loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Desirable Maids 3: Istredd Dominika Zavŭrshil [Valados Alcatraz Series 3]

Desirable Maids 3: Istredd Dominika Zavŭrshil [Valados Alcatraz Series 3]

CengCrdva · 17 chapters · 20,968 words

Valados Alcatraz Series: Desirable Maids 3

THIS BOOK IS FOR MATURE READERS ONLY. IT CONTAINS FLAWED CHARACTERS, PROBLEMATIC SCENES AND EVOLVE ON A VERY DARK THEME. READ AT YOUR OWN RISK.(R18)

NO SOFT COPIES.


All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.

This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author's imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.

-

Follow all my social media accounts if you wish to be updated!

Facebook Page:

 Ceng Crdva

Facebook Group: 

CengCrdva Official Group

Instagram: 

CengCordova

Twitter : 

CengCrdva

-------------------------------------------------------

👑

2022 © 

CengCrdva

All rights reserved

# Prologue

Prologue

Istredd Dominika Zavŭrshil

 
 

"Go on." malamig na utos ni Baudwin habang nakatitig sa amin ng isang babaeng wala ng saplot sa katawan.

He continued puffing his cigarette while sitting comfortably on a chair in front of us. There were people who was probably watching us from the glass walls. Alam na alam ko na ang lugar na ito pero hindi ko alam kung paano pa ako makakaalis.

I haven't really experienced anything sexual in my life except teasing Baudwin until he lose his patience. And it's scaring the shit out of me because I felt like he wanted me to have my first with a girl.

Napalunok ako nang balingan ang babaeng malawak na nakangiti sa akin. She looked very professional at pleasuring any breathing soul unlike me who hasn't done anything like it. Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang magsalita ulit ang lalaki.

"Take her off clothes and just fucking do it." mas maawtoridad at walang amor niyang utos, nauubos na ang pasensiya habang nagpapakalunod sa alak.

"First time mo?" bulong ng babae nang humarap sa akin.

Marahan akong tumango. Halos mapapitlag pa ako nang ilapat na niya ang kamay sa aking damit. She slowly unbutton my top.

"Okay lang 'yan. Masasanay ka rin. Just relax. Akong bahala sa 'yo."

Still, it made me swallowed hard even if I've already been preparing myself for this moment.

Nanatiling nakaigting ang panga ni Baudwin nang lingunin ko. I let the girl take off my clothes. Hindi ko itinigil ang pagtitig sa lalaki habang hinuhubaran ako ng babae.

I watched the lust in his eyes grew when the girl started kissing my ears after successfully removing my top, exposing my perky breast.

Napapikit na ako nang maramdaman ang labi niya sa aking bibig. I know how kissing works even if nobody has ever kissed me. Kaya ko namang sumabay kahit na walang karanasan dahil sa dami ng mga halikang napanuod ko sa mga movies. 

Moments later, the girl and I were already French kissing on the red recamier. Ramdam ko ang paglawak ng couch para maging kama at ang bahagyang pagtaas nito.

Nagpatuloy kami sa ginagawang show para sa lalaki habang ito ay walang ginawa kung hindi ang panuorin kami habang salitang inilalagay ang yosi at alak sa kanyang bibig. His eyes became darker when all my clothes finally left my body. Dama ko ang pag-iinit ng aking katawan nang mabagal niyang hagurin ang aking kabuuan. Tila ba gustong sauluhin ang bawat parte at kurba ng aking katawan.

I felt the tingles in my skin at that. Dama kong bumabaon ang mga mata niya sa aking balat. I know he was not attracted to me the moment he laid his eyes on me, too, but all I could see in his eyes now was attraction, admiration, and pure lust. Ni minsan ay hindi niya ako nagawang hawakan sa ganitong paraan kahit na maraming beses na naramdaman kong iyon lang ang tanging gusto niyang gawin.

I focused on responding to the girl's kiss. I've never been attracted to girls, but Baudwin's presence made me continue the activity. Ini-imagine ko na lang na siya ang naghubad sa akin. Siya ang humahalik, humahaplos, gumagalugad at nagpapainit sa aking katawan.

"Ahhh..." nanghihina kong sambit nang gumapang ang mapanuksong labi ng babae patungo sa tuktok ng aking dibdib, pababa sa aking tiyan hanggang sa marating nito ang namimintig kong kaselanan.

Halos napasigaw ako nang itulak niya ako pahinga sa kama pagkatapos ay agad na ibinuka ang aking mga hita sa harapan mismo ng lalaking ngayon ay nakaigting na ang panga.

I let my head rest on the bed. Sa pagkakataong iyon ay wala nang inisip kung hindi ang pasayahin siya sa pamamagitan ng gusto niyang mangyari.

I parted my legs wider for him to witness how pure and wet I am. Napakapit ako sa bed sheet nang maramdaman ang daliri ng babae sa aking kaselanan. She slowly touched my wet slit, parted my rosy lips before she slide her tongue up until she found my clit.

"Ohhhh!" Muli kong ungol nang simulan niyang laruin iyon gamit ang kanyang bibig.

Hindi ko na napigilan ang aking mga daing dahil sa kanyang ginawa. I imagined it to be Baudwin's tongue flicking on my folds. Mas lalo akong namasa habang iniisip na dila niya ang gumagalugad sa aking pagkababae.

I lost count on how many times my back arched from the bed because of the intense pleasure. Parang nasusunog na ang kama sa init ng katawan ko. I haven't experienced an orgasm, but I felt it building rapidly into my core.

Nalunod sa aking mga ungol ang katahimikan ng silid, naubos na ang hiya dahil sa nakababaliw na sensasyong dulot ng kanyang dila.

"B-Baudwin... Ohhhh..." nahihibang kong daing habang iniisip ang kanyang mukha at presensiya pero marahas akong napadilat nang marinig ang baritonong boses ng lalaki na ngayon ay nakatayo na pala sa harapan ko!

"Stop and leave us," he demanded to the girl, but before she could even move, napasigaw na ako nang marahas niyang hilahin patungo sa dulo ng kama ang aking magkabilang binti.

Baudwin parted my legs wider and then push them over my head before mercilessly ripping my virgin flesh with one–deep and mind blowing thrust!

"Ahhh!" I screamed while grasping my sanity amidst the excruciating pain, but he just responded by fucking me harder even after knowing that he just fucking ripped my hymen!

Fuck! What hell hole did I just get myself into?

# CHAPTER 1

Chapter One

Pag-asa

"Not all people will genuinely clap for your success. Many of them are just waiting patiently for you to fail."

Nangunot ang aking noo. Sa murang edad ay parang mas lalo akong naligaw sa mga sinabi niya. Ni hindi ako marunong magsulat at magbasa kahit pa sa tagalog kaya ang ingles na sinabi ng matandang nasa harapan ko ay walang naging dating sa aking tainga.

Naguguluhan ko siyang nilingon. Nahinto siya sa pagsuklay sa aking buhok. Kulubot na ang balat ni Lola Dolores, isa sa pinakamatandang preso sa kulungang pinagtapunan sa akin ng sarili kong ina. Sa ilang buwang pananatili ko ay siya ang pinakanagbigay sa akin ng importansiya. Kahit na walang wala rin ay nagawa niya akong bihisan kahit pa uminit ang mga mata sa kanya ng mga babaeng nasa iisang seldang kinaroroonan namin.

"Hindi ko maintindihan Nay Dolores."

Pinagdiin niya ang mga labi at nagpatuloy sa pag-aayos ng aking buhok. Sa murang edad ay nagawa kong makinig kahit na wala akong maintindihan madalas sa mga sinasabi niyang payo sa akin. Ako ang hingahan niya at ang pakikinig lang ang nagiging sukli ko sa lahat ng mga nagawa't naibigay niya sa akin.

"No matter how good you are. No matter how many great deeds you've done. No matter how many times you've sacrificed a lot for other people, isang pagkakamali mo lang ay makakalimutan na nilang lahat 'yon. With just one mistake, they'll treat you like a piece of shit. Isang pagkakamali mo lang ay balewala na ang lahat ng mga nagawa at naitulong mo para sa kanila at iyon ang realidad, Dominika."

"Masasama ang mga tao nay?"

Patuloy niyang hinaplos ang aking buhok saka ako pinihit paharap sa kanya.

"Maswerte ka kapag nakahanap ka ng taong magiging totoong mabuti sa 'yo pero kadalasan ay hindi gano'n kabait ang tadhana. Malupit ang mundo Dominika at kailangan ay palagi kang maging handa."

"Gaya ng paghahanda ni Ate Brenda sa pagtatalas ng nakuha niyang bakal para kapag may umatake sa kanya ay makakapalag siya?"

Nilingon ko ang babaeng tinukoy. Nasa gilid ito at patuloy na hinahasa ang hawak samantalang ang ibang mga babaeng preso ay natutulog sa kanya-kanyang pwesto.

Marami kaming pinagkakasya ang mga sarili sa selda dos at maswerte akong hindi ako pinabayaan ni Nanay Dolores na matulog sa sahig. Kahit maliit lang ang kamang inuukopa niya ay pilit siyang nagtitiis mabigyan lang ako ng sapat na espasyo rito.

Marahan siyang tumango. "Kung pupwede ay mas alerto at handa pa."

Napanguso ako. "Hindi ko nga kayo maintindihan nay, paano pa kaya 'yon?"

May lungkot sa mga mata niyang ibinalik ang titig sa aking buhok. "Basta palagi mong tandaan at higit sa lahat, huwag kang mawalan ng pag-asa sa buhay. Iyon ang pinakaimportanteng dapat mong matutunan, Dominika. Mawala na ang lahat huwag lang ang pag-asa diyan sa puso mo. Kapag mayroon ka no'n, lahat ay kaya mong lagpasan, naintindihan mo?"

Wala sa sariling tumango-tango naman ako dahilan para mapangiti siya. Naging masaya ang araw namin kasama ang lahat ng mga nasa selda. Kahit na ang ilan sa kanila ay hindi ako gustong naroon simula pa lang noong una, ni minsan ay walang nakagalaw sa akin.

Nagsimula kaming mag-rosaryo, mag-igib ng tubig, maglinis at gumawa ng ilang aktibidad para kumita kahit nasa loob ng kulungan. Iyon ang buhay namin sa likod ng rehas.

Marami akong natutunan kay Nanay Dolores sa ilang buwang pananatili ko rito kasama sila. Hindi naman talaga ako dapat narito pero walang malapit na juvenile center para sa akin at ayaw naman ng ina kong makalaya ako kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para mabulok ako sa kulungan kasama ang mga matatanda.

Sa hirap ng buhay at wala na ring mga kamag-anak na gusto pang kumupkop at magmalasakit sa tulad ko ay tanging ang presong ito ang naging destinasyon ko.

Ilang linggo rin akong natulog sa malamig na sahig. Nakaranas ng gutom at ilang pagmamalupit. Ilang araw na walang ginawa kung hindi ang umiyak lalo na sa tuwing hinahabol ako ng bangungot sa nagawa kong kasalanan hanggang sa inako ni Nanay Dolores ang pangangalaga at proteksiyon sa akin.

Bilang mayor ng selda, naging mabuti ang lahat sa akin dahil sa kanya. Sa mga sumunod na buwan ay kahit paano'y gumaan ang buhay ko. Naisip kong mas maganda pa nga ang pag-aalaga ng mga ito sa akin kumpara sa mga magulang at pamilyang nakagisnan ko.

Dito sa loob, kay Nanay Dolores, minsan na lang ako kung magutom hindi gaya sa bahay na may pagkakataong wala talaga akong makain at itinutulog na lang ang pagkulo ng tiyan.

"Hindi ba't ikaw lang ang anak ng nanay mo sabi mo? Bakit hindi ka nagawang pag-aralin?" tanong ni Ate Sugar isang araw.

"Walang pera palagi 'yon tsaka busy sa mga parokyano niya gabi-gabi. Nag-aral naman ako ate Sugar kaso hanggang grade one lang kaya hindi ako natutong magsulat at magbasa."

"Po, Dominika," sagot niya. Napakamot ako sa aking ulo. "Umpisahan natin sa pagsasabi ng po at opo, naintindihan mo? Aba't hindi porket ganito lang tayo ay hindi na tayo dapat matuto ng tamang asal. Kahit mahirap lang tayo at walang kalayaan ay dapat matuto ka pa rin lalo na sa mga simpleng bagay."

Kinuha niya ang maiksing lapis at kakarampot na papel. Iyon ang simula na tinuruan nila akong magsulat at magbasa. Dahil hinayaan na akong mabulok sa bilangguan ng ina ko, naging parang magulang ko na ang ilan rito gano'n na rin ang ilang mga bantay na sinusuportahan ang pag-aaral ko.

Araw-araw ay pilit naming kinakalimutan ang hirap na pinagdaraanan namin sa pamamagitan ng mga samo't-saring kwento. Si Nanay Dolores ang masipag akong turuang magbasa. Gamit ang bibliya, unti-unti ay natuto ako.

"Bukod sa pag-asa, gusto kong palagi mong ibaon diyan sa puso mo na mayroong isang taong higit na magmamahal sa 'yo sa kabila ng mga kamaliang magagawa at nagawa mo. There's always a God that loves you no matter how sinful you are and he will never give up on you, Dominika. Kapag nahanap mo ang relasyon sa kanya ay huwag mong bitiwan iyon. Patatagin mo ang pananalig at pananampalataya dahil iyan ang magbibigay sa 'yo ng kalakasang mapagtagumpayan ano man ang kahaharapin mo sa mga susunod na bukas sa iyong buhay. Ibulong mo sa kanya ang lahat ng sakit at hinanaing ng iyong puso. Kahit na alam niya ang mga kailangan mo, huwag kang magsawang tumawag at humingi. Mabait at mapagbigay ang Diyos at kailanman ay hinding-hindi ka niya bibiguin."

Iyon ang mahabang litanya ni Nanay Dolores bago siya namatay kinabukasan.

Nagulantang ang lahat ng hindi na ito magising taliwas na siya ang nauunang dumilat sa aming lahat araw-araw.

Sa kanyang pagkamatay ay nasubok kaagad ang pananampalataya ko sa Diyos. Muli akong nasadlak sa lungkot at pighati. Mas nawalan ako ng magulang sa pagkakataong iyon pero pilit kong pinanghawakan ang mga sinabi niya. Mabuti na lamang at ang mga may malasakit sa akin ay naroon pa rin at patuloy akong ipinagtatanggol sa mga walang pakialam.

"Hindi ka prinsesa rito kaya kumilos ka ng mabilis! Pagsilbihan mo akong hayop ka!" halos mabingi ako sa sigaw ng bagong mayor sa selda dos.

Una pa lang na salta ko ay mabigat na ang loob niya sa akin at nakadagdag iyon sa kalbaryo ko sa mga sumunod na buwan.

Kung noon ay sa kama ako natutulog, ngayon ay balik ako sa malamig na sahig. Kapag umuulan ay wala akong choice kung hindi ang matulog sa basang sahig kahit pa may tiyansang bumaha. Hawak ang rosaryo ni Nanay Dolores, pilit kong hinanap ang kalakasan at iyon ang nagpapatulog sa akin.

Akala ko ay may tiyansang matapos ang pagluluksa ko matapos ang ilang buwan simula ng iwan ako ni Nanay Dolores pero iyon pa lang pala ang simula.

Mas lalong nagulo ang lahat ng magkaroon ng malakihang riot sa loob ng selda dos. Maraming preso ang sugatan at binawian ng buhay. Ako rin ay muntik ng masaksak kung hindi lang ako nakasiksik sa ilalim ng double deck at takip ang bibig na nanatili doon kahit na hindi na ako nakakalanghap ng sapat na hangin sa baga.

Pinarusahan ang lahat ng nasa selda dos. Wala kaming pagkaing natanggap sa loob ng tatlong araw. Bukod sa tubig ay wala ng naging laman ang aming mga sikmura. Sa pang-apat na araw hanggang sa mga sumunod na linggo ay kanin at asin lang ang naging pagkain namin. Kung noon ay nagkakalaman na ako, ngayon ay halos naging buto't-balat ulit dahil kulang na kulang sa nutrisyon sa aking katawan.

"Mama, parang awa mo na ilabas mo na ako rito!" nakaluhod kong pagmamakaawa nang bisitahin ako ng aking ina isang araw.

