Desperate Gamble
ice-freeze · 20 chapters · 37,897 words
DISCLAIMER
Names, places, events, and other information used in this novel were all due to the author’s wild imagination. Any of these things similar to yours or to anyone are already out of the author’s control and purely coincidental.
Copyright © April 2025, Ice_Freeze. All rights reserved. Reproduction or transmission of this book in whole or in part in any form or medium without express written permission by the writer is totally prohibited. PLAGIARISM IS A CRIME!
**
This story has NOTHING to do with Freezell Series of mine. This one is a stand alone novel. Thank you and God bless, everyone.
Desperate Gamble
WARNING:
MATURE CONTENT | R-18 | CONTAINS EXPLICIT SCENE | CONTAINS ADULT LANGUAGES
READ AT YOUR OWN RISK!
–
She hates the world and she has nothing but harsh words to offer. Raised in poverty—and literally drowning in it—she shoulders every bitterness and struggles this world has to offer. She carries the deep emotional scars inflicted by her own father, whose memory remains a living nightmare even from beyond the grave.
To her, if someone isn’t capable of raising a family, they might as well pull out instead of dumping it all inside and regretting it later. She is utterly sick and tired of being her parents’ retirement plan—as if the moment she was born as the eldest child, it automatically became her burden to carry every future problem her family would ever face.
She wants to escape poverty. She wants to rise from the fringes of society without having to bow down and serve just anyone. She needs fast cash to redeem their house and land, and to fund the medical treatment of her sibling who already has one foot in the grave.
Exhausted by life, she immediately gambles on a single opportunity to escape her misery. Call her desperate, but all that matters is her goal—to escape the misery of poverty.
Her desperate gamble pays off, but now she is left utterly bewildered by the unexpected situation that suddenly slaps her in the face.
How far will her own foolishness take her? How long will she keep forcing herself into the picture… when the very person she gambled on is already planning to bet on someone else? Where exactly does someone as desperate as her belong?
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
PROLOGUE
NAKAKABINGING ingay ng bar ang bumungad sa akin. Gusto kong maiyak at mapamura pero wala akong magawa. Ito ang lugar na kinasadlakan ko, ganito lang talaga ang buhay na babagsakan ko. May choice ba naman ako? Wala, letse.
“Vakla ka, may choice ka naman, e. Makinig ka kasi. Undergraduate ka naman sa college, puwede kang pumasok ng ibang trabaho—”
“Iyang ibang trabaho bang sinasabi mo, Lara, ay agad na makakapagbigay sa akin ng limpak-limpak na salapi? Matutubos ba agad niyan iyong lupa namin na nakasangla sa buwaya kong ninong-ninongan na gustong tuhugin ang nanay ko? Maisasalba ba niyan ang operasyon ni Garnette nang agad-agad? Kung hindi rin lang naman, Lara, huwag mo nang i-promote. Wala akong balak bilhin ’yang gusto mo,” pambabara ko sa kaniya kahit na alam ko naman sa sarili ko na ako lang naman ang iniisip niya.
Inismiran niya ako saka ako hinagisan ng damit na alam kong lilitaw kahit pa dulo ng kaluluwa ko. “Pakyu ka! Nagsa-suggest lang, binasag mo pa. Edi don’t! Iniisip ko lang na hindi ka bagay rito. Maganda kang gaga ka kahit na balahura kang magsalita. May papatol sa ’yong matandang mayaman na madaling mamatay kung gugustuhin mo. Bakit pipiliin mo pa ’tong trabaho na puwede kang pagpasa-pasahan ng iba’t ibang lalaki? Minsan hindi ko talaga mawari iyang takbo ng utak mong malabo, e,” buwelta niya naman at naupo sa sofa na nasa harapan ko at nagsindi ng sigarilyo.
Anong gusto nilang gawin ko? Yakapin ’tong letseng kabirhenan ko hanggang dulo at magpawarak lang sa mapapangasawa ko na hindi ko pa sigurado kung makakasama ko hanggang huling hininga ko? Tiisin kong manyak-manyakin ng ninong kong demonyo ang nanay ko dahil lang hindi kami makabayad sa isinangla lupa? Hayaan kong mamatay sa sakit sa puso ang kapatid ko? Punyeta, lahat na yata ng hirap sa mundo ay ipinapasan sa akin. Peyborit ni Lord yern?
“Choice ko naman ’to, edi kapag nagsisi sa huli, edi sorry. Gan’on lang naman ’yon. Lara, paikutin ko man ang ulo ko nang three hundred sixty degrees, hindi tayo aangat sa laylayan ng lipunan sa pakikiamuhan lang,” sagot ko sa kaniya at agad na hinubad ang t-shirt at short na suot ko saka ko ipinatong ang sexy na damit na ibinigay niya sa akin.
“Kaya ang pagbebenta ng laman itong papasukin mo? Kapit sa patalim?” muli na naman niyang turan saka bumuga ng usok.
“Mabuti sana kung anak pala ako ng mafia boss, e, ang kaso hindi. Anak ako ng tatay kong sabungero at sugarol na binaon kami sa utang saka nagpabaril sa mga pinagkakautangan niya. ’Di ba? Mamamatay na lang, iniwanan pa kami ng perwisyo. Kargo ko na lahat. Ba’t ba ’ko sinilang na panganay? Manong ipinutok na lang ako sa basahan noon para ’di ako namomoblema nang ganito,” sentimyento ko sa kaniya at humarap sa salamin na may iba’t ibang kolorete.
Matigas akong tao. Halos bato na ang puso ko, pero nadudurog pa rin ako nang ako lang ang nakakaalam. Mahilig akong magbiro, pero hindi ko na halos mabilang kung ilang beses akong palihim na umiiyak at nagtatanong sa Nasa Itaas kung bakit ako pa sa dami ng tao ang binagsakan Niya ng ganitong mga responsibilidad.
Hindi ko naman ’to pinili. Ginusto nilang bumuo ng pamilya noon, tapos hindi naman pala nila kayang maging responsableng magulang? Punyeta lang, ’di ba? Huwag na lang sanang mag-anak kung hindi pa kaya, inang ’yan! Retirement plan kaming mga panganay? Tigabuhat ng bigat ng pamilya? Wow! Hindi pa kami naisisilang ay may responsibilidad na. Kyut n’on.
Nang matapos kong ayusan ang sarili ko, namangha ako sa itsura ko. Alam kong maganda ako kahit pa self-proclaimed lang iyon. Maninipis ang mga labi ko, medyo chinita ako pero mahaba ang mga pilik-mata ko, matangos ang ilong ko na nakuha ko sa Nanay kong nagpakatanga sa Tatay kong hindi naman kaguwapuhan tapos sugarol pa, may mahaba akong buhok na natural at hindi pa nadaanan ng plantsa ni Lara kahit na anong pilit niya.
“Ang punyetang vakla, ggss na naman ang gaga!” sita niya at napangiti ako.
“Tanga! Aminin mo kahit na ikaw ang pambansang gro sa Travolta, mas maganda pa rin ako sa ’yo,” anas ko at nakita ko siyang lumingon sa one way mirror sa gilid namin at nanlaki ang mga maya niya na ikinagulat ko. “Huy! Bakit?”
“P–punyeta! N–nasa labas si Casspian!” sigaw niya at agad king nilingon ang tinutukoy niya.
Bumungad sa akin ang lalaking matangkad na may mapupungay na mata at may buhok na may kahabaan. Ang hot niya, letse!
“Oh? Bakit may pag-utal ka riyan?” anas ko at binalingan niya ako.
“Siya lang naman ang pinaglalawayan naming lahat na mga pokpok dito kaso mailap. Good boy, e. Kabanda ni Sir Alas ’yan na malayong pinsan ni Mama Ivory, iyong namamahala rito sa bar!” sagot niya sa akin ngunit nanatiling kunot ang noo ko. “Vakla, kung gusto mong agaran na umakyat sa laylayan ng lipunan, diyan ka magpabuntis. May guwapo nang ama ang anak mo, instant milyonarya ka pa at band celebrity ang magiging boylet mo! Isugal mo nang bumukaka, vakla. Malay mo palarin ka!”
Hinuha ko naman na nagbibiro lang si Lara kahit na ganoon ang tirada niya kaya’t lumabas na ako ng kuwarto at tumungo na sa baba para mag-serve na muna.
Nakausap ko na kasi si Ivory. Wala naman iyong pakialam kung kailan ko gustong magdesisyon na magpalabas sa mga lalake, basta’t sabihan ko raw siya. Sa ngayon, titimbangin ko muna ang sitwasyon at magpapakaserbidora. Kapag nakahanap ng tiyansa na makatisod ng medyo malaki-laking isda, doon na lang ako uumang. Praktikalan na rito, hindi na ako puwedeng mag-inarte kung ayaw kong sa kangkungan kami pulutin ng Nanay ko at ni Garnette.
ABALA ako sa pagliligpit sa private room ng mga VIP nang bigla na lamang may pumasok sa silid na ikinalingon ko.
Bumungad sa akin iyong Casspian na sinasabi ni Lara kanina at namumungay ang mga mata niya.
“Red is right, damn it. Ivory isn’t trustworthy. She drugged me to get me!” aniya sa diretsong tono ngunit para bang lasing na hindi mo mawari pero hindi naman siya mukhang nakainom.
“Hey, nililinis ko ’to! Labas!” bugaw ko sa kaniya ngunit sa halip na lumabas ay ni-lock niya ang pinto saka biglang umupo sa sahig at sumandal doon.
“Let me be here for a while. Natatakot akong baka kung anong magawa ko sa mga babaeng makikita ko kapag lumabas ako,” sinserong sagot niya sa akin at nakita ko siyang napasabunot pa sa buhok niya bago yumuko.
Hindi ko napigilang lumapit sa kaniya at yumukod para abutin ang baba niya at itingala siya. Ang guwapo at hot niya talaga, letse!
“Hindi ka naman biglang mamamatay sa harap ko, ’di ba? Sa dami kong problema sa mundo, hindi na kita makakargo,” anas ko at nakita ko siyang bahagyang napangiti.
“I like your humor,” aniya sa akin.
“I like my humor too,” sagot ko at narinig ko siyang bahagyang humagikgik.
“Can you stay away from me for a while? I feel hot and I don’t want to do anything bad to you or anything out of your consent. I can feel the drug slowly kicking,” aniya at napakunot ang noo ko.
Mukhang tinarantado nga ni Ivory ’to. Sabi naman ni Lara, demonyita raw iyon at what she wants, she gets ang istilo.
Namumula ang mukha niya, nakita ko rin na nakatanggal ang limang butones ng suot niyang polo shirt. Nakadungaw sa akin ang abs niya at iilang butil ng pawis. Letse, napaka-hot talaga!
“Nag-iinit ka ba?” direkta kong tanong at tinitigan ako ng malalim niyang mga mata na para bang amuse na amuse siya sa sinabi ko.
“Yes I am, kaya lumayo ka muna sa ’kin. I don’t want to disrespect any woman,” sagot naman niya sa akin at hindi ko naiwasang mapatingin sa mga labi niyang mamasa-masa at para bang nanghahalina na mahalikan.
Grabe ang karisma mo! Nakakaadik kang titigan. Nakakahalina kang tikman.
Hindi ko alam kung dala lang ba ng pagiging birhen ko ’to sa loob ng twenty-five years o ano, letse!
“Ako rin, nag-iinit sa ’yo. Gusto mo bang maging tatay ng magiging anak ko? Sa ’yo na lang ako susugal, basta susustentuhan mo ’ko,” anas ko at pinaglapat ko ang mga noo namin.
Narinig ko siyang bahagyang tumawa nang napakaguwapong tawa saka biglang hinapit ang baywang ko.
“I never thought that I’ll get to meet such a straigthforward woman like you in my entire life,” bulong niya at amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga dahil halos hibla na lang ng buhok ang pagitan namin.
Hindi ko alam kung anong mahika ang nangyari sa akin nang gabing ’yon, basta’t naramdaman ko na lang na unti-unting gumapang ang mga kamay niya sa iba’t ibang parte ng katawan ko.
Ibang klase ang init na hatid niya… hindi ko masabayan, pero gustong-gusto kong maramdaman.
Kung para na rin sa pag-angat ko sa laylayan ang magiging bunga nitong pagkawasak ng pagkabirhen ko, itotodo ko na ’to. Bahala na… desperada na ’ko, isusugal ko na ’to.
LIMANG araw nang masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakakapasok sa bar. Parang gusto ko pang sapakin si Garnette tuwing makikita ko ang bubwit na ’yon. Si Nanay naman, nakakakunsumi na makita iyong ilong niyang akala mo laging nagmamalaki!
“Ate, kakain na!” sigaw ni Garnette mula sa labas ng kuwarto ko.
“Lumubay ka. Kakain ako kapag nagutom ako!” singhal ko sa kaniya at hindi ko na narinig na sumagot pa siya.
May virus yata ako letseng ’yan. Nasa loob yata ang lagnat ko. Nahihilo ako at gusto ko na lang humiga-higa dahil nakakatamad magkikilos! Ina-inarte ako, samantalamg isa’t kalahating buwan pa lang naman akong nagtatrabaho sa bar.
“’Nak,” dinig kong tinig ni Nanay na kasunod ng katok.
“Bukas ho iyan,” maagap na sagot ko.
Pumasok si Nanay ng kuwarto ko at may alanganin siyang ngiti sa mga labi niya.
“Magiging Lola na ba ’ko?” tanong niya at halos mabulunan ako kahit wala naman akong kinakain.
“P–pinagsasasabi mo riyan, Nay? Naka-drugs yern?” utal na buwelta ko sa kaniya at bigla siyang may kinuha sa bulsa niya na supot.
“Subukan mo ’to. Ganiyan na ganiyan ako noong nagbubuntis ako sa ’yo. Kinabubuwisitan ko lahat ng bagay,” aniya at tinanggap ko ang binigay niya.
Pregnancy test kit.
Hindi ko na pinansin si Nanay. Agad na akong lumabas ng kuwarto at tumungo sa banyo para subukan ang ibinigay ni Nanay.
Nanginginig ako, letse!
Ginawa ko ang instruction sa kit at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang nasa kit. Dalawang guhit.
“Punyeta, positive.”
Ibang klase rin naman ang semilya niya, hindi ko ’to inasahan pero alam kong desperada ko ’tong sinugalan.
Casspian Vren Graylad , you now belong to me—to Saffyre Zell Aleja.
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
**
Yep, story ito ni Casspian na stand alone pa rin naman kapag binasa. Ayaw kong gawan ng series ang Paranoia. HAHAHAHAHAHA. Para puwede ninyong basahin nang solo-solo kapag hindi n’yo trip ang iba. And yes opo yup, may story rin po sina…
• Trayn Lee •
• Seiver Foxmir •
• Alas Nexus Levoir •
YAY! 😁
Chapter I
SAFFYRE
TITIG na titig ako sa pregnancy test kit na hawak ko ngayon. Ang tindi ng semilya ng Casspian na iyon. Parang gusto kong magwala sa kaalaman na buntis ako.
“Oh, ano ngayon ang balak mo riyan? Inang ’to, nag-suggest lang naman ako, sineryoso mo talagang hayop ka!” ani Lara sa akin nang ipakita ko sa kaniya ang test kit.
Nagkibit-balikat lamang ako sa kaniya dahil hindi ko rin naman alam ano bang dapat kong gawin. Una sa lahat, wala rin namang alam si Lara na kay Casspian itong ipinagbubuntis ko dahil baka sabunutan niya pati ang buhok ko sa ibaba kapag nalaman niya. Die-hard fan pa naman ni Casspian ang isang ito.
“Sino bang ama?” muling tanong niya, saka nagsimulang ipusod ang buhok niya.
“Ewan,” sagot ko sa kaniya at bigla na lamang niya akong pinanglisikan ng mga mata.
“Animal!” singhal niya sa akin.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tumungo na sa pinto ng apartment niya. Ilang bahay lang naman ang layo ng apartment niya sa bahay namin kaya’t makakauwi rin ako agad. Dumaan lang talaga ako sa kaniya para sabihin na hindi pa rin ako papasok sa bar. Urat na urat ang pakiramdam ko na malamang sa oo ay dahil sa pagbubuntis ko.
“Alis muna ’ko. Balitaan mo na lang ako,” anas ko sa kaniya na ikinatango niya.
Nagsimula akong maglakad patungo sa bahay namin. Hindi ko alam pero pati paglalakad ko ay ingat na ingat ako. Hindi ko pa siya halos maramdaman sa sinapupunan ko pero para bang ramdam na ramdam ko siya sa puso ko. Ganito nga siguro ang pakiramdam ng isang ina.
Hindi ako nagsisisi na mabuntis sa ganitong paraan. Alam kong isa pang iisipin ang batang dinadala ko, pero hindi ko makapa ang pagsisisi sa akin. Ginusto ko ito at alam kong para sa akin ang batang ito. Ang pinakainiisip ko na lamang sa ngayon ay kung paano ko maipapaalam kay Casspian ang tungkol dito.
Pananagutan mo kaya siya, Casspian?
Malapit na ako sa bahay nang makita ko si Ninang Bonita na pinagmumumura at pinagsisisigawan ang Nanay Ruby ko na katabi rin si Garnette na parang ano mang oras ay aatakihin na ng sakit niya sa puso.
“PUTANG INA MONG MALANDI KA! PATI NINONG NG ANAK MO, LALANDIIN MO PARA LANG HINDI KAYO SINGILIN!? BAKA GUSTO MONG PULUTIN KAYO SA KANGKUNGAN NA MAG-IINA!?” sigaw ni Ninang Bonita kay Nanay kaya’t hindi ko napigilan ang pumagitna at ilabas ang sungay ko.
“Excuse me, Ninang kong malaki pa sa dugong! Ang asawa mo ang kulang na lang ay magpakamatay para lang makapagpapansin sa Nanay ko at kulang na lang ay lumuwa ang mga mata kahit na naka-pajama at long sleeves ang Nanay ko para mag-eskandalo ka nang ganiyan! Huwag mo rin kaming hahamunin sa palayas-palayas mo dahil kahit saang korte tayo umabot, walang nakukulong sa utang lalo na’t hindi ka naman tinatakbuhan!”
Akmang sasampalin ako nito sa sinabi ko ngunit agad kong sinalo ang braso nito. “PUNYETA KA—”
“Ikaw nga nag-puta talaga, sinumbat ko ba?” anas ko, saka ko tinapos ang braso nito palayo. “Lumubay kayo, hindi maganda ang mood ko, baka lalo kang manliit sa akin kapag ipinaalam ko sa asawa mo na nakikita kitang kumakalantari ng asawa nang may asawa malapit sa Travolta,” angil ko sa kaniya at nakita ko ang biglaang pamumutla niya. “May picture ako, para lang alam mo.”
Nang makita ko siyang tila nagyelo sa sinabi ko, inakay ko na papasok sina Nanay at Garnette. Pinainom ko sila pareho ng tubig.
“Dahan-dahan ang hinga, Garnette,” malumanay kong wika sa kapatid ko. “Sinabi ko nang kapag ganoon ay hindi mo kailangan lumabas dahil makakasama lang sa ’yo—”
“H–hindi ko kaya na minumura-mura si Nanay na alam kong may magagawa ako,” putol niya sa akin pero umiling ako.
“Mamamatay o makakapatay ako kapag may nangyari sa ’yo kaya alagaan mo ang sarili mo,” sagot ko at nakita kong napayuko siya.
Tumanaw ako sa bintana kung saan dumami ang mga Marites naming kapit-bahay.
Kailangan ko nang makausap si Casspian. Alam kong mali na gamitin siya, pero wala akong ibang naiisip na paraan kung hindi ito lang. Malulunok ko ang pride ko, pero ang hamak-hamakin ang Nanay ko, o mapahamak si Garnette, iyon ang hindi ko matatanggap.
NAKAABANG ako sa parking lot ng Travolta. Nagbabaka sakali lang naman ako na makita si Casspian dito. May pandong ako sa ulo dahil mahamog.
Ha-hunting-in natin ang tatay mo, anak ko, pero dapat safe ka pa rin kaya kahit mukha akong tanga, magpapandong ako sa ulo para sa ’yo.
Ang daming nagsisihintong sasakyan pero walang bumababang Casspian sa mga ito.
“Dude!” dinig kong tinig at nalingunan ko ang isang guwapong nilalang pero parang ang sungit tingnan.
“Bakit pa kasi kita sinundong hayop ka!” singhal naman ng isa na kakababa ng sasakyan. Guwapo rin ito.
“I drank a little, Alas. I forgot that it is Casspian’s engagement party,” anang lalaking mukhang masungit. Tumalas ang pandinig ko sa narinig kong pangalan.
“Ugok, Seiver. Forgot mo ulo mo. Talagang naging lasinggero ka na lang na hayop ka,” anas niyong Alas, saka pa hinatak iyong Seiver papasok ng sasakyan.
Nang paandarin ni Alas ang sasakyan ay agad kong isinuot ang helmet ko at sumakay sa mio ni Lara na hiniram ko. Sabi ng instinct ko, sundan ko sila kaya’t iyon ang ginawa ko.
Kakabog-kabog ang dibdib ko pero pinilit kong ayusin ang pagmamaneho ko.
Ang bilis nila pero kahit paano ay nakakasunod naman ako.
Halos may kalahating oras din ang naging biyahe hanggang sa sapitin namin ang isang lungga na pagkataas-taas ng mga bakod na para bang kung gusto mo mang mag-gatecrash ay wala kang chance.
Bumaba ng sasakyan si Alas at Seiver, saka nagsipasok sa loob. Iyong apat na guard sa entrance ang hindi ko alam paano ko malulusutan. May mga pumapasok na bisita at hinahanapan nila ng invitation.
Lumingon ako sa paligid at nakita ko ang isang malaking truck na tila ba ipapasok sa loob dahil may mga magagarbong regalo ang nakasakay. Doon na ako bumaba ng motor.
Nang buksan ang malaking gate na papasukan ng truck ay agad akong pumuslit sa gilid ag sinabayan ang pagpasok ng truck nang hindi napapansin ng mga guwardiya.
Tindi ng kabog ng dibdib ko nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Sumalubong kasi sa akin ang isang lugar na alam kong hindi kailanman matatamasa ng mga dayukdok na gaya ko.
Kakaunti pa lamang ang mga tao kaya’t agad akong pumuslit doon sa mini garden na walang katao-tao.
Mukha akong hampaslupa rito dahil nakasuot ako ng t-shirt na kulay puti at jogging pants na itim. Mukha akong chimimay na puwedeng gawing basahan sa sapatos nitong mayayaman na ’to.
“Congratulations, Casspian!” anang isang tinig kaya’t agad akong napatago sa likod ng fountain.
“Thank you, Franz,” sagot naman ng isang tinig at nang silipin ko ay nakita ko si Casspian na bahagyang nakangiti na parang nagpasikdo ng dibdib ko.
Ikaw lang naman ang na-excite sa tatay mo, anak ko, hindi ba? Naramdaman ko lang maman kasi nariyan ka sa loob ko?
“Masaya ako para sa ’yo at alam kong pasasayahin ka rin niya,” anas ni Franz. Ang ganda ng babae, parang puwede mong ilaban sa Miss Universe kasi para may invisible crown na nagsasabi na deserving siya—oo, ganoon siya kaganda.
“Where is your jealous husband? Mamaya ay makita tayo noon, at isipin na naman na may ginagawa ako kahit na engagement party ko ito—”
“Cass!” anas na naman ng isang tinig at pagsilip kong muli ay may nakita na naman akong isa pang babae na parang anghel na ibinaba sa lupa. Sobrang amo ng mukha niya na para bang puwedeng pumasa sa mga Querubin.
“Hay nako, nariyan ni Kali. Sige na at mauna na ako,” ani Franz, saka marahang tinapik si Casspian sa balikat.
Habang nakatanaw ako sa kanila, hindi ko maiwasang namnamin ang mukha niyong tinawag nilang Kali. Mukha talaga siyang anghel isama pa ang mala-porselana niyang balat.
“I’ve been searching for you. Hinahanap ka kasi sa akin ni Tita Sasa,” anito sa napakalambing na tinig. Sobrang soft-spoken na parang nakakaantok ang boses niya.
“Kali—”
“I love you, Casspian,” anito bigla at hindi ko alam pero para bang naglambot bigla ang mga tuhod ko. “I am not asking anything from you. I even told you na kahit wala nito, okay lang sa akin. You don’t owe me anything, Cass.”
“I–I am really sorry, Kalinn. I am really sorry that I could not offer you anything aside from this,” ani Casspian at ramdam ko ang guilt sa boses niya pero hindi ko alam ang dahilan.
“Don’t be, and you don’t have to be sorry. You are just being true to yourself and I understand it. I love you enough para maintindihan ko na ginagawa mo lang ito para sa akin, and I really want to thank you bigtime. Again, I love you,” anang babae, saka marahang yumapos kay Casspian.
Para bumabaligtad ang sikmura ko sa nasasasaksihan ko pero hindi ko maialis ang tingin ko sa kanila na para ba akong nahihipnotismo sa senaryong nasa harapan ko ngayon.
Lumayo ang babae kay Casspian, saka nito parahang pinunasan ang luha na naglandas sa pisngi ni Casspian.
“I am not dying yet, stop crying you freak,” anas nito sa marahang tumawa.
“You’re one in a million, Kali. How I wish we can teach our hearts whom to love. If only I could, I will always choose you. You deserve nothing but the best,” aniya Casspian, saka hinalikan sa noo ang babae.
Muli akong nagkubli at ang hindi ko inaasahan ay may natapakan akong tuyong sanga ng puno na nagkaroon ng malakas na tunog.
Ramdam kong napalingon sila sa gawi ko at maging ang mga yabag nila ay ramdam kong papalapit na sa kinaroroonan ko.
Kakabog-kabog ang dibdib ko na para bang lalabas na. Butil-butil na rin ang pawis ko sa noo at sunod-sunod na ang paglunok ko.
“Who is in there?” dinig kong tanong ni Kalinn.
“Show yourself. Hindi mo kailangan magpanggap na wala kang narinig, ’cause it’s all okay,” tinig naman iyon ni Casspian.
Bagay na bagay silang dalawa. Pareho silang kalmadong magsalita at pareho silang halatang pasensiyoso sa mga bagay-bagay. Malayong-malayo sa kung paano ako kumilos at makitungo sa mga sitwasyon.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na lumabas sa pinagkukublian ko at ipakita ang sarili ko sa kanila.
Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Casspian na halatang gulat na gulat na makita ako.
“Hi, Miss. If it would not offend you in any way, may I know who you are po?” ani Kali na bahagya pang nakangiti sa akin.
“S–Saffyre?”
Akala ko ay matindi na ang kaba ko kanina pero mas tumindi pa nang banggitin ni Casspian ang pangalan ko. Una, hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko, pangalawa, ay hindi ko alam kung bakit parang sobra ang pagkabigla niya na makita ako.
“You know her, Cass?” malumanay na baling ni Kali kay Casspian.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil pakiramdam ko ay ipit na ipit ako sa sitwasyon na mayroon ako ngayon.
“Yes,” diretsong sagot ni Casspian kaya’t lalong naging malikot ang mga mata ko pero kita kong titig na titig pa rin siya sa akin.
“P–puwede ko po bang makausap si Sir Casspian nang kaming dalawa lang?” utal na tanong ko.
Ang lakas-lakas ng loob ko pero sobra ang panginginig ng mga tuhod ko na tila ano mang oras ay tutumba ako.
“Sure, sure. No worries. I’ll leave you two alone—”
“No, Kali. You stay. Let’s both hear what she has to say,” kalmadong wika ni Casspian kaya’t hindi ko malaman ang gagawin ko. “I know it’s all about what I had done,” aniya at nakita ko ang paglamlam ng mukha ni Kalinn na mukhang may ideya sa nangyayari.
“Cass, what happened between you two is your business alone—”
“Buntis ako, Casspian. Ikaw ang ama. Hindi mo puwedemg itanggi dahil alam mong ikaw ang nakauna.”
Nakita ko ang gulat na rumehistro sa mukha ni Casspian at isang malungkot na ngiti naman kay Kalinn.
Tila ako naninira ng buhay ngayon. Ramdam ko… ramdam na ramdam kong napakahayop ko.
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Chapter II
SAFFYRE
LUMAPIT sa akin si Kali at napayuko ako dahil pakiramdam ko ay sasampalin niya ako.
Kung alam ko lang naman na may fiancé si Casspian, wala akong balak na isugal ang kadesperadahan ko sa kaniya. Babae ako, at alam ko kung gaano kasakit ang maagawan. Sampalin man ako ni Kali ngayon, alam kong deserve ko ’to.
Ilang segundi na ang nakakalipas, hindi ko pa rin nararamdaman ang pagdapo ng kamay niya sa pisngi ko kaya’t nag-angat na ako ng tingin.
“You don’t have to feel guilty, Miss Saffyre,” nakangiting wika nito at nagulat na lamang ako nang yakapin ako nito at marahang hinaplos ang likod ko. “I knew what happened between you two was a mistake, but the baby inside your womb will never be. You don’t have to feel ashamed about him or her. You’re a mother now,” malumanay na wika nito at tumatagos sa akin ang kasinserohan ng pananalita niya. Lalo akong nakakaramdam ng kahayupan sa sarili ko. Napakasama ko.
Marahan niya akong inalayo sa kaniya, saka niya inilagay sa likod ng tainga ko ang iilang hibla ng buhok na napunta sa harapan ng mukha ko.
“Hindi ko alam ang sasabihin ko sa ’yo. Nahihiya ako pero wala akong—”
“You’re a beauty, you’re like an angel. No wonder Casspian couldn’t help himself when he saw you,” aniya at muling ngumiti. “Tatapusin lang namin itong party, then we’ll talk. I know that you’re just after your child’s well-being. Naiintindihan ko,” patuloy nito, saka inabot ang kamay ko.
Lumingon ako kay Casspian at nakita kong hiyang-hiya rin siyang nakamasid kay Kali, dahil kahit napakamaunawain ng mukhang ipinapakita ni Kali, alam kong nasasaktan pa rin siya sa mga salitang binitawan ko na bigla na lamang bumulaga sa kanilang dalawa.
“Let me lead her, Kali. You go first. I’ll lead her to your room,” ani Casspian at nakangiting tumango sa Kali bago ako binitiwan.
“I’ll go ahead first. See you later, Miss Saffyre,” anito at kumaway pa bago tila anghel na lumakad paalis ng kinaroroonan namin.
Naiwan kaming dalawa ni Casspian na kapwa walang kibo dahil nagpapakiramdaman.
“Come with me—”
“Hindi ko alam na may fiancé ka,” putol ko sa kaniya, saka ko siya tinitigan sa mga mata. “Kung alam ko, hinding-hindi ko isusuko ang mayroon ako sa ’yo. Hindi ako pakawalang babae kahit pa sa bar tayo unang nagtagpo. Hindi ko rin gustong manira ng relasyon. Casspian, hindi ako hihingi ng kahit ano sa ’yo kung hindi tustusan mo lang ang anak ko. Hindi ako maghahangad na panagutan mo ’ko dahil may sarili akong disposisyon sa buhay. Ang gusto ko lang—”
“I will be the best father to my child, don’t worry,” putol niya rin sa akin nang may diin.
Nagbaba ako ng tingin dahil tila nakakaintimida na ang mga titig niya na para bang gustong-gusto niya akong basahin. Napaka-alwa ng mukha ni Casspian pero nakakatakot kapag unti-unti na itong sumeseryoso.
“Come with me first,” aniya sa akin at nagulat ako nang pagsalikupin niya ang mga kamay namin. Inakay niya ako papasok ng malaking bahay at wala akong nagawa kung hindi ang magpatianod.
