Desirable Maids 2: Elorae Dunmore Zavŭrshil [Valados Alcatraz Series 2]
CengCrdva · 17 chapters · 22,500 words
Valados Alcatraz Series: Desirable Maids 2
READ DESIRABLE MAIDS 1 FIRST BEFORE READING THIS STORY TO UNDERSTAND THE WHOLE SERIES.
THIS BOOK IS FOR MATURE READERS ONLY. IT CONTAINS FLAWED CHARACTERS, PROBLEMATIC SCENES AND EVOLVE ON A VERY DARK THEME. READ AT YOUR OWN RISK.(R18)
NO SOFT COPIES.
FULL VERSION OF THIS STORY WILL ONLY BE AVAILABLE ON PATREON AND VIP GROUP.
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.
This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author's imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.
-
Follow all my social media accounts if you wish to be updated!
Facebook Page:
Ceng Crdva
Facebook Group:
CengCrdva Official Group
Instagram:
CengCrdva / Cengseries
Twitter:
CengCrdva
-------------------------------------------------------
Date Started Writing: March 27, 2021
Date Finished: November 11, 2021
👑
2021 ©
CengCrdva
All rights reserved
# Synopsis
Synopsis
WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ]
Elorae Dunmore dedicated her new life pretending to be an innocent, vulnerable and sultry maid as her first mission, but hot, mysterious and merciless Leviticus Hunstanton Markovich always find it easy to get in her way.
He punished her with one glance. He made her whimper with just one kiss and she shamelessly beg for more with just one night.
With a mission that was tainted with pure lust, will she still be able to solve one of the greatest crimes of Valados Alcatraz's history within the Markovich's mansion? Or quitting will only be her final resort when she finds out that there are so much more gnarly secrets to be discovered?
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
PROLOGUE
Prologue
Elorae Dunmore Zavŭrshil
I could see the glint of sadistic delight in his eyes as he walk slowly towards my naked body. Malinaw sa utak ko kung paano niya ako binuhat papunta sa kwarto ko pero hindi ko na maalala kung paanong nagising akong nakagapos na ang kamay at mga paa doon.
I tried moving my hands and feet but I was tied up pretty securely. Napalunok na lang akong muli at pagkatapos ay tiningala siya.
“Levi… A-Anong gagawin mo?”
“Shh…” he cut me off.
I swallowed hard again when his eyes laid on my chest. I was still naked. Ang kahubaran ko ay tila binubuhay ang lahat ng parte ng kanyang pagkalalaki. Nagbubunyi habang tinititigan ang hubad kong katawan.
I felt sore after he devoured me ruthlessly and repeatedly. Tila ba matagal niyang pinigilan ang sariling gawin ’yon sa matagal na panahon at ngayong nagkaroon na ng pagkakataon ay gustong lubusin.
“Levi… Pakawalan mo ako.” pakiusap ko nang sumampa na siya sa kama.
Ang kanyang mga hita ay napapagitnaan ang kaliwang hita ko. Ang isang kamay niya ay itinukod niya sa kama. He looked like a dark god hovering above me.
Gusto ko pa sanang magmakaawa sa kanya ngunit nang ilapat na niya ang isa pang kamay sa aking katawan ay napipi na ako.
He was the first man who touched and kissed me in all places. At kahit na naibigay ko na sa kanya ang virginity ko at ang lahat ng sa akin, hindi ko pa rin alam kung paano sasagutin ang init na ngayo’y nabubuo na naman sa aking sistema.
His touch ignited the fire inside me again. Nakagat ko na lang ang aking labi habang iniinda ang kuryenteng dala ng mga daliri niyang dahan-dahang naglalakbay pababa sa aking katawan hanggang sa mapadpad na ito nang tuluyan sa aking pagkababae.
“L-Levi…” napasinghap ako nang tanggalin niya ang kamay doon at inangat upang dilaan muna bago ibalik.
“Oh!”
“Does my fingers feel good, Dunmore?” he asked, demanding an answer but before I could speak, he already slid his middle finger inside me!
Tumunog ang mga bakal na nakakabit sa aking mga kamay at paa nang mapaigtad ang katawan ko.
“Ohh, Levi!
“Answer me.” his fingers made me arched my mountains out and the motion drew his gaze, making his eyes darken more with his delight in the view.
Muling kumawala ang ungol ko nang isagad niya ang daliri sa akin! Punishing me for not giving him an answer right away!
“M-Masarap Leviticus–Ohhh!” I screamed when he inserted another one inside!
“You’re so fucking tight, Dunmore,” nahihibang na niyang sabi na nadadala na ulit sa mga ungol ko.
“Uhh-hmm! Ohhh, Levi!” I whimpered underneath him while he continued fucking me with his fingers.
“Masarap?”
“Y-yes… yes, Levi!” I screamed when he pulled his fingers out of my core and then slapped my cunt before he put it back inside again, giving me both pleasure and pain!
Nanginig ang mga hita ko lalo pa’t habang nakikita niyang nahihirapan at nasasarapan ako sa ilalim niya ay parang mas lalo siyang nabubuhay.
I kept moaning and screaming his name, but he stopped fucking me with his fingers before I could even feel the orgasm building up in my core. He left me empty and longing for his touch.
Isang mahabang buntong hininga ang kumawala sa aking bibig nang ibinaba na niya ang kanyang sarili at pumwesto sa gitna ng aking mga hita.
The shackles from my feet became noisy when he lifted my legs up and then pulled my hips closer to his face!
Napangiwi ako nang maramdaman ang kirot sa aking mga palapulsuhan nang humigpit ang mga nakatali ngunit agad ring natabunan ang kirot ng sarap nang lumapat na ang kanyang mukha sa aking pagkababae.
Shivers went down my spine when I felt his nose at my button. Ibinaba niya ang ilong sa aking hiwa hanggang sa butas at walang ano-ano’y inilapat palapad ang basang dila pagkatapos ay inangat pabalik hanggang sa marating ang namimintig nitong tuktok!
His fingers parted the lips of my flesh and then continued rapidly downwards, savoring my juices and flicking back and forwards while his hands were gripping my hips tightly. My chest began to rise rapidly when he focused on my button. I moan deep in my throat when his tongue attacked it vigorously after two minutes of gentle strokes.
Hindi natigil sa pagtunog ang mga bakal dahil kahit na gusto kong kapitan ang buhok niya ay hindi ko iyon maabot! These damn shackles are punishing me!
“Levi—Ahhh! Ohhh!” nagdedeliryo ko nang sigaw dahil sa sensasyong malapit ko na namang malasap!
He groaned when my legs continued to convulse. Hindi ko na mapigilan ang langit na gusto niyang pagdalhan sa akin ngunit bago ko pa iyon tuluyang maabot ay muli siyang tumigil!
Hinihingal ko siyang sinulyapan.
“Levi… p-please… Just fuck me now. I want to feel you now…. please…”
He devilishly smirked at me. Kung wala lang akong mga tali ay baka ako na mismo ang gumalaw at nag-isa sa aming mga katawan!
Leviticus is fucking trying to release the inner whore inside me! And God damn him for that!
Muling umikot ang mga mata ko nang hindi niya pa rin ako pagbigyan. Binitiwan niya ang hita ko at nanunuksong ibinalik ang bibig niya roon upang dilaan. Muling umangat ang balakang ko. Gigil na gigil at hindi na makapaghintay sa kanya.
“Levi, please…”
“Not now, Dunmore… Not now.” nakangisi niyang sabi bago muling hinawakan ang magkabila kong hita at ibinukang muli sa kanyang harapan bago ipagpatuloy ang pagsibasib sa aking naglalawang kaselanan.
Oh God… What have I gotten myself into?!
CHAPTER 1
Chapter One
Unfair
Kapag mahirap ka, basura ka. Isa kang langaw na walang halaga sa lipunan. Parang taeng nakakalat sa daan at iniiwasan. Swerte na lang kung mapansin at matapakan, pero madalas talagang nilalayuan.
“Magnakaw ka na ate Ray! Sige na naman, please? Nagugutom na talaga ako.” bagsak ang balikat kong nilingon ang kapatid kong si Shawy na hawak-hawak ang kumukulong tiyan.
Umaga pa lang ay umalis na ang mga magulang namin at gabi na ay hindi pa rin umuuwi ang mga ito.
Nasa sabungan na naman si Tatay Santino. Si Nanay Esmeralda naman ay baka nagpapataya pa ng jueteng hanggang sa kabilang bayan.
“Shawy, kakanakaw ko lang sa grocery ni Mang Joel kahapon. Tang ina kasi ’yang tatay mo kung hindi ba naman gago at pinang-pulutan ’yung mga sardinas! Nakaw na nga lang nanakaw pa! Baka mahuli na ako ngayon. Hindi mo na ba talaga kaya, ha?”
Napanguso siya. Sanay na si Shawy sa bunganga ko. Nakatira kami malapit sa riles. Squatters area at normal na ang kaliwa’t-kanang murahan. Wala na rin akong pakialam kung isumbong niya ako sa tang inang Tatay niyang lasingero dahil totoo naman lahat ng mga sinasabi ko.
Oo nga’t dapat ay magpasalamat ako sa pag-ampon nila sa akin at pagbibigay ng tirahan pero para rin naman akong kumakayod ng mag-isa.
Minsan nga naiisip kong mabuti pang mag-isa na lang ako dahil wala akong iisipin pero hindi ko na maiwan si Shawarma ngayon. Isa pa ang bagay na ’yon. Hindi naman sa nakaka-gago pero hanggang ngayon ay nababaliwan pa rin ako sa pinili nilang pangalan rito. Ang napag-usapan kasi noon ay Maria Esmeralda pero umuwi itong Shawarma ang pangalan dahil iyon daw ang kinain nila bago ito gawin. Hanggang ngayon ay gusto ko pa rin silang sakalin.
“Gutom na talaga, Ate.” mas lalo siyang sumimangot.
Hindi ko naman talaga kapatid si Shawy. Hindi pa siya ginagawa nang mapunta ako sa pamamahay na ’to at hanggang ngayong magsa-siyam taon na siya ay nakasanayan ko nang palagi siyang gutom. Hindi na nabago ang mga daing niya.
Isang mahabang buntong hininga ang kumawala sa bibig ko.
Katatapos ko lang magbasa ng mga librong ninakaw ko naman sa computer shop nila Mang Manny. Ewan ko ba. Kahit na wala naman na talaga akong pag-asa na makapag-aral ay gusto ko pa ring matuto.
Kahit paano ay marunong naman akong magsulat at magbasa. Kaya lang ay hindi na ako nagawang pag-aralin pagkatapos ng grade seven dahil wala ring pera sila Tatay Santino. Tsaka ang palagi nilang sinasabi ay mag-aasawa lang rin naman ako at mabubuntis ng maaga kaya hindi na ako dapat pang pag-aralin.
Ang totoo, ang mga salitang iyon ang naging inspirasyon ko para iwasan lalo ang gano’ng buhay. Kahit na ilang taon na ang lumipas at wala pa ring linaw ang lahat at wala nang pag-asa ay alam kong may totoong pamilyang naghihintay sa akin.
Kahit na sa paglipas ng araw ay nabubura na ang iilang memorya sa masayang pamilyang ipinagkait sa akin ay hindi pa rin nawawala ang pag-asa sa puso kong balang araw ay makikita ko rin sila. At gusto ko, kapag dumating ang araw na iyon ay may alam naman ako kahit paano.
“Sige na nga,” tumayo ako at ginulo ang buhok niya. “Hintayin mo ako rito. Huwag kang aalis, naintindihan mo?”
Napangiti si Shawy sa sinabi ko. Dahil doon ay bahagya ring gumaan ang pakiramdam ko.
Kahit paano ay maswerte pa rin akong mayroong isang taong mahal ako at pinaglalaanan ko rin ng purong pagmamahal pabalik. Halos ako na rin kasi ang tumayong magulang ni Shawarma dahil palaging wala sa bahay ang mga totoong magulang niya.
Pitong taong gulang ako nang kunin ni Nanay Esmerelda sa sindikatong kumuha sa akin. Naaalala kong marami kami noon pero ako lang ang kinuha nito. Aniya ay kabayaran daw ako sa kung anong utang sa kanya ng pinuno ng sindikato.
Ang balak niya noon ay pag-artistahin ako para yumaman siya pero dahil sa sugal, jueteng, mga utang at bisyo nilang mag-asawa ay hindi naman iyon naasikaso. Wala rin silang pera para ibayad sa mga agency kaya tuluyan nang napurnada.
Mabait naman ang mag-asawa kung tutuusin pero talagang nakakaligtaan kami ng mga ito ni Shawy madalas. Malaki naman ang tiwala nila sa akin dahil mabilis akong gumawa ng paraan kaya minsan ay talagang ipinapaubaya na sa akin ang lahat lalo na ang tungkol sa kanilang tunay na anak.
Lumabas ako ng bahay at nag-isip ng gagawin para makakuha ng pagkain. Hindi ako pwedeng magnakaw dahil baka tuluyan na akong mahuli. Hindi rin naman pwedeng mangutang dahil alam na ng Sitio Maalinsangan na wala naman akong kakayahang magbayad.
Napahilot ako sa aking sintido pero agad nakaisip ng paraan ng makasalubong ko ang anak ng kapitan sa lugar namin.
“Pst! Gary!”
Natigil siya sa paglalakad at napalunok ng makita ako. Nalukot ang mga taba sa mukha niya ng lapitan ko siya.
“’Di ba may gusto ka sa ’kin?” tanong ko habang palapit sa kanya. Agad namula ang kanyang magkabilang tenga.
Hindi na lingid sa kaalaman ko iyon. Mahiyain ito pero bulgar na bulgar ang pagka-crush niya sa ’kin. Wala na akong maisip. Kahit na hindi naman sila mayaman ay alam kong kahit paano ay may pera ito. Kahit singkwenta ay papatusin ko na pambili lang ng sardinas o kahit ano para kay Shawy.
“H-ha?”
“Sus! Parang pumapayat ka yata, ah? Nagda-diet ka ba?”
“T-Talaga, Elorae?”
“Oo! Guma-gwapo ka. may jowa ka na ’no?”
“H-ha? Wala ah!”
Pinigilan kong humalakhak sa hitsura niyang para nang matatae dahil sa kilig o ano sa paglapit ko.
“Weh? hindi nga?”
“Oo nga! Single ako!”
“Ako rin,” inilingkis ko ang kamay sa kanyang braso.
Mas lalo siyang hindi nakagalaw. Labing anim na taon na ako at siya naman ay mas matanda sa akin ng isang taon pero dahil sobrang mahiyain ay mabilis mauto.
“Gusto mo tayo na lang?”
“H-ha?”
“Ayaw mo ba?” napanguso ako. Sunod-sunod ang naging paglunok niya.
“E-Elorae, hindi ba pwedeng ligawan muna kita?”
Natawa na ako. Napaka-inosente ng isang ito palibhasa good boy.
“Baka magbago pa ang isip ko, Gary. Good mood ako ngayon pero kung ayaw mo okay lang naman–”
“Gusto ko!”
“Good! Tayo na, may pera ka ba?”
“O-oo!”
Napangisi ako at binitiwan siya.
“Pwede ba akong manghiram? Babayaran ko rin–”
“Hindi na!” nagkukumahog siyang dumukot ng pera sa kanyang bulsa.
Binilang niya ang tig-bebenta pero agad kong hinaklit lahat ng papel na pera sa kamay niya.
“Thank you!” kahit na labag sa loob ko ay hinalikan ko siya sa pisngi.
“Bukas na lang ulit tayo magkita. Thank you, jowa!”
Dahil sa gulat at bilis ng mga pangyayari ay natutulala na lang itong napakaway sa akin habang palayo ako.
Dinilaan ko ang aking daliri at binilang ang tigbebenteng nakuha ko sa kamay niya. Two hundred eighty. Hindi na masama. Mabubusog na ng dalawang araw o higit pa si Shawy.
Dumiretso ako sa tindahan at bumili ng halagang eighty pesos. Ayaw kong ibili lahat dahil baka ipang-pulutan na naman ni Tatay Tino. Kailangan ko na talagang mag-trabaho.
“Ray! Aba parang gumaganda ka lalo, ah?!” Bati ni Glenda sa akin habang nagyoyosi at palapit. Napairap ako dahil sa pambobola niya. Naisip ko ang ginawa ko kay Gary kanina.
“Maligo ka kasi para maging fresh ka rin naman kahit paano.” pagbibiro ko rito.
Humalakhak lang siya at tinabihan ako. Inubos ko ang pagkaing hawak at ang soft drink na nasa plastic dahil baka manghingi pa siya.
“Gago naliligo ako tang inang ’to.”
“Oo na lang Glenda. Sige na tropa naman tayo.”
Natatawa niya akong siniko.
“May raket sa club sama ka?”
Napatuwid ako ng upo sa narinig. Kahit na hindi ko naman siya palaging nakakasama talaga ay basta usapang trabaho gusto kong patusin!
“Anong raket? Huwag lang shabu ah! ’Di pa ako ready do’n.”
“Gaga hindi! Anniversary kasi bukas ng club. Maraming ganap kaya kailangan ng serbidora. Wala nang mahanap na tao, eh. Tsaka malay mo magustuhan ka ni Chekwa kunin kang full time! Ayaw mo bang mag-trabaho?”
“Gusto! ’Yon nga pino-problema ko ngayon eh.”
“Sakto pala eh! Ano, g ka?”
“Sige. Anong oras ba?”
“Alas singko dapat nando’n na. Maraming mayayamang Chinese na pupunta do’n! Baka may magka-trip sa ’yo hindi na masama. Virgin ka pa ba?”
“Waitress lang ang usapan Glenda. Wala sa plano kong magpa-torjack ’no!”
“Maria Clara is that you?”
“Huwag mo nang problemahin ’yung virginity ko. Basta magkita tayo bukas.” Tumayo na ako at kinuha ang mga binili ko pero ang gaga ay binuraot pa ang isang biscuit na para kay Shawarma.
“Bayad mo na ’to sa ’kin para bukas!” Pahabol niya habang lumalayo ako.
“Siguraduhin mong maganda ang bigayan diyan dahil ikaw ang babalikan ko!”
“Akong bahala sa ’yo! Pag-isipan mo na rin ’yang pagiging Maria Clara mo! Dapat pinagkakakitaan mo ’yang ganda mo sayang naman!”
Natatawa akong napailing habang umaatras palayo para sagutin pa rin siya.
“Huwag mo na ring problemahin ’yung ganda ko! Maligo ka ng todo para magka-ganda ka rin!”
Itinaas niya ang kamay para pakyuhin ako kaya sinagot ko rin siya. Parehas na lang kaming natawa.
Sa pagtalikod ko’t pagtanaw sa aming barong-barong ay napawi kaagad iyon. Napabuntong hininga ako ng wala sa oras.
