loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
DG Series #1: Captive Heart

DG Series #1: Captive Heart

lhiamaya · 50 chapters · 134,623 words

A/N

Warning 🔞

Read at your own risk!

Sa mga hindi nakakakilala kay Lorenzo, kung nabasa nyo na ang Love Me Angel friend po sya ni Jeiz 🤗

Chapter 1

This story is dedicated to Aitan_Yin thank you sa pagpapagamit ng name mo ;)

Lorenzo

UMAALINGAW NGAW ang tunog ng bawat suntok ko sa punching bag sa buong sala. Pinagpapawisan na rin ako at buhay na buhay na rin ang dugo ko. Ilang malalakas na suntok pa ang binitawan ko pagkatapos ay hinubad ko na ang gloves at nag push up naman. Alas singko y medya pa lang naman ng umaga at alas syete ang duty ko ngayon. Pagkatapos ng ika dalawampung push up ay tumayo na ako at muling umakyat sa ikalawang palapag ng bahay ko kung nasaan ang kwarto ko.

Hinubad ko ang natitira kong saplot at hubo’t hubad na pumasok ng banyo. Tumapat ako sa shower at binuksan ito. Pagkatapos kong magshower ay nag ahit naman ako dahil medyo humahaba na ang bigote at balbas ko. Ng makuntento ay lumabas na ako ng banyo at nagbihis na ng uniporme. Sinuot ko na rin ang combat shoes ko. Binitbit ko na ang Beretta 92 ko, wallet at cellphone paglabas ng kwarto. Dumiretso muna ako ng kusina para mag almusal. Nilabas ko sa ref ang ulam na niluto kagabi ni mang Estong at ininit sa oven. Nagtimplaa naman ako ng kape. Nakapagsaing na ako kanina sa rice cooker pagkagising ko. Sanay kasi ako na kanin ang umagahan para may lakas ako sa buong umaga. Lalo na sa nature ng trabaho ko hindi pwede ang lalata lata. Ng maiinit na ang ulam ay nagsandok na ako ng kanin at kumain.

“Papasok ka na ba Lorenzo?” Tanong ni mang Estong na nasa labas ng gate at nagwawalis na. Nakatira lang sya sa tabi ng bahay ko kasama ang asawa at sila na rin ang naging katiwala ko sa bahay.

“Oho mang Estong maaga ako ngayon sa checkpoint.” Sabi ko.

“O sige ako na ang magbubukas ng gate.” Sabi nya at binitawan ang walis. Pumasok sya sa maliit na gate at binuksan na ang malaking gate.

Pumasok naman ako sa pick up truck ko at binuhay na ang makina. Inatras ko na ito palabas ng garahe.

“Alis na ho ako mang Estong, kayo na ho ang bahala sa bahay.” Bilin ko.

“Walang problema Lorenzo.” Sabi nya at sumaludo pa.

Sinarado ko naman ang bintana at pinausad na ang sasakyan. Marami ng tao sa labas ang mga naglalakad at mga aligaga. Mga estudyante na papasok sa eskwela at mga tao na papasok naman sa trabaho.

Ang bayan ng Inocencia ay sentro ng komersyo ng lalawigan. Kung ang San Agustin na pinakamalaking bayan sa buong lalawigan ay kilala sa taniman ng mga tubo na pagaari ng mga Alejos, ang San Martin na kilala din sa taniman ng cacao farm na pag aari ng kaibigan kong si Jeiz, ang Consolacion ay kilala naman sa mga bar hub at pasugalan. Ang Inocencia naman ang pinaka sentro ng komersyo. Halos nandito na kasi lahat iba’t ibang bangko, hospital, town mall, mga eskwelahan, factory, fast food chains, restaurants, malaking pamilihan at kung ano ano pa. At naglipana na rin ang iba’t ibang krimen at iligal na gawain sangkot pa ang ilang mga negosyante.

Isang taon na lang naman ang ilalagi ko sa pulisya. Magretetiro na ako sa susunod na taon. Tama na ang ilang taon na pagsisilbi ko at natupad ko na rin ang pangarap kong maging pulis. Mga magulang ko naman ang tutulungan ko sa pagpapatakbo ng negosyo namin sa Manila na matagal na nilang inuungot sa akin. Wala naman kasing ibang magmamana ng negosyo namin kundi ako lang dahil nagiisa lang akong anak. May sarili din naman akong negosyo. May resort ako sa bayan ng Sto. Domingo na dinadayo talaga ng mga turista. May tatlong restaurant din ako at shares of stock sa kumpanya ng nga kaibigan ko. Talagang ang pagpupulis lang ang naging passion ko.

Pagdating ko ng presinto ay naabutan ko ang mga kasama kong nagkakape. Mga panggabing shift sila.

“Good morning Villegas” Bati nila sa akin.

“Kape boss.” Alok sa akin ng baguhang pulis.

“Tapos na ako salamat.” Sabi ko at dumiretso na sa office ng chief para magreport bago tumungo sa checkpoint.

Kumatok ako sa makapal na pinto ng office ng chief bago ito binuksan.

“Ikaw pala SPO1 Villegas.” Bati sa akin ni PLTCOL Dominador ang may edad ng hepe ng pulisya na kasalukuyang nagkakape.

“Good morning chief.” Bati ko.

“Maupo ka Villegas.” Aniya at minuwestra ang kamay sa upuan sa harapan ng table nya. Umupo naman ako.

“Alam mo ba nabalitaan na ni Colonel ang nangyaring engkwetro nyo kahapon sa grupo ni Brando. Naku, tuwang tuwa si colonel na nahuli na ang grupong iyon bagamat may ilang nakatakas. Tuwang tuwa sya lalo na sa’yo.” Masiglang balita nya sa akin.

Ang tinutukoy nyang colonel ay si PCOL Esmundo Beltran ang Police Provincial Officer na ninong ko. Nagkaroon kasi kami ng engkwentro kahapon sa grupo ni Brando ang notorious na gang sa buong lalawigan na talamak sa pagbebenta ng mga iligal na armas at droga. May nagtip sa amin kahapon na may transakyon daw na magaganap sa grupo ni Brando at sa isang negosyante. Agad naman kaming nagsagawa ng isang entrapment operation sa pamumuno ko at doon na namin sila natimbog. Nahuli namin ang lider na si Brando, ang negosyante at ilang mga tauhan. Pero may ilang mga nakatakas at iyon ang tinutugis namin dahil may posibilidad na kikilos ulit sila kaya nagpakalat ng checkpoint sa buong bayan.

“Hindi lang naman ho ako ang kumilos chief, kasama na rin ho ang iba.” Sabi ko.

“Pero ikaw ang nagdala sa grupo. Kaya job well done Villegas. Keep up the good work.” Bati nya sa akin at sinaluduhan ako.Tumayo naman ako ng tuwid at sumaludo din sa kanya. Kahit papaano ay natutuwa din ako sa natatanggap kong papuri mula sa mga nakakataas.

May ilang bagay pa kaming pinagusapan ng hepe bago ako nagpaalam na umalis para puntahan ang mga kasama sa checkpoint.

“Hi Enzo.” Malambing na bati sa akin ni Julie na isang police staff sergeant ng makasalubong ko sya paglabas ng presinto. May matamis syang ngiti sa kanyang mapupulang labi at mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin. Pormal na pormal ang hitsura nya sa suot na asul na blusa na nakatuck in sa hanggang tuhod na palda. Gayunpaman ay hindi pa rin naitago ang alindog nya na ilang beses ko ng natikman.

“Morning Julie.” Pormal kong bati sa kanya.

“Alis ka na?” Nakangusong tanong nya at lumapit sa akin. Humawak pa sya sa dibdib ko at nilaro laro ang butones ng camouflage uniform ko.

Napangisi naman ako at magaan na hinawakan ang kamay nya at inaalis sa dibdib ko. Napasimangot naman sya.

“I need to go Julie, siguradong hinihintay na ako ng mga kasama ko sa checkpoint.” Sabi ko at nilampasan na sya. Pero hinawakan nya ang braso ko. Kunot noong nilingon ko sya.

“Punta ka naman sa bahay ko mamaya, halos isang buwan ka ng hindi pumupunta sa bahay ko eh. Namimiss na kita.” Sabi nya sa nang aakit na boses at binaba ang tingin sa harap ng pantalon ko sabay dila at kagat labi.

Tinablan naman ako sa pang aakit nya. Magiisang buwan na nga na wala akong aksyon sa kama. Baka kalawangin na ako.

Ngumisi ako. “Fine, sabay na tayong pumunta sa bahay mo mamaya.” Sabi ko.

“Yes!” Tuwang tuwang sabi nya at lumambitin sa leeg ko sabay halik sa labi ko ng mariin. “Can’t wait to suck your meaty dick tonight babe.” Nanghihibong bulong nya sa akin bago bumitaw at bumalik na sa loob ng presinto.

Nakarinig naman ako ng mga sipol. Nilingon ko ang mga ito. Mga kasamahan ko pa lang mga pulis na ang karamihan ay mga bata pa.

“Iba ka talaga boss!”

“Lodi talaga!”

Nginisihan ko lang sila at napailing iling. Sumakay na ako sa pick up truck ko. Napansin ko ang bahagyang pamumukol ng harapan ng pantalon ko na apektado sa sinabi ni Julie kanina. 

Yari ka sa akin mamayang babae ka. Lulumpuhin kita.

Magiisang taon ng may nangyayari sa amin ni Julie pero hindi naman kami. Pero alam ko namang may gusto sya sa akin. Attracted din naman ako sa kanya. Yun nga lang hanggang sa kama lang.

PAGDATING KO ng checkpoint ay bumungad sa akin ang mahabang traffic. Iniisa isa kasi ng mga kasama kong pulis ang bawat isang sasakyan na dumadaan maging mga nakamotor o kahit mga nakapedicab para makasiguro at walang makalusot.

“Sir!” Bati sa akin ng mga baguhang pulis at sumaludo. Sumaludo din ako sa kanila.

“Pare!” Bati din sa akin ng kasamahan at kumpare kong si SPO1 Elmer.

“Kamusta? May kahinahinala na ba kayong nakita?” Tanong ko.

“Wala pa pare, malamang mag tatago muna ang mga yun at magpapalamig.” Sabi nya.

“Pero mainamn na rin yung maingat, baka malusutan tayo.” Sabi ko. Tumango tango namam sya.

“Sya nga pala, nagkayayaan kaming maginuman mamaya pagkatapos ng duty natin. Sama ka.” Aya nya sa akin.

“Pass muna ako pare, may usapan kami ni Julie.” Sabi ko at saka wala ako sa mood ngayong uminom.

Ngumisi sya. “Yown! Mukhang iiskor ka na naman kay sexy ah. Sanaol!” Aniya.

Ngumisi ako. Hindi na lingid sa mga kasamahan ko ang closeness namin ni Julie ang akala pa nga ng iba ay girlfriend ko sya.

“Maka sanaol ka dyan. May asawa ka na isumbong pa kita sa misis mo eh.” Birong banta ko sa kanya.

Kumamot naman sya sa ulo. “Joke lang, kay misis na lang ako magsasanaol.” Sabi nya.

Naputol ang kwentuhan namin ng medyo nagkainitan na sa pagitan ng mga kasamahan kong pulis at mga motorista. Tumulong na kami pag iinspect. Ang mga saradong sasakyan ay pinabubuksan namin, hinihingian namin ng lisensya at ID. 

“Mamang pulis ang gwapo mo po. Pwedeng magpapicture?” Sabi ng isang dalagitang high school student na nasa loob ng school service na iniinspeksyon ko. Kunot noong tumingin ako sa kanya. Doon ko lang napansin na sa akin na pala nakatingin ang lahat ng estudyanteng nasa loob ng school service at tila mga kinikilig pa.

“Sige na mamang pulis papicture kami sa’yo tapos popost namin sa epbi para instant sikat kayo.” Sabi ng binabaeng estudyante na papikit pikit pa ng mata.

Ngumisi ako. “Next time na lang mga bata malelate na kayo sa school.” Sabi ko at tinapik na ang school service nila para pausarin. Narinig ko pa ang angalan ng mga estudyante.

“Anyare dun pare.?” Tanong ni Elmer ng pausarin na rin ang ininspeksyon nyang jeep.

“Mga estudyante lang na gusto magpapicture.” Sabi ko.

Ngumisi sya. “Lakas talaga ng kamandag mo pare, pati mga estudyante patay na patay sa’yo.” Sabi nya.

“Gagu, sige na maginspeksyon ka na dyan.” Sabi ko at pinuntahan naman ang isang close van. Bumibilis na ang daloy ng traffic dahil nagtulong tulong na kami sa pag inspect.

Hinugot ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang pawis sa noo. Mag aalas syete pa lang ng umaga pero mainit na.

Binalik ko na sa bulsa ang panyo ng biglang may kung anong malamig, malapot at mabaho ang sumaboy sa mukha ko kasabay nun ang pagharurot ng isang single na motor. Sinalat ko ng kamay ang basa sa mukha ko. Nakita ko ang maitim itim na putik na amoy burak.

“Putang*na!” Malutong na mura ko at sinundan ng matalim na tingin ang papalayong single na motor.

“Boss anyare sa’yo? Sinong may gawa nyan?” Tanong ng baguhang pulis. Pero hindi ko sya pinansin at tumalikod. Tinungo ko ang nakaparada kong pick up at mabilis na binuhay ang makina sabay pinasibad para habulin ang single na motor na tumimlamsik ng putik sa mukha ko.

Aitana

PAGHUBAD KO ng saplot ko sa katawan ay agad na akong nagbuhos ng tubig. Napasigaw pa ako dahil sa lamig ng tubig.

“Aitana! Ano ba yan? Ang ingay mo dyan?” Saway sa akin ni Tiyang Meding sa labas ng pinto ng banyo. Pero imbes na tumahimik ay lalo pa akong napasigaw. Agad na akong nagsabon at nagkuskos ng katawan. Sinabay ko na rin ang pagsashampoo. Kailangan ko na kasing bilisan dahil malelate na naman ako. Yari na naman ako nito sa pricipal.

Lumbas ako ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya at nakabalunbon ng tuwalya sa ulo. Kaming dalawa lang naman ni tiyang Meding ang nandito sa bahay kaya walang problema.

“Kuh talagang bata ka! Anong oras na malelate ka na naman. Guro ka pa man din dapat ikaw ang maging ehemplo ng mga estudyante mo.” Sermon ni tiyang Meding na nagwawalis sa sala.

“Eh nalate kasi ako ng gising tiyang eh.” Katwiran ko habang tinutuyo na ang buhok ng tuwalya.

“Nalate ka ng gising dahil nagpuyat kayo ng pinsan mo kakapanood ng pageant pageant na yan. Ang ingay ingay nyo pa kagabi.”

Ngumuso ako. “Minsan lang naman tiyang. Grand finals na kasi kagabi saka sinusubaybayan namin yun ni Benj sa social media pre-pageant pa lang. Alam mo ba tiyang kung sino ang nanalo? From the land of the pearl of the orient seas Felepenz!” Sabi ko at ginaya pa ang introduction ng pambato ng pinas kagabi sa international beauty pageant.

“Wala akong pakialam. Hala! Magbihis ka na at talagang malalate ka na ng tuluyan.” Taboy sa akin ni tiyang.

Mas lalong nanghaba ang nguso ko. “Opo tiyang magbibihis na.” Sabi ko at pumasok na ng kwarto. Ang killjoy talaga ni tiyang Meding kahit kelan.

Dinampot ko ang bote ng lotion at nagpahid na sa katawan. Sinaksak ko ang blower at mabilisan na tinuyo ang buhok sa harap ng salamin. Mabuti na lang hindi ako eyebag-in kahit madalas akong magpuyat. Limang oras lang ang tulog ko kagabi dahil nga nanood kami ng pinsan kong bakling ng beauty pageant sa yutub. Pero sulit naman dahil nanalo ang pinas. Another crown for the felepenz na naman.

Bumunong hininga ako habang nakatingin sa sarili sa salamin. Hinayang na hinayang talaga ako sa sarili ko. Pangarap ko rin talagang maging beauty queen. Bata pa lang ako sumasali na ako sa mga beauty contest sa eskewelahan at lagi akong nananalo. Buhay pa ang nanay at tatay ko noon at talagang suportado nila ako. Pero noong magcollage na ako lagi na lang akong runner up. First runner up lang ang nakukuha kong pinakamataas na placement. Sa mga national pageant naman screening pa lang hindi na ako pinapalad. HIndi dahil sa pangit ako, walang katawan at walang utak kundi dahil sa kapos ako ng height. 5’4 lang kasi ang height ko. Eh ang requirement na height ay atleast 5’5. Kaya lagi akong ligwak. Sayang nga daw sabi ng pinsan kong bakla at ilang mga kakilala ko dahil malakas daw ang laban ko kung sakali. Sa kanila na mismo nanggaling na maganda ako, sexy at maganda ang communication skills. Kamukha ko nga daw ang isang thai beauty queen na si Antonia Porsild mas sexy version nga lang daw ako at maliit nga. Siguro nga sa pagtuturo talaga ang tadhana ko. Hindi ko naman talaga pangarap maging guro pero yun ang gusto ni tiyang para sa akin. Wala naman akong magagawa dahil sya ang nagpapaaral sa akin noon. At nagugustuhan ko na rin naman ang pagtuturo sa mga makukulit na bata..

“Tiyang alis na po ako.” Paalam ko kay tiyang Meding na nakikipag huntahan na sa kapitbahay namin habang nagwawalis. Sinuot ko na ang helmet ko at sinabit ang shoulder bag sa hook ng motor. Sumampa na ako sa motor at sinuksok na ang susi at binuhay ang makina.

“O sige magiingat ka sa pagmomotor.” Bilin nya sa akin.

“Opo.” Sabi ko at nilabas na sa maliit naming garahe ang motor at pinaharurot na. Bumusina pa ako sa tapat ng salon ni Benj na sarado pa. Malamang ay tulog pa sya.

Mas binilisan ko pa ang patakbo ng motor ko dahil baka maabutan na ako ng bell. Late ako noong isang araw at hindi na dapat ako malate ngayon dahil mapuputukan na naman ako ng principal namin na may sanib ni Miss Minchin.

“Ay shet! Ba’t may checkpoint?” Mahinang usal ko at nagmenor ng patakbo ng motor ng malapit na ako sa checkpoint. Kinabahan ako ng makitang tinitingnan ng mga pulis na nakatalaga ang mga lisensya at ID.

Paktay! Student permit pa lang ang meron ako at paso pa. Pa’no yan? Lampasan ko na lang kaya kunwari hindi ko sila nakita. Pero malamang hahabulin nila ako eh di ganun din napasama pa. Napakamot ako sa ulo. Bakit kasi ngayon pa nagka checkpoint.

Lumapit sa akin ang isang medyo bata pang pulis na naka camouflage na unifom at pinatabi ang motor ko sa gilid ng kalsada na sinunod ko naman . Sa tantya ko ay hindi nalalayo ang edad namin. Ngumiti sya sa akin. Matamis ko din syang nginitian.

“Good morning po ma’am. Baka po pwedeng makita ang lisensya at ID nyo.” Magalang na sabi nya na titig na titig pa sa mukha ko at ngiting ngiti. Alam ko na yang mga ganyang tingin at ngiti. Ano pa? Eh di nastar struck sa beauty ko.

“Oh sure!” Sabi ko sa pinasiglang boses at kinuha sa bag ang wallet ko at dinukot ang isang valid kong ID at pasong student permit at inabot sa kanya. Pero sinadya kong ipaibabaw ang ID ko at yun ang una nyang tiningnan ng medyo matagal. Ng akmang titingnan na nya ang student permit ko ay kinuha ko ang atensyon nya.

“Ah sir, anong meron? Bakit may checkpoint?” Kunwaring concern citizen na usisa ko.

“Ah nagkaroon po kasi ng entrapment operation kahapon ang kapulisan ma’am sa isang gang group. Nahuli po ang lider, ilang mga tauhan at kasabwat. Pero may ilan pong mga tauhan ang nakatakas at sila po ang mga tinutugis namin. Kaya pasensya na po sa abala.” Pasensyosong paliwanag naman nya.

“Naku ganun ba? Nakakabahala nga iyan. Mabuti at nahuli nyo ang lider at mga kasabwat. Sana mahuli nyo rin ang iba pa.” Sabi ko pa.

“Yun nga po ang pinagsusumikapan namin ma’am para wala ng mga inosente pa ang madamay sa masama nilang gawain.”

Tumango tango ako bilang pagsang ayon. “Tama ka dyan sir.. err ano nga po ang pangalan nyo?” Tanong ko at nilapit ang mukha sa may bandang dibdib nya may nakaembroid na panglan nya na kunwari ay di ko nababasa.

Bahagya naman syang nataranta. “Ah, I-I’m PO1 Jefferson Dumao ma’am.” Medyo nauutal pa na pakilala nya at bahagya pang namumula ang mukha.

“Ah PO1 Jefferson Dumao..” Sambit ko sa pangalan nya sa pinalambing na boses. Mas lalo tuloy namula ang mukha nya at napakamot pa sa ulo. Lihim naman akong napangisi.

Tumikhim ako. “Yun nga po PO1 Jefferson tama kayo sa sinabi nyo kanina, dapat ng mahuli ang nga yun para wala ng madamay na iba at hindi na pamarisan. Mabuti na lang talaga at may mga mababait at may malasakit na mga pulis na tulad nyo dito sa  bayan ng Inocencia. Saludong saludo po ako sa inyo. Sana wag po kayong magsawang magmalasakit sa mga mamamayan.”

“Naku salamat po ma’am sa pagtitiwala.” Aniya na ngiting ngiti at nahihiya pa.

“PO1 Dumao, hindi pa ba tapos yan?” Tawag ng isang pulis na mukhang mas mataas sa kanya.

“Ah tapos na po sir.” Sagot nya at bumaling sa akin. “Ah ma’am ito na pala ang ang ID at student license nyo. Pasensya na po sa abala ingat po kayo sa pagmomotor.” Mabait na sabi nya.

Ngiting ngiting binalik ko naman ang ID at student permit ko sa bag.

“Thank you PO1 Jefferson Dumao.” Sabi ko sa malambing na boses. Ngiti at saludo lang ang binigay nya sa akin at ininspeksyon naman ang kasunod kong nakamotor din.

Yes! Sucess!

Sinilip ko ang oras sa relo. May kinse minuto pa ako. Kailangan ko ng bilisan. Pinausad ko na ang motor ko at ng makalampas sa checkpoint ay pinaharurot ko na ito. Napamura pa ako dahil may nadaanan akong lubak.

Ngunit hindi pa ako masyadong nakakalayo sa checkpoint ay may humarang sa aking isang itim na pick up truck. Agad akong nagpreno. Halos isang metro na lang ang pagitan ng motor ko at ng pick up truck. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero lalo pa yung lumakas ng bumukas ang pinto ng pick up truck at bumaba ang isang matangkad na lalaki na malaki ang pangangatawan. Nakusuot sya ng camouflage na uniporme. Pero napangiwi ako ng makita ang mukha nyang may mga itim na putik. Umiigting ang mga panga nya na tila nangangalit.

“You!” Matalim ang tingin na tinuro nya ako.

Mabilis ko namang itinaas ang dalawang kamay na tila sumusuko..


Chapter 2

Aitana

NAPALUNOK AKO habang tumatahip sa kaba ang dibdib ko. Nakataas ang kamay ko habang nakatingala sa kapreng pulis na nasa harapan ko na galit na galit.

Bakit? Anong ginawa ko? Di ba ok na ko?

“You.” Matigas at malaki ang boses na sambit nya habang matalim pa rin ang tingin sa akin. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

“Y-Yes sir? A-Ano pong problema?” Nauutal na tanong ko.

“Problema? Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita ang ginawa mo kanina?” Asik nya sa akin. Nagiigtingan ang panga nya na at lumalaki butas ng matangos na ilong.

“Ginawa ko? Ano po bang ginawa ko?” Inosenteng tanong ko. Wala naman akong nakikitang problema dahil lusot na ako kanina sa isang pulis. Ang nakikita ko lang ay ang maitim na putik sa mukha nya na medyo masangsang ang amoy.

Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata sabay tuptop sa bibig. Teka? Kaya ba nya ako hinabol dahil sa putik nya sa mukha na mukhang tinalsikan ng dumaang sasakyan. Oo nga pala kanina may nadaanan akong lubak na may tubig hindi ko lang pinansin dahil nagmamadali ako. Muli akong napasinghap.

“A-Ako po ba ang may gawa nyan sir?” Nakangiwing tanong ko.

Malutong syang nagmura at namaywang. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Nakakaintimidate pa ang hitsura nya. Sino ba naman ang hindi? Eh ang laking tao nya at nakakatakot pa. Hindi nga yata lalampas sa balikat nya ang height ko eh.

“Sino pa ba? Kaya nga kita hinabol di ba?” Galit pa rin na sabi nya.

Nguniwi ako. Ako nga.

Sa taranta ko ay binuksan ko ang shoulder bag ko at kinuha ang isang pack ng wipes. Bumaba ako ng motor at tarantang pinunasan ng wipes ang mukha nya.

“Sorry po sir hindi ko po sinasadya. Nagmamadali po kasi ako dahil malelate na ako sa klase ko. Sorry po.. talaga..” Bahagyang napaawang ang labi ko ng malinisin ko na ang mukha nya at tumambad sa akin ng malinaw ang mukha nya.

Punyemas! Ang gwapong kapre pala ng pulis na to. Makapal ang kilay, mahahaba ang pilik na binagayan pa ng tsokolateng mata. Matangos na ilong, manipis na mamula mulang labi na mariing nakalapat. Sya na ang pinakagwapong pulis na nakita ko sa buong buhay ko, ay mali, pinakagwapong lalaki pala.

“Lisensya miss.” Biglang sabi nya na matiim ang tingin sa akin. Napahinto tuloy ako sa pagpupunas ng mukha nya.

“Po?” Parang binging tanong ko.

“Sabi ko lisensya. Akina lisensya mo.” Ulit nya. Hinawakan pa nya ang kamay kong may hawak na wipes at inalis sa mukha nya. Naiwan tuloy na nakabitin sa ere ang kamay ko. Doon ko lang din napansin na nakatingin na pala sa amin ang mga taong dumadaan pati mga kasamahan nyang pulis. Nagiinit ang pisngi at nahihiyang agad kong binaba ang kamay.

“Miss lisensya mo, akina.” Untag ulit ng gwapong pulis sa akin.

“Lisensya? Aanhin nyo po ang lisensya ko?” Tanong ko. Muli akong sinipa ng kaba at tila doon lang nag sync in sa akin ang lahat. Nahigit ko ang hininga.

“Eh sir, wala po akong lisensya student permit lang po ang meron ako.” Pangiwing ngiti na sabi ko.

Patay! Pa’no ko ba lulusutan to? Sa hitsura pa naman nya mukhang hindi madaling bolahin. At halatang mas mataas ang ranggo nya kesa sa mga ibang kasamahan. SPO1 Villegas ang nakasulat sa dibdib nya. Apelido pa lang gwapo na.

“Kahit na, patingin ako pati ID mo.” Giit pa rin nya.

“Sir natingnan na po kanina ng kasama nyong pulis. Ok po ako.” Palusot ko. Sana kagatin nya.

Ngumisi sya. “Wala akong pakialam, patingin pa rin ako.”

“Pero sir, natingnan na nga kanina ng kasamahan nyo. Ok po ako. Kahit tanungin nyo pa po sya.”

“Kung ok naman pala hindi ka matatakot na ipakita sa akin. Akina student permit mo.”

“Sir, nagmamadali po talaga ako eh. Malelate na po ako.” Tiningnan ko pa ang oras sa relo. Nanlaki ang mata ko. “Shet! Mag aalas syete na! Sir kelangan ko na po talagang umalis.” Sabi ko at dali daling bumalik sa motor. Binalik ko sa shoulder bag ang wipes at binuhay na ang makina. Pero mabilis na hunarang ang mamang pulis.

“Hindi ka makakaalis hangga’t di mo pinapakita ang student permit mo.” Halatang naiinis ng sabi nya.

“Sir naman, malelate na talaga ako. Next time na lang. Gusto nyo po puntahan ko pa kayo sa presinto nyo eh. Saka nakakaabala na tayo oh.” Sabi ko at nilingon ang ilang motoristang lumiliko na lang dahil nakaharang kami sa daan.

“Kaya nga ipakita mo na ang student permit mo para makaalis ka na at hindi na tayo makaabala. Alam mo bang may tinutugis kaming mga kriminal? Kapag hindi mo pa pinakita ang student permit mo ituturing ka rin naming suspect at idedetain sa presinto. Gusto mo ba yun?” Banta nya sa akin na ikinasinghap ako. At mukhang hindi talaga sya nagbibiro.

Mabilis akong umiling iling.

Ngumisi sya. “So akina, para matapos na to. Pati ID mo.” Aniya at inilahad ang malaking kamay.

Kaya wala na aking nagawa kundi muling kunin sa bag ang student permit at ID. Mas malala kung paghihinalaan akong kaisa sa mga hinahanap nilang kriminal at idetain sa presinto. Nangingiwing binigay ko ang pasong student permit at ID sa kanya. Pahablot naman nya itong kinuha at tiningnan parehas.

Umiling iling sya. “Kaya naman pala. Paso na pala tong student permit mo eh, tapos kung makapagpaharurot ka ng motor akala mo may lisensya ka. Tapos nakalusot ka pa sa checkpoint.” Pasermon na sabi nya.

Mas lalo akong napangiwi at napakamot na ng ulo. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya sa kanya.

“Eh sorry po sir, nagmamadali po talaga ako eh.” Nahihiyang sabi ko. Pero hindi nya ako pinansin at hinarap ang mga kasamang pulis.

“Sino ang naginspect dito?” Maotoridad na tanong nya sa mga kasamahan.

“Sir, ako po.” Sagot ng pulis na nag inspect sa akin kanina na Jefferson ang pangalan. Lumapit sya sa galit na pulis at kunot noong tumingin pa sa akin. Pangiwing nginitian ko na lang sya.

“Paso ang student permit nito tapos pinalusot mo.” Sermon ng masungit na mamang pulis kay Jefferson.

“Po?” Nagtatakang tanong ni Jefferson at muling tiningnan ang student permit ko. Napakamot sya sa ulo.

“Sorry po sir, di ko napansin kanina. Dinaldal po kasi ako ni ma’am.” Pasumbong na sabi nya.

Nakagat ko naman ang labi ko. Naguilty ako dahil mapapagalitan sya dahil sa akin. Sorna.

“Dinaldal ka nya dahil gusto nyang makalusot at nakalusot na nga. Kung hindi pa nya ako tinalsikan ng putik sa mukha hindi ko sya hahabulin at malalaman na paso pala ang student permit nya. Pa’no na lang kung kasabwat yan ng mag hinahanap natin.” Sermon nya kay Jefferson.

Nanlaki naman ang mata ko. “Oy hindi ah! Grade 3 teacher po ako sa Masagana Elementary School mamang pulis.” Sabat ko.

Pero matalim lang nya akong tiningnan na ikinaumid ng dila ako. Apaka sungit!

“Sige na i-impound nyo ang motor nyan.” Utos nya sa mga kasamahang pulis.

Nanlaki naman ang mata ko. “Ano?? Hindi pwede!” Bulalas ko at kulang na lang ay yakapin ko ang motor kong hindi ko pa tapos hulugan. Pero ang masungit na pulis ay nginisihan lang ako ng nakakaloko na tila tuwang tuwa pa. Arogante!

Lumapit naman sa akin si Jefferson at isang pulis.

“Ma’am kukunin na po namin ang motor nyo.” Sabi ng isang pulis na hinawakan ang puwitan ng motor ko.

“No kuya!” Tarantang sabi ko at binalingan si Jefferson. “Uy Jefferson, baka naman.” Nakikiusap na sabi ko sa tonong humihingi ng tulong.

Napakamot naman sya ng ulo. “Pasensya na ma’am. Kayo rin kasi eh, paso na pala yung student permit nyo di nyo man lang sinabi sa akin. Napagalitan tuloy pati ako.” Sabi nya sa tonong naninisi.

“Sorry na, nagmamadali lang talaga ko. Baka naman pwedeng tulungan mo ko. Kausapin mo yung masungit na kasamahan mo.” Pakiusap ko.

“Naku mahirap yan ma’am. Mas mataas sa amin yan. Saka mukhang mainit ang ulo nya kasi natalsikan nyo ng putik sa mukha.”

“Di ko naman sinasadya eh, saka nagsorry na ako pinunasan ko pa nga yung mukha nya eh.”

“Ganito na lang ma’am, kung may pera kayo magbayad na lang kayo ma’am para hindi na maimpound yung motor nyo. Pero hindi nyo na po pwedeng gamitin ang motor nyo ng wala kayong lisensya.”

Bigla akong nabuhayan ng loob. Babayaran lang pala eh.

“O sige, magbabayad na lang ako. Magkano ba?” Sabi ko at dinukot ang wallet sa shoulder bag.

“1,500 po ma’am.”

“Ha? 1,500? Ba’t ang mahal?” Gulat na tanong ko. Ang malas ko pa wala pang isang libo ang pera ko sa wallet.

“Eh yun po talaga ma’am.” Kakamot kamot sa ulong sabi ni Jefferson.

Nanlulumong sinilip ko ang wallet. 750 na lang talaga ang laman ng wallet ko at ilang barya.

“Hindi kasya ang pera ko.” Bagsak ang balikat na sabi ko.

“Eh pasensya na po ma’am kailangan na po talaga naming kunin tong motor nyo. Balikan nyo na lang po kapag may pantubos na po kayo.” Sabi ng isang pulis.

“Pero may klase pa ako mga kuyang pulis.”

“Pwede nyo naman pong balikan mamaya ma’am pagtapos na ang klase nyo pero sa presinto na po. Doon nyo na po tubusin pero hanggang alas singko lang po.” Sabi ni Jefferson.

“Ang tagal naman nyan. Isakay nyo na yan sa mobil at dalhin sa presinto.” Sabi ng masungit na aroganteng pulis na humuli sa akin.

“Yes sir. Pasensya na po ma’am. Kukunin na po namin to. Balikan nyo na lang po mamaya sa presinto.” Sabi ni Jefferson at inabot sa akin ang shoulder bag ko at susi ng motor.

Wala na akong nagawa kundi nanlulumong tiningnan ang motor kong sinasakay na nila sa likod ng police mobil.

Tiningnan ko ang aroganteng pulis na busy na sa pagiinspekyon ng ibang sasakyan. Napasimangot ako. Wala na akong magagawa kundi balikan na lang mamaya ang motor ko at tubusin.

Nakakainis talaga!

Tiningnan ko ulit ang relo ko. Alas syete na nga at late na ako. Naghanap ako ng tricycle na masasakyan. Sakto namang may padaan na walang laman. Agad ko itong pinara at sumakay. Binigyan ko ng huling tingin ang mamang pulis. Sakto namang tumingin sya sa akin sabay ngisi. Sinimangutan ko lang sya.

“DAI LATE ka na naman ng ten minutes!” Bungad sa akin ng kaibigan kong si Macy na Grade 3 teacher din sa kabilang section. Nagkasalubong kami sa hallway at papunta na sa mga classroom namin.

“Nagkaaberya kasi kanina.” Sabi ko habang sinasabayan sya sa paglalakad.

“Naku mabuti na lang wala pa si Miss Maascad.” Sabi nya na ang tinutukoy ay ang matandang dalagang principal namin na terror din.

“Talaga? Hays.. buti naman. Ligtas ako.” Tuwang sabi ko.

“O e ano ba kasing nangyari sayo?” Usisa nya.

“Naimpound ang motor ko.” Nakasimangot na sabi ko.

“Hala! Bakit?”

“May checkpoint pala dyan sa bypass road, eh paso na nga ang student permit ko di ba. Nakalusot ako sa isang pulis. Pero doon sa isang kapreng pulis na masungit hindi. Ayun kinuha nila ang motor ko at kailangan kong tubusin ng 1500.” Kwento ko sa kanya.

“Ang malas mo naman pala dai.”

“Kaya nga eh, tapos kapos pa ang pera ko. Beh, baka pwedeng pautangin mo muna ako ng 1k ipantutubos ko lang sa motor ko bayaran na lang kita sa makalawa sa sahod natin.” Sabi ko sa kanya.

May pera naman talaga ako. Yun nga lang na kay tiyang Meding. Sya ang  humahawak at nilalagay sa bangko. Gastasera kasi ako na totoo naman. Noong ako pa ang humahawak ng sahod ko noon ay talagang walang natitira ilang araw pa lang dahil kung ano ano ang mga pinagbibili ko sa online. Puro mga beauty products, damit, sapatos at anumang magustuhan ko. Kaya ayun si tiyang na ang humahawak ng pera ko. Kapag humingi ako sa kanya ng pera pantubos ay tiyak na malalaman nya na nahuli ako ng mga pulis kanina. Sermon ang aabutin ko.

“Oo sige, maya iabot ko sayo.” Aniya.

“Thanks beh.” Sabi ko. Pasalamat talaga ako at nandyan sya. Laging maaasahan. Karamay ko sya sa lahat ng bagay. Magkaklase kami mula highschool hanggang collage at naging mag best friend na nga. At tuwang tuwa kami dahil parehas kami ng school na pinagtuturuan.

Naghiwalay na kami ng landas ng tumapat na ako sa classrom ko sya naman ay sa kabilang silid lang.

“Good morning class!” Bati ko sa mga estudyante ko na nasa ikatlong baitang.

“Good morning Miss Mangubat!” Sabay sabay na bati nila.

“Ok, maupo na kayo. Kumpleto ba ang lahat? Sino ang absent?” Tanong ko sa kanila. Nagkanya kanya naman sila ng sagot.

Pansamantalamg kinalimutan ko muna ang problema ko sa motor at tinuon ang atensyon sa mga estudyante ko..

Third POV

GALIT NA binato ni Congressman Raymond Echavari ang baso ng alak sa dingding ng malaking sala. Napapitlag ang lahat ng naroon kabilang ang limang tauhan ni Brando na nakatakas na kasalukuyan ngayong nagtatago sa poder nya.

“Damn it!” Galit na sigaw ni Congressman Raymond. Bakas sa mukha nya ang galit at halos maglabasan na ang ugat sa leeg.

“Paano nalaman ng mga pulis na yun ang transaksyon nyo kahapon sa tsinong yun?” Tanong ni Cong. Raymond sa mga tauhan ni Brando na ang ilan ay sugatan pa dahil sa tama ng daplis ng bala.

“Yun nga po ang hindi namin alam congressman. Nagulat na lang kami kahapon pinapaligiran na kami ng pulis.” Sagot ng isang tauhan ni Brando na napapangiwi pa dahil sa sugat sa binti. Nabaril daw kasi ito ng isang pulis.

“Hindi kasi kayo nag iingat mga tanga! Dahil sa kapabayaan nyo naging bato ang milyones sanang pera!” Sigaw ni Cong. Raymond sa mga ito.

Napayuko naman ang mga ito na halatang takot sa congressman.

Sa galit ni Cong. Raymond sa kapalpakang nangyari ay parang gusto na nyang bunutin ang baril at pagbabarilin ang mga ito ng mabawasan na ang mga tanga at walang silbi sa mundo.

“Boss ang sabi po ng impormante nyo sa loob ng presinto ay may nagtip daw na may magaganap na transakyon sa pagitan ni Brando at ni Tiang.” Sabi ng kanang kamay ni Cong. Raymond na si Monti na prenteng nakasandal sa hamba ng french door at humihithit ng sigarilyo. Nilingon ito ng congressman.

“Bakit hindi nya sinabi agad?” Galit pa rin na tanong ng Cong. Raymond.

“Late na daw po nyang nalaman at biglaan din daw ang kinasang entrapment operation. Tinatawagan nya daw si Brando pero hindi na daw sumasagot sa tawag.”

“Tsk! Mga bobo talaga!”

“Calm down iho.” Anang matandang si Don Conrado na isang kilalang negosyante sa bayan ng Inocencia.

“How can I calm down uncle? I lost millions! Ng dahil sa katangahan ng grupo ni Brando. And what’s worse is that he’s in jail! Paano kung magsalita sya at ikanta tayo?” Bakas ang pagkabahala sa mukha ni Cong. Raymond.

Tumawa si Don Conrado at humithit sa kanyang tabako. “Hindi yun kakanta iho, maniwala ka. Dahil pumiyok lang sya alam nyang may tutumba sa kanya sa loob.”

Kumalma naman ang hitsura ni Congressman Raymond. “Wag lang syang magkakamali dahil ako mismo ang tutumba sa kanya.” Aniya sa madiin na boses.

“Ang dapat mong alalahanin ay si SPO1 Villegas. Matinik ang pulis na yun at mas matalas pa sa aso ang pang amoy.”

Napamura si Congressman Raymond sa sinabi ng kanyang uncle. Kilala nya ang pulis na yun na matunog ang pangalan. Kailan nga lang ay naging sikat ito dahil ito ang nakahuli sa grupo ni Tanato sa bayan ng San Martin at napatay pa nito. Damay din ang mayor at hepe na ngayon ay mga nakakulong.

“Tsk! Isa pa yang pulis na yan.” Inis na sambit ni congressman Raymond.

“Bakit hindi na lang kaya natin itumba muna ang pulis na yan boss para mawala na ang malaking tinik.” Nakangising suhestiyon ni Monti.

“Mahirap yang sinasabi mo Monti, hindi pipitsuging pulis ang Villegas na yun. Bukod sa matinik syang pulis marami din syang koneksyon. Ninong din nya si Colonel Beltran.” Ani Don Conrado.

“Sabi ng impormante ko, isang taon na lang daw ang ilalagi ng pulis na yun at magreretiro na.” Dugtong ni Congressman Raymond at sinenyasan ang isang tauhan na bigyan sya ng alak.

“Well mabilis lang naman ang isang taon, kailangan lang natin syang iwasan. At sabihin mo sa impormante mo na talastalasan naman nya ang pagtitiktik. Natutulog yata sa pansitan eh.”

Hindi na sumagot si Congressman Raymond sa sinabi ng kanyang uncle at sinimsim na lang ang alak sa baso na inabot ng tauhan habang nagiisip ng ibang plano..

Aitana

PAGHINTO NG tricycle sa tapat ng presinto ay mabilis akong bumaba at nagabot ng bayad. Sinilip ko ang oras sa relo, 4:40 na ng hapon at hanggang alas singko lang ang binigay sa aking oras ni Jefferson. Mabuti nga at maaga ang uwian ng mga estudyante ko. Tumulong pa ako sa paglilinis kanina sa mga cleaners para mas mabilis.

Sinukbit ko ng maayos ang bag ko at dumiretso na papasok ng presinto dala ang perang pantubos. Nakita ko pa nga ang motor ko na nakaparada kasama ang ilang mga motor din na malamang ay impound din. Dumiretso ako sa front desk kung saan may pulis nakatalaga. Magalang na binati nya ako at inassist. Sinabi ko naman ang kailangan ko. Pinapasok nya ako sa loob at pinaupo sa harap ng isang desk na may nakatalaga ding pulis na magiliw naman akong binati. Sa kanya ko binigay ang pantubos sa motor ko at niresibuhan ako.

“Ingat na po kayo sa susunod ma’am ganda, bawal nyo na pong ibyahe ang motor nyo hangga’t wala kayong lisensya. Dahil kapag nahuli po ulit kayo mas malaki na po ang multa at pahirapan na po ang pagtubos.” Magalang na paalala nya sa akin.

“Opo sir, at pasensya na po sa abala.” Magalang din na sabi ko. Syempre nagkamali talaga ako. Alam kong bawal bumiyahe ng paso ang permit pero sumige pa rin ako. Kaya sisikapin ko na talagang kumuha ng lisensya.

Inabot sa akin ng pulis ang resibo ko. “Eh sir yung ID ko po pala?” Tanong ko.

Binuksan naman nya ang drawer ng desk nya at hinanap ang ID ko sa ibang mga ID na nandoon. Kung saan saan pa nya ito hinanap. Namissplace pa yata ang ID ko.

“Naku, wala yata dito ma’am ang ID nyo.” Sabi nya na patuloy pa rin sa paghahanap sa ilang mga ID na naroon.

“Po? Pero kinuha po yun ng kasamahan nyong pulis kanina kasama ang student permit ko.” Sabi ko.

“Sino po bang pulis ang humuli sa inyo kanina?”

“Yung matangkad na malaki ang katawan na mestiso na medyo moreno na masungit.” Sabi ko na malinaw na malinaw pa rin sa alaala ang hitsura ng aroganteng pulis.

“Ah si SPO1 Villegas.” Aniya.

“Oo yun nga sir.”

“Naku, baka nasa kanya pa ang ID nyo ma’am. Wala po dito eh.”

Napakamot ako sa ulo. “Eh pa’no yun sir?”

“Wait lang ma’am.” Pasintabi nya at tinawag ang isang pulis na agad namang lumapit sa amin.

