-minsang pag is-isan ng kanilang balat may naramdaman si Vince sa balat nito sa likod kaya humirit ito ng biro kay Burnok.

“Putcha pare, tinitigasan ka ba sa akin. Ramdam na ramdam ko ang tigas ng mga utong mo sa likod ko ah. Baka nag lalaway ka na riyan ha?!”  Ani ni Vince.

Narinig iyon ni Kaloy ngunit pilit niya inaalis ang pansin sa dalawa. Naguguluhan ito sa nararamdaman at ayaw niya mag padala roon. Ngunit nang marinig nito ang tugon ni Burnok sa sinabi ni Vince, napakunot ng noo si Kaloy.

“Nakakabakla naman kasi talaga ang kakinisan ng balat mo pare, parang palat ng babae. Sarap mo nga talagang putukan ng tamod sa likod eh. Hehehe. Biro lang iyon pre ha. Pero sa totoo lang taglibog talaga ako ngayon.” Ani pa ni Burnok.

“Gago, subukan mo lang na ikiskis sa akin iyang titi mo, ihuhulog talaga kita rito sa kalabaw mo.  Hayop ka, tama nga si Paquito manyak ka talaga pare. Kaya ka rin siguro sarap na sarap kapag binabayo ka ni Gibo noh?” Tugon ni Vince na natatawa lang kay Burnok.

“Tang na pare, palad pa lang ni Gibo lalabasan ka na talaga. Ang galing din naman kasi mag bayo nun. Nakaka-miss nga ang taong iyon eh.” Ayon kay Burnok.

“Kaya binubuntunan mo ng libog mo ang kalabaw mo ganun?” Ang natatawang sabi ni Vince.

“Naniwala ka naman kay Paquito. Palibhasa gawain niya kaya pinapasa sa akin. Mas gugustuhin ko pang kayurin ang puno ng saging kaysa sa kalabaw ko noh”. Sabat pang natawa rin ni Burnok.

Ganun ang usapan ng dalawa na tila ba nakaligtaan nilang kasama nila nun si Kaloy. Pakiramdam tuloy ng isa saling pusa ito sa kanila. Upang di na marinig ang usapan ng dalawa agad na nag earphones si Kaloy at nagpatugtog ng kanta mula sa cellphone niya mas nilakasan pa talaga ang volume. Nagkunwari itong enjoy na enjoy sa pinapatugtog, sinasabayan pa nito ang kanta kahit mali-mali ang lyrics niya mapansin lang nung dalawa. Ngunit tila aliw na aliw talaga sina Vince at Burnok sa kanilang kuwentuhan na hindi nila pinapansin ang ginagawa ni Kaloy.

Nang mahalata ng binata na tila hindi talaga siya pinapansin ng dalawa. Tumahimik na ito ibinaling na lang ang tingin sa paligid habang kagat-kagat ang ilalim ng bibig sa inis.

Kasalukuyan namang nasa huling babaan na sina Gibo at Nate bago mag Baryo Ilang.

“Malapit na tayo sa amin pare, pero hanggang paanan lang itong bus. Papasok pa kasi ang sa amin at wala ng sasakyan papasok doon. Buti sana kung may makasabay tayo na taga amin na may trisikol.” Wika ni Gibo.

“Triathlete itong kasama mo pare, sanay ang mga paa ko sa lakaran. Tsaka na-miss ko rin ang mamundok kaya G tayo diyan.” Ani ni Nate.

“Nandito na tayo sa Ilang, bumaba na ang bababa!” Pagtawag ng konduktor ng huminto ang bus.

Excited na bumaba ang dalawa sa bus at gaya nga ng sabi ni Gibo naglakad pa ang dalawa hanggang sa marating nila ang pinaka bungad na daan paakyat sa kanilang lugar. Saktong alas onse ng umaga ang dating ng dalawa. Hindi pa man sa mismong lugar nila ni Gibo manghang-mangha na si Nate sa ganda ng paligid. Bagong-bago para sa kinalakihan nitong environment.

“Alam mo pare nakailang ganap narin naman kami ng barkada sa mga ganitong lugar pero ang sa inyo ibang-iba. May something na nakaka-relax sa pakiramdam. Ang gaan ng paligid pare tsaka ang ganda sobra.” Reaksyon ni Nate.

“At mas may igaganda pa ito pare kapag nagalugad mo na ang lugar namin. At some point nga ng buhay ko parang ayaw ko rin sana umalis dito. Kuntento na talaga ako kung ano ang meron dito sa amin dati.“tugon ni Gibo.

“Pero nagbago dahil wala na rito iyong dahilan mo tama ba?” Tanong ni Nate.

“Hindi lang naman siya ang dahilan ko kung bakit ako bumalik ng siyudad noh.”

“Pero isa siya sa dahilan na iyon?” Ani pa ni Nate.

“Aaminin ko oo,pero matapos ko malaman ang tungkol sa kanila ni Vince para saan pa para isama ko siya sa mga dahilan ko kung may iba nang dahilan ang binaba ko roon.” Tugon ni Gibo.

“Ako na ba ang tinutukoy mong dahilan?” Wikang tanong ni Nate sabay hawak sa kamay ni Gibo.

“Puwede, eh kaso paano kayo ni Vince di ba open parin kayo?”

“May Kaloy na siya, so panahon na rin para magkaron din ako ng Gilbert sa buhay ko. Tsaka tingin ko mas deserve natin ang isa’t isa pare. So tayo na lang?”

“Ikaw? Gusto mo ba?”

“Gusto kita Gilbert, gustong-gusto.” At walang paalam na sinunggaban ng masuyong halik ni Nate si Gibo sa bibig.

Hindi na naisip ng dalawa na nasa gitna sila ng daan papasok sa kanila ni Gibo. Basta hinayaan na lang nila ang mga sarili na iparamdam sa isa’t isa kung ano ang laman ng kanilang puso. Tinugunan din ni Gibo ng masuyong halik ang ginawad sa kanya ni Nate. 

“So ibig sabihin ba nito official na tayo? Ili-legal mo na ba ako sa lola mo?” Ang napangiting tanong ni Nate kay Gibo.

“On the spot talaga?, tsaka na puwede?, parang hindi ko pa yata kayang i-out ang sarili kosa kahit na sino lalo na kay lola. Baka himatayin pa iyon.” Sagot ni Gibo.

“Fine, let’s not rush things. I know what you feel. Ang mahalaga masaya ako dahil pinapasok mo ako sa puso mo.” Saad pa ni Nate.

“Paano hindi kita papapasukin eh nauna mo nang napasok ang butas ko. Bakit pa natin patatagalin eh gusto rin naman natin ang isa’t isa.” Tugon ni Gibo kay Nate tsaka nito niyakap ng mahigpit ang lalake.

Kung maganda ang bungad sa kanila ni Nate sa pagbalik ni Gibo sa kanila. Mukhang may namumuong selosan na naman sa pagitan ni Kaloy at Vince.

Kung may ganap sa mga anak meron ding nagaganap sa mga magulang na naiwan nila. Dahil sa mga nalaman ni Karl naging madalas ang pagiging balisa nito. Matapos ang usapan nila ng ama ni Gibo, lagi na lang ito tulala at malalim ang iniisip. At hindi manhid si Jessica para hindi iyon mapansin sa asawa.

“Free day mo pero parang occupied pa rin. Ano ba ang iniisip mo?” Tanong ni Jessica sa asawa.

“Wala, medyo loaded lang ang isip ko sa opisina.”

“Opisina lang ba talaga? Narinig ko kayo isang araw ni Nate. Nabanggit niya ang tungkol sa bastardo ni Gabby. And I heard na taga Ilang din pala ang ina nun. Hindi talaga maikakailang magkaibigan nga kayo ni Gab. Ang hilig niyo sa native na manok. In fairness kay Gab hindi niya kinalimutan ang naiwan niyang itlog.” Saad ni Jessica sabay parinig sa asawa.

“Saan na naman ba liliko ang usapang ito? Bakit di mo na lang tumbukin ang punto mo.” Tugon ni Karl na nilapitan ang asawa tsaka niyakap ito mula sa likod ng babae at hinalikan ito sa leeg.

“Alam ko na ginagambala ka ng konsensya mo nang marinig mo ang lugar na iyon. At alam ko naalala mo sila. At naiintindihan kita Karl. Sa mahabang panahon pinili mo kami kahit labag sa loob mo. And for eighteen years pinaramdam mo sa akin ang halaga ko. Sinubukan mong mahalin din ako kahit iba ang sinisigaw noon ng puso mo.  And I’m grateful kasi sa mahabang taon nanatili ka sa tabi ko. Kahit nahihirapan ka pinangatawanan mo ang pagiging butihing ama at asawa mo sa pamilyang ito.” Wika ni Jessica kay Karl na hinagkan ng mahigpit ang mga braso ng asawa na nakayakap sa kanya.

“At hindi ko naman pinagsisisihan iyon. Mahal kita,at mahal ko ang pamilyang ito.” Wika ni Karl.

“I know, pero ramdam ko rin ang bigat sa puso mo. Maybe it’s time na rin siguro para pakawalan mo na ang guilt diyan sa loob mo. Don’t worry about me. May tiwala naman ako sa iyo. Go look for your son. Marami man na taon ang lumipas,pero sa tingin ko hindi pa naman huli ang lahat para sa inyo.” Ang nakangiti ngunit lumuluhang sabi ni Jessica sa asawa.

Hindi na nakapagsalita pa si Karl, niyakap na lang nito ng mahigpit ang asawa tsaka hinalikan. Sa sinabi ni Jessica sa kanya tila nabawasan ang karga nitong bigat sa puso.

Balik sa mga anak. Nakarating na sa ilog sina Kaloy. Inabutan pa nila roon ang ina at ang tiyahin na inaayos ang hapag na paglalagyan ng kanilang mga pagkain. Nakahanda narin ang mga pinalutong ulam ni Kaloy sa ina.

“Nasaan si Paquito?” Tanong ni Tess kay Kaloy.

“Susunod na iyon nanguha pa kasi siya ng mga buko.” Sagot ni Kaloy.

“Siya nga pala Nak, may iba pa ba kayong kasama na galing siyudad na magbabakasyon dito?” Tanong muli ni Tess sa anak.

“Wala naman nay, bakit po?”

“Kuwan kasi nakasalubong namin si Eme habang pagawi kami rito. Ani niya may namataan daw siyang mga dayong taga siyudad na paakyat dito. Hindi nga lang niya maaninagan ang mukha kasi malayo pa at naglalakad lang ang mga iyon. Akala niya mga bisita niyo ni Vince.” Kuwento pa ng ina.

“Baka mga dayo nga at doon papunta sa hotspring. Baka mga vlogger nay.” Ani ni Kaloy.

“Vlogger? Ano iyon?”

“Mga nangunguha ng mga bidyo sa kung saan lalo na sa medyo hindi pa kilalang lugar para i-feature sa kanilang mga vlog. Marami na kasi nun sa social media.” Saad ni Kaloy.

“Meron palang ganun, naku siguro nga. Mabuti iyon nang makilala naman itong lugar natin at mapansin. Oh siya, mauna na kami. Nakahanda naman na ang mga pagkain niyo. Nagpaningas na ako ng uling diyan para sa ihaw-ihaw. Huwag masyado magpakalasing tsaka mag-ingat kayo.”

Pagkaalis ni Tess agad naman kumilos si Kaloy para ihanda ang mga iihawing isda at porkchop.  At habang abala ito sa ginagawa panay ang sulyap nito kina Burnok at Vince na nauna nang lumusong sa ilog. Kitang-kita ni Kaloy ang kulitan ng dalawa sa tubig. Ayaw man sakyan ng binata ang binubulong ng kanyang isip. Tila may kung ano talaga itong napapansin sa biglaang pagiging close ng dalawa. Ibang level na ang harutan ng dalawa na ngayon lang nakita ni Kaloy.

Meron pa na sumasampa sa likod ni Burnok si Vince habang lumalangoy ang isa. Meron din na naghuhubuan ang dalawa habang nagbabatuhan ng tubig sa isa’t isa. Kitang-kita rin ang sobrang saya ng dalawa sa kanilang ginagawang harutan.

“Tumigil ka nga Kaloy hindi ka bakla para magselos ka sa dalawa. Umayos ka. Lalake ka lalake.” Bulong pa ni Kaloy sa sarili habang pasulyap-sulyap sa dalawa na nasa ilog.

Wala sa sarili nito si Kaloy kaya hindi na nito namalayan ang pagdating ni Paquito. Natauhan lang ito tsaka napalingon nang marinig ang paglangitngit ng hapag nang pinatong ni Paquito ang walong malalaking buko.  Nagmamadali naman nun na lumapit si Paquito kay Kaloy tsaka may sinabi.

“Tol, umuwi rin si Gibo sa kanila at may kasama rin siyang tisoy tol. Nakita ko sila na papanhik sa burol papunta kina Gibo. Tsaka tol iyong kasama niya may kaunting hawig sa iyo pansin ko, mas maputi nga lang iyon. Di kaya siya iyong tinutukoy niyo ni Vince na kaibigan niya?” Ani ni Paquito.

“Sigurado ka na si Gibo iyon?”

“Oo naman, umayos lang muli iyong pormahan niya pero kilalang-kilala ko ang kaibigan natin noh. “

“Puntahan mo kaya tapos yayain mo sila rito”. Saad ni Kaloy.

“Ayoko tol uy. Hindi nga nun naisip na magpaalam sa atin nung umalis siya tapos yaya-in pa natin dito. Kung naalala niya pa ang dampa siya ang pumunta rito. Tsaka hindi naman kami interesado sa kanyang pagbabalik. Ikaw ba nang magkita kayo na excite ba siya. Sabi mo nga diba tila umiiwas siya.” Sabi pa ni Paquito.

Hindi nakaimik si Kaloy. Natuwa itong marinig na bumalik si Gibo ngunit nang malaman na may kasama ito, may tila bubug na tumusok sa puso nito.

DIVE IN

“Bata ka, bakit ngayon ka lang nag paramdam alalang-alala na ako sa iyo. Pati ang mama mo hindi mo man lang tinatawagan kung kamusta ka na roon.” Ang mangiyak-ngiyak na sabi ng lola ni Gibo nang makita nito ang apo.

“Pasensya na lola, medyo nangangapa pa kasi ako dun. Buti na nga lang at hindi naman ako pinapabayaan ni papa. Tsaka salamat din dito kay Nate naging komportable na ako sa bagong buhay ko dun.” Ani ni Gibo.

“Kamusta iho, maraming salamat at hindi mo pinabayaan itong apo ko.”

“Promise lola, ako ang bahala sa apo niyo. Twenty four seven ko po siyang aalagaan at babantayan para siguraduhing maayos siya dun.” Tugon ni Nate tsaka napakindat kay Gibo.

“Saglit lang at ipagluluto ko muna kayo ng pananghalian. Hindi ko naman kasi alam na darating kayo.” Saad ng lola.

“Mamaya na kami kakain la, medyo busog pa naman kami. Igagala ko muna itong kaibigan ko sa atin.”  Wika ni Gibo.

“Ay siya nga pala bago ko makalimutan, si Kaloy din kakauwi naman dito kahapon kasama si Vince.” Sabat pa ng lola ni Gibo.

Biglang natigilan ang dalawa nang malaman na naroon din sina Kaloy at Vince. Nagkatitigan ang dalawa na tila nagbabasahan ng mga reaksyon.

“Alam narin kaya nila na nandito rin tayo?” Tanong ni Nate kay Gibo.

“Hindi ko alam, bakit? Pupuntahan mo sila?” Ani ni Gibo.

’Hindi, hindi naman sila ang dahilan ng pagsama ko sa iyo diba? tsaka tayo na bakit pa ako lalapit sa kanila gayung kasama naman kita.“ Bulong na tugon ni Nate kay Gibo.

Napangiti naman ang binata sa sinabi na iyon ni Nate. Ngunit meron sa loob nito na nagpapahiwatig ng galak na makita muli si Kaloy. Hindi lang nito maipakita ang tunay na reaksyon kay Nate dahil kakasabi lang ng dalawa sa isa’t isa na sila na.

Sa ilog, tapos na sina Paquito at Kaloy sa ginagawa nilang pagiihaw at naisipan na rin nilang sumali kina Vince at Burnok sa ilog. Masaya ang harutan ng apat habang nag papagalingan sa paglangoy sa tubig. Ngunit hindi maitago sa kilos ni Kaloy na may malalim itong iniisip at napansin iyon ni Vince kaya nilapitan nito ang kaibigan na kasalukuyang nagpapahinga habang nakasandal sa malaking bato.

“Tahimik ka pare, parang physically present ka pero lumilipad ang isip mo. May problema ba?” Bungad ni Vince nang tumabi ito kay Kaloy.

“Wala pare, hindi naman siya problema. Kuwan kasi sinabi sa akin ni Paquito na nakita niya si Gibo na umuwi rin at…kasama niya si Nate.” Kuwento ni Kaloy.

“What?! Nak ng putcha nandito rin si Nate? Kaya naman pala hindi niya sinasagot ang mga invites ko sa kanya kasi may balak din pala silang pumunta rito. Humanda talaga iyon sa akin kapag nagkita kami.” Ang tuwang-tuwang reaksyon ni Vince.

“Inimbitahan mo si Nate na pumunta rito?” Tanong ni Kaloy na may gulat ang boses.

“Yeah after nung nagplano ka umuwi dito naisipan kong i-invite rito si Nate to take a break. Ilang buwan din kasi kaming hindi nagkaroon ng bonding together. Tapos nitong huli halos hindi na rin kami nakakapagusap. Malapit na magbukas ang klase pero hindi pa kami nakapag out of town trip which we usually do. Tsaka naisip ko na kapag na experience niya ang na experience ko rito sa inyo,  tulad ko babago ang magiging perspective niya sa buhay. He is the man of many reasons, but if makita niya kung how simple what life is…sure ako magbabago rin iyon.”  Tugon pa ni Vince kay Kaloy.

Nang marinig ang kuwento ni Vince napagtanto ni Kaloy na talagang mali ang mga nararamdaman nito patungkol kay Vince. Na wala talaga siyang karapatang mag selos dahil hindi naman niya pagmamay-ari ang kaibigan. At malinaw na sa isip ni Kaloy sa mga sandaling iyon ang kanyang tunay na papel sa tabi ni Vince. Gayunpaman litong-lito parin si Kaloy sa sarili. Naguguluhan parin ito sa nararamdaman napapatanong parin ito sa sarili tungkol sa kanyang sekswalidad. Dahil kahit anong pilit na itanggi nito sa sarili na hindi ito nagseselos alam niya na iyon ang totoo niyang nararamdaman.  Lalo na nang marinig kay Vince ang tungkol sa malalim na samahan nila ni Nate.

“Tara pare, kumain na muna tayo medyo ginutom na ako.” Sambit ni Kaloy tsaka lumangoy ito papuntang dampa at iniwan si Vince.

Sumunod naman sa kanya si Vince na tinawag na rin ang dalawa para kumain ng pananghalian. Nang mga sandali naman na iyon naisipan ni Gibo na ipasyal si Nate sa tambayan nilang magbabarkada, sa ilog. Walang kaalam-alam si Gibo sa madadatnan nila ni Nate doon.

“Ingat sa daan, masyadong mabato at madulas ang daan dito pero kapag nakababa na tayo maayos na ang daan pa ilog. Meron namang madaling daan papunta dun kaso malayo iyon mula sa amin dito kasi ang shortcut.” Wika ni Gibo na inalalayan si Nate pababa sa mabatong daan pababa ng ilog.

“Dito palang sobrang satisfying na ng view, tsaka rinig na rinig ko na ang ingay ng lagaslas ng ilog.” Ani ni Nate na panay ang kuha ng video sa paligid at sa kanila ni Gibo.

“Naku, huwag na huwag mo iyang ipo-post baka makita ng mga kaibigan mo at pag-isipan pa tayo ng caption. Tsaka baka makita ng dad mo. Alam mo naman ang say nun sa pag out ni Vince. Ayokong magkasiraan kayo ng loob ng dad mo dahil sa akin. Kaya make sure na maayos iyang mga kina-capture ng camera mo.” Saad pa ni Gibo kay Nate.

“Huwag ka ngang ganyan sa akin, ma i-in love na ako sa iyo niyan ng husto. Dami mo ng greenflag sa bulsa ko, mapupuno mo na ito.” Wika ni Nate.

“Eh di ipunin mo lang tapos kung marami na  gagawin nating banderitas sa first monthsary natin. Puro greenflag ka na rin kasi sa akin eh nasa backpack ko na nga ang iba. Bumigay na sa bulsa ko.” Tugon ni Gibo.

Pagkasabi na iyon ni Gibo, biglang kinabig ni Nate ang lalake sa leeg tsaka nilapatan ng mahigpit na halik sa labi  si Gibo.  Napapikit naman si Gibo na buong pusong tinanggap ang halik na iyon ni Nate. Gumanti rin si Gibo ng mas maalab na halik kay Nate hanggang sa naging mapusok ang laplapan ng dalawa. Hinatak ni Gibo si  Nate sa mapuno at madamong bahagi tsaka pinasandal si Nate sa isang puno tsaka pinaliguan ng halik ang lalake mula sa leeg pababa sa dibdib ni Nate.

“Gusto mo ng nature trip? Dito ang best part na gawin ito.” Wika ni Gibo na agad naghubad ng damit.

Sinunod naman siya ni Nate na mabilis rin naghubad ng damit.

“I love outdoor fun, just you know.” Tugon ni Nate sabay laplap muli sa bibig ni Gibo.

Katirikan ng tanghaling tapat at tirik na tirik din ang mga kabuteti ng dalawa na naguumpugan sa isa’t isa. Dalawang Adan na malayang nagpapahayag ng nararamdaman sa isa’t isa. Hindi pa man nakakapananghalian ngunit tila punong-puno na ang bibig ng dalawa. Subuan sila ng saging-saba, salitan at nagpapagalingan sa pagsubo. Tagaktak ang pawis ng dalawa habang papalit-palit sila ng posisyon sa pagkakayuran. Kabayuhang malala, bungkalan ng kaloob-looban at pagalingan sa pagkaldag. Kapwa nagpapa-empress sa isa’t isa.

“Sabay na tayo…malapit na ako, Nate…“ang hingal na hingal ng bulong ni Gibo habang nakatarak ang tubo sa kaibigan.

“Sige, sabay tayo…drill it hard…iputok mo lahat sa loob ko, Gib…hayan na ako…ibuhos mo na lahat sa akin.”

At sa ilang mga pagbayo pa natapos din ang bakbakan ng dalawa. Nanatili pang magkayakap ang dalawa ng ilang mga minuto bago sila kumalas sa isa’t isa.

“Ang intense nun, pero I’m worried na baka may nakakita sa ginawa natin.” Biglang bulalas ni Nate.

“Ano? May nakakita sa atin? Bakit di mo sinabi agad sa akin? Shit malaking eskandalo ito kapag kumalat iyon dito.” Ang pag-aalala bigla ni Gibo.

“Sarap na sarap na kasi ako nun. But I wasn’t sure kung tao iyon o baka hayop lang. Napansin ko kasing gumalaw ang mga halaman diyan sa bandang sagingan. Hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin kasi baliw na baliw na ako sa iyo kanina.” Sabi pa ni Nate at muling hinalikan sa bibig si Gibo.

“Sana nga lang hayop lang iyon. Hindi naman talaga kasi daanan ito ng mga tao. Kami kaming mga magbabarkada lang naman ang nakakaalam dito. Halika na, nang malamigan naman ang katawan natin ng tubig sa ilog. Hanggang ngayon kasi nag-iinit parin ako sa iyo.”  Ani naman ni Gibo at gumanti rin ng halik kay Nate.

Matapos magbihis ang dalawa nagpatuloy na sila sa pagbaba patungong ilog. Doon naman matapos mailatag na ni Burnok at Paquito ang dahon ng saging na kinuha ni Kaloy nagsimula na silang mag boodle fight. Todo kain na ang tatlo sa pinagsasaluhan nilang mga pagkain sa hapag ngunit si Kaloy lutang parin ang isip at paisa-isa lang ang dampot nito ng pagkain. Nabasag lang ang ulirat nito nang kunin ni Paquito ang atensiyon nito nang tanungin ito ng lalake.

“Tol wala ka yatang gana. Ano gusto mo poolbuko? Ipagbubukas kita ng isa.”

“Mamaya na tol pinapakiramdaman ko nga kasi ang tiyan ko. Parang bigla na lang nagloko na parang kinakabagan ako na ewan.” Pagdahilan ni Kaloy.

Tinginan naman sa kanya ang dalawa na tila nag-aalala sa nararamdaman ni Kaloy. Lalo na si Vince na tumigil muna sa pagkain at kinamusta si Kaloy. 

“Baka nabati ka sa pinagkunan mo ng dahon ng saging kanina. Saan ka ba nakarating sa paghahanap ng dahon ng saging parekoy?” Tanong pa ni Burnok.

“Diyan lang sa sagingan sa taas.” Sagot ni Kaloy.

“May dala akong gamot diyan para sa hyperacidity, kukunin ko.” Sambit ni Vince

“Ayos lang ako, tuloy niyo lang ang pagkain. Baka nga siguro nabati lang ako. Mawawala rin ito. First time ko kasing makakita ng dalawang ahas na naglalaban sa isa’t isa malapit sa pinagkunan ko ng dahon ng saging.”  Ani pa ni Kaloy na sinakyan ang ediyang nabati ito.

“Talaga ba parekoy, anong mga ahas ba iyon?” Ang interesadong tanong ni Burnok.

“Hindi ko alam kung sawa ba iyon kasi malalaki di kaya kobra kasi malalaki rin ang mga ulo. Hindi ko na pinanood baka magambala ko pa angñ ginagawa nila kanina.” Ayon pa sa kuwento ni Kaloy.

“Baka nga nabati ka tol, wala naman kasing ahas dito. Pero alam mo swerte mo kung sinundan mo ang isa sa kanila lalo na iyong sugatan kasi makakagawa ka raw ng gamot mula sa halaman o puno na pupuluputan nun.” Ani pa ni Paquito.

Tuloy pa sa kuwentuhan ang apat habang kumakain nang mapasigaw si Burnok. Todo ito sa pagsigaw habang tinatawag ang pangalan ni Gibo. Napatingin naman ang lahat sa bahaging kinakawayan nito.  Sa di kalayuan kasi nakita nito si Gibo na may kasama na patungo sa direksyon ng kanilang dampa. Nang mapansin din ni Vince si Nate napasigaw na din ito sa kaibigan at kinakawayan ang dalawa na lumapit sa kanila.

Napaatras naman ng bahagya nun ang mga hakbang ni Gibo nang makita ang apat na nandoon sa dampa. Napilitan na lang sa pagpatuloy ang dalawa dahil nakita nasila ng mga kaibigan.

“Kumpleto pa talaga sila.” Sambit ni Gibo.

“Mukhang nagkakasayahan nga sila roon. Sasali ba tayo sa kanila?” Tanong ni Nate.

“Ikaw?, nandiyan naman si Vince alangan namang hindi mo kakausapin ang ka-ibigan mo. Baka ano pa isipin nun.” Ani ni Gibo.

“So paano kakausapin mo rin si Kaloy? Nariyan din siya.”

“Ewan, di ko alam bahala na. Kung kakausapin niya ako eh di kuwentuhan kami. Pero ikaw ayos lang sa iyo?”

“Oo naman. Sanay na tayo sa mga ganyang case scenario. Don’t worry about me. Marunong naman ako maki-ayon sa sitwasyon.” Saad ni Nate.

Saglit na nahinto ang pagkain ng apat dahil hinihintay nila ang dalawa. Si Kaloy naman nun tila hindi naman mapakali sa puwesto kung ano-ano na lang ang ginagawa nito para maging abala. Kinuha nito ang itak at pinagtripan buksan ang lahat ng mga buko na naroon. Nilapitan ito ni Paquito.

“Uubusin mo ba lahat ang buko na iyan tol?”

“Para sa atin, tsaka baka gusto nilang uminom ng buko. Mukhang napagod ang mga iyan eh. Kailangan nila ng maraming sabaw nitong buko.” Tugon ni Kaloy.

“Aminin mo nga tol, may tampuhan talaga kayo ni Gibo noh? Kasi kung wala…kanina pa lang sinalubong mo na sila at nilapitan sa malayo. Pero nandito ka at tila hindi pa natuwa nang makita sila.” Pansin pa ni Paquito.

“Para kasing may nagbago kay Gibo eh. Mapapansin mo rin iyon kapag nandito na siya. Pakiwari ko kasi ibang Gibo na ang kaharap natin hindi na iyong dati.” Ang mahinang tugon ni Kaloy.

Nang makalapit na nga ng dampa ang dalawa agad na niyakap ni Vince si Nate na tuwang-tuwa na makita roon ang kaibigan. Si Gibo naman agad na kinamusta ni Burnok. Kumaway naman si Paquito sa kanya. Lumapit na rin si Kaloy kay Gibo at kinamusta ito. Nagkabatian ang dalawa ngunit ramdam sa pagitan nila ang panlalamig sa isa’t isa. Wala na ang dating galak at ang bakas ng mahabang panahong samahan. Wala na ang ningas ng kanilang pagiging matalik na magkaibigan. Gayunpaman ayaw nilang basagin ng kanilang ilangan ang masayang sandaling iyon. Nakisama ang dalawa sa isa’t isa at pansamantalang isinantabi ang mga lihim na nararamdaman. Nakisalo sa hapag na iyon sina Gibo at Nate. 

Matapos ang nakakabusog na ilangan, nag-uunahan naman ang lahat sa ilog.  At dahil na miss nga ang bonding ng dalawa. Halos ayaw na mahiwalay ni Vince kay Nate na tipong sila na lang dalawa ang naghaharutan at naghahabulan sa tubig na parang mga bata. Sina Burnok naman at Paquito umahon saglit para maghanap ng mga kahoy at bumili ng maiinom nilang beer doon sa pakisuyo ni Vince.

Dahil kumpleto at lahat napagpasyahan nila na manatili pa roon hanggang magdilim at doon na rin magpalipas ng buong magdamag sa dampa kasama ang lahat. Tutol man sa ediya na iyon sina Kaloy at Gibo sa bandang huli pinagbigyan naman nila ang kagustuhan ng iba.

“Parekoy may tampuhan ba sina Gibo at Kaloy? Pansin ko kasi parang pilit ang kilos ng dalawa. Tapos di sila nagkakaimikan.” Puna ni Burnok.

“Hayaan mo na ang dalawa, malamang may LQ lang iyon. Naging ganyan lang naman si Gibo kay Kaloy nang dumating sa eksena si Vince. Akala siguro ni Gibo inaagaw sa kanya ni Vince si Kaloy kaya nagseselos.” Sagot ni Paquito.

“Posible naman iyon. Tsaka pare alam mo ba na may napapansin din kasi ako kay Vince. Parang hindi talaga siya lalake, parang may lihim din tulad ni Gibo. Kuwan kasi…ito pare… inoobserbahan ko lang naman siya kanina. Habang tinuturuan ko kasi siyang mangalabaw, pansin ko na sinasadya niyang idikit talaga sa ratbu ko ang puwet niya. Tapos nakikiskis pa iyon dahil lumalakad ang kalabaw kaya nagpapatigas nun ang ano ko. Alam kong ramdam niya iyon kasi nga wala akong suot na brief pero balewala lang sa kanya at tila nasasarapan pa kapag dinidiin ko sa kanya ang ulo nun. Tsaka kanina sa ilog dinakma niya iyong ano ko tapos niyaya niya akong mag trip.”  Kuwento pa ni Burnok sa kaibigan habang sakay sa kanilang mga kanya-kanyang kalabaw.

“Ano ang bago nun eh madalas naman nating ginagawa iyon doon sa kamalig ng tatay mo. Halos araw-araw pa nga tayong sabay na nagbabatihan eh. Ibig sabihin ba nun hindi na rin tayo tunay na lalake?” Natatawang tugon ni Paquito.

“Iba naman kasi iyong atin wala naman iyong malisya tamang pagpaparaos lang naman iyon. Basta iba lang kasi ang dating sa akin ng pagkasabi ni Vince na mag-trip daw kami.” Ani pa ni Burnok.

“Ewan ko sa iyo, kung ano-ano na lang naiisip mo. Mamaya magpalinis ka ng tubo kay Gibo. Na miss mo lang yata ang mga pahagod sa iyo ni Gibo eh. Bilisan na nga lang natin ang utos sa atin nang makabalik na agad tayo sa kanila. “

Sa pagkikita-kita ng lahat ramdam ang mga ilangan at pagdududa ngunit higit ang pananabik sa isa’t isa. Dahil naiwan na ang apat sa ilog naging malamig ang ihip ng hangin sa hapon. Nang mapansin ni Gibo na magkasama sina Nate at Vince sa bandang unahan nila ni Kaloy, pasimple itong lumangoy sa tabi tsaka umahon at nahiga sa dampa. Nang maramdaman ang pag-iwas ni Gibo napabuntong hininga si Kaloy, saglit pa itong nanatili sa tubig habang sinusulyapan sina Vince at Nate na unti-unting lumalayo sa kanila.

Kita rin ni Gibo ang paglayo na iyon ng dalawa, lalo na ng maglaho ang mga iyon sa mga batuhan sa dulo. Kaya napaupo ito mula sa pagkakahiga tsaka napatingala. Ramdam ni Gibo ang kirot ng selos sa puso niya, pakiramdam na naramdaman nito nang makita nito nun na magkasama sina Kaloy at Vince. Tila ginuguhitan ng patalim ang puso nito habang ini-imagine ang ginagawa nila ni Nate ngunit sa halip na siya ang kasama, si Vince ang kakangkangan nito. Pilit man iyon inaalis sa isipan batid ni Gibo na posible iyon dahil una pa lang, alam na nito na bago siya, sila pa ni Nate at Vince. Hindi na nito namalayan na umaagos na pala ang luha sa kanyang mga mata.

“Ano ang iniiyakan mo?” Bungad na tanong ni Kaloy nang maupo ito sa tabi ni Gibo.

Nagulat si Gibo nang marinig ang boses ni Kaloy na nasa tabi na niya. Sa lalim ng iniisip hindi na nito namalayan ang pag-ahon ni Kaloy tsaka paglapit sa kanya. Nang mapansin ang luha sa pisngi pinunasan niya agad iyon ng kanyang palad ngunit bago pa niya iyon mabura lahat hinawakan na siya sa kamay ni Kaloy. At si Kaloy naman gamit ang hinlalaki at palad hinawi nito sa mata at pisngi ni Gibo ang luha ng kaibigan. Natigilan si Gibo sa inakto na iyon sa kanya ni Kaloy.

Akmang tatayo na naman si Gibo nang pinigilan siya ni Kaloy tsaka hinawakan ng mahigpit sa kamay.

“Bakit mo ba ako iniiwasan? Paliwanag mo sa akin para maintindihan ko. Kung iyong nangyari parin na iyon ang dahilan mo. Kalimutan mo na iyon dahil hindi sapat na rason iyon para iwasan mo ako.  Na miss ko na ang dating tayo. Hinahanap ko sa iyo ang dating Gibo na bestfriend ko.”  Pagsimula ni Kaloy.

“Bestfriend? Putang bestfriend iyan hindi ko kailangan iyan.  Sa matagal na panahon nagtiis ako para pangatawanan ang label na iyan. Nagpigil ako, lumayo ako dahil akala ko mawawala lang ang nararamdaman ko sa iyo. Tinago ko ang sarili ko sa maskarang ito para hindi ka lang mawala sa tabi ko kahit isang kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa akin. Pero tang na, babasagin lang ng isang Vince ang ilusyon ko sa iyo. Ilang taon na ba tayo? Simula bata pa lang tayo kilala na natin ang isa’t isa. Si Vince wala pang dalawang buwan kayo na. Kung alam ko lang na bibigay ka rin pala di sana noon pa niligawan na kita. Di sana dati pa alam mo na, na hindi lang bestfriend ang turing ko sa iyo dahil dati pa mahal na kita.” Pahayag pa ni Gibo.

“Mahal mo ako?”

“Bingi ka ba? O talagang manhid ka lang? Pero wala na rin namang dahilan pa para malaman mo kung mahal ba talaga kita. May Vince ka na eh. Ano pa ang laban ko sa kanya.” Ani ni Gibo.

“Wala kaming relasyon ni Vince kung iyan ang iniisip mo. Magkaibigan lang kami at walang kami.” Tugon ni  Kaloy na napatingin sa mga mata ni Gibo.

Umurong ang luha ni Gibo sa sinabi ni Kaloy.  Magsasalita pa sana ito nang pinaliwanag na ni Kaloy sa kanya ang katotohanan sa pagitan nila ni Vince. Kung nagkakaaminan na ang dalawa may komprontasyonan naman sina Vince at Nate.

“Bakit ang ilap mo na sa akin. Si Gibo ba ang dahilan kung bakit hindi mo na sinasagot ang mga tawag at messages ko sa iyo? Since na nakabalik ako madalang ka na lang nagpaparamdam sa akin. Bakit? Tell me kasi kailangan ko ng sagot.” Wika ni Vince.

“Nag stick lang ako sa rules natin. You are free to be with somebody and so am I. Wala akong nilabag sa rules. That’s why after hearing about you and Kaloy hindi na ako nag react. Even sa party mo. Pumunta ako kahit deep inside me nasasaktan ako. And dont put Gibo in our situation.  Dahil wala siyang kinalaman sa desisyon ko.” Paglinaw pa ni Nate.

“You don’t know him.”

“Yes I know him and we already fCK each other. Nagbembangan na kami, nagkasubuan, we do brojob a times already, just like we did. Siguro enough na iyon to get to know him well. And he’s fcking damn good.” Saad pa ni Nate.

“At proud ka pa na ibida sa akin ang pag cheat mo sa relasyon natin? Are you serious?”

“Cheat? Ako pa talaga ang nag cheat? There was never be an us Vince. Sinabi mo iyan sa akin at hindi ko nakakalimutan iyon. What we have is situationship not relationship just to remind you. Baka lang kasi nakalimutan mo. Kaya huwag mo ibato sa akin ang salitang iyan dahil alam natin pareho kung sino sa atin ang nang cheat.” Ani pa ni Nate.

“Hindi kita niloko at kahit kailan hindi ko magagawa sa iyo iyon. You know how much  I love you.”

“And I know may worth Vince. Tanga ako pagdating sa iyo pero hindi ako bobo para hindi maintindihan ang salitang pangloloko. Tsaka maawa ka naman kay Kaloy huwag mo naman siyang gawing koleksyon mo. Mabait ang tao na iyon. Total proud ka naman sa relasyon niyong dalawa panindigan mo na. Hinahayaan na kita sa kanya. We’re done.”

Paalis na si Nate nang may inamin si Vince sa kanya.

“What I have with Kaloy is fake. Wala kaming relasyon ni Kaloy nagpanggap lang kami dahil sa pagrerebelde ko kina daddy. Palabas lang namin ang kunwaring relasyon namin at binabayaran ko lang si Kaloy para dun. I did not cheat on you Nate. Dahil kung may mahal man ako hanggang ngayon ikaw lang iyon. Kahit tanungin mo pa si Kaloy we never did what you did. Sorry but we’re done.”

Tila na-freeze si Nate sa narinig kay Vince.  Na back to you bigla si Nate. Maluha-luhang lumangoy palayo roon si Vince. Gusto mang habulin ni Nate ang isa nakapagbitaw na ito ng closing remarks sa kanilang dalawa. And it’s officially over na nga ang relasyon nila ni Vince.

Kung may natapos na relasyon dahil sa pag-aaminan. Tila iba naman ang naging tugon ng universe sa dalawa, Kaloy at Gibo sa nangyaring harapan.

MOVE ON

Takang-taka sina Paquito at Burnok nang maabutan sina Kaloy at Vince na tahimik lang sa magkahiwalay na puwesto at wala na sina Gibo at Nate. Dahil sa hindi mawaring reaksyon ng mga mukha ng dalawa, napakamot na lang ng ulo si Paquito sa gagawin nila.

“Tol, mukhang may nangyari dito ng wala tayo. Ang dalawa hindi man lang napansin na nandito na tayo.” Ani ni Burnok.

“Nga eh, sina Gibo wala na dito. Ano kaya ang nangyari?” Sabat ni Paquito.

“Tanong mo sa kanila, sayang naman itong mga binili natin. “

“Kaw na kaya magtanong.”

Nagtutulakan pa ang dalawa nang tumayo si Kaloy at sinabi sa dalawa na magbukas ng apat na bote ng beer. Agad naman na kumilos si Burnok na pinagbuksan sina Kaloy at Vince. Si Paquito naman inayos sa lalagyan ang binili nilang kropek at chips para sa pulutan. Pagkaabot ni Burnok kay Kaloy ng dalawang beer inabot naman ni Kaloy kay Vince ang isa tsaka tinabihan nito ang kaibigan sa kinauupuan nito. Sina Burnok at Paquito naman sa kabila naman pumuwesto para mabigyan ng space ang dalawa nang mapansin ni Paquito na tila seryoso ang usapan nila Kaloy.

Pagkaabot ng beer na bigay sa kanya ni Kaloy bahagyang napangiti si Vince tsaka nakipag-cheers.

“Ayos ka na?” Tanong ni Vince kay Kaloy.

“Ayos lang ako, ikaw?… tila mas mabigat ang nangyari sa inyo ni Nate. Pansin ko kanina ang biglaang panlalamig niyo sa isa’t isa tsaka pansin ko umiyak ka.” Tugon ni Kaloy.

“Wala iyon, tampuhang magtropa lang. Alam mo na man na parang magkapatid na kami nun. Kayo ni Gibo, tila mas lumala ang gap niyo ah. Nakapag-usap ba talaga kayo?” Balik na tanong ni Vince.

Napabuntong hininga si Kaloy sa tanong ni Vince.

“Sinabi ko na sa kanya ang totoo tungkol sa atin. Pero wala akong nakuhang reaksyon sa kanya. Sa halip mukhang lalo lang siya lumayo sa akin. Ewan, hindi ko alam. Sa totoo lang pare parang naninibago talaga ako kay Gibo. Hindi ko na yata siya kilala.” Ani ni Kaloy.

“May sinabi ba siya sa iyo tungkol sa kanila ni Nate?” Tanong pa ni Vince.

“Bakit pare? Ano ba ang meron sa kanila ni Nate?” Balik na tanong ni Kaloy na may pagkabigla.

“Wala, hindi ko rin alam. Baka lang. Kuwan kasi bigla na lang naging mailang sa akin si Nate, parang hindi na rin siya iyong Nate na bestfriend ko.”

“Nagulat nga rin ako nang niyaya niya kanina si Gibo na umalis na. Parehas lang sila. Grabe… buong buhay ko ngayon lang ako nagkakaganito sa isang tao. Hindi ko na tuloy kilala ang sarili ko bakit ganun na lang ako ka apektado sa paglayo ni Gibo sa akin.” Ayon kay Kaloy.

“Baka kasi siguro mahal mo rin siya kaya ganun ka sa kanya.” Napangiting reaksyon ni Vince sa sinabi ni Kaloy.

Napalagok ng beer si Kaloy sa sabi ni Vince. Nang mga oras naman na iyon parang gusto na bumalik ni Nate at umalis sa lugar na iyon. Nakaupo ito sa nakatumba na puno sa bakuran nila Gibo habang malayo ang tanaw ng mga mata. Malalim ang iniisip. Nilapitan ito ni Gibo na may dalang dalawang malamig na juice tsaka inabot ang isa kay Nate.

“Nagsisisi ka sa sinasabi mo sa kanya?” Bungad na tanong ni Gibo.

“Akala ko kasi kinalimutan niya ako. Hinusgahan ko siya without asking him the truth. At alam ko nasaktan ko siya ng husto.” Tugon ni Nate.

“Mag usap muli kayo. Siguro naman maiintindihan ka nun.” Ani ni Gibo.

“Nakapagbitaw na ako ng salita. Kilala ko si Vince. Once nabitawan niya na hindi niya ito babawiin. Tinapos niya na ang namagitan sa amin.” Saad ni Nate.

“Hindi ko alam na ganito ang bubungad sa atin dito sa pagbalik ko. Kung alam ko lang, di na sana ako umuwi.”

“Umamin ka na sa kanya?” Tanong ni Nate.

“Oo, kasi akala ko totoong may relasyon talaga sila ni Vince. At dahil dun parang wala na akong mukha na puwedeng iharap sa kanya. Tang na naman kasing damdamin ’to sa dinami-dami na puwedeng magustuhan kay Kaloy pa talaga ako nagkagusto ng ganito.” Tugon ni Gibo.

“This is what we are, we hate it but we’re fucking good at it. Ang saktan ang sarili natin sa mga delulu natin. Eh sa ganito tayo sa kanila eh. Tanggapin na lang natin ang katotohanan na tapos na ang chapter natin sa kanila kahit na ang hirap ipilit sa sarili natin na wala na. After all we have each other naman. Move on na tayo.” Saad ni Nate.

Kung si Nate tanggap agad ang nangyari sa kanila ni Vince, si Gibo kahit anong pilit na kalimutan na at hayaan na si Kaloy hindi niya ito magawa. Lalo na at alam nito sa sarili na wala namang kasalanan ang kaibigan sa kanya na kung tutuusin siya lang naman ang naglagay ng harang at space sa pagitan nila at tumapos sa pagiging magkaibigan nila ni Kaloy. At ramdam iyon ni Nate. At sanay narin naman ito sa ganung sitwasyon dahil sa relasyon nila ni Vince. Kaya kahit na alam niya na si Kaloy parin ang laman ng puso ni Gibo sa kabila ng sinimulan nilang relasyon na dalawa, ay ayos lang sa kanya.

Sa mansiyon naman ng mga Monteverde, naisipan ni Herman na kausapin na si Sonya tungkol sa pagbisita sa kanila ng ina nito na nasa Canada. Pinuntahan nito ang asawa na nagpapainit sa pool area bitbit ang isang pasta.

“I made you Fettuccine Alfredo, narinig ko kay manang na you crave this kaya ginawan kita. At salamat kasi na mi-miss mo rin pala ang mga luto ko.” Paglapit ni Herman sa asawa.

“Nagki-crave nga ako pero hindi ng luto mo. Tsaka kakatapos ko lang mag carb. Enough na iyon sa akin for the whole day. Ipakain mo na lang iyan sa mga kasambahay.” Tugon ni Sonya sabay iwas sa kay Herman.

Tumayo ito mula sa hinihigaang bench tsaka naglublob sa pool. Napakagat na lang ng labi si Herman sa gigil. Pigil ang inis nito na pilit pinapakalma ang sarili. Ayaw niya ng away sa mga sandaling iyon. Kahit hindi kinuha ng asawa ang dala nito nilagay parin niya iyon doon sa maliit na table sa gilid ng pool katabi ng flask bottle ni Sonya. Nang makita ang asawa na lumalangoy sa tubig na Naka two-piece, tila bumalik sa alaala ni Herman ang mga naunang sandali sa relasyon nilang dalawa bago pa nagkalamat at nagkahiwalay silang mag-asawa.

Kahit na nasa early forties na silang mag asawa hindi parin nabubura ang kurba at alindog ni Sonya. Alagang-alaga parin ang katawan nito na parang dalaga, at iyon ang hindi maitatanggi ni Herman sa asawa bukod sa natural nitong ganda. Hiwalay man at madalas man nagbabangayan, ang isa sa dahilan kung bakit nananatili parin ang lalake sa kanilang bubong ay ang katotohanang mahal niya parin si Sonya sa kabila ng trato nito sa kanya.

Bigla na lang naghubad ng damit si Herman kasama na ang grey nitong sweatpants at tanging iniwan ang maiksing boxer briefs na puti. Namilog ang mga mata ni Sonya ng makita ang ginawa ng asawa. Sa haba ng mga taon ngayon lang muli nasilayan ni Sonya ang halos hubo’t hubad ng asawa. At bakas sa mga titig nito at reaksyon kay Herman na humahanga parin talaga ito sa kakisigan ng asawa. Na sa kabila ng galit nito sa kanya at sa sitwasyon nila, hindi parin nito maitatanggi sa sarili na nandoon parin ang pagmamahal na tinatago lang niya.

Kinagulat ni Sonya ang pagtalon ni Herman sa pool. Kaya agad din itong lumangoy pa punta sana sa gilid ng pool ngunit bigla na lang sumisid ang asawa. Palinga-linga pa si Sonya habang hinahagilap ng tingin kung saan ang direksyon ng asawa habang dahan-dahang umaatras papunta sa gilid ng pool. Nang gulatin ito ni Herman na umahon bigla sa tabi niya. Napatili sa gulat si Sonya na tinawanan naman ni Herman.

“Nang iinis ka ba? Tabi nga riyan sinisira mo lang ang araw ko.” Wika ni Sonya.

“Bigla ko lang naalala, ganitong-ganito rin tayo nun nung nagkakilala tayo. By the way, Herman Monteverde nga pala miss sungit.” Tugon ni Herman na ngiting-ngiti habang ginagaya ang kilos noong unang araw na nakilala nito si Sonya, noong mga kabataan pa nila.

“Funny,…pero hindi nakakatawa.” Ani ni Sonya na may pa irap sa asawa tsaka sumampa na sa gilid ng pool.

Lihim na kinilig nun si Sonya, ngunit gawa ng pride hindi niya ito ipinakita sa asawa. Umupo ito sa gilid ng pool na nakababad parin ang mga paa sa tubig habang si Herman naman nakangiti paring nakatitig sa kanya. Biglang bumalik sa ala-ala ni Sonya ang unang araw ng magkita ang dalawa noon sa isang beach resort sa Batangas. Ganun na ganun ang ginagawang eksena ngayon ni Herman sa kanya. Takang-taka na ang babae kung ano ang tumatakbo sa isipan ng asawa bakit bigla nalang ito nagkakaganito sa kanya na hindi naman nito ginagawa ng lalake simula ng magpasya silang maghiwalay.

“Talaga bang nang-aasar ka talaga? Ano ang nginingisi mo riyan? Ini-imagine mo na suot mo itong two-piece ko? Ini-imagine mo na sana nagpalit na lang tayo ng katawan? Ha?” Tanong ni Sonya na may sarkastikong tingin sa asawa.

“Why would I imagined that? Kung sa iyo lang iyan bumabagay. You so amazing. Parang ganyan ka parin simula nung araw na nakita kita until now. Walang pinagbago. Maganda parin. May edad na tayo pero you’ve never missed na alagaan pa din ang sarili mo. Still perfect as I have seen you before.” Tugon ni Herman na unti-unting lumalapit kay Sonya.

Natigilan ang babae sa sinabi sa kanya ng lalake. Sa nakalipas na limang taon na hiwalayan, ngayon lang niya muling narinig ang appreciation sa asawa. Gustong maiyak ni Sonya sa saya dahil kahit wala na sila ni Herman hindi parin talaga ito nabura sa isip ng lalake. Na we-werduhan na rin ito sa kinikilos ng asawa. Pero dahil ma pride at ayaw magpatalo sa nararamdamang kahinaan. Binara lang nito ang mga hirit ng asawa.

“Dapat lang dahil wala namang iba na gagawa nun sa sarili ko kundi ako lang din. And if you think na stressed ako sa sitwasyon natin nagkakamali ka. Dahil nga dito lalo lang ako nagkaroon ng enough time para sa sarili ko.” Sabat ni Sonya.

“Sa sarili mo but never sa anak mo.” Biglang bara ni Herman.

Napataas ng kilay si Sonya at napakunot ng mukha sa sinabi ng asawa. Bigla na lang may nabasag na salamin sa mukha nito at nagalaw na naman ang ego nito. Hindi nito nagustuhan ang narinig kay Herman kaya binato na naman nito sa asawa ang dahilan ng kanilang hiwalayan at sinumbatan din si Herman tungkol sa kawalan din nito ng panahon at oras sa kanilang anak. Nagsimula na namang bumula ng galit si Sonya. Si Herman naman kalmado lang at hinahayaan lang ang asawa na mag labas ng mga nakaimbak na hinanakit sa kanya. Hindi nito sinasagot si Sonya at nagbibingi-bingihan lang ito habang lumalangoy sa pool. Sa mga nakalipas na mga taon nauumay na rin si Herman sa paulit-ulit na lang na rebate ng asawa sa kanya. Ang walang kamatayan nitong panghuhusga, selos at galit sa kanya ay tila tape recorder na para kay Herman.

Nang walang makuhang reaksyon o tugon sa asawa lalo lang nainis si Sonya. Tumahimik ito at tinungo ang robe na nasa bench. At nang mapatingin sa pagkain na iniwan ni Herman sa kanya may napansin ito. May pulang rose sa tabi nun at may maliit na card na nakaipit sa plato. Pasimple nitong kinuha ang card na iyon at nang mabasa ang nakasulat dun tila hinugot si Sonya mula sa kasalukuyan at ibinalik sa nakaraan. Sa araw ng kasal nila ni Herman. Doon din napansin ni Sonya na ang plato na ginamit ni Herman para lagyan ng pasta ay ang mismong plato na ginamit nilang mag asawa sa araw ng kanilang kasal, kita iyon sa naka engraved na pangalang nilang dalawa sa plato.

“You may have forgotten me, but I have not forgotten the special day that God has binded us” ang nakasulat sa maliit na card na iyon.

Hindi na napigilan ni Sonya ang emosyon at napaluha na lang ito habang sinasariwa sa ala-ala ang araw ng kanilang kasal noon ni Herman. Kung saan sa mismong pool na iyon sa bahay nila ginanap ang ang reception ng kanilang pag-iisang dibdib. Dahil sa napako na ang atensiyon sa rosas at sa hawak na card, hindi na nito namalayan ang paglapit sa kanya ni Herman na nasa likod na niya. Nagulat na lang si Sonya nang maramdaman ang mga braso ni Herman na yumakap bigla sa kanyang beywang. Kinabig siya ng lalake tsaka kinulong ng mahigpit na yakap. Bago pa makapagsalita si Sonya, pinaharap na ito ni Herman sa kanya tsaka sinunggaban ng masuyong halik sa bibig.

Tila binuhusan naman ng tubig ang apoy ng galit sa loob ni Sonya at kumalma ito. Hinayaan ang asawa na lukubin nito ng halik ang kanyang labi. Sa tinagal-tagal ngayon lang muli naramdaman ni Sonya ang malambot na labi ni Herman at ang galing nito sa laplapan. Nawala na sa sarili si Sonya at nagparaya na ginagawa sa kanya ng asawa. Napayakap na rin ito kay Herman at lumaban na rin ng halikan sa lalake.

Walang salitaan ang meron lang laplapan. At kitang-kita iyon nila Ponyang at Badong na nang mga sandaling iyon ay napadaan lang naman sa garden.

“Naku wala na Unyang, nilapa na ni sir si ma’am. Grabeha naman ito si sir kung makasungal-ngal ng halik kay ma’am Sonya parang vacuum. Ganyan ba ang hiwalay na?” Eh dikit kung dikit eh oh.“ Wika ni Badong na tutok na tutok sa ginagawa ng mga amo sa gilid ng pool.

“Tama nang paninilip iyan sa kanila halika na baka makita pa tayo at mapagalitan. Mabuti nga iyan at nang tumahimik naman ang bahay na ito na walang bangayan.” Ani ni Ponyang.

“Hindi ka man lang ba naiinggit sa dalawa Unyang?”

“Bakit naman ako maiinggit. Ikaw talaga umandar na naman ang utog mong manyak ka. Linisin mo na kaya ang mga kotse roon ng may gawin ka naman hindi iyong kung ano-ano na naman ang kinakalikot ng isip mo.”

“Kunwari kapa eh kanina ko pa napapansin ang bakat ng utong mo sa damit mo oh. Gusto mo rin ma subukan ang ginagawa nila noh. Tra sa quarters ko mas magaling pa ako kay Sir try mo.” Ang nakangising sabi ni Badong.

“Bastos!!!” Isang malutong na sampal ang sinagot ni Ponyang kay Badong dahilan para himasin nito ng kamay ang namumulang pisngi. Iniwan ito ni Ponyang doon at nang balikan naman nito ng sulyap ang mga amo wala na ang mga iyon sa pool area. Napaismid na umalis na rin doon si Badong.

Samantala tangay na tangay na si Sonya sa ginagawa sa kanya ni Herman. Ang matagal na pananabik nito sa bisig at romansa ng lalake ang nangibabaw noon kay Sonya. Nawala na lang bigla ang nararamdaman nitong galit sa asawa. Dinala ni Herman si Sonya sa isa sa mga guest room nila na malapit lang din sa pool area. Pagkapasok ng silid, pinigtas agad ni Herman ang suot na two-piece ni Sonya tsaka sinibasib ng marubdob na halik ang dalawang malulusog na pakwan ng asawa. Sa tagal ng pagtitimpi sa sarili sa wakas mailalabas na ni Herman ang gusto niyang pakawalan. Mabilis nitong hinubad ang suot na boxer briefs tsaka muling kinabig si Sonya palapit sa kanya at nilaplap muli ang bibig ng babae.

Ramdam na ramdam ni Sonya ang naninigas na kabuteti ni Herman na kunikiskis sa namamaga nitong hiwa. Sa mga sandaling iyon pakiramdam ni Sonya bumalik ito sa pagkadalaga habang ninanamnam ang mga hagod at paghalik sa kanya ni Herman. Nang dinala na ito ng lalake sa malaking kama, lalo pang uminit ang mga tagpo sa pagitan nila. Bakas ang labis na pananabik sa isa’t isa. Nang naipasok na ni Herman ang ratbu nito sa kepay ni Sonya pakiwari ng dalawa biglang nagka-fireworks sa paligid. Sa muling pagkakataon naranasan muli ni Sonya ang makaldagan ng asawa at makabayo ng bonggang-bongga.

Balik sa dampa, tinuloy ng apat ang naudlot na kasiyahan. Gawa ng tama ng beer na ininom muling nagwala ang apat at bumalik ang sigla sa kanila lalo na ng mag pa soundtrip si Vince gamit ang cellphone nito at ang portable speaker na dala. Masayang naghaharutan ang apat sa ilog na tila ba nakalimutan na lang bigla ang nangyari kani-kanina lang lalo na sina Vince at Kaloy.

“Sayang naman kung masisira lang ang buong araw natin. I-enjoy na lang natin ang sandali. Selfie tayo mga parekoys!” Wika ni Kaloy kay Vince tsaka nag selfie kasama sina Burnok at Paquito.

Ngunit nang tiningnan nito ang kinuhang larawan, biglang tumahimik si Kaloy. Naalala nito ang huling selfie nilang lima noon kung saan kasama pa sa frame na iyon si Gibo ngayon apat na lang sila. Hinanap pa iyon ni Kaloy sa gallery niya. Kuha pa iyon noong sumali sa agri fair ang kanyang ama. Napansin ni Vince ang paglungkot muli ng mukha ni Kaloy.

“Akala ko ba mag i-enjoy na lang tayo, pero bakit parang bumagsak na naman ang pisngi mo.” Paglapit ni Vince kay Kaloy.

“Wala ito may naalala lang kasi ako bigla.”

“Gets ko, ganun din ako ngayon pero sayang naman kung magpapadala na lang tayo sa nararamdaman natin at sisirain ang araw na ito. Tsaka nakakahiya kina Burnok at Paquito dinadamay pa natin sila sa ka-dramahan natin. Wala namang kaalam-alam ang mga iyan.” Ani pa ni Vince.

“Tama ka. Wala ito…tuloy ang saya, kahit may nagbago na. Halika manghuhuli tayo ng ulang. Maraming ulang dito tsaka malalaki pa. Magandang manghuli pag gabi pero pa-hapon na naman.Isama natin ang dalawa, magaling ang mga iyan sa dakmaan ng ulang.” Wika ni Kaloy.

Para malibang at gawing makabuluhan ang araw nila roon sa ilog iyon nga ang naiisip ni Kaloy na gawin. Kasama ang dalawa Burnok at Paquito sinuyod nila ang ilog para sa ulang. Inabutan pa nga ng dapit-hapon ang apat sa kawi-wili sa pag dakma ng mga ulang sa batuhan. Marami-rami ang na huli ng lima na halos mgalahati sa dalang maliit na balde ni Paquito. Malalaki ang mga nakuha nilang ulang bukod dun may mga iilang dalag pa silang nahuli.

Padilim na talaga ng makabalik ang lima sa dampa. Kanya kanyang toka ang apat para sa ganap nila sa dampa. Si Kaloy naghagilap na ng mga dagdag na sanga ng mga tuyong kahoy para sa gagawin nilang dabok o siga. Na siyang magdadagdag liwanag sa dala nilang solar light na ikinabit nila sa dampa. Si Burnok naman nilinisan na ang mga dalag na nahuli tsaka nagpaningas na rin ng uling para sa kanilang pagiihawan. Si Paquito naman nililigpit na ang mga naiwan nilang kalat nung pananghalian at muling inayos ang hapag para sa naman sa gabing iyon. Binuksan narin nito ang mga natitirang mga buko na siyang magiging tubig nila mamaya. May mga natira pa sa mga ulam nila kanina kaya inayos muli iyon. Nang makabalik na si Kaloy tinulungan naman ito ni Vince sa pag-gawa ng siga. Naging masaya ang gabi na iyon para sa kanila.

Matapos ang hapunan kaunting kuwentuhan lang ang apat at dahil sa wala ng beer na natira kanya-kanyang hanapan na ng puwesto ang dalawa Burnok at Paquito para magpahinga. Na sa dala ng pagod at beer agad na nakatulog ang dalawa.

Naiwan sina Kaloy at Vince na magkatabi sa ginawa nilang siga habang sinasabayan ng kanta ang mga nasa playlist ni Vince sa cellphone. Sa kalagitnaan ng kanilang kantahan bigla na lang inakbayan ni Vince si Kaloy. Nagulat ang isa at napatingin na lang kay Vince na may pagkailang. Nginitian naman siya ni Vince habang sinasabayan ang kanta na naka-play nun sa cellphone niya. Na tila ba kinakanta ang kanta para kay Kaloy.

“Title niyan? Di kasi pamilyar sa akin pero maganda.” Tanong ni Kaloy para mabasag lang ang awkwardness sa ginagawa na iyon ni Vince.

“Can I call you ni David Archuleta. Isa sa paboritong kantahin ni Nate sa akin.” Sagot ni Vince na ibinaling ang tingin sa apoy ng siga, binawi rin nito ang kamay na nakaakbay nun kay Kaloy.

“Bakit mo pinalitan? Maganda naman ah.” Ani ni Kaloy nang pinalitan ni Vince ang kanta.

“Ikaw ano ang mga kantang trip mo, Pansin ko kasi ang mga sinasabayan mo kaninang mga kanta mga kanta pa ni Chris Daughtry ,at Maroon 5.” Wika ni Vince.

“Mga iyan kasi ang mga paboritong pinapatugtog ni Tatay sa bahay tsaka magaganda naman talaga ang mga laman ng mensahe. Hindi rin kasi ako updated sa mga bagong kanta alam mo naman na walang internet dito.” Sagot naman ni Kaloy.

“Pare pag sinabi ko ba sa iyo na may relasyon talaga kami ni Nate maniniwala ka ba?” Ang biglang pag seryoso ng tanong ni Vince na ginawaran ng malagkit na tingin si Kaloy.

Sakto namang nakatitig na nun si Kaloy sa mukha ni Vince kaya nang binalingan siya ng tingin ni Vince nagkasalubong agad ang kanilang mga tinginan. Ang namumungay na mga mata ni Vince na may malagkit na tingin ay biglang ikinailang ni Kaloy. Agad ito napaiwas ng mukha at tinuon ang atensiyon sa hawak na cellphone. Ni hindi na nga nito napansin ang tanong sa kanya ni Vince.

Sa pag-iwas ni Kaloy biglang nakaramdam ng ilang si Vince sa ginawa nito. Hindi na nito muling itinanong pa kay Kaloy ang tanong niya. Saglit na lang ito nanahimik.

REFLECTION

Dinapuan din ng antok sina Kaloy at Vince. Umakyat narin ang mga ito ng dampa tsaka tumabi na sa puwesto nila Burnok at Paquito.

“Ang lamig pala rito, sanay ako sa aircon pero mas malamig ang hangin sa inyo.” Wika ni Vince na isiniksik ang mga kamay sa kanyang kili-kili sabay bumaluktot sa sulok.

Kawayan ang sahig ng dampa at isang bahagi lang nun ang may dingding na gawa rin sa kawayan kung saan doon pumuwesto ang apat. Malamig nga ang samyo ng hangin at ramdam iyon hindi lang ni Vince sa kanyang balat at laman. Dahil maging si Kaloy hindi rin maitago ang panginginig ng mga labi.

“Sana nagbaon na lang din tayo ng kumot. Di talaga umuubra ang init ng beer sa ating katawan sa lamig ng hangin dito. Buti pa ang dalawa sarap na sarap lang sa puwesto nila.” Ani pa ni Vince.

“Sanay na kasi ang mga iyan tsaka kasing kapal na ng mga kalabaw nila ang kanilang mga balat, kita mo naman parang balewala lang sa kanila ang lamig. Kung gusto mo pare palit na lang tayo ng puwesto dito ka sa May dingding banda tapos diyan ako para kahit papano matatakpan kita sa dampi ng hangin.” Saad ni Kaloy.

“Ayos na ako rito, payakap na lang pre. Mainitan man lang ang mga braso ko. Tsaka para narin maibsan din ang panlalamig mo. Mag share tayo ng init sa katawan.” Tugon ni Vince na agad na isiniksik ang katawan kay Kaloy na nakatihaya.

Nag-aalangan pang tumugon si Kaloy sa sinabi ng katabi. Napatingin muna ito sa puwesto nila Burnok at Paquito, napansin nito na nagyayakapan din naman ang dalawa at nagdadantayan pa nga ng mga paa ang mga iyon, kaya pumayag na ito sa gusto ni Vince. Bumaling ito ng mukha kay Vince.

“Sige pare, ayos lang… yumakap ka lang sa akin.” Tugon ni Kaloy at ngumiti ng may ilang sa sinabi.

“Yakap lang ito pre, walang malisya.” Sambit ni Vince na tiningnan sa mukha si Kaloy at nginitian sabay kabig sa katawan ng binata palapit sa kanya tsaka kinulong si Kaloy sa mahigpit niyang pagyakap.

Ngumiti lang si Kaloy na nakatitig sa mukha ni Vince na sa mga puntong iyon nakapikit na ng mata. Ilang beses nang ganun naman ang dalawa lalo na at magkatabi naman sila laging natutulog sa silid ni Vince. Ngunit sa mga sandaling iyon ang mga pagyakap na iyon sa kanya ng kaibigan ay iba ang hatid sa kanya. May kung ano sa mga yakap na iyon ni Vince na tila dinuduyan siya nito sa ulap. Saglit pa at mas hinigpitan pa ni Vince ang mga pagtapos nito kay Kaloy. Mas idinikit pa nito ang katawan sa lalake.

“Pssst pare, matulog ka na…tama na ang pag i-imagine kay Gibo, si Vince itong kayakap mo pre. Maya niyan malibugan ka pa sa akin. Tulog ka na.” Biglang salita ni Vince pero nakapikit pa rin ang mga mata.

“Gagi, ikaw yata ang nag i-imagine diyan eh, ramdam na ramdam kaya ng hita ko ang paninigas ng ratbu mo.” Sabat ni Kaloy.

“Yaan mo na, eh sa nilalamigan din kasi.”

Napangiti na lang ulit si Kaloy. Maya-maya pa nakatulog din ang dalawa na magkayakap sa isa’t isa. Naging mahaba ang gabi na iyon para sa kanila. Sa lilim ng liwanag ng buwan at sa kumot ng hangin sa gitna ng mapayapang ilog. Nakahanap sina Vince at Kaloy ng kakampi sa isa’t isa.

Kinabukasan naman nun handa na sina Nate at Gibo sa plano nilang mag trekking papuntang Kahublasan Peak. Bago pa ang kaputukan ng araw gising na ang dalawa at nag-aayos na para sa kanilang lakad.  Nasa kuwarto pa nun si Gibo pero si Nate nasa sala na at tinitignan ang mga dala kung may kulang pa.

“Bago kayo umalis, mag-almusal muna kayo. Nakapag luto na ako ng adobo sa kusina, may nilagang saging na saba rin dun at kamote kung gusto niyo. May native na kape na rin sa thermos, kung gusto mo ng gatas mag bukas ka na lang ng lata ng evap. Nasa kabinet lang naman iyon sa lababo.” Wika ng lola ni Gibo kay Nate habang nag-aayos din ito para naman pumunta sa kanyang mga pananim sa lapain nila.

“Hihintayin ko na lang si Gilbert la, sabay na kami. Kayo po, mag-almusal na muna kayo.” Tugon ni Nate.

“Kanina pa ako kumain. Eh saan ba ang punta niyo ngayon at mukhang marami-rami ang dala niyo?” Tanong ng lola.

“Sa Kahublasan Peak la, balak namin mag camping dun ni Gilbert.” Sagot ni Nate.

“Hindi kayo uuwi rito para sa hapunan? Tanong muli ng lola.

“Mukhang hindi na lola, doon na namin sasalubungin ang araw kinabukasan, sabi kasi ni Gilbert maganda ang view dun kapag madaling araw na lalo na kapag magpapakita ang sea of clouds. May mga baon naman kaming mga pagkain para sa buong araw namin dun.” Saad ni Nate.

“Oh siya ingat na lang kayo roon. Eh maganda nga ang lugar na iyon pero hindi pa ako na-akyat ng  peak.Pero ang sabi maganda nga raw. Ilang mga dayo na rin ang nakapunta roon. Sige si Gibo na ang bahala sa iyo. Aalis na ako habang hindi pa masakit ang sinag ng araw.” Wika pa ng lola at lumabas na ito ng bahay.

“Ingat lola,”

Nang maiwan si Nate, lumabas din muna ito sa bakuran nila Gibo para mag selfie at gumawa ng mga reels. Perfect background talaga ang lugar nila iyon ni Gibo. Nasa mataas na bahagi ng burol ang puwesto ng bahay nila kaya kitang kita ang mga maliliit na burol sa paligid na parang mini chocolate hills ng Bohol. Wala pa rin naman si Gibo kaya nag picture-picture na naman ito gamit ang DSLR camera nito. Bukod kasi sa ganda ng paligid ibat-ibang mga magagandang ibon rin ang mahahagip ng iyong mata sa lugar at dun nag i-enjoy si Nate sa pag kuha ng mga pictures sa kanila.

Habang abala sa ginagawa hindi namalayan ni Nate ang paparating na babae na pupunta kina Gibo. Napalingon na lang ito nang tinawag na ng babae ang lola ni Gibo. Nang makita ang babae lumapit si Nate sa kanya.

“Karl?” Biglang nabitawang pangalan ni Tess nang makita nito si Nate na papalapit sa kanya.

“Magandang araw po Teh, si lola ba ang hinahanap niyo? Naku kakababa lang nun at pupunta yata sa kanyang mga taniman. Pero si Gilbert po nasa loob.”  Pagsalubong ni Nate kay Tess.

“Sino ka?” Tanong ni Tess na may pagkamangha at pagtataka sa kanyang reaksyon.

“Nate po ate, kaibigan ni Gilbert galing siyudad. Tuloy po kayo at tatawagin ko lang si Gilbert…”

Naiwan sa bakuran nila Gibo si Tess na sinusundan ng mga tingin si Nate. Sa unang kita nito sa binata tila isang nakaraan ang dumaan bigla sa kanyang harapan. Saktong twenty two years ago nang minsan may dalawang dayo na umakyat sa kanilang lugar upang dayuhin ang tanyag na  Kahublasan Peak sa kanila at ang hot spring malapit dun. Dalaga pa nun si Tess at nasa dese nuwebe palang ito nang mag tagpo ang mga landas nila ni Karl.

Kasama niya nun ang kaibigang matalik na si Stella galing pastulan ng kanilang mga kambing nang makasalubong nila ang dalawang lalake na galing siyudad. Bitbit ang malalaking backpack sa likod. Unang pagtatagpo pa lang tila nagkagustuhan na ang apat.

“Hi miss ako nga pala si Karl siya naman si Gab kaibigan ko. Kuwan kasi medyo naliligaw kasi kami, puwede ba magtanong? Saan ba dito ang tamang trail paakyat ng Peak?” Bungad agad ng lalake na nagpakilalang Karl kay Tess.

“Nasa tamang daan naman kayo, diretso lang kayo sa daan na iyan. Sa bandang dulo ng kawayanan meron dun malaking mapa paakyat ng Peak. May nagbabantay naman dun.” Tugon ni Tess na hindi maitago ang kilig habang tinititigan siya ni Karl.

Ang unang pagtatagpo ng dalawa ay nasundan pa nang makailang ulit. Pabalik-balik na roon sina Karl dahil kay Tess at sa kaibigan nitong si Stella hanggang sa naghayag na nga ng pag-ibig sa kanya si Karl. Una palang hulog na hulog na si Tess sa kagwapuhan ni Karl lalo na sa ugali nitong malambing,mabait at walang kaarte-arte sa sarili sa kabila ng estado nito sa buhay. Naniwala naman nun si Tess na ang pag-ibig sa kanya ni Karl ay wagas at buo kaya pinaubaya agad nito sa lalake ang kanyang pagkababae. Nangyari iyon ng dalawang beses sa mismong bukirin nila ni Tess. Ngunit ang kaligayahang iyon ay panandalian lang pala dahil isang linggo matapos ang huling pagpaparaya ni Tess kay Karl, bumalik na ang lalake sa siyudad at kailanman hindi na bumalik pa. Isang buwan ang lumipas nang matuklasan ni Tess ang mga kakatwang nararamdaman nito sa sarili.

“Nagpabutis ka?! Sino ang ama? Ang Karl ba na iyon?! Ha?! Sumagot ka Tess?!!!” Ang mangiyak-ngiyak noon sa galit na ina ni Tess.

Napahagulgol na lang na napasalampak sa sahig si Tess sa nalaman. Buntis siya nun ngunit wala na si Karl. Sa sobrang galit ng ina ni Tess sa kanya nagtanim ito nang hinanakit sa anak.

“Iharap mo sa akin ang lalaking gumawa niyan sa iyo. Tsaka lang kita mapapatawad sa ginawa mo kung mapanindigan niya ang laman ng tiyan mo at pakasalan ka niya.  Sinira mo ang tiwala ko sa iyo Tess. Sinira mo!!!” Ang hinanakit noon ng ina sa kanya.

Lumayas sa kanila si Tess at nakitira sa kaibigang si Stella na noo’y kapareho niya rin ang problema. Buntis rin ito sa kaibigan ni Karl na si Gab. Ngunit iba naman ang tugon ng mga magulang ni Stella noon sa sitwasyon niya. Di tulad sa sinapit ni Tess, dinamayan si Stella ng magulang nito.

“Buti pa kayo, hindi kayo galit kay Steh.”

“Galit din pero ano pa magagawa namin nangyari na iyan. At kahit anong galit pa ang ipakita namin sa kanya hindi na iyan maibabalik sa dati. Tsaka kawawa rin ang apo namin. Kaya huwag ka magtanim ng sama ng loob sa mga magulang mo lalo na sa nanay mo. Ganun talaga ang ina, nasasaktan din iyon sa nangyari sa iyo. Siyempre gusto lang nun ipaintindi sa iyo ang pagkakamali mo. Kayo kasi bakit agad-agad naman bumigay. Porke’t guwapo magpapaararo agad kayo?.” Ani ng ina ni Stella kay Tess.

“Dumito ka muna, hihintayin natin ang resulta ng pagpunta ni kuya sa siyudad. Hahanapin niya roon si Gab para ipaalam ang sitwasyon ko.  Nakisuyo narin ako tungkol kay Karl.” Saad ni Stella.

“Umaasa parin ako na babalikan ako ni Karl. Nangako siya sa akin. At panghahawakan ko iyon.” Wika pa ni Tess.

Ngunit ang inaasahang magandang balita ay hindi naging ganun sa nagbalik ng kuya ni Stella. Natuklasan kasi nito na ikakasal na si Karl sa isang babae. Halos gumuho ang mundo ni Tess sa nalaman. Gayunpaman nais niyang alamin mismo ang katotohanan sa sinabi ng kuya ni Stella. Dahil naman sa pinapapunta ng siyudad ni Gab si Stella, nakiusap si Tess sa kaibigan na kung puwede itong sumama.

“Hindi ko alam kung papayag si Gab na sumama sa akin Tess, pero makikiusap ako sa kanya pag nagkita kami.” Ani ni Stella.

“Ang swerte mo kay Gab, masaya ako para sa iyo Steh. Pero ang hayop na Karl na iyon matapos ako limliman at itlogan tatalikod na lang basta at magpapakasal sa iba. Walang hiya siya.” Ang naluluha namang reaksyon ni Tess.

Sumama nga nun si Tess sa kaibigan sa siyudad. Tinanggap naman ito ni Gab sa kanila. At doon narin nito nalaman ang buong katotohanang dalawa pala talaga silang babae sa buhay ni Karl at kapwa pa silang buntis nun pareho. Hindi na nagawa pang harapin at komprontahin ni Tess si Karl sa sobrang hinanakit nito at galit. Nagtagal pa roon ng isang linggo si Tess sa bahay nila Gab nais kasi ni Tess na masaksihan ang pinakamasakit na bahagi ng kanyang buhay ang makita ang kasal ni Karl sa babaeng kahati nito.

Matapos ibuhos ang lahat ng luha, iniwan na ni Tess ang lahat ng sakit sa siyudad at nangako sa sarili na palalakihin ang sariling anak na mag isa at kakalimutan na ang lahat tungkol kay Karl. At sa pagbalik ng Ilang isang bisig naman ang umakay kay Tess para makatayo at makabangon mula sa pagkakadapa. Sa kabila ng nangyari sa kanya minahal siya ni Karding ng walang panghuhusga at inako ang pinagbubuntis ni Tess na sa kanya.

“Lalaking may ama si Carlo, mahal ko.”

“Carlo talaga? Hindi ba puwedeng iba na lang mahal?”

“Ayokong isipin mo na bunga ng pagkakamali mo ang magiging anak natin. Gusto ko tanggapin mo siyang bilang biyaya ng Diyos sa buhay natin. Kaya dapat tanggap mo rin ang pangalan na iyan.” Ani ni Karding kay Tess sabay hinalikan ang babae sa noo.

Iyon ang yugto ng buhay ni Tess na tuluyan na niyang pinaubaya ang tadhana sa piling ni Karding kasama ang anak na si Kaloy.

At sa nakalipas na labing-walong taon… Nang araw na iyon tila binati si Tess ng bangungot ng nakaraan.

“Nay Tess kayo pala, magandang umaga.”  Pagkalabas ni Gibo nang makita si Tess.

“Magandang umaga Gibo, napadaan lang ako para ibigay itong mga butong karne ng baboy sa lola mo tsaka itong mga gulay.  Kelan ka pa umuwi? Nagkita na ba kayo ni Kaloy ko?”  Ani ni Tess.

“Nagkita na kami ni Kaloy kahapon sa may ilog. Salamat nga pala dito nay.” Tugon ni Gibo sabay kuha ng basket na bitbit ni Tess.

“Si-sino ba iyan Nak?” Tanong ni Tess kay Gibo na nginunguso si Nate.

“Ah si Nate, kaibigan ko dun sa siyudad. Kakilala rin siya ni Kaloy. Bestfriend siya ni Vince.” Sagot ni Gibo.

“Ganun ba, sige Nak mauna na ako sasaglit pa ako sa kabilang baryo.” Ani ni Tess at umalis na, ngunit naiiwan parin ang mga tingin nito kay Nate.

“Kamukhang kamukha niya talaga si Karl noon, Pati boses at kilos parang si Karl talaga ang nakikita ko sa kanya. Ano ka ba Tess labing-walong taon niya kayong inabandona hanggang ngayon ba hindi mo parin siya nakakalimutan? Hindi…baka magkamukha lang talaga sila. Marami namang ganun. Hay naku Tess kalimutan mo na ang hayop na iyon, masaya ka na sa piling ni. Karding. Umayos ka.” Bulong pa ni Tess sa sarili habang naglalakad.

Ngunit kahit anong tanggi ni Tess sa sarili tungkol sa hinala nito kay Nate, hindi talaga niya maiwasang mapapaisip na baka anak nga ni Karl si Nate. Iba kasi talaga ang nararamdaman nitong kaba nang makita si Nate.

“Anong nangyayari sa iyo mahal? Kanina pa kita inoobserbahan, mula nang nakabalik ka ganyan ka na tulala. Nabati ka ba sa kawayanan? Gusto mo ipatawag kita ng magtatawas?” Pansin ni Karding sa asawa.

“Bakit mo naman ako ipapatawas? Ayos lang ako mahal. Iniisip ko lang kung anong ulam ang iluluto ko mamaya para sa dalawa mamaya.” Pagdahilan na sagot ni Tess.

“Nakapag luto ka naman ng adobo kanina ah tsaka nag-ihaw din ako ng bangus diyan. Siguro naman sapat na iyan sa dalawa.” Ani ni Karding.

“Kung sila lang sasapat na iyon. Paano naman iyong mga ampon natin, sina Paquito at Burnok malamang kasama nila ang mga iyon pag uwi.” Wika ni Tess.

“Iyon lang, eh may mga gulay pa naman diyan. Mag chopsuey ka na lang di kaya mag pakbet.“saad ni Karding.

“Iyon nga din ang naisip ko. Teka mahal hindi ka ba pupunta ng taniman ngayon? Tsaka bakit nandito ang bagong sapatos na bigay sa iyo ni Kaloy, may lakad ka?” Pansin naman ni Tess sa asawa.

“Bababa kami ng siyudad ni pareng Jasper. May nakita na kasi siyang lupa roon na saktong-sakto sa gusto ko. Kaya nais ko makita iyon bago ko bilhin.” Sambit ni Karding kay Tess.

Natatawa naman ang babae sa sinabi ng asawa sa kanya. Paano ba kasi niya iyon nasabi na bibili ito ng lupa sa siyudad eh halos hirap nga sila sa buhay. Ngunit nang maglabas ng isang passbook si Karding at ipinakita nito ang laman nun kay Tess, nanlaki na lang ang mga mata ng asawa sa sobrang laki ng laman ng bangk account ni Karding. Hindi ito makapaniwala na may ganung kalaking pera ang asawa na nilihim nito sa kanya sa mahabang taon. Halo-halo na ang naging emosyon ni Tess sa nalaman.  Sa mahabang panahon nasanay at nakontento na si Tess sa uri ng pamumuhay na meron sila bilang mag-asawa. At kahit kailan hindi niya kinuwestiyon ang buhay nila kahit salat at mahirap. Kaya ang malaman ang pagsasakripisyo ng asawa para sa kanila ni Kaloy ay lubhang kinasasaya ng loob ni Tess.

“Ito ang katas ng mga pawis ko at hirap dito sa bukid natin mahal. Tiniis kong hindi ito galawin kahit sa panahong walang wala na talaga tayo. Para ito sa inyo ng anak natin, para ito sa atin mahal. At ngayong nakikita ko na bunga ng lahat ng paghihirap natin. Panahon na rin siguro para maranasan naman natin ang maayos na buhay.”  Wika ni Karding habang yakap-yakap si Tess.

“Masaya na ako sa buhay natin na kasama ka mahal. At ang bagay na ito ay sobra-sobra na para pasayahin pa lalo ang buhay natin.” Tugon ni Tess na hindi na mapigil ang luha sa mga mata.

“Mahal sekreto lang natin ito puwede ba? Gusto ko surpresahin si Kaloy tungkol dito. “

“Sige mahal kung iyan ang plano mo.”

Saktong nagyayakapan ang mag asawa habang umiiyak si Tess nang dumating sina Kaloy at Vince. Agad na lumapit si Kaloy sa mga magulang sa pag-aalala nito. Inusisa agad nito ang dalawa sa nangyari.

“Tay nay, bakit ano ang nayari rito? Nay bakit kayo umiiyak?” Tanong ni Kaloy.

“Kuwan Nak, ang nanay mo kasi nakakita ng malaking sawa riyan sa may dapog. Natakot kaya hayan umiiyak pa rin. Tagain ko na sana ang ahas kaso hinimatay na sa takot ang nanay mo kaya nakatakas ang ahas.” Kuwento pa ni Karding.

“Nay ayos ka na ba?”

“Ayos lang Nak, nabigla lang kasi ako sa nakita ko…ang laki kasi talaga ng…nag sawa.”

Nagkatinginan lang ang mag-asawa. Sabay na kumain ng almusal ang apat. Hindi na sumama sa kanila ni Kaloy sina Burnok at Paquito dahil sa gagawin pa ang mga iyon sa kanila. Pagkatapos kumain nagpahiylang saglit sina Kaloy at Vince tsaka naisipan ng dalawa na sabay na maligo sa balon na nasa likod bahay lang nila Kaloy.

“Pasabon naman ng likod ko pare”. Wika ni Vince.

“Talikod ka pre”.  Ani ni Kaloy na agad sinabon ang likod ng kaibigan.

Ngunit habang sinasabon nito sa likod si Vince tila may nararamdamang kakaiba si Kaloy sa sarili, napapakagat na lang ito ng labi habang hinahagod ng marahan ng mga kamay na may sabon ang buong likod ng kaibigan mula balikat pababa sa spine ni Vince hanggang sa napansin na lang ni Kaloy na lumalakbay na ang isa nitong palad sa beywang ni Vince papuntang harapan ng lalake.  Nabasag lang ang ulirat ni Kaloy nang magsalita si Vince.

“Pare likod ko lang ang pinapasabon ko sa iyo, hindi ang abs ko.” Ang napangiting wika ni Vince na hinawakan ang kamay ni Kaloy na may sabon na nakadampi na noon sa abs nito.

“Pasensya na pare, oh hayan nasabon ko na ang likod mo.” Ang pautal na sambit ni Kaloy.

“Akin na ang sabon tapos talikod ka ako naman ang sasabon ng likod mo.”

“Huwag na pare, magbabanlaw na ako. Tapos ko na sabunin ang likod ko. Patapos na rin naman ako.” Tugon ni Kaloy na mabilis agad nag buhos ng tubig sa katawan.

Nauna nga itong natapos at mabilis na pumasok ng bahay tsaka diretso agad ng silid. Humarap ito sa malaking salamin na nasa aparador nito at tinitigan ang sarili sa salamin.

“Tang na anong nangyayari sa iyo Kaloy? Ano iyong ginawa mo? Umayos ka nga, hindi ka dapat nagkakaganun. Hindi ka bakla! Kaya ayusin mo ang kilos mo. Naguguluhan ka lang sa sarili mo. Pero hindi ka bakla. Umayos ka!” Bulong ni Kaloy habang pinapagalitan ang sarili.

Maya-maya pa pumasok na rin si Vince at inabutan pa siya nito na nakatayo parin dun sa harapan ng salamin.

“Tutok na tutok sa katawan ah, baka ma-inlove ka niyan sa sarili mo ah.” Wika ni Vince sabay hubad ng tuwalyang pinantapis nito.

Napaiwas naman bigla ng tingin si Kaloy sa ayos ng kaibigan. Ewan pero sa mga sandaling iyon tila naiilang na itong makakita ng hubad na katawan ng isang lalake sa kanyang harapan na dati naman hindi.  Maalaala kasi nito na dati pa naman sa tuwing naliligo silang magbabarkada sa ilog, sanay na silang nagkikitaan ng mga katawan habang hubo’t hubad pa nga.

Lalo pang nakaramdam ng ilang at hiya si Kaloy nang hinablot na lang bigla ni Vince ang tapis nitong tuwalya. At nakita nito ang tumitigas na ratbu ni Kaloy.

“Nak ng putcha pare, nalilibugan ka sa sarili mo? Hahaha putik na ratbu iyan pare ang laki pala niyan pag galit.” Ang tawang-tawa na reaksyon ni Vince nang makita ang sinasapo ni Kaloy sa harapan.

Sa tigas kasi at haba ng kabuteti ni Kaloy lumalampas parin sa mga palad nito ang leeg at ulo nun. Tinodo pa ni Vince ang pang aasar sa kaibigan at pilit na tinatanggal ang mga kamay ni Kaloy sa harapan nito.

“Tama na pare, tigil na hoy! Humanda ka pag na buweltahan kita iihi ka talaga sa akin. Hoy pare ang kamay mo nasa betlog ko na oh.” Ani ni Kaloy na pilit iniiwas ang harapan kay Vince.

Tuloy parin sa panghaharot si Vince kay Kaloy. May pagkakataon pa na kinikiliti na ni Vince si Kaloy matanggal lang ng kaibigan ang kamay nito sa kanyang kabuteti. Napuno ng tawanan at sigawan ang silid ni Kaloy dahil sa ginagawa ng dalawa hanggang sa natumba na nga sila ni Vince sa ibabaw ng kama ni Kaloy.

Doon lang biglang natahimik ang dalawa. Natumbang nakapatong ang hubad na katawan ni Vince sa hubad na katawan ni Kaloy tsaka halos magkalapat na ang mga ilong nilang dalawa sa isa’t isa. Nagkatitigan ang magkaibigan na tila ba nagpapakiramdaman sa bawat isa. Tahimik lang at walang bumubuka ng bibig sa kanilang dalawa. Nang bigla na lang namilog ang mata ni Kaloy sa pagkabigla nang gulatin siya ni Vince ng masuyong halik sa labi nito.

Nagawa na iyon minsan ni Vince sa kanya ngunit sa mga sandaling iyon iba ang halik na iyon.  Marahang ibinuka ni Kaloy ang bibig para magsalita sana ngunit hinarangan ito ng mas mapusok pa na paghalik ni Vince sa kanya. Tulang nakatingin lang si Kaloy sa mga mata ni Vince. Hanggang sa unti-unti na lang nito namamalayan ang pagkusa ng kanyang mga labi na tumugon rin ng halik sa kaibigan. Napapikit si Kaloy na ninanamnam ang matamis na laway at malambot na labi ni Vince.

Ang galing ni Vince sa laplapan ng bibig, at sa ilang mga paggalaw lang nito natuto agad si Kaloy na sabayan ang kaniyang ritmo. Nagmas maalab pa at mas malagkit ang palitan nila ng halik. Tangay na tangay na ang dalawa nang biglang…

“Kaloy Nak? Vince? May mga bisita kayo sina Gibo at ang kasama niya si Nate.”  Pagtawag ni Tess mula sa labas ng silid nila Kaloy.

Napabalikwas ang dalawa at biglang natauhan sa kanilang ginawa. Nagka hiyaan saglit ngunit nang ngumiti si Vince kay Kaloy, napangiti narin ang huli.

CAMPERS

Matapos magbihis, lumabas ng silid sina Kaloy at Vince na parang wala lang nangyari. Hinarap nila ang dalawa Gibo at Nate na nasa bakuran noon nila Kaloy habang kausap si Tess.

“Narito na pala sina Kaloy, maiwan ko na kayo.” Wika ni Tess tsaka muling pumasok ng bahay.

Pinalitan naman siya nina Kaloy at Vince na ramdam parin ang kaunting distansya sa isa’t isa.

“Balak namin mag camping sa Kahublasan Peak. Naisip namin na baka gusto niyong sumama. Makabawi man lang sa nangyari kahapon.  Dinaanan na rin namin sina Burnok at Paquito pero hindi pa sila sigurado, titingnan pa nila pagkatapos ng ginagawa nila.” Ani agad ni Gibo kay Kaloy.

“Sige na bro, sumama na kayo ni Kaloy,  pasensya na kahapon tsaka kalimutan na natin kung ano man iyon. Hindi ako sanay na ganito tayo. Ma keep man lang sana natin ang many years of friendship na binuo natin since then.” Sambit naman ni Nate kay Vince.

Nagkatinginan sina Kaloy at Vince na tila humihingi ng opinyon sa isa’t isa.

“Kung sasama si Vince, walang kaso sa akin. Tsaka kasama rin naman talaga sa plano namin ang umakyat dun.” Tugon ni Kaloy.

“Kung payag si Kaloy, okay ako sasama kami.” Sabat ni Vince.

Dahil sa parehas namang sumang-ayon ang dalawa sumama na nga sila sa planong pag-akyat ng dalawa, Gibo at Nate sa peak. Mabilisan naman na naghanda sina Kaloy at Vince. Baon ang ilang mga can goods, at mga cup noodles tumulak na ang dalawa kasama sina Gibo at Nate.

Samantala disidido na si Karl na kilalanin ang ang naiwang anak nito kay Teresa noon. Sa pahintulot na rin ng maybahay na si Jessica.

“Sigurado ka ba na,… nandoon parin iyon doon sa kanila? Hindi biro ang tagal ng eighteen years.” Ani ni Jessica sa asawa.

“Kaya nga ako magpapatulong kay Gab, Ayoko namang madaliin ang lahat. Kino-consider ko parin naman ang mararamdaman ng mga anak natin lalo na si Nate. Alam mo naman ang isang iyon, si Nathalie nga na mismong kapatid niya hindi pa sila nagkakasundo. Paano na lang kung malaman nun na may kapatid pa siyang isa sa labas.” Tugon ni Karl sa asawa.

“Wait dad,…tama ba ang narinig ko? May kapatid pa kami ni Kuya Nate? Mom, is this true? My god I’m gonna cry.” Biglang sulpot ni Nathalie na kanina pa pala nakikinig sa mga magulang.

“Huwag kang OA, umupo ka na rito at samahan mo kami ng dad mo mag-almusal.” Wika ni Jessica.

“Did she know? Sinabi mo na?” Tanong ni Karl sa asawa.

“Malalaki na ang mga anak natin Karl, and they’re smart enough to understand everything. Malalaman din naman nila ang lahat sa takdang panahon, might as well ipaalam na sa kanila ang lahat ngayon. Unfortunately si Nathalie pa lang ang nasabihan ko, mas madali kasing mag sabi ng kuwento lalo na at alam niya ang point of view ng isang babae.” Tugon ni Jessica.

“Yeah dad, and dont worry about me.  Actually I’m soooo excited na makilala ang brother or sister ko, kung sino man iyon. But honestly dad I totally hate you for what you did to that Teresa and mom. Ang laking red flag nun. Pero siyempre …eme eme lang dad. I still love you. Tsaka wala pa naman kami nung nangyari iyon and I have no right to judge you. Love story niyo iyon. And that was eighteen years ago.” Ani pa ni Nathalie sabay yakap sa ama.

“Salamat Jane, sana katulad mo rin ang magiging reaksyon ng kuya mo kapag nalaman niya ito. And salamat sa iyo Hon, for making this a lot easy for me. I love you.” Tugon ni Karl tsaka hinalikan sa ulo nito ang asawang si Jessica.

“Karapatan ng anak mo na malaman kung sino ang amang bumuo sa kanya. At hindi ko ipagkakait iyon sa anak mo kung sino man siya. Sana magkita agad kayo.” Ani pa ni Jessica.

“Dad all in na lahat ng info sa social media. Madali na lang mag search at mag locate ng mga tao as long na may access siya sa lahat ng mga platforms. Hindi natin alam baka nandito na pala sa siyudad iyong anak niyo. Ano ba ang natatandaan mo sa mama niya, ano ba ang full name niya? Baka matulungan din kita mahanap ang kapatid namin.” Saad ni Nathalie sa ama.

Ang masaklap na katotohanan ay hindi na matandaan ang eksaktong apelyido ni Teresa. Gayunpaman nagbabakasakali parin ito sa anak. Tumulong na rin si Nathalie sa ama.

Balik sa apat, binabagtas na ng apat, Kaloy, Vince,Gibo at Nate ang trail paakyat ng eco park papuntang Kahublasan Peak. Sa araw na iyon may iilang mga dayo at turista rin ang nakasabayan ng apat paakyat. Ang ilan mga vlogger pa at mga trekkers talaga. Nangunguna sina Gibo at Nate kasunod naman nila sina Kaloy at Vince na mas pinili parin na dumistansya sa dalawa.

Narating na ng apat ang station two ng peak kung saan naroon ang mga rentahan ng mga gamit pang rock climbing, tent at mga sleeping bags. Huminto saglit doon sina Kaloy at Vince dahil mag rerenta sila ng tent. Biglaan kasi ang plano na mag o-over night sila roon.

“Huwag na kayo mag rent ng tent, malaki ang tent na dala namin ni Gilbert, kasya tayong apat  dun.” Paglapit ni Nate kay Vince nang mapansin nito ang isa na namimili ng tent.

“Naka rent na kasi kami ni Kaloy, nakakahiya naman kung babawiin pa namin ang bayad. Tsaka mas maganda kung may privacy tayong apat.” Tugon ni Vince na may pilit na ngiti sa mukha habang kausap si Nate.

“Okay, choice niyo naman iyan. Sige mauna na kami ni Gilbert, magkita na lang tayo sa camp site.”. Wika ni Nate nang mapansin ang paglapit ni Kaloy kay Vince.

Lumapit si Kaloy kay Vince bitbit ang dalawang rice meal na naka-box at dalawang brewed coffee na nasa cup.

“Kain na muna tayo, hindi na tayo nakapagalmusal kanina. Naka kuha ka na ba ng tent pare?” Bungad ni Kaloy sabay abot ng bitbit nitong isa kay Vince.

“Salamat dito pare, actually kanina pa nga sa baba kumakalam ang sikmura ko. Hindi naman puwede tumigil dun para kumain kasi nga bawal dun. Dahil maraming unggoy.Kung di lang sana dumating kanina ang dalawa sa bahay busog na tayo pareho.” Tugon ni Vince na ginawaran ng nakakalokong ngiti si Kaloy tsaka may pagkagat dila pa.

Napaiwas naman ng tingin si Kaloy sa ginawa ni Vince. Ngumiti ito pero nandoon ang hiya at ilang. Binago nito ang usapan at tinuon ang mga puna sa mga nakasabayan nilang mga aakyat din sa Peak. Nahihiya si Kaloy na pag-usapan nila ni Vince ang nangyari sa kanila kani-kanina lang. Dahil maging sa mga sandaling iyon litong-lito parin si Kaloy sa sarili kung bakit niya hinayaan na gawin sa kanya iyon ni Vince at kung bakit pumayag naman ito sa ganun. Pilit mang itanggi sa sarili ang ideyang bakla ito, napapansin naman ni Kaloy na ang mga nararamdaman nito nitong mga huling sa sarili ay nagpapahiwatig sa kanya na may kakaiba talaga sa kanya na ngayon niya lang nabubuksan.

Mula station 2 hanggang sa narating nila ang mossy forest ng Kahublasan, walang imikan ang dalawa. Ramdam na ni Vince ang ilang ni Kaloy sa kanya at para mabasag ito naging makulit ito sa kaibigan. May pagkakataong nag-papabuhat ito kay Kaloy dahil kunwari na natapilok ito. Tapos kapag akma na siyang lalapitan ng lalake para tulungan tatawanan nito si Kaloy at sasabihing…

“Grabe ang pag-aalala, love na talaga ako ng pare ko. Love you too pre.”  hirit nito kay Kaloy.

“Ewan ko sa iyo, maya niyan magkakatotoo na iyan.” Ani ni Kaloy kay Vince.

“Ang alin? Ang mahalin ako? Ayos lang, mamahalin din kita. Total naman magjowa naman tayo pag balik natin sa siyudad why not gawin na lang nating totoo rito.” Hirit muling tanong ni Vince.

“Baliw, akala mo naman papayag ako? Wala tayo sa inyo. Kaya tigil-tigilan mo na ang paglalandi mo sa akin dahil hindi iyan gagana sa akin.” Saad ni Kaloy.

“Hindi raw, eh ginanahan ka nga kanina sa tukaan natin eh.” Pang-aasar pa ni Vince sabay akbay kay Kaloy tsaka ginulo ng kamay nito ang buhok ng lalake.

Tumahimik na lang si Kaloy dahil totoo naman talaga ang sinabi na iyon ni Vince sa kanya. Napansin na naman ni Vince ang pananahimik ni Kaloy kaya diretsahan na nitong kinausap ang kaibigan tungkol sa nangyari sa kanila.

“That was nothing, wala lang iyon pare…nadala lang tayo ng mga emosyon natin. My bad kasi nag initiate ako ng aksiyon na hindi ka naman sanay. Tsaka sorry kong nagulo ko ang emosyon mo at isip dahil dun. Pangako hindi na iyon mauulit. Kuwan kasi para sa akin normal na lang iyon eh. Hindi na iyon question sa akin kung bakit ko ginagawa iyon. Lumaki ako na I have this so much freedom sa sarili ko na malaya kong nagagawa ang mga bagay na wala akong restriksyon, walang walls at hesitation. Na ang ginagawa ko ay self expression lang and nothing more than that. Na normal lang iyon for me.” Saad ni Vince.

“Kahit ang makipaglaplapan sa kapwa mo lalake normal lang iyon sa iyo?” Tanong ni Kaloy.

“Oo,at ginagawa namin iyon ng mga barkada ko kapag nagkakatuwaan kami. Even Nate knows that.” Tugon ni Vince.

“Pati kay Nate nakipag laplapan ka? Sure ka ba pare na hindi ka bakla?”  Ang may gulat na reaksyon ni Kaloy sa sinabi ni Vince patungkol sa laplapan.

“Alam ko sa sarili ko na hindi ako gay pare. Sigurado ako sa pagkalalake ko. Pero parang ganito lang iyon, straight ako,… I’m not gay but I love doing gay stuff. Gets mo naman iyon for sure. Kaya nga sabi ko sa iyo diba. Puwede akong mag mahal ng kahit sino. Kasi ganun ako ka open sa sarili ko pare.” Ani pa ni Vince sa kaibigan.

Para kay Vince there’s no rules for expressing yourself. Kung ano ang nararamdaman mo ipahayag mo at ipakita mo. Love is universal at kasama na dun ang kalayaan sa pagpahayag ng emosyon. Ngunit dahil sa sinabi ni Vince mas lalo lang nalito si Kaloy sa sarili.

Finally nakarating na rin sila sa camp site, hindi pa iyon ang pinaka summit ng Kahublasan Peak.  Isang buong araw pa ang lalakarin at aakyatin para makita ang nakakalulang ganda ng peak. Kaya ang lahat na nais ma experience iyon ay doon muna sa cam site nag lalagi para maranasan muna ang sea of clouds pagsapit ng bukang liwayway.  Inabutan na ng dalawa, Kaloy at Vince na tapos na mag setup ng tent sina Gibo at Nate.

“Dito ang spot niyo kaharap ng tent namin. Medyo marami-rami ngayon ang umakyat dito kaya halos ukopado na ng mga tent ang lugar.” Wika ni Gibo nang dumating na sina Kaloy.

“Ang dami ngang dayo ngayon dito. Dati naman mga lokal lang ang nag pupunta sa lugar na ito.” Tugon ni Kaloy kay Gibo.

“Na hype at na highlight na kasi halos ng mga vlogger ang lugar na ito kaya marami na ang nakakaalam.  Ang tagal niyo naman naka akyat dito?” Tanong ni Gibo kay Kaloy.

“Kumain pa kasi kami ,tapos nag picture-picture sa mossy forest. Akala nga namin tumigil pa kayo roon.” Ani ni Kaloy.

“Saglit lang kami, muntikan na kasi makakita ng away si Nate dun.” Saad ni Gibo.

“Bakit anong nangyari?” Biglang singit na tanong ni Vince nang marinig iyon kay Gibo.

Kinuwento naman nito sa dalawa ang nangyari habang paakyat sila ng mossy forest. Ayon kay Gibo isang babae ang nakipagkilala sa kanila at nakipag-selfie sa pag aakalang mga vlogger din sila ni Nate. Gawa nga na kumpleto ang dalawa sa mga gamit pang vlog. Sinakyan naman ni Nate ang babae at nakipag selfie na nga. Hanggang sa ang iba pa nitong mga kasamang babae ay nakipag selfie narin sa dalawa. Akala naman nina Gibo, walang kasama ang mga babae kundi sila-sila lang.

“Ang lalandi naman kasi ng mga babae, eh kami naman ni Nate naki-pagharutan  na din. Nagulat na lang kami nang may lumapit na dalawang lalake at hinablot ang dalawang babae na kausap namin. Nagulat kami tsaka nakita kasi namin na medyo nasaktan sila kaya umalma na si Nate at sinita ang dalawang lalake. Nagkaangasan, buti na lang naawat ng mga staff ng eco park.” Ayon pa kay Gibo.

Agad naman kinamusta ni Vince si Nate. Tinanong din nito kung alin ba sa mga nandoon ang nakaumpugan nila ni Gibo.

“Wala iyon kaunting hindi pagkakaunawaan lang. Hayaan mo na sila wala namang may nangyaring malala. Tutulungan ko na  kayo sa tent niyo.” Ani ni Nate kay Vince.

“Sure ka? Kilala kita, hindi ka marunong magpautang. Sabihan mo lang ako kung kailangan mo rumebat sa mga iyon. Hindi natin sila papababaing walang marka. Tsaka subukan lang nila lapatan ka ng kamay may kalalagyan ang mga iyon.” Saad pa ni Vince.

“Huwag mo nang alalahanin iyon naayos naman lahat kanina. Isa pa hindi mo na kailangang intindihin pa ako. Kaya ko naman ang sarili ko.” Tugon ni Nate.

“Tinanggal mo na talaga ako sa buhay mo. Sorry dude, nakalimutan ko may Gibo ka na pala.” Wika ni Vince na medyo pabulong kay Nate sabay tapik sa balikat ng lalake tsaka tumalikod at lumapit kay Kaloy na kausap naman nun si Gibo.

Napabaling na lang sa bangin si Nate na pilit pinipigilan ang luhang kumakatok na noon sa kanyang mga mata. Ayaw niyang mapalayo ng lubusan kay Vince pero ayaw niya ring paglaruan ang damdamin ni Gibo. Mahal pa rin niya ang kaibigan at nahuhulog narin siya kay Gibo. At ngayong magjowa na nga sila marapat lang na tanggalin na nito ang nararamdaman kay Vince kahit masakit. Alam ni Nate na kahit sinabi na ni Vince na wala talaga silang relasyon ni Kaloy ramdam nito at nakikita ang chemistry ng dalawa sa isa’t isa. Wala mang aminan, hindi manhid si Nate na hindi maramdaman ang espesyal na tinginan ng dalawa. Wala mang relasyon pero may koneksyon, at masakit iyon para sa kanya.

Naging maganda naman ang mga sumunod na oras sa pananatili ng apat sa camp site. Walang ibang activity roon bukod sa i-enjoy lamang ang nakakamanghang overlooking view ng siyudad sa baba, tsaka ang mala paraisong ganda ng mga tanawin ng kabundukan sa paligid. Kung kaya ang mga campers ay kanya-kanyang gawa na lamang ng mga bagay na ikakaaliw nila. Ang iba bukod sa pag pi-picture picture,at pag tambay doon ang iba naglalaro ng mga boardgames o card game, meron naman nagkakantahan. Ang camp site ay nagsisilbing kanlungan ng mga taong nais takasan ang stress at ingay ng magulong musika ng siyudad. Takbuhan ng mga sawi ang puso para makapagmuni-muni.

“Tahimik ka yata? Hindi ba na meet ng lugar na ito ang expectation mo pare. Sina Gibo at Nate, hayun ginawang photo studio ang bawat sulok dito. Ayaw mo ba sumali sa kanila?” Paglapit ni Kaloy kay Vince. Tsaka tinabihan ito.

“Ayos lang ako pare, tsaka maganda naman talaga ang lugar na ito. May iniisip lang ako. Ikaw baka gusto mo sumali sa kanila, go lang dito lang ako.” Ani ni Vince.

“Lalim naman yata ng iniisip mo, baka gusto mo i-share nandito lang ako.” Wika ni Kaloy.

“Hay naku pare ang mabuti pa halika samahan mo ako mag-iikot-ikot tayo. I-tour mo ako rito sa lugar na ito. “ Tugon ni Vince.

“Saan naman kita i-tour dito, ito na lahat ang camp site na nakikita mo pare. Bukas pag akyat natin sa pinaka-peak may madadaanan pa tayong hot spring at mga maliliit na kuweba, doon kita puwedeng i-tour.” Saad ni Kaloy.

“Iba ang bukas, iba ngayon kaya tara mag ikot-ikot tayo pare.” Sabi pa ni Vince sabay kabig ng kamay ni Kaloy tsaka hinila ang lalake patayo.

Mahaba pa ang oras at maliwanag pa ang sikat ng araw kaya naglakad-lakad muna ang dalawa. Hanggang sa napagpasyahan ng dalawa Kaloy at Vince na bumaba muna saglit at bumalik ng mossy forest. Nang bumalik naman sa kanilang tent sina Gibo at Nate doon  napansin ng dalawa na wala roon sina Kaloy at Vince.

“Hindi ko sila napansin sa paligid, malamang umakyat sila di kaya bumaba pabalik ng mossy forest.” Ani ni Gibo.

“Tingin ko umakyat ang dalawa, maaga pa kasi. Ano sa iyo kung sundan natin sila?” Wika ni Nate.

“Gusto mo ba? G ako. Eh kaso walang maiiwan sa tent natin baka pagbalik natin wala ng laman ang mga dala natin.” Saad ni Gibo.

“Nga noh, sige dito na lang muna tayo. Kung alam ko lang na boring pala rito di sana dinala ko na lang kasama ko ang gitara ko sa bahay. Hindi naman ako makapag online game kasi walang internet signal dito.”

“Sinabi ko na nga ba mabo-bore ka lang dito eh. Paano ba iyan wala tayong mapaglilibangan ngayon. Tsaka ang aga pa nito para kumain.” Sabat ni Gibo.

“Alam mo may naisip ako para malibang tayo, tara sa loob ng tent, gawa tayo ng maraming memories sa loob together.” Tugon ni Nate kay Gibo na may pilyong ngiti sa labi.

“Sa katirikan talaga ng araw?”

“Eh sa tirik na tirik na rin itong tarub ko sa iyo eh. Halika na habang wala pang sagabal sa gagawin natin.” Sabi pa ni Nate.

Tumingin nang may pagsang-ayon si Gibo kay Nate. Papasok na sana ng tent ang dalawa nang may lumapit sa kanilang grupo. Dalawang lalake at isang bakla, tsaka ang isa sa mga babaeng na nakilala na nila bago sila umakyat ng camp site. Naging mabait naman ang dalawa at hinarap ang mga lumapit sa kanila.

“Gilbert and Nate right?” Wika ng babae sa dalawa.

“Yeah and you are Rochelle, tama ba?” Tugon ni Nate sa babae.

“Buti naman at naalala mo, siya nga pala mga beks friend ko. Mga vlogger sila at content creator, si Niel, si Rico at si Dondon.” Pagpapakilala pa ng babae.

“Ano ba ang kailangan niyo at sinadya niyo kami rito?” Tanong ni Gibo.

Naakit ng mala artistang mukha ng dalawa ang mga dayong vlogger at content creator. Nais nilang isama sa kanilang content ang dalawa. Nu’ng una nagdadalawang isip pa si Nate sa gusto ng mga iyon dahil sa hindi naman ito sanay sa ganun. Ngunit nang maisip ang boring nilang araw dun, pumayag din ito. Napa oo na rin si Gibo. Masaya naman ang mga kaibigan ni Rochelle sa pagpayag ng dalawa.

Sa umpisa masaya pang nakikipagsabayan si Gibo sa pag arte kasama sina Nate at si Rochelle, ngunit kalaunan ang nasimulang ngiti ay unti-unting napawi sa mukha ni Gibo nang mapansin ang pagiging malapit ni Rochelle kay Nate. May mga sandali pang napapansin nito na naghaharutan ang dalawa. At sa tuwing nababaling pa ang tingin nito sa dalawa, kitang-kita pa ni Gibo ang abot-tengang ngiti ni Nate na tila ba kilig na kilig naman sa panghaharot ng babae.

“Kilig na kilig ah,… tuwang-tuwa ka naman masyado sa babae na iyan. Trip mo ba siya?” Ani ni Gibo kay Nate na nakasimangot ang mukha.

“Ito naman selos agad, script lang iyon ano ka ba. Tsaka sumakay ka na lang, mukhang okay naman silang ka bonding. Lalo na si Rochelle.” Sagot ni Nate.

“Gusto mo nga.,” wika ni Gibo sabay iwas kay Nate.

“Teka uy, saan ka pupunta? Iiwan mo ako rito?.”

“Ikaw lang naman nag i-enjoy dito eh, babalik na lang ako sa tent natin. Tsaka malapit na magtanghali, magluluto na lang ako ng makakain natin.” Saad ni Gibo.

“Naku huwag na, libre na nila ang food natin. Dumito ka na lang samahan mo ako. Tsaka huwag ka na magselos hindi na ako didikit kay Rochelle.” Sabi ni Nate.

Kung may mga kakilalang bago ang dalawa sa camp site, may kaeksena naman sina Kaloy at Vince sa gubat. Isang hiker ang nakakilala kay Vince. Si Sam, gym coach dati ni Vince. Pero sa halip na si Vince ang kakumustahan nito si Kaloy ang kinakausap nito. Na para bang interesado ito sa binata.

“So taga tagarito ka pala talaga? Hindi lang pala bundok at gubat ang tinatagong ganda ng lugar niyo kundi marami pa. Masaya ako na nakilala kita. Maya punta kayo sa tent namin, inuman tayo.” Wika ni Sam habang kausap si Kaloy.

“Sige ba kuya, pupunta kami mamaya.” Tugon ni Kaloy.

“Huwag mo na akong i-kuya, twenty five pa lang ako tsaka hindi naman nagkakalayo ang mukha ko sa edad niyo. Sam na lang pare.” Ani ni Sam.

Napataas ng kilay si Vince nang bigla na lang inakbayan ni Sam si Kaloy. Napatingin ito kay Kaloy ngunit binalewala lang ng kaibigan ang tingin nito sa kanya. Naging mas personal pa ang naging batuhan ng tanungan ni Sam kay Kaloy. Hanggang sa may itinanong ito sa binata na tila nag trigger sa inis ni Vince.

“May express ka na ba sa kapwa mo lalake pare? Kasi actually sa tindigan mo mukhang habulin ka talaga ng mga bakla. Kahit na nga siguro straight mababading sa kagwapuhan mo eh.” Hirit na tanong ni Sam kay Kaloy.

Umiling na napangiti si Kaloy sa tanong ni Sam sa kanya tsaka tinapunan ng sulyap na may ngiti si Vince na  nasa gilid lang nila.

“Hindi pa, pero gusto ko ma experience kung ano sa pakiramdam. Ikaw ba? Bilang nasa mid twenties ka na,… na guwapo rin at nag gi-gym, ilan na na-experience mo?” Ang pilyong tanong ni Kaloy kay Sam, na sinadya niya talagang iparinig kay Vince.

“Marami na actually, and lahat satisfying but nothing extra. Parang nakikipag bengbangan ka lang din sa babae ganun. Dalawa nga lang ang butas, eh sa babae tatlo ang choices mo, bukod sa entrance at exit may main hole-way pa. Pero over all once na nilabasan ka na. Masasabi mo na parehas lang masarap.” Ang rektang tugon ni Sam kay Kaloy sabay tawa.

“Grabe hindi ko na i-imagine ang sarili ko sa ginagawa iyon. Sa babae pa nga lang takot na akong gawin paano pa kaya sa kapwa ko lalake. Ikaw ba pare, ano ang mas masarap, lalake o babae.” Wika ni Kaloy sabay sundot ng tanong kay Vince.

Hindi nagustuhan ni Vince ang klase ng usapan nila Sam at Kaloy. Pakiwari niya kinokondisyon lamang ni Sam ang utak ni Kaloy para sa balak nito sa binata. Kilala ni Vince si Sam, bagamat wala naman itong karanasan sa lalake, dati pa kung ano-ano na ang naririnig nito patungkol sa  aktibidad ng lalake noon sa gym kung saan siya dati madalas.

Hindi sinagot ni Vince si Kaloy sa tanong nito at iniwan ang dalawa.

“Mukhang nagselos ang boyfriend mo, sundan mo na baka magtampo iyon sa iyo. Kita na lang tayo mamaya, hihintayin kita sa tent namin malaman mo naman iyon dahil sa banner namin.”  Saad ni Sam sabay tapik sa braso ni Kaloy bago ito bumalik sa mga kasamahang hikers.

Natigilan si Kaloy nang tawagin silang magboyfriend ni Vince, ni Sam.

Patakbong hinabol ni Kaloy si Vince.

“Ano ba ang nangyari sa iyo, bakit umalis ka?” Tanong ni Kaloy kay Vince.

“Kapit na kapit ka talaga sa usapan niyong dalawa eh noh?. Tsaka sinabi mo pa talaga na gusto mo ma-experience iyon? Di sana niyaya mo na lang siya na gawin niya iyon sa iyo nang malaman mo.”  Tugon ni Vince na may diin ang bigkas.

“Teka lang naman pare, hindi ko naman yata gusto ang lumalabas sa bibig mo. Sinakyan ko lang naman ang kuwentuhan namin ah. At hindi iyon seryoso. Pero sa tono nang pagkakasabi mo parang hinuhusgahan mo naman ako niyan!” Sagot ni Kaloy na napataas ang boses.

“Kasi nga sarap na sarap ka naman sa usapan niyo. Tinititigan na kita kanina pero sige ka lang sa kanya. Pare hindi mo kilala ang tao na iyon. Hindi mo alam ang tumatakbo sa isip nun. Pero ako alam ko. Hindi mo ba nababasa sa mga salita niya ang intensiyon niya sa iyo?” Ani pa ni Vince.

“Pare alam ko, hindi ako tanga. Huwag mo naman ipamukha sa akin na ang bobo ko sa mga ganitong bagay. Dahil alam ko ang ginagawa ko.”  Sagot ni Kaloy na may sama ng loob kay Vince.  Umabante ito ng lakat at iniwan si Vince.

Napamura nalang sa isip nito si Vince na sinusundan si Kaloy na hindi na lumilingon sa mga tawag niya.

SUNSET

Pabalik na sina Kaloy at Vince sa camp site, pero habang naglalakad ang dalawa ganun parin ang diskusyon nila, tungkol parin sa nabitawang salita ni Vince na hindi nagustuhan ni Kaloy.

“Ang hirap mo namang suyuin pare, paano ko ba i-explain sa iyo na hindi ko naman mini-mean iyon. Naiinis lang talaga ako, kasi parang hook na hook ka sa topic niyo. Na as if naman interested ka sa taong iyon.” Ani ni Vince.

“Pare nag-uusap lang kami tsaka random topic iyon. Kinausap ako ng maayos ng tao, alangan naman bastusin ko siya at balewalain na lang. Pare ang isyu kasi dito ay ang binato mo sa aking salita. Pare nasaktan ako dun. Pare hindi ako pakarat na sabik sa burat. At kung nasabi mo iyon dahil sa nangyari sa atin at sa pagpayag ko na maging “false boyfriend” mo, ngayon pa lang magkakalimutan na tayo.“ Tugon ni Kaloy na matindi pa rin ang pagtatampo sa kaibigan.

“Kailangan ba talaga umabot tayo sa ganito? Pare ayoko… sorry na kung nasaktan kita. Please naman wala namang ganituhan. Lahat na lang ba tatalikuran ako? Pati ba ikaw handang bitawan ako?” Wika pa ni Vince na pilit inaamo si Kaloy.

“Kaya nga ako nasaktan kasi, sa iyo ko pa iyan narinig pare, akala ko pa naman kasi ikaw iyong mas nakakaintindi sa akin kasi mas marami kang alam.” Saad ni Kaloy.

“Kaya nga sorry na, hindi na mauulit. Pangako I’ll be careful na sa sasabihin ko.”

“Pasalamat ka hindi kita matiis. Tsaka tumatanaw talaga ako ng utang na loob.”

“So ibig sabihin,…bati na tayo?”

“Nagtatampo ako sa iyo pero hindi naman tayo magkaaway, pero sige…bati na tayo. Maya niyan hindi na ako makabalik ng siyudad.”

“Patunayan mo. Patunayan mo na okay na tayo. Halikan mo ako,.” Pagbibiro pa ni Vince.

“Ginagawa mo talaga akong bakla noh? Bahala ka nga diyan nang aasar ka lang eh. Balik na tayo ng camp site.” Tugon ni Kaloy sabay iwan kay Vince.

Sa camp site naman, masaya parin nakikipag kilala at nakikisama sina Gibo at Nate sa mga ibang campers na nandoon. Maging ang kanina lang nakainitan ng dalawa naging ka kulitan na rin nila.

“Sorry kanina kung masyado kami naging OA sa mga girls namin. “ Wika ng isa sa mga lalake na nakaangasan ni Nate.

“Sorry din sa naging reaksyon ko. Nabigla lang din ako bro.” Sagot ni Nate.

“Hindi naman namin kayo masisi kung ganun kayo ka protective sa mga girlfriends ninyo. Takaw pansin din naman kasi. At the good side naman, at least nakakilala kami ng mga bagong kaibigan habang ini-enjoy ang lugar na ito. Hindi na boring ang overnight stay namin dito.” Sabat ni Gibo.

“You can join us here if you want. Meron kami ditong board games at card games na puwede niyong paglibangan. And later may jamming session kaming gagawin for all campers. Kung hindi niyo naitatanong mga band mates talaga kami dito. And Rochelle is one of our vocalist.” Ani ng isa pang lalake sa kanila.

“Magaling talaga kumanta iyang si Rochelle kaya Nate, ingat ka nang ho-hold ng mic ang bestie namin na iyan. Baka makantahan ka ng malala at hindi ka na makaakyat ng summit bukas.” Ang hirit ng isa sa mga babae na kaibigan ni Rochelle kay Nate.

Tila na trigger na naman ang selos ni Gibo sa sinabi ng babae kay Nate lalo na nang mapansin na naman nito na muli na naman nakaangkla ang kamay ni Rochelle sa braso ni Nate. Pigil na pigil ang reaksyon ni Gibo na sinasakyan na lang din ang mga biruan. Bagama’t patawa-tawa lang ang kaibigan alam ni Nate na hindi komportable si Gibo sa tuksuhan lalo na pag sini-ship sila ni Rochelle sa isa’t isa.

Nang biglang lumapit ang Niel kay Gibo at naupo ito katabi mismo ng lalake sabay abot sa binata ng malamig na bottled juice. Pansin ni Gibo ang reaksyon ng mukha ni Nate nang tumabi sa kanya si Niel. Doon na nakatiyempo si Gibo na asarin sa inis si Nate. Pagkakuha ng bigay na juice sa kanya ni Niel tumugon ng ngiti si Gibo sa lalake.

“Salamat dito pare, nag-abala ka pa.” Wika nito kay Niel.

“Pansin ko kasi na ikaw lang ang walang hawak na inumin sa atin kaya ikinuha na kita.” Ani ng lalake kay Gibo.

“Magkakasama pala kayo lahat dito. Ang saya niyo namang magbabarkada.” Komento ni Gibo.

“Actually sila lang talaga ang magkakakilala salingkit lang ako sa grupo bilang official videographer nina Dondon at Rico,. Wala nga akong kakilala o ka close sa mga iyan even si Rochelle kanina ko lang din nakilala.  Buti na nga lang at nakilala ko kayo ni Nate lalo ka na. Kahit papano may nakakausap ako.” Tugon ni Niel.

“Magjowa ba sina Rico at Dondon?” Naitanong bigla ni Gibo.

“Oo, pero hindi ko sure kung iyon ang nararamdaman ni Rico kay Dondon.”  Sagot ni Niel na mas hininaan ang boses tsaka medyo pabulong kay Gibo.

Napansin ni Nate ang tila paglapit ng bibig ni Niel sa leeg ni Gibo. Sa anggulo niya alam naman ni Nate na may ibinulong lang ang lalake kay Gibo. Ngunit ewan nito sa sarili kung bakit tila nainis ito sa nakitang kilos ng dalawa. Lalapit pa sana ito kina Gibo nang makita nitong tumayo ang dalawa at umalis na magkaakbay. Napatikom na lang ng kamao si Nate sa asar ng sinulyapan pa ito ni Gibo at tinugunan ng sarkastikong ngiti habang papalayo sila ni Niel.

“Nate, may itatanong sana ako.” Biglang salita ni Rochelle sabay hawak sa kamay ng lalake.

“Ano iyon?” Tanong ni Nate sa babae habang nakasunod parin ang mga mata nitong nakatingin sa papalayong sina Gibo at Niel.

“May girlfriend ka na ba?” Tugon na tanong ni Rochelle.

“Girlfriend? Oo meron na kaya puwede ba tigilan mo na ang paglapit sa akin. Mahal ko ang girlfriend ko at ayokong masaktan siya.” Sagot agad ni Nate.

“Hindi ako naniniwala na mahal mo ang girlfriend mo dahil kung totoong mahal mo siya di sana siya ang kasama mo ngayon dito. Tsaka kung totoong may girlfriend ka talaga hindi mo hahayaang mawala siya sa paningin mo.” Saad ni Rochelle na tinugunan si Nate ng makahulugang ngiti.

“Busy siya, hindi pumayag parents niya kaya hindi ko siya kasama rito. But it doesn’t mean na hindi ko siya mahal.” Ang seryosong sagot ni Nate sa babae habang hinahagilap ang dalawa sa paligid dahil hindi na niya ito nakita.

“Kung iyan ang definition mo ng love hindi love iyon. Ang insensitive mo namang boyfriend kung ganun. Habang malungkot ang girlfriend mo narito ka pa chill-chill lang at nag i-enjoy. Naku kung ako ang girlfriend mo at ganyan ka tapos malaman-laman ko na iba ang kasama mo, naku hihiwalayan talaga kita.”  Komento ni Rochelle.

“Kung ikaw siya, pero hindi naman katulad mo ang girlfriend ko. He…I  mean she’s understanding at supportive naman iyon sa akin.” Ani ni Nate.

“Napaka-supportive to the point na kaya ka niya ipaubaya sa iba? And paano ka naman sa kanya bilang boyfriend? Supportive ka rin ba na willing ka ipaubaya siya sa iba?” Naitanong pa ni Rochelle na tila ba may tinutumbok itong sasabihin kay Nate.

Hindi iyon gets ng lalake ngunit tumugon ito ng tango sa babae. Napangiti na lang si Rochelle kay Nate sabay tapik sa lap ni Nate tsaka ito tumayo para lumapit sa mga kaibigan. Lumingon pa ito kay Nate at may sinabi.

“Kung  mahal mo talaga, huwag mong ikahiya ang relasyon niyong dalawa. At huwag mo hayaang mawala siya sa paningin mo baka makalimutan ka at maka hanap ng pag comfort sa iba. Mababalewala lang ang pagmamahal mo na iyan sa kanya.” Sabi pa ni Rochelle kay Nate.

Naiwang napapaisip si Nate. Muli nitong hinanap sa paligid sina Gibo at Niel na kasalukuyang pababa nun mula sa camp site.

“So ibig sabihin nun niloloko niyo lang pala si Dondon? Ang unfair naman nun sa part niya. Pinagmumukha niyo siyang tanga. Hindi ba kayo naaawa?” Bulalas na reaksyon ni Gibo sa kuwentuhan nila ni Niel.

“Alam ni Dondon na mahal ko si Rico, tsaka hindi ko naman hiniling kay Rico na magustuhan din niya ako. Pero sa totoo lang sa kabila ng nalaman ko na gusto ako ni Rico never sumagi sa isip ko na agawin siya kay Dondon, ever. Kahit ilang beses na niya ako sinubukang painan ng buratso niya. Matalik ko na kaibigan si Dondon at hindi ko kayang ipagpalit iyon sa kapiraso ng laman ni Rico.” Ani pa ni Niel.

“Pero kahit na niloloko niyo parin si Dondon. Ikaw bilang kaibigan bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya na ginagamit lang pala siya ni Rico. Bilang kaibigan dapat may concern ka sa kanya.” Opinyon pa ni Gibo.

“Mawawalan ng career si Dondon kapag nasira ang ‘Ricodon’. Ayoko rin naman na mawawala na lang ang lahat ng pinaghirapan ni Dondon. Siguro nararamdaman naman niya iyon kaso hindi niya lang ini-entertain.” Ayon pa kay Niel.

“Kawawa naman. Sa akin kaya mangyari iyon parang hindi ko kaya. Ayoko talaga na makikisuyo na lang ng atensiyon pagdating sa pag-ibig. Kung ayaw mo sa akin ayaw ko rin sa iyo. Ganun talaga ako.” Wika ni Gibo.

Madaling nakagaanan agad ng loob ni Gibo si Niel lalo na at nasabi sa kanya ng lalake na katulad din niya itong silahista.

“Kaya mo ba hinahayaan na lang si Nate kay Rochelle? Unang tingin ko pa lang sa inyong dalawa alam ko na hindi talaga kayo straight. Siguro instinct na rin. Kaya alam ko magjowa talaga kayong dalawa.” Ani ni Niel.

“Pero kailangan namin itago iyon sa lahat, hindi pa kasi kami out as we sa mga family namin, even sa mga malalapit na kaibigan. Kaya ang hirap din magpigil kung na ti-trigger ang selos ko.” Tugon ni Gibo.

“Kaya ginamit mo ako para i-trigger din ang selos ng isa. Niyaya mo pa talaga ako rito para lang asarin ang jowa mo ah. Baka umuusok na iyon sa galit at magulat na lang ako may lumilipad ng kamao sa pisngi ko.” Wika pa ni Niel.

“Hindi naman ganon si Nate, alam rin naman niya ang rules namin sa relasyon naming dalawa. Pinapaalala ko lang naman sa kanya na nandito ako at ako ang kasama niya.” Saad pa ni Gibo.

Habang naglalakad-lakad ang dalawa, nakasalubong naman nila sina Kaloy at Vince na halatang nagulat kay Gibo dahil iba ang kasama nito at hindi si Nate. Kaya bago pa mag overthink ang dalawa pinakilala na ni Gibo sa kanila si Niel. Tumugon naman ng ngiti si Niel sa kanila at may sinabi ito.

“Hindi ko akalaing Pride camp pala ang dinaluhan ko, ang saya naman ng araw na ito. At mukhang mas may isasaya pa ito mamaya.” Ani ni Niel na ngumiti sa dalawa.

Sumabay narin sina Gibo kina Kaloy na bumalik ng camp. At bungad pa lang si Nate agad ang kanilang nakita. Masama ang tingin nito kina Niel at Gibo. Alam na nun ni Gibo na nagtagumpay ito sa kanyang balak. Pero tinodo pa nito ang pang aasar kay Nate.

“Kita na lang ulit tayo mamayang gabi. Pupunta ako. Salamat sa kuwentuhan bro.” Biglang paalam ni Gibo kay Niel sabay yakap sa lalake.

Gets ni Niel ang mga pagtapik ni Gibo sa kanyang balikat kaya sinakyan din nito ang mga sinabi ni Gibo habang umaalis ito para bumalik sa kanyang grupo.

“Hihintayin kita mamaya, promise kakanta ako for you. Have fun bro.” Ani pa ni Niel kay Gibo sabay kindat sa lalake.

Kita nina Kaloy at Vince ang pag asim ng mukha ni Nate habang nakatingin kay Gibo. Kilala ni Vince si Nate kaya alam na alam nito ang mukha ni Nate kapag nagseselos. Ngunit ayaw na nitong mangi-alam sa dalawa. Lalo na at kani-kanina lang ganun din naman siya kay Kaloy.  Walang imikan ang dalawa nang bumalik ang apat sa kanilang mga tent.

Hapon na nun kaya tamang siyesta lang sila habang nagpapahinga.

Samantala,… habang nag bibilad ng mga tapang karne si Tess lumapit sa kanya si Karding tsaka nag lambing. Niyakap nito si Tess sa beywang at hinalikan sa batok. Napangiti namang hinawakan ni Tess ang mga braso ni Karding at hinalikan ang asawa sa labi nito. Kakabalik lang nun ni Karding mula sa siyudad.

Ngunit ang mga ngiti ni Tess sa ginagawa ng asawa ay saglit nag-iba nang mapansin ang malungkot na mata ni Karding.

“Teka lang mahal, bakit naman ganyan ka. Nakangiti ka nga pero namamasa naman ng luha iyang mga mata mo. May problema ka ba? May nararamdaman ka ba mahal? Ano? Huwag ka namang ganyan, kinakabahan tuloy ako.” Wika ni Tess na may pag-aalala.

“Wala ito mahal, masaya lang talaga ako kaya masyado akong emosyonal ngayon.” Tugon ni Karding na pinunasan ang namumuong luha.

“Hindi mo ako maloloko, matagal na tayong mag-asawa at kilala na kita. Kaya magtapat ka sa akin. Ano ba ang nangyari? May problema ba sa pagpunta mo sa siyudad?” Usisa pa ni Tess.

Hindi na naitago pa ni Karding ang dahilan ng biglaang pagiging emosyonal nito.  Sa pagbisita kasi ni Karding sa mismong lupa na napili niyang bilhin nakaharap niya ang tao na sa mahabang panahon kanya ng kinalimutan at binaon sa hukay ng nakaraan.

“Nagkita kayo? Buhay pa pala siya? Ano ang ginawa niya nang makita ka?” Tanong ni Tess na pinapakalma ang asawa.

“Ayoko nang balikan ang nakaraan. Kontento na ako sa ngayon ko na kasama ko kayo. Hindi ko na siya kailangan sa buhay. Ikaw na ang buhay ko kayo ni Kaloy.” At napayakap na lang talaga ng mahigpit si Karding kay Tess.

“Naiintindihan ko ang bigat ng nararamdaman mo ngayon. At aasahan mo lalo ang pagmamahal ko sa iyo mahal. Walang ano mang nakaraan ang sisira pa sa kasalukuyan natin. Hindi ang bangungot natin ang wawasak sa sinumpaan natin sa dambana ng simbahan. Mahal kita mahal.” Tugon ni Tess.

“Mahal na mahal din kita mahal.” Saad ni Karding tsaka hinalikan si Tess ng marubdob sa labi.

Batid ni Tess ang pinagdaraanan ng asawa. Hindi madali ang kaharapin ang sariling multo at iyon ang nangyayari ngayon sa asawang si Karding. At bilang higit na nakakakilala sa kanya, nariyan si Tess para maging kumot ng asawa sa gitna ng problema nito.

Papalubog na ang araw at ang lahat doon sa camp site ay talagang namangha sa ganda ng view ng sunset sa bahaging iyon. Ang magical ng scene na para bang dinadala ka ng tanawin pagtawid sa panibagong mundo. Ang kulay kahel at pulang langit na animoy abstract painting ay tila nagbibigay ng dagdag na drama sa mga pusong nais maramdaman ang kapayapaan sa piling ng taong mahalaga sa kanya.

“Ang ganda niya, walang kasing ganda.” Wika ni Vince habang ninanamnam ang ganda ng paglubog ng araw.

Nakatayo silang magkatabi ni Kaloy kasama sina Nate at Gibo sa viewing deck ng camp site.

“Patunay lang ng paglubog ng araw na ang lahat ay magkaugnay, ang araw at ang gabi ang  langit at lupa, lahat pinagtatagpo sa paglubog ng araw.” Sabat ni Kaloy na inakbayan si Vince tsaka tinignan sa mukha ng may ngiti.

“Naisip mo pa talaga iyan ha, pero tama ka… lahat naman talaga pinagtatagpo ng tadhana sa tamang panahon at pagkakataon. Parang tayo lang, kung hindi tayo nagkita nun siguro ngayon  iba pa ang katabi ko at kasamang pinapanood ang magandang masterpiece na ito.” Tugon ni Vince na inakbayan din si Kaloy.

Rinig ng dalawa Gibo at Nate ang usapan nina Kaloy at Vince kaya halos sabay na napasulyap sa kanila ang dalawa na tila may kurot ng inggit sa pagiging close nina Kaloy at Vince. Akmang aalis na sana si Nate sa inggit nang hawakan siya ni Gibo sa kamay. Nagkatitigan ang dalawa, mata sa mata. Nang bigla na lang ito kinabig ni Gibo palapit sa kanya.

“Ayoko nang magtago sa lahat Nate, handa na akong magpakatotoo sa sarili ko at sa nararamdaman ko sa iyo.” Sambit ni. Gibo sabay sunggab ng masuyong halik kay Nate sa labi ng lalake.

Ikinabigla ni Nate ang ginawa ni Gibo sa kanya.  Saglit itong natigilan, ngunit nang malasahan ang kahulugan ng mga halik na iyon sa kanya ni Gibo, ngumiti ito… napapikit ng mata tsaka tinugunan ang halik ng lalake. Naging maalab ang laplapan ng dalawa habang magkayakap sa isa’t isa. Di na inalintana ang mga taong kasama nila na naroon. Kinagulat nina Vince lalo na ni Kaloy ang pangasan ng labi ng dalawa. Biglang naalala nito ang mga nakaraan nila ni Gibo noong sila pa ang matalik na magkasama. Nang mga sandaling iyon napagtanto ni Kaloy na hindi lamang pala sa haba ng pagsasama nakikilala ang isang tao. Na hindi lahat ng dati ay ganun parin sa pag usad ng panahon. Na ang lahat pala ay may pagbabago at nagbabago lalo na ang nararamdaman ng puso.

Nalungkot si Kaloy sa nakita nito, ngunit may bahagi rin sa loob niya na masaya dahil sa wakas may taong tanggap si Gibo kung ano siya. Napalingon naman ito kay Vince nang maramdaman ang pag hawak ng lalake sa kanyang kamay. Kinailang iyon ni Kaloy kaya agad nitong binawi ang kamay mula sa kamay ni Vince at isinuksok iyon sa bulsa ng kanyang pantalon. Naintindihan naman ito ni Vince, kaya sa halip pasimpleng inakbayan na lang nito si Kaloy para yayain na iwan na ang dalawa roon.

Bumalik ng kanilang tent sina Kaloy at Vince na ang mga isip ay nasa dalawa parin, Gibo at Nate.

“Nainggit ka ba sa nakita mo sa kanila?” Tanong ni Vince kay Kaloy habang naghahanda sa gagawin nilang siga mamaya.

“Bakit naman ako maiinggit? Nagulat lang ako sa nakita ko. Hindi ko akalaing may ganung tapang si Gibo na gawin iyon sa public. Tsaka bilib din naman ako kay Nate, game din. Mukhang sanay nga kayong magkaibigan sa laplapan.” Tugon ni Kaloy na pilit ang ngiting pinakawalan sa mukha.

“Hindi gagawin iyon ni Nate in public kung wala iyong intensiyon. Oo nagkakahalikan kaming magbabarkada for fun, part ng trip, just for katuwaan lang talaga. At ginagawa namin iyon na kami-kami lang, privately…not in public. Kaya nagulat din ako kung bakit nila ginawa iyon sa mismong harapan natin.” Ani ni Vince.

“Baka siguro gusto lang nila ipaalam sa lahat, sa atin na magjowa na nga sila na proud sila na sila na. At sa tingin ko naman wala namang masama kung mahal talaga nila ang isa’t-isa. Siguro iyon lang naman ang intensiyon nila.” Saad ni Kaloy.

“Never naging proud si Nate sa naging ka-relasyon niya.  Lagi iyang takot na mahusgahan ng mga tao. Hindi siya ganyan, he will never do that. Kahit na mahal pa siya ng taong mahal niya, hindi niya kayang ipagsigawan sa lahat na nagmamahalan sila. Duwag si Nate pagdating sa relationship. I can’t judge Gibo, but with Nate…duda ako. Hindi si Nate iyon.” Ang seryosong sabat ni Vince kay Kaloy.

Hindi na kumontra si Kaloy sa sinabi ni Vince. Naniniwala naman ito na higit na kilala ni Vince si Nate. Ngunit sa paraan ng pagkasabi nito sa kanya tila may mga hugot si Vince sa pag describe kay Nate na tila ba naranasan na nito ang mga bagay na iyon sa kaibigan. Dahilan para mapahirit ng tanong si Kaloy sa kanya.

“Naging mag-jowa ba kayo ng bestfriend mo pare?(pangiti-ngiti pang tanong ni Kaloy) Sa pagkakasabi mo kasi parang na experience mo lahat ng iyon kay Nate ah. Jinowa ka ba ni Nate pare tapos tinago?”

Natigilan si Vince sa pabirong tanong na iyon sa kanya ni Kaloy. Huminga ito ng malalim bago tinugunan ng sagot ang isa. Wala nang pag-aalinlangan pang sinabi ni Vince kay Kaloy ang totoo sa kanila ni Nate. Isang rebelasyon na muling nag pabigla sa kamalayan ni Kaloy na talaga palang may ganun. Kinuwento ni Vince sa kanya ang meron sila ni Nate at nakinig naman si Kaloy sa kanya na walang panghuhusga. Naibahagi rin ni Vince kay Kaloy ang totoong nangyari noong nandoon sila sa ilog at kung bakit nauwi sa di pagpansinan ang lahat.

“Sa totoo lang sobrang sarap sa pakiramdam nung ginawa natin ang pag papanggap. Kahit na alam kong hindi totoo, naramdaman ko na bahagi talaga ako ng isang relasyon na iyon. At masaya ako kasi pinaranas mo iyon sa akin.” Ani ni Vince kay Kaloy.

“Pero hindi lang naman si Nate ang nakarelasyon mo ah, diba nagka girlfriend ka naman sabi mo? Tsaka hindi lang isa, kundi marami.  Bakit pag dating kay Nate iba ang atake sa iyo pare, tapos parehas pa kayong lalake.” Komento ni Kaloy.

“Mahirap ipaliwanag pero kasi iba talaga ang naramdaman ko sa kanyang pagmamahal pare. Meron kasi sa kanya na panatag ako, alam mo iyon na parang siya iyong pahinga ko sa kabila ng maingay kung mundo. Being with him pakiramdam ko safe ako. “ Sambit ni Vince.

“Pero sabi mo, kapwa niyo naman piniling ilihim sa lahat ang relasyon niyo. Bakit nag-iba bigla?”

“Seloso akong tao at nakita mo iyon. Nalaman ko na lingid sa akin may iba pang guy na nagpaparamdam kay Nate, doon na ako natauhan na tama na ang pagtatago. But nung nag decide ako na i-out na ang relasyon namin ayaw niya, natakot siya hindi pa siya handa. And I understand kasi nga ayoko namang isumpa siya ng dad niya. Kahit masakit tinanggap ko ang sitwasyon namin. Pag kami lang dalawa… kami…pero sa labas parang hindi kami konektado sa isa’t isa. Malaya kaming makipaglandian kahit kanino sa labas ng aming kahon at nakakapagod iyon pare, nakaka drain ng emosyon pero pinilit kong itawid iyon. Itinigil ko ang mga kalandian ko sa mga babae para ipakita kay Nate na siya lang at wala ng iba. Pero siya hindi. Hindi ko naman siya masisi kasi rules namin iyon. Hanggang sa nasanay na lang ako, not until naisipan kong gawin ang fake relationship natin. That day ang lahat ng sana ko nangyari. At ang mga takot ko hindi nangyari.  Marami ang natuwa sa akin, oo may mga nanghusga pero lahat ng mga kaibigan ko tinanggap ako, tinanggap ang relasyon natin. Maging parents ko walang nasabing masama against sa atin. At iyon ang pangarap ko sa relasyon namin ni Nate.” Paglalahad pa ni Vince kay Kaloy.

“Na hindi na matutupad kasi may nakita ka ng kapalit ko sa puso mo.” Biglang bungad na tugon ni Nate na nasa likod na pala ng dalawa.

BONE-FIRE

Napalingon ang dalawa sa paglapit ni Nate sa kanila, narinig pala nito ang kanilang usapan kaya napa komento ito ng pabiro ngunit may laman sa sinabi ni Vince.

“Biro lang iyon dude, napansin ko lang kasi na medyo seryoso kayo kanina. Sumaglit lang ako para yayain kayo dun sa kabilang mga campers. May patugtog kasi sila dun mamaya.” Wika ni Nate.

“Si Vince baka trip niya. Pero ako kasi dito lang, magpapahinga. Medyo napagod kasi ang binti ko sa pag-akyat kanina. Nanibago siguro.” Pagdadahilan ni Kaloy.

“Dito lang kami ni Kaloy, kayo na lang ni Gibo ang mag enjoy dun…dude.” sabat ni Vince kay Nate tsaka tumabi kay Kaloy sabay akbay sa lalake.

“Okay, mukha nga mas nag i-enjoy nga kayo sa isa’t isa. Sige balikan ko na lang si Gilbert…dude.” tugon ni Nate na kahit nakangiti bakas sa mga mata nito ang lungkot at panghihinayang.

Nang makalayo na ito sa dalawa. May sinabi si Kaloy kay Vince.

“Sa totoo lang pare, na we-werduhan na talaga ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Alam mo iyong pakiramdam na tila may mga pader sa paligid nating apat. Magkakasama nga tayo rito, mukhang okay naman tayo lahat pero parang may puwang sa mga pagitan natin. Kami ni Gibo nag-uusap nga kami pero ang lamig ng dating niya sa akin. Ni hindi nga niya ako matitigan ng deretso sa mga mata. Kayo naman ni Nate, nag-uusap nga pero parang nagpaparinig naman lagi sa isa’t isa. Naisip ko tuloy tama ba ang desisyon natin na sumama sa kanila rito? Parang ang layo-layo rin naman natin sa isa’t isa kahit kaharap lang naman natin sila. Nakakapanibago lang talaga sa pakiramdam pare. Hindi ako sanay sa ganito.” Puna pa ni Kaloy.

“Huwag mo kasing pansinin, naninibago ka lang dahil sa mga nalaman mo sa amin. Pero normal lang ito pare, hindi naman kasi ganun kadaling makasanayan ang bago. Lalo na at harap-harapan sa mga mata mo makita na iba na ang kasama niya at hindi na ang dati.” Ani ni Vince.

“Ibig sabihin, nagseselos ka nga kina Gibo at Nate…pare?” Tanong ni Kaloy sa kaibigan.

“Hindi naman sa selos talaga, more on panghihinayang. Nasanay kasi ako na kami lang dalawa noon. At malamang ganun rin ang nararamdaman ni Gibo sa atin. Bigla na lang siya nawala sa frame niyo nang dumating ako sa iyo.” Tugon ni Vince.

“Si Gibo ang humiwalay ng sarili niya sa amin lalo na sa akin. At kahit anong mangyari may dumating man na bago, hindi na mapapalitan ng iba ang pinagsamahan naming dalawa pare. Nasa kanya na iyan kung papahalagahan pa rin niya ang pagkakaibigan namin o babalewalain niya dahil sa nararamdaman niya sa akin. Pero ako mananatili akong tapat sa pagiging magkaibigan namin.” Saad ni Kaloy.

“Kung ganun rin sana ang nasa isip ni Nate. Ang suwerte talaga ng mga kaibigan mo sa iyo pare. Kaya mahal ka ng mga kaibigan mo kasi totoo ka rin magmahal sa kanila.”

“Siyempre kasama ka na dun. Tsaka hindi ka rin mahirap magustuhan na kaibigan pare. Biro mo unang kita palang natin nun magaan na agad ang loob natin sa isa’t isa. Kaya kahit na medyo nakakailang, pumayag agad ako sa trip mong magpanggap tayong may relasyon. Kasi nga hindi ka mahirap magustuhan pare…”

Hindi na naituloy pa ni Kaloy ang sasabihin nito nang bigla na lang ito hinawakan ni Vince sa mukha at tinitigan ng husto sa mga mata.

“Gusto mo rin ako pare?” Tanong ni Vince

“Oo naman pare, gustuhin ka naman talaga bilang kaibigan. At hindi kaila iyon sa dami ng mga kaibigan at barkada mo na dumalo nung pa-party mo.” Sagot ni Kaloy kay Vince sabay tayo.

Bigla na naman kasi ito nailang sa ginawang paghawak ni Vince sa mukha nito. Lilipat pa sana ng puwesto si Kaloy nang muling hawakan ni Vince ang kamay nito sabay hila sa kanya para umupo muli sa tabi ng kaibigan. At sa paghila nga ni Vince sa kanya hindi agad ito nakapagbalanse at napaupo ito sa kandungan ni Vince. Mabilis naman kumalas si Kaloy sa ibabaw nito ngunit naging maagap ang mga braso ni Vince na agad niyapos ng yakap si Kaloy paharap sa kanya tsaka hinalikan ito sa labi.

Papalag pa sana si Kaloy sa paglapat ng bibig ni Vince sa labi nito nang kinabig na siya ng husto ng isa at nilaplap ng todo. Namilog ang mga mata ni Kaloy sa ginagawa ni Vince. Ngunit sadyang determinado si Vince sa balak nito kay Kaloy. Pilit nitong pinapasok ang dila nito sa bibig ni Kaloy hanggang sa unti-unti namang pina-palaya ni Kaloy ang kanyang mga labi. Saglit pa kusa na itong kumilos para labanan ang mapusok na labi ni Vince. Maya-maya pa napapikit na lang ng mata si Kaloy habang sinasabayan ang mga kilos ng labi ni Vince sa kanyang mga bibig. Napayakap na rin ito ng marahan sa katawan ni Vince.

Papadilim na sa mga sandaling iyon kaya halos anino na lang ang mga naaaninag sa paligid, ngunit ang laplapan ng dalawa Kaloy at Vince ay malinaw na malinaw na nakikita ni Gibo na sa mga sandaling iyon nakatayo lamang doon at nakikinood sa dalawa. Tila pinupunit ang puso ni Gibo sa tagpong nakikita, nais nitong pigilan ang dalawa ngunit wala naman itong dahilan para gawin iyon. Hindi na nito matiis ang eksena. Paalis na ito nang masagi ng paa nito ang lutuan nila kaya lumikha iyon ng ingay.

Dahil sa ingay na iyon naputol ang tukaan nina Kaloy at Vince. Natauhan ang mga ito sa kanilang ginagawa nang mapansin si Gibo na papaalis na roon. Biglang nagkahiyaan ang dalawa na hindi agad nag kikibuan sa isa’t isa. Hanggang sa tumayo si Kaloy.

“Maghahanap lang ako ng dagdag na kahoy dun para makapag apoy na tayo.” Wika ni Kaloy tsaka umalis.

“Bilisan mo lang, ihahanda ko lang ang makakain natin. Magniningas na rin ako rito para dagdagan mo na lang pagbalik mo.” Tugon ni Vince na nginitian si Kaloy.

Pansin naman nun ni Nate ang biglaang pagbago ng ekspresyon ng mukha ni Gibo, tahimik ito at tila malalim ang iniisip. Sinabi nito kay Nate ang kanyang nakita.

“Hayaan na lang natin. Focus na lang tayo sa meron tayo. Baka nga tayo talaga ang tinadhana sa isa’t isa. Masakit pero kailangan tanggapin.” Saad pa ni Nate.

“Ano pa nga ba, pinakawalan pa natin eh kaya napunta sa iba.” Sabi naman ni Gibo.

“Hindi naman tayo nawalan, nahanap naman natin ang isa’t isa. Kaya it’s a tie parin. Tsaka mas masarap ka kakama, I mean kasama at higit sa lahat ako naka first time sa iyo.” Nakangiting tugon ni Nate kay Gibo sabay halik nito sa bibig ng lalake.

“Sabagay, pina experience mo na sa akin lahat. Maghahanap pa ba ako…” Pagtugon ni Gibo sabay binigyan ng marubdob na halik si Nate sa labi nito.

Kasabay ng tuluyang pagkalat ng dilim sa paligid ang pagliwanag naman ng kanya-kanyang mga bonfire sa kada mga campers doon. Naging mas maganda pa ang gabi ng masilayan ang milyon-milyong mga bituin sa kalangitan na kitang-kita dahil sa maaliwalas na panahon. Maya-maya pa nagsimula nang mag perform ang grupo ng mga bandistang campers. Acoustic ang atake ng kantahan at jamingan hindi kalayuan sa tent nila Vince at Kaloy.

Nakisabay narin sa kantahan ang ibang mga campers at nagsimula na ngang magkumpulan doon. Lahat nakikikanta at nakiki vibe sa mga nagpe-perform na banda. Habang sina Vince at Kaloy nandoon lang sa kanilang tent, magkaharap sa ginawa nilang siga. Nang magtanong si Kaloy kay Vince.

“Bakit mo iyon ginawa? Ano ba ang naiisip mo at ginagawa mo iyon sa akin?” Pag seryosong tanong nito kay Vince.

“Galit ka ba sa ginawa ko sa iyo?” Balik na tanong ni Vince kay Kaloy.

“Hindi…ibig kong sabihin,…hindi ko rin alam kung bakit hinahayaan kita.” Sagot ni Kaloy.

“Iyong totoo nagustuhan mo rin ba ang mga paghalik ko sa iyo pare?, nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko sa iyo sa mga halik ko sa iyo? Tanong pa ni Vince na unti-unting lumalapit kay Kaloy.

“Gusto… nagustuhan ko.” Ang mahinang tugon ni Kaloy kay Vince na nakatitig lamang sa mukha ng lalake.

“Kung nagustuhan mo,… nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko pare?” Tanong muli ni Vince kay Kaloy na mas inilapit pa ang mukha sa kanyang mukha.

“Ano ba ang nararamdaman mo? Hindi kita maiintindihan.” Ani pa ni Kaloy na hindi na makakilos sa paglapit ni Vince sa kanya.

“Sagutin mo ako pare, nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko sa iyo? Sabihin mo sa akin, kasi ako ramdam ko na may nararamdaman ka rin sa akin. Damang-dama ko iyon sa mga pagtugon mo ng halik sa akin. Pare gusto kita. At mahirap man paniwalaan palagay ko mahal na kita. Pare I love you.”

Bago pa makasagot si Kaloy muli na namang kinulong ni Vince ng mga halik nito ang labi ni Kaloy at sa puntong iyon naging palaban na si Kaloy sa digmaan ng kanilang mga bibig. Matinding pangasan ng labi ang pinagsaluhan ng dalawa hanggang sa natagpuan na lang ni Kaloy ang sarili nila na nasa loob na ng kanilang tent habang magkalapat parin ang mga nguso sa isa’t isa.

“Tama ba ang ginagawa nating ito pare?” Bulong na tanong ni Kaloy kay Vince habang hinuhubaran siya nito ng saplot sa katawan.

“Walang tama walang mali, ang mahalaga gusto natin ang isa’t isa. Pangako pare hinding-hindi mo pagsisisihan ang gagawin natin. Atin lamang ang sandaling ito at walang makakapigil sa atin.” Tugon pa ni Vince at muling nilaplap ang nguso ni Kaloy.

Dahil first time, si Vince ang naging driver sa kanilang biyahe patungong ulap. Hindi magkamayaw si Vince sa kakatakip ng palad nito sa bibig ni Kaloy sa tuwing sinusubo nito ang buratso ng lalake.

“Tang na pare, ang sarap puta…parang lalabasan agad ako…” Wika ni Kaloy.

“Mamaya na kasi, sabay na tayo. Hayaan mo muna akong pagsawaan ang longganisa mo pare.” Nakangising tugon ni Vince.

At kasabay ng musikang naririnig mula sa labas,…ang impit na ungol naman ang nag sisilbing tugtog na sinasayawan ng dalawa sa loob ng tent.

Pinagpatuloy pa ni Vince ang paglalaro sa mahaba at malaking kuntil ni Kaloy na namamaga na sa katigasan. Kinabaliw talaga ni Kaloy ang pambibitin sa kanya ni Vince. Hanggang sa nagmakaawa na ito sa isa tigilan na nito ang pagpapahirap sa kanya. Ngumiti naman sa kanya si Vince sabay nilaplap niya muli ito sa labi. Maya-maya pa pumatong na si Vince sa ibabaw ni Kaloy at pinantay ang puwesto ng kanilang mga tarub sa isa’t isa tsaka sinimulang jabulin ng sabay ang mga iyon. Ngilong-ngilo si Kaloy ngunit may ibang dulot iyon na kiliti sa kanya lalo na nang gumalaw si Vince sa ibabaw niya tsaka dinaganan siya nito.

Nagis-isan ng balat ang dalawa habang nag hahasaan naman ang kanilang mga sandata na nag i-espadahan. Hindi pa tukoy ng dalawa kung sino sa kanila ang handang maging top o bottom kaya minabuti na ni Vince na mag side-fun na muna sila. At bilang siya ang higit na may karanasan sa ganun. Ginawa nito ang lahat lamang maiparamdam kay Kaloy na kaya rin ng kapwa at parehong lalake na paligayahin ang isa’t isa. Muling binayo ng sabay ni Vince ang kanilang mga kabuteti hanggang sa umabot na nga sa kasukdulan ang dalawa. Halos sabay na bumulwak ang kanilang mga katas na ang iba tumalsik pa sa bibig at pisngi ni Kaloy. Agad naman iyon sinimot at dinilaan ni Vince tsaka tinapos ang tagpo sa masuyong laplapan habang magkayakap ang dalawa.

Balik ng siyudad, magkaharap nun sina Sonya at ang kuya nitong si Seth sa terrace habang nag iinuman kasama si Herman.

“Paano ko maintidihan agad eh ni hindi ko man lang alam nun na ganyan ka. Tsaka ano sa tingin mo ang magiging reaksyon ko matapos ko kayo makita ni Herman na magkayakap sa isa’t isa.” Wika ni Sonya.

“Masyado ka kasing nagpapaniwala sa tsismis. Tsaka grabe ka rin mag overthink. Sa sobrang grabe, hindi mo man lang hinayaan si Herman na mag explain hiniwalayan mo agad. Pati ako kinansel mo rin. Pati tuloy buhay ng anak niyo nadamay. Tsaka ang tindi niyo rin mag celebrate ng pride month, five years talaga. “ Tugon ni Seth.

“Alam mo naman na buong buhay ko si Herman lang ang lalake na minahal ko. Kaya ang sakit na malaman na meron siyang iba, tapos kuya ko pa ang dahilan.” Ani ni Sonya.

“Pero hindi nga naging kami ni Herman noh. Yes naging kaibigan ko siya at kabarkada simula highschool at to be honest crush ko naman iyan dati pero nung naging kayo, nawala na iyon. Ako pa nga nag push sa inyo dati diba. Iyong moment na nakita mo kami may pinagdadaanan lang ako nun na si Herman lang ang nakakaintindi sa akin. Hindi niyo pa naman kasi alam na gay na ako that time.” Kuwento pa ni Seth.

“Pero dahil dun sinira niyo ang tiwala ko sa inyo. Bakit pa kasi nilihim mo sa amin ang tungkol sa iyo. Matatanggap ka naman namin ah. Siguro kung nagsabi ka nu’ng una palang hindi na sana kami umabot sa hiwalayan ni Herman.” Saad ni Sonya.

“Talaga ba? Eh palagay natin sinabi ko iyon. Do you think matutuwa si dad na malaman laman na ang nagiisa niyang lalake na pinakapaborito niya ay sirena pala? At isa pa, hindi pa ako handa nun na ilabas ang kapa ko sa lahat.” Ani pa ni Seth.

“Tama na nga ang ungkatan na iyan ang mahalaga nagkaayos na tayo. At kami na ulit ni Sonya. Kung alam niyo lang kung gaano ko pinangarap ang sandaling ito. And finally after a long five years natuldukan din. “ Paglapit ni Herman na may dalang beef salpicao para maging dagdag pulutan ng tatlo.

“Hindi ka pa ba tapos sa pa good shot mo dito kay Sonya? Ikaw pa talaga ang nangamay para magluto ng pulutan natin.” Wika ni Seth.

“Bumabawi lang. Pero it’s not naman about us ang pinunta mo rito diba? So doon tayo sa reason mo. Ano ba iyong ini-emote mo kanina sa cellphone? Sino ang bumalik?” Sambit ni Herman.

“Okay, remember that person na very reason kung bakit ako nag decide na pakawalan ang sarili ko? Iyong tao na super naging malaking part ng buhay ko before na iniyakan ko talaga ng sobra?”

“Sino naman dun? , ni isa nga sa mga naging lalake mo hindi ko man lang nakilala o nakaharap man lang. Magugulat na nga lang ako dati pag nag ra-rant ka sa akin tungkol sa mga naka-relasyon mo eh. I think sa lahat ng mga iyon si Clint lang yata ang nakilala ko at nakasuntukan dahil sa ginawa niya sa iyo nun.” Sabat ni Herman.

“Latest iyon, tsaka hindi naman siya naging part ng buhay ko talaga. Ang tinutukoy ko ang naging una ko bago sila. The very person na minahal ko talaga ng sobra.” Sagot pa ni Seth.

“Sino nga iyon? Lapag mo na kasi ang dami mo pang pasakalye.”

“Si Ricardo Ajero, ang lalaking naging dahilan kung bakit iniwan ko si Georgina dati. At kung bakit mas pinili kong mag stay ng UK nun.”

“Teka kuya you mean lalake talaga ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal niyo ni Georgina dati? Ang kuwento kasi sa akin nun ni Georgina kaya kayo nagkalabu-an dati dahil sa babae. At kaya hindi natuloy ang kasal niyo kasi nga  nalaman niya na buntis iyon sa iyo. At muntikan pa nga sila magpang-abot nun sa kasal nina Karl at Jessica diba? Nandoon pa ako nun kaso hindi ko lang namukhaan ang babae.” Singit na komento ni Sonya sa usapan ng dalawa.

“Iyon ang pinalabas kong dahilan para hindi lang matuloy ang kasal. Kasi nga bukod kay Georgina meron na akong Ricardo. At mas mahal ko iyon kumpara sa kanya. Kaya ko lang naman niligawan at niyayang pakasalan ang babaing iyon dahil kay dad. Tsaka sa negosyo.” Paglalahad pa ni Seth.

“I don’t know about this Ricardo, kasi never ko naman siya na meet actually, pero naalala ko, I heard his name sa iyo before.” Ani ni Herman.

“Na met mo na siya once, but I don’t think you can still remember him. Siya iyong guy na nakita mong kasama ko sa condo ko nung araw na susunduin mo sana dapat ako para sa bachelor party ni Karl.”  Kuwento pa ni Seth. Sabay pakita ng picture kay Herman sa kanyang cellphone.

Nang binalikan ni Herman ang kuwento ni Seth habang nakatingin sa picture, biglang sumagi rin sa isip nito ang tagpo kung saan nakilala nito ang tatay ni Kaloy.

“Ako nga pala si Herman ama ako ni Vincent. Sa inyo ba itong puwesto na ito? Nakita kasi namin sa online na nandito ang anak namin. ito siya.”  Paglapit nun ni Herman kay Karding sabay pakita ng larawan ni Vince sa cellphone na hawak nung araw ng Agri fair.

“Anak niyo pala si Vince, ako nga pala si Karding. Sa amin nga nakikituloy ang anak niyo. May pinuntahan lang sila saglit maya-maya lang nandito na iyon.” Tugon ni Karding na tila iniiwas ang mga tingin kay Herman.

“Sorry pero… nagkita na ba tayo minsan. Kuwan kasi mukhang pamilyar ng mukha mo sa akin, hindi ko lang matandaan kung saan.” Puna bigla ni Herman kay Karding.

“Imposible iyon, ngayon ko nga lang kayo nakita at nakilala. Baka naman kamukha ko lang. Marami namang ganun.”

Naputol lang nun nang dumating na sina Vince. Ayaw man isipin ni Herman na baka ang tinutukoy ni Seth na Ricardo ay ang Karding na ama ni Kaloy. Pero ang larawan na tinitingnan nito at ang alaala ng mukha ni Karding sa isip nito ay walang pinagkaiba. Nagkakadeperensiya nga lang sa edad pero hindi talaga nalalayo ang pagkakapareho ng kanilang mga mukha. Bagama’t may pagdududa hindi muna iyon sinabi ni Herman kay Seth. Hinayaan muna nito ang isa na magkuwento sa kanila.

“Sa hinaba-haba ng panahon parang muli akong ibinalik ng tadhana sa nakaraan ko nang magkita kami kanina sa  site. Grabe sa dinami-dami ng tao na puwedeng bumili ng lupa na iyon siya pa talaga.”  Dagdag pa ni Seth.

“Ano namang problema dun eh matagal naman kayong tapos, tsaka nagkita kayo hindi naman para mag reconnect kundi para bumili sa iyo ng lupa. Kuya naman daig mo pa kami ni Herman. Kami five years lang , eh kayo eighteen years ng wala, hindi ka parin makapag move on?” Hirit ni Sonya kay Seth.

“Si Ricardo lang ang tanging lalake na nagmahal sa akin noon at minahal ko ng sobra.  Siyempre iba lang talaga ang atake sa akin nang pagkikita namin noh. Hindi mo kasi gets kasi magkaiba ang wavelength natin pagdating sa nararamdaman.”

Doon nga mas nabuksan pa ang kuwento ng buhay pag-ibig ni Seth sa harapan ng dalawa. Masasabing late bloomer si Seth nang marealize sa sarili na gay siya. Mid collage na niya natuklasan ang mga pagbabago sa kanyang pagkatao. At sa mga kinakaharap nitong mga pagbabago si Herman ang tanging nakakaalam ng  sekreto nito. Mula pa high school sila na iyong malapit sa isa’t isa. Kaya nung may nararamdaman na si Seth sa sarili si Herman din ang unang nakadiskubre nun. At mas lumalim pa ang samahan ng dalawa nang maging kasintahan na nga ni Herman ang kapatid ni Seth na si Sonya. Kaya kahit hanggang sa naging magbayaw na nga ang dalawa si Herman parin ang takbuhan ni Seth sa tuwing na dedehado ito sa pag-ibig. Maging sa mga sandaling nahihirapan na si Seth, katuwang parin nito si Herman sa pagtago ng kanyang sekreto. Kung kaya’t maging si Sonya nun walang alam sa tunay na kulay ng kanyang kuya, at sa halip si Herman pa ang napagkamalan nitong bakla nun nang minsan niyang nahuli sina Herman at Seth na magkayakap sa isa’t isa.

Ang paguusap ng tatlo ay naging daan na rin para muling ibalik ang nagkalamat nilang ugnayan dulot ng maling panghuhusga at hinala.

“PIECES”

Kakauwi lang nun ni Karl galing sa opisina nito nang kinatok agad ito ni Nathalie sa kanyang silid.

“Oh bakit Jane? Ano na naman ang kailangan mo? Don’t tell me wala na namang laman ang card mo?”

“Hindi naman iyon dad. May ipapakita lang ako sa iyo. Nakita ko lang din ito nang mag halungkat ako sa mga sa wedding photos niyo at videos ni mommy at ito ang napansin ko. I don’t know kung sa akin lang ito ha. Pero kasi kahawig mo nung kinasal kayo rito ang boyfriend ni Vince.” Ani ni Nathalie.

“Ano? Tinawag mo talaga ako dahil lang diyan? Tsaka sa dami ng puwedeng ikumpara sa akin doon pa talaga sa baklang iyon. Tsaka hayaan mo na ako na mag hanap sa kapatid niyo. Tatapusin ko lang ang mga trabaho ko sa opisina at ako na ang bahala.”  Saad ni Karl. Na tila nawalan na nang interes sa ipapakita sana ng anak na babae.

“Dad naman,… ano ba ang problema mo sa mga bakla. Bakit ang init ng dugo mo dun sa kinakasama ni kuya  Vince? Pati si Kuya Vince ayaw mo na rin papuntahin rito.”

“Wala naman akong problema sa tulad nila, talagang ayoko lang ang tulad nila. Hindi ako kumportable.” Tugon pa ni Karl.

“Ang homophobic niyo naman dad, paano kung malaman mo na bakla si kuya Nate? Ano ang gagawin mo? Huwag mong sasabihin na papalayasin mo rin dito sa bahay kasi di ka kumportable?” Katanungan pa ni Nathalie sa ama.

“Iyan ang huwag dapat mangyari dahil hindi ko lang papalayasin ang kuya mo. Isusumpa ko pa siguro iyon. Pero tiwala naman ako na hindi ganun ang kuya mo. Lalaking-lalake ang kuya mo at siya ang magpapalago ng apelyido ko.”

“Talaga naman dad, lalaking-lalake itong panganay niyo.” Biglang sabat ni Nate na kakarating lang mula sa bakasyon.

Narinig nito ang usapan ng kapatid at ama nang pumasok ito ng living room.

“Good afternoon dad, mukhang ako yata ang palaman ng usapan niyo kanina nitong si Jane ah. Ano ba meron dad?” Wika ni Nate.

“Itong kapatid mo kasi naisingit sa usapan namin ang kabaklaan ng kaibigan mong si Vince.  Siya nga pala akala ko isang linggo kayo roon, bakit umuwi ka na? Hindi ka ba nagandahan sa lugar?” Tugon pa ng ama.

“Maganda ang lugar dad actually kaso, next week na rin ang klase.  Dapat ready na iyong katawan namin para sa unang araw ng pasukan kaya naisipan namin na bumalik na.” Ani ni Nate na tila nailang sa narinig sa ama.

“Nate…kung gusto ng kaibigan mong si Gilbert na pumunta rito, ayos lang sa akin. Gusto ko rin makilala ang nag-iisang anak na lalake ng tito Gab mo.”

“Sigurado ka dad? “ Ang may pagtatakang tanong ni Nate sa ama.

“Kung di mo naitatanong, matalik ko na kaibigan ang ama ni Gilbert. And I know na kung ano ang puno ganun din ang bunga. At base sa naikuwento ni Gab sa akin tungkol sa anak niya, mukhang mas gusto ko siya para sa iyo kumpara dun kay Vince.” Saad ni Karl.

“Gusto mo si Gibo sa akin pero galit ka sa mga bakla. Ang gulo mo dad.” Sa isip pa ni Nate.

“May sinasabi ka Nate?”

“Wa-wala dad,…sige pag nagka time invite ko rito si Gilbert dad. Akyat muna ako ng kuwarto, maliligo muna ako ang lagkit na ng katawan ko sa biyahe kanina.”

Napaismid naman si Nathalie na sinundan ng tingin ang kuya na paakyat ng hagdan.  Umalis din ito at tinungo ang ina sa kusina. Naiwan naman si Karl sa sala na nanood ng tv.

Nakabalik na rin sina Vince at Kaloy. At kasama nga sa kanilang pag-uwi sa bahay nila Vince ang mga bitbit na pasalubong ni Kaloy galing sa kanila para kina Herman at Sonya. Sa bungad pa lang ng gate pansin na ng dalawa ang kakaibang vibe ng mansiyon. Ramdam lalo ni Vince ang magaan na pakikitungo ng lahat mula sa kanilang guard , sa driver at mga kasambahay nila. Si Ponyang ang agad na sumalubong sa kanila.

“Welcome home sir Vince, sir Kaloy”.

“Manang naman si Vince lang ang sir niyo rito. Kaloy na lang po.” Tugon ni Kaloy sa yaya ni Vince.

“Utos ni sir Herman na iyon din ang itawag sa iyo. Bilang parte ka na ng pamilya Monteverde.” Saad ni Ponyang.

“Manang may nangyari ba rito na hindi namin alam nang wala kami? Tsaka ano iyong sinabi niyo kanina? Si Kaloy parte na ng pamilya?” May pagtatakang tanong ni Vince.

“Sina mommy at daddy mo na lang ang tatanungin mo tungkol diyan pag uwi nila. Halina kayo sa loob. Sir Kaloy akin na iyang mga dala mo nang maideretso ko na sa kusina. Grabe ang sasariwa naman nito. Galing lahat ito sa taniman niyo noh?” Wika pa ni Ponyang.

“Siyempre naman po manang kami pa ni Vince ang namitas ng mga iyan dun.” Sabat ni Kaloy.

“Teka manang saan na naman ba nagpunta ang dalawa? Magkasama ba sina mommy at daddy?”

“Oho, sinundo nila si Senyora Silvia, ang mamita  mo. Ngayong araw din ang uwi niya rito. Kaya sakto talaga ang pag uwi niyong dalawa.”

Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Vince nang marinig ang balita sa pag-uwi ng kanyang mamita. Ngunit may pagtataka rin ito dahil sa nalaman na magkasama ang mga magulang nito sa pagsundo sa airport. Nagtataka rin ito sa mga kinikilos ng mga tao sa kanila na iba sa mga nakasabayan niyang makita sa araw-araw.

Pagkapasok nila ni Kaloy sa kuwarto iyon agad ang napag-usapan ng dalawa.

“Ang weird talaga ng mga tao ngayon. Bakit ang saya ng lahat. Tsaka buhay na buhay itong bahay. Ano ba ang nangyari nang wala tayo?” Wika ni Vince.

“Baka kasi uuwi ang mamita mo kaya ganun sila. Tsaka ayos nga eh, hindi na mukhang hunted house itong bahay niyo. Nakikita na natin ang mga kasambahay niyo. Nu’ng unang mga araw ko kasi rito tila umiiwas silang lahat parang takot,si Manang Ponyang lang ang madalas umaasikaso sa atin. Lalabas lang ang mga iyon kapag tinatawag. Kanina prang nakakapanibagong makita ang lahat na active sa ginagawa nila at mukha pang masaya.” Ani ni Kaloy.

“Ewan ko pero pakiramdam ko talaga may something sa bahay. Pati sina mommy at daddy magkasama pa ngayon sa pagsundo sa kay mamita.”

“Yaan mo na, kung ano man iyon tingin ko naman maganda ang nangyari rito. Kita at ramdam mo naman sa pagpasok natin kanina.”

“Sana kasing ganda sa nangyari sa atin dalawa baby love. Finally naging official na ang tawagan natin. Hindi na ito pagpapanggap, talagang totohanan na ito.” Wika ni Vince nang marahang hinawakan ng dalwang mga kamay ang mukha ni Kaloy.

“Bago sa akin ang relasyon na ito, sana mabigay ko sa iyo ng sapat at tama ang expectation mo sa relasyon natin. Alam mo naman na wala pa talaga akong experience pagdating sa ganito.  Tapos unang subok ko sa kapwa ko pa lalake.” Tugon ni Kaloy na hinawakan din sa pisngi si Vince.

“Ako ang bahala sa iyo baby love, hindi natin bibiglain ang situwasyon. At salamat kasi tinanggap mo ako sa puso mo.”

“Tinanggap kita kasi hindi ka naman mahirap mahalin. Tsaka alam ko naman na hindi mo ako papabayaan.”

“I love you baby love.” Sambit ni Vince na hinalikan sa labi si Kaloy.

“I love you too…baby love.” Pagtugon ni Kaloy.

Sa kanilang pagbalik tinutoo na ng dalawa ang kanilang pagganap bilang magkasintahan. Matapos ang mainit na kiskisan na ginawa nila sa loob ng tent, napapayag din si Kaloy na buksan ang puso sa posibilidad na mag mahal ng kapwa niya lalake. Dahil sa paniniwala nito sa sarili na baka nga katulad din siya nila Vince, Nate at Gibo na iba ang nararamdaman.

Ngunit kahit na ganun, sa kabila ng pagpayag nito na magkaroon sila ng relasyon ni Vince, may mga agam-agam pa din ito sa sarili lalo pa at hindi naman nawala sa isip at puso nito ang tanging babae na bumihag ng kanyang atensyon, si Danica.

“Girl ang guwapo naman niya, siya ba iyang kinukuwento mong dream guy mo?” Wika ng babae habang tinitingnan ang isang social accounts sa hawak na cellphone.

“Hindi ito, pero kakilala niya si Kaloy ko. Last na usap namin plano namin na isurpresa si Kaloy.” Tugon ni Danica sa kasamang babae.

“Single pa ba ito girl? Pero I think hindi na. Sa mukha pa lang alam mo nang marami kang maging kaagaw nito sa kanya.” Ani pa ng isang babae na nakisilip din sa cellphone ng katabi.

“Sabi ni Vince single pa siya, pero tama ka marami nga iyang girlfriend at lahat daw ng mga iyon hindi niya alam kung bakit iyon ang kini-claim ng mga babae sa kanya.” Ang tugon ni Danica.

“Naku willing ako makipag agawan sa mga babae niya. Dani, pakilala mo naman ako sa kanya. Sabihin mo na libog na libog ako sa kagwapuhan niya.”

“Uy gaga, umayos ka nga baka may makarinig pa sa iyo dito rito. Isipin pa nila na malibog din kami tulad mo.” Saway pa ni Danica sa kaibigan.

“Eh talaga namang nakakalibog ang kagwapuhan ni Vince eh. Pero wait, iyong si Kaloy…Gusto ko makita.”

“Iyan si Kaloy ang nakahubad ng damit na iyan na mukhang lasing na katabi ni Vince.” Turo pa ni Danica sa larawan.

“What? Itong hot bae na ito girl. Jusku naman girl katawan palang pang bengbangan na. At ang mukha girl parang si Cha Eun Woo puta girl ang guwapo ng magiging boyfriend mo.” Ang reaksyon pa ng kaibigang babae.

“Alam mo Cind ang bastos talaga ng bunganga mo. Kaya walang lalake ang sumiseryoso sa iyo kasi mas malibog ka pa sa kanila.”

“Eh sa iyon ang personality ko noh, tsaka masarap kaya magpabengbang palibhasa mga virgin pa kayo kaya hindi niyo ako masakyan.  Pero girl kapag sawa ka na sa Kaloy mo bato mo lang sa akin willing ako kumain ng tira.” Sabat pa ni Cindy.

“Kayo talagang dalawa pag usapang lalake ang hilig niyo. Bilisan niyo na nga ang kinakain niyo riyan at mukhang uulan na naman.” Ani ni Danica.

“Maiba ako girl, nasabi mo ba kay Kaloy na hindi ka talaga nag Maynila?” Tanong ni Klang kay Danica.

“Iyon nga ang surprise ko sa kanya. Ngayong nandito na rin siya sa siyudad sigurado ako na matutuwa iyon pag nakita ako.” Sagot ni Danica.

Nagmamadali na ang tatlo dahil nagbabadya na nun ang pagbagsak ng malakas na ulan. Matapos kumain ng tatlo sa isang kainan sa mall tinungo na nila ang labas para makatawid sa hintayin ng jeep sa tapat ng mall. Papatawid na sana ang tatlo nang may nakasalubong ang mga ito. Agad iyon namukhaan ni Danica bagama’t ibang iba na ang postura nito at pananamit.

“Gibo?”

“Da-Danica?”

“Ako nga Gibo, grabe ang gara na ng porma mo ngayon ah, tsaka lalo kang pomogi. Ang bango mo ng tingnan di na…”

“Dina amoy pawis tulad ng lagi mo akong nakikita noon sa bagsakan. Ikaw din naman, mas gumanda ka lalo at pumuti.” Dugtong na tugon ni Gibo sa sasabihin sana ni Danica.

“Nandito ka rin pala, akala ko si Kaloy lang.”

“Nagkita na kayo?‘’

“Hindi pa pero balak ko siyang surpresahin. Siya nga pala Gibo, mga kaibigan ko sina Cindy at Klang. Girls’ si Gibo bestfriend siya ni Kaloy.”

“Hi girls, nice meeting you both.” Tugon ni Gibo.

“Hello pogi, girl marami pa bang stock nito sa kanila? Pa order naman kahit isa lang. Grabe ang gwapo naman ng mga kaibigan ng Kaloy mo.” Wika ni Cindy.

“Grabe ka naman sa guwapo sakto lang ligo.” Napangiting tugon ni Gibo kay Cindy.

“Magkasama ba kayo ni Kaloy dito?” Tanong pa ni Danica.

“Hindi, sa iba siya nakikitira ako naman sa malapit lang dito.”  Sagot ni Gibo.

“Dito? As in sa lugar na ito mismo ka nakatira? Eh halos mamahaling condo at bigating mga hotels lang ang meron dito ah?” May pagtatakang reaksyon ni Danica.

“Actually sa condo talaga ako tumitira ngayon. Kung gusto mo pumunta puwede ka dun, makapagkuwetuhan man lang tayo. Kaso may mag go-grocery pa ako. Kunin ko na lang number mo tapos usap tayo para sa next na kita natin.” Sabi pa ni Gibo kay Danica.

“Condo talaga?, grabe ang yaman mo siguro noh? Afford mo kasi ang condo dito. Pa kunwari ka pang mahirap dati eh may pa condo ka naman pala dito.  Siguro pati si Kaloy ka ek-ikan lang din iyong pa drama niya sa akin na mahirap sila. Ang totoo mga anak pala kayo ng mayayaman.” Ani pa ni Danica na tila may duda na rin sa estado ni Kaloy.

“Tatay ko lang ang may pera noh hindi naman ako. Tsaka mayaman naman talaga si Kaloy ah, mayaman sa mga kaibigan at sa mga nagmamahal sa kanya.” Ang may pagngiting sagot ni Gibo.

Nang biglang buhos ng ulan, hindi na makatawid pa sina Danica kaya napilitan ang tatlo na sumilong na muna sa waiting shed malapit dun. Si Gibo naman hindi na rin nakatawid ng mall dahil sa biglang pagbuhos ng ulan. Naawa naman ito sa tatlo kung kaya nag book na lang ito ng masasakyan ng tatlo gamit ang kanyang driving app para makauwi na rin ang mga iyon ng maayos. Nagulat na lang ang tatlo ng may humintong suv sa kanilang harapan.

“Sige na, sumakay na kayo. Sabihin niyo na lang sa driver kung saan kayo magpapahatid ako na ang bahala.” Ani ni Gibo.

“Taray ang yaman mo nga Gibo, may pa ganito ka na rin. Pero salamat dito. Kailangan na rin talaga namin umuwi baka hinahanap na kami sa amin. Bawi na lang ako sa iyo sa muling pagkikita natin.” Saad ni Danica.

“Ingat kayo sa pag uwi.”

Sa pag alis nila Danica, hindi maalis sa isip ni Gibo ang mukha ng dalaga. Tila nahuli ng babae ang pagkalalaki sa loob ni Gibo at nangibabaw iyon sa kanya sa mga sandaling iyon. May kung anong emosyon ang pumitik sa parte ng pagkatao ni Gibo na bigla itong nagkainteres kay Danica.

Balik ng Ilang,…nasa balon nun si Karding at naliligo dahil kakagaling lang nito sa taniman ng  lapitan ito ng kumpare nitong si Jasper. Naka-brief lang nun si Karding kaya kitang-kita ang magandang porma ng katawan nito. Laking gulat ni Karding nang sa paglapit ng kumpare nito sa kanya ay agad siyang niyakap mula sa likod at pinaghahalikan pa siya nito sa leeg. Mabilis na pumalag si Karding at naitulak si Jasper.

“Hibang ka ba? Hindi ka ba nag iisip? Nasa bahay lang si Tess , ano ka ba?!” Ang mahinang pagbulyaw ni Karding sa kumpare.

“Wala ang asawa mo, pinabili ko ng beer matatagalan pa iyon Karding. Kaya sumaglit ako rito nang sabihin niyang naliligo ka.” Tugon ni Jasper.

“Umalis ka dito, baka may makakita pa sa atin dito. Tsaka naliligo pa ako. Maghintay ka na lang sa bakuran.” Ani ni Karding.

“Saglit lang tayo, gagamutin ko lang ang pagka miss ko sa iyo Karding.” At bigla na namang kinabig ni Jasper si Karding at pinag hahalikan sa leeg.

“Ano ba Jasper, tigilan na. Baka may makakita sa atin gago.” Tugon ni Karding na pilit kumakalas sa mga pagyakap sa kanya ng kumpare.

“Sasaglitin lang natin ito, pagbigyan mo na ako. Pangako bibilisan ko lang.”  Saad pa ni Jasper habang binababa na ang briefs ni Karding.

Hindi na rin nakayanan pa ni Karding ang daloy ng libog na ipinasa sa kanya ni Jasper. May pagtutol man sa pangambang mahuli sila nagparaya narin ito para matapos na ang pakay ng kumpare. Hinayaan na lamang nito si Jasper na magkaskas ng tubo sa kanyang gilingan hanggang sa mapiga ng husto ang katas nito. Nang tuluyan ng masaid ang lahat ng laman.  Sinubo naman ni Jasper ang turon ni Karding. Dahil sa sarap ng pagkakain ng kumpare sa kanyang turon sumirit agad ang palaman nun na gatas. At lahat ng iyon nilunok ni Jasper.

Matapos ang mabilisang pigaan at subuan, umalis din si Jasper at tsaka naman tinuloy ni Karding ang kanyang pagligo. Sakto naman ng pag pasok nito ng bahay ang siyang dating naman ni Tess na dala-dala ang beer na pinabili sa kanya ng kumpare nilang si Jasper.

“Nasaan na si Kumpare?” Tanong ni Tess nang hindi na maabutan si Jasper sa kanila.

“Wala ba sa bakuran?” Balik na tanong ni Karding.

“Wala eh…hindi ba kayo nag usap?”

“Kanina, baka naman sinundo na ng asawa. Tumakas na naman siguro sa kanila kaya dito pumunta.”  Ani pa ni Karding.

“Kaya nga siguro sa akin nagpabili ng beer dahil pinagbabawalan ni Mayang.” Saad ni Tess.

“Hayaan mo na. Siya nga pala sumama ka sa akin bukas. Luluwas tayo ng siyudad. Gusto ko tingnan mo ang nabili kong bahay para sa atin.” Wika ni Karding.

“Bahay? Akala ko ba lupa ang pinunta niyo ni Kumpareng Jasper dun? Ano ba iyan mahal ang dami mo nang pa surpresa sa akin.”

“Bahay na iyong kinuha ko kasi ganun din naman, mas mapagastos pa tayo ng malaki kung magpapatayo pa ng bahay. Iyon kasi ang suhestiyon ni Seth sa akin.” Ani ni Karding.

“Kung sa tingin mo iyon ang maganda, ikaw ang bahala mahal. Pinaghirapan mo iyan kaya marapat lang na gamitin sa kung ano ang nais ng puso mo.  Kasama pa rin ba si Seth bukas?”

“Siya ang nagbenta sa akin ng property na iyon.   Siya rin ang interior designer ng bahay kaya siguradong magkikita kayong muli nun.” Ani ni Karding sa asawa.

“Si Kumpareng Jasper ba sasama rin sa atin bukas?”

“Hindi na siguro, kasama naman kita. Tsaka mahal ang hotel sa siyudad. Kaya tayo na lamang dalawa.”

“Mag ho-hotel talaga tayo hindi ba tayo uuwi agad mahal?” Pag-aalangan ni Tess.

“Buong buhay mo dito ka na napako sa bukid iyong huling apak mo dun nasa tiyan mo pa si Kaloy natin. Tsaka sa mga susunod na mga linggo doon na rin naman tayo titira. Dapat lang na maranasan mo ang siyudad kahit isang buong araw man lang muna.” Sambit pa ni Karding sa asawa.

Masaya si Tess sa ideyang lilipat na sila ng siyudad ngunit ang sakit ng nakaraan ang tila pumipigil sa kanya para magustuhan ang planong pagtira nila roon. Lalo pa at tila nilalapit talaga sila ng tadhana sa mga bahagi ng kanilang mga nakaraan.

Buhos parin ang malakas na ulan sa siyudad at naipit na sa masikip na trapik sina Herman galing airport.

BY ACCIDENT

Lalo pang lumakas ang ulan, kasabay ng pagbugso nun ang lalo pang pagsikip ng trapik sa highway. Kaya naipit na ng husto ang kotse nila Herman.

“Kuya Tipen, kapag nakahanap na kayo ng mas maluwag na linya, lumiko na kayo sa circumferential road. Lalo lang tayo maiipit sa daan dahil pa rush hour na. Dagdag pa itong malakas na ulan.”

“Sir mas mapapalayo tayo, ang dami pa nating iikutan na highway bago makabalik ng village.” Ani ng driver na si Tipen.

“Wala na tayong option, di baleng malayo ka’y sa naman abutin tayo ng siyam-siyam sa tindi ng congestion ng traffic sa mga main road. At least kahit malayo hindi naman tayo aabutin ng gabi sa daan.” Tugon ni Herman.

“Kahit kailan talaga walang asenso ang traffic dito sa atin. Sa sampung taon ko sa states pagbalik ko ganun parin ang sistema ng mga daan. Kahit saan talaga dito sa bansa natin, siksikan sa trapiko ang problema.”  Komento ni Mamita.

“Rush hour kasi ma, tsaka busy lane naman kasi talaga rito. Lahat dito talaga ang bugso, malapit kasi sa central. Kaliwa’t kanan pa ang mga malls at mga business establishments dito.   Kaya expect mo talaga ang siksikan ng traffic kapag ganitong oras.” Ani ni Herman.

“Sa global north hindi naman ganito ah. May mga malalaking mall din dun, mga condo,hotels,at mga business establishments din. Pero ang organized ng traffic, hindi siksikan kahit maraming kotse sa daan. Tsaka smooth lang ng flow kahit peak hours at rush hours.” Sabat ni Sonya.

“Eh kasi naman lahat ng mga dumadaan dun mga private cars lang. Wala dun bus, jeep mga truck eh dito halos lahat makikita mo rito. Dagdag mo pa diyan ang mga sumisingit na mga commuters sa gitna ng daan makahabol lang ng masasakyan. Kahit hindi tawiran tumatawid. Kahit hindi sakayan pumapara ng jeep o taxi. Tapos iyang mga bus na iyan na mi-mik up ng pasahero kahit sa gitna ng daan.” Sabat pa ni Herman.

“Disiplina ang kulang sa sistema natin kaya paulit-ulit lamang ang problema. Isingit mo pa riyan ang walang katapusang road repairs at road enhancement. Eh ganun din naman ang resulta after few months aspalto pa rin naman ang itatapal. Puro sila road widening, pero parang hindi naman lumuluwag ang daan.” Turuan pa ni Mamita.

Ganun ang usapan ng tatlo habang pauwi na sa  kanila mula airport. Lumihis nga sila ng daan para makaiwas pa sa masikip na traffic ng mga sandaling iyon. Ang naisip nilang option ang dumaan ng circumferential road. Bagama’t maluwag nga ang daan na iyon, daanan naman iyong ng mga mas malalaking truck at heavy loaded cargo na labas pasok sa siyudad. Ang highway na iyon din ang nagsisilbing entry at exit point ng siyudad para sa mga pribadong sasakyan at mga loaded truck na nagkakarga ng mga produkto mula sa ibang bayan.

Kinakabahan naman nun si Vince na hindi niya maintindihan. Habang  kumakain sila ni Kaloy panay ang sulyap nito sa kanyang cellphone. Na tila ba may hinihintay na tawag.

“Ayos ka lang? Mukhang balisa ang mukha mo kanina pa. May iniisip ka ba? Tanong ni Kaloy nang mapansin ang pagiging maligalig ni Vince.

“Ewan ko, pero bigla na lang akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit? Basta na lang lumakas ang kalabog ng dibdib ko na hindi ko maintidihan tapos bigla na lang pumasok sa isip ko sina dad, mommy at mamita. Ewan ko pero kinakabahan talaga ako.” Tugon ni Vince na kita na sa mukha ang nararamdaman.

“Baka sa sobrang excited mo iyan kaya ka kinakabahan. Bakit di mo tawagan ang mamita mo, malamang pauwi na rito ang mga iyon, mag  gagabi na mamaya.” Ani ni Kaloy.

“Siguro nga, pero biglaan lang naman kasi akong kinabahan. Sana walang ibig sabihin na masama ang nararamdaman kong ito. Sana ayos lang sila at ligtas na makakauwi.” Wika pa ni Vince.

Sinubukan nitong tawagan ang numero ng Mamita ngunit nakapatay ang linya nito. Sunod ang numero ng ina ngunit ganun din. Lalo lang lumakas ang kalabog ng dibdib ni Vince sa kaba.

“Wala rin, patay ang phone ni mommy. Hindi iyon ugaling mag off ng cellphone. Tsaka lagi iyong may dalang power bank kaya imposibleng low bat iyon.” Ang nag o-over think na si Vince.

“Baka nagkataon lang, ang dad mo…tawagan mo kaya. “ Sabat ni Kaloy.

May pag-aalangan pa si Vince na gawin iyon ngunit napilitan din itong tawagan ang ama upang maibsan ang kaba. At sa pag dial nga nito agad na tumunog ang numero ng ama. Ngunit panay lamang ang ring nun. Muli itong tinawagan ni Vince ng paulit-ulit. Duda na ito sa kabang nadarama kaya halata na ang nginig sa kamay nito.

“Akin na ang cellphone mo ako na ang tatawag sa daddy mo. Kalmahin mo muna ang sarili mo pati ako kinakabahan na sa mga reaksyon mo. Walang masamang nangyari sa kanila.Makakauwi ang mga iyon dito ng ligtas.” Ani Kaloy.

Unang tawag ni Kaloy may tumugon agad sa kabilang linya. Ngunit matapos marinig ang sagot ng nasa kabila biglang namilog ang mata ni Kaloy at namutla ito. Kita sa reaksyon ng mukha nito ang pagkabigla sa narinig. Napasulyap ito kay Vince at napailing. Lalong kinabahan si Vince sa nakitang pagbago ng ekspresyon sa mukha ni Kaloy, agad nitong kinuha sa kamay ni Vince ang cellphone at kinausap ang nasa linya.

“Hello dad…si Vince ito anong nangyari sa inyo bakit wala pa kayo?”

“Hello sir,…pulis ho ito ako iyong naka- retrieve ng cellphone ng papa mo na naiwan sa kanilang kotse. Naaksidente ang kanilang sasakyan at kasalukuyan silang binabiyahe papuntang Trinity hospital dun na lang tayo magkita papunta narin kami dun.”

Halos mawalan ng buong lakas si Vince sa narinig. Hindi na ito nag-aksaya pa ng oras at agad nagpahatid kay Badong sa pinagdalhang ospital ng mga magulang. Sumama na rin si Kaloy sa kanya. Dahil sa naibalita agad sa tv ang nangyaring aksidente kina Herman, nakarating agad ang pangyayari kay Karl na agad na napasugod din sa hospital kasama ang  anak na si Nathalie.

“Hope they’re okay dad, kasama pa pala nila si Mamita. Alam na kaya ni Vince ang nangyari sa kanila?” May pag-aalala na sabi ni Nathalie.

“Malamang alam na niya ang nangyari. Tsaka nasabi naman kanina sa balita na hindi naman malubha ang tinamo nila sa aksidente. Pero ang Naka bunggo sa kanilang motor, mukhang iyon ang napuruhan.” Wika ni Karl.

Sa daan naman panay na ang dasal ni Vince na iligtas lang ang mga magulang at ang kanyang mamita. Sa mga sandaling iyon tila naglaho lahat ang mga hinanakit nito at mga galit sa mga magulang, napalitan iyon ng pag-aalala at takot na baka mawala ang mga ito sa kanya. Naroon naman si Kaloy na pilit pinapakalma ang tensyonadong kaibigan.

Pagkarating ng hospital agad naman sila itinuro ng nurse sa silid kung saan naroon ang mga magulang nito. Bago pa man sila nakarating ng silid na iyon napansin na ni Vince ang kaibigan ng ama nila na doktor na siyang umasikaso na rin sa kanila.

“Vince, mabuti at nandito ka na. I’m sure na nag-alala ka ng sobra sa mommy at dad mo but don’t worry ligtas naman sila. Minor injury lang ang natamo nila at mga sugat pero hindi naman malalalim. But your lola still under observation sa side niya kasi talaga sumalpok ang motor nung bumangga sa kanila. Out of danger rin siya pero hanggang ngayon hindi pa siya nagkakamalay kaya nasa ICU parin siya.” Wika ng doktor nang sinalubong sila nito.

“Salamat tito, maari ba namin sila puntahan?” Tanong ni Vince na medyo nakahinga na ng maluwag.

“Sure, nasa ika-limang room sila mula dito. Nandito rin yata ang ninong Karl mo, pero hindi ko na siya inabutan sa silid ng parents mo. May binili yata pero iyong anak niyang babae nandoon sa loob. Mag a-update na lang ako para sa lola mo mamaya pag nagkamalay na iyon.”

“Si Manong Tipen kamusta naman tito?”

“He’s fine, among them iyong driver niyo ang maayos ang kondisyon. Namamaga lang iyong right foot niya dahil sa pagkakaipit. Nagpapahinga lamang siya sa katabing kuwarto at anytime puwede na siya ma discharge.”

Pagkaalis ng doktor nagmamadali na sina Vince at Kaloy na puntahan agad ang silid ng mga magulang. Sa labas palang rinig na nila ang paguusap mula sa loob. Hindi kumatok pa si Vince at basta na lang ito pumasok. Doon inabutan nito ang magulang na nakahiga sa kani-kanilang mga higaan na may mga bendahe ang mga ulo at brace sa leeg habang kausap si Nathalie.

Gumuhit ang mga ngiti sa mukha nina Herman at Sonya nang makita ang anak. Agad naman napansin ni Nathalie ang kasama ni Vince. Habang nilalapitan ni Vince ang mga magulang, si Nathalie naman pangiti-ngiti na lumapit naman kay Kaloy para magpakilala at kilalanin ang lalake.

“So it’s you,… finally na meet din kita in person, I’m Jane, pero madalas Nathalie ang tawag sa akin. Both name ko naman iyon but prefer ko na Jane ang itawag sa akin.”

“Okay Jane nice meeting you. Ako nga pala si…”

“Kaloy, I know you na,…since nag out kayo ni Kuya Vince as couple. At oh my gosh, ang guwapo mo pala talaga in person, lalo na sa malapitan. Alam mo papasa kang Korean lead actor sa mga K-drama. Para kang mas younger version ni Lee Minho. Tapos ang tangkad mo pa.” Ani ni Nathalie na panay ang hawak kay Kaloy.

Sa mga titig ni Nathalie kay Kaloy tila kinakabisado nito ang bawat meron na makikita nito sa lalake na siyang kina-ilang naman ni Kaloy. 

“Kapatid pala siya ni Nate baby love. Nathalie puwede ko ba mahiram muna saglit ang baby love ko.” Paglapit ni Vince sa dalawa ng makitang masyado ng nagpapaka-close ang babae sa nobyo.

“What? Ang chessy naman sa pagka OA ng baby love kuya. Wala na ba kayong naisip na term of endearment na medyo iba naman? Ang cringe sa tenga kuya promise. Sorry ha pero hindi bagay ang panget palitan niyo.” Komento pa ni Nathalie.

“Choice namin iyon at we don’t care what other thinks for that. Tsaka term of endearment namin iyong dalawa. At sa amin lang iyon hindi kayo kasali. Alam mo ikaw ang dami mong side comments lagi sa akin. Kaya hindi kayo nagkakasundo ng kuya Nate mo kasi diyan sa pagiging kumentarista mo.” Sabat ni Vince.

“I’m just being straight forward kuya. Anyway infairness naman, bagay kayong dalawa. Mas ramdam ko pa ang kilig sa inyo kumpara sa mga girlfriends mo dati.” Wika pa ni Nathalie.

“Ang bilis ng bawi ah. Siya nga pala ang daddy mo?” Tanong ni Vince.

“Naku kuya hindi na iyon babalik, sumaglit muna iyon sa office niya after malaman na okay na sina tito at tita. May kukunin daw dun. Hinihintay ko na lang ang driver namin para sunduin ako rito.”

“Kung ganun maiwan ka muna rito kina mommy, bibili lang kami ng pagkain na request si dad.”

“Ay,…sama na ako kuya. Minsan nga lang ako nakakalabas sa lungga ko pagbabantayin mo pa ako. Join na ako sa inyong dalawa,”

“Sige na Vince isama mo na si Nathalie, ayos naman kami rito ng mommy mo.” Sabat ni Herman na nginiti-an ang anak.

Tahimik lang nun si Kaloy na nakikiramdam lamang sa mga tao sa loob. Naroon parin ang ilang nito sa harapan ng mga magulang ni Vince. Isinama na nga ng dalawa si Nathalie para bumili ng pagkain sa malapit na restaurant. Buhos pa rin ng mga sandaling iyon ang ulan. Nalaman na rin ni Nate sa ina ang nangyari sa magulang ni Vince nang makauwi ito galing gym.

“Nandoon na ang kapatid mo at ang daddy mo huwag ka nang pumunta. Kakauwi mo nga lang aalis ka na naman. Hintayin mo na lang sila. Sabi ng dad mo maayos naman ang magulang ni Vince, pero ang lola niya hindi parin raw nagkakamalay.” Ani ni Jessica sa anak na si Nate.

“Umuwi na pala si Mamita?”

“Sinundo nga raw nina tito Herman mo ang mama niya sa airport pauwi na sila nang maaksidente ang kanilang sasakyan sabi ng daddy mo.” Kuwento ng ina.

“Malas naman ng uwi ni mamita, aksidente agad ang bumungad sa kanya. Sana okay lang siya.” Ani ni Nate.

Paakyat na ito ng kanyang silid nang pinigilan ito ng ina. Nagtaka naman si Nate sa biglaang pag seryoso ng mukha ni Jessica sa kanya.

“Nate,  puwede ba na mag-usap muna tayo?”

“About what mum? Mukhang kinakabahan ako sa mga tinginan na ganyan ah. May problema ba?” May pag aalin-langang tugon ni Nate sa ina.

“Umupo ka muna, gamitin natin ang sandaling ito na wala rito ang dad mo. May itatanong lang ako sa iyo, at sana sagutin mo ako ng totoo. I’m not gonna judge you, I just want it to know.” Saad ng ina na seryoso na talaga pati ang tono ng pananalita.

Biglang kinabahan si Nate sa bungad na iyon ng ina. Naupo ito sa sofa kaharap ang ina. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Jessica at nirekta nito ng tanong ang anak.

