Devil's Kiss - On Going
Nickolai214 · 3 chapters · 4,357 words
Characters
Main: Jako Iriola Kristoff Buenavista Riley Salvador
Supporting: Jake Gavin Iriola Hanna Cariño
Ivan Gutierrez-Certeza Rafael Certeza
Sylvia Iriola Gabriel Iriola
Harris Buenavista Miguel Arcega-Buenavista Vance Buenavista Maisie Buenavista
Episode 1
Devil’s Kiss
J
ako
Halos magdidilim na nang makauwi ako ng San Isidro.
Dahil sa sama ng loob ko sa pagkabasted sa akin ni Ivan ay niyaya ko ang mga tropa ko na mag-inuman sa isang kilalang bar sa Olivares.
Doon ay nilunod ko na ang sarili ko sa alak saka ako nagpakasaya. Masakit ang pagtanggi sa akin ni Ivan ngunit ang ipinagtataka ko ay kung bakit pakiramdam ko ay ayos lang ang lahat.
Madaling araw na nang inihatid ako ni Nigel sa tapat ng bahay namin. Nag-offer na rin siya na ihatid ako hanggang sa loob dahil lasing na ako ngunit ipinilit ko na kaya ko ang sarili ko.
Napapailing na lamang siya na inihatid ako hanggang sa may gate. Naglakad na ako papasok sa main door.
Madilim na sa loob ng kabahayan nang pumasok ako.
Hindi na ako nag-abala pa na magbukas ng ilaw. Tinalunton ko ang daan patungo sa hagdan.
Kumapit ako ng mahigpit sa hamba ng hagdan habang umaakyat ako. Masaya ako na naglakad patungo sa silid ko. Humming a song na kahit ako ay hindi alam kung anong awitin ba iyon.
Napangisi ako saka ko ipiniling ang ulo ko dahil sa kabaliwan na ginagawa ko.
Nakadama ako ng alinsangan saka ko nilakasan ang aircon sa loob ng silid ko na bahagya ko nang napansin na bukas na pala.
Nagsimula na akong alisin isa-isa ang mga damit ko saka ko na lamang itinira ang boxers ko.
Dahil hilong-hilo na ako ay nakapikit na akong dumiretso sa kama at marahan kong ibinagsak ang sarili ko doon.
Napangiti ako saka ko ipinasok ang katawan ko sa loob ng kumot. Napakatagal na rin mula nang umuwi ako sa bahay ng ganito kalasing.
Halos makulingling noon ang mga tenga ko dahil sa walang katapusang sermon sa akin ng parents ko. Pati na rin si Kuya na daig pa si Mama kung magbunganga.
Malamang na bukas ay uulalin na naman ako ng sermon at kailangan ko nang ihanda ang sarili ko.
Gumulong ako patungo sa gitna at nagtaka ako nang may makapa ako na isang matipuno at hubad na katawan ng lalaki sa ibabaw ng kama ko.
Niyakap ko iyon saka ko sinamyo ang kanyang balat. Shit! Ang bango at ang tigas ng mga muscles.
Bahagya na siyang gumalaw nang marahil ay maalimpungatan siya sa ginawa kong pagsalat sa maskuladong dibdib niya.
Oh Shit! Saan ba nanggaling ang lalaking ito at bakit napakasarap niyang yakapin.
Dinampian ko pa ng masusuyong halik ang hubad na likuran niya saka ko pinasadahan ng pasaway na dila ko ang masarap niyang balikat.
Naramdaman ko na napabalikwas siya ng bangon ngunit malakas ko siyang hinila payakap at muli ay napaatras siya na napahiga sa kama.
“Fuck!” narinig kong usal ng baritonong tinig niya na kay sarap sa pandinig.
“Kung panaginip lang ito ay ayoko nang gumising.” unconsciously ay sambit ko without knowing na totoong nangyayari ang lahat at hindi ko alam ang ginagawa ko.