Marahas niya akong itinulak palayo sa kanya. Hindi pa siya nakuntento at sinipa pa ako sa mukha nang akma kong yayakapin ulit ang kanyang mga binti. Halos hindi na ako makahinga sa mga emosyon ko.

"Hindi ako narito para bigyan ka ng pagkain o kahit ano, Dominika! Kaya ako narito ay para sabihin sa 'yong mabubulok ka sa kulungang 'to at ito na ang huling beses na makikita mo ako!"

"Mama–"

"Mamamatay tao ka! Putang ina mo sana hindi na lang kita iniluwal sa mundong ito!" galit na galit niyang sigaw pero wala akong ginawa kung hindi ang subukang gumapang ulit para yakapin siya, umaasang sa pamamagitan no'n ay magagawa niya akong patawarin pero imbes na iyon ang mangyari ay mas malakas na sipa sa mukha ang natanggap ko dahilan para mabagok ang ulo ko sa magaspang na sahig at dumugo.

"Kulang pa 'yan sa mga nagawa mo! Mamatay ka ng hayop ka! Mamatay ka ng demonyo ka! Salot! Salot!" galit na galit niyang sigaw, nagwawala na pero bago pa ako muling masaktan ay nakalapit na ang mga pulis upang pigilan siya.

Sa nanlalabo kong mga mata ay wala sa sarili kong naibulong sa Diyos na sinasabi ni Nanay Dolores ang pinakamabigat na katanungan.

"Totoo ka po ba talaga? Kung oo, pwede bang patayin mo na lang rin ako para sumaya na si Mama?"

This story is already completed. You can now read the full version on VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad deleting it.

Just message me for full VIP details.

Thank you!

🍀

CHAPTER 2

Chapter Two

Four Sisters Juvenile Center

Hindi ko na nakita si Mama simula nang araw na ’yon. Gumaling naman ang mga sugat ko pero hindi na kailanman gagaling pa ang dulot nito sa puso ko.

Sa mga sumunod na buwan ay wala akong ginawa kung hindi ang sundin ang mga utos ng mga nasa selda dos. Para akong basahan kung ituring pero walang pinagkaiba iyon sa turing sa akin ng sarili kong ina kaya hindi ko nagawang magreklamo.

Gabi-gabi, hindi ako bumibitiw. Naniwala ako sa mga sinabi at iniwan ni Nanay Dolores sa kabila ng mga pagmamalupit. Walang nagawa ang mga noo’y nagmamalasakit sa akin dahil sa bagong mayora. Tiniis ko ang lahat kahit na madalas ay magigising ako sa sampal at sipa. Itinago nila ang mga pasa ko gamit ang mga malalaking damit na ipinapasuot nila sa akin hanggang sa isang araw ay mapansin iyon ng bagong bantay dahilan para mailipat ako sa tamang pasilidad.

“Kahit saan ka mapunta, wala ng magmamahal ng totoo sa ’yo Dominika dahil masama kang tao at itaga mo ’yan sa kokote mo.” mariing sambit ng mayora bago ako tuluyang makaalis sa kulungang iyon.

Mayroong sumundo sa akin galing sa DSWD pero wala itong nakuhang sagot sa lahat ng mga tanong sa akin. Nanatiling tikom ang aking bibig hanggang sa wala na itong magawa kung hindi ang dalhin ako sa bagong pasilidad apat na oras mula sa pinanggalingan ko.

Iyon ang unang beses na nakalayo ako sa lugar kung saan ako ipinanganak. Ang sabi ni Lola Dolores ay huwag akong mawawalan ng pag-asa. Sa puso ko ay may kakarampot pa namang natira doon at iyon ang kinapitan ko.

“Dominika, ito ang magiging bagong tahanan mo… Dito, hindi ka na mapagmamalupitan ng kahit na sino.”

Napaatras ako nang akma akong yayakapin ng babae. Mas lalo siyang nanlumo sa naging reaksiyon ko pero wala nang nagawa.

Iginala ko ang paningin sa bagong lugar na magiging tahanan ko. Sa labas pa lang ay maaliwalas na ang paligid. May malawak na lupain, may palaruan at kumpara sa kulungan, ang mga narito ay tiyak na mas malaya.

Hindi ko man maintindihan ang nakasulat sa itaas ng dalawang palapag na establisyimento pero natitiyak kong ang lugar na ito ay hindi na gaya sa pinanggalingan ko.

Ipinakilala ako ng babae sa mga bagong mukhang nangangasiwa sa lugar. Ibinigay niya sa kanila ang mga papeles ko. Isang oras mahigit silang nag-usap bago magkaigi. Mabait ang pakikilala sa akin pero gaya sa naunang kumausap, walang lumabas sa aking bibig. Marami man mga boses sa utak ko pero wala akong kakayahang magsalita.

“Dominika, iiwan na kita ha? Babalik ako bukas. Maraming beses pa tayong magkikita pero sa ngayon ay magpahinga ka na muna. Sila Madam Cerillo na ang bahala sa ’yo. Magiging maayos ka rito.”

Nanatiling blangko ang aking ekspresyon hanggang sa tuluyan na siyang makaalis.

Iginiya ako ni Madam Cerillo sa isang maliit na silid. Dahil wala akong kahit na anong gamit ay binigyan niya ako ng mga damit at inutusang maligo. Pagkatapos no’n ay ipinakilala na niya ako sa mga makakasama ko sa silid. Ang sabi ng isang babaeng kasama namin ay labing dalawa raw ang silid na nasa pasilidad. Sa anim at kalahati ay para sa mga lalaki habang ang kalahati naman ay para sa aming mga babae. Hindi pinagsasama ang magkaibang kasarian pero may pagkakataon raw na nagkakasama sa iisang bulwagan kapag mayroong mga bisita o kasiyahan.

Sa dorm five ako inilagay. Sa isang silid ay mayroong limang double deck at sa pinakadulo ako ipinuwesto. Pagkatapos no’n ay dinala naman ako kung saan naroon ang anim na mahahabang lamesa, iyon ang lugar kung saan kumakain ng sabay-sabay ang lahat.

Ang amoy ng bagong saing na kanin ang nagpakulo sa aking tiyan. Ipinakilala ako ni Madam Cerillo sa mga kasama ko sa silid na nakapwesto na sa kanya-kanyang upuan. Kung sino ang mga kasama ko sa silid ay sila rin ang makakasama ko sa lamesang ito.

Nakangiti ang ilan habang mayroon rin namang nanatiling nakasimangot. Wala akong inintindi. Paglapag na paglapag ng pagkain sa aking harapan ay nagmamadali ko iyong sinunggaban, walang pakialam sa mga sasabihin nila. Para akong hayop na pinagkaitan ng pagkain ng matagal na panahon. Halos pati ang pinggan ay kainin ko na rin dahil sa gutom.

Ako ang unang natapos sa kanila. Saka lang ako nahimasmasan nang maubos ko lahat ng butil ng kanin at ulam sa aking plato. Habang tinutungga ang tubig ay saka ko lang namalayan na nakatingin na pala silang lahat sa akin.

“G-gusto mo pa?” nahihiyang inilapit sa akin ng isang babaeng siguro ay mas matanda lang sa akin ng dalawang taon ang kanyang plato.

Imbes na mahiya ay nagmamadali ko iyong kinuha at inubos. Ito ang unang beses na muli akong nakatikim ng may lasang ulam kaya hindi ko pinalagpas. Natawa ang iba pero mas lamang ang naging kuryoso kung bakit gano’n na lang ako.

Nanatili akong tahimik kahit na ilang beses nila akong sinubukang kausapin.

Sa pagbalik sa silid ay nagpapasalamat akong sa dulo akong double deck nakapuwesto at walang tao sa itaas ko kung hindi ay pati siya magigising at madadamay dahil sa pagbisita ng mga bangungot ko.

Takot na takot at pawis na pawis akong nagsumiksik sa gilid ng kama habang yakap-yakap ang aking mga tuhod. Madilim na at tahimik na ang paligid at tanging ingay na lang ng electric fan ang naririnig.

Takot kong tinakpan ang magkabila kong tainga at pilit na nilunod ang mga hikbi pero bigo ako. Kahit na alam kong wala naman, tila naririnig ko ang mga malalakas na sigawan sa utak ko. Ang mga ingay at pagmamalupit ng mga preso. Ang sipa at sampal ng ina ko at ang lahat-lahat ng nangyari ng gabing nakapatay ako.

Ang malakas kong sigaw ang bumulabog sa dorm five nang hindi ko na makayanan. Agad nagkagulo dahil sa akin. Ang mga kasama ko sa silid ay pilit akong inalo pero mas lalo ko lang itinago ang sarili gaya ng pagtatago ko sa ilalim ng double deck sa tuwing may riot sa loob ng selda.

Matagal bago ako napakalma ng mga nangangasiwa ng lugar. Sa aking pagbalik sa loob ng dorm five ay tahimik na ulit. Binigyan ako ng gamot ni Madam Cerillo. Umepekto naman at kumalma ako pero hindi iyon naging sapat upang mabingi ako’t hindi na marinig ang mga opinyon ng mga kasama ko sa akin.

“Baliw yata ’yang si Dominika. Ang balita ko ay galing daw ’yan sa kulungan.”

“Talaga? Ano kayang kaso niya? Magnanakaw kaya?”

“Tingin ko mas malalim ang rason. Tignan mo nga, parang ulol kung magwala. Siguro na-rape rin ’yan. Sabi rin wala ng mga magulang eh. ’Yung nanay daw pokpok tsaka inabandona na siya.”

“Kawawa naman pala.”

Nagpatuloy ang mga bulungan nila. Sa loob-loob ko ay napakarami kong gustong sabihin. Napakarami kong gustong ipaliwanag pero tila ba matagal na panahon na akong tinakasan ng aking tinig. Parang gusto ko na lang mamanhid hanggang sa wala na akong maramdaman.

“Anong kawawa? Naaawa ka sa baliw? Baka sa susunod saktan na tayo niyan, eh.”

“Oo nga ’no? Pwede kaya siyang ipalipat sa ibang dorm? Nakakatakot!”

Pumikit ako ng mariin. Sa aking paggalaw upang takpan ang tainga ay saka lang sila natigil sa malakas na bulungan. Nagpatuloy sila pero hindi ko na maintindihan. Ang gamot na ininom ko ang nagpatulog sa akin.

Sa mga sumunod na araw sa Four Sisters Juvenile Center ay naging maayos kahit paano ang kalagayan ko kumpara sa kulungan. Dito, kahit paano ay may kalayaan kami. May mga gawain pero hindi mabibigat kumpara sa selda dos. May mga nag-uutos pero malumanay silang lahat sa mga gusto. Bukod doon ay mayroon rin kaming klase. Marunong na ako kahit paanong magsulat at magbasa pero huling-huli pa rin ako kumpara sa mga babaeng kasama ko roon.

Hindi natigil ang mga bulungan at bangungot ko tuwing gabi. Wala akong naging kaibigan kahit na parte sa akin ay nangungulila rin sa kausap. Patuloy akong binisita ng nagdala sa akin sa center pero matapos ang isang buwan ay tumigil na rin siya sa ginagawa.

Hinayaan ko ang mga pagtingin at pagkakakilala sa aking baliw at ulol sa mga sumunod na buwan. Binansagan rin akong pipi dahil kahit na matagal na panahon ng naroon ako ay ni minsan walang diretsong salitang lumabas sa bibig ko.

Naging matiyaga naman ang mga nangangasiwa sa lugar lalo na pagdating sa akin. May mga doctor na sumubok akong kausapin pero gaya ng mga nauna ay wala silang napala kaya sumuko na lang rin.

Hinayaan ko ang mga bulungan at pangdidiskrimina ng mga kasama ko sa loob ng juvenile center. Imbes na sila ang pagtuonan ng pansin ay mas pinili kong ibaling ang atensiyon sa pag-aaral. Akala ko ay magiging maayos na ang lahat kapag nanatili akong ilag sa kanila pero isang araw ay muli akong binalikan ng lahat ng masalimuot kong nakaraan na pilit kong tinatakbuhan.

Napapitlag ako’t agad nagtumalon matapos buhusan ng limang basong malamig na tubig ng limang babaeng lumapit sa akin bago pa matapos ang aming pagkain.

Wala ang mga nakatatanda dahil sa biglaang meeting kaya naiwan kami sa bulwagan.

“Piping baliw! ’Yan ang dapat sa ’yo sa mga pang-iistorbo mo sa aming lahat! Kaya ka inabandona at ipinakulong ng nanay mo kasi baliw ka! Baliw!” paulit-ulit nilang sigaw pero imbes na suwayin ng ilang naroon ay walang nagawa ang mga ito kung hindi ang manahimik o ’di kaya naman ay tumawa ng pasimple.

Imbes na manatili ay nagmamadali akong tumakbo palabas at pilit na nagsumiksik sa nakita kong butas ng isang malaking puno at doon nanatili hanggang sa dumilim ang paligid at wala na akong marinig kung hindi ang mga kuliglig na pilit dinadaluhan ang mga hikbi ko.

CHAPTER 3

Chapter Three

Hiling

“Dominika! Dominika!”

Ang paulit-ulit na sigaw ng pangalan ko ang gumising sa akin. Hindi ko namalayang nakatulog akong nakatayo habang nakasiksik ang payat kong katawan sa maliit na espasyo sa loob ng matandang puno.

Malalim na ang gabi dahil lahat ng mga poste ay nakabukas na sa labas. May mga flashlight rin akong nasisipat sa hindi kalayuan at mga boses na hindi lang galing sa mga nagpapatakbo ng pasilidad kung hindi pati na rin mga boses ng mga batang kasama ko.

Nang marinig ang huling sigaw ay natigil ako sa paglabas. Akala ko ay mapapabuti na ako rito at wala nang makakapanakit sa akin pero tama ang mga sinabi ni Nanay Dolores. Malupit ang mundo at maswerte na lang ako kapag nakahanap pa ako ng taong totoong magiging mabuti sa akin.

Siguro nga malas lang talaga ako. O baka naman tapos na ang swerte ko dahil wala na si Nanay. Noon pa naman kasi ay wala akong naalalang pagmamahal sa kahit na sino bukod sa ipinaramdam sa akin ni Nanay Dolores. Kung alam ko lang na iyon na ang huli ay sana mas pinahalagahan ko.

“Ano ba kasing nangyari at umalis si Dominika?!” napapitlag ako sa nag-aalalang singhal ng boses sa kung sino ilang dipa ang layo sa aking kinaroroonan.

“Sila Yoda po ang may kasalanan ate Jenice. Binuhusan kasi nila ng tubig si Dominika. Binu-bully nila dahil baliw daw siya.”

Napapikit ako’t lalong napasiksik sa narinig, palapit na ang mga hakbang sa pwesto ko.

“Saan mo huling nakita si Dominika?”

“Dito siya tumakbo ate Jenice pero hindi ko na nakita dahil hindi ko naman po sinundan.”

“Kayong mga bata kayo! Sandali lang kaming nawala ay ito na ang nangyari!”

“Wala po kaming kasalanan Ate Jenice.”

“Encee, lahat kayo ay damay rito. Kahit wala kayong kasalanan at hindi kayo ang nam-bully kay Dominika ay malalagot kayong lahat lalo na kapag nalaman ni Madam Cerisa na may nawawala!”

“Hindi po kaya sa gubat na tumakbo si Dominika?” takot nang sambit ni Encee.

Isang malalim na buntong-hininga ang narinig ko kay Ate Jenice, mas lalong namroblema sa sinabi ng kausap. Ilang segundo lang ay nawala na sila at tumahimik na ang kapaligiran.

Nanatili ako sa kinalalagyan kahit na kating-kati na ang buong katawan ko sa kagat ng mga insektong hindi ko na makita. Lumipas ang isa pang oras bago ako nagdesisyon na lumabas na.

Hindi ko man alam ang buhay sa labas ng lugar na ito ay hindi ko na gusto pang manatili. Sa utak ko ay mas mabuti pang maging palaboy na lang ako. Doon ay hawak ko ang oras ko at ang lugar kung saan ko gustong pumunta. Pwede akong makaiwas kaagad sa mga taong gustong manakit sa akin.

Dahan-dahan akong naglakad sa daan patungo sa gubat na tinutukoy ni Encee pero bago pa ako tuluyang makarating sa dulo ay nagulantang na ako sa pagtutok sa akin ng malakas na ilaw gamit ang isang flash light!