“Pakisamahan nga si ma’am sa likod ng munisipyo. Nandun si SPO1 Villegas malamang nasa kanya pa ang ID ni ma’am.” 

Tumango ang pinakiusapang pulis. Tumayo na rin ako at sinukbit ang bag. Nagpasalamat ako sa pulis at sinundan na ang isang pulis palabas ng presinto. Di naman kalayuan ang likod ng munisipyo dahil katabi lang ito ng presinto. At mula nga sa di kalayuan ay natanaw ko na ang pamilyar na pigura na nakasandal sa pick up truck na itim at naninigarilyo habang tila may kausap sa cellphone. Lumingon sya sa gawi namin ng pulis at napakunot ang noo. Pero ang mata nya ay nakatuon lang sa akin at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa sabay ngisi. Arogante talaga. Napaismid ako.

“Sir may naghahanap po sa inyo.” Anang pulis na kasama ko at tinuro ako.

Tumango naman ang arogantemg pulis. “Sige ako ng bahala.” Sabi nya.

Di ko naman alam kung sino ang kausap nya. Yung sa kausap ba nya sa cellphone o yung kasama kong pulis.

“Sige ma’am, maiwan ko na po kayo. Si sir na po ang bahala sa inyo.” Paalam sa akin ng pulis na kasama ko at umalis na.

Nataranta naman ako. “T-Teka lang sir.” Tawag ko sa umalis na pulis pero tuloy tuloy lang sya sa paglalakad pabalik ng presinto. Iiwan  nya ako sa kapreng aroganteng pulis na to? Baka kung ano ang gawin nito sa akin.

“Anong kailangan mo?” Tanong nya sa akin sa malaki at malalim na boses.

Nilingon ko sya. Nakababa na ang cellphone nya at nakapamulsa habang nakasandal pa rin sa itim na sasakyan. Matiim ang tingin nya sa akin habang binubuga sa hangin ang usok ng sigarilyo galing sa bibig.

Ayoko sa lahat yung lalaking naninigarilyo. Pero ewan ko kung bakit ang lakas ng dating nya habang binubuga ang usok kanina. Idagdag pa ang nakakaintimidate nyang hitsura. Yung tipong hindi mo pwedeng birubiruin o banggain dahil giba ka.


Chapter 3

Aitana

NAPAIWAS AKO bigla ng tingin kasabay ng pag iinit ng aking pisngi ng ngumisi sya.

Shet! Baka isipin nya gwapong gwapo ako sa kanya. Well, slight lang naman.

Tumikhim ako at pinormal ang mukhang binalik ang tingin sa kanya.

“S-Sir yung ID ko po.” Nauutal pa na sabi ko.

Tumaas naman ang isang kilay nya habang hindi pa rin napupuknat ang tingin sa akin. Naiilang na nga ako dahil parang tumatagos sa katawan ko ang mga tingin nya at parang nababasa nya ang nasa isip ko.

“ID mo? Nasa akin ba?” Tanong nya.

Tumaas din ang kilay ko. “Wala po sa loob eh. Sabi nung mamang pulis baka daw nasa inyo pa. Kayo kasi yung humuli sa akin kanina.” Nakangusong sabi ko.

“Parang wala akong natatandaan na hinuli kita kanina.” Aniya na matiim pa rin ang tingin sa akin pero ang mata ay nangingislap.

Napasimangot ako sa sinabi nya. Duda ako sa sinabi nya na hindi ako natatandaan. Malamang pinagtitripan lang nya ako.

“Talaga po ba sir hindi nyo ako natatandaan? Ako lang po yung hinabol nyo at hinarang kanina dahil natalsikan ko ng burak yung mukha nyo kaya ang baho nyo kanina.” Pasarkastikong sabi ko.

Sya naman ang napasimangot. “Oo na, natatandaan na kita.” Tila inis na sabi nya at may dinukot sa bulsa.

Lihim naman akong napangisi. Kala mo ha! Kahit malaki ka papalag ako sayo uy!

Paglabas ng kamay nya sa bulsa nya ay may hawak na syang ID na malamang ay sa akin nga. Tiningnan pa nya ito at ako. Palipat lipat ang tingin nya sa akin at sa ID na parang naninigurado kung ako nga talaga ang nasa picture sa ID. Nakakunot pa ang noo nya.

“Ikaw ba talaga to? Bakit parang iba ang hitsura mo dito sa ID?” Nagdududang tanong nya.

Napasimangot naman ako at sinilip ang ID kong hawak nya. “Ako po yan sir. Kita naman sa mukha ko di ba? Mukha ko yung nasa ID.” Sabi ko.

“Eh hindi mo nga kamukha eh. Kahawig mo lang pero hindi mo kamukha. Baka naman nanay mo to.”

Nahigit ko ang hininga at nanlaki ang mata sa sinabi nya. “Grabe kayo sir ah! Matagal ng patay ang nanay ko high school pa lang ako. At kinuha ko ang ID na yan 4 years ago pa lang. Kayo lang ang nagsabi na mukha akong nanay dyan.”

“Wala akong sinabing mukha kang nanay. Ang sabi ko lang baka nanay mo to, so malamang kamukha mo ang nanay mo.” Paliwanag nya.

Napanguso naman ako. “Akala ko sinasabi nyong mukha akong nanay eh.”

“Tss, hindi ka kasi nakikinig sa mga sinasabi ko. Teacher ka pa man din.” Aniya sabay ngisi.

Hindi na ako sumagot dahil baka iba ang lumabas sa bibig ko lalong hindi ko lang makuha ang ID ko.

“Ilang taon ka na?”

“Nakalagay po dyan sa ID ko yung birthday ko sir. Magbilang na lang kayo.”

Pinandilatan nya ako ng mata. “Tinatanong kita ng maayos.”

Napakagat labi ako at bahagyang napangiwi. Sabi na eh. Pahamak tong bibig ko eh.

“23 po sir.” Sagot ko.

“Ah.” Sambit nya at tumango tango. “Pwede na.”

“O.” Aniya at inabot sa akin ang ID ko. Agad ko naman itong kinuha.

“Sa susunod mag iingat ka sa pagmomotor masyado kang kaskasera. Kababae mong tao at teacher ka pa man din. At isa pa, kumuha ka na ng lisensya. Sa susunod na mahuli ulit kita.. yari ka na talaga sa akin.” Sermon nya sa akin na may halong banta at matiim ulit akong tiningnan.

Para naman akong kinilabutan sa huling sinabi nya. Pero ibang kilabot ang dating, hindi ko maintindihan. Parang nagtataasan pa nga ang mga balahibo ko.

“Opo sir, salamat.” Nakangusong sabi ko at nilagay na sa bag ang ID. Kahit banas ako sa kanya ay medyo lumuwag naman ang pakiramdam ko dahil sa wakas tapos na ang kalbaryo ko ngayong araw.

“Salamat po ulit sir alis na po ako.” Paalam ko pa sa kanya.

“SPO1 Lorenzo Villegas.” Sambit nya.

“Po?”

“Yun ang pangalan ko tandaan mo, Aitana.”

Nahigit ko ang hininga ng banggitin nya ang pangalan ko. Kumalabog pa ang dibdib ko sa di ko malamang kadahilanan.

“O-Opo sir, sige po mauna na ako.” Nauutal na sabi ko.

Tumango naman sya.

Agad na akong tumalikod at malalaki ang hakbang na bumalik sa presinto para kunin ang motor. Nararamdaman ko pa rin ang mainit nyang tingin sa akin. Pasimple ko syang nilingon at mabilis ding nagbawi. Tama nga ako, nakatingin sya sa akin.

Hay! Bakit ba ako kinakabahan  ng ganito sa kanya. Sana hindi na kami magkita.

“ANONG ORAS na bakit ngayon ka lang?” Bungad sa akin ni tiyang Meding pagpasok ko ng bahay.

Tiningnan ko naman ang suot kong relo. 5:36 na ng hapon.

“Ah, may dinaanan lang po ako tiyang.” Sabi ko at nagmano sa kanya.

“Dumaan ka sa presinto.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Pa’no nyo nalaman tiyang, may third eye na kayo?”

Pinalo nya ako sa braso na ikinadaing ko.

“Bakit tiyang? Ano na naman ang ginawa ko?” Nakangiwing tanong ko habang hinihimas ang braso kong pinalo nya. Kahit patapik lang yun masakit pa rin dahil mabigat ang kamay nya.

“May nakapagsabi sa akin na nahuli ka daw kanina ng pulis at naimpound ang motor mo.” Nandidilat ang matang sabi ni tiyang.

Nanlaki na naman ang mata ko. “Sino pong nagsabi sa inyo?”

Sino na naman kayang tsimosa ang nagsabi kay tiyang?

“Si Tata, nakita ka daw ng asawa nya habang namamasada ng trycicle at kinuha nga ng mga pulis ang motor mo. Kuh! Nakakahiya ka talagang bata ka. Teacher ka pa man din tapos ganyan. Sinabi ko na kasi sayong kumuha ka na ng lisensya. Panay ang motor motor mo tapos pasong student permit lang ang dala mo. Eh di yan! Natyempuhan ka!” Sermon nya sa akin. Kulang na nga lang kutusan nya ako eh.

Napangiwi ako at napakamot sa ulo. “Opo tiyang, kukuha na po ako ng lisensya.” Sabi ko na lang. Hahaba lang ang sermon nya sa akin kapag nangatwiran pa ako.

Bumuntong hininga sya at napailing iling na lang. “O ano nang nangyari? Natubos mo ba ang motor mo?” Tanong nya at sumilip sa labas para tingnan kung dala ko ang motor ko.

“Opo tiyang natubos ko po, nangutang po ako kay Macy ng pantubos.”

“Sige, bukas bibigyan kita ng pera bayaran mo na si Macy.” Sabi nya.

Natuwa naman ako. Atleast mababayaran ko na agad si Macy.

“O sige na magbihis ka na at magsaing.” Ani tiyang.

“Opo tiyang.” Sabi ko at dumiretso na ng kwarto ko para magbihis..

“Kalokah ka insan nakakahiya ka ha.” Bulalas ni Benj na nakatikwas ang mga daliri habang may hawak na binalatang hipon. Kinuwento na kasi ni tiyang Meding sa kanya ang nangyari sa akin.

“Naku pagsabihan mo nga yang pinsan mo Benjamin at napakatigas ng ulo. Panay ang paalala ko dyan na kumuha na ng lisensya. Hayan nahuli na nga sya.” Ani tiyang sa gitna ng pagsubo ng pagkain.

Napanguso naman ako. “Kukuha na nga po ako.”

“At kelan naman? Baka puro ka lang sabi pero wala kang gawa.” Nakataas ang kilay na bira sa akin ni Benj. Mas matanda sya sa akin ng tatlong taon pero ayaw nyang magpatawag sa akin ng kuya o kaya ate. Binabae sya kumilos pero hindi naman sya nagkocross dress o nagmemake up. Normal na lalaki pa rin ang hitsura nya at pananamit. Marami ngang nagkakagusto sa kanyang babae dahil gwapo naman talaga itong pinsan ko. Crush nga sya ni Macy eh. Sobrang close kami dahil kaming dalawa lang ang magpinsan. Kapatid ng yumao kong ina at ni tiyang Meding ang tatay nya na nasa Qatar na isang ofw. Ang nanay nya naman ay may iba ng pamilya.

“Sa susunod na sahod ko kukuha na ako ng lisensya.” Sabi ko at sinubo ang hipon na binalatan ko.

“Siguraduhin mo lang kundi sasabunutan kita.” Banta nya sa akin sabay irap.

“Oo nga, kukuha na talaga ako.” Nakanguso pa ring sabi ko.

“Ako muna ang hahawak ng susi ng motor mo para hindi mo muna magamit hangga’t wala kang lisensya.” Ani tiyang Meding.

“Opo tiyang.” Sabi ko na lang.

“Hay Aitana pamangkin. Para ka pa ring bata na kailangan pang gabayan. Paano na lang kung mawala ako eh pa’no ka na?”

“Grabe ka naman tiyang. Malakas pa po kayo no.” Sabi ko. Kahit na ba may pagkaistrikta at masungit itong tiyahin ko ay ayoko naman syang mawala. Sya na ang tumayong magulang ko at natitirang mahal ko sa buhay bukod kay Benj at tiyong.

“Matanda na ako pamangkin at ang lakas ko unti unti na ring nauubos. May nararamdaman na rin ako. Ang gusto ko lang bago ako mawala ay makita kayong dalawang magpinsan na maayos na ang buhay. Lalo ka na dahil wala ka ng magulang.” Litanya ni tiyang.

Medyo nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi ni tiyang. Dama ko sa boses nya ang pagaalala sa akin. Well araw araw naman. Hindi naman nya ako papagalitan kung hindi sya nag aalala sa akin at nagmamalasakit.

“In short mag asawa ka na insan para mawalan na ng sakit ng ulo si tiyang.” Sabat ni Benj sabay ngisi.

Muntik naman akong masamid sa sinabi nya.

“At sino naman ang mapapangasawa nitong pinsan mo? Yung mga manliligaw nyang tambay lang dyan sa kanto? Naku Aitana wag na wag mong sasagutin ni isa sa nga yun kundi itatakwil kitang pamangkin. Baka imbes na magandang buhay ang matikman mo lalo ka lang maghirap.” Litanya na naman ni tiyang Meding.

Napasimangot ako. “Wala naman akong gusto sa mga yun tiyang.” Sabi ko.

May mga nanliligaw kasi sa akin na taga dito lang din sa amin. Yun nga lang ay mga dakilang tambay sa kanto na walang ibang ginawa kundi ang uminom, manigarilyo, magbilang ng mga taong dumadaan at minsan ay napapaaway pa. Pero mababait naman sila sa mga taga dito din sa amin.

“Dapat lang, kung mag aasawa ka dapat yung kaya kang buhayin hindi yung ikaw ang bubuhay sa kanya.” Dagdag pa ni tiyang Meding.

“O kaya yung dapat mong asawahin insan yung mas matanda sayo. Mga sampung taon ang tanda sayo.” Hirit naman ni Benj. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

“Grabe naman sa sampung taon. Sobrang tanda naman nun sa akin.” Bulalas ko.

“Mas maganda nga yun eh dahil matured na sila. Ayaw mo ba nun, may asawa ka na, may tatay ka pa.” Tatawang sabi ni Benj.

Napabusangot na lang ako.

“Ah basta, kahit anong lalaki pa yan basta matino at kaya kang buhayin.” Sabat ni tiyang.

“Hindi pa ako magaasawa tiyang. Bata pa po ako no saka magiging beauty queen pa po ako.” Nakangusong sabi ko.

“Sus, hindi mo pa ba sinusukuan yan? Kung hindi talaga para sayo wag mo ng ipilit. Magfocus ka na lang sa pagtuturo.” Dagdag pa ni tiyang.

Nagkatinginan naman kami ni Benj. Tinaasan lang nya ako ng kilay na parang sinasabing wag na akong sumabat. Kaya tumahimik na lang ako. Hindi rin naman kasi pabor si tiyang sa pangarap kong maging beauty queen. Ayaw nyang magsusuot ako ng mga bikini sa harap ng madla.

Pagkatapos ng hapunan ay kami na ni Benj ang nagligpit. Ako na ang naghugas ng plato.

Naabutan ko si Benj na nasa sala pa at prenteng nakaupo habang nagsecellphone. Akala ko lumabas sya. Tumabi ako ng upo sa kanya at nakiusyoso sa cellphone nya.

“Nu meron?” Usisa ko. Tumingin sya sa akin at umayos ng upo.

“Knows mo na ba na yung schoolmate mo at karibal pala ang nanalong Lakambini ng Kalinaw. Sya ang magrerepresent ng pobinsya natin sa national pageant.” Nakataas kilay na balita nya at hinarap sa akin ang cellphone nya. Nakita ko naman ang picture ng schoolmate ko noong collage na mahigpit kong karibal sa pageant. Si Sherry Pineda na suot ang korona nya at sash na may naka embroid na Lakambini ng Kalinaw 20xx. Malawak ang ngiti nya at naiiyak pa.

Napataas ako ng kilay. Kagabi ginanap ang taunang lakambini ng probinsya. Hindi kami nakapanood sa live kagabi dahil busy nga kami sa panonood ng international pageant. Hindi ko naman na inalam kung sino ang nanalo dahil natulog na agad ako.

“Talagang sya ang nanalo? Ano ba tanong sa final round?” Tanong ko. Medyo hindi kasi kapani paniwala na sya ang nanalo dahil kahinaan nya ang QnA. Hindi nga sya manalo noon sa akin eh. Nadadaan lang nya ako sa height.

“Hindi ko knows. Pero ayon sa nababasa kong comments waley daw ang sagot nya, sabaw daw. Mas magaling pa daw si first runner up. Nanalo lang daw dahil ninong nya ang isa sa mga judge at major sponsor ang nanay nya. Kalokah! Sarap ding magcomment.”

Ngumuso ako at dinampot ang cellphone kong nasa ibabaw ng lamesita at naglog in. Hinanap ko ang page ng lakambini. Nakita ko na nga ang mga post kay Sherry.

“Oy anong gagawin mo? Wag kang magcocomment ha. Baka ibash ka ng mga fans nyan ikaw pa ang mapasama patola ka pa naman.” Paalala ni Benj.

“Iko-congratulate ko lang sya.” Labas sa ilong na sabi ko.

“Wag na, alam naman ng mga fans ng bruhang yan na pinaplastik mo lang sya.”

Napasimangot na lang ako. Sa totoo lang nakaramdam ako ng inggit kay Sherry. Pangarap ko ring manalo sa lakambini at ilaban sa national. Kaso mukhang malabo ng mangyari yun dahil kapos ako sa height.

Biglang nawala ang cellphone ko sa kamay ko dahil hinablot ni Benj at nakita kong nilog out nya ang social media ko.

“Wag mo ng tingnan yan para hindi ka maiinggit.” Sabi nya at binalik sa akin ang patay ko ng cellphone.

Ngumuso ako. “Hindi ako naiingit.” 

“Eme, eh hayan nga at nanghahaba ang nguso mo.” Bira nya sa akin at tinuro pa ang nguso ko. Inirapan ko lang sya.

“Wag mo syang kaiinggitan insan hindi sya worth it. Nanalo sya sa hindi patas na laban.”

“Pero lalaban pa rin sya sa national.”

“Sa tingin mo mananalo yun? Eh baka nga sa first cut pa lang ligwak na yun eh. Maganda lang yun at matangkad. Pero waley sa pasarela at qna. Kaya wag mo syang kainggitan insan. Mas better ka dun kinapos ka lang sa height.”

Inikutan ko sya ng mata. Kahit papaano ay gumaan gaan ang loob ko sa sinabi nya. Kung bakit kasi lagi kong tinatakasan noon si nanay kapag pinapatulog ako ng tanghali at tamad akong uminom ng gatas. Hayan tuloy kinapos ako ng height. Eme.

Lorenzo

NAG ANGAT ako ng tingin sa mga kasama kong pulis ng maghagalpakan sila ng tawa. Pinagtatawanan nila ang isa naming kasamahan na syang kumakanta. Napangisi ako ng pumiyok ulit sya. Napailing na lang ako ng umugong na naman ang tawanan at asaran.

Nandito kami ngayon sa videoke bar at nagiinuman. Katatapos lang ng duty namin. Hindi na natuloy ang plano namin ni julie ngayon dahil may emergency daw sya kaya sumama na lang ako sa mga kasamahan kong pulis na maginuman. Mainam na rin yung hindi kami natuloy ni Julie dahil nawala na rin ako sa mood baka mabitin lang sya.

“Tama ka na Diego! Langya ka, ang saket mo sa tiyan!” Kantyaw ng natatawang si Elmer. Pero tumodo pa ng birit si Diego with feelings pa. Ang iba pa naming kasamahan ay kinukuhanan pa sya ng video.

“Next naman si sir Lorenzo ang kakanta.” Sabi ng baguhang pulis na sinabayan pa ng hiyawan ng iba pa. Sinamaan ko naman sya nya tingin na ikinangiwi nya.

“Joke lang pala.” Biglang bawi  nya sabay kamot sa ulo.

“Naku hindi nyo mapapakanta si pareng Enzo. At kapag kumanta yan mas malala pa kay Diego.” Sabat ni Elmer sabay tawa na sinundan naman ng iba.

Napahimas na lang ako sa batok. Wala naman kasi akong hilig sa kanta at wala ring hilig sa akin ang kanta.

Dinampot ko ang bote ng beer at tinungga. Binuhay ko ang cellphone na nakalapag sa hita ko. Napangisi ako habang pinagmamasdan ang mukha ng babaeng kanina pa kumukulit sa isip ko. Ayon sa nabasa ko sa profile nya teacher nga sya sa isang public school. Mukhang ilang taon pa lang sya sa pagtuturo. At ayon din sa mga picture nya na nakikita ko sumasali din sya sa mga beauty pageant. Sinave ko pa nga ang isang picture nya noong collage sya. Hindi ko alam pero nakyutan ako sa kanya doon sa picture. Gaya kanina, nakakatuwa ang hitsura nya. Nanghahaba ang nguso at palasagot. Magaling ding mangatwiran at palaban.

“Uy, sino yan pare? Ganda ah!” Untsg ni Elmer na nakatingin din sa cellphone ko.

“Wala.” Sabi ko at akmang papatayin ang cellphone pero mabilis nyang hinawakan ito at tinitigan ang mukha ng teacher.

“Teka, ito yung teacher kanina na naimpound yung motor ah.” Sambit nya.

Natigilan naman ang mga kasamahan namin at nagsilapitan sa amin. Nakisilip din sila sa cellphone kong mahigpit ng hawak ni  Elmer.

“Si ma’am nga ito. Ini-stalk mo sya sir?” Tanong ni Jefferson.

Hinablot ko naman ang cellphone. “Hindi, nakita ko lang ang profile nya. Pamilyar sa akin kaya tiningnan ko.” Sabi ko at pinatay na ang cellphone at nilagay sa bulsa ng jacket.

“Weh?” Ani Elmer na halatang may tama na ng alak.

Umugong na naman ang tuksuhan. At ako na ngayon ang tinutukso nila.

“Kunwari pa si sir, crush lang nya si ma’am.”

“Maganda naman talaga si ma’am, tisay na tisay at sexy pa. Parang ang sarap ngang mag aral ulit eh.” Anang isa sa mga baguhan na pulis at tila kinikilig pa. Parang gusto ko syang batukan.

“Crush ko rin sya eh kaya lang mukhang crush din ni sir Lorenzo kaya wag na lang.”

“Ako naman in-add ko sya, sana nga iaccept nya ako. Mukha naman syang mabait.” Sabi ni Jefferson.

“Talaga? Ano ba pangalan nya? Add ko rin sya?”

“Ako rin!”

“Aitana Mangubat ang pangalan nya.” Sagot pa ni Jefferson.

Nagsilabasan naman sila ng cellphone at malamang ay hahanapin ang account ng teacher sa social media at ia-add.

Hinampas ko ng kamay ang lamesa na ikinapitlag nilang lahat. Tumingin sila sa akin. Matiim ko naman silang tiningnan.

“Walang mag a-add sa kanya. Ikaw naman Jefferson i-cancel mo friend request mo.” Sabi ko.

Bahagyang napaawang labi nila. Pero agad silang tumayo ng tuwid.

“Yes sir!” Sabay sabay na sabi nila at sumaludo pa.

Napangisi ako at natawa naman si Elmer at si Diego.

“Si ma’am ay kay SPO1 Lorenzo Villegas lang. Naiintindihan nyo ba mga bata?” Ani Diego.

“Sir, yes sir!” Sabay sabay na naman nilang sagot.

“O sya, inom na!” Sabi naman ni Elmer at tinaas ang hawak na bote ng beer.

Ako naman ay napasandal sa upuan at humugot ng isang stick na sigarilyo at sinindihan. Napapaisip ako sa ginawa ko kanina. Di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sinabi ko yun sa kanila. Basta hindi ko kang gusto ang ideyang crush ng mga kasamahan ko ang teacher na yun.


Hi! Sorry walang update kagabi. Sobrang busy lang ako kahapon at kanina pati na rin bukas 😅

Chapter 4

Aitana

NAPAPAKUNOT AKO ng noo habang gumagawa ng lesson plan dito sa sala. Paano ba naman ang ingay ni tiyang sa labas. May nawawala daw sa kanya. Tinanggal ko ang air pod ko at sinara ang lesson plan. Tumayo ako at lumapit sa pinto.

“Ano po bang nangyayari tiyang?” Tanong ko at kumamot sa pisngi.

Hawak hawak ni tiyang ang ipitan ng mga panty nya.

“Yung isang panty ko nawawala. Nilabhan ko lang yun kahapon at sinabit dito sa labas ngayon wala na.” Tungayaw pa rin nya.

“Eh saan naman napunta yun?”

“Hindi mo ba sinuot? Baka sinuot mo?” Akusa nya sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko. “Luh! Bakit ko naman isusuot ang panty nyo tiyang eh ang boring nun.” Sabi ko. Mamahalin ang mga panty ni tiyang dahil inoorder nya ito sa eybon. Pero di ko naman bet dahil boring ang style nito pang may edad talaga.

Sinamaan nya ako ng tingin. “Eh sinong kumuha ng panty ko eh tayong dalawa lang ang nandito?”

“Aba malay ko po! Tingnan nyo pa ang suot ko eh.” Binaba ko ng kaunti ang garter ng shorts ko at pinakita sa kanya ang suot kong panty.

Napakamot naman sya ng ulo. “Eh nasaan na kayo yung panty ko. Kebago bago pa lang nun at isang beses ko pa lang nasusuot.

“Baka naman nasa labahin mo tiyang.” Sabi ko at nakitingin na rin sa ibang sinampay namin na nakasilong. Umulan kasi kahapon buong maghapon kaya hindi natuyo lahat ng nilabhan.

“Wala na akong labahin nilabhan ko na lahat.”

“Eh saan naman kaya napunta yung panty nyo?” Napapakamot na rin ako sa ulo habang tinutulungan si tiyang na maghanap ng pantyng nawawala.

“Anyare? Bakit mukha kayong problemadong dalawa dyan?” Tanong ni Benj na kapapasok lang sa maliit naming gate. Halatang bagong gising sya.

“Nawawala ang panty ni tiyang na eybon.” Sabi ko. 

“What? Nawawala rin ang panty ni tiyang?” Bulalas nya at napahawak pa sa dibdib na tila gulat na gulat.

“Oo kanina pa nga nya hinahanap dito sa sampayan. Tinutulungan ko na nga.”

“Omg! Nawawala din ang panty ni tiyang. Eh sila Aling Maring at si Dina naghahanap din ng nawawalang panty nila kanina. Mga bago daw. Yung kay Aling Maring di pa daw nya nasusuot at nilabhan lang. Yung kay Dina naman isang beses pa lang daw nya nasuot.” Sabi nya.

Napalingon kami sa kanya ni tiyang Meding.

“Nawawalan din sila ng panty?” Tanong ni tiyang Meding.

“Opo tiyang, kaya nga ako nagising kasi ang ingay ingay nila mga nagbubunganga. Pinagbibintangan ang ilang kapitbahay.”

“Eh ako nga pinagbintangan din ni tiyang na sinuot ko ang panty nya eh.” Sabi ko.

“Aba’y malay ko, baka mamaya tinago mo lang.” Bira ni tiyang Meding sa akin.

“Grabe po kayo sa akin tiyang ha.”

“Hindi ba kayo nagtataka? Sabay sabay kayong nawalan ng panty.” Ani Benj na napapaisip.

Tinaasan ko sya ng kilay. Pero agad akong napasinghap ng magets ang ibig nyang sabibin.

“Baka may nangunguha.” Bulalas ko.

“At sino naman?” Tanong ni tiyang Meding.

“Malamang taga dito lang din sa atin. Siguro gustong ibenta kasi puro underwear na bago ang nawawala eh.” Sabi ni Benj.

Napakamot sa ulo si tiyang. “Kung sino man yon kapag nahuli ko sya babambuhin ko sya ng tambo.” Ani tiyang at pumasok na sa loob ng bahay tangay ang mga panty nya na nasa ipitan. Siguradong ilang araw maghahanap si tiyang ng panty nyang nawawala.

Naiwan kami ni Benj sa labas. “Bakit parang kagigising mo lang?” Tanong ko sa kanya.

Kumamot naman sya ng ulo. “Eh papaano ang ingay ng aso ni Aling Maring nung madaling araw kaya gising ako ng gising.” Reklamo nya.

Nagsalubong naman ang kilay ko habang pinagmamasdan ang hitsura nya. Nakasando lang sya na puti na kita ang mamasel nyang katawan at nakaboxer shorts na manipis na bakat pa ang kanyang talong. Napangiwi ako.

“Ano ba yan insan? Bakit lumalabas ka ng ganyan ang suot mo? Yung talong mo umaalog pa o! Wala ka pa yatang brief kadiri ka!” Sabi ko.

“Eh komportable ako sa ganito eh!” Pagtataray nya at inayos ang boxer shorts.

“Kung nandito lang si Macy yari ka talaga dun.” Nakangising sabi ko. Matagal na kasi syang pinagpapantasyahan ng kaibigan ko na yun.

Sumimangot naman sya. “Di kame talo no.” Sabi nya at inirapan ako sabay pasok sa loob ng bahay. Sumunod na rin ako.

Dinampot ko ang cellphone sa lamesita at sinundan ang pinsan sa kusina na umiinom ng tubig. May sarili syang bahay pero dito sya laging kumakain. Binuhay ko ang cellphone at pasimple syang kinuhanan ng picture. Isesend ko to mamaya kay Macy siguradong maglalaway sya. Tahimik akong napabungisngis sa kapilyahang naisip.

Bumalik na ako sa sala at tinuloy ang ginagawa kanina. Holiday ngayong araw at bukas ay balik eskwela na naman. Mamaya ay aalis pa ako para puntahan ang isang estudyante kong dalawang linggo ng hindi pumapasok..

Lorenzo

SINUKSOK KO SA holster sa tagiliran ko ang loaded kong baril at tinakpan ito ng jacket ko. Hinarap ko ang mga kasama ko na naghahanda na rin sa raid na gagawim namin sa Baranggay Masantol.

“Ready men?” Tanong ko sa kanila.

“Yes sir!” Sabay sabay nilang sabi.

“Alright let’s go!” Sabi ko.

Nagsisakayan naman sila sa police jeep. Kami naman ni Elmer at ni Diego ay sa police pick up truck sumakay. Si Elmer ang nagmamaneho, ako naman ang nasa passenger seat at si Diego ay sa backseat nakaupo. Binuhay na nya ang makina at minaniobra palabas ng compound ng presinto. Nasa unahan namin ang mga kasama namin na nakasakay sa police jeep. Iriraid namin ngayon ang ilegal na pasugalan na talamak sa Baranggay Masantol. Marami na kasing reklamo ang nakakarating sa amin. Naraid na ito noong nakaraang taon at nakulong ang mga organizer na wala namang permit. Pero nakalaya sila pagkatapos magpiyansa. Nagpalamig muna ng ilang buwan at heto na naman. Hindi naman ito pwedeng ipagsawalang bahala dahil nakakaperhuwisyo na sa mga buhay ng mamamayan. Marami ang nalululong sa sugal to the point na ang iba ay nakukuha ng magnakaw matustusan lang ang bisyong pagsusugal.

Ilang minuto pa ay huminto na ang police mobil namin sa lugar na pinamumugaran ng iligal na pasugalan. Mabilis kaming nagsibaba. Nagkumpulan naman ang mga tao at patingin tingin sa amin at nagbubulungan pa. May mga bata ding nag sitakbuhan sa mga magulang nilang nakatambay. May ilan namang nagsipasukan sa mga bahay nila at nagsarado ng bintana at pinto. May isang matandang lalaki na nakaupo sa harapan ng tindahan at tinuturo ang isang eskinitang maliit na may mga yerong nakatapal sa gilid. Sinenyasan ko ang mga kasama ko. Naghati kami sa tatlong grupo. Ang isang grupo na kinabibilangan ni Diego ay sa bukid dumaan. Ang grupo naman ni Elmer ay sa likod ng lumang bahay dumaan. Ang grupo ko naman ang papasok sa eskinita. Itatrap namin sila sa loob.

Aitana

“KUYA DITO na lang po.” Para ko sa trycicle na lulan ko. Sinukbit ko ang shoulder bag ko at bumaba saka nag abot ng bayad.

“Ingat po kayo dyan ma’am maraming loko dyan.” Paalala sa akin ni kuyang driver na tatay ng dati kong estudyante.

“Opo kuya, salamat!” Sabi ko.

Tumingin ako sa lugar. Maraming tao at maingay. May mga grupo ng nanay ang nagchichismisan habang buhat ang kanilang mga paslit pang mga anak. May mga grupo din ng mga kalalakihan na mga kanya kanya ng pwesto ng pagbabaraha. Marami ding bata ang nasa lansangan at mga naglalaro. Ang iba ay mga wala pang tsinelas, damit at madudungis. Napabuntong hininga ako. Kilala ang baranggay na ito na pugad ng pasugalan at marami nga daw magnanakaw. Pati nga daw sinaing ninanakaw din daw. Pangalawang beses ko ng pumunta sa lugar na ito. May mga estudyante din kasi akong nakatira dito.

“Techer Ai!”

Nilingon ko ang boses ng batang tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makita ang estudyante kong babae na si Grace hawak sa kamay ang nakababatang kapatid na subo subo ng lollipop.

“Hello Grace.” Bati ko sa kanya at tinapik sa ulo ang nakababata nyang kapatid.

“Good morning po teacher Ai. Bakit po kayo nandito?” Tanong nya.

“Ah pupuntahan ko si Pengpeng.” Sabi ko.

“Ay nakita ko po sya kanina nag iigib.”

“Talaga? Nasa bahay nya ba sya ngayon?”

Ngumuso sya. “Hindi ko po alam Teacher Ai kasi nagtitinda pa po yun ng sigarilyo at kendi.”

Malungkot akong ngumiti sa sinabi nya. Bumununtong hininga ako. Ang bata bata pa ni Pengpeng pero naghahanap buhay na. Matalino pa naman syang bata.

“Sige Grace pupuntahan ko na lang sya sa bahay nya baka nandun sya.” Paalam ko sa kanya.

“Samahan ko na po kayo Teacher Ai.” Presinta nya.

“Wag na, alagaan mo na lang yang kapatid mo.” Sabi ko at tumalikod na.

Tinahak ko ang maliit na eskinita na may mga kinakalawang na yerong nakatapal sa gilid. Maputik ang daan dahil sa maghapong ulan kahapon. Masangsang din ang amoy dahil sa pinaghalong dumi ng aso at ihi ng tao. Marami pang mga basura ang nasa gilid na nakalagay pa sa plastik na malamang ay tinangay ng mga aso at kinalat. Napangiwi pa ako ng makita ang pampers na may laman pa. Napailing na lang ako. Kung hindi nga lang ako concern sa estudyante ko hindi ako pupunta sa lugar na ito. Noong una ko ngang punta dito may nakasalubong pa nga akong naghahabulan ng saksak. Napailing iling na lang ako.

Pagdating ko sa dulo ng eskinita ay bumungad na sa akin ang ingay mula sa mga sigawan, murahan, tawanan at bulilyo ng bingo. Kanya kanya pwesto ang bawat grupo. May nagto-tongits, pusoy, bingo, cara cruz at iba pa. Mga nakatira lang din sila dito at ang iba ay mga dayo. Pero ang pinaka maingay ay galing sa loob ng malaking lumang bahay na dalawang palapag na isa ring pasugalan at may pustahan.

Payakap ko ng hinawakan ang shoulder bag ko at may kaba na rin sa dibdib ko. May ilang mga lalaki nga na nakatingin sa akin at mga nakangisi sabay bulungan at tawanan.

“Uy gago wag yan teacher yan.” Dinig kong saway ng isang boses lalaki.

“Yun nga ang maganda eh, siguradong maraming alam na posisyon yan.” Anang isang boses na manyak na lalaki sabay tawa pa nila.

Humugot ako ng malalim na hininga para pigilin ang sarili na awayin ang mga ito. Kalma lang Ai. Wag mo silang patulan dahil baka hindi ka na makalabas dito ng buhay.

Binilisan ko na lang ang paglalakad at tinunton ang bahay ni Pengpeng.

Huminto ako sa bahay na puro tagpi ng pinutol na plywood at tarpaulin. May lumang side car na bisikleta ang nasa labas at may lamang mga kalakal. Nakabukas ang sira sirang pinto. Naririnig ko ang mga boses ng mga bata sa loob pati boses ni Pengpeng. Bumuntong hininga ako at kumatok sa pinto.

“Tao po.” Sabi ko.

May batang lalaking payat na walang salwal ang lumapit. Sa tantya ko ay tatlong taong gulang lang sya. May bitbit syang supot ng tinapay. Nginitian ko ang bata. Ngumiti din sya sa akin at kumaway sabay takbo pabalik sa loob.

“Tuya! May tao sa yabas!” Dinig kong sabi ng bata.

Mayamaya pa ay lumapit na si Pengpeng na halatang nasurpresa ng makita ako. Napansin kong mas pumayat pa sya. May hawak syang sandok at medyo marungis dahil sa uling sa mukha nya ganun din sa damit. Kasunod nya ang isang batang babae na payat din at sa tantya ko ay limang taong gulang. May hawak din syang isang balot ng tinapay.

“Teacher Ai good morning po.” Bati sa akin ni Pengpeng.

Ngumiti ako sa kanya. May narinig akong kaluskos sa loob at sunod sunod na ubo.

“Peng sino yan?” Tanong ng isang boses ng lalaki na hapong hapo. Natanaw ko ang bulto ng payat na lalaki na lumabas mula sa isang silid na natatabingan ng kurtina. Ang tatay ni Pengpeng na si Mang Hunyo.

“Tay nandito po si Teacher Ai.” Sabi ni Pengpeng.

“Naku, papasukin mo anak.” Sabi ni Mang Hunyo na umubo pa.

“Pasok po kayo teacher Ai.” Nakangiting aya sa akin ni Pengpeng at inutusan pa ang kapatid na babae na kunin ang isang plastik na lumang upuan.

“Salamat.”  Nakangiting sabi ko ng ilagay ni Pengpeng sa harap ko ang upuan na pinunasan pa nya. Nagexcuse muna sya sa akin dahil umaapaw na daw yung nilulugaw nya. Tanghalian daw nila yun.

Nalulungkot ako sa kalagayan nya at ng pamilya nya. Ulila na sya sa ina dahil maaga itong namatay sa panganganak sa bunso. Si Mang Hunyo naman ay tanging pangangalakal ang hanap buhay. Makikita sa bahay nila ang mahirap nilang pamumuhay. Sira sira na ang tagpi tagping plywood na dingding. Butas butas na rin ang yero na may mga nakasabit pa na pangsahod sa tulo ng ulan. Ang sahig nila ay nasasapinan ng linoleum na luma na at punit punit. Mainit din sa loob. May electric fan pero patay. Nakita ko rin sa lumang lamesa ang isang lalagyanan na kahoy na may nakalagay na sigarilyo at mga kendi. Yun siguro ang tinitinda ni Pengpeng.

“Pasensya na po ma’am sa bahay namin at mainit. Naputulan po kasi kami ng kuryente isang buwan na uhuk uhuk.” Sabi ni Mang Hunyo na nakaupo sa sofang kawayan na sira na at tinalian na lang ng goma. Nasa tabi nya ang dalawang anak. Bakas sa kanyang hitsura na may dinaramdam sya. Payat na payat sya at nanlalalim ang mga mata. Habol din nya ang hininga at panay ang ubo.

“Ayos lang po Mang Hunyo.”

“Napadalaw ka ba dahil kay Pengpeng? Uhuk!”

“Opo, halos dalawang linggo na po syang hindi pumapasok.”

“Pasensya na po ma’am, may sakit po kasi ako kaya hindi nakakapasok si Pengpeng sa eskwela. Walang magaasikaso sa mga kapatid nya at wala din kaming kakainin kung hindi po sya magtitinda.” Sabi ni Mang Hunyo.

Malungkot naman akong ngumiti. Awang awa ako sa sitwasyon nila. Ang sakit sa dibdib.

“Naiintindihan ko po Mang Hunyo. Ano po bang sakit nyo? Nagpa check up na po ba kayo sa center?” Sinserong tanong ko.

“Hindi pa po ako nakakapagpacheck up ma’am. Wala po kasing doktor sa center uhuk! Kung sa hospital naman po ako magpapacheck up wala naman po akong pera uhuk.” Hinihingal at inuubong sabi nya.

“May iniinom po ba kayong gamot?”

Umiling sya at malungkot na ngumiti. “Tubig lang po ang iniinom ko.”

“Tay luto na po ang lugaw.” Sabi ni Pengpeng na bumalik sa munti nilang sala.

“O sige dito ka muna at kakausapin ka ni ma’am mo. Ay ma’am Ai, pasensya na po wala kaming maiaalok sa inyo.” Nahihiyang sabi pa ni Mang Hunyo.

“Wala pong problema Mang Hunyo.” Nakangiting sabi ko.

Kinausap ko silang mag ama tungkol sa pag aaral ni Pengpeng. Wala pang kasiguraduhan kung kelan sya magbabalik eskwela dahil wala rin kasiguraduhan kung kelan magiging maayos ang lagay ni Mang Hunyo. Nanghihinayang lang kasi ako sa pag aaral ni Pengpeng dahil pangalawa sya sa pinakamatalino sa mga estudyante ko.

“Ganito na lang po, bukas ipapaalam ko sa principal ang lagay nyo. Babalikan ko po kayo dito bukas at sasamahang magpacheck up para malaman po ang lagay nyo.” Sabi ko.

“Naku ma’am, wala po akong pera pangpacheck up.” Tila biglang namroblemang sabi ni Mang Hunyo.

“Wag po kayong mag alala Mang Hunyo ako pong bahala sa inyo.” Pagtitiyak ko sa kanya. Ang balak ko kasi ay manghingi ng pera kay tiyang. Hindi naman ako pagdadamutan nun kapag sinabi ko ang dahilan.

Nahihiyang ngumiti silang mag ama sa akin. “Eh kayo po ang bahala ma’am. Pero ngayon pa lang nagpapasalamat na po ako sa inyo.”

Nakapagdesisyon na akong tulungan si Mang Hunyo na magpagamot. Para gumaling na sya at makabalik ulit sa eskwela si Pengpeng. Kakausapin ko rin ang mga co-teachers ko para humingi ng tulong kahit kaunti lang para sa pamilya ni Pengpeng.

Bago ako umalis ay nag abot ako ng tatlong daan kay Mang Hunyo para may maipambili sila ng bigas. Noong una ay todo tanggi si Mang Hunyo pero wala na syang nagawa ng iipit ko na sa kamay nya ang pera. Mangiyak ngiyak syang nagpasalamat na lang. Dama ko ang paghihirap nya. Bukas ay babalik talaga ako para samahan syang magpacheck up para malaman kung ano ang sakit nya.

Medyo may bigat sa dibdib ko ng lumabas ako ng bahay nila Pengpeng. Kumaway pa sa akin ang dalawang nakababata nyang kapatid.

“Ingat po kayo teacher Ai at salamat po.” Ani Pengpeng. Nginitian ko lang sya at tumango. Kumaway ako sa dalawa nyang kapatid.

Habang papalabas ako ng compound ay muntik pa akong mabangga ng isang lalaking tumatakbo.

“Ay ano ba yan!” Bulalas ko at sinapo ang dibdib.

Pero nasundan pa ng ilang mga kalalakihan ang mga tumatakbo. Parang may humahabol sa kanila. Nakarinig na rin ako na parang nagkakagulo.

“Ano bang nangyayari?” Anas ko at napahinto sa paglalakad sa isang tabi.

“Tabi! Tabi! Tabi!” Anang isang lalaking tumatakbo at palingon lingon sa likod. Namumukhaan ko sya. Sya yung bastos kanina.

Ng makalampas na ang lalaki ay may napansin akong maliit na sobre na kulay brown na maumbok na mukhang nalaglag. Dinampot ko ito at tiningnan. Nanlaki ang mata ko ng makitang makapal na pera ang laman.  Tiningnan ko ang lalaking tumakbo at akmang tatawagin pero nakaliko na ito.

“Tabi! Tabi!”

“Bilis! Andyan na mga pulis!”

“Takbo! Bilisan nyo!”

Nagsunod sunod pa ang mga nagtatakbuhang mga lalalaki. Pati mga babae ay tumatakbo na rin.

“Aw!” Daing ko ng masagi ako ng isang lalaki sa braso. Mahigpit ko namang niyakap ang bag ko.

“Tigil!” Sigaw ng malaking boses kasabay ng isang putok ng baril.

“Ay jusko po!” Tili ko at umupo sa gilid sabay takip sa tenga at yuko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tumigil naman sa pagtakbo ang mga tao at umupo.

Jusko! Ano ba tong lugar na napuntahan ko? Bakit naman ganito?

“Kamay sa likod ng ulo!”  Sigaw ng isang pulis.