Minsan gusto kong tanungin kung talaga bang may Diyos o lagi lang siyang tulog? Kasi kung alerto siya, sana nakikita niya ang mga paghihirap ng mabubuting tao sa mundong ito. Sana tinutulungan niya ang lahat.
Bakit nga ba maraming taong masasama na mas maganda pa ang buhay kasya sa mga nananampalataya sa kanya? Minsan ayaw ko nang maniwala na totoo siya.
Wala sa sariling napatingala ako at mapait na bumulong, “Totoo ka nga ba? Kung oo, bakit hindi mo ako tulungang bumalik sa pamilya ko? Alam kong mayroon akong pamilya. Talaga bang ito ang tadhana ko? Hindi ba parang ang unfair mo?”
“Ate Ray!” Malakas na sigaw ni Shawy pagkatapos ay agad akong sinalubong ng yakap dahilan para makalimutan ko na kaagad ang lahat ng mga hinanaing at sama ng loob ko.
This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad
from
DELETING it.
Just message me for full VIP details.
Thank you!
🍀
# CHAPTER 2
Chapter Two
Pagpipilian
Sumama ako kay Glenda sa club. Five hundred lang ang bigayan pero malaking bagay na iyon para sa aming dalawa ni Shawy.
Mabuti na lang rin at maagang umuwi si Nanay Esme kaya nakaalis ako dahil kung hindi siya umuwi ay baka hindi ako natuloy dahil walang magbabantay kay Shawy.
"Basta kapag may umalis na customer, puntahan mo kaagad ang lamesa at linisin mo para makapasok 'yung mga naghihintay sa labas. Kaya mo ba 'yon?"
Ngumiti ako at agad tumango kay Bella, isa sa mga waitress na mas matagal nang nagta-trabaho sa club.
Marami kaming bagong empleyado ngayong gabi para lang sa anibersaryo ng lugar pero kapag nagustuhan ko ay baka pilitin ko si Glenda na ipasok na ako. Wala rin naman akong pinagkakaabalahan sa bahay bukod sa bantayan si Shawy kaya okay na ring may trabaho kahit hindi malaki ang kita basta lang mapunan ko ang tiyan ng kapatid ko.
"Oo naman po! Iyon lang ba? Pwede rin akong kumuha ng order. Isusulat lang naman 'di ba tapos ipapasa sa bar?"
Tumango siya pero umiling pagkatapos.
"Saka na. Sa ngayon 'yan lang ang trabaho mo. Kapag nagkulang sa tao ay sasabihan kita."
Lumawak ang ngiti ko at nginitian siya ng mas matamis.
"Thank you po."
"Oh sige na. Trabaho na."
Agad akong tumalima. Kung tutuusin ay napakadali lang naman ng gagawin. Sanay naman akong maglinis kaya hindi ako nahirapan. Tingin ko nga ay kaya ko itong gawin araw-araw.
Ilang oras ang lumipas ay napuno na ang club. Halos hindi na ako makahinga sa dami ng tao. Kahit na hindi ako uminom ng alak ay para akong nahilo sa dami nila. Mas umingay na rin at kalaunan ay mas naging pakawala na lalo ang mga babae.
Napailing ako ng makita si Glenda sa kabilang dulo habang ka-table ng limang matatandang lalaki. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa siyang dakilang pokpok pero hindi ko pa rin lubos maintindihan kung paano at bakit niya 'yon ginagawa.
Sa tingin ko ay hindi naman talaga iyon ang gusto niyang gawin sa buhay o kahit nang sinong babaeng tanging katawan ang ginagawang puhunan. Sa tingin ko ay wala lang silang ibang pagpipilian kundi ang ibenta ang sariling laman o mamatay sa gutom.
Gaya ko, kahit na ilang beses na akong nagnakaw ay hindi naman talaga iyon ang gusto kong gawin sa buhay. Kahit na marami akong nagawang masama ay may dahilan naman ako. Sa tingin ko ay nagiging masama lang kaming mahihirap dahil gusto lang naming mabuhay. Kumakapit kami sa patalim at kahit na mali ay iyon pa rin ang gagawin namin dahil wala naman kaming ibang mas maganda o mabuting pagpipilian.
Mamamatay sa hirap o sa gutom. Iyon lang sa dalawa.
Inalis ko ang tingin nang halikan siya ng isang matanda. Hindi ko talaga masikmura. Bata pa ako pero hindi naman malaki ang agwat ng edad namin. Halos kasabayan ko lang rin siyang lumaki pero dahil nga maraming pangangailangan sa buhay ay mas maagang namulat sa realidad.
Ako rin naman ay gano'n pero kahit minsan ay hindi sumagi sa utak ko ang ibenta ang sarili. Oo nga't alam kong mabilisang pera iyon pero hindi ko talaga kaya. Naiisip ko pa lang na halikan ang isang taong hindi ko gusto ay parang umiikot na ang sikmura ko. Siguro nga ay talagang palakasan na lang ng sikmura.
Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho habang pinagmamasdan ang mga gaya ni Glenda sa paligid.
Nang matapos siya sa unang mga customer ay ilang oras siyang nawala. Sa kanyang pagbalik ay muli na siyang naki-table sa iba.
"Saan ka galing?" tanong ko nang sundan siya sa banyo pagkatapos kong linisin ang huling lamesa.
Nagulat siya ng makita ako, tila nakalimutang naroon nga pala ako. Napapailing siyang ngumisi at pagkatapos ay naghugas ng kamay.
"Ano pa ba sa tingin mo, Ray? Syempre nagpatira para sa pera may iba pa ba?!" Natatawa niya pang sabi na parang isang malaking biro na lang iyon.
Marahas akong napalunok at nilapitan siya. Pinanuod ko siyang ayusin ang kanyang sarili. Sinuklay niya ang nagulong buhok at nagpabango.
"Hindi nga?" hindi pa rin makapaniwala kong tanong kahit na alam kong nagsasabi siya ng totoo.
"Ano bang akala mo umalis ako at nagdasal kasama nang mga 'yon?" muli siyang humalakhak. "Hay naku Ray, marami ka pang matututunan kapag nagtagal ka rito."
Naghugas na lang rin ako ng kamay habang nakatitig sa kanya mula sa salamin.
"Sabi mo isang gabing raket lang 'to. Baka hindi na maulit."
"Gusto mo bang maulit?"
Nangunot ang noo ko at mas napatitig sa kanya.
"Kung gusto mo ay galingan mo ngayong gabi. Kapag napansin ka ni Chekwa na masipag baka gawin kang regular! Hayaan mo, kung hindi naman at gusto mong bumalik ay babalitaan kita kapag kailangan ng tao rito. Teka, kumusta? Hindi ka ba nahihirapang maglinis ng mga lamesa at sumunod sa mga utos nila?"
"Hindi naman. Sanay naman ako sa ganito. Medyo nakakapagod pero okay lang. Ikaw ba? Hindi ba mahirap ang trabaho mo?"
Tumagal ang titig niya sa akin. Oo nga't simula ng mapunta siya sa ganito ay puro murahang bati na lang ang nangyari sa pagitan namin pero bago 'yon ay totoo namang naging kaibigan ko siya. Halos sabay nga kaming niregla at nagnakaw ng napkin sa tindahan noon ni Mang Joel eh.
"Kumpara sa ginagawa mo, mas ayos sa akin ang ganito. Mas malaki ang kita sa ilang bukaka lang. Hindi ko na kailangang magpagod ng walong oras at magbuhat ng mabibigat para lang kumita ng kakarampot. Napagdaanan ko na 'yan at hindi na ako babalik. Okay na sa akin ang ganito."
"'Yan na ba talaga ang gusto mo? Paano kung mabuntis ka o di kaya naman ay mahawaan ng sakit?"
"Alaga ni Chekwa ang lahat ng babae rito. Tsaka maingat naman ako. Kung mabuntis eh 'di tang ina, blessing!" pagbibiro niyang alam kong may laman.
Pinilit ko na lang na tumawa kahit na gusto kong malungkot sa sitwasyon naming dalawa.
Isinilid niya ang lahat ng gamit pabalik sa kanyang purse at pagkatapos ay tinapik ang balikat ko.
"Kung gusto mo ng full time rito, kakausapin ko si Chekwa. Sino-sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo, 'di ba?"
Ngumiti ako at tumango. Nilagpasan na niya ako pero bago pa tuluyang lumabas sa pintuan ay pinabaunan pa ako ng salita.
"Basta sagot mo 'yung bilog bukas. Samahan mo na rin ng pulutan para bongga na!"
Natatawa na lang akong umiling. Sa pagkawala niya't muling pagtahimik ng banyo ay natulala na lang ako sa aking repleksiyon.
Se estado ng buhay ko, hindi malabong isang araw ay gawin ko rin ang mga ginagawa ni Glenda. Kahit na ayaw kong mangyari iyon sa akin ay hindi ako pwedeng magsalita ng tapos. Marami pang pwedeng mangyari at kung ano ang kahihinatnan ko ay bahala na.
Hindi maipinta ang tuwa sa puso ko nang tanggapin ang unang perang nakuha ko sa normal at malinis na paraan. Binigyan pa ako ng extrang dalawang daan ng manager dahil nag overtime ako at tumulong pa sa pagsasara ng club.
Bago umuwi ay dumaan ako sa Jollibee para bilhan ng pagkain si Shawy. Ito na yata ang pinaka-masarap na pagkaing matitikman niya sa buong taon!
Imbes na bumili ng para sa sarili ay dumiretso naman ako sa palengke para mamili ng ilang kilong bigas at manok upang may makain naman ang mga matatandang kasama ko.
Pagdating ko sa bahay ay tulog pa silang lahat. Dahil masaya ako ay hindi ko ramdam ang pagod. Ipinagluto ko na lang sila para paggising ay mayroon silang kakainin.
Gusto ko ring sabihin sa kanila ang ginawa ko pero hindi ko inasahang hihiritan nila ako ng tig-isang daan pang meryenda raw at pamasahe papuntang trabaho. Kahit na alam kong walkaton lang naman sila sa mga raket nila ay binigyan ko pa rin para matapos na ang usapan.
"Mabuti naman pala at may napala ka diyan sa pakikipag-kaibigan mo kay Glenda," si Tatay Tino. "Aba't hindi masama ang magtrabaho sa club. Kung gusto mong magtrabaho ay papayag na ako."
"Tino, tigilan mo nga muna 'yan. Sino ang magbabantay kay Shawy kapag nagtrabaho na si Ray, ha? Buti sana kung napipirmi 'yang bayag mo dito para bantayan ang anak mo."
"Nay, isang beses lang naman 'yon," putol ko dahil tiyak na magbubulyawan na naman sila sa harap ni Shawy. "Wala pa akong permanenteng trabaho."
"Pero kung meron nga ay patusin mo na. Ako nang bahala kay Shawarma. Malaki naman na 'to at hindi na pasaway, 'di ba Shawy?"
Tumango lang ang pobre kong kapatid. Mabuti na lang at enjoy na enjoy ito sa hawak na burger at fries. Bahagya kong ginulo ang kanyang buhok.
"Ah basta, Elorae! Hindi ko gustong tumulad ka sa babaeng 'yon. Alam ko ang trabaho no'n at huwag mong gagawin 'yon, naintindihan mo ba?"
"Opo, Nay. Hanggang waitress lang naman po ang gagawin ko."
"Mabuti at nagkakaintindihan tayong dalawa."
Nagpatuloy kami sa pagkain at nagpatuloy rin ang kaliwa't-kanang batuhan nila ng diskusyon. Buong araw akong nakatulog pagkatapos. Nagising lang ako nang gabi na at katukin ako ni Glenda habang hawak ang mga gin bilog sa magkabilang kamay.
"Ano tara?" nakangisi niyang bungad habang pupungas-pungas ako at hindi pa maidilat ng maayos ang mga mata.
Kahit hindi ko siya pinaunlakan ay walang sabi siyang pumasok sa loob ng bahay at dumiretso na sa kusina para timplahin ang hawak na alak. Naiiling na lang ako habang sinisindihan niya iyon.
"Shawy, bili ka ngang yelo dali." pinanlakihan ko siya ng mga mata pero wala nang nagawa dahil agad nang nakuha ng kapatid ko ang pera niya.
Umupo ako sa lamesa at hinintay siyang matapos.
"Oh, ako na ang nang libre ha? Nakakahiya naman kasi sa 'yo napagod ka buong araw. Hindi bale, sa susunod ikaw na talaga ang manlilibre."
"Wala naman akong pang-libre sa 'yo, 'no. Wala akong permanenteng trabaho."
Lumawak ang ngisi niya. Tinapos niya ang ginagawa pagkatapos ay agad na sinalinan ang mga baso namin. Tamad ko iyong kinuha ngunit bago pa tuluyang tunggain ay natigil na ako sa mga sunod niyang sinabi.
"Paano kung sabihin kong mayroon ka nang permanenteng trabaho?" nangunot kaagad ang noo ko at naibaba pabalik ang baso sa lamesa.
Lumawak ang ngisi niya at agad na tinungga ang laman ng kanyang baso bago nagpatuloy.
"Nag-resign kanina lang 'yung isang waitress at ikaw ang bukambibig ng mga tao do'n kaya sinabi ni Chekwa na kontakin ka para offeran ng full time na trabaho! Ano, gusto mo ba o gusto mo?!" pagpapatuloy niyang nagpalaglag na sa panga ko.
This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad from DELETING it.
Just message me for full VIP details.
Thank you!
🍀
CHAPTER 3
Chapter Three
Aksidente
Sinamahan ako ni Glenda kinabukasan kahit na parehas kaming nalasing ng sobra sa ilang bote ng gin bilog na binili niya.
Mabuti na nga lang at hindi siya pinuna ni Nanay Esme nang maabutan dahil badtrip rin ito sa pagpapataya ng jueteng kaya sinamahan pa kaming maglasing. Siya pa nga ang sumagot ng ilang huling bote. Kahit na naiirita ako sa ideya na kapag sa bisyo ay may budget sila pero kapag sa mga anak wala ay hinayaan ko na lang.
“Sigurado ka bang okay lang? Paano kapag nalaman nilang desi-sais pa lang ako?”
“Ang tanga mo kung ipapaalam mo,” sagot niya habang naglalakad na kami palapit sa club. “May alam akong kayang pumeke ng mga papeles kaya huwag kang mag-alala. Ako nga katorse nang mag-trabaho, nahuli ba ako?”
Hindi ako nakasagot. Oo nga’t kailangan ko ng trabaho at kaya ko namang magsinungaling pero kinakabahan pa rin talaga ako. Siniko niya ako nang hindi na ako nakasagot.
“Ayos lang ’yan! Parang tanga naman ’to! Akong bahala sa ’yo. Isa pa, hindi naman halatang sixteen ka pa lang! Para ngang magkasing-edad lang tayo. Mas matangkad ka sa ’kin tsaka malaking bulas ka. Huwag mo nang isipin ’yon. Ang importante magka-trabaho ka at may pambili ka ng Jollibee ni Shawy!”
Dahil sa mga sinabi niya ay bahagyang naibsan ang kaba sa puso ko.
Mabilis lang ang naging interview. Inasikaso kaagad namin ni Glenda ang mga papeles ko nang araw na iyon kaya sa sumunod na araw ay nagsimula na ako.
May pag-aalinlangan si Nanay sa trabaho ko pero hindi naman nito ako nagawang hadlangan. Para rin naman sa amin ang gagawin ko.
Sa unang linggo ng trabaho ay nahihirapan pa akong mag-adjust lalo na sa tulog pero kalaunan ay nasanay na rin ako.
Nakuha ko ang ilang kalakaran sa club at itinuro naman sa akin ni Glenda ang ilang technique niya para mas kumita ng pera.
Hindi nawala ang mga titig ko habang nagbibilang siya ng tig-iisang libong bills sa aking harapan. Pagkatapos niyang bilangin ang isa ay kinuha niya ang huling wallet na ninakaw niya ngayong gabi sa mga lasing na customer.
“Putang ina, nag-wallet pa ang de puta!” aniya sabay tapon nang wallet na puro resibo lang ang laman at tanging ilang barya lang ang nakuha.
Hindi ako makapaniwalang isa iyon sa mga raket niya. Aniya ay normal na iyon. Sa limang taon niyang pagtatrabaho sa club ay masyado na siyang maraming nagawang masama kaya hayaan ko na lang daw si Lord na mag-kwenta ng mga minus points niya kapag nagkaharap na sila sa langit.
“Okay lang ba ’yan? Paano kung mahuli ka nila?”
Humalakhak siya at kinuha ang chicken nuggets sa gitna namin. Nasa 7/11 kami at doon nagpahinga matapos ang mahabang oras sa trabaho.
“Diyos ko, Elorae! Sa tanda kong ’to ni minsan hindi pa ako nahuli. Ang totoo, mas madali pa ngang nakawan lalo na ang mga foreigner sa club kaysa sa mga pobre sa atin. Habang busy ang mga gago sa pananantsing at pag-inom ay dapat maging busy ka rin. Mas maging matalino ka. Minsan makaka-jackpot ka talaga lalo na kapag puro cash ’yung dala ng iba pero minsan ganito rin, maalat. “
“Hindi ka ba natatakot na mahuli?”
“Syempre hindi!” muli siyang humalakhak, napanguso ako. “Marami namang pera ’yong mga ’yon. Isa pa, hindi na nila mapapansin ’yon. Basta ang tip ko lang sa ’yo ay targetin mo ’yung mga lasing na. Mas pagtuonan mo rin ng pansin ang mga smartphones. Huwag ang mga iphone dahil mahirap ibenta ’yon at minsan nala-lock pero kung wala kang choice, pwede na rin. Marami akong tropang kayang mag-dispatsa ng lahat.”
“Hindi ako magnanakaw.”
Naningkit ang mga mata ko nang humalakhak siya ulit. Hinati niya ang pera na umabot sa tatlong libong piso at ibinigay sa akin ang kalahati.
“Sa ’yo na ’yan,” nalaglag ang mga mata ko doon. “Hindi kita pinipilit na magnakaw pero katumbas na ’yan ng dalawang araw mong pagtayo at pagsunod sa mga utos ng walong oras. Hamakin mong nakuha ko lang ’yan wala pang sampung minuto. Kung gusto mo ng mabilisang pera, pag-isipan mo. Sayang naman kung hindi mo aabusuhin ang pagkakataon. Palagi mong tandaan Elorae na ang mga taong ’yon ay walang pakialam sa pera at hindi habang buhay ay may trabaho ka. Hangga’t may pagkakataon ka ay mag-ipon ka para sa sarili mo para kung sakaling dumating ang araw na magipit ka ay hindi ka mangangapa sa dilim. Fuck those people. Walang halaga sa kanila ito habang sa atin ay malaking bagay na kaya pag-isipan mo.”
Kahit na hindi ko pa rin lubos maatim ang mga sinabi ni Glenda ay hindi iyon nawala sa utak ko.