“Ano talaga ang meron sa inyo ng Gilbert na iyon, Nate? May dapat ka bang aminin sa amin ng dad mo? Nate magulang mo kami pero hindi lahat sa inyo ng kapatid mo alam namin. Kilala lamang namin kayo nung mga bata kayo, but now that you have your own choice and decisions in life…hindi na namin kayo kilala. So tell me Nate, sino na ang Nate na kaharap ko ngayon?”

“Mum, I don’t know what’s your point. Magkaibigan kami ni Gilbert. At wala naman masama dun right? Lahat na lang ba ng kaibigan ko dapat i-explain ko sa inyo ni dad?”

“It’s not about them Nate,… it’s about you. Wala akong paki-alam sa kung sino man ang kakaibiganin mo. I want to know about you. Kasi ikaw ang anak ko. Dapat kilala ko at alam ko ang tungkol sa iyo.”

Sa puntong iyon tila nababasa na ni Nate ang gustong malaman ng ina sa kanya. Napayuko ito at nagsimula nang maging emosyunal. Hanggang sa humagulgol na lang ng iyak si Nate. Agad naman siya niyakap ng ina, na tila nakuha na ang sagot sa anak.

“It’s okay, ilabas mo lang iyan…nandito ako para maging suporta mo, tanggap kita kung ano ka. Kakampi mo ako kaya huwag kang matakot na sabihin sa akin ang lahat. Mahal kita Nate at never iyon magbabago kahit ano ka pa.” Ani pa ni Jessica na niyakap pa ng mahigpit ang anak.

“Bakla ako mum, bakla ang anak niyo ni dad… sorry…” Ang todo iyak na sabi ni Nate.

Panay ang hingi nito ng tawad sa ina habang paulit-ulit na sinasabi na bakla ito.

“You don’t have to say sorry, hindi mo iyon kasalanan. Not even a sin son. That is you, iyong totoong ikaw kaya hindi mo kailangan mag sorry. Your still my Nate kahit ano ka pa tandaan mo iyan.” Saad pa ni Jessica.

Hinayaan na muna ng ina na makapag release pa ng emosyon ang anak, ikinuha niya ito ng mainit na tsa-a ang anak para kumalma. Nang ayos na si Nate dun na sinabi ni Jessica ang natuklasan niya sa anak kung bakit niya iyon naitanong din ang ganun kay Nate.

“Naiwan mo kanina sa pagmamadali mo ang cellphone mo sa dining table. Inisip mo siguro na baka naiwan mo lang iyon sa kuwarto mo kaya hindi mo na binalikan. Tumawag si Gilbert sa iyo, at nasagot ko. Akala niya siguro ikaw ang sasagot, at narinig ko na tinawag ka niyang ‘babe’. Tsaka nag I love you  pa, after knowing na ako ang sumagot sa kanya bigla niya na lang pinutol ang linya.” Kuwento ni Jessica sa anak sabay abot kay Nate ng cellphone nito.

“Boyfriend ko na po si Gilbert mum. Hindi ko lang talaga maamin sa inyo na gay ako kasi natakot ako sa inyo ni dad. Grade six pa lang alam ko na sa sarili ko na may kakaiba na sa akin. Nilabanan ko naman. Pero habang kinukulong ko ang sarili ko lalo lang lumalabas ang pagiging bakla ko.” Wika pa ni Nate.

“Magulang mo kami at anak ka namin. Tanggap namin kung ano kayo. Mas masakit sa part namin na nililihiman niyo kami. At walang masama sa pagiging bakla ano ka ba. Okay lang iyan kaysa maging kriminal ka.”

“Pero si dad, hindi niya gusto na may bakla sa pamilyang ito. Galit nga iyon kay Vince eh. Paano pa pag nalaman niya na katulad din pala ako sa kinasusuklaman niya. Mum pakiusap atin-atin na lang muna ito. Huwag na muna natin ipaalam kay dad.” Pakiusap pa ni Nate.

“Naiintindihan ko, don’t worry atin-atin lang ito. Kilala ko ang dad mo, mabait iyon pero iba rin ang tama nun pag nagalit.”  Saad pa ng ina.

Maya-maya pa dumating si Karl at inabutan ang mag-ina na naguusap sa living room. Sasabat pa sana ito sa usapan ng dalawa ngunit mabilis na umakyat na ng silid si Nate.

“Ano ba ang napagkuwentuhan niyo ni Nate?”

“Iyong nangyari kina Herman na aksidente. Si Nathalie hindi mo kasama?“pagdahilan pa ni Jessica.

“Pinasundo ko na sa driver, bumalik pa kasi ako ng office. Naiwan ko kasi sa table ko ang mga pipirmahan kong mga documents.” Ani ni Karl.

“Sige na magbihis ka na sa kuwarto at ipapahanda ko na ang dinner natin.”

Sa silid ni Nate agad naman nitong tinawagan si Gibo na noo’y tensiyonado rin dahil sa di sadyang paguusap nila ng ina ni Nate.

“Sorry ha, hindi ko kasi alam na wala sa iyo ang phone. Di ko naman inakala na mommy mo pala ang nasa kabilang linya kanina. Sorry talaga babe.” Wika ni Gibo.

“Buti na lang talaga si mommy ang nakasagot. Kung si daddy iyon ewan ko na lang.”

“Nagalit ba sa iyo ang mommy mo?” Pag-aalala na tanong ni Gibo.

“Hindi pero napaamin ako sa kanya ng wala sa plano. Inamin ko na sa kanya ang tungkol sa atin. May pa I love you, ka pa kasi. Tuloy na buking ang relasyon natin.” Sagot ni Nate.

“Paano iyan, ibig sabihin tapos na tayo? Hindi na natin itutuloy itong nasimulan natin?” Tanong ni Gibo.

“Siyempre tuloy, ayos lang naman kay mommy. Pero ingat na lang next time baka mahalata tayo ni daddy. Inutusan pa naman ako nun na dalhin kita sa bahay. Tsaka magingat karin sa kapatid kong babae, papa’s girl iyon. Magaling iyon mag spy baka sa kanya pa tayo ma buking.” Saad ni Nate.

“Sa sinabi mo parang hindi yata magandang ideya na pumunta pa ako riyan. Alam mo na para iwas din.”

“Pumunta ka, lalo lang magduda si dad pag di kita dinala sa bahay. Tsaka magkaibigan pala ang dad mo at dad ko.” Sabi pa ni Nate kay Gibo.

Naputol ang usapan nila ni Gibo sa cellphone nang kumatok na sa pintuan si Jessica para tawagin ang anak na maghapunan.

Mula sa paglabas ng ospital at sa pagbalik nila pansin ni Vince na palaging nakatingin si Nathalie kay Kaloy. Titig na titig ito sa mukha ng lalake na tila ba minumukhaan niya ito.

“Paalala ko lang sa iyo, may nag mamay-ari na sa baby love ko. Kaya tigilan mo na ang kakatitig sa kanya baka ma-usog.”  Sambit ni Vince na sinaway si Nathalie.

“Kuya hindi ako boyfriend snatcher noh. Tsaka kahit guwapo itong boyfriend mo hindi ko naman bet mag jowa ng bakla uy. Tinitingnan ko lang kasi siya kasi parang kahawig niya at some angle si kuya Nate. For sure na notice mo rin iyan kasi araw-araw naman kayo nagsasama .” Tugon ni Nathalie.

“Parang ang layo ko naman sa itsura ng kuya mo. Balat pa lang olats na ako sa kanya.” Sabat ni Kaloy.

“Hindi ah, makinis ka rin kaya…mas maputi nga lang sa iyo si kuya Nate. Pero sa mukha kasi ako tumitingin hindi naman sa balat, hello? Papasa nga kayong kambal ni kuya eh. Mag damit lang kayo ng same-same para talaga kayong pinagbiyak na bunga.” Kumento pa ni Nathalie.

Napatitig na rin si Vince kay Kaloy. Oo nga at matagal-tagal na rin niya nakakasama si Kaloy pero hindi naman nito napansin ang mga napapansin ni Nathalie. Ngunit habang sinasabi sa kanya ng babae kung alin sa anggulo at mukha ni Kaloy may similarities sila ni Nate, sa pa unti-unti nakukumbinsi nga ito. Lalo na nang napatingin sa kanya ng dahan-dahan si Kaloy.

Biglang nakita nito sa mukha ni Kaloy si Nate.

“Oo nga noh, may hawig ka nga kay Nate. Bakit hindi ko napansin iyon?” Wika ni Vince.

“Kasi nga mahal mo si kuya Kaloy bilang siya at hindi naman bilang si kuya Nate. Ano ba kuya?” Sabat ni Nathalie.

Nasamid bigla ng laway si Vince sa sinabi ni Nathalie. Akala tuloy nito may alam si Nathalie sa dating relasyon nila ng kanyang kapatid.

“Alam niyo kasi may tsismis ang family namin that even kuya Nate hindi niya alam. Pero ikukuwento ko sa inyo kasi feel ko kaya niyo mag tago ng sekreto. May kapatid pa kasi kami  sa side ni daddy. Pero hindi namin alam kung babae ba iyon o lalake. At hinahanap iyon ngayon ni dad.” Bulalas ni Nathalie sa dalawa.

“Seryoso ka ba? Ibig sabihin bukod sa inyo may ibang pamilya ang dad mo? And okay lang iyon sa inyo?” Ang gulat na reaksyon ni Vince sa kuwento ni Nathalie.

“Bakit naman hindi, eh matagal naman na iyon. Tsaka hindi naman iyon nangyari na walang dahilan. At nangyari iyon, wala pa kami ni kuya Nate. Isa pa hindi naman naging pabaya si dad bilang ama sa amin ni kuya.” Sabi pa ni Nathalie.

“Pati si tita Jessica ayos lang sa kanya?” Tanong pa ni Vince.

“Si mommy pa nga actually nag push kay dad na hanapin ang kapatid namin. And honestly excited din ako na makilala siya. Wish ko na sana babae para may sister ako.” Ani pa ni Nathalie.

“At imposible naman na ako iyong kapatid na hinahanap mo diba? Kasi may sarili naman akong ama. Magkamukha lang talaga siguro kami ni Nate by chance. Kasi marami naman yatang magkakamukha sa mundo.” Sabat pa ni Kaloy.

“Oo nga naman, sabi nga sa research bawat tao raw may higit sa siyam na kamukha sa buong mundo at sixty percent ng chances nun na makikita mo o makikilala ang tatlo sa kanila. At siguro nga ilan lang kayo ni Kuya Nate sa ganun. But kung makita mo ang teenage version ni dad, I tell you magkamukhang-magkamukha talaga kayo. I have this photo of him during his wedding, tapos upon seeing you in person. Confirm ka-look-alike nga talaga kayo.” Dagdag pa ni Nathalie sabay pinakita sa dalawa ang larawan sa kanyang cellphone.

“Sheesh, baby love kamukha mo nga si ninong Karl dito. Pati pagngiti, tsaka ang built ng katawan niyo parang ikaw nga iyong kinakasal dito oh.”  Reaksyon pa ni Vince nang makita ang larawan sa phone ni Nathalie.

Si Kaloy naman habang nakatitig sa larawan na iyon tila may kung ano sa loob niya ang bigla na lang pumitik. Hindi naman ito kinakabahan ngunit iba ang kalabog ng kanyang dibdib. Tila may kung ano itong nararamdaman habang tinitingnan ang mukha ng ama ni Nathalie sa larawan.

“Kamukha ko ngang talaga ang ama nila ni Nate. Parang nananalamin ako sa litratong ito. Pero imposible naman. Baka magkamukha lang talaga kami. “ Bulong pa ni Kaloy sa sarili.

Natigil lang ang kuwentuhan ng tatlo nang malapit na sila sa silid ng magulang ni Vince.

BACK ON

Laking tuwa ni Vince nang nagkamalay na rin ang Mamita nito. After two days nakalabas na rin ang mga magulang ni Vince ngunit nanatili pa ng isa pang buong Linggo ang lola nito sa ospital dahil sa iniinda parin nitong pananakit ng katawan.

Araw-araw naroon si Vince at Kaloy doon at nakabantay lang sa matanda.

“Rinig ko sa usapan niyo ng mommy mo bukas na ang simula ng inyong klase,…okay naman ako, maari ka nang mag-focus sa school mo. Nandito naman si Ponyang para bantayan ako.”

“Mamita, first day pa lang naman tsaka na miss kaya kita ng sobra. Gusto ko hands on ako ngayon sa pag-aalaga sa iyo.” Ani ni Vince.

“You don’t have to, maayos na ako. Ilang araw na lang naman at uuwi rin ako sa inyo. Siya nga pala apo iho, iyong si Kaloy bakit wala naman lagi rito paggising ako? Bawal ba siya rito? Ayaw ba ng mga magulang mo sa kanya?” Usisa pa ng lola sa apo.

“No Mamita, actually si Kaloy ang nagbabantay sa iyo rito kapag tulog ka. Lumabas lang iyon saglit dahil may binili. Tsaka okay naman siya kina dad at mommy. At iyon din ang ipinagtataka ko since the day na nangyari sa inyo ang aksidente. Ang OA ng pagiging kind nila kay Kaloy. Dad even planning to give him a car para hindi raw siya mahirapan sa pagpasok sa school niya.” Kuwento ni Vince.

“Bakit naman? Dati ba hindi nila tanggap si Kaloy for you?” Tanong ng Mamita.

“Mukhang napilitan lang Mamita. Hindi nga nila kinakausap sa bahay si Kaloy eh. But that they nung naaksidente kayo parang naalog din yata ang utak ng dalawa. Ang weird talaga mamita parang ibang mga tao ang kaharap namin at hindi sila. Mukha silang okay na parang bumalik sa pagka teenagers. Ang awkward nga na makita sila na nag susubuan ng pagkain, nagtatawanan together…like what? As if naman hindi sila hiwalay ng five years.” Naibulalas pa ni Vince.

“Tama ba ang narinig ko sa iyo Vincent? Hiwalay na ang magulat mo?”

“Yeah Mamita,…wait hindi mo alam iyon?” Gulat ding tanong ni Vince sa lola.

“No, I thought they’re okay ever since. And everytime naman na nag uusap kami hindi ko naman na noticed iyon sa kanila. Ibig sabihin all along ginagawa pala akong tanga ng mga magulang mo?” May namumuong galit na sa mukha ng lola.

“Take calm Mamita. I know the feeling na pinagmumukha kang tanga at pinapaniwala na kasinungalingan sa mahabang taon. Sorry Mamita kung hindi ko napigil at nasabi ko sa iyo. I know this will hurt you much, pero dapat lang na malaman mo.” Saad ni Vince na pinapakalma ang lola.

“Dapat lang apo. Ang mga walang hiyang iyon ang gagaling umarte. For five years pinaniwala nila ako na walang mali sa relasyon nila. Kaya naman pala na everytime na nagbabalak ako na umuwi ng Pinas , gusto nila laging nakaschedule para ma set up nila ahead ang kanilang pagsisinungaling. Humanda talaga sa akin ang dalawang iyon lalo na ang dad mo. Pero paano nila nalaman na uuwi ako, did you ever told them?” Ani ng matanda.

“No Mamita, simula nung nalaman ko na hiwalay na sila, never pa kami nagusap talaga ng maayos. Kaya nga ako nagulat sa mga napansin kong pagbabago sa kanila. Dahil hindi ko naman iyon nakita sa kanila since then, tapos nagbakasyon lang kami saglit pag-balik ko parang magic na nagbago sila. At pati si Kaloy nagulat din. Hindi naman sila ganun sa kanya nu’ng mga unang weeks niya sa amin.” Naikuwento pa ni Vince sa lola.

Dahil sa mga nalaman ng lola tungkol sa magulang ng apo. Mas minadali nito ang makalabas agad ng hospital. Sina Herman at Sonya ang sumundo sa kanya sa huling araw nito roon. Wala ng araw na iyon sina Vince at Kaloy dahil sa simula na ng pasukan. Sa ospital pa lang pansin na ng mag-asawa ang pang aasim ng ina sa kanila. Hindi sila kinikibo ni Mamita at iniiwasan sila nitong kausapin. Maging sa pag-uwi. Hindi sila sinasagot ng maayos ng ina ni Herman.

“Ma, ano ba ang nangyari bakit bigla ka na lang umiiwas sa amin ni Sonya?” Tanong ni Herman habang tinutulak ang wheelchair ng ina.

“Ewan ko sa inyong dalawa. Tsaka puwede ba magpakatotoo nga kayo. Wag niyo na akong gawing tanga.” Sagot ng ina kay Herman.

“Ma naman, ano ba ang pinagsasasabi mo? Galit ka ba sa amin?”

“Kung hindi pa nangyari sa akin ito hindi ko pa malalaman ang panloloko niyo sa akin. Lalo ka na Herman! Five years pinaniwala niyo akong maayos kayo but ang totoo hiwalay na pala kayo ng asawa mo? Ano ito? Gaguhan?! Paano niyo ito nagawa sa akin? Lalo na sa anak niyo, kay Vincent.”

Natigilan si Herman sa mga katanungan sa kanya ng ina. Hindi agad ito nakasagot sa mga talak ng ina sa kanya, hanggang sa narinig na sila ni Sonya. Doon na pinaliwanag ng dalawa ang kabuohan ng kuwento. At kung bakit humantong sila sa ganun. Inako rin ng mag-asawa kay Silvia ang kanilang pagkakamali at kapabayaan sa anak at nangakong hahabol sa mga panahong nagkulang sila. Sinabi rin nito sa ina na ang nakikita niya sa mga sandaling iyon sa kanila ay tunay at walang halong pagpapanggap dahil nagkaayos na rin silang mag-asawa.

Balik klase na at unang araw naman ni Kaloy sa papasukan nitong paaralan. Unang araw ng pag apak pa lang nito sa gate ng paaralan bilang opisyal na estudyante ng Bayag-bayagan Highschool,kabado at naninibago pa din si Kaloy. Habang naglalakad ito sa alley ng eskuwelahan papuntang koridor, tumunog ang cellphone ni Kaloy.

“Kamusta ang unang araw baby love?” Bungad agad na tanong ni Vince nang sagutin ni Kaloy ang tawag nito.

“Medyo naninibago pero laban lang baby love. Papasok pa lang ako sa loob, hahanapin ko pa ang silid ko. Nag-aalala nga ako baka late ako sa unang araw ko.” Tugon ni Kaloy.

“Ayos lang iyan, unang araw pa lang naman. Maiintindihan ka naman ng teacher mo niyan. Siya nga pala susunduin kita mamaya. Hintayin mo ako diyan. Message mo agad ako kapag out mo na sa klase.” Ani ni Vince.

“Ikaw kamusta naman ang unang araw mo?”

“Walang pagbabago ganun parin, same faces same boring class. Nadagdagan lang sa klase namin si Gibo. Kaklase siya namin ni Nate. Malamang kagustuhan iyon ni Nate na magsama sila. Parang gusto ko nga magpalipat ng section eh para makaiwas sa kanila.” Sagot ni Vince kay Kaloy.

“Akala ko ba move on tayo sa past pero sa tono ng kuwento mo may nararamdaman ka pa ring ilang sa dalawa. Ang lagay ba na iyan ay may feelings ka pa rin kay Nate at nagseselos ka pa rin kay Gibo?” Turan na tanong ni Kaloy na siyang kinautal naman ng sagot ni Vince.

“Paki ko naman sa kanila noh. Huwag na nga natin sila pag usapan basta ang sabi ko susunduin kita riyan mamaya. Hintayin mo ako. I love you, baby love. Ingat ka diyan.”

“I love you too baby love. Sige bye na muna at mukhang ito na yata ang room ko.”

Pagkapatay ng cellphone, nagmamadali agad si Kaloy na lapitan ang silid na nakikita nito. Akma na nitong bubuksan ang pinto nang may isang estudyante ang sumingit mula sa likuran nito na patakbong inagaw ang pihitan ng pinto para buksan iyon. Nasagi pa nito si Kaloy sa balikat dahilan para mahulog ang cellphone nitong hawak. Masama ang pag-kabagsak nun at agad nasira.

Tinitigan lang ito ng masama ng nakasagi sa kanyang lalake.

“Ang tanga kasi…” Sambit pa ng lalake kay Kaloy sabay pasok sa loob ng silid.

Nagtimpi lang ng inis si Kaloy, unang araw niya iyon sa eskuwelahan na iyon kaya kailangan niya mag adjust sa mga makikilalang estudyante. Kinuha nito ang nasirang cellphone at napailing na lang ng ulo. Pumasok ito ng silid na pigil parin ang galit. Hinagilap agad nito ng mata ang lalaking nakasagian nito.

“You are?” Bungad na tanong ng babaeng guro kay Kaloy pagkapasok nito.

“Good morning ma’am” sagot ni Kaloy.

“Miss Tina Moran please…” Wika pa ng guro.

“Good morning Miss Tina…Moran. Ako nga pala si…Carlo Ajero, miss Tina Moran.” Pagpapakilala ni Kaloy.

“Bagong estudyante ng Bayag-bayagan, sana mag enjoy ka sa taon mo rito sa eskuwelahan na ito. Maari ka nang umupo. Dax, tabi na kayo nito. Mr Ajero, you take your seat.”

Napakunot ang noo ni Kaloy nang malaman na katabi pala nito sa upuan ang lalaking sumira ng kanyang cellphone. Tahimik lang na umupo sa kanyang puwesto si Kaloy nang hindi pinapansin ang katabi na mula pa sa harapan nakasunod na ang tingin sa kanya. Kalmado lang si Kaloy kahit na naiinis ito sa kanyang katabi. Umusad ang klase na hindi naman nagkagirian ang dalawa. Tapos na ang unang dalawang subject nila sa araw na iyon at naghihintay na naman sila sa guro nila sa social studies nang lapitan si Kaloy ng kaklase nitong si Megan.

“Hi, welcome sa maganda nating school. By the way it’s me again Megan, but my friends called me Monay, if you wanna know why? Tumingin ka lang sa dibdib ko at sasagutin ka ng mga monay ko.”

“Hindi kailangan. Ano ba ang kailangan mo at iniwan mo pa talaga ang mga kaibigan mo?.” Tugon ni Kaloy na tila nailang sa kinikilos ni Megan sa kanyang harapan.

Halata kasing inaakit nito si Kaloy ng lantaran. Nakaupo ito sa harapan ng lalake habang nilalantad kay Kaloy ang maputi at makinis nitong hita. Pasimple din nitong pini-flex ang dalawang lobo nito sa dibdib na hulmado sa hapit nitong uniform.

“Wala nakakasawa na kasi ang mga pagmumukha nun, di tulad mo fresh at mukhang masarap…ka bonding.” Ani pa ni Megan sabay kagat ng pang-ibabang labi nito.

“Tsaka napansin ko na nagso-solo ka rito. Ayaw mo ba sa mga kaklase natin? Sabay ako rin naman. Pero alam mo dapat ngayon palang makahanap ka na ng ka buddy system mo, or else pagkakaisahan ka ng mga estudyante rito. Lalo na dito sa klase natin. Uso dito ang bullying. Wa pakels ang mga iyan kung ma guidance man sila o ma evict dito sa school. Ang mahalaga may ma bully sila.” Dagdag pa ni Megan.

“Subukan lang nila gawin sa akin iyan at makikita nila ang kanilang hinahanap. Pag-aaral ang pinasok ko rito pero kung sapakan ang main subjects dito, kahit magtawag pa sila ng grupo hindi ako papasindak sa mga iyon dito.” Sabat ni Kaloy na sinulyapan ang grupo nila Dax sa kabilang side malapit sa pintuan ng classroom.

Nahuli ni Megan ang tingin na iyon ni Kaloy sa kanila kaya may paalala ito kay Kaloy.

“Duda ako kung uubra ang tapang mo sa gagong iyan. Pero kung ako sayo, iwasan mo na lang ang isang iyan. Papansin ang buwisit na iyan. The more na papansinin mo, the more iyan magpaparamdam. Gutom iyan sa atensiyon kaya laging nagsisimula ng gulo.”

“Huwag lang niya ako susubukan dahil hindi ko siya aatrasan.” Saad pa ni Kaloy.

Samantala sa Victor High Academy,… Bagama’t ganun at ganun parin ang mga kaklase ni Vince sa kanyang pagbabalik. Naging mahirap pa rin sa kanya ang mag adjust habang nakikita nito sa kanyang harapan sina Gibo at Nate na magkatabi pa talaga ng upuan. Dagdag pa ang ilang pagbabago na napapansin nito sa mga dating kaklaseng mga lalake. Batid naman niya na ang tila pagdistansiya ng mga ito sa kanya ay bunga nung pagpanggap nila nu’ng una ni Kaloy bilang mag jowa. At naintindihan naman iyon ni Vince. Sadyang naninibago lamang ito sa timpla ng pakikitungo sa kanya ng mga kaklase.

Natapos ang klase na halos walang kibuan sina Vince at Nate. Tanguan lang sila ng mga ulo sa tuwing magtatama ang kanilang tinginan sa isa’t isa. Nasa huling subjects na sila ng mga sandaling iyon ngunit tila wala ni isa man sa mga napag-usapan sa klase ang pumasok sa isip ni Vince. Hindi ito makapag-focus sa leksyon. Hindi ito mapakali sa kanyang upuan. Hanggang sa nagbigay ng group activity ang kanilang guro.

“Nathaniel James Lim at Patrick Santillan kayo ang pares, then Vincent Monteverde at Gilbert Jimenez kayo ang naman magkapares…”

“Sorry sir pero may napili na po akong pair,…si Asher po, pares na po kami.” Pagtutol agad ni Vince sa pagbuo ng guro ng pares.

“Par di na tayo pedi, kapares ko na si Chad. Kayo na lang ni Gilbert….” Wika ng katabi ni Vince na si Asher.

“Nakapili na ako ng pair and that’s final. Now go to your respective pair at mag hanap kayo ng puwesto kung saan paguusapan niyo ang bawat topic na ire-report niyo sa harapan bukas. “ Saad pa ng guro.

Napaismid na lang si Vince sa kanyang upuan. Si Nate naman tila hindi rin nagustuhan ang pagpares ni Gibo kay Vince. Habang si Gibo naman nun sunod lang sa agos. Hindi ito apektado na si Vince ang pares nito. Dahil mukhang ayaw pa nga tumayo ni Vince, si Gibo na ang nagkusa at lumapit kay Vince bitbit ang copy ng topic na Naka assign sa kanila.

“Hindi ako magaling sa pag construct ng english kaya ikaw na ang gumawa ng draft. Mag i-input na lamang ako ng idea.” Bungad ni Gibo sabay upo sa harapan ni Vince.

Inurong pa nito ang kanyang upuan ng mas malapit pa kay Vince, dahilan para magtama ang mga tuhod at binti nila sa isat-isa. Kahit may suot na pantalon, tila naramdaman ni Vince ang init ng binti ni Gibo na sumagi sa binti niya. Napatingin ito sa mukha ni Gibo at saktong tumingin din si Gibo kay Vince. Saglit na nagsalubong ang tinginan ng dalawa. Sandaling natulala si Vince sa kakatitig sa mukha ni Gibo. Bumalik lang ang ulirat nito nang tapikin ng tuhod ni Gibo ang tuhod nito.

“Wala sa mukha ko ang topic ni sir Bukol, nandito sa papel na hawak ko.” Wika ni Gibo kay Vince.

“Akin na nga iyan, tsaka puwede ba umayos ka nga ng upo.” Ani ni Vince.

“Maayos naman ang upo ko ah. Ang sabihin mo ayaw mo lang talaga akong kaharap. Puwede ba Vince isantabi mo na muna ang selos mo. Focus ka nga muna sa activity natin. Tsaka hindi ako ang pumili na maging ka pares mo. Kung di ka komportable, mas na ako.” Saad ni Gibo.

“Bakit naman ako magseselos sa inyo ni Nate. Wala na akong paki kung kayo na. Ayoko lang talaga na ikaw ang kapares ko ngayon.” Sabat ni Vince.

“Sa tingin mo gusto kita? No choice na tayo. Activity ito kaya magpanggap na lang tayo na gusto natin ang isa’t isa nang magawa natin ng maayos ang pinapagawa sa atin.” Tugon ni Gibo na medyo pabulong kay Vince.

Natahimik si Vince sa sinabi ni Gibo sa kanya. Batid niya na may pinupunto ang mga salitang iyon na binitawan ng lalake. Napansin naman iyon ni Nate na kanina pa napapasulyap sa dalawa. Balik kay Kaloy,…tapos na ang unang araw nito sa paaralang iyon. At nakahinga ito ng matiwasay dahil nalampasan niya ang unang balik nito sa pagiging buhay estudyante.

“Buti na lang talaga nakapasa ako sa mga module na kinuha ko, kahit papano nakahabol parin ako sa taon ko. Pero kailangan ko pa rin mapasa ang ibang mga exam para hindi na ako babalik muli ng isa pang year at magtuloy-tuloy na ako sa senior high. Sa ngayon tiis-tiis na muna at least hindi na ako bumalik ng grade six at grade seven, rekta grade ten agad. Mabuti na lang talaga maraming kakilala si tito Seth. Laking tulong talaga iyon sa akin. Tsaka sakto pa na mga working students ang mga kaklase ko, at halos magka-edad lang din kami. Hindi na mahirap mag adjust.” Wika ni Kaloy sa isip nito habang naglalakad sa koridor ng quadrangle area.

Maya-maya pa nakarinig ito ng paninitsit sa kanyang likuran. Huminto ito sa paglalakad para hintayin si Dax na papalapit na kasama pa ang tatlo pang kaklase.

“Bakit? May kailangan kayo?” Tanong agad ni Kaloy sa apat.

“Pinapasikatan mo ba kami?…ha?!” Tanong ni Dax na may paninindak ang boses.

“Huwag mo nga akong pagtaasan ng boses kupal ka. Dahil hindi mo ako masisindak gago.” Tugon ni Kaloy sa kalmadong boses.

Hindi inaasahan ng apat na iyon ang ibabalik na reaksyon ni Kaloy sa kanila, kung kaya saglit naputol ang tawanan nila.

“Hinahamon mo ba ako ha?!” Wika pa ni Dax sabay nilapit ang mukha sa mukha ni Kaloy.

“Puwede ba, bago mo ako angasan… magsipilyo ka muna. Ang baho ng bunganga mo Dax. Mas mabaho pa sa c.r. dito.” Sabat ni Kaloy sabay tulak kay Dax ng malakas tsaka tinalikuran ang apat at pinakyuhan si Dax.

Nakanti ang pikon ni Dax lalo na nang tinawanan siya ng kasama niyang tatlo dahil sa sinabi ni Kaloy sa kanya tungkol sa kanyang hininga. Akmang aambahan pa nito si Kaloy nang saktong daan naman ng mga guro na binati naman agad ni Kaloy. Palabas ng quadrangle ang mga guro, kaya nakisabay sa kanila si Kaloy. Dahil dun hindi na nakasunod pa sina Dax. Ngunit batid ni Kaloy na dahil sa nangyaring iyon, malalagay na sa listahan ni Dax ang pangalan niya.

Dahil sa nasirang cellphone nag-aalala ito kung paano niya matatawagan si Vince. Nasa labas na ito ng gate ng paaralan nang siyang dating naman ng kotse ni Vince. Magara ang kotse na dala ni Vince kaya nang huminto ito sa harapan ni Kaloy doon agad ang tingin ng mga estudyante na naroon din sa labas ng paaralan ng mga sandaling iyon. Inabutan pa ni Dax si Kaloy na papasakay sa kotse ni Vince. At nang makita kung gaano kagara ang sinakyang kotse ng kaklase, gumuhit ang matipid na ngiti sa labi nito.

“Yayamanin pala ang gagong iyon. Puwes humanda ka at gagatasan kita ng sobra.” Sa isip pa nito.

Maging si Megan hindi makapaniwala sa nakita.

“Girl hindi lang pala ang harapan niya ang malaman, maging ang bulsa girl…mukhang may laman din.” Ani pa ng kaklase nilang babae na kasama nun ni Megan.

“Kung mayaman naman pala siya, bakit dito pa siya nag aral? Afford naman yata nila ang private school diba?.” Sabat ni Megan.

“Malay mo baka nais lang din ma-experience ang difference ng public sa private. Alam mo meron talaga iyon sa mga mayayaman. Sa mga teleserye nga, para matuto iyong mga anak ng mayayaman, nilalagay sila sa mga sitwasyon na hindi sila komportable. Like sa mga public school.” Saad pa ng isang estudyanteng babae.

“Sa teleserye iyon, eh hindi naman nangyayari iyon sa totoong buhay. Basta ako iba ang duda ko. Remember Brenty? Iyong isa pang yummy dito dati…akala ko yayamanin din iyon only to find out na sugar dada niya pala iyong akala natin daddy niya.” Pakiwari pa ni Megan.

“Duda ka na ganun din si Carlo? Mukhang hindi naman. Pero if ever girl na ganun din siya. Ipu-push mo parin ba ang intensiyon mo sa kanya?”

“Why not,paki ko naman dun. Eh di share kami sa titi ni Carlo kung sino man siya. Hindi naman ako masilan sa ganun. Ako pa ba. Puta naman kasi itong si Carlo ang sarap mukbangin. Parang ang sarap dilaan pati talampakan niya. Grrrrrr… nakakagigil.” Tugon pa ni Megan.

“Bakla ka talaga girl. Hindi ka namin kaya talaga. Pero paano si Dax? Baka pag-initan pa nun si Carlo dahil sa iyo.” Sabi pa ng isa.

“Pantawid uhaw ko lang ang gagong iyon noh. Tsaka subukan niya lang, ako talaga makakalaban nun. At huwag siya umastang pag-aari niya ang kepay ko dahil hindi lang siya ang nakikikain dito.” Saad pa ni Megan.

Mula naman sa pagsundo kay Kaloy, dumaan muna ng mall ang dalawa para ibili ng bagong cellphone ni Vince si Kaloy.

“Buti na lang talaga sumakto ang pagdating ko kanina.”

“Ipaayos na lang kasi natin itong cellphone, wag na tayong bumili ng bago.”

“Ganun din iyon baby love. Mahal din magpaayos. Mag upgrade ka na lang talaga ng phone, tsaka hahanap na rin tayo ng laptop na magagamit mo.” Saad ni Vince.

“Siya nga pala, na kamusta mo na ba ang mamita mo? Tong araw na ito diba ang labas niya?”

“Mukhang okay naman siya nung tinawagan ko, May pa dinner nga mamaya sa bahay ayon kay mamita. Pupunta rin si tito Seth. Mukhang may public announcement na magaganap mamaya.” Ani pa ni Vince.

“Anong announcement naman kaya baby love?”

“Malamang ire-reveal na nina mum at dad ang kanilang sekreto. Nasabi ko na kasi kay mamita ang nalaman ko sa hiwalayan nila ni dad.” Sagot ni Vince.

“Family moment pala ang mangyayari mamaya baby love. Mainam siguro na hindi na ako sasali pa sa dinner niyo.” Wika ni Kaloy.

“No, hindi puwede…dapat kasama ka. Dahil kung may pa reveal sila at aaminin. Tayo rin, aamin din tayong dalawa. Sasabihin na talaga natin sa kanilang na totohanang jowa na kita.” Sabat ni Vince.

“Sure ka na ba?”

“Oo naman, kung hindi sila nagulat sa pagpapanggap natin at tinanggap tayo. For sure this time ganun din ang magiging tugon nila. Ang kaibahan lang, totoo na ito baby love.” Ang nakangiting sabi ni Vince.

Walang kamalay-malay naman sa mga sandaling iyon si Kaloy na hindi kalayuan lang sa kanila naroon ang babaing minsan na naging dahilan ng kanyang pagsusumikap at pangarap. Mula sa kabilang side ng mall na katapat lang ng gadget store kung saan naroon naman sina Kaloy at Vince, abala naman dun si Danica na bumibili ng mga kakailanganin sa isang bookstore.

“Sabi ko na nga ba at ikaw nga.”

“Gibo?”

“Yes naman, ikaw lang mag isa?”

“Oo ako lang, pauwi na rin ako after ko rito. Ikaw ba mag isa lang din?” Tanong pa ni Danica.

“Medyo, kakahiwalay lang din kasi ng mga kaklase ko sa akin. Papunta ako ng Korean resto nang mapadaan ako rito at nakita kita.” Sagot ni Gibo.

“May ka date ka yata… Naku puntahan mo na baka mainip ang naghihintay sa iyo at i-break ka ng girlfriend mo.” Ani ni Danica.

“Wala pa akong girlfriend, tsaka wala akong ka-date. Solo lang akong kakain dun. Ikaw baka free ka pa, samahan mo na lang ako. Total naman hindi kita na treat man lang ng fishball nu’ng unang kita natin.” Tugon ni Gibo.

“Ay gusto ko iyan, hindi talaga kita tatanggihan. Paborito ko kaya ang Korean food…lalo na libre. Pero babayaran ko muna itong mga pinamili ko.” Sabi pa ni Danica.

“Ako na ang magbabayad niyan.” Wika pa ni Gibo sabay kuha ng wallet nito at dukot dun ng card.

“Rich kid ka talaga noh? Pa card-card ka na talaga, dati naglalaglagan pa ang mga barya mong dala sa bulsa, kapag nag uunahan kayo ni Kaloy sa pagtulong sa akin na buhatin ang mga paninda namin nun paakyat sa bubong ng jeep. Pero ngayon pa swipe-swipe na lang.” Puna pa ni Danica kay Gibo.

“Pinalad lang sa ama. Halika na tapos ko na bayaran ito. Kumain naman tayo. Tapos kuwentuhan mo pa ako. Nakakamiss ang makita ka.” Ani pa ni Gibo.

Kasama nga si Danica pumasok ng Korean resto sina Gibo. Saktong kakapasok lang ng dalawa sa loob nang siyang daan naman nina Vince at Kaloy sa harapan ng resto na iyon para tunguhin naman ang bookstore na pinanggalingan ng dalawa dahil sa may bibilhin naman nun si Vince dun. Pinaglalapit man ng tadhana ngunit tila hinahadlangan naman ng pagkakataon sina Danica at Kaloy na magkita.

This is it!

Sakto lang ang pag-uwi ng dalawa Kaloy at Vince, nakahanda na ang dinning area para sa hapunan ng pamilya. Si Mamita mismo ni Vince ang sumalubong sa dalawa para anyayahan na ang mga ito sa lamesa. Tumango si Vince at kasama si Kaloy umakyat muna sila ng silid upang makapagpalit ng damit. Sa loob ng kuwarto nasabi nito kay Kaloy ang weird na napansin pagkapasok nila sa bahay.

“Nakita mo ba ang mukha ni Mamita? Bakit ang saya niya?” Tanong ni Vince kay Kaloy.

“Malamang dahil nakita ka.” Sagot ni Kaloy.

“Hindi eh, parang hindi kasi iyon ang inaasahan ko. Tapos ang mga kasambahay dito nakakaloko ang mga ngiti habang tinitingnan tayong dalawa kanina. Pati si manang Ponyang kahit pigil ang ngiti alam ko na tuwang-tuwa. Bakit kaya? Parang may mali sa bahay.” Ani pa ni Vince.

“Nasanay ka kasi na wala kang nakikitang ganun dito sa inyo dati. Tsaka dahil baka nandito ang Mamita mo kaya masaya ang lahat.” Sabat ni Kaloy.

“Ilang beses na umuwi si Mamita rito pero hindi naman ganito ang pakiramdam ko noon sa bahay. Alam mo iyong gumaan bigla ang environment dito? At si Mamita kanina parang sabik na sabik ang reaksyon sa pagsalubong sa atin kanina.”

“Huwag mo na ngang isipin iyan. Ang mahalaga puro positive ang napapansin mo sa bahay niyo. Bilisan mo riyan at baka naiinip na ang Mamita mo sa atin sa baba.”

Matapos nga magbihis ng pambahay ang dalawa sabay na silang bumaba at nagtungo ng dinning area. Bungad pa lang nagulat na si Vince sa mga nakahain sa lamesa. Maging si Kaloy nagtaka rin sa dami ng mga pagkain na nakahain sa kanilang harapan. Animoy may papiging sa dami ng mga samot saring putahing naroon. Karne, seafood,at iba pa. Ang ipinagtataka pa ni Vince dahil kasama nila sa mahabang dining table sina Ponyang, Badong, Tipen at ang mga kasambahay liban sa dalawang guard nila na nasa gate. Kumpleto rin ang magulang nito. Nasa dulong gitna ang ama nito, sa kanan nito ang ina at sa kaliwa naman si Mamita na katabi naman si Seth na tiyuhin nito, na sina Ponyang at Tipen naman ang katabi.

May dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Sonya at doon pinaupo ng ina si Vince katabi niya at si Kaloy.

Tulala si Vince sa napapansin nito sa harapan. Sa unang pagkakataon sa buhay niya. Kasama niyang buo ang pamilya sa isang hapag-kainan. Nagdagdag ito ng palaisipan sa kanya kung ano ba ang nangyayari. Bakit tila mahalaga ang gabi na iyon para sa lahat.

Ang ikinagulat pa ni Vince nang pinangunahan ng ama ang pagdarasal bago simulan ang hapunan. Kahit kailan hindi niya iyon naranasan o nakita man lang sa tuwing kumakain sila.

“Kumain muna tayong lahat at sana magustuhan niyo ang mga luto ko. Nak Vince try my kaldereta, sabi ni manang Ponyang isa daw iyan sa paborito mo na dish.” Wika ni Herman.

“Naku sir Vince alam mo ba na ang daddy mo halos nag luto ng mga pagkain na ito? At lahat ng mga iyan mga paborito mo.” Sabat ni Ponyang.

Lahat nga sa harapan nito paboritong pagkain ni Vince mga pagkain na madalas niluluto nila sabay nun ni Ponyang. Mahilig sa kusina si Vince, hindi nito akalain na ang hilig pala niyang iyon ay namana nito sa ama. Na ngayon lang nalaman na marunong at magaling din pala magluto. Ibinida pa ni Mamita sa harapan ng lahat ang husay ni Herman sa kusina noon.

“Sa hilig ni Herman sa kusina, wala nang trabaho ang kusinero namin kundi taga tikim na lang luto ni Herman. And he does the cooking talaga sa bahay kapag nandoon iyon. Kaya nga sabi dati namin ng papa niya na magtayo na siya ng restaurant. Eh kaso iba ang tinayuan niya kaya ayan nakapag asawa ng maaga. Buti na lang talaga at napunta siya kay Sonya. Kahit papano nabunga rin naman ng maganda ang kanilang pagsasama.” Kuwento pa ni Mamita sa lahat.

Nagpalitan na ng mga kuwento ang lahat na naroon sa lamesa ngunit tahimik lang sa kanilang upuan sina Vince at Kaloy. Hanggang sa nagsimula na nga magbukas ng dahilan si Herman sa kanilang harapan. Doon na inamin ng mag asawa na minsan na nga itong naghiwalay na siyang nilihim at itinago nila sa lahat ng limang taon. Nailahad din ng mag-asawa na dahil sa kanilang pagpapanggap na maayos parin sila kahit na hindi ay mas lalo lang naging mahirap para sa kanila ang lahat na nagresulta sa pagpapabaya nila sa kanilang tungkulin bilang magulang ni Vince. Humingi ng tawad ang mag-asawa kay Vince sa mga pagkukulang nila sa kanya. Maging sa lahat na naapektuhan sa bangayan nila noon.

Ngunit sa lahat ng mga narinig sa mga magulang walang tugon na reaksyon si Vince, Nakayuko lang ito sa harapan ng kanyang pagkain. Tinatago sa lahat ang nararamdaman ng puso. Pigil ang emosyon.

Kasunod ng mga pag amin at paghingi ng tawad. Ipinaalam pa ng mag asawa sa lahat na nagkabalikan na muli sila. At totoong nagkaayos na silang muli. Bagama’t naghiwalay man sila noon, hindi naman sila umabot sa puntong mag pa annul ng kanilang kasal. Kaya sa batas ng simbahan at husgado literal na mag asawa pa rin naman sila.

Kinagulat iyon ni Vince at doon lang ito napatingin sa mga magulang. Lalo na nang sabihin ni Hector na balak nila mag pakasal muli ni Sonya sa simbahan.

“Vince, alam namin na hindi sapat ang sandaling ito para punan ang ilang taon na nawala sa iyo na kasama kami. Hindi rin ganun kadaling kalimutan ang mga kasalanan namin sa iyo. Mahirap na balikan ang mga pagkukulang namin ng mommy mo sa pagpapalaki sa iyo. But we are proud na naging ganyan ka kahit hindi kami visible sa journey mo. Lumaki kang mabait, magalang at responsable, sa kabila ng mga hinanakit mo at sa sama ng loob sa amin…naging mature ka at matatag. Hindi ito madali for you…pero hayaan mo kami ng mommy mo na bumawi sa mga pagkukulang namin. At naniniwala ako na it’s never too late to restore this family that we have. Magsisimula tayo muli. At sana mapagbigyan mo kami ng mommy mo.” Wika pa ni Herman.

“We love you son, hayaan mo kami ng dad mo na iparamdam iyon muli sa iyo. Tsaka hindi niyo na rin kailangan pa magpanggap ni Kaloy. Sorry kung umabot ka pa sa ganito para lang gantihan kami ng dad mo. And Kaloy pasensiya din at nadamay ka pa sa kakulangan namin kay Vince. And thank you na din dahil hindi mo pinabayaan ang anak namin. Your such a good friend that he must have. Masaya ako at ikaw ang naging kaibigan ni Vince. At dahil dun, welcome to our family. Parte ka na ng pamilyang ito.” Ani pa ni Sonya.

Sa narinig nagkatinginan ang dalawa, Kaloy at Vince. Hindi inaasahan ng dalawa ang bahaging iyon. Lalo pang nawala sa sasabihin nito si Vince nang magsalita si Seth.

“Sorry Vince ha, napakuwento na rin kasi ako sa kanila. Tsaka alam naman pala ng mommy mo ang tungkol sa inyo ni Kaloy bago pa iyong pa party niyo. Sinasakyan niya lang kayo nun dahil balak niya rin inisin ang dad mo. Sorry pamangkin. But now na alam na ng lahat na fake news lang pala ang jowa-an niyo. Puwede na kayo mag relax both. “ Sambit ni Seth.

“Pati ako napaniwala niyo talaga na mag boyfriend kayo. Pero kahit na hindi iyon totoo, Kaloy iho, gustong gusto parin kita para sa apo kong si Vince. Ibang klase kang kaibigan. Alam ko isa karin sa dahilan kung bakit lalong bumait si Vince. Iba rin ang na ibigay mong suporta sa kanya. Kaya ipangako mo na hinding-hindi mo iiwanan itong apo ko.” Sabat ni Mamita.

“Kuwan ma’am Silvia”…

“Mamita, parte ka na ng pamilyang ito at itinuturing na rin kitang apo kaya Mamita na rin ang itawag mo sa akin.”

“Kuwan Mamita, promise po hinding-hindi ko iniwan itong si Vince. Napakabait din niyang kaibigan sa akin. Higit pa nga sa isang kaibigan ang turing ko dito. Parang kapatid ko na nga ito eh…dun po sa amin anak na rin kasi ang turing nila nanay at tatay sa kanya.” Wika pa ni Kaloy na sinulyapan si Vince.

“Naku Kaloy next time na uwi niyo sa inyo isama mo rito ang mga magulang mo nang makilala namin sila at makapagpasalamat ng personal sa pag alaga nila kay Vince nung nandun ito sa inyo.” Saad ni Sonya.

“Sure tita, siguradong matutuwa rin sila nanay at tatay na makilala kayo.”

Nawala na sa isip ni Vince ang balak na umamin sila ni Kaloy sa harapan ng lahat. Sa lakas ng tawanan at kuwentuhan sa hapag na iyon hirap makasingit ng buwelo si Vince. Nais ipahayag ang katotohanan sa kanila ni Kaloy ngunit tila nawalan ito ng lakas para gawin iyon. Lalo pa at napangunahan na sila ng lahat.

Natapos ang hapunan na hindi man lang nasabi ni Vince ang nais sana nitong sabihin at aminin sa lahat. Maya pa nagkayayaan ang dalawa na mag-usap sa pool area. Doon agad na humingi ng sorry si Vince kay Kaloy.

“Bakit ka naman mag so-sorry? Moment iyon ng family mo. At masaya ako dahil maayos na kayo. Buo na muli kayo. At nangako ang parents mo na babawi sila sa iyo. Iyon ang mahalaga.” Ani ni Kaloy.

“Paano tayo?” Tanong ni Vince.

“Eh di ganun lang din sa ginawa natin. Kabaliktaran nga lang ngayon. Tsaka hindi naman mahirap sa iyo ito eh. Nagawa niyo ngang itago ni Nate sa lahat ang tungkol sa inyo. Ngayon pa na nagawa rin natin silang paniwalain na mag jowa tayo.” Sagot ni Kaloy kay Vince.

“Ayos lang sa iyo na ililihim natin sa kanila na boyfriend kita? “ Tanong muli ni Vince.

“Doon naman talaga tayo nagsimula ah. Kaya ayos lang sa akin. Ang mahalaga sa ngayon kayo ng magulang mo. Bigyan mo muna sila ng chance sa iyo. Ito naman talaga ang pangarap mo nun pa. Huwag mo akong alalahanin ayos lang talaga sa akin.” Tugon ni Kaloy sabay tapik sa balikat ni Vince.

“Hindi na kita matatawag na baby love sa harapan nila niyan.”

“Sa harapan lang naman nila, pero pag tayo na lang kahit mag sawa ka pa sa kakatawag sa akin ng baby love.”

“Kainis, parang gusto ko na lang tuloy na hiwalay na lang silang muli. Kung kelan na totohanan na tayo ngayon pa ito nangyari.” Wika pa ni Vince.

“Maging masaya ka na lang sa nangyari. Hindi naman ako lalayo sa iyo nang dahil lang sa hindi mo nasabi ang tungkol sa atin. Tayo pa rin naman kahit magpanggap tayo sa harapan nila na magkaibigan lang. Hindi iyon magbabago baby love ko.” Saad pa ni Kaloy ng pabulong kay Vince sabay kabig kay Vince palapit sa kanya.

Hindi umayon sa dalawa ang sandaling iyon para naman kay Kaloy deserve ni Vince marinig lahat iyon mula sa kanyang pamilya lalo na sa mga magulang nito.

Nang mga oras naman na iyon may kaunting pagtatalo naman ang namumuo kina Nate at Gibo dahil sa naging tambalan nila Gibo at Vince sa nangyaring class activity.

“Grabe naman toh, akala ko ba ayos lang iyon sa iyo kanina? Bakit ngayon parang iba na?” Tanong ni Gibo kay Nate habang nakikipag video chat ito.

“Anong iba?, tinatanong ko lang naman kung ano pa ang pinag-usapan niyo ni Vince kanina kasi nakita ko na tila nagbubulungan na kayo kanina. Masama ba mag tanong? Kung ayaw mong sagutin ayos lang naman.” Tugon ni Nate na tila hindi nasiyahan sa sinabi sa kanya ni Gibo.

“About sa topic lang naman kasi ang pinag-uusapan namin. At hindi kami nagbubulungan ni Vince, hininaan lang talaga namin ang boses namin kanina. Bakit ba kasi parang may nais ka pang malamang iba? Nag se-selos ka na ba niyan Nate?” Wika ni Gibo.

“Kung wala naman palang dahilan bakit naman ako magseselos? Huwag na nga natin pagusapan ito baka kung saan pa umabot ang topic natin.” Ang tila nainis na sagot ni Nate.

“Okay fine, bukas din iiwasan ko na si Vince. After namin mag present ng report bukas, promise hinding-hindi na ako lalapit sa kanya. Kahit na kausapin, hindi na.” Ani pa ni Gibo.

“I didn’t say na iyon ang gawin mo. At hindi ako nagseselos kanina. Iba lang ang pagkakaintindi mo sa tanong ko sa iyo.” Saad naman ni Nate.

“Dahil ganun ang punto ng tanong mo. Hindi naman ako bobo na hindi ma gets iyon sa iyo. At sa reaksyon mo ngayon, parang nararamdaman ko parin na hindi ka pa nga nakapag-move on sa inyo ni Vince. Sorry kung pumasok agad ako sa puso mo na hindi pa nakakalabas ng tuluyan si Vince. Masyado kasi natin minadali ang ating relasyon.” Sabat ni Gibo na may inis na rin sa tugon sa kanya ni Nate.

“Teka naman, bakit na tayo umabot sa ganyan? Ang simpleng tanong lang iyon. Meron o wala lang ang sagot dun. Gilbert naman…”

“Bukas na tayo mag usap Nate…iyong magkaharap tayo. Matulog na tayo…sige na, ayokong humaba pa ang diskusyon natin.”

“Okay naman tayo diba?” Tanong ni Nate.

“Okay tayo,…sige na inaantok na rin ako. Usap na lang tayo bukas.”

Naunang tinapos ni Gibo ang usapan na hindi man lang nag paalam ng maayos kay Nate, basta na lang nito pinutol ang tawag. Tsaka nahiga sa kama at tinakpan ng unan ang mukha. Si Nate naman sa sobrang inis naitapon nito ang hawak na cellphone sa kanyang kama. Namura ito at pinagsusuntok ang unan. Doon na lamang nito ibinuhos ang pika at inis.

Umusad ang gabi na hindi naging maayos ang tulog ni Nate at Gibo dahil sa huling pag-uusap nila.

Kinabukasan…may kadiliman pa ang paligid, maaga nang nagising at bumangon si  Kaloy.  Matapos mag banyo at mag refill ng tubig lumabas ito ng balkonahe ng silid nila ni Vince dahil nais nitong nagpapawis. Alas kuwatro lamang iyon ng umaga kaya halos hindi pa nakasilip ang liwanag ng araw sa paligid. Bago dumeretso ng balkonahe nilapitan muna nito si Vince na kasalukuyang mahimbing parin na natutulog para sana gisingin ngunit sadyang masarap talaga ang tulog ng kasama.

Lumabas na nga ito ng balkonahe na tanging baxer briefs lang ang suot.  Nagsimula na rin ito mag warm up. At dahil tanaw mula sa silid ni Vince ang pool area napagawi roon ang tingin ni Kaloy.

Maya pa bumukas ang sliding door malapit sa pool area at mula roon lumabas si Herman na nakapang jogging na porma. Namangha si Kaloy sa sobrang fit na katawan ng ama ni Vince. Nakasuot kasi nun ng maluwag na puting sando si Herman kung saan kita ang hulmado nitong mga ukit sa katawan tsaka na itim ng shorts na sobrang iksi na bagay sa malaki at malaman nitong mga hita na medyo mabalbon.

Saglit pa at napalingon si Herman sa kinatatayuan ni Kaloy. Kinawayan nito ang binata at sinenyasan na bumaba at samahan siya nito.  Natigilan si Kaloy na napagtanto na lang din kay Herman tsaka sumenyas na magbibihis na muna.

Nang nasa harapan ito ni Vince na natutulog, doon lang napagtanto ni Kaloy ang ginawa niya.

“Shit, bakit naman ako umo-o sa dad ni Vince? Baka kung ano pa masabi ko mamaya sa kanya kapag tanungin niya ako tungkol sa amin ni Vince. Hindi na lang ako bababa, mag dadahilan na lang ako.  Pero baka magalit iyon, bahala na… tatahimik na lang ako.” Sa isip pa ni Kaloy.

Dahil sa ayaw nitong mainip sa kanya ang ama ni Vince mabilis na nagbihis ng sando at shorts si Kaloy, tangan ang rubber shoes at medyas patakbo itong lumabas ng silid at bumaba ng hagdan para puntahan sa pool area si Herman. Nang mapansin ito ng lalake agad nitong tinawag si Kaloy na lumapit sa kanya.

“Halika na, iikot tayo ng village samahan mo ako.” Wika ni Herman.

“Wait lang sir, susuotin ko muna itong sapatos ko.”

“Sa kotse mo na isuot iyan… Halika na”.

Nagtaka si Kaloy kung bakit magkukotse sila gayong mag ja-jogging lang naman sila. Iba na ang tumatakbo sa isip ni Kaloy ng mga oras na iyon ngunit sumunod na lamang ito kay Herman. Sa loob na nga ng kotse ni Herman nagsuot ng sapatos si Kaloy at habang nag aayos ito nagsimula na siyang kausapin ni Herman.

“Sabay ba ang pasok niyo ni Vince mamaya?” Tanong ni Herman kay Kaloy.

“Mas maaga po iyong sa akin ng thirty minutes. Kaya hinahatid niya muna ako sa akin bago siya papasok sir.” Ang mahinang tugon ni Kaloy.

“Sa akin kana sumama mamaya. Nalaman ko kay Seth na sa Bayag-bayagan ka pala nag-aaral ngayon. Kamusta naman ang unang araw mo dun? Ayon kay Seth maganda naman ang reputasyon ng paaralan na iyan, ngunit base sa mga nalaman ko rin, karamihan sa mga estudyante roon mga pasaway. Almost rejected student pa nga raw mula sa ibang public school.” Ani ni Herman.

“Parang hindi naman ganun sir. Ang babait nga ng mga guro dun pati mga estudyante.” Tugon ni Kaloy.

“Unang araw pa lang kasi. Ngunit sakaling may na obserbahan kang di maganda, magsabi ka agad. May mas magandang eskuwelahan na puwedeng pasukan. Ako ang bahala. May balak ka palang mag-aral sana sinabihan niyo ako ni Vince.” Wika pa ni Herman.

“Tinulungan naman kami ni tito Seth, sir.”  Sabat ni Kaloy.

“Kay Seth nag ti-tito ka, sa akin sir? Nagkasundo na kami ni Sonya tungkol sa iyo. Bahagi ka na ng pamilya namin kaya tito na lang din ang itawag mo sa akin. Total nakiki-tatay naman si  Vince sa ama mo.” Sabi ni Herman.

Hindi na kumontra si Kaloy sa nais ni  Herman. Nagpatuloy ang dalawa hanggang sa hininto ni Herman ang kotse sa mapuno na parte ng park ng village. May ilang mga kotse na rin na nakapark doon at may ilang mga resident na din ng village ang nag ja-jogging sa bahaging iyon.

Naunang bumaba si Herman tsaka sumunod sa kanya si Kaloy.

“Madalas ba kayo nag ja-jogging dito ni Vince sir…ibig kong sabihin tito?” Tanong ni Kaloy na ginagala ang paningin sa paligid.

“Nu’ng bata pa si Vince. Sa pagka-alala ko ang huling bonding naming mag-ama ay nung twelve years old siya. After nun hindi na. Naging busy na ako sa mga negosyo. Tsaka ngayon lang muli ako nakabalik dito para mag jogging.” Sagot ni Herman.

“Dapat pala ginising ko talaga si Vince kanina para nakasama rin natin siya ngayon.”

“I doubt kung sasama iyon. Pansin ko kagabi mukhang nagulat parin siya sa narinig niya samin ng mommy niya. Pero sabi ko nga babawi ako sa kanya, pero hindi ko naman dapat biglain. Hindi madali pero alam ko magkakaayos din kami at kailangan ko ang tulong mo para mangyari iyon.” Ani ni Herman.

“Iyon lang ba tito, walang problema. Hindi naman ganun ka bato ang puso ni Vince para sa inyo. Sa totoo lang masaya iyon kagabi dahil sa narinig niya sa inyo.” Sabat ni Kaloy.

“Talaga?”

“Sir…tito sa katunayan Iya talaga iyon sa matagal na hiling ni Vince. Ang maayos ang pamilya niyo. Tsaka pasensya nga pala kung nakisakay din ako sa trip ni Vince na magpanggap kaming magjowa. Ang akala kasi niya kapag ginawa namin iyon, mapapahiya kayo sa mga tao. Makakaganti na siya sa inyo. Eh kaso mukhang hindi naman iyon ang nangyari. Tinanggap niyo parin iyon nang hindi man lang nagalit sa kanya.” Saad ni Kaloy.

“Bakit naman namin gagawin iyon. Anak namin si Vince at hindi iyon magbabago maging ano man siya. Mahal namin siya ni Sonya kahit hindi niya iyon nakikita sa amin. Tsaka bakit hindi namin tatanggapin kung naging bakla siya, eh ang tito Seth niya gay tapos bestfriend ko pa iyon. At wala namang masama sa pagiging bakla. Hindi naman iyon kabawasan sa pagkatao kung iyon ang choice mo maging.” Ani pa ni Herman.

“Sana lahat ng ama ganyan ang pag-iisip.” Wika ni Kaloy na tila napalalim bigla ang iniisip.

“Hindi naman pare-pareho ang mga ama, but at the end of the day ama parin siya ng kanyang anak. At kahit maging bakla man si Vince, tatanggapin ko kasi anak ko iyon.” Ayon pa kay Herman.

“Sana pala umamin na kami kagabi, tanggap parin naman pala siya ng daddy niya. Hay ako kaya? Tatanggapin din kaya ako ni Tatay pag sinabi ko sa kanya na nagiging bakla na rin ako?” Sa isip pa ni Kaloy.

Naalimpungatan naman nun si Vince nang sa pagkapa nito ng kama wala na sa tabi niya si Kaloy. Tinawag pa niya ito at hinanap maging sa loob ng banyo ngunit wala ito. Nang kunin at tingnan ang oras sa cellphone five thirty na ng umaga, maliwanag na sa labas. Naisip ni Vince na baka nasa baba na si Kaloy kung kaya naligo na lamang ito tsaka ng ayos at bumaba ng dinning area.

Inabutan niya roon si Ponyang na nagluluto ng pang almusal.

“Good morning sir Vince ang aga niyo namang nagising…kakain na po ba kayo? Saglit at malapit na rin ako rito.”

“Si Kaloy po manang napansin niyo ba?” Tanong ni Vince.

“Hindi ko nakita. Bakit nakababa na ba iyon? Baka nasa garden.”

“Sige po manang titingnan ko muna.”

Lumabas ng garden si Vince ngunit wala rin doon ang hinahanap. May kaunting kaba na naramdaman ang binata. Nang makasalubong niya si Tipen…

“Maaga sila lumabas ng dad mo, madilim pa kanina.” Sagot ni Tipen ng tanungin ito ni Vince.

“Saan daw ang punta nila kuya?”

“Di ko alam pero sa mga porma nila, parang mag ja-jogging ang dalawa.” Sabat ni Tipen.

Maya-maya pa narinig ni Vince na binubuksan ang kanilang gate.

“Mukhang nakabalik na yata sila sir Vince puntahan ko muna lilinisin ko pa ang kotse ng dad mo.” Sabi pa ni Tipen na nauna nang puntahan ang gate.

Nanatiling nakatayo roon si Vince upang hintayin si Kaloy. Sandali pa at natanaw na nito sina Kaloy at Herman na nagtatawanan habang papalapit sa kanya. Ewan ni Vince sa kanyang pakiramdam pero habang pinagmamasdan nito ang dalawa tila may inggit itong nadarama. Hindi na nito hinintay pa si Kaloy at bago pa nakalapit sa kanya ang lalake pumasok na ito sa loob. Hindi naman iyon binigyan ng pakahulugan ni Kaloy. Sinundan nito si Vince sa loob.

Nang mga oras naman na iyon maaga pa lang abang na abang na si Nate sa tawag ni Gibo sa kanya. Ngunit mag aalas sais na ng umaga kahit text message man lang mula sa kapareha wala itong natanggap.  Gusto man alamin nito ang dahilan ngunit umiiral nun kay Nate ang pride lalo na at nagkainitan sila ng sagot ni Gibo nung gabing iyon.

Maaga itong naligo at nagbihis para pumasok ng eskuwela. Mag-aalas siete na wala pa rin paramdam si Gibo sa kanya. Hindi na ito nakatiis at tinawagan na si Gibo.

“Hintayin mo ako, dadaanan na kita.”

“Hindi na,…nag book na ako ang mjasasakyan tsaka wala na ako sa condo ko ngayon. Nag almusal na ako sa labas.” Tugon ni Gibo kay Nate na wala parin sa kondisyon ang tono ng boses.

“Nasaan ka, pupuntahan kita.” Wika ni Nate.

“Magkita na lang tayo sa eskwelahan mamaya. May kasama ako ngayon. “ Ani ni Gibo.

Napakunot ang noo ni Nate sa sagot sa kanya ni Gibo. “ Sino na kasama mo?!“

“Huwag ka mag selos, babae ang kasama ko.  Dating kaibigan. Sige na at nandito na siya. Huwag kang magalala ipapakilala ko rin siya sa iyo pag may time.”  Sabi pa ni Gibo at tinapos ang usapan nila ni Nate.

Sa tugon na iyon ni Gibo lalo lang naasar si Nate sa kanya. Umpisa palang ng kanilang relasyon bilang magkasintahan tila hindi na nagkakasundo ang ugali ng dalawa. Balik kina Vince, magkasalo sa dinning table sina Vince, Kaloy, at Herman na kumakain ng almusal. Magkatabi sina Vince at Kaloy na hindi nagkikibuan sa isa’t isa. Nang mapansin ni Herman ang pananahimik ng anak.

“Ako na ang maghahatid kay Kaloy mamaya para diretso ka na lang sa school mo. Mahirap na pag naabutan ka pa ng bigat na traffic at ma-late ka pa. Daanan lang naman ang eskuwelahan ni Kaloy sa pupuntahan ko mamaya.”  Wika ni Herman.

“Kung ayos lang kay Kaloy, walang kaso sa akin. Mukha namang komportable na rin naman siya sa iyo.” Tugon ni Vince na sinaglitan ng tingin si Kaloy.

“Mukhang nakaka intimidate lang iyong dad mo pero okay naman pala siyang kasama. Marami nga kami napag-usapan kanina habang nag ja-jogging, tungkol sa iyo pare.” Sabat pa ni Kaloy kay Vince.

“Pansin ko nga kanina na tila nag enjoy nga kayong dalawa…pare.” sagot naman ni Vince kay Kaloy na may pagdiin sa tono nito ang salitang ‘pare’.

Napatingin si Kaloy kay Vince at nakuha agad nito ang ibig sabihin ng reaksyon ng mukha ng kasintahan. Napainom na lamang ito ng tubig at tinuon na lamang ang atensiyon sa kinakain.

“Pag nag jogging kami ulit sana makasabay ka na namin nitong si Kaloy.  Tapos maglaro tayo ng basketbol na tatlo.” Sabi pa ni Herman sa anak.

“Kayo na lang siguro ni Kaloy, hindi kasi ako nagigising ng maaga.”  Sagot ni Vince sa ama.

“Puwede naman sa Sabado di kaya Linggo. Schedule natin. Tsaka nabanggit nitong si Kaloy na madalas kayo nagsasama sa gym. At sabi ko  what if sa inyo na rin ako sasabay, since nag gi-gym din naman ako minsan.“saad ni Herman.

“Whatever dad,…sige mauna na ako, kayo naman ni Kaloy ang magkasama iiwan ko na siya sa iyo. Text na lang kita pare mamaya after ng klase.  Ingat kayo.” Tugon ni Vince na nagmamadali nang umalis.

Ang totoo tila na asar ito sa dalawa lalo na sa daddy nito. Pakiramdam kasi ni Vince, umiiksena ang dad nito sa kanila ni Kaloy at tila ba may balak itong paglayuin sila ni Kaloy.

Samantala…

“Ang lapit lang naman pala ng eskuwelahan mo sa amin. Parang pinaglalapit talaga tayo ng tadhana Danica. Pangatlong kita na natin ito.”  Wika ni Gibo.

“At sigurado ako na may mga kasunod pa ito lalo na at ilang street lang ang layo ng Victor High sa Meriam. Pero infairness sa iyo ha, kahit pang mayaman ang school mo ang low key mo pa rin.” Tugon ni Danica sa binata.

“Nilulugar ko lang ang sarili ko. Yanan-yamanan lang tayo. Tsaka na ako magpapasikat kapag sarili ko ng pera ang hawak ko.” Ani pa ni Gibo.

“Suwerte ng girlfriend mo sa iyo, Guwapo na, mabait at hindi pa mayabang.” Sabat ni Danica.

“At sino naman kaya ang suwerte na iyon? Eh iyong gusto ko sana, may gusto ng iba. Tsaka malabo iyon sa ngayon. Focus muna ako ngayon sa pag aaral.” Ayon pa kay Gibo.

“Hayaan mo irereto kita sa mga kaibigan ko. Anyway salamat sa pag libre uli sa akin ng breakfast ha. Mauna na ako nariyan na iyong mga sundo ko. Kita na lang tayo muli Gibo.” Saad ni Danica ng magpaalam na ito kay Gibo.

Isang kotse ang huminto sa harapan nila kung saan sakay nun ang mga kaibigan ni Danica. Pagkaalis ng kotse, tsaka naman nag book ng ride si Gibo. Ngunit bago pa man ito nakapag drop ng transaction, may bumusina na sa kanya. Isang kotse ang huminto sa kinatatayuan nito. At nagulat ito nang makita kung kaninong kotse iyon.

“Hindi ka ba sinundo ni Nate?” Tanong ni Vince kay Kaloy.

“May kinita ako kanina kaya hindi niya ako nasundo. Siguro on the way na rin iyon sa school natin.” Sagot ni Gibo.

“May hinihintay ka pa ba? Tanong pa ni Vince.

“Mag bo-book pa lang ng ride.”

“Huwag ka na mag book, sumabay ka na sa akin. Sa Victor rin naman ang diretso ko. Halika na baka masita pa ako ng traffic enforcer dito.”

“Sure ka?”

“Sige na, sakay na lang kasi.“ani pa ni Vince.

Sumabay na nga si Gibo kay Vince papuntang Victor High Academy. Si Nate naman nun kakarating lang din ng eskuwelahan. Pansin nito sa parking lot na wala pa roon ang kotse ni Vince. Saktong pababa na ito ng kotse nang lapitan ito ni Xander at Mon.

“Dude ang aga naman ng dating mo, mamaya pa ang klase ah.” Bungad ni Xander kay Nate.

“Dito na ako kakain ng breakfast. Kayo ba, nag breakfast na kayo?” Tugon ni Nate.

“Actually sa cafeteria rin talaga ang sadya namin ni Mon, saktong pagdaan namin nakita ka namin.” Ani ni Xander.

“Kung gayun tara na sa cafeteria.” Saad ni Nate.

Nakapila na ang tatlo sa counter nang pamatingin si Mon sa glass window ng cafeteria na sentro sa parking lot ng eskuwelahan. Napansin nito ang pagdating ng kotse ni Vince at ang kasama nito na bumaba ng nun.

“Pati si Vince ang aga rin ng pasok,kasama pa iyong kaibigan mo dude na taga bundok.” Wika ni Mon sabay tapik kay Nate.

Nakanti na naman ang selos ni Nate nang makita nga sina Vince at Gibo na sabay na pumasok ng eskuwelahan. Naiinis ito ngunit ayaw niyang ipakita iyon sa harapan ng mga kaibigan. Nagtimpi ito ng nararamdaman at pilit pinapakalma ang emosyon. Ngunit kahit anong pigil nito kita parin ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Nate.

“Dude tahimik ka bigla?” Puna ni Mon.

“Iniisip ko lang ang reporting namin ng kapareha ko mamaya. Baka makalimutan ko.” Pagdadahilan pa ni Nate.

“Grabe, eh kami nga nitong si Xander marka bahala na lang ang magiging kalalabasan ng report namin mamaya. Hindi kasi kami nakapag brain storm kahapon.” Sabat ni Mon.

“Ang sabihin mo mas inuna pa natin ang gala kagabi kaysa sa reporting natin.” Sambit ni Xander.

“Lumabas pala kayo kagabi hindi niyo man lang ako tinawagan.” Ani ni Nate.

“Wala naman kasi iyon sa plano. Biglaan lang din. Tsaka gabi narin masyado. Sure naman kami na hindi ka papayagan ng dad. Unless weekend. Siya nga pala dude, since last year na natin sa Victor. Balak ni coach na magkaroon tayo ng monthly league. Doon na rin gagawin ni coach ang pag i-scout ng mga bagong rookie para sa team na ipapalit sa ating mga ga-graduate.” Sabi pa ni Xander.

“At rinig namin sa bulong-bulungan na parang ayaw na ng mga ka teammates natin na isama si Vince sa team. Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit. Pero siyempre nakakapanghinayang iyon kung mangyari. Bukod sa kaibigan natin si Vince, eh hindi rin naman basta-basta ang galing at husay ni Vince sa paghawak ng bola.” Wika pa ni Mon.

“Dahil ba sa paglantad ni Vince na gay siya kaya ayaw na ng team sa kanya?” Tanong ni Nate.

“Medyo, pero hindi pa naman nagbigay ng official statement si coach.” Sagot ni Mon.

“Ang mga bobo naman pala nila kung iyon lang ang nakikita nilang dahilan. Akala naman nila kaya nilang tapatan ang achievements ni Vince. Baka nakalimutan nila na si Vince ang naglagay ng pangalan ng Victor High sa basketball national school league. “ Ang dismayadong reaksyon ni Nate sa narinig.

“Iyon nga eh, maging kami man ni Mon nabigla sa mga naririnig namin sa team.” Ani pa ni Xander.

“May alam na ba rito si Vince?” Tanong ni Nate.

“Tingin ko hindi pa umiiwas rin kasi ang iba na napag-uusapan iyan lalo na pag kaharap si Vince. Sana nga lang hindi pumanig si coach sa mga iyon. Pagkakataon, malamang sasama talaga ang loob ni Vince.” Saad pa ni Xander

“Masasabi ko lang pag ginawa talaga iyon ng basketball team ng school, hindi na rin ako lalaro  para sa Victor. “ Turan pa ni Nate.

Samantala sakay naman nun ng kotse ni Herman si Kaloy papuntang eskuwelahan. Nang  tumawag si Vince sa kanya.

“Papunta pa lang kami ng dad mo sa eskuwelahan, baby…bay…pare. “ ang pautal na sagot ni Kaloy kay Vince.

“Ganun ba pare…sana naman safe kayong makarating pare. Tsaka text mo agad ako pagkatapos ng klase mo pare. Baka kasi si dad naman ang susundo sa iyo…pare.” ang tugon naman sa kanya ni Vince.

“Hayaan mo bukas mag ji-jeep na lang talaga  ako.” Ani pa ni Kaloy.

“Ewan ko sa iyo. Sige na ingat ka. Love you baby ko”. Sabi pa ni Vince.

“Salamat pare…“ang tugon ni Kaloy kay Vince.

Nang matapos ang usapan nila ni Vince…

“Si Vince ba ang kausap mo?” Tanong ni Herman.

“Yes tito… nagtanong lang kung nasa eskuwelahan na ba tayo.” Sagot ni Kaloy.

“Ganun ba, oh ayan malapit na tayo sa eskwelahan mo. Siya nga pala Kaloy, anong oras ang uwian niyo?”

“Kuwan tito, depende sa last subject. Pero base sa nakuha kong schedule, six pm last na iyon. Bakit po?”

“Gagabihin ako ngayon sa pupuntahan ko. Sakto at by six siguro pauwi na rin ako. Hintayin mo na lamang ako, dadaanan kita tapos sumabay ka na sa akin pauwi.” Ani pa ni Herman.

Biglang natigilan si Kaloy sa sinabi ni Herman. Ngunit agad naman ito nakaisip ng palusot. Para hindi na matuloy ang pagsundo sa kanya ng lalake.

“Wag na tito, baka kasi mas gagabihin kami ngayon. Naalala ko may activity kami mamaya. Mag ko-commute na lang ako pauwi.” Wika pa ni Kaloy.

Hindi naman namilit si Herman kay Kaloy. Naniwala naman ito sa dahilan ng binata. Dahil sa ibang kotse na naman ang naghatid kay Kaloy sa paaralan na iyon, naging takaw pansin na naman ito sa mga estudyante na tumatambay pa ng mga oras na iyon sa labas ng gate ng paaralan at sa mga nagtitinda sa labas. 

“Girl may bagong karu na naman si yummy boy mo. At nakita mo iyon hot daddy ang driver niya girl, may edad na pero puta ang guwapo. Feel ko daddy niya iyon.” Wika ni Britney kay Megan.

“At mas yummy iyong dad niya ha, that thin Beard and moustache, shit pota bakla nakakakiliti ng keps iyon pag na scrub ka nun.”. Sabat ni Megan.

“Wit girl don’t tell me ayaw mo na kay Carlo, dun ka na sa daddy?” Tanong pa ni Britney.

“Bakit naman ako pipili ng isa kung puwede naman both diba? Itaga niyo ito sa fishball na hawak niyo. Hindi pa lilipas ang buwan na ito matitikman ko rin iyang si Carlo, tsaka pagsasabayin ko sila ng dad niya.” Ani pa ni Megan.

Naglalakad na noon sa koridor si Kaloy nang akbayan ito ni Dax na nakasunod pala sa kanya…

UR THORN

“Naghahanap ng bagong member ang grupo namin, baka gusto mo sumali…”

“Hindi ko kailangan ng frat, i-alok mo na lang iyan sa iba. Aral ang dinayo ko rito hindi gulo.” Tugon ni Kaloy sabay tanggal ng kamay ni Dax sa balikat nito tsaka binilisan ang mga hakbang.

“Sige lang mag angas ka sa akin. Tandaan mo sa akin ka rin babagsak.” Wika ni Dax na nagpa-iwan nang makita ang ibang tropa na nakatambay sa isang bench.

Rinig ni Kaloy ang sinabi ni Dax ngunit hindi na iyon pinansin ng lalake. Batid nito na dahil sa inasta nito sa kaklase lalong hindi na ito tatantanan ni Dax at ng mga grupo nito. Ngunit wala rin sa plano ni Kaloy ang mag pa-bully sa kanila. Sa buong klase si Kaloy lang ang walang kagrupo. Madalas mag-isa lamang ito sa isang sulok. Tanging si Megan at mga kaklase nilang mga babae ang laging kahalubilo lagi ni Kaloy dahil halos lahat sa kanila type at crush ang lalake. Ngunit pagdating sa mga kaklaseng mga lalake iilan lang ang kumakausap sa kanya. Kabilang na sa mga ito si Zyone.

“Working student nga ako. Mas matanda lang ako ng apat na buwan sa iyo pare. Service crew ako ng Dollimacbee diyan lang sa Dunka highway.”

“Wala bang opening diyan? Gusto rin kasi ma experience ang ganyan.” Ani ni Kaloy kay Zyone.

“Bakit pa? Eh ang yaman mo na.”

“Ako mayaman? Sino nagsabi? Naku pare kung alam mo lang ang buhay namin sa bundok. Kaya nga tinamad na ako dati mag aral kasi sobrang hirap ng buhay namin dun.” Wika ni Kaloy.

“Teka sure ka, sa gandang lalake mong iyan laking bundok ka? Tsaka huwag mo nga akong niloloko pare, may mahirap ba na may tagahatid sundo na kotse? At hindi lang basta kotse, mamahalin talaga. Tapos iba na naman kanina.” Sabi pa ni Zyone.

“Sa tingin mo ba pipiliin ko mag-aral dito kung mayaman ako? Sinuwerte lang ako sa kaibigan kung kaya napunta ako rito. Kaibigan ko ang naghahatid sa akin at sumusundo, tsa kanina dad niya ang nagdaan sa akin dito. Laking bukid talaga ako, magsasaka. Kung ganito man ang mukha at kutis ko, pamana ito ng mga magulang ko. May dugong Hapon si tatay tsaka mistisa Kastila naman sa side ni nanay kaya ito ang resulta.” Nakuwento pa ni Kaloy sa kaklase habang naghihintay ang dalawa ng susunod na guro para sa kanilang next na aralin.

Tulad ni Kaloy, tamad din makihalubilo sa iba si Zyone lalo na kung wala namang kumakausap sa kanya. Ka edaran lang din siya ni Kaloy. Nahinto ng tatlong taon sa pag-aaral at kakabalik lang din bilang working student. At dahil madalas nag-iisa tapulan din siya ng mga kalokohan ng mga kaklase na lalake na kagrupo ni Dax. Hapon na nun at kakatapos lang ng klase nila sa math at vacant period na nila, nang mapansin ni Kaloy na pawis na pawis si Zyone habang hinahalungkat at mga gamit sa bag. Nang usisain niya ito, napag-alamang ni Kaloy na nawawala ang cellphone ng kaibigang kaklase. Tumulong na rin ito sa paghahanap nang mabalingan nito ng pansin ang tatlo nitong kaklase na lalake na nagbubulungan tsaka nagtatawanan habang pasulyap-sulyap sa puwesto nila ni Zyone.

Kinutuban na si Kaloy na may kinalaman ang mga iyon sa pagkawala ng cellphone ng kaibigan. Lalo pa at katabi ng mga iyon si Zyone sa upuan.

“Duda ako na sila ang kumuha ng cellphone mo pare.” Bulong ni Kaloy kay Zyone.

“Hindi puwede, kailangan ko mabawi sa kanila ang cellphone ko.”

Biglang namutla si Zyone, bakas sa mukha nito ang labis na pagkabahala at takot na hindi mawari kung bakit. Agad nitong nilapitan ang tatlong kaklase at nakiusap na ibalik na sa kanya ang cellphone. At nangakong gagawin ang lahat para sa kanila makuha lang ito ang bagay na iyon. Ngunit sa halip na maawa, lalo lang inasar ng mga ito si Zyone tsaka tinawanan. Muling nakiusap si Zyone sa mga ito.

“Pakiusap, kahit anong ipagawa niyo gagawin ko, ibalik niyo lang sa akin iyon maawa na kayo.” Ang halos mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ni Zyone sa tatlo.

“Kaya mong gawin lahat? As in lahat talaga?” Tanong ng isa sa tatlo kay Zyone.

“Kahit ano, akin lang ang cellphone ko.”

“Ayan mga tol, game naman pala si Zyone eh… pagbigyan na natin.” Sabat ng isa na todo halakhak pa.

“Sige na, sabihin niyo na ang gagawin ko kapalit ng cellphone ko.” Wika pa ulit ni Zyone.

“Teka lang ano ba kasi ang meron sa cellphone mo na iyon at halos ipagkalolo mo na sa amin ang sarili mo? Bakit Zy…may mga lihim ka bang nakatago sa cellphone mo na iyon?” Tanong pa ng isa.

Lalong namutla si Zyone sa tanong sa kanya ng kaklase. Hindi ito tumugon sa halip nakiusap ito ng husto sa mga iyon.

Tumayo ang isa sa kanila na malapit sa pintuan at isinara iyon tsaka ni-lock. Nagtaka si Kaloy sa binabalak ng tatlo ngunit nanatili lamang ito sa isang tabi, nakikiramdam at nag aabang sa gagawin ng tatlo kay Zyone. Nais man nito mangi-alam ngunit mas pinili nito ang kumalma. Handa naman ito sakaling may mangyaring di maganda.

“Total tayo lang naman ang narito sa loob ng classroom, siguro naman kaya mong gawin ang ipapagawa namin sa iyo. Tsupain mo kaming tatlo.” Wika ng isa kay Zyone.

Doon na umalma si Kaloy at agad na pumagitna tsaka para pigilan si Zyone na gawin ang pinagagawa sa kanya ng tatlo.

“Mga bastos talaga kayong tatlo! Ibalik niyo na lang ang cellphone kay Zyone kung ayaw niyo na ako mismo ang kukuha nun sa inyo!” Sabat ni Kaloy na seryoso ang mukha.

“Pa epal kang gago ka. Sa tingin mo masisindak mo kami sa laki ng katawan mo?! Mag isip ka tatlo kami,isa ka lang.” Ani pa ng isa kay Kaloy.

“Baka gusto rin magpasubo nito tol kaya nangingialam.” Hirit pa ng isa.

“Tigilan niyo na si Zyone, at ibalik niyo na sa kanya ang kinuha niyo! Binabalaan ko kayong tatlo.” Sambit pa ni Kaloy.

Napikon ang isa sa mga iyon sa pangingialam ni Kaloy kung kaya naitulak nito ng malakas ang lalake dahilan para matumba sa upuan si Kaloy. Agad naman itong nakabawi tsaka nakabangon. Gumanti rin ito ng tulak sa nagtulak sa kanya. Napalakas din ang tulak ni Kaloy kaya napasandal sa book shelves ang kaklase. Sa ginawa ni Kaloy lalo lang naasar sa kanya ang kanyang naitulak. Bumawi ito at pasugod na tinapunan ng suntok si Kaloy na nailagan naman ng huli. Diretso sa hangin ang suntok nito kung kaya diretso subsob din ang sarili nito sa mga upuan dahil sa pag ilag ni Kaloy.

Doon na tumulong ang dalawa pa sa kanilang kasama. Aktong sabay sana nilang sasapakin si Kaloy ngunit naunahan na sila ng sipa ni Kaloy sa kanilang mga sikmura. Nang makatayo ang isa mabilis naman nitong nahawakan sa likod si Kaloy.

“Sige mga tol, pagtulungan niyo ang hambog na epal na ito. Tingnan ko lang kung saan aabutin ang pangingialam ng gagong ito!” Utos ng isa na may hawak kay Kaloy.

Ngunit hindi nila gamay ang kilos ni Kaloy, bago pa man siya lapitan ng dalawa nagawa na nitong makawala sa pagkakayapos sa kanya ng kaklase. Nang mahawakan nito ang uniporme ng isa, hinigpitan niya ang kapit nun tsaka binalibag sa sahig ang kaklase. Nagulat ang dalawa sa lakas ni Kaloy. Batak na ang katawan ni Kaloy sa mabibigat na trabaho. Hindi lang sako at basket ng ka-ing ang humubog sa kanyang lakas kundi ang araw-araw na pagkakarga ng mga produkto nila sa bukid. Kung kaya’t halos papel na lang kung ituring nito ang kaklase nang balibagin niya ito sa sahig.

Nabahag na ang buntot ng tatlo at sumuko na kay Kaloy.

“Ang tatapang niyo umasta wala naman pala kayong ibubuga. Akin na ang cellphone ni Zyone. Bilis.” Wika ni Kaloy.

“Wala naman talaga sa amin ang cellphone niya eh, tsaka hindi naman kami ang kumuha nun kundi si Dax. “ Sagot ng isa kay Kaloy.

Lalong nangamba si Zyone sa nalaman…agad nitong hinablot ang bag at nagmamadaling lumabas ng silid para hanapin si Dax. Sumunod naman sa kanya si Kaloy na sinubukan pang pigilan ang nauna.

Sa Victor High, tapatan rin ang atake ng komprontasyonan nina Nate at Gibo sa rooftop ng kanilang building.

“Tinanggihan mo ang alok ko na daanan ka sa condo mo. Pero kasama mo si Vince papunta rito. Nananadya ka ba talaga ha Gilbert?”.  Ang inis na inis na sabi ni Nate kay Gibo.

“Nakita lang ako ni Vince sa labas ng coffee shop diyan lang sa malapit. Hinintuan niya ako inalok ng sakay pero tinanggihan ko. Pinilit niya ako kaya pinagbigyan ko ang tao. Nate nagmamagandang-loob lang si Vince, mahirap ba intindihin iyon?” Paliwanag pa ni Gibo

“Bakit hindi mo na lang kasi ako tinawagan nang ako na ang sumundo sa iyo? Ang sabihin mo pati si Vince nilalandi mo rin!” Sambit pa ni Nate kay Gibo.

Hindi iyon nagustuhan ni Gibo,kaya agad nito hinatak ang kwelyo ng uniporme ni Nate at diniin ang lalake sa cyclone wire na harang na nasa rooftop.

“Ganun ba ang tingin mo sa akin? Ha?! Ang labo mo Nate, wala na sa tama ang pagseselos mo. Kung ganito rin lang pala ang magiging sitwasyon natin sa relasyon na ito ang mabuti pa nga tapusin na natin ang kahibangang ito.” Wika ni Gibo bago tinalikuran si Nate.

Nilisan nito si Nate sa rooftop at nagmamadaling bumaba ng hagdan, umiiyak.

Ang naiwang si Nate naman ng mga sandaling iyon ay ibinuhos ang nararamdaman sa pagsigaw at pagwawala sa rooftop. Pinagbubuntunan nito ng galit ang mga bagay na makikita niya roon, pinang sisira niya iyon at hinahampas sa semento ng rooftop. Mula sa mga upuan na nandoon, mga tambak na lumang gamit ng paaralan lahat doon ang buhos ng inis ni Nate.

Pababa ng hagdan si Gibo mula rooftop nang makasali nito si Vince na kanina pa hinahanap si Nate.

“Gibo pare magkasama ba kayo ni Nate?” Tanong ni Vince.

Ngunit tiningnan lamang ito ni Gibo at hindi sinagot. Nilampasan lang nito si Vince na tila ba hindi narinig ang tanong sa kanya ng lalake. Tinawag pa muli ni Vince si Gibo ngunit hindi man lang lumingon ito sa kanya. Napuna naman ni Vince ang pamumula ng mga mata ni Gibo na tila kagagaling lang sa iyak. Hindi na nito sinundan pa si Gibo sa halip napatingala ito sa hagdan.

Dati pa man, noong sila pa ni Nate… ang rooftop na ang isa sa lihim na tagpuan ng dalawa. Madalas doon nagpapalipas ng oras sina Vince at Nate pagkatapos ng kanilang klase habang magkasalong pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Pababa mula roon si Gibo nang makasalubong ni Vince kaya batid ng lalake na nandoon sa rooftop si Nate. Dahil sa may kailangan ito sa kaibigan, umakyat ng hagdan si Vince papuntang rooftop.

Doon nga at nakita nito si Nate na nakaupo sa sahig ng rooftop nang nakasandal sa cyclone wire na harang.

“Sabi na nga ba at nandito ka. Anong nangyari? Nag away ba kayo ni Gibo?” Tanong ni Vince kay Nate.

“Puwede ba iwanan mo muna ako gusto ko mapag-isa.”

“Tampuhang purorot lang iyan dude. Huwag mo masyadong dibdibin. Pag-usapan niyo lang iyan ng maayos. Tsaka…” Hindi na naituloy pa ni Vince ang sasabihin ng putulin ni Nate ang kanyang sinasabi.

“Puwede ba Vince stop acting as if concerned ka sa akin. Dahil putang ina hindi bagay sa iyo.” Sabat ni Nate na agad dinampot ang bag tapos tumayo tsaka iniwan si Vince.

Nagulat si Vince sa inasta sa kanya ni Nate. Inintindi naman niya ito sa pag-aakalang dulot lang iyon ng away relasyon nila ni Gibo. Napakamot na lamang ng ulo si Vince dahil tila wrong timing ang pasok nito. Hapon na nun ngunit wala pang tawag o text mula kay Kaloy kung ano ang oras ng uwi nito. At dahil wala na silang kasunod na klase ng oras na iyon, naisipan ni Vince na puntahan na lamang si Kaloy sa eskuwelahan nito. Kakababa lang nito ng hagdan mula sa rooftop nang makita nito ang kanilang coach sa basketball na mapapadaan sa kanyang harapan. Agad niya itong nilapitan at tinanong tungkol sa balak ng Victor na mag sagawa ng paliga

“Coach Ryle confirm ko lang totoo ba na may pa liga ang Victor?” Tanong ni Vince.

“Iyon ang pag-uusapan ng komite bukas. Parang national campus league lang din. Ang kaibahan lang this year is last year niyo ng mga Slayer, at kailangan na ng academy ng mga bagong ipapalit sa inyo. Isa kayo sa pride ng Victor. Lalo ka na. Pero hindi naman habang buhay dito lang kayo.” Ani pa ng coach na napangiti pa kay Vince.

“Masaya ako coach na naging parte ako ng team mo. Excited na ako sa muling pagbubukas ng liga. Sige coach,…have to go.”

“Sige Vince, ingat sa pag-uwi.”

Nang mga sandali naman na iyon, pilit parin sinusundan ni Kaloy si Zyone na hinahanap si Dax. Halos na ikot na nila ang puwedeng pagtambayan ni Dax ngunit hindi nila ito makita hanggang sa napansin na sila ni Megan na kagagaling lang ng canteen.

“Anong nangyari sa inyo? Zy umiyak ka ba?” Tanong ni Megan nang mapansin ang pamumula ng mata ng kaklase.

“Ninakaw ni Dax ang cellphone niya, kaya siya ganyan. Hinahanap nga namin ang tukmol na iyon para bawiin ang cellphone nitong si Zyone. Humanda talaga iyon pag di niya ibinalik ang cellphone, sa principal’s office talaga kami magpang-abot.” Sabat ni Kaloy.

“Nakita mo ba ang hayop na iyon?” Tanong ni Zyone.

“Mukhang wala rito ang hinahanap niyo, baka nasa tambayan na naman ang isang iyon ng mga grupo niya. Hayaan niyo kapag nagkita kami ako na ang kukuha nun sa kanya. Wala na talagang matinong nagagawa ang gago na iyon.” Ani pa ni Megan.

“Nakakapikon na rin ang Dax na iyon, pati na ang mga kagrupo niya. Subukan lang talaga nila gawin sa akin ang ginagawa nila sa iba, manghihiram talaga ang mga iyon ng mukha sa aso.” Saad ni Kaloy.

“Naku subukan niya lang talaga sa iyo at ako ang makakalaban niya.” Tugon ni Megan.

“Kailangan ko talaga mabawi ang cellphone na iyon sa kanya.”

“Hayaan mo pare, makukuha din natin iyon. Bakit ba kasi hindi pa tinanggal ng paaralan na ito ang tulad niya.” Wika pa ni Kaloy.

“Siyempre dahil tiyahin niya ang prinsipal natin,tapos ina niya si Miss Kaldagan iyong tigreng math teacher sa kabilang section, tsaka tiyuhin niya si Sir Piyanot ng senior high, at lolo niya ang co-founder at may ari ng eskuwelahan na ito. Dagdag mo pa na kapitan ng barangay ang tatay nun na sakop nitong paaralan. Kaya ganun ka lakas ang loob ng gagong iyon dito.” Naibahagi pa ni Megan.

“Kahit anak pa siya ng presidente ng Pilipinas hindi niya dapat ginaganito ang mga estudyante dito. Sobrang pam bu-bully na ang ginagawa niya. Pagnanakaw na iyon.” Ayon pa kay Kaloy.

Pansin parin ni Kaloy ang kabado at hindi mapakaling reaksyon ng mukha ng kaklaseng si Zyone. Wala man itong ideya kung gaano kahalaga sa kaklase ang bagay na nawala sa kanya, base sa kilos ni Zyone batid ni Kaloy na lubhang importante ang cellphone na iyon sa kaklase. Napagpasyahan ni Kaloy na idulog na ang nangyari sa ina ni Dax. Nang malaman nito kay Megan na may kaanak pala ang lalake na iyon sa eskuwelahan, sa kanila agad lumapit si Kaloy para mag sumbong.

Unang pinuntahan ni Kaloy si Miss Kaldagan. Ngunit tila nagkamali si Kaloy sa nilapitan. Dahil sa halip na magalit sa ginawa ng anak, si Kaloy pa ang nabulyawan dahil di umano sa pang-aakusa nito kay Dax ng pagnanakaw.

“Dahan-dahan ka iho sa pambibintang baka balikan kita at ikaw ang ipapapulis ko sa paninira sa anak ko. Never na magnanakaw ang anak ko! At kung may ninakawan bakit hindi siya ang lumapit at nagsumbong sa akin? Ikaw ba ang ninakawan?!” Tugon ni Miss Kaldagan kay Kaloy.

“Hindi nga ako ang ninakawan kundi ang kaibigan ko ang kaklase naming si Zyone, ma’am.” Sabat ni Kaloy.

“Precisely, hindi ikaw. Iyong kaibigan mo. At kung siya ang ninakawan, bakit hindi siya ang pumunta rito? Bakit ikaw? Ano ka ba niya spokesperson?” Ani ng guro.

“Ma’am sa tingin mo sa paraan ng pagtugon mo sa sitwasyon…, may estudyante pa kaya na mag lakas ng loob na magsumbong sa iyo? Guro ka pa naman, ngunit kinukunsinti mo ang mali ng anak mo. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganun si Dax, may pinagmanahan pala.” Turan pa ni Kaloy sa guro sa harapan mismo ng mga kapwa nito estudyanteng sa klase na iyon.

Biglang narinig ang tila pigil na mga pagtawa ng mga estudiyante sa sinabi ni Kaloy. Namula sa galit si Miss Kaldagan sa tinuran sa kanya ni Kaloy. Hindi nito inasahan na may estudyanteng sasagot sa kanya nang ganun. Nilisan ni Kaloy ang silid ng guro at tinungo ang prinsipal sa kanyang opisina. Ngunit wala rin pinagkaiba ang nakuhang tugon ni Kaloy sa prinsipal. Bagama’t malumanay naman ang pagkakasabi nito kay Kaloy ganun parin ang konteksto ng mga sinabi nito sa kanya.

“Ganito ba talaga rito, palakasan ng dugo. Madam prinsipal, prinsipal po kayo…palagay na natin na pamangkin niyo si Dax. Tama ba na sabihin mo sa akin na hahayaan na lamang siya. Nambu-bully po si Dax ng mga estudyante, ninakawan niya po ang kaklase namin…hindi po iyon normal madam. Oh baka naman maging kayo takot din sa pamangkin niyo. Sabihin niyo lang at pulis na ang lalapitan ko.”  Wika pa ni Kaloy nang tumayo ito mula sa pagkakaupo para lumabas na ng opisina.

“Never pa ako na insulto ng estudyante sa tanang buhay ko. Lapastanganan kang bata. Bumalik ka dito Mr. Ajero!” Ani ng prinsipal nang talikuran na lang ito ni Kaloy.

Doon napagtanto ni Kaloy na isa palang malaking scam ang eskwelahan na iyon. Na kaya naman pala maraming suwail at tarantadong mga estudyante roon kasi kinukunsinti naman pala ng may katungkulan ang mga maling ugali ng mga pasaway na estudyante tulad ni Dax. Habang naglalakad si Kaloy pabalik ng quadrangle, naalala nito ang sabi sa kanya ni Herman. Agad nito kinuha ang cellphone at tinawagan ang daddy ni Vince, ngunit saktong nasa meeting pa si Herman kaya hindi agad nasagot nito ang tawag ni Kaloy.

Maya pa nang may pagkakataon na, si Herman na mismo ang tumawag kay Kaloy. Agad naman na nagkuwento si Kaloy tungkol sa mga napansin nito sa paaralan dahil sa nangyari sa kaklase.

“Ngayon din pagsasabihan ko ang kaibigan ko na taga higher education department. Paimbestigahan natin ang kalakaran sa eskuwelahan niyo. Kakausapin ko rin ang kakilala kong pulis papahanap natin iyang kaklase mo.”

“Salamat po tito”.

“Siya nga pala, ano oras ang uwi mo? Dadaanan na lamang kita. Sabay na tayo umuwi.” Wika ni Herman.

“Hindi pa sigurado tito may dalawang subjects pa kasi ako mamaya. Mag ko-commute na lang ako sa pag uwi.” Sabat ni Kaloy.

“Ikaw ang bahala, ingat na lang. Papunta na riyan ang mga kasamahan ng kakilala kong pulis para hanapin ang Dax na kinukuwento mo.” Saad ni Herman.

“Ayos po tito, salamat muli. Ingat din kayo sa pag uwi.”

Abot tenga ang ngiti ni Kaloy nang matapos ang usapan nila ni Herman sa cellphone. May kung ano sa loob ng binata na tila naghuhumiyaw sa tuwa ng marinig ang boses ni Herman mula sa kabilang linya.

BEHIND DOORS

Nang dahil sa paghingi ng tulong ni Kaloy kay Herman upang matulungan din ang kaklase, nabulabog ang eskuwelahan lalo na ang mga kaanak ni Dax sa pagdating ng mga pulis. Sa buong kasaysayan ng Bayag-bayagan ngayon lang nangyari na may naglakas ng loob na kontrahin ang ugali ni Dax. Marami sa mga kaklase at kamag-aral ni Kaloy ang natuwa sa kanyang ginawa. Maging si Zyone nagpapasalamat sa naging hakbang ni Kaloy mabawi lang ang nawala sa kanyang cellphone. Ngunit meron itong agam-agam at pangamba na baka lalo lamang sila pag-initan ni Dax at ng mga grupo nito.

“Hindi lang iyon baka pati ang prinsipal natin pag-initan tayo. Nakita mo naman kanina ang tinginan nila sa atin. Parang lalamunin tayo.” Ani ni Zyone.

“Bahala sila, hindi ako natatakot at huwag kang matakot sa kanila. Lalo na at wala naman tayong nilalabag na batas ng paaralan. Sila kamo ang matakot, dahil hinahayaan lamang nila si Dax na magpatuloy sa ginagawa niyang panglalamang sa mga estudyante rito. Tsaka ang ginawa niya, krimen kaya iyon. At puwede mo siyang kasuhan ng pagnanakaw.” Saad pa ni Kaloy.

“Alam ko naman ang dahilan kung bakit kinuha ni Dax iyong cellphone ko. At natatakot ako na baka gamitin niya iyon para sa akin.” Sambit ni Zyone na bigla na lamang nalungkot ang mukha.

“Anong dahilan naman iyon? At kahit na…mali parin ang ginawa niya.”

“Iyong sinabi nina Ran kanina sa classroom, iyong utos nila… ginagawa ko talaga iyon.” Bulalas ni Zyone.

Nagtaka si Kaloy sa ibinahagi sa kanya ng kaklase. Naikuwento ni Zyone kay Kaloy ang iba pang pinagkakaabalahan nito bukod sa pagiging service crew sa isang fastfood.

“Gumaganap ako sa mga adult content video online. Doon ako kumikita ng malaki kapalit ng pagpapagamit ng aking katawan. Nakakadiri diba? Pero doon lang ako nakapag-ipon ng malaki para sa pamilya ko at sa pag-aaral ko.” Kuwento pa ni Zyone.

“Wala akong karapatan na husgahan ka sa ginagawa mo. Buhay mo iyan. At kung sinikreto mo nga ang bagay na iyan, paano nalaman ni Dax ang tungkol diyan?” Tanong ni Kaloy.

“Isang estudyante rin dito ang katulad ko rin ang trabaho. Naisipan naming dalawa na gumawa ng content. At naisipan namin gawin iyon doon sa likod ng football ground. Ang hindi namin alam may nakapansin sa amin na kagrupo ni Dax. Nahuli kami at sinabi nito kay Dax ang nakita niya. Kahapon pa lang nagpaparinig na sa akin sina Dax, hindi ko lang pinapansin. Kaya naniniwala ako na ang mga videos ko na naroon sa cellphone ang dahilan kung bakit kinuha niya iyon sa bag ko.” Sagot ni Zyone.

“Ano naman ang gagawin niya sa mga video mo kung iyon nga ang dahilan niya? Hindi naman siguro bakla ang gago na iyon na pag jajakulan ang mga videos mo. Oh baka nga iyon ang balak niya…ang hayop na iyon, iba rin ang trip amputa”. Ani ni Kaloy.

“Malikot pa bulate ang utak ng gago na iyon. Kaya nag i-expect na ako ng worst na gagawin niya. Ang kinakatakot ko lang baka kumalat ang mga iyon at gamitin pa laban sa akin. Matanggal pa ako rito sa paaralan na ito. Higit pa roon baka malaman ng mga taga sa amin at umabot sa pamilya ko. Marami pa namang mga nag-aaral dito na mga kabarangay ko.”  Ayon pa kay Zyone.

“Napakawalang hiya na talaga niya kung gagawin niya pa iyon. Huwag kang mag alala sisiguraduhin ko sa iyo na hindi niya iyon gagawin sa iyo. Ngayon pa na alam na ng lahat na hindi ako nagbibiro. Kung sa tingin ni Dax, hawak niya ang lahat dito, puwes ibahin niya ako.” Saad ni Kaloy.

Walang Dax na nagpakita sa paaralan kung kaya’t umalis na lamang ang mga pulis, ngunit nangako naman ito kina Kaloy na tutugunan parin nila ang reklamo at papanagutin si Dax sakaling hindi nito ibabalik ang kinuhang cellphone. Ayon na rin sa pangako ng ina ni Dax na guro at ng prinsipal na kanilang didisiplinahin si Dax. Wala nang nagawa pa sina Kaloy kundi hintayin ang tugon ni Dax.

Nang mga oras naman na iyon naipaalam na ng mga kaibigan kay Dax ang nangyari sa paaralan. Pinuntahan nila si Dax sa tinatambayan nilang billiard cafe.

“Tol mukhang may katapat ka na sa klase. Iyang si Carlo ang malaking tinik sa  landas mo bilang supremo ng Bayag-bayagan. Kung nakita mo lang iyong mga estudyante kanina, tuwang-tuwa sa ginawa niya. Suwerte mo lang at wala ka dun. Sana kalaboso ka ngayon.” Wika ni Ran.

“May oras din sa akin ang Carlo na iyan, kabago-bago nagpapasikat na. Akala niya siguro masisindak niya ako sa papulis-pulis nila. Tang na sila.” Tugon ni Dax.

“Balak mo sa cellphone ni tokmol, ibibigay mo ba?” Tanong ng isa kay Dax.

“Oo naman, nakuha na naman ang kailangan ko. Pero humanda rin sa akin ang Zyone na iyan naghanap pa talaga ng kakampi. Puwes iiyak ka ngayon.” Ang nakangising sagot ni Dax sabay sargo ng takot sa bola ng bilyar.

Tapos na ang araw na iyon ng klase ni Kaloy akma na nitong tatawagan si Vince nang umangkla sa braso nito si Megan na siyang kinagulat naman nito.

“Pauwi ka na?” Tanong nito

“Hinihintay ko lang iyong sundo ko.” Sagot ni Kaloy.

“Sayang naman… iimbitahan pa naman sana kita na kumain muna sa boulevard. Unang araw ng fiesta rito, kaya maraming tao ngayon doon. Libre ko rin naman. Iyon kung sasama ka.” Ani pa ni Megan.

“Kuwan kasi baka magtaka iyong susundo sa akin na wala ako.”

“Puwede mo naman siyang i-text o tawagan ah. Saglit lang naman tayo. Tsaka masyado pang maaga oh. Ako ang bahala promise.”  Pamimilit pa ni Megan.

“Sa susunod na lang siguro Megan. Baka bukas puwede.”

“Kung ano ka katapang na kalabanin si Dax, ganun ka naman ka takot sa taga-sundo mo. Eighteen ka na uy, pero parang bata ka parin na hindi maalis sa briefs ng papa mo. For sure allowed ka naman siguro sumama sa babae noh, unless na lang siguro kung allergic ka sa tahong maiintindihan ko pa.” Parinig pa ng babae.

“Anong ibig mong sabihin?…na…”

“Na… bakla ka, naku Carlo sa dinami-dami ng bakla ngayon sa gym hindi mo na rin talaga malalaman kung sino pa ba ang tuwid sa mga nandun at baliko. At madalas ha, iyang mga tipo mo…iyang gandang lalake mong iyan, tapos matitikas ang katawan, sila pa iyong karibal namin sa mga lalake.” Dugtong pa ni Megan.

“Hindi ako bakla noh, straight ako. Dinawit mo pa ako sa mga nag gi-gym.” Depensa ni Kaloy.

“Alam ko naman iyon noh, lalaking-lalaki kaya ang amoy mo. Walang lansa. Kaya sige na please, samahan mo na ako sa boulevard. Kakain lang tayo tapos uwi na.” Pang lalandi pa ni Megan kay Kaloy.

“Sige na nga, basta saglit lang tayo.”

Wala nang nagawa pa si Kaloy kundi ang samahan ang kaklaseng si Megan. Ang hindi alam ng lalake nakita na sila ni Vince na noo’y kakarating lang din. Malayo pa lang natanaw na ni Vince si Kaloy at tatawagan narin sana niya ito nang mapansin nito ang paglapit at pagkapit ni Megan sa nobyo. Nakaramdam ng inis si Vince sa kanyang nakita lalo na at kitang-kita nito kung paano humawak sa braso ni Kaloy si Megan. Marahan nitong sinundan ang dalawa na sumakay ng tricycle. Iba na ang tumatakbo sa isip ni Vince patungkol sa dalawa. Hanggang sa nasundan pa niya ito sa boulevard na tinutukoy ni Megan kay Kaloy.

Hindi na tumuloy pa si Vince sa naturang lugar upang subaybayan ang dalawa.  Dumeretso ito at umalis sa lugar. Galit at selos na selos.

Dahil sa hiwalayan naman ng dalawa Gibo at Nate, lubhang dinamdam ni Gibo ang pangyayari. Bagama’t siya ang nakipaghiwalay kay Nate hindi parin niya matanggap na naging ganun lang kadali sa kanila natapos ang lahat. Naglasing ito sa kanyang condo. Habang si Nate naisipang tumambay sa mga kagrupo sa banda.

“Buti at naisipan mo na muli ang bumalik sa banda. Iba pa rin ang boses ng isang Nexus, we miss you a lot Nate bro.” Pagbati ng kabanda ni Nate na si Lance.

“Miss ko na rin ang humawak ng mic bro. Sana welcome pa rin ako sa banda.” Ani ni Nate.

“Siyempre naman with open arms bro. Alam naman namin na medyo nagpahinga ka lang ng kunti. At ganun din naman ang banda. But now na kumpleto na muli tayo, oras na para gigisingin muli natin ang ‘404 lovers’.” Sabat ng isang kabanda na si Kensu.

“So ano pa ang hinihintay natin rehearsal na agad tayo. Nang mailabas ko na ang gigil ko sa mic.” Tugon ni Nate na pilit ang ngiti at tawa.

Vokalista ng bandang ‘404 lovers’ si Nate. Bukod sa hilig nito sa sports, musika rin ang isa mga takbuhan ni Nate sa tuwing may problema ito at na di-depress. Nexus ang tawag sa kanya kapag nasa entablado na ito. Kilalang-kilala ang kanilang banda sa mga tanyag na university.  Sina Kensu, Rai, at Lance kasama si Nate ang bumubuo sa banda. Musika man ang trip ni Nate sa tuwing may tinatakasan ito, ngunit ang musika rin na ito ang minsan na humila sa binata sa madilim na mundo ng mapanlinlang usok at gamot.

Sa pagkawili nito sa kanyang banda, naging alipin din ng bisyo si Nate sa murang edad. Pansamantala nitong naiwanan ang mundong kinasanayan nang magsara ang klase.

“Seriously bro, what brought you here? Alam ko naman na pang outlet mo lang talaga ang banda kapag basag ka. Anong problema? Babae na naman ba? Si Atasha parin ba o ibang volleyball player na naman?” Pasimpleng tanong ni Lance kay Nate.

“I’m perfectly fine dude, na miss ko lang talaga ang tropa, ang banda tsaka ang mag perform.” Sagot ni Nate.

“Paano ang dad mo? Sigurado naman ako na hindi iyon pabor sa hilig mo.” Ani ni Lance.

“I’m man enough dude, nagusap na kami ni dad. As long na wala na hindi ko siya bibigyan ng sakit ng ulo… I’m free to do whatever I want.”

“Sabi mo iyan eh,…siya nga pala right timing ang pagpunta mo. In-invite kami ng ninong ni Rai na tumugtog sa big night fiesta ng San Sebastian. Sakto at buo ang banda. Ano game ka?” Wika ni Lance.

“Go ako diyan, kelan ba ang big night ng fiesta?”

Upang mawala sa isip si Gibo tinuon ni Nate ang atensiyon sa mga bagay na sa tingin nito makakapagpalaya sa sakit na kanyang nararamdaman. Ginabi na roon si Nate bago ito nakauwi sa kanila. Ganun din si Kaloy na nababahala na dahil hindi man lang sinasagot ni Vince ang mga tawag at messages nito. Ang saglit lang sana nila ni Megan ay inabot na ng alas diyes ng gabi. Napasarap din kasi ang usapan nila ng kaklase kung kaya hindi na nito namalayan na madilim na pala ang paligid.

“Hatid na kita sa sakayan mo pauwi. Para makauwi na rin ako.” Wika ni Kaloy kay Megan.

“Ang gentleman mo naman, pero sorry talaga classmate ha. Dahil sa akin hindi ka na nahintay ng sundo mo…sorry…” Ani ni Megan.

“Ayos lang nag enjoy naman ako sa company mo. Baliw ka ngang talaga. Grabe ang tawa ko sa iyo kanina. Pati ang mga katabi nating customer nahawa na rin sa ingay natin kanina. Buti hindi naiingayan sa iyo ang boyfriend mo.”  Tugon ni Kaloy habang nag lalakad ang dalawa sa gilid ng kalsada.

“Sinong boyfriend?” Tanong ni Megan.

“Si Dax siyempre,…baka nga mag a-apoy na naman iyon sa galit pag nalaman niyang kasama mo ako ngayon.”

“Excuse me, never naging kami ng gago na iyon technically. Nagka bembangan oo, pero hindi siya ang nakikita kong magiging boyfriend ng buhay ko noh. Tsaka wala siyang pakels kung sino man ang trip kong isama.” Sabat ni Megan.

“Naku ang bunganga mo talaga,…ang daming tao kaya, baka isipin nila na…”

“Na pokpok ang kasama mo? Eh di pumila sila, iyon kung keri nila ang talent fee ko sa kama. Tsaka ayos lang iyon classmate iyon naman talaga ang totoo. Alam na iyon ng mga lalake sa campus pati mga teachers nating lalake, puwera na lang kay sir Bayutan. Malaking kabuteti ang gusto nun.” Pagmamayabang pa ng babae.

Hindi nag kumento pa si km kaKaloy. Kung ano-ano pa ang napag-uusapan ng dalawa habang naglalakad sa daan hanggang sa nakarating din sila sa may sakayan ng dyip. Naunang sumakay si Megan ng dyipni. Si Kaloy naman nag abang ng taxi upang makauwi na rin.

Kahit nakainom na at medyo lasing, hindi parin madapuan ng antok si Gibo. Si Nate parin ang naiisip nito. Alam niya na masyado siyang nagpadala sa kanyang emosyon kaya nakapagbitaw ito ng maling disisyon sa relasyon nilang dalawa. At alam ni Gibo na mas mahihirapan pa ito lalo na at araw-araw parin naman sila magkikita tsaka magsasama ni Nate bilang magkaklase. Hawak ang cellphone, nagdadalawang isip ito kung tatawagan ba nito si Nate o hindi para muling pag-usapan ang nangyari.

Hindi pa man nakapagdesisyon si Gibo, tumunog na ang cellphone nito. May tumatawag sa kanya. Sa pag aakalang si Nate iyon, hindi na nito tiningnan ang numero at agad na sinagot.

“Nate?…sinong Nate? Si Danica ito, boses lalake ba ako sa cellphone.” Tugon na tanong ni Danica nang tawagin siya ni Gibo ng Nate pagka-sagot nito ng tawag.

“Sorry akala ko kasi kaibigan ko. Hinihintay ko kasi ang tawag niya…” Pag dahilan ng lalake.

“Naka-abala yata ako…”

“It’s okay, baka hindi narin naman iyon tatawag. Bakit ka nga pala napatawag sa akin ng ganitong oras?” Wika ni Gibo.

“Wala naman, kuwan kasi nasa bar kami ngayon kasama ng mga sosyalera kong mga kaklase, Dito lang malapit sa condo mo. Hindi ko naman akalain na pares-pares over load pala ang atake dito. Kaya heto ako sa tabi nga-nga, mag isa. Ayoko namang kumausap ng kung sino-sino dito na hindi ko kilala. Actually nga maraming lumalapit kaya lumabas muna ako saglit. Tapos naisipan kitang tawagan. Nang may makausap ako.” Sambit ni Danica.

“Teka saan ba banda ang bar na iyan, at pupuntahan na kita. Baka kung mapag-tripan ka pa ng iba riyan at isakay pa sa puting van.” Ani ni Gibo.

“Sure ka pupuntahan mo ako?”

“Oo saan iyan, at magbibihis lang ako”…

Matapos maibigay ni Danica ang kinaroroonang bar, mabilis na nag ayos ng sarili si Gibo. Halos tawiran lang ng kalsada mula sa kanyang condo ang sinasabing bar ng babae kaya wala pang bente minuto naroon na ito. Malayo pa lang tanaw na ito ni Danica na kumakaway na sa kanya. Kahit may tama na ng mga nainom na beer, pansin parin ng malinaw ni Gibo ang kagandahan ni Danica na hindi maikakaila. Sa ayos ng babae tila kumambiyo ang pagkatao ni Gibo at lalo itong humanga sa babaeng nasa kanyang harapan.

“Ang ganda mo naman ngayon Danica, ibig kong sabihin mas lalo ka pang gumanda sa ayos mo ngayon.” Bungad ni Gibo.

“Binola mo pa ako, ikaw rin naman ah ang guwapo mo sa porma mo. Pero teka, nakainom ka na ba?” Nang mapansin ni Danica ang pamumula ng pisngi ni Gibo at pagpungay lalo ng mga mata nito.

“Kaunti, umiinom kasi talaga ako sa unit ko nang tumawag ka. But don’t worry hindi naman ako lasing. Halika doon tayo sa loob nang magamit naman natin itong mga suot natin.”  Sabi ni Gibo na nginitian si Danica.

Hawak nito sa beywang si Danica nang pumasok ang dalawa sa loob ng bar. Bungad pa lang hindi na masingitan ng tao ang loob dahil sa dami. Dalawang beses pa lang nakapasok sa ganung lugar si Gibo simula nung bumalik ito ng siyudad. Kaya hindi parin ito sanay sa ingay ng lugar. Hindi rin niya trip ang ganun kataong mga tambayan pero dahil kay Danica sinubukan niyang magtagal. Dinala ng babae si Gibo sa kanilang puwesto itaas na bahagi ng bar, malayo sa dance floor at sa dj both. Wala nun ang mga kasama ni Danica sa lounge are na iyon.

Saglit na umupo ang dalawa tsaka umorder si Gibo ng drinks sa waiter. Maya pa dalawa sa mga kasamahan ni Danica ang bumalik at nagulat ang mga ito ng makita si Gibo. Namangha ang mga ito sa visual ni Gibo at tila nakalimutan na ng mga ito ang mga kasama nilang lalake. Pinakilala naman ni Danica sa kanila si Gibo. Ngunit nagulat na lang ito nang pinutol siya ni Gibo, at nagpakilala itong boyfriend niya.

“Actually, she’s my girlfriend.” Wika ni Gibo sabay sulyap ng ngiti kay Danica.

“Wow, hindi namin alam na may super hot and handsome boyfriend na pala itong classmate namin. Grabe ka girl ha, tatahi-tahimik ka lang sa tabi pero may pa ganito ka palang atake ha.” Sabat ng isang babaeng kasama.

“Paano ba kasi hindi niyo naman sinabi sa akin na duo pala ang night out natin. Akala ko all girls. Buti na lang at malapit lang dito ang place ng Budski ko. Kaya pinapunta ko na rin siya rito.” Ang tugon ni Danica na sinakyan narin ang trip ni Gibo.

“Wait, you mean taga along somewhere lang dito itong boyfie mo?” Tanong ng isa kay Danica.

“Nasa kabilang street lang from here ang condo ko, kaya nang tinawagan ako ng Ba..Budski ko,… pinuntahan ko agad siya rito.” Sagot ni Gibo.

“Naku girl pati sina Stacey at Kring magugulat iyon pag nalamang may boyfriend ka na. Tsaka grabe itong face card ng oppa mo girl…artistahin din. Hindi  ka man lang nagpatalo sa mga boyfriends namin. Iba rin ang taste mo.” Saad pa ng isa sa mga kasama ni Danica.

Naging komportable na rin si Gibo sa mga kasama ni Danica. Kahit papano na aliw na rin ito sa kanila at pansamantalang nakalimutan ang personal na pinagdadaanan. Dahil narin sa pagpapanggap nila ni Danica na mag jowa sa harapan ng mga kaklase ng babae, naging mas malapit pa ang dalawa sa isa’t isa, naging mas mahawak at madikit sa isa’t isa ng hindi nila namamalayan. Maya-maya pa nagsibalikan na rin ang tatlo pa sa mga kasamahan nila Danica kasama ang mga kanya-kanyang mga boyfriend. At nang makita ni Gibo ang isa sa mga lalaking kasama nila, nagulat ito. Maging ang naturang lalake ay nagulat nang magkita sila ni Gibo.

“Xander, pare…” Nasambit ni Gibo nang magkita sila ng kaklase nitong si Xander.

“Dude, hindi ko in-expect na kasama ka pala dito?” Ang nagulat na reaksyon ni Xander nang makita rin si Gibo.

“Magkakilala kayo ng boyfriend ni Danica?” Tanong ni Sarah kay Xander.

“Oo naman, magkaklase kami at kaibigan siya ng tropa namin. My goodness dude, hindi ko talaga inaasahan na magkikita tayo tonight dito. Tapos malaman ko na ikaw pala ang boyfriend nitong si Danica. I was planning pa naman na irereto ko siya kay Nate. Iyon pa taken by you naman pala ito.” Ani ni Xander.

Biglang kinabahan sa sitwasyon si Gibo, sa di inaasahang pagkikita nila ni Xander.  Ngunit wala na itong nagawa kundi ang sakyan na lang talaga ang nangyayari. Pinanindigan na nito ang pagpapanggap.

Sa mga oras naman na iyon nakadungaw parin si Vince sa bintana nito at nakatingin sa ka kanilang gate, nakaabang sa pag-uwi ni Kaloy. Nais na talaga nitong tawagan ang kasintahan ngunit sa tuwing naiisip nito ang nakita kanina, hindi nito maiwasan ang mainis. Saglit pa at napansin ni Vince ang paglapit ng kanilang guard sa gate.  Pinagbuksan nito si Kaloy.

Nang makitang dumating na ang hinihintay. Bumalik na ng kama si Vince at nagkunwaring natutulog. Hindi ito gumagalaw na nakatalikod sa pinto ng silid, hinihintay ang pagpasok ni Kaloy. Nang marinig ang pagbukas ng pinto ipinikit nito ang mga mata. Maya pa sumampa na sa kama si Kaloy at nilapitan si Vince.

RIVALS

Ginabi na talaga ng uwi si Kaloy, nahiya pa ito nang sa pagpasok nito siya na lamang ang hinihintay ni Ponyang.

“Maagang umakyat ng silid si sir Vince mukhang masama ang pakiramdam. Hindi na nga sumabay kina ma’am Sonya at sir Herman sa hapunan. Hindi rin tinanggap ang inakyat kong pagkain. Ikaw ba kumain na? Halika sa kumidor at ipaghahain kita.”

“Salamat na lang manang kumain na ako sa labas kasama ang kaklase ko. Akyat na po ako. Kakamustahin ko muna si Vince.” Tugon ni Kaloy.

“Pilitin mo na rin na kumain, sige na at isasara ko na ang pinto.”

Dali-daling pumanhik si Kaloy at tinungo ang kanilang silid ni Vince. Inabutan nga nitong natutulog na ang kasintahan. Pagkalapag nito ng bag agad itong sumampa ng kama para tingnan si Vince.  Kinapa nito leeg at noo ng isa upang suriin kung nilalagnat ito. Nang maramdaman na hindi naman mainit si Vince, ginising na ito ni Kaloy.

“Baby,…ayos ka lang ba?” Wika ni Kaloy habang ginigising ng halik sa balikat at pisngi si Vince.

“Puwede ba huwag mo na muna akong kulitin, masama ang pakiramdam ko,…pagod ako. Gusto kong matulog.” Tugon ni Vince na kunwari pinipilit ang sarili na ayaw magising.

“Sabi ni manang Ponyang hindi ka raw kumain.”

“Hindi ako nagugutom…” Sabat ni Vince.

“Baby love… humarap ka kasi sa akin.”

“Bukas mo na ako kulitin, pagod ako wala ako sa modo gusto ko magpahinga.” Wika pa ni Vince.

“Sige hindi na kita iistorbohin, pahinga ka na baby love. I love you.” Tugon ni Kaloy sa katabi sabay halik kay Vince sa ulo nito at balikat.

Bumangon sa kama si Kaloy at nahubad na ng uniporme tsaka pumasok ng banyo. Pagkarinig ni Vince ng lagaslas ng shower mabilis itong bumangon at kinuha ang cellphone ni Kaloy na ipinatong ng lalake sa side table. Tinungo agad ni Vince ang gallery sa cellphone ni Kaloy ngunit wala naman itong nakitang bago roon tanging mga pictures parin nilang dalawa ang naroon,sunod na tiningnan nito ang Messenger, ang message box ng cellphone pati phonebook tiningnan nito.

Hindi nito namalayan na nakatingin lang pala si Kaloy sa likod niya. Pinagmamasdan ang kinikilos nito.

“Akala ko ba, inaantok ka na, pagod, masama ang pakiramdam at wala sa mood?…” Biglang salita ni Kaloy para kunin ang atensiyon ni Vince.

Nagulat si Vince nang magsalita si Kaloy, hindi na nito naitago pa ang pagkukunwari.

“Mag si-set lang ako ng alarm sa cellphone mo. Nasa bag ko kasi iyong akin.” Pagdadahilan ni Vince.

“Magkatabi lang sa side table ang cellphone natin baby love, tsaka may alarm clock naman tayo. Iyong totoo …ano ang problema?” Ani ni Kaloy

Nilapitan nito si Vince nang nakahubo’t hubad parin.

“Maligo ka na kasi dun, pinagana mo iyong shower tapos hindi ka naman naligo.” Sambit ni Vince.

“Sabay na tayo sa loob baby love. Palamigin natin ang init diyan sa ulo mo.” Paglalambing pa ni Kaloy.

Kinabig nito ang mukha ni Vince at binigyan ng marubdob na halik sa mga labi ang lalake. Kunwari pang iniiwas ni Vince ang sarili ngunit tumutugon naman ito sa mga labi ni Kaloy. Hanggang sa unti-unti nang tinatanggal ni Kaloy ang suot ni Vince. Walang bitawan ng labi ang dalawa. Hanggang sa ang mga marahang paghalik ay mas naging mapangahas at maalab. Hindi na nakatiis si Vince at naging agresibo ang tugon nito kay Kaloy.

Laplapan ng nguso ang dalawa habang palapit ng palapit sa banyo hanggang sa loob ng shower. At doon muling nagsalo ang dalawa sa tagisan ng kanilang mga nagmamayabang na mga tarub. Kiskisan ng mga balat at walang puknat na pangasan ng nguso, dilaan ng mga utong at mukbangan ng mga buratso. Kainan at subuan kasabay ng romansang nakakapaso ang pinagsaluhan ng dalawa sa lilim ng lagaslas ng tubig.

Sabayang bayuhan ng kabuteti ang dalawa hanggang sa sabay nagpakawala ng libog sa katawan.

Hindi naman nagtagal pa sa bar na iyon ang grupo nila Danica. Dahil sa lahat may  mga kasamang boyfriend nagpasya ang lahat na mag kanya-kanya na.

“So girl kita na lang tayo sa school bukas. Bukas na natin ituloy ang chika. Sina Kring at Sarah sumama kina Tod at Kino. Si Weng mamaya pa uuwi kasama si Macky”. Ani ni Stacey.

“Kaloka ka, akala ko ba sabay-sabay tayo uuwi?” Sabat ni Danica.

“Nandiyan naman iyong boyfriend mo. Sure naman na safe ka sa pag uwi.” Saad pa ni Stacey.

“Don’t worry Budski iuuwi kitang ligtas sa inyo.”  Hirit pa ni Gibo sabay ngiti at kindat kay Danica.

“Dude mauna na kami ni Stacey, kita na lang din tayo sa school bukas. Next time ulit gawin natin ito. Naku kung malaman ito ni Nate maiinggit iyon.” Wika ni Xander sabay tapik sa balikat ni Gibo.

“Siguro nga,…sige dude ingat kayo ng girlfriend mo.” Sabat ni Gibo.

Nang maiwan na lang ang dalawa, doon na binuhos ni Danica kay Gibo ang inis nito sa lalake. Kinurot nito ng mariin si Gibo sa tagiliran.

“Bakit naman Budski?” Ang natatawang tugon ni Gibo kay Danica.

“Sakay na sakay ka naman sa pagpapanggap natin kanina. Nakarami ka na kaya ng yakap sa akin.  Alam mo kung hindi lang talaga kita kilala. Iisipin ko talagang manyak ka.” Ang sagot ni Danica.

“Kunwari ka pa, ini-enjoy mo man talaga. Tsaka may pa Budski ka pa…saan galing iyon?” Ani ni Gibo.

“Wala naisip ko lang,…tsaka excuse me ha, ikaw yata ang nag enjoy noh. Pero teka lang, paano na ito…ako na lang ang mag isang uuwi.”

“Bakit takot ka ba? Kung gusto mo sa condo ko na muna ikaw matulog. Malaki naman iyong unit ko. Promise safe ka dun. Ang tanong diyan kung safe ba ako sa iyo?” Ang sabi ni Gibo sabay hirit ng biro kay Danica.

“Ang kapal neto, anong palagay mo sa akin re-reypin kita? Alam mo nasasanay ka na talaga sa akin. Ang mabuti pa ihanap mo na lang ako ng taxi para makauwi na ako.”

“Bukas ka na umuwi sa inyo, dun ka na muna sa condo ko. Tapos gigisingin na lang kita ng maaga para makauwi sa inyo. Trust me, safe ka sa akin.” Saad pa ni Gibo.

Dahil sa kampante naman si Danica kay Gibo, pumayag na rin ito na sa condo na muna ito ng lalake magpapalipas ng gabi. Sa laki ng unit ni Gibo lalong namangha si Danica sa pagiging humble ng lalake. Kita naman sa kung anong meron ito ngunit hindi man lang nagbago ang pagkakakilala ni Danica kay Gibo.

“Ito Tshirt at jogging pants, magpalit ka muna. Para naman komportable kang matulog.”  Wika ni Gibo sabay abot kay Danica ng damit.

“Salamat,…Pero matanong ko lang Gib, sure ka ba na wala ka pang babae na inuwi rito sa condo mo? I mean wala ka talagang naging girlfriend since pumunta ka rito? Imposible naman kasing walang babae ang hihindi sa iyo.”  Ani ni Danica.

“Kung sinagot mo ba ako noon eh di sana meron na. Eh kaso nauna na si Kaloy sa puso mo. Kaya heto naghihintay parin na makatagpo ng katulad mo.” Tugon ng lalake.

“Alam mo na o-awkward na ako sa iyo.”

“Seryoso talaga, if ever na hahanap ako ng girlfriend, iyong standard mo ang hanap ko. Tsaka hindi ko naman minamadali ang magkaroon ng jowa noh. Gusto ko pa ma-enjoy ang buhay binata.” Saad pa ni Gibo.

“Maniwala ako sa iyo. Nahihiya ka lang yatang umamin na marami ka ng pinaiyak na babae eh. Ayaw mo lang yata ma tag as red flag kaya nagbabait-baitan ka lang. Sa pananatili ko rito sa siyudad karamihan sa mga lalake rito sinungaling, manloloko at mapaglaro ng feelings.”  Komento pa ni Danica.

“Huwag mo naman idamay ang lahat. Paano na lang ang mga matitinong tulad ko.”

“As if naman na marami pang matitino ngayon. Pati nga iyong mukhang Paa ang mukha nagloloko pa, paano na kaya ang guwapong tulad mo?” Ayon pa kay Danica.

“So guwapong-guwapo ka talaga sa akin?”

“Ewan ko sa iyo, matulog na nga tayo at maaga pa ako gigising, tsaka hoy…umayos ka.” _

“Naku akala nito talaga sa akin manyak. Diyan ka matulog sa kama at sa labas ako. Mag lock ka para sure.” Nakangiting wika ni Gibo bago iniwan sa silid ang babae.

Matapos ang mainit na lambingan ng dalawa. Ipinagtapat ni Vince kay Kaloy ang nararamdaman nitong inis at selos sa lalake nang makita niya ito na may kasamang babae sa labas ng eskuwelahan. Ipinaliwanag namn ni Kaloy ang lahat kay Vince.

“Nagpasama lang sa akin si Megan, tsaka hindi ang tipo ni Megan ang magugustuhan ko.”  Ani ni Kaloy.

“Ibig sabihin may chance pa na liligawan mong muli si Danica?” Naitanong pa ni Vince.

Hindi agad nakasagot si Kaloy sa tanong sa kanya ni Vince. Sa mga nakalipas, sa dami ng mga ganap…tila nakaligtaan na nga nito si Danica. Ang unang rason kung bakit ninais nito ang mapadpad at mamuhay sa siyudad.  At sa pagbanggit ni Vince sa pangalan ng babae, tila napaisip si Kaloy.

“Nawala na sa isip ko si Danica simula nung naging tayo. Tsaka sapat ka na sa akin baby love. Kaya tanggalin mo na sa isip mo ang mga selos na iyan. Dahil makakaasa ka na mananatili akong iyo.” Wika pa ni Kaloy sabay halik kay Vince sa labi habang yakap niya ito.

“Ayos lang naman sa akin sakaling bumalik ka kay Danica. Basta sabihin mo lang sa akin na ayaw mo na, handa naman kitang pakawalan.” Nakangiting tugon ni Vince kay Kaloy.

“Hinding-hindi ako magsasawa sa iyo baby love. Tandaan mo iyan.” Pangako pa ni Kaloy.

“Mahal kita Kaloy, at masaya ang puso ko ng dahil sa iyo. I love you.”

“I love you too, Vince.”

Lumipas ang buong gabi na hindi na lumalim ang tampuhan ng dalawa. Bagama’t may mga pusong nagkalamat bawat isa nakahanap naman ng masasandalan at mahihingan kahit sandali man lang.

At sa pagbangon ng panibagong umaga. Panibagong tagpo na naman para sa lahat. Bungad pa lang ng umaga ni Nate napakunot na agad ang noo nito sa post na bumulaga sa kanya nang mag bukas ito ng kanyang Insta-glam.  Nai-post kasi ni Xander ang ganap nila nang nakaraang gabi kung saan nakasama nito si Gibo at ang pinakilala nitong girlfriend.

“Ang landi mo talaga, wala pang forty eight hours ang hiwalayan natin nakahanap ka na agad ng mapagkaskasan ng burat mo. Tila nang aasar pa ng ngiti ng puta.” Ang sambit ni Nate sa sarili na tinitimpi ang inis nito.

Agad naman napansin ni Karl ang nakabusangot na mukha ng panganay.

“Hindi ba maayos ang tulog mo? Ang aga-aga nakayukot ang mukha mo.  Alas siete na ah hindi ka pa ayos, wala ka bang pasok ngayon?” Puna ng ama.

“Hindi muna ako papasok dad, medyo masakit ang ulo ko.  Baka lalagnatin ako. Ipapahinga ko na muna ito.” Sagot ni Nate.

“Mag almusal ka na at ng makainom ka ng gamot. Siya nga pala may pupuntahan ako ngayon. Ang mommy niyo baka bukas pa ang uwi nun. Kayo muna ni Jane ang bahala rito.”  Ani ni Karl

“Dad good morning, so ngayon pala ang alis mo dad papuntang Ilang?…” Bungad agad ni Nathalie nang lumapit ito sa ama at kuyang si Nate.

“Ilang?.sa Ilang ang punta niyo today dad? Bakit?…may kakilala rin kayo na tagaroon?” Nagtatakang tanong ni Nate sa ama.

“Ah kuwan… naghahanap kasi ako ng magandang spot para sa pangarap namin ng mommy niyo na resthouse,iyong malapit sa mga ilog-ilog, tsaka malayo sa ingay ng siyudad. Sakto naman at may nakapagsabi sa akin na meron dun sa parte ng Ilang. Kaya sasadya-in ko.” Paliwanag ni Karl

“Hindi ko alam na napag-uusapan niyo pala iyan ni mom, dad. Pero bakit doon? Well I’ve been there at no doubt sa ganda ng lugar. Pero sa sobrang tahimik at layo nun ang boring mag stay dun dad. No internet, even network signals ang hirap. Tsaka walang extra special sa lugar na iyon na nakaka-enjoy tirhan. Why not Baguio dad, di kaya sa mga probinsiya?” Komento ni Nate.

“Bakit naman yata bigla ka na lang naging bitter sa lugar na iyon kuya? Iyong nakaraan lang sobrang amaze ka pa na  ibinida ang lugar sa mga social accounts mo. After nang uwi mo halos lahat ng posts mo, talking about how majestic at kaganda ng lugar. May pa vlog pa kayo ni Gilbert na nag ka-camping sa bundok. So for the video lang pala iyon?” Hirit bigla ni Nathalie sa sinabi ng kuya.

“ Sabi ko nga maganda ang lugar, pero hindi magandang tirhan. And for sure pati ikaw mabo-bore dun. Baka nga isang araw pa lang sumuko ka na dahil sa walang wifi dun.’ sabat ni Nate.

“Resthouse lang naman kasi yon kuya hindi ka naman titira talaga dun for good.” Ani ni Nathalie.

“Hindi pa naman sure kung magugustuhan ko at ng mommy niyo, kaya nga titingnan ko.” Saad ni Karl

Nagkatinginan sina Nathalie at Karl. Sa titig ng ama sa anak na babae tila nakuha agad ni Nathalie ang mensahe nito ng ama sa kanya kaya tumahimik na ito. Ngunit ang sulyapan na iyon ng dalawa ay napansin din ni Nate. Alam ni Nate kung may tinatago ang kapatid, kabisado nito ang reaksiyon ng mukha ni Nathalie kapag may nililihim ito sa kanya.

Kaya nang makaalis na ang kanilang ama agad nitong nilapitan si Nathalie na noo’y papalabas na rin ng bahay para pumasok ng eskuwela.

“May sekreto kayo ni dad alam ko. Ano iyon?” Seryosong tanong nito sa kapatid.

“Anong sekreto? Imbento ka lang kuya. Iñigo mo kasi hangover lang iyan kaya ganyan ang naiisip mo.” Sagot ni Nathalie.

“May problema ba sila ni mommy? Ano?” Tanong pa ni Nate.

“Ako itong magkakaproblema kapag na late ako kuya. Tsaka na ako magkukuwento kapag naayos na ang lahat.” Ani pa ng kapatid.

“So meron nga? May problema silang dalawa?”

“Sila na ang tanungin mo kuya. Baka mapagalitan ako ni dad. Okay bye yeee.‘’ sambit pa ni Nathalie bago ito sumakay ng kotse.

Naiwan si Nate na may malaking katanungan sa isip. Sa mahabang panahon hindi nito kinakitaan ng ano mang problema ang kanilang pamilya lalo na ang mga magulang. Buong buhay niya pangarap nito maging katulad ito ng kanyang ama sakaling magkapamilya ito. Idolo nito ang ama sa lahat ng bagay. Kaya ang isiping may kinakaharap na problema ang mga magulang ay hindi ayos sa kanya. Lalo pa at napapansin nito sa mga nakalipas na mga araw ay madalas wala ang ina nila sa kanila, at madalang na lang nito nakikitang nagsasama ang mga magulang. Ang palaisipan na iyon ay dumagdag pa sa bigat ng nararamdaman nito at inaalala.

Sa Bayag-bayagan ng mga sandaling iyon…

Mas maaga ang paghatid ni Vince kay Kaloy sa eskuwelahan ng kasintahan. Kaya naisipan muna ng dalawa na mag takeout ng magkape sa katapat na coffee shop ng paaralan.

“Sige mauna ka na sa labas, hihintayin ko pa iyong sa akin. Kung gusto mo, pumasok ka na lang sa inyo, baka ma-late ka pa. After nito diretso na rin ako ng Victor.” Wika ni Vince kay Kaloy.

“Sige, mauna ako. Ingat sa pagmamaneho baby love… hihintayin kita mamaya. Love you.” Ani ni Kaloy kay Vince.

“Love you too, baby love. Ingat din”. Tugon ni Vince sa kasintahan sabay gawad ng matamis na ngiti kay Kaloy na papalabas na ng coffee shop.

Patawid na ng daan si Kaloy nang may umakbay sa kanya, at napa urong ito nang sa kanyang pag baling ng ulo si Dax ang nasa tabi nito. Agad nito hinawi ang braso ng lalake na nakaakbay sa kanya at bahagyang naitulak si Dax. Umatras naman ng bahagya ang lalake na naka ngisi kay Kaloy.

“Kalma tol, nakikipag kabutihan lang sa’yo ang tao.” Wika ni Dax.

“Ang cellphone ni Zyone?” Tanong na tugon ni Kaloy.

“Actually iyon din ang purpose ko sa paglapit sa iyo, para ibigay sa iyo ang cellphone ni Zyone. Ito…ikaw na bumalik niyan sa kanya.” At inabot nga ni Dax kay Kaloy ang cellphone.

“Subukan mo pa muling gawin ang tulad nito sa iba, lalo na sa mga kaklase natin at ako ang makakalaban mo.” Saad pa ni Kaloy ng kunin kay Dax ang cellphone.

“Tinatakot mo ba ako? Sa tingin mo uurungan kita? Baguhan ka lang sa teritoryo ko baka nakalimutan mo. Hindi mo pa kilala itong kaharap mo, kaya mag-ingat ka. Tumingin ka lagi sa paligid mo baka hindi ka na makakauwi sa inyo.” Nakangising tugon ni Dax na may pagbabanta.

“Hindi rin ako natatakot sa iyo. At hindi ako nasisindak sa katulad mo. Duwag, alam ko matapang ka lang dahil sa mga kasama mong uto-uto. Iyong mahihina lang ang kinakaya mo. Gago na duwag pa…” Pag aasar na sagot ni Kaloy sabay talikod kay Dax.

Hindi nagustuhan ng lalake ang binitawang salita ni Kaloy kaya hinablot nito ang strap ng bag ng lalake at hinila si  Kaloy paharap sa kanya. Sa lakas ng paghila nito sa lalake, kamuntikan na magsalubong ang mga mukha ng dalawa.  Naitulak naman agad ito ni Kaloy palayo sa kanya. Natigilan saglit si Dax, ngunit nang matauhan ito muli nitong inangasan si Kaloy na hindi naman inuurungan ng lalake. Natigil lang ang dalawa nang may ilang mga estudyante na ang nakapansin sa dalawa. Doon na umalis si Dax at naunang tumawid ng daan.

Maya pa ang siyang lapit naman ni Vince na nakita rin ang nangyari.

“Sino iyon? Sinaktan ka ba?” Tanong nito kay Kaloy.

“Kaklase ko si Dax, binawi ko lang sa kanya ang cellphone na ninakaw niya sa kaklase namin.” Tugon ni Kaloy.

“Pero nasaktan ka ba? Sinaktan ka ba nun?” Usisa pa ni Vince.

“Hindi, takot lang nun sa kamao ko. Subukan niya lang dampian ang balat ko at manghihiram talaga iyon ng mukha sa aso.” Ani ni Kaloy.

“May kaaway ka pala rito at kaklase mo pa. Alam ko naman na kaya mong ipagtanggol ang sarili mo pero baby love kung maari umiwas ka na lang sa gulo. Tsaka mag-ingat ka baka may mga tropang hangal iyan dito. Mag-isa ka lang rito.” Pag-aalala ni Vince.

“Walang mangyayari sa aking masama baby love. Kaya ko ang sarili ko. Sige na baka ikaw pa itong ma-late sa klase mo pag naabutan ka ng mabigat na traffic.” Wika ni Kaloy.

Hinintay muna ni Vince na makapasok ng gate si Kaloy bago ito pumasok ng kanyang kotse. Pasakay na ito nang mapansin nito si Megan na mapapadaan sa kanyang harapan. Namukhaan agad ito ni Vince dahil tumatak talaga sa kanya ang mukha ng babae nang makita niya itong kasama ni Kaloy.

“Infairness, maganda naman pala ang isang ito. Lalo na sa malapitan. Sorry miss may Kaloy na ako. Pero kung nagkataong wala,…malamang kasali ka na rin sa mga kabiyak nitong akin.” Sa isip ni Vince habang tinititigan si Megan na papalapit.

Ang hindi alam ni Vince, malayo pa lang siya na rin pala ang target ni Megan. At sinadya talaga ng babae na doon dadaan upang mapansin ito ng lalake.

“Ano kaya ito ni Carlo? Kapatid niya ba ito, o pinsan? Pero grabe ang hot at ang pogi rin ng isang ito. Matangkad, malaki rin ang katawan. Sure ako daks din ito.” Sa isip naman ni Megan na kunwari hindi napapansin si Vince.

Nang malapit na ito sa kotse ni Vince, bigla na lang ito na tapilok at kunwari’y nasaktan ng husto. Dali-dali naman itong nilapitan ni Vince na nagulat ng makita ang nangyari sa babae. Inalalayan nito si Megan tsaka binuksan ang kotse upang paupuin saglit ang babae.

“Miss okay ka lang?” Tanong ni Vince.

“Okay lang, salamat sa pag-aalala. May nang i-evil eye siguro sa akin kaya na tapilok ako.” Sagot ni Megan na hinihimas-himas ang paang na tapilok kunwari.

Magaling sa pang si-seduce si Megan kaya hindi ito nahirapan na kunin ang atensiyon ni Vince.

“Sige na, aalis na ako salamat talaga sa pag-aalala. By the way I’m Megan. And…”

“Vince… I’m Vince.”

“Mukhang napadaan ka lang sa place na ito, mukhang sa ibang school yata ang punta mo.” Wika pa ni Megan.

“Yeah actually paalis na rin ako, may hinatid lang ako diyan sa eskuwelahan niyo.” Ani ni Vince.

“Your girlfriend? Ang swerte naman ng girl sa boyfriend niya.” Sambit ni Megan.

“No, not girlfriend, just a friend. He’s a guy. Hope to see you more…Megan right? Maybe we can have a little coffee some other time. Have to go.” Ang huling hirit ni Vince bago ito tuluyang umalis.

“Mukhang may potential nga ang isang iyon ah, nagyaya pa ng kape…well be ready Vince dahil gagatasan talaga kita. And for that, dapat lagi lang ako sa tabi ni Carlo. Hitting two stone in one gulp…chariz, Iba talaga ang alindog mo Megan. Kaya sa mga bakla diyan, kabahan na kayo. Dahil ang ginagawa niyo dati sa mga lalake…kaya ko narin gawin. Dalawang butas lang ang meron kayo, ako tatlo kaya panalo parin ako.” Sa isip pa ni Megan.

FLOWER-HORN

Naka ilang tunog na ng alarm ngunit hindi parin nagising sina Gibo at Danica. Dulot ng nainom nila kagabi at pagod, napasarap ng husto ang tulog ng dalawa. Hanggang sa naalimpungatan na lang bigla si Gibo dahil sa tawag mula sa kanyang cellphone. Napabalikwas agad ito ng bangon nang makita ang oras. Malapit na mag alas onse ng umaga ngunit nakahilata parin ito. At nang makita kung sino ang tumatawag sa cellphone nito lalong nataranta si Gibo.

“Hello Pa? Good morning.”  Bungad nitong pagsagot sa tawag ng ama.

“Good morning anak., mabuti at sinagot mo rin, kanina pa kita tinatawagan. Nandito ako ngayon sa labas ng unit mo.”

“Ano? Nandito ka sa condo Pa?”

“Oo, may kailangan ako sa iyo kaya sinadya na kita. Hirap mo kasi makontak. Sasaglit lang ako at babalik din ako ng city hall.” Sabi pa ng ama nito.

Agad na pumasok sa isip ni Gibo si Danica kaya lalo itong nag cramming, mabilisan nitong niligpit ang mga kinain nila ni Danica nung nakaraang gabi tsaka inayos ang sarili bago pagbuksan ang amang si Gab.

“Napasadya kayo Pa?” Ang hindi makatingin na tanong ni Gibo sa ama.

“Friday pa lang ngayon, wala kang pasok?…tugon na tanong ng ama habang nag mamasid-masid sa silid ni Gibo.

“Nakatulog ng malala kaya tinanghali nang magising. Kaya absent ako ngayon.” Sagot ni Gibo.

“Uminom ka kagabi? Amoy ko pa rito ang beer sa hininga mo. Mag toothbrush ka muna roon at may pag-uusapan tayo. Sure ako hindi ka pa nakapag breakfast…ano ang gusto mong kainin, nagpa-order tayo.” Ani pa ng ama kay Gibo.

Mabilis naman nagbanyo si Gibo para mag toothbrush. Habang nakaupong naghihintay si Gab sa anak umorder muna ito ng pagkain sa food delivery. Habang abala sa cellphone hindi nito namalayan ang paglabas ni Danica sa kuwarto ng anak. Si Danica naman bitbit ang isang unan, gigil na nilapitan si Gab na nakaupo sa couch na nakatalikod. Sa pag-aakalang si Gibo iyon, hinampas nito ng hawak na unan ang ama ng lalake.

“Buwisit ka, akala ko ba maaga mo ako gigisingin…anong oras na hindi mo man lang ako sinabihan…” Sambit pa ni Danica pagkahampas nito ng unan kay Gab habang nakangiti.

Ngunit ang ngiti nito unti-unting napalitan ng hiya nang nilingon ito ni Gab. Halos magpalamon sa sahig si Danica nang mamukhaan ang lalaking hinampas nito ng unan. Kilala nito ang mayor dahil ito ang nagpapaaral sa kanya at doon din ito umuuwi sa bahay ng mayor. Maging si Gab ay nagulat ng makita si Danica sa condo ng anak. Sakto naman ang paglabas ni Gibo mula sa banyo. Hirap din ito sa pagdepensa tsaka magpaliwanag kung bakit may babae itong kasama sa kanyang condo.

“Pa, si Danica nga pala… kaibigan ko.” Pautal na wika ni Gibo sa ama.

“So magkakilala pala kayo nitong si Danica. Kelan pa?” Tanong ni Gab sa anak habang napatingin kay Danica.

“Dati pa, doon pa ako sa Ilang… madalas na kami nagkikitaan sa palengke. May puwesto kasi sila ng gulayan sa bagsakan…Pa.” diretsahan na sagot ng binata.

Tahimik naman si Danica na hindi na maitago ang hiya sa sarili.

“Iha, hindi sa pinagbabawalan kita sa mga aktibidad mo. Pero paalala lang,… babae ka at hindi maganda ang impresyon sa iyo ng iba kapag nalaman nila na nakikitulog ka sa bahay ng lalake. Liban na lang kung magnobyo kayo. Nobyo mo ba itong anak ko?” Wikang tanong pa ni Gab.

“Hindi po!” Sabay na sagot ng dalawa.

“Tito Gab, Mayor… pasensya na po. Hindi ko po talaga alam na anak niyo pala itong si Gibo. Tsaka pakiusap huwag na sana ito makarating kay tita. Baka lalo lang ako higpitan nun. Promise mo last na po ito. Never na po ako makikipagkita kay Gibo.” Ani ni Danica sa mayor.

“Kilala mo si Danica Pa? Danica magkakilala kayo?”

“Kapatid ng tita Sol mo ang tita niya. At doon din siya nakatira sa bahay.” Tugon ni Gab sa anak.

“Pasensya na talaga tito, pero maniwala kayo at sa hindi walang nangyare sa amin ni Gibo. Nakitulog lang talaga ako sa kanya. At pauwi na rin ako tito.” Sabat pa ni Danica.

“Ipapahatid na lang kita mamaya, huwag kang mag alala kampante naman ako sa kabaitan ng anak ko. Samahan mo na lang kami ni Gibo mag almusal, maya-maya lang nandito na iyong inorder kong pagkain. Pero may kasalanan ka pa rin sa tita mo.” Ang seryosong boses ni Gab kay Danica pero may pakindat at pangiti sa anak na si Gibo.

Naiilang man ngunit hindi narin nakatanggi si Danica. Matapos kumain doon na rin ito naligo bago ito pinahatid ni Gab sa kanyang driver si Danica. Nang maiwan ang mag ama, marahan na tinapik ni Gab si Gibo sa balikat nang lapitan niya ito sa veranda ng condo.

“Mabait si Danica, at sang ayon ako kung siya ang gusto mo. Mana ka talaga sa akin pagdating sa pagpili ng babae. Huwag mo lang tularan ang ginawa ko sa inyo ng mama mo.” Wika ni Gab sa anak.

“Magkaibigan lang kami ni Danica pa. At isa pa iba ang gusto niya.”  Sabat ni Gibo.

“Ganyan talaga ang mga babae, ngyon maaring iba pa ang gusto nun. Pero bukas makalawa ikaw na ang hahanapin nun. Ang dali lang hanapin ng kiliti ng mga babae. Pakitaan mo lang pagiging gentle man, kaunting humor at tambakan mo ng pagiging maalaga… magugulat ka na lang siya na mismo ang lalapit sa tabi mo. Tsaka hangga’t hindi pa kasal si Danica sa iba…you still have your chance na makuha siya. Maging consistent ka lang. And be safe always. Eighteen ka pa lang, masyado ka pang bata para maging ama.” Payo pa ng ama.

“Ang aga pa po para isipin ko ang pag-aasawa Pa, pero salamat sa payo. Siya nga pala ano iyong sadya mo sa akin at kailangan mo pa talaga ako daanan?”

“Kuwan kasi itatanong ko lang kung familiar ka kay Teresa Santos. Kaibigan siya ng mama mo. Hindi ko lang alam kung doon parin ba iyon siya nakatira malapit sa inyo.” Ani ni Gab.

“Si nanay Tess ba iyong Teresa Santos na tinutukoy niyo? Kasi si nanay Tess lang naman ang kilala kong kaibigan talaga ni mama sa Ilang eh. Iyong iba kasi nag-ibang bayan na iyong iba nasa abroad na lahat. Pero kung si nanay Tess ang tinutukoy mo… kilalang kilala ko po iyon Pa, siya kasi ang nanay-nanayan ko roon sa Ilang.” Tugon ni Gibo.

“Siya na nga iyon. Ibig sabihin nandoon parin pala si Tess sa Ilang.”

“Bakit Pa, magkakilala rin kayo ni nanay Tess?”

“Dati, nung kabataan ko… madalas kami nagbabakasyon ng mga kaibigan ko sa hot spring resort malapit dun.” Naikuwento pa ni Gab.

“Naging kasintahan mo rin ba dati si nanay Tess, Pa?”

“Naku hindi…iba ang nakursunadahan nun, hindi ako kundi ang daddy ni Nate. Ang tito Karl mo ang dating nobyo ng nanay Tess mo.” Pagbulalas ni Gab.

Nabigla si Gibo sa nasabi ng ama. Doon na rin nalaman ni Gibo sa kuwento ni Gab na may anak pala sina Tess at ang ama ni Nate na si Karl. At sa palitan pa ng kuwento ng mag ama may nalaman din si Gab.

“You mean, nandito ang anak ni Tess na si Kaloy? At kasama siya ngayon ng kaibigan niyong si Vince?”

“Yes Pa, at magkakilala rin sila ni Nate. Grabe…hindi ko akalaing may ganitong kuwento pala talaga sa totoong buhay. Akala ko sa mga teleserye lang at pelikula nangyayari ang ganitong senaryo. Ano kaya ang mararamdaman ni Nate kapag nalaman niyang magkapatid pala sila ni Kaloy sa ama.”  Ani pa ni Gibo.

“Huwag mo na munang pangunahan ang mag ama, hayaan na lang natin ang tito Karl mo ang mag-bunyag ng lahat sa kanila. Ang mahalaga siguro na ako sa kalagayan ng anak ni Karl. Pero bukod dun ang isa pa sa sinadya ko talaga sa iyo, bigyan ka ng sarili mong kotse. Nang hindi ka na pagastos-gastos sa pamasahe. Pero kailangan mo muna mag aral ng pagmamaneho. Puntahan mo si Bong sa opisina niya. At siya na bahala sa iyo. Sasamahan ka rin niya sa pagpili mo ng kotse na matipuhan mo.” Saad pa ng ama.

Sa sobrang saya ni Gibo, nayakap nito ang ama. Para kay Gibo hindi man naging magandang ehemplo ng pagiging lalake ang ama nito sa kanila ng kanyang ina. Naging mabuting ama naman ito sa kanya na kailan man ay hindi tumalikod sa responsibilidad nito sa kanya. Na kahit na sa hustong gulang na ito patuloy parin pinaparamdam ni Gab sa kanya ang papel nitong bilang ama.

Samantala…nakarating na rin ang usap-usapan sa kanilang classroom tungkol sa girlfriend ni Gibo pati kay Vince. Marami sa mga kaklase nilang mga lalake ang nabighani sa ganda ni Danica na inakala ng lahat girlfriend ni Gibo. Dahil sa post ni Xander at pagbibida pa nito sa kanila. Hindi naman nagtaka si Vince kung paano naging ganun ka close sina Gibo at Danica. Ang inaalala nito ay ang mararamdaman ni Kaloy sakaling malaman niya tungkol dun. Kaya para kumpirmahin ang katotohanan sa likod ng post na iyon tinawagan ni Vince si Danica. Agad naman pinabulaanan ng babae ang tsismis.

“Napasubo na lang kami ni Gibo kagabi, kaya nagpanggap kaming mag jowa sa harapan ng mga kaklase ko at sa kaibigan ni Gibo na si Xander ba yun. Magkaibigan kami ni Gibo. Tsaka alam mo naman kung sino ang gusto ko diba?” Tugon ni Danica kay Vince.

“Iyon na nga, paano na lang kung makita ni Kaloy ang post tapos mag overthink iyon? Lalo pa at excited pa naman iyon na makita ka tapos malaman-laman niya na girlfriend ka na pala ni Gibo.” Ani pa ni Vince.

“Bahala na. Basta sinasabi ko na sa iyo hindi kami mag jowa ni Gibo. Tsaka pagsabihan mo na rin si Gibo na bawiin niya ang sinabi niya kay Xander.”

“Ikaw magsabi niyan sa kanya. At ikaw na rin mag explain kay Kaloy sakaling magtanong iyon sa iyo.” Sabi pa ni Vince sa babae.

Hindi nga nagkamali si Vince, dahil nakita rin mismo ni Kaloy ang naturang post ni Xander. Ngunit sa halip na maapektohan sa nakita ikinatuwa pa iyon ni Kaloy.

“Ang tadhana na talaga ang nagbigay sa akin ng sagot. Hindi ko na pala kailangan mag explain kay Danica sakaling magkita kami. Sa sitwasyon ko ngayon at sa relasyon ko kay Vince hindi ko na rin kasi alam kung paano ko pa itutuloy ang nararamdaman ko kay Danica. Hindi naman pupuwede na pagsabayin ko sila ni Vince. Ayoko rin naman na masaktan ang isa sa kanila sakaling may pipiliin ako. Atleast ngayon may rason na para hindi ko na i-pursue ang pangako kong panliligaw kay Danica. Tsaka mukhang mas bagay pa nga sila ni Gibo. At alam ko naman na mahal din talaga siya ng kaibigan ko. Dati pa man nakikita ko na iyon.” Sa isip pa ni Kaloy habang nakatuon ang pansin sa hawak na cellphone at sa post ni Xander.

Patapos na ito sa kinakain nang lumapit sa kanya si Dax. At may tinapon itong papel sa harapan ni Kaloy. Pigil ang galit nito na hinamon ng suntukan ang lalake.

“Ano naman ang kinalaman ko rito? Tsaka hindi galing sa akin ang bagay na ito. Doon ka maghamon sa gumawa nito sa iyo.”  Tugon ni Kaloy kay Dax na binato pabalik kay Dax ang papel.

“Nang dahil sa iyo kung bakit pinagkakaisahan ako ngayon ng mga estudyante rito. Dahil sa iyo kung bakit ginagawa na nila akong katawa-tawa!”  Sigaw pa ni Dax sabay hablot sa kuwento ng uniform ni Kaloy tsaka niya ito sinapak.

Bumagsak sa sahig si Kaloy na nabigla sa sapak ni Dax. Nabulabog na ang mga estudyante na naroon sa loob ng canteen. Hindi rin naman nagpautang si Kaloy at gumanti din ito ng suntok kay Dax. Nagsuntukan ang dalawa hanggang sa nagpambuno na nga mga ito. Pagulong-gulong ang dalawa habang nag sasapakan na wala man lang nagtangkang umawat sa kanila. Hanggang sa dumating na ang mga lalaking guro at guard ng eskuwelahan para paghiwalayin ang dalawa.

“Ngayong nararanasan mo na ang ginagawa mo sa iba rito, nagagalit ka?! Kulang pa nga iyan sa mga katarantaduhan mo sa kanila kung tutuusin. Tandaan mo ito gago ka,  tapos na ang paghari-harian mo sa eskuwelahang ito dahil wala ng estudyante ang matatakot at natatakot sa iyo!” Wika pa ni Kaloy kay Dax habang nilalabas siya ng guard sa loob ng canteen.

Isang lalaking estudyante naman ang nakapulot sa papel na pinagmulan ng galit ni Dax. At halos humagalpak ito ng tawa nang mabasa ang nakasulat doon. “Ako si Dax, astig pero supot!” Pagbasa pa ng malakas ng estudyante. Rinig iyon ng lahat na naroon sa loob ng canteen. Kaya nakakabinging tawanan ang umalingawngaw sa loob na kahit na sinasaway na sila ng mga guro sige parin sila sa panunukso kay Dax. Pulang-pula na sa hiya si Dax sa mga tawanan at hagikhikan ng mga kapwa kamag-aral. Hindi na ito nakatiis at nagpumiglas na ito sa mga Gurong may hawak sa kanya tsaka patakbong lumabas ng canteen.

Sa isang tabi, tawanan din ang grupo nila Megan.

“True ba iyon sis, naka-bubble wrap parin ang toy gun ni Dax?” Tanong ng kaibigang babae ni Megan sa kanya.

“Kaya ko nga sinulat iyon noh kasi totoo. Kilala niyo naman ako I hate fake news.” Ang sagot ni Megan.

“Gaga ka, sa iyo pala talaga galing ang papel na iyon. Nagkabasagan tuloy ng mukha ang dalawa.” Sabat pa ng isa.

“Atleast alam natin na hindi gawa ang mga ilong nila at mukha. Tsaka dapat lang iyon kay Dax, masyado na siyang pabida sa lahat. Napaka entitled na niya masyado. Tama si Carl tapos na ang paghari-harian niya rito. At kung hindi pa talaga siya titino, ilalabas ko talaga ang mga sekreto niya.”  Saad pa ni Megan.

“Baka lalo lang pag-initan ni Dax si Carl dahil sa binabalak mo. Kawawa naman yung isa.” Ani ng isa pa sa kanila.

“Subukan niya lang na pag-initan lalo si Carl hindi talaga magugustuhan ni Dax ang gagawin ko sa kanya.” Ayon pa kay Megan.

Dahil sa pumutok na labi at dumugong ilong dinala ng klinik si Kaloy kung saan inabutan ito roon ni Zyone.

“Hayop na talaga ang Dax na iyon pare.”

“Pasalamat ang gagong iyon at naawat pa kami. “

“Paano iyan mukhang tumitindi na iyong hidwaan niyo sa isa’t isa. Wala pa man tayo sa kalagitnaan ng taon pero parang hindi na aabot ng isang taon ang ngitngitan niyong dalawa.” Ani ni Zyone.

“Siya lang naman itong lumalapit sa akin para hamunin ako. Swerte niya lang at hindi ako iyong tipong umuurong sa hamon.” Sabat ni Kaloy.

“Marami na naman ang bumilib sa tapang mo kanina. Dahil sa iyo unti-unti na rin lumalakas ang loob ng iba na labanan ang grupo nila Dax dito. Nagiging boses ka na ng mga nabu-bully dito pare.”

“Hindi naman talaga dapat ginagawang normal ang pambu-bully pare. Kaya maraming nabu-bully kasi maraming takot na lumaban. Kapag nasa tama ka naman hindi masama ang ipagtanggol din ang sarili. Kapag pinapairal natin ang takot at kaduwagan, binibigyan lang natin ng karapatan ang iba na pagsamantalahan ang kahinaan natin. Kaya merong nabu-bully.” Komento pa ni Kaloy.

Sa kabilang banda, dahil sa magandang balitang nalaman ni Gab sa anak excited itong tinawagan si Karl na noo’y bumabiyahe na paakyat ng Ilang. Ngunit dahil sa mahina na talaga ang signal sa lugar, paputol-putol ang usapan ng dalawa kaya hindi rin nasabi ni Gab sa kaibigan ang magandang balita. Nagpatuloy si Karl sa destinasyon nito. Lampas na ng tanghali nang marating ni Karl ang bungad ng baryo ng Ilang. Mahabang taon na rin talaga ang lumipas at may mga nagbago na sa lugar, Ngunit ang kuwento ng kahapon ay may naiwan pa ring bakas na agad na nagpasariwa ng lahat sa ala-ala ni Karl. Lalo na ng makasalubong nito ang tila magkasintahan na naghaharutan habang nakasakay sa likod ng kalabaw.

Binalikan ni Karl ang mga sandaling ganun na ganun din sila ni Tess.

“Kumalma ka kasi huwag kang malikot baka ihulog ka ng kalabaw na ito sa kakagalaw mo.” Wika ni Tess.

“Hindi kaya ako ang magalaw kundi itong kalabaw mo. Nagseselos yata na kayakap kita.” Sabat ni Karl.

“Baliw,… sabihin mo takot ka lang talaga mahulog kaya kapit na kapit ka sa akin”. Ani pa ni Tess na nakangiti.

“Gustong-gusto mo naman kaya binibilisan mo ang pagpapatakbo sa kalabaw para hindi ako sa’yo makabitaw.”  Tugon ni Karl sabay halik sa balikat ni Tess.

Ganun nagsimula ang mabuting ugnayan nila noon ng babae. Ang mga unang tagpo sa kuwento nila nang magtagpo ang dalawa. Nagpatuloy pa si Karl at sa bandang unahan may natanaw ito na pamilyar na lalake na agad nito nakilala. Nakahubad ito ng damit at tanging naka suot lamang ito ng maiksing maong na pinutol para magmukhang shorts na hapit sa malaman nitong hita. Malaki at matipuno ang katawan kahit may kaedaran na. Bakat parin ang malaki nitong dibdib na mabalbon na bakas ang pagiging batak sa mga gawaing bukid. Bigotilyo ngunit kakaaninagan parin ng pagiging gandang lalake. Pasan-pasan sa balikat nito ang isang bulig ng saging saba.

Napadungaw sa bintana ng kanyang kotse si Karl sabay sigaw sa lalake ng pangalan nito.

“Jasper! Jasper pare!”

Agad naman napatingin ang lalake kay Karl. Napangiti ito sa kanya ng makilala siya nito. Gumuhit ang pagkagalak at saya sa mukha ni Jasper nang muling makita ang matagal nang hindi nakikitang kaibigan. Nagmamadali itong sinalubong si Karl na bumaba na rin ng kanyang kotse para lapitan si Jasper. Nang magkaharap na ang dalawa hindi na nakapagtimpi pa si Karl at napayakap ito kay Jasper. Ngunit bahagyang napaatras ang isa at medyo nailang sa ayos nito kumpara sa ayos ng kaharap.

“Uy teka naman pare, madudumihan ang puting-puti mong polo. Tsaka na tayo magyakapan kapag nakaligo na ako. Ang dumi ko pa tsaka pawisan pa.” Wika ni Jasper na nakangiti.

“Ayos lang iyon ano ka ba. Grabe balbas lang iyong nagbago sa iyo ah iyang katawan mo parang tulad padin ng dati.” Sambit ni Karl.

“Alagang bukid iyan pare, tsaka dito tayo nakakabitag ng mga babae dati kaya alagang-alaga natin ito. Ikaw din naman ah, halos walang pinagbago. Kasing guwapo ka parin at ka macho gaya ng dati.” Tugon ni Jasper.

“Ganun talaga pag inborn pare hindi na nababago.”

“Sabagay, siya nga pala napasyal kang muli sa paraiso namin, anong sadya pare?” Tanong ni Jasper.

“Dadalawin ko lang sana si Tess.”

Natahimik saglit si Jasper sa sagot ni Karl. Bago pa man nagkakilala sina Tess at Karl, matagal ng magkaibigan sina Jasper kaya alam na alam ng lalake ang naputol na kuwento sa dalawa. Inimbitahan ni Jasper si Karl sa kanilang bahay upang doon na pag-usapan ang pakay nito roon sa lugar. Pinasakay narin ni Karl ang kaibigan para mas madali silang makarating kina Jasper.

Vacant period noon ni Vince nang nakipag video call ito kay Kaloy kung kaya’t napuna agad nito ang namuong pasa sa ilong ng kasintahan pati na rin ang putok nitong labi. Alalang-alala ito kay Kaloy.

“Sabihin mo sa akin kung sino ang may gawa niyan sa iyo at pagbabayarin ko. Hayop siya, sinira niya ang mukha ng baby love ko. Lapag mo ang pagmumukha ng na iyan at babasagin ko rin ang ilong niya.”

“OA mo naman baby love, wala ito. Tsaka naiganti ko na rin naman ang ginawa niya sa akin. Punit din ang labi nun at maga ang pisngi tsaka mata.” Tugon ni Kaloy.

“Iyon ba iyong sumita sa iyo nung hinatid kita? Siya ba iyon?” Usisa pa ni Vince.

“Si Dax…iyong kinukuwento ko sa iyo na bully dito sa Bayag-bayagan. Pinapulis ko kasi iyon sa daddy mo kaya lalong napikon sa akin.” Kuwento ni Kaloy.

“Alam ito ni daddy?”

“May ginawa kasi si Dax sa kaklase namin, ninakaw niya iyong cellphone…iyong binawi ko. Sabi rin kasi ng dad mo sakaling magkaproblema ako rito, itatawag ko lang sa kanya. Kaya iyon nagsumbong ako. Nagpadala rito ng pulis ang dad mo tapos hinanap si Dax. Naaangasan siguro ang tukmol sa ginawa ko kaya pikon na pikon sa akin. Lalo na at hindi na siya inuurungan ng mga nabully niya dati. Hinamon niya ako ng suntukan, akala naman niya siguro natatakot ako. Kaya pinagbigyan ko.” Paglalahad pa ni Kaloy kay Vince.

“Baby love paano kung mag online class ka na lang? Baka lalo ka lang mapahamak diyan. Kung puwede ka lang sana dito sa eskuwelahan namin ipapalipat kita rito. Hindi ako makakampante lalo na’t ganyan ang nangyayari sa iyo riyan.” Saad ni Vince.

“Ayos lang ako rito baby love, sanay ako sa ganitong environment. Ganitong-ganito rin ang high school dun sa amin. Maraming bully,…at hindi ako natatakot sa kanila. Sila ang umiwas sa akin.”

“Hindi dahil malaki ang katawan mo eh kayang-kaya mo nang ipagtanggol ang sarili mo. Paano kung pagtulungan ka ng mga iyan, paano kung may mga tropa pala ang Dax na iyan na mga halang din ang bituka…”

“Huwag mo nga akong masyadong isipin. Kaya ko ang sarili ko tsaka takot lang ng Dax na iyon na makulong. Nangako ang dad mo na papabantayan niya sa mga kakilala niyang pulis ang paligid ng campus, para siguraduhing ligtas ang mga estudyante sa grupo ni Dax.”

“Ikaw ang inaalala ko. Basta kung sa tingin mo hindi ka na safe diyan, sabihan mo ako. Magpapatulong tayo kay tito Seth na maihanap ka ng ibang option. Tsaka aasahan mo na ako sa harapan ng gate niyo ng mas maaga para sunduin ka.” Ani ni Vince.

“Maiinip ka lang sa kahihintay baby love, alam mo namang may mga dagdag pa akong klase, tapos hindi pa fix ang oras kung kelan matatapos. Tatawagan na lang kita para may time ka pa para gumala-gala muna.” Ayon kay Kaloy.

“Hindi na, hihintayin kita hanggang kelan ka matapos sa klase mo. Tatambay na lang ako sa coffee shop sa tapat ng campus niyo.”

Napakamot na lang talaga ng ulo si Kaloy sa naging pasya ni Vince. Hindi na ito kumontra at hinayaan na lang ang kasintahan sa kagustuhan nito.

Nang dahil sa nalantad na lihim kay Gibo patungkol kay Kaloy bigla itong nag-alala sa dating kaibigan. Nais niyang kausapin si Kaloy ngunit wala naman itong maisip na dahilan kung ano ang sasabihin nito sa isa. Nakatapat na sa call icon ang daliri nito ngunit hindi nito napindot-pindot ang call. Nang….

“Oh shit…napindot ko” sambit na lang ni Gibo nang napindot nga nito ang call.

Na agad naman sinagot ni Kaloy.

EGG SURPRISE

Naka ilang tanong na si Kaloy kay Gibo ngunit wala parin itong kibo sa kabilang linya. Hindi ito mapakali at nagdadalawang isip pa sa gagawin. Nang muling magsalita si Kaloy, halos nagkasabay pa ang dalawa.

“Mauna ka na total ikaw naman itong tumawag. Ano ba ang naisip mo at naalala mo akong tawagan?” Tanong ni Kaloy na may pigil na ngiti sa boses.

“Hindi kasi…kuwan napindot ko lang, sige kung naka-abala ako puwede mo namang patayin.” Ang pautal na sagot ni Gibo.

“Napindot lang ba talaga? Ikaw kung gusto mo…ikaw na ang pumatay ng linya, ikaw naman itong nagsimula. Liban na lang kung na miss mo ako.” Wika pa ni Kaloy.

“Miss talaga? Hindi puwedeng napindot ko lang talaga? Oh sige pasensya na sa istorbo papatayin ko na ang linya.” Ani ni Gibo.

“Teka sayang naman ang tawag mo niyan, siya nga pala nakita ko ang picture niyo ni Danica. Congratz pare, masaya ako para sa inyong dalawa. Alam ko dati pa man may pagtingin ka na dun. Pero paano na si Nate? Huwag mong sabihin na okay lang sa kanya na may girlfriend ka…” Saad ni Kaloy.

Kinabigla ni Gibo ang tugon na iyon ni Kaloy. Batid ng lalake na pangarap na talaga ni Kaloy si Danica. Ngunit sa tuko ng pagkakasabi ng kaibigan tila naglaho na ang pananabik na iyon sa boses ni Kaloy.

“Kung ano man ang nasaisip mo base sa nakita mo, hindi iyon totoo. Walang kami ni Danica. Nagkita lang kami nung gabing iyon kasama ang mga kaklase niya. Sinamahan ko lang siya at nagkataon na nandoon din ang kaklase ko na boyfriend ng kaklase niya. Ina-assume niya lang na mag jowa kami ni Danica. Sinakyan ko lang ang trip nila. Hindi kami mag jowa ni Danica.” Paliwanag pa ni Gibo.

“Teka pare, nagpapaliwanag ka ba?”

“Oo, kasi kahit kailan hindi nagbago ang pagtingin ni Danica sa iyo. Mahal ka ni Danica. At umaasa parin siya sa pangako mo sa kanya.” Sagot ni Gibo.

Saglit na tumahimik si Kaloy. Muling bumalik sa kanya ang sumpaan nila noon ni Danica at ang mga huling mensahe nila sa isat-isa bago pa nangyari ang pakikipagrelasyon nito kay Vince. Tila nakaramdam ng guilt si Kaloy sa narinig kay Gibo. Paano kung masaktan niya ng sobra si Danica dahil sa estado ngayon ng puso niya.

“Matagal mo na bang alam na nandito sa siyudad si Danica?” Tanong ni Kaloy.

“Nitong mga nakalipas na linggo minsan nagkasalubong kami. Bakit hindi mo alam? Tsaka nabanggit din sa akin ni Danica na madalas sila magkausap sa cellphone ni Vince, Imposible naman na hindi sinasabi sa iyo iyon ng boyfriend mo. Unless, may balak din siyang sulutin sa iyo si Danica…” Saad pa ni Gibo.

Biglang uminit ang tenga ni Kaloy sa huling pinunto ni Gibo. Ayaw niyang sakyan ang pahaging na iyon sa kanya ng lalake ngunit may bahagi sa puso ni Kaloy na tila nakaramdam ito ng sama ng loob kay Vince gayunpaman dinaan na lamang niya sa tawa at biro ang tugon kay Gibo.

“Kaya ko namang i-share iyong parte ko, kahit na nga sa iyo kung gusto mo. Kilala mo naman ako dati pa, mapagbigay akong kaibigan. Alam mo iyan tol…” Wika pa ni Kaloy.

“Ayos lang sa iyo na nililihiman ka ni Vince?” Tanong pa ni Gibo.

“Kung ginawa niya man iyon, tingin ko naman may dahilan siya kung bakit. Tsaka malabo na rin siguro kami ni Danica.” Saad pa ni Kaloy.

Naputol lang ang usapan ng dalawa nang tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang vacant period ni Kaloy. Patakbo itong  binaybay ang hallway patungo sa palapag ng kanyang silid. Paakyat na sana ito ng hagdan ng may humarang sa kanya na mga estudyante, mga ka-grupo ni Dax. Ngunit hindi nagpasindak si Kaloy sa apat na estudyante. Umiwas ito at sinikap paring makaakyat ng hagdan. Nang hinablot ng isa ang bag nito, dahilan nang muntikan nang pagkatumba ni Kaloy.

“Mga pare, ayoko na magsisi kayo. Kaya puwede ba padaanin niyo na ako at May exam pa ako.” Ang nakangiting wika ni Kaloy sa apat.

“Napaka angas mo rin talaga noh? Kung sa tingin mo uubra sa amin ang tapang mo puwes ibahin mo kami. Sa amin ka ngayon kukuha ng exam at tiyakin mo lang na makakapasa ka.” Sagot ng isa kay Kaloy.

Palinga-linga na noon si Kaloy sa paligid, maraming estudyante ngunit tila wala man lang sa mga iyon ang nais mangi-alam. Saglit pa at may mga nakisali pang mga kagrupo ni Dax, walo na sila ngayon na pinapaikutan si Kaloy. Batid na nito ang mangyayari, may kaba ngunit buo ang loob nito na kayang-kaya niya ang walo basta mano-mano lang ang laban. Kalmado parin si Kaloy at nag-aabang lang sa gagawin ng lima. Nang sinimulan na itong atakehin ng isa. Agad na naiwasan ni Kaloy ang mabilis na suntok ng lalake. Gumanti ito ng sapak at nasapol agad nito sa mukha ang estudyanteng iyon. Doon na nila pinagtulungan si Kaloy. Natatamaan nila si Kaloy ngunit nakakaganti rin naman sa kanila ito. Nang sandaling iyon patakbo namang bumababa ng hagdan si Zyone nang malaman ang nangyayari kay Kaloy. Inabutan nito si Kaloy na nakikipagbuno sa dalawang estudyante, kaya walang pag aalangan na sumaklolo ito sa kaklase. Hinila nito ang isang estudyante na nakapa-ibabaw kay Kaloy at inundayan ng suntok sa mukha at ulo. Doon na rin nailabas ni Zyone ang matagal ng galit sa mga kagrupo ni Dax na matagal na nitong kinikimkim. Puno ng gigil ang mga suntok at sapak nito sa isang estudyante na hindi na nagawang manglaban dahil na puruhan agad sa unang sapak pa lang ni Zyone. Natigilan ang iba pa ng makitang duguan na ang mukha ng estudyante na halos madurog na ang mukha sa mga kamao ni Zyone. Kinukuha iyon na pagkakataon ni Kaloy para makabawi, binalibag nito ang dalawa pa sa mga kalaban nito at ginantihan din ng sapak ,suntok at tadyak. Todo hiyawan naman at palakpakan ang mga estudyante na nakikinood sa paligid. At nang makitang bagsak na halos ang walo, ilan pa sa mga estudyanteng mga lalake na may galit din sa grupo ni Dax ang naki-amot para maki bugbug sa walo. Pinagtulungan ng mga ito ang mga nanghamon kay Kaloy. Sa puntong iyon doon lang dumating ang security guard ng eskuwelahan kasama ang ilang mga guro para umawat at sawayin ang mga estudyante.

“Mr Ajero!…Palaez!… to my office now!” Sigaw na utos ng prinsipal kina Kaloy at Zyone.

Hindi man lang muna nito pinaklinik ang dalawa na putok ang kilay at mga bibig dahil sa sugat. Samantala iyong tatlo diretso pa sa ospital dahil sa tinamong sugat, lalo na ang binugbog ni Zyone na halos mabasag na ang mukha at nawalan pa ng malay.

Sa loob ng opisina ng prinsipal binanlawan pa ng galit ng prinsipal at ilang mga gurong naroon ang dalawa higit na si Kaloy.

“Bagong salta ka lamang sa eskuwelahan na ito pero ang dami mo nang ginawang gulo Mr Ajero!. At kung sa tingin mo masisindak mo kami rito sa impluwensya mo, puwes ibahin mo kami dahil hindi kami luluhod sa pera niyo! Tahimik ang paaralan bago ka pa umeksena.” Ani pa ng prinsipal.

“Naging tahimik ang mga estudyante dahil sa takot. Iyon ang totoong dahilan. At paglilinaw lang po, hindi ako ang nagsimula ng gulo simula’t sapol. Tumutugon lamang ako sa kawalanghiyaan ng pamangkin niyo at ng mga kagrupo niya. Dahil alam ko namang takot kayo sa kanila. Kaya naman pala ang baba ng reputasyon ng eskuwelahang ito dahil walang kuwenta ang mga guro dito lalo na ang namumunong prinsipal. Nakakahiya kayo sa totoo lang.” Ang walang prenong pambata ni Kaloy sa harap ng prinsipal at sa ibang mga guro na naroon.

Halos namula ang buong mukha ng prinsipal sa pang iinsulto sa kanya ni Kaloy, maging ang mga gurong nandoon  napaurong ang dila sa binitawang salita ni Kaloy. Nilisan nito ang opisina ng prinsipal at tinalikuran ang mga ito na masama ang loob. Tinawag pa ng prinsipal si Kaloy ngunit hindi na ito nakinig at nagpatuloy. Sinundan naman agad siya ni  Zyone na bilib na bilib sa tapang ng dila ni Kaloy.

“Grabe ka pare, nasabi mo talaga iyon sa pagmumukha ng prinsipal natin?”

“Hindi ang katulad niya ang dapat ginagalang pare. Hindi nila deserve ang respeto ko.Tsaka alam ko naman ang patutunguhan nito. Kaya uunahan ko na, hindi na ako papasok bukas. Kung ganito rin lang ang paaralang huhubog sa akin mas nanaisin ko na lang matuto ng sarilinan.” Tugon ni Kaloy.

“Ha? hindi ka na papasok bukas? Sayang naman pare.”

“Sususpendehin din naman nila ako. Tsaka hindi na nakakatuwa ang nangyayari rito. “ Wika ni Kaloy.

Palabas na ng gate sina Kaloy at Zyone nang salubungin sila ng mga kapwa estudyante na hangang-hanga sa tapang ni Kaloy. Mga estudyante naq dating binu-bully ng mga kagrupo ni Dax na unti-unti nang nabibigyan ng lakas ng loob at tapang na harapin ang takot tsaka manindigan sa kanilang karapatan at boses bilang mag-aaral. Hindi inaasahan ni Kaloy ang naging impact nito sa nakararami.

“Hindi lang ako ang binigyan mo ng tapang pare, marami kami. Huwag mo naman kaming iwan dito.” Saad ni Zyone.

Maya-maya pa at dumating si Vince inabutan nito sina Kaloy at Zyone na naguusap sa waiting shed sa labas ng gate ng paaralan. Napababa agad ito ng kotse nang makita ang ayos ng dalawa lalo na ang duguang uniform ni Kaloy. Walang patumpik-tumpik na nagkuwento si Zyone kay Vince sa nangyari. Kinainis iyon ng binata nang malaman ang buong kuwento. Isinama na rin ni Vince si Zyone sa kanila ni Kaloy upang maipagamot sa ospital ang mga tinamong pasa at sugat nila sa mukha. Nang malaman ni Herman ang nangyari kay Kaloy na alarma rin ito at gumawa rin ng hakbang upang tapusin na ang kahibangan ng Bayag-bayagan. Tinawagan nito ang kakilala at kaibigan sa mataas na lebel ng departamento ng edukasyon para ireklamo ang pamamahala at sistema ng eskuwelahan. Tumugon din naman ng aksiyon ang kinauukulan. At sa mismong araw na iyon nakatanggap ng e-mail ang prinsipal mula sa nakakataas sa temporaryong paglipat sa kanya sa ibang eskuwelahan habang iniimbestigahan ang mga reklamo.

“Ngayon sabihin ni Dax na sila parin ang hari ng Bayag-bayagan. Akala siguro nila pang habang buhay na ang pambu-bully nila sa mga estudyante.” Wika ni Zyone.

“Pero hanggat nariyan ang grupo ni Dax, hindi pa rin ligtas sa mga mag-aaral ang mismong paligid ng paaralan.” Ani ni Kaloy.

“Kaya nga mag-ingat parin kayo. Nangako na si Mayor na tutugunan ang seguridad ng eskuwelahan. Tsaka inaalam na ng mga kapulisan ang lunggaan ng fraternity na kinabibilangan ng Dax na sinasabi niyo. Maipatawag na rin ang mga estudyanteng sangkot sa grupo.” Saad ni Herman.

“Salamat talaga tito sa pagbigay ng pansin sa nangyari sa akin.” Sambit ni Kaloy kay Herman.

“Parang anak na rin kita kaya kung may problema magsabi ka lang.” Ang sabat ni Herman na nginiti-an si Kaloy.

Sakto namang pagbalik ni Vince dala ang ang mga pagkain na kinuha nito sa kusina. Pagkalapag ng mga iyon sa maliit na lamesa sa hardin, naupo rin ito katabi ni Kaloy.

“Dad,… salamat sa ginawa mong tulong dito kay Kaloy.” Wika ni Vince sa ama.

“Wala iyon Vince, kahit na ikaw kapag may problema ka, just tell me…at kapag kaya ko aasahan mo ang tulong ko. Sige maiwan ko na kayong tatlo rito at pupuntahan ko lang mommy mo sa loob.”

“Ang suwerte mo talaga sa pamilyang kumupkop sa iyo pare. Sana makatagpo rin ako ng ganitong pamilya na aampon sa akin. Bukod sa mayayaman na ang babait pa.” Hirit pa ni Zyone.

“Total kaibigan ka na naman nitong si Kaloy namin, puwede ka na rin maging bahagi ng pamilya. At bilang malapit sa kanya may nais akong hilingin sa iyo, pakibantayan mo itong si Kaloy namin. Kapag may nang-aano rito ipaalam mo agad sa akin. Kilala ko kasi ito eh, hangga’t maari hindi ito nagsusumbong. Kita mo ang nangyari sa mukha. Nagpabugbog muna.” Saad ni Vince kay Zyone.

“Eh talaga namang kayang-kaya ko ang mga iyon baby lah…ibig kong sabihin bini-baby niyo kasi ako ng sobra. Wala kasi kayong tiwala sa laki ng mga braso ko.” Ang nasabi na lamang ni Kaloy.

Muntikan na madulas si Kaloy sa tawagan nila ni Vince sa harapan ni Zyone. Lingid sa dalawa, may napapansin na talagang iba ang isa sa kilos palang ni Vince sa simula. Malakas ang pang-amoy ni Zyone sa mga ganun, kaya maglihim man ang dalawa batid ni Zyone na higit pa ang meron sa pagkakaibigan nina Kaloy at Vince. Nag-oobserba lang ito sa kanyang kinauupuan habang nakikiramdam sa dalawa.

Samantala…pansamantala munang inalok ni Jasper si Karl na doon na muna sa kanila magpalipas ng buong araw dahil sa bihirang pagkakataon lang muli nagkita ang dalawang magkaibigan. Pumayag naman si Karl sa kagustuhan ni Jasper. Pagkadating ng dalawa sa bakuran nila Jasper sinalubong agad sila ng asawa nito na si Mayang. Mas bata ang edad ng asawa ni Jasper sa kanya at litaw na litaw ang magandang alindog nito at ganda. Dagdag pansin pa ang itim na itim at tuwid na buhok nito na siyang kahinaan ni Karl sa mga babae. Natigilan si Karl nang masilayan ang asawa ng kaibigan. Tila nahablot ng babae ang pansin ni Karl lalo na nang nginitian nito ang lalake.

“Pare, asawa ko nga pala si Mayang. Mahal si Karl matagal ko ng kaibigan galing siyudad.”  Pagpapakilala ni Jasper sa asawa kay Karl.

“Kamusta naman? Buti at nagawi ka rito sa amin. Kahit papaano may nakita akong ibang tao bukod sa mga taga-rito. Kinagagalak kung makilala ka Karl.” Ang nakangiting tugon ni Mayang na inabot ang palad kay Karl.

“Same here,…bakit kinukulong ka lang ba rito nitong kaibigan ko? Pare naman hindi dapat binuburo ang asawa sa bahay lalo na kung kasing ganda nitong misis mo.” Pabirong hirit ni Karl kay Jasper.

“Kilala mo tayo pare, ayokong nalalangawan ang pagkain ko. Tsaka mahirap na baka malingat lang ako iba na ang umaani ng pananim ko.” Ang tugon ni Jasper na halatang nababasa ang tumatakbo sa isip ng kaibigan. Ngumiti ito kay Karl ngunit may lalim ang tugon na iyon.

Inutusan nito ang asawa na ibili sila ni Karl ng beer at mapupulutan. Tumalima naman si Mayang na bahagya pang napasulyap kay Karl.  Napalunok naman ng sariling laway ang lalake nang mapansin ang pagsadya ni Mayang na paglilis ng  daster nito ng bahagya upang  malantad ang makinis at maputi nitong dibdib kay Karl. Nang makita ang pabalik na kaibigan, ibinaling agad ni Karl ang mga tingin sa paligid ng bakuran nila Jasper.

“Doon na tayo sa loob pare, pagusapan natin ang sadya mo rito.” Paglapit ni Jasper.

“Sige pare, marami nga akong nais malaman sa iyo tungkol dito.” Sabat ni Karl.

Sa kabilang banda, laking saya ng dalawang magkaibigang Burnok at Paquito nang sa wakas nakatapak na ito sa kalsada ng siyudad. Mula terminal sinundo na kasi sila ni Karding at Tess para saglit na ipasyal bago sila umuwi sa bagong bahay nilang mag-asawa sa siyudad.

“Grabe na kayo Tay Karding hindi lang pala kayo nakapagpatayo ng sariling bahay dito, may sariling kotse na rin kayo.  Kelan niyo na sasabihin kay Kaloy ang tungkol dito?” Ani ni Paquito sa mag-asawa.

“Sa kaarawan ng Tatay niya balak naming sabihin sa kanya ang tungkol dito. Nais namin surpresahin ang kaibigan niyong iyon. At tulungan niyo kami sa pagpapaplano kaya kayo nandito.” Tugon ni Tess.

“Hiling lang namin sa inyong dalawa ay magpakatino kayo rito. Hinabilin kayo ng mga magulang niyo sa amin. Maraming tentasyon dito baka mabuyo kayo at maging alalahanin pa namin kayo ng nanay Tess niyo.” Wika pa ni Karding.

“Naku hindi kayo magsisisi sa pagsama sa amin dito Tay. Pangakong magiging mabait kami sa inyo. Tsaka sisipagan namin ang trabaho sa inyo. Pansin nga namin ang kaibahan ng siyudad sa bundok at pangako sa inyo hindi kami pabubulag sa kinang ng mga bagay dito.” Saad ni Burnok.

“Hindi kayo namin sinama rito para lang sa trabaho, nais rin namin matupad ang pangarap niyo. Hindi naman namin kayo pipigilan na idiskubre niyo ang buhay siyudad ang sa amin lang sana maging matalino kayo at mapagmatyag.” Sabat ni  Tessm.

“Oh siya tama na muna iyan, kumain na muna tayo sa loob ng mall na iyan medyo humihilab na ang tiyan ko. Tsaka mamili na rin tayo ng mga personal na gamit niyong dalawa.” Wika ni Karding.

Nang mga sandaling iyon, sa naturang mall naroon din si Nate na mag isang inaaliw ang sarili sa pamimili ng mga damit at pantalon sa isang store ng isang branded na clothing line. Nasa grocery store naman ng mall na iyon si Seth kasama ang katulong. Sa iisang lugar tila sinadya ng pagkakataon na paglapitin ang kanilang mga landas.

“Tito Seth kamusta?” Pagbati ni Nathalie kay Seth nang magkita ang dalawa sa labas ng grocery store.

“Hi Jane iha, good to see you. Hindi agad kita nakilala dahil lalo ka ng gumanda. Manang-mana ka talaga sa kagandahan ng mommy mo. Ikaw lang ba mag-isa?” Tugon ni Seth.

“No tito, kasama ko ang mga kaklase ko kanina. Humiwalay lang ako sa kanila kasi kasama na nila ang mga boyfriends nila. Ayoko namang maging anino lang sa tabi nila noh.” Sagot pa ng dalaga.

“Bakit hindi mo ba kasama ang boyfriend mo?” Tanong pa ni Seth.

“Naku tito never ko pa nakita ang perfect guy for me. Tsaka strikto si dad, baka mawala bigla ang allowance ko kapag nagkajowa na ako.”

“Grabe naman iyang dad mo, so mag-isa ka lang?”

Tumango naman si Nathalie.

“Mabuti pa samahan mo na lang ako, kakain tayo libre ko. Hindi ka pa naman siguro uuwi?” Ani ni Seth.

“Go ako Tito, parang trip ko rin ngayon kumain tsaka nakakabored ngayon umuwi ng bahay. Mga kasambahay lang ang naroon.” Sabat ni Nathalie.

“Wala ba dun ang parents mo?”

“Si mommy nandoon kina tita sa Batangas, tsaka si dad in search sa long lost brother namin ni kuya Nate. Sana nga makita niya na sa Ilang ang anak niya.” Naikuwento agad ni Nathalie.

Natigilan si Seth sa sinabi ng dalaga. Hindi na lingid kay Seth ang nakaraan ng ama nina Nate at Nathalie. Dahil noon pa man matagal ng magkaibigan sina Seth at Jessica na ina nila Nate at Nathalie. At kilalang-kilala nito ang naging babae noon ni Karl. Ang hindi lang nito alam tungkol sa anak na sinasabi ni Nathalie kung kaya nagtaka ito.  Nakuha ng topic na iyon ang interes nito kung kaya mas ginanahan ito na yayain ang dalaga na kumain sa isang restaurant sa mismong mall na iyon.

Sa lawak at lapad ng mall at sa dami ng mga kainan na naroon hirap makapag-decide sina Karding at Tess kung saan sila kakain. Sanay na si Karding sa siyudad dahil laking siyudad din naman talaga ito kaya hinayaan na lamang siya ni Tess kung saan sila dalhin nito. Habang naglalakad ang apat sa tapat ng mga nakahilerang kainan at restaurant may tumawag sa pangalan nila Burnok at Paquito kaya napalingon ang dalawa. Nang makilala ang pumansin sa kanila, agad na sinalubong ng mga ito ang papalapit sa kanilang si Nate. Napahinto na rin sina Tess at Karding. Gumuhit sa mukha ni Tess ang ngiti nang masulyapan si Nate na kumakaway sa kanila.

“Akala ko na mamalik mata lang ako kaya sinundan ko talaga kayo nang mapadaan kayo kanina sa store na binibilhan ko. Hi tita, tito kamusta kayo? Buti at nakapamasyal kayo rito.” Bungad ni Nate na nakangiti sa lahat.

“Kamusta rin iho, ano nga pala ang pangalan mo?” Tanong ni Tess.

“Nate po tita, kakilala po ako at kaibigan ni Kaloy,…ng anak niyo po.” Sagot ni Nate.

“Ay tama, naalala na kita. Ikaw nga pala iyong kasama ni Gibo na pumunta sa bahay.” Ani pa ni Tess.

“Yes po tita, siya nga po pala…kayo lang bang apat? Kikitain niyo ba rito si Kaloy?”  Tugon ni Nate.

“Hindi pa alam ni Kaloy namin na nandito kami, kakain lang sana kami rito…kaso ang hirap mamili ng makakainan, ang dami naman kasing restawran dito at mukhang masasarap lahat.” Saad pa ni Tess.

“Naku tita hindi rin naman lahat dito masarap, pero may alam ako na masarap ang pagkain na tiyak magugustuhan niyo.  Samahan ko na kayo, sakto at gutom na rin ako.”

Sumang-ayon naman si Karding sa suhestiyon ni Nate. Kasama ang binata tinungo nila ang isang kainan kung saan nag si-serve ng authentic Filipino classic kusina cuisine at seafood. Sa dami ng customer sa loob talaga namang masasabing masasarap ang pagkain doon.

“Sir Nate kayo pala good afternoon, welcome po sa ‘Palayok’.” Pagbati ng isang staff sa restaurant na iyon kay Nate.

“Table for five nga please,” ani ni Nate.

“This way sir,…gusto niyo po ba na katabi sina Ma’am Nathalie o sa ibang side kayo?” Tanong ng staff na umasikaso kina Nate.

“Nandito ang kapatid ko?” Tanong ni Nate.

“Yes po sir, kakarating lang nila ni Sir Seth. Nais niyo bang na tumabi ng table sa kanila?”

“No, I want our table malapit sa glass window. Kung may bakante pa sa alfresco area doon na lang kami.”

“Sure sir, this lang muna tayo.”

Palinga-linga si Nate sa kinaroroonan ng kapatid. Nang tinawag na ito ng isang crew para ihatid sa kanilang table na nasa alfresco area. Sumunod naman kay Nate sina Tess at Karding.

Habang naghihintay ng kanilang order, nagsimula ng magtanong si Seth tungkol sa sinabi sa kanya ni Nathalie.

“So alam ng mommy mo ang tungkol dito?” Tanong ni Seth.

“Actually si mommy talaga ang nag push kay dad na hanapin ang anak nito. Tanggap na ni mommy ang past ni dad napatunayan naman ni dad sa amin na mahal niya kami. Nais lang ni mommy na mabigyan ng peace ang kalooban ni dad dahil alam naman ni mommy na kahit hindi umamin si dad, may pangungulila parin ito sa anak na napabayaan tsaka guilt. Kaya iyon nais ni dad habulin ang chance kung sakali man.” Kuwento ni Nathalie.

“I was there nung naging mag-jowa pa lang ang parents niyo. I know na nagka affair somehow si Karl…ang dad mo, pero hindi ko alam na nagkaanak pala ito kay Theresa.” Nasambit pa ni Seth.

“What tito? Kilala mo ang dating girlfriend ni dad?” Ang nabiglang tanong ni Nathalie.

Lumagok muna ng tubig si Seth tsaka tumango. Bahagyang naikuwento ni Seth sa dalaga ang nalaman nito sa kuwento ng magulang nila Nathalie. Ngunit piling mga tagpo lamang ang ibinahagi nito. Dahil sa hindi pa dumarating ang mga inorder na pagkain, nagpaalam muna si Seth kay Nathalie na magbanyo.

“Hintayin niyo lang ang pagkain natin, magbabanyo lang ako. Mahal paki hawak muna ng jacket ko. Babanyo lang ako saglit. Nate iho, ikaw na muna ang bahala sa kanila.” Bilin ni Karding ng tumayo ito.

“No problem tito,” ang tugon ni Nate ng tapikin ni Karding ang balikat nito.

Walang kamalay-malay ang dalawa na sa mismong lugar na iyon manunumbalik ang sakit ng nakaraan.

Tuloy-tuloy lang sa urinal si Karding na hindi pinapansin ang nasa loob nang sa kanyang pag puwesto agad itong napasulyap sa kanyang katabi. Dahan-dahan itong inangat ang mga tingin sa lalaking umiihi hanggang sa magsalubong ang kanilang mga mata. Huling-huli ang gulat sa reaksyon ng kanilang mukha ng magkita sa tagpong iyon sina Seth at Karding.

A LITTLE BIT OF CRAZY

Nang makauwi si Zyone, agad na kinausap ni Vince si Kali tungkol sa kaklase nito. Unang kita pa lang ni Vince kay Zyone namukhaan niya agad ito.

“Seryoso ba iyon baby love, kaklase mo si X-trobert?” Tanong agad ni Vince.

Takang-taka naman si Kaloy sa tanong ng kasintahan. “Sinong X-trobert?”.

“Iyong kaklase mo kanina. Hindi mo ba alam ang tungkol sa kanya? I mean wala ba siyang nabanggit sa iyo na kahit ano?”

“Ano ba kasi ang ibig mong sabihin, tsaka bakit ko naman pakikialaman ang sariling buhay ng isang tao. At bakit X-trobert ang tawag mo kay Zyone?” Ani ni Kaloy.

Inilabas ni Vince ang kanyang cellphone at binuksan ang kanyang black app, may hinanap siya rito na nang kanyang makita ay agad niya itong ipinakita kay Kaloy. Minsan na naikuwento ni Zyone ang tungkol sa kanyang side job bilang sex actor at bagamat nasabi na rin ng kaklase kung ano ang ginagawa niya sa uri ng trabahong iyon, hindi pa naman nakita ni Kaloy ang mga pinaggagawa ni Zyone sa harapan ng cellphone camera hanggang sa pinanood ito sa kanya ni Vince.

“Iyan si X-trobert ang Zyone na iyon kanina. Sikat iyan siya sa app na ito. Naglipana na rito ang mga videos niya, may mga nakamaskara tsaka ayan ang recent uploaded video niya na kita ang mukha habang pinagpasa-pasahan ng anim na mga barakong lalake.” Sambit ni Vince.

Unang beses na nakapanood ng ganoong kalalang bembangan ng mga lalake si Kaloy. At sa reaksyon nito magkahalong awa at pagtataka ang naglalaro sa kanyang isip. Hindi nito akalain na ganon pala katindi ang mga pinaggagawa ni Zyone sa kanyang sarili para lang magkapera. Halos sinalaula na kasi ng mga kabembangan ang butas nito. Sa inosenteng mukha ng kaklase na animoy hindi makabasag pinggan, mahirap paniwalaan na ganun pala ito ka wild sa kama.