“What is a perfect man like you doing in my bed? Hindi mo ba alam na nakakaturn-on ka?” playful na sambit ko.
Isang mabilis na pagbangon ang ginawa niya. Tumayo siya sa gilid ng kama. Binuksan niya ang lampshade saka niya ako binalingan.
“Shit! What the heck! What are you doing, man?” frustrated na sambit niya.
Napamulat ako ng mga mata nang mapagtanto ko na hindi ako nananaginip.
Sumalubong sa akin ang isang napakagwapo at maskuladong lalaki na hubad baro at tanging puting brief lang ang suot.
Napalunok ako at nawala ang lahat ng antok ko nang mapatitig ako sa napakalaking bagay na nasa loob ng brief niya.
Marahan akong nag-angat ng tingin sa kanya at nakita ko na magkasalubong ang mga kilay niya. Nakakunot din ang noo niya habang nakatunghay siya sa akin.
Ngunit nang mapagmasdan niya ako ay nakita ko ang paglambot ng anyo niya at isang ngiti ang nakita ko na mabilis na sumilay sa labi niya.
Nanlaki ang mga mata ko saka ako napakurap-kurap.
This man is perfect. Lahat ng muscles sa katawan niya ay perpekto ang pagkakaukit. Handsome is an understatement. He is devilishly handsome. That’s the right term to use.
“W-who are you?” naguguluhang tanong ko.
Isang pilyong ngiti ang nakita kong sumilay sa mga labi niya saka siya sumagot.
“Kristoff, Jake’s friend.” sabi niya.
“Ah, hehe sige matutulog na ko. Lasing ako eh.” sabi ko saka ko mabilis na ibinagsak ang katawan ko sa kama.
Buwisit ang tanga ko talaga. Magpapalusot na lang hindi pa kapani-paniwala. Pero nandito na ako. Bahala na.
“Hey, bakit mo ginawa sa akin iyon? Bading ka ba?” tanong niya. Naririnig ko sa tinig niya ang amusement.
Fuck! Nakakahiya ang ginawa ko. Mabuti na lamang at madilim sa loob ng silid ko. Sa palagay ko kasi ay halos mapula pa sa kamatis ang buong mukha ko dahil sa sobrang pagkapahiya.
Bakit ba kasi dito pa pinatulog ni kuya ang kaibigan niya? Wala na akong mukha na maihaharap sa lalaking ito.
“Hey,” tawag niya sa akin saka niya tinapik ang balikat ko. “Wake up!”
Hindi ako gumalaw. Nagpanggap na ako na nakatulog. Kahit anong mangyari ay hindi na ako magmumulat pa ng mga mata.
Mas lalo kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman ko na nakaupo na siya sa kama ko at marahil ay pinagmamasdan ako.
“Alam kong gising ka.” narinig kong sambit niya sa tonong naa-amuse.
“Umayos ka na diyan. Makikitabi muna ako ah.” paalam niya saka ko na naramdaman ang paghiga niya sa tabi ko.
Bahagya akong nagmulat ng mata ngunit hindi ako nagtangka na gumalaw. Kapag gumalaw ako ay mahahalata niya na gising nga talaga ako.
Tang-ina naman kasi. Bakit ko ba kasi minolestiya? Ganoon na ba ako kalibog?
Napakalamig ng silid pero pinagpapawisan ang mukha ko dahil sa tindi ng pressure na nararamdaman ko.
Muli na naman naglaro sa isip ko ang magandang katawan niya at ang malaking bagay na nakita kong nakaumbok sa brief niya.
Lihim na akong napailing saka na ako muling pumikit.
“Huwag mo akong gagapangin. Baka maidala kita sa langit.” pilyong biro niya saka na siya nag-ayos ng higa.
Tangina neto nang-aalaska pa. Bahala ka diyan. Basta hindi ako gagalaw kahit na anong mangyari.
Naramdaman ko ang bahagyang paghila niya sa kumot at itinakip niya iyon sa ibabang bahagi ng katawan niya.