Ilang beses naman na akong nakapagnakaw at ni minsan ay hindi pa rin nahuli. Mabilis ang kamay ko sa mga ganito at kung susundin ko lang siya ay baka makarami ako. Iyon nga lang, dahil hindi nawala ang kaba sa puso ko ay nagawa kong kalimutan sandali ang bagay na iyon.
Ang totoo ay gusto kong mabuhay ng maayos at sa malinis na paraan ngayon kahit pa tingin ng lahat sa mahihirap na nakatira sa squatter ay walang ibang kayang gawin kundi ang magnakaw. Gusto kong magbago pero kung saka naman buo ang loob ko ay saka naman dumating ang unang dagok sa aming pamilya.
Isang gabi ay nakatanggap na lang ako ng tawag na nasagasaan ng SUV si Shawarma nang utusan ni Tatay Tino na bumili ng beer.
Para akong mamamatay ng araw na iyon. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating sa hospital. Mas lalo akong nanghina nang sabihin na kritikal ang lagay ng kapatid ko. Wala kaming ginawa kundi ang umiyak at matulala habang inaasikaso siya ng doctor.
Ang lalaking nakabangga naman sa kanya ay itinangging kasalanan niya iyon at nagpupumilit itong i-settle na lang sa kakaunting halaga ang aksidente.
Sa loob lang ng isang araw ay nagulo ang buhay ko at halos hindi ako makausap. Para akong robot na gumagalaw pero hindi alam kung ano na ang nangyayari sa paligid.
Malaki ang naging gastusin ni Shawy sa hospital. Hindi sapat ang tinanggap naming bayad galing sa nakabangga at kahit sana gusto ko siyang kasuhan ay hindi na rin nagawa dahil mayaman ang lalaki at aniya ay hindi kami mananalo.
Natakot rin ang mga magulang ko kaya imbes na walang makuha ay pinirmahan na lang ang kung anong mga pinapirma ng lalaki kasama ang abogado nito.
Ang hirap lang talagang maging mahirap sa mundong ito lalo na kung ang mga kalaban mo ay hindi lumalaban ng patas at totoo.
“Okay ka lang?” tinapik ni Glenda ang balikat ko nang maabutan ako sa likuran ng club.
Maayos naman ako pero kapag naaalala ko ang kalagayan ni Shawy ay hindi ko mapigilang lumabas para huminga saglit.
Kailangang putulin ang isa niyang paa at iyon ang pinag-iipunan ko ngayon. Ilang araw na nga akong walang maayos na tulog dahil kinuha ko ang lahat ng over time para lang magkaroon ng extra pero kulang na kulang pa rin. Ni wala pa sa kalingkingan ang naiipon kong pera sa gastusin niya.
“Hindi.” pag-amin ko.
Naupo siya sa aking tabi at maya-maya ay inabot ang isang puting envelope.
“Glenda…”
“Ipon ko, gamitin mo na muna para sa operasyon ni Shawy.”
Agad umangat ang aking paningin pabalik sa kanyang mga mata. Muli na naman akong naluha. Gusto kong tanggihan iyon pero para sa kapatid ko ay nilunok ko nang lahat ng hiya.
“Thank you, Glenda!” pasasalamat ko habang yakap-yakap siya. “Pangako babayaran ko lahat kapag nakaipon ako.”
Napahagikhik ito at hinaplos ang aking likod. Lumayo ako at tinignan ang laman ng envelope. ilang libo rin ang naroon. Hindi ko na binilang. Isinilid ko kaagad sa bulsa ko.
“Aabutin ka nang kalahating taon para bayaran ’yan sa trabaho mo, pero alam kong hindi pa rin ’yan sapat pambayad sa hospital bills ni Shawarma.”
Muli akong nalugmok. Tama siya. Malaking halaga man ang ibinigay niya ay kulang na kulang pa rin.
Hindi lang naman kasi ang bill sa hospital ang kailangang bayaran. Kailangan rin naming paghandaan ang gagastusin sa maintenance ng mga gamot nito. Gano’n na rin ang therapy, wheelchair at kung ano pang kailangan niya sa pagkawala ng paa niya.
Iyon ang pinaka-ikinalulungkot ko. Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako para sa kapatid ko. Masyado pa siyang bata para mapagdaanan ang lahat ng pasakit sa buhay pero wala akong magawa. Kung may paraan nga lang para hindi mangyari ang aksidenteng iyon ay ginawa ko na. Lahat gagawin ko para kay Shawarma.
Simula nang araw ng aksidente ay naging malaki ang galit ko sa mga magulang niya lalo na sa kanyang ama. Kahit na hindi niya kasalanan ay siya ang gusto kong sisihin sa nangyari sa anak.
Tang ina, kung hindi ba naman kasi siya lasinggero ay hindi aalis ang bata at maaaksidente. Putang inang buhay ’to talaga!
Napapitlag ako ng tapikin ulit ni Glenda ang aking balikat. Malawak siyang ngumiti, binibigyan ako ng lakas.
“Maraming mayayamang customer ngayong gabi,” makahulugan niyang sabi sabay tayo. “Pag-isipan mo.” aniya bago ako tuluyang iwan.
Ilang minuto pa akong nagtagal sa labas para pagnilayan naman ang gusto niyang iparating. Kaya ayaw kong magsalita ng tapos dahil ngayon ay wala na akong choice kundi ang gawin ang bagay na ilang linggo kong tinanggihan sa kanya.
Sa aking pagbalik ay ilang beses nagtama ang mga mata namin ni Glenda. Isinenyas niya ang isang lamesang puno ng mga lalaki sa kabilang banda. Napalunok na lang ako at napatuwid ng tayo nang maglakad siya palapit sa akin.
“Kapag ininom ko ang laman ng baso ay lumapit ka kaagad at kunin mo ang mga iaabot ko.” aniya sabay layo ulit at lapit na sa mga ito.
Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. Kahit na labas sa kalooban ko ay iyon lang ang tanging paraan para masolusyunan ang lahat ng problema ni Shawy. Alam kong kahit limasin namin ni Glenda ngayong gabi ang mga lalaki ay kulang pa rin iyon. Gayunpaman, sumunod ako.
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. :)
This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad from DELETING it.
Just message me for full VIP details.
Thank you!
🍀
CHAPTER 4
Chapter Four
Sibling Love
“Fifteen thousand three hundred,” nakangising sabi ni Glenda habang malaki ang ngisi. Itinaas niya ang dalawang cell phone na nakuha namin ngayong gabi. “Mukhang latest model. Pwede na nating ibigay to nang tigli-limang libo.”
“Limang libo lang? Pero sabi mo latest? Mukhang mahal ’yan sa limang libo?”
Natawa siya at pagkatapos ay tumango.
“Ipapasa lang natin sa kakilala ko ’to. Syempre kailangan rin nilang kumita. Hindi naman natin ’to mabebenta. Isa pa, kailangan nating ng mabilisang pera. Okay na ’yon. Laban na rin! So bale naka-twenty five thousand rin tayo ngayong gabi.”
Hindi nawala ang malawak na ngisi niya.
“Malayo pa sa liwanag pero isang araw pa lang naman! Ito na yata ang pinaka-malaki kong nanakaw sa isang gabi lang! Sinasabi ko na nga bang mas magaan at mabilis kapag may kasama.”
Hindi ako nakapagsalita. Hanggang ngayon ay lumilipad pa rin kung saan ang utak ko. Nang mapansin niya iyon ay agad nawala ang ngiti niya.
“Para kay Shawy ang lahat ng ito, Ray,” paalala niya. “Iyon na lang ang isipin mo kaya huwag ka nang ma-guilty.” Kahit na iyon pan rin ang nararamdaman ko ay nagawa ko iyong bitiwan lalo na sa paglipas nang araw na nabubuo na namin ang pampagamot ng kapatid ko.
Dahil wala akong kinakausap sa mga kumupkop sa akin ay hindi naging mahirap na itago sa kanila kung saan galing ang perang ibinibigay ko para sa panggastos ni Shawy.
“Mauuna na po ako. Maaga po ako ngayong kailangan sa trabaho.” paalam ko kay Nanay Esmeralda na siyang nagbabantay kay Shawy sa Hospital.
“Elorae, sandali lang.”
Natigil ako’t agad na napatitig sa kamay niyang humawak sa aking palapulsuhan. Walang emosyon kong ibinaling ang paningin sa kanyang mga mata. Nakikita ko ang mga luhang handang tumulo sa mga iyon pero wala akong maramdamang simpatya. Masyado akong galit sa kanilang dalawa at lalo na sa mundo.
“Gusto kong magpasalamat sa ginagawa mo para sa kapatid mo pero anak, ayaw kong matulad ka kay Glenda at–”
Marahas kong hinawi ang kamay niyang humawak sa akin. Hindi ko mapaniwalaan ang mga sinasabi niya. Parang gusto kong matawa dahil sa kanyang pagmamalinis. Akala mo’y walang nagawang masama sa buhay.
“Mauuna na po ako–”
“Ray, alam kong malaki ang utang na loob namin sa ’yo pero anak ka rin namin. Kahit na hindi ka galing sa akin at wala akong naibigay sa ’yo, ni minsan ay hindi ko pa rin gustong mapasama ka.”
“Masama? Ang pagiging pokpok, Nay? Iyon ba ang gusto mong sabihin?”
Hindi siya nakasagot. Napailing na lang ako.
“Wala kayong karapatang husgahan si Glenda sa trabaho niya. Wala kayong karapatan na maliitin siya sa lahat ng ginagawa niya dahil wala kayong alam. Simula ngayon ay huwag niyo na rin akong pakialaman. Kayo na rin ang nagsabing wala kayong naibigay sa akin kaya huwag niyo na akong kwestiyunin. Magpasalamat na lang ho kayo sa lahat ng mga ginagawa ko. Isipin niyo na ang gusto niyong isipin pero lahat ng ito ay para sa kapatid ko. Mauna na ho ako.” mahaba kong litanya at pagkatapos ay wala nang sabing lumabas.
Naging abala kami ni Glenda sa panibagong gabi hanggang sa mga sumunod na linggo. Minsan ay maalat pero madalas pa ring marami kaming nakukuhang pera. Sa loob lang ng tatlong linggo ay napunan na namin ang perang kailangan ni Shawy sa Hospital.
Lahat nang iyon ay utang na loob ko kay Glenda. Alam kong kung wala siya ay hindi magiging posible ang lahat. Baka hanggang ngayon ay nasa hospital ang kapatid ko o baka natuluyan na dahil sa impeksiyon ng mga natamo niyang sugat lalo na paa.
Nang sumapit ang day off namin ni Glenda ay lumabas kami at nag-mall. Bumili ng ilang damit at gumastos ng kaunti para naman sa aming mga sarili. First time kong maranasang magpa-spa at nagustohan ko iyon. Nilibre niya rin ako ng mani-pedi at maging treatment sa buhok.
Sa unang pagkakataon ay parang nawala ang bigat ng sitwasyon ko bilang mahirap at nasa laylayan ng lipunan.
“Wala ka bang ibang plano sa buhay? Sa club na lang ba ang gusto mo habang buhay?” wala sa sarili kong tanong sa kanya habang nakapikit ito at ninanamnam ang masahe sa paa.
Tinanggal niya ang isang pipinong nasa mata para lang tignan ako at sagutin.
“Pangarap ko pa ring makaalis o makaangat man lang sa buhay na ganito pero mahirap ’yon, Ray. Ang mga tulad nating walang edukasyon ay mahihirapang umalis sa ganito dahil hindi ito basta-basta. Depende na lang kung makapag-asawa ako ng mayaman baka sakaling mangarap ako ng iba pa, pero kahit na gano’n ay hindi pa rin iyon magiging madali. Ayaw kong umasa at mangarap nang masyadong mataas. Isa pa, ang lahat ng pang-pagawa ko ng boobs ay ibinigay ko na sa ’yo. Hindi bale, mapag-iipunan pa naman iyon. Hindi na magiging mahirap dahil tutulungan mo naman ako.”
“Oo naman.” sagot ko kaagad. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at gagawin ko rin ang lahat para mabayaran siya sa lahat ng utang ko. “Pero bakit parang masyado namang negatibo ’yang mga sinasabi mo? Wala na ba talaga tayong pag-asang umangat kahit paano?”
“Meron naman pero hindi gano’n kataas, Ray. Ngayon pa lang ay huwag ka nang maghangad dahil sa huli ay masasaktan ka lang. Mahirap mabuhay sa mundong ito at mas mahirap kung mahirap ka. Totoong may pag-asa pero maliit na tiyansa lang iyon hindi gaya sa mga pelikula.”
Napabuntong hininga na lang ako sa mga narinig. Nakuha ko ang lahat ng punto niya at tama siya. Wala akong edukasyon, sinong lalaking may matinong pag-iisip ang pipiliin ako kung napakaraming mas angat na babae sa mundong ito?
Oo nga’t hindi naman imposibleng makapag-asawa ako pero parang hanggang kay Gary na lang ang pinaka-sukdulan no’n.
Parang gusto kong masuka nang maalala ang lalaki. Dahil doon ay nagawa kong ibahagi kay Glenda ang mga sinabi ko rito. Pinagtawanan niya lang ako, pero pinayuhan pa rin na huwag nang paasahin ang lalaki dahil baka sa sobrang dami na nang kasalanan ko ay hindi na ako makapasa man lang kahit biyahe papuntang langit.
Ang pakikipag-hiwalay kay Gary ang inatupag ko kinabukasan.
“It’s not you, Gary… It’s me.” malungkot kong arte sa kanya gamit ang line na nakuha ko sa hindi ko na maalalang pelikula.
“Pero Ray, mahal kita. Sabi mo ’di ba?”
“You deserve better Garison,” inabot ko’t pinisil ang kanyang kamay. “I’m not the one for you.” nagkanda buhol-buhol ang dila ko sa mga pinagsasasabi pero mukhang hindi siya nakukumbinsi. Mukhang kahit na hindi naman talaga kami nagturingang mag-jowa ay ayaw akong pakawalan.
“Ray, sige na naman. Give me a chance. Papatunayan kong para ako sa ’yo. Gagawin ko ang lahat para lang mapasaya ka.”
“Gary, please… I need space. I’m lost. I need to find myself first… I’m sorry.”
“Ray, no. Kaya natin ’to. Kakayanin natin, please?”
Doon na ako nawalan ng pasensiya. Naubusan na rin kasi ako ng linya kaya binawi ko na ang kamay ko sa kanya at hindi na umarte pa.
“Tang ina ayaw na nga kitang maging boyfriend, Gary! Tigilan mo na ako at tapos na tayo. Good bye!” bago pa siya makapagsalita ay nagmamadali na akong tumayo at umalis sa kanyang harapan.
Nakahinga ako nang maluwag ng hindi na niya ako sinundan kahit na ilang beses pa akong tinawag. Dumiretso ako sa bahay ni Glenda.
Magkasunod ang birthday namin sa isang linggo kaya napagpasyahan naming pag-isahin na lang iyon. May inimbita kaming mga ka-trabaho pero simpleng handaan lang ang nangyari.
Kahit paano ay bumalik sa normal ang buhay ko. Kahit na nahihirapan ay lumalaban ang kapatid ko at patuloy ring nagpapakatatag. Hindi naman ako nagkulang sa paalala na nasa tabi niya lang ako at kahit kailan ay susuportahan siya’t hindi iiwan.
Kahit na parehas pa rin ang buhay ko ay nakuntento ako at nagawa pa ring magpasalamat sa Diyos sa pananatili ng kapatid ko sa mundo.
Hindi magiging madali ang lahat lalo na sa kondisyon niya pero sisiguraduhin kong hindi niya pagdaraanang mag-isa ang buhay na iyon.
“Narito lang ako palagi para sa ’yo Shawy tandaan mo ’yan, ha? Hinding-hindi ka iiwan ni Ate kahit kailan.”
Niyakap niya ako ng mahigpit. Doon napawi ang lahat ng pagod at bigat sa puso ko.
“I love you, Ate. Thank you sa lahat lalo na sa Jollibee.”
Natatawa kong pinisil ang pisngi niya.
“I love you, too! Hayaan mo at bukas ay ibibili kita ulit para palagi mo akong yakapin ng ganito!”
Muli kaming nagyakapan, mas mahigpit kaysa sa kanina.
“Pwedeng may ice cream na rin tsaka peach mango pie? Masarap daw ’yon sabi sa TV, eh.”
“Oo naman! Ano pang gusto mo, ha? Gusto mo pa ng burger? Spaghetti? Sabihin mo lang at ibibiling lahat ni Ate para sa ’yo!” sabi ko habang kinikiliti ang tagiliran niya kaya napuno nang tawanan namin ang buong bahay.
Natigil lang iyon nang tuluyan siyang makatulog habang yakap ko.
Wala pa sila Nanay Esmeralda. Napapadalas nga ang gabing pag-uwi ng mga ito lalo na sa tuwing wala akong pasok. Minsan ay nahuhuli ko ring walang bantay si Shawy. Hindi naman magawang mag-reklamo ng bata at kahit na gusto ko silang pagsabihan ay hindi na rin ako nag-abala pa.
Alam ko na kasi ang hilatsa ng mga gaya nila. Kapag sinabihan mo ay ipapasok lang sa isang tenga at ilalabas naman kaagad sa kabila. Ewan ko nga ba kung may utak pa ang mga ito. Minsan ay nagagawa ko na lang magbilin sa kapit-bahay para lang bantayan ang kapatid ko. Mabuti na lang at bukod sa kita ko sa malinis na trabaho ay may naiipon pa rin ako galing naman sa marumi.
Tinuruan rin akong mag-ipon ni Glenda kaya kahit paano ay magaan ang naging pagpapatuloy ko sa lahat.
“Ready ka na ba?” tanong nito isang gabi nang masipat ang mga bagong mukha sa club.
Pagpasok pa lang ng mga ito ay nagkatinginan na kaming dalawa. Sa lahat ng naging biktima namin ay mukhang dito kami makaka-jackpot. Mga relo pa lang ay ginto na. Tumango ako.
“Ready na.” sagot ko bago tuluyang hinanda ang sarili sa panibagong gabi.
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. :)
This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad from DELETING it.
Just message me for full VIP details.
Thank you!
🍀
CHAPTER 5
Chapter Five
Living The Life
Naging maayos ang buhay namin sa mga sumunod na buwan. Wala kaming naging utang sa hospital. Tumaba si Shawy pagkatapos n’yang makalabas dahil sagana sa pagkain at sa bahay lang palagi. Nabilhan ko rin siya ng mas maayos na higaan para maging komportable siya at hindi lang sa sahig natutulog.
Ang tanging gusto ko lang talaga ay maging maayos ang buhay ng kapatid ko. Kahit na pagod at inuusig ako ng konsensiya gabi-gabi ay mabilis namang napapawi ’yon sa tuwing nakikita at nakakasama ko na siya.