Tumungo kami sa ikalawang palapag at pinasok namin ang isang kuwarto na para bang isang prinsesa sa palasyo ang nakatira sa sobrang laki.
Binitiwan na niya ang kamay ko at hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng panghihinayang.
“Kindly wait here, Saff,” aniya at hindi ko inaasahan ang bigla niyang ginawa… lumuhod siya at itinapat ang mukha sa tiyan ko, saka muling nagsalita. “Wait for Daddy here, little buddy. I’ll just deal with my business so I could finally prioritize you,” bulong niya at para bang sumikdo ang dibdib ko sa narinig ko.
Ikaw lang naman ang na-excite, hindi ba, anak ko? Naramdaman ko lang ulit kasi nariyan ka lang naman? Tama ako, ’di ba?
Marahan niyang hinaplos ang tiyan ko bago siya tumayo at lumisan ng silid na iyon.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong napahawak sa dibdib ko at napaupo sa kama. Alam kong mali na makaramdam nang ganitong emosyon lalo pa’t committed na siyang tao, pero tao lang din ako… sa mga mata pa lang ni Casspian, nababaliw na ’ko.
Hindi ako makapaniwala na agad niyang tinanggap ang anak ko kahit pa sa hindi magandang lugar niya ako nakilala. Kung tutuusin ay mayroon siyang mga sapat na dahilan para pagdudahan ako pero hindi niya ginawa. Hindi ko alam kung anong klaseng pang-unawa sila mayroon ni Kali, pero iyon ang pang-unawa na kahit kailan ay hindi ako magkakaroon. Tamang hinala akong klase ng tao at higit sa lahat, lagi akong nagdududa sa mga totoong motibo.
Inilinga ko ang mga mata ko sa paligid at nakita ko ang karangyaang taglay ni Kalinn. May malaking larawan siya rito na nakasabit sa pader at kitang-kita ang ka-anghelan ng mukha niya.
Hindi ko gustong saktan at pahirapan ka. Hindi ko gustong bigyan ka ng problema. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, hindi ako gagawa ng bagay na ikakasakit mo, kasi mo deserve na masaktan.
NAGISING sa marahang pagyugyog sa balikat ko, at nang iminulat ko ang mga mata ko ay mukha ni Kali na nakangiti ang bumungad sa akin.
“I’m sorry the event went too long that you fell asleep,” paghingi niya nang paumanhin sa akin, saka ako inalalayang maupo.
“Ayos lang, ako naman ang may kailangan sa inyo,” sagot ko sa kaniya at nakita ko si Casspian na nakasandal sa pinto habang nakapamulsa.
“Let’s talk,” ani Casspian at tumungo ito sa lamesa na naroon.
Sumunod kami ni Kali sa kaniya at magkakaharap kami sa pabilog na mesa.
“I already asked Lala to make a contract and here it is,” ani Kali at inabot sa akin ang isang papel.
“A–ano ’to?” tanong ko dahil nagulat ako na may kontrata.
“I trust you, Miss Saffyre, but I am a model and Casspian is a public figure too. I am sorry but I wanted to ask you to sign a confidentiality agreement,” malumanay na wika ni Kali at naiintindihan ko naman siya. “Lahat ng mapagkakasunduan natin ay sa ating tatlo lamang.”
Tumango ako sa narinig ko.
“As for the contract, first, Casspian will be a father to your child, and it’s also up to him if he wants to marry you—”
“Kali!” sigaw ni Casspian na mukhang hindi alam ang kontratang ginawa ni Kali.
“I won’t be a hindrance towards a life that is meant for you, Cass. I am not selfish. I want you to be a father to your child, and I want you to build a family with her if you want to. Hindi ako sakim na tao para ariin ka na sa akin kahit na alam kong hinding-hindi mo ako magagawang mahalin,” muling malumanay at nakangiting wika niya.
Kitang-kita ko ang guilt sa mga mata ni Casspian ngunit para rin naman siyang gulong-gulo at gusto ring isa-alang-alang ang kapakanan ng anak niya sa akin.
“Hindi mo kailangang gawin ito, Kali. Hindi ko kukunin sa ’yo si Casspian. Kahit sustentuhan niya lang ang anak ko, ayos na ako roon,” anas ko kaya’t bumaling siya sa akin. Nginitian niya ako ng isang ngiting may halong pait.
“He was never mine, Miss Saffyre. I may have loved him for too long, but Casspian was never mine. I was there when Hannah broke him, and when Franzess chose Red over him, but he was never mine, and I am fully aware about it. Alam ko kung saan ko lang dapat ilugar ang sarili ko,” anito at parang ako ang sinasaksak at hindi makalunok sa mga salitang naririnig ko sa kaniya.
Nilingon ko si Casspian at kita sa mga mata niya ang awang nararamdaman niya kay Kalinn.
“He will be accompanying you during the weekdays, and he will always be with you every appointment you have with the doctor. He has to be the bestest father he could be para naman makabawi siya sa akin. Kahit man lang sa paraan ng pag-aalaga niya sa ’yo, makabawi na siya sa hindi niya pagpili sa akin.” Bahagya pa siyang tumawa sa huli niyang sinabi pero wala naman akong nabanaag na kasarkastikuhan doon.
“B–bakit ikaw ang nag-aasikaso ng mga bagay na ito para kay Casspian, Kali? B–bakit ikaw ang nagbibigay sa akin ng mga arrangement na siya naman ang gagawa? Bakit kailangan ikaw kahit na alam ko namang nasasaktan ka—”
“Because Casspian will never to these things if I won’t. Hindi niya ako gugustuhing saktan kaya alam kong gagawa siya ng paraan para lang masuportahan ka nang patago at ayaw ko ng bagay na iyon. I want you two to move as freely as you can dahil hindi naman kasalanan ng anak ninyo ang nangyari sa pagitan ninyo. Casspian already told me that you were not aware about me when something happened between you two and he was drugged by Ivory. I was very well aware, Miss Saffyre. Casspian told me everything. Wala siyang itinatago sa akin,” putol niya at doon na halos malusaw ang puso ko para sa kaniya.
Kung may mas maintindihin pang tao kaysa sa kaniya, hindi ko na alam kung makakahanap pa ’ko.
“Anghel ka ba?” Ang mga salitang iyon ang kusang dumulas sa mga labi ko.
Natawa siya sa sinabi ko kaya’t napangiti ako nang hindi mawari.
“Silly,” aniya sa akin. “Just sign the contract kapag nabasa mo na lahat. I promise you na walang kahit na anong nakasulat diyan na aagrabyado sa iyo. Anyways, I will leave you two alone now. You guys need to talk and alam kong hindi kayo makakapag-usap nang maayos while I’m around,” dagdag nito, saka tumayo at tinapik si Casspian sa balikat at lumisan na ng silid.
Nilingon ko si Casspian na nakatitig na pala sa akin at blangko na lang ang ekspresyon nito na hindi ko magawang mabasa.
“I knew you were wondering why Kali was so ready about this thing,” aniya sa akin. “I told her everything and the futyre consequences of what we did. I told her that a day might come that you’ll eventually show up and tell me that you’re pregnant with my child, and apparently, this is the day.”
Kaya pala parang alam na ni Kali ang gagawin. Na-orient na siya ni Casspian, pero ibang klase pa rin talaga ang composure niya at pagiging maunawain.
“I will give everything to my child, and to you. You two are my responsibilities now. I did this, I had to take over,” muli niyang anas.
“Gaya ng sinabi ko kanina, hindi ako nanghihingi ng kahit na ano sa ’yo bukod lang sa sustento. Hindi natin kailangan magkita, hindi natin kailangan magkadaupang-palad—”
“But I want to be a father to our child,” putol niya at muli na namang sumikdo ang dibdib ko dahil sa ‘our’ na binanggit niya.
Anak, emosyon mo iyong sumikdo, hindi ba? Ikaw naman ’yon, ano?
“H–hindi ko naman inaalis na maging ama ka sa anak ko—”
“Natin.”
“N–natin… a–anak natin,” utal na pagtatama ko sa sarili ko dahil sa pagtatama niya sa akin. “I–iyon nga, hindi ko inaalis sa ’yo iyon pero gusto kong i-priority mo pa rin si Kali dahil mapapangasawa mo siya, at sa sobrang bait niya, hindi ko magagawang saktan siya sa pamamagitan ng pang-aagaw ko sa ’yo gamit ang anak ko—”
“She already told you that I was never hers,” muli na naman niyang putol sa akin. “Kali is the most understanding person I had ever met in my life.”
“Kaya mo tine-take for granted?” Dumulas ang mga salitang iyon at hindi ko na napigilan.
“No. I never took her for granted, and I will never do that to her,” aniya nang may diin at naramdaman ko ang kaseryosohan niya.
“Ginagawa mo na, Casspian. Dahil alam mong mahal ka niya, hinahayaan mong pahalagahan niya ako kahit na alam mong nasasaktan natin siya,” sagot ko nang mas seryoso.
Totoong naaawa ako kay Kali kahit na alam kong hindi naman niya kailangan iyon.
Natahimik siya sa sinabi ko.
“Bakit kayo may engagement party kung hindi mo naman siya mahal? Bakit kailangan na may mga ganitong bagay kung handa ka naman niyang ibigay sa iba?”
“She asked for this, Saff. Kahit ito lang daw ang ibigay ko sa kaniya… ang huling bagay na ibigay ko sa kaniya. Engagement ring and engagement party lang ang kaya kong i-offer sa kaniya, tatanggihan ko pa ba? After all those times when she was the only person who stood by my side, ito lang ang huling kaya kong i-offer sa kaniya.”
Kunot-noo akong napamaang sa kaniya. “A–anong ibig mong sabihin?”
“She’ll be leaving soon that why she wants me to choose my happiness… to choose our child.”
Kumabog nang malala ang dibdib ko sa sinasabi niya.
“M–mali ba ako ng intindi—”
“Kali is dying. She has a stage four leukemia.”
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
**
Chapter III
SAFFYRE
PARA akong sinukluban ng langit at lupa sa narinig ko. Punyetang ’yan! Napakahirap maging peyborit ni Lord, agad ka Niyang kukuhanin. Ibinigay kay Kalinn lahat ng ganda at karangyaan, pero ipinagkait ang mahabang buhay.
“Mas lalo mo palang kailangan na manatili sa tabi niya—”
“Which she would never want. Kalinn will never ask me to choose to stay by her side out of pity, over you and my child. She will always ask me to choose my happiness and that’s who she is.”
“Huwag kang paladesisyon para sa kaniya, Casspian. Pinapairal mo na naman iyang pagiging manipulative mo! Hindi ako natutuwa sa ’yo!” Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kailangan kong magtaas ng boses. Siguro dahil alam ko ang pakiramdam na walang-walang makapitan? Siguro dahil danas ko ang pakiramdam na maging kaawa-awa at mag-isang lumalaban?
Nakita kong ngumiti siya nang mapait sa akin bago muling nagsalita. “How I wish I was just making decisions for her, but no, Saffyre. It was all the decision she had engraved in my brain ever since she learned about her disease. She’s selfless.”
Para akong nanlulumo sa naririnig ko pero ayaw kong ipakita. Ayaw ko ring malaman ni Kalinn na sobra akong naaawa sa kaniya sa mga oras na ’to. Sino ba naman hindi, letse! Mamamatay ka na, tapos itong fiancé mo ay nakabuntis ng ibang babae. Punyeta!
Anak ko, parang hindi nakaganda iyang bigla mong pagsulpot. Masyadong mabigat ang sitwasyon ng tatay mo.
Kinuha ko ang ballpen na nasa mesa at mabilis na pinirmahan ang papel na kaninang hawak ko, saka ko siya tiningala at tinitigan sa mga mata. Punyetang mata ’yan, Casspian! Parang lagi mo ’kong lalamunin nang buhay!
“Walang lalabas sa kahit na anong napag-usapan natin. May espasyo pa riyan sa papel, isulat mo lahat nang gusto mong isulat, saka mo ’ko padalhan ng kopya. Wala akong ibang hihilingin sa ’yo bukod sa sustentuhan mo ang anak ko at… h–huwag ka nang magpapakita sa akin kahit na kailan.”
Agad ko siyang tinalikuran at agaran akong lumabas ng kuwartong iyon. Lakad at takbo ang ginawa ko dahil anoang oras ay babagsak na ’tong letseng mga luha ko na hindi ko malaman kung kulang ba sa aruga dahil masyadong papansin.
Nasa entrada na ako ng malaking gate nang makita ko si Kalinn na nakasandal lamg sa isang poste at sumisipa-sipa ng mahina sa ere habang nakatingala sa kalangitan.
Pinahid ko ang mga luhang nangingilid sa mga mata ko bago ako tumungo sa kaniya. Napakislot pa siya nang una na halatang hindi inaasahan ang presensiya ko.
“Miss Saffyre? Tapos ns ba kayong mag-usap ni Casspian—” Napatigil siya sa pagsasalita dahil hinawakan ko ang bigla ang mga kamay niya.
“Wala akong balak mang-agaw. Sa mundong ’to hindi puwedeng lagi kang mabait, hindi puwedeng lagi kang okay lang sa lahat dahil lang iyan ang maigi. Hindi ka biglang ibi-bless dahil lang pinili mong maging anghel. Hanggang sa dulo ng hininga mo, panghawakan mo ang taong gusto mo. Kahit man lang doon maging makasarili ka,” tuloy-tuloy na anas ko at hindi ko namalayan na tuluyan na ngang naglandas ang luha sa mga mata ko.
Nagulat ako nang bawiin niya ang mga kamay niya mula sa akin, saka niya pinahiran ang mga luha sa pisngi ko at ngumiti sa akin… isang napakatotoong ngiti. Walang bahid kaplastikan at pagkukunwari.
“Hindi mo ’ko kailangan intindihin o kahit kaawaan pa. Hindi ko rin naman magagawa iyang sinasabi mo na maging makasarili. Sa ilang buwan o linggo na lang na itatagal ko, hahayaan ko pa naman bang mahirapan ang taong mahal ko?” aniya sa akin, saka hinaplos ang pisngi ko. “If Casspian will be happy beside you, I will let him go just so he can be with you and you don’t have to feel guilty towards my decision. My decisions are mine alone, and in the end, it is what I want and it is what my heart told me.”
Lalo kong gustong pumalahaw ng iyak. Napakabait niya! Punyetang buhay ’to! Maninira ma lang ako ng buhay nang may buhay, ang sa kaniya pa ang nasira ko. Tangina mo, Saff!
“A–aalis na muna ako. Nakapag-usap na kami ni Casspian. S–sana maging okay ka, sana mas sumigla ka pa. Sana mabigyan ka pa ng mas mahabang buhay,” utal-utal na saad ko sa kaniya, saka ko na rin siya tinalikuran at lumakad paalis.
Naririnig kong tinatawag niya ako pero hindi ko siya nilingon. Natatakot ako sa sarili ko. Sa mga binitiwan niyang salita, natatakot ako na baka bawiin ko ang mga sinabi ko kay Casspian at piliin kong maging makasarili.
Sana pahabain pa ng Diyos ang buhay mo, Kalinn. Deserve mong magmahal at mahalin.
NAG-AAYOS ako ng sarili nang bigla na lamang bumukas ang pinto ko at nakita ko si Lara na iniluwa ng pinto.
“Bakla! May raket ako para sa ’yo!” aniya na akala mo sobrang excited sa sasabihin niya.
“Basta hindi ako magpapa-chukchak, okay lang,” sagot ko naman sa kaniya at itinuloy ko ang pagsusuklay ng buhok ko.
“Gaga! Alam kong buntis ka kahit hindi mo sabihin sinong gago ang nakabuntis sa ’yo!” singhal niya naman sa akin. “So ito na nga, iyong pinsan kasi ng jowa-jowaan ko, naghahanap ng puwede niyang maging pekeng jowa. Gusto yatang pagselosin iyong ex. Ni-refer na kita—”
“Ba’t hindi ikaw?” nagtatakang tanong ko.
“Tanga ka talaga! Natural magagalit iyong jowa ko. Baka liguan ako ng tamod n’on sa galit kapag nagselos ’yon!” aniya at agad akong napalingon sa labas ng pinto dahil baka narinig siya ng kapatid ko.
“Animal ka!” hinampas ko siya nang medyo may kalakasan sa balikat. “Iyang bunganga mo, Lara! Jusko!”
Bigla siyang napatutop sa bibig niya at nahihiyang ngumiti sa akin. “Sorry naman.”
“Sino ba iyang kliyente na ’yan at magkano ang ibabayad—”
“Pipti kyaw per date raw, e.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lara. Tang ina! Ang laking pera ng fifty thousand per date! Daig ko pa ang nakatisod ng winning ticket sa lotto!
“Gaga!? Legit ba?”
“Oo, girl. Sobrang yaman nito. At ang alam ko nagbabanda raw,” anito sa akin.
Para namang may kuryente agad na gumapang sa akin pagkarinig ko ng banda.
Anak, nae-excite ka ba sa tatay mo? Anak, huwag masyado, ha? Hindi tayo priority. May mas kailangan harapin ang tatay mo.
“Kailan ba—”
“Ngayon,” pambibigla niya sa akin. “Ngayon kita ipapakilala kaya dalian mo riyan. Naku! Magandang-magandang opportunity ’to para maipagamot mo na si Granette, at nang matubos mo na rin iyang lupa n’yo sa ninong mong manyakis,” patuloy niya, saka niya inagaw ang suklay sa akin at siya ang nagsuklay ng buhok ko.
“Hindi naman ba ’yon nananakit? Sana naman hindi ako bigla na lang bugbugin kapag hindi maganda ang akting ko,” pangangamba ko.
“Hindi kita isusuong sa mag-aalanganin ka, gaga! Palagay mo sa akin? Bugaw?”
Hindi na lang ako kumibo at naglagay pa ng ibang simpleng kolorete. Ang plano ko kasi talaga ngayon ay pumunta sana ng clinic para maipatingin kung ayos ba ang anak ko, pero ipagpapaliban ko na lang muna siguro iyon. Mas malaki ang mawawala kung itong kliyente ang ipagpapaliban ko.
Natapos akong mag-ayos at inaya na ako ni Lara na sumakay ng tricycle. Pumunta kami sa isang may kagarbuhang restaurant. Mabuti na lang at naka-dress ako na kulay malabong berde na hanggang bukong-bukong at tinernuhan ko ng sandalas kaya kahit paano ay mukha akong elegante.
“Iiwan na kita rito, ha? Nandoon sa second floor. Naka-blue na suit raw,” ani Lara sa akin at tumango lamang ako.
Bitbit ko ang maliit kong bag na tumungo ako sa ikalawang palapag at bumungad sa akin ang nag-iisang taong narito na nakatingin lang sa kawalan.
Lumapit ako sa kaniya at pinukaw ko ang atensyon niya. “Hello?”
Nilingon ako nito at halos malaglag ako kahit wala naman akong kinatutungtungan dahil sa kaguwapuhang taglay nito.
“Are you Saffyre?” aniya at wala sa sariling napatango ako. “Have a sit,” utos niya na agad kong ginawa.
Sobrang guwapo niya! Pero… mas guwapo talaga si Casspian dahil iyon ang tipo ko, long hair na maamo ang mukha. Itong isang ito, sobrang lamig makitungo ng mga mata, tapos parang sasampalin ka na lang ng kahirapan dahil amoy niya pa lang ay amoy mayaman na.
Pinilit ko munang inayos ang utak ko bago ako nagsalita. Ayaw ko kasing magkanda-utal habang nakikipag-usap. “Saffyre Zell Aleja,” pakilala ko at saka ko inabot ang kamay ko sa kaniya.
“Dwight Adler,” pakilala nito sa akin at kinuha ang kamay ko.
Ang lambot ng mga kamay ng lokong ’to! Parang hindi pinaghugas ng pinggan mula pagkabata!
Binawi ko ang kamay ko na parang ayaw niya pang bitiwan. “Nabanggit na sa akin ni Lara ang pakay mo—”
“That’s good. All you have to do is act and pretend that you are madly and deeply in love with me,” putol nito sa sinasabi ko.
“May kontrata ba akong pipirmahan?”
“Do we even need that?”
“Wala kang tiwala sa akin, ganoon din ako sa ’yo—”
“We don’t need to trust each other. You just have to do your job. Fifty thousand per show, and I will be responsible for the other expenses,” putol na naman nito sa akin. Hobby niya bang sumingit?
Humalukipkip ako at nakita ko siyang parang namangha. “Huwag na huwag mong gagawin sa akin ang mga ginagawa mo ngayon. Huwag na huwag mong puputulin ang sinasabi ko kapag umaakting na ako kung ayaw mong magkaproblema tayo. Isa pa, kapag hinawakan mo ang kamay ko, dagdagan mo ang bayad mo. Kapag kailangan mo ’kong hapitin sa baywang, mas dagdagan mo,” buwelta ko sa kaniya at sumilay ang nakakalokong ngisi sa kaniya.
“How about a kiss? Shall I pay a million?” anito at bigla naman akong kinabahan.
“Anong kiss!? Walang kiss. Hindi puwede!”
“Why? Are you in a relationship? Lara told Dustin that you are very much single—”
“Pero hindi available! Basta hindi mo ’ko puwedeng i-kiss!” pagpipilit ko at mahina itong napatawa.
Masasampal ako ng anak ko kapag nagtatalandi pa ’ko gayong hindi nga ako makalandi sa tatay niya!
“Fine. No kiss,” pagsuko nito.
“Kailan ba ’to mag-start?” tanong ko.
“Later. Here, wear this,” aniya at may inabot siyang paper bag sa akin. “Just text me where you are, ako na ang susundo sa ’yo. Be ready before 8pm.”
Kinuha ko lang ang bigay niya at hindi na kami nag-usap pa.
MALAKING event ang sumalubong sa akin pagpasok namin ng gate nitong si Dwight. Naka-angkla pa ako sa braso niya base na rin sa utos niya.
Kulay blue na glittery dress ang suot ko na hakab na hakab sa katawan ko. Nagpapasalamat nga ako at wala pa akong baby bump dahil sobrang mahahalata kapag nagkataon.
“Chin up, lady. I ain’t ugly para ikahiya mo,” bulong niya sa akin at hinapit pa ako sa baywang para mas mapalapit sa kaniya.
“Sino bang pagseselosin natin sa dami ng babae rito? Na-stress ako, parang lalamunin ako ng gandang taglay nila,” bulong ko pabalik sa kaniya.
“Don’t worry, hindi naman sila makakalapit sa gandang taglay mo kaya ayos lang,” bulong niyang muli at nang lingunin ko siya at nginisihan niya ako.
Gagong ’to, ah! Nagpapakilig pa! Akala yata ay tatablan ako!
“Charotin mo ’ko! Ituro mo na.”
Natawa siya nang bahagya sa akin. Ang gaan kasama ng isang ’to. Kanina lang ay parang tutuklawin niya ako sa restaurant, pero ang siste pala ay matino naman siyang kasama at kausap.
“There, Saina Salcedo. The woman who is wearing a red long gown. That’s my ex,” aniya at naramdaman ko ang unti-unting paglamig ng boses niya.
Naku, ha! Wala akong balak mag-usisa bakit sila nag-break. Dami ko na ngang iniisip, magma-marites pa ba naman ako sa lovelife niya!
Mas inakay niya pa ako papalapit doon sa Saina at nang mukhang lilingon na ito sa amin ay agad kong iniharap si Dwight sa akin at nagkunwari akong inayos ang neck tie niya. Mukhang na-gets naman ni Dwight ang nangyayari kaya inayos niya rin ang hibla ng buhok ko na nalaglag mula sa pagkakapusod.
“Nakatingin pa iyong ex mo, huwag kang lilingon—”
“Ngayon ko lang napagtanto na maganda ka pala talaga lalo sa malapitan,” bulong niya sa akin at ayaw ko mang aminin, nakakaramdam na ’ko ng kilig!
“Sira—” Ngunit bago ko pa matapos ang dapat na sasabihin ko ay nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko si Casspian na nasa likod mismo na ni Dwight at nakatitig sa akin. Titig na hindi ko mapaliwanag, punyeta!
Mas matangkad siya kay Dwight kaya para akong nanliliit sa kaniya.
Naramdaman yata ni Dwight na may nasa likod niya kaya’t nilingon niya ito.
“Oh, you’re here, dude?” tipid na bati ni Dwight pero hindi inalis ni Casspian at titig niya sa akin.
Ang guwapo niya. Nakabagsak ang buhok niyang mahaba, habang nakakulay brown siyang suit na literal na attention stealer ang datingan.
“Who are you with, Dwight?” anang isang tinig at nalingunan ko si Saina na nakalapit na pala sa amin. Ang talim ng tingin nito sa akin pero pinilit kong ngumiti rito na animo ay nagmamalaki. Aba’y ito naman talaga ang pinunta ko rito, kahit pa sobrang nakakabagabag ang mga titig ni Casspian.
Bigla na lamang akong hinapit sa baywang, saka niya marahang hinalikan ang sintido ko na ikinagulat ko.
Punyeta! Nakaharap ang ama ng anak ko tapos may hahalik sa akin!? Punyeta talaga!
“She’s my girlfriend, Sai. She’s Saffyre,” pakilala niya sa akin.
Akmang iaabot ko na sana ang kamay ko nang magsalita bigla si Casspian sa napakalamig na tono.
“So you have a boyfriend? How about me?”
Simpleng tanong lang iyon pero agad na gumimbal sa akin.
Anak, masasakal yata ako ng tatay mo.
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Chapter IV
SAFFYRE
KUNG puwede lang akong magpanggap na hinimatay, ginawa ko na punyeta ! Kaso syempre, lalo akong magiging agaw atensyon kaya nanahimik na lang ako kahit na ramdam ko ang kiming pisil ni Dwight sa baywang ko.
“Is there something wrong, Casspian?” tanong ni Saina kay Casspian.
Baklang ’to! Usyusera! Hindi makuntento na ginigisa na ako ng mga mata ni Casspian! Gusto mo pa talagang tuluyan akong makatay, punyemas ka!
“So what am I to you, Ms. Aleja?” muling anas ni Casspian. Lintik na ’yan, akala ko titigilan niya na ’ko, mali pala itong akala ko.
“A–ah, hehehehe.” Nawawalan ako ng sasabihin sa kaniya.
“Do you have a problem with my girlfriend, dude?” ani Dwight at saka pa niya pinagsalikop ang mga kamay namin.
Imbes naman na sumagot itong si Casspian, tinitigan niya lang nga mga kamay namin.
Please lang, Casspian. Maghunos-dili ka, singkwenta mil ang mawawala sa akin kapag tumirada ka bigla ng hindi maganda.
“Oh, you’re girlfriend,” sagot niya na animo ba naghahamon ng away pero parang hindi kasi normal na good boy nga siya tapos ang amo pa ng mukha na kapag sinuntok mo, siya pa ang magso-sorry. Ah, basta!
“A–ah, e–eh, mag-cr muna sana ako, Dwight. Okay lang ba?” pagpatay ko sa tensyon sa pagitan naming apat.
Nilingon ako ni Dwight na parang gusto niya pa akong pigilan pero bahagya ko siyang pinanlakihan ng mga mata. Aba’y sumesegway na nga ako para gumaan-gaan, eepal pa siya.
Binitiwan ko ang kamay ni Dwight at kumaripas na ng alis. Alam kong nakasunod pa rin ang mata ni Casspian sa akin pero kiber na muna, punyeta. Baka mawalan ako ng sideline kapag inintindi ko siya. Mahirap pa nito, imbes na dito ko sana sa pera na makukuha ko kay Dwight iaasa ang pangangailangan naming mag-ina, mapurnada pa.
Iyong tatay mo, anak, malabo pa sa ilong ng pusa. Wala naman kaming label, kung makapagtanong para bang kasal kami. Susmaryosep!
Agad akong pumasok sa malapit na banyo na nakita ko. Tumingin ako sa salamin at maganda pa rin naman ako. Mukha lang akong kinakabahan—na totoo naman, pero maganda pa rin ako.
Kinuha ko ang maliit na bag ko at naglagay ng kaunting lipstick, saka ako nagpahid ng kakaunting powder. Syempre puro kaunti lang, ayaw kong magmukhang espasol.
Nagtagal pa ako nang bahagya bago ako nagdesisyon na lumabas na. Siguro naman ay kahit paano kumalma na ang tensyon sa labas.
Pagbukas ko ng pinto ng banyo ay liliko na sana ako pakanan nang bigla na lamang akong makarinig ng pagtikhim.
“Shall I tell your boyfriend that I am the father of your child?” aniya nang malingunan ko siya.
Seryoso lamang ang tingin niya sa akin pero iyong tanong niya, parang nangangatog na ang mga tuhod ko sa narinig ko.
Pinilit kong iayos ang sarili ko, saka ako humalukipkip. “Casspian, umayos ka parang awa mo na. Gusto mong ipangalandakan na may anak tayo? Sira ba iyang ulo mo? Maryosep ka. May bingot yata iyang utak mo—” Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil inilang hakbang niya ang pagitan namin kaya’t nawala ako sandali sa hinagap ko at napasandal sa pader. Na-corner na niya ako ng mga braso niya.
“I never showed anyone how possessive I can get, baka sa ’yo pa lang,” makahulugang sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko.
Ang lamyos-lamyos ng mga mata niya pero sa mga oras na ito, para itong nag-aapoy na hindi maipaliwanag. Para akong mauulol sa kaniya ano mang oras.
Anak, itong tatay mo pa-fall ang buwisit! Gustong-gusto ko pa naman iyong mala-wattpad na ganito na kino-corner. Hayst! Huwag mo sanang manahin itong pagkapa-fall niya, kung hindi ay matatampal kita.
“Lumubay ka nga, Casspian! Tatadyakan kita riyan. Usapan natin hindi ka magpapakita sa akin. Ang sabi ko sustentuhan mo lang ang anak ko—”
“Natin.”
Ito na naman siya!
“A–ah, basta!”
“Hindi pa tayo tapos mag-usap nang umalis ka. You didn’t listen to what I have to say, Saffyre Zell,” aniya sa akin at ang pagbuo niya ng para bang nagbabanta siya sa akin. Ang weird ng ugali ng isang ito!
“Sa akin ay tapos na, kaya nga umalis na ’ko—!” Nagulat ako kaya’t napahinto ang pagsasalita ko! Bigla niya ba naman kasing pinagdikit ang tungki ng mga ilong namin. Nasisiraan na ba ako o siya!?
“Really?” aniya sa akin at punyeta—! Naaamoy ko iyong mabango niyang hininga! “Are we really done talking?”
Paano akong magsasalita ngayon? Feeling ko maling kilos ko lang, rurupok ako at mahahalikan ko siya.
“Answer me, Saff. Are we really done talking or you just want to runaway from me?” muli niyang tanong at hindi ko na alam anong gagawin ko.
“L–lumayo ka muna, s–sasagutin kita—”
“No. Answer me now, baka takasan mo na naman ako,” aniya at kahit hindi ko nakikita, ramdam ko nakangisi siya.
Napakagat-labi ako kasi naman!
Anak, kung hindi lang ako buntis sa ’yo, kahit mag-round five kami nitong tatay mo, papalagan ko talaga, e! Masyadong nang-aano, porke’t hindi ako makapalag-palag!
“H–hindi nga k–kasi tumakas ako,” sagot ko na lang dahil wala naman akong magagawa.
Lumayo na siya nang bahagya sa akin at para akong gaga na gustong hatakin siya pabalik. Nakaka-bipolar siguro ang pagbubuntis.
“Good. Before you left, you told me that I could put my additional condition regarding our contract, and I just came up with one additional,” aniya sa akin at sa gulat ko ay hinawakan niya ang baba ko at bahagyang itiningala ang ulo ko.