Nararamdaman ko na rin ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang ako napahiya sa sarili ko ng ganito.
Hindi rin ako nakatulog kaagad dahil sa presensiya ng lalaking ito sa mismong kama ko.
Nangangawit na ako sa puwesto ko dahil kung paano ko naibagsak kanina sa kama ang katawan ko ay ganun pa rin ako ngayon.
Halos ilang minuto pa ang matulin na lumipas ay pinakikiramdaman ko lang ang masarap na lalaki sa tabi ko.
Hindi na rin ako nakatiis at kunwari ay gumalaw na ako upang makapagpalit ng puwesto.
Humarap na ako sa gawi niya saka ko siya pinagmasdan. Malapad ang mga dibdib niya at malaki ang mga braso.
Para siyang hunk sa mga asian series na napapanood ko. Makinis ang balat. Nakikita ko iyon sa kabila ng kadiliman sa loob ng silid ko.
Naramdaman ko na gumalaw ang ulo niya saka siya sumulyap sa akin. Mabilis akong pumikit at nagpanggap na tulog pa rin.
Narinig ko pa ang bahagya niyang pagtawa saka na siya nag-ayos ng higa patalikod sa akin.
“Matulog ka na. Huwag mo na akong pagnasahan.” pilyong sambit niya.
Gago to. Mayabang ka ah. Inis na bulong ko sa isip ko.
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog pero nang magising ako ay mataas na ang araw.
Wala na rin sa tabi ko ang lalaking nakitulog sa silid ko. Nakahinga ako ng maluwang.
Sana panaginip lang ang kagabi. Sabi ko sa isip ko.
Sinubukan ko nang bumangon ngunit gumuhit ang matinding kirot sa ulo ko. Shit! Nagka-hangover pa ako.
Napapikit ako at ilang sandali akong nagbabad sa kama bago ako nagpasya na muli nang bumangon.
Mabilis akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at mag-ayos na ng sarili. Nakaligo na rin ako nang magpasya ako na lumabas.
Hawak ko na ang doorknob nang mapaatras ako. Bigla ko kasing naisip. Paano kung nasa labas pa pala yung lalaki na iyon?
Napangiwi ako saka ako inis na inis na naglupasay sa kama ko. Tangina dis. Ayoko nang lumabas.
Pero nakaramdam na ako ng pagkalam ng sikmura ko. Nakasimangot ako na napatingin sa tiyan ko habang hawak ko iyon.
Bahala na. Magpapanggap ako na lasing ako at wala akong natatandaan sa nangyari kagabi.
Jako, galingan mo ang acting. Magpaka-artista ka naman. Dignidad mo ang nakasalalay dito. Pagmomotivate ko sa sarili ko.
Mabilis na akong lumabas ng silid ko. Nakahinga ako nang makarating na ako sa kusina at kahit anino ng lalaki ay hindi ko nakita.
Kumakain na ako ng sandwich nang bigla na lamang pumasok sa kusina si Kuya. Pawis na pawis siya at parang galing sa workout.
“Good morning, bunso.” masiglang bati niya sa akin.
“Good morning!” sagot ko naman.
Halos mabulunan ako nang makita ko ang lalaking kasunod niyang pumasok.
Mabilis akong uminom ng juice dahil nauubo na ako sa biglaang pagkalunok ko sa kinakain ko.
Tawa naman ng tawa si Kuya at nakita ko rin ang mga pilyong ngisi sa mga labi ng hudyong lalaki na ito.
Halos mamula ako sa pagkapahiya saka na ako nagkunwari na busy sa kinakain ko.
“Siya nga pala. Kaibigan ko, si Kristoff.” pakilala ni Kuya sa kasama niya bago niya ito binalingan. “Kris, si Jako.”
“Hi! Feel at home!” sabi ko habang mabilis ko lang siya na sinulyapan. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya dahil sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari kagabi.
Bakit ba kasi sa dami ng lalaki siya pa ang naka-encounter ko sa loob ng silid ko kagabi.