“Babayaran ko Esme! Huwag kang mag-alala!”
“Putang ina mo, Tino! Kailan mo pa ginagawa ’yan?! Sinabi ko na sa walang laman mong utak na kahit anong mangyari ay huwag na huwag kang papasok sa droga! Tang ina hindi ka nag-iisip!”
“Tumahimik ka na! Babayaran ko sinabi!”
Napangiwi ako at naiiritang tinakpan ng unan ang tenga. Late na akong natulog kagabi at halos hindi pa ako nakakatulog ngayon pero walang konsiderasyon ang mga ito sa pambubulabog!
Inayos ko ang kumot ni Shawy at tinakpan na rin ang tenga niya para hindi siya magising pero kulang pa rin iyon dahil sa pagpapatuloy ng sagutan nila.
Oo nga’t hindi naman na bago ang palagi nilang pag-aaway lalo na kapag mga walang pera pero ngayon ay parang ito na ang pinaka-mabigat nilang pag-aaway. Kahit na ayaw kong makinig ay sumasakit lalo ang ulo ko dahil hindi ko maiwasang marinig ang lahat.
Dahil sa pagiging sugarol at maraming bisyo ni Tatay Tino ay nagawa na nitong maging pusher ng drugs para lang masustentuhan ang bisyo. Hindi na ako nabigla. Simula nang makilala niya ang mga kaibigan sa kabilang Barangay ay mas lalo na itong nalihis ng landas.
Nang hindi na ako makatiis ay tumayo na ako. Hinawi ko ang kurtinang tanging naghihiwalay sa kwarto namin ni Shawy at kusina kung saan naroon sila.
“Ano ba?! Nagpapahinga ’yong mga anak ninyo, hindi kayo titigil?!” Inis kong sinulyapan si tatay Tino. “’Yung anak mong naaksidente at naputulan ng paa, naalala mo?!” singhal kong nagpahinto sa kanila.
Malaki talaga ang pasasalamat kong may trabaho na ako. Simula kasi nang akuin ko na ang lahat ng gastusin sa bahay ay nagkaroon na ako ng boses. Nirerespeto na nila ako bilang isa sa pundasyon ng tahanan namin.
“Kung gusto n’yong magpatayan sa labas n’yo gawin! Parang awa n’yo na magpatulog naman ho kayo.”
“Anak, pasensiya ka na,” si Nanay na agad naglakad palayo sa asawa’t palapit sa akin pero bago lagpasan ito ay binatukan niya muna. “Sige na, matulog ka na ulit. Ipagluluto ko kayo ni Shawy bago ako umalis.”
Imbes na mag-aksaya pa ng panahon ay bumalik na lang ako sa pagtulog.
“Nababaliw na ’yang tatay mo. Mabuti na lang talaga at may trabaho ka na ngayon dahil kung hindi ay baka sa kangkungan na talaga kayo pupulutin ni Shawy.” si Glenda nang magkita kami.
“Baka nawala na si Shawy kung wala akong trabaho, Glenda.”
Napabuntong hinga siya ng maalala ang aksidente. Tumayo ito at inayos ang sarili sa harapan ng kanyang tokador. Naghahanda kami para sa unang araw namin sa mas malaking club na mayroong mas mayayamang mga customer.
Wala naman talaga kaming balak umalis kay Chekwa dahil maayos naman ang kita namin sa club niya, pero tama rin si Glenda na mas malaki pa ang kikitain namin sa panibago dahil mga elitista at milyonaryo ang talagang gumagawi doon.
Hindi kami nahirapang makapasok dahil kilala ni Glenda ang may ari. Simula nga ng nagpadagdag siya ng dibdib ay mas naging in demand siya sa mga lalaki. Dumami ang kanyang mga koneksiyon at mas tumaas ang rate niya sa ginagawang trabaho.
“Malaki ang utang na loob ko sa ’yo kaya salamat talaga.”
“Naku, huwag mo nang isipin ’yon!” inayos niya ang wig na suot. “Kung wala ka rin naman ay hindi ko makukuha lahat ng ito ng mas mabilis. Tignan mo, sino bang hindi makaka-hindi sa susong ’to?! Isang pop twenty thousand na ako ngayon.”
“Pop?” nalukot ang mukha ko at pagkatapos ay tumabi sa kanya.
Humalakhak siya at tinapos ang lipstick bago ako tulungang mag-ayos.
“Isang putok ng tamod.”
Napailing ako. Sanay na ako sa mga gano’ng salita lalo na sa lugar namin, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako komportable kapag naririnig lalo na sa kanya.
“May nakilala ako, alam mo bang sa isang gabi ay isang daang libong piso ang kinikita niya dalawang putok lang?”
Wala sa sariling napalunok ako sa narinig. Parang isang taon ko nang sahod ’yon sa club ni Chekwa! Hindi ko akalaing may gano’n pala.
“Talaga?”
“Marami ka pang hindi alam at dapat malaman, Ray. Iba-iba ang rate ng mga babae at pera ang magiging batayan mo kung gusto mong pumili ng customer. Minsan ay sila na mismo ang ko-kontak sa ’yo kapag nagustuhan ka. May alam nga akong club na ibini-bid pa ang virginity eh. At minsan ay umaabot iyon ng ilang milyon!”
“Milyon?!” nalaglag ang panga ko sa narinig. Muli na naman siyang natawa.
“Oo! Ngayong upgraded na tayo, mataas na rin ang rate ko pero hindi pa gaya nang iba doon. Marami pa akong kailangang matutunan sa kalakaran pero sa kama alam ko nang lahat ’yan.”
Napangiti ako. Kahit na sabihin ng ibang tao na masamang impluwensiya sa akin si Glenda ay kahit kailan hindi ko siya iiwan. Isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko bukod kay Shawy at isa rin siyang napakalaking biyaya sa buhay ko. Marami na kaming napagdaanan at lahat ng iyon ay kaming dalawa lang ang magka-sangga.
“Gusto mo ba talaga ang ginagawa mo? Ikaw na ang nagsabi na delikado pa rin ’yan kahit na mas mayayaman na ang magiging kliyente mo.”
“Walang kasiguruhan sa buhay, Ray. Pwedeng maswerte ka ngayon at bukas hindi kaya habang kasama mo ang swerte ay sulitin mo. Habang buhay ka, gawin mo lahat ng alam mong makabubuti sa ’yo. At the end of the day, only God can judge us.”
Doon ako mas lalong namangha. Natawa siya sa hitsura ko.
“Gago nabasa ko lang ’yan huwag kang masyadong bilib dahil bilang lang ang alam kong ingles na salita.”
Napapailing akong natawa. Marami pa kaming napag-usapan hanggang sa mapunta kami sa club.
Totoo ngang upgraded na ang lahat ngayon dahil ang lugar ay talaga namang sampung beses na mas magarbo sa club na pinanggalingan namin.
Nasa loob iyon ng isa sa pinaka-malaking casino sa bansa at talagang dinarayo ng mga nakakaangat at wala nang magawa sa buhay kundi ang magwaldas ng pera.
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kaba habang sinisipat ang katawan ko sa harapan ng salamin.
Nakasuot ako ng ng itim na bodysuit na humuhulma sa aking katawan. Kita ang aking cleavage sa hiwa nito at labas rin ang magkabilang pisngi ng pwet ko. Tanging ang itim na fishnet stocking ang nakasuot sa aking legs at mataas rin ang takong ng suot kong boots na hanggang tuhod. Lahat ng mga waitress ay gano’n ang suot. Kahit na ito ang unang beses kong halos luwa na ang kaluluwa ay hindi naman ako nahirapang mag-adjust. Ang tanging inisip ko na lang ay ang perang kikitain ko kaya nagawa kong magpatuloy.
Sa unang linggo ay parehas lang ang naging kita namin ni Glenda dahil mas marami ang security sa lugar at marami ring CCTV pero nang makuha na namin ang technique ay mas malaki nga ang kinita namin.
Sa isang araw at sa dalawang mamahaling relo lang ay halos trenta mil na ang pinaghatian namin. Naging abala kami pareho ni Glenda dahil totoong mas matataba nga ang isda sa lugar na iyon.
Sa tuwing napapasahan niya ako ng gamit o kahit ano ay agad ko iyong itinatago sa loob ng bowl ng banyo matapos isilid sa plastic at kukunin niya naman kapag pauwi na. Hindi naman kasi ako pwedeng kumuha no’n dahil sa security ng lugar samantalang sila Glenda ay parang normal na bisita lang sa club na malayang nakakalabas-masok rito.
“Ilong kaya? Tapos na ang pwet ko at okay na ako rito, ano sa tingin mo?” natatawa niyang tanong habang sinisipat ang sarili sa harapan ng malaking salamin.
Anim na buwan ang lumipas ay nakalipat na siya sa isang condo na ibinigay sa kanya ng isa niyang sugar daddy.
Disi-otso siya nang mamatay ang kanyang mga magulang sa buy bust operation noon sa aming lugar dahil mga tulak ito ng droga kaya hindi naging mahirap sa kanyang iwan ang Sitio Maalinsangan.
Masaya ako para sa kanya. Sa katunayan nga ay may kaunti na rin akong ipon para maka-renta rin ng mas maayos na lugar pero hindi ko magawa dahil sa mga magulang na kinalakihan ko. Wala akong tiwala sa mga ito at mas lalo na kay tatay Tino na hindi na nagtino kaya imbes na gumastos pa ay magtitiis na lang muna ako sa amin.
Mabilis akong na-regular sa trabaho lalo na’t trip ako ng manager doon pero ni minsan naman ay hindi ko siya binigyan ng pagkakataong mauto ako.
Ewan ko ba. Wala lang talaga akong amor sa mga lalaki. Siguro ay dahil naka-focus ako sa trabaho at sa kapatid ko kaya bukod doon ay wala nang halaga sa akin ang lahat.
“Maganda na ang mukha mo, hindi na kailangan Glenda. Sabi mo nga fully-booked ka na ngayong linggo, ibig sabihin ay marami nang nagkakagusto sa ’yo kaya hindi mo na kailangang magpabago pa nang kung ano.”
Natawa siya at bumalik sa tabi ko sa kama.
“Nasasabi mo lang ’yan dahil natural kang maganda at perpekto. Alam mo, kung hindi lang kita kilala ay iisipin kong hindi ka galing sa hirap. Siguradong may lahi ang totoong mga magulang mo dahil ibang-iba ka sa mga normal na purong Pilipino rito.”
Tinawanan ko na lang ang sinabi niya. Ang totoo ay naisip ko na rin iyon pero kahit na maging tama siya ay wala naman na akong magagawa. Ito na ang buhay ko at malabong isang araw ay makita ko pa ang totoo kong pamilya. Masyado nang matagal ang panahong lumipas. Baka nakuntento na ang mga ito na wala ako. Baka nga tuwing araw ng mga patay ay ipinagsisindi pa nila ako ng kandila.
Hindi ko na sinegundahan ang usapan. Nanuod na lang kami ng maraming movie nang araw na iyon.
Mas lumaki ang gabi-gabing kita namin ni Glenda dahil sa sunod-sunod na Christmas party sa lugar nang mga mayayaman kaya halos napuno namin ang kada cubicle ng mga nakaw na wallet at mga gamit. Nakailang balik si Glenda para limasin iyon at naging maulan ang swerte sa aming dalawa.
Halos araw-araw kaming nasa mall para mag-shopping. Alaga na rin kaming pareho ng spa at mayroon nang paboritong restaurant na kinakainan.
Dahil gusto ko talagang mag-aral ay bumili ako ng laptop at nagsumikap matuto gamit ang internet. Kahit na walang amor si Glenda roon ay nakumbinsi ko rin siyang kahit paano. Sabay kaming nag-aral ng Ingles at ilan pang mga maiikling kurso at nakatulong iyon lalo na sa pakikipag-salamuha namin lalo sa mga foreigner sa club.
Wala kaming naging problema. Sa loob ng isang taon ay naging hawak namin ang mundo at nagpatuloy ang pagbibigay nang sapat sa sarili, pero ang lahat ng sayang iyon ay nagkaroon rin ng kapalit.
Nagising na lang ako isang araw na nadudurog na naman dahil sa masalimuot na nangyari kay Glenda.
Don't forget to vote, share and comment your reactions about this chapter! :)
~~
This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad from DELETING it.
Just message me for full VIP details.
Thank you!
🍀
CHAPTER 6
Chapter Six
Balik Simula
Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa aking dibdib ng malaman ang lahat ng nangyari kay Glenda.
Ang sabi ay nahuli raw itong may kasamang ibang lalaki sa mismong condo na ibinigay sa kanya ng kanyang sugar daddy dahilan para muntik na siya nitong mapatay.
Nanlulumo akong napahawak sa kanyang kamay. Wala pa rin siyang malay ilang oras matapos siyang isugod sa hospital. Basag ang kanyang mukha at marami ring galos sa katawan, mukhang may mga buto pang nabali.
Pinigilan kong maiyak sa kalagayan niya. Ngayon ay parang naubos na ang lakas at angas niya at wala na siyang iba pang makakapitan kung hindi ako.
Hindi ako umalis sa kanyang tabi. Paggising niya ay nag-iyakan na lang kami.
Mabilis na naging masalimuot ang lahat. Dahil wala siyang trabaho at hindi makaalis sa hospital ay lumobo kaagad ang kanyang bill. Mayroon siyang fracture sa bungo na kailangang operahan at doon naubos ang kanyang pera.
Pagkatapos naman ng operasyon niya ay kailangan pa siyang obserbahan. Halos hindi na ako umuwi sa bahay para lang bantayan si Glenda dahil walang mag-aasikaso rito kung hindi ako. Hindi naman niya ako inoobliga pero bilang kaibigan at maraming utang na loob sa kanya ay kusang loob ko iyong gustong gawin.
“Pupunta ka na naman ba sa hospital?” Si Tatay Tino isang umaga habang nagkakape.
Day off ko ngayon pero imbes na magpahinga ay pupuntahan ko si Glenda para bantayan. Tumango ako at naupo sa kanyang harapan habang hawak ang aking kape.
“Doon na muna ho ako. Kawawa naman kasi si Glenda walang magbabantay.”
“Ano ba kasing nangyari diyan? Ang balita ay na-gang rape daw iyan.”
“Huwag nga kayong magpapaniwala sa mga balita. Hindi ’yon totoo.”
Napaiwas ako ng tingin. Ayaw kong pag-usapan iyon sa totoo lang pero ayaw ko namang hayaan silang maniwala sa mga sabi-sabi. Napabuntong hininga ako ng maisip ulit ang sitwasyon ni Glenda.
Ang condo na tinitirahan niya ay ibinenta kaagad nang araw na mangyari ang insidente. Ni hindi na siya kinausap ng lalaking bumugbog sa kanya at ang lalaki namang kasama niya ng mahuli ay naglaho na ring parang bula. Dahil mabilis na naubos ang ipon niya sa bill sa hospital at tiyak na hindi rin siya makakapag-trabaho kaagad ay wala itong choice kundi ang bumalik sa Sitio Maalinsangan.
Napahilot ako sa aking sintido ng maisip na pati ang mga ipon ko ay paubos na rin dahil sa pagtulong ko sa kanya sa mga gastusin sa kanyang gamot. Gabi-gabi ay wala itong ginawa sa tuwing pupunta ako kundi ang umiyak ng umiyak. Sa isang iglap kasi ang nawala ang lahat ng kanyang pinaghirapan.
“Iyon ang bali-balita rito. Pero hindi na bale, may pera ka ba diyan? Baka pwede naman akong makahiram at may kailangan lang akong puntahan mamaya.”
“Saan naman, ho?” tumaas ang isang kilay ko pero agad naputol ang pag-uusap namin ng may kumatok sa pinto.
Sa aking paglingon ay tatlong taong burdado ang katawan maging ang mga mukha ang nakita ko doon. Binalingan ko si Tatay Tino na agad namutla sa pagdating ng mga ito. Hindi ko alam at ayaw kong makialam sa kung anong ginagawa niya sa buhay niya pero ramdam kong seryoso at mabigat na bagay ang kung anong kinalalagyan niya ngayon. Hindi ko napigilang mag-alala.
Walang araw ang bulyawan nila ni Nanay. Iyon rin madalas ang dahilan kung bakit hindi ako umuuwi. Imbes kasi na makapag-pahinga ay hindi ko magawa dahil sa tuwing nagkikita sila ay talagang hindi sila matigil sa sigawan at tiyak na isa ito sa dahilan.
Naibaba ko ang paa ko sa upuan nang magkumahog itong lumapit sa mga bisita.
“Dario, naku, pasensiya ka na!” itinulak niya pabalik sa labas ang mga lalaki pero kahit na gano’n ay rinig ko pa rin ang lahat ng kanilang mga usapan dahil manipis na kahoy lang naman ang mga dingding namin.
Nagpatuloy ako sa pag-inom ng kape habang nakikinig.
“Ano na, Tino? Lagpas na ang palugit mo. Alam mo na ang mangyayari sa ’yo, hindi ba?”
“Alam ko pero pangako babayaran ko kayo, kailangan ko lang ng kaunti pang panahon–”
“Talaga bang ginagago mo kami, ha?!”
Napapitlag ako sa paglaglagan ng mga kung ano sa labas kasabay ng pag-igik ni Tatay Tino. Nabitiwan ko ang aking kape ngunit hindi kaagad nakagalaw.
“Babayaran ko kayo!” aniya sa boses na parang nalulunod, mukhang sinasakal sa pagkakataong ito.
“Putang ina mo, alam mo na ang mangyayari sa ’yo kapag hindi ka pa nakapagbigay!”
“Pakiusap, kaunting oras lang! Magbabayad talaga ako!”
“Isang linggo!”
“Oo! Parang awa mo na! Magbabayad ako!”
Muli akong napapitlag sa pagmamakaawa at pagsigaw nito na mukhang sinasaktan na ngayon kaya hindi na ako nakatiis!
Nagmamadali akong lumabas at tama nga ako, sinasaktan ng mga lalaki si Tatay at ngayon ay duguan na ang bibig!
“Ano bang ginagawa ninyo!” malakas kong sigaw na halos maputulan nang ugat sa leeg!
Sabay-sabay silang napalingon sa akin.
“Elorae, huwag kang makialam dito! Bumalik ka na sa loob!” si Tatay pero imbes na pansinin ay mas itinuon ko ang aking mga mata sa lalaking pinaka-matangkad na halatang leader ng tatlong burdadong bibe!
“Umalis na kayo rito kung hindi ay tatawag ako ng pulis!”
Nagsitawanan sila. Naikuyom ko ang aking mga kamao dahil kahit na kaya ko iyong gawin ay natatakot ako sa mga hitsura nilang parang hindi papahuli ng buhay!
Hindi ako humakbang paatras ng lapitan ako ng lalaki.