Agad akong napaupo sa lupang maraming tuyong dahon habang unti-unting pinapalagan ang liwanag gamit ang mga kamay. Isang bulto lamang ang nakita ko at isang pares ng mga paang naglalakad ang narinig.

Hirap kong tiningala ang mukha nito habang nakaalalay ang kamay sa mga mata. Wala sa sariling napalunok ako nang maaninag ang isang babaeng mas matangkad sa kahit na sino sa mga nangangasiwa sa center at kahit kailan ay hindi ko pa nakita rito.

Nakasuot siya ng itim na bestida. Nakatali ang buhok, may salamin, pula ang mga labi at ang mga mata ay madilim at para akong sinasakal sa talas.

Iniwas niya ng bahagya ang hawak upang hindi ako masilaw.

“Ikaw si Dominika?”

Natatakot akong tumango. Sa pagkakataong iyon ay wala ng laman ang isip ko. Nangatog kaagad ang katawan ko sa kanyang presensiya pero imbes na saktan dahil sa akmang pag-alis ay tinalikuran niya lang ako.

“Tumayo ka diyan at sundan mo ako.” malamig niyang sabi at walang ano-ano’y naglakad na palayo.

Muli kong sinipat ang matayog at makakapal na alambreng tanging daan para makalabas ako sa lugar. Abot kamay ko na iyon pero sa pagkakataong ito ay wala akong magawa kung hindi ang sundan ang babae at bumalik sa tinakasang lugar.

Hindi dahil natatakot ako kung hindi dahil kahit na gustohin ko ay mahihirapan pa rin akong makaalis. Imposibleng maakyat ng isang tulad ko ang barikadang iyon at imposible ring mabuhay ako sa gubat. Tinanggap kong hindi pa iyon ang tamang panahon kaya sa ngayon ay pinili kong bumalik na lang muna.

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa malaking bulwagang pinagdalhan sa akin ng babae. Nasa harapan ko ang lahat ng mga batang babaeng kinupkop ng pasilidad. Nakayuko at pare-parehong takot ang nasa mga mata nila para sa babaeng nasa tabi ko.

Para akong isang elementong ligaw sa kanyang gilid. Ang puting damit ko ay itim na ngayon maging ang aking mga balat sa dumi ng dagta, alikabok at putik na dumikit sa katawan ko. Naaamoy ko rin ang sarili kong parang ilang taong hindi naligo.

Napapitlag ang lahat sa pagkumpas ng babae sa hawak na arnis.

“M-magandang gabi Madam Corina!” sabay-sabay na sambit ng lahat maliban sa akin.

Hindi pa man nagsasalita ang babae ay agad nang humakbang sa harapan ang limang babaeng nagbuhos ng tubig sa akin kanina. Sabay-sabay silang lumuhod sa sahig na mayroong pinaghalong munggo at malalaking butil ng asin. Agad silang naiyak sa ginawa.

“Patawarin n’yo kami Madam Corina. Hindi na po namin uulitin.”

Apat na beses nila iyong binigkas, pare-parehong humahagulgol sa takot at sakit dahil sa niluluhuran. Matapos iyon ay kusa nilang itinaas ang mga kamay, ang palad ay nakabuka.

Pilantik pa lang ng palapit na takong ni Madam Corina sa mga ito ay halos manginig na sila matinding takot. Napapikit ako nang isa-isa niyang hambalusin ng hawak na arnis ang mga palad nito dahilan para mas lalo silang ngumawa sa sakit. Sa kada hampas ay lahat parang napapaiyak na rin.

Ang mga naroong matatanda ay walang nagawa. Sa pagkakaalam ko ay apat na magkakapatid ang nagtayo ng lugar na ito kaya iyon rin ang pangalan ng lugar. Hindi gaya ni Madam Cerillo at Madam Cerisa, si Madam Corina ay brutal at tiyak na ang isa pa nilang kapatid ay gano’n rin.

“Now stop whining and ask for apology.” maawtoridad nitong utos.

Walang nagawa ang mga nakaluhod kung hindi ang balingan ako at hingan ng tawad.

“Patawarin mo kami Dominika. Hindi na namin uulitin ang lahat ng ginawa namin sa ’yo.” apat na beses nila iyong inulit.

Sa paglingon sa akin ni Madam Corina ay napatuwid ako ng tayo.

“Pinapatawad mo ba sila?”

Nilingon ko ang mga babae pero wala akong naisagot kaya naman muling hinambalos ni Madam Corina ang kanilang mga palad, sa pagkakataong iyon ay mas marahas na parang nadudurog na ang mga buto.

Nagwawala ang loob ko. Gustong-gusto kong sumigaw pero ni isang salita ay walang lumalabas sa aking bibig. Gusto ko nang itigil ang kanilang paghihirap pero wala akong masabi. Inulit nila ang paghingi ng tawad, gaya ng una ay apat na beses pa rin. Muli akong binalingan sa sagot kong pagpapatawad pero natulala lang ako. Akmang uulitin ni Madam Corina ang pananakit pero maagap ko nang nahawakan ang kanyang kamay.

Nanghihina akong umiling, tanda na ayaw ko na ang kanyang ginagawa. Tumuwid siya ng tayo matapos kong bitiwan. Inayos niya ang kanyang salamin pagkatapos ay muling humarap sa lahat.

She then glanced at the space between the girls. Napalunok ako sa naisip pero wala na ring nagawa kung hindi ang sumunod. Gaya ng mga ito, hinambalos niya rin ng apat na beses ang mga palad ko pero walang tumulong luha sa aking mga mata. Sanay na ako sa sakit. Manhid na ang buong katawan ko doon at hindi na ako tatablan.

“Maging leksiyon sana sa inyo ang gabing ito. Sa lugar na ito ay walang espasyo ang pagiging mataas! Kayong lahat ay pantay-pantay lamang kaya matuto kayong mahalin at makibagay sa mga kapwa ninyo naiintindihan n’yo?!” malakas niyang sigaw na ilang beses pang umalingawngaw sa malaking bulwagan.

“Opo Madam Corina, naiintindihan po namin!”

Marami pa siyang sinabi bago tapusin ang pagpupulong. Tinanggap ko ang parusa kasabay ng pagtanggap kong habang buhay na lang akong makatatanggap no’n dahil tapos na ang swerte ko at hinding-hindi na kailanman darating pa.

Pagkatapos ng gabing iyon ay inilipat ang limang babae sa isang silid kung saan walang mga bintana bilang parusa. Mananatili sila roon ng apat na buwan hanggang sa tuluyan nilang pagsisihan ang mga nagawa sa akin.

Hindi nananatili si Madam Corina sa center pero dahil sa nangyari ay minabuti niyang manatili ng isang linggo. Sa unang araw ng kanyang pamamalagi ay muli kaming nagkita. Ipinatawag niya ako sa kanyang opisina pero wala kaming napag-usapan. Wala siyang ginawa kung hindi ang titigan lang ako’t kilatisin gamit ang mga mata.

Sa pangalawang araw ay may ipinasagutan siya sa akin. Dahil napag-aralan na namin iyon ay mabilis kong nasagot ang lahat. Gano’n rin ang nangyari sa pangatlo, pang-apat at panglima niyang pananatili. Sa pang-anim ay kinakausap na niya akong muli ngunit tanging tango at iling lang ang naisasagot ko sa kanya.

“Wala ka ng mga magulang?”

Umiling ako. Bumaba ang mga mata niya sa hawak na mga papel laman ang mga impormasyon tungkol sa akin. Iyon rin ang hawak ng babaeng taga-DSWD na nagdala sa akin sa lugar na ito.

“Tama bang nabuntis lang ang nanay mo at hindi mo kailanman nakilala ang totoo mong ama?”

Tumango naman ako. Lahat ng tanong niya ay nasagot ko maliban sa isang dahilan para hindi ko man lang siya nagawang titigan.

“Sinaksak mo ng sampung beses ang ama-amahan mong lasing at natutulog dahilan ng kanyang pagkamatay?”

Nakabibinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Akala ko ay pipilitin niya akong alamin ang sagot tungkol doon pero nakaalis na lang siya sa pasilidad nang hindi nakukuha ang sagot sa akin.

Kahit hindi ko naman sagutin ay alam kong alam niya ang totoo. Wala akong balak na itanggi iyon dahil kahit na alam kong masama, isa iyon sa mga bagay na kahit kailan ay hinding-hindi ko pagsisisihan.

Naging tahimik ang mga sumunod na buwan. Ang mga babaeng gumulo sa akin ay hindi na ako nalapitan pero hindi natapos ang mga pangungutya. Palihim ang ilan pero simula ng mangyari iyon ay mas lalo akong naging mainit sa mata ng lahat.

Halos dalawang taon ang nakalipas ay nanatiling tikom ang aking bibig. Walang kaibigan, walang nagmamahal, walang nagbibigay importansiya at palagi ay puntirya pa rin ng mga taong hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit para sa akin.

“Mamamatay tao ka! Isa kang kriminal at hinding-hindi ka na kukunin ng pamilya mo! Walang aampon sa ’yo dahil salot ka! Kung hindi ka rito mabubulok, doon ka sa impiyerno!” sigaw ng babaeng mas matanda lang sa akin ng ilang taon sabay tulak ng malakas dahilan para lumagapak ako sa sahig!

Akala ko ay tapos na ang mga sakit pero wala na yata iyong katapusan. Napasigaw ako nang maramdaman ang paghawak at paggilit sa aking pulso gamit ang nakuhang kutsilyo ng babae. Ilang sandali lang ay naligo na ako sa sarili kong dugo!

“Dapat sa mga gaya mo ay mamatay na rin! Mamatay ka na Dominika! Mamatay ka na!” paulit-ulit nilang sigaw.

Wala na akong ibang makita kung hindi ang pagdanak ng makintab at pulang likido sa sahig. Akala ko makakatakas na ako pero paulit-ulit lang ang nangyari. Sa nanlalabo kong mga mata ay nakita ko lang ang tawanan nila. May mga patuloy na tumatadyak sa aking katawan. Walang tigil na gusto talaga akong wakasan.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Umaasang sana nga ay maging tama na lang sila. Sana nga ay mamatay na lang ako dahil gaya ng hiling nila, iyon na lang rin naman ang gusto ko.

CHAPTER 4

Chapter Four

Safe

Mabigat ang mga talukap kong dumilat pero muli akong napapikit sa pagsalubong ng liwanag sa aking mga mata.

Mabilis ang naging pagtahip ng aking puso. Kahit na hindi ko pa nasisipat ang buong kwarto ay sigurado na akong wala na ako sa center.

Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay. Dama ko ro’n ang ilang mga nakakabit. Nanlalata rin ang aking katawan at tuyong-tuyo ang aking lalamunan. Tingin ko ay ilang araw rin akong nawalan ng malay.

Sa muling pagbukas ng aking mga mata ay napasadahan na nito ang kabuuan ng silid. Hindi iyon tipikal na hospital. Kahit na ang mga kagamitan ay kagaya ng pasilidad, iba ang isang ito. Imbes na puti at maaliwalas ang silid, ito ay parang marami nang napagdaanan at nagamot na mga kriminal. Ang mga dingding ay kulay abo. Walang bintana at iisa lamang ang ilaw. Ang hinihigaan ko’t damit ay kulay itim rin at ni isang upuan o lamesa ay wala akong nakita.

Napapitlag ako nang marinig ang mga yapak patungo sa aking kinaroroonan. Mabilis kong ipinikit ang aking mga mata upang magkunwaring tulog.

Hindi ko inasahan na hindi lang iisang boses ang maririnig ko nang huminto na ang mga ito sa silid na kinaroroonan ko.

“This is the last one?” baritonong tanong sa diretsong ingles ng babaeng nagsalita.

“Yes, maestre.”

“Good. Do you think she can be transferred to La Spieza tonight?”

“Definitely.”

“Alright. You know what to do.”

Narinig ko ang pag-alis ng kung sino pero sa pasimple kong pagbukas ng aking mga mata ay nakita ko ang pananatili ng babae doon.

Hindi siya nakaharap sa akin kaya hindi niya nakitang gising na ako. Abala rin ito sa pakikipag-usap sa kanyang telepono kaya nagkaro’n ako ng pagkakataong suriin ang kanyang kabuuan.

Tama nga akong wala na ako sa center at ang babaeng iyon ay ni minsa’y hindi ko pa nakita. Ang mga may-ari ng four sisters ay sopistikada na kung manamit pero ang isang ito ay aura pa lang nakakapanindig na ng balahibo.

Nakasuot siya ng pulang leather suit. Pula rin at mataas ang suot niyang stiletto. Posturang-postura at halatang mamahalin ang ayos. Matangkad, balingkinitan ang katawan at ang kanyang mukha ay maganda kahit na mukhang minsan lang kung ngumiti.

Mariin akong napapikit sa kanyang paggalaw. Nanalangin akong sana ay umalis na lang siya pero sa muli kong pagsipat ay palapit na ito sa akin.

Pakiramdam ko’y hindi na dinaluyan ng hangin ang aking baga nang huminto siya sa aking gilid. Sa pag-angat ng kanyang kamay para sana ilapat sa aking mukha ay agad na akong nag-panic at natatarantang naupo sa kama upang iwasan siya!

Ang mga sigaw ko ang mas lalong nagpagulantang sa kanya. Para akong ligaw na hayop na takot na takot mahawakan. Ang mga nakakabit sa aking mga kamay ay natanggal dahil sa pagsiksik ko sa gilid ng kama’t pagwawala. Gustohin ko mang tumakbo pero mahina ang katawan ko at mas lalong hindi ko alam kung saan pupunta.

Nakikita ko ang pagbuka ng bibig niya. Marami siyang sinasabi pero ni isa ay wala akong naintindihan. Ang tanging naririnig ko ay ang pagdaloy ng sarili kong dugo sa aking mga ugat. Pati ako ay nabibingi sa mga iyon kaya tinakpan ko ang aking mga tainga at patuloy na umiwas sa kanya kahit na wala naman siyang ginagawang masama sa akin.

Ang mga taong nanakit sa akin ang nakita ko sa akin pagpikit. Kahit na hindi nangyayari sa kasalukuyan ay nararamdaman ko pa rin ang lahat ng sipa, suntok, at mga dugo kong dumadanak dahil sa pananakit nila sa akin. Doon na tumulo ang mga luha ko at takot na takot na niyakap ang sarili habang patuloy ang paghagulgol at namamaos na pagsigaw.

Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga taong parehas nakauniporme sa lalaking kausap niya kanina.

Hindi ako nakaiwas sa kanilang paghawak sa akin at pilit pagbalik sa kama. Nang maramdaman ko ang pagturok ng kung ano sa aking braso ay awtomatiko nang bumagal ang tibok ng puso ko. Sa nanlalabo kong mga mata ay ang mukha ng babae ang aking huling nakita.

“You’re safe now, Dominika… You’re safe…” paulit-ulit niyang sabi hanggang sa mawalan ako ng malay.

Nang muli akong balikan ng ulirat ay nasa ibang kwarto na ulit ako. Hindi gaya noong huli, ang isang ito ay hindi na mukhang nakakatakot na hospital. Normal na kwarto na ito sa maaliwalas na bahay maliban sa mga makinang nasa aking uluhan.

Pagod kong ikinurap-kurap ang aking mga mata. Tumuon ang aking paningin sa nakabukas na bintana. Hinahangin doon ang manipis na kurtina. Natatanaw ko simula sa loob ang malalaking puno sa labas. Sariwa ang pumapasok na hangin sa loob ng silid na kinaroroonan ko.

“Thank God you’re awake.”

Napapitlag ako sa nagsalitang hindi ko namalayang nasa kabilang gilid ko. Bago pa ako muling makaiwas at makapagwala ay agad na niyang itinaas ang mga kamay sa ere, tanda ng pagsuko.

Hindi gaya ng huli ko siyang makita, ang babae ngayon ay mas kalmado ang aura. Mas magaan at umiintindi.

“Hindi kita sasaktan, Dominika. Don’t move or else you’ll hurt yourself.”

Gumalaw pa rin ako nang subukan niyang humakbang palapit. Nang mapangiwi ako ay agad siyang huminto.

“Hindi kita sasaktan. Alam kong naguguluhan ka ngayon at marami kang tanong pero gusto kong sabihin sa ’yo na ligtas ka na. Malayong-malayo ka na sa mga taong gustong manakit sa ’yo.”