“Tatakas pa kayo ha!”

“Sige kapkapan yang mga yan!” Utos ng isang boses na pamilyar sa akin.

“Yes sir!”

Nakita ko ang isang pares ng sapatos sa harapan ko.

“Ikaw! Tumayo ka!” Sigaw sa akin ng pulis sabay hawak sa isang pulsuhan ko.

“Wag po mamang pulis! Wala po akong alam dyan!” Nahihintakutang sabi ko sa pulis na mahigpit na hawak ang pulso ko.

“Wala kang alam eh ano yang nasa kamay mo?” Tanong nya at hinablot ang brown na sobre na may lamang pera na napulot ko.

“Dedeny ka pa ha! Isa ka sa organizer ng pasugalan no?” Akusa nya sa akin.

Nanlaki ang mata ko at umiling iling. “Sir hindi po!”

“Wag ka ng magdeny miss, huling huli ka na sa akto. Sir! Nahuli ko na po ang isa sa organizer!” Sabi nya sa isang pulis na nasa likod nya.

“Hindi nga po! Hindi po ako isa sa mga organizer maniwala po kayo sa akin!” Natataranta at nahihintakutang sabi ko.

Nakita ko naman ang anino ng pulis na papalapit. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko sa kaba at takot. Ngunit napaawang ang labi ko ng makita ang pulis na papalapit. Nagtama ang mga mata namin. Kumunot ang noo nya ng tingnan ako. Napalunok naman ako.

“Ikaw na naman.” Bulalas nya.

“S-Sir.”


Sorry mga bhe kung walang ud kahapon. Busy lang talaga. Lams nyo na magpapasko kailangang kumayod ng todo. 😅🤗

Try ko makapagupdate bukas.

Chapter 5

Aitana

“SIR, WALA nga akong kinalaman dyan!” Naiiyak ng paliwanag ko sa mamang pulis na kapre na arogante. Na kung bakit sa dami ng pulis na mae-encounter ko ay sya pa talaga. Apaka malas ko naman talaga! Hindi ko na nga sya gustong makita eh!

“Kung wala kang kinalaman anong ginagawa mo dito at may hawak kang pera?” Akusa pa nya sa akin habang hawak ang braso kong inagaw nya sa isang mamang pulis na unang nag akusa sa akin. Hila hila nya ako palabas ng eskinita. At mas lalong kumalabog sa kaba ang dibdib ko ng makita ang tatlong police mobil at sinasakay na ang mga nahuli.

“Sir – “

“SPO1 Lorenzo Villegas. Sabi ko sayo wag mong kalilimutan ang pangalan ko di ba?” Putol nya sa sasabihin ko.

“Sir SPO1 Villegas – “

“Lorenzo, tawagin mo akong Lorenzo.”

“Sir Lorenzo – “

“Lorenzo ang itawag – “

“Wala akong pakialam! Patapusin mo muna ako sa sasabihin ko!” Inis ng sigaw ko sa kanya at binawi ang braso. Muntik pa akong matumba pero agad din akong nakabalanse.

Natigilan sya pati na rin ang mga kasamahan nyang pulis at napatingin sa amin.

“Sinisigawan mo ko?” Tila di makapaniwalang tanong nya.

“Eh kayo kasi eh! Nagpapaliwanag ako ang dami nyong demand!” Sikmat ko sa kanya. Hinihingal na ako sa inis. Kung hindi lang sya pulis at malaking tao sinapok ko na sya eh.

“Luh, nag away na sila.”

“Wala na.”

“LQ agad.”

Dinig kong komento ng mga kasamahan nyang pulis. Inis na sinamaan ko sila ng tingin. Ang isang pulis ay nagpeace sign pa sa akin.

“O sige, magpaliwanag ka. Bakit ka nandito?” Kalmado ng tanong ng aroganteng pulis na Lorenzo ang pangalan. Nakahalukipkip sya at matiim ang tingin sa akin pero bahagyang nakaangat ang dulo ng labi.

Humugot ako ng malalim na hininga para kalamahin ang sarili at makapagpaliwanag ng maayos sa aroganteng pulis na kaharap.

“Yun na nga sir – “

“Lorenzo.”

Matalim ko syang tiningnan. Yan na naman sya. Eepal na naman!

“Tawagin mo kong Lorenzo kundi huhuliin talaga kita.” Banta nya sa akin.

“Ayiehhh.”

“Witweew.”

“Yun oh!”

“Parang napanood ko na yan ah!”

Mga nanunuksong komento ng mga kasamahan nyang pulis. Naginit naman ang pisngi ko at sinamaan sila ng tingin. Nginisihan lang nila ako. Tangna! Mukhang shiniship pa nila kami nitong aroganteng pulis na to!

Muli ko syang tiningnan. Matiim pa rin syang nakatingin sa akin.

“O ano na, magpaliwanag ka na.” Tila naiinip ng sabi nya.

Pumikit ako ng mariin at muling humugot ng malalim na hininga. Kalma Ai. Kalmahan mo lang.

“So yun na nga po, gaya ng sabi ko kanina hindi ako kasali dyan at hindi ako isa sa mga organizer. Nandito lang ako dahil pinuntahan ko ang isang estudyante ko na dyan sa looban nakatira. Yung perang hawak ko kanina, napulot ko lang po yun nung malaglag ng mamang tumakbo.” Paliwanag ko sa kanya.

Pero tinaasan nya ako ng kilay. “Nagsasabi ka ba ng totoo? Baka naman nagpapalusot ka lang.” Aniya.

Bumuntong hininga ako at napapikit. Mariin ko ring nailapat ang labi at pinipigilan ang sariling mag mura.

“Teacher Ai! Teacher Ai!” Tawag sa akin ng boses ng isang bata. Nilingon ko sya. Napakunot noo ako ng makitang tumatakbong papalapit sa akin si Pengpeng.

“Pengpeng bakit?” Tanong ko. Bahagya pa syang humihingal ng huminto sa harap namin ng pulis.

“Pinasundan ka po sa akin ni tatay dahil baka kung ano po ang nangyari sa inyo dahil nagkagulo po kanina.” Sabi nya.

Tila naman nagbukas ang pinto ng langit sa akin at lumiwanag. Hinarap ko si Sir Lorenzo.

“Sir, sya po ang sinasabi ko sa inyong estudyante ko na nakatira dyan sa looban na pinuntahan ko. Pengpeng sabihin mo nga sa kanya na ikaw ang pinuntahan ko at hindi ako kasali sa mga manunugal lalo na hindi ako organizer.” Sabi ko kay Pengpeng at hinawakan sya magkabilaang balikat. Humarap naman sya kay Sir Lorenzo.

“Mamang pulis totoo po yung sinasabi ni Teacher Ai. Ako po ang pinuntahan nya dyan sa looban. Dyan po ako nakatira. Dalawang linggo na po kasi akong hindi pumapasok sa school kaya pinuntahan po nya ako at kinamusta. Hindi po sya kasama sa mga organizer ng pasugalan. Hindi nga rin po sya marunong magsugal sa unggoy ungguyan nga lang po lagi syang talo eh.” Sabi ni Pengpeng.

Taas noo namang tiningnan ko si sir Lorenzo. Pero ang aroganteng pulis ay nginisihan lang ako.

“Paano ako makakasiguro? Baka mamaya kasabwat mo lang yang batang yan.” Aniya.

Napasinghap naman ako at muling bumangon ang inis. “Aba’t – “

“Hindi po sir. Mahirap man po kami ng tatay at mga kapatid ko, kahit dyan po kami sa looban nakatira hindi po kami sumasali sa mga sugal na yan. Alam naman po naming masama yan at iligal. At saka pangangalakal lang po ang hanapbuhay ng tatay ko. Kakarampot lang ang kinikita nya at sakto lang sa pangkain namin sa araw araw. Kung isusugal pa po namin yun wala naman pong kasiguraduhan kung mananalo kami kaya ibibili na lang po namin ng pagkain. Ngayon po may sakit ang tatay ko at hindi sya nakakapaghanapbuhay. Hindi po ako nakakapasok sa school dahil kailangang ko pong magtinda ng sigarilyo at kendi sa kalye para may pambili po kami ng pagkain. Sana po wag nyo naman kaming husgahan. Hindi naman po lahat ng nakatira dito kagaya na ng mga nahuli nya lulong sa sugal. Si Teacher Ai po ay nagmamalasakit lang sa akin kaya sya nagpunta sa lugar na ito. Kaya sana po mamang pulis wag nyo na po syang paghinalaan dahil mabait po si Teacher Ai.” Mahabang litanya ni Pengpeng habang nakatingin sa bintangerong aroganteng pulis.

O ano ka ngayon? Basag ka!

Halatang natameme si Sir Lazaro sa sinabi ni Pengpeng. Maging ako man ay natameme din. Dahil sa kahirapang dinaranas nagiging matured talaga ang mga batang kagaya nya. At bilang teacher nya. Proud ako sa kanya.

Bumuntong hininga naman si sir Lorenzo. “Pasensya na bata, naniniguro lang ako. Hindi ko naman intensyong paghinalaan ka.” Sabi nya.

“Huu! Ganyan naman talaga kayong mga pulis. Magaling kayong magakusa. Ni hindi muna kayo magtanong. Tapos kapag nagpaliwanag sasabihin nagpapalusot lang.” Sabat ko at tinaasan ng kilay ang aroganteng pulis na nakakunot ang noo.

“Bilang pulis at alagad ng batas kailangan naming maging maingat at makasiguro sa bawat galaw at sasabihin namin.”

“Huu! Nagpapalusot ka lang Sir SPO1 Lorenzo Villegas. Pinagbintangan mo na nga ako eh! O paano naman ako? Napahiya na ako sa harap ng ibang tao dahil pinaghinalaan nyo akong isa sa mga organizer. Paano naman ang reputasyon ko bilang kagalang galang na teacher? Dapat pala kasuhan ko kayo eh! Lalong lalo ka na!” Tungayaw ko sa kanya.

Ngumisi lang sya. “Sige kasuhan mo ko. Di ako natatakot.” Aniya na hindi nga mababakasan ng pangamba ang mukha kung kasuhan ko sya.

“Sir ok na po na ang lahat.” Tawag sa kanya ng isang pulis na tinanguan lang nya. Bumaling sya sa akin na nakangisi pa rin.

“Iwan na muna kita. Magkita na lang tayo next time.”  Sabi nya at umalis na para lapitan ang mga kasama na mga nakasakay na sa police mobil.

Napaawang naman ang labi ko. Ano daw? Magkita daw kami next time? Ayoko na syang makita no! Parang lagi akong minamalas kapag nakikita ko sya.

Pinanood ko na lang ang pag sakay ng ibang pulis sa police mobil. Ang aroganteng police ay sumakay sa pick up truck police car. Bumusina pa sila bago umusad paalis. Kumaway pa sa akin ang mga pulis na nakasakay sa police truck kasama ang mga nahuli.

“Bye ma’am Aitana!” Sigaw pa ni Jefferson na ngiting ngiti kagaya ng mga kasamahan nya. Sinimangutan ko lang sila.

“Alam nyo po Teacher Ai, parang bagay po kayo nung mamang pulis.” Sabi ni Pengpeng habang tinatanaw namin ang papalayong mga police mobil.

Napatingin ako sa kanya at nagsalubong ang kilay. “Hindi no! Hindi kami bagay nun. Nakita mo naman ang yabang yabang at saka halata namang matanda sa akin yun. Ayoko ng matanda.” Sabi ko. Parang bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Pengpeng na bagay daw kami nung aroganteng pulis. Pero hindi ako kinilabutan dahil sa pandidiri, ah basta! Kakaibang kilabot sya na hindi ko maintindihan.

Nagkibit balikat na lang si Pengpeng at hindi na nagkomento. Inihanap na lang nya ako ng traysikel para makauwi na ako.

“Salamat Peng, bukas ha babalik ako ipapacheck up ko ang tatay mo.” Sabi ko ng makasakay na ako sa loob ng traysikel.

“Opo ma’am, salamat po ulit.” Sabi nya at kumaway. Kinawayan ko din sya.

Bumuntong hininga ako habang umaandar na ang traysikel. Nakaramdam ako ng pagod bigla. Ikaw ba naman ang muntik ng maaresto dahil na napaghinalaan kang isang organizer ng ilegal na pasugalan.

Hays! Badtrip kasi yung pulis na yun eh! Parang lagi akong trip. Kuh! Kung hindi lang sya papatol binigwasan ko na sya kanina eh.

ALAS OTSO y medya ng umaga ay nandito na ako sa pampublikong hospital kasama ang pamilya ni Pengpeng. Galing na kami dito kahapon at pinacheck si Mang Hunyo kasama na rin ang tatlong bata. Bumalik kami ngayon para kunin ang resulta at ang sasabihin ng doktor. Iniwan ko muna ang mga estudyante ko kay Macy. Kahapon ay nag ambagan ang mga co teachers ko para pampacheck up at pambili ng gamot na kakailanganin ng mag anak. Pati nga ang masungit naming principal ay nag ambag din. Binigyan din ako ni tiyang Meding ng sabihin ko ang kalagayan ng estudyante kong si Pengpeng. Kilala din kasi nya si Mang Hunyo dahil nagagawi ang huli sa amin para mangalakal at bumili ng mga bote.

Unang tinawag ang tatlong bata sa loob ng pedatric. Sinamahan ko sila at nakinig sa sasabihin ng doctor. Ok naman ang xray result ng tatlong bata. Yun nga lang ay mahina ang immune system nila at malnourished din. Mababa ang timbang para sa edad. Nagbigay ang doktor ng reseta para sa vitamins ng tatlo. At ang kainaman pa ay pwede itong hingin sa munisipyo. Pagkatapos ng check up ng tatlo ay si Mang Hunyo naman ang sinamahan ko. May tama sa baga si Mang Hunyo at nag positive sa tuberculosis kaya pala pabalik balik ang ubo at lagnat nya. Mabuti na lang at hindi nahawa ang tatlong bata. Kailangan nyang maggamutan ng anim na buwan. At ang magandang balita pa ay libre lang ang gamot. Nirefer kami sa tuberculosis center at doon ay nagfill up ng form para makakuha ng gamot. Ng makakuha na kami ay sinamahan ko naman ang tatlong bata sa munisipyo para makahingi ng vitamins. Mabilis naman kaming inasikaso doon at nakakuha ng vitamins. Pwede ulit manghingi kapag naubos na.

“Ma’am maraming salamat po sa tulong nyo. Tatanawin ko po itong utang na loob.” Sabi ni Mang Hunyo. Nandito kami ngayon sa isang karinderya sa tabi ng munisipyo at pinakain sila. Umuungot na kasi ang dalawang bata na gutom na.

Ngumiti ako. “Wala pong anuman Mang Hunyo. Ang importante ay gumaling na kayo para makapaghanapbubay na kayo at makabalik na sa eskwela si Pengpeng.”

Halos wala kaming ginastos sa pagpapacheck up nila. Maliban lang sa tig singkwenta pesos na pagpaparecord ng bawat isa sa kanila. Libre din kasi ang xray nila at gamot. Kaya ang balak ko ay ibili ng mga kakailanganin nila ang perang nalikom.Kailangan nila ng masusustansyang pagkain lalo na ang tatlong bata.

“Teacher Ai, kelan po ako pwedeng pumasok?” Tanong ni Pengpeng na magana sa pagkain ng spaghetti. Maging ang dalawa nyang kapatid ay sarap na sarap sa kinakain. Halatang sabik sila sa ganitong pagkain.

“Sa lunes pwede ka ng pumasok. Alalayan mo muna ang tatay mo.” Sabi ko. Ang sabi kasi ng doktor sa unang linggo ng gamutan ni Mang Hunyo sa tuberculosis ay magiging mahiluhin sya dahil sa epekto ng gamot kaya kailangan pang alalayan.

“Sige po.” Sagot ni Pengpeng.

“Salamat po Teacher.” Sabay na sabi naman ng dalawang paslit na madungis na ang nguso dahil sa sauce ng spaghetti.

Ngumiti ako sa kanila. “You’re welcome. Sige na kain lang ng kain. Pagkatapos nyo uminom na agad kayo ng vitamins.” Sabi ko. Nagtanguan naman silang tatlo. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang madungis na nguso ng dalawang bata.

“Pagkatapos nyong kumain ay pupunta tayo ng palengke at maggogrocery. Bibili tayo ng mga kailangan nyo.” Dagdag ko pa.

“Naku ma’am. Parang sobra na po yata yan. Nakakahiya na po.” Bulalas ni Mang Hunyo.

“Ayos lang po Mang Hunyo. Kailangan nyo rin po kasi ng masustansyang pagkain at para na rin po sa mga bata. Wag po kayong mag alala. Tulong po ito ng buong school sa inyo.”

Maluhaluha naman ang mata nya at pinunasan ng kamay. “Hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko sa inyo ma’am. Maraming salamat talaga. Napakabuti nyo sa amin.”

Naantig naman ang puso ko sa sinabi nya. Tinapik ko sya sa balikat. “Basta magpagaling po kayo para sa mga anak nyo Mang Hunyo.”

“Ma’am Aitana!”

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nawala ang ngiti ko at napasimangot ng makita ang tatlong pulis na papalapit sa akin. Ang tumawag sa akin ay si Jefferson. Ang isang pulis na kasama nya ay ang pulis na unang nag akusa sa akin noong isang araw na isa ako sa mga orgnizer ng pasugalan. Ang isa naman ay hindi ko kilala at hindi ako interesadong kilalanin. Hindi rin ako interesadong kausapin sila. Ayoko nga rin silang makita eh. Nakakatrauma na makita sila. Pakiramdam ko mamalasin ako.

“Good morning ma’am Aitana. Sabi na nga ba ikaw yung nakita ko eh.” Ani Jefferson na ngiting ngiti.

Mapakla naman akong ngumiti din. “Hello Jefferson.” Labas sa ilong na bati ko.

Ang isang pulis naman ay nahihiyang ngumiti sa akin. “Ma’am, pasensya na po pala kahapon. Napagkamalan ko po kayo.” Aniya at kumamot pa sa ulo.

Sinimangutan ko naman sya. “Kainis ka kahapon kuya ha.” Di ko napigilang ibulalas.

“Sorry po talaga ma’am.” Hinging paumanhin pa ulit nya. Nabasa ko ang pangalan nya na nakalagay sa dibdib. PO1 De Guzman.

“Hmph! Sige na ok na, ginagawa mo lang naman ang trabaho mo.” Sabi ko at nabawasan na ang inis sa kanya dahil nagsorry naman sya.

Pinakilala sa akin ni Jefferson ang dalawa nyang kasama. Ang pulis na nag sorry sa akin kanina ay Anjo De Guzman ang pangalan. Ang isa naman ay si Marlon Pelez. Pare parehas lang pala sila ng ranggo.

“Ano palang ginagawa nyo dito ma’am?” Tanong ni Jefferson.

“Ah sinamahan ko kasing magpacheck up itong mga bata tapos kumuha kami ng vitamins sa munisipyo.” Sabi ko.

“Ang bait nyo naman po ma’am.” Komento ni Marlon. Ngumisi lang ako.

“Hindi naman, estudyante ko kasi tong batang to at concern lang ako.” Sabi ko at hinawakan sa buhok si Pengpeng na ngumiti sa mga pulis.

“Eh kayo, anong ginagawa nyo dito?” Tanong ko. Sa hitsura nila ay halatang nakaduty sila. Napangiwi ako ng maaalalang nasa kabilang bahagi lang pala ng munisipyo ang istasyon nila.

“Break time po kasi namin ma’am magmemeryenda po kami dito.” Sagot ni Anjo.

“Ah.” Tanging sagot ko lang. Pero napaisip ako at nagpalinga linga. Hindi naman siguro nila kasama yung aroganteng kapreng pulis na Lorenzo ang pangalan. Ayoko syang makita eh. Bwisit ako dun.

“Ah teka nga pala may tatawagin ako. Tiyak na matutuwa yun na makita ka ma’am.” Ani Jefferson.

Napakunot noo naman ako. “Sino?” Tanong ko.

Pero hindi nya ako pinansin at tumingin sa direksyon ng isang grupo ng mga kalalakihan na naguusap usap.

“Sir Enzo!” Sigaw ni Jefferson.

Lumingon naman ang isang lalaki na pinakamatangkad at may pinakamalaking katawan mula sa grupo ng mga lalaki. Napaawang ang labi ko ng makilala sya. Kasasabi ko lang kanina na ayoko syang makita tapos ngayon – nasa malapit lang pala sya.

“Sir Enzo, nandito po si ma’am Aitana!” Sigaw pa ni Jefferson at tinuro pa ako. Parang gusto ko syang batukan. Tinawag pa talaga nya.

Wag kang lumapit! Wag kang lumapit! Piping dasal ko.

Pero tila kay lakas ng pangontra ng aroganteng pulis dahil malalaki ang hakbang na lumapit sya sa amin. Kaya napasimangot na lang ako. Kung hindi nga lang nag eenjoy pa sa pagkain ang mga bata inaya ko na silang umalis.

Ngunit habang papalapit ang aroganteng pulis ay hindi ko naman maiwasang bistahan ang hitsura nya. Nakasibilyan lang sya ngayon. T-shirt na itim na medyo hakab sa mamasel na katawan. Halos pumutok na nga ang manggas dahil sa laki ng masel nya. Naka brown cargo pants sya at naka sneakers. Infairness bagay sa kanya. Lakas makabagets at ang gwapo talaga nya. Yun nga lang malaking bwisit sya.

Tinaasan ko sya ng kilay ng makalapit na sya sa amin at tumingin sa akin. Pero inirapan ko lang sya na ikinangisi lang nya. Kung makangisi akala mo walang kasalanan eh.

“Anong meron?” Tanong nya at namulsa habang isa isa kaming tinitingnan.

Hindi ako sumagot at kunwaring busy sa pag aasikaso sa mga bata.

“Wala sir, nakita kasi namin dito si ma’am eh. Sinamahan daw nya ang pamilya ng estudyante nya na magpacheck up. Ang bait nya po no. Sana dumami pa ang mga teacher na gaya nya at maswerte ang mapapangasawa nya. Teka ma’am, may boyfriend na po ba kayo?” Baling sa akin ni Marlon. Nakita ko namang siniko sya ni Jefferson at senenyasan gamit ang mata na tila may sinasabi.

Napataas naman ang kilay ko. “Wala, single ako.” Sagot ko na lang.

“Yown! Kung sakali po ba ma’am na manligaw – aray! Bakit?” Daing ni Marlon ng sikuhin na sya ng malakas ni Jefferson at inguso si sir Lorenzo na matalim na ang tingin sa kanya.

Napakunot noo naman ako at naguluhan sa mga inaakto nila.

Tumikhim naman si sir Lorenzo. “Sige na magmeryenda na kayo baka matapos na ang break time nyo hindi pa kayo nakakapag meryenda.” Sabi nya sa tatlong pulis.

“Yes sir.” Sabi naman ng tatlo at umupo na sa bakanteng lamesa ng karinderya at umorder.

Lumapit naman sa akin si sir Lorenzo. Nahigit ko naman ang hininga kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit lagi akong kinakabahan sa tuwing nagkikita kami. Siguro mamalasin na naman ako.

Tinaasan ko sya ng kilay. Hinila nya ang isang mono block at umupo sa tabi ko. Ang puso ko naman ay hindi na magkamayaw sa pagwawala. Bahagya ko namang inatras ang upuan ko. Tinaasan naman nya ako ng kilay.

“A-Ano po bang kailangan nyo sir Lorenzo?” Nauutal na sabi ko. Kinakabahan talaga ako sa kanya eh.

Tumawa sya. Napataas kilay naman ako habang pinagmamasdan syang tumawa. Pati tawa nya gwapo din.

“Bakit parang ninenerbyos ka? Wala pa nga akong ginagawa eh.” Nakangising sabi nya.

Ngumuso naman ako at hindi na sumagot. Baka kung ano pa ang masabi ko sa kamya eh. Mapasama na naman ako.

Napansin ko naman na nakatingin sa amin ang tatlong bata at si Mang Hunyo. Nginitian ko naman sila. Tapos na pala silang kumain.

“Tapos na po kaming kumain Teacher Ai.” Nakangiting sabi ng kapatid na babae ni Pengpeng.

Kumuha naman ako ng tissue at pinunasan ang nguso nya ganun din ang bunsong kapatid nya. Tinawag ko ang tindera at pinakwenta ang mga kinain namin at nagbayad na.

“Kids alis na tayo.” Sabi ko sa talong bata at tumayo na. Si Mang Hunyo ay binuhat ang bunso. Si Pengpeng naman ay hinawakan sa kamay ang kapatid na babae.

“Teka uuwi na kayo?” Halos sabay naming nilingon si sir Lorenzo na tumayo na rin.

“Oo, pero pupunta muna kami ng palengke at maggogrocery.” Sagot ko.

“Sama ko.”

“Ha?”


Chapter 6

Aitana

NILAPITAN KO si Mang Hunyo na nasa harap ng estante ng mga delata. Kumuha lang sya ng dalawang delata ng sardinas na pinakamura.

“Mang Hunyo yung sardinas na lang po na yun ang kunin nyo mas magandang klase at mas masarap po yun.” Sabi ko at tinuro ang isang brand na sardinas.

“Medyo mahal po yun ma’am, ok na po ito.” Nahihiyang sabi nya.

“Hindi po, wala po kasing lasa yan eh. Yun na lang po. Kumuha po kayo ng sampu.”

“Sampu? Naku! Ang dami nun ma’am baka mapalaki po ang magastos nyo.” Napapakamot sa ulo at nahihiya pa ring sabi nya.

Ngumiti naman ako at kinuha ang dalawang latang sardinas sa kamay nya at binalik sa estante. Dumampot ako ng ibang brand ng sardinas at nilagay sa cart namin. Dumampot na rin ako ng sampung lata ng corned beef, meatloaf at iba’t ibang klaseng de lata pa na ready to eat na. Wala ng nagawa si Mang Hunyo kahit nahihiya pa sya. Sunod naman naming pinuntahan ang estante ng mga gatas at kape. Pinakuha ko si Mang Hunyo ng tig dalawang pack na pinakamalaking milk powder at chocolate powder para sa mga bata. Kape at asukal naman para sa kanya.

“Kuya Enzo, yun po gusto ko po nun.”

Nilingon ko ang kapatid na babae ni Pengpeng na si Tintin na may tinuturo sa taas ng estante ng nga biscuits.

“Eto ba?” Tanong naman ni sir Lorenzo at inabot ang isang pack ng chocolate cake bar. Tumango si Tintin. Dumampot si sir Lorenzo ng tatlong pack ng chocolate cake bar na iba iba ang flavor at nilagay sa dala nilang cart na kalahati na ang laman na puro biscuit at junk food ang laman. Talagang sumama sya sa amin kahit sinabi kong hindi na. Day off naman daw kasi nya at wala daw syang ginagawa.

“Tuya pulit guto ko po ito.” Ungot naman ni Junjun na tinuro ang isang tsitsirya.

“Wag yan baby, masyadong maalat yan. Bawal sa’yo yan.” Malambing na sabi ni Sir Lorenzo at binuhat pa si Junjun at pinakita ang ibang biscuits na pwedeng kainin ni Junjun.

“Pili ka na lang dito. Ito, masarap to.” Suhestiyon pa ni sir Lorenzo at tinuro ang isang pack ng cheese cake.

Napataas naman ang kilay ko. Ibang iba sya ngayon sa mga bata kesa sa akin noong una at pangalawa kaming magkita. Masungit sya sa akin at arogante tapos ngayon malambing sya sa mga bata. Unfair ha.

“Maraming salamat talaga sa inyo ng kaibigan mong pulis ma’am. Napakabuti nyo sa amin.” Anang Mang Hunyo na kanina pa nagpapasalamat.

Ngumuso ako. “Hindi ko po sya kaibigan Mang Hunyo. Dalawang beses na nga nyan ako muntik ng arestuhin. Napagkamalan pa nga nya akong isa sa organizer ng pasugulan dun sa inyo eh.” Tila nagsusumbong na sabi ko.

“Oo nga, nakwento sa akin ni Pengpeng. Pasensya na po ma’am nadamay pa kayo sa gulo sa lugar namin.”

Umiling iling ako. “Wala po kayong kasalanan Mang Hunyo wag po kayong humingi ng pasensya.” Sabi at tinapik sya sa balikat.

Lumapit naman ako kay sir Lorenzo at sa mga bata na pumipili ng mga gusto nila. May hawak na ngang tig isang garapon ng istiko ang dalawang bata.

“Ang dami nyan ah.” Untag ko.

Tumingin naman sa akin si sir Lorenzo at ngumisi. “Don’t worry akong magbabayad nyan.” Aniya.

Tinaasan ko sya ng kilay. “Kahit hindi na, keri ng budget ko yan.”

“Nah, I insist. Ako ang magbabayad nyan.” Giit pa nya.

Ngumuso ako. “Sabi mo eh.”

“O mga bata, kunin nyo lang ang lahat ng gusto nyo. Libre lahat ni sir Lorenzo. O ito, dagdagan nyo pa ng tig dalawa.” Sabi ko at dumampot pa ng dalawang balot na chocolate cake bar, cheese cake, buscuits at kung ano ano pa. Inutusan ko pa si Pengpeng na kumuha pa ng tig isang malaking pack ng milk powder at chocolate powder pati asukal at nilagay sa cart ni sir  Lorenzo. Sa isang iglap napuno ang cart.

Taas kilay na tiningnan ko sir Lorenzo na nakatingin din sa akin.

Ngumisi sya. “Yan lang? Dagdagan mo pa.”

“Wag na, baka wala ka ng pambayad.” Bira ko.

Tumawa naman sya. “Kung gusto mo kumuha ka rin ng gusto mo eh, ako pa ang magbayad.”

“Yoko nga! Bakit tatay ba kita?”

“Bakit tatay lang ba ang pwedeng bumili ng gusto ng isang babae? Boyfriend din diba?” Nakangising sabi nya.

“O bakit? Boyfriend din ba kita?”

“Hindi pa.”

Napasinghap ako sa sinabi nya. Kumalabog ng husto ang dibdib ko. Anong ibig nyang sabihing hindi pa? Na balak nyang maging boyfriend ko.

“Oy mamang pulis, hindi kita type no! Ayoko sa mas matanda sa akin. Lalong lalo na ayoko sa pulis. Minamalas ako sa pulis. Hmph! Dyan ka na nga!” Nagiinit ang pisnging sikmat ko sa kanya at tinulak na ang cart namin ni Mang Hunyo. 

Apaka feelinggero talaga ng kapreng pulis na yun! Anong tingin nya type ko sya? Hindi no! Kahit nuknukan pa sya ng gwapo at macho. Hindi ko sya type. Period!

Ang pinuntahan naman namin ni Mang Hunyo ay ang section ng mga sabon. Kumuha ako ilang box ng body soap at tatlong dosena ng pack na shampoo. Kumuha din ako ng powder soap at bar soap na gagamitin nila sa panglaba at fabcon na rin. 

Pagdating namin sa counter ay halos tatlong cart na puno ang dala namin. Yung cart na dala ni sir Lorenzo ay punong puno ng kung ano anong pagkain na pwede ng gawin pang tindahan. At napaawang pa ang labi ko ng lumapit ang dalawang staff ng grocery store at may dalang dalawang sako ng bigas. Tinuro ni sir Lorenzo ang pwesto namin. Hindi naman ako kinabahan kung kapos ang budget dahil sya naman ang magbabayad sya ang kumuha nun eh.

Umabot sa kulang kulang bente mil ang bill namin. Akmang magbibigay na ako ng kalahati ng pambayad ng sabihin ng cashier na nagbayad na si sir Lorenzo. Inabot ko na lang sa kanya ang pera.

“Sige na itabi mo na lang yan.” Aniya.

“Tanggapin mo na.” Giit ko naman.

“Wag na nga, pupunta pa tayo ng palengke di ba? Yan na lang ang ipambayad mo.” Sabi nya.

“Wag mong sabihing sasama ka pa hanggang sa palengke?” Salubong ang kilay na sabi ko.

“Oo naman! Sino ang makakatulong nyo sa pagbubuhat ang dami nito. Saka mas convenient dahil may dala akong sasakyan hindi na kayo mahihirapan maghanap ng masasakyan.” Katwiran nya.

May point naman sya. Sige na nga.

“Basta wag ka ng eepal sa palengke ha. Ako na ang bahala dun.” Sabi ko.

Ngumisi naman sya. “Yes ma’am.”

Naginit ang pisngi ko sa sinabi nya.

Ng makabayad na kami ay sinakay na sa pick up truck ni sir Lorenzo ang lahat ng pinamili namin. Mas convenient nga na kasama namin sya. Dahil lahat ng pinamili namin na nakakahon ay sa likod ng pick up truck sinakay pati na rin ang dalawang sako ng bigas. Sa backseat ng sasakyan ay nakaupo ang mag aama. Si Mang Hunyo na kandong si Junjun at sa tabi nya si Pengpeng. Ako naman ang naupo sa passenger seat kandong ko si Tintin. Syempre ang driver namin ang kapreng pulis na maeps na galante naman.

Ilang minuto pa ay nasa palengke na kami at pinamili ko ng ulam ang mag aama. Dahil wala naman silang ref ay saktong ulam lang ang binili ko pero dinagdagan ko na rin ng gulay, itlog, bawang, sibuyas at kung ano ano pa. Binilhan ko na rin sila ng sariwang prutas.

HABANG NASA gitna ng daan ay tahimik lang ako habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan ni sir Lorenzo. Galing kami sa bahay nila Mang Hunyo at hinatid ang mag aama. Binigay ko ang sobrang pera kay Mang Hunyo para may panggastos sila at pambayad na rin ng kuryente nila. Todo tanggi pa nga si Mang Hunyo pero wala na syang nagawa sa kakulitan ko. Todo todo ang pasasalamat nya sa amin ni sir Lorenzo at naiyak pa. Ako naman ay magaan ang loob na nakatulong. Masarap sa pakiramdam. Ang gusto ko lang ay maging magaan ang pamumuhay ng pamilya ni Pengpeng at makabalik na sya sa pag aaral. At syempre kailangan ko ding pasalamatan ang aroganteng pulis na kasama ko.

Nilingon ko si sir Lorenzo na prenteng prenteng nakaupo sa driver seat at nagmamaneho. Naginit pa ang pisngi ko ng lumingon sya sa akin at nagtama ang aming paingin. Mabilis naman akong nagbawi ng tingin at tumikhim.

“Hmm salamat nga pala.” Sabi ko.

Ngumiti naman sya. “You’re welcome.”

Muling namayani ang katahimikan. Para akong may stiff neck na hindi makalingon sa kanya at sa harapan lang ng sasakyan tumitingin. Nagpresinta kasi syang ibatid ako sa school. Nakikita ko sa gilid ng aking mata na patingin tingin sya sa akin.

Tumikhim sya. “Hindi ka na galit?” Tanong nya.

Tiningnan ko sya ng hindi nililingon ang ulo.

“Galit saan?” Kunot noong tanong ko din.

“Noong isang araw, nung pinaghinalaan kita.” Sagot nya.

Awtomatiko naman akong sumimangot ng maalala yun at inirapan sya.

Tumawa naman sya. “I’m sorry.” Aniya.

Tinaasan ko sya ng kilay at hindi makapaniwala sa sinabi nya. Nagso-sorry sya? Talaga ba?

Ngumuso ako. “Naiinis ako sayo. Napahiya kaya ako nun.” Sabi ko.

“Kaya nga ako nagsosoryy eh. Hindi ko namang intensyon na ipahiya ka. Alam ko naman na hindi ka sangkot dun.”

Nilingon ko na sya. “Alam mo naman pala eh! Pero bakit ginigiit mo pa ring sangkot ako dun?” Inis na tanong ko.

Kumamot sya sa ulo. Nagmistula syang batang nahuli sa kalokohang ginawa.

“Wala lang. Trip ko lang.” Parang wala lang na sabi nya.

Napaawang naman ang labi ko. So it means pinagtripan lang nya ako noong isang araw? Aba’y siraulo nga talaga tong kapreng pulis na to. Napipikit ako at mariing nilapat ang labi. Ngalingaling bigwasan ko sya.

Kalma lang Aitana. Pulis pa rin yan.

Humugot ako ng malalim na hininga. “Alam mo bang takot na takot ako ng araw na yan at halos maiyak na ko tapos pinagtitripan mo lang pala ko.” Inis na sabi ko.

“Kaya nga nagsosorry ako.”

“Sorry ka dyan.” Bubulong bulong na sabi ko at inirapan sya.

Bumuntong hininga sya. “Anong gusto mo gawin ko para tanggapin mo ang sorry ko?”

Ngumuso ako. “Wag ka ng magpakita sa akin. Ayoko ng makakita ng pulis natotrauma ako, lalo ka na.”

“Mahirap yan.” Natatawang sabi nya.

“Anong mahirap dun? Wag ka lang magpapakita sa akin madali lang yun.”

“Ang kaso gusto naman kitang makita. So pano yun?” Nakangising sabi nya.

Napasinghap naman ako kasabay ng pagbilis ng pintig ng puso ko. “A-At bakit mo naman ako gustong makita?”

Nagkibit balikat sya at tumingin sa akin. “Dahil gusto kita.”

Napaawang naman ang labi ko at nahigit ko ang hininga. Pakiramdam ko ay nasa lalamunan ko na ang puso ko sa lakas ng kabog nito. At tila sirang plakang paulit ulit kong naririnig ang salitang sinabi nya na gusto nya ako. Baka pinagtitripan na naman nya ako.

“We’re here.” Untag nya at hininto ang sasakyan.

Napakurap kurap ako ng mata habang pigil pa rin ang hininga. Nasa tapat na pala kami ng gate ng eskwelahan.

Bumaba sya ng sasakyan at umikot sa gawi ko. Doon lang ako nakabawi ng paghinga at tarantang sinukbit ko ang bag. Ng buksan nya ang pinto ay mabilis akong bumaba. Binati naman ako ng gwardya na nakatalaga sa gate ng school. Binati ko rin sya.

Muli kong tiningnan si sir Lorenzo. “S-Salamat sa paghatid sir Lorenzo.” Nauutal na sabi ko.

“You’re welcome. Mamaya pupunta ako sa bahay nyo.”

“Ha? Bakit?”

Ngumiti sya. “Manliligaw ako sa’yo.” Aniya sabay kindat.

Napaawang na naman ang labi ko. Hanudaw?Tama ba yung narinig ko? Manliligaw daw sya?

Hanggang sa makaalis na ang sasakyan na lulan ni sir Lorenzo ay nakatanga pa rin ako habang sinusundan ito ng tingin.

“Ma’am Aitana, ok lang po kayo?” Untag sa akin ng gwardya.

“Ha?” Parang tanga naman na tanong ko.

Kumamot sa ulo ang gwardya. Doon lang tila nagising ang diwa ko.

“Ano.. manong, ok lang po ako.” Nasabi ko na lang. Sinilip ko ang oras sa relo ko. Alas onse na ng umaga.

“Pasok na po ako manong.” Sabi ko sa gwardya. Pinagbuksan naman nya ako ng gate.

Habang tinatahak ang daan papunta sa classroom ay ipinilig pilig ko ang ulo at tinapik tapik ang pisngi. Paulit ulit ko kasing naririnig ang sinabi ng kapreng pulis na yun. Na gusto nya ako at liligawan nya ako. Hindi ko naman alam kung ano ang mararamdam ko tapos sobrang lakas pa ng tibok ng puso ko. Hindi naman ito ang unang beses na may nagsabing gusto ako at liligawan ako. Pero hindi ganito ang reaksyon ko.

Urgh! Nakakalokah!

Lorenzo

PASIPOL SIPOL ako ng pumasok ako sa gate ng bahay ng kaibigan kong si Jeiz. May ilang mga sasakyan din ang nakaparada sa labas na malamang ay sa mga kaibigan ko. May usapan kasi kami na magkita kita dito sa bahay ni Jeiz. Umuwi kasi ang isa naming kaibigan na galing ibang bansa na isang taon namalagi doon.

Sa porch pa lang ay nakita ko na silang nagtitipon tipon at nagtatawanan. Si Jeiz ay buhat ang mag iisang taong gulang na anak na si Jethro na inaanak ko.

“Oh here comes the hottest policeman in town.” Nakangising sabi ni Luigi na nakasuot pa ng aviator.

Lumapit ako sa kanila at nakipagfist bump. Si baby Jethro naman na buhat ni Jeiz ay ginulo ko ang manipis na buhok.

“Late ka yate pare.” Puna ni Jeiz.

“May dinaanan lang par.” Sabi ko.

“Ano? Babae?” Sabat naman ni Atlas. Nginisihan ko sya.

“Kararating mo pa lang ng Pinas chismis ka agad.”  Sabi ko.

“Bakit? Hindi ba totoo? I know you pare.” Dagdag pa ni Atlas at ngumisi din.

Well.. totoo naman. Kasama ko kanina si Aitana pero may kasama din kaming iba.

Umiling iling na lang ako at umupo sa couch sabay dampot ng hindi pa bukas na beer in can na malamig pa. Binuksan ko ito at tinungga.

“So sino naman ang babae mo pare?” Usisa pa ng tsismosong si Atlas.

“Yung kasamahan din nyang pulis. What’s her name again pare? Jodie? Josie?” Sabat ni Kester.

“Woah! May girlfriend ka? Bakit hindi mo dinala para makilala din namin. Susunod ka na rin ba kay Jeiz?” Ani Luigi.

“Her name is Julie. And she’s not my girlfriend.” Sabi ko.

Nagngisihan naman silang lima.

“What?” Kunot noong tanong ko.

“Wala, akala namin susunod ka na kay Jeiz eh. Kayo pa naman ang madalas magkasama baka kasi naiingit ka na sa kanya.” Ani Atlas.

Ako naman ang ngumisi. “Malabo pa yan, baka mauna pa kayong apat sa akin.” Sabi ko.

Pero tila naman tuksong lumitaw sa isip ko ang mukha ng nakangusong si Aitana. Ang mapupungay nyang mga mata na kung minsan ay matalim tumingin sa akin. Alam ko namang bad trip sya sa akin. Dalawang beses ba naman kaming nagkita sa hindi magandang sitwasyon. Yung pangalawa kasi sinadya ko lang talagang pagtripan sya. Wala lang. Gustong gusto ko kapag naiinis sya sa akin. Yung hitsura nyang tila gusto na akong sapukin. Sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko ay sya lang ang bukod tangi at lakas loob na sagut sagutin ako, supladahan at irap irapan. Kaya lalo tuloy akong naaattract sa kanya. Sa kanya lang ako naattract ng ganito. Hindi lang dahil sa panlabas nyang hitsura kundi pati sa personality nya. Teacher na palaban pero may mabuting kalooban. At gusto ko pa syang makilala ng lubusan. And maybe.. she’s the one for me.

“Lorenzo pare.”

“Hmm?” Nag angat ako ng tingin sa mga kaibigan kong mga nakakunot noong nakatingin sa akin. Mukhang kanina pa sila may pinaguusapan.

“Yeah?”

Nagngisihan silang lima at umiling iling.

“Nagdi-day dreame sya mga pare.” Untag ni Matias na syang pinaka seryoso at moody sa aming anim.

“I’m not!” Kontra ko.

“Tsk! Kung nakita mo lang hitsura mo kanina. Pangiti ngiti ka at hindi nakikinig sa usapan.” Sabi ni Jeiz sabay tawa nilang lima.

Napaawang naman ang labi ko. Ganun ba ako kanina? Siguro nga. Di naman nila ako pagtatawanan kung hindi. Napakamot na lang ako sa ulo.

“May iniisip lang ako.” Sabi ko sa kanila.

“Ano naman ang iniisip mo?” Tanong ni Kester.

Tiningnan ko naman sila isa isa. Siguro makakatulong sila sa akin. “Pa’no ba manligaw mga pare?” Tanong ko sa kanila.

Natigilan naman sila at tumingin sa akin. Parang may sinabi akong salitang bago sa pandinig nila.

“Manliligaw ka pare?” Di makapaniwalang tanong mo Luigi.

“Yeah.” Napapakamot sa ulong sagot ko.

“Liligawan mo si Julie?” Tanong naman ni Kester.

“No, not her pare. It’s someone..”

“Sino? Kilala ba namin?” Ani Atlas.

“Hindi nyo sya kilala.” Sabi ko.

“Eh di ipakilala mo sa amin.” Singit ni Jeiz.

“Tss, saka ko na sya ipapakilala sa inyo kapag naging kami na. I really like her and I want to court her.”

Nagsiungulan naman silang lima.

“Ikaw ba yan pare? Di ka ba namatanda? May kilala akong magtatawas ipapatawas kita.” Ani Kester at dinampi pa ang likod ng palad nya sa noo ko. Tinabig ko naman ito.

“Mukhang seryoso ka dyan pare at  mukhang susunod ka na talaga kay Jeiz.” Komento ni Matias.