“Elorae, pabayaan mo na ako rito!” Si Tatay pa rin pero hindi na ako nakagalaw ng matapat ang leader sa harapan ko.
“At sino ka naman para utusan ako?”
Isang sarkastikong tawa ang kumawala sa aking bibig kahit na ang totoo ay nanginginig na ang mga kalamnan ko dahil sa takot sa kanya.
“Nasa balawarte namin kayo at isa pang pananakit ninyo sa Tatay ko ay malalagot kayo sa buong barangay namin!”
Napangisi ang lalaki na parang may naisip na kung ano. Binalingan niya si Tatay at pagkatapos ay sinenyasan ang mga alagad nito. Bahagya akong nakahinga ng maluwag ng bitiwan nila ito.
“Isang linggo, Tino.” anitong may pagbabanta sabay baling sa akin. “Matapang ka bata. Gusto kita.”
Dahil sa galit at iritasyon ay walang sabi kong dinuraan ang mukha niya. Naging alerto ang mga alagad nito pero agad niyang itinaas ang mga kamay para pigilan itong hawakan ako. Nanatili ang titig kong matalim sa kanya at hindi nagpapatinag.
Pasimple akong napalunok nang ngumisi siya ng nakakaloko pagkatapos ay dahan-dahang hinagod ang aking kabuuan. Imbes na magsalita pa ay binunggo na lang ako pagkatapos at umalis na kasama ang kanyang mga alipores.
Kung hindi ako nakakapit sa dingding ay malamang nalaglag na ako sa sahig nang tuluyan na silang makalayo! Para akong hihimatayin sa lakas ng kalabog ng dibdib ko!
“Ano ba ’yon, Tay?! Sino ba ’yong mga ’yon?!”
Nagmamadali niya akong hinila papasok ng bahay habang patuloy ko siyang inaalalayan.
“Elorae, huwag na huwag kang makikialam sa kung anong transaksiyon ko sa mga taong iyon.”
“Sino sila?”
Bumagsak ang kanyang mga balikat at hirap na iniwas ang mga mata sa akin. Nilagpasan niya ako pero naging buo ang determinasyon kong alamin ang pagkakakilanlan ng mga lalaki.
“Nagkaroon ako ng malaking atraso sa mga taong iyon at kailangan kong pagbayaran ang mga nagawa ko.”
“Pera ba?”
Agad siyang napapihit. Akala ko ay sasagutin ako at manghihingi ng tulong pero iisa lang ang sinabi niya.
“Basta huwag ka nang makialam.” aniya bago bumalik sa lamesa, nilagok ang kanyang kape at iniwan na ako.
Lutang ako habang nakatitig kay Glenda. Marami siyang mga sinasabi pero dahil sa mga nangyari kaninang umaga ay hindi tumatakbo ng maayos ang utak ko.
Para akong nagka-trauma bigla dahil sa mga lalaking iyon hindi lang dahil sa mga hitsura nila kundi dahil alam kong totoong mga halang ang kanilang kaluluwa.
“Ray?”
“H-ha?” napakurap-kurap ako ng maramdaman ang paghawak ni Glenda sa aking kamay.
Agad nalukot ang kanyang noo.
“Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? May problema ka ba?”
Umiling ako at pilit na ngumiti.
“Wala naman. Pagod lang siguro ako.”
“Hindi nga? Mukhang may malalim kang iniisip. Kanina ka pa wala sa huwisyo. Ray, kung tungkol ito sa pera, hindi naman kita inoobliga sa mga gastusin ko–”
“Hindi, ayos lang ako. Hindi ’yon.”
Malalim ang naging buntong hininga niya. Tuluyan ko nang nakalimutan sandali ang mga nangyari ng makita na naman ang lungkot sa kanyang mga mata. Bago pa ako makapagsalita ay nag-unahan nang tumulo ang kanyang mga luha.
“Glenda…” agad ko siyang niyakap. Sa aking mga bisig siya umiyak ng umiyak.
“Wala na ang lahat, Ray. Ngayon ay balik na naman ako sa umpisa. Ni hindi ko na alam kung paano pa gawin ’yon. Wala na akong tirahan. Ang mga gamit ko ay mukhang tinapon na rin at wala na akong babalikan pa sa condo. Wala na lahat,” nanlulumo akong napatitig sa kanya nang ituon niya ang mukha sa akin.
“Pati ang puhunan ko ay wala na rin. Hindi ko na alam kung paano pa ako magsisimula, Ray. Baka hindi na ako makaahon ulit.”
“Huwag mo ngang sabihin ’yan. Gagaling lahat ng sugat mo at magiging maayos rin ang lahat. Nandito lang ako at tutulungan kita gaya ng pagtulong mo sa akin.”
“Pero paano? Sa pagiging waitress? Imposible ’yan, Ray. May sarili kang pamilyang dapat suportahan at kulang pa ang kinikita mo para sa sarili mo.”
“Ako nang bahala do’n. Huwag mo na akong problemahin, basta tutulungan kita.”
“Ipagpapatuloy mo ang mga ginagawa natin?”
Marahas akong napalunok sa narinig. Gustohin ko man ay hindi ko iyon kaya nang wala siya at magkakaroon lang ulit ng luwag ang buhay namin kung gagawin ko ang mga bagay na ginagawa niya… muli akong napalunok.
Mas lalo siyang napahagulgol dahil alam niya na rin ang mga sagot sa kanyang tanong. Kahit na gano’n ay nangako pa rin ako. Magiging mahirap man pero tototohanin ko ang lahat ng sinabi kong tutulungan ko siya. Kung paano, bahala na.
Don't forget to vote, share and comment your reactions about this chapter! :)
This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad from DELETING it.
Just message me for full VIP details.
Thank you!
🍀
CHAPTER 7
Chapter Seven
Kapit Patalim
Halos madaling araw na ng makauwi ako. Tahimik na ang buong kabahayan pero pagpasok ko ay gising pa rin si Tatay Tino at tahimik na nagpapakalasing.
“Tay…”
Isang tipid na ngiti ang iginawad niya ng makita ako.
“Inom ka?”
Umiling ako at inilapag ang mga gamit sa silya.
“Bakit nagpapakalasing kayo? Hindi pa ba kayo matutulog?”
Tahimik siyang umiling matapos ibalik ang mga mata sa pagtulala sa alak na hawak.
“Hindi ko na alam kung paano lulusutan itong pinasok kong problema, Ray,” naalarma ako at agad na naupo sa kanyang harapan. “Wala na akong kawala sa atraso kong ito.”
“Ano ba kasi ang atraso niyo sa mga lalaking iyon? Pera ba? Magkano?”
Napainom siya ng alak. Akala ko ay magsasalita na pero muli siyang nagsalin ng panibago at nilagok iyon. Hinayaan ko lang at hinintay siyang magsalita ulit.
“Kalahating milyon.” aniya dahilan para mabawi ko sa kamay niya ang bote ng Alfonso at nagsalin sa plastic na baso bago agad na tinungga.
Dahil nababaliwan pa rin sa narinig ay napa-shot ulit ako.
“Kalahating milyon?!” hiyaw ko na nang makabawi.
Pinuno niya sa pagkakataong iyon ang kanyang baso at nilagok lahat. Mas lalong namula ang buong mukha niya.
“Ikaw na ang bahala sa kapatid at Mama mo–”
“Bakit ako, Tay? Bakit saan kayo pupunta?!”
Malungkot niyang tinitigan ang mga mata ko.
“Baka isang araw ay patayin na lang ako ng mga iyon Ray kaya sana ngayon pa lang ay ihanda mo na ang sarili mo.”
“Hindi naman ’yon pwede! Bakit hindi tayo magsumbong sa pulis? Tutulungan nila tayo–”
“Walang kwenta ang mga may hawak ng batas sa mundong ginagalawan natin, Elorae,” muli niyang putol sa akin sa mas mapait na tinig. “Ang mga pulis na nariyan ay tuta rin ng sindikatong iyon kaya walang tutulong sa atin.”
Pakiramdam ko ay dinaganan ng ilang patong ng simento ang aking dibdib. Wala na akong maisagot dahil alam kong tama ang kanyang mga sinabi. Hindi lang ang tungkol sa mga pulis ngunit lalo na sa kanyang nalalapit na pagkamatay.
Ito ang pinaka-masalimuot na sitwasyon sa pagiging mahirap. Alam kong kahit naman maraming bisyo at mga ilegal na transaksiyon si Tatay Tino ay mabuti ang puso niya. Bukod sa suporta sa amin, siya rin ang nagtataguyod sa pamilya ng kanyang kapatid na nasa probinsiya matapos mamatay ang asawa nito at maiwanan ng limang mga bata pang anak.
Nagsimula doon ang pagpasok niya sa mga ilegal na gawain. Tingin ko ay may koneksiyon sa illegal na droga. Tingin ko rin na kaya lang niya iyon pinasok ay dahil sa kakulangan sa pera. Gano’n talaga. Mahirap talagang maging mahirap at kapag ganito ka nang nasadlak ay wala na ring dahilan para tumakas pa. Gustohin mo man ay wala na ring paraan.
Katahimikan ang sunod na pumagitna sa amin. Halos maubos namin ang isang litro bago ako nagpaalam sa kanya. Wala na akong masabi. Pagod na rin ang utak ko sa pag-iisip kung saan pa ako kukuha ng pera una para tulungan si Glenda at ngayon ay kung paano siya ilalabas sa gano’ng sitwasyon.
Sa mga sumunod na araw ay inabala ko ang aking sarili sa pagtatrabaho. Dahil wala akong kasama ay hindi ko magawa ang mga nakagawian namin ni Glenda. Tahimik ang buhay ko pero ramdam ko ang bigat lalo na ng tuluyan na ring maubos ang aking ipon.
“Pasensiya ka na talaga, Ray… Hayaan mo kapag nakapag-trabaho na ako ay babawi ako sa ’yo. Pangako kapag nakabalik ako sa trabaho ay babayaran ko ang lahat ng ginastos mo sa akin.”
Inalalayan ko siyang maupo sa kanyang kama. Ako ang sumundo sa kanya sa hospital at ang kinita ko kagabi ay ipinang-taxi na namin para hindi siya mahirapan. Mabuti na lang at nakabili na ako ng isang sakong bigas at ilang de lata para makaraos kami ng ilang linggo dahil baka kung hindi ay wala na namang natira sa akin.
“Huwag mo na munang isipin ’yon. Unahin mong gumaling. Saka na muna ’yong pera.”
“Thank you, Ray. Tatanawin kong malaking utang na loob ang lahat ng ginagawa mo para sa akin.”
Napangiti ako at kinuhaan siya ng tubig. Balik na naman siya sa magulong lugar na ito pero wala na siyang choice. Walang natira sa kanya dahil sa insidenteng iyon.
Inabot ko sa kanya ang tubig at sabay kaming uminom.
“Pwede bang magtanong?”
“Hmm?”
“Magkano ang pinaka-malaking kinita mo noon sa trabaho mo?”
Napangiti siya at inalala ang mga nakaraan para sagutin ako.
“Isang daang libo siguro. Jackpot lang ’yon dahil galante ang hapon na nasamahan ko. Hindi lang naman pera ang ibinigay niya pati isang designer bag na ilang libo rin ang halaga kaya siguro mga nasa gano’n ang kinita ko sa isang gabi lang.”
Napalunok ako ng may maalala.
“’Di ba sabi mo may bumibili ng virginity? Tingin mo magkano ang sa akin?”
Agad siyang naalarma sa narinig. Parang bigla niyang gustong iluwa ang tubig.
“Elorae, hindi mo kailangang gawin ’yan. Alam kong ayaw mo ang bagay na ’yan!”
“Glenda–”
“Hayaan mo na akong mabulok sa lugar na ’to basta huwag mong gagawin ’yan!” giit niya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahang pinisil matapos ibaba ang baso.
“Hindi lang naman para sa ’yo,” malungkot ngunit may determinasyon kong pagpapatuloy. “Nasa bingit ng kamatayan si Tatay Tino dahil sa atraso niya sa isang sindikato at kailangan niyang magbayad ng kalahating milyon sa mga iyon.”
“Ano?!” nalaglag kaagad ang panga niya.
Tumango ako at nagpatuloy.
“Nag-usap kami noong nakaraang gabi at nakita ko mismo ang mga lalaking iyon. Nakakatakot sila at mukhang sanay na ring pumatay kaya hindi imposibleng tuluyan nila si Tatay.”
Hirap siyang napapikit sandali, hindi pa rin makapaniwala sa mga sinasabi ko.
“Ibebenta mo ang sarili mo para doon?”
Hindi ako nakasagot, hindi rin ako nakatanggi.
“Elorae…”
“Magkano?”
“Hindi ko alam pero mababa ang dalawang daan sa ganyan lalo na dahil maganda ka. Tiyak na aabot ’yan ng isang milyon sa isang buwan lang na bidding.”
“Wala na akong isang buwan, kahit isang linggo. Ilang araw na lang ay kailangan ko nang mapuno ang kalahating milyon. Iyon lang ang ibinigay nilang palugit kay Tatay.”
Nasapo niya ang kanyang noo, parang nilagnat bigla sa laki ng problema ko.
“Hayaan mo nang mamatay si Santino, Ray. Panahon na rin siguro.”
Napanguso ako. Alam kong nagbibiro lang siya dahil wala na ring mahanap na dahilan para lusutan ang problemang iyon.
“Hindi nga? Seryoso?”
“May kilala ako sa club pero hindi ko alam kung tumatanggap sila ng biglaan. Isang beses sa isang taon lang rin ginaganap ang malakihang bidding at tingin ko ay malayo pa ’yon sa buwang ito.”
“Pwede bang tawagan mo siya baka sakali?”
“Susubukan ko pero sigurado ka na ba diyan?”
“Wala naman na akong choice. Kung hindi ako kakapit sa patalim, walang mangyayari. Pare-parehas tayong mamamatay sa gutom.”
Malungkot siyang ngumiti at tumango na lang.
Kinagabihan sa trabaho at kahit wala si Glenda ay buo na ang loob kong ipagpatuloy rin ang ginagawa naming dalawa kahit na kailangan ko iyong gawing mag-isa.
Wala na akong ipon. Bukod sa wala na rin akong maitutulong kay Glenda ay nalimas na rin ang itinabi kong para sana sa pag-aaral ni Shawy.
Kahit na ganito lang ako at mahihirapan na siyang ipagpatuloy ang edukasyon ay ipinapaliwanag ko pa rin sa kanya ang importansiya ng pag-aaral. Gusto kong makatapos siya. May plano na ako at pinaghandaan ko na rin kaya nga lang ay masyado na naman iyong malabo dahil sa mga nangyari.
Huminga ako ng malalim at buong tapang na nagpaskil ng malawak na ngiti bago suyurin ang lamesang pakay ko.
Maraming foreigner ngayong gabi. Kanina lang ay naririnig ko ang mga briton sa unang lamesang pinagsilbihan ko at lahat ng mga ito ay mukhang mabibigat na panauhin. Ang mga relo pa lang nila ay mukhang maso-solve na ako sa gabing ito.
Kahit mahirap ay kumuha ako ng tyempo. Para akong nasa alapaap nang makuha ko na ang relo at wallet ng isa sa mga briton matapos itong mahumaling sa akin.
Saktong nawala ang mga kasama niya at lasing na lasing na rin kaya nagkaroon ako ng pagkakataong malimas ang gamit niya pwera na lang sa kanyang telepono.
Kumita ako ng malinis na bente mil ng gabing iyon. Kinabukasan ay natanggap ko ang balita ni Glenda na tungkol sa pagbebenta ko ng sarili ko. Pinuntahan ko kaagad ang lalaking kanang kamay ng may-ari ng club.
Nakita pa lang ako nito ay para na itong isang maamong tupa. Kahit na nailang ako sa ilang beses niyang pagsipat sa akin ay nilunok ko na lang ang lahat. Iyon rin naman ang dahilan kung bakit ako narito kaya ngayon pa lang ay dapat masanay na ako.
Mabilis ang naging usapan. Aniya dahil kailangan ko ng mabilisang pera ay gagawa siya ng espesyal na bidding para lang sa akin. Kung ano ang kikitain sa oras ng pagtatapos ay thirty percent ang mapupunta sa kanya.
Nagkaroon kami ng kasunduan. Pagkatapos ng pirmahan ay diretso kaagad kami sa photoshoot na tumagal rin ng isang oras.
Pag-uwi ko ay naligo lang ako at dumiretso na ulit sa club para kumayod. Kahit na pagod na ang katawan ay nagpatuloy ako. Nakailang hingi ako ng shot sa bartender na naging kaibigan ko na para lang magising ako sa buong durasyon ng trabaho.
Matumal ang gabing iyon palibhasa Lunes kaya limang libo lang ang nauwi ko. Muntik pa akong mahuli dahil sa pagiging tulala ko’t lutang sa trabaho.
Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama pag-uwi. Tulog na ang lahat sa bahay. Bumaling ako kay Shawy at agad na hinaplos ang kanyang mukha. Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi.
Sapat na iyon para magkaroon ako ng kaunting lakas para lumaban ulit kinabukasan, pero hindi ko inasahang ang araw na iyon ay siyang araw din ng panibagong dagok sa akin.
Don't forget to vote, share and comment your reactions about this chapter! :)
This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad from DELETING it.
Just message me for full VIP details.
Thank you!
🍀
CHAPTER 8
Chapter Eight
Offer
“Saan niyo ako dadalhin! Pakawalan niyo ako!” Ilang beses kong isinigaw ang mga salitang iyon pero nanatiling bingi ang kung sinong nagsakay sa akin sa itim na SUV habang nag-aabang ng jeep pauwi!
Dama ko ang panginginig ng buo kong pagkatao. Natatakot ako. Pakiramdam ko ay isang minuto pang hindi nila ako sagutin ay mahihimatay na ako sa takot!
Ang naaalala ko lang ay dalawang malalaking lalaki ang pilit na nagsakay sa akin sa sasakyan at kahit na mayroong mga nakakita ay walang ni isang tumulong. Nakapiring ang mga mata ko ngayon.
“Anong kailangan niyo? Wala akong pera! Wala kayong mapapala sa akin kaya pakawalan niyo na ako!”
Wala akong narinig na sagot. Kumawala na ang mga luha ko. Isa lang ang tanging naiisip ko ngayon, katapusan ko na.
Oo nga’t wala naman akong pinagkakautangan o atraso sa ibang tao maliban na lang sa mga customer na ninakawan ko pero ang ganitong kapalit ay parang hindi naman yata tama!
Nagpatuloy ang aking mga pakiusap pero talagang walang mga naririnig ang kung sino mang dumukot sa akin.
Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman ko na ang paghinto ng sasakyan. Inilabas ako ng mga ito at kahit na hirap dahil sa pagpupumiglas ko ay hindi ko sila nagawang pigilan dahil sa lakas nila.