Gusto kong paniwalaan ang mga salitang lumabas kanyang bibig pero wala na akong tiwala sa mga tao. Ngayon ay parang mas gusto kong magalit sa kanya kung totoo man ang mga sinasabi niya. Dahil kung malayo na ako sa mga taong nanakit sa akin, ibig sabihin ay hinayaan niya akong mabuhay kahit na ayaw ko na. Siya ang dahilan kung bakit narito pa rin ako kahit na hindi ko na gusto pang manatili rito. Kahit na ayaw ko nang mabuhay. Ayaw ko nang magtiwala at mas lalong ayaw ko nang masaktan.

Hindi na ako gumalaw sa kanyang pag-atras at maingat na pagbalik sa kanyang inuupuan. Ang kanyang matibay na aura ay sandaling nabahiran ng lungkot nang mapatitig sa akin. Kusang umangat ang mga kamay ko patungo sa aking mukha. Doon ko lang naramdaman ang benda sa aking ilong at ilang mga sugat sa kabuuan nito.

“You’re badly wounded when I saved you, Dominika.”

Pinigilan kong umiyak. Ngayong normal ang utak ko at wala na masyadong epekto ang mga gamot ay dama ko na ang kirot ng aking mga sugat partikular sa aking magkabilang kamay kung saan ako ginilitan ng mga kasama ko sa orphanage. Sariwa pa rin ang sugat dahil sa ibabaw ng benda ay may mga dugo pa rin.

“Look at me, Dominika.” madiin niyang utos nang manginig ang mga kamay ko habang nakatitig doon.

Hindi ko na namalayan ang kanyang paglapit sa akin. Pakiramdam ko ay mauubos na ang hangin sa aking baga sa kanyang lapit pero hindi ko magawang lumayo!

“Look at me!” sigaw niyang gumising sa akin.

Lumuluha ko siyang tiningala. Kung noong una ay purong takot lang ang naramdaman ko sa kanyang presensiya, ngayon naman ay pag-asa ang nakita ko sa kanya. Kahit na hindi ko siya kilala ay gusto ko siyang pagkatiwalaan. Gusto kong humingi ng tulong. Gusto kong lumuhod sa harapan niya’t magmakaawa na huwag akong sasaktan. Napahagulgol ako.

“Dominika…” ibinaba niya ang nanginginig kong mga palad at pagkatapos ay hinigpitan ang hawak doon. Bago pa ako makapalag ay sunod ko na lang naramdaman ang kanyang mahigpit na pagyakap sa akin. Doon na ako tuluyang tinakasan ng aking lakas.

“I’m not going to hurt you, I promise you that…” masuyo niyang bulong habang yakap ng mahigpit ang nanginginig kong katawan. “Narito ako para tulungan ka at ilayo sa lahat ng nakaraan mo. Tutulungan kita Dominika… Wala ng mananakit sa ’yo. Wala na…”

Patuloy akong humagulgol sa kanyang dibdib. Ang kanyang mga yakap ay napakapamilyar. Si Nanay Dolores lang ang tanging nakayakap sa akin at sa ginagawa ng babae ay parang ito na rin ang kayakap ko. Napanatag ang aking loob. Unti-unti ay kumalma ang buo kong pagkatao kahit na ang mga mata ay patuloy pa rin at walang humpay sa pagluha.

“I’m here to help you and not hurt you,” pag-uulit niya. “Poprotektahan kita…”

Marami na akong nakilala sa buhay ko at alam kong ubos na ang tiwala ko sa mga tao pero ang puso ko ay tinuturuan akong paniwalaan ang kanyang mga salita. May kung ano sa mga iyon na sa huling pagkakataon ay gusto kong bumigay. Pakiramdam ko kasi ay siya na lang rin talaga ang pag-asa ko sa buhay. Walang tao ang may gusto sa akin at alam kong walang magta-tiyaga sa isang tulad ko kaya kahit na tapos na akong magtiwala sa mga tao ay wala akong pagpipilian kung hindi ang sang-ayunan siya dahil siya na lang ang tanging pag-asa ko sa buhay. Iniligtas niya ako at alam kong may dahilan iyon. Kung ano man ay ngayon pa lang sumasang-ayon na ako.

“Tulungan mo po ako… h-huwag n’yo na po akong s-saktan… pagod na pagod na po ako… p-parang awa n’yo na po…” pagmamakaawa ko sa kanya, sa unang pagkakataon pagkalipas ng mahabang panahon ay ngayon lang ulit nakapagsalita.

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. “Hindi kita sasaktan at maniwala ka doon… Pagkatiwalaan mo ako dahil simula ngayon ay babaguhin ko ang buhay mo kaya tulungan natin ang isa’t isa, Dominika.”

“Huwag n’yo po akong sasaktan… Huwag n’yo po akong sasaktan.” paulit-ulit ko pa ring sambit, iyon na lang ang kayang bigkasin gawa ng lahat ng trauma na napagdaanan ko sa buhay.

CHAPTER 5

Chapter Five

Dead

Milev Quebec, iyan ang pangalan ng taong kumupkop sa akin at nagligtas sa kamatayan. Kahit na gusto ko na siyang pagkatiwalaan ay ilang beses ko pa ring sinubukang tumakas sa lugar na pinagdalhan niya sa akin pero masyado iyong imposible. Bukod sa nasa gubat ang bahay, hindi ko rin alam kung saan ako pupunta.

Isang beses noong iniwan niya ako ay napagtagumpayan ko muling umalis dahil wala naman akong bantay at hindi naman ako nakakulong pero naligaw lang ako sa gubat. Dalawang araw akong nagpaikot-ikot at walang direksiyon. Bukod sa mga matataas na puno at masukal na daan ay wala na akong iba pang nakita. Ang bahay na iyon ay nasa mata ng masukal na gubat at tila piling tao lamang ang nakakaalam.

Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa aking pisngi. Alam kong manhid at pagod na ako sa lahat ng sakit at walang-wala iyon sa mga napagdaanan ko na pero nasaktan ako lalo na’t kitang-kita ko ang pagkadismaya sa kanyang mga mata.

“I saved you from death and I promised that I will give you everything but you still betrayed me!” nagulantang ako nang masaksihan ang nag-uumapaw niyang galit sa akin.

Simula ng makilala ko siya ay wala itong ipinakitang karahasan sa akin pero ngayon ay mukhang napuno na at naubos na ang pasensiya. Nag-unahang tumulo ang aking mga luha nang hawakan niya ng mahigpit ang aking panga.

“You are already dead, Dominika! Kahit saan ka pumunta ay patay ka na sa mata ng mga tao at kahit kailan ay wala nang tatanggap sa ’yo! I’m here to help you but I don’t know what else to do to make you believe that!”

She slapped me again! Nagpintig ang aking tainga sa lakas no’n! Muli akong nalaglag sa putikan!

“Ito ba ang gusto mo?!” malakas niyang sigaw bago ako sipain ng malakas sa tiyan! “Sabihin mo kung kamatayan ang gusto mo dahil hindi ako mag-aalinlangan na patayin ka ngayon din!”

Napayakap ako sa aking katawan sa pag-alingawngaw ng boses niya sa tahimik na kagubatan. Wala akong ginawa kung hindi ang magmakaawa at umiyak habang nakahandusay sa putik. Ilang beses ko siyang narinig na nagmura.

Ilang minuto pa ay inihagis na niya sa akin ang kanyang relo. “Sundan mo ang ituturong daan niyan pabalik sa bahay kung gusto mo pang mabuhay.”

Pinanuod ko siyang umalis at iwan ako. Nilamon ng dilim ang kapaligiran bago ako nagkalakas na tumayo at wala sa sariling sinundan ang daan pabalik sa bahay gamit ang kanyang ibinigay.

Tahimik ang lugar sa aking pagdating. Sa pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Milev sa harapan ng fireplace habang iniinom ang hawak na alak sa kamay.

“Gusto mo pa rin pa lang mabuhay?”

Napayuko ako’t nayakap ang sarili sa bungad niyang tanong. Mas lalo akong naestatwa sa aking kinatatayuan nang maramdaman ko ang kanyang pagtayo at pagharap sa akin. Saka ko lang siya natitigan nang iabot niya sa akin ang isang tuwalya.

“Clean yourself Dominika and please… please stop playing games with me.” aniya sa malumanay nang boses dahilan para muli akong maging emosyonal.

“Naiintindihan kong gusto mong umalis sa lugar na ito at alam kong kahit na paulit-ulit kong sabihin sa ’yo na tutulungan kita at hindi mo ako kaaway ay mahihirapan kang paniwalaan ako dahil sa mga napagdaanan mo pero iyon ang totoo Dominika,” aniya matapos kong mag-ayos.

“Hindi ako kagaya ng mga taong nakilala mo at mas lalong hindi ko intensiyong saktan ka. Gusto kong malaman mo na ginawa ko lang iyong kanina para maipaintindi ko sa ’yo na kapag hindi ka nagtiwala sa akin ngayon ay hindi imposibleng masaktan ka pa rin ng mga taong alam ang kahinaan mo. I’m here to help you protect yourself from those people. To guide you and to turn your life around. Pagkatiwalaan mo lang ako ay tutulungan kitang baguhin ang buhay mo.” pagpapatuloy niya habang ginagamot ang aking mga sugat.

Ilang linggo pa ang lumipas na wala akong ginawa kung hindi ang paniwalaan ang mga sinasabi ni Milev. Sa bahay na iyon ay mayroong tatlong kwarto. May lugar kung saan maraming libro, may maaliwalas na salas at maayos na kusina at hapag kainan. Malaki rin iyon para sa akin dahil ako lang naman ang naroon dahil sa mga sumunod na linggo ay napadalas ang pag-alis ni Milev. Gayunpaman, ang mga pagkain ko ay nakahanda na at hindi niya ako kailanman ginutom. Sa unang pagkakataon ay naramdaman kong tao ako sa pamamagitan ni Milev dahilan para kahit paano ay magtiwala ako sa kanya.

“Your nose got ruined the last time those kids hurt you,” aniya habang sinusuklayan ang buhok ko.

Wala akong masyadong naintindihan sa gusto niyang iparating pero nanatili ang pag-intindi niya sa akin.

“Kailangan nating ayusin ang ilong mo, Dominika. You also need to undergo more procedure to get rid of all your scars,” napapikit ako nang maramdaman ang paghaplos niya sa aking maliliit na pilat sa mukha. “Ibabalik natin ang lahat sa ’yo. Lahat-lahat…”

Iyon ang mga salitang sa unang pagkakataon pagkatapos mamatay ni Nanay Dolores ay pinaniwalaan ko ng buon-buo. Kahit na hindi ko kilala si Milev ay alam kong alam niya ang lahat sa akin kaya lahat ng pangangailangan ko ay hindi ko na kailangang sabihin dahil kusa na niya iyong ibinibigay.

Sa pangatlong linggo ng aking pagpapagaling ay nagsimula na akong matuto sa pag-aaral. Mayroon siyang kinuhang magtuturo sa akin sa lahat ng mga dapat matutunan ng gaya ko.

“Kung gusto mong mabago ang buhay mo ay tulungan mo ang sarili mo Dominika at sisimulan natin ’yan sa pag-aaral mo.”

Mahirap man ang naging pagsisimula ko ulit ay naging pursigido akong matuto. Pinanghawakan ko ang lahat ng mga sinabi ni Milev sa akin. Naniwala ako sa kanya at gabi-gabi kong hiniling na sana ay tama ako at sana ay siya na nga ang sagot sa lahat ng hirap na pinagdaraanan ko.

Sa pangalawang buwan ay pinaayos na niya ang aking mukha. Kahit na matangos na ang ilong kong nasira noon ay mas lalong bumagay sa akin ang bagong gawang ilong. Doon pa lang ay nag-iba na ang hitsura ko. Nagmukha akong matured lalo na ngayong sagana na rin ako sa ligo, pagkain, at tulog. Parang hindi ko na makilala ang sarili ko.

Nagpatuloy ako sa pag-aaral. Lahat ng dapat matutunan ng gaya ko ay pinagsumikapan kong habulin. Naging matiyaga sa akin si Milev at ang aking gurong si Martisha. Bukod sa pag-aaral ay natuto rin ako kung paano gawin ng maayos ang mga gawaing bahay. Kalaunan ay ako na ang naghahanda ng sarili kong mga pagkain. Natuto akong mamuhay ng mag-isa sa tulong at alalay ni Milev.

Minsan ay nag-uusap rin kami pero hindi nalayo ang topic tungkol sa mga natutunan ko sa aking guro. Minsan naman ay siya mismo ang gumagawa ng mga pagsusulit ko para makita kung mayroon nga akong natutunan at sa lahat ng iyon ay pasado naman ako.

“Bakit mo ako tinulungan?” tanong ko sa kanya isang gabi nang mapag-isa kami.

Bumagal ang kanyang galaw para sulyapan ako habang patuloy na hinihiwa ang steak sa plato.

“Dapat ba hindi?”

“Hindi mo ako kilala. Ni minsan ay hindi rin kita nakita sa center o kahit sa kulungan kaya wala akong nakikitang dahilan para isalba mo ako at tulungan ngayon.”

“I don’t belong in those places, Dominika,” mabagal niyang sagot. “But people like me have eyes everywhere and I know all about you.”

Napalunok ako sa pagiging mariin ng kanyang tono lalo na sa mga huling salita.

“Kilala mo ang mga magulang ko?”

Marahan siyang tumango. “Everything about you, Dominika.”

“Kung gano’n, bakit mo pa rin ako tinutulungan kung alam mong mamamatay tao ako sa edad kong ’to?”

Doon na siya nahinto sa paghiwa sa kanyang pagkain. Kinuha niya ang kanyang basong may lamang wine at mabagal iyong nilagok.

“Not because you killed someone means that you are evil. For some eyes, what you did was a sign of braveness and justice. It was not ideal and people who have weak heart will never understand what you did, but you are what my world needs.”

“Ano pong ibig n’yong sabihin?”

Umangat ang isang gilid ng kanyang labi at saka binalikan ang pagkain. “Malalaman mo sa tamang panahon.”

Mahabang katahimikan ng namagitan sa amin. Hindi ako masyadong nakikipag-usap sa kanya pero ngayong gabi ay hindi ko mapigilan dahil sa pagbaha ng mga katanungan sa aking utak.

“Buhay pa ba ang ina ko?” walang pag-aalinlangan kong tanong.

“Do you really want to know the answer to that?”

“Sabi mo may mga mata ka kahit saan at alam mo ang lahat kaya kung totoo man, buhay pa ba siya? Nasaan siya ngayon?”

“She’s still alive and living the best time of her life whoring and robbing men who paid her for a good fuck. Kahit saang panig ng mundo mapunta ang nanay mo ay pokpok pa rin ito at mas mabuti pang ibaon mo na rin siya sa limot.”

Napalunok ako sa marahas niyang mga salita.

“You are dead, Dominika,” pag-uulit niya. “Iyan ang gusto kong tumatak sa ’yo. Ang batang nilaslas noon at pinagkaisahan sa center ay patay na at kahit kailan ay hindi na babalik pa. You are not that poor girl anymore, do you understand me?”

Nanubig ang mga mata ko nang maalala iyon. Humigpit ang kapit ko sa aking mga hawak na kubyertos. Ang galit ay unti-unting umusbong sa aking puso.

“Kung gusto mong ipagpatuloy ang nasimulan natin, mas mabuti pang kalimutan mo na ang lahat sa nakaraan mo at baunin mo ang galit, sakit, at lahat ng hirap na napagdaanan mo bilang panangga sa buhay na kahaharapin mo dahil ngayon pa lang ay gusto kong malaman mong hindi magiging madali ang lahat.”

Napalunok ako sa bigat ng kanyang mga salita. Muli niyang inangat ang kanyang baso at inubos na ang laman bago ako muling titigan ng mataman.

“This is not even the beginning of your journey, Dominika. Marami ka pang pagdaraanan kaya ngayon pa lang ay maghanda ka na.” mabagal niyang sambit na nagpakalampag sa aking puso.

CHAPTER 6

Chapter Six

Snow Ball

Hindi ko mapigilang mamangha kay Milev nang isang galaw niya lang sa hawak na shot gun ay natumba na kaagad ang baboy ramong kanyang target. The smoke came out of the gun while the sound of it continued to echo through the trees of the forest.