Nagkibit balikat ako. “Kaya nga gusto ko syang ligawan para makilala ko syang mabuti. And maybe.. sya na rin ang iharap ko sa dambana. Hindi naman na ako bumabata.” Sabi ko. Hindi ko alam pero lately, napapaisip akong lumagay na sa tahimik na buhay. Parang si Jeiz. At sa tuwing naiisip ko yun ay mukha naman ni Aitana ang nakikita ko. Tama nga siguro ang sinabi ng kasamahan kong si Elmer. Malakas na ang tama ko sa teacher na yun.

“Masaya ako para sa’yo pare at naiisip mo na yan. Masarap magkaroon ng sariling pamilya. Yung uuwi ka na mayroon kang dadatnan na magandang asawa at cute na anak na gaya nito.” Ani Jeiz at pinanggigilan ang anak na humahagikgik.

Napangisi naman ako. Halatang masaya at kuntento na ang kaibigan ko sa buhay.

“Ehem, no comment kami dyan.” Sabat ni Atlas. “Basta ako, enjoy pa sa pagiging single.”

“Me too.” Segunda ni Kester.

“Me three.” Dugtong ni Luigi.

Si Matias naman ay nagkibit balikat lang at tinungga ang beer in can.

“Teka pare, taga saan ba yang babaeng liligawan mo?” Tanong ni Jeiz.

“Taga Inocencia din pare. She’s a teacher.”

“Woah!” Ungulan na naman ng mga kaibigan ko.

“Oh nice. Sana sagutin ka nya pare.” Ani Jeiz na laging supportive sa akin.

“Thanks pare. Ang kaso di ako marunong manligaw.” Sabi ko at tumingin sa mga kaibigan ko. Nag iwas naman sila ng tingin at kunwari ay busy sa mga hawak na cellphone.

Napangisi naman ako. Ano bang aasahan ko sa kanila eh malamang hindi rin sila marunong manligaw. Babae mismo ang lumalapit sa kanila.


May free time ako kaya nakapag update hehe.

Chapter 7

Aitana

PAKANTA KANTA ako habang binabanlawan ang hinugasang pinggan na pinagkainan namin ni tiyang Meding. Humikab ako. Nakaramdam na ako ng antok kaya malamang ay maaga ako nito makakatulog. Napagod kasi ako kaninang umaga pero ayos lang worth it naman.

“Hindi ba pulis kayo?”

“Yes ho misis, SPO1 Lorenzo Villegas ho.”

“Ay miss lang SPO1 Villegas, dalaga pa ako.”

Natigilan ako sa pagpupunas ng kamay ng marinig kong tila may kausap si tiyang sa labas.

“Ano ho bang sadya nyo SPO1?” Dinig kong tanong ni tiyang.

“Nandyan ho ba si Aitana?”

Napasinghap ako ng marinig ang pamilyar na boses. Bumilis ang tibok ng puso ko. Boses yun ni sir Lorenzo!

“Si Aitana? Yung pamangkin ko? Aba’y bakit ho? May ginawa ho ba sya? Ano hong ginawa ng pamangkin ko? Naku! Talagang batang yan!”

“Ah wala ho ma’am. Nandito ho ako para manligaw sa kanya.”

Tila ako tinulos sa kinatatayuan at nahigit ko pa ang hininga ng malinaw ko ng marinig ang malaki, magaspang at malalim na boses ni sir Lorenzo. Shet! Nandito sya!

“Manliligaw ka sa pamangkin ko?” Tila hindi makapaniwalang tanong ni tiyang.

“Oho ma’am.”

“Ay naku, pasok kayo SPO1.”

“Lorenzo na lang ho ma’am.”

“Ay sige Lorenzo, tawagin mo na lang akong tiyang Meding. Pasok ka, pasok ka iho.”

“Salamat ho tiyang Meding.”

“Walang anuman iho, feel at home. Teka lang tatawagin ko ang pamangkin.”

“Aitana! May bisita ka!” Tawag sa akin ni Tiyang.

Naipikit ko ng mariin ang mata at napakagat labi. Mukhang seryoso nga talaga ang kapreng pulis na yun sa panliligaw nya. Akala ko talaga nangtitrip lang sya eh.

“Aitana, ano ka ba? Kanina pa kita tinatawag. Hindi ka pa ba tapos maghugas?” Ani tiyang ng pumasok ng kusina.

“O tapos ka na palang maghugas. Lumabas ka na may bisita ka.” Nakangiting sabi nya at tila excited pa nga.

“S-Sino po tiyang?” Kunwaring walang alam na tanong ko.

“Si SPO1 Lorenzo Villegas. Hindi mo sinabi sa akin na kilala mo pala ang pulis na yun at manliligaw pa sayo. Kuh! Kaswerte mong bata ka! Mantakin mo ang sikat pa na pulis sa bayan na to ang manliligaw mo.”

“Kilala nyo po sya tiyang?” Manghang tanong ko.

“Aba’y oo naman! Palibhasa puro pageant lang ang alam mo. Kaya hindi mo alam na sikat na sikat sa buong bayan yang si SPO1. Hay jusko! Nai-star struck pa rin ako sa kanya. Mas gwapo sya sa malapitan. Ang tangkad tangkad, ang laki pa ng katawan at ang bango bango pa. Hindi ako makapaniwalang nandito sya sa bahay natin at manliligaw sayo. Kaya pamangkin, wag mong sasayangin ang pagkakataon. Sagutin mo agad sya.” Dagdag pa ni tiyang na tila kilig na kilig pa. Napangiwi naman ako. Parang biglang nawala ang pagka mahinhing Maria Clara ni tiyang Meding.

“Sige na lumabas ka na. Harapin mo na sya.” Udyok pa nya sa akin.

“Eh tiyang, di pa ako tapos. Pupunasan ko pa yung mga pinggan.” Nakangusong sabi ko. Sa totoo lang ayokong harapin si sir Lorenzo.

“Kuh! Ako ng bahala dyan. Sige na labasin mo na sya at baka mainip na.” Aniya at kulang na lang ay itulak ako palabas ng kusina.

Napakamot naman ako sa ulo. Kasi naman ih! Bakit kasi pumunta punta pa sya! Ayokong magpaligaw sa kanya! Di ko sya type!

“Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Lumabas ka na at naghihintay na yung tao.” Untag sa akin ni tiyang na pinupunasan na ang mga hinugasan kong plato.

“Ih kasi tiyang..” Kakamot kamot sa ulo at pisnging sabi ko.

“Ano? Wag mong sabihing nahihiya ka? Sus! Kelan ka pa nahiya. Sige na lumabas ka na.” Nandidilat ang matang sabi ni tiyang Meding.

Wala na akong nagawa kundi ang lumabas na nga ng kusina dahil baka kurot na sa singit ang abutin ko kay tiyang Meding.

Sa sala ay naabutan kong prenteng nakaupo si sir Lorenzo. Nakasandal sya at nakadekwatro sa two seater naming sofa na nagmistulang one seater na lang dahil sa laki nya. Ginagala nya ang mata sa sala namin lalo na sa nga picture frame na nakasabit. At ngayon nga ay nakatingin sya sa mga graduation pictures ko at ngumisi pa. Napairap naman ako sa hangin. Ano na naman kaya ang naiisip nya habang nakatingin sa picture ko?

Tumikhim ako para kunin ang atensyon nya. Di naman ako nabigo dahil tumingin sya sa akin. Tiningnan pa nya ako mula ulo hanggang paa pero nagtagal ang mga mata nya sa mga hita kong nakahantad sa suot kong maiksing cotton shorts. Awtomatikong hinawakan ko ang dulo ng shorts at hinila pababa ng kaunti. Ngumisi naman sya at muling binalik ang tingin sa mukha ko.

“Bakit ang tagal mo?” Nakataas ang kilay na tanong nya.

Napasimangot ako. Ang demanding ha. Kala mo kung sino. Sarap karatehin eh.

“Naghuhugas ako ng plato. Saka bakit ka ba nagpunta dito?” Nakangusong tanong ko.

“Manliligaw. Sinabi ko na sayo kanina di ba?” Kunot noong sabi naman nya.

Napaikot ang mata ko. Arogante talaga ka. Taas kilay na tiningnan ko sya. Komportableng komportable ang hitsura nya. Akala mo hindi ito ang unang pagkakataon na nakatungtong sya dito sa bahay namin. At infairness walang palya ang kagwapuhan nya kahit ano ang isuot nya. Naka v-neck shirt sya na kulay gray na as usual humahakab sa mamasel nyang katawan. Ang itim na pantalong maong nya ay humahakab din sa matigas nyang hita.

“Ano? Pasado na ba hitsura ko?” Nakangising untag nya sa akin.

Naginit naman ang pisngi ko dahil nahuli nya akong binibistahan ko sya. Inirapan ko sya.

“Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mong manliligaw ka?” Tanong ko at umupo na sa kaharap nyang two seater na sofa. Kinuha ko ang throw pillow at nilagay sa ibabaw ng mga hita ko. Patingin tingin kasi sya sa mga hita ko.

“Oo nga, hindi naman ako pupunta dito kung hindi ako seryoso.”

Ngumuso ako. Talaga lang ha?

“Eh nasaan na ang mga bulaklak mo?” Tanong ko.

Kumunot ang noo nya. “Anong bulaklak?”

“Bulaklak. Dapat may dala kang bulaklak.”

“Wala akong dala. Wala ka namang sinabi kanina eh.”

Napaawang ang labi ko sa sinabi nya.

“Manliligaw ka ba talaga?” Nagdududa ng tanong ko ulit.

“Oo nga, bakit ba parang nagdududa ka?” Tila naiinis ng sabi nya. At talagang sya pa ang naiinis ha.

Ngumuso ako. “Hindi mo ba alam na kapag nanliligaw dapat may dalang bulaklak.” Paingos na sabi ko. Sa lahat ng nanligaw sa akin sya lang ang walang dala. Yung mga manliligaw ko nga kahit mga tambay lang sa kanto may dala kahit santol lang tapos sya wala, kagwapuhan lang nya ang dala nya tapos maangas pa.

“Hindi, first time ko lang manligaw eh.” Aniya sabay himas sa batok.

Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi nya. First time lang daw nyang manligaw? Seryoso ba sya?

“Weh? Di nga? First time mo talagang manligaw?” Di makapaniwalang tanong ko.

“Yeah, but next time magdadala na ako ng bulaklak.” Sabi nya na parang wala lang.

Next time? Ibig sabihin babalik pa sya dito sa bahay? Mukhang seryoso nga talaga sya. Pero hindi pwede.

Tumikhim ako. “Wag ka ng mag abala dahil wala ng next time.” Sabi ko na diretso syang tiningnan sa mata. Pero hindi rin ako nakatagal at mabilis ding nagbawi ng tingin. Para kasi akong hinihipnotismo kapag nakatititig sa mata nya.

“Anong wala ng next time? Ok lang na hindi na ako magdala ng bulaklak?”

“Hindi, wala ng next time means basted ka na.” Sabi ko at matipid syang nginitian. Hangga’t maaga ay dapat tapatin ko na sya. Wala syang maaasahan sa akin dahil hindi ko sya type. Oo saksakan sya ng gwapo, matangkad, macho at mapera pero ayoko ng malaki ang agwat ng edad sa akin. Ilang taon na ba sya? 28? 29? 30? Ayoko ng higit pa sa tatlong taon ang tanda sa akin ng lalaki. Gusto ko hanggang dalawang taon lang.

“Basted? Ano ibig sabihin nun? Sinasagot mo na ko?” Kunot noong sabi nya.

Napasinghap ako. “Hindi no! Ibig sabihin ng basted. Wala na. Nirereject ko na ang panliligaw mo. Hindi ka na pwedeng manligaw.” Paliwanag ko.

Nagsalubong naman ang kilay nya. “What? Anong reject na? Kakaumpisa ko pa lang manligaw reject na kaagad ako. Hindi ako pumapayag.” Tila inis na sabi nya.

Napaawang naman ang labi ko at hindi makapaniwala sa reaksyon nya. “Eh basted ka na nga eh. Saka – “

“Wala akong pakialam sa basted basted na yan basta manliligaw pa rin ako hanggang sa maging nobya kita.” Pinal na sabi nya.

Mas lalong napaawang ang labi ko. Ngayon lang ako naka encounter ng manliligaw na kagaya nya na paladesisyon.

“Sir Lorenzo wala kang aasa – “

“Lorenzo iho, naghapunan ka na ba? May natira pa kaming ulam at kanin baka gusto mong kumain?” Biglang singit ni tiyang Meding na ngiting ngiti kay sir Lorenzo. Ngayon ko lang syang nakitang ngiting ngiti sa manliligaw ko.

“Ah tapos na ho tiyang Meding. Naghapunan na ho ako sa bahay ng kaibigan ko. Next time na lang ho siguro.” Nakangiti ding sabi ni sir Lorenzo.

“Sinabi mo yan ha! Wag kang mahihiya sa amin ng pamangkin ko. Teka, ano bang paborito mong ulam para yun ang lulutuin ko sa susunod mong pagpunta.” Tila excited pa na tanong ni tiyang Meding.

“Kahit ano naman ho kinakain ko tiyang Meding. Hindi naman ho ako mapili sa pagkain.” Natatawang sabi pa ni sir Lorenzo.

“O sige, basta masarap ang iluluto ko. Eh kelan ka ba ulit pupunta?” Tanong ni tiyang Meding.

“Bukas ho pagkatapos ng duty ko pupunta ako dito.” Ani sir Lorenzo at bumaling sa akin. “Pangako bukas magdadala na ako ng bulaklak. Ano bang bulaklak ang gusto mo?”

Akmang sasagot ako ng maunahan ako ni tiyang Meding. “Sunflower ang paboritong bulaklak nyang si Aitana. Naku! Dati nga may tanim pa kami nyan sa labas nangamatay na lang dahil pinaglaruan ng mga bata.”

Tumango tango naman si sir Lorenzo. “Ok, bukas magdadala ako ng sunflower. May iba ka pa bang gusto? Baka may gusto ka pa? Pagkain? Anong paborito mong pagkain?”

Akmang magsasalita ako ulit ng unahan na naman ako ni tiyang Meding.

“Kuh, lahat naman kinakain niyang si Aitana. Wala syang pili. Pero ang paborito nya ay chicken inasal, kwek kwek at calamares.  Hindi lang sya pwede sa hipon dahil may allergy sya don.” Sagot ni tiyang na ikinatango naman ni sir Lorenzo.

Bumuntong hininga ako. “Pero hindi mo naman na kailangan bumi – “

“At saka alam ba tong pamangkin ko? Mahilig to sa mga pageant pageant. Noong nagaaral pa nga sya sumasali sya at laging nanalo. Pero nung mga huling taon nya sa kolehiyo lagi na lang syang first runner up. Yung unang sali nya sa national pageant..”

Nakaawang na lang ang bibig ko habang palipat lipat ng tingin kay tiyang Meding at sir Lorenzo. Silang dalawa na lang kasi ang nag uusap. Hindi ako makasingit. Tapos si tiyang Meding buong talambuhay ko na ang kinuwento nya kay sir Lorenzo. All ears na all ears naman ang lalaki at ngingisi pa kapag may kinukwento si tiyang Meding na nakakatawa tungkol sa akin. Iniikutan ko lang sya ng mata. Panay din ang tanong ni tiyang ng tungkol sa buhay ni sir Lorenzo na sinasagot naman ng huli. Nag iisang anak lang pala sya at nasa Manila ang mga magulang nya na pinapatakbo ang negosyo nila. Pero napanganga ako ng malamamg 35 years old na pala sya! Akala ko nasa 28 lang sya o nasa 30. 12 years ang agwat ng edad namin! So it’s a no talaga. A BIG NO!

“Ingat ka sa pag uwi iho. Bukas magluluto ako ng masarap na ulam para sa’yo.” Ani tiyang. Nasa labas na kami ng maliit naming at gate at hinahatid sa pag uwi si sir Lorenzo.

“Aasahan ko ho yan tiyang Meding, pag out ko bukas dito ang diretso ko.” Nakangising sabi ni sir Lorenzo.

“Oo ba! Hindi ako mapapahiya sayo.” Binalingan naman ako ni tiyang Meding. “Magpaalam ka na kay Lorenzo Aitana.” Nandidilat ang matang sabi nya.

Maasim naman akong ngumiti kay sir Lorenzo. “Ingat ka sa pag uwi sir Lorenzo.” Labas sa ilong na sabi ko. Gusto ko pa sanang idagdag na wag na sana syang bumalik pero siguradong kurot ang aabutin ko kay tiyang na hindi obvious na botong boto sa kanya.

“Sure. Para sa’yo.” Nakangising sabi nya at kumindat pa.

Nanlaki ang butas ng ilong ko at di na lang nagkomento. Pero nag iinit naman ang pisngi ko.

Hanggang sa makaalis na ang sasakyang lulan ni sir Lorenzo ay nasa labas pa rin kami. Si tiyang Meding ay nagbababye pa. Napansin ko maman ang ilan naming kapitbahay na nakatingin sa amin. Ang pinsan ko namang si Benj ay sumilip pa mula sa pinto ng kanyang salon at nakataas ang kilay. Alam kong mamaya lang uuriratin nya ako.

“Oy Aitana, ano yung narinig ko kaninang binabasted mo na si SPO1 Lorenzo?” Sita sa akin ni tiyang Meding pagpasok namin ng bahay.

Kakamot kamot sa ulong hinarap ko sya. “Tiyang, di ko po sya type.” Sabi ko.

Nagsalubong ang kilay nya at namaywang. “Anong di mo type? Bulag ka ba?”

“Tiyang, malaki ang agwat ng edad namin. Narinig nyo naman di ba? 35 years old na sya. 12 years ang agwat ng edad namin.” Nakangusong sabi ko.

“O eh ano naman? Anong masama dun?”

Lalong nanghaba ang nguso ko. “Tiyang, ayoko ng masyadong matanda sa akin.”

Pinalo nya ako sa braso.

“Aw!” Daing ko at hinimas ang braso kong pinalo nya.

Bumuntong hininga naman sya at seryoso akong tiningnan.

“Alam mo pamangkin, bibihira ka na lang makatagpo ng ganung lalaki na kagaya ni SPO1 Lorenzo. Bakit hindi mo muna sya kilalanin? Wag kang tumingin sa edad. Sa personality ka nya tumingin at sa estado nya sa buhay. Sa hirap ng buhay ngayon maging wais ka at maging praktikal. Hindi sa pinagtutulakan kita sa kanya dahil lang may kaya sya sa buhay. Ang akin lang nasa kanya na ang lahat ng katangian ng lalaking gusto ko para sayo. Yung lalaking stable na sa buhay at alam kong kaya kang alagaan. Syempre bilang tiyahin mo at tumatayo na ring magulang mo, gusto ko maayos ang buhay mo sa hinaharap. Kilalanin mo muna syang mabuti. Kung may matuklasan kang tinatago nyang bahong ugali eh di bastedin mo. Hindi kita ipipilit sa kanya.” Pangaral nya sa akin.

Ngayon ko lang sya nakitang ganito kaseryoso sa pangangaral sa akin tungkol sa manliligaw ko. Karaniwan kasi madalas puro sya okray sa mga manliligaw ko. Na kesyo mga tambay lang daw sa kanto at walang mangyayari sa buhay ko kung sila ang papatulan ko. Magagaya lang daw ako sa mga anak ng ibang mga kapitbahay namin na pumatol sa tambay. Ng magkaanak hindi na alam kung saan hahanap ng pambili ng gatas at diaper ng anak.

Naiintindihan ko naman si tiyang. Gusto lang nyang mapaayos ang buhay ko.

“Opo tiyang, susundin ko na po kayo.” Sabi ko na lang.

Tumango tango si tiyang Meding. “Mainam yan pamangkin. At saka hindi ka na lugi kay SPO1 Lorenzo. Kumbaga full package na.” Ngiting ngiti na sabi nya.

“Oo na po, nasa kanya na lahat.” Nakangusong sabi ko. Puring puri nya talaga si sir Lorenzo eh.

“O sige sa kwarto na ako at magpapahinga at inaantok na ako. Ikaw na ang bahala dito. Ilock mo ang mga bintana at pinto bago ka matulog. Wag mo ring kalimutan ang mga ilaw.” Bilin nya sa akin at pumasok na ng kwarto nya.

Ako naman ay tumambay muna sa sala at binuhay ang tv. Kinuha ko naman ang folder na dala ko galing school at tsinekan ang mga quiz paper ng mga estudyante ko. Pagkatapos nito ay matutulog na ako..


Chapter 8

Third POV

SA KALAGITNAAN ng malalim na gabi ay may isang anino ang umaalialigid sa isang sarado ng bahay. Pasilip silip sya sa loob ng bakuran na tila naninigurado. Mukhang tulog na ang mga nakatira sa loob dahil patay na ang mga ilaw. Nakita pa nya ang isang single na motor na mukhang bagong bago pa. Pasimple pa syang lumapit sa nakasaradong maliit na gate. Hindi ito nakalock. Luminga linga muna sya sa paligid. Walang tao. Kung may tao mang dumaraan ay agad syang nagtatago sa mga halaman at lalabas kapag wala na. Lumapit sa kanya ang asong tinahulan sya kanina pero umamo ng bigyan nya ito ng tinapay.

“Shoo! Shoo! Dun ka!” Bulong na saway nya sa aso at tinaboy taboy ito. Lumayo naman ang aso.

Sumiple ulit ang lalaki. Lumapit sya sa maliit na gate at dahan dahan pinihit ang bakal na lock. Ng mabuksan ito at ay maingat nyang binuksan ang manipis na bakal na gate. Pumasok sya at lumapit sa pinto. Hinawakan nya ang doorknob at pinihit. Pero nakalock ito.

Naghanap sya ng ibang paraan para makapasok sa loob ng bahay. Tiningnan nya ang mga bintana pero nakalock din at kahit hindi nakalock ay mahihirapan din syang makapasok dahik may rehas na bakal na nakaharang.

Umikot naman sya sa likod ng bahay kung saan may pinto din doon. Gaya ng pinto sa unahan ay nakalock din ito. Pero hindi sya nawalan ng pag asa. Dinukot nya sa bulsa ang isang manipis na alambre na medyo baluktot sa dulo. Luminga linga ulit sya sa paligid. Pero mas safe sya dito sa likuran ng bahay dahil tago at hindi sya makikita ng mga dumadaan.

Ngumisi sya at tinuloy na ang balak. Sinuksok na nya ang alambre sa susian ng doorknob at kinalikot ito. Nagtagal pa ng halos ilang minuto ang pag kalikot nya bago na unlock. Napangisi sya ng mapihit na nya ang doorknob. Tinulak nya ang pinto pero natigilan sya ng hindi ito bumukas.

Tangna! May double lock!

Kumamot ang lalaki sa ulo sa inis. Akala nya makakapasok na sya sa loob hindi pa pala. Naisip nya ang pinto sa harapan ng bahay. Medyo delikado kung yun ang susungkitan nya dahil malaki ang tyansang makita sya ng dumadaan at mabulabog ang nasa loob. Sa presinto talaga ang bagsak nya.

Di bale matityempuhan din nya ito at makakapasok din sya sa loob. Nilisan na nya ang pinto sa likod ng bahay at umikot na sa harap.

“Luh, bukas yung gate nila ni Aling Meding.”

Napahinto sa paglalakad ang lalaki at agad na nagtago sa malaking drum na nadaanan nya ng makarinig ng mga boses.

“Baka nakalimuran lang isara. May bisita sila kanina di ba?”

“Oo yung pulis na astig. Balita ko nanliligaw daw kay Ai.”

“Sayang. Wala na talaga akong pag asa kay Ai.”

“Wala ka na talagang pag asa brad. Pulis yun at malaking tao. Tirisin ka lang nun.”

“Sarado nyo na lang yung gate baka may pumasok pa dyan.”

Narinig ng lalaki ang tunog ng sinaradong gate. Maingay pa rin ang grupo ng mga tambay. Hinintay nya muna ang mga itong makaalis. Dahil kapag nahuli sya siguradong kuyog sya.

Ng makaalis na ang grupo ng tambay ay lumabas na sa pinagtataguan ang lalaki. Dahil sarado na ang gate ay inakyat na lang nya ito na hindi naman kataasan at tumalon. Yun nga lang sumabit ang shorts nya sa patulis na bakal. Napamura na lang sya. Ngunit ng mag angat sya ng tingin ay limang aso na ang nakatanghod sa kanya at mga nakalabas na ang pangil. Kinabahan sya. Tumahol na ang isang aso na sinundan pa ng isa. Dahan dahan syang naglakad at tinungo ang nakaparadang motor at mabilis na binuhay sabay pasibad. Humabol naman sa kanya ang limang aso..

Aitana

“NYEMAS! ANG HOT ni sir! Ang swerte mo insan ha.” Pabulong na sabi sa akin si Benj habang kumakain ng kwek kwek at nakatingin kay sir Lorenzo na nasa sala at nagsecellphone. Sino kaya ang ka chat nya?

Katatapos lang naming maghapunan. Si tiyang ay nasa labas ng bahay dahil tinawag ng kapit bahay namin. Malamang magtsitsismisan lang sila. Tinotoo nga ni sir Lorenzo na babalik sya at may dala pang isang bouquet ng sunflower na hindi biro ang halaga. May dala din syang chicken inasal, kwek kwek at calamares na nasa sosyal na lagayan. Mukhang sa restaurant pa nya binili.

Tinaasan ko ng kilay si Benj. “Di ko sya type no.” Sabi ko.

Hinila naman nya ang buhok ko. “Anong hindi type? Bulag ka ba?” Asik nya.

Ngumiwi naman ako. Para syang si tiyang eh!

“Ang laki ng agwat ng edad namin insan. 12 years ang tanda nya sa akin.”

“Eh di mas maganda! Matured na sya. Mas masarap karelasyon ang matured. Ibi-baby ka nila. Lalo na yang si sir. Mukhang strict. Mukhang papaluin ka sa pwet kapag matigas ang ulo mo at higit sa lahat mukhang nangbabalibag sa kama.” Dagdag pa nya at nanlalaki pa ang mata.

Parang bigla naman akong kinilabutan sa sinabi nya. Naimagine ko tuloy na pinapalo ako sa pwet ni sir Lorenzo. Wala sa sariling napahawak ako sa pangupo.

“Uy, iniimagine nya.” Panunukso sa akin ni Benj.

Naginit naman ang pisngi ko. “Hindi no!” Asik ko sa kanya.

“Eh bakit ka napahawak sa pwet?” Taas kilay na tanong nya.

“N-Nangati lang.” Nauutal na sabi ko.

“Eh di ipakamot mo sa kanya. I’m sure willing yan.” Sabi pa nya sabay turo ng nguso kay sir Lorenzo.

Lalo namamg naginit ang pisngi ko at pinalo sya sa braso na ikinadaing nya. Gumanti naman sya sa akin ng sabunot na ikinatili ko. Pero ang baklita kong pinsan tinawanan lang ako.

“What are you two doing?”

Nilingon namin si sir Lorenzo na nakakunot ang noong nakatingin sa amin. Partikular kay Benj. Naalala ko kanina pagdating nya masama ang tingin nya sa pinsan ko na katabi ko sa sala.

“Mukhang seloso pa yata si sir. Naku ingat ka. Itatali ka nyan sa kama.” Bulong sa akin ni Benj.

Pasimple ko syang siniko kasabay ng muling pagiinit ng pisngi ko. Kung ano ano ang sinasabi nya.

“Aitana come here.” Tawag sa akin ni sir Lorenzo sa magaspang at malaking boses.

“O tinatawag ka na ng daddy mo.” Pabulong na untag pa sa akin ni Benj.

“Heh! Tumahimik ka na nga.” Asik ko sa kanya.

“Aitana.” Tawag ulit ni sir Lorenzo.

“Oo nandyan na.” Sagot ko naman.

“Yes daddy. Ganern dapat.” Pabulong na dagdag pa ni Benj.

Inirapan ko na lang sya at pumunta na ng sala para lapitan ang demanding na pulis.

“Bakit?” Tanong ko sa kanya at umupo sa kaharap nyang sofa.

Tiningnan nya muna ako. Nakakunot pa rin ang noo nya. Nanghaba naman ang nguso ko.

“Bakit ba?” Ulit ko sa tanong.

Ngumisi naman sya at sumandal sa sofa na hindi inaalis ang tingin sa akin.

“Kumuha ka na ba ng lisensya?” Tanong nya.

“Hindi pa, pero next week kukuha na ko. Nagpaalam na ako na aabsent ako eh.” Sabi ko.

“Wag ka ng kumuha ng lisensya.”

“Ha? At bakit?” Kunot noong tanong ko.

“Ayoko ng nagmomotor ka. Dahil may pagkakaskasera ka.”

Napaawang naman ang labi ko at nabaghan sa sinabi nya. “At sino ka para pagbawalan akong magmotor?”

“Bilang magiging boyfriend mo inaalagaan lang kita. Baka mamaya madisgrasya ka pa dyan sa pagmomotor mo.”

Lalong napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Di ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa.

“Salamat sa pag aalala mo ha. Pero wala kang karapatan na pagbawalan ako sa pagmomotor ko. Hindi pa nga kita boyfriend kung makabawal ka parang tatay kita ah. Saka hindi ako kaskaserang magmotor no. Nagmamadali lang talaga ako noon nung mahuli mo ko.” Salubong ang kilay na sabi ko.

“Ganun na rin yun. Madidisgrasya ka pa rin sa pagmomotor mo. Kapag naging boyfriend mo na ako hindi ko talaga hahayaang magmotor ka.”

“As if naman magiging boyfriend kita. Asa ka pa! Ngayon pa nga lang na nanliligaw ka pa lang pinagbabawalan mo na akong magmotor. Bakit pa kita sasagutin?” Nakangusong sabi ko.

Ngumisi naman sya at umiling iling. “Yan ang gusto ko sayo. Palaban. Kaya lalo akong nanggigil sa’yo eh.” Aniya at kumagat labi pa.

Napasinghap naman ako. “Anong nanggigil ka dyan?” Kinikilabutang sabi ko.

Tumawa naman sya. “Wala. Kelan ka kukuha ng lisensya.”

“Next week nga. Paulit ulit.” Nakangusong bubulong bulong ko.

“Anong araw nga?”

“Mga miyerkules. Bakit ba tanong ka ng tanong?”

“Sasamahan kita.”

Sumimangot ako. “Bakit pa? Wag na. Kaya ko naman.” Tanggi ko.

“Basta sasamahan kita. Wag ka ng tumanggi kundi sasabihin ko sa lto na wag kang isyuhan ng lisensya dahil kaskasera ka.” Pagbabanta nya sa akin.

Napaawang muli ang labi ko sa sinabi nya. Apaka grabe talaga! Teka, nasaan ba si tiyang Meding? Dapat nakikita nya ang ugali nitong aroganteng gurang na pulis na to eh! Para sya na mismo ang umayaw.

“Anong oras ka pala pumapasok sa umaga?” Tanong na naman nya.

“Bakit na naman?” Taas kilay na tanong ko din.

“Sumagot ka na lang.”

Humugot ako ng malalim na hininga para ikalma ang sarili at hindi sya mabulyawan sa inis.

“6:30.” Matabang na sagot ko.

“Ok, susunduin kita bukas ng umaga.”

“At bakit na naman?” Inis na namang tanong ko.

“Ihahatid kita sa school nyo.”

“Wag na kaya ko namang magcommute.”

“Susunduin kita sa ayaw at sa gusto mo.”

Parang gusto ko ng maglumpasay sa sahig dahil sa inis sa kanya. Bakit ba ang kulit kulit nya? Lahat na lang ng gusto nya sya ang nasusunod. Nanliligaw pa lang sya nyan pero demanding na sya at paladesisyon. Pano pa kaya kapag naging kami na? Isusumbong ko sya kay tiyang.

“GRABE TALAGA tiyang kung narinig nyo lang kanina. Para syang hari kung makademand. Nanliligaw pa lang sya nun ah tapos ganun na sya. Red flag talaga sya tiyang.” Pagkukwento na sumbong ko na rin kay tiyang Meding ng makaalis na si sir Lorenzo.

Babalik daw sya bukas ng umaga at susunduin ako para ihatid sa school. Neknek nya! Aagahan ko talaga ang alis bukas. Mga ala sais aalis na ako para hindi nya ako maabutan.

“Huu! Anong red flag ka dyan? Nakakakilig nga eh! Nanliligaw pa lang sya pero sobrang concern na sayo.” Kontra ni Ben na nakatikwas pa ang daliri. Sinamaaan ko sya ng tingin. Pero tinaasan lang nya ako ng kilay. Ipapakidnap at ipaparape ko na talaga sya kay Macy.

“Aba’y yun nga ang maganda. Kita mo? Hindi pa kayo pero inaalagaan ka na nya. Aba’y paano pa kaya kapag naging kayo? Naku hindi talaga ako nagkamali sa pagkilatis dyan kay SPO1 Lorenzo. Sya talaga ang para sayo pamangkin.” Ani tiyang at nag apir pa sila ni Benj. Bagsak naman ang balikat ko. Wala na, nakuha na ng aroganteng pulis na yun ang loob ng dalawa.

kinabukasan

..

ALAS SINGKO y medya pa lang ng umaga ay gising na ako. Dapat nga 4:30 ang gising ko eh di ko pala naset ang alarm. Inagahan ko talaga ang gising ko para maaga akong makaalis. Pagbangon ko ay agad na akong tumungo sa banyo. Paghubad ko ng damit ay nagbuhos agad ako. Napahiyaw pa ako dahil sa lamig ng tubig. Pero ayos lang para magising ang natutulog kong diwa.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Nagtimpla na lang ako ng hot chocolate para mainitan ang sikmura ko. Sa school na lang ako mag aalmusal.

“O ang aga pa ah, papasok ka na?” Tanong ni tiyang na nagdudurog ng kanin para isanghag.

“Opo tiyang, kailangan pong maaga kami kasi may meeting po kaming mga teacher bago ang klase.” Sabi ko na hindi makatingin sa kanya dahil baka mahalata nyang nagsisinungaling ako. Sinuot ko na ang closed toe sandals ko na kulay itim na may two inches na takong.

“Ganun ba. Ang aga naman. Eh pa’no yan? Susunduin ka ni Lorenzo di ba?”

“Ititext ko na lang po sya. Sasabihin ko na lang nauna na ako.” Sabi ko pa kahit ang totoo ay hindi ko alam ang number ng aroganteng pulis na yun.

“O sige, ikaw ang bahala. Basta mag almusal ka sa eskwelahan nyo. Baka magpalipas ka naman ng gutom sumakit ang sikmura mo.” Paalala ni tiyang.

“Opo tiyang.” Nakangiting sabi ko at lumapit sa kanya para magmano.

“Mauna na po ako tiyang.” Paalam ko.

“O sige mag iingat ka.”

“Opo.” Sabi ko at kinuha na ang shoulder bag ko na nasa sofa at sinukbit sa balikat. Lumabas na ako ng bahay. Dalawang minuto na lang mag aalas sais na ng umaga. Marami na ring tao sa labas.

“Ang aga mo Aitana ah.” Bati sa akin ng kapitbahay naming si Aling Alma na galing sa tindahan at may dalang itlog na nakasupot.  Sya ang laging kachikahan ni tiyang Meding.

“Ah opo, kailangan kasi.” Sabi ko na lang. Tumango lang si Aling Alma at dumiretso na ng bahay nya na ilang lakad lang ang layo sa bahay namin.

Palinga linga ako at nag aabang ng trycicle. Dahil wala pa akong lisensya ay nagkocommute muna ako.

Beep!

“Ay fukeh!” Tili ko dahil sa biglang busina sa likuran ko. Nilingon ko ito at ganun na lang ang panlalaki ng aking mata ng makita ang sasakyan na huminto sa harapan ko.

Paanong..

“Hi! Good morning! San punta?”  Nakangising bati ni sir Lorenzo na bagong ligo at fresh na fresh. Amoy na amoy ko pa ang gamit nya na pabango na masarap sa ilong.

“Bakit nandito ka na? 6:30 ang usapan di ba?” Manghang tanong ko.

“Oo nga, 6:30 ang usapan natin pero aalis ka na.” Nakangising sabi nya at tiningan pa ako mula ulo hanggang paa.

Napakamot naman ako sa pisngi. “Ah ano kasi eh, m-may biglang meeting kasi kaming mga teacher ngayong umaga kaya kailangan kong pumasok ng maaga.” Sabi ko.

“Tss, palusot ka pa. Gusto mo lang akong takasan.” Bira nya sa akin.

Kinagat ko naman ang labi ko at mariing pumikit. Huli ako.

Sinimangutan ko sya. “Bakit ba ang aga mo?”

“Inagahan ko talaga sweetheart dahil alam kong tatakasan mo ko. Akala mo maiisahan mo ko ha. Nakalimutan mo yatang pulis ako.” Ngingisi ngisi pang sabi nya.

Bahagya namang naginit ang pisngi ko sa pagtawag nya sa akin ng sweetheart kahit na alam kong sarkastiko lang ang pagkakasabi nya nun. Inirapan ko na lang sya.

“O Lorenzo nandito ka na rin pala.”

Narinig ko ang boses ni tiyang Meding.

“Magandang umaga ho tiyang Meding.” Bati naman ni sir Lorenzo na bumaba pa ng sasakyan. Lumapit sya kay tiyang Meding at nagmano. Ngiting ngiti naman si tiyang.

Napasimangot ako. Talagang close na sila ha.

“Akala ko mamaya ka pang 6:30. Pero nakita ko sa bintana ang sasakyan mo.” Ani tiyang Meding.

“Maaga ho kasi ang duty ko ngayon kaya inagahan ko na rin ang punta dito para masundo si Aitana. Tamang tama naman na maaga sya.” Sagot ni sir Lorenzo na tumingin pa sa akin sabay ngisi. Pasimpleng irap lang ang sinukli ko sa kanya.

“Oo nga, maaga nga syang aalis. Mabuti nga at naabutan mo. Sayang aalukin pa naman sana kita na mag almusal. Pero mukhang gaya ni Aitana ay nagmamadali ka rin.”

“Next time na lang ho tiyang Meding.”

Tumango tango naman si tiyang Meding.

Umikot si sir Lorenzo sa passenger seat at binuksan ang pinto.

“Sakay na sweetheart.” Nakangising sabi nya sa akin at minuwestra pa ang kamay sa bukas na pinto ng sasakyan.

Ilang sandali akong hindi natinag sa kinatatayuan at nakatingin lang sa kanya.

“Aitana! Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Sumakay ka na dahil baka parehas pa kayong malate.” Sita ni tiyang Meding sa akin.

Napanguso naman ako. “Opo tiyang.”

Lumapit na ako sa passenger seat para sumakay. Nilahad naman ni sir Lorenzo ang kamay nya sa akin para alalayan akong makasampa sa upuan. Pero inirapan ko lang sya ulit at hindi pinansin ang kanyang kamay. Sumampa na ako at umupo sa upuan at mabilis kong kinabit ang seatbelt. Ng tingnan ko sya ay nakasimangot na sya. Nginisihan ko lang sya. Maingat naman nyang sinarado ang pinto. Umikot sya sa driver seat. Kinausap pa nya si tiyang na malamang ay nagpaalam. Kumaway naman si tiyang Meding.

Habang nasa gitna kami ng byahe ay tahimik lang ako at nakahalukipkip. Sya naman ay pangisingisi lang habang patingin tingin sa akin.

“Uy! Umimik ka naman dyan. Para ka namang bata na nahuling tatakas.” Natatawang sabi nya.

Inikot ko naman ang mata.

“Kala mo siguro maiisahan mo ko no. Hmmm ang cute mo. Nakakagigil ka.” Aniya sabay kurot sa pisngi ko.

“Aray ko!” Daing ko at pinalis ang kamay nya. Tumawa lang sya. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

“Tsk! Bakit ba ako ang trip mong ligawan? Wala ka bang ibang babaeng mapagtripan? Yung kasing edad mo.” Inis na sabi ko.

“Oy, hindi kita pinagtitripan ha. Seryoso ang panliligaw ko sayo.”

“Eh bakit ba kasi ako ang nililigawan mo?”

Kunot noong tumingin sya sa akin. “Sinabi ko na sayo di ba? Dahil gusto kita. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nanligaw.”

Nagiinit ang pisnging ngumuso ako kasabay ng mabilis na pagpintig ng puso ko. Ayoko mang aminin pero parang may parte sa loob ko ang natutuwa sa sinabi nya.

“Wala ka bang ibang nagugustuhan na babae? Yung kaedad mo.” Sabi ko.

“Wala. Hindi kasi sila kasing ganda at kasing cute mo.”

Nanghaba lalo ang nguso ko at inirapan sya. Lalong naginit ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay kasing pula na ng kamatis ang mukha ko. Ang puso ko naman ay palakas ng palakas ang pagkabog.

Humugot ako ng malalim na hininga para kalmahin ang nagwawalang dibdib.

“Sabi mo gusto mo ko. Kelan mo naman ako nagustuhan?” Taas kilay na tanong ko sa kanya.

“Noong una kitang makita.” Sagot nya sabay ngisi.

Kumunot naman ang noo ko. Hindi maganda ang una naming pagkikita dahil ininfound nya ang motor ko. Kaya di ko gets ang sinasabi nyang nagustuhan nya ako noong una kaming magkita.

“Sure ka? Noong una tayong magkita galit na galit ka sa akin nun dahil natalsikan ko ng putik yung mukha mo tapos kulang na lang kainin mo ko ng buhay nun eh.” Sabi ko.

Tumawa sya. “At nakakatawa ang hitsura mo nun. Kulang na nga lang buhatin mo yung motor mo eh.”

Sumimangot ako. Siguro hanggang sa pagtanda ko ay hindi ko makakalimutan ang pangyayaring yun.

“Pero gaya nga ng sabi ko gusto na kita unang kita ko pa lang sayo. Pero mas nagustuhan kita nung pangalawang beses na nagkita ulit tayo. Pero mas lalo kitang nagustuhan sa pangatlong beses na pagkikita natin. Kaya napagdesisyunan ko ng ligawan ka. Mahirap na baka maunahan pa ako ng iba.”

Napaawang ang labi ko sa sinabi nya.


May plot na tong story na to pero may iniba ako ng kaunti. Sana ok ang kalalabasan. 😆

Chapter 9

Aitana

NAHIGIT KO ang hininga. Tila nga hindi ako makahinga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko na tila tinatambol. Pakiramdam ko nasa lalamunan ko na ang puso ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Ano ba ibig sabihin nito? Na gusto ko rin sya? Hindi no!

Tumikhim ako. “Tatapatin na kita sir Lorenzo.”

“Ano yun? Na gusto mo rin ako?” Nakangising sabi nya.

Muntik pa akong masamid sa sariling laway. “H-Hindi no!” Angil ko sa kanya.

“Eh bakit nauutal ka?”

“Eh nabigla ako sa sinabi mo eh. Teka lang kasi, ako muna ang pagsalitain mo.”

“Ok.”

Muli akong tumikhim at bumuntong hininga. Kailangan sabihin ko na kung ano ang nasa loob ko.

“Alam mo kasi sir Lorenzo sa totoo lang.. hindi kita type.” Diretsahang sabi ko at tumingin sa kanya.

Tumingin din sya sa akin at nangunot ang noo. Kinagat ko naman ang loob ng pisngi ko. Hayan na. Siguradong may violent reaction na naman sya.

“Anong ibig mong sabihing hindi mo ko type?” May bahid ng inis ang boses na tanong nya.

“Hindi kita gusto.” Sagot ko sabay nguso.

“At ano naman ang type mo?” Inis pa ring tanong nya.

“Yung ano, yung kasing edad ko lang. Yung malapit lang sa edad ko.” Halos pabulong na sagot ko. Kinakabahan ako dahil baka lalo syang mainis.

“At ako?” Taas kilay na tanong pa nya. Pero may tonong nagbabanta na parang maling sagot ko lang ay yari ako sa kanya.

“Ikaw ano.. S-Sa totoo lang sir Lorenzo gwapo ka naman talaga. Matangkad, macho at maganda ang estado sa buhay. Kaya lang kasi..”

“Kaya lang ano?”

“Ano.. masyado ka kasing ma.. ma – “

“Ma ano?” Nagbabanta na ang himig ng boses nya.

Paano ko ba sasabihin?

“Ma.. matured! Masyado kang matured sa akin sir Lorenzo. Kaya sa tingin ko hindi tayo bagay.” Lakas loob na sabi ko.

Ngumisi sya. “Tss, ikaw lang ang nagsasabi na hindi tayo bagay.”

Ngumuso ako kasabay ng panlalaki ng butas ng ilong ko.

Bumuntong hininga sya. “Look Aitana, alam kong masyado akong matured sayo at malaki ang agwat ng edad natin. Bakit hindi mo muna ako kilalanin? Wag kang tumingin sa edad ko sweetheart. Kahit naman malaki ang tanda ko sayo kaya ko pa rin namang makipagsabayan sa mga lalaking kasing edad mo. Bigyan mo ko ng pagkakataon na patunayan sayo ang sarili ko. And I promise you hindi kita bibiguin.”