“Nabanggit nga sa akin ni Zyone ang side job niya, pero hindi ko akalaing na ganito pala ka lala ang kaya niya. At nakaya niya talaga ang anim na ganun kalalaki.”  Nasabi na lang nito ng matapos ang video.

“Hindi lang ito, may mas malala pa iyong iba. Kaya kanina nung makita ko siya, actually gusto ko talaga siya i-ask about that kaso na overwhelmed na ako sa nangyari sa inyo.” Ani pa ni Vince kay Kaloy.

“Bakit natatakot ka ba na sumingit sa space natin si Zyone kaya sinabi mo ito sa akin?” Ang natawang sabi ni Kaloy.

“No naman baby love, confident naman ako sa loyalty mo pero kuwan lang kasi, Nag-aalala lang ako baka somehow ma influence ka niya na subukan din iyong trip niya. But no judgement naman sa kanya, alam ko naman na mabuti siya sa iyo. Iba lang kasi ang impresyon ko sa kanya base sa mga nakikita ko sa kanya online. Hindi ko naman sinasabi na layuan mo siya. Maging aware ka lang baby love.” Saad ni Vince sa kasintahan.

“Makakaasa ka baby love, makahanap man ako ng mga bagong tao sa aking journey ngayon, pero pangako ikaw at ikaw parin hanggang dulo.” Ang pang silyo na tugon ni Kaloy sabay halik sa labi ni Vince.

Hindi na nakasagot si Vince at nilamon na lamang ito ng kilig tsaka nagpatangay na lang sa maalab na halik sa kanya ni Kaloy.

Balik sa restaurant, halos umurong ang ihi ni Seth sa pantog nang makita si Ricardo na nakatayo sa tabi niya habang nagbabawas sa urinal. Namilog din ang mga mata ni Karding ng magtama ang tinginan nila ni Seth sa muling pagkakataon. Nang mga sandaling iyon hindi na alam ni Seth kung itutuloy pa ba nito ang pag-ihi o tatapusin na lang at iwan si Karding.

“Hi…” Pagbati ni Karding kay Seth.

“Hi…” Tugon ni Seth na tumango lang sabay angat ng kanyang zipper tsaka nag-flash ng urinal.

“Kamusta,…” Sambit ni Karding ng aktong aalis na si Seth.

“Ayos lang, and I guess ganun ka rin. Sorry but I need to go. Naghihintay na sa labas ang kasama ko…Ang boyfriend ko actually. Nice to see you again…Ric.” tugon ni naman ni Seth na gumawad ng pekeng ngiti kay Karding tsaka ito nagmamadaling lumabas ng banyo.

Naiwan si Karding sa loob na napabuntong hininga ng malalim. Sa paglabas naman ni Seth ng banyo muli itong nagulat ng makabanggaan naman nito si Nate, na muntik pa mamura si Seth.

“Sorry tito ikaw pala. Hindi agad kita nakilala, naka-cellphone kasi ako.” Wika ni Nate kay Seth.

“It’s okay, hindi rin kita napansin. We’ll good to see you here. Siya nga pala kasama ko si Jane. Kung gusto mo join ka na sa amin.” Nakangiting tugon ni Seth.

“I know tito sinabi nga sa akin ng staff. Pero may mga kasama rin ako. Tsaka ako kasi ang nag-invite sa kanila rito.”  Ani ni Nate.

“Ganun ba, well then…mauna na ako baka dumating na ang order namin ng kapatid mo.”

Pansin ni Nate na tila masyadong nagmamadali si Seth ngunit hindi naman niya iyon binigyan ng ibang kahulugan. Bagama’t napansin niya na tila may iniiwasan ito. Ngunit tila sinusundot ng asar si Seth ng mga sandaling iyon. Nang papunta na ito sa table nila ni Nathalie napahinto na naman ito nang magsalubong ang tinginan nila ni Tess. Papuntang restroom nun si Tess nang makita si Seth. Tila bumalik ang nakaraan sa harapan ni Seth nang makita ang babae na siyang naging dahilan kung bakit naudlot ang kuwento nila ni Karding.

Si Tess naman dahil sa di inaasahang pagkikita tila napako sa kanyang kinatatayuan at nag-aalangan kung kakausapin ba niya si Seth o iiwasan. Nang nilapitan ng isang crew si Tess para tanungin kung may kailangan ito, doon nakahanap ng sandali si Seth na iwasan si Tess. Nagmamadali itong lumapit kay Nathalie na noo’y abala sa kanyang cellphone.

“Ipatake-out mo na lang ang mga inorder natin.  Parang sumama kasi bigla iyong sikmura ko, feel ko need ko ng coffee.” Bungad agad ni Seth.

“May coffee naman dito tito, i-order kita.” Saad ni Nathalie.

“No, I want iyong matapang na kape, sobrang tapang at mapa-it. Masyadong sweet kasi ang kape rito. I know a place for sure magugustuhan mo dun. Tambayan iyon ng mga P-POP idols mo. Malay mo matsambahan mo ang ilan sa kanila dun.” Ani pa ni Seth.

“Okay tito parang mas bet ko iyan. Papatake-out ko lang ito.”

Matapos magbayad at ma-take out ang mga order, agad na nilisan ng dalawa ang restaurant na iyon. Walang lingon-lingon basta diretso lang ang mga hakbang ni Seth. Balik sa bahay ng kaibigang si Jasper. Masayang binalikan ng dalawa ang kanilang kabataan noong mga panahong magkaklase pa sila sa collage. Sa mahabang panahon na hindi na sila nagkikita-kita marami narin ang nagbago sa kanilang mga buhay. Si Karl ay isa ng business man at may-ari ng limang construction firm samantala si Jasper ay masaya naman bilang simpleng magsasaka sa kanyang minanang lupain sa ilang, bukod pa sa pagiging negosyante rin at may-ari ng malaking pig-farm.

“Madalang na lang talaga ako gumagala sa siyudad pare, mas gusto ko ang payak kong pamumuhay dito. Siyempre masarap ang hangin dito. Nagpupunta lang ako ng siyudad kapag kailangan na  talaga. May mga tauhan din naman kasi ako na inaasahan.” Kuwento ni Jasper.

“Kaya nga gusto ko rin magtayo ng resthouse o private resort dito. Para naman may space kaming pamilya na matatakbuhan kung kailangan namin mag detox ng sarili. Masyado na kasing crowded sa city, dagdag mo pa ang ingay  ng trapik at ang usok ng mga kotse. Hindi talaga nakakabawas ng stress.” Sabat ni Karl.

“Alam mo magandang ideya iyan pare. Tsaka matutulungan kita sa pangarap mo na iyan.”

“Pero maiba ako pare,…nasa bahay parin ba nila nakatira si…Teresa?” Naisingit na tanong ni Karl.

“Sabi ko na nga ba at itatanong mo rin iyan sa akin. Actually bumukod na sa kanila si Tess simula nung nabuntis siya at kinasal. Malayo nga lang sa dati nilang bahay. Pero nakabili naman sila ng malaking lupa na katabi lang din nung sa akin.” Sagot ni Jasper sa lalake.

“Kasal na rin pala si Teresa…” Nasambit ni Karl tsaka napahinga ng malalim sabay lagok ng bote ng beer.

“Akala ko nga noon kayo talaga ang magkakatuluyan nun pare. Pabalik-balik ka pa rito noon para lang makita siya, tapos malaman-laman namin may inaararo ka rin palang ibang bukid sa siyudad. Anak pa talaga ng mayaman. Buti na nga lang at may sumalo kay Tess nang itinapon mo siya.” Komento ni Jasper.

“Grabe naman ang ‘itinapon’ pare. Hindi naman ganun iyon. Nagkataon lang na hindi pa ganun ka mature ang isip ko, tsaka naipit lang din kasi ako sa sitwasyon na hirap ko ng takasan.” Ani pa ni Karl.

“Kaya nga hindi nauso sa akin dati ang commitment eh. Dahil natakot akong matulad sa iyo. Pinaiiral mo kasi dati ang kalibugan mo kaya ka napaso. Pero jackpot ka rin naman kay Jessica. Bukod sa maganda at mabait, mayaman pa. Kung si Tess ang nakatuluyan mo malamang dito rin sa bukid ang bagsak mo. Wala ka sana ngayong land cruiser.” Ang natawang sabi ni Jasper.

“Hindi naman lahat dahil sa yaman nila Jessica. May ambag din ako dun noh. Talino at diskarte ko rin ang nagpalago sa mga negosyo nila. Tsaka wala namang masama kung maging magsasaka ako as long na kasama ko ang taong mahal ko. At minahal ko naman talaga noon si Tess , saksi ka dun. Hindi nga lang kami umabot sa dulo.” Ang tugon ni Karl na nilakbay ang mga tingin sa malayo.

Naputol ang kuwentuhan ng magkumpare nang lumapit si Mayang sa kanila para tanungin si Jasper sa gusto nitong ulam para sa hapunan. Muli na namang napalunok ng sariling laway si Karl nang masulyapan ang mala-labanos sa puti na mga suso ng babae na lumalaylay sa manipis nitong suot na puting duster. Pakiwari ng lalake na talagang sinasadya ni Mayang na ipakita sa kanya ang kanyang dibdib at ang kabuuan ng kanyang alindog. Agad napaiwas ng tingin si Karl nang makitang nginitian ito ng babae nang maglapag ito ng dagdag na pulutan at beer sa maliit na lamesa bago ito umalis.

Lingid kay Karl, napansin iyon ni Jasper ngunit nagkibit-balikat lamang ang kaibigan. Nagpatuloy lang ito sa kuwentuhan na para bang wala itong nakita. At sa halip na magalit o magselos sa mga napansin…ginatungan pa ni Jasper ang nararamdaman ni Karl. Walang patumpik-tumpik na ibinida nito kay Karl ang mga paraan nilang mag-asawa sa tuwing nag bebembangan sila sa kama. Detalyado ang bawat pagsasalarawan ni Jasper na minsan may pa demo pa ng mga pagkaldag niya. Kahit halatang umiiwas sa topikong iyon si Karl pilit parin na isinisingit ni Jasper ang mga usaping nakakalibog, na para bang pinapaiinit nito ang usapan nilang dalawa.

“Gaano ka ba loyal sa misis mo pare? Sigurado ako na sa estado mo ngayon hindi lang iisang butas ang nadidilaan ng buratso mo. Tama ba? Tsaka kilala kita…sa ating barkada ikaw ang pinipilahan ng mga puke dati.” Ang tawang-tawa na hirit ni Jasper.

Nakakaramdam na ng ilang si Karl sa mga binabatong tanong sa kanya ng kaibigan. Halata na lumilihis na ang topiko nila sa mga mamasa-masang usapan. Batid ni Karl na tila may pinupunto ang kaibigan. Kinabahan ito na baka napansin na nito ang mga padaplis na pang-aakit ni Mayang sa kanya. Gayunpaman nanatiling kalmado si Karl. Alam niya ang kanyang lugar at alam niya  kung saan ipupuwesto ang sarili. Hindi maitatanggi na nakakatukso ang kagandahan at alindog na meron ang asawa ni Jasper ngunit naroon ang respeto ni  Karl sa kaibigan.

“Mahal ko si Jessica pare at sa loob ng mahabang taon ng aming pagsasama naging loyal ako sa kanya. Oo dati masasabi kong mapusok ako pag dating sa sex pero nagbago lahat ng iyon nung kinasal kami. Hindi ko kayang lokohin ang asawa ko para lamang sa kapirasong laman pare. Tsaka aanhin ko naman ang ibang butas kung nariyan naman ang asawa ko.” Ang napangiting tugon ni Karl.

“Hindi naman pangloloko ang tumikim ng bago pare.  Hindi mo naman iyon aaraw-arawin, paminsan-minsan lang naman. Pang tanggal umay din. Alam mo subukan mo. Lalong sisigla ang dugo mo sa ganun. Tingnan mo ako, do I look I’m in my forties?” Wika ni Jasper na pinagmamayabang ang maganda nitong mukha at katawan.

“Gago, ibig sabihin bukod sa asawa mo may binubungkal ka pang iba?. Tang ina pare hayop ka talaga, hindi ka na nagbago. Buti hindi ka nahuhuli ng misis mo.” Gulat na reaksyon ni Karl na hininaan pa ang boses para hindi marinig ni Mayang.

“Bakit naman ako magpapahuli kung kasalo naman si misis.” Ang tanging sagot lang ni Jasper na tila proud pa na ilakas ang sagot.

“Putragis ka…ibig sabihin nakikipag kayuran ka na kasama ang asawa mo?”

“Alam ni Mayang ang aktibidad ko pare at madalas kasali rin siya eksena. Kaya wala akong problema sa kanya. Naiintindihan niya ang mga gusto ko. Lalo na sa kama.” Ani pa ni Jasper na ginawaran ng ngiti at kindat si Karl.

Napakunot na lang ng noo si Karl sa inilahad sa kanya ng kaibigan. Hindi nito malunok ang ideya ng kumpare na nakikipag kalkalan ng ibang butas habang kabungkalan din ang asawa. Ni sa pangarap hindi sumagi sa isip ni Karl na kaya niyang gawin ang ganun sa sariling asawa.

Samantala dahil sa nangyari sa paaralan nabulyawan ng ama si Dax. Napagalitan ito ng husto. Kung anong tapang ang pinapamalas nito sa eskuwelahan, sa mga suntok at pananakit ng ama… parang kawawang paslit lamang si Dax na walang magawa kundi ang umiyak at mamaluktot sa isang sulok.

“Wala ka na talagang inakyat na katinuan sa bahay na ito kundi puro perwisyo at kawalanghiyaan. Bobo ka na nga, sakit ka pa sa ulong hayop ka! Naturingan ka pa namang anak ng isang guro pero walang laman iyang utak mo kundi kabulastugan at katangahan! Huling-huli na itong pamamahiya mo sa apilyedo kong buwisit ka. Isa pa talaga Dax at tuluyan na talaga kitang iwawaksi sa pamilyang ito!” Ang panghihimutok ng ama nito.

“Tama na iyan, kahit anong gawin mo riyan hindi na iyan titino. Bahala na siya sa buhay niya kung ano ang gusto niya. Nakakapagod na rin ipagtanggol ang ugali niya. Nagmumukha na akong konsintedora sa mga co-teachers ko. Nakakatamad na rin. Kung ayaw niyang magpadisiplina hayaan mo siya. Ganyan talaga kapag nananalaytay sa dugo niya ang dugo ng kanyang magulang.”  Tugon ni Miss Kaldagan na tumatayong ina ni Dax.

Kapatid ng asawa ni Miss Kaldagan ang totoong ama ni Dax. Four years old ito nang makulong ang parehong magulang sa kasong pagbebenta at paggamit ng iligal na droga, na nasintensiyahan ng mahabang taon na pagkakakulong. Labas pasok din noon ang totoong ama nito sa kulungan dahil sa mga nasasangkutan nitong gulo. Ang totoong ina naman nito ay lolong na dati pa sa bisyo. Dahil sa nag-iisang anak lamang si Dax at wala pang anak noon sina Miss Kaldagan, inako na nila ang pagpapalaki kay Dax. Sumang-ayon naman si Lorenzo sa naging pasya. Naging maayos ang buhay ni Dax sa piling ng bagong kinikilalang pamilya hanggang sa biniyayaan ng sariling anak ang magasawa. Hindi lang isa kundi lima.

Doon na nagsimulang unti-unti ng lumabo ang pakikitungo ng mag-asawa kay Dax, nabawasan na ang lambing at pag-aruga sa kanya. Ang dating masayang mukha kalaunan napalitan ng inggit at lungkot nang mabaling na ang lahat ng atensyon sa mga tunay na anak ng mag asawang Kaldagan. Simula nun nararanasan na ni Dax ang mga pananakit sa kanya ng tiyuhin na naging ama-amahan nito. Ang dating tahimik noon, magalang at mabait na bata naging laman ng kalsada, naging bahagi ng mga batang kalye. At sa impluwensya ng mga iyon nagbago ang ugali ni Dax. Naglaho ang maamo nitong mukha at sa pag-usad ng kanyang edad mas naging mabangis ito sa mga kapwa estudyante na kaedaran niya. Napabilang sa mga grupo at naging sandigan ang mga ito.

Ngunit ang kanyang kaastigan sa labas ay hindi umuubra kapag si Lorenzo na ang kaharap. Tiklop ang lahat ng angas nito sa hagupit ng mga palo at pambubugbog sa kanya ng kinikilalang ama. Nais niyang gumanti ngunit nababalot siya ng takot. Kung kaya’t ang naiipong galit at puot sa kinikilalang magulang sa ibang mga kabataan niya binubuntun.

Nang mga sandaling iyon napuno na ng kahihiyan si Lorenzo dahil sa kawalanghiyaang ginawa na naman ni Dax. Muli niyang pinagbuhatan ng kamay ng kamay si Dax sa harapan mismo ng mga sariling anak. At gaya ng madalas tanggap lang ng tanggap si Dax ng mga pananakit, hindi ito nagsasalita o lumalaban. Tanging ang mga impit na hikbi at pag-iyak lamang ang ipinapakita nito.

Nang umalis na si Lorenzo at humupa na ang lahat ng tensiyon. Nilapitan ni Lyndon si Dax bitbit ang baso ng tubig. Si Lyndon ang naging panganay na anak ng  mag-asawang Kaldagan. Simula palang naging malapit na talaga ang dalawa sa isa’t isa mahal ni Dax si Lyndon at tinuturing na niya itong tunay na kapatid noon pa ganun din sa kanya si Lyndon.

“Uminom ka muna ng tubig kuya. Tapos doon na tayo sa silid mo. Ako na ang gagamot ng mga sugat mo sa likod.” Wika ni Lyndon.

“Salamat sa tubig. Pero huwag mo na alalahanin ang kuya mo, kaya ko ito. Sanay na ang katawan ko rito. Bumalik ka na lang sa silid mo baka pagalitan ka pa ni papa.” Ang tugon ni Dax na nginitian ng pilit ang kapatid matapos kunin ang inabot sa kanyang tubig.

“Hindi kuya, tulungan na kita. Alam ko na tinitiis mo lang ang hapdi ng mga sugat mo. Grabe naman kasi si papa kung manakit sa iyo.”

“Tama lang ito kasi pasaway ang kuya mo. Kaya ikaw magpakatino ka, huwag mo akong tularan para hindi mo rin ito maranasan. Teka…sige nga, tulungan mo akong makatayo rito…” Sabat ni Dax kay Lyndon.

Hirap itong iunat ang katawan dahil sa mga latay at sugat dulot ng manipis na latigo na pinanghataw sa kanya ni Lorenzo. Umalalay naman sa kanya si Lyndon hanggang sa silid nito. Sa kanyang silid pinahubad ni Lyndon si Dax ng damit upang magamot na nito ang mga sugat sa likod. Todo asikaso ang kapatid kay Dax habang nagkukuwentuhan ang dalawa. Fourteen years old na si Lyndon ngunit masyadong mature na itong magsasalita at mag-isip kung kaya’t madalas siya nilalabasan ni Dax ng mga bubog niya sa buhay. Matapos magamot ang mga sugat ng kuya dinalhan niya rin ito ng pagkain at pinainom ng gamot sa impeksiyon.

“Kuya ayos lang ba kong dito ako matutulog ngayon sa silid mo?” Tanong ni Lyndon.

“Siyempre ikaw pa, dati naman talaga magkatabi na tayo rito ah nung wala ka pang sariling silid. Kaya sige dito ka na matulog mamaya. “  Sagot ni Dax

Biglang niyakap ni Lyndon si Dax tsaka nagpasalamat. Napayakap din ang kuya sa kapatid tsaka nagpasalamat din sa palaging pagdamay nito sa kanya. Si Lyndon ang tanging nagpapakalma sa galit ni Dax sa kanilang ama sa tuwing sinasaktan siya nito. Si Lyndon din ang dahilan kung bakit pinipigilan ni Dax ang sarili na kalabanin ang mga kinikilalang magulang. Ayaw niyang saktan ang damdamin ng kapatid at ayaw niyang magkasamaan sila ng loob.

Nang mga sandali naman na iyon nagpaalam na si Nate kina Karding at Tess matapos nilang kumain sa restaurant na iyon. Sakay na ng kotse ang lahat nang magsalita si Tess kay Karding.

“Nakita ko si Seth kanina galing banyo, nagkausap ba kayo?” Tanong ni Tess.

“Nagbatian lang tapos lumabas din siya. Tila umiiwas sa akin.” Sagot ni Karding habang nagmamaneho.

“Tingin ko rin kanina, parang umiiwas siya. Siguro hanggang ngayon hindi ka parin niya napakawalan sa puso niya. Kaya ganun parin ang tugon niya.” Ani ni Tess.

“Matagal na ang lahat ng iyon. Tsaka sabi niya may boyfriend na siya at kasama niya dun sa restaurant na iyon. Ayaw na lang niya siguro maungkat ang nakaraan kaya iniiwasan niya ako. Okay na rin iyon kasi tapos na rin naman sa akin ang lahat. Tsaka masaya na ako na ikaw ang dulo ko mahal.” Saad pa ni Karding na hinawakan ang kamay ni Tess tsaka hinalikan.

“Mas masaya ako para sa iyo mahal dahil okay ka na.”

Habang seryoso ang usapan ng mag-asawa sa harapan, sina Paquito at Burnok naman sa likod ay tila nagtatalo habang nagdudotdot ng mga cellphone. Kung kaya’t hindi nila napapansin ang pagmomoment ng mag-asawa sa driver seat.

“Uy ako ang unang nakipagkilala dun.” Ang wika ni Paquito.

“Pero ako naman iyong kinausap”. Sabat ni Burnok.

“Anong ikaw, sa akin kaya siya ngumiti umepal ka lang kaya ka rin binati.” Ani ni Paquito.

“Nahiya ka pa kasi kaya sinimulan ko na, eh sa akin tumugon kaya malamang ako ang type nun.” Saad ni Burnok.

“Anong ikaw eh sa akin nga siya napangiti nu’ng una. Alam mo humanap ka na lang kasi ng iba. Ibigay mo na sa akin ito.” Sambit pa ni Paquito.

“Ako ang humingi ng Insta-glam niya, sa akin niya ibinigay at sa akin siya nakipagkamay. Ibig sabihin ako ang trip niya hindi ikaw, kaya huwag ka ng umasa na i-follow ka rin niya.”  Ayon pa kay Burnok.

“Sige tingnan natin, basta ako sure ako, ako ang type nun. Iyong magkita ng tingin niya kanina sa akin parang sinasabi niyang ‘sa iyo lang ako Paquito, ikaw na ang hinahanap ng puso ko.’“hirit naman ni Paquito.

Maya-maya pa sabay na tumawa ang dalawa pagkat sabay sila nakatanggap ng parehas na notification galing sa pinagtatalunan nila. Parehas silang finalow nito.

“Ano ba ang ngini-ngiti mo riyan Jane, kanina kapa diyan sa phone mo ah.” Puna ni Seth kay Nathalie.

“Wala naman tito, kuwan kasi kanina dun sa restaurant habang naghihintay ako ng order natin, sumaglit muna ako sa alfresco area para tingnan sana kung may space pa para lumipat. Tapos suddenly nahagip ng mga mata ko ang dalawang lalake, ang cringe lang kasi ng kanilang outfitan. Natawa ako sa combination ng kanilang mga suot. Parang makaluma pero bago. I don’t know pero na captured talaga nila ang atensiyon ko. Pero infairness tito iyong face card ng dalawa grabe parang pang BL ang hot nila sobra at nung nilapitan nila ako, na stun talaga ako sa mukha nila sa malapitan. Moreno pero ang kikinis ng mukha. Tsaka ang mga katawan…you judge.” Sabay ipinakita ni Nathalie kay Seth ang mga larawan ng tinutukoy nitong mga lalake sa kanyang cellphone.

“Shit ang sasarap naman ng mga ito. Sino ba ang mga iyan?” Nasambit na lamang ni Seth.

“Ito iyong may pasang sako ng mais, siya si Borgy tapos ito namang nakahiga sa damuhan ay si Paquito. Ewan ko pero parang ang interesting nilang makilala. Tsaka mas bet ko silang tingnan dito na walang mga damit.” Ang kinikilig na wika ni Nathalie.

“Naku hindi mo pa kilala ang mga iyan baka kung saan-saan ka na dadalhin ng kakirian mo na iyan. Tsaka ingat-ingat din sa mga taong bigla-bigla mo na lang nakakasalamuha. Hindi mo alam baka may pag ka psychopath ang mga iyan at mapahamak ka pa sa kalandian mo.” Payo pa ni Seth sa dalaga.

“Nag-iingat naman ako tito. At alam ko naman kung paano kumilatis ng tao. Sa unang tingin ko sa mga ito mukhang harmless’ naman.”

Tawanan pa ang dalawa habang kinukwento ni Nathalie kay Seth ang mga napapansin nito nang makilala sina Burnok at Paquito.

‘TASTE TEST’

Papalubog na ang araw at kalat na ang mamasa-masang hamog sa paligid. Saglit na naiwan sa bahay si Karl kasama si Mayang. Umalis muna saglit si Jasper para balikan ang mga pinatuyong kahoy nito sa paanan ng kanyang sakahan. Dahil sa nakarami na rin ng inum ng beer noon ang magkaibigan, ramdam na ni Karl ang kaunting tama ng beer sa kanya. Habang abala sa kusina si Mayang, pumasok muna si Karl sa silid na hinanda sa kanya ni Jasper.

Walang pintuan ang silid na iyon at tanging manipis na kurtina lang ang nagsisilbing tabing doon. Nang nasa loob na si Karl agad ito nag tanggal at naghubad ng lahat ng suot mula sapatos hanggang sa suot nitong polo. Hindi pa kasi ito nakapagpalit buhat ng dumating ito sa bahay ng kaibigan. Habang nagtatanggal na ng pantalon si Karl bigla itong nakaramdam ng pagkahilo hanggang sa hindi na nito mapigil ang maduwal, nasuka ito sa kanyang pantalon kaya dali-dali niya itong hinubad.

Narinig ni Mayang ang pagsuka ni Karl kung kaya’t napasugod ito sa silid ng lalake at inabutan nga nitong naghuhubad ng pantalong may suka si Karl. Nagulat naman si Karl sa pagpasok ni Mayang. Bigla itong nahiya sa kanyang sitwasyon. Agad nitong tinakpan ng hinubad na polo ang kanyang harapan. Napansin iyon ni Mayang at sa halip na mailang kay Karl mas lumapit pa ito sa lalake tsaka lumuhod sa harapan nito.

“Akin na ang pantalon mo, tutulungan na kitang hubarin ito nang malabhan ko agad ito.” Ang nakangiti pang sabi ni Mayang habang pilit na hinahawi sa kamay ni Karl ang nakababang pantalon.

Sa hiya ni Karl, muli nitong itinaas ang pantalon.

“Hindi na kailangan, kaya ko naman… salamat na lang.  Sige na puwede mo na akong iwan, baka may gagawin ka pa sa kusina.” Ang nauutal sa hiya na tugon ni Karl.

Ngunit mapilit si Mayang, tinanggal nito ang kamay ni Karl na nakahawak sa pantalon.

“Tapos na ako sa ginagawa ko kaya ayos lang. Tsaka bisita ka ng asawa ko kaya marapat lang na pagsilbihan kita. Huhubarin ko na itong pantalon mo.”

Hindi na umalma si Karl, tila napako na lang ang tingin nito sa nakasilip na dibdib ni Mayang nang yumuko sa harapan niya ang babae para ibaba ang pantalon nito. Hinayaan na lamang ni Karl si Mayang na siyang maghubad ng suot nitong pantalon. Nang tuluyan ng natanggal ang  pantalon ng lalake at nalantad na kay Mayang ang makinis at malaking hita ni Karl bigla itong napakagat labi. Natigilan ito habang nakatitig sa mga hita at binti ni Karl.

“Okay na, salamat sa tulong… puwede mo na akong iwan dito.” Wika ni Karl nang mapansin ang mga titig sa kanya ni Mayang.

Ngumiti lang ang babae, ngunit nang sa pagtayo nito mula sa pagkakaluhod namilog ang mga mata ni Karl nang hinimas ni Mayang ang mga hita nito pataas sabay sakmal sa natutulog na bata sa kanyang harapan.

“Sige, lalabas na ako. Pero sakaling kailangan mo ng tulong ko, nasa kabilang kuwarto lang ako.” Sambit pa ng babae na nilabas pa ang dila at nagkagat labi muli kay Karl.

Malamig ang panahon ng mga sandaling iyon ngunit gabutil ang pawis ni Karl. Hindi niya maitanggi sa sarili na naapektuhan ito sa ginawa na iyon sa kanya ni Mayang. Naramdaman na lang nito ang paggalaw ng kanyang tarub sa loob ng kanyang briefs. Tinigasan ito. Simula ng relasyon nila ng asawang si Jessica, kailan man ay hindi na ito tumingin o tumikim pa ng iba. Dahil nangako na ito sa asawa na ang kanyang katapatan ay mananatili lamang sa kanilang samahan bilang mag-asawa. Ngunit ang pangakong pinakaiingatan sa mahabang mga taon ay tila matitibag ngayon sa di inaasahang pagkakataon.

Mabilis na nagbihis si Karl at sinubukang itulog ang nararamdaman. Ngunit sa pagpikit nito ng mga mata, ang kagandahan at alindog ni Mayang na asawa ni Jasper ang nakikita nito. Lalo na ang pagdakma ng babae sa kanyang tarugo kanina. Talaga namang nakakatukso ang katawan ni Mayang. At iyon ang pilit na nilalabanan ni Karl.

Samantala halos sabay na nakauwi sa kanila sina Nate at Nathalie. Nagtaka ang mga ito nang mapansin ang kotse ng ina sa garahe. Papasok na ang magkapatid sa kanilang bahay nang makita nila ang kanilang ina na abalang naghahanda ng mga pagkain sa lamesa.

“Mhe, akala namin next week pa ang uwi mo?” Tanong ni Nate sa ina nang bumeso ito.

“Oo nga Mhe,…sabi ni dad matatagalan ka pa.” Sabat ni Nathalie.

“Next week pa nga dapat eh kaso, may kailangan akong asikasuhin sa isang branch ng restaurant natin. Hindi ko naman puwedeng hayaan lang ang mga concerns ng mga empleyado natin. Anyway since nandito na kayo, tamang-tama at ready na ang lamesa. Halina kayo at kumain na tayo.” Tugon ni Jessica.

“Kagagaling ko lang sa main branch natin, kumain na ako kasama ang mga kaibigan ko. Sayang, mukhang ang sasarap pa naman nito. Kaso busog pa ako mhe.” Ani ni Nate.

“Mommy same, I was with tito Seth din kanina, nilibre niya ako. Ito nga at May pa take-out pa galing sa restaurant natin.” Sabat ni Nathalie.

“Ganun ba, sayang naman. We’ll join me na lang kahit hindi na kayo kumain para naman ganahan ako.” Sabi pa ng ina.

Naupo naman ang magkapatid sa harapan ng ina. Nakipagkuwentuhan naman ang ina sa mga anak. Sandali pa at may ibinida na sa ina si Nathalie. Nilabas nito ang cellphone at ipinakita nito kay Jessica ang selfie nito sa dalawang lalake na napagkamalan siyang artista.

“Ganun pala ang feeling pag artista. Well hindi ko naman sila masisi, totoo namang ang ganda ko. Diba mommy?” Ani pa ni Nathalie.

Tahimik lang si Jessica habang nakatingin sa hawak na cellphone ni Nathalie. May pag kabog ng dibdib itong naramdaman nang makita ang larawan sa cellphone ng anak. Nagulat ito, hindi dahil sa mga lalaking naki-selfie kay Nathalie kundi sa babaeng nahagip sa kanilang likod sa larawan. Isang pamilyar na mukha kasi kay Jessica ang nakatawag sa kanya ng pansin, at bagama’t malayo ang puwesto ng babae sa larawan, alam niyang kilala niya iyon. May pagdududa ngunit ang kalabog ng dibdib nito ay hindi maiwaksi. Iba ang kutob nito.

Biglang napasimangot naman si Nate sa sinabi ng kapatid.

“Talagang natuwa ka pa sa ginawa mo ha. What if nagkukunwari lang ang mga iyon at may something na balak sa iyo? Masabihan ka lang na maganda akala mo diyosa ka na. Alalahanin mo, marami ng modus ang mga scammer ngayon. Kaya bawas-bawasan mo iyang ugali mo.  Ang bilis mo agad nagtitiwala sa mga tao.”  Ani ni Nate sa kapatid.

“Alam ko na naman iyon kuya. Tsaka careful naman ako noh. Marunong naman ako maka sense ng danger. Mukhang matino naman iyong dalawang na met ko kanina. At ang gu-guwapo, diba mhe? Pati ikaw na stun sa mga face card nila diba? Face pa lang iyan, hindi mo pa nakikita ang mga tinatago nila sa kanilang mga Insta-glam.” Tugon ni Nathalie.

Tila na curious si Nate nang masabi ng kapatid na ang gu-guwapo ng mga nakilala nito. Kaya agad nito kinuha sa ina ang cellphone ni Nathalie. At bigla na lang ito natawa nang makita ang tinutukoy ng kapatid na nakipag selfie sa kanya. Napakunot ng noo si Nathalie, maging si Jessica nagtaka rin sa reaksyon ni Nate.

“Eh kilala ko ang mga ito eh,… actually sila ang kasama ko kanina dun sa resto, lang hiya, akala siguro nila kambing ka kaya sila nakipag selfie sa iyo. In-assume mo lang na napagkamalan ka nilang artista. Eh mas marami pa yatang mas mukhang artista dun sa kanila kaysa dito eh.” Ang natatawa parin na sabi ni Nate.

“Grabe ka sa kambing kuya…pero seryoso kilala mo itong dalawa? As in?”

“Oo nga, mga kaibigan din sila ni Gilbert at Carlo. Kakaluwas lang ng dalawa galing Ilang kasama ang mga magulang ni Carlo. Nagkita kami sa mall, saktong naghahanap sila ng makainan kaya dinala ko sa restaurant natin.” Sagot ni Nate.

“Wow, so if ever pala na matuloy ang rest house natin sa Ilang, hindi na boring kasi may kakilala na tayo. Bukod kay kuya…”

Agad na pinutol ni Nathalie ang sasabihin nang mapatingin sa kanya ang ina. Ngunit hindi iyon nakatakas sa tenga ni Nate,…

“Kuya? Sinong kuya?”

“Ang kaibigan siguro ng dad mo ang tinutukoy ng kapatid mo. Tagaroon iyon kasi. Oh siya, you can both go now… salamat sa pagsama sa akin.” Biglang sabat ni Jessica sabay sulyap kay Nathalie.

Naniwala naman si Nate at hindi na nagtanong pa. Pagkaalis ng mga anak agad na tinawagan ni Jessica si Karl ngunit hindi nito makontak ang asawa.

Sa mansiyon ng mga Monteverde, habang nagsasalo ang lahat sa hapunan muling napag-usapan ng mag asawa ang nangyari kay Kaloy sa pinapasukan nitong eskuwelahan. Maging si Sonya nabahala na rin sa seguridad ng binata.

“Bakit hindi ka na lang mag home school, mas convenient iyon for you…” Ani ni Sonya.

“Ayos lang po ako dun, huwag niyo akong alalahanin kaya ko naman ang sarili ko. Tsaka sanay naman po ako sa ganun. Sayang din kasi ang nasimulan ko dun.” Sabat ni Kaloy.

“Ang sa amin lang naman ang safety mo. Let say magiging okay ka na sa loob ng premises ng eskuwelahan mo, how about sa labas? Paano kung aabangan ka ng mga kagrupo nila sa labas. Kargo ka namin dahil dito ka nakatira. Kuha mo naman siguro ang punto namin.” Wika pa ni Herman.

Napatango na lang si Kaloy, tila nahiya ito sa sinabi ng ama ni Vince. Doon nito naisip na mukhang nagiging abala na sa mga magulang ni Vince ang nangyayari sa kanya. Bagama’t nararamdaman naman nito ang pagmamalasakit nila Sonya at Herman sa kanya, iba parin ang dulot sa kanya ng mga nasabi ng mag-asawa. Napansin ni Vince ang biglang pananahimik ni Kaloy.

“Narito naman ako para sunduin si Kaloy araw-araw. Ako ang nagsama sa kanya rito kaya sagot ko siya.” Sabat ni Vince.

“Exactly, kaya ayaw namin ng mommy mo na madamay ka. Hindi ligtas ang lugar na iyon sabi ng mga kakilala kong pulis, lalo na at squatters ang nasa paligid nun. Kaloy, kung gusto mo talaga diyan sa Bayag-bayagan that’s your choice. Pero mag-ingat ka lagi. At Vince, don’t bother yourself na ihatid sundo pa itong kaibigan mo. Ako na ang maghahatid sa kanya at magsundo. On the way lang naman sa office ang eskuwelahan niya.” Tugon ni Herman.

“Huwag na tito, masyadong abala na po sa Inyo kung gagawin niyo pa iyan. Kabisado ko na naman po ang lugar dun. Mag ku-commute na lang po ako para hindi na rin maabala si Vince.” Ani ni Kaloy na agad tinanggihan ang nais ni Herman.

“Huwag mong isipin iyon, kaligtasan mo ang inaalala ko. Hangga’t ginugulo ka pa ng mga kaklase mong iyon, ako muna ang maghahatid sundo sa iyo.”

“Bakit kayo pa dad?, kung ganun din naman si kuya Badong na lang di kaya si kuya Tipen.” Komento ni Vince.

Tila nasundot ng selos at kaunting inggit si Vince ng marinig ang suhestiyon ng ama. Simula’t sapol kasi ni hindi man lang nito naranasan na gawin sa kanya ng ama ang paghatid-sundo. Natuto na lang itong magmaneho na laging ang mga driver ang kasama sa tuwing papasok ito noon ng paaralan. Kung kaya’t iba ang dating sa kanya sa sinabi ng ama kay Kaloy. Isa pa pakiramdam ni Vince sinasadya iyon ng ama at gumagawa ng paraan para paglayuin sila ni Kaloy ng dahan-dahan.

“Kailangan ko si kuya Badong mo kapag may biglaan akong lakad, kilala mo naman ako mainipin sa traffic. Kaya mas komportable akong may driver.” Dagdag pa ni Sonya.

“Si Tipen naman naka assigned na sa mamita mo habang nandito siya. Tsaka hindi naman nakakadagdag sa load ko ang ihatid sundo itong si Kaloy. For the meantime lang naman hanggang sa maging okay na talaga ang lahat sa eskuwelahan niya. At para hindi mo na rin alalahanin ang kaibigan mo.” Paliwanag pa ni Herman.

Natahimik na lang si Vince, ayaw na niyang mag overthink pa dahil para naman kay Kaloy ang nais mangyari ng mga magulang. Ngunit hindi ganun ka manhid si Kaloy na hindi nito maramdaman ang selos ng nobyo. Mula sa hapunan agad na umakyat ng silid si Vince nang hindi na hinintay pa si Kaloy. Pagkapasok sa kuwarto agad nito binuksan ang malaking tv tsaka sumampa ng kama, umupo habang nakasandal ang likod sa headboard ng higaan. Hawak ang remote palipat-lipat lang ito ng channel at hindi mapirmi sa pinapanood. Umaalingawngaw parin sa tenga nito ang sinabi ng ama kay Kaloy.

“Grabe ang concern niyo kay Kaloy, eh ako dati ni hindi niyo man lang tinatanong noon kung okay ba ako. Ni silip nga sa gate ng school ko dati hindi niyo magawa. Tapos ngayon may pa sundot hatid pa kayo. Hello… Eighteen na kaya si Kaloy. Ano ang akala nila dun had one na kailangan may taga hatid? Tang ina, ako na sarili nilang anak never ko nga na-experience iyon eh.” Bulong pa sa isip ni Vince.

Napatingin ito sa pintuan nang sunod na pumasok si Kaloy, may dala itong can ang beer. Pangiti-ngiti itong lumapit kay Vince. Alam niya ang tumatakbo sa isip ng jowa kaya nilambing niya ito sabay abot ng malamig na beer sa lata.

“Huwag mo akong tingnan ng ganyan alam ko ang iniisip mo.” Wika ni Kaloy.

“Manghuhula ka na ba ngayon? Ano naman ang iisipin ko?” Tugon na tanong ni Vince na may sarkastikong ngiti.

“Baby love alam ko namang hindi ka pabor sa suhestiyon ng dad mo na ihatid sundo ako. Ako din naman ayoko. Bukod sa nakakahiya at dagdag abala sa inyo, sa kanya…eh alam kong selos ka dun,. Hinahanap mo iyon noon sa kanya diba? Eh kaso hindi nangyari. Ayokong agawan ka ng papel sa mga magulang mo… kakausapin ko muli ang daddy mo na huwag na niya ako ihatid o sunduin sa eskuwelahan, kaya ko naman ang pauwi…medyo kabisado ko na rin ang mga daan at kalye dun.” Ani ni Kaloy kay Vince.

“No, huwag na baby love…hayaan mo na si daddy concerned lang iyon sa iyo. Don’t mind me okay lang sa akin. Kuwan lang kasi ang dating sa akin kanina, parang nilalayo ka ni dad sa akin…na parang gumagawa siya ng paraan na hindi tayo magsama. Pati ang paghatid sundo ko sa iyo parang tinututulan pa niya.” 

“Lagi naman tayo nagsasama dito sa kuwarto mo ah. Tsaka tama ang dad mo baby love, dagdag abala pa sa iyo ang paghatid sa akin. Lalo na siksikan ang traffic sa umaga, ma li-late ka lang tsaka instead na isundo mo sa akin, ipahinga mo na lang. Sa totoo lang nakakailang na nga ang kumilos dito sa inyo, kahit na sa pagtulong ko sa paglinis ng bahay, pagluto hindi puwede. Nakakahiya na rin minsan. Naisip ko nga what if mag boardinghouse na lang ako, dun malapit sa eskuwelahan. May mura kasi dun tapos mag pa-part time service crew ako.” Nasabi pa ni Kaloy.

Napakunot ng noo si Vince sa sinabi ng binata.

“Parang mas hindi ako pabor diyan sa iniisip mo baby love. Okay go, magpa hatid sundo ka na kay dad,…but mag boardinghouse? Sorry hindi puwede. Dito ka lang, hindi ka mag ta-trabaho ako ang bahala sa iyo. Tsaka binabayaran kita noh. Hindi mo na kailangan magpakapagod mag part time job. Ako na ang magbibigay ng job na gusto mo, pili ka lang hand job o blow job?” Saad ni Vince.

“Kung saan ka expert baby love.” Ang natawang sagot ni Kaloy.

“Sorry sa naging reaksyon ko kanina, feeling ko kasi nilalayo ka nila sa akin at ayokong tuluyan ka na nilang ihiwalay sa akin baby love. I can’t live without you.” Ani pa ni Vince.

Napatango sabay ngiti naman sa kanya si Kaloy. Ang hindi alam ni Vince totoo ang nararamdaman ng kasintahan sa tagal ng pananatili nito sa kanila. Matapos kasi na malantad na sa magulang nun ni Vince ang kanilang pagpapanggap sa kanilang relasyon, pakiwari ni Kaloy hindi na kailangan pa mag-abot pa sa kanya ni Vince ng pera kahit na tinuloy naman nila ang kanilang ugnayan. Lalo na at ang laking bagay na ang naitutulong ng jowa nito sa kanya. Ayaw lang  ni Kaloy na pag-isipan ito ng iba na inaabuso nito ang prebilihiyong makadikit sa pamilyang Monteverde. Higit na ayaw ni Kaloy na darating ang sandali na umabot sila sa sumbatan ng tulong. Sa pakikipagrelasyon nito kay Vince kabisado na ni Kaloy ang ugali ng jowa. Hindi pa man niya ito nararanasan ngunit alam niyang posible.

Niyakap nito si Vince tsaka hinalikan sa noo at bibig. Hindi nila pinagusapan pa ang nangyari sa hapunan.

Si Gibo naman ng mga sandaling iyon pumunta ito sa bahay ng amang si Gab para dalawin si Danica. Hinarap naman ito ng asawa ng ama na si Sol tsaka pinatuloy.

“Naikuwento ng ama mo na dati mo na pala kakilala at kaibigan ang pamangkin kong si Danica?” Ang malumanay na tanong ni Sol kay Gibo.

“Magkatapat kasi dati ang puwesto nila ng tiyahin niya sa puwesto madalas ng kaibigan ko sa bagsakan, kaya madalas din kami nagkikita tita.” Sagot ni Gibo na naroon parin ang ilang sa boses.

Bagama’t tanggap naman siya ng bagong pamilya ng ama, naroon parin sa pakiramdam ni Gibo ang pagiging hindi komportable. Gayunpaman sinisikap naman nitong makisama ng mabuti sa mga kapatid at sa asawa ng ama.

“Dito ka lang at bababa na iyon. Maiwan na muna kita, feel at home.”

“Salamat tita, maghihintay lang ako sa kanya rito.”

Maya-maya pa at tanaw na ni Gibo si Danica na pababa ng hagdan, nginiti-an niya ito. Tumugon naman ng ngiti si Danica sa kanya. Nakapambahay lang nun ang dalaga. Suot ang malaki at maluwang ng white t-shirt at maiksing itim na shorts. Simple lang ang mukha ng babae walang kulorite, at nakapusod lang ang magulo at mahaba nitong buhok. Bagay na pumukaw sa mga mata ni Gibo. Bumalik sa paningin ng binata ang dating Danica na nakilala nila noon ni Kaloy. Ang ganoong ayos ang siyang  nagpatibok noon ng puso niya sa dalaga.

Sa ayos ng dalaga, natulala na lang ito at hindi na namalayan na nasa harapan na niya si Danica.

“Hoy, tulala ka diyan?”

“Nakatulala naman kasi ang ganda mo, lalo na at simplehan ka lang ngayon.” Sagot ni Gibo na hindi na nawala ang ngiti sa mukha.

“Alangan naman mag todo porma ako eh nasa bahay naman tayo. Siya nga pala binitin mo pa ako kanina sa chat… pinuntahan mo talaga ako rito kahit gabi na. Ano ba iyong napag-usapan niyo ni Kaloy? Buti pa sa iyo nag-re-reply, sa akin wala… maging si Vince hindi na rin ako mini-message.” Wika ni Danica.

“Kalat na kasi sa mga kaklase ko ang tungkol sa atin, I mean iyong nagpanggap tayo na mag jowa. Sineryoso kasi ni Xander iyon at pinost. Nakita iyon ni Vince at alam na rin ni Kaloy na nandito ka. Actually akala nga niya mag-jowa talaga tayo. At mukhang ibinilin ka na niya sa akin.” Saad ni Gibo na may pagkambyo ng boses sa mahina.

Natigilan saglit si Danica, sandali nito prinosiso ang isip mula sa sinabi ni Gibo. Nabigla ito ngunit hindi naman ito kinakitaan ng pag-aalala sa mukha. Na para bang ayos lang din at walang problema sa kanyang narinig. Sa halip ngumiti ito at naupo sa tabi ni Gibo.

“So wala na pala kaming chance ni Kaloy?”

“Hindi ako sigurado, pero sa basa ko sa sinabi niya parang ayaw niya nang magpatuloy pa sa pangarap niya sa iyo dahil nga sa nakita niya sa post.” Ayon kay Gibo.

“Fine, valid naman iyon. Isa pa choice iyon Kaloy. Kung ayaw niya na sa akin ayos lang naman. Hindi naman ako naghahabol na magkajowa agad. Ikaw kasi sinakyan mo naman ang hirit ng mga kaklase ko.” Tugon ni Danica.

“Pero gusto mo si Kaloy diba? Ayos lang ba talaga sa iyo kung hindi niya ipu-pursue ang panliligaw niya sa iyo? Pangarap niyong dalawa iyon diba?”

“Hindi naman lahat ng pangarap umaabot hanggang dulo, at ang pangarap nababago. Maybe paraan na rin ng universe ang nangyari para mangarap ako ng iba.” Ani pa ni Danica.

“Ganun lang?, ang bilis mo naman mag move-on.” Napailing na lang na sabi ni Gibo.

“Wala namang dapat i-move on, kasi hindi pa naman kami ni Kaloy noh. Ewan ko nga sa iyo kung bakit ikaw pa itong affected at nag-aalala masyado. Iyon lang ba ang ipinunta mo rito? Sana kinuwento mo na lang sa phone kanina.” Saad ng babae.

“Hindi lang naman iyon, gusto lang din kita makita…kuwan kasi medyo boring sa condo. Naisip ko na ipaalam kita kay tita na samahan ako. Trip ko kasi ngayon mag street food night market. Tapos naisip kita. Eh pumayag na ang tita mo.” Wika ni Gibo.

“Mukhang maganda iyan, okay go ako…saglit at magbibihis lang ako.”

“Huwag na, mag ganyan ka na lang…hindi naman tayo sa resto kakain, magtutusok-tusok nga tayo. Tsaka perfect na iyang ayos mo, esthetic.”

May anong tuwa sa loob ni Gibo na hindi niya maipaliwanag sa pagsang-ayon na iyon sa kanya ni Danica. Nang gabing iyon sinamahan nga ng dalaga si Gibo na gumala sa isang open night market malapit sa isang mall. Sumisilip na rin ang ber months’ kaya ramdam na sa paligid ang pangangatok ng pasko sa Pinas. Kahit na gabi, buhay na buhay pa din ang paligid dahil sa mga nagagandahang mga ilaw sa mga poste at mga establisyemento sa palibot ng lugar.

Ngunit para kay Gibo wala ng mas gaganda pa sa mga iyon kumpara sa ningning ng kagandahan ni Danica.

Samantala handa na rin ang lamesa para sa hapunan ng tatlo. Matapos mag hugas ng katawan at magbihis, pinuntahan na ni Jasper si Karl sa silid nito para yayaing kumain.

“Sunod na ako pare, aayusin ko lang ang bag ko.” Ani ni Karl kay Jasper.

Adobong humba at chopsuey ang ulam na hinahanda noon ni Mayang kasama ang mainit na kanin tsaka malamig na coke nang nilapitan ito ng asawang si Jasper. Mula sa likod ng asawa niyakap nito si Mayang tsaka hinalikan sabay singhot sa batok ng babae. Napangiti naman si Mayang dahil sa dulot na kiliti sa paghalik ni Jasper sa batok at leeg nito. Hindi pa natigil ang lalake at agad nito sinakmal ng kanang palad ang kanan na suso ng asawa sabay lamas-pisil nito habang ang kaliwang kamay naman dinudukot na ang hiyas ni Mayang sa loob ng panty nito, dahilan para mapakislot ng balakang ang babae.

“Mamaya na muna iyan mahal kumain muna tayo. Tsaka nariyan pa ang kaibigan mo baka makita tayo.” Bulong ni Mayang sa asawa.

“Pampagana lang mahal. Dahil mamaya panghimagas naman.” Tugon ni Jasper sabay halik kay Mayang sa labi.

Lalong napaigtad ang babae nang ipinasok talaga ni Jasper ang tatlong daliri nito sa bibig ng tahong ni Mayang. Papunta naman ng kusina si Karl nang makarinig ito ng salitang mga ungol at impit na halinghing mula doon. Alam niyang ang mag asawa iyon kaya marahan itong lumapit at agad itong napahinto sa nakita. Nakatuwad sa harapan ng lamesa si Mayang habang kinakabayo ito ni Jasper. Nagulantang sa tagpo na iyon si Karl, na agad napansin ang tayong-tayong suso ni Mayang na nakapatong sa lamesa. Napaatras si Karl ngunit naiiwan ang mga mata nito sa ginagawa ng mag-asawa. Saglit pa at iba na ang naramdaman nito sa katawan.

Ilang buwan na rin itong tigang dahil sa kabisihan nilang mag-asawa sa mga negosyo at trabaho. Nahuli na lamang ni Karl ang kamay na himas-himas na nito ang naninigas ng tarugo. Tinablan ng libog sa katawan si Karl dahil sa nakita. Dalang-dala na ito sa bembangan ng dalawa ngunit ayaw nito magpatalo sa tukso. Nilisan ni Karl ang puwesto tsaka lumabas ng bahay. Nagpalipas muna ito ng ilang minuto sa bakuran nila Jasper habang naninigarilyo.

Saktong nakaubos ito ng isang stick nang muli itong tinawag ng kaibigan para mag hapunan. Sa hapag kaharap ni Karl ang mag asawa ngunit hindi ito makatingin ng diretso sa mga iyon lalo na kay Mayang na panay ang ngiti sa kanya. Pasimula na silang kumain nang mapaurong sa upuan nito si Karl.

“Bakit pare?” Tanong ni Jasper nang mapansin ang pag-atras ng upuan ni Karl.

“Wala pare, may dumaan lang na daga sa paa ko.” Sagot ni Karl.

“Marami talagang daga rito, balak ko na nga mag alaga ng pusa dito eh nang mabawasan man lang sila.” Sabat pa ni Jasper.

“Ganun ba, mabuti nga iyan pare.”

Napatingin si Karl kay Mayang alam niyang paa ng babae ang gumapang sa binti nito. Ramdam ng lalake ang paglalandi at pang aakit ng asawa ni Jasper sa kanya. Sa kalagitnaan ng hapunan muling naramdaman ni Karl ang paa ni Mayang na inaabot ang paa nito. Pilit naman niyang nilalayo ang mga Paa ng hindi nahahalata ng kaibigan. Ngunit pursigido ang paa ng babae, natigilan na lamang sa kakanguya ng kanin si Karl nang maramdaman ang paa ng babae sa pagitan ng mga hita nito at minamasahe ng talampakan nito ang bahagyang naninigas na titi.

Gusto nang tumayo nun ni Karl at hindi na tatapusin ang hapunan ngunit napako na ito sa kanyang upuan. Nasarapan na rin ito sa ginagawa sa kanya ng babae. Lalo pang uminit ang pakiramdam ni Karl ng ipinasok pa ni Mayang ang paa nito sa siwang ng shorts ng lalake para lalong makapa ang burat ni Karl.

Nang hindi na nakayanan ni Karl ang namumuong libog sa katawan, tumayo na ito tsaka nagpaalam na sa dalawa. Hinayaan naman siya ng mag-asawa. Pumasok ng silid nito si Karl at doon pilit na pinapahupa ang nararamdaman sa katawan.

DOUBLE DRIBBLE

Balisa sa higaan nito si Nate, ang hiwalayan parin nila ni Gibo bumabagabag sa kanya. Gulong-gulo parin ang isip nito kahit anong pilit niyang pagbalewala sa dating boyfriend. Bumangon ito sa kanyang kama at may kinuha sa kanyang drawer. Isang pakete ng mga makukulay at maliliit na tabletas ang tinititigan nito sa kamay. Maya pa dumukot ito ng isa at isa pa tsaka tinapon dalawa sa loob ng kanyang bibig ng sabay. Tinungo nito ang personal ref sa kuwarto at kumuha roon ng bote ng beer tsaka muling bumalik sa kama.

Saglit pa at naramdaman na nito ang epekto ng kanyang ininom. Ang kaninang balisa at nagmumugtong mukha, ngayon ay unti-unti nang kumakalma at namamanhid. Lumalabas na din ang linya ng ngiti nito sa labi at mga mata. Pakiwari ni Nate tila umiikot ng pabaliktad ang kanyang silid na para bang nakasakay ito ng roller coaster. Ang mahihinang hikbi ng pasulpot-sulpot na ngiti naging mahihina nang tawa. Napahiga ito sa kama habang nakatutok ang mga mata sa kisame. Nakangiti, nakatawa ngunit walang dahilan ang mga mata. Sandali pa biglang napaupo ito. Tumahimik si Nate tsaka kinuha ang cellphone na nasa gilid niya. May tinawagan ito.

Magkayakap naman noon sina Vince at Kaloy na kakapikit pa lang dahil sa pagod sa kakatapos na bembangan. Maya-maya pa tumunog ang cellphone ni Vince na nasa uluhan nito. Sa paulit-ulit na tunog nun napamulat ng mata si Vince, saglit nito inalis ang braso ni Kaloy na nakayakap sa kanya para makaupo. Agad nito kinuha ang cellphone, at nagtaka ito nang makita kung sino ang tumatawag. Bumangon ito sa kama at lumabas ito sa balkonahe ng kanyang silid bitbit ang tumutunog paring cellphone.

“Hello Nate?” Agad na tugon ni Vince nang sagutin nito ang tawag ni Nate.

“I super hate my life now, and I don’t wanna see my self again tomorrow…” Bungad naman na sagot ni Nate.

“Ay gago, ano ba ang pinagsasabi mo Nate? Nasaan ka ba? Umiiyak ka ba?… ano?” May pag-aalala sa reaksyon ni Vince.

“I’m worthless, lahat na lang kayo iniiwan ako. Bakit? Ano ba ang mali sa akin?” Tugon pa ni Nate na animoy umiiyak na parang humihikbi na may tawa.

“Ano ba ang nangyayari sa iyo Nate? Lasing ka ba? …teka nag take ka na naman ba? Sabi mo tinigil mo na iyan. Nate umayos ka. Kung ano na naman ang kumakalikot diyan sa utak mo, itigil mo iyan. Hindi ka nakakatuwa.” May pagkabahala na sa boses ni Vince.

Duda na si Vince sa sitwasyon ni Nate ng mga oras na iyon. Dati pa ginagawa na nun sa kanya ni Nate tuwing magkaroon sila ng di pagkakaintindihan. Ginagamit niya iyon sa kanya upang hindi nito iwanan ang lalake. Kaya sa bungad pa lang ng hirit ni Nate alam ni Vince na may problema ang lalake sa relasyon nila ni Gibo. May suicidal tendencies si Nate, bagay na matagal ng naging kadena ni Vince sa relasyon nila ni Nate. Lihim na bagay iyon na sa kanilang relasyon. At sa naranasan ni Vince sa relasyon nila, alam nito na hindi naglalaro si Nate. Kaya hindi niya puwedeng balewalain ang tawag na iyon sa kanya ng lalake.

Lalo lang kinabahan si Vince nang pinutol na lang basta ni Nate ang linya na hindi man lang siya nito sinasagot. Alalang-alala na ito kay Nate. Bumalik ito ng silid tsaka mabilisang isinuot ang pantalon at sapatos tsaka kinuha ang susi ng kotse at lumabas na ng pinto. Naiwan sa kama si Kaloy na ang akala ni Vince natutulog pa. Ang hindi alam nito gising na rin nun si Kaloy at narinig nito na ang kausap ni Vince sa cellphone nun ay si Nate.

Nang makalabas na si Vince, bumangon din si Kaloy para magbihis. Balak niyang sundan si Vince. Agad itong nag book ng grab at swerteng may malapit agad na available malapit doon. Nasa sala pa nun si Vince na patuloy parin sinusubukang tawagan si Nate.  Naghihintay naman ng pagkakataon si Kaloy  nun na nakabantay sa jowa. Nang lumabas na si Vince para sumakay ng kotse. Bumaba na rin si Kaloy. Hinintay muna nitong makalabas ng gate si Vince tsaka lumapit sa guard.

“Aalis din kayo sir, bakit di na lang kayo sumabay kay sir Vince? Kung gusto mo gigisingin ko si Tipen para ipagmaneho kayo.” Ani ng guard kay Kaloy.

“Hindi na kuya, tumawag na ako ng grab. Magkaiba kasi ang pupuntahan namin ni Vince. Maya-maya lang nandito na iyong na book ko.” Sabi naman ni Kaloy.

“Sige sir ikaw ang bahala, ingat na lang kayo sa gala…gabi na masyado.”

Tumango lang si Kaloy, hindi na nito tanaw mula sa gate ang kotse ni Vince. Hindi man niya agad ito masundan alam naman nito kung saan ang destinasyon ng kasintahan. Kung kay Nate ang sadya nito, alam naman ni Kaloy ang address ng lalake. Sandali pa at may natanaw na itong kotse na paparating, ang na book nitong kotse.

Sinabi agad ni Kaloy sa driver ang address ni Nate kaya doon agad ang daan na  binaybay nila. Ngunit sa kalsada pa lang muli na nitong napansin ang kotse ni Vince.

“Kuya sundan mo lang iyang kotse na iyan.” Utos ni Kaloy sa driver.

Sa kotse ni Vince, patuloy pa rin nito tinatawagan si Nate, ngunit panay ring lang ang cellphone nito. Hindi na ito mapakali kaya kahit may pag-aalangan tinawagan nito si Nathalie. Na mabilis naman sinagot ng babae ang tawag.

“Sige susubukan kong katukin si kuya sa kuwarto niya, pero ang alam ko kanina nasa silid lang niya iyon.”

“Paki check na lang, hindi niya kasi sinasagot mga tawag ko. Papunta na rin naman ako diyan.” Ani ni Vince.

Nagtaka si Nathalie kung bakit ganun ang tawag sa kanya ni Vince at sa alanganing oras pa.

Sinilip naman agad ni Nathalie ang kuya sa silid nito, at doon nito nalaman na wala na nga sa loob ng kwarto na iyon si Nate. Nang tanungin nito ang kanilang kasambahay na nasa garahe, nakumpirma pa nga nito na kakaalis lang ng kanyang kuya na ayon pa sa kasambahay parang namumugto ang mga mata.

Binalikan ni Nathalie ng tawag si Vince.

“Hello kuya Vince, umalis daw si kuya Nate ayon sa boy namin at mukhang  daw umiiyak. Bakit kuya? Nagkasamaan ba kayo ng loob ni Kuya Nate?” Wika ni Nathalie.

“Hindi Jane, I mean hindi ko alam…pero aalamin ko sa kuya mo mukhang alam ko na kung saan pumunta iyon. Salamat Jane. Pasensya na rin sa istorbo, alam ko nagpapahinga ka na.”  Saad ni Vince.

“Ayos lang, may inaamats lang naman ako na K-drama. Kaya nga siguro hindi ko narinig ang pag-alis ni kuya. “ Ani pa ni Nathalie.

Hindi na dumeretso ng village nila Nate si Vince. Kinabig nito ang manibela at lumihis ng direksiyon. Nagtaka si Kaloy kung bakit hindi tumuloy si Vince kina Nate. Pakiwari pa nito baka nahalata siya ni Vince na sinusundan niya ang lalake.

“Kuya sundan mo lang ,pero huwag mo masyadong dikitan.”  Ani ni Kaloy sa driver.

“Mawalang galang lang sir kaano-ano mo ba ang sinusundan natin? Baka mapahamak tayo diyan.” Sabat ng driver.

“Huwag kang mag alala kuya, boyfriend ko kasi ang sinusundan natin na iyan. Duda lang  ako kung saan ang punta niya ng ganitong oras.” Ang diretsahan na sagot ni Kaloy.

Nagulat ang driver sa sinabi ni Kaloy. Bahagya itong natawa ngunit pinigilan niya ang sarili. Tsaka muling sinilip si Kaloy mula sa rare mirror. Napailing ito nang makita ang guwapong mukha ni Kaloy. Napansin iyon ni Kaloy.

“Bakit kuya, ngayon ka lang ba nakarinig ng magjowang parehas lalake?“tanong ni Kaloy.

“Pasensya na sir,” ang nasabi na lang ng driver.

Lalong uminit ang pikon ni Kaloy dahil sa napansing reaksiyon nito sa driver. Kumalma pa rin ito. Nasa kay Vince ang atensiyon nito. Kinakabahan ito sa maaari niyang matuklasan o makita sa gabing iyon.

Pumasok sa isang open sport complex ang kotse ni Vince. Isa iyong malawak na recreational park na mayroong sports complex na bukas sa publiko kahit gabi. Tambayan ng mga night shift walkers, joggers at mga iba pa na mahilig nagpapawis pero takot maarawan. Bagama’t public space iyon, karamihan sa mga tumatambay at gumagala roon mga anak ng mayayaman. At bihira lang ang mga tinatawag nilang “not so”. Nang mga sandaling iyon wala masyadong tao na tumatambay sa paligid. Makulimlim din kasi ang kalangitan.

“Sir, hihintayin pa ba kita rito?”

“Hindi na kuya, pero sakaling kakailanganin ko muli ang kotse mo, tatawagan na lang kita.”  Tugon ni Kaloy.

“Copy sir, madalang din kasi ang mga tulad kung grab sa bahaging ito. Tawagan mo na lang ako kung magpapasundo ka. Ingat.” Sabat ng driver kay Kaloy sabay ngiti sa kanya.

Doon pa lang natutukan ng husto ni Kaloy ang mukha ng driver. Hindi naman pala ito ganun ka tanda base sa mukha niya. Gwapo rin at tsinito tsaka maganda ang porma ng katawan. Saglit na napatitig si Kaloy sa driver bago ito bumaba ng kotse. Ngumiti pang muli ang lalake kay Kaloy bago ito umalis. Agad na ispatan ni Kaloy ang kotse ni Vince na nakaparada na sa bahagi ng parking area. Wala na sa loob ang jowa ng lapitan niya ito.

Naglakad-lakad pa si Kaloy hinanap si Vince sa paligid. Mabibilang lang mga naroon na pinapasyal ang mga aso. Maliwanag ang lugar ngunit may mga bahaging may lilim at hindi abot ng liwanag ng mga lamp post. Hindi na mawari ni Kaloy ang selos na nararamdaman sa loob. Tinungo nito ang sports complex area. May kung ano kasing humihila sa mga hakbang nito papunta roon.

Si Vince na may ideya na kung saan hahanapin si Nate, patakbong pinuntahan ang outdoor basketball court.   Pansin nito nawalang katao-tao sa bahaging iyon. Habang papalapit ito sa basketbol court rinig na nito ang ingay ng pagtalbog ng bola sa sahig ng court. Ang parteng iyon doon kasi ang madalas takbuhan ni Nate kapag nag-aaway sila ni Vince noong sila pa. Sa paglalaro ng basketball kasi noon binubuntun ni Nate ang hinanakit nito at galit. At sa tuwing nagkakaroon sila ng tampuhan noon ni Vince doon din sila nagkakaayos.

Ngunit nang naroon na ito sa tapat ng basketball court ibang tao ang inabutan nitong naglalaro. Walang Nate. Napasapo na lang ng palad nito ang kanyang mukha nang hindi nito nakita roon si Nate. Tiwala pa rin si Vince na naroon ang kaibigan sa lugar dahil nakita niya mismo sa parking area ang kotse ni Nate.

Si Kaloy naman dahil hindi rin mahagilap si Vince kung saan ito roon pumunta, tinungo ang track oval. Maging sa football field wala. Wala rin halos katao-tao sa bahaging iyon. Kahit gabi maliwanag parin ang paligid dahil sa mga ilaw doon. Paalis na sana roon si Kaloy nang may napansin ito sa pinaka taas ng grandstand, sa bandang dulo sa itaas nun. Sa pinakalikod na parte ng grandstand. Isang lalake ang naroon nakaupo. Malayo mula sa kanya ang distansya ng lalake ngunit sa tindig at pangangatawan nun, tila kilala niya kung sino iyon. Umakyat ito ng grandstand para siguraduhin ang nakita.

At hindi nga ito nagkamali sa kanyang hinala.

“Nate?” Bungad ni Kaloy nang makita si Nate na nakatingin sa malayo.

Lumapit pa si Kaloy kay Nate nang tila ba hindi siya nito naririnig. Muli nitong tinawag ang lalake at pangalawang pagsambit nito ng pangalan ni Nate lumingon din ito sa kaya. May pagtataka sa mga mata ng lalake nang makita si Kaloy na nasa harapan niya. Ngunit kapansin-pansin ang blangko nitong ekspresyon sa mukha.

“Ayos ka lang ba Nate?” Tanong pa ni Kaloy.

Bahagyang napangiti si Nate sa tanong ni Kaloy. Yumuko ito at nilagay ang mga kamay sa ulo nito. Saglit narinig na lang ni Kaloy ang paghikbi ni Nate. Mahina lang sa umpisa hanggang sa humagulgol na nga ito sa harapan ni Kaloy. Nagulat ang huli sa nangyari kay Nate.  Nagtaka ito kung bakit bigla na lang umiyak ang isa. Napaupo sa tabi ng lalake si Kaloy, at bilang unang reaksiyon sa nakita agad nitong kinabig ang balikat ni Nate palapit sa kanya tsaka niyakap ang lalake para pakalmahin. Hinaplos-haplos nito sa balikat si Nate. Napasubsob naman ang ulo ng lalake sa dibdib ni Kaloy habang patuloy itong umiiyak.

“Kumalma ka muna Nate, kung may problema ka nandito ako. Kausapin mo ako…makikinig ako. Tahan na. Kalma…” Wika pa ni Kaloy na may pag-alala kay Nate.

“Hindi ba ako kamahal-mahal? Bakit lahat na lang ng mahal ko iniiwan ako. May kulang ba sa akin?” Tanong ni Nate kay Kaloy.

Napayapos na rin ito ng yakap si Kaloy. Na hinayaan naman ng isa. Unang pumasok agad sa isip ni Kaloy ang tungkol kina Gibo at Danica na marahil naging dahilan ng away nila ni Nate at Gibo. Hindi kumibo si Kaloy sa tanong sa kanya ni Nate. Naiintindihan din nito ang sakit ng maloko sa pag-ibig. At ramdam ni Kaloy iyon sa hagulgol ni Nate. Naawa ito sa lalake, nakaramdam din ito ng guilt dahil sa naisipan pa niya ng mali ang pakikipagkita ni Vince kay Nate. Na ayon pa sa isip ni Kaloy, kung sakaling tatawagan din siya ni Gibo at kailangan nito ng karamay, hindi rin ito magdadalawang isip na puntahan ang kaibigan. Nakausap na ni Kaloy si Gibo at kung si Danica man ang dahilan ng away ng magkasintahan, alam ng lalake na maling hinala lang iniisip ni Nate kay Gibo.

“Huwag mong isiping hindi ka kamahal-mahal. Hindi iyan totoo. Maniwala ka sa akin kasinungalingan lang ang magsabing mahirap kang mahalin. Dahil ako,…siguro kung ikaw ang una kong nakilala, baka na in-love na rin ako sa iyo. Kaya sorry kung naging dahilan man ako sa hiwalayan niyo ni Vince. Kung alam ko lang nun, hindi ko na sana hinayaan ang puso ko na mahulog sa kanya. Karapat-dapat kang mahalin Nate…kaya huwag mong sabihin iyan sa sarili mo. Kamahal-mahal ka, iyan ang isipin mo.” Ani ni Kaloy nang tinitigan nito si Nate sabay hawak sa mukha ng lalake.

Sumeryoso ang mukha ni Nate, titig na titig din ito sa mga mata ni Kaloy na para bang nais nitong sabihin sa lalake na patunayan sa kanya ni Kaloy ang sinasabi nito. Nang biglang kinabig ni Nate ang ulo ni Kaloy sabay sunggab dito ng mapusok na halik sa labi ng lalake. Kinabigla iyon ni Kaloy kaya naitulak nito ng bahagya si Nate kaya kumalas ang bibig ng lalake sa bibig niya. Ngunit may kung anong intensiyon ang tumulak kay Nate na para bang may balak talaga itong patunayan kay Kaloy ng mga sandaling iyon. Muli nitong hinawakan ang mukha ni Kaloy. Napaatras naman ng bahagya si Kaloy nais niyang tumutol ngunit hindi niya makuhang magalit sa kinikilos ni Nate.

“Patunayan mo sa aking kamahal-mahal nga ako…” Ang nasabi pa ni Nate tsaka muli nitong dinakma ng marubdob na halik si Kaloy sa labi.

Sa pagkakataon na iyon nagpaubaya si Kaloy. Hinayaan niyang maglapat ang labi ni Nate sa bibig niya. Tinanggap nito ang bawat paggalaw ng bibig ni Nate sa kanya. Ibinuka ni Kaloy ang kanyang bibig at malugod na pinapasok ang dila ni Nate. Napapikit ang dalawa habang naglalaban ng halikan sa isa’t isa. Ang mga marahang paggalaw ng kanilang mga labi ay unti-unting bumibilis, lumalapot hanggang sa naging mapupusok. Nasa ganun silang tagpo nang dumating si Vince.

Kitang-kita nito ang ginagawa ng dalawa sa mismong harapan niya. Sarap na sarap ang dalawa sa kanilang laplapan na hindi man lang nila namalayan ang paglapit ni Vince. Tahimik lang si Vince na nakatitig sa kanila, bakas ang matinding galit sa mga mata at mukha, nakatikom ang mga kamao na gigil na gigil na sa galit.

Napahinto si Kaloy sa ginagawa nila ni Nate nang maramdaman nitong may nakatingin sa kanila. At halos sabay na nanlaki ang mata nila ni Nate nang makita si Vince na nakatayo sa harapan lang nila. Agad na napatayo ang dalawa at nais pa sanang magpaliwanag nang sugurin na ni Vince ng suntok si Nate sa mukha. Inawat naman agad ito ni Kaloy ngunit balot na ng galit si Vice. Sinapak din ni Vince si Kaloy tsaka mabilis na iniwan ang dalawa.

Walang ano mang salita ang lumabas sa bibig ni Vince ng tumalikod ito. Biglang natauhan si Kaloy sa kasalanang nagawa. Nais niyang sundan si Vince ngunit hindi naman niya kayang iwan si Nate na muli na namang humagulgol ng iyak habang pinagsusuntok ang kongkretong haligi ng grandstand at pinagsisipa ang mga upuan dun.

Panay pa ang hingi ng tawad ni Nate habang sinisisi ang sarili. Litong-lito si Kaloy kung sino sa dalawa ang uunahin. Nag-aalala ito kay Vince at nangangamba rin ito sa maaring gawin ni Nate doon kung iwan niya ito. Isa lang ang naisip nitong solusyon.

Hindi inaakala naman nun ni Gibo na magiging masaya ang gabi nito na kasama si Danica.  Sa ilang ulit na nilang nagkita, ngayon lang niya nakilala ang kalog at masayahing pagkatao ng dalaga.

“Gibo tama na ito, busog na ako.”

“Suko ka na agad?, hindi pa nga natin na kalahati ang mga food stalls dito oh. Alam mo iyong sikat na Tteokbokki na super anghang? meron dito iyon. Diba mahilig ka sa Korean food. Eh di mag Korean street food naman tayo.”  Wika pa ni Gibo.

“Pero sobrang busog na talaga ako, gawa tayo ng part two nitong night food trip next time. Tsaka baka hinahanap na ako ng papa mo.” Ani ni Danica.

“Hindi magagalit iyon dahil ako ang kasama mo. Tsaka pinaalam na kita sa tita mo. Sige minsan lang talaga ako ginaganahan pag ganitong oras. Para di mabigat sa iyo share tayo sa isang order. Please.” Ang pangungulit pa ni Gibo sa babae.

“May bulate ka yatang alaga diyan sa tiyan mo eh, ang tagal mo mabusog. Oh siya tayo na pero tikim lang ako ha, ikaw ang uubos.” Tugon ng dalaga.

Abot tenga ang ngiti ni Gibo nang hawakan ni Danica ang kamay nito at hilahin ito papunta sa gustong puntahan ng lalake. Tila tuluyan na nga itong nakalimot sa nangyari sa kanila ni Nate. Nasa kay Danica na ang lahat ng pansin nito. Habang masayang nag susubu-an ang dalawa naramdaman ni Gibo ang pag vibrate ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Agad naman niya iyon tiningnan, nang malamang si Kaloy ang tumatawag agad niya itong sinagot.

Nagtaka si Danica nang bigla na lang namutla si Gibo, kita ang pag-aalala sa mukha ng lalake.

“Okay ka lang? Sino ba iyong tumawag?” Usisa ni Danica.

“Sorry Danica, but we have to go.” Tugon ni Gibo na tila natataranta na kinakabahan.

“Ano ba ang nangyayari?” Tanong pa ni Danica.

“Wala.., I mean wala lang ito. Itatawag na lang kita ng taxi. Pasensya na talaga.” Sabat ni Gibo.

May pagtataka man sa kilos ni Gibo hindi na iyon pinansin pa ni Danica. Gayunpaman nag-aalala rin ito. Naunang nakasakay ng taxi si Danica. Nang makaalis ang babae si Gibo naman ang pumara ng taxi. Nagkataon naman na malapit lang sa area na iyon ang recreational park kung saan naroon si Kaloy. Wala pang kinse minutos narating na nito ang park. Saktong papasok na sa pinaka parking area ang taxi na sinasakyan ni Gibo nang mapansin nito si Vince na sinusuntok ang harapan ng sariling kotse. Agad na bumaba si Gibo sa taxi at patakbong nilapitan si Vince.

Nagulat ito nang makita ang sitwasyon ng lalake nang nakalapit na ito. Namumula na ang mga kamao ni Vince sa kakasuntok ng sariling kotse, bumabakat na rin ang tama ng kamao ng lalake sa kotse nito. Umiiyak pa si Vince.

Pagkalapit ni Gibo agad nitong inawat si Vince. Nang mapansin siya nang lalake, bigla na lang humarap si Vince kay Gibo at napayakap dito. Nagtataka man sa nangyari hinayaan lang ni Gibo si Vince. Tumugon din ito ng yakap kay Vince sabay tinapik-tapik ng marahan ang likod na lalake.

“Ano ba ang nangyari? Si Kaloy? Si Nate? Tinawagan ako ni Kaloy ang sabi kasama niyo raw si Nate.”  Simula ng tanong ni Gibo.

“Gago sila,…mga manloloko! Niloko nila ako! Ginago nila ako! Mga tang ina sila!!!” Biglang sigaw ni Vince na punong-puno ng galit habang hinahawakan nito ng mahigpit ang polo ni Gibo.

Tila ba actor’s cue sa isang pelikula na kasabay ng pagsigaw ni Vince ang saktong pagbuhos din ng malakas na ulan.

“Teka nga lang Vince, pumasok muna tayo sa kotse mo…basang basa na tayo ng ulan.” Ani ni Gibo nang buksan nito ang driver seat sa kotse ni Vince at pinapasok sa loob ang lalake tsaka ito sumunod sa loob.

Makapal ang buhos ng ulan na halos hindi na makita ang paligid mula sa loob ng kotse.

Nang mai-ayos na ni Gibo si Vince sa pagkakaupo, muli nitong tinanong ang lalake. Walang tugon si Vince, nagmumura lang ito at patuloy na umiiyak habang inuuntog ang ulo sa upuan. Pilit naman siyang pinapakalma ni  Gibo. Hanggang sa hinayaan muna nito si Vince na mailabas lahat ng kung ano mang galit sa loob nito. Naroon lang sa tabi nito Gibo, nakikiramdam, naghihintay kung kelan muli kakausapin si Vince.

Sinubukang tawagan muli ni Gibo si Kaloy ngunit nabasa ng ulan ang kanyang cellphone, hindi na gumana.

Samantala, dahil sa biglaang pagbagsak ng ulan hindi na nakaalis ng grandstand sina Kaloy at Nate. Muling tinawagan ni Kaloy si Gibo para alamin sana kung nasaan na ito ngunit nakapatay na ang phone ng lalake. Sa isip ni Kaloy, baka hindi pa okay kay Gibo na mag-usap sila ni Nate. Kaya inintindi niya iyon. Ngunit sa nakita ni Vince sa kanila ni Nate, tila ang relasyon naman nilang mag jowa ang magkakaproblema. Hindi na rin kasi sinasagot ni Vince ang mga tawag nito.

Gustong maiyak ni Kaloy sa sobrang inis sa sarili ngunit hindi siya ganun. Alam niya na nasa kanya ang mali at nagsisisi din ito sa nagawa. Nais niyang sumbatan si Nate at ibuhos sa lalake ang sisi ngunit alam niya may kasalanan din naman siya sa pangyayari. Naging marupok ito, sa sandaling hindi dapat.

Napalingon si Kaloy sa puwesto ni Nate, tulala ang lalake, umiiyak habang nakasandal sa haligi. Kinuha ni Kaloy ang malapad na panyo sa kanyang bulsa, muling lumapit kay Nate at naupo sa tabi ng lalake.

“Akin na ang kamay mo…” Wika ni Kaloy nang kinuha nito ang kamay ni Nate na nagkasugat dahil sa kakasuntok sa haligi roon.

Gamit ang sariling panyo at sa panyo mismo ni Nate, ginawa niya itong bendahe sa mga kamay ng lalake. Nang tapos na, umayos ito ng upo sa tabi ni Nate.

“Puntahan mo na si Vince, iwan mo na ako rito.” Wika ni Nate na halos pabulong ang boses.

“Sa sitwasyon mong iyan? Baka ano pa ang maisip mo at ako pa ang sisihin pag may nangyari sa’yo. Dito lang ako. Magpapatila lang tayo ng ulan tapos ihahatid na kita sa inyo.” Tugon ni Kaloy.

“Galit si Vince sa iyo dahil sa akin. Wala talaga akong kuwentang tao. Panira ng relasyon lang lagi ang kaya ko.” Sabat pa ni Nate.

“Ginusto ko rin naman ang ginawa natin. Eh wala eh…masyado kang masarap humalik. Kaya bumigay din ako. Huwag mo solohin ang nangyari. May kasalanan din ako.” Ani pa ni Kaloy.

“Paano na kayo ni Vince?” Tanong ni Nate.

“Malamang galit na galit iyon sa akin. Kung dahil dun tapos na sa amin ang lahat, tatanggapin ko kahit masakit…kahit ayaw ko. Kasalanan ko eh. Mag sorry man ako, nakagawa na ako ng marka sa relasyon namin. Mahirap ng mabura iyon. Nasa kay Vince na ang huling desisyon kung kami pa ba bukas at sa mga susunod pa.” Ayon pa kay Kaloy.

“Hindi mo man lang ba ilalaban ang relasyon niyo?” Tanong muli ni Nate.

“Ikaw bakit hindi mo nilaban ang relasyon niyo noon? Bakit hinayaan mo na pumasok ako sa inyong dalawa? Kayo ni Gibo, bakit ganun ka na lang kung bumitaw? Bakit di mo rin nilaban?” Balik na tanong ni Kaloy kay Nate.

Hindi nakatugon si Nate sa mga tanong na iyon sa kanya ni Kaloy. Lutang ang diwa ni Nate ngunit naririnig niya ang punto ni Kaloy. Hindi niya masagot si Kaloy dahil alam ni Nate na siya lagi ang may isyu pagdating sa mga nakarelasyon nito.

“Isa akong ulirang cheater. Mangloko at hindi makontento sa isa lang. Isa akong pok-pok, walang kuwentang pok-pok.” Ang nakangising sabi ni Nate.

Sa pag-usad ng mga minuto at oras tila lalo pang lumakas ang buhos ng ulan. Na para bang hinahadlangan muna ang oras ng bawat isa.

Sa ilang beses na pagtatanong ni Gibo kay Vince, hindi man lang ito sinagot ng lalake.

“Fine kung ayaw mong magkuwento tungkol sa nangyari, hindi kita pipilitin. Pero sana nga lang okay ka na. Tsaka kung ano man ang problema niyo ni Kaloy, pag-usapan niyo. Ayokong matulad kayo sa amin ni Nate.” Wika ni Gibo kay Vince.

Napakunot ng noo si Vince na napatingin kay Gibo.

“Ano ang nangyari sa inyo?” Tanong ni Vince kay Gibo.

“Nakipaghiwalay na sa akin si Nate. Wala na kami. Hindi niya ako pinakinggan. Ayoko namang ipilit ang sarili ko sa taong tinataboy na ako…unless pupulutin niya muli ako at ibalik sa tabi niya.” Ani pa sa sagot ni Gibo.

“Si Danica ba?”

Napatingin sa bintana ng kotse si Gibo tsaka binalingan ng ngiti si Vince at sinagot ang tanong nito.

“Ikaw, ikaw ang dahilan kung bakit niya ako hiniwalayan. Akala kasi nakikipaglandian ako sa’yo. Kahit anong paliwanag ko, ayaw niyang maniwala. Hoping na ‘taking a break’ lang kami. Kasi mahal ko parin siya.” Sagot ni Gibo.

Tumahimik si Vince, wala itong reaksiyon sa sinabi ni Gibo. Bagama’t kumukulo parin ang dugo nito sa galit kay Nate at Kaloy, wala naman itong lakas na ikuwento kay Gibo ang nakita.

“Si Kaloy, mahal mo parin ba siya?” Biglang naitanong ni Vince sa katabi.

Hindi naman nagsinungaling si Gibo sa totoo niyang sagot kay Vince.

“Mula pagkabata kasama ko na si Kaloy, magkabuhol na ang mga bituka namin noon pa. At mula noon hanggang ngayon hindi nawala ang pagtingin ko sa kanya.  Kaya kung sakaling ayaw mo na sa kanya, handa pa rin ako na bawiin siya sa iyo.” Tugon ni Gibo.

Muling tumahimik si Vince. Matagal na walang imikan ang dalawa. Nakikiramdam sa isa’t isa hinihintay ang pagtila ng ulan.

WALKED OUT SIN

Dahil sa wala pa rin hinto ang ulan lalong nadagdagan ang pag-aalala ni Kaloy kay Vince lalo na at hindi parin nito sinasagot ang tawag. Nang magsalita si Nate.

“Iwan mo na ako rito, ayos lang ako puntahan mo na si Vince.” Ani ni Nate.

“Hindi kita puwedeng iwan dito na ganyan ka.” Sabat ni Kaloy.

“Ano naman kasi ang pakialam mo sa akin? Sige na pumunta ka na sa kanya. Kaya ko na dito. Promise hindi ako gagawa ng kung ano, gusto ko lang mapag-isa.”  Wika pa ni Nate.

“Mangako ka, babalikan kita rito.”

Tumango si Nate na may matipid na ngiti kay Kaloy.  Ngunit bago pa makaalis ang lalake, tumayo si Nate tsaka nilapitan si Kaloy sabay patong ng hinubad na jacket nito sa balikat ng lalake.

“Gamitin mong pang sukob sa ulan. Hayaan mo ako na magpaliwanag kay Vince bukas.” Sambit ni Nate at bumalik ito pagkakaupo.

Umalis agad si Kaloy pababa ng grandstand, nagmamadali itong puntahan ang parking area kung saan naroon ang kotse ni Vince. Ngunit nang nasa malapit na ito at tanaw na ang kotse ng kasintahan, natigilan ito sa kanyang kinatatayuan. Kasabay ng pagbagsak ng jacket na gamit sa daan, bumagsak din ang balikat ni Kaloy sa kanyang nakita.

Akto na naabutan nito ang tagpong sumpak sa kanya pabalik. Sa loob ng kotse ni Vince naroon si Gibo, gumagawa ng bagay na siyang kinagulat ni Kaloy.

Mainit ang tagpong pinagsasaluhan ng dalawa, Vince at Gibo sa loob ng kotse sa kalagitnaan ng malakas na ulan. Hubo’t hubad ang dalawa, habang nakapatong sa kandungan ni Vince si Gibo na nakaharap sa backseat ng kotse. Halos mapuno ng palitan ng halinghing at ungol ang loob ng kotse ni Vince dahil sa kanilang ginagawa. Sarap na sarap ang dalawa na walang kamalay-malay na sa naroon lamang si Kaloy na nakamasid sa kanila.

“Tang na Vince huwag mong tigilan, isagad mo pa…ang sarap…” Mga paulit-ulit pa na salita ni Gibo habang nangangabayo sa kandong ng pawisang si Vince.

Panay ungol naman si Vince na sarap na sarap din sa kanyang pagkaldag sa huka ni Gibo.

Napapakagat pa sa tenga ni Vince si Gibo habang umaayuda sa lalake nang mapadako ang tingin nito sa likuran ng kotse ni Vince. Namilog ang mga mata nito at natigilan sa kanyang ginagawa.

“Kaloy?” Tanging nasambit nito tsaka napabalikwas na umalis sa harapan ni Vince.

Napalingon si Vince at kitang-kita nito ang pagtalikod ni Kaloy paalis sa lugar na iyon. Mabilis na nagbihis ang dalawa, si Gibo kahit hindi pa tuluyang suot ang pantalon agad itong lumabas ng kotse ni Vince para habulin si Kaloy. Ngunit napahinto ito sa harapan ng jacket na naiwan ni Kaloy sa daan. Halos lumubog sa hiya si Gibo nang mapagtanto nito na naroon din si Nate, nakatayo basang-basa sa ulan na nakatitig sa kanya.

Sumunod din pala ito kay Kaloy nung umalis ang lalake.

Maging si Vince natulala na lamang habang nakatayo sa labas ng kanyang kotse, nakatingin kay Gibo at Nate na nagtititigan sa isa’t isa.

Akmang lalapitan pa sana ni Gibo si Nate ngunit agad na umiwas ang lalake. Tinungo nito ang sariling kotse tsaka umalis agad dun sa lugar. Si Kaloy naman habang naglalakad sa gitna ng buhos ng ulan nakasalubong ng isang kotse. Ang kotse na naghatid din sa kanya sa lugar na iyon.

“Sir sakay na…” Wika ng driver pagkahinto nito ng kotse sa tapat ni Kaloy.

Nang maalala ni Kaloy ang mukha ng driver agad na itong sumakay.

“Hatid mo na ako kung saan mo ako sinundo.” Tugon ni Kaloy, pigil ang emosyon ngunit bakas sa namamasa nitong mga mata ang bigat ng galit at inis na hindi niya mapakawalan.

Pagkadating kina Vince pinaghintay nito ang sinasakyan sa labas ng gate. Nauna ito kay Vince. Pagkapasok sa kanilang silid, kumuha lang ito ng mga ilang gamit tsaka binalikan ang driver sa labas.

Pagkasakay ng kotse, agad nitong tinawagan ang kaklase na si  Zyone. Sakto naman at gising pa ito. Humiling ito sa kaklase kung puwede ba ito magpalipas ng gabi sa kanila. Ngunit…

“Pasensya na, kung may extra na kuwarto lang sana dito sa amin ayos lang. Eh kaso sardinas na kami rito. Nakakahiya naman sa iyo kung patitiisin kita rito.” Sagot ng kaklase.

“Sige salamat na lang, pasensya sa istorbo. Hahanap na lang ako ng bukas na pension house.” Ani ni Kaloy, at tinapos ang tawag.

Wala pang alam si Kaloy sa mga ganun sa siyudad kung kaya sa online ito naghanap ng puwede paglagian sa gabing iyon. Nailang naman itong magtanong sa driver.  Ngunit napabaling ang sulyap nito rito nang mag alok sa kanya ito.

“Pag ganitong alanganin na ng gabi bihira na lang ang may bukas na mga pensyon houses, pero motel tsaka mga hôtel sure ako na meron. Ano sa tingin mo sir, hotel tayo o motel?” Ani ng driver.

“Ayoko mag motel, tsaka masyadong mahal sa hotel. Isang Gabi lang naman ako. Kung may alam kang bukas na pension house doon mo na lang ako dalhin.” Tugon ni Kaloy.

Saglit na tumahimik ang driver.

“Kung ayos lang sa iyo sir, doon ka na lang sa bahay ko. Ako lang naman mag-isa roon. Tsaka masyado ng malalim ang gabi para maghanap pa tayo ng bukas na pension house. Malakas pa ang ulan. Sure ako na gusto niyo nang magpahinga. Huwag kang matakot sa akin sir, safe ako. Isa pa libre ko na sa iyo itong biyahe tsaka ang matulog sa bahay. Pansin ko kasi na parang mabigat iyang karga mo sa loob eh. Malamang nahuli mo ang jowa mo na nagtaksil sa iyo noh?” Wika pa ng driver.

Hindi umimik si Kaloy, biglang bumalik sa paningin niya ang kanyang nakita sa parking area. Muling magsalita ang driver, sinabi nito kay Kaloy na naroon ito doon at talagang hinihintay siya nang makita rin nito ang nakita ng lalake. Habang nagkukuwento ang driver, kusa na lamang bumagsak ang luha sa mga mata ni Kaloy ngunit pilit parin nitong tinatago ang totoong sakit na nararamdaman. Maya pa at inabot ng driver kay Kaloy ang panyo nito, para ipampunas sa luha ng lalake.

Sa simpleng gesture na iyon ng driver kay Kaloy, tila nakahanap ng kakampi si Kaloy. Hindi man ito tumutugon sa driver ngunit naging panatag si Kaloy na kasama ito. Hanggang sa dinala na nga ng driver si Kaloy sa bahay nito na naroon sa isang subdivision. Nawala na sa isip ni Kaloy na sumama na nga talaga ito sa lalake na hindi naman nito kilala.

Nang makapasok na sila ng bahay ng driver, doon pa lang napagtanto ni Kaloy kung nasaan ito.

“Relax lang, nasabi ko na…safe ako tsaka safe dito. Maghintay ka lang dito at ikukuha kita ng tuwalya at tsinelas. Lagay mo na lang sa couch ang bag mo. Saglit lang ako.” Wika pa ng driver tsaka ito umakyat sa kanyang silid.

Naiwan sa sala si Kaloy na napapaisip kung bakit ito sumama sa lalaking iyon sa bahay na iyon. Pagkababa ng driver nakapagpalit na ito ng damit, naka sandong gray na ito at puting shorts na maiksi bitbit ang nakatuping tuwalya at pares ng tsinelas. Napatingin sa lalake si Kaloy, lalo nitong nasipat ang kakisigan at kaguwapuhan ng lalake. Pagkaabot ng tuwalya kay Kaloy itinuro ng lalake ang banyo. Pinahiram na rin nito ng tuyong damit si Kaloy.

Pagkalabas ni Kaloy ng banyo, napansin nito ang lalake na inaayos ang couch. Nilalagyan niya ito ng comforter, mga unan at kumot. Bahagyang napangiti si Kaloy.

“Ayos na ba sayo dito? Pwede naman sa kuwarto ko kaso, nakakahiya…magulo.” wika ng lalake.

“Ayos na yan, salamat nga pala…”

“Evan, Evan ang pangalan ko.”

“Salamat sa iyo Evan,…ako naman si Kaloy.”

Nagkatanguan at nagkangitian ang dalawa. Habang nakahiga na sa couch si Kaloy, si Evan naman abala sa kusina nagluluto ng mainit na instant ramen. Lumapit ito kay Kaloy at binigyan ng isang mangkok ng nilutong ramen ang lalake na hindi naman tinanggihan ni Kaloy. Magkaharap sa sala na kumakain ang dalawa.

“Sakaling may kailangan ka, katukin mo lang ako sa kuwarto.” Ani ni Evan.

Tumango si Kaloy, tsaka may tinanong ito sa lalake.

“Mag-isa ka lang talaga dito, eh sino iyang babae na kasama mo frame? Asawa mo? Girlfriend?” Tanong ni Kaloy na tinutukoy ang picture frame na nasa side table.

“Dating kinakasama, isa siyang trans at iyang larawan na lang namin ang naiwan kong ala-ala sa kanya matapos siya madamay sa plane crash papuntang Thailand para sana sa sasalihan niyang pageant.” Kuwento ni Evan.

Napatingin si Kaloy kay Evan, nagulat ito nang malaman na nagkaroon pala ng karelasyon ang lalake na trans. Nagkuwento pa si Evan kay Kaloy hanggang sa gumaan na ng kaunti ang loob ni Kaloy, at saglit na nawala sa isip nito ang pinagdadaanan. Nang makaramdam ng antok ang dalawa kanya-kanya na silang puwesto sa kanilang higaan. Si Kaloy bagama’t antok na hindi parin magawang ipikit ang mga mata, ginagambala parin ito ng mga pangyayari.

Si Vince nang malaman sa guard ang pag alis ni Kaloy, nagwala ito sa kanyang silid. Dahilan para magising sina Herman at Sonya.

“Vincent! Anong nangyayari diyan sa inyo sa loob?! Open this door!” Sigaw na nag-aalala sa anak.

“Vince, Kaloy?! Ano ba ang nangyayari diyan? Vince?!!!” Ang natataranta namang si Sonya.

“Leave me alone!!!” Tugon na sigaw ni Vince mula sa silid nito kasabay nun ang mga tunog ng nababasag na mga salamin at mga gamit na tila ba binalibag sa loob.

Paakyat naman si yaya Ponyang bitbit ang spare key ng silid ni Vince. Nanginginig din ang mga kamay nito sa nerbyos. Agad na kinuha ni Herman ang susi sa yaya at mabilisang binuksan ang silid ng anak. Nagulat sa nabungaran sa loob, basag at gulong-gulo ang mga gamit ni Vince na nagkalat sa kung saan. Duguan ang kamao ng anak dulot ng pagsuntok nito sa kanyang salamin. Pansin din nila na wala sa silid si Kaloy. Nilapitan ni Herman ang anak na umiiyak habang nakasalampak sa sahig.  Ngunit naitulak ito ni Vince.

“This is all you want diba? Ang paghiwalayin kami? Here it is, maging masaya na kayo dahil hiwalay na kami ni Kaloy! “ Sabay hagulgol.

Muling nilapitan ni Herman si Vince tsaka niyakap ng mahigpit. Hindi niya alam kung paano tutugon sa sinabi ng anak pero sa sandaling iyon, yon lang ang naisip niyang gawin kay Vince. Hindi na nakayanan pa ni Vince ang emosyon at binuhos na nito ang iyak. Napalapit narin si Sonya na niyakap ang mag ama.

Si Nate pagkadating ng bahay agad na dumeretso ng silid. Kumuha ng ilang beer sa kanyang ref at nilunod ang sarili sa inom, umiiyak habang nakikinig ng kanta suot ang kanyang headphones. Tahimik lang ito ngunit mararamdaman ang bigat at lungkot sa bawat sulok ng kanyang silid. Nagising si Jessica sa pagdating ng anak, at nakita nito ang sitwasyon ni Nate nang pumasok ito sa kanyang silid. Kaya kinatok nito ng marahan ang pintuan ng anak.

“Nate, kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako. Huwag mo sarilinin ang dinadala mong iyan. Nate?” Mahinahong sabi ni Jessica habang kinakatok ang pinto ng silid ni Nate.

Saglit pa at pinagbuksan ni Nate ang ina. Hindi pa man nakapasok si Jessica, niyakap na ito ng anak ng mahigpit. Doon na rin lubusang bumigay si Nate. Humagulgol ito sa balikat ng ina. Sa yakap pa lang ng anak alam na ni Jessica ang dahilan ng pag-iyak ni Nate. Pinakalma nito ang anak.

“Mag punas ka muna ng buhok at katawan mo, basang-basa ka pa. Hihintayin kita sa kusina, kuwentuhan mo ako. Ipaghanda lang kita ng mainit na soup. Tsaka tigilan mo na ang beer hindi niyan matatanggal ang nararamdaman mong sakit. Dadagdag lang iyan. Pagusapan natin ang problema mo. Tama na ang iyak… nakakabawas ng gwapo, di bagay sa iyo.”  Ang mahinahong wika ng ina kay Nate.

Tumango si Nate sa ina habang nagpupunas ng luha. Bumalik ito ng kuwarto tsaka sinunod ang ina. Inayos nito ang sarili bago puntahan ang ina sa kusina.

Si Gibo naman dahil sa gilting-guilty sa kanyang ginawa halos hindi alam kung saan ibaling ang sarili. Litong-lito ito sa kanyang gagawin. Nagbabad ito sa kanyang banyo habang paulit-ulit na sinasabon ang sarili na para bang kayang hugasan ng tubig at sabon ang nagawa nitong kataksilan sa kaibigan. Sising-sisi ito sa sarili kung bakit ito nagpatangay sa tukso ng laman.

Ngunit tila ang gabing iyon ay sinadya talaga para sa mapanuksong sandali. Mahimbing na natutulog si Karl nang gisingin ito ng tawag ng kalikasan. Bumangon ito para mag banyo. Tahimik ang buong bahay ng kaibigan. Nakabukas ang lahat ng ilaw sa loob kaya maaliwalas ang paligid. Diretso na ng banyo si Karl. Yari lamang sa semento’t hallow blocks na ang kalahati ay yero ang banyo nila Jasper kaya pumapasok sa loob ang malamig na hangin mula sa labas. Habang nagbabawas ng tubig sa kanyang pantog si Karl nakarinig ito ng mahihinang ingay mula sa labas ng bahay na tila ba malapit lamang iyon sa banyo.

Nakinig pa si Karl hanggang sa napagtanto na ang mga naririnig na ingay ay mga ungol pala na gawa ng dalawang tao. At alam niya kung kanino iyon. Dali-daling tinapos nito ang ginagawa sa banyo para makabalik na agad sa kanyang silid. Ngunit bago pa ito makalabas ng banyo. Narinig nito na pumasok na sa loob ng kusina ang dalawa. Marahan nitong itinulak ang pintuan ng banyo para sumilip sa labas. At napalunok na lamang ng sariling laway si Karl sa nakita.

Naroon nga sa may kusina ang mag asawang Jasper at Mayang, kapwa hubo’t hubad habang naglalampungan sa harapan ng lababo. Napako na pintuan ng banyo si Karl na surpresa ito sa kanyang nakita. Kabado at pinagpapawisan ito kahit malamig naman ang loob ng banyo. Hangang-hanga ito sa kurbadang katawan ni Mayang, higit pa ay kitang-kita nito ng buo ang mapintog, malulusog at tayong-tayong mga papaya ng babae na sarap na sarap namang binubrutsa ng dila ni Jasper.

Tila nanonood lamang ng live na torohan si Karl dahil sa mainit na romansahan at bembangan ng mag asawa. Dahil sa tagpo tinablan ng libog si Karl at napadukot ito sa kanyang briefs. Inilabas ang nagmamayabang sa katigasan nitong pipino sabay sakmal at bayo dito. Bawat kaldag ni Jasper sa asawa, isang taas-baba rin ng kamay ang ginagawa ni Karl sa kanyang tarug na para bang siya ang umaayag sa kepay ng babae.

Maya-maya pa at…

“Doon na natin tatapusin ang lahat sa banyo tapos sabay na tayong maligo pagkatapos.” Biglang sabi ni Mayang sabay sulyap sa pintuan ng banyo, na tila ba alam nitong may tao roon.

Napasulyap din si Jasper sa banyo sabay ngiti. Buhat-buhat ang asawa habang nakabaon papalapit ito ng banyo.

Nanlamig si Karl nang makita ang dalawa na papunta sa kanya. Para ipaalam sa mag asawa na may tao sa loob, binuksan nito ang gripo at pinayagan ang tubig sa balde at kunwari naliligo. Tsaka agad na isinara ang pinto. Akala ni Karl hindi tutuloy ang dalawa, nagulat na lang ito ng mag salita si Jasper na nakatayo na pala sa labas ng pinto.

“Tapos ka na ba pare? Baka gusto mo, tulungan ka na namin ni misis. Mas masarap ang may kasalo kaysa mag-solo.” Ani ni Jasper.

“Wait lang pre, lalabas na rin ako.” Ang pautal na tugon ni Karl.

Pagkabukas ni Karl ng banyo para sana lumabas, natigilan ito nang makita ang kaibigan na nakatayo sa tapat mismo ng pinto, nakakagat labi at nakatingin sa kanya na may pang-aakit. Hindi umalis sa daraanan nito si Jasper sa halip ay marahan pa nga itong tinulak ng lalake pabalik sa loob ng banyo kasabay niya. Tsaka sumunod sa kanila si Mayang.

“Pre teka, ano ito?” Pagtataka ni Karl.

“Mag i-enjoy ka sa gagawin natin pre, kaya pagpatangay ka na lang.” Ang nakangiting tugon ni Jasper.

Agad naman humarap kay Karl si Mayang sabay diin ng dibdib nito sa lalake tsaka sinunggaban ng halik sa labi si Karl. Habang hinahalikan ni Mayang si Karl lumipat naman sa likod ng kaibigan si Jasper at sinimulang romansahin ng halik ang batok at tenga ni Karl habang nilalaro nito ang utong ng lalake mula sa likuran. Sa umpisa pumapalag si Karl sa ginagawa sa kanya ni Jasper ngunit nang dinukot na ni Mayang ang tarug nito tsaka sinubo, napapikit na lamang at napamura si Karl. Sa galing ng bibig ng babae napapakaldag pa nga ito.

Habang subo-subo si Karl ng babae kahalikan naman nito si Jasper. Hindi mawari ni Karl kung bakit hinahayaan niya ang sarili na gawin nila iyon ng kaibigan. Magaling at masarap kalap-lapan si Jasper kung kaya’t tangay na tangay din si Karl na hindi na alintana na lalake ang kahalikan nito. Sandali pa at pumuwesto na si Mayang. Habang nakasandal sa pintuan ng banyo si Karl, sakmal nito ng kanyang tarug ang pukelya ng babae samantala nasa ibang butas naman si Jasper na nakabaon sa likod ng asawa.

Sa ayos nilang iyon damang-dama lahat ni Mayang ang mga naglalakihang mga troso ng dalawang lalake na bumabayo sa kanya. Dagdag pa ang salitang laplapan ng tatlo. Minsan sina Mayang at Karl, minsan ang mag-asawa, minsan silang magkumpare ang naglalap-lapan ng mga labi. Sa isip ni Karl hindi niya akalaing magagawa niya ang bagay na iyon. Ngunit naroon na ito sa agos ng kalibugan at ang tanging paraan para matapos iyon ay ang makaraos at mapakawalan ang dikta ng laman. At sa malagkit na tagpong iyon sabay na nagpalabas ng malapot na katas ang tatlo, punong-puno ang sisidlan ni Mayang na ang iba umagos pa sa kanyang mga binti.

“Hayop pre, nagagawa mo ito sa asawa mo?” Ang nasambit ni Karl habang hinuhugasan ang nanglalagkit na titi.

“Extra flavor ang tawag dun pre, nakakaumay kasi pag plain lang. Mas maraming flavor mas masarap gawin.” Ang napangiting tugon ni Jasper.

“Tang na ka gago, pati ako ginamit mo pa sa pa flavor mo.” Ani ni Karl.

“Kunwari ka pa, eh kanina pa kitang napapansin na takam na takam dito sa misis ko. Pero grabe ka rin pre, hindi ko akalaing palaban ka rin sa halikan. Nakalimutan ko tuloy na homophobic ka ka.” Wika pa ni Jasper.

Natahimik si Karl sumama ang tingin nito sa kaibigan. Hindi na ito tumugon kay Jasper at lumabas na ng banyo. Hindi naman iyon pinansin ng lalake at muling binalingan ang asawa para sa pangalawang kayuran. Pagkapasok ng silid agad na niligpit ni Karl ang mga gamit. Lumabas ito ng bahay at doon na natulog sa kanyang kotse.

Alas dos na ng madaling araw ngunit gising parin si Kaloy. Si Vince ang nasa isip nito. Alam niyang may nagawa itong mali ngunit dapat ba na iyon talaga ang igaganti sa kanya ng kasintahan? Ang katanungang bumabagabag sa isipan nito.

“Talagang hindi ka makakatulog niyan kung paulit-ulit mo iisipin ang nakita mo. Hindi na iyon kayang i-rewind tsaka i-edit. May mga bagay na nangyayari for a reason.” Biglang salita ni Evan.

Hindi namalayan ni Kaloy ang pagbaba ng lalake at paglapit sa kanya.

“Hindi ka pa natulog?” Tanong ni Kaloy.

“Nakaidlip ng kunti, pero naisip kasi kita. At nang sumilip ako mula sa taas napansin ko na gising ka pa. Sabi ko baka kailangan mo ng kausap, mapagsabihan…hindi naman ako love guru,pero based on my experiences sa love baka naman may maisingit akong payo o opinyon sa problema mo. Kung G ka kausapin ako, makikinig ako.” Ani ni Evan.

“Ayos lang ako, laking abala na itong ginawa ko sa iyo. Puwede mo na akong iwan.”

“Kung ayaw mo, ako na lang magkukuwento sa iyo hanggang sa makatulog ka.” Saad pa ng lalake.

“Anong ikukuwento mo sa akin, fairytale? Ginawa mo naman akong bata niyan. Sige na, ayos lang talaga ako rito. Makakatulog din ako mamaya. Magpahinga ka na rin dun baka mapuyat ka pa dahil sa akin”. Wika ni Kaloy.

“Sige, balik na ako sa taas. Kung hindi ka rin makatulog, iwan ko sa iyo itong iniinom ko. Nakaka-relax ito.”

Pagkalapag sa center table ng gamot pampatulog, bumalik na ng silid si Evan ngunit naroon parin ang pag-aalala kay Kaloy. Takang-taka ang lalake kung bakit ganun na lang ito kay Kaloy, sa taong ngayon lang naman niya nakilala. Kada minuto, bumabangon ito para silipin sa baba si Kaloy hanggang sa masigurado na nga nitong tulog na ang lalake tsaka lang ito nakatulog din sa kanyang kama.

Kinabukasan, maagang nagising si Tess na inabutan sina Burnok at Paquito na naglilinisin nang dalawang kotse.

“Patapos na ba kayo riyan? Ang aga niyo namang nagising na dalawa.”

“Nasanay na kasi kami na madaling araw palang nasa bukirin na Nay. Kaya heto napaaga kami ni Paquito.”

“Bakit Nay may lakad po kayo ngayon?” Tanong ni Paquito.

“Magpapasama sana ako sa inyo sa palengke. Mukhang marami-rami kasi ang bibilhin ko. Pero kung hindi pa kayo tapos diyan, mamaya na ako aalis.” Ani ni Tess.

“Sandali na lang ito Nay, malapit na.“sabat ni Burnok.

Ang siyang labas naman ni Karding na nakapang jogging na suot.

“Mamaya ka na mamalengke mahal, magbihis ka na roon nang makahabol pa tayo ng zumba sa park.” Wika ni Karding.

“Tay Karding naman, batak na batak na ang katawan mo oh. Mag su-zumba pa kayo?” Tanong ni Paquito.

“Wala ng bukirin dito na puwedeng pagpawisan. Tsaka kailangan din namin makilala ang mga kapit-bahay natin dito sa subdibisyon. At halos lahat ng mga kaedaran namin dito, nag su-zumba roon sa park araw-araw.” Ani ni Karding.

“Naku Karding, kung alam lang nitong dalawa ang totoong pakay mo sa kaka-zumba roon.“ang nakaismid na sabat ni Tess bago ito bumalik sa loob ng bahay.

“Ikaw Tay ha mukhang alam na namin kung ano ang nagpapagana sa iyo dun ah. Kitang-kita namin ang selos sa mga mata ni Nay Tess eh. Bakit Tay, matatambok ba ang mga tampal puke ng mga nag su-zumba roon?” Pang aasar na tukso ni Burnok kay Karding.

“Kayo talaga,… bilisan niyo na riyan at pag balik namin ng nanay Tess niyo, aalis tayo.”

Simula ng manirahan na sa subdibisyon na iyon ang mag-asawa, ang pag su-zumba tuwing umaga na ang naging libangan ng dalawa roon. Dahil hindi na nakakabalik ng bukid kailangan ng mag-asawa na maghanap ng pagkakaabalahan habang unti-unti pa lang sila nasasanay sa buhay nila sa siyudad.

Kahit kaunti lang ang naitulog ni Kaloy, maaga pa rin itong nagising. Ngunit mas nauna na sa kanya si Evan na noo’y naghahanda na ng kanilang almusal sa kusina.

“Good morning, halika nagluto ako ng sinangag na maraming bawang at corned beef para sa almusal natin.” Bungad ni Evan kay Kaloy.

Nakaramdam na ng hilab ang lalake kaya hindi na ito tumanggi sa alok na paalmusal ni Evan. Hindi lang ang bango ng niluto ng lalake ang napansin ni Kaloy. Napuna rin nito ang ayos ng lalake.

“May lakad ka?”

“Wala diyan lang sa park nitong subdivision. Kung hindi naitatanong freelance professional choreographer talaga ako, nagtuturo ako ng dance class sa mga nag ha-hired sa aking dance studio. Tsaka dito sa subdivision, everyday nag ka-conduct ako ng zumba session sa mga homeowners dito. Pang extra na din. Tapos pag gabi naman grab. Baka gusto mo sumama sa zumba ko. Pang tanggal stress din iyon. Sa hataw at pitik mo ilabas ang galit mo sa jowa mo. Di mo deserve ang malugmok dahil lang dun sa ginawa niya sa iyo. Sayang ka…marami pang sasalo sa iyo.”  Wika pa ni Evan.

Matipid na ngiti lang ang tinugon ni Kaloy sa lalake at nagpatuloy ito sa kanyang pagkain.

“Kung gusto mo nang umalis, itatawag kita ng taxi…pero kung gusto naman, hintayin mo lang ako dito. Saglit lang naman ang zumba ko, babalikan kita agad ako na maghahatid sa iyo.” Saad ni Evan.

“Sige, sasamahan muna kita sa zumba mo. Gusto ko rin ma experience iyon.” Tugon ni Kaloy.

Biglang gumuhit ang matamis na ngiti sa mukha ni Evan nang marinig ang sabi ni Kaloy sa kanya.

MEAT AND GRIT

Sakay ng kotse, sumama si Kaloy kay Evan.

“I’m sure na mag i-enjoy ka roon.” Ani nito kay Kaloy.

“Sana, pipilitin.” Tugon ni Kaloy.

“Ganun talaga sa isang relasyon may mga uncertainties. May mga pagsubok na bigla-bigla na lang na sasampal sa iyo para magising ka sa realidad na wala tayo sa fairytale. Nagkakaproblema nga iyong mga nakakasal na diba? Pag di talaga kayo para sa dulo, gagawa talaga ang tadhana ng paraan para hindi talaga kayo umabot dun.” Komento ni Evan.

“Hindi lang din siguro ako sanay sa ganito. Kaya hindi ko alam kung paano i-assist ang feelings ko. First relationship ko kasi ito tapos sa kapwa ko pa lalake.” Wika ni Kaloy.

“Kaya naman pala parang worried ka masyado. Ganun talaga dude, masasanay ka din. Explore-explore ka muna pag-gamay mo na tsaka mo seryosohin. Pero dapat safety first ha… Make out-make out muna. Tikim-tikim baka iba pala talaga ang preferred mong lasa at templa.” Ang nakangiting sabi ni Evan sabay pisil ng hita ni Kaloy na nakadikit sa kanya.

Napatugon naman ng ngiti si Kaloy sa lalake bagama’t hindi nito nauunawaan ang punto ni Evan. Malapit na sila sa lugar na pinagdarausan ng zumba session. Napansin agad ni Kaloy na hindi lang naman pala matatanda ang kasali sa mga tinuturuan ng lalake. Halo-halo rin, may mga lalake rin at may mga kabataan na kasing edad lang din niya. Kaya natuwa ito.

Pagkababa ng kotse, agad na tinungo ng dalawa ang maliit na stage sa gitna ng malawak na field. Kitang-kita sa mga mukha ng mga naroon ang saya at tuwa nang makita na si Evan na paparating. Kanya-kanyang puwesto na rin ang lahat. Ang iba nag-uunahan pa na makapuwesto malapit sa harapan ng stage at karamihan mga kabataang babae, mga dalaga at may iilang mga binata rin. Pansin pa ni Kaloy na kanya-kanyang papansin din ang mga ito kay Evan habang pa kaway-kaway pa.

“Celebrity pala ang datingan mo rito sa kanila. Sikat ka pala rito.” Pabulong na sabi ni Kaloy kay Evan habang nag-aayos ito ng bag sa isang tabi.

“Ewan ko nga rin kung bakit ganyan ang mga iyan sa akin. Huwag mo na lang pansinin. Siya nga pala kung gusto mong sumabay sa zumba, puwede ka na rito sa stage.” Ani ni Evan.

“Hindi na, makikinood na lang ako rito sa tabi. Hindi rin naman ako marunong sumayaw eh.” Tugon ni Kaloy.

“Simpleng steps lang naman. Pakiramdaman mo lang ang beat tapos kaunting bounce lang at arm movements. No need mama na magaling ka sumayaw sa zumba.” Saad ni Evan.

“Makikinood na lang talaga ako. Tsaka ako na ang taga abot ng tubig at pampunas.”

Napangiting muli ang lalake kay Kaloy. Iniwan nito ang lalake at sumampa na ng stage para simulan na ang pagturo ng zumba. Hiyawan agad ang mga naroon nang pinatugtog na ni Evan ang music tsaka nagsimulang mag warm up.

Sa gitna ng mga nagsu-zumba may dalawang babae na ka-edaran ni Kaloy ang nakakilala sa kanya. Binantayan nila ang bawat kilos ni Kaloy habang sumasabay ang mga ito sa sayaw.

“Ano ang ginagawa ng boyfriend ni Vince dito? Tsaka bakit kasama niya si Evan?” Bulong ni Eunice kay Bella.

“Baka magkakilala lang din sila girl. Kita mo naman kanina sabay pa sila dumating dito.” Tugon ni Bella.

“So ibig sabihin confirmed na hindi talaga straight iyang si Evan? I knew it.” ika ni Eunice.

“Hindi naman siguro. Doesn’t mean na may kaibigang bakla si Evan eh ganun na rin iyon. Kung ganyan rin lang ang theory mo ibig sabihin bakla rin sina Xander, Mon at Dustin?” Wika pa ni Bella.

“Eh kaya ko nga hiniwalayan si Mon kasi duda na ako sa amoy ng isang iyon noh. Basta ako hindi talaga pumapalya ang mga pang-amoy ko sa ganyan.” Saad pa ni Eunice.

Lalo pang nadagdagan ang malisya ng dalawa nang makita nilang lumapit si Evan kay Kaloy habang inabutan naman ng lalake ng tubig at tuwalya si Evan. Nagtaasan ng kilay ang dalawa. Sa kung anong kyuryosidad, palihim nilang kinuhanan ng larawan ang pag-uusap nila Evan at Kaloy sa gilid ng stage, ng kanilang cellphone.

“Parang may na si-sense akong something interesting about this girl.” Ani ni Eunice.

“Kumprontahin kaya natin si Carlo girl…” Sabat ni Belle.

“Wag na noh, idi-deny lang din niya iyan. Si Vince ang kaibigan natin kaya kay Vince tayo noh. Grabe ang landi rin pala ng Carlo na ito. Tingnan mo naman ang ngitian ng dalawa. Akala nila sila lang ang narito.” Saad ni Eunice.

“Baka nag o-over think lang tayo. Baka magkaibigan lang talaga ang dalawa.”

“Ang intimate naman ng friendship nila girl, may punasan pa talaga ng towel sa likod. The audacity talaga…” Ang napairap pang reaksyon ni Eunice nang makita ang pagpukaw ni Kaloy sa likod ni Evan.

-*-

“Salamat dude, hindi ko kasi maabot iyong likod ko.” Wika ni Evan.

“Ayos lang,para punas lang naman. Sakaling may kailangan ka, naka-tambay lang ako rito.” Ang nakangiting sabi ni Kaloy.

Nagsisimula na nga ang zumba nang dumating sina Karding at Tess. Sa dami ng mga sumali sa zumba ng araw na iyon sa likuran na nakahanap ng puwesto ang dalawa. Habang nag su-zumba ang dalawa may napansin si Tess.

“Mahal, nakita mo ba iyong lalake sa dulong gilid ng stage.  Kamukha niya ang Kaloy natin. Mas matipuno nga lang iyan sa anak natin.” Ani ni Tess.

“Imposible, baka kamukha lang. Pero parang si Kaloy nga, pati ang tangkad. Kung nasa malapit lang sana tayo, mamumukhaan natin siya ng malinaw.” Wika ni Karding.

“Halika Karding mahal, lumapit pa tayo…iba talaga ang kutob ko sa kanya.”

“Mamaya na, pagkatapos ng zumba lapitan agad natin siya. Iba rin ang kutob sa kanya. At kung si Kaloy nga natin iyan ano ang ginagawa niya rito?” Sambit ni Karding.

Hindi na nakapukos sa zumba ang mag-asawa, nasa kay Kaloy na talaga ang kanilang mga mata. Nang matapos ang zumba dali-daling sumingit sina Tess sa mga kasabayan sa zumba para makalapit agad sa stage. Ngunit bago pa sila makarating. Hinarang na sila ng ilang mga magulang na miyembro ng asosasyon ng subdivision na nakapansin sa kanila. Wala nang nagawa ang mag-asawa kundi ang kamustahin din ang mga iyon at kausapin. May mga lumapit pang iba at nakipagkilala sa mag-asawa.

“Dude mauna ka na sa kotse, may kakausapin lang ako saglit. Sunod din ako agad.” Wika ni Evan kay Kaloy.

Tumango naman si Kaloy tsaka dumeretso na sa kotse ng lalake.

Matapos ang saglit na kamatayan, nakalapit na rin ang mag-asawa sa kinaroroonan kanina ni Kaloy kaso wala na ito roon. Palinga-linga ang dalawa sa paligid sa pagbabakasakaling makita nila si Kaloy ngunit hindi na nila ito napansin.

“Wala na, nakaalis na rin yata iyon mahal.” ani ni Karding.

“Subukan natin sa banda roon baka hindi pa iyon nakakalayo mahal.” Sabat ni Tess.

Maya-maya pa napansin sila ni Evan na tila may hinahanap. Nilapitan sila nang lalake.

“Mr and Mrs Ajero, good morning. Mabuti at nakadalo kayong muli sa zumba natin kanina. May hinahanap po ba kayo? Napansin ko kasi na kanina pa kayo palinga-linga sa paligid.” Tanong ni Evan ng lumapit ito sa mag asawa.

“Ah eh kuwan iho, may hinahanap nga kaming tao. Pero tingin namin mukhang nakaalis na.” Sagot ni Karding.

“Sayang nga at hindi na namin inabutan. Duda pa naman kami na anak namin iyon.” Sabat ni Tess.

“Talaga? Sayang nga naman. Ang dami kasi kanina ng mga nakisali sa atin. Ang iba nga kanina mukhang bago lang din sa paningin ko.” Ani ni Evan.

“Sige iho, mauna na lang kami ng misis ko. Malayo-layo rin ang lalakarin namin  eh.” Sambit ni Karding.

“Bakit sir, wala ba kayong dalang kotse?”

“Hindi na kami nagdala ng kotse kasi gusto rin talaga namin na mag lakad kanina. Tsaka pinapalinisan ko kasi iyon kaninang umaga.” Sagot ni Karding sa lalake.

“Kung gayon hatid ko na lang kayo. Mainit na ang sikat ng araw. Malapit lang naman ang way ko sa inyo diba? Idadaan ko na lang kayo.”

Hindi na tumanggi ang mag-asawa, sumama ang dalawa kay Evan. Ngunit nang nasa kotse na ang tatlo, natigilan si Evan.

“Saglit po, may hihintayin lang tayo…baka lumabas lang saglit. Pero puwede na po kayo maupo sa backseat.” Ani ni Evan.

Hinanap nito si Kaloy sa paligid. Wala kasi ang lalake ng dumating sila. Maya-maya pa dumating din ito na tumatakbo habang nag-aayos ng shorts.

“Sorry pare, naghanap lang kasi ako ng puno na pagpuwestuhan. Alis na ba tayo?” Tanong ni Kaloy.

“Oo, pero may ihahatid muna tayo tsaka tayo uuwi. Pasok na sa loob.” Sagot ni Evan.

Halos sabay pa ang dalawa sa pagpasok sa kotse nang mapasulyap si Kaloy sa likuran ng kotse. Namilog ang mga mata nito sa gulat nang…

“Nay? Tay?” Tanging nasambit nito nang makita sina Tess at Karding.

“Kaloy? Ikaw nga! Sabi na nga ba at tama ang hinala namin ng tatay mo anak.” Ang tuwang-tuwang reaksiyon ni Tess nang makita sila ng anak. Maging si Karding parang gustong lumipat sa harapan ng makita ang anak sa tuwa.

“Magkakilala kayo?” Tanong ni Evan kay Kaloy.

“Mga magulang ko.  Teka bakit nandito nga sila? Kakilala mo rin sila?” Balik na tanong ni Evan.

“Oo medyo…” Ang nasambit na lang ng lalake.

“Mamaya na tayo magkuwentuhan,iho Evan hatid mo na kami, doon ka na rin sa bahay kumain.” Sabat ni Karding.

Takang-taka noon si Kaloy, lalo na ng mapansin nito ang mga postura ng mga magulang. Ibang-iba sa mga ayos nila noon sa bukid. Pati ang kutis ng mga magulang bagama’t hindi naman nawala ang pagiging sunog ng mga balat nito dahil sa kakababad sa araw, pero ngayon mas maaliwalas na may glowing effect pa. Tahimik si Kaloy na pinoproseso ang sa utak ang lahat. Ngunit lalo lang naguluhan si Kaloy nang huminto ang kotse ni Evan sa napakalaking bahay na naroon mismo sa subdibisyon na iyon May tatlong palapag ito, may mataas na gate, tanaw sa labas ang malapad na Terasa sa ikatlong palapag.

“Nandito na tayo sa bahay natin Nak, baba na kayo.” Wika ni Tess kay Kaloy.

“Nak anong bahay? Itong malaking bahay na ito sa atin ito?” Ang nagtatakang reaksyon ni Kaloy.

“Sa loob na namin ipaliliwanag at ikuwento ng nanay mo sa iyo ang lahat.  Sandali lang at magpapabukas tayo ng gate, baka nawili na naman sa naka-cellphone ang dalawa.” Ani ni Karding at nag-doorbell ito.

Sandali pa at bumukas ang maliit na pinto ng gate. Sumilip si Burnok.

“Nandito na pala kayo Tay Karding, pasensiya na po hindi agad namin napansin. Abala kasi ako sa kusina tapos si Paquito naglilinis ng mga kuwarto sa taas.” Ani ng lalake.

“Pakibukas na lang ng gate at may kotse kaming dala.”

“Ano po, bumili na naman po kayo ng bagong kotse? Grabe na kayo Tay ha…may kamag anak yata kayong contractor ah.” Sabat ni Burnok.

“Loko, sige na buksan mo na ang gate…tapos tawagin mo si Paquito may bisita tayo.”

Dali-daling binuksan ni Burnok ang malaking gate at bungad pa lang nakita agad nito si Kaloy na nakatayo sa tabi ng  kotse. Pati si Kaloy gulat na gulat nang makita ang kababata pagkabukas ng gate. Sa sobrang saya ng dalawa nagyakapan ang mga ito at nahalikan pa ni Burnok sa bibig ang kaibigan. Halos hindi ma ipinta ang saya ni Burnok sa presensiya ni Kaloy. Agad nito tinawag si Paquito. At tulad nang naging reaksiyon ng dalawa ng magkita, ganun din si Paquito kay Kaloy. Pinaliguan nito ng halik sa mukha ang kaibigan habang yakap ng mahigpit. Nang kumalma na sa excitement ang lahat. Nagpahanda si Karding ng kaunting pa welcome na salo-salo sa anak. Sina Tess , Burnok at Paquito ang punong abala sa paghanda ng lulutuin sa kusina.

Habang sina Kaloy at Karding naman kasama si Evan ay nasa living area at nag-uusap. Doon na rin naikuwento ni Karding sa anak ang lahat sa kung paano sila nagkaroon ng ganung bahay sa isang mayamang subdivision sa siyudad.

“Dapat surpresa pa namin ito sa iyo sa araw ng birthday ko. Pero inunahan mo na kami ng surpresa.” Ang sabi ng ama.

“So hindi mo na pala kailangan mag hanap pa ng boarding house niyan. May bahay ka na pala rito. Tsaka magkapitbahay pa tayo.” Ang napangiting wika ni Evan kay Kaloy.

“Mag bo-boarding house ka Nak? Bakit? Hindi ka na ba nakatira kina Vince?” Tanong ni Karding sa anak.

“Doon pa rin naman, kaso nahihiya na rin ako Tay. Parang sa kanila na lang kasi ako umaasa. Sobra-sobra na ang naitulong nila sa akin. Balak ko na lang maghanap ng part time job pang suporta sa pag-aaral ko. Kaya naisipan kong bumukod na at maghanap ng murang boarding house malapit sa eskuwelahan ko.”   Tugon ni Kaloy.

“Huwag na Nak, ito na iyong bahay natin. Tsaka may isa pang kotse diyan para iyan sa iyo. I-enrol kita ng driving lesson para matuto ka mag maneho nang makakuha ka agad ng lisensya.”

“Tito, ako na po ang magtuturo ng libre kay Kaloy. Tsaka kung payag siya ako na rin ang magiging official grab niya papunta at pauwi ng school niya.” Mungkahi na hirit ni Evan.

“Huwag na pare, laking abala pa iyan sa mga raket mo.” Ang nahihiyang tugon ni Kaloy.

“Sige Evan, pabor ako riyan. Nak payag ka na. Mabait itong si Evan. Sa katunayan isa siya sa una namin nakilala ng nanay mo rito sa subdivision. Tsaka kampante ako na siya pansamantala ang magiging service mo sa eskuwelahan. Sina Burnok at Paquito nag-aaral din iyan ngayon ng driving lesson. Pero habang hindi pa sila puwede si Evan na muna ang bahala sa iyo. Hindi rin naman kita mahahatid sundo kasi minsan lumuluwas din ako ng Ilang.” Ani pa ni Karding.

“No worries po tito, ako ang bahala kay Kaloy. In good hands po itong anak niyo.” Saad ni Evan.

“Halikayo Nak, Evan sama ka na rin. Feel at home na dito sa bahay dahil alam kong mapapadalas ka na rin dito. Nak Kaloy tara at ituturo ko sa iyo ang magiging silid mo.” Wika ni Karding.

Buong buhay ni Kaloy hindi niya inaasahan na magkakaroon sila ng ganun ka garang tahanan na sarili nila. Manghang-mangha ito sa laki at lawak ng espasyo ng bahay. Bawat parte kasi mas malaki pa kaysa sa buong bahay nila sa bundok dati. Nasa ikatlong palapag ang silid ni Kaloy. Malaki ang silid nito na na may malaking bintana na ang labas ay ang malapad na terrace. Sa sobrang saya, hindi na napigil ni Kaloy ang mapaluha at mapayakap sa ama.

Saglit na iniwan ni Karding sina Evan at Kaloy sa taas dahil bumalik muna ito sa baba. Si Kaloy naman ini-enjoy ang saya sa bago nitong silid at tahanan. Kasama si Evan lumabas ang dalawa sa terrace. Napansin agad ni Kaloy ang hagdan paakyat ng rooftop. Doon sa taas mas nalula si Kaloy sa viewing point roon. Kita mula kasi sa rooftop ang halos buong paligid ng subdivision. May maliit na kubo sa rooftop at may minimalistic na garden landscaped pa. May area din kung saan puwede mag bonfire. Habang pinagmamasdan ni Kaloy ang paligid, ibinabalik ng set up na iyon ang dati nilang tambayang dampa sa ilog. Tumahimik si Kaloy.

“Ang ganda mag bonding dito sa spot na ito. Parang mag kakamping lang kayo overnight ng mga tropa, while doing some interactive games like card game perhaps. Di kaya kuwentuhan lang ng past memories at experience in front of a bonfire. Sakto at kasama mo rin dito ang mga kababata mo.” Wika ni Evan.

“Naala ko nga sa ganito ang tambayan naming dampa malapit sa ilog. Madalas dati doon na kami inaabutan ng gabi sa kakalaro sa ilog. Tapos mag bo-bonfire lang kami, tsaka kuwentuhan ng mga kalokohan, kantahan kahit sintunado, tawanan hanggang sa makatulog.”  Tugon ni Kaloy.

“Baka doon talaga ang inspiration ng Tatay mo, kaya ganito ang ginawa niyang set up sa rooftop niyo. Ibig sabihin lang nun mahalaga ka talaga sa magulang mo at mahal na mahal ka nila. Ang suwerte mo dude.” Ang sabi ni Evan.

Samantala pagkagising ni Karl agad na itong nagpaalam kay Jasper.

“Magkape ka muna pare.” Paglapit ni Jasper kay Karl.

“Hindi na, kailangan ko nang bumalik ng siyudad. Wala naman pala rito ang pakay ko.” Ani ni Karl.

“Galit ka ba sa akin pare?” Tanong ni Jasper nang mapansin ang biglaang pananabang tugon ng kaibigan sa kanya.

“Bakit naman ako magalit?” Ang tugon na tanong ni Karl na may sarikastikong ngiti.

“Ewan ko, pero parang ang tabang lang kasi ng bungad ng gising mo. Pansin ko lang naman. Anyway kung hindi ka na talaga mapigil sa pagkape at uwing-uwi ka na…ito iyong address ni Ricardo sa siyudad.”  Ani ni Jasper sabay abot ng papel kay Karl.

“Ricardo? Sinong Ricardo?”

“Kilala mo iyon, I’m sure. Kung si Tess ang hinahanap mo, sa address na iyan mo siya makikita. Ingat sa biyahe pare.” Ang tugon ni Jasper.

Ayaw na madagdagan pa ni Karl ang kasalanan sa asawa kaya naisipan na nitong bumalik ng maaga sa siyudad. Sa mansiyon ng mga Monteverde, dahil sa nangyari kay Vince, hindi naging maayos ang tulog ng mag-asawa Sonya at Herman. Buong magdamag na binantayan ng dalawa ang kilos ng anak. Habang nag aalmusal ang mag-asawa lumapit sa kanila si Vince, mugto parin ang mga mata sa magdamagang iyak. Sumabay ito ng almusal sa mga magulang.

“That’s right son, move on. Hindi katapusan ng mundo ang nangyari sa inyo ni Kaloy. Ayusin mo ang sarili mo at ipakita mong hindi siya kawalan sa buhay mo. Nandito kami ng mommy mo. Tanggap ka namin. Kaya tama na ang pagmokmok.” Bungad ni Herman sa anak.

“Tama ang dad mo, nandito kami para sa iyo. Stop chasing that Kaloy. He’s not right for you. Wala siyang utang na loob…”  Sabat ni Sonya.

“That’s enough Sonya, lalo mo lang ginagatungan ang sitwasyon. Hindi natin alam ang lahat.” Pagputol ni Herman.

Tahimik lang si Vince na kumakain, walang reaksyon sa concerned ng mga magulang. Habang kumakain ang tatlo lumapit si Ponyang.

“Sir Vincent may mga bisita ho kayo. Mga kaibigan niyo raw sila. Mga babae, pinaghintay ko po muna sa visitors area ma’am Sonya, sir Herman.” Bungad ni Ponyang.

“Invite them here, manang. Baka hindi pa nakapag breakfast ang mga iyon. Tsaka pa prepare ng extra seats for them.” Tugon ni Sonya.

“Sige po Ma’am, sasabihan ko.”

Pagkatawag ni Ponyang, maya-maya pa dumating na ang mga bisita ni Vince. Sina Bella at Eunice. Agad na nagbeso ang dalawa kina Sonya. Nang mapansin ng dalawa ang pamamaga ng mga mata ni Vince. Agad naman binunyag ni Sonya ang dahilan kahit na pinigilan ni Herman.

“So that explain something.” Ang tugon ni Eunice sabay taas ng kilay na may pasulyap kay Bella.

“Bakit ano ang sadya niyo rito? Tsaka nakakagulat naman ang pagbisita niyo, tapos ang aga niyo pa.” Tanong ni Vince.

“Actually wala naman talaga sa plan na pumunta kami rito. Itong si Eunice kasi parang hindi mapakali sa nakita namin. Kaya pinersonal ka na namin. Kilala mo naman ang isang ito. Dapat real time kung mag report.” Ani ni Bella.

“Ano ba kasi iyan?” Tanong muli ni Vince.

“Galing kami kina Tanya, kasi nga ang sabi may poging zumba instructor daw dun na nagtuturo sa kanila ng zumba. So go rin kami ni Bella to join at siyempre para makita rin ang sinasabi niyang poging instructor. Infairness papable naman talaga, pero na distract kami sa nakita namin kanina dun.” Simula ng kuwento ni Eunice.

“Diretsahin niyo na kasi, tungkol sa ano ba ang sadya niyo?” Usisa ni Vince.

“Kasama lang naman ng instructor na iyon ang boyfriend mong si Carl. Tapos magkasama pa sila sa kotse nang dumating dun.” Dugtong ni Eunice sa kuwento.

Ipinakita pa ng dalawa kay Vince ang video na kuha nila nang pinunasan ni Kaloy ang likod ni Evan. Maging ang malimit na akbayan ng dalawa binigyan ng malisya ng dalawa at kinuhanan ng video. Napatikom ng kamao si Vince. Maging si Sonya nakinood na rin sa video.

“Enough na ebidensya na iyan na tigilan mo na talaga si Kaloy, Vince. Eh may sa kalandian naman pala talaga ang isang iyan. If I know matagal ka na niya niloloko.” Komento ni Sonya.

“Naman Sonya, dinadagdagan mo lang ang iniisip ng anak mo. Hindi natin alam ang totoong kuwento rito. Tsaka kayo, pasensya na ha, pero hindi tama ang gumawa ng kuwento base lamang sa obserbasyon niyo. Hindi kayo nakakatulong sa sitwasyon.” Wika ni Herman.

“Sorry tito… Vince sorry”. Sambit ni Bella.

Tumayo si Vince at umakyat ng kanyang silid. Kinuha nito ang cellphone at tinawagan si Tanya. Agad nitong tinanong kung alam ng kaklase.

“Pano mo nalaman ang tungkol sa zumba instructor namin dito?”

“Just answer me, saan ko ba puwede mahanap ang instructor na iyon,?”

“Sabi ni mommy, taga rito lang din iyon sa subdivision namin. Pero kuwan kasi Vince, sa laki at lawak nitong subdivision hindi ko alam kung saan exactly ang kanila. But I’ll asked mom, president siya ng homeowners baka may alam siya. I’ll get back to you. Pero why ba? May plan ka ba na i-hire siya for zumba? Naku  Vince, pa join ako ha?” Tugon ni Tanya.

“Sige na, salamat na lang sa info.” Sabat ni Vince tsaka pinutol ang usapan.

Pagkapatay ng cellphone, galit na itinapon ito ni Vince sa kama.

“Akin ka lang Kaloy, at walang sino mang puwedeng may magmamay-ari sa iyo, ako ang nakahanap sa iyo. Ako ang nagbihis sa iyo. Pag aari kita…at akin ka lang.” Ang namumuong gigil sa mga mata ni Vince.

Hapon na ng nakauwi si Karl, agad itong sinalubong ni Jessica. Takang-taka naman ang lalake nang hinila agad ito ng asawa sa kuwarto.

“Kamusta ang pinunta mo sa Ilang?” Tanong ni Jessica.

“Wala na akong inabutan doon. Ang sabi ni Jasper nandito na raw sa siyudad sina Teresa kasama ang asawa niya. Ito nga at binigyan ako ng address ni Jasper. Mukhang mayaman din ang napangasawa ni Teresa, kasi…sa mamahaling subdivision din ang address na ito oh.” Tugon ni Karl.

“Tama nga pala ang kutob ko, si Teresa nga ang babaig iyon.”

“Nagkita kayo ni Teresa?” Tanong ni Karl.

“Hindi, pero sa nakuhang shot ni Jane sa main branch ng restaurant natin. Nahagip sa isang frame ang kamukha ni Teresa. Malakas talaga ang kutob ko na siya iyon. Lalo lang ako kinabahan nang malaman ko kay Nate na kasama niya rin ang mga kaibigan niya ng oras na iyon na  mga taga Ilang. Kaya napaisip ako kung kasamahan ng mga kaibigan ni Nate ang babae.  Pero hindi ko na tinanong.” Kuwento ni Jessica.

“Kung iyon ang kutob mo, posibleng si Teresa nga iyon. Ang ibig sabihin lang nito narito  rin sa siyudad ang anak ko sa kanya.” Ayon pa kay Karl.

Lumipas ang isang araw sa bagong tahanan ni Kaloy. Kahit anong aliw ni Kaloy sa sarili, si Vince parin ang inaalala nito. Nais niyang tawagan o kamustahin ang lalake pero nag-aalangan ito. Hindi parin kasi mawala sa isip niya ang nakita. Habang nakahilata sa kama at nakatingala sa kisame, biglang tumunog ang cellphone nito. Sa pag aakalang si Vince agad niya itong sinagot, huli na nang mapansin nito ang pangalan ni Gibo.

“May gana kapa talagang tawagan ako? Ang kapal din talaga ng mukha mo. Wala na yatang natitirang hiya riyan sa balat mo. Sinulot mo na nga sa akin si Danica, may intensiyon ka pang makisalo sa amin ni Vince!” Tugon ni Kaloy kay Gibo.

“Kaya nga ako humihingi sa iyo ng sorry. Inaamin ko nagkamali ako. Nadala lang kami ni Vince ng mga sandaling iyon. Hindi iyon sinasadya.”

“Hindi? Tang ina Gibo, kitang-kita ko pa ang pagtirik ng mga mata mo tapos sasabihin mong hindi sadya. Ano iyon nadulas lang ang butas mo sa titi ni Vince kaya nagpakantot ka na lang? Huwag mo akong gaguhin! Puta ka! Huwag na huwag kang magpapakita sa akin na hayop ka. Baka makalimot ako na naging kaibigan kita!” Sabat pa ni Kaloy na pigil ang gigil ng galit kay Gibo.

Nanginginig ang kamay ni Kaloy na pinatay ang cellphone. Tsaka lumabas ng terrace para kumalma. Nang muling tumunog ang cellphone…

“Talaga bang hindi mo ako tatantanan?! Huling-huli na itong hayop ka!!! Kung sarap na sarap ka sa titi ni Vince, sa’yong sa iyo na!” Bulyaw na sagot agad ni Kaloy.

“Teka kalma, ako ito…si Nate”

Biglang umurong ang galit ni Kaloy ng marinig ang boses ni Nate.

“Ikaw pala Nate,…sorry akala ko kasi si Gibo.”

“Saan ka ngayon, busy ka ba? Labas tayo.” Wika ni Nate.

Gabi na ng mga sandaling iyon. Kaya nag-aalangan na sumagot si Kaloy.

“Kung bawal, ako na lang pupunta sa iyo saan ka ba ngayon naglalagi. Rinig ko kay Jane, wala ka na raw kina Vince. Nag bo-board ka ba ngayon?” Tanong ni Nate.

“Hindi, kasama ko ngayon sina nanay at tatay.”

“So ibig sabihin, nagkita na pala kayo. Buti naman. Last time kasama ko lang sila kumain sa restaurant namin. Kasama pa nila sina Burnok at Paquito.” Naikuwento pa ni Nate.

“Alam mo na pala na nandito sila.” Bahagyang may ngiti sa labi ni Kaloy.

“Nito lang din, napag-usapan pa nga namin na so-surpresahin ka nila. What if puntahan na lang kita, para na rin alam ko kung saan ang sa inyo.” Suhestiyon pa ni Nate.

Sumang-ayon si Kaloy,  sinabi nito kay Nate ang address nila. Nagulat naman ang lalake nang malaman ang location nila Kaloy alam niya kasi na pang mayayaman din ang subdivision na iyon. Natuwa naman si Tess nang malaman na darating si Nate, kaya ipinagluto nito ng espesyal na pasta ang bisita ng anak.

“Si Vince Nak kelan mo papupuntahin dito? Na miss ko na rin ang isang iyon.” Wika ni Tess nang lapitan ito ni Kaloy sa kusina.

“Tatanungin ko kung kelan siya puwede.” Sabat ni Kaloy.

“Pati si Gibo, papuntahin mo rito. Sinadya talaga ng tatay mo na dagdagan ang mga silid para sa mga kaibigan mo. Gusto kasi namin ng tatay mo na sama-sama parin kayong lahat dito. Parang sa bahay lang din natin noon. Kahit siksikan sama-sama.  Ngayon kahit magkanya-kanya pa kayong silid dito puwede.” Ani ni Tess.

“Malabo na yata mangyari iyon Nay. Kuwan kasi alam mo naman dito. Ibang-iba kaysa sa atin. Dito maraming libangan sa labas kaya madalas sa mga mall, bars at kung saan-saan ang trip ng mga kaedaran ko. Di tulad sa bundok wala, wala lahat kahit signal ng wifi wala. Kaya mo choice ka kundi kailangan mo talaga ng close interaction sa mga tao sa paligid mo.” Ayon pa kay Kaloy.

“Kahit na, iba naman iyong mga kaibigan mo. Tsaka malapit na ang birthday ng tatay mo. Invite mo sila rito, pati mga kaklase mo.” Ani pa ni Tess.

“Susubukan ko…”

Maya-maya pa dumating si Nate, may mga dala itong beer at mga pagkain. Sinalubong naman agad ito ni Kaloy kasama sina Burnok at Paquito.

“Shit dude, ang laki naman pala nitong bahay niyo. Mas malaki pa yata ito sa amin eh.”  Ang namanghang si Nate.

“Doon na tayo sa rooftop, nag set up na rin kami dun nila Burnok.” Ani ni Kaloy.

Sa laki nga ng bahay nila Kaloy hindi maiwasang mapatanong si Nate kung paano ba sila nagkaroon ng ganun. Napakuweto muli si Kaloy, hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang mahaba-habang usapan. Nakisalo narin sa dalawa sina Burnok at Paquito. Tila kinalimutan muna ng dalawa ang nangyari. Wala man lang sa kanila ang nagbukas ng topiko tungkol sa kanilang mga boyfriend. Lumalim pa ang gabi at napasarap na ang lahat sa kanilang inuman. Hanggang sa isa-isang nang nalasing ang apat. Nakatulog na sa kanya-kanyang puwesto sina Burnok at Paquito. Si Nate ramdam na rin ang hilo. Pero si Kaloy nasa saktong estado pa.

“Hirap ka na mag maneho, baka mapano ka pa sa daan. Dumito ka na muna magpalipas ng gabi. Malapad naman ang kama ko. Bukas ka na umuwi, sunday naman bukas. Walang pasok.” Sabi ni Kaloy kay Nate.

“Huwag na, kaya ko pa naman. Tsaka mahirap na. Malikot pa naman ako matulog lalo na pag lasing, baka kung ano pa ang mangyari sa atin.” Ang nakangiting sabi ni Nate na halos papikit na ang mga talukap ng mga mata.

“Ngayon ka pa nag-aalala. Kung nagawa nga nilang dalawa iyon sa atin eh…bakit din rin natin gawin? Total ikot-ikot lang din naman tayong apat. Tikiman lang walang malisya. Puwede naman siguro iyon diba? Uso naman iyon ngayon. Sharing is giving. Tsaka naghalikan narin naman tayo, bakit di na lang natin ituloy?” Tugon ni Kaloy.

“Puta ka, huwag mo nga ako daanin sa ganyan. Baka hindi mo mapanindigan.  Nagpipigil lang ako pero pag na trigger talaga ang libog ko, hindi kita aayawan. Papakantot talaga ako sa iyo. Kaya tigilan mo ako. Tinitigasan na ako.” Ani ni Nate.

“So anong gusto mo, tulungan kita magpalabas?” Tanong ni Kaloy na tawang-tawa.

“Baliw, sige na dito na ako matutulog kasama nila Burnok. Doon ka na sa silid mo. Safe ako dito…iwas tukso. Nagkasala na tayo ayoko nang madagdagan.” Wika pa ni Nate.

“Okay, actually tama ka. Ikukuha ko lang kayo ng mga kumot. Malamig dito sa rooftop. Mukhang hindi naman uulan ngayon. Babalik lang ako para sa kumot niyong tatlo.” Saad ni Kaloy.

Doon na nga nagpalipas ng gabi si Nate kina Kaloy. Ngunit dahil sa hindi nakapag-paalam ng maayos si Nate. Alalang-alala sina Jessica at Karl sa panganay. Lalo na at nang magtanong sila sa mga kaibigan ni Nate, wala ang mga itong alam sa kinaroroonan ng anak.

MINE IS MINE

Tinanghali na nang makaalis kina Kaloy si Nate dahil doon muna ito kumain ng pananghalian sa bahay ng lalake. Pagkapasok sa gate agad na sinalubong ng ina si Nate. Agad nito sinabihan ang anak sa pag-aalala ng ama dahil hindi ito nakauwi ng magdamag.

“Alam ko na may pinagdadaanan ka, pero sana man lang pinaalam mo sa akin kung nasaan ka. Ni hindi mo man lang sinasagot ang mga messages ko at tawag.” Ani ni Jessica.

“Sorry meh, naiwan ko kasi sa kotse ang phone ko kaya maaga ko na napansin ang mga missed calls mo.” Sagot ni Nate.

“So sino ang kasama mo kagabi at bakit ngayon mo lang naisip umuwi?” Tanong ng ina.

“Sa isang kaibigan lang po meh, doon narin ako nakikain sa kanila ng pananghalian.“ani ni Nate.

“Ganun ba? Halika na sa loob at naghihintay na sa dining area ang dad mo.”

Tinungo agad ni Nate ang ama para batiin ito at kamustahin ang lakad ni Karl sa Ilang. Inusisa naman ito ng ama sa di niya pag-uwi ng isang gabi. Hindi man galit sa hindi pag-uwi ng anak, pinaalalahanan naman nito si Nate sa napapadalas na aktibidad nito. Na siyang kinakababahala rin ng ama.

“Not because na hinahayaan kita sa mga layaw mo Nate ay aabusuhin mo na. I’m not against your activity as long na hindi ka nag aadik. Alcohol is fine with me but know your limits. Alam mo kung ano rules ko. And remember may mga tao na nag-aalala sa iyo rito sa bahay kapag nasa labas ka. Sana malinaw iyon sa iyo.” Paalala ni Karl sa anak.

“I know dad, sorry po. Hindi na po mauulit.” Tugon ni Nate tsaka humalik sa ama at umakyat na ng silid.

Nang makaalis ang kuya, humirit naman si Nathalie sa ama.

“Hay naku dad, tagos sa kabilang tenga lang iyon. Kung alam mo lang ang layaw ni kuya. Some of my classmates nagsusumbong sa akin na madalas nila nakikita si kuya sa ‘Three sixty degrees’ lalo na pag Friday night.” Naikuwento ng anak na babae.

“Three sixty degrees’? Ano iyon?” Tanong ni Karl at napakunot ng noo.

“Dad, sikat iyon sa mga estudyante… actually maraming sikat na mga anak ng mga politiko at negosyante ang tumatambay dun. Bar iyon dad, party clubhouse actually…pero kung anong sosyal ng lugar na iyon at sikat, talamak din ang iligal na bentahan ng drugs dun dad. I’m not saying na part dun si kuya pero I’m worried…” Pahayag ni Nathalie.

Sa kuwento ng anak na babae biglang napaisip si Karl. Nabahala ito para sa anak na lalake. Tumatak iyon sa isip ng lalake. Nang araw din na iyon nagpasya itong kausapin si Gab tungkol sa ibinalita sa kanya ng anak.

“Napatawag pare, kamusta ang lakad mo sa Ilang? Anong resulta?” Bungad na tanong agad ni Gab nang sagutin si Karl.

“Mukhang nandito na sa siyudad si Teresa kasama ang asawa niya. Sa malamang kasama nila ang anak ko.” Tugon ni Karl.

“So may ideya ka na kung saan mo sila puwedeng hanapin?” Tanong pa ni Gab.

“May binigay na address sa akin si Jasper, pero mag-iipon na muna ako ng lakas ng loob para sa pagkikita namin ni Teresa at ng anak namin. Pero hindi tungkol sa kanila ang pagtawag ko sa iyo pare.” 

“Ano iyon pare? Mukhang seryoso iyan ah…”

“Alam mo ba iyong Three sixty degrees’ bar sa sixth Street avenue? Sikat daw iyan na tambayan ng mga kabataan ngayon. Nabanggit kasi ng anak ko na talamak daw ang bentahan ng iligal na droga sa bar na iyan. Medyo na bahala lang ako lalo na at madalas daw sina Nate at mga barkada niya sa lugar na iyon.” Wika ni Karl.

“Oo naman. Naririnig ko na rin ang ibang complaint ng mga kakilala ko sa bar na iyan. Actually nitong linggo lang pina surprised inspection ko ang lugar katuwang ng mga kapulisan pero wala naman silang nahuli o nakitang iligal sa lugar na iyon. Pero huwag kang mag-aalala pare…pinamanmanan ko na ang bar. Ayoko rin na maging biktima ng lugar na iyon ang mga anak natin.” Saad ni Gab.

“Salamat pare,”

“Obligasyon ko iyon na panatilihing ligtas ang mga nasasakupan ko lalo na ang mga kabataan. At hindi pu-puwede sa akin ang mga iligal na aktibidad na iyan. Siya nga pala pare, kaarawan ni misis sa makalawa. Sana makapunta kayo ni Jessica. Isama mo na rin sina Nate at Nathalie.” Sambit ni Gab.

“Sure pare, asahan mo kami.”

Habang kausap si Karl, nais na talaga sabihin ni Gab ang nalalaman niya sa lalake patungkol sa anak nitong hinahanap ngunit ayaw naman nitong pangunahan ang kaibigan. At bagamat may duda na ito sa kung sino ang anak ni Karl, hindi naman ito sigurado kung iyon ba talaga ang anak nila ni Teresa. Kaya bago pa ito madulas na magkuwento sa kaibigan, pinutol na nito ang usapan.

Samantala dahil sa nalaman, naging balisa na si Vince. Kung ano-ano na ang naiisip nito patungkol kay Kaloy. Gusto niyang kausapin ang lalake ngunit kapag tatawagan na nito ang numero ni Kaloy natitigilan ito. Bumabalik sa isip niya ang reaksyon ng mukha ng lalake nang makita sila nito ni Gibo sa kotse. Galit na galit si Vince sa sarili ngunit sinisisi rin niya ang kahinaan ni Kaloy. Maging kay Nate may galit din ito.

“Vince saan ka pupunta?” Tanong ni Sonya nang mapansin ang pagmamadali ni Vince sa kotse nito.

“Sa barkada ko lang mom, “

“Sinong barkada? Let me know para alam ko kung saan kita hahanapin.” Wika ni Sonya.

“You don’t have to,…kung noon niyo pa iyan ginawa ma-a-appreciate ko pa. I’ll have to go.” Tanging tugon ni Vince tsaka sumakay ng kanyang kotse.

Wala nang nagawa pa si Sonya kundi tingnan na lang ang papalayong kotse ng anak. Napansin siya ni Herman kaya nilapitan siya nito.

“Dahil sa ating kapabayaan hindi na natin kilala si Vince. Ang daming sandali na nakaligtaan natin sa kanyang paglaki. At wala tayong sisihing iba rito kundi tayo mismo. Hinayaan nating lumayo sa atin ang ating anak kaya hirap ngayon tayo na makalapit sa kanya.”  Ani ni Herman.

“Nag-aalala ako kay Vince, hindi ko alam kung paano ko siya papayuhan sa pinagdadaanan niya ngayon Herman. Nag-aalala ako para sa mental health niya.” Sabat ni Sonya.

“Malakas si Vince at matured na mag-isip, tiwala ako na makakayanan niyang harapin ang kung ano mang problema ang kinakaharap niya. What we have to do is intindihin siya, tanggapin at iparamdam sa kanya na nandito lang tayo sa tabi niya. Alam ko sa puso ng anak natin tayo parin ang huling takbuhan niya.” Ayon kay Herman.

Hindi parin mawala-wala sa isipan ni Vince ang mga sinumbong sa kanya nila Bella at Eunice. Maging ang mukha ng lalake na kasama ni Kaloy sa video ay malinaw pa sa kanyang memorya. Balak niya puntahan ng araw na iyon ang Grand View Village kung saan nakatira ang kaklase nitong si Tanya. Wala man katiyakan sa kanyang pakay nagbabakasakali parin si Vince na matutun niya ang tinutukoy nila ni Eunice na babae at kung totoo ngang kasama niya si Kaloy posibleng naroon din ang kasintahan.

Habang binabaybay ang daan papasok ng village. Tinawagan ito ni Gibo na agad naman niyang sinagot.

“Magkita tayo Vince.”

“Pasensya na Gib, may mahalaga akong lakad ngayon. Magkita na lang tayo sa school bukas.” Tugon ni Vince.

“Galit na galit sa atin si Kaloy.” Sambit ni Gibo.

“And what would you expect sa nakita niya sa atin? At malamang hindi lang iyon galit sa atin. Kundi sukang-suka pa iyon sa ginawa natin.” Ani ni Vince.

“Nagi-guilty ako sa ginawa natin Vince.”

“Ngayon ka pa ma-guilty matapos mo ako akitin sa kalibugan mo… Nangyari na ang lahat, nahuli na tayo sa akto. At hindi ko rin masisi si Nate kung bakit siya nagkaganun sa iyo. Hayop ka rin sa kalibugang puta ka.” Wika ni Vince sa sinabi ni Gibo.

“Puta ka ring gago ka, parang kasalanan ko pa ang nangyari sa atin ah. Sino ba ang nagsimula? Tumugon lang ako sa panguudyok mo. At kung makapagsalita ka naman akala mo ako lang iyong nag-enjoy sa atin ah?! Sarap na sarap ka rin naman ah.”   Tugon ni Gibo na tila napikon sa sabat sa kanya ni Vince.

“So ano ang point ng pagtawag mo? Sinusumbatan mo ako kung sino sa atin ang nasarapan sa ginawa natin? Kahit na pagtalunan pa natin ang nangyari. Nangyari na iyon at ginawa natin iyon pareho na walang pag-aalinlangan. Nasaktan natin sila pareho iyon ang punto rito.” Saad ni Vince.

“Ano ang gagawin natin?” Tanong ni Gibo?

“Gawin? Hindi ko alam, pero ang sigurado ako, hindi ko hahayaang mawala na lang sa akin si Kaloy ng ganun na lang.”

Nawala ng saglit sa focus sa daan si Vince at kamuntikan na mabangga ang kasalubong na kotse kung hindi agad ito nakabalik sa kanyang linya. Nang magtapat ang kanilang kotse namilog ang mata ng dalawa nang makatitigan ang mga ito.

“Siya iyon…” Nasambit ni Vince nang mamukhaan ang driver ng kotse na nakasalubong nito.

“Sinong siya?…” Tanong ni Gibo na rinig pa ang sinabi ni Vince sa kabilang linya.

“Magkita na lang tayo sa school bukas. Bye.” At pinutol ang usapan kay Gibo.

Nag-u-turn ito para sundan ang nakasalubong na kotse. Si Evan naman pansin din nito ang pag sunod sa kanya ng kotse ni Vince. Wala man itong ideya kung bakit sinusundan ito ng lalake, kinutuban naman ito ng hindi maganda. Kaya binilisan nito ang pag-drive para iwasan ang kotse ng lalake.

“Ano kaya ang ginagawa ng isang ito rito? Alam kaya nito na nandito si Kaloy? Ang mabuti pa tawagan ko si Kaloy nang mapaghandaan niya ang isang ito.” Sa isip ni Evan.

Kina Nate, dahil sa nakaabot na kay Nathalie ang nangyari kina Vince at Kaloy agad naman nito kinulit ang kuya.

“Puwede ba Jane hayaan mo na sila. Hindi naman tayo involved dun kaya huwag na tayong makisawsaw pa sa kanila.” Wika ni Nate.

“Magkaibigan kayo diba? For sure may ideya ka sa reason behind the hiwalayan ng dalawa. Fan kaya ako ng loveteam nila, at nakakalungkot kung bigla-bigla na lang sila maghihiwalay na wala man lang matibay na dahilan.” Ani pa ni Nathalie.

“Paki ko naman sa issue nila. Magkaibigan nga kami pero hindi naman ako iyong tipo na nangingialam sa kuwento nila. Ikaw… Naki-tsismis ka na lang din bakit hindi mo na lang sinagad ang pangangalap ng impormasyon?”   Saad ni Nate.

“Hindi naman lahat alam ni yaya Ponyang kuya. Kaya nga kita tinatanong baka may alam ka.”

“Wala akong alam at pakialam ko naman sa kanila. Sige na doon ka na muna at may gagawin pa ako,…”

Pagkaalis ng kapatid tinuon muli ni Nate ang atensiyon nito sa ginagawang kanta. Nang tumunog ang phone nito. Si Gibo ang tumatawag. Walang pag-aalinlangang sinagot agad ni Nate ang tawag.

“Bakit ka pa tumawag? Hindi ka pa ba masaya na pinagmukha niyo kaming tanga? Ano pa ang kulang, ikukuwento mo sa akin kung paano pinatirik ni Vince ang mga mata mo? At ipapamukha sa akin kung sino ang mas masarap sa aming dalawa?” Bungad agad na katanungan ni Nate.

“Nate I’m sorry,… hindi ko alam na aabot kami sa ganun. Nangyari na lang bigla ang lahat. Sorry.”

“Sorry? Pero sa sinasabi mo ngayon…parang gusto mo na maniwala ako na aksidente lang ang iyutan niyo ni Vince ah. Ang galing mo rin eh noh.”

“I’m sorry Nate, sabihin mo lang sa akin kung ano ang gagawin ko para mapatawad mo ako. Gagawin ko.” Pagmamakaawa ni Gibo.

“Iluwa mo lahat ng tamod na pinalunok ko sa iyo na walang halong laway. Kaya mo?” Sambit na kondisyon ni Nate.

“Nate naman…”

“Hindi mo kaya?…so hindi rin kita kayang patawarin. Aaminin ko may nagawa akong kasalanan sa iyo. Pero grabe naman ang ibinalik mo sa akin Gib. Hindi lang iyon basta pagtataksil, kababuyan na iyon. At pinatunayan mo lang sa akin kung anong klase kang tao. Mas puta ka pa sa puta alam mo ba iyon?” Sabi pa ni Nate.

Hindi na umimik si Gibo, napa hikbi na lamang ito sa kabilang linya. Umaasang kaawaan ito ni Nate. Ngunit tila malabo ang kahilingan niyang iyon sa ngayon. Hindi na pinatagal pa ni Nate ang usapan nila ni Gibo.

Galit na galit si Gibo sa kanyang sarili, pakiramdam niya buong mundo na ang kumukondena sa kanyang ginawa na kahit anong gawin niya tila lahat nakatingin sa kanya na may panghuhusga. Ayaw na siyang makita ni Kaloy, wala na rin pakialam sa kanya si Vince at si Nate tila nawalan na rin ng gana sa kanya. Sa kanyang pinagdaanan isang tao ang kanyang magiging sandigan.

“Okay ka lang? Nakailang missed calls ako sa’yo noong nakaraang gabi tsaka minisage pa kita pagkauwi ko pero hindi ka man lang sumasagot. Buti na nga lang ngayon at nakipag-video chat ka sa akin. Umiyak ka ba?” Wika ni Danica nang mapansin ang nagmumugtong mga mata ni Gibo.

“Napuyat lang sa aralin kaya ganito ang mga mata ko. Wala ka bang abala ngayon? Samahan mo ako, labas tayo.” Tugon ni Gibo sa babae.

“Sure, magpapaalam lang ako kina tita. Saan ba ang ganap natin?”

“Kahit saan, basta malibang ako.”

“Duda lang talaga ako sa pamamaga ng mga mata mong iyan. Don’t worry kung ano man ang dahilan ng mga eye bags mo, sigurado malilimutan mo iyan sa pupuntahan natin. “ Ani ni Danica.

Samantala,… Nang mga sandaling iyon dismayado na si Vince dahil sa hindi na nito nasundan pa ang kotse na minamaneho ni Evan. Nawala na ito sa kanyang paningin matapos maabutan ng traffic sign sa isang intersection.  Gayunpaman pa man kumpirmadong doon nga sa village na iyon umuuwi ang lalake. Upang di masayang ang oras dumeretso ito sa tambayan nilang magbabarkada. Sa isang mamahaling bar na kadalasan tambayan ng mga estudyante at mga kabataan ang tumbok ni Vince. Ngunit dahil sa maaga pa, hindi nito nakita sa lugar na iyon ang mga barkada.

Habang nakaupo sa isang sulok ng bar counter at umiinom ng beer, isang lalake ang tumabi kay Vince. Agad na namukhaan ng binata ang naturang lalake.

“Ang tagal din kitang hindi nakita sa lugar na ito simula nung nagkajowa ng taga bundok. Nasaan na siya? Mukhang nagsosolo ka yata.” Bungad ng lalake kay Vince.

“Wala ka nang pakialam dun. Tsaka puwede ba Red,… Marami pang bakanteng upuan oh, hindi tayo close para makipagsiksikan ka dito sa tabi ko.” Pagsusupladong tugon ni Vince sa lalaking tinawag niyang Red.

“Kaya nga kita nilapitan kasi, gusto kong makipag close sa iyo…” Tugon ni Red sabay hawak sa hita ni Vince.

Sa pagkabigla, tinabig ni Vince ang kamay ni Red. Napakunot ito ng noo tsaka galit na tinulak sa dibdib ang lalake. Sa ginawa ni Vince agad na naalerto ang mga crew at bouncer ng bar. Akmang lalapit na sana ang mga ito sa dalawa nang tumayo si Red at aktong aalis na.

“It’s okay, we’re fine… kaunting lambingan lang…(pangiti-ngiting sabi ni Red sa mga crew at bouncer na lalapit sana sa kanila) Hindi pa kita nasisingil sa ginawa mo noon sa kapatid ko Vince. I’ll see you later.” Tugon naman ni Red kay Vince sabay gawad ng kindat at may pa kiss pa sa hangin sa binata bago ito lumipat ng ibang upuan.

Ngunit kahit na magkalayo na ng puwesto ang dalawa hindi parin maalis ang matalim na tinginan ng dalawa sa isa’t isa. Lalo na si Red may pakagat labi pa at padila kay Vince. Three years ago nang maging girlfriend ni Vince ang kakambal na babaeng kapatid ni Red na si Rina. Ngunit ang pakikipagrelasyon nito sa babae ang minsan din naging ugat ng away nila ni Nate, kung kaya napilitan itong hiwalayan si Rina. Kinalugmok iyon ng babae  dahil sa matinding pagmamahal nito kay Vince. Sa sobrang depresyon muntikan na magpakamatay ang babae kung hindi lang na naabutan noon ng kakambal na si Red. Simula nun naging markado na si Vince sa lalake. Ngunit dahil sa minsan narin sila naging magkaibigan ni Vince, kabarkada at kasama pa sa basketball team. Hindi magawang kumprontahin ni Red si Vince, bukod dun malaki ang utang ng pamilya ni Red sa ama ni Vince lalo  na at tauhan lamang sa kompanya ng ni Herman ang ama ni Red.

Ngunit ngayong malaya na ang pamilya ni Red sa anino ng mga Monteverde, at sa muling pag-krus ng kanilang landas, may angas at tapang na ito para harapin ang nanakit sa kanyang kambal. Lalo pa at malinaw na sa kanya kung bakit iyon ang ginawa ni Vince sa kapatid nitong si Rina.

“bro si Vince nag message, nasa Barracks daw siya ngayon. Nagyayaya mag night night mang lilibre raw. So ano G kayo?” Tanong ni Dustin kina Mon at Xander.

“Ikaw kung trip niyo ni Mon pero ako pass na ako dude. Baka lasingin lang tayo nun tapos salitang i-chupachops.” Sabat ni Xander.

“Ang OA naman nito, pero dati nang hindi pa lumantad si Vince halos araw-araw kang nandoon sa kanila nakikisleep-over. Duda nga ako na baka pati ikaw naging kakastahan na rin ni Vince eh. Sa atin lahat bukod kay Nate kayo itong close masyado.” Ang natawang tugon ni Mon.

“Gago, eh di ikaw ang sumipot sa kanya roon, isama mo si Elly para naman may option si Vince.” Wika ni Xander.

“Alam niyo ang sasama niyong kaibigan. Ano naman ngayon kung hindi straight si Vince? Tsaka nag agree na tayo diba na kahit ganun siya walang magbabago. Solid parin tayo sa kanya. Sa mga pinagsasasabi niyo nagiging homophobic na rin kayo ah. Siya parin naman si Vince na kilala natin ah. Ano pa ba ang issue niyo sa kanya?” Komento ni Dustin.

“Dude, kay Vince wala… Pero hindi ka naman siguro bingi at bulag sa mga tao sa paligid ni Vince. Hindi mo ba nahahalata na unti-unti na silang umiiwas kay Vince. Sa team nga duda lang ako kung isasali pa siya ni coach. Marami ng ayaw sa kanya. Dumidistansya at nadadamay na rin tayo. “ Paliwanag ni Xander.

“Kahit na si Nate, pansin mo na rin siguro na halos hindi na nga sila nagkikibuan sa klase. Tsaka bro, iyong mga dati nating tropa…iba na rin ang tingin sa atin. Walang kaso sa akin kung bakla man si Vince or what. Pero ayoko naman na pati sa akin ganun din ang tingin ng mga kakilala ko. I’m straight bro. At ayokong masabihang bakla o Ally ng kabaklaan. Conservative ang family ko at it’s a big no talaga ang bakla sa amin.” Dagdag pa ni Mon.

“Grabe naman kayo, ngayon nga tayo need ni Vince. Kung lahat na lang tatalikuran siya, sino na lang ang maiiwan sa kanya? Nasaan na iyon ang mga sigaw niyo sa birthday niya na love wins at support LGBTQ community? Ano iyon for reels lang? Pang post para maging relevance kayo? Dude, bro…pati ba tayo?” Ani ni Dustin na dismayado sa mga kaibigan.

“May boyfriend siya diba? Paano siya mag-iisa? Dude, I’m sorry’ but pass na talaga ako kay Vince. Ikaw kung okay lang sa iyo at hindi ka affected… puntahan mo siya. Buo parin naman ang tropa without him. Kumpleto naman tayo kahit hindi na siya kasama. And besides ayos na kami rito ni Mon sa Icespeak. Tatapusin lang namin itong isang bucket ng beer tapos uwi na rin kami. May klase pa bukas. Ayaw na namin magpagabi masyado.” Saad ni Xander.

Kahit na gustong-gusto ni Dustin, nagdisisyon na rin ito na hindi na puntahan si Vince at pumirmi na lang sa bagong tambayan nilang iyon. Hindi na rin ito tumugon sa message ni Vince at nagkasundo ang tatlo na walang mag po-post ng kanilang ganap sa soc med para hindi na sumama ang loob ni Vince.

Padilim na at unti-unting napupuno na ang bar kung saan naroon si Vince. Palinga-linga ang binata at hinahanap sa paligid ang mga kaibigan ngunit wala man lang sa lugar ang kakilala niya bukod kay Red na mula pa kanina ang tingin sa kanya. Nakarami na rin ng beer si Vince. Hindi pa man ito lasing pero ramdam na nito ang pagkahilo. Gayunpaman hindi parin ito umalis sa lugar at umorder pa ng isa.

“sir, marami-rami na itong nainum niyo…gusto niyo ba magpatawag ako ng taxi para maihatid na lang kayo mamaya? Kami na ang bahala magbantay sa kotse niyo sa labas.” Tanong ng waiter kay Vince.

“No, I’m fine…kaya ko pa magmaneho. Bigyan mo pa ako rito ng isang beer.” Sagot ni Vince.

Dahil nga sa madalas na sa lugar na iyon si Vince kilala na rin siya ng mga nagtatrabaho roon. Nadagdagan pa ang mga bote ng beer sa harapan nito, ngunit ni isa man lang sa mga hinihintay na kaibigan walang dumating para samahan ito. Nang halos hindi na malagok nito ang huling bote sa kalasingan nag bill-out na ito para umalis. Pagiwang-giwang na ang lakad nito kaya isang bouncer na ang naghatid sa kanya sa kanyang kotse.

“Sir sigurado ka talaga na kaya mo pa mag drive? Itatawag na lang namin kayo ng taxi di kaya ng grab. Mukhang alanganin na ang sitwasyon mo eh, baka maaksidente ka pa sa daan niyan. Wait ka lang dito sir at magtatawag lang ako ng tulong sa loob para ma assist ka rito.” Ani ng bouncer.

“No need na kuya, ako na ang bahala sa baby ko.” Biglang sabat ni Red nang lumapit ito sa dalawa.

Napadilat ng mata si Vince kahit na halos papikit na ito ng marinig ang sinabi ni Red.

“Nagpapatawa ka ba? Kuya paalisin mo ang gago na iyan sa harapan ko baka masapak ko pa iyan.”

“Halos hindi ka na nga makalakad ng tuwid mananapak ka pa? Hayaan mong ako na maghatid sa iyo baby. Kuya iwan niyo na kami. May kaunting away lang kami nitong boyfriend ko kaya medyo mainit ang dugo sa akin. Ako na ang bahala sa kanya.” Wika ni Red, sabay tapik sa balikat ng bouncer tsaka may isiniksik sa kaliwang pa palad ng lalake.

Nang silipin ng bouncer ang palad, napangiti ito at tinangu-an si Red.

“Sige sir, ikaw na ang bahala sa shota mo. Iwasan niyo lang ang gulo baka maalarma ang ibang nandito. Baka sa presinto pa kayo matulog niyan. Kung ano man ang problema niyo pag-usapan niyo na lang dalawa. Iwan ko na kayo sir. Tsaka salamat dito.” Nakangiting tugon ng bouncer at iniwan na doon ang dalawa sa parking area sa tapat ng kotse ni Vince.

Nang makalayo na ang bouncer at nakapasok na muli ito sa bar. Nilapitan na ni Red si Vince.

“Ito na ang sandali ng paniningil ko sa iyo Vince.”

“Anong paniningil ang sinasabi mo? Wala akong kasalanan sa iyo gago!”

“Lasing ka na pero ang tuwid parin ng dila mong hayop ka. Oo wala ka ngang kasalanan sa akin pero sa kapatid ko meron. At dahil sa ginawa mo hanggang ngayon dala-dala pa rin niya ang sakit dahil sa kagagawan mong bakla ka.” Wika ni Red sabay sakal kay Vince.

Pumapalag na nun si Vince dahil sa pahigpit na ng pahigpit ang pagsakal sa kanya ni Red. Ngunit dahil sa kalasingan hindi nito natatapatan ang lakas ng lalake. Naging mahirap pa lalo kay Vince ang lumaban nang diniinan ni Red ng siko nito ang lalamunan ng lalake sabay dagan ng malaki nitong katawan kay Vince. Sa malayo tila naglalampungan lang ang ayos ng dalawa. Dahil bukod sa napagitnaan sila ng mga kotse, ang anggulo ng kanilang puwesto ay malayo sa mismong daanan ng mga tao. Kung may mapapadaan man doon iisipin talaga ng makakakita na naglalampungan lang ang dalawa.

“Papatayin kitang hayop ka, sinira mo ang buhay ng kakambal ko. Alam mo ba na buntis siya nang iwan mo?! Binuntis mo na nga ang kapatid ko, sinaktan mo pa siya! Alam mo ba na hanggang ngayon pangalan mo pa rin ang sinasambit niya? Hirap na hirap ang kapatid ko hanggang ngayon Vince, tapos ikaw ano? Parang wala lang?…masaya ka pa na pinangangalandakan sa lahat ang kabaklaan mo?!!! Para ano? Para takasan ang mga kasalanan mong puta ka!!!” Mga bulalas ni Red habang namumula sa galit kay Vince.

“Tang na,… nasasaktan ako gago!!!” Tanging nasasambit lang ni Vince.

Namimilipit na si Vince sa mga pagdiin sa kanya ni Red at pag sakal. At kahit halos mawawalan na ito ng hininga, pilit parin nito nilalabanan si Red kahit hirap na.  Nag-ipon ito ng lakas para makagalaw ng maigi. Pilit na inaabot ni Vince ng kanang kamay nito ang ibabang harapan ni Red. Iyon na lang ang naisip nitong paraan para bawian ng lakas ang lalake. Nang makapa na ang nais makapa, buong lakas na pinisil ni Vince ang harapan ni Red lalo na ang bayag nito. Sabay tulak sa lalake. Napabitaw si Red sa pagkakadiin kay Vince. Ininda nito ang ginawa sa kanya ng lalake. Kahit na hirap at hinahabol pa ang hininga, sinikap ni Vince na makalipat sa mas maliwanag na bahagi ng parking area. Pasuray-suray ito ng lakad habang humihingi ng saklolo. Pero dahil sa naghahabol parin ito ng hininga, pautal-utal ang bigkas nito ng salita.

“Hindi pa tayo tapos baby,… hindi pa ako tapos sa iyong hayop ka. Halika muna rito, pagsawaan muna natin ang isa’t isa.” Boses ni Red na nakasunod kay Vince.

Sakto naman ng mga sandaling iyon ay napadaan si Evan sa bahaging iyon ng bar. Malayo pa lang pansin na ng lalake ang dalawa na naghihilahan malapit sa parking area. Inakala pa ni Evan na baka normal na away lasing lang ang nakikita. Magpapatuloy na sana ito at hindi na mangi-alam sa gulo. Ngunit nang malapit na ito mismo sa bar, doon na nito namukhaan si Vince. Kaya agad itong napahinto malapit sa dalawa tsaka bumaba ng kotse. Agad nitong sinita si Red.

“Hoy ano ang ginagawa mo sa kanya?! Bitiwan mo siya kung hindi tatawag ako ng pulis.”

“Huwag kang umepal dito brad, away mag jowa ito. Ikaw ang umalis wala kang pakialam dito!” Tugon ni Red kay Evan.

“Tulong, papatayin ako ng hayop na ito. Tumawag ka ng pulis.” Wika ni Vince.

“Pare kung ayaw mo na masaktan, bitawan mo siya. Kilala ko ang lalaking iyan. Pakawalan mo siya hangga’t nakakausap mo pa ako ng maayos.” Sabat ni Evan.

Hindi na umimik si Red, itinulak nito si Vince nang mapansin na may ilang mga tao na ang nakapansin sa kanila.

“Hindi pa tayo tapos Vince, magkikita pa tayo.” Sambit ni Red bago ito tumalikod at sumakay sa kanyang kotse.

Si Evan naman agad na nilapitan si Vince para tulungan. Pinasakay niya ito sa kanyang kotse.

“Salamat…” Wika ni Vince kay Evan ng isinakay na ito ng lalake sa kotse.

“Ihahatid na kita sa inyo, magpahinga ka na lang diyan.” Tugon ni Evan.

“Sa …”

“Huwag ka na magsalita, alam ko na ang inyo.  Matulog ka na lang diyan, mukhang nilanta ka ng isang iyon.” Saad ni Evan.

Nakaidlip nga si Vince sa kotse ni Evan. Nang mga sandaling iyon balisa parin si Sonya para sa anak. Gabi na at wala pa rin ito. Maging si Herman hindi na rin mapakali at pabalik-balik na ito sa veranda. Maya-maya pa natanaw nito ang isang kotse na paparating. Bumaba ito kasama si Sonya para alamin kung sino ang kanilang bisita.

“Sir Herman, maam Sonya narito na po si sir Vincent.” Pagsalubong sa kanila ni Ponyang.

Dali daling lumabas ang mag-asawa at naawa na lang ang dalawa sa sitwasyon ng anak na akay-akay ni Evan at Tipen.  Pagkalapag sa tulog na tulog na si Vince sa malapad na sofa, doon na nagkuwento si Evan tungkol sa nangyari kay Vince.

“Maraming salamat iho sa pagtulong at pag-uwi mo ng ligtas sa anak namin. Ito tanggapin mo ang kaunting pasasalamat namin sa iyo.” Wika ni Sonya sabay abot ng pera kay Evan.

“Wag na po. Ginawa ko lang ang dapat. Pero sa tingin ko kailangan mai-blotter agad itong nangyari sa anak niyo. Narinig ko kasi na may pagbabanta sa kanya iyong lalake. Baka ulitin pa nun ang ginawa niya kay Vince.” Ani ni Evan.

“Ngayon din, papupuntahan ko ang bar na iyon. Mananagot sa akin ang may gawa nito sa anak ko. Salamat iho.” Sabat ni Herman.

“In case na kailangan niyo ng tulong, willing po ako. Ito po iyong card ko. Tumawag lang po kayo at aasahan niyo ako.” Saad ni Evan.

Pagkaalis kina Vince agad na tinawagan ni Evan si Kaloy para ikuwento rin sa lalake ang nangyari kay Vince. Muling nagkita ang dalawa sa bahay ni Evan.

“Ano ang gusto mo, beer o juice?” Tanong ni Evan kay Kaloy.

“Tubig na lang pare,”

“Mukhang hindi lang pala sa iyo may atraso ang boyfriend mong iyon. Siguro kung wala ako, baka napuruhan ng malala si Vince. Kitang-kita ko kasi ang ibang gigil ng galit sa mukha at mata ng lalaking iyon eh.” Ani ni Evan ng inabutan ng malamig na tubig si Kaloy.

“Buti na lang talaga napadaan ka sa area na iyon at inabutan mo pa siya.” Saad ni Kaloy.

“Madalas naman talaga ako dumadaan sa street na iyon kasi nga maraming bukas na bar at night market sa area. Nagkataon lang talaga na nasakto ako sa kanya kanina. Feel ko nga naroon iyon doon dahil sa nangyari sa inyo. Halos hindi na kasi iyon makalakad sa kalasingan, nang inuwi ko nga sa kanila parang lamog na talong. Lupaypay talaga.” Wika ni Evan.

“Nakonsensya tuloy ako sa pag-iwan ko sa kanya.” Ang nalungkot na sambit ni Kaloy.

“At  bakit pare? Valid naman ang rason mo kung bakit mo siya hiniwalayan. Kung may makonsensya man sa inyong dalawa, siya iyon pare. Ang babaw ng rason niya para makipagkantutan sa kaibigan mo. Tapos aarte siyang ganun dahil sa umalis ka… “ Komento ni Evan.

“Napaisip nga ako kung dapat ko pa ba siyang kausapin para linawin ang lahat at tuldukan na ng maayos ang tungkol sa amin o hahayaan ko na lang na lumipas at humilom ang lahat.” Para pa kay Kaloy.

“Depende sa’yo, pero sa akin parang hindi na kailangan. Harap-harapan mo na rin kasi nakita ang totoong kulay niya. Iyon pa nga lang ang nakita niya, ginantihan ka na agad ng doble. Naniniwala ako pare, kung nagawa na ng karelasyon mo ang kamalian ng isang beses, mauulit at mauulit lang din iyon. Kaya kung ako ekis na sa akin ang pag-usapan pa ang bagay na malinaw naman ang sagot.” Ayon kay Evan.

Isang malalim na buntong hininga ang naging tugon ni Kaloy sa komento ni Evan. Unang beses pa lang itong nasubok makipagrelasyon tapos sa lalake pa at ito pa ang nangyari. Magulo man ang nararamdaman ni Kaloy sa mga sandaling iyon ang tanging inaasahan lamang nito ang takbo ng tadhana para sa kanila ni Vince. Naawa ito sa lalake, pero hindi rin niya maiwaksi ang galit kay Vince.

Kinabukasan, balik buhay estudyante na naman. Kakaibang ingay ang bumubuhay sa paligid ng campus ng Bayag-bayagan sa araw na iyon. Magaan na awra, at masiglang tawanan ng mga estudyante ang maririnig sa paligid. May bago ng prinsipal ang eskuwelahan, suspendido ang karamihan sa mga barkada at miyembro ng grupo ni Dax. Dahil sa mga patong-patong na reklamo ng mga estudyante dahil sa pambu-bully humantong na sa mahigpit na seguridad ang paaralan sa pamumuno ng bagong prinsipal.

“Akala ko suspended kayong lahat, bakit nandito ka?” Ang mataray na tanong ni Megan nang makasalubong nito si Dax sa quadrangle.

“Hindi kita ina-ano Megan kaya huwag mo akong simulan.” Ang may inis na tugon ni Dax sa babae.

“Alam mo, ganyan na nga ang nangyari sa grupo niyo nag-aangas ka pa rin. Puwede ba Dax kahit minsan man lang maging good boy ka naman. Kaya maraming naiinis sa iyo dahil sa asta mong iyan.” Sabat pa ni Megan.

“Wala ka ng pakialam dun. Tsaka puwede ba, tigil-tigilan mo na ang pagdidikit sa akin. Hindi na ako nalilibugan sa iyo. Napagsawaan ko na ang tahong mo at hindi na ako interesado sa iyo. Sa iba mo na ilako ang tahong mo. Iyon kung may bibili pa ng bilasa ngayon.” Tugon ni Dax na gumawad ng sarikastikong ngiti sa babae.

Namula sa hiya si Megan. Sa inis nito nasampal nito si Dax. Gaganti rin sana ang lalake sa malutong na sampal sa kanya ng babae ngunit nagtimpi ito. Napatikom na lang ito ng mga palad sabay talikod paalis dun.

“Iyan kasi hiniritan mo pa ang ang gagong iyon. Nasupalpal ka tuloy. Naku kung hindi lang talaga masama ang magpakulam, pinakulam ko na ang bastos na iyon.” Wika ng kaibigang babae ni Megan.

“Makakahanap rin ng katapat ang gago na iyon.” Sambit ni Megan.

“Eh akala ba namin ikaw na iyong katapat niya? May inaasahan ka pa palang iba…sabagay mukhang napuntusan ka niya kanina. Below the belt na iyon girl. Buti na lang pok-pok ka. Kaya keri lang.” Sabat ng isa pa sa kaibigan ni Megan.

“Gaga, masakit pa rin iyon noh. Sabihan bang bilasa ang kepay ko. Ang harsh kaya nun. Kahit gamit na gamit na ito… I’ll made sure na always amoy fresh parin ito noh. Baka nga compared sa mga puday niyo mas mukhang virgin pa itong sa akin eh.” Saad ni Megan.

Ginagawang biro man ni Megan ang pagiging callgirl nito, sa loob niya naroon ang mahihinang hikbi ng hiya, at pagkamuhi sa mga ginagawa. Ngunit wala na itong magagawa. Doon na siya hinubog ng kanyang kapalaran. Iyon na ang naging tulay nito para marating ang mga pangarap na hirap parin niya maabot. Papasok na sila sa klase nang makasabayan nila si Kaloy na nagmamadali.

“Akala ko late na ako, buti at nakahabol pa.”

“Sakto lang ang dating mo noh, wala pa si sir.  Tara na sa loob.” Sabat ni Megan sabay kabig sa braso ni Kaloy at angkla rito.

Nang pumasok ang dalawa, hiyawan at palakpakan ang mga kaklase nila nang mapansin ang pagpasok nila ng sabay na parang magjowa. Aprobado sa lahat ang dalawa liban kay Dax na halos mag-away ang mga kilay habang nakatingin sa dalawa. Lalo na ng inirapan ito ni Megan matapos ihatid ito ni Kaloy sa kanyang upuan. Magkatabi ng upuan sina Dax at Kaloy, kaya nung papaupo na si Kaloy sa puwesto nito isang matalim na titig ang ginawad sa kanya ni Dax.

“May problema ka na naman ba sa akin pare?” Tanong agad ni Kaloy ng umupo ito.

“Iba ka rin pala noh, dinilaan na ng lahat…sinawsawan na nga ng marami, makiki-amot ka pa. Papatos ka lang din naman sa pok-pok pa.” Ang mahinang sambit ni Dax sa tanong ni Kaloy.

“Kung nagseselos ka sa nakita mo. Pasensya… pero hindi ko tipo ang ex mo. Kinakaibigan niya lang ako. Hindi ako interesado sa kanya kaya huwag kang magselos.” Ang mahinang tugon din ni Kaloy.

“Paki ko naman,… sayong-sayo na si Megan kung gusto mo. Tsaka bakit ba ako nakikipag-usap sa iyo?”

“Ewan ko sa iyo,… Sumasagot lang naman ako.” Wika ni Kaloy at napangiti.

Tumahimik si Dax at tinuon ang atensiyon sa kanyang cellphone. Lihim naman na napangiti si Kaloy. Napansin kasi nito ang tila pagbabago sa kilos ni Dax.

TELL ME YOUR MINE

Breaktime ng oras na iyon at magkasama sina Kaloy at Zyone papuntang canteen habang nagkukuwentuhan.

“Mukhang kumambiyo ang ugali ni Dax ah, pansin mo tol? Parang ang ilang niya ngayon. Tapos ang tahimik niya lang sa buong klase. Parang hindi ko nga naramdaman ang presensya niya kanina eh.” Komento ni Zyone.

“Pansin mo rin pala. Oo nga eh nanibago nga ako kanina parang ibang tao ang katabi ko kanina sa upuan.” Ika ni Kaloy.

“Ibig sabihin tumalab sa kanya ang pasampol mo. Tsaka sa mga kagrupo niya…asan sila ngayon? Finally tumahimik na ang campus dahil nabawasan na ang mga pasaway. Ikaw lang pala ang hinihintay ng Bayag-bayagan para huminto ang paghari-harian ng mga tukmol na iyon.” Ani pa ni Zyone.

“Pasalamat tayo sa papa ng kaibigan ko. Kay sir Herman dahil kung hindi niya inaksiyunan ang sumbong ko eh di tuloy parin ang yabang ng mga iyon dito.” Tugon ni Kaloy.

“Oo nga tama ka…, speaking of your kaibigan, bakit iba na naman ang naghatid sa iyo? Hindi ko lang maklaro kanina ang mukha nun pero mukhang pogi din ah. Friend mo rin iyon tol?”

“Bagong kaibigan, siya ang tumulong sa akin nung tinanggihan mo ako na makitulog muna sa iyo nang isang gabi.“sabat ni Kaloy.

“Naku sorry talaga nun tol, sa totoo lang kasi nahihiya ako na dun ka patulugin sa bahay, hindi kasi talaga iyon sa amin nakikitira lang din kami. Pero bakit ka nga pala naghahanap ng matutuluyan ng gabing iyon tapos umuulan pa. Di ka ba nakauwi kina Vince?” Biglang usisa ng kaklase kay Kaloy.

Ayaw nang magkuwento pa ang binata sa totoong dahilan, kung kaya’t nagdahilan na lamang ito na ginabi na nga ito ng uwi ng gabing iyon at ayaw ng makadisturbo ng tao. Naniwala naman si Zyone at di na dumagdag pa. Habang nasa canteen at kumakain isang kamag-aral na lalake ang lumapit sa table ng dalawa at may inabot na bagay kay Kaloy. Isang crochet na coin purse na may desenyong strawberry ang binigay ng kapwa estudyante kay Kaloy.

“Sariling gawa ko iyan para sa iyo. Pasasalamat dahil tinanggal mo ang takot ko. Lodi sana tanggapin mo.” Ang nahihiyang sabi ng lalake.

“Lodi? Bakit? May nagawa ba ako sa iyo para bigyan mo ako nito? Pero ang cute nga nito, tsaka sakto at strawberry pa. Paborito ko ito. Pero bago ko ito tatanggapin sabihin mo sa akin kung bakit tinanggal ko ang takot mo.” Wika ni Kaloy.

“Dahil sa ginawa mo kasing paglaban sa mga kagrupo ni Dax, hindi na ako takot sa nambu-bully bully sa akin. Basta ganun…idol kita.” Ang sabi pa ng lalake tsaka ito nagpaalam sa dalawa.

May gumuhit na ngiti sa mukha ni Kaloy, hindi nito akalain na may magandang epekto rin pala ang ginawa niya sa mga kapwa estudyante. Hindi pa iyon ang huli dahil may ilang mga other sections din na nagpaabot ng pasasalamat kay Kaloy at nagbigay sa kanya ng kung ano-ano. At may nagbayad pa ng kanilang kinain sa canteen, bagay na kinahiya na rin ng husto ng binata.

“Astig ka na tol, para ka ng celebrity dito sa campus. Ang dami mo ng fans, baka nga may fandom ka na rin dito eh. Actually sa totoo lang talaga ako iyon una eh. Dun palang sa ginawa mo sa akin nung una, fan mo na ako idol.” Wika ni Zyone.

“Baliw, nakikisakay ka naman. Nahihiya na nga ako nito eh. Parang lahat sila sa akin na nakatingin. Hindi naman ito ang pangarap ko noh. Ayoko ko lang talaga sa mga bully.” Sabat ni Kaloy.

“Eh sa ganun na ang tingin nila dito sa iyo, i-enjoy mo na lang tol. Isipin mo na lang inspirasyon ka para sa kanila. Good example. Tsaka advanced ticket mo na iyan sakaling may balak kang tumakbo bilang president ng student council, tiyak landslide ang panalo mo.” Ani ni Zyone.

“Lalong ayoko ko nun gago. Ano ang alam ko sa ganyan? Balik na nga lang tayo sa classroom. Kung ano-ano na ang ini-imbento mo dyan.”

Isang linggo na lang at pilian na naman mga tatakbo para sa student council ng Bayag-bayagan National High School.

Kung si Kaloy walang hilig sa mga ganun,  ang mga kaklase naman niya kasama ang ibang mga seksyon siya ang pinipisil na magiging kandidato sa mataas na posisyon. Rinig pa ni Dax ang sigawan at hiyawan ng mga kaklase sa koridor habang sinasambit ang pangalan ni Kaloy. Para hindi na madagdagan pa ang inis sinuot ni Dax ang earphones nito tsaka nilakasan ang pinapatugtog na kanta. Tuloy lang ito sa paglalakad nang nakayuko na para bang walang mga tao sa kanyang paligid. At nang dahil sa sahig ang atensiyon nito hindi nito namalayan ang kanyang makakabangga. Pagka-angat ng ulo ni Dax napamura ito nang makita kung sino ang nakabangga.

Si Travis ang isa rin sa kilalang may grupo sa eskuwelahan na iyon. Ngunit di tulad ng grupo ni Dax. Wala mga kagrupo ni Travis ang sangkot sa mga pambu-bully.

Nang magkatinginan ang dalawa agad na  inangasan ni Travis si Dax. Kung dati umiiwas ito kapag nakakasalubong si Dax, nang sandaling iyon tila nabaliktad ang eksena. Nilapitan nito si Dax sabay hablot ng suot na earphones ng binata tsaka ibinagsak sa sahig at inapakan hanggang sa nasira.

“Sige umalma ka! Ngayon mo ilabas ang angas at tapang mo na mag isa! Ha ano?! Galaw Dax! Diba hari ka dito?! Patunayan mo! Ang daming tao oh…ipahiya mo naman ako.” Pang aasar pa ni Travis.

Tahimik lang si Dax na nakatitig ng masama kay Travis. Tikom ang mga palad, pilit na kinukulong ang galit sa mga kamay. Akma na sana itong aalis para umiwas nang itinulak ito ni Travis sa dibdib ng malakas. Na out of balance si Dax at kamuntikan na matumba kung di lang ito naagapan ni Kaloy na agad hinarang ang pagtumba nito. Napasandal sa dibdib ni Kaloy si Dax habang sapong-sapo naman ng binata ang likod at balikat ni Dax.

Nagulat si Dax nang mapalingon kay Kaloy, tila bumagal ng ilang segundo ang sandali ng magkatitigan ng mata sa mata ang dalawa. Agad naman bumitaw si Kaloy ng makatayo na ng maayos si Dax. Biglang nagpalakpakan at nagtawanan ang mga estudyante na naroon sa koridor dahil nakitang tagpo. Nanlamig sa hiya si Dax at dali-dali na lamang ito umalis na hindi na pinansin si Travis,…maging si Kaloy.

“Nagawa mo pare, pinahiya mo rin ang walang hiyang iyon. Deserve niya ang mahiya.” Ang natatawa pang sabi ni Travis kay Kaloy.

“Pero sa nakita kong ginawa mo, parang ginaya mo na rin ang ugali niya. Alam ko marami tayong may inis kay Dax, pero sana huwag naman natin ulitin sa kanya ang ginawa nila sa atin. Puwede ba iyon pare?” Tugon ni Kaloy sabay abot ng kamay nito para makipagkamay kay Travis.

Ngunit sa halip na tumugon,tinapik lamang ni Travis ang balikat ni Kaloy sabay sabing…

“Tsaka na ako makipagkamay sa iyo pare pag ikaw na ang president ng student council. Sa ngayon magkaibang partido muna tayo. At sa pakiusap mo, pag-iisipan ko…iyon kung may oras ako.” Ani ni Travis sabay gawad ng sarkastikong ngiti kay Kaloy tsaka umalis.

Sa sinabi sa kanya ng lalake napatingin si Kaloy kay Zyone na may katanungan sa mukha.

Sa Victor High Academy… Sa mismong classroom nila Nate usap-usapan sa kanilang barkada ang hiwalayang Vince at Kaloy. Lalo pa at wala ng araw na iyon si Vince. Hindi na ito nakapasok dahil sa matinding epekto ng paglalasing nito.

Kumpulan sa isang gilid sina Tanya, Yessa, Dustin, Mon at Xander…na ang topiko si Vince.

“Hindi ko nga alam kung magkalandian ang zumba instructor namin dun at ang jowa ni Vince noh. Tsaka hindi ko rin nakita ang eksena mismo na sinumbong sa inyo nila Bella at Eunice. Hindi na kasi ako sumiksik pa sa mga nag su-zumba that day at nag jogging na lang. Binalikan ko na lang iyong dalawa ng tapos na. Duda pa nga ako sa kuwento nila, sabi ko nga sa kanila baka hindi naman. Hanggang sa bigla na lang ako tinawagan ni Vince. And asking me about that instructor na hindi ko nga kilala ang name.” Kuwento ni Tanya.

“Baka nga wala naman talaga at binigyan lang nila Bella ng ibang meaning ang kanilang nakita. Alam niyo naman ang dalawang iyon lalo na si Eunice, mahilig bumuo ng kuwento.” Komento ni Yessa.

“Kung ano man iyon, it only means na totoong may pinagdadaanan nga ngayon si Vince. Kaya nandoon siya sa tambayan natin kagabi. And he’s waiting for us dude. Kinailangan tayo ni Vince pero wala tayo. Kaya siguro absent iyon ngayon kasi nagpakalasing iyon ng sobra  bro.” Wika ni Dustin.

“Bro kung nandun tayo wala naman tayong maiambag na tulong sa kanya. Ano naman ang alam natin sa ganyan? Pinasok ni Vince ang ganyan,I’m sure alam niya on how to handle his problem.” Sabat ni Xander.

“Tsaka lalake lang iyon bro …ano ang mawawala sa kanya? Kung sa mga babae nga niya dati parang medyas lang sa kanya …ngayon pa sa magkakaganyan? Liban na lang siguro kung magaling bumembang si Carlo.” Ang tawang-tawa na komento ni Mon.

Saktong pagpasok naman nun ni Gibo galing pag-cr. Rinig niya ang usapan ng mga kaklase na kaibigan pa man din ni Vince. Saglit na napatingin ito sa kanila dahilan para tumahimik lima at pinalitan ang usapan. Nakaramdam ng awa si Gibo para kay Vince. Gayundin ang guilty, na kung hindi dahil sa ginawa niya hindi na sana umabot sa hiwalayan nila ni Kaloy ang lahat. Hindi na sana ito pinagtatawanan ng mga kaibigan. Tahimik na naupo si Gibo sa kanyang upuan. Napabaling ito sa katabing bakanteng upuan, sa upuan ni Nate…na absent din sa araw na iyon.

“Wala kang pasok?” Tanong ni Karl sa anak ng mapansin niya itong kakababa pa lang ng hagdan galing sa kanyang silid.

“Hi dad good morning. Hindi ko narinig ang alarm ko kanina kaya na late ako ng gising. Alanganin narin sa oras, hindi na din naman ako makahabol.” Sagot ni Nate sa ama.

“Nathaniel James, hindi ko tinatanggap ang excuse mo na iyan. That’s not even a valid reason. Kelan ka pa natutong umabsent nang ganyan? I told you, hahayaan kita sa mga layaw mo but prove to me na worth it ang pagkatiwalaan kita. I hate surprises you know that.” Ang galit na reaksyon ni Karl sa tinugon ng anak.

“Dad naman, ngayon lang ito. Ang OA naman ng reaksyon mo. Napasarap lang kasi talaga ang tulog ko kaya hindi agad ako nagising sa alarm. Good boy ’tong nag iisa niyong lalake dad. Promise hindi mapuputol ang mga academic achievements ko since grade. Magtatapos ako with honors o baka nga summa pa nga eh.” Saad ni Nate.

“Baka summa-suma-sideline sa iba. Good morning dad.” Biglang sabat ni Nathalie sa usapan sabay halik sa ama ngunit may pairap ng mata sa kuya nitong si Nate.

Muling napakunot ang noo ni Karl nang lumapit ang anak nitong babae.

“Pati ikaw hindi rin pumasok? Don’t tell me na hindi mo rin narinig ang alarm ng cellphone mo. Lunes na lunes absent kayo?!”

“Dad wala talaga kaming pasok today, legit iyon kahit magtanong pa kayo sa school. May seminar ang buong faculty members sa year level namin today kaya bukas pa ang resume ng klase. Tsaka wala sa bucket list ko ang absent dahil lamang sa awkwardness noh.” Muli nitong inirapan si Nate.

“Whatever, malalaki na kayo. But mind you both…huwag niyo akong i-disappoint. Alam niyo ang rules ko. Anyway may lakad kami ng mom niyo ngayon para sa charity event ng kompanya. Since wala naman kayong pasok, pumunta na rin kayo. Aasahan namin kayo ng mom niyo sa Aurum Hotel mamaya. Jessica halika na baka ma-late pa tayo!” Ani ni Karl nang iwan ang mga anak.

Hindi nakasagot pa ang dalawa. Labag man sa kanilang loob, wala na silang magawa. Nang makaalis ang mga magulang agad na tinanong ni Nate ang kapatid kung bakit ganun nalang ito sa kanya kanina.

“Naku kunwari ka pa, alam ko ang rason kung bakit absent ka ngayon. Nahihiya kang makita ang bestfriend mo noh. At malaman niya tinatalo mo siya kay Kaloy niya. Kaya pala ayaw mo magbigay ng detalye… May pinoprotektahan ka pala. My god naman kuya, pang rebound ka lang nun.” Tugon ni Nathalie sa kuya.