Walang emosyon siyang tumayo na para bang natural na sa kanya ang mga ganitong pagkakataon.

Milev basically gave and taught me everything except this one. Sa mahabang panahong pagsasama namin simula ng kinupkop niya ako ay natutunan ko nang mamuhay ng mag-isa at magkaroon ng sariling laya. She taught me how to hunt but only using a bow and an arrow which I am still struggling by the way.

Marami na siyang itinuro sa akin pero tikom pa rin ang kanyang bibig pagdating sa kung ano talaga ang balak niya sa akin at kung sino talaga siya. Her life remains a mystery to me.

Inilibot ko ang mga mata sa tahimik na gubat. The sun was about to set. Ang mga huni ng ibon ay hindi nawala sa itaas ng mga matatayog na puno. Ilang kilometro ang nilakad namin simula sa cabin at kahit na wala siyang iniwang palatandaan sa daan ay aalm kong saulo ni Milev ang lugar.

I was used to this kind of scenery but even with being familiarized with the place, ni minsan ay hindi ko na tinangkang tumakas. Bukod sa wala akong mapupuntahan ay hindi ko na rin gusto pang mabuhay ng wala si Milev. I trust her with my life now. Kung wala siya ay talagang matagal na rin akong patay at kung mawawala siya ay hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin. She was my last hope.

“Lit a fire, we’ll cook this one.” aniya matapos naming lapitan ang wala ng malay na baboy ramo.

I did what she said. It was an easy task for me now. Talagang marami na akong natutunan sa pangangalaga niya.

“Pero sabi mo bawal akong uminom.”

She smiled and still handed me her flask after an hour of doing my task.

“You’ll need it.”

May pag-aalinlangan kong kinuha iyon pagkatapos ay naupo sa kanyang harapan. Uminom ako ng kaunti pero dahil sa pait ay agad ko iyong naibalik sa kanya. She chuckled and just chug the whole thing.

Sinimulan kong iikot ang napatay niyang hayop sa nakatusok sa kawayan matapos ko iyong balatan at linisin. Ito ang unang beses na napalayo kami sa cabin. Aniya ay isang linggo siyang mananatili para magpahinga at pinili niyang samahan ako imbes na magkabasyon sa ibang lugar.

Habang nagluluto ay inayos niya ang tent na aming dala. Napatulala ako sa apoy, ang utak ko ay lumipad na sa kung saan.

Kahit na hindi kami masyadong nag-uusap ni Milev ay alam kong mahalaga ako sa kanya. She wouldn’t help me if I was nothing to her. Sa kanya, napatunayan kong totoo ang swerte at lahat ng mga sinasabi ni Nanay. Sa kabila ng mga hirap na napagdaanan ko, naniniwala akong mayroon pa ring nagbabantay sa akin.

Hindi man ako exposed sa mga tao gaya ng mga normal na kaedad ko, mas pipiliin ko pa rin ang ganitong klase ng buhay kahit na alam kong marami pa akong dapat paghandaan gaya ng palaging paalala sa akin ni Milev. I believe her when she said that this is only the beginning. Ang lahat ng mga natutunan ko nitong mga nagdaang taon ay panimula pa lamang at marami pa akong mas mabibigat na kahaharapin.

I helped her set up our tent. Gabi na ng maluto ang baboy ramo na kakainin namin. Tahimik ang paligid at tanging mga kuliglig at ibang mga hayop lamang ang naririnig na ingay sa gubat. Bukod sa apoy ay buwan ang nagbibigay liwanag sa amin.

We ate in silence. Natural na tahimik si Milev at sanay na ako lalo na sa mga hindi niya pagsagot ng mga tanong ko tungkol sa kanya pero hindi ko pinalagpas ang pagkakataon.

“Bakit mas pinili mong samahan ako kaysa sa magbakasyon sa ibang lugar?”

Bumagal ang kanyang pagnguya dahil doon. She was hesitant to answer me.

“Sawa ka na bang magbakasyon sa ibang lugar? Naikot mo na ba ang buong mundo?”

I wasn’t expecting her to answer me, but she did. Mabagal siyang tumango. Namangha ako.

“It must be nice,” may lungkot sa tinig kong sambit. “Magkwento ka naman. Anong lugar ang pinakagusto mong puntahan sa lahat?”

She closed her mouth at that. Napayuko ako.

“Bukod sa kulungan at center, wala na akong iba pang napuntahang lugar,” mapait kong sabi. “Sa TV lang ako nakakakita ng mga magagandang tanawin. Ng snow, at imposible man, gusto ko ring makakita no’n bago ako mamatay ulit.”

“You’re not going to die again, Dominika.” maagap na putol ni Milev sa akin.

Pinagdiin ko ang aking labi at malungkot na napatulala sa kanya.

“No one really know when we will die, right? Si Martisha ang nagturo sa akin niyan at naniniwala ako sa kanya.”

“But you’re not going to,” giit niya. “Not in my watch, Dominika.”

“Still, hindi mo sigurado ang bagay na ’yan. Ang punto ko lang, gusto ko bago mangyari iyon ay makapunta man lang ako sa lugar na may snow.”

“Just continue obeying what I said and everything you want will happen.”

Parang gusto kong maluha sa kanyang mga sinabi. Kung noon ay wala ng pag-asa pang natitira sa puso ko, ngayon ay ang lahat ng mga salita ni Milev ay nagpapalakas sa aking loob. My heart believes everything she said. Hindi na dahil wala akong choice kung hindi dahil ipinapakita niya sa aking totoo siya sa kanyang mga sinasabi at pangako.

“Besides, hindi ka rin magtatagal sa lugar na gano’n.”

Napangiti ako. “Tingin mo talaga makakapunta ako?”

“Haven’t I told you already?”

“Bakit palagi kang positibo para sa akin, Milev? Anong nagawa ko para pagkatiwalaan mo ako ng ganito?”

Bumaba ang mga mata niya sa iniihaw na laman ng baboy. Inikot-ikot niya ang hawak na stick sa ibabaw ng apoy.

“I see myself on you, Dominika.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Nag-igting ang kanyang panga sa aking tanong. Hindi na ako umasa na magpapatuloy siya sa pagsasalita pero napatuwid na lang ako ng upo nang kabaliktaran doon ang nangyari.

“I killed someone at very young age, too.”

My jaw dropped at that. Nanatili ang mga mata niya sa ginagawa habang binabalikan ang lahat ng kanyang nakaraan.

“I was hated by everyone I knew including my parents. Lahat ng mga taong kakilala ko ay itinakwil ako at iyon ang dahilan kung bakit ako umalis. I lived in the streets for so long. I was alone, starving and didn’t care about anything for years except survival until Mr. VA rescued me.”

“Mr. VA?”

Tila nagising siya sa aking inulit na pangalan. Napainom siya ng alak dahil doon.

“Siya ang sumalba sa ’yo gaya ng pagsalba mo sa akin ngayon?”

She nodded. “He changed me for the better, Dominika. He gave me a purpose and I’m doing the same thing here.”

“Buhay pa ba siya? Nasaan na siya ngayon?”

“You’ll know him soon.”

May kung anong bumundol sa aking dibdib dahil sa narinig. Sandali akong natahimik.

“I’m proud of you you know,” she trailed off. “People like us are lucky to be saved when everyone we knew already gave up on us. I was never skeptical about you Dominika and you proved me right. Marami ka pang pagdaraanan pero ngayon pa lang ay alam ko nang kayang-kaya mong lagpasan iyon lahat. I know you’ll survived. You’ll always survive. You have to, promise me that.”

“I will do everything to stay alive, I promise.”

That put a smile on her face. Naging banayad ang una naming gabi sa gubat. We continued our journey for days until it was time for us to go back to the cabin. Hindi pa man umaalis si Milev ay na-mi-miss ko na kaagad siya. Tapos na kasi ang klase ko kay Miss Martisha at hindi na raw ito babalik kaya bukod kay Milev ay wala na akong makakasama.

“Bakit hindi mo na lang ako isama sa ’yo para naman may silbi ako’t mapakinabangan mo?”

Natigil siya sa pagliligpit ng mga gamit sa kanyang maleta. She turned to me and shook her head.

“It wasn’t time, Dominika. And you haven’t even passed your tests yet.”

“Pero ilang puntos na lang naman ang kailangan ko. Dalawang target board lang ang hindi ko natamaan kanina.”

“Polish that so you can move on to the next one.”

“M-may next pa?”

Marahan siyang tumango. “Trust me, you need it.”

Kahit na mabigat sa loob ko ay wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang kanyang mga sinabi. I helped her pack her things. Halos maluha ako nang bago siya umalis ay may ibinigay siya sa aking regalo. It was a snow ball.

“That’s our goal, Dominika. Your dream. Huwag nating madaliin ang lahat ng mga pagsasanay mo. You still have time to improve and perfect things. That will be your advantage. Kakailanganin mo ang lahat ng ipinapagawa ko sa ’yo para sa mas malaking hamong kahaharapin mo.”

Napalunok ako ng marahan niyang haplusin ang aking mukha.

“You’re going to live and continue your life wherever you want if you just obey me. And that’s a promise. Just trust me, alright?”

Humigpit ang kapit ko sa snow ball na kanyang ibinigay. Nang tuluyan na siyang mawala sa aking paningin ay wala sa sariling napatitig ako sa hawak.

I shake the ball. Tumalon ang puso ko sa tuwa nang magtalunan ang mga snow sa loob. I heave a sigh and forced a smile. Napuno ng magagandang posibilidad ang puso ko.

All I need is to trust her. And I do. Wala akong choice kung hindi ang gawin iyon. I basically owe her my life and I will not disappoint Milev. Besides, I have nothing to lose. I am nothing and without Milev, I’m good as dead.

Kung ano man ang dapat kong harapin sa mga susunod na bukas ay maghahanda ako. Iyon lang ang dapat kong gawin at wala ng iba.

CHAPTER 7

Chapter Seven

Duty, Justice, And Survival

I slowly clip the arrow onto the bow string and then placed my fingers above it. I brought my arms up together to my eye level, drive my right hand all the way back to the side of my face and then breath slowly. I relaxed my hands on the bow before closing my eyes. I let out another sigh before finally releasing the arrow from my hand.

Ilang beses akong napalunok pero ang lahat ng kaba at pagod ko ay agad napawi nang kahit nakapikit ay walang hirap kong nasapul ang pinakagitnang kulay pula sa aking target board.

A victorious smile crept on my lips. Muli akong humila ng bala para sa aking pana. I closed one of my eye as I follow a bird flying across the bamboo trees. Napaawang ang aking bibig at pagkatapos ay muling nangisi nang sa aking pagbitiw ay sunod na bumagsak iyon sa lupa.

Ang tunog ng mga tuyong dahon at mga ugat sa gubat ang sunod na namayani sa kapaligiran sa aking pagtakbo’t paglapit sa ibong nahuli.

“Fried chicken ka ngayon.” nakangisi kong sabi matapos iyong pulutin sa lupa at titigan.

Perfecting archery was the only thing I did since Milev left me again. Linggo-linggo ko siyang in-a-update at masaya ito sa naging progress ko. It took me three more months to be able to hunt and kill with my skill even with my eyes closed.

“Kung uuwi ka titirhan kita masarap pa naman.” nakangiti kong sabi sa kanya habang nasa harapan ng laptop na kanyang iniwan para sa akin.

She left me some articles to read. Bukod sa makausap siya at sa mga gusto niyang ipaaral sa akin ay wala ng silbi ang computer. I couldn’t even use the internet and even if I want to, wala naman akong idea doon. I trust Milev in everything so when she said that it was not time for me to learn about the world through it, I didn’t even bother asking why.

“I don’t know when will I come home, Dom. Masyado akong maraming ginagawa ngayon.”

“Alam ko. Palagi ka namang busy sa trabaho mo. Hindi mo rin naman sinasabi kung ano talaga at ayaw mo rin naman ng tulong ko kaya nasanay na rin ako. Besides, I’m fine. At least wala akong kahati kay Pocholo.” I said while bragging the piece of the cooked bird in front of her.

“Did you really just named your food?”

“He was the best catch I’ve ever had so yeah.”

She laughed at that. Marami pa kaming napag-usapan. She told me about how stressed she was but the reason behind that remained a mystery. Gaya ng sabi ko, sanay na ako doon.

I sat and relax on the living room after finishing my dinner. Binuksan ko ang TV at naisipang manuod ng pelikula galing sa mga CD na nasa aking gilid. Good thing Milev taught me how to use the CD drive. Tuwing bumibisita rin noon rito si Martisha ay marami siyang dalang mga bagong CD at ang iba doon ay hindi ko pa napapanuod.

Sa mga pagkakataong ito ay maaga akong natutulog o ’di kaya naman ay nagpupuyat sa training pero ngayong gabi ay gusto kong magpahinga.

I’ve never watch a full english romance movie before because I was used to watching spy movies and such so I wasn’t prepared with it. Sa umpisa pa lang ay na-hook na ako kahit na ni minsan ay hindi ko naisip ang tungkol sa pag-ibig. Yes, I knew it exists but I always felt like unconditional love wasn’t really possible. Suntok sa buwan kung mayroon man.

I absentmindedly bit my lip and got more curious when I got into the steamy part where the characters finally kissed and made love. May kung ano sa aking hindi ko maintindihan. My cheeks were burning just by watching it. Hindi ko napigilang mapaawang ang aking mga bibig matapos maisip na isang araw ay mahahalikan rin ako ng isang lalaki.

The scene was so sensual that it got into my head. Hanggang sa pagtulog ay iyon ang panaginip ko, making me binge all the romantic films the next day.

“Matagal ka pa bang uuwi?”

“Have you finished reading what I sent you?”

“I’m halfway through it.”

“Good. I’ll send you another one once you’re done with it.”

“Hindi ka uuwi?”

Natigil siya sa pagbuga ng yosing hawak. Binalingan niya ako galing sa screen. Kuryosong mga mata ang tumitig sa akin.

“Are you being lonely now, Dom?”

Umiling ako kaagad. “I am not.”

“Then what’s up?”

Nahihiya ko siyang tinitigan. Mas lalo akong kinabahan sa pagtaas ng kilay niya.

“Malapit na ang fifteenth birthday ko.”

“And?”

“I was just thinking about you sending me more films to watch.”

“Films, huh?”

“It’s my birthday, Milev. I wasn’t behind on everything that you’ve asked me to do. I need more entertainment.”

“How about finding the river and try catching a fish?”

I swallowed hard at that. Mabuti na lang at sa huli’y naintindihan niya ang pangangailangan ko. I never asked her for anything and that’s the first kaya napagbigyan rin ako.

She sent me a cake and a luggage full of movies to watch. It was sent to me via drone. Walang pagsidlan ang naging pasasalamat ko sa kanya lalo pa’t nasunod ang requests kong puro romantic films ang ipadala niya.

Imbes na ma-distract rin sa mga bagong pinagkakaabalahan ay mas lalo pa akong naging masigasig sa lahat ng mga pinagagawa niya sa akin.

“Verdict?” Milev asked on the other line.

Katatapos ko lang basahin mga law books na ibinigay niya sa akin upang pag-aralan. Sa tuwing kausap ko siya ang nag-di-discuss kami ng kaso.

“Guilty.”

“And what should we do if we found out the accused was guilty? What’s the justice that he deserved?”

Napalunok ako sa naisip. Milev move her hand on the screen, urging me to answer.

“Death.”

“Good.” she answered with a smile on her face.

There was no death punishment in the books that she made me read, but her world has. And that’s what people like me need to follow. Hindi ang batas ng gobyerno, hindi ang batas na alam ng maraming tao, kung hindi ang batas na nararapat sa mga taong walang ibang ginawa kung hindi ang pahirapan ang mga walang kalaban-labang nilalang. Death was the only thing so justice could be obtained.

“I’ll send you parts of the kinjia that you needed to learn.”

“Kinjia?”

“You’ll know about it soon, Dom. Kaunting-kaunti na lang.”

“Am I ready for whatever life you’re about to introduce to me?”

“You’ll know the answer to that soon. Even so, know that I’m already proud of you.”

Hindi nawala ang ngiti ko matapos ang aming pag-uusap. Hearing her say that every time makes my heart giddy. Wala sa hinagap kong pasayahin si Milev sa lahat ng mga progress ko pero simula ng una kong marinig sa kanya ang mga salitang iyon ay iyon na rin ang naging basehan ng kasiyahan at fulfillment sa puso ko.