Naumid ang dila ko sa sinabi nya. Ngayon ko lang sya narinig na ganito kaseryoso magsalita. Medyo naguilty naman ako.

Siguro nga dapat ko syang bigyan ng pagkakataon. Kikilalanin ko rin syang mabuti kung sya na ba ang lalaki para sa akin na gaya ng sinasabi ni tiyang Meding.

Bago nya ako ihatid sa school ay nagalmusal muna kami sa karinderyang bukas na nadaanan namin na may nagtitinda ng lugaw, tokwa at baboy. Gaya ko ay hindi pa rin pala sya nag aalmusal. Alas syete daw ang duty nya at alas syete din mamayang gabi ang out nya.


Inocencia

Police Station

Third POV

“HI SIR ELMER.” Nakangiting bati ni Julie sa SPO1 ng tumapat sya sa desk nito at kausap ang ilang patrolman. Hindi naman talaga pag uusap ang ginagawa ng mga ito kundi chismisan. Mas tsismoso pa nga itong mga lalaki kesa sa mga kasamahan nyang mga babae.

“O ikaw pala Julie. Kelan ka pa bumalik?” Manghang tanong naman ni SPO1 Elmer kay Julie.

Pati ang mga patrolman na kausap ni SPO1 Elmer ay napatingin din kay Julie. Nasa kislap ng mga mata nila ang paghanga sa babae. Matamis naman silang nginitian ni Julie.

“Kahapon lang sir Elmer.” Sagot ni Julie. Nagleave kasi sya ng isang buwan at umuwi ng Manila. Namatay kasi ang lola nya.

“Ah ganun ba, absent kasi ako kahapon eh.” Ani SPO1 Elmer

“Oo nga po, kaya hindi ko kayo nakita kahapon.”

“May sakit kasi ang asawa ko. O kamusta ka na? Condolence pala.”

“Salamat po. Ayos na po kayo ngayon. Ah si Enzo po pala?” Tanong ni Julie at ginala ang mata. Kanina pa kasi nya hindi nakikita ang lalaki. Kahapon namang nagkita sila ay sandalian lang silang nagusap at nagmamadali daw ito.

“Ah kasama ni chief may pinuntahan sila pero pabalik na yun.”

“Ah ok. Hintayin ko na lang sya.”

Akmang babalik na si Julie sa kanyang cubicle ng dumating naman ang isang patrolman na si Jefferson na may dala dalang isang malaking boquet ng sunflower at chocolates.

“Nandito na ang delivery ni sir Enzo.” Ani Jefferson na malawak ang ngiti. Nagsiungulan naman ang mga kasamahang pulis.

“Huu! Iba talaga si sir Enzo. Lodi talaga!” Komento ng isang patrolman.

Napataas naman ang kilay ni Julie. “Kay Enzo yan?” Di nya napigilang itanong. May umusbong na excitement sa kanyang dibdib.

“Ah oo, pinadeliver nya.” Sagot ni Jefferson.

“Para kanino daw yan?” Usisa pa ni Julie na may ngiti sa labi.

“Para kay ma’am Aitana.”

Nawala ang ngiti ni Julie at nangunot nag noo. “Sinong ma’am Aitana?” Curious na tanong nya. Wala naman silang kasamahan na babae na Aitana ang pangalan.

“Yung teacher sa Masagana Elementary School. Ilang linggo na syang nililigawan ni sir Enzo.

“At mukhang seryoso talaga si sir Enzo sa teacher na yun. Biruin mo halos gabi gabi nyang dinadalhan ng bulaklak at hatid sundo pa nya kung minsan.”

“Oo nga eh, halatang deads na deads si sir Enzo. Kunsabagay ang ganda naman kasi ni Ma’am Aitana. Tisay na tisay at sexy pa. Ang swerte talaga ni sir Enzo kapag sinagot sya nun.” Anang isang patrolman.

“Oy, wag kang magsasalita ng ganyan kay ma’am Aitana kapag nandito si sir Enzo kundi yari ka.”

“Sorry naman!”

Tila may kumurot sa puso ni Julie sa narinig na usapan ng mga kasamahan nyang pulis. May nililigawan na pala ang lalaking pinakaaasamasam nya. Kinuyom nya ang kamao. Nagngingitngit ang kalooban nya. Isang buwan lang sya nawala tapos may iba na itong babaeng kinakalantari. Di sya makakapayag. Sinusumpa nya sa sarili na kanya lang si Lorenzo Villegas.

“O boys, mamaya na yang chismisan. Get ready. May lasing na nagaamok at nagpapaputok ng baril sa Baranggay Tumana puntahan nyo na bago pa makadisgrasya ng iba.” Anang isang pulis na kasamahan nila na syang tumatanggap ng emergency call.

Agad namang naging alisto ang mga kasamahan nyang pulis at naghanda na sa pagsugod sa nasabing baranggay. Si Jefferson ay nilapag sa desk ni Lorenzo ang bulaklak at isang box ng chocolate. Nagsilabasan na ang mga ito.

Naiwan si Julie na masama ang tingin sa bulaklak at chocolate. Nangangati ang kamay nyang kunin ang mga ito durugin sa kamay at itapon sa basuran. Kung wala nga lang ibang tao at cctv ay ginawa na nya.

Bwisit! Inis na bulong nya at bumalik na sa desk nya.


Aitana

NAPADAING AKO ng hilahin ni Benj ang buhok ko.

“Aray! Bakit ba?” Angal ko. Nagpapa hair treatment ako dito sa salon nya at sya ang humahawak sa buhok ko. Sabado ngayon kaya may free time ako magpa hair treatment.

“Bakit sinamasama mo pa yang kaibigan mo na kung makatingin sa akin parang kakainin ako ng buo.” Pabulong na asik nya sa akin.

Ngumisi naman ako. Mula kasi ng pumasok kami ni Macy dito sa salon niya ay lagi na syang sinusundan ng tingin ng huli.

“Eh gusto nyang magpapedicure dito sa salon mo eh.” Sabi ko.

“Ang sabihin mo inaya mo sya dito bruha ka! Paguntugin ko kayong dalawa eh!” Pabulong na asik pa rin nya sa akin. Tumingin pa sya kay Macy at inirapan ito. Kumagat labi naman ang huli at kumindat pa sa kanya.

“Eww! Yuck! Kinikilabutan ako!” Bulalas ni Benj na nangaligkig pa na tila diring diri

Tumawa naman ako sabay sabunot nya ulit sa akin.

Tumunog ang cellphone ko. Binuhay ko ito. Ganun na lang ang kalabog ng dibdib ko ng makitang may chat si Lorenzo.

Kapre: Punta ako mamaya sa inyo. Miss u sweetheart

Naginit ang pisngi ko sa chat nya kasabay ng mas bumilis pa ang pagtibok ng puso ko. Kahapon ko pa inaabangan ang chat nya. Busy daw kasi sya kahapon dahil may operation sila kaya hindi makakapag chat at hindi makakapunta sa bahay.

Napanguso ko at nagreply.

Ako: What time ka pupunta?

Kapre: Hapon na Pwede bang dyan na ako maghapunan sa inyo?

Ako: Pwede naman

Kapre: Ok See you later Matutulog lang ako

Kumagat labi ako. Gusto ko pa syang i-chat. Kaso mukhang pagod sya at matutulog na nga.

Ngumuso ako. Hays! Wag na nga! Baka sabihin nya namiss ko sya. Ni like ko na lang ang huling chat nya at pinatay ang cellphone.

Nag angat ako ng tingin sa kaharap na salamin. Nakita kong nakatingin din sa akin si Benj at nakataas ang kilay. Mukhang nabasa nya ang convo namin ni Lorenzo.

“Ang haraught mo po. Dati aayaw ayaw ka sa kanya ngayon may pa what time what time ka pupunta na.” Parinig nya sa akin.

Nakangusong inirapan ko na lang sya.

“Sagutin mo na kasi yan at wag ka ng magpabebe. Halata namang betchina mo na rin sya.” Dagdag pa nya at inirapan lang ako habang nilalagyan na ng keratin ang buhok ko.

“Hindi ko sya betchina no. Nagiging mabait lang ako sa kanya.” Labas sa ilong na sabi ko.

“Sus! Sinungaling! Hayan nga nanlalaki ang butas ng ilong mo. Sige ka, mamaya maagaw pa yun ng iba magsisi ka.” Babala nya sa akin.

“Sissy kung ayaw mo kay mamang pulis amin na lang. Paghahatian namin.” Singit ni Erika. Ang bakling na tauhan din ni Benj. Sumegunda pa ang ilang mga tauhan na naroon na bokal sa pag amin na crush nila si Lorenzo. Ilang beses na rin kasi nila nakita ang huli.

“O kita mo, ang dami ng nakaabang. Kaya ikaw insan wag kang papatay patay.” Paalala pa ni Benj sa akin sabay irap.

“Ah basta, akin lang si Benj.” Sabat naman ni Macy ng tanungin sya ng isa sa mga tauhan na nagpepedicure sa kanya.

Suminghap naman ang pinsan. “Omg! Eww ka! Magtigil kang babaita ka. Di tayo talo. Hotdog ang kinakain ko.” Patiling sabi ni Benj.

“Ako din, at magaling akong kumain ng hotdog.” Bira naman ni Macy na ikinasinghap naming lahat. Maging ako nga ay nanlaki pa ang mata at tiningnan sya. Kagat kagat pa nga ang labi at may pataas taas pa ng kilay kay Benj.

“Omg! Kakalokah ka talagang babaita ka! Magtigil ka ha! Wag ako! Kundi mumurderin ko yang daliri mo sa paa.” Nandidilat ang matang banta ni Benj kay Macy.

“Go lang beks! Hindi lang paa ko ang ipapamurder ko sa’yo.” Palaban naman na sabi Macy.

Nagtitili naman si Benj na akala mo ay kinurot sa singit. Tawa naman kami ng tawa. Si Macy lang talaga ang katapat nya.

ALAS SINGKO y medya ng hapon ay dumating nga si Lorenzo sa bahay at may dala na namang bulaklak at pagkain. Syempre tuwang tuwa naman si tiyang Meding.

Sa ilang linggong panliligaw nya ay nasasanay na ako sa presensya nya at naging komportable na akong kasama at kausap sya. Hindi naman pala sya arogante na gaya ng una kong pagkakakilala sa kanya. Bagama’t may pagka maangas talaga ang dating nya at minsan ay sa pananalita na rin. Siguro ay natural na talaga yun sa kanya hindi lang dahil sa pulis sya. Hindi naman nakakainis ang pagkaangas nya na tipong mayabang na ang dating. Pero ang hindi nawawala sa kanya ay pagiging demanding nya na nakasanayan ko na lang. Yung mga kilos nya kasi parang hindi nanliligaw kundi parang kami na. Kung ituring nya ako parang girlfriend na nya ako. Lagi syang nagchachat o nagtitext, minsan tumatawag kung nasaan ako at anong gingawa ko o kung sino ang kasama ko. Aaminin ko naiinis ako na kinikilig di ko lang pinapahalata. Naalala ko pa ng sinamahan nya akong kumuha ng lisensya. Halos sya ang kausap ng staff doon at napagkamalan pa kaming magjowa na pinanindigan naman nya.

“Gaano na kayo katagal sa lugar na to?” Tanong ni Lorenzo habang naglalakad kami sa labas ng bahay. Katatapos lang naming maghapunan.

“Si tiyang Meding matagal na dito. Hindi pa ako pinapanganak dito na sya nakatira. Kakaunti pa nga lang daw ang mga bahay at tao dito noon. Ako naman sa kabilang baranggay talaga ako unang nakatira. Doon ako ipinanganak. Pero ng mamatay si nanay sa atake sa puso, kinuha na ako ni tiyang Meding at sya na ang nagalaga at nagpaaral sa akin.” Kwento ko.

Tumango tango naman sya at sinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon nya.

“Eh ang tatay mo, nasan na sya?” Tanong ulit nya.

“Patay na rin. Nauna syang mamatay kay nanay, atake din sa puso. Elementary pa lang ako nun.” Sabi ko at bumuntong hininga. Medyo nakaramdam ako ng lungkot. Ngayong pinaguusapan namin sila ay bigla ko silang namiss.

“May lahi pala kayo ng atake sa puso. Kaya ikaw maging maingat ka sa sarili mo. Lalo na sa mga kinakain mo. Dapat lagi kang may sapat na tulog at exercise.” Paalala nya sa akin.

Ngumuso naman ako. Hayan na naman sya.

“Seryoso ako, wag mo kong ngusuan.”

“Alam ko po.” Paingos na sabi ko. “Dapat nga ikaw ang nag iingat eh kase – “

“Kase ano?” Nagbabantang tanong nya.

Ngumuso ako. “Kase ano, mas.. mas may edad ka sa akin. Kaya dapat mas maging maingat ka din sa sarili mo.” Sabi ko at inikot ang mata sa hangin.

“Tss, kahit naman mas may edad ako sayo maingat at maalaga ako sa sarili ko. Regular din ang check up ko.” Sabi nya.

Pasimple ko naman syang hinagod ng tingin. Halata namang maalaga sya sa sarili nya. Kitang kita naman sa katawan nya. 

“Hi Aitana!”

Nilingon ko ang bumati sa akin. Ang grupo pala ni Biboy. Ang dati kong kaklase at kaibigan na nanligaw din sa akin kaso di nakaubra kay tiyang. Nakaupo sila sa harap ng saradong bakery shop.

“Hello.” Bati ko sa kanila at kinawayan sila.

Nakita ko namang siniko si Biboy ng katabi nyang si Peter.

“Uy pre, kasama nya yung manliligaw nyang pulis.” Pabulong na sabi ni Peter pero dinig ko naman.

“Alam ko nakikita ko.” Ani Biboy at tumingin kay Lorenzo na seryoso ang mukha.

“Magandang gabi po ser.” Alanganin ang ngiting bati ni Biboy kay Lorenzo. Bumati din ang mga kasama nya.

“Magandang gabi din.” Bati din ni Lorenzo at tinanguan pa sila sabay akbay sa akin na ikinapitlag ko. Sinubukan kong lumayo sa kanya pero humigpit ang hawak nya sa balikat ko.

Kinunutan ko sya ng noo. Problema na naman nya?

“San pala kayo punta Ai?” Tanong naman ni Junmar na pinaka bansot at chubby sa kanila.

“Wala, naglalakad lakad lang kami.” Sagot ko.

“Eh kayo? Ano na naman ginagawa nyo? Tamang tambay na naman kayo?” Balik tanong ko sa kanila.

“Uy mahirap din ang trabaho ng tambay ah.” Ani Peter.

“Kaya nga!”

“Nakakalito kayang magbilang ng taong dumadaan at mag awat ng mga kapit bahay na nag aaway!” Ani Biboy.

“Tama!” Segunda naman ng mga kasama nya sabay tawa.

Napakamot na lang ako sa ulo. “Dyan na nga kayo.” Sabi ko at nilayasan na namin sila.

“Mukhang close ka sa mga yun ah.” Untag ni Lorenzo.

“Mga kababata at kaibigan ko rin kasi sila. Kalahati ng buhay ko kasama ko na silang lumaki. Saka mga suporter ko yung mga yun noong sumasali pa ako ng pageant sa mga baranggay.”

Kumunot ang noo nya. “Sumasali  ka sa mga pageant contest ng baranggay? Wag mong sabihing nagsusuot ka noon ng bikini?”

“Sa baranggay pageant syempre hindi dahil teenager pa ko nun at bawal. Maiksing shorts at crop top lang ang suot ko.”

“Ganun pa rin yun, kita pa rin yung legs mo at pusod mo.” Palatak nya.

Kinunutan ko naman sya ng noo. Kung makaasta talaga sya parang boyfriend ko na eh.

Noon ko naman napansin na nakaakbay pa rin sya sa akin.

“Teka nga, bakit ba nakaakbay ka pa rin sa akin? Tayo na po ba ha?” Sabi ko at pilit inaalis ang malaking braso nyang nakasampay sa balikat ko. Pero mas tinigasan lang nya ang braso nya.

“Hindi pa. Pero papunta na rin tayo don kaya dapat masanay ka na sa akbay ko dahil kapag naging tayo na hindi lang akbay ang gagawin ko sayo.” Nakangising sabi nya.

Napasinghap naman ako. “At ano naman yun?”

“Secret. Malalaman mo yun kapag tayo na.” Sagot nya sabay kindat sa akin.

Naginit naman ang pisngi ko at kumalabog ang dibdib ko. Parang nagtaasan din ang mga balahibo ko sa katawan. Bakit parang kakaiba ang ibig sabihin ng sinabi nya?

“Uy si ate Ai may ligaw na.” Tukso ng isa sa mga batang naglalaro ng habulan na nadaanan namin. Nakitukso na rin ang ibang mga bata.

Naginit naman lalo ang pisngi ko. Nakatingin na rin sa amin ang iba pang mga naroon at nakikitukso na rin.

“Bagay ba kami mga bata?” Nakangising tanong pa ni Lorenzo sa mga bata at kinabig pa ako padikit sa matigas nyang katawan. Napasinghap ako.

“Opo mamang pogi!” Sabay sabay na sabi ng mga bata.

“Narinig mo yun sweetheart? Bagay daw tayo.” Nakangisi pa ring sabi ni Lorenzo.

“Heh!” Asik ko sa kanya at siniko sya. Pero tumawa lang sya. Langya! Ang tigas ng katawan nya.

“Kiss! Kiss!” Sigaw pa ng mga bata.

Pero bago pa ako umalma ay hinalikan na ako ni Lorenzo sa pisngi ng mariin. Nagpalakpakan naman sa tuwa ang mga bata pati mga miron na naroon.

Pakiramdam ko sinisilaban na ako sa init ng mukha ko. Ang lakas na rin ng kalabog ng dibdib ko. At di ko inaasahan na gagawin yun ni Lorenzo. Sa ilang linggong panliligaw nya hanggang dikit at hawak kamay lang sya. Ngayon nakaakbay na sya at nakahalik na. Aba! Abuso na ang gurang!

Sinamaan ko sya ng tingin. Ngingisi ngisi lang sya.

“Abuso ka na ha. Baka nakakalimutan mong – “

Naputol ang sasabihin ko ng muli na naman nya akong halikan sa pisngi ng mariin. Nagwawala na ang puso ko sa lakas ng kabog nito na tila gusto ng lumabas. Nagtilian na naman ang mga bata.

“Ano? May sasabihin ka pa sweetheart?” Nakataas ang kilay at malawak ang ngising tanong nya.

Pinaningkitan ko sya ng mata. Alam kong pulang pula na ang mukha ko ngayon. Parang gusto ko na ngang lumubog sa hiya. Siguradong paguusapan ako nito ng mga mosang kong kapitbahay.

“Ang daya! Dapat sa lips naman!” Buyo pa ng isang batang anak ng pinaka mosang dito sa lugar namin.

“Oo nga sa lips naman yung parang napapanood namin sa tv!” Segunda pa ng ilang bata.

Langya! Ang babata pa alam na nila ang kiss sa lips. Yan ang natututunan nila sa panonood ng mga drama sa tv.

“Heh! Magsiuwi na nga kayo! Gabing gabi na nasa labas pa kayo. Matulog na kayo may pasok pa bukas.” Sikmat ko sa mga bata.

“Linggo po kaya bukas ate Ai. Walang pasok.” Sagot ng bungal na matabang batang lalaki.

Oo nga pala linggo bukas.

Narinig ko naman ang tawa ni Lorenzo. Sinamaan ko sya ng tingin at inirapan. Dahil sa kanya napapahiya ako eh.

“Kahit na. Magsiuwi pa rin kayo at mag aral kayo.” Nakapameywang na sita ko sa kanila.

“Sungit naman ni Ate Ai. Kiss mo na nga lang sya sa lips mamang pogi para hindi na sya masungit. Ganun ginagawa ni papa ko kay mama eh.” Sabat pa ng isang bata.

“Aba’t – “

“O wag mo ng patulan sweetheart.” Natatawang awat sa akin ni Lorenzo at inikot ang braso sa balikat ko.

Muli ko naman syang siniko pero wala syang katinag tinag at tumawa lang.

“Tara na nga umuwi na tayo. Napakapikunin mo talaga.” Natatawa pa ring sabi nya at inakay na ako pabalik sa bahay. Nagbabye pa sa amin ang makukulit na bata at may pahabol pang sigaw na kiss.

“Kasalanan mo to eh.” Paninisi ko sa kanya at pilit kumakawala sa akbay nya pero lalo lang nyang hinihigpitan. Dikit na dikit na tuloy ang mga katawan namin. Nagtatayuan na nga ang mga balahibo ko sa katawan.

“Masanay ka na sweetheart sa mga lambing ko sa’yo.”

“Heh! Ewan ko sayo!” Nagiinit ang pisnging asik ko sa kanya. Pero tila naman may kung anong kumikilti sa tiyan ko.


Chapter 10

Aitana

SINALANSAN KO ang mga quiz paper na pinasa ng mga estudyante ko. Katatapos ko lang magpa short quiz sa kanila at ngayon mga ay recess time na nila. Ang iba ay may kanya kanyang dalang baon ang iba naman ay sa canteen bumibili.

Nilabas ko ang baon kong biscuit at mineral water. Ito lang ang kakain ko ngayon dahil nagalmusal naman ako kanina sa bahay.

“Teacher Ai.”

Nagtaas ako ng tingin at nakita sa harapan ko si Pengpeng na nakangiti. Medyo nagkalaman laman na sya ngayon hindi gaya dati. Nakatulong ang vitamins na iniinom nya. Ganundin ang mga kapatid nya ng makita ko sila ng dalawin ko sila last week. Maging ang tatay nga nyang si Mang Hunyo ay umaayos na rin ang lagay at nakakapaghanapbuhay na bagamat tuloy tuloy pa rin ang paggagamot nya.

“Ano yun Peng?” Nakangiti ding tanong ko at nilapag ang hawak na ballpen.

“Pinabibigay po ni tatay.” Aniya at nilapag sa lamesa ang plastic bag na puti na may tupperware. Sinilip ko ito. Biko ang laman ng tupperware na paborito namin ni tiyang Meding.

“Uy salamat, paborito namin ni tiyang ito. Nagabala pa si Mang Hunyo.” Sabi ko.

“Birthday po kasi ni nanay ngayon at paborito nya yan kaya nagluto po si tatay at naisip nyang bigyan po kayo.”

“Salamat. Sabibin mo rin sa tatay mo salamat.”

Tumango tango sya. “Wala pong anuman Teacher Ai. Maliit na bagay nga lang po yun kumpara sa ginawa nyo po sa amin.”

Nginitian ko sya. “Eh kamusta na kayong magkakapatid? Ang tatay mo? Hindi na ba inuubo at nilalagnat?”

“Ayos lang po kami nila TinTin at Junjun. Mabibigat na nga po sila eh at malalakas ng kumain. Si tatay po naman ay maayos na maayos na ang pakiramdam. Hindi na po sya inuubo ng malala at nilalagnat. Nakakapagkalakal na nga po sya eh. Pero titigil na rin po sya sa pagkakalakal dahil magtitindahan na po kami.” Kwento nya.

“Talaga? Aba, maganda nga yan!” Sabi ko. Atleast hindi na mauulanan at maaarawan sa daan si Mang Hunyo. Kung magtitindahan na sya ay sya bahay na lang sya at mababantayan pa ang dalawang bata.

“Opo, may dumating po kasi sa bahay namin na taga DSWD kasama ni sir Enzo at iba pang mga pulis. Irerelocate na daw po kami at tutulungan magtayo ng tindahan para si tatay hindi na daw po mangalakal at may magbabantay na sa dalawa kong kapatid.”

Good news nga ibinalita nya at masaya ako para sa kanila.

“Kasama din si Lorenzo ng taga DSWD na dumalaw sa inyo?” Tanong ko.

“Opo, tiningnan po kasi nila yung bahay na pasugalan.At ang sabi po ng DSWD lahat daw po na nakatira sa looban ay ililipat na at gigibain na po yung malaking bahay na pasugalan para daw po hindi na bumalik yung mga manunugal.”

“Ah ganun ba.” Hindi kasi nabanggit sa akin yun ni Lorenzo. Mamaya nga tanungin ko sya.

“Eh saan naman kayo lilipat? Baka naman malayo?” Tanong ko.

“Yung iba po sa malayo. Pero kami po malapit lang din sa amin. Yun po kasi ang pakiusap ni tatay na sana sa malapit lang kami dahil nagaaral pa nga po ako. At si sir Enzo daw po ang bahala sa titirhan namin.

Tumaas ang kilay ko at tumango tango ako. “Mabuti naman. Maganda nga yan. Sa sabado dadalawin ko kayo ulit.”

“Sige po Teacher Ai. Sasabihin ko po kay tatay para po makapaghanda.”

“Naku wag na, mapapagastos lang kayo. Titingnan ko lang naman ang lagay nyo.”

Kumamot sya sa ulo. “Kayo pong bahala Teacher Ai.”

“Sige na magrecess ka na. May baon ka ba?”

“Opo, pinabaunan din po ako ni tatay ng biko saka, tinapay at juice.” Aniya.

Tinanguan ko naman sya. Bumalik na sya sa desk nya at kinain ang baon nya habang nakikipagkwentuhan sa katabing kaklase. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mga estudyante ko. Bilang teacher nila sisiguraduhin kong ibibigay ko sa kanila ang tamang kaalaman.

Lorenzo

DINUKOT KO ang susi ng sasakyan ko sa bulsa at pinindot ito. Tumunog ang pick up truck ko. Tapos na ang duty ko at pupunta ako ngayon kay Aitana. Nasasabik na akong makita sya. Kahit na ba magkachat lang kami kanina ay iba pa rin yung nakikita at nakakausap ko sya ng personal. Bitbit ko sa isang kamay ang supot ng nga prutas na binili ko kanina pagdaan ko ng palengke. Hindi na kasi nya ako pinapagdala ng bulaklak dahil natatambakan na sila sa bahay nila. Pero hindi naman pwedeng wala akong dalhin at walang ibigay sa kanya. Kaya heto prutas na lang ang ibibigay ko sa kanya mas healthy pa kesa naman puro junk food ang kinakain nya.

“Enzo.”

Lumingon ako sa tumawag sa akin. Nakangiting lumapit sa akin si Julie na nakasibilyan na. Gaya ko ay tapos na din ang duty nya.

“Uuwi ka na?” Tanong nya ng makalapit na sa akin at humawak pa sa braso ko. Pasimple ko namang inalis ang braso ko at hinawakan ang door handle ng sasakyan ko.

“Oo.” Tipid na sagot ko.

Ngumuso naman sya. “Agad agad? Bakit hindi ka na lang muna sumama sa akin? Magkikita kita kami ng mga classmate ko noong college sa may Lareya’s Grill. Doon na lang din tayo maghapunan tutal hindi ka pa rin naman naghahapunan di ba?” Aya nya sa akin at matamis na ngumiti. Yung ngiting hindi ko kayang tanggihan noon. Pero iba na ngayon.

“I’m sorry Julie, pero may pupuntahan pa kasi ako eh.” Tanggi ko at ngumiti din sa kanya.

Nawala naman ang ngiti nya at sumimangot. “Kanino? Doon sa teacher na yun?”

Bumuntong hininga ako. “Julie.”

“Bakit ba pinagtyatyagaan mo ang teacher na yun? Ano bang mahihita mo sa kanya? Kita mo nga pinapahirapan ka lang nya pero di ka naman sinasagot.” Nakaismid na sabi sya at humalukipkip.

“Hindi nya ako pinapahirapan at kusang loob ko ito. At kung hindi pa nya ako sinasagot yun ay dahil kinikilala pa nya ako. Pero malapit na rin nya akong sagutin. Sige mauuna na ako at baka naghihintay na si Aitana.” Sabi ko at binuksan na ang pinto ng sasakyan ko.

Sumampa na ako at nilapag ang plastic ng prutas sa passenger seat. Sinarado ko na ang pinto at kinabit ang seatbelt. Sinuksok ko ang susi at binuhay ang makina. Binusinahan ko muna si Julie na nakatayo pa rin sa labas at nakasimangot. Umiling iling na lang ako at inilabas na sa parking lot ang sasakyan. Alam ko namang nagseselos sya kaya dumidistansya na ako sa kanya. Hanggang pagkakaibigan na lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Makakahanap din sya ng tamang lalaki para sa kanya. Basta ako may Teacher Aitana na. Kahit hindi pa nya ako sinasagot ay kinukunsidera ko na syang nobya ko. Saka hindi naman ako papayag na hindi ko sya maging nobya.

“Nagkwento sa akin si Pengpeng kanina, pumunta daw kayo sa kanila kasama ang DSWD at irerelocate nyo daw sila.” Ani Aitana habang ngumunguya ng barbeque. Nandito kami sa barbeque-han sa may kanto nila. Katatapos lang naming maghapunan pero nag aya syang kumain ng barbeque. Malakas din pala syang kumain kaya dapat kumayod pa ako ng todo.

“Oo, kailangan ng idemolish ang lugar na yun. Yun lang ang tanging paraan para di na bumalik ang iligal na pasugalan doon.” Sabi ko at pinunasan ng hinlalaki ko ang gilid ng labi nyang may sauce ng barbeque. Napapitlag naman sya at mabilis na iniwas ang mukha at kinunutan ako ng noo. Nginisihan ko lang sya. Pasasaan ba at masasanay din sya sa mga hawak ko.

“Actually good news yan, lalo na kanila Pengpeng. Hindi safe sa kanilang magkakapatid ang lugar na yun.” Komento pa nya at kumuha pa ulit ng isang stick na barbeque na may taba pa. Ako naman ay isaw ang nilantakan ko.

“Ang sabi sa akin ni Pengpeng, ikaw daw ang bahala sa lilipatan nila. Saan mo naman sila ililipat?” Tanong pa nya.

“Dun lang sa kanto ng baranggay na tinitirhan ko. May paupahan kasi ako dun at bakante ang isang unit. Doon ko sila papatirahin. Malapit lang yun sa eskwelan ni Pengpeng.” Sabi ko. Ang paupahan na yun  ay pinatayo ko limang taon na ang nakakaraan. May sampung unit iyon. Matino naman magbayad ng upa ang mga nakatira doon. Di naman sila lugi dahil kumpleto yun. May sariling tubig at kuryenta. May dalawang kwarto, may kusina at may banyo.

“Magkano naman ang upa dun? Baka mahal. Siguradong mahihirapan lang sila Pengpeng.” Kunot noong sabi nya.

Nginisihan ko naman sya. “Sino bang may sabing pagbabayarin ko sila ng upa? Libre ang pagtira nila dun kapalit ng si Mang Hunyo ang gagawin kong katiwala ng paupahan. Pwede din silang magtayo ng tindahan dun para may income sila.” Sabi ko.

Ngumuso naman sya. “Baka naman magulo din dun?”

“Hindi, tahimik dun. Mahigpit kong pinagbabawal ang magulo dun kundi pagbababarilin ko sila.”

Suminghap sya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin.

Tumawa naman ako. “Nagbibiro lang ako sweetheart.” Sabi ko at pinisil ang pisngi nya.

Nanunulis ang ngusong inirapan nya ako.

Balang araw may kalalagyan din yang nguso nya. At hindi na ako makapaghintay. Nangingisi na lang ako sa naisip.

“Ang bait mo naman pala.” Komento nya at uminom ng mineral water sa bote.

“Depende sa taong kaharap.” Sabi ko at kumibit balikat.

“Ako din, kapag buwisit ang taong kaharap ko bubwisitin ko din sya.”

Ngumisi ako. “Gaya ko?

Ngumuso naman sya. “Dati nabubwisit ako sa’yo ngayon hindi na.” Halos pabulong na sabi nya.

Uminom muna ako ng tubig at tumawa. Alam ko namang buwisit sya sa akin dati dahil binubwisit ko naman talaga sya.

“Ibig sabihin ba nyan may pag asang sagutin mo na ko?” Nakataas ang kilay at nakangising tanong ko.

Namula naman ang pisngi nya at nanghaba ulit ang nguso.

“Ewan ko.” Halos pabulong na sambit nya.

“Tss, aminin mo na kasi na gusto mo na ko.”

Lumingon sya sa akin at inirapan ako. Nginisihan ko lang sya. Sa lahat ng babaeng nakasalamuha ko sya lang ang bukod tanging malakas ang loob na irap irapan ako at simangutan.

“Pero malapit mo ng malaman kung sinasagot na ba kita o hindi.” Aniya.

“Talaga? Malapit mo na akong sagutin?”

“Ang sabi ko malapit mo ng malaman kung sasagutin ba kita o hindi.” Ulit nya sa sinabi nya.

Ngumisi naman ako. “Ganun na rin yun sweetheart, malapit mo na akong sagutin. Can’t wait.” Sabi ko na nae-excite na. Sa wakas magiging official na kami. Matatapos na rin ang pagtitimpi kong panggigilan sya.

Salubong ang kilay na tiningnan nya ako at ngumuso kasabay ng panlalaki ng butas ng kanyang ilong. Buti na lang cute ang maliit na matangos nyang ilong kaya hindi masagwang tingnan.

“Pa’no kung basted ka?”

“Imposible yan. Pero kung basted ako eh di liligawan ulit kita.”

“Talaga?”

“Yes. Because I really like you a lot Aitana. And I’m serious about you.” Sinserong sabi ko. Hindi ko naman sya liligawan kung hindi ako seryoso sa kanya. Alam kong iba sya sa lahat ng babaeng naugnay sa akin.

Hindi na sya nagsalita at natahimik na lang. Hinayaan ko na lang sya. Ayoko naman syang kulitin dahil baka mainis sya. Basta ramdam kong may katugon din ang nararamdaman ko sa kanya.

Aitana

PANAY ANG kuskos ko sa mukha kong pinahiran ko ng collagen habang nakatingin sa hindi kalakihang tv screen. Pero wala naman doon ang isip ko kundi nasa lalaking kasama ko lang kanina. Pinagiisipan ko kasi yung pinag usapan namin kanina.

Mahigit isang buwan ng nanliligaw sa akin si Lorenzo. At infairness sa kanya matyaga talaga sya. Gabi gabi syang pumupunta sa bahay pagkatapos ng duty nya at lagi syang may dalang kung ano ano. Kilala na nga sya ng mga taga dito eh. At hindi ko idedeny sa sarili ko na medyo.. nagugustuhan ko na rin sya. Masarap syang kausap. Matured kausap. Iba sya sa lahat ng mga nanligaw sa akin. Siguro kasi sa lahat ng mga nanligaw sa akin sya ang pinakamatanda. Yun nga lang mahilig manantsing. Nawiwili ng humalik sa pisngi ko.

Nagiinit ang pisnging ngumuso ako.

Sagutin ko na kaya sya?

Sa isiping iyon ay lumakas ang kabog ng dibdib ko at parang may kumikiliti sa tiyan ko. Ay! Ano ba yan? Ba’t parang kinikilig ako?

“Hindi ba napupudpod yang mukha mo sa kakakuskos mo? Kanina ka pa kuskos ng kuskos ng mukha ah.” Untag ni tiyang Meding na nakaduster na pantulog nya.

Tumigil naman ako sa pagkuskos ng mukha. Medyo natutuyo na rin ang collagen sa mukha ko.

“Papasok na ako sa kwarto. Nilock ko na yung pinto sa kusina. Ikaw na lang ang maglock ng gate at pinto pati na rin mga bintana.” Paalala ni tiyang.

“Opo tiyang.”

“Matulog ka na rin may pasok ka pa bukas.”

“Opo, tatapusin ko lang po tong pinapanuod ko.” Sabi ko at prente ng sumandal sa armrest ng sofa at tinuon ang mata sa tv.

Pumasok naman si tiyang Meding sa kwarto nya. Tiningnan ko ang oras sa wall clock na nakasabit. Mag aalas diez na ng gabi. Humikab ako. 15 minutes pa.

Pagpatak ng alas diez ay tumayo na ako at pinatay na ang tv. Lumabas ako para ilock ang gate. Nilock ko na rin ang pinto at dinouble lock ko pa ganun na rin ang mga bintana. Pinatay ko muna ang mga ilaw bago pumasok sa kwarto ko.

Third POV

TATLONG LALAKI ang naninigarilyo at nakatambay sa dalawang nakaparadang motor di kalayuan sa isang bahay. Medyo tahimik na rin ang lugar dahil lumalalim na ang gabi. May mangilan ngilan lang na mga motor at traysikel na dumadaan at mga tao. Pasilip silip ang tatlo sa isang bahay na kanina pa nila minamanmanan.

“Ano? Tirahin na natin?” Tanong ng payat at may tatoo sa leeg na si Tuti.

“Maya maya ng kaunti kapag wala ng masyadong dumadaan.” Sabi naman ng tumatayong lider na si Gosok.

“Sigurado ka ba dyan pre? Baka kalaboso abutin natin dyan ha.” Ani Waldo na kinakabahan pero desidong sumama sa raket ng katropa.

“Oo, dalawang linggo ko ng minamanman ang bahay na yan at ang mga nakatira dyan. Dalawang babae lang ang nakatira dyan. Isang matanda at isang dalaga na ubod ng ganda at sexy.” Nakangising sabi ni Gosok. Hinithit nya ang sigarilyo habang nakatingin sa bahay na wala ng ilaw. Hindi na sya makapaghintay na pasukin ito at pasukin sa kwarto nya ang magandang babae.

“Oy, hindi ko gusto yang ngiti mo pre ha. Basta ang usapan nakaw lang.” Sabi ni Waldo.

“Basta akong bahala.”

“Eh pa’no yung lalaki na kasama nung magandang babae kanina? Baka bumalik yun?” Nainigurong tanong naman ni Tuti.

“Manliligaw lang yun ng babae, hindi na yun babalik.”

Tumango tango naman ang dalawa na naghihintay lang ng hudyat ng katropa.

Isang oras pa silang naghintay sa labas at nagmamasid lang. Naghihintay ng tamang tyempo. Bibihira na lang ang dumadaan. At kung may dumaan man ay paisa isa lang. Halos patay na ang lahat ng ilaw ng kabahayan at tanging ilaw lang sa mga poste ang nagbibigay ng liwanag.

Tiningnan ni Gosok ang dalawang kasama at tinanguan. Tumayo na sila ng diretso at tinapon sa semento ang upos ng sigarilyo at tinapakan. Luminga linga muna sila sa paligid. Walang tao kundi sila lang. Sinenyasan ni Gosok ang dalawa na sundan sya. Sa gilid ng bahay sila dumaan. Medyo masukal doon dahil may matataas na halaman at mga talahib. Mas madali silang makakapasok sa loob ng bakuran dahil mababa ang bakod sa gilid ng bahay at tago pa. Natuklasan nya yun sa ilang gabing pagmamanman nya.

“Bilis! Bilisan nyo!” Pabulong na sabi ni Gosok sa dalawa ng makatawid na sya sa mababang bakod. Sumunod naman ang dalawa.

“Aray ko! Putangna!” Daing at mura ni Waldo ng pagtalon nya ay natapilok sya.

“Bunganga mo!” Pabulong na asik ng dalawa.

“Sorry! Natapilok ako eh!” Nakangiwing sabi ni Waldo at hinimas himas ang paang natapilok.

“Shhh! Hinaan mo nga sabi boses mo!”

“Oo na!” Tinikom na lang ni Waldo ang bibig.

Payuko yuko silang pumunta sa likuran ng bahay at tumapat sa isang pintong nakasarado. Dinukot naman ni Gosok ang alambreng pangkalikot nya sa doorknob. Sinuksok na nya ito. Ang dalawa naman ay palinga linga sa paligid.

“Ano? Wala pa ba?” Tanong ni Tuti na naiinip na at gusto na ring pumasok sa loob para makarami.

“Malapit na.” Anas ni Gosok na patuloy sa pagkalikot ng alambre sa doorknob hanggang sa makarinig na sya ng mahinang click. Malawak syang napangisi.

Ng maunlock na ni Gosok ang doorknob ay dinukot nya ulit sa bulsa ng shorts nya ang manipis na plastic card. Sinuksok naman nya ito sa gilid ng pinto para sungkitin ang isa pang lock sa loob. Ng may matamaan syang matigas ay dinunggol dunggol nya ito ng card.

“Ang tagal naman nyan pre, nilalamok na ko.” Reklamo ni Waldo.

“Maghintay ka! Ang dami mong reklamo dapat pala hindi ka na lang sumama eh.” Asik ni Gosok sa katropa na sinasampal sampal na ang sarili dahil sa lamok na kumakagat.

“O sige na, bilisan mo na dyan.”

“Ang hirap eh! Ikaw kaya dito subukan mo.”

“Akin na nga!” Ani Waldo at lumapit sa pinto para sya naman ang sumubok. Binigay sa kanya ni Gosok ang manipis na plastic na card. Sinuksok nya ito sa gilid ng pinto at dinunggol dunggol ang matigas na bagay na malamang ay ang double lock. Naririnig nyang gumagalaw na ang lock hanggang sa matanggal na nya ito.

Nilingon ni Waldo ang dalawang kasama at malawak ang ngiting tinanguan ang mga ito.

“Bukas na!” Pabulong na sabi nya.

Ngumisi naman ang dalawa.

Pinatabi ni Gosok si Waldo at sya ang humawak sa doorknob ng pinto. Sa wakas makakapasok na sya sa loob ng bahay. Dahan dahan nyang binuksan ang pinto. Madilim sa loob. Kinuha nya ang maliit na flashlight sa bulsa at inilawan. Nasa kusina pala sila. Pumasok na sya sa loob at sumunod naman ang dalawa. Malinis ang kusina. Pinagbubuksan nila ang drawer na naroon. Pero wala silang nakita. 

Si Waldo ay dumiretso sa ref at binuksan ito. “Uy ang daming pagkain.” Bulalas nya at kumuha ng isang lanerang leche flan at tatlong pirasong ponkan. Paborito nya kasi ang mga iyon. Nilagay nya ang mga ito sa bulsa ng hoodie nya. Binatukan sya ni Tuti.

“Pati pagkain di mo na pinatawad.” Asik ni Tuti at maging sya ay kumuha din dalawang mansanas.

“Tss, ikaw din pala eh.” Sinarado na ni Waldo ang ref at ang ibabaw naman nito ang tiningnan nya. Nakakita sya ng bente at ilang barya. Kinuha nya ito.

“Anong nakuha mo?” Usisa ni Tuti na ngumangata na ng mansanas.

“Barya lang. Pambili din ng yosi to.” Nakangising sabi ni Waldo at nilagay na sa bulsa ang barya.

“Psst!” Sitsit ni Gosok sa dalawa. Pinalapit nya ang mga ito. Nasa sala na sya at kinakalikot ang nakalock na drawer.

“Anong meron pre?” Tanong ni Waldo.

Tinuro ni Gosok ang drawer at ngumisi. “Siguradong may laman to, nakalock eh.” At hindi nga sya nagkamali. Dahil ng mabuksan na ang drawer ay may laman itong pera at isang mamahaling relo. Agad nya itong kinuha at pinakita sa dalawang kasama na nagningning ang mga mata.

“Jackpot!” Bulalas ni Tuti.

“Mamaya na natin paghatian to. Sige maghanap pa kayo dyan baka may makita pa kayo.” Sabi ni Gosok sa dalawa at binulsa na ang nakuha nya.

Ang dalawa naman ay naghanap hanap pa nga sa sala. At di naman sila nabigo dahil may nakita silang mga pera. Barya barya man pero pera pa rin.

Samantalang si Gosok naman ay ang isang kwarto ang pinuntirya. Sa isip isip nya ay pagkakataon na nyang matikman ang babaeng pinapantasya nya. Tiningnan nya muna ang dalawang kasama na busy sa paghahanap ng mapapakinabangan. Ngumisi si Gosok at pinihit ang doorknob ng pinto. Bukas ito at hindi nakalock. Binuksan nya ang pinto. May kadiliman sa loob at tanging mapusyaw lang na ilaw galing sa lampshade ang liwanag. Nakita nya ang bulto ng isang babaeng nakahiga sa kama na malalim na ang paghinga. Ngumising demonyo sya. Nanginginig na ang kamay nya at hindi na makapaghintay na hawakan ito. Pumasok sya sa loob ng kwarto at lumapit sa babeng nakahiga na nakabalot ng kumot. Nilusot nya ang kamay sa ilalim ng kumot. Nahawakan nya ang malambot na paa.

Tangna! Paa pa lang malambot na. Nilabas nya ang kamay at inamoy. Hmm pati paa mabango. Nakakagigil talaga!

Binalik ulit ni Gosok ang kamay sa ilalim ng kumot at hinimas himas ang binti ng babae. Makinis ito at malambot. Napakagat labi sya at tinaas pa ang kamay sa may hita. Pero gumalaw ang babae. Hininto nya ang paghimas at tinuloy ulit.

Malapit na kitang matikman. Siguradong ang sarap sarap mo. Akin ka ngayong gabi mwehehe.

“Sino ka?”