“Nice to meet you, Jako.” nakangiting sabi niya.
Hindi ko na sila pinansin at nagfocus na ako sa kinakain ko.
“Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?” narinig kong tanong ni Kuya pero dahil akala ko ay ang kaibigan niya ang kausap niya ay hindi ko na lang siya pinansin.
“Kinakausap kita hoy,” sabi niya.
“H-ha?” napapitlag na baling ko sa kanya.
“Sabi nitong si Kristoff ay lasing na lasing ka raw na umuwi.”
Sinulyapan ko si Kristoff at nakita ko ang pilyong ngiti sa mga labi niya. Ako na rin ang mabilis na nag-iwas ng tingin.
Nakakabuwisit na ang lalaking ito sa totoo lang.
“Napasarap lang ang inuman namin ng mga tropa ko. Hindi ko namalayan na nakarami na pala ako.” sabi ko.
“Alam mo ba kung ano ang ginawa mo kagabi?” tanong ni Kuya.
Halos manigas ako sa kinauupuan ko dahil sa kaba na bumundol sa dibdib ko.
Tangina nitong lalaki na ito. Sinabi ba niya kay Kuya ang nangyari? Shit talaga siya!
Binalingan ko sila na kasalukuyan na ring kumakain ng sandwich saka ko sinikap na ikalma ang sarili ko.
Jako, panindigan mo na ang plano mo kanina. Lasing ka kagabi at wala kang natatandaan sa mga nangyari.
“Ginawa? Bakit, ano bang ginawa ko?” painosenteng sagot ko.
Ngumisi naman ng nakakaloko si Kuya saka niya ako makahulugan na tiningnan.
“Hindi mo alam?” dudang kumpirma niya.
“Nalasing ako. Pag-uwi ko nakatulog agad ako. Hindi ko na nga matandaan kung paano ako nakauwi.” pagsisinungaling ko saka ko sinabayan ng oa na pagtawa.
Nakita ko pa rin sa anyo ni Kuya na hindi siya kumbinsido. Mabilis kong kinain ang sandwich ko saka ko ininom ang juice ko.
“Mauna na ako sa inyo. May gagawin pa ako.” paalam ko saka na ako mabilis na kumaripas ng lakad palayo sa kusina.
Hindi ko na nga rin tinangka pa na lingunin sila pero nararamdaman ko na pinagtatawanan ako ng gago kong kapatid.
Buwisit!
Habang paakyat ako sa silid ko ay naglaro na naman sa isip ko ang nangyari kagabi.
Ang masusuyong paghalik ko sa makinis niyang likod. At ang pagdila ko sa malapad niyang balikat. Heaven!
Nang mapagtanto ko kung ano ang naglalaro sa isip ko ay napasimangot ako saka ko pabagsak na naisara ang pinto.
Dinama ng mga daliri ko ang mga labi ko na dumampi sa masarap na katawan ni Kristoff.
Gago ka talaga, Jako! Kung kumilos ka ngayon ay para ka nang bading na teenager na kinikilig sa crush niya.
Hindi ko siya crush! Never! Tanggi ko sa isip ko.
Episode 2
Devil’s Kiss
Kris
Ngisi ang sumilay sa mga labi ko nang mabasa ko ang invitation na ipinadala sa akin dito sa bahay.
Hindi ko maitago ang magandang mood ko at napansin pala ng makulit na bata na nasa tabi ko.
“Kuya are you insane?” tanong niya habang nakalagay sa mukha niya ang dalawang palad niya habang nakapatong sa sofa ang mga siko niya.
Luminga ako sa paligid saka ako sumigaw. “Miggy! Paalisin mo nga dito yung batang maliit. Inaasar na naman ako.” hiyaw ko.
Umismid si Maisie saka niya ako inirapan. Natawa ako. Malditang bata talaga.
“Hmp! That’s why hindi kita gusto. Mabuti pa si Kuya Vance love niya ako.” sabi niya saka na siya nagtatakbo paakyat sa itaas.