Milev went home for two days after another month of being away. I was delighted to see her again. Hindi nawala ang tuwa sa aking puso habang pinagsisilbihan ko siya. Dama ko ring na-miss niya ako at kahit paano ay masayang-masaya ring makita ako.

“Have you ever been in love?”

She almost burst out in laughing because of my question. She was having wine while staring at the moon. Ako naman ay nakatitig lang sa kanya.

Milev was a beautiful woman. Ang mga gaya niya ay sa TV ko lang rin nakikita noon. She was always sophisticated and her presence was always powerful in my eyes. Malayo pa lang ay parang gusto mo ng lumuhod sa harapan nito.

Now remembering what she said about her past life, ako ang nagiging proud sa kanya. She’d come a long way and I couldn’t wait to be like her. Powerful, beautiful, and a bit of immortal. Having some knowledge of her world, alam ko nang marami na siyang napatay. Did it scared me? No. It actually made me admire her more.

“What kind of silly question is that, Dominika?”

“Gusto ko lang malaman.”

“And why?”

Nagkibit ako ng balikat. “Gusto ko lang malaman kung anong pakiramdam no’n.”

She puffed her cigarette. Halos maubos iyon sa ginawa niyang paghithit.

“This is why I’m not really convinced of sending you those films.”

“Bakit naman? Hindi ba dapat ko ring maintindihan ang bagay na ’yon? Hindi ba ’yon kailangan sa buhay ko?”

That made her stop and think for a bit. Kalaunan ay tumango siya.

“Love comes in so many forms and ways. Hindi lang galing sa iisang tao o lalaki nagmumula ang bagay na ’yon.”

I nodded. “They said loving someone is one of the best thing in the world, is it true?”

“They’re wrong. Sometimes love can only get you worst and that’s the only thing you need to learn and understand, Dominika.”

“But that’s also a part of loving someone–”

“Dominika,” nahinto ako sa lamig ng boses niyang pumutol sa akin matapos akong titigan. “Love is the least thing you need to think about. We are different than those people you watched in stupid movies and we will never be like them. Perfect love is only an illusion.”

Napalunok ako’t natahimik. All my admiration, excitement and delusion about the matter were thrown out of the window. I listened to her.

“You know what’s the only thing we need to keep in mind? Our duty, justice, and survival. I hate to break it up to you, but love will never have a space in your life. It shouldn’t because that will only make you weak. Wala kang ibang dapat mahalin kung hindi ang sarili mo.”

“But I love you. You saved me.”

Ibinalik niya ang yosi sa bibig. Hindi inasahan ang mga salitang lumabas sa aking mga labi.

“You have to love yourself more than anyone else. Even me. Hindi ko gustong tanawin mong utang na loob ang lahat ng ginawa ko kung hindi bagong pag-asa para sa ikabubuti mo. It will make me very happy to see you change your life for the better.”

“So that means you’ve never been in love?”

Bigo siyang umiling kahit na ayaw nang sagutin pa’t balikan ang tanong kong iyon.

“Marami ka pang kailangang malaman at matutunang mas importante bukod sa bagay na ’yan at iyon ang gusto kong mas pagtuonan mo ng pansin. You want to be like me, right?”

Marahan akong tumango.

“Then forget about love and just focus on what I asked you to do.”

Hindi na ako nangulit. Naniniwala akong walang puwang ang pagmamahal sa buhay niya pero hindi ako naniniwalang wala siyang minahal kahit kailan. It was too impossible. Gayunpaman, sinunod ko ang gusto niyang huwag na iyong isipin o bigyan pa ng panahon.

I slept peacefully that night, but I was awakened by Milev two hours after. Malakas ang naging pagkalampag ng puso ko nang makita ang kanyang pagkataranta.

“We need to go! Follow me, Dominika!”

“M-Milev–”

“Now!” she shouted!

Sa mga sumunod na minuto ay para akong dahong sumasabay lang sa malakas na ihip ng hangin. Kahit na mabilis ang mga pangyayari, nakikita ko ang mabagal na paggalaw ng lahat. Everything was in slow motion right after she asked me to grab one of the luggage under the sink.

Wala na akong nagawa pa kung hindi ang matulala habang pinapanuod siyang buhusan ng gas ang buong bahay. My head was screaming. Bumaha ng mga katanungan pero ni isang salita sa aking bibig ay walang lumabas. As if once again, I was mute.

Hawak ng mahigpit ang luggage at yakap ang kanyang bag ay tulala kong pinanunuod ang pagtupok ng nagbabagang apoy sa lugar kung saan ilang taon akong nanirahan. Milev was talking to someone on the other line. She was tensed. Nanatili akong tulala at walang nasabi kahit na hinihila na niya ako palayo sa lugar.

CHAPTER 8

Chapter Eight

Welcome To Our World

Patuloy na umikot ang akin tiyan habang walang tigil sa paghakbang palayo sa lugar na naging tahanan ko ng ilang taon. I was exhausted. My feet was getting weak in each step, but I couldn’t stop. Ni hindi ako pwedeng manghina dahil kailangan kong marating ang itinuturo sa akin ng relong ibinigay sa akin ni Milev bago kami maghiwalay.

The sun was rising. Ilang oras na akong tumatakbo at naglalakad sa madilim at delikadong gubat pero wala pa ako sa kalahati.

Humigpit ang kapit ko sa hawak kong snow ball. It was the only thing I saved for myself before I lost everything again.

Pinilit kong pigilan ang mga luha. There was no time for weakness in times like this. Ang sabi ni Milev, kung saan man ako pupunta ay magiging ligtas ako. She said she will meet me there. Hindi ko man alam kung paano dahil hindi ko rin maintindihan kung ano ang nangyayari at bakit kailangan niyang sunugin ang lahat pero wala akong magawa kung hindi ang sumunod. Hindi ko pa man alam ang totoo at eksaktong ginagalawang mundo ni Milev ay alam kong kailangan ko ang lahat ng mga natutunan ko sa kanya para mapabilang doon.

I didn’t shed a tear. Ilang kilometro pa nang paglalakad ay nabuhayan ako ng pag-asa nang makarinig ng lagaslas ng tubig.

Maliwanag na ang paligid nang marating ko ang ilog. Hindi ko na napigilang mapaluhod nang makalapit dito at pagkatapos ay walang sabing sinalok ng mga palad sa tubig upang makainom. I did it until I felt full. Hindi ko kasi alam kung kailan pa ulit ako makakahanap ng ilog na pwedeng inuman. Sa tantiya ko rin ay dalawang araw pa akong maglalakad bago marating ang lugar na itinuturo sa akin ng mapa.

I cleaned myself and sleep a bit. Nang magising ay uminom ulit ako bago nagpatuloy sa paglalakbay. My body was exhausted. Mabuti na lang at marunong akong gumawa ng sariling pana at manghuli ng pagkain sa gubat kaya kahit paano ay naka-survive ako sa unang gabi.

The snow ball was the only entertainment I had. Iyon lang ang tanging bumuhay sa natitirang pag-asa sa aking puso at nagbigay ng lakas upang magpatuloy.

Kahit na nag-aalala ako para kay Milev dahil wala na kaming komunikasyon ay umaasa pa rin akong sa dulo nito ay makikita ko nga siya. I may be strong compared to who I was before she took me in but I don’t think I can live without her. Marami pa akong dapat na matutunan sa kanya at siya lang ang tanging makapagbibigay sa akin no’n. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko at wala ng iba.

I continued with my journey. Lakad-takbo ang ginawa ko sa mga sumunod na araw. I killed five snakes and eaten four birds on my way until I finally had a glimpse of the place where my watch was pointing me to.

Halos mabitiwan ko ang aking pana at snow ball nang matanaw ang mala-palasyong kulang puting kastillo sa ibaba ng burol na aking kinatatayuan. It was situated at the middle of thousands of hectares of green lands. Ilang beses akong napalunok at pagkatapos ay wala sa sariling sinulyapan ang relo dahil baka mali lang ito pero doon talaga ako itinuturo.

The place looks heavily guarded from where I was standing. Lumihis ang mga mata ko patungo sa kanang bahagi kung saan naroon ang kalsada. There were tons of heavy armored trucks going back and forth. The place looked peaceful, but there was so much more to it. Hindi ko maipaliwanag. Gayunpaman, wala akong nagawa kung hindi ang tuntunin iyon pero wala pa ako sa kapatagan ay nalaglag na ang puso ko nang sunod kong nakita ang mga armadong lalaking agad na humuli sa akin. I was quick to run away but it was too impossible to escape them!

They blindfolded ang tied my hands. Wala akong ginawa kung hindi ang magsisisigaw kaya binusalan rin nila ang aking bibig.

I was so scared for my life again. Alam kong mali ang lahat pero wala na akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang aking pagkatalo. Na ang lahat ng mga pinaghirapan namin ni Milev ay mapupunta lang rin sa wala at ito na ang tamang panahon para tuluyan akong sumuko sa kamatayan. I’ve already outrun death multiple times but it was finally time to lose.

Am I ready? No. I don’t think I deserved to die after what I’ve been through but it is what it is. I’ve learned that life could be full of surprises and sometimes those surprises will never be in our favor.

Nakatagilid ako sa umaandar na sasakyan habang nasa sahig. Ang mga kamay ko ay nasa aking likuran, like someone who got kidnapped and about to die.

Wala akong nagawa kung hindi ang maiyak na lang. Hindi ko na nabilang kung gaano ako katagal nagdasal para sa mga huling hininga ko sa mundo. I wasn’t expecting anyone to save me anymore. Inasahan ko nang mamamatay ako sa lugar kung saan ako dadalhin ng mga ito pero kahit na tanggap ko na ang aking kamatayan ay nagpatuloy pa rin ako sa pagpiglas nang ilabas nila ako sa sasakyan.

The men who captured me was left with no choice but to carry me because I was giving my best to resist them.

“Pakawalan n’yo ako! Bitiwan n’yo ako!” paulit-ulit ko iyong isinigaw matapos nilang tanggalin ang busal sa aking bibig pero bumanda lang ang aking mga salita sa silid na pinagdalhan sa akin ng mga ito.

The echo of my voice made me deaf. Bago pa ako mapaluhod sa sahig ay tinanggal na nila ang aking piring. I was about to shout again, but I felt my voice left me when I saw Milev standing perfectly in front of me.

Lalapitan ko na sana siya pero hindi ko nagawa dahil sa kanyang hitsura. I was expecting her to look like me or even worst, but there was no sign of hardship in her presence. On the contrary, she was looking flawless and beautiful just the way she is.

“M-Milev…”

Isang titig niya lang sa isang lalaki ay agad na itong tumalima upang tanggalin ang mga tali sa aking kamay. Pagkatapos no’n ay iniwan na kami ng mga ito sa isang silid.

“I’m glad to see you alive.”

Nanghina ang mga tuhod ko sa narinig. Wala akong naisagot. Hinayaan ko siyang sipatin ang aking kabuuan. Unlike her status, I was dirty, weak, hungry and I smell awful.

She glanced at a chair but I didn’t move to where I was standing.

“A-anong nangyayari? Sino ang mga ’yon? Nasaan ako?”

Imbes na makitaan ko siya ng simpatya o kung ano mang awa para sa akin dahil sa napagdaanan ko ay tanging tagumpay lang ang nakita ko sa kanyang mga mata. She then sat on the chair and lit a cigarette. Walang pakialam niya iyong hinithit sa aking harapan habang ang isang kamay ay nakahalukipkip.

“Is this some kind of joke, Milev? Pinaglalaruan mo ba ako?”

She puffed her cigarette and blows its smoke again, not minding my question. Naikuyom ko ang mga kamao dahil doon. She was clearly playing with me. Kung ano man ang nangyari, tiyak na ang lahat ng napagdaanan ko ay balewala sa kanya. That made me mad.

“Hindi mo ba alam na muntik na akong makagat ng mga ahas sa gubat na ’yon?! Halos mamatay ako sa gutom at mapagod kakatakbo para lang hindi masaktan ng mga animal do’n tapos laro lang pala ang lahat para sa ’yo? You burned our house and played with my emotions! Now answer my questions!”

“I just gave you a taste on what it’s like to be me.” napalunok ako sa malamig niyang sagot.

Gusto ko siyang sigawan pero tila naputol ang aking dila nang ibalik niya sa akin ang matalim na titig at pagkatapos ay nakaigting ang pangang nagpatuloy.

“I don’t owe you anything, Dominika. I am your mentor and not your fucking friend. I am supposed to play with your emotions to test your capabilities because that stupid thing will always make you weak, do you fucking understand me?”

Napaatras ako sa kanyang pagtayo at paghalukipkip palapit sa akin.

“I’m surprised you made it in just three days. I was actually in doubt if you’re going to make it alive because most people die in that forest, but you made me proud. You always prove yourself to me and I’m pleased.”

Hindi nawala ang pagtatampo sa puso ko para sa kanya. Dahil na rin siguro sa hirap at gutom na napagdaanan ko sa lugar na ’yon kasabay pa ng trauma sa ginawa niyang pagsunog ng cabin.

Napalunok ako nang hawakan niya ang aking baba. She puffed her cigarette once more and blow its smoke towards my face. Napangiwi ako sa bahagyang pagdiin ng kapit niya sa aking panga.

“You’re in La Spieza and the only answer I could give you now is that you’re finally ready.”

“W-what do you mean by that?”

“Everything you’ve been through was just the beginning, Dominika. Ilang ulit ko nang sinabi sa ’yo ang bagay na ’yon at ngayong narito ka na ay tanda iyan na handa ka na sa mas malaking hamong tuluyang babago sa buhay mo. Marami ka pang hirap na pagdaraanan, but I know you’ll make me proud again,” marahan niyang hinaplos ang aking mukha at sa unang pagkakataon ay nginitian ako ng matamis. “You can chill now. You’re safe here and no one’s going to hurt you. You’re now part of us.”

My heart thud at that but my mouth didn’t want to say something anymore. Milev cupped my face after putting her ciggs on the ashtray. She wipe some dirt on my cheeks using her thumb and remained smiling at me.

“Welcome to our world, Dominika.” she said and then taps my face twice before four women wearing 1900’s maid’s uniform went inside the room and take me away from Milev.

CHAPTER 9

Chapter Nine

La Spieza

I’m in La Spieza. A world where justice and duty was very alive.

Everything was new to me, but I get a hold of myself. Simula nang mapunta ako sa lugar na ito ay wala akong ginawa kung hindi ang hayaang gumalaw ang buhay kong hindi ko na kailanman magiging kontrolado. Kahit na wala akong idea sa mga haharapin ko ay hindi ako nagtangkang tumakas. Bukod sa wala akong mapupuntahan ay alam kong dito sa mundong ito ako nabibilang.

I lived in a place called the mansion. It was huge, but I could only roam where I was stationed. In my case, hangga’t hindi nagsisimula ang tinatawag nilang zapošljavanje o ang recruitment or employment ay mananatili ako sa aking silid. There were servants in every part of the mansion. Kahit ako ay mayroong dalawang lady’s maid or personal maid.

“They were called servantes and nothing else.” Milev said one night after visiting me.

“Are they all deaf and mute?”

Milev chuckled and shook her head. “They are not, Dominika. The servantes are not allowed to talk to anyone except the people who have ranks. Even so, they were not allowed to talk unless it was required.”

“What is this place, Milev? Alam kong malalaman ko rin pagdating ng sinasabi mong panahon pero hindi ko na kaya pang maghintay. Give me something or else I’ll go crazy.”

Nanatili ang paninigarilyo niya’t pag-inom sa hawak na whiskey. She stared at me. Umayos ako ng upo sa aking kama. Mas maayos man at magaan ang buhay ko rito at hindi na dapat ako magreklamo pero gusto ko pa ring malaman kahit na ang pinakamaliit na detalye. If this is going to be my world now then I need to know all the details about it.

“You’re impatient, Dominika.”

“Anything, Milev. Just give me something, please?”

She heave a sigh. Tinungga niya ang laman ng hawak na baso at pagkatapos ay muling nagsalin pero imbes na inumin ay ibinigay niya iyon sa akin.

“S-sabi mo bawal akong uminom ng alak?”

“Trust me, you need it.”

Walang pag-aalinlangan ko na iyong tinungga. Napangiwi ako sa lasa at init na dumaloy sa aking katawan dahil sa alak. I waited for her to talk.