“Ano bang pinagsasabi mo? Anong rebound? Ayusin mo nga iyang sinasabi mo, naiinis na ako sa iyo.” Wika ni Nate.

“Bakit magkasama kayo ni Kaloy nung isang gabi tapos doon ka pa talaga natulog sa kanila. Tsaka grabe din kayo kung makapagharutan na dalawa sa video parang wala lang breakup na nangyari kay Kaloy at Vince. Rinig pa talaga ang tawa niyo. Tsaka ang mga kuha habang magkatabi sa duyan, parang kayo ang mag-jowa, kuya. Pag nakita ito ni dad, goodluck sa iyo. Alam mo naman iyon galit sa bakla, ayaw kay Kaloy. Diba nga pati si Vince ban sa kanya.” Kuwento ni Nathalie.

Nagulantang sa narinig si Nate at agad hiningi sa kapatid ang pruweba. Ipinakita naman sa kanya ng kapatid ang mga posted video at mga stolen shots na pinablik nina Paquito at Burnok sa kanilang mga social media na  nakatag pa mismo kina Kaloy at Nate. At dahil nakafollow din si Nathalie kina Paquito at Burnok nakita niya agad ang mga naturang post. Hindi man tinanggi ni Nate sa kapatid ang nasa mga post, pinabulaanan naman nito ang hinala ng kapatid na nakikisawsaw ito sa relasyon ni Kaloy at Vince. At sinabing naroon lang siya doon dahil kina Paquito at nagkataon lang na nandoon din si Kaloy. May duda man sa sinabi ng kuya, naniwala naman ito sa sagot ni Nate si Nathalie.

Samantala…

“Dapat pa ba akong sumama diyan mahal?” Tanong ni Tess kay Karding.

“Siyempre naman, asawa kita eh. Tsaka nakakahiya ang umakyat ng entablado na walang kasama. Deserve mo rin ang matatanggap ko na parangal. Para sa iyo din iyon.” Sagot ni Karding sa asawa.

“May ganito pala dito noh? May pa award-award pa. Akala ko sa mga pakontest lang.” Ani ni Tess.

“Nagulat nga ako nang maimbitahan ako ng Lokal Agri-Traders para dito. Hindi ko naman inaasahan na kasali na ako sa listahan. Dati mga kasabayan ko lang sa agri-fair noon. Ngayon ako na.” Wika pa ni Karding.

“Saan nga pala iyong hotel?”

“Sa Aurum Hotel Mahal. Medyo sosyalan dun Mahal, kaya dapat angat sa lahat ang ganda mo. Pakita mo mamaya na hindi lamang taga siyudad ang may karapatan magsuot ng magagarang damit at alahas, kundi pati na ang mga taga bundok. Teka…aayusin ko lang ang kuwentas mo.” Sambit ni Karding habang sinusuot ang mamahaling kuwentas kay Tess.

Sa ayos ng babae, at sa suot nitong eleganteng puting bestida, lalong lumitaw ang nakatago nitong ganda.

“Ang ganda naman ng nanay namin oh, tsaka si tatay poging-pogi din ah. Saan ang date niyong dalawa Tay bakit ang aga naman?” Bungad ni Burnok nang pumasok ito sa sala.

“May dadaluhan kaming awarding ceremony para sa mga nominadong micro planters at farmers na may success story. Ayaw nga sana namin ng nanay niyo, eh kaso nakakahiya naman sa kaibigan ko na nag-imbita sa amin. Siya nga pala pagdumating si Kaloy at wala kami pakisabi na sumunod sa pupuntahan naming hotel… Nagpa-reserve na ako ng kuwarto para sa atin.” Tugon ni Karding.

“Pati kami kasama Nay?”

“Oo naman, pagkatapos ng event doon. Mag-bonding tayong lima sa hotel na iyon. Kahit isang gabi lang, kaya sumama na rin kayo kay Kaloy mamaya. Si Evan na din ang magdadala sa inyo roon.” Ani pa ni Tess.

“Aalis na kami, ang bahay secure niyong maigi bago iwan.”

Bilin ni Karding kay Burnok nang umalis ito.

Sa kabilang banda,…tinanghali na nang gising si Vince at masama pa rin ang pakiramdam dahil sa sobrang kalasingan. Nagulat pa ito nang sa kanyang pagmulat ay nasa loob na siya ng kanyang kuwarto. Bigla kasi nawala sa isip niya ang mga nangyari sa kanya nung nakaraang gabi. Hanggang sa naalala niya ang ginawa sa kanya ni Red. Dali-dali itong bumaba at hinanap si Ponyang. Ngunit ang una nitong inabutan sa baba ay si Herman.

“Gising ka na,… good morning, diretso ka na sa dining area nang makapag almusal ka.” Wika ni Herman.

“Dad, morning.”

“Good morning…kamusta?”

“I’m good, medyo sumasakit lang ng unti ang ulo. But how I got home last night?” Ani ni Vince sa ama.

“Wala kang maalala from everything that was happened to you last night?” Balik na tanong ni Herman sa anak.

“I was way too drunk last night, that’s all I know. Then… Red and I had a confrontation… and then nothing. I can’t remember anything else.“sagot ni Vince.

“You don’t remember that… that jerk Red almost killed you? Good thing Evan found you and helped you, and even brought you home last night, even though he doesn’t even know you personally.” Wika ni Herman.

“Sinong Evan?” Tanong ni Vince na may pagtataka.

“Kakilala niya si Kaloy. Minsan na siyang nasakyan nito from here, suma-sideline siyang grab car driver. Familiar ka sa kanya at kilala ka niya sa mukha. Siguro nakita ka niya rito nung sinundo niya si Kaloy. Kaya ka niya naihatid dito kagabi. Iyong kotse mo nasa garahe na si Tipen na ang pinakuha ko kagabi sa parking area ng bar. Siya nga pala ano ang problema sa iyo ng Red na iyon?” Tugon ng ama.

“Brother siya ng ex ko na nabuntis ko.”

“What nakabuntis ka?”

“Ang sabi,…pero nakunan din daw dahil na depress nung hiniwalayan ko. Nag attempt na mag suicide pero naagapan.” Ani ni Vince.

“So, you’re the reason Federico’s daughter ended up like that? Why didn’t you tell us this before? We could have fixed this a long time ago, and things wouldn’t have escalated like this. No wonder Red’s still so angry at you to this day.” Sambit ni Herman sa anak.

“Why, Dad? Were you even around back then for me to talk to? Were you here so I could have confided in someone about my problems? I was all alone because you weren’t here. And who do you think I could have asked for help back then? No one… just me, because you and Mom were too busy.” Sagot ni Vince sa ama.

Hindi na nakaimik si Herman, alam niyang tama naman sa puntong iyon ang kanyang anak.

“Nakipag areglo na ako sa ama ni Red dahil sa nangyari sa inyo. Minsan ka pa niyang saktan at ipapakulong ko na siya.” Wika ni Herman.

“Iyong Evan, may sinabi pa ba siya? Sabi niyo kakilala siya ni Kaloy.”

“Nangako siya na tutulong sakaling magsampa ka ng reklamo kay Red. Nag-iwan siya ng card. Nariyan ang contacts niya. Ikaw na mag tanong sa kanya tungkol kay Kaloy.” Ani ni Herman sabay abot kay Vince ng card.

Tila may kung anong kaba sa puso ni Vince nang makita ang card na inabot ng ama sa kanya.

“Evan Suson,… master choreographer, professional dance instructor, aerialist trainer and dance pool instructor. BreakZone dance studio. Dancer pala ito, ma check nga sa InstaGlam kung may account ang isang ito.” Sa isip ni Vince habang pinagmamasdan ang card.

Unang type pa lang ng pangalan ni Evan, lumabas agad ang profile photo nito na agad namukhaan ni Vince. Binuksan pa nito ang laman ng public post ng lalake at nakumpirma nga niya na si Evan iyon. Na ang taong pinaghihinalaan niyang may kaugnayan kay Kaloy at ang taong na tumulong sa kanya ay iisa. Lalong na curious si Vince sa katauhan ni Evan kaya agad siya nag follow dito. Sinubukan niya ring tawagan ang numero ng lalake na nasa card ngunit panay lang ang tunog nun.

Limitado lang ang mga post sa IG account ni Evan kaya naghanap pa sa ibang social media si Vince patungkol sa lalake. Hanggang sa napunta ito Ex-zit na social app. Kung saan nalantad sa kanya ang wild version ni Evan, kung saan lahat ng mga posted video at image nito ay puro pasarap, pabukol at patakam. Maganda ang body shape ni Evan, physically proportion sa malapad niyang baliktad,malaking dibdib, batak na biceps at malaking braso. Dagdag pa ang matambok nitong puwetan at malaman na hita. In short bortang borta mula ulo hanggang dulo.

“Malaki lang ang katawan mo ng kaunti sa akin, pero lalaban din ang katawan ko ng pasarapan sa iyo. At ngayong kilala na kita, hindi kita hahayaang umeksena sa buhay ni Kaloy. Ang akin ay akin.” Wika pa ni Vince sa sarili habang tinitingnan ang mga larawan at videos ni Evan.

Natapos na ng araw na iyong ang mga mid subjects nila ni Kaloy ngunit hindi na nakabalik ng klase si Dax. Kung para sa lahat balewala lang ang hindi pagsipot ng lalake sa kanilang klase, kay Kaloy iba… nag-aalala ito sa kaklase. Saktong kanselado ang mga subjects nila sa panghapon dahil may ganap ang mga guro nila kaya mapapaaga ang kanilang uwi. Pagkalabas ng lahat sa kanilang silid nilapitan ni Kaloy si Megan.

“Hay naku yummy C, hindi ako hanapan ng nawawalang aso noh. At pake ko naman sa aswang na iyon. Sana nga hindi na talaga iyon pumasok ng gumaan naman ang mood ko araw-araw. Tsaka bakit mo pa hinahanap ang wala? Ako kaya ang hanapin mo, at may ipapakita agad ako sa’yo na ikatutuwa mo. Gusto mo iyon … yummy C?” Sabat ni Megan na  may padaplis pa ng dibdib nito sa braso ni Kaloy.

“Patay tayo diyan Megan,… hindi pa ready ang mata ko sa ganyan. Sige mauna na ako, ingat na lang sa pag-uwi. Kita na lang ulit tayo bukas.” Pag-iwas ni Kaloy sa babae.

Maaga pa para umuwi kaya tumambay pa saglit sa campus si Kaloy para makipagkwentuhan sa mga kaklaseng lalake na naka-tambay sa football ground. Maya-maya pa naisipan nitong mag banyo. Malayo ang main CR sa football field kaya tinungo nito ang lumang building sa likod ng field para doon magbawas. Habang umiihi na ito, biglang natigilan si Kaloy nang may narinig itong tila humihikbi sa isa sa mga silid sa sirang gusali. Noong una nakaramdam ng takot at pag-aalangan si Kaloy, ngunit nang mapagtanto nitong kilala niya ang boses ng humihikbi. May kung anong nag-udyok sa kanya na usisain ang pinagmulan ng iyak.

Marahan itong lumapit sa isang silid na walang pintuan.

“Dax?” Sambit nito nang makita si Dax na nakasiksik sa isang sulok nang nakatiklop ang mga tuhod habang nakaupo sa sahig. Umiiyak.

Napabalikwas ng tayo si Dax nang makita si Kaloy na nakatayo sa kanyang harapan, agad din ito nagpunas ng luha sa mukha at tiningnan ng masama si Kaloy.

“Ano ang ginagawa mo rito?!” Panitang tanong ni Dax kay Kaloy.

“Hindi ko alam na narito ka, iihi lang sana ako nang marinig kitang umiiyak. Ayos ka lang?” Balik na tanong ni Kaloy kay Dax.

“Ano naman sa iyo?! Tsaka umiwas na ako sa iyo diba? Bakit nandito ka pa?!”

“Kung kailangan mo ng kausap puwede ako. Hindi mo ako kalaban pare.” Wika ni Kaloy.

“Nagpapatawa ka ba? Ano ka ba sa tingin mo? Baka nakalimutan mong ikaw ang puno’t dulo ng nangyari sa akin. Kaya kung ayos pa iyang isip mo, umalis ka na rito, baka makalimot pa ako at hindi masaktan kita.” Tugon ni Dax.

Napailing na lang si Kaloy…

“Ang hirap mo rin amuhin pare. Kung ayaw mo…ikaw ang bahala. Pero sana okay ka lang.” At umalis na si Kaloy.

Nang makaalis na si Kaloy muling bumuhos ang emosyon kay Dax, lumabas ang galit nito at pinagsusuntok ang pader roon. Napasigaw na rin ito sa inis. Napahagulgol ito. Sa ganung tagpo muling sumipot si Kaloy sa likod ni Dax. Agad nitong pinigilan si Dax sa kanyang ginagawa. Kahit nagpupumiglas pa ang lalake hindi na binitawan pa ni Kaloy si Dax. Kinulong niya ang kaklase sa kanyang mga bisig at pilit pinakakalma si Dax.

“Tama na kasi iyan Dax, dumudugo na ang mga kamay mo! Ano ba pare…tama na!” Wika ni Kaloy habang pinipigil si Dax.

Napaupo na sa sahig ang dalawa habang yakap-yakap ni Kaloy si Dax na humahagulgol.

“Iwan mo ako! Hindi kita kailangan! Iwanan mo na ako!!!” Sigaw pa ni Dax.

“Tsaka lang kita iiwan kung umayos ka. Kausapin mo ako sa problema mo. Oo, maaring hindi mo ako kailangan, pero nandito ako bilang kaibigan, bilang kaklase mo. Sorry kung hindi naging maayos ang simula natin. Pero sana naman huwag mong isipin na karibal mo ako sa kasikatan mo.” Tugon ni Kaloy.

Sa patuloy na pakiusap ni Kaloy, unti-unting kumalma si Dax hanggang sa tuluyang humupa ang mga paghikbi ng lalake. Nang huminto na sa pagpupumiglas si Dax, niluwagan na rin ni Kaloy ang pagyapos sa kaklase. Umurong ito para bigyan ng puwang si Dax. Tahimik ang mga simula ng mga sandali sa pagitan ng dalawa. Walang imikan, nagpapakiramdaman. Hanggang sa magkuwento na si Dax kay Kaloy.

Sa hotel kung saan gaganapin ang dadaluhang event ng mag asawa agad na napansin ni Karl si Gab na kausap ang ibang mga personalidad na imbitado rin sa event.

“Pare, hindi ko alam na invited ka rin pala rito?” Ang nakangiting bungad ni Karl sa kaibigan mayor.

“Siyempre pare,…pag ganitong mga okasyon dapat present tayo. Alam mo na, malapit na ang eleksyon dapat ngayon pa lang kitang-kita na tayo.” Tugon ni Gab.

“Sabagay, pero kilala kita pare… mainipin ka sa mga ganitong event. Goodluck kung makakatagal ka hanggang mamaya.  Rinig ko may tatlong oras yata o mahigit ang event na ito.” Ani pa ni Karl.

“Kakayanin para sa cause ng event na ito. Siya nga pala si Jessica, kasama mo ba?”

“Nasa pa banyo siguro, nagpaalam kasi iyon kanina sa akin.” Sagot ni Karl.

“Ganun ba, while waiting… doon muna tayo sa area na iyon. Mamaya pa naman magsisimula ang programa.” Ani ni Gab.

Si Jessica naman nun kakatapos lang mag banyo at nag-aayos na ito noon ng kanyang make-up sa salamin ng banyo nang may pumasok. Namilog ang mga mata ni Jessica nang magkatinginan sila ng babae na kakapasok lang nun ng pinto. Maging ang nakitang babae ay laking gulat din nang makita si Jessica roon.

SAFE SPACE

Gulat na gulat si Tess nang makita sa banyo na iyon si Jessica. Tulala itong nakatitig sa babae. Nais niyang lumabas para umiwas ngunit naunahan na ito ng pagkabigla.

“Teresa, kamusta? Ang ganda mo. Wala parin nagbago sa iyo kahit nung huli kitang nakita.” Wika ni Jessica na nginitian si Tess.

“Maayos lang ako, Jessica. Ikaw kamusta? Parang gaya ka parin ng dati, halos wala rin sa iyo nagbago. At mas gumanda ka pang lalo.” Tugon ni Tess, bagama’t ramdam ang ilang ng mga sandaling iyon.

“Salamat, pero hindi na rin maitatago ang mga edad natin. Ano nga pala ang ginagawa mo rito sa hotel na ito?” Tanong ni Jessica.

“Sinamahan ko lang ang asawa ko. Uhm… puwede ba na maiwan muna kita. Gagamit lang ako ng banyo?”

“Sure, pasensya na at naharang pa kita. Siya nga pala Teresa, ayos lang ba sa iyo kung hihintayin na kita? Kuwentuhan lang tayo.”

“Ah eh kuwan, baka kasi hinihintay na ako ng asawa ko.”

“Okay sige lalabas na lang din ako, sana magkita muli tayo mamaya. Pupuntahan ko lang si Karl.”

Nanlamig si Tess nang marinig kay Jessica na kasama rin nito si Karl. Dali-dali nitong tinapos ang ginagawa sa loob ng cubicle tsaka lumabas. Agad nitong tinawagan si Karding na noo’y kausap ang mga dating kasabayan sa mga trade fair na imbitado rin sa event doon.

“Mahal parang hindi na yata ako makakasama sa iyo sa stage mamaya. Ang sama ng lagay ng tiyan ko. Baka magkalat pa ako sa venue mamaya.” Pagdadahilan ni Tess.

“Nasaan ka ba mahal?”

“Nasa banyo ako, pero palabas na.”

“Ang mabuti pa ihatid na muna kita sa kinuha kong silid natin.” Ani ni Karding.

“Hindi na mahal, uuwi na lang ako. Ikuha mo na lang ako ng taxi.” Sambit ng asawa.

Dahil sa pag-aalala sa asawa, sinamahan na nito si Tess para makauwi.

“Mukhang masama nga ang pakiramdam mo mahal, nanlalamig ka na sa pawis. Ang mabuti pa ako na ang maghahatid sa iyo sa bahay. Hindi naman siguro masisira ang event na ito kung wala ako. Tsaka dumaan na rin tayo ng ospital para matingnan ka.” Wika ni Karding.

“Ang OA mo sa ospital mahal. Kaya ko na ito. Dito ka lang. Once in a lifetime lang ang moment na ito kaya dapat nandito ka. Gustuhin ko mang samahan ka hindi talaga sangayon ang tiyan ko.” Saad ni Tess.

“Oh sige, pagkauwi mo tawagan mo agad ako. Pagkatapos ng awarding uuwi na rin ako. Diyan na lang tayo mag si-celebrate mamaya.”

Nang mga sandaling iyon kausap na ni Jessica ang asawa at sinabi na nito sa lalake ang pagkikita nila ni Teresa. Mabilis naman na tumugon si Karl at sinamahan ang asawa na hanapin sa buong venue si Teresa. Bawat lamesa ng mga guests sa lugar ini-isa-isa ng dalawa. Nang maka-banggaan ni Karl si Karding. Tila hinila pabalik sa nakaraan ang dalawa nang magtama ang kanilang mga tingin sa isa’t isa. Tila isang eksena sa pelikula ang nangyari nang biglang bumagal ang oras sa pagitan ng dalawang lalake. Nabasag lang ang pagkapako ng dalawa, nang magsalita na ang host sa stage para sa pagsisimula ng programa.

Mabilis na nilampasan ni Karding si Karl at naupo sa kanyang lamesa. Si Karl naman nilapitan si Jessica habang naiiwan ang mga tingin nito sa puwesto ni Karding.

Samantala, naisipan na ni Kaloy na umuwi. Nagpaalam na ito kay Dax.

“Uwi na ako, tsaka umuwi ka na rin. Magpahinga ka… hihintayin kita sa klase bukas.” Wika nito kay Dax.

Tahimik lang si Dax ngunit tumango naman ito kay Kaloy. Papaalis na si Kaloy nang siyang pagtayo ni Dax.

“Ingat sa pag-uwi.” Sambit ni Dax na may matipid na ngiti sa labi.

“Same to you pare.” Tugon ni Kaloy at nginitian si Dax.

Hindi maikubli ni Kaloy ang saya habang papalayo kay Dax. Naging pangit man ang simula ng dalawa mukhang sa pagkakataon na iyon malamang magbago na. Nang pagkalabas ni Kaloy ng gate, naroon na si Evan na nakaabang sa kanya. Nakangiting sinalubong ng lalake si Kaloy sabay akbay sa binata. Tagpong na nakita ni Dax nang sinundan niya ang kaklase. May kurot ng inggit na dumampi sa loob ng lalake habang tinatanaw ang kotse ng dalawa na papalayo.

Sa kotse, agad na sinabi ni Evan kay Kaloy ang bilin sa kanya ni Tess bago ito sunduin ang binata.

“Kasama ka ba sa amin mamaya?” Tanong ni Kaloy.

“Hanggang dinner lang siguro. Family bonding niyo iyon eh. Siya nga pala pare si Vince tinawagan ako kanina. Akala ko booking kaya sinagot ko. Hindi ko na sana kakausapin nang malaman kong siya. Kaso ang kulet…Gustong makipagkita sa akin.” Ani ni Evan.

“Bakit naman daw?”

“Personal daw magpapasalamat sa akin. Sabi ko ayos na, nagdahilan na lang ako na busy ako. Pero ang kulet talaga… kakatawag nga lang niya kanina nang sunduin kita.” Sabi pa ni Evan.

“Baka interesado sa iyo kaya nagpaparamdam. Bakit di mo kitain. Kulang pa siguro sa kanya ang isa, balak pa magdagdag.” Wika pa ni Kaloy na kapansin-pansin ang inis sa boses.

“Selos na ba iyan pare?”

“Dapat pa ba ako magselos matapos ang nangyari sa amin? Ayoko nang ma stress pa sa relasyon na wala namang kasiguraduhan pare. Kaya go lang, hindi ako magseselos.” Ani ni Kaloy.

“Hindi? pero iba ang nakikita ko sa mga mata mo. Pare di mo man aminin alam ko may naiwan pang bakas diyan sa puso mo ang Vince na iyon. In denial ka lang kasi masyado kang nasaktan sa nakita mo. Naniniwala ako mahal mo pa iyon.” Komento ni Evan.

Napailing na lang si Kaloy sabay buntong hininga ng malalim. Napatingin ito sa side mirror na nasa kanyang bintana nang may napansin ito sa likuran nila ni Evan.

“Bilisan mo pare… may nakasunod sa atin.” Wika ni Kaloy kay Evan na tila balisa.

“Sino ang nakasunod sa atin pare?” Pagtataka ni Evan.

“Kotse iyan ni Vince. Tumingin ka sa likod.” Sambit ni Kaloy.

Nang mga sandaling iyon pala kanina pa sila sinusundan ni Vince mula pa sa eskuwelahan ni Kaloy. At dahil kitang-kita mismo ni Vince na magkasama sina Kaloy at Evan, kung ano-ano na ang naiisip nito patungkol sa dalawa. Magkahalong galit, selos at inis ang nararamdaman ni Vince habang sinusundan ang kotse ni Evan.

“Ang bilis mo naman makahanap ng bago. Pero hindi… Hindi ako papayag na makukuha ka niya sa akin. Akin ka lang Kaloy. Pangako babawi ako sa iyo. Bumalik ka lang sa akin.” Sambit ni Vince sa sarili.

Patuloy itong nakasunod sa dalawa.

“Ibig sabihin alam na ng ex mo na magkasama tayo. Ano kaya ang iniisip niya ngayon sa atin?” Wika ni Evan.

“Hayaan mo siya mag-isip ng kung ano sa atin. Bahala siya.” Tugon ni Kaloy.

“Parang wala yata siyang balak na lubayan tayo ng sunod. Feeling ko, nagdududa na iyan siya na may something tayo.” Ani ni Evan.

“Eh di magselos siya.”

“Ayaw mo na ba siyang kausapin?” Tanong ni Evan kay Kaloy.

“Ayaw ko muna siyang makita. Hindi muna ngayon.”

“Okay, ilalayo na muna kita sa kanya.” Wika ni Evan.

Pinatakbo ni Evan ang kanyang kotse ng mas mabilis lamang hindi na makasunod si Vince. Lumihis ng ibang ruta si Evan maiwasan lang si Vince. Ilang mga kalye at mga kanto ang nilikuan nito mailigaw lang sa kakasunod ang lalake. Hanggang sa hindi na nga nila napansin ang nakasunod na kotse ni Vince. Labis naman ang inis ni Vince nang nawala sa paningin niya ang dalawa. Wala na itong nagawa kundi ang isigaw na lang ang galit sa loob ng kanyang kotse.

Nasa kalagitnaan naman nun ng traffic sina Nate at Nathalie nang tinawagan ito ni Jessica para hindi na dumeretso ng hotel.

“Sa Palacio na raw tayo dumeretso kuya, hindi na dun sa hotel.”

“Bakit naman daw? Kung kelan malapit na tayo sa hotel tsaka pa sila nagsabi.” Sabat ni Nate.

“Baka boring dun sa event kaya walkout ang drama nila ni mommy. You know naman dad, ayaw nun ng maraming extender.” Ani ng dalaga.

“Nandoon na ba daw sila ni dad sa Palacio?” Tanong ng binata sa kapatid.

“Feel ko wala pa. Teka sasabihan ko na lang si mommy na sabay na tayo.”

“Sige, malapit na rin naman tayo. Tanaw ko na ang bungad ng hotel.”

Dahil sa naroon na sa malapit ang magkapatid, pumayag na si Karl at hinintay sa isang bahagi ng hotel ang mga anak. Kasulukuyan naman nagpapatuloy ang programang dinaluhan ni Karding, at pagkatawag ng kanyang pangalan para tanggapin ang kanyang award inimbitahan din sa entablado si Gab na siyang mag aabot nun kay Karding. Pagkatawag pa lang sa pangalan ni Karding kinutuban na si Gab hanggang sa nakita na nga nito ang pag akyat ng mayor sa stage.

Si Karding, pagkakita kay Gab tila nais agad bumaba ng stage. Agad nito hinagilap ng tingin sa paligid si Karl.

“I knew it, kamusta Ric? It’s been so long… At dito pa pala tayo magkikita. Congratulations.” Ang nakangiting sabi ni Gab kay Karding pagka-abot nito ng award sa lalake.

“Salamat.” Ang nasambit lang ni Karding. Tsaka tumugon ng matipid na ngiti kay Gab.

Pagkababa ng stage, sabay ang dalawa. Inimbitahan agad ni Gab si Karding na sa table nito nang makapagkuwentuhan saglit. Bagama’t may pag alangan, pumayag din si Kardong sa hiling ng dating kaklase noong highschool. Proud naman na pinakilala ni Gab si Karding sa mga kakilala nitong bigating negosyante sa table nila.

“Nakakahiya naman, hindi mo na dapat ginawa iyon.” Wika ni Karding.

“Bakit hindi? They should know you. Tsaka honestly, proud ako sa narating mo ngayon Ric. And look at how handsome you are. Parang hindi ka nilipasan ng taon.” Sabat ni Gab.

“Guwapo ka pa rin naman ah. Kamukha mo parin ang Gabriel Jimenez na classmate ko noong highschool. Na ngayon isa ng butihing mayor ng San Felipe.” Tugon ni Karding.

“Siya nga pala nandito rin si Karl kanina pero nakita ko na lumabas sila ng asawa niya. Nagkita ba kayo?”

“Ah eh, hindi eh… hindi ko alam na nandito rin siya.” Sagot ni Karding.

“Ganun ba, sayang…tiyak mas matutuwa iyon pag nakita ka. Bestfriend kayo nun diba? Halos di nga kayo mahiwalay nung highschool tayo, naalala mo? Tinutukso pa nga kayo ng tropa na mag-jowa eh tapos pikon na pikon kayong dalawa. Hay nakakamiss lang balikan ang mga nakaraan natin. Hindi ka ba busy after nito?” Ani ni Gab.

“Kuwan may lakad kaming pamilya… actually kasama ko kanina ang misis ko. Sumama lang ang pakiramdam kaya pinauna ko na.”

“Really? Pamilyado ka na rin pala. Sayang at hindi ko na meet ang asawa mo. Do I know her? Kaklase din ba natin nung highschool?” Tanong pa ni Gab.

“Hindi, hindi mo siya kilala… Sige Gab, mayor balik na muna ako ng table namin, mukhang hinahanap na nila ako dun.” Wika ni Karding.

“Sure, pag katapos nito usap muli tayo later. Once again congrats.”

Tila sumikip ang suot na suit ni Karding habang papalapit sa kanyang upuan. Parang gusto na niyang maglaho sa lugar na iyon ngunit nag-aalangan ito. Malapit nang matapos ang programa nun nang magpaalam ang isang kasamahan nito sa kanilang table na mauna na. Doon nakahanap ng dahilan si Karding na sumama na rin na lisanin na ang venue. Hindi na ito lumingon pa sa puwesto ni Gab at tuloy-tuloy itong lumabas ng hall.

Nang nasa hotel lobby na, tsaka lang nakahinga ng maluwag si Karding. Papunta na ito ng reception area para ayusin ang reservation nito sa hotel nang may tumawag sa kanya.

“Nate?” Gulat na sambit ni Karding nang makita ang binata na papalapit sa kanya.

“Tito hi…sabi ko na nga ba at ikaw ang nakita ko. Grabe ang pogi niyo naman sa suit niyo tito. Tsaka ano iyang hawak niyo, award? May award kayo tito?” Wika ni Nate nang mapansin si Karding.

“Kuwan, oo… Kagagaling ko lang sa dinaluhan kong event. Ikaw, ano ang meron?” Tanong ni Karding sa binata.

“Wala naman tito. Pinapunta lang kami rito ni dad para sana dumalo sa dinaluhan niyang charity event. Kaso sumama ang pakiramdam ni dad. Paalis na nga kami kaso nakibanyo muna ako. Pagkalabas ko nakita kita nung napadaan ka. Nagdalawang isip pa nga ako kanina nang makita ka.” Tugon pa ng binata.

“Baka iisang event lang ang dinaluhan namin ng dad mo. Kasama ko rin kanina si tita Tess mo. Pero sumama rin ang pakiramdam kaya pinauna ko na. Balak pa sana namin mag stay ng isang gabi rito eh kaso parang malabo na. Heto nga at ika-cancel ko na lang ang reservation ko.” Ani ni Karding.

“Wow, ang sweet naman nun tito.”

“Hindi lang kami ng tita mo, kasama rin si Kaloy. Pati iyong dalawa, Burnok at Paquito. Ma-experience man lang nila ang mamahaling hotel minsan. Pero mukhang sa susunod na lang.” Wika ni Karding.

“Sayang naman tito, ang saya pa naman nun. Teka tito, tumatawag na yata sina dad. Mauna na ako. Dadalaw na lang ako sa bahay niyo tito. Bye.” Paalam ni Nate nang mapansin na tumatawag na sa cellphone niya ang ama.

Tumango si Karding at pinagpatuloy na ang pagpunta sa reception area.

Lingid noon sa dalawa nakita sila ni Karl na naguusap. Magkasalubong ang mga kilay ng lalake sa galit nang tinitingnan nito si Nate na papalapit sa kanya. Si Nate naman takang-taka sa nakikitang reaksyon ng ama habang papalapit ito.

“Do you know that guy?!” Bungad na tanong ni Karl kay Nate na may bigat ang tunog ng boses.

“Sino dad?, si tito Karding? Why dad magkakilala din ba kayo ni tito?” Tanong na tugon ni Nate na nagtataka.

“No!…I mean hindi ko siya kilala, Pero paanong tito ang tawag mo sa kanya?”

“Dad siya ng kaibigan ko, dad.” Sagot ni Nate na biglang nag-alangan ng sagot.

“Sinong kaibigan?” Tanong pa ni Karl.

Saglit na napaisip si Nate. Alam niyang galit si Karl kay Kaloy dahil sa relasyon nito kay Vince. Ayaw din ng ama sa mga bakla. Kaya hindi nito alam kung sasabihin ba niya sa ama ang totoo. Kilala ni Nate ang ama pagdating sa pagkilatis nito sa mga kaibigan nila ng kapatid. Mag imbento man ito ng pangalan, gagawa parin ang dad niya ng paraan na makilala ito. Muli itong tinanong ni Karl.

“Si Paquito dad. Nakilala ko noong pumunta kami ni Gilbert sa kanilang lugar.” Sagot ng binata.

“Stay away from him. Ayokong madikit ka sa tulad nila.” Tugon ng ama kay Nate.

“Dad bakit?”

“Sundin mo ang gusto ko. Wala nang bakit, just do it.”

Napailing na lang si Nate sa sinabi ng ama. May ilang mga katanungan sa isip ng binata ang bigla na lang nagsilutangan na hindi niya makunekta sa sinabi at reaksyon ng ama. Si Karl nang marinig ang bagay naman na iyon sa anak agad na humingi ng numero ni Gibo kay Gab. Tinawagan nito ang kaibigan.

“Kaya naman pala nauna ka na. Siya nga pala nakita ko kanina si Ricardo sa venue. Isa rin pala siya sa nakatanggap ng award. Bigtime planters na rin pala ang bestfriend mo pare. Sayang at di kayo nagkita. Pamilyado narin pala siya. Akalain mo iyon. Sino ang mag-aakalang ang pinagtsitsismisan noon sa highschool na bakla ay may asawa na ngayon.” Kuwento ni Gab sa kaibigan.

“Hindi ako interesado sa buhay nun pare. Tsaka hindi ko kailan man naging bestfriend iyon noh.” Wika ni Karl.

“Hindi nga pala kayo mag bestfriend kundi mag boyfriend, diba? (Tawang-tawa na hirit ni Gab) biro lang iyon pare, that’s all in the past naman. Naisip ko lang balikan ang highschool life natin noon nang magkita kami ni Ric. Siya nga pala ano ang dahilan at napatawag ka?”.

“Hihingi sana ako ng number ng anak mo, may itatanong lang ako kay Gilbert.“sabat ni Karl.

“Iyon lang ba, wait at hahanapin ko… hindi ko kasi kabisado.”

Nang makuha ang numero ni Gibo, agad-agad na tinawagan ito ni Karl. Nagulat pa si Gibo nang malaman na ama ni Nate ang kausap nito kaya pautal-utal itong sumagot. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Karl at agad na tinanong kay Gibo kung kakilala nga ba nito si Paquito na sinasabi ni Nate.

“Yes po tito, kababata ko po si Paquito. Bakit po tito?”

“Kilala mo ang magulang niya, ano ang pangalan ng kanyang ama?”

“Yes naman po tito, magkalapit lang po ang bahay namin. Pero ulila na po si Paquito sa magulang, at nakikituloy nalang sa mga kamaganak. Palipat-lipat ganun. Bakit po tito?” Tanong ni Gibo.

“Ibig sabihin wala na siyang ama?”

“Si tatay Karding po, si Tay Karding na ang umampon sa kanya. Katuwang din kasi siya ni Tay Karding sa bukid. Si Tatay Karding na ang tumatayong tatay niya.” Kuwento pa ni Gibo.

“Salamat iho, iyon lang ang itinanong ko. Punta ka minsan sa bahay kung may time ka. Anyway salamat muli.”

Pagkaputol ng tawag agad napatanong sa sarili si Gibo kung bakit napatanong si Karl tungkol kay Paquito at kung bakit niya ito kilala.

“Di kaya nagsisimula nang mag imbestiga si tito Karl tungkol sa kanyang anak, kaya ini-isa-isa niya iyong mga taong malalapit kina tatay Karding at nay Tess? Kung alam lang ni tito na abot kamay na niya ang kanyang hinahanap. Gusto ko sanang mangi-alam kaso baka mapasama pa ang pagtulong ko. Galit parin sa akin sina Nate at Kaloy.” Sa isip ni Gibo.

Dahil sa hindi na nga natuloy ang plano sa bahay na lang nila pinagsaluhan ang nangyari kay Karding. Ngunit habang nasa hapag may napapansin si Kaloy sa mga magulang. Balisa ang mga mukha nito na tila ba may inaalala. Ngayon lang nakita ni Kaloy na ganun ang mga magulang, masaya ngunit tila nag-aalala. Matapos ang masayang dinner. Naunang umakyat ng silid si Kaloy. Sina Tess at Karding naman tinungo ang garden sa likod ng bahay at doon pinagusapan ang mga nangyari sa hotel.

“Nagkita kami ni Jessica sa hotel, hindi ko na sinabi sa iyo kasi ayokong masira ang araw mo mahal kaya nagdahilan na lang ako.” Pagtatapat ni Tess.

“Alam ko, nagkita rin kami ni Karl. Nagkabanggaan pa nga. Pati si Gab naroon din nakipagkuwentuhan pa sa akin.” Wika ni Karding.

“Ang liit lang nitong siyudad mahal. Sa takdang panahon magkikita at magtatagpo rin ang landas namin ni Karl.” Ani ni Tess.

“Ano naman ang inaalala mo dun mahal. Matagal na iyon. Magkita man kayo wala na siyang karapatan sa iyo dahil akin ka na.” Saad ni Karding.

“Paano kung hanapin niya sa akin si Kaloy? At paano kung magkita sila ng anak niya at sumama sa kanya si Kaloy. Ayokong mangyari iyon mahal.” At napayakap si Tess kay Karding.

“Lalong hindi ko hahayaang mangyari iyon. Akin si Kaloy ako ang ama niya at wala ng sino mang may karapatan pa na maging ama sa kanya. Kahit na ang tunay niya pang ama.” Tugon ni Karding sa asawa.

Nagpapahinga na si Gibo sa kanyang kama nang bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone. Laking tuwa nito nang makita ang pangalan ni Vince na siyang tumatawag sa kanya. Agad niya itong sinagot.

“Nasa baba ako ng condo mo, mag-usap tayo.” Iyon lang ang sabi ni Vince at pinutol ang tawag.

Mabilis naman na bumaba ng condo si Gibo para harapin si Vince. Inimbitahan niya ang binata sa unit nito at pumayag naman si Vince.

“Anong gusto mo, beer ,tubig o soda?”

“Beer na lang.” Tugon ni Vince sabay humilata sa couch ni Gibo.

“Ano ang sadya mo, at napasugod ka?” Tanong ni Gibo.

“I want Kaloy back. At tutulungan mo ako.” Wika ni Vince.

“Ayaw na niya akong makita o makausap. Galit na galit parin iyon sa akin.“ani ni Gibo.

“I know. Pero hindi si Kaloy ang lalapitan mo.”

Natigilan si Gibo sa sinabi ni Vince. Unang pumasok sa isip niya si Nate. Kaya tumanggi agad ito.

“Hindi si Nate, kundi ibang lalake. Gawin mo sa lalake ang ginawa natin para layuan siya ni Kaloy. Kaya mo namang gawin iyon diba? Piece of cake lang iyon sa iyo.” Sabi nito kay Gibo.

“Tang ina, ano ang tingin mo sa akin pok-pok?! Gago ka rin eh noh!” Sabay bigwas ng sapak nito kay Vince.

Gumanti rin sa kanya ng suntok si Vince, hanggang sa nagpangbuno ang dalawa sa ibabaw ng couch. Ngunit hindi nakaporma si Gibo sa lakas ni Vince. Sakal ni Vince si Gibo habang nasa ibabaw siya nito ng lalake.

“I know you can’t resist me. Sinimulan mo na rin lang why can’t you just play with it. Simple lang naman, landiin mo ang lalake mag pahuli kayo kay Kaloy and done. Gawin mo ito for me. Pangako matitikman mo pa rin ako anytime you want.” Wika ni Vince sabay halik kay Gibo sa labi nito.

“Gago ka! Sa tingin mo naman papayag ako sa gusto mong hayop ka?! “ Sabat ni Gibo na kumakawala sa ilalim ni Vince.

“Ano ba ang gusto mo para gawin mo lang ang gusto ko?” Tanong ni Vince sabay dakma sa tarugo ni Gibo.

Sa lambot ng palad ni Vince at sa galing ng pagkalamas nito sa titi ni Gibo tinablan ng utog ang lalake. Ngunit pilit parin ito kumakawala sa pagkakadagan sa kanya ni Vince.

Muling sinibasib ni Vince ng halik ang bibig ni Gibo. Mapangahas ang mga pagsunggab nito sa kalap-lapan. Umaayaw man nung simula, hindi narin napigil ni Gibo ang kumakawalang libog sa katawan. Hanggang sa ang mga panglalaban nito ay unti-unting naging pag tugon. Hindi naman tumigil si Vince sa ginagawa. At nang mahawakan na ang kahinaan ni Gibo, tuluyan ng bumigay sa nararamdaman ang lalake. Mabilis pa sa kurap na nahulog sa sahig ang kanilang mga suot sa katawan. Ngayon kapwa na silang hubo’t hubad na nagkikiskisan ng mga tarugo sa isa’t isa. Sarap na sarap sa malapot at malagkit na romansa. Mula couch hanggang kama, hindi na mahiwalay ang dalawa.

“Puta ka Vince, bakit ba kasi ang sarap mo. Sige pa isagad mo pang gago ka. Aaaahhhh…sarap ng titi mo gago!” Ang naging tugon ngayon ni Gibo sa ginagawa sa kanya ni Vince.

“Itong gusto mo puta ka. Gusto mong ginaganito ka diba? Sige magsawa ka sa titi ko. Sisiguraduhin kong hahanap-hanapin mo ang kantot ko sa iyo. Babaliwin kita sa sarap, gago”….tugon ni Vince habang todo bayo sa butas ni Gibo.

Basang basa na si Gibo at nakailang labas na ito ngunit si Vince tila wala parin kapaguran sa kakaararo. Tigas na tigas parin ito at hindi pa tapos. Hapding-hapdi na ang hiwa ni Gibo sa kakasungal-ngal ng tarugo ni Vince dito pero si Vince tuloy parin.

“Tang ina ka Vince magpalabas ka na gago…ang sakit na.”

“Pagod ka na ba?, ayaw mo na? …ipuputok ko na ba?”

“Please,iputok mo na…tama na.”

“Heto na, ipuputok ko na…saan ang gusto mo?”

“Sa loob please, sa loob…”

At sa wakas natapos din si Vince. Pagod at halos hindi na maibuka ni Gibo ang mga hita at binti sa sobrang panginginig nito. Makaraang makapaghinga ang dalawa muling kinausap ni Vince si Gibo tungkol sa naisip niyang plano.

“Ayoko nang dagdagan pa ang galit ni Kaloy sa akin.” Wika ni Gibo.

“Hindi ka matitiis nun. Basta gawin mo lang iyong plano. Sinisiguro ko sa iyo na hindi sa iyo magagalit si Kaloy kundi sa lalake na iyon.” Ani ni Vince.

“Iba na lang ang ipagawa mo sa akin.”

“May suggestion ka ba para bumalik muli sa akin si Kaloy? May better way ba? Kung meron ano iyon?” Tanong ni Vince.

“Mahal mo ba talaga si Kaloy?” Balik na tanong ni Gibo kay Vince.

“Anong klaseng tanong iyan? Oo naman. Mahal ko si Kaloy at kailangan ko siya mabawi.”

“Pero bakit mo ito ginagawa? Mahal mo si Kaloy tapos naki-pagkantutan ka sa akin? Saan ang pagmamahal dun? Vince panloloko pa rin itong ginawa natin.” Wika pa ni Gibo.

“Tamod ko lang ang pinalunok ko sa iyo, hindi ang puso ko. At ang kantutan natin, libog lang iyon at hindi libre. Kaya gawin mo na lang gusto ko. Baka singilin kita sa ibang paraan magsisi ka pa.” Tugon ni Vince sabay hablot ng kanyang mga damit at isa-isa itong sinuot.

Naiwan sa kanyang condo si Gibo. Tulala sa kanyang nagawa. Tinatanong ang sarili kung paano ito nagpaubaya kay Vince at bakit niya hinayaang kontrolin siya nito.

DAX AND EVAN

Maagang sinundo ni Evan si Kaloy sa kanila para ihatid sa eskuwelahan nito. Kaya doon na rin ito pina almusal ni Tess bago sila umalis ni Kaloy.

Naging kumportable na talaga si Evan sa pamilya ni Kaloy at maging kay Kaloy mismo kahit sa maikling panahon na nakakasama nito ang binata, nagiging mas malapit na rin ito dito.

“Ang dami ko na pong sirang pagkain sa bahay tita. Halos kada araw na lang kasi libre ang kain ko dito. Hindi na tuloy ako nakakaluto sa bahay. Dito na lang din kaya ako tumira.”  Pabirong hirit ni Evan kay Tess.

“Oo ba, may mga extrang silid naman dito. Mamili ka lang kung saan mo gusto. Tsaka kahit anong oras na gusto mo makikain dito walang problema.” Nakangiting tugon ni Tess.

“Hayaan mo pare minsan doon naman ako sa iyo. Uubusin natin ang mga stock mo na pagkain dun.”  Sabat ni Kaloy.

“Asahan ko iyan ha. Bukas tita hihiramin ko muna itong si Kaloy, ayos lang po ba?” Tanong ni Evan.

“Basta ibalik mo iyan dito ng matino, walang problema. Mas mabuti na iyong kilala namin ang mga sinasamahan nitong si Kaloy namin baka mamaya niyan mapabarkada sa mga adik. Alam niyo naman ang panahon ngayon.”  Singit ni Karding sa usapan.

“Si Tatay talaga. Pangako Tay iiwas ako sa ganyan. Mabait itong anak niyo. Magtatapos akong matino.” Wika ni Kaloy sabay yakap sa ama.

“I love you Nak. Wala na akong hihilingin pa sa diyos dahil sapat ka ng kayamanan sa amin ng nanay mo.” Sambit ng ama na niyakap din si Kaloy.

“Mahal ko din kayo Tay, kayo ni nanay. At kayo lang din ang kayamanan ko na pakakaingatan ko ng buong buhay ko.”

“Naku tama na nga iyan, ang aga pa nito para sa primetime drama. Sige na Kaloy anong oras na baka maabutan pa kayo ni Evan ng trapik at ma-late ka pa.” Pagputol ni Tess sa mag-ama habang nagpupunas ng luha.

Nakababad lang ang ngiti ni Evan habang pinagmamasdan ang tatlo. Hanggang sa paghatid kay Kaloy, nakapirmi na ang ngiti nito sa mukha, bagay na napansin ni Kaloy.

“Kanina ka pang nakangiti diyan ah. Ano ba ang naiisip mo?”

“Wala, nakakatuwa lang kayong pagmasdan kanina. Nakakamiss lang ang ganun. Hindi ko na kasi iyon nararanasan simula nung sabay na nawala ang mga magulang ko. Ganun din sila kasi sa akin nun. Kaya nung makilala ko sila tita at tito parang binalik nila sa akin sina papa at mama.”  Tugon ni Evan na bahagyang napaluha habang nakangiti.

Agad naman pinunasan ni Kaloy ng kamay nito ang tumulong luha sa pisngi ni Evan. Biglang nailang naman si Evan sa ginawa na iyon sa kanya ni Kaloy kaya siya na ang nagpunas ng sariling luha.

“Pasensya na pare, naalala ko lang kasi bigla ang mga magulang ko.”

“Ayos lang iyon pare. At sinasabi ko sa iyo, welcome na welcome ka sa pamilya namin. Tsaka nandito ako sakaling kailangan mo ng kasama, kakuwentuhan, kainuman…”

“Kayakap?” Biglang dugtong na tanong ni Evan nang tumitig ito kay Kaloy.

Natigilan si Kaloy sa sinabi na iyon sa kanya ni Evan. Gayunpaman tumugon ito sa lalake nang nakangiti.

“Oo naman, magsawa ka pa ng kakayakap sa akin pare walang problema.”

Napangiti si Evan sa binata at itinaas ang  isang kamay nito, tumango naman si Kaloy at hinawakan ang kamay na itinaas ni Evan.

“Salamat pare “ sambit ni Evan at hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Kaloy.

Batid ni Kaloy na walang halong malisya ang ginawa nilang paghawak kamay. Ngunit may kung anong kilig ang kumislot sa mga ugat niya na nagdulot sa  sa buong katawan niya ng kiliti at saya. Pagkarating sa Bayag-bayagan nagpaalam na si Kaloy kay Evan.

“Maaga akong tatambay dito mamaya baka magparamdam na naman dito ang ex mo. Ingat ka pare at good luck sa klase.” Wika ni Evan pagkababa ni Kaloy ng kotse.

“Sige pare ingat din sa biyahe. Papasok na ako.”

Hinintay muna ni Evan na makapasok ng gate si Kaloy bago ito umalis. At habang nakatingin lang kay Kaloy napakunot ang noo nito. Kita nito ang paglapit ni Dax kay Kaloy sabay ang pagakbay din dito. Pansin pa sa reaksyon ni Kaloy ang gulat nang inakbayan ito ni Dax. Nang papasok na ng gate ang dalawa, nakita pa ni Evan ang paglingon ni Dax sa anggulo niya at palihim na nagdirty finger nito sa kanya bago sila tuluyang nakapasok ni Kaloy sa loob ng eskwelahan.

“Gago iyon… nang aasar, ako yata ang pinakitaan ng ungas na iyon ah. Tumingin pa talaga sa akin. Makikilala rin kitang gago ka. Malamang kaklase iyon ni Kaloy.” Wika ni Evan sa sarili.

Sa inakto na iyon ni Dax kay Evan nakuha nito ang atensiyon ng lalake tsaka ang pikon. Umalis si Evan na nakasimangot dahil dun. Sa Victor High, halos sabay na dumating sina Vince at Nate sakay ng kanilang mga kotse. Naroon din ang mga kaklase at mga kaibigan na nakaabang na sa kanila. Ngunit tanging si Dustin lang ang lumapit kay Vince para kamustahin ito.

Hindi naman nagulat o nagtaka si Vince sa mga kaibigan. Alam niya na dahil sa mga nangyayari sa kanya nitong huli posibleng may magbago talaga sa mga nakasanayan niya at tanggap na iyon ni Vince kahit pa ang totoo nasasaktan ito.

“Hi dude, kamusta? Okay ka na ba? We hear what happened to you and Red. Sorry I was not able to come nung kailangan mo kami, kuwan kasi… “ Sabi ni Dustin nang lumapit ito kay Vince.

“It’s okay and I’m fine. Alam ko namang na busy kayo together that night. Anyway thanks parin. Kasi now I know kung ano talaga kayong klaseng mga kaibigan.” Tugon ni Vince sabay iwan kay Dustin.

Tuluyan ng binakuran ni Vince ang sarili sa mga dating kaibigan. Pagkapasok ng kanilang silid diretso na ito sa kanyang upuan na walang kakibo-kibo. Tahimik lamang ito habang naghihintay ng kanilang guro. Maya-maya pumasok na si Gibo. Kapansin-pansin din ang matamlay nitong kilos. Tulad ni Vince tahimik rin itong naupo sa tabi ng binata. Hanggang sa kausapin ito ni Vince.

“Sumama ka sa akin mamaya after ng klase. Pupuntahan natin si Kaloy.  Ngayon mo sisimulan ang pinapagawa ko sa iyo.” Pabulong na sabi ni Vince kay Gibo.

“Sorry Vince, pero ayoko. Hindi kaya ng konsensya ko.”  Sagot ni Gibo.

“Really, hindi ko alam na meron ka pala nun. Matapos ka bumukaka sa tarug ko, may konsensiya ka pang natira. Ang aga mo naman magbitaw ng joke.”  Sabat ni Vince na gumawad ng sarikastikong ngiti kay Gibo.

“Nakapag-isip-isip na ako, ayoko na nito Vince. Bawiin mo si Kaloy kung gusto mo pero huwag mo na akong idamay pa rito.” Ani ni Gibo.

“Sige, kung iyan ang desisyon mo. Pero don’t expect na hindi kita idadamay dito.” Tugon pa ni Vince.

Tumingin pa ito kay Gibo sabay labas ng kanyang cellphone. Binuksan niya ito at may pinindot doon. Biglang nagsilingunan kina Vince ang mga kaklase na naroon nang bigla na lang umalingawngaw sa buong silid ang ungol ng isang lalake na mula sa cellphone na hawak ni Vince. Namutla si Gibo sa ginawa ni Vince. Kilala niya kung kanino galing ang ungol na iyon. Dahil siya ang nasa video na pini-play ni Vince sa cellphone.

“Gusto mo ng link? Isi-send ko sa iyo after ng klase. Hihintayin kita mamaya sa coffee shop sa kanto. Be there, baka sa iba ko pa ma share ang link.” Wika ni Vince kay Gibo sabay end ng video sa cellphone.

Hindi na nakaimik sa kinauupuan nito si Gibo. Tila binuhusan ito ng maraming yelo sa ginawang iyon ni Vince sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Gibo, habang nagpapakasarap ito noon sa kandungan ni Vince palihim pala ito ibinidyo ng binata. Dahil na rin sa nasa gitna ito ng pagkasabik sa laman hindi na niya iyon napansin. Isang pagkakamali na kanyang pinagsisisihan.

Buong klase pansin na ni Nate ang balisang kilos ni Gibo. Maging ang pananahimik nito. Inisip ni Nate na baka dulot lang iyon ng awkwardness dahil nga sa nangyari sa kanila. Nais man balewalain ni Nate ang mga napupuna kay Gibo, may bahagi parin sa loob niya na hindi niya maikakaila. Nag-aalala parin ito sa binata. Gusto mang iwasan sina Gibo at Vince hindi rin maaari dahil nasa iisang eskuwelahan lang sila, higit pa dun ay magkaklase pa nga.

Usap-usapan naman sa campus ng Bayag-bayagan ang biglaang closeness nila Kaloy at Dax. Marami ang agad na tumaas ang mga kilay nang makitang magkasama sa lahat ng oras ang dalawa. Na maging si Zyone bigla na lang na outcast sa circle ni Kaloy.

“Seryoso na ba itong nakikita namin tol? Tropa na kayo ng kupal na iyon?” Tanong ni Zyone kay Kaloy.

“Ano naman masama dun. Nakipagkaibigan eh, sino ba ako para umayaw. Tsaka nagkausap na rin kami kahapon at sa tingin ko na misunderstood lang natin siya. Hindi naman talaga siya ganun. May soft side din iyong tao kaya bigyan naman natin siya ng chance. “ Sagot ni Kaloy.

“Chance? Chance para saan tol? Umaarte lang iyon kasi nga wala na rito ang mga kakampi niya. Minamanipula ka lang nun tol. Sinasabi ko na sa iyo. Walking trash bag ang gagong iyon kaya huwag kang magtitiwala sa pangiti-ngiti niya sa iyo.” Ani pa ni Zyone.

“Hayaan naman muna natin iyong tao tol. Huwag kang magalala hindi niya mabibilog ang ulo ko.”

“Ewan ko, basta ako duda sa biglaang pagbait-baitan nun. Nakakaduda. Tapos kung makabakod sa iyo, parang exclusive ka lang sa kanya. Balak pa yatang lamangan si Vince sa pagiging close sa iyo.” Sambit ni Zyone.

Napaubo bigla si Kaloy sa sinabi ni Zyone. Ang hindi alam ni Kaloy unang kita pa lang ni Zyone noon sa dalawa ramdam na ng kaibigan na may espesyal na tinginan sila Kaloy at Vince. Kung kaya nabanggit iyon ni Zyone sa kanilang usapan. Naputol ang dalawa nang lumapit na naman sa kanila si Dax. Nakapang P.E. ito na tshirt at jersey na shorts tsaka may bitbit na bola.

“Basketball tayo pare, saglit lang habang vacant period pa.” Wika ni Dax.

“Tara Zy, sali ka sa amin. Papawis tayo ni Dax.” Ani ni Kaloy kay Zyone.

“Sige Zy sali ka. Makikipaglaro rin ang iba.” Pagyaya rin ni Dax kay Zyone.

“Kayo na lang, mag ni-review pa ako sa quiz natin mamaya sa Chemistry.” Tugon ni Zyone.

Mabilis naman nagpalit ng uniform si Kaloy sa harapan ng dalawa. Unang hinubad ni Kaloy ang puting polo nito tsaka ang puting sando sa loob. Doon nalantad kina Zyone at Dax ang magandang porma ng katawan ni Kaloy. Sa sobrang paghanga ni Zyone sa katawan ng kaibigan hindi na nito namalayan na nakatitig lang ito roon ng matagal. Natauhan lang ito ng tinapik ni Kaloy ang pisngi nito.

“Uy titig na titig ah. Gusto mo?” Pabirong sabi ni Kaloy kay Zyone sabay himas sa matitigas nitong abs.

“As if naman na ibibigay mo. Sige na, magbihis ka na. One hour na lang at tapos na ang vacant period natin. Mag basketball na kayo dun. Ako na magbabantay ng bag mo.” Sabat ni Zyone.

Pagkasuot ng P.E. tshirt sunod na hinubad ni Kaloy ang pantalon nito. Naroon parin si Dax, hindi kumukurap habang pinagmamasdan si Kaloy. Napansin iyon ni Zyone kaya napailing ito. Magkalaban sina Dax at Kaloy sa laro. Umpisa pa lang kita na ang galing ni Kaloy sa paghawak ng bola. Naungusan pa nito ang husay ni Dax na varsity na ng   paaralan. Ang simpleng pagpapawis lang sana ay naging seryosohan dahil sa galing din ng mga kaklase ni Kaloy sa laro. Sa kupunan ni Kaloy siya ang palaging nakakapuntos. Sa kabila si Dax naman ang kanilang pambato. Tabla na ang puntos ng magkabila. Tila nagkaroon ng exhibition game sa kanilang game dahil sa pinamalas nilang laro. Ang kaninang halos walang laman na gym ay unti-unting nagkakalaman ng mga estudyante na galing na galing sa kanila. Lalo na sa tuwing nakakapuntos sina Kaloy at Dax. Hiyawan din ang karamihan sa tuwing nagbabalyahan ang dalawa.

“Mukhang napaamo na nga ni Carlo ang ex mo girl.” Wika ng kaibigan ni Megan na babae nang dumating sila ng gym at nakitang naglalaro ng basketball sina Dax , Kaloy at mga kaklase nilang lalake.

“Nakahanap kamo ng katapat ang gago.”  Ani ni Megan.

“Pero curious talaga ako sa biglaang closeness ng dalawa ah. Parang wala lang conflict na nangyari between them. Na para bang mag bff pa sila na sabay pumasok kaninang morning. Knowing Dax, duda ako na may plano ang isang iyan kay Carlo.” Sabat ng isa pa sa kaibigan ni Megan.

“Sense ko rin iyan. Kaya nga kanina pa ako nakabantay sa kanila. Hindi iyan si Dax, ang nakikita natin ay isang impostor. At dapat malaman iyan ni baby Carlo ko.” Wika pa ni Megan.

Sa kalagitnaan ng laro biglang natigil ang lahat nang matapilok si Kaloy habang hinahabol ang bola. Mabilis naman na umaksyon si Dax at agad na inalalayan si Kaloy sa isang tabi. Doon na rin nahinto ang kanilang paglalaro. Matindi ang naging injury ni Kaloy sa kaliwa nitong paa. Tila na dislocate ang buto nito kung kaya’t napapasigaw na ito sa sakit.

“Dalhin na natin siya ng clinic.” Ang natatarantang wika ni Zyone.

“Hindi na ito madadaan ng first aid. Tumawag ka na lang ng ambulansya at dadalhin na natin si Kaloy ng ospital.” Ani ni Dax.

Dinala sa malapit na hospital si Kaloy para i-cast ang na-injured na buto. Sina Zyone at Dax ang sumama kay Kaloy. Maya-maya pa at dumating din sa hospital na iyon sina Tess at Karding kasama si Evan.

Bungad pa lang napansin na agad ni Evan si Dax na nakaupo sa labas ng silid ni Kaloy na nagpipindot ng cellphone. Kaya malayo pa lang nakataas na ang kanang kilay nito sabay nakakunot ang noo. Nang mapansin din siya ni Dax.

“Ayos na si Kaloy di mo na kailangan mag alala.” Biglang sabi ni Dax kay Evan.

“Problema mo pare? Tinatanong ba kita?” Ang supladong tugon ni Evan kay Dax.

“Sinasabi ko lang naman baka magtanong ka pa sa loob. Sige pasok.” Sabat ni Dax na nakangisi kay Evan na tila nang aasar.

Inis na pumasok si Evan sa silid ni Kaloy. Doon inabutan nito sina Tess at Karding na inaayos ang gamit ni Kaloy.

“Evan…”

“Tita lalabas na ba si Kaloy?” Tanong ni Evan.

“Ayos na ako pare, kaunting bali lang naman ito. Buti nga at nahawakan agad ako ni Dax kung hindi baka mas grabe pa dito ang injury ko. Nawalan na kasi ako ng balanse kanina.” Tugon ni Kaloy.

“Sinong Dax?,ang mahangin na iyon sa labas na akala mo kung sino tas kung makaflex ng katawan akala mo model ng bench?” Ani ni Evan.

“Hindi ko alam na pang bench model pala ang katawan ko pare, buti napansin mo.” Biglang singit ni Dax sa hirit ni Evan nang pumasok ito.

Muli na naman nagising ang pika ni Evan sa pagsingit na iyon ni Dax. Ngunit kumalma lang ito dahil sa naroon sina Tess at Karding. 

“Dax pare salamat nga pala kanina. Uuwi na kayo ni Zyone?” Wika ni Kaloy.

“Naunang umuwi si Zy dahil may dadaanan pa siya. Magpapaalam na rin ako pare mukhang okay ka naman.” Tugon ni Dax.

“Sige pare, pakisabi na lang sa guro natin bukas na baka hindi muna ako papasok, hirap parin kasi maglakad.” Wika ni Kaloy.

“Sure pare. Pagaling ka, basketball uli tayo. Sama mo itong driver mo nang magkaalaman kung sino ang magaling sa pagtira…ng bola.” Pahabol pa ni Dax bago ito lumabas.

Nang makaalis si Dax tsaka lang naglabas si Evan ng inis sa lalake kay Kaloy.

“Nakita mo iyon pare, narinig mo kung gaano iyon ka presko? ka hambog? Kaibigan mo ba talaga ang tarantadong iyon?” Komento ni Evan.

“Mabait iyon pare, ganun lang talaga si Dax. Pero kapag nakasama mo iyon, ayos iyong katropa. Tsaka mahilig din iyon sa sayaw gaya mo.” Ani ni Kaloy.

“Ewan ko, basta payo ko lang sa iyo iwasan mo ang masyadong pagdidikit sa isang iyon, mukhang hindi siya magandang impluwensya sa iyo.”

Napailing na lang si Kaloy sa reaksyon ng mukha ni Evan na para talagang pikang-pika ito kay Dax na kung tutuusin ngayon lang naman sila nagkita.

Balik ng Victor High, naging mailap na si Gibo sa lahat. Tahimik lang ito sa buong klase na para bang may malalim na iniisip. Breaktime nun nang napansin na naman ng mga kaklase nang nawawala na naman ito. Maging si Vince ay hindi rin nila mahanap. Si Nate naman mas piniling makisama sa ibang mga kaibigan sa kabilang section. Nagdulot iyon ng palaisipan sa mga kaibigan na kaklase.

“Napansin niyo ba, ang weird ng kinikilos ng tatlo. Well si Vince gets naman natin. Pero sina Gilbert at Nate?  Si Nate kanina, kinamusta ko pero parang hindi ako kilala. Tinangu-an lang ako. Tsaka si Gilbert nakita niyo ang tensiyon sa kanyang mukha kanina? Tapos umiiwas siya sa atin. Ang weird…” Wika ni Xander.

“Hindi pa kayo nasanay kay Nate, always naman iyan may sariling mundo. Baka under his pill parin iyon kaya lutang na naman. Last time kasi nakita na naman sila ni Brent na nandoon sa three sixty degrees’ kasama ang mga kabanda niya. Baka bumalik na naman siya sa dati.” Ani ni Eunice.

“At si Gilbert baka may problema lang talaga iyon noh at gusto lang mapag-isa.” Sabat ni Mon.

“Baka nga may problema sila ni Nate. Diba nga sila ang mag bestbuddy dito, tapos nitong huli parang hindi na sila nag-uusap. Feel ko babae ang dahilan bro.” Komento pa ni Xander.

“Don’t tell us na nagseselos si Nate sa girlfriend ni Gibo, ano nga ang pangalan nun? Danica? Dude pag nagkaaminan na bakla rin si Nate, I’ll be out from this group I swear.” Hirit bigla ni Mon.

“Tang na bro, baka ang ibig mong sabihin…mag a-out ka rin na bad…ding”. Sapaw pa ni Xander sabay tawa.

Dahil sa biro ng dalawa nagtawanan silang lahat na magbabarkada. Naputol lang ang kanilang tawa nang mapansin ang paglapit ni Nate kasama ang mga kabanda. Mabilis din nila iniba ang usapan nang nakiupo rin sa katabing bench sina Nate. Ngumiti lang sa kanila si Nate pero hindi naman sila kinausap ng binata. Hawak ang gitara nakikijam lang si Nate sa mga kabanda na para bang hindi niya napapansin ang mga kaibigan na nasa tabi lang nito.

Hindi manhid si Nate para hindi maramdaman ang biglaang pag distansya ng mga kaibigan kay Vince. At bagama’t masama ang loob nito kay Vince, nalulungkot pa rin ito para sa dating kaibigan at kasintahan. Nais lang iparamdam ni Nate sa mga kaibigan na hindi lang sila ang sentro ng buhay nila ni Vince. Maya-maya pa isang kaklase nila ang lumapit kay Nate at nagsabi na nasa rooftop daw si Gibo at mukhang may gagawing masama.

Naibagsak ni Nate ang hawak na gitara at napasugod agad sa rooftop ng building. Sumunod din sina Xander at iba pa. Pati ang mga guro na alarma sa kaguluhan. Halos liparin ni Nate ang bawat baitang ng hagdan paakyat ng rooftop dahil sa pag aalala.

Nang mga sandaling iyon lahat ng galit na nararamdaman ni Nate kay Gibo biglang nabura at napalitan ng matinding pag-aalala. Si Vince na naroon sa cafeteria napasugod din nang malaman ang nangyayari. Kinabahan din ito sa maaring gawin at sapitin ni Gibo dahil sa kanyang ginawa. Pagkabukas ni Nate ng pintuan sa rooftop inabutan nito si Gibo na nakaupo sa edge mismo ng building. Nakatalikod ito at nakatingala sa mga ulap.

“Gib huwag, kung ano man ang iniisip mong gawin please huwag. Bumaba ka na.” Wika ni Nate na nanginginig ang boses.

Marahang lumingon si Gibo kay Nate, umiiyak nang nakangiti.

“I’m sorry Nate, I’m so sorry…” Ang tugon agad ni Gibo sa lalake.

“Okay, stop saying sorry…okay na ako, okay na tayo, kaya please baba na riyan.  Mag-usap tayo dito. Akin na ang kamay mo.”  Tugon naman ni Nate na inaabot ang mga kamay habang unti-unting lumalapit sa puwesto ni Gibo.

“Ang sama-sama ko Nate, ang sama kong kaibigan. Ayoko nang ganito. Kaya mas mabuti pang mawala na lang ako sa eksena para wala ng kontrabida. Hindi ako naging mabuti sa iyo. Sa inyo ni Kaloy. Patawad sa lahat ng nagawa ko sa iyo, sa inyo.” Sabi pa ni Gibo.

“No your not Gib, sorry din kung nahusgahan din kita. More than anyone else dapat ako iyong nakakaintindi sa iyo kasi parehas tayo. May kasalanan din ako sa iyo. Sige na Gib halika na, bumaba ka na diyan.” Sagot naman ni Nate.

Mabilis na kumalat sa social media ang nangyayari sa Victor High. Ilang rescuer agad ang pumunta sa eskuwelahan para lang agapan ang nangyayari. Nang makarating kay Gab ang balita tungkol sa anak agad itong pumunta roon. Tensiyonado ang lahat. Sa rooftop hindi na hinayaan ng mga guro at guard ang ibang mga estudyante na makalapit pa sa rooftop bukod kay Nate para hindi na dumagdag ng tensyon sa sitwasyon. Sa baba abang na abang din ang marami sa mangyayari.

Nagtatalo na sa utak ni Gibo ang lahat ng emosyon. Na kahit anong pakiusap ni Nate sa kanya ay hindi parin ito bumababa sa kanyang puwesto. Hanggang sa napansin nito si Vince sa baba na nakatingala sa kanya. Bigla na naman pumasok sa isip ni Gibo ang kanina lang na ginawa sa kanya ni Vince. Paulit-ulit sa utak ni Gibo ang sariling mga ungol at ang mga salita ni Vince na tila may pagbabanta.

Saktong kakauwi lang nila Kaloy sa kanila nang salubungin sila nila Paquito at Burnok na natataranta.

“Uy kayong dalawa, ano ang nangyayari sa inyo? Tsaka ano iyang tinitingnan niyo sa cellphone?” Wika ni Karding nang salubungin sila ng dalawa.

“Tay, si Kaloy kasama niyo na ba?” Tanong ni Burnok na nanginginig ang boses.

“Nasa kotse pa ni Evan, pero pababa na iyon.  Ano nga ba ang nangyayari sa inyong dalawa? Para kayong nininirbiyos.“Tugon ni Tess.

“Si Gibo po Nay…” Sambit ni Paquito.

“Bakit pare anong meron dun?” Tanong ni Kaloy nang makapasok ito ng sala.

“Pare si Gibo, tumalon mula sa rooftop ng  building sa kanilang eskuwelahan pare.“Bulalas ni Burnok sa lahat.

Tulala ang lahat sa narinig. Nanlamig ang buong katawan ni Kaloy sa ibinalita sa kanila ni Burnok. Tumalon nga si Gibo. Nasa limang palapag ang building kung saan tumalon si Gibo. Bagama’t nasalo naman ng mga rescuer ang pagbagsak ng binata. Hindi nila agad na set-up ng maayos ang gagamitin sana nilang pansalo kung kaya’t hindi naging maganda ang pagkasalo sa kanya. Agad na naisugod sa hospital si Gibo, ngunit sa impak ng kanyang pagtalon kritikal ang kanyang kalagayan.

Wala nang nagawa si Nate kundi ang sumigaw at umiyak. Sinisisi nito ang sarili sa nangyari kay Gibo. Si Vince, tulala. Hindi makapaniwala na hahantong sa ganun ang lahat. Hindi ito makatingin sa kahit na sinong naroon. Tulad ni Nate sinisisi rin niya ang sarili sa ginawang hakbang ni Gibo. Si Kaloy, walang tigil din ang iyak sa kanyang silid na sinisisi rin ang sarili sa nangyari.

At gitna ng mga pangyayari tanging silang tatlo lang ang may alam sa totoong dahilan.

Sa mga tinamong pinsala ni Gibo sa leeg at ulo, comatose ito. At tanging tadhana lang ang makapagbubulong ng kanyang kapalaran.

“Tito sorry, hindi ko napigilan si Gibo sa gagawin niya. Sorry.” Ani ni Nate nang lapitan nito si Gab na nakatungo sa walang malay na anak.

“Ginawa mo ang lahat iho. Hindi lang siguro nakayanan ni Gilbert ang nilalaban niya sa kanyang sarili kung kaya’t nagpatalo na lamang siya.” Tugon ni Gab at tinapik sa balikat si Nate.

“Hindi na dapat ito nangyari kung pinatawad agad kita. Sorry Gib…” Bulong ni Nate sa sarili habang tinitingnan si Gibo.

Tila dinudurog ang pakiramdam ni Nate habang nakatingin kay Gibo. Marami na siyang nailuha ngunit hindi parin matigil-tigil ang kanyang iyak. Sa sarili nito siya talaga ang dahilan ng lahat kung bakit naisip iyon ni Gibo. Ilang gabi rin na nagpupuyat sa hospital si Nate pagkatapos ng klase. Hinihintay ang muling pagmulat ni Gibo.

SILENCE

Mula nung araw na may nangyari kay Gibo. Hindi na lumalabas ng silid si Vince. Ilang araw na itong hindi pumasok na lubos na pinag-aalala ng mag asawa, Sonya at Herman. Dahil sa hindi naman makausap ng ama ang anak tungkol sa problema ni Vince, humingi na ito ng tulong kay Seth.

“Ilang araw na bang ganyan iyan?” Tanong ni Seth sa mag asawa.

“Mag dadalawang linggo na ngayon simula nung nawala rito si Kaloy. “ Ang tugon ni Herman na napabuntong hininga na lang ng malalim sa sitwasyon ng anak.

“Sinubukan niyo na bang i-reach out si Kaloy, or at least malaman man lang ang totoong nangyari sa kanila?” Dagdag pa na tanong ng bayaw.

“Hindi, hindi nga rin namin alam kung paano namin kakausapin si Vince tungkol sa problema nila. Honestly naguguluhan din ako. I was never aware na may ganito na palang pinagdadaanan ang anak namin. Akala namin enough na, na nakakapag-provide kami sa kanya. Ito na iyong resulta ng mga kapabayaan namin bilang magulang.” Ani ni Herman.

“Hindi na ito oras para ungkatin pa ng sisi ang nangyari na. Phases lang ito ng growth ni Vince bilang teenager. Alam niyo naman ang mga gen z ngayon. Kaunting mis communication or mis understanding sa mga partner nila akala nila end of the world na. Tapos kung maka-deal ng situation akala nila ganun na sila ka pro. Puro impulsive naman ang mga desisyon, mali naman tapos ayan, todo emote. Hangang sa ma-depressed. Nakita niyo ang nangyari sa anak ni Gab. Ganyan ang karamihan sa mga gen z ngayon.” Komento ni Seth.

“Kaklase nga iyon ni Vince eh, at kaibigan pa. Kaya nga nag-aalala rin kami baka…” Sabat ni Sonya.

Naputol ang sasabihin pa nito nang marinig nila ang pagsara ng pintuan sa kuwarto ni Vince. Natigilan ang mag-asawa ng makitang pababa na ng hagdan si Vince. Nakaayos ang porma at mukhang aalis. Hinarangan agad ito ni Herman pagkababa.

“Saan ang punta mo Vince?” Tanong ni Herman.

“Pupuntahan ko lang sa hospital si Gibo dad.”

“I’ll go with you, sa akin ka na sumakay kukunin ko lang ang susi.” Ani ng ama.

“I can go on my own dad, hindi mo na ako kailangan ihatid.” Wika ni  Vince.

“I insist son, hintayin mo na lang ang dad mo. Tsaka gabi na.” Sabat ni Sonya.

Napailing na lang si Vince na tinuloy parin ang paglabas ng bahay. Kahit sinisigawan na ito ni Sonya, hindi ito nakinig. Sinundan ni Seth ang pamangkin  at inabutan niya si Vince na papasakay na ng kotse nito.

“Ako na ang mag da-drive sa iyo. Huwag ka na mag reklamo, mag uusap tayo. Now doon ka sa kabila. Give me your key.”

“Pati ba naman ikaw tito?”

“I’m not them, kaya ibahin mo ako sa kanila. Now get in there, at marami kang ikukuwento sa akin. And I want it in detail, no bleep, no blur, no emojis no edits. Pasok na.” Tugon ni Seth.

Hindi na nakatanggi pa si Vince sa tiyuhin. Bukod sa kanyang mamita at yaya Ponyang, kay Seth lang talaga kumportable si Vince mag open-up. Bukod sa malapit ito sa tiyuhin, si Seth lang ang nakakaintindi sa kanyang nararamdaman. Simula pa lang bumigay na ang luha ni Vince nang tumitig sa kanya si Seth.

“Go hayaan mong ilabas lahat iyan, huwag mong ipunin walang interes ang sakit kaya sige Vince, iiyak mo.” Ani ni Seth sabay himas ng marahan sa likod ng pamangkin.

“I’ve messed up everything tito. Ang sama ko. I did something worst tito.  Ako ang dahilan kung bakit nagawa iyon ni Gibo. And I felt guilty for it.” Simula ng kuwento ni Vince.

“What? Akala ko this is all about you and Kaloy. Ano naman itong kay Gibo? Wait ang mabuti pa later ka na pumunta ng hospital. Doon muna tayo sa condo ko. Doon tayo mag-usap.”

Pumayag si Vince.  Ngunit sa kotse pa lang nagkuwento na ito kay Seth. Lahat nang detalye sinabi nito, walang pag-aalinlangan, walang itinago. Sa mga narinig ni Seth sa pamangkin hindi na nito nagawang ideretso pa ang kotse sa kanyang condo. Hininto nito ang kotse sa tabi ng kalsada at niyakap nang mahigpit si Vince. Higit sa awa ang naramdaman ni Seth sa binata kundi sakit. Ang naikuwento ng pamangkin sa kanya ay tila inulit lang na karanasan niya noon. Halos ganun din ang nangyari sa kanya noong mga panahong kasing edad din siya ni Vince. Ang pinagkaiba lang…

“Ako noon ang nasa posisyon ni Kaloy. Sobrang sakit naman talaga ang makita mo na ang mahal mo nasa bisig na ng iba, dahil lang sa natukso ka ng hindi naman sadya. Iniyakan ko rin ang mga gabi at araw ko noon. Ang masakit kasi, bestfriend mo pa ang umahas sa iyo. Pero kahit na anong tanggi ko na sa kanya noon. Kahit na galit na galit ako sa ginawa nila sa akin, mahal ko parin siya. Sinubukan kong ibaling sa iba ang atensiyon ko at oras pero ibinabalik parin kami ng tadhana sa isa’t isa. After highschool, nag ibang bansa na ako at doon nag kolehiyo. Akala ko that time naka move-on na ako. But when I went back dito. Muli kaming nagkita. At naging kami ulit, parang walang nangyari. Three years din na naging kami bago tuluyan kaming naghiwalay. At hanggang ngayon hindi nawawala ang sugat ng nakaraan dito sa puso ko. But that’s a part of healing. Ang babata niyo pa para seryosohin ang lahat. Ang dami niyo pang oras to enjoy your age. Huwag niyong madaliin ang panahon. Kung kayo talaga, hayaan niyo ang Universe na ang gagawa ng paraan na pagbatiin kayo. I know how much you love him, and I know how he care’s for you a lot. Nakita ko iyon sa inyong dalawa. Even before pa na mag confess kayo sa akin sa fake niyong relasyon. Give him a time, and yourself too. As for Gibo, alam ko na hindi mo naman talaga intensiyon na gawin iyon. At naniniwala naman ako sa’yo dun. Ipagdasal na lang natin na he will survive.  Sisihin mo man ang sarili mo sa nangyari, nangyari na ang hindi dapat mangyari.” Pagbabahagi pa ni Seth.

“Tito, natatakot ako para kay Gibo. Pagnawala siya …I don’t know. Nakukunsensya talaga ako kung bakit ko pa iyon ginawa.” Ang umiiyak parin na si Vince.

“Burahin mo na iyong video and what ever there sa phone mo. This is just between you and me. Nothing will happen to you. Magpakatatag ka, matapang ka diba? Gamitin mo iyan ngayon. Makakasurvive si Gibo. Now fixed yourself pupuntahan na natin siya.”  Payo ni Seth sa binata.

Nang mga sandaling iyon nasa biyahe na rin si Kaloy kasama si Evan. Tulad ni Vince at Nate, abot langit din ang pagsisisi ni Kaloy sa nangyari. Hirap din ito makatulog sa gabi at maging sa klase hindi ito makapag focus ng maayos. Kapansin-pansin ang pananamlay ni Kaloy sa kanyang kilos.

“Hindi mo naman kasalanan ang ginawa niya pare. Choice niya iyon to do that. Kung nagalit ka man sa kanya, that’s a valid reaction sa ginawa nila ni Vince sa iyo. Pare hindi sa nangingi-alam na ako ha, I’m just concerned about you. Tita Tess told me na nag skip ka na naman ng dinner. Kahapon breakfast lang ang kinain mo, hindi mo pa inubos. Come on pare, wake up.” Komento ni Evan sa mga napapansin nito kay Kaloy.

“Ewan ko pare, nalulungkot lang siguro ako sa nangyari kay Gibo. Hindi ko lang kasi lubos maisip kung bakit nagawa niya iyon. Ang alam ko hindi siya ganun. Malakas si Gibo, matapang pero bakit nagkaganun?” Wika ni Kaloy.

“Malamang depression. Pero siya naman kasi ang gumawa ng mga bagay na ikina-depress niya. Ikaw ba after nung nakita mo sa kanila ni Vince, na depress ka ba? Umiyak siguro oo. Pero ang magpakalunod sa sama ng loob…pare katangahan na iyon. Oo mahirap dalhin ang depresyon pero ang daming paraan to get out from it.” Tugon ni Evan.

“Hindi naman kasi lahat katulad mo mag isip. Ang dami ngang paraan, kung hindi naman available sa kanya. Eh di wala rin. Siguro kung hindi kami nagkita nila tatay, siguro matatagalan din bago ako maka move-on.” Ani ni Kaloy.

“Pasalamat ka sa anghel mo at pinadala niya ako sa iyo para ihatid ka sa mga magulang mo.” Ang sabi pa ni Evan sabay kindat kay Kaloy.“pero tama ka, iba rin talaga pag maganda ang relasyon mo sa pamilya mo. Hindi man nila alam ang mga pinagdadaanan mo sa sarili, alam mong safe ka kasi nandyan sila na pinanghuhugutan mo ng lakas.” Dagdag pa nito.

“Kaya ka nagpapa-ampon kina nanay at tatay?”

“Mali, dahil parte na talaga ako ng pamilya niyo noh. May sariling kuwarto na kaya ako dun sa inyo.”

Napailing na lang na napangiti si Kaloy sa usapan nila ni Evan sa loob ng kotse habang binabaybay ang daan papunta sa ospital kung saan naroon si Gibo. Nang matanaw na ang hospital, agad na tinawagan ni Kaloy si Nate para sabihing papunta na sila. Ngunit nang malaman ni Nate na pupunta ng hospital si Kaloy, bigla itong naging balisa. Agad itong lumabas ng silid ni Gibo.

“Nate…saan ka pupunta?” Tanong ni Karl nang makita ang paglabas ng anak.

Naroon din ng oras na iyon si Karl kasama si Gab na naguusap sa labas ng silid ni Gibo.

“Kuwan dad, May bibilhin lang ako sa labas ng convenience store. Saglit lang naman ako.” Tugon ni Nate sa ama.

“Bilisan mo lang, at uuwi na rin tayo.”  Ani ng ama.

Mabilis ang mga hakbang ni Nate pababa ng hospital. Pagkapasok ng elevator tinawagan agad nito si Kaloy para huwag muna umakyat ng floor dahil naroon pa ang dad nito.

“Bakit mamaya pa? Kaya nga ako pupunta riyan kasi nandiyan ka, may kasama ako. Tapos uuwi ka na?” Pagtataka ni Kaloy habang kausap si Nate sa linya.

“Basta after fifteen minutes puwede na kayong umakyat.” Sagot ni Nate.

“Naku malabo iyan,  naka-park na kami ni Evan sa baba. Papasok na kami sa loob. Nasaan ka ba? Bakit ang ingay, marami bang tao sa silid ni Gibo?” Wika ni Kaloy.

“Ano nasa baba na kayo? Wait nasa third floor na ako. Hintayin niyo ako sa lobby kumain muna tayo, di pa kasi ako nag-dinner.” Ani pa ni Nate.

Nang magkita ang tatlo, lumabas muli sila ng hospital para kumain sa katapat na kainan sa labas ng hospital. Sumang-ayon naman agad si Evan dahil hindi rin nakapag-dinner si Kaloy ng gabing iyon. Habang kumakain, tila nagmamadali si Nate at hindi mapakali. Kaya tinanong na ito ni Kaloy dahil sa nagtataka na ito. Doon na sinabi ni Nate ang totoong rason kung bakit alangan ito na papuntahin agad si Kaloy sa silid ni Gibo habang naroroon ang ama nitong si Karl.

“Galit si dad sa mga mga bakla. Nang malaman niya ang tungkol sa inyo noon ni Vince, pinagbawalan na niya ako na magdidikit sa inyo o kahit lumapit man lang. Hindi pa nila alam ang tungkol sa akin. Ayoko namang pati ang pakikipagkaibigan ko sa iyo madamay sa pagiging homophobic ni dad. Kaya hayaan niyo muna na makaalis kami tsaka kayo umakyat.” Ani ni Nate.

“Eh si Gibo naman ang sadya namin ah. Grabe naman iyang dad mo, ano ang akala niya virus tayo? Na kahit nag-uusap lang magkakahawaan agad? Pero sige, maghihintay muna kami rito ni Evan. Message mo na lang ako kung aalis na kayo.” Wika ni Kaloy.

Pabalik na sila ng hospital nang mapansin nila ang kotse ni Vince na nakaparada sa isang tabi ng parking area. Biglang kinalampag ng kaba ang dibdib ni Kaloy, hindi pa ito handa na makita si Vince. Pagkapasok ng hospital nauna na si Nate sa kanila. Nang maiwan sa lobby sina Kaloy tinanong ito ni Evan.

“So, ano na tutuloy pa ba tayo?” Tanong nito kay Kaloy.

“Ewan ko, parang hindi pa ako handa na magkita kami pare.” Sagot ni Kaloy.

“Eh di, magbulagbulagan ka na lang. Kunwari hindi mo siya nakikita. Si Gibo lang naman ang sadya mo rito diba?”

“Paano kung kausapin niya ako?”

“Ikaw, depende sa’yo kung sasagutin mo. Pero kontrol lang din pare, hospital ito baka dito pa kayo gumawa ng eksena.” Sabat ni Evan.

Naghintay pa ng ilang minuto ang dalawa sa baba. Sa floor kung saan naroon ang silid ni Gibo, naroon na si Vince kasama si Seth. Malayo pa lang napansin na sila nina Karl at Gab. Agad na sinalubong ni Gab si Seth nang makita ito.

“Good evening mayor, kamusta na siya?” Tanong at pagbati ni Seth kay Gab.

“Ganun parin, walang response. Nagulat naman ako sa pagpunta mo.” Wika ni Gab.

“Sinamahan ko lang si Vince na bisitahin ang kanyang kaibigan.” Ani ni Seth.

“Good evening tito, dadalawin ko lang sana si Gibo. Puwede ba tito?” Sabat ni Vince.

“Oo naman, sige pasok ka lang dun. Bumaba lang saglit si Nate pero pabalik na rin iyon siguro.” Tugon ni Gab na ngumiti kay Vince sabay tapik ng marahan sa balikat.

Tumango si Vince at lumapit na sa silid ni  Gibo. Napansin nito si Karl at agad na binati ng magandang gabi, ngunit hindi ito pinansin ng lalake sa halip umalis ito naglakad sa malayo. Hindi ganun sa kanya noon si Karl. Nung malapit pa sila ni Nate sa isa’t isa naging close din sila noon ni Karl. Turing na nga niya sa lalake parang ama na rin. Ngunit nagbago na lang bigla at nag iba nung kumalat ang tungkol sa relasyon nila ni Kaloy.

Hindi na iyon pinansin ni Vince at tumuloy na sa silid ni Gibo. Sa pintuan pa lang bumigay na ang mga luha sa mga mata ni Vince ng makita ang kalagayan ng binata. Lumapit ito sa higaan ni Gibo, at doon tuluyang humagulgol habang hawak-hawak ang kamay ni Gibo. Panay ang hingi nito ng kapatawaran sa kanyang ginawa. Kinakausap si Gibo na gumising na.

“Bumalik ka na sa amin Gib, pangako babawi talaga ako sa iyo. Hindi ko naman talaga ikakalat iyon eh. Tsaka binura ko na lahat. Gib sorry… I’m so sorry, please dumilat ka na.” Ilan lang sa mga nasasambit ni Vince habang hawak ang kamay ni Gibo.

Nasa elevator na nun si Nate para balikan ang ama nang tumawag ito sa kanyang.

“Hello Nate, nasaan ka? Pababa na ako, hihintayin kita sa lobby. Uuwi na tayo.”

“What dad? Pababa na kayo? Nasa elevator ako ngayon papunta na rin sana sa inyo.”

“Bumaba ka na, diretso na lang din sa kotse doon na kita hihintayin.” Ani ng ama pagkaputol ng tawag.

Agad na lumipat ng elevator si Nate pababa.

Dahil sa inip, naisipan na ni Kaloy na umakyat na lang din sa silid ni Gibo at umiwas na lang kay Nate sakaling naroon ang ama nito. Nag-aabang na sila ni Evan sa tapat ng elevator nang magbukas ito. Natulala sa kanyang kinatatayuan si Kaloy nang bumungad agad sa kanila si Karl na papalabas ng elevator. Maging si Karl nagulat nang harap-harapang makita si Kaloy ng malapitan. Napakunot ang noo nito, hindi dahil sa galit o inis, kundi sa kanyang napansin. Tingnan nito si Kaloy mula ulo pababa. Tsaka muling tinitigan ng husto ang hulma ng mukha ng binata. Kinailang iyon ni Kaloy kung kaya’t napayuko na lamang ito at dali-daling pumasok ng elevator. Maging si Evan ay nagtataka rin sa mga titig na iyon ni Karl kay Kaloy.

At kahit nagsara na ang elevator, naroon parin si Karl nakatayo doon na tila ba may nais itanong sa sarili dahil sa kanyang nakita. Kilala niya si Kaloy dahil sa mga post noon ni Vince sa social media. Pero nang makita nito ng personal ang binata iba ang naramdaman nito nang magkatinginan sila. May kung anong pintig ang pumitik sa bahagi ng kanyang dugo. Doon nito naalala ang minsan nasabi sa kanya ni Nathalie.

“Look dad, kahawig mo rito ang boyfriend ni Vince oh…magkaiba nga lang kayo ng hairstyle dito.”… sambit pa noon sa kanya ng anak na babae.

Hindi na nakaalis sa kinatatayuan nito si Karl, iba na ang nararamdaman nito. Muli itong sumakay ng elevator paakyat. Sina Kaloy at Nate muling nagkasalubong sa third floor.

“Mauna na ako, nakababa na si dad at sa tingin ko nandun na rin si Vince sa taas.”

“Nagkasalubong nga kami ng dad mo sa baba. Alam mo, grabe nga makatitig ng dad mo sa akin. Tama ka nga mukha hindi nga ako gusto nun. Sige pare, ingat na lang kayo sa pag uwi.” Ani ni Kaloy.

Tumuloy na sina Kaloy pagkatapos nila mag usap saglit, si Nate bumaba na. Kabado si Kaloy habang papalapit ito sa silid ni Gibo. Sa mahabang upuan sa labas ng silid nakita ni Kaloy si Seth na kausap si Gab. Nang mapansin sila ni Seth tumayo ito at nakangiting nilapitan si Kaloy. Napasulyap din ito kay Evan na nasa likod lang din ng binata.

“Kaibigan niyo rin ba siya ni Vince?” Tanong ni Seth kay Kaloy nang tukuyin nito si Evan.

“Kaibigan ko po tito. Si Evan,” pakilala ni Kaloy sa kasama. Tumango naman si Evan at bumati kay Seth. “siya rin iyong tumulong kay Vince nung napa-trouble ito sa isang bar minsan. Nasa loob na si Vince tito?” Tugon ni Kaloy.

“Oo, bakit? Ayaw mo ba siyang makita? Sige sasabihin ko sa kanya na lumabas muna saglit.” Wika ni Seth.

“Huwag na tito, ayos lang naman sa akin. Si Gibo naman iyong sinadya ko rito.” Ani ni Kaloy. “Good evening po sa iyo mayor, bibisitahin lang sana namin si Gibo.” Pagbaling ni Kaloy kay Gab.

Natigilan si Gab nangkakatitig kay Kaloy ng sandaling lumapit ito sa kanya. Tila may nakikita itong katauhan sa mukha ni Kaloy na pilit niyang inaalala.

“Classmate ka rin nila Gilbert iho?” Tanong ni Gab kay Kaloy.

“Hindi po sir Mayor. Kababata ko po si Gibo, kasabayan ko po siyang lumaki sa Ilang. “ Sagot ng binata.

“Taga ilang ka? Saan sa Ilang?” Napakunot ang noo ni Gab nang magtanong itong muli.

“Sa Bakyas po, malapit lang po sa bahay ng lola ni Gibo. Ninang ko po si Nay Stella.” Tugon ni Kaloy.

Nang mabanggit ni Kaloy ang pangalan ng ina ni Gibo. May kung anong tuwa ang  gumuhit sa mga mata ng mayor.

“Sino nga ulit ang pangalan mo iho? At puwede ko ba malaman kung sino ang ina mo?” Tanong pa ni Gab.

“Kaloy po Mayor, anak ako ni Teresa Ajero.”

“Ajero? Isang Ajero ang napangasawa ni Teresa?”. Muling napakunot ang noo ni Gab.

“Opo mayor, Ajero po si Tay Karding. Bakit po mayor?”

“Wala naman, May kakilala lang din kasi akong Ajero na taga sa inyo. Dating kaklase sa highschool. Si Ricardo Ajero.” Sabat ni Gab.

Ang totoo may kutob na itong si Ricardo ang tinutukoy ni Kaloy na Karding. Ngunit nais lang nito siguraduhin sa binata ang kanyang hinala. At nakumpirma nga niya ng banggitin ni Kaloy ang tunay na pangalan ng ama.

“Walang duda, siya na nga ang anak ni Karl.” Sa isip ni Gab. “Sige na iho, pumasok ka na sa loob, nariyan din si Vince.” Wika ni Gab kay Kaloy.

“Salamat po mayor”.

Nagpaiwan sa labas si Evan kasama sina Seth at Gab.

“Ang liit lang talaga ng mundo. Tsaka sobrang maloko din itong tadhana.” Sambit ni Gab. “Iho maari bang iwan ka muna namin dito? Magkakape lang kami saglit ni Seth. Nagkakape ka rin ba? Iti-take out ka na lang namin pag balik.” Ani ni Gab kay Evan.

“Salamat na lang mayor, pero kakatapos lang namin ni Kaloy mag kape sa baba. Sige po, dito lang ako.” Tugon ng lalake.

Papasok na sana ng elevator ang dalawa nang bumungad sa kanila si Karl. Nagtaka si Gab nang makita si Karl. At dahil nga sa hindi kumportable si Karl sa mga bakla, nagkaiwasan naman sila ng tingin ni Seth. Nabasag na ang dahilan ni Karl sa pagbalik dahil kay Seth, kung kaya’t nagdahilan na lamang ito na titingnan lang sana si Nate kung nakabalik na ito dahil wala naman daw doon sa baba.

“Wala roon si Nate pare, sina Vince at iyong si Kaloy lang ang nandun.” Ani ni Gab.

“Ganun ba, baka nga naghihintay na iyon sa akin sa kotse.” Tugon ni Karl.

“Kung gayun sabay na tayong tatlo bumaba. Magkakape rin kasi kami ni Seth sa labas. Baka gusto mo magkape muna pare bago kayo umuwi ni Nate.” Wika ni Gab.

“Salamat na lang pare, uuwi na kami ni Nate. Alas otso na, maaga pa ako sa ka-meeting ko bukas. Sasabay na lang ako sa inyo sa baba.” Alibi pa ni Karl.

Sa loob ng elevator, tahimik lang si Seth. Sumasagot lang ito pagkinakausap na ni Gab. Hanggang sa makababa silang tatlo hindi nagpapansinan sina Seth at Karl. Pansin iyon ni Gab ngunit nagkibit balikat lang ito. Dahil alam din naman niya kung ano ang ugat ng kanilang kinikilos sa isa’t isa. Sadyang ayaw lang ni Gab na mapagitna sa isyu ng dalawa. Maging ang nalaman nito tungkol kay Kaloy. Nais na talaga niyang sabihin kay Karl ang natuklasan nito pero alam niyang hindi iyon ang tamang lugar at sandali para dun. Ayaw din ni Gab na mabigla ang mga bata sakaling magkaalaman na. Pagkalabas ng hospital tsaka naghiwalay ng direksiyon ang tatlo.

Pinagpaliban muna ni Karl ang sandaling iyon at tinungo na ang kotse kung saan naroon na si Nate nakahintay. Habang nasa biyahe pauwi, may naitanong si Karl kay Nate na labis na ipinagtaka ng binata.

“Magkaibigan ba kayo ng boyfriend ni Vince?”

“Kuwan dad, magkakilala pero hindi kami close. Diba nga ayaw niyo sa kanya? Kaya hindi ako nakikipagmabutihan dun.” Sagot ni Nate.

“Mukhang magalang naman at mabait.” Sambit ni Karl.

“Mabait naman talaga si Kaloy dad. Mabuting kaibigan tsaka hindi mahirap pakibagayan.” Ani ni Nate.

“Akala ko ba hindi kayo close? Bakit mo iyan nasabi?”

“Ah eh, iyon kasi ang sabi ni Vince tsaka ni Gilbert. Kababata rin kasi siya ni Gilbert dad. Kaya ko nasabi iyon.” Tugon ni Nate.

Biglang kinabahan si Nate sa pananahimik ng ama. Hindi na rin ito nag salita baka kung ano pa ang masabi nito na hindi dapat marinig ni Karl.

Sa silid ni Gibo. Nagulat si Vince nang pumasok si Kaloy. Nais niyang lapitan ang binata para yakapin ngunit hindi nito magawa. Maging si Kaloy ganun din ang nararamdaman kay Vince ngunit nang makita ang kalagayan ni Gibo, napalitan iyon ng matinding awa para sa kababata at dating kaibigan. Nilapitan nito si Gibo, hinawakan ang kamay at napaiyak na humihingi ng tawad sa walang malay na binata. Nasa magkabilaan sila ni Vince, siya nasa kaliwa ni Gibo at sa kanan naman ng binata si Vince. Hindi na napigil ni Kaloy ang emosyon at napayakap ito sa katawan ni Gibo at pilit itong ginigising.

Sa ganoong ayos, naramdaman ni Kaloy ang paglapat ng mga kamay ni Vince sa kanyang mga braso. Napatingin ito sa lalake. Nang magtama ang kanilang mga mata…muling namutawi ang salitang…

“Sorry, I’m really sorry sa nagawa kong kasalanan sa iyo. Hindi ko hinihingi na mapatawad mo agad ako. Pero sana, tanggapin mo ang sorry ko. Kaloy…” Sambit ni Vince habang hawak ang mga kamay ni Kaloy na nakapatong sa dibdib ni Gibo.

Hindi alam ni Kaloy ang itutugon kay Vince ngunit sa nakikitang pag-iyak ng lalake tila pinipiga ang kanyang puso. Hindi niya kayang tingnan sa ganun si Vince. Bagama’t malaki ang nabuong galit sa kanya dahil sa ginawa ng lalake, aminado si Kaloy na si Vince talaga ang kahinaan niya. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw pa sana ni Kaloy na makita si Vince.

Paulit-ulit ang mga paghingi ng kapatawaran ni Vince kay Kaloy. At kaunti na lang at bibigay na rin ang lalake sa mga pagsusumamo ni Vince. Ngunit pilit na nagmamatigas ang puso ng lalake ayaw niya muna pagbigyan ang tunay na nararamdaman.

Sa coffee house kung saan naroon sina Gab at Seth, biglang naisingit ni Gab ang usapan tungkol sa naging isyu nila ni Seth at Karl.

“Hanggang ngayon ba hindi pa kayo nakapag move on sa isa’t isa? Ang tagal na rin nun.  Ilang taon na ba?  Five years?” Simula ni Gab.

“Five years and three months ago to be exact. Ewan ko nga ba dun sa kaibigan mo kung bakit ganun na lang iyon ka  irita sa akin. Kung hindi lang talaga kami magkaibigan ni Jessica iisipin ko talagang may gusto iyon sa akin. Takot lang umamin. Dinaan ako sa pagiging suplado niya. Akala naman niya type ko siya noh.” Sagot ni Seth na may pairap pa tsaka humigop ng kape.

“Alam mo naman na allergic iyon sa mga bakla, hiniritan mo pa ng ganun. Sa harap pa mismo ng mga ka batch natin.” Ani ni Gab na natawa naman ng maalala ang nangyari nun.

“Part naman iyon ng laro. Tsaka kasalanan niyo rin ang dare na iyon para asarin si Karl. Tsaka tingnan mo nga ako, do I look like gay to you? Iyong honest ha.” Wika ni Seth.

“Honestly kung hindi kita kilala, I would say hindi. Mas lalake ka pa nga tingnan sa mga lalake na kakilala ko. Parehas kayo ni Ric. Actually nung nagkita last week hindi ko agad siya nakilala. Grabe dinaig niya pa ang katawan ko na lagi sa gym.” Sabat ni Gab.

“Nagkita na rin pala kayo.”

“So alam mo na nandito si Ric?”

“Ilang buwan na ang nakaraan. Siya ang nakabili ng property ko sa Grand View.”  Sagot ni Seth.

“Alam ba niya na sa iyo yon? Ex mo iyon diba? Buti hindi siya nagdalawang-isip na bilhin iyon sa iyo.” Napangising sabi ni Gab.

“Si Jasper ang nakatransaksyon ko. Akala ko si Jasper ang bibili. Nung nagkapirmahan na ng transfer of deeds dun ko nalaman na si Ric pala napagbentahan ko. Tsaka tapos naman na kami.” Kuwento ni Seth.

“Malaki-laki rin siguro ang namana ni Ric sa ama niya kaya na afford niya ang presyo ng property mo dun.” Wika pa ni Gab.

“Ewan ko, siguro…”

Nang mapansin na tila sa kanya na napupunta ang usapan nila ni Gab, nilihis na ni Seth ang kuwento. Para sa kanya tama na, na iyon lang ang mga alam ni Gab sa totoong estorya ng kanyang buhay. Ayaw na niya magsalita pa baka, mabuksan pa ang mga bahagi na hindi na dapat pa malaman ng iba. Balik sa silid ni Gibo sa hospital, pansin ang katahimikan sa loob. Hawak ng dalawa ang magkabilang kamay ni Gibo. Naisip ni Kaloy na magpaalam na, kaya bumulong ito sa tenga ni Gibo.

“Uwi na ako tol, pahinga ka muna. Bukas nandito muli ako. At sana sa pagbalik ko gumising ka na. Na miss ko na ang tawa mo. Huwag mo na isipin ang nangyari.”  Bulong ni Kaloy kay Gibo tsaka hinalikan nito sa noo ang dating kaibigan.

Nakatingin lang si Vince. Umaasa na sana pagbigyan din siya ni Kaloy. Habang hawak ang kamay ni Gibo May napansin ito. Tila gumalaw ang hinliit ni Gibo sa kamay. Muli iyon pinagtuunan ni Vince.  Ilang saglit pa gumalaw muli iyon. At nang tingnan ang mukha ni Gibo napansin nito ang butil ng luha na tumulo sa gilid ng nakapikit na mata ng binata.  Agad nitong sinabi kay Kaloy ang nakita.

“Naririnig ka niya, gumalaw ang daliri niya at tingnan mo may luha sa mga mata niya. Naririnig ka niya Kaloy.”  Ang nakangiting wika ni Vince na umiiyak sa saya.

Nakita iyon ni Kaloy at napangiti rin ito ng bumaling kay Vince. Muli nilang kinausap si Gibo. At maya-maya pa pati ang kaliwang mga daliri ni Gibo ay dahan-dahan na rin gumagalaw.  Sa sobrang saya ng dalawa sa nakikita kay Gibo, hindi nila napansin na napayakap na rin sila sa isa’t isa. Ngunit muling nagkailangan ang dalawa nang muntikan ng halikan ni Vince si Kaloy.

“Sorry nadala lang ako ng saya.” Ani ni Vince na tinanggal ang mga kamay sa braso ni Kaloy.

Tumango lang si Kaloy at muling binalingan si Gibo na nakapikit parin ang mga mata. Si Vince naman agad na sinabi kay Seth ang napansin nila ni Kaloy ng mga sandaling iyon. Kung kaya’t agad din sila bumalik ni Gab sa silid ni Gibo. Doon nga nakita ni Gab ang bakas ng luha sa mga mata ng anak.  Ngunit hindi na muling gumalaw pa ang mga daliri ni Gibo. Gayunpaman hindi nawalan ng pag-asa ang lahat na magigising din muli si Gibo sa takdang panahon. Naunang mag paalam sina Kaloy sa kanila. Nang maiwan si Vince napailing ito sa sarili.

“Nagseselos ka ba dun sa dalawa?” Tanong ni Seth kay Vince.

“Sinungaling ako pag sinabi kong hindi tito.  Kita mo naman kung gaano ikulong ng Evan na iyon si Kaloy sa kanyang braso. Tsaka  si Kaloy,  gustong-gusto naman ang pagakbay sa kanya ni Evan.” Tugon ni Vince.

“Hindi kaya gumagawa ka lang ng sarili mong multo? Nakausap ko kanina ang Evan na iyon, at magkaibigan lang daw sila ni Kaloy. Kung ganun man daw sila ka close eh parang bunsong kapatid na turing niya kay Kaloy mo.” Ani ni Seth.

“Ang dali mag sinungaling ng bibig tito. Pero hindi maaring maitago ng kilos ang totoo. “ Komento ni Vince.

“Nagka-usap ba kayo ni Kaloy kanina?”

“Nag-uusap, pero hindi tungkol sa amin. Ramdam ko ang bigat ng pakikitungo niya kanina sa akin. Hindi ko na lang ipinilit ang sarili ko baka lalo lang lumayo ang loob niya sa akin.” Ang nalungkot na sabi ni Vince.

“Hayaan mo muna na humilom ang sugat, it takes time pero hindi na ganun ka hapdi.” Dagdag ni Seth.

“Naisip ko nga, paano kung gawin ko rin kaya ang ginawa ni Gibo. Baka sakaling marinig ko rin kay Kaloy ang sinabi niya sa kanya. Buti pa si Gibo abswelto na sa kasalanan niya kina Nate at Kaloy hindi tulad ko.” Sambit pa ni Vince.

“Baliw, sa tingin mo iyon ang solusyon? Naku Vince mag-isip ka nga. Pinahihirapan mo lang lalo ang sarili mong iyan. Magkakaayos din kayo ni Kaloy huwag masyadong aporado. Hindi pa tapos ang kuwento.” Ang may punto ng galit na tugon ni Seth sa pamangkin.

“Ano ba ang gagawin ko tito. Baka sa kakahintay ko, magising na lang ako burado na ang puwesto ko sa puso ni Kaloy.” Pag-aalala ni Vince.

“Eh di magsimula ka sa umpisa. Ligawan mo, suyuin mo. Alam mo naman siguro ang kiliti ni Kaloy diba? Pakita mo sa kanya na mahal mo siya, na nagsisisi ka talaga. Juice ko Vincent, nasanay ka kasi na ikaw ang nakikipag break lagi. Kaya na back to you ka ngayon.” Litanya pa ni Seth.

Natigilan si Vince sa sinabi sa kanya ni Seth. Buong gabi nitong pinag-isipan ng malalim ang mga puntos na nabanggit sa kanya ng tiyuhin. Muli nitong binalikan ang mga simula nila ni Kaloy. Kung paano ba umusbong ang namagitan sa kanilang relasyon. Mula dun bumuo ng mga hakbang si Vince. Mga hakbang para ibalik ang lahat sa simula at maibalik ang tiwala ni Kaloy sa kanya.

RESTART

Maagang nagising si Kaloy nang masigla. Dahil sa nakita nila ni Vince nung dinalaw nila si Gibo, tila muling nabuhayan ng ngiti ang binata sa mukha. Inabutan nito si Tess na naghahanda ng lamesa para sa kanilang almusal.

“Mukhang maganda ang gising ng pogi kong anak ah. Anong meron?” Bungad ng ina.

“Wala naman Nay maganda lang talaga ang gising ko. Wala pa ba si Evan?” Wika ni Kaloy.

“Narinig ko yata pangalan ko, miss mo na ba agad ako pare? Hi tita good morning,”  Sabat ni Evan nang pumasok ito ng dining area. “Alis na ba tayo pare?”

“Kumain muna kayong dalawa ang aga pa nito.” Ani ni Tess at inayusan ng plato si Evan.

“May isang oras pa naman pare, samahan mo na muna kami mag almusal. Siya nga pala birthday na ni Tatay sa Friday punta ka.” Ang nakangiting sabi ni Kaloy.

“Siyempre naman, invited naman talaga ako ni Tito eh. Pero si…ang X mo, invited din ba?” Ang medyo pabulong na tanong ni Evan.

“Dapat pa ba?” Tugon na tanong ni Kaloy.

“Paano kung hanapin siya ng tatay mo?”

“Magdahilan na lang. Maiintindihan naman ni tatay iyon. Tsaka puwede ba, good mood ako ngayon pare, wala munang bad words, ayokong masira ang araw ko.” Saad ni Kaloy.

Ganado rin ng araw na iyon si Vince na bumangon. Maaga pa lang handa na ito sa pagpasok.

“Good morning yaya, anong almusal natin diyan?” Pagbati nito kay Ponyang nang madatnan niya ito sa kusina.

“Magandang umaga naman sir Vincent.  Ang aga mo naman. Tulog pa ang mommy at daddy mo.”

“Masarap kasi mag drive sa umaga kapag hindi pa ganun kasikip ang daan yaya.  Ano po ang almusal?” Wika ni Vince.

“Chessy baked egg, sausage, bacon, fresh bread, tsaka nag tapa ako at sinangag para sa dad mo. May breakfast salad din dito na may avocado at boiled egg. Kakain ka na ba? Saglit at ipaghanda kita.”

“Sinangag na lang din sa akin yaya. Tsaka patusta ng tapa ko.”

Maaga ring pumasok si Nate sa Victor High Academy. Pagkababa ng kanyang kotse sinalubong agad ito ni Dustin para kamustahin ang kalagayan ni Gibo.

“Ganun parin hindi parin nagkakamalay. Pero ang sabi nila Vince nakita raw nila ni Kaloy na gumalaw ang mga daliri niya nung dumalaw sila. Sana nga totoo nang magising na si Gibo.” Kuwento ni Nate sa kaibigan habang papasok sila ng building ng Victor.

“Kamusta na pala iyong dalawa? Nabanggit mo sila, ibig sabihin nandun sila pareho nung dinalaw nila si Gilbert?” Tanong pa ni Dustin.

“Magkasama nga sila nun.” Sagot ni Nate.

“Nagkabalikan na ba iyong dalawa bro?” Isang hirit pa ni Dustin.

“Malay ko naman. Bro alam mo daig mo pa sina Eunice at Bella, ang aga pa nito oh para pagtsismisan natin iyong ang dalawa. Tsaka may isip na ang mga iyon noh.” Ang natawang sabi ni Nate

Napailing na lang si Dustin sa tugon sa kanya ni Nate. Ang totoo, maging si Nate aminado rin sa sarili na nais din niya malaman ang tunay na kalagayan ng relasyon nila ni Vince at Kaloy kung nagkaayos na nga ba sila o nagkabalikan na nga ba. Hindi nga lang niya maitanong iyon kay Kaloy tsaka may naipangako na ito kay Gibo na aayusin na ang lahat ng mga pagkakamali na kanyang nagawa. Sa hallway papasok sa kanilang classroom sinalubong naman sila ng iba pa nilang kaklase na nais malaman din ang kalagayan ni Gibo.

“Hanggang ngayon palaisipan parin sa lahat kung ano ba talaga ang nagtulak kay Gilbert na gawin iyon. Hindi naman siya victim ng pambu-bully dito sa school diba? Sa katunayan mas marami pa nga ang gusto siyang maging kaibigan.” Wika ni Eunice.

“Baka naman personal masyado ang problemang pinagdaraanan ni Gilbert kaya sinarili na lang niya. Dapat kasi may outlet ka talaga na puwede mong hingan ng mga hinaing mo sa buhay, or at least someone man lang na makikinig sa iyo. Nakakasakal din kaya ang depresyon.” Komento ni Yessa.

“Meron naman sana, eh kaso mukhang may problema din sila nitong si Nate. Kapansin-pansin kaya ang di nila pagpansinan araw-araw bago nangyari ang attempt ni Gilbert. Nag-away ba kayo ni Gilbert bro?” Sabat ni Mon.

Tahimik lang si Nate, wala itong imik o komento man lang sa mga kaibigan.

“Puwede ba hayaan na muna natin si Gilbert. Kung ano man ang dahilan kung tao, labas na tayo dun. Instead na pag-usapan pa natin si Gibert… ipagdasal na lang natin ang mabilis niyang recovery. “ Ani ni Dustin sa mga kaibigan.

Maya-maya pa sa kanilang classroom pumasok na rin si Vince. Tahimik itong sumulyap sa mga kaibigan at bahagyang ngumiti sa kanila. Pagkadaan sa upuan ni Nate, marahan nitong tinapik ang balikat ng lalake sa bati rito ng…“good morning.” Na may guhit ng ngiti sa mukha.

Napatingin kay Vince si Nate na takang-taka sa bungad na kilos sa kanya ng dating kaibigan. At bilang tugon tumango ito at nginitian din si Vince. May pagtataka mang nararamdaman sa kilos ni Vince nag dulot naman iyon ng magaang pakiramdam para kay Nate.

Ibang Vince ang nakikita ni Nate ng araw na iyon. Na para bang ito ang version ng Vince na minsan na niyang nakasama bago pa dumating sa espasyo nila sina Kaloy at Gibo.

Sa Bayag-bayagan; pagkahatid ni Evan kay Kaloy, saglit muling tumambay sa labas ng gate ang lalake… sinisiguro muna nito na nakapasok na sa loob si Kaloy tsaka ito aalis. Bumaba muna ito ng kotse para bumili ng bottled water sa katabing kainanan nang muling mag krus ang daan nila ni Dax na kakarating lang. Iiwas pa sana si Evan ngunit kaharap na nito ang lalake.

“Ang loyal mo talagang driver pare, walang mintis ang paghatid sundo mo kay Carlo araw-araw. Driver ka nga lang ba niya o nakiki-ride ka rin sa kanya? Sana driver na lang. Ayoko kasing maging karibal kita sa kanya.” Pang aasar agad na hirit ni Dax kay Evan nang nilampasan nito ang lalake.

Tila uminit ang tenga ni Evan sa sinabi na iyon ni Dax kung kaya’t kinuwelyuhan nito si Dax at idiniin sa kanyang kotse. Sabay sabi rito na…“Tang ina ka, pasalamat ka at nakapang estudyante ka ngayon. Dahil kung wala babasagin ko iyang mukha mo!” Ang nagtitimpi sa galit na wika ni Evan sabay bitaw kay Dax.

“Sige, pagbibigyan kita…Sa sabado sa may boxing gym diyan sa Dunka street malapit dito. One on one tayo, no rules ipakita mo sa akin na kaya mong basagin ang mukha ko. Hindi kasi ako naniniwala sa salita.” Tugon ni Dax habang inaayos ang nagusot na kuwento ng uniporme. “Siya nga pala, sa atin lang dalawa ito. Hindi ito dapat malaman ni Carlo.” Ani pa ni Dax nang talikuran si Evan.

Tinikom na lang ni Evan ang mga palad para pigilan ang pagkainis at galit sa pagiging hambog at presko ni Dax. Ayaw naman niyang patulan ang hirit ng lalake ngunit ayaw din niyang tapakan ni Dax ang pagkalalaki niya. Sa sinabi na iyon sa kanya ng lalake batid ba ni Evan ang masamang intensyon ni Dax sa paglapit kay Kaloy. At hindi siya papayag na mangyari iyon sa kaibigan. Umalis ito roon sakay ng kanyang kotse na umusok parin sa galit.

Pagpasok pa lang ni Dax sa kanilang silid agad nitong pinansin si Kaloy na kausap nun si Zyone.

“Balik na ako sa upuan ko, nandito na ang bestfriend mo.” Wika ni Zyone kay Kaloy tsaka lumipat na ng upuan pagkalapit ni Dax.

Napangiti na lang na napailing si Kaloy sa reaksyon ni Zyone sa paglapit ni Dax sa kanila. Pagkaupo naman ni Dax, may ibinigay agad ito kay Kaloy na ipinagtaka naman ng isa.

“Chocolates? Ang dami naman nito pare… Sa akin ito lahat?” Ani ni Kaloy.

“Sa iyo lang iyan. Pansin ko kasi na mahilig ka sa chocolate kaya ibinili kita nung napadaan ako kanina sa Twenty-four seven.” Sagot ni Dax sa lalake.

“Pero ang dami naman nito, tapos mukhang ang mamahal pa nito. Hindi ka na sana nag abala. Hati na lang kaya tayo nito…” Ang nahihiya pang sabi ni Kaloy.

“Sa iyo talaga iyan pare. Pasasalamat ko na rin iyan sa pagbigay mo sa akin ng pagkakataon na maging kaibigan mo.” Tugon naman ni Dax sabay hawak sa kamay ni Kaloy nang iabot ng lalake sa kanya ang ilang chocolates.

Biglang nailang si Kaloy sa paghawak na iyon sa kanya ni Dax kaya agad niya binawi ang kamay nito tsaka umayos ng upo. Hindi naman iyon binigyan ni Kaloy ng ano mang pakahulugan ngunit sa mga titig sa kanya ni Dax ramdam ni Kaloy na may ibang pahiwatig ang mga kilos ng lalake sa kanya. Maya-maya pa nagsidatingan narin ang mga kaklase nila at sumunod ang kanilang guro sa unang subject.

Simula nung binuksan ni Kaloy ang sarili para kaibiganin si Dax,  marami ang nakapansin sa mga nangyayaring pagbabago ng lalake. Na maging ang mga dati nitong kaibigan nag-aalala na sa biglaang pagkambiyo ng ugali nito. Vacant period nun nang makipagkita si Dax sa mga tropa.

“Anak ng putcha tol, ikaw ba talaga itong kaharap namin ha? Di kaya AI ka?” Wika agad ng isa sa kaibigan ni Dax ng lumapit ito sa kanila.

“Siyempre naman gago ako ito. Kamusta ang tropa?” Sabat ni Dax.

“Ikaw ang kamusta pare, na miss ka na ng grupo. Hindi ka na sumasama sa mga trip ng tropa. Duda na nga kami baka malapit ka na kunin ni Lord eh. Bigla-bigla ka naman kasi bumait tapos katropa mo na rin ang epal na Carlo na iyon.” Saad ng isa sa kaibigan ni Dax.

“Ops teka sandali hindi dahil sa ganito na ako ngayon iba na ako. Bahagi pa rin ako ng grupo, pero siyempre kailangan muna natin magpabango. Mahirap na baka mawala na rin tayo dito tulad ng iba. At si Carlo hayaan niyo na iyon sa akin. May plano ako dun. Makakaganti rin tayo sa ginawa niya sa atin. Sa ngayon pakabait na muna tayo.” Tugon ni Dax.

Ang usapan nila ay di sadyang narinig ni Zyone nang mapadaan ito sa kanila. Agad niya itong sinabi kay Kaloy, ngunit sa halip na maniwala sa kanya ang lalake iba ang naging tugon ni Kaloy sa kuwento nito.

“Zy, alam ko may duda ka pa rin kay Dax. Hindi naman kita masisisi kung ayaw mo talaga sa kanya. Pero sana pagbigyan naman natin iyong tao na magbago. Kung sinisiraan mo lang si Dax sa akin dahil sa pagiging magkaibigan namin, pakiusap tol huwag na.” Saad pa ni Kaloy sa sinabi sa kanya ni Zyone.

“Hindi ko sinisiraan ang taong iyon sa iyo tol. Ayoko lang na may masamang mangyari sa iyo dahil sa sobrang tiwala mo sa kanya. Pero sige, choice mo naman iyan. Basta pinagsabihan na kita.”

Nasaktan si Zyone sa pagbabalewala sa kanya ni Kaloy.  Ngunit naiintindihan naman niya kung gaano ka buti ang kalooban ng lalake kaya hindi rin niya mapigil kung kanino gusto makipagkaibigan si Kaloy.

Ngayong kumpirmadong nasa siyudad na nga ang hinahanap ni Karl, isa na lang ang nais niyang kumpirmahin. Ang mapatunayan ang kanyang hinala.

“Alamin mo ang lahat sa kanya. Gusto ko sa lalong madaling panahon maibigay mo agad sa akin ang resulta.” Ani ni Karl sa inupahan nitong agent para sa pinapahanap nito.

“Walang problema sir, give me this week at maibibigay ko agad sa iyo ang result. Mauna na ako.”

Pagkalabas ng agent sa opisina ni Karl ang siyang pasok naman ni Jessica. May dala itong pagkain para sa asawa.

“Bakit hindi mo naisip na gawin iyon dati? Hindi sana ngayon kasama mo na ang anak mo. Siya nga pala nagluto ako ng paborito mong white truffle pasta. Ang aga mo rin kasi umalis kanina.”

“Thank you for this hon, halika saluhan mo ako.” Wika ni Karl sa asawa.

“Hindi na busog ako,idinaan ko lang talaga iyan for you. Mabalik tayo dun sa agent na kinuha mo. Bakit ka pa nag hire ng maghahanap sa anak mo kung may kutob ka naman pala kung sino? And you should have done that noon pa.” Ani ni Jessica.

“Kutob pa lang naman, hindi pa ako sure baka nagkamali lang ako. Tsaka mas mabuti ng ibang tao. Hindi pa kasi ako handa sakaling magkaharap na kami.” Tugon ni Karl na may lungkot sa boses.

“Hindi handa o hindi mo lang kayang tanggapin na ganun ang anak mo? Magkaiba iyon hon.”

“Hindi pa confirm kung siya nga ba ang anak ko kay Teresa.” Sabat ni Karl.

“Paano kung siya nga? Tatanggapin mo pa rin ba siya? Magpapakilala ka pa rin bang ama niya? Ha Karl?”

Naiwan sa ere ang katanungan na iyon ni Jessica sa asawa. Hindi nakasagot si Karl dahil ang totoo hindi niya alam kung paano tutugon. Hindi na kinulit pa ni Jessica ang asawa at makaraan nagpaalam na rin ito. Sa paglabas sa opisina ng asawa, bitbit ni Jessica ang sakit bilang ina sakaling malaman din ni Karl ang tunay sa katauhan ng anak na si Nate.

Sa Victor; Humiwalay si Nate sa mga kaibigan para kumain sa labas dahil sa mahaba-haba ang vacant period nila ng mga sandaling iyon. Pasakay na ito ng kanyang kotse nang lapitan ito ni Vince na noo’y balak din pala kumain sa labas.

“Sumabay ka na sa akin pare.” Wika ni Vince ng nakangiti.

“Sure ka?”

“Oo naman, tara na sabay na tayo.”

“Okay…”

Pumayag naman ng walang pag-aalinlangan si Nate. Hindi niya alam kung bakit siya sumama kay Vince. Ang alam lang niya gusto niya muling makasama ang lalake.

“Sorry, I know na until now may bigat pa rin sa loob mo. Sorry kasi nawala ako sa sarili ko. Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat kung naging bukas ako.” Wika ni Vince.

“Hindi lang ikaw ang dapat mag sorry. Sorry din dahil nagawa ko rin iyon. Nakalimot din ako na iba pala ang relasyon niyo ni Kaloy sa relasyon na meron tayo noon. Kaya sorry din at nasira ko pa kayong dalawa.” Tugon ni Nate sa lalake.

Dinala ni Vince si Nate sa paborito nilang kainan dati nung sila pa. Natuwa naman si Nate dahil hanggang sa sandaling iyon hindi pa nakalimutan ni Vince ang madalas na inoorder nitong pagkain at inumin.

“Kelan ba ang huling pasok natin dito? Ang dami na pa lang nagbago rito sa loob, wala na ang dating parang carousel sa side na iyan ginawa na nilang alfresco area. Sayang ang ganda pa naman nun.” Wika ni Vince.

“Ganun talaga. Kung kailangan mo mas maging kaaya-aya. Kailangan mo talaga baguhin lahat kahit pa ang palitan ang dating nakasanayan. I mean, tingnan mo naman ang lugar na ito mas lumawak at naging mas maganda pa nga.” Tugon ni Nate na nginitian si Vince.

“Sa tingin mo, magkakabalikan pa ba kami ni Kaloy?” Biglang kambiyo ng tanong ni Vince.

Napainom naman bigla sa hawak na inumin si Nate sa binitawang tanong ni Vince sa kanya. Ayaw niyang mangi-alam sa disisyon ni Kaloy. Gayunpaman nagbigay ito ng payo kay Vince.

“Kung sa tingin mo deserve ka pa rin niya,… Simulan mo kung paano mo siya nakuha noon. Then will see kung my chance. Hindi naman ako si Kaloy na sa isang kindat mo lang bibigay na muli sa iyo.” Ani ni Nate.

“Will you help me?”

“Hindi ako ang nakagawa ng pagkakamali sa kanya. Kung mahal mo talaga si Kaloy, magagawa mo iyon ng mag-isa.” Saad ni Nate.

Masaklap man ang naging tugon ni Gibo sa mga nangyari ngunit dahil na rin sa ginawa niya tila unti-unti ng natutuldukan ang nasirang samahan ng mga magkakaibigan. Samantala, nakahanda na ang mag asawang Tess at Karding para dalawin si Gibo nang may dumating na bisita sa kanilang bahay na di nila inaasahan. Napakunot ang noo ni Karding nang makita sa harapan ng kanilang gate si Jasper.

“Anong ginagawa mo rito? Ikaw lang ba mag-isa.” Tanong ni Karding sa kaibigan.

“Kasama ko si Mayang pero nagpa-iwan sa hotel. Napagod sa biyahe. Kuwan kasi balak namin mag Korea na dalawa. Kaya sabi ko dumito muna kami sa siyudad ng mga ilang araw bago ang trip namin. Tapos naalala ko na birthday mo na pala this Friday kaya naisipan kitang dalawin. I miss you Ric.” Wika ni Jasper.

Akto na sana nitong hahalikan sa bibig si Karding nang marinig nila ang boses ni Tess na papalapit sa kanila. Umiwas si Karding at sinalubong ang asawa. Agad namang binati ni Jasper si Tess nang makita niya ito.

“Good morning mare, grabe ang donya mo nang tingnan sa ayos mo ah.”

“Ikaw pala pare, good morning din kamusta.  Halika rito sa loob…mahal naman bakit hindi mo man lang muna pinatuloy si kumpare.“wika ni Tess.

“Ayos lang mare, kakarating ko pa lang naman.” Ang nakangising tugon ni Jasper sabay sulyap kay Karding.

Naunang bumalik sa loob si Tess kasunod sina Karding at Jasper. Sa labas palang ng pintuan hindi na nakapagpigil si Jasper at hinalikan nito sa bibig si Karding na nagulat naman kaya naitulak nito bigla ang kaibigan. Nginitian lang ito ni Jasper. Napasimangot si Karding na nauna ng pumasok ng bahay.

“Mukhang may lakad yata kayong mag asawa ah, naka istorbo yata ang pagpunta kong ito.” Wika ni Jasper nang mapansin ang ayos ng mag-asawa.

“Buti napansin mo. Sana tumawag ka man lang muna bago ka pumunta rito nang sumakto naman ang dating mo, hindi itong may lakad kami ni Tess.”  Sabat ni Karding.

“Naku ayos lang iyon mahal. Ang aga pa naman nito. Tsaka kung gusto ni kumpare, sumabay na rin siya sa atin sa ospital.”  Saad ni Tess.

“Ospital? Sa ospital ang punta niyo? Bakit, sino ang nandun?” Ang tanong ni Jasper.

“Hindi mo ba nabalitaan ang nangyari sa anak ni Stella? Nasa ospital ngayon si Gibo …” Sagot ni Tess.

“Hindi eh, alam mo naman dun sa Ilang hindi uso ang signal ng network at wifi. Bakit ano ba ang nangyari?”

Nanlomo si Jasper sa sinapit ni Gibo nang naikuwento na sa kanya ni Tess ang nangyari. Inaanak din kasi ng lalake ang binata kaya nalungkot talaga ito. Sumama ito kina Tess at Karding sa ospital kung saan inabutan din nila roon si Stella na kakauwi lang din galing ibang bansa. Naroon din si Gab na natuwa nang makitang magkasama sina Tess at Karding.

Iyon ang sandaling ayaw sana mangyari ni Karding, ang ibalik sa kanya ng pagkakataon ang kanyang mga nakaraan. Hindi na ito naitago kay Gab ang natutohan na si Tess nga talaga ang napangasawa nito.

Magkasama na nagkape sa labas ng ospital ang tatlo, Jasper, Karding at Gab habang naiwan sa silid ni Gibo sina Tess at Stella na namiss din ang isa’t isa.

Tahimik lang si Karding na nakikinig sa kuwentuhan nila Jasper at Gab.

“Alam niyo, pangit man ang ideyang ito pero sino ang mag-aakala na nang dahil sa anak kong si Gilbert, muli tayong nagkikita-kita at nagkakasama-sama. Sina Karl at Seth na lang wala dito sa grupo natin at buo na muli ang F5 ng section Aries.” Wika ni Gab na natuwa sa pagkikita muli nilang tatlo.

“Bakit di mo sila tawagan pare, for sure naman hindi busy ang mga iyon ngayon. Lalo na si Seth.” Tugon ni Jasper.

“Kung may paguusapan pa kayo, babalikan ko na si Tess may lakad pa kasi kami eh,… baka gabihin pa kami.”  Sabat ni Karding na halatang hindi sang-ayon sa ideya ni Jasper.

“Later na muna Ric, minsan lang naman ito. And I’m sure nag ka catch-up din dun ang dalawa. Hayaan mo na muna sina Teresa at Stella.  Kuwentuhan muna tayo.  (Ani pa ni Gab) “wait sakto, hindi ko na kailangang tawagan si Karl, dadaan daw muna siya rito bago umuwi.” Saad nito.

Nanlamig sa kinauupuan nito si Karding. Mainit ang hawak nitong kape pero tila maging iyon naging yelo sa narinig. Nais na niyang umalis doon bago pa sila magpang-abot ni Karl ngunit tila huli na rin para gawin pa iyon. Nasa labas na ng kainan na iyon si Karl at papasok na sa loob. Kahit tensiyonado, pilit na pinapakalma ni Karding ang sarili. Pasimple nitong minisage si Tess para sabihin ang pagdating ni Karl.

Pagpasok pa lang sa kainan na iyon nakita na agad ni Karl ang tatlo. Tumango ito kay Gab nang kinawayan siya nito. Nang mapasulyap sa kanya si Karding napaiwas naman ito ng tingin sa lalake na para bang hindi niya ito nakita. Pagkalapit sa lamesa ng tatlo. Agad nito binati ang dalawa Gab at Jasper samantala tinangu-an lang nito si Karding na kapansin-pansin ang pagkailang nito.

No choice na si Karl kaya naupo ito sa tabi ni Karding kahit ayaw pa sana nito.

Nang mapansin ang hindi pag-iimikan ng dalawa Karl at Karding humirit ng biro si Jasper.

“First time niyo? Ano ba parang hindi naman kayo mag bestfriend na dalawa. Share na nga kayo sa lahat nagkakailangan pa kayo”.  Wika ni Jasper.

Batid ni Karding ang pinupunto ni Jasper.   Kung kanina nilalamig ito, ngayon naman tila sinisilaban ang kanyang katawan habang katabi si Karl dagdag pa ang nakakaasar na hirit ni Jasper. Mas pinili ni Karding na pakalmahin ang sarili ayaw niyang gumawa ng eksena lalo pa at kasama nila sa pampublikong lugar ang kaibigan nilang mayor. Lang man sa loob ni Karl nagkunwari itong masaya na nakita si Karding. Inakbayan pa niya ito sabay tinapik ang braso ng lalake nang nakangiti.

“Siyempre naman, miss ko itong bestfriend ko. Akala ko nga tinataguan na ako nito eh buti na lang talaga nahanap niyo.” Wika pa ni Karl na may malabnaw at pilit na ngiti sa mukha.

“Alam niyo hindi nakaka-throwback memories ang mainit na kape. Why not we set up ñ a night na may malamig na beer sa harapan natin? Mag beer bonding tayong lima, sama natin si Seth. Just like those old days na magkakasama tayong lima. Nakaka nostalgia iyon.” Saad ni Gab.

“Bakit hindi na lang sa birthday ni Ric sa friday.” Hirit muli ni Jasper.

Tila nasamid sa iniinom na kape si Karding sa suhestiyon ni Jasper. Napakunot naman ng noo si Karl sa narinig. Lalo na nang maalala nito ang petsa ng kaarawan ni Karding. Sumang-ayon naman agad si Gab sa sinabi ni Jasper. Habang si Karding halo-halo na ang naiisip sa posibleng mangyari sa araw na iyon. Nais man niyang tumutol, hindi na rin nito mahindian si Gab. Marami pang napagkuwentuhan ang apat ngunit ang lihim na tensiyon sa pagitan ng dalawa Karl at Karding ay tila nais nang sumabog. Nang magpaalam si Karl na magbanyo, nagpaalam na rin si Karding na balikan na si Tess dahil sumama raw ang pakiramdam nito. Naintindihan naman iyon ni Gab at hinayaan si Karding. Sumama na rin kay Karding si Jasper.

Kaya pagbalik ni Karl nagtaka ito kung bakit si Gab na lang ang naiwan na naroon.

“Nasaan na ang dalawa?”

“Nauna na, hindi na makapaghintay sa iyo. Dadaan ka pa ba sa silid ni Gilbert?” Ani ni Gab.

“Hindi na rin siguro pare, pero si Nate nagpaalam na sa akin na magbabantay kay Gilbert. Ikaw babalik ka pa ba sa loob?” Sabat ni Karl.

“Babalik muna ako sa city hall pare, at May meeting ako sa mga staff ko mamaya para sa Christmas lighting ceremony sa makalawa sa plasa circle. Hinintay lang din kita baka magtaka ka na wala na kami rito pagbalik mo.” Saad pa ni Gab.

Ang muntikan na sanang pagkikita ng dalawa Karl at Tess ay muli na naman na dulot ng mga sandaling iyon. Ngunit dahil sa napagkasunduan, tila hindi na mapipigilan ng pagkakataon ang tadhana. Sa kotse ni Karding hindi nito napigil ang sarili na hindi pagsabihan si Jasper dahil sa suhestiyon nito.

“Nananadya ka bang talaga ha? Sa birthday ko pa talaga? Tang na naman pare alam mo naman ang sitwasyon diba, bakit hinirit mo pa iyon?”

“Sorry, pasensya na, masyado lang ako na excite na nagkikita-kita tayong muli. Nawala na sa isip ko ang past-present at future. Pero hindi ba dapat panahon na rin para harapin niyo ang multo ng nakaraan? Pare eighteen years na ang nakalipas. May kanya-kanyang mga buhay at pamilya na kayo…for sure naman wala na ang mga nararamdaman niyo noon sa isa’t isa…”(biglang paghina ng boses ni Jasper nang mapansin na muntikan na itong madulas sa kanyang sinasabi. “Ibig ko sabihin sa mga nangyari.” (Ang agad naman nitong bawi nang makita ang reaksyon ni Karding sa rare mirror)

“Ang inaalala namin ni Tess ang mararamdaman ni Kaloy kung malaman niya ang totoo. Hindi ka kasi nag-iisip.” Sabat ni Karding.

“Tama na iyan. Napasubo na si Jasper, tsaka may punto rin naman si pareng Jasper. Panahon na rin siguro para harapin ang kasalukuyan at isara na ang pahina ng nakaraan. Nasa tamang edad na rin si Kaloy, at sa nakikita ko naman…matured na ang anak natin mag isip. Siguradong maiintindihan niya rin tayo.” Sambit pa ni Tess.

Nasa huling klase na sila nun ni Kaloy nang mag-anonsiyo ang kanilang guro para sa mga nominado para nalalapit na student council election. Tahimik ang klase na tila ba inaabangan na ang pangalan na babanggitin ng kanilang guro para sa posisyon bilang president ng council.

“Mr Carlo Nase Ajero, isa ka sa nominado para sa posisyon ng pagkapangulo at makakalaban mo sa posisyong ito si Travis Montinola ng star section. Goodluck,at ngayon pa lang kino- congratulate na kita… may one week preparation kayo para sa gagawin niyong campaign, after may four days kayo na mag room to room bago ang grand rally at ang election day.” Anunsyo pa ng guro nila.

Halos magwala sa tuwa ang buong klase ni miss Castro dahil sa pagnominado kay Kaloy. Ngunit iba ang naging tugon ni Kaloy sa nalaman.

“Ma’am, pasensya po pero I object po. Hindi po ako tatakbo sa posisyon na iyan. Wala po akong hilig sa mga ganyan tsaka ano na naman ang gagawin ko riyan. Ang iba na lang po ang ilalaban niyo. Di kaya ibigay na lang nila kay Travis ang panalo. Mas deserve po niya ang maging pangulo ng student council.”  Ang di pagsang-ayon ni Kaloy.

“Ang mga kapwa mo estudyante ang nag nominado sa iyo sa posisyong ito. Ibig sabihin, naniniwala sila sa kakayahan mo. Hayaan mo ang mga boto nila ang magsasabi kung karapat-dapat ka ba o hindi. Huwag kang mag alala hindi ka naman sasabak sa puwesto na hindi mo matutunan ang obligasyon bilang student leader.  Ako ang bahala sa iyo.” Tugon pa ng guro.

Napakamot na lang ng ulo si Kaloy sa sinabi ng guro. Wala na rin itong nagawa kundi tanggapin na lang ang hamon sa kanya. Pagkalabas ng classroom agad siya nilapitan ni Dax at inakbayan.

“Huwag kang magalala, sinisiguro ko sa iyo mananalo ka sa eleksiyon. At iyang Travis na iyan paiiyakin natin iyan.” Ani ni Dax.

“Kung iyan din lang ang plano mo, mas mabuting hindi na rin ako manalo. Ayokong mandaya noh. Tsaka hindi ko rin kailangan manalo. Dagdag isipin pa ang mga ganyan.” Tugon ni Kaloy.

“Kahit di mo pa dayain, halata naman na ikaw ang paborito at gusto ng lahat na manalo. Pero paalala lang, iba rin ang grupo ni Travis kung maglaro. Baka dahil sa eleksiyon na ito pag-initan ka nila.”  Sabi pa ni Dax sa lalake.

“Ibang usapan na iyon kung ganun. Huwag lang nila akong subukan.” Sambit ni Kaloy.

“Basta kung may gawin sila sa iyo, itimbre mo lang sa akin. Ako ang bahala sa kanila.” Saad ni Dax.

Habang papalabas ng gate ang dalawa, tumunog ang cellphone ni Kaloy. Agad nitong sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni Evan.

“Hello pare, sorry mukhang hindi na ako aabot diyan sa eskuwelahan mo, nasa express way pa lang kasi ako. Mag book ka na lang ng ibang tnvs. Mukhang di na talaga kakayanin.”  Wika agad ni Evan sa linya.

“Ayos lang pare, ingat ka na lang sa pagmamaneho. Ako na ang bahala.”  Tugon ni Kaloy nang tinapos ang tawag ni Evan.

“May problema?” Tanong ni Dax.

“Hindi naman, sige pare mauna na ako sa labas mag aabang pa kasi ako ng taxi.” Sagot ni Kaloy.

“Wala ba ang driver mo?…ibig ko sabihin ang sundo mo?”

“Hindi makakarating si Evan kaya mag ta-taxi na lang ako.”

“Kung gusto mo, ako na maghahanap ng taxi para sa iyo. Madalang lang kasi ang dumadaang taxi sa harapan ng eskuwelahan eh. “ Pag alok ng tulong ni Dax.

“Salamat na lang pare, kaya ko naman. Tsaka kanina ko pa nakikita ang mga barkada mo na nakatingin dito. Mukhang hinihintay ka na ng mga iyan.  Kita lang tayo muli bukas. Mauna na ako.” Ani pa ni Kaloy.

Hindi na sumama sa lalake si Dax at pinuntahan na nito ang mga kaibigan na nakatambay sa bilyaran sa tapat ng eskuwelahan. Palinga-linga nun si Kaloy sa daan para makahanap ng taxi nang may humintong kotse sa kanyang tabi. Napaatras ng bahagya sa sidewalk si Kaloy nang makilala ang kotseng huminto malapit sa kanya.

“Wala pa ba ang sundo mo? Ako na maghahatid sa iyo.”  Wika ni Vince nang sumilip ito sa bintana ng kanyang kotse.

“Huwag na mag ta-taxi na lang ako.” Sagot ni Kaloy.

“Mahihirapan ka maghintay ng taxi rito. Tsaka mukhang uulan na. Huwag kang magalala, hahatid lang naman kita.” Ani pa ni Vince.

“Mag bu-book na lang ako ng tnvs kung wala talaga. Salamat na lang talaga.” Tugon ni Kaloy.

Sa loob-loob ni Kaloy gusto na niyang pagbigyan si Vince ngunit iba ang nais ng kanyang isip. Nais niyang pahirapan si Vince sa kanya. Ngunit hindi rin natiis ni Kaloy ang sarili nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad na binuksan ni Vince ang pinto ng kanyang kotse para papasukin si Kaloy. Hindi na nakatanggi ang lalake at sumakay na rin ito sa kotse ni Vince.

Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Vince nang makitang katabi nito sa driver seat si Kaloy. Habang si Kaloy ramdam ang ilang sa pagitan nilang dalawa. Ilang na may halong kaba at kilig lalo na nang pinunasan ni Vince ng hinubad nitong uniporme ang basang mukha ni Kaloy dahil sa ulan.

THRUST BACK TO TRUST

“ako na salamat.” Pagkasabi ni Kaloy nang kunin nito ang hinubad na uniform ni Vince sa kamay ng lalake.

“Sige, punasan mo muna ang mukha mo”. Wika ni Vince sabay ngiti kay Kaloy. “Saan ka nga pala ngayon? Para maihatid na kita sa inyo.” Ani ni Vince nang pina-andar na ang kotse.

“Sa may Grand View Village, sasabihan na lang kita kung saan dun. Hindi ko pa kasi kabisado ang saktong address ng bahay.” Tugon ni Kaloy.

Nang marinig ni Vince ang pangalan ng village, nanghina ito. Alam niyang doon nakatira si Evan at sa pakiwari nito magkasama sa iisang bahay sina Kaloy at Evan. Bumagsak bigla ang kumpiyansa nito na mababawi muli si Kaloy pabalik sa kanya. Gayunpaman hinatid parin nito si Kaloy sa inuuwian nito. Habang papalapit sila sa tinuturong bahay ni Kaloy hindi maiiwasan ni Vince ang mapuna ang karangyaan na meron si Evan base sa bahay na nakikita nito.

“Mayaman din pala ang Evan na ito. Ang laki ng bahay. “ Sa isip ni Vince.

Nang nasa tapat na sila ng bahay na iyon, may tinawagan agad si Kaloy para pagbuksan sila ni Vince ng gate. At laking gulat ni Vince nang makita si Paquito na lumabas ng gate bitbit ang malaking payong pagkabukas nito.

“Ipasok mo na ang kotse mo sa loob, dumito ka muna habang hindi pa tumitila ang ulan.” Wika ni Kaloy kay Vince.

“Si Paquito kasama niyo rito?” Tanong ni Vince na takang-taka.

“Hindi lang si Paquito pati si Burnok dito na rin nakatira. Sige na pasok mo na sa loob ang kotse mo nang maisara na ni Paquito ang gate.”

Pagkaparada ni Vince ng kotse, agad sila nilapitan ni Paquito para ibigay sa kanila ang dalang payong. At pagkakita nito kay Vince, napasigaw talaga ito sa tuwa nang makita ang lalake. Maging si Vince natuwa nang makita si Paquito. Takang-taka parin ito na napatingin kay Kaloy. Maya-maya pa sumilip sa pinto si Tess at nang makita si Vince lumabas agad ito para yakapin ang binata.

Kitang kita ni Kaloy ang saya sa mukha ng ina ng niyakap nito si Vince at maging kay Vince halatang na miss nito ng sobra si Tess. Sa loob ng bahay lalong nagulat si Vince nang madatnan sa sala sina Burnok at Karding na nanonood ng pelikula sa tv. Tsaka lang nalaman ni Vince na bahay pala talaga iyon nila Kaloy at hindi ni Evan.

Naroon parin ang ilangan sa dalawa ngunit sa mga nakikitang sigla ni Kaloy sa mga kasama niya sa bahay sa presensiya ni Vince tila nababawasan iyon ng pautay-utay.

“Ang yaman niyo naman pala. Ang laki-laki nitong bahay niyo.” Sambit ni Vince.

“Nagulat nga din ako na may ganitong tinatago sa amin si tatay. Katas lahat ito ng hirap nila ni nanay sa bukid. Tapos may bahagi rin mula sa minana ni Tatay sa mga magulang niya.” Ani ni Kaloy.

“Akala ko…”

“Akala mo sa bahay ako ni Evan nakatira, kaya sinusundan mo kami mula sa eskuwelahan?” Tugon ni Kaloy kay Vince.

“Sorry sa nagawa ko sa iyo.” Sambit ni Vince.

“Nakailang sorry ka na sa akin. At kahit ulit-ulitin mo pa ang paghingi ng sorry araw-araw hindi ganun kadaling mabura sa isip ko ang nangyari. Siguro hindi pa ngayon. Sariwa pa kasi. Pero huwag kang magalala… hindi na ako galit sa iyo. May kasalanan din naman ako. At ayokong magmalinis.” Sagot ni Kaloy sa muling pagsorry ni Vince.

“Naunawaan ko. Ang mahalaga hindi ka na galit sa akin…masaya na ako dun.”

Sa simpleng pag-uusap ng dalawa nakakita ng diwang ng pag-asa si Vince para sa kanila ni Kaloy. Naging kampante na rin ito nang malamang magkaibigan lang talaga sila ni Evan at ang pagsundot hatid ng lalake kay Kaloy ay dahil sa kagustuhan din ng mga magulang ng lalake. Umuwing masaya si Vince sa kanila. At agad niya itong ibinalita kay Seth na natuwa naman sa resulta ng payo nito sa pamangkin. Si Kaloy matapos ang sandaling iyon hindi rin na pigil na hindi sabihin kay Nate ang nangyari sa araw na iyon.

“So ibig sabihin ba niyan apologies accepted na? Sabi mo hindi ka na galit sa kanya, dinala mo pa siya diyan sa inyo. Di sana diyan mo na rin pinatulog.” Ani ni Nate nang marinig ang kuwento ni Kaloy sa kabilang linya.

“Ewan ko nga din ba kung bakit pumayag ako na isakay niya ako at ihatid. May alam yata sa panghihipnotismo iyang ex mo.” Tugon ni Kaloy.

“Anong ex ko?…ex mo. Well sabagay, technically hindi naman talaga kayo mag-ex. Wala namang official na hiwalayan na nangyari sa inyo, ikaw lang naman itong ang nag walk-out bigla. Tsaka hindi ka ginamitan ni Vince ng hypnotic power… sadyang mahal mo pa rin talaga iyong tao kaya ka napa-oo kaagad kanina. Alam mo ganyan din ako sa kanya nun. Kunwari galit pero ang totoo hindi ko kayang mawala siya.” Wika ni Nate.

“Bakit hindi mo siya binawi sa akin noon?” Tanong ni Kaloy kay Nate.

“Hindi ako ang main character sa kuwento niyo noh. Tsaka tapos na sa amin ni Vince ang lahat bago pa kayo naging official kaya wala na akong issue sa inyo. Masyado lang talagang malibog iyang si Vince kaya kung kani-kaninong butas tini-testing ang kanyang tarug. Sanay na ako kanya. Sumama lang naman ang loob ko kanya dahil pati si Gibo tinornilyo niya pa. Alam naman niyang na i-toolbox ko na iyon.” Komento ni Nate.

“Nahuli nga din naman niya tayo na nagtutukaan, kaya ang akala niya may namamagitan din sa atin. Ikaw naman kasi bakit mo iyon ginawa sa akin?” Ani ni Kaloy.

“Pumayag ka naman din kasi, tapos lumaban din iyong dila mo at bibig kaya nadala na rin ako. Pero hindi iyon ang main course natin ngayon pare,…mabalik tayo sa kuwento mo. Ano na ngayon ang balak mo. May chance pa ba o may chance nga?” Sabat ni Nate.

“Depende kung hanggang kelan ko siya kayang tiisin. Duda na kasi ako sa sinseridad niya sa akin pare. Minsan lang ako nagbibigay ng tiwala ko sa isang tao at kapag nasira iyon, mahirap nang ibalik.” Wika pa ni Kaloy sa kaibigan.

“Talaga lang ha. Buti nagtiwala ka sa kanya na ihatid ka niya kanina pauwi.”

“No choice na rin ako kasi nga umulan. Siya nga pala kamusta na si Gibo diyan?”

“Ganun parin. Sana nga magising na siya. Inabutan ko nga pala rito ang mama niya tsaka ang girlfriend niyang si Danica. Ayoko nga sanang kausapin baka may masabi pa ako na di maganda, kaso mukhang mabait din naman at magaang kausap. Nakipagkaibigan pa sa akin. Kung alam lang niya na ako talaga ang jowa ni Gibo. Ewan ko na lang kung iiyakan pa niya si Gib.” Naikuwento pa ni Nate.

“Nagkita na rin pala kayo ni Danica. Pare sa Friday na ang birthday ni tatay. Punta ka, isama mo na rin si Nathalie nang may ka eksena naman itong dalawa dito.” Ani ni Kaloy.

“Sige pare asahan mo ako diyan. Si Vince ba imbitado?”

“Inimbita ni Tatay at nanay, hindi na ako kumontra baka magtaka pa sila. Hinayaan ko na lang. Sana mo na rin ang mga kabanda mo, magpa-party tayo rito sa rooftop.”

“No probs pare.”

Naging magaan ang pagtulog ni Kaloy ng araw na iyon. Na para bang nawala na ang mabibigat na bagay na pumipigil sa kanya. Maging si Vince, sa kanyang kama ay hindi mahinto ang ngiti nito sa mukha habang yakap-yakap ang unan na minsan gamit-gamit noon ni Kaloy noong katabi pa niya ito.

Kinabukasan maagang ginising ni Evan si Kaloy sa silid nito. Nagulat na lang si Kaloy nang sa pagmulat nito ng mga mata katabi na nito si Evan na nakaharap sa kanya.

“Good morning’’ bungad ni Evan na nakangiti kay Kaloy.

“Good morning, teka anong ginagawa mo sa kuwarto ko? Buti hindi ako nakahubad ng matulog kagabi.” Tugon ni Kaloy na pilit parin nilalabanan ang talukap ng mga mata.

“Wala ka ng itatago sa akin, nakita ko na lahat sa iyo nung nalasing ka at sinukahan mo ako. Bangon na diyan at anong oras na tama na ang tulog.” Wika ni Evan.

“Five minutes pa, sarap pa matulog grabe …” Sabat ni Kaloy.

Nakasanayan na ni Evan na pumasok sa silid ni Kaloy ano mang oras lalo na tuwing umaga kapag maaga nitong susunduin ang binata para ihatid sa eskuwelahan. Hindi rin kasi ugali ni Kaloy na maglock lagi ng pinto kaya sa madalas nakakapasok lang sa silid nito si Evan. Tulad nila Vince, Paquito at Burnok…parte na talaga ng pamilya ang turing nila Tess at Karding kay Evan. Kampante narin sila sa ugali ng lalake kung kaya’t ganun na lang ito ka at home sa tuwing nandoon ito kina Kaloy.

Dahil ilang minuto na lang at oras na para bumangon si Kaloy, lalo pang kinulit ni Evan ang binata. Ngunit sa halip na magising lalo pa ngang napaidlip muli si Kaloy. Kaya kiniliti na ni Evan ang lalake hanggang sa magising muli ito. At sa pangungulit ni Evan, sa di sinasadya nagtama ang mga ilong ng dalawa sa isa’t isa, sandaling na tigilan habang nagkakatitigan ng mata sa mata. Kapwa ramdam ang hininga ng bawat isa. Nang biglang kinabig ni Evan ng labi nito ang bibig ni Kaloy. Naglapat iyon ng matagal. Ramdam na ramdam ni Kaloy ang malambot na labi ni Evan sa kanyang bibig at lasang-lasa nito ang manamis-namis na laway ng lalake na lumipat sa kanyang labi. Namilog ang mga mata ni Kaloy sa pagkabigla.

Nasa ibabaw nito si Evan at magkalapat ang kanilang mga labi sa isa’t isa.

Nang mahimasmasan si Evan sa kanyang ginawa. Mabilis itong kumawala sa labi ni Kaloy at umalis sa ibabaw ng binata.

“Sorry pare… hindi ko sinasadya, sige hihintayin na lang kita sa baba. “ Ang nasabi na lamang ni Evan nang dali-dali itong lumabas ng silid.

Nanatili sa kanyang kama si Kaloy na tulala pa sa nangyari. Hinaplos nito ng mga daliri ang sariling labi na dinampian ni Evan at binasa ng laway nito. Nais niyang paniwalain ang sarili na hindi iyon sinasadya, ngunit may parte sa loob nito na tila nagustuhan niya ang ginawa sa kanya ni Evan. Bumangon si Kaloy sa kanyang kama at agad tinungo ang banyo. Tinanggal ang lahat ng suot at tumapat sa shower. Nais niyang mahimasmasan ang sarili dahil sa nangyari.

Sa living room area doon nag hintay si Evan kay Kaloy.

“Mag almusal ka muna Evan, huwag mo nang hintayin si Kaloy.” Ani ni Tess

“Nakapag almusal na ako tita, salamat na lang po, dito ko na lang hihingi si Kaloy.“tugon ni Evan.

“Ikaw ang bahala…”

Maya-maya dumating muli si Jasper kasama ang kinakasama nitong si Mayang. Agad sila pinatuloy ni Tess sa dining area para nakapag-almusal. Naunang sumunod kay Tess si Mayang habang si Jasper saglit pa nahinto sa sala. Napansin nito si Evan na ngumiti sa kanya tsaka bumati.

“Hi good morning, I’m Jasper.” Tugon ni Jasper kay Evan sabay abot ng kamay nito para makipagkamay.

“Hello po, Evan po tito.”

“Really? Mukha na ba akong tito?” Wika ni Jasper sabay flex ng kanyang katawan at porma sa harapan ni Evan.

Nasa early fourties na nga si Jasper ngunit sa kanyang mga kaedaran hindi maikakailang mukhang nasa Thirties pa nga lang talaga ang tindig at gandang lalake nito. At ang tipo ni Jasper ang hindi tanggap na nagkakaedad na ito. Kung kaya’t mas pinili niyang makasama si Mayang na mas bata ng edad sa kanya.

“Actually, parang ka edaran ko lang kayo.” Ang napangiting tugon ni Evan kay Jasper.

“Biro lang, it’s fine to call me tito unless iba ang gusto mo” (pabirong hirit ni Jasper sa binata) “kaibigan ako ni Karding nilang mag asawa. And you?” Dagdag nito.

“Kaibigan ni Kaloy,”

“Ah see, so maiwan na kita at nauna na sa akin ang misis ko.”

Tumango lang si Evan kay Jasper. Unang impresyon pa lang nito sa lalake may kakaibang kutob na si Evan kay Jasper. Pansin na iyon sa mga titig sa kanya nito at sa paraan ng paghawak nito ng kamay sa kanya nang nakipagkamay ito. Iba ang lagkit ng mga tingin ni Jasper sa kanya na para bang hinuhubaran siya nito ng saplot paunti-unti. Binalewala iyon ni Evan at inisip na baka nagkamali lang ito ng duda. Lumabas ito ng gate sa kotse na nito hinintay si Kaloy.

“Bakit pa kasi kayo nag ho-hotel ni Mayang puwede naman kayo rito. May mga silid namang bakante sa taas.” Wika ni Tess kay Jasper habang nag-aalmusal ang lahat.

“Actually naisip ko na rin yan kaso, nakakahiya naman dito kay pareng Ricardo. Anyway hotel din naman namin iyon kaya libre lang din ang stay namin ni misis.” Tugon ni Jasper na may pangiti kay Karding.

“Oo nga pala, nakalimutan ko mayaman nga pala kayo.” Komento ni Tess.

Tahimik lang si Karding na nakikinig sa usapan ng asawa niya at kaibigang si Jasper. Tinutuon lang nito ang pokus sa kanyang kinakain. Ngunit kahit anong pagpipigil ang kanyang gawin hindi niya kayang labanan ang panunukso sa kanya ng kaibigan. Magkaharap sila ng upuan ni Jasper at lingid kaalaman nila Tess at Mayang may nangyayaring kiskisan sa ilalim ng lamesa sa pagitan nila Karding at Jasper. Maluwag na shorts ang suot ni Karding kaya malaya ang paa ni Jasper na makipaglaro sa titi nito. Pasimple din namang inaalis ni Karding ang paa ng kumpare ngunit hindi talaga nito mapipigilan ang kapilyuhan at kalibugan ni Jasper.

Natigil lang si Jasper nang maupo si Kaloy sa tabi ni Karding para kumain na rin ng almusal.

Sa bahay ng mga Lim, hindi na inabutan ni Nathalie ang kuya nito kaya nakiusap ito kay Jessica na gamitin nito ang kotse ng ina.

“Magpahatid ka na lang kay Lyndon. Alam mo namang ayaw ng dad mo na gumamit ka ng kotse.” Sabat ni Jessica.

“Meh one year lang ang age gap namin ni kuya…siya may kotse pero ako always nakikika-ride on parin hanggang ngayon. Tapos hustle pa for me pag ganitong iniiwan ako ni kuya.” Punto pa ni Nathalie.

“Kaya nga magpahatid ka na kay Lyndon para hindi ka na late.” Tugon ni Jessica sa anak.

“Sige na meh, kahit ngayon lang. Only this day lang please.”

“Kung hindi mo sana tinakas at binangga ang kotse ng dad mo noon di sana may kotse ka na rin tulad ng kuya mo. Kaya sige na, magpahatid ka na kay Lyndon at hindi ko rin maipapahiram sa iyo ang kotse. May pupuntahan ako mamaya.” Ani ng ina.

Nakasimangot na lumabas ng bahay si Nathalie para puntahan ang pinsan na si Lyndon. Sakto naman at katatapos lang maglinis ng kotse ang lalake nang lapitan ito ni Nathalie.

“Kuya Don sabi ni mommy ikaw na muna raw maghatid sa akin sa school. Itong si kuya kasi iniwan ako.” Bungad ni Nathalie sa kanyang pinsan.

“No problem insan, tamang-tama tapos na ako rito. Aalis na ba tayo? Sige sakay na.”

“Kuya, after ba nito free ka pa? Hindi ka ba kukuha ng booking today?”

“Why insan?”

“Kuwan kasi may lakad kami ng mga girls later. For sure tatanggi na naman si kuya na maging driver ko. Eh alam mo na ang mangyari pag wala si kuya. Hindi papayag ang daddy na gabihin ako.” Sabat ni Nathalie.

“Iyon lang ba? Puwede ako mamaya. Hindi muna ako tatanggap ng booking service ngayong araw para ipagdrive kayo ng mga kaibigan mo. Pero magpaalam ka muna kina tito baka magtaka sila na gabihin tayo.” Tugon ni Lyndon.

Samantala, dahil sa nagawa ni Evan kay Kaloy naging tahimik ito sa buong minutong biyahe nila papunta sa eskuwelahan ng binata. Nanibago si Kaloy sa biglaang pananahimik ni Evan. Alam niya kung bakit. Ngunit para kay Kaloy hindi naman iyon sadya at wala namang ibig sabihin ang nangyari.

“Naka silent mode ka yata ngayon?” Tanong ni Kaloy kay Evan, mabasag man lang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

“Hindi naman, wala lang ako maisip na sasabihin.” Tugon ni Evan na bahagyang ngumiti kay Kaloy ngunit kapansin-pansin ang tila pag-iwas nito ng tingin kay Kaloy.

“Dahil ba sa nangyari kanina? Huwag kang magalala, ayos lang iyon. Alam ko namang hindi iyon sadya. Tsaka ako dapat mahiya sa iyo… nalasahan mo pa yata ang panis kong laway.” Sambit ni Kaloy na tinawanan lang ang nangyari.

“At iyon ang pinakamasarap na panis na natikman ko.” Wika ni Evan, sa seryosong boses. “…at nagustuhan ko ang lasa nun.” Dagdag pa ng lalake sabay baling ng sulyap kay Kaloy.

Hindi agad naka-imik si Kaloy sa tugon ni Evan. Inisip pa rin nito na pabirong hirit lang iyon ng lalake sa kanya.

“Huwag ka, ang huling lalake na nakapalitan ko ng panis kong laway, baliw na baliw pa rin sa akin hanggang ngayon.” Wika ni Kaloy.

“Hindi mo rin masisi si Vince kung bakit ganun siya sa iyo.” Sa isip pa ng lalake. Napailing lang si Evan na napangiti kay Kaloy. Nang matanaw na nila ang gate ng Bayag-bayagan may sinabi pa si Evan sa binata.

“Dumistansya ka sa Dax na iyon pare. Hindi talaga mapagkatiwalaan ang mukha nun. Tsaka ako ang susundo sa iyo mamaya. Maaga akong tatambay na sa tapat ng gate. Baka sumingit pa muli rito ang ex mo.”

“Kahit dumating pa iyon, hindi ako sasakay dun. Nagkataon lang na walang masakyan at umulan kaya no choice na ako nun. At si Dax, huwag kang magalala pare, hindi rin naman ako nagtitiwala dun. Pinagbibigyan ko lang din naman ang isang iyon baka sakaling may makita akong katinuan sa pagkatao niya.” Tugon ni Kaloy.

“Basta huwag ka lang mag send ng confusing signal sa taong iyon baka iba ang ma receive niya at iisipin nun na may gusto ka sa kanya.” Ani ni Evan.

“Paano mo ba naisip ang ganyan? Pare hindi si Dax ang tipo ng tao na magkakainteres ako. Siguro kung katulad mo siya, baka may chance pa.” Wika ni Kaloy.

“So ibig sabihin pag sineryoso kong ligawan ka may chance ako sa iyo?” Hirit na tanong ni Evan.

Namula ang pisngi ni Kaloy sa hiya sa sinabi ng lalake. Iba ang tono nang pagkakasabi na iyon ni Evan sa kanya. Ngunit ayaw niya parin bigyan ng malisya ang pagpaparinig ng lalake at inisip na pagbibiro lang iyon ni Evan.

“Oo naman, eh kaso alam ko namang malabo iyong mangyari pare. Sabi mo nga diba nun, kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin at imposibleng mauwi tayo sa pagiging mag-jowa.” Ani ni Kaloy.

“Nasabi ko ba iyon? Parang hindi ko na maalala. Araw-araw kasi parang iba na ang tingin ko sa iyo pare. At sa tingin ko nga gusto na kita. Palagay ko nga, mahal na rin kita…pare.” Ang diretsahang tugon ni Evan sa sinabi ni Kaloy.

Muling natigilan ang binata, hindi nito inaasahan ang salitang lumabas kay Evan ng sandaling iyon. Hindi na nakatugon pa ng reaksyon si Kaloy sa sinabi ng kaibigan dahil saktong nasa tapat na sila ng gate ng eskuwelahan. Ngumiti na lang ito kay Evan sabay tapik sa balikat ng lalake tsaka lumabas na ito ng kotse. Mabilis na tinungo ni Kaloy ang gate tsaka pumasok agad na hindi na lumingon kay Evan. Iba ang impresyon nun pagdating kay Evan. Nagsisisi ito kung bakit pa niya sinabi iyon kay Kaloy.

“Hindi ka talaga nag-iisip Evan. Paano kung dumistansya na sa iyo si Kaloy? Bakit naman kasi binigla mo…nag aalala ka tuloy ngayon.” Sambit ni Evan sa sarili.

Habang naglalakad papunta sa classroom si Kaloy. Nasa isip nito ang mga sinabi sa kanya ni Evan, pati ang halikan na nangyari sa kanilang dalawa. Para kay Kaloy, hindi naman mahirap magustuhan ang tulad ni Evan. Sa katunayan sa dalas nilang magkasamang dalawa, may pagkakataon na rin minsan na nahuhulog din ang loob nito sa lalake. At sa araw-araw nilang pagkikita tila nagkakaroon na rin ito ng damdamin sa lalake. Ngunit dahil sa nauna nang sinabi sa kanya ni Evan na bilang kapatid lang ang turing nito sa kanya ay hindi na niya tinuloy ang nararamdaman sa lalake. At ngayon nagtapat sa kanya si Evan tila bigla itong nalito sa sarili lalo pa at muling nagpaparamdam sa kanya si Vince.

Matalino si Kaloy sa pagbalanse ng kanyang desisyon ngunit sa tuwing nauunahan ito ng nararamdaman, naguguluhan na itong pumili ng tama sa mali. May nararamdaman parin naman siya kay Vince ngunit hindi niya rin maitatago sa sarili na may bahagi na rin sa puso niya si Evan.

Nang nasa hallway na ng quadrangle si Kaloy napansin siya ni Travis na agad sumalubong sa kanya.

“Good morning Travis, may kailangan ka?” Bungad ni Kaloy sa paglapit ng lalake.

“Good morning, gusto lang sana kita imbitahan sa birthday ko next week. Sa bahay, may small party akong pinaplano para sa mga kaibigan ko. At special guest kita. Free ka ba? Sana puwede ka, gusto rin sana kita makilala ng personal. I want to make friends with you.” Wika ni Travis.

“Kung wala naman akong gagawin next week, asahan mo ako sa birthday mo.” Ani ni Kaloy.

Biglang niyakap ni Travis si Kaloy sabay sabing…“salamat pare, ngayon pa lang masaya na ako para sa birthday ko.” Ngunit sa isip ni Travis iba ang sinasabi nito. “Tama nga ang naririnig ko, ang dali mo lang utuin.”

Nang tumunog ang bell para sa pagsisimula na ng klase, nagpaalam na sa isa’t isa ang dalawa para dumeretso na sa kani-kanilang mga classroom. Naikuwento agad ni Kaloy kay Zyone ang tungkol sa sinabi ni Travis sa kanya. Hindi pa man alam ang detalye ng pa-party ni Travis, duda na agad si Zyone sa agenda ng lalake.

“Huwag kang pumunta tol scam ang pa-party na iyan.” Ani ni Zyone.

“Bakit naman scam? Birthday nga daw niya iyon.”

“Iyon na nga, birthday. Ilang beses ba dapat mag bi-birthday ang isang tao? November 7, 2007 ang birthday ni Travis. Tol December 8 na ngayon. Tsaka kasing demonyo din ni Dax ang isang iyon noh. Iyon nga lang hindi iyon pumapatol sa mga mahihina. Mas trip nun iyong ka-level niya. Kaya di na ako magtataka kung isa ka din sa target niya.” Wika pa ni Zyone.

“Kung si Dax nga napa-amo, siya pa kaya. Pero sure ka ba na tapos na birthday nun?” Sambit ni Kaloy.

“Siyempre alam ko, sure ako. Basta tol huwag maniwala sa Travis na iyon mukhang tupa lang iyan tingnan at magsalita pero masahol pa sa makamandag na ahas ang ugali nun. Walang pinagkaiba sa isang iyan na papalapit dito. Sige tol, mauna na ako sa classroom.” Saad ni Zyone kay Kaloy tsaka ito tumayo nang makita ang paparating na si Dax.

Nakangising kinindatan ni Dax si Zyone nang lumapit ito sa dalawa. Nang magpaalam si Zyone kay Kaloy umalis ito agad at naiwan sa lamesa sa loob ng canteen sina Dax at Kaloy.

“Ano ba pinag-usapan niyo ni Zy? Napansin ko sa reaksyon niya kanina na para siyang naiinis na galit.” Simula ng salita ni Dax.

“Wala pinag-uusapan lang namin ang tungkol sa student council election next month.” Sagot ni Kaloy.

“Bakit hindi ka pa rin ba handa?”

“Hindi lang sa hindi handa, wala talaga akong kagana-gana sa eleksiyon na iyon. Siya nga pala bakit ka nandito? Hindi ka ba hahanapin ng mga tropa mo dun? Napapadalas ka na sa akin, baka pinagseselosan na ako ng mga iyon.” Ani ni Kaloy.

“Hayaan mo sila. Mas okay ng ikaw ang kasama ko, nalalayo ako sa tukso. Tsaka feeling ko kapag nandiyan ka nagiging matino ako. Pansin mo naman siguro ang epekto mo sa akin. Ngayon always present na ako sa klase, tapos matataas na rin ang mga scores ko sa exam. Lahat iyon dahil sa iyo.” Ang sabi ni Dax na tinitigan ng diretso sa mata si Kaloy na siyang kina-ilang naman ng isa.

“Bakit dahil sa akin? Di ba dapat para sa sarili mo? Pasensya na pare, pero nakakailang ang sinabi mo. Nakita ko nga rin ang pagbabago sa iyo, pero sana ituloy mo iyan para sa sarili mo, hindi dahil sa akin.” Sabat ni Kaloy.

Akma na itong tatayo at nagpaalam na kay Dax na mauna na sa classroom nang biglang hinawakan ng lalake ang kamay nito na agad naman niyang inalis.

“Sorry pare, pero gusto ko magpakatotoo sa iyo. Gusto kita, higit pa bilang kaibigan. Sana pagbigyan mo ako.” Bulalas na pag-amin ni Dax sa nararamdaman nito kay Kaloy.

Hindi naka-imik si Kaloy. Nabigla ito sa inamin ni Dax sa kanya. Ngunit hindi ito nagbigay ng ano mang tugon. Agad itong umalis at naiwan si Dax. Nang makalabas na ng canteen si Kaloy. Mula sa kabilang lamesa lumapit ang isang lalaking estudyante kay Dax na nagpipigil ng tawa. Agad naman siya kinunyatan ni Dax pagkalapit nito sa kanya.

“Buwisit ka, nang iinis ka pa!” Wika ni Dax na halos magsabong ang mga kilay sa galit.

“Paano ba kasi mukhang basted ka na agad di ka pa man nakaporma. Pero sayang, hinigpitan mo pa sana ang paghawak sa kanyang kamay para ma edit natin ng maganda ang video.” Sabat ng lalake.

“Burahin mo na ang video. Marami pang pagkakataon. Saan ba at mahuhuli ko rin sa bitag ang Carlo na iyan.” Ani ni Dax na dismayado sa nangyari.

“Bakit ba kasi gusto mo sa public? Eh puwede naman tayo mag set up kung saan bol mo tao. Iyong kayo lang. Dun sa lumang building, dalhin mo siya dun…akitin mo, pachupa ka sa kanya. Dun tayo maglagay ng mga hidden cam. Di kaya yayain mo sa locker room dun sa basketball court. Walang kawala ang bayot na iyon sa iyo tol.” Suhestiyon pa ng lalake kay Dax.

Napangiti si Dax, may kung anong ideya ang biglang nabuo sa kanyang isip. Lumabas ito ng canteen tsaka bumalik ng classroom.

Sa isang all girls school, habang naghihintay si Lyndon kay Nathalie nakatanggap ito ng tawag mula sa bunsong kapatid na lalake.

“Travis napatawag ka? Pasensya hindi muna kita madadaanan diyan sa eskuwelahan mo kasi magpapadrive ngayon sa akin si Nathalie.” Tugon ni Lyndon sa kapatid.

“Hindi naman iyon ang tinawag ko sa iyo kuya. May group project kasi kami, group presentation para sa Christmas celebration ng eskuwelahan. Dapat kada section may participants.” Wika ni Travis.

“So ano nga ang itinawag mo?”

“Diba wala pa naman buyer ang bahay mo sa Damville? Pwede ba dun kami. Isang buong araw lang naman kuya. Wala kasing available na place kaming mahanap na puwedeng pagpraktisan. Alam mo naman ang mga kaklase ko.” Ani ni Travis.

“Bakit hindi na lang sa bahay, dun sa treehouse mo. Malawak pa ang space dun.”

“Kuya naman, marami kami. Ang liit lang ng treehouse dun. Tsaka ayaw ni lolo ng maingay. At lalong ayaw ni papa na mag overnight kami dun sa atin.”

“Sige, isang araw lang naman. Hintayin mo ako mamaya sa tapat ng gate niyo at ibibigay ko ang susi ng gate dun at sa bahay. Travis, make sure lang talaga na tungkol ito sa school niyo. Dahil pag naulit ang nangyari noon…ako mismo magpapahuli sa iyo.” Saad ni Lyndon sa kapatid.

“Kuya promise, legit po ito. Good boy na itong bunso mo. Sige kuya hihintayin kita mamaya.”

Pinsan buo nila Nate at Nathalie si Travis sa side ni Jessica. Mayaman ang kinalakhang pamilya ni Travis. Gayunpaman sinanay sila ng kanilang mga magulang na hindi umasa sa yamang meron sila. Sa kanilang magkakapatid si Travis ang bunso sunod sa kuyang si Lyndon. At sa kanilang magkakapatid si Travis ang tila na ligaw ang ugali sa kanila. Bata pa lang hindi makontrol ang pagiging suwail at pasaway nito. Ibang iba sa mga kuya at ate nitong mababait at magalang. Dahil sa ugali ni Travis wala ng private school ang nakakatiis sa kanyang pambu-bully at kawalan ng respeto sa mga naging guro. Ilang public school na din ang pinasukan nito lamang tumino. Hanggang sa tumagal ito sa Bayag-bayagan. Dito nakatagpo si Travis ng mga kaibigan na nakakaintindi sa kanya. Nabawasan man ang kapilyuhan nito hindi naman nawala ang pagiging pasaway nito. Dahilan para lumayo ng husto ang relasyon nito sa kanyang mga magulang at ibang mga kapatid. Kinahihiya ng pamilya nila si Travis at tanging si Lyndon lang ang nag-iisang kakampi nito sa kanila.

“Buti hindi nagduda ang kuya mo pare.” Wika ng kaibigan ni Travis sa kanya.

“Nagdududa nga eh, pero mahal ako nun kaya hindi na nakatanggi.” Ang nakangising sagot ni Travis.

“Gagawin mo ba talaga iyon kay Carlo pare? Mukhang mabait naman iyon sa iyo ah.” Sabat ng isa nitong kaibigan.

“Mabait? Mahangin kamo. Akala niya siguro maraming natutuwa sa kanya. Pabida. Tsaka na aangasan ako sa kanya. Ang sakit niya sa mata. Tapos ang kapal pa ng mukha na kalabanin ako sa student council. Pare ngayon lang ako magpapasikat sa pamilya ko tapos haharangin niya pa.” Tugon ni Travis.

“Ayon sa narinig ko, hindi naman daw siya may gusto nun kundi ang mga nag nominate sa kanya.” Sabi ng isa sa kanila.

“Kung talagang ayaw niya di sana nag withdraw siya diba? Pero hindi, next year pa ang eleksyon pero mukha at pangalan niya na ang nakikita ko sa buong campus. Ni hindi man lang siya sinisita ng prinsipal o ng mga guro. Ibig sabihin lang nun gusto niya talaga akong kalabanin.” Ayon kay Travis.

Walang kamalay-malay si Kaloy na sa kabila ng magandang intensiyon nito sa mga kapwa estudyante ng Bayag-bayagan meron pala itong nasasagasaan.

Tapos na ang klase nila Vince sa Victor High; Nauna itong lumabas ng kanilang classroom na hindi man lang pinansin ang kaibigan na sina Dustin, Xander at Mon na nasa tabi lang niya. Lumapit pa si Dustin para lang kalabitin ito ngunit hindi man lang ito lumingon sa lalake. Hinabol ni Nate si Vince nang palabas na ito ng hallway.

“Pupuntahan mo ba si Kaloy?” Tanong ni Nate.

“Magbabakasakali parin ako sa kanya. Hindi ako hihinto hangga’t hindi niya ako pinapaalis sa buhay niya. Susubukan ko muli magsimula sa kanya.” Tugon ni Vince kay Nate.

“Eh kina Dustin, wala ka bang balak na kausapin sila?” Tanong muli ni Nate.

“Ayaw ko ng plastikan. Kung ang dating Vince ang hinahanap nila hindi na ako iyon. Ayaw nila sa bakla, ayaw nila sa akin mas lalong ayoko sa kanila. Kaya ikaw mag isip ka kung worth it pa ba silang kaibigan o hindi.” Saad ni Vince.

Tumahimik si Nate. Paano kung malaman din nila ang tungkol sa kanya, sa isip pa ng binata. Sabay na tinungo ng dalawa ang parking area. At bago pumasok sa kanya-kanyang mga kotse may payo si Nate kay Vince.

“Hindi mo mababawi si Vince sa pag-abang sa kanya sa eskuwelahan niya. Nandoon na si Evan na tagasundo niya. Mag-aaksaya ka lang ng oras at gasolina. Bakit di mo simulan sa kanila, naging mas malapit kayo noon dahil kay tita Tess at tito Karding. Kung gusto magsimula muli umpisahan mo sa unang araw na nakilala mo si Kaloy. Sige mauna na ako, dadaanan ko pa si Gibo.” Ang nakangiting sabi ni Nate kay Vince bago ito pumasok sa kanyang kotse.

Nabuhayan ng pag-asa si Vince sa sinabi sa kanya ni Nate. Mula sa Victor High Academy, nagpunta sa malaking mall si Vince. Tinungo ang grocery doon at namili ng mga pang-kusina. Alam ni Vince ang hilig ni Tess at mga paborito ni Karding kaya iyon ang mga pinamili nito. Masaya ito habang nilalagay sa kotse nito ang mga napamili.

ALL ABOUT THE PAST

“Maari bang samahan mo muna ako saglit sa mall? Bibili lang ako ng mga pang restock ko sa bahay.” Tanong ni Evan kay Kaloy nang sunduin nito ang binata sa eskuwelahan.

“Sure walang problema. Saang mall tayo?”

“Doon lang sa malapit sa atin. Ikaw ba saan mo gusto?” Ani ni Evan.

“Kahit saan, pero daanan muna natin si Nate sa resto nila may ibibigay daw siya para kina nanay at tatay. Ayos lang ba?” Wika ni Kaloy.

“Iyong lang?,…doon na lang din tayo mag-go-grocery.”

Mula sa eskuwelahan ni Kaloy pumunta ng mall ang dalawa. Nang mga sandaling iyon kakatapos lang din na mag grocery ni Vince at nasa parking area na ito at nakahanda ng umalis nang magkita sila ni Seth. Napansin ng tiyuhin ang dami ng mga pinamili na grocery ng pamangkin kung kaya’t napatanong ito sa binata.

“Hindi ba naka pagrocery si manang Ponyang sa inyo? Ang dami naman niyang pinangbili mo. May shortage ba ng pagkain sa inyo?”

“Kwan tito, hindi ito para dun. Para lahat iyan kina Kaloy, sa magulang niya po.” Ang nakangising sagot ni Vince na napakamot na lang sa batok dahil sa hiya.

“Sa magulang ni Kaloy? Nililigawan mo muli si Kaloy ganun? Tapos sa parents ka nagpapabango?”

“Ang hirap naman kasi amuhin iyang si Kaloy eh. Tsaka mukhang hindi pa ako ayos sa kanya. Eh kina Tay Karding at Nay Tess wala naman akong problema. Paraan ko na rin ito para may dahilan na ako na pumunta sa kanila tito. Lalo pa at nais nila na dalasan ko pa daw ang pagpunta sa kanila.” Ani ni Vince.

“Dadalasan? Di ba ang layo-layo ng lugar nila? Grabe namang effort iyon Vince. Ang gastos sa gasolina.” Sabat ni Seth.

“Wala na sa bundok ang mga magulang ni Kaloy tito. Lumipat na sila rito sa siyudad.” Kuwento pa ni Vince.

“Okay, goodluck sa second chances mo kay Kaloy sana maging maayos na muli kayo. Siya nga pala paano mo nalaman ang tungkol sa paglipat ng parents niya rito?” Tanong ni Seth.

“Nung hinatid ko si Kaloy sa kanila tito.”

“Oh, ibig sabihin nakapag-first attempt ka na pala kay Kaloy. So follow up move mo na pala ito. Alam mo may naisip pa akong mas magandang shortcut para mas makumbinse mo si Kaloy na makipagbalikan sa iyo. Mag date kayong dalawa pero isasama mo parents niya para hindi siya makatanggi.” Hirit pa ni Seth kay Vince.

“Mukhang nice idea nga iyan tito. Siya nga pala sa Friday birthday ni Tay Karding sumama ka nang makilala mo naman sila. Tiyak magkakasundo kayo ni Nay Tess, parehas kasi kayong mahilig sa kusina.” Wika ni Vince.

“Di naman kaya nakakahiya kung sumama ako?”

“Di naman siguro tito, actually nais nga nila isama ko sina dad at mommy pero ayoko. Kaya ikaw na lang tito. Mas komportable pa ako na ikaw kasama ko dun.”

“Sige go ako sa Friday wala naman akong ganap that day.”

Hindi na nagtagal pa sa pag-uusap ang dalawa at nagpaalam din si Vince kay Seth. Saktong alis lang din nun ni Vince nang siyang dating naman sa lugar na iyon sina Evan at Kaloy. Paalis na ng parking area si Seth nang mapansin nito ang dalawa na pumasok ng mall. Nakaakbay kay Kaloy si Evan habang nagtatawanan na pumasok ng mall. Na intriga naman si Seth sa closeness ng dalawa na tila ba may kakaibang namamagitan sa dalawa na higit pa sa magkaibigan.

“Naku, kailangan mo talaga mag doble sipag pamangkin…dahil mukhang may aabante sa pila. Di ko rin masisi si Kaloy kung bibigay din naman ito kay Evan, ang yummy din kasi ng isang ito. Kung hindi lang pangit ang sumingit sa mga bagets na ito. Inawrahan ko na din tong Evan.” Sa isip pa ni Seth habang pinagmamasdan ang dalawa na tila naghaharutan papasok ng mall.

Natutukso na itong ikuwento ang nakikita sa pamangkin ngunit inaalala din nito ang mararamdaman ni Vince kaya hinayaan na lamang niya ang binata na dumiskarte sa kung paano niya mababawi pabalik sa kanya si Kaloy.

Kausap naman nun ni Jessica ang isa sa matalik nitong kaibigan, si Lira. Kung may nakakaalam man sa kuwentong pag-ibig ni Jessica si Lira lang iyon. Siya ang hingaan ng problema ni Jessica. Nang araw na iyon may mahalaga itong impormasyon para sa kaibigan kung kaya’t nakipagkita ito kay Jessica. Nung ipinakita kasi sa kanya ni Karl ang address na ibinibigay sa kanya ni Jasper agad nito naalala na tagaroon din sa Village na iyon ang kaibigang si Lira. Naiisip nitong magpatulong sa kaibigan para alamin kung doon nga sa address na iyon nakatira si Jessica at ang pamilya nito.

“Tama ka, sina Jessica nga ang nakatira sa address na iyon. At mukhang mayaman din ang napangasawa. Ang laki ng kanilang bahay. Tsaka ayon sa mga kasambahay ko. Tatlo na ang mga anak nilang mag asawa, lahat mga lalake tsaka mga binata na rin daw. Mga kaedaran lang din ng mga anak mo. Nakita ko na iyong isa minsan, madalas kasama nung nagtuturo sa mga taga village ng zumba. Unang kita ko pa lang dun nakita ko na agad ang similarities nila ni Karl nung kabataan niya. May hawig din nga siya ni Nate eh. Kaya walang duda siya iyon.” Kuwento ni Lira kay Jessica.

“Samahan mo ako sa kanila, gusto ko makausap si Teresa.” Ani ni Jessica.

“Para ano pa? Tingin ko naman matagal ng sarado sa kanya ang isyu niyong dalawa. Diba nga minsan na kayo nag usap sa isang hotel. Sabi mo mukhang okay naman ang tugon niya sa iyo. Bakit gusto mo pang kausapin siya muli?” Sagot ni Lira.

“Nais ko lang humingi sa kanya ng tawad sa mga nagawa ko sa kanya noon, sa kanila ni Karl dati. At kahit humilom na ng panahon ang lahat, minsan naroroon pa rin ang bigat sa loob. Lalo na sa tuwing nakikita ko si Karl na malungkot. Ramdam ko naman ang pagmamahal niya sa akin bilang asawa at bilang ama ng mga anak namin, ngunit alam ko na may kulang parin sa kanya. Gusto ko lang na tuldukan ang lahat Lira.” Saad ni Jessica.

“Di kaya gumagawa ka lang ng problema sa ginagawa mong ito? Paano kapag nakita na ni Karl ang anak nila ni Teresa at lumipat na dun ang atensiyon niya? Naisip mo na ba ang mararamdaman ng mga anak mo? Ha Jessica?”

“Tanggap na ni Nathalie sa katunayan nga mas excited pa iyon sa dad niya na makilala ang kanyang kapatid…” Tugon ni Jessica.

“Eh si Nate?”

“Hindi pa namin na bubuksan ang tungkol dito sa kanya. Pero sa tingin ko naman matatanggap niya.” Sabat ni Jessica.

“Sa bagay mga binata’t dalaga na mga anak niyo. Hindi naman nagkulang sa inyo si Karl kaya feel ko din madali lang ito sa kanila. So kelan ang plano mo?”

“Bukas.”

“Okay, bukas magkita tayo…”

Sa kabilang banda, naging paksa rin ng mag-asawa Karding at Tess ang tungkol sa pagpunta ni Karl sa kanila sakaling pumayag itong sumama kina Gab sa araw ng kaarawan ng asawa. Kung si Tess inaalala ang magiging tugon nito sa muling pagkikita nila ni Karl, si Karding ang pagkikita naman nila ni Seth ang pinoproblema. Pilit man takasan o kalimutan na ang nakaraan ngunit sa pagkakataong ito ang kasalukuyan na ang gumagawa ng daan para mabuksan ang nakaraan. Para tuldukan ang mga pahinang hindi pa nawakasan.

“Handa ka na bang sabihin sa anak natin ang katotohanan mahal?” Tanong ni Karding kay Tess.

“Kung ang tadhana na ang nagtatakda, wala ng dahilan para itago pa natin sa kanya ang lahat. Handa na akong palayain ang sarili natin sa nakaraan Mahal.” Sagot ni Tess.

“Ibig sabihin ba niyan handa ka nang harapin si Karl?”

“Matagal ng tapos sa amin ang lahat. Kinalimutan ko na siya sa puso ko nang dumating ka. Aaminin ko naroon ang kaba, pero nakahanda na ako. Kailangan ko na rin harapin ang takot ko. Ikaw ba mahal, ayos ka na ba na magkaharap muli kayo ni Seth?” Tugon ni Tess.

“Ewan, siguro…kung ikaw nga handa na, ako pa kaya. Si Seth lang iyon, kaya ko siyang harapin kahit ilang ulit pa kaming magkita.”

“Sigurado ka? Baka bigla ka na lang mangisay pag nakita mo siya. Mahal, tinanggap kita kung ano ka. At naiintindihan kita kung hanggang ngayon may bahagi parin sa puso mo si Seth. Hindi mo kailangan pa magpanggap sa akin mahal. Dahil kilala kita at iyon ang minahal ko sa iyo. Naku kung tutuusin nga mas tunay ka pang lalake sa mga lalake diyan eh, na hindi kayang panindigan ang kanilang responsibilidad.” Saad pa ni Tess.

“Lalake nga itong asawa mo pero baliko parin. Ewan ko nga ba kung bakit hindi na lang ako naging straight. Di sana nasundan na natin si Kaloy.” Ani pa ni Karding nang yakapin nito si Tess at lambingin.

“Sa dami na ng mga ampon natin, hindi na kailangan Mahal. Pero kung gusto mo, puwede naman tayo mag-praktis. Tamang-tama wala si Kaloy Mahal…puwede pa pang three hours.” Ang natatawang sabat ni Tess sa asawa.

Ang harutan at lambingan ng dalawa ay aksidenteng narinig ni Jasper na noo’y pansamantalang nakikituloy ng araw na iyon sa bahay ng mag-asawa. Kukuha lang sana ng beer si Jasper sa kusina nang madaanan nito ang mag-asawa sa balkonahe na nag-uusap. At nang makita nito ang halikan ng dalawa, hindi na natiis ni Jasper ang inis. Sinadya nitong ihulog ang susi ng kanyang kotse para makalikha ng ingay, dahilan para mahinto ang mag-asawa sa kanilang ginagawa.

Nagkatitigan sina Karding at Jasper.

“Pasensya na mare, pare… hindi ko alam na may tao pala. Bababa lang ako ng kusina… pare gusto mo ng beer? Ikukuha kita.” Nakangising wika ni Jasper sa mag-asawa.

Hindi tumugon si Karding kay Jasper, bagama’t gumawad naman ito ng matabang na ngiti sa lalake. Alam ni Karding na sinadya ni Jasper ang paghulog sa susi. At hindi niya nagustuhan iyon. Hindi rin niya gustong naroon sa kanila ang kaibigan. Ngunit wala itong magawa sa kagustuhan ni Tess.

Dahil sa naudlot na lambingan ng dalawa, sa kusina na lang ginugol ni Tess ang sarili.

“Ate Tess ako na ho rito,” ani ng kusinera kay Tess.

“Hayaan mo na ako, hindi ako sanay na walang ginagawa. Isa pa ang kusina talaga ang pinaka opisina ko sa bahay.” Sabat ni Tess.

Habang nasa kusina si Tess, sinamantala naman iyon ni Jasper para saglitin sa rooftop si Karding na sa mga sandaling iyon nagpapalamig ng kanyang inis kay Jasper. Nakatayo ito roon na nakatanaw sa buong village nang bigla na lang ito niyakap ni Jasper mula sa kanyang likuran. Nabigla si Karding sa ginawa ni Jasper kaya naitulak nito ang kaibigan. Lalo itong nagalit kay Jasper.

“Hibang ka na talaga, hindi mo ba naisip na nasa iisang bubong lang tayo ng mga asawa natin? Hindi ka ba natatakot na mahuli tayo? Jas ayoko na. Tama na ito… hindi ko na kaya ang mga pinaggagawa ko kay Tess. Itigil na natin ito.” Ang galit na sabi ni Karding kay Jasper.

“No, ayoko Ric. Pare mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka. Alam mo ang mga tiniis ko, ang mga sinakripisyo ko dahil sa iyo…dahil sa pag-ibig ko sa iyo. Kaya please pare huwag naman.” Tugon na pakiusap naman ni Jasper sa lalake.

“Napapagod na ako sa sarili ko, pagod na ako sa sitwasyon natin Jas. Gusto ko na magbago.”

“Paano ako? Paano tayo? Mahal kita pare , mahirap ba unawain iyon?” Sabat ni Jasper.

“Paano naman ang mararamdaman ng mga asawa natin kapag nalaman nila ang tungkol sa atin. Sa tingin mo mauunawaan nila tayo? Jas, pare hindi na tayo tulad ng dati… hindi na tayo mga teenagers na malaya tulad nun.” Ayon pa kay Karding.

Ngunit tila bingi si Jasper sa mga sinasabi ni Karding. Nagmamatigas ito sa kagustuhan ng lalake. Isang mapusok na halik ang ginawad nito kay Karding sabay yakap dito ng mahigpit. Nilaplap ng husto ni Jasper ang nguso ng kaibigan. Ayaw nitong pakawalan ang labi ni Karding kahit pa pilit na nagpupumiglas ang kaibigan.

Ang tagpong iyon sa rooftop ay nahagip ng mga mata ni Vince na sa mga oras na iyon nasa harapan lang ng gate ng bahay nila ni Kaloy. Nagulat ito sa kanyang nasasaksihan. Hindi ito makapaniwala na iyon ang bubungad sa kanya sa pagbisita niya roon. Naputol lang ang panonood nito sa eksena ng magbukas ang gate at lumabas si Burnok.

“Good evening pare, sige na pasok ka na. Pasensya kung natagalan ako.” Wika ni Burnok.

“Ayos lang pare, kararating ko lang din naman. Pare patulong naman ako sa mga pinamili ko… medyo marami kasi ito.” Tugon ni Vince.

“Oo naman pare, saglit at aayusin ko lang ang gate.”

Pagkababa ni Vince sa kanyang kotse muli itong tumingala sa rooftop. Ngunit hindi na nito natanaw doon sina Karding. Nang lumabas si Tess. Nauutal pa ng tugon si Vince kay Tess nang tawagin siya. Nakatuon kasi sa iba ang kanyang atensiyon. Tuwang-tuwa naman si Tess nang makita ang mga pinamili ng binata.

“Salamat dun sa mga pinamili mo, pero sana hindi ka na nag-abala pa.” Ani ni Tess kay Vince.

“Kaunting regalo lang Nay para sa iyo, pangdagdag sa noche buena at media noche niyo po.” Ang nakangiting tugon ng binata.

“Ganun ba, alam mo dahil diyan may ibibigay din ako sa iyo para sa magulang mo. Nag bake ako ng fruit cake, ipatikim mo sa kanila.” Wika ni Tess.

“Okay po, salamat din po kung ganun.”

“Hihintayin mo pa ba si Kaloy? Mamaya pa siguro ang uwi ng mga iyon. Kakatawag lang ni Kaloy na matatagalan sila ni Evan dahil may pinuntahan pa sila.”

“Hindi na siguro Nay baka gabihin na ako ng husto sa pag-uwi kung maghihintay pa po ako. Naghatid lang naman talaga ako ng mga pinamili ko rito.” Saad ni Vince.

“Mabuti pa dito ka na lang mag hapunan. Tapos kung gusto mo, dito ka na rin matulog. Maraming silid sa taas…isa dun sa iyo. Magpaalam ka na lang muna sa inyo na bukas ka na uuwi.” Sabi ni Tess sa binata.

Nahihiya man sa suhestiyon ni Tess, ngunit kinatuwa iyon ng labis ni Vince. At iyon talaga ang gusto nitong mangyari. “Huwag na siguro Nay, may pasok din kasi ako bukas. Next time po, paplanuhin ko nang makapagdala ako ng extrang school uniform.” Wika pa ni Vince.

Alam ng binata na kahit anong gawin niyang dahilan ay hindi papayag si Tess. “Akin na ang uniporme mo at labhan ko para may gagamitin ka pa rin bukas. Teka at ihihiram lang kita ng damit kay Paquito. Pasamahan na rin kita sa magiging silid mo ngayong gabi.” Tugon ni Tess.

Abot tenga ang ngiti ni Vince ng mga sandaling iyon dahil buong gabing muli niya makakasama si Kaloy sa iisang bahay. Ngunit sa kabilang banda, na curious din ito sa kanyang nakita kanina. Kung kaya’t pumayag din ito sa alok ni Tess. Habang nagkukuwentuhan ang dalawa, bumaba si Mayang at lumapit sa kanila. Tinanong nito si Tess kung nakita ba nito si Jasper. “Nakita siya namin ni Karding kanina, bumaba para kumuha ng beer sa kusina. Baka magkasama ang dalawa sa rooftop nag-iinuman. Tingnan mo na lang dun mare.” Ani ni Tess kay Mayang.

Tila kinakabahan si Vince habang nakikinig sa dalawa, lalo na nung magpasya nga si Mayang na puntahan ang asawa sa rooftop. Doon nalaman ni Vince na ang nakita nitong kalap-lapan ni Karding sa rooftop ay ang asawa pala ni Mayang na ninong pala ni Kaloy.

“Tita good evening po ako nga po pala si Vince.” Biglang salita ni Vince para tawagin ang pansin ni Mayang.

Napangiti namang pinakilala ni Tess ang dalawa sa isa’t isa. Natakot si Vince na baka mahuli at makita ni Mayang sina Karding kaya gumawa ito ng dahilan para kunin ang atensiyon ng babae, nang mapigilan nito ang balak na pag-akyat sa rooftop. Wala mang alam sa totoong kuwento sa likod ng kanyang nakita, batid naman ni Vince ang hirap ng sitwasyon ni Karding at ayaw niyang ilantad iyon kina Tess at Mayang. Pinuna agad ni Vince ang kagandahan ni Mayang. “Nag momodelo po ba kayo tita? Kuwan kasi may kahawig ka pong beauty queen…sino nga ba iyon, teka po at hahanapin ko lang saglit sa google.” Ani ni Vince.

Nakuha nga ni Vince ang atensiyon ni Mayang lalo na nang may ipinakita itong larawan ng isang celebrity na kahawig nga nito. Sinang-ayunan naman ni Tess ang binata nang makita rin ang larawan sa cellphone na hawak ni Vince. Mula sa simpleng pagpuna lang ng lalake nagkaroon sila ng interaction ni Mayang hanggang sa napahaba na ang kuwentuhan at nawala na sa babae ang paghahanap sa asawa.

Samantala, nagtagumpay din si Jasper na daigin muli si Karding gamit ang kahinaan ng kaibigan. Sa walang puknat na pagsibasib ng halik kay Karding, sa mga nakakakiliti nitong mga romansa at sa galing ng dila nito at mga kamay…hindi nagawa pang manglaban ng lalake. Ginapangan na rin ito ng libog sa katawan kung kaya’t nagpatangay na lang ito sa daluyong ng pagnanasa at kasabikan ni Jasper sa kanyang laman.

“Hayop ka Jas…gago ka…bakit ba ang hirap mo tanggihan.” Ang nasabi na lamang ni Karding kay Jasper nang pinaharap na ito ng lalake sa pader sabay baon sa kanya nito ng tarugo.

“Kasi nga ako lang ang nakakagawa sa iyo ng ganito… wala ng iba. Ako lang ang kayang magbigay sa iyo ng sarap at kaligayahang hinahanap mo. Hindi si Tess, hindi kay Seth at lalong hindi ito kayang ibigay sa iyo ni Karl. Ako lang…” Tugon ni Jasper habang kinakabayo si Karding.

Tagaktak ang pawis ng dalawa habang nagpapalpalan sa isang sulok ng rooftop. Nabalot ng nakakalibog na mga ungol at salitan ng mga halinghing ang bahaging iyon mula sa dalawa na pawang hubo’t hubad. Ginawa ni Jasper ang lahat ng kanyang alam mabigay lamang kay Karding ang kaligayahang hindi nito mahahanap kanino. Kahit pa ang isubo ng buo ang turon na saba ni Karding. Na siyang kina-baliw ng husto ng lalake sa sobrang galing ng bibig at dila nito. Sa ilang ulit na, na may nangyayari sa dalawa ngayon lang nito naranasan kay Jasper ang husay ng lalake sa subuan. Hindi man iyon ang una nitong karanasan, ngunit sa kanilang dalawa nasanay na si Karding na siyang kumakain ng saging ni Jasper. Kung kaya’t ang maranasan ang init ng bibig at lalim ng lalamunan ng kaibigan ay kakaibang karanasan iyon para sa kanya.

Nang maramdaman ni Jasper na malapit na sa kasukdulan si Karding, muli nitong pinahiga sa duyan ang lalake tsaka muling itinutok sa butas ni Karding ang kanyang kanyoto.

“Isagad mo pa… malapit na ako.” Wika ni Karding habang binabayo ang sariling tarub.

“Sabay tayo… Malapit na rin ako”. Ani ni Jasper habang labas-masok kay Karding.

“Huwag mong ikalat… iputok mo sa loob, hayaan na ako…oooohhhhh”

At sa huling dalawang kaldag pa ni Jasper bumulwak sa loob ni Karding ang masagan, mainit at malapot nitong dagta. Kasabay nun ang pag sabog din ng tarugo ni Karding, na sa dami ng mga ibinugang dagta ang iba tumalsik pa sa mukha at bibig ni Jasper na agad naman pinunasan ng lalake ng kanyang daliri at dinilaan sabay lunok. Tinapos ng dalawa ang mainit na tagpo sa marubdob na lapaan ng mga bibig habang nakatarak pa din sa butas ni Karding ang kabutite ni Jasper. Nang masaid na lahat ng dalawa ang mga libog sa katawan. Kanya-kanya na silang bihis ng mga hinubad na damit tsaka inayos ang mga sarili. Naunang bumaba ng rooftop si Karding na hindi na nagawa pang kausapin si Jasper. Na para bang pagkatapos ng bengbangan na iyon, tapos na rin ang responsibilidad nila sa isa’t isa. Mula rooftop bumalik muna si Karding sa silid nilang mag-asawa at naligo. Si Jasper naman bumalik din sa silid nila ni Mayang, naghilamos lang tsaka nagpalit lang ng bagong damit at lumabas din.

Pababa na si Jasper ng hagdan nang makasalubong nito si Vince.

“Kuya Jas?” Gulat na reaksyon ni Vince nang makasalubong sa hagdan si Jasper.

Minsan nang nakita at nakilala ni Vince si Jasper noong nandoon ito kina Kaloy. Ilang beses na rin niya nakakasalamuha ang lalake kina Kaloy tuwing nagkakaroon ng inuman sa bahay nila Karding noong nandoon ito.

“Vince… nadito ka rin pala.” Tugon ni Jasper sa binata.

Magsasalita pa sana si Vince nang sumabat si Mayang. Nakasunod lang pala ang babae kay Vince. Lalo lang nagulat si Vince nang lumapit si Mayang kay Jasper sabay lambing sa lalake.

“Magkakilala pala kayo ni Vince.” Wika ni Mayang.

“Oo naman, dati na itong nakapunta doon kina Kaloy. Ngayon mo lang siya nakita kasi madalang ka namang gumala. Pero ilang araw din siya nakitira roon kina kumare Tess.” Ani ni Jasper.