Natigilan si Gosok ng bumalikwas ang babae. Anong nangyari sa babae at nagiba ang hitsura? Saglit silang nagkatitigan at sabay na sumigaw.

“Ahh!”


Chapter 11

Aitana

“AHHH!”

Naalimpungatan ako sa malakas na sigaw. Kinuskos ko ang mga mata. Dim sa loob ng kwarto ko dahil tanging lampshades lang ang bukas.

“Ahh! Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Manyak!”

Napabalikwas ako ng makarinig ulit ng sigaw. At boses yun ni tiyang Meding. Nakarinig na rin ako mga kalabog at mga boses sa labas ng kwarto. Nanlaki ang mata ko.

May nakapasok sa bahay namin! Si tiyang Meding!

Dali dali akong bumangon at kinuha ang dos por dos na nakasandal sa likod ng pinto. Lagi itong nandito in case of emergency. At mukhang magagamit ko na ito ngayon. Mahigpit kong hinawakan ang dos por dos at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Madilim sa sala dahil pinatay ko ang ilaw kanina pero naaninag ko ang dalawang tao na tumakbo papuntang kusina.

“Manyak ka! Manyak! “

“ Aray! Aray!“

Napasinghap ako. “Tiyang!” Tawag ko kay tiyang Meding at pumunta sa kwarto nyang bukas. Pero hindi pa man ako nakakapasok ay lumabas ang isang lalaki na pinaghahampas ni tiyang ng tsinelas. Ako naman ay agad na hinataw ito sa braso ng dos por dos. Aray ng aray naman ang lalaki pero hindi ko ito tinigilan ng hampas kahit nakaluhod na. Si tiyang ay kumuha pa ng walis tambo at yun ang pinanghampas.

“Tiyang gisingin nyo po ang mga kapitbhay at humingi kayo ng tulong, ako na po ang bahala dito.” Utos ko kay tiyang.

“Sigurado ka kaya mo na tong manyak na to?”

“Opo, kaya bilisan nyo na bago pa makabawi to at makatakas.” Sabi ko at tiningnan ang lalaking nakahandusay na at namimilipit sa sakit.

“O sige, sige mabilis lang ako.” Ani tiyang at lumabas ng pinto pero binuksan nya muna ang ilaw. Bumaha ang liwanag sa buong sala.

Hindi ko hinihiwalayan ng tingin ang lalaki na nakahandusay pa rin. Kapag akmang tatayo sya ay muli ko syang hahatawin ng palo. Mahirap na, lalaki sya at malakas. Pamilyar ang hitsura sa akin ng lalaki. Nakikita ko sya minsan nakatambay sa labas. Malamang minamanmanan nya si tiyang at pinagpaplanuhan.

“Mga kapitbahay! Tulong! Tulungan nyo kami! May nakapasok sa bahay namin!” Dinig kong sigaw ni tiyang Meding sa labas ng bahay. Alam kong mayamaya lang ay susugod na dito ang mga kapitbahay namin.

Akmang tatayo muli ang lalaki pero muli ko syang hinataw ng palo ng tatlong beses.

“Tatayo ka pa ha! Dyan ka lang! Kuyog ka mamaya.” Sabi ko. Bigla kong naalala ang dalawang aninong tumakbo kanina sa kusina. Malamang ay mga kasama nya yun.

“Aray ko..” Daing ng lalaki habang sapo ang braso at himas himas ang binting pinalo ko.

“Huh! Ngayon aaray aray ka! Manyak ka. Pati matanda di mo na pinatawad.” Gigil na sabi ko at sinipa ko pa sya.

“Nasaan tiyang? Nasaan ang manyak na yan na nagbalak na gahasain ka? Naku! Mapapatay ko sa jombag yan!” Boses ni Benj.

“Nasa loob binabantayan ni Aitana.”

Ilang sandali pa ay nasa loob na si Benj at si tiyang Meding kasama ang ilang kapitbahay na halatang naalimpungatan pati na ang tropa nila Biboy.

“Insan ito yung lalaking pumasok sa kwarto ni tiyang. May dalawa pang tumakbo sa kusina.” Sabi ko.

“O, may dalawa pa daw na tumakbo sa kusina. Habulin nyo na bago pa makatakas.” Anang isa naming kapitbahay na may edad na rin.

“Kami na bahala dyan. O kayong dalawa dun sa labas abangan nyo. Kami na dito sa may kusina.” Ani Biboy at naghati na sila sa dalawang grupo.

Si Benj naman ay nilapitan ang lalaki at hinawakan sa kwelyo ng damit at binangon. Mas malaki si Benj sa lalaki at kahit kilos binabae ay mas malakas pa sya sa ibang lalaki.

“Walang hiya kang manyakis ka! Pati ba naman si tiyang Meding pinaginteresahan mo. Wala na talaga kayong pinipili na mga manyak kayo.” Gigil na sabi ni Benj.

“Hindi nagkakamali – ugh!” Naputol ang sasabihin sana ng lalaki ng sikmuraan sya ni Benj. Napaluhod sya sa sahig sapo ang sikmura. Pero sinabunutan sya agad ni Benj.

“Dedeny ka pa ha! Eh huling huli ka na!”

“Aray! Aray tama na!” Daing ng lalaki na ngayon ay inarmlock na ni Benj.

Ako naman at si tiyang ay hinarap ang mga baranggay tanod na dumating. Tinawagan na pala sila ng isang kapitbahay namin. Maya maya pa ay dumating na rin ang tropa nila Biboy hawak hawak ang dalawang lalaki na puro mga pasa na malamang ay kinuyog nila. Pumasok ang dalawang tanod sa bahay namin at paglabas ay tangay na ang manyak na lalaki. Hinahabol pa sya ng sabunot ni Benj at kurot ni tiyang. Ako naman ay binatukan sya.

“Hindi taga dito ang tatlong to.” Anang isang tanod.

“Mga taga kabilang baranggay yang mga yan. Itong dalawa kilalang matinik na magnanakaw. Yang isa naman ilang beses ng nagpabalik balik sa kulungan dahil sa pamomolestya at tangkang pangrerape.” Sabi ng isa pang tanod na ikinasinghap naming lahat.

“At dito pa kayo maghahasik ng lagim ha! Maling baranggay ang pinasok nyo.” Ani Benj na gigil pa rin at muling sinabunutan ang lalaki. Inawat naman sya ng tanod.

Ang ibang tanod naman ay kinapkapan sila. Nakuha sa dalawa ang isang lanerang leche flan, mga prutas at mga barya. Pero mas malaki ang nakuha sa lalaking manyak. Ang mamahaling relo ni tiyang at ang pambayad sa amilyar. Agad naman itong sinoli kay tiyang ng tanod. Nakuha din ang alambre na ginamit daw sa pangsungkit ng lock ng pinto.

Dinala na sa baranggay ang tatlong lalaki kasama na rin kaming tatlo. At doon ay nagbigay kami ng salaysay sa kapitan. Gusto ni tiyang Meding na ipakulong ang mga ito lalo na ang lalaking pumasok sa kwarto nya at nanghipo para madala. Ganun din ang gusto namin ni Benj. Aba! Hindi namin mapapatawad ang ginawa nila lalo na ng lalaking manyak kay tiyang Meding. Pa’no kung hindi nakasigaw at nakapanlaban si tiyang? Eh di kawawa si tiyang. Eh pa’no kung pati ako pinasok din sa kwarto? Pa’no kung may dala silang mga patalim at at..

Ipinilig pilig ko ang ulo. Ayokong isipin at kinikilabutan ako. Salamat na lang talaga at ganun lang ang nangyari pero hindi pwedeng palampasin.

Napagdesisyunan ng kapitan na issurrender na ang mga ito sa pulis at doon ay magsasampa na kami ng kaso. Tumawag ang kapitan sa istastyon ng pulisya at wala pang sampung minuto ay dumating na ang dalawang police mobil. Nakilala ko pa ang dalawa na nakasama noon sa checkpoint at raid ni Lorenzo.

Oo nga pala si Lorenzo! Tawagan ko kaya sya?

Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng pajama ko. Pero agad din akong natigilan at napakagat labi habang nakatitig sa screen ng cellphone. Nagdalawang isip akong tawagan sya. Alas dos y medya na ng madaling araw at siguradong nasa kasarapan na sya ng tulog. Twelve hours ang duty nya kanina tapos dumiretso pa dito sa bahay. Eh malamang pagod na pagod sya. Nakakahiya namang istorbohin.

Ibinalik ko na lang ang cellphone sa bulsa. Ok naman na kami at nandito na ang mga pulis. Sasabihin ko na lang sa kanya bukas ang nangyari.

Ininterview kami ng dalawang pulis ukol sa buong pangyayari. Kinumpirma nga din nila na pabalik balik ang tatlong lalaki sa istasyon nila sa kapareho ding reklamo. Kaya isinakay na nila ang tatlong lalaki sa mobile truck para dalhin sa presinto. Kami naman ay pinasunod para magbigay ng salaysay doon at makapagsampa na rin ng kaso.

“BAKIT HINDI mo man lang ako tinawagan? Eh di sana nakaresponde agad ako.” Inis na sabi ni Lorenzo habang nasa gitna na kami ng byahe papuntang school. Pumasok pa rin ako kahit kulang sa tulog. Si Benj na lang ang sasama kay tiyang sa presinto.

“Alas dos y medya na kasi yun. Siguradong mahimbing ang tulog mo at pagod ka. Nakakahiya namang istorbohin ka.” Nakangusong sabi ko.

Pagdating nya kasi kanina sa bahay para sunduin ako ay kinuwento na ni tiyang Meding ang nangyari kagabi kaya hayan inienterogate nya ako.

“Kahit na, tinawagan mo pa rin dapat ako. Magigising naman ako nun.” Salubong ang kilay at inis pa rin na sabi nya.

Lalo namang nanghaba ang nguso ko. “Pero ok naman na kami, nagising naman agad yung mga kapitbahay namin at dumating din ang mga baranggay tanod.” Sabi ko.

Mabigat naman syang bumuntong hininga. “Eh ikaw? Hindi ka ba pinasok sa kwarto ng mga gagong yun? Ni hinawakan? Sabihin mo lang at pagdating na pagdating ko sa istasyon pagbabalian ko sila ng buto.”  Nangangalit ang panga at naglalabasan ang ugat nya sa kamay sa higpit ng hawak nya sa manibela. Bakas ang galit sa kanyang mukha at aura.

Napalunok naman ako. “H-Hindi, wala silang ginawa sa akin. Si tiyang lang ang pinasok nung lalaki sa kwarto at hinipuan. Nagising na lang ako sa sigaw ni tiyang. Lumabas ako sa kwarto tapos nakita ko na lang yung dalawang lalaki na tumakbo sa kusina. Tapos lumabas yung lalaki sa kwarto ni tiyang dun ko na sya pinagpapalo ng dos por dos.” Pagkukwento ko sa nangyari.

Muli syang bumuntong hininga pero magaan na. “Mabuti naman at hindi ikaw ang pinasok sa kwarto dahil kapag nagkataong ikaw baka mapatay ko yun sa kulungan.”

Napakagat labi ako sa sinabi nya at sinulyapan sya. Nagtama ang paningin namin. Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko. Ramdam ko ang pag aalala nya sa akin, sa amin ni tiyang Meding.

“Mamaya haharapin ko ang mga gagong yun.” Sabi nya.

Hindi na lang ako nagsalita dahil halatang badmood na sya. Pero gumaan naman ang pakiramdam ko. Tila biglang naglaho ang mga alalahanin ukol sa nangyari kagabi. Pakiramdam ko safe ako dahil nandito na sya.

Lagot talaga ang tatlong yun sa kanya. Sa laking tao nya siguradong tig iisang jombag lang sa kanila tulog sila.

Lorenzo

UMIIGTING ANG panga at kuyom ang kamao kong bumaba ng sasakyan. Hindi na ako makapaghintay na makita ang tatlong lalaki na yun at basagin ang mga mukha.

Labis ang pagkabahala na naramdaman ko kanina ng sabihin ni tiya Meding ang nangyari kagabi sa bahay nila. Kung ano ano din ang senaryong naiisip ko. Si Aitana agad ang naisip ko. Sobra akong nagaalala sa kanya. Lalo na at duda ako na si tiya Meding talaga ang pakay ng lalaki na yun. Malakas ang kutob ko na si Aitana talaga at nagkamali lang na pinasok ng kwarto. Oras na makumpirma ko ang hinala ko may kalalagyan talaga sila sa akin.

“Morning sir Enzo.” Bati sa akin ng kasamahan kong pulis na nakatalaga sa front desk. Tinanguan ko lang sya at dire diretso ng pumasok sa loob.

“Nasaan na yung tatlong nahuli kagabi na nanloob sa isang bahay sa baranggay Masagana?” Tanong ko sa kasamahan kong si Diego ng tumapat ako sa mesa nya. Tumayo naman sya.

“Nasa selda na pare.” Sagot nya.

Walang salisalitang umalis ako sa harap ng desk nya at tinungo ang selda. Ramdam ko ang mga mata ng mga kasamahan kong nakasunod sa akin.

“Nakow! Yari talaga yung tatlo. Mata lang nila ang walang latay.”

“Nagkamali sila ng bahay na pinasok.”

“Sundan nyo na yun si Villegas at wag ibigay ang susi ng selda kapag hiningi. Baka tuluyan nya yung tatlo.”

Dinig kong mga komento ng nga kasamahan ko at naramdaman kong may mga sumunod sa akin.

Ng makarating na ako sa mga selda ay inisa isa ko ng tingin ang mga naroon. Hindi sila makatingin sa akin ng diretso at halata ang pangingilag. Iba iba ang kaso nila. May robbery, kidnapping, carnapping, attempted murder, attempted rape at kung ano ano pa.

Dumako ang mata ko sa isang selda kung saan may tatlong bagong mukha. Puro pasa ang mga mukha ng mga ito at halatang nakuyog. Pero mas grabe ang isa dahil halos pumikit na ang isang mata.

“Yang tatlong yan pare.” Untag sa akin ni Diego.

Napatiim bagang ako at matalim na tiningnan ang tatlo.

“Yung dalawa pagnanakaw lang daw talaga ang motibo ayun sa kanilang salaysay. Hindi sila kasali sa pangmomolestiya sa matanda. Yung isa lang. Pero ayon din sa salaysay ng dalawa. Hindi naman daw talaga ang matanda ang puntirya ng kasama nila kundi si Miss Mangubat.”

Parang nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni Diego. Nagliliyab ang dibdib ko sa galit. Tama nga ang hinala ko. Si Aitana nga talaga ang pakay. Mahigpit kong kinuyom ang kamao.

“Sino sa kanila?” Nagtatagis ang bagang na tanong ko habang isa isang tinitingnan ang tatlong bagong salta na hindi na makatingin sa akin ng diretso at napapalunok pa. Pero nagtagal ang paningin ko sa lalaking halos pikit na ang isang mata.

“Gardo Domagas lumapit ka dito.” Tawag ni Diego sa isang lalaki sa loob ng selda.

Nag angat naman ng tingin ang lalaking halos pikit na ang isang mata.

“B-Bakit po ser?” Nauutal at nanginginig ang boses na tanong nya.

“Lumapit ka! Bilisan mo!” Mabagsik na utos ni Diego.

Mas humigpit ang pagkuyom ko sa kamao ko. Halos patayin ko na sya sa tingin. Gusto ko na syang pasukin sa loob ng selda at gulpihin hanggang sa hindi na sya makadilat ng mata at hindi na makakilos.

“B-Boss.” Anas nya.

Tiim bagang na hinablot ko sya sa damit at hinila pasalya sa bakal na rehas. Napadaing sya ng tumama ang puro pasa nyang mukha sa rehas. Mabilis ko syang pinihit patalikod at inipit ang leeg nya sa pagitan ng braso ko at ng rehas.

“B-Boss uhuk!” Inuubong usal nya habang nagpupumiglas at pilit tinatanggal ang braso ko. Lalo naman akong nanggigil at hinigpitan pa ang pagkakaipit sa leeg nya.

“Maling bahay ang pinasok mo tarantado ka! Magpasalamat ka at maling kwarto ang pinasok mo kundi tutuluyan kita dito pa lang.” Gigil at galit na sabi ko. Pilit pa rin nyang tinatanggal ang braso ko. Ang mga paa nya ay kumakawag na. Ang dalawang kasama nya ay nakasiksik na sa sulok at nanginginig.

“Enzo pare, bitiwan mo na yan bago pa yan malagutan ng hininga. Pupunta naman mamaya ang ginang para pormal ng magsampa ng kaso.” Awat sa akin ni Diego at tinapik tapik ang braso ko.

Labag man sa loob ko ay pabalya kong binitiwan ang lalaki. Napasalampak sya sa sahig at habol ang hininga habang nanginginig. Pero mabilis syang gumapang palapit sa dalawang kasama.

Isang huling matalim na tingin ang binigay ko sa kanila bago ko nilisan ang lugar. I swear papatayin ko talaga sila kung sakaling si Aitana ang pinasok nila sa kwarto at hinawakan.


Aitana

ISANG LINGGO ang matulin na lumipas. Tuluyan ng nasampahan ng kaso ang tatlong lalaking nanloob sa amin. May ilan din silang mga nabiktima ang lumitaw at pormal na ring nagsampa ng kaso ng malamang nahuli na sila. At syempre tinulungan kami ni Lorenzo. And speaking of him, nandito sya ngayon sa bahay at pinapagawa ang mga lock namin sa lahat ng pintuan at bintana. Nagsuggest pa nga sya kanina na magpapalagay sya ng cctv kahit sagot na daw nya para masigurong ligtas kami ni tiyang Meding. Pero tumanggi na kami. Sobra sobra na yun at nahihiya na ako sa kanya. Dama ko ding mas naging mapagbantay sya sa akin. Maya’t maya nya ako kung itext at kapag hindi ako nagrereply agad ay tatawag sya kahit nasa gitna pa ako ng pagtuturo. Medyo naiinis nga ako eh. Pero ang sabi naman nya ay nagaalala lang daw sya sa akin kaya parang bulang naglaho ang inis ko sa kanya at napalitan ng kilig. Ewan ko ba, lately madalas na akong kiligin sa mga gestures nya. May gusto na siguro ako sa kanya.

“Oy insan, hanggang kelan mo pa ba balak patagalin ang panliligaw nyang si Lorenzo? Kita mo naman o, boyfriend material ang datingan. Ay mali pala, husband material pala.” Untag ni Benj habang nakatingin kami kay Lorenzo na abala sa ginagawa sa lock ng pintuan.

Si tiyang ay nagluluto na ng pananghalian. Sabado ngayon at wala akong pasok. Dapat nga ay pupunta ako ngayon sa bahay nila Pengpeng pero bukas na lang dahil nga ginagawa ang lock namin. Nakakahiya namang iwan si Lorenzo.

“Bakit husband material agad? Nanliligaw pa lang sya no.” Nakangusong sabi ko kay Benj habang hindi rin hinihiwalayan ng tingin si Lorenzo. Nakakaakit kasi ang naglalakihan nyang masel sa braso sa tuwing gagalaw sya. Sarap pisilin. Ay ano ba tong naiisip ko? Ang halay! Nahahawa na yata ako kay Macy eh.

“Wag ka ngang eme dyan. Ang dami mong arte. Kung bet lang nyang si Lorenzo na pumatol sa beks inagaw ko na yan sayo. Arte mo. Sagutin mo na yan bago pa yan maagaw ng iba.” Aniya at inirapan pa ako.

Inirapan ko din sya. Pero naiisip ko rin ang sinabi nya habang nakatingin kay Lorenzo.

Sagutin ko na ba siya? Bumilis naman ang tibok ng puso ko na parang sinasabing sagutin ko na sya..

Kinakausap ako ni Lorenzo habang nasa gitna kami ng byahe. Pupunta kasi kami ng bayan para bumili ng meryenda. Kung kami kami lang ok na sa amin ang bananacue na binibili sa amin at softdrinks. Pero yung pinsan ko kasi nagparinig ng gusto ng fast food at dinamay pa ako na nagkicrave daw ako nun. At heto na nga kami otw sa fast food.

Ngunit ang isip ko ay wala sa sinasabi nya. Kundi sa sinabi kanina ni Benj na dapat ko na daw syang sagutin.

Oras na ba?

Oo na. Gusto ko na sya. Pero dapat ko na ba syang sagutin? Kung patatagalin ko pa ang panliligaw nya baka manawa na sya at maghanap na lang ng iba. Napasimangot ako. Parang hindi ko gusto yun.

“Aitana, nakikinig ka ba?” Untag ni Lorenzo sa akin.

“Ha?” Parang tangang tanong ko naman.

Bumuntong hininga sya. “Tss, hindi ka nga nakikinig. Kanina pa ako nagsasalita puro ka lang tango hindi ka naman pala nakikinig.” Palatak nya.

Napakamot naman ako sa pisngi. “Sorry, may iniisip lang kasi ako.”

Tumingin sya sa akin at tinaasan ako ng kilay. “Ano na naman ang iniisip mo? Wag mong sabihin ibang lalaki yan.”

“Hindi no! Ikaw lang naman ang kaisa isang lalaking iniisip ko.” Sabi ko at agad kong tinuptop ang bibig. Shet! Nadulas ako.

Kinunutan nya ako ng noo pero nakaangat ang isang gilid ng labi. “What?”

“W-Wala, ang sabi ko wala akong ibang lalaking iniisip.” Nakangusong palusot ko.

“At ang sabi mo ako lang ang lalaking iniisip mo.” Nakangising dugtong nya.

Napalunok ako kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. “S-Sinabi ko ba yun?” Maang maangan ko.

“Yes sweetheart, malinaw kong narinig.”

“Eh di wow.” Sabi ko na lang. Huli na ako eh. Kung magpapalusot pa ako baka magmukha lang akong tanga.

Tumawa sya. “So ako ang iniisip mo kanina?” Tanong nya.

Napanguso ako at parang may stiff neck na tumango. Nag iinit na rin ang pisngi ko.

“So bakit mo ko iniisip?”

Naninigas ang leeg na nilingon ko sya. Nabungaran ko ang malawak nyang ngisi.

“Bakit ayaw mo ba?” Nangungusong tanong ko.

“Syempre gusto ko. Pero gusto kong malaman kung anong iniisip mo sa akin.” Nangingisi pa ring sabi nya. Pati ang mata nya ay nangingislap sa kapilyuhan.

Humugot ako ng malalim na hininga. “Ano.. iniisip ko lang kung sasagutin na ba kita.”

Bigla namang napahinto ang sasakyan na lulan namin na ikinatili ko.


Sorry now lang nakapag update. Sobrang busy lang talaga 🤧

Anyway ilang days na lang Christmas na. Bekenemen. Mamamasko po! 🧑‍🎄😆

Chapter 12

Aitana

NAPATILI AKO ng biglang huminto ang sasakyang lulan namin.

Kunot noong nilingon ko sya. Nakatingin sya sa akin at nakaawang ang labi.

“Bakit ka ba – hmp!” Napasinghap ako at nanlaki ang mata ng bigla nyang kabigin ang batok ko at halikan ako ng mariin sa labi. Halos trumiple na sa bilis ang tibok ng puso ko. Ang pisngi ko ay tila nagliliyab na sa sobrang init. Sa tanang buhay ko wala pang nangahas na humalik sa akin.

Nataranta ako at tinulak sya. Medyo nahirapan pa ako dahil ang tigas ng katawan nya at tila may glue ang labi nyang nakadikit sa labi ko.

“Hmph t-teka lang Lorenzo.” Protesta ko na at iniwas ang mukha at ang mukha na nya ang tinulak ko. Ng maghiwalay na ang labi namin ay inatras ko ang katawan at sumiksik sa pintuan. Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na para itong tinatambol at nakikipagsabayan sa busina ng mga sasakyan sa labas.

Sya naman ay ilang sandaling nakatingin sa akin at kinabig ang manibela para igilid sa tabi ang sasakyan na lulan namin. Tapos ay muli syang bumaling sa akin.

Napalunok ako. “B-Bakit ka ba.. biglang n-nanghahalik dyan?” Nauutal at kinakabahang tanong ko.

Kumunot ang noo nya. “Anong masama dun? Girlfriend naman na kita.” Aniya sabay ngisi.

Nanlaki na naman ang mata ko. “G-Girlfriend ka dyan? At kelan pa?” Nababaghang tanong ko.

“Ngayon. Sinasagot mo na ako di ba?” Nakataas ang kilay na sabi nya at naglalaro pa rin sa kanyang labi ang ngisi.

Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. “Anong sinasagot ka dyan? Hindi pa no! Ang sabi ko lang pinagiisipan ko kung sasagutin na ba kita.” Asik ko sa kanya.

“Tss, ganun na rin yun. Sasagutin mo rin naman ako. Bakit pa patatagalin?” Nakangisi pa ring sabi nya at kumagat labi pa habang ginagala ang mata sa aking mukha at nagtagal pa sa aking labi.

“A-Ang kapal mo ha, hindi pa kita sinasagot.” Kinakabahang sabi ko dahil lumalapit ang mukha nya sa akin. Pilit ko namang sinisiksik ang sarili ko sa pintuan.

“Tss, dami mo namang sinasabi. Pakiss na, nabitin ako kanina eh. Tinulak mo ko.” Nakangising sabi nya at lalo pang nilalapit ang mukha sa mukha ko.

Nanlalaki ang matang umiling iling naman ako. Tila may naghahabulang mga kabayo sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Ng halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nya sa mukha ko ay tinakpan ko na ang bibig ko.

Lalo naman syang napangisi. “Hindi ko alam conservative pala ang girlfriend ko. Sige na nga hindi na kita pipilitin baka bigla mo kong hiwalayan eh.” Natatawang sabi nya at hinalikan ako sa noo.

Umayos na sya ng upo sa driver seat at binalik na sa linya ang sasakyan. Ako naman ay umayos na rin ng upo habang higit pa rin ang hininga at kumakalabog pa rin ang dibdib. Pakiramdam ko aatakehin na ako sa puso.

Kinuha nya ang kamay ko at dinala sa labi nya at pinupog ito ng halik. Kumikiskis pa ang papatubong bigote at balbas nya sa balat ko. Akmang babawiin ko ang kamay ko pero mahigpit nya itong hinawakan at nginisihan lang ako. Nagiinit ang pisngi at nanghahaba ang ngusong inirapan ko na lang sya..

At doon na nga nagsimula ang relasyon namin bilang magnobyo..


“WHAT TOOK you so long?” Salubong ang kilay na bungad ni Lorenzo sa akin paglabas ko ng maliit naming gate.

Napanguso ako. “Nag ayos pa ko eh.” Sabi ko.

May date kasi kami ngayon at desisyon nya yun. Nakipagpalit daw sya ng off sa kasama nya para sa date namin. Hindi ko sya pinapasok sa bahay dahil ako lang ang mag isa. Si Benj ay maagang lumipat sa salon nya. Wala akong tiwala sa kanya eh. At wala din akong tiwala sa sarili ko. Kaya ayan masama ang mukha nya. Aba nagiingat lang ako. Wala kasi si tiyang dahil pinuntahan ang isang kamag anak namin na nasa hospital daw.

“Tss, kahit hindi ka na mag ayos. Maganda ka pa rin.” Inis na sabi nya at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago nya ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. Ibang sasakyan naman ngayon ang dala nya at halatang mamahalin dahil sa tatak.

Lalong nanghaba ang nguso ko.. sa kilig. “Alam ko yun.”

Ngumisi sya. “Sige na pumasok ka na nago pa ako manggigil sa’yo.” Sabay pisil nya sa pisngi ko at inalalayan na akong sumakay sa passenger seat. Ipinatong pa nya ang kamay sa ulo ko para hindi ako mauntog.

Sa gitna ng byahe ay puro lang kami kwentuhan ng kung ano ano. Tungkol sa buhay namin at sa mga nangyayari sa paligid. Minsan naman inaasar nya ako. Kung hindi nga lang sya mapipikon aasarin ko rin syang matanda.

Papunta kami ngayon sa resort nya. Pag aari pala nya ang resort na pinakakilala dito sa lalawigan. Ang Villa Royale Resort. Ilang beses na akong nakapunta doon noong college pa ako. Mga gala days namin ng mga kaibigan at kaklase ko. Maganda talaga ang resort at kumpleto sa amenities. Masasarap pa ang pagkain. Finollow ko nga ang page nun sa social media. Marami na ang nagbago at excited na akong muling makapunta doon. Simula kasi ng maging ganap na akong isang guro ay hindi na ako nakakapunta doon.

Hanggang ngayon nga ay hindi ako makapaniwala na pag aari pala nya yun. O anong swerte ko nga naman.  Hindi lang pala sya simpleng pulis kundi negosyante din. Ang taray ng boyfriend kong majonda na paladesisyon at demanding. Oo sobrang demanding nya at paladesisyon talaga, istrikto pa kung minsan. Para akong nagkaroon ng tatay bigla. At sobrang clingy pa nya kung minsan.

“Matagal pa ba tayo? Nagugutom na ako.” Angal ko at hinimas ang tiyan. Tumunog pa nga ito.

Tumawa sya. “Mukhang gutom na gutom ka na nga. Mga 45 minutes pa bago tayo makarating sa resort. Kain muna tayo sa madadaanan nating restaurant.”

Tumango tango ako. Gatas na may choco lang at tinapay ang inalmusal ko kanina. Hindi na nakapagluto ng almusal si tiyang Meding dahil maagang umalis. Tinatamad naman akong magluto.

Sa isang bahay kubo style na dalawang palapag na restaurant kami pumasok. Malaki ang restaurant, presko at cozy ang dating. Binati kami ng gwardyang nakatalaga sa entrance pagpasok namin. Binati din kami ng mga staff. Nginitian ko sila at si Lorenzo ay tinanguan lang sila. May mangilan ngilan ng kumakain ng almusal. Umakyat kami sa ikalawang palapag. Giniya kami ng isang waiter sa isang bakanteng lamesa malapit sa verandah ng restaurant kung saan dama namin ang preskong hangin. Maganda din ang tanawin dahil kaharap namin ang bundok na luntian.

Dinampot ko ang menu na nilapag ng waiter sa harap ko at binuklat. Puro pinoy food ang nasa menu. Pero pang almusal pa lang ang available at bet kong magkanin ngayon. 

“What do you want sweetheart?” Untag sa akin ni Lorenzo na tumitingin din sa menu.

“Hmm.. gusto ko ng kanin.” Sabi ko.

“You want fried rice?” Tanong nya at nag angat ng tingin.

Ang inglesero naman nito.

“ No, I want plain rice only.“ Panggagaya ko sa ingles nya.

Ngumisi naman sya. “What else?”

“Tortang talong and fried daing na bangus. Saka bigyan mo ko ng sawsawan na toyo na may kamatis ha.” Baling ko sa waiter.

“Yes ma’am.” Sinulat na ng waiter ang order sa dala nyang maliit na steno pad. “Kayo po sir?” Baling naman ng waiter kay Lorenzo.

“Ganun din sa kanya. Pero gawin mong dalawang cup ang rice ko at isang black coffee. Ikaw sweetheart ayaw mo ba ng kape?”

Umiling iling ako. “Hindi ako nagkakape saka kakainom ko lang kanina ng chocolate milk. Softdrinks na lang yung sa akin yung malamig na malamig.” Malaki ang ngiting sabi ko.

“No, ang aga aga pa magsosoftdrinks ka na. Mamamili ka na lang ng ibang beverage.” Kontra ng tatay – este ng boyfriend ko.

Napasimangot ako. Ang istrikto talaga ni tatay. Inirapan ko si Lorenzo pero tinaasan lang nya ako ng kilay at binigyan ng nagbabantang tingin na parang sinasabing ‘subukan mo lang makikita mo ang hinahanap mo’.

“Sige ice tea na lang, maraming yelo ha.” Sabi ko sa waiter.

Tumango tango ang waiter at aligagang nagpaalam na para asikasuhin ang order namin.

Tiningnan ko naman si Lorenzo na abala ngayon sa cellphone nya at tila may tinitext o chinachat. Napataas ang kilay ko. Sino na naman kaya ang katext nya? Babae?

Nag angat sya ng tingin sa akin at kinunutan ako ng noo? “Bakit?”

Ngumuso ako. “Wala.” Labas sa ilong na sabi ko.

Ngumisi naman sya. “Kaibigan ko lang ang ka text ko sweetheart hindi ibang babae.”

Naginit ang pisngi ko. “Bakit? May sinabi ba ako?”

Tumawa sya. “Wala, sinasabi ko lang para hindi ka mag isip.” Sabi nya at hinarap pa sa akin ang cellphone na hawak nya. Syempre tiningnan ko din.

Oo nga mukhang kaibigan nya ang katext nya na may pangalang Kester. May bagong message pa na dumating.

“Naniniwala ka na?”

Ngumuso ako. “Wala naman akong sinasabi ah.”

Nakangising kinurot nya ang pisngi ko. “Ang cute mo talaga sweetheart. Ang sarap mong kainin.”

Naginit ang pisngi ko sa sinabi nya. Bakit parang iba ang kahulugan sa akin nun? Ibinaling ko na lang ang tingin sa labas. Gutom lang ako kaya kung ano ano ang naiisip ko.

Ilang sandali pa ay dumating na ang pagkain namin. Kasama ng waiter ang isa pang lalaki na tila manager ng restaurant at magalang na kausap si Lorenzo. Patingin tingin lang ako sa kanila at nakikinig sa pinaguusapan nila tungkol sa restaurant habang ang waiter ay nilalapag isa isa ang mga pagkain namin sa lamesa.

Pagkaalis ng dalawa ay kumain na kami. Sunod sunod ang subo ko dahil gutom na talaga ako. Ang sarap ng torta nila at daing na bangus. Tiningnan ko naman si Lorenzo. Malalaki din ang subo nya.

Tumikhim ako. “Mukhang madalas ka dito ah.” Sabi ko. Halata kasing kilala sya ng manager at ng ibang staff dito.

“Yes, because I own this place sweetheart.” Kaswal lang na sabi nya.

Muntik akong masamid sa sinabi nya. “Sa’yo tong restaurant?” Di makapaniwalang tanong ko.

“Yeah. Ito ang una kong negosyo at may dalawa na itong branch.”

Mabagal akong napanguya sa sinabi nya. Yayamanin pala sya. May paupahan sya, may resort at may restaurant pa na dalawa na ang branch. Baka nga may iba pa. Nakakalula naman sya. Gaano ba kalaki ang kinikita ng isang pulis para makapundar ng mga negosyo? Ah oo nga pala, ang sabi nya may family business sila na pinamamahalaan ng mga magulang nya. Siguro malaking business yun.

Dinampot ko ang baso ng ice tea at uminom. Ngumuso ako. “Ang yaman mo pala.” Sabi ko.

Kunot noong tumingin sya sa akin habang ngumunguya. Nilunok muna nya ang kinakain bago nagsalita.

“Hindi naman, nakakaluwag luwag lang. At ang lahat ng yun ay galing sa sariling pagsisikap at tiyaga ko.”

Wow! Eh di sya na!

Parang bigla akong nahiya. Ako kasi walang tiyaga at mainipin. Walang pumapasok na pera puro palabas, puro add to cart. Kung hindi pa nga si tiyang Meding ang humawak ng atm ko hindi ako magkakaipon sa bangko.

“Ikaw, pwede ka ring magnegosyo kung gusto mo. Kayang kaya mo yun.” Suhestiyon nya.

“Saka na, magiipon muna ako. Si tiyang naman ang humahawak ng atm ko eh kaya makakaipon talaga ako. May pagkagastasera kasi ako.”

“Oo nga, sinabi sa akin ni tiya Meding.” Natatawang sabi nya. “Kapag nakaipon ka ng sapat kung gusto mong magnegosyo o mag invest sabihin mo lang sa akin tutulungan kita.”

Tumango tango ako. Parang nainspire tuloy akong magipon pa lalo para makapagpatayo ng sariling negosyo gaya nya.

PAGBABA NAMIN ng sasakyan ay sinalubong kami ng isang may edad na babae na may nakasulat na manager sa tag na nasa dibdib nya.  May ilang staff din na nasa likod nya ang bumati sa amin. Halata sa mukha nila ang tensyon kahit mga nakangiti. Eh pa’no ba naman ang sungit ng mukha ng amo nila akala mo may regla. Nginitian ko na lang sila ng tumingin sila sa akin at ngitian din ako.

“Let’s go sweetheart.” Untag ni Lorenzo at hinawakan ang kamay ko. Narinig ko naman ang pagsinghapan ng mga tauhan nya. Nahiya naman ako at napayuko.

May ilang mga guest kaming nakasabayan na papasok at dumiretso sa reception desk. May ilang mga tauhan pa ang binati si Lorenzo pero wapakels ang lolo mo. Sungit!

Nandito kami ngayon sa office nya. Dito kami dumiretso at may gagawin daw muna sya. Mamaya na lang daw kami mag iikot sa resort. Ang sabi ko nga ako na lang mag isa. Excited na kasi akong mag ikot ikot. Ibang iba na ang resort kesa sa huli ko itong nakita. Ang dami nga talagang nagbago. Halos hindi ko na ito nakilalala. Ang kaso ayaw nya akong payagan mag ikot mag isa. Baka daw kasi may lokong guest na bumastos sa akin. Eh di wala na akong nagawa kundi hinatayin na lang syang matapos sa ginagawa nya.

Nagbabasa sya ng report at sales ng resort. Napapabuntong hininga pa sya at nagsasalubong ang kilay. Nasa loob din ng opisina ang manager, head ng security, supervisor at ilang staff at tila naghihintay ng hatol. Halatang kabado bente sila. Nagegets ko naman kasi yung amo nila terror na terror ang hitsura parang nangangagat.

Ako naman ay inabala muna ang sarili sa cellphone. Kausap na nya ang mga staff nya. O mas tamang sabihing pinapagalitan nya bagama’t mababa lang ang boses nya pero ganun pa rin yun. Parang may nilabag yata ang mga itong rules kaya beast mode si lolo. Hininaan ko ang volume ng pinapanood kong reels baka pagalitan din ako eh.

“Bumalik na kayo sa trabaho nyo.” Maawtoridad na utos nya sa mga ito at niligpit na ang mga papel na nasa lamesa nya.

“Yes sir.” Sabay sabay na sabi ng mga staff nya.

“Pasensya na po talaga sir, hindi na po mauulit.” Hinging paumanhin ng manager. Tinanguan lang sya ni Lorenzo.

“Aitana.”

“Po? Este bakit?” Natatarantang tanong ko. Eh kasi naman nakakagulat bigla nya akong tinawag.

Tinaasan nya ako ng kilay. “Paki lock ang pinto.” Utos nya.

Napasimangot ako. At nautusan pa nga. Pero sumunod na rin ako.

Pagkalock ko ng pinto ay akmang babalik na ako sa couch ng tawagin na naman nya ako.

“Come here.” Utos nya habang matiim na nakatingin sa akin at prenteng nakasandal sa leather chair nya at parang don na nakadekwatro pa.

Ngumuso ako. Ano na naman kaya ang iuutos nya?

Lumapit ako. “Bakit?”

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila. Napatili ako.

Bumagsak ako sa kandungan nya..


Hello mga bebs! Kamusta na? Ilang araw na lang pasko na. Nakapamili na ba kayo ng aguinaldo nyo para sa mga inaanak? Ako, pinag iisipan ko kung pera na lang ba ang ibibigay ko baka kasi hindi magustuhan ang gift na bibilhin ko para sa kanila 😆

Chapter 13

Aitana

NATARANTA NG bumagsak ako sa kandungan ni Lorenzo. Akmang tatayo ako pero inikot nya ang braso nya sa bewang ko at kinuha ang dalawang hita ko at pinatong sa hita nya. Nakaupo na ako ngayon sa kandungan nya.

Sobrang dikit na ng katawan namin at isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin. Nagiinit ang pisngi ko. Sobrang bilis na rin ng tibok ng puso ko.

“L-Lorenzo baka may biglang pumasok.” Nauutal na sabi ko.

Tumawa naman sya. “Nilock mo ang pinto sweetheart kaya walang makakapasok. At kahit hindi nakalock hindi naman sila papasok ng walang permiso ko.”

Napakagat labi ako. May isang linggo pa lang kaming magkasintahan at hawak sa kamay, akbay at peck kiss pa lang ang nagagawa namin.

“Hindi ka ba komportable hmm?” Malambing na tanong nya at hinahalik halikan na ang pisngi ko. Ang isang kamay nyang nakapatong sa hita ako ay humihimas doon. Kahit may nakaharang pang maong ay dama ko pa rin ang init ng kamay nya.

“Ano kasi..”

“Masasanay ka rin sweetheart dahil ikaw na ang baby ko.” Natatawang sabi nya sabay kagat ng marahan sa panga ko.

“Aw.” Daing ko kahit hindi naman masakit ang kagat nya. Napanguso pa ako sa sinabi nyang ako na ang baby nya. Corny man pero kinikilig ako.

“Pakiss naman ako sweetheart.” Malambing na ungot nya na parang nanghihingi lang ng candy.

Ngumuso ako. “Ayan na ah, humahalik ka na.”

“Pero gusto ko sa lips.”

Naginit ang pisngi ko. “K-Kakakain ko lang at hindi pa ako nagtutoothbrush.” Nakakahiya naman siguradong may naiwan pang amoy ng tortang talong at daing na bangus sa bibig ko.

So kung nakapagtoothbrush ka na papahalik ka rin sa kanya? Singit ng isang boses sa kabilang bahagi ng utak ko.

“Parehas lang tayo sweetheart.” Nakangising sabi nya at hinawakan ang pisngi ko at pinaling paharap sa kanya. Ginala nya ang mata sa buong mukha ko at nagtagal sa labi ko. Gahibla na lang ang layo ng labi namin. Napalunok ako.

Sa huli ay wala na akong nagawa kundi hayaan syang halikan ako. Sobrang init ng mukha ko at pakiramdam ko nga ay nanginginig pa ang kamay kong nakahawak sa damit nya. Ang init ng labi nya at ang lambot. Maharot ang galaw ng labi nya. Ako naman ay ginagagaya lang sya. Nag aalangan pa nga ako eh dahil baka mali ang ginagawa ko pero wala naman syang reklamo.

“Aw!” Daing ko at tinulak ang mukha nya. Kinagat nya kasi ang labi ko.

Sinamaan ko sya ng tingin. Pero nginisihan lang nya ako.

“Bakit nangangagat ka pa?” Angal ko.

“Kasama talaga yun sweetheart.” Natatawang sabi nya at hinaplos ng hinlalaki nya ang ibabang labi kong kinagat nya.

“Wala namang sugat ah, namula lang.” Aniya sabay kabig muli sa batok ko at siniil ako ng halik. Mas malalim na ngayon, mas maharot at mapusok.

“Hmmph!” Daing ko dahil halos mapugto na ang hininga ko sa lalim ng halik nya. Hindi ako magkandatuto sa pagtugon. Para syang gutom. Mapangahas pa nyang ipinasok ang dila niya sa loob ng aking bibig at gumalugad doon. Tinudyo tudyo pa nya ang dila ko. Pakiramdam ko nagliliyab na sa init ang mukha ko. Pero unti unti natatangay na ako at nalulunod na sa halik nya na sinasabayan pa ng kamay nyang gumagala at pumipisil na sa katawan ko.

Ngunit napasinghap ako ng maramdaman ang kamay nyang nasa ibabaw na ng dibdib ko at pumipisil. Napadilat ako at humiwalay sa labi nya at tumingin sa kamay nyang nasa ibabaw ng dibdib ko. Naginit muli ang pisngi ko.

“B-Bakit nandyan na yung kamay mo?” Bulalas ko at inalis ang kamay nya.

Kumagat labi naman sya pero may pilyong ngiti na lalong ikinainit ng aking mukha. Wala pang ibang kamay ang nakahawak sa dibdib ko kundi kamay ko pa lang.

“Sorry sweetheart nadala lang ako.” Sabi nya. Pero halata namang hindi bukal sa loob nya ang pagsosorry nya. Ang pilyo ng ngiti eh. Pangisi na.

Ngumuso ako at inayos ang damit. Pero napansin kong nasa dibdib ko ang mata nya habang kagat ang labi. Nag angat naman sya ng tingin sa akin at ngumisi.

“Infairness malambot sya.” Komento nya.

Nagiinit ang pisnging ngumuso ako. “Syempre totoo to no, hindi naman to jafake.”

“Talaga? Patingin nga. Kung hindi mo naitatanong magaling akong kumilatis kung totoo ba o peke ang isang bagay.”

Mapapawow na sana ako sa sinabi nya kaso napagtanto ko agad na inuuto lang nya ako. Gusto lang nyang makita ang boobies ko.

“Huu, inuuto mo lang ako. Gusto mo lang makita tong boobies ko. Saka kahit hindi mo tingnan, totoo talaga to.”

Tumawa sya. “I know, halata naman. At excited na akong makita yan.”

Ngumuso ako kasabay ng muling pagiinit ng pisngi. “Asa ka.”