“A–ano naman ’yon, aber?” Pilit ko talagang pinatatapang ang dating ko kahit alam ko naman na talong-talo na ’ko.
“You are not allowed to enter a relationship without my consent,” aniya at doon ko na siya naitulak.
Tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan ng tingin. “Hoy, Casspian! Iyan ka na naman sa manipulative attitude mo—”
“I am not manipulating you, Saff, not unless… you want me to?”
Parang kinabog ako sa sinabi niyang iyon. May pagguhit ng kilig sa akin na hindi ko malaman, e.
Punyeta talaga! Kaya madalas kaming masaktan na mga babae, e. Gustong-gusto namin iyong parang ginagangster kami, tapos fall na fall kami. Nyemas!
“H–hindi, ah! Wala pa akong diperensya sa pag-iisip, Casspian. Huwag mo ’kong bigyan ng sakit ng ulo!”
Bahagya siyang ngumiti sa akin, saka siya may kinuhang panyo mula sa bulsa niya at bahagya iyong idinampi sa noo ko.
“No, Saff, I ain’t manipulating you. I have no plans. I was just teasing you. You have your own life to live. I already took a part of your life, I won’t be a stumbling block to your future decisions. Just… just don’t be in a relationship while you are carrying our child. I only wanted to avoid future confusion,” malamyos na wika niya at ngumiti nang totoo.
Oh, punyeta! Kung nakaka-in love iyong angas-angasan at gangster-gangster-an niya kanina, mas nakalalaglag panty itong pagngiti niya na ramdam na ramdam ang sinseridad.
“I–iyon lang ba?”
“I will immediately tell you if I have other condition. For now, let me take you home,” desisyon niya nang hindi man lamang ako tinanong.
Hindi nga manipulative, paladesisyon lang talaga siya. Ganoon ba ’yon?
Nagulat ako nang idantay niya ang panyo na kaninang pinampahid niya sa noo ko sa may kamay ko bago niya pinagsalikop ang mga kamay namin.
Para naman akong ginapangan ng kilabot at kilig. Daig ko pa iyong piptin yirs old na bata na ngayon pa lang na-meet iyong ka-chat niyang amoy lupa! Punyeta! Bonus pa na ang sarap-sarap ni Casspian.
Oo, masarap siya! Napatunayan ko na! Nagkatikiman nga kami kaya ako may bata sa tiyan ngayon, e.
“Ano’ng—”
“I was disinfecting you,” aniya at bigla niya akong nginisihan, saka niya ako inakay sa isang daan na hundi ko alam kung saan papunta.
Tumambad sa akin ang labasan at inakay niya ako hanggang sa may sasakyan.
Nakasakay na ako sa sasakyan niya at kasalukuyan na itong umaandar nang bigla na lamang akong mapatutop sa bibig ko dahil sa naaalala ko.
Punyeta, si Dwight! Iyong pipti kyaw ko! Casspian kasi, e! Kapag kasama ko na siya, nawawala na ’ko sa sarili. Sabagay, kaya nga ako bumigay, e. Hayst!
NAGISING ako na bumabaligtad ang sikmura ko kaya’t agad akong napatakbo sa banyo.
Walang tigil akong nagduduwal sa banyo namin. Ang hirap sumuka na wala naming isinusuka. Ang hirap magbuntis, punyemas. Tapos lolokohin lang kami ng mga lalaking wala namang mga bayag. Masakit pa sa panahon ngayon, kung sinong panget, sila pang nagtu-two timer. Hindi ko alam saan nila hinuhugot ang lakas ng loob at kapal ng mukha, punyeta nila.
Hirap na hirap ako sa sitwasyon ko nang makaramdam ako ng humahagod sa likod ko.
“Nay, okay lang ako. Kalandian ko ’to, huwag po kayong mag-alala,” anas ko at pupunasan ko pa sana ng likod ng palad ko ang mga labi ko nang may panyo na dumantay sa akin at siyang pumahid ng mga labi ko.
Agad akong kinabugan ng dibdib, at paglingon ko ay nakita ko si Casspian na hindi malamab ang itsura kung naaawa ba sa akin o gusto niya nang pumalit sa akin dahil hindi niya ma-take ang nangyayari.
“I’m sorry, Saff. I am really sorry you have to experience this,” aniya at hinawi niya pa ang ilang hibla ng buhok ko patungo sa likod ng tainga ko.
“A–ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya.
Hinatid niya ako kagabi pero hanggang doon lang sa may ututan. Ayaw ko ngang magpahatid dito sa bahay dahil ayaw kong malaman niya kung saan ano nakatira pero ito siya at nandito sa bahay nang ganito ka-aga.
“I will accompany you to the ob-gyne,” sagot niya sa akin at saka ako inalalayan na makatayo.
“Alam ba ni Kalinn na nandito ka—”
“Yes, and she really wanted me to be with you in your every check up.”
“Sus. Kung hindi pa sasabihin ni Kalinn, hindi mo siguro ako sasamahan,” bulong ko. Umaatake kasi itong emosyon ng anak ko madrama kaya parang gusto kong mag-inarte.
Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at inilingon ang mukha ko sa kaniya. “With or without her consent, I will be accompanying you. Our child needs me, and you need me too.”
Oh, punyeta! Paano akong hindi bibigay sa lalaking ito na ipinaglihi yata sa santo. Jusko!
“K–kaya ko naman—”
“Nanay, si ate po nagpapakipot!” dinig kong sigaw ni Garnette na nasa harapan na pala namin ni Casspian at nanonood sa amin nang hindi ko man lamang namalayan.
“Ikaw na lintik ka!” sigaw ko at narinig kong bahagyang natawa si Casspian kaya’t sinamaan ko siya ng tingin.
Magsasalita na sana ako nang makita ko si nanay na nanggaling ng kusina at may hawak pang siyensi.
“Mga anak, halina ay magsikain na muna kayo ng agahan. Mayroong tuyo, itlog, at kamatis dito,” ani nanay nang nakangiti.
Dito ka naman mabibilib sa nanay ko, tanggap ang kalandiang taglay ko, at ni hindi man lang ako tinanong sino’ng ama ng anak ko, saka hindi man lang usisain itong si Casspian.
Inaya ko na lamang si Casspian sa hapag namin at naupo na rin ako. Wala naman siyang hiya-hiya na kumuha ng sarili niyang plato— ampota, hindi pala para sa kaniya ang plato! Inilagay niya iyon sa harap ko at sinandukan niya ako ng sinangag at mgs ulam. Pa-fall talaga!
“H–hindi mo naman kailangan gawin ito—”
“Sus! Kinikilig ka lang niyan, ate, e!” sabat na naman ni Garnette na kinasama ng tingin ko sa kaniya.
“Ang sweet mo naman, iho. Pero alam mo bang buntis na ang anak ko?” Parang gusto kong masamid sa pandidiretso ni Nanay kay Casspian.
“Yes, Ma’am. I am actually the father.”
Gusto kong mapasampal sa noo ko sa kaswal ng usap nila ni Nanay. Para ba silang nagbentahan lang ng alagang tuta kung makapag-usap.
“Ganoon ba?” ani Nanay at nagsandok na rin ng pagkain niya. “Alagaan mo lang ang anak ko, wala akong ibang hihingin sa ’yo. Kapag ayaw mo na sa kaniya, ibalik mo siya sa akin nang kung paano mo siya kinuha. Huwag mong sasaktan, ibalik mo na lang sa akin. Tatanggapin ko, hindi ako magagalit sa ’yo dahil alam ko ang ugali niya,” dagdag pa ni Nanay nang nakangiti.
Naaantig ang puso ko pero pilit kong itinago.
“Hindi po ako mag-aasawa, Nay! Kung makapagbilin ka riyan, para naman akong lalayas—”
“Kumain ka na lang riyan, hindi ka kasali sa usap,” pambabara ni Nanay kaya’t napanguso ako.
“Wala po akong balak na manakit ng kahit na sinong babae, Ma’am. Pinalaki po ako na hindi sinasaktan ng Daddy ko ang Mommy ko, so I was never used to violence and abuse, and I had no plans to,” matatas na sagot ni Casspian.
“Wala daw plano, kaya pala may fiancé tapos nandito naman sa tabi ko—”
“Kalinn already cancelled our engagement. I am no longer engage, and I am no longer committed to anyone. Gusto mo ba?”
Punyeta, Casspian! Binibigla mo ’ko, at sa harapan pa talaga ng Nanay ko!
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Chapter V
SAFFYRE
PARANG gusto kong dagukan itong si Casspian kahit pa kumakain siya. Ako nga hindi na makakain sa mga pinagsasasabi niya, dapat ganoon din siya para fair!
“Dati ka bang may nobya, iho? Sinira ba ng anak ko ang relasyon ninyo?”
Bigla akong napalingon kay Nanay at napahawak ako sa dibdib ko, saka ko siya tinapunan nang hindi makapaniwalang tingin.
“Wow, Nay! Ang taas-taas naman ng tingin mo po sa akin. Ang ganda-ganda po ng banat mo. Ba’t hindi n’yo na lang po kaya itinanong kung kabet ako?” sabat ko at sinamaan pa ako ng tingin ni Nanay.
Ikaw pa galet!?
“No, Ma’am. I was just engage for a very valid reason, but my former fiancé already called-off our engagement. I am no longer committed to anyone,” sagot niya kay Nanay at tumango-tango naman si Nanay.
Oo, naiintindihan naman siya ni Nanay kasi nakatapos si Nanay ng sekondarya, kaso ang isang ito naman, kung makapag-straight english, akala mo ipinanganak sa Harvard Hospital. Nyemas!
“Oh, ngayon? Casspian, lumubay-lubay ka sa mga eme mo sa buhay, please. Ang gusto ko lang naman ay sustentuhan mo ang anak ko—”
“Natin.”
Ito na naman siya sa pakilig-kilig niya! Jusko naman! Oo na! Anak mo na! Anak na natin! Kakainis! Pereng tenge ’te.
“N–natin nga. Hayun, basta sustentuhan mo lang kami, hindi mo na kailangan magpakita sa amin. Promise hindi rin talaga kita guguluhin—”
“But I have plans of messing up with you. Paaano ’yon?”
SIRA ULO! KINIKILIG AKO KAHIT NA ALAM KONG KABUGOKAN IYONG BANAT NIYA!
“CASSPIAN!” pa-emeng bawal ko sa kaniya pero ang totoo ay gusto kong pigilan ang sarili ko sa pamumula. Alam ko naman na magiging obvious ang kilig ko dahil mabilis makita sa katisayan ko iyong kilig. Kainis, punyeta!
“Hay nako, huwag na kayong magtalo. Parang ang tagal-tagal n’yo nang magkakilala kung makapag-angilan kayo,” suway ni Nanay sa amin, saka na sila tumayo ni Garnette dahil tapos na pala silang kumain.
Tumayo na rin ako pero si Casspian ay ngingiti-ngiting itinuloy ang pagkain niya.
“Ngiti-ngiti mo riyan?” pagsusungit ko sa kaniya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng iritasyon sa pagngiti niya ngayon, samantalang kahapon ay kulang na lang ay malaglag ang panty ko sa sobrang kilig.
“Enough staring at me, Saff. Paglabas ng anak natin, siguradong kamukha ko ’yan,” aniya sa akin at para akong napipi nang muli na siyang bumaling sa pagkain. Ang angas at lambing kasi ng pagkakasabi niya sa mga katagang iyon. Jusko!
Naghugas na lamang ako ng mga pinagkainan at hinayaan siya. Oo, sinadya ko talagang pagligpitan siya para hindi na siya makapag-asawa. Para kwits sila ni Kalinn, lintik siya.
Nang matapos ako ay tumuloy na ako sa kuwarto para makapaligo na at makapagbihis. Bahala si Casspian kung ano’ng gagawin niya sa buhay niya habang inaasikaso ko ang sarili ko. Desisyonability naman siya kaya bahala na siya. At isa pa, baka kung ano na namang tumakbo sa lintik na baliko kong utak kapag bumanat na naman siya. Imbes na pinipigilan ko ang sarili ko, baka ako na ang gumapamg sa kaniya— char lang, anak! Baka imbes na isa ka lang, maging kambal ka pa. Hehehe.
KAPWA kami sakay ng sasakyan niya ngayon. Sabi ko naman at talagang desisyonability siya dahil siya na rin daw ang naghanap ng ob-gyne para sa akin.
Kaninang nag-aasikaso ako ng sarili ko, nakita ko lang siya na kausap si Garnette. Hindi ko alam ano’ng pinag-usapan nila at talagang sobrang kalmado at palagay ni Garnette sa kaniya na hindi naman normal na ginagawa ng kapatid ko.
Paglabas din namin ng bahay kanina, kanda-haba na naman ang leeg ng mga Marites kong kapitbahay sa pagmumukha ni Casspian. Sumisitsit pa nga iyong ibang mukhang dugong kong kapitbahay na naka-jackpot daw ako, pero kiber na muna sa kanila for today’s video dahil baka ma-stress ang anak ko at maging kamukha pa nila.
Si Casspian din naman kasi, e. Ano kayang napag-isip-isip at sinugod ako sa bahay. Parang sira.
“What are you thinking?” basag niya sa katahimikan kaya’t nakanguso ko siyang nilingon.
“Huwag ka nang babalik sa bahay namin, sinasabi ko sa ’yo! Iyong mga tao roon, kung puwede ka lang papakin, pinapak ka na!” singhal ko sa kaniya.
“But it is you whom I want to make papak to me. Would it be okay?”
HOOOOOOOYYYYYY!!!
“P–pinagsasasabi mo riyan!?”
“Kidding,” sagot niya naman sa akin at bahagyang ngumisi na akala mo nagtagumpay sa pang-aasar sa akin.
“Tigilan mo na ’ko sa kakaasar mo. Basta huwag ka nang babalik sa bahay namin—”
“Then move in with me so I won’t go to your house anymore,” putol niya sa akin at kung ako lang ang may hawak ng manibela, malamang ay napapreno na kami nang matindi sa sobrang gulat ko.
“M–may tama ka ba sa ulo!?” sigaw ko sa kaniya at mas nagulat ako nang ihinto niya ang sasakyan at bumaling sa akin. Seryoso ang mga tingin niya, wala na rin ang ngisi niya kanina.
“I want you to move in with me. With your Nanay and Garnette,” seryosong anas niya at parang kapag kinontra ko ay tatamaan na lang ako bigla ng kidlat. Iyong mga mata niya pa naman ay tila inuutusan ako na sumang-ayon sa gusto niya.
Agad akong nagbawi ng tingin nang pakiramdam ko ay lalamunin na ako ng hipnotismong bigay niya. “H–hindi. Hindi namin iiwan ang bahay na iyon. Iyon lang ang naiwan sa amin ng tatay ko,” sagot ko sa kaniya at nanahimik na ako.
Mukhang ramdam niya naman na ayaw ko na ng usap kaya’t muli na niyang pinaandar ang sasakyan at hindi na muling nagsalita pa.
Sobrang sensitive ko kapag usaping bahay. Sobrang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Aminado akong may Daddy issue ako kahit pa madalas kong trashtalk-in ang tatay ko sa isip ko, pero… sobrang mahal ko ang tatay… sobra na halos mawala ako sa sarili nang mawala siya.
Tahimik lang ako buong biyahe hanggang sa sapitin na namin ang isang napakalaking ospital na hindi ko alam na nag-e-exist pala rito sa mundo.
“Nasaan tayo?” tanong ko nang ihinto na niya ang sasakyan.
Nagulat ako nang imbes na sagutin ako ay bumaling siya sa likod at may kinuha roon.
Pagharap niya sa akin ay sinuotan niya ako ng facemask na ikinapiksi ko pa dahil hindi ko iyon inaasahan. “Para saan ’to? Para ba hindi ako makilala dahil kasama kita—”
“We are entering a disease prone premises. I would be mad at myself if you’ll obtain a disease just because I brought you here,” putol niya sa akin, saka pa niya ini-spray-an ng alcohol ang kamay ko at siya na rin ang nagkalat niyon roon.
Para tuloy akong nakukuryente na nakikiliti na hindi ko man lang maipaliwanag. Hindi ko alam kung ang anak ko ba ang kinikilig sa pinaggagagawa ng tatay niya o… ako na mismo. Nyemas!
“M–mag-facemask ka rin!” utal na utos ko sa kaniya.
“Why? I am strong, and I will be stronger for the both of you,” sagot niya at gusto ko na talagang magkandirit sa sobrang kilig pero pinigilan ko ang sarili ko.
“Hindi! A–ano… ahm… para hindi ka makilala! Baka magawan ka ng issue. Ayaw kong maging laman ng front page ng Liwayway at Bulgar bukas!” kunwaring singhal ko sa kaniya. Hindi ako puwedeng maging sweet, lalo pa’t hindi ko pa naman verified na talagang na-cancel na ang engagement nila ni Kalinn.
“Kinakahiya mo ba ’ko?” nagulat ako sa tanong niya lalo pa’t tagalog iyon.
“H–ha!?”
Bigla niyang inalis ang seatbelt ko at inilapit ang mukha niya sa akin na halos pagbanggain na niya ang tungki ng mga ilong namin.
“I am asking you kung kinakahiya mo ba ’ko?” pag-uulit niya na akala mo pa nang-aakit siya. Ugaling-ugali niyang tanungin ako habang inaakit. Punyemas, Casspian!
Bahagya akong umurong palayo pero sumunod pa rin siya sa akin. “H–hindi. Hindi naman kita kaano-ano, bakit kita ikakahiya?”
Imbes na ma-offend sa sinabi ko ay bigla kong nahagipan ng tingin ang pagngisi niya.
“That’s an interesting question, Saff. Who am I to you? Hmmm…” aniya na animong sinadyang bitinin ang sinasabi nang hindi pa rin lumalayo sa akin. “…I am the father of your child, I guess? Does that make me your kaano-ano?”
Letse ka, Casspian! Ano ba! Sumosobra ka na! Tumatalon na ’tong puso ko! Hindi na ’ko natutuwa! Halos nito lang kita nakakasama tapos ganiyan na agad ang epekto mo sa akin!
Itutulak ko sana siya nang bahagya nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko. “Nag-anuhan na rin tayo. Is that considerable too?”
HOOOOOOOOOYYYYYYYY!!!!!
“L–lumubay ka! A–ano-ano’ng pinagsasasabi mo!” singhal ko at lumayo naman siya nang kaunti para lamang muling ngumisi.
“I was just kidding. But…”
“A–anong but?”
“…if you consider my jokes… true, does that make me a part of your life too?”
Tarages na ’yan. Hindi na lang yata panty ko ang mahuhulog sa mga inaasta at sinasabi niya.
Anak, kasalanan mo ’to! Nagkakaroon ako ng hormonal imbalance at kinikilig sa tatay mong sugo yata ni Neneng B. sa tinding maggawa ng ikakikilig ko! Kasalanan mo talaga ’to, ’nak. Kung kinikilig ka sa tatay mo, parang awa mo na, ikaw na lang at huwag mo na akong idamay. Baka tuluyang mahulog ang nanay sa tatay, anak, tapos hindi ako saluhin. Bukod sa lalagapak na ’ko, mapapango ka pa. Usto mo yorn?
Sasagot na sana ako nang bigla na lamang siyang lumayo sa akin at ginulo ang buhok ko, saka na lumabas ng sasakyan. Akala ko ay iiwan na niya ako pero umikot lang pala siya para pagbuksan ako ng pinto.
Nang kapwa na kami papasok ng ospital ay nagpahuli talaga ako dahil pinagtitinginan siya ng mga tao.
Natatakot ako kahit paano. Ayaw ko siyang masira dahil sa akin. Ayaw kong madikit ang pangalan niya sa mababang uri na gaya ko. Kaya nga hindi ako naghahangad ng kahit na ano mula sa kaniya dahil alam ko kung hanggang saan lang ako. Anak lang naman ang ugnayan namin ni Casspian, ang ambisyosa ko naman na siguro kung maghahangad pa ako na mahalin niya at maging parte ng magarbong buhay niya.
Excuse me naman sa akin. Trabahadora lang ako sa bar, sikat na tao siya, kapag pinagdikit kami, para akong gamit na sanitary napkin. Literal na walang-wala ako kung ikukumpara sa kaniya. Gaya nga ng lagi kong sinasabi, ganda at utak lang ang mayroon ako. Pass sa usap na kayamanan. Sumugal lang ako, pero hindi pa naman sira ang ulo ko para maging sobrang ambisyosa at social climber. Anak lang at sustento. Ayos na ’ko roon. Sa susunod na lang din ako bubuwelo na tulungan niya ako sa pagpapagamot kay Garnette. Iyon lang naman ang mga gusto ko, wala nang iba.
Paliko kami sa isang pasilyo nang bigla niyang binagalan ang paglalakad. May kumukuha ng litrato sa kaniya kaya binagalan ko na rin ang paglalakad ko.
Nagulat ako nang bigla na lamang tumakbo si Casspian at maraming sumunod sa kaniya. Hindi ko na tuloy alam kung saan ako pupunta kaya’t naglakad na lamang ako nang naglakad.
Para akong batang nawawala dahil sa ginagawa ko. Binabasa ko lang ang mga plate na nasa pinto ng bawat opisina at wala akong nakikitang kahit isang ob-gyne sa mga iyon.
Nasa dulo na ako ng pasilyo nang mayroon na lamang biglang humatak sa akin papasok sa isang silid. Muntik pa akong sumigaw pero agad akong kumalma nang makita ko na si Casspian iyon.
“I’m sorry, Saff. I didn’t mean to leave you. I just have to slip away from them just so I can be with you and my child,” aniya at kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Literal na parang awang-awa siya na kinailangan niya akong iwan.
Ngumiti ako sa kaniya nang tipid at marahang tumango. “Ayos lang. Hindi mo kailangan isipin iyon. Sa mga susunod kasi, huwag ka nang sumama. Puwede naman kitang i-update sa mga ganap sa anak natin. Hindi mo kailangan ipilit ang ganito kung mahihirapan ka. Hindi ko gugustuhin na masira ka. Hindi ko gugustuhin na sirain ko ang lahat ng mayroon ka. Hindi ko naman itatago ang anak mo sa ’yo, huwag kang mag-alala. Lahat ng mangyayari sa kaniya, ia-update kita—”
“It’s not just my child, Saff. I want to know your condition too. I want to give you the best.”
Bahagya ko siyang hinampas sa braso at tumawa para lang gumaan ang atmospera. Masyado kasing mabigat.
“Sira ka. Ayos lang ako. Aalagaan ko ang anak mo, hindi kami magkakasakit, lagi kaming magiging healthy. Hindi ko pababayaan ang sarili ko at mas lalo ang anak mo—Casspian!” hindi ko napigilan ang biglang mapatili dahil bigla na lamang niyang idinukdok ang mga mata niya sa balikat ko na animo ba ay hapong-hapo.
“Just let me take care of you. I want to be by your side, Saff. Gusto kong alagaan kayo—lalong-lalo ka na. Just let me be, Saff. Just let me be with you while I take good care of you. Again… please, move in with me.”
Anak, paano kong tatanggihan itong tatay mo kung pati pagmamakaawa niya, ikakamatay ko yata sa kilig? Paano ako tatanggi sa tatay mo na wala yata sa bokabularyo ang salitang kumalma?
Haaaaaay, Casspian Vren Graylad! Nakakabaliw ka. Binabaliw mo ’ko, punyeta!
–
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Chapter VI
SAFFYRE
AKALA ko okay na ako na iwan ’tong bahay na makailang beses naging rason para hamakin kami ng mga tao at akala ko okay na sa akin na basta na lang iwan ’to para lang maging maayos na rin ang pamumuhay namin nina Nanay at Garnette pero akala ko lang pala… mahirap pa rin.
“Anak, wala akong magiging kontra sa kahit na anong magiging desisyon mo dahil alam ko naman na makailang beses mo na munang inisip ’yan bago mo tuluyang pagdesisyonan. Kung gusto mong makapiling ang tatay ng anak mo, walang problema sa akin lalo kung doon kita makikitang masaya,” anang Nanay nang tumabi siya sa akin dito sa kusina.
“Ayokong desisyonan ’to ng ako lang, ’Nay, gusto ko gusto mo rin.”
“Hindi kasi madaling iwan ang alaala natin dito, Anak, at alam mo kung ilang beses kong nilaban ito kahit halos durugin na nila ang pagktao ko.”
Intinding-intindi ko ang Nanay. Kung paano siya bastos-bastusin ng hayop na ninong ko at kung paano siya maliitin ng ninang ko, naiintindihan ko ang punto niya.
“Hindi naman po tayo agaran pinagdedesisyon ni Casspian, ’Nay. Isa pa po wala pa rin po talaga ako sa last decision para riyan. Hindi ko kasi alam kung tama.”
Hindi ko magawang masabi kay Nanay na may Kalinn sa buhay ni Casspian kahit pa sinasabi niyang pinutol na niya ang engagement nila. Alam kong nasasaktan ko siya. May kahirapan din akong makatulog sa gabi sa tuwing maiisip kong may babae akong nasasaktan. Tunog kabit man ito pero wala akong magawa, pakiramdam ko talaga ay iyon ang sitwasyon ko.
“Sige, Anak. Ano man ang mapagdesisyonan mo alam mo naman na nandito lang ako para sa ’yo,” anang Nanay bago pa marahang hinaplos ang tiyan ko at hinalikan ako sa buhok.
Ito ang lagi kong sinasabi na willing talaga akong gawin lahat para kay Nanay at kay Garnette dahil bukod sila lang ang mayroon ako, sila ang dahilan bakit pinipili ko pa rin lumaban. Kahit nakakapunyeta ang buhay, nandito na ako, kailangan ko silang ilaban at ngayon ay nadagdagan pa kami ng isa.
Iniwan ako ni Nanay at ako naman ay bumaling sa pipitsugin kong telepono. China phone lang ito, nabili ko lang ng halagang dalawang daang piso roon sa adik sa kabilang kanto. Mukhang walang pambatak ang isang iyon kaya hayun at pinatos ko na. Masama ba akong tao dahil parang kinukunsinti ko siya? HINDI. Win-win situation ang tawag dito. Wala siyang dalawang daang piso pero meron siyang telepono at baliktad naman ang sitwasyon ko.
Medyo iskwater ang kinalalagyan ng bahay namin at hindi ko inililihim na marami talagang adik dito pero ang ipinagpapasalamat ko ay hindi nila kami kinakanti siguro ay dahil dati silang ka-jamming ng Tatay ko— etchos lang. Sugarol at sabungero lang ang Tatay pero kahit minsan ay hindi ko nabalitaan na naging user o pusher—pero isusumpa ko pa rin siya, wala siyang kuwentang tao.
Habang nagba-browse ako ng telepono ko, may nahagip ang mga mata ko na hindi ko mapigilan na mapangiti—si Kali kasi ito habang may imino-model siyang mga bag. Sikat pala talaga siyang modelo pero dito sa mga picture mukhang okay pa siya—mapusyaw-pusyaw pa kasi siya, pero iyon nga, sobrang ganda niya pa rin.
Anak, hindi ko kamo alam kung tama ba ang naging pagdating mo lalo’t may Kalinn na nag-e-exist sa buhay ng Daddy mo. Pakiramdam ko mali pero ayaw mo namang iparamdam sa ’yo iyon dahil blessing ka para sa akin kahit na pa bunga ka ng kadesperadahan kong makaangat sa laylayan ng lipunan. Pasensiya ka na, anak, gulong-gulo lang talaga ang Nanay ngayon.
Isasara ko na sana ang telepono ko nang bigla na lamang mag-ring iyon at halos tumalon ang puso ko nang rumehistro ang pangalan ni Casspian.
Anak, huwag kang excited sa Daddy mo parang awa mo na. Naipagkakamali ko ’tong tibok ng puso ko sa tibok ng puso mo, please lang. Ikaw lang ang mahal na Daddy mo, huwag mo na akong dinadamay-damay, susmaryosep ka!
“H–hello?” Hindi ko alam saan galing ’yang pautal-utal ko na ’yan. Sira ang ulo mo talaga, Saffyre Zell!
“Saff? Can I see you now?”
Potarages naman! Bakit naman nakakatunaw ’yang paalam-paalam mo na ’yan. Casspian! Parang tanga naman ’to! Gusto kong iboses talaga ’to pero pigil na pigil ako dahil may iba sa tono ng boses niya.
“Ngayon na ba?” tanong ko sa kaniya.
“If your available now. I’ll fetch you,” anito sa kabilang linya. May iba sa tono ng boses niya. Hindi ko mawari kung kakaiyak niya lang ba o kagigising niya. Basta may iba.
“Sige-sige. Ligo lang ako, biyahe ka na,” sagot ko sa kaniya at saka ako na ang nagpatay ng tawag. Ewan ko pero habang nag-aayos ako ay kakaba-kaba ako na hindi ko mawari.
MAHIGIT isang oras din ang lumipas bago ako nakarinig ng mga bubuyog na kapitbahay kaya’t alam kong nandiyan na si Casspian. Mga walking CCTV kasi iyang mga ’yan, e. Ano lang ang makita auto Marites ang mga lintik na akala mo may ambag sila sa buhay mo.
Nang makita ko siyang nasa pintuan ay parang sumikdo na naman ang puso ko—I mean puso ng anak ko! Hindi ako—wala kayong ebidensiya.
“Hi, Saff,” bati niya sa akin at sobrang guwapo niya sa paningin ko ngayon. Naka-shades pa siya tapos iyong plain dirty white shirt at pants niya talaga ang nagdala.
“Saan tayo pupunta ba?” sabi ko nang mabilis kong ilihis ang mga mata ko sa kaniya. Kunwari talaga hindi ako apektado ng presensiya niya kahit na ang totoo ay parang nagwawala na itong kalamnan—I mean anak ko! Excited siya sa Daddy niya, bakit ba!
“Where is Nanay Ruby and Garnette?” tanong niya habang lumilinga-linga pa sa paligid.
“Ah, wala. Nagtinda sa talipapa si Nanay. Si Garnette naman ay pumasok sa eskuwela,” sagot ko sa kaniya habang kunwari ay may inililigpit akong mga gamit kahit ang totoo ay ayaw ko lang siyang lingunin dahil alam kong nasa akin ang mga mata niya. Assumer ana kung assumera pero nararamdaman ko talaga, e.
“Do I not need to ask for Nanay Ruby’s consent for taking you with me?” tanong niya at mabilis akong umiling.
Jusko naman! Pagpapaalam pa ba? Nakabuo nga tayo nang hindi mo ’ko ipinagpaalam, e. Guwapo ka lang pero minsan may katok ka rin talaga.
“Tara na,” pag-aaya ko sa kaniya, saka ko lang kinuha ang susi ng bahay at kinandado iyon.
Habang tinutunton namin ang daan sa pupuntahan namin na hindi naman niya sinasabi kung saan ay wala talagang nagsasalita sa amin. Hindi ko alam pero mayroon talagang mali kay Casspian pero hindi ko talaga masabi kung ano.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa haba ng biyahe. Nakaramdam lang ako ng marahang pagtapik sa balikat ko kaya nagising ako.
“Saff, we’re here,” anang isang boses at naaninag ko si Casspian nang bahagya kong idilat ang mga mata ko.
“Sorry,” paghingi ko nang paumanhin dahil nga nakatulog ako.
“Don’t be. You look so peaceful while asleep,” aniya at nginitian pa ako. Ito na naman ’tong pa-fall na ’to!
Tumuwid ako ng upo bago ko siya inismiran. “Mas okay na ’yon kaysa rest in peace,” kunwaring asar ko para sana gumaan ang atmosphere sa pagitan naming pero nagulat ako sa bigla niyang paghawak sa pulso ko.