Doon napagtanto ni Vince na ang nakita pala nitong kahalikan ni Karding sa rooftop ay si Jasper. Naiwang tulala sa hagdan si Vince habang pinagmamasdan ang mag-asawa na pabalik sa kanilang silid. Hindi makapaniwala ang binata sa natuklasan nito. Maging sa pagbibihis nito, nilalaro ang imahinasyon nito ng kanyang nakita. Hindi mawari ni Vince kung saang banda ba siya dapat mag-react. Sa lihim na kinukubli ni Karding sa kanyang pamilya, sa mga walang malay na asawa o sa kataksilan ng magkumpare sa kanilang mga asawa?

Sa mundo ni Vince kung saan ang kataksilan at kasinungalingan ay hindi na bago, ang maging saksi sa ganun ay sobrang mabigat para sa kanya. Lalo na at wala naman itong karapatang punahin ang isang pagkakamali na minsan narin naman niyang nagawa. At ang least na lang na magagawa niya ay ang manahimik at magkunwari na wala siyang nakita, na wala siyang paki-alam.

Pagkatapos mag mall, bandang alas siyete na nakauwi si Kaloy sa kanila.

“Sa bahay na lang siguro ako naghahapunan pare, mukhang may espesyal kang bisita.” Sabi ni Evan nang makita ang nakaparadang kotse ni Vince.

“Kaya nga mas maganda na dito ka na kumain. Trip ko ngayon mang-inis ng tao. Kaya dito ka lang… sakyan mo lang ako mamaya.” Tugon ni Kaloy ng nakangisi kay Evan.

“Tol, kanina ka pa hinihintay ni Vince sa loob.” Wika ni Paquito kay Kaloy pagkasara nito ng gate.

Tulad ni Vince may mga pinamili rin na mga grocery si Evan para kay Tess. Magkasabay na pumasok ng bahay ang dalawa. Agad naman sila sinalubong ni Tess.

“Mabuti naman at nandito na kayo. Halina kayo sa kusina nang makapaghapunan na tayong lahat. Burnok, tawagin mo na dun ang Tay Karding mo. Kakain na tayo.” Saad ni Tess.

“Nay bigay po ni Evan. Pinag grocery niya po kayo. Dami niyan Nay.” Ani Kaloy sabay turo sa mga pinamili nila ni Evan.

“Dami nga nito, naku salamat dito Evan. Naku si Vince din. Ang dami rin pinang-grocery sa akin. Ang babait talaga ng mga kaibigan mo Nak.” Ang nakangiting wika ni Tess.

“Ito naman Nay galing kay Nate, mga wine. Premium daw ito. Naks si Nanay makakatikim na ng wine sa pasko, hindi na lambanog at tuba.” Ani pa ni Kaloy.

“Oo na, pakisabi kay Nate na salamat din dito. O siya iwan niyo na muna lahat iyan diyan at kumain na muna tayo.”

Sa dami nila ng mga sandaling iyon tila napaaga ang noche buena sa dami ng mga nakahaing pagkain sa hapag. Magkatabi ng upuan sina Evan at Kaloy, kaharap naman nila si Vince kung saan sina Paquito at Burnok naman ang katabi. Kaharap naman ng mag-asawa sina Jasper at Mayang. Sa simula tahimik lang ang lahat at abala sa kanya-kanyang mga plato nang magsimulang magsalita si Burnok. Napuna kasi nito ang tila pag iwas ni Kaloy kay Vince.

“Pareng Vince, pahingi daw ng sugpo si tol Kaloy.” Wika ni Burnok sabay siko ng mahina kay Vince.

“Teka ito pare, lalagyan ko ang pinggan mo.” Ani naman ni Vince na bahagyang napatayo para iabot ang lalagyan ng sugpo kay Kaloy.

“Hindi huwag na, tilapia talaga ang gusto…nabungol lang si tol Burnok. Evan pare paabot nga ng tilapia.” Saad ni Kaloy na tinanggihan ang sugpo ni Vince.

“Ang layo naman ng sugpo sa tilapia. Diba pare sugpo ang hiningi ni tol Kaloy sa akin?” Sabat ni Burnok.

“Sa iyo kasi hiningi, bakit mo pinasa sa iba. Nasa harapan mo lang oh…sa iba mo pa pinaabot.” Sagot ni Kaloy na tila nainis.

Napailing na lang si Burnok sa tugon ni Kaloy. Sinaway naman sila ni Tess baka magkapikunan pa ng dahil lang sa sugpo. Tahimik lang si Vince. Kumakain lang ito ngunit nasa kay Kaloy at Evan ang mata nito. Lalo na sa tuwing magtatawanan ang dalawa na para bang sila lang ang nagkakaintindihan. Pansin din iyon ni Paquito, may kutob itong may problema sina Vince at Kaloy.

“Pare pagkatapos nito sa rooftop tayo, palamig tayo bago matulog.” Sabi ni Paquito.

“Sandali, matulog? Hindi ka uuwi sa inyo?” Tanong bigla ni Kaloy kay Vince.

“Sabi ni Nay Tess, nakakahiya naman kung tatanggi ako.” Ang nakangiting sagot ni Vince kay Kaloy.

“Delikado na ang magmaneho sa gabi. Kaya sabi ko dito na siya magpa-umaga.” Sabat ni Tess.

“Ang saya pala natin ngayon, dito rin kasi matutulog si Evan, diba pare?” Ani ni Kaloy sabay tingin kay Evan.

“Yes tita tito, puwede rin ba ako mag sleep over dito ngayong gabi?” Tanong naman ni Evan.

“Siyempre naman, ikaw pa ba. Kahit dito pa kayo tumira lahat walang problema.” Tugon ni Karding kay Evan.

“Kasama ba kami sa lahat na iyan pare?” Komentong tanong ni Jasper sa sinabi ni Karding.

Sasagutin pa sana ni Karding ng hindi si Jasper, ngunit mabilis na tumugon agad ng oo si Tess sa lalake. “Mas maraming tao dito sa bahay mas masaya. Kaya kung gusto niyong mag asawa rito, bukas itong bahay para sa inyo. Diba Mahal?”

“Sinabi mo nga mahal.” Ang sagot ni Karding at tumango na lamang ito ng pilit sabay daplis ng sulyap kay Jasper.

Pagkatapos ng hapunan agad na nag kanya-kanya ang lahat. Nang paakyat na si Vince sa silid nito, sinadyang nilakasan ni Kaloy ang boses nito nang tawagin nito si Evan para lang sabihin sa lalake na doon na ito matulog sa kanyang silid. Nang marinig iyon ni Vince, tila hinila ang ulo nito na nilingon si Kaloy na nakasunod lang sa kanya. Tuwang-tuwa naman si Evan sa sinabi ni Kaloy, at sobrang saya nito agad nitong inakbayan si Kaloy sabay yakap tsaka pabirong hinalikan sa pisngi ang lalake. Nais makita ni Kaloy ang magiging reaksyon ni Vince sa mga sandaling iyon ngunit wala itong nakuha na kahit anong tugon sa lalake. Sa halip ngumiti pa si Vince sa kanila sabay sabi…“Ang aga pa nito para matulog… baka gusto niyo sumali sa amin, nagyaya si Paquito at Burnok na mag card game sa rooftop.” Ani ni Vince.

“Medyo boring ang card game, kayo na lang… May ibang laro kami ni Evan na mas nakakaaliw gawin. Ikaw baka gusto mo sumali… Puwede naman sa laro namin ang tatlohan.” Tugon ni Kaloy kay Vince na may nakakalokong ngiti.

“Huwag ka mag alala pare, salitan naman ang taya kaya hindi nakakapagod. Actually pagpapawisan ka lang ng unti…pero solid ang sarap kapag nakaraos ka sa laro.” Hirit pa ni Evan na sinakyan naman ang sabi ni Kaloy.

Nag-iinit na ang ulo ni Vince sa pikon at inis. Ngunit kalmado lang ito at hindi pinapahalata ang totoong nararamdamang galit, selos at insulto sa sinasabi ng dalawa. Naroon siya para ibalik si Kaloy sa kanya at hindi ang ilayo pa ang binata sa kanya. Itinuring iyon ni Vince na hamon sa kanya.

“Mukhang masaya nga ang laro niyo, well enjoy.” Tanging tugon lang ni Vince tsaka diretso nang tumuloy sa silid na nilaan sa kanya ni Tess.

Naiwan ang dalawa na nagulat sa reaksyon na binigay sa kanila ni Vince.

“Mukhang walang epek ang sinabi natin ah. Di man lang umalma, akala ko pa naman competitive iyang boyfriend mo pare. Pero mukhang pinapaubaya ka na niya talaga sa iba. Nginitian lang tayo.” Komento ni Evan.

“Nagkukunwari lang iyon, ang totoo gusto na nun sumabog sa galit. Hindi niya lang magawa kasi ayaw niyang madagdagan pa ang lamat namin sa isa’t isa. Pero tingnan lang natin kung hanggang saan ang pagtitimpi niya sa gagawin natin mamaya.” Ani ni Kaloy na nakangisi.

“Teka lang baka ako naman ang hindi makapagtimpi niyan at mapasubo ka sa akin…” Ang tugon ni Evan na natatawa sa tumatakbo sa kanyang isip dahil sa sinabi ni Kaloy.

“Baliw,… Umaasa ka naman na agad ako luluhod sa iyo? Baka ikaw pa makiusap na isubo ito.” Sabat ni Kaloy na tawang-tawa rin.

“Bakit hindi… Tantsado ko naman ang laki niyan at feel ko kakayanin naman”(sabay tawa ng todo) “Ano ba ang balak mo mamaya?” Tanong ni Evan.

“Basta sumakay ka na lang mamaya kapag sumenyas na ako.”

Lingid sa dalawa narinig ni Jasper ang kanilang usapan. Sa mga narinig nito sa dalawa may namuong pagdududa kay Jasper tungkol sa pagkakaibigan ni Kaloy at Evan. Lalo na sa paraan ng mga harutan ng dalawa. Nang makaakyat na sa taas at makapasok sa silid ni Kaloy ang dalawa… Ang siya namang akyat nun ni Jasper. Bago puntahan ang kanilang silid ni Mayang dumaan muna ito sa silid ni Kaloy at marahang lumapit sa pinto. Akma na itong ididikit ang tenga sa pintuan nang siyang labas naman ni Mayang sa kanilang silid tsaka siya tinawag nito.

Hindi nagawa pang makiusyoso ni Jasper sa silid ni Kaloy at pasimple na lang na nilapitan si Mayang sabay tulak sa asawa papasok sa kanilang silid.

At gaya nga nang napag-usapan, nagkayayaan ang tatlo burnok, Paquito at Vince sa rooftop na mag laro ng card game habang nag-iinuman. Pagkaakyat sa rooftop, agad na hinanap ni Vince ang dalawa Kaloy at Evan… ngunit wala sila. Nais mang iwasan ni Vince ang mag isip ng kung ano-ano sa dalawa, ang sinabi ni Kaloy kanina lang sa kanya ang bumubulong sa kanyang isip. Balisa ito at hindi mapakali sa kinauupuan. Hindi rin ito maka-focus ng maayos sa kanilang nilalaro kung kaya’t lagi itong talo.

“Pasensya na mga pare, hindi talaga ako marunong sa baraha. Kayo na lang dalawa muna…bababa lang ako sa silid ko at may kukunin lang ako.” Pagdadahilan ni Vince.

Pababa na ito ng rooftop nang makasalubong nito ang dalawa, Kaloy at Evan na magkasamang paakyat naman habang magkaakbay sa isa’t isa.

SECOND CHANCE

Nang makita ng dalawa si Vince na pababa mula sa rooftop mas naging maharot pa sina Evan at Kaloy sa isa’t isa na para bang ini-inggit ng dalawa si Vince. Nais mang iwasan ng binata ang dalawa wala itong maisip na dahilan para iwasan sina Kaloy.

“Tapos na ba kayo maglaro sa taas pare?” Tanong ni Evan kay Vince.

“Hindi pa, pero inaantok na kasi ako isa pa may pasok pa ako bukas. Kayo ba kamusta ang laro niyo, mukha nag enjoy talaga kayong dalawa.” Tugon ni Vince na pangiti-ngiti lang sa dalawa.

“Mamaya ka na matulog, maaga pa naman. Kuwentuhan muna tayo sa taas.” Wika ni Kaloy.

“Susubukan ko mamaya pag hindi na ako tinatamad.” Ani ni Vince at bumaba ito.

Tila ayaw talaga bumigay ni Vince sa kanyang totoong emosyon. Sa halip, mukhang si Kaloy pa ang bibigay sa kanyang ginagawa. Nagisip pa si Kaloy kung paano aasarin ng husto si Vince. May isang oras na sila ni Evan sa rooftop na nakatambay kasama kasama sina Burnok at Paquito ngunit hindi na nakabalik pa si Vince. Napansin ni Evan na palaging nililingon ni Kaloy ang hagdan, kaya pasimple nitong binulungan ang kaibigan.

“Hindi na aakyat iyon dito. Mukhang alam na niya ang trip mo pare. Paano iyan?” Nakangiting bulong ni Evan.

“Babalik iyon, hindi iyon makatiis. Maghintay ka lang.” Ani ni Kaloy.

Inantok na rin ang mga kaibigan kaya nauna nang nagpaalam si Paquito sa dalawa at sumunod din si Burnok. Naiwan sa rooftop sina Evan at Kaloy na hinihintay parin ang pagbabalik ni Vince.

“Sumuko ka na kasi pare. Feel ko nakapag-move on na si Vince sa break up niyong dalawa. Kita mo naman kanina parang hindi naman siya apektado sa ginawa natin. Di nga yata nagseselos eh. So paano iyan?” Komento ni Evan.

“Hindi iyon basta mag mo-move on pare. Mahal pa rin ako nun.” Tugon ni Kaloy.

“At mahal mo pa din siya. Alam mo pare sa ginagawa mo, parang sarili mo rin lang ang tinu-torture mo. Bakit hindi mo na lang tapatin si Vince na okay ka na. Na napatawad mo na siya. Na handa ka na makipagbalikan sa kanya. Pare hindi naman tayo parehas ng pananaw sa isang sitwasyon. Kung sa akin lang, at sa’kin nangyari ang nangyari sa iyo… Hindi ko na kailangan mag isip pa, hindi ko na siya hahayaan pang pumasok sa buhay ko. Hindi na kahit kailan. Pero ako iyon… opinyon ko iyon. Iba kasi ang sa iyo, iba ang lalim at lawak ng puso mo. Alam ko na hindi mo rin matiis si Vince. Kung si Gibo nga pinagbigyan mo, pinatawad mo si Vince pa ba? Baka maisipan nun na tularan si Gibo lamang mapatawad mo, naku konsensiya mo pa iyon.” Wika pa ni Evan.

“Napatawad ko na rin naman iyon. Ayoko lang na ibigay sa kanya nang ganun na lang ka bilis. Sinaktan niya ako pare,…kung halikan lang sana acceptable pa iyon eh, pero harap-harapan din kasi pare. Baka kung bibigay ako, iisipin niyang ang easy ko lang. Na kahit gumawa pa siya muli ng ganun, papatawarin ko agad siya. Gets mo naman siguro ang point ko. Gusto ko ma realize niya na iba ako kay Nate, na kahit makipagbungkalan pa siya sa kung sino ay ayos lang. Hindi ako ganun.” Ani ni Kaloy.

Nagulat si Evan nang mabanggit ni Kaloy sa kanilang usapan si Nate. Hindi man intensiyon ni Kaloy na ibulalas sa kaibigan ang nakaraan ni Nate at Vince, nabitawan na ng kanyang dila ang bahaging iyon. Napatanong si Evan tungkol dun at agad naman niya kinuwento sa lalake na bago sila naging magkarelasyon ni Vince ay naging sila muna ni Nate. Dahil na rin kampante naman at may tiwala na kay Evan, naikuwento na rin nito sa lalake ang tungkol naman sa kanila ni Gibo at kung paano silang apat pinagtagpo ng tadhana. Napailing na lang si Evan sa kuwento ni Kaloy.

“Kung nagkataon pa lang pinatulan mo talaga si Gibo noon,… eh parang nag tuhugan lang kayong apat. Buti na lang talaga at hindi niyo naisipan ni Nate na maging kayo naman. Sakaling ganun ang ginawa niyong dalawa, perfect na kayong apat na mag cover ng kanta ni Sarah na 🎶 iyot-iyot lang, iyot-iyot…iyot🎶” Ani ni Evan na tinawanan lang ang sitwasyon ni Kaloy.

“Ikot-ikot kasi iyon…”

“Iyon nga paikot-ikot lang kayong apat dahil sa iyot. Ang active kasi masyado ng mga titi niyo, ang bibilis makaramdam ng utog. Kaya bago pa makapag-isip ng tama ang utak niyo, nauna nang tumayo ang mga ulo niyo sa baba kaya ayan, pinoproblema ang relationship goal na para bang wala ng ibang tao sa paligid niyo. Hindi naman kayo sure na kayo na talaga forever noh”. Wika ni Evan.

“Wala naman kasi sa plano ko ang ganito. Nangyari na lang. Kung ako lang…okay naman sa akin na wala munang iba.” Sabat ni Kaloy.

“Pero, nang dumating si Vince sa buhay mo parang hindi na?… Eto lang masasabi ko pare, masarap na may kahati sa nararamdaman mo tsaka may kasabay ka sa mga pangarap mo. Pero dapat alam mo rin kung saan ka masaya. Sa piling ba niya, o sa mga sandaling wala siya. Doon mo ibase ang disisyon mo pare. Kung mahal mo pa nga siya at mahalaga pa rin siya sa iyo, Bumalik ka na sa kanya. Well kung nagdududa ka pa sa nararamdaman mo, at okay ka namang mag isa…rektahin mo na iyong tao na ayaw mo na. Huwag mo na siyang paasahin. Maging magkaibigan na muna muli kayo.” Payo pa ni Evan kay Kaloy.

Tumugon lang ng ngiti si Kaloy sa kaibigan. At bilang pag suporta sa kaibigan inakbayan ni Evan si Kaloy at kinabig ang binata palapit sa kanya sabay sandal ng ulo nito sa ulo ni Kaloy. Ang tagpong iyon ang inabutan ni Vince nang paakyat na ito ng rooftop. Kitang-kita nito kung gaano kalapit ng dalawa sa isa’t isa. Hindi na napigil ni Vince ang mga luha na tumulo mula sa mga mata nito habang nakatingin sa dalawa. Nanikip ang kanyang dibdib na para bang sasabog sa tindi ng sakit dulot ng tagpong nakikita.

Hindi na nakayanan pa ni Vince ang sakit kung kaya’t hindi na ito tumuloy sa rooftop, bumalik na lamang ito sa kanyang silid at doon ibinuhos ang lahat ng hinagpis, galit at pagkapuot sa sarili. Ayaw niyang makabulahaw ng ibang tao roon kung kaya’t impit ang mga pagtangis nito at hagulgol sa hinihigaang kama.

Samantala sa hospital, hindi na kayang labanan pa ni Nate ang antok kung kaya’t nakaidlip na rin ito sa tabi ni Gibo habang hawak ang palad ng kaibigan. Nilapitan ito ni Stella para palipatin sa couch na naroon.

“Ayos lang ako rito tita, kayo na po ang mahiga dun…dito lang ako sa tabi ni Gibo, tita.” Tugon ni Nate nang ginising ito ni Stella.

“Halos gabi-gabi ka na nakabantay sa anak ko. Ayos lang ba kay Karl na nandito ka nagpupuyat kay Gibo?” Tanong ni Stella kay Nate na may matipid na ngiti.

“Walang problema iyon kay dad tita. Mas gusto pa nun na nandito ako sa tabi ni Nate kaysa gumala kasama ang mga kabanda ko. Tsaka gusto ko kasi, nandito ako sakaling magising si Gib tita.” Ani ni Nate.

“Mahal mo ngang talaga ang anak ko.” Ang wika ni Stella na bigla na lang naging emosyonal na niyakap si Nate.

Nagtaka si Nate sa sinabi ni Stella. Nagulat din ito sa inakto ng babae nang niyakap siya nito at napaiyak. Nang may sinabi pa ang ina ni Gibo sa kanya. “Narinig kita kahapon habang kinakausap mo si Gibo. Nagtulog-tulugan lang ako kagabi, kaya malinaw na narinig ko ang mga sinabi mo sa kanya.” Wika ni Stella kay Nate.

Nautal si Nate sa sinabi na iyon ni Stella. Malamig ang aircon sa loob ng silid ni Gibo ngunit bigla na lang pinagpawisan si Nate. Naalala nito ang mga sinabi niya sa walang malay na kaibigan. At ang marinig iyon mismo ng ina ay labis na kinahiya ng binata. Ngunit hindi man lang kinakitaan ng ano mang galit o pagtutol si Stella sa kanya natuklasan sa pagitan ni Nate at ng kanyang anak na si Gibo. Sa halip namutawi sa mga labi ng babae ang awa at pag-intindi sa nararamdaman ng dalawa lalo na ng anak.

Dahil sa nalamang relasyon ni Nate at Gibo, naging malinaw na ang mga katanungan sa isipan ng ina ukol sa dahilan kung bakit nakagawa ng maling paraan ang anak na nauwi sa pagkakoma nito. Sinigundahan naman ni Nate ang hinala ng ina sa dahilan ng anak.

“Nabanggit nga niya noon sa akin tita na gusto na niyang magpakatotoo sa kanyang sarili. Ngunit nag-aalangan siya na baka tulad ko hindi rin matanggap ni tito Gab na ganun siya. Gaya ni dad na kinasusuklaman ang mga bakla. Kaya mas pinili na lamang namin ni Gibo na ilihim sa lahat ang tungkol sa amin. Tita sorry, alam ko namang mali pero nagmamahalan kami ni Gibo.” Paglalahad pa ni Vince.

“It’s okay ina ako ni Gibo, at bata pa lang siya alam ko na may iba sa kanya. Pero nagbubulag-bulagan lang din ako dahil hindi ko rin matanggap. Tsaka natakot ako noon na baka pag nalaman ng papa niya na bakla siya, tuluyan na niya kaming i-abandona at kalimutan. Bata pa si Gibo nun at kailangan niya ng ama na susuporta sa kanya. Lumaki si Gibo na may takot para sa kanyang sarili. Kaya siguro mas pinili na lamang niya na itago sa amin ang totoo. At kung may dapat mang sisihin sa nangyari, ako iyon. Hindi na sana ito nararanasan ni Gibo kung noon pa hinayaan ko na siyang maging malaya.” Saad pa ni Stella.

Napayakap naman si Nate kay Stella. Hindi man iyon ang dahilan ni Gibo, pero laking kaluwagan na kalooban ni Nate ang marinig mismo sa isang ina na hindi ito tumututol sa pagkakaintindihan nila ni Gibo. Seryoso ang dalawa sa kanilang usapan na hindi na nila namalayan na kanina pa si Gab nakatayo sa pintuan ng silid, nakasilip at naririnig ang bawat salita na kanilang pinag-uusapan. Marahang isinara ni Gab ang pinto para hindi makalikha ng ingay. Lumayo ito roon habang nagpupunas ng mga namumuong luha sa mga mata.

Napansin ni Nate ang tila pagsara ng pinto kaya napalingon sila ni Stella. Tumayo ang babae mula sa pagkakaupo at dali-daling sinilip ang labas para usisain ang nandoon ngunit wala naman itong nakitang tao sa labas.

“Baka nurse,…” Sambit na lang nito.

Babalik na sana sa pagiidlip si Nate nang maramdaman nitong ginagalaw ni Gibo ng daliri nito ang kanyang kamay na nakapatong sa kamay ng kaibigan. Pinakiramdaman muli ito ni Nate hanggang sa gumalaw na nga ang mga daliri sa kamay ni Gibo. At nang sulyapan nito ng tingin ang mukha ni Gibo. Tila lumiwanag ang paligid para kay Nate nang makitang nakadilat na si Gibo na nakangiti pa sa kanya. Sa gulat at saya napasigaw agad si Nate sa tuwa at niyakap ng mahigpit si Gibo. Nakita iyon ni Stella. Maluha-luha ang ina ng makitang gising na ang anak. Agad itong lumabas para tumawag ng doktor.

Sa di kalayuan natanaw naman siya ni Gab na noo’y nagkubli lang sa isang pader para magpigil ng luha. Ngunit sa halip na umurong ang luha, lalo lang ito bumagsak. Dahil sa nakitang biglaang paglabas ni Stella ng sumisigaw habang nagtatawag ng doktor, binalot ng pag-aalala at kaba si Gab para sa anak. Nataranta ito ngunit hindi nito alam kung ano ang gagawin. Maya-maya pa napansin na nito si Stella kasama na ang doktor at dalawang nurse, kaya dali-dali rin itong lumapit sa silid ng anak.

Pagpasok ni Gab bumungad agad sa kanya ang mga ngiti ng mga naroon sa loob, Nang makita ang anak na si Gibo na nakatingin sa kanya, hindi na nakontrol ng lalake ang emosyon at bumuhos na lang lahat ng luha nitong kanina pa pilit pinapatahan. Agad nitong nilapitan si Gibo tsaka niyakap nang mahigpit, nakangiti ngunit umiiyak habang binabanggit ang mga salitang “sorry nak,… tanggap ka ni papa.”

Kahit mahina pa, sinikap ni Gibo na tumugon ng yakap sa ama. Napuno ng iyakan at kaligayan ang silid na iyon sa muling pag-gising ni Gibo.

Balik kina Kaloy; Mag aalas onse na at wala talaga si Vince kaya naisipan na lang ng dalawa na bumalik na sa kanilang silid para magpahinga. Naunang bumaba si Evan dahil sa maliligo pa ito, si Kaloy naman saglit pa naghintay ng mga ilang minuto kay Vince. Nang tila wala na ngang pag-asa tsaka lang nagpasya ang binata na sumunod kay Evan. Samantala dahil nga din sa nararamdamang galit, inis at selos pabaling-baling lang sa kama si Vince. Kung ano-ano na lang ang naglalaro sa kanyang isipan. At dahil hindi rin makakatulog ng maayos, nagpasya na lang si Vince na huwag na roon manatili pa ng gabing iyon kina Kaloy. Hindi niya kayang magkibit-balikat na lang at magkunwaring maayos ito, di kaya mag tulog-tulugan na masama ang loob habang nasa kabilang silid lang ang dahilan ng kanyang nararamdaman. Magkatabi, magkasiping, magkayakap at masaya.

Matapos ayusin ang sarili… Lumabas na ito ng pinto.

Ngunit sa kanyang pagbukas ng pintuan, natigilan ito sa gulat nang mabungaran sa kanyang harapan si Kaloy na nakatayo roon, na tila ba naghihintay lang sa kanya.

“Aalis ka?” Bungad na tanong ni Kaloy kay Vince.

“May sarili akong bahay, hindi ako sanay na nakikisiksik sa iba. Lalo na at wala na rin namang space na nakalaan sa akin.” Sagot ni Vince.

“May silid ka naman ah, paanong wala kang space?” Tanong muli ni Kaloy na hinarangan na talaga si Vince nang lumapit pa ito ng husto sa lalake.

“Bakit meron pa ba? Kaloy aaminin ko nagseselos ako sa inyo ni Evan. At hindi kita masisisi kung mahanap mo sa iba ang mga katangian na wala sa akin. Dahil kasalanan ko. At kahit ulit-ulitin ko pa ang paghingi ng sorry sa iyo, hindi na maibabalik ang tiwalang sinira ko. Pinapalaya na kita Kaloy, pare. Hahayaan na kita sa kung sino ang pipiliin mo na kapalit ko sa puso mo. Kahit ayaw ko, pipilitin kong tanggapin na wala na nga tayo at wala na akong karapatan pang magselos sa iyo. Masakit pero kagagawan ko rin naman ang paglayo mo sa piling ko. Sorry at naging gago ako, mahal parin kita pare…kaya paalam na, deserve mo ang sumaya.” Tugon ni Vince na hindi na nga napigil ang mga luha na bumagsak sa kanyang mga mata.

Nasaktan si Kaloy sa mga narinig kay Vince. Ramdam niya ang sinseridad pa rin ng pagibig ng lalake sa kanya. At bagama’t may bigat pa rin sa puso niya na tanggapin ang lalake pabalik sa kanya, hindi naman kaya ni Kaloy na pakawalan na lang ng ganun si Vince sa puso niya. Itananggi man ng kanyang bibig ang totoong nararamdaman, naghuhumiyaw pa din ang kanyang puso para sa pag-ibig nito kay Vince. At ngayong tila nagbabanta na ng wakas ang kanilang kuwento, hindi makakapayag si Kaloy na sa ganun lang matatapos ang lahat. Ayaw pa sanang bumigay ng lalake, ngunit natakot ito na baka tuluyan na ngang maglaho sa paningin niya si Vince. Saglit na tinitignan pa ng husto ni Kaloy si Vince sa mukha at sa walang pasabi bigla na lamang nito sinunggaban ng marubdob na halik sa labi ang kaharap sabay tulak kay Vince papasok pabalik sa loob ng silid tsaka isinara ang pinto.

Hindi inasahan ni Vince ang pag-atake na iyon sa kanya ni Kaloy. Ngunit nung sandaling naramdaman nito ang labi ng lalake sa kanyang labi, tila matik na gumalaw na lang ng kusa ang kanyang bibig na malugod na tinanggap ang pagsibasib ni Kaloy sa kanya. Walang namutawing mga salita sa kanilang dalawa habang naglalapaan ng mga labi sa isa’t isa. Sa muling pagkakataon nalasahan muli ng bawat isa ang tamis ng kani-kanilang mga laway. Ramdam ang mga pananabik ng dalawa sa kanilang mga halikan. Hanggang sa isa-isa nang nahuhulog sa sahig ang kanilang mga saplot sa katawan.

“Huling pasada na ba ito para sa pagtatapos ng biyahe nating dalawa? “ Tanong ni Vince kay Kaloy nang saglit nitong pinahinto ang lalake.

“Hindi pa tapos ang biyahe natin baby love, nag stop over lang tayo dahil nasiraan tayo. Pero ayos na,… Mag sisimula muli tayo ng bagong biyahe, pero this time gusto ko private. Iyong tayo lang, wala ng sabit tsaka bawal din ang angkas. I missed you baby ko.” Tugon ni Kaloy at muling sinilyuhan ng halik ang bibig ni Vince.

Napayakap ng mahigpit si Vince kay Kaloy. Hindi na kailangan pa magpaliwanag sa mga nakita noong una. Para kay Vince sapat na ang mga narinig kay Kaloy, sapat na ang sandaling iyon para pabulaanan ang kanyang mga naramdaman kanina.

Sa ibabaw ng malaki at malambot na kama muling naging isa ang dalawa. Handa na si Vince na patunayan kay Kaloy na kaya niya ang lahat para sa pagmamahal sa lalake. Unang subok pa lang pansin na ni Kaloy na nasasaktan si Vince sa laki ng ulo ng kanyang hito. Ngunit mapilit din si Vince nais rin niya matikman ang masaktan habang nasasarapan kaya gamit ang pinagsama nilang mga laway pinaliguan muna ni Vince ang alaga ni Kaloy tsaka ito muling ipinasok sa kanyang lungga.

“Huwag na muna nating ipilit kung talagang ayaw. Sanay naman ako sa dati. Ayokong nakikita kang nahihirapan, para ako iyong nasasaktan.” Nakangiting sabi ni Kaloy.

“Gusto ko maramdaman kita sa loob ko. Kaya kahit masaktan ako,… titiisin ko. Ganyan kita ka mahal, di bale nang mahirapan. mahalaga masarapan ka… Kaya ayos lang baby love, nakahanda akong masaktan.“tugon ni Vince, habang inaayos ang sarili sa harapan ni Kaloy.

Pigil hininga na tinanggap ni Vince si Kaloy sa kanyang kaibuturan. Marahan naman ang mga pagkilos at pag indayog ni Kaloy sa harapan ni Vince. Alam ni Kaloy na nasasaktan niya ang kasintahan sa kada tulak nito paloob ng kanyang naghuhumiyaw sa katigasang tarug, kaya todo alalay ito sa lalake. At para mabawasan ang kaba ni Vince sabay din niyang binabayo at nilalaro ang buratso ng isa. Maluha-luha na si Vince ngunit nakangiti parin ito habang tinititigan si Kaloy na humihiling sa kanyang harapan. Hindi na ininda ng binata ang sakit sa bawat hugot baon ni Kaloy sa kanya. Ang mahalaga sa kanya sa sandaling iyon ay ang muling maramdaman ang init ng katawan ng kanyang minamahal. Nang tuluyan ng mabuksan ng todo ang lagusan…ang mga marahang pagkaldag at pagbayo ni Kaloy ay unti-unting naging mapusok sa pananabik…naging mabilis mga pag labas pasok nito na labis nagdulot kay Vince ng matinding sensasyon.

“Baby love, natatamaan mo ang gspot ko…gagi saglit lang naiihi ako.” Wika ni Vince.

Napahinto saglit si Kaloy, ngunit nagpatuloy muli ito sa kanyang pangangabayo kay Vince. Hanggang sa bumulong na ito sa kabembangan na unti na lang at sasabog na siya. Tumugon lang ng ngiti si Vince sabay kabig sa leeg ni Kaloy at nilaplap ng halik ang bibig ng lalake…tsaka nag sabi “sabay na tayo, malapit na rin ako…”

Habang binabayo ni Vince ang sarili, todo bayo na rin sa kanya si Kaloy…at sa sunod-sunod na pagsagad ni Kaloy, tuluyan na ngang nagpakawala ito ng napakarami at mainit na gatas sa looban ni Vince. Kasabay ng pagpapa-agos ni Kaloy nag paputok din ng malala si Vince. Sa dami at tayong ng mga ikinalat nitong gata, ang iba tumilamsik pa sa bibig at dibdib ni Kaloy.

“Pineapple juice ba ang ininom niyo kanina? Lasang-lasa ko pa kasi…” Ang nangiting sabi ni Kaloy nang dilaan nito ang natapon na katas ni Vince sa kanyang bibig.

“Ayaw mo ng lasa? Balik mo sa akin…” Nangiti rin na tugon ni Vince sabay buka ng bibig nito at labas ng kanyang dila kay Kaloy.

Tumugon naman si Kaloy at hinalikan nito si Vince. Muling nag laplapan ng matindi ang dalawa salitan muli sila ng laway habang nag sisipsipan ng mga dila. Mula sa kama, binuhat ni Kaloy si Vince papuntang shower habang kagat-kagat ang bibig ng binata at naghahalikan. Sabay na naglinis ng katawan ang dalawa sa shower. At habang nandoon sila sa loob…tumunog ang cellphone ni Kaloy na nasa loob ng kanyang hinubad na shorts.

Dahil hindi makontak si Kaloy, si Paquito na ang tinawagan ni Nate para ibalita ang tungkol kay Gibo. Natuwa naman si Paquito sa ibinalita ni Nate kaya excited din itong ginising si Burnok para sabihin ang magandang balita. Ngunit tila tinamaan yata ng husto ng alak si Burnok at hindi ito magising sa kalasingan. Naisip ni Paquito na puntahan na lang si Vince sa silid nito, dahil ayon kay Nate sa linya… hindi sinasagot ni Kaloy ang tawag nito, at malamang tulog na ito.

Lumabas ng silid nila si Paquito para puntahan si Vince sa kuwarto nito. Kumakatok na ito sa pinto ngunit walang tugon mula sa loob. Umulit pa ito ng ilang beses.

Samantala sa loob ng banyo, tila sinulit talaga ng dalawa ang mga sandaling na miss nila sa isa’t isa. Sa ilalim ng malakas na buhos ng tubig sa shower, patuloy na nag roromansahan sina Kaloy at Vince nang saglit matigilan si Kaloy.

“Narinig mo iyon? May kumakatok sa pinto…” Ani ni Kaloy.

Pinatay naman ni Vince ang shower para marinig ang sinasabi ni Kaloy. Ngunit wala na ang mga pagkatok na narinig ng lalake. Kaya muling nagpatuloy ang dalawa sa kanilang ginagawa.

Si Paquito sinubukang pihitin ang hawakan ng pinto. Nang mapagtanto nitong hindi ito naka-lock. Balak lang sana silipin ni Paquito si Vince sa loob nang napansin nitong walang tao roon. Nakita rin nito sa sahig ang mga nagkalat na damit. Napakamot ng ulo si Paquito nang makilala ang ilan sa mga nasa sahig ay damit ni Kaloy.

“Ano ang ginagawa ng mga damit ni Kaloy dito sa sahig ng silid ni Vince? At nasaan na si Vince? Imposibleng umuwi iyon nasa akin ang susi ng gate. Baka nandoon sa rooftop… pupuntahan ko…” Sa isip ni Paquito.

Dahil sa nakapatay na nga ang shower walang narinig na ingay si Paquito mula sa banyo kaya naniwala itong walang tao sa kuwarto ni Vince. Sa loob, tila kinutuban ng kaba si Kaloy nang maalalang hindi niya nai-lock ang pinto sa silid ni Vince. Kaya pinutol na muna ng dalawa ang kanilang ginagawa at nagpasyang sa kama na sila magpatuloy. Naunang lumabas si Vince para i-lock ang sana ang pinto, sumunod naman agad si Kaloy. Kapwa parin hubo’t hubad ang dalawa.

Palabas na rin sana si Paquito para tingnan sa rooftop si Vince nang marinig nito ang pagbukas ng pintuan sa banyo. Kaya napalingon ito.

Halos namilog ang mga mata ni Paquito nang makita si Vince na basang-basa, hubo’t hubad na kakalabas lang ng banyo. Lalo pa itong nagulat nang mapansin din si Kaloy na lumabas kasunod ni Vince at tulad ng nauna, hubo’t hubad din. Biglang nataranta ang dalawa kung paano ipaliwanag kay Paquito ang kanyang nakita.

Si Paquito naman tila nakuha na ang sagot kung bakit naroon nakakalat sa sahig ng silid ni Vince ang mga damit ni Kaloy. Mabilis na hinablot ng dalawa ang towel na nakasabit sa dingding at pinangtabon nila agad iyon sa kanilang mga harapan. Lumapit si Kaloy kay Paquito tsaka nagpaliwanag.

“Tol pare, kung ano man ang tumatakbo sa isip mo ngayon,…nagkakamali ka. Wala kaming ginawa na kung ano ni Vince. Na…nakiligo lang ako sa kanya kasi mahina ang tagas ng tubig ko sa kuwarto. Si…sira yata ang linya.” Ang pangiti-ngiting paliwanag ni Kaloy.

“Yes pare, nakiligo lang dito si Kaloy.” Pagsang-ayon ni Vince.

“Nang sabay? Sa iisang shower?…okay” sabat ni Paquito na tumugon ng makahulugang ngiti sa dalawa. Ngiting may duda.

“Ano masama dun?…tayo rin naman ah sabay-sabay din kung maligo sa ilog, minsan nga sa balon pa nga namin dati.“ani pa ni Kaloy.

“Sige, kuwento niyo iyan eh”(sa isip ni Paquito)

Ang hindi alam ng dalawa bago pa, napansin na ni Paquito ang basang bahagi ng kumot sa kama ni Vince. Duda na kasi ito noong una, kaya nahawakan niya iyon at inamoy. Sa lagkit at lapit palang nun at sa amoy alam na ni Paquito kung ano iyon. Una palang nito makita ang magkapatong na briefs ng dalawa sa sahig, iba na ang kutob nito.

Ayaw naman mangi-alam ni Paquito sa personal na buhay ng dalawa kaya nagkibit-balikat na lang ito. Wala naman sa ugali nito ang ilantad ang sekreto ng dalawa. Sumang-ayon na lamang ito sa kuwento ng dalawa. Nang medyo kumalma na, tsaka na nito ibinalita sa dalawa ang tungkol kay Gibo. Tuwang-tuwa ang dalawa sa ibinalita sa kanila ni Paquito. Kaya agad nag bihis ang dalawa para puntahan agad si Gibo sa hospital.

Pagkapasok ni Kaloy sa kanyang silid inabutan nito si Evan na busy sa kanyang cellphone.

“Pare, sama ka…punta tayo ng hospital, gising na si Gibo pare.” Wika ni Kaloy.

“Mabuti naman kung ganun, siya nga pala saan ka galing? Tas bagong ligo ka pa…wait, huwag mong sabihin…”

“Game over na pare, hindi ko matiis eh. Mukhang aalis na nga talaga kanina, pinigilan ko lang. Buti naagapan.” Sagot ni Kaloy na kita ang saya sa mukha.

“Sana sure na iyan talaga. Masaya ako para sa iyo.” Ani ni Evan sabay yakap kay Kaloy.

Dahil sa ingay nila Kaloy, nagising sina Karding at Tess. Sumilip din mula sa kanilang silid si Jasper para usisain ang iba. At nang malaman nga ng lahat ang tungkol kay Gibo, tila nabuhayan ng lakas ang mga tao sa bahay na iyon. Maging si Burnok na kanina lang tulog ay napabangon para sumabay kina Kaloy papuntang hospital.

“Tito hindi ba kayo sasama ni tita?” Tanong ni Evan sa mag-asawa.

“Hindi na, kayo na lang. Ikamusta niyo na lang kami kay Gibo.” Ani ni Tess.

“Sige po tita, alis na kami… Burnok pare dito na kayo ni Paquito sa kotse ko. Kay Vince na sasakay si Kaloy.” Wika ni Evan.

Abot tenga ang ngiti ni Vince nang sumakay na sa kotse niya si Kaloy at naupo ito sa tabi niya.

“Na miss ko na makita kang katabi ko baby love.” Sambit ni Vince kay Kaloy sabay hawak sa kamay ng lalake. “I love you baby love” dugtong pa nito.

“I love you too…baby love”. Tugon ni Kaloy.

Masaya ang lahat sa gabing iyon. May nagkabalikan, may nabigyan ng pangalawang pagkakataon at may nasarapan. Mahaba pa ang lalakbayin ng kanilang mga kuwento, ngunit sa kabilang banda, mga bahagi na ng kanilang mga pahina ang natapos. Ngunit ang totoong takbo ng kuwento ay hindi lamang nababase sa mga kathang isip na tagpo kundi sa reyalidad ng totoong buhay. At sa muling pagmulat ni Gibo, kasabay nito ang panibagong bahagi na naman ng kuwento na kanilang kakaharapin.

“Akala mo kung sinong straight kung kumilos sa campus. Bakla rin pala ang puta.” Wika ni Travis habang tinitingnan ang hawak na cellphone.

“Baka naman si Vince talaga ang bakla sa kanila pare. May nabasa kasi ako na comment sa isang post niya na inamin niya na bading siya.” Ani ng kaibigan nitong si Onix.

“Kahit sino pa sa kanila, kabadingan parin ang pinaggagagawa nila. Hindi na ako magtataka kung bakit close sila ni Zyone, kasi bakla din ang hayop na iyon. Feeling ko nga sinadya niya talagang kalabanin si Dax para lang magpapansin eh. Duda nga ako sa biglaang closeness nila nitong mga huli pare. Type talaga ni Carl si Dax sure ako.” Pakiwari pa ni Travis.

“So, ngayong may nahalungkat ka na tungkol kay Carl ano na next step mo pare?” Tanong ni Onix.

“Tuloy ang plano sa kunwari pa birthday party ko. Di ko masusubukan kung ano ba talaga ang paborito niyang kainin, donut ba o hotdog.” Ang nakangising tugon ni Travis.

“Teka pare hindi ka pa ba uuwi sa inyo? Baka nagwawala na naman ngayon ang papa mo sa kakahanap sa iyo.” Sambit ni Onix.

“Wala iyon ngayon sa bahay kaya nga nandito ako. Tsaka ang boring dun, walang kabuhay-buhay ang mga tao sa bahay. Dito na lang ako, at least sa inyo pinapansin ako ng mga utol mo at ng mga parents mo. Dun nakikita lang nila ako pag may nagawa akong mali. Buti sana kung nandoon si kuya Lyndon, eh wala din…” Ani ni Travis.

“Bakit di ka na lang kasi bumukod sa inyo tulad ng kuya Lyndon mo nang maging malaya ka na sa lahat.” Komento ni Onix.

“Gustuhin ko man, wala naman akong gagamiting pang boarding house noh. Umaasa lang din ako sa allowance na bigay nila mama. Kaya kahit nasisikipan na ako sa bahay, ayos lang. Magbingi-bingihan na lang hangga’t kaya.” Sabat ni Travis.

“Mag working student ka kaya pare. Sa coffee house na pinagtatrabahuan ni kuya, naghahanap sila ng poging barista. Bagay na bagay ka dun pare.”

“Bakit di ikaw mag apply dun? Loaded na utak ako sa academics pare. Ayoko nang dagdagan pa ang pagod ko. Isang taon na lang din naman at goodbye Pinas na ako. Titiisin ko na lang.” Saad ni Travis.

“Pero mabalik tayo pare, bakit nga pala si Carl? Hindi ka naman ina-ano nun ah. Di nga rin kayo magkakilala talaga. Bakit biglang nabaling sa kanya atensiyon mo?” Tanong ni Onix.

“Trip ko lang, ang boring na kasi sa eskuwelahan natin simula nung napaalis ang mga kagrupo ni Dax. Nawalan ako ng kalaro dahil sa kanya. Isa pa kilala mo naman ako ayoko ng pabida pare. Ayokong sinasapawan ang pangalan ko. Alam mo iyon pare.” Sagot ni Travis.

Napailing na lang si Onix sa tinugon na iyon sa kanya ni Travis.

Papunta na ng hospital sina Kaloy, nakasunod sa kanila ni Vince si Evan na sakay sina Paquito at Burnok. Sa kotse ni Evan, katabi nito sa driver seat si Paquito samantala nasa likuran naman si Burnok na muling napaidlip sa biyahe. Pansin ni Paquito ang pananahimik ni Evan. Simula nung makaalis sila mula sa bahay hanggang sa biyahe, tahimik lang ang lalake na tila ba matayog ang iniisip.

“Ayos ka lang tol?” Tanong nito kay Evan.

Tumango naman ang lalake tsaka sumagot. “Oo naman, bakit mo natanong?”

“Ang tahimik mo kasi masyado, tapos pansin ko tutok ka masyado sa kotse ng dalawa.” Sabat ni Paquito.

“Hindi naman, may iniisip lang kasi ako.” Nangiting tugon ni Evan.

“May alam ka ba tol?” Tanong pa ni Paquito na tila pabulong kay Evan, sabay lingon kay Burnok sa likod kung tulog parin ito.

Napakunot ng noo na napangiti si Evan sa tanong ni Paquito sa kanya. “Alam tungkol saan?”

“Tungkol sa dalawa…” Mahinang sagot ni Paquito.

Napalunok ng laway si Evan sa sinabi ng lalake. Hindi ito nakasagot at binalingan ng tingin si Paquito na tila ba tinatanong nito ang katabi kung ano ba ang nalalaman niya kina Kaloy at Vince bakit niya nasabi iyon. Bago pa nito ibuka ang bibig may ibinulong na sa kanya si Paquito.

“Nakita ko silang dalawa kanina sa silid ni Vince, parehas silang hubo’t hubad galing banyo…magkasama.” mahinang sabi ni Paquito.

“Ano naman masama dun, parehas naman silang lalake. Tsaka wala namang problema kung sabay sila naligo. Ginagawa rin namin iyan ng mga tropa ko dati kapag nagkataong magkakasama kami tas iisa lang ang available na banyo at shower. Kayo ba, hindi niyo ba na experience iyon. Kuwento sa akin ni Kaloy, dati madalas kayong naliligong apat sa ilog ng hubo’t hubad. Kaya normal lang yun pare.” Komento ni Evan.

“Iba lang din kasi ang hinala ko sa nakita ko. Pero baka nga mali ako.”

Hindi nagdagdag pa ng komento si Evan. Ayaw na nitong gatungan pa ang isip ni Paquito sa kanyang hinala. Di na rin nagsalita pa si Paquito, sa katunayan tila nahiya na ito kay Evan kung bakit niya pa naisip na banggitin ang bagay na iyon sa lalake. Habang si Paquito kinukulit ng kanyang kyuryosidad dahil sa tagpong nakita nito, si Evan naman gulong-gulo ang isip dahil sa nararamdaman nito nang marinig ang sinabi ni Paquito sa kanya.

“Lang’ya ano ba itong nararamdaman ko. Bakit nagseselos ako sa dalawa? Hindi dapat ito, maayos na sila ni Kaloy kaya pigilan mo na itong kahibangan mo Evan. Hindi lang si Kaloy ang makikilala mo.” Ang laman ng isip ni Evan sa mga sandaling iyon.

Sa halos araw-araw at mga oras na naging katabi tsaka kasama niya si Kaloy, hindi na namalayan ni Evan na unti-unti na pala itong nahuhulog ang puso sa binata. At kung kelan tila nakita ito ng maliit na pag-asa tsaka pa nagkabalikan ang dalawa, Kaloy at Vince. Hanggang sa makarating ng hospital ganun ang nasa isipan ni Evan. Selos na selos ito habang pinagmamasdan ang dalawa na magkalapit at magkadikit na naglalakad sa lobby ng hospital. At kahit anong pigil ni Evan sa sariling huwag mainis, hindi niya magawa.

“Mga pare, mauna na kayo sa taas. Pakisabi na lang kay Kaloy na nandito lang ako sa baba, hahanap lang ako ng pagkain bigla kasi akong ginutom.” Ani ni Evan kina Paquito at Burnok.

Nagpaiwan ito sa lobby at nang makaakyat na ang lahat, naisipan na nga ng lalake na sa labas na lang ng hospital maghintay. Ayaw niya kasing madagdagan pa ang nararamdamang pagka-asar sa sarili.

Sa silid ni Gibo; tila isang reunion ng anim ang nangyari nang magkita-kita silang lahat. Agad na napayakap sina Kaloy at Vince kay Gibo na noo’y bagama’t nanghihina pa ay tila bumalik ang lakas nang masilayan ang mga kaibigan.

“Sorry kung dahil sa akin nagka-ganyan ka. Patawarin mo ako Gib, pare…” Ang tanging nasambit ni Vince nang niyakap nito si Gibo.

“Wala kang kasalanan, ang tanga ko lang kasi bakit ko iyon ginawa… alam ko namang di mo kayang gawin iyon sa akin. Kaya huwag mong isiping kasalanan mo. Ang mahalaga ngayon okay na tayo, Vince, pare.” Ang tugon ni Gibo kay Vince.

Rinig sa silid na iyon ang magkahalong iyak, ngiti at tawanan ng lahat. Dahil sa mas matimbang ang samahan ng pagkakaibigan at pagmamahalan sa isa’t isa tila nabura na lang basta ang sugat ng nakaraan sa kanilang apat.

“Ano ang balak mo ngayon?” Tanong ni Gab kay Stella.

“Nagkausap kami ni Tess, naikuwento niya na nag-migrate na sa Canada ang pamilya sa katabing bahay lang nila. At binibenta na ang buong bahay nung kapitbahay, balak kong bilhin para sa amin ni Gibo.” Sagot ng babae.

“Bilhin mo, ako ang bahala. Magandang desisyon nga iyan at least makakasama pa rin ng anak natin ang mga kaibigan niya. Na parang sa inyo lang dati.” Ani Gab.

“Salamat at hindi mo pinabayaan si Gibo. Salamat din sa asawa mo at hinayaan ka niya sa anak natin.” Wika ni Stella.

“Mahal ni Solidad si Gibo, kaya kung ano ang mahalaga sa anak natin, mahalaga rin para sa kanya. Sa katunayan nga hinihintay na nila si Gibo sa bahay nang malaman nilang nagising na ito.” Ang nangiting sabi ni Gab.

Ngumiti lang din ng tugon si Stella kay Gab.

Sa kakahintay sa labas medyo nainip si Evan kaya minabuti nitong mag-iikot muna sa malapit para aliwin ang sarili. Habang binabaybay ang kahabaan ng kalsada, may nahagip ang kanyang mga mata sa gilid ng daan malapit sa isang convenience store sa tabi ng isang gasolinahan.

“Ano kaya ang ginagawa ng tukmol na ito rito? Pati ba naman dito… Teka mukhang masama yata ang tama ng lokong iyon ah. Lasing ba iyan?…” Pansin pa ni Evan.

Sa bahagi nga iyon ng sidewalk malapit sa convenience store, napansin ni Evan si Dax na nakasandal sa railings ng gutter na halos masubsob na. Hating gabi na at wala na halos tao na dumadaan sa bahaging iyon ng sidewalk. Maging ang convenience store ng oras na iyon ay wala nga ring customer, pansin pa ni Evan na wala sa puwesto nun ang guard. Tahimik ang kalsada at bilang lang ang mga sasakyang dumaraan, at sa mga sandaling iyon kotse lang ni Evan ang napadaan. Babalewalain na lang sana ng lalake si Dax, nang makita niya ito na bigla na lang bumagsak sa mismong gutter.

Doon na nilapitan ni Evan si Dax tsaka inalalayan at isinakay sa kanyang kotse. Nang mailapag na ni Evan si Dax sa upuan sa likod ng kanyang kotse, may nakapa ito. Ang inakalang lasing lang ay biktima pala ng pananaksak. Nataranta na si Evan ng makita sa kamay nito ang dugo, mula sa sugat ni Dax sa tagiliran. Mabilis nitong pina-andar ang kotse at diniretso sa hospital ang walang malay na lalake.

NEW CHAPTER

Bumaba ng lobby si Kaloy para hanapin si Evan ngunit wala ito roon. Sumaglit ito sa labas para tingnan sa parking area ang lalake ngunit wala rin. Naisipan na lamang nito na tawagan si Evan nang mapansin nito ang kotse ng lalake na dumeretso papuntang ER entrance. Agad na lumapit si Kaloy para salubungin si Evan. Kinabahan ito bigla nang makita si Evan na duguan ang kamay at may bahid din ng dugo ang damit nang bumaba ito ng kotse.

“Pare anong nangyari sa’yo bakit ka may mga dugo?” Ang nataranta na tanong agad ni Kaloy nang lapitan si Evan.

“Please tumawag ka ng doktor, ng nurse bilis kailangan ko ng tulong dito.” Tugon ni Evan na natataranta rin habang nilalabas sa kanyang kotse ang wala pa ring malay na si Dax.

Saglit na natigilan si Kaloy nang makita ang walang malay na si Dax na akay-akay ng mga braso ni Evan. Kumilos agad si Kaloy para tulungan si Evan kay Dax habang nagsisisigaw ng tulong sa mga nakakasalubong na nurse. Nang maisakay na sa stretcher si Dax at madala sa emergency room, tsaka lang kumalma ang dalawa na napasalampak na lang sa mahabang upuan sa labas ng ER.

Doon na rin naikuwento ni Evan kung paano niya nakita si Dax.

“Buti na lang talaga nadaanan mo siya pare, kung hindi baka sa bangketa na iyon mauubusan ng dugo.” Ani ni Kaloy.

“Badtrip nga eh, nadumihan na ng dugo ang loob ng kotse. Tingin ko na pagtripan ng kung sino ang kaklase mong iyon. Kaya nasaksak. Wala ka bang contact sa mga kaanak niya pare? Diba teacher din ng school ang mama niya?” Wika ni Evan.

“Nasa kulungan ang tunay niyang mga magulang pare. Ampon lang si Dax. Teka tatawagan ko lang si Megan baka may contact siya sa parents ni Dax.” Sagot ni Kaloy.

“Sino si Megan? Girlfriend niya?”

“Ex,… Kaklase din namin.”

“Sa ugali nun di na nakapagtatakang walang magtatagal na relasyon sa kanya. Sana nga lang sa nangyari sa kanya ngayon, magbago na ugali nun.” Ang napaismid na sabi ni Evan.

Si Megan na rin ang nagpaabot ng balita sa pamilya ni Dax matapos ito tawagan ni Kaloy. May tatlompung minuto na ang nakalipas ngunit wala man lang sinyales ng presensiya mula sa tumatayong magulang ni Dax na nagpakita. Bagama’t hindi naman gaanong ka-kritikal ang kalagayan ng lalake, kailangan pa rin ng sapat na atensiyon ng doktor ang kanyang sitwasyon. At kinakailangan ng pera para dun.

“Mukhang wala rin yata paki-alam sa kanya ang mga kasamahan niya sa kanilang bahay. Wala man lang nagpakita rito kahit isa.” Pansin ni Evan.

“Di na ako magtataka kung bakit. Ako na muna ang bahala sa bills niya ng mailipat na sa siya ng silid.” Ani ni Kaloy.

“Ako na rito, baka hinahanap ka na nila dun. Baka kung ano na naman ang maisip ni Vince bakit ka natagalan.” Wika ni Evan.

“Alam naman niya kung nasaan ako. Kampante naman iyon na ikaw ang kasama ko.” Nangiting tugon ni Kaloy sabay tapik sa balikat ni Evan tsaka tinungo ang billing section para asikasuhin ang lilipatang silid ni Dax.

Napabuntong hininga ng malalim si Evan habang tinitingnan si Kaloy na paalis. Pilit man niyang itanggi ang nararamdaman sa binata, hindi naman nito maalis ang paghanga ng labis kay Kaloy base sa mga araw at sandaling nakasama niya ito.

Lumipas ang mga oras ngunit wala talagang sumipot sa pamilya ni Dax para man lang asikasuhin ito. Kaya napagpasyahan ng dalawa na Evan at Kaloy na salitan na lang sila sa pagbabantay sa lalake habang naghihintay. Dahil sa nasa iisang ospital lang naman si Dax at si Gibo, salitan din sila pinupuntahan ni Kaloy para hindi naman mag-alala si Vince. Nakaidlip nun si Evan sa mahabang couch sa silid ni Dax sa sobrang pagod at antok. Kaya hindi na nito namalayan ang pagmulat ni Dax.

Napakunot ng noo si Dax ng maramdaman ang kirot sa kanyang tagiliran. Agad nito pinaikot ang paningin sa paligid ng silid. Hanggang sa nahagip nito si Evan na nakahiga sa couch.

“Ano ang ginagawa ng isang iyan dito? At sino ba ang nagdala sa akin sa silid na ito? Tang ina mga gagong iyon, pinuruhan talaga nila ako. Sige lang, may araw din kayong mga hinayupak kayo.” Sambit ni Dax sa sarili habang nakatingin kay Evan na natutulog sa couch.

Maya-maya lang bumukas ang pinto ng kanyang silid. Nagulat ito ng makitang pumasok sa pintuan si Kaloy. Agad naman siya nilapitan ng lalake nang makita itong gising na.

“Buti gising ka na. Kamusta?” Bungad ni Kaloy kay Dax.

“Ayos lang, medyo makirot lang iyong tagiliran ko. Teka ano ang ginagawa niyo ng driver mo dito pare?” Tanong ni Dax.

“Natagpuan ka ni Evan sa kalye pare na walang malay at may saksak, tsaka ka niya dinala rito.” Sagot ni Kaloy ng lapitan si Dax.

Biglang natahimik si Dax sa narinig kay Kaloy. Nang malaman nito na si Evan ang dahilan kung bakit siya naroon at nakaligtas, bigla na lang nagbago ang pagtingin at pagkakilala nito kay Evan. Ngunit hindi sa halip na magpasalamat sa tao, nainis pa ito sa ginawa sa kanya ni Evan na tulong.

“Sana hinayaan niya na lang ako doon. Epal talaga.” Ani pa ni Dax.

“Ano ba balak mo dun, magpakamatay? Siya pala, ano ba ang nangyari sa iyo bakit ganun ka nang makita ni Evan?

Naikuwento naman ni Dax kay Kaloy ang lahat. Bago ang pangyayari, kasama pa ni Dax ang mga tropa sa isang inuman nang magkainitan ang grupo nila at ang isa pang grupo sa kabilang mesa. Nauwi sa suntukan at balyahan ang iringan. Hanggang sa nagpasya na nga silang lisanin ang lugar. Nang magkanya-kanya na silang uwi hindi namalayan ni Dax na nakilala pala ito ng isa sa mga nakaalitang grupo. Habang nag-aabang ito ng masasakyan pauwi, nilapitan ito ng tatlo mula sa mga grupong nakaaway, pinaligiran siya ng mga ito. Pumalag naman din si Dax ngunit bago pa ito nakakilos, nagripuhan na agad ito ng isa na nasa likuran niya. At doon na siya nakita ni Evan.

“Iyan na nga ang nangyari sa iyo nais mo pa na hayaan ka na lang ni Evan dun. Paano kung natuluyan ka?” Ani ni Kaloy.

“Iyon nga gusto ko…eh kaso padala yata ng anghel ko ang isang iyan.”

“Teka nga lang pala, sabi ng doktor na tumingin sa iyo, bukas daw pedi ka na makauwi. Iyon kung kaya na ng katawan mo.” Wika ni Kaloy.

“Mukhang maayos naman ako pare. Siya nga pala, sino ba ang nagpasok sa akin sa silid na ito? Private room ito ah.” Sabat ni Dax.

“Inasikaso ko na lang kanina, para maging komportable ka. Private hospital din kasi ito.” Tugon ni Kaloy.

“Anak ng… Eh di ang mahal dito? Ano ang ibabayad ko rito? Dapat kasi pinabayaan na lang ako dun eh para isahan na lang ang gastos.” Biglang pag-aalala ni Dax.

“Gago,…Wag mo na alalahanin ang bayarin dito, inayos ko na. Pinasabihan ko na kay Megan ang mga guardian mo tungkol sa nangyari sa iyo, pero hanggang ngayon wala man lang kahit isa sa kanila ang dumating.” Saad ni Kaloy.

“Hindi mo na lang din sana pinaalam sa kanila. Di bale…pero salamat sa tulong. Sa ginawa mo lalo lang ako humanga sa kabutihan ng loob mo pare.”

“Pasalamat ka din kay Evan dahil siya nag dala sa iyo rito. Sige na pare pahinga ka na at doon na naman ako sa kabila. Dito rin kasi naka confine ang kaibigan ko.”

Nang makaalis si Kaloy, masuring tinitigan ni Dax ang natutulog paring si Evan sa couch. Bahagyang napangiti si Dax nang mapansin ang pag-ngiti ni Evan habang tulog. Nang mahuli nito ang sarili na tutok na tutok sa mukha ng lalake bigla na lang sinampal ni Dax ang sarili para matauhan. “Straight ka Dax, hindi ka bakla…bakla lang ang nagagandahan sa kapwa lalake kaya umayos ka. Pero tang ina din naman kasi ang kagandahan ng mukha ng isang ito…nakakabakla rin talaga.”

Kinabukasan nun nakauwi rin sa kanila si Dax at si Evan na rin mismo ang naghatid sa kanya sa kanila. Samantala si Gibo simula nang magising ito ang bilis agad ng kanyang recovery. “Stable na ang condition niya, kaunting ingat lang muna sa mga kilos lalo na sa bandang leeg at likod. In few days puwede na ma-discharge ang anak niyo mayor. “ Wika ng doktor kay Gab ng kinausap ito.

Naging maganda ang takbo ng mga pangyayari para sa lahat. At dahil mukhang maayos na nga ang lahat, balik abala naman si Tess sa araw ng kaarawan ng asawang si Karding. Maaga pa lang natulong na ito sa kasambahay para ayusin ang loob ng bahay sa paghahanda sa araw na iyon. Katuwang din niya si Mayang sa pag aayos.

“Marami ba kayong bisita mamaya mare?” Tanong ni Mayang.

“Hindi naman masyado mare, ilan lang sa mga kakilala namin dito sa village. Tapos mga dating school mate nila ni pareng Jasper nung highschool, at mga kaibigan tsaka kaklase ni Kaloy iyon lang naman.” Sagot ni Tess.

“Nakakatuwa naman nito, dati sa atin sa Ilang, tuwing may birthday sa atin, adobong palaka di kaya inihaw na hito o dalag lang solb na ang selebrasyon. Samahan lang ng tuba o Tanduay okay na. Ngayon may pa catering na kayo. Ang suwerte mo talaga kay kumpare Karding.” Ani ni Mayang.

“Masuwerte tayo sa mga asawa natin. Tsaka ikaw, minsan ka lang kung luluwas sa atin pero abroad agad ang destinasyon niyo ni pareng Jasper. Naku siguraduhin niyo na ang trip niyo pa Korea. Dapat pag uwi niyo rito may laman na iyang tiyan mo. Tama na muna ang pasexy mare. Iba ang pakiramdam pag naging ina ka na.” Saad ni Tess.

“Hay naku mare napag-usapan na namin iyan ni Jasper. At parehas pa namin ayaw ng ganun. Wala pa sa plano namin ang magka-anak mare. Sa dami ng mga pamangkin namin kota na kami sa mga aalagaing anak.” Wika ni Mayang.

“Desisyon niyo iyang mag asawa pero sayang din ang lahi niyong dalawa kung walang magmamana.” Sabat ni Tess.

Masayang nagkukwentuhan ang dalawa nang lumapit sa kanila si Paquito na kakapasok lang. “Nay Tess may dalawang babae po na naghahanap sa inyo sa labas. Iyong isa sa kanila namukhaan ko, mukhang taga rito iyon sa village pero ang isa di sa akin pamilyar.”

“Baka isa sa mga inimbitahan namin ng tatay mo. Pero ang aga naman nila…mamaya pa ng gabi ang party ah. Sandali lang muna mare at pupuntahan ko lang itong sinasabi ni Paquito.”

Iniwan saglit ni Tess ang ginagawa para puntahan sa labas ng gate ang tinutukoy ni Paquito na naghahanap sa kanya. At laking gulat na lang nito nang makita si Jessica na nakatayo sa labas ng gate kasama ang isa pang babae.  Kinabahan ng hindi maipaliwanag si Tess. Gayunpaman hinarap niya ng maayos ang dalawa tsaka inanyayahan sa loob ng kanilang bahay. Namangha si Jessica sa laki at lapad ng bahay nila Tess.

“Paquito Nak, magdala ka nga ng maiinom nila rito tsaka makain. Salamat “

“Sige Nay, maiwan ko na kayo.”

Napatitig si Jessica sa papalayong si Paquito sabay tanong kay Tess… “Panganay mo ba iyon Teresa? Siya ba ang…”

“Naku hindi ko anak si Paquito nakasanayan lang nila na tawagin akong nanay. Kaibigan siya ng anak kong si Kaloy, kababata niya galing din ng Ilang.” Tugon ni Tess.

“Kaloy? Kaloy ba ang pangalan ng anak niyo ni Karl?”

Natahimik bigla si Tess sa tanong ni Jessica. Ngunit napaghandaan na niya ang mga sandaling iyon kaya wala na ring paligoy-ligoy na sinagot nito ang tanong ng babae sa kanya. “Carlo ang ipinangalan namin sa kanya, sunod sa pangalan ng kanyang amang si Karl. Si Karding talaga ang nakaisip na isunod ang pangalan ni Kaloy sa kanyang ama.” Kuwento ni Tess

Sa pagbukas ng topiko tungkol sa anak ni Tess kay Karl nasabi rin ni Jessica kay Tess ang paghahanap sa kanila ng asawa para makilala ang anak nito sa babae. Bahagyang nabahala si Tess. Balak pa lang nila sana sasabihin kay Kaloy ang tungkol sa tunay nitong ama, pero tila minamadali na ng tadhana ang lahat para sa bagay na iyon. “Hindi ako tutol sa nais ni Karl, Teresa. Karapatan ni Karl na kilalanin ang anak niya sa iyo. At kaya rin ako nandito para humingi ng kapatawaran sa pagnakaw ko ng karapatan ng anak mo sa kanyang ama tsaka sa pag agaw ko sa iyo noon kay Karl. Sana mapagbigyan mo si Karl na makilala niya ang anak niyong dalawa.” Wika ni Jessica sabay hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ni Tess.

“Matagal ng sarado sa akin ang nangyaring iyon, malalaki na ang mga anak natin. May kanya-kanya na tayong buhay pamilya. Pinalaya ko na kayo sa pagkakamaling iyon. Masaya na ako sa piling ng aking asawa. Napatawad ko na kayo dati pa lalo ka na. Alam ko biktima karin lang ng pagkakataong iyon. At ang tungkol kay Kaloy, wala na sa akin ang disisyon Jessica. Nasa wastong gulang at pag-iisip na ang anak ko. Siya ang mag sasabi kung kikilalanin pa ba niya ang totoo niyang ama o hindi. Hindi ko ipagkakait kay Karl ang karapatan niya sa anak namin. At napag-usapan na namin iyan ng asawa ko.” Saad pa ni Tess.

Napangiti si Jessica sa sinabi ni Tess. Niyakap naman ito ni Tess bilang tanda na wala na ngang talagang sama ng loob na naiwan pa sa puso ng babae. At ang kapatawaran sa kasalanan ng nakaraan ay matagal ng pinagkaloob ni Tess kina Jessica at Karl. Kinatuwa naman ni Lira ang nasaksihan sa dalawa.

“Masaya ako sa inyong dalawa, walang duda kung bakit pinagpapala kayong dalawa ng diyos, dahil busilak sa kabaitan ang mga puso niyo bilang mga asawa at ina sa mga anak niyo. Mapalad ang mga asawa niyo sa inyong dalawa.” Wika pa ni Lira sa dalawa.

“Siya nga pala, nandito na rin lang kayo iimbitahin ko na lang din kayo para sa maliit na selebrasyon mamaya. Kaarawan ngayon ng asawa ko. Lalo ka na Jessica bumalik ka rito mamaya, isama mo si Karl tsaka ang mga anak niyo. Parang reunion na din kasi ito ng mga barkada ng asawa ko nung highschool…”

Naputol ang sasabihin pa ni Tess nang bumaba si Jasper mula sa silid nila ni Mayang. Nagulat naman si Jasper nang makita si Jessica na kausap si Tess sa sala. Ganun din ang naging reaksiyon ni Jessica pagkakita sa lalake. Nagtaka ito kung bakit naroon kina Tess si Jasper.

“Ibig sabihin magkakilala kayo ni Jasper dati pa?” Tanong ni Jessica.

“Dahil kay Karding bakit ko naging kumpare iyan. Ninong siya ni Kaloy. Tapos dati na silang magkabarkada ng asawa ko. Nung kasal lang din namin ni Karding nalaman ko na naging magkaklase rin pala sila ni Karl noong highschool nila.” Naikuwento naman ni Tess.

“Teka, kilala ko rin ba ang asawa mo? Kung highschool classmate ni Karl ang asawa mo ngayon ibig sabihin kilala ko.“ani ni Jessica.

“Siyempre kilalang-kilala, eh nandun kaya  kaming lahat nung kasal niyo ni Karl.” Biglang sabat ni Jasper sa usapan at lumapit ito sa tatlo sa sala.

“Kanina ko pa binabanggit ang pangalan ni Karding hindi mo pala kilala ang palayaw ng asawa ko.” Natawang sabi ni Tess.

“Ric kasi ang nakasanayan nilang tawag kay pareng Karding mare. Tsaka tayo lang dun sa Ilang ang tumatawag sa kanya ng ganun. Siya nga pala mare nasaan na nga pala ang birthday boy natin?” Ani ni Jasper.

“Umalis sila ni Burnok magpapagupit daw. Dadaanan din nila ang pina reserved nilang lechon.” Sagot ni  Tess.

Hindi parin makapaniwala si Jessica sa nalaman. Hindi lingid sa kanya ang pagkakilanlan ni Karding kaya ganun na lang ito nagulat nang malaman na si Ricardo pala ang tinutukoy na Karding at asawa ni Tess. Nais niya sanang tanungin si Tess tungkol kay Karding ngunit kinimkim na lamang ni Jessica ang tanong sa kanyang sarili. Napansin ni Tess na ang natulala paring reaksyon ni Jessica.

“Nagulat ka ba na si Karding ang napangasawa ko? Jessica?” Tanong ni Tess.

“Kuwan, medyo…sino naman kasi ang mag aakalang si Ric pala ang masuwerteng lalake na minahal mo. Ang liit lang talaga ng mundo. Sigurado akong pagnalaman ito ni Karl matutuwa iyon.” Ani ni Jessica.

“Matutuwa talaga iyon panigurado. Masusurpresa pa nga iyon pagnalaman niya.” Wika ni Jasper nang nakangisi.

“Kaya nga bumalik ka rito mamaya, isama mo si Karl. Sa katunayan nga inaasahan na talaga namin ang pagpunta ni Karl dito mamaya. Nagkita kasi silang apat nitong si pareng Jasper kasama si Gab noong nakaraan. At napag usapan nila na mag reunion dito mamaya.” Saad ni Tess.

Nangako nga si Jessica na babalik kasama si Karl. Matapos ang ilan pang mga kuwentuhan tila naging mas magaan na ang loob ng dalawa sa isa’t isa. Tila ba tuluyan ng nabura at humilom na nga ang pilat ng nakaraan. Sakto lang sa pag-alis nina Jessica ang paguwi naman ni Karding. Agad na nagkukuwento si Tess sa pagbisita ni Jessica sa kanila. Bagama’t masaya si Karding sa naging bunga ng paguusap ni Tess at Jessica, may kung ano sa loob nito ang hindi mapakali. Naroon ito sa rooftop nang lapitan ito ni Jasper.

“Maayos na sina Jessica at Tess, kayo ba ni Karl handa na rin ba magka ayos?” Bungad na tanong ni Jasper kay Karding.

“Ano na naman ang pinupunto mo?” Balik na tanong ni Karding.

“Alam ko hanggang ngayon may kurot parin ng galit kay Karl diyan sa puso mo. At sure ako na ganun din siya sa’yo. Kung alam lang ni Tess at Jessica ang totoo baka pati sila…”

“Ano ba kasi ang kailangan mo, bakit bigla-bigla ka na lang nagsasalita ng ganyan? Tinatakot mo ba ako?” Kalmadong tugon na tanong ni Karding kay Jasper.

Pigil ang inis nito sa kaharap.

“Hindi kita tinatakot, pinapaalala ko lang sa iyo. Baka lang kasi nakalimutan mo. Ayokong sirain ang araw na ito sa iyo kaya pigilan mo akong huwag malasing mamaya, baka madulas ako.” Ani ni Jasper.

“Alam ko kung bakit mo ito ginagawa sa akin. At bahala ka kung ano ang gawin mo. Wala na akong paki-alam. Sawa na rin ako sa kasinungalingan at pagtatago. Ayokong tumanda ng nakagapos sa pagpapanggap. Kung gusto mo sabay pa tayo umamin mamaya.” Saad ni Karding tsaka tinalikuran si Jasper para iwan.

Agad naman siya hinablot ni Jasper sa kamay sabay kabig palapit sa kanya, tsaka niyakap si Karding ng mahigpit. Nagpumiglas si Karding mula sa pagkakayapos sa kanya ni Jasper. Ngunit tila kahinaan na talaga ni Karding ang maiinit na haplos sa kanya ng lalake. Lalo na nang sinimulan ng bugahan ng hininga ni Jasper ang kanyang tenga.

“Jasper ano ba, napag-usapan na natin ito. Huli na iyon. Itigil na natin ang kahibangang ito. Ayoko na nito.” Ani ni Karding.

“Paano kung ayaw ko?.”

“Bahala ka kung ayaw mo, basta ako ayoko na.”

“Bakit umaasa ka pa rin ba sa naudlot niyong kuwento ni Karl?”

“Gago ka ba? Sa tingin mo ganun ako magisip? Puwede ba Jas tama na. Pagod na ako.”

“Puwes ako hindi. Ric matagal na natin itong ginagawa, ngayon mo pa ba ako iiwan. Ric I love you. Noon pa man hanggang ngayon mahal kita. Mahirap ba unawain iyon.” Ani pa ni Jasper.

“Unawain mo rin ang sitwasyon natin. Ang sitwasyon ko. At pasensya na… hindi ko na kaya.”

Kahit anong pamimilit pa ang gawin ni Jasper, tila na sagad na ang nararamdaman ni Kaloy sa kanya at napagod na. Dinamdam ng lalake ang disisyon ni Karding at wala itong balak na isuko ang ilang taon nilang lihim na ugnayan.

Samantala;

“Ikaw kuya ha binubugaw mo na ako sa mga kaibigan ni Kaloy ha.”

“Bugaw talaga? Alam mo ikaw, sa kakasama mo diyan sa mga kaibigan mong taga estero nahawa na iyang dila mo sa  kanila.” Ani ni Nate sa kapatid.

“Eh bakit ba kasi kailangan pa ako dun. Tsaka matagal ko nang hindi niri-reply ang dalawang iyon kuya. Baka pag nagkita kami mag a-assume na naman ang mga iyon na bet ko ang isa sa kanila.” Sabat ni Nathalie.

“Bakit hindi nga ba?, sabi ni Paquito madalas kayo magka video chat tuwing gabi. Paano mo nasabing hindi ka nagri-reply sa kanila?”

“Kuya pinagbibigyan ko lang ang kakulitan ng isang iyon noh. Well no doubt naman na ang sasarap din naman nila kuya. But sorry di ko bet… masyado kasi silang borta kuya eh, at base sa research ha, karamihan sa mga ganun hindi talaga mga straight. Tingnan mo sina Kaloy at Vince kuya…ang gu-guwapo diba? Pero mga bakla. Buti na lang talaga exempted ka sa minority group kuya.”  Tugon ni Nathalie sa kuya nito.

Tila nasamid ng sariling laway si Nate sa sinabi ng kapatid nito. “Siyempre naman noh iba itong kuya mo. Pero bakit naman bigla ka nagka isyu sa mga bakla?”

“Wala naman akong isyu sa tulad nila kuya. Love ko kaya ang mga bakla. Kaya lang,…hindi ko lang nakikita ang sarili ko na magkakagusto sa kagaya nila. Di ko yata keri.”

“Bahala ka choice mo naman iyan. Basta mamaya pag nagtanong sina dad kung saan ang punta natin, ang sabihin mo sa birthday ng kaibigan mo. Hindi kasi iyon papayag kapag malaman nun na kina Kaloy tayo pupunta.” Ani ni Nate.

“Fine kuya.”

Kina Vince, kausap din nito si Seth para sa balak nilang pagpunta sa bahay nila ni Kaloy. “Alam mo tamang-tama lang ang pag invite mo sa akin na sumama diyan sa birthday ng tatay ni Kaloy mo. Dahil nakagawa ako ng dahilan para tumanggi sa isa ko pang commitment.” Ani ni Seth.

“Naku okay lang naman tito kung hindi ka puwede. Baka mas mahalaga sa iyo ang commitment mong iyon sayang naman.”

“No, walang kuwenta iyon kamo. Basta make sure mo lang na marami akong ma i-enjoy na boys dun.”

“Tito, birthday ang pupuntahan natin hindi gaybar. Tsaka sabi ni Kaloy wala naman daw silang masyadong maraming bisita.” Sabat ni Vince.

“Biro lang, actually ang target ko talaga is iyong friend ni Kaloy. Ano ba name nun, Evan?” Pabirong wika ni Seth sa pamangkin.

“Tito ano ba, almost half of your age na iyong tao. Ang awkward na nun tito.”

“Sinasabi mo ba na matanda na ako? Do I look matanda na for you? And besides hindi na rin bagets ang Evan na iyon noh, he’s not even a minor kaya puwedeng-puwede na iyon. “ Saad pa ni Seth.

“Tito talaga oh, hindi na nadala sa mga lalake.”

“Paano ka naman madadala kung masasarap din naman sila. Pamangkin you’re to young for this world of ours. Sa ngayon nasa kay Kaloy pa lang iyong mundo mo. But soon, darating ka sa point ng life mo na magi-gets mo ang point ko.” Komento ni Seth.

“Tsaka ko na iyan iisipin tito kapag nangyari na, sa ngayon kontento na akong may Kaloy sa buhay ko.” Nakangiting tugon ni Vince.

Naging abala nga kina Kaloy, nagsidatingan na ang mag aayos ng puwesto kung saan ilalagay ang set up ng birthday ng amang si Karding. Naroon na rin ang catering na kinuha ni Tess para sa selebrasyon. Kakarating lang ni Kaloy galing eskuwelahan kasama ang kaibigang si Zyone. Nakasunod din sa kanila nun sakay naman ng isa pang kotse sina Megan at tatlo nitong kaibigan na kaklase din nila Kaloy.

“Girl bongga naman pala talaga itong si Carlo. Ang laki ng valur tapos ang taas. Yayamanin talaga ang classmate nating ito girl.” Ani ng kaibigan ni Megan na si Cassy.

“Nga bakla eh nakaka-intimidate tuloy pumasok. Feel ko kasi mga sosyal ang bisita nila. Tingnan mo naman ang mga ibinabang mga gamit ang so-sosyal ng mga upuan,…hindi monobloc.”  Sabat ni Megan.

“So paano iyan girl, gora parin ba sa pag awra kay Carlo o give up na? Kasi feel ko ha, pag ganitong yayamanin, wit nila bet ang mga haliparot na paru-paro tulad mo. Bet nila iyong may class din tulad nila, tsaka hindi iyong magaslaw na nga burikat pa.” Wika ni Yen kay Megan.

“Teka lang ha, over ka na sa pag describe sa akin ha. As if naman na ako lang sa atin apat ang pukpok dito. Remind ko lang kayo ha, ako lang ang inimbita ni Carlo. Baka pauwiin ko kayo.” Ang napikon na sagot ni Megan sa hirit sa kanya ni Yen.

“Ito naman, ang sensitive masyado. Sinasabi ko lang naman na mukhang mahihirapan kang ma-penetrate ang pamilya nila Carlo, girl. Real talk lang tayo girl. Di mo kalevel sina Carlo. At hindi pa natin knows ang ugali ng mga parents niya. Malay mo naman mga matapobre.” Paliwanag naman ni Yen.

“Well titingnan natin. Kung medyo tagilid ako sa anak, baka sa ama may chance. At isa pa pag ganitong may pa-event ang mga mayayaman, expected, na maraming bisitang may anda. Basta hindi ako uuwi na walang take-out sa araw na ito.” Nakangising sabi ni Megan.

“Gaga ka talaga, don’t tell us na kakarerin mo na rin ang maging evil mistress? Lang’ya ka talaga from PR-girl to home wrecker, iba rin ang way ng upgrade mo ha.” Komento ni Cassy.

“Sa tindi ng inflation sa Pilipinas ngayon, hindi lang puwede iyong may pera ka, dapat may lifetime source ka rin. At sa tulad natin na isang buka bawat subo, mas madaling paraan ang maging linta sa mga mayayaman na iyan na uhaw lagi sa kama.” Saad pa ni Megan.

Bago tuluyang pumasok sa gate nila ni Kaloy kanya-kanya muna silang retouch ng mga sarili. Habang nasa loob na sina Evan at Zyone kasama si Kaloy.  Sinalubong naman sila ni Karding nang makita sila nito.

“Tay kaklase ko po si Zyone.” Pakilala ni Kaloy kay Zyone sa ama.

“Good afternoon po sir, happy birthday po sa Inyo.” Sabat ni Zyone nang binati si Karding.

“Salamat iho, Nak, siya lang ba ang inimbitahan mo?”

“May kasama pa po kami Tay, kaso pina taxi na namin kasi hindi na kami magkasya sa kotse ni Evan. Nakasunod naman sila sa amin baka nasa labas na nga ang mga iyon. Sinabihan ko na si Burnok na siya na ang sumalubong sa kanila.” Ani ni Kaloy.

“Ganun ba, oh siya ikaw na muna bahala sa mga bisita mo. Sisilipin ko lang ang set up sa garden.” Wika ni Karding ng iwan sina Kaloy.

Napailing dahil sa sobrang paghanga sa ama ni Kaloy si Zyone. “Ang bata pa pala ng tatay mo tol. Tsaka walang duda kung saan ka nagmana sa kaguwapuhan. Gandang lalake rin kasi ng tatay mo. Papasa pa nga kayong magkapatid eh.” Komento pa nito kay Kaloy.

“Ngayon mo lang ba nakilala si Tatay? Hindi ba kayo nagpang-abot nun sa ospital nung dinala niyo ako ni Dax?” Tanong ni Kaloy.

“Hindi na, nauna nga diba akong umalis nun. Di rin kasi ako kumportable na kasama ang isang iyon. Kaya nung nakita ko at sure na akong okay ka na, umalis na ako. Siguro nung pagkalabas ko siya naman ang dating ng magulang mo nun.” Kuwento ni Zyone.

“Hindi lang pala ako ang kinakabag sa kaibigan mong iyon pare. Pati itong si Zy din pala, allergic sa apog ng Dax na iyon.” Nakangising hirit ni Evan.

“Di lang allergic pare, ang sakit pa sa mata ng tukmol na iyon. Ewan ko ba, para kasing hindi naman legit iyong pagbabago niya. Alam mo iyong may bahid ng pagpapanggap. Kaya nga ewan ko dito kay Carlo kung bakit convince na convinced siya sa isang iyon na bumait na.” Ani ni Zyone.

“Nasanay kasi kayo sa ugali niya noon kaya hindi niyo napapansin ang ibang side niya.” Wika ni Kaloy.

“Basta ako pare, hindi talaga magaan ang loob ko sa Dax na iyon. Ni hindi nga magawang magpasalamat sa ginawa ko sa kanya eh. Tsaka alam mo ba nung hinatid ko siya sa kanila, ininsulto pa ako. Kung hindi lang talaga sa iyo, hinulog ko na sa kotse ang gagong iyon. Lakas mang asar.” Saad pa ni Evan.

“Hayaan na muna natin ang isang iyon baka masira pa ang gabi niyo mamaya sa kakaisip dun. Tara na muna sa silid ko, tapos diretso na kayo ng rooftop at susunduin ko lang sina Megan.” Natawa na lang na sabi ni Kaloy sa dalawa.

Sakay na ng kotse nun sina Gab katabi ang anak, kasama ang asawa nitong si Solidad at ang ina ni Gibo na si Stella papunta ng Grand View Village.

“Pa sure ba talaga na pupunta sa birthday ni Tay Karding si tito Karl?” Tanong ni Gibo sa ama.

“Hindi ako sigurado kung siseryosuhin nun ang sabi namin ng tito Jasper mo. Pero mukhang may posibilidad na pumunta iyon. Lalo pa at alam na niya kung sino ang anak nila ni Tess.” Sagot ni Gab sa anak.

“Di kaya magkagulo sila dun mamaya kapag nagkalantaran na? Naku ano kaya ang mararamdaman nina Kaloy at Nate pag nalaman na nila ang totoo? Sa birthday pa talaga ni Tay Karding itinaon.” Ang saloobin ni Gibo sa sandaling iyon.

“Kilala ko sina Ricardo at Karl wala sa ugali nila ang gumawa ng eksena sa publiko. Siguradong matagal na rin pinaghahandaan ni Tay Karding mo ang pagkakataong ito. At marahil naisip na rin ng tito Karl mo ang kanyang gagawin ng maayos. Tsaka tiwala naman ako sa pagiging mature mag isip ng mga kaibigan mo. Umasa na lang tayo na maging maayos ang lahat sa kanila.” Ayon pa sa opinyon ni Gab ukol sa sitwasyon.

“Nasa wastong edad na rin naman ang mga kaibigan mo. Tiyak naman tayo na maiintindihan nila ang lahat. Isa pa magkaibigan na silang dalawa. Panatag naman ako na matatanggap nila ang isa’t-isa bilang magkapatid.” Sabat ni Stella sa usapan ng mag-ama.

Tumango naman si Gibo bilang pagsang-ayon sa pakiwari ng mga magulang.

Sa opisina ni Karl kausap nito ang asawang si Jessica. Kapwa nagulat sa mga nalaman nila. Si Karl tila hindi malagay sa permi ang sarili matapos malaman sa asawa na si Ricardo pala ang tumayong asawa ni Teresa at naging ama sa anak nitong iniwan sa babae. Si Jessica naman ay hindi makapaniwala na  ang duda noon ng anak na si Nathalie ukol kay Kaloy ay totoo. Na si Kaloy ngang talaga ang kapatid nila sa labas.

“Ngayong kumpirmadong anak mo nga kay Teresa si Kaloy ano na ang gagawin mo?” Tanong ni Jessica sa asawa.

“Haharapin ko ang anak ko.” Sagot ni Karl ngunit nakakunot ang noo.

“Haharapin mo si Kaloy ng ganyan? Sa tingin mo ba matutuwa ang anak mo niyan pag-ganyan ang reaksyon mo?” Pahabol na tanong ni Jessica.

“Ano ba dapat ang maging reaksyon ko sa nalaman ko? Sige nga Jessica, sabihin mo nga sa akin kung matutuwa ba ako sa natuklasan ko? Bakla ang anak ko kay Teresa, alam mo naman na ayaw na ayaw ko sa mga bakla… tapos malaman-laman ko may anak akong bakla.” Wika ni Karl na mababanaag sa boses ang pagkainis.

“Hindi kaya sinadya ng pagkakataon na mangyari ito para mabago na ang pananaw mo sa mga bakla? Karl makinig ka, wala ka nang magagawa kung ganyan na ang anak mo. Anak mo pa rin si Kaloy kahit na ganun siya.” Ani ni Jessica.

“No, maybe confused lang sa ngayon si Kaloy sa sarili niya dahil sa environment na kinalakihan niya, that’s why I need to see him. Kakausapin ko siya. Hindi siya puwedeng maging bakla. Alam kong na impluwensiyahan lang siya ng kinikilala niyang ama. At sa malamang kinukunsinti ng isang iyon si Kaloy kaya nagkakaganun ang anak ko.” Pakiwari ni Karl.

“Karl eighteen years,… Remember eighteen years kang walang ugnayan sa anak mo, sa buhay ni Kaloy. Do you think papakinggan ka nun kapag pipigilan mo siya sa kanyang choice sa sarili niya? Do you think may power ka to command kung ano ang gusto mo for him? Eighteen years na wala siyang alam about you. Tapos bigla-bigla kang darating at sa sawayin siya sa bagay na kina-iinisan mo? Yes ama ka niya, anak mo siya pero alam ba niya iyon? Think it again Karl. Kung gusto mo siyang baguhin. Magpaka-ama ka muna sa kanya. Magpakilala ka muna sa kanya. At obserbahan mo, kung tanggap niyo ba ang isa’t isa.” Komento ni Jessica sa nararamdaman ng asawa.

Saglit nitong iniwan si Karl nang mapansin ang pagtawag ni Nathalie sa kanya. Lumabas ito ng opisina ng asawa para sagutin ang tawag ng anak.

“Jane napatawag ka, nakauwi na ba ang kuya mo?”

“Yes meh pero paalis din kami ni kuya.”

“Aalis? Saan na naman kayo pupunta?”

“Meh birthday ni Kristel, debut niya actually. Isasama ko si kuya para May personal driver ako pauwi. Magpapaalam lang ako that’s why tumawag ako.” Ani ni Nathalie.

“Hindi mo yata nabanggit ito sa akin nung pumunta sa bahay si Kristel.”

“Nakalimutan ko lang sabihin, pero kuwan kasi meh nakapag-compromise na kasi ako kay Kristel… Isa pa naman ako sa eighteen candles. Tsaka si kuya special picked din for eighteen roses.”  Wika ni Nathalie para kumbinsihin ang ina.

“Fine, pero magpaalam din kayo sa dad niyo. Tsaka uwi ng maaga. Huwag mong painumin ng marami ang kuya mo. Alam mo naman iyan pag nagmaneho.”

“Thank you talaga mommy. Promise wala pang twelve nasa bahay na kami ni kuya.”

“Call your dad after nito. Sige ingat kayo.”

Kakatapos lang ng usapan ng mag-ina sa cellphone nang lumapit kay Jessica si Karl.

“Pupunta tayo sa bahay nila Teresa.” Wika ni Karl.

“Pupunta tayo, but promise me hindi ka gagawa ng gulo. Kung nais mong kausapin ang mag asawa, talk them in private…huwag niyo biglain ang bata” ani ni Jessica.

“I won’t, tara na…”

Pagtatagpuin na ng mga pira-piraso ng nakaraan ang bawat isa upang bigyan ng malinaw na imahe ang kulang-kulang na pahina ng kasalukuyan. At sa nagbabadyang pagkikita tila masasagot na nga ba, ang mga katanungang binubulong lamang ng palihim sa bawat sulok ng kuwentong ito?

THE MOMENT REVEAL

Isa-isa nang nagsidatingan ang mga inimbitahan ng mag-asawa sa birthday ni Karding. Dumating na rin ang kinuha nilang event host sa mga sandaling iyon kaya nagsimula nang mag-ayos ng mga sarili ang mag asawa sa kanilang silid.

“Happy birthday mahal, ang gwapo mo lalo sa suot mo para kang hari sa gabing ito.” Wika ni Tess sa asawa.

“At ikaw ang tanging reyna ng gabing ito at sa buong buhay ko mahal. Wala ang lahat ng ito kung hindi dahil sa iyo.” Tugon naman ni Karding tsaka hinalikan si Tess sa noo sabay niyakap ng mahigpit.

“This is it mahal, handa ka na ba?” Tanong ni Tess.

“Kinakabahan, pero handa na ako sa ano mang mangyari mamaya. Sana nga lang hindi masira ang gabi na ito. Lalo na kay Kaloy.” Sagot ni Karding na ramdam ang kaba sa paghinga nito ng malalim.

“Bumaba na tayo, dumating na sina Stella at Gibo kasama si Gab at ang asawa niya. Buti na lang talaga may pa ganito na tayo, may umaasikaso na sa lahat. Nakakapanibago sa pakiramdam, ibang-iba sa nakasanayan natin dun sa Ilang. Salamat talaga sa iyo mahal at naranasan ko ito ngayon.” Ani ni Tess sa asawa.

“Para sa iyo mahal. Para sa inyo ni Kaloy…lahat ng hirap natin noon, magiging masayang karanasan na natin ngayon. Tara na at dumating na rin yata ang host ng event.” Sabat ni Karding.

Nakahanda na ang lahat para sa selebrasyon ng kaarawan ni Karding. Ukupado na ng mga bisita ang mga upuan at lamesa sa malawak na garden area ng bahay. Naroon na rin ang magkapatid na Nate at Nathalie na agad nilapitan ni Gibo. “Hi kuya Gilbert finally na-meet din kita in flesh. By the way I’m Nathalie Jane Lim, just you know I’m single and open for a date, in case you are interested.” Pagpansin ni Nathalie kay Gibo sabay abot ng kamay nito para kamayan ang lalake.

“Umayos ka nga Jane, ang harot mo talaga.” Saway ni Nate sa kapatid dahil sa kilos nito kay Gibo.

“Hi Jane, nice to meet you. Di ko akalain na mas maganda ka pa pala in person, kumpara sa ini-imagine ko.” Napangiting sabi ni Gibo kay Nathalie na kinakilig naman ng babae.

“Oh my gosh, get to know me better in five minutes… I’m sure you gonna like me more in a second. By the way, can I stop calling you kuya? Kasi halos same age lang naman tayo. Okay lang ba?” Ani ni Nathalie na pinahalata pa talaga na tipo nito si Gibo.

“Oo naman, ang awkward nga pakinggan pag tinatawag mo akong kuya, feeling ko tuloy ang tanda ko na.” Sabat ni Gibo.

“Teka lang pare, remind lang kita ha. Baliw itong kapatid ko kaya mag-ingat ka dito.” Pagbara agad ni Nate sa pagiging agresibo ng kapatid sa harapan ni Gibo.

Sinimplehan nito ng tingin si Gibo na tila nakuha naman ng lalake ang ibig sabihin ni Nate. Pansin na rin kasi ni Gibo ang pamumula ng tenga ni Nate kaya siya na ang dumistansya kay Nathalie. Sakto naman at nakita sila ni Kaloy kaya niyaya sila nito na sumama na sa table nila ni Evan at ng mga kaklase nito. Hindi naman maiwasan ni Megan na punahin at hangaan ang mga kaibigan ni Kaloy.

“Ang sasarap talaga ng mga kaibigan ni Carlo diba, noticed niyo?” Pabulong na sabi ni Megan sa mga kaibigan habang pinagmasdan sina Nate at Gibo na papalapit sa kanila.

“Sinabi mo pa girl, dito pa nga lang kay Evan basa na itong panty ko. Puta talaga, kahit pagtulungan pa nila akong bembangin ng sabay, papalaspag ko itong kepay ko girl.” Sabat Cassy kay Megan.

“Bet ko iyong isang nakafloral na polo, inosente ang mukha pero tang  na girl, pang bidamax ang katawan. May pa silip pa ng dibdib oh. Tsaka feel ko mabango singit nito dahil mahilig siya sa flower.” Hirit ni Kai sabay tawa ng mahina.

“Basta ako naka locked in na ang puso ko kay daddy Evan. Grabe ang hot talaga niyang tingnan sa hapit na hapit niyang t-shirt. “ Wika ni Yen.

“Kaya nga hindi tayo papayag na wala tayong maiuuwing souvenir sa gabing ito noh. Opportunity na natin ito na madikit sa mga iyan kaya grab na natin ang moment na ito. Go na for landi later.” Ani pa ni Megan tsaka nag tawanan ang apat.

Nasa malapit na rin ng mga sandaling iyon sina Vince at Seth nang may napansin si Seth sa dinadaanan nila ni Vince.

“Wait lang,  papuntang Grand View ito ah. Tagaroon ba sina Kaloy?” Tanong ni Seth.

“Yes tito, taga Grand View nga sila ni Kaloy. Bakit tito?”

“Nakalimutan mo na ba na minsan na ako tumira rito bago ako lumipat ng GreenEast?…sabagay bata ka pa nun at isang beses ka lang dinala ng dad mo dun kaya di mo na maalala.” Ani ni Seth.

“Siguro nga tito.”

Ngunit habang papasok na ng village ang kotse na sinasakyan nila, tila may kung anong kaba ang kumakawala sa dibdib ni Seth na hindi nito maintindihan. Panay ang lingon nito sa magkabilang daan. Napakunot na lang ang noo nito nang naging malinaw na sa kanya ang daan na tinatahak ng kotse ni Vince. Lalo na nang matanaw nito sa malayo ang pamilyar na puwesto ng bahay na sinasabi ng pamangkin.

“Kina Kaloy iyan?” Ang nagulat na reaksyon ni Seth nang matapat na sila sa mismong bahay nila Kaloy.

“Yes tito, sa kanila iyan. Ang laki diba? Wait lang at tatawagan ko lang si Kaloy.”

“No, not him. Sana mali lang ako.” Sambit ni Seth sa sarili.

Maya-maya pa bumukas ang gate. Pagpasok nila ni Vince agad sila binati ni Burnok na siyang nagbukas ng gate sa kanila. “Good evening po sir, pare diretso na lang kayo sa garden area. Nandoon na rin sina Gibo at Nate.”

“Salamat pare, tito Seth ko nga pala. Tito si Burnok, kaibigan namin. Kababata ni Kaloy sa Ilang.” Wika ni Vince.

Tumango lang si Seth, tsaka iginala ang mga mata sa paligid ng dati niyang bahay. Tila napako na ang mga paa nito sa kinatatayuan nito. Parang ayaw na nitong tumuloy sa loob at nais na lang umuwi. Napansin ni Vince ang tila balisang kilos ng tiyuhin kaya napatanong ito. “Okay ka lang tito? Pinagpapawisan ka. Masama ba pakiramdam mo?”

“Medyo eh, parang natatae ako. Puwede ba ikaw na lang pumasok…uuwi na lang ako?” Pagdadahilan ni Seth.

“Wag na tito, tara na loob doon ka na mag banyo. May sarili na akong silid dito puwede ka dun.”

“May sarili ka ng silid dito?”

“Yes tito. Ganun ako ka mahal nila nay Tess at tay Karding. Kaya halika na sa loob mukhang nagsisimula na ang party.”

Gusto ng umatras ni Seth, habang nag uusap ang magtiyuhin lumabas naman ng bahay si Jasper na agad nakita ang dalawa. Halos namilog ang mata ni Seth nang makita ang papalapit sa kanilang si Jasper. “Seth, finally you made it. Paayaw-ayaw ka pa, pupunta ka rin naman pala. Tara na sa loob nandoon na si Gab. Vince magkakilala kayo?”.

“He’s my tito…” Tugon ni Vince na nagtaka na magkakilala pala ang tito Seth nito at si Jasper.

“Wow, really a small world isn’t it Seth. Pamangkin mo pala ang boyfriend,…I mean ang kaibigan ng anak ni Ric na si Kaloy. Well reunion nga talaga ito. Halina kayo sa loob at naghihintay na dun ang birthday boy.” Ani ni Jasper na nakangisi.

“Jasper teka lang, tama ba ang pagkaintindi ko. Si Ricardo ba ang ama ni Kaloy?” Tanong ni Seth.

“Yeah, mismo. Mabuti pa pumasok na kayo ng maliwanagan ka. Dun tayo sa garden area…naroon si Ric. Actually kanina ka pa nga niya hinihintay.” Tugon ni Jasper.

“Tito Seth, magkakilala kayo ni Tay Karding?” Tanong naman ni Vince.

“Hindi ko alam,… sorry Vince pero mukhang hindi ko ma i-enjoy ang gabing ito. You can stay if you want. Pero ako uuwi na.” Saad ni Seth.

“Tito naman, bakit ba? Ano ang nangyayari?” Pagtataka ni Vince.

“Nagdadrama lang ang tito mo Vince. Gusto lang nito pinipilit. Mauna ka na dun, ako na bahala dito sa tito-tita mo.”  Wika ni Jasper sabay akbay kay Seth.

Sumang-ayon naman si Vince at hinayaan na si Seth kay Jasper. Nang ang dalawa na lang ang naiwan dun na naglabas ng inis si Seth kay Jasper.  “Pakana mo ba ito ha? Nananadya ka rin ano? Nung binili niyo sa akin ang bahay na ito pinalampas ko iyon. Pero iba na ito Jasper.”

“Teka lang naman, ano naman ang kinagagalit mo? Eh birthday lang naman ito ni Ric. Hindi naman ito tungkol sa iyo ah. Bakit parang feeling mo niloko ka? Uy umayos ka ha matagal na kayong tapos ni Ric tsaka may asawa na ang tao uy.” Tugon ni Jasper.

“Di mo kasi alam ang nararamdaman ko. Kaya para sa iyo wala lang. Tsaka bakit di mo sinabi sa akin na anak pala ni Ric si Kaloy? Ilang beses na tayo nagkita pero wala ka man lang may nabanggit sa akin, tapos ka kilala mo naman pala si Vince.” Sabat ni Seth na galit.

“Iba ka rin eh noh. Ano naman ngayon sa iyo kung anak ni Ric si Kaloy. Bakit tototulan mo sina Vince at Kaloy pag nalaman mong mag ama sina Kaloy at Ric?”

Natahimik si Seth tsaka nagulat ito sa sinabi ni Jasper tungkol kay Vince at Kaloy.

“Alam mo ang tungkol sa kanila?”

“Sino pa ba ang hindi nakakaalam, eh lantad naman sa socmed ang relasyon nila. Tsaka marunong ako makaamoy ng sekreto. Diba nga ako ang nakahuli sa inyo ni Ric? Pero sa tingin ko hindi pa alam ng mag asawa ang tungkol sa dalawa. Hindi rin kasi ma-cellphone ang mag-asawang iyon.” Sagot ni Jasper.

“Sige na, uuwi na ako. Hindi ko kayang magtagal dito. Ayokong makipagplastikan.”

“Teka lang mamaya ka na umuwi. Kumain ka muna, may tatlong lechon na handa si Ric. Paborito mo iyon diba. Mag bulag-bulagan ka na lang kasi. Tsaka move on na rin hoy. Matagal na kayong  tapos.” Ani ni Jasper.

Sa pamimilit ni Jasper, napilitan ring sumama si Seth. Papasok na sana ang dalawa nang mapansin ni Jasper ang kararating na kotse. Agad namang binuksan ng kasambahay nila Kaloy ang gate para silipin kung sino ang dumating. Natagalan ang kasambahay sa gate kaya nilapitan na ito ni Jasper.

Napangiti ang lalake nang makita kung sino ang sakay ng kotse.

“Kumpleto na ang flower five, magiging masaya ang gabing ito para sa atin. Manang pakibukas ng gate, kakilala sila namin ng Sir Karding mo.”

Humugot ng malalim na buntong hininga si Karl habang pinipihit ang manibela ng kotse papasok sa gate nila Karding.

“Si Seth? Nandito rin pala siya.” Sambit ni Jessica nang mapansin si Seth na nakatayo katabi ni Jasper.

Sa paghahanap ni Karl ng puwesto para iparada ang dalang kotse, napansin nito ang kotse ng anak na si Nate. “I knew it, dito talaga ang punta nila. Natuto na magsinungaling ang mga anak natin.” Wika ni Karl na dama ang inis at galit sa boses.

“Nangako ka na hindi ka manggugulo. Nagawa lang naman siguro ng mga anak mo na magsinungaling sa atin dahil alam nila na hindi ka rin papayag kapag magpaalam sila ng maayos.” Paalala pa ni Jesicca sa asawa.

“Kilala mo ako Jessica, pag mali, mali. Hindi ko tino-tolerate kahit maliit na kasalanan. Mamimihasa ang dalawang iyon kung babalewalain lang.” Tugon ni Karl.

Masaya at excited na nilapitan ni Jasper ang dalawa na pababa na nun ng kotse. “Just in time pare,  good evening Jesicca. Buti na hila mo itong kaibigan ko na samahan ka. Sabay na tayong apat sa loob. Nagsisimula na ang kasayahan sa garden area. Nandoon na rin sa loob si Gab.” Wika ni Jasper sa mag-asawa.

Tahimik pa rin si Karl na sumama sa loob. Sa event area, umalingawngaw na ang tawanan at palakpakan ng mga naroon dahil sa kuwelang pag bibigay aliw ng host habang katabi si Karding na nakikipagsabayan din sa kakulitan ng host. Sa kalagitnaan ng kasayahan, biglang napaurong ang ngiti ng dalawang magkapatid, lalo na si Nate.

“Bakit nandito sila ni dad? Magkakilala sila ni tito Jasper?” Katanungan ni Nate sa isip nito na kabado sa di maipaliwanag na dahilan.

“Kuya sina mommy at daddy, invited din pala sila rito. My god nag sinungaling pa tayo.”  Wika ni Nathalie na nakasiksik na lang sa likod ng kuyang si Nate.

“Dito ka lang, lalapitan ko lang sila mommy.”

Maging si Kaloy nagtaka kung bakit naroon ang ama nila Nate at kasama pa ng mga ito sina Seth at Jasper.

“Invited ba nila tatay ang magulang nila Nate?” Pagtataka rin ni Kaloy.

“Kuwan tol, kaninang umaga nandito na iyang babae. Binisita ang nanay Tess. Sa napansin ko kanina mukhang matagal na silang magkakilala ng nanay mo. Kita ko pa nga na nagyakapan pa nga sila bago umalis ang babae. Siguro inimbitahan ni nay Tess.” Sabat ni Paquito sa tanong ni Kaloy.

“Ibig sabihin dati nang magkakilala sina Nay Tess at ang magulang nila Nate nang di namin alam?” Ani pa ni Kaloy.

“Ang weird lang din dahil kakilala rin ng tito Seth si Jasper at si Tay Karding baby love. Tsaka sa reaksyon kanina ni tito parang may past silang issue ni Tay Karding. Ewan ko pero parang iyon ang pagkaintindi ko sa reaksyon ni tito.” Wika ni Vince.

“Guy’s hayaan na lang natin sila. Ano naman ngayon kung dati na pala silang magkakilala. Ang saya nga iyon diba? Ibig sabihin hindi lang by chance ang pagkakaibigan natin. Maybe destined talaga tayo na pagtagpuin ng tadhana,.” Saad naman ni Gibo nang napangiti sa lahat.

“Sabagay tama nga naman si Gibo. At dahil diyan isang kampay para sa isang solid na pagkakaibigan. Cheers!!!” Pagsang-ayon din naman ni Kaloy.

Nasa magkasamang table sina Karl, Seth, Jasper, at Gab. Katabi naman nila sa kabilang table ang mga babae. Magkatabi sina Stella at Solidad, naupo naman sa tabi ni Mayang si Jessica,kasama ang kaibigan nitong si Lira. Mula sa harapan kitang-kita ni Karding ang pagdating nina Seth at Karl. Hindi na mapirmi si Karding nang mga sandaling iyon. Hindi na ito mapakali habang nasa tabi ng host. Magkahalong kaba at tensiyon na ang nararamdaman nito na para bang may nagliliparang mga paruparo sa sikmura nito.

Kitang kita nito ang mariin na titig sa kanya ni Seth at ang may galit na tingin sa kanya ni Karl. Napabaling ito kay Tess tsaka agad na iniwan ang mic sa host para lapitan ang asawa.

“Ito na iyon mahal handa ka na ba?” Tanong ni Tess sa asawa.

“Ewan, bigla na lang ako kinabahan nang makita ko sila. Paano ko ba sisimulan?” Ani ni Karding.

“Lapitan natin sila mahal, pakita natin sa kanila na masaya tayo na makita sila at welcome sila sa pamilyang ito.” Wika ni Tess na pinapalakas ang loob ng asawa.

“Ikaw ba kaya mo na ba harapin si Karl?” Tanong muli ni Karding kay Tess.

“Ang totoo hindi, pero tulad ng sinabi ko. Kakayanin. Haharapin ko siya hindi para balikan ang nakaraan. Haharapin ko siya bilang bisita, bilang tao.“sabat ni Tess.

“Alalayan mo ako mahal, lalapit tayo sa kanila.”

Hinawakan ni Tess ang kamay ni Karding at kinabig ang braso ng asawa. Nakangiti ang dalawa sa kanilang mga bisita at isa-isang nilalapitan sa kanilang mga lamesa para pasalamatan sa kanilang pagpunta habang papalapit naman sa puwesto nila Jasper. Nang naroon na, naunang lumapit ang dalawa sa lamesa ng mga babae. Agad na tumayo si Stella at Lira para batiin si Karding tsaka pasalamatan ang mag-asawa dahil sa pag-imbita nito sa kanila. Sunod na tumayo para bumati si Sol na agad pinuna ang magandang mukha ni Tess na bagay sa simple ngunit elegante nitong suot na damit. “Nakilala rin kita Teresa, and no wonder na minahal ka nitong si Ricardo. You look stunning tonight napakaganda mo.” Ani pa nito sa babae.

“Ano pa ba ang hahanapin mo kung nasa harapan mo na ang perpektong babae na bigay sa iyo ng Diyos, eh di pakasalan.” Natawang sabat ni Karding sabay hinalikan si Tess sa labi.

Palakpakan agad sina Jasper at Gab sa kabilang lamesa nang makita ang ginawa ng mag-asawa. Nakita rin iyon nina Karl at Seth ngunit sadya nilang iniwas ang tingin sa dalawa. Tumayo rin si Jesicca nang nilapitan ito ni Tess at bineso. “Napakaganda mo Teresa”. Nakangiting papuri ni Jessica sa babae.

“Kasing ganda mo Jessica. Masaya kami ni Karding at napaunlakan niyo ang imbitasyon namin.” Ani ni Tess.

“Masaya rin ako sa pag-imbita niyong mag-asawa. Ric, happy birthday.” Tugon ni Jessica. Niyakap nito si Karding matapos magbiso.

Sa sandaling iyon unti-unti ng lumuluwag ang nararamdamang masikip  sa dibdib ni Karding. Gumagaan na rin ang pakiramdam nito habang kaharap sina Jessica.

“Kayo lang ba ni Karl? Sana sinama niyo na rito ang mga anak niyo.” Wika ni Karding.

“Mas nauna pa nga rito sa amin ang dalawa eh. Hayun nga at magkakasama pa silang lahat sa iisang table.” Sagot ni Jessica, sabay baling ng tingin sa lamesa nila ni Kaloy.

Natigilan ang mag-asawang napatingin rin dun. Wala namang iba pang kasali pa sa lamesa na iyon kundi sina Evan, Gibo, Paquito, Burnok, at ang magkapatid na Nate at Nathalie. Kaya isa lang ang naisip ng mag asawa na tinutukoy ni Jessica.

“Sina Nate at Nathalie? Anak niyo?” Gulat na tanong ni Tess nang napangiti.

“Nakakagulat diba, tadhana na talaga ang naglapit sa kanilang magkakapatid.” Tugon ni Jessica na napangiti na rin.

“Kaya naman pala unang kita ko pa lang kay Nate nun, iba na ang naramdaman ko. Tsaka ang gaan agad ng loob ko sa kanya. Sa katunayan nga nanay narin ang tawag ni Nate sa akin. At madalas na iyan dito alam mo ba? Mababait at magagalang ang mga anak mo Jessica, kaya ramdam ko na magiging close pa sila lalo ni Kaloy ko kapag nalaman na nila ang tungkol sa kanila.” Ani ni Tess.

“Natutuwa nga ako dahil wala pa man tila nakabuo na ng koneksyon ang tatlo. Sana nga lang magiging maayos din ang pagtanggap ni Kaloy sa kanyang ama.” Wika pa ni Jessica.

“Matured na mag isip si Kaloy, sa tingin namin hindi na maging mahirap sa kanya ang tanggapin ang katotohanan. Oh siya…maiwan na muna namin kayo, dun naman kami sa kabila.” Saad ni Karding.

Paglapit ng dalawa sa lamesa nila Jasper agad na pinaupo ni Jasper ang mag asawa sa tabi nito, ngunit tumanggi si Karding at nagdahilan na “mamaya na” matapos nila maikot ang lahat ng mga dumalong bisita. Matapos makamusta si Gab, si Seth naman ang kinamayan ni Karding at pinasalamatan sa kanyang pagdalo. Tinangka pa nitong makipagbeso sa lalake ngunit iniwas agad ni Seth ang mukha nito kay Karding. Ngunit ng si Tess na ang nakibeso sa kanya hindi na nakaiwas si Seth. Nang si Karl na ang nilapitan ng dalawa. Tila nag-alangan si Karding lalo na nang mapansin nito na tila ba naalibadbaran si Karl sa presensiya niya.

Napansin din ni Tess na tila hindi komportable si Karl. Hindi makatitig ng diretso sa kanila ang lalake, bagama’t binati naman nito si Karding at kinamusta si Tess, ramdam parin sa kilos at boses nito ang bigat ng pakikitungo nito sa dalawa. Paalis na ang mag asawa para balikan ang iba pang mga bisita nang humirit si Jasper.

“Balik ka agad dito pare, sabayan mo kami rito. Minsan lang muli mabuo ang flower five. Kaya balik ka agad.” Wika nito.

“Siya nga naman Ric, sulitin na natin ang gabing ito na magkakasama.” Pagsang-ayon naman ni Gab.

Tumango naman si Karding.

Samantala nagkayayaan na sina Kaloy na simulan na ang walwalan. Kumilos naman agad sina Burnok at Paquito para kunin ang mga inumin sa loob. Habang naglalakad napag-usapan ng dalawa si Nathalie at ang mga kaklase ni Kaloy na sina Megan.

“Nagulat talaga ako tol nang malaman ko kanina na kapatid pala ni Nate si Nathalie, grabe ang hiya ko kanina. Marami pa naman akong nasabi kay Nate tungkol sa kapatid niya, nagsinungaling pa ako nun sa kanya na girlfriend ko na si Nathalie. Tapos kapatid niya pala.”  Ani ni Paquito.

“Ako rin kaya, hindi nga ako makatingin ng maayos kay Nate eh sa mga nasabi ko  sa kapatid niya. Grabe din naman kasi itong si Nate. Kapatid naman pala niya si Nathalie hindi pa sinabi sa atin. Parang na ilang na tuloy akong lumapit kay Nathalie.” Wika ni Burnok.

“Sinabi mo pa. Pero napansin mo ba ang mga klasmeyt ni Kaloy. Pare iba din ang kalidad ng mga iyon. Lalo na iyong Megan tol. Tindi ng hinaharap parang wetpuks ng bata sa laki. Tsaka maganda rin diba?” Komento ni Paquito.

“Lahat nga sila eh, walang tapon. Pansin ko nga na panay ang sulyap nila kanina sa table natin eh. Ano sa iyo kung diskartehan natin?” Sabat ni Burnok.

“Magustuhan naman kaya tayo?”

“Subukan natin. Imposibleng hindi, sa gandang lalake natin madali lang hulihin ang mga iyon.” Natawang sagot ni Burnok.

Habang nagdadagdag ng mga beer ang dalawa sa malaking cooler. Pumasok naman sa kusina si Zyone tsaka nilapitan ang dalawa. “Pare, tulungan ko na kayo. Ani ni Kaloy lumipat na lang daw tayo sa rooftop.” Bungad ni Zyone.

“Ikaw pala pare. Zy diba?” Tugon ni Burnok.

“Yes pare. Ako na magdadala ng iba, baka masyado ng mabigat ang cooler. I-aakyat pa natin iyan sa taas.” Ani ni Zyone sa dalawa.

“Sakto lang ang pagdating mo pare, hindi pa namin na load lahat. Ikaw na magdala ng mga nasa box. Medyo magaan lang naman iyan. Kami na ni Burnok sa cooler.” Wika ni Paquito.

Paakyat na ang tatlo sa hagdan nang naitanong ni Paquito kay Zyone ang tungkol sa mga kaklase nito partikular na kay Megan. Hindi naman sila tinipid ng lalake ng sagot. Bago pa nila narating ang bungad ng rooftop halos naikuwento na ni Zyone sa kanila ang buong profile ni Megan maging ng mga kaibigan nito. Hindi maiwasang hindi ma curious ng dalawa sa uri ng trabahong meron ang mga babaing kaklase ni Kaloy base sa kuwento ni Zyone. Kaya napatanong pang muli si Burnok sa lalake.

“Ibig sabihin mga pokpok ang mga kaklase niyo ni Kaloy? Lahat silang apat?”

“Kung ka pokpokan ang mag pabembang kapalit ng pera at pang laman ng tiyan, siguro ganun sila. Pero mababait ang mga iyan. Sadyang sa ganung paraan lang sila kumakapit para maka-survive sa araw-araw.” Kaswal lang na sagot ni Zyone.

“Buti allowed ang ganyan sa eskuwelahan niyo.” Wika ni Paquito.

“Siguro pag alam ng eskuwelahan,… hindi rin naman sila papayag na may ganun.” Sabat ni Zyone.

“Kung gayon, sekreto pala ang ginagawa nila? Buti marunong sila magtago. Hindi masyadong halata. Pero paano mo naman nalaman lahat kung sekreto naman pala iyon pare? Di kaya naranasan mo na rin sila?”

Biglang tumahimik si Zyone at piniling wag na sagutin ang huling tanong ni Paquito. Pero dahil sa kuwento nito sa dalawa lalong nabuksan ang interes nila Burnok at Paquito na kilalanin pa sina Megan at mga kaklase nito. Pagkarating ng rooftop naroon na nga dun sina Kaloy kasama sina Megan. Masayang nagsasayawan na ang mga ito habang sumasabay sa pang disco na tugtugin gamit ang portable boombox ni Kaloy. Pagkalapag ng dalawa ng cooler, isa-isa na nga nagsidamputan ng mga botelya ng beer ang lahat. Kanya-kanya na rin silang dikitan sa kanilang mga kapareha. Naroon silang lahat nakapuwesto ng nakaupo sa paligid ng bonfire na gawa ni Evan at Nate. Magkatabi sina Kaloy at Vince, na katabi naman sina Gabi at Nate tsaka si Nathalie na katabi naman ang mga kaibigan ni Megan at si Megan mismo. Nakasandal naman sa railings ng rooftop si Evan katabi si Zyone tsaka sina Paquito at Burnok na nakaharap sa lahat.

Napuno ng tawanan, kulitan, sayawan at kuwentuhan ang buong rooftop dahil sa kanila, at habang umuusog ang oras, isa-isa na rin nadadagdagan ang mga naiinom nilang beer. Hanggang sa mas lalo pang naging maingay ang mga tawanan, naging mas maharot na ang mga kulitan, naging mas palaban at wild na ang mga sayawan. At ang mga salitan nilang mga kuwentuhan naging mga bulungan na lang. Kapansin-pansin na ang mga amats ng lahat dulot ng beer. At mula sa beer nagpaakyat pa si Kaloy ng hard na inumin sa rooftop.

Samantala sa garden area tapos na ang birthday event ni Karding. Isa-isa nang nagsiuwian ang ibang mga bisita. Nagsisimula na rin magligpit ang inukupa nilang catering. Ngunit nanatili parin sa kani-kanilang lamesa ang mga pangunahing panauhin ng mag-asawa. Habang nag-uusap ang mga babae sa kabilang lamesa, tahimik naman na nag-iinuman sa kabila sina Karding kasama ang apat. Marami-rami na rin ang mga nainom nilang alak kaya kapansin-pansin na rin ang kulit sa kanilang mga pananalita.

“Teka, tila kami lang ni mayor Gab ang nagdadaldalan dito ah. Hindi niyo ba na miss ang isa’t isa?” Wika ni Jasper.

“Nga naman, magsalita naman kayong tatlo…daig niyo pa ang mag-jowa na may tampuhan sa isa’t isa. Pareng Ric magkuwento ka naman diyan, paano ba mo na pa-oo si Teresa. Bulong mo naman sa amin. Ginulat mo rin kasi ako nang malaman ko na nagkaasawa ka, tapos si Teresa pa.” Ani ni Gab sabay baling kay Karding.

“Masyadong personal na tanong iyan pare, pero dahil mayor ka na nga ngayon, sasagutin kita. Sinagot ako ni Tess, dahil mahal ko siya. Tinanggap ko siya gaya ng pagtanggap niya sa akin. Hindi niya ako kinahiya kaya buong puso kong pinanindigan ang pag-ibig ko sa kanya. Ganun lang iyon.” Diretsahang sagot ni Karding.

“Talaga ba? Ganun ba talaga?” Biglang sabat ni Karl na tumugon ng sarkastikong ngiti kay Karding sabay lagok ng baso nitong may alak.

Tumahimik si Karding, ayaw niyang patulan ang sinabi ni Karl. Pilit nitong pinapakalma ang sarili habang nilalaro ang hawak na baso na may yelo.

“Teka lang naman po mga pare, sabi ko mag catch up tayo ha, bilang mga kilalang flower five nung highschool. Hindi para mag ungkatan ng past dito. Tsaka loosen up muna, masyadong intense agad ang opening. Isa munang cheers para sa ating lima. Cheers!” Wika ni Jasper nang makaamoy agad ito ng tensiyon sa binitawan na salita ni Karl.

Ngunit tanging si Gab lang ang nakikampay sa kanya.

“Matagal ng wala ang sinasabi mong flower five, kaya huwag mo nang ipilit na buo pa rin iyon. Nagkalimuntan na nga diba? Nagkaiwasan na. Hindi ko nga rin talaga gets ang universe kung bakit pa kasi pinagtagpo muli.” Biglang sabat ni Seth na may pairap pa kay Karding.

“Baka siguro para ayusin ang di pagkakaunawaan noon. Para bigyan ng tuldok ang nakaraan. Para humingi sa iyo ng tawad, para hindi na tayo mag-iwasan pa.” Agarang sagot agad mula kay Karding.

“Di kaya mauwi na tayo nito sa open forum? Ang seryoso niyo masyado. Kalimutan niyo na kasi ang nakaraan. Move on na mga pare. Hindi na tayo mga bata, hindi na tayo mga teenagers na magdrama pa ng ganito. Hindi ba kayo naiinggit sa mga asawa natin. Look at them. Nagtatawanan, masaya walang tensyon. Because they chose to let the past passed. Hindi na para balikan. Kung ano man ang nangyari between your stories noon, isipin niyo na lang na learnings iyon ng buhay. We are now in our fourties, almost half na tayo ng journey natin sa mundo mga pare. We should choose to be nice and kind. Set your heart free. Let the past be our memories and enjoy the gift of present. Alam niyo mga pare, after what happened to my son Gilbert, I realized how short our life is, and how important our love ones. Kaya mag peace na kayo.” Saad ni Gab sa lahat para ihinto na ang namumuong tensiyon.

Pumalakpak naman si Jasper sabay hirit ng “amen for that brother Gab. Well said. Dahil diyan isang group hug naman diyan mga pare.”

Hindi man maamin pero tila tinamaan ang tatlo sa sinabi ni Gab. Kahit napipilitan nag group hug ang lima. Nakita iyon nila Tess at Jessica na sobrang natuwa. Sa isang simpleng group hug na iyon tila may natabig na ala-ala sa isip ni Karl lalo pa at ka-akbayan niya si Karding dahil katabi niya ito. Napatingin ito kay Karding at saktong tumingin din sa kanya ang lalake. Nagkatitigan ng mata sa mata ang dalawa. Hanggang sa… Ibinalik bigla si Karl noong kabataan nila ni Karding, noong mga unang taon palang nila sa highschool kung saan magkasangga silang dalawa sa lahat ng bagay.

“Kahit tumanda pa tayo, promise sa iyo Ric walang iwanan… bestfriend tayo hanggang sa magka-asawa tayo at magkaanak. Kasangga natin ang isa’t-isa.”

“Pangako ko rin sa iyo Karl tol, hindi kita papabayaan. Resbak mo ako kahit saan. At kahit matanda na tayo walang limutang. Magbestfriend parin tayo hanggang dulo.”

Biglang sumikip ang dibdib ni Karl kaya bigla na lang ito umalis at nag dahilan na magbabanyo lang. Nang makaalis si Karl, nilapitan ni Seth si Karding. Niyaya niya ito sa isang bahagi ng garden malayo sa iba. Pinagbigyan naman sila ni Jasper at Gab. Dinala ni Karding si Seth sa malaking duyan na naroon sa garden. Tahimik lang sa umpisa ang dalawa hanggang sa nagsimula ng magpahayag ng saloobin si Seth. Sa unang pagkakataon, sa ilang taon na pagkimkim nito sa nararamdaman, sa wakas nailabas din lahat ni Seth ang mga hinanakit nito at galit kay Karding simula nung lumisan na lang ito bigla at di na nagparamdam.

“Umaasa ako na balikan mo ako. Hinintay kita araw-araw. Ilang buwan kitang hinanap-hanap. Ilang taon akong nagtiis nagpakatanga, nagbabakasakali na isang araw paggising ko nasa tapat ka na ng pinto, nakangiti at tayo na ulit. Pero wala. Naglaho ka na lang na parang bula. Itong bahay na ito, naalala mo binuo natin ito. Pero mag-isa na lang ako nang matapos ito. Sa galit ko sa iyo, ibinenta ko. Only to find out na ikaw rin pala makakabili nito. At ang masakit iba na ang kasama mong ititira rito. Hindi na ako. Actually Naka pag move on naman talaga ako. Nakalimutan na nga talaga kita sa totoo lang. Bumalik lang iyong sakit nung nagpakita ka. Tapos malaman-laman ko pa na si Teresa iyong babae na iyon…”

Tahimik lang si Karding na pinapakinggan si Seth. Hinahayaan lang nito ang lalake na maglabas ng saloobin at hinanakit sa kanya. Nang maibuhos na lahat ni Seth ang sakit na kinikimkim nito sa mahabang panahon, bigla na lang ito napahagulgol ng iyak. Sinapo naman agad siya ni Karding tsaka niyakap ng mahigpit. Maging si Karding hindi na rin napigil ang sarili. Nangingilid ang luha nito na humihingi ng sorry sa mga nagawa nitong pananakit ng damdamin kay Seth. Inamin nito ang pagkakamali kay Seth. Sinabi rin nito sa lalake ang mga kadahilanan niya kung bakit nagawa niya iyon sa kanya. Masakit ang mga narinig ni Seth ngunit kailangan malaman talaga nito ang dahilan kung bakit bigla na lang nawala si Karding sa kanya.

“Minahal din naman kita at iyon ang totoo. Pinilit naman natin na ibalik ang dati ngunit talagang nawala na. Natakot lang ako nun na harapin ang katotohanan kaya mas minabuti ko na lang na lumayo. Iba na nun ang tinitibok ng puso ko. At hindi na ikaw iyon. Alam kong mahal parin kita nun ngunit hindi na gaya ng dati. Nagbago lahat nung maghiwalay tayo at napalayo ka sa akin. Sa mga panahong wala ka nangulila din ako. Hanggang sa unti-unti lumamlam na ang nararamdaman ko sa iyo. Umibig ako sa iba. Ngunit magkaiba ang nararamdaman namin sa isa’t isa. Nung bumalik ka sinubukan kong kalimutan siya at ibaling na lang sa iyo ang aking puso at mga mata. Sa simula akala ko, madadaya ko ang lahat. Pero sa tuwing magkasama tayo, siya ang nakikita ko sa iyo. Kapag nagsi-sex tayo, siya ang ini-imagine ko. Sa katagalan na napagtanto ko na iba na ang laman ng puso ko.  Naduwag akong ipagtapat sa iyo ang totoo dahil nahihiya ako sa iyo. Kaya lumayo na lang ako. Hindi si Tess ang dahilan kung bakit kita iniwan. Nung mga panahong sirang-sira rin ako si Tess ang bumuo sa akin. Sorry kung nagawa ko iyon sa iyo. Duwag kasi ako noon. Sorry kasi niloko kita. Sorry at nasaktan kita.”

Mabigat ang mga salitang narinig ng bawat isa sa isa’t isa ngunit sa kanilang mga pag amin at paghingi ng kapatawaran. Guminhawa ang kanilang kalooban. Hindi man nawala ang marka ng nakaraan, nabawasan naman ang kirot ng kanilang nararamdaman. Nagyakapan ang dalawa tanda na natuldukan na ang kanilang kuwento. At malaya na ang kanilang mga puso sa galit. Huling yakap pa ng mahigpit ang tinugon ni Karding kay Seth bago sila bumalik sa kanilang lamesa.

Nakabalik na ang dalawa ngunit wala pa rin si Karl. Muling nagpaalam si Karding sa tatlo. Tila naintindihan naman ng tatlo ang nais ni Karding kaya tumango lang ang mga ito sa kanya. Agad na tinungo ni Karding ang banyo malapit sa kusina para puntahan si Karl. Ngunit walang tao sa loob ng banyo.  Dumaan din ito ng living area ngunit tanging mga kasambahay lang ang naroon na nag bi-videoke.

“Sir Ric, sino po ba ang hinahanap niyo? Sina sir Kaloy ba? Nasa rooftop po silang lahat sir.” Ani ng isang kasambahay nang mapansin nito si Karding na palinga-linga sa loob.

“May pumasok ba rito kanina manang? Iyong isa sa mga kaibigan ko… Iyong matangkad, singkit, may balbas, malaking tao. Iyong naka longsleeve na black?” Pag-sasalarawan ni Karding kay Karl.

“Naku wala man sir. Pero kanina bago ako pumasok. May napansin ako sa labas. Dun sa mga naka-park na kotse. Baka siya iyon. Naka-itim din kasi iyon ng   damit.” Sabi pa ng kasambahay.

Lumabas si Karding at tinungo ang pinag-parkingan ng mga kotse. Ngunit wala rin doon si Karl. Napansin ni Karding ang bukas na gate. Naroon ang van ng catering service na nag aakyat ng mga kanilang mga gamit. Naroon din ang security guard nila Karding ngunit wala rin maging sa labas si Karl. Pabalik na sana sa loob si Karding nang may nagsalita mula sa kanyang likuran.

BECAUSE OF YOU

Napalingon si Karding sa pag-aakalang si Karl ang tumawag sa kanya. Ngunit napaurong ang excited nito nang makitang si Jasper lang pala ito. Iiwas na sana si Karding sa kumpare ngunit pinigilan siya nito.

“Ano na naman ito Jas? Hindi ka ba nakakaintindi na ayoko na? Ibaling mo na lang kay Mayang ang nararamdaman mo sa akin. Tsaka respetuhin mo naman itong pamamahay ko.”  Wika ni Karding nang harapin ang tila lasing na si Jasper.

“Matagal ko nang hiniling sa iyo na tayo na lang, pero bakit ba ang ilap-ilap maangkin ng puso mo? Handa naman ako makisalo ah. Sanay naman akong nakikihati…diba? Mahirap ba na pagbigyan mo ako?” Tugon ni Jasper sabay hawak sa palad ni Karding.

“Matagal na kita pinagbigyan Jas. Sinubukan ko naman ah. Hindi ka pa ba nagsawa? Dahil ako sawang-sawa na. Tsaka kung hindi ka nakokonsensya sa pangloloko natin kay Mayang, ako…ako nakokonsensya na sa ginagawa ko sa asawa ko.” Giit ni Karding sabay alis ng kamay nito sa kamay ni Jasper.

Ngunit lalo lang naging makulit si Jasper kay Karding. Hindi na nito inalintana ang presensya ng mga kasambahay ni Karding na posibleng makakita sa ginagawa nito sa lalake. Bigla na lang nito hinila si Karding sa gilid ng halamanan malapit sa mga nakaparadang mga kotse ng mga bisita. Sapilitan nitong pinaghahalikan si Karding habang nagpupumiglas naman ito sa kanya.

“Ano ba Jasper, hindi ka ba talaga titigil? Sabi na kasing ayoko na!” Wika ni Karding sabay bigwas nito ng siko kay Jasper.

Ngunit hindi man lang nagpatinag si Jasper, sa halip naging mas marahas at mas naging mapusok pa ito kay Karding. Puwersahan nitong idiniin si Karding sa isang sulok ng pader habang nilalamas ng halik ang leeg ng lalake.

“Lasing ka lang Jasper, tigilan mo na ako.” Sambit pa ni Karding habang iniiwas ang mukha sa mga paghalik ni Jasper.

“Titigil lang ako kapag nangako kang hindi mo ako iiwan. Mahal kita Ric at hindi ako papayag na baliwalain mo lang ang lahat ng sakripisyo ko at pagmamahal ko sa iyo. Kaya sabihin mo sa akin na tayo parin, sabihin mo na mahal mo rin ako.” Tugon naman ni Jasper habang walang hinto sa paglamas sa katawan ni Karding.

“Ang hirap mo talaga pakiusapan. Hindi ka makaintindi. Libog lang nag-uugnay sa atin at sa una pa lang alam mo na iyon! Hindi kita puwedeng mahalin kasi may ibang mahal ang puso ko!”

“At sino? Alam ko at alam mo na kailan man ay hindi mo minahal si Teresa. Ginamit mo lamang siya para gantihan sana si Karl hindi ba? Kung napamahal man siya ngayon sa iyo, nangyari na lamang iyon. Hindi ka naman talaga nag i-enjoy sa kanya diba? Kaya nga hindi kayo nakabuo diba? Dahil hindi mo naman kayang gawin ang ginagawa ko sa iyo. Kaya nga kinailangan mo ako, kinailangan mo ako para lumigaya ka. Ginamit mo ang katawan ko para diligan ka sa tuwing nanunuyot ka. Tanging ako lang ang nagparanas sa iyo nun at narito pa rin ako para tugunan ka lagi. Huwag mo lang akong ipagtabuyan pakiusap.” Ani pa ni Jasper kay Karding.

Nang mga sandaling iyon naman pabalik na sa loob si Karl galing sa labas ng gate. Kausap nito ang asawang si Jessica.

“Saan ka ba nagpunta?” Tanong ni Jessica sa asawa.

“Tumawag kasi si Bert, taga rito rin nga pala siya sa village…kinita ko lang siya sa labas tsaka nag kuwentuhan lang kami saglit pero pabalik na rin ako riyan.” Sagot ni Karl na papasok na nga nun ng gate.

“O sige, hintayin na lang kita rito.” Tugon ng asawa bago tapusin ang tawag.

Didiretso na sana si Karl sa loob ng bahay nang may napansin ito sa gilid ng mga halamanan. Sa kyuryosidad ni Karl marahan itong lumapit dun. At natigalgal ito sa gulat nang mapagtanto kung sino ang naroon. Kitang-kita rin nito kung paano harasin ni Jasper si Karding na kulang na lang gahasain niya ito. Maging ang pagpupumiglas ni Karding at panglalaban sa ginagawa ni Jasper sa kanya ay kitang-kita ni Karl.

Saglit na natigilan si Karl, ngunit may kung anong nag-udyok sa kanya na mangi-alam sa nangyayari. Napasugod ito at mabilis na hinila si Jasper palayo kay Karding. Dahil sa talagang may kalasingan na rin si Jasper, hindi nito nagustuhan ang pangingi-alam ni Karl. Uminit ang tenga ni Jasper sa inis at pikon kaya kinompronta nito si Karl.

“Teka lang naman pare bakit ka ba nangingi-alam? Kasali ka ba dito? O baka gusto mo rin mag join sa amin, alam mo naman ako willing mag share, diba?” Wika ni Jasper nang balingan si Karl.

“Pinagsasabi mo? Kailangan lang kitang awatin kasi nakita kong pinupuwersa mo si Ric. Tsaka dito niyo pa talaga ginagawa iyan? Hindi man lang niyo iniisip na baka may makakita sa inyo rito?” Tugon ni Karl kay Jasper.

“Pakialam mo naman dun pare? Di ba nga galit ka dito kay Ric, bakit sa asta mo ngayon parang concern ka masyado? Don’t tell me na lumambot na iyang puso mo sa kanya after knowing na si Ric ang tumayo sa responsibilidad na iniwan mo kay Teresa noon?” Sabat ni Jasper nang nakangisi.

Namagitan na si Karding sa dalawa para huwag na palakihin ang tensiyon. Nakiusap na ito kay Karl na iwanan na muna nito sila ni Jasper. Napakunot naman ng noo si Karl na sumang-ayon. Iiwan na sana nito ang dalawa nang humirit pang muli si Jasper. Pinigilan nito si Karl.

“Wait pare, total nandito narin lang tayong tatlo,…might as well na kailangan malaman mo ang totoo. Sayang naman kung tatapusin natin ang kuwento na wala man lang kalinawan sa lahat ng ito. Kung paano ito lahat nauwi sa hiwalayan niyo noon ni Teresa.” Ani ni Jasper.

“Hindi na ako interesado marinig pa ang nakaraan. Masaya na ako sa piling ni Jessica. Kung ano man iyang ikukuwento mo sarilinin mo na lang dahil hindi na nun mababago ang lahat.” Mariing sagot ni Karl.

“Kahit pa sabihin ko sa iyo na ang nangyari sa inyo noon ay pakana lahat ni Ric? Na kaya kayo nagkalayo ni Teresa noon kasi sinadya at plinano iyon nilang dalawa ni Jessica? Marami akong alam na hindi mo alam pare. Pero sige kung ayaw mo talagang makinig sa kuwento ko…nasa sa iyo na iyon, sa bagay eighteen years na rin naman nga ang nakaraan. Marahil nga ay tanggap mo na ang lahat.” Nakangising sabi pa ni Jasper.

“Ano ang ibig mong sabihin?” Biglang tanong ni Karl.

“Wag mo na lang siya pansinin Karl lasing lang itong si Jasper kaya kung ano-ano na lang ang pinagsasabi nito.” Wika ni Karding.

“Tama si Ric lasing lang ako pare kaya wag kang maniwala sa akin. Maniwala ka sa kasinungalingan. Sige na iwanan mo na kami rito ng my labs ko. Inistorbo mo lang kami. Halika na my labs,…tuloy na natin ang naudlot nating labing-labing.” Hirit pa muli ni Jasper sabay hila at yakap kay Karding habang pinaghahalikan nito sa leeg ang lalake sa harapan ni Karl.

Pilit na kumakalas si Karding sa mga braso ni Jasper. Bagama’t mag kasing laki lang sila ng pangangatawan, higit na mas malakas ang puwersa ni Jasper. Kahit na pumapalag si Karding sa kanya, hindi parin humihinto si Jasper sa kanyang ginagawa. Sa halip mas pinamukha pa nito kay Karl kung paano niya niroromansa si Karding at kung paano ito ka dominante pag dating sa lalake.

Nakatayo parin doon si Karl na nakatingin sa dalawa. Hindi niya gusto ang nakikita ngunit may kung ano itong nararamdaman sa sarili na hindi niya mapigilan dahilan kung bakit hindi nito maalis ang mga mata sa ginagawa ng dalawa. Lalo na sa inaakto ni Jasper kay Karding. Napansin ito ni Jasper.

“Gusto mong sumali, halika pagsaluhan natin si Ric.” Sabi ni Jasper sabay hila kay Karl palapit sa kanila ni Karding.

Hindi iyon inaasahan ni Karl kaya sa paghila sa kanya ni Jasper napasubsob agad ito sa katawan ni Karding at sa di sadya nagsalubong ang mga bibig nila ni Karding. Agad namang kumawala si Karl sabay tulak sa dalawa. Sa inis at galit ni Karl sa ginawa na iyon ni Jasper,… Di na ito nakapagtimpi at isang lumilipad na sapak ang tinugon nito kay Jasper.

Sapol sa bibig si Jasper na agad dumugo ang bunganga. Uminit din ang tenga ng lalake sa pagsapak sa kanya ni Karl kung kaya gumanti rin ito ng suntok na tumama rin sa panga ni Karl. Maagap namang pinigilan ni Karding si Jasper sa sunod na atake nito kay Karl ngunit maging siya nabigwasan din ni Jasper kaya ito natumba sa mga palma na halaman. Hindi agad nakatayo si Karding kaya hindi na nito naawat pa ang pagsugod ni Jasper kay Karl. Muling nagpang-abot sina Jasper at Karl ng suntukan. Ang komosyon dulot ng tatlo ay agad nakatawag ng pansin sa mga tauhan ng catering at ng security guard nila Karding. Maging ang mga kasambahay naalarma rin sa kaguluhan sa labas kaya agad nila pinaalam iyon kina Tess na nasa garden area.

Habang sa rooftop patuloy lang ang kasiyahan ng mga kabataan na walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa ibaba. May kaunting tama na rin ng alak ang karamihan sa kanila lalo na ang mga babae kung kaya’t mas naging wild pa ang gabi para sa kanila.

“Hindi ko akalain na may down to earth karin palang side Nathalie, akala ko pasosyal ka talaga. Nakaka intimidating kasi ang dating mo girl. Pero grabe ka nasasabayan mo ang kakanalan ng mga jokes namin.” Wika ni Megan habang kausap si Nathalie.

“Actually ito talaga ako girl. Pang coat ko lang ang pagiging shalan-shalan, you know naman dapat laging meet ang standard lalo na sa harap ng mga alta. Which is super boring, tsaka plastikan ang atake ng karamihan dun day. Akala mo naman gold ang mga ebak kung umasta. At ayoko nun noh. Hindi ako ganun.”  Ani ni Nathalie.

“Buti ayos lang parents niyo na ganyan kayo ng kuya mo.  Ang ibang magulang diyan kating-kati na madikit sa mga pobre ang kanilang mga anak. As if naman carrier ng virus ang mga mahihirap. Tapos kung makapangmata sa mga mababa sa kanila akala mo naman after ni mama mary sila na ang santo. Ang lilinis ng tingin sa mga sarili eh kasing itim naman ng krudo ang mga ugali. Kaya happy ako na nakilala kita girl,.” Saad pa ni Megan.

“Mas masaya ako girl. Kung alam mo lang akala ko kanina magiging decoration na lang ako diyan sa gilid eh. Buti na lang nilapitan mo ako at kinausap.” Sabi pa ni Nathalie.

“Eh sa lamukin naman ako rito girl, kita mo naman iyong tatlo kung kasama chumichika na kina Evan, Burnok at Paquito. Tapos iyong apat dun sa tabi nagpares-pares din. Kung alam ko lang na maboborlog ako dito sa rooftop, nag stay na lang ako dun sa garden.” Sabat ni Megan.

“Siya nga pala diba may kasama pa kayong lalake kanina. Zy ba name nun? Kanina ko pa siya hindi napapansin dito.” Sambit ni Nathalie nang hindi makita si Zyone dun na kasama nila.

Maging si Megan napahanap na rin sa kaklase, hindi rin kasi nito napansin na wala na pala dun lalake. Napagpasyahan ng dalawa na bumaba para hanapin si Zyone. “Malamang na OP din iyon kaya nag walk-out. Di kaya, naghanap ng ka espadahan na waiter sa baba. Pansin ko kasi kanina panay ang tingin niya sa mga waiter kanina.” Ani ni Megan.

“Bakla si Zy?”

“Malaking check girl. Mukhang straight lang iyon pero bumabaliko rin ang mga daliri nun kapag bet niya ang guy.”

“Iba na talaga ang mga bakla ngayon noh girl? ang gagandang lalake, malalaki ang katawan, ang ya-yummy tapos bekla pala. Bortang-borta pero borta din ang hanap. Hay naku limited na nga lang ang lalake sa mundo, inaagawan pa tayo.” Napakomento naman si Nathalie.

“Sinabi mo pa girl. Sa panahon ngayon hindi mo na rin tukoy kung sino ang bakla sa hindi noh. Kasi ang iba magaling din kumaldag sa kama. Daig pa ang tunay na lalake kung umariba ng puday. Performance level din kung gumiling girl. Iyang si Zy kilalang botomesa iyan pero nung inararo ako niyan, namaga ang kepay ko after. Iba rin kung kumayod. Tsaka infairness ang laki at haba ng titi nun. Ulo pa lang nun maglalaway ka na.” Naikuwento pa ni Megan.

Bagama’t hindi naman bago kay Nathalie ang ganung klaseng topiko, nagulat parin ito sa pagbahagi ni Megan ng karanasan nito sa kaklasing si Zyone. Hindi sanay si Nathalie na makarinig ng ganun sa isang babae, ngunit dahil sa naging bukas naman si Megan sa kanya naintindihan naman ito ng babae.  “Buti at wala ng ilangan sa inyong dalawa. If sa akin kasi nangyari iyan, I doubt kung may mukha pa akong ihaharap sa lalake, lalo pa at kaklase ko pa.” Sabi pa ni Nathalie.

“Sa mga tulad naming pokpok hindi na uso ang ilang na iyan. Tsaka libog lang iyon walang feelings. Kapag nilabasan na kayo parehas, tapos na rin ang koneksyon niyong dalawa. Kung maulit man, trip-trip na lang iyon di kaya may money involved na. Sa dinami-dami ng tarub ang nasubo ko at nasalo never pa ako nagkaroon ng karelasyon. Iyong relasyong mag jowa talaga. Feel ko kasi sumpa na iyon sa mga kagaya namin. Nag i-exist lang kami para parausan hindi para mahalin.” Wika ni Megan.

Mula sa masayang kuwentuhan biglang naging seryoso ang usapan. Sa pagbahagi ni Megan ng kanyang buhay kay Nathalie biglang nagkaroon ng koneksyon ang dalawa. At sa maikling sandali nagkapalagayan agad silang dalawa ng loob.

“So forever ka na bang ganyan? I mean wala ka na bang naisip na ibang way para tustusan ang pag-aaral mo? Ang daming fastfood diyan na puwedeng aplayan as working student. Mag sales lady ka. Sa ganda mong iyan hindi mahirap sa iyo ang makahanap ng matinong trabaho.”  Suhestiyon pa ni Nathalie kay Megan.

“Girl nasubukan ko na iyan lahat, pero dito pa rin ako binabagsak ng pagkakataon. Pero hindi naman talaga ito ang pangarap ko forever sa buhay. Kaya nga nag-aaral ako. Tsaka nag iipon din. After ko makatapos at kapag malaki na ang ipon ko, balak ko mangibang bansa. Para doon na magbagong buhay. Sa totoo lang nakakainggit ang tulad niyo. May kompletong pamilya, walang pinoproblema sa buhay, mayaman…sa akin kasi wala ako ng lahat ng iyon kaya kinakailangan ko gapangin ang sarili ko para maka-survive sa araw-araw. Mahirap, nakakadiri, at nakakasuka man ang ginagawa ko, pero dito lang ako nakakahanap ng lakas at tapang. Dito ako ang bida.” Ayon pa kay Megan.

Napabuntong hininga si Nathalie, hindi niya alam kung maaawa ba siya kay Megan o hahangaan niya ito sa pagiging prangka at matapang. Ang layo ng katayuan nilang dalawa. Ngunit kung sa karanasan at pakikipaglaban sa buhay pro na kung maituturing si Megan. Dese otso pa lang ito ngunit siksik na sa pakikibaka ang kanyang sarili. Bagay na sa tingin ni Nathalie hindi niya kakayanin kung sa kanya napunta ang kapalaran ni Megan. Humahanga man sa katapangan ng babae hindi rin maalis sa sarili ni Nathalie ang mag-alala sa kalusugan ng bagong kaibigan. “Hindi ka ba natatakot na mag kasakit? Mag ka AIDS? Naku girl hindi porke’t nag-iingat ka ay safe ka na noh. Alalahanin mo rin ang sarili mo. Kung iyan ang puhunan mo, dapat alam mo kung paano limitahan ang sarili mo. Hayaan mo susubukan ko kung paano kita matutulungan. Maraming negosyo sina mommy at daddy. Ma ipasok man lang kita sa isa dun. May sampu kaming restaurant branches sa buong Pilipinas. Puwede ka dun.” Ani pa ni Nathalie.

“Girl hindi na kailangan, pero salamat. At huwag kang mag alala regular ang check up ko. So far clear pa naman tayo sa virus.”

“At huwag mo na talaga pangarapin pa na magkaron noh. Basta promise, titingnan ko kung paano kita matutulungan, kayo ng mga kaibigan mo. Para magkakasama parin kayo. Tsaka kung bet mo tumuloy ng college sasabihin ko kina dad na ipasok ka bilang scholar sa foundation nila. Ngayong magkaibigan na tayo, aasahan mo na lagi ang tulong ko. Sayang ka girl.” Saad ni Nathalie.

Sa puntong iyon hindi na napigil pa ni Megan ang tuwa at saya na kanina niya pa pinipigilan sa loob. Bigla na lamang ito naluha nang nakangiti habang tinititigan si Nathalie. Maya-maya niyakap na nito ang babae tsaka napahagulgol na lang ng iyak. Gumanti rin ng yakap si Nathalie kay Megan na hindi na rin napigil ang luha. Nasa ganun silang tagpo nang dumating si Zyone na nagmamadali at humahangos. Nahinto ang iyak ng dalawa dahil sa sinabi ni Zyone.

“Nathalie ang dad mo tsaka iyong kaibigan nila nagsusuntukan sa labas.”

Dali-dali namang bumaba si Nathalie para sa ama, nakasunod sa kanya si Megan samantala dumeretso ng rooftop si Zyone para ibalita rin sa iba ang nangyari sa baba. Naawat na ng mga asawa ang tatlo nang makita ni Nathalie. Nilapitan agad nito ang mga magulang.

“Mommy, daddy anong nangyari? Bakit dumudugo ang bibig mo?” Pag-alalang tanong ni Nathalie sa ama.

“Jane nasaan na ang kuya mo? Alis na tayo.” Tanging sabat ni Karl. Nakasalubong ang mga kilay nito na nakatingin kay Karding tsaka pumasok ng kotse.

“Jane, tawagin mo na ang kuya mo at uuwi na tayo. Dito ka na sa amin ng dad mo sumama.” Wika ni Jessica sa anak bago ito sumunod kay Karl sa kotse.

Sakto naman at nakababa na rin sina Nate kaya sinabihan na ito ni Nathalie. Matapos magpaalam kay Megan sumakay na ng kotse ng ama si Nathalie.

“Gib, Kaloy, Vince mauna na rin siguro ako. Mag usap na lang tayo bukas. Sundan ko na muna sina dad baka ako pa pag-initan nun.” Ani ni Nate nang nagpaalam ito sa mga kaibigan.

“Itinawag na kita ng masasakyan mo pauwi sa inyo pare. Iwan mo na lang muna rito ang kotse mo. Naka-inom ka na kasi, baka mapano ka pa sa daan.” Sabat ni Kaloy sa kanya.

“Hindi pa naman ako lasing pare, kaya ko pa naman magmaneho. Tsaka ilang beses na rin ako nakauwi sa amin ng nakainom, wala namang nangyayari sa akin.” Nakangising tugon ni Nate.

“Huwag ka na maghintay na meron pang mangyari sa iyong masama. Sumunod ka na lang kay Kaloy, maya lang nandito na rin iyong tnvs na tinawagan namin.” Wika pa ni Gibo.

Sumang-ayon narin si Nate sa dalawa. Nang kumalma na talaga ang tensiyon tsaka lang nilapitan ni Kaloy ang mga magulang para usisain tungkol sa nangyari.

“Nagkaroon lang di pagkakaunawaan ang  tito Jasper mo at ang daddy ni Nate, umawat lang ang tatay mo. Alam mo naman ang mga lalake pagnakainom mabilis uminit ang ulo. Tsaka lasing narin talaga kanina pa ang tito Jasper mo. Huwag mo na alalahanin ang tatay mo Nak, bumalik ka na dun sa mga kaibigan mo. Bukas ka na mag tanong kung may mga katanungan ka pa. Siya nga pala, si Nate huwag mo hayaang mag drive pauwi, kung maari dito mo na lang iyan patutulugin. Tatawagan ko na lang si Jessica.” Ani ni Tess kay Kaloy.

“Magkakilala pala kayo ng mommy ni Nate, nay.” Sambit ni Kaloy na napangiti.

“Kuwan dati, pero sila talaga ng tatay mo ang magkaibigan noon.” Sabat ni Tess sa anak.

“Naging jowa siya ni Tatay dati?”

“Naku hindi, walang ganun…hay naku sa susunod ka na sa akin magtanong tungkol diyan at gagamutin ko muna ang mga gasgas ng tatay mo sa braso. Natumba rin kasi ang tatay mo kanina dun sa mga paso. Sige na balikan mo na ang mga kaibigan mo. Pasensya na kamu kung naputol ang kasiyahan niyo kanina.” Saad pa ni Tess.

Dahil na rin sa nangyari nagpasya narin sina Gab na umuwi na lang din. Kasama ang asawang si Sol nakisabay narin sa kanila si Seth, samantala nagpa-iwan naman si Stella para anak na si Gibo. Sa kabila ng gulong nangyari tinuloy parin nila Kaloy ang naudlot na kasiyahan sa rooftop. Inabot na ng hating gabi ang lahat at sa mga sandaling iyon wasak na sa kalasingan sina Megan at ang mga kaibigan nito. Halos hindi na nga makatayo ang apat kaya minabuti na lang ng mga lalake na doon na lang ito pagpahingahin sa rooftop. Sina Burnok at Paquito na ang nagkusang ayusin ang higaan ng apat.

“Naisip mo ba ang naiisip ko tol?” Tanong ni Burnok kay Paquito ng pabulong.

“Gago ka ba, paano kung mahuli tayo ni Kaloy lagot tayo.” Sabat ni Paquito.

“Wala na ang mga iyan dito mamaya. Tsaka maiintindihan naman tayo nun noh. Eh kung mahuli man tayo, yayain na din natin siya para masaya. Kanina pa kasi ako tinitigasan sa apat na ito eh. Kahit isa man lang sa kanila, maka score ako ayos na iyon.” Nakangising sagot ni Burnok.

“Manyak ka talagang gago ka. Paano kung magising ang mga iyan at magreklamo ng rape. Eh di kulong tayo. Palibhasa umaapaw na ang tamod mo sa utak kaya kung ano-anong kamanyakan na lang naiisip mo. Mga kaklase at kaibigan pa rin iyan ni Kaloy. Mag-isip ka nga tol.” Wika ni Paquito na di sang-ayon sa ideya ng kaibigan.

“Ang KJ naman nito oh. Minsan na lang tayo nagpapantasya babasagin mo pa.” Ang napakamot na lang ng ulo na sambit ni Burnok.

“Kung libog na libog ka na diyan, dun sa banyo mag salsal ka. Doon mo ilabas lahat ng pantasya at kamanyakan mo. Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo.” Ani pa ni Paquito.

“Kunwari ka rin eh noh. Ikaw nga dun kanina panay ang kambiyo mo ng titi mo sa shorts mo habang kausap si Yen eh.”

“Nakakalibog din naman kasi iyong usapan natin kanina. Pero hindi ibig sabihin nun mamanyakin ko na sila. Kahit ganyan ang mga iyan, babae pa rin sila tol. Kailangan parin nila ng respeto.” Sabi pa ni Paquito.

Napailing na lang si Burnok sa kaibigan at hindi na iginiit dito ang plano. Lasing narin nun si Evan kaya sumimple na itong nagpaalam kina Kaloy at Vince na mauna  ng mag pahinga. Ka-akbayan nito nun si Zyone nang lumapit sa dalawa.

“Pare mauna na kami sa inyo, hindi na kaya ng ulo ko ang uminom pa. Inaantok na rin ako. Sama ko na rin itong si Zy, lasing na rin eh. Dun ko na siya patutulugin sa kuwarto ko.” Ani ni Evan.

“Sige pare, ingat na lang kayo sa hagdan pagbaba baka mahulog kayo. Ikaw na ang bahala kay Zy mukhang nasobrahan na rin iyan. Mamaya matutulog na rin kami. Tatapusin lang namin itong bote.” Tugon ni Kaloy.

Nang tatlo na lang sila ang naiwan sa harapan ng bonfire, nagpaalam na rin si Gibo kina Kaloy at Vince na magpahinga na. Sinamahan naman si Gibo ni Paquito na ihatid sa silid nito. Sumunod din na bumaba si Burnok kaya tanging naiwan na lang dun sa rooftop na gising pa at ang dalawa Kaloy at Vince.

“Mukhang tahimik na ang paligid baby love. Tayo na lang ang nandito.” Wika ni Vince kay Kaloy habang dahan-dahan nitong pinapagapang ang mga daliri sa hita ng lalake.

“Teka lang baby baka gising pa ang apat at makita tayo. Gawin na lang natin ito sa kuwarto, magagawa pa natin ang lahat ng gusto natin.” Nakangiting sabi ni Kaloy habang pinapansin ang mga natutulog na kaklase.

“Lasing na ang mga iyan magising man iyan at makita tayo wala rin sila maalala bukas. Tsaka trip ko ngayon mag outdoor baby love. Tamang-tama ang liwanag pa ng buwan, nakakadagdag ng romantic ambiance sa paligid.” Sabat ni Vince sabay dakma sa matigas ng tarugo ni Kaloy.

Sinimulan agad nitong pagapangin sa leeg at bibig ni Kaloy ang kanyang bibig habang dinidilaan ang lalake. May pag-aalangan man sa ginagawa nila hindi na rin napigil ni Kaloy ang libidong kumakawala sa tarub nito. Lumaban ito ng romansahan kay Vince. Habang naglalaplapan ng mga labi, isa-isa ng natatanggal ang kanilang mga saplot sa katawan. Hanggang sa kapwa na silang hubo’t hubad sa harapan ng bonfire. Umaatikabong bakbakan na naman ang pinagsaluhan ng dalawa. At sa kanilang talpakan, si Vince parin ang nakabukaka habang si Kaloy ang umaayuda sa kanya.

“Yes baby love, isagad mo pa ng todo. Harder pa baby…ang sarap mo talaga bumayo. Ramdam na ramdam ko ang ulo at taba ng kabutitee mo sa loob ko. Ang sarap…” Sambit ni Vince habang kinakayod ito ni Kaloy.

“Baby ang tambok talaga ng bibol mo, ang sarap kayurin — Ang sarap mong bayuhin baby love…puta baby love, sige ipitin mo pa ng butas mo ang tarub ko…ang sarap.” Tugon naman ni Kaloy na sinundan pa ng nakakalibog na ungol.

Salitang pinapasok ni Kaloy ang kanyang turon sa bibig at butas ni Vince na malugod namang tinatanggap ng lalake. Sa tuwing nararamdaman na ni Kaloy ang napipintong pagsabog humihinto ito para isubo naman ang longganisa ni Vince. Hindi pa ito handang ipagkaloob ang kanyang butas at naiintindihan naman iyon ni Vince kung kaya sa ibang paraan ito bumabawi sa lalake. Natutunan na rin ni Kaloy kung paano ang tamang paggamit ng bibig sa pagsubo, dahilan kung bakit na i-enjoy na rin ni Vince ang pagkain sa kanya.

“Ang galing mo na baby love, hindi na sumasayad ang ngipin mo sa ulo ng tuko ko. Ang sarap mo nang sumubok baby.” Ani pa ni Vince habang subo-subo ito ni Kaloy.

Nakahiga sa mahabang sementadong upuan si Vince habang nasa paanan naman nito si Kaloy na sumisisid sa kanya. Nasa ganun silang tagpo nang dumating si Paquito sa rooftop para sana kunin ang cellphone nito, at iyon ang inabutan niya sa dalawa. Namilog ang mga mata ni Paquito sa gulat nang makita ang sitwasyon ng dalawa. Napabalikwas naman ng tayo ang dalawa na agad nagtakip ng mga sarili nang makita si Paquito na nakatayo sa bungad ng rooftop. Hindi alam ng dalawa kung ano ang gagawin sa sarili. Mabilis na dinampot ni Vince ang mga hinubad nilang damit at ibinigay kay Kaloy. Hiyang-hiya ang dalawa kay Paquito.

Si Paquito naman natulala sa nakita. Hindi rin nito alam kung ano ang magiging reaksyon sa kanyang nasaksihan. Nahiya rin ito sa dalawa kaya napaatras na lamang ito para bumalik sa baba ngunit pinigilan ito ni Kaloy. Tsaka kinausap.

“Tol kung ano man ang nakita mo sa amin, sana…sa atin na lang. Kuwan kasi…ang totoo niyan may relasyon na talaga kami ni Vince. Tinatago lang namin. Hindi pa kasi ako handa na sabihin ito kina nanay. Kaya pakiusap tol. Ilihim mo na lang kung ano man ang nakita mo, puwede?” Pakiusap ni Kaloy kay Paquito.

“Wag ka mag alala tol,…makakaasa ka walang makakaalam. Mananatili ang sekreto niyo. Sige…babalik na ako sa baba, kinuha ko lang itong cellphone ko. Vince pare, mauna na ako. Tuloy niyo lang sisiguraduhin kong wala ng iistorbo sa inyo.” Tugon ni Paquito tsaka bumaba na.

Nang makaalis si Paquito napasapo na lang ng kamay sa mukha si Kaloy. Hindi na ito mapakali. Bagama’t kita nanamang sinseridad ni Paquito sa pangako nito may pag-aalala parin sa parte ni Kaloy na hindi niya mawari. Maging si Vince biglang nahiya para kay Kaloy.

“Sorry baby love, kasalanan ko rin kasi…nahuli tuloy tayo.” Ani ni Vince habang pinapakalma si Kaloy.

“Ginusto naman natin iyon baby kaya wag ka mag sorry. Iniisip ko lang… pano kaya kung umamin na lang ako kina nanay tungkol sa atin. Siguro naman maiintindihan nila ako. Pero inaalala ko rin si tatay, paano kung hindi niya tanggap na ganito ako na nakipagrelasyon ako sa kapwa ko lalake…” Wika ni Kaloy.

“Mapagkakatiwalaan naman si Paquito diba? Siguro naman hindi ka niya isusumbong. Hindi niya ipagkakalat ang nakita niya sa atin.” Sabat ni Vince.

“May tiwala naman ako kay Paquito. Pero hindi hanggang kelan maililihim natin sa iba ang relasyong ito. Lalo pa at nakapublic sa social media mo ang tungkol sa atin. Ngayon pa at nalaman din natin na dati na pala sila nanay at tatay may koneksyon sa mga parents niyo.  Sina tito Seth, ang daddy ni Nate, and daddy ni Gab, dati pa lang magkaklase nung highschool sila. Kahit anong tago natin malalaman din nila nanay ang tungkol sa atin.” Ayon pa kay Kaloy.

“Kung ano man ang mangyari, nandito lang ako sa tabi mo baby love. Hindi man tayo tatanggapin ng mundo… Gagawa tayo ng sarili nating mundo na tayo lang ang magkasama. Sabihan mo lang ako kung kelan ka na handa sa parents mo at sabay tayong aamin sa kanila.” Saad ni Vince sa kasintahan.

“Salamat baby love,…I love you.”

“I love you too baby love.” Tugon pa ni Kaloy tsaka hinalikan si Vince sa bibig.

Naputol na ang libog ng dalawa sa katawan kaya naisipan na lang nila na palipasin na lang ang gabing iyon na magkayakap sa isa’t isa habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Hindi na rin sila umalis ng rooftop para mabantayan ang mga natutulog na babae roon. Nang mga sandaling iyon balisa naman si Paquito sa kanyang higaan. Hindi maalis sa isipan nito ang tagpong inabutan niya kanina kina Kaloy at Vince. Na kahit anong pilit nitong ibaling sa iba ang isip ang tagpo pa rin na iyon ang kanyang nakikita. At sa di niya maipaliwanag na dahilan nakakaramdam ito ng init sa katawan habang naiisip ang ginagawa ni Kaloy kay Vince. Hanggang sa nahuli na lang nito ang sarili na nilalaro na ng kanyang palad ang matigas na nitong tarub.

“Tang ina ka tol, hindi ko alam na kumakain ka rin pala ng tarub. At ang sarap niyo kanina panoorin ni Vince,… puta ang sarap niyo saluhan kanina…” Sa isip pa ni Paquito.

Nakapikit si Paquito habang binabayo ang sarili. Wala itong kamalay-malay na kanina pa pala ito pinagmamasdan ni Burnok na nasa kabilang kama lang. Saglit pa at hinubad na talaga ni Paquito ang shorts at briefs nito tsaka pinagpatuloy ang ginagawang pag-jajabol sa sarili. Habang pinapaligaya ni Paquito ang sarili, hindi naman nakatiis si Burnok na sabayan ang kaibigan. Tinablan din kasi ito ng libog habang pinagmamasdan si Paquito. Dahil sa paggalaw ni Burnok, lumangit-ngit ang spring ng kama, kaya napadilat si Paquito dahil sa ingay. Napatingin ito sa direksyon ni Burnok, at agad ito nakatakip ng unan nang makita ang nakangising kaibigan na nakatingin sa kanya habang binubomba rin ang naghuhumindik sa katigasang tarub.

“Sige lang tol tuloy mo lang, sasabayan kita. Teka sino ba ang ini-imagine mo sa apat? Tigas na tigas ah.” Sambit pa ni Burnok habang nakangisi kay Paquito.

“Tang ina ka, akala ko tulog ka na…” Sabat ni Paquito na nailang sa kanyang ayos.

Nang bumangon si Burnok mula sa kama nito tsaka lumapit sa kama ni Paquito habang himas-himas parin ang kabutitee nito. Naupo ito sa paanan ng kaibigan dahilan para mapaupo rin si Paquito.

“Narinig kasi kitang pumasok kanina kaya nagising ako. Tara na tol, paraos tayo.” Pang uudyok pa ni Burnok.

“Gago ka ba, magjakol ka diyan mag-isa uy. Bumalik ka na dun sa kama mo. Matutulog na ako.” Wika ni Paquito.

“Teka lang, mamaya ka na matulog tol. Alam ko libog na libog karin ngayon tulad ko. Kaya sige na, magsabayang jabol tayo. Walang malisya tol, libog lang…” Ani ni Burnok.

Lumapit pa ito kay Paquito at pumuwesto sa pagitan ng mga binti ng kaibigan tsaka tinanggal ang unan na pinangtakip ni Paquito sa hito nito. Napangisi muli si Burnok nang makitang hindi pa humuhupa ang paninigas ng tarub ng kaibigan. Pilit naman itong pinapaalis ni Paquito sa kanyang harapan, ngunit may pilyong balak ang isa na gawin sa kaibigan. Bigla na lang hinila ni Burnok ang mga hita ni Paquito palapit sa kanya. Sa ayos ng dalawa magkadikit na magkatapat ang kanilang mga naglalakihang tarub sa isa’t isa. Saglit pa at sabay na hinawakan ni Burnok ang kanilang mga tarub tsaka marahang hinimas himas. Nakaramdam ng kakaibang kiliti si Paquito nang hinawakan ni Burnok ang kanya at ikiniskis iyon sa tarugo ng lalake.

“Puta ka tol ano iyang ginagawa mo? Kanino mo natutunan ito?” Tanong ni Paquito na tila nagugustuhan na ang ginagawa sa kanya ni Burnok.

“Di na mahalaga kung saan ko ito natutunan, ang mahalaga nasasarapan ka. Lumapit ka pa ng husto sa akin tol tapos salitan tayo sa pagbayo.” Tugon ni Burnok.

Salitan ngang nagbayuhan ang dalawa. Unang karanasan nilang ginawa ang ganun, ngunit madali nilang nakasanayan ang isa’t isa. Lalo na si Paquito na ramdam na ramdam ang bawat paghagod ni Burnok sa kanya tarub. “Tol subo mo ako…sige na…” Biglang hiling ni Paquito kay Burnok.

“Teka… ano? Tol hindi ako bakla noh, tsaka ang usap jakolan lang walang subuan. Mag palabas ka na lang kasi,…ako malapit na.” Sabat ni Burnok habang mabilis na binabayo ang sarili.

Nang biglang kinabig ni Paquito ang ulo ni Burnok palapit sa kanya tsaka ginawaran ito ng marubdob na halik sa labi na ikinabigla ng kaibigan. Masuyong nilaplap ni Paquito ang bibig ni Burnok habang sinasabayan ng pagbayo sa kanyang tarug. Sa simula pilit pa na umiiwas si Burnok, ngunit sa galing ni Paquito at sa sarap ng malambot nitong labi kung makahalik, nagpaubaya ito at sa halip sinabayan din nito ang mga paghalik sa kanya ng lalake. Naging mapusok at maalab ang salpukan ng kanilang mga labi at dila habang nakikiskisan ng mga tarub sa isa’t isa, hanggang sa sabay na nga sila nagpaagos ng kanilang mga katas ng kalibugan. Sa dami ng kanilang inilabas halos mabalot ng kanilang mga dagta ang katawan ng kanilang mga tarub na nanatiling magkadikit.

“Hayop ka tol ang sarap mong humalik puta.” Wika ni Burnok.

“Ang sarap mo rin sa halikan gago. May pa dila ka pang nalalaman. Saan mo ba natutunan iyon? Hindi ka pa naman nag ka girlfriend ah. Pero kung makahigop ka ng dila ko kanina parang expert talaga.” Napangiting sabi ni Paquito habang pinupunasan ng kumot ang kanyang tarub.

“Nadala lang naman ako sa ginawa mo. Grabe tindi ng ginawa natin. Di ko akalain na lalabasan din pala ako sa kapwa titi. At na-enjoy ko siya ng todo tol. Iba ang sarap mo.” Ang natawang tugon ni Burnok.

Matapos ang ginawa ng dalawa, tila wala lang nangyari na natulog ang dalawa sa kani-kanilang mga kama.

Sakto namang pag-uwi ni Nate sa kanila at nag-uusap sina Karl at Jessica habang nilalagyan ng ina ng ice pack ang namamagang pisngi ng ama. Naroon din si Nathalie sa may sala at nagpipindot ng cellphone sa may couch. Agad nilapitan ng binata ang ama at kinamusta ito. “Nagmaneho ka ng lasing?” Tanong ng ina nito.

“No ma, tinawagan ako ni Kaloy ng tnvs para ihatid dito. Pinaiwan sa akin ang kotse ko dun sa kanila. Bukas ko na lang iyon babalikan. Dad, mommy sorry nga pala kung nagsinungaling kami ni Jane sa inyo. Akala kasi namin hindi niyo kami papayagan. Kung alam lang namin na imbitado rin pala kayo sumabay na kami sa inyo.” Sabat ni Nate.

“Pero nagsinungaling parin kayo. Dumeretso ka na sa kuwarto mo at magbihis.” Ani ng ina.

“Dad ayos ka lang ba?” Tanong muli ni Nate nang mapansin ang pananahimik ng ama.

“Alam ba ng mga magulang ni Kaloy ang ginagawa ng kanilang anak?“tugon na tanong ni Karl sa anak.

Nagtaka naman si Nate kung bakit iyon ang sinagot sa kanya ng ama. Kaya nilinaw nito ang ibig sabihin ng ama. Agad naman pinunto ni Karl ang tungkol sa relasyon ni Kaloy at Vince. Saglit na natigilan si Nate tsaka sumagot. “Mukhang hindi deh. Ewan hindi ko alam. Bakit deh? Dahil ba kina Kaloy kung bakit kayo nagkainitan kanina?” Tanong ni Nate.

“Wala ka ng pakialam dun. Tsaka ikaw ayoko ng bumabarkada ka kay Vince. Hindi siya magandang impluwensya sa inyo. Pagsabihan mo si Kaloy walang patutunguhan ang pakikipagrelasyon niya sa baklang iyon. Ang babata niyo pa pero kung ano-ano na ang naiisip niyong gawin. Sige na magpahinga na kayo ni Jane.” Ani pa ng ama.

Biglang naguluhan si Nate sa sinabi ng ama. Napailing na lang ito na tinawag ang kapatid para pumasok na sa kani-kanilang silid. Maging sa paghiga napapatanong parin si Nate sa sarili kung bakit iyon ang sinabi ng ama na para bang may halong concern para kay Kaloy ang pagkasabi nito.

Dumaan ang mga sumunod na araw, nang may napuna ang magkapatid sa kilos ng kanilang mga magulang.

SAME FEATHER

Maagang sinundo ni Evan si Kaloy sa kanila para ihatid ito sa eskuwelahan. Dahil maaga silang nakabiyahe, mabilis lang sila nakarating ng Bayag-bayagan. Ngunit ang isang magaan na umagang iyon biglang nabahiran ng pagtataka nang sa malayo pa lang napansin na ng dalawa ang ama ni Nate na nakasandal sa kotse nito habang nakaparada sa tapat ng gate ng eskuwelahan. Kaya sa halip na huminto sa tapat ng gate, iginilid ni Evan ang kotse sa kabilang side ng kalye sa utos ni Kaloy.

“Ano kaya ang ginagawa ng daddy ni Nate dito?” Pagtataka ni Kaloy.

“Baka may kakilala lang na guro sa eskuwelahan niyo.” Sabat ni Evan.

“Baka nga siguro, tila may hinihintay siya eh. Sige pare dito na lang ako. Siya nga pala wag mo na ako sunduin mamaya may lakad kasi kami after ng klase.” Wika ni Kaloy.

Biglang napa-ismid si Evan habang nakatingin sa side mirror ng kanyang kotse. Tanaw kasi nito si Dax na mabilis na tumatawid ng kalsada papunta sa direksyon nila.

“Sino ang kasama mo mamaya? Si Dax? Naku sinasabi ko na sa iyo pare, wala talaga akong katiwa-tiwala sa isang iyan. Ewan ko ba, basta malakas ang pakiramdam ko na malaking fake ang mahangin na iyon.” Ani ni Evan na hinihintay ang papalapit na si Dax sa kanila.

“Na a-appreciate ko ang concern mo pare, pero ako na ang magsasabi sa iyo mabuti si Dax kaya huwag kang mag-alala.—speaking…sige pare mauna na kami nariyan na si Dax.” Nakangiting sabi ni Kaloy.

Pagkababa ni Kaloy ng kotse agad naman siya inakbayan ni Dax, tsaka sabay na tumawid ng kalsada ang dalawa. Sa kotse naiwan si Evan na nakasalubong parin ang mga kilay habang sinusundan ng tingin si Dax. Hindi talaga mawari ni Evan ang sarili kung bakit sa tuwing nakikita nito si Dax at tila kumukulo ang dugo niya sa lalake. Hindi agad ito umalis dun kaya nakita pa nito nang harangin ni Karl sina Kaloy nang akma na sana sila papasok ng gate.

Nang sandali naman na iyon saktong tumatawag sa kanya si Vince. Agad niya itong sinagot.

“Pasensya na pare, hindi ko kasi matawagan si Kaloy kaya nagbabakasakali ako sa iyo na baka magkasama pa kayo.” Wika ni Vince mula sa kabilang linya.

“Nakababa lang ni Kaloy, nakasilent yata ang cellphone niya kaya di niya narinig ang tawag mo. Pero kung may sasabihin ka sa kanya puwede ko naman siya lapitan. Hindi pa naman siya nakakapasok sa eskuwelahan nila kasi kinakausap pa siya ngayon ng dad ni Nate.” Tugon ni Evan.

Laking pagtataka naman ni Vince nang marinig kay Evan na naroon sa eskuwelahan ni Kaloy ang ama ni Nate kaya napausisa ito kay Evan. “Ano naman daw ang pakay ng dad ni Nate kay Kaloy?”

“Di ko rin alam, basta pagkarating namin kanina ni Kaloy nakita na namin siyang nakaabang sa may tapat ng gate ng eskuwelahan. Pero sa nakikita ko ngayon mukhang si Kaloy talaga yata ang sadya na rito.” Sagot ni Evan.

Naging palaisipan din kay Vince ang presensya ni Karl sa eskuwelahan ni Kaloy ng araw na iyon.

Habang kaharap naman ni Kaloy si Karl hindi nito maintindihan ang sarili na para bang naiilang na kinakabahan ito na nakatitig lang sa ama ni Nate. “Sir bakit po?” Mahinang tanong ni Kaloy kay Karl.

Natitig lang sa kanya si Karl na tila ba sinusuri ang pagmumukha nito. Nagulat nalang ito at nagtaka nang bigla na lamang siya niyakap ni Karl ng mahigpit tsaka tinawag na anak. Akala pa nung una ni Kaloy nagkamali lang ito nang dinig, ngunit habang yakap ito ni Karl muli siya nitong tinawag na anak. Hindi rin naintindihan ni Kaloy ang sarili kung bakit hindi man lang ito tumutol sa pag yakap sa kanya ng ama ng kaibigan, sa halip tumugon pa nga ito ng yakap kay Karl. Ngunit agad din ito bumitaw sa lalake nang maramdamang napahigpit na rin ang yakap sa kanya ni Karl.

“Teka sir, ano ba ang nangyayari? Bakit niyakap niyo na lang ako bigla?—tsaka bakit niyo ako tinawag na anak?” Tanong ni Kaloy na naguguluhan sa ikinilos ni Karl.

“Magkita tayo after ng klase mo, maghihintay ako rito. May pag-uusapan tayo. May dapat kang malaman tungkol sa iyo.—sige pumasok ka na sa klase mo mamaya na tayo mag-uusap.” Ang nakangiting tugon ni Karl sabay tapik sa balikat ni Kaloy.

Naiwan ang pagtataka sa mukha ni Kaloy sa sinabi ni Karl. At mas naguluhan pa ito nang makita ang maluha-luhang mga mata ng lalake habang nakatitig sa kanya na nakangiti. Mabilis na bumalik si Kaloy kay Dax na naghihintay sa may entrada ng gate. Ngunit habang papalayo ito, panay parin ang lingon nito sa ama ni Nate na nakatingin pa sa kanya. Tahimik lang si Kaloy na pumasok ng gate, pilit pinoproseso sa utak ang nangyari kanina lang sa labas ng gate.

“Sino iyon? Papa mo?” Tanong ni Dax kay Kaloy.

“Ah hindi kakilala lang ni tatay,” sagot ni Kaloy.

“Akala ko papa mo, magkamukha kasi kayo. Siya nga pala…so ano sasama ka ba sa amin mamaya?” Ani ni Dax.

Napaisip muli si Kaloy sa napansin ni Dax at sa pagtawag sa kanya ni Karl na anak. “Next time na lang siguro, may pupuntahan kasi ako mamaya. Pero sa susunod sasama ako sa inyo.” Sabat ni Kaloy. Balak niyang kitain ng araw na iyon ang ama ni Nate, para na rin malinawan sa ibig sabihin nito sa pagtawag sa kanya na anak.

Nang mismong araw din na iyon nalaman na rin ni Nate mula kay Vince ang pagpunta ng ama sa eskuwelahan ni Kaloy. Maging siya ay wala rin alam kung bakit nagpunta roon ang ama. Ngunit nag-alala ito na baka may kaugnayan ang pagpunta ng ama sa nangyari noong nakaraan sa bahay nila ni Kaloy. Nabanggit din nito kay Vince ang mga napapansin nito sa kanyang ama buhat ng dumalo ito sa kaarawan ng ama ni Kaloy.

“Madalas ko na nga na naririnig sa kanya ang pangalan ni Kaloy eh. Baka nga pinagdududahan narin kami nun ni Kaloy na may something. Kilala mo naman si dad kung gaano iyon ka galit sa mga bakla. Baka kung ano-ano na ang pinagsasabi nun kay Kaloy.” Pag-aalala ni Nate.

“Iyon nga rin ang inaalala ko. Nakakapagtaka lang bakit nag effort pa talaga ang dad mo na puntahan dun si Kaloy. Grabe naman si tito Karl ka higpit sa iyo. Paano na lang pala kapag nalaman ni tito na ang nagiisa niyang barakong anak ay barbie rin pala? Ano kaya ang mararamdaman ng dad mo?” Ani ni Vince sa kaibigan.

“Problema ko nga rin iyon kung paano ko ilalatag sa kanya ang sarili ko. Buti na lang din at nakapag out na ako kay mommy—Hindi na ganun kabigat ang karga ko sa loob. Pero kay dad kasi mukhang hindi ko pa talaga kayang umamin.” Tugon ni Nate na napabuntong hininga na lang ng malalim.

Nasa ganu’ng pag-uusap ang dalawa ng tumawag kay Nate si Gibo. Naputol ang kuwentuhan ng dalawa sa pagtawag ni Gibo kay Nate kaya minabuti muna ni Vince na bumili muna ng makakain nila ni Nate sa cafeteria. Patungo na ito ng cafeteria nang makasalubong nito si Dustin na nakangiti sa kanya. Binati naman nito ang kaibigan at tumugon ng ngiti rito. “Nakakamiss naman ang ngiti na iyan bro.” Wika ni Dustin kay Vince.

“Bakit naman? Araw-araw naman tayo nagkikita rito.” Sabat ni Vince.

“Madalang ka na lang kasi sumasabay sa barkada. Tuwing may group task pa. Na miss ka na ng lahat bro. Ang tamlay na ng barkada buhat nang lumayo ka na sa amin. Tapos pati sina Nate hindi na rin sumasabay sa grupo.” Ani pa ni Dustin.

“Pasensiya na dude, pero sa nakikita ko mukhang hindi naman ako kailangan sa grupo niyo. Ikaw lang naman yata ang may gusto na bumalik ako. Tsaka ayos na sa akin na maliit lang iyong nakapaligid sa akin, pero tanggap ako.” Nakangiting tugon ni Vince.

“Nahihiya lang sila sa’yo bro, pero tanggap ka naman nila. Lalo na ako tanggap kita kahit ano ka pa. At kahit kailan di nagbago ang pagkakilala ko sa iyo bro. Actually mas na appreciate pa kita lalo nung mag out ka.”  Sambit pa ni Dustin sabay hawak ng kamay ni Vince.

Nabigla naman si Vince kaya agad din niya binawi ang kamay mula kay Dustin. Tinititigan lamang siya ng kaibigan na tila ba may nais itong sabihin sa kanya. Kinabahan naman bigla si Vince sa mga pagtitig sa kanya ng kaibigan. Halos tumatagos kasi sa laman niya ang mga tingin sa kanya ni Dustin. Agad itong nagdahilan sa kaibigan para iwasan na ito ngunit sa halip na lubayan, tila naging makulit pa ito sa kanya.

“Libre na kita bro, ako ang bahala tara na sa cafeteria sasamahan kita.” Saad pa ni Dustin sabay akbay kay Vince.

“Kuwan kasi bro, hinihintay kasi ako ni Nate dun sa may bench. Baka mainip sa akin iyon.” Sambit ni Vince.

“Eh di sasabay na lang din ako sa inyo. Tsaka libre ko na kayong dalawa. Ano ba gusto ni Nate?” Nakangising sabi ni Dustin.

“Hindi ka ba hinahanap nila Xander? Si Yessa baka naghihintay na iyon sa iyo.” Wika pa ni Vince lamang malusutan si Dustin.

“Nasa basketball court sina Xander, si Yessa naman lumabas ng Victor kasama sina Bella. Kaya nga solong-solo ako ngayon.” Sagot ni Dustin na wala talagang balak na lubayan si Vince.

May ibang kutob na si Vince sa mga pahaging sa kanya ni Dustin ngunit hindi naman niya ito binibigyan ng malalim na kahulugan. Ayaw naman nitong pangunahan ang intensiyon ng kaibigan at baka talagang nais lang nito mabuo muli ang dating barkada. Mula cafeteria kasama na ni Vince si Dustin nang bumalik sa pinagiwanan nito kay Nate. Ngunit wala na roon ang lalake nang dumating sina Vince.

“Mukhang nainip na nga siguro sa iyo si Nate kaya umalis na lang.” Wika ni Dustin.

“Ang haba rin kasi ng pila dun.—pano na ngayon itong para sa kanya?”

“Pagsaluhan na lang nating dalawa. Tapos kung bumalik iyon dito, ibibili ko na lang siya ng bago.” Hirit naman ni Dustin.

Wala nang nagawa pa si Vince kundi ang pagbigyan ang trip ni Dustin. Sinubukan naman nitong tawagan sa cellphone si Nate ngunit busy ang numero nito. Kinatuwa naman ni Dustin ang sandaling iyon na kasama si Vince na kumakain habang nagkukuwentuhan.

Sumapit ang oras ng uwian. Bandang alas sais na ng gabi sa mga oras na iyon; Nasa labas ng gate si Tess nun habang kakuwentuhan si Stella nang mapadaan ang kotse ni Evan.

“Nak si Kaloy bakit di mo sakay?” Tanong ni Tess kay Evan nang mapansin na mag-isa lang ang lalake sa kotse nito.

“Good evening tita, may lakad daw po yata sila ng mga kaklase niya. Mag ta-taxi na lang daw siya pauwi. Di naman niya nabanggit kung saan ang punta nila, nakalimutan ko rin kasing itanong. Don’t worry tita tatawagan ko na lang siya mamaya, nang masundo ko narin.” Tugon ni Evan.

“Ganun ba, sige mabuti pa nga.—uuwi ka pa ba? Dito ka na maghapunan Nak.”

“Sige po tita, magbibihis lang ako sa bahay then babalik ako rito.”

Doon na nga naghapunan si Evan kina Tess. Alas otso na ng gabi ngunit wala parin si Kaloy. Hindi rin ito matawagan ni Evan. Doon na nag-alala sina Tess at Karding. Hindi rin mapakali nun si Evan lalo pa at alam nito na kasama ni Kaloy si Dax. Iba ang kutob nito. Kaya agad muna ito nagpaalam kina Tess para suyurin si Kaloy sa paligid ng eskuwelahan nito.

Habang nagmamaneho, pumasok sa isip ni Evan na puntahan si Dax sa bahay nito. Lalo pang hindi mapalagay si Evan nang malaman kay Zyone ng tinawagan niya ito na huli raw nito nakita si Kaloy na kasama si Dax na nag-aabang ng jeep sa may sakayan malapit sa eskuwelahan at tanging sila lang dalawa ang magkasama.

Minsan na naihatid ni Evan si Dax kaya alam na nito ang bahay ng lalake. Nasa malapit lang naman ang lugar nila Dax sa eskuwelahan ng Bayag-bayagan at may isang sakayan lang ito ng jeep mula eskuwelahan papunta roon. Kaya nang malaman kay Zyone na nakita nito ang dalawa sa sakayan ng jeep, ang hinala agad ni Evan ay dumayo si Kaloy sa bahay nila Dax. Ang pag-alala ni Evan ay udyok na rin selos na hindi mapigil ng lalake kay Dax. Paliko pa lang ang kotse ni Dax sa kalye papunta sa lugar nila Dax nang mapadaan ito sa tila isang komosyon ng mga kalalakihan na nakauniporme pa ng Bayag-bayagan sa labas ng isang bilyaran sa gilid ng kalsada. Dahil sa mga estudyante ng Bayag-bayagan high school ang mga nagbabangayan doon, saglit na napahinto si Evan para usisain kung kabilang sa mga iyon si Kaloy. Ngunit iba ang nakita niyang nandoon.

“Tang ina ka rin ano, bakit ikaw ba may ari ng bilyaran?!!! Sino ka para pagbawalan kami rito ha?!!! Tang ina ito!” Ang nagwawalang si Dax habang tinutulak palabas ng dalawang lalake sa isang billiard bar.

“Matapos kayo manggulo noon dito sa tingin mo ba welcome pa kayo rito? Tsaka sa amin nga ito, kaya may karapatan ako kung sino lang ang puwede kung papapasukin dito gago!” Tugon ni Travis na kalmado ngunit mapang-asar.

Kasama ni Dax ng mga sandaling iyon ang barkada nitong kapwa estudyante rin ng Bayag-bayagan. Si Travis naman kasama din ang ilan sa mga kaibigan na kaklase ngunit may iba pa itong mga kasama na mas marami sa bilang nila ni Dax. Nag ugat ang tensiyon nang pumasok ng lasing sina Dax at nang agaw sila ng billiard table mula sa mga estudyanteng naglalaro rin dun. Nagkataon namang naroon din sina Travis. Pag-aari ng pinsan ng kaibigan ni Travis ang may-ari ng bilyaran at napag-alaman pa nun nila Travis na minsan na nanggulo dun ang grupo nila Dax. At sa muling inasta ni Dax sa lugar na iyon, nangi-alam na si Travis. Pinagtulungan nilang palabasin sa bilyaran na iyon ang grupo nila Dax hanggang sa magkasakitan na. Ngunit dahil sa kalasingan at bilang nila ni Dax, mabilis sila nakaladkad palabas ng billiard bar.

Dahil sa nakatawag na ng pansin mula sa mga tao sa paligid ang komosyon, kinabahan ang mga kasama ni Dax lalo na nang magbanta ang mga taga bilyaran na tatawag na sila ng pulis kung hindi pa sila aalis,—dahil dun nagpulasan ang mga ito at naiwan si Dax na nagpupumilit parin na makapasok sa loob.

Sa katigasan ni Dax at sa pamimilit nito, napilitan na rin ang mga lalaking humaharang sa kanya na bugbugin siya nito. Kitang-kita ni Evan kung paano namilipit si Dax sa mga suntok sa kanya ng mga lalake. Ayaw na sana nito mangi-alam pa sa gulo ngunit nang makita nitong pinagtutulungan na si Dax ng mga naroon, naawa na rin ito sa lalake at hindi na rin siya nakatiis na pabayaan na lang ang isang iyon. Sakay parin ng kotse huminto ito mismo sa tapat ng bilyaran, tsaka mabilis na bumaba. Nagpakilala itong pulis sa mga naroon na pasindak ang tono ng boses.

Lumapit ito kay Dax nang pinakawalan ito ng mga lalake.

“Sir good evening, pasensiya na po—tarantado kasi ang isang iyan. Nanggugulo sa loob. Pinalabas na nga namin pero nagpupumilit parin.” Wika ng isang lalake na bumugbog kay Dax.

“Nanggulo pala eh bakit di niyo tinawagan ng pulis? Gusto niyo ba makasuhan?! Paano kung napuruhan niyo ito dito?!!! Nasaan ang may-ari ng billiard bar na ito? Iharap niyo dito.” Pasigaw na sabi ni Evan. Habang inaalalayang makatayo si Dax.

Tinataasan pa ni Evan ang boses nito para manindak ngunit sa loob-loob nito nanginginig narin ito sa kaba baka matunugan ng mga nandoon na hindi siya talaga pulis. Habang akay si Dax sa kaliwang braso, kunwari naman itong tumatawag ng rerespondeng mga pulis sa kanyang cellphone. Doon na nagkusa ang mga nagbugbog kay Dax na tulungan ang lalake na patayuin at isakay sa kotse ni Evan sa utos din nito sa mga ito.

Nakikinig naman si Dax sa aktingan ni Evan. Natatawa na ito sa isip niya dahil sa ginagawa ng lalake. At para makaalis agad dun, sinakyan na lang din nito ang trip ni Evan. Nagkunwari itong hinimatay at nagpatihulog sa mga braso ng dalawang lalaking umaakay sa kanya. Dahil sa muntikan na mapasubsob sa semento si Dax, biglang nataranta ang dalawang lalake na dali-daling isinakay si Dax sa likuran ng kotse ni Evan. Maging si Evan nataranta rin sa ginawa ni Dax. Inakala talaga nito na nawalan ng malay ang lalake. Dumadami na ang nakikiusyoso sa nangyayari. Maya-maya pa may lumapit kay Evan na lalake at nagpakilalang manager ng billiard bar. Kinausap nito si Evan at sinabing makikipag-areglo na lamang ito sa grupo ni Dax sabay lihim na inabutan ng tatlong libong piso si Evan.

Sa kinilos pa lang ng lalake sa kanya nakaamoy na ng butas si Evan. Hindi man ito sigurado, pakiwari ni Evan May ilegal na tinatago ang bilyaran na iyon. Gayunpaman pa man, ginamit ni Evan ang pagkakataon na iyon na makaalis na dun sa lugar, na bulsa ang perang inabot sa kanya.

“Sige na, paalisin mo na ang mga tao na iyan dito baka maabutan pa kayo ng mga kabaro ko at dadalhin ko na muna ang taong ito sa ospital. Tsaka hoy! Hindi porke’t may pasilyo ka, eh ligtas na sa batas itong lugar mo. Lalo na ang mga nambugbog dito. Ipagdasal mo na hinimatay lang ito, dahil kung napuruhan ito ng mga tauhan mo—at umalma ang pamilya na ito. Makalagot kayo.” May pagbabanta pa na bilin ni Evan bago ito umalis.

Nang makalayo na ang kotse ni Evan sa lugar—lumapit naman si Travis sa lalake na kausap ni Evan, sa manager ng bilyaran.

“Duda akong pulis iyon kuys.” Sambit ni Travis.

“Bakit naman?”

“Pamilyar lang kasi sa akin ang kotse niya eh. Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita. Tapos iyong lalake parang nakita ko na rin iyon eh.” Ani pa ni Travis.

“Kasi nga pulis, kaya pamilyar sa iyo. Tsaka marami namang magkakatulad na kotse.—Oh sige na bumalik na kayo sa loob. Sakaling may pulis na magtanong tungkol sa nangyari kanina, tumanggi na lang kayo.” Sabat ng lalake.

Hindi na sumabat pa si Travis ngunit hindi maalis sa kanya ang pagdududa sa nagpakilalang pulis na nagligtas kay Dax,—pumasok na muli ito sa bilyaran kasama ang mga barkada. Nakalayo na sa lugar si Evan na sakay na nun si Dax. Sinusulyapan nito ang lalake sa rare mirror at napansin nga nito na umaarte lang din si Dax.

“Tama ng arte iyan, wala ka ng kalaban dito. Ang tapang-tapang niyo manggulo pero tiklop naman pala kayo pag nagkasubuan na.—Umayos ka na riyan at ihahatid na kita sa inyo.” Wika ni Evan.

“Wag mo na muna ako iuwi sa bahay. Bugbog din ang sasalubong sa akin dun pag nakita nilang lasing ako. Ikot-ikot muna tayo. Tinulungan mo na rin lang ako lubos-lubusin mo na.” Nakangising sabi ni Dax.

“Bayaran mo ako kung gusto mo.— Hindi libre ang gasolina kaya magbayad ka kung i-book mo ako. Tsaka sino ba namang magulang ang matutuwa sa ginawa mo. Lasing ka na nga ,nanggulo ka pa. Gawain ba ng matinong anak iyang pinaggagawa mo?” Sabat ni Evan.

“Sinabi ko ba na matino ako? Gago kaya ako. Kaya nga pinanindigan ko na eh… dahil iyon naman ang tingin ng lahat sa akin. Ay—hindi nga pala lahat, kasi iba ang turing ni Carlo sa akin. Pero bukod sa kanya, lahat kayo gago ang tingin niyo sa akin. Mga tang ina kayo ang pi-perpek niyong lahat! Kayo na ang mabuti, kayo na ang matino.”

“Teka lang bago ka magdrama riyan saan muna kita ibababa? Kung ayaw mo umuwi sa inyo, ibababa na lang kita.”  Sambit ni Evan.

“Kahit saan mo gusto, bahala ka na.” Sagot naman ni Dax na baluktot na ang dila dahil sa kalasingan.

Mapapadaan sa convenience store si Evan, kaya inisip nito na ibaba na dun si Dax para mahanap na nito si Kaloy.

“Dito na kita iwan ha, may lakad pa ako. —pero saglit lang, magkasama kayo ni Kaloy kanina diba? Alam mo ba kung saan siya ngayon? Hindi pa kasi siya umuuwi.” Tanong nito kay Dax.

“Si Carlo?—sinundo siya ng lalake kanina. Pero hindi ko alam kung saan sila pumunta.“sagot ng lalake.

“Sino ang lalake na kasama niya?”

“Di ko kilala, pero nandun siya kaninang umaga sa eskuwelahan. Bakit hindi pa ba nakauwi si Carlo?” Tanong ni Dax kay Evan.

“Hindi ngani— akala ko nga magkasama kayo eh, kaya nga binalak ko na puntahan kita sa inyo.” Ani pa ni Evan.

“Matapos kami maghiwalay sa sakayan ng jeep kanina, natanaw ko siyang isinakay ng lalaking iyon. Hindi sinabi sa akin ni Carlo kung saan sila pupunta pero nabanggit niya may lakad sila nung sumundo sa kanya. Dapat nga magkasama kami nun, kaso di na natuloy.” Kuwento pa ni Dax.

Wala nang naisip pa si Evan kung sino ang tinutukoy ni Dax na kasama ni Kaloy, kaya agad niya ito itinawag kay Tess. Sinubukan din ni Evan na tawagan muli si Kaloy kaso hindi talaga sinasagot ng lalake ang mga tawag nito, maging ang mga pinadala nitong mga mensahe wala rin tugon.

Akto namang lalabas ng kotse ni Evan si Dax nang bigla namang buhos ng malakas na ulan. Kaya pinigilan muna ni Evan si Dax na bumaba. Hindi rin kasi niya maatim na hayaan na lang sa gitna ng malakas ng ulan ang lalake, lalo na sa sitwasyon ni Dax.

“Patilain mo na muna ang ulan, magpahinga ka na muna diyan. Baka magkasakit ka pa at konsensyahin mo pa ako—” Wika ni Evan habang naghahanap ng ligtas at puwede paghintuan ng kotse habang magpapatila ng ulan.

Napangiti namang napasulyap si Dax kay Evan sa rare mirror tsaka inayos ang pagkakaupo nito sa likod. Tinanggal nito ang gusot na school uniform at inilagay iyon sa dalang bag. Puting panloob na sando na lang ang suot nito na hapit sa malapad nitong dibdib. —“puwede bang lumapit diyan sa harap—sa tabi mo pare?” Sabi nito kay Evan.

“Diyan ka na lang…” Tugon ni Evan na nakatingin lang sa labas ng kotse.

Ngunit sa halip na pumirmi sa likod, ginawa pa rin ni Dax na lumipat sa harapan. Kahit mahirap nagawa pa din nitong tumabi kay Evan sa kabila ng pagsaway sa kanya ng lalake. Pagkalipas agad naman ito umayos ng upo habang nakataas ang dalawang mga kamay sa likod ng ulo nito.

“Baba mo nga iyan! Amoy alak ka na nga amoy pawis pa iyang kili-kili mo. Pasaway na salaula pa.” Wika ni Evan na sinusungitan si Dax.

“Grabe ka rin eh noh, wala kayang amoy itong kili-kili ko…bango kaya neto kahit singutin mo pa. Tsaka noh ba problema mo, kanina lang akting na akting ka nung tinulungan ako tapos ngayon ang sungit mo sa akin. Pinigilan mo akong lumabas kasi umuulan tapos ngayon parang diring-diri ka naman sa akin na ayaw mo ako rito. Ano ba pare? Nagdududa na ako sa mga kilos na ganyan ha. Sabihin mo lang game naman ako.” Ang nakangising tugon naman ni Dax sabay pa cute pa nito kay Evan.

“Eh gago karin pala talaga eh noh. Ikaw na nga itong tinulungan eh kung ano-ano pa ang iniisip sa akin. Ang mabuti pa, lumabas ka na lang at inaabala mo lang ako.—magpakabasa ka sa ulan baka sakaling malamigan ang utak mo at tumino ang isip mo.” Sabat ni Evan na napakunot na naman ang noo kay Dax.

“Okay kalma, masyado ka namang hot pare. Nagbibiro lang ako dito oh.”

“Puwes hindi ka nakakatawa kaya itikom mo iyang bibig mo at huwag mo akong kausapin para wala tayong problema.” Ani pa ni Evan.

Sa mga oras naman na iyon nasa isang kainan sina Kaloy at Karl magkaharap na kumakain, ngunit ramdam ang ilang sa pagitan nila. Tahimik lang si Kaloy na nakatungo lang ang atensiyon sa kinakain. Si Karl naman tahimik din na nakatingin lamang sa kanya na may pananabik at pangungulila.

“Alam na ba ni Nate ito?” Tanong ni Kaloy.

“Hindi pa, hindi ko pa nasabi sa kanila ni Jane. Pero sasabihin ko rin naghahanap lang ang ng tamang tiyempo.” Nakangiting sagot ni Karl sa anak.

“Ang tungkol sa amin ni Vince —pasensiya na pero hindi kita mapagbibigyan sa hiling mo. Nagmamahalan kaming dalawa, at hindi iyon magbabago kahit humadlang ka pa.” Sambit ni Kaloy ngunit hindi makatingin sa mukha ni Karl.

“Naiintindihan ko, pero mga bata pa naman at kayo maari pa magbago ang mga pananaw niyo sa buhay. Hindi kita pipilitin pero hindi rin ako titigil na baguhin ka anak.” Tugon ni Karl kay Kaloy.

“Wala ka nang babaguhin sa akin dahil ganito na ako. Kung di mo tanggap ang pagiging ako. Na lalake ang gusto ko… Marapat lang din siguro na kalimutan mo na lang ako bilang anak mo. Tsaka may tatay naman na ako, na sigurado naman akong tanggap ako.” Wika pa ni Kaloy.