Napatili ako ng kagatin nya ang pisngi ko.

DAHIL SA pagpupumilit ko ay pinayagan na ako ni tatang Lorenzo na maglakad lakad dito sa labas. May gagawin pa pala sya tapos nilalandi pa ako. Ang masama pa baka mamaya bumigay ako.

Dito lang ako umiikot sa pool area ng mga bata na masayang naglulunoy sa tubig. Ang ibang mga bata ay nagpapapicture pa sa mga higanteng cartoon figure. Nilabas ko na rin ang cellphone ko at nagselfie din. Nag mag sawa ako ay sa garden naman ako pumunta at nagpicture picture din. May mga ilang guest din ang naroon. May maliit na altar doon na may sinding kandila kaya nagantanda ako at nagdasal na rin. Dati walang ganito eh ngayon meron na.

Sa lobby naman ako naggagala. Binabati ako ng mga staff na nakakasalubong ko at ma’am pa ang tawag sa akin. May ilang guest na naroon rin. May pamilya, barkada at magjowa.

“Owh, look who is here sissy.”

Nilingon ko ang matinis na boses ng isang binabae na pumipiyok pa.

Napataas ang kilay ko. Si Lester pala o Leslie. Ang bakling na schoolmate ko din noong college at best friend ng karibal ko na si Sherry na kasama nya ngayon at nakataas ang kilay na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Nakasuot sya ng pink na dress na lampas hanggang tuhod. Napansin kong pumuti sya at lumaki ang dibdib nya na halatang gawa. Medyo nag iba din ang hitsura nya. Ang dating medyo plakdang ilong ay tumulis na at medyo pouty ang kanyang labi. Mukhang guest din sila dito.

“Hello Aitana.” Pasweet na bati sa akin ni Sherry at ngumiti. Pero halata namang pinaplastic nya ako.

“Hi Sherry and Lester.” Balik bati ko din at plastic na nginitian ko din sila.

“Leslie not Lester, ang pasmado ng bibig mo anteh ha.” Tumitirik tirik ang matang sabi ni Lester. Inikutan ko lang sya ng mata.

“So what are you doing here my dear former rival?” Trying hard na pagi-ingles na tanong ni Sherry na nakangisi pa. Halata namang tinutuya nya lang ako.

Nagtaas noo ako. Matangkad lang sya, yun lang.

“Kasama ko ang boyfriend ko.”

“Omg! May jowa ka na anteh? At sino naman?” Chismosang tanong ni Lester.

“Malamang yung tambay sa kanila.” Sagot ni Sherry at humalukipkip pa.

Ang tinutukoy nya ay si Biboy. Kasagsagan na nanliligaw sa akin noon si Biboy nung college ako. Tapos nalaman niyang tambay lang si Biboy kaya yun ang pinang aasar nya sa akin.

“Eeww ka anteh, la ka taste sa lalaki. Sa tambay ka pa talaga pumatol. Marami akong boylet givesung ko sa’yo ang isa if you want.” Ani Lester na nakatikwas pa ang mga daliri.

Inikutan ko sila ng mata. Wala pa rin silang pinagabago lalo na tong si Sherry.

“Pulis ang boyfriend ko no, hindi tambay.” Bwelta ko.

“Ay shala, pulis naman pala.”

“Baka naman pipitsuging pulis lang. Ano ba yan Aitana! Talunan ka na nga sa pageant pati ba naman sa lalaki talunan ka pa rin. Bakit hindi mo ko gayahin? Alam mo ba kung sino ang nalilink sa akin ngayon? Ang pinaka hot at pinaka gwapong congressman lang naman na si Raymond Echevari. Dapat mga ganung lalaki ang pinapatulan mo. May pangalan at kilala. Kung sabagay, sa estado ng trabaho mo na eskwelahan at bahay lang hindi ka talaga makakatagpo ng kagaya ni Congressman Raymond. And you know what, sya ang kasama ko dito ngayon bilang companion nya. May ka imimeet kasi syang iba’t ibang kilala at malalaking tao para sa charity nya. Syempre ang mga kagaya ko ang dapat nyang ibalandra sa madla. Ang Lakambini ng Lalawigan ng Kalinaw.” Proud na proud pa na sabi ni Sherry at pumose pa. Yung pose nya noong nanalo sya.

“Koreke ka dyan sissy!” Segunda naman ni Lester na pumalakpak pa at kunwaring pinuputungan ng korona si Sherry.

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Kilala ko ang congressman na tinutukoy nya. Si Congressman Raymond Echevari. Sikat sya kasi gwapo, matipuno at mapagkawanggawa. Halos lahat yata ng babae pinagpapantasyahan sya. Maliban lang sa akin. Di ko bet ang congressman na yun. Pakiramdam ko pakitang tao lang sya. Nasasangkot din kasi sya sa iba’t ibang kontobersya. Gaya ng protector daw sya ng mga druglord at smuggler dito sa lalawigan namin. Pero wala namang matibay na ebidensya. Nalilink din sya sa kung sino sinong babae. Artista, modelo o beauty queen. May chismis chismis pa nga noon na may mga anak sya sa iba’t ibang babae na tinatago nya lang. At kung totoo nga ang sinasabi ni Sherry ay baka sya na nga ang next na aanakan.

“Parang nalilink lang sayo si congressman feeling mo naman nakajackpot ka na. Eh di ba maraming babae yun at marami ng naanakan. Wag mong sabihin gusto mo ring magpaanak sa kanya? Oh my gosh!” Sabi ko at kunwaring tinuptop ang bibig.

“Hoy! Hindi ako ganyan no! At hindi totoo yang mga sinasabi mo tungkol sa kanya! Chismis lang yan. Teacher ka pa naman tapos nagpapaniwala ka sa chismis. I know naiingit ka lang sa akin dahil representative na ako ng lalawigan natin sa upcoming national pageant. Di ba matagal mo ng pangarap yun? Kaya lang hanggang pangarap mo na lang yun at hindi na matutupad dahil bansot ka!” Inis na sabi nya sa akin.

Nagpanting naman ang tenga ko. “Hindi ako naiinggit sayo no! Eh ano naman kung ikaw ang representative ng lalawigan sa national pageant. Bakit? Sure ka bang makakapasok ka sa first cut? Eh maraming mas maganda sa’yo, mas sexy at matalino. Eh ikaw matangkad ka lang at gamunggo ang utak! Retokada pa! Sana sinama mo na ring iparetoke ang utak mo! Bubu!” Nakapamewang na sabi ko at tinaasan sya ng kilay sabay irap.

“How dare you!” Patiling sabi nya at akamang susugurin ako pero gumitna si Lester sa aming dalawa.

“O, o, wag kayong mag away na dalawa! Nakakahiya! Beauty queen at teacher pa naman kayong dalawa. Ang dami pang nakatingin sa inyo. Lalo ka na Sherry, maraming nakakakilala sayo bruha ka!” Mahinang asik sa amin ni Lester.

Doon ko lang napansin na nakatingin na sa amin ang mga naroon. Si Sherry ay agad na ngumiti at kumaway pa sa mga tao. Akala mo kung sinong santang di makabasag pinggan.

Plastikada talaga! Umirap na lang ako sa hangin.

Muling bumaling sa akin si Sherry at pinandilatan ako ng mata. “May araw ka rin sa akin bansot!” Mahinang asik nya.

“Wala akong pakialam sayo panget. Matatalo ka kasi bubu ka!” Nandidilat din ang matang sabi ko.

“Hmmph!” Naggigil sya sa inis.

Kung mga college student pa kami malamang kanina pa kami ng nagbabagan. Nangigigil din ako sa kanya eh. Ang sarap nyang pagsampal sampalin.

“Sherry nandito ka lang pala.”

Sabay kaming lumingon sa papalapit na congressman. May kasama syang mga bodyguard na malalaki ang katawan. Ngayon ko pa lang sya nakita ng personal. At medyo nastarstruck ako. Gwapo nga sya sa personal, matangkad at malaki ang pangangatawan. Pero mas lamang sa kanya si Lorenzo ng ilang paligo. Mas malakas pa rin ang dating ng boyfriend ko kahit majonda na.

Tumingin sa akin si Congressman Raymond. Saglit na nawala ang ngiti at titig na titig sa akin.

Nailang naman ako. Hindi ko alam kung ngingitian ko ba sya o babatiin. Pero kakaiba talaga ang nararamdaman ko sa titig nya.

“H-Hello po Congressman.” Sa huli ay bati ko na lang at kiming ngumiti. Nakakahiya naman kung hindi ako babati sa kilala at kontrobersyal na politiko dito sa lalawigan namin.

“Hi! I’m Congressman Raymond Echevari. And you are?” Pagpapakilala ng congressman at nilahad ang kamay. Malapad din ang ngiti nya at tila nangingislap pa ang mga mata.

“Aitana Mangubat po Congressman. Isa akong guro sa bayan ng Inocencia.” Pagpapakilala ko rin sa sarili at inabot ang kamay nya para makipagkamay. Bahagya pa akong napaigtad ng pisilin nya ang kamay ko. Parang kinikilabutan ako na ewan, kaya binawi ko na ang kamay.

“Oh teacher ka pala, that’s nice. Pero hindi halatang teacher ka. Mas mukha kang commercial model. You are so beautiful Aitana.” Anang congressman na gumagala ang mata sa mukha ko.

“Uhm, Raymond.” Singit ni Sherry at kumapit sa braso ng congressman.

“Sherry, hindi mo sinabi sa akin na may kaibigan kang maganda.”

“Ah ngayon lang kasi kami nagkita ulit Raymond. Nagulat nga ako nandito din pala sya. Kaya hindi ako agad nakasunod sayo kasi nagkamustahan pa kami. Right Aitana?” Pilit ang ngiting sagot ni Sherry at tumingin sa akin. Pinanlakihan pa nya ako ng mata. Tila ba sya nagbabanta na wag kong landiin ang lalaki nya.

Eww! Kanyang kanya na yan. Mas hot naman ang tatang Lorenzo ko.

Pilit din akong ngumiti at tumango. “Ganun na nga po congressman.”

“Oh I see, wait mag isa ka lang ba? Kung wala kang kasama you can join with us.” Alok ng congressman.

“Actually kasama nya ang boyfriend nya Raymond.” Agad na sabat ni Sherry. Na para bang tatanggapin ko ang alok ng congressman na sumama sa kanila.

Nawala naman ngiti ng congressman. “May boyfriend ka na pala.” Tila dismayadong sabi nya.

Pilit na ngumiti lang ako at tumango.

May lumapit na isang babae at kinausap ang congressman. Dumating na daw ang hinihintay nilang bisita. Nagpaalam ang congressman sa akin at kita na lang daw kami next time.

In his dreams! Hindi ko na sya gustong makita ulit.

Binigyan naman ako ng plastic na ngiti ni Sherry at pasimpleng umirap bago sumunod sa congresman. Si Lester naman ay maarte lang na nagbabye sa akin.

Bumuntong hininga ako ng makalayo na sila. Nasira ang pagmumuni muni ko ng dahil sa kanila. Mabuti naman at umalis na.

“Sweetheart.”

Lumingon ako ng marinig ko ang malaking boses ni Lorenzo. Salubong ang kilay nyang lumapit sa akin. Bakit na naman kaya?

“Kanina pa kita hinihintay bumalik sa office ang tagal mo.” Sabi nya.

Ngumuso ako. “Eh di dapat tinawagan mo ko.” Bira ko. Kaya nga naimbento ang cellphone eh.

Kumamot sya sa ulo at ngumiwi. Mukhang noon lang nya narealize na dapat tinawagan nya ako. “Nawala sa loob ko sa dami ng mga papel na nasa lamesa ko.”

Ang sabihin mo tumatanda ka na kamo. Ngalingaling sabihin ko.

“Halika na nga kakain na tayo. Nasa office na ang pagkain natin. Pagkatapos nating mananghalian sasamahan na kitang mag ikot sa buong resort.” Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Tinahak namin ang daan pabalik sa opisina nya.

Sinilip ko ang oras sa suot kong relo. Saktong pumatak ang alas dose ng tanghali. Tanghalian na nga.

“Anong ulam?” Tanong ko.

Lumingon sya sa akin at ngumisi. “Ako.”

“Ay ang kunat naman pala ng ulam.”

“Anong makunat?” Kunot noong tanong nya.

Mukhang hindi nya nagets ang ibig kong sabihin. Pero unti unti ay nagbago ang reaksyon ng mukha nya. Mukhang nagegets na nya.

Bumitaw ako sa hawak nya. “Ano.. mauna na ako sa office.” Sabi ko sabay takbo.

“Aitana!”


Merry Christmas everyone! First Christmas ko dito sa wattpad bilang manunulat hehe 🧑‍🎄🌲

Sa lunes po ang next update ko dahil busy po ako bukas at sa linggo. May darating po kasi kaming bisita at reunion ng family namin. So kitakits na lang po sa lunes. 🤗❤️

Chapter 14

Aitana

NAPASIMANGOT AKO ng makita si Lorenzo na kausap si Sherry. Iniwan ko lang sya saglit sa lobby dahil naiihi ako. Gusto nga nyang samahan ako kaya lang may lumapit sa kanyang matandang lalaki na mukhang negosyante. Tapos pagbalik ko iba na ang kausap nya at walang iba kundi si Sherry na panay ang pacute sa kanya. Tila pa nga nagniningning ang mga mata ng babae habang titig na titig sa kanya. Baka naman magkakilala sila?

Lumapit ako sa kanila at kumapit sa braso ni Lorenzo. Tumingin sa akin si Sherry at tinaasan ako ng kilay. Umawang pa ang labi nya na mukhang nagulat sa ginawa ko.

“Sweetheart.” Untag sa akin ni Lorenzo. Tumingala ako sa kanya at sweet na ngumiti. Ngumisi lang sya.

“Sweetheart?” Bulalas ni Sherry. Kunot noong palipat lipat ang tingin nya sa aming dalawa ni Lorenzo. “Magkakilala kayo?”

Dalawang kamay ng kumapit ako sa braso ni Lorenzo. Halos yakapin ko na nga ito.

“Oo, at sya ang boyfriend ko.” Taas noo at may halong pagyayabang na sabi ko.

Si Lorenzo naman ay kunot noo ding nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Sherry.

“What? Sya ang boyfriend mo? Wag ka ngang magpatawa. Ang sabi mo kanina pulis ang boyfriend mo.” Nanguuyam na sabi ni Sherry at ngumisi.

“Yes, I’m a police officer miss. SPO1 Lorenzo Villegas.” Pagpapakilala ni Lorenzo kay Sherry sabay labas ng tsapa nya.

“Ha? Pulis ka?” Di makapaniwalang tanong ni Sherry na nabura ang ngisi sa labi.

Ako naman ang lihim na napangisi. Pakiramdam ko nalamangan ko sya.

“Pulis talaga ang trabaho nya at the same time pag aari din nya itong resort. At hindi lang yun, may tatlo din syang pag aaring restaurant at paupahan.” Mayabang at taas noong sabi ko.

Umawang naman ang labi ni Sherry. Akala nya ha?

Lumingon ako kay Lorenzo. Nakatingin sya sa akin at nakataas ang kilay. Inis naman na nilayasan kami ni Sherry.

Malapad naman akong napangiti at kumaway pa kay Sherry na lumingon at inirapan pa ako. Lumingon naman ako kay Lorenzo. Nabura ang ngiti ko ng makita ko ang matiim nyang tingin. Yung tingin nyang parang nanay na pinagbabantaan ang anak na pasaway.

“Medyo hindi ko gusto ang inasal mo kanina sa harap ng kaibigan mo sweetheart, para kang bata.” Sita sa akin ni Lorenzo habang nasa byahe na kami pauwi. Papalubog na araw sa labas.

Ngumuso ako. “Hindi ko sya kaibigan no.”

“Kahit na, hindi pa rin tama yung inasal mo. Teacher ka kaya dapat laging nasa tama ang behavior mo. Paano kung may estudyante mo ang nakakita sayo at ganun ang inasal mo? Baka gayahin ka nila.”

Natameme ako sa sinabi nya. May punto naman sya at wala talaga sa tama ang inasal ko.

Napakamot ako sa ulo. Eh kasi naman eh! Nainis ako kay Sherry kanina.

“Sorry na. Naiinis lang kasi ako dun kay Sherry.”

“Bakit ka ba naiinis dun sa kaibigan mo?”

“Hindi ko nga sya kaibigan. Schoolmate kami noong college. Lagi kaming magkalaban sa pageant contest noon. Tapos kanina ng magkita kami ininsulto nya ako. Pipitsuging pulis lang daw ang boyfriend ko.”

“Sinabi nya yun?” Salubong ang kilay na lumingon sya sa akin.

“Oo, sabi pa nya dapat ko daw syang gayahin. Dapat daw mga kagaya ni Congresman Raymond Echevari ang mga lalaking pinapatulan ko. Sikat at kilalang politiko.” Pasumbong na sabi ko.

“The fuck? Mas ok naman ako kase sa politikong yun!” Inis na sabi nya.

“Tumpak! Kaya nga ikaw ang pinatulan ko eh kahit matanda – este matured ka na.” Biglang kabig ko ng samaan nya ako ng tingin.

“Ano bang buong pangalan nyang kaibigan mo para ipaban ko na sya sa resort?” Naiinis pa ring tanong nya.

Sinabi na ngang hindi ko yun kaibigan eh. Ang kulit!

“Hayaan mo na. Hindi naman kami madalas magkita ng babaeng yun. Hindi ko nga rin yun friend sa social media.”

“Kahit na, hindi ko nagustuhan ang sinabi nya kaya ipapaban ko pa rin sya.”

Mukhang nainis talaga sya.

“Hayaan mo na nga, ikaw pinapagalitan mo ko kanina na hindi tama ang behavior ko tapos ikaw naman ganun din.” Sita ko rin sa kanya.

“Tss!” Palatak nya.

“Pero ang mas kinaiinis ko kanina sinabihan nya akong bansot.” Nakangusong sumbong ko.

Lumingon sya sa akin at kinunutan ako ng noo. “Bansot ka naman talaga, hindi ka nga lumampas sa balikat ko eh.” Nakangising sabi nya.

Sumimangot ako at sinamaan sya ng tingin.

“O wag kang mapipikon, ako nga sinabihan mong makunat kanina eh. Akala mo nakalimutan ko na yun ha.”

Nanghaba ang nguso ko. So gumaganti sya. Eh di quits na kami.

“Pero di bale ng bansot ka, bawing bawi ka naman sa kagandahan at kaseksihan. Malambot pa ang boobies mo.” Nakangising biglang kabig nya.

Naginit naman ang pisngi ko. Naalala ko bigla ang kamay nyang pumipisil sa dibdib ko kanina. Tsansingerong pulis! 

Humalukipkip ako at inirapan na lang sya.  


SA LUMIPAS na mga araw at linggo ay smooth naman ang takbo ng relasyon namin ni Lorenzo. Pero gaya din kami ng normal na magkarelasyon na nagkakaroon ng pagtatalo, tampuhan at selosan. Sa pagtatalo namin minsan lagi akong talo sa kanya.  Ganun talaga mas magaling sa argumento ang matanda at laging talo ang mga bata. Sa usaping tampuhan naman ay ako ang madalas magtampo kasi pikunin ako. Pero hindi nagtatagal ng isang oras ang tampo ko dahil todo suyo naman sya. At tungkol naman sa selosan ay mas madalas sya ang magselos. Minsan nakakakilig kapag nagseselos sya pero minsan nakakainis din.

“Ai!

Lumingon ako ng marinig ang boses ng co teacher kong si  Eddison. Kakalabas ko lang gate at nag aabang ng traysikel na masasakyan pauwi. Di ko dala ang single motor ko dahil naflatan ng gulong kagabi ni Benj at pinapagawa nya ngayon.

Nginitian ko si Eddison ng makalapit na sya sa akin. Mas matanda sya sa akin ng isang taon at grade 2 naman ang hawak nya. Mabait sya at may pagkanerd pero may hitsura.

“Thank you nga pala sa pagtingin sa mga estudyante ko kanina.” Pasasalamat nya.

“Sus! Walang problema ayos lang. Sino pa bang magtutulungan kundi tayo lang mga teacher.” Sabi ko.

Nakisuyo kasi sya sa akin kanina na tingnan tingnan ko muna ang mga estudyante nya dahil nagkaroon bigla ng emergency sa bahay nila. Sinugod sa hospital ang nanay nya.

Ngumiti sya habang titig na titig sa akin. Bahagya naman akong nailang. Madalas ko rin syang nahuhuling tumititig sa akin ng ganito. Hindi ko lang binibigyan ng kahulugan.

“Ang bait bait mo talaga Ai. Sobrang swerte talaga ng boyfriend mo sa’yo.”

Naginit ang pisngi ko sa sinabi nya. “Hindi naman ako ganun kabait, sakto lang.”

Tumawa sya. Nakitawa na rin ako.

“Wait, pauwi ka na diba? Sumabay ka na kaya sa akin tutal naman hindi mo dala ang motor mo. Ihatid na lang kita sa inyo.” Alok nya. May single motor din kasi sya.

“Naku wag na, magkaiba tayo ng way at matatagalan ka lang pag uwi.” Tanggi ko.

“Ayos lang, pambawi ko sa pabor na hiningi ko kanina.”

Napakamot ako sa ulo. Parang nakakahiyang tanggihan sya dahil ang bait bait ng mukha. Kaya lang –

“Aitana!”

Napapitlag ako sa malaking boses na tumawag sa pangalan ko na pamilyar na pamilyar sa akin. Lumingon ako at hindi ako nagkamali.

Bumaba si Lorenzo sa pick up nya. Nakasuot sya ng t-shirt na puti na nakatuck-in sa camouflage nyang pants. Salubong ang kilay nyang lumapit sa akin at matalim ang tingin kay Eddison.

Anong ginagawa nya dito? Mag aalas singko pa lang ng hapon at mamaya pang alas syete ang tapos ng duty nya.

“Lorenzo anong ginagawa mo dito?” Tanong ko ng makalapit na sya.

“Sinusundo ka.” Sagot nya na matalim pa rin ang tingin kay Eddison. Bahagya pang gumalaw ang panga nya.

Kinabahan naman ako.

“G-Good afternoon po sir.” Bati ni Eddison na pangiwing ngumiti.

Tumango lang si Lorenzo at hinawakan ang kamay ko. “Let’s go Aitana.”

Bago pa ako makapagsalita ay hinatak na ni Lorenzo ang kamay ko patungo sa pick up nya. Nilingon ko si Eddison na nakanganga lang na nakatingin sa amin.

“Bye Eddison, see you tomorrow na lang.” Paalam ko.

Tumango tango naman si Eddison at kumaway pa.

“Sino yung kausap mo kanina?” Tanong ni Lorenzo habang nagmamaneho. Halos di pa rin maipinta ang mukha nya. Medyo kinakabahan ako dahil parang galit sya. Bakit na naman kaya?

“Si Eddison, co teacher ko.” Sagot ko.

“Anong pinaguusapan nyo?”

“Nagthank you lang sya sa akin dahil tiningnan tingnan ko ang mga estudyante nya kanina habang wala sya.”

“Ano pa?”

“Inalok nya akong ihatid sa bahay.”

Kunot noong lumingon sya sa akin. “At pumayag ka naman?”

“Hindi.”

Tumaas ang sulok ng labi nya. “Pero kung hindi ako dumating papayag kang ihatid nya.” Sarkastikong sabi nya.

Napakunot ang noo ko sa tono ng boses nya. “Syempre hindi pa rin.”

“Tsk.”

May pumitik na inis sa loob ko. “Teka nga, wala ka bang tiwala sa akin?”

Saglit syang hindi sumagot. Pero kita ko ang pag igting ng mga panga nya at ang mahigpit na hawak sa manibela. Natatakot ako kapag ganito ang hitsura nya eh. Parang anumang oras manguumbag. Pero never naman nya akong sinaktan o kaya pinagtaasan ng boses.

“Hindi ko gusto kung pa’no ka nya titigan na parang aagawin ka nya sa akin.”

Natigilan ako kasabay ng pagbilis ng pintig ng puso ko dahil sa sinabi nya. Napairap ako at ngumuso. Kinikilig ako na naiinis sa kanya. 

“Walang aagaw sa akin sa’yo.” Nakangusong sabi ko at humalukipkip.

Nagtaas kilay sya. “Paano ka nakakasiguro? Ang dami daming lalaking nagpapapansin sayo lalo na sa social media. Kahit kasama mo na ako sa picture at nakatag ako panay pa rin ang papansin sayo sa comment section.”

Bahagya na naman akong natigilan. Totoo naman kasi yung mga sinabi nya. Karaniwan kasi sa mga nacocomment sa post ko sa social media ay mga lalaki na mga kakilala at dati kong mga kaklase. Di ko naman sila nirereplayan. Hindi rin naman mga bastos ang mga comment nila.

“Mga kaibigan ko lang sila.” Sabi ko.

“Tsk.” Palatak nya.

Ngumuso ako. “Saka hindi naman ako magpapaagaw sa iba. Sa’yo lang ako.” Pagkasabi ko nun ay nag init ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun.

Lumingon sya sa akin at ngumisi. “Talagang akin ka lang. Pipilipitin ko ang leeg ng magtatangkang agawin ka sa akin.”

Napasinghap ako. “Ang brutal mo naman!”

“Tss, mas higit pa dun ang kaya kong gawin sweetheart. Kaya umayos ang mga lalaking aalialigid sayo.”

Hindi ko alam kung seryoso ba sya o nagbibiro. Hindi ko pa naman kasi sya nakikitang manakit ng ibang tao at ayokong manakit sya ng dahil sa akin. 

Tumikhim ako. “Oo nga pala, bakit mo pala ako biglang sinundo? Hindi pa tapos ang duty mo di ba?” Pagiiba ko sa usapan.

Bumuntong hininga sya at lumingon sa akin. “May kukunin lang akong gamit sa bahay, dinaanan na kita dito. Syanga pala sweetheart dalawang araw akong mawawala.”

Kunot noong nilingon ko sya. “Bakit? Saan ka pupunta?”

“May operation na gagawin ang grupo sa bayan ng Santa Luisa at dalawang araw kami doon. Mahina din ang signal kaya baka hindi kita matawagan.”

Ang Santa Luisa ay nasa pinakadulong bahagi na ng lalawigan. Liblib na lugar ang bayan na ito at malayo sa kabihasnan. Nasa paanan ito ng malaking bundok. Ito ang pinakamahirap na bayan sa buong lalawigan. Pinagkukutaan ito ng mga rebelde at mga kriminal.

May sumipang kaba sa dibdib ko.

“Hindi ba delikado dun?” Nagaalalang sabi ko.

Tumango sya. “Pero wag kang mag alala kasama namin sa operasyon ang kasundaluhan dahil mas kabisado nila ang lugar na yun.”

Hindi pa rin nababawasan ang pag aalala ko sa kanya. Hindi man nya ikwento ng buo ay alam kong delikado ang sinasabi nyang operation.

“Kelan ang alis mo at kelan ka babalik?” Mahina ang boses na tanong ko.

“Mamayang alas syete ng gabi. Baka Byernes ng tanghali o gabi na ako makakauwi.”

Saglit akong di nakaimik. Simula ng manligaw sya at maging kami ay ngayon pa lang kami magkakalayo sa isa’t isa ng dalawang araw. Nasanay na kasi akong araw araw syang nakikita at nakakausap. Bukod sa mamimiss ko sya ay nag aalala din ako. Delikado ang trabaho nya at buwis buhay talaga. Walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa kanya sa susunod.

Hays! Ang hirap din palang magkajowa ng pulis.

“Ok, basta mag iingat ka dun ha.” Nasabi ko na lang.

Tumango sya at kinuha ang kamay ko at dinala sa labi nya. Parang sumisirko na naman ang puso ko sa lakas ng kabog nito.

“Nag aalala ka ba?” Malambing na tanong nya.

Ngumuso ako. “Hindi no! Bakit naman ako mag aalala eh magaling ka. Ikaw kaya ang kinatatakutang pulis dito sa bayan. Basta mag iingat ka. Galingan mo sa pagilag sa bala ng baril. Wag kang magpapatama. Kapag umuwi kang may tama o maski sugat lang ibi-break kita.” Sabi ko sabay irap sa kanya.

Tumawa sya at pinupog ng halik ang kamay ko. “Don’t worry sweetheart mag iingat ako para sayo.”

Kinagat ko ang labi. “Kapag may signal tawagan mo ko ha.”

“Yes po ma’am.” Natatawang sabi nya. “Pwede ba akong mag request?”

Nilingon ko sya. “Ano yun?”

Ngumiti sya. “Pwede ka bang masolo sa bahay ko hangga’t hindi pa ako umaalis?  Sobra kasi kitang mamimiss kahit dalawang araw lang tayong di magkikita.”

Walang pag aalinlangan na tumango ako. Gusto ko rin syang makasama hangga’t nandito pa sya..


Kamusta ang pasko? May laman pa ba bulsa? 😆

Chapter 15

warning 🔞

Aitana

ITO ANG UNANG beses na nakapunta ako sa bahay ni Lorenzo. Dalawang baranggay lang ang layo nitong bahay nya sa bahay namin. Simple lang ito at hindi naman ganun kalakihan. Dalawang palapag ito at kumpleto naman sa gamit at de aircon pa. Dalawa ang sasakyan nya sa garahe. Yung pick up truck na lagi nyang gamit kapag magduduty sya at isang mamahaling sasakyan na ginamit namin noong magpunta kami sa resort nya.

“Ilang taon ka ng nakatira dito?” Tanong ko sa kanya habang tumitingin tingin sa mga nakadisplay na picture nya dito sa kwarto nya. Infairnes wala talaga syang budol.

“Magsasampung taon na rin. Binenta sa akin to ng isang kakilala na nagmigrate na sa Amerika.” Sagot nya habang nagaayos ng gamit nya sa bag.

Umupo ako sa kama nya at inagaw sa kamay nya ang mga damit nyang basta na lang nyang isasalaksak sa bag nya. Kunot noong tumingin sya sa akin. Tinaasan ko lang sya ng kilay at tinupi ng maayos ang mga damit nya at ako na ang naglagay sa bag nya. Nailang naman ako dahil pinapanood nya ang ginagawa ko.

Napapitlag ako ng marinig ang doorbell. Mukhang dumating na ang inorder nyang pagkain. Lumabas sya ng kwarto para kunin ang order. Ako naman ay inayos ang bag nya. Naginit pa ang pisngi ko ng mahawakan ang brief nya. Mabilis ko itong tinupi at nilagay sa bag nya.

“Sweetheart nandyan na ang pagkain, kain muna tayo.” Untag ni Lorenzo sa akin na sumilip sa pinto ng kwarto nya.

Tumayo naman ako at lumabas ng kwarto nya. Hinawakan nya ang kamay ko at sabay na kaming bumaba. Ng makarating kami sa komedor ay bigla akong nakaramdam ng gutom ng maamoy ko ang pagkain na inorder nya. Nakaayos na ito sa lamesa. Lutong pagkain pala ang inorder nya at mukhang galing sa restaurant.

“Galing sa restaurant mo to?” Tanong ko ng makaupo na.

“Yes.” Sagot nya at umupo na rin sa tabi ko. Sya pa ang nagsandok ng pagkain sa plato ko.

Nagumpisa na kaming kumain. Masarap ang pagkain sa restaurant nya. Ang sabi nya marunong din daw syang magluto. Paglutuin ko nga sya next time. Tapos bibidyuhan ko sya. Lihim akong napahagikgik sa naisip.

Tumunog ang cellphone ko na nakalapag sa mesa. Kinuha ko ito at binuhay. Nagreply si tiyang Meding sa text ko. Nagpaalam kasi ako sa kanya na may pupuntahan kami ni Lorenzo.

“Sino yun?” Kunot noong tanong ni Lorenzo.

“Si tiyang, nag paalam kasi ako sa kanyang may pupuntahan tayo.”

Tumango tango sya. “Anong sabi nya?”

“Wala naman, ok lang daw.”

Ngumisi sya habang sumusubo ng pagkain.

Tinaasan ko sya ng kilay. “Bakit?”

“Nothing.”

Ngumuso na lang ako at pinagpatuloy na ang pagkain. Naubos namin ang inorder nyang pagkain.

“Mamimiss kita sweetheart.” Anas nya sa tenga ko at hinalik halikan ako doon. Sinisinghot singhot pa nga nya ang amoy ko.

Nandito kami sa sala at nakaupo ako sa kandungan nya. “Dalawang araw ka lang naman doon di ba? At saka tatawag ka kapag may signal.” Mamimiss ko rin kasi sya.

Tumango tango sya habang titig titig sa akin ang mapupungay nyang mga mata. Hinawakan nya ang pisngi ko at bahagyang pinaling. Nagsalubong ang mga labi namin.

Sa umpisa ay masuyo lang ang galaw ng labi nya hanggang sa unti unting naging magaslaw. Naging malikot na rin ang dila nyang gumagalugad sa loob ng bibig ko. Madiin ang halik nya at malalim. Halos mapugto na ang hininga ko sa klase ng halik nyang parang sabik na sabik.

Habol ko ang hininga ng maghiwalay ang labi namin. Pakiramdam ko nangangapal ang labi ko.

“I want you sweetheart..” Anas nya habang humahaplos na ang malaki at magaspang nyang kamay sa braso ko. Nakaramdam ako ng kakaibang init sa haplos nya na tumawid sa puso ko. Titig na titig sya sa akin na tila nagsusumamo na pagbigyan ko sya. Parang may naguudyok din sa akin na pagbigyan ko na sya. Mamaya aalis na sya at pupunta sa delikadong lugar. Walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa kanya.

Kagat labing tumango ako at ako na mismo ang kumabig sa batok nya para muling magsanib ang mga labi namin. Agad naman syang tumugon sa halik ko at tumayo buhat buhat ako. Yumakap ako sa batok nya habang magkasanib pa rin ang mga labi namin. Umakyat kami sa hagdan at tinungo ang kwarto nya. 

Dahan dahan nya akong nilapag sa kama nya. Lumuhod sya at hinubad ang suot nyang t-shirt na puti at hinagis sa sahig. Napalunok ako ng makita ang mamasel nyang katawan. Malapad ang dibdib nyang maumbok. Namumutok din ang malapandesal nyang maliliit na masel sa tiyan. At ang mga braso nya ay namumutok din sa masel. Tama nga ang sabi ni Benj. Mukha syang nambabalibag sa kama. Baka mamaya habang nagsesex kami ibalibag nya ako.

Yumuko sya at hinawakan ang butones ng blouse ko. Hinawakan ko ang kamay nya. Kunot noong tumingin sya sa akin.

“Bakit?” 

Lumunok ako. “Pwedeng.. umatras?” Nakangiwing sabi ko.

Nagsalubong na ang kilay nya. “No! Umoo ka na kanina. At matagal ko ng hinihintay to sweetheart.” Nakasimangot na sabi nya.

Ngumuso ako. “Eh kasi.. natatakot ako.”

“Hindi naman kita bibiglain sweetheart. Dadahan dahanin ko lang.”

“Talaga? Hindi mo ako ibabalibag?”

Tumawa sya. “Saka na kita ibabalibag. First time mo pa lang ngayon kaya dapat gentle lang ako.”  Aniya at tinuloy na ang pagkalas ng butones ko hanggang sa tuluyan na nyang mahubad ang blouse ko. Sinunod din nya ang pants ko. Nakabra at panty na lang ako ngayon. Nag init ang pisngi ko ng makita ko kung paano nya ako hagurin ng tingin. Tinakpan ko ng braso ang parteng dibdib ko sa hiya. Pero mabilis din nya itong inalis at tinaas sa may ulunan ko. Hinawakan nya ang dalawang pulsuhan ko gamit lang ang isa nyang kamay.

Bumaba ang mukha nya at muli akong hinalikan sa labi. Ang isa nyang kamay ay pumipisil na sa dibdib ko. Kahit natatakpan pa ito ng bra ay ramdam ko ang init ng kamay nya. Naglandas ang labi nya pababa sa leeg ko hanggang sa makarating sa puno ng dibdib ko. Hinalik halikan nya iyon at dinila dilaan. Napakagat labi naman ako. Nakaramdam ako ng kiliti sa balbas at bigote nyang tumutusok sa balat ko. Sumiksik ang isang kamay nya sa likod ko at kinakalas sa pagkakahook ang bra ko. Hanggang sa nagtagumpay sya at sa isang iglap lang ay nakahantad na ang hubad kong dibdib sa mga mata nya. Titig na titig sya dito at napapalunok pa. Hindi naman sa pagmamayabang pero biniyayaan ako ng magandang hubog ng dibdib. Light brown ang kulay ng utong ko.

“Nghh..” Impit akong napaungol ng sumayad ang dila nya sa tuktok ng kanang utong ko. Tinudyo tudyo nya ito at inikot ikot pa ang dila doon. Napapaliyad naman ang katawan ko. Kakaibang kiliti ang dulot ng mainit nyang dila. Napanganga pa ako ng isubo nya ito at sipsipin. Ang isang kamay naman nya ay nasa kabila kong dibdib at pinipiga ito at nilalaro ang utong.

“Lorenzo.. ohh..”

Tumingin sya sa akin habang patuloy sa pagsipsip sa utong ko. Ng magsawa sya ay ang kabila naman ang pinagpyestahan ng mainit na bibig nya. Panay ang impit na ungol ko at liyad ng katawan. Ng bitawan nya ang dalawang palapulsuhan ko ay agad akong kumapit sa ulo nya. Dalawang kamay na nya ngayon ang pumipiga sa dibdib ko at salit saliting sinusubo ito.

“Love your boobies sweetheart..hmm tsup!” Anas nya at bahagya pang kinagat ang utong ko sabay hinipan na ikinadaing ko. Medyo masakit pero mas lamang ang kiliti at sarap.

Maya maya ay bumaba na ang mukha nya pababa sa tiyan ko , sa puson at sa..

“Lorenzo wag dyan!” Natatarantang saway ko sa kanya ng taniman nya ng halik ang ibabaw ng panty ko. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Tumingin sya sa akin at ngumisi. Hawak hawak na nya ang garter ng panty ko at unti unti nya itong binaba. Hinawakan ko ang panty ko para pigilan ito sa pagbaba.

“Oh sweetheart.. mas lalo mo lang akong pinagiinit..” Natatawang sabi nya at mabilis na hinubad ang panty ko at hinagis sa tabi ko.

Mabilis kong naipagdikit ang mga hita ko pero mabilis din nya itong naipaghiwalay. Impit akong napatili at nagtakip ng kamay sa mukha. Nagiinit ang mukha ko sa hiya. Wala na akong maitatago ngayon sa kanya dahil nakita na nya ang lahat.

Naramdaman ko ang mainit nyang labi na humahalik sa hita ko pababa sa singit ko. Kinilabutan ako.

Tumawa sya. “Wag ka ng mahiya sweetheart. Ako lang ang makakakita nito wala ng iba.” Aniya at tinanggal ang mga kamay kong nakatakip sa mukha ko. Paniguradong pulang pula na ang mukha ko sa hiya.

Hinanap sya ng mata ko. Nasa pagitan na sya ng mga hita ko at katapat ang pagkababae kong hinihimas himas na nya. Napapitlag ako. Nakaramdam ako ng kiliti. Mainit at magaspang ang kamay nya. Nilalaro pa ng mga daliri nya ang mumunti kong buhok doon. Nailang pa ako dahil baka mamaya di nya bet ang may buhok. Eh kasi naman di ako sanay magshave. Kaya hanggang trim lang ang ginagawa ko.

Napakagat labi ako ng maramdaman ko ang labi nyang sumayad na sa pagkababae ko. Walang pagaalinlangan na hinalik halikan nya ito at dinilaan pa.

“Nghh Lorenzo..”

“Shh relax sweetheart..” Anas nya at mas binuka pa ang mga hita ko.

Pabiling biling ako sa higaan at parang bulating inasinan ang katawan ko sa likot. Di ko alam kung saan ako kakapit. Sa ulo ba nya o sa kobre kama.

“Ughh shit!” Daing ko kasabay ng pangangatal ng hita ko ng sipsipin nya ang clit ko.

Paulit ulit nya yung ginagawa. Sipsip, dila na sinasamahan pa nya ng kagat. Para na akong nababaliw sa kakaungol. Sobrang init na rin ng pakiramdam ko. Nasasarapan ako sa ginagawa nya at hindi ko mapigilang iungol yun.

“Nghh sige pa Lorenzo.. ohh..”

Napaigik ako ng maramdaman ko ang daliri nyang pumapasok sa loob ko. Nakagat ko ang labi dahil sa kirot. Pero hindi rin nagtagal ang kirot na yun dahil sa dila nyang patuloy pa ring naglulumikot sa pagkababae ko. Dama ko ang daliri nyang mabagal na naglalabas masok hanggang sa bumilis. Sinabayan pa ito ng bibig at dila nya na sumisipsip at dumidila sa clit ko. Nakakabaliw ang sensasyong dulot ng ginagawa nya. Nakakangilo ang sarap. Hanggang sa naramdaman kong parang naiihi na ako.

“Ughh L-Lorenzo.. m-may lalabas.. hmmph!”

Pero hindi sya natinag at patuloy lang sa ginagawa. Hanggang sa impit na akong napatili kasabay ng paninigas at panginginig ng aking katawan.

Habol ko ang hininga at hapong hapo ang pakiramdam. Nakahiga lang ako at umuungol pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. 

Si Lorenzo naman ay panay ang halik sa katawan ko. Sa tiyan pataas sa dibdib, sa leeg, sa panga at sa labi ko. Walang pag aalinlangan na tinugon ko ang halik nya kahit galing pa ito sa pagkababae ko.

“Ang sarap mo sweetheart.” Anas nya at muling lumuhod. Muli nyang pinagmasdan ang kahubaran ko. Nakaramdam ako ng pagkailang. Pero hindi na ako nag abalang magtakip. Bakit pa? Eh nakita na nya ang lahat. Nahawakan, nahalikan at nadilaan na nya.

“You look so fucking sexy sweetheart. And you’re fucking mine.” Usal nya ng hindi inaalis ang tingin sa akin.  

Tinanggal nya sa pagkakabutones at binaba ang zipper ng camouflage na pants nya. Binaba nya ito kasama ang puting brief nya. Nasilayan ko ang buhok nya doon bagama’t hindi naman ito makapal at mukhang nagtitrim din sya.

Napaawang ang labi ko ng makita ang pagigkas ng pagkalalaki nyang kasing laki yata ng pipino. Nakatutok ito sa akin na nangingintab pa ang ulo. Medyo dark brown ang kulay nito at medyo maugat.

Napalunok ako at mabilis na bumangon sa kama at patakbong pumasok sa banyo nya. Sumandal ako sa pinto habang sapo ang dibdib.

Bakit ganun kalaki yun?

“Sweetheart!” Tawag ni Lorenzo sa akin sa labas.

“Sweetheart lumabas ka na dyan.” Tawag ulit nya na sinabayan pa ng katok.

“Ayoko!” Sagot ko.

“Aitana!”

Panay ang hugot ng mabigat na hininga ni Lorenzo habang nasa byahe na kami. Ihahatid nya muna ako sa bahay bago bumalik sa presinto.

Pasimple akong lumingon sa kanya. Nakasimangot sya at salubong ang kilay habang nakatingin sa daan.

Ngumuso ako. Anong gagawin ko? Eh natakot ako kanina eh.

“Tsk!” Palatak nya at umiling iling.

Naguilty naman ako. “Sorry.”

Tumingin sya sa akin at sinimangutan ako. “Binitin mo ko sweetheart.” Masama ang loob na sabi nya.

Lalo namang nanghaba ang nguso ko. “Sorry na nga. Eh kasi naman nakakatakot yang.. yang ano mo. Bakit ba kasi ganyan kalaki yan? Baka mamaya mamatay ako kapag pinasok mo na yan sa akin.” Katwiran ko.

Tinaasan nya ako ng kilay. “Malaking tao ako, ano pang aasahan mo. Malamang malaki din yan.”

Napakamot na lang ako sa pisngi. “Eh kasi naman.. sorry na nga.”

“Tsk! Pasalamat ka talaga at may lakad ako ngayon dahil kung wala, hindi talaga kita pauuwiin sa inyo hangga’t hindi kita naaangkin.”

Napanguso na lang ako sa sinabi nya. Mabuti na lang pala at may lakad sya.

“Tangna! Ang sakit talaga ng puson ko.” Daing nya at tumingin sa akin. “Pag uwi ko sa byernes yari ka talaga sa akin.”

Napalunok ako sa sinabi nya. Alam kong hindi sya nagbibiro. Sana lang talaga ay ready na ako ng araw yun dahil alam kong hindi sya papayag na mabitin ulit. Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Makapagbasa nga ng mga erotic stories para may ideya naman ako.

“Mag iingat ka dun ha. Kapag may signal tatawag ka.” Bilin ko sa kanya ng nasa harap na kami ng bahay.

Parang ayoko syang umalis dahil mamimiss ko sya. Pero anong gagawin ko? Tungkulin nya yun at trabaho nya na sugpuin ang kriminal.