“That’s not a good joke, Saff,” seryosong sabi niya at sa ilang beses kong nakita si Casspian, ito ang unang beses na kinabahan ako sa paraan ng pagsasalita niya—kaba na hindi dala ng kahit anong romantikong pakiramdam kung hindi kaba na parang may mali.
Hindi ko na lang siya pinansin at hindi ko na rin hinintay na ipagbukas niya pa ako ng pinto, ako na mismo ang bumaba ng sasakyan niya.
Hindi ko napansin kanina pero nasa basement parking pala kami.
Maglalakad na sana ako kaso hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya’t hinintay ko siyang makababa. Nagkunwari na lang ako na may inaayos sa bag ko kahit wala naman talaga.
Medyo nagulat ako nang bigla ay nasa likod ko na siya at niyakap ako mula roon. Para akong naestatwa na hindi ko mawari. Para bang kinuryente pati kaluluwa ko at wala na akong magawa pa kung hindi ang maging tuod sa mga oras na ito.
“I’m sorry for my reaction, Saff,” bulong niya habang patuloy pa rin na nakayapos sa akin.
“O–okay lang ’yon,” pabulong na sagot ko dahil halos ayaw lumabas ng mga salitang iyon sa mga labi ko. Sumisikdo nang literal ang dibdib ko pero hindi ko magawang maging masaya at sobrang tangang-tanga ako sa sarili ko sa mga oras na ito.
Makailang segundo kami sa ganoong posisyon nang kusa na siyang humiwalay sa akin. Akala ko ay magpapatiuna na siya sa paglalakad ngunit nagkamali na naman ako sa akala ko. Kinuha niya ang kamay ko at saka niya iyon inagsalikop sa isang kamay niya. Pakiramdam ko ay ito na naman ang bolta-boltaheng kuryente na gumagapang sa akin.
Bakit ganito ka?! Pigil na pigil akong may maramdaman sa ’yo pero ayaw mo naman akong tigilan!
Naghihimutok ang kalooban ko at kung tutuusin ay parang gusto ko nang umiyak. Siguro sa hormanal changes talaga ito ng pagbubuntis. Haaaaayst!
Para akong gaga na nagpatianod lang kay Casspian sa mga oras na ito kahit na ang totoo ay gusto na talaga siyang kastiguhin sa mga pinaggagawa niya na wala namang paliwanag. Sabi nga ng DTI, napakahirap na walang label—at hindi naman ako umaasa na magkaroon kaming dalawa. Sana naman huwag siyang ganito, kahit sabihin niya na lang sa akin ang dahilan ng mga ipinaggaganito niya para kahit paano naman ay masagip ko ’tong bobo kong pagkatao na makaramdam ng mali.
Sumakay kami ng elevator at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Wala rin naman siyang sinasabi. Para siyang balisa na hindi ko malaman.
Pinindot niya ang 11th floor doon sa elevator kaya’t hindi na ako nagtanong.
Nang marating namin ang palapag ay lumabas na kami at doon ko na biglang binawi ang kamay ko na halatang ikinagulat niya pero nagkunwari akong walang nakita at ibinaling sa iba ang mga mata ko.
Sinundan ko lang siya nang may isang pinto siyang tinapatan at nag-door bell siya.
Halos nahigit ko ang paghinga ko nang bumukas ang pintuan at bumungad sa amin si Kalinn. Malawak ang ngiti na sinalubong niya ng beso-beso si Casspian at mas lumawak ang ngiti niya nang makita niya ako.
“Miss Saffyre!” aniya saka pa niya ako sinalubong ng mahigpit na yakap.
“Kumusta?” medyo awkward na tanong ko matapos siyang kumalas sa akin.
“Mamaya ko na sasagutin iyan. Sobrang excited akong ipakita sa ’yo ang mga pinamili ko!” aniya na may himig talaga ng tuwa sa boses niya. Napaka-anghel talaga ng babaeng ito.
Pumasok na kami at nang saglit kong lingunin si Casspian ay nakatitig lamang siya kay Kalinn habang may kalituhan sa mga mata niya.
Siguro ay mahal mo rin siya, Casspian, hindi mo pa lamang napagtatanto ngayon. Sana kapag napagtanto mo nang mahal mo siya ay hindi pa huli ang lahat.
Hinatak ako ni Kalinn sa isang silid at parang gusto kong mapanganga sa nakita ko. NAPAKARAMING GAMIT NA PANGBATA. May crib na dalawa pa ang kulay—pink at blue—at iba pang mga damit na pangsanggol na iba’t iba rin ang kulay.
“Sorry, iba-iba talagang kulay ang binili ko kasi we do not have an idea what will be the gender of the child,” aniya at nag-peace sign pa siya sa akin.
“Kalinn, ano ’to jusko ka!” eksahirada kong baling sa kaniya.
Imbes na sumagot ay may nilapitan siyang cabinet at binuksan iyon. Bumungad sa akin at iba’t ibang maternity dresses na pastel ang kulay. Ang gaganda nilang lahat sa paningin ko.
“I also bought you maternity dresses so you can be comfortable while carrying a big tummy. Hope you liked them, Miss Saffyre.”
Narito na naman ang pangingilid ng luha ko dahil hindi ko alam kung bakit ganito kabait ang babaeng ito.
“Hindi mo naman kailangan gawin ito, Kali,” halos pabulong ang pagkakasabi ko niyon.
“No, I’m begging you, let me,” aniya saka lumapit sa akin at inabot ang mga kamay ko at marahang hinaplos ang mga iyon. “Let me spoil you and your baby. Gusto at masaya ako sa ginagawa ko, Saff,” dagdag pa niya. “Is it okay if I’ll just call you Saff o Saffyre? We’re of the same age naman yata.”
Nakangiti akong tumango sa sinabi niya. Nagulat ako nang pahirin niya ng hinalalaki niya ang pisngi ko dahil may luha na pala roon.
“Thank you, Kali. Maraming salamat.”
“Don’t cry, Saff. I am really doing these kasi alam kong pinagtagpo tayo ng Nasa Itaas maybe because of this. He knows that this will make me happy and at the same time will make me feel at ease.”
Akala ko ay doon na matatapos ang mga sopresa niya sa amin ng anak ko, mali pala. Lumabas siya saglit ng silid at tinawag si Casspian. Nagulat pa ako nang pinilit niya kaming paglapitin ni Casspian at may inabot siya sa aming maliit na box.
“What is this, Kali—”
“Open it,” aniya na akala mo batang excited.
Binuksan ko ito at tumambad sa amin ni Casspian ang isang keycard.
“Ano ’to?” tanong ko.
“The key in this condo. I bought this condo. This is a gift for the both of you,” aniya at muli na naman sumilay iyong ngiti niyang akala mo anghel.
“Kalinn! I told you not to do this!” ani Casspian.
“I want you to be happy, Cass,” aniya at unti-unti ang naging panginiglid ng luha niya ngunit naroon pa rin ang totoo niyang ngiti. “Gustong-gusto kong maging masaya ka. I don’t want anything aside from seeing you happy,” dagdag niya at bigla na lamang siyang sinugod ng yapos ni Casspian.
“Kali, please….”
Wala akong kahit na anong nararamdamang sakit o selos sa nakikita ko ngayon pero masakit ang dibdib ko… masakit dahil parang alam ko na kung saan papunta ito.
“Akala ko kaya kong maging selfish at kuhanin ka kay Saffyre at sa anak ninyo pero hindi ko talaga kaya, Cass. Gustong-gusto ko na ako ang magpasaya sa ’yo pero alam mong hindi na pinahihintulot ng pagkakataon kaya nandito ako… doing everything I can just so I could make you happy. Kahit sa ganitong paraan lang gusto kong maalala n’yo pa rin ako.”
Doon na tuluyang umagos ang mga luha ko.
Kumalas si Kalinn kay Casspian at saka muling bumaling sa akin at hinawakan muli ang mga kamay ko.
“Nagmamakaawa ako, Saff, when I am gone, make my best friend happy, ha? Do not hurt him please, he had been hurt too much in the past. He deserves a family that only you could give,” aniya nang nakangiti.
Tangina! Napakabuti ng taong ’to. Hindi ko alam bakit kailangan na ganito ang sitwasyon naming tatlo. Hindi ko alam bakit ganito!
“Kalinn naman! Ano-anong pinagsasasabi mong when your gone. Kay Avrii Lavigne iyon, huwag mo siyang agawan!” pagpapagaan ko sana ng atmospera pero alam kong hindi na ito gagaan… hindi kaya.
“I am given two months to live, Saff. Can I be with the two of you while I am counting my days? Gusto kong maging masaya kasama kayo at ang bata na kahit hindi pa siya naisisilang ay maramdaman niyang may Tita Kalinn siya na hindi niya man naabutan ay mahal siya nang sobra-sobra. Ito lang ang huling hiling ko, wala na akong hihingin pa sa inyo.”
Paano kong tatanggihan ang isang bagay na hiling ng isang taong malapit ng mawala?
Nilingon ko si Casspian at nakita kong walang tigil ang mga luha niya sa pagtulo.
Ito pala iyon, ito pala ang dahilan ng kalituhan niya… dahil alam niyang may dalawang buwan na taning na ang taong pinahahalagahan niya.
“Kali….”
“Just say yes, Cass. That’s all I ask.”
“Yes,” sagot ko saka ko siya niyakap nang mahigpit.
“Kali, please! I am begging you! Do the chemo!” Nagulat ako sa naging pagsingaw ni Casspian.
“No, Cass. I’d rather be happy with you and Saffyre on my death bed than die in an emergency room alone.”
Doon na tuluyang nadurog ang puso ko.
“Please, Kali….”
“We both know that I’ll no longer survive this, Cass. Just be happy with me on my remaining days. You, Saffyre, the baby, and me.”
“W–we will,” pagsuko ni Casspian pero dinig na dinig ko kung paanong nabasag ang boses niya nang bitiwan niya ang mga salitang iyon.
Wala sa ilalim ang impyerno, narito sa lupa… sa sitwasyon na mayroon kaming tatlo ngayon.
—
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Chapter VII
SAFFYRE
WALANG nagsasalita sa amin habang nasa biyahe kami pauwi ng bahay. Hindi ko mahanap ang mga salitang dapat kong sabihin sa kaniya dahil maski ako ay hindi malaman kung ano bang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito.
Oo, ginusto ko naman talaga ang nangyari sa amin, ang problema hindi ko ginusto na may masaktan ako. Mas lalong hindi ko ginusto na may babae akong maapakan na totoong nagmamahal lang. Mali ako… maling-mali. Dapat bago ako sumugal at nagpakadesperada ay sinigurado ko munang wala siyang kahit na anong sabit. Hindi sana ganito ang sitwasyon namin ngayon.
Malapit na kami sa bahay nang bigla na lamang niyang kinabig ang sasakyan at bahagya pa akong nagulat. Hindi naman delikadong kabig, nagulat lang ako.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko nang hindi ko siya nililingon. Ayokong malaman kung anong emosyon ang kasalukuyang meron siya.
Imbes na sumagot ay patuloy niyang binaybay ang daan hanggang sa nahinto kamo sa isang parke na hindi ako pamilyar. Mula rito ay tanaw ang nagtataasang building sa bayan.
Bumaba ako ng sasakyan at huminga nang malalim. Para ba akong lumalanghap ng sariwang hangin kahit na hindi ko deserve. Ganoon ang siste ko ngayon.
“I’m sorry,” pagkuha niya sa atensyon ko at nang lingunin ko siya ay para siyang miserableng prinsipe na hindi magawang iligtas ang prinsesa na nasa kastilyo.
“Ano ba’ng ipinagso-sorry mo? Sorry kasi nabuntis mo ’ko? Sorry kasi may anak kang on the way? Sorry kasi nakakasakit tayo? Sorry dahil ano?” tuloy-tuloy na sabi ko sa kaniya. Ito talaga iyong mga kanina ko pang kinikimkim. “Dalawa nating ginawa ’tong katarantaduhan na ’to kaya hindi mo kailangan mag-sorry na parang ikaw lang ang may ginawang kasalanan.”
Sa hindi ko malamang dahilan, imbes na sumagot sa akin ay bigla na lamang niya akong kinabig at niyakap. Ang weird na iyong yakap niya ay parang punong-puno ng paghingi ng dispensa na para bang sinasabi niya na kasalanan niya lahat at hayaan kong ayusin niya.
O baka assuming lang ako? Kasi yakap lang ’to, Saffyre Zell, pero kung ano-anong katangahan ’tong interpretasyon mo. Nakakadiri ka talaga!
Wala talaga akong magawa kung hindi palihim na pagalitan ko ang sarili ko para hindi ko sagutin itong yakap niya. Sa sobrang rupok ko pa naman, baka kaunting segundo lang ay bumigay akong agad. Punyemas na pagkatao talaga ’to!
Marahan niya akong inilayo sa kaniya at saka niya ako tinitigan sa mga mata. “I am not sorry for having you now, I am not sorry for instantly becoming a father, and I am not sorry I impregnated you, Saff. I am sorry for being this cruel to you and Kalinn.”
“Hindi lang naman ikaw ang gumusto nito—mali, ako lang pala ang gumusto nito. Wala sanang nangyari sa atin kung nilayasan kita sa araw na ’yon, kung sinunod ko iyong sinabi mo na iwan kita. Hindi sana kailangan makipaghati sa akin ni Kalinn ng oras sa ’yo habang…” Halos ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko. “…habang binibilang niya ang mga araw bago siya mawala.”
Bumuntonghininga na muna siya bago niya itinaas ang kanang kamay niya para lang pahiran iyong luha sa pisngi ko. Sa tapang ko na ’to, ito pala ang isa sa mga bagay na makakapagpaiyak sa akin. Sa dami ko nang ginawang mal isa buhay ko, lintek na ’yan!
“Who said that it was you? What we did isn’t a sin as I wasn’t committed back then. And…”
“Ano?” Hindi ko alam kasi parang sinadya niyang bitinin iyong sinasabi niya.
“Mas lalong walang mangyayari sa atin kung hindi ko rin iyon ginusto. We did it because we both want.”
Hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko sa sinabi niya. Para ring umurong ang luha ko sa mga narinig ko.
“Ano’ng pinagsasasabi mo? Kaya may nangyari sa atin ay dahil sa gagang Ivory na ’yon—”
“That’s a part of it, pero sobrang lakas ng self-control ko para isisi ko sa droga ang nangyari sa atin. I did it because I wanted it to happen, and because it’s you whom I am doing it with.”
Malalim ba ang pagkaka-ingles niya kaya medyo hindi ko ma-gets o ayaw kong intindihin kasi ayaw kong magning bobang assuming?
“S–sira ba talaga ang ulo mo? P–pinagsasasabi mo!” singhal ko sa kaniya saka ko na sana siya tatalikuran nang bigla na lang niya akong hinawakan sa pulso ko.
“I am telling you the truth, nasa iyo na ’yon kung maniniwala ka o hindi.”
“P–pero kahit ano pang sabihin mo hindi natin mababago iyong katotohanan na nasasaktan natin si Kali ngayon.”
“But if you were to ask me, I think she not entirely sad about what happened to the three of us—”
“Not entirely sad? Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan ka lang, Casspian? Imagine, ha? Imagine-in mo lang ’to para naman matauhan ka riyan sa pinagsasasabi mo. Engagement party n’yo, nag-epal ako bigla at sinabi ko sa ’yong buntis ako at ikaw ang ama habang kaharap si Kalinn. Palagay mo ba hindi nasaktan ’yong tao? Tingin mo sa kaniya, tuod? Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na hindi naman siya ganoon kalungkot? Gago ka pa sa lahat nang gago!” Hindi ko na talaga napigilan na ibulalas lahat ng mga iniisip ko.
Mapait siyang ngumiti sa akin na hindi ko alam kung saan nanggaling. “I insisted that engagement party.”
Literal na makikita sa mukha ko ngayon ang ’ HUH?!’ reaction dahil sa sinabi niya.
“Hindi mo na ba titigilan ang kaka-gaslight sa akin?” Kaunti na lang masasapok ko ’to.
“I am telling the truth. Puwede mong tanungin si Kali kung hindi ka naniniwala sa akin.”
“Ewan ko sa ’yong sira-ulo ka. Iuwi mo na ’ko—”
“Where?”
Parang sira-ulo talaga ’tong tatay mo, anak! Alam na alam paano ako kuhanin!
“Natural sa bahay namin—”
“Akala ko sa bahay ko.”
“CASSPIAN!”
PARANG tanga si Garnette na may mapanuksong ngiti ngayon sa akin. Nakakapikon ang lintik na ’to, ah?
“Sus, kunwari pa ’yan siya. Gumugusto rin naman!” aniya habang buhat-buhat niya iyong mga dumating na groceries galing kay Casspian. Hinatid iyan ng hindi ko kilala pero sabi delivery rider daw, e. Sino naman ako para mangkwestiyon pa ’di ba?
Mula kanina nakasibangot ako at hindi ko alam kung dahil ba ipina-deliver niya lang iyong mga grocery o ano.
Anak, alam mo kung ikaw gusto mong makita ang daddy mo huwag mo nang dinadamay-damay ang nanay, ha? Pati ’tong mood ko nag-iiba dahil dyan sa mga ka-etchosan mo!
Akala yata ni Casspian ikatutuwa ko ’tong ginagawa niya. Hindi ako kinikilig baka sapakin ko pa siya sa ngala-ngala!
“Alam mo, Ate, sobrang bait pala n’on ni Kuya Casspian. Tapos noong nakaraan ko pa iniisip kasi sobrang pamilyar talaga sa akin ni Kuya Casspian, Ate, siya pala iyong lead guitarist ng bandang Paranoia!” excited na excited na kuwento ni Garnette.
Alam ko, Garnette. Kaya nga sa kaniya ako nagpabuntis kung alam mo lang. Gusto ko sanang iboses ang mga bagay na ’yan pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Ayoko pa rin naman maging masama ang tingin sa akin ng kapatid ko.
“Akshuli, nahihirapan nga akong kasama siya sa public—”
“Bakit, Ate? Kayo na ba?” Minsan gusto ko na lang din tapalan itong bibig ni Garnette, e. Wala rin talagang maitago sa kaniya. Sa lahat ng kilala ko na may sakit sa puso, siya lang itong nuknukan ng chismoso.
“Hindi, Garnette, at wala akong balak na maging kami. Puro tungkol lang sa bata ang meron kami at wala nang hihigit pa roon,” pabalang kong sagot.
“Pero sabi sa akin ni Kuya Casspian kapag daw settled na kayo, ipagagamot niya raw ako at ipapaopera,” dagdag ni Garnette na ikinagulat ko. Wala pa akong nabanggit kay Casspian tungkol kay Garnette base sa pagkakaalala ko at hindi ko rin ugali na sabihin ang bagay na iyon para lang kaawaan ako o kami.
“Paano niyang nalaman na may sakit ka? Binanggit mo ba sa kaniya? Ikaw, Garnette, alam mong ayaw na ayaw ko iyang magpapaawa ka at gagamit ng tao, ha! Tatamaan ka talaga sa akin!” singhal ko sa kaniya.
Ang ironic lang na ayaw na ayaw kong kakaawaan at manggagamit ng tao pero ito ako at humihingi ng sustento kay Casspian.
Sinibangutan muna ako ni Garnette bago siya nagsalita. “Wala akong binanggit sa kaniya na kahit ano, ah! Nagulat nga rin ako’t alam niyang may sakit ako. Baka mamaya dahil sa sobrang payat ko kaya nahalata niya,” buwelta niya sa akin.
Hindi ko na lang pinakaisip ang napag-usapan namin ni Garnette. Inayos ko na lang sa cabinet iyong groceries dahil baka kapag hinayaan ko sa plastic ay dagain.
Saktong natapos akong mag-ayos nang biglang may sasakyan na huminto sa harap ng bahay. Nagtahulan iyong aso ng kapitbahay namin kaya napalabas ako. Nakita kong nakikiusyoso ang mga Marites at Marisol na mga kapitbahay kaya lumapit ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Kalinn iyong nasa backseat. Nakababa ang bintana niya at mula sa kinatatayuan ko, napaka-anghel talaga ng mukha niya.
Kumaway siya sa akin at sinenyasan ako na sumakay sa sasakyan. Hindi naman ako nagdalawang-isip na sumama sa kaniya.
“Sorry, Saff, ang random ng pagpunta ko rito sa inyo. Gusto lang sana kitang isama na kumain, busy kasi ang mga kaibigan ko, tapos si Casspian ay kasama ni Franzess naghanap ng ireregalo kay Red,” anito sa akin nang makasakay ako.
“Naku, anytime naman puwede mo ’kong yakagin kahit na saan basta’t hindi delikado,” sagot ko sa kaniya at saka ko siya ngitian.
“Sana babae ang inaanak ko, ’no? Gusto ko talaga babae tapos kamata mo pero kasing karisma ng daddy niya,” aniya at saka marahang hinimas ang tiyan ko. “Self-proclaimed ninang naman daw ako,” dagdag pa niya at sinundan pa iyon ng pagtawa.
“Ninang ka niya sa ayaw at sa gusto niya,” sagot ko naman at saka rin ako tumawa.
Malayo-layo rin ang nilakbay naming nang marating namin ang isang restaurant na halatang mga alta lang ang mga nakakakain.
Nang makapasok na kami ay si Kalinn pa ang umalalay sa akin na makaupo imbes ako ang umalalay sa kaniya dahil siya itong may sakit sa aming dalawa.
“Order anything you like, Saff. Don’t look at the price and just satisfy your cravings,” nakangiti niyang sabi bago inabot sa akin ang menu.
Gusto naman manlaki ng mga mata ko nang makita ko iyong presyo ng mga pagkain. Jusko, para isang pritong tilapia lang na parang sinabawan sa petchay P4,500.00 na? Ano bang feeds ang pinakain dyan sa isdang ’yan, gold?
Nag-order lang ako ng isang putahe na pinakamura at saka ko na inabot ulit kay Kali iyong menu.
“I told you not to look at the price tapos salad lang ang in-order mo. Hindi mabubusog ang inaanak ko, bahala ka,” aniya at bigla siyang nag-order ng sandamakmak na mahal na pagkain.
“Hindi naman natin mauubos iyon, Kali.”
“Believe me, we will.”
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa gusto niya.
Habang hinihintay namin ang pagkain, hindi napigilan ng matabil kong dila ang magtanong sa kaniya.
“Kalinn, puwede ba akong magtanong?”
“Sure, huwag lang human anatomy,” aniya at bahagya pang ngumiti.
“Sabi kasi ni Casspian kung ayaw ko araw maniwala sa kaniya, sa ’yo raw ako magtanong,” panimula ko. “Totoo bang siya ang nag-insist ng engagement ninyo at hindi ikaw?” Wala talaga akong preno pero mas okay na sa akin ito kaysa naman kinikimkim ko.
“Yep. He insisted on giving me such party dahil nang minsan na marinig niya kaming nag-uusap kasama ang mga kaibigan ko, nabanggit ko na bago man lang ako mawala sa mundo, gusto kong maranasan ma-engage. Kahit hindi na kasal kasi ang selfish ko naman kung gugustuhin ko pang maikasal tapos iiwan ko rin naman in the end,” aniya at parang may kirot talaga akong naramdaman sa huli niyang sinabi.
“Hindi mo siya mahal—”
“Wrong question, Saff.”
“Ha?”
“Ask me what kind of love do I have for him instead.”
“Ano nga ba?” deretsong tanong ko.
“I treasure him as a man, but I love him as family. Meaning, if God only permitted me to have a long life, I’d choose him to be my lifetime partner because he has all the traits that every woman would crave for, but then again, I was only given a short time to live so I’d be true to myself, my love for him is purely brotherly.”
“H–hindi ko gets.”
“Ideal partner kasi si Casspian, kaya kung nabigyan sana ako ng mahabang buhay at wala siyang mahanap na babaeng para sa kaniya, puwede kaming tumandang magkasama, pero dahil maiksi ang buhay na mayroon ako, hindi ko na aagawin sa kaniya ang pagkakataon na maging masaya sa iba, basta’t masaya siya, okay na okay na ’ko. I treasure him so much na hindi ko nakikitang itatali ko sa siya sa akin dahil lang gusto ko ang mga katangian na mayroon siya. Mahal na mahal ko siya pero bilang pamilya.”
Puwede pala iyon? Mahal mo iyong isang tao pero hindi romantically? Kung hindi dahil may ma katangian siyang nakikita mong puwedeng maging beneficial sa iyo?
“Did I answer your question?” aniya nang nakangiti at marahan naman akong tumango.
Dumating na iyong mga pagkain at literal akong naglaway dahil sa ang sasarap nilang tingnan. Magsisimula na sana akong lantakan ang mga ito nang bigla na naman magsalita si Kalinn.
“Aren’t you gonna ask why I called off our engagement recently?” tanong niya at bigla ay hindi ko napigilan ang pagkabog ng dibdib ko.
“Dahil sa sakit mo?”
“Silly, of course not.”
“Dahil sira-ulo kayong dalawa at paiba-iba ng desisyon sa buhay?” sabi ko nang tumatawa na ikinatawa rin niya.
“No.”
“E, ano pala?”
“He said he wants to marry you.”
Halos mabilaukan ako sa narinig ko kahit wala pa akong naisusubong pagkain.
“H–ha?”
“I told him I am very happy with his decision and told him to go and marry you basta maid-of-honor ako.”
Punyemas! Ano ’tong mga nangyayari?!
—
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Chapter VIII
SAFFYRE
ALAM kong may sakit si Kalinn, pero kapag ba dinagukan ko siya ngayon ikagagalit ba ni Lord? Mag-bff nga sila ni Casspian! Pareho silang desisyonability, punyemas!
“Anong maid-of-honor ang pinagsasasabi mo riyan? T–tigilan mo ’ko, Kali, ha! Hindi magandang biro ’yan!” singhal ko sa kaniya.
“Bakit? Who told you na nagbibiro ako? Ask him. Promise sabi niya talaga he wants to marry you. Sino ba naman ako para maging hindrance sa love story n’yo? I would love to see you both wearing your wedding gown and suit bago man lang ako mawala,” aniya nang nakangiti at ito na naman ako, iyong buwisit ko sa kaniya kanina napalitan na naman ng guilt. Punyetang sitwasyon kasi ’to!
“Tigilan mo na ’yang kakasabi ng mamamatay ka, naiinis na ’ko! Hindi ka mamamatay!” Maybe it was the hormones pero sobra talaga akong nagiging emosyonal kapag pinag-uusapan ang pagkawala niya.
“We will all die, Saff. Mauuna lang ako nang kaunti sa inyo,” aniya at nakita ko kung paanong sumilay ang malungkot na ngiti sa mga labi niya.
Alam ko naman na tanggap niya nang mawawala siya pero alam ko rin na ayaw pa niyang mawala. Sino ba naman ang gugusto, ’di ba? Imagine, halos hindi niya pa nalulubos ang buhay niya.
Natapos kaming kumain at pansin ko ang salitan na paglingon ni Kalinn sa phone niya at relo. Mukhang may lakad pa siya at masyado nang maraming oras niya ang nakokonsumo ko.
“May lakad ka ba? Gora ka na. Mag-jeep na lang ako mula rito,” pukaw ko sa atensiyon niya at nakita ko ang alanganing ngiti mula sa kaniya.
“Sorry, Saff, nawala sa isip ko kasi na ngayon pala iyong appointment ko sa doctor. Sabi ko pa kanina magsa-shopping tayo after natin kumain, kaya pala parang ang luwag ng schedule ko, may appoitment pala akong nakaligtaan. Sorry talaga,” sabi niya na talaga namang parang guilty na guilty siya.
“Sira! Ayos lang, sige na. Mas mahirap kapag hindi ka tumuloy sa doctor. Message mo na lang ako kapag nakarating ka na, ha? Tapos message rin kita kapag nakauwi na ako,” sagot ko naman sa kaniya.
Bago siya umalis ay nagulat ako nang abutan niya ako ng isang sobre na wala na akong chance maibalik sa kaniya dahil mabilis siyang umalis habang kumakaway. “Ingat ka, Saff!”
Hindi pa ako lumabas ng restaurant, bahagya ko munang sinilip ang sobre at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga lilibuhing pera. Sa tantiya ko ay nasa fifty thousand ito.
Akmang tatayo ng ako nang tumunog ang telepono ko at nakita ko ang text ni Kalinn.
From: Kalinn
Ingat you, Saff, pati si Baby. I left you the money para pamasahe moooo. And if bet mo rin mag-shopping muna for the baby and for you, use the money. Don’t worry, the money wasn’t from me, it was from Cass. Nagi-guilty kasi siya na hindi ka niya nadadalaw lately. Enjoy, lovieeeeee. Muah!
Wow! Nararamdaman ko ang pagmamahal sa akin ni Lord. Bigla Niya akong binigyan ng mag-bff na parehong may sapak sa ulo. Fifty thousand? Pamasahe? WOWOWIWOW!
Lumabas na ako ng restaurant at mag-aabang sana ng jeep nang bigla na lang may humintong pamilyar na sasakyan sa harap ko. Sure ako kasi nakasakay na ako rito.
“Saffyre!” sigaw ng lalaki sa loob ng sasakyan matapos nitong ibaba ang bintana.
Ang pipti kyaw ko! Si Dwight!
“Ano’ng problema mo bukod sa kagandahan ko?” singhal na sagot ko sa kaniya na para bang hindi ko siya iniwan sa ere noong minsan.
“Get in,” utos niya na ikinakunot ng noo ko.
“Ay hinde! Tumigil ka,” singhal kong muli sa kaniya.
“Please get in, wala akong gagawin sa ’yo kakain lang tayo.”
“Kumain na ’ko. Hindi mo ba nakita na kalalabas ko lang ng restaurant? Sabog ka ba?”
Wala talaga ako sa mood, Dwight. Sorry na. Kasalanan ng junakis ko ’to, e!
“Dessert? Let’s eat dessert—” Hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil sa magkakasunod na busina mula sa likuran ng sasakyan niya. Nagko-cause na kasi siya ng traffic. “Tara na kasi!” aniya at sa hiya ay wala akong nagawa kung hindi ang sumakay.
“Hindi mo naman ako kini-kidnap, ’di ba?” tanong ko sa kaniya nang makasakay na ako ng sasakyan niya.
“Silly! Of course not, maniningil ako sa kasalanan mo puwede pa,” sabi niya habang tumatawa. Pogi rin talaga ang isang ito, e. Kaso masyado pa yatang in love roon sa ex niyang maganda rin naman. Pero pass talaga sa mga taong hindi pa tapos magmahal ng iba, masakit sa ulo ’yan.
Nakarating kami ni Dwight sa isang ice cream truck. Noong makita ko ang mga flavor ng ice cream, para bang nagningning ang mga mata ko.
“Dwight, puwede bang i-order mo ’ko nong cheese ice cream tapos ihalo mo sa mint ice cream? Tag-three scoops each. Walang sosobra at lalong walang magkukulang,” utos ko sa kaniya.
“Para ka namang buntis kung makapag-demand!” asar niya sa akin at parang nalunok ko ang dila ko. Hindi niya nga pala alam, punyemas!
Nakabili na siya at nakabalik. Nang iabot niya sa akin iyong ice cream ay walang pagdadalawang-isip kong nilantakan iyon.
“Are you in a relationship with Casspian, Saffyre?” tanong niya at muntik na akong mabilaukan. Wala man lang pag-iimbot magtanong? Kailangan dere-deretso?
“Hindi.”
“But…”
“But what?” Taray ng english ko. Excuse me, matalino ’to—lalo sa pera.
“You seemed in a relationship to me. Masyado siyang maangas para hindi ko isipin na merong kayo. Kaya ka ba single but not available?”
Ang dami namang tanong ng isang ’to, jusmeyo!