Naramdaman kong sumakay kami sa elevator. Ang mga hikbi ko ang naging musika ng lahat hanggang sa tumunog ito at huminto.
Dahil ibinuhos ko na ang buo kong lakas sa pagpiglas ay binuhat na ako ng isa sa kanila.
Sa paglapag nito sa akin ay kasabay ng pagtanggal ng piring sa aking mga mata. Inaasahan kong nasa isang abandonadong warehouse ako o ’di kaya naman ay rooftop gaya ng mga napapanuod ko sa pelikula pero nasa isang opisina kami. Magagarang gamit ang bumungad sa akin. Maayos ang lahat ng naroon at tahimik.
Naputol ang pagsipat ko sa silid ng marinig ang pagsasalita ng isang lalaking nasa swivel chair na nakatalikod sa amin.
“Huwag kang maingay kung ayaw mong mamatay ng wala sa oras.” Bulong ng lalaking humigpit ang kapit sa braso ko kaya mas lalo akong naluha.
Hindi ako nag-ingay. Putang ina, ayaw ko pang mamatay! Hindi ako pwedeng mamatay lalo na ngayon!
Napatuwid ako ng tayo kahit na nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa pagpihit ng lalaking nakaupo sa swivel chair at pagharap sa amin.
Hindi ko siya kilala kaya alam kong wala akong atraso sa kanya!
“Sino ka?! Bakit mo ako ipinakuha sa mga ’to?! Papatayin mo ba ako?!”
Nangunot ang kanyang noo pagkatapos ay pinagmasdan ang aking kabuuan. Sa pagkumpas ng kamay niya sa ere ay agad akong binitiwan ng mga lalaki. Nahaplos ko ang binitiwang braso ng isa pagkatapos ay muling pinalis ang mga luha sa mata.
Hindi nagsalita ang lalaki. Nanatili lang ang titig niya sa akin. Tingin ko ay nasa edad kwarenta na ito. May hitsura, mukhang prominente at hindi mamamatay tao kaya hindi ko maintindihan.
“Sino ka sabi!” sigaw ko dahilan ng pag ngisi niya’t pag-iling.
“Hindi mo ako kilala?” sarkastikong tanong niya, hindi makapaniwala.
“Anong kailangan mo sa akin, huh?! Pakawalan mo na ako dahil wala ka naman mapapala sa akin!”
“I know that,” aniya sa malamig na tono. Muling pinasadahan ang aking kabuuan.
Napaatras ako sa kanyang pagtayo. Matangkad siya at malaki ang katawan. Kahit nasa malayo rin ay amoy ko ang bango ng kanyang katawan. Parang pabango ang ipinapaligo araw-araw.
“It’s funny how you can’t remember me when I was your favorite target in that club.”
Nagpapasalamat akong marunong akong umintindi ng English kahit paano pero mas lalo yata akong dapat matakot sa napagtanto.
Natawa siya ng hindi ako kaagad makasagot.
“Dalawang rolex ko na ang ninakaw mo at ang wallet na naglalaman ng mga credit cards ko. Hindi mo pa rin maalala?”
Marahas akong napalunok kahit na natuyuan na yata ng laway ang aking lalamunan. Alam kong namumutla na naman ako sa takot. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Shit!
“B-Babayaran ko lahat pakawalan mo lang ako!”
Napahalakhak na siya. Umatras akong muli ng umibis siya patungo sa harapan ng kanyang lamesa.
“Wala kang pera hindi ba? Paano mo ako babayaran kung mas mahal pa ang lahat ng ninakaw mo sa buhay mo?”
Wala akong naisagot. Pinanuod ko siyang dumampot ng isang figurine at paglaruan iyon.
“Ano? Wala kang maisagot?” aniyang nauubusan nang pasensiya.
Wala na talaga akong kawala. Hindi pa nga humuhupa ang mga problema ko sa buhay, mayroon na namang mas malala ngayon! Hindi ko na alam kung paano ko ito lalabasan. Parang dito na talaga ako mamamatay!
“S-Sorry–”
“That’s not what I want, Elorae Dunmore Duscha.”
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa katawan ng marinig kong sambitin niya ang aking buong pangalan! Kilala niya ako?! Pero paano?!
“P-Paano? B-Bakit mo alam ang pangalan ko?”
“Aren’t you too young to work in that club? You’re not even eighteen, am I right?”
“S-Sino ka? Bakit mo ako kilala?”
“That’s not important.”
Pumasok sa utak ko ang lahat ng ibinigay kong impormasyon sa bidding na sinalihan ko. Doon siguro niya nalaman ang lahat ng tungkol sa akin.
Oo nga’t hindi pa rin ako handa sa isang iyon pero anong gagawin ko? Kung iyon ang gusto niya ngayon kapalit sa buhay ko ay wala na akong magagawa. Basta hindi ako pwedeng mamatay ngayon!
“Kukunin mo ang virginity ko? Iyon ba ang gusto mong kapalit kaya mo ako kinidnap?”
Naningkit ang kanyang mga mata. Binitiwan niya ang pigurin at naghalukipkip.
Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang mas tumindi ang intensidad ng paraan ng pagtitig niya sa aking mga mata.
“It’s good to know personally that you’re still pure, but that’s not the reason why you’re here.”
“Ano? A-Anong ibig mong sabihin?”
Umalis siya sa pagkakaupo at bumalik sa likod ng kanyang lamesa. Sinulyapan niya ang upuang nasa harapan ko.
“Sit.”
Sabay kaming naupo.
“I’m offering you a job.”
“May trabaho na ako.”
Kinuha niya ang ilang papel sa kanyang harapan. Nagulantang ako ng makita roon ang lahat ng detalye tungkol sa akin maging sa bidding ng virginity ko. Alam niya ang lahat. Naroon rin ang ilang detalye tungkol sa pamilya ko!
Nababaliwan kong ibinalik sa kanya ang aking mga mata.
“I know you’re doing everything you can for your family and your friend, but what if I tell you that you can have a better life just by accepting my offer? Paano kung hindi mo na kailangan pang magtrabaho, magnakaw at ibigay ang virginity mo para lang buhayin at suportahan ang pamilya mo? Paano kung kaya kitang tulungang magkaroon ng bago at mas maayos na buhay kapalit lang ng paglimot mo sa kung sino ka ngayon?”
Mabagal ang naging pag-proseso ng utak ko sa haba at laman ng mga sinabi niya.
Kinakabahan pa rin ako pero ngayon ay medyo kalmado na dahil mukha naman talaga siyang hindi mamamatay tao… Iyon lang ang tingin ko.
“Look, I’m not here to harm you. I know it’s a lot to take in, but I’m actually here to help you.”
“H-Hindi mo ako sisingilin?”
Marahan siyang umiling.
“No, but I want you to think about my offer because this is only a one time opportunity,” kinuha niya ang isang maliit at itim na papel pagkatapos ibinigay sa akin.
Doon na tuluyang napawi ang kaba at takot sa puso ko.
“Consider yourself lucky for being chosen. I apologize if my men scared you. Let them make up to you by sending you home safely.”
Lutang na rin akong tumayo sa kanyang pagtayo. Nang ilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan ay inabot ko iyon kaagad.
Wala pa mang maraming detalye sa lahat ng offer niya pero doon pa lang sa hindi ko na kailangang ibigay ang virginity ko sa kung sino ay parang gusto ko nang pumayag kaagad at kalimutan na lang talaga ang lahat dahil iyon lang rin naman talaga ang pangarap ko.
Ang magsimula ng panibagong buhay, pero nang sumagi naman sa utak ko si Shawy at Glenda ay ayaw nang lumabas ng mga salita sa aking bibig.
Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Maging sa trabaho at pakikipag-usap kay Nixon tungkol sa bidding ay lutang ako. Hindi mawala-wala sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi kaya naapektuhan ang pagnanakaw ko.
Nag-over time pa ako para makakuha kahit kakarampot pero hindi ko pa rin iyon nagawa lalo pa ng makita ulit ang lalaking nagpadukot sa akin.
Kasama niya ang mga kaibigan at mukha talagang regular siya sa club na ito. Sa natitirang durasyon ko sa pagtatrabaho ay wala akong ginawa kundi ang iwasan siya, pero may mga pagkakataon pa ring nagkakatitigan kami.
“May ilang araw pa ako!”
Awtomatikong huminto ang mga paa ko sa paglalakad ng marinig ang pagpalahaw ni Tatay Tino.
Malayo pa ako pero kitang-kita ko simula sa aking kinatatayuan kung paano siya bugbugin ng mga parehong lalaking pumunta sa bahay noong nakaraan para singilin siya.
Natutop ko ang aking bibig nang malaglag ito sa lupa habang patuloy na pinagsisisipa.
Akmang tatakbo na ako para awatin sila pero nagtama ang mga mata namin ni Tatay Tino. Takot na takot siyang umiling, pinipigilan ako sa gagawin at sa unang pagkakataon ay nagawa ko siyang sundin.
Nakatakip ang bibig akong umatras, pinipigilan ang pagkawala ng mga hagulgol dahil sa awa sa matanda.
“Sinabi nang hindi na pera ang gusto namin! Ang anak mong si Elorae ang gusto naming kabayaran Santino! Nasaan ang anak mo!”
Doon na ako napatago sa mga malalaking drum malapit sa igiban ng tubig! Nanghihina akong napaupo dahil sa gulat sa mga narinig sa kanila. Sa lakas ng sigaw nito at kahit malayo ako ay naging malinaw sa pandinig ko ang lahat.
“Sabihin mo kung nasaan ang dalaga mo para maabsuwelto ka na sa amin! Putang ina hindi na ako makapaghintay na babuyin ’yang puta mong dalaga kapalit ng panggagago mo sa grupo!” malakas nitong sigaw kasabay ulit ng iyak ng pobre kong ama.
Kahit na nanghihina ay nagawa kong umalis bago pa nila ako makita.
Don't forget to vote, share and comment your reactions about this chapter! :)
This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad from DELETING it.
Just message me for full VIP details.
Thank you!
🍀
CHAPTER 9
Chapter Nine
Valados Alcatraz Organization
Nanginginig ang mga kamay ko habang patuloy na tumatakbo palayo sa lugar namin. Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos no’n. Walang humpay akong nanalangin na sana ay walang nangyaring masama sa pamilya ko.
Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak ng umiyak. Para akong naliligaw. Hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. Hindi ako pwedeng bumalik doon dahil baka naroon pa ang mga lalaki o ’di kaya naman ay maabutan ako kung sakaling umuwi ako.
Gustohin ko mang bumalik sa club pero parang hindi maatim ng puso kong magpatuloy doon habang ang pamilya ko ay nasa peligro. Ipinag-aalala ko rin na baka alam na ng mga lalaking iyon kung saan ako nagtatrabaho kaya hindi iyon magandang idea.
Sinubukan kong tawagan si Nixon at manghingi ng tulong pero abala raw ito at hindi pwedeng kausapin. Kung makakausap ko man, wala rin akong alam na pwedeng sabihin sa kanya. Ang bidding ay patuloy pa rin at hindi naman pwedeng bumale ako. Isa pa, sa nangyari kanina, mukhang ako na nga ang pakay ng mga ito at hindi na pera kapalit ng atraso ni Tatay Tino sa kanilang grupo.
Lugmok akong pumasok sa loob ng 7/11 at doon tumulala habang patuloy ang pagpunas sa mga luha.
Pagod na pagod na ako. Ilang oras rin akong nag overtime kanina at masakit ang buong katawan ko. Gusto ko na lang matulog pero ngayon ay hindi ko na alam kung paano pa iyon gagawin.
Tinawagan ko si Glenda at ipinakiusap na puntahan ang bahay at silipin kung maayos si Shawy at si Tatay. Naghintay ako ng tawag niya at nakahinga lang ng maluwag nang sabihin niyang okay naman raw ang mga ito pero magulo pa rin at inabisuhan niya akong huwag nang umuwi.
Gulong-gulo ang utak ko. Nawalan na ng pag-asa at hindi ko na alam kung paano pa makakalabas sa sitwasyon. Ang pagbebenta ko ng aking sarili ay parang wala nang kwenta dahil hindi na pera ang habol nila.
Nakaligtas ngayon ang pamilya ko pero alam kong nasa bingit pa rin sila ng peligro lalo na si Tatay Tino. Muli akong naiyak. Kinuha ko ang panyo sa likod na bulsa ng aking pantalon at doon natigil ng makapa ang isang papel.
Mabilis kong tinanggal ulit ang mga luha at ikinurap-kurap ang mga mata para matitigan iyon.
‘Valados Alcatraz Organization.’ basa ko sa itim na card na mayroong numerong nakasulat, ang ibinigay sa akin no’ng lalaki.
Ilang segundo lang ay nakita ko na ang sarili kong tinatawagan iyon. Isang ring lang ay sumagot kaagad ito sa kabilang linya.
Napatuwid ako ng upo ng marinig ang kanyang baritonong boses na mukhang katutulog lang. Madaling araw na at tahimik na ang mundo pero heto ako at kailangang mang-istorbo.
“Kailangan ko ng tulong mo ngayon…. Please tulungan mo ako…” nakagat ko ang aking labi nang manginig ang aking boses.
“Give me your location and wait for my men to fetch you.”
Iyon lang ang naging pag-uusap namin. Ilang minuto lang pagbaba ko ng telepono ay nakita ko na ang paghinto ng pamilyar na itim na sasakyan sa harapan ng convenience store. Sa paglabas ng isang lalaking nakauniporme ay agad na akong tumalima. Binati nila ako at ginantihan ko rin sila.
“N-Nasaan ang boss niyo?” nalilito kong tanong nang makasakay na sa sasakyan. Bukod sa tatlong unipormadong lalaki at driver ay wala nang naroon.
Walang sumagot. Tila ba bawal silang kausapin kaya nanahimik na lang ako. Ilang minuto kaming nasa daan. Ilang beses na akong napahikab bago pa kami makarating sa isang gated subdivision. Malalaki ang bahay roon pero ang bahay na hinintuan ng aming sinasakyan ay mala-mansion.
Sa pagbaba ko ay sinalubong kaagad ako ng limang kasambahay. Binati nila ako at inalalayan papasok sa loob ng tahanan kahit na madaling araw na.
“Gusto niyo po bang kumain?”
Umiling ako.
“Nasaan po ang boss ninyo?”
Gaya ng mga bodyguard ay nagkibit lang ang mga ito ng balikat.
“Ang bilin lang po sa amin ay asikasuhin kayo. Pwede po bang malaman kung ano ang kailangan ninyo para maibigay namin?”
Pinilit kong ngumiti bago nagpasalamat sa kanila.
“Salamat po. Gusto ko na lang po munang magpahinga.”
“Of course, madam, this way po.”
Sumunod ako sa kanila hanggang sa mapunta kami sa isang silid na triple sa laki ng bahay namin. Sandali nila akong ipinamilyar doon bago tuluyang iwan. Ang lahat ng mga kailangan ko ay naroon na.
Mayroong mga bagong damit na pwede kong gamitin at mayroon ring maliit ng refrigerator na puno ng snacks. Anila ay pwede rin akong kumuha kung nagugutom ako, pero imbes na punan ang tiyan ay pagod kong inihiga ang sarili sa kama. Ni hindi ko na magawang magpalit ng damit dahil pagal na pagal ang katawan ko.
Maliwanag na ng magising ako. Doon lang ako nakapag-ayos ng sarili. Muli kong tinawagan ang lalaki at nagpapasalamat naman akong sumagot siya ulit kaagad.
“Join me for lunch. I’ll wait for you at the garden.”
Sapat na iyon para magmadali ako. Wala pang kasiguruhan kung tatanggapin ko nga ang alok niya pero sa nangyayari ngayon sa akin ay wala na akong makitang liwanag kung hindi iyon. Hindi magiging madali pero alam kong wala nang iba pang paraan kung hindi ang offer niya. Walang-wala na naman ako.
“Nakapagpahinga ka ba ng maayos?”
Tanong nito habang inaalalayan ako ng kanyang kasambahay sa lamesa. Nilunok ko ang lahat ng hiya at takot pagkatapos ay tumango.
“Salamat sa pagtanggap mo sa akin…” nangunot ang noo niya sa pagputol ko ng sasabihin.
Naalala kong ilang beses nang nagtagpo ang mga landas namin pero hindi ko pa rin alam ang kanyang pangalan.
“H-hindi ko alam ang pangalan mo.”
“It doesn’t really matter, but just call me Sax.”
“Sax, salamat sa tulong mo.”
Ngumiti siya at tumango pagkatapos ay sinulyapan ang mga pagkaing nasa lamesa.
“Help yourself. Let’s eat first before we talk about what happened.”
Sinunod ko siya. Dahil gutom na rin talaga ako at first time kong makatikim ng masasarap na pagkaing ganito ay hindi ko siya nagawang kausapin. Kahit rin nanatili ang mga mata niya upang panuorin akong lamunin lahat ay hindi ko siya nagawang tapunan ng atensiyon.
Pinuno ko ang aking tiyan dahil hindi ko alam ang sunod na mangyayari sa akin. Wala na akong sapat na ipon at hindi na rin ako pwedeng bumalik sa club dahil baka doon ako abutan ng mga gagong ’yon kaya aabusuhin ko na ang kabaitan ni Sax.
Halos maubos ko ang lahat bago ako nalapatan ng hiya. Hindi naman niya ako pinigilan. Imbes nga na paalisin ako dahil sa pagiging patay gutom ay nagpakuha pa siya ng maraming pagkain.
Nang bumagal ako sa pagkain ay saka lang siya ulit nang-usisa.
Sinabi ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari. Simula sa aksidente ni Shawy, sa pagnanakaw namin hanggang sa pagsali ko sa bidding at pagtakas kagabi. Kahit na mukhang may idea na siya sa buhay ko ay tila hindi pa rin siya makapaniwala lalo na sa mga huling parte at dahilan kung bakit nasa harapan niya ako ngayon.
“How about my offer. Have you thought about it?”
Natigil ako sa pagsimsim sa kape. Ibinaba ko iyon at agad na umiling.
“Sorry… Hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat kong isagot sa ’yo. Kaya lang kita tinawagan dahil wala na akong matakbuhan. Alam kong kalabisan iyon pero sana ay maintindihan mo. Nagpapasalamat ako sa ’yo pero hindi ko pa rin talaga alam ang isasagot ko.”
“What are your plans then? Uuwi ka na ba pagkatapos mong kumain?”
Doon lang ako nakaramdam ng matinding hiya. Kahit na gusto ko pang ubusin ang mga pagkain sa plato ko ay hindi ko na nagawa.
“H-Hindi ko alam… Wala akong mapupuntahang iba. Nasa panganib ang buong pamilya ko.”
“Anong plano mo kung gano’n? Being uncertain will never help you with your situation, Elorae. Kung gusto mong may magbago ay kailangan mo nang magdesisyon hindi lang para sa sarili mo kung hindi lalo para sa pamilya mo.”