“Love din naman kita ah.” sigaw ko pero hindi na niya ako pinansin.
Naiiling na lang ako habang tumatawa. Nakakatuwa talaga siyang asarin. Mabilis napipikon. Parang yung kilala kong tao noong nasa highschool pa ako.
Nakangiti pa rin ako nang muli kong pagmasdan ang invitation. Ilang sandali pa ay tumayo na ako saka ako umakyat sa kwarto ko.
Mabilis kong hinubad ang t-shirt na suot ko saka ko iyon inihagis sa laundry basket.
Pagkatapos ay napahinto ako nang mapadaan ako sa harapan ng salamin. Pinagmasdan ko ang katawan ko. Hindi naman ako nadisappoint sa nakikita ko.
Maganda na rin ang katawan ko noon pero hindi ito umubra sa baliw na…
Napailing ako saka na ako nagpasya na magtungo sa banyo. Binuksan ko ang shower saka na ako nagsimulang maligo.
Kailangan ay maipasok ko ngayong araw sa bangko ang perang kinita ng hacienda para sa buwan na ito. Kundi ay malilintikan na naman ako kay Kuya Harvin.
Noong nakaraang buwan ay nakalimutan ko ang iniutos niya. Sandamakmak na sermon na naman tuloy ang inabot ko.
Matapos akong makapagbanlaw ay isinuot ko na ang robe ko saka ko pinunasan ang buhok ko bago ako lumabas ng banyo.
Hindi pa man ako nakakapagbihis ay nag-ring na ang phone ko na nasa kama. Shit!
Mabilis ko iyong dinampot saka ko sinagot. “Hello!” nakangiting bungad ko.
“Siguraduhin mo na gwapo ka kapag pumunta ka sa anniversary ng parents ko.” simula ni Jake.
“Bakit? Marami bang magagandang babae ang dadalo sa party na yan?” sakay ko sa biro niya.
“Babae ba ang gusto mo? Ayaw mo ba sa brokenhearted na baby brother ko?” sagot niya.
Natigilan ako. Brokenhearted? Naku-curious man ako ay hindi ko na lang inusisa pa si Jake.
“Siraulo ka talaga.” sagot ko na tinawanan lang ni gago.
Natawa naman si Jake. “Gago seryoso ako. Sinaktan na naman ng tarantadong Ivan na yun ang kapatid ko. Ewan ko ba kay Jako masyadong nagpapabulag sa malditang ex- boyfriend niya.”
Hindi ko na sinagot pa si Jake. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko.
Inalis ko na lang sa sistema ko ang pag-iisip ko kay Jako. Pero pilit na nagsusumiksik sa isip ko ang pagdampi ng mainit ma labi niya sa hubad na katawan ko.
Sa halip na ubusin ko ang oras ko sa walang patutunguhan na kahibangan ko ay nagpasya ako na gawin na lang ang iniutos sa akin ni Kuya. Pagkatapos ay ginugol ko ang maghapon ko sa taniman ng mangga. Nag-aani na kasi kami at kailangan ng tatao doon.
Nagpapahinga ako sa sala bandang alas nueve ng gabi nang lapitan ako ni Vance.
“Labas tayo.” nakangisi na bungad niya sa akin.
“Ayoko pagod ako.” sabi ko dahil sa totoo lang ay mabigat din ang katawan ko. Wala ako sa mood na lumabas at parang gusto ko na lang ipahinga.
“Kunsabagay. Mas ok nga na wag ka na lang lumabas. Delikado pala sa bar ngayon. Nakita ng friend ko sa Blue Ridge ang tarantadong lalaki na to.” sabi niya saka niya iniharap sa akin ang screen ng cellphone niya.
Nakita ko si Jako sa isang facebook live na kinukuhanan ng kung sino mang kaibigan ni Vance.
Makikita sa video na tipsy na si Jako habang nakikipagsayaw sa kung sinu-sinong lalaki na nasa dance floor.