“Alam mo, hindi mo na nga binayaran ’yong fifty thousand ko, ang dami mo pang inuusisa—”
“I paid you! Hindi ba ibinigay ni Lara?”
Ay animales na bruhang ’yon! Tinakbo pa yata ang pera ko!
“Kakausapin ko na lang siya. Pero iyong pagpapanggap ko pa na girlfriend mo, siguro stop na. Hindi na puwede, bawal na,” sabi ko sa kaniya at nakita kong nangunot ang noo niya.
“Why? Did Casspian tell you to stop?”
“Hindi. Hindi ako madaling manipulahin, walang puwedeng magsabi sa akin ng dapat kong gawin, ako lang.”
Weh? Sabi nga ni Casspian bawal ako maging in a relationship without his consent. Letse! Hirap kalaban ng utak.
“But I really need you tonight. Puwede bang last na ’to? Ang dami ko na kasing ginamit na babae pero sa ’yo lang nagselos si Saina. It really has to be you tonight. Please, Saff. I’ll make it ₱75,000.00 for tonight. Just please agree,” anito at ginamitan pa ako ng pagpapa-cute niya na akala niya ay tatalab sa akin. Wala nang mas ku-cute pa sa tatay ng anak ko—tapos masarap pa. Punyeta, kaya ka nabuntis dahil sa kalantodan mo na ’yan!
As alipin ng salapi, nag-agree na lang ako. Last naman na raw, e. Bahala na si Casspian sa buhay niya, tutal hindi naman siya nagpapakita sa akin, ilang araw na.
NARITO kami ngayon ni Dwight sa parang ball. Ang weird lang kasi para siyang concert pero private? Ay basta hindi ko alam i-explain kasi parang pangmayayaman lang ’to at hindi ako mayaman.
Imbes kasi dapat naranasan kong makasama-sama sa mga ganito noong kabataan ko, hayun ako’t nagbabanat ng buto dahil sa kupal na tatay kong lahat ng pera at ari-arian namin ay ginamit sa letseng sugal. Wala talagang naidudulot na maganda ’yang sugal, kaya lahat ng kakilala kong nagi-scatter lagi kong sinasabihan na hindi naman ginawa iyong game na ’yon para manalo sila—limasin ang pera nila manapa.
“Baby, chin up. Nakayuko ka na naman,” bulong sa akin ni Dwight at gusto ko siyang sapakin sa sobrang lapit ng labi niya sa tainga ko.
“Tumigil ka sa kaka-baby mo. Hindi ako sanggol,” singhal na bulong ko rin sa kaniya pero kunwari ay nakangiti pa rin ako dahil baka mamaya’t makasalubong namin si Saina.
Saktong paakyat kami roon sa second floor kung saan tanaw ang malaking stage at mga nagsasayaw nang may mahagip ang mata ko pero mabilis din namang nawala. Parang si Casspian pero hindi ako sure. Hindi na nga nagpapakita sa akin, mas madalas pa siyang mag-text kay Garnette at mag-update kaysa sa akin, e.
Pinaupo ako ni Dwight sa isang tiffany chair na nakapuwesto sa tanaw ang buong first floor. Maginoo rin naman ang isang ito, hindi ko alam bakit iniwan pa ni Saina. Hindi naman siya rin lugi kasi pogi nga.
Inabutan ako ng inumin ni Dwight, champagne yata ito na nakalagay sa eleganteng baso pero hindi ko puwedeng inumin. Kapag nalasing ang junakis ko, yari talaga kami sa tatay niya.
“Drink it,” aniya sa akin.
“Mamaya na. Baka kapag nalasing ako hindi ako maka-acting,” palusot ko na mukhang lumusot naman.
“Dwight,” anang isang tinig at nalingunan namin si Saina na mukhang may lihim—o hindi na lihim kasi parang hayagan na gigil na talaga siya.
“Sai,” ana naman nitong katabi ko saka pa ako inakbayan na para bang pag-aari niya talaga ako.
Kalma, Saffyre Zell! Seventy-five kyaw na ang nakataya rito!
“You are with your girlfriend who left you last time?” sabi nito na bakas na bakas ang pang-uusig. Wow! Very hudyo ang datingan.
“May family emergency ako n’on kaya hindi ko na rin nagawang nakapagpaalam sa inyo. You know, family first,” buwelta ko naman at mukhang lalo siyang nanggigil sa akin.
“Why, Sai? Are you jealous?”
Ay! Magaling ka talaga, Dwight. Walang pag-aalinlangan.
Grabe ang isang ’to. Nakakatakot ang pagiging straightforward.
“And what if yes? Will you leave her to come back to me?”
Sa mga oras na ’to ay parang gusto ko nang um-exit.
“EVERYONE, A ROUND OF APPLAUSE FOR PARANOIA!”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at parang gusto ko na lang maglaho na parang bula. Hindi ako namalik-mata lang kanina. Si Casspian talaga ’yon!
“I–iwan ko muna kayo—”
“Why? Family emergency again?” ani Saina at parang gusto ko siyang sabunutan.
“Oo, bakit? Bawal?” singhal ko sa kaniya na ikinagulat niya.
Bigla akong hinawakan ni Dwight sa isang kamay saka niya pinagsalikop ang mga dalirin namin. Gulat na gulat ako, literal.
“Don’t leave me here, baby,” bulong niya sa akin. “Please, I could already see the result of our acting. I’ll make it a hundred thousand,” dagdag pa niya.
Magsasalita pa sana ako nang bigla na lamang magsimulang tumugtog ang bandang Paranoia. Bahagya akong dumungaw sa first floor at agad kong napansin na sobrang guwapo talaga n’ong vocalist nila kaso ang bali-balita ay may asawa na raw.
Inilipat ko ang tingin ko kay Casspian at sa gulat ko ay nakatingin din ito sa akin na parang iniinspeksyon niya ang buong pagkatao ko. Yari talaga ako nito!
Halos mahigit ko ang hininga ko nang itaas ni Dwight ang kamay niya habang sumasabay sa tugtog— punyeta, nakalimutan niya yatang naka-holding hands siya sa akin!
Kitang-kita ko ang pagbabago ng mukha ni Casspian pati ang bigla niyang pagkawala sa focus dahil may namamali na siyang kalabit na nota. Medyo may alam ako sa gitara dahil tinuruan ako ng tatay kong kupal sa paggigitara bago niya ibinenta ang gitara ko para ipangsugal.
“What’s wrong with Cass, Arthur?” anang isang magandang ginang sa malapit sa amin. Sa itsura nito ay parang sasampalin ka ng salapi.
“He looked distracted, Rhian,” sagot naman n’ong katabi niyang ginoo na ang guwapo rin at may hawig doon sa vocalist.
Nawala sa kanila ang atensyon ko nang pumailanlang sa paligid ang tila pagkapatid ng string ng gitara. Nakita kong agad nagsilapitan ang mga tao kay Casspian. Nilingon ko siya at nakita kong dumudugo na ang kamay niya.
Nawalan na ako ng pakialam sa paligid lalo kina Dwight at Saina, hindi ko rin alam paano akong mabilis nakababa ng first floor para lang puntahan si Casspian.
Nang makalapit ako sa kaniya ay agad nagtama ang mga mata namin. Meron na ring nag-a-assist sa kaniya na agad binalot ng tela ang kamay niya.
“Dude, sobrang distracted mo. Napano ka ba?!” ani Alas. Siya yata ang pinakakilala ko sa grupo nila dahil nga malayong pinsan ito ni Ivory ng Travolta.
“Someone is trying to mess with me,” sagot niya nang hindi man lamang inaalis ang mga mata niya sa akin.
“Mess with you? Gago? Ikaw? Wala pa yatang nakapagpatid ng pisi mo, e,” tumatawang banat ni Alas.
“Meron, kanina lang,” aniya saka iniangat ang tingin niya sa second floor kung saan naroon si Dwight. Kung nakapapatay ang tingin, sorry pero bubulagta talaga si Dwight.
“O–okay ka na ba?” Ay may pag-utal yern?
“What do you think?” aniya sa akin pero parang buwisit pa rin ang tono niya. Nasa kaniya lahat ng atensyon ng tao ngayon dito tapos gaganiyan-ganiyan siya ng banat sa akin? Lalo na kami talagang ma-chi-chismis nito!
“CR lang ako,” sagot ko sa kaniya para lang makaiwas na sagutin siya pero nagulat na lamang ako nang bago ako makaalis ay may biglang pumailanlang na sobrang pamilyar na boses sa mikropono.
“Almost everyone here knows that I am engaged but no one knows who my fiancé is,” ani Casspian at parang nanigas talaga ako sa kinatatayuan ko ngayon.
Anak ko, itong tatay mo malaki ang tama talaga sa ulo. Kapag nalaman ng Ninang Kalinn mo ’to, masasakal talaga siya.
“Didn’t you call-off your engagement?” anang isang boses ng babae pero hindi ko na nilingon dahil ang nilingon ko ay si Casspian na para bang biglang naglaho ang good boy image sa paraan ng pagkakangisi niya.
“I did,” sagot naman niya rito. “I call-off my engagement with Kalinn as we will always be siblings by heart. My real fiancé is actually here with us right now,” dagdag pa niya at doon na yata ako parang makakasapak sa sobrang kaba.
“Where? Who?” tanong halos ng karamihan.
“Should I name her? Should I show you how beautiful my soon-to-be wife is? She was teasing me few moments ago, I guess this is pay back time.”
Anong teasing him? Ano bang ginawa ko sa kaniya? Iyon bang paghawak ni Dwight sa kamay ko ang teasing-teasing niya? JUSKO NAMAN!
Ayoko na sana siyang pansinin at lalakad na ako paalis nang bigla muling pumailanlang ang tinig niya sa mikropono.
“Saffyre Zell Aleja…”
—
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Chapter IX
SAFFYRE
HALOS hindi ko maigalaw ang mga tuhod ko na para bang isang taon ko itong hindi ginamit. Hindi rin ako mahinga nang maayos dahil parang hihimatyin na ako sa pagkakabanggit niya ng pangalan ko.
Jusko, anak ko! Hindi ko alam ano’ng topak ang tumama sa tatay mo at bakit ginaganito niya ’ko!
Wala akong kakampi sa mga oras na ’to kung hindi ang batang nasa sinapupunan ko dahil itong tatay niyang may malaking sira sa ulo ay bigla na lamang akong w-in-ar shock nang ganito!
Biglang nagbulungan ang mga tao sa paligid namin na para bang gustong usisain sino ang pangalan na binanggit niya. Nakaka-stress mg matris, punyemas!
Balak ko na talagang tumakbo paalis nang bigla na lamang may humigit ng kamay ko at nalingunan ko si Dwight. “I guess you need me right now,” mahinang bulong niya at saka pa ako kinindatan.
Kung feeling ni Dwight na superhero siya sa akin ngayon, puwes hindi siya nagkakamali. Kailangan ko talaga ang hila niya na ito at ang pagiging pakialamero niya sa buhay ko.
Nakarating kami sa sasakyan niya. Sumakay ako kahit hindi niya pa naman ako pinagbubuksan at saka nag-seatbelt. Ewan ko ba pero feeling ko kailangan ko na talagang maupo kasi bumibigay na ’tong mga letseng tuhod ko sa kakaisip sa long hair na ’yon!
Masolo lang kita, Casspian, sasakalin kita!
“Water?” tanong ni Dwight nang makasakay na rin siya ng sasakyan.
“Ayoko, baka nilagyan mo ’yan ng kung ano—”
“The fuck? Sinagip nga kita roon!” singhal niya sa akin kaya bigla akong natawa. “Sira ka, ngayon naman tumatawa ka. Kanina mukha ka nang pinaliguan ng suka na may yelo sa sobrang putla mo.”
“Oh, edi thank you!” sagot ko naman sa kaniya nang huminto ako sa pagtawa.
Pinaningkitan niya ako ng mga mata at hindi ko inaasahan ang kasunod niyang sinabi. “Ngayon mo sabihin na walang namamagitan sa inyo ni Casspian?”
Napasunod-sunod ang paglunok ko dahil para ba akong nasa supreme court at kasalukuyang inuusig ngayon. “Ah… eh…”
“I’ve known Casspian for years now and this was the first time I saw him lost his temper. He is know for being the most understanding and the kindest. Ang weird na kapag involve ka para siyang nagiging ibang tao,” mahabang sabi niya at ewan pero parang may kumirot sa dibdib ko sa narinig ko.
Na para bang bad influence ako, ganoon?
Medyo ganoon nga siguro, punyemas!
“Hindi ko maie-explain sa ’yo kung anong sitwasyon namin ni Casspian. Basta may relasyon kami pero hindi kami mag-jowa. Parang may kami pero parang wala—”
“Are you fuck buddies?”
Umigkas ang kamay ko pagkasabi niya n’on at nasapok ko talaga siya. “Tanga ka!” sigaw ko sa kaniya at literal siyang nagulat sa naging akto ko. Ako rin naman.
Hormones ’to, hormones lang ’to. Hindi naman ako mapanakit at sutil na tao. Kasalanan mo na naman ’to, anak ko!
“That hurts, Saff!” singhal niya sa akin at napakagat-labi naman ako kasi na-guilty talaga ako.
“Sorry. Nabigla lang naman ako sa akusasyon mo,” nakayuko kong sagot sa kaniya na para ba akong batanag napagalitan.
“Whatever. Where do you wanna go—”
Hindi nakuhang natapos ni Dwight ang tanong niya dahil bigla na lamang bumukas ang pintuan sa tabi ko at bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Casspian. Mukhang tumakbo siya dahil kita ko pa ang hingal niya at butil-butil na pawis.
“B–bakit?” Punyemas! Forda utal na naman na akala mo ba may sakit siyang mali-mali.
“You’ll come with me or I’ll come with the both of you? You choose, Saffyre Zell. You choose,” aniya sa hindi ko ma-explain na tono. Basta nakakatakot siya. Sa sobrang bait ni Casspian sa akin ito na ang pinakanakakatakot na naging attitude niya sa akin.
Aalisin ko na sana ang seatbelt ko nang bigla akong pigilan ni Dwight na ikinagulat ko.
Isa rin ’tong isang ’to, e. Usapan acting lang at babayaran ako, ngayon napaka-OA na, jusko!
“Stop forcing her, pare—”
“Wala akong inaanak sa ’yo, huwag mo akong matawag-tawag na pare.” Literal na nanlaki ang mga mata ko sa isinagot na iyon ni Casspian. Mukhang legit na bad influence yata talaga ako sa kaniya.
Tinapos ni Casspian ang kamay ni Dwight na nakaharang sa akin at saka siya mismo ang yumukod para alisin ang seatbelt. Nalanghap ko tuloy iyong bango niya na sobrang nakakaadik!
Ang bango ng tatay mo, anak. Alam ko naman na ikaw lang ang may gusto ng amoy na ito at nadadamay lang ako pero makikiamoy na rin ako. Hihi.
Napapikit pa ako sa pagsinghap ng amoy niya kaya noong mapadilat ako nagulat ako dahil magkaharap na ang mukha namin na tipong any moment ay puwede ko nang ma-kiss ang masasarap niyang mga labi— punyeta ka, Saffyre, iyang kalandian mo talagang hindi mo na alam ilugar!
Isang tikhim ang nagpaawat sa aming dalawa kasi grabe rin talaga ang titig sa akin nitong tatay ng anak ko. Nakaka- rawrr !
“Just take her. End your cringeness in my car. Damn it!” sita ni Dwight sa amin kaya’t napabilis talaga ang pagbawi ni Casspian sa katawan niya palabas ng sasakyan at ganoon din ako.
Bago pa ako tuluyang sumama kay Casspian ay yumukod ako sa sasakyan at nginitian ko si Dwight. “Maraming salamat. Hindi na kita sisingilin for today,” sabi ko sa kaniya.
“As you should,” aniya pero this time nakangiti na siya.
Okay din naman talaga itong si Dwight. Hindi lang siguro talaga swak ni Saina kasi mukhang may tama ang ugali ng isang ’yon. Hindi naman sa nagbabait-baitan ako, pero syempre mas mabait naman akong hindi hamak doon.
Nilingon ko si Casspian nang makaalis na ang sasakyan ni Dwight at seryoso siyang nakatingin sa akin.
“We need to talk, Saffyre Zell—”
“Ay talagang we need to talk. Bibigyan kita ng bounderies mo at mukhang hindi mo alam kung hanggang saan ka lang ba dapat!” singhal na putol ko sa sinasabi niya.
Kahit masarap at mabango ka, hindi mo ako madadaan sa ganyan! Ako ang masusunod dahil anak ko ang dinadala ko at sperm donor ka lang at financer.
Palinga-linga ako sa paligid dahil hinahanap ko kung saan ba kami sasakay para makaalis na at makapag-usap.
“Nasaan ba ang sasakyan mo?” padabog kong tanong.
Imbes na sagutin ay nagulat ako nang bigla na lang niya akong buhatin na pambagong kasal at saka bigla akong ipinasok sa isang puting van na nasa likod namin at maramahan akong ibinaba sa loob at saka siya tumabi sa akin.
“Kuya Borj, sa rest house tayo,” sabi niya roon sa driver na mukhang may edad na.
Hindi na lang ako kumibo at ayoko na pagod na ’ko. Bahala siya!
NAKARATING kami sa may kalayuang lugar at hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Magkunwaring tulog o dumilat at magpanggap na ayaw ko na siya ulit makausap?
Naramdaman ko ang marahang paghimas sa pisngi ko. “I know you’re awake. Let’s go,” aniya sa akin.
Nagkunwari ako na pupungas-pungas nang makababa kami at bumungad sa akin ang isang magandang bahay sa tabi ng dagat. Sobrang refreshing na para bang gusto ko na lang mamuhay rito nang payapa. As in sobrang relaxing.
“I guess you liked the place,” bulong niya habang nakatanaw din sa karagatan kung saan tumatama ang liwanag ng buwan.
“O–okay lang naman. Maganda.”
“Sir, ito po ang mga pinakuha ninyo,” anang isang boses at nalingunan ko iyong driver kanina na may dala ngayon na mga portable beach chair.
Kinuha iyon ni Casspian saka niya inilatag. Ewan ko pero natutuwa akong isipin na uupo ako sa isa sa mga upuan na ’yon para lang tingnan ang mga alon.
Nang maayos niya na ang isang upuan ay medyo nagulat pa ako dahil bigla siyang may inilabas na mga plastic na maninipis mula sa ilalim n’ong mga portable chair. Hindi ako nagtanong kahit pa naku-curious ako.
Parang nalusaw ang puso ko nang bigla siyang may pinindot sa mga plastic na iyon at bigla naging malalambot na unan ang mga iyon. Magic pillow yata.
Inilagay niya ang tatlong unan na iyon doon sa may kahabaan na portable chair.
“Sabi ng Mommy, para raw hindi masaktan kapag nagmamanas na ang paa ng buntis, dapat daw may unan din sa binti bukod sa bandang ulo at balakang. Sit here, Saff,” aniya at ang sira-ulo kong hormones ay gustong maiyak. Napakaarte ko, jusko! Akala mo naman gandang Angelina Jolie kung makapag-inarte!
Sumunod ako sa sinabi niya. Iyong mas maliit na unan ay inilagay niya sa bandang ulo ko para malambot ang sasandalan ng ulo ko habang ang isa naman ay sa bandang balakang ko, at iyong huli ay inilagay niya sa binti ko. Sobrang komportable ng pakiramdam ko sa mga oras na ’to.
Hindi ako makakibo dahil sobrang ewan na ewan ang pakiramdam ko sa ginagawa niya ngayon.
Pa-fall! Sobrang pa-fall!
Muli siyang umalis at tumungo yata sa van at pagbalik niya ay may dala na siyang maliit na kumot na inilatag niya sa mga hita ko at bigla siyang may ipinatong na sumbrero sa ulo ko. “Sorry to mess your hair, para lang hindi kayo mahamugan ng anak natin. I’ve read that it’s bad for the mom and the baby,” aniya na naman at sa mga oras na ’to gusto ko nang tanungin ang sarili ko kung may sapak lang ba ako sa ulo para pakitaan ng kagaguhan ’tong isang ’to?
Hindi na lamg talaga ako nakakibo. Naupo na rin siya sa tabi ko at pinanood namin ang mga alon sa dagat.
“I am sorry for what I did. Alam kong ayaw mong malaman ng iba ang sitwasyon natin and yet I overstepped our boundaries,” pukaw niya sa katahimikan sa pagitan namin.
Kanina lang inis at galit ako sa kaniya, ngayon naman parang gusto ko na lang siyang yakapin at nang matapos na itong mga misunderstanding namin. Pakarupok naman, inang ’yan!
“Hindi naman para sa akin kaya ayaw kong malaman nila kung anong sitwasyon natin, Casspian. Ayoko lang na baka idamay nila ang anak ko—”
“Natin,” pagtatama niya sa akin.
“O–oo, natin. Sorry. Hayun nga, ayaw ko na madamay ang anak NATIN sa naging kasalanan natin kay Kalinn. Knowing people? Siguradong uungkatin nila ang lahat-lahat at sasabihan ako ng kung ano-ano at madadamay ang anak ko—”
“Natin. Your baby is my baby too. Please huwag mong kalimutan ’yon, and no, wala kang kasalanan at walang kasalanan ang anak natin. If there’s someone you should blame, ako lang iyon,” seryoso niyang turan.
Nilingon ko siya at nakita kong titig na titig pala siya sa akin. Akala ko the whole time ay sa dagat siya nakatingin.
“Nagsisisi ka bang nakilala at nabuntis mo ’ko?” Hindi ko alam pero kusang lumabas ang mga salitang iyon sa mga labi ko. Hindi ako nag-isip, nagkusa lang ang tanong na iyon.
Imbes sagutin niya ako ay bigla na lamang dahan-dahan na umangat ang kanang kamay niya at dumapo iyon sa kaliwang pisngi ko at saka marahang humaplos doon.
“I never regretted meeting and got your pregnant… not even a single second,” matatas na sagot niya at wala na, lusaw na ang barrier ng puso kong sumobra yata sa rupok.
“Hidni ko alam ang sasabihin ko—”
“I could not tell you yet that I have fallen for you, Saffyre Zell, because that might not be the case for now, at ayokong paasahin ka sa isang bagay na walang kasiguraduhan because I’ve been there before and I knew how much that situation could hurt. You bearing my child doesn’t also mean that you’ve fallen for me and I also do not want you to tell me that you’ve fallen for me when you are still unsure of your feelings towards me. Ayaw kong magmadali tayo na mahalin ang isa’t isa dahil lang sa may anak tayo. Our story should not keep going the wrong path just because we started it wrong. I am trying my very best to keep it all good and cool. That we smoothly find each other’s strengths and flaws. But…”
“But? Ano’ng pero mo?” Sobra ang kabog ng dibdib ko sa pagputol niya sa sinasabi niya lalo pa’t unti-unti kong ina-absorb ang mga sinabi niya.
“Sorry, Saff, pero parang hindi na ako ’to.”
“H–ha?” Parang naguluhan ako sa narinig ko sa kaniya.
Iyong titig ko sa mga mata niya ay parang nilalamon ako ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Halo-halo ang makikita mo roon.
Bigla siyang yumukod patungo sa akin na inakala ko pang hahalikan niya ako ngunit inilapit lamang niya ang mga labi niya sa tainga ko bago siya bumulong ng nga salitang lalong ikinagulo ng buong mundo ko.
“Binabaliw mo ’ko, Saffyre Zell. You get me going crazy everytime… every freaking time.”
—
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Chapter X
SAFFYRE
Wala akong idea sa kung ano ba’ng dapat kong isagot sa kaniya. Dahil ano ba naman ang puwede mong isagot sa taong sinabi sa ’yo na binabaliw mo siya?
Ako nga mismo ay baliw, paano ko naman sosolusyonan iyong kaming dalawa?
Bigla akong lumingon sa kabilang panig ng dagat kaya nawala ang kamay niya na humahaplos sa pisngi ko. Hindi ko alam pero hindi ko kasi kayang pakitunguhan iyong pinararamdam niya. Alam ko naman na sobrang bilis ng mga ganap sa aming dalawa at ayokong mas pabilisin pa iyon.
Oo, talagang para ngayon pa mag-inarte habang may batang lumalaki sa loob ng sinapupunan ko. Punyemas ka, Saffyre!
“Hindi ko naman alam kung ano’ng isasagot ko sa ’yo. Kung ano man ’yang nararamdaman mo na ’yan, wala akong intensyon na iparamdam sa ’yo ’yan—”
“Of course, my feelings are mine alone. Do you know what is your responsibility?”
Nilingon ko siyang muli at doon ako nagulat dahil halos magtama na ang mga labi namin sa sobrang lapit namin sa isa’t isa.
“A–ano?” utal na tanong ko na para bang may sakit akong utal at napapadalas ang mga paggaganito ko.
“Making me feel this way,” aniya at sobrang ramdam ko ’yong mabango at mainit niyang hininga.
Ako rin naman binabaliw mo! Paanong hindi mababaliw kung ganito ka kasarap at kabango?!
Gusto kong magbawi ng mukha pero wala na akong magawa dahil parang cornered na ako na hindi ko maipaliwanag— o bala gusto ko rin at kalandian ko lang ’to?
Hindi ko naiwasan mapakagat-labi sa narinig ko. “E–ewan ko sa ’yo, Casspian,” mahinang bulong ko at sa gulat ko ay bigla na lang dumikit ang labi niya tungki ng ilong ko na hindi naman perfect.
“I am not rushing anything. Let’s take everything smoothly and slowly. I only said the things that were needed to be said to clarify everything, and…”
Bakit ba ang hilig mong mambitin-bitin ng mga sinasabi? Puwede namang tuloy-tuloy, Casspian? Tss!
“Ano?”
“I am really jealous of Dwight or whatever you want to call it. I don’t want him near you and I don’t want you being entangled with him.”
Tiningnan ko siya sa mga mata dahil this time mukhang sobrang serious na siya sa mga nilalatag niya sa akin.
“Sabi mo take things smoothly pero gusto mo akong bakuran. Puwede ba naman ’yon?” tanong ko sa kaniya at hindi ko alam bakit may lumitaw na boyish smile sa mga labi niya.
Naknamputcha! Lalong pumopogi, lalong sumasarap! Ano ba ’yan, Casspian!
“Hindi ko sinasabing binabakuran kita. I am only telling you the things that I don’t wanna see you doing, and I don’t want my baby to hear other grown man’s voice. Dapat sa Daddy lang para alam niyang ako ang unang lalaking magmamahal sa kaniya at mamahalin siya hanggang huli,” aniya na naman at ano na naman ang isasagot ko roon? Na nalulusaw ang puso ko? Na nasi-stress niya ang matris ko sa mga pangko-confuse niya sa akin?
“Pero bakit mo muna ako dinala rito? Para makausap nang maayos na ganito? Para bolahin? Para bakuran? Para paikutin—”
“To ask you if you would want to get married the soonest?”
Bigla akong napatayo sa narinig ko at literal na nanlaki ang mga mata ko.
“P–pinagsasasabi mo? Hindi dahil nagselos ka bigla kang mag-aaya ng kasal. H–hindi ganoon ’yon, Casspian! Pareho kayo ni Kalinn! Pareho kayong desisyonability na wala sa lugar!” sigaw ko sa kaniya.
Paano namang hindi biglang tataas ang boses ko kung out of nowhere bigla akong may marriage proposal? Hindi man lang ako ready. Hindi nga nakalinis ang mga kuko ko! Paano kung biglang maglabas ’yan ng singsing, ’di ba?!
Tumayo rin siya at saka inabot ang kamay ko na mabilis ko rin talagang tinapos palayo.
Aba’y baka bigla kang lumuhod at maglabas ng singsing! Talagang mawawalan ako ng malay-tao rito, Casspian, sinasabi ko sa ’yo talagang-talaga!
“Don’t get me wrong, Saffyre Zell—”
“Bakit ba matay mo nang tawagin nang buo ’yang pangalan ko na ’yan? Bantot na bantot ako, Casspian, maglubay ka!”
Nakit akong bahagya siyang natawa sa sinabi ko. “And what else do you want me to call you? Mahal? Love? Baby? Babe? Darling? Mrs. Graylad—”
“CASSPIAN VREN!!!”
“Oh, so Mrs. Graylad is it?”
Gustong-gusto kong magmura. Akala ko ba sabi nila pinaka-good boy ng Paranoia ’to pero bakit ganito? Manipulative ang lintek at ang galing mag-twist ng mga salita!
“Tumigil ka! Saff lang kasi—”
“No. Mrs. Graylad,” pagmamatigas niya at talagang mukhan nakikipagsubukan siya ng pasensiya sa pasensiya kong kasya lang sa smallest bag in the whole wide world!
“Nanggigil ako sa ’yo! Gusto kitang tirisin!” singhal ko na naman sa kaniya. Nadadalas talaga ang pikon ko sa kaniya.
Napasinghap ako nang bigla niyang kurutin nang mahina ang magkabilang pisngi ko. “Huwag kang gaanong mainis sa akin or else…”
“Ano?!” singhal kong muli. Hindi pa malinaw ang pagkakasabi ko ng salitang ’yon dahil nga nakakurot pa siya nang mahina sa mga pisngi ko.
“Ako lang ang magiging kamukha ng anak natin. Do you want that?”
Kung alam mo lang gusto ko lahat ng facial features niya ay sa ’yo manggagaling pero syempre hindi ko sasabihin ’yon dahil baka isipin mo naman na humaling na humaling ako sa ’yo.
Tinapos ko na ang kamay niya bago ko siyang inismiran. “Ewan ko sa ’yo. Bahala ka sa buhay mo—”
“Oh, you want me to take care of you for the rest of our lives?”
Ano ba, Casspian?! Puro ka banat nakakainis!
“Letse ka! Saan ba ako matutulog dito?”
“Beside me?”
Ayaw niya talagang tumigil. Parang sira naman ’tong isang ’to. Slowly and smoothly pang nalalaman tapos ganito kalandi!
“Buwisit!”
Tumawa siya nang tumawa kaya lalo niya talagang napapitik ang pikon ko.
“I am just kidding. Pina-ready ko na ang room mo. Do you want to get inside now?” malumanay niya nang tanong sa akin.
“Oo sana kung tapos ka nang mang-asar,” wala pa rin sa wisyo na sagot ko.
“But before anything gusto kong linawin ang isang bagay na probably naglalaro sa utak mo ngayon,” bigla na naman siyang sumeryoso tapos nag-smile nang kaunti. “No, I ain’t asking you to marry me because I got you pregnant, I really want to build a family with you, but I guess you are not that ready yet. No pressure. Let’s settle once we are both ready and of the right feelings with each other. Let things be natural.”
Naiinis na ako sa ’yo nang sobra. Gusto mo smoothly pero ganito ka. Baka bukas-makalawa hulog na hulog na ’ko kakaganyan mo tapos sasabayan pa ng hormones na dulot nitong batang itinanim mo. Naku, Casspian!
NASUNOD naman ang sinabi niya na may sarili akong kuwarto at nakapagpahinga ako nang maayos. Ewan ko rin pero sobrang payapa ng tulog ko the whole night na para ba akong nakainom ng chamomile kahit hindi naman.
Napalingon ako dahil sa mahihinang katok ni Casspian sa pintuan ko. “Saffyre Zell, let’s eat,” anito sa sobrang lumanay na boses. Ang weird niya, ano? Malumanay na may pagkamaangas na masarap? Ang hirap niyang spelling-in sa totoo lang talaga.
“’Yan na,” sagot ko na lang at saka wala akong hilamos at tootbrush na ginawa, basta na lang ako pumunta sa pinto binuksan iyon.
Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil mga labi niya ang sumalubong sa noo ko. “Good morning,” aniya at hindi ko alam kung ano ba’ng dapat kong i-react kasi lintek na ’yan, biglang-bigla ako!
Umalis na siya sa harap ko habang ako ay nanigas na yata sa kinatatayuan ko dahil sa inakto niyang iyon.
Natanaw ko siya sa kusina at may hinahanda na hindi ko mai-explain doon sa mesa kaya’t nag-decide na akong lumapit. Sayang naman ang effort niya kung mag-iinarte lang ako dito.
Nang makalapit ako ay ipinag-urong niya ako ng upuan at feeling prinsesa naman ako na umupo. Nakaka-OA ang ganap namin pero sino ba naman ako para hindi enjoy-in ito, ’di ba?
Nang makaupo ako ay nakita ko ang hindi ko mawaring pagkain sa harap ko kaya’t hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko.
“That’s porridge with sliced bananas and berries. I asked my mom what’s the best meal for a pregnant woman in the morning and she suggested this meal. Hoping you will like it,” sabi niya nang nakangiti.
Oh, e paano ko naman tatanggihan ’to kung sinamahan mo ng ganiyang ngiti? Kahit siguro sobrang arte kong maglihi lalamtakan ko lahat ’to para lang hindi mawala ’yang ngiti mo na ’yan.
Hindi ko na rin talaga napipigilan ’tong utak ko sa dami ng inside thoughts ko. Mabuti nga’t walang nananaig na intrusive thought kung hindi talagang yari.
“Ah kaya pala ang gandang tingnan.”
“Actually I used a plant-based milk for that para na rin mas healthy sa inyo ni baby,” dagdag niya pa at saka ako inabutan ng kutsara.
Oh, punyemas. Smoothly at slowly ’to, ah? E, mukhang ang plano niya ay mahulog ako sa kaniya every second of everyday. Casspian, jusko ka!
Tinikman ko ito at sobrang saktong-sakto sa gusto ko ang lasa. Hindi matamis, hindi rin matabang. Tamang-tama ang timpla at ramdam mo talagang ginawa ito nang pinag-isipan kung sinong kakain.
Plus points na naman ang tatay mo, anak. Lamang na naman sa lahat ng lalaki sa whole wide world.
Naupo na rin siya sa harap ko at nakita kong may toast bread lang siya sa harapan niya at malasadong itlog. Parang naglaway akong bigla.
Bakit ba ganoon? Parang laging mas masarap ang pagkain ng mga lalake?
“Do you want my food?” tanong niya at kahit gusto kong tumango ay pinigilan ko ang sarili ko. Sobrang siba naman ng dating ko kapag nagkataon.
“Hindi, okay lang ako rito,” sagot ko na marami pang keme.
Nagpalaman na siya ng pagkain niya at ako ay nakatingin lang doon dahil ang sarap talaga ng itsura.
Nagylat ako nang bigla na lamang niyang ilagay sa tabi nitong porridge ko iyong plato ng toast bread na may palaman na malasadong itlog.
“Enjoy your breakfast. Don’t hold back, your eyes speak for what you want,” nakangiti niyang sabi at wala na akong sinayang na panahon, nilantakan ko na ang mga pagkain na iyon.
Nang matapos kaming kumain ay balak ko sanang ako na ang magligpit at maghugas pero iyon nga, maagap niyang kinuha ang mga plato at siya ang nagsinop.
“Just relax, that’s all I want you to do,” sabi niya habang naghahanap yata ng sponge roon sa mga cabinet.
“Wala ka bang work ngayon? Baka nakakaabala na ’ko,” tanong ko sa kaniya.
“Don’t feel that way,” sagot niya sa akin bago ako nilingon. Sumandal siya sa lababo ay itinukod ang magkabila niyang kamay sa magkabilang gilid. Sobrang angas at ang sarap niyang tingnan. Dagdag mo pa iyong mahaba siyang buhok na isa pang nagpapasarap sa kaniya talaga.
“Tinatanong ko lang naman.”
“I could even give up everything just so I could be with you and my baby,” dagdag niya at ito na naman ang puso kong parang sinusuntok ng sampung kapre sa tindi ng kabog. “I finally understand Red now. All the fear and excitement that I would feel once I become a father, totoo pala.”
“Kahit na aksidente lang—”
“No, Saffyre Zell. You are no accident to me.”
“E, ano ako kung ganoon? Ano ba ako sa ’yo?”
“My destiny, Saffyre Zelle,” kaswal na sagot niya at parang gusto kong isuka lahat ng kinain ko dahil sa kabog ng puso ko.
“Ang lalim mo naman—”
“Because what are the chances that it was you I would meet that night and not other woman who would just blackmail me? What are the chances that I would end up impregnating you with only a night of escape? And what are the chances that I would end up with you now… here in my sacred place, cooked you a meal when I haven’t done it to anyone before, and trying to be the best version of myself?”
Parang nalulon ko yata ang dila ko sa mga naririnig ko sa kaniya.
Umalis siya sa pagkakasandal sa lababo at lumapit sa akin. Yumukod pa siya para lang pagtapatin at paglapitin ang mga mukha namin na para bang gusto niyang kabisaduhin bawat parte ng mukha ko ganoong hindi nga ako naghilamos.
“Tell me, soon-to-be Mrs. Graylad, if these weren’t destiny’s doing, then who should be responsible?” bulong niya.
“Ewan ko—”
“You are destined to meet me… you are destined to be mine.”
—
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
YOUR COMMENTS PO ARE GREATLY APPRECIATED. Thank you!
Chapter XI
SAFFYRE
Kung ano man ang tumatakbo sa utak niya ngayon, hindi ko alam. Basta ako alam ko na gusto ko siyang yakapin sa leeg hanggang sa magkakulay na sila ng beki dinosaur na si Barney.
Nakakagigil ang mga banat niya na hindi ko malaman kung paano pakikitunguhan. Kasi ’di ba, sino lang na naman ako para sabihin niya na destined ako para sa kaniya.
Pereng tenge! Slowly-slowly pang nalalaman ganito naman bumanat!
“Ewan ko sa ’yo!” sabi ko at saka na sana ako magdadabog nang bigla na lang magkakasunod na tumunog ang smart phone niya. Sinagot niya naman ito at medyo kinabahan ako nang makita ko ang pagbabago ng expression ng guwapo niyang mukha.
“Ano’ng nangyari?” tanong ko nang maibaba na niya iyong smart phone niya.
“We need to go,” sabi niya na para bang gusto niyang kumalma muna ako pero hindi ko alam paano naman akong kakalma nito kung ganoon ang itsura niya.
“Bakit nga?! Napano ka?” iritable ko nang sabi sa kaniya dahil ayoko sa lahat ay nag-o-overthink dahil hindi ako magaling mag-isip!
Bumuntonghininga na muna siya bago ako tiningnan nang seryoso. “Inatake si Garnette. Papunta na sila sa ospital ni Nanay Ruby,” aniya ay hindi ko alam pero parang biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Agad niya naman akong nasalo.
“Casspian… h–hindi ko kaya kapag nawala ang kapatid—”
“Don’t say that. Garnette will be healed. Gagawan ko ng paraan. Magagawan natin ’to ng paraan,” pagbibigay assurance niya sa akin at saka ako inalalayan na makatayo ng maayos. “Kuya Borj, makihanda po ang sasakyan!” sigaw niya at nakita ko si Kuya Borj na kanina lang ay nagdidilig ng mga halaman at ngayon ay nagkukumahog nang paandarin ang sasakyan.
Habang nasa biyahe kami, wala akong ibang ginawa kundi ang pumikit ay paulit-ulit na magdasal—hindi dahil natatakot ako, kung hindi dahil alam ko at naniniwala akong lagi at laging may dahilan ang Nasa Itaas kung bakit nangyayari ang mga bagay. Ang ipinagdarasal ko ay sana maintindihan ko ang dahilan na gusto Niyang ipaintindi sa akin.
Napalingon ako kay Casspian nang maramdaman ko ang paghawak niya sa mga kamay ko na mgayon ay magkahawak.
“Everything’s gonna be okay. Please, don’t stress yourself too much. Hindi makabubuti sa ’yo at lalo sa anak natin kung pati sa ’yo ay may mangyayari,” bulong niya at naramdaman ko ang kintal ng halik sa buhok ko.
Ewan ko ba pero ang lakad makapagpa-kalma ng halik na ’yon na parang sinasabi niya na sa lahat ng bagay na susuungin ko ay kasama ko siya.
Mahaba ang naging biyahe namin halos dalawang oras din pero parang habambuhay ang paghihintay ko na iyon sa buong biyahe.
Nang makapasok ako ng ospital, naabutan ko ang Nanay sa tapat ng emergency room at tulala. Hindi ko alam kung ano’ng uunahin ko—ang yakapin ba siya o ang humagulgol ng iyak.
“Kumusta na po si Garnette?” tanong ni Casspian na nasa likod ko.
“Okay naman na raw siya sabi ng Doctor, anak. Hindi naman siya heart attack daw talaga, tumaas lang ang blood pressure niya kaya’t bumilis din ang tibok ng puso niya,” sagot ni Nanay.
Doon kumunot ang noo ko kaya’t kahit gusto kong umiyak ay nanaig sa akin ang galit. “Hindi magagalitin si Garnette. Sinugod na naman ba kayo ni Ninang Bonita?” pigil ang galit na sabi ko.
“Anak—”
“Nanay naman!” Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko at unti-unting pagpatak ng mga luha ko dahil sa inis. “Ayaw n’yo kasing lumaban!”
“Anak, hindi rin naman makabubuti kung lalaban ako dahil kahit ano pa’ng gawin ko, nasa isip na ng mga tao na masama akong babae kahit wala akong ginagawa dahil iyon na ang balitang ikinalat ng Ninang Bonita mo,” malumanay na sagot ni Nanay pero hindi ko ito matatanggap. Hindi ngayon at mas lalong hindi bukas.
Humanda sa akin ang bruhang ’yon. Kung may nangyaring masama sa kapatid ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kaniya.
Bigla na lang may mga kamay na yumapos sa akin at saka isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. “Hush now, Saffyre Zell. Let’s pray for Garnette’s fast recovery,” bulong nito sa akin at hindi ko alam at ito na naman ang pakiramdam na safe ako at okay na okay ang lahat ng bagay.
Literal na si Casspian ang matatawag kong adult pro max.
DALAWANG araw din ang inilagi namin sa ospital dahil kailangan bantayan pa si Garnette. The whole time, ayaw kong papuntahin si Casspian dahil kapag nagkataon ay sa mga susunod na araw, laman na kami ng mga tabloid.
Kung hindi lang mabilis na kumilos ang nanay na takluban siya ng balabal, malamang na nagkalat na ang mukha niya at mukha ko sa kung saan-saan.
Narito kami sa bahay ngayon na at kumakain ng agahan. Namili ako ng pandesal kanina sa labasan at nakasalubong ko po ang Ninang kong mukhang dugong. Inismiran-ismiran pa ako na parang ako pa ang may kasalanan sa kaniya. Napakasura talaga ng ugali, walang makakapantay!
“Ay, bakit mo naman ginutay-gutay ’yang pandesal, Ate?” pang-aasar ni Garnette pero feel mo pa rin na masama pa ang pakiramdam niya base sa garalgal ng boses niya.
“Huwag mo nang itanong at baka tumaas na naman amg presyon mo. ’Di baleng ako na lang ang mataas ang presyon sa atin dalawa pati ’tong pamangkin mo,” sagot ko sa kaniya.
“Huwag kang gaanong mainis kay Tita Bonita, baka lumabas ang pamangkin ko na malaki ang ilong bahala ka,” subok niya pang pang-aasar sa akin.
Inismiran ko na lang siya dahil baka atakihin na naman kapag pinatulan ko.
“Nanay, kumain na tayo—”
“Kuya Casspian!” sigaw ni Garnette na ikinagulat ko. Itong batang ’to akala mo hindi nanggaling sa ospital kung makasigaw-sigaw!
Nilingon ko ang pinto at nakita ko si Casspian na may dalang basket ng prutas at isang malaking brown envelope na hindi ko alam kung aanhin niya.
“Ang aga-aga mo na naman manggulo,” kunwaring sita ko sa kaniya pero sa totoo lang ay sumisikdo ang dibdib ko— o excite na naman ikaw anak sa tatay mo?
Ang guwapo niya, hay ewan ko ba!
“I missed you too,” sagot niya at ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko sa biglaan niyang banat.
Sobra ka nang pa-fall! Letse ka!
“Yieee, si Ate kinikilig!” tukso ni Garnette at sa mga oras na ’to gusto ko siyang dagukan.
“Tumigil ka, Garnette!” singhal ko at saka ako bumaling ulit kay Casspian. “Bakit ka nandito na naman?”
“To give you this,” aniya at inabot sa akin ang envelope.
“Hindi naman siguro ’to transfer of property, ano?” biro ko.
“What if oo?” Kahit wala akong iniinom ay para akong nasamid.
Binuksan ko ang envelope at bumungad sa akin ang isang papel na halos magpaiyak sa akin. Nakasulat na first in the list of recipients si Garnette sa heart donor para maging okay na siya.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong napatayo at malalaki ang hakbang na nilapitan si Casspian para yakapin. Grabe ang sayang nararamdaman ko, walang pagsidlan!
“Salamat, Casspian. Maraming-maraming salamat. Alam kong isang malaking pagkakautang ’to pero sobrang kakapalan ko ang mukha ko at iga-grab ko ang opportunity na ’to. Maraming salamat talaga!” masayang-masayang sabi ko at naramdaman ko ang paghaplos ng palad niya sa likod ko.
“I am glad you loved it. I was hesitant to give you that dahil baka tanggihan mo at isipin mo pang ginagawa ko ito para sa kung anong dahilan. I just genuinely want to help Garnette. That’s all,” sagot niya at parang lalo na naman hinele ang puso ko.
Sumosobra ka na talaga sa pagiging pa-fall. Sa mga susunod nito hindi na talaga ako makakaahon sa ’yo kahit hindi dapat!
Humiwalay ako sa kaniya nang medyo naramdaman ko na sumosobra na ako.
Anak naman kasi. Bakit ba body heat ng tatay mo ang cravings mo? Pereng sere!
“Salamat, Kuya. Ito po ang nag-iisang pangarap ko at tutuparin mo pa,” sabi ni Garnette at nalingunan ko na naiiyak-iyak pa.
Naiintindihan ko ang pagiging emosyonal niya dahil bata pa lamang at napakarami nang bagay na hindi niya maaaring gawin dahil sa butas niya sa puso. Halos hindi naranasan ni Garnette ang maging bata sa dami ng restrictions.
“No worries, Brother. Hangga’t kaya ko at magagawan natin ng paraan,” sagot naman niya at ginulo pa nang kaunti ang buhok ni Garnette.
Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sobrang buti talaga ng Diyos at biniyayaan ako ng isang tao na kasing buti ni Casspian.
“Ay, iho, nariyan ka pala. Ano’ng sadya mo?” tanong ni Nanay na may dalang mga banyera. Mukhang mag-aayos siya ng ibang paninda.
“Nanay, mukhang magagamot na po ako!” excited na pagbabalita ni Garnette at pinakita pa ang papel kay Nanay.
“Naku! Maraming-maraming salamat, iho. Sobrang napakabuti mo,” maiyak-iyak na sabi ni Nanay.
Ramdam ko talaga ang saya ng buong pamilya namin sa hatid niyang balita at hindi ko alam sa paanong paraan ko siya masusuklian.
Galingan ko na lang bang gumiling?
“At isa pa nga po pala,” biglang agaw ni Casspian ng atensyon namin. “Lilipat na po kayo ng bahay. Lilipat na po kayo sa akin at magsasama-sama na po tayo,” kaswal na wila niya na parang wala lang iyong ibinalita niyang iyon sa amin.
“Casspian!”
“Totoo ba, Kuya?”
“Naku, iho!”
Magkakasabay talaga ang reaksyon namin ng pamilya ko dahil sa narinig namin.
“Opo, tutuloy na po kayo sa bahay ko—sa bahay namin ni Saffyre, at doon na po tayo magsasama-sama.”
Ito na naman ang pagiging desisyonability mo, Casspian!
“Pero hindi kasi ganoon kadali iyon, Casspian! Para ka na namang sira-ulo!” inis na singhal ko sa kaniya. Kanina lang lab na lab ko siya, ngayon gusto ko na siyang dagukan.
“Iho, sana maintindihan mo. Hindi kasi namin kayang iwan ang bahay na ito at hayaan na kamkamin lang nina Bonita—”
Hindi niya pinatapos si Nanay at muli siyang nagsalita. “Ito po, para sa inyo,” aniya at may inabot na papel na kinuha niya mula sa likod na bulsa ng suot niyang pantalon.
Nanlaki ang mata ni Nanay sa nakita niya.
“Anak… ang titulo ng lupa at bahay natin,” naiiyak na sabi ni Nanay namg makabaling sa akin.
“Sorry I didn’t ask for you permission when I bought it back. Ayaw ko lang na ma-stress pa kayo ukol sa bagay na ito,” paliwanag niya at binigyan ko siya ng masamang tingin pero alam kong nangingilid na ang mga luha ko dahil hindi ko makontrol ang damdamin ko.
Hinatak ko siya papasok ng kuwarto ko at nakapamaywang na hinarap siya. “Paano ka naming babayaran ngayon? Casspian, parang hindi ka naman nag-iisip!”
“You don’t have to pay me—”
“Hindi pupuwede ’yon! Hindi ako papayag! Hindi matatanggap ng pagkatao ko iyon! Sobra na kitang inaabuso—kayo ni Kalinn! Sobra-sobra ko na kayong pinapabigatan!” inis na putol ko sa kaniya.
“Stop saying that. You were never a burden, and…”
Iyan na naman siya sa mga pambitin niyang mga salita!
“Ano?!”
“You don’t have to pay me now,” patuloy niya at nangunot ang noo ko.
“Now?”
“You can pay me back in installment,” sagot niya.
“Ano’ng installment ang gagawin ko?”
Bigla siyang naglakad papalapit sa akin, hinawakan ang baba ko at bahagya iyong inangat para pagtamain ang mga tingin namin na para bang hindi ko siya puwedeng takasan kahit ano pa’ng mangyari.
“Love me now, love me the following day, love me the next-next day, love me until eternity—until all you can do is love me no matter what the situation is… there you can finally pay me in full.”
“Casspian!”
“Just pay me in installment, Saffyre Zell, that’s all I ask.”
NA PARA BANG NAPAKADALI NG GUSTO NIYANG INSTALLMENT?! NASAAN NGAYON ANG SLOWLY AND SMOOTHLY! PUNYEMAS!
—
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
THANK YOU! Uy, totoo nang matatapos na ’to this June kasi done na ’to. Inuunti-unti ko lang ilapag mga chapter. HAHAHAHA
Chapter XII
SAFFYRE
Kung may best in desisyonability, si Casspian na ’yon. Kung may best in banat award, malamang makukuha niya rin ang title.
“Ate, totoo bang dito na talaga tayo titira?” tanong ni Garnette nang bumungad sa kaniya itong malaking bahay. Hindi ito iyong condo na binibigay ni Kalinn. Iba pa ’to kaya hindi maarok ng pagkatao ko kung gaano kayaman si Casspian.
“Wala tayong choice. Kahit gusto kong tumanggi, kayo ni Nanay ang iniisip ko, higit lalo iyang kondisyon mo. Kapag may nangyaring masama sa ’yo dahil sa mga ganap ng Ninang kong mukhang dugong, baka ako ang makulong,” sagot ko naman sa kaniya. Yakap-yakap lang ni Garnette iyong blue na stitch na bigay ng ama naming wala sa hulog noong minsang pumaldo siya sa scatter.
Kahit na malaki talaga ang galit ko sa ama ko, alam kong naging mabuting ama naman siya sa amin ni Garnette, hindi nga lang siya naging mabuting haligi ng tahanan.
“Pero, Ate, paano po iyong school ko?” tanong ni Garnette at kahit ako ay napaisip.
Sa ngayon kasi ay modular schooling si Garnette. Ipinakiusap ko iyon dahil baka sa eskwelahan pa siya abutan ng atake at lalong hindi ko malalaman ang gagawin ko kung sakali. Kasalukuyan din siyang Grade 11 ngayon kaya kahit paano ay nahihirapan siya dahil hindi naman namin siya natututukan ni Nanay.
“I can get a private tutor for you, Bro. If that would be okay to Nanay and your Ate,” singit bigla ng taong desisyonability habang bitbit niya iyong iba naming gamit.
Yes, korek, tama. Siya talaga ang kasama naming naghakot na para bang kapag hindi siya sumama ay tatakasan namin siya. Ganoon.
“Ay, Kuya, okay naman po ako sa modular. Isa pa, sobrang dami n’yo na pong naitutulong sa amin. Sobra-sobra na po,” sagot ng kapatid ko at nagpapasalamat talaga ako na ganito kami pinalaki ni Nanay— ako lang naman ang medyo oportunistang desperada.
“Basta whenever you need something, don’t hesitate telling me,” sagot naman ni Casspian sa kaniya at ito na naman na parang gusto ko na naman siyang bigyan ng matinding tsup kasi ang bait-bait niya talaga.
Busy ako sa pagtitingin sa gamit ko at hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.
“How’s the house? Did you like it?” bulong niya at ramdam ko talaga iyong mainit na hininga niya sa tainga ko. Kinakabahan din akong lumingon dahil baka mamaya’t maibigay ko na talaga iyong matinding tsup!
“O–oo naman,” sagot ko.
Parang tanga ka talaga, Saffyre. Pautal-utal ka pang letse ka!
“How do you plan on paying me? Do you agree with installment basis?” bulong niya na naman.
Lord, bakit naman sinusubok ako nang ganito? Mabuting tao naman ako, bibig ko lang ang hindi.
Nagkunwari akong walang narinig at napaupo sa sofa.
“Garnette, tingnan natin iyong magiging kuwarto mo?” pag-iiba ko ng direksyon ng atensyon ko dahil mukhang hindi ako titigilan nito ni Casspian.
Akala ko kakampi ko ang kapatid ko pero bigla na lang akong binelatan at nagmamadaling pumunta kay Nanay na kasalukuyang nagmamando roon sa mga nagbubuhat ng gamit namin.
“I guess you don’t have any chance now,” aniya na may pang-aasar at nang lingunin ko siya ay naroon ang nakakalokong ngiti niya.
Ngumiti siya! Ngumiti siya nang ganoon! Ang sarap niya sheteng inang ’yan!
Bagay na bagay talaga kay Casspian iyong long hair niya pero minsan napapaisip ako kung anong itsura niya kung magpapagupit siya gaya nong gupit ng vocalist at drummer ng paranoia. Ang aangas din kasi ng nga buhok ng mga ’yon na para bang endorser ng shampoo at conditioner.
“Ewan ko sa ’yo, bahala ka riyan. Installment-installment ka pang nalalaman,” sagot ko sa kaniya at binaling ko na sa iba ang atensyon ko. “Puwede naman kasi kitang bayaran nang fully paid with matinding tsup ayaw mo pa!” bulong ko sapat na para ako lang ang manood.
“Are you saying somethig?” aniya at biglang kumabig ang dibdib ko. Makapal lang ang fes ko pero siyempre pagka kay Casspian medyo napapakyeme ako.
“Wala!”
“By the way, can I invite you for later? Nag-aya lang kasi sina Trayn. Gusto ko rin sanang ipakilala ka sa kanila. Actually, dito sana sa bahay gaganapin, but if uncomfortable kayo nina Nanay at Garnette, I can ask them to change the venue—”
“Uy, hindi ah. Bakit naman ako at ang pamilya ko nag tatanungin mo. Bahay mo ’to, ano’ng karapatan ko?”
Bigla na naman niyang kinurot nang marahan ang magbilang pisngi ko.
Aba’y nawiwili ka, Casspian! Tumataba lang naman ’yang pisngi ko kasi buntis ako!
“It’s our home. Ours—you, Nanay Ruby, Garnette, and I. This is ours. Okay? You always get to decide who I let in this house because this is yours too. Nagkakaintindihan po ba tayo?”
Kung nadu-duplicate lang si Casspian, ginawa ko na para lang magkaroon tayong lahat at walang makakalamang. Grabe sobrang green flag niya! Nakakainis!
Tinanggal na niya ang kurot niya sa pisngi ko at saka naupo sa tabi ko.
“I am sorry kasi first night n’yo rito sa bahay tapos guguluhin kayo ng mga kaibigan ko. Sobrang kulit kasi ni Trayn, wala akong magawa,” aniya at nagulat ako namg bigla niyang ihilig iyong ulo niya sa balikat ko.
“Para namang pagod na pagod ka?” tanong ko sa kaniya kasi sa totoo lang hindi ko talaga alam ang mga ganap niya noong nasa hospital si Garnette. Sabi ko kasi sa kaniya huwag na siyang pumunta at hindi rin naman ako nanghihingi ng updates kasi okay naman ako. Hindi ako asawa at lalong bawal maging clingy kapag walang karapatan.
Naramdaman ko ang buntonghininga niya bago siya sumagot. “Gigs are everywhere. Not that I am ungrateful, I am actually thankful to the Good Lord for giving us a very tight sched. Medyo tiring lang talaga,” sagot naman niya.
Ewan ko pero hindi ko maiwasan mapangiti. Hindi ko kasi alam kailan ba kami naging ganito ka-close para mag-share siya sa akin ng ganitong mga bagay. “Alam mo noong minsan may nabasa akong comment sa facebook page n’yo. Ang sabi sa comment, akala raw nila ay pang-international kayo pero nagpe-perform lang naman daw pala kayo locally.”
“True fans knew. We don’t actually perform just anywhere. I think what you were saying was when we performed in Bulacan? That was for the cancer patients so Red agreed to it,” sagot niya at parang kahit paano ay naliwanagan ako.
Magtatanong pa sana ako namg maramdaman ko ang pagbigat ng bawat hinga niya at nang gamitin ko ang smart phone ko para tingnan siya, nakuha na pala niya ang tulog na gusto niya. Hindi ko na rin siya ginising dahil parang payapa ng pagkakatulog niya.
SOBRANG busy ni Nanay sa pagluluto samantalang ako ay nakatanod lang sa kaniya at kumakain ng pomela na nakababad sa sterilized milk. Ang sarap-sarap kahit hindi ko ma-explain ang lasa.
“Yuck!” anang isang boses at medyo nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Ito iyong pianist ng Paranoia, si Alas!
Sheteng inang ’yan! Ang guwapo ng isang ’to! Jusko po, parang dream come true na makita ang buong Paranoia talaga rito sa bahay NAMIN!
“Masarap kaya. Try mo,” alok ko pa rito kasi alam kong iyong kinakain ko ang tinutukoy niya.
“Kadiri. No way highway!” singhal niya naman sa akin bago siya lumapit kay Nanay at nagbigay-galang sa pagmamano. “Hello po, Nanay Ruby. Ako po si Alas ang pinakapogi ng Paranoia. Kumusta po kayo?” bati niya kay Nanay at agad naman napangiti ang Nanay. Naku! Ganiyan na ganiyan ang gustong ugali ng Nanay. Iyong hindi nahihiya at super kapal ang mukha.
“Mabuti naman, iho. Napakapogi mo naman,” sagot sa kaniya ng Nanay at itong loko ay abot-tainga ang ngiti.
“Ikaw rin po, Nanay, ang ganda-ganda mo!”
Halata kay Alas na matuwain siya sa mga matatanda. Siguro pinalaki ng lolo’t lola niya ’to.
“Naku, iho. Huwag mo na akong bolahin at puro kulubot na ang balat ko. Sige na maupo ka na sa sala at ihahapag ko na rin itong mga niluto ko maya-maya,” sagot ni Nanay sa kaniya.
Bago lumabas ng kusina ay bumaling sa akin si Alas. “Ang ganda mo rin pala talaga, medyo mukha ka lang masungit pero mukha naman ding mabait, Saffyre. No wonder bakit gusto ka na niyang paka—”
“ALAS!” sigaw iyon mula sa taas at nakita ko si Casspian na alanganin ang ngiti kay Alas.
“Bro!” sigaw naman nitong isa.
Kapwa na sila tumungo sa garden at parang may mahalaga silang pinag-uusapan pero dahil bulungan na lang, kahit ang tainga ko na pang-Marites ay hindi umubra.
Mga sampung minuto na rin ang lumipas nang magdesisyon si Nanay na dahil na sa garden iyong mga pagkain. Actually gusto talaga ni Casspian ay ordered foods lang, kaso medyo bida-bida ang Nanay kaya’t siya ang nagluto ng lahat-lahat.
Papalapit na ako sa kanila dala ang mechado na isa sa mga main dish nang bigla kong makasalubong ang isang babaeng hindi gaanong familiar sa akin.
“Hi, Miss Saffyre!” masiglang bati nito sa akin at hindi ko alam kung bakit niya ako kilala.
“Sino po sila?” tanong ko at natawa naman ito sa akin.
“Ako po si Jolina. Jolens na lang po, personal assistant po ni Sir Casspian. Ngayon ko lang po kayo na-meet dahil umuwi po ako ng probinsya namin,” pakilala at paliwanag nito sa akin.
Sa totoo lang napapaisip na ako. Halos lahat ng makikilala ko ay kilala na ako at parang may background na sa kung sino ako—na para bang nabasa na nila ang buhay ko sa libro. Ganoon ang atake.
“Paano n’yo po akong nakilala?” kunot-noong tanong ko.
“Naku! Walang ibang bukambibig si Sir Casspian kundi ikaw lalo na kapag kinukuwento niya iyong pinagbubuntis mo. Sa totoo po niyan naikuwento niya kung paano kayo nagkakilala kasi medyo close kami niyan ni Sir gawa nang siya na halos ang katulong ko sa pagpapaaral sa mga kapatid ko.” Ang daldal niya pero ang cute ng kadaldalan niya kasi ang daming information.
“Ano’ng kuwento?”
Kung makipag-chika ako rito parang wala akong hawak na mainit na mechado.
“Hayun nga, na kahit daw mali iyong simula ninyo gusto niya raw na—”
“Jolina!” sigaw ng isang boses at bumungad sa akin ang isang babaeng sobrang ganda, as in. Ang inosente ng mukha niya pero parang kayang makipagbakbakan kahit pa sa mga beauty queen.
“Franzess!” sigaw naman ni Jolina at nagyakap sila.
Napangiti na lang ako sa mini reunion nila at nag-decide na akong dalhin na talaga ang bitbit kong ulam sa mesa.
Bago ako makarating sa mismong lamesa sa gitna ng garden ay may dalawang babae akong nadaanan na nag-uusap.
“Naku, Nadia, nandyan na si Franzess,” bulong n’ong babaeng medyo balingkinitan ang katawan.
“Kaya nga. Paano kaya sila magmi-meet n’ong girlfriend ni Sir Casspian?”
Nang marinig ko ang usapan nila ay agad akong nagtago sa isang puno sa tabi ko.
“Ay oo nga, ano?”
“Paano namang ipakikilala ni Sir Casspian si Franz? Like, hello, this is Franz that one I loved before you,” sabi n’ong Nadia at bakas talaga sa boses niya iyong awa para sa akin.
Pero bakit naman sila maaawa sa akin? Wala naman akong expectation kay Casspian. At isa pa, wala namang kami. Anong girlfriend?
“Pero, girl, hindi yata iyon girlfriend ni Sir Casspian base sa kuwento ni Jolina.”
“Ano raw?”
“Asawa.”
ASAWA?!
—
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Chapter XIII
SAFFYRE
Wala akong kaalam-alam na natsitsismis na pala ako nang ganito. Paanong magiging asawa, hindi nga ako nag-oo sa aya ng kasal, asawa pa kaya.