“Maiintindihan mo rin ako balang araw. Gaya nga nang nasabi ko hindi kita pipilitin anak. Alam ko kulang ka lang sa gabay kung bakit ka nagkakaganyan. Patawad kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas at tapang na kilalanin ka. Tsaka salamat at hinayaan mo ako na pumasok sa buhay mo sa kabila ng mga kakulangan ko sa iyo, sa inyo ng nanay mo.” Sabi pa ni Karl sa anak.

“Nasa tiyan pa lang ako ni nanay nun kaya wala akong alam sa buong kuwento niyo kaya wala rin akong karapatan na husgahan kayo. Hindi ko man kayo nakilala noon, hindi naman naging kulang ang pagkatao ko dahil buo naman ang kinagisnan kong pamilya. Nakakagulat lang na malaman na dalawa pala ang ama ko. Tsaka kahit papano masaya rin ako kasi magkapatid pala kami ni Nate. Hindi ko inaasahan iyon pero masaya akong malaman iyon.” Ani pa ni Kaloy.

May mga bagay man na hindi tanggap ni Karl ngunit nabalewala lahat ng iyon ng buong puso itong pinagbigyan ni Kaloy na magpakilala bilang ama. Hindi rin ito nahirapan sa anak dahil maluwag naman niyakap ni Kaloy ang katotohanan sa kanyang pagkatao. Bagamat sa panig ni Kaloy hindi maiiwasan ang pag-aalangan lalo pa at hindi naman ito nabanggit sa kanya ng mga kinamulatang magulang, positibo naman ang tugon nito sa pag-amin ni Karl.

Samantala balisa na ang mag-asawa lalo na si Tess nang malaman kay Evan na magkasama sa mga sandaling iyon sina Kaloy at Karl.

“Sinabi na kaya sa kanya ni Karl ang totoo?” Tanong ni Tess.

“Siguro hindi natin alam, pero kung ganun man ipaliwanag na lang natin kay Kaloy ng maayos ang lahat. Tiwala pa rin ako sa anak mo na maiintindihan nun ang lahat.” Ani ni Karding sa asawa.

Maya-maya pa narinig na nila ang pagdating ni Kaloy. Malakas parin ang ulan ng mga sandaling iyon. Lumabas ng gate si Burnok bitbit ang dalawang payong para salubungin si Kaloy.

“Good evening po sir, papasok din ba kayo? Sandali lang at bubuksan ko lang ang gate.” Wika ni Burnok nang makita si Karl.

“Wag na iho, hinatid ko lang naman si Kaloy.” Tugon ni Karl.

“Salamat nga pala sa paghatid, ingat kayo sa pag-uwi —mauna na po ako.” Sambit ni Kaloy.

“Salamat din sa oras mo anak. Hanggang sa muli.” Sabat ni Karl na nginitian si Kaloy pagkababa nito.

Agad din na umalis si Karl. Tulala naman si Kaloy na sinusundan ng tingin ang kotse ng ama na papalayo.

“Tol tara na sa loob, kanina ka pa hinihintay nila nay Tess. Tsaka lumalakas pa ang ulan.” Sabi ni Burnok

“Tol bakla ako.” Biglang bitaw na sabi ni Kaloy sa kaibigan.

“Eh ano naman kung bakla ka… Teka ano sabi mo tol? Bakla ka?” Nabiglang tugon ng kaibigan.

“Bakla nga ako tol. Ano ang masasabi mo dun?”

“Wala choice mo iyon eh, bakit ko naman pakikialaman. Tsaka ano naman sa akin kung bakla ka eh masarap kaya magpasubo sa bakla. Lalo na pag ganitong umuulan tapos libog na libog ka… Ano tol bakla ka ba talaga? Tara subo mo nga titi ko.” Sabat pa ni Burnok sabay hirit ng biro.

“Gago ka talaga tol… puro lagi kalibugan ang laman ng utak mo. Tara na nga sa loob la kang kuwentang kausap.”

“Kita mo ito, tanong ng tanong pag sinagot ng maayos tatalikuran ka.” Ang napakamot na lang sa ulo na sabi ni Burnok.

Pagkapasok ng bahay diretso agad ng silid si Kaloy para maligo at magbihis.

IN BETWEEN

Mula nang pumasok ng silid nito si Kaloy hindi na ito lumabas pa ng kanyang silid. Bagay na labis nag paalala sa mag asawa. Sinubukan ni Tess na katukin sa silid nito ang anak ngunit walang tugon mula kay Kaloy. Kung kaya’t minabuti na ng mag-asawa na hayaan na muna ang anak at baka pinoproseso pa nito ang mga nalaman sa pagkikita nila ng tunay na amang si Karl.

Si Karl naman nun balisa ang isip dahil sa anak na si Kaloy. Masaya nga ito dahil sa naka-pagtapat na ito sa anak, ngunit hindi rin niya maalis ang galit sa naging pagkatao ni Kaloy. At sinisisi nito si Karding kung bakit naging ganun ang anak nila ni Tess. Habang nag da-drive pa uwi napadaan ito sa isang restobar na laging pinupuntahan noon nila ni Gab nung mga kabataan nila. Lumipas man ang mga taon ngunit ganun parin ang lugar, nanatili ang dati nitong bihis na parang naiwan parin sa nakaraan. Dahil sa may kalakasan parin ang ulan nun,—napagpasyahan ni Karl na sumaglit muna  roon habang hinihintay ang paghupa ng ulan.

Kasalukuyan namang nag-papatila parin ng ulan sina Evan at Dax sa isang sulok sa ilalim ng isang flyover. Tahimik lang at walang imikan ang dalawa na inaabala ang mga sarili sa kani-kanilang mga cellphone. Hindi na mapakali si Evan sa tagal na nila sa lugar na iyon dahil sa ulan. Inip na inip na ito habang pinapakiramdaman lang si Dax na nasa tabi nito.

“Bakit mo nga pala ako tinutulungan? Curious lang ako—ramdam ko naman kasi na suyang-suya ka sa akin eh. Pero heto at nag mamagandang-loob ka pa rin sa akin.” Biglang sabi ni Dax kay Evan.

“Alam mo tinatanong ko rin iyan sa sarili ko. Bakit nga ba?—siguro dahil nagkataon lang o natataon lagi na naroon ako kung saan nandun ka. Malas nga eh.” Tugon ni Evan na napa-ismid pa.

“Grabe ka naman sa malas, malas ba talaga ang tingin mo sa akin?—eh bakit kasama mo parin ako ngayon?” Nakangisi na namang sabi ni Dax sabay himas sa hita ni Evan.

Mabilis namang hinawakan ni Evan ang kamay ni Dax at papisil na inalis iyon sa kanya. Inis na ito sa mga nakakaasar na kilos ng lalake kaya napataas na naman ang boses nito nang pinagsabihan si Dax. “Nang-aasar ka ba talaga? Ano ba ang tingin mo sa akin ha?—hindi dahil tinulungan kita kanina ay close na tayo. At kung ano man iyang nasa isip mo huwag mo nang ituloy… masasaktan ka lang.”

“Manhid na ako sa lahat ng klase ng sakit pare. Hindi na ako nasisindak sa ganun. Sa araw-araw na lang ng buhay ko kakambal ko na ang sakit. Kinamulatan na ng katawan ko ang masaktan. Kaya nga nakakatuwa kayo ni Carlo eh, sa inyo ko lang yata naramdaman na may halaga ako. Kasi ako mismo sa sarili ko marka bahala na lang ang motto ko.” Sabat ni Dax na sumeryoso ang mukha.

“Kaya ka nagiging pariwara? Ayusin mo kasi ang sarili mo. Tutukan mo ang pag-aaral mo. Hindi puro barkada at kawalang hiyaan ang inaatupag mo. Gusto mo rin yata sundan ang yapak ng mga magulang mo kaya ka nagkakaganyan eh. Kung pangarap mo rin lang na mag reunion sa parents mo sa bilibid, eh huwag ka na kaya mag aral. Sirain mo na lang ng husto ang buhay mo—sabi mo nga sanay ka na sa sakit di ba?” Wika ni Evan.

“At mukhang ni research mo rin ang background ko ah. Pati location ng mga magulang ko alam mo.”

“Naikuwento na sa akin ni Kaloy ang kasaysayan mo. Kaya alam ko ang hugot mo sa buhay. Pero hindi iyon basehan para gawin mong miserable ang buhay mo. Pasalamat ka pa rin kahit papaano pinag-aral ka pa din tsaka binihisan ng matino ng mga kumupkop sa iyo. Dun man lang sana makita mo ang halaga mo.” Ani pa ni Evan.

“Teka lang, naninermon ka ba? Sinisermunan mo ba ako?—ibig ba sabihin niyan close na tayo?” Sambit ni Dax sabay harap kay Evan.

Kinailang ni Evan ang mga pagtitig sa kanya ni Dax. Naiinis ito sa lalake ngunit hindi rin nito maiwasang humanga sa magandang mukha ng binata. Lalo na at katabi niya lang ito. Nang maramdaman ang unti-unting paglapit ng mukha ni Dax sa kanya agad niya itinulak ang lalake pabalik sa puwesto nito. At muling binantaan si Dax na iiwan niya ito sa kalagitnaan ng kalsada sa maulan na gabing iyon. Mas lumakas pa ang buhos ng ulan na halos hindi na tanaw ang kalsada.

“Paano ba iyan mukhang magdamagan na ang ulan na ito. Tsaka baha na rin sa ibang bahagi ng kalsada. Hindi ka na makakatawid sa daan. Stranded na tayo rito.” Wika ni Dax.

“May choice pa ba ako? Eh kasama kita—dahil yata sa iyo kung bakit umulan nang ganito eh. Maayos naman ang panahon kanina bago kita nakita.”

“So kasalanan ko pa ngayon bakit katabi mo ako ngayon? Ikaw kaya itong umastang super hero ko kanina. Pwede mo naman akong iwan na lang dun ah.—aminin mo na kasi, type mo ako ano? May gusto ka ba sa akin pare?—kasi ako okay lang naman sa akin. Willing naman ako makipag threesome sa inyo ni Carlo.” Sabat pa ni Dax kay Evan.

“Aba gago ka talaga eh noh? —Sana hinayaan na lang talaga kita dun kanina. Ginawan mo pa kami ng kuwento ni Kaloy gago ka.”

“Wala ba? Hindi ba kayo mag jowa ni Carlo? Akala ko kasi ganun kayong dalawa eh.—ang alam ko kasi, bisexual si Carlo tapos iba rin iyong closeness niyong dalawa kaya iyon…” Komento pa ni Dax.

“Alam mo kalalake mong tao pero ganyan ka. Bakla ka rin eh noh?—bakla lang ang nakakaamoy ng kapwa niya bakla.” Tanong ni Evan na may sarkastikong ngiti, sabay baling ng tingin kay Dax.

Agad naman na dinipensahan ni Dax ang pagkalalaki at sinabi kay Evan na straight ito. Ngunit inamin naman nito kay Evan na minsan na rin siya nagpapagamit sa mga bakla. “Pinagbibigyan ko lang ang mga bakla, pero lalaking-lalake kaya ito. Tsaka hindi ko naman kayo hinuhusgahan ni Carlo ah. Pakiwari ko lang naman na may relasyon kayo at bumabase lang naman ako sa mga napapansin ko.” Paliwanag pa ni Dax.

“Bakit todo explain ka diyan? Ano naman sa akin ngayon kung ano ka? Pero ito lang masasabi ko sa iyo—subukan mo lang na paglaruan si Kaloy, magkakasubukan talaga tayo. Kaya kung may masama kang binabalak sa kanya ngayon palang kalimutan mo na. Kaibigan ko si Kaloy, wala man kaming relasyon, mahal ko ang taong iyon.” Saad pa ni Evan.

Sa mga sandaling iyon sa silid ni Kaloy; nakahiga lang ito sa kanyang kama at pilit na tinitimbang ang mga bagay-bagay na nagpapagulo ng kanyang isip at nagpapabigat ng kanyang damdamin. Hindi niya maitanggi sa sarili ang pagtatampo nito sa mga magulang sa paglihim sa kanya ng katotohanan tungkol sa tunay niyang ama. Ngunit hindi rin niya maitago sa sarili ang labis na pasasalamat sa mga sinakripisyo at ginawa ng kanyang magulang sa kanya. Lalo na sa amang si Karding na sa kabila ng reyalidad na hindi  siya ang tunay na ama nito,—ipinakita sa kanya ng ama at ipinaramdam sa kanya ni Karding na hindi siya iba sa kanya. Na kung titimbangin man nito ang lahat,—wala siyang karapatan na isumbat pa sa mga magulang ang kanyang nalaman.

Sa kabilang banda, ngayong nakilala na nito ang tunay na ama naguguluhan na ang isip nito kung paano niya haharapin ang mga pagbabago lalo na at kontra si Karl sa relasyon nila ni Vince.

Hawak ang cellphone, tinawagan nito ang kasintahan para ikuwento ang nangyari sa kanya ng araw na iyon. Agad naman na tumugon si Vince na kanina pa nag-aalala sa kanya.

“Buti naman at naisipan mo rin akong tawagan. Ano ba ang nangyari baby? Hindi kita matawagan kanina, hindi ka rin nag re-reply sa mga messages ko.—teka nga pala nang tinawagan ko si Evan, ang sabi pinuntahan ka raw ni tito Karl sa school mo,…bakit daw?” Bungad na tanong ni Vince kay Kaloy.

“Sorry baby love, hindi ko kasi nadala ang cellphone ko kanina. Naiwan ko sa kama sa pagmamadali kaninang umaga.” Tugon ni Kaloy sa matamlay na boses.

Napuna agad iyon ni Vince kaya lalo lang nag-aalala ito na baka may nararamdaman ang jowa—na baka may sakit ito. “Baby love, are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo ngayon? Gusto mo puntahan kita diyan? Baby… something wrong ba? Saan ka nga pala galing? Tumawag ako kanina kay nanay Tess pero hindi ka pa raw nakauwi. Inabutan ka ba ng ulan baby love?” Mga tanong pa ni Vince kay Kaloy.

Bahagyang napangiti si Kaloy sa naririnig na pag-aalala ni Vince. Saglit napabuntong hininga si Kaloy tsaka nagsimula nang magkuwento tungkol sa kanya. “Magkasama kami nag dinner ng dad ni Nate, baby love—”. Wika ni Kaloy.

“Magkasama kayo ni tito Karl? Bakit?… I mean ano ang dahilan? Ang weird naman kung wala lang, tapos kayo lang dalawa.” May pagtatakang reaksyon ni Vince nang malaman kay Kaloy na kasama nito si Karl na nag-dinner sa labas.

“Papa ko rin ang dad ni Nate —baby.” Sagot ni Kaloy.

“Anong papa baby love? Don’t tell me na may something kayo ni tito Karl —mag explain ka baby.” Ang kinabahang tugon ni Vince.

“Hindi ganun baby love. Ang ibig kong sabihin—ama ko rin ang ama ni Nate. Si tito Karl ang tunay kong ama. Anak nila ako ni nanay Tess nung naging sila, baby love.”  Pagbahagi pa ni Kaloy kay Vince.

Nang sandaling iyon ibinuhos ni Kaloy sa kasintahan ang mga saloobin nito dahil sa mga nalaman. Gulat man sa narinig na rebelasyon tungkol sa pagkatao ng minamahal, pinaramdam talaga ni Vince ang suporta nito sa naging desisyon ni Kaloy. Lalo na nang sinabi rin sa kanya ng lalake ang balak ni Karl na paghiwalayin sila dahil nga sa hindi ito pabor sa naging relasyon nilang dalawa.

“Salamat at hindi mo ako ipinagpalit baby love. Dahil dun promise, mas mamahalin pa kita ng labis. At ipaglalaban kita sa kahit na sino na nais paghiwalayin tayo sa isa’t isa.—kahit ang tunay mo pang ama.” Saad ni Vince sa kasintahan.

“Balak ko na rin magtapat kina nanay at tatay tungkol sa atin. Blessings in disguise narin siguro itong nalaman ko, para magkaroon na rin ng lakas ng loob na harapin ang katotohanan sa sarili ko. Baby love.” Wika ni Kaloy.

“Dalawa tayong haharap sa kanila baby love. Sabay tayong hihingi ng pahintulot nila. At ano man ang magiging tugon nila sa atin. Walang bibitaw,—” Pangako naman ni Vince kay Kaloy.

Nadagdagan ang lakas ng loob ni Kaloy dahil sa suporta ni Vince. May mga agam-agam man sa naiisip na hakbang, para kay Kaloy iyon na ang tamang sandali upang ipakita sa sarili mismo na kaya na niyang harapin ang tunay na mukha ng mga hamon at ang reyalidad ng mundo sa tulad nila ni Vince na ang tanging hiling lang ay maintindihan sila at matanggap na walang panghuhusga at diskriminasyon.

Batid naman ni Kaloy na masyado pa silang bata sa pinili nilang landas, ngunit alam na rin nito na nasa tamang pag-iisip na rin sila para piliin ang sa tingin nila magpapasaya sa kanila. Higit sa lahat magpapalakas ng kompiyansa nila sa sarili na hindi sila iba sa karaniwan, bagkos may karapatan din sila sa lipunan gaya ng karamihan.

Samantala; sa restobar na pinasukan ni Karl tahimik lang ito sa isang sulok ng bar counter na umiinom ng alak, habang ginagala ang mga mata sa paligid. Talagang ganun parin ang lugar. May mga nadagdag ngunit naroon parin ang dati nitong anyo. Bawat sulok dun naging nostalgic sa pakiramdam ni Karl. Saksi ang lugar na iyon kung gaano ka saya ang kabataan niya noong early college ito. Kasama ang mga dating barkada at mga kaibigan simula Highschool. Ang grupo nila noon—ang flower five.

Kasagsagan kasi ng meteor garden na palabas nun at nagkataon na sikat ang F4. Highschool pa lang kilala na rin sa kanilang campus noon ang grupo nila Karl, kasama sina Gab, Seth, Jasper at Ricardo. Dahil sa mga karisma nila nun sa mga kapwa estudyante, binansagan sila ng lahat na F5 o flower five.

Hanggang college hindi nabuwag ang kanilang samahan at ang restobar na iyon ang isa sa mga saksing lugar kung gaano ka solid ang grupo nilang lima bago ito nagkalamat. Hanggang sa unti-unti na lang nabura sa paglipas ng panahon.

Nakatingin nun si Karl sa isang bahagi ng bar kung saan naroon ang lumang dart board, na sa katagalan naging bahagi na lamang ito ng palamuti sa naturang lugar.  Nakatutok lang dun si Karl habang sinasariwa ang mga nakaraan. Hindi nito na pansin ang pag-upo ng isang lalake sa tabi niya.

Dahil sa mga na-aalalang nakaraan habang nakatingin sa lumang dart board na nandun, hindi na napansin ni Karl ang mga nasa paligid nito. Maging ang pag-upo at pagtabi ng isang lalake sa kanya na kanina pa pala nakamasid lang sa kanya.

“Ang dami nang pinagdaanan ng dart board na iyan. Ilang taon na ang nilampasan niyan pero ayan at nandiyan pa rin. Nagmukha lang luma pero ang mga bakas ng nakaraan kitang-kita pa din. Kaya niya pa magkuwento ng mga masasayang alaala sa sino mang nakakakilala sa kanya.” Wika ng lalake sa tabi ni Karl.

Napalingon naman si Karl sa sinabi ng lalake. At sa pag-baling nito ng pansin sa katabi—nagulat ito nang mamukhaan kung sino ang nagmamay-ari ng boses. “Caleb?” Sambit nito nang makilala ang lalake.

“Kamusta pare? Hindi ko inaasahan na makikita kita rito. Rinig ko kay Jessica never ka na raw nagpupunta sa mga ganitong lugar? Anong meron? Wag mong sabihing nag-away kayong mag-asawa—mas nakakagulat iyon.” Tugon ni Caleb kay Karl nang kinamusta nito ang lalake.

Si Caleb ay asawa ng kapatid ni Jessica at dati rin kaklase noon ni Karl nung collage.

“Walang ganun pare,—may pinuntahan lang ako at habang nag da-drive, napansin ko ito. Medyo malakas pa rin naman ang ulan kaya naisipan ko dumaan muna rito. Wala ito sa plano, heto nga at naka-isang baso pa lang ako.” Ani ni Karl.

“Ganun ba, ako naman once a week pumupunta rito, mostly tuwing Friday—at nasaktuhan pa kita ngayong gabi. Tagpuan na talaga namin ng mga kumpare ko ang lugar na ito. Tahimik kasi dito, hindi ganun ka-ingay kumpara sa ibang mga bar ngayon ng mga kabataan. Maya-maya lang nandito narin ang mga kumpare ko.” Wika ni Caleb.

“Buti naman at nagagawan mo pa rin nang oras na makipag-bonding sa mga kumpare mo. Ako kasi kung kelan na lang puwede. Madalas nga hindi na eh. Actually ngayon lang muli ako nakapag bar buhat nung kinasal kami ni Jessica.” Sambit ni Karl.

“Subsob ka kasi masyado sa trabaho at negosyo. Tsaka hindi naman masama kung paminsan-minsan bigyan mo rin ng oras ang sarili mo pare. Malayo pa tayo sa pagiging senior citizen pare. Kaya hangga’t puwede pa-enjoy. Sabi nga nila live young, wild and free. Huwag natin sabayan ang mga edad natin. Lalo lang bibilis ang pagtanda natin niyan.” Sabi pa ni Caleb.

“Ikaw nariyan pa ang mga barkada at mga kumpare mo. Eh ako sino pa ang puwede kong yayain na maglabas-labas?—ang mga kaibigan ko noon, hirap ko na mahagilap ngayon. Si Gab, mayor na—hindi na rin iyon puwede dahil masyado rin busy.” Sabat ni Karl.

“Si Seth, madalas ang isang  iyon dito. Si Jasper kaka-met lang namin last week kasama iyong kinakasama niya. Siguradong hindi iyon aayaw pag niyaya mo. Feeling bagets pa rin kasi ang isang iyon. Tsaka si Ric. Kung di ako nagkakamali nasa iisang bahay lang sila ngayon sabi ni Jasper. Mag set kayo ng date na magsama-sama kayo rito.  Parang iyong dati,— nung mga collage pa tayo. Actually nagiging tambayan na talaga ang lugar na ito ng nga kasabayan natin noon. Nagiging venue na rin nga ito ng mga reunion ng magbabarkada. Kaya nga hindi na binago ng may-ari ang lugar na ito dahil marami na ang nabuong mga kuwento ng samahan dito.” Ani pa ni Caleb.

Tumahimik si Karl, muli nitong binalingan ng sulyap ang bahagi ng bar kung saan nandun ang lumang dart board. Habang nakatingin lang ito roon, ibinabalik ng kanyang isip ang mga ala-ala ng nakaraan sa kanyang pananaw. Ang paglalaro ng dart ang naging bonding nilang mag babarkada noon sa tuwing tumatambay sa lugar na iyon.

“Naalala mo si Ric noh?” Biglang tanong ni Caleb kay Karl. Ngunit hindi ito sumagot.

Napabuntong hininga na lamang si Karl tsaka inubos ang laman ng baso tsaka nag-offer ulit ng isa pa. “Alam mo na ba na bumalik siya?” Tanong muli ni Caleb.

“Nagkita na kami pero hindi pa kami nag-uusap. Tsaka wala naman kaming dapat pag-usapan.” Tugon ni Karl.

“Ibig sabihin hindi pa kayo ayos?”

“Ano pa ba ang dapat naming ayusin? May kanya-kanya na kaming buhay at wala na akong paki-alam sa kanya. Masaya na ako sa buhay ko ngayon.” Sagot naman ni Karl.

Hindi lingid kay Caleb ang nakaraan nina Karl at Karding. Bukod kasi kay Karl isa rin si Caleb sa naging malapit na kaibigan talaga ni Karding noon. Kaya halos lahat ng kuwento sa buhay ng dalawa noong kabataan nila ay alam ni Caleb. —Sa sagot ni Karl, hindi na nagkomento pa si Caleb. Napagtanto rin nito na hindi na nga maganda ang pag-usapan pa ang nakaraan ng dalawa, lalo pa at wala naman doon ang isa. Napunta ang usapan ng dalawa sa negosyo at sa buhay may asawa. Napag-usapan din ng dalawa ang tungkol sa kanilang mga anak. At sa pagkukuwento ni Karl nabanggit din nito kay Caleb ang naging anak nila ni Tess na si Kaloy. Na kina-gulat naman ng lalake. Wala rin kasi itong alam sa pagkakaroon ni Karl ng ibang babae, liban kay Jessica.

“So dati pa pala, alam na ni Jessica na may babae ka?” Tanong ni Caleb.

“Si Teresa ang unang babaeng minahal ko. Bago pa pumasok sa buhay ko si Jessica. At alam niya iyon.” Sagot ni Karl sabay tagay ng alak.

“Nasaan na ang anak mo kay Teresa? Sabi mo nagkita na kayo.”

“Nandun sa mama niya. At alam mo ba kung sino ang tumatayong ama ng anak namin pare? Alam mo kung sino?—si Ricardo… Sa dinami-rami ng lalake na puwedeng maging ama ng anak ko, siya pa talaga.” Wika pa ni Karl sabay iling nang nakangiti.

“May asawa si Ric? —Tapos ex mo pa? Paano nangyari iyon? Alam kaya ng ex mo kung ano si Ric, pare?” Ang tila natawa rin na reaksyon ni Caleb.

“Hindi ko alam,—baka hindi. Dahil kung alam niya, malamang hindi iyon papatol sa kanya.” Sambit ni Karl.

“Pero hindi rin natin masabi. Marami namang babae diyan na tanggap ang pagiging bakla ng kanilang asawa. Pero puwede rin na, nilihim talaga ni Ric sa ex mo kung ano siya. —Dati pa naman magaling na talaga magtago ang isang iyon. Kung hindi pa nga kami sabay naligo nun hindi ko pa nalaman na ganun iyon eh. Diba?” Komento pa ni Caleb.

Naging mahaba pa ang kuwentuhan ng dalawa hanggang sa dumating pa ang ilan sa mga kaibigan ni Caleb, na halos kakilala rin Karl. Nakalimutan na ni Karl ang oras at napako na ito sa baso ng alak kasama sina Caleb. Habang si Jessica nang nga sandaling iyon ay panay ang dungaw sa kanilang bintana sa kakahintay sa asawa.

“Uuwi rin iyon meh, malamang na stranded lang iyon dahil sa lakas ng ulan.” Wika ni Nathalie sa ina nang lumapit ito kay Jessica.

“Iyon na nga ang inaalala ko, never pa umuwi ng ganito ka late ang dad mo kahit pa umuulan. Hindi rin niya sinasagot ang tawag ko. Hindi ba nabanggit sa inyo ng dad mo kung saan siya pupunta kanina?” Tugon ni Jessica.

“Wala meh, parang hindi nga kami nagkita ni dad buong araw eh. —Hayaan niyo na kasi si dad uuwi naman iyon dito. Duda ka pa ba sa loyalty ni dad sa iyo? Mommy?” Nakangiting sabi ng anak sa ina.

“Ngayon pa ba matapos niya kayo ibigay sa akin? Kahit mambabae pa ang dad mo, secured na ako sa asawahan namin. At alam ko naman na hindi kayang gawin iyon ng dad mo. —naninibago lang ako sa dad mo. Madalas tahimik siya nitong mga nakaraan, tapos ngayon gabi na wala pa siya. Hindi rin sinasagot mga tawag ko.” Saad pa ni Jessica.

“Omg mommy,—what if, may other woman nga si dad? Naku mommy kung okay lang sa iyo well for me it’s not. Susungal-ngalin ko talaga ng baseball bat ang pagmumukha ng babaeng iyon kung meron man. There should be only two women sa buhay ni dad, and thats you and only me mommy. No other half, no other woman.”  Ang biglang reaksyon ni Nathalie. Napataas pa ang kilay nito sa gigil.

“Ang OA mo sa part na iyan Jane. Hindi ganun ang dad mo. —tsaka dun ka nga sa silid mo. Mag aral ka dun, huwag ako ang bantayan mo.” Tugon ni Jessica sa anak.

Hindi man apektado sa sinabi ni Nathalie, may kaunting pangamba parin sa loob ni Jessica na baka nga may pinagkakaabalahan na ngang bago ang asawa. Na baka mawili ito at makalimutan na  sila ni Karl. Muli nitong sinubukang tawagan ang asawa nang makaakyat na ng kuwarto nito si Nathalie. Ang paguusap ng mag-ina ay narinig din ni Nate. Na lalong nagpapalakas ng hinala nito sa ama na may tinatago itong lihim sa kanila. Base na rin sa mga napapansin nito sa amang si Karl.

“Subukan mo lang saktan si mommy, dad—kakalimutan ko talaga na naging ama ka namin.” Sambit pa ni Nate sa sarili bago ito umalis sa kinatatayuan nito at pumasok ng silid.

Badtrip na badtrip na talaga nun si Evan dahil sa walang tigil na ulan. Nais na niyang umuwi at magpahinga ngunit na stranded na nga sila ni Dax sa daan—sa ilalim ng flyover. Dagdag pa sa pikon nito ang nakatulog ng katabi na nakasandal pa ang ulo sa kanyang balikat. Na kahit anong gawing pag-alis nito, tila sinasadya pa talaga ni Dax na gawing unan ang malapad na balikat ni Evan.

“Nagawa pa talaga ng tukmol na ito na matulog sa kalagayan namin.—kaasar talaga ang pagmumukha ng gagong ’to. Pero kasalanan mo rin eh kung bakit nasa kotse mo ang buwisit na ito. Kung hindi mo nasa ito tinulungan, at nilampasan mo na lang sana, tsaka hinayaan mo na lang iyon dun mamatay…—di sana nakauwi ka na ngayon. Nakahiga sa kama mo, at humihilik. Nagpaka-Tanggol ka pa kasi. Tapos ri-reklamo ka? Hirap mo rin intindihin eh, ayaw mo sa taong ito pero, to the rescue ka naman kapag nakikita mong nahihirapan. Iba din ang trip mo eh noh. —puwes magtiis ka, ginusto mo ito. Panindigan mo.” Wika pa ni Evan sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha ng tulog na tulog na si Dax.

Maya-maya pa biglang gumalaw paharap sa kanya si Dax, tsaka bigla na lamang siya nito niyapos ng yakap sa beywang. Agad naman kinalas ni Evan ang braso ni Dax sa kanya tsaka inayos muli sa upuan nito ang lalake. Ngunit habang inaayos nito si Dax, muli na naman siya niyakap ng lalake. At sa puntong iyon may higpit na ang pagkakagapos ni Dax sa kanya. Pilit itong kumakawala sa lalake hanggang sa kakagalaw nito, napindot ni Evan reclining switch button ng upuan ni Dax kaya bigla ito napasubsob sa katawan ng lalake. Dahilan para aksidente nito mahalikan si Dax sa labi.

Sa biglaang pag galaw ng upuan at sa pagkasubsob ni Evan sa kanya,—nagising si Dax na ramdam parin ang labi ni Evan sa kanya bibig. Namilog ang mata ni Dax nang magtaka ang tinginan nila ni Evan at sa paglapat ng kanilang mga labi sa isa’t isa.

Agad naman umalis sa ibabaw nito si Evan na hiyang-hiya sa nangyari. Marahang bumangon si Dax na nakangisi sabay tingin kay Evan, habang hinahaplos ng mga daliri ang labi na hinalikan ng lalake.

“Okay—hindi ko intensiyon na halikan ka. Aksidente ang nangyari. Maharot ka kasing matulog, you hug me, inalis ko lang ang kamay mo tsaka inayos ko lang ang puwesto and then…”

Hindi na nadugtungan pa ang paliwanag ni Evan nang bigla na lang ito siilin ng marubdob na halik ni Dax sa labi. Biglang tumahimik ang sandaling iyon at tanging tunog lang ng mga labing nagpapapakan ang naririnig. Matagal ang halik na isinukli ni Dax sa halik ni Evan. Walang bitawan, walang paliwanagan…lalong walang pag-aalinlangan.

HE’S, AND HIS

Dulot ng mapanuksong halik ni Dax, nakalimot si Evan sa sarili at nadarang ito sa mainit na haplos at romansa ni Dax sa kanya. Mabilis itong pinaibabawan ng lalake habang masuyong nilalamas ng halik ni Dax ang kanyang mga labi. Palaban din ang mga pagsunggab ni Evan ng mga halik sa lalake. Dila sa dila, laway sa laway. Nakahiga na sa upuan nito si Evan habang nakapatong naman sa kandungan nito si Dax na nagsisimula nang mag tanggal ng suot na damit.

Ganun din ang ginawa ni Evan sa sarili, mabilis din itong naghubad ng damit hanggang sa tanging mga puting briefs na lang ang natira sa katawan ng dalawa. Kasabay ng walang humpay na pagbuhos ng malakas na ulan, walang awat din ang tunggalian ng dalawa sa laplapan. Maya-maya pa umangat na ang katawan ni Dax para bigyan ng daan ang kanyang kamay nailabas ang nagmamatigas nitong pagkalalaki. Sunod nitong ginawa ang pagdukot naman sa pag-aari ni Evan na nagmamayabang din sa katigasan.

Habang walang bitawan sa kanilang laplapan, nagkikiskisan naman sa ibaba ang kanilang mga tarub na tila sumasabay din sa ritmo ng kanilang mga galaw. Nang saglit na huminto si Dax para iayos ang kanyang posisyon. Pumatong ito sa dibdib ni Evan at pilit na pinapakain sa lalake ang kanyang turon. Ngunit hindi pumayag si Evan, pilit din nitong tinutulak si Dax pabalik sa kanyang kandungan para naman tuhugin. Ngunit tumatanggi rin ang lalake sa gusto nito.

“Tang na’ pare, wala namang ganyanan.” Sambit ni Dax nang bumalik sa upuan nito sabay angat ng kanyang briefs.

“Gago ka pala eh, sinimulan mo ako tapos hindi ka naman pala magpapatira. Binitin mo lang puson ko.” Sabat ni Evan na napakunot na lang ang noo sa inis, tsaka inayos din ang sarili at bumalik sa pagkakaupo.

“Eh sa hindi nga ako nagpapatira eh.-Straight top ako pare. Pagsubo nga di ko pa nasubukan iyon pa.” Ani ni Dax.

“Straight top…pero kung makahalik ka kanina sa akin grabe. -Tsaka lalo naman ako noh. Hindi ako kumakain ng hitong may buhok.” Wika naman ni Evan.

“So wala palang bottom sa ating dalawa?” Tanong ni Dax nang nakangisi habang nakatingin kay Evan.

“Ewan ko sa iyo, dinagdagan mo lang ang pagkainis ko sa iyo.” Sagot ni Evan na muli nang nagsuot ng damit.

“Maglulu na lang tayo ng sabay pare, sayang naman iyong naudlot natin kanina. Tuloy natin ang palabas-” sambit pa ni Dax sabay himas sa hita ni Evan.

“Maglulu ka mag-isa, nawalan na ako ng gana. Make sure mo lang na hindi mo ikakalat sa kotse ko ang tamod mo. Para huwag masayang simutin mo ng daliri mo tsaka kainin. Ayoko ko mamaho ng Zonrox ang loob ng kotse ko.” Tugon naman ni Evan sabay lagay ng earphones sa tenga.

Hindi rin tinuloy ni Dax ang naisip, maging siya nawalan narin ng gana. Ngunit hindi maalis sa mukha nito ang ngiti habang pinagmamasdan si Evan na nakasandal sa kanyang upuan nang nakaidlip. Inayos din nito ang sarili sa upuan at isinandal sa balikat ni Evan ang kanyang ulo tsaka pumikit habang ang isang kamay nito hawak ang kamay ni Evan na nakapatong sa hita nito. Nasarapan si Dax sa halikan nila ni Evan at iyon ang tumatak sa kanya sa gabing iyon. Hindi man umabot sa dulo ang nangyari sa kanila, para kay Dax sulit na rin ang gabing iyon na nakasama niya si Evan.

Nakatulugan naman ni Jessica ang paghihintay sa asawang si Karl. Naalimpungatan na lamang ito sa hinihigaang mahabang couch nang kumotan ito ni Nate.

“Nakatulog na pala ako,-anong oras na ba Nate?”

“Lampas alas dose na ng hating gabi mommy. Kanina pa sana kita dapat gigisingin para lumipat na sa kuwarto niyo, eh kaso ang sarap na ng tulog mo. Kaya dinalhan na lang kita ng kumot.” Sagot ni ng anak na naupo sa tabi ng ina.

“Ang dad niyo, nakauwi na ba?”

“Meh kung gusto ni dad na umuwi ngayon nandito na iyon kanina pa. Tumila na nga ang ulan oh, pero wala pa rin siya.” Sabat ni Nate.

“Baka kung napano na ang dad niyo. Bilis gisingin mo ang driver hahanapin ko ang dad mo.” Ang labis na nag-aalalang sabi ni Jessica.

Ngunit hindi pumayag si Nate. Pinakalma nito ang ina. Sa halip nagpresenta ito na siya na ang susuyod sa puwedeng pinuntahan ng ama. Pero rin ito pinayagan ng ina. “Lalong hindi na Nate. Dadagdag ka pa sa pag-aalala ko. Hindi ka aalis.-saan ba kasi nagpunta ang dad mo, pati ang phone niya ring lang ng ring.”

“May gps tracker naman iyong phone ni dad, madali lang ma-locate iyon meh. Pag after an hour na wala si dad tsaka na tayo kikilos. Kaya kumalma ka lang, sure naman ako na okay si dad.” Ani ni Nate.

Paalis na sana si Nate pabalik ng silid nito nang may naisip itong itanong sa ina.

“Meh, okay lang ba kayo ni dad?”

“Oo naman, bakit Nate?”

“These past few weeks mukhang may napansin akong sudden changes sa bahay na ito. Lalo na sa inyo ni dad. I don’t know, pero na noticed ko na madalang na lang tayo nakukumpleto sa bahay. During breakfast laging nagmamadali si dad na as if may hinahabol na oras. He’s not like that naman ever since. Tapos madalas late na rin siya kung umuwi. Hindi na nga tayo sabay-sabay lagi sa dinner eh. Kahit ikaw, may times na pag nandito lang si dad ikaw iyong wala. And pag ikaw naman ang nandito si dad naman iyong absent. May something ba na hindi namin alam mommy?” Wika ni Nate, base sa mga napapansin nito.

Mariin namang pinabulaanan ni Jessica ang naiisip ng anak. Sa halip sinabi nito kay Nate na may inaayos lang na gusot sa kanilang negosyo ang kanilang ama, at ganun din siya kung kaya’t minsan hindi nagkakatagpo-tagpo ang kanilang oras sa bahay. “Maiintindihan mo rin ang lahat once kayo na ni Jane ang mag-take over ng mga negosyo natin. But I assure you, wala kaming problema ng dad niyo. Okay kami at maayos ang pamilya natin.” -paliwanag pa ni Jessica, sabay yakap kay Nate.

Sinang-ayunan naman ni Nate ang paliwanag ng ina, ngunit sa loob nito tila may bumubulong sa kanya na talagang may mali. At desidido itong malaman kung ano man iyon. Batid ni Nate na may tinatago lang sa kanila ang kanilang magulang. Ramdam niya iyon dahil sa mga nakikitang pagbabago sa dating nakasanayan.

Madaling araw na nang makauwi si Karl at may tama pa ng alak. Tanaw ni Nate mula sa kanyang silid ang pag-uwi ng ama na sinalubong naman ng ina. Dumagdag sa kyuryosidad ni Nate ang sandaling iyon, dahil ni minsan hindi pa niya nakita ang ama na umuwi ng ganung oras at lasing. Kaya lalong lumakas ang kutob nito na may pinagdadaanan ang kanilang mga magulang.

Kinabukasan, maagang nagising si Kaloy; -madilim pa lang at halos katitilaok pa lang ng mga manok sa mga sandaling iyon. Tahimik pa ang buong bahay paglabas nito ng silid. Wala pang masyadong gumagalaw sa baba, bukod sa kasambahay nila na sa mga oras na iyon naghahanda na ng almusal para sa kanila sa kusina. Tinaon talaga nito nasa ganung oras ito magising para hindi nito maabutan ang mga magulang.

Tangan sa ang kanyang malaking gym bag at backpack maingat itong lumabas ng bahay nang hindi man lang sumaglit ng almusal sa kusina. Napansin na rin pala ito ni Paquito na kakagising lang din ng mga oras na iyon. Sinundan nito si Kaloy na papalabas na ng gate.

“Ang aga naman ng gising mo pare. Saan ba ang punta mo at may malaking bag ka pang dala?” Biglang salita ni Paquito nang tapikin nito si Kaloy sa likod tsaka inakbayan.

Nagulat naman ang si Kaloy sa pagsipot ng kaibigan kaya hindi agad ito nakasagot sa tanong nito sa kanya.-“Mga gamit pang-gym, balak ko kasi sumabay kay Evan na mag gym mamaya pagkatapos ng klase.”

“Sa hapon pa iyon ah…-eh madaling araw pa lang naman.” Sambit ni Paquito.

“May usapan kasi kami ni Evan na mag jogging muna bago pumasok. Eto nga at susunduin ko ang isang iyon sa kanila eh, -doon na rin ako magbibihis ng uniform sa bahay niya, para diretso na. Kaya ito iyong karga ko.” Ani pa ni Kaloy.

“Puwede bang sumabay sa jogging niyo?” Tanong ni Paquito.

Hindi na nakatanggi pa si Kaloy. Napatango na lang ito sa kaibigan. Kahit na hindi naman talaga iyon ang tunay na dahilan nito sa pagpunta kay Evan. Ang totoo, iniiwasan lang talaga ni Kaloy na magkaharap sila ng mga magulang at isang alibi lamang ang kunwaring jogging nila ni Evan. Habang hinihintay si Paquito sa labas ng gate na nagpalit ng sapatos, -tinawagan ni Kaloy si Evan. Ngunit panay ring lang ang cellphone ng isa.

“Baka tulog pa ang isang iyon ngayon, -bahala na. Tatawagan ko na lang ulit siya pag nasa tapat na kami ng bahay niya mamaya.” Sa isip ni Kaloy.

Maya-maya pa lumabas na si Paquito na nakapang jogging. Mamasa-masa pa ang daan dahil sa magdamag na ulan. Ilang bahay din ang lalaktawan bago ang bahay ni Evan mula kina Kaloy.

Na sa mga sandali naman na iyon sa bahay ng lalake, abala na si Evan sa niluluto nitong almusal. Nasa kusina ito nang nilapitan ito ni Dax na bagong ligo at bagong bihis na rin.

“Ang bango ng niluluto mo ah, amoy palang nakakagutom na.” Wika ni Dax nang lapitan si Evan sa kusina.

“Tocino lang ito huwag kang OA. -buti kasya sa iyo ang damit ko.” Sabat ni Evan.

“Sukat na sukat nga eh. Salamat nga pala sa pagsama sa akin dito.”

“Alangan naman iwan pa kita dun. Tsaka ihahatid ko rin naman si Kaloy mamaya sa eskuwelahan niyo.-sumabay ka na lang.” Sambit pa ni Evan.

“Siya nga pala speaking of Kaloy, phone mo kinuha ko sa kama mo. Kanina ka pa yata tinatawagan ng special friend mo.” Sabi ni Dax sabay abot ng cellphone kay Evan.

Takang-taka naman si Evan bakit napatawag ng ganung oras si Kaloy. Kaya agad nito binalikan ang tawag ng kaibigan. At nagulat na lang ito nang sinabi sa kanya ni Kaloy na malapit na ito sa bahay niya at niyayaya pa itong mag jogging sa gitna ng mahamog na umaga at mabasang daan. Hindi na nito nabanggit pa kay Kaloy na naroon din sa bahay nito si Dax dahil bago pa man natatapos ang kanilang usapan sa cellphone, nasa labas na ng kanyang gate si Kaloy kasama si Paquito.

“Dax? Nandito ka?” Gulat na reaksyon ni Kaloy nang makita ang paglabas ni Dax mula sa loob ng bahay ni Evan.

“Let me explain,-kuwan kasi kagabi…ganito kasi iyon…kuwan kasi, hinahanap kita tapos…eto kasi iyon talaga…” Ang pautal-utal na paliwanag ni Evan, na hindi alam kung paano niya sasabihin kay Kaloy ang nangyari kung bakit naroon si Dax sa pamamahay niya.

Inagaw naman ni Dax ang usapan at napakuwento kay Kaloy kung bakit naroon ito sa bahay ni Evan. “Nagkita kasi kami kagabi nitong kaibigan mo. Inabutan ng ulan, walang masakyan, walang masilungan -kaya sinakyan ko siya,… ibig kong sabihin pinasakay niya ako sa kotse niya tapos nakiusap ako na puwede muna makitulog dito. Kaya nandito ako.” Kuwento pa ni Dax na sinang-ayunan naman ni Evan.

Hindi naman nagtanong pa si Kaloy sa dalawa-bagama’t na wi-werduhan lang ito sa nakikita, dahil kilala niya si Evan na galit na galit talaga tsaka naiinis sa pagmumukha at ugali ni Dax. Dahil sa presensiya ni Kaloy at Dax nakaramdam ng pagkailang sa sitwasyon si Evan. Hindi ito makatingin ng deretso kay Kaloy na para bang nahihiya ito. Habang nagsusuot ng sapatos si Kaloy nilapitan ito ni Evan.

“Wala daw kasi matulugan si Dax eh kaya, sinama ko na pauwi. Hindi naman iyan magtatagal dito eh. Makikisabay lang daw siya sa atin mamaya.” Sabi nito kay Kaloy na halos pabulong pa.

“Buti okay na sa iyo si Dax. Hindi ka na naaasar sa pagmumukha niya. Makakasanayan mo rin ang isang iyan.” Ang tugon ni Kaloy kay Evan na nakangiti.

“Di ka nagseselos?” Tanong pa ni Evan.

“Bakit naman ako magseselos. —Kung saan ka masaya, masaya na rin ako para sa iyo pare. Tingin ko nga bagay kayong dalawa eh. Kita ko na talaga ang spark sa inyong dalawa una pa lang.” Tugon ni Kaloy sabay tapik sa pisngi ni Evan at ngumiti.

Napailing naman si Evan sa tugon ni Kaloy. Hindi naman iyon ang inaasahan ng lalake na sasabihin ng isa sa kanya. Gayunpaman nirerespeto pa rin nito ang relasyon ni Kaloy at Vince. Paalis na nga sana sila para mag-jogging nang umambon bigla. Kasunod ang manaka-nakang pagkulog. Kaya sa halip na mag-jogging napagpasyahan na lamang ng apat na manatili na lang dun sa loob ng bahay ni Evan at gamitin na lang ang mga gym equipment ng lalake na naroon sa kuwarto nito.

Matapos makapagunat-unat ng katawan sabay na nag almusal ang apat.

“Dalasan mo pagbisita rito pare, laro tayo ng basketball may magandang basketball court dito. Sama natin iyong isa ko pang kababata, si Burnok. Halimaw din iyon sa ring kung tumira.” Bida pa ni Paquito kay Dax.

“Oo ba, iyon kung ayos lang dito kay Carlo… tsaka rito kay Evan.” Sambit ni Dax.

“Ayos lang naman sa akin, eh kaso ang layo nito sa inyo. Baka mahirapan ka lang mag commute. Wala pa namang jeep na rumuruta rito.” Sabat ni Kaloy.

“Eh di si Evan na maghahatid sundo sa kanya. Puwede naman iyon diba pare?” Hirit ni Paquito.

“Pag may bayad walang problema, pero kung libre…naku wag na. Ang mahal ng gasolina. Mahahalagang tao lang ang nililibre ng kotse ko noh.” Tugon ni Evan sa hirit ni Paquito.

Napangiti na lang si Dax na napasulyap kay Evan nang maalala ang nangyari sa kanila ng gabing iyon.—

Habang naghihintay na tuluyang mag-umaga at lumiwanag sa labas naglaro muna ng board game ang apat. Sa bahay nila Kaloy; pagkagising pa lang ni Tess kinatok na agad nito ang anak sa kanyang silid. At nang malaman na wala na roon ang anak agad ito nagtanong sa mga kasambahay.

Nang bumaba si Karding napag-usapan agad ng mag-asawa ang tungkol sa kanilang anak.

“Kasama daw niya si Paquito kanina sabi ng guard. At ang sabi narinig niya ang dalawa na nag-uusap tungkol sa gym.” Wika ni Tess sa asawa.

“Gym? Sa madaling araw? Tapos umaambon pa…—sinubukan mo na bang tawagan? Alas sais na, baka hindi pa iyon nakapag almusal.” Sabat ni Karding.

“Tapos na po kami mag almusal Tay, Nay.” Biglang salita ni Paquito na kakarating lang.

“Uy Paquito nandito ka na pala. Si Kaloy namin?” Tanong ni Tess.

“Dumeretso na po sila ni Evan sa eskuwelahan. Ibinaba na nga lang ako ni Evan sa gate. Kasama rin nila Kaloy ang kaklase niya na nakitulog kay Evan kagabi.” Sagot naman ng lalake.

“Nang di man lang nagpaalam sa amin?—dumaan naman pala kayo dito, bakit di muna sila bumaba para magpaalam man lang? Naku Tess tawagan mo iyang anak mo. Kausapin mo, tanungin mo kung bakit.” Wika pa ni Karding na di nagustuhan ang di pagpaalam ng anak.

Agad nga naman tinawagan ni Tess si Kaloy. Nung una nagdadalawang isip pa si Kaloy na sagutin ang ina, ngunit sa ingay ng cellphone nito napilitan itong kausapin si Tess. “Pasensya na Nay, hinahabol kasi ni Evan ang traffic baka maipit kami sa daan. Kaya hindi na kami nakahinto sa bahay kanina.” —pagdadahilan pa ni Kaloy sa ina.

“Kaloy alam namin ng tatay mo na nakipag-kita ka kay Karl kagabi. Kaya hindi mo maitatago sa amin ang nararamdaman mo ngayon. Ingat kayo ni Evan sa biyahe. Mamaya, pagkatapos ng klase mo hihintayin ka namin ng tatay mo. May sasabihin kami sa iyo.—nak, tandaan mo, ano man ang nalaman mo hindi iyon ibig sabihin nagsinungaling kami sa iyo. Sige na, pukos ka muna sa klase mo at paguusapan natin ang lahat pag uwi mo.” Ang saad pa ni Tess sa anak.

Hindi na nakaimik pa si Kaloy. Bigla na lamang nagtubig ang mga mata nito pagkababa ng hawak na cellphone. At napansin iyon ni Evan. Tinitigan lang siya nito ni Evan tsaka binigyan ng panyo sabay tinapik ang hita ni Kaloy na nagpapahiwatig sa lalake na naroon lamang ito kung nais niyang huminga ng problema sa kanya. Pilit na ngumiti si Kaloy kay Evan nang kunin nito ang panyo sa lalake tsaka nag pasalamat. Malapit na sila ng eskuwelahan nang sakto namang tawag ni Vince kay Kaloy.

“On the way na rin ako ng Victor. —kamusta ka nga pala kagabi, nakatulog ka naman ba ng maayos baby love?”

“Nakatulog ng kaunti, nakatulong sa akin ang ulan kagabi. Siya nga pala baby love tutuloy ka ba mamaya?” Tanong ni Kaloy na nag-aalangan.

“Sure ako baby, hinding-hindi kita pababayaan. After ng klase ko later deretso agad ako sa inyo. Di kaya kung ayos lang din sa iyo,—ako na magsusundo sa’yo sa eskuwelahan mo. Ayos lang ba iyon baby love?” Tugon ni Vince.

“Tatawagan kita mamaya baby love. —nandito na naman ang dad ni Nate sa eskuwelahan namin.” Sambit ni Kaloy nang makita ang kotse ni Karl na naka-park na naman sa tapat ng kanilang eskwelahan.

“What, nandiyan na naman dad niyo? Akala ko ba nag-usap na kayo kagabi, bakit nandiyan na naman si tito?” Tanong ni Vince kay Kaloy.

“Hindi ko alam baby, baka gusto lang bumawi sa akin. Sige na baby love nandito na kami ni Evan, kakausapin ko na muna ang dad ni Nate.”

“Dad niyo ni Nate baby. Dapat masanay ka na sa kanya na tawagin siyang daddy. Anyway magpapaalam na rin ako, malapit na ako sa Victor. Goodluck baby love, I love you…see you later.”

“I love you too baby love,— bye.”

Pagkababa ng cellphone, biglang kinamayan ni Dax si Kaloy sabay sabi —“congrats pare, di mo man lang na sabi sa akin na may jowa ka na pala. Tas baby love pa pala ang tawagan niyo. Ang landi lang pakinggan pero sweet.” Sabay baling ng pansin kay Evan. “Tayo kaya pare, ano ang magandang tawagan natin sa isa’t isa? Honey munchkin kaya?” Biro pa nito kay Evan.

“Ewan ko sa iyo Dax, bumaba ka na nga panget ng ideya mo.” Sabat ni Evan na tila naasar lang sa lalake.

“Hate me now but don’t you ever dare fall with me, dahil hindi lang kita sasaluhin, bubuhatin pa kita hanggang kama.” Hirit pa na bulong ni Dax kay Evan bago ito bumaba ng kotse.

Natawa na lang si Kaloy sa reaksyon ni Evan sa sinabi ni Dax sa lalake.

“Bagay pare, kung ako sa iyo…bitagin mo na iyon baka makawala pa.” Wika ni Kaloy sa kaibigan.

“Ang saya mo rin eh noh? Kung sa iyo siguro payag ako, pero dun wag na uy. Sakit lang sa ulo ang dala nun. Bukod sa lasenggo na, trouble maker pa.—Teka nga lang pare, ano na naman ginagawa ng dad ni Nate dito? May usapan ba kayo kahapon?”

“Kukwento ko sa iyo mamaya, sige pare salamat sa paghatid ingat ka sa daan.” Tugon ni Kaloy kay Evan nang bumaba na ito ng kotse.

Pagkababa ng kotse ni Evan agad na tumawid ng kalsada si Kaloy para lapitan ang nakaparadang kotse ng amang si Karl. Ngunit wala sa loob nun ang ama, kaya palinga-linga ito sa paligid baka mahagip ang ama. Nang hindi nito makita, nilapitan ni Kaloy ang tindero ng fishball na nasa gilid ng kalsada malapit sa pinagparkan ng kotse ng ama para magtanong.

“Kuya napansin niyo ba ang sakay ng kotse na iyan?” Tanong nito sa tindero.

“Ah oo, pagkababa niya kanina may nilapitan siyang estudyante sa tapat ng internetan na iyan. Anak niya iyon siguro. Tapos naglakad silang dalawa tsaka lumiko sa banda roon.” Sagot naman ng tindero.

“Salamat kuya.—sinong estudyante naman kaya ang kinausap nun? Mapuntahan nga, pero ano naman ang gagawin nila dun? Puro kainan lang naman at karenderya ang meron dun ah. Alangan naman ililibre niya iyong estudyante, tsaka maamoy at malangaw kaya dun. Eh sanay pa naman iyon sa mamahalin at sosyaling kainan.” Sa isip pa ni Kaloy.

Papunta na sa gawing iyon si Kaloy nang tawagin ito ni Dax tsaka nilapitan.

“Tara na sa loob pare, kinse minutos na lang at magsisimula na ang klase. Nakita ko na si Ma’am, salubong na naman ang kilay tiyak quiz agad ang intro nun. Halika na.” Wika ni Dax nang inakbayan si Kaloy.

Hindi na natuloy pa si Kaloy sa nais nito dahil sa pagsundo sa kanya ni Dax. Pumasok ito na palaisipan pa rin sa kanya kung sino ang kasama ng kanyang ama na estudyante.

Samantala aburido naman si Nate habang nagmamaneho ng kotse papuntang Victor High. Habang kausap naman nito sa video chat ang kapatid na si Nathalie.

“Iyon nga ang sabi ko kay mommy kuya, malaman ko lang talaga na may ibang babae si dad, naku kakalbuhin ko talaga ang kabit niya.”

“Duda talaga ako na may something kay dad. See, madaling araw na nang umuwi tsaka nakainom tapos ang agang umalis. Ni hindi nga natin inabutan kanina sa breakfast. At itong si mommy naman parang okay lang sa kanya. And you know kung saan ko na locate si dad, nasa isang bar. Kelan pa natin nakitang nag ba-bar si dad? Eh galit nga iyon sa akin sa tuwing tumatakas ako para mag hangout sa bar eh. He hates it, tapos nag ba-bar na rin siya ngayon?” Ang himutok pa ni Nate.

“Don’t worry kuya malalaman din natin ang tinatago ni dad kung meron man. I’m out na nandito na ang teacher namin. Usap na lang tayo later. Ingat ka sa biyahe. Eyes on the road kuya. Masasagot din ang mga tanong natin. Bye yeeeh.”

Sa mga pinapakitang kilos ni Karl, wala itong kamalay-malay  na unti-unti na pala nitong sinisira ang respeto at tiwala ng mga anak sa kanya. Wala man sa intensiyon niya na gawin iyon, ngunit iyon ang nangyayari. Sa kagustuhang makabawi sa isa pang anak, napapalayo naman ang dalawa sa kanya. Hindi man agaran ngunit nagkakalamat na.

Nang mga sandaling iyon kasama ni Karl ang anak ni Caleb na kumakain sa isang bulaluhan.

“Kasama ko ang papa mo kagabi, at nalaman ko sa kanya na dito ka pala niya nilagay.” Wika ni Karl sa kaharap na estudyante.

“Baka raw kasi dito ako tumino at umayos tito.”

“Ginagawa lang ng papa mo ang sa tingin niya makakabuti sa iyo. Mahal ka ng papa mo at nais lang nun na matuto kang pahalagahan ang mga bagay na meron ka. Sa totoo lang sa lahat sa inyo ikaw ang pinaka spoiled sa inyo dati na magkakapatid. Ewan ko nga ba at naging ganyan ka kapasaway, Tularan mo ang kuya Lyndon mo.” Ani pa ni Karl.

“Napaka perfectionist naman kasi ni papa tito. Ano naman ang magagawa ko kung hindi ako kasing talino ng mga kuya ko? Ginagawa ko naman ang lahat tito pero para kay papa kulang pa rin. Buti pa nga kayo kinakausap mo ako ng ganito, —eh si papa? Achievements lang naman mahalaga sa kanya eh, pero ang nararamdaman kong hirap di niya alam. Wala iyong pakialam sa akin tito.” Tugon naman sa kanya nito.

“Hayaan mo at kakausapin ko uli ang papa mo. Tsaka kung hirap ka kausapin ang parents mo sa problema mo, nandito ako kami ng tita Jessica mo. Lumapit ka lang at pakikinggan ka namin. Matalino kang anak Travis, kaya gamitin mo iyan sa maayos. Tama na ang kalokohan, ipakita mo sa papa mo na mali ang tingin nila sa iyo. Isang taon na lang college ka na. Don’t waste your chance na baguhin ang perception ng papa mo sa iyo.” Saad pa ni Karl.

“Ang suwerte talaga nila Nate at Nathalie sa inyo ni tita,—tito. Bukod sa super bait niyong parents, very supportive pa. Pero teka lang tito ano iyong sabi mo kanina sa akin na may isa pa kayong anak na nagaaral din dito. Ibig sabihin ba nun may anak kayo sa labas?” Sambit ni Travis.

“Anak ko sa dati kong nobya bago ang tita Jessica mo. Ngayon lang din kami nagkakilala at estudyante nga siya sa eskuwelahan mo. Actually magkasing-edad lang din kayo, same year din. That’s why natuwa ako nang sinabi sa akin ng dad mo na dito ka nag aaral. May mata na ako sa school niyo para tingnan-tingnan ang anak ko.” Agarang sagot ni  Karl kay Travis.

“You mean gagawin mo akong tagabantay ng anak niyo tito?” Natawang tanong ni Travis.

“Not necessarily, —pero gusto ko lang na ma secure ang safety niya sa school niyo, knowing na maraming gangster-gangster dito. At para na rin malaman ko ang mga activities niya rito. Kung pasaway din ba siya o matino.”

“So magiging spy pala ako ng anak mo tito?”

“Simply monitoring lang naman. And don’t worry bibigyan naman kita ng pang additional sa allowance mo.” Ani pa ni Karl.

“No need na tito, huwag kang mag alala ako na bahala sa anak mo rito. By the way ano ba siya tito, babae o lalake?”

Agad na ipinakita ni Karl kay Travis ang larawan ni Kaloy na naka-save sa cellphone nito. At pagkakita pa lang ni Travis na tulala agad ito nang malaman na si Kaloy pala ang tinutukoy ni Karl.

“Seryoso tito? Si Carlo ang anak niyo?”

“Kilala mo? Magkakilala na kayo?”

“Yes tito, kilalang-kilala sa school namin si Carlo.”

“We’ll then good at least may connection ka na sa kanya. —Keep an eye on him, maasahan ko ba iyon sa iyo? Travis?”

Tila na basag lahat ng balak at plano ni Travis para kay Kaloy nang malaman nito ang totoo. Pumayag ito sa kagustuhan ni Karl. At kasama sa utos ni Karl na gawin nito ang ilayo si Kaloy sa mga kaibigan na sa tingin niya hindi maganda ang impluwensiya sa kanya.

SCRATCHES

Sa opisina na nagtagpo sina Jessica at Karl matapos nga ito umalis ng maaga para dumaan sa eskuwelahan ni Kaloy. Bungad pa lang, binuksan na agad ni Jessica ang usapin kay Karl tungkol sa pagdududa ng kanilang mga anak.

“Aayusin ko muna ang relasyon ko kay Kaloy. Mukhang mailap kasi sa akin ang isang iyon. At marami akong hindi gusto sa ugali niya. We’ll hindi ko rin naman siya masisisi, hindi ako ang ama na nagpalaki sa kanya.” Wika ni Karl.

“Pinapaalala ko lang sa iyo eighteen years old na ang anak mo nang nagpakita ka sa kanya. Hindi mo na makokontrol ang pag iisip nun. Ngayon ka lang dumating sa buhay niya, kaya huwag kang umasang susundin ka nun sa mga bagay na gusto mo.” Sabat ni Jessica.

“Tingnan natin. Alam ko namang na impluwensyahan lang siya ng mga taong nasa paligid niya ngayon, kaya ang sa tingin niyang okay -ay tama na para sa kanya. Hindi ko siya pipilitin, pero mababago ko siya.” Ani pa ni Karl.

“Paano na ang dalawa? Si Nate nagdududa na may babae ka. Pati si Jane kinukutuban na rin. Ayokong magalit sa iyo ang mga anak mong iyon Karl. I suggest na sabihin mo na sa kanila ang totoo.” Sambit ni Jessica, habang inaayos ang kwelyo ng damit ng asawa.

“Ang mahalaga ikaw alam mo ang totoo. Sasabihin ko rin naman sa kanila ang tungkol sa kapatid nila kapag naayos ko na ang sa amin ni Kaloy. Tsaka pasensya na. Hayaan niyo at babawi ako sa inyo.” Tugon ni Karl tsaka hinalikan si Jessica sa noo at niyakap.

“Ewan ko sa iyo, ang simpleng bagay pina-kukumplekado mo lang. Sa bahay ka ba mag di-dinner mamaya? -magluluto ako ng steak at kare-kare.” Wika ni Jessica na nilalambing ang asawa.

“Sure, aagahan ko ang uwi mamaya…promise.” nakangiting tugon ni Karl at hinalikan sa labi si Jessica.

Kung para sa mag-asawa wala namang mabigat na problema sa ginagawa ni Karl, iba naman ang dating nito kay Nate na nagsisimula nang pag-isipan ng maling gawa ang ama. Hapon na nun at katatapos lang ng kanilang klase. Simula pa lang ng araw pansin na Vince ang sama ng timpla ng kaibigan. Wala ito sa focus at laging nakatingin sa bintana. Nakasandal nun sa kanyang kotse si Nate habang umiinom ng beer in can nang lapitan ito ni Vince.

“Nagdala ka ng beer? Bawal iyan dito ah. Baka makita ka ng iba rito at maitimbre ka sa mga faculty dito.-bakit may problema ba?” Wika ni Vince.

“Wala ito, medyo may iniisip lang. Pauwi ka na ba? Tara sa tambayan palamig muna tayo.” Tugon ni Nate.

“Next time na lang may usapan kasi kami ni Kaloy, pupunta ako sa kanila. Ikaw baka gusto mo, dun na lang tayo sa kanila.” Sabat ni Vince.

“Wag na makaka-istorbo pa ako sa inyong dalawa. Hihintayin ko na lang ang mga tropa ko. Mag enjoy na lang kayo ni Kaloy, kung ano man iyang napag-usapan niyo.” Ani ni pa ni Nate.

“Sige mauna na ako sa iyo, ingat sa pag maneho, tsaka wag magpasobra. Pag hindi kaya tawagan mo ako susunduin kita.” Bilin naman ni Vince kay Nate bago ito sumakay nang kanyang kotse.

Ngumingiti naman si Nate sabay tango kay Vince. Saktong pag-alis lang ng kotse ng kaibigan nang siyang dating naman ng mga barkada ni Nate sa banda. Nang kumpleto na ang lahat sabay-sabay na rin silang umalis. Sakay ni Nate sa kanyang kotse si Errol at Brix.

“Bro, alanganin na tayo sa Three sixty nitong Martes lang nabulabog ang pugad nila kuys Dindo. Bulabog na ang source natin. Tsaka marami ng mata at tenga sa lugar. Mahirap na gumalaw dun ngayon.” Sambit ni Brix kay Nate.

“Iinom lang naman tayo ah, ano ang problema dun? Huwag niyong sabihin may mga karga kayo diyan.” Napangising tugon ni Nate na sumulyap kay Errol na nasa backseat ng kotse.

“Saks lang naman pare, kaunting pampa hype lang mamaya. Sina Jay meron din pero mukhang hindi iyon sasakto sa ating lima.” Sabat ni Errol.

“Tang ina, buti nakalusot kayo sa guard kanina.”

“Paano niya kami mahuhuli eh nandito sa loob ng briefs ko ito.” Ang tawang-tawa na bida ni Errol sabay hubad ng school pants nito tsaka dinukot sa loob ng kanyang briefs ang maliit na plastik na may makukulay na tabletas.

“Puta ka baka amoy tamod na iyan. Diyan mo pa talaga tinago hayup ka.” Ang natawa na ring reaksiyon ni Nate. Na sinabayan naman ng tawa ni Brix

“Uy mga tang na kayo, mabango kaya lagi tarub ko. Pasubo ko pa ito sa inyo eh”. Saad pa ni Errol tsaka ipinakita pa sa dalawa ang pag-aari nitong may katabaan din.

Hindi iyon inaasahan ni Nate sa kaibigan. Napalunok talaga ito ng laway nang makita sa rare mirror ang buratso ni Errol. Bumalik lang ito sa sarili nang inakbayan ito ng kaibigan. -“May bagong bukas na bar sa upper east pare, mas maraming bebot dun.” Suhestiyon ni Errol.

“Kung saan ang tropa, dun tayo.” Sabat ni Nate.

At doon nga ang destinasyon nila. Samantala pauwi na rin si Kaloy sa kanila kasama si Evan. Minabuti na lang nito na huwag na papuntahin sa eskuwelahan si Vince para di na ito maipit sa mabigat na traffic at magpasundo na lang kay Evan. Pag-akyat pa lang nito sa kotse bungad agad na tanong ng kaibigan kay Kaloy ang tungkol sa pagkikita nila ng ama ni Nate. Napakuwento naman agad si Kaloy kay Evan na siyang ikinagulat ng huli.

“Alam na ba ni Nate ito?” Tanong ni Evan.

“Hindi ko alam kung nasabi na rin niya ito kina Nate at Nathalie.” Sagot naman ni Kaloy na may lungkot pa rin sa boses.

“Kaya ba umiwas ka kanina sa bahay niyo? Galit ka ba sa nanay at tatay mo dahil nilihim nila sa iyo ito?”

“Hindi naman ako galit, nagtatampo lang. Siguro kung dati pa alam ko na, baka hindi ganito iyong mararamdaman ko. Ni hindi nga ako natuwa nang malaman ko na siya iyong ama ko eh. Hinarap ko na lang siya dahil daddy siya ni Nate.” Pahayag pa ni Kaloy.

“Kung ako sa iyo pakinggan mo muna sina tita Tess at tito Kardong, malay mo may rason naman bakit nila nilihim sa iyo ang lahat.-so nagkita muli kayo nung biological dad mo kanina?” Wika ni Evan.

“Hindi, wala siya dun kanina. Ang sabi ng mga nakapansin may ibang estudyante raw siyang kasama. Nang binalikan ko ang kotse niya, wala na. Hindi rin ako tinawagan kaya baka iba ang sadya niya dun kanina at hindi ako.” Kuwento ni Kaloy.

“Baka may iba pa kayong kapatid sa labas na dun din nag-aaral, di kaya?” Pakiwari pa ni Evan kay Kaloy.

“Duda ako sa pakay niya dun. Nasabi na niya sa akin na gagawa raw siya ng paraan para tumino ang pagkatao ko. Simula pa lang ayaw na niya sa relasyon namin ni Vince. At ngayong nalaman na niya na anak niya ako, sisiguraduhin daw niya ituwid ang baluktot kong desisyon sa sarili ko.” Ani pa ni Kaloy.

“What? Ngayon pa nga lang kayo nagkakilala ganun na agad siya sa iyo? Napaka homophobic naman ng dad niyo. Paano iyan? Susundin mo ba?” Tanong pa ni Evan.

“Siyempre hindi. Maaring ama ko nga siya pero wala siyang karapatan na kontrolin o diktahan ang buhay ko. At lalong hindi niya puwedeng pakialaman ang relasyon namin ni Vince. Lumaki ako na wala siya, at mabubuhay ako kahit wala siya.” Saad pa ni Kaloy.

“Problema nga iyan pare. Kung ako sa iyo magtapat na rin kayo ni Vince sa nanay Tess mo at sa tatay mo. Kung may higit man na makakaintindi sa iyo, sila lang iyon.” Sambit ni Evan sabay tapik sa hita ni Kaloy.

Tumugon ng ngiti si Kaloy ngunit kita parin sa mga mata nito ang labis na pag-aalala. Mabigat ang nilalaman ng kalooban nito na puno ng pag-aalinlangan. Ngunit kailangan niyang harapin ang takot sa katotohanan kung nais nitong makalaya sa mabigat na panghuhusga ng mga tao sa paligid niya.

Sa kabilang banda; Buhat na nangyari ang gulo noon kina Karding, lumipat na ng hôtel sina Jasper at Mayang. Dahil na rin sa nangyaring away sa pagitan ni Jasper at Karding na kinasangkutan na rin ni Karl nagbago na ang plano. Ang sanang masayang bakasyon ng mag-asawa sa Korea ay hindi na matutuloy. Sa halip, na pagpasyahan ni Jasper na sa bansa na lang nila sasalubungin ang bagong taon.

“Ano ba kasi ang dahilan bakit nag-away kayong tatlo?” Tanong ni Mayang habang nagsusuklay ng buhok sa harapan ng salamin.

“Masyadong kumplikado kaya wag mo nang itanong. Baka maguluhan ka lang.” Sabat ni Jasper habang nagpupunas naman ng tuwalya sa katawan at kagagaling lang ng banyo.

“Ngayon pa ba ako maguguluhan eh simula’t sapol magulo na itong relasyon natin. -Hindi ko nga rin alam kung bakit at paano ko nasisikmura ang mga ginagawa natin eh. Alam mo ba nung mga araw na nakitira tayo sa bahay nila ni Tess, doon ko talaga napag-kumpara na ang layo ng pagkakaiba natin sa kanila. Napapaisip nga ako kung tama pa ba itong mga pinaggagagawa natin.” Wika pa ni Mayang.

“Nagsasawa ka ba na sa piling ko? Kung ayaw mo na, eh di sige umalis ka-iwanan mo ako hindi kita pipigilan. Kung sa tingin mo mali ang ginagawa natin malaya ka namang maghanap ng iba na sa tingin mo tama. Kelan ang balak mo?-nang hindi ka na mahirapan sa akin.” Ang kalmadong tugon ni Jasper sa kinakasama sabay salin ng alak sa baso nito.

“Hindi naman iyon ang punto ko, kuwan kasi naisip ko lang naman. Nabanggit kasi sa akin ni Tess na hindi naman mahalaga sa kanila ni Karding ang sex. At kaya naman daw matibay parin ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa eh dahil sa mahal lang talaga nila ang isa’t isa.” Sambit pa ni Mayang

“Mahal naman kita ah, nagmamahalan naman tayo. Anong pinagkaiba natin sa kanila? Dahil ba sa masadalas tayo nag si-sex sila hindi? Ang natawang sabi ni Jasper.

“Ang paraan natin kung paano natin iyon ginagawa. Bakit kailangang pa natin ng may kasalo? Kaya naman nating gawin iyon ng tayo lang ah…” Ani ni Mayang.

“Nag i-enjoy naman tayo dun ah, tsaka gustong-gusto mo rin naman-ano pa ba ang inaangal mo? Bago ka pumayag na sumama sa akin kilala mo na ako. Alam mo na ang mga hilig ko. At alam mo kung saan ako nasasarapan at ginaganahan. Umpisa pa lang malinaw na sa iyo ang lahat ng iyon.” Sabay biglang pagtaas ng boses ni Jasper. “Ngayon kung nagbago na ang pagtingin mo at ayaw mo na sa gusto ko, hindi kita pipigilan.” Dagdag pa ni Jasper tsaka nito iniwan si Mayang at lumabas ng veranda ng nang naka-hubot hubad.

Hindi na umimik pa si Mayang. Masama man ang loob sa lalake, hindi na nito inilaban ang sarili. Malaki ang naitulong ni Jasper sa buhay niya buhay ng nakilala niya ito. At batid naman ni Mayang na kahit ganun si Jasper, mahal siya ng lalake. At tama rin naman si Jasper nang sabihin nitong nag i-enjoy naman talaga silang dalawa sa kanilang ginagawa.

Habang nag-aayos parin ng sarili sa harapan ng salamin,-tumunog ang doorbell sa kanilang silid. Narinig iyon ni Jasper kaya pumasok muli ito para tingnan kung sino ang nasa labas ng pinto.

“Baka iyan na iyong binok natin. Oh ano gagawin mo pa rin ba ang dati o sosolohin ko na ito? Puwede ka rin namang manood kung ayaw mo. Kung di mo kaya, puwede naman na mag mall ka muna. Tatawagan na lang kita kapag tapos na kami. Ano game ka pa rin ba?” Wika ni Jasper kay Mayang.

“Sino ba ang mauuna sa atin sa kanya?” Sabat ni Mayang sabay hubad ng tapis nitong tuwalya na lumapit kay Jasper.

Napangiti naman ang lalake na humarap kay Mayang sabay kabig sa katawan nito palapit sa kanya tsaka sinibasib ng halik ang babae sa labi nito at leeg pababa sa dibdib. “Sabay tayo, para mas masaya.” Sabi pa ni Jasper tsaka na nito nilapitan ang pinto.

Sa labas ng silid, muling tiningnan ng lalake ang mensahe sa kanyang cellphone para kumpirmahin kung nasa tamang numero nga ba ng silid ito nakatayo.

“420, ito na talaga iyon. Pero ang tagal naman nila mag bukas. Ano kayang couple sila. Pero base sa profile nitong nag book sa akin mukhang hot daddy ito, ang tanong kung hot daddy din kaya ang kasama niya? -malalaspag na naman ngayon itong bibol ko. Pero kayang-kaya iyan, ang mahalaga makapag-uwi ako ngayon ng pera para pandagdag sa chemo session ni mama.” Sa isip ng lalake.

Muli itong nag-doorbell.

Sinilip naman muna ni Jasper ang ayos ng katransaksyon sa peephole ng pinto. Ngunit tanging ang tindig lang nito ang nakita niya dahil nakasuot ng facemask ang lalake. Gayunpaman pasado na rin sa kanya ang laki at lapad ng pangangatawan ng ka booking. Sinadya pa ni Jasper na hindi na magtapis pa ng tuwalya, nais niya na makita agad ng lalake ang kabuuan ng hubad niyang katawan.

Pagkabukas nito ng pinto. Namilog ang mata nang lalake sa gulat nang makita si Jasper. Bahagya itong napaatras ngunit agad naman itong inakbayan ni Jasper para papapasukin sa loob ng silid. At lalo lang na natigalgal sa kinatatayuan nito ang lalake nang makita si Kayang na nakahilata naman sa ibabaw ng malaking kama na wala rin na kahit anong saplot sa katawan.

Napansin ni Jasper ang tila pag aalangan ng lalake nang makita sila nito. Kaya pinakalma muna nito ang lalake tsaka pinaupo sa pahabang couch na nakaharap sa kama.

“Don’t tell me na first time mo?-siguro sanay ka na puro mga lalake ang nag bu-book sa iyo anoh?” Tanong ni Jasper sa lalake.

“Kuwan kasi…”

“Relax lang, mabuti pa tanggalin mo na muna ang facemask mo nang magkakilanlan naman tayo. -ito whisky pampainit. Para naman lumiyab ka kaagad.” Wika pa ni Jasper sabay alok sa lalake ng baso na may alak.

Nagdadalawang isip na ang lalake kung itutuloy pa ba nito ang gagawin. Kinakabahan ito habang nakatingin sa dalawa. Ngunit habang inaalala ang kaba, naiisip naman nito ang kalagayan ng ina. Kaya pikit mata na lamang nito tinanggal ang hiya sa katawan sabay hubad ng suot nitong facemask. At nang malantad na kay Jasper ang mukha ng lalake, maging ito ay nagulat din ng mamukhaan ang lalaking na book nito.

“Diba kaklase ka ni Kaloy?” Bulalas na tanong ni Jasper nang mamukhaan nito si Zyone.

“Kailangan ko lang talaga ng pera kaya ako napasok sa ganito.” Wika ni Zyone, tsaka umatras sa napag-usapan.

Tumayo ito at nagpaalam na kay Jasper nang pigilan ito ng lalake.

“Wala akong paki-alam sa buhay mo, kung ito man ang trabaho mo…gawin mo ito dahil sa trabaho mo. Babayaran kita base sa napag-usapan. Hindi ito makakarating kay Kaloy. -galingan mo at dadagdagan ko ang talent fee mo. Maligo ka na dun, maghihintay kami.” Sabi pa ni Jasper kay Zyone.

Tumango naman ang lalake na agad naghubad ng mga suot tsaka tinungo ang banyo.

Alas sais impunto nang makauwi sa kanila si Kaloy, naroon na rin si Vince na nauna na sa kanyang dumating. Sabay na sila ni Evan na pumasok ng bahay kung saan dinatnan na ng dalawa si Vince sa sala na nilalaro ang aso nila Kaloy.

“Sir Kaloy, naghihintay na po sina ma’am at sir sa kumidor.”

“Sige manang susunod kami, magpapalit lang ang ng damit.-kayo pare mauna na kayo dun magbibihis lang ako.” Wika ni Kaloy.

“Samahan na kita sa silid mo baby love.” Sabat ni Vince.

Dumeretso na ng kumidor si Evan, samantala kasama si Vince nagbihis muna ng pambahay si Kaloy bago harapin ang mga magulang. Sa loob ng silid naroon pa rin ang kaba ni Kaloy baka hindi nito matatanggap ang maririnig sa mga magulang matapos ito magtapat sa kanila ng tungkol sa kanila ni Vince. Sa kabila ng mga agam-agam, pinapalakas naman ni Vince ang loob ng ni Kaloy.

“Huwag kang magtakot na wala kang uuwian, dahil ako ang tahanan mo baby. Itakwil ka man nila, ayaw man ng lahat sa relasyon natin-pangako mananatili ako sa tabi mo pagtulungan man tayo ng mundo.” Saad pa ni Vince tsaka niyakap ng mahigpit si Kaloy pagkatapos ginawaran ng marubdob na halik sa labi.

“Dahil sa iyo kung bakit nagmahal ako ng ganito. Asahan mo hindi ko susukuan ang pag-iibigan natin. Ilalaban kita hanggang dulo. Tama na ang pagtatago baby love, gagawin na kitang legal sa pamilyang ito. Tanggapin man nila tayo o hindi.” Ang tugon naman ni Kaloy kay Vince na ginawaran din niya ng masuyong halik na may kasamang mahigpit na yakap.

Nakahanda na sa lamesa ang masasarap na pagkain para sa hapunan na puno ng rebelasyon. Naroon na ang mag-asawa na naghihintay sa dalawa. Kasalo rin sa hapag sina Evan, Burnok at Paquito. Maya-maya pa natanaw na ng mag-asawa sina Vince at Kaloy na papalapit sa kanila. Magkahawak ang mga kamay at seryosong nakatingin sa lahat. Hindi na surpresa kay Paquito ang napansin nito kina Kaloy dahil umamin na sa kanya ang dalawa nang minsan nahuli niya itong naglalaplapan sa rooftop. Pero iba ang naging reaksyon ni Burnok nang makitang magka-holding hands sina Kaloy at Vince. Natawa ito sa nakita, at nagbiro pa sa dalawa. “Anong pakulo iyan tol, ginaya niyo iyong challenge-challenge prank sa tik-nok noh? Hanep, bagay ah. Teka saan ba naka set-up ang kamera?” Hirit pa nito na palinga-linga sa mga gilid.

“Nak maupo na kayo ni Vince, uy Burnok tama na iyan.” Wika ni Tess sabay saway kay Burnok.

Halos sabay pa na naupo sina Kaloy at Vince sa kaharap ni Tess. Hawak pa rin ng dalawa ang kamay ng isa’t isa nang ipinatong ng mga ito ang kamay sa lamesa. Nagkatinginan sina Evan at Paquito na tila ba nakukuha na ang nais ipahiwatig ng dalawa. Tahimik lang si Karding na inoobserbahan sina Kaloy at Vince. Sa kilos pa lang ni Kaloy tila may kutob na si Karding ngunit hindi ito nagsalita para punahin ang nakikita sa dalawa. Maging si Tess, tila nararamdaman na rin ang mangyayari. Ngunit wala itong ano mang reaksyon sa nakikita. Sa halip naging magiliw pa nga itong nakipagkuwentuhan sa lahat lalo na kay Vince. Bagay na tila kina-ilang ng lalake kung kaya pautal ang tugon nito sa mga tanong sa kanya ni Tess.

“Kumain na kayong dalawa, mamaya na kayo magharutan pagkatapos kumain. Nak Kaloy pagsilbihan mo naman ang bisita mo. Iabot mo iyong adobo kay Vince. Vince nak, alam ko paborito mo iyan.” Ang nakangiti pang wika ni Tess sa dalawa.

Doon lang kumalas sa pagkakahawak ng kamay ang dalawa. Pinagtaka ni Kaloy ang reaksyon ng ina. Napatingin ito kay Vince. Muling hinawakan ni Vince ang kamay ni Kaloy. Tumahimik ang lahat nang magsalita si Vince.

“Nay Tess, Tay Karding may sasabihin kami ni Kaloy sa inyo. -Hindi namin hinihiling na tanggapin niyo kung ano mang ang malalaman niyo, pero sana maunawaan niyo kami. Nagmamahalan po kami ni Kaloy. Mahal namin ang isa’t isa -” deretsahang pag-aamin ni Vince sa harap ng lahat na naroon.

Nahinto ang lahat sa kanilang pagkain, nagkatinginan sina Paquito at Evan tsaka napasulyap sa magiging reaksyon Nina Tess at Karding. Si Burnok halos maluwa pa ang subo-subong liempo dahil sa narinig. Ngunit ang mag asawa kalmado lang walang imik ngunit nakasarado ang mga tingin sa puwesto nina Kaloy at Vince. Panandaliang tumahimik ang mesa, segundo lang ngunit para sa magkasintahan tila iyon na ang napakahabang katahimikan na kanilang narinig. Sunod na nagtapat si Kaloy, nanginginig ngunit may panindigan ang boses. “Nay, Tay bakla po ako at jowa ko po si Vince.”

Lalo lang nagkaroon ng tensiyon ang katahimikan ng marinig ng lahat ang paglapag ni Tess ng kutsara at tinidor sa plato nito, tapos nagkatinginan pa ang mag asawa. Napabuntong hininga naman ng malalim si Karding tsaka napailing. Kinakabahan na si Evan sa maaring sabihin ng mag-asawa kay Kaloy kaya maging ito halos hindi na rin manguya ang pagkain sa bibig. Napatingin ito kay Kaloy na noo’y nakayuko na at tila naghihintay na lamang ng hatol mula sa mga magulang.

Nang magsalita si Tess.

“Iyon lang ba ang sasabihin niyo sa amin? -Akala naman namin magkaka-apo na kami sa inyo, dun kami mas kinabahan. Sige tuloy niyo na ang pagkain, nak Vince ikaw na mag-serve dito kay Kaloy namin. Mukhang tensiyonado eh.” Ang sabi pa ng ina na may pagngiti pa sa dalawa.

“Nak Kaloy, kalma lang -hindi mo na kailangan pahirapan pa ang sarili mo. Dati pa namin alam ang tungkol sa inyo ni Vince. Hinihintay lang talaga namin ng nanay mo na sa iyo mismo manggaling ang pag-aamin. Naiintindihan kita, naiintindihan ka namin ng nanay mo. At kahit ano ka pa tanggap ka namin dahil anak ka namin. Tsaka napatunayan na namin ang kabaitan ni Vince hindi lang sa iyo, kundi sa pamilyang ito. Mahal namin kayo at pamilya natin tanggap dito ang lahat.” Wika pa ng ama na nakangiti sa dalawa.

Hindi na napigil pa ni Kaloy sobrang saya at tuwa sa tugon ng mga magulang. Napatayo ito tsaka nilapitan sina Kaloy at Tess para yakapin. Labis-labis ang pasasalamat ni Kaloy sa mga magulang lalo na sa tatay Karding nito. Na bagama’t hindi siya ang tunay na ama, naramdaman ni Kaloy sa kanya ang totoong puso ng isang mapagmahal at mapagtanggap na ama. Napayakap na rin sa mag-asawa si Vince dahil sa pagtanggap din nito sa kanya bilang bahagi na talaga ng pamilya Ajero.

“Tandaan niyo ito-lahat o sino man na pinapatuloy namin sa pamilyang ito ay tanggap namin. Kahit ano pa kayo, wag lang magnanakaw tulad ng mga politiko diyan. Kaya kung sino pa ang nagtatago sa inyo dito, huwag kayong matakot, hindi iyan ikinahihiya, di iyan kasalanan. Di iyan choice, nilaan ka talaga sa ganyan. Ang choice niyo lang dun ay kung paano niyo huhubugin ang sarili niyo at mga desisyon niyo sa buhay. Pero siyempre pipiliin niyo parin ang tama.” Wika pa ni Karding sa lahat ng naroon.

Nagkatinginan na lamang sina Evan at Paquito nang nakangiti na para bang iisa lang ang tumatakbo sa kanilang isip. Napansin ni Burnok ang mga simpleng galawan ng dalawa. Nagdulot iyon ng pagdududa sa isip niya. Nang matapos ang mahabang tagpo sa hapag ng hapunan na iyon. Tinawagan ng mag asawa si Kaloy sa rooftop para kausapin ang anak ng sarilinan.

Doon binuksan ni Tess sa anak ang kuwento nito noong kabataan nang makilala nito si Karl. Mula simula, sa kung paano niya nakilala ang naging ama ni Kaloy. Hanggang sa nangyari ang di inaasahan sa kanilang relasyon at tuluyan na ngang nagkalimutan ang dalawa habang pinagbubuntis na noon ni Tess si Kaloy. Dinugtungan naman ni Karding ng kanyang kuwento ang paglalahad ni Tess. Pinaliwanag nito kay Kaloy kung paano niya sinalo ang sitwasyon ng ina para lang mailuwal nito si Kaloy na may kumpletong pamilya at may apelyidong dala.

At sa paglalahad ni Karding may pag-aamin din ito sa anak na labis na ikinabigla ni Kaloy.

“Tulad mo anak, bakla rin ako. Ngunit tinanggap ako at minahal ako ng nanay mo ng buo bilang ako.” -ang rebelasyon pa ng ama.

“Ganyan ang tatay mo, pero ipinakita niya sa akin na mas higit pa siyang lalake kaysa sa mga tunay na lalake na nakilala ko. Itinaguyod tayo ng tatay mo, binigyan niya tayo ng ganitong buhay. Kahit noon na nasa bundok tayo, mahirap tayo pero kahit kailan hindi tayo ginutom ng tatay mo Nak. Minahal tayo ng tatay mo at minahal ka niya at inako bilang kanya.” Dagdag pa ni Tess habang hawak ang kamay ng anak.

May mga kuwento pa ang mag-asawa kay Kaloy na hindi na pinakinggan pa ng anak sapat na sa kanya ang kanyang mga narinig. At ang pagtanggap ng mga ito sa kanya ay labis ng sagot sa mga katanungang bumabagabag sa kanya. Niyakap ni Kaloy ang mga magulang ng puno ng pasasalamat at pagpapakumbaba. Nasabi rin nito sa dalawa na wala siyang karapatan na husgahan ang pagpapalaki sa kanya ng mga ito dahil simula’t sapol puro kabutihan at pagmamahal lamang ang naranasan nito sa kanila.

Gumaan din ang loob ng mag-asawa ngayong nasabi na nito sa anak ang lahat.

Kakarating naman nun ni Karl sa kanila. Umuwi ito ng mas maaga para bumawi sa pamilya. Agad nito hinanap ang mga anak kay Jessica.

“Hindi pa nakauwi si Nate, si Jessica naman on the way na, kakatawag lang sa akin.” Ani ni Jessica nang salubungin ang asawa.

“Gabi na ah, natawagan mo ba si Nate? Baka kung saan-saan na naman iyon nagpupupunta.” Wika ni Karl.

“Kanina ko pa tinatawagan ang lalake mo pero hindi man lang sinasagot ang mga tawag ko. Hayaan mo na at baka may dinaanan pa. Di kaya na ipit sa makapal na traffic, uwian na rin kasi. Uuwi din yun-teka babalikan ko lang sa kusina ang mga niluluto ko.” Saad pa ni Jessica sa asawa.

“Pagsabihan mo rin iyang si Nate. Nabanggit sa akin ni Jane na madalas daw tumatambay sa isang bar ang isang iyon. Ano nga ba ang pangalan ng bar na iyon?…-ah…, three sixty degrees. At napag-alaman ko sa mga kakilala kong mga pulis na talamak daw ang bentahan ng iligal na droga dun. Baka mabigla na lang tayo nasa kulungan na iyang si Nate.” Sabat pa ni Karl.

“Hindi nag aadik ang anak mo kaya malabo iyang iniisip mo. Pero sige pagsasabihan ko na rin iyon.” Tugon ni Jessica sa asawa.

Maaga pa, ngunit dagsaan na ang mga parokyano ng isang bar na pinuntahan nila ni Nate. Tama nga ang mga kaibigan nito, kilala pala talaga ang lugar na iyon lalo na sa mga kabataan na hilig ang maiingay at mausok na tambayan. Pagkababa pa lang ng tatlo sa kotse, napansin na agad ni Nate ang mga pamilyar na mukha na dati na niyang nakakahalubilo sa dating tinatambayan nilang bar.

Isang lalake ang lumapit kina Nate. Nakangisi ito sabay taas ng kamay para makipag hand shake kay Nate.

“Tol it’s been a while, buti nahanap mo rin itong new place namin. Kamusta? Tagal mo nawala dun sa dati ah. Marami pa naman naghahanap sa iyo dun.-baka gusto mo muling sumosyo sa akin?-may bagong sources tayo. Tsaka pangmalakasan ang items natin. Bago at in demand. Gusto mo ng sample? Bigyan kita libre para ikaw na mismo mag promote.” Ang halos pabulong na alok ng naturang lalake kay Nate nang inakbayan niya ito.

“Naku pass na ako sa ganyan tol. Tinigil ko na ang paggamit niyan. Sa iba mo na lang ialok.” Tugon ni Nate sa lalake.

Kumambiyo ang reaksyon ng lalake sa sinabi ni Nate, ang kaninang pangiti-ngiting mukha naging seryoso. Dumistansya ito kay Nate tsaka tinitigan siya nito ng masama, tsaka umalis. Hindi naman iyon pinansin ni Nate dahil kilala naman nito ang lalake. Pero iba ang dating nun sa mga kaibigan ni Nate.

“Trouble ba iyon bro? Iba ang tabas ng tingin ng isang iyon sa iyo ah. Kakilala mo?” Tanong ni Brix kay Nate.

“Diba madalas iyon dati sa Three sixty pare?” Tanong naman ni Errol sa kaibigan.

“Si Cholo, kanang kamay ni Manong. Siya ang kinukunan namin ni kuys Dindo ng mga enhancer at shabs.-huwag niyo ng pansinin ang isang iyon, ganun lang talaga iyon pabago-bago. Pero mabait iyon. Tara na sa loob ng makarami tayo.” Tugon ni Nate sa mga kaibigan.

Binalewala ni Nate ang tagpong iyon at piniling magpakasaya na lang ng gabing iyon kasama ang mga barkada. Siksikan ang mga kabataan sa bar na iyon. At sakto pa ang punta nila dahil anibersaryo ng naturang bar kung kaya’t may import na dj galing ibang bansa na dumagdag ng aliw sa lahat. Ang usapang hanggang alas nuwebe lang ay tila nakalimutan na. Nalunod na sa saya at alak si Nate. Mabilis na lasing ang lima.

“Mga dude, may nag-alok sa akin nito. The best daw ito. Four times ang sipa kumpara sa ginagamit natin.” Ang nakangising sabi ng isa sa mga kaibigan ni Nate nang ipinakita nito ang kulay pink na maliliit na tabletas.

Agad naman iyon sinubukan ng apat liban kay Nate na tumanggi na sa alok ng mga kaibigan. Hindi naman ito pinilit ng apat. Nagpaalam sa kanila saglit si Nate para mag banyo. Papunta na ito roon nang makabanggaan muli nito si Cholo. Napaatras ng bahagya si Nate nang binalikat ito ng lalake.

“Nagsorry na nga diba?” Tugon ni Nate na napataas ang boses dahil sa ginawa ni Cholo sa kanya.

“Nagmamang-maangan ka pang tang ina ka.” Sambit ni Cholo na pinandilatan ng mata si Nate.

“Tang ina mo rin, ano ba ang problema mo?!” Bulyaw na tugon naman ni Nate sa kanya.

“Ikaw ang naglaglag kay Dindo di ba? Kayo lang ang nakakaalam sa pugad ko. Kaya imposibleng wala kang alam sa pagkatimbog ni Dindo at sa pagraid sa pugad.” Mariin na paratang ni Cholo kay Nate.

“Eh gago ka pala eh noh, bakit ko naman gagawin yun? Baka kasi dinaga iyang si Dindo at siya ang nagturo. -huwag mo nga akong pagbintangan. Kung sa tingin mo natatakot ako sa iyo, umayos ka dahil baka ikaw ang susunod dun kay Dindo.” Wika pa ni Nate sabay tulak kay Cholo.

Dahil sa ginawa nito, lalong nagalit si Cholo at sinugod nito ng suntok sa mukha si Nate. Hindi naman nagpautang si Nate at inundayan din nito ng sunod-sunod na suntok sa mukha at katawan si Cholo. Hanggang sa nagpangbuno na nga talaga ang dalawa sa tapat ng banyo ng naturang bar. Sa dami ng mga naroon, wala man lang may umawat sa dalawa. Kahit duguan na ang bibig ni Nate hindi ito nagpapatalo kay Cholo. Suntok dun, sipa dito. Balyahan ang dalawa hanggang sa nabulabog na nga ang lahat sa bar sa nangyayaring gulo. Doon na pumagitna ang mga bouncer ng bar para awatin ang dalawa.

Nang sa gitna ng nangyayaring komosyon-may nag deklara ng raid sa loob. Lingid sa lahat may mga civilian police na palang nakaposte sa loob at labas ng naturang bar na naghihintay lang ng hudyat. Pagkarinig nun ni Cholo bigla itong kumawala sa humahawak sa kanyang bouncer, nagpupumiglas ito hanggang sa nakawala. Mabilis itong tumakbo papuntang fire exit ngunit agad din ito naharangan ng isang pulis.

Marami ang nahulihan ng mga ipinagbabawal na gamot sa naturang bar. Lahat mga estudyante at mga anak pa mismo ng mga prominenteng tao at mayayamang angkan sa lungsod. Kabilang din sa nahuli sa isinagawang raid ang mga kaibigan ni Nate. Wala mang nakuha sa katawan nito, ngunit dahil sa nakasangkutang gulo, bilang kasama ng mga kaibigan na nahulihan ng iligal na gamot. Dinala rin ng kapulisan si Nate. Dun na rin nito nalaman na si Cholo pala talaga ang target ng operasyon na iyon.

Sa mga sandaling iyon kinukutuban na ng hindi maganda si Karl sa anak. Panay na ang tawag nito kay Nate ngunit hindi sumasagot ang anak. Napatayo na ito nang hindi man lang ginagalaw ang plato sa pag-aalala sa anak.

“Kumain ka muna kahit kaunti, hindi ka pa nasanay sa anak mong iyon. Uuwi iyon maya-maya.” Wika ni Jessica.

“Tama si mommy dad. Uuwi rin iyon. Nakausap ko kanina si Tanya, ang sabi kasama raw ni kuya sina Brix at Errol. Malamang nagpraktis na naman iyon ng kanilang banda kina Brix. Pinagbawalan mo na kasi dito si kuya dad. Kilala mo naman iyon kung gaano ka passionate sa hilig niya sa pagbabanda.” Sabat pa ni Nathalie.

“Banda ba ang tawag nila dun? Eh puro sigaw at ingay lang naman na wala sa tuno ang naririnig ko sa kanila. -masasabon ko na naman ang kuya mong iyon pag uwi niya. Nakakalimutan na yata niya ang mga patakaran ko rito ah.” Ani ni Karl.

“Tsaka mo na pagsabihan ang anak mo pag dumating na iyon. Tapusin mo muna ang hapunan mo.” Sambit ng asawa.

Dinaan na lang ni Karl sa pagkain ang pag-aalala sa anak. Bumalik ito sa lamesa para sabayan sina Jessica at Nathalie sa hapunan. Ngunit wala pa man ito sa kalahati ng kinakain nang makatanggap ito ng tawag. Sa pag-aakalang si Nate, agad nitong tiningnan ang cellphone. Napakunot ang noo nito na may pagtataka nang malaman na iba ang tumatawag dito. Hindi si Nate kundi ang kaibigan nitong hepe.

“Sino ba iyan hon si Nate ba?”

“Si chief Nase.”

“Baka mahalaga ang pakay niyan, at tumawag pa sa iyo ng ganitong oras.” Ani ni Jessica na tila kinabahan bigla.

“Wag naman sana masamang balita, teka at sasagutin ko lang ito.”

Dinampot ni Karl ang cellphone tsaka tumayo. Lumayo ito saglit para kausapin ang tumatawag. Bungad pa lang hindi na maganda ang naging reaksyon ni Karl sa sinabi ng kaibigan nitong pulis sa kanya. Nang maibaba na ito ang tawag, agad itong umakyat ng silid para kunin ang susi ng kanyang kotse. Nabahala naman si Jessica sa naging reaksyon at kilos ng asawa kaya sinundan nito si Karl sa silid. Nang malaman nito ang dahilan. Nagbihis din agad ito para sumama kay Karl. Sinalubong naman sila ni Nathalie na nagtataka.

“Dad, mommy anong nangyayare? Bakit nagmamadali kayo? Saan kayo pupunta?”

“Ang kuya mo nasa police station, nadawit sa gulo-” sagot ng ina.

“What? Mommy daddy sasama ako sa inyo.”

“Wag na Jane, dumito ka na lang.” Wika ni Karl.

Salubong ang kilay ni Karl sa galit nang mauna itong lumabas ng bahay. Naiwan si Nathalie na natatarantang nag-aalala sa kuya. Agad naman nitong tinawagan si Gibo para ipaalam ang nangyari sa kapatid.

BOTH ENDS

Pauwi na sa kanila si Vince sakay ng kanyang kotse galing kina Kaloy nang makatanggap ito ng tawag kay Gibo tungkol sa nangyari kay Nate. Kaya dumeretso muna ito sa presinto kung saan dinala ang kaibigan.

Magpa-park na ng kotse nito si Vince sa tapat ng police station nang mapansin ito ni Gibo na pababa naman galing sa loob ng presinto.

“Pare sa tingin ko mukhang hindi maganda na magpakita ka roon sa loob. Galit na galit kasi ang daddy ni Nate sa kanya- baka mapagbalingan ka pa.” Wika ni Gibo nang lapitan nito si Vince.

“Bakit ano ba ang nangyari at hinuli si Nate ng mga pulis?” Usisa ni Vince.

“Nasabak sa gulo sa isang bar na pinuntahan nila ni Brix tapos nadamay pa sa kaso ng iligal na droga. Nahulihan kasi ang grupo nila ng mga party drugs tsaka ng shabs. Sabi naman sa akin ni Nate hindi naman daw siya gumamit.” Ani ni Gibo.

“Kamusta naman si Nate?”

“Hayun sinasabon ng kanyang daddy. Naawa nga ako sa kanya eh. Pero hindi naman ako makalapit kasi nakakatakot si Tito Karl. Kung gaano ka amo ang mukha niya,-kabaliktaran nun ang itsura niya pag galit. Naisip ko tuloy kung paano na lang pag nalaman niya ang namamagitan sa amin ni Nate. Pinigil na nga lang siya ni Tita Jessica dahil parang sasakalin na niya sa galit si Nate.” Kuwento pa ni Gibo.

“Dapat lang pala ang desisyon ni Kaloy na hindi pasukob sa kanya.” Nasambit ni Vince nang di sadya.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Gibo nang marinig ang nasabi ni Vince.

“Wala,-ang sabi ko dapat malaman din ni Kaloy ang nangyari kay Nate.”

“Narinig ko iyon pare, iba ang pagkakasabi mo ng pasukob. May bagay ba ako na dapat malaman tungkol kina Kaloy at Nate?” May pagdududa sa tono ng tanong ni Gibo kay Vince.

“Naku pare wala talagang ibig sabihin iyon. Kuwan hindi si Nate ang tinutukoy ko. Si…si tito Karl.” Tugon ni Vince nang makita ang pagbago ng reaksyon sa mukha ni Gibo.

“Ano meron kina Tito Karl at Kaloy?” Pa kunwari pang tanong ni Gibo. Na ang totoo naman, nakuha na niya ang ibig-sabihin ni Vince. Ayaw lang nito pahalata sa kaibigan na matagal na niyang alam na anak din ni Karl si Kaloy.

Dahil sa nasambit na rin lang ni Vince ang pangalan ni Kaloy, napilitan na itong ikuwento kay Gibo ang tungkol sa nalaman niya sa tunay na relasyon ni Kaloy kay Karl -nagulat na lamang ito nang magtapat din si Gibo sa kanya na dati pa niya nalaman ang tungkol sa mag-ama.

“Dati pa pala, bakit hindi mo man lang sinabi kay Kaloy?” Tanong ni Vince.

“Sabi ni papa wag na daw ako mangi-alam. Baka masira ko pa raw ang diskarte ni tito Karl. Hayaan ko na lang daw na malantad sa lahat ang kuwento sa takdang panahon-kaya maging kay Nate hindi ko sinasabi kahit na kating-kati na ang dila ko na sabihin sa kanya na magkapatid sila ni Kaloy sa ama.” Paliwanag pa ni Gibo.

Nais man makita ni Vince si Nate nang mga sandaling iyon, hindi na ito nagpumilit sa pakiusap na rin ni Gibo. Mula sa istasyon ng pulis umuwi na sa kanila si Vince. Nagtaka ito nang makita ang ama. Si Herman ang nagbukas sa kanya ng gate. Tahimik na ipinasok ni Vince ang kotse. Diretso na ito ng garahe habang nililingon ang ama na nakasunod sa kanya matapos isara ang gate. Sandaling nanatili sa kanyang kotse ang binata habang pinagmamasdan parin sa rare mirror si Herman.

Humugot ito ng malalim na pagbuntong-hininga bago lumabas ng kanyang kotse. Marahan itong lumapit sa ama tsaka bigla na lamang ito niyakap. Sabay sabi ng mahinang salita na-“dad I love you.”

Ikinagulat at ipinagtaka iyon ni Herman sa anak. Unang beses niya iyon narinig mula sa bibig ni Vince. Labis ang dulot na saya nun sa puso ni Herman. Hanggang sa hindi na nito namamalayan naluluha na pala ito habang yakap ng mahigpit ang anak. -“I love you too son.” Ang matamis na tugon ng isang ama sa anak.

Maging si Vince nagulat din sa sarili kung paano niya nagawa iyon. Wala iyon sa plano at lalong hindi niya iyon inisip. Bigla na lang nangyari ang lahat na parang may nagsabi sa kanya na iyon ang tama niyang gawin sa ama. At habang yakap ito ng ama. Tila ba ang lahat ng mga puwang at mga pagkukulang ng mga nakaraan at kasalukuyan ng buhay niya ay bigla na lang napunan ng sobra at umaapaw pa.

“Sorry dad, hindi ako naging mabuting anak sa inyo ni mommy -but still you choose to accept me.”

“Ano ka ba wala kang dapat ipag-sorry sa amin ng mommy mo. Kami ang nagkulang sa iyo. At tandaan mo kahit anong mangyari, ikaw parin ang pipiliin namin dahil anak ka namin. And we love you son.”

Muling niyakap ni Vince ang ama. Yakap na walang halong pagdududa, yakap na puno ng pagmamahal, pagtanggap at pag-unawa. Magkaakbay ang mag-ama na pumasok ng bahay habang nagtatawanan. Nang makita ni Sonya ang mag-ama takang-taka ito. Gulat ngunit bakas sa reaksyon ng mukha nito ang labis na tuwa habang pinagmamasdan ang papalapit na mag-ama. Nang makita ni Vince ang ina nakangiti itong nilapitan si Sonya tsaka niyakap ng mahigpit. Tulad sa ginawa nito sa ama humingi rin ito ng sorry sa ina.

“Totoong si Vincent nga ba itong kaharap namin?”

“Yes mommy ako nga ito, ang nagiisa niyong si Vinsoy.”

“Payakap nga uli sa Vinsoy namin ni daddy.”

“I miss this mommy.”

“We miss you so much son.”

Habang nag mo-moment ang tatlo, naroon naman sa isang sulok si yaya Ponyang na todo hagulgol naman sa nakikitang tagpo. Ang di niya alam kanina pa siya binabantayan at pinagtatawanan ni Badong. Napasigaw na lang ng mura ang matandang-dalaga nang gulatin ito ng driver sa kalagitnaan ng kanyang pag wo-walling.

“Peste ka talagang animal ka Badong. Muntikan na lumipat ang puso ko sa ngala-ngala sa ginawa mo!” Ang naasar na sabi ni Ponyang na hinahabol pa rin ang paghinga dahil sa gulat.

“Emote na emote ka rin kasi akala mo naman part ka talaga ng pamilya. Daig mo pa si Ma’am Sonya sa grabe ng iyak mo. May pa walling-walling ka pang nalalaman. Sino ka sa tingin mo dun kanina si Maricel Soriano? Ay kahilas nimo tan-awon uy, murag kag baki nga ge panitan.” Sabat ni Badong.

Sa inis ni Ponyang,-hinampas nito ng tsinelas ang mukha ni Badong. Tsaka ito umalis. Napakamot na lang ng pisngi ang lalake sa ginawa ng babae.

Kung sa bahay ng mga Monteverde,-tila unti-unti nang nagkakaayos ang pamilya ni Vince, sa bahay naman ng mga Lim,-tila sinusubok naman ang katatagan ng kanilang pamilya. Dahil sa koneksyon ni Karl sa kapulisan at sa tulong na rin ng kaibigang Mayor na si Gab, agad na pinalaya si Nate.

Mula presinto, maging sa kotse hanggang sa nakauwi na ang tatlo sa kanilang bahay,-walang tigil ang sermon ng galit ni Karl sa anak. Sa tanang buhay ni Karl ngayon lang nito nakita at narinig ang ama na magalit nang ganun ka tindi. Lahat ng klaseng mura fresh nitong natanggap sa ama. Na maging si Jessica hirap makasingit para pahupain ang kumukulong galit ng asawa.

Pagkapasok ng gate agad na bumaba ng kotse si Nate, ngunit bago pa man ito makahakbang-malutong na mura na naman ang narinig nito sa ama. Hindi na natiis ni Nate ang mga sinasabi ng ama kung kaya’t patakbo na itong pumasok ng bahay.

“Hoy Nate hindi pa ako tapos sa iyo! Walang hiya ka!!!” Sigaw pa ni Karl nang habulin ang anak.

“Tama na Karl, hayaan muna natin si Nate na makapagpahinga. Bukas mo na muli kausapin ng maayos ang anak mo.” Wika ni Jessica nang pigilan nito si Karl sa kamay.

“Sa tingin mo ba maaayos pa ang kawalanghiyaan na ginawa ng anak mo Jessica?! Nakakahiya ang pinaggagawa ng anak mo!!! Sinira ng anak mo ang tiwala ko sa kanya! Sa kabila ng lahat ng mga kabutihan ko sa kanya, ano ang ginawa niya?! Nilapastangan ng anak mo ang mga pinaghirapan ko!!!” Sabat ni Karl na namumula pa rin sa galit.

“Karl naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Anak ko si Nate? Karl!-anak mo rin si Nate!!! Pinakinggan mo man lang ba ang anak mo? Binigyan mo man lang ba ng chance si Nate na magpaliwanag? Hindi… Hinusgahan mo agad siya base lamang sa narinig mo sa iba! Anak mo si Nate pero kung sumbatan mo siya daig pa ng anak mo ang isang palaboy sa kalsada!” Ang pagsabog bigla ni Jessica.

Tumahimik si Karl nang sinigawan na rin ito ng asawa. Iniwan ni Jessica si Karl para puntahan si Nate na agad naman nagkulong sa kanyang silid. Inabutan nito si Nathalie na umiiyak habang kinakatok ang kuya. Samantala si Nate ibinuhos ang lahat ng sama ng loob sa iyak habang nakasiksik sa isang sulok sa gilid ng kanyang kama at sinusuntok ng paulit-ulit ang dingding.

Nakarating na kay Kaloy ang nangyari kay Nate dahil sinabihan ito ni Vince. Labis na nag-alala si Kaloy para sa kapatid lalo na nang malaman kay Vince ang pinaggagawa ni Karl sa kanya. Agad na tinawagan ni Kaloy si Nate para sabihin sa kapatid na susunduin siya nito. Lalong nabahala si Kaloy nang marinig ang pagtangis at hagulgol ng iyak ni Nate.

“Huwag kang magalala, susunduin kita ngayon diyan. Dumito ka muna sa bahay baka kung ano pa gawin sa ni dad…ni daddy mo.” Wika ni Kaloy habang kausap si Nate sa cellphone.

Wala mang tugon na narinig mula kay Nate, nang oras din na iyon kasama si Evan nagpasya si Kaloy na puntahan agad-agad ang kapatid. Sa tindi parin ng galit at pagkadismaya sa anak, nagpakalasing si Karl sa loob ng kanilang den. Habang walang tigil din ang iyak ni Jessica sa kanilang silid. Si Nathalie bagama’t labis ang pag-aalala para sa kuya, hindi naman nito alam kung paano tutugon sa sitwasyon. Makailang ulit nitong kinakatok sa silid ng kapatid si Nate ngunit sinisigawan lamang ito ng kanyang kuya at pinapaalis.

Kasalukuyan namang bumabiyahe si Kaloy kasama si Evan papunta kina Nate. Kabado at nag-aalala rin ito para sa kanyang kapatid.

“Ano daw sabi ni Nate-nasa labas na ba siya ng bahay nila?” Tanong ni Evan.

“Pababa na raw siya ayon sa huling text message niya. Malamang nakalabas na ngayon iyon sa kanila. —malayo pa ba tayo?”

“Isang liko na lang sa kantong iyan,—pare totoo ba na nagtutulak si Nate ng iligal na droga? —Bakit pa? Eh ang yaman-yaman naman ng pamilya nila. Tsaka iyong mukha ng kapatid mong iyon na halos di nga makabasag pinggan eh. Dawit pa sa gulo.” Wika ni Evan.

“Kaya nga rin siguro ganun ang galit ng daddy niya sa kanya. Sino ba ang mag-aakalang ganun si Nate. Pero hirap din ang humusga lalo na’t hindi naman natin alam ang totoo. —pero hindi rin itinanggi sa akin ni Vince na iyon din talaga ang gawain dati ni Nate nung sila pa.” Tugon ni Kaloy.

“Baka iyang si Vince mo ganun din ang libangan, at maimpluwensyahan ka nun. Naku piece of advice lang pare…—hanggat maaga pa eh kabisaduhin mo na talaga ang jowa mong iyon. Halungkatin mo na lahat ng pinakamadidilim niyang kuwento at sekreto. —Nang wala ng gulatan sa bandang huli. Lalo na at doble kabarkada din niya ang mga barkada ni Nate. Baka hindi lang mga babae at si Nate ang naging past niyan. —hindi sa sinisiraan ko si Vince sa iyo, pero ayoko lang na darating ang araw na magiging dahilan din iyan ng hiwalayan niyo someday. First time mo pa naman sa ganitong relasyon. Lahat posibleng mangyari.” Paalala pa ni Evan sa kaibigan.

“Sa pagkakakilala ko kay Vince mukhang hindi naman siya gumagamit nun. Pero tama ka, —dapat ngayon palang kabisado na namin ang isa’t isa.”  Ani ni Kaloy.

“Malapit na tayo sa address na sinabi sa atin ni Vince. Tawagan mo na si Nate, sabihan mo na malapit na tayo.”

Agad nga tinawagan ni Kaloy si Nate ngunit can’t be reached na numero ng kapatid.

“Baka nahuli ng daddy niyo, —mabuti pa tawagan mo si Nathalie—kamustahin mo muna ang kalagayan ni Nate.” Sambit ni Evan.

Nagpupuyat pa nun si Nathalie sa kanyang cellphone kung kaya’t agad nitong nasagot ang tawag ni Kaloy. Sa pakiusap pa ni Kaloy—lumabas ng silid nito si Nathalie, para silipin at kamustahin ang kuyang si Nate. Tahimik na ang buong bahay, iilan na lang ang mga nakabukas na ilaw. Maging ang study room ng ama, wala na ring ilaw nang sumilip ito. Hindi na rin nito naririnig ang pag-iyak ng ina sa dinaanang silid. Nasa tapat na ng pintuan ng silid ni Nate si Nathalie nang mapansin nito na tila bahagyang nakabukas ang pintuan ng kuwarto ng kuya. Walang ilaw sa loob. —marahan na lumapit pa si Nathalie habang mahinang tinatawag ang kuya.

Nakailang tawag pa ito nang maisipan na nitong buksan na ang pinto sa pag-aalaga dahil hindi sumasagot ang kuya. Pagkapasok agad na kinapa ni Nathalie ang switch sa gilid ng pinto. Hanggang sa tumambad na lamang sa kanya ang walang katao-taong silid.—wala sa kanyang kuwarto si Nate. Tarantang tinawagan nito balik si Kaloy para ipaalam ang inabutan habang patakbong tinungo ang silid ng ina.

Muling lumiwanag ang buong bahay nang magsigisingan ang mga kasambahay nila ni Nathalie sa ingay nito ng kakaiyak dahil sa pagalis ni Nate. Kabado naman si Jessica na pilit tinatawagan ang panganay kahit pa hindi naman ito makontak ang anak. Nagising si Karl sa ingay ng mga tao sa bahay,  kaya lumabas ito ng study room.

“Karl si Nate umalis…tapos hindi ko siya makontak.—hanapin natin ang anak mo.” Bungad ni Jessica sa asawa nang salubungin ito.

“Siya na itong may nagawang kahihiyan sa pamilyang ito, —siys pa ang may ganang umalis! —binabastos na talaga ng anak mong iyon ang pangalan ko. Ano ba ang ginawa ko sa pamilyang ito bakit ito pa ang ginanti niya sa akin? Wala akong naisip na pagkukulang para mangyari ito. Pero bakit ganito? —hayaan niyo siya… Kusa siyang umalis dito, kaya bahala siya.” Tugon ni Karl at umakyat sa kanilang silid na mag-asawa.

Akmang susundan na sana ni Jessica ang asawa para kausapin nang pinigilan na ito ni Nathalie.

“Hayaan niyo na si dad,—mommy. Hindi lang talaga niya matanggap ang ginawa ni Kuya. Maging ako man nagulat din nang malaman ko. Lilipas din ang sama ng loob ni dad.”

“Pero ang kuya mo— baka kung ano pa mangyari dun.”

“Sinusubukan na siyang hanapin ni Kaloy mommy. Kaya ko nga nalaman na umalis si kuya kasi sinabihan ako ni Kaloy na tingnan si kuya sa kuwarto niya.” Wika ni Nathalie.

“Si Kaloy?”

“Yes mommy, on the way na siya dapat dito para kamustahin sana si kuya. Ang problema lang nito, hindi ginamit ni kuya ang kanyang kotse. So sa malamang nag grab iyon. Tsaka iniwan niya itong phone niya sa kuwarto. Sira na. Ibinato siguro.” Tugon pa ni Nathalie.

Pinakalma nito ang ina, at binigyan ng mainit na tsaa tsaka sinamahan ito sa living area habang naghihintay ng balita kay Nate.

Ipinaalam na rin ni Kaloy kay Evan at Gibo ang pag-alis ni Nate. Nang marinig ni Vince kay Kaloy ang ginawa ni Nate bigla itong nag-alala sa lalake. Sinabi nito kay Kaloy ang dahilan ng pag-aalala nito. Kung kaya’t agad-agad din na kumilos si Vince para tulungan sina Kaloy na hanapin si Nate. Maging si Gibo kumilos narin.

“Ang dami palang tinatago ng kapatid mong iyon pare, mukhang chill lang siya tingnan pero malalim din pala pag nasaktan.” Wika ni Evan.

“Nag-aalala nga si Vince baka kung ano ang maisip nun. Diretso tayo ng stadium pare.” sabat ni Kaloy.

Mabilis na narating ng dalawa ang sports stadium sa isang recreational park. Doon na rin nag pang abot sina Vince at Gibo. Ngunit sa paghahanap ng apat sa kaibigan,—walang Nate silang nakita roon.

“Baka nagpunta kina Reb—” sambit ni Gibo.

“Hindi iyon pupunta kahit kanino pag ganun sitwasyon. Gusto ni Nate na mapag-isa.—sa Sky Camp. —tama tara sa Sky Camp baka dun siya pumunta.” Wika ni Vince.

“Sky Camp? Ang layo nun pare. Labas na ng city iyon.” Sabat ni Evan.

“Kung saan man iyan, puntahan na natin. Gib sumabay ka na dito kay Evan. —pare ayos lang ba?” Wika ni Kaloy sabay baling ng tingin kay Evan.

“Sure, awkward naman kung tayo parin dalawa eh nandito naman si Vince. —Gibo pare halika na, lumalalim na ang gabi baka abutin pa tayo ng hating gabi sa daan.”  Tugon naman ni Evan na sumimple ng sarkastikong ngiti kay Vince nang pahagingan nito ng tingin ang lalake bago sumakay ng kotse.

Naunang umalis sina Evan kasama si Gibo. Sa kotse ni Vince, hindi naman nito pinalampas ang mga tingin sa kanya ni Evan na tila may ibig sabihin. Nabanggit niya ito kay Kaloy.

“Pinopormahan ka ba ni Evan—baby love?” Tanong ni Vince kay Kaloy habang minamaneho ang kotse.

“Hindi ko itatanggi na nag minsan na nga nagtapat sa akin si Evan. Pero malinaw sa kanya ang posisyon niya sa buhay ko. Tsaka nirerespeto niya ang relasyon natin. Bakit mo naman naitanong baby?” Tugon ni Kaloy.

“Hindi lang kasi ako komportable sa mga tingin niya sa akin kanina. Tsaka kung paano ka niya akbayan,—na para bang binabantaan niya akong aagawin ka niya sa akin.” Sagot ni Vince.

“Walang aagaw sa iyo sa akin baby ko.—unless hahayaan mo akong mawala sa iyo. Magkaibigan lang kami ni Evan. Iba lang siguro ang pickup mo sa kilos niya.” Napangiting sabi ni Kaloy sabay hawak sa kamay ni Vince.

“I won’t let you go this time baby ko. Gaya ng pangako ko sa iyo, gagawin ko ang lahat tumagal lang tayo sa isa’t isa.” Tugon ni Vince sabay halik sa kamay ni Kaloy na nakahawak sa kanyang kamay.

Balik naman kina Jasper; matapos ang mainit na tagpo nilang mag asawa kasama si Zyone. Naging komportable na rin si Zyone sa dalawa lalo na kay Jasper.

“Maraming salamat po,—uuwi na po ako.”  Wika ni zyone habang nagsisintas ng sapatos nang lapitan nito ng hubo’t hubad parin na si Jasper.

“Mukhang hindi lang ito ang una’t huling transaksyon natin. —Pinabilib mo ako sa kalidad mo sa kama kanina. Maging ang partner ko halos mabaliw sa performance mo. Hindi maikakailang pinipilahan ka site na iyon.” Tugon ni Jasper kay Zyone habang sinasagi nito sa ulo ng lalake ang nakalawit nito sa harapan na bahagyang nakatayo.

“Pinapantanyan ko lang ang binabayad sa akin sir. Nang hindi ako mapahiya sa aking mga kliyente.” Ani pa ni Zyone.

“Ganun dapat kapag naglalako ka ng serbisyo. Dapat quality. Matanong ko lang alam ba ni Kaloy— itong extra job mo?”

Tumango naman si Zyone. Napangiti si Jasper sa nakitang reaksyon sa lalake. “Hindi ba siya nagyaya sa iyo minsan?” Tanong pa nito kay Zyone.

“Sir uwi na ako. Salamat muli sa dinagdag mong bayad. Mauna na po ako.”  Ang siyang naging sagot ni Zyone. At agad na tinungo ang pintuan ng silid ni Jasper. Kinutuban na ng hindi tama si Zyone sa tanong na iyon sa kanya ni Jasper kaya minabuti na nitong wag itong sagutin.

Akmang hahawakan na ni Zyone ang doorknob nang may sinabi si Jasper.

“Nakahawak ka na ba ng one hundred thousand? —okay ito na lang magkano ang pinakamalaking pera na nahawakan mo? Dudoblehin ko.”

Natigilan sa kinatatayuan si Zyone. Saglit itong nagisip bago sinagot si Jasper. “Ano ba ang gagawin?” Tanong ni Zyone.

“Gumawa ka ng paraan na may mangyari sa inyo ni Kaloy. Ibidyo mo tapos ibigay mo sa akin. Babayaran kita sa presyo na gusto mo. —tawagan mo agad ako kapag buo na ang plano. You may leave.”

Ang nakangising tugon ni Jasper. Lumabas ng silid na iyon si Zyone na malalim ang iniisip. Sa alok na iyon sa kanya ni Jasper malaki na ang maitutulong nun para sa pagpapagamot sa kanyang ina. Ngunit tinututulan ito nang ideyang maaring mapahamak si Kaloy sakaling pumayag ito sa nais ni Jasper. Habang papalabas ng hotel naiisip ni Zyone ang inang may sakit. Kung ano-ano na ang naiisip ni Zyone, ngunit nangibabaw ang puso nito para sa kaibigan.

Nang mga sandaling iyon malapit na sina Vince at Kaloy sa dapat pupuntahan. Natanaw na rin nila sa dulo ang nakaparadang kotse ni Evan. Namangha si Kaloy sa ganda ng lugar na iyon. Isang bukas na kainan sa ibabaw ng burol ang tinatawag na Sky Camp. At sa pinakadulo nun tanaw mula roon ang kabuohan ng siyudad sa baba. “Meron pala nito rito baby, —napakaganda naman ng lugar na ito. Naalala ko tuloy ang Tan-awan at ang camp site sa Kahublasan Peak dun sa Ilang.” Wika ni Kaloy habang naaliw sa magandang ambiance ng lugar.

“Madalas kami dito noon ni Nate kapag nais namin lumayo sa ingay ng siyudad sa baba. At kapag gusto lang namin ang isa’t isa —dito kami pumupunta. Kaya malaki ang bahagi ng lugar na ito sa amin, lalo na kay Nate. Mas malaya kami rito dahil walang huhusga sa amin dito. Rainbow Haven ang bansag namin dito, lalo na sa mga katulad natin. Karamihan sa mga pumupunta rito mga katulad din natin. Mga nasa community natin. Para sa lahat na nais ang kapayapaan at acceptance—dito ang takbuhan namin.” Kuwento ni Vince.

Bahagyang napangiti si Kaloy sa sinabi na iyon sa kanya ni Vince, ngunit dahil sa mga ala-alang pinagsamahan ni Vince at Nate sa lugar na iyon may kung anong kurot ng selos na pumitik sa loob ni Kaloy. Hindi niya iyon pinahalata sa kasintahan ngunit may dulot talaga sa puso niya ang mga sinabi ni Vince sa kanya. Pagkababa ng kotse, sinalubong agad sila ni Evan na kumakain ng Shawarma.

“Kain muna tayo medyo ginutom ako sa biyahe. Tsaka tila uumagahin na rin tayo dito.” Wika ni Evan nang alokin nito ng kinakain ang dalawa.

“Si Gibo?—si Nate ba nakita niyo?” Tugon na tanong ni Kaloy.

“Kasama ni Gibo si Nate, nandon sila sa viewing deck. Hayaan na muna natin ang dalawa na mag moment dun. Alam na rin ni Nate na papunta kayo.” Sabat ni Evan.

Nakahinga ng maluwag si Kaloy sa sinabi ng lalake. Agad din nitong pinaalam kay Nathalie na nakita na nila si Nate na siyang kinatuwa naman ni Jessica nang marinig. “Salamat, buti na lang talaga may kaibigan si Kuya tulad mo. Panatag na kami ni mommy dito. Pakisabi na lang kay kuya na kung okay na siya, puwede na siyang umuwi rito.” Sambit pa ni Nathalie kay Kaloy habang kausap siya nito sa cellphone.

“Uuwi ang kuya mo, magpapalamig ito at magpapakalma ng sarili. At promise hinding-hindi ko hahayaan mawala sa paningin ko itong si Nate hangga’t hindi ito nakauwi diyan sa inyo. Pakisabi na rin sa mommy niyo na ako na bahala kay Nate, safe siya rito. Babantayan ko ito ng todo.” Saad pa ni Kaloy kay Nathalie.

“Thanks talaga sa iyo Kaloy. Super swerte ni kuya Vince at naging jowa ka niya. Sobrang bait mo. Swerte rin ni kuya at nagkaroon siya ng mga kaibigan na matino.” Ani ni Nathalie.

“Hindi lang kaibigan ang turing ko sa kuya mo. Parang kapatid ko na rin ito kaya ayoko rin na mapasama si Nate. Mabait ang kuya mo, kung may nagawa man siyang mali—matagal nang hininto iyon ni Nate. Hindi panghuhusga ang kailangan ng kuya mo ngayon kundi pag-iintindi. At iyon ang ipaparamdam natin sa kanya.” Tugon ni Kaloy.

Labis na ikinatuwa ni Jessica ang sinabi ni Kaloy para kay Nate. Rinig niya iyon dahil naka-loudspeak ang cellphone ni Nathalie. At narinig din lahat iyon ni Karl na lihim na pinakikinggan ang mag-ina habang kausap si Kaloy sa cellphone. Sa puntong iyon tila tinamaan ng hiya sa sarili si Karl. Na guilty ito sa ginawa at nagawa sa anak na si Nate. Sa labis na pagpapahalaga sa iniingatang pangalan, apelyido at reputasyon sa harap ng tao—nakalimutan na nito ang sarili bilang isang ama. Dahil sa galit, hinayaan mabasag ang proteksyon na nagpapatibay sa relasyon nito sa anak at sa masaya nilang pamilya. Napatikom ng mga kamao si Karl sa labis na inis sa sarili. Bumalik ito ng silid at doon ibinuhos ni Karl ang galit sa sarili habang pinagsusuntok nito ang dingding ng shower room. At sa malakas na buhos ng tubig sa shower napahagulgol ito ng iyak.

Magkakasama na nang sandaling iyon ang lima sa isang mahabang lamesa habang kumakain nang unang magpaalam si Evan sa kanila na umidlip muna sa loob ng kotse nito. Iniwan ng lalake ang apat na may sama ng loob at inggit. Dahil siya lang ang walang kapares, nakaramdam ng lungkot at selos si Evan. Pagpasok sa kotse agad ito nagpasoundtrip tsaka pilit na inaaliw ang sarili sa cellphone. Nang makatanggap ito ng video chat message galing kay Dax.

“San ka ngayun?” Agad na tanong ni Dax nang sagutin ni Evan ang invites nito sa lalake.

“Obviously nasa kotse ko. Bakit ka naman napatawag?” Balik na tanong ni Evan.

“Na miss lang kita, sa katunayan tinitingnan ko ang InstaGlam mo nang mapansin kong online ka. Nasa labas ka ba ngayon? Gabi na ah.” Tugon ni Dax.

“Lumalanghap lang ng sariwang hangin sa labas. Bakit gising ka pa?”

“Na miss nga kasi kita. Na miss ko ang malambot mong labi. —Simula nung gabing iyon hindi ka na nawala sa isip ko. Ang weird pero iba talaga na ang nararamdaman ko sa iyo. Sa tingin ko gusto na kita pare.” Ang rektang sagot ni Dax kay Evan.

“Tigilan mo nga ako. Utog lang iyang nararamdaman mo kaya best advice ko sa iyo eh maligo ka ng malamig ng tubig nang mahimasmasan ka sa kalibugan mo. Di kaya magsalsa ka nang antukin ka at makatulog.” Ang natawang tugon ni Evan sa lalake.

“No pare,—seryoso talaga ako, gusto kita. First time ko ito naramdaman sa kapwa ko lalake. Alam ko straight ako, pero nung maglapat ang mga labi natin pare…may kung anong nagising sa loob ko na hanggang ngayon hinahanap na ng mga labi ko ang halik mo.” Ani pa ni Dax.

“Ewan ko sa trip mo ngayon Dax. Wala ka na ba maisip na sasabihin? —kung wala puwede ba…exit na. Naninibago ako sa mga sinasabi mo. Parang ibang Dax ang kausap ko ngayon.” Sabat ni Evan.

Ngunit naging makulit ang lalake sa paglalahad ng nararamdaman nito kay Evan. Na siyang kinailang naman ng husto ng huli. Hindi sanay si Evan na may taong nagtatapat sa kanya ng ganun. Kaya sa halip na kiligin sa mga naririnig kay Dax nag ki-cringe ito. Mas gusto kasi ni Evan na siya iyong pumoporma kaysa siya ang pinopormahan. Sa pag-aamin na iyon ni Dax tila napa-atras ang interes ni Evan sa lalake.

Kabaligtaran naman kay Dax na sa halip mawalan ng interes kay Evan dahil sa agad na pag reject nito sa kanya, —ay lalo pa nga itong na challenge na ituloy ang nararamdaman sa lalake.

Sa kabila nito, inintertain parin ni Evan si Dax. Gawa rin lang na na-out of place na ito sa apat, pinagtiyagaan na lang nito na maka video chat si Dax hanggang sa hindi na nito namalayan ang antok.

Madaling araw na nang magpasya ang lima na bumalik na ng city. Sama-sama na rin silang umuwi kina Kaloy at doon na tuluyang nagpaabot ng umaga.

CROSS LINE

Ramdam ang malaking pagbabago sa pakikitungo ni Nate sa ama. Naging mas malamig pa ito sa yelo sa tuwing nakakasalubong o nakakasabayan nito si Karl sa bahay. -Pataasan kung pataasan ng pride ang mag-ama sa isa’t isa. Bagay na nakakaapekto na rin sa samahan nilang mag pamilya sa loob ng kanilang tahanan.

“Kuya naman kasi bakit hindi mo pa kausapin si dad,-eh tanggap mo naman pala ang pagkakamali mo. Gaano ba kahirap ang magsabi ng sorry? Sa ginagawa niyo ni dad si mommy ang nahihirapan sa inyo.” Wika ni Nathalie sa kuya nung minsan nagkita sila sa kanilang restaurant.

“Sinusubukan ko naman,-pero everytime na magtagpo ang tingin namin ni dad, umuurong ang dila ko. Hindi ko magawa. Aminado naman talaga ako na ako ang may mali, pero hindi ko rin mapigil ang sarili ko na magalit at magtampo kay daddy after din niya ako pahiyain sa harapan ng mga kaibigan ko. Naawa rin ako kay mommy. I guess need pa namin ng enough time ni dad para magka-ayos.” Tugon ni Nate.

“Time? Mga anong oras kaya iyon kuya? -wag mong sabihin na hihintayin mo pa na si dad ang unang mag initiate nang move para humingi ng tawad sa iyo, -kuya? Napaka ungrateful mo naman pag ganun.” Ani pa ni Nathalie.

“Eh sa hindi ko nga kayang harapin ng tapatan si dad noh. Tsaka na kapag may courage na ako to do that.”

“Whatever kuya. Concerned lang naman ako kay mommy. Siya ang naiipit sa inyo ni dad. Tsaka wala nang harmony ang bahay, daig pa natin ang namatayan. Mas maingay pa ang mga lovebirds ni mommy kapag nandon kayo ni dad. I’m sure napansin mo rin iyon.” Saad pa ng kapatid.

“That’s why I decided na kukuha na lang ng sariling condo. Para naman masanay na kayo na wala ako dun. I have my savings naman, mag tatrabaho na lang ako para suportahan ang sarili ko.” Sabat ni Nate.

“Iiwan mo na talaga kami sa bahay kuya? Kaya mo?”

“Naman, kelan pa ako matutong maging independent. Tsaka best way na rin iyon para makapagmuni-muni kami ni dad. Baka kung hindi kami lagi magkikita mas mapadali ang reconciliation naming dalawa.” Sagot ni Nate.

“Hindi ba puwedeng palipasin mo muna ang new year kuya? Ilang araw na lang at mag pa-pasko na kaya.”

“Siyempre sa bahay parin naman ako magpapasko. Pero sa tingin ko kasi ito talaga ang tama.”

“Hindi ako sangayon sa trip mong iyan kuya. Pero hindi rin kita mapipigilan kung iyan talaga ang option na napili mo. -ang tanong kung papayagan ka ba ni mommy?”

At tulad ng inaasahan…tutol si Jessica sa desisyon ng panganay. Ngunit hindi iyon nagpabago sa plano ni Nate. Hindi rin naman humarang si Karl sa kagustuhan ng anak. At kahit sa huling araw nito sa kanila, wala parin nagbago sa pakikitungo nito sa ama. Umalis si Nate sa kanila na baon parin ang mabigat na karga sa dibdib.

Iyon ang unang sandaling malalayo ng husto si Nate sa kanila. Kaya sa unang araw at gabi nito sa condo, hindi agad ito makatulog. Balisa ito at malalim ang iniisip.

“Pinagtimpla kita ng gatas bhe, -baka makakatulong ito para makatulog ka.” Wika ni Gibo nang dalhan nito ng isang basong gatas si Nate.

“Salamat dito bhe. Pasensya na kung pati ikaw nadadamay na sa nararamdaman ko. Huwag kang magalala bhe, pansamantala lang naman ito. Kaunting adjustment pa siguro at masasanay din ako.” -ani ni Nate sa kasintahan.

“Ayos lang, ganyan din ako nung unang araw ko dito. Pero ngayong magkasama na tayo mapapadali ang pag a-adjust mo. At sobrang saya ko kasi makakasama na kita araw-araw, oras-oras.” Saad pa ni Gibo sa kasintahan tsaka niyapos ng yakap si Nate.

“Di ba magagalit si tito Gab na magsasama tayo?”

“Alam na ni papa ang tungkol sa atin kaya wala kang dapat ikabahala. Pinaalam ko na rin ito sa kanya. At wala namang problema kay papa. Tiwala naman iyon sa akin. Tsaka kilala ka naman ni papa. Iyon nga lang dahil sa issue mo may ilang paalala lang sa akin si papa.” Sagot ni Gibo.

“Buti pa si tito Gab tanggap ka niya. Si dad ewan… Iyong nasangkot nga lang ako sa drugs halos isumpa niya na ako. Ano pa kaya kung malaman niyang bakla ako. Baka hindi na niya talaga ako kikilalaning anak.” Sambit pa ni Nate.

“Hindi naman siguro. Maaring may tampo ulit at galit pero at the end of the day, anak ka parin niya. Matatanggap at tatanggapin ka parin niya kahit sino ka pa. Mabait si tito Karl.-sobrang mahal ka lang nun kaya ganon iyon sa iyo. Kung si Kaloy nga tila ayos na sa kanya sabi mo, ikaw pa kaya.” Komento ni Gibo.

“Siyempre hindi naman niya anak si Kaloy, ano naman ang paki-alam niya dun sa tao. Napansin lang nun ang kabaitan ni Kaloy kaya naiba bigla ang impression niya dun. Pero ganun parin si dad galit sa mga bakla.”

Hindi na dumagdag pa ng komento si Gibo matapos mapagtanto nito na wala pa palang alam si Nate sa tunay nitong koneksyon kay Kaloy. Magdamag na nagkuwentuhan pa ang dalawa hanggang sa makaramdam na ng antok ang mga ito.

Panibagong yugto para sa dalawa na magkatabi at magkayakap sa iisang kama sa iisang bubong na magkasama.

Isang linggo bago ang bisperas ng pasko; Huling mga araw na ng pasok ni Kaloy sa buwan na iyon. Abala na rin ang lahat sa mga kanya-kanyang Christmas party. Katatapos lang ng isang subject ni Kaloy ng lumabas ito sa kanilang classroom para mag banyo. Papunta na ito sa CR ng eskuwelahan nang makasabayan nito si Travis na sa banyo rin ang sadya.

Unang binati ni Kaloy si Travis nang mapansin niya ang lalake. Agad rin nito inopen topic ang minsan pag imbita ni Travis sa kanya sa kaarawan nito.

“Regarding nga pala dun sa pag invite mo sa akin… Pasensya na pare pero hindi ako makakapunta. Matutuloy naman siguro ang birthday mo kahit wala ako.” Wika ni Kaloy.

“Ayos lang iyon. Actually sasabihin ko rin kasi dapat sa iyo na cancelled iyong event. Nagkaproblema kasi. Anyway kahit wala iyong party…gusto pa rin sana kitang i-invite sa araw na iyon. Wala kasi akong maisip na puwedeng yayain eh, except sa iyo.“tugon ni Travis.

“Bakit ako? Marami ka namang barkada dito at kakilala sa campus. Tsaka hindi itayo close.” Ang napangising sabi ni Kaloy.

“Iyon nga ang reason ko,-gusto ko maging close tayo. Marami na akong naririnig na sobrang cool mong kaibigan at gusto ko ma-experience iyon sa iyo. I mean …gusto kitang makilala Carlo.” Saad ni Travis sabay akbay kay Kaloy tsaka marahang pinisil nito ang balikat ng lalake. Pisil na may paghagod.

Iba ang naramdaman ni Kaloy sa ginawa na iyon ni Travis sa kanya. Agad nitong inalis sa kanyang balikat ang kamay at braso ng lalake tsaka mabilis na pumasok ng banyo. Sumunod naman sa kanya si Travis. Sa loob ng banyo agad na pumuwesto si Kaloy sa urinal para magbawas. Tinabihan naman ito ni Travis na panay ang sulyap sa kanya at ngiti. Kinailang na ni Kaloy ang napapansin sa lalake. Nanibago ito sa kinikilos ni Travis.

“Pare, ano ba! Umiihi ako-bakit panay ang tingin mo sa akin?” Tanong ni Kaloy kay Travis.

“Hindi lang pala katawan ang malaki sa iyo.” Sambit ni Travis sabay daplis ng tingin sa hawak-hawak ni Kaloy.

Tila nainis si Kaloy sa sinabi ni Travis at mabilis nito tinapos ang ginagawa para makalabas na ng banyo. Ngunit nang pahakbang na ito para umalis… hinarangan ito ni Travis habang nakalawlaw sa harapan nito ang bahagyang naninigas na tarub ng lalake.

“Walang bastusan pare. Ayaw ko nang gulo puwede ba padaanin mo ako.” Wika ni Kaloy na nagpipigil na ng inis.

“Ayaw mo ba nito? -pa sample naman kung paano ka kumanta. Teka ano ba ang talent mo? Singing o dancing?-kaya mo ba both?” Tanong pa ni Travis habang hinihimas sa harapan ni Kaloy ang tumatayong kobra nito.

Hindi na nakapagpigil pa si Kaloy at hinatak nito ang kwelyo ng unipormeng polo ni Travis tsaka idiniin nito ang lalake sa pintuan ng cubicle ng puwersahan.

“Gusto mo malaman ang talent ko?-magaling ako humugot ng kamoteng kahoy.” -sabi ni Kaloy sabay sinakal nito ng mahigpit ang tarub ni Travis.

Napasigaw sa sakit si Travis sa pagsakal ni Kaloy sa pag-aari nito. Pagkabitaw pa ni Kaloy agad nito itinulak si Travis sa loob ng cubicle tsaka dali-daling lumabas ng banyo. Naiwan si Travis na namimilipit sa sakit habang sapong-sapo ang tarub nito na nilampirot ni Kaloy.

“Tang ina kang bayot ka. May araw ka rin sa akin. Luluhod ka rin sa harapan ko hayop ka.” Sa isip pa ni Travis habang inaayos ang sarili palabas ng cubicle nang nakangisi.

Sa pangyayari na iyon kombinsido na si Kaloy sa sinabi sa kanya ni Zyone na may motibong iba si Travis kung bakit bigla na lamang ito naging mabait sa kanya. At hindi iyon mapapalampas ni Kaloy. Nang araw na iyon minarkahan na nito si Travis.

Pabalik na ito ng classroom nang salubungin ito ni Dax na kanina pa pala naghahanap sa kanya.

“Bakit nakakunot iyang noo mo? Saan ka ba galing?” Tanong ni Dax.

“Nag cr lang-”

“Nag cr lang naman pala eh bakit yukot iyang mukha mo? Teka… Si Travis na naman ba ang dahilan niyan?-sabi na nga ba eh. Bakit ano ba ang ginawa sa iyo ng ungas na iyon?” Wika pa ni Dax.

“Wala -hayaan mo na. Hindi rin uubra sa akin iyon. Siya nga pala bakit mo ba ako hinahanap?”

“Kuwan yayayain lang naman sana kita na magmeryenda sa canteen mamaya.”

“Iyon lang naman pala walang problema.” Tugon ni Kaloy tsaka dumeretso na ng silid para pumasok.

Naiwan si Dax sa hallway na pailing-iling habang sinusundan ng tingin si Kaloy na papasok na ng kanilang classroom. Napakislot na lang ito sa gulat nang may umakbay sa kanya mula sa likod.

“Ano ba tol? Nababakla ka na yata sa Carlo na yan ah-kamusta na ang plano? Hinihintay na ng tropa ang resulta. Naiinip na kami. Nangangati na ang mga kamay namin na makaganti sa hayop na iyan.” Wika ng isang estudyante na lumabas mula sa isang silid na katabi lang ng classroom nila ni Dax.

Dalawa pa sa mga kaklase ni Dax at kabarkada ang lumapit tsaka may tatlo pa mula parin sa kabilang silid. Pinaligiran nila si Dax habang kinukulit ang lalake tungkol sa masama nilang plano para kay Kaloy.

“Pare ang tagal na. Ilang buwan na kaming naghihintay, patapos na ang taon ngunit wala parin. Hindi kami kumikilos kasi sabi mo ikaw ang bahala, at sisiguraduhin mong pagsisisihan talaga ng Carlo na iyan ang ginawa niya sa grupo-pare sa nakikita namin mukhang ikaw yata itong naiisahan. Lumalambot na iyang tuhod mo sa kanya. Bakit pare-hindi mo na kaya? Sabihin mo lang at kami na ang kikilos.” Sabi pa ng isa kay Dax.

“Teka kalma lang kayo. Nag-iingat lang ako sa mga kilos ko. Kung ano man ang nakikita niyo parte pa rin iyon ng plano, -magtiwala lang kayo sa akin. Nasa grupo parin natin ang loyalty ko.” Ang tugon ni Dax sa mahinang boses nang makita si Zyone na lumabas ng silid at dadaan sa harapan nila.

“Siguraduhin mo lang tol, dahil unti-unti na kami nawawalan ng tiwala sa iyo. Tatlong araw ang ibibigay na palugit ng grupo. Sa biyernes,-kapag wala pa rin, kami na ang gagawa. At wag ka ng umasa na kikilalanin ka pa naming lider. Dahil ang totoong lider hindi iniiwan ang mga ka miyembro.” Banta pa ng isa sa mga estudyante tsaka iniwan sina Dax.

Kita ang galit sa mga mata ni Dax. Tikom ang mga kamay na pinipigil ang inis sa sarili. Napasulyap ito sa mga kaklase na naroon na kasamahan din sa grupo.

“Kayo-tatalikuran din ba niyo ako?” Tanong nito sa dalawang kaklase.

“Kwan pare, ayaw namin na pagbalingan din kami ng grupo. Kung tataliwas kami-marami sila. Talo tayo. Nakita rin namin kung gaano ka buti ni Carlo sa atin. Ayaw din namin na galawin nila si Carlo pero ang mga grupo natin sa labas… hindi na natin kontrolado.” Sabat ng isa kay Dax.

“Pare, gusto pa namin grumadweyt sa eskuwelahan na ito ng buo ang katawan. Pangako hindi kami sasali sa kanila sa kung ano man ang gagawin nila kay Carlo. Pero pasensya talaga, kailangan din namin ang proteksyon ng grupo sa labas. Kaya kung nag-aalala ka kay Carlo-protektahan mo siya laban sa kanila.” Ani naman ng isa nang iwan si Dax para bumalik na ng silid.

Ang pag-uusap ng tatlo ay malinaw na nahagip ng pandinig ni Zyone na nagtago lang pala sa likod ng isang malapad na poste. Nang makita ang pagpasok na ng tatlo sa silid tsaka lamang ito lumabas at umalis na rin dun. Kinahapunan bago matapos ang huling period nila sa klase. Humanap ng paraan si Zyone na makausap ng sarilinan si Kaloy nang hindi namamalayan ni Dax. Dahil wala pa ang kanilang guro-niyaya ni Zyone si Kaloy sa labas kung saan agad nitong sinabi sa kaibigan ang lahat ng narinig nito kina Dax.

“Sinisiraan mo na naman ba sa akin si Dax? Alam mo Zy, gets ko naman na ayaw na ayaw mo dun sa tao dahil sa mga nagawa niya sa iyo. Pero kita mo naman kung paano nagbago ang ugali niya diba? Maayos na ang pakikitungo niya sa iyo. Bakit hindi mo na lang hayaan ang isang iyon. Ang mahalaga hindi na siya gumagawa ng masama sa kapwa niya estudyante.” Ang naging tugon ni Kaloy sa lahat ng sinabi ni Zyone sa kanya.

“Hindi nga ganun si Dax. Ang ipinapakita niya sa iyo, sa lahat-lahat iyon fake. Pagpapanggap lang pare. Kaya lang iyan nagbabait-baitan sa iyo para makuha niya ang tiwala mo at loob mo.” Wika pa ni Zyone.

“Okay, hayaan mo at kakausapin ko iyon. Itatanong ko sa kanya ang sinabi mo. At salamat sa pag-aalala mo sa akin.-tara bumalik na tayo sa loob nariyan na si miss Castro.”

Hindi man pinahalata ni Kaloy, ngunit nangamba rin naman ito sa sinabi sa kanya ni Zyone. At bagama’t maayos ang pakikitungo nito kay Dax hindi naman talaga ito lubos na nagtitiwala sa lalake. Hindi binalewala ni Kaloy ang mga nalaman kay Zyone. Hindi nito pinalampas ang araw na iyon na hindi komprontahin si Dax tungkol dun. Ngunit lahat ng iyon ay mariing pinabulaanan ng lalake. Sa halip nangako pa ito kay Kaloy na walang mangyayaring masama sa lalake hangga’t nariyan ito sa tabi niya.

“Dadaan muna sila sa akin bago ka nila galawin.” Wika ni Dax kay Kaloy.

“Sabihin mo sa kanila na galingan nila. Dahil pag nakabawi ako titiyakin kong magsisisi sila.”-ang sabat ni Kaloy sabay bitaw ng sarkastikong ngiti kay Dax.

Nang sandaling iyon batid na ni Kaloy ang nakaatang na panganib sa kanya. Alam ni Kaloy na kahit anong iwas nito sa pwedeng mangyari sa kanya, -dahil sa nagawa nito sa mga kagrupo ni Dax… babalikan at babalikan talaga siya ng mga ito, kasama man si Dax o hindi. Kabado ngunit hindi naman ito nagpapakita ng takot. Simula pa lang alam na ni Kaloy ang magiging dulot sa kanya sa pangingi-alam niya sa grupo ni Dax.

Pansin agad ni Evan ang blangkong mukha nang kaibigan nang sunduin niya ito sa eskuwelahan. Kausap siya ni Kaloy ngunit kapuna-punang wala sa kanya ang isip ng kaibigan. Naisip agad nito na baka may nangyari na naman. Lalo na at nakita nitong kausap ni Kaloy si Dax sa labas ng gate ng eskuwelahan.

“Ayos ka lang pare? -may nangyari ba? Si Dax ba ang dahilan pare? Teka lang at kakausapin ko ang isang iyon.” Sambit pa ni Evan.

“Wag masyadong OA pare. Ayos lang ako. Walang nangyaring masama. Hindi si Dax ang dahilan.” Wika ni Kaloy.

“Pero bakit parang ang lalim ng iniisip mo. Nakakunot pa iyang noo mo tapos salubong pa mga kilay mo. Imposibleng wala iyang dahilan. -pare sa tagal na nating nagsasama araw-araw, kabisado ko na ang sinasabi ng mukha mo. Paano pa na naging magkaibigan tayo kung tinatago mo sa akin ang problema mo. -so ano iyan?” Sabat ni Evan.

“Tara na, -sasabihin ko sa iyo sa daan.”

Habang nagmamaneho sa daan, naikuwento ni Kaloy kay Evan ang lahat.

“So si Dax nga talaga ang dahilan? Ang hayop na iyon,-sabi na nga ba at hindi talaga mapagkakatiwalaan ang gago na iyon eh. Sa lahat ng nagawa mo sa kanya, may binabalak pa siyang masama sa iyo.-hinayaan ko na lang talaga sana iyon eh, nang natuluyan na.” Ang galit na komento ni Evan sa kwento ni Kaloy.

“Mga kagrupo ni Dax ang may masamang balak sa akin. Balak nila akong gantihan sa pagkawala nila sa eskuwelahan.” Sambit pa ni Kaloy.

“Deserve nila iyon pare, sana nga sinama na lang si Dax eh. Tsaka pare halos araw-araw kayo na magkasama ng gagong iyon hindi man lang niya inamin sa iyo na may ganung plano ang tropa niya, kung totoong may concerned siya sa’yo? -kung hindi pa narinig ni Zy hindi pa niya inamin. Tang ina siya.” May gigil na sabi ni Evan.

Tahimik lang si Kaloy. Sang-ayon ito sa punto ni Evan. Ngunit may puso parin ito para kay Dax. Naniniwala si Kaloy na napipilitan lang si Dax dahil naiipit ito sa mga ka-grupo. Kaya kahit may kaunting galit ito sa lalake, mas nangingibabaw ang pag-unawa nito sa sitwasyon ni Dax.

“Kailangan maipa-blotter mo agad ito pare. Mahirap na ang makampante. Pambabanta na iyan sa buhay mo-tsaka magsumbong na tayo sa mga magulang mo, para magawan agad ng aksiyon ang mga pesteng grupo ni Dax.” Dagdag pa ni Evan.

“Wag na muna pare, ayokong mag-alala ng husto sina nanay at tatay. Mag dodoble ingat na lamang ako.” Tugon ni Kaloy.

“Hindi puwede na ganun lang iyon pare. Paano kung pagtulungan ka nila? Kaya mo ba silang lahat?-ano ka si Superman? Kung ayaw mo ipaalam kina tito at tita…ako ang magsasabi. Tsaka humanda talaga sa akin iyang Dax na iyan. Dadak-dakin ko talaga ng suntok ang pagmumukha nun.” Saad pa ni Evan na may inis na rin sa tinutugon ni Kaloy sa sitwasyon.

Pagkarating kina Kaloy agad na pinuntahan ni Evan si Karding para magsumbong. Poporma na sana ito sa kanyang sasabihin ng pumagitna si Kaloy para harangin ang sasabihin ng lalake sa ama.

“May sasabihin ka ba Evan?” Tanong ni Karding.

“Magpapaalam lang si Evan Tay kung puwede daw ba niya mahiram ang isang kotse. Mag te-test drive kasi kami bukas. -susubukan ko kung marunong na ba ako mag drive. Takot kasi siyang magasgasan ko ang kotse niya.” Sabat ni Kaloy nang harangin ang sagot ni Evan.

“Iyon lang ba? Sure…gamitin niyo. Pero mag-ingat kayong dalawa. Sige Evan gamitin mo iyong kotse.-siya nga pala Kaloy, pupunta muna kami ng nanay mo sa Ilang. Mga apat na araw kami dun. Gusto sana ng nanay mo na isama kayo kaso May pasok ka pa.” Wika ng ama.

“Walang problema Tay, mag enjoy lang kayo ni nanay dun… Ayos lang ako rito, nandito naman sina Evan. Kaya ko na dito.”

“Ako na po bahala kay Kaloy tito. Sisiguraduhin kong ligtas ang anak niyo hanggang sa pagbalik niyo.” Wika ni Evan kay Karding.

Nginitian lang ito ni Kaloy sabay tapik sa balikat nito. Lumabas si Evan at sumakay balik ng kanyang kotse tsaka umalis. Hindi na ito nagsabi kay Kaloy kung saan ito pupunta. Balak nitong balikan si Dax para komprontahin.

Samantala; papalabas na ng Victor si Vince nun sakay ng kanyang kotse nang masulyapan nito sina Dustin at Xander na may kausap sa labas ng gate. Pamilyar sa kanya ang kausap ng dalawa ngunit hindi na niya pinansin ang mga ito at nilampasan ang tatlo. Ngunit hinarang ito ni Mon na pakaway-kaway sa kanya. Pinahinto ni Vince ang kotse at ibinaba ang binata nito para kausapin si Mon.

“Bakit bro?” Tanong nito kay Mom nang lumapit ito sa kanya.

“Uwi ka na ba?” Tanong ni Mon.

“Oo bakit?”

“Mamaya na bro. Bonding muna tayo saglit kasama sina Xander at Dustin. Niyaya rin namin kanina si Nate pero may pupuntahan daw. -susunod din iyong iba mamaya.” Wika ni Mon.

“Ano ba ang meron?”

“Naalala mo si Travis? Ayon siya kausap nila Dustin at Xander. Ang loko ngayon lang tayo naalala.” Tugon ng kaibigan kay Vince.

“Si Travis pala iyan. Pasensya na bro pass muna ako.” Sabat ni Vince.

Paalis na ito nang makita sila ni Dustin sabay tawag kay Vince. Hindi na nakaiwas ang isa nang lumapit na sa kanya ang dalawa habang nakasunod naman kina Dustin at Xander si Travis. Napailing na lang sa upuan nito si Vince nang malapit na ang tatlo.

“Pare, dude mamaya ka na umuwi dun muna tayo sa tambayan, -kasama itong si Travis.” Bungad ni Dustin.

“Hi pare kamusta?-grabe lalong gumaganda ah-I mean gumagwapo.” Nakangising wika ni Travis na may pakindat pa kay Vince.

“Kamusta?-ano ang nakain mo at nagpakita ka rito? Na-miss mo ba ang Victor?” Tugon ni Vince kay Travis nang bumaba ito ng kanyang kotse.

“Ikaw talaga ang na-miss ko rito,-good to see you again… buddy.” Sagot na pabulong ni Travis kay Vince nang yakapin niya ito.

Iba ang naramdaman ni Vince sa pagyakap na iyon sa kanya ni Travis. Pasimple nitong itinulak ng bahagya ang lalake para kumalas ito mula sa kanya. Iba rin ang mga titig sa kanya ni Travis na siyang kinailang ni Vince sa harapan ng mga kaibigan. Napasulyap pa ito kay Dustin na tila ba parehas sila nang napansin sa kilos ni Travis. Makailang ulit pa kinumbinse ng apat si Vince na sumama sa kanila ngunit mariing tumanggi na ito sa kanila. Hindi naman nangulit pa ang apat nang bumalik na ng kotse si Vince. -Ngunit biglang natigilan si Vince sa sinabi ni Travis sa kanya.

“Siya nga pala pare, just you know -school mate kami ng boyfriend mo. Actually magkakilala ni Carlo and he’s nice. Guwapo ang jowa mo, maraming nagpapantasya dun. Kaya ingatan mo baka mahulog sa iba. Wala ka pa naman dun para saluhin siya. -sige pare, ingat sa pag-uwi.” Wika pa ni Travis na tila nang iinis pa ang ngiti kay Vince.

Dun lang napagtanto ni Vince ang suot na uniporme ni Travis na katulad ng uniporme ni Kaloy. Nagdulot ng kaba at pangamba kay Vince ang sinabi na iyon sa kanya ni Travis. Dati pa man, bago inilipat ng Bayag-bayagan si Travis -mortal na silang magkaribal ni Vince, buhat nung grade school pa lang hanggang sa una at pangatlong taon nila sa highschool. Mapa-academic man o sa mga babaeng pinopormahan nila palaging karibal nila ang isa’t isa. Naging magkaibigan naman ang dalawa nung naging magka-team ang dalawa sa basketbol.

Sa muling pagkikita ng dalawa, tila ramdam na naman ni Vince ang pagiging banta ni Travis lalo pa at nalaman nito sa lalake na nasa iisang eskuwelahan lang pala sila ni Kaloy. At ang sinabi sa kanya ni Travis ay hindi lang basta impormasyon kundi may bahid nang pagbabanta at babala.

“Yes baby love napatawag ka? Nakauwi ka na ba?” Tanong agad ni Kaloy nang sagutin nito ang tawag ni Vince.

“Di mo ba ako na miss baby love?” Nakangiting tanong pabalik ni Vince kay Kaloy.

“Siyempre miss baby love, -excited na nga ako na magsabado muli eh. Kung puwede nga lang na magsama na muli tayo sa iisang kuwarto eh, para araw-araw na tayong nagkikita.” Tugon pa ni Kaloy.

“Ako man baby love,-gusto ko katabi na lang kita palagi. Baka kasi malingat ako… at iba na ang gusto mong makatabi. Takot akong mawala ka baby love.” Ani pa ni Vince kay Kaloy.

“Baby love, -sinasabi ko na sa iyo, wala kang dapat ikatakot. Pangako ko sa iyo, hindi ako mawawala sa tabi mo. Wag mo lang ulitin sa akin iyong dati. Dahil kahit mahal kita,-mapipilitan akong bitawan ka.” Seryoso ang pagkasabi ni Kaloy.

“Teka lang naman baby love wag naman ganun. Pangako rin sa’yo, magiging tapat at solid ako sa relasyon natin. -Wala nang iba pang sisira sa ating dalawa. Aalagaan ko ang tiwala at ang second chance na ibinigay mo sa akin.” Saad pa ni Vince kay Kaloy.

“Panghahawakan ko iyan baby love,-siya nga pala pupunta ng Ilang sina nanay matatagalan sila dun, baka gusto mo mag sleep over muna rito nang ilang araw.-nang mabawasan naman ang pagka miss natin sa isa’t isa.” Ang sabi pa ni Kaloy.

“Gustong gusto ko iyan baby love, sige bukas,-magpapaalam lang ako rito sa bahay.”

Sa kabila ng pangako ng dalawa sa isa’t isa, -mayroon pa ring parte ng pagkabahala at takot sa loob ni Vince. Bagay na labis niyang pinangangambahan sa pagpasok ni Travis sa eksena.

Nang mga sandali naman na iyon, pabalik na ng Bayag-bayagan si Evan sa pagbabakasakaling maaabutan pa niya si Dax sa tinatambayan nitong tindahan sa tapat ng eskuwelahan. Malayo pa lang tanaw na nito ang kumpulan ng mga estudyante sa naturang tindahan. Ngunit nang mapadaan na ito roon hindi niya nakita ang kanyang pakay. Wala si Dax sa mga estudyanteng naroon.

Dismayado si Evan dahil sa hindi nito na tiyempuhan si Dax. Paalis na ito sa lugar nang parahin ito ni Zyone. Napansin ni Zyone ang kotse ni Evan kaya tinawag niya ito.

“Bumalik ka yata?” Tanong ni Zyone.

“May dinaanan lang kaya napadaan muli ako. Ikaw bakit hindi ka pa nakauwi?” Wika ni Evan.

“Pauwi na, may hinihintay lang.”

“Ganun ba, sige Zy mauna na ako…”

Papaalis na talaga si Evan nun nang biglang nagtakbuhan ang mga estudyante papunta sa paradahan ng mga tricycle sa dulong kanto ng kalye. Tila may nangyayaring kaguluhan sa banda dun kung kaya dun ang sadya ng mga estudyante at mga bystanders.

“Ano ba ang pinagkakaguluhan niyo roon?” Tanong ni Zyone sa isang estudyante na napadaan sa tabi niya.

“Si Dax at mga kagrupo niya nagrambulan dun sa kanto.” Sagot ng kaeskuwela ni Zyone.

Nang marinig ni Evan ang pangalan ni Dax agad itong umandar para puntahan ang pangyayari. —inabutan nga niya dun si Dax na pinagtutulungang bugbugin ng limang mga outsiders sa gitna ng kalsada. Wala man lang umaawat sa kanila sa kabila ng maraming taong nandoon. Kita ni Evan kung gaano ka palaban si Dax na kahit lima ang kanyang kalaban, hindi ito umaayaw sa suntukan. —naroon ang inis at gigil ni Evan para kay Dax habang pinagmamasdan niya itong nakikipagbalyahan sa mga kalaban. Ayaw niya ng maki-alam nang magtanda ng lalake. Ngunit nang mapansin nitong bumunot ng patalim ang isa sa mga kalaban ni Dax,—hindi rin nito natiis ang lalake at hayaang mapahamak na lang.

Agad nito pinaandar ang kotse para iharang sa lalaking may hawak ng patalim. Sa bilis ng pag-preno ni Evan, kamuntikan pa nga mahagip ng kotse nito ang lalake kung hindi lang ito nakaiwas.

“Sakay na!!!” Sigaw ni Evan kay Dax nang mapalingon ito sa kanya.

Mabilis namang tumakbo si Dax papunta sa kotse ni Evan at sumakay dun. Hindi na nagawa pang habulin ng mga kalaban si Dax nang pinaharurot na ni Evan ang kotse.

“Superhero talaga kita, salamat…” Wika ni Dax sabay ngiti kay Evan.

Tahimik na napaismid si Evan kay Dax. Hindi nito kinikibo ang lalake hanggang sa nahalata ni Dax na papuntang reclamation area.

“Sandali lang, hindi yata ito ang papunta sa amin ah. Saan mo ba ako dadalhin?” Tanong ni Dax kay Evan.

Wala pa ring tugon si Evan hanggang sa huminto ang kotse sa madamong bahagi ng lugar malapit sa dagat. Natawa pa si Dax nang mapatingin ito sa halos palubog ng araw.

“Mag sa-sunset viewing ba tayo rito?—pero parang late na yata tayo para sa romantic scene pare. Wala ng araw.” Ang nakangising sabi ni Dax.

“Bumaba ka.” Sambit ni Evan.

Agad namang bumaba si Dax na nag-uunat pa ng katawan pagkababa ng kotse. Pangiti-ngiti pa itong napatingin kay Evan ng bumaba ng kotse ang isa. Ngunit bigla na lang napawi ang mga ngiti nito nang dakmain ni Evan ang kwelyo ng polo nito sabay tulak sa kanya sa kotse.

“Teka pare ano ang problema? Kakatapos ko lang makipag sparing sa lima. Pass muna sa one on one.” Wika ni Dax.

“Sinabihan na kita, wag na wag mong sasaktan si Kaloy dahil ako ang makakalaban mo.” Ang mahinahon ngunit may gigil na salita ni Evan kay Dax sa mukha.

“Anong sasaktan? Hindi ko magagawang saktan si Carlo. Sinabi ko na rin iyan sa iyo. At nangako ako na walang mananakit sa kanya. Puwede ba mag-usap tayo—” tugon ni Dax.

Binitawan ni Evan ang kwelyo ni Dax. Hinayaan nitong magsalita ang lalake. Batid naman ni Dax ang ibig sabihin ni Evan. Nagsimula itong magpahayag ng kanyang panig. Hindi nito itinanggi ang binabalak nito noong masama kay Kaloy. Inamin din nito na bahagi ng kanyang plano ang mapalapit kay Kaloy upang makuha nito ang tiwala ng isa. Ngunit sa kalaunan tila nagbago ang takbo ng plano.

“Sa halip na tumigas ang puso ko sa galit kay Carlo,—habang tumatagal napapa-amo niya puso ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na ako na itong nahulog sa kabutihan niya sa akin. Naging malaking dahilan nun nang makilala kita. Dahil sa iyo, sa mga ginawa mo sa akin. Sa mga ginawa niyo ni Carlo sa akin. Nabura ang galit ko sa kanya. Oo…galit ako noon sa ginawa ni Carlo. Lalo na nung nang dahil sa kanya nagkawatak-watak ang grupo ko. Pero dati iyon—iba na ang sitwasyon ngayon. Binago ni Carlo ang pananaw ko sa buhay. Tinuro niyo sa akin ang kahalagahan ng may tunay na kaibigan. Kaya hindi ko magagawang ipagpalit iyon. Hindi ko magagawang saktan si Carlo.”—paliwanag pa ni Dax.

“Sinungaling!—nasasabi mo lang iyan ngayon kasi nabukayo na ang binabalak niyo ng inyong grupo! Lang hiya ka wala kang utang na loob. Puro kabutihan lang ang iniisip ni Kaloy sa iyo. Hinayaan na lang talaga sana kita mamatay noon.” Tugon ni Evan.

“Iyon naman pala eh.—di sana pinabayaan mo na lang ako masaksak kanina. Tutal naman, hindi ka naniniwala sa sinasabi ko. Iniwan mo na lang sana ako dun.” Sabat ni Dax. Lumapit ito kay Evan at hinarap ang lalake. Inayos nito ang suot na uniporme tsaka itinutok ang kabilang pisngi ng mukha kay Evan. “Ayan, malinis pa ang kabilang side ng mukha ko. Pagtripan mong sapakin, baka sakaling mabawasan niyan ang inis at galit mo sa akin. Iwasan mo lang itong ilong ko,—baka masira, sayang naman.” Wika pa ni Dax.

Hindi ito pinansin ni Evan. Umiwas ito kay Dax na nakakunot ang noo tsaka bumalik ng kotse. Gustong-gusto ni Evan na saktan si Dax. Sa katunayan nanginginig na ang kamay nito na masuntok ang lalake. Ngunit may kung ano itong nararamdaman na pumipigil sa kanya na gawan ng masama o saktan si Dax. Kaya para makaiwas tinalikuran nito ang lalake.

“Sorry kung naging masama ako kay Carlo. Pero maniwala ka man o hindi. Binago niya ako. Nagbago ako dahil sa kanya. At gusto ko pang magbago para sa iyo.—tulad ng pangako ko kay Carlo, ako muna ang saktan nila, bago nila mahawakan si Carlo at masaktan.” Pahabol pa na sabi ni Dax.

Natigilan si Evan sa sinabi ni Dax. Pilit man niyang balewalain ang mga sinabi sa kanya ng lalake, ramdam ni Evan ang pagiging sinsero ng lalake sa mga binibitawan nito. Nagkuwento pa si Dax kay Evan na ang dahilan kung bakit ito naabutang nakikipag-away sa mga kagrupo dahil kumakalas na ito sa kanila tsaka binantaan nito ang mga ito na malalagot sa kanya kapag may gagawin silang masama laban kay Kaloy.

“Sa ginawa mo posibleng hindi lang si Kaloy ang pag-iinitan nila. Tsaka kamuntikan ka na naman masungkit ni kamatayan. At sa dami nila paano mo pa mapoprotektahan si Kaloy— Lalo na ang sarili mo?“Wika ni Evan na kumalma na ang inis kay Dax.

“Mahirap iwasan ang tulad nila, pero kailangan kong harapin ang mga consequences ng pagkakamali ko. Kahit pa ang makipagbasagan sa kanila ng mukha. Tsambahan na lang kung sino ang mauuna sa amin kay St. Peter.” Sabat ni Dax.

“Ewan ko sa iyo,—bakit ang hilig-hilig mo sa gulo. Sakay ka na at ihahatid na kita sa inyo.”

“Uwi na ba tayo?—di mo man lang ba ako ililibre ng dinner? Kahit dalawang tusok lang ng fishball…medyo ginutom kasi ako sa fight scene namin kanina.” Pabirong hirit pa ni Dax.

Napailing na lang si Evan sa hirit ng lalake. Sa bawat sandaling nakakatagpo nito si Dax, unti-unti nang nagmamarka kay Evan ang personalidad ng lalake. Bagay na hindi niya namamalayan dahan-dahan na pala niyang nagugustuhan.

BROKEN LINE

“Ginusto iyan ni Nate, —bahala na siya kung ano sa tingin niya ang maganda sa buhay niya. Basta alam ko sa sarili ko—never ako nagkulang sa pagiging ama ko sa kanya. Choice niya iyan! He thinks he can survive na wala sa poder natin, so be it. Hahayaan ko siya. Pero wag siyang magpapakita sa akin at hihingi ng tulong. Dahil wala siyang aasahan sa akin.” —pagdidiin na sabi ni Karl nang pakiusapan ito ni Jessica tungkol kay Nate.

“Matitiis mo ang anak mo? Magpapasko naman… patawarin mo na si Nate.” Ani pa ni Jessica.

“Kung natiis niya tayong iwan at balewalain ang pagiging ama ko, —kaya ko rin siyang tiisin na wala sa poder ko. Tsaka matutuloy ang pasko kahit wala rito ang anak mo.” Sabat ni Karl.

“Dahil ba sa nakilala mo na ang anak mo kay Teresa kung kaya’t naatim mo nang balewalain si Nate? Si Kaloy ba ang dahilan kung bakit ganyan ka na ngayon sa anak mo?” Biglang tanong ni Jessica sabay singit ng pangalan ni Kaloy sa usapan.

“Walang kinalaman si Kaloy sa kalapastanganan ng anak mo! Hindi ko pinalayas si Nate, kusa siyang bumaba sa tahanang ito. Kaya huwag mo ibaling ang sisi sa taong hindi kasali sa usaping ito Jessica. Labas sa pamilyang ito si Kaloy.” Tugon ni Karl tsaka nito iniwan ang asawa na umiiyak.

Habang tumatagal naging masalimuot na ang relasyon ng kanilang pamilya. At bukod kay Jessica, apektado na rin si Nathalie. Hindi na natahimik ang kanilang tahanan buhat nang magkaroon ng samaan ng loob sina Nate at ang ama nitong si Karl. At sa gitna nito pangalan ni Kaloy ang madalas mababanggit sa tuwing mag-aaway ang mag-asawa. Na naging dahilan na rin minsan kung bakit sinisisi ni Jessica ang sarili kung bakit hinayaan pa niyang makilala ng asawa ang anak nito sa iba.

Hapon ng araw na iyon nang magpasya si Nathalie na aliwin muna ang sarili sa labas. Kung kaya sumama ito sa mga kaibigan na gumala sa isang malaking mall malapit sa condo ni Gibo. Habang papasok ang sinasakyang kotse nito sa parking area ng mall—nakita nito ang kanyang kuya na si Nate na nakapang-bahay lang ang suot kasama si Gibo na nakapang-bahay lang din habang pinapasyal ng dalawa ang isang Siberian husky.

Kapansin-pansin pa sa dalawa ang sobrang lambing ng kanilang mga harutan sa isa’t isa na para bang meh at deh na ang tawagan habang ginagala ang dala nilang aso.

“Nat, diba kuya mo iyon? In fairness sa kuya mo ha kahit loose shirt at shorts lang ang suot, mukhang ang expensive parin niyang tingnan.” Sambit ng isa sa kaibigan ni Nathalie na napansin din si Nate.

“And who’s with him?—ang gwapo niya sis. Very manly pero I doubt kung man nga ba, baka man din ang gusto. Kasi look kung paano niya harutin iyong kuya mo sis. Kulang na lang lingkisan niya ng mga braso niya ang kuya mo.” Sabat pa ng isa.

“Pero aminin niyo may chemistry sila ha. Kung hindi lang natin kilalang playboy ang kuya nitong si Nat, iisipin ko talagang mag jowa ang dalawang iyan. Ang ngiti rin ni kuya Nate oh abot tenga din oh.” Wika pa ng una.

“Girls, mauna na lang kayo sa loob—pupuntahan ko lang si kuya.” Ani ni Nathalie na agad din bumaba ng kotse ng mag-park na ang mga ito.

Nakatawid na ng kabilang side ng daan sina Nate at Gibo nang makababa si Nathalie, malayo na sa kanya ang dalawa kaya patakbo na itong hinabol ang kuya. Nang mga sandaling iyon pabalik na rin ng condo sina Nate matapos ang paglakad-lakad nila ni Gibo sa kalapit na park. Patungo na sana sila sa condo ni Gibo nang makatanggap ng tawag si Nate mula kay Nathalie.

“Hello kuya nasaan ka ngayon?” Bungad na tanong ni Nathalie pagkasagot ni Nate ng tawag.

“Nasa Victor, bakit?”

“Puwede ba tayo magkita kuya? Kuwan kasi kailangan ko lang ng may makausap.” Sagot ni Nathalie.

“Alanganin ako, bukas na lang mag kita tayo sa resto. Busy ako tsaka may klase pa.“tugon naman ni Nate.

“Kuya si mommy, madalas na ang kanyang pag-iyak. Namimiss ka na niya.” Wika pa ni Nathalie.

“Tatawagan ko na lang si mommy later. Siya nga pala bukas samahan mo akong bumili ng pangreregalo natin sa kanya. Sige na, at may klase pa ako. Bye”

Napahinto na lang sa kinatatayuan nito si Nathalie habang pinagmamasdan ang kanyang kuya at Gibo na pumasok sa isang condo. Nagtaka ito kung bakit nagsinungaling sa kanya ang kuya. Nang nakapasok na ng condo sina Nate, tumawid naman sa bahaging iyon si Nathalie para sundan ang dalawa sa loob at alamin kung ano ang ginagawa ng kuya nito roon at bakit magkasama sila ni Gibo na pumasok sa condo na iyon. Alam ni Nathalie na pag-aari iyon ng daddy ni Gibo at batid niyang doon nakatira ang lalake pero ang makitang nandun ang kuya ay palaisipan sa kanya lalo na at iba ang sinabi ni Nate sa kanya kung saan ito nakatira.

Nasa bungad na ito ng building ng may humintong kotse sa likuran niya. Bahagyang napaatras si Nathalie sa gulat at napalingon ito.

“Jane!”

“Ninong Gab…” Sambit ni Nathalie nang makita si Gab na sakay ng kotseng iyon.

Bumaba ng kotse nito si Gab at nilapitan si Nathalie bitbit nito ang ilang mga grocery sa magkabilang kamay.

“Good afternoon ninong.”

“Good afternoon din sa iyo Jane. Naparito ka ba para sa kuya mo?” Tugon ni Gab.

Nagtaka si Nathalie kung bakit alam ni Gab na naroon sa condo na iyon ang kanyang kuya. At dahil pakay naman talaga nito na alamin kung ano ang ginagawa ng kuya nito doon,—sinakyan na lang nito ang sabi ni Gab.

“Yes tito ninong, kaso nag-aalangan ako baka bawal ang bisita sa condo.”

“Naku, hindi ka naman iba sa kuya mo tsaka inaanak ko naman kayong dalawa. Sakto at sa kanila din ang punta ko. Idadaan ko kasi ito kay Gilbert ang mga pinang grocery ko para sa mama niya.—halika sumabay ka na lang sa akin.” Ani ni Gab.

“Hay naku kainggit naman kayo ninong, for sure ang saya ng pasko niyong lahat. Kami nito, ewan. Feel ko ito na yata ang pinaka worst na pasko na dumating sa amin. Bakit pa kasi kung kelan patapos na iyong taon tsaka pa nangyari ito sa family namin.—itong si kuya naman kasi, pasaway.” Wika ni Nathalie.

“Masyado naman kasing impulsive ng reaksyon ng dad niyo. Tapos ma-pride pa. Ang kuya mo ganun din. Walang pinag-iba. Pero hayaan mo na lilipas din ang lahat ng iyan. Kilala ko ang dad niyo hindi kayo matitiis nun lalo na si Nate, paborito kaya niya iyon. Tsaka ang kuya mo naghahanap lang iyon ng pagkakataon para bumuwelo sa dad niyo. Hindi man okay ang paskong ito para sa inyo, hindi pa naman ito ang end game ng pamilya niyo. Ipagdasal na lang natin na lumambot na ang puso ng dalawa sa isa’t isa nang bumalik na kayo sa dati.” Komento pa ni Gab.

Samantala dahil sa bumalik muna ng Ilang sina Karding at Tess, naisipan ni Kaloy na doon muna sa kanila si Vince. Si Vince narin ang naghatid kay Kaloy sa eskuwelahan at pahinga muna si Evan sa pagiging service driver ng lalake. Nang araw na iyon walang Dax na pumasok sa klase at nalaman na lang ni Kaloy kay Zyone ang nagyari dito nang napaaway ito sa ilang mga ka-grupo.

“Sa tingin ko kailangan mo na talagang mag-ingat sa mga kagrupo ni Dax pare. Mukhang hindi ka talaga nila titigilan hanggat hindi sila nakakabawi sa iyo.” Wika ni Zyone.

“Kahit mag ingat pa ako kung intensyon talaga nilang gantihan ako,—wala na akong magagawa kundi ang harapin sila ng mano-mano. Tsaka hindi ako natatakot sa kanila. Hindi ko sila uurungan.“tugon ni Kaloy.

“Pare marami sila tsaka mga halang ang mga bituka nun. Mga walang hiya, walang mga ugali,—pagtutulungan ka lang ng mga iyon.” Ani pa ni Zyone.

“Kahit ilan pa sila wala akong paki-alam.” —sambit ni Kaloy habang sinusundan ng tingin ang apat na estudyanteng pumasok ng canteen. Masama rin ang tingin ng mga ito kay Kaloy.

Naibulong na din ni Zyone kay Kaloy na sila itong mga nakausap ni Dax nung araw na narinig nito ang pinaplano nila kay Kaloy. Mahigpit na hinawakan ni Kaloy ang barbeque stick ng saging sa kanyang kamay. Kalmado ito ngunit nakahanda na ang kamao nito sa posibleng gawin sa kanya ng apat. Lalo na at papunta ang mga ito sa puwesto nila ni Zyone.

“Kalma lang pare, may mga guro na kumakain sa paligid baka maguidance tayo ng wala sa oras. Palipasin mo na lang ang mga iyan. Umalis na lang tayo.” Bulong pa ni Zyone kay Kaloy.

Patayo na ang dalawa nang pinaikutan na ng apat estudyante ang dalawa.

“Kahit anong iwas mo,—nakabuntot parin kami sa anino mo. At kung sa tingin mo nabuwag mo na kami rito,—nagkakamali ka teritoryo namin ang pinasok mo. At ayaw na ayaw namin sa mga dayo lalo na sa mga pakialamerong tulad mo.” Wika ng isang lalake kay Kaloy na may pagbabanta ang boses.

“Hindi gulo ang sinadya ko rito. Pero kung iyon ang hanap niyo hindi ko kayo uurungan. Magtulong-tulong pa kayo. —pero sabagay, mga duwag lang naman ang nagtatago sa likod ng mga grupo. Puro kayo dada, mga duwag—” ang nakangising tugon ni Kaloy sa kanila. Kalmado lang ito at tila inaasar pa ang apat.

Mabilis na kinuwelyuhan ng isang lalake si Kaloy ngunit nanatili lamang itong kalmado. Aalma na rin sana si Zyone ngunit inakbayan na ito ng isa sa dalawa na nasa likod niya. Saktong nakita naman ni Travis ang kaganapan nang mapadaan sila ng mga tropa nito sa canteen. Mabilis na nilang nilapitan ang mga nanggugulo kina Kaloy. Ngunit nang makita ng mga ito ang grupo nila Travis agad naman nilang iniwan sina Kaloy.

“Sinaktan ba kayo ng mga tukmol na iyon?” Tanong agad ni Travis kay Kaloy.

“Nakikipagkaibigan lang.” Ang sarkastikong tugon ni Kaloy kay Travis.

“Mukhang hindi naman iyon ang nakita ko kanina.” Sabat ni Travis.

“Ano ba ang nakita mo kanina? Puwede ba pare tigilan mo na rin ako. Alam ko ang tumatakbo riyan sa utak mo. Kuha ko na ang motibo mo. Kaya kung ayos lang sa iyo dumistansya ka sa linya ko. Dahil hindi ako interesado sa pinapakita mong kabutihan sa akin.” Ani pa ni Kaloy sa lalake.

“Aba eh ang gago rin pala mag isip ang isang ito eh noh. Bakit pa nga ba pinag-aaksayahan mo pa ang isang ito Travis pare? Sino ba ito sa tingin niya?” Wika ng isa sa mga kasama ni Travis.

“Kalma mga par, napi-playing hard to get lang itong bebot ko. Saan ba at mahuhulog din ito sa akin.—wag ka mag alala Carl pare, kahit ipagtabuyan mo ako…asahan mo parin ang resbak ko kapag may umagrabyado sa iyo. Lalo na ang mga iyon. One call away ang I’ll be there.” Ang nakangising sabi pa ni Travis bago iwan sina Kaloy.

Napatikom naman ng mga kamay si Kaloy sa sobrang inis sa grupo ni Travis lalo na sa lalake. Gigil na itong sunggaban ng suntok ang lalake ngunit mas pinili ni Kaloy ang kumalma at huwag gumawa ng eksena. Dahil bukod sa maraming mga estudyante sa lugar na iyon sa oras na iyon, may mga guro rin na nandoon. Kaya kahit labag sa sikmura nito ang ginawa sa kanya ng mga kapwa mag-aaral, nanatili itong mahinahon at may kontrol.

Sa Victor High, katatapos lang ng huling klase ni Vince at papunta na ito sa parking area nang habulin ito ni Dustin.

“Bakit pare?” Tanong ni Vince nang mapansin si Dustin.

“Pauwi ka na?”

“Hindi pa, dadaanan ko muna si Kaloy sa eskuwelahan niya. May kailangan ka ba?” Tanong pa ni Vince.

“May ibibigay lang sana ako sa iyo, nandun sa kotse ko.” Sagot ni Dustin nang nakangiti kay Vince.

“Ano ba iyan?”

“Samahan mo na lang ako sa kotse.”

“Sige, sa parking lot din naman ang punta ko. Siya nga pala pare, napapansin ko nitong mga huli… hindi ko na kayo nakikita ni Yessa na magkasama. May problema ba?” Wika ni Vince habang papalabas sila ng building.

“We’re done. Hiwalay na kami pare. Lately we realized na hindi na kami masaya sa isa’t isa. So nag decide kami pareho na tapusin na ang pagpapanggap sa relasyon namin. Naging toxic na rin kami kasi isa’t isa eh.” Ang deretsahang pag-amin ni Dustin sa kaibigan.

“Ang perfect na ng relationship niyo pare. Sayang naman. End game na ba talaga kayo o benching lang ito? Kasi sayang talaga kung pakawalan niyo pa ang isa’t isa.” Komento pa ni Vince.

“Mas okay ganito pare, at least malaya na kami to do whatever we want. Akala rin namin mas tatagal pa kami. Pero hindi pala lahat nauuwi sa happy ending. Tsaka naiisip namin na masyado pa kaming immature para isipin ang mag settle sa isa’t isa. Dagdag pa na after ng graduation natin pupunta na ng UK si Yessa kasama ang family niya. —hindi ko kaya ang long distance relationship. Ani pa ni Dustin.

Nasa tapat na sila ng kotse ni Dustin nang bigla na lang hinawakan ng lalake ang dalawang kamay ni Vince. Nabigla naman si Vince kaya mabilis nitong inalis ang mga kamay kay Dustin.

“Sandali lang pare, ano ang nangyayari sa iyo? Bakit ganyan ka makatitig sa akin? May pahawak ka pa ng kamay. Saan na iyong ibibigay mo at susunduin ko pa si Kaloy.” Wika ni Vince.

Ngunit sa halip na sagutin nito si Vince, mabilis na itinulak ni Dustin si Vince pasandal sa kotse nito sabay sinunggaban nito ng halik sa labi ang kaibigan. Hindi agad nakapag reak si Vince sa ginawa sa kanya ni Dustin. Lalo na nang sinimulan pa ng lalake na pagalawin ang mga labi nito sa bibig ni Vince. Nang may nag alarm na kotse, tsaka lang nahimasmasan si Vince at naitulak nito si Dustin. Hindi na ito nagsalita o sinumbatan pa ang mga kaibigan. Tinungo na lang nito ang sariling kotse at umalis doon. Naiwan si Dustin na napangiti habang sinusundan ng tingin ang paalis na kotse ni Vince.

Nang sandali naman na iyon papunta na rin sa eskuwelahan ni Kaloy si Karl sakay ng kotse nito. Kausap naman nito sa cellphone si Travis.

“Yes tito, at mukhang si Vince din ang susundo sa kanya. Hindi ko pa kasi nakikita rito ang kotse nung naghahatid sundo kay Carlo.—pakibilisan mo lang tito kasi nagsilabasan na ang mga estudyante.”

“Paliko na rin ako sa kanto, tanaw ko na ang gate ng school niyo. —ano pa iyong sasabihin mo sa akin?” Wika ni Karl.

“Tito sa tingin ko kailangan mo magtalaga ng security kay Carlo. May nagbabanta kasi sa kanya. Naalala mo iyong naikuwento ko sa iyong grupo na pinatalsik dito dahil sa kanya?—ngayon may balak silang gantihan si Carlo. Tito gusto ko rin tulungan ang anak niyo, pero iniiwasan ko na ang gulo. Baka makarating pa kay papa at iba na naman ang iisipin nun.” Sumbong pa ni Travis.

“I understand. Ako na ang bahala diyan. Anyway salamat sa pagsabi. Ipagpatuloy mo lang ang pagsubaybay kay Kaloy at ako na ang bahala sa iyo. Check mo na lang ang account mo. At kung kulang pa, just let me know.”

“Thanks tito, anything for Carlo. —tito palabas na po siya ng gate.”

“Okay, nandito na rin ako sa labas.”

Malayo pa lang pansin na ni Kaloy ang kotse ni Karl na nakaparada sa harapan ng gate. Hinagilap pa nito sa labas ang kotse ni Vince ngunit wala pa ito roon. Agad nitong tinawagan ang jowa.

“Hello, baby nasaan ka na?”

“On the way na baby love, pasensya na naipit lang sa trapik. Pero malapit na rin ako diyan.”

“Huwag ka na tumuloy dito.”

“What? No baby love…isang street na lang at malapit na talaga ako. Sorry na baby kung pinaghintay kita diyan. Bibilisan ko.”

“Wag ka na tumuloy baby, nandito si papa. Ayokong magpang-abot ako.”

“Ano sabi mo baby? Nandiyan si tito Karl?”

“Magkita na lang tayo sa bahay, kakausapin ko lang ito kung ano ang kailangan niya.”

Dismayado man hindi na nagpumilit pa si Vince. Naiintindihan naman nito na kailangan din ni Kaloy ng pagkakataon na makilala ang tunay na ama. Kung kaya nagparaya na lamang ito.

“Magandang hapon po, —bakit po kayo nandito?” Bungad ni Kaloy nang lapitan nito ang ama sa kotse.

“Sinusundo ka, halika na…sakay na sa kotse.” Tugon ni Karl.

Sumakay naman si Kaloy sa kotse ng ama na walang pag-aalinlangan.

“Mula ngayon ako na ang maghahatid at  susundo sa iyo. Teka, hindi ka pa ba marunong mag drive?” Sambit ni Karl.

“Marunong naman ng kaunti, nag-aaral pa lang. Tsaka hindi ka na dapat nag-aksaya ng oras na sunduin pa ako. May tagahatid sundo na ako. “ Sabat ni Kaloy.

“I want you to be safe. Nakarating sa akin na may mga grupo na pinagbabantaan ka ng masama. Totoo ba iyon?” Tanong ni Karl sa anak.

“Sino naman ang nagparating sa iyo niyan? Grabe naman kung makatagos sa inyo ang nangyayari sa akin sa eskuwelahan.”

“So totoo nga? —sabihin mo sa akin kung sino ang mga iyan at kung saan tumatambay ang kanilang mga grupo, nang maturuan ng leksyon ang mga iyan. Mga estudyante rin ba sila dun?” Ani ni Karl sa anak.

“Kaya ko na po ang sarili ko. Wala pa naman silang ginagawa sa akin eh. Pagbabanta lang ang kaya nila. —pagtuunan niyo na lang ng pansin ang pamilya niyo. Mag-ayos na kayo ni Nate.  Sa halip na ako itong pag-aksayahan mo ng oras, ibaling niyo na lang ang oras niyo sa kanya. Mas kailangan pa rin ni Nate ng gabay ng isang ama.” Tugon ni Kaloy sa ama.

Sandaling tumahimik si Karl sa sinabi ng anak. Ngunit nangingibabaw parin ang pride ng pagiging ama ni Karl para kay Nate.

“Hindi na ako kailangan ng kapatid mo. Pinamukha niya na sa akin na malakas na ang kanyang tuhod at kaya niya nang tumayo na hindi na sumisilong sa anino ko. —para sa kapatid mo tapos na ang obligasyon ng pagiging ama ko sa kanya. Nagawa na nga niyang talikuran ang tahanan na minsan umaruga sa kanya. Ang hirap magpaka ama. Sa isang pitik mo lang mababalewala na ang lahat ng mga sinakripisyo mo sa mga anak mo.” Ang tugon ni Karl kay Kaloy na ramdam ang bigat sa bawat salita nito.

“Kaya ka bumabawi sa akin?” Mahinang tanong ni Kaloy.

“Hindi,—hindi ako bumabawi sa mga kakulangan ko bilang ama mo. Dahil hindi na kayang balikan pa ng ngayon ang nakaraan. Ang nais ko lang ay maiparamdam sa iyo na nandito ako para sa iyo. At para sabihin sa iyo na ama mo rin ako. Ngayon kung katulad ka rin ng kapatid mo at ipagtabuyan mo din ako. Okay lang deserve ko iyon, kasi simula pa lang hindi naman ako nagpaka-ama sa iyo. Pero ngayong nabigyan ako ng chance na makilala ka, susulitin ko talaga ang mga sandaling nakakasama ka anak. Ipagtulakan mo man ako.” Saad pa ni Karl.

Hindi na nakaimik pa si Kaloy sa narinig sa ama. Sa kabila ng mga bagay na ayaw nito sa ugali ni Karl, —hindi parin maikakaila sa kanya ang mapagmahal na puso ng isang ama na ang tanging hangad lamang ay ang kabutihan para sa mga anak. Nahati na ngayon ang nararamdaman ni Kaloy para sa ama nito na si Karl at sa kapatid nitong si Nate. Naiintindihan nito si Nate, ngunit naawa rin ito para sa ama na ibinuhos naman ang lahat sa pagpapalaki sa mga anak ngunit tila nabalewala lang dahil sa pangyayari.

Hindi pa man siya ama para maunawaan ang nararamdaman ng isang ama, ngunit ramdam ni Kaloy ang sakit na kinakarga ni Karl sa loob nito —na pilit niyang tinatago sa harapan ng mga tao sa paligid niya.

Samantala laking gulat naman nina Nate at Gibo nang makita si Nathalie na kasama ng ama ni Gibo. Dahil sa naroon na rin lang ang kapatid hindi na naglihim pa si Nate kay Nathalie. Inamin na nito sa kapatid ang relasyon nila ni Gibo. Halos hindi makapaniwala si Nathalie sa nalaman lalo na nang sinabi ni Gibo sa kanya na alam na ng ama nito ang tungkol sa kanila ni Nate.

“Wag ka na magtaka Jane, tama ang narinig mo.”

“Ninong okay lang sa inyo? Hindi kayo galit?” Pagtatakang tanong pa ni Nathalie.

“Ano namang masama sa pagmamahalan ng kuya mo at ng anak ko? —siguro sa tingin ng iba mali, hindi dapat. Pero sino ba sila para husgahan ang mga mahal natin sa buhay? As long na walang tinatapakang tao ang anak ko, hindi ako magiging hadlang sa kaligayahan niya. At walang rason para ikagalit ko ang pag-iibigan nila ng kuya mo.” Komento ni Gab nang marinig ang usapan ng tatlo.

“Salamat tito, sana katulad mo rin magisip si daddy. “ Sabat ni Nate.

“Maiintindihan ka rin nun Nate. Mabuting ama si Karl at alam ko matatanggap ka rin niya.” Tugon pa ni Gab kay Nate. “Maiwan ko na kayo rito, dinaan ko lang ang mga iyan para sa mama mo Gib.”

“Salamat dito pa. Pakisabi kay tita sol na salamat sa pinadala niyang ham.”

Hindi parin makapaniwala si Nathalie sa kanyang nadiskubre. Nang makaalis si Gab. Muli nitong kinausap ng masinsinan ang kuyang si Nate ng solo sa balkonahe ng condo ni Gibo.

“Seryoso ba talaga ito kuya? Mag-jowa ba talaga kayo ni kuya Gilbert?” Tanong ni Nathalie.

“Bakla ang kuya mo Jane, matagal na. Pilit ko lang tinatago sa takot ko kay daddy. Isa rin ito sa dahilan kung bakit mas pinili ko na lang na lumayo. At least malaman man ni dad na ganito ako, hindi ko na makikita pa ang reaksyon niya.” Ani pa ni Nate sa kapatid.

“Kaloka ito kuya, buti kinaya ng powers mo na itago ito sa amin ng matagal. Kaya naman pala walang babae na nagtatagal sa iyo, lalake pala ang cravings mo.—paano si mommy? Sana man lang kay mommy sinabi mo.” Wika ni Nathalie.

“Alam na ito ni mommy. Matagal ko nang inamin sa kanya. At tanggap niya kung ano ako. Ikaw ba?—tanggap mo ba na bakla ang kuya mo?” Tugon na tanong ni Nate sa kapatid na seryoso ang mga tingin kay Nathalie.

“Eh kung tanggap ka naman pala ni mommy, sino ba ako para hindi tanggapin ang paborito kong kuya. Siyempre naman noh. Kahit madalas nagbabangayan tayo, deep inside my heart mahalaga ka kaya sa akin.—pero grabe naman ang mga pa big-reveal mo  this month kuya. Hindi mo man lang pinaabot ng next year. Baka bago mag bagong taon may pa revelation ka na naman. Kakabugin mo pa ang mga fireworks sa mga pasabog mo.” Ang pabirong hirit ni Nathalie sa kuya.

Niyakap ni Nate ang kapatid sa labis na tuwa. Sa unti-unti nababawasan na ang bigat sa loob ni Nate, lumuluwag na ang tali na sa matagal na panahong nakapulupot sa kanyang pagkatao. Agad na pinaalam ni Nathalie sa ina ang kalagayan ni Nate. Ngunit sa pakiusap ng kuya nito inilihim muna nila sa ina ang tungkol sa namamagitang relasyon ni Nate at Gibo.

“Siya nga pala kuya bakit hindi ka pumasok?” Naisingit na tanong ni Nathalie sa kuya.

“Ilang araw na lang din naman kasi at wala ng pasok. Kaya minabuti ko na next year na lang ako babawi. Tsaka wala namang exam.” Sagot ni Nate

“Ganun ba, akala ko pati pag-aaral mo papabayaan mo na rin.”

“Basta kung ano ang nakita mo sa akin huwag mong gayahin. Huwag mong tularan ang kuya mo. —Ikaw na muna ang bahala kina mommy. Update mo na lang ako sa mga nangyayari sa bahay.” Ani ni Nate sa kapatid.

Matapos makita ang kuya at malaman ang kalagayan nito, —masaya na si Nathalie na magpaalam sa dalawa. Nang mapansin ni Gibo na nag-iisa na lamang si Nate, sumagi sa isip nito na paano kung sabihin narin niya kay Nate ang sekretong kanyang nalalaman. Marahan itong lumapit sa lalake na balisa ang pag-iisip. Nakatingin lamang ito sa lalake na may pag-aalinlangan.

“Bakit Bhe?” Tanong ni Gibo nang mapansin ang jowa na nakatingin lamang sa kanya na tila ba may gustong sasabihin.

“Ah eh wala naman bhe, natuwa lang ako kasi sa unti-unti nagiging malaya ka na. Iyong dad mo na lang ang problema.  Pero, naniniwala naman ako na sa tamang pagkakataon… matatanggap ka rin niya.”  Ang tugon ni Gibo kay Nate tsaka niyakap ang lalake ng mahigpit.

Walang pagsidlan ng tuwa si Nate sa mga sandaling iyon. Para sa kanya, tama ang naging pasya niyang tumalikod muna saglit sa nakasanayan upang mabigyang daan na mabuksan ang katotohanan sa kanyang pagkatao. At para na rin makalaya sa tanikalang nakabalot sa kanya.

Sa mga oras naman na iyon, naihatid na ni Karl si Kaloy sa kanila. Napangiti naman ito nang magpasalamat sa kanya ang anak. Ngunit napakunot na lang ang noo nito nang bumukas ang gate nila ni Kaloy. Napasimangot ito nang makita si Vince na sumilip mula sa loob ng gate.

“Ano ang ginagawa niyan dito?” Tanong ni Karl kay Kaloy.

“Sinasamahan niya lang ako rito habang wala sina nanay.” Ang agad na sagot ni Kaloy sa ama.

“At pumayag si Tess at Karding na magsama kayo?—konsintidor talaga ng mga magulang mo.” Ang mahinang sabi ni Karl sa anak.

“Ano naman ang masama kung nandito si Vince? Alam namin ang ginagawa namin. At alam namin na wala kaming ginagawang mali.”

“Akala niyo lang na walang mali sa ginagawa niyo.—pero sa mata ng mga nakakakita sa inyo, maling-mali na nagsasama kayo. Tandaan mo ito, balang araw mababago rin ng pagkakataon ang pinaniniwalaan mo”. Tugon ni Karl sa anak.

“Tsaka ko na iisipin iyon pagnangyari na. Sige po salamat muli sa paghatid.” Ang naging sagot ni Kaloy sa ama, tsaka ito bumaba ng kotse.

Matagal pa bago nilisan ni Karl ang bahay nila Kaloy. Hindi ito mapakali sa sarili habang naiisip na magkasama sa iisang bahay ang anak at si Vince. Panay ang tingin nito sa gate. May sandaling gusto pa ni Karl na bumaba ng kotse para kausapin ang dalawa. Ngunit may pagdadalawang isip din ito na baka sa kanyang gagawin, —sa halip na mapalapit sa anak ay lalo lang itong lalayo sa kanya. Umalis itong may kinikimkim sa loob. Muli nitong tinawagan si Travis.

“Sabihin mo sa akin kung sino ang mga tinutukoy mong nagbabanta kay Kaloy. At kung saan sila madalas tumatambay.” Wika nito kay Travis sa cellphone.

“Send ko sa inyo tito ang detalye ng mga pangalan at pagmumukha nila pati ang rumbuhan nila. After nitong pag-uusap natin.” Tugon naman ni Travis.

“Salamat,…”

Sinalubong ni Vince ng halik si Kaloy pagkapasok ng lalake sa gate. Agad nito kinamusta si Kaloy sa muling pagkikita nila ng ama. Bahagyang napangiti si Kaloy sabay hugot ng malalim na paghinga at napatingin kay Vince.

“Mukhang masaya ka na nagkita muli kayo ng dad mo. Okay na ba kayong dalawa?” Tanong ni Vince na napangiti rin.

“Okay naman talaga kami ah…” Sabat ni Kaloy.

“I mean, hindi ka na ba niya kinukulit sa pagiging ano mo…” Ani ni Vince.

“Bakla ang mga anak niya, wala na siyang magagawa dun. Pero never naman namin iyan napag-usapan kanina. Ang tungkol kay Nate ang napagkuwentuhan habang pauwi rito.” Wika ni Kaloy.

“Alam na ba ni Nate ang tungkol sa inyo? Nasabi na ba ng dad niyo sa kanya na magkapatid kayo—baby love?” Tanong pa ni Vince.