Marahas akong napalunok at napatitig sa kanyang mga matang seryoso na ngayong nakatuon sa akin.
“K-Kapag pumayag ako… Paano ang pamilya ko?”
“Your family wasn’t part of the deal, but if you say yes to me now then I’ll help them, too.”
“P-Paano? Hindi sila titigilan ng mga lalaking iyon at papatayin nila ang Tatay ko. Kailangan nilang umalis sa lugar na iyon dahil iyon lang ang tanging paraan para mailigtas sila.”
“Just say yes and I’ll do everything I can to make them safe.”
Muli akong napalunok. Tingin ko ay mabuting tao ito at kung nakatira ito sa mansion ay tiyak na hindi imposibleng matutulungan niya nga ang pamilya ko.
Marami akong agam-agam pero wala na rin namang halaga ang buhay ko ngayon kaya ano pang iaarte ko?
“Kapag pumayag ako, pwede pa ba akong mag-request ng isa pa para sa ikabubuti ng kaibigan at kapatid ko?”
Gumalaw ang kanyang mga labi, hindi mapaniwalaan ang mga demands ko pero nanatiling tahimik at hinihintay ang lahat ng aking mga huling hiling.
“Kapalit ng kung anong gusto mong gawin sa buhay ko, gusto ko sanang ipangako mo sa aking tutulungan mo rin ang kapatid kong makapagtapos ng pag-aaral at ang kaibigan ko na makapagsimula ulit sa buhay. Papayag na ako sa lahat basta ipangako mo…”
Tumagal ang titig niyang naninimbang sa akin. Nang hindi ko bitiwan ang kanyang mga mata ay agad siyang tumango. Inangat niya ang kanyang kamay at inilahad sa aking harapan.
“Deal.”
May pag-aalinlangan ko pa ring inabot iyon pero dahil alam kong iyon na lang ang tanging sagot sa lahat ng mga problema ko ay buong puso ko na ring tinanggap ang lahat.
Pagkatapos ng pagdadaupang palad namin ay pinatapos niya ako sa pagkain. Pinanuod ko naman siyang kunin ang kanyang telepono.
“You can fetch her now, Viera.” Maya-maya ay sabi niya sa kabilang linya.
Don't forget to vote, share and comment your reactions about this chapter! :)
~~
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 10
Chapter Ten
La Spieza: Zavŭrshil
Isang maganda at mala-modelong babae ang sumundo sa akin sa mansion ni Sax at dinala ako sa lugar na kung tawagin ay La Spieza.
Lutang akong naging sunod-sunuran sa kanya at sa mga tauhan nitong umasikaso sa akin.
Oo nga't wala nang bawian at wala na rin naman akong balak na balikan ang lahat pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay lalo na sa kapatid kong si Shawarma.
Hindi natigil ang mga pasimpleng takas ng luha sa aking mga mata habang dinadala ako ng mga ito sa isang silid. Inasikaso ako ng mga ito simula sa pagligo hanggang sa pagbibihis at naiwan lang nang matapos sila.
Tulala ako sa kisame. Hindi ko na alam kung ilang oras akong nasa gano'ng posisyon bago ako katukin ni Viera, ang head ng recruitment ng organisasyong ngayon ay kinabibilangan ko.
"Just checking in," aniya pagkatapos ay naupo sa aking tabi. Pinilit kong ngumiti.
Sa totoo lang, iba ang inaasahan ko at hindi ganito. Malayo sa hinagap ko ang kung anong mayroon ako ngayon dahil mukhang maayos naman talaga ang intensiyon ng mga tao rito sa akin.
Ang vibe rin ni Viera ay accommodating. Para bang kahit hindi ko sabihin ay alam na niya kung ano ang nararamdaman ko't mga pinagdaanan pa.
Napalunok ako ng ayusin niya ang aking buhok.
"Alam kong marami ka pang katanungan. Alam kong natatakot ka, pero wala kang dapat ipag-alala Elorae. Sa lugar na ito ay walang mananakit sa 'yo. Wala nang kailanman makakapanakit pa sa 'yo, ipinapangako ko."
"Hindi naman ako natatakot doon. Hindi ko lang maiwasang isipin ang mga naiwan ko. Ang kapatid ko. Nalulungkot ako."
Hinuli niya ang kamay ko at bahagyang pinisil.
"Marami kang mas kailangang pagtuonan ng pansin at simula ngayon ay kailangan mong isipin na lahat ng ginawa at gagawin mo ay para sa naiwan mong pamilya. Hindi bumabali sa pangako si Sax at sisiguraduhin kong magiging maayos ang buhay nila kaya hindi mo na sila dapat pang isipin. They will be under Sax's protection now so you don't have to worry."
Kahit na nalulungkot pa rin ay nagawa kong sundin ang lahat ng payo niya.
Tatlong araw lang akong nag-adjust sa tahimik na buhay bago iyon muling nagkakulay kahit paunti-unti.
Sinabi ni Viera na sa pamamalagi namin rito ay maraming mga bagay ang ituturo sa amin. Magkakaroon rin kami ng sapat na edukasyon kaya naman kahit paano ay sumibol ang pag-asa sa puso ko.
Noon pa man ay gusto ko na talagang mag-aral. Hindi lang para sa mga totoo kong magulang na ipinagkait sa akin kundi pati na rin para sa sarili ko unang-una. Sabi nga nila, edukasyon ang isa sa mga susi sa magandang bukas kaya gusto kong pag-igihan.
Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko ay parang nakatuon ako ngayon sa aking sarili. Walang humpay ang malawak kong pag ngiti matapos makakilala ng mga bagong kaibigan.
Ni minsan naman kasi bukod kay Glenda ay wala akong itinuring talagang kaibigan. Hindi ko naranasan ang buhay ng isang simpleng normal na estudyanteng walang iniintindi kundi ang makapagtapos ng pag-aaral.
Kinalabit ko ang babaeng katabi ko sa kama. Mukhang hindi siya sanay na matulog mag-isa at alam kong siya ang pinakabagong dating ngayong araw kaya hindi na siya nakapag-reklamo nang tabihan ko. Gusto niya rin iyon, ramdam ko ang lungkot niya.
"Gising ka pa?" pabulong kong tanong habang nakaharap sa kanya.
Dumilat siya at pumihit naman paharap sa akin. Tumango siya.
"Malungkot ka, Anastasia?"
Muli siyang tumango. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Viera noong unang araw ko rito. Alam kong hindi no'n mapapawi ang kung anong lungkot niya pero baka makatulong kaya hindi na ako nag-atubiling sabihin.
"Mahirap talagang magsimula at ayaw ko namang manghimasok sa buhay mo pero alam kong mabigat rin ang mga napagdaanan mo. Alam ko ang nararamdaman mo pero gusto ko ring malaman mo na simula ngayon ay magbabago na ang buhay natin. Tutulungan tayo ng VAO na mas maging matatag sa hinaharap at magkaroon ng mas maayos na buhay kaya huwag ka nang malungkot. Magiging maayos rin ang lahat."
"Hindi ka ba nahihirapan, Elorae? Hindi ka ba natatakot?"
"Natatakot rin, pero wala na akong babalikan at iyon ang mas nakakatakot."
"Pareho lang pala tayo."
Parehas kaming nangiti. Kahit paano ay gumaan ang sunod na mga pag-uusap namin hanggang sa dalawin na lang ito ng antok. Ako naman, kahit na gusto ko na ring magpahinga ay masyadong maraming pumapasok sa utak ko lalo na tungkol sa mga nangyari kanina sa welcome party.
Bukas ang totoong pagsisimula ng lahat. Gaya ng normal na kolehiyo, may apat na lebel ang aming pag-aaral sa loob ng mansion na ito.
Purva, Vtora, Treata and Chetvŭrta at ang goal naming lahat ay maging isang ganap na Zavŭrshil. Sila ang mga taong sasabak na sa totoong misyon sa labas ng La Spieza at kung papalarin, pwede na ring tuluyang piliin ang kalayaan palayo sa lugar na ito.
Doon ay nagkaroon ako ng pag-asa. Kahit na hindi ko na pwedeng muling makasama ang mga naiwan kong mahal sa buhay, kapag natapos ko ang misyon ko ay may pagkakataon naman akong makita sila kahit sa malayuan.
Hindi pa man sigurado kung makakaya ko ngang tapusin ang lahat ng pagsubok bilang bagong trainee ng organisasyon ay sigurado na akong pipiliin ko ang aking kalayaan kapag natapos ko na ang aking unang misyon. Sisiguraduhin kong matatapos ko iyon sa abot ng aking makakaya.
Sa unang araw pa lang ay pare-parehas na kaming napanghinaan ng loob. Unang araw pa lang ay sinubok na ang mga puso namin lalo na't kapag hindi namin naipasa ang physical test ay agad kaming ipatatapon sa Marcheti, ang lugar kung saan dinadala ang mga taong hindi nakakapasa sa mga hamon ng pagiging isang ganap na Zavŭrshil.
"Congratulations Purva's!"
"Thank you Mr. Facou!" sagot namin sa lalaki matapos malaman ang kapalaran namin sa pagsisimula ng lahat.
"I'll give you a minute to let that sink in first before we proceed to our last agenda."
Muling umingay ang silid. Sampung minuto ang lumipas bago siya muling nagsalita.
"Valados Alcatraz Organization was established in 1973. Mr. VA himself was fifteen years old back then. It was his father and their family friends who funded the organization. Gaya nating lahat, napagdaanan rin mismo ni Mr. VA ang lahat ng training simula Purva hanggang Chetvurta. In fact, isa rin siya rin sa mga taong unang naging Zavŭrshil at gumawa misyon malayo sa lugar na ito. Turn your kinjia on the third page and read everything out loud."
"Kazniti i ubiti zlo prije nego što ono ubije nas." Malakas naming basa sa mga nakasulat doon kahit na nagkabuhol-buhol ang aming mga dila.
"To punish and kill the evil before it kills us," Translate ni Mr. Facou. "You will be tortured for four years straight before VAO will let you out of this walls. Sa apat na taon ay iisa lang ang patutunguhan ng inyong mga misyon. Ang parusahan ang mga taong kailangang parusahan o patayin ang mga ito bago pa kayo maunahan."
"You will be trained how to survive, but most importantly, how to defeat the enemies. How to kill them."
"P-papatay po kami?" Napapalunok kong tanong na agad tinanguan ni Mr. Facou.
"Sioux Georghiev, Maestre of Chetvurta is the one who will train you how to do that," pinindot niya ang remote at muling umilaw ang screen sa harapan.
Marami siyang ipinaliwanag tungkol sa mga kriminal na dahilan kung bakit nabuo ang aking organisasyon. Narito kami para parusahan sila. Kahit na hindi ko alam kung kaya ko nga bang pumatay ay naging determinado akong makinig lalo pa't ang lahat ng mga mukhang ipinakita niya ay ganid sa kapangyarihan at mga halang ang kaluluwa.
Sa unang anim na buwan ng aming pagiging Purva ay magaan lang ang naging pagsasanay namin. Tinuruan kami kung paano ang proper etiquettes. Tinuran rin kami kung paano dalhin, bihisan at ayusan ang sarili. Lahat ay nag-enjoy doon at talagang marami kaming natutunan.
Gabi-gabi pagkatapos ng klase ay wala kaming ginawa kung hindi ang ayusan ang isa't-isa. Iyon ang naging bonding namin nila Anastasia, Zoara at Dominika, pero mas sinubok kami sa huling anim na buwan hanggang sa pangalawang taon namin sa Valados Alcatraz bilang mga Vtora.
"Hindi ko na kaya..." si Dominika habang patuloy sa paghagulgol.
Hanggang ngayon ay namamaga pa rin ang mga mata niya matapos naming pumasok sa gas chamber. Iyon rin ang pinakaayaw ko sa lahat, pero dahil kailangan naming masanay ay pare-parehas naming tinitiis.
"Hindi ka pwedeng sumuko, Dom! Marami na tayong pinagdaanan at hindi ka na pwedeng panghinaan ng loob!" si Anastasia na siyang palaging nagpapalakas ng loob namin.
Sa totoo lang ay talagang dumarating kaming lahat sa puntong gusto na lang namin mamatay dahil sa hirap ng training pero masyado na kaming maraming napagdaan kaya hawak kamay kaming apat upang bigyan ng lakas ang isa't-isa.
Mabait ang bago kong pamilya at ngayo'y mga itinuturing na kapatid. Sila ang isa sa mga pinagkukunan ko ng inspirasyon upang magpatuloy. Kami ang naging hingahan ng isa't-isa sa simula ng aming mga paghihirap kaya naman ipinangako naming sabay-sabay naming tatapusin ang lahat.
Nilunod kami sa lahat ng pisikal na training sa buong taong iyon. Wala kaming ginawa kung hindi ang patuloy na lagpasan ang lahat ng hamon sa amin.
Ang pinaka-hindi ko makakalimutan sa aming training ay iyong pinilit kaming palanguyin sa mapanganib na dagat patungo sa islang magiging tahanan namin sa loob ng isang buwan. Doon kami isinugo ng mga maestre na walang kahit anong pagkain. Ang tanging dala lang namin ay ang tig-iisang gamit na pinili para sa aming task.
Si Anastasia ay pinili ang kanyang balaraw. Ako naman ay lighter. Si Dominika ay flashlight at si Zoara ay bug spray. Sa aming apat ay siya ang pinakakikay at conscious sa sarili pero naging malaking tulong rin iyon sa amin kahit paano.
Malaki ang isla at hindi lahat ay sabay-sabay nakarating kaya nahiwalay rin sa amin ang iba lahat. May isang nalunod sa training at hindi na namin nakasama. Maswerte kaming apat dahil nalampasan namin ang malalaking alon at nakatawid ng maayos patungo sa isla.
Ang unang isang linggo ang naging pinaka-mahirap sa lahat.
"Wow lechon!" Hiyaw ni Dom sa hawak ni Ana na isda na nahuli sa dagat!
Lumawak ang ngisi ko at ginanahang ayusin ang aming maliit na lutuang gawa sa mga kahoy para ihawin na ang nahuling isda.
Maya-maya ay dumating na rin si Dom at Zoara dala naman ang mga buko na galing sa paborito nilang puno ilang milya ang layo sa pwesto namin.
Sa loob ng isang buwan na iyon ay mas marami akong natutunan lalo na sa buhay. Doon ako sumuko at pilit na inangat ulit ang sarili upang tumayo at lumaban... Lumaban lang hanggang sa tuluyan nang dumating ang araw na pinakahihintay naming lahat.
"Elorae Dunmore VA Zavŭrshil... finally..." I smiled when I finally got my new birth certificate.
This story is only completed on Patreon. Unlock and read the book for only $3-$5! Link on my bio to subscribe or send me a message for direct pledge via facebook VIP group.
CHAPTER 11
Chapter Eleven
Spell On Me
I rested my back on the swivel chair and lifted my legs on top of the table. My pulse is raising. I blow out a breath and try to calm myself down. It’s been a long time since I’ve felt this way. It’s understandable though, I convinced myself.
Tomorrow will be the first day of my mission. Muli kong ibinalik ang aking mga mata sa aking laptop. Ang lahat ng files para sa aking unang misyon ay naroon. I still haven’t moved on from leaving La Spieza, but it’s time for me to finally prove myself to VAO.
The journey of being who I am today wasn’t easy, but I knew I made the right choice of leaving everything behind for my family’s sake. If it wasn’t for Valados, we’d be all miserable right now. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin o kung buhay pa kaming lahat.
Sax, the man who made everything for my life to be better fulfilled his promises. Kahit na hindi ko hinihingi ay binibigyan ako ng maliliit ng impormasyon ni Viera tungkol sa mga ito. She knew I needed it.
My family are in a much better place living a much better life. Shawarma is also studying and I’m so proud of her. Doon pa lang ay alam kong tama ang tinahak kong landas at hindi ako dapat magsisi.
I squeeze the back of my neck to release its tension. Ibinaba ko ang mga paa at pagkatapos ay lumapit muli sa laptop upang pag-aralan ang pamilyang pagsisilbihan ko.
The Markovich’s. One of the most influential family that migrated in the Philippines during the 90’s. Gregour Emilliano Markovich, a billionaire actor, superstar, director and now a business man who became famous for being a villain on every action film that he did, but he left the spotlight when a scandal dragged his name to the ground.
Muli akong napahilot sa aking sintido ng mabasang muli ang mga detalye ng eskandalong iyon.
Nagsisimula pa lang siyang mag venture sa itinayong talent agency noon. It actually started so good. His talents were amazing, but everything crumbled down when his twenty five girl talents were abducted and later found out dead and was buried on an island.
The case was closed, but the justice that the victims deserved were not acquired. Mahabang panahon na umarangkada ang mga kaso laban sa kanya pero sa huli ay nanalo ito at hanggang ngayon ay malaya at nabubuhay ng maayos. It is now my mission to solve the crime after more than two decades of injustice.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang hindi nanagot ang mga dapat managot sa krimen. It was an awful massacre. There were a lot of conspiracies about the Markovich’s crime and it’s now my job to finally find the truth.
Naikuyom ko ang aking mga kamao. Marami na kaming napag-aralang tao at kaso habang naghahanda sa araw na ito, pero hindi ko akalaing mahihirapan ako kaagad. I’m used to figuring things out immediately after I see it, but Gregour was very smart at hiding all of his dirt.
Bukod rin sa mayaman ang babanggain ko’t maraming koneksiyon, malinis talaga ang lahat ng bakas na nag-uugnay rito sa krimen.
He was not guilty. Iyon ang malinaw pero hindi ako lubusang naniniwalang wala siyang kinalaman.
I prepared myself for the next day. Maaga pa lang ay ayos na ang mga gamit ko sa unang araw na mapapalapit ako sa lalaki. Everything was in perfect timing. I don’t need to think of ways how to be near them because luck already did that for me.
Mauimi Markovich, Gregour’s only daughter was coming back to the Philippine and in need of a personal maid. Sa bahay ng mga Markovich ay lalaki ang lahat ng mga nagsisilbi at ngayong uuwi ang nag-iisang anak na babae ay gusto nitong babae ang umasikaso sa kanya. That was where I hit my first jackpot.
“Are you ready?”
Napangiti ako sa tawag ni Mr. Sioux Georghiev, one of my maestre’s and favorite person in La Spieza.
“Yes I am, maestre.” buong tatag kong sagot sa kanya kahit pa hindi ko maiwasang kabahan kahit paano.
Hindi ko alam ang naghihintay sa akin sa mansion na puno ng misteryo pero handa na ako sa kung ano man.
Gregour’s agency and network is still operating across the country. The Markovich’s also has modelling agency now and was famous all over the world. Si Mauimi ang may hawak nito at kaya narito sa Pilipinas ay kailangan niyang mag-recruit ng mga Filipina talents na dadalhin sa ibang bansa. The search for that will run for a year. Iyon lang rin ang magiging time frame ko para tapusin ang aking misyon.