Na para bang agrabyado pa si Casspian kung maikakasal siya sa akin? Wow! Ang kapal ng mukha ko talaga!
Tumikhim ako para lang tumigil silang mag-usap at hindi na gaanong awkward sa akin ang pagdaan sa harap nila.
Naabutan sa mismong garden ang buong Paranoia—as in silang lahat na para ba akong naka-jackpot na ewan? Imagine, nakikita ko lang sila sa youtube at reels dati, ngayon nasa harap ko silang lahat.
Nilapag ko sa harap nila ang mechado na dala ko kaya lahat ng mata nila ay nagawi sa akin.
Pa-rectangle ang lamesa at ang nasa magkabilang dulo ay si Red at Seiver. Ang nasa kaliwa naman ni Seiver ay si Alas habang si Trayn ang nasa kanan. May katabing babae si Trayn tapos may dalawang bakanteng upuan sa tabi n’ong babae. Si Alas naman ay katabi si Casspian.
Magsasalita na sana si Casspian nang biglang dumating si Franzess at Jolina pati na rin iyong Nadia at iyong kasama niyang babae.
Si Franzess ay naupo sa kaliwa ni Red at tinabihan naman siya ni Jolina. Si Nadia at iyong isang babaeng kausap niya ay naupo sa kanan ni Red kaya may isang bakanteng upuan doon sa tabi ng babaeng katabi ni Trayn. Ramdam ko rin na ilag doon sila Nadia kaya siguro hindi tinabihan.
“Sit beside me and wear this,” bulong sa akin ni Casspian at bigla pang inabot ang kamay ko mula sa pagkakaupo niya at nilagyan ako ng bullcap. Nagulat ako sa ginawa niya at dahil na rin balat sa balat talaga ang pagkakahawak niya.
Na para bang virgin ako kung makainarte at walang bata sa tiyan ko. Letse ka, Saffyre Zell!
Naupo ako sa tabi niya at para akong high school na kinikilig dahil hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.
“Kamay ko,” bulong ko sa kaniya at nagtangka akong tanggalin sa kamay niya pero lalo niya lang hinigpitan.
“Ayaw,” bulong niya pabalik kaya lalo yatang nag-init ang pisngi ko. Para kaming sira-ulong dalawa ngayon.
“Ay, putcha! Hindi para kayo maglandian na nakikita ko pa. Magpasintabi kayo sa single!” bulyaw biglang ni Alas sa amin kaya agad kong nahatak ang kamay ko mula kay Casspian.
“Kill joy. Tss,” bulong ni Casspian pero nakangiti naman siya na parang natutuwa pa na nahuli kami ni Alas.
“Mind introducing her to us, Casspian?”
Napalingon ako roon kay Red nang bigla siyang magsalita. Itsura niya pa namang hindi pala salita medyo parang pareho sila ni Seiver.
Grabeng face card ’tong Red na ’to at Franzess na ’to. Parang hindi magkaka-anak ng panget.
“She’s Saffyre Zell Aleja, my soon-to-be Mrs. Graylad,” pakilala niya sa akin at sa mga oras na ito ay parang gusto ko siyang dagukan talaga nang matindi!
Nilingon ko siya talaga at pinanlakihan ng mga mata at ipinilig ko pa talaga ang ulo ko na parang sinasabi ko sa kaniya na ano ba’ng pinagsasasabi niya!
“Wooooh! Dahan-dahan lang sa info. Nasi-stress ako sa mga ganap n’yo ni Red, ’tang ina! Si Red kakalabas lang ng anak na kambal, tapos ikaw magpapakasal. Sandali muna!” Natutuwa talaga ko rito kay Alas pati sa mga reaksyon niya.
“Palibhas kasi walang pumapatol sa ’yo!” asar ni Trayn sa kaniya at halos lahat at natawa.
“Gago, choosy lang ako!”
“Sa kaka-choosy mo, graduate na ang mga anak namin ng college, kinder pa lang ang sa ’yo,” sagot na naman ni Trayn at nakita kong kumuha ng pika-pika si Alas saka niya binato iyon kay Trayn.
“Gagong ’to namemersonal!”
Tumikhim si Seivee kaya nahinto ang tawanan ng lahat. “How old are you?” tanong nito sa akin. Ang seryoso talaga nitong isang ’to. Dapat hindi ’to nagbanda. Mas bagay sa kaniyang maging abogado.
Nginitian ko muna siya. “Twenty-seven,” sagot ko.
“Did you finish college?” tanong niyang muli.
“Ay hindi ako na-inform job interview pala ’to,” kunwaring biro ko pero ang totoo ay hindi ko kasi alam ano’ng nararamdaman ko. “Undergraduate ako ng college. Education ang kinukuha ko at hanggang 3rd year college lang ako. Hindi ako nakapag-enroll ng 4th year kasi kailangan ko nang magtrabago. Patay na ang tatay ko at may sakit sa puso iyong bunso kong kapatid,” mahabang sabi ko. Wala naman akong dapat itago at ikahiya.
“Seiver, stop asking that kind of question—”
“Huy, hindi. Okay lang. Mas maaga malaman n’yo kung sino ako, mas okay. Matagal na kayong magkakaibigan, mage-gets ko kung protective talaga kayo sa isa’t isa. Normal naman ’yon sa halos magkakapatid na ang turingan,” putol ko kay Casspian.
Naramdaman ko ang marahan niyang biglang pagpisil sa kamay ko na nasa ibabaw ng tuhod ko.
“I have no bad intentions why I asked those questions. Gusto ko siyang makilala sa paraan ng pagkakakuwento mo tungkol sa kaniya,” sabi ni Seiver at doon ko na-confirm na ikinukuwento niya nga ako sa kanila.
“If you don’t mind me asking, Saffyre, how did your Dad die?” nagulat ako sa tanong na iyon ni Trayn. “Heart attack ba? Did your younger brother inherit the disease?”
Ngumiti muna ako at saka ako huminga nang malalim. “Hindi naman. Iyong sakit ni Garnette, complication daw iyon at birth. Hindi kasi nakakainom ng mga vitamin si Nanay noon gawa ng kapos nga kami sa buhay. At iyong Tatay ko naman, pinatay.” Halos lahat sila ay napasinghap matapos kong sabihin iyon.
“Sorry to hear that, and sorry I asked—”
“Uy, hindi! Keri lang. Hindi naman siya pinatay dahil drug user siya o pusher don’t worry,” sabi ko habang nagkukunwaring tumatawa. “Pinatay kasi kakasugal. Maraming utang. Ang sabi nila sa report mga pinagkakautangan niya raw ang pumatay sa kaniya, pero alam kong hindi dahil nandoon ako noong araw na ’yon,” pagpapatuloy ko at ramdam ko ang biglang pagbigat ng atmosphere.
Ito ka naman sa oversharing, Saffyre Zell!
Pero totoo naman na gusto kong makilala na nila ako ngayon at ang pamilya ko kaysa magpanggap ako. Maigi na ito para kung tutol sila sa akin para sa kaibigan nila, maiparamdam na nila para alam ko kung sino ba’ng dapat kong iwasan. Ayaw ko kasi ng nakikipagplastikan.
“Nandoon ka? Paanong nandoon ka?”
“Kasama niya ako,” sagot ko sa tanong ni Alas. “Hay naku! Kumain na muna kayo at pinagpaguran ni Nanay Ruby ko na iluto lahat ng mga ’yan para sa inyo,” pag-iiba ko sa usapan.
Mukhang naging okay naman sa kanila dahil nagsimula na rin silang magsandok puwera kay Casspian na tahimik lang sa gilid ko.
“Okay ka lang ba?” bulong na tanong ko sa kaniya.
“I’m sorry, I didn’t know you have that kind of past,” aniya sa akin at ito na naman ang malamlam niyang mga mata na parang hindi mo puwedeng takasan. Nakakainis!
“Okay lang ’yon. Matagal ko naman nang natanggap. Siguro lang masakit pa pero keri lang,” nakangiting sagot ko sa kaniya.
“Eva, makiabot naman ’yong shanghai at mechado,” ika naman ni Alas dahil nasa gawi iyon n’ong babaeng kaibigan ni Nadia. Eva pala ang name.
“That’s Eva. Personal assistant ni Alas,” bulong sa akin ni Casspian nang mapansin niyang napapaisip ako. “And the girl beside Tray is his current fling. Her name si Lina,” dagdag pa niya.
Si Casspian ’yong friend mong gusto mong maging super friend kasi madaling makatunog at attentive kapag may tsismis.
Natapos silang mag-dinner lahat at naglabas na si Alas ng alak. “Oh, kami lang ang iinom. Bawal ang girls at mas lalong bawal si Saffyre baka malasing ang baby at pagsusuntukin kami,” tumatawang sabi nito.
“Ilang buwan na siya?” tanong bigla ng isang boses at nalingunan ko si Franzess na nakadungaw sa akin dahil may Jolina sa pagitan namin.
Ang ganda niya talaga.
“Magtatatlong buwan na rin,” nakangiting sagot ko.
“May morning sickness ka pa siguro, ano?”
“Kung minsan.”
“E, anong cravings mo?” tanong ni Jolina at bigla pa itong kumurap-kurap sa akin.
Hindi ko alam kung ano’ng isasagot ko. Alam ko kung ano’ng cravings ko at ayokong sabihin dahil nakakahiya!
Napansin yata ni Franzess na hindi ako makasagot sa tanong ni Jolina kaya bigla siyang nagsalita. “When I was pregnant, ang cravings ko ay itong asawa ko talaga at wala nang iba,” sabi niya at nanlaki ang mga mata ko.
“IKAW RIN?!” sigaw ko at bigla kong natakpan ang bibig ko dahil sa lumabas na mga salita na ’yon!
Sheteng inang ’yan! Nabuking pa akong bigla. Argh!
Natawa si Franzess sa akin samantalang ang lahat ay nagulat dahil nga sumigaw ako, kaya’t bigla akong tumayo. “Ano, uhm, kukuha ako ng pulutan sa loob. Oo pulutan. Sandali lang,” tuloy-tuloy na sabi ko at malalaki ang hakbang na pumasok ako ng bahay.
Punyeta ka, Saffyre Zell! Iyang katabilan ng bibig mong lintek ka walang pinipili! Talagang sa harap pa ni Casspian and friends?!
“Nakakahiya ka! Nakakahiya ka!” sermon ko sa sarili ko at tinatapik-tapik ko pa ang bibig ko.
Huminto ako sa harap ng refrigerator at iuuntog ko sana ang ulo ko roon nang may palad na humarang sa noo ko.
“Stop hurting yourself,” anang boses at kahit hindi ako lumingon alam na alam kong kay Casspian iyon.
Jusko lupa, lamunin mo ’ko!
Nilingon ko na siya at nakita ko iyong hindi ko ma-explain na ekspresyon sa mukha niya.
“B–bakit ka sumunod?”
Ay, parang tanga! May pautal-utal pa talaga!
“Why didn’t you tell me?” sabi niya at imbes agad sumagot at pinangunotan ko talaga siya ng kilay.
“Ano na namang pinagsasasabi mo?” sabi ko na parang wala talaga akong alam kahit na medyo may hint ako sa kung ano ba’ng tinutukoy niya.
“I am asking you nicely, Saffyre Zell. Why didn’t you tell me?” pag-uulit niya.
Lumunok muna ako nang sunod-sunod. “Iyong sa Tatay ko ba? Hindi ko lang ’yon nabanggit nang maayos sa ’yo noon kasi hindi mo naman tinanong. Bakit ko naman sasabihin sa ’yo kung hindi ka naman nagtatanong? Para naman akong bida-bida n’on, at least itong mga friend mo nagtanong kaya nasabi ko—”
“You know that I am not pertaining about your Dad, Saffyre Zell,” aniya at ramdam ko na ang pagseryoso ng boses niya pati ang paseryoso ng mukha niya na kanina lang ay hindi mabasa ang ekspresyon.
Bigla siyang naglakad papalapit sa akin kaya ako naman ay tuluyang napasandal sa refrigerator. Ang siste ngayon ay nasa harap ko siya—as in face-to-face kami— hindi online classes. Charot! Ang kapal ng mukha kong mag-joke. Nerbyos na nerbyos kasi talaga ako sa mga oras na ’to.
“E–e, ano nga? Bahala ka, hindi ko alam—”
Bigla akong napahinto sa pagsasalita dahil sino ba naman ang makakapagsalita pa kung bigla niyang ibaba iyong mga labi niya sa tapat ng mga labi ko na para bang hahalikan niya ako pero parang hindi naman?!
“Tell me, Saffyre Zell. Why didn’t you tell me that you are craving for me?” tanong niya na amoy na amoy ko iyong mbango niyang hininga at parang ramdam ko na rin ang matamis niyang mga labi.
“B–bakit ko naman sasabihin?! A–ano namang gagawin mo?”
“’If only you did, wala siguro ang buong Paranoia ngayon dito sa bahay,” bulong niya na naman.
“B–bakit?”
“’Cause we would be in our bed while I am letting you satisfy your craving in any form you want… in any way you please. Shall we? Huwag na ba natin silang balikan?”
GAGO?! NAKAINOM NA BA ’TO?! CASSPIAN VREN!!!
—
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Huwag kabahan na nawala na naman ako. Hindi ko lang ni-post kagabi kasi need ko ayusin dahil hindi ganito ang orig kagabi. HAHAHA. Promise daily update talaga ito.
Sulit ang update ngayon, ano? HAHAHAHA. Enjoy muna kayo ngayon, sa susunod na tayo mag-iyakan—eme!
Bukas ulit!
Chapter XIV
SAFFYRE
“Napakatagal naman, Casspian. Sabi mo kukuha ka lang ng dagdag yelo—ay putang ina, porn na naman!”
Pareho kaming natigilan ni Casspian dahil sa biglaang pagsulpot na ’yon ni Alas na para bang sanay siyang nakakakita ng ganitong eksena.
“Y–yelo, oo, yelo pala!” kunwaring sabi ko at nagkukumahog talaga akong lumayas sa harapan ni Casspian.
“Bro, what the fuck?! Akala ko santo ka, may tinatago ka rin palang kamanyakan?” tanong ni Alas na tumatawa pa at parang hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nagkunwari akong busy na maghanap ng yelo sa cabinet kahit hindi naman mahahanap ang yelo sa cabinet. Parang gago lang talaga ako.
Aalis na sana ako nang makita kong papalapit sa akin si Casspian sa gilid ng mga mata ko at bilang assuming na citizen of the Philippines, lumipat ako sa ibang cabinet.
“I am not a pervert, Alas, stop accusing me,” sagot sa kaniya ni Casspian at mukhang may hinahanap din sa cabinet.
Paano ko ba ie-explain si Casspian? Basta masarap siya. Nakahubad, topless, bottomless, o may damit man ay masarap siya. Basta! Hindi ako maiintindihan ng kahit na sino at mas lalong ayaw kong maintindihan ako dahil baka makasakal ako.
“Gago! Kung hindi nga ako dumating malamang pinupulutan mo na si Saffyre! Ang sabi niya kukuha siyang pulutan, hindi ’yong sundan mo siya at saka mo siya pulutanin! Narinig mo lang na cravings ka niya naging super OA mo na,” buwelta na naman ni Alas and Casspian as the normal good boy of his era, parang wala lang sa kaniya iyon—kalmadong-kalmado pa rin talaga siya.
Hindi siya sumagot pero nagulat ako nang lumapit siya sa akin at biglang bumulong. “Let’s deal with your cravings later, Saffyre Zell,” aniya at literal na gumapang ang kilabot sa buo kong pagkatao—o baka hindi kilabot? Kilig? O baka baka mas tamang sabihin na gumapang ang kalandian sa pagkatao ko?
Nakakainis! Ang sexy ng pagkakasabi niya n’on!
“O kitam! Pabulong-bulong ka pa ngayon. Manyak ka talaga—aray!” Bigla siyang dinamba ni Casspian at niyakap ang leeg niya ng braso ni Casspian at saka siya hinatak palabas ng kusina pero bago sila tuluyang makalabas ay nilingon pa ako ni Casspian at saka kinindatan.
“Later,” kita kong bulong niya sa hangin bago ngumiti.
Hihimatayin yata ako sa kalandiang taglay ko, lintek na na ’yan! Kung hindi ba naman talaga ako malantong-lantong, talagang nakuha ko pang kiligin sa gestures niya na ’yon kaysa matakot. Sa lagay na ’to talaga may bata pa sa tiyan ko, paano na lang kung wala ’di ba? Sibak talaga!
“Anak?” Napalingon ako sa nagsalitang iyon at nakita ko ang Nanay na galing sa kuwarto niya. Naka-duster lang siya pero ang ganda-ganda talaga ng nanay ko.
“Yes po, Nanay kong pinakamagandang ina sa balat ng earth?” nakangiting tanong ko.
“Busy ka ba sa mga bisita mo? Puwede ba tayong mag-usap sandali?” tanong ni Nanay at hindi ko alam pero parang kinabahan ako kahit wala namang dahilan.
“Sige po, ’Nay.”
Inaya niya ako sa kuwarto niya at doon ako naupo sa kama niya. Ang lambot ng kama niya, malayong-malayo sa banig at sahig na hinihigaan namin sa luma naming bahay.
Tumabi si Nanay sa akin at hinawakan ang kamay ko at marahang hinaplos-haplos iyon. “Anak, patawarin mo ’ko, ha? Imbes na sana ay itaas ko ang pride ko at magalit kay Casspian sa nangyari sa inyo na nagresulta sa batang nasa sinapupunan mo, mas inuna ko pa ang puso ko bilang ina. Alam ko kasi ang pakiramdam na walang katuwang, kaya nang sabihin niya sa akin na pananagutan ka niya, ang saya ng puso ko at hindi ko na nagawang magalit,” mahabang sabi ni Nanay kaya napatingin talaga ako sa mga mata niya.
“Ano ka ba, ’Nay! Ayos lang po iyon. Pabor din naman po sa akin dahil may kakalakihan na tatay ang anak ko dahil syempre ayaw ko rin naman na maging tampulan siya ng tukso at tawagin na putok sa buho,” nakangiti kong sagot sa kaniya bago ko siya niyakap. “At saka, ’Nay, kasalanan ko rin naman dahil ginusto ko naman talagang magpabuntis kay Casspian dahil siya ang nakikita kong mag-aahon sa atin sa hirap. Ang naging problema ko lang talaga sa kaniya ay hindi ko alam na ganito siya kabait na para na siyang santo sa bait,” dagdag ko pa.
“Alam mo, anak, maganda lang talaga ang pagpapalaki ng magulang ni Casspian sa kaniya dahil ganiyang siyang klase ng tao. Kitang-kita mo iyong sinseridad at tulong niya na walang hinihinging kapalit,” sabi naman ng Nanay at naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko. “Kaya hiling ko lang sa ’yo, anak, kung ano mang gusot mayroon ka, si Casspian, at iyong kaibigan ninyong si Kalinn, sana mabigyang linaw ang lahat. Ayaw kong may masasaktan sa inyong tatlo, ha. Masyado kayong mababait na mga bata para masaktan,” dagdag pa ng Nanay at saka niya ako inihiwalay sa kaniya at marahang hinaplos ang pisngi ko.
“Nanay naman! Papaiyakin pa yata ako.”
“Hindi lang siguro ako makapaniwala na itong dalaga kong bukod sa sobrang bait at matulungin ay magkakaroon na ng sarili niyang supling. Alam kong magiging mabuti kang ina sa magiging apo ko dahil napakabuti mong anak sa amin ng Tatay mo. Sinalo mo na nga lahat ng responsibilidad at hanggang ngayon hindi mo pa rin kami naiiwan ni Garnette.”
Siguro maiintindihan ako ng marami kapag sinabi kong ibang magmahal ang mga panganay na anak. Siguro nandoon kasi iyong willingness namin to give without expecting anything in return. Taray naman ng english ko!
Pero isa rin siguro sa kaakibat ng pagiging panganay iyong katotohanan na hindi ka puwedeng bumagsak, masira, o bumigay dahil wala kang ibang kakapitan kundi iyong sariling tatag ng loob ko lang. Swerte ko lang din talaga dahil napakabait ng Nanay ko. Minalas na swerte lang din sa Tatay. Mabait naman ’yon kaso sugarol, e.
Nagpaalam na ako kay Nanay dahil baka mamay hinihintay na nila iyong pulutan pero inabot na ako ng siyam-siyam.
NAKAUWI na lahat ng Paranoia, si Casspian ay umakyat at nalito dahil ayaw niyang maamoy ko raw ang alak sa katawan niya. Si Jolina na lang ang nagpaiwan at kasalukuyang katulong ko siyang magligpit dahil anong oras na rin ayaw ko nang gisingin ang Nanay. Si Garnette naman ay siguradong tulog na rin dahil bawal sa kaniya ang abutin ng alas dyes ng gabi.
“Miss Saffyre, ako na po ang maghuhugas nitong mga ito—”
“Hay naku! Hindi na. Bukas na ’yan. Kaya ko naman gawin iyan bukas. Dito ka na lang ba matutulog? May bakante namang kuwarto. Gabi na rin baka kung mapaano ka pa sa daan,” pigil ko sa kaniya nang akmang dadalhin niya roon sa dirty kitchen iyong mga hugasin.
“Ay hindi po, Miss Saff. May dala naman po akong motor at saka may date po kami ng jowa ko bukas kasi wala naman pong lakad ang Sir Casspian gawa mang iaayos daw po ang iba n’yong gamit,” paliwanag niya.
Siguro ang sarap din friend nito ni Jolina kasi ang okay niya rin magsalita. Ewan ko ba, ramdam ko kasi agad sa pananalita kapag hindi ka-bet-bet ang isang tao. Ito kasi parang ang galang niya at ang kwela. Basta ang gaan ng awra niya.
“Sure ka ba? Kasi okay lang naman talaga—”
“Alam mo, Miss Saff, naiintindihan ko na ngayon si Sir Casspian bakit bukambibig ka niya kahit saan kami magpunta,” anito at hindi ko na naman alam paano ang ire-react ko. Kaka-confirm ko nga lang na pinangkukuwento niya ako kung kani-kanino tapos ito’t madadagdagan na naman ang malalaman ko.
“Upo nga tayo, Jolina. Gusto kong marinig iyang sinasabi ninyo na kinukuwento niya ako sa inyo,” sabi ko at inaya si Jolina doon sa terrace. “Gusto mo ba ng kape habang nagkukuwentuhan?” ganong ko nang makaupo na kami.
“Ay, hindi na po. Baka hindi po ako makatulog,” sagot naman niya. “Pero mabalik lang po ako sa kuwento ko, iyon kasing si Sir Casspian, Miss Saffyre, hindi po talaga iyon ma-chika, pero kapag napagawi na sa ’yo ang kuwento, dire-diretso na ang kuwento niya.”
“Kuwento gaya ng?” usisa ko.
“Halimbawa iyong nakaraan na nanghihingi ng pera iyong Lina na fling ni Sir Trayn sa kaniya, sumabat si Sir Casspian, ang sabi niya malayong-malayo raw ang ugali mo sa mga babaeng may lihim na motibo. Noong minsan kasi parang may natanong si Eva kung pera lang daw ba ni Sir Casspian ang hahol mo, grabe ang pagtatanggol ng Sir Casspian sa ’yo, Miss Saff. Sabi niya, never ka raw nanghingi ng pera o bagay na gagamitin mo pansarili. Kung may bagay ka raw na hihingin, laging para sa ikabubuti ng bata. Minsan nga raw, kahit kailangan mo na hindi mo pa hihingin. Sabi pa niya, alam niya raw na mali ang simula n’yo, pero hindi raw alam ipaliwanag kung bakit iyong nararamdaman niya ay parang tama—pero sabi niya hindi naman siya in love kasi gusto niya raw malaman nang dahan-dahan kung ano’ng nararamdaman niya para sa ’yo. Ayaw niya raw ipagkamali iyong nararamdaman niya para sa ’yo at para sa magiging anak n’yo,” mahabang kuwento ni Jolina at the whole time talaga ay ang attentive ko lang sa kaniya. Ewan ko pero halo-halo ang nararamdaman ko sa mga naririnig ko.
“Ano pa?”
Oh, parang gago talaga sa pag-uusisa, Saffyre?
“Ah iyong minsan pala. Sabi niya, ang dami niyang nalalaman sa ’yo everytime na pupunta siya sa inyo dahil nagkukuwento iyong bunso mong kapatid. Kung paano ka raw kumayod para sa pamilya n’yo. Na since twenty-one years old ka raw, ikaw na talaga ang may sagot ng lahat sa bahay ninyo. Na kung minsan daw nakikipaglabada ka, plantsa, nagmamasahe, nagma-manicure at pedicure, at nakiki-extra sa mga pizza-han, habang nagi-waitress ka raw sa gabi. Naku, Miss Saff, kung maririnig mo lang paano ka ipagmalaki ni Sir Casspian, sure ako malulusaw ang puso mo. Sa totoo niyan kahit kahi niyang dine-deny na in love siya sa ’yo, sa ilang buwan na bukambibig ka niya, parang iba ang sinasabi niya sa inaakto niya. Baka hindi lang sure ’yon si Sir pero ako sure ako na in love siya sa ’yo—”
“Jolina.”
“Ay, Sir Casspian!” Nagkagulatan talaga kami dahil biglang umentra si Casspian sa connecting door ng sala papunta dito sa terrace.
“It’s past midnight. Do you want to sleep here?” tanong niya.
Sheteng inang ’yan! Sobrang sarap niya! Naka-robe siya tapos tumutulo-tulo pa iyong buhok niyang mahaba. Nakakainis! Ang sarap-sarap ng tatay mo, anak ko!
“Ay, hindi po. Uuwi ako, Sir. Aalis na nga po ako nito, e. Lagay ba lovelife mo lang ang masaya?” biro pa ni Jolina at saka na ito tumayo at nagpaalam. “Bye, Miss Saff. To more chismis sa pagkikita natin ulit.”
Nakaalis na si Jolina at tatayo na sana ako nang bigla na lamang siyang lumapit at ilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang arm rest ng inuupuan ko.
“Do you have something to say?” aniya at pinangunotan ko talaga siya ng noo.
Pinagsasasabi mo na naman, Casspian?
Iyong patak ng tubig galing sa buhok niya, tumutulo sa mga hita ko. Nakakainis kasi ang sarap niya lalong tingnan!
“W–wala.”
“Well, I do.”
“Ha?”
“I have something to tell you,” aniya na naman at parang gusto ko siyang itulak dahil unti-unti talagang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.
“A–ano?”
“I said we’ll take everything smoothly,” bulong niya at naaamoy ko iyong mint smell sa bibig niya pero nandoon pa rin iyong kaunting amoy ng alak.
“O–oo nga. O tapos?”
Gago naman, Saffyre! Pautal-utal ka pa. Kapag nahipan ka ng masamang hangin matutuluyan ka talagang tanga ka!
“I said we’ll take it slowly.”
“Oo rin. O–oo nga sinabi mo ’yon.”
Sagot-sagot lang ako pero sa totoo lang iyong kabog ng puso ko parang pa-out na siya sa rib cage ko. Para namang kasing sira-ulo ’tong si Casspian. Bakit ako ginaganito!
“But…”
Ano na naman ’yang lintek na but na ’yan?
“A–ano?”
“Do you want to satisfy your cravings now?”
Sheteng inang ’yan! NAKAKA-TEMPT NAMAN!
“H–ha?”
“I am asking you if you want to satisfy your cravings now, Saffyre Zell. It’s just the two of us now. So…” Sinadya niyang bitinin ang sinasabi niya at nilapit ang mga labi niya sa mga labi ko na as in isang sinulid na lang ang pagitan ay maglalapat na. “…do you want me now? Shall I let you taste heaven for real?”
GAGI?! ANO BA ’YONG UNA NAMIN? FREE TRIAL LANG BA ’YON SA HEAVEN? MAY MAS IBOBONGGA PA?! YOU MEAN, MAY MAS ISASARAP PA SIYA?!
—
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
BUKAS ULIT!
Chapter XV
SAFFYRE
Kung puwede lang magdabog, malamang sa alamang ay ginawa ko na. Kung puwede lang manakit ng katpatid na may sakit sa puso, siguro napagdadagukan ko Garnette.
Alam mo ’yong nandoon ka na? Iyong muntik ka nang sumakses?! TAPOS BIGLA SIYANG NAGSISIGAW DAHIL NAGHAHANAP NG MAKAKAIN SA GANOONG ORAS? GARNETTE, NAMAN!
“Oh, bakit sambakol ’yang mukha mo?” tanong sa akin ni Lara. Oo, magkasama kami ngayon dahil sisingilin ko ang lintek na ’to sa pipti kyaw ko!
“Langit na naging bato pa,” nakanguso kong reklamo sa kaniya.
Kunot-noo lang ang naisagot niya sa akin dahil wala naman siyang alam sa pinagdadaanan ko sa buhay ko. “Oh, pera mo. Vakla ka, hindi ko ’yan dinispalko. Hindi ko ’yan balak angkinin, hindi ko lang talaga alam paano kong ibibigay sa ’yo. Wala ka sa tuwing pupunta ako sa bahay n’yo!” histerya niya sa akin.
Wala naman akong maisagot. Paano ko naman sasabihin sa kaniya na kay Casspian na kaming nakatirang buong pamilya at hindi niya na kami matatagpuan sa iskwater? Baka biglang kalbuhin nito lahat ng buhok na mayroon ako kapag nalaman niya.
“Pero, vakla, bumibilog ka na,” sabi niya at parang bigla akong ninerbyos. Walang alam ’tong si Lara kasi masasampal ako nito at sa katabilan din ng bibig nito, makikita ko na lang talaga na nasa TV kami ni Casspian kapag nagkataon.
“Marami lang pambili ng pagkain lately,” kabadong sagot ko pero hindi ko pinahahalata.
“Siguro nakahanap ka na ng afam, ano? Sabihan mo naman ako. Pagod na rin ’tong keps ko sa mga hindi kalakihan magbigay,” usisa niya pero paninindigan ko talagang wala at hindi ako buntis. Delikado talaga kay Lara.
Nagtawan-tawanan lang ako kunwari. “Gaga, saan naman ako kukuha ng afam? Afamfangan lang matatagpuan ko rito sa atin, walang afam na masarap.”
Charot! Hindi lang afam ang natagpuan ko, Lara, kung alam mo lang. Mesherep na afam na may pinunlang binhi sa akin.
“Sayang talaga ’yang ganda mo, Saffyre. Ayaw mo ba kay Dwight? Lately lagi kang hinahanap sa akin n’on. Mukhang type ka niya. Vakla, mayaman ’yon. Ayaw mo ba roon? Sobrang pogi pa. Kung ako lang talaga, vakla, kahit day and night at tuwing ihi lang mamamahinga, iga-grab ko ’yon si Dwight!”
Hindi ko alam pero kahit nandito naman kami sa mall, napalingon-lingon talaga ako na para bang baka may makarinig sa mga sinasabi niya—o baka si Casapian mismo ang makarinig, yari talaga ako. Kung bakit yari ako, ewan ko rin. Basta feel ko lang, bakit ba!
“Okay na ako sa buhay ko, Lara. Mahirap din kung sakali iyong si Dwight. Hindi pa tapos magmahal ng iba,” biro ko na lang para lang hindi niya na i-push pa.
“Oh siya, bahala ka. Aalis na ako, vakla, hinatid ko lang talaga ’yang pera mo. May booking pa ako,” paalam niya at saka pa ako bineso-beso na para bang may ari kami ng Dior at Chanel. “Bye!”
Ako naman inubos ko iyong milk shake na in-order ko kaninang naghihintay kay Lara. Sayang naman ’to, napakamahal pa man din at two-hundred pesos ang isa dahil sugar cane raw mismo ang ginamit na pampatamis.