“Mr. VA was the one who’s behind everything here, Dominika. He has eyes everywhere even outside this please and it was too impossible for you to meet him in person. Hindi lang ang lugar na ito ang nasa La Spieza. Just like the world we were born in, ang mundong ito ay mayroon ring normal na mga tao. Kung ano ang mayroon sa labas ng La Spieza ay narito rin at marami pang iba. The only difference is that this place was built to give fairness to the people. There were no violence here. Everyone was treated equal and taken care of. This place was the real heaven on earth or whatever those authors write in their fictional books.”

Humigpit ang kapit ko sa baso sa kanyang pagbaling sa akin matapos idiin ang yosi sa nasa lamesang ashtray. She then sat on a chair few steps away from me. She crosses her feet and continued speaking.

“I know you still have a lot of questions squirming your head non-stop, but trust me with this one, Dominika. You’ve already come this far and trust me when I tell you that you’re going further than this. Make me proud, will you?”

Kahit na hindi ko alam kung paano ay tumango na lang ako. Sa mga sumunod na araw ay wala akong ginawa kung hindi ang ihanda ang puso ko sa mga bagyong parating. Good thing the my room have lots of entertainments so I didn’t get bored. Bukod sa mga iyon ay mayroon ring napakagandang view ang aking veranda. As if like I was in a whole new world with all the perfect landscapes and sceneries around me. It was actually better than the movies. Hindi ko akalaing isang araw ay magbabagong muli ang buhay ko. I felt like finally stepping into a ladder of success and because I trust Milev with all my heart, alam kong makakamit ko ang lahat ng mga pangarap ko sa tamang panahon.

Walang araw na hindi ko hinanda ang sarili ko sa lahat ng mga panibagong hamon, but my faith was tested when it was finally time to meet the other people who was part of the zapošljavanje.

Milev told me to keep my mouth shut about the preparations that I went through so others may not see me as a competition and that is what I did.

I wasn’t into making friends, but when Milev said that I don’t have to fear these girls because we were all the same and now part of a family, hindi ako nahirapan nang sa ball pa lang ay maging malapit na ako sa tatlong babae.

“I’m Zoara. Ikaw? Anong pangalan mo?”

“Dominika.”

“It’s nice to meet you.”

I greeted her back. Sa lahat ng mga babaeng narito, siya lang yata ang tingin ko’y sanay na sa pagsusuot ng mga magagarang damit at make-up. It was all natural to her. Bukod doon, she was surprisingly nice. Madaldal pero may sense at malalim kausap. Hindi ako na-bored hanggang sa daluhan pa kami ni Anastasia at Elorae. Everyone were equally beautiful. I don’t want to brag but I’ve really come a long way. Totoo ang sinabing walang pangit kapag mayaman na dahil nagiging maganda talaga sa paningin kapag alaga.

Everything amazes me from the ball until the day we all passed the initial test and finally became a Purva.

“Anong tinitignan mo, Dom?” si Zoara isang araw nang maabutan akong hawak ang aking kinjia.

It was the bible of every students from the first year until we graduated as Zavŭrshil.

Naupo siya sa aking tabi nang bumalik ang aking mga mata sa itim na librong iyon. Wala sa sariling nilapat ko ang isang daliri sa mapa ng La Spieza.

“This place is bigger than I thought. It was as if bigger than the city where I grew up.”

Zoara smiled and nodded. “Ang sabi ni Maestre Barcihs ay hindi lang tatlo ang mansion sa lugar na ito kundi marami pang iba.”

Sumunod ang mga mata ko sa hintuturo niyang lumapat na rin sa libro. I swallowed hard when she pointed the other side of the forest.

“Behind this forest is another world connected to La Spieza. Ang sabi ni Maestre ay iilan lamang ang nakakaalam kung ano ang mayroon sa lugar na ’yon.” aniya sabay layo sa akin at balik sa kama.

Sabi ni Mr. Facou kagabi, ang tawag sa lugar na ito ay the mansion at ang mga nakatira lamang dito ay ang mga babaeng training at mga servantes.

Sa kabilang banda ng La Spieza ay mayroon pang lugar na tinatawag namang Herzegovinia kung saan naroon naman ang mga lalaking gaya namin. Then there’s Pardiño Perdim. The home of Valados leaders, Maestre’s, and Mr. VA himself. Bukod doon ay mayroon pang mga komunidad sa paligid. Ibig sabihin, malaking populasyon rin ang mayroon ang La Spieza at marami pang misteryo sa lugar.

“This place is like North Korea. Ruled by one powerful leader to maintain peace, order and justice.”

Nilingon ko si Zoara. She remained looking at the ceiling. The other girls were still sleeping.

“North Korea?”

She smiled and nodded without looking at me. “Hmm, yeah. Iyon lang ang tanging bansa na akala mo’y nasa lumang panahon pa rin dahil hindi basta-basta nakakapasok ang mga nasa labas nito. They have their own way of living as per instructed by their leader. Malayo sa gulo ng totoong mundo. Some people may not like how North Koreans lived their life but I actually envy some parts of it. Hindi ko man alam kung ano ang totoong nararanasan ng mga namumuhay doon, but I think the way they live their life was ideal. Their government is firm with their rules and the citizens were great at following and respecting the people who runs their country. I understand that some of the rules were too much for other people, but I think that’s what we need in a world like this. Order and justice.”

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Kahit nang lingunin niya ako ay wala akong nasabi.

“We already have so much law and I think it’s time to have a strong leader who will make our country’s citizen abide it. Hindi sandamakmak na batas ang kailangan natin kung hindi bakal na kamay na magpapatupad nito sa Pilipinas,”

“But I doubt that it will happen here. Our county has already divided by greed and hatred for decades. And it’s sad because sometimes the people who wants to run the country was only willing to serve so they could avenge their opposition. Leading them to forget about humanity and their sworn duty,” a smile crept on her lips after gazing back at the ceiling.

“Politics, revenge, and pride was the main reason behind these unlawful killings, Dom. These people only thinks about themselves and not the betterment of their countrymen. Everyone was so obsessed with revenge and most people in politics were hypocrites. Ang nakakalungkot, kapag nalugmok ang mga pobre, walang makapagtatanggol sa kanila dahil ang mga taong gusto nilang ihalal ay mga makasarili. It was all false promise. Walang ibang patutunguhan ang mga mahihirap kung hindi ang malugmok pa dahil hawak na tayo sa leeg ng mga makapangyarihang tao sa bansang ito. That’s what I love about our organization. It was too early to tell, but I couldn’t wait to be part of the justice that these victims deserved… Our countrymen needs us, Dom,”

Napalunok ako nang muli niya akong balingan. She smiled once again and said, “We’ll be part of it, right?”

I nodded. “Yes we will.”

“Part of what?” nalilitong tanong ni Anastasia na pupungas-pungas pa habang kinukusot ang mga mata’t umaahon sa kanyang kama.

Zoara and I chuckled. Imbes na sabihin ay kinulit na lang namin si Elorae hanggang sa magising ito.

CHAPTER 10

Chapter Ten

Criminal

What if the only way to stop evil is to be one?

Napatitig ako sa malaking screen na nasa aking harapan. Being in La Spieza was a whole new world for me. Kahit na sinubok na ako ng buhay bago pumasok rito ay hindi pa rin naging madali sa akin ang tatlong taong pagsasanay sa the mansion.

Sa mga taong lumipas, naging baon ko ang hirap na aking pinagdaanan. I used my experience and hardship to get through the obstacles that laid in front of me. And though there were times that all I wanted was to give up, I still chose to fight.

Nakatulong rin sa akin ang pagkakaroon ng totoong mga kaibigan sa bago kong mundo. Milev told me not to trust anyone except for myself, but my friends and I were all the same. Pare-parehas kaming sinubok ng buhay. We were all hated by life and given another chance to turn it around. Sa paglipas ng panahon ay natagpuan ko rin sa mga kaibigan ko ang tunay na kahulugan ng pamilya. That even after everything that happened, even after all the hatred, it was still possible for me… for all of us.

Anastasia was the oldest and she was our source of strength. Sa aming apat ay siya ang nagpapakita ng katatagan sa amin. She was the leader of the pack.

Elorae was fun to be with. Siya naman ang nagpapagaan ng mga pinagdaraanan naming hirap sa mga trainings. Her humor was natural and it entertained us all.

Zoara, the youngest of us was a natural beauty. Dahil sa kanya ay naging madali ang unang anim na buwan namin bilang mga Purva. She already has proper etiquette and she was the one wo taught us to perfect ours. She also has a good memory. Dahil doon ay palaging kaming apat ang mataas sa mga examinations lalo na sa foreign languages. She loves to study and it influence us. Everyone contributed to the group. Kahit na ganito lang ako, marami rin akong naitulong sa kanila lalo na sa survival. I was trained hard by Milev when it comes to it and it came in handy during our second year.

“Faire attention.” pay attention. Untag sa akin ni Zoara sabay ngusong muli sa harapan.

Being a Chetvurta, iba na ngayon ang mga pinag-aaralan namin sa apat na taon naming pagsasanay sa La Spieza. We were now analyzing some notorious profiles that we are going to give verdict.

Napatuwid ako ng upo matapos bumalik ang paningin sa harapan. Maestre Rave Valentino was showing us different kinds of profiles. Simula iyon sa mga magagaan ang kaso hanggang sa may mga markang Dablova cerná o black mark na ang ibig sabihin ay kill. Ang mga taong mayroong gano’ng marka ay hindi na iniimbestigahan pa ng VAO. Some people who have black marks are usually hiding because they are wanted in every eyes of Zavūrshil. Kung hindi man, they were heavily guarded and untouchable.

Milev once told me that our first mission wouldn’t include people who have black marks. She said our mission will going to make or break us and it includes heavy decision making and concrete strategies. It will determine our future and possible freedom. Aniya ay dapat ko iyong mapagtagumpayan sa abot ng aking makakaya.

Ipinilig ko ang ulo at ibinigay kay Maestre Rave ang buong atensiyon. Anastasia was writing on her notes. Si Elorae naman ay nakikinig lang sa harapan. Zoara was chewing her bubble gum wala masyadong amor sa topic. Gano’n rin naman ako pero hindi ko maiwasang makuryoso sa pagpapatuloy ni Maestre Rave sa gitna.

“The next slide are the list of people who could possibly be in your first mission so pay close attention.”

I did what he said. Ilang mga mabibigat na profile ang ipinakita at ang mga kasong iyon ay hindi pa rin nareresolba.

“Pensez-vous que nous réussirons notre première mission?” do you think we’ll be successful on our first mission? Zoara asked in French language.

Napabaling ako sa kanya pagkatapos ang nagkibit ng balikat.

“Ich hoffe doch.” I hope so. I answered in German, making her chuckle.

Natawa na lang rin ako. Napailing naman si Elorae sa aming gilid. Sanay na sa amin ni Zoara na nag-uusap gamit ang mga lenggwaheng pinag-aaralan namin.

“Anata wa gai no sekai wo kowagatsu te i mase ne ka?” Aren’t you scared of the outside world?

“nǐ wéi yī yīng gāi hài pà de shì nà ge néng zài dì yù lǐ cuī huǐ líng hún hé shēn tǐ de rén.” The only one you should fear is the one who can destroy the soul and the body in hell. I answered in Chinese.

Zoara lifted her hands and said, “Damn, I fucking hate that language.”

Doon na natawa si Elorae at nakisali sa aming usapan. Anastasia joined us after a minute of faking her attention in front.

Mahina ang mga bulungan namin. Kahit naman nag-uusap ay nakikinig pa rin kami sa mga sinasabi at ipinapaliwanag ni Maestre. I’m actually getting bored because at this point, I still don’t know if I am able to kill someone. I know I should have the gut for it but I’m doubting myself. Gayunpaman, kapag dumating ang panahong kailangan na ay alam kong magagawa ko rin iyon. I had to. Sa ngayon ay hindi na lang ang sarili ko ang ipinaglalaban ko kung hindi ang mga taong naiipit sa kaguluhan ng mga sakim na tao sa mundo.

I wasn’t really into listening to Maestre Rave, but my attention was caught when he turn to other slide. Revealing an interesting profile that made me look still.

Sa kung anong dahilan ay napalunok ako nang makita ang nakangising mugshot ng isang lalaki. Agad akong napatutok sa mga mata nitong kulay abo na tila humihila ng kaluluwa. His dark hair was a bit long. Nakaayos iyon at mayroong isang section na nakalaylay patungo sa kanyang mukha hanggang sa gitna ng kanyang ilong. His jaw was chiseled. He has a thin mustache and beard. Matangos ang kanyang ilong at ang mga labing may hiwa sa gilid ay namumula at may nakakalokong nakangisi, tila hinahamon ng matindi ang camera.

Marami namang may mga hitsurang ipinakita kanina at sa mga nagdaang araw pero ang isang ito ang tila gumising sa aking buong kuryosidad. Mababaliwan na sana ako sa sarili ko pero alam kong natural lang ang aking reaksiyon dahil bukod sa mga kaibigan ko ay lahat na ng nasa loob ng silid ay nakatutok na rin sa nakabalandrang profile sa projector.

Fuck… why does criminals have to be this hot? It’s fucking illegal. My mind cursed.

“Baudwin Xzavier Van Den Berg, charged with illegal possession of firearms and attempted murder…” Rave started explaining the man’s profile but my head was elsewhere.

Ang mga mata ko ay nanatiling nakatutok lang sa mata ng lalaking tinawag niyang Baudwin. Walang ka-effort effort man ito at ang suot ay sira-sira pa dahil iyon siguro ang araw ng kanyang pagkahuli at ang ginamit na camera ay hindi masyadong maganda ang quality ay hindi iyon nakabawas sa kanyang angas at angking kakisigan. He was gorgeous and could pass as a GQ model. He was ripped. Balikat pa lang ay alam ko na iyon dahil gaya ng maestre sa harapan at ng lahat ng mga lalaki sa La Spieza na bato-bato ang mga katawan, his shoulders was broad and his muscles were hard, too. Baudwin looks hella fit.

Lumihis ang mga mata ko pabalik sa mga nakasulat sa kanyang portfolio. He was six foot five, tanned skin, has tattoo’s, in his early thirties and a was complete rebel. Maraming beses na siyang nakulong pero ang huli ang pinakamatagal.

“Is he still in prison?”

“Iyon lang ba ang kaso niya? How long is he serving, maestre?”

“Is he still alive?”

Sunod-sunod na tanong ng mga babaeng nasa harapan. Bumalik ang mga mata ng lahat kay Maestre Rave. Hindi na niya nagawang ilipat pa ang slide dahil talagang ang lahat ay biglang nabuhayan ng dugo dahil sa lalaki.

“It wasn’t just one firearm and yes he may have not been tagged as a killer since the victim survived, but Van Den Berg crimes was beyond that. He served five years in prison and currently on the lose.”

“If he’s already released from prison, why is he still on VAO’s list?”

Magsasalita pa sana si Maestre Rave pero sumakto na ang tunog ng bell hudyat na tapos na ang klase namin sa kanya ngayong araw. The girls in front gasped when Maestre turned off the projector. Nasa mukha nila ang matinding panghihinayang. Zoara was shaking her head. Nababaliwan sa reaksiyon ng mga babae habang palabas kami ng silid.

“Sabik na sabik ba talaga ang mga ’yon sa lalaki at kung umasta ay akala mo ngayon lang nakakita ng gwapo?”

I remained silent. Natawa lang si Elorae at Anastasia.

“Yes he was hot, pero marami ring magagandang lalaki rito lalo na sa headquarters! Hindi pa ba sila nagsawa do’n?”

“Kung sabagay. Ikaw nga patay na patay kay Mr. Facou eh!” si Elorae dahilan para manlaki ang mga mata niya.

“Elorae! What the hell are you talking about! I am not!”

Napatakbo si Elorae sa ambang pagsapak sa kanya ni Zoara kaya sila ang nauna sa aming silid. Napailing lang si Anastasia matapos tumabi sa akin.

“Tahimik ka yata?”

“H-huh? Am I?”

She chuckled. “Pero he’s handsome nga naman, ’no?”

“Who?”

Natatawa niya akong siniko. “I saw you, Dom. Don’t lie to me.”

“Saw me what?” nagmamaang-maangan ko pa ring tanong.

“Baudwin.”

I scoffed at that. “His profile is just interesting.”

“How interesting? Hindi ka nagwapuhan?”