“Good to hear that. I wish you good luck Dunmore.”
Napangiti ako ng marinig ang pangalang gagamitin ko sa aking trabaho.
“Thank you maestre. I needed that.”
“You’ll do fine. I believe in you.”
“Okay, but please stop. Baka maiyak ako bigla.”
We both laughed at that. Pagkatapos ng tawag ay nag-ayos na ako. Alas dies ng umaga ako susunduin ng driver ng mga Markovich at isasama patungong airport para sunduin si Mauimi.
Alas nuebe y media pa lang ay naghihintay na ako sa waiting shed. Along the way kaya dito ko na lang ipinasyang maghintay. Sarado pa rin naman ang restaurant na usapan namin kaya pumirmi ako doon. I killed the time listening to my playlist.
Nahinto lang ako sa pagtawag ng isang unregistered number sa aking telepono. I answered it.
“Hello?”
“Where are you?” para akong mabilis na nagising sa baritono at malalim na boses na narinig sa kabilang linya.
For sure it wasn’t the driver. Kanina ay nagta-tagalog lang ang kausap ko at iba ang timbre ng boses pero itong kausap ko ngayon ay tatlong salita pa lang ay parang naninindig na ang balahibo ko. There was so much angst in his voice.
“It’s from the Markovich’s, are you the new maid?”
“Y-Yes! Opo. Nasa waiting shed ako malapit lang sa venue at intersection kaya…” he ended the call.
Nababaliwan akong napatitig sa screen ng aking cell phone. What the hell is wrong with that guy?! Kung hindi niya pa binanggit ang apelyido ng magiging boss ko ay iisipin kong naligaw lang ang kanyang tawag!
Ilang sandali pa ay tuluyan na akong napatayo ng huminto sa harapan ko ang isang itim na top down bugatti pero mas lalo akong namangha sa taong sakay do’n.
Agad na tumuon ang mga mata ko sa lalaking nakakapit ang isang kamay sa manibela habang ang isa ay nasa kambyo. He’s wearing a black button down shirt and black pants like he got out from an important meeting. May black sunglasses rin ang kanyang mga mata pero kahit na hindi ko makita ang kanyang buong mukha ay hindi natigil ang pagkamangha ko.
I felt like he put a spell on me. Nakikita ko ang pagsasalita niya pero tila wala akong marinig. I watched his mouth slowly opened and whispered words I couldn’t hear. Pakiramdam ko ay bumagal ang pagtakbo ng oras habang sinisipat ko ang kanyang kabuuan.
This can’t be… Sigurado akong hindi siya ang driver pero bakit siya ang sumundo sa akin?
“Hey?” he wave his hand to caught my sanity. Napakurap-kurap ako, doon lang binalikan ng katinuan.
I heard him cursed. Mukhang mas lalong nagalit sa mundo dahil sa pagtulala ko sa kanya.
“Get the fuck in the car right now!” he shouted.
Marahas akong napalunok at agad na hinila ang mga gamit ko. He did not help me load my things on his car. Nahirapan akong ilagay ang backpack ko sa likod dahil bigla akong nakaramdam ng hiya at pagkalutang sa lalaki pero mas lalo akong nilamon ng lahat ng mga emosyon nang akmang sasakay na ako sa kanyang tabi.
“Where the fuck do you think you’re going? You are not allowed to sit in front. Just sit in the back and do it fast! god damn…” he said shaking his head.
Naikuyom ko ang aking mga kamay at mabilis siyang sinunod. Hindi ko pa naisasara ng maayos ang pintuan ng kanyang sasakyan ay pinaharurot na niya kaagad iyon palayo! Marahas akong napabuntong-hininga!
What the hell is wrong with him?! Kung kanina ay gusto ko siyang purihin, ngayon ay gusto ko na lang siyang kamuhian!
Totoo ngang hindi nagbi-blend ang kagandahan ng isang tao sa panlabas sa panloob nito. This man was no doubt God’s favorite creation, but he surely ran out of time creating his soul. He was rude and mean!
Hindi ko siya kilala at hindi naman siya mukhang driver pero bakit ba siya ang sumundo sa akin?! Who the hell he think he is?!
Matalim ko siyang tinitigan sa rearview mirror habang matindi ang kapit sa upuan ng lumilipad niyang sasakyan. Nakahinga lang ako ng matino ng mahinto kami sa traffic light. He cursed again. Iritadong-iritado sa daan na parang may hinahabol na karera!
Agad akong nag-iwas ng tingin ng makita ang kunot noong pagsulyap nito’t paghuli sa mga mata ko sa salamin pero bigo siya. I closed my mouth and pretended innocent at the back of his car.
Hindi ko ibinalik ang mga mata doon dahil alam kong nananatili ang titig niya sa akin. I playfully bit my lower lip after licking it slowly. Sa pasimple kong pagsipat ay nawala na ang titig niya. He shifted back his focus on the road. Nang mag-kulay berde ang ilaw sa traffic light ay muli na kaming humarurot!
What an asshole!
Hindi naubos ang iritasyon ko sa lalaki pero kahit na gano’n ay hindi rin natapos ang pagsipat ko sa kanya.
Kahit na nakaupo ay halatang matangkad ito. Tingin ko ay gaya ng mga maestre na six foot tall pataas ang tangkad. His body was built well, too. Sa kada ikot ng manibela ay nagpapasikat ang mga muscles niya sa braso. Matangos ang kanyang ilong, mapula ang mga labi at mayroong prominenteng panga. Tingin ko nga ay buong durasyon ng biyahe ay nakaigting iyon hanggang sa makarating kami sa airport.
“Leviticus!” excited na hiyaw ng babaeng agad itong sinalubong ng yakap.
Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang pag-ngiti nang tinawag ni Mauimi na Leviticus. Oh how ironic. Nasa bible ang pangalan pero malademonyo ang ugali!
Ipinilig ko ang aking ulo matapos matapat sa babae. I am tall, but since I was wearing flats and Mauimi is wearing a five inches heels ay nanliit ako sa kanilang dalawa ng kapatid.
She greeted me with a smile. Ngumiti rin ako pabalik at nagpakilala pero nang muling bumalik ang mga mata ko kay Leviticus at makitang wala na siyang salamin habang ang mga matang matalim ay nakatitig sa akin ay muli na naman akong natulala.
Oh damn, he is indeed a god.
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. :)
~~
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 12
Chapter Twelve
Markovich's Mansion
"Daddy!" masayang bati ni Mauimi sa kanyang ama na narinig ko habang hila-hila ang ilan sa kanyang mga maleta.
Marami siyang dala pero dahil hindi kasya sa sasakyan ni Leviticus ay iniwan iyon at ipinasundo sa mga tauhan.
Ang lalaki naman ay hindi ako tinulungang dalhin iyon sa loob ng kanilang mansion. I know it's my job, but damn, he doesn't have any sympathy in him. Hirap kong hinila ng mag-isa ang lahat.
Pagpasok ko sa loob ay naglalakad na ang mag-aama papunta sa kung saan. Agad akong sinalubong ng tatlong lalaking mga prenteng nakauniporme ng kulay ginto.
They're the Markovich's servants. Sila ang tumulong sa akin kaya nagpasalamat ako. Doon ko rin naalala na bukod kay Mauimi ay ako lang ang babae sa lugar na ito.
The head of the family has a reputation of being a womanizer. Katunayan nga ay dalawang beses na itong ikinasal. Marami pa ring mga babae na involved sa buhay niya ngayon pero simula ng mamatay ang huling asawa, ang ina ni Mauimi ay hindi na ito nagpakasal sa iba.
"Ito ang magiging kwarto mo, Dunmore." Si Jose, ang head ng mga nagsisilbi sa mansion.
Akala ko kanina ay maliit na kwarto ang magiging tuluyan ko pero nasa second floor iyon at malapit sa masters bedroom. I was stunned and happy about that.
"Katabi nito ang kwarto ni Madam Mauimi at dito ka para ano mang oras niya kailanganin ang serbisyo mo ay madali ka niyang mahahanap." nakangiti nitong pagpapatuloy.
Nginitian ko siya pabalik. Inilapag naman ni Jorge ang aking mga gamit sa gilid. Kumpara kay Jose na tantiya ko ay mas matanda pa kay Gregour, ang mga kasama naman nito ay halos kaedaran ko lang siguro o mas matanda lang ng ilang taon gaya na lang nitong si Jorge at Juan.
Sandali nila akong hinayaang sipatin ang silid. It was as nice as our room in La Spieza, but a little bit smaller. Kompleto naman sa kagamitan kaya hindi ako mahihirapang mag-adjust sa nakasanayan ko sa aking pinanggalingan.
Nang matapos ay inutusan ni Jose si Jorge na ilibot ako sa kabuuan ng mansion kahit parang ito ang pinakanahihiya dahil sa presensiya ko.
Sa paglilibot nga namin ay napansin kong ilang beses siyang natulala sa akin. Hindi ko alam kung masyado lang ba akong maganda o dahil ngayon lang ulit sila nakakita ng babae at makakasama pa nila ng matagal sa lugar na ito.
"Ilang taon ka nang magsimula rito?" usisa ko habang nasa hardin kami.
Naroon ang limang hardinero na sa lawak ay mukhang buong araw na mag-aayos. Nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Twenty four ako ng magsimula sa trabaho rito. Ako ang pinakabata sa lahat hanggang ngayon at tatlong taon na akong nagsisilbi sa pamilya ni Senyor Gregour." nakangiti niyang sagot.
Nag-iwas ako ng tingin. Kahit na medyo matagal na rin siya ay alam kong kulang pa ang mga kaalaman niya sa pamilya at mukhang wala akong mapapala sa kanya.
"Talaga? Eh si Sir Jose? Alam mo ba kung gaano na siya katagal rito?"
"Dito na tumanda 'yon at alam kong oa pero sa pagsisilbi na rin 'yan dito mamamatay. Halos kapatid na rin ang turingan nila ni Sir Gregour at malaki ang tiwala sa kanya kaya siya ang namamahala rito. Mabait 'yon. Kung may kailangan ka ay huwag kang mag-atubiling magsabi."
"Salamat. Mukhang okay na okay kayo rito. Hindi ba weird na puro kayo lalaki?"
"Sa una oo dahil normal iyong mga babaeng kasambahay pero sa tagal ay nasanay na rin. Malaki rin ang sahod at alaga kaming lahat ni Sir Gregour lalo na sa mga benepisyo kaya baka dito na rin ako tumanda. Isang malaking pribilehiyo ang pagsisilbi sa pamilyang ito."
I almost rolled my eyes at that.
Pumasok kami sa kabilang entrance ng bahay. Namangha kaagad ako dahil ang kabilang dakong ito ay iba ang porma kaysa sa unang parte ng mansion na pinasukan namin.
"Dito naglalagi ang mga lalaking anak ni Senyor. Sa ngayon ay si Sir Levi lang naman ang narito dahil ang dalawa ay nasa ibang bansa pero kapag umuuwi ay dito sila at napupunta lang sa kabila kapag oras ng pagkain kasama ang kanilang ama."
It was better than the other side of the mansion. It has a bachelor's pad vibe. Kompleto sa gamit ang living room. May malaking fire place, naglalakihang couch and everything else screamed the Markovich's regality.
I shifted my sight at the pool table. Ang sabi ni Jorge ay mahilig si Marco at Damian, ang panganay at pangalawa ni Gregour na mag pool samantalang si Leviticus naman ay piano ang hilig kaya mayroong grand piano malapit sa pangalawang grand staircase na nakita ko.
Pinigilan kong mapairap ulit ng maalala na naman ang walang modong lalaki.
"Kumusta naman ang pakikitungo nila sa inyo? Hindi ba sila masasama? Hindi ba sila mahigpit, gano'n?"
"Mababait ang magkakapatid na iyon. Wala akong masabing masama. Palibhasa ay nagmana kay Senyor Gregour kaya wala kang dapat na intindihin."
Ipinilig ko kaagad ang ulo sa kanyang paningin at hinayaan na ang sariling umirap ng matindi.
Lumabas kami sa pangalawang pool sa bahay. Mas malaki pa ito sa main pool ng mansion. Iginala ako ni Jorge hanggang sa makaikot na kami pabalik.
Marami pa siyang sinabi tungkol sa kung gaano kaayos ang trabaho niya at kung paano sila ituring na hindi iba ng pamilya. Ayaw mang tanggapin ng kalooban ko pero totoong nakikita kong masaya ang mga ito sa pagsisilbi sa mga Markovich.
Ipinakilala ako ni Jorge sa mga nadatnan namin sa main kitchen. Labing-dalawa ang mga lalaking nagsisilbi rito. Dalawang personal at utusan ni Gregour, dalawang taga-luto at ang lahat ay all around na.
Sandali akong nakipagkilala at kwentuhan sa kanila. They offered me food at sakto naman na nagugutom na ako kaya hindi ko tinanggihan.
They're all nice and fun to be with. Ang ilan nga ay kinwento pa kung paano napunta rito.
Some of them were immigrants from Mexico, where the Markovich's originally came from. Anila ay isinalba sila ni Gregour sa hirap at isinama pa rito upang magkaroon ng mas maayos na buhay.
Malaki talaga ang ibinabayad nito sa mga lalaki lalo na iyong mga galing sa ibang bansa kaya naman sapat na ang buhay nila sa pagsisilbi sa pamilya dahil nabubuhay nila ang kani-kanilang mga pamilya sa bansang iniwan.
Sa sandaling nakasama ko sila ay nakita ko ang sarili kong nakikipagtawanan sa mga ito. It has been a while since I laughed like that. Maloko ang mga lalaki at nakagigiliw ang mga kwento kaya hindi naging mahirap na pasiyahin ako.
Mikael, one of the chef offered me a cake, too. Sinadya niya raw gawin iyon dahil alam nilang ngayon rin ang dating ko.
"Thank you. Baka tumaba ako rito, ah!" pagbibiro ko.
"Naku, maigi kung gano'n Dunmore!" si Jovan na kinuhaan pa ako ng maiinom. They watched me critique the food.
"Sobrang sarap! Thank you sa inyo."
Tila nabunutan si Mikael ng tinik sa dibdib. Muling umingay ang tawanan namin at palitan ng usapan pero agad iyong nahinto sa pagdating ng isang bulto kung nasaan kami.
Agad silang natahimik at parang gusto na lang magpalamon sa lupa dahil sa kung sinong nasa aking likuran kaya naman umalis ako sa highchair para lingunin kung sino iyon.
Leviticus...
Wala sa sariling napalunok na rin ako't parang gusto na lang rin maglaho kahit na wala naman kaming ginagawang masama dahil sa matalim niyang titig sa aming lahat. Sa paglipat no'n sa akin at paghinto ay agad akong napasinghap.
His thick brows furrowed while staring intently at me. Kahit na wala pa akong ginagawa ay nakatangis ang panga niyang tila may nalabag na akong batas sa mansion!
"S-Sir-"
"You are not allowed to have some chitchat with the servants. You are not here to do that," malamig niyang sabing nagpayuko sa akin. "Do you want me to remind you your job description?"
"N-No sir."
"Then get the fuck out of here!" halos lahat ay napapitlag sa kanyang pagsigaw!
Nanghihina ang mga mata kong pilit na bumalik sa kanya pero nanatili ang tigas nang sa huli. Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya kaagad.
Mabuti na lang at dumating si Sir Jose kaya ito ang kumuha sa akin sa lalaki.
"Pagpasensiyahan mo na ang batang iyon. Hindi naman talaga gano'n si Leviticus pero maraming inaasikaso ngayon kaya palaging mainit ang ulo." paalala niya habang papunta kami sa opisina kung saan naroon si Gregour at Mauimi.
Hindi na lang ako sumagot. I don't think that's enough reason to be rude. Kung galit ka sa mundo ay dapat sarilinin mo na lang at huwag ka nang mandamay ng iba pang tao. That's not fair.
Napalunok ako sa naisip. Parang gusto ko tuloy kabahan.
Paano kung gano'n ang lahat ng anak ni Gregour? Tatagal ba ako ng isang taon rito na hindi ako nakapapatay? For damn's sake I already felt like slitting that man's throat! Ang sarap lang gilitan bigla dahil sa sama ng ugali!
Tinapik ni Sir Jose ang aking balikat, napansin ang pananahimik ko. Nginitian niya ako.
"Pagpasensiyahan mo na," pag-uulit niyang tinanguan ko na lang bago kami tuluyang makalapit sa opisina.
Hinanda ko ang aking sarili sa pagpasok doon. Ito ang unang beses kong makakaharap si Gregour at hindi ko alam ang dapat kong maramdaman lalo na't masyado akong maraming alam sa kanya.
I loathed him for his crimes. Masyadong matindi ang poot ko sa mga taong gaya niya. Gayunpaman, nakapasok ako sa loob ng silid na iyon dala ang masayang ngiti para rito.
Parehas silang natigil sa pag-uusap ng makita ako. Gregour's eyes immediately examined me.
His gaze made me swallowed the lump on my throat, but it didn't go away. Mayroon sa mga mata niyang biglang gusto kong kabahan. It felt like he was delighted to see me... Na parang mas sa akin pa siya natuwa kaysa sa anak na nasa harapan.
Ipinilig ko ang aking ulo. He's indeed dangerous and womanizer. Oo nga't tiyak na marami itong kinakalantari kahit may edad na at hindi imposibleng magustuhan rin ako nito, pero parang marami pa akong dapat ikatakot kaysa doon.
There's something in his eyes that made me want to run away... gusto ko na lang matakot para sa sarili ko kahit pa sinanay akong huwag maramdaman iyon.
"Welcome to the Markovich's mansion, hija." maluwag niyang sabi sabay ngiti habang naglalakad ako palapit sa kanila.
Tumayo ito kasabay ni Mauimi at ayaw ko man, pinilit ko pa rin ang sariling abutin ang kanyang nakalahad na kamay.
"Dunmore Santillan po. Ikinagagalak ko po kayong makilala, Senyor Gregour." malawak ang ngiti kong bati rito habang humihigpit ang kanyang kapit sa kamay ko.
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. :)
~~
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 13
This story is now complete.
You can read the full version in our VIP group, as it will no longer be updated here to avoid the risk of Wattpad deleting it.
For full VIP access details, kindly message our Facebook page Ceng Crdva (with 223K followers).
Thank you! 🍀
CHAPTER 14
This story is now complete.
You can read the full version in our VIP group, as it will no longer be updated here to avoid the risk of Wattpad deleting it.
For full VIP access details, kindly message our Facebook page Ceng Crdva (with 244K followers).
Thank you! 🍀
![Cover of Desirable Maids 2: Elorae Dunmore Zavŭrshil [Valados Alcatraz Series 2]](/story-covers/desirable-maids-2-elorae-dunmore-zavurshil-valados-alcatraz-series-2_257013488.webp)