“Sa malamang hindi pa, —eh lumayas naman kasi iyong isa. Parang natutukso na nga akong sabihin kay Nate ang totoo eh. Pero hindi ko alam kung paano bubuwelo. Tsaka ayoko namang pangunahan ang ama namin. Lalo pa at hindi pa nagkaayos ang dalawa.” —tugon ni Kaloy.

“Sa tingin ko dapat malaman na ni Nate na magkapatid kayo. Sigurado naman ako na matutuwa iyon pag nalaman niya  ang tungkol sa inyong dalawa.” Komento ni Vince.

“Iyon din ang pakiramdam ko. Pero hahayaan ko muna ang lahat kay papa. Siya dapat ang magsasabi nun sa kanya.”

“Siya nga pala baby love, gusto ni mommy na dun na kayo mag pasko sa bahay. Sama mo na rin sina Paquito at Burnok. Gusto nila daddy na ma meet sina nay Tess at tay Karding.” Sambit ni Vince.

“Sige, sasabihin ko kina nanay pag uwi nila. Na miss ko na rin ang mga parents mo eh pati na si yaya Ponyang.” Saad ni Kaloy.

Paakyat na ang dalawa sa silid ni Kaloy nang lumapit ang isa sa mga kasambahay nila ni Kaloy.

“Yes manang?”

“Sir Carl, ano po ba ang gusto niyo para sa dinner? Naglabas po ako ng karne at isda.”

“Kahit ano manang, kayo na po ang bahala. —Si Evan pupunta ba rito?” Tugon ni Kaloy.

“Hindi siguro sir. Dumaan siya rito kanina pero umalis din sila ng kasama niya. May iniwan lamang silang cake para sa inyo tapos nagpaalam na.” Ani pa ng kasambahay.

“Ganun ba manang. Sige magbibihis na muna ako. Bababa na lang kami mamaya pag kakain na.”

“Mukhang may pinagkakaabalahan na ang personal driver mo baby love.” Wika ni Vince.

“Parang may ideya na ako kung sino ang tinutukoy ni Manang na kasama ni Evan kanina. Mabuti iyon para naman hindi na niya ma feel na third wheel siya sa tuwing kasama siya sa atin.” Ang sabi ni Kaloy sabay hawak sa kamay ni Vince.

“At hindi na rin ako mag-aalala na baka pormahan ka pa niya.” Sabat ni Vince sabay naman halik sa kamay ni Kaloy na nakahawak sa kamay nito.

“Kahit sino pa ang poporma sa harapan ko, kahit maghubad pa sila sa diyan. Wala nang ibang titingnan ang mga mata ko, kundi ikaw lang baby love. Magkandarapa man sila sa kakahabol sa akin, hindi na nila ako makukuha dahil pagmamay-ari mo na ang puso ko…pati itong titi ko.” Saad pa ni Kaloy tsaka hinalikan din si Vince sa kamay.

Nagpatuloy sa silid nito ang dalawa. At pagkasara pa lang ng pinto hindi na napigil ni Vince ang kasabikan kay Kaloy. Agad nito sinunggaban ng marubdob na halik sa labi si Kaloy habang isa-isang tinatanggalan ng butones ang uniporme ng lalake. Palaban namang nakipaglaplapan si Kaloy kay Vince. Tulad ng kasintahan, sabik na sabik din ito sa mga yakap, haplos at halik sa kanya ni Vince. Saglit pa at isa-isa nang nahulog sa sahig ang mga suot ng dalawa. Nang bumagsak ang kanilang mga katawan sa malambot na kama, kapwa na silang hubo’t hubad na naglilingkisan sa ibabaw nun. Nag-iinit ang bawat sulok ng silid sa maalab nilang romansahan at lampungan.

“Ilang buwan ko rin tiniis ang sandaling ito baby love. At walang pagsidlan ang saya na nararamdaman ko ngayon. Kaisa na naman kita, at kayakap ng aking mga braso. Atin na naman muli ang sandaling ito.” Wika ni Kaloy habang nakadagan sa ibabaw ng katawan ni Vince.

“Labis kong pinanabikan ang pagkakataong ito na muli kitang maramdaman sa loob ko baby love. Na miss ko ng sobra ang mga halik mo sa akin. At ang maiinit mong mga paghagod sa balat ko,…baby love ibaon mo sa lahat ng inipon mo. Anakan mo ako asawa ko.” Tugon ni Vince at muling nilukuban nito ng halik si Kaloy sa labi.

Sa kalagitnaan ng mainit na talpakan ng dalawa, muling pinaubaya ni Vince kay Kaloy ang kanyang katawan. Pikit matang ninamnam muli ng husto ni Vince ang sarap at sakit sa bawat pagpasok ng mahaba at matigas na kabute ni Kaloy sa kanyang masikip na lagusan. Bagamat hindi iyon ang una, ngunit sa laki at haba ng pag-aari ni Kaloy ramdam parin nito ang langit-ngit ng langit na may halong sarap at kaunting sakit.

“Wag mong tigilan baby love…sige lang isagad mo pa. Ang sarap…” Ang hingal na hingal na sabi ni Vince habang umuungol.

“Lalabasan na ako baby love…” Bulong ni Kaloy.

“Mamaya na baby,…sabay na tayo. Pigilan mo muna.” Pakiusap ni Vince.

Hinugot saglit ni Kaloy ang tubo nito sa butas ni Vince at muling pinaliguan ng halik si Vince. Mula sa dibdib ng lalake, pinagapang nito ang mga labi mula sa matigas na mga utong ni Vince pababa sa puson ng nito hanggang sa nilukuban nito ng bibig ang ubod sa tigas at haba na tarub ng lalake. Napaigtad sa sarap si Vince nang maramdaman ang mainit na hininga ni Kaloy sa pagitan ng kanyang mga hita. Ginalingan din ni Kaloy ang pagkain at pagsubo sa kabute ng kasintahan. Nais niyang bigyan ng pantay na kaligayahan si Vince. Kaya kahit nabibila-ukan na ito sa laki ng turon ng lalake, kinaya parin niyang isubo ng buo ang tarub ni Vince mula ulo hangang dulo.

“Malapit na rin ako baby love…ipasok mo na muli sa akin ang titi mo. Bayuhin mo na ako.” Sambit ni Vince.

Muling pumuwesto si Kaloy sa ibabaw ni Vince. Agad din nitong itinarak kay Vince ang naninigas ng kabute tsaka sinimulang kayurin ang butas ng lalake. Habang kinakabayo si Vince binabayo naman nito ang tarub ng lalake. Sabay sa bilis bawat nitong pagkaldag ang pagtaas baba ng palad nito sa naglalaway ng kabute ni Vince. Hanggang sa umabot din sa rurok ang dalawa. Umapaw sa butas ni Vince ang pinakawalan ni Kaloy sa sobrang dami. Halos ipaligo na rin ni Vince ang pinasabog nitong modta na kumalat sa kanyang puson at dibdib. Natawa na lamang ang dalawa sa dami ng kanilang pinakawalan. Pagkahugot ni Kaloy sa titi nito, kanya pa itong ikiniskis sa titi ni Vince tsaka muling ginawaran ng marubdob na halik ang lalake.

Dahil sa hindi pa humuhupa ang tigas ng kanilang nag-uumpugang mga tarub, muling ginapangan ng kalibugan ang dalawa at muling nagkiskisan. Sa labis na pagkamiss sa isa’t isa hindi lang dalawang beses nagpa fireworks ang dalawa. Naka limang rounds pa ang mga ito bago tuluyang naligo at bumaba ng kusina para kumain.

Gutom na gutom ang dalawa na masayang pinagsaluhan ang masasarap na mga pagkain na hinanda sa kanila.

“Nagutom talaga tayo ng husto sa pinaggagawa natin.” Ang napangiting sabi ni Kaloy kay Vince nang inabot nito sa lalake ang beef steak.

“Akala ko nga magdamagan na tayong maguupakan sa silid mo. Hirap mo ring awatin eh. Parang di ka nauubusan.” Ang natawang tugon ni Vince.

“Talagang pinaghandaan ko yata ang muli nating pagsasama sa kama. Tsaka inipon ko talaga ito para lang sa iyo. Susulitin natin ang bawat sandali na solo natin ang isa’t-isa baby love.” Ani pa ni Kaloy sabay hawak sa kamay ni Vince.

“Naku may tatlong araw pa tayong magsasama. Tama na iyong pasundot-sundot para hindi agad tayo ma-umay. Tsaka baka magkaanak tayo ng wala sa oras. Hindi pa ako marunong mag pasuso ng bata. Pagsubo pa lang ang na perfect ko.” Wika ni Vince.

“Baliw, —kumain na nga tao baka kung saan pa umabot ang imahinasyon mo. Nasa kainan pa naman tayo.” Sambit ni Kaloy na natawa na lang.

“Anong oras nga pala ang uwi mo bukas? Baka kasi mahuli na naman ako sa pagsundo sa iyo.”

“Oo nga pala baby, muntikan ko nang makalimutan buti nabanggit mo. Kuwan kasi nakiusap si papa na siya na lang daw ang maghahatid sundo sa akin sa eskuwelahan simula bukas. Mga ilang araw lang naman iyon dahil wala ng pasok next week. Hindi na ako nakatanggi kasi… mapilit eh. Tsaka gusto rin makilala pa si papa.—ayos lang ba iyon sa iyo baby love?” Sabat ni Kaloy.

Naudlot ang ngiti ni Vince sa sinabi ni Kaloy. Ngunit naunawaan naman nito ang sitwasyon ng minamahal. Kaya tumango na lamang ito.

“Oo naman baby. Alam ko na gusto mo rin makasama ang tunay mong ama. Sige kung iyon ang nais mo,—walang kaso iyon sa akin. Basta para sa ikasasaya ng baby love ko, support ako diyan.” Tugon ni Vince na nginitian si Kaloy.

May panghihinayang pero naiintindihan naman nito ang papel niya sa buhay ni Kaloy. At kahit pa sabihing nobyo siya ng lalake, hindi parin malalamangan nun ang papel ni Karl bilang ama nito kay Kaloy. Para kay Vince mas mahalaga ang kaligayan ni Kaloy kaysa kagustuhan niya. At na appreciate iyon ni Kaloy ng labis sa kasintahan.

GLITCHES

Isang araw, maagang nagising si Nathalie para maabutan pa ang amang si Karl. Ngunit nahuli pa rin ito sa pag-alis ng ama. Tanging inabutan na lamang nito ang ina na paalis na rin ng mga sandaling iyon.

“Papunta na rito ang kuya Lyndon mo, siya na ang maghahatid sa iyo. Kailangan ko nang umalis, tawagan mo na lang ako kung pauwi ka na para ipapasundo na lang kita ulit kay Lyndon.”  Ang nagmamadaling sabi ni Jessica sa anak.

“Bakit mommy, hindi ba puwede si dad?”

“Holiday peak ngayon, busy ang dad mo. Kaya huwag mo nang asahan iyon mamaya. Tsaka hindi rin ako puwede. Kailangan ako sa branch natin sa Baguio. Bukas pa ang uwi ko.” Tugon ni Jessica.

“Kelan pa kayo naging busy sa trabaho? Mommy okay pa ba kayo ni dad?”—ang nag-aalala nang tanong ni Nathalie sa ina.

“Tsaka na tayo mag diskusyon Jane. I really have to go. Love you girl, bye…ingat sa school.” Sabat ni Jessica tsaka inutusan na ang driver na umalis na sila.

Napasimangot na lamang si Nathalie na bumalik sa loob ng bahay. Worried na talaga ito sa estado ng pagsasama ng mga magulang. Bukod kasi sa madalang na lamang niya nakikitang nag-uusap ang ama at ina,—madalas magkahiwalay na ang kanilang lakad. Kung dati magkasama pa sa iisang kotse ang dalawa tuwing pupunta sa kanilang opisina, o di kaya sa mga branch ng kanilang mga negosyo…ngayon, kanya-kanyang mga sasakyan na sila.

Maya-maya nga at dumating na rin ang pinsan nitong si Lyndon para ito’y sunduin. Habang papalabas ng village ang dalawa, may nabanggit si Lyndon kay Nathalie.

“Nadaanan ko nga pala sa harapan ng Bayag-bayagan Highschool ang kotse ni tito. Titingnan ko pa sana kung nandun siya eh kaso tumawag na si tita at pinapasundo ka na.—Alam mo twice ko nang napansin ang kotse ni tito dun. Nung una hapon yata iyon. Madalas kasi ako napapadaan dun sa tuwing pumupunta ng shop.” Wika ni Lyndon.

“Ano naman ang ginagawa dun ni dad?”

“Baka ang school naman na iyon ang target ng dad mo na ma-sponsoran ng inyong charity. —Nabanggit kasi sa akin ni papa na nagkita sila ni tito minsan sa isang bar. At nasabi ni papa kay tito na dun nag-aaral si Travis. Siguro naisip ng dad mo na mag laan ng scholarship program dun. Diba nga may pa scholarship ang charity niyo? Baka kinakausap na ng dad mo ang mga taga Bayag-bayagan.” Tugon ni Lyndon.

“Ewan, —hindi naman kami nangingialam sa ganap nila ni mommy at dad pagdating diyan. Baka si kuya, siya naman ang madalas sinasama ni dad dati. Pero sana nga lang tungkol talaga sa charity ang pinunta dun ni dad.” Ang napaismid na sabi ni Nathalie, na tila ba may halong duda.

“Siya nga pala kamusta na ang kuya mo? Balita ko sa mommy mo wala na raw siya sa inyo.” Sambit pa ni Lyndon.

“Ewan ko nga rin kuya kung paano pa magiging okay ang pasko at new year namin sa mga nangyari. Si kuya tila wala na talagang chance na bumalik sa bahay. Pero sa tingin ko naman mas masaya na siya roon.” Sagot ni Nathalie.

“Saan ba at magkakaayos din kayo sa inyo lalo na ang kuya mo at si tito. Ganun din ang nangyari sa amin nang nahulihan din nun si Travis. Pero tingnan mo ngayon kahit magkagalit sila ni papa, lihim pa rin siya sinusuportahan ni papa. Ang akala ni Travis sa akin galing ang mga binibigay ko sa kanya—ang di niya alam lahat ng iyon abot ni papa.“naikuwento naman ni Lyndon nang magkomento ito.

“Iyon lang ang wish at dasal ko ngayon kuya— ang maging okay na kaming lahat at bumalik na kami sa dati. Ako itong na i-stress sa nangyayari.”

“Hayaan mo na muna. Lilipas din naman lahat ng iyan. Focus ka sa sarili mo. Baka sa kakaisip mo, maapektuhan na rin iyang mental health mo at mapasama ka pa. Ang mga gen-z pa naman ngayon ang lala din mag overthink.” Ani pa ni Lyndon.

“Sila lang iyon kuya, iba naman ako sa kanila. Siya nga pala kuya wag mo na akong sunduin mamaya sa school. Baka  gagala pa kami ng mga classmates ko. Wag mo na lang sabihin kay mommy baka mag alala pa iyon.” Wika ni Nathalie.

Samantala takang-taka naman si Kaloy nang pumasok ito ng kanilang classroom. Agad kasi itong sinalubong ng dalawa nitong classmates na mga kabarkada ni Dax.  Humihingi ito ng tawad sa kanya at nagmamakaawa na wag na silang idamay sa paghihiganti nito.

“Sandali nga lang—ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa? Ano ba ang ginawa ko sa Inyo at humihingi kayo ng tawad? Umayos nga kayo. Pinagtitinginan na tayo ng mga kaklase natin.” Wika ni Kaloy nang pinatayo nito ang dalawa nang bigla na lamang ito lumuhod sa kanyang harapan.

“Kahit ano, gagawin namin Carlo huwag mo lang kami idamay sa paghihiganti mo. Maawa ka, lagot kami sa mga magulang namin pag nalaman nila ang mga kagaguhan namin dito. Promise, magpapakatino na kami. Di na kami mang bu-bully ng mga estudyante rito. Wala ng gagalaw sa iyo rito.” Hagulgol pa ng isa.

“Tigilan niyo na nga iyan. Hindi ko kayo maintindihan. Magpaliwanag nga kayo ano ba ang nangyayari?” Sambit ni Kaloy.

“Hayaan mo na pare—ayaw lang nila matulad sa ibang nanita sa iyo nu’ng nakaraan. Binantaan ka pala nila ni Jigs? Pasensya na at wala ako nung araw na iyon. Pero buti naman at nailigpit na ang mga iyon dito. Wala nang mga asungot. Wala na ring kukulit sa akin.” Paglapit naman ni Dax sa kanila.

“Bakit ano ba ang nangyari pare?”

“Sina Jigs at mga kaklase niya, kasama sa mga nahuli sa nangyaring drug raid kahapon sa lumang building na tambayan ng grupo. Halos lahat sa mga grupo timbog. May mga nakatakas pero karamihan, pati na iyong tumatayong lider-lideran nila na pumalit sa akin nahuli. Hindi lang iyon ilan sa kanila namatay ng manglaban sa mga pulis. Ang isang kaklase nga ni Jigs muntikan na makuyog ni kamatayan. Buti na lang daplis ang tama niya ng bala.” Kuwento ni Dax.

“At sa tingin niyo kagagaling ko iyo? Wala nga akong ka idi-ideya sa pangyayari eh. Baka nagkataon lang. Tsaka malay ko ba na iyon ang sasapitin nila. Pasalamat na lang kayong dalawa at wala kayo roon. Wala akong kinalaman sa mga nangyari kaya huwag kayo humingi ng tawad sa akin. Pero tama iyang sinabi niyo tumino na kayo, ayusin niyo na pagaaral niyo.” Sabi pa ni Kaloy sa dalawang kaklase.

Napakamot ng batok si Kaloy na pumasok ng klasrum kasama si Dax. Lumapit naman si Zyone sa kanya na binalitaan din ang lalake sa katulad na pangyayari.

“Maging ang grupo nila Travis, nababahag na— baka pati sila raw pag-initan mo rin. Pero bilib sa iyo ang karamihan sa mga guro dito at mga estudyante. Dahil daw sa iyo mukhang mababago na ang imahe ng paaralang ito sa labas. Sa wakas wala nang mga pasaway dito sa campus.” Ani pa ni Zyone.

“Grabe naman iyon…ano ba ang nagawa ko dito? Wala nga akong kaalam-alam sa mga nangyayari. Nagulat na lang din ako sa sinasabi niyo. Ang nangyari kina Jigs hindi ko na kasalanan iyon. Malay ko ba na dun ang tambayan nila. Baka itong si Dax…kagrupo niya ang mga iyon diba? Baka ito ang nagpatimbog sa mga iyon.” Tugon ni Kaloy.

“Tarantado akong tao, oo, tsaka gusto ko na rin mag bago—pero hindi ko kayang ipagkalolo ang mga iyon. Kakalabanin puwede. Pero ang ilalag sila malabong gawin ko iyon sa kanila. Kahit papano malaki rin naitulong nila sa akin, tsaka may pinagsamahan naman kami.” Sabat ni Dax.

“Kung sino man ang nagturo sa kanila hindi na mahalaga iyon. Ang importante nalinis na sila sa paligid ng eskuwelahan. Dapat lang talagang mawala na ang mga tulad nila dito. Perwisyo lang ang dulot nila sa mga estudyante ng Bayag-bayagan. Buti nga ang nangyari.” Saan pa ni Kaloy.

Sa isip ni Kaloy tila may ideya na ito kung sino ang dahilan sa nangyari. Nagkibit balikat na lamang ito sa mga sinasabi ng mga kaeskuwela. Mariin din nitong itinatanggi ang kaugnayan nito sa pangyayari. Gayunpaman, tulad ng karamihan laking pasasalamat ni Kaloy na nabawasan na ang pag-aalala nito kanyang siguridad. Tapang-tapangan lang ito sa harapan ngunit sa totoo lang nangangamba naman talaga ito sa kanyang kalagayan sa tuwing lalabas ito ng eskuwela. At ngayong halos nawalis na ang mga pasaway na umaaligid sa paligid ng eskuwelahan. Makakahinga na ito ng maluwag sa tuwing papasok ito ng klase.

Pagkatapos ng klase nito sa tanghali agad nito tinawagan ang ama para kumpirmahin ang hinala. Hindi naman itinanggi ni Karl kay Kaloy na siya nga ang humingi ng tulong sa kapulisan para malinis na ang mga sagabal at pasaway sa paligid ng eskuwelahan.

“Ayoko ko nang hintayin pa na may mangyari sa iyo riyan tsaka pa kikilos. Hindi na dapat tino-tolerate ang mga katulad nila. Sakit lang sila sa ulo. Wala na nga silang ambag sa lipunan sanhi pa sila ng krimen. Humingi na rin ako ng tulong sa mayor para tuluyan ng malinis ang paligid ng Bayag-bayagan.” Tugon ni Karl sa anak, rinig sa boses nito ang labis na gigil.

“Salamat. Dahil sa nangyari maraming mga estudyante ang natuwa. Nabawasan na ang kaba nila sa tuwing mapapadaan sila lugar na iyon.” Wika ni Kaloy.

“Naisip ko nga na alisin ka na sa eskuwelahan na iyan next year. At doon ka na sa Victor High magtutuloy ng pag-aaral mo.” Ani ni Karl.

“Maayos na ako rito. Kung lilipat pa ako, panibagong adjustment na naman. Dito na lang ako. Tsaka ko na iisipin ang susunod na papasukan ko pag naka-graduate na ako.” Saad ni Kaloy.

“Ikaw ang bahala pero sakaling magbago ang pasya mo magsabi ka lang. Iyan lang ba ang tinawag mo…anak?”

Saglit na tumahimik sa kabilang linya si Kaloy. Hanggang sa tumugon ito sa ama.“

“Iyon lang naman pa. Sige po, ingat na lang diyan sa ginagawa mo. Maaga nga pala ang uwian namin. Hihintayin kita papa.”

Gumuhit sa mukha ni Karl ang ngiti nang marinig sa anak ang pagtawag sa kanya ng papa. Bagay na nais na nitong marinig na sasabihin sa kanya ni Kaloy. Maging si Kaloy man matapos bitawan ang salitang iyon, ay napangiti rin ng lihim. Sa ginawa sa kanya ni Karl, pinatunayan lang nito kay Kaloy kung ano siyang klaseng ama sa kanyang mga anak. At deserve nitong tawaging ganun. Para kay Kaloy.

Ramdam naman ni Vince ang labis na pagkabagot sa klase ng mga sandaling iyon. Bukod kasi na hindi na pumapasok si Nate, —dismayado na rin ito dahil sa ilang araw ng hindi nito nakakasama si Kaloy kahit pa na magkasama naman sila sa iisang bahay.

Buhat kasi nang si Karl na ang pansamantalang naghahatid at sundo kay Kaloy sa eskuwelahan, —halos hindi na magtagpo ang oras ng dalawa; Sa umaga, maaga nang naroroon kina Kaloy si Karl para sunduin ang anak. Kaya kahit tulog pa si Vince, bumabangon na si Kaloy para unahan sa pagdating nito ang ama. Ayaw din kasi ni Kaloy na malaman ng ama na doon pa din pansamantalang nakikituloy si Vince sa kanya. At sa oras naman ng pag-uwi, halos ginagabi na rin si Kaloy kasama ang ama labas. Hindi na rin nasasamahan ni Kaloy si Vince sa hapunan dahil sa labas pa lang nakakain na ito kasama ang ama sa kung saan siya dadalhin ni Karl. Pansin din ni Vince ang biglaang pagbabago sa atensiyon ni Kaloy sa kanya. Hindi na ito naging ganun ka lambing sa kanya sa tuwing magkatabi sila sa kama.

Tulala sa kanyang upuan si Vince na nakatingin sa labas ng bintana ng kanilang classroom habang nilalaro ng kamay ang hawak na ballpen. Nang lapitan ito ni Dustin.

“Dude, bumunot ka na ng monito mo. Ikaw na lang ang hindi pa nakabunot eh.” Wika ni Dustin sabay abot kay Vince ang isang box na may nakarolyong papel.

“Pakisabi ka ma’am Tamuran na hindi ako sasali ng Christmas party. Mag do-donate na lamang ako ng dalawang lechon para sa party.” Tugon ni Vince kay Dustin.

Ramdam pa rin ang tensiyon sa pagitan ng dalawa sa paraan ng pagkakasabi ni Vince kay Dustin. Bagama’t humingi na ng sorry ang kaibigan sa ginawa nito sa kanya nu’ng nakaraan. Nagbago na ang pakikitungo ni Vince kay Dustin. Naging malamig na ito sa dating kaibigan. Gaya ng ginawa nito sa iba pa. Inilayo na ni Vince ang sarili sa mga kaibigan.

“Galit ka pa rin ba sa akin?” Tanong ni Dustin.

“Sa tingin mo?—matalino ka naman para sagutin ang tanong mo.” Ang sagot ni Vince sa mahina at kalmadong boses.

“Dati pa kitang gusto Vince, hindi ko lang maamin-amin sa iyo kasi akala ko magkaiba tayo. Pero kung nalaman ko lang noon ang totoo. Hindi na kita pinakawalan nung araw na nalasing tayo.” Bulalas ni Dustin sa kanya.

“Ano ba ang problema mo? Bakit nagkakaganyan ka. Masaya na ako sa buhay ko kaya huwag ka na umeksena pa. Kaya tigilan mo na ako,… pakiusap.” Sabat ni Vince sabay tayo sa upuan nito tangay ang bag at lumabas ng silid.

Napangisi lang si Dustin na sinusundan ng tingin si Vince palabas. Makahulugan ang mga tingin nito, may lalim at tila may pagbabanta. Pasimple naman sinundan ni Yessa si Vince. Nakasimangot ang mukha nito nang nakataas baba ang mga kilay. Pasigaw nitong tinawag si Vince kaya napahinto naman ang lalake tsaka napalingon sa kanya. Nakangiti pang hinarap ni Vince si Yessa, ngunit isang malutong na sampal sa pisngi ang tinugon sa kanya ng babae. Sa gulat ni Vince, at sa sakit ng naramdaman nito sa pisngi. Napalakas ang boses nito na kinompronta ang babae.

“Gaganti ka? Sige sampalin mo rin ako! Kung bet mo, sabunutan mo pa ako! Dahil hindi kita uurungan! Malandi!!!” Sigaw na tugon ni Yessa, na pinandilatan pa ng mata si Vince.

“Ano ba’ng problema mo?! Ano ang kasalanan ko sa iyo?!!!” Pasigaw din na tanong ni Vince.

“Problema? Tinatanong mo ako kung ano ang kasalanan mo sa akin?—playing not guilty? After mo sirain ang relasyon namin ni Dustin, magpanggap ka na walang alam? Vince alam mo kung gaano ako ka supportive sa kabaklaan mo. And I don’t care kung ilang mga lalake ang ipulupot mo diyan sa katawan mo.—Pero ang kunin sa akin si Dustin… Hindi ko ikakatahimik iyon! All along akala ko babae ang dahilan. Putang ina bakla pala, at ikaw pa!!!” Ang nag hi-hestirikal na paratang ni Yessa kay Vince habang umiiyak ito.

“What?! Wala akong alam sa mga sinasabi mo! At kahit ihampas mo pa iyang Dustin mo sa likod ko. Hindi ko pag aaksayahan ng oras ang boyfriend mo! At huwag mo na ipagdiinan ang pagiging bakla ko, dahil alam na ng lahat na bakla ako. Bakla ako pero hindi ako malandi katulad ng ex mo! Nanghihinayang ka na nagkahiwalay kayo ni Dustin? Para ipaalam ko sa iyo sa lahat na present dito. —hayan, iyang Dustin mo. Tulad ko bakla din iyan. At kaya ka lang naman niya ginawang girlfriend para itago ang kabaklaan niya. Just you know. Diba Dustin? Dude?” Ang tugon din ni Vince. Na saktong paglabas din ni Dustin kasunod ng pag labasan pa ng ibang mga kaklase at estudyante, dahil sa sigawan nila ni Yessa.

Nilapitan ni Dustin si Yessa para patigilin na ito sa kanyang ginagawang pang i-eskandalo. Hinawakan nito ang babae sa braso ngunit iniwas lang ni Yessa ang sarili lalake at hinarap si Dustin.

“Totoo ba? Iyon ba ang totoong dahilan?” Tanong ni Yessa kay Dustin.

Hindi nakasagot agad si Dustin. Tumingin ito kay Vince, tsaka bahagyang napayuko at bumaling muli kay Yessa. Sabay sabing…

“Sorry, hindi ko sinasadya…”

Hindi pa man nadugtungan ni Dustin ang sasabihin nito isang malutong na sampal na ang lumipad sa pisngi nito galing kay Yessa.

“Manloloko…mga bakla!!!” Bulyaw ni Yessa sabay tulak kay Dustin tsaka bumalik ng classroom, kinuha ang mga gamit at umalis.

Nagkatinginan naman ang iba pang mga kaibigan nila Dustin at Vince matapos makita at marinig ang pangyayari. Lahat nagulat. Nilapitan pa ni Vince si Dustin sabay bigla nitong sinapak ng suntok sa pisngi ang lalake.

“Bakla ako pero hindi ako nananampal ng babae, pero nananapak ako ng tulad kong bakla.” Wika ni Vince kay Dustin matapos nitong sapakin ang lalake.

Hindi naman gumanti si Dustin sa ginawa sa kanya ni Vince. Nang bumaling ito sa mga kaibigan na naroon. Kitang kita ni Dustin sa mukha ng mga kaibigang lalake ang biglaang pagbago ng mga tingin nito sa kanya. Lalo na sina Mon at Xander na agad umiwas sa kanya nang akma itong lalapit sa kanila. Masama ang loob ni Vince na sumakay sa kanya kotse. Nilisan nito ang Victor High at pinuntahan sina Nate at Gibo. Doon ibinuhos nito lahat ng mga nangyayari sa kanya nitong mga huli.

Nagkayayaan ang tatlo na mag-inuman. Sinamahan naman ng dalawa si Vince sa dinadala nito. Ang mga pahapyaw na mga usapan ay unti-unting nagiging seryoso habang padagdag ng padagdag ang kanilang iniinom. Hanggang sa lumalim na ang mga usapin at nagkakaungkatan na ng mga past.

Dahil sa presensiya ng alak, palakasan na ng loob ang tatlo sa pagkuwento ng mga bagay na hindi pa nila nasabi at naibahagi sa isa’t isa. Hanggang sa ang mga usapan ay napunta na sa kung sino ang mas magaling sa kama at romansa. Sa bungad pa lang ng komento ni Nate, namula na si Gibo at tila nakaramdam na nang ilang sa kanilang topiko. Lalo na nang tanungin ni Nate si Vince kung nagagawa ba ni Kaloy sa kanya ang ginagawa nito sa kanya noon.

“Kinakantahan ka rin ba ni Kaloy at sinasayawan tulad nang ginagawa ko sa iyo noon? —kasi itong babe ko, iyon lagi ang request niya sa akin. Pero mas gusto talaga ni babe Gib ko ang sinasayawan siya.” Ang bida pa ni Ken.

Napangisi na lamang si Vince sa tanong na iyon sa kanya ni Nate. Hindi ito nakasagot. Dahil wala naman itong isasagot. —Sa relasyon nila ni Kaloy,  tinanggap na ni Vince na hindi na siya ang dating may kontrol itaas. Hindi na siya ang kinakantahan at sinasayawan. Kung dati lahat sumasamba at nakaluhod sa kanya, ngayon siya na ang nakanganga sa baba. At sa pagitan nila ni Kaloy, siya na ang kumakanta at sumasayaw habang nag sasalsa.

“Change topic na nga lang tayo baka kung saan pa aabot ang kantahan at sayawan na iyan. Siya nga pala pare, bakit hindi mo tawagan si Kaloy. Sigurado tapos na klase nun. Papuntahin mo rito nang kumpleto tayong lima.” Pagputol ni Gibo sa usapan ng dalawa.

“Busy iyon ngayon kasama ang daddy niya.” Ang nadulas na tugon ni Vince kay Gibo.

Nagkatinginan sina Vince at Gibo sa nasabi ng lalake. Napagtanto naman ni Vince ang nabitawan nito kaya agad na lamang ito tumahimik.

“Daddy? Daddy na rin ba tawag ni Kaloy kay Tay Karding?—sa bagay mayaman naman na sila kaya ayos lang iyon. Buti pa si Kaloy, kasama niya ngayon ang ama niya. Iyong dad ko…ewan ko kung na mimis niya rin ako. Ang bilis niya nagbago sa akin. Iyon lang iyon ang nagawa ko, pero parang ang bigat-bigat na ng kasalanan ko sa kanya. Buti pa si Tay Karding, naiintindihan niya si Kaloy. Tinanggap niya kung ano ang kanyang anak. Ang suwerte talaga ni Kaloy sa ama.” Sabat ni Nate na bigla na lang naging emosyonal nang maalala ang ama.

Agad naman itong niyakap ni Gibo.

“Magkakaayos din kayo ng dad mo. I’m sure naiisip ka rin nun. Magpapasko na sa susunod…malay mo may nilulutong surpresa ang dad mo sa iyo. Lahat ng ama hindi kayang tiisin ang mga anak. Iba-iba lang ang mga paraan nila para disiplinahin tayo at bigyan ng aral sa buhay. Tsaka nandito naman ako, handa kitang intindihin ng paulit-ulit.”  Saad ni Gibo kay Nate sabay hinalikan nito ang boyfriend sa noo.

“Talaga ba sa harapan ko pa talaga kayo mag ga-gaganyan? Kaunting respeto naman sa walang partner dito oh. Karamay ang pinunta ko rito hindi maging audience sa lampungan niyong dalawa. Tsaka Nate, kung nais mo talaga na magkaayos na kayo ng dad mo—ibaba mo na iyang pride mo. At mag-sorry ka na kay tito Karl. Kahit hate ko ang dad niyo sa pagiging homophobic nun, alam ko namang mabait iyon.” Wika ni Vince.

Sinang-ayunan naman ni Gibo ang komento ni Vince. Habang nagkukuwentuhan pa ang tatlo, biglang tumayo si Nate, nakakunot ang noo nito at salubong ang mga kilay habang nakatingin sa hawak na cellphone. Napatanong naman sa kanya si Gibo kung ano ang dahilan, ngunit hindi ito kumibo. Lumabas si Nate sa balkonahe ng condo at doon may kausap ito sa cellphone. Susundan pa sana ito ni Gibo ngunit pinigilan ito ni Vince.

“Hayaan mo na muna. Tsaka mo na kausapin kapag tapos na siya sa kinakausap niya.” Wika ni Vince.

“Nag-aalala na ako sa kanya. Simula nung umalis siya sa kanila, —palagi na lang iyan ganyan. Minsan tulala. Alam ko sa loob niya, kahit hindi man niya inaamin sa akin…ramdam ko na namimiss niya ang dad niya. Malamang si Nathalie na naman ang kausap niyang iyan.” Sabat ni Gibo.

“Hindi ba makakatulong kung sasabihin na natin sa kanya ang tungkol sa kanila ni Kaloy? Sa tingin ko kasi deserve rin ni Nate na malaman ang totoo. Sa relasyon niya ngayon sa kanyang ama, baka mapapagaan nito ang sitwasyon pag malaman niya magkapatid sila ni Kaloy.” Ani ni Vince.

“Naisip ko na rin iyan, pero paano kung sa halip na maging okay ay lalo lang lumala ang sitwasyon. Alalahanin mo hindi sila okay ni tito Karl tapos ngayon si tito Karl naman bumabawi kay Kaloy. Paano kung magkaselosan naman ang magkapatid sa atensiyon ng kanilang ama? Eh di ang gulo na. Hayaan na lang natin na magkaalaman sila sa ng sila-sila.” Sambit ni Gibo.

Sumang-ayon naman si Vince sa punto ni Gibo. Maya-maya pa pumasok na pabalik si Nate. Nagpalit ito ng damit na siyang ipinagtaka ni Gibo. Kaya tinanong na talaga nito ng masinsinan si Nate.

“Sino ba ang kausap mo? —saan ka pupunta?” Tanong ni Gibo kay Nate na nagsusuot na nang sapatos.

“Kaya kung tanggapin na itakwil niya akong anak. Pero ang lokohin niya si mommy at ipagpalit sa iba, hinding-hindi ko iyon matatanggap. Saktan niya ako pero di ko hahayaang saktan niya si mommy.  May ibang babae si dad at nakita mismo ni Jane. Siguro iyon talaga ang dahilan ng pagbabago ni daddy, ang babae niya.” Tugon ni Nate.

“Sure na ba iyan? Eh saan ka naman pupunta? Nakainom ka,—baka kung ano pa ang magawa mo. Sasamahan na kita.” Wika ni Gibo.

“Hindi, dito ka lang —problemang magpamilya ito kaya ako na’to. Don’t worry matino ang pag-iisip ko. Aalamin ko lang kung sino ang anay na sumisira sa buhay namin.”

Agad na umalis si Nate nang hindi na nagpapigil pa kay Gibo. Pagkababa ng condo pumara agad ito ng taxi at pinuntahan si Nathalie kung saan ito naroon nang mga sandaling iyon. Samantala, kausap naman nun ni Karl ang isang babae sa loob ng isang kilalang coffee shop.

“All set na ang lahat. Kung gusto mo, maari mo nang tingnan ang venue. At para na rin makapag suggest kayo ng inyong idea.” Wika ng babae.

“Okay na iyon. Tiwala naman ako sa galing mo. Basta gusto ko makita iyong dati. Mahalaga sa akin ang araw na ito. And I want it special.” Nakangiting sabi ni Karl.

“Never talaga nawala ang pagiging romantiko mo. Even before. By the way alam na ba ito ni Jessica?”

“Surprise nga diba,—gusto ko iisipin niyang nakalimutan ko na. But I want your help. Gatungan mo siya nang mainis lalo sa akin. Tamang tama nasa Baguio iyon ngayon.” Ang nakangising sagot ni Karl.

“Baliw ka talaga. Bibigyan mo pa ng sama ng loob ang asawa mo. Eh paano kung magalit talaga iyon ng husto sa iyo? Eh di masisira lang ang plano. Anyway aalis na ako. Balikan mo na dun ang bagets mo. —in fairness sa iyo ha, lahat ng mga lalake mo ang guguwapo ah. Alam na ba nila ang tungkol sa kanya?” Sambit ng babae.

“Si Jessica alam na, pero iyong mga bata hindi pa. Halika na at ihahatid na kita sa labas ang dami pa naman ng mga dala mo.” Sabat ni Karl.

“Mga pangreregalo ko iyan sa mga pamangkin ko at sa pamilya ko.” Ani pa ng babae.

Hawak-hawak lahat ni Karl ang mga paper bags na dala ng kausap nitong babae nang lumabas ang mga ito sa coffee. Hinatid nito ang babae sa nakaparadang kotse sa gilid. At kitang-kita iyon ni Nathalie na nagpupuyos sa galit habang binibidyo mula sa kinatatayuan nito ang dalawa. Gustong-gusto na talagang sugurin ni Nathalie ang ama ngunit nag-aalangan ito sa gagawin lalo pa at maraming tao sa paligid. Gigil na gigil ito ngunit wala sa ugali nito ang mag eskandalo. Pero nang makita nitong nagkayakapan na ang dalawa at bumeso pa sa isa’t isa… Hindi na nakatiis sa galit nito si Nathalie. Pasugod itong nilapitan ang ama at ang babae sa parking area ng coffee shop.

Nakita naman agad siya ng ama na nagulat sa presensiya niya roon.

“Dad siya ba ang ipinagpalit mo kay mommy? Why dad? Why?” Ang bungad agad ni Nathalie sa ama nang umiiyak.

Takang-taka rin ang babaeng kasama ni Karl sa sinabi ni Nathalie. Kaya nagsalita na ito at nagpakilala sa kanya.

“Mukha yatang na miss understood tayo ng anak mo Karl. (Natawa nitong sabi) I’m Sandy, at mali ka sa inaakala mo. Magkaibigan lang kami ng dad mo. Kasal na ako iha. (Sabay pakita nito ng singsing sa kanyang daliri)”

Nagpaliwanag naman si Karl sa anak nang mapansin ang reaksyon nito sa kanila. Hindi na nito isinekreto sa anak ang tungkol sa kanyang plano.

“Event organizer si Sandy anak. At may pinapagawa ako sa kanyang mahalaga para sa mommy mo at sa pamilya natin this Christmas. At never ko ipagpapalit ang mommy niyo sa kahit na sino. Mahal ko ang mommy niyo and Sandy can attest to that.” Ang mahinahon na sabi ni Karl kay Nathalie.

“Since nasabi mo na rin sa baby girl mo ang tungkol sa pa surpresa mo, why not siya na lang ang gawin mo’ng accomplish sa paandar mo. (Ani ng babae kay Karl) Ang mabuti pa, isama mo na si Jane sa venue, nang maunawaan niya lalo at baka may maidagdag pa siya sa set-up ng lugar.” Sabi pa ng babae.

“Dad ano ba talaga ito?”

“Sumama ka na lang nang maipaliwanag ko sa iyo ang lahat. Teka lang at may babalikan lang ako sa loob.” Sagot ni Karl.

Pagkaalis ni Karl kinausap naman ni Sandy si Nathalie upang hindi mapansin ng babae kung sino ang binalikan ni Karl sa loob. Mabilis namang nakabalik si Karl sa kanila.

“Sumunod na lang kayo sa akin.” Wika ni Sandy at nauna nang umalis sa lugar sakay ng kanyang kotse.

Sumunod naman sina Karl kasama si Nathalie na nagtataka parin sa nangyayari. Maya-maya lang dumating din sa lugar na iyon si Nate sakay ng taxi. Hinanap niya sa lugar ang ama at si Nathalie ngunit hindi na nito inabutan sa lugar ang dalawa. Tinawagan nito si Nathalie ngunit hindi ito sinasagot ng kapatid. Papaalis na sana ito sa lugar nang mapansin nito si Kaloy na papalabas ng coffee shop. Nakita rin siya ng lalake, kaya napangiting nilapitan siya nito.

“Nate pare, mag-isa ka lang? Magkakape ka ba?…teka naka-inom ka ba?” Tanong ni Kaloy pagkalapit nito sa kapatid.

“Kaunti. Nandito ka rin pala.” Tugon ni Nate kay Kaloy ngunit iginagala parin nito ang paningin sa paligid.

“May hinahanap ka?” Tanong muli ni Kaloy.

“Si Nathalie, nandito siya kanina pinapunta niya ako rito, kasi nandito raw si dad. —kanina ka pa ba rito pare? Napansin mo ba si dad dito?”

Nautal bigla si Kaloy sa tanong ni Nate sa kanya. Hindi nito sinabi ang totoo at nagsinungaling sa kapatid.

“Medyo pare, pero hindi ko napansin ang dad mo. Baka magkasama na sila ni Nathalie. Bakit di mo tawagan” ani ni Kaloy.

“Hindi ako sinasagot ni Jane. Teka mag-isa ka lang pare? …Sabi ni Vince kasama mo raw si Tay Karding.”

“Ah eh kuwan, —wala ngayon sila tatay sa bahay. Umuwi sila ng Ilang kasama sina Burnok at Paquito. Kasama mo bang uminom si Vince?” Wika ni Kaloy.

“Pumunta siya ng condo, nagyaya uminom. —sandali, may problema ba kayong dalawa pare? Tila kasi may kakaiba sa kanya. Nagkakaganun lang iyon kapag nagtatampo o masama ang loob.” Sabi pa ni Vince.

Napaisip si Kaloy sa sinabi ng kapatid. Naisip nito na baka nga nagtatampo si Vince dahil sa halip na may oras na silang dalawa, napunta pa ang dapat sa kanila sa pagsama-sama nito sa ama.

“Parang wala naman akong naisip na problema namin, sa katunayakn nga sa bahay nga namin siya ngayon natutulog habang wala pa sina nanay. Baka naman sa kanila.”  Sabat ni Kaloy kay Nate.

“Mabuti pa kausapin mo iyon pare. Iba kasi iyon magtampo. Hindi nagsasabi. Magugulat ka na lang bigla na lang tahimik. Tapos di ka papansinin. Malalaman mo na lang masama na pala ang loob sa iyo. Ganun si Vince.” Payo ni Nate kay Kaloy.

Nawala na sa isip ni Nate ang sadya niya sa lugar na iyon dahil kay Kaloy. Niyaya ni Kaloy si Nate sa isang kainan para makausap pa ang kapatid. Samantala dinala ni Karl si Nathalie sa isang kilalang private resort malapit sa dagat. Pagpasok pa lang sa loob, napansin na agad ni Nathalie ang ganda ng pagkakaset-up sa paligid na para bang may mahalagang event na gaganapin sa lugar na iyon.

“Ito na iyong set up ng venue. Kung may suggestion pa kayo o revision sa design sabihin niyo lang. This way sa main hall dito naman ang set up para sa mga pagkain.” Wika ni Sandy habang pinapakita kay Karl at Nathalie ang buong venue.

“Dad ano ito? Bakit nandito tayo?” Tanong ni Nathalie sa ama.

“Para ito sa mommy mo. December 24 nang mag propose ako ng kasal nun sa kanya. And after eighteen years nais ko muli mag propose sa mommy mo. Matagal ko nang plano ito kasama si Sandy.” Tugon ni Karl.

“Ako din ang umayos ng lahat-lahat nun sa kasal ng daddy at mommy mo. Kaya alisin mo na sa isip mo ang pagdududa tungkol sa amin ng dad mo kasi hindi lalake ang type ko. At lalong hindi ang dad mo.” Sabat pa ni Sandy sa dalawa.

“Tomboy kayo? Sabi niyo married ka na?” Tanong ni Nathalie kay Sandy.

“Bakit? Porket tomboy di na puwedeng magkaasawa? Naku hindi ako ang focus ng arc na ito. Proceed nga tayo sa loob ng pavillion. Dito naman gaganapin ang proposal ng dad mo sa mommy mo. Tapos dun naman ilalagay ang mga fireworks. And since alam mo na ang sekreto ng dad mo, I may suggest na tutulungan mo kami na maisagawa ito.  Diba Karl?” Ani ni Sandy.

“Maaasahan ko ba ang tulong mo, Jane?” Tanong ni Karl sa anak nang nakangiti.

“Of course dad, I’m very much happy na maging part nito. Dad sorry if napag-isipan kita ng masama. Akala ko nagbago ka na talaga sa amin lalo na kay mommy.” Sagot ni Nathalie sa ama at napayakap na lang ito ng mahigpit.

“Hindi iyon mangyayari. Kung may nangyari man nitong huli nagkataon lang iyon dahil sa nagawa ng kuya mo. But never ko ipagpapalit ang pamilya natin sa iba. Lalo na kayo at ang mommy niyo.” Wika ni Karl sa anak.

Nakabalik na ng condo si Nate na balisa parin dahil sa pag-aalala lalo na at hindi pa rin sumasagot ang kapatid sa mga tawag at messages nito. Patulog na ito nang tumawag sa kanya si Nathalie. Nagtaka ito kung bakit biglang bawi na ang kapatid sa mga paratang nito sa ama.

“Ano? Eh sino ang babaing kasama ni dad sa coffee shop na iyon?” Tanong ni Nate.

“Kinausap ko si dad at ang sabi business partner lang daw niya ang babae. Kuya hindi nagtataksil si dad kay mommy.”

“At naniwala ka naman sa kanya? Ang dali-dali lang magsinungaling Jane. Malay mo alibi niya lang iyon kasi nahuli mo siya. Dapat kasi hinintay mo muna ako.” Wika pa ni Nate.

“Kuya naniniwala ako kay dad. Siya nga pala sa Wednesday susunduin kita diyan, may pupuntahan tayo ni mommy.”  Ani ni Nathalie.

“Bakit saan tayo pupunta? Hindi ba kayo mag si-celebrate ng pasko sa bahay?”

“Para ano pa, eh wala ka naman dun. Basta susunduin na lang kita diyan. Isama mo si Kuya Gilbert.”

“Malabong makasama si Gibo, may lakad sila ni tito Gab.”

“Okay basta hintayin mo ako diyan next week. Huwag kang tatanggi, magtatampo si mommy sa iyo pag hindi ka sumama.”

“Fine, —eh si dad?”

“Hindi ako sigurado kung sasama iyon ang mahalaga present kayo ni mommy.”

Nagtataka man hindi na nagtanong pa si Nate. Nang mga sandali naman na iyon pagkauwi ni Kaloy agad nito tinanong ang mga kasambahay kung kumain na ba ng hapunan si Vince. Nang malaman nito sa kanila na diretso agad ng kuwarto ang lalake pagkauwi, nakaramdam ng hiya sa sarili si Kaloy. Agad nitong pinuntahan si Vince sa kanyang silid.

Tulog na nga si Vince nang dinatnan niya ito sa loob. Suot pa ng lalake ang unipormeng pantalon nito at medyas. Nagtanggal muna ng uniporme si Kaloy bago nilapitan sa kama si Vince na nakahilata roon. Unang tinanggalan ni Kaloy ng medyas si Vince sunod nito ang pantalon ng lalake. At habang tinatanggal nito ang sinturon ni Vince bigla na lamang gumalaw ang lalake. Sa pag aakalang gising na si Vince, ibinaling ni Kaloy ang tingin sa mukha ng kasintahan sabay sambit sa pangalan ni Vince. Ngunit tanging ungol lang ang tugon nito sa kanya.

Muling binalikan ni Kaloy ang pagtanggal ng pantalon kay Vince. Nang mahubaran na ng pantalon ang lalake at tanging boxer briefs na lamang ang naiwan kay Vince,—hindi naiwasan ni Kaloy ang humanga sa magandang porma ng katawan ng kasintahan. Ang sexy ni Vince sa kanyang ayos. Titig na titig si Kaloy sa bawat bahagi ng katawan ni Vince hanggang sa unti-unti na itong ginagapangan ng kalibugan sa sarili. Hindi na napigilan pa ni Kaloy na pagalawin ang mga kamay sa paggalugad sa balat ni Vince. Himas-himas na nito ang umbok sa pagitan ng mga hita ni Vince nang magising ang lalake.

“Sorry baby love, nagising ba kita?” Wika ni Kaloy sabay ayos nito ng pagkakaupo sa kama.

“Nakauwi ka na pala. Kamusta ang bonding niyong dalawa?” Tanong ni Vince sabay bangon din nito sa kama.

“Ayos lang naman. Ganun parin after niya akong sunduin kanina, kumakain lang kami saglit tapos sinamahan ko siya magkape. Hindi na niya ako naihatid dito pauwi kasi nagkita sila ni Nathalie kanina. Nakasabay ko rin si Nate at ang sabi nandoon ka raw sa condo nila Gibo.” Kuwento ni Kaloy.

“Dun na ako dumaan kasi alam ko namang wala akong maaabutan dito.”

“Sana tinawagan mo ako. Puwede ko namang iwan si papa.”

“Eh ako pa ang magmumukhang epal sa bonding niyong dalawa…” Sabat ni Vince.

“Grabe ka naman sa epal baby love. Kaya ko naman hatiin ang sarili ko sa inyong dalawa. Iyan ba ang dahilan kung bakit ka nakipag-inuman sa kanila?” Saad ni Kaloy.

“Kailangan ko lang ng kausap. At sila lang ang naisip ko.” Tugon ni Vince na tumayo na mula sa kama.

“Sila? Eh paano ako?” Ang tanong ni Kaloy na pangiti-ngiti lang ngunit ramdam na ang selos sa punto ng pananalita nito.

“Eh kasama mo nga ang dad mo diba? Alangan naman istorbohin pa kita sa kanya para lang makipagkuwentuhan sa  akin.” Sagot pa ni Vince.

“Nagseselos ka ba sa amin ng papa ko?”

“Oo, kasi parang inaagaw ka na niya sa akin.” Ang diretsahang sagot ni Vince kay Kaloy.

“Baby love, —ama ko iyon. Bakit mo pagseselosan?”

“Alam ko, kaya nga iniintindi ko na lang. Alam kong mali pero iyon ang nararamdaman ko. Masaya ako na nandito ako sa iyo, sa pag-aakalang masusulit natin ang mga oras na tayo’y magkasama. Pero simula nang pumayag ako sa kagustuhan niya. Halos segundo na lang ang natitira sa ating dalawa. Pag-gising ko wala ka na, pag uwi ko galing eskuwelahan wala ka pa. At pag niyayaya kita wala kang gana. Para saan pa ang pagsama ko sa iyo rito kung di ko naman maramdaman ang presensya mo.” Ang hinaing ni Vince kay Kaloy.

“Di sana sinabi mo sa akin nang alam ko rin ang nararamdaman mo. Hindi ako manghuhula Vince para malaman ko ang nasa isip mo. Akala ko ayos lang sa iyo, kasi wala ka namang sinasabi. Natutuwa pa ako kasi ang supportive mo sa akin. Iyon pala may ganyan ka nang nararamdaman. Ang labo mo naman Vince.” Ang dismayadong reaksyon ni Kaloy sa sinabi ni Vince.

Tahimik na muling sinuot ni Vince ang pantalon at damit. Pigil ang luha nitong namumuo na sa mga mata. Akma na nitong kukunin ang dalang bag nang kinuha ito ni Kaloy at inilayo sa kanya.

“Aalis ka? Aalis kang ganyan? Tapos pag may nangyari sa iyong masama sa daan, ako ang masisisi dahil hinayaan kita—” wika ni Kaloy.

“Akin na ang bag ko.—uuwi na ako sa amin. Magpalamig na muna tayo, baka kung saan pa aabot ang diskusyon natin…mag away pa tayo. Ayoko nang makipagtalo, aalis na lang ako.” Ang mahinang sabi ni Vince kay Kaloy.

“Hindi ka aalis.” Sambit ni Kaloy, tumayo ito at ipinasok sa loob ng kabinet nito ang bag ni Vince.

“Okay, iiwan ko na lang muna ang bag ko. Babalikan ko na lang iyan pag-ayos na tayo.” Sabi pa ni Vince.

Pahakbang na ito papunta sa pintuan ng silid ni Kaloy nang iharang ni Kaloy ang kanyang sarili sa pintuan lamang mapigilan si Vince sa pag-alis.

“Subukan mong umalis at tapos na sa atin ang lahat.” Pagbabanta pa ni Kaloy kay Vince.

Tinitigan lang ni Vince si Kaloy sa mga mata habang unti-unti itong lumalapit sa lalake. Tuloy ang marahang paghakbang nito hanggang sa halos magkadikit na ang mga dibdib nila ni Kaloy at halos nararamdaman na ng bawat isa kanilang mga paghinga. Walang salitang lumalabas sa kanilang mga bibig sa mga sandaling iyon. Na para bang naghihintayan ang dalawa sa kung sino sa kanila ang mauuna. Maya-maya pa biglang hinawakan ng mahigpit ni Vince ang mga kamay ni Kaloy tsaka itinaas ito sa likod ng ulo ng lalake habang idiniin nito ng husto ang katawan sa katawan ni Kaloy.

“Ayaw mo talaga akong paalisin?” Mahinang tanong ni Vince kay Kaloy habang nakatitig sa kanya.

“Kung gusto mong umalis bukas na. Naka-inom ka. Baka saan ka na naman aabutin ng magdamag.” Tugon ni Kaloy.

“Hindi ako lasing,…”

“Kung hindi ka lasing, eh di magpahinga ka na. Tsaka na tayo mag usap pag maayos na iyang isip mo.” Sabat ni Kaloy.

“Make love to me” biglang sambit ni Vince kay Kaloy ng pabulong sabay dila sa lalake sa tenga nito.

Hindi tumugon si Kaloy, ngunit nasarapan ito sa ginawa sa kanya ni Vince. Mabilis itong ginapangan ng libog sa katawan. Tinigasan agad ito sa unang pagdila pa lang sa kanya ni Vince. Hanggang sa pinalakbay na ng lalake ang dila at mga labi nito mula sa tenga ni Kaloy papunta sa leeg ng lalake padaus-dos sa malapad na dibdib nito. At dahil sa walang damit pang-itaas si Kaloy, malayang nilaro ni Vince ang mga naninigas na itong ng kasintahan. Mula sa dibdib marahang bumababa ang mga paghimod ni Vince hanggang sa tangan na ng bibig nito ang garter ng boxer briefs ni Kaloy.

Halos nagwawala na sa katigasan ang nasa loob ng suot ni Kaloy. Lalo na nang nilaro narin iyon ni Vince ng kanyang dila at bibig.

Nang mapaungol na sa kiliti at sarap si Kaloy, agad naman itong tinigilan ni Vince. Tumayo ito tsaka mabilis na nag hubad ng lahat-lahat sa kanyang katawan.

“Gawin mo rin sa akin ang ginawa ko sa iyo. Dilaan mo rin ako baby love.” Pakiusap ni Vince kay Kaloy.

Walang pag-aalinlangan namang ginawa ni Kaloy ang ginawa ni Vince sa kanya. Ngunit nang nasa bandang pusod na ni Vince si Kaloy napahinto ito sa kanyang ginagawa. Naramdaman kasi nito ang pagdiin ni Vince ng ulo nito pababa. Na tila ba tinutulak nito ang ulo ni Kaloy sa naghuhumindik sa katigasan nitong kabute. Tumayo si Kaloy at pinaghahalikan nito si Vince sa labi habang kinikiskis sa lalake ang kanya. Ngunit tila iba ang trip ni Vince sa mga oras na iyon.

Puwersahan nitong pinakalikod si Kaloy sa kanya habang niroromansa ang lalake. Nahalata ni Kaloy ang nais gawin sa kanya ni Vince kung kaya’t pinigilan nito ang lalake. At sinabi kay Vince na hindi parin ito handa sa ganung kondisyon. Magmungkahi ito na gawin na lang nila ang madalas nilang gawin. Ngunit sa puntong iyon tila umurong na ang lahat kay Vince.

“Tsaka na lang natin ituloy ito kapag ready ka na.—matulog na tayo. Maaga ka na naman susunduin dito bukas baka antukin ka pa.” Ang matabang na tugon ni Vince kay Kaloy. Nagsuot lamang ito ng pantalon tsaka nahiga na sa kama nang nakatalikod kay Kaloy.

Napakunot naman ng noo si Kaloy sa naging kilos sa kanya ni Vince. Nanibago ito sa attitude ng kasintahan. Nais niyang kumprontahin si Vince ngunit ayaw naman nitong palakihin ang isyu. Alam naman ni Kaloy na matagal na rin hinihiling sa kanya ni Vince ang bagay na iyon sa tuwing naglalambingan silang dalawa. Ngunit hindi naman iyon ang paraan ng pagtugon ng lalake sa kanya sa tuwing tumatanggi ito. Iniiwasan talaga ni Kaloy na magkaroon sila ni Vince ng kahit maliit na di pagkakaintindihan. Pero tila parte na talaga ng isang relasyon ang ganun. Naging mapagtimpi si Kaloy sa pagkakataon na iyon. Mas pinili niyang unawain si Vince.

Upang mabawasan at maibsan ang inis dahil sa nabiting sandali…mag isa nitong pinakawalan ang init sa katawan sa loob ng banyo habang naliligo sa shower. Pagkalabas ng banyo tumabi agad ito kay Vince sa kama.

THE GRAND BALL

Kinabukasan naalimpungatan na lamang si Kaloy sa kanyang kama sa ingay ng kanyang cellphone. Hinanap niya agad ito sa gilid ng kanyang tulugan ngunit nang napabaling ito sa higaan ng kasintahan, —wala na ito roon. Nakaayos na rin ang mga unan na ginamit ni Vince. Agad na bumangon si Kaloy at nagmadaling kinuha ang cellphone na nasa kabilang side table.

Alas nuwebe na ng umaga. Late na ito sa huling araw ng pasok nito sa eskuwela. Mabilis na nagbihis si Kaloy habang kinakausap si Zyone sa kabilang linya.

“Pasensiya na pare, mukhang hindi na ako papasok ngayon. Kakagising ko lang kasi.” Ani ni Kaloy.

“Ayos lang iyon pare last day naman ngayon tsaka mukhang wala naman gaanong ganap dito. Kakaunti nga lang din ang may pasok. Tumawag lang ako para kamustahin ka kung sasali ka ba sa grand ball Christmas party sa Sabado. Rinig ko kasi kay miss Moran si sir Herman Monteverde daw ang main sponsor ng grand ball, ang daddy ni Vince. Tsaka si sir Lim. —Kaya naman pala madalas dito sa school ang daddy ni Nate sponsor pala sila ng event.” Wika ni Zyone.

“Ganun ba, ibig sabihin neto…—engrande pala ang gaganaping ball sa campus?” Sabat ni Kaloy.

“Mukhang ganun na nga pare, eto nga at sinisimulan na nilang bakuran ang paligid ng gym. Siya nga pala pare kaninang umaga nakita si Travis na kausap si sir Lim. At base sa nakita ko sa paguusap nila kanina, —tila ba matagal na silang magkakilalang dalawa.” Sambit pa ng kaibigan.

Biglang napaisip si Kaloy. Naalala nito iyong sandaling may kinausap daw ang ama nito sa kanilang eskwelahan. Saglit itong nawala sa usapan nila ni Zyone. Nagtataka man, hindi na iyon pinansin ni Kaloy binalikan nito si Zyone at nangakong sasali sa grand ball Christmas party ng kanilang eskwelahan. Matapos makapagbihis agad na lumabas ng silid nito si Kaloy para tanungin ang mga kasambahay kung ano oras umalis si Vince. Wala na rin kasi ang bag ng kasintahan nang tingnan niya ito sa pinaglagyan niya.

Ngunit sa bungad pa lang ng hagdan natigilan na ito nang marinig ang mga boses ng tawanan sa baba. Dali-daling bumaba ng hagdan si Kaloy at napangiti na lamang ito sa kinatatayuan nito nang makita si Vince na nakatingalang nakatingin sa kanya habang may hawak-hawak na sariwang buko.

“Akala ko didiretsohin mo na ang tulog mo hanggang mamayang gabi. Baba ka na riyan at dumating na sina nanay at tatay. Nandoon silang lahat sa may garden. Nag-set-up kami doon ng boodle fight. Maraming dalang mga sariwang prutas sina tatay galing Ilang.” Wika ni Vince kay Kaloy habang nakangiti ito sa kanya.

Patakbong bumaba ng hagdan si Kaloy papunta kay Vince. Isang mahigpit agad na yakap ang ginawad nito sa lalake.

“Teka lang baby—baka mabuwal tayong  dalawa. Hindi kita masasalo dahil may mga hawak akong buko.” Ang natatawang tugon ni Vince.

“Sorry kagabi baby love. —akala ko iniwan mo na ako.” Ang mangiyak-ngiyak na sabi ni Kaloy habang yakap parin ng mahigpit si Vince.

“Baliw, bakit naman iiwan? Tsaka bakit ka nag so-sorry? Baby love mahal kita at naiintindihan kita. Kung iyon lang ang rason para iwan ka, ang babaw nun baby. Minahal kita hindi dahil sa sex, —mahal kita kasi mahal kita.” Tugon ni Vince sa kanya.

“I love you baby love, salamat.” Sambit ni Kaloy kay Vince.

“Love you too baby. Tara na nga dun, —hinihintay na nila itong mga buko.”

“Tulungan na kita baby, akin na ang iba.”

Biglang napa tingin si Vince kay Kaloy nang tinitigan ito ng lalake sabay tugon ng makahulugang ngiti sa kanya.

“Babawi ako sa iyo baby love,—bigyan kita ng masarap na bj mamaya, gusto mo?” Ang pabulong na sabi ni Kaloy nang nakangisi kay Vince.

“Patunayan mo kung sinong bj sa atin ang mas masarap. Kasi ako alam na. Baka mapahiya ka baby love.” Ang nakangising hirit ni Vince na sinakyan naman ang panghaharut sa kanya ni Kaloy.

Tawanan lang ang dalawa sa palitan nila ng biruan sa isa’t isa. Sa garden naroon din si Evan kasama sina Paquito at Burnok na nag-aayos ng kanilang pagiihawan. Sinalubong naman sila ni Tess. Iniwan ni Vince si Kaloy kay Tess tsaka dumeretso sa lamesa kung saan nag-aayos naman doon si Karding kasama ang dalawang kasambahay.

Kinausap ni Tess ang anak.

“Araw-araw ba ritong pumupunta ang papa mo?” Tanong ni Tess sa anak.

Hindi agad nakasagot si Kaloy sa ina, dahil hindi talaga nito binanggit kay Tess ang tungkol sa pagkikita nila ng madalas ng amang si Karl. Napabuntong hininga si Kaloy tsaka nagkuwento sa ina.

“Siya na po ang naghahatid sundo sa akin sa eskuwelahan buhat nung umalis kayo. Sorry nay kung hindi ko na nasabi sa inyo. Baka kasi hindi kayo papayag.” Tugon ni Kaloy.

“At bakit mo naman nasabi iyon? Karapatan mo na makilala ang tunay mong ama. At isa pa hindi ka naman namin ipinagdadamot sa kanya. Nasa hustong edad ka na para magdesisyon sa sarili mo. Pero huwag mo naman sana itago sa amin anak. Gusto ko, gusto namin ng tatay mo na maging bahagi parin kami ng pagtuklas mo sa pagkatao mo. Iyon lang ang nais namin. Ayaw namin ng may nililihim ka sa amin anak. Hangga’t buhay kaming mga magulang mo obligasyon parin namin ang gabayan ka, nandito kami lagi para makinig sa iyo.” Saad ng ina sa anak.

“Patawad po nay. Hindi na po mauulit.” Sagot ni Kaloy tsaka niyakap ng mahigpit ang ina.

“Ayos lang iyon,—kaya naman pala naabutan namin ang ama mo sa labas ng gate kanina. Pero nang makita kami na paparating, umalis. Hay naku, ewan ko ba sa ama mong iyan bakit hanggang ngayon hindi parin makapag-move on. Siya na nga itong may pagkukulang, siya pa ang iwas ng iwas.” Ani pa ni Tess.

“Baka nahihiya lang po nay. Hayaan niyo po sasabihin ko iyan sa kanya.”

“Wag na anak, hayaan mo siya sa gusto niya. Sige na puntahan mo dun ang mga kaibigan mo at titingnan ko pa sa loob kung luto na ba dun ang lechon belly ko.”

Samantala dahil sa kasabwat na ni Karl si Nathalie sa niluluto nitong surpresa. Tikom na ang bibig nito sa mga opinyon tungkol sa mga aktibidad ng ama. Kakagising lang ni Jessica nang maabutan nito sa dining area ang anak na kumakain ng almusal. Magiliw na binati ni Nathalie ang ina. Kakaiba ang ngiti sa mukha ng babae habang pinaghahain ng pagkain si Jessica. Bagay na ipinagtaka ng ina sa anak.

“Ang gaan naman ng umaga mo ngayon, naabutan mo ba kanina ang daddy mo?” Tanong ni Jessica.

“Paalis na si dad ng bumaba ako kanina meh. “ Ang nakangiting sagot ni Nathalie.

“Himala yatang wala kang puna ngayon sa dad mo?—ano ba ang meron? I know you Jane, gumaganyan ka sa tuwing may kalokohan kang ginawa. Tell me, may dapat ba akong malaman?”

“Wala lang ito mommy. Gusto ko feel good lang. Nabasa ko sa Insearchnet, na kung gusto mo raw ng magandang kapalaran, dapat sasalubungin mo ang bagong taon ng full of gratitude, happiness at positive energy. Kaya rest muna sa stress mommy. Wag natin sisimulan ang araw ng mabigat para masarap ang tulog natin sa gabi.” Wika ni Nathalie sa ina.

“Sana nga lang mahawaan mo ang buong bahay natin ng energy mo. Siya nga pala, inform mo ang kuya mo na sa Wednesday dun tayo kina tita Jenna mo magpapasko. Small reunion na rin daw kasi darating sina tito Jacob niyo galing Spain. Magsiuwian din ang mga pinsan niyo abroad.” Sabi pa ni Jessica.

“Saan daw ba meh? Dun sa bahay mismo nila tita?”

“No, —sabi ni Jenna sa akin sa Azurea Grande raw ang pagtitipon.”

“Join ba si dad, mommy?”

“Malamang, alam mo naman hindi iyon makakatanggi sa tito Caleb mo. Ang siguraduhin mo ay ang kuya mo.  Special requests siya nang anak ni Timon.” Sambit ni Jessica.

Biglang nasamid si Nathalie nang masabi iyon ng ina.

“Si Louis?—akala ko ba reunion? Bakit nandon sina tito Timon?” Pagtatakang tanong ni Nathalie.

“Hindi na rin iba si Timon sa pamilya natin, bukod sa siya family doctor ng lahat family friend na din ng pamilya ang pamilya nila. Tsaka magiging parte na rin sila ng pamilya pag ikinasal na ang panganay ni Timon sa pinsan niyong si Sheena.” Komentong tugon ni Jessica.

Hindi na nagkomento pa si Nathalie, nangako na lamang ito sa ina na pipilitin ang kuya na makadalo sa araw na iyon. Napagtanto ni Nathalie na hindi lang pala siya ang nakakaalam sa binabalak ng ama kundi kakonsabo rin pala nito ang kapatid ni Jessica na si Jenna at ang tito nilang si Caleb. Lalong na excite si Nathalie sa mangyayari para sa araw na iyon.

Hapon na ng mga sandaling iyon nang magpasya sina Nate at Gibo na mamasyal sa isang mall. Dahil sa ilang araw na lang at pasko na, dagsaan na ang maraming tao kahit saan. Halos nagkakabanggaan na ang mga tao sa sobrang dami ng mga pumupunta ng mall. Nasa bilihan sila nun ng kilalang brand ng damit nang may kumalabit braso ni Gibo kaya ito napalingon bigla. Nagulat ito nang makita si Danica na nakangiti sa kanya.

Sa tuwa naman ng babae nang makita si Gibo agad itong napayakap sa lalake tsaka napabeso sa pisngi. Hindi na naisip ni Gibo si Nate nang makita ang babae, tumugon din ito ng yakap kay Danica. Matagal-tagal din kasing hindi nagkikita ang dalawa kaya bahagyang na miss rin ng dalawa ang naging samahan nila nun.

“Kamusta, grabe ilang buwan lang na hindi kita nakita—mas lalo ka pang gumwapo ah. Sino nga pala ang kasama mo?” Wikang tanong ni Danica kay Gibo.

Nang lingunin na ni Gibo si Nate para ipakilala sana ito sa babae, —nawala na sa tinatayuan nito ang lalake. Palinga-linga na hinanap ni Gibo sa paligid si Nate. Ngunit sa dami ng tao sa  tindahan na iyon ng mga damit hindi nito makita kung saan naroon ang kasintahan.

“Hindi mo ba napansing iyong lalake na katabi ko kanina?” Tanong ni Gibo kay Danica.

“Ang daming lalake kanina na katabi mo na namimili ng mga damit, sino ba dun ang kasama mo?”

“Iyong nakawhite na polo.”

“Ah okay siya ba iyon?—nakita ko siya na pumunta sa section na iyon.”

“Samahan mo ako at ipapakilala kita sa kanya. Wala ka bang kasama?” Tanong ni Gibo.

“Meron mga classmate ko. Magkanya-kanya lang kami para maghanap ng pang exchange gift sa Christmas party namin. Pero mamaya magkikita rin kami.”

Inikot nilang dalawa ang bawat sulok ng ng store na iyon ngunit hindi na nakita ni Gibo si Nate. Kaya agad na niya itong tinawagan. Pero maging sa tawag ay hindi sumasagot ang lalake. Saglit na nagpaalam si Gibo kay Danica para hanapin si Nate. Lumabas ng store na iyon si Gibo at hinanap pa sa mga kalapit na tindahan ang kasintahan. Sa dami ng tao sa mga oras na iyon talagang nakakalito ang maghanap ng nawawala.

Sinuyod pa ni Gibo ang mga tindahan na kanila nang nadaanan kanina, pero wala dun si Nate. Nakailang akyat baba na ito ng mga floors sa naturang mall sa kakahanap sa lalake pero hindi talaga niya makita si Nate. At kahit na makailang ulit na itong tinatawagan ang kasintahan, hindi rin ito tumutugon sa kanya.

Naisipan ni Gibo na bumalik na lamang ng condo at doon na hintayin para kausapin si Nate sa dahilan ng pagalis ito at pag-iwan sa kanya. Palabas na sana si Gibo sa mall nang mahagip ng tingin nito si Karl na papunta sa isang wing ng mall at may kaakbay na lalake na halos kasing edad lang niya. Hindi na sana papansinin ni Gibo ang nakita nito —ngunit nabahiran ng malisya ang kuryosidad nito nang makita ang paghawak ng lalake sa beywang ni Karl habang nakangiti ito na para bang masaya ito sa pinaguusapan nila.

“Sino kaya ang kasama ni tito Karl? Grabe naman iyon kung makadik sa dad ni Nate. Daig niya pa ang mga anak ni tito Karl kung maka-angkla.” Sa isip ni Gibo habang sinusundan ng tingin si Karl at ang kasama nito na pumasok sa isang gadget store.

Ayaw nang dagdagan pa ni Gibo ng marumi ang isip nito kaya minabuti nitong tumuloy na sa condo niya. Nasa labas na ito ng mall nang tumawag si Nate. Agad na sinagot ni Gibo ang tumutunog na cellphone.

“Saan ka na?” Bungad na tanong ni Nate kay Gibo. May bigat sa boses ng lalake.

“Nandito na ako sa labas. Balak ko na kasing umuwi nang hindi kita mahagilap sa loob. Nasaan ka ba? Bakit bigla ka na lang nawala?”

“Pumunta ka rito sa Link en Chat, hihintayin kita rito.” Sagot ni Nate kay Gibo tsaka tinapos ang tawag.

Muling bumalik sa loob ng mall si Gibo para puntahan si Nate sa coffee shop na sinabi nito. Agad naman nakita ng lalake ang kasintahan kaya lumapit ito. Pansin ni Gibo na nakakunot ang noo ni Nate habang nakatingin sa malayo. Hindi pa man nakakaupo sa harapan ng kasintahan panay na ang hingi ng sorry ni Gibo kay Nate. Alam niya na dahil sa nakita ni Nate sa kanila ni Danica kanina nagselos ito, kaya umalis.

“Dati na naming kaibigan at kakilala ni Kaloy si Danica at pamangkin siya ni tita Sol. Sorry kung hindi ko agad siya napakilala sa iyo.” Paliwanag ni Gibo.

“Kaibigan lang ba? Diba nga girlfriend ang pakilala mo sa kanya nun kina Xander? Tsaka nakita ko pa ang huli niyong mga post na magka-date. Kaya imposibleng walang espesyal na namagitan sa inyong dalawa. Sa harap ko pa talaga kayo naglandian. Sana nilaplap mo na rin ang nguso nun nang hinalikan ka niya.” Ang nakasimangot na  sabi ni Nate.

“Sorry na nga, nabigla lang din ako sa ginawa niya kanina. Pero promise, magkaibigan lang talaga kami nun. Nasabi ko na sa iyo ang nangyari nun diba? Tsaka babae iyon…hindi ako titigasan dun.” Wika pa ni Gibo habang nilalambing si Nate.

“Ewan ko sa iyo, maupo ka na nga. Siya nga pala after nito samahan mo muna ako sa taas, bibili tayo ng mga pang-regalo na dadalhin natin sa reunion namin. “

“Natin? Bakit? kasama ako?—isasama mo ako sa reunion ng pamilya mo?” Pagtatakang tanong ni Gibo.

“Oo, kasama ka. It’s about time na rin siguro para ipakilala ko sa kanila ang totoong ako tsaka ang tungkol sa atin.” Tugon ni Nate.

“Hindi kaya makakasira lang ng okasyon ang gagawin natin? Baka lalo lang sumama ang loob ng dad mo sa iyo.” Pagdadalawang isip ni Gibo sa binabalak ni Nate.

“Tanggapin man nila ako o hindi,— hindi  na mahalaga iyon sa akin. Ang mahalaga tayo. Tanggap naman ako ni mommy enough na iyon. Hindi ko na ipipilit kay dad ang bagay na labag sa lalamunan niya.” Ani pa ni Nate.

“Okay, kung buo na ang disisyon mo…handa na rin ako humarap sa pamilya mo bilang boyfriend mo. Pero speaking ng dad mo…nandito ang dad mo sa mall, muntikan na kami magkasalubong nang palabas ako.” Sabi ni Gibo sabay kuwento kay Nate sa nakita.

“Baka may bibilhin din—”

“Tingin ko rin, pero may kasama siyang lalake kanina parang estudyante, kaedaran natin.” Sambit pa ni Gibo.

“Baka tauhan ni dad sa office”

“Ang sweet naman ng dad mo sa mga tauhan niya kung ganun.” Napangising komento ni Gibo.

Bahagyang napakunot ng noo si Nate sa sinabi ni Gibo. Inusisa nito ang kasintahan sa mga napansin nito sa dad niya at sa kasama nito. Walang pag-aalinlangan namang kinuwento ni Gibo kay Nate ang mga nakita nito kanina. Tila lalo lang nasira ang araw ni Nate sa mga narinig nito. Ayaw man nito husgahan o pagdudahan ang ama, base sa pagkuwento at pagsalarawan ni Gibo sa mga nakita nito. Ramdam ni Nate na may mali. Hindi nagawa pang ubusin ni Nate ang inorder nitong kape. Niyaya niya ang nobyo na samahan ito para silipin ang ama sa pinasukan nitong bilihan ng mga cellphone at gadgets at para na rin alamin kung sino nga ba ang kasama ni Karl na ayon pa kay Gibo, may naaamoy itong kakaiba.

Marami-rami din ang mga namimili sa gadget store na iyon. Kaya hindi masyadong maaninag ng dalawa kung naroon pa ba sa loob nun ang daddy ni Nate. Niyaya ni Nate si Gibo sa loob. Nagkunwari silang bibili ng laptop ngunit nasa paligid ang tingin ng dalawa.

Patingin-tingin sa naka display na laptop si Nate nang gulatin ito ni Travis mula sa kanyang likuran. Kanina pa pala nito nakita ang dalawa at sinusundan. Nang mapalingon din si Gibo, nagulat ito nang makita si Travis. Namukhaan nito ang lalake.

“Insan ikaw pala, hayop ka muntik na kita magmura sa gulat. Ano ang ginagawa mo rito? —by the way si Gilbert, —Gib pinsan ko si Travis.” Pakilala ni Nate kay Travis kay Gibo.

“Kamusta pare—” ang na hiyang tugon ni Gibo. Halos malusaw ito sa hiya habang nakatitig kay Travis.“ Pinsan pala ni Nate ang nakita kong kasama ni tito Karl kanina. Nakakahiya —kung ano-ano pa ang nasabi ko kanina. Pati si tito Karl napagdudahan ko pa.“ Wika pa ni Gibo sa isip nito.

“Kasama ko si tito Karl kanina pero umalis na dadaanan niya pa raw si tita Jessica.” Wika ni Travis.

“Ikaw kasama ni dad?” Tanong ni Nate kay Travis sabay baling ng sulyap kay Gibo. Tumugon naman ng ngiti si Gibo sa kanya na para bang inaamin nito ang mali.

“Nagpalambing ako sa dad mo. Nagpabili ako ng bagong gaming set sa kanya.” Sagot ni Travis.

“Nabudol mo na naman pala si daddy. Sige insan mauna na kami. Kita na lang tayo sa darating na reunion.” Sabat ni Nate.

Napakamot na lang ng batok si Gibo na napatingin kay Nate habang palabas sila sa store na iyon.

Isang araw maagang dumating sa bahay nila ni Vince si Kaloy na may dalang bagong lutong tinapay para sa kasintahan at sa mag-asawang Sonya at Herman.

“Ay good morning sir Kaloy, grabe lalo ka pang pumogi ah. Buti naisipan mong dumalaw dito. Halika doon tayo sa pool area nandun sina ma’am Sonya at sir Herman nag-aalmusal. Tamang-tama itong spesyal na pandesal na dala mo.” Ang galak na galak na si Ponyang nang makita si Kaloy.

“Special talaga iyan manang, si nanay kasi nag bake niyan kanina. Padala nga iyan niya para matikman niyo ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon. Masarap po iyan. “ Ani ni Kaloy.

“Mukha nga, amoy palang masarap na.”

“Si Vince po ba gising na?”

“Hindi ba niya alam na pupunta ka?”

“Hindi po eh, balak ko lang siyang surpresahin.”

“Ah ganun ba. Ito spare key ito ng mga kuwarto sa taas itong may pink sa kuwarto ito ni Vince. Huwag ka na kumatok… malamang humihilik pa iyon dun ngayon. Oh siya dadalhin ko na lang itong dala mo kina maam, ikaw na dun sa alaga ko.”

Nakangiting tinungo ni Kaloy ang hagdan paakyat sa silid ni Vince. Marahan itong lumapit sa pinto at pinakiramdaman kung gising na ba ang kanyang pakay. Nang marinig pa hilik ng kasintahan, maingat na binuksan ni Kaloy ang pintuan ng kuwarto ni Vince gamit ang spare key na bigay ni yaya Ponyang. Maingat ang dahan-dahan nitong pagbukas ng pinto.

“Tulog pa nga talaga ang baby love ko. Teka tatanggalin ko muna ang sapatos ko para wala talagang ingay.  Tapos maghuhubot-hubad akong tatabi sa kanya. —ang guwapo talaga ng asawa ko kahit tulog. Isasara ko muna ng maayos ng pinto.”

Pagka-hubad ng lahat ng saplot nito sa katawan marahang sumampa na sa kama si Kaloy. Tumabi ito at nahiga sa nakatagilid na si Vince. Maya-maya pa niyakap na nito ang lalake at kinulong sa kanyang mga bisig tsaka dinantayan ang mga hita ni Vince. Napaungol na lang si Vince nang pinagapang na ni Kaloy ang mga labi nito sa batok at tenga ng lalake. Marahang pinaliguan ni Kaloy ng mga halik ang likod, batok, balikat at tenga ni Vince habang pinapalakbay nito ang isang kamay sa dibdib pababa sa puson ng lalake.

Nang maramdaman na ni Vince ang palad ni Kaloy sa tumitilaok nitong manok nagising ito. Napabalikwas ito ng lingon sa gulat nang may sumasakal na at humihimas sa kanyang tandang. Sinalubong naman ni Kaloy ng marubdob na halik sa bibig si Vince nang lumingon ito sa kanya. Hindi na nagawa pang makapagsalita ni Vince nang nilukuban na ito ng halik ni Kaloy.

“Ano ang ginagawa mo rito?” Nakangiting tanong ni Vince kay Kaloy.

“Sabi mo na miss mo na mag breakfast in bed kasama ako. Kaya eto baby love, dinalhan kita ng espesyal na hotsilog.” Ang nakangising tugon ni Kaloy sa lalake sabay muling sunggab ng marubdob at mapusok na halik sa bibig ni Vince.

Isang mainit-init na almusal ang bumungad sa umaga ni Vince. Masayang pinagsaluhan ng dalawa ang nakakapagod at nakakahulas na cardio sexercise sa kama. Matapos magpapawis ng husto, sabay nang bumaba mula sa silid ang dalawa. Tumungo agad sila ng pool area kung saan agad na sumalubong sila ni Sonya.

“Good morning po tita.”

“Good morning din sa iyo iho. Halikayong dalawa join us na sa breakfast. By the way Kaloy, tell your mom na salamat sa pinadala niyang pandesal. Ang sarap, siksik at malaman.” Wika ni Sonya na pangiti-ngiti kay Kaloy.

“Makakarating tita.”

“Vince dun na kayo ni Kaloy sa tabi ng dad mo, at may kukunin lang ako sa loob.”

Naupo ang dalawa katapat ng puwesto ni Herman. Agad naman na kinamusta ng lalake si Kaloy matapos siya nito batiin. Naging bungad na usapan ng tatlo ang tungkol sa gaganaping grand ball night sa Christmas celebration ng eskuwelahan ni Kaloy kung saan isa sa pangunahing sponsor ng okasyon ang ama ni Vince. Hanggang sa nabanggit ni Vince sa ama ang tungkol sa pagkatao ni Kaloy.

“Actually dad, sponsor din sa event mamaya ang dad ni Kaloy…” Napahinto sa pagkuwento si Vince nang madulas ito. Babawiin pa sana nito ang sinabi nang magtanong si Herman.

“Really? Hindi ko alam na bukod sa amin ni Karl co sponsor din pala ang tatay mo Kaloy. So ibig sabihin nito pupunta din mamaya sa ball ang parents mo?” Tanong ni Herman.

Hindi agad nakatugon si Kaloy sa tanong ni Herman. Gumawa na lang ito ng kuwento para hindi na humaba pa ang tanong nito sa kanya.

“Busy silang dalawa sa Ilang kaya hindi sila makakadalo tito.”

“Sayang naman. —Alam mo first time lang namin magpaganito sa eskuwelahan. Ideya ito ni Seth. Every year naman dumadalo talaga kami sa mga charity ball na organized ng mga kilalang personalidad sa bansa, mga politiko, celebrities at mga negosyante. This time gusto namin maiba naman, kaya sabi ni Seth why not ipa-experience natin sa iba ang nangyayari sa isang ball. At dahil naaalala ka niya, naisip niya na dalhin ang ball sa eskuwelahan niyo.” Naibahagi pa ni Herman.

“Si tito Seth pala ang may pakana nito. Ibig sabihin nito dadalo rin iyon mamaya sa ball.” Sabat ni Vince.

“Sigurado iyon. Tsaka may surprise band na kinontak ang tito mo para sa ball mamaya. Kaya sure ako na mag i-enjoy ang lahat ng estudyante. Bukod pa iyan sa mga pa raffle mamaya.” Saad pa ni Herman.

“Sabi nga ng mga kaklase ko, first time lang daw ito na mangyayari sa kanila. Kaya marami talaga ang excited sa grand ball mamaya tito”.

“Mabuti at pumayag ang eskuwelahan niyo na magsama ng outsider ang bawat estudyante na dadalo. Dahil kung hindi walang kang escort habang naglalakad ka sa red carpet.” Hirit pa ni Vince.

“Pasalamat ka at pumayag sina tito na isama kita. Dahil kung hindi baka iba ang magiging escort ko.” Sabat ni Kaloy.

“Kung gusto niyo, sumabay na lang kayong dalawa sa amin ng mommy mo Vince.”

“Date niyo mamaya iyon ni mommy dad, I have my own date Tsaka dadaan pa kami sa stylish namin.” Sabi pa ni Vince sa ama.

Nakangiti lang si Kaloy habang pinagmamasdan ang mag ama na nagkukuwentuhan habang nagbibiruan.  Masaya na sa puntong iyon si Kaloy na sa wakas maayos na rin ang relasyon ni Vince sa mga magulang nito.

Ang araw na iyon ay isa sa magandang araw para sa dalawa.

“Ang ganda mo naman sa bagong buhok meh. For sure lalong mai-in-love si dad pag nakita kang ganyan. Gusto ko rin sana sumama eh kaso baka magmukha lang akong poste dun sa gilid.” Wika ni Nathalie habang inaayusan ang ina.

“Bakit naman? Nandun naman si Kaloy ah. Alam mo sumama ka na. Sayang naman iyong damit na pinasadya ko sa iyo. Tsaka naroon din ang pinsan mo. Ang mabuti pa magpaayos ka na rin dun. Maya-maya lang nandito na ang dad mo para sunduin tayo.” Ani ni Jessica sa anak.

“Parang bet ko nga rin ma-experience meh, para ma iba naman. Eh ang kuya?”

“Nag-usap na kami, pero ayaw niya. Baka masira lang daw niya ang gabi ng dad niyo. Hinayaan ko na total nag-promise naman iyon sa akin na pupunta siya sa reunion.”—sabi pa ni Jessica.

Saktong natapos ang mag-ina nang dumating si Karl para sunduin ang dalawa. Hindi pa man buo ang ayos ng asawa hindi na magkamayaw si Karl na purihin ang kagandahan ng asawa na sa mga lumipas na taon ay mas lalo lang ito nagiging maganda at tila ba bumabata pa sa kanyang edad. Pinuri din ng ama ang bagay ding kagandahan ni Nathalie na ayon pa sa lalake parang pinagbiyak na bunga ito ng kanyang ina noong kabataan niya.

Sa kabilang banda; napatanong si Mayang kay Jasper ng mapansin nitong nakapostura ang asawa nang madatnan niya ito sa silid.

“May lakad ka?” Tanong nito sa lalake.

“May pupuntahan lang. Siya nga pala sakaling mainip ka habang wala ako gamitin mo na lang ang card ko. Gumala ka, mag shopping ka kung gusto mo. May pera naman akong naiwan diyan.”   Tugon ni Jasper habang inaayos nito ang botones ng pulang longsleeve na polo nito.

Napakunot ng noo si Mayang.

“Bakit? Matatagalan ka ba sa pupuntahan mo? Jasper ayoko ng naiiwan dito palagi. Alam mo namang hindi ako sanay sa buhay dito. Tsaka nakakabagot ang walang makausap dito.” Wika ni Mayang.

“Dalawang araw lang akong mawawala. Kung kailangan mo ng kasama pumunta ka ng gay bar maraming lalake dun. Di kaya gamitin mo ang online booking search, mag pa service ka habang wala ako.” Sabat ng lalake.

“Ganito na lang ba tayo lagi? Mag-asawa pa nga ba tayo?… Jasper sawang-sawa na ako sa ganito. Mag-asawa nga tayo pero kung sino-sino parin ang kasalo natin sa kama. Hindi na ako masaya sa ganito.” Sambit ni Mayang sabay yakap kay Jasper mula sa likod ng lalake.

“Kung di ka na masaya sa ganito,…malaya kang bumalik sa inyo. Napag-usapan na natin ito. Tsaka puwede ba huwag mong sirain ang araw ko. Kaya tigil-tigilan mo ako sa kakadrama ng ganyan. Simula’t sapol alam mo na ang lahat sa akin at hindi mo na iyon mababago. Hindi kita sinasaktan at lalong hindi kita ginugutom. Pero kung sawa ka na sa akin, hindi kita pipigilan. Bumalik ka sa bundok kung nais mo mag bago.” Ang naging tugon lang ng lalake kay Mayang tsaka ito lumabas ng silid sabay hablot ng maliit na maletang nakapatong sa kama.

Napaupong napaiyak na lamang sa kama si Mayang. Sa mga sandaling iyon muli niyang napagtanto ang kaibahan ng sitwasyon niya sa sitwasyon ni Tess. Hindi naman ito nagsisisi sa piling ni Jasper. Ngunit sa bawat sandaling wala sa tabi niya ang lalake, nararamdaman ni Mayang ang malaking kakulangan ng pagiging asawa nito at ang kakulangan ni Jasper sa relasyon nilang dalawa. Nang may naisip itong pagpapasya para sa sarili.

Agad itong nag-impake ng mga gamit. Buo na ang desisyon ni Mayang na tapusin na ang kahibangan nito kasama si Jasper. Wala itong itinira na kahit isang gamit nang lisanin nito ang unit nilang mag-asawa.

Sakay ng kotse nito si Jasper nang huminto ito sa tapat ng isang maliit na korean restaurant. Nag-abang ito ng ilang mga minuto nang mapansin nito ang isang lalaking lumabas mula sa loob nun. Napansin ng lalake ang kanyang kotse kung kaya lumapit agad ito sa kanya. Diretso bukas ng pinto ang lalake sa harapan ng kotse at naupo agad sa tabi ni Jasper.

“Sir, kinakabahan po ako…” Bungad ni Zyone kay Jasper.

“Kinakabahan? Di ba matagal mo nang ginagawa ito? Tsaka huwag kang mag-alala. Hindi ka masasabit dito. Ano pumayag ba na makipagkita sa iyo?” Wika ni Jasper.

“Ngayon sana ang balak niya, eh kaso tumanggi ako. May ganap kasi kami mamayang gabi sa eskuwelahan. Kaya sabi ko bukas na.” Ang mahinang sagot ni Zyone.

“Okay, ayos lang iyon ang mahalaga kumagat siya sa iyo. Nakilala ka ba niya?”

“Sa tingin ko naman hindi. Sir bakit niyo ba ginagawa ito sa kanya?” Balik na tanong ni Zyone kay Jasper.

“Dahil minahal ko siya, pero binalewala niya lang lahat ang mga nagawa ko sa kanya.” Ang nakangiting sagot ni Jasper.

Tumahimik si Zyone, napaisip ng malalim. Sa puntong iyon puno ng pag-aalangan ang lalake sa sarili. Nagdadalawang isip kung hahayaan na lang ba niya ang sarili na magpagamit sa masamang balak ni Jasper. “Dadalhin mo siya sa resort na pupuntahan natin ngayon. After nun tapos na ang trabaho mo sa akin.” Wika ni Jasper.

“Paano ang usapan natin sir?”

“Gawin mo muna ang pinapatrabaho ko sa iyo, tsaka mo matatanggap ang para sa nanay mo. Maayos akong kausap kaya wag ka mag-alala.”

Palabas ng siyudad ang direksyong tinatahak ng kotse na iyon ni Jasper.

Papalubog na ang araw nang mga sandaling iyon at unti-unti ng nagkakaroon ng buhay ang loob at labas ng Bayag-bayagan Highschool dahil sa mga dadalo sa gaganaping Christmas grand ball. Kanya-kanyang paandar sa magagarbong kasuotan ang mga estudyante at guro habang naglalakad sa red carpet. Nagmistulang mamahaling hotel ang bungad ng pasilyo papunta ng gym kung saan naroon ang venue ng ball. Sa magarbong bihis ng lugar hindi mo mapapansing isa lamang iyong eskuwelahan at gym lang ang pagdadausan ng event. Maging si Seth na siyang punong abala sa pagset-up ay hindi makapaniwala sa naging resulta ng lahat. Lalo na nang unti-unti ng napupuno ng mga dadalo ang lugar. Habang nakikipag kuwentuhan ito sa mga guro at ibang bisita dumating sina Herman kasama si Sonya.

“Nakikita namin na tuwang-tuwa ang mga estudyante sa ginawa mong ito Seth. May pa red-carpet ka pang pakulo. Tsaka sobrang elegante ng pagkaka-ayos mo sa venue. Congrats bayaw. Pag ganitong event talaga garantisadong maganda.” Wika ni Herman ng binati si Seth.

“Minsan lang ito mangyari sa mga estudyante rito. Ma-experience man lang nila ang ganito. Kita niyo naman pati sila todo effort din sa mga kasuotan nila. At ang mahalaga may purpose ang ball na ito. Halina kayo naroon sa unahan ang table natin.” Ani ni Seth.

“Nabasa namin sa program booklet na dadalo rin pala ngayong gabi ang mayor?” Sabat ni Sonya.

“Hindi lang si mayor Gab pati ang bestfriend mong si Solidad.” Ang napairap na tugon ni Seth sa kapatid.

“Para sa mga estudyante at sa mga guro ang event na ito. Pakiusap isantabi na muna niyo ang kung ano mang meron sa inyo ni Sol. Dapat mag enjoy lang tayo buong gabi.” Paalala naman ni Herman sa asawa.

“Huwag ka mag alala hon, hindi siya ang sisira ng gabi natin. Sagot nito sa asawa na nakangisi, bumaling ito sa kapatid at bumulong. “Seth, make sure lang na magkalayo ang table seat namin. Kilala mo ako.” Sabi pa ni Sonya ng pabulong.

“Sis, sorry pero share tayo mamaya ng table. Pikit ka na lang ng di mo siya makita. Pangit naman kasi kung dun siya sa table ng mga teachers tapos si Gab sa table natin.” Tugon ni Seth ng pabulong din sa kapatid.

Wala pa man sa venue ang inaasahan tila nangangati na si Sonya sa kakaisip na magko-krus muli ang landas nila ni Solidad ang asawa ni Gab.

Habang palalim na ng palalim ang gabi lalo pa napupuno ang venue. Dumating na rin si Dax kasama si Evan na siyang napiling bisita nito sa gabing iyon. Naroon na rin sina Megan kasama ang mga kaibigan na agaw pansin sa mapangahas nilang suot na damit. Lalong umangat ang magandang katawan at kagandahan ni Megan sa mala Victoria’s secret nitong angel inspired dress. Nakatulalang nakatitig si Evan at Dax kina Megan habang naglalakad ang mga ito sa red carpet. Maging ang dalawa hindi maiwasang hindi mahalina sa ganda ni Megan. Pati ang photographer at videographer ng event ay hindi magkamayaw sa kakakuha ng shots nila Megan.

Tila nabuhay ang mga dugo ng mga estudyanteng mga lalake na naroon sa pagdating ng grupo nila Megan. Nang makalampas na sa red carpet ang babae at papasok na ito ng gym, agad ito nilapitan ni Dax nang nakangiti.

“Hulaan ko ang suot mo,… Rafaela?” Bungad ni Dax sa babae.

“Angel kaya, laki-laki ng pakpak ko Rafaela?” May pairap na sagot ni Megan.

“Angel nga si Rafaela, palibhasa tetris parin nilalaro mo. Pero alam mo ang ganda mo ngayon. Ibig kong sabihin mas gumanda ka pa ngayon. Bagay sa iyo ang suot mo.” Ang malumanay na sabi ni Dax sa babae.

Napataas ng kilay si Megan sa tono ng pananalita ng lalake. Ibang-iba na kasi ito kung magsalita. Mas malumanay na at may lambing. Hindi tulad nun na magaslaw at may pagkabastos. Maging ang kilos nito ay hindi na rin katulad ng dati. Kinatuwa naman ng babae ang pagbabago sa ugali ni Dax.

“Salamat naman at na-appreciate mo ang alindog ko tonight. Sabi kasi, may pa cash prize sa mapipiling best dressed mamaya. Buti na nga lang nakahiram kami ng mga ganito sa kaibigan naming bakla. Eh kayo anong peg iyang suot niyo? Kahoy?” Natawang sabi ni Megan

“Reindeer ito ano ka ba, hindi lang namin suot ni Evan ang mga sungay namin kasi sagabal sa ulo.” Sambit ni Dax.

“Mas maganda siguro kung sa iisang table lang tayo lahat para masaya.” Sabat ni Evan na grabe ang tingin ng pagkamangha kay Megan.

Inalalayan pa nito ang babae papasok sa entrance ng gym. Ang pasimpleng paghawak ni Evan sa beywang ni Megan ay hindi nakaligtas sa paningin ni Dax. Nakaramdam ito ng bahagyang selos lalo pa at kita nito sa babae kung paano ito kiligin sa mga gestures ni Evan sa kanya. Nakiayon lang sa sitwasyon si Dax hindi ito nagpahalata.

Maya-maya pa dumating na rin sa Bayag-bayagan sina Karl at Jessica kasama si Nathalie. Sinalubong naman sila ni Seth na agad dinala sa table nila kung saan naroon sina Herman at Sonya. Bungad pa lang damang-dama na ang awkwardness sa paligid lalo na ng kamustahin ni Herman si Karl. Maalalang mariin na tinututulan ni Karl ang relasyon ni Kaloy at Vince. At pagkunsinti ni Herman sa anak nito ay labis na kinaaayawan ni Karl. Gayunpaman pilit na nilulugar ni Karl ang sarili. Ngumiti ito ng huwad nang nakipagkamay ito kay Herman. Naging magaan naman ang pagkikita muli ni Sonya at Jessica na labis naman na miss ang dalawa.

Palinga-linga naman sa paligid si Nathalie. Manghang-mangha ito sa mala wokderland na set-up ng lugar.

“Grabe ka talaga tito Seth, sino ang magsasabing isang gym lang ito. Ang ganda sobra. Pinabongga mo talaga ang event na ito para sa kanila ha. Sure ako mag ti-trending na naman ang likha mong ito.” Ani ng dalaga kay Seth.

“Minsan lang naman ito. Tsaka give na natin sa mga estudyante rito ang ma-experience man lang ang feeling na nasa mga gala ball. Siya nga pala napansin ko na kanina ka pa palinga-linga sa paligid, sino ang hinahanap mo si Kaloy? Naku maya-maya pa ang mga iyon kasama si Vince.” Wika ni Seth.

“Pupunta rin pala si Vince. Sayang wala sina kuya. Ang arte rin kasi eh. “

“Ayaw siguro ng kuya mo kasi nandito ang dad mo. Hayaan mo na, tampong pururot lang iyang dad mo at kuya. Soon magkakaayos din ang mga iyan. Kung medyo out cast ka dito sa table namin. Dadalhin kita sa table nila ni Kaloy. Maya-maya lang nandito na ang dalawa.” Sambit ni Seth.

Hindi pa man nakakatayo ang dalawa lumapit na table nila si Megan na tuwang-tuwa ng makita si Nathalie. Napangiti rin si Nathalie nang makita nito si Megan. Nagkamustahan ang dalawa at napayakap sa isa’t isa sa labis na galak na muli silang nagkita. Matapos magpaalam sa mga magulang para lumipat ng table. Hawak kamay sina Nathalie at Megan na tinungo ang puwesto nila ni Dax. Tila nahipnotismo si Dax habang nakatingin ng walang kurap sa paparating sa kanilang lamesa. Titig na titig ito sa kagandahan ni Nathalie. At maging si Nathalie napatitig rin ng may paghanga kay Dax. Tumayo ang lalake para bigyan ng daan para paupuin si Nathalie. Nakaramdam naman ng hiya ang babae nang ibinibigay ni Dax ang sariling upuan nito sa kanya.

“Salamat, pero saan ka uupo? Nakakahiya naman nawalan ka tuloy ng upuan.” Wika ni Nathalie nang mapansin na sakto lang ang upuan sa lamesa na iyon at ang iba ay may pangalan na.

“Ayos lang miss, kukuha na lang ako ng extra.” Tugon ni Dax na halata ang pamumula ng pisngi. Umalis ito para kumuha ng extrang upuan.

Kakaalis lang ni Dax nang siyang lapit naman ni Travis kay Nathalie nang makita ito. Binati naman siya ni Nathalie.

“Dun na ako galing kina tito. Halika doon sa table namin insan, ipapakilala kita sa mga kaibigan at kaklase ko.” Pag-imbita ni Travis kay Nathalie.

“Wag na mamaya na insan dito na muna ako sa kanila.” Pagtanggi ni Nathalie.

“Okay pero kung kailangan mo ako nandoon lang sa kabila ang table namin. Hindi ko alam na kakilala mo rin pala ang mga ito.”(sambit pa ni Travis habang,ini-isa isa ang mga kasama ni Nathalie sa table na iyon, lalo na kay Megan) “doon na muna ako, see you around insan. Enjoy the night.” At umalis na si Travis.

Napairap naman si Megan nang makaalis si Travis.

“Pinsan mo pala si Travis. Buti magkaiba kayo ng ugali.” Ang sabi ni Megan nang sumulyap ito sa papaalis na si Travis.

“Bakit ano ba ang ugali ni Travis dito? Alam ko pasaway iyan. Dito ba pasaway din sa school niyo ang pinsan kong iyon?” Tanong ni Nathalie.

“No comment girl. Gusto ko lang mag enjoy tonight kaya avoid muna ako sa mga nega thoughts. Pero kung interesado ka kuwento ko sa iyo after ng ball.”

Nagtawanan na lang ang dalawa. Kahit di na kasi magkuwento si Megan alam naman ni Nathalie kung gaano ka pilyo ang pinsan niyang si Travis. Nagsimula nang pumagitna sa stage ang host ng event hudyat na magsisimula na ang pormal na pagbukas ng grand Christmas ball party. Sakto lang din ang pagdating nila Kaloy at Vince na agaw pansin sa lahat ang halos see-through na glittered red suit na suot ng dalawa. Sa kanilang hot Santa inspired see-through suit, kitang-kita ang magandang porma ng kanilang mga katawan na siyang pinagkaguluhan ng mga bakla at babaeng naroon.

Mula sa red carpet hanggang sa loob ng mismong venue nakuha ng dalawa ang atensiyon ng lahat. Lahat napalingon lahat napanganga at nagulat. Lalo na nang makita sina Vince at Kaloy na magkahawak ang mga kamay habang papasok sa hall.

Palakpakan ang lahat nang lumabas pa sa malaking LED screen sa stage ang pagpasok ng dalawa. Napatikim naman ng kamay si Karl habang nakatingin kina Kaloy at Vince sa screen. Nagpupuyos sa inis si Karl ngunit nagpipigil ito. Pansin ito ni Jessica kaya pasimple nitong hinawakan ang kamay ng asawa. Lalo lang nanggigigil sa inis si Karl nang marinig sina Herman at Sonya na pinupuri pa ang suot ni Kaloy at Vince. Nang hindi na matiis ni Karl ang nararamdaman tumayo ito at nagpaalam na magbabanyo lang. Hindi naman siya pinigilan ni Jessica.

Nakangisi namang lumapit si Travis kina Kaloy at Vince nang papunta ang dalawa sa table nila ni Dax.

“Sexy naman niyan. Matchy-matchy pa kayong dalawa. Dati nahihiya ka pa magpakita ng abs mo, ngayon bilad na bilad na ang katawan mo sa lahat. Hindi ka na talaga takot in public. Proud and loud ka na talaga.” Bungad na sabi ni Travis kay Vince.

“Magkakilala kayo?” Pagtatakang tanong ni Kaloy kay Vince.

“Oo naman schoolmate ko itong si Vince dati sa Victor bago pa ako napunta dito. Hindi lang schoolmate, naging…”

Bago pa man madugtungan ni Travis ang sasabihin nito, hinila na ni Vince si Kaloy sa table nila ni Dax. Napailing na lamang si Travis nang lampasan ito ng dalawa. Hindi na nawala sa isip ni Kaloy ang kuryosidad sa sinabi na iyon ni Travis. Kaya maka ilang ulit nitong tinanong kay Vince ang tungkol sa lalake. Hindi naman itinanggi ni Vince na naging magkakilala nga sila ni Travis. Kinuwento rin nito kay Kaloy na naging ka-teammate niya rin ang lalake noon sa basketball team ng kanilang eskwelahan. Ngunit sa kabila ng mga naikuwento ni Vince sa kanya, pakiramdam ni Kaloy may kulang pa sa nais niya marinig at tila ba may iba pang nais ipahiwatig ang mga linyahan at mga titig ni Travis kay Vince kanina. May mga pagdududa man isinantabi muna ni Kaloy ang mga bumabagabag sa isipan nito. Nagsimulang masaya ang programa. Tinanghal na head turner of the night sina Vince at Kaloy. Crowd favorite naman ang grupo nila Megan at si Megan naman nakuha ang best female dress katabi si Travis na siyang best male dress naman. Dagdag pa sa surpresa at kasiyahan ng lahat ang mga inilabas na mga pa-premyo para sa gabing iyon. At habang tuloy-tuloy pa ang kasiyahan napansin ni Kaloy ang kakarating pa lang na si Zyone. Sinalubong niya agad ito at dinala sa kanilang lamesa. Balisa ang kilos ni Zyone at hindi mapakali sa upuan habang nakikipagkuwentuhan sa kanya si Kaloy. Paiwas din ang tingin nito sa lalake, bagay na ipinagtaka ni Kaloy.

“Ayos ka lang pare?” Tanong ni Kaloy kay Zyone.

“Oo naman pare, kuwan lang nahiya lang ako sa suot ko. Grabe pinaghandaan niyo talaga ang gabing ito. Nagmukhang basahan lang itong suot ko kumpara sa inyo.” Ang natawang sabi ni Zyone.

“Ano ka ba pare, ang ayos kaya ng suot mo. Tsaka wala naman sa suot ang kasiyahan na ito. Lahat dito puwede. Para sa atin lahat ang gabing ito kaya mag enjoy ka lang. Halika doon tayo sa gitna, makisayaw tayo sa kanila ni Megan.” Sabat pa ni Dax sa dalawa sabay akbay kay Zyone.

Tahimik naman ng mga sandaling iyon si Karl sa kaniyang upuan habang nakakunot ang noo na nakatingin kina Kaloy. Pinuna ni Jessica ang pananahimik ng asawa.

“Ibigay mo na sa kanila ang gabing ito. Kung hindi mo kayang makita silang ganyan mainam na umuwi na lang tayo. Nasa kasiyahan tayo pero daig mo pa ang pinagsakluban ng langit sa mukha mong iyan.” Pabulong na sabi ni Jessica sa asawa.

“Sino bang ama ang matutuwa sa nakikita niya. Hindi ko talaga maatim na nagkaganyan ang anak namin ni Teresa. Kung sa akin lumaki iyan hindi magkakaganyan si Kaloy. Itong si Herman naman giliw na giliw naman sa ginagawa ng kanyang anak.” Tugon ni Karl sa asawa.

“Ano naman ang mali sa ginagawa ng dalawa?  Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na ganyan ang anak mo. Suportahan mo na lang ang preference niya. Wala ka nang magagawa kung iyan talaga ang sinisigaw ng kanyang puso. Eh paano na lang pala kung pati si Nate katulad niya?” Sabi pa ni Jessica.

“Imposible iyan, lumaki sa disiplina ko si Nate kaya kilala kong hindi sa katulad ni Kaloy. At kung nagawa ko siyang tiisin dahil sa kabulastugan niyang ginawa. Baka higit pa dun ang magagawa ko ’pag naging bakla rin ang anak natin. Baka kakalimutan ko na lang na may anak pa ako.” Ang mariin na sagot ni Karl.

“Kung gayun bakit di mo gawin iyan kay Kaloy. Hayaan mo na lamang siya kina Ric at Tess. Sapat na rin siguro na nakilala ka niya at nakilala mo siya. Pabayaan mo na si Kaloy. Nasa wastong edad na siya at hindi na niya kailangan ang gabay at opinyon mo bilang ama sa kanya. Baka sa ginagawa mo, sa halip na makukuha mo ang respeto niya eh baka kamuhian ka pa niya.” Saad ni Jessica.

“Alam ko ang ginagawa ko. Babaguhin ko ang kabaklaan ni Kaloy. Naimpluwensyahan lang iyan siya ng Vince na iyan.” Ani pa ni Karl sa asawa.

Hindi na dumagdag pa ng sasabihin si Jessica. Batid naman nito na kahit ano pa ang marinig ni Karl sa kanya ang sariling pasya parin ng lalake ang masusunod.

Habang abala sa kasiyahan ang lahat, walang kamalay-malay ang mga naroroon sa nakaambang na panganib na mangyayari sa kanila. Mula likurang bahagi ng paaralan, sa lumang gusali ng science lab sa likod na parte ng football field…tatlong mga kalalakihang pawang Naka balot ng maiitim na suot ang umakyat sa pader mula sa kabila at dumaan sa lumang science classroom. Lahat may mga dalang bag. Maingat ang kanilang mga kilos na nagmamadaling makalapit sa likuran na bahagi ng gym kung saan nagaganap ang ball. Madilim sa bahaging iyon. At dahil nakatutok ang lahat sa nagaganap na ball wala man lang nakapansin sa tatlo na nakapasok na sa loob ng campus.

May mga nakatalaga namang mga security personnel sa paligid ng venue, ngunit dahil sa naging kampante naman ang lahat hindi na napatuonan ng atensyon ang iba pang parte ng seguridad sa lugar lahat ng bantay naroon lang sa mismong pinaka hallway papuntang gym at sa gym mismo.

May mga nakabantay namang mga pulis, ngunit lahat Naka puwesto lang sa labas ng gate at sa parking space sa loob malapit sa flagpole area. Walang nag-iikot na guard at walang nag-iikot na mga pulis. Kaya malayang nakakilos ang tatlo na may masamang binabalak sa lugar na iyon.

“Ngayon nila pagsisisihan ang pangingi-alam sa atin.” Ang nakangising sabi ng isa sa tatlong mga lalake.

Matapos ang mga pa-raffle at palaro sa gabing iyon sumampa naman sa entablado ang isang kilalang banda na inimbitahan ni Seth upang magbigay ng dagdag kasiyahan para sa lahat. Habang tumutugtog ang banda nag simula namang mag kanya-kanyang puwesto sa gitna ang lahat. Naunang tumayo si Evan na humingi ng pahintulot kay Megan para mai-sayaw ito. Nang pumagitna na ang dalawa si Dax naman ang humirit kay Nathalie na isayaw nito ang babae. Malugod namang pumayag si Nathalie. Naiwan naman nun sa lamesa sina Vince, Kaloy at Zyone.

“Tahimik mo naman diyan pare, hindi ka ba nag i-enjoy?” Tanong ni Vince kay Zyone.

“Nag i-enjoy naman ako. Wag niyo na lang akong alalahanin. Ang mabuti pa kunin mo na lang itong si Carlo at isayaw dun sa gitna. Dito lang ako.” Ani pa ni Zyone.

“Alam mo nakakapanibago ang biglang kilos mo na iyan pare. May problema ka ba? Alam mo kung ano man iyan wag mo nang itago lalo na sa akin. Baka may maitulong ako.” Sabat pa Kaloy.

“Wala talaga, ayos lang ako wag niyo akong intindihin.” 

Hindi na kinulit pa ng dalawa si Zyone. Nagkayayaan naman sila ni Kaloy na sumali kina Dax ,Evan, Nathalie at Megan na sumayaw sa gitna. Hindi pa man umiinit ang mga Paa ng dalawa sa pagsayaw tila nauna ng uminit ang ulo ni Vince nang lumapit sa kanila ang grupo nila Travis. Batid na ni Vince ang pakay ng lalake sa paglapit sa kanila. Hindi na lamang iyon pinansin ni Vince at tinuon ang atensiyon kay Kaloy. Hanggang sa narinig na lamang nila ni Kaloy ang pagtaas ng boses ni Dax.

Pilit kasing nakikisingit sa kanila ni Nathalie ang isa sa mga kaibigan ni Travis. At sinita ito ni Dax. Sumingit naman si Travis at nagpakilalang pinsan ito ni Nathalie.

“Pinsan mo pala eh, marapat lang na pagsabihan mo ang isang ito dahil binabastos niya ang pinsan mo”. Wika pa ni Dax.

Bago pa tumaas ang tensiyon at makaagaw ng pansin ng lahat, nakiusap na si Nathalie kay Travis. Nagpaalam naman agad si Nathalie kina Dax na uupo na muna saglit. Sumang-ayon naman si Dax tsaka hinatid ang babae sa table nila Karl at Jessica. Tila may pananadya talaga ang paglapit ng mga grupo ni Travis, dahil matapos asarin si Dax sina Evan at Megan na naman ang pinagdiskitahan ng mga ito. Pinaikutan ng mga kaibigan ni Travis si Megan habang sinisiko paalis si Evan. Kalmado lang si Evan bagama’t nagpipigil lang ito ng galit. Ayaw niyang gumawa ng eksena lalo na at naroon sa event na iyon ang ama ni Kaloy. Ngunit nang mapansin nito na hinihipuan na ng dalawa si Megan umalma na ito.

Tinapik nito ang kamay ng isa, sabay hila kay Megan palapit sa kanya. Nasampal din ni Megan ang isa sa mga nanghipo sa kanya.

“Epal kang gago ka ah. Dayo ka lang pero kung sino ka na sa akala mo. Naghahanap ka yata ng gulo eh noh?!” Wika ng isa na inangasan si Evan.

“Wag mo akong hamunin pisot. Akala mo rin siguro uurungan ko kayo. Magsama pa kayong lahat” tugon ni Evan.

“Sige subukan niyo lang mang gulo rito at ipapadampot ko kayo sa mga pulis na nasa labas. Mga bastos!!!” Ani pa ni Megan.

Pumagitna na si Kaloy kina Travis para balaan ang lalake at mga kaklase nito.

“Pasalamat ka at nandito sina tito Karl, dahil kung nagkataong nakauwi na sila… sisiguraduhin namin na magpapasko kayo sa ospital.—tara na mga par, mamaya na tayo mag party-party pag wala na rito ang mga surot.” Saad ni Travis tsaka iniwan ang apat.

Tuloy lang ang naging kasiyahan ng lahat. Walang kamuwang-muwang sa napipintong kapahamakan. Saglit na nagpaalam si Vince kay Kaloy para mag banyo. Sasama pa sana si Kaloy nang lumapit sa kanya si Seth. Nasa labas ng gym ang banyo, naroon ito sa katabing building ng eskuwelahan. Patungo na ito doon nang mapansin ni Vince ang isang lalaking nagmamadaling lumiko sa  likurang bahagi ng building. Nakuha nun ang atensiyon ng lalake ngunit dahil sa ihing-ihi na ito tumuloy na muna ito sa banyo ng mga lalake.

“Baka isa lang iyon sa mga tauhan ng eskuwelahan. Pero bakit tumatakbo iyon?… siguro may ginagawang milagro. Makapag banyo na nga.” Sa isip pa ni Vince.

Saktong patapos na sa pag-ihi si Vince nang bumukas ang isa sa mga cubicle na nandun. Napalingon si Vince sa ingay at nagulat na lamang ito nang makita kung sino ang lumabas sa cubicle. Maging si Karl natigilan nang makita si Vince. Yumukong binati ni Vince si Karl. Pero iniwasan lamang ito ni Karl at tinitigan ng masama. Palabas na si Karl nang magsalita muli si Vince.

“Alam kong hindi mo gusto ang relasyon namin ni Kaloy. Pero sana naman matutunan mong tanggapin kung ano ang anak mo. Bigyan mo ng laya si Kaloy pakiusap.” Wika ni Vince.

“Lakas din ng loob mo na utusan ako sa anak ko. —Ikaw kung hinahayaan ka ng ama mo sa kabaklaan mo, puwes ako hindi. At hindi ko hahayaan na tuluyan mong sa lasunin ang pag-iisip ni Kaloy.” Saad pa ni Karl.

“Mahal ko si Karl, mahal ko ang anak mo at hindi ko hahayaang paglayuin mo kaming dalawa dahil lang sa galit mo sa mga bakla. Tao rin kami at may karapatan na ihayag ang mga nararamdaman namin. “ Ani pa ni Vince kay Karl.

“Ganyan ka mag isip kasi lumaki kang kulang sa gabay ng mga magulang. At huwag mo itulad si Kaloy sa baluktot mong katwiran. Kababuyan iyang nilalaban mo hindi pagmamahal. At wag mo ako pagsalitaan tungkol sa karapatan dahil ako ang mas may karapatan sa anak ko.” Sabat ni Karl sabay kuwelyo kay Vince.

Natahimik si Vince na nakatingin sa mukha ni Karl. Magsasalita pa sana ito nang bigla na lang sila nakarinig ng mga malalakas na pagsabog sa labas. Nasundan iyon ng mga sigawan at pagkapal ng usok sa paligid. Binitawan ni Karl si Vince para lumabas na sana ng banyo nang sa pagbukas nito ng pinto tumambad na sa kanila ni Vince ang makapal na usok at naglalagablab na apoy sa hallway. Agad na lumabas si Karl ng banyo kasunod si Vince. Tumatakbo ang dalawa na binabaybay ang hallway palabas. Ilang mga classroom na sa building na iyon ang dinidilaan na ng apoy. Ang bilis ng pagkalat ng apoy na bigla-bigla na lang nagsilabasan sa kung saan.

Nagkakagulo na rin sa gym dahil halos kalahati na rin ng venue ang nasusunog. Nagkakaputukan na rin ang mga kable ng kuryente dahil sa lakas ng apoy. Hindi na rin nakontrol ang mga estudyante at mga tao na kanya-kanyang ligtas na rin ng sarili. May nagkakatulakan at nagkabalyahan na rin makalabas lang ng venue. Dahil sa karamihan ng silid sa eskuwelahan na iyon ay yari pa rin sa light materials mabilis ang pagkalat ng sunog na siyang nagdulot ng makakapal na usok na bumabalot sa paligid.

“Mommy tara na po! Bumibigay na ang buong gym lumabas na tayo!” Sigaw ni Nathalie habang hinihila si Jessica papunta sa parking area ng eskuwelahan.

“Ang dad mo Jane! Nasa loob pa ang dad mo!!!” Ang mangiyak-ngiyak na sabi ni Jessica sa anak.

“Dax si Kaloy ba nakita niyo?” Tanong ni Evan nang hindi nito napansin si Kaloy sa paligid.

“Kanina lang magkasama kami nila Zyone na lumabas ng gym. Pero nang lumingon ako hindi ko na nakita si Kaloy. —Zy, nakita mo ba si Kaloy?” Ang kabadong sabi ni Dax.

“Di ko namalayang wala na sa tabi ko si Kaloy. Pero ang narinig ko sa kanya hahanapin niya si Vince. Ewan ko, hindi ko na siya nakita!” Ang natataranta na tugon ni Zyone.

“Shit, baka bumalik iyon sa loob.” Sambit ni Dax.

“Anak ng putcha,… Babalikan ko lang sa loob ang dalawa. Zy pare kontakin mo ang parents ni Kaloy. Humingi na rin kayo ng tulong sa labas.” Wika ni Evan na hinahanda ang sarili para balikan ang dalawa.

“Hibang ka ba?! Evan pare masyado ng delikado nilalamon na ng apoy ang buong building!” Pagpigil ni Dax kay Evan.

“Nasa loob na iyan sina Kaloy! Ililigtas ko sila, kaya puwede ba bitawan mo ako Dax!!!”

“Paano kung pati ikaw mapahamak?! Maghintay na lang tayo ng tulong mula sa mga bombero!!!”

“Nasaan ang mga bombero?! Pag dumating ang mga iyon marahil abo na ang dalawa!!!” Ang naiiyak na sabi ni Evan kay Dax.

Hindi lang si Dax ang pumipigil kay Evan maging ang mga kapulisan na naroon. Sa bilis ng paglaki ng sunog at sa panganib na banta nito pinapalayo na at inilalabas na sa loob ng compound ng eskuwelahan ang lahat.

FIRE IN COLD

Sa pagsiklab ng sunog sa Bayag-bayagan nabalot ng takot ang masaya sanang ganap para sa mga estudyante at guro ng naturang eskuwelahan. Marami ang agad na nakalabas sa lugar bago pa lubusang lamunin ng nagngangalit na apoy ang buong venue ng event at ang katabing building nito. Ngunit marami rin ang nasaktan na kailangang isugod agad sa ospital dahil sa stampede at mga nabagsakan ng mga nasusunog na debris. Sa laki ng sunog pahirapan ang pag apula ng mga bombero na agad namang dumating sa utos ni Mayor Gab.

Tensiyonado ang lahat lalo na nang malaman ng mga ito na may mga naiwan pang naroon sa loob ng nasusunog na eskuwelahan na hindi agad nakalabas ng magsimula nang sumiklab ang apoy. Dahil nga sa kabilang sa mga naroroon pa sa nasusunog na gusali sina Karl, Kaloy at Vince, napasugod na rin sa lugar sina Tess at Karding na halos hindi na alam ang gagawin. Maging sina Herman at Sonya ay napapasigaw na lang sa pag-aalala sa kanilang anak. Dumating din sina Gibo kasama si Nate nang malaman ang nangyari, lalo na nang malaman sa kapatid na si Nathalie na kasama sa mga na trap sa loob ang kanilang ama.

Hysterical ang lahat dahil sa labis na takot at pangamba na baka hindi na makalabas ng ligtas ang tatlo at ang iba pa na hindi agad nakalabas sa venue nang magka stampede.

“Vince?! Vince?! Nasaan ka?!!!” Sigaw na tawag ni Kaloy habang sinusuong ang init ng paligid at makapal na usok mula sa nasusunog na paaralan.

Bagama’t nilalamon na ng apoy ang paligid, hindi pa ito gaanong nakaabot sa kabilang wing ng gusali kung saan naroon ang comfort room na bukas para sa mga dumalo sa naganap na event. Ngunit dahil sa gawa halos sa light materials ang gusali, may mga bahagi na nito ang unti-unti nang dinidilaan ng apoy lalo na ang mga kisame nito. Palapit na sa comfort room si Kaloy nang matigilan ito dahil nakatawid na sa bahaging iyon ang apoy. Kinabahan na ito nang makita ang nahulog na bahagi ng kisame na humarang sa pintuan ng banyo. Kahit hirap na dahil sa nalalanghap na usok, muling tinawag ni Kaloy ng buong lakas si Vince. Kabado na ito at naiisip na baka na trap sa loob ng banyo ang kasintahan.

May mga naririnig itong mga sigaw na humingi ng tulong, ngunit hindi boses ni Vince ang naririnig. Napapaiyak na sa mga sandaling iyon si Kaloy dahil sa wala na itong maisip na paraan para tingnan ang loob ng banyo. Bagsak na ang bahagi ng kisame roon at nilalamon na ng apoy. Napasigaw na lang si Kaloy sa pangalan ni Vince habang nakatingin sa bahaging iyon.

Unti-unti ng kumakalat ang apoy, at tanging naisip na lang ni Kaloy na iligtas ang sarili. Nawalan na ito ng pag-asa na makikita pa si Vince. Patakbo nitong tinungo ang labasan sa likod ng gusali, nang marinig nito ang boses ni Vince na sumisigaw ng tulong.

Agad iyon hinanap ni Kaloy. Kahit malabo na ang paligid dahil sa usok at hirap nito sa paghinga, hindi nagpatinag si Kaloy na tuntunin ang pinagmulan ng boses ni Vince.

“Lumabas ka na! Iwan mo na ako rito. Sabay lang tayo matutusta rito kung iintindihin mo pa ako. Pakisabi na lang kay Kaloy na mahal ko siya, at ihingi mo na rin ako ng tawad. Ikaw na bahala sa kanya —alagaan mo siya at huwag mo siyang sasaktan.” Ang bilin ni Karl kay Vince habang hawak-hawak siya ng binata.

Sugatan ang braso ni Karl at nasunog ang parte ng likod nito nang mahulugan ito ng bahagi ng kisame na bumigay pagkalabas nito ng banyo. Na-injured din ang kaliwang binti nito nang madapa sa pagmamadali nitong maka alis sa nasusunog na lugar. At sa mga nangyari sa kanya hindi ito pinabayaan ni Vince. Inalalayan nito si Karl at akay-akay niya ito sa paghahanap ng daan palabas. Dahil kasi sa kapal ng usok napunta sila sa ibang daan kung kaya hindi agad sila nakaalis dun. Hirap na rin sila makita ang daan.

“Hindi ka ma-aano. Kaunting galos lang iyan. Kapit ka lang sa akin at makakalabas din tayo. Tsaka sabihin mo iyan ng personal kay Kaloy. Kaya sikapin mong makaligtas. Doon tayo sa banda roon baka may makita tayong daan palabas.—akin na ang braso mo.” Saad ni Vince kay Karl.

Puro usok na ang paligid na halos wala na silang makita. Hirap na rin silang makahinga. Nagpatuloy ang dalawa hanggang sa narinig na nila ang papalapit na boses ni Kaloy. Kahit walang nakikita, mas binilisan ng dalawa ang kilos.

Nang sa wakas natagpuan din sila ni Kaloy.

“Magkasama kayo ni papa?” Gulat na tanong ni Kaloy nang makita si Vince na akay-akay ang amang si Karl.

“Tulungan mo muna ako sa dad mo, may mga sugat siya tsaka may bali yata sa paa.” Tugon ni Vince.

Agad na kinuha ni Kaloy ang isang kamay ni Karl at ipinatong iyon sa kanyang balikat para alalayan ito sa pag lakad. Nasa gitna ng dalawa si Karl na wala nang nasabi sa anak kundi sorry at salamat.

Dahil kabisado ni Kaloy ang mga pasikot-sikot sa gusali na iyon mabilis nilang natunton ang labasan sa likod bago pa tuluyang lamunin ng apoy ang buong gusali. Dinala ni Kaloy ang dalawa sa football ground ng eskuwelahan. Malayo-layo na ang distansya nun sa natutupok na gusali. At sa malapad na damuhan doon lang nakahinga ang tatlo ng ligtas habang pinagmamasdan ang nasusunog na gym at school building. Kasama rin nila sa parteng iyon ng eskuwelahan ang iba pang mga estudyante at guro na matugampay ding nakaligtas mula sa sunog.

Wala ng salita pang namutawi sa tatlo sa mga sandaling iyon. Niyakap na lamang ni Karl ang anak. Habang si Vince nakangiting nakatingin sa mag ama habang naluluha. At sa di inaasahang tagpo, binalingan ito ni Karl ng ngiti, inakbayan…sabay sabing…

“Sorry sa mga nasabi ko, at salamat dahil hindi mo ako iniwan.”

Niyakap ni Vince si Karl na tinanggap naman ng buong kamay ang binata. Napayakap narin sa kanila si Kaloy na sa puntong iyon hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman. Na sa kabila ng masamang pangyayari nagdulot naman iyon ng magandang resulta sa pagitan ng kanyang minamahal na si Vince at sa ama nitong si Karl.

Maya-maya pa ay unti-unti ng naaapula ang sunog. Ngunit tila hindi na mapakinabangan ang kalahati ng gusali. Nagsidatingan na rin ang mga rescue team at paramedics na agad tumugon sa mga nakaligtas. Sa kabutihang palad walang nasawi sa pangyayari. Ngunit marami sa mga estudyante at guro na hindi agad nakalabas ng venue ang nalapnos ang mga balat.

Kanya-kanya namang salubong ang lahat ng makita ang tatlo na papalabas na ng gate ng eskuwelahan. Magkahawak kamay sina Kaloy at Vince habang nakasunod kay  Karl na naka-stretcher.

Napayakap agad na naiiyak si Nate sa ama nang makita niya ito.

“Teka lang ang paso ko sa likod at balikat dahan-dahan lang. Tsaka bakit ka umiiyak?  Buhay pa ang dad. Tama na ang iyak, hindi nakakaguwapo.” Nakangiting tugon ni Karl kay Nate sabay punas ng luha ng anak gamit ang kamay nito.

Lumapit na rin sa mag ama sina Jessica at Nathalie.

Sina Kaloy at Vince naman ay agad nilapitan ng kanilang mga magulang.

“Buti na lang talaga at nakita kami ni Kaloy, kung hindi baka paikot-ikot lang kami dun sa loob. Salamat talaga at hinanap ako ng baby love ko.” Wikang kuwento ni Vince sa mga magulang sabay halik sa kamay ni Kaloy na hawak nito.

“Salamat ng marami sa pagligtas mo kay Vincent, Kaloy. Utang namin ang buhay ng baby namin.” Sabat ni Sonya na mangiyak-ngiyak pa sa nangyari.

“Hay naku buti na lang talaga ligtas kayong dalawa. Kung alam niyo lang ang kaba at nerbiyos namin sa inyo nang malaman naming naroon pa kayo sa loob kanina. Thank you Lord na lang talaga at wala man lang kayong pinsala sa katawan.” Wika naman ni Tess na nanginginig pa rin sa kaba.

Kasunod din ng pangyayaring iyon ay nahuli rin agad ang mga salarin sa utos ni Gab at sa tulong ng mga kapulisan at mga residente sa paligid ng Bayag-bayagan. Napag-alaman na mga dating kick out student ng mismong paaralan ang may kagagawan ng panununog. At mga kagrupo dati ni Dax.

Tumugon naman sina Seth, Herman at Karl ng tulong pinansyal at medical para sa mga nasaktan sa insidente. Umayuda na rin ng tulong si Gab para sa agarang rehabilitasyon at pagsasaayos ng eskuwelahan.

Mala-empiyerno man ang kinalabasan ng event, para kay Kaloy may idinulot itong langit para sa kanya. Lalo na nang marinig nito sa ama na hindi na ito kontra sa relasyon nila ni Vince. Maging ang pag-aayos ng ama nito sa kapatid niyang si Nate. Para kay Kaloy, iyon na ang pinakamagandang regalo na dumating sa kanya para sa paskong iyon.

Ilang araw makalipas ang pangyayari, mabilis na umusad ang mga araw para kina Kaloy; Bisperas, isang araw bago ang pasko. Abala na sila Tess at Stella sa paghahanda para sa okasyon mamayang gabi. Nasa kusina ang dalawa na nangunguna sa mga kasambahay na naghahanda ng mga lulutuin.

“Nabanggit ba sa iyo ni Gibo kung saan sila pupunta ni Kaloy mamaya?” Tanong ni Tess sa kaibigang si Stella.

“Bakit hindi ba nagpaalam sa iyo si Kaloy? Nasabi kasi ni Gibo sa akin na inimbitahan daw sila ni Karl sa reunion nila mamaya.” Sagot ni Stella.

“Reunion? Ibig sabihin hindi pala sila sasalo sa atin sa pagsalubong mamaya ng pasko? —Hindi man lang nasabi sa akin ni Kaloy iyon ah. Akala ko dito sila lahat mamaya.” Ani pa ni Tess.

“Baka sasaglit lang ang mga iyon dun. Kaya naman siguro hindi sa’yo nagpaalam si Kaloy dahil baka akala niya hindi kayo papayag ni Karding. Eh alam mo naman iyon ayaw nun na sumama ang loob niyo sa kanya.” Tugon ni Stella.

“Siguro nga,—teka dumating na ba ang mga kaibigan ni Kaloy? Ebyang, pakisabi nga kina Paquito at Burnok na ilabas na ang mahabang lamesa, tsaka lagyan na ng mga yelo ang malaking cooler.” Wika ni Tess, sabay utos sa kasambahay nito.

“Hindi na talaga nahiwalay sa inyo sina Paquito at Burnok. Kung noon, simpleng handaan lang ang pinagsasaluhan natin doon sa Ilang tuwing pasko, ngayon grande na. Tapos upgraded na rin ang mga niluluto natin.” Napangiting sabi ni Stella.

Masayang sinariwa ng dalawa ang kanilang nakaraan noong naroon pa lang sila sa kinalakihan nilang baryo. Noong mga panahong maliit pa lang ang kanilang mga anak. Sa bilis ng mga sandaling lumipas, malaki na talaga ang mga nagbago sa kanilang buhay. Naputol lang ang usapan ng dalawa nang pumasok ang kasambahay nitong si Ebyang. Sinabi nito kay Tess ang pagdating ng kanilang bisita. Agad namang pinuntahan ni Tess ang bisita nitong si Mayang, na bakas sa mukha ang pag aalangan at pagkahiya dulot ng mga nakaraang nangyari noong kaarawan ni Karding.

“Naku ano ka ba mare, kalimutan mo na ang nangyari. Sandali, nasaan ba si Jasper, bakit ikaw lang?” Tanong ni Tess.

“Nakipaghiwalay na ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi parang laro-laro na lang ang relasyon namin. Nakakasawa na rin kasi ang ganun. Nais ko na rin kasi magkaroon ng totoong pamilya. Iyong katulad sa inyo ni Karding.” Sagot ni Mayang na pangiti-ngiti pa, pero kita sa mga mata nito ang lungkot.

“Tampong pururot lang iyan. Sayang naman ang pagsasama niyong dalawa kung mababalewala lang. Buhay binata lang iyong si Jasper pero sigurado ako na mahal na mahal ka nun. At huwag mo mamadaliin ang magkaroon ng ganitong pamilya,—darating din sa inyo iyan. Sa takdang panahon. Naku, magpapasko na,—tama na muna ang lungkot-lungkutan ngayon. Dito ka na mag-pasko mamaya, halika doon sa kusina, samahan mo kami ni Stella sa pagluluto.” Ani ni Tess.

Niyakap ni Mayang si Tess tsaka ito sumama sa kanya sa kusina.

Kasalukuyan namang abala sa pamimili ng mga pangregalo sa isang malaking mall ang mag-asawang Herman at Sonya nang makasalubong nila si Jasper na may inaakbayang binata. Natigilan si Jasper nang makita ang mag-asawa. Tila umurong ang ngiti nito nang kinamusta ito  ni Herman.

“Kamusta pare, ang tagal din nating di nagkita ah. Ay teka, iho diba kaibigan ka nila Kaloy at Vince? Magkakilala pala kayo nito.” Wika ni Herman na gumawad ng sarkastikong ngiti kay Jasper nang tumingin ito kay Zyone.

Naiilang na napangiti kay Herman ang binata. Marahan na tumango ito bilang tugon kay Herman. Inagaw naman ni Jasper ang atensiyon ni Herman. Patawa-tawa itong tinapik-tapik ang balikat ng lalake.

“Kuwan, magkakilala nga kami rito. Naroon kasi ito nung kaarawan ng ama ni Kaloy. Ito nga at nagpasama ako sa kanya para ibili ng mga regalo sina Kaloy, pati na rin si Vince. Medyo rush na nga eh hirap kasi ako mag-isip ng pangregalo. Buti at tinulungan ako ni Zy.” Tugon ni Jasper.

“Naku parehas tayo. Kami man ni Herman nahihirapan sa paghahanap ng pagreregalo. Iilan pa nga lang itong mga napamili namin.” Sabat ni Sonya.

“Sige Herman, Sonya mauna na kami ni Zy. May bibilhin pa kami sa banda roon. Merry Christmas na lang sa inyo.” Sambit ni Jasper, nagmamadali na ito.

“Teka pare, doon ka ba magpapasko kina Ric?” Biglang tanong ni Herman.

Tumugon ng tango si Jasper. Muli itong nagpaalam sa dalawa. Napaismid naman si Herman habang nakatingin sa dalawa na papalayo sa kanila. Napansin iyon ni Sonya, kaya pinuna nito ang reaksyon ni Herman. Pailing-iling pa si Herman na hindi pa napawi sa mukha ang sarkastikong ngiti nito.

“Ano ba ang nangyari sa iyo, bakit ganyan ka makatingin kay Jasper?”

“Wala, iniisip ko lang kung ano pa ang ipang-reregalo natin sa mga bata. Halika doon tayo sa Gucci.” Sagot ng asawa.

Iba ang tumatakbo sa isip nun ni Herman nang makita nito si Jasper. Lalo na nang mapansin nito ang paraan ng pag akbay ng lalake sa binatang kasama. Kolehiyo pa lang kilalang kilala na ni Herman si Jasper. Mas nakilala pa niya ang lalake dahil kay Seth. Si Jasper naman hindi mapakali sa paligid. Palinga-linga pa ito habang naglalakad kasama si Zyone.

“Kakilala mo pala ang dad ni Vince.” Sambit ni Zyone para basagin ang pananahimik ni Jasper.

“Close ba kayo nun?” Tanong ni Jasper na may bigat ang boses.

“Hindi naman, pero nagkakilala na kami dati pa nung pumunta ako minsan kina Vince. Tsaka sa Christmas event nu’ng nakaraan. Bakit ba?”

“Wala, sige na ibili na rin natin sina Kaloy at Vince. Ikaw na ang pumili ng mga sapatos, alam mo naman siguro ang mga tipo nila sa sapatos at sukat nila. Hay naku, napasubo pa tuloy ako sa pagbili ng mga regalo.”

Napangisi na lang ng lihim si Zyone. Kinutuban ito na may kung ano sa reaksyon ni Jasper nang makita ang mag-asawa lalo na si Herman.

Diretso naman sina Nathalie at Karl sa venue na hinanda ng ama para sa surpresa na niluluto nito para sa asawa. Bungad pa lang ng lugar, ramdam na ang espesyal na sandali sa ere. Naroon na rin ang ilan sa mga kamaganak nila Karl at Jessica. Maging ang mga pinsan nila Nathalie ay nakapag check in na rin sa mga villa na pina reserve ni Karl.

“Dad, excited na ako sa magiging reaksyon ni mommy mamaya. So paano ito dad, susunduin mo pa ba si mommy later?” Tanong ni Nathalie.

“Si kuya Lyndon mo na ang susundo sa inyo later. Ikaw na ang bahala sa mommy mo. Make sure lang na hindi ka mahahalata.”

“Paano kung hahanapin ka niya sa akin? Nag i-expect pa naman iyon na sabay kayo na pupunta rito.” Wika ng anak.

“Eh ikaw na ang bahalang dumiskarte. Ang kuya mo nga pala, —remind mo na dapat present din siya mamaya. Gusto ko buo tayo.” Napangiting tugon ni Karl.

Napayakap ng mahigpit si Nathalie sa ama. Labis-labis ang kaligayahan nito habang ini-imagine ang mga mangyayari mamaya. Sa mga sandaling iyon naman sa magkahiwalay na lugar, kasama ang mga kapareha masaya at abala sina Kaloy at Nate na namimili ng mga pangregalo sa kabila ng rush hour.

“Baby akin kaya sa dalawang ito ang magugustuhan ni Nanay Tess, itong mint gree o itong Sharmaine?” Tanong ni Vince kay Kaloy habang pinapakita sa kasintahan ang hawak nitong branded na bag.

“Hindi naman masilan sa regalo si Nanay,—kahit alin naman diyan basta galing sa iyo sure ako na magugustuhan niya. Eh ito para sa mommy mo, alin dito ang taste niya?” Tugon ni Kaloy na namimili rin ng bag.

“Marami ng bag si mommy, baby. Sa tingin ko magugustuhan nun ang mga scarf o shawl.” Sabat ni Vince.

“Eh para sa dad mo, ano ba ang magandang pang regalo baby?” Tanong muli ni Kaloy kay Vince.

“Kahit ano na lang baby, di ko rin kasi alam kung ano ang magugustuhan nun eh. Eh kay tatay Karding kaya?”

“Hindi ko rin alam baby. Wala nga din ako maisip na ibibigay kay papa eh.”

“So, sure ka na talaga na pupunta sa reunion nila ng papa mo?” Sambit na tanong ni Vince kay Kaloy.

“Ayaw ko sana, kaso nakiusap si papa.”

“Nasabi mo ba ito kina nanay?”

“Hindi nga eh, baka kasi hindi iyon papayag. Sasaglit lang naman tayo kina papa tapos balik din tayo ng bahay.” Ani ni Kaloy.

Ganun din ang pinag-uusapan nila ni Nate at Gibo sa kanilang pamimili. Kung si Nate ay handang-handa ng ipakilala si Gibo sa pamilya nito, nag-aalangan naman si Gibo. May pagdadalawang isip ito, hindi dahil sa kaba kundi sa pangamba na baka hindi agad matanggap ng pamilya ni Nate ang tungkol sa kanila.

“Di kaya masira lang natin ang kasiyahan mamaya. Alam mo na, family moment niyo iyon tapos eeksena tayo. Isa pa kakabati niyo lang ng dad mo. Baka puwede sa ibang araw na lang natin gagawin ito?” Wika ni Gibo.

“Alam mo, naisip ko rin iyan. Pero hanggang kelan natin itatago ang tungkol sa atin sa kanila? Pero mas natatakot ako na baka sa iba pa malaman nila dad ang tungkol sa atin. Alam mo naman na mas marami pa ang marites sa social media ngayon. Lalo na at kilala ka na rin na anak ng mayor.” Tugon ni Nate.

“Wala naman akong paki sa mga sasabihin ng mga tao. Ayos na sa akin na tanggap ako ni papa at mama. Ang inaalala ko ikaw. Diba nga isyu talaga sa inyong mga chinoy ang filial piety? Lalo na sa negosyo, kaya nga diba galit ang dad mo sa mga bakla.” Ani ni Gibo.

“After nung sunog, nang makita ko sina dad at Kaloy, feel ko naging bukas na si dad. Pero tama ka baka hindi ito ang tamang sandali para sa atin.” Sabat ni Nate.

“Wag ka mag-alala mahal, darating din tayo diyan. Sa ngayon ibigay mo na lang muna sa pamilya mo ang araw na ito. Lalo na sa mommy at dad mo. Ang mahalaga ngayon okay na kayo ng dad mo. Tsaka nagmamahalan tayo.” Saad pa ni Gibo.

Sumapit ang gabi at handa na ang lahat para sa pinaka espesyal na sandali. Maingay na sa kanila ni Kaloy dahil sa malakas na speaker na senit-up ni Burnok at Paquito sa labas. Naroon na rin si Evan na kasama pa si Dax. Isa-isa na rin nilalabas ng mga kasambahay ang mga putahe sa mahabang lamesa na nasa garden area. Nag kakantahan ang apat nang dumating sina Kaloy at Vince.

“Merry Christmas sa inyo pare, enjoy lang kayo rito at iaakyat lang namin ni Vince itong mga dala namin.” Pagbati ni Kaloy kina Dax at Evan.

Napayakap naman si Evan kay Kaloy bilang tugon sa pagbati ng kaibigan. Amoy na sa hininga ng lalake na nakainom na ito. Maging si Vince ay niyakap din ni Evan. Nakangisi pa itong tinawag si Dax para makiyakap din sa dalawa. Game naman na napayakap sina Kaloy at Vince. Hanggang sa sumali na rin sa yakapan sina Burnok at Paquito.

“Grabeh ang aga niyo ah,—baka mamaya niyan wala pa ang noche buena tulog na kayong lahat sa kalasingan. Uy Burnok pare, hinay-hinay lang kayo mahaba pa ang gabi. Siya nga pala, wala pa ba sina nanay?” Wika ni Kaloy.

“Hindi pa sila nakauwi, sabi ni Tay Karding dadaan pa raw sila ng simbahan. Kayo na tol, aalis pa ba kayo ni Vince?” Sabat ni Paquito.

“Sasaglit lang kami, pero babalik din kami agad. Sige magsaya lang kayo at aakyat muna kami sa silid ni Vince.” Ani ni Kaloy.

“Sus, kuha na namin kayong dalawa. Mamaya na kayo magpa fireworks na dalawa samahan niyo muna kami rito kahit sandali lang.” Pabirong hirit ni Evan sa dalawa.

“Ewan ko sa iyo. Ikanta mo na lang iyan diyan. Mamaya na kami ni Vince sasali sa inyo.” Sambit pa ni Kaloy tsaka ito umakyat na sa kanilang silid kasunod si Vince.

Sinakyan naman ni Vince ang hirit na iyon sa kanila ni Evan. Binulungan nito si Kaloy habang paakyat ang mga ito sa hagdan.

“Ano sa iyo kung gawin natin ang sabi ni Evan? Baka kasi lasing na tayo mamaya at hindi na natin masabayan ang fireworks.”

“Baliw ka, pasko ngayon ipunin mo muna iyan sa new year para malakas ang putok. Tsaka may pupuntahan pa tayo.” Nakangiting sagot ni Kaloy kay Vince.

“Quicky lang tayo baby.” Pangungulit pa ni Vince kay Kaloy habang kinikiliti nito ng halik sa leeg ang nobyo.

“Wag ngayon baby. Sa new year, magsawa tayo. Sa ngayon pass muna.” Tugon ni Kaloy.

Puno ng pagmamahalan at paguunawaan ang sandaling iyon, —hindi lamang dahil sa okasyon kundi sa mga pusong pinagdugtong ng iisang tema at kulay. Para sa dalawa, Kaloy at Vince ang presensya ng bawat isa ay sapat na para bigyan ng halaga ang bawat sandali na magkasama sila. Matapos magbihis, muli silang umalis ni Vince para pumunta sa imbitasyon ng amang si Karl.

Hindi na inabutan ng mag asawa ang anak nang umuwi ang mga ito.

“Sorry nay, hindi na ako nakapagpaalam ng personal sa inyo ni tatay. Akala ko kasi hindi niyo ako papayagan.” Tugon ni Kaloy kay Tess mula sa kabilang linya.

“Ngayon mo lang nakakasama ang ama mo. Kaya naiintindihan kita. Ang sa akin lang naman sana sinabihan mo kami. Kung hindi pa nabanggit ng tita Stella mo hindi ko pa alam. Bibigyan mo pa kami ng alalahanin ng tatay mo.” Wika ng ina.

“Sorry na nay, promise sasaglit lang naman kami ni Vince dun tapos uwi na kami.”

“Sige, siguraduhin niyo lang na hindi muna kayo maglalasing na dalawa. Paki sabi na lang ng pagbati sa papa mo tsaka kina Jessica. Mag ingat kayo ni Vince sa biyahe.”

“Nay, safe na safe sa akin si Kaloy. Love you nay!” Pagsingit na sabi pa ni Vince sa usapan ng mag-ina.

Napailing na lang si Tess. May pag-alala man, wala na rin itong nagawa sa naging desisyon ng anak.

Papunta na rin ng mga sandaling iyon sa resort sina Jessica at Nathalie sakay sa kotse ni Lyndon kasama si Travis. Sa kabilang banda, naghahanda na rin sina Gibo at Nate para dumalo sa reunion.

“Tumawag na ang service na na-book natin, in five minutes daw nasa baba na siya ng condo.” Wika ni Gibo.

“Tulungan mo na lang ako sa mga dadalhin natin. Patapos na rin ako.”

“Masaya ako sa iyo mahal.” Sambit ni Gibo sabay yakap kay Nate.

“Dahil ito sa iyo mahal. Malaking bahagi ka ng kaligayahan ko ngayon. Ikaw ang lucky charm ko. I love you.” Tugon ni Nate sabay gawad ng halik sa labi ni Gibo.

Tulad ni Kaloy, para kay Nate ang araw na iyon ay isa na yata sa masayang pasko na dumating sa kanya. Kasiyahan na sa akala niya hindi na niya mararanasan matapos ang tampuhan nila ng ama.

Alas siyete na ng gabi nang halos sabay na dumating sa resort ang kotse nila Kaloy at kotse na sinasakyan nila ni Jessica. Laking pagtataka ni Nathalie nang makita ang pagbaba nina Kaloy at Vince sa kotse. Nagulat din si Jessica nang makita ang dalawa ngunit kinutuban na ito sa presensiya ni Kaloy. Napataas naman ang kilay ni Vince nang makita si Travis na nakangisi sa kanila nang pababa ito ng kanilang kotse.

“Hi tita good evening, Nathalie kamusta?” Pagbati ni Kaloy kina Jessica nang lumapit ito.

Nakibeso si Kaloy at Vince kay Jessica.

“Jane, ikaw na bahala kina Kaloy pupuntahan ko lang ang mga tita at tito mo. Lyndon—Travis, halina kayong dalawa.”

“Susunod na ako tita, dito na muna ako.” Sabat ni Travis sabay baling ng kindat kay Vince.

Napakagat naman ng labi si Vince sa pang-iinis ni Travis. Hindi ito nagpahalata kay Kaloy na sa mga sandaling iyon ay kausap si Nathalie.

“Hindi ko akalain na invited ka rin pala ni dad sa pa-surpresa niya kay mommy. Sure ako na matutuwa rin si kuya pag nakita niya kayong dalawa.” Wika ni Nathalie.

“Sa totoo lang nagdadalawang isip din ako nung inimbitahan ako ni pa…ibig kong sabihin ng dad mo.” Ang kamuntikan ng madulas na sagot ni Kaloy.

“Naku, always welcome kayo ni Vince sa family namin. Lalo na nung ni-rescue niyo si dad sa sunog. Dahil dun mas lalo lang namin kayo nagustuhan. Lalo ka na. Kung alam mo lang na unang kita ko pa lang sa iyo, nasabi ko talaga sa sarili ko na magkamukha kayo ni kuya. Tapos may minsan pa, —na nasabi ko kay mommy na may anggulo ka rin ni dad. Sumagi na nga sa isip ko na sana ikaw na lang iyong nawawala kong kuya eh. Makuwento ko lang,—tutal close naman tayo. Si dad kasi ay may naiwang anak sa unang girlfriend niya noon. Sabi ni mommy halos ka age lang siya ngayon ni kuya Nate. Hanggang ngayon nagbabakasakali parin si dad na makita iyong ex niya tsaka iyong naiwan nito sa kanya. At secret lang iyon, kasi hindi pa yata alam ni kuya ang past ni dad.” Ang biglang kuwento ni Nathalie kay Kaloy habang naglalakad ang dalawa papunta sa cabana na malapit sa pool area ng resort.

“Sa tingin mo ayos lang kay Nate na may kapatid siya sa labas?” Tanong ni Kaloy.

“Feel ko naman okay lang sa kanya. Open minded si kuya, —tsaka ang OA naman niya kung hindi niya matanggap. Ako nga excited na makilala kung sino ang bro o sis ko noh. Pero malakas ang gut feeling ko na lalake ang anak ni dad sa ex niya.—Ewan ko pero pakiramdam ko nga na met ko na iyon eh. Malakas kasi ang intuition power ko.” Ani pa ni Nathalie.

“May sa manghuhula ka pala.” Ang natawang reaksyon ni Kaloy. “Sandali nakalimutan ko si Vince, hindi man lang ako nakapagpaalam, nauna na talaga ako sa kanya.” Sambit ni Kaloy nang mapansin na naiwan na pala nito si Vince sa pinang parkingan nila ng kotse.

“Nandoon naman si Travis. Sure ako na na-miss din ng dalawa ang isa’t isa.” Tugon ni Nathalie.

“So matagal na pala talaga silang magkakilala.” Sabi ni Kaloy nang mapabaling ang tingin nito kina Vince at Travis na tila seryosong nag-uusap.

Tinapik ni Nathalie ang braso ni Kaloy nang mapansin nito ang pagtabang ng reaksyon ng lalake habang nakatingin sa puwesto nina Vince at Travis.

“Hay naku huwag ka magselos sa pinsan ko. Hindi iyan patola sa mga bakla noh. Sobrang homophobic kaya niyan. Close lang talaga sila ni Vince dati pa. Actually silang tatlo ni Kuya Nate ang magbabarkada noon. Kung di lang pasaway iyang pinsan namin, siguro nandoon pa rin iyan sa Victor. Tigas din kasi ng ulo at loko-loko kaya pinatapon ni tito sa eskuwelahan niyo. Buti nga at napagtiyagaan pa ng eskuwelahan niyo ang ugali niyan eh.” Kuwento ni Nathalie.

“Kaya naman pala mahangin iyan dun. Buti at hindi kayo nahawa sa ugali niya. Pasensya na ha, pero hindi talaga swak sa akin ang kayabangan ng pinsan mong iyan.”

“Kuha naman kita. Tsaka hindi lang naman ikaw ang naaasar diyan.—punta tayo dun, pakilala kita sa mga pinsan ko.” Saad naman ni Nathalie.

Muling binalingan ng sulyap ni Kaloy sina Vince bago ito sumama kay Nathalie. Nagpipigil naman ng inis si Vince habang kaharap si Travis na kanina nagpapahaging ng makahulugang hirit sa kanya. Nang makita nito na wala na sina Kaloy at Nathalie sa kaniyang paningin, pinatulan na nito ang pang-aasar ni Travis.

“Puwede ba kung wala kang ibang sasabihing matino ay lubayan mo na kami.” Wika ni Vince.

“Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Totoo naman ah, —hindi mo ba talaga na miss iyong mga ginagawa natin dati? Kung hindi lang talaga ako nailipat ng eskuwelahan noon, siguro tayo parin hanggang ngayon.” Tugon ni Travis.

“Asa ka naman na matatagalan kita. Kung alam mo lang na labis ang tuwa ko nang mawala ka noon sa Victor.—Sa wakas nakalaya rin ako sa pang ba-blackmail mo. Hayop ka.” Napaismid na sabat ni Vince.

“Pero hindi mo maitatanggi na ako ang nakafirst-time sa iyo.” Ang nakangising sabi ni Travis.

“Ano ba talaga ang gusto mo? Ha?!”

Tinulak-tulak ni Vince sa dibdib si Travis. Salubong ang kilay nito sa galit. Ngunit pangiti-ngiti lang si Travis sabay kagat-labi pa na tinititigan ng may pang-aakit kay Vince. Sa pikon ni Vince hinatak nito ang damit ni Travis at akmang sasapakin sana ito. Ngunit nagulat si Vince sa mabilis na naging tugon ni Travis, —dinakmaan nito ng mabilis na halik sa labi si Vince. Naitulak siya ni Vince at napaatras naman ang huli.

“Ang tamis pa rin pala ng bibig mo. Pero,—mas matamis pa din ang iyong ano ko.”  Kagat-labing sabi ni Travis sabay himas sa umbok nito sa harapan.

Dahil sa tila maliit na kumosyon sa pagitan ng dalawa, nakakuha iyon ng atensyon ng staff ng resort kaya lumapit ito sa kanila.

“Pasensya na ho, nagbibiruan lang kami  nito. Diba pare?” Wika ni Travis sabay suntok ng mahina sa balikat ni Vince.

Tumango-tango naman si Vince dahil ayaw din nitong lumikha ng gulo. Sa paglapit ng staff ng resort sa kanila, nakakuha naman ng tiyempo si Vince na iwan si Travis. Pinuntahan nito si Kaloy na sa mga sandaling iyon ay nakikipagkuwentuhan sa mga pinsan ni Nathalie na galing abroad.

Dumating na rin sina Gibo at Nate sa resort. Nagtaka si Nate nang makita roon sina Vince at Kaloy. Ngunit ikinatuwa niya ito. Nang naroon na ang lahat, nagsimula na ang pa-surpresa ni Karl. Kinabigla naman ni Jessica nang tumayo ang inakalang bisita lang ng mga pamangkin nito na isa pa lang host na inimbitahan ni Karl. Palinga-linga pa si Jessica ng hindi pa rin nito nakita ang asawang si Karl.

Nang magsimula nang humudyat ang host para sa main part ng event,—tumogtog ang pamilyar na kanta kay Jessica. Kanya iyon nung kasal nila ni Karl. Kasunod nun ang paglabas ni Karl na may dalang bulaklak. Napahagulgol na nun si Jessica nang lumuhod sa harapan nito ang asawa sabay abot nito ng hawak na singsing.

“Will you marry me for the next time?” Tanong ni Karl kay Jessica.

“I do”

Nabingi ng palakpakan at sigawan ng kilig at tuwa ang buong pavillion nang nagyakapan at naghalikan sa harapan ng lahat ang mag-asawa. Lumapit na din sa dalawa sina Nate at Nathalie tsaka nakiyakap sa mga magulang. Kasabay nun ang pagsabog ng mga hinandang pa fireworks ni Karl sa dalampasigan.

Dahil sa nasaksihang tagpo, maging sina Vince at Kaloy ay napayakap na rin sa isa’t isa. Humirit pa ng biro si Vince.

“Baby love, will you marry me for the rest of your life?” Wika ni Vince nang ni nose to nose nito si Kaloy.

“I do baby love.” Tugon ni Kaloy nang napangiti kay Vince sabay gawad dito ng marubdob na halik sa labi ng kapareha.

Sa kasiyahan ng lahat, sabay na kumalansing ang ingay ng mga baso na sabay-sabay tinatapik ng kubyertos ng lahat. At bago pa humupa ang kasiyahan, —lumapit sa host si Karl tsaka hiniram ang hawak nitong mic. Tumahimik saglit ang lahat at umayos ng upo para pakinggan ang sasabihin ni Karl. Nagulat na lang sina Nathalie at Nate nang tinawag ng ama si Kaloy palapit sa kanila. Nahihiya pang naglakad si Kaloy papunta sa apat.

Kinabig naman agad ni Jessica si Kaloy ng tumabi na sa kanila ang binata.

Hindi na pinatagal ni Karl ang sasabihin nito sa lahat. Inihayag nito ang isang sekreto na ngayon lang malalantad.

“Nais kong ipakilala sa inyong lahat ang isa ko pang anak na nawalay sa akin ng ilang taon.  Gusto kong makilala niyo si Carlo, ang isa ko pang anak.”

Gulat na nagkatinginan si Nathalie at Nate sa sinabi ng ama. Sinigundahan naman ni Jessica ang sinabi ng asawa. Ikinatuwa naman ni Nathalie na tama ang kutob nito noon pa man. Malugod nitong tinanggap at niyakap si Kaloy bilang kapatid. Agad niya rin itong tinawag na kuya. Samantala tila natigilan naman si Nate sa narinig. Nagkatitigan sila ni Kaloy, bakas ang pagkailang sa dalawa. Humakbang palapit kay Nate si Kaloy sabay gawad ng ngiti. Tumugon din ng ngiti sa kanya si Nate tsaka bigla nitong niyakap ng mahigpit si Kaloy.

“Welcome to the family pare. I mean bro.” Ang tugon na sabi ni Nate kay Kaloy.

“Salamat bro.” Sabat din ni Kaloy na mas hinigpitan pa ang yakap kay Nate.

Malugod namang tinanggap ng mga kaanak ang pagiging parte ni Kaloy sa pamilya Lim. Labis ang tuwa ni Jessica sa naging tugon ng mga anak kay Kaloy. Masaya rin ito dahil hindi rin naging mahirap para sa mga kaanak nila ang pagtanggap sa binata. Lumapit si Jessica sa puwesto ni Gibo.

“Ayos ka lang ba?” Tanong nito kay Gibo.

“Ayos lang ako dito tita. Siya nga pala masaya ako sa inyo ni tito Karl.“sagot ni Gibo na pangiti-ngiti pa.

“Bakit hindi mo lapitan sina Nate?”

“Dito lang muna ako tita, mukhang ninanamnam pa nila ni Kaloy ang isa’t isa eh. Nakakahiya naman kung eeksena ako sa family moment niyo.”

“Parte ka rin naman ng pamilya ah. Kaya sige lang puntahan mo na sila. Si Vince nandu’n na oh.” Ani pa ni Jessica.

Patango-tango naman si Gibo nang tumayo sa kinauupuan nito tsaka humakbang papunta kina Nate. Nilapitan naman ni Karl si Jessica at niyakap ang asawa. Napabuntong hininga si Jessica na tumingin kay Karl. Tumugon naman ng halik sa noo ng babae si Karl.

“Nasabi na ba ni Nate sa iyo ang tungkol sa kanila ni Gibo?” Tanong ni Jessica kay Karl.

“Hindi pa, at huwag na muna natin pilitin ang bata. Hayaan na lang natin siya kung kelan siya handa.” Tugon pa ni Karl na gumawad ng ngiti sa asawa.

“Salamat at binuksan mo ang puso mo sa mga tulad nila. Lalo na sa anak mo.” Wika ni Jessica nang hinaplos ang pisngi ng asawa.

“Sa totoo lang mabigat sa damdamin na tanggapin na ganito ang nangyari sa mga anak ko. Pero mga anak ko sila, at mas kailangan nila ang pang-uunawa ng isang ama. Hindi ko man kayang baguhin ang kanilang pagkatao, alam ko na kaya ko silang gabayan. Mga bata parin sila at masyado pang mapupusok sa mga desisyon nila sa buhay. Kaya,—kailangan parin nila ng alalay mula sa atin.” Ayon pa kay Karl.

Masayang pinagmamasdan ng dalawa ang mga anak. Hindi man makapaniwala sa nalaman, laking tuwa naman ni Nate na kapatid pala nito si Kaloy.

“Kelan mo balak na sabihin kay papa ang tungkol sa inyo ni Gibo?” Tanong ni Kaloy kay Nate.

“Hahanap muna ako ng tamang timing. Parang kinakabayo pa itong dibdib ko.—sa totoo lang balak ko sana ngayon eh kaso, —mukhang mas highlight ang nalaman ko na magkapatid pala tayo.” Sagot ni Nate.

“Pasensya na at hindi ko naamin noon sa iyo nang nalaman ko ang lahat. Nakiusap kasi si papa na siya na lang daw ang magsasabi sa inyo.”

“Walang kaso iyon tol, ang mahalaga kapatid kita. Pero paano pala kung natuloy tayo noon bago pa natin nalaman ang totoo? Buti na lang talaga at hindi nangyari.” Ang natatawang sabi ni Nate.

“Oo nga eh. Grabeh talaga kung maglaro ang tadhana. Biro mo, may dahilan pala kung bakit pinagtagpo tayong lahat. Sa dinami-dami ng tao, sino ang mag-aakalang kapatid pala kita.” Ani ni Kaloy.

“At sino ang mag aalala na ang pinagseselosan ko noon kay Vince ay kapatid ko pala. Kung hindi dumating sa buhay ko si Gibo sa malamang magkaribal pa rin tayo kay Vince.” Sabat pa ni Nate na nagpahinto ng ngiti ni Kaloy.

Napasulyap muli si Kaloy kina Vince at Gibo na nag-uusap. May kung anong na kanti sa loob ni Kaloy nang marinig ang sinabi sa kanya ni Nate. Maya-maya pa ay nilapitan sila ni Karl at dinala sa harapan ng mga tito ni Nate. Nagtaka man, sumama na rin sina Nate at Kaloy sa kanilang ama.

At doon sa harapan ng mga kamaganak, habang inaakbayan ang mga anak, muling ipinakilala ni Karl sa lahat ang mga lalake niyang anak.

“Masaya ako na mayroon akong dalawang poging mga anak na lalake. Bukod sa matatalino ay mababait pa. Kahit may kaunting sablay,—pero alam naman natin na parte lang iyon ng journey nila bilang mga binata. At kahit ano pa ang tingin ng mga tao sa kanila, hindi na iyon mahalaga sa akin. Tanggap ko sila at mahal ko sila.—kaya sana maging bukas na tayo na tanggapin ang kanilang napiling desisyon sa buhay.” Wika ni Karl sa lahat.

Tumugon naman ng palakpakan ang mga tito at tita nila ni Nate. Isa-isa rin na  nagsitayuan ang mga iyon para yakapin sina Nate at Kaloy. Nang sumali sa yakapan si Travis. Una nitong niyakap si Nate sabay bulong dito.

“Insan hindi ko akalaing nahawa ka na rin pala kay Vince. Duda na tuloy ako sa madalas na sleep over noon ng isang iyon sa inyo. Anyway masaya ako sa inyo ni Kaloy.” Ang nakangising sabi ni Travis kay Nate tsaka nito binalingan si Kaloy.

Napakunot ng noo si Nate sa bulong na iyon ng pinsan. Pakiwari nito may laman ang sinabi sa kanya ni Travis. Iba rin kasi ang mga titig nito sa kanya.

Nang magkanya-kanya na ng puwesto ang lahat, nilapitan na ni Nate ang ama. Sinalubong naman siya ni Karl ng ngiti, alam na ni Karl ang sadya ng anak. At bago pa ibuka ni Nate ang bibig nito,—nagsalita na si Karl.

“Alam ko na ang tungkol sa inyo ni Gibo, at huwag ka magalala, hindi ako galit—hindi ako tutol. Ang sa akin lang, sana hindi ito maging dahilan para mapabayaan mo ang pag-aaral niyo. Masyado pa kayong bata para pasukin ang relasyon. Pero hindi ko naman kayo mapipigilan. Naiintindihan ko kayo at kung may paghihigpit man ako, sana maintindihan mo rin ako. Mahal kita Nate, mahal ko kayo ni Jane. At kung saan kayo masaya,—suportado ko kayo.” Saad ni Karl kay Nate.

Wala nang nasabi pa si Nate sa narinig sa ama. Napayakap na lamang ito at napaiyak habang paulit-ulit na binabanggit ang salitang “salamat”.

Bago pa sumapit ang oras ng noche buena ay nagpaalam na sina Kaloy at Vince kina Karl at Jessica. Nag-iwan muna ang dalawa ng mg regalo para sa apat bago sila umalis. Nagmamadali ang dalawa para makahabol sa selebrasyon ng pasko kina Kaloy. Lalo na at nandoon na kina Kaloy ang mommy at daddy ni Vince.

Ngunit dahil rush hour na at marami na rin ang nagmamadaling makauwi, gitgitan ang bigat ng traffic.

“Mukhang dito na yata tayo aabutin ng pasko sa daan baby love, mag aalas onse na nasa kalye pa rin tayo.” Sambit ni Vince habang hanalik-halikan ang kamay ni Kaloy na hawak nito.

“Ayos lang sa akin kung saan man tayo abutin ng pasko, mahalaga magkasama tayo baby love.” Ang nakangiting tugon ni Kaloy kay Vince na hinalikan din ang kamay nito.

At bago pa nga sumamit ang alas dose ay nakarating din ang dalawa sa kanila ni Kaloy. Wala ng pagsidlan pa ng tuwa at saya nang makita na kumpleto ang kanilang mga pamilya na naroon. Humabol pa sa kasiyahan si Seth kasama si Jasper.

Biglang umurong ng ngiti sa mukha ni Karding nang makita nito si Jasper na bumaba sa kotse ni Seth. Maging si Mayang ay nagulat sa presensiya ng asawa. Pigil ang galit ni Karding na pumasok ng bahay. Sinundan naman ito ni Tess para pakalmahin at kausapin.

“Pasko naman ngayon, palipasin mo na ang galit mo sa kanya. Sayang naman ang mga pinagsamahan niyong magkumpare kung itatapon niyo na lang sa kaunting di pagkakaunawaan.” Wika ni Tess.

“Hindi mo kilala ang gagong iyan. Pero sige alang-alang sa gabi na ito. Ayoko rin namang masira ang kasiyahan ng lahat dahil lang sa kanya. —Pero huwag mo akong aasahan na makipagusap sa kanya. Sa rooftop lang ako, magpapalamig ng ulo. “ Ani ni Karding sa asawa.

“Okay pero huwag ka magtagal dun, baka hanapin ka ng anak mo.”

Tumango si Karding tsaka ito umakyat ng hagdan. Lumabas muli si Tess para makihalubilo sa mga bisita. Inabutan nito si Jasper na nag-aabot ng mga regalo sa lahat. Napabaling sa kanya si Jasper.

“Mare ito para sa iyo. Pagpasensiyahan mo na at iyan lang ang nabali ko sa kakamadali. Si pare nga pala?—ibibigay ko lang din sana itong para sa kanya. Tsaka nais ko rin sana humingi ng sorry sa nagawa kong gulo nung nakaraan.” Sambit ni Jasper sa malumanay na boses.

“Maigi nga na mag-usap kayong dalawa nang matuldukan na iyang isyu niyo kung ano man iyan. Nandoon si Karding sa rooftop, puntahan mo na lang. Sana magkaayos na kayong dalawa.”

Patango-tango naman si Jasper na nakangisi sa sinabi ni Tess. Nagmamadali agad itong puntahan si Karding.

Sa mga sandaling iyon naman kakuwentuhan nila Stella at Sonya si Mayang na hindi naman mapakali sa kanyang puwesto. Pasulyap-sulyap ito kina Herman na nakikipag-inuman naman kina Seth kasama sina Evan at Dax.

Nang lumapit kina Stella si Tess, nagpaalam naman si Mayang na magbanyo. Lumakad na ito papunta sa puwesto ng mga lalake. Malapit kasi sa pintuan papasok ng bahay ang puwesto nila Herman. Muling sinulyapan ni Mayang si Herman ng ngiti na tinugunan naman ng lalake.

“Sis, hahanapin mo ba si Jasper?’ Tanong ni Seth kay Mayang.

“Ah eh oo, sisilipin ko nga sa loob baka nagpahinga na.” Ang sagot nito.

“Sabihin mo sa asawa mo na nandito kami para mag-enjoy at mag lasing hindi para matulog. Tsaka kung makita mo si Ric pakisabi na hinahanap ko siya.” Ani pa ni Seth.

“Sige sasabihin ko, maiwan ko na kayo.” Sabat naman ni Mayang kay Seth, ngunit ang mga titig nito ay nakapirmi kay Herman na kina-ilang naman ng lalake.

Batid ni Herman ang nais ipahiwatig ng mga tinginan na iyon sa kanya ni Mayang, ngunit hindi niya iyon binigyan ng tugon. Ayaw na nitong magkasala sa asawang si Sonya at lalong ayaw nitong dungisan ang magandang relasyon ng kanilang pamilya. Nang mga sandaling iyon; Lingid sa lahat na abala sa kasiyahan sa baba, ay muli na namang May balyahan na nangyayari sa rooftop sa pagitan ni Jasper at Karding.

Pilit na hinahalikan ni Jasper si Karding sa labi habang dinadaganan ito ng lalake sa katawan. Nagpupumiglas naman si Karding ngunit tila kabaliktaran ang tugon ng kanyang katawan sa ginagawa sa kanya ni Jasper.

“Pagbigyan mo na kasi ako. Tayo ang nararapat sa isa’t isa. Ako lang ang makakapagbigay ng pangangailangan ng katawan mo. Mahal kita Ric at nararamdaman ko na ganun ka rin sa akin.” Wika ni Jasper habang hawak sa magkabilang kamay ang mga kamay ni Karding.

“Mahirap ba na intindihin na ayaw ko na.  Ituon mo na lang kay Mayang ang buhay mo. Hayaan mo na ako.  Ayoko na nang ganito.” Pakiusap ni Karding.

“Hiwalay na kami ni Mayang, mag isa na lamang ako, at kailangan kita.  Alam mo ba kung bakit narito parin ako? Dahil sa’yo. Ayokong mawala ka sa paningin ko. Ayokong lumayo ka sa tabi ko”

“May asawa ako at mahal ko si Tess.”

“Minahal mo lang siya ngayon. Dahil nahulog ka na sa kanya. Pero ang totoo ako parin ang laman ng puso mo. Ilang taon na tayong ganito, nagtatago pero tiniis ko dahil mahal kita. At hindi ako papayag na basta-basta mo na lang ako iiwan dahil okay ka na. Paano naman ako? Paano na ang sinakripisyo ko para lang sa iyo.” Ani pa ni Jasper.

“Pero hindi habang buhay na ganito tayo. Tumatanda na tayo. Hindi na tayo tulad ng dati. Nagbabago na rin ang mga gusto ko sa buhay. At hindi ito iyon.”

“Puwes hindi ako. Ikaw lang ang gusto ko. At kahit anong pilit mo sa gusto mo hindi ako papayag. Kung kailangan sirain ko kayo ng pamilya mo para bumalik ka lang sa akin gagawin ko.” May pagbabanta na sabi ni Jasper kay Karding.

“Wag mo sila idamay dito.”

“Kaya nga pagbigyan mo na lang ako. Para lahat masaya. Gaya nga nang nasabi ko na, handa naman akong makihati basta wag mo lang ako alisin sa buhay mo.”

Muling nilukuban ni Jasper ng halik si Karding sa labi. Tutol man sa ginagawa sa kanya, muli na naman nagpagapi sa tukso si Karding. Tumugon ito ng halik kay Jasper. Animoy hayok sa laplapan ang dalawa na muling pinagsaluhan ang mainit na tagpo ng sandaling iyon. Habang nagkakasiyahan ang iba sa baba, magkatalop naman ang mga katawan ng dalawa na hubo’t hubad sa ilalim ng buwan kasabay ng mga fireworks na nagpuputukan sa kaulapan.

Ang nakakapasong tampakan na iyon ng dalawang lalake ay malinaw na nasaksihan ni Paquito nang silipin sana nito ang rooftop. Nag-init ang katawan nito sa tagpong nakita. Hindi ito makapaniwala na iyon ang bubungad sa kanya sa pag-akyat niya roon. Sa hindi mapigil na init na mabilis gumapang sa kanyang mga ugat, nahuli na lang ni Paquito ang sarili nitong himas-himas na ang naninigas nitong hito.

Lubusan na itong inudyukan ng kalibugan sa katawan. Umayos ito ng puwesto na hindi siya mapapansin ng dalawa ngunit tanaw nito ang bawat anggulo ng ginagawa nina Karding at Jasper. Pigil ang ungol, —sinabayan ni Paquito ang dalawa hanggang sa nagpakawala ito ng kanyang dagta. Basang-basa ng napakarami at malapot na katas ang palad nito.

Nang makitang tapos na rin ang dalawa. Marahang umalis na din si Paquito sa puwesto nito at bumalik kina Kaloy.

“Oh ano tol, puwede na ba lumipat sa rooftop?” Tanong ni Kaloy nang mapansin ang paglapit ni Paquito.

“Kuwan tol,—mamaya na siguro mukhang seryoso ang usapan nila Tay Karding at tito Jasper dun eh.” Sagot nito.

“Ganun ba, kung gayun dumito na lang muna tayo.”

“Mainam pa nga tol.”

Hindi na nawala sa isip ni Paquito ang tagpong nakita nito. Na kahit anong aliw nito sa sarili, tanging ang matambok na puwet ni Jasper na umaalon-alon, habang binabayo si Karding ang nakikita nito sa kanyang isip. Hanggang sa napansin na ni Burnok ang pagkatulala nito.

“Uy tol, ayos ka lang ba? Tila ang tayog ng panaginip mo eh. Kanina pa kita napapansin na tulala. Umakyat ka lang ng rooftop, pagbalik mo tulalo ka na. —may nakita ka na naman sa rooftop noh?” Pabulong na tanong ni Burnok kay Paquito.

“Wala noh. Kinakalma ko lang ang isip ko’ dahil tila umiikot na ang paningin ko sa mga nainom natin. Tsaka wag mo nga akong bantayan dito. Asikasuhin mo dun ang iniihaw mo.” Ani ni Paquito.

Nang biglang may humimas sa balikat ni Paquito. Napalingon ito kung kaninong kamay ang umakbay sa balikat nito. Napalunok na lang ito ng laway nang makita si Jasper na nakatayo sa likuran niya at nakangiti sa kanya. Sumenyas pa ito sa kanya na tumahimik.

Kinabahan na si Paquito, pakiwari nito na alam ni Jasper na nakita niya sila. Tumugon ng ngiti si Paquito kay Jasper ngunit sa loob nito tila tinatambol na ng kaba ang kanyang dibdib.

Nakisama na nun si Jasper kina Seth at Herman sa inuman. Si Paquito naman hindi na mapakali sa kanyang puwesto.

Para basagin ang bagot at antok ng lahat, nagpalaro si Seth. Sinundan naman iyon ni Herman at Jasper. Tahimik lang sa sulok si Karding habang nakikinood sa kasiyahan ng lahat. Lumapit sa kanya ang anak na si Kaloy tsaka ito naglambing sa kanya.

“Wala na akong mahihiling pa sa araw na ito Tay. Labis-labis na ang kaligayahang dulot ng araw na ito sa akin. At sana ganito na lang tayo lagi, masaya, nagsasama ng buo at walang problema. Tsaka masaya rin ako at okay na kayo ni papa, pati si tito Jasper ayos na rin kayo.” Sambit ni Kaloy sa ama habang pinagmamasdan ang lahat na nagkakatuwaan dahil sa mga ginagawa nilang palaro.

“Ang mahalaga masaya ka Nak, masaya na rin kami ng nanay mo.” Tugon ni Karding sa anak tsaka hinalikan sa ulo si Kaloy.

Nakangiti si Karl para sa anak, ngunit tila may mabigat na bakal parin na nakadagan sa kanyang dibdib. May saya ngunit may takot pa rin itong pinangangambahan. Takot na hindi niya kayang sabihin at ibahagi sa anak. Inumaga na ang lahat sa inuman. Lampas ala-una na ng madaling-araw natapos ang kasiyahan. Ilan sa kanila bagsak na at nakatulog na sa kung saan. Hindi na hinayaan ni Tess at Karding na magdrive pa pauwi sina Herman at Sonya. Kaya sa guest room na nila ito pinatulog. Samantala sina Jasper naman ay mas piniling dun na sa  sala magpalipas ng umaga. Samantala si Mayang ay nauna na rin kasama si Stella. Si Dax naman ay sumama na kay Evan sa bahay nito dahil malapit lang naman ito. Nauna na ring magpahinga sina Tess at Karding, ganun din sina Kaloy at Vince.

Tanging naiwan na lamang gising pa rin ng mga sandaling iyon sina Burnok at Paquito na nagkukuwentuhan pa sa isa’t isa habang inuubos ang natitirang inumin sa harapan nila. Nang biglang dating ni Jasper. Naupo agad ito sa tabi ni Paquito. Marahan pa nitong itinukod ang kamay sa hita ng binata pagkaupo nito sa tabi ni Paquito. Ramdam ng binata ang marahang pagpisil ni Jasper ng kanyang hita nang hinawakan siya nito. Napalagok ng laway si Paquito nang mapatinpgin ito kay Jasper. Kita kasi nito ang paraan ng pag kagat-labi ng lalake habang nakatingin sa kanya ang mapupungay nitong mga mata.

Umusog ng upo si Paquito para magkaron ng puwang sa pagitan nila ni Jasper. Ngunit tila may kung anong binabalak ang lalake sa kanya. Ibinuka ni Jasper ang mga hita nito para magtama ang kanilang mga tuhod sa isa’t isa, tsaka mahina itong nagkukuyakoy. Dahilan para masagi nito ng balat ang balat ni Paquito.

Malamig ang hangin sa labas ngunit pakiramdam ni Paquito sinisilaban ito sa init na nararamdaman.

“Hindi pa ba kayo matutulog na dalawa?” Tanong ni Jasper sa dalawa.

“Tatapusin na lang namin itong natitirang laman ng bote, sayang din naman kung mapanis lang.” Ang nakangising sagot ni Burnok.

“Sasabayan ko na kayo. Nang matapos na kayo at makapagpahinga na rin kayo. Kita kong antok na rin itong si Paquito eh, mukhang nilalamayan ka na lang sa trip mo.” Tugon ni Jasper sabay salin ng alak sa basong may yelo.

“Hindi pa naman ako inaantok ganito lang talaga ang mga mata ko kapag nakainom ng marami.” Sabat ni Paquito.

Nang paubos na ang iniinom ng tatlo, nauna na nagpaalam si Burnok sa dalawa. Susunod pa sana si Paquito sa kaibigan nang yayain ito ni Jasper na kumain muna.

“Naku ayoko tito, busog pa ako…mauna na ako sa iyo, inaantok na rin ako eh.”

“Akala ko ba hindi ka pa inaantok. Hayaan mo na si Burnok. Mamaya ka na matulog. Kakain muna tayo, tsaka iba ang kakainin natin.” Ang nanunuksong wika ni Jasper sabay himas sa balikat ni Paquito.

Napaatras si Paquito, iba na ang nararamdaman nito sa kilos ni Jasper. Nagpumilit na itong magpahinga nang may sinabi si Jasper.

“Alam ko na nakita mo kami kanina. At nakita ko ang ginawa mo. Ibig sabihin nagustuhan mo ang ginagawa namin ng tatay Karding mo. Ayaw mo bang subukan nang tayo naman?” Sabi pa ni Jasper sabay hawak sa beat ni Paquito na nasa pagitan ng mga hita nito.

Napaurong si Paquito sa pagdakma sa kanya ni Jasper. Ngunit may kung ano itong naramdaman sa paghawak ng lalake sa harapan nito. Hindi man lang ito umimik sa ginawa ni Jasper. Tumingin lang ito sa lalake na tila ba naghihintay ng kasunod na gagawin sa kanya nito.

“Hihintayin kita sa rooftop,” wika ni Jasper na agad naglakad papasok ng bahay.

Naiwan si Paquito na napaisip. Hindi nito alam kung susundan ba nito si Jasper o hindi. Sa mga oras naman na iyon ay nagising si Kaloy mula sa pagkahimbing nito. Binalingan nito ng tingin si Vince na nooy sobrang himbing pa talaga ng tulog. Naisipan ni Kaloy na lumabas ng silid para silipin sana sina Paquito at Burnok sa baba nang sa paglabas nito ay may narinig itong ingay ng pag-ungol. Tahimik ang paligid dahil sa ang lahat mga pagod. Kaya kahit ang mahihinang tunog ay rinig sa katahimikan ng sandaling iyon.

Dahil sa likot ng kuryusidad ni Kaloy hinanap nito ang pinagmulan ng ingay. Hanggang sa natunton nito ang pinagmulan nun. At laking gulat nito nang tumambad sa kanya ang isang tagpo na ni sa hinuha nito ay hindi niya inakalang masaksihan.

“Paquito tol? Tito Jasper?” Bulalas na sambit ni Kaloy nang mapagtanto kung sino ang mga may likha ng kanyang mga narinig na pag-ungol.

Sa gulat ng dalawa ng makita sila ni Kaloy mabilis na kumalas sa likod ni Paquito si Jasper. Tulala namang napatingin ang kaibigan kay Kaloy na tila hindi malaman kung ano ang gagawin. Natigalgal talaga si Kaloy sa nakita. Palapit naman sa kanya si Jasper habang isa-isang sinusuot ang mga saplot nitong hinubad.

“Wag na sana ito makarating sa iba. Lalo na sa mga kaibigan mo alang-alang kay Paquito.” Wika pa ni Jasper kay Kaloy.

“Tito anong ginawa mo? Tito may asawa ka, parang anak mo na si Paquito. Bakit?” Ang nagtatakang tanong ni Kaloy.

“Pinagbigyan ko lang ang kaibigan mo. Naiintindihan mo naman siguro ang pangangailangan ng tulad mo.” tanging sagot ni Jasper sa binata sabay tapik sa balikat ni Kaloy tsaka ito bumaba ng rooftop.

Naiwang gulat si Kaloy.  Hindi nito lubos maisip na ganun ang matutuklasan niya sa kaibigan at kababata nitong si Paquito. Nang wala na si Jasper nilapitan nito si Paquito na noo’y hiyang-hiya sa kanya. Tila nahimasmasan na rin ito sa kanyang ginagawa kaya napahagulgol na lang ito ng iyak habang yakap si Kaloy. Hindi na nagsalita pa si Kaloy, inintindi na lang nito ang nakita. Niyakap nito pabalik si Paquito. Ayaw na nitong tanungin pa ang kaibigan kung bakit hinayaan nitong gawin sa kanya iyon ni Jasper.

Hindi na nakabalik ng silid nito si Kaloy ay sinamahan na lamang si Paquito na maglabas ng emosyon sa kanya. Mas pinili ni Kaloy na ilihim na lang sa iba ang nakita sa pakiusap na rin ni Paquito.

Kinabukasan maagang umalis si Jasper na hindi na nagawa pang magpaalam kina Tess at Karding. Nang magising naman si Vince, nagtaka ito kung bakit wala na sa tabi nito si Kaloy. Kaya agad itong nag-ayos ng sarili para sundan sa labas ang kasintahan.

INSIDE OUT

Inabutan na ni Vince si Kaloy na naghahanda ng pang almusal sana nito sa isang tray. Nasa dining area ito kasama si Paquito at ang kasambahay nila Kaloy na nagluluto pa ng pangalmusal ng lahat. Hindi agad naramdaman ni Kaloy ang paglapit sa sa kanila ni Vince, dahil abala sila ni Paquito sa seryoso nilang usapan.

Nagulat na lang ang dalawa at napalingon na lang si Kaloy nang bigla itong yapusin ng yakap ni Vince mula sa likuran nito.

“Goodmorning baby, ang aga niyo ah.” Wika ni Vince sabay halik kay Kaloy sa leeg nito at pisngi.

“Goodmorning baby love, -dadalhin ko pa sana itong ginagawa ko sa iyo, -gising ka na pala.” Tugon ni Kaloy na hinalikan din ang kamay ni Vince na hawak nito pati bibig.

Napaubo naman si Paquito sa nakikitang lambingan ng dalawa sa harapan nito.

“Ehem, -ang aga pa para bumalik muli ng kama. Na para bang gusto niyo na naman magkumot na dalawa. Tsaka bawal mangingit sa umaga, lalo na sa harap ng mga walang jowa, diba teh?” Ani ni Paquito sa dalawa sabay tapik sa balikat ng kasambahay nila Kaloy na nagluluto.

“Pasensya na pare, kapag kaharap ko kasi ang baby love, wala na akong makitang iba kundi siya lang. Siya lang ihain mo sa umaga ko, busog na ang buong araw ko dito.” Hirit na sagot ni Vince, tsaka muling pinaghahalikan nito si Kaloy sa pisngi at leeg sabay yakap pa rito ng mahigpit.

“Sa mga sinabi mo, parang ayaw mo ng tapang karne sa breakfast ah, baby love?-ano ba baby, palitan natin ng hotdog ko?” Ang may paglalanding tugon naman ni Kaloy kay Vince na sinundan pa nito ng halik sa labi ng lalake.

“Hay naman, nangiinggit talaga sila oh. Tol pare respeto naman sa may hangover dito oh.” Pasaring naman ni Paquito sa dalawa habang humihigop ng mainit na sabaw ng bulalo.

Nagtawanan na lamang ang tatlo nang mag react na rin sa harutan nila Kaloy at Vince ang kasambahay. Ang tawanan at biruan ng tatlo ay naputol nang mapalingon si Paquito kay Karding na papalapit sa kanila. Biglang tumahimik si Paquito at nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Naroon ang biglaang pagkailang at hiya sa mga mata nito habang papalapit sa kanila si Karding. Naging halata pa iyon nang inakbayan sila ni Kaloy sabay marahang tinapik-tapik pa ni Karding. Sa pakiramdam ni Paquito tila may yelo sa mga dalari ni Karding na nung lumapat ito sa kanyang balikat ay agad na tumusok iyon sa kanyang balat na nagdulot ng kakaibang lamig na dumaloy sa kanyang mga ugat.

Sa isip kasi nun ng binata ang tagpong inabutan niya sa rooftop sa pagitan ni Karding at Jasper. Pangyayaring hindi niya naikuwento kay Kaloy nung gabing nahuli din sila nito ng kaibigan habang kapalpalan niya si Jasper.

“Tol, ayos ka lang?” Tanong ni Kaloy kay Paquito nang mapuna ang biglaang pananahimik ng kaibigan.

“Kuwan kasi tol, mukhang tinatawag ako ng banyo. Biglang kumulo kasi ang tiyan ko. Maiwan ko na muna kayo,-idi-deposito ko na muna ito.” Pabirong sagot ni Paquito, tsaka na ito tumayo at iniwan sila sa dining area.

Tinawanan na lamang ni Kaloy ang kaibigan ngunit sa loob nito alam niyang may ibang dahilan si Paquito. Habang kasabay na nag-aalmusal naikuwento ni Karding sa anak ang balak nitong mamalagi muna ng pansamantala sa dati nilang bahay sa Ilang. Ipinagtaka naman ni Kaloy ang biglaang plano ng ama. Ngunit nang malaman naman nito na para sa negosyo at bukirin nila ang dahilan ni Karding, ay sinuportahan naman ito ng anak.

“Hanggang sa katapusan nitong buwan nandoon po kayo Tay? Paano sa bagong taon. Di ba kayo mag si-celebrate ng new year dito?” Tanong ni Kaloy.

“Siyempre uuwi ako rito. Pero napag-usapan namin ng nanay mo na iba rin talaga kapag nakikita ko ang mga sinasaka natin. Tsaka nakaka miss ang mga gawin ko sa bukid. Buhat ng lumipat na tayo rito parang nanghihina na iyong mga buto ko.” Sagot ni Karding sa anak.

“Nag gi-gym naman kayo ah tsaka nag su-zumba din naman kayo ni nanay.”

“Iba parin ang epekto ng pagbabanat ng buto sa bukid. Ang gym dun nagiging produktibo ka, may inaani ka pagkatapos mo mag pagpapawis. Dito pawis lang ang makukuha mo sa pag gi-gym. Buti sana kung pinagkikitaan mo ang pagpapaganda ng katawan. Hindi naman. At kayo ni Vince, habang wala pang pasok, bakit di kayo magbakasyon muna dun.-maayos na ang kubo natin dun Nak. Gawa pa rin naman sa kawayan pero mas maganda na. Pang rest house na iyon.” Ani ni Karding.

Napaisip ang dalawa sa huling sinabi ni Karding. At sumang-ayon ang dalawa sa mungkahi ng ama. Agad iyon pinagusapan nila Kaloy. Inimbitahan din nila sina Nate at Gibo sa plano nila. Wala namang pagdadalawang isip na sumang-ayon ang dalawa sa plano. At agad-agad plinantsa ng magkakaibigan ang ganap na bakasyon sa Ilang.

Apat na araw ng bakasyon ang kinasa ng apat. Kasama sa pagbalik nila ng Ilang sina Dax at Evan. Balik bundok din sina Paquito at Burnok na labis ang tuwa dahil muli na naman silang nabuong magkababata na babalik ng Ilang. Sumabay na sila kina Tess at Karding sa biyahe. Naroon din na sumama sa mag asawa si Stella, habang si Mayang ay nagpaiwan sa kanila.

Sakay sa malaking van ang walo na minamaneho ng driver nila Vince na si Tipen. Sa highway palang paakyat ng ilang namangha na sina Dax at Evan sa ganda ng mga nakakalulang tanawin sa paligid. Lalo na ang mga bulubunduking parte na animoy mga tanawin sa ibang bansa. Panay ang hinto ng kanilang van sa bawat lokasyon na madaanan nila para lang magpapicture.

At bukod sa pagiging driver, naging opisyal na photographer na nila si Tipen na giliw na giliw naman sa trip ng walo. Kahit nasa early fifties na ang driver nila ni Vince, bakas parin ang gandang lalake nito at ang makisig na pangangatawan. Makuwela rin ito at medyo joker. At kahit sa agwat ng kanyang edad nakakasabay parin ito sa mga salitaan at bardagulan ng walo. La-onesa si Tipen, at binata parin sa kanyang estado. Bukod kina Ponyang at Badong, isa rin si Tipen na tila parte na rin talaga ng buhay nila ni Vince lalo na ng kanyang amang si Herman. At itinuturing na rin na kapamilya. Bukod sa pagiging personal driver nito naging kuya-kuyahan na rin ni Herman si Tipen at laging kasama sa galaan at inuman noong mga panahong nagkalabuan sila ni Sonya.

Ang cool na awra ni Tipen ay nakakuha ng pansin ni Paquito. Sa buong simula pa lang ng biyahe, Kabatuhan na niya ito ng kuwento at biro.

Nang mapadaan sila sa isang view-deck restaurant sa gilid ng isang spot sa highway. Sikat ang parteng iyon dahil tanaw mula roon ang dalawang talon na nakikita lang kapag maganda ang panahon at hindi natatakpan ng makapal na hamog. Doon ang naisip nilang sunod na stopover.

Naunang bumaba ng van sina Vince at Kaloy na sinundan ng iba.

“Kuya anong gusto mo? Ako na oorder ng para sa iyo, dadalhin ko rito.” Wika ni Paquito sa driver nang magpahuli ito ng baba sa van.

“Ayos lang ako dito sir. Salamat na lang pero busog pa naman ako. Heto na nga at may tira pa sa pizza na bigay ni sir Vincent.”

“Kape? Baka gusto niyo. Masarap ang native coffee nila rito.”

“Sige sir iyan na lang. Iyong medyo matamis tsaka may gatas.”

“Okay, ako na bahala. Hintayin mo na lang ako rito.”

Ang gaan ng ngiti ni Paquito habang nakatingin kay Tipen nang iwan niya ito. May kung anong tuwa na naramdaman ang binata nang nginitian din siya ng lalake matapos magpasalamat ito sa kanya. Maging si Paquito mismo naguguluhan bigla sa sarili kung bakit ang saya niyang kaharap si Tipen. Unang pagkakataon iyon na nakilala at nakasama niya ang lalake ngunit ang gaan ng loob nito sa kanya. Na para bang mas Masaya pa itong kausap kaysa kay Burnok na matagal niya ng kaibigan at kasama.

Habang masayang kumakain sa loob ng kainan na iyon ang pito si Paquito naman kakuwentuhan si Tipen sa van.

“Bakit di ka sumama sa kanila dun sa loob?” Tanong ni Tipen kay Paquito.

“Busog din kasi ako eh. Kape lang din ang trip ko. Tsaka naawa naman ako sa inyo, mag-isa lang kayo rito.” Sagot ng binata.

“Ano naman ang gagawin ko dun. Isa pa naaaliw ako sa ganda ng view dito. Unang beses pa lang ako nakapagdrive sa parteng ito, at hindi ko akalain na ganito pala talaga ka ganda ang mga tanawin dito papunta sa inyo.” Ani ni Tipen.

“Hindi naman kasi dito ang pangunahing access highway pa puntang ibang bayan. Kaya tanging ang mga taga dun lang sa lugar namin ang napapadaan dito. Sadyain talaga ang daan na ito papunta sa lugar namin,-kaya mga turista lang halos ang napapadpad dito. Bukod kasi sa maraming blind curve, -may katirikan din ang daan. Pero sulit naman sa mga tanawin tulad nito.” Tugon ng binata.

“Buti na lang talaga at pumayag ako na ipagdrive kayo. Kung hindi, -hindi ko pa nasaksihan ang ganda ng mga tanawin dito. Alam mo, dati pangarap ko ang mag travel sa mga lugar na ganito. Gusto ko libutin ang buong Pilipinas. Kaso sa hirap ng buhay hindi ko nagawa ang pangarap ko nung kabataan ko, dahil subsob na agad tayo sa trabaho. Salamat na lang talaga at napunta ako kina sir Vincent, at nakakapunta na ako sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Alam mo habang nakikita ko kayo kaninang masaya at nagpi-picture sa mga view. Para akong ibinalik sa pagkabata ko, parang ibinalik ako thirty years ago.” Ang napakuwentong tugon naman ni Tipen sa binata.

“Bata parin naman kayo ah. Hindi nga halata sa itsura niyo na fifty one na kayo eh. Ang tikas niyo parin tapos matipuno. Tsaka wala pang puti ang buhok niyo, higit sa lahat,-ang pogi niyo pa.” Pagpuri pa ni Paquito sa lalake habang pinisil-pisil nito ang magkabilang braso ni Tipen na buong-buo ang muscles.

“Nagbiro ka pa. Ikaw lang yata nakakita niyan sa akin. Pero hindi naman sa pagmamayabang,- noong kabataan ko, nung kaedad niyo ako noon, takaw pansin din talaga sa mga babae at bakla ang katawan ko. Batak kasi ako noon sa trabaho na mabibigat. Maraming nagsasabi na gwapo ako pero hindi ako naniniwala. Dahil kung totoo iyon, di sana may asawa ako. Eh nung kapanahunan ko mas mabenta pa ako sa mga binabae kaysa sa mga tunay na babae. Eh hindi naman nabubuntis ang mga bakla. Tsaka siguro sa uri na rin ng trabaho ko noon kung bakit walang babae ang nagtatagal sa akin. Macho dancer kasi ako nun sa gay bar.” Ang biglang naikuwento ni Tipen kay Paquito.

Gumuhit ang kuryusidad sa mukha ng binata sa pagbukas ni Tipen ng kanyang kuwento. Interesado agad itong matuklas ang kulay ng buhay ni Tipen noong nag mamacho-dancer ito. Handa na sana maglahad ng kanyang kuwento ang driver sa binata ng sandaling iyon nang biglang bumalik ang pito sa van. Naudlot ang kuwentuhan ng dalawa.

“Pare balik ka na sa puwesto mo nandito na kami.” Wika ni Burnok nang pinalipat nito si Paquito na nakaupo na nun sa tabi ng driver.

“Palit na muna tayo tol, diyan ka na sa likod. Mas makakaidlip ka riyan kaysa dito. Tabi na muna kami ni Kuya Tipen.” Sabat ni Paquito.

“Kuya, bilisan na natin baka abutan na tayo ng ulan sa daan, mukhang nagsusungit na ang panahon.” Sambit ni Kaloy sabay sulyap kay Paquito.

May kung ano itong naaamoy sa kilos ng kaibigan. Lalo na sa paraan ng pagkakahawak nito sa hita ni Tipen nang sumagot ito kay Burnok. Nakita kasi iyon ni Kaloy, ngunit hindi iyon nagpahalata baka mapansin din ng iba.

“Mga ilang oras pa ba mula rito ang papunta sa inyo sir Kaloy?” Tanong ni Tipen.

“Dalawa o tatlong oras pa kuya, pero kaya naman iyan wag lang talaga tayo abutan ng ulan kasi babalutin talaga ng makapal na hamog ang daan. Mahihirapan kayo.” Ani ni Kaloy.

Nagpatuloy ang biyahe. Naging matiwasay naman ang lahat ng makarating sila sa bungad ng Ilang na hindi inabutan ng ulan. Malaki na rin ang nabago sa daanan papunta sa bahay nila ni Kaloy. Umayos na ang dating malubak na daan paakyat sa pinaka lugar nila.

Nauna nang nakarating sa kanilang bahay sina Tess kung kaya’t nakapaghanda na ito ng mga pagsasaluhan ng mga kabataan sa kanilang pagdating.

Ang dating simpleng kubo lang noon nila Kaloy, ngayon ay may dalawang palapag na at maganda. Gawa parin sa kawayan, nipa at kahoy ngunit maganda na ito kumpara sa noon. Saktong pagkaparada pa lang ng van sa bakuran ang biglaang buhos agad ng malakas na ulan.

“Karding mahal, pakidala nga rito ng dalawang payong para sa mga bata. Sobrang lakas ng ulan.” Wika ni Tess na nagmamadali para salubungin sina Kaloy at mga kaibigan nito.

“Ako na ang susundo sa kanila, asikasuhin mo na lang dun sa kusina mahal.” Sabi ni Karding sa asawa habang bitbit ang dalawang payong.

“Naku wag niyo na silang sunduin, tingnan niyo ang walo.-” sabat ni Stella sa mag asawa na nginunguso ang walo.

Napatingin na lamang ang tatlo sa ginagawa ng walo pagkababa ng van. Animo’y mga batang paslit ang mga ito na nag tatalon at tuwang-tuwa habang naghaharutan sa ilalim ng buhos ng malakas na ulan. Lahat sila tila sabik na sabik sa tubig ulan, -na para bang ngayon lang nila naranasan ang maligo sa ulan ng ganun. Lalo na sina Dax at Evan na nagtanggal na ng damit habang pasayaw-sayaw pa sa bakuran nila Kaloy.

“Tol, naisip mo ba ang naisip namin ni Burnik?” Pasigaw na tanong ni Paquito kay Kaloy.

Ngumiti si Kaloy sabay tingin kay Gibo. Tumugon agad ng tango sa kanya ang kaibigan. Tsaka nagpasya ang mga ito na tumungo sa dati nilang tambayang magtropa,-sa tabing ilog. Sumang-ayon naman ang lahat at excited pa nga sa suhestiyon ng apat. Pinangungunahan ni Paquito at Burnok ang pagbaba sa ilog. Tuwang-tuwa naman ang iba at nagsisihiyawan namang nakasunod.

Nagtaka si Tess nang makitang lumabas ng bakuran ang walo kaya napasugod ito sa kanila na bitbit ang payong. Tinawag nito ng pasigaw si Kaloy, ngunit sa lakas ng buhos ng ulan hindi siya narinig ng mga ito. Maya-maya pa ay nasa likod na ni Tess ang asawa.