Muntik na akong mapahalakhak dahil doon.

“Why are we talking about this, Ana? He’s an enemy. Talagang interesting lang sa akin ang profile niya. Maestre Rave said his crimes were beyond what he was charge of. I’m just curious. Isa pa, ilang beses na siyang nakulong. I went to prison once and it was the worst place I’ve ever been. Kung worst iyon, bakit ilang beses pa siyang bumalik at hindi natuto?”

“Hmm…” she murmured, not convince of my litany.

“I swear that’s it, Anastasia. Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan ’yon.” Giit ko.

“Mama I’m in love with a criminal…” she trailed off singing Britney Spear’s song.

I rolled my eyes at her. “Baliw ka na.”

Napahalakhak siya ng tuluyan pagkatapos ay inakbayan ako. She was a bit taller than me kaya nagawa niya.

“Have you ever been in love?”

“No.” matigas kong agarang sagot.

Hindi nakaiwas sa mga mata ko ang biglaang paglungkot ng kanyang ekspresyon. Hindi lingid sa kaalaman kong sa aming lahat ay siya ay totoong may iniwang pamilya sa labas ng La Spieza. I know she was more experienced than us when it comes to having a normal relationship.

Pagpasok namin sa kwarto ay nagkukulitan pa rin si Elorae at Zoara. Dumiretso kami ni Anastasia sa balcony. Sa kanyang paghilig doon ay natamaan ng sinag ng araw ang gumalaw at suot niyang kwintas. It was the only thing she kept from the real world.

“Siguro importante sa ’yo ang nagbigay niyan?” usisa ko.

Wala sa sariling nahawakan niya ang pendant ng kwintas. Simula ng magtagpo ang mga landas namin ay hindi ko nakitang wala iyon sa kanya ni minsan. Noong nasa Odborne naman kami ay naririnig ko pa minsan na binubulungan niya iyon ng mga panalangin pero kahit kailan ay hindi niya naikwento sa amin ang tungkol doon.

“My boyfriend gave it to me,” she trailed off. Bago pa ako makapagtanong ay nauna na siya. “He died because of me. Ang pagkamatay niya ang naglagay sa akin sa posisyong ito.”

“Ana…”

She smiled. “It’s okay, Dom. It was a long time ago. Naniniwala akong isang araw ay siya rin ang mag-aalis sa akin dito. He was my guardian angel, my hope, and my lucky charm.”

Hindi ko naiwasang lapitan siya’t yakapin. I have never been in love, but I know losing someone you love because of death was inexplicable. Marami pa kaming napag-usapan ni Anastasia at lahat ng mga sinabi niya ay tumatak sa akin lalo na ang kanyang huling litanya.

“Masarap makatagpo ng taong iintindi sa ’yo at mamahalin ka sa kung sino at ano ka. It was one of the things that I still pray for myself. Iba man ang mundong ginagalawan natin at hindi na magiging normal ang ating buhay pagkatapos ng lahat ng ito pero naniniwala akong deserved pa rin natin ang makatagpo ng taong iintindi sa atin at makakasama natin habang buhay. Love is complicated, but finding the right one is euphoric. I want that for you, too, Dominika. Whatever happens and wherever our journey may lead us, try to still find love and comfort. Kahit na matatag na tayo ay kailangan pa rin natin ng taong aagapay sa atin kapag dumating ang oras na mawalan tayo ng lakas. We need someone apart from ourselves, Dom. I’m lucky to have all of you, but we all know that this will soon be over. Kapag nagkahiwa-hiwalay na tayo, hiling ko na sana ay matagpuan n’yo ang mga taong aalalay sa inyo sa paglabas natin sa mundong ito. Survive, be safe, and happy, will you?”

Marahan akong tumango, naging emosyonal sa kanyang mga sinabi.

“You too, Anastasia. You too…”


This story is already completed. You can now read the full version on VIP group and Patreon as this story will no longer be updated here to avoid wattpad deleting it. Just message our FB page CengCrdva  with 1

32

k followers to read the full story via VIP/Patreon.

Thank you!
🍀

# CHAPTER 11

This story is already completed. 

You can now read the full version on VIP group and Patreon as this story will no longer be updated here to avoid Wattpad deleting it. Just message our FB page CengCrdva  with 198

k followers to read the full story via VIP/Patreon.

--

Istredd Dominika Zavŭrshil

"Congratulations to us!" walang pagsidlan ng tuwang bati sa aming lahat ni Elorae habang naluluha sa saya.

Today, we finally become a Zavŭrshil. A new born to our old world who now has a reason to be back and continue living, but now with a greater purpose.

We celebrated the whole day. Dapat man naming paghandaan ang kahaharapin namin sa labas ng La Spieza ay isinantabi na muna namin iyon. Kalakip ng saya ay naroon ang lungkot dahil ang araw na ito ay hudyat rin ng nalalapit na araw ng aming paghihiwa-hiwalay. Outside the walls of our world was the real challenge. And that will determine where we will be in the future.

"I don't think we'll see each other again once we get our first mission." si Zoara, ngayon ay hindi na maipinta ang lungkot sa mukha.

Anastasia move and sit beside her. Niyakap niya ito dahilan para mas lalo siyang maging emosyonal.

"Being with you all is the best thing that happened to me," Ana trailed off, looking at us one by one. "But I doubt that, Zo. Hindi na ngayong totoong magkakapatid na tayo. Saan man tayo mapunta pagkatapos nito, alam kong gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin tayong lahat. We're a Zavŭrshil, we're as one and we will always be part of each other."

Hindi na namin napigilan ni Elorae na daluhan sila at yakapin rin.

"I agree," si Elorae. "Kahit anong mangyari hahanapin at hahanapin ko rin kayo. We will see each other again. We'll make it happen." she continued positively.

Imbes na magsalita ay minabuti kong itikom na lang ang bibig kahit na hindi ako masyadong kumbinsido doon. Sa ngayon ay ayaw ko na lang dagdagan pa ang lungkot. May punto man si Anastasia, wala pa ring makakaalam kung saan kami dadalhin ng aming mga unang misyon. If there always a danger inside La Spieza, it was more guaranteed outside.

"I love you all and I only pray success to all of you. Wala mang makulit, techi at kikay na Zoara, mother figure na Anastasia at madiskarteng Dominika sa labas, alam kong makakaya nating mapagtagumpayan ang una nating mga misyon. I'm rooting for all of you."

Our emotional conversation went on. Kahit na patay na ang mga ilaw sa aming silid ay hindi pa rin ako makatulog. Ni pagpikit ng mga mata ay hindi ko magawa. I am having a hard time thinking about being separated with my friends and this place without any guarantee that I'll be back.

Sa ilang taong pagsasanay ko at pananatili sa La Spieza ay marami akong nalaman tungkol sa mga Zavŭrshil na lumabas at gumawa ng kanilang mga unang misyon. Milev also told me some details about them. Aniya ay mataas ang porsiyento ng mga Zavŭrshil na nagtatagumpay sa kanilang mga unang misyon pero mayroon ring mga hindi na nakababalik. Hindi dahil pinili nila ang kalayaan kung hindi, hindi sila nagtagumpay sa kanilang mga misyon at naunahan ng mga taong kanilang iniimbestigahan.

She told me that some showed weakness and vulnerability leading them to lose their lives to these criminals. Hindi iyon imposible sa amin ng aking mga kaibigan. We're just humans, but I do hope we can make it. Hindi magiging madali pero hiling kong mapagtatagumpayan namin ang lahat.

"Are you choosing freedom if you become successful with your first mission?" napalunok ako't napabaling sa aking gilid.

I didn't expect Zoara to be awake. Gaya ko ay mukhang hindi rin makatulog hindi gaya ng dalawa na nananaginip na.

"I don't know," I whispered back. "I don't even know if I'll be successful—"

"Dom, you will be," she cut me off. "Mapagtatagumpayan nating lahat 'yon at lalo ka na. You're the best marksman in our class. You're meant to survive and win every challenges so there's no doubt you'll win this one, too."

Kahit na hindi iyon sigurado ay napangiti pa rin ako. I've been thinking too much lately. Talagang malala ang anxiety ko sa nalalapit naming paghihiwalay.

For once in my life, I finally found a permanent house and people who made it a home. Sila ang itinuring kong pamilya at pinagkatiwalaan ng lahat sa akin kaya alam kong ako ang pinakamahihirapan sa paghihiwa-hiwalay namin. Unlike me, they experienced having a family. Kahit paano ay naranasan nila ang mahalin ng kanilang mga magulang at ilang mga tao roon. Naranasan nilang magkaroon ng pamilya sa labas na pwede nilang tanawin kapag natapos na nila ang kanila mga misyon hindi gaya kong wala nang babalikan. Walang tahanang iba kung hindi ang La Spieza.

"Don't think too much, Dominika. I know this is going to be hard on all of us, but please claim that you'll make it too. Mas mahihirapan ako kung may pagdududa ka sa sarili mo. Stop being a pessimist. It's such a waste of time. You are a great person. Bukod do'n, you're one of the best in our class so please stop doubting yourself."

Pumihit ako paharap sa kanya. "Will you choose freedom if you become successful?"

"I don't know. That's a hard question to answer."

"I'll stay."

Sa aking sinabi ay napapihit na rin siya paharap sa akin. Kitang-kita ko ang pag-aalala at pangamba sa kanyang mga mata.

I forced a smile. "This is already my home, Zo. Kahit naman mabibigyan ako ng pagkakataong piliin ang sariling kalayan ay wala na rin naman akong babalikan. I have no one outside this place so there's no reason for me to choose my own freedom. I honestly think I am meant to grow old in this place. Maybe become a maestre someday."

"If that what's going to make your heart at peace then I'll be happy to support it. Iyon ang mas mahalaga, Dom. Kahit anong mangyari, piliin mo ang ikapapanatag at saya ng puso mo."

"I will."

"And please stop thinking too much! We still have a week to prepare and spend time with each other! We'll make the best of it, alright?"

Tumango at ngumiti na lang ako bilang sagot. Hindi pa nakuntento si Zoara, ramdam pa siguro ang mga pag-aalinlangan ko sa kabila ng pagtango sa kanyang mga sinabi kaya hindi na niya napigilang tabihan ako sa aking kama at yakapin nang mahigpit. That made my heart at peace. Kung wala siya ay baka buong gabing dilat ang mga mata ko.

Iyon nga ang ginawa namin sa mga sumunod na bukas. Walang araw na wala kaming ginawa kung hindi ang pasayahin ang isa't isa hanggang sa dumating na ang araw ng pagbibigay ng aming misyon.

"It's Milev..." bulong ni Zoara sa aking tainga habang naghihintay sa isang silid.

Kahapon ay lima na ang naunang mabigyan ng kanilang misyon at ngayon ay kaming dalawa ni Zoara ang kasama sa limang mabibigyan naman ngayong araw.

"Are you sure?"

"I saw her get inside the room. Siya ang magbibigay ngayon sa atin."

Hindi na ako nakasagot nang pumasok ang isang servantes upang tawagin ang susunod. Nahigit ko ang aking paghinga sa narinig.

"Zavŭrshil 1M222."

Nagmamadali akong tumayo at hindi na nagawa pang balingan si Zoara. My hands began to sweat as I walk towards the room where Milev was. Bukod sa halos isang linggo na rin kaming hindi nakakapag-usap, kinakabahan rin talaga ako sa kung sino ang matatanggap kong misyon.

Sinubukan kong ngumiti matapos mabuksan ang pintuan pero nanatili itong seryoso.

"Sit."

I did what she told me to do. Nawala ang mga ngiti sa labi ko dahil sa nakangingilong tensiyon sa loob ng silid.

Milev was looking forward to this day. Sa loob ng ilang taong training ko sa labas at loob ng La Spieza ay itong araw na ito ang pinakahihintay niya sa lahat. I know she was happy for me, but it comes with a price. Kung mahigpit siya noon sa akin simula ng makilala ako at kupkupin hanggang sa ipasok rito, alam kong mas magiging mahigpit siya ngayon lalo na't nakasalalay na rito ang aking kinabukasan. Though she never asked me about what will I do once I completed my mission, alam kong alam niya na rin kung ano ang pipiliin ko kaya naman ganito na lang siya kaseryoso.

"Congratulations Istredd Dominika Zavŭrshil," she trailed off. I smiled and thank her. "I knew you'll make it and I have never been more proud of you. Kahit isang beses ay hindi mo ako binigo. Ngayon ay dumating na ang oras na pinakahihintay nating dalawa."

Her tone made my heart thump a little bit louder. Nalaglag ang mga mata ko sa kanyang itim na suitcase. Her fingers flicked the lock combinations and pulled out five thick black envelopes inside. Alam ko na ang laman ng mga iyon. Muli akong napalunok nang kunin niya ang isa pero bago iyon ibigay sa akin ay muli akong tinitigan.

"There's no turning back now, Dom. Inside this thing is your future. This is the moment we've all been waiting for and there's no doubt in my heart that you're now ready for it," she continued, now sliding the black envelope in front of me but we were interrupted by Mr. VA's call before I could even touched it.

"Give me one second." aniya sabay labas ng silid.

Mas lalong kumalabog ang puso ko sa nakabibinging katahimikan sa loob ng silid. As if the tension thickens each second now that I'm alone.

Ilang beses pa akong napalunok nang muling bumalik ang aking mga mata sa nasa harapang envelope. I was a bit scared going inside this room because I know it was already happening, but my hands went cold when I glanced at the right corner of the envelope. Naroon ang aking numero pero alam kong mayroon pang mga nakasulat doon. Bago pa makabalik si Milev ay nagmamadali ko nang hinawakan ang bagay sa aking harapan.

I gently tilted the envelope to read the hidden words that any bare eyes wouldn't see. Tanging ang mga gaya ko lang, maestre, at mga sumabak sa training ng VAO ang may alam kung paano iyon basahin.

I lifted my right foot and pulled out the tiny blue light that would help me read the other information aside from my name.

"NM Virkozic. Portfel 8M902T002." I read under my breath.

Mabilis ko iyong bunitiwan sa pagbalik ni Milev. I acted like nothing happened. Pagbalik niya ay ipinaliwanag niya sa akin ang lahat. She handed me the envelope and everything was settled.

I was bound to take on a mission just like everyone else but something happened that night, causing me to stay in La Spieza longer than we all expected.

Apparently, the man who I supposed to be investigating was found dead an hour before my departure.

Milev and I were dumbfounded with what happened. Akala ko ay makahahanap kaagad ng kapalit ng aking misyon pero umabot ang paghihintay ko ng halos isang taon. Sa loob ng mga buwang nakatengga ako at walang ginawa kung hindi ang sumabay na lang ulit sa mga pagsasanay ay nawalan na ako ng pag-asa. I felt like the universe was not done messing with my fate.

Nang dumating ang araw na pinatawag na ako para sa bagay na iyon ay hindi ko na masyadong naramdaman ang kaba at excitement noong unang beses na napadpad ako sa silid. I didn't feel the adrenaline when I touched the envelope but when I saw the information printed on it, my heart thud loudly inside my chest.

"BZ Van Den Berg. Portfel 8M902T222." Basa ko sa pamilyar na pangalang iyon. My eyes widened when I realize where I first heard that name.

Baudwin Zxavier Van Den Berg. Fuck, how could I forget that damn mugshot?

# CHAPTER 12

This story is now complete.

You can read the full version in our VIP group, as it will no longer be updated here to avoid the risk of Wattpad deleting it.

For full VIP access details, kindly message our Facebook page 
Ceng Crdva
 (with 225K followers).

Thank you! 🍀

# CHAPTER 13

This story is now complete.

You can read the full version in our VIP group, as it will no longer be updated here to avoid the risk of Wattpad deleting it.

For full VIP access details, kindly message our Facebook page 
Ceng Crdva
 (with 225K followers).

Thank you! 🍀

# CHAPTER 14

This story is now complete.

You can read the full version in our VIP group, as it will no longer be updated here to avoid the risk of Wattpad deleting it.

For full VIP access details, kindly message our Facebook page 
Ceng Crdva
 (with 235K followers).

Thank you! 🍀

# CHAPTER 15

This story is now complete.

You can read the full version in our VIP group, as it will no longer be updated here to avoid the risk of Wattpad deleting it.

For full VIP access details, kindly message our Facebook page 
Ceng Crdva
 (with 244K followers).

Thank you! 🍀

Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.