Kumuyom ang kamao ko dahil hindi ko kayang makita na sinisira ni Jako ang sarili niya dahil lamang sa walang kwentang Ivan na iyon.
“Hindi ba siya yung kinabaliwan mo noong nasa highschool tayo? Bago tayo pinatapon ni Kuya Harvin sa Amerika.” sambit ni Vance. “Napakalandi pa rin pala niya.”
“Huwag mo akong simulan, Vance.” sagot ko sa kanya.
“Totoo naman diba? Matapos mo siyang mahalin at ipagtanggol noon ano ang ginawa niya?” puno ng hinanakit na sambit niya.
Napailing siya bago siya muling nagsalita. “Kahit lagi tayong magkagalit noon ay nasaktan pa rin ako dahil sa ginawa sayo ng Jako na yan. Muntik ka na ngang mamatay diba?”
“Stop it! Damn you! Don’t even go there!” galit na bulyaw at banta ko sa kanya. Binubuksan na naman niya ang napakatagal nang issue.
“Pinagtatanggol mo pa rin siya matapos ang ginawa niya sayo? He’s a murderer.”
“Fuck! Sabi ko tumigil ka diba?” galit na sambit ko at hindi ko na nakontrol ang sarili ko.
Sinuntok ko si Vance. Dahil hindi niya inasahan na gagawin ko iyon ay natumba siya sa sahig.
“Kristoff!” malakas na sigaw ni Kuya Harvin dahilan upang mapalingon ako sa itaas.
Sinikap ko na pakalmahin ang sarili ko pero nagagalit talaga ako.
“Pagsabihan mo ang gago na to na pakialaman ang sarili niya.” duro ko kay Vance.
“Parausan ng mga driver.” dugtong ko saka ako mabilis na naglakad palabas ng villa.
“Kristoff!” tawag sa akin ni Kuya pero hindi ko siya pinansin. “Kristoff!” ulit niya sa maawtoridad na tinig.
Ngunit hindi niya ako madadaan ngayon sa pagiging superior niya. Nagagalit ako at kailangan kong ilabas ito. At mailalabas ko lang ito kung aalis ako ng bahay.
Kahit pa tinatawag ako ni Kuya ay nagpatuloy lang ako sa paglabas ng villa.
Sinipa ko pa ang gulong ng kotse ko nang makarating na ako doon. Mabilis akong sumakay at nagdrive ako palabas ng hacienda.
Dumiretso ako sa Blue Ridge upang bawiin ang sa tingin ko ay matagal nang para sa akin na pilit inaagaw ng iba. Pagkatapos ay itatapon lang na parang basura kapag pinagsawaan na.
Nang maiparada ko ang sasakyan ko ay dali dali na akong pumasok sa loob sa pagbabakasakali na maabutan ko pa si Jako doon.
Hindi ko inasahan na matapos ang ilang taon na paghihiwalay namin ay makakadama pa rin ako ng ganito katinding attachment sa kanya.
Hindi rin ako naniniwala na hindi ako nakilala ni Jako nang gabing makitulog ako sa bahay nila. Sinasadya niya iyon, ang magpanggap na hindi niya ako nakilala.
Subalit hindi ko na papayagan pa na makawala pa siyang muli sa akin. Ilang taon kong sinikap na pigilan ang nararamdaman ko. Dahil akala ko ay iyon ang tama. Dahil akala ko ay iyon ang kailangan.
Pero ngayon ay iba na ang sitwasyon. Sisiguraduhin ko na tuluyan nang mawawala sa buhay niya si Ivan.
Halos ikutin ko na ang buong bar. Sinisipat ko ang bawat tao na makita ko sa loob pero kahit anino ni Jako ay hindi ko nakita.
Nabangga pa ako ng isang lalaki at balak pa yata niyang maghamon ng away. Pero nakilala ako ng isa sa mga kasama niya na kaklase ko nung highschool. Kilala ako na basagulero kaya inawat siya nito.