“Malamang sa ilog ang punta ng mga iyon. Hayaan mo na at sa dampa lang naman sila siguro tatambay. Na miss lang yata ng mga bata ang pinaggagawa nila dati tuwing ganitong umuulan.” Sambit ni Karding.

“Naku ewan pero parang kinakabahan ako. Halika at susundan natin ang mga iyon. Biglaan ang buhos ng ulan tsaka malakas. Paano kung abutan sila ng pagtaas ng tubig sa ilog? Bilis na sundan natin sila.” Ang hindi na mapakaling sabi ni Tess.

Agad nga silang sumunod sa walo pababa ng ilog. Nakita naman ni Tipen ang pag-alala sa mukha ni Tess kaya sinuong na rin nito ang malakas na ulan para sundan ang mag-asawa.

Samantala; Nang malaman ni Jasper mula sa mga kasambahay nila ni Karding ang pag-alis ng mga ito para mag bakasyon, napangiti ito. Ngiting tila may binabalak na hindi maganda. Nang mismong araw din na iyon nagpasya rin ito na bumalik ng Ilang.

“Hindi man natuloy ang plano,-but this time sisiguraduhin kong hindi mo na ako matatanggihan pa Ric. Mali na kung mali pero hindi ako papayag na basta mo na lang ako iiwan sa ere. Tayo ang nararapat at tayo lang hanggang dulo.” Sambit pa ni Jasper sa sarili habang minamaneho ang kanyang kotse.

Batid ni Mayang ang masamang balak ng kinakasama kaya agad nito tinawagan si Karding. Pahirapan pa rin ang signal sa Ilang mabuti na lang at na tiyempong maayos ang koneksyon at nakontak agad nito si Karding. Ngunit dahil sa masama ang panahon at umuulan, hindi malinaw ang naging usapan ng dalawa.

“Sino ba iyon?” Tanong ni Tess nang ibinaba na ni Karding ang cellphone.

“Si Mayang, may nais sabihin kaso paputol-putol ang salita niya. Sinabihan ko na lang na mag text. Nag-alala nga ako baka nilooban ang bahay natin dun.” Sagot ni Karding.

“Diyos ko wag naman sana mahal. Sana kasi nag paiwan na lang ako dun.”

“Wag na muna natin iisipin iyan. Puntahan na muna natin ang mga bata. Tsaka na natin kakamustahin si Matang dun sa bahay.” Sabat ni Karding.

Naroon na sa dati nilang dampa ang walo. At laking gulat at tuwa ng apat lalo na si Kaloy nang makitang maayos na at matibay ang dati nilang simpleng dampa. Pulido na ang mga pundasyon nito na gawa sa kahoy, semento at tabla. Pati ang dingding nito ay maayos na rin at hindi na butas-butas. Gawa parin sa nipa ang bubong ngunit matibay na iyon at maganda ng pagtambayan. Pati pala iyon ay pinaayos din ng ama.

“Mukhang mas maganda ng tambayan dito tol ah. Malawak na ang loob hindi na tayo magsisiksikan kapag matutulog dito,-tsaka may papag na rin rito.” Pansin ni Burnik habang sinusuri ang bagong bihis nilang dampa.

“Nakakatuwa nga at naisipang pagandahin ito ni tatay para sa atin. Pero nakakamiss padin iyong dati nitong ayos. Bata pa lang tayo nun ng sabay natin iyong binuo. At maraming alala ng pagkabata natin ang nagpatibay nun. Kaya nakakapanibago lang na makitang ibang-iba na ito sa dati.” Ang nakangiting tugon ni Kaloy ngunit sa mga nito naroon kaunting lungkot ng pangungulila habang tinititigan ang dampa.

Napaakbay na lumapit si Gibo kay Kaloy sabay tapik ng marahan sa balikat ng kaibigan. Ngumiti ito kay Kaloy tsaka nag salita.

“Marami man ang nagbago pero hindi nito mabubura ang mga ala-alang pinanday nating magkakasamang apat sa dampang ito. Ito parin ang dati nating tambayan, ang dampang saksi sa lahat ng mga kalokohan natin noon. Parang tayo lang din, -may nagbago man pero tayo parin ito at hindi iyon magbabago.” Komento pa ni Gibo.

“Teka nagbago lang ang ayos ng dampa ah nagdrama na kayo. Ang mabuti pa tara na sa ilog, maligo na tayo.” Biglang singit ni Paquito sa tatlo.

“Sandali pare hindi ba delikado? Mukhang malakas ang current ng tubig sa ilog. Dito na lang muna tayo tumambay sa dampa.” Sabat ni Vince habang nakatanaw sa ilog.

“Hindi iyan. Dati na namin ginagawa ang maligo sa ilog kapag ganitong umuulan. Tsaka diyan lang naman tayo sa malapit. Wag na tayo dun sa gitna. Para makatakas agad tayo sa tubig.” Sagot ni Paquito.

“Mukhang mababaw lang naman ang ilog pare. Kita pa naman ang mga bato sa ilalim. Evan ano sa iyo game ka maligo?” Sambit pa ni Dax na niyaya pa si Evan.

“Sige game, sasabay ako sa inyo ni Paquito teka lang tatanggalin ko lang pantalon ko. Ang bigat kasi nito pag nabasa ng husto ng tubig.” Pagsang-ayon ni Evan.

Pagkahubad ni Evan ng suot nitong pantalon nagsihubaran na rin ng pambabang suot sina Dax, Paquito, Burnok, Gibo, at Nate. Lusong agad sa tubig ang anim na pawang mga naka-brief lang. Naiwan sa may dampa sina Vince at Kaloy na pinapanood lamang ang mga kaibigan na masayang naghaharutan sa may ilog. Nasa malapit lang naman ang anim kung saan hanggang beywang lang naman naman ang tubing. Maya-maya pa napansin ni Kaloy ang pagtawid ni Dax papunta sa malaking bato sa gitna ng ilog. Napasigaw ito sa kanila para pigilan si Dax. Malalim na ang bahaging iyon at kung biglang lumakas ang ragasa ng tubig mahihirapan na itong makabalik agad sa pangpang.

Ngunit sa ingay ng ulan hindi marinig ng anim ang sigaw ni Kaloy. Kinabahan pa lalo si Kaloy nang sumunod kay Dax si Evan.

“Ang mabuti pa lapitan na natin ang mga iyon baby love. Baka magsunuran pa ang iba sa dalawa. Bakit kasi may mga utak pasaway. Sinabihan ng bawal ginawa pa din.” Ani ni Vince kay Kaloy.

“Ganun talaga baby love, mas challenging kasi ang bawal. Alam mo na mas challenging mas exciting. Halika na babain na natin sila baka abutan pa sila ng paglaki ng tubig.”

Tuwang-tuwa tuwa pa si Dax na sinisigawan ang iba habang nakatayo ito sa malaking bato. Pakaway-kaway pa ito kina Paquito lalo na nang makasampa na rin si Evan sa kinatatayuan nito. Akmang susunod na rin sana sa dalawa si Burnik nang mapansin nito ang biglang pagbabago sa agos ng tubig. Pansin din nito ang unti-unting pag labo ng ilog. Kinutuban ito ng hindi maganda. Kaya agad itong nag kakawag ng kaway kina Dax at Evan na lumangoy agad pabalik. Binalaan na rin nito sina Paquito.

“Tol akyat na pabalik ng pangpang mukhang nagbabadya ang ilog. Bilis na!“sambit nito kay Paquito.

““Gin pare, lumangoy na kayo ni Nate sa pangpang bilis.” Wika naman ni Paquito sa dalawa habang tinutulungan si Burnok na tawagin sina Dax at Evan.

Dahil malayo ang distansya ng batong tinutungtungan ng dalawa sa puwesto nila Burnok, at sa lagaslas ng ilog kasabay ng ingay ng ulan,-halos hindi marinig nila Dax at Evan ang sinisigaw nila Paquito sa kanila.

“Teka Dax parang iba na ang sinisenyas ni Paquito sa atin ah. Tsaka sina Nate at Gibo tumakas na sa pampang. Baka kailangan na nating bumalik.” Wika ni Evan kay Dax.

“Mukha nga ang mabuti pa bumalik na lang tayo. Medyo lumalakas pa kasi lalo ang ulan eh.” Sabat ni Dax.

Naunang lumusong pabalik ng tubig si Dax, ngunit bigla na lang ito napakapit muli sa bato nang muntikan na itong tangayin ng malakas na agos ng tubig. Maagap naman si Evan na hinawakan ng mahigpit ang braso ni Dax tsaka ito tinulungan makabalik sa ibabaw ng malaking bato. Doon na napagtanto ng dalawa na maling-mali ang ginawa nilang pagtawid sa parteng iyon. Nakita nila Burnok at Paquito ang nangyari kay Dax ng muntikan na itong matangay ng agos. Kinabahan na ang dalawa. Kung manatili pa sila sa tubig baka pati sila mapahamak din.

“Tol bumalik na muna tayo ng pangpang, hindi natin matatawid ang dalawa masyadong malakas na ang tubig sa gitna. Humingi na muna tayo ng tulong.” Wika ni Burnok kay Paquito.

“Mauna ka na, susubukan kong alisin dun ang dalawa.”

“Baliw ka ba tol, ano ka sa tingin mo shokoy. Tol kahit sabihin mo pa na ikaw ang pinakamahusay na swimmer sa atin,-hindi mo kakayanin ang malakas na agos ng tubig. Kaya mamaya ka na magpaka-suoerhero kung pinamana na ni little mermaid ang buntot niya sa iyo. Halika na. Babalikan na lang natin ang dalawa pagnakahingi na tayo ng tulong.” Ani pa ni Burnok.

May pag-aalinlangan man ngunit napagtanto ni Paquito na tama si Burnik. Sakto lang ng makaahon ang dalawa nang biglang rumagasa ang malaking bulyo ng tubig sa ilog. Mabilis na nag kulay putik ang ilog at nakakatakot ang pagragasa nito. Segundo lang at umapaw na sa pangpang ang tubig. At maliit na bahagi na lang ng malaking bato ang natitira sa tinutungtungan ng dalawa, Dax at Evan.

Nagpanic na ang anim sa nangyayari. Ang kaninang masayang bungad nila sa ibig ngayon biglang napalitan ng takot at pagkabahala para sa mga kaibigang na trap sa gitna ng ilog. Nasa ganoon silang sitwasyon nang dumating sina Tess at Karding kasama si Tipen. Agad na tumawag ng tulog si Gibo sa mga ka nayon. Si Burnik naman ay humingi ng lubid sa malapit na kabahayan sa ilog.

Kalmado naman sa gitna ng malaking bato ang dalawa, ngunit bakas ang takot sa mga mukha. Kaunti pa at maaapawan na rin ng tubig ang bato. Ramdam na muna Dax at Evan ang lakas ng hampas ng daluyong ng tubig sa kanilang mga Paa. At kung magtatagal pa, mabubuwal na sila sa kanilang kinatatayuan.

Naging mahalaga ang bawat segundo ng mga sandaling iyon. Tensyonado ang lahat. Ilang mga taga-roon na rin ang gumagawa ng paraan para makatulong. May iba na maglagay ng harang na net at lubid sa pinakadulo ng ilog, upang pangsalo sa sakaling tangayin ang mga ito ng tubig. May iba na nagdugtong-dugtong ng mahabang mga kawayan para panghahawakan ng dalawa. Ngunit sa lakas ng agos, bago pa man makarating sa dalawa ang dulo ng kawayan naaanod na rin ito at nasisira. May mga nagtangka na magtapon ng lubid na may gomang pampalutang ngutin hindi ito makaabot sa dalawa dahil sa layo ng distansiya nila mula sa pampang.

Sandali na lang talaga at matatangay na ng ilog sina Dax at Evan na sa mga oras na iyon naisip nang sumugal at magpatangay na lang sa agos. Nang biglang lumusong sa tubig si Paquito habang may nakataling lubid sa katawan nito. Agad naman itong hinila ni Kaloy pabalik.

“Baliw ka ba tol?! Magpapakamatay ka ba? Hintayin na lang natin ang paparating na rescue.” Wika ni Kaloy.

“Tol kung maghihintay pa tayo baka anurin na silang dalawa. Kailangan maibigay sa kanila ang lubid. At ang paglapit lang sa kanila ang naisip kong paraan para magawa iyon. Huwag kang mag alala, kaya ko ito.” Tugon ni Paquito.

“Nakatali na ng mahigpit sa puno ang kabilang dulo ng lubid tol. Ano kaya mo ba talaga?” Sabat ni Burnok.

“Kaya, -pakihila na lang ng lubid kapag naitali ko na sa kanila ang isang lubid. Marami naman kayo rito.” Sabi pa ni Paquito at muli itong sinubukang lumusong sa rumaragasang tubig sa ilog.

Marami ang pumigil sa plano ni Paquito dahil lubhang delikado. Ngunit buo na ang pasya ng binata na sagipin ang mga kaibigan. Maya-maya pa nagulat sila Vince at Kaloy nang sumunod kay Paquito si Tipen, may nakatali ring lubid sa katawan nito at ang kabilang dulo, ay nakakabit din sa puno ng niyog. Lumangoy ito sa ilog na pilit nilalabanan ang malakas na agos. Si Paquito kahit tinatangay ng ilog nagagawa parin nitong makalangoy papunta sa kinaroroonan ng dalawa. Kitang-kita ng lahat na nahihirapan na ito ngunit determinado itong maabot ang dalawa. Pigil hininga ang mga tagpo. At sa isang kampay pa ni Paquito muli itong hinila ng agos. Buti na lang at nahila ni Tipen ang lubid nito.

“Wag mong labanan masyado ang agos, mapapagod ka lalo. Kalma, presensiya dapat. Palihis lang na langoy paunti-unti. Malapit na tayo sa dalawa.” Wika ni Tipen kay Paquito.

Tumango naman ang binata at kumawag muli palapit kina Dax at Evan. At bago pa tuluyang lamunin ng tubig ang tinutungtungan nilang bato. Ay naitali na nila sa kanilang mga katawan ang lubid na inabot sa kanila ni Paquito at Tipen.

Nang ma secure na ng lubid ang dalawa. Nagtulong-tulong na ang mga kalalakihan sa pampang na hilahin ang apat na magkakapit bisig habang nagpapaanod sa agos. At sa tulong ng lahat naiahon sa ilog ang apat na pagod at bugbog ang katawan sa lakas ng daluyong ng ilog. Kalaunan dumating din ang rescue unit mula sa katabing bayan at nilapatan na lamang ng pangunang lunas ang apat na nagtamo ng mga gasgas sa katawan at binti gawa ng lubid at mga bato sa ilog.

“Buti na lang at hindi ganun ka lalim ang itinaas ng ilog. Dahil kung inabutan kayo ng ulo ng bahay sa ilog baka tuluyan na talaga kayo naging kuwento.” Ang talak ni Tess sa dalawa, na nerbiyos na nerbiyos pa din sa nangyari.

“Ang tigas din naman kasi talaga ng ulo, sabing wag na magpagitna,-sumige pa rin. Ano ba kasi naisip niyong trip at lumangoy pa kayo dun sa gitna?” Ani pa ni Kaloy kina Dax at Evan.

“Sorry na sa gulo pare, -sasaglit lang naman sana kami dun. Di naman namin akalain na iyon ang mangyayari. Pero salamat talaga sa ginawa niyo ni kuya Tipen, Paquito pare,… tatanawin ko talagang utang na loob ang ginawa niyong pagbuwis buhay sa amin ni Evan”. Tugon ni Dax.

“Isa pa ito, nagpapaka-superhero. Akala niya siguro sa sarili niya siya si aquaman. Pabida rin. Buti sinuwerte, eh pa’no kung hindi. Eh natulad ka kay Yuri noon…” Wika naman ni Kaloy kay Paquito. Ngunit natigilan ito sa kanyang mga sinabi ng makita ang palungkot ng mukha ng kaibigan. Hindi nito sadyang mabanggit ang pangalan ng dati nilang kababatang si Yuri.

Nasawi sa pagkalunod sa ilog si Yuri noon nang sinubukan nitong iligtas si Paquito sa rumaragasang tubig ng ilog nang bumigay ang kawayang tulay na dinadaanan nila papuntang eskuwelahan. Malakas din ang ulan nun. Sa pagtangkang sagipin si Paquito si Yuri ang nawala. Matagal din bago natanggap ni Paquito ang nangyari dahil labis niyang sinisisi ang sarili sa pagkawala ng matalik na kaibigan. Ang nangyari rin noon kay Yuri ang dahilan kung bakit natutong lumangoy si Paquito.

At sa nangyari ngayon, tila ibinalik lang ng pangyayari kay Paquito ang lahat. Ngunit wala na sa loob ng binata ang takot dahil nagawa niyang iligtas ang mga kaibigan.

Nararamdaman ni Kaloy ang niloloob ng damdamin ng kaibigan. Niyakap nito si Paquito at pinuri ang tapang nito, kahit nung una natakot talaga ito sa ginawa ng kaibigan.

“Kakabalik pa lang natin dito, pero grabeng tensiyon na agad ang sumalubong sa atin. Kinabahan tayo lahat dun kanina. Sana wala nang ganung sitwasyon ang mangyari nang ma enjoy naman natin ang pinunta natin dito.” Sambit ni Nate, sabay abot sa lahat ng mainit na tsokolate na gawa ni Stella.

“Simple lang iyan, wag na magpasikat kung hindi naman pamilyar sa lugar. Para iwas disgrasya. Sumunod na lang tayo sa mga taga-rito. Wag na magpa-bibo dahil lahat tayo ay dayo.” Biglang sabat ni Vince sa usapan nang lumapit ito.

Nag-init naman bigla ang tenga ni Evan sa sinabi na iyon ni Vince. Iba kasi ang dating nun sa tenga niya. Lalo na at tanging sila lang naman ni Dax ang bago sa lugar nila ni Kaloy at sila din ang sentro ng usapan. Umalma ito sa komento ni Vince.

“Teka lang naman, parang pinapalabas mong papansin kami ah. Ayos-ayusin mo nga ang dinudura ng dila mo ah. Hindi porke’t jowa ka ni Kaloy ay hindi kita papatulan…umayos ka.” Ang biglang pagtaas ng boses ni Evan kay Vince.

Agad namang pumagitna si Gibo para awatin na ang dalawa bago pa magkasagutan. Ngunit tila nasundo rin ni Evan ang sumpong ni Vince at tumugon din ito ng pasigaw na sagot sa lalake.

“Gago ka eh noh! Wala akong sinabing ganyan. Ang sa akin lang lumugar naman tayo. Wag tayong pa epal lalo na at hindi tayo lokal dito. Sa tingin mo kung may nangyari sa inyo, kanino mabubunton ang sisi? Unang-una sinabihan na kayo, pero anong ginawa niyo? Hindi ba pagpapapansin iyon?!” Sabat pa ni Vince.

Nagkataasan na ng boses ang dalawa at kamuntikan na magpang-abot nang pinaghiwalay na sila nila Kaloy, Nate, at Gibo. Inilayo na rin muna ni Dax at Paquito si Evan.

“Ano ba? Ang sabi natin magbabakasyon tayo rito,-bakit unang araw pa lang ganito na tayo? Tapos na ang nangyari kanina. Charge to experience na iyon. Wag niyo nang pag hugutan iyon ng sama ng loob. Nandito tayo para sulitin ang sandaling magkakasama tayo. Ayusin niyo ito. Baby Vince, Evan pare…mag-ayos na kayo.” Pakiusap ni Kaloy sa dalawa.

Nagkapalitan din naman agad ng sorry ang dalawa ngunit naroon na ang bigat at agwat sa pagitan nila Vince at Evan.

Matapos ang tensiyonadong salubong sa walo, kinahapunan nagkaroon ng kaunting inuman sa bakuran nila Karding bilang pasasalamat sa mga kapitbahay na tumulong din sa pagsagip sa apat kanina sa ilog. Biglaang nagpakatay ng mga manok si Tess para sa lahat. Humupa na rin ng mga sandaling iyon ang ulan ngunit hindi ang nararamdamang pikon nina Evan at Vince sa isa’t isa.

“Hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin ng Evan na iyan sa’yo? Pansin ko kasi parang may kinikimkim na selos ang isang iyon sa akin. At pakitang tao lang ang pagiging okay niya sa akin.” Pagbahagi ni Vince kay Kaloy sa napansin nito kay Evan.

“Paano naman magseselos iyon eh sila na nga ni Dax. Iba lang talaga siguro ang pagkaintindi niyo sa isa’t isa. Tsaka wag mo na kasing patulan si Evan, lalo lang kayo magbabanggaan niyan. Wag niyo na patagalin ito baby, mag-ayos na kayo.” Sagot ni Kaloy.

“Sabihin mo iyan sa kanya. Siya ang nauna. Siya ang nanigaw kanina.”

“Baby love naman, bigay mo na sa akin ito. Wag mo naman ako ilagay sa gitna niyong dalawa.” Sambit ni Kaloy nang marinig ang tugon ni Vince.

“So ako pa mag so-sorry sa kanya baby love? Ano ba ang kasalanan ko? May mali ba dun sa sinabi ko. Si Dax nga hindi nag react, kasi alam niyang mali ang ginawa nila. Tapos siya ganyan? Di dahil close sila nila Tay Karding at nay Tess, pa important person na siya.” Ang tugon ni Vince na pikon na pikon parin kay Evan.

“Okay fine, hindi na kita pipilitin, pero pakiusap,-wag na natin ipakita kina nanay. Kilala mo naman iyon. Ayaw na ayaw nun na nagkakagulo ang mga anak-anakan niya. Kayo pa naman ni Evan ang paborito nun. Mas paborito pa kayo nun kaysa kina Paquito at Burnok eh.” Ayon pa kay Kaloy.

Sumang-ayon naman si Vince sa pakiusap ng kasintahan. Ngunit kahit anong pilit nitong magpakaplastik kay Evan, lumalabas pa rin ang inis at asar nito sa lalake na maging siya man sa sarili nito ay hindi maintindihan kung bakit kumukulo talaga ang dugo nito kay Evan. Matapos kausapin si Vince, si Evan naman ang pasimpleng kinausap ni Kaloy. At katulad nga nang inaasahan. Ganun din ang tugon ni Evan sa naging aktuwasyon ni Vince sa kanya.

Nasa balkonahe nun ng bahay si Evan na nakaupo sa ratan na duyan nang lapitan ito ni Dax na may dalang plato ng pansit. Sumandal sa bakod ng balkonahe ang lalake nang nakaharap kay Evan.

“Ayaw mo ba sumali sa kanila na nag-iinuman sa baba?” Tanong ni Dax

“Para ano? Para makipagplastikan kay Vince? Tang na siya. Kung siya kaya niya ako hindi. Baka hindi pa ako makapagpigil at masampolan ko pa ang mukha niya ng kamao ko.” May pag-ismid na sagot ni Evan sa tanong.

Napailing na napangiti si Dax sa asar na asar na reaksyon ng mukha ni Evan.

“Paano mo pa mai-enjoy ang remaining days natin dito kung may ngitngit ka sa ribal mo? Kalma lang kasi pare, nahahalata ka na niyan.” Nakangising sabi ni Dax. Sabay baling ng tingin kina Kaloy sa baba na nasa bakuran at nakikipag kuwentuhan sa mga kapitbahay kasama sina Vince, Gibo at Nate.

“Pa epal din naman kasi ang gagong iyon eh. Halata namang may beef din talaga sa akin ang Vince na iyan una pa lang. Threatened yata sa akin ang puta.” Sambit pa ni Evan.

“Eh baka nga duda pa rin siya sa motibo mo kay Carlo. Kaya hanggang ngayon may ngitngit pa rin siya sa iyo.”

“Wag niya akong hamunin at baka totohanin ko. Hindi porke’t nauna siya kay Kaloy siya na rin ang huli. Maraming plot twist ang kuwento pare. Baka gawin ko siyang kontrabida sa sarili niyang istorya.” Saad ni Evan na nagpakawala ng sarkastikong ngiti.

“So paano naman ang papel ko niyan sa kuwento? Cameo pa rin ganun?” Ang natatawang birong tanong ni Dax.

“At least may script, exposure pa rin iyon baliw. Pero seryoso talaga ako pare,-isang hirit pa sa akin ng Vince na iyan, aagawin ko talaga sa kanya si Kaloy. At sisiguraduhin ko na ako ang pipiliin at hindi siya.” Ang seryosong sagot ni Evan sa lalake.

“Sakit nun par, harap-harapang kataksilan naman iyon sa relasyon natin.” Sabat ni Dax sabay kapa sa dibdib nito.

“Tae na gago, anong relasyon natin? Hindi dahil nag tuknakan na tayo ay relasyon na iyon uy. Hanggang dun lang ang meron tayo. Tama na iyong nagkakasundo tayo sa ganun, wag mo nang pangaraping lalampas pa tayo dun. Si Kaloy lang ang gusto kong makasama. Nirerespeto ko lang ang kahibangan niya sa cheater na Vince na iyon kaya nagparaya ako. Kaya wag lang talaga sagarin ng Vince na iyan ang pasensya ko.” Wika pa ni Evan.

Napailing-iling na lang si Dax sa sinabi ni Evan sa kanya. Sa harap nila Kaloy at sa mga kaibigan nito,- si Dax at Evan ay tunay na may espesyal na koneksyon sa isa’t isa. Ngunit ang totoo, tanging sa sex lang nagtatagpo ang nararamdaman ng kanilang mga katawan at damdamin. Iba ang sinisigaw ng puso ni Evan na makapiling at makasama, iba rin ang binubulong ng puso at isipan ni Dax na maging kanya. Dahil sa mga nangyari ng araw na iyon mga nakanting damdamin, may nayanig na emosyon. Gayunpaman nagpatuloy ang gabi ng payapa at masaya.

Naging camping ground ang malawak na bakuran nila Karding nang magtayo ng tent sina Nate at Vince. Habang nag le-lechon naman ng tatlong manok sina Burnok at Dax. Abala naman sina Gibo at Kaloy sa pag niningas ng ginagawa nilang bonfire. Si Evan naman ng mga sandaling iyon ay katuwang ni Tess at Karding sa kusina na naghahanda ng iba pang pagkain na pagsasaluhan nila sa hapunan. Samantala si Paquito sa mga oras na iyon ay kasama ni Tipen na nag didikdik ng bloke ng yelo na ilalagay sa cooler para sa mga inumin nila mamaya.

Magkausap ang dalawa;

“Bakit mo nga pala ginawa iyon kanina?” Bungad na tanong ni Paquito kay Tipen.

“Ikaw? Bakit ginawa mo iyon,- Kahit alam mong delikado?” Balik na tanong ni Tipen sa binata.

“Dahil kailangan nila ng tulong. Mga kaibigan ko sila at iyon lang ang naisip kong gawin, -kaysa tumayo lang dun maghintay sa pagdating ng rescue at panoorin silang tangayin ng ilog. Kaya sumugal na ako. Kahit alam kong malalagay din sa piligro ang buhay ko. Nawalan na ako minsan ng kaibigan dahil sa ilog na iyon at ayokong may madagdag pa. Ikaw?” Sagot ni Paquito.

Matagal nakatugon si Tipen napabuntong hininga muna ito ng malalim. Saglit na huminto sa kanyang ginagawa tsaka tumingin ng diretso sa mukha ni Pacquito. Yumuko ito at muling tumingala sa ulap. Biglang namasa ng luha ang mga mata nito. Bago niya iyon mabilis na pinunasan ng goodmorning towel na nakapatong sa kanyang balikat.

“Ayos ka lang kuya?” Tanong ni Paquito nang mapansin iyon kay Tipen.

Ngumiti ng bahagya ang lalake tsaka tumugon ng kuwento sa binata.

“Nakita ko kasi sa iyo kanina ang anak ko nung bigla ka na lang lumusong sa ilog.” Pagsimula ni Tipen.

“May anak kayo?”

“Dati, nang hindi pa siya kinuha ng dagat sa akin. Ampon ko iyon nung nagtatrabaho pa ako sa gay bar. Batang hamog pa lang iyon nang isinama ko sa bahay. Hanggang sa itinuring ko ng anak. Pinag-aral ko, binihisan at inaruga na parang ako talaga ang ama. Siya ang dahilan ng mga pagsusumikap ko noon. Kayod Marino ako sa gabi para lang mabigay sa kanya ang lahat nang di na siya bumalik ng lansangan. Fourteen years old na siya nun nang mapunta ako sa pamilya nila ni Vince at naging driver. Kung kelan nagsisimula ng gumanda ang buhay namin nun,-dumating naman ang bangungot sa buhay ko. Kaarawan niya nang dinala ko siya sa probinsya namin. Isla ang lugar namin at tanging bangkang de motor lang ang bumabiyahe papunta dun. Masaya pa kami noong una, kitang-kita ko pa ang excitement sa mga mata niya habang papunta kami sa isla. Hanggang sa nangyari na nga ang isa sa pinakamadilim na yugto ng aking buhay. Inabutan kami ng masamang panahon sa laot. Malalaki ang mga alon at sa dami naming pasahero, hindi kinaya ng sinasakyan naming bangka. Tumaob ito at nagkahiwalay kami ni Hiro. Hinanap ko siya ngunit marami ang umangkla at humihila sa akin na mga braso at kamay. Hindi ko nun mahagilap ang anak ko hanggang sa nakarinig ako ng sigaw. Iyong anak pilit na tinutulungan ang isang bata na makasampa sa tumaob na bangka. Ngunit malayo siya sa akin. Sinikap kong makarating sa kanya ngunit hinahadlangan kami ng malalaking alon. At nang nasa malapit na ako sa bangka, tanging bata na lang na umiiyak ang inabutan ko. Wala na si Hiro. Ilang taon ko rin bitbit sa dibdib ko ang pangungulila sa kanya bago ko natanggap sa sarili ko na wala na siya. Ngunit nang makita kitang lumalaban sa agos kanina, nakita ko sa iyo si Hiro. Ewan,- basta ko na lang din ginawa ang ginawa mo kanina. Suwerte na lang tayo at hindi tayo napahamak sa kabaliwan natin. Siguro kung kasama ko pa ang anak kong iyon,-kasing edaran niyo na rin siya ngayon.” Ang ibinahagi namang kuwento ni Tipen kay Paquito.

“Pasensya na at naungkat ko pa tuloy ang sugat mo sa pagkawala ng anak mo. Pero kung nandito pa iyon siya, sa malamang parte na rin siya ng tropa.” Sambit ni Paquito na bumawi ng ngiti kay Tipen para pagaanin ang loob ng lalake.

“Iyon nga ang naisip ko eh, may lambot ng marshmallow din ang anak kong iyon. Pakiramdam ko nga nun sa kanya bakla din iyo tulad niyo.” Sabat ni Tipen.

Tila nasamid ng laway si Paquito sa sinabi ni Tipen. Agad niya pinabulaanan ang panglalahat ng lalake sa kanila bilang mga bakla.

“Teka naman kuya, wag mo naman ako isama sa lahat. Straight to uy. Tuwid na tuwid walang halong lambot. Tsaka kita mo naman sa katawan ko. Sa braso at abs kong ito pagkakamalan mong bakla. Wala pa nga akong experience sa kapwa ko lalake eh, tapos bakla? Judgemental mo naman masyado kuya.” Depensa agad ni Paquito sa sarili.

Napailing na natatawa naman si Tipen sa reaksyon ni Paquito. Tangging-tagi talaga kasi ito na hindi siya bakla at namumula na ng husto ang tenga nito. Sumang-ayon na lang si Tipen sa kanya. Ngunit sa tingin ni Tipen at sa pakiramdam nito sa binata iba.

“Sige na straight na kung straight. Ang mahalaga kilala mo kung ano ka at tanggap mo kung ano ka. Mas masaya ang malaya.” Sabi pa ni Tipen sabay iwan ng ngiting may pakindat pa kay Paquito nang binitbit nito ang malaking cooler papunta kina Vincent.

Napalunok ng sariling laway si Paquito. Ang bilis ng kalabog ng kanyang dibdib. Naguguluhan lalo ito sa sarili. Isa isang bumalik sa isip nito ang mga ginawa nila ni Burnok ng sabay, ang mga sandaling naliligo silang apat noon sa ilog na kapwa mga hubo’t hubad. Ang mga pagkakataon noon na hinahayaan niya si Gibo na laruin ng kaibigan ang kanyang tarugo, ang minsan pagsilip nito noon kay Kaloy na naliligo sa banyo habang nagbabatibot, ang naramdaman nitong libog at kiliti nang makita niyang nag tutuknakan sina Jasper at Karding, at ang ginawa sa kanya ni Jasper na labis niyang nagustuhan kahit pa nasaktan ito. Lahat ng iyon ay bigla na lang sumagi sa isip ni Paquito dahilan para pagdudahan na rin nito ang sariling pagkatao.

Tulala itong napasandal sa hood ng kotse.

Samantala muling nakatanggap ng tawag si Karding mula kay Mayang. Batid ni Karding na patungkol kay Jasper ang tawag na iyon kaya lumabas ng bahay ang lalake para hindi sila marinig ni Tess. Lumabas na rin ito ng bakuran para makasagap ng mas malinaw na signal at makausap ng maayos si Mayang.

“Papuntang Ilang ngayon si Jasper. Alam kong ikaw ang sadya niya riyan. At tiyak may kalokohan na namang gagawin iyon, kaya goodluck. Hirap na akong intindihin ang tulad niya. Masyado na siyang baliw sa iyo Ric. Hindi ko na alam kung nasa katinuan pa siya. Ayokong sirain niya ang pamilya mo, kaya kung ako sa iyo unahan mo na siya. Sabihin mo na kay Tess ang lahat. Maiintindihan ka naman nun. Tanggap ka niya kung ano, at sure ako na matatanggap din niya ang tungkol sa inyo ni Jasper.” Wika ni Mayang mula sa kabilang linya.

“Naisip ko na rin iyan, naghahanap lang ako ng tamang timing. Pero salamat at nasabihan mo agad ako. Ako na ang bahala sa kanya rito.” Tugon ni Karding bago tinapos ang usapan nila sa cellphone.

Napatikom ng mga kamay si Karding. Bakas ang galit sa kanyang mga mata para kay Jasper. Tahimik itong bumalik sa loob ng bahay tsaka pumasok sa silid nilang mag-asawa. Napansin ni Tess ang nakabusangot na mukha ng asawa kaya sinundan niya ito sa kanilang silid. Sarado na ang pintuan ng kuwarto nang lumapit si Tess, -maya-maya pa umalingawngaw na mula sa loob ang putok ng isang baril.

‘SHADE’

Agad na napasugod ang lahat sa silid ng mag asawa ng makarinig ang mga ito ng putok ng baril.

Labis na kinabahan si Tess sa asawa nang inabutan niya itong naglilinis ng airgun sa kanilang kuwarto. Natatawapa si Karding nang makita ang reaksyon ng mukha ng asawa.

“Karding ano iyan? Kelan ka pa nahilig sa baril?” Tanong ni Tess sabay hampas ng may gigil sa balikat ng asawa.

“Airgun lang ito mahal. Libangan lang. Ibeninta ito ni Boyong sa akin. Kailangan daw kasi ng pera para sa misis niya. Nagandahan naman ako kaya binili ko na. Maganda ito pang tira sa mga ibon sa palayan tsaka sa mga daga.” Tugon ni Karding.

“Tay ano ang nangyari? Nakarinig kami ng putok ng baril ah. Teka may baril kayo Tay?” Bungad ni Kaloy nang pumasok din ito ng silid.

“Pasensya na Nak, sinubukan ko lang itong airgun na binili ko kay tiyo Boyong mo.” Wika ni Karding.

“Ganun ba, kinabahan naman kami dun Tay. Akala namin kung may nangyari na rito.”

“Naku, parehas tayo Nak. Ewan ko ba sa tatay mo at binili-bili pa iyan. Mukhang delikado pa naman. Maya niyan totoong disgrasya na talaga ang sasapitin niya sa airgun na iyan.” Ang talak pa ni Tess.

Nilambing na lang ito ni Karding ng kumalma na ang asawa tsaka iniligpit ang baril. Napakamot na lang ng ulo si Kaloy nang lapitan nito ang mga kaibigan.

Bandang alas otso na ng gabi nakatitig ng Ilang si Jasper. Dahil sa umulan nga ng araw na iyon nahirapan itong maipasok ang dalang kotse papasok sa mismong baryo ng Ilang. Dahil sa niyugan palang nabaon na sa putik ang mga gulong ng kanyang sasakyan. Madilim pa man din sa lugar at tanging ilaw lang ng kanyang kotse ang tumatanglaw sa daan.

“Kamalas naman talaga. Ang mabuti pa lalakarin ko na lang pauwi. Babalikan ko na lang ang kotse ko rito bukas. Safe naman siguro ito dito.” Wika ni Jasper.

Nang mga sandaling iyon,-pababa naman ng burol si Paquito kasama si Tipen galing kina Kaloy. Balak kasi ipakita ni Paquito ang kanila kay Tipen. Ipinagmamayabang kasi nito ang mga alagang panabong ng kanyang tiyuhin. At nangako ito dito kay Tipen na bibigyan niya ito ng primera klaseng manok panabong. Nasa labas pa ng baryo ang bahay nila Paquito, at madadaanan nila ang niyugan sa bungad ng baryo. Madilim na sa bandang iyon at hindi na abot ng mga solar lights sa gilid ng daan. Kung kaya ginamit na ng dalawa ang kanilang mga cellphone.

Nang mapatingin si Paquito sa bandang kanan ng niyugan.

“Mukhang may na bitag yata sa putikan ah. Sino kaya iyan?” Sambit ni Paquito na pilit sinisipat ang mukha ng taong nalubog sa putik.

“Mabuti pa tulungan na lang natin. Sa ayos niya mukhang galing pa iyan ng bayan.” Sabat ni Tipen.

Nagpatuloy ang dalawa, ngunit habang papalapit sila sa lalaking yun sa putikan biglang natigilan si Paquito nang mamukhaan kung sino ang taong nakita nila. Napansin na rin sila ni Jasper nang makita nito ang mga ilaw mula sa cellphone ng dalawa. Nagulat si Paquito sa presensiya ni Jasper doon. Bumaling ito ng tingin kay Tipen.

“Kakilala mo?” Tanong ng lalake.

Tumango lang si Paquito ngunit hindi na ito humakbang pa papunta kay Jasper. Hindi na hinintay ni Tipen si Paquito, pinuntahan na talaga nito si Jasper at tinulungan ang lalake na makaahon ang mga Paa na lumubog sa putikan. Nang maalis na roon si Jasper nagpasalamat ito kay Tipen. Nagpakilala sa lalake at inalok ang dalawa na maghapunan muna sa bahay nito. Ngunit agad na tumanggi si Paquito.

“Wag na ho, kakatapos lang namin kumain. Tsaka may pupuntahan pa kami.” Ani ni Paquito.

“Okay, sige sa ibang araw na lang. Ingat na lang sa pupuntahan niyo,-baka mas maputik dun at mahirap kayong tumayo.” Tugon ni Jasper na gumawad ng sarkastikong ngiti sa dalawa tsaka nito iniwan ang dalawa.

Pansin ni Tipen ang di komportableng kilos ni Paquito sa harapan ni Jasper kaya inusisa nito ang binata. Tumanggi si Paquito sa naging puna ni Tipen. Hindi naman nagpumilit pa ang lalake na alamin ang dahilan ng tila pagkailang ng binata kay Jasper kahit pa batid nito na may tinatago sa kanya ang binata.

Naging tahimik si Paquito habang naglalakad silang dalawa. Hanggang sa nakarating sila sa bahay nila,-tahimik lang ang binata.

Sa bakuran pa lang sinalubong na sila ng tiyahin ni Paquito na agad kinuha ang mga bibig na pasalubong ng dalawa.

“Ay kay dami naman nito Paki, pedi na ito pang dagdag paninda sa tindahan ko.”

“Tsang para po iyan dito sa bahay pang new year niyo po. Itong pera kinse mil po iyan, bonus ni Tay Karding sa akin. Ito ang pangbili niyo para sa tindahan.” Wika ni Paquito ng inabot nito sa tiyahin ang pera.

“Kalaki naman nito, baka wala ng natira sa iyo?”

“Hatian mo na lang si tsong diyan.”

“Uy narinig ko iyon pipti-pipti tayo riyan.”

“Magandang gabi tsong, mano po.-siya nga pala kasama namin na bumalik dito si Kuya Tipen.”

“Magandang gabi sa inyo.”

“Ay maganda talaga ako pag gabi, ako nga pala si Ivana.”

“Sus! Nakakita lang ng guwapo kala mo naman nagmumurang kamatis. Hoy gurang, kulubot na iyang pechay mo. Wala ng lalake ang may lakas ng loob na mukbangin pa iyan. Tuyo na iyan at wala ng lasa.” Hirit na pang aasar ng tiyuhin ni Paquito sa tiyahin nito nang mapansin nitong lumalandi kay Tipen.

“Nagsalita ang hindi tuli. Ang sabihin mo inggit ka lang kasi wala na talagang papatol sa iyo. Layat na nga supot pa.” Sabat ng tiyahin.

Parehas na matandang dalaga at binata ang magpinsan na siyang tiyuhin at tiyahin ng binata. Natawa na lamang si Paquito sa bangayan ng dalawa.

“Ganyan lang ang mga iyan pero matitino iyan. Halika na dun sa loob nang makapagpalit ka ng damit. Naputikan na iyang pantalon mo at Tshirt. Tsang dito na muna kami magpapalipas ng gabi. Bukas na kami babalik kina Kaloy. Tsaka tsong baka may maganda kang manok panabong diyan bibilhin ni kuya Tipen.” Wika ni Paquito.

“Wag mo na bilhin pare, mamili ka na lang, bigay ko na sa iyo. Ipapasyal kita sa manukan ko bukas, marami ako dun. Bakit sumasabong ka ba?” Sagot ng tiyuhin.

“Sakto lang, libangan lang ganun.” Nangiting tugon ni Tipen.

“Siya, pumasok na kayong dalawa. Paki, naghapunan na ba kayo?”

“Tapos na Tsang. Kumain na kami dun kina Kaloy.”

“Hala tumuloy na kayo sa loob. Bukas na tayo mag usap. Mag unboxing muna ako ng mga dala niyo.”

Tumuloy na nga ang dalawa sa loob ng bahay. Dahil sa parehas silang putikan nagyaya si Paquito na sabay na silang naligo sa balon na naroon sa bandang likod ng kanilang bahay. May ilang metro ang layo nun sa mismong bahay nila. Kaya kailangan pa nila maglakad papunta roon. Bitbit ang mga pamalit na damit, tuwalya, sabon, timba, tabo at rechargeable light,-tinungo ng dalawa ang balon.

Ang balon kung saan napapaligiran ng mga mayayabong na puno ng kawayan.

“Wala bang makakakita sa atin dito?” Tanong ni Tipen habang inaayos ang mga pampalit na suot sa mahabang papag malapit sa balon.

“Solo lang ang balon namin na ito rito. Tsaka halos lahat ng bahay dito may mga sariling balon. Bakit mo naman natanong? Takot mo mabusohan noh?” Tugon ni Paquito sabay ngisi kay Tipen.

“Hindi naman, wala naman akong dapat ikahiya sa katawan ko. Kwan kasi parang ang sarap lang maligo ng hubo’t hubad sa harap ng balon.” Ani ni Tipen.

“Ikaw, -pedi naman. Tayo lang namang dalawa ang tao dito.” Sabat ni Paquito habang naghuhubad ng tshirt.

“Hubad mo rin lahat sa’yo,-para dalawa tayo.”

At wala na ngang pag-aalinlangan na nagtanggal ito ng lahat ng saplot sa kanyang katawan. Sabay igib ng tubig mula sa balon. Tulala at napalunok naman bigla ng sariling laway si Paquito nang mapalingon ito kay Tipen. Halos lumuwa din ang mga mata nito nang makita ang tangan na kargada ng lalake. Sa haba at laki nito kahit pa tulog, nagmistulang bunso ang sapung-sapo ni Paquito. Hindi mawari ng binata ang nararamdaman nito nang makita ang kabuuan ni Tipen. Na bagama’t may kaedaran na, maganda parin ang porma at hulma ng mga maskulo nito sa katawan na para bang walang bahid ng kanyang edad. Mapintog parin ang mga malalaki nitong dibdib at braso, pating ang malapad nitong likod na bagay sa maliit nitong beywang. Wala mang abs bagay naman sa kanya ang malalaman. Lalo na sa matambok nitong puwet na kahit may kadiliman sa kanilang puwesto kita mo parin kung gaano iyon ka kinis.

Nilingon nito si Paquito nakatalikod sa kanya habang sinusuot muli ang hinubad na boxer shorts.

“Tanggalin mo na iyan. Tayo lang naman ang nandito. Tsaka ilapit mo na rito ang timba mo ng masilanan ko na rin ng tubig.” Wika ni Tipen kay Paquito.

“Kuwan mamaya na pala ako maghuhugas ng katawan. Medyo nilalamig kasi ako. Sa bahay na lang ako mamaya. Sige maligo ka na,-ako na lang magsasalin ng tubig sa timba mo nang mabilis kang matapos.” Tugon ni Paquito na hindi makatingin ng diretso kay Tipen.

“Masasanay ka rin sa lamig, oh ito nang masanay ka.”

Sambit ni Tipen sabay tapon sa binata ng tubig gamit ang tabo na pinansalok nito sa kanyang timba. Malamig nga ang tubig na itinapon kay Paquito, ngunit nabalewala iyon dahil sa nag-iinit na pakiramdam ng binata nang maramdaman nito ang malambot ngunit mabigat na palad ni Tipen na humahagod sa likod niya. Hindi mawari ni Paquito ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Tila dinadaluyan ng kuryente ang bawat hibla ng kanyang mga ugat sa bawat haplos ni Tipen sa kanyang balat.

“Ako na ang gagawa nito sa sarili ko. Para naman akong bata niyan. Sige na, maligo ka na. Maliligo na rin ako dito. Titiisin ko na lang ang lamig.” Wika ni Paquito kay Tipen sabay hawi ng kamay ng lalake sa balikat nito.

“Kung ayaw mo,-pasuyo na lang ng likod ko ayos lang ba? Hindi ko kasi abot, pasabon na lang ng please.” Sabat ni Tipen tsaka inabot kay Paquito ang manipis na sabon.

Nanginginig ang kamay ni Paquito na hawak ang sabon na ibinigay sa kanya ni Tipen. Nag-aalangan ito sa utos ng lalake sa kanya,-ngunit may kung ano sa loob ni Paquito na sabik na gawin ang utos sa kanya ni Tipen.

“Diinan mo naman ang paghagod,-parang nilalamig ka ngang talaga, nararamdaman ko kasi ang panginginig ng kamay mo.” Natatawang sabi ni Tipen sa binata.

“Kuwan kasi first time ko lang kasi gawin ito sa iba. Kaya medyo naiilang lang ako. Pero ayos lang ba sa iyo na sinasabon kita?” Tanong ni Paquito.

Ngumiti lang si Tipen. Humarap ito kay Paquito tsaka kinuha ang sabon kanya. Natigilan si Paquito na nagtataka sa mga titig sa kanya ni Tipen. Kasunod nun sinimulan na siyang sinabon ni Tipen. Sinimulan iyon ng lalake mula sa dibdib ng binata, pababa sa puson nito. Marahan ang mga paghagod ni Tipen kay Paquito, marahan ngunit may kakaibang haplos iyon,-bagay na nagdulot iyon ng kakaibang sensayon sa kaibuturan ng binata.

“Ano ba ang ginagawa mo sa akin?” Tanong ni Paquito.

“Tinatanggal ko lang ang panglalamig mo. Alam ko hirap ka ng pigilan ito, kaya sige lang, tutulungan kitang palabasin iyan.” Sagot naman ni Tipen sabay pasok ng isang kamay nito sa loob ng boxer shorts ni Paquito.

Dinukot nun ang tumitigas ng buratso ng binata sabay hagod nito dito ng marahan. Hindi na nga natiis ni Paquito ang kumakawalang libog sa kanyang katawan. Walang paalam na agad nitong sinunggaban ng marubdob na halik sa labi si Tipen. Unang beses iyon na ginawa ni Paquito lalo na sa kapwa lalake. Natigilan na lamang ito sa kanyang ginagawa nang bahagyang inilayo ni Tipen ang kanyang mukha sa binata.

“Pasensya na sa kapangahasan ko. Kuwan nadala lang kasi ako.” Sambit ni Paquito.

Ngumiti ng bahagya si Tipen sa naging reaksyon ni Paquito.

“Ang agresibo mo naman pala. Halobs hindi ako makahinga. Grabe ka, ginawa mong suso ang bibig ko.” Ani ni Paquito sabay haplos sa bibig ng binata.

Nangibabaw na ang hiya kay Paquito. Dahil dun mabilis na nagbuhos ng tubig sa katawan ang binata. At mabilis na nag punas ng katawan tsaka nagbihis. Napangiti na lamang si Tipen na pinagmamasdan si Paquito. Tinapos na rin nito ang paliligo tsaka nagbihis. Tahimik ang dalawa na bumalik kina Paquito. Ngunit ka pansin-pansin ang paglayo ng binata kay Tipen. Maging sa inihandang silid ng tiyahin nito sa kanila ramdam ang tila pagkailang ng binata sa pagitan nila ni Tipen.

“Bakit diyan ka naka-higa, dumito ka na sa tabi ko. Ang laki pa naman ng puwang dito sa higaan,-kasya tayong dalawa rito.” Wika ni Tipen ng pinansin si Paquito na nakatulukbong ng kumot na nakahiga sa banig na inilatag nito sa sahig.

“Dito na lamang ako, tsaka bisita ka namin. Pangit naman kung sa sahig kita papatulugin. Wag mo na akong alalahanin dito. Mabuti ng magkalayo tayo baka kasi hindi na talaga ako makapagpigil at hindi lang halik ang gawin ko sa iyo.” Ayon pa kay Paquito na bahagyang hininaan ang boses nang sambitin nito ang mga huling sinabi.

Dahil nakatalikod ito kay Tipen, hindi namalayan ni Paquito ang pagbangon ng lalake sa kama. Bitbit ang gamit nitong unan at kumot bumaba ito ng higaan tsaka tinabihan si Paquito sa sahig. Napabalikwas naman ng bangon ang binata nang dumantay agad sa kanya si Tipen.

“Ayaw mong tumabi sa akin, eh di ako na lang tatabi sa iyo. Hindi kasi ako sanay sa malaking higaan. Nalulula ako kapag maluwang. Tsaka malamig dito sa inyo,-masarap matulog ng may kayakap.” Nakangising sabi ni Tipen sabay kabig sa beywang ni Paquito para muli itong ihiga.

Hindi na nakatugon si Paquito, humiga muli ito nang nakatihaya sa tabi ni Tipen. Habang yakap-yakap naman siya nito ng lalake.

Samantala, matapos ang inuman at kuwentuhan ng magkaibigan sa bakuran,-kanya-kanyang pasok na sa mga hinihandang silid ang anim. Dahil sa tatlo lang ang silid sa kanila ni Tess, magkasalo na sa iisang silid sina Nate, Gibo, Dax at Evan. Sa kama naka puwesto sina Dax at Evan. Sa sahig naman na may kutson sina Nate at Gibo. Sa sala naman natulog si Burnok kasama ang ilan sa mga pinsan ni Kaloy na pumunta rin sa kanila.

Lasing ang lahat kaya mabilis silang nakatulog maliban kay Evan na kahit nahihilo na hindi parin madalaw-dalaw ng antok. Maingat itong bumangon ng kama at marahang lumabas ng silid. Pasado alas dose na nun. Tahimik na ang buong bahay. At tanging mga kuliglig at mga ingay na lamang ng mga palaka ang magbibigay musika sa malamig at maambon na gabi.

Bumaba si Evan para uminom ng malamig na tubig sa kusina. Madilim ang buong sala maging sa kusina at tanging ang ilaw mula sa labas ng bakuran ang sumisilip sa mga bukas na bintana na siyang nagbibigay ng kaunting aninag at liwanag sa loob ng bahay. Nasa kusina na ito nang may naaninagan itong tao na nagbubukas ng ref sa kusina. Sa pag aakalang si Karding iyon ay agad na nagsalita si Evan.

“Tito magandang gabi po, gising pa po pala kayo.” Sabi nito.

Ngunit nang lumingon sa kanya ang lalaking nakita nagulat ito.

“Kaloy pare ikaw pala, akala ko si Tito Karding.”

“Gising ka pa pare?” Tanong ni Kaloy

“Namamahay lang yata. Hindi nga madalaw ng antok eh. Tapos parang nanuyot ang lalamunan ko. Kaya naisipan kong bumaba para uminom ng tubig. Ikaw bakit gising ka pa?” Ani ni Evan, dun lang napansin nito na naka-brief lang pala si Kaloy. Naka-sando naman ito,-ngunit iba bigla ang naisip ni Evan sa kaibigan sa ayos nito lalo na’t isang pitsel talaga ng malamig na tubig ang hawak ni Kaloy tsaka may dalawang baso pa itong bitbit sa kabilang kamay.

“Uhaw na uhaw din ah,” sambit pa ni Evan sabay bitaw ng sarkastikong ngiti kay Kaloy.

“Matubig lang talaga kami ni Vince sa gabi. Nagtatabi talaga kami ng tubig kapag natutulog.” Sabat ni Kaloy na agad naman nakuha ang ibig sabihin ni Evan.

Pabalik na sana si Kaloy sa silid nila ni Vince nang hinawakan ni Evan ang braso ni Kaloy sabay hila sa kaibigan palapit sa kanya tsaka sinunggaban nito si Kaloy ng marubdob na halik sa labi. Saglit na lumaban ng halikan si Kaloy kay Evan ngunit agad din naman itong natauhan at naitulak ng bahagya ang lalake ng kumalas ang bibig nito sa halik ni Evan.

“Pare ako na lang…” sambit ni Evan na tila may pagmamakaawa kay Kaloy.

“Ano ba ang pinagsasabi mo pare? Sa tingin ko lasing ka lang. Matulog ka na at babalik na din sa aming kuwarto.” Wika ni Kaloy.

Ngunit muling tinangka ni Evan na halikan pa si Kaloy. Umiwas na nun ang huli at nailang na sa kinikilos ng kaibigan. “Tigilan mo na ito pare. Baka makita pa tayo ni Vince at Dax,-ano pa isipin nun sa atin. Alam ko nagkakaganito ka lang dahil sa bangayan niyo ni Vince kanina. Kaya pakiusap umayos ka.” Ani pa ni Kaloy kay Evan.

“Pare ikaw ang mahal ko, alam mo iyon. At nagseselos ako sa tuwing magkasama kayo ni Vince. Pare, tayo ang bagay hindi kayo.” Saad pa ni Evan sabay muling hinalikan si Kaloy sa labi.

Sa pagpigil ni Kaloy,-naitulak nito si Evan ng malakas kaya napaupo ito sa sahig. Akma na sanang tulungan ni Kaloy si Evan na itayo nang tabigin ng kaibigan ang kamay nito tsaka ito nagkusang tumayo. Nang makabangon tumitig ito ng masama kay Kaloy bago ito tumalikod at umakyat pabalik ng kanilang kuwarto. Naiwan si Kaloy na napailing nalang sa ginawa ni Evan. Hindi na nito kinumpronta ang kaibigan. Pinalagay na lang nito na nakainom si Evan at hindi nito alam ang gagawa sa kanya. Napabuntong hininga na lamang si Kaloy tsaka tumuloy na rin ito sa silid nila ni Vince.

Inabutan pa nito ang nobyo na naglalaro ng offline game sa cellphone nang pumasok ito.

“Natagalan ka yata baby?” Wika ni Vince nang mapalingon ito kay Kaloy.

“Kuwan kasi,-siniguro ko lang na nakasara ang mga pintuan sa baba. Ikaw baby, bakit hindi ka pa natulog?” Nangiting tugon ni Kaloy sa jowa.

“Gusto ko kasi sabay na tayo baby love. Alam mo na,-malamig ang gabi, medyo maambon. Sarap nang may ka cuddle habang nagpapaantok.” Sagot ni Vince nang bumangon ito ng kama at lumapit kay Kaloy.

Hahalikan sana ni Vince si Kaloy sa labi nito nang agad na iniwas ni Kaloy ang mukha nito kay Vince. Bahagyang napakunot ng noo si Vince sa pag-iwas ni Kaloy sa halik nito. “Mamaya na baby, mag to-toothbrush lang muna ako.” Pagdahilan ni Kaloy.

“Ha? Bakit pa baby?-ayos lang naman sa akin kahit ano pa ang amoy ng hininga mo ah. Tsaka sabay na tayo nag toothbrush kanina.” Ani ni Vince.

“Parang amoy ko pa rin kasi ang kilawin sa bibig ko. Mamaya na tayo mag pangasan ng labi, kapag tapos na ako mag mouthwash.” Sabat pa ni Kaloy.

Agad itong nagtungo ng banyo para mag mumog ng husto. Hindi dahil sa amoy ng kung ano sa kanyang hininga,-kundi dahil sa dumikit na laway ni Evan nang saglit itong makipaglaplapan sa kaibigan. Pakiwari ni Kaloy, isang pagkakamali ang ginawa niya nang makipaghalikan ito kay Evan.

Sinabon at maiging hinugasan ni Kaloy ang kanyang bibig tsaka makailang ulit na nagmumog ng mouthwash. Sa paniniwalang matatanggal nun ang kalanan na nagawa niya kay Vince.

Nang lumabas ito ng banyo nakahiga na si Vince at nakatagilid itong nakatalikod sa kanya. Pagkasampa sa kama agad nitong nilambing si Vince ngunit hindi tumugon sa kanya ang nobyo. “Oh ba’t ngayon parang ayaw mo na, baby love. Mabango na muli ang hininga ko. Fresh na na’to para sa magdamagang laplapan.” Wika pa ni Kaloy habang pinaghahalikan sa batok at balikat nito si Vince.

“Inaantok na ako baby, bukas na iyan. Sige na tulog na tayo.” Tugon ni Vince na tila walang gana.

Nagkibit balikat na lang din si Kaloy at hinayaan na lang na makapagpahinga si Vince. Umayos ito ng pagkakahiga sa tabi ng jowa at siniil ng mahigpit na yakap si Vince mula sa likod. Ang hindi pansin ni Kaloy ay umaagos na luha sa mga mata ni Vince. Luhang dulot ng pagkainis at kinikimkim na galit.

Lingid sa kaalaman ni Kaloy, nakita ni Vince ang nangyari sa kanila ni Evan. Saktong pagkalabas kasi ni Evan sa kanilang silid ay siyang labas din ni Vince para sundan sana si Kaloy sa kusina. Ngunit nang makita nito ang pagbaba ni Evan ng hagdan, -kinutuban ito ng hindi maganda kaya maingat nitong sinundan sa kusina ang lalake kung saan dun na nito inabutan ang laplapan ng dalawa, Evan at Kaloy.

Hindi maatim ni Vince ang nakita kaya bumalik agad ito sa silid nila ni Kaloy. Walang lakas ng loob si Vince na sumbatan si Kaloy sa bagay na minsan na rin niya nagawa sa kasintahan kung kaya’t sinarili na lang nito ang sakit dulot ng kanyang nakita. Tahimik ang mga hikbi ni Vince. Ayaw niyang iparinig kay Kaloy ang kanyang nararamdamang inis at galit.

Umusad ang mga oras, hanggang sumamit ang kinabukasan. Maaliwalas ang bumungad na umaga para sa lahat. Maganda ang silip ng araw dahil sa malinis na kalangitan. Mamasa-masa ang mga damu sa bakuran nila Paquito dahil sa hamog gawa ng maambon na gabi. Kasabay ng pagtilaok ng mga manok sa manukan ng tiyuhin ni Paquito ang paggising nila ni Tipen.

“Ang sarap talaga ng tulog ko kagabi. Ang sarap ng lamig, tsaka ang sarap ng may kayakap.” Nakangiting bungad na sabi ni Tipen kay Paquito habang tinutulungan nito ang binata sa pagligpit ng kanilang tulugan.

“Ang sarap mo rin kasing kayakap. Parang ayaw ko pa nga sanang bumangon eh. Gusto pa kitang kayakap.” Sabat ni Paquito na tila kinikilig sa mga titig sa kanya ni Tipen.

“Kung gusto mo mamaya na tayo babangon. Higa muna tayo. Parang nakakatamad ngang bumangon eh, ang lamig pa din ng hangin.” Ani ni Tipen.

Tumingin lang kay Tipen si Paquito ng may lagkit. Saglit pa ay tumugon ito ng halik kay Tipen sa labi. Na kinabigla naman ng lalake. Ngumiti lang sa binata si Tipen tsaka muli itong nahiga sa unan habang nakataas ang mga kamay nito sa kanyang ulo. Tinititigan nito si Paquito sa mga mata na tila ba binibigyan ang binata ng karapatan na gawin ni Paquito sa kanya ang nais nitong gawin sa kanyang katawan. “Gusto mo talaga? Sige gawin mo na ang nais mo, hindi na kita pipigilan.” Sambit pa ni Tipen.

Umayos ito ng pagkakahiga habang naka-patong ang ulo nito sa kanyang mga braso. May konsento ang mga tingin nito kay Paquito. Kinakabahan namang nakatitig lang din sa kanya ang binata. May pagdadalawang isip at may halong galak. Batid ni Tipen ang kaba ng binata kaya siya na ang kumilos para kay Paquito. Kinuha nito ang kamay ng binata tsaka ipinasok iyon sa loob ng kanyang puting briefs habang marahan nitong pinahihimas kay Paquito ang unti-unti nang nagkakabuhay na ugat.

Malamig ang samyo ng hangin sa labas na pumapasok sa siwang ng dingding ng silid na yari sa kawayan. Ngunit kitang-kita ang tagaktak ng pawis ni Paquito habang nilalaro nito ang kahabaan ng dalag ni Tipen. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakahawak ng ibang kargada si Paquito. Dahil nagawa na niya ito minsan kay Burnok. Ngunit ang paghawak sa kwan ni Tipen ay labis na kinakaba ng binata. Marahil dahil sa ginagawa niya ito sa lalaking mas may edad sa kanya.

Upang pakalmahin si Paquito, hinawakan din ni Tipen ang pag-aari ng binata. Kanya rin itong nilaro.

“Talagang sabik din itong taguro mo sa mga palad ko ah,-nagmamatigas din.” Natawang sabi ni Tipen habang nilalaro ng hinlalaki nito ang nangingintab na ulo ng kabute ni Paquito.

Ngumiti lang si Paquito bilang tugon. Marahan nitong inilapit kay Tipen ang kanyang mukha tsaka binigyan ng masuyong halik sa labi ang lalake habang taas-baba naman ang kanang palad nito sa tarugo ni Tipen. Sinabayan na din ni Tipen ang mga pagromansa sa kanya ng binata. Pinaranas nito kay Paquito ang paraan ng paghalik at romansa ng isang tunay na lalake na marami ng karanasan.

Ginawang babae ni Tipen si Paquito sa paraan ng pag romansa nito sa binata. Sa tindi ng sarap na dulot nun kay Paquito,-hindi nito mapigil ang sarili na mapaungol at mapahalinghing sa sarap. Napapaliyad pa at napapaigtad binata sa tuwing lalamasin ng halik ni Tipen ang leeg at dibdib ni Paquito.

“Tahimik lang baka marinig tayo sa labas. Baka magtaka sila kung ano ang ginagawa natin dito.” Bulong ni Tipen kay Paquito habang tinatakpan nito ang bibig ng binata.

“Ang sarap mo kasi maromansa.” Mahinang tugon ni Paquito.

“Romansa pa lang iyan, wala pa tayo sa climax.” Sabi pa ni Tipen tsaka muling nilaplap ng halik sa bibig ang binata. “Subo mo ako.” Bulong na utos ni Tipen.

At walang pagtanggi na pumailalim agad si Paquito. Buong-buo nitong sinunggaban ang malaki at naghuhumidik sa haba na kabutitee ni Tipen. Animoy hayok sa Hungarian sausage si Paquito kung lantakan nito ang hito ni Tipen. Di na nito alintana ang haba at laki ng pag-aari ng lalake ang mahalaga masubo niya iyon ng buo at walang sabit. Basang-basa na ng laway ni Paquito ang ugat ni Tipen sa pagitan ng mga hita nito ng hilahin nito ang binata tsaka inihiga sa kanyang tabi.

“Papasukin na kita, ayos lang ba?” Bulong ni Tipen.

Tumango-tango naman si Paquito sabay ayos ng pagkakadapa sa kama. Gamit ang malapot na laway pinadulas muna ni Tipen ang lagusan ng binata. Tsaka ikiniskis dun ang galit na galit na nitong kobra. Akmang papasok na sana ito sa lungga. Nang maudlot ang kanilang pagtatanim.

“Paki! Gising na ba kayo ng kasama mo? Inaantay na kayo ng tsong mo sa labas. Bangon na kayo at nakahanda na sa kusina ang almusal!” Sigaw na tawag ng tiyahin ni Paquito habang kinakatok sila sa silid.

Nagkatinginan na lamang ang dalawa na nabitin sa kanilang ginagawa. Nakasimangot na bumangon sa kanilang kama si Paquito, na tinawanan naman ni Tipen. Sabay na nag-ayos ang dalawa ng kanilang sarili para lumabas.

“Marami pang araw na magkasama tayo. Sa susunod hindi na tayo mabibitin.” Bulong pang muli ni Tipen kay Paquito.

Nauna itong lumabas at agad tinungo ang tiyuhin ni Paquito sa bakuran. Si Paquito naman dumiretso ng kusina kung saan naroon ang tiyahin nito na nag-aayos ng lamesa para sa kanilang almusal.

Samantala, ng mga sandaling iyon nasa bungad na palabas ng baryo sina Dax at Evan bitbit ang kanilang mga gamit.

“Sure ka ba na uuwi na tayo? Hindi man lang tayo nakapagpaalam sa kanila pare. Baka magtaka ang mga iyon na wala na tayo.” Wika ni Dax kay Evan.

“Iyon nga ang point kaya tayo umalis kahit tulog pa sila. Dahil pag alam nila na uuwi tayo malamang hindi sila papayag lalo na sina tita Tess. Pero kung ayaw mo namang sumama,-puwede ka namang bumalik.” Tugon ni Evan.

“Dahil pa rin ba ito sa nangyari kahapon?” Tanong ni Dax.

“Hindi ako plastik na tao pare. Sa totoo lang nakakabadtrip ang mukha ni Vince. At paano ako makapag-enjoy sa bakasyon dito kung nakikita ko ang mukha ng epal na iyon.” Sagot ni Evan.

“Pero dapat ba idamay mo iyong iba sa inis mo sa kanya? Sana man lang nagpaalam tayo kahit sa mga magulang man lang ni Carlo. Baka mag-alala kasi sa atin ang mga iyon.” Ani pa ni Dax.

“Pare kung gusto mo bumalik hindi kita pipigilan. Mag enjoy ka rito kasama sila. Pero ako, uuwi na. Lalo lang papangit ang mga araw ko kapag nag stay pa ako.” Sabat pa ni Evan.

Habang papalapit na ang dalawa sa may niyugan. May napansin si Evan sa unahan nila ni Dax.

“Ang gara namang kotse iyan pare. Kanino kaya iyan? Mukhang nalubog sa putikan kaya iniwan na lang diyan. Hindi lang pala sila Carlo ang mayaman sa lugar na ito,-meron pa palang iba. Tapos hinahayaan lang dito sa putikan.” Komento ni Dax nang makita ang kotse sa may putikan.

Nilapitan ng dalawa ang naturang kotse dahil sa kuryusidad. Habang sinisipat ng dalawa ang kabuohan ng kotse, bigla itong tumunog kaya napalingon ang dalawa. Laking gulat ni Evan nang makita si Jasper na papalapit sa kanila. Nakangisi iyon kay Evan na kumakaway. Nang nasa harapan na nila si Jasper agad na binati ni Evan ang lalake.

“Sa iyo pala ang kotse na ito? Kaya naman pala mukhang naligaw ito rito sa bundok.” Nakangising sabi ni Evan.

“Magandang umaga po sa Inyo sir Jas.” Wika ni Dax.

“Sir talaga? Jasper na lang,-magandang araw din sa inyo. Teka kasama ba kayo nina Kaloy kahapon? Eh bakit parang pauwi na kayo?” Sabat ni Jasper. Napansin nito ang dalang bag ng dalawa kaya napatanong ito.

“Pauwi na nga kami. May kailangan kasing balikan na importante kaya kinakailangan na makabalik agad.” Sabat ni Evan.

“Ang bilis naman,-hindi man lang kayo nagpalipas ng mga ilang araw? Naku maraming magagandang bagay dito sa amin. Liblib lang itong lugar pero siksik liglig ito sa magagandang tanawin. Merong hot spring resort dito, tsaka mga ilog. Kung trip niyo ang mag akyat-akyat,-maganda mapuntahan niyo ang Kahublasan Peak. For sure first time niyo pa lang dito. At sayang naman kung umuwi agad kayo ng maaga.” Ani ni Jasper sa dalawa.

“Actually sir, I mean boss Jas hindi pa talaga dapat kami uuwi ngayon. Kaso may nangyari kahapon. Medyo hindi maganda kaya ito, biglaan ang uwi.” Sambit ni Dax sabay akbay kay Jasper.

“Bakit ano ba ang nangyari?”

“Wala iyon, kalimutan niyo na ang sinabi ni Dax. Nais lang niyan magpaiwan dito. Ewan ko nga ba rito kung bakit sumunod. Sige po, mauna na ako mag aabang pa kasi ako ng bus sa labasan.” Sabat naman ni Evan habang pinandilatan si Dax. “Sige pare, mauna na ako,- mukhang interesado ka namang ma-explore ang lugar dito. Maiwan na kita. Bumalik ka na kina Kaloy.” Sabi pa ni Evan kay Dax bago ito humakbang paalis.

“Pero pare sayang din naman talaga ang pagkakataon. Minsan lang ako nakakapunta sa mga ganito kaya sulitin na lang natin.”

Lumapit na si Jasper sa dalawa nang mapansin nito na tila may mali sa sitwasyon. Dun na nga napakuwento si Dax sa kanya kahit pa sinisenyas na ito ni Evan na tumigil na. Nang malaman ni Jasper ang dahilan, inalok nito ang dalawa na doon na sa kanya tumuloy habang naroon sila.

“Kung gusto niyo dun muna kayo sa akin. Maluwag ang bahay ko dito, tsaka maganda ang view dun. At ako na ang bahala na mag pasyal sa inyo dito. Ako na ang bahala magsabi kina Tess na nandun kayo sa akin. Wag niyo po-problemahin ang pagkain, maraming laman ang bahay ko.”

“Ayan pare, Solb na ang problema. Di mo na makikita si Vince. Ang mahalaga mai-enjoy pa rin natin ang bakasyon. Nag offer na si boss Jas.” Ang excited na reaksyon ni Dax.

“Kung gusto mo, maiwan ka. Pero ako uuwi na talaga.”

“Pahirapan ang pag balik ng siyudad mula rito. Suwertehan lang kung madaanan ka ng bus. Kaya lahat ng taga rito minsanan lang kung lumuwas ng bayan. Tapos iyong iba sumasabay naman sa mga sasakyan o truck ng mga nagbubulantero. Kung uuwi ka talaga ngayon, sa malamang aabutin ka pa ng tanghali hindi ka pa nakasakay ng bus.” Singit ni Jasper.

Pilit na kinumbinsi naman ni Dax ang lalake hanggang sa pumayag na lang din kalaunan si Evan. Pumayag ito na labag sa kanyang loob. May iba kasi itong nararamdaman sa mga titig sa kanya ni Jasper.

“Pero bago ang lahat tulungan niyo muna akong maigilid sa walang putik ang kotse ko. Hindi ko kasi alam na umulan pa rito kahapon kaya na lubog ito sa putik. Nasa malapit lang naman dito ang bahay ko.”

Matapos maiahon ng tatlo ang kotse tumuloy na nga sila sa bahay ni Jasper.

TURNING POINT

“Gising na pala kayong dalawa,-maupo na kayo at sumabay na kayo sa almusal.”

Bungad ni Tess kina Nate at Gibo nang pumasok ang dalawa sa kusina. Kung saan naroon sa hapag kainan ang mag-asawa, si Burnok, kasama sina Vince at Kaloy. Inumaga na nang gising ang lahat dahil sa labis na pagod nung nakaraang gabi.

“Good morning sa lahat,-wow mukhang masarap ang almusal natin for today’s video ah. May mainit-init pang sabaw.” Paglapit ni Gibo sa lamesa.

“Tinolang manok request ni Vince. Teka lang tulog pa ba ang dalawa niyong kasama? Sina Evan at ano nga ba pangalan nung isa?-naku Kaloy Nak, pakigising na sa dalawang iyon magtatanghali na mamaya baka gutom na ang mga ito.” Wika ni Tess.

“Wala na po sila nang magising kami ni Gibo. Akala nga namin nauna na sila rito.” Sabat ni Nate.

“Aba, kanina pa ako ginising ng mga alas sais. Hindi ko man lang napansin ang pagbaba nila kanina.” Ani ni Tess.

“Tol diba sa sala ka natulog, hindi mo ba sila nakitang lumabas?” Tanong ni Kaloy kay Burnok.

“Pasensya na tol,-lasing na lasing din ako kagabi eh. Kaya napasarap din ang tulog ko.” Sagot ni Burnok.

“Marahil nag-ikot ikot lang ang mga iyon ng maaga. Naninibago yata sa lugar natin kaya namasyal ng maaga. Baka nandiyan lang ang dalawa sa paligid.” Sabat ni Karding.

Hindi naman naiwasan ni Vince na magkumento sa pag-alis ng dalawa lalo na nang mapansin nito ang reaksyon ni Kaloy na tila nag-aalala.

“Kabago-bago pa nga lang dito nagpapasikat na. Maya niyan mapapahamak na naman. Tapos maaabala tayo. Una pa lang talaga sinasabi ko na,-na wag na natin isama ang dalawang iyon. Hindi pa natuto sa nangyari sa kanila kahapon heto at lumayas na naman na wala man lang paalam sa mga tao rito. Di man lang nirespeto sina nanay at tatay. Na para bang master na nila ang lugar na ito.” Wika ni Vince.

“Siya nga naman tol, baka kung saan na napunta ang dalawang iyon at madisgrasya na naman. Kargo pa natin ang dalawang iyon.” Pagsang-ayon ni Gibo sa tinuran ni Vince.

“Kumain na kayo, ako na ang hahanap sa dalawang iyon. Pupunta rin ako sa bukirin.” Sambit ni Karding.

Nagpatuloy naman sa pagkain ang lahat bagama’t naroon ang pag-aalala sa dalawa. Inisip na lamang nila na namasyal lang sa paligid sina Evan at Dax. Habang nag uusap ang lahat sa loob ng kusina,-may narinig silang boses na tumatawag mula sa labas ng kanilang bakuran. Ang tiyuhin ni Kaloy, si Mando ang pinsan ni Tess.

“Sandali lang Mando, magkape ka muna. Sabay na tayo sa pagpunta sa bukirin.” Tugon ni Karding.

“Sakto at hindi pa nga ako nakapag almusal. Siya nga pala Karding,-nakasalubong ko kanina si Jasper kasama iyong dalawang kasama nila ni Kaloy kahapon. Kagabi lang din pala siya dumating. Nagtaka lang ako kung bakit hindi niya kasama si Mayang.” Sambit ng Mando kay Karding.

Pagkakuwento ni Mando kumunot ang noo ni Karding. Napatikom ito ng mga kamay. Hindi na nito tinapos ang kinakain. Tumayo na ito agad sabay kuha ng kanyang jacket na nakasabit sa dingding. Nauna itong lumabas na hindi man lang hinintay si Mando.

“Karding akala ko ba sabay na tayo?” Pagsunod ni Mando bitbit ang tasa ng kape.

“Magkita na lang tayo sa bukirin. Ikaw na muna ang kumausap sa mga trabahante natin dun. May pupuntahan lang ako.” Sagot ni Karding tsaka ito lumabas ng kanilang bakuran.

Nang malaman naman nila Kaloy kung nasaan ang dalawa naging kampante na ang mga ito. Ngunit iba ang naiisip ni Vince. Minsan na niya nakita ang ginagawa ni Jasper sa tatay Karding ni Kaloy. At sa pagkatao ng dalawa hindi imposibleng mangyari ang naiisip nito sa tatlo.

Samantala ikinatuwa naman ni Tipen ang dami ng mga panabong na manok ng tiyuhin ni Paquito. Sa dami ng mga iyon halos sakop nito ang malawak na niyugan at lupain nila Paquito. Habang himas-himas ang isang pulang manok lumapit kay Tipen si Paquito bitbit ang bagong bukas na buko.

“BJ, gusto mo? Ibig kong sabihin buko juice.” Nakangising alok ng binata sabay abot kay Tipen ang bukong hawak.

“Uy mukhang masarap nga iyan sa umaga. Saglit at ibababa ko lang itong manok na napili ko.” Tugon ni Tipen.

“Sarap naman maging manok.” Hirit ni Paquito.

“Mas masarap pa ba sa manok ko?” Nakangiting bulong ni Tipen kay Paquito sabay siko nito sa braso ng binata.

“Siyempre iba ang sarap mo. Kung may puwesto nga lang dito eh baka tinuka na kita” pabulong din na sagot ni Paquito.

Akto na sana nitong kakagatin ang tenga ni Tipen nang marinig nila ang sigaw ng tiyuhin nito mula sa malayo. Kaya napaatras si Paquito tsaka dumistansya ng bahagya kay Tipen. Nag-iingat itong mahalata sila ng tiyuhin na papalapit sa kanila. Pasan-pasan nito ang mga buko na kakakuha pa lang. Patakbong sinalubong ito ni Paquito.

“Tsong ang dami naman nito? Dalawa lang naman kami ni Kuya Tipen ang kakain nito.” Sambit ni Paquito habang kinukuha ang ilan sa mga buko na dala ng tiyuhin.

“Eh di dalhin niyo ang iba kina Kaloy. Siya nga pala natanaw ko sa burol si Jasper. May dalawa siyang kasama parang kaedaran niyo lang din. Hindi ko maaninagan kasi ang layo nila. Magkasama ba kayo ni Jasper kahapon?” Wika ng tiyuhin ni Paquito.

Tila nanglamig si Paquito nang malaman ang presensya ni Jasper. Bigla itong kinabahan na hindi niya mawari. Napapaisip din ito kung sino ang dalawang kasama nito.

“Ayos ka lang?” Tanong ni Tipen sabay tapik sa balikat ni Paquito nang mapansin ang reaksyon ng mukha ng binata.

“Ah kuwan ayos lang naman, bakit mo natanong?”

“Parang na blangko kasi bigla ang reaksyon ng mukha mo eh. Sino ba ang Jasper na iyon?”

“Siya ang ari ng lupain na ito na ginawang manukan ni tsong.” Sagot ni Paquito.

“Sa kanya rin ang may-ari ng halos kalahati sa mga manok panabong dito. Mabait iyon at parang hindi na rin iba sa amin ang taong iyon. Parang kapamilya na ang turing nun sa amin. Kaya nga ibinigay na nun sa akin ng libre ang kalahati sa lupain niyang ito.” Dagdag ng tiyuhin ni Paquito.

“Ganun ba,-sana makilala ko rin siya. Makahingi man lang ng kahit maliit na lupain dito. Mukhang maganda mag retire dito eh.” Ang nakangiting sabi ni Tipen.

“Aba malay mo. Baka magustuhan ka nun. Mahilig pa naman iyon sa mga tipo mo. Ibig kong sabihin mahilig iyon makipagkaibigan sa mga tulad mo. Mabait ka rin kasi.” Ani ng tiyuhin ni Paquito na gumawad ng sarkastikong ngiti kay Tipen. Na para bang may ibig sabihin ang mga sinasabi nito. “Oh siya maiwan ko na kayo at doon muna ako sa tubaan. Paki, bago nga pala kayo bumalik kina Kaloy daanan mo saglit si manang Elya at kunin mo ang kudkuran sa kanila. Kailangan iyon ng tsang mo.” Sabi pa ng tiyuhin nito bago iwan ang dalawa.

Pansin ni Tipen ang biglang pag-ismid ni Paquito sa kanya. Hindi rin siya kinikibo nito. Hindi iyon binigyan ng ibang kahulugan ng lalake. Sinunod ni Paquito ang utos sa kanya ng tiyuhin bago nga sila bumalik kina Kaloy. Ngunit buhat ng makaalis sila sa manukan hanggang sa daan pabalik kina Kaloy ay madalang na lang kung kausapin ni Paquito si Tipen. Bagay na ipinagtaka ng lalake.

“Ayos ka lang ba talaga?” Usisa ni Tipen sa binata.

“Ayos lang.” Ang malaganang sagot ng binata.

“Tingin ko hindi. Galit ka ba?” Tanong pa ni Tipen.

“Bakit naman ako magagalit? May rason ba?” Ang sarkastikong sagot ni Paquito.

“Ewan ko sa iyo. Parang wala ka kasi sa sarili. Parang wala lang ako sa tabi mo. Tahimik ka, tsaka nakasimangot.” Sabat ni Tipen.

“Wag mo na lang akong pansinin.”

“Paano kaya iyon? Magkasama tayo buong gabi hanggang kanina tapos hindi kita papansinin? Bakit?” Pagtataka ni Tipen. Napangisi na lang ito para pagaanin ang sandali.

“Gusto mo ba talaga makilala si tito Jasper?” Tugon na tanong ni Paquito.

Napailing na natatawa si Tipen sa tanong ni Paquito. Mukhang alam na nito ang dahilan ng pagkambiyo ng expresyon ng binata. Inakbayan nito si Paquito sabay ginulo ang buhok ng binata.

“Nagseselos ka kaagad? Grabe naman yan. Hindi ko pa nga nakaharap ang Jasper na iyon nagselos ka na?”

“Bakit ba kasi gusto mo pa makilala iyon? At mukhang interesado ka pa talaga.” May inis na sabi ni Paquito.

“Mayaman eh. Tsaka sabi ng tsong mo mabait. Isa pa iba rin ang makakilala at magkaroon ng mga kaibigan na kasing edad ko. Kasing lebel ng mga alam ko sa buhay. At malay mo maambunan din ako ng kapiraso ng kanyang lupain dito.” Natatawang paliwanag ni Tipen.

“Hayaan mo sasabihin ko kay Tay Karding na ipakilala ka sa kanya.”

Tugon ni Paquito na lalong nainis sa sagot ni Tipen. Iniwan nito ang lalake na agad na pumasok sa bakuran nila ni Kaloy. Agad naman sila sinalubong ng mga kaibigan na may balak pala ng sandaling iyon na pumunta ng Kahublasan Peak.

“Tamang tama ang mga dala niyong buko. Dalhin natin iyan sa Peak. Teka si Tipen nga pala?” Bungad ni Kaloy nang salubungin nito si Paquito.

“Nandun nakasunod sa akin, nauna lang ako dahil sa dala kong mga buko. Bakit, gagamitin ba natin ang van? Baka hindi ito kakayanin ang paakyat dun.” Sabi ni Paquito.

“Naku hindi, kalabaw ang gagamitin natin para mas adventure tapos mag ti-trek na lang tayo papunta ng peak. “ Sabat ni Vince.

“Mabuti naman. Sina Evan at Dax pala? Bakit kayo lang?” Pansin ni Paquito.

“Sabi ni kuya Mando kasama nila si tito Jasper. Maaga kasi namasyal ang dalawa. Siguro nakasalubong nila si Jasper kaya sumama na sa kanya.” Singit sa usapan ni Burnok.

“Sila pala ang nakita ni Tsong na kasama ni Jasper.” Sa isip ni Paquito.

Habang nag-aayos ng mga gamit ang lahat lumapit si Tipen at tinanong si Vince kung saan ang punta nila. Nang malaman ang destinasyon ng magkakaibigan nagpresenta itong sumama sa kanila. Ngunit bago pa sumang-ayon si Kaloy at Vince sa kahilingan ni Tipen, agad na sumabat si Paquito.

“Pasensya na kuya, lakad ng mga kabataan ito. Bawal ang matatanda. Kung gusto mo magpahatid ka kay Tay Karding dun kay tito Jasper. Sigurado magiging swak kayo nun. Ka edaran mo iyon eh. Tama ba? Iyon ang sabi mo diba.” Sarkastikong sabi ng binata kay Tipen.

“Siya nga kuya, baka kasi ma fomo ka lang dun. Tsaka maraming tiyuhin dito si Kaloy tiyak hindi ka rin maiinip rito.” Nakangiting sabat ni Vince.

Umiwas ng tingin si Paquito kay Tipen sabay impake ng mga gamit nito sa malaking bag. Pailing-iling naman na sinusundan lang ng tingin ni Tipen ang binata. Ramdam nito ang selos sa kinikilos ni Paquito. Ang babaw man ng dahilan ng binata ngunit naiintindihan nito ang pinagdadaanan ng binata. Ilang beses na tinangka ni Tipen na kausapin si Paquito bago pa man sila makaalis. Ngunit naging mailap ang tugon ng binata. Halata ang pag-iwas nito sa lalake. Bagay na agad na nahuli ng mapanuring mata ni Burnok.

“Tol pare ayos lang ba kayo ni kuya Tipen? Ano ba ang nangyari sa inyo dun sa inyo? May ginawa ba sa iyo ang driver ni Vince?” Pabulong na tanong ni Burnok kay Paquito.

“Ano ba ang pinagsasabi mo?” Mahinang sagot ni Paquito.

“Tol bata pa lang tayo magkarugtong na ang mga bituka natin. Marami na tayong mga sekretong pinagsaluhan na tayo lang. Muntik na nga tayo maging magkuwan diba? Kabisado na natin ang isa’t isa. Kilala kita sa loob at labas tol kaya wala kang maitatago sa akin.” Seryosong sabi ni Burnok.

“Ungas, ano naman ngayon? May pagka tsismoso ka lang kaya kung ano-ano ang napapansin mo. Tsaka ano ba ang gagawin nun sa akin?” Nakaismid na tugon ni Paquito.

“Hindi ka ba pinalpalan ng gagong iyon?” Bulong pa ni Burnok.

“Uy gago ka talaga, ano ba iyang naiisip mo? Tang ina ka baka marinig ka nun. Ano tingin mo dun bakla? Ikaw talaga wala kang matinong naiisip.” Depensa ni Paquito.

“Baka lang naman, pansin ko kasi ang ilangan niyo bigla sa isa’t isa tapos panay din ang iwas mo sa kanya. Tol kahapon ko pa napapansin ang mga tinginan sa iyo ni kuya Tipen. May ibang lagkit eh alam mo iyon. Parang tingin na may pagnanasa. Tapos sa lahat sa atin ikaw lang iyong kausapan niya. Hindi nga rin iyon nakipag-inuman kina Tay Karding eh. Sa iyo lang siya nakadikit lagi. Tsaka sumama pa sa inyo at dun nakitulog. Kaya duda talaga ako sa pagkalalaki nun. Umaalingasaw eh.” Paliwanag pa ni Burnok.

“Ewan ko sayo. Sa pinagsasabi mo parang sa iyo ako nagdududa eh. Di kaya ikaw ang…”

“Ay gago, hindi ako bakla noh! Lalaking-lalake to its. Barako! Straight!” Ang mariing tugon ni Burnok na napalakas pa ang pagkakasabi dahilan para mapunta sa kanila ni Paquito ang atensiyon ng mga kaibigan.

“May problema ba tayo sa hindi straight pare?” Sabat na tanong ni Nate sa sinabi ni Burnok.

“Ah eh kuwan pare, wala iyon. Ally niyo ako. Kaisa ako ng LGBT. Malapit ako sa mga bakla iba ang pagkakaintindi mo. Peace tayo rito he-he. Tara na alis na tayo baka naiinip na sa atin ang mga kalabaw.” Nakangising tugon ni Burnok nang lapitan ito ni Nate na seryoso ang mukha.

Nagtawanan na lang ang lahat nang makitang mamutla ng bahagya si Burnok. Niyakap naman ito ni Nate napangiti na lang din.

“Teka dadaanan pa ba natin ang dalawa kina tito Jasper?” Tanong ni Gibo.

“Wag na baka kung anong trip na naman ang gagawin ng mga iyon at magkaproblema na naman tayo. Hayaan na lang natin sila dun. For sure naman mas mag i-enjoy ang mga iyon sa company ni tito Jasper.” Komento ni Vince.

“Pero sayang naman kung wala sila baby love. Mas masaya kung nandun tayo lahat. Tsaka mag-iingat na ang mga iyon dahil sa nangyari kahapon.” Saad ni Kaloy.

“Kung isasama niyo sila, ako na lang ang magpapaiwan. Hindi rin naman ako mag i-enjoy pag nandun sila.” Pagkontra ni Vince.

Muli nitong ibinaba ang dalang bag at naupo sa mahabang papag sa ilalim ng punong mangga. Nilapitan naman ito ni Kaloy para suyuin at kumbinsihin sa nais nito. Ngunit naging daan lang iyon para magtalo ang dalawa sa magkaiba nilang dahilan.

“Vince naman puwede ba, kalimutan na muna natin ang ano mang di pagkakaunawaan niyong dalawa ni Evan? Kahit ngayon lang. Ibigay mo na sa akin ang sandaling ito na makasama ko kayong lahat na buo. Kaibigan ko si Evan at hindi madali na isantabi ko iyon para pagbigyan ang gusto mo. Sobrang unfair naman iyon.” Ang punto ni Kaloy.

“Unfair? So para maging fair kayo na ang mag sama. Kayo na mag bonding. Sayang naman kung wala sa tabi mo ang kaibigan mo. Sino ba naman ako para hadlangan kayo. Boyfriend mo lang naman ako. Kaya go. Kayo na ang lumakad, sama niyo iyon. Mag stay na lang ako dito. Baka masira ko pa ang sandaling makasama mo siya.” Tugon ni Vince.

Pigil ang mga galit at inis sa kanilang mga boses. Ayaw din nila pareho na mapansin ng iba ang kanilang pagtatalo lalo na kay Tess na naroon lang sa likod ng bahay na nagbibilad ng daing na isda. Malayo rin sa kanila ang iba na abala sa pag sasalansan ng kanilang mga dadalhin sa karosa ng kalabaw. Sinadya ng dalawa na lumayo sa iba upang di marinig at mahalata ang kanilang pagtatalo. Sa bandang huli nagparaya si Kaloy at sinunod ang nais ni Vince na wag na isama sina Evan. Ngunit tila nasira na ang maganda sanang araw ng dalawa. Naiwan si Kaloy na nakaupo sa papag nang nakatikom ang mga kamay. Habang si Vince naman ay tinungo ang van at ipinasok dun sa loob ang dalang bag bago lumapit sa apat.

“Ano pare, alis na ba tayo?” Tanong ni Gibo kay Vince nang lumapit ito sa kanila.

“Si Kaloy na lang ang sasama sa inyo. Biglang sumama kasi ang tiyan ko. Sa tingin ko dahil ito sa mga nainom nating halo-halo kagabi. Kanina ayos naman, kaso bigla na lang nagparamdam eh. Ayoko namang abutin ako sa daan.” Pagdadahilan ni Vince na pilit ang ipinapakitang ngiti sa mga kaibigan.

“Hindi na rin ako sasama. Kung wala si Vince ano pa ang gagawin ko dun.” Biglang singit ni Kaloy na sumunod din pala kay Vince.

Nagkatinginan ang dalawa na agad din nagkaiwasan. Dahil sa desisyon ng dalawa nagkasundo na lang din ang lahat na huwag na tumuloy at ipagpabukas na ang kanilang lakad. Sa halip niyaya na lamang sila ni Gibo sa kanila. Sumama sina Paquito at Burnok samantala nagpaiwan pa rin dalawa Vince at Kaloy.

“Akala ko ba aalis kayo, bakit sila lang iyong lumakad?” Tanong ni Tess nang makita si Vince na nakahiga sa duyan na ratan sa lilim ng dalawang niyog sa isang sulok ng bakuran.

“Pinagpaliban na muna namin nay. Bigla kasi sumama ang tiyan ko. Dahil yata siguro sa mga ininom namin kagabi.” Sagot ni Vince.

“Ay ganun ba, teka at ikukuha kita ng gamot sa loob. Si Kaloy nga pala? Sumama rin ba siya kina Nate?”

“Hindi ko napansin, kanina lang nandiyan lang siya sa may gilid ng kotse kausap si kuya Tipen. Baka naglakad-lakad ang dalawa. Di kaya pinuntahan sina Evan at Dax kina tito Jasper.” Ani pa ni Vince.

Kasama nga nun ni Kaloy si Tipen na naglakad-lakad habang nagkukuwentuhan ng kung ano-ano. Paraan iyon ni Kaloy upang pahupain ang nararamdaman nitong pagkapikon at inis kay Vince dahil sa kanilang bangayan. Pinansyal ni Kaloy si Tipen sa mga kalapit bahay nila dun. Hanggang sa naisipan ni Kaloy na dalhin si Tipen sa taniman nila ng gulay sa bukirin. Binabaybay nila ang daan papuntang bukirin nang makasalubong nila ang tiyuhin ni Kaloy na si Mando.

“Tsong andun pa ba si Tatay? Pupunta kasi kami dun ni kuya Tipen.”

“Naku kaya nga ako pabalik sa inyo para tanungin kung naroon ang tatay mo. Eh anong oras na at hindi pa siya nagpapakita sa bukirin. Hinihintay na siya ng mga tauhan niya roon.”

“Wala po sa bahay si tatay. Bakit ano ba meron dun sa taniman?”

“May kaunting pagtitipon lang naman, bilang pasasalamat ng mga tauhan ng tatay mo sa kanya. May pa boodle fight sila dun pagkatapos ng pa-grocery pack ng tatay mo. Eh hindi pa maumpisahan kasi wala pa siya.” Sabi ng tiyuhin.

“May pa grocery si tatay sa kanila?”

“Kaunting pamasko ng tatay mo. Teka, bakit hindi na lang ikaw ang humalili sa tatay mo nang masimulan na nila dun. Baka may pinuntahan pa na mahalaga ang tatay mo kaya natagalan.”

“Ako po?”

“Sino pa nga ba, alangan naman ako. Anak ka naman kaya ayos lang iyon. Halina kayo’t mataas na ang sikat ng araw. “

Kina galak naman ni Kaloy ang sabi sa kanya ng tiyuhin. At pagkarating nga nila roon, laking gulat ni Kaloy nang makita kung gaano karami ang mga tauhan ng kanyang ama. Kung dati halos magkanda kuba na sila noon ng kanyang ama sa pagtatanim at pag-aani ng sila lang mag-ama,- ngayon hindi lang dalawa o tatlo ang katuwang ng ama sa bukid kundi marami na. At maliit nilang sakahan ngayon malawak na. Masayang nakihalubilo si Kaloy sa mga kabaryo nito. At ang kaninang sama ng loob ay pansamantalang natabunan ng tuwa at saya habang namamahagi ng mga grocery packs na inihanda ng ama para sa mga tauhan nila sa bukid.

Habang sa mga sandali naman na iyon ay muling nagkausap sina Karding at Jasper ng masinsinan.

“Sabi na nga ba at hindi mo rin ako matiis. Sa akin ka parin babalik.” Ang nakangising wika ni Jasper habang pababa ito ng kanyang hagdan nang makita si Karding na nakatayo sa kanyang bakuran.

Nandun lang si Karding nakatingalang nakatingin sa kanya at walang kibo.

Nang makalapit ito kay Karding tinangka niyang halikan ang lalake sa bibig ngunit agad na iniwas ni Karding ang kanyang mukha. Tumalikod si Karding at naglakad palayo dun sa bakuran. Sinundan naman ito ni Jasper hanggang sa makalayo sila ng husto,-na wala ng ibang tao na makakakita at makakarinig sa kanilang dalawa. Dinala ni Karding si Jasper sa kawayanan.

“Ang aga naman nito. Tsaka puwede naman tayo dun sa bahay ah. Magagawa pa natin lahat nang walang kaba na may makakahuli sa atin.” Sambit ni Jasper.

“Nandito ako para tapusin na ang kahibangan mo.” Tugon ni Karding habang nakatalikod kay Jasper.

“Matatapos lang ang kahibangan ko sa iyo kapag ako na ang pinili mo. Hindi naman mahirap ang gusto kong mangyari di ba? Gaya nga nang nasabi ko marunong naman ako makihati. Nagawa na natin iyon nang walang nakakaalam kundi tayo lang. Kung nahihirapan ka nang iwan ang mag ina, hahayaan naman kita pero hahayaan mo rin ako sa gusto ko.” Saad ni Jasper sabay himas ng marahan sa balikat ni Karding.

“Sinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko nagugustuhan ang mga ginagawa natin. At aaminin ko minsan ko na rin pinilit ang sarili ko na magustuhan ka. Ilang beses ko tinangka na ibaling sa iyo ang sarili ko lamang mahalin ka. Ngunit hanggang sa kalibugan lang tayo nagkakasundo. Hindi kita kayang mahalin. Sa kabila ng lahat ng mga pabor at sakripisyo mo, sa mga kabutihan mo sa akin,-talagang wala. Sa halip, habang tumatagal ay lalo lang ako nawawalan ng gana at pagnanasa sa iyo. Hanggang sa ang dating sarap na dinudulot mo sa akin kalaunan unti-unting naging mapakla at tuluyan nang naging mapait.” Pahayag ni Karding.

“Tanggap ko na iyon noon pa. Dati pa. Tanggap ko naman na kahit kelan walang wala na talaga ako sa’yo. Hindi na mahalaga iyon. Dahil hindi na rin naman ako umaasa na mahalin mo ako. Ang sa akin lang ay hayaan mo akong mahalin ka sa paraan na gusto ko. Huwag mo lang akong ilayo sa buhay mo. Iyon lang naman ang nais ko. Sapat na sa akin ang dati. Kahit minsan lang, sa akin ka. Mayakap ka lang, mahalikan makasama ng magkatabi ayos na sa akin iyon. Iyon lang naman. Mahirap ba iyon?” Ani pa ni Jasper tsaka niyakap mula sa likod si Karding. Naluluha na rin ito sa balikat ng lalake.

“Pero ayoko na nang ganun. Mahal ko na si Tess at ayoko na siyang niloloko.”

“Si Tess ba talaga ang dahilan o si Karl? Alam ko nagkakamabutihan na kayo. At iyon talaga ang dahilan kung bakit kumakalas ka na sa akin. Hindi ba? Kaya mo hinayaan mapalapit si Kaloy sa ama niya dahil umaasa kang mapansin muli ni Karl. Tigilan mo na ang ilusyon mo na iyan. Hindi ka na babalikan ni Karl. Hindi ka na papansinin nun kahit anong gamit mo pa kay Kaloy. Ako lang ang nagmamahal sa iyo. Ako lang nakakaintindi sayo. Ako lang Ric.” Buwelta ni Jasper sa tugon ni Karding. Palakad-lakad ito habang nagsasalita.

“Wag mo nang idamay ang ibang tao sa ating dalawa. At kung totoong mahal mo ako, ibibigay mo na sa akin ang kalayaan ko.” Biglang harap ni Karding kay Jasper sabay hugot ng dala nitong baril mula sa loob ng suot nitong jacket.

Napaatras sa gulat si Jasper nang makita ang nakatutok na baril na hawak ni Karding. Ngunit sa halip na matakot, ngumisi pa ito at humakbang pa palapit kay Karding. Hinawakan nito ang kamay ni Karding tsaka idiniin pa nito sa kanyang dibdib ang dulo ng baril na hawak.

“Babarilin mo ako? Papatayin mo ako? Sige handa akong mamatay na nagmamahal sa iyo. Iputok mo. Kung ikaliligaya mo ang mawala ako gawin mo. Malugod kong tatanggapin.” Sambit ni Jasper sabay lapit pa ng husto kay Karding. Habang tinititigan nito sa mga mata ang lalake.

Gustong gusto na ni Karding iputok ang baril ngunit hindi nito magawa. Kahit naroon na ang galit na nangingibabaw sa kanya ay hindi parin niya kayang saktan si Jasper. Itanggi man nito ng paulit-ulit ang nararamdaman nito sa lalake hindi rin maikakaila na malaki na rin ang naidulot sa ni Jasper. Naroon ito para sana gawin ang hakbang na kanyang naisip para tapusin na ang panggugulo ng lalake sa kanya. Ngunit sa huli napagtanto rin ni Karding na kahit mawala man sa paningin niya si Jasper. Hindi na mabubura ang marka na nilikha ng maling ugnayan nilang dalawa. Na parte na talaga ng buhay nito ang lalake simula’t sapol.

Umalingawngaw ang isang putok ng baril kasabay ng pagbalahaw ng sigaw at hagulgol ni Karding. Napasubsob na lamang ito sa dibdib ni Jasper habang yakap-yakap naman siya nito ng lalake nang mahigpit.

Sumapit ang hapon na hindi pa nakabalik ang lahat kina Tess. Nakaramdam na nang pagkabagot si Vince dahil sa hindi pa bumabalik si Kaloy at Tipen. Nagpaalam ito kay Tess na sundan ang mga kaibigan kina Gibo. Pinayagan naman ito ng babae dahil halos kabisado naman na ng binata ang kanilang baryo. May kalayuan ang bahay nila Gibo mula kina Kaloy at ilang mga niyugan at sakahan pa ang madadaanan papunta roon. Habang dumadaan sa mga kahon ng palayan aksidenteng nadulas si Vince dahil sa putik at nahulog ito sa palayan. Natubog ang kalahati ng katawan nito sa putik at tubig kung kaya’t nahirapan agad itong makatayo. Nang may nag abot ng palad sa kanya para tulungan itong makatayo.

Natigilan si Vince nang makita ang nagmamay-ari ng kamay na umaabot sa kanya. Nakuha ng lalake ang atensiyon ni Vince dahil sa taglay nitong kakisigan na kitang-kita sa hubad nitong katawan na tanging maiksing maong na sira-sirang shorts ang suot. Matipuno ang lalake na halos ka edaran ng din nito. Moreno, pinoy na pinoy ang dating ngunit matangos ang ilong. At lalaking-lalaki ang hulma ng mukha. Sakto lang ang kaguwapuhan ngunit umaapaw ang sex appeal.

“Sayang naman ang pormahan mo at naputukan lang. Halika sa amin nang mahugasan iyang katawan mo at makapag palit ka ng suot. Huwag kang mag alala safe ako. Ako nga pala si Wacky Ayan lang iyong sa amin malapit lang dito.”

“Vince pare. Salamat nga pala sa pagtayo sa akin. Tinayuan talaga ako sa’yo… I mean kung di dahil sa iyo hindi pa ako nakatayo at nakaalis diyan sa putikan.”

“Naka-sapatos ka pa kasi tuloy nabaon ng husto sa putik ang mga Paa mo. Dun na tayo sa bahay nang makapaglinis ka. Kanina pa ako nakatingin sa iyo habang dumadaan ka rito. Hindi ka taga-rito? Ngayon lang kasi kita nakita rito na nagawi sa amin.”

“Hindi, nagbakasyon lang ako kasama ang mga kaibigan ko. Kaibigan ako nina Kaloy at Gibo, nila Burnok. Sa katunayan papunta ako kina Gibo ngayon. Nandun kasi silang lahat.”

“Okay, kakilala ka pala ni Burnok.” Patango-tango na tugon ni Wacky.

“Kaibigan ka ni Burnok?”

“Pinsan,- pinsan ko si Borgy. Matalik na pinsan.” Sabay ngiti ni Wacky nang bumaling ng tingin kay Vince.

Hindi mawari ni Vince ang paraan ng pag ngiti na yon sa kanya ni Wacky, ngunit ramdam nito ang makahulugang tingin sa kanya ng lalake. Tingin na para bang nagpapahiwatig ng kung ano na nagbigay kiliti sa kanyang imahinasyon. Malugod itong sumama kay Wacky na bagamat ngayon pa lang niya nakadaupang-palad ay tila magaan na agad ang loob nito sa lalake. Nasa unahan lang ng naturang palayan ang bahay nila Wacky. Nag-iisa lamang iyon doon na napapaligiran ng sagingan at mayayabong na kawayanan. Malawak ang bakuran nila Wacky kung saan sa likod nun ay may ilog. Inabutan ng dalawa ang kuya ni Wacky na si Winson na nagsisibak ng mga kahoy sa gilid ng bahay. Tulad ni Wacky, matipuno at brusko rin ang kuya nito. Matangkad at pamatay libog din ang gandang lalake nito na mas pina angas pa sa pinong bigote at balbas nito. Mabalbon nga lang si Winson kumpara sa kapatid na si Wacky.

Malayo palang napansin na agad ni Vince ang malapad na likod ni Wacky na nangingintab sa pawis. Hubog pa lang ng likod ay napakagat-labi na ang binata. Pinipigilan naman ni Vince ang sarili na hindi ma attract sa ibang lalake ngunit kahinaan talaga nito ang lalaking may magandang pangangatawan. Agad na pinakilala ni Wacky si Vince sa kuya nito. At mas lalo lang nahalina ang binata kay Winson nang matitigan niya ito ng malapitan. Angat ang kakaibang gandang lalake nito kay Wacky. Dagdag pa ang mapupungay nitong mata na tila nang aakit na kainin siya.

“Tang inang magkapatid ito, ganito ba talaga sila kung makatitig sa mga kaharap nila? Puta titig palang tinitigasan na ako. Paano pa kaya kung mga titi na nila ang tinitingnan ko?” Bulong ni Vince sa sarili.

“Kuya maghuhugas lang siya ng katawan niya rito. Nahulog kasi siya sa palayan.” Ani ni Wacky.

“Sige dalhin mo na lang siya sa likod bahay at tatapusin ko pa ang ginagawa ko.” Tugon ni Winson sa bunso. “Ayos lang dito pare. Feel at home. Kami lang naman ni utol ang nakatira rito. Mayroong balon dun sa likod tsaka may malapit din na ilog sa baba kung trip mo na dun magtanggal ng putik. Ingat lang sa daan pababa kasi malumot ang mga bato papuntang ilog.” Sabi naman nito kay Vince.

“Sige maraming salamat pare. Ang bait niyo namang magkapatid. Sige punta na ako dun.” Ang nahihiya pang tugon ni Vince kay Winson.

Hinatid lang siya ni Wacky sa may balon tsaka iniwan din. Bumalik si Wacky sa kuya nito kung saan sinabi naman nito kay Winson kung sino si Vince.

“sabi na nga ba. Malayo pa lang damang-dama ko na ang kaba eh…” Komento ni Winson nang nakangisi pa kay Wacky.

“Parang hindi naman kuya. Di naman dahil kaibigan siya ni Borgy ay kakulay na rin siya ng pinsan nating iyon.” Mahinang tugon ni Wacky.

“Sa dami na nilang dumaan sa katawan ko, titig pa lang ng mga iyon alam ko na. Pansin mo ang mga tinginan niya sa akin kanina? Kulang na lang dakmain niya na ang dulo ng karug ko. Iyong padaplis niyang sulyap sa hito ko,-ramdam ko talaga ang gigil niya eh. Kaya sigurado ako may pilantik din ang dugo ng isang yan.” Ani pa ng kuya.

“Parang may balak ka pa yatang subukin ang isang iyon ah, kuya?” Komento naman ng bunso sabay suntok ng mahina sa braso ng kuya tsaka nagtawanan ang dalawa.

Saktong kakatapos lang ni Vince na maglinis ng katawan nang pinuntahan ito ni Wacky dala ang tuwalya. Inabutan ni Wacky si Vince na tanging briefs na puti lang ang suot. Dahil basa at manipis ang briefs ni Vince,-hindi lang bakat kundi kitang-kita talaga ang tinatago nito sa ilalim nun. Na bagama’t tulog alam mong malaki at mahaba ang kargada nito. At iyon agad ang napansin ni Wacky nang maabutan nito si Vince.

“Anak ng titee, may tinatagong yaman din pala ang isang ito. Tsaka maganda rin ang pagkahulma ng kanyang pangangatawan. Pero tama si kuya mukhang may pilantik din ito. Iba rin kung matingin sa akin eh. Parang dinidilaan ako nito sa katawan. Mabigay na nga ang tuwalya sa kanya.” Sa isip ni Wacky habang papalapit kay Vince.

Nakangiti naman si Vince sa kanya. “Salamat dito pare. Pasensya talaga sa abala.”

“Wala iyon pare. Kailangan mo nang tulong eh. Siya nga pala hayaan mo na rito ang mga nadumihan mong suot at ipapasama ko na lang sa palalabhan namin. Gamitin mo na muna ang damit kong hinanda ko sayo.” Sabat ni Wacky.

“Hindi na pare, ako na. Papatuyuin ko na lang.”

“Di iyan kakayanin pare. Kaibigan ka naman ng pinsan namin eh kaya ayos lang yon. Halika na sa loob nang makapagbihis ka na. Iwan mo na riyan ang pinaghubaran mo.” Ani ni Wacky tsaka pinasunod na si Vince sa loob.

Pagkapasok ng dalawa sa loob bumungad naman kay Vince ang nakaupong kuya ni Wacky sa may kusina habang nagtatalop ng mangga. Nakaupo ito sa mahabang upuan habang nakataas ang isang paa na tanging boxer shorts lang ang suot. Sa ayos nito hindi lang bakat ang tinatago nito,-dahil halos nakasilip na ang ulo ng kabute nito sa siwang ng kanyang boxers. Pansin ni Winson ang pasimpleng pagsulyap sa kanya ni Vince kaya mas ibinuka pa nito ang mga hita para lalong dumungaw ang ulo ng ulok nito. Sa ginawa nito agad na napaiwas ng tingin sa kanya si Vince. Lihim itong napangiti sa nakitang reaksyon ng binata sa ginawa niya.

“Pare mangga…” Pag alok nito kay Vince.

“Salamat pare, pero hindi ako mahilig sa maasim. Lalo na sa mangga.” Tugon naman ng binata.

“Saging saba kakalaga ko lang nito.” Nakangising alok pa ni Winson kay Vince ng nilagang sana na nakalagay sa pinggan.

“Mamaya na pare, bihis muna ako. Mukhang masarap nga ang saba mo tsaka malaki.” Nakangiting sagot ni Vince.

“Malalaki talaga ang mga saging saba namin sa bakuran. Malaman ito at hindi puro balat. Kung gusto mo ipagbalot kita nang madala mo sa mga kaibigan mo. Paborito ito ng pinsan naming si Borgy. Madalas nga iyon dito dati para lang kumain ng sana namin ni Wax. Diba bunso.” Ani pa ni Winson sabay baling ng sulyap kay Wacky.

Hindi makuha ni Vince ang punto ng pagbanggit ni Winson kay Burnok habang inaalok siya nito ng saging,-ngunit batid nito na ibang ibig sabihin iyon. Sumunod ito kay Wacky sa silid ng magkapatid para dun na rin magbihis. Hindi na rin nito alintana ang presensya ni Wacky at basta na lang nito tinanggal ang tapis na tuwalya sa harapan ng lalake. May pagmamayabang din nito ibinandera sa pagmumukha ni Wacky ang malaman at mahaba niyang latundan. Patay malisya naman sa kanya si Wacky na nagawa pang humilata sa kama habang pinagmamasdan ang nagbibihis na si Vince. Nakipagkuwentuhan pa ito ng kung anu-ano sa binata habang naroon ang dalawa sa silid.

Sa paraan ng kanilang pag-uusap tila ba matagal na silang magkakilala. Magaan na agad ang pakikitungo ni Vince sa magkapatid.

“Baka gusto mo bumalik dito mamaya, inuman tayo ni kuya. Pedi rin isama mo rito iyong iba mong kasama. Minsan lang kasi may dayong napapadpad dito sa amin eh. Nakakasawa na rin ang mga pagmumukha ng mga taga-rito. Mas maganda may iba naman. Tsaka mukhang hindi naman kayo masilan.” Wika ni Wacky nang maihatid nito si Vince sa labasan kung saan niya ito inabutan.

“Sige ba, sasabihin ko kay Burnok. Salamat muli dito pare. Balik ko rin sayo ito bukas. Di kaya papalitan ko na lang ito ng bago.”

“Ikaw ang bahala pare, ingat na lang sa pagpunta kina Gibo. Sa kabila ka na dumaan wag na sa mga kahon ang tumbok naman ng daan na iyan ay kina Gibo rin.”

Matapos magpaalam sa isa’t-isa ang dalawa umusad na si Vince at sinunod nga ang sabi sa kanya ni Wacky. Lampas alas dose na ng marating ni Vince ang bakuran nila Gibo. May kalayuan din kasi ang binagtas nitong daan papunta roon. Inabutan nito ang apat na kumakain ng pananghalian sa may bakuran. Sinundo naman agad ito ni Gibo nang makita siya.

“Kain tayo pre, si Kaloy nga pala? Bakit mag-isa ka lang?” Bungad na tanong ni Gibo kay Vince.

“Lumakad sila ni Tipen, hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Nabagot ako sa kahihintay sa kanila kaya naisipan kong puntahan kayo rito.” Sagot nito.

Narinig ni Paquito ang sinabi ni Vince kay sumingit ito sa usapan.

“Pinuntahan ba nila sina Evan?” Tanong ni Paquito.

“Ewan, di nga sinabi sa akin eh. Pero hindi pa sila nakabalik nung umalis ako. Baka nga siguro dun sila pumunta.” Sagot ni Vince na biglang sumimangot ang mukha. At nakita ni Nate ang reaksyon niyang iyon. Kaya nang maupo si Vince sa tabi nito kanya agad ito tinanong.

“Iyong totoo, nag-away kayo ni Kaloy noh? Selos? Dahil ba kay Evan? Kahapon ko pa kayo napansin, hindi lang ako nakisabat sa inyong dalawa pero alam ko na may tensyon na namamagitan sa inyo. Kilala kita Vince, kabisado na kita. Kilos pa lang ng mga mata mo alam ko na ang nangyayari sa iyo. Mas kilala kita kesa kay Kaloy, at alam ko kung gaano ka kaseloso. Pero sa pagkakaalam ko kay Kaloy hindi siya ang tipo ng karelasyon na kayang sirain ang tiwala ng taong mahal niya. Baka masyado mo nang binabakuran ang tao na kahit ang kalayaan niya na makipagkaibigan sa iba ay nililimitahan mo na. Magkasalungat kayong dalawa. Ikaw,-kung kaya mo na sa kanya lang iikot ang buhay mo, kahit talikuran pa ang mga kaibigan mo…si Kaloy hindi. Kaya niyang pagsabayin ang dalawang mundo na ikaw parin ang sentro niya. Si Evan ang naging sandalan niya nung nawala ka sa frame. At hindi mo puwedeng idikta kay Kaloy na alisin si Evan sa mga taong mahalaga na sa kanya dahil bumalik ka na. Vince, sa mga nangyari sa atin noon, sa mga pinagdaanan ko noong tayo pa at nu’ng hindi na…even sa buhay ko mismo,-natutunan ko na hindi lahat ng mga nasa paligid mo pag-aari mo. Pahiram lang sila sa atin ng universe para maging katuwang natin sa pagbuo ng pagkatao natin. Dumating sila dahil we need them but not to own them. May sarili rin silang buhay at part din tayo nun. Hindi sila ang bumuo sa atin pero isa sila sa dahilan kung bakit tayo na buo. Gets mo naman siguro ang point ko. Wag mong sakalin si Kaloy sa pagmamahal mo. Hindi iyon love,-possession na iyon. At wag mo ikulong si Kaloy sa mundong nilikha mo sa inyong dalawa, dahil pag nakawala iyon… mahihirapan ka ng ibalik ang lahat. Gen z tayo palaban tayo, we claim what we own pero kaunting preno rin.” Payo pa ni ng isang kaibigan.

Tahimik lang na nakinig si Vince sa mga sinabi ni Nate sa kanya. Ninamnam ang bawat salita na ibinato ng kaibigan sa kanya. Sa bandang huli napagtanto ni Vince na may punto rin naman si Nate,-na baka masyado lang talaga itong nag o-overthink sa mga bagay na wala namang basehan. Nang mapansin ng iba ang seryosong usapan ni Vince at Nate na curious na rin ang iba at naki-ambag na rin ng payo sa pinagdadaanan ng kaibigan.

Kung nahimasmasan na si Vince sa mga naiisip nito kay Kaloy,-si Paquito ay nagsisimula namang ma praning sa maaring ginagawa ni Tipen sa mga sandaling iyon. Hindi ito mapirmi sa kanya upuan at panay ang alis at tingin sa kanyang cellphone.

“Mga pare uuwi muna ako sa amin parang sumama bigla ang tiyan ko eh. Naparami yata ang kain ko ng buko.” Wika nito sa lahat.

“Dito ka na mag banyo sa bahay pare baka sa daan ka pa abutin ng tiyan mo. Nakikitae ka naman dati dito ah.” Tugon ni Gibo.

“Kuwan pare dun na lang. Tsaka nagluto rin kasi ang Tsang ng biko. Nasabi ko na magdadala ako para sa inyo. Kita na lang tayo kina Kaloy mamaya.”

“Sabihin mo sa Tsang mo na damihan niya, paborito ko iyon. Siya nga pala pare dun na lang tayo magkita-kita kina Wacky, nagyaya kasi sila ng kuya niya na uminom dun mamaya.” Sabat bigla ni Vince.

Nanlamig naman si Burnok nang mabanggit ni Vince ang pangalan ng pinsan.

“Paano kayo nagkakilala ni Wacky pare?” Tanong nito kay Vince.

Naikuwento naman sa kanila ni Vince kung paano nagtagpo ang landas nito sa mga pinsan ni Burnok. Dahil kakilala rin naman nina Gibo at Paquito ang mga pinsan ni Burnok, sumang-ayon agad ang lahat sa plano. Ngunit kung lahat ay masaya sa magiging ganap nila mamaya…si Burnok naman ay balisa at tila hindi komportable sa napagkasunduan ng lahat. Tutol ito sa plano. Kaya panay ang suggest nito ng ibang ganap na maaari nilang gawin bukod dun.

“Alam niyo mas masaya kung mang huli na lang tayo ng mga palaka mamaya pare. Di kaya mag ihaw-ihaw tayo dun sa dampa. Doon na lang tayo mas okay dun.” Pamimilit pa ni Burnok sa tatlo.

“Puwede naman pero, naka-oo na kasi ako dun sa mga pinsan mo,-baka naghanda rin ang mga iyon. Nakakahiya naman kung hindi tayo sisipot. Tsaka may din naman dun malapit sa kanila.” Ani ni Vince.

“Siya nga naman pare. Isa pa matagal ko na rin hindi nakita ang mga pinsan mong iyon lalo na si kuya Winson. Alam mo Vince pare, si kuya Winson talaga ang idolo ko rito pagdating sa basketball. Pambato ng baryo namin iyon kapag may imbitasyon ng liga sa mga karatig bayan. Laging MVP iyon dito. Kung hindi lang na dedo si Mang Waldo nang maaga di sana nasa PBA na ngayon iyon. Coach namin ni Kaloy dati si kuya Winson kapag sumasali rin kami ng liga. Pero sundalo na kasi siya ngayon. Hindi ko nga alam na nandun pala siya sa kanila kung hindi ka nagkuwento.” Sabat naman ni Gibo.

“Sundalo pala siya. Kaya naman pala mahaba ang karga niya…I mean ang kargada niya, nakita ko kasi ang baril niya dun. Sundalo pala siya. Eh si Wacky pare, anong ganap ng pinsan mong iyon?” Wika ni Vince.

“Ah si Wax? Estudyante pa lang iyon. Pero nasa kolehiyo na. Agriculture ang kurso. Ang alam ko sa bayan na iyon nag bo-board. Nakabakasyon siguro kaya nandito. Malayo rin kasi ang sa amin sa kanila. Tsaka hindi talaga ako masyadong close sa magkapatid na iyon.” Ang sagot naman ni Burnok.

“Anong hindi close eh halos doon ka na sa kanila natutulog dati eh. Tapos madalas pa, nadadaanan ka namin ni Paquito na nasa bakuran nila kapag dapit-hapon na. Ang sabihin ayaw mo lang talaga magpakita sa magkapatid matapos mo sulutin si Mona kay Wax. Diba nga jinowa mo ang girlfriend ni Wax dati? Nahuli pa nga kayo ni kuya Winson na kumakain ng rambutan sa ilog diba?” Ang hirit bigla ni Gibo, sabay asar kay Burnok.

“Kaya naman pala pare, may ahasan moment pala sa inyo dati. Pero baka limot na rin ng mga pinsan mo iyon. Ilang taon na ba nangyari iyon? Baka mga uhugin pa kayo ng mga panahon na iyon. Tsaka malay mo ito na rin ang chance na magkaayos kayo kung may grudges man kayong magpipinsan. Maybe maging way din kami para mawala ang ilangan niyo.” Komento pa ni Nate.

Dahil sa desisyon ng nakararami,-wala nang nagawa pa si Burnok kundi ang sumang-ayon kahit pa labag sa kalooban nito. Hapon na nun nang matapos ang pagpunta nila Kaloy sa bukirin at nagpasya na sila ni Tipen na bumalik sa kanila. Dahil sa natagalan nga sila roon nang hindi man lang nagpaalam kay Vince, tinawagan nito sa cellphone ang kasintahan. Buti at may nasagap na signal kaya nakontak nito si Vince. Bago pa man ito makapagsalita, inunahan na ito ni Vince.

Humingi agad ng sorry si Vince kay Kaloy. At ganun lang kadali nagkaayos ang dalawa. Ikinatuwa ni Kaloy ang reyalisasyon ni Vince. Masaya ito at hindi na lumaki pa ng husto ang di nila pagkakaunawaan. Nang maihatid si Tipen sa kanila, umalis muli ito para puntahan naman si Vince kina Gibo. Naglalakad ito nang makita nito si Paquito na patungong niyugan. Kaya dali-dali itong hinabol ang kaibigan na mabilis din ang paglakad.

Nang marinig ni Paquito ang sigaw ni Kaloy huminto sa paglalakad para hintayin ang kaibigan.

“Pare saan ang punta mo?!” Sigaw ni Kaloy kay Paquito habang papalapit ito rito.

“Kina tito Jasper, akala ko kasi nandun kayo. Si kuya Tipen?” Tugon ng isa.

“Nasa bahay na si Kuya Tipen. Galing kami ng taniman ni tatay, nagpamigay ng pa uga. Nagpa grocery kasi si tatay sa mga tauhan niya sa bukid.” Ani ni Kaloy.

“Ganun ba, buti naman. Kung gayun balik na lang tayo sa inyo tol”

“Hindi ka ba sasama sa amin mamaya? Sabi ni Vince dun daw tayo kina Wax. Ito nga at papunta sana ako kina Gibo nang makita kita.”

“Iyon nga ang plano nang umalis ako dun. Daan muna kaya tayo sa bahay. Kukunin ko lang ang biko ni Tsang tapos dalhin natin sa inyo. Maaga pa naman. Pagkatapos diretso na tayo kina Wacky.” Sambit ni Paquito.

“Di kaya nakakapagod iyon pare, pabalik-balik tayo. Tutal papunta naman na ito kina tito Jasper, sunduin na lang natin sina Evan at Dax sama na natin sila kina Wax. Mula kina tito Jasper punta tayo sa inyo tapos sa amin tsaka diretso kina Wax. Para isang tuhugan na lang ng daan.” Suhestiyon ni Kaloy.

“Payag kaya si Vince na kasama sina Evan?”

“Ayos na iyon. Pumayag na, nagkausap na kami kanina. Halika na habang may araw pa,-makikita natin ang daan. Maputik pa naman paakyat kina tito Jasper.” Saad ni Kaloy.

Tumuloy ang dalawa. Sa daan napag-usapan nila ang tungkol sa relasyon ni Kaloy kay Vince. Kung paano nabuo at nagsimula ang lahat. Ibinahagi naman ni Kaloy kay Paquito ang kuwento nila ni Vince. Ang mga pinagdaanan nila bago sila naging sila. Hanggang sa may naitanong si Paquito kay Kaloy na napahinto talaga ang binata.

“Paano mo nalaman sa sarili mo na bakla ka?” Biglang tanong ni Paquito.

“Bakit mo na itanong iyan?”

“Curious lang ako pare. Ano ang pakiramdam, paano naramdaman sa sarili mo na bakla ka? Dati pa ba alam mo na,…na ganyan ka?” Ani pa ni Paquito.

“Sa totoo lang hindi ko rin alam. At hanggang ngayon hindi ko alam talaga kung bakla ako. Siguro nga bakla ako. Kasi nakipagrelasyon ako sa kapwa ko lalake. Tsaka nagmamahal ako ng isang lalake. At may pagkakataong humahanga naman talaga ako sa kapwa ko lalake. Lalo na sa pisikal. Pero hanggang paghanga lang iyon walang pagnanasa.” Napangising sabi ni Kaloy.

“Ni minsan ba ay hindi ka nagkaroon ng pagnanasa amin? Sa atin dati. Diba nga sabay tayo lagi naliligo ng nakahubad. Tabi-tabi pa tayo sa kama kung matulog. Nagdadakmaan pa tayo ng mga titi kapag nagkukulitan tayo. Noon ba naramdaman mo ng lalake ang gusto mo?” Dagdag pa ni Paquito.

“Mga kapatid na ang turing ko sa inyo noh. Bakit ko naman kayo pagnanasaan. At wala naman sa inyo ang trip ko kung sakali man. Pero pare hindi ko talaga alam kung bakit naging ganito ako. Babae naman noon ang mga crush ko eh. Patay na patay nga ako dati kay Danica. Ini-imagine ko na nga siya na magiging asawa ko in the future eh. Pero nung nakilala ko si Vince, at nagpanggap kami noong una na mag-jowa biglang nagustuhan ko na lang bigla. Tila may na trigger sa pagkatao na kusa ko na lang na realize na… putang ina mas gusto ko na yata ng titee kaysa sa bilat.” Pahayag ni Kaloy.

“Ano iyon pare parang instant? Pagmulat mo isang araw bakla ka na? Ganun?”

“Hindi ko nga rin talaga alam kung saan eksaktong lumabas ang pagiging bakla ko. Nang pinanindigan na namin ni Vince ang pagiging mag-jowa. Sa unti-unti nagugustuhan ko na siya. Nararamdaman ko na mas gusto ko na ang lalake kesa sa babae. At enjoy akong ka sex si Vince. Sa part na iyon siguro bakla nga ako pare. Pero may isang bagay lang na hindi ko kayang gawin pare at sa tingin ko hindi ko talaga magagawa. Ang mag pa lubot pare. Gusto ko ako iyong nasa taas. Kaya ko subo pero hindi ko kaya ang tumuwad.”

Sa parteng iyon tumahimik si Paquito. Napabuntong hininga na para bang may malalim na iniisip. Tsaka nagbitaw ng salita na kinagulat ni Kaloy.

“Bakla na rin ako pare, sumubo na ako tsaka tumuwad na ako.” Bitaw nitong sabi.

Natigilan si Kaloy. Naalala nito ang tagpo sa kanilang rooftop nang inabutan niya si Jasper na kinakabayo si Paquito. Nawala na iyon sa isip ni Jasper ngunit muli itong bumalik dahil sa sinabi ng kaibigan. Nakaramdam ng guilt sa sarili si Kaloy dahil wala man lang itong ginawang hakbang para panagutin ang ninong na gumawa ng kahalayan sa kaibigan. Bagkus ay nag bulag-bulagan ito sa mga nakita. Na tila ba kinunsinti pa nito ang ginawang pang-aabuso kay Paquito ng mga sandaling iyon. Biglang nalungkot ang mukha ni Kaloy. Niyakap nito ang kaibigan para humingi ng kapatawaran sa ginawa niya. Ngunit iba ang naging tugon ni Paquito sa pangyayari.

“Teka pare, hindi ko sinisisi si tito Jasper sa nangyari. Ako ang gumawa ng motibo para gawin niya iyon sa akin. Sinaktan niya ako, nasaktan ako pero nasarapan din naman ako. Hindi lang iyon kasalanan ni tito Jasper. Kasalanan ko rin iyon at kagustuhan ko iyon. Pare hindi ko lang maamin amin noon sa sarili ko pero dati pa alam ko na may iba na sa pagkatao ko. Hindi niyo lang napapansin noon, pero tinitigasan ako sa tuwing nakikita ko kayong naka hubo’t hubad lahat. Pare hindi lang si Gibo ang may pagnanasa sa iyo, pati ako. Siyempre sinasarili ko lang iyon dahil ayokong lumayo kayo sa akin lalo ka na. Pare bakla na talaga ako dati pa. At lumalabas na siya ngayon simula nang may nangyari sa amin ni tito Jasper. Sa totoo lang hinahanap-hanap ko na siya.” Bulalas ni Paquito.

“Gusto mo si tito Jasper?”

“Ewan hindi ko rin alam, pero ang ginawa niya sa akin bawat sandali hinahanap ko na. Parang gusto kong ulitin niya iyon sa akin. Pare iba ang dulot nun sa akin ng gabing iyon. Tapos ngayon kay kuya Tipen naman.”

“Anak ka ng tamod pare, may nangyari na rin sa inyo ni kuya Tipen? Kelan? Kagabi? Putcha eh ang harut mo rin eh noh. Kaya naman pala dikit ka ng dikit sa kanya buong biyahe. May malagkit ka palang balak. Iba rin ang amats mo noh matatanda. Naku pag nalaman ito ni Vince ewan ko na lang kung ano magiging reaksyon nun sa’yo.” Sambit ni Kaloy.

“Grabe ka naman sa matanda. May edad lang. Tsaka hindi naman ganun ka tanda tingnan si kuya Tipen ah. Pero ewan ko ba pare tila yata may gusto na ako kay kuya Tipen eh. Iba rin siya magalaga. Tsaka ang sarap niyang humalik pare.” Sabi pa ni Paquito nang nakangisi.

“Ewan ko sa iyo. May balak pa naman akong isumbong si tito Jasper kay tatay sa ginawa niya sayo, pero sa nalaman ko at sa reaksyon mo parang wag na lang. Mababalewala ang concern ko. Tara na nga nang makabalik agad tayo. Tropang bakla yata tayong lahat eh. Si Burnok kaya? Sa tingin mo bakla rin iyon?”

“Nalasahan ko na laway nun eh. Wala namang lansa tsaka sabi niya straight daw siya. Iyon ang sabi niya di tayo sure sa next chapter.” Ang natatawang sagot ni Paquito.

Sa pag-amin ni Paquito at pagtanggap sa sarili ay mas lalo lang naging mahigpit ang pagsasamahan nila ni Kaloy bilang magkaibigan. Magkaiba man ang pinaghuhugutan, magkapareho naman ang kanilang nararamdaman. Iisa lang ang dahilan ang ipakilala ang sarili kung sino sila. At ipahayag na walang mali sa pagiging bakla dahil ganun na sila ginawa.

WHISPER IN TEARS

Nag-iisang nakasandal sa puno ng niyog si Burnok habang hinihintay sina Gibo, Vince at Nate. Nauna na ito sa tatlo dahil hinatid pa nito ang kalabaw sa kakilala nito. Panay ang iling nito sa sarili na tila ba may inaalalang problema. Habang nag papahinga ito roon sa tagpuan nilang magkakaibigan,-ay may tumawag sa kanya. Napabalikwas ito ng tayo nang marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan mula sa isang pamilyar na boses. At nang ibaling nito ang kanyang tingin sa pinagmulan ng boses, gumuhit ang alanganing ngiti sa mukha nito.

“Sabi na nga ba at ikaw iyan. Kamusta? Nalaman ko sa pinsan ko ang nangyari sa inyo kahapon sa may ilog. Mabuti at okay lang kayo. Dumaan nga agad ako sa inyo kaso sabi ng tiya mo hindi ka pa nakauwi sa dun.” Bungad ng babae nang lumapit ito kay Burnok.

“Mona? Anong ginagawa mo rito? Ay oo hindi nga ako umuwi dun. Kina Kaloy kasi ako kagabi natulog. Teka bakit ka nga ba nandito? Ang layo na nito dun sa inyo ah, saan ba ang punta mo?” Wika ng binata.

“Kina Paks, binyag kasi ng baby ng kuya niya.”

“Nanganak na pala ang asawa ni kuya Gelo. Tagal na rin na hindi ako nakapunta sa kanila.”

“Kung gusto mo sumama ka na lang sa akin dun. Miss ka na rin ni Paks. Tsaka miss na rin kita. Nakailang uwi ka na rito pero ngayon lang kita na tiyempuhan. Siguro may jowa ka nang yayamanin dun noh? Ibang-iba na kasi pormahan mo ngayon. Malinis na at mukhang mabango. Dati kahit amoy basahan na ang tshirt mo sinusuot mo pa rin. Pero tingnan mo na ang ayos mo, nasa bukid tayo pero parang pupunta ng mall sa siyudad ang pormahan mo. Eh kalabaw at mga kambing lang naman makaka-appreciate niyan dito.” Ani pa ni Mona.

“Mga anak kasi ng mayor at negosyante ang mga kasama ko kaya kahit sa damitan man lang pumantay tayo. Tsaka wala pa akong girlfriend. Wala pa iyan sa isip ko. Magpapayaman muna ako tulad ni Tay Karding. Eh ikaw ba? Ang umabot sa aking balita ay jinowa ka raw ni Tibo. Pinatulan mo iyon?”

“Niligawan lang ako nun noh,- pero hindi ko pinatulan yon. Di nga kita pinatulan na lalake ka siya pa na may hiwa. Tsaka ayoko ng tibo noh. Tibo na nga ako tapos tibo din ang papatusin ko. Cannibalism na iyon noh.” Komentong sagot ng babae.

“Alam na ba rito na ganyan ka?”

“Naman, siyempre bakit ko pa itatago eh ganito naman talaga ako. Maging ang pinsan mo ngang si Wax eh alam na. Pero mangiyak-ngiyak iyon nang nalaman niya na babae din ang tipo ko. Guwapo naman ang gagong iyon pero wala lang talaga ako maramdamang spark sa kanya. Ilang araw din naglasing iyon bago natanggap ang pagiging tubibo ko. Eh wala naman nagbago nung nalaman ng lahat. Sumasali parin naman ako sa mga pa mutya ng baryo tuwing fiesta. Tsaka next year sa Manila na ako mag-aaral. Kukunin na ako rito ng ate ko.”

“Buti ka pa…ibig kong sabihin buti at masaya sila sa iyo kahit ganyan ka. Tsaka ang tapang mo na niyakap ang sarili mo.” Tugon ni Burnok na biglang nalungkot ang boses. Napabuntong hininga na lamang ito sa sariling pinagdadaanan.

“Naku kung hindi sila masaya sa akin, wala naman akong pake. Basta ako masaya ako sa sarili ko. Wala silang ambag sa bigasan namin kaya wala silang karapatan na kuwestiyunin ang pagkatao ko. Tibo ako pero hindi ako sakit ng ulo sa pamilya ko noh. Alam mo iyan. Oh ano na? Sama ka na sa akin kina Paks, maraming pagkain dun.”

“Kaso hinihintay ko pa ang mga kasamahan ko.”

“Eh text mo na lang ang mga iyon. Tsaka ngayon lang kita na saktuhan noh. Bigay mo naman sa akin ang oras mo. Minsan ka na nga lang dito. Araw-araw mo naman silang kasama. Halika na, baka maubusan tayo ng lechon.”

Hinila na ni Mona si Burnok habang nagti-text ang binata. Hindi na ito nakatanggi pa sa pamimilit ng babae at sumama na lang ito dito. Habang naglalakad ang dalawa maraming ala-ala ang bigla na lang pumapasok sa isipan ng binata. Lalo na nang mapadaan sila ng dalaga sa lumang kamalig sa gitna ng palayan na naroon. Pagmamay-ari dati ng mga magulang ng pinsan ni Burnok ang palayan na iyon, bago napunta ang pangangalaga sa kapitan ng baryo.

Nahuli ni Mona ang malalim na buntong hininga ng kaibigan at ang malalim nitong pag-iisip habang nakatingin ito sa lumang kamalig.

“Hindi na ginagamit ang isang iyan buhay ng matamaan ng kidlat ang tauhan ni Kapitan. Tagpuan na ngayon iyan ng mga inaabutan ng kalibugan dito sa palayan.” Sambit ni Mona.

“Dati pa naman tagpuan na iyan ng lahat. Kung nakakapagsalita lang ang kamalig na iyan,-malamang marami nang naikuwentong sekreto ng mga taga-rito iyan.” Napangising sabat ni Burnok.

“Ikaw ba,…wala ka bang sekreto na itinago riyan sa kamalig na iyan?”

Napalunok ng sariling laway si Burnok sa tanong ng babae. Pailing-iling itong itinanggi ang katotohanan na meron. At hindi lang isa kundi marami. Na tanging siya lang ang nakakaalam.

Nasa bungad naman ng kawayanan papunta sa bahay ni Jasper sina Kaloy at Paquito. Malayo pa lang pero tila hinihila na ang mga Paa ni Kaloy sa bahaging iyon. May kung ano itong nararamdaman na kaba sa sarili na hindi niya maintindihan.

“Bakit dito pa tayo dumaan tol? puwede naman dun sa kabila. Maluwag pa ang daan. Mamaya nito may makasalubong pa tayong cobra sa dami ng mga kawayan dito.” Komento ni Paquito.

“Ang arte neto. Dati pa naman dito na tayo dumadaan ah. Puwede nga dun sa kabila eh kaso maputik. Tsaka ang layo pa ng lalakarin natin makarating lang kina tito Jasper. Eh dito, paglampas natin sa kawayanan na ito, bakuran na nila.” Ani ni Kaloy.

“Short-cut nga dito pero sugat-sugat naman binti natin sa dami ng mga kawayan dito.”

“Alam mo ang dami mo ng reklamo. Kuminis lang iyang balat mo tol, pero taga-rito parin tayo. Dito na tayo lumaki. Kaya tigil-tigilan mo nga ako sa kaartehan mo diyan. Inamin mo lang na bakla ka, ang selan mo na agad sa balat” Tugon ni Kaloy na tinawanan lang ang kaartehan ng kaibigan.

Ilang mga metro na lang ang lalakarin nila nang mapahinto bigla si Paquito tsaka pina atras pabalik sa pinanggalingan nila si Kaloy. Hindi ito mapakali na para bang may hindi ito gusto na makita ng kaibigan. Ipinagtaka naman ni Kaloy ang kinikilos ng kaibigan. Sa kuryusidad na malaman kung ano ang naroon sa unahan na ayaw ni Paquito na makita niya. Hinawi nito ang kaibigan at pinangunahan si Paquito sa paglalakad. Naka-ilang hakbang pa lamang ito nang agad itong natigalgal sa kanyang nakita. Napaatras ito na pailing-iling sa tagpong nasaksihan. Halos hindi makapaniwala si Kaloy sa kanyang nasasaksihan sa mga sandaling iyon.

Sa isang bahagi kasi ng kawayanan, sa likod ng mga malalagong puno na naroon. Magkasamang magkatalop ang katawan nina Karding at Jasper habang naglalaplapan sa malapad na bato na nandun. Kapwa hubo’t hubad ang dalawa na nagkakangkangan at pawisan.

Hindi maatim ni Kaloy na panoorin ang ginagawa ng kinikilalang ama. Sa isang iglap gumuho ang respeto at paggalang ng isang anak sa ama. At ang labis na ikinasama ng loob ng binata ay ang ginawa ng ama na pagtataksil sa kanyang ina. At sa mga bisig pa mismo ng kanyang ninong na si Jasper. Patakbong nilisan ni Kaloy ang lugar. Sinundan naman agad ito ni Paquito na hindi na nagulat sa kanilang nakita.

Sa ingay na dulot ng kanilang pag-alis, napabalikwas ng tayo ang dalawa. Naudlot ang napipinto na sana nilang pagpapakawala ng libog sa katawan. Nagpalinga-linga sa paligid ang dalawa habang dali-daling nagsuot ng kanilang mga damit.

“May nakakita yata sa atin.” May pag-aalalang wika ni Karding.

“Ano naman ngayon? Wala akong pakialaman kahit nabidyuhan pa nila tayo. Hindi ko itatanggi ang nangyari sa atin. Dahil masaya akong ginagawa ito sa mahal ko.” Ang kalmado at nakangiti pang sagot ni Jasper sabay tugon ng halik sa labi ni Karding.

“Kung sa’yo ayos lang. Pero sa akin…hindi. Nakakahiya kaya na may nakakita sa atin. May asawa akong tao tapos kinakabayo ako ng lalake?” Ang balisang sabat ni Karding.

“Hayaan mo sila sa sasabihin nila. Hindi lang sila sanay sa ganito. Tsaka napag-usapan na natin na aamin na tayo kay Tess. Ramdam ko na maiintindihan ka nun. Simula’t sapol alam na niya ang pagkatao mo at tinanggap ka niya sa kung ano ka dati pa. Hindi na rin lihim sa kanya ang nakaraan natin. Bago pa naging kayo.” Wika pa ni Jasper sabay yakap kay Karding ng mahigpit.

“Pero sa mata ng iba, may asawa parin akong tao. Lalake pa din ang pagkakakilala nila sa akin. Kaya kung maari tigilan na natin ang ginagawa nating ito sa kung saan-saan na lang. Hindi sa ayoko ang ginagawa mo sa akin. Ayoko lang na pag-uusapan tayo,-lalo na ako ng mga tao. Tama na,…sa atin na lamang ito.” Pakiusap ng lalake.

Tumango-tango lang si Jasper at muling sinilyuhan ng halik sa bibig si Karding. Nang makapagbihis na ang dalawa, sabay na silang bumalik sa bahay ni Jasper. Inabutan ng dalawa sina Evan na kumakain ng lansones sa likod bahay. Nang makita ni Evan si Karding humingi agad ito ng paumanhin sa pag-alis nila ni Dax na walang paalam. Naintindihan naman sila ni Karding matapos marinig ang pahayag ni Evan. Sabay na rin kumain ang apat ng pananghalian kahit lampas na sa oras. Tinolang native na manok na may sili ang pinagsaluhan ng apat. Naunang natapos sina Evan at Dax, kaya naiwan pa sa kusina sina Karding.

Habang nag papatunaw ng mga kinain, nagpasya sina Evan na mag-ikot ikot muna saglit sa paligid.

“May napansin ka ba sa dalawa pare?” Panimulang tanong ni Dax.

“Kanino? Kina tito Karding at Jasper?”

“Mmm oo.” Patango-tangong sagot ni Dax. “Kuwan kasi… parang may lagkit ang mga tinginan nilang dalawa. Lalo na si Jasper. Parang uulamin si tito Kards kung makatitig habang sumusubo ng kanin. Tapos si Tito naman padaplis din kung tumugon ng tingin pero may laman din.” Obserbasyon pa nito.

“Ano? Napansin mo iyon? Eh ako nga na katabi si tito hindi. Ginagawan mo pa ng isyu ang dalawa. Magkumpare iyon, kaya ganun lang sila magtitigan sa isa’t isa.” Sabat ni Evan.

“Eh diba sabi mo nga silahis si tito Kards, dual charger…pede sa typce C pede micro?” Hirit pa ni Dax.

“Pero hindi ibig sabihin kasing landi mo si tito. Tsaka kumpare niya si Jasper, ninong ni Kaloy. At mabuting padre de pamilya si tito. Malisyoso lang talaga mga mata mo kaya kung ano-ano napapansin mo. Ang mabuti pa kunin na lang natin ang mga gamit natin at bumalik na tayo kina Kaloy. Baka pati iyon ma badtrip na rin sa akin.” Tugon ni Evan.

Kaya hindi pa man nakalayo ng husto,-bumalik na agad ang dalawa kina Jasper. Ngunit laking pagtataka ng dalawa nang madatnan nilang tahimik na ang bahay na kanina lang naroon pa sina Karding at Jasper na kumakain sa kusina. Naisip ng dalawa na baka umalis din ang mga iyon pagkaalis nila dahil maging sa likod ng bahay wala na silang inabutang tao roon. Si Dax na ang nagpresenta na kunin ang kanilang mga bag sa silid na pinatuluyan sa kanila ni Jasper. Habang si Evan naman nun ay nasa bakuran at abalang nagbabalot ng rambutan sa plastik na hawak.

Bago ang silid na sadya ni Dax madadaanan muna nito ang isa pang silid na alam naman nilang silid iyon ni Jasper. Marahan ang mga hakbang ni Dax patungong silid, nang may narinig itong impit na ungol mula sa silid ni Jasper. Ginapangan ng kuryusidad ang lalake at dahan-dahan itong lumapit sa pintuan ng silid. Hindi nakalapat ang pintuan at bahagya itong nakabukas. Awang na sakto lang para makita ang puwesto ng kama sa loob. At sa di sadyang pagsilip ni Dax… nagulat ito sa kanyang nakita. Sentro kasi agad sa paningin niya ang makinis, maputi at matambok na puwet ni Jasper na taas baba habang binabayo ang ng lusong nito ang hal-o ni Karding na tila ba ay naglulupak lang ito ng saging.

Bahagyang natigilan si Dax sa tagpong nakita. Hindi nito akalain na sa kanilang pagbabalik ni Evan ay masasagot agad ang kanyang hinala sa dalawa. Muntik pa mapamura si Dax sa galing ni Jasper gumiling.

Natauhan na lamang si Dax nang marinig ang sigaw ni Evan sa labas na tinatawag na ang kanyang pangalan. Sa takot na makita ito ni Jasper, agad na pumasok sa silid si Dax na mabilis binitbit ang mga bag nila ni Evan. Hindi na nito nagawa pang tingnan o silipan muli sina Jasper at Karding sa takot na mahuli. Binalikan nito si Evan sa labas na hindi parin mapakali sa nakita. Gusto na sana nitong ikuwento sa kaibigan ang eksena sa pagpasok niya sa bahay, ngunit naisip nito si Kaloy. Kung may bagay man na dapat malaman ang kaibigan hindi iyon kailangan magmula sa kanya. Nanatiling tahimik si Dax buhay ng lisanin nilang dalawa ang bakuran ni Jasper,-hanggang sa nangalahati na sila ng paglalakad.

At ipinagtaka ni Evan ang biglaang pananahimik ng katabi.

“May nakita ka bang maligno dun kanina? At nasilyuhan iyang bibig mo pare? Kanina ka pang walang kibo diyan ah. Nagsasalita ako rito pero parang di ka naman nakikinig.” Pansin ni Evan.

“Ah kuwan may iniisip lang. Ano nga iyong sinasabi mo?”

“Wala na, nakalimutan ko na rin.”

Napailing-iling na lang si Evan ng sulyapan nito ng tingin si Dax. Kita parin kasi nito ang mukha ng kasama na tila malalim ang iniisip. Pabalik na ang dalawa kina Kaloy nang masalubong ng mga ito si Wacky na may hila-hilang kalabaw. Malayo pa lang nagtaka na agad ang mga tinginan nila ni Evan. Na kahit nakalampas na sa kanila ang lalake, nakasunod parin ang mga mata nito sa kanya. At lalo pang nakuha ni Wax ang atensiyon ni Evan,…nang magbitaw ito dito ng matamis na ngiti na sinundan ng marahang paghango ng pagbati.

Halos umikot na sa likod nito ang ulo ni Evan habang sinusundan pa rin ng tingin ang papalayo ng si Wacky.

“Baka mabali na ang leeg mo niyan sa kakalingon dun. Bakit di mo na lang sundan at kilalanin. Baka siya pa ang purpose mo sa pagpunta rito kina Kaloy.” Biglang sabi ni Dax na sa punto ng boses nito ay tila may bahagyang selos.

Nginitian lamang siya ni Evan tsaka inakbayan sabay kabig at yakap sa kanya ng may higpit.

“Sus nagselos naman agad. Napasulyap lang eh. Para kasing nakita ko na ang mukhang iyon. Hindi ko lang alam kung saan. Baka sa past life ko nagkatagpo na kami. Kaya tila na huli niya agad ang atensiyon ko.” Wika ni Evan.

“Ngayon mo sabihin sa akin kung sino sa atin ang malandi. Kunwari ka pa eh kitang-kita naman na may pagnanasa ang mga titig mo sa kanya kanina. Dibdib tsaka braso lang malaki dun sinasabi ko sa’yo. Mas malaki pa rin ang akin. Nasubu…kan mo na iyan at inamin mong nasarapan ka.” Nakangising sabi naman ni Dax.

Samantala, paalis na sina Vince kina Gibo nang mapansin ni Nate na nakasimangot na naman ang kaibigan. Nilapitan nito si Vince na panay ang dutdot sa cellphone nito.

“Problema?”

“Hindi naman. Hindi lang sumasagot sa tawag ko si Kaloy. Wala rin reply sa mga messages ko.” Sagot ni Vince kay Nate.

“Baka walang signal.”

“Nagriring, imposibleng wala. Kasama na niya siguro sina Evan kaya hindi na pinapansin ang mga tawag ko.”

“Ayan ka na naman sa kaka-over think mo. Wala ka pa rin bang tiwala sa jowa mo? Baka may ginagawa lang si Kaloy at hindi napansin ang tawag mo. Maaga pa naman. Kung hindi man iyon makapunta rito, baka dun na yon dideretso sa pupuntahan natin.” Wika ni Nate.

“May tiwala ako sa kapatid mo. Pero dun sa epal na iyon wala. Mukha pa lang nun hindi na mapagkakatiwalaan.” Tugon ni Vince.

“Insecure ka ba kay Evan? The way ka kasi mag react sa dalawa eh parang ganun eh. Ano pa ba ang inaalala mo. boyfriend mo na si Kaloy at kahit dumiskarte pa ang Evan na iyan sa,-eh wala na siyang score na makukuha kay Kaloy. Dahil nauna ka na sa kanya.” komento ni Nate.

“Hindi sa insecure… Ayoko lang na masingitan ako. Na baka may makita si Kaloy kay Evan na wala sa akin at sa kanya bumaling ang pagtingin ni Kaloy. I am not perfect sa relasyon namin, pero sinusubukan ko. Mahal ko si Kaloy at ayokong mawala siya sa akin.” tugon ni Vince.

“Pero sa ginagawa mo, nagsisimula ka ng butas para mawala siya sa iyo. Hindi ka naman ganyan sa akin dati ah? Hinahayaan mo nga lang ako sa iba nun.” biglang kumpara ni Nate sa nakaraan nila ni Vince.

“Magkaiba ang sitwasyon natin nun. Tayong dalawa lang ang may alam na mag-jowa tayo. Tsaka, kasunduan natin iyon. Tumagal tayo ng ganun dahil takot tayo sa judgement ng lahat. But honestly, maniwala ka man o hindi… nasasaktan din ako sa tuwing may ibang umaaligid sa iyo.” paliwanag ni Vince.

“Kaya mo ako binalewala na lang ng makilala mo si Kaloy? Pano ko malalaman ang namo sa akin nun, kung hindi mo sinasabi sa akin. Ang akala ko lang naman noon eh badtrip ka sa parents mo kaya ka naglayas. Nagusap naman tayo ng gabing iyon. Aminin mo na kasi na takot kang mangyari sa iyo ang ginawa mo sa akin nun. Vince, ito lang ang point ko. Mahal ka ng kapatid ko, kaya wala kang dapat ipag-alala.” saad pa ni Nate tsaka tinapik ng marahan sa balikat si Vince sabay gawad sa kaibigan ng ngiti.

Dahil sa labis na sana ng loob sa ama dulot ng tagpong nakita, ibinuhos ni Kaloy sa sigaw ang kanyang galit. Tumungo ito sa dampa nila sa ilog at doon nagsisisigaw ito habang humahagulgol ng iyak. Yakap-yakap naman siya ni Paquito na tinutulungan na pakalmahin ang kaibigan. Gusto nang aminin kay Kaloy na alam na nito ang tungkol sa ama at kay Jasper ngunit ayaw ng dagdagan pa ni Paquito ang bigat sa loob ng kaibigan. Takot din ito na baka sumbatan din siya ni Kaloy sa paglilihim nito ng nalalaman.

“Bakit tol? bakit niya ito nagawa kay nanay?! Ang buong akala ko mahal niya si nanay, pero bakit niya nakuhang pagtaksilan si nanay?!!! Ang baboy nila!!! Niloko nila si Manay!!!” Ang pagbalahaw ng hinanakit ng isang anak sa kanyang ama.

“tol pare kalma lang. Alam kong hindi maganda ang nakita natin. Pero baka may dahilan…ibig kong sabihin baka natangay lang sila Tay Karding at ninong Jasper mo kaya…”

“kaya ano? Kaya nag bayuhan na lang silang dalawa?! Pamilyado si tatay tol, may asawa ganun din si ninong! Sapat ba iyon na dahilan para lokohin nila si nanay?! Rason ba ang pagiging bakla para pagtaksilan ang pamilyang nagbigay sa kanya ng pagmamahal at respeto?!!! Tol, idolo ko si Tatay. Siya ang tinitingala ko buhat ng nagkamalay ako sa mundo. Nang tanggapin niya ang pagkatao ko at ipakilala ang sarili niya, lalong lumalim ang paghanga ko sa kanya. Akala ko iba si Tatay sa lahat. Ipinagmamalaki ko na siya ang naging tatay ko. Pero sa ginawa niya, parang lahat ng iyon bigla na lang nabura sa puso ko!

Halos masira ang dingding na kawayan dahil sa galit ni Kaloy. Pinagsusuntok niya ito at pinagsisipa. Dahilan para magtamo ito ng mga sugat sa kamay, braso at ilan sa mga binti. Hindi naman siya maawat ni Paquito sa ginagawa. Hinayaan muna nito na makapaglabas ng hinanakit sa dibdib ang kaibigan. Nang mapasalampak na sa sahig at mapasandal sa dingding si Kaloy, tsaka lang muling lumapit sa Paquito para punasan ang mga dugo sa kamay ng kaibigan. Pinunit nito ang damit na suot at iyon ang ipinantali nito sa kamao ni Kaloy na halos mamaga na sa sugat.

“Iuwi na muna kita tol sa inyo nang magamot iyang mga sugat mo. At para na rin maipagpahinga mo muna ang nararamdaman mo. Malapit nang dumilim, baka hinahanap na tayo sa inyo.” Sambit ni Paquito.

“Ayokong umuwi. ayokong makita ang kataksilan ni Tatay.” sabat ni Kaloy na patuloy pa rin sa paghikbi.

“Paano si nay Tess baka mag-alala iyon. Tsaka si Vince, diba may usapan kayo? Baka nag-aalala na rin iyon. Isa pa, wala pa akong kain…”

“Umuwi ka na kung gusto mo. Iwan mo na ako rito.”

“Ay iyan ang very no no to do, tol. Baka kung ano pa maisipan mo. Nasa tabing ilog pa naman din tayo. Depress ka ngayon…mahirap na baka gawin mo rin ang ginawa ni Gibo. Kung ayaw mo umuwi,-walang uuwi. Sasamahan kita rito tol. Titiisin ko ang gutom, basta buhay ka.” Ang wala nang nagawa pang sabi ni Paquito.

Napasandal na lang din ito sa tabi ni Kaloy habang pa iling-iling na lamang itong napakamot sa leeg. Inabutan na nga ng dapit hapon ang lahat sa kahihintay sa mga kaibigan. Nasa bakuran na nila ni Wacky sina Vince, Nate at Gibo ngunit wala pa ang anino ni Burnok. Hindi na rin mapirmi si Vince dahil wala rin si Kaloy at hindi man lang ito nagre-reply sa kanya. Inabutan nilang wala roon si Wacky at tanging ang kuya Winson lang niya ang nandun na abala naman sa pagluluto.

“tulungan na kita kuya,-ano pa ba ang puwede ko maitutulong diyan?” wika ni Gibo nang lapitan nito si Winson sa kusina.

“wag na, salamat na lang. Patapos na rin naman ako dito. Pakilabas na lang nitong mga upuan sa bakuran. May pinuntahan pa kasi si Wax. Maya-maya lang nandito na iyon. Sina Kaloy, Paquito at Burnok nga pala bakit hindi niyo kasama?” Ani ni Winson.

“Si Burnok nandun kina Paks nakiki-birthday. Sinama raw siya ni Mona nang magkita sila. Sina Paquito at Kaloy naman ang sabi kanina magkita na lang dito. Pero ewan kung nasaan na ang mga iyon.” sagot ni Gibo.

Papalabas na sana ng kusina si Gibo nang muli itong tinawag ni Winson. Nilapitan nito si Gibo at marahang binulungan ng isang tanong na ikinasamid ng laway ng binata.

“Bakla iyang Vince noh? Unang titig pa lang niya bistado ko na ang kanyang amoy. Kaninong jowa ba siya? Kay Paquito, kay Kaloy, sa iyo o sa isang kasama niyo?” Bulong nito sa binata.

“Itong si kuya talaga grabe maka-judgemental. Titig lang alam mo na agad na bakla si Vince? Kuya straight iyang si Vince. Medyo malambot lang kung kumilos pero hindi iyan siya bakla. Ang kisig ni Vince, maskulado tsaka varsity player ng basketball iyan tapos pagkakamalan mong bakla. Kuya talaga. Baka ikaw ang nababakla sa kagwapuhan ni Vince kuya?” Tugon ni Gibo sabay bitaw ng sarkastikong hirit kay Winson tsaka tumawa.

Medyo na pikon si Winson sa huling sinabi ni Gibo, ngunit tinawanan na lang din nito ang hirit ng binata sabay sabi… “Varsity ba sabi mo? tingnan natin mamaya kung gaano ka galing sa depensa iyang kaibigan mo. Sakto at may solar lights na sa basketbolan diyan sa bakanteng lupa. Kahit magdamagan puwede. Sabihin mo sa mga kaibigan mo lalo na sa Vince na yon. One on one kami sa bola. Ang matalo, dito matutulog kasama ko.” Ang nakangising sabi ni Winson kay Gibo.

Batid ni Gibo na seryoso si Winson sa sinabi nito kaya bigla itong kinabahan para kay Vince. Dahil sa sinabi ni Winson nagdadalawang isip na si Gibo kung magpapagabi pa ba sila roon o uuwi na lang nang di na magkabistuhan pa.

Nang makakuha tiyempo, pasimpleng nilapitan ni Gibo ang kasintahang si Nate upang sabihin ang sinabi sa kanya ni Winson. Napakunot na lang ang noo ni Nate sa nalaman. Dahil sa sinabi ni Gibo nainis ito sa ugali ni Winston.

“Wag na lang natin patulan si kuya. Hintayin na lang natin sina Kaloy tapos uwi na tayo.” ani ni Gibo kay Nate habang nakatingin kay Winson na kausap naman nun si Vince.

“Akala siguro ng Winson na iyan ay may pagnanasa si Vince sa kanya. Kaya balak niyang bitagin ang isa. Kilabot ba ng mga bakla iyan dito sa inyo?” Wika ni Nate.

“Hindi ko masabi. Pero matinik sa babae iyang si kuya. Kilala iyan dito na habulin ng mga babaeng sayo. Lalo na sa tuwing dumadayo iyan dati ng liga sa ibang bayan. Artistahin din kasi ang mukha. Parang hindi laking bundok. Pati si Wax na kapatid niya gandang lalake rin iyon. Iyon ang alam ko na pahada sa mga bading.” kuwento pa ni Gibo.

“Mga pakboy pala ang magkapatid na ito. At mukhang balak pa nilang isama sa listahan nila si Vince. Malamang iyon talaga ang plano nilang magkapatid kung kaya inimbitahan nila si Vince. Iba rin ang trip ng magkapatid na ito. Tigang na siguro masyado.” Sambit ni Nate na napaismid.

“Huwag ka mag alala, kung ano man ang balak nila kay Vince mabibigo sila. Ako ang bahala. Sagot ko kayo rito. Subukan lang ni kuya na gawan si Vince ng di maganda babasagin ko talaga ang mukha niya.” Saad ni Gibo.

“Mas mabuti kung alam ni Vince ang binabalak sa kanya ni Winson nang alam din niya ang gagawin.” sabat ni Nate.

“Mamaya sasabihin ko.”

Naging maganda naman ang pakikitungo ni Winson kay Vince. Sa tamis ng mga salita nito at malambing na kilos agad na nakuha nito ang tiwala sa kanya ni Vince. Halos hindi na nga sila nauubusan ng napagkukuwentuhan na dalawa. Habang hinihintay nila ang iba, si Vince ay hindi na mahiwalay sa tabi ni Winson. Na para bang sila lang ang naroon. Ni hindi na nga makasingit sa kanilang usapan sina Gibo at Nate. Halos nangalahati na ang long neck na alak sa kanilang dalawa pa lang ni Winson. Kung kaya’t nangialam na si Nate sa dalawa.

“Vince, wala pa sina Kaloy baka pagdating nila bagsak ka na riyan sa kalasingan. Halos nangalahati na ang tinatagay niyo riyan oh. Time out na muna. Ang haba pa ng oras para riyan.” wika ni Nate nang lapitan nito sina Vince at Winson.

“Goods lang ako dude. Ayos lang ako. Mahirap ako malasing sa ganito. Tsaka mukhang safe naman dito kina Winston. Diba pare?” sagot ni Vince sabay tapik-tapik nito sa hita ni Winson na nakangiti naman sa kanya. “Mag lalaro pa nga kami nito mamaya ng basketball eh. Kaya chill lang kayo dun ni Gib. Mag moment muna kayo dun. Di kaya dumito na kayo’t makitagay na din habang hinihintay natin sila.” Ani pa ni Vince.

“Siya nga naman pare. sumali na kayo rito ni Gibo. At may anim pang reserba dun sa loob. Hanggang magdamagan tayo rito. Feel at home kayo rito sa amin. Ganito kami dito magalaga at mag-welcome sa mga bisita ng baryo Ilang.” komento ni Winson.

Hindi na umimik pa si Nate. Tinabihan na lamang nito si Vince tsaka nakitagay na rin sa kanila ni Winson. Batid ni Nate na inu-unti-unti ng lalake ang kaibigan kaya hindi na ito lumipat pa ng upuan kahit na nung lumapit na rin sa kanila si Gibo. Hindi inaalis ni Nate ang mga mata nito kay Winson. Bawat galaw at pananalita nito kay Vince ay bantay sarado kay Nate. Bumabangka rin sa kuwentuhan si Gibo para sapawan ang mga padaplis na mga salita ni Winson para kay Vince. Ang hindi nila alam, nababasa na ng lalake ang ginagawa nila. Kaya nag-isip si Winson ng paraan upang muling masolo ang atensiyon ni Vince sa kanya.

“Mukhang tinatablan na yata ang katawan ko sa iniinom natin ah. Ang init na ng pakiramdam ko.” wika ni Winson habang unti-unting hinuhubad ang suot nitong t-shirt. Paunti-unting angat na tila ba tinatakam ang sino mang magkakainteres sa kanyang matipuno at magandang katawan.

Ngunit sa halip na si Vince lang ang pinapainan nito,-tila maging sina Nate at Gibo ay naakit na rin sa pa thirst trap nito. Halos sabay pa nga nanlaki ang mga mata Nina Gibo at Nate nang masilayan ang mga pandesal ni Winson sa tiyan na may maninipis na karug mula sa pusod nito pababa.

Biglang natigil ang kuwentuhan dahil sa ginawang paghubad ng damit ni Winson. At sa napansin nitong reaksiyon ng dalawa, Gibo at Nate. Napagtanto nito na hindi lang pala si Vince ang baliko sa kanila kundi pati na sina Gibo at Nate. “tang na, bakla rin yata itong katabi ni Vince tsaka pati si Gibo mukhang pumipitik na din ang daliri. Bakla na rin ba’to. kita ko talaga kung paano niya titigan ang abs ko. Putik mukhang, ako pa yata mapapasubo nito. Puro mga bakla ang nasa harapan ko.” sa isip pa ni Wilson.

Nang mahimasmasan ang tatlo sa kanilang mga sarili agad nilang ibinaling ang mga tingin sa iba, lalo na nang mapansin ng tatlo na nakatingin sa kanila si Winson. Para di mapaghalata, naghubad na rin ng t-shirt si Gibo. Agad naman pinuri ni Winson ang magandang porma ng pangangatawan ni Gibo. Lalo pa kasi naging defined ang mga cuts ng binata sa katawan buhat ng lumipat na ito ng siyudad. Sumunod na naghubad ng damit si Nate pati na rin si Vince.

Dahil sa nagpakitaan na ng katawan ang apat, napunta ang kanilang kuwentuhan tungkol sa mga lalaking nag gi-gym kunwari pero iba naman pala ang pakay sa gym.

“ibig sabihin totoo talaga ang mga sabi-sabi na hindi lahat ng nasa gym nagpapalaki lang ng katawan? at ang iba naghahanap lang talaga ng lalake na masarap ang katawan? Kayo ba na experience niyo na iyan sa personal? iyong tipong niyaya kayo ng isang gym mate niyo na mag jug-jug a-ah?” nakangising tanong ni Winson sa tatlo.

“ano ang “jug-jug a-ah “? di namin gets pare.” sabat ni Nate.

“Bembangan ang ibig sabihin ni kuya Win.” tugon ni Gibo.

“so far sa tagal ko nang na nag gi-gym, ni minsan hindi ko pa na encounter ang ganun. Pero kung sakaling meron, ayos lang sa akin. Mahalaga magaling tsaka hindi mabaho ang hininga. Payag ako, wala rin naman mawawala. Nasarapan ka pa.” biglang sabi ni Vince.

Sabay na napatingin kay Vince sina Nate at Gibo. Batid ng dalawa na tila tinatablan na ng amats ng alak si Vince kaya walang preno na ang mga sinasabi nito.

“Makikipag totnakan ka sa kapwa mo lalake? Hindi ka maiilang na lalake ang karomansa mo?” Ang natatawang reaksyon naman ni Winson sa sinabi ni Vince.

“Eh ano naman problema dun?, lalake o babae pare-parehas lang ang lasa pag naka-sex mo na sa kama. Ang mahalaga dun marunong magdala at lalabasan ka tsaka nasasarapan. Ikaw ba? Hindi mo kaya? … imposibleng wala ka pang experience sa mga bading pare,-sa ganda mong lalake at magandang katawan na iyan? malamang ilang bakla na ang nakakain sa iyo at na tuhog mo. Tama ba?” wika pa ni Vince.

Naging madaldal na ito at mahawak sa katawan ni Winson. Pilit namang binabara ni Nate ang mga sinasabi ni Vince dahil tila nagbibigay na ito ng motibo kay Winson na panay din ang hirit ng nakakalibog na usapin kay Vince.

“Di ko itatanggi na hindi na ako virgin sa mga bibig at kamay ng mga bakla. At aaminin ko iba kung magpaligaya ang mga iyon. Lahat ginagawa kahit imposible. At di maarte tulad ng mga babae.” Ani pa ni Winson sabay titig kay Vince na tila ba nagpapahiwatig na tipo siya nito.

At dahil sa tila lumalalim na ang usapan ng dalawa tungkol sa mga karanasan nila sa kapwa adan. Pinutol na ni Nate ang kuwentuhan ng dalawa. Niyaya na nito si Vince na bumalik na kina Kaloy dahil magdidilim na. Sinigundahan naman ito ni Gibo na nauna nang magpaalam kay Winson. Ngunit sa halip na sumama sa dalawa,-mas pinili ni Vince na manatili muna kina Winson. Doon na ito kinausap ni Nate ang kaibigan.

Inakbayan nito si Vince at binulungan na may sasabihin ito sa kanya. Mahinahon namang tumayo si Vince at sumama kay Nate sa labas ng bakuran nila Winson. Naiwan sa tagayan si Gibo para kunin muna ang atensyon ni Winson. Nang medyo nakalayo na sila sa bakuran, agad na sinabi ni Nate kay Vince ang balak ni Winson.

“ano naman ngayon kung pinaghihinalaan niya akong bakla, eh iyon naman ang totoo. Tsaka ano ba ang tingin mo sa akin basta na lang luluhod at tutuwad sa kanya? Ganyan ba ako sa pagkakakilala mo sa akin? Alam ko ang ginagawa ko. Hindi ako gago na hindi nag-iisip, lalong hindi ako manhid na hindi nahahalata ang nangyayari.” Wika ni Vince kay Vince na tila nagalit pa sa pag-aalala ni Nate.

“Ayaw ko lang na mabastos ka. Tsaka ayokong saktan mo muli ang kapatid ko dahil natukso ka na naman ng isang titi. Pinagsabihan kita dahil kita, alam ko kung ano ka kapag lasing. Pero sabi mo nga kaya mo naman ang sarili mo…well sige mag stay ka rito. Uuwi na kami ni Gibo.” Tugon ni Nate kay Vince bago nito binalikan si Gibo.

Ang selos nito kay Evan ang siyang dahilan ni Vince kung bakit mas pinili nitong manatili roon sakabila ng mga sinabi at babala ni Nate sa kanya. Sa pag-aalala rin kay Vince kung bakit nais din sana ni Gibo na samahan roon ang kaibigan. Ngunit nagbago ang pasya nito nang hindi na ito kinibo ni Nate.

Mabilis nitong sinundan si Nate na papalabas na sa bakuran.

“Uy teka, talagang iiwan mo kami dun?” tanong ni Gibo sa nobyo.

“ayaw niyo diba? puwes ako gusto ko nang bumalik kina Kaloy. Tsaka alam ko na may pagnanasa ka rin dun sa kuya-kuyahan mo kaya gusto mo rin mag stay dun.” sagot ni Nate na may inis.

“anong pagnanasa ka diyan? matandang kapatid na ang turing ko kay kuya Win noh. Pero teka… hahayaan lang ba natin dun si Vince?”

“May pag-iisip na iyon. Alam na nun ang ibig sabihin ng kalibugan at kamanyakan. Wag niya lang gawin ulit kay Kaloy ang ginawa niyo noon, dahil magkakalimutan talaga kami.” sabi pa ni Nate.

“Uy move on na tayo dun ah. Bahala na si Vince dun. Basta ako faithful na sa’yo.” ani ni Gibo.

Umalis na nga ang dalawa at naiwan dun si Vince. Sinubukan pa silang pigilan ni Winson hanggang sa makabalik lang si Wacky, ngunit hindi na nagpapigil si Nate. Nang mga oras na iyon ay lasing na rin si Burnok, dahil sa pagsama nito kay Mona sa isang handaan. Hindi na ito makalakad ng maayos kung kaya’t dun na ito napako sa pinuntahan nilang birthday. Sina Evan at Dax naman ay naroon na kina Kaloy na nakikipagkuwentuhan sa mga pinsan at kapitbahay ni Kaloy sa bakuran.

Abala sa pagbabalot ng mga pagkain at inumin si Tipen sa kusina kasama si Tess nang pumasok si Evan na hihingi lang sana ng tubig. Napansin nito ang mga binabalot ni Tipen sa lamesa.

“Dami niyan kuya ah…”

“Mga pagkain ito para kina Kaloy.” sabat ni Tipen.

“para kina Kaloy? Saan ba sila ngayon?” usisa ni Evan.

“tumawag sa akin si Paquito, nasa dampa raw sila ngayon.” sagot ni Tipen.

“sa may ilog? Puwede bang sumama dun kuya?”

“Bakit naman hindi? Siguraduhin niyo lang na hindi na mangyayari ang nangyari sa inyo kahapon. Nandito kayo para magbakasyon kaya magpakasaya kayo ng ligtas.” ang nakangiting sabi ni Tess kay Evan.

“pasensya na talaga sa nangyari kahapon tita, promise po hindi na iyon mauulit.” saad ni Evan.

“mabuti naman. Hala lumakad na kayo ni Tipen at baka abutan pa kayo ng dilim papuntang ilog. Masukal pa naman ang mga puno at mga halaman patungo dun, baka hindi niyo na makita ang tamang banas pa-ilog” ani ni Tess.

“Tara na dun sa kanila,-at baka gutom na ang mga kaibigan mo roon. Kanina pa kasi nagti-text si Paquito na bilisan ko raw. Evan ikaw na itong magbitbit ng cooler at may bitbit pa akong sleeping bag.” wika ni Tipen.

“dun ba sila matutulog ngayong gabi kuya Tip?”

“siguro, eh nag-request nito si Paquito eh. Kaya tatlo na ang dinala kong tulugan nila. Buti na lang talaga at sasama ka. May katuwang na ako sa mga dala ko.” Ani ni Tipen.

“kung gayon, saglit lang kuya at kukuha din ako ng sleeping mat ko sa bag. Tiyak maginaw dun paggabi na.”

“Hindi lang maginaw Evan, sobrang ginaw. Tsaka malamok kaya mag repellant kayo kapag madilim na.” Sabat ni Tess.

Papaalis na sina Tipen at Evan nang siyang pasok naman ni Kaloy sa kusina. Kasunod nito si Jasper na agad na bumeso kay Tess. Napansin ng dalawa ang mga bitbit nila Tipen.

“Magka-camping kayo?” tanong ni Karding.

“Dadalhin nila iyan sa dampa mahal. Mag o-overnight sila dun sa dampa.” tugon ni Tess sa asawa sabay yapos nang yakap sa beywang ni Karding.

“naku, mag-ingat kayo dun. Baka maulit na naman ang nangyari kahapon. Evan, wag na sana mangyari yun.” paalala ni Karding.

“Hindi na mauulit iyon tito.”

Habang nag-uusap sila, napansin ni Evan ang kakaibang tingin sa kanya ni Jasper. Hindi nito makuha ang ibig sabihin nun ngumiti tila may sinasabi ang mga mata sa kanya ng lalake. Naisip ni Evan na baka sumama ang loob sa kanila ni Jasper dahil umalis sila ni Dax dun sa kanya na hindi man lang nagpaalam. Kaya bago sila tumuloy ni Tipen humingi ito ng paumanhin kay Jasper sa kanilang pag-alis. Tumango-tango lang sa kanya ang lalake sabay tugon ng nakakalokong ngiti.

Hindi na iyon pinansin pa ni Evan dahil minamadali na ito ni Tipen. Sumama na rin sa kanila si Dax papuntang ilog. Nasa palikong saan na silang daan patungong ilog nang masalubong ng tatlo sina Nate at Gibo. Nagtaka ang tatlo lalo na si Tipen nang makita ang dalawa. Nang malaman na hindi sila nanggaling sa ilog agad nito hinanap si Vince sa kanila.

“Nagpaiwan si sir Vincent dun? Hindi ba iyon dun siya delikado?” tanong ni Tipen.

“Mga pinsan naman iyon ni Burnok, kuya.” ang tugon ni Gibo.

“Ganun ba, eh kayo ba sasama ba kayo sa amin kina Kaloy sa ilog?”

“sige kuya sasama kami ni Gibo sa inyo.” sagot ni Nate.

Sabay na ang lima na tinungo ang ilog. Sa daan napag-usapan nila ang tampuhan ni Kaloy at Vince rason kung bakit hindi magkasama ang dalawa. Iyon din ang paniniwala ni Evan kung bakit si Paquito at hindi si Vince ang kasama ni Kaloy sa dampa.

“insecure talaga ang isang iyon. Palibhasa guilty. Kasabihan nga, thinkers are doers.” komento ni Evan.

“ikaw naman kasi, alam mo namang jowa na ni Vince si Kaloy pero nagpapahaging ka pa rin sa kapatid ko. Bakit hindi ka na lang makuntento dito kay Dax.” ani ni Nate kay Evan.

“inaano ko ba si Kaloy sa kanya? Magkaibigan din kami ni Kaloy kaya wala siyang karapatan na pagbawalan ako o ang kapatid mo na pakisamahan ang isa’t-isa. Boyfriend siya ni Kaloy pero hindi naman niya pag-aari ang kaibigan namin noh.” sagot pa ni Evan.

“eh ganun talaga si Vince. Ayaw kasi nun na iniiwan siya,-di kaya iwanan. Kaya ganun na lang iyon ka possessive kay Kaloy. Isa pa alam na kasi nun na may gusto ka sa kapatid ko.”

“alam din naman ni Kaloy iyon. At alam ko rin kung nasaan ang bakod ko. Nirerespeto ko ang relasyon nila kahit pa na hindi talaga ako sang-ayon. Kaya ano pa ang kinatatakot niya? Unless ulitin niya iyong ginawa niya dati. Babawiin ko talaga si Kaloy sa kanya.” turan pa ni Evan.

Palubog na talaga ang araw ng marating nila ang ilog. Nakasindi na ang solar lights sa may dampa at pansin na ng lima ang bonfire na ginagawa ni Paquito sa gilid ng ilog. Nagulat naman ang huli nang mapansing kasama ni Tipen sina Nate, Gibo, Dax at Evan. Sinalubong nito ang lima para tulungan sa kanilang mga dala.

“akala ko ba nandun kayo kina Wacky?” tanong ni Paquito kay Gibo.

“Dun na nga kami galing ni Nate. Si Vince ang naiwan dun. Nagtatampo kasi kay Kaloy dahil hindi siya nito sinasagot sa text at tawag. Si Burnok naman kasama si Mona may dinaluhang birthday. Si Kaloy nga pala nasaan? Bakit hindi niyo man lang sinabi na dito kayo matutuloy,-sana dito na lang kami pumunta kanina.” kuwento ni Gibo.

“biglaan lang din ito,-wala sa plano. Nandun si Kaloy sa loob ng dampa.”

Bago pa man nakalapit ang lima nakita na nila si Kaloy na lumabas ng dampa. Gulat ang reaksyon ng mukha nito habang nakatingin sa mga kaibigan na pababa sa gawing ilog. Hindi inaasahan ni Kaloy ang presensya ng mga kaibigan dahil hindi naman iyon nabanggit ni Paquito sa kanya.

Samantala, dahil dalawa na lamang sila ni Winson at Vince ang naiwan sa harapan ng alak,-nagpasya si Winson na lumipat na lang sila sa loob ng bahay. Sumang-ayon naman si Vince sa nais ng lalake. Habang inaayos ni Winson ang lamesita sa sala, lumapit sa kanya si Vince.

“Bakla nga ako!” biglang sabi nito kay Winson.

Natigilan naman ang lalake, tsaka marahang nilingon si Vince sabay tugon ng ngiti sa binata.

“alam ko,…ano naman ngayon?” sagot sa kanya ni Winson.

“Wala kang gagawin sa akin?” tanong ni Vince.

“ano naman ang gagawin ko sa iyo? Baliktad yata, ikaw? ano ang gagawin mo sa akin?” balik na tugon ni Winson sabay lapit kay Vince.

Napaatras si Vince habang papalapit sa kanya si Winson. Hanggang sa mapasandal na ito sa dingding. Magkasalubong ang mga mata ng dalawa habang nakikipagtitigan sa isa’t-isa. Nakangisi si Winson kay Vince. Ang dalawang mga kamay naman nito ay nakatukod sa dingding na sinasandalan ni Vince.

“Uuwi na ako, pare…” wika ni Vince sabay hawi sa kamay ni Winson para makaalis ito.

Tinungo nito ang pintuan palabas habang sinusundan lamang siya ni Winson ng tingin. Nasa bungad na ito ng pintuan nang siya’ng dating naman ni Wacky. Nagkagulatan ang dalawa kaya bahagyang napaatras si Vince.

“aalis ka na pare?” tanong nito kay Vince.

“uuwi na ako kina Kaloy. tsaka baka gabihin na ako rito ng husto.” sagot ni Vince na napasulyap pa kay Winson.

“Nasa ilog silang lahat ngayon. Nang mapadaan ako dun, nakita ko silang naroon. Nandun din si Kaloy. Nag text si kuya Win, nagpaiwan ka raw. Dumito ka na sa amin. Pasensya na at natagalan ako. May pork chop ako dito masarap itong ihawin.” sabi ni Wacky.

“Pupuntahan ko na lang sila.”

“mamaya na pare, ihahatid na lang kita pagkatapos. Tagay muna tayo. Sayang naman ang mga hinanda namin ni kuya. Para talaga sa inyo ito. Eh kaso, ikaw na lang naiwan dito. Samahan mo pa kami rito. Mamaya sasabayan kita dun sa kanila.

“Kuwan pare, kanina pa kasi kami tumatagay dito ng kuya mo. Medyo lasing na rin ako kaya…uuwi na ako. Pasensya din talaga at nag-abala pa kayo.” pagdadahilan ni Vince.

“Naku lasing ka na pala, mabuti pa pare ipagpahinga mo na rito iyan baka mahulog ka muli sa mga kahon sa palayan. Di naman kaya mahulog ka sa bangin dahil sa kalasingan. Tsaka papadilim na, hindi mo alam kung sino ang makakasalubong mo sa daan. Dayo ka pa naman dito.” paalala naman ni Wacky kay Vince.

Kinabahan na sa puntong iyon si Vince habang tinitingnan ang reaksyon ng mga mukha ng magkapatid. Ang kanina lang mga maamo nilang mga mukha ay tila mga mukha na ng isang manyak na sugapa sa laman. Hindi mawari ni Vince ang nakikita nito sa mag kapatid. Kung iyon na ay totoo o bunga lamang ng epekto ng alak na humalo na sa kanyang dugo. Hindi na ito nakatanggi nang inakbayan ito ni Wacky pabalik sa loob ng bahay. Naupo muli ito sa tabi ni Winson. Wala nang imik si Vince, pilit nitong ibinabalik sa tama ang kanyang huwisyo at pag-iisip. Ayaw niyang madehado sa dalawa kung sakali mang may gawin ito sa kanya na hindi maganda.

Bagama’t may tama na at nahihilo, nakipagsabayan pa rin sa tagay si Vince. Ngunit pa kunti-kunti lang ang inom nito. Muli nitong sinubukang tawagan si Kaloy ngunit nakapatay na ang linya ng kasintahan. Dahil dun muling nagsalubong ang mga kilay ni Vince. Lalo pa at alam niyang kasama nga nun ni Kaloy ang mga kaibigan maliban sa kanya. At higit sa lahat, ang presensya ni Evan naman ang nagsindi ng selos ni Vince at galit.

Sa labis na pagkainis, ibinuhos nito ang nararamdaman sa bawat baso ng alak na tinatagay sa kanya. Nais niyang malasing at malimutan ang kanyang nararamdamang inis kay Kaloy.

“teka lang pare, dahan-dahan naman, pupuntahan pa natin ang mga kaibigan mo sa ilog. Baka hindi ka na makatayo niyan sa kalasingan.” wika ni Wacky kay Vince.

“Huwag na tayong tumuloy dun. Gusto ko lang magpaka-lasing ngayon. Kaya sige lang, tagay pa pare.” sabat ni Vince na halata na ang kalasingan sa pananalita nito.

“pansin ko mukhang may sama ka ng loob sa mga tropa mo pare ah. Baka trip mong ikuwento sa amin ni kuya. Handa kami makinig. Hindi mo naitatanong magaling itong si kuya sa mga payo-payo na iyan.” wika ni Wacky.

“Hindi lang sa payo bunso, magaling din ako magtatagal ng problema. Ano ba iyan pare? seryosong problema ba iyan?” ang nakangising sabi ni Winson sabay abot ng baso ng alak kay Vince.

Hindi tumugon ng kung ano si Vince. Wala itong sinabi na kung ano sa magkapatid. Tinuon lang nito ang pansin sa iniinom na alak. Batid ni Vince na iba talaga ang trip ng magkapatid sa kanya. Ngunit nagsawalang bahala lang ito, kahit pa sinisimulan na itong akitin ni Wacky. Panay na kasi ang kiskis ng tuhod nito sa tuhod ni Vince. Saglit na umalis si Winson. Naiwan ang dalawa na nagkukuwentuhan. Nang biglang kinuha ni Wacky ang kamay ni Vince na nakapatong sa hita nito, tsaka ipinasok iyon sa loob ng kanyang shorts.

Kinagulat ni Vince ang ginawa sa kanya ni Wacky, lalo na nang makapa nito sa loob ng lalake ang naninigas na sa laki nitong buratso. Napaigtad sa kinauupuan nito si Vince sabay hila sa kanyang kamay. Tumugon lang ng ngiti sa kanya si Wacky na pinasilip pa talaga ang nangingintab na ulo ng kanyang tuko sa garter ng kanyang briefs.

Gulat man sa inakto ng lalake, hindi naman nagalit si Vince. Tumugon na lang din ito ng ngiti kay Wacky. Bagay na iba ang pagkaintindi ng lalake sa ibig sabihin nun ni Vince.

“Hindi ka ba nalilibugan ngayon pare?” mahinang tanong ni Wacky kay Vince.

“…wala ako ngayon sa mood para tablan ng libog pare. Kung ano man ang binabalak mong gawin, gawin mo na lang sa sarili mo. Wag mo na akong isali.” ang agad namang sagot ni Vince.

Hindi naman ito pinilit ng lalake. Tila napahiya pa nga si Wacky sa naging tugon sa kanya ni Vince. Halos mangalahati na ang huling bote ng alak na meron ang dalawa, ngunit hindi pa bumabalik si Winson. “pagkaubos nito pare, alis na talaga ako. Baka nag aalala na ang mga iyon sa akin.” saad ni Vince.

“Bukas ka na bumalik kina Kaloy. Alam naman nila kung nasaan ka. Tsaka safe ka rito. Masasayahan ka pa sa amin ng kapatid ko.” Biglang salita ni Winson nang pumasok ito mula sa kusina.

Mapula na ang mga mata nito na halos namumungay na. Nakangiti ito sa kanila ni Vince na para bang kinikiliti ang tumbong nito. Lumapit ito sa dalawa at napasandal ng upo sa mahabang kawayan na sofa. May inabot ito kay Wacky. Hindi bago kay Vince ang bagay na iyon dahil minsan narin ito nakasubok ng ganun. At sa tagal na rin nitong hindi nakatikim ng ganun,-tila nanabik ito sa lasa nun at epektong dulot ng bagay na iyon.

“Marunong kang gumamit nito pare?” tanong ni Wacky kay Vince.

“Lahat ng bagay natututunan pare.” ang nakangising sagot ni Vince tsaka kinuha sa kamay ni Wacky ang bagay na iyon. At ipinakita sa magkapatid ang nalalaman niya dito.

Nabalot ng usok ang apat na sulok ng sala ng magkapatid. Usok na tila nagbigay kay Vince ng pansamantalang espasyo para kalimutan muna ang mga bagay na nagpapabigat sa kanyang dibdib. Nagpakalunod ang talo sa makapal na usok. Hanggang sa hindi na nila namalayan,-kapwa na silang hubo’t hubad na lumalangoy sa mga hinulma nilang mga ulap.

Nang malaman ni Kaloy kung nasaan si Vince at kung ano ang nararamdaman nito sa di niya pag reply sa kasintahan,-kaagad itong naglakad para sunduin si Vince. Nakabuntot naman sa kanya si Paquito at Gibo. Isa rin sa dahilan kung bakit balak na sunduin ni Kaloy si Vince ay dahil na rin sa kuwento ni Nate sa kanya sa binabalak ni Winson sa jowa nito.

May kalayuan din ang distansiya ng bahay nila Wacky mula sa ilog kaya mahaba-habang lakaran pa ang tatlo bago makarating dun.

“Wag lang nila gawan ng masama si Vince tol. Baka makalimot ako sa sarili ko at mapatay ko silang magkapatid.” ani ni Kaloy. Hindi na ito mapakali at kung anu-ano na ang naiisip nito na nangyayari kay Vince.

“Grabe naman tol papatayin talaga? Baka iba lang ang pagkaka intindi nitong si Gibo sa sinabi ni kuya Win. Kilala mo namang mabait ang magkapatid na iyon diba tol?” sabat ni Paquito.

“Lumipas ang panahon pare, at lahat nagbabago sa paglipas ng panahon. Maaring ang mabait noon ay hindi na ngayon. Tingnan mo ako, dati straight ako ngayon hindi na. Si Kaloy, dati babae pa ang habol ngayon lalake na ang jowa. Maging ikaw, malay mo sa makalawa paggising mo bakla ka na rin.” ang hirit namang tugon ni Gibo sa sinabi ni Paquito.

Nagkatinginan sina Kaloy at Paquito sa sinabi ni Gibo. Gustong matawa ni Kaloy ngunit nagpigil ito. Ayaw niyang ilantad sa harapan ni Gibo ang kulay ni Paquito. “Eh bakit naman nasingit mo pa ako sa halimbawa mo na iyan pare? Sa tingin mo ba bakla ako?” sarkastikong tanong ni Paquito kay Gibo.

“Hindi sa ganun pare. Ang punto ko lang eh lahat nagbabago. At hindi basehan ang pagkakakilala mo sa isang tao, para isipin mong ganun na talaga siya. Lahat naman tayo may mga lihim na tinatago sa sarili. At minsan magugulat ka na lang na iba pala talaga ang pagkakakilala mo sa taong akala mo kilala mo na.” Paliwanag pa ni Gibo.

Biglang tumahimik si Kaloy nang marinig ang sinabi ni Gibo. Naging seryoso muli ang mukha ni Kaloy. Muling bumalik sa ala-ala nito ang naaktuhan nitong tagpo sa pagitan ng kanyang tatay Karding at ninong Jasper. Napatikom ito ng mga kamay tsaka binilisan ang mga hakbang.

“Teka pare hintayin mo kami ni Paquito.” pagtawag ni Gibo kay Kaloy.

Tanaw na ng tatlo ang bakuran nila Wacky. Tahimik ang paligid ng bakuran maging ang bahay. At habang papalapit ang tatlo,-may ibang kaba na nararamdaman si Kaloy. Kaba na hindi niya mawari kung ano ang dahilan.

Sa bungad pa lang ng bakuran tinawag na ni Kaloy ang pangalan ni Vince ngunit walang tumutugon. Maging ang magkapatid ay wala ring sagot. Nang pumasok na si Kaloy sa sala ng bahay,-kakaibang amoy agad ang bumungad sa kanila. Wala silang inabutan na tao sa sala kundi mga walang laman na bote ng alak , baso at hindi ubos na pulutan sa lamesita.

Naghiwa-hiwalay na ang tatlo para hanapin sina Vince at ang magkapatid. Ngunit wala talaga silang nakitang tao sa loob ng bahay. Maging sa mga kuwarto at kusina wala. Nadagdagan ang pag-aalala ni Kaloy ng makita ang cellphone ni Vince sa sahig ng kusina malapit sa pintuan papuntang likod bahay. Basag ang screen ng cellphone. Agad na lumabas ng likod bahay si Kaloy… Ngunit wala rin dun.

Lumakas lalo ang kalabog sa dibdib ni Kaloy. Hindi na nito alam kung ano ang gagawin. Kinakabahan na talaga ito.

“Baka umuwi na si Vince sa inyo tol, at hinatid lang iyon ng magkapatid. Alam mo na madilim ang daan papunta sa inyo. Mabuti pa umuwi muna tayo.” wika ni Paquito.

“Baka nga nandun na iyon sa inyo. Wala naman sila rito eh. Wala din dun sa basketbolan nang madaanan natin.” ani ni Gibo.

Kumbinsido na sana si Kaloy sa ideya ng dalawa. Papasok na sana ang tatlo sa kusina nang biglang natigilan sila dahil sa isang sigaw na pamilyar sa kanila.

“boses iyon ni Vince.” bulalas na sabi ni Kaloy.

“mukhang dun nagmula ang sigaw niya.” sambit ni Paquito.

“pababa ng ilog iyan. baka naroon sila sa may ilog.” sabat ni Gibo.

Mabilis na tinungo ng tatlo ang bahaging iyon. Nauuna si Kaloy. Hindi na nito alintana ang dilim at ang madulas na daan pababa ng ilog. Labis-labis na ang kalabog ng dibdib ni Kaloy sa kaba habang papalapit ito sa ilog.

At hindi nga sila nagkamali ng dinig.

Halos mandilim ang paningin ni Kaloy sa kanyang nabungaran. Sa liwanag na tanglaw mula sa buwan. Malinaw sa mga mata ni Kaloy ang tagpong nagpaigting ng kanyang galit.

Sa malapad na bato sa may ilog, naroon ang tatlo. Nagmistulang palaman si Vince sa gitna ng magkapatid habang sabay itong binubungkal ng dalawa. Nasa ilalim nito si Wacky habang nasa ibabaw naman nito si Winson na todo kung bumayo kay Vince. Sa laki, haba at taba ng mga hito ng magkapatid napapahiyaw sa labis na sakit si Vince. Ang tagpong iyon ang lalong nagpasiklab ng galit ni Kaloy. Patakbo nitong nilapitan ang tatlo. Nang makalapit ng husto, buong lakas nitong hinila si Winson sa ibabaw ni Vince. Nagulat ang lalake sa presensiya ni Kaloy. At bago pa ito makatugon sa malakas na pag-hila sa kanya,-sinalubong na nito ang kamao ni Kaloy. Sapol sa mukha si Winson dahilan para bumagsak ito sa tubig. Tinulungan naman ni Paquito si Vince na tila lupaypay na sa mga sandaling iyon. Hindi na rin nakapagpigil si Gibo sa galit kung kaya inundayan na rin nito ng suntok si Wacky bago pa man ito makatayo. Hindi naman nagpaubaya si Winston, gumanti rin ito ng suntok kay Kaloy. Ganun din si Wacky kay Gibo. Duguan na ang mukha ng apat ngunit walang nais bumigay sa kanila. Nang pumaibabaw na kay Winson si Kaloy, nahirapan na itong makabawi sa binata. Ibinuhos lahat ni Kaloy ang galit nito sa mukha ni Winson. At kahit nagtatakip na ng ulo at mukha ang huli hindi parin ito tinantanan ni Kaloy.

Nahinto lang ang mga suntok ni Kaloy kay Winson nang may mga kamay nang umawat sa kanya at humila sa kanya paalis sa ibabaw ng lalake.

Humingi pala ng tulong si Paquito kina Tipen. Buti na lang at nakatawag agad ito. Habang papunta naman sina Tipen, humingi na rin sila ng tulong sa mga taga-roon kung kaya’t agad na nakaresponde ang mga tanod sa lugar. Sa tindi ng pagbugbog ni Kaloy, walang malay na dinala ng mga tanod si Winson sa malapit na center ng baryo kasama si Wacky.

Dinala naman sa malapit na presinto sina Kaloy at Gibo dahil pangyayari. Matapos masuri si Vince at sinabing ayos lang ito, pinagpahinga muna ito kina Tess. Wala pa rin ito sa sarili at lupaypay pa din sa lakas ng tinira nito.

Hindi naman mapakali ang mag-asawa sa sinapit ni Kaloy. Matapos magpahayag ng kanilang statement sa kapulisan, magkasabay na silang apat na bumalik ng baryo. Mula pagkalabas ng presinto hanggang sa kotse, pauwi sa kanilang bahay tahimik lamang si Kaloy sa tabi ni Gibo. Hindi rin ito tumutugon sa tanong ni Karding sa kanya. Maging kay Tess walang kibo si Kaloy.

Inintindi naman iyon ng mag asawa. Pagkarating sa kanila diretso agad ng kanyang silid si Kaloy. Ni hindi man lang nito nilapitan si Vince na nakahiga sa mahabang upuan sa sala. Dinaanan lamang niya ito at hindi tinitignan.

Nararamdaman ni Nate ang galit ng kapatid. Napasulyap ito kay Vince.

“Sinabi ko na sa iyo,-pero hindi ka nakinig. Wala kang ibang sisihin nito kundi sarili mo.” wika ni Nate sa isip nito.

Napalingon si Nate nang maramdaman ang mga braso ni Gibo na yumakap sa kanya mula sa likod. “Galit yata sa kanya si Kaloy.” sambit ni Gibo.

“At sino naman ang matutuwa sa ginawa niya? Ginusto niya iyan.” ani ni Nate.

“Biktima lang din si Vince. Dinroga ang tao para gawan ng kahalayan. Hindi kagustuhan ni Vince ang ginawa sa kanya. Tingnan mo bukas, wala iyan maalala.” sabat ni Gibo.

“Alam niya ang balak ng magkapatid. Kagustuhan niya iyon. Tsaka hindi tanga si Vince na hindi alam ang drugs na tinira nila. At hindi mangyayari ang ganito kung hindi siya nagpakita ng motibo sa dalawa.”

Hindi na komontra pa si Gibo sa pinupunto ni Nate. Alam na kasi nito kung saan na naman liliko ang kanilang diskusyon. Nag-aalala naman nun si Tipen sa magiging reaksyon ng mga magulang ni Vince sakaling makarating sa kanila ang nangyari sa kanilang anak. Lalo pa at ilan sa mga nandun na nakasaksi sa gulo ay nagbibidyo.

“Wala namang reporter na nakaalam sa pangyayari, kaya malabong mapag-usapan iyon at mag viral. Liban na lang kung magsampa ng reklamo si Vince laban dun sa dalawa. Siguradong malalaman talaga iyon ng mga magulang niya.” wika ni Paquito habang kausap si Tipen sa mga sandaling iyon.

“iyon nga ang naiisip ko. Isinama ako dito nila sir para maging mata at gabay ni sir Vincent. Pero hinayaan ko lang na mangyari ito sa kanya. Hay naku pati tuloy ang trabaho ko alanganin na.” Napabuntong hininga na lang ng malalim si Tipen sa nangyari kay Vince.

“Wala ka namang kasalanan sa nangyari. Tsaka kung mawalan ka ng trabaho sasabihin ko kay nay Tess na kunin kang driver nila. Ayos iyon para makasama kita araw-araw.” Ani ni Paquito sabay hawak nito sa kamay ni Tipen tsaka hinalikan.

“Seryoso ka ba talaga sa nararamdaman mo sa akin? Baka kasi naghahanap ka lang ng kalinga ng isang ama kaya ganyan ka sa akin.” Ang nakangiting sabi ni Tipen habang tinititigan nito ng husto si Paquito sa mga mata.

“ayos na sa akin ang isang tatay. Ang kailangan ko ay taong mamahalin ko at magmamahal sa akin. Taong nakakaintindi sa nararamdaman ko at tanggap ako. Iyon ang nakikita ko sa iyo. Gusto kita Tip,-at sa tingin ko mahal na nga kita.”

Bigla na lamang kinabig ni Paquito ang mukha ni Tipen palapit sa kanya sabay sunggab nito ng marubdob na halik sa labi ng lalake. Kinabigla iyon ni Tipen. Ngunit sa lambot ng mga labi ng binata at sa husay nito sa laplapan, tumugon din ng maalab na halik si Tipen kay Paquito. Naging mapusok ang pangasan ng dalawa ng kanilang mga labi sa isa’t isa.

Madilim sa bahaging iyon kung saan nakaparada ang van nila. Kung kaya’t natukso na ang dalawa na tapusin ang kanilang sinimulan. Marahang binuksan ni Tipen ang van at ipinasok sa loob si Paquito tsaka ito sumunod. At wala ng ano pang ingay, agad na nagtanggal ng lahat ng saplot sa katawan ang dalawa.

“Hindi na kita bibitinin sa pagkakataong ito. Ipapalasap ko na talaga sa iyo kung paano umararo ang isa ng pro sa kayuran.” ang mahinang bulong ni Tipen kay Paquito habang inaayos nito ang puwesto sa ibabaw ng binata.

“Iyong-iyo ako, gawin mo ang lahat sa akin. Anakan mo ako…” Tugon ni Paquito na may halong pag-ungol nang maramdaman nito ang dulo na ulo ng hito ni Tipen habang unti-unti itong binabaon sa kanya.

Halos tumirik ang mga mata ni Paquito nang tuluyan nang napasok ni Tipen ang portal ng Encantadia. Hindi nito akalain na may ilalaki pa pala ang ulo ni imaw kaya napakagat labi ito sa kaunting kirot. Dahil wala man lang gamit na pampadulas, ramdam na ramdam ni Paquito ang langitngit ng langit habang marahan na nilalabas pasok ni Tipen ang tubo nito sa kanya.

“Dahan-dahan lang naiihi ako.” sambit ni Paquito na pabulong.

“Normal lang iyan, ilabas mo lang ako na maglilinis bukas.” tugon ni Tipen.

Nagpaubaya na lang si Paquito sa diskarte ni Tipen. Nagpatianod na lang ito sa bugso ng kanilang mga nararamdaman sa isa’t isa. Hindi naman binigo ni Tipen ang kagustuhan ng binata na maranasan ang galing nito. At kahit nangangapa sa dilim, nakuha parin nitong gawin ang mga stunts na alam niya sa totnakan.

“Ang daming ganap naman dito, unang araw pa lang. Suwerte na ako o malas? Ang dami kong nakikitang bembangan, pero mukhang ilang ng bembang sa akin. Itong si Evan naman kasi Kaloy ng Kaloy eh nandito naman ako.” Sambit ni Dax habang kinakausap nito ang sarili.

Nakita pala nito ang laplapan nila Tipen at Paquito bago pumasok ang dalawa sa loob ng van. Sakto kasing nagbabawas ito ng tubig sa pantog nang mapansin ang dalawa. Madilim sa bahagi niya kung kaya’t hindi rin siya napansin ng dalawa. Nakuha niya pang lumapit sa van at pakinggan ang mga kaganapan sa loob bago nito naisipang pumasok na ng bahay.

Kasabay ng pananahimik ng paligid, pansamantala rin humupa ang tensiyon. Ngunit hindi lahat kayang sabayan ang kapayapaan ng gabi. Dahil sa likod ng katahimikan may mga hikbi na pilit kinukubli sa mga luha. Mga hiyaw ng galit na tanging puso lang ang nakakarinig.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.