Saktong patayo na sana ako nang tumunog bigla ang telepono ko.
Casspian Vren calling…
“Hello?”
“Where are you, Saffyre Zell?” tanong niya sa kabilang linya. Hindi kasi ako nagpaalam diyan tapos sa tabi pa ako ni Nanay natulog kagabi kaya talagang hahanapin ako niyan. Nasanay na rin ako na talagang buong pangalan ko ang pagtawag niya.
“Somewhere over the rainbow,” biro kong sagot pero parang hindi naman siya natuwa sa kabilang linya dahil narinig ko talaga iyong buntonghininga niya.
“I am serious, I am really asking where are you right now. I will fetch you,” kalmado niyang sabi. Halata namang mapapatid na ’yong pisi niya sa akin pero talagang marami siyang pampahaba.
“May m-in-eet lang ako na tao rito sa mall, don’t worry. Pauwi na rin ako nito huwag mo na akong sunduin ay baka may makakita pa sa ’yo, ayoko ng gulo at tsismis. May gusto ka ba o baka si Nanay may gusto kainin? Bibilhin ko na—”
“You, I want you. Come home now.”
Sheteng inang ’yan! Grabeng magpa-fall! Grabeng magpakilig! Paano naman akong aahon, Casspian Vren?!
“Ang landi mo! Kaaga-aga!” singhal ko sa kaniya at doon ko na narinig iyong mahinang tawa niya.
“Please, come home now. I am waiting. Ayaw mo naman magpasundo. Take care, okay?” Tumango-tango ako na para bang nakikita niya ako bago ko pinatay iyong tawag.
Hay, anak. Ayokong dumating talaga ang araw na fall na fall na ako sa Tatay mo dahil sa kakaganito niya, tapos siya normal treatment lang niya pala ito sa lahat.
INABOT din ako ng tanghali sa bago nakarating ng bahay. Pasado ala una na rin kaya’t talagang nagugutom na ako. Pagka-traffic-traffic ba naman! Parang hindi nagmahal ang gasolina, lahat talaga nakasasakyan pa!
Saktong pagpasok ko ng gate ay naabutan ko si Casspian sa terrace ng bahay na nakatanaw sa akin—na para bang kanina niya pa akong hinihintay.
“Kumain ka na?” tanong ko bago ko inabot sa kaniya iyong dala ko. Dumaan kasi ako sa bilihin ng empanada sa labas ng mall, gusto kasi iyon ni Nanay. “Try mo ’yan, tapos share mo si Nanay at Garnette, gusto nila ’yan,” dagdag ko.
“I was so worried it took you three hours to arrive,” sabi niya at kita ko talaga iyong pag-aalala sa mukha niya. Hindi iyong galit na pag-aalala, iyong talagang worried na ewan?
“Sorry na, promise next time magsasabi agad ako—”
“SAFFFFFFFFFF!” Napalingon ako sa sigaw na iyon at nakita ko si Kalinn na kalalabas ng connecting door.
Ewan ko ba, ilang araw ko rin siyang hindi nakita kaya talagang napasugod ako ng yakap sa kaniya. “Kumusta ka?” sobrang excited na tanong ko.
“I missed you, Saff and my inaanak,” aniya at saka lumayo ng yakap sa akin bago ako hinalikan sa pisngi at yumuko para halikan ang tiyan ko.
“Sorry, ha. Hindi man lang din talaga kita nakumusta nitong mga nakakaraan sa dami ng ganao tapos inatake pa si Garnette—”
“Ay! I already told you to stop saying sorry to me everytime, ’di ba? It’s not your obligation naman and promise I was just okay for the past few days. Medyo mas marami lang ang pahinga ko kaya hindi rin ako nakaka-phone,” sabi niya at marahan pang hinaplo-haplos ang tiyan ko.
“Let’s get inside, Kali. Hindi pa ’yan kumakain, sure ako,” sabat ni Casspian sa usapan namin.
Pumasok na kami ng bahay at nagulat talaga ako dahil sa kusina ako inakay ni Kalinn. Nadatnan namin doon ay ginisang ampalaya, pritong tilapia, at minatamis na saging. Lahat talaga ng mga paborito ko!
“Casspian cooked and prepared everything, Saff,” pagbibida ni Kalinn. “Pagdating ko naka-ready na ’yan. Super effort! Si Nanay pala at si Garnette ay nagpunta ng school to inquire raw para doon sa homeschooling ni Garnette.”
Tiningnan ko si Casspian at hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil kita ang pamumula ng mga tainga niya—siguro at nahihiya kasi binuking siya ni Kalinn.
“Kumain ka na ba, Kali? Sabayan mo na ’ko—”
“Oh, no. I have my meal plan. Sorry, Saff. Kailangan kong sumunod sa meal plan ko. I already ate sa bahay,” nakangiting paliwanag niya.
“Ikaw, Casspian?” tanong ko.
“Just eat,” sagot lang niya sa akin.
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog nang magkakasunod at telepono ni Kalinn na parang ang daming pumasok na messages.
“Sorry, Saff, ha. Gusto ko pang makipag-catch up sa ’yo pero kailangan ko nang umalis. Nandyan na si Dad sa gate, may appointment na naman kasi ako sa hospital,” paliwanag niya. “And can I ask you two to drop by doon sa condo na binili ko para sa small family ninyo? Wala lang para lang magka-chance kayo na magkasama together. Sure naman ako nahihiya kayo kay Nanay at kay Garnette kaya hindi kayo makapaglabing-labing dito,” mahaba niyang bilin at hindi ko alam pero ramdam ko talaga ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
“Kalinn!” sita ko na ikinatawa niya.
“Bye na talaga. I love you, Saff and my inaaanak!” paalam niya bago ako muling hinalikan at ang tiyan ko at tuluyan nang lumabas ng bahay.
Nilingon ko si Casspian kasi expected ko na ihahatid niya si Kalinn sa gate pero hindi talaga siya natinag at nakatingin lang siya sa akin.
“B–bakit?” Si gaga, nag-utal-utal na naman!
“Why do you seem so nervous now that it’s just the two of us, Saffyre Zell?” tanong niya pero parang hindi naman tanong kasi parang confirmation!
Nagkunwari akong naiinis bago ko siya sinagot. “Nervous pinagsasasabi mo? Ang kalmado ko nga kasi gutom ako!” lakas-loob na sagot ko kahit sa totoo lang parang nanginginig na ang tuhod ko.
“You escaped last night,” sabi na naman niya at saka siya naglakad patungo sa likod ko at humawak sa magkabilang balikat ko.
Sheteng inang ’yan! Oh, paano ko naman ’to pakikitinguhan?!
Ampalaya ang nasa harap ko pero itong nasa likod ko ay parang langgam na gustong mamapak ng matamis.
Halos tumaas yata lahat ng buhok ko sa katawan nang maramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa gilid ng leeg ko at marahan siyang bumuga roon ng mainit na hangin.
“C–Casspian Vren,” kabadong tawag ko sa kaniya at talagang nanalangin ako na sana hindi ungol ang rehistro ng tawag ko na iyon sa kaniya.
“You asked what I want, right? And what if it is you?”
Gago, in heat ba ’to?!
“Casspian, g–gusto ko lang naman kumain—”
“Eat now. No one is trying to stop you,” bulong niya pa rin habang nasa gilid pa rin ng leeg ko ang mga labi niya.
Anong no one is trying to stop you? Ayaw mo nga akong tigilan sa kalalandi mo!
“P–please naman.”
“Please what?”
Ano ba’ng tunog ng please ko na ’yon? Please go on, ganoon ba? Jusmeyo!
“H–hayaan mo ’kong makakain,” kabadong paliwanag ko kahit na tangang-tanga na ako sa sarili ko.
Halos panawan ako ng talino kong wala naman talaga namg maramdaman ko ang mga dalirin niya na humaplos sa kabilang gilid mg leeg ko na para bang gusto niya talagang pag-initin ako!
Casspian, marupok ako kaya nga nabuntis mo ako tapos gaganiyan-ganiyan ka naman!
“C–Casspian, please….” Literal na naging ungol na iyong pagtawag ko sa pangalan niya dahil sinabayan niya na ang haplos niya ng malilit na halik sa kabilang gilid ng leeg ko.
“Please what? Tell me.”
Talagang papanawan ka ng bait kung ganito siya.
Inipon ko lahat ng composure na mayroon ako bago ako nagsalita nang hindi nauutal.
“Sabi mo slowly and smoothly. Bakit ginaganito mo ’ko?” mahinang bulong ko.
Nagulat ako nang biglang tumungo sa mas mataas na parte ng leeg ko ang mga halik na kaninang nasa gilid ng leeg ko lang. This time, mas naging basa pa ang mga halik niya ngunit dahan-dahan at para bang ingat na ingat.
“This…” bulong niya. “…slowly…” muli niyang bulong at saka nag-iwan ng mabagal na halik malapit sa mga labi ko. “…and smoothly,” dagdag na bulong niya bago unti-unting umakyat ang mga halik niya patungo sa gilid ng tainga ko na lalong ikanadagundong ng dibdib ko.
Gago. Nakakabaliw.
—
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Chapter XVI
SAFFYRE
At kung paano ko natakasan ang sitwasyon na iyon? Pasasalamat na lang talaga sa anak kong nasa tiyan ko dahil kung hindi ay tuluyan na akong bumigay sa Tatay niya, bonus na rin ang pagdating nina Nanay at Garnette dahil tuluyan ko na-hold back ang sarili ko sa kalandian ko na ’yon.
Sunod-sunod na katok ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Dito pa rin ako natutulog sa kuwarto ni Nanay kasi hindi pa kami tapos mag-ayos ng mga gamit.
Katatapos ko lang maligo at si Nanay naman ay nandoon sa garden dahil siya pala ay isang dakilang planlola .
At dahil sanay akong naglalakad nang nakatapis lang ng tuwalya sa bahay namin, basta ko na lang binuksan ang pinto at nakita ko ang gulat na mukha ni Casspian.
Wow! Kung makaakit-akit siya sa akin kagabi para na siyang lion king na handang manlapa ng biktima niya, tapos ngayon gulat siya sa itsura ko na para bang we never did the deed?!
“I’m sorry,” agad niyang sabi at hahatakin niya nasa ’yong doorknob pero agad ko siyang pinigilan.
“Nahihiya ka ba?” kunwaring takang tanong ko.
“Wear something first then we’ll talk—”
“So nahihiya ka nga?” pang-aasar ko pa rin sa kaniya.
Tatawa-tawa lang ako nang bigla na lamang niyang itulak ang pinto at bigla siyang pumasok sa loob at saka niya iyon isinara.
“Are you teasing me?” kunot-noong tanong niya sa akin at bigla akong hinapit sa baywang at sinandal nang marahan sa pader sa gilid ng pinto kaya napindot tuloy ng katawan ko iyong switch ng ilaw kaya biglang dumil dito sa kuwarto.
Kanina lang ang lakas-lakas ng loob ko, ngayon ayoko na kasi nakaka-stress pala kapag inasar mo ang mabait na tao!
“J–joke lang! Ito naman parang hindi mabiro,” kabadong sabi ko at itutulak ko sana siya nang bahagya nang mas paglapitin niya pa ang mga katawan namin.
Akala ko magsasalita siya pero nagulat ako nang unti-unti niyang ibaba ang mukha niya papunta sa mukha ko. Oo, aninag ko na siya kahit paano dahil nag-adjust na ang mga mata ko sa dilim.
“C–Casspian? B–Baka mahuli tayo ni Nanay,” kabadong bulong ko dahil papalapit na talaga ang mukha niya sa mukha ko particularly iyong mga labi niya!
“You get to tease me and you don’t think that I will do the same to you? No. Let Nanay see us, Saffyre Zell. Let’s both suffer for what you did,” sagot niya at ito na naman ang paghahalukay-ube ng kalamnan ko na hindi mo malaman kung kinakabahan ba o nae-excite. Pereng tenge ne nemen!
Sobrang lakas ng pakiramdam ko na anytime ay papasok na si Nanay rito sa kuwarto at talagang makukurot na ako sa singit n’on kapag nakitang wala man lang akong saplot at tapis lang nitong tuwalya ang ganap ko!
Nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga na padampi na sa mga labi ko nang biglang pumihit ang pinto kaya mabilis pa sa alas kuwatro ko siyang naitulak na talagang tumaob siya sa kama. Mabilis ko rin binuksan ang ilaw.
“Oh, anak. Hindi ka pa nagbibihis? Akala ko pupunta kayo ng ospital ni Casspian?” tanong ni Nanay na nasa bungad ng pinto. Hindi pa siya tuluyang pumapasok kaya balik-balik ang mata ko sa kaniya at kay Casspian na ngayon at nakaupo na sa gilid ng kama at may nakakalokong ngiti sa mga labi niya.
“Magbibihis na po, Nanay. Wait lang po kayo muna riyan,” sabi ko at mabilis ko nang sinara ang pinto.
Hindi ko alam pero para naman akong nakahinga nang maluwag dahil doon pero itong tao sa harap ko parang balak talaga akong gantihan nang husto.
“Lumabas ka na!” inis kong singhal sa kaniya.
“Nasa labas lang si Nanay. You want her to see me going out?” pang-aasar niya na naman.
Bigla naman akong napaisip kasi totoo naman. Malalaman nga ni Nanay na nandito lang siya sa loob.
“Magbibihis ako, Casspian naman!”
“Then get dresses in front of me, matapang ka, ’di ba?” pang-aasar pa rin niya at honestly gusto ko na siyang sapukin!
Kapag talaga ako biglang naghubad sa harap nito aatakihin sa puso ’to, e. Kung hindi ko pa sana siya nakitang nahihiya kaninang makita niyang nakatapis lang ako tapos ngayon gaganituhin niya ako? Argh!
“Tumalikod ka!”
Wala naman kasing banyo na sarili ’tong kuwarto ni Namay dahil malapit sa kusina hindi kagaya n’ong kuwarto ni Garnette sa itaas at kuwarto ni Casspian. Iyong kuwarto ko naman hindi ko pa nabibisita kasi wala naman sinabi si Casspian alin doon ang gagamitin ko.
“Ayaw.”
Para akong may batang kausap sa kaniya dahil ang lakas niyang mang-asar! “Casspian, naiinis na ’ko sa ’yo!”
“Okay lang, lalo kong magiging kamukha ang anak natin,” sagot niya na talagang gusto niyang pumitik ang buwisit ko!
“Hindi! Tataguan kita ng anak kapag hindi mo ’ko tinigilan sa kakaasar mo—”
Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil nakita ko iyong gulat sa mga mata niya dahil sa sinabi ko at nakita ko rin kung paano siyang biglang nagpalit ng mood na kanina lang ay pang-aasar, ngayon ay hindi na ma-explain.
“Don’t say that again, Saffyre Zell. I can’t and… don’t think of ever doing that thing. Baka hindi ko kayanin,” sabi niya at parang ako naman ang na-guilty sa sinabi ko.
“S–sorry.”
“Get dressed. Tatalikod ako,” seryosong sabi niya kaya’t iyon naman ang ginawa ko.
NASA private clinic na kami ng Dra. Cecille Cabanag ngayon pero the whole time para talagang wala akong kasama dahil hindi nagsasalita si Casspian kahit sa sasakyan.
Feeling ko, sobra iyong naging pang-aasar ko sa kaniya to think na iyon pa ang sinabi ko. Sobrang nakaka-guilty talaga iyong naging reaction ni Casspian.
“Hi!” masiglang bati sa akin ni Doktora. “Kumusta ka?”
Naupo kami ni Casspian sa mga upuan sa harap ni Doktora. “Ayos lang naman po, Ma’am. Ngayon n’yo po titingnan iyong heartbeat niya tama po ba ako ng alala?” tanong ko.
Magkakasunod naman na tumango si Doktora. “Change ka muna ng hospital gown natin,” utos nito sa akin. “Ate Vivian, makibigyan nga po si Saffyre ng hospital gown para makapagpalit na siya,” baling naman nito sa assistant niya.
Agad kong sinunod ang utos ni Dok pero naririnig ko silang nag-uusap ni Casspian.
“How is Kalinn, Cass?” tanong ni Dok.
“She’s doing fine, Auntie, sana nga at magtuloy-tuloy, also I want to thank you for taking care of Saffyre and our baby and for keeping everything a secret to the media,” dinig kong sagot ni Casspian.
“Red and Franzess was once my clients too. Don’t worry your child and wife—I mean, did you marry her na ba?”
Mahabang katahimikan ang nangibabaw pero wala na akong narinig na kasunod na sagot n’on kaya nagdesisyon na akong lumabas.
Nilingon ko si Casspian at nakita kong may hindi maipaliwanag na emosyon na naman sa mukha niya. Butil-butil din ang pawis niya samantalang napakalakas naman ng aircon dito sa clinic.
“Lie down,” utos ni Dok habang tinatapik-tapik niya iyong kama sa harap ng ultrasound area.
Inayos na niya iyong aparato at nilagyan niya ng white gel ang tiyan ko bago niya pinaikot-ikot doon ang hawak niyang aparato.
Kinakabahan ako at parang sasabog na talaga ang dibdib ko.
Kasi paano kung walang heartbeat ang baby ko? Paano kung may komplikasyon pala? Paano kung may hindi pala magandang nangyayari sa kaniya sa loob ko?
“Relax, Saff,” utos ni Dok at bahagya akong nginitian pero ang awkward ng ngiti niya kaya’t lalo akong kinabahan. Nakatingin lang ako the whole time sa monitor sa machine.
Naramdaman ko na lang bigla na may humawak sa kamay ko at nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Casspian na marahan nang pumipisil sa kamay ko na para bang sinasabi niyang magiging ayos lang ang lahat.
“M–may problema po ba?” tanong ko.
Nagbuntonghininga si Doktora bago niya ako nilingon at ngumiti sa akin nang bahagya. “Come back next week so we can repeat the ultrasound. For now, bibigyan muna kita ng ibang meds. You can change now,” utos nito sa akin.
Gusto kong manghingi ng clarification sa kung bakit kailangan ulitin ang ultrasound pero hindi ko magawa dahil natatakot ako nang sobra.
Inalalayan ako ni Casspian pero ramdam ko rin ang pag-aalala niya.
Nang matapos ako ay bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. “Sorry ayaw kong mag-overthink ka kaya uulitin natin ang ultrasound next week para ma-sure natin. Medyo faint kasi ang heartbeat ni baby. Iwasan ang ma-stress and mabibigat na trabaho lalo ang paggalaw-galaw. You’re on your first trimester, Saff, be extra-extra careful. Okay?”
Hindi ko man lang nagawang makahinga nang maluwag sa sinabi ni Dok lalo roon sa faint ang heartbeat ng anak ko.
Nang matapos kami ay agad nang binili ni Casspian ang mga gamot doon sa assistant ni Doktora at ako naman ay nauna na sa sasakyan. Nanlalambot ang mga tuhod ko at para akong nakalutang.
Nang makasakay na rin si Casspian ay inabot niya sa akin ang mga gamot pero parang wala akong lakas sa kahit anong bagay—kahit pa abutin lang ang mga gamot na ’yon.
Hindi niya na ipinilit ang pag-abot, ipinatong na lang niya sa dashboard.
“Paano kung mawala ang anak natin, Casspian? Paano kung hindi pala siya para sa atin? Parang mawawala na lang din ako n’on—”
“Saffyre Zell, please…” bulong niya na parang nagmamakaawa na. “…don’t ever say those things again. I am begging you.”
Hindi ko naiwasan mapangiti nang mapait. “Ganoon ka ba katakot na mawalan ng anak, Casspian? Kaya ganoon ka rin ka-OA sa biro ko kanina?” I sounded sarcastic at hindi ko iyon napigilan.
“Sorry I overreacted.”
“Ayos lang. Wala naman akong magagawa, e. Ikaw ang bumubuhay sa amin,” buwelta ko na naman na alam kong punong-puno ng hinanakit. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nahkakaganito ngayon.
Pinindot niya ang push button ng sasakyan kaya’t sumindi na ito ngunit hindi niya pa rin pinaandar. Hinarap niya ako at nakita ko ang lungkot sa abo niyang mga mata na para bang may pagmamakaawa ka pang makikita.
“I overreacted because I am in constant fear, Saffyre Zell. Natatakot akong mawala kayo sa akin dahil lang hindi ko pa ma-offer ang pagmamahal na alam kong deserve mo. I have this fear of being left alone since you two came in my life. Natatakot ako na isang araw mawala ka na lang talaga at iwan ako dahil lang wala akong mabigay na assurance na sasapat sa ’yo. I am trying my best… but I don’t know if that will be enough to make you stay.”
Nakita ko ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata niya.
“I want to have a family with you. I want to spend my old days with you. Pero bakit ganoon? Bakit parang sa tuwing gugustuhin kong makasama ka sa habambuhay… ang tingin mo ay ginagampanan ko lang ang obligasyon ko?”
“Ayoko nang makipag-usap—”
“Am I not worth risking for, Saffyre Zell? Hindi mo ba kayang sumugal sa akin?”
—
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Please do comment para naman nakakasiglang maglapag ng chapters. HAHAHAH.
Chapter XVII
SAFFYRE
Kung hindi ako sumugal sa ’yo, wala sana tayo rito. Gusto ko sanang isumbat ang mga salitang ito pero hindi ko magawa. Hindi ko alam pero nanatiling tikom ang bibig ko.
“I am not forcing you to feel anything now, Saffyre Zell. Just please stop thinking that I am doing everything just because of a mere obligation. Hindi ganoon ’yon at kahit kailan ay hindi magiging ganoon,” patuloy niya dahil ibinaling ko na ang tingin ko sa kabilang bahagi ng sasakyan palayo sa kaniya.
Akala ko ay tapos na siya pero nagulat na lang ako nang naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko na para bang gusto niya akong pakalmahin na hindi ko naman maipaliwanag.
“Ano ba, Casspian?” iritadong wika ko at balak ko sanang tapusin ang kamay niya pero pinigilan ko ang sarili ko.
“Sorry. I didn’t mean to do make you feel this way. I just can’t understand myself… kapag ikaw ang kasama ko, pakiramdam ko dapat lagi akong magsabi ng totoo at dapat lagi kong sabihin ang totoong nararamdaman ko. I don’t know why does it have to happen whenever I am with you.”
Ito na naman ako na parang nalulusaw na naman ang ngitngit mg dibdib ko dahil lang sa mga salita niya—na pagdating sa kaniya, wala na lahat ng pader na mayroon ako kahit gaano pa katayog.
Hindi ko naman maipagkakaila na gusto ko si Casspian, pero hindi sapat ang pagkagusto ko sa kaniya para matawag kong pagmamahal dahil alam ko sarili ko na kaya ko pa ring mabuhay na wala siya—na kahit ilabas ko ang batang ito, hindi namin siya kakailanganin, puwera lang sa sitwasyon ng pamumuhay namin at ng sitwasyon ni Garnette… doon, alam kong kakailanganin ko siya kahit pa maging walanghiya ako.
Sobrang gulo ng utak ko, siguro dahil na rin sa narinig kong mahina ang heartbeat ng anak ko kaya lalo akong naging ganito kaemosyonal at ayoko man nito ay wala akong magawa.
“Umuwi na lang tayo. Pagod na ako at ayaw ko na munang makipag-usap sa ’yo. Sa tingin ko wala akong masasabing maganda ngayon at ayokong sobra tayong magkasira dahil doon. Iayos natin ’tong sitwasyon natin maturely. Hindi naman na tayo mga bata para magsumbatan. Pagod na ’ko,” paliwanag ko sa kaniya at doon ko na naramdaman ang pag-alis ng kamay niya sa buhok ko.
“Just tell me what you want to eat first then I will shut my mouth. Mas importante sa akin ang gutom mo kaysa sa galit mo,” aniya at pigil na pigil talaga akong mapangiti sa narinig ko.
Punyetang hormones kasi ’to!
“Kahit ano—”
“Just tell me specifically para maibigay ko sa ’yo, kahit imposible gagawan ko ng paraan.”
Para akong batang inaalo gamit ang pagkain pero dahil talagang nagugutom na kami ng anak ko wala akong magawa.
“Kalderetang baboy na hindi ginamitan ng tomato paste, nilagang baboy na dapat walang pamintang buo at repolyo, kanin na dapat dinorado na mahahaba at mapuputi iyong butil, minatamis na saging na nakahiwa ng maninipis na hindi overripe tapos may sago at may langka. Iyan lang, walang mahirap diyan,” sagot ko at saka na ulit ako bumaling sa kawalan.
Pasalamat siya’t madadali lang ang naiisip ko. Noong nakaraan ang gusto kong kainin ay tinolang paa ng manok pero dapat walang kahit anong buto akong makakagat, tapos sago’t gulaman na walang kulay pero dapat may arnibal.
TITIG na titig sa akin si Garnette habang kumakain ako. Wala siyang magagawa dahil sobrang takam na takam ako sa kinakain ko at lahat ng sinabi ko sa kaniya kahit hindi siya naglista ay natandaan niya.
Kahit naiinis ako sa kaniya, dito ko talaga napatunayan na ang talino ni Casspian at napakatalas ng memorya.
“Hindi mo ba ako bibigyan? Sobrang damot mo naman, baka bumonjing ka naman diyan!” inip na sabi ni Garnette dahil kanina niya pa ako hinihintay na matapos.
Hindi ako madamot sa pagkain pero iba ang pakiramdam ko ngayon—basta’t ayaw kong mamigay!
“Manahimik ka riyan at baka sakalin na lang kita. Sa akin ’to!” singhal na sagot ko naman sa kaniya.
“Isusumbong kita kay Kuya Casspian—”
“Tanga, kahit pagbuhulin ko pa kayo,” putol ko sa kaniya bago pa ako bumelat.
Wala kang aasahan sa Kuya Casspian mo, Garnette. Nag-away kami. Hindi gagawa ’yon ng mga bagay na lalo kong ikaiinis. Gusto ko sanang ibida kay Garnette kaso baka isipin niya ang tapang ng apog ko at ang kapal ng hiya ko kaya huwag na lang.
Nilayasan ako ni Garnette dahil sa kadamutan ko pero wala akong kiber, tinuloy ko ang pagkain ko hanggang sa huminto na ako dahil napagkakalahati ko na lahat ng ulam at nakatatlong sandok na ako ng kanin. Nakaka-stresss kasi feeling ko lolobo ako nang husto.
“Anak, puwede kayang doon ka na sa bagong kuwarto mo matulog?” nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Nanay na kalalabas ng kuwarto niya.
“Ayaw mo na po ba akong katabi?” tanong ko nang nakanguso.
“Hindi naman. Inayos ko na kasi iyong kuwarto mo sa taas at alam kong nahihirapan ka na rin makatulog sa lakas ng hilik ko. Hindi pa naman maigi sa ’yo ang maya’t maya nagigising at napupuyat. Sige na at sa taas ka na matulog,” mahabang paliwanag niya na nakuha ko naman ang punto.
Hindi ko pa nakikita ang kuwarto na iyon at ngayon lang kami magtatagpo kung sakali. Maski nga iyong kuwarto ni Garnette hindi ko pa nasisilip.
Iyong kuwartong binigay sa akin ni Casspian ay katabi ng kuwarto niya pero pinakadulo ang akin. Ang kuwarto naman ni Garnette ay pinakadulo sa kabilang wing. May anim kasing kuwarto sa taas.
“Opo na, ’Nay,” sagot ko na lang kasi talo naman na rin ako.
“Sige na at umakyat ka na, ako na rin ang magliligpit diyan sa kinainan mo. Alam kong mamayamaya siguradong aantukin ka na,” sabi niya pa kaya’t napatango na lamang ako at sumunod.
Umakyat na ako sa kuwarto ko at kahit nadaanan ko ang kuwarto niya hindi ko man lang talaga nilingon kasi ayoko talaga at nasi-stress pa ako sa nga ganap niya at sinabihan ako ni Doc na bawal akong ma-stress.
Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang kulay peach na kuwarto na sobrang aesthetic. Dati sa mga reel ko lang ito napapanood pero ngayon talagang tutulugan ko na.
Malaki ang kama at halatang malambot. May sariling vanity mirror kaya hindi ko maiwasan mapangiti.
Pangarap ko lang kayo dati.
Dahan-dahan kong inihiga ang katawan ko sa malambot na kama habang nakabitin ang mga paa ko at nakatapak pa rin sa sahig. Sobrang bango ng paligid pati nitong comforter. Para akong cinderella na biglang nagbago ang buhay.
Hindi ko naiwasan na mapahawak sa tiyan ko dahil sa mga ganap na ito.
“Anak, sabi ni Doc mahina ang heartbeat mo. Kapit ka lang, anak, ha? Hindi kakayanin ng nanay kapag nawala ka riyan. Susubukan namin ibigay lahat ng gusto mo, huwag ka lang mawawala sa amin,” bulong ko habang hinihimas-himas ang tiyan ko.
Hindi ko alam pero parang unti-unti akong tinawag ng antok na imbes na paglabanan ay talaga namang kinampihan ko.
Wala pa sa kalaliman ang tulog ko nang maramdaman ko ang pagpasok ng isang tao sa kuwarto ko pero dahil nga inaantok ako, hindi ko mawari kung ano’ng tinatakbo ng utak ko.
“Why do you have to sleep like that?” sabi ng taong ito at naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere. Hindi ko naman maidilat nang maayos ang mga mata ko dahil nananaig sa akin talaga ang antok at hindi na rin ako magtataka dahil ganito ang mga buntis base sa mga nabasa ko.
Naramdaman kong ibinaba ako nito at ipinuwesto nang maayos bago ko naramdaman ang marahang paghaplos nito sa buhok ko paangat.
“You really are beautiful like an angel, Saffyre Zell. Sana makuha ng anak natin ang mukha mo, I would be glad to take good care of a mini version of you. I just can’t wait for our baby’s arrival,” bulong niya habang patuloy pa rin ang paghaplos niya sa buhok ko.
Tipo bang parang ngawit na ngawit na ako sa posisyon ko, tumagilid ako at iniyakap ang isang braso ko sa baywang ng taong ito na kasalukuyang humaplos sa buhok ko.
“When I first saw you, I just don’t know why but I felt the urge to kiss you. My head might be blurry that night but I was sure as hell that I genuinely admired your smile and how you looked at me,” patuloy niya.
Naiintindihan ko ang nangyayari pero hindi lang gaanong nagpoproseso. Alam kong gusto kong sumagot pero parang tamad na tamad na ang buong katawan kong kumilos at lalo ang magsalita.
Huminto ang paghaplos niya sa buhok ko. Gusto ko man tuluyang idilat ang mga mata ko pera sobrang tamad na tamad na ako at inaagaw na talaga ang ulirat ko sa akin.
“I think I should leave now. I am fighting my urge to kiss you now and I don’t want to do anything to you while you are half awake and without your consent,” bulong niya naman at akma na siyang tatayo pero parang bigla akong nagkaroon ng lakas na hatakin siya.
“Cass….” Alam kong binulong ko ang mga salitang ito.
“Saffyre—”
“Sorry,” bulong ko ulit at mas nilakasan ko pa ang hatak ko sa kaniya para tuluyan nang maglapit ang mga mukha namin.
“Can I not hold back?” bulong na tanong niya.
Ngumiti lang ako bilang sagot bago ko tuluyang naramdaman ang paglapat ng mainit, malambot, at basang mga labi niya sa mga labi ko na mabilis niya rin namang binawi.
“Casspian….” mahinang daing ko na kung mapapakinggan ay tunog reklamo.
“Tell me to stop, Saffyre Zell… just tell me to stop.”
“No….”
—
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Hindi po nawala amferson. May masakit lang. Hehe. Bukas ulit!