“Pare pasensya na. Mainit lang ang ulo nitong kaibigan ko.”
“Bakit ka humihingi ng pasensya. Sino ba yan?” maangas na sabat ng nakabangga ko.
“Pare tama na.” pigil ni Amiel sa kasama niya.
Kung sa ibang pagkakataon lang ay baka pinatulan ko na ang gago na to. Pero mas nangingibabaw sa akin ngayon ang pag-aalala kay Jako.
Mabilis ko na silang iniwan saka ko inikot muli ang loob ng bar. Nang hindi ko na talaga makita si Jako ay nagpasya ako na lumabas na lang.
Inis ako na sumakay sa sasakyan ko saka ako nagdrive. Balak ko na daanan ang bahay nila para malaman ko kung nakauwi naba siya.
Hindi rin kasi sinasagot ni Jake ang tawag ko dahilan kung bakit lalo akong nainis.
Nasa main road na ako patungo sa barangay nina Jako nang mapadako ang tingin ko sa may park malapit sa simbahan.
Nakita ko si Jako na nakaupo sa isang bench na nasa gilid ng daan. Nakataas ang dalaawang paa niya at nakapatong sa tuhod niya ang mga braso niya habang nakatingala siya sa madilim na kalangitan.
Mabilis kong inihinto ang sasakyan ko sa gilid ng daan saka ako mabilis na bumaba.
Dahil nasa tapat lang niya ako ay naagaw ko ang atensyon niya kaya marahan siyang napabaling ng tingin sa akin.
Nagtama ang tingin namin at nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya.
Nang makabawi siya mula sa pagkabigla ay sinikap niyang magkunwari na normal lang ang lahat.
“Uh… Oh!” kunwari ay reaksyon niya. “Ikaw yung kaibigan ni Kuya Jake diba?” sabi niya ngunit hindi na bebenta sa akin ang kalokohan niya sa sandaling ito.
“Ako rin yung lalaking nagmahal at nagpakabaliw sayo six years ago.” mabilis at galit na sagot ko.
Bumuka ang labi niya ngunit hindi siya mabilis na nakaisip ng isasagot.
“A-Ano?” pagmamaang-maangan niya.
“Huwag mo na kong paikutin pa Jako. Hindi ako ipinanganak kahapon para magpauto sa mga pakulo mo. Bakit ka nagpapanggap na hindi mo ako kilala?” matigas at seryosong tanong ko sa kanya.
Ibinaba niya ang mga paa niya mula sa bench saka siya kunwari na naguguluhan bago siya tumayo at humarap sa akin.
“H-Hindi ko alam ang sinasabi mo. Noong nakaraan pa lang kita nakilala at wala na akong balak pa na palawakin pa ang ugnayan natin.” sagot niya.
Nagtagis ang mga ngipin ko dahil nagsisimula na akong mainis. Ngunit sinikap ko pa rin na ngumisi habang nakatitig ako sa mga mata niya.
“Gusto mo bang ipaalala ko pa sayo?” sarkastikong sabi ko sa kanya.
“Sinakyan kita sa laro mo noong nakaraan. Pero ngayon na nakikita ko kung paano mo sinisira ang sarili mo ay babawiin na kita.” matigas na dugtong ko.
Natawa naman siya saka siya napailing. “Nababaliw ka na.”
“Oo baliw ako! Kahit alam ko na wala akong halaga sayo ay nandito pa rin ako. Nagpapakatanga!” hiyaw ko.
“Hinayaan kita na lumayo sa akin noon dahil akala ko ay magiging masaya ka sa Ivan na iyon. Pero sa nakikita ko sayo ngayon…”
Napailing ako saka ko siya pinagmasdan nang may panghihinayang.
“Hindi na kita papayagan pa na maligaw ng landas. Magalit ka na kung magagalit ka pero hindi na kita pakakawalan pa.”
Mabilis ko siyang nilapitan at dahil hindi niya inasahan ang gagawin ko ay madali ko na siyang nabuhat sa pagpupumiglas niya.
“K-Kristoff! Anong ginagawa mo, ibaba mo ako. Ano ba?” sigaw niya. Naaagaw na niya ang atensyon ng mga tao na dumadaan kaya mas binilisan ko na ang mga kilos ko.
Kahit nahihirapan ako dahil sa pagpupumiglas niya ay naisakay ko pa rin siya sa sasakyan ko.
Mabilis na rin akong umikot patungo sa driver’s seat saka ko pinatakbo nang mabilis ang sasakyan.
“Saan mo ko dadalhin? Itigil mo yan. Ibaba mo ako.” sigaw niya pero alam niya na maaari kaming maaksidente kung guguluhin niya ako sa pagdadrive kaya hindi na siya nagtangka pa na gawin iyon.
Nagpatuloy lang ako sa pagda-drive hanggang sa lumabas na kami ng Cervantes at maging ang San Isidro ay nilampasan na rin namin.
Nagagalit na sa akin si Jako pero wala akong pakialam sa galit niya. Mamaya kami magtutuos kapag nadala ko na siya sa malayong lugar.
Nang makarating kami sa bayan ng Carmen ay tinahak ko ang main road patungo sa bayan ng Rosales.
Pagdating sa Rosales ay bigla nang nagtanong si Jako. “Saan mo ba ako dadalhin?” aniya sa mahina ngunit kababakasan ng iritasyon na tono.
“Sa resthouse na nabili ko dito sa Rosales. Malapit ito sa Casiguran Beach at mula sa bahay ko ay matatanaw mo ang buong Rosales.” sagot ko.
“Hindi ba mahilig ka sa beach? Tuwang-tuwa ka nga noon nang dalhin kita sa hacienda diba?”
“Noong unang beses na kidnapin mo ako at ngayon ay inuulit mo.” sarkastikong sagot niya.
Napangiti na lang ako saka ko na ipinasok ang sasakyan sa isang paakyat na daan patungo sa bulubundukin.
Nang marating namin ang bahay ay mabilis akong bumaba saka ko binuksan ang gate.
Pagkatapos ay muli akong sumakay sa sasakyan saka ko na iyon ipinasok sa loob ng bakuran ko.
Mabilis naman na bumaba si Jako nang sa wakas ay buksan ko ang lock ng pinto sa gawi niya.
Malamig ang klima sa lugar na ito at dahil madaling araw na ay medyo malakas din ang ihip ng hangin.
Mabilis kong hinubad ang jacket ko saka ko iyon ipinatong sa katawan ni Jako. Napapitlag pa siya nang bigla ay mahawakan ko ang palad niya.
Iniharap ko siya sa akin at tumingala naman siya sa akin.
Magkahinang ang mga titig namin at napagmasdan ko na naman sa malapitan ang magagandang mata niya.
Hindi ko na sinayang pa ang pagkakataon. Nang masulyapan ko ang mapulang mga labi niya ay tinahak na ng ulo ko ang natitirang espasyo sa pagitan ng mga labi namin.
Hinalikan ko nang masuyo si Jako kasabay ng pagpikit ko sa mga mata ko. Naramdaman ko ang palad niya na umangat patungo sa balikat ko at ang isa naman ay sa dibdib ko.
Naramdaman ko na lang na masuyo na rin niyang iginagalaw ang mga labi niya. Tinatanggap ang bawat halik na iginagawad ko sa kanya.
Nagtagal din iyon nang halos kalahating minuto. At nang matapos ang napakasarap na halik na pinagsaluhan namin ay marahan akong kumalas.
Nakatitig pa rin ako sa mga mata niya at kagaya noon ay hindi ko pa rin talaga mabasa ang sinasabi ng mga iyon.
“Please, stay with me.” masuyong bulong ko sa kanya saka ko siya niyakap nang napakahigpit.
Doon na mabilis na nagbalik sa amin na parang rewind ang lahat ng alaala mula sa nakaraan naming dalawa.