Tumango sya at niyakap ako ng mahigpit. Sinandig ko ang ulo sa dibdib nya. Pinupog nya naman ng halik ang ulo ko.

“I’m going to miss you sweetheart..” Anas nya.

“Mamimiss din kita..”

Nag angat ako ng ulo at mukha ko naman ang pinupog nya ng halik. Magaan na halik sa labi naman ang pinagsaluhan namin.

Panay ang buntong hininga ko habang hinahatid ng tanaw ang papalayong sasakyan ni Lorenzo. Ng mawala na ito ay mabigat ang loob kong pumasok na ng bahay. Ilang minuto pa lang kaming nagkakahiwalay miss ko na agad sya.

Mukhang inlove na yata ako sa mamang pulis na yun..


Happy 10k followers po sa atin guys! 🤗 Maraming maraming salamat po sa inyo. At sorry na agad kung bitin ang spg. Bawi na lang sa next spg. Di kayo bibiguin ni Lorenzo pramis yan. 😆

Chapter 16

Lorenzo

NAPANGITI AKO ng mabasa ang reply ni Aitana. Kahit hindi nya sabihin alam kong nag aalala sya sa akin. Nagtype ako ng reply sa kanya para sabahing nasa byahe na kami patungong Santa Luisa. Miss ko na sya agad. Maya maya lang pahirapan na ang signal lalo na pagtungtong namin ng bayan ng Santa Luisa.

Normal lang naman sa trabaho ko ang mapasabak sa ganitong delikadong operasyon. Pero kung noon ay wala akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin ngayon ay iba na. May isang tao ng naghihintay sa akin sa pagbabalik ko. At ayoko syang biguin kaya doble na ang pag iingat ko ngayon.

Inayos ko ang strap ng bullet proof vest ko. Dinouble check ko na rin kanina ang dalawang baril na dala ko pati na rin ang M16 na hawak hawak ko. Sampo kaming mga pulis ang nakasakay sa police truck at lahat kami ay armado at nakabullet proof vest. May convoy din kaming dalawang police mobile.

Ang mga kasamahan ko ay kanya kanyang hawak ng cellphone nila. Malamang ay katext o kachat ang mga mahal nila sa buhay. Kulang kulang tatlong oras ang byahe bago makarating sa bayan ng Santa Luisa. Pagdating namin doon ay sasalubungin na kami ng mga escort naming sundalo. Mapanganib para sa amin kung wala kaming escort na sundalo pagpasok namin sa bayan ng Santa Luisa dahil may posibilidad na tambangan kami ng mga rebelde na kasabwat din ng mga sindikatong pakay namin.

Ang bayan ng Santa Luisa ang pinakamahirap na bayan sa buong lalawigan. Ito din ang may pinakamaliit na populasyon at ayon sa datos tatlumpung porsyente ng populasyon ay myembro ng rebelde. Naging kanlungan din sila ng mga sindikato at kriminal na wanted sa batas kapalit ang malaking halaga. Bago namin gawin ang malaking operasyon ay makikipag pulong muna kami sa lokal na pamahalaan ng Santa Luisa. 

Makalipas ang dalawang oras ay halos puro puno na ang nadadaanan namin. Bibihira na lang ang bahay. May mangilan ngilan na poste na lang ang may sinding ilaw, ang ilan ay patay sindi pa. Malubak na rin ang daan. Ang signal sa cellphone ay pawala wala na rin. Malapit na kaming pumasok sa bayan ng Santa Luisa. Doon ay sasalubungin kami ng tropa ng AFP.

Natigilan kami ng biglang tumigil ang lulan naming police truck. Mukhang nabalahaw yata ang isa sa mga gulong. Tumigil din ang dalawang convoy ng mapansing hindi na kami umabante. Bumaba ang dalawang kasamahan naming pulis at tiningnan ang gulong. Pinailawan nila ito ng flashlight. Bumaba na rin ako para tingnan.

“Kamusta pare?” Tanong ko sa dalawa. Gumilid naman sila at pinakita sa akin ang gulong na nakalubog sa lubak na may makapal na putik.

“Ano? Kamusta?” Tanong ni Diego na syang nagdadrive.

“Lubog sa putik pare, pero kaya sa tulak yan.” Sabi ko.

Nagsibabaan naman ang mga kasamahan naming pulis na nakasakay at pumuwesto na sa pagtulak. At sa hudyat ni Diego ay sabay sabay na kaming nagtulak. Hindi naman kami nabigo dahil naiahon na namin sa lubak ang gulong.

Habang nagkakaingay ang mga kasamahan ko ay may nauulinigan akong mga kaluskos na sumasabay sa ingay ng kuliglig. Nagmasid ako sa paligid at tinalasan ang pandinig. Puro puno ang nasa paligid at matataas na talahib. Iba ang pakiramdam ko. Hayun na naman ang mga kuluskos. May naririnig pa akong nababaling maliliit na sanga na tila natapakan. Lalong lumakas ang kutob ko na may mga taong nakamasid sa amin mula sa gubat. Wala pa kami sa entrada ng bayan ng Santa Luisa kaya hindi mga sundalo ang kung sinomang nagmamasid  sa amin at anumang oras at tatambangan kami.

“Sakay! Bilis! May mga kalaban!” Pasigaw na sabi ko sa mga kasamahan.

Agad naman silang tumalima at nagsiakyatan sa police truck sabay hawak sa kanikanilang M16 riffle at tinutok sa labas ng bintana. Pinasibad naman agad ni Diego ang police truck. Eksakto namang nagsilabasan ang ilang mga armadong kalalakihan mula sa nagtataasang talahib at pinaulanan kami ng bala na mabilis din namang sinagot.

“Ugh!” Daing ng isa naming kasamahan na sapo sapo ang balikat. Nilingon ko sya. May tama sya.

Shit! Muli kong binalik ang atensyon sa mga kalaban. Pinaulanan namin sila ng bala. Pinuntirya ko naman ang tila lider nilang syang nagmamando. Tinamaan sya sa kamay. Ilang mga kasamahan pa nya ang tinamaan din at nagsibalikan pabalik sa gubat. Akala namin ay aatras na sila pero hindi pala. Dahil mula sa kung saan ay biglang nagsulputan ang ilan pang mga kalalakihan na mga armado din.

“Sige mga kasama! Tadtarin ng bala ang mga pulpol na pulis na yan! Wag hayaang makapasok sila sa bayan ng Santa Luisa!” Sigaw ng isang lalaki na bagong sulpot at tinaas pa ang hawak na armalite at pinaputok sa ere.

“Putangna! Delikado tayo dito! Bilisan mo pa ang patakbo Diego!” Sigaw ko kay Diego na nasa likod ng manibela. Mas binilisan pa nga nya ang pagpapatakbo ng police truck. Hinahabol pa rin kami ng baril ng mga kalaban. May ilang bala pa nga na galing sa talahiban na nadadaanan namin. Mukhang nagkalat sila at inabangan talaga kami.

Dammit!

Aitana

SINASABAYAN KO ang kanta sa tugtog ng cellphone ko habang nakaupo ako sa harap ng vanity mirror at naglalagay ng collagen sa mukha. Nakagawian ko ng maglagay nito bago matulog para paggising ko ng umaga fresh na fresh ang mukha ko pagpasok sa school.

Itatapon ko na ang basyo ng collagen ng masagi ng kamay ko ang bote ng perfume. Nalaglag ito at naglikha ng ingay ng mabasag sa sahig na tiles.

“Hala!” Bulalas ko at umuklo sa sahig.

“Aitana ano ba yan? Gabing gabi na ang ingay ingay mo pa.” Ani tiyang Meding na binuksan ang pinto ng kwarto ko. Nakapantulog na sya at salubong ang kilay.

Dinampot ko naman ang basag ng bote ng perfume na wala ng laman. Nanghihinayang ako dahil bigay pa sa akin ni tiyong ito galing abroad.

“Sorry tiyang, nasagi ko po kasi yung perfume eh.” Nakangusong sabi ko kay tiyang Meding.

“Kuh! Ikaw talagang bata ka. Napakaclumsy mo kasi. Linisin mo na yan at matulog ka na. May pasok ka pa bukas.” Iiling iling na sabi ni tiyang Meding at tumalikod na.

Bumuntong hininga naman ako at tumayo. Nilagay ko sa basurahan ang basag na bote ng perfume. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng walis, tambo at basahan. At ng malinis ko na ito ay humiga na ako sa kama para matulog.

kinabukasan

..

PAGKATAPOS KONG magsuklay ng buhok ay nagpahid naman ako ng cologne sa pulso ko at leeg. Dahil nabasag nga kagabi ang perfume ko kaya itong baby cologne na lang ang gamit ko. Mabango naman sya at hindi masakit sa ilong amoy baby pa. Sinipat ko ang sarili sa life size mirror. Inayos ko ang kwelyo ng uniform. May ilang minuto pa akong pwedeng magtagal sa salamin dahil wala naman si Lorenzo na nagsusundo sa akin. And speaking of him, hindi pa sya nagtitext o tumatawag. Baka nga wala talagang signal. Nangako naman sya na tatawag o magtitext kapag may signal. Hays, medyo namimiss ko na sya.

“Tiyang, si Aitana po umalis na?” 

Napakunot ang noo ko ng marinig ang boses ni Benj. Himala ang aga nya gumising.

“Hindi pa nasa kwarto pa nya. Puntahan mo na nga at baka nakababad na naman sa salamin. Wala kasi si Lorenzo kaya ayan babagal bagal na naman sa pagkilos.”

Napanguso ako sa sinabi ni tiyang Meding. Ngayon na nga lang ulit nagbabagal eh.

Kinuha ko na ng shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto. Nakita ko pa si Benj na papunta sa kwarto ko. Magulo ang buhok nya at halatang bagong gising base na rin sa suot na manipis na sando at boxer shorts.

Ng makita nya ako ay humahangos na lumapit sya sa akin. May pag aalalang nakaguhit sa kanyang mukha. “Insan nabalitaan mo na ba?”

Kumunot ang noo ko. “Ang alin?”

“Naambush ang grupo nila Lorenzo kagabi. Pinagbabaril sila ng mga rebelde.”

Nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi sa sinabi nya. Tila nalaglag ang puso ko sa sahig. Kumalabog ng husto ang dibdib ko sa kaba at takot. Maging si tiyang Meding ay natigilan sa ginagawa at tumingin kay Benj.

“A-Anong nangyari kay Lorenzo? N-Nasaan na daw sya?” Nagaalalang tanong ko.

“Totoo ba yan Benjamin?” Tanong din ni tiyang Meding na bakas din ang pagaalala sa mukha.

“Opo tiyang, kalat na kalat na nga po sa social media. Binalita na rin kanina sa tv. Sa awa ng Diyos ay puro lang sila sugatan at kasama nga sa nasugatan si Lorenzo.”

Sa pagkarinig sa pangalan ni Lorenzo ay mabilis akong lumapit sa shoe rack at sinuot ang sandals ko.

“Huy Aitana saan ka pupunta?” Tanong ni Benj.

“Sa hospital pupuntahan ko si Lorenzo.”

“Anong pupuntahan? May klase ka pa Aitana.” Sabi ni tiyang Meding.

“At saka alam mo ba kung saang hospital?” Si Benj.

Doon ako natigilan at lumingon sa pinsan. “Saang hospital ba?”

Bumuntong hininga si Benj. “Sabi sa balita nasa hospital ng bayan na sila.”

“Sige pupunta ako dun.” Sabi ko at dali dali ng lumabas ng bahay. Dinukot ko ang susi sa shoulder bag at nilapitan ang motor ko. Mas mabilis akong makakarating sa hospital ng bayan kung magmomotor ako.

“Oy Aitana! May klase ka pa.” Ani tiyang Meding na dumungaw sa bintana.

“Opo tiyang, sasaglit lang po ako sa hospital. Gusto ko lang pong malaman ang lagay ni Lorenzo.” Sabi ko at pinaandar na ang motor palabas ng maliit naming gate.

Kasing bilis ng paandar ng motor ko ang tibok ng puso ko. Sabi ni Benj kasama daw sa sugatan si Lorenzo. Sana hindi ganun kalala ang lagay nya.


Short update muna 😊

Happy New Year mga bebs! Maraming salamat sa halos isang taon na pagsuporta nyo sa mga stories ko. Sana hindi kayo magsawa. Sana sa susunod na taon ay nandyan pa rin kayo. Love you all! 😘

Chapter 17

Aitana

PAGDATING KO sa hospital ay naabutan ko ang ilang mga pulis na nagkalat. Tsinitsek nila ang lahat ng dala ng mga pumapasok sa hospital. Mukhang nakahigh alert ang buong hospital.

Pagkapark ko ng motor ko ay mabilis ang lakad kong lumapit sa entrada ng hospital kung saan may mga nakatalagang pulis. Sobrang bilis pa rin ng puso ko sa kaba. At sa taranta ko nga kanina ay nakalimutan ko ang helmet ko. Mabuti na lang walang huli kanina. Gusto ko ng pumasok sa loob ng hospital para makita si Lorenzo. Hindi pamilyar sa akin ang mga mukha ng pulis.

Sumunod ako sa isang ale na nakapila na tsinitsek ang bag at ID ng isang pulis. Pagkatapos ay pinapasok na ito. Ako naman ang sumunod na tsinek. Binuksan ko ang shoulder bag ko at pinakita ko na rin ang ID ko.

“Sino pa ang dadalawin nyo ma’am?” Magalang na tanong ng pulis na nag inspeksyon sa akin.

“Ah si Lorenzo Villegas, pwede bang malaman kung saang room sya nakaadmit?” Tanong ko.

Natigilan naman ang pulis pati na rin ang ilang mga kasama nya na malapit sa amin. Pansin kong naging alerto sila.

“Ah pwede po bang malaman kung kaano ano kayo ni SPO1 Villegas?”

Bumuntong hininga ako. “Girlfriend nya ako. Nalaman ko lang kasi kanina ang nangyari kaya ako napasugod dito. Kamusta na ba sya? Malala ba ang tama nya? Saang room ba sya nakaadmit?” Sunod sunod na tanong ko.

Nagkatinginan naman sila ng mga kasamahan nyang mga pulis.

“Pasensya na miss, hindi namin masasagot ang mga katanungan mo. Hindi rin muna tumatanggap ng dalaw ang mga kasamahan naming pulis sa loob maliban lang sa mga kamag anak.” Sabat ng isang babaeng pulis na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Maganda sya pero mataray ang mukha.

“Girlfriend daw sya ni sir Enzo, Julie.” Sabi ng pulis na nag inspeksyon sa akin kanina.

Nagtaas naman ng kilay ang babaeng pulis na Julie ang pangalan. “So? Girlfriend lang sya at hindi kamag anak. Malinaw ang utos na kamag anak lang muna ang pwedeng dumalaw. Kaya kung ako sayo umuwi ka na lang miss.” Ani Julie at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.

Parang may pumitik na ugat sa sentido ko dahil sa inasal ng babae. Ganito ba ang mga babaeng pulis? O sya lang?

Humugot ako ng malalim na hininga para pigilan ang sariling makipagbardagulan sa babaeng pulis. Sa halip ay hinarap ko na lang ulit ang lalaking pulis na una kong kausap.

“Sir, baka pwedeng papasukin nyo ko. Kakamustahin ko lang ang lagay ni Lorenzo – “

“Sinabi na ngang hindi pwede miss. Hindi ka ba nakakaintindi – “

“Hindi ikaw ang kausap ko.” Putol ko sa sasabihin ng intrimitidang pulis na si Julie sabay irap. Sabat ng sabat di naman kausap. Epal!

Napanganga naman si Julie pati na rin ang mga kasamahan nya. Gumuhit ang inis sa mukha nya.

“How dare you talk to me like that? Pulis ako! Matuto kang rumespeto!” Mataray na sabi ni Julie.

“How dare you talk to me like that too? Teacher ako. Matuto ka ring rumespeto no. Ano? Ikaw lang na pulis ang dapat na irespeto? Ano ka gold? Chusera ka. Pareparehas lang tayong sinuswelduhan ng gobyerno no.” Mataray din na sabi ko.

“Aba’t – “

“Siguro wala kang boyfriend kaya ang bitter mo. Hindi mo alam ang pakiramdan ng nagaalala sa minamahal.” Dugtong ko pa.

Napasinghap ang intrimitidang si Julie. Nagbulungan naman ang mga kasamahan nyang lalaking pulis. Mga tsismoso din eh.

“Anong nangyayari dito?” Tanong ng isang pulis na bagong dating na pamilyar sa akin ang mukha.

“Sir Elmer, eto po kasing si ma’am gustong dumalaw kay sir Enzo. Girlfriend daw sya ni sir Enzo.” Sabi ng pulis na naginpeksyon sa akin.

Tumingin naman sa akin ang pulis na Elmer ang pangalan. Nagliwanag ang mukha nya.

“Ikaw pala ma’am Aitana.” Bati ni Elmer.

Nginitian ko sya. Mukhang kilala nya ako.

“Si Enzo ba ang hinahanap mo, sasamahan kita sa loob.” Aya nya sa akin.

“Pero sir Elmer kamag anak lang ang pwedeng dumalaw.” Kontra na naman ni Julie.

“Ayos lang Julie girlfriend ni Enzo tong si ma’am Aitana. At siguradong gaganda ang mood nun kapag nakita tong si ma’am Aitana. Halika na ma’am.” Nagpatiuna ng pumasok sa entrance ng hospital si Elmer. Agad naman akong sumunod pero binigyan ko muna ng isang irap si Julie na masama ang tingin sa akin.

Sumabay ako sa paglalakad ni Elmer at nagtanong tanong na rin sa kung ano ang nangyari. Kinuwento naman nya. Tinambangan nga daw kagabi ang grupo nila Lorenzo ng mga armadong rebelde hindi pa man sila nakakapasok sa bayan ng Santa Luisa. Mabuti na nga lang daw at mabilis na nakaresponde ang mga sundalo at nasaklolohan sila. Walo sa mga pulis ang sugatan dahil sa tama ng bala. Dalawa ang kritikal.

Nakarating kami sa isang ward kung saan magkakasama na ang mga pulis na sugatan. Bantay sarado ito ng mga kapwa pulis din. Sa loob ng ward ay nagpapahinga ang mga pulis na sugatan at inaasikaso ng mga pamilya nila. Binati nila kami ng pumasok kami ni Elmer. Hinanap naman ng mata ko si Lorenzo. Nakita ko sya sa pinakadulo. Magisang nakasandal sa hospital bed nya at may kausap sa cellphone habang nakatanaw sa labas ng bintana. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang may sling sya sa braso. Mukhang sa braso ang tama nya. Nagalala ako kung may iba pa syang sugat. Nilingon ko si Elmer pero kausap na nya ang mga kasamahang pulis kaya lumapit na ako kay Lorenzo. May kausap pa rin sya sa cellphone at bahagyang nakakunot ang noo. Hindi pa nya ako napapansin.

“Yes mom. Don’t worry it’s just a minor injury. I’m ok.”

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko pagkarinig ko sa malaki nyang boses. Wala pang bente kwatro oras kaming nagkakausap pero miss na miss ko na ang  boses nya. Huminto ako sa gilid ng hospital bed nya. Mukhang ang ina nya ang kausap nya.

“I understand mom. Kayo na lang ang kumausap kay daddy.” Lumingon sya sa gawi ko ng mapansin nyang may nakatayo sa gilid ng kama nya. Kumunot ang noo nya ng makita nya ako. Pero halatang nasurpresa sya. Nginitian ko naman sya.

“Ok mom, I’ll call you again later. Bye.” Pinatay na nya ang cellphone ng hindi inaalis ang tingin sa akin.

“Sweetheart, what are you doing here? May pasok ka ah.”

Imbes na sagutin sya ay lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Pero iniingatan kong wag masagi ang braso nyang may sling. Parang bulang naglaho ang pagaalala ko at takot na naramdaman kanina. Salamat naman at ayos lang sya. Naramdaman ko ang isang braso nyang yumakap sa akin.

“What are you doing here sweetie hmm? May pasok ka pa di ba?” Malambing na ulit nya sa tanong nya.

Tumango naman ako pero hindi bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Nangingilid na rin ang luha ko. Pero pinipigilan kong pumatak ito.

“Sobra akong nag alala sayo akala mo ba. Nalaman ko lang kanina kay Benj ang nangyari. Nakita nya sa social media kaya agad akong pumunta dito. Sobrang nagalala ako na baka malala ang lagay mo.” Madamdaming sabi ko.

“I’m ok sweetheart. May tama lang pero hindi naman malala. I missed you..” Anas nya at hinaplos haplos ng isa nyang kamay ang likod ko. Hinalik halikan din nya ang gilid ng ulo ko.

“I missed you too.” Sabi ko at humiwalay na ng yakap sa kanya. Pero ang isang braso nya ay nakapulupot pa rin sa bewang ko.

Sinimangutan ko sya. “Sabi ko sayo wag kang magpapatama di ba?”

Ngumisi sya. “Anong gagawin ko? Maraming kalaban eh.”

Ngumuso ako. Nakuha pa nyang ngumisi. Ang sarap kurutin sa braso eh kung wala lang injury.

“Pero dapat din tinawagan mo ko kanina.”

“Tatawagan naman kita dapat mamaya, ayoko lang mag alala ka at may pasok ka.”

Sa pagkasabi nyang may pasok ako ay natuptop ko ang bibig. Tiningnan ko ang oras sa suot na relo. Pasado alas syete na. Late na ako.

“Teka, kelan ka ba lalabas?” Tanong ko at nilabas ang cellphone sa bag. Binuhay ko ito. May text na nga si Macy at hinahanap ako.

“Mamaya lalabas na ako at ilang mga kasama ko.”

“Sasamahan kita.” Sabi ko. Magtitext na lang ako kay Macy at kay principal na hindi ako papasok dahil may emergency.

“Hindi pwede sweetheart, may klase ka pa. Pumasok ka na.”

“Pero wala kang kasama dito.”

Tumawa sya at pinisil ang pisngi ko. “You’re so sweet, but I can take care of myself sweetheart. Nakita lang kita ngayon maganda na ang pakiramdam ko, nabawasan na ang sakit ng braso ko.”

Naalarma naman ako sa sinabi nya. “Masakit ang braso mo? Nakainom ka na ba ng gamot?” Tarantang tanong ko at di malaman kung paanong titingnan ang naka sling nyang braso. Hindi ko alam kung saan ang tama nya sa braso ba, sa balikat o sa dibdib.

“Nakainom na ako sweetheart at hindi na sya ganun kasakit.”

Bumuntong hininga ako. Sa totoo lang di ako sanay na makita syang ganito. Bagama’t sugatan at may sling ang braso ay brusko pa rin ang dating nya.

Wala na akong nagawa ng ipagtulakan nya akong pumasok na sa school. Inulan pa kami ng tukso ng mga kasamahan nya ng halikan nya ako sa labi. Kaya lumabas ako ng hospital na pulang pula ang mukha. Di bale mamaya ay pupuntahan ko na lang sya sa bahay nya.

Dumating ako ng school na late na late. Ayun, pinagalitan ako ni Miss Maascad.

“Bakit? Asawa mo na ba yun?” Sikmat sa akin ni Miss Maascad.

“Hindi po, boyfriend ko po.” Nakangusong sabi ko.

“Hindi pa pala eh. Kung makaano ka.. Kuh! Ikaw talaga lagi ang nagpapasakit ng ulo ko Miss Mangubat. Isang late mo pa magrerequest talaga akong ipalipat ka sa ibang eskwelahan.”

Lalong nanghaba ang nguso ko sa sinabi ng principal pero hindi na ako sumagot para hindi na humaba ang usapan. Lagi naman nyang sinasabi yan sa tuwing nalelate ako. Eh pang ilang late ko na to pero nandito pa rin ako.

“Sige na bumalik ka na sa klase mo. Kanina ka pa hinihintay ng mga estudyante mo.”

“Opo, sorry po ulit.”

Lumabas na ako ng principal office at pumunta na sa classroom ko. Nadaanan ko pa ang classroom ni Macy. Nakita nya ako. Nagtanguan na lang kami. Alam kong mamaya ay uulanin nya ako ng tanong.

ALIGAGA AKO sa pag aayos ng dalawang container na may lamang dalawang putahe ng ulam at kanin sa isang eco bag. Paglabas ko kanina galing school ay dumiretso ako sa palengke para bumili ng ilulutong ulam para kay Lorenzo. Dalawang araw na mula ng makalabas sya ng hospital at nagpapagaling ngayon sa bahay nya. Kaya dalawang araw na rin akong nagpapabalik balik sa bahay nya para hatiran sya ng pagkain.

Ang sabi nga nya wag ko na daw syang ipagluto at umorder na lang daw kami. Alam daw kasi nyang pagod ako dahil galing akong school tapos ipagluluto ko pa sya. Sapat na daw sa kanya na pinupuntahan ko sya sa bahay nya. Sus! Ano naman ang silbi ko bilang girlfriend kung hindi ko man lang sya ipagluluto. May kasama naman sya dun na umaalalay sa kanya. Yung katiwala nya na mag asawa na kapitbahay lang din nya. Hindi pa kasi ok ang braso nya at balikat nya. Sa balikat pala ang tama nya at ang braso naman nya ay may bali. Nakuha daw nya yun ng tumalon sya sa sinasakyan nilang police truck habang pinapaulanan sila ng bala ng mga kalaban.

Hays, kapag naiisip ko ang nangyari sa kanya at ng mga kasamahan nyang pulis ng gabing yun ay kinikilabutan talaga ako. Natatakot ako. Naiisip ko paano kung hindi sila nakaligtas. Baka pinaglalamayan na sila ngayon. Parang may kamay na pumiga sa puso ko sa isiping yun. Ayokong dumating ang araw na ganun ang mangyari sa kanya. Ayoko. Natatakot ako. Pwede bang magquit na lang sya sa pagpupulis.

Bumuntong hininga ako. Tiningnan ko ang oras sa suot na relo. 6:30 na ng gabi. Tamang tama pagdating ko sa bahay ni Lorenzo ay kakain na lang kami. Pumunta ako sa kwarto at nagpalit muna ng damit.

“Tiyang, alis na po ako.” Paalam ko kay tiyang Meding na katsismisan na naman si Aling Alma. Kaninong buhay na naman kaya ang sinisiraan nila. Char!

“O sige, mag iingat ka sa pag momotor at wag kang masyadong magpapagabi.” Bilin ni tiyang Meding sa akin.

“Opo, pinagtabi ko na rin po kayo ni Benj ng ulam nyo.” Maingat kong sinabit sa hook ng motor ang eco bag. Sa compartment sana kaso lang ay hindi kasya. Sinuot ko na rin ang helmet ko. Binuhay ko ang makina at nilabas na ang motor sa maliit naming gate. Bumusina pa ako. Nakasalubong ko pa si Benj na papunta sa bahay namin. Kinawayan nya lang ako.

Wala pa namang sampung minuto ang byahe papunta sa bahay ni Lorenzo. Katamtaman lang ang bilis ng patakbo ko sa motor. Baka kasi matapon ang sabaw ng ulam sayang lang.

Ilang minuto pa ay nasa harap na ako ng bahay ni Lorenzo. Bumusina ako para ipaalam na nandito na ako. Napansin kong may magarang sasakyan ang nakaparada sa labas ng gate. Mukhang may bisita sya.

Bumaba ako ng motor at tinanggal ang helmet. Nakita ko na ring lumabas ng bahay si Lorenzo. Nakatshirt na gray sya at cotton shorts. Kahit ganun lang ang suot nya malakas pa rin ang dating nya.

“Sweetheart.” Bati nya sa akin paglabas nya sa gate. Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Kinuha nya ang eco bag na nakasabit sa hook ng motor.

“May bisita ka ba?” Tanong ko.

“Yeah, dumating sila daddy at mommy.” Kaswal lang na sabi nya.

Nanlaki naman ang mata ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. “Nandyan ang daddy at mommy mo?”

Tumango at tumawa sya sa reaksyon ko. “Yes sweetheart at kanina ka pa nila hininhintay. Halika na sa loob.”

Kinabahan ako. Ngayon ko pa lang makikita ang mga magulang nya.

“B-Baka masungit sila, uwi na lang kaya ako. Tutal naman naihatid ko na yung pagkain mo eh.”

Sinamaan nya ako ng tingin.

“Eme lang.” Kabig ko at nagpatiuna ng pumasok sa gate bitbit ang helmet.  Sumunod naman sya sa akin.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang dalawang may edad na lalaki at babae na prenteng nakaupo sa sofa. Tumingin sila sa gawi namin ni Lorenzo. Di ko naman alam kung ngingiti ba ako, kakaway o babati. Natataranta ako. Tumingin ako kay Lorenzo. Matiim lang syang tumingin sa akin at dinikitan ako.

“Dad, mom, this is Aitana my girlfriend.” Pagpapakilala sa akin ni Lorenzo sa mga magulang nya.

“H-Hello po sir, ma’am. Magandang gabi po.” Magalang na bati ko at ngumiti na medyo pangiwi.

Ang mommy ni Lorenzo ay nilapag ang hawak na tasa sa lamesita at tumayo. Lumapit sya sa akin at ngumiti. Napasinghap pa ako ng bumeso sya sa akin.

“Ikinagagalak kitang makilala iha. Lagi kang binabanggit sa akin ni Lorenzo.” Malambing na sabi ng ginang. Mabait din ang bukas ng mukha nya. Nahiya naman ako ng sabihin nyang lagi akong binabanggit ni Lorenzo sa kanya.

“Thank you po ma’am.”

“Mirasol ang pangalan ko iha, pero tawagin mo na lang akong tita Sol. At sya naman ang tito Arnaiz mo.” Ani tita Sol at minuwestra ng kamay ang ama ni Lorenzo na prente pa ring nakaupo sa sofa at matamang nakatingin lang sa akin na parang pinag aaralan ang hitsura ko.

Napalunok naman ako sa kaba. Masasabi kong malaki ang pagkakahawig ni Lorenzo sa ama nya. Malaking tao din si tito Arnaiz at may pagka strict ang hitsura nya. Pero sa kabila ng edad ay matikas pa rin ang dating nya. Mukha din syang terror na boss. Nakikita ko si Lorenzo na ganyan ang hitsura pag tumanda.

“Pulis ka rin ba?” Tanong ni tito Arnaiz. Pati boses nya malaki din. Mag ama nga sila ni Lorenzo.

“H-Hindi po, isa po akong guro.” Magalang na sagot.

“Good, dahil ayoko ng pulis.”

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni tito Arnaiz. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Lorenzo.


Hi guys! Sa mga may Good Novel dyan   follow nyo naman ako. Same name at same profile. Nandun po ang isang completed story ko na Love Me Angel may nadagdag po na ilang special chapter na wala po dito sa Wattpad. Thank you! 😗

Chapter 18

Aitana

SO FAR so good naman ang trato sa akin ng mga magulang ni Lorenzo. Ang mommy nya ay mabait talaga at madaldal. Ang daddy nya naman ay mabait din. Hindi nga lang palangiti at maawtoridad kung magsalita. Parang si Lorenzo talaga.

“Pagpapasensyahan mo na ang tito Arnaiz mo iha, ganyan talaga yan. Palibhasa pinaglihi sa sama ng loob.” Ani tita Sol at humagikgik pa.

“I can hear you wife.” Sabat ni tito Arnaiz na nasa sala at nagbabasa ng business magazine.

Nakagat ko ang labi at tumingin kay tita Sol na umirap lang sa ere. Pinigil ko naman ang sariling matawa baka pagalitan ako ni tito Arnaiz.

“Don’t mind him iha, ganyan talaga yan. Masasanay ka rin.” Sabi ni tita Sol.

Tumango tango na lang ako habnag naglalagay ng kutsara’t tinidor sa mga plato. Sinasalin naman ni tita Sol ang mga ulam at kanin na inorder sa restaurant ni Lorenzo. Pati ang pagkain na dinala ko ay sinalin na rin sya sa mga mangkok.

Si Lorenzo naman ay nasa labas at kausap ang chief nila sa cellphone. Hindi ko makalimutan ang hitsura nya kanina ng sabihin ni tito Arnaiz na ayaw ng huli sa pulis. Mukhang hindi sang ayon si tito Arnaiz sa pagpupulis nya.

“Ikaw ang nagluto nito iha?” Tanong ni tita Sol ng tikman nya ang niluto kong sinigang na ulo ng maya maya sa miso. Kanina pa nga ito binabalikbalikan ng mag ama.

Kinakabahang tumango naman ako. “Opo tita.” Sa totoo lang hindi naman talaga ako kagalingan sa pagluto. Naturuan lang ako ni tiyang Meding dahil tumatanda na nga daw ako wala pa akong alam sa kusina.

“Hmm masarap iha, tamang tama ang timpla at asim.”

Napangiti na ako. “Salamat po tita.” Tumingin ako kay Lorenzo na katabi ko. Tumingin din sya sa akin at ngumiti. Parang nakikita ko sa mata nya na proud sya sa akin. Parang pumapalakpak naman ang tenga ko.

“Mabuti ka pa marunong magluto. Ako kasi hindi marunong. Pero itong tito Arnaiz mo marunong. Sa kanya nagmana si Lorenzo.” Pagkukwento ni tita Sol.

Tumingin naman ako kay tito Arnaiz. Tuloy tuloy lang sya sa pagkain at ang mga niluto ko ang nilantakan nya. Wala naman syang reklamo pero mukhang nasasarapan naman sya sa luto ko. At kung hindi lang nakwento ni tita Sol ay hindi ako maniniwalang marunong syang magluto. Hindi halata. Mukha kasi syang don na palautos.

“Masarap ang luto mo iha.” Puri ni tito Arnaiz.

Nahihiyang ngumiti naman ako. “Salamat po tito.”

“Dapat mga ganyang babae ang nakakarelasyon mo Enzo, hindi yung mga babaeng pangdisplay lang.”

Tumingin ako kay Lorenzo habang ngumunguya. Tumingin din sya sa akin at ngumisi.

“Wala akong nakakarelasyon na pangdisplay lang dad.”

Tumawa si tito Arnaiz. “Oo nga pala, wala ka pa palang nakakarelasyon dahil puro fling lang.”

Boom basag! Nukangayon? Sabi na eh! Babaero sya noon eh.

Muling bumalik ang tingin ko kay Lorenzo na nawala na ang ngisi.

“Baka naman itong relasyon nyo ni Aitana ay panandalian lang. Nagsasayang lang kayo ng oras.”

Natigilan ako sa sinabi ni tito Arnaiz. Pati si tita Sol ay natigilan din sa pagnguya at tumingin sa asawa.

“No dad, seryoso ako kay Aitana. Hindi ko naman sya liligawan at ipapakilala sa inyo kung hindi ako seryoso sa kanya.” Sinserong sabi ni Lorenzo.

Pigil ko ang ngiti at kilig sa sinabi ni Lorenzo. Dinaan ko na lang sa pagsubo ng pagkain.

“Talaga? Nanligaw ka? Hindi nga?” Tila hindi naman makapaniwalang tanong ni tito Arnaiz. Maging si tita Sol ay napatingin din kay Lorenzo.

Bumuntong hininga naman si Lorenzo. “Yes dad, niligawan ko si Aitana. Tanungin nyo pa sya.” Tila naiinis nang sabi nya.

Tumikhim naman ako. “Yes po tito, niligawan po nya ako bago naging kami.”

Malutong na tumawa si tito Arnaiz. “I really like you na iha.”

Nahihiyang ngumiti ako at muling tumingin kay Lorenzo. Nakataas ang kilay nya at nakatingin din sa akin.

“Mabuti nga at hindi yung kasamahan mong pulis ang niligawan mo. Ayoko sa kanya. Walang mangyayari kung pulis din ang papatulan mo parehas lang kayong nasa hukay ang kabilang paa.”

“Dad magkaibigan lang po kami ni Julie.”

Natigilan ako ng banggitan ni Lorenzo ang pangalang Julie. Yun yung intrimitidang pulis na tinarayan ako at ayaw akong papasukin ng hospital dahil hindi daw ako kamag anak. Napasimangot ako. Kaya naman pala.

Tumingin ako ulit kay Lorenzo. Tinaasan lang nya ako ulit ng kilay. Inirapan ko naman sya. Mukhang may past sila ng babaeng yun.

Badtrip!

NAKASIMANGOT AKO habang inaayos ang mga unan sa kama ni Lorenzo. Dito ako matutulog ngayong gabi sa kwarto nya gaya ng request ni tita Sol. Hindi muna kasi ako pinauwi ni tita Sol dahil gusto pang makipag kwentuhan sa akin. At katatapos lang namin magkwentuhan ng kung ano ano. Sa kabilang kwarto naman sila natulog mag asawa dahil bukas ay pupunta sila sa resort. Dito na nga ako pinatulog kesa naman daw magmotor pa ako pauwi eh gabing gabi na. Yun din ang request ni Lorenzo. Nagtext naman ako kay tiyang Meding at Benj. Pinayagan ako ni tiyang at byernes naman. Walang pasok bukas. Pero katakot takot naman ang bilin nya sa akin.

“Kanina ka pa nakasimangot ah, ayaw mo bang matulog dito?” Kunot noong tanong ni Lorenzo na kalalabas lang ng banyo. Bagong bihis sya ng tshirt at pajama.

“Kung ayaw kong matulog dito eh di sana umuwi na ako.” Nakangusong sabi ko at sumampa na sa kama. Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang social media. Kunwaring nagscroll scroll lang ako.

Lumapit naman sya sa akin at tumabi. “Then what’s the problem sweetheart, kanina ka pa nakasimangot.” Pangungulit nya at sinilip pa ang mukha ko.

Tumingin ako sa kanya at inirapan sya. Ito ang unang beses na magtatabi kami sa pagtulog. Kinakabahan ako na naiinis sa kanya.

“Kanina ka pa rin irap ng irap sa akin ha, namimihasa ka na.” Aniya sa nagbabantang boses.

Nanghaba naman ang nguso ko. “Naiinis ako sayo.” Sabi ko.

Kumunot ang noo nya. “Anong ginawa ko?”

Tumingin ako sa kanya. “Naging kayo ni Julie no?” Akusa ko sa kanya.

Nagsalubong ang kilay nya. “Kilala mo si Julie?”

Lalo akong napasimangot ng banggitin nya ang pangalan ng babae. “Oo, tinarayan nya ako doon sa hospital. Ayaw nya akong papasukin sa hospital para dalawin ka dahil hindi mo daw ako kamag anak at girlfriend lang.”

“Ginawa nya yun?”

“Oo, mabuti nga dumating si Elmer eh kaya nakapasok ako.”

Bumuntong hininga sya at kinabig ako sa balikat pasandig sa dibdib nya. “I’m sorry sweetie hindi ko alam. Hayaan mo pagsasabihan ko si Julie.” Aniya at hinalikan ako sa tuktok.

Umayos naman ako ng pagkakasandal sa dibdib nya para hindi ko masagi ang nakasling na braso nya.

Tumingala ako sa kanya. “Naging kayo ba ng Julie na yun?”

Sandaling tumitig lang sya sa akin bago sumagot. “No.”

Ngumuso ako. Hindi agad nakasagot ha.

“Weh? Di nga?” 

Bumuntong hininga sya. “Hindi nga naging kami. Pero nag dedate kami dati.”

Umasim ang mukha ko sa sinabi nya. Pati sikmura ko parang nangangasim din. Ang asim nilang dalawa.

“Ang daya. Ikaw kung sino sino na nakakadate mo samantalang ako wala pang nakakadate noon ni isa.” Bulalas ko. Naiinis ako sa isiping marami na syang nakadate tapos isa pa doon yung intrimitidang si Julie na kasama pa nya sa trabaho.

“Dati pa yun sweetheart, hindi pa kita nakikilala. Pero ngayon ikaw na lang ang dinidate ko.” Sabi nya at hinalik halikan ako sa pisngi.

Nanghaba na naman ang nguso ko. Unti unti ng nalulusaw ang inis ko sa paglalambing nya. 

Tinaasan nya ako ng kilay. “Para ka na namang bibe kakanguso mo.” Aniya at pinisil ang nguso kong nakausli.

“Aw!”

“Hmph! Nakakagigil ka kapag nagseselos. Pasalamat ka injured ako ngayon kundi kanina ka pa nakahubad.” Nakangising sabi nya.

Naginit naman ang pisngi ko. Naalala ko yung banta nya nung bago sya umalis papuntang Santa Luisa. Sayang injured sya – este mabuti na lang pala injured sya.

“M-Matulog na nga tayo.” Pagiiba ko sa usapan at umayos na ng higa. Hinila ko ang kumot at tumagilid ng higa.

Tumawa naman sya at tumabi na ng higa sa akin. “Umiiwas ka ha.” Anas nya at dumikit sa likuran ko.

“Hindi no, inaantok na talaga ako.”

Siniksik nya ang braso nyang walang injury sa ilalim ng ulo ko at kinabig ako padikit pa lalo sa kanya. Kaya damang dama ko ngayon ang katigasan ng katawan nya. Dinantay pa nya ang isang hita nya sa hita ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may naghahabulang daga.

Napakagat labi ako ng halik halikan nya ang balikat at leeg ko. Naririnig ko pa nga kung paano nya singhut singhutin ang amoy ko. Hindi naman siguro namin gagawin yun kasi may injury sya.

“Isa kang malaking torture sweetheart.” Anas nya na tila nahihirapan.

Tumikhim ako. “M-Matulog ka na kasi.”

Dumikit pa lalo ang katawan nya sa likod ko. Damang dama ko ang init ng katawan nya at ang tila matigas na bagay na bumubunggo sa may bandang puwitan ko.

“Ano ba yang matigas na yan?” Tanong ko at malakas na binunggo ito ng puwitan ko.

“Ugh shit! Putangna!” Daing at mura nya.

Napabalikwas naman ako ng bangon. “Hala! Anyare?” Nag aalalang tanong ko at tsinek sya lalo na ang braso nya at ang parteng matigas kanina na bumundol sa puwitan ko.

“Masakit sweetheart, binunggo mo.” Daing nya at tinuro ang harapan ng pajama nyang bakat ang pipino nya. 

Naginit ang pisngi ko. Bakit bakat na bakat yan?

“W-Wag mong sabihing wala kang brief?”

“Hindi ako natutulog ng may brief.”

Mas lalo lang naginit ang pisngi ko sa sinabi nya. Impit akong napatili at muling humiga sabay saklob ng kumot. Narinig ko pa ang malutong nyang tawa.

Lorenzo

NAPABUNTONG HININGA ako at napahilot sa sentido habang nakikinig sa sinasabi ni chief. Kagagaling ko lang ng hospital para sa check up ng braso at balikat ko. Tinanggal na ang splint ko at pwede ko ng igalaw ang braso ko. Ang sugat ko naman ay tinanggal na ang tahi.

Pagkagaling ko sa hosptil ay dito na ako dumiretso sa istasyon para magreport. Kaya ko ng bumalik sa trabaho at binigyan na ako ng clearance ng doctor. Pero depende pa rin kay chief kung papayagan na nya ako.

“Ikaw ang pinaka matalino at pinakamaasahan ko sa mga kasamahan mo Lorenzo. Ikaw din ang pinagkakatiwalaan ko. Alam kong ikaw lang ang makakatukoy kung sino ang espiya dito sa atin.” Sabi ni chief.

“Mahirap ang pinapagawa nyo chief pero susubukan ko.”

Mahirap naman talaga tukuyin kung sino ang espiya dito sa istasyon. Lahat ng mga kasamahan kong mga pulis at mga staff ultimo mga janitor ay kasundo ko lahat. Para na kaming isang pamilya dito. Kaya mahirap at masakit isipin na may isa sa mga kasamahan namin ang nagtatraydor at nilagay kami sa bingit ng kamatayan. Ng dahil sa kanya nabulilyaso ang operasyon.  Muntik na kaming malagasan ng dalawa.

Malaman ko lang kung sino sya may kalalagyan sya sa akin. Hindi ko sya mapapatawad.

Lumabas ako ng opisina ni chief baon ang mga bilin at utos nya sa akin.

“Sir Enzo.” Bati sa akin ng kasamahan kong mga bagito. Tinanguan ko lang sila.

“Ano pare? Duduty ka na?” Tanong ni Elmer pagtapat ko sa mesa nya.

“Bukas pare. Ano palang balita kay Diego?” Si Diego ang isa sa pinakamalala ang tama sa amin. Sa leeg sya tinamaan at muntik ng bawian ng buhay mabuti na lang at nakaligtas.

“Ayos na sya pare, pero nagpapagaling pa rin. Hindi pa sya binibigyan ng clearance ng doctor. Ganun din si Juanito. Kaya mahabahaba pa ang bakasyon nila.”

Tumango tango ako sa sinabi ni Elmer. Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula ng mangyari ang engkwentro namin na yun sa mga rebelde. Para iyong isang bangungot. Palpak man ang operasyon namin pero nagpapasalamat pa rin ako na buhay kaming lahat.

Nagpaalam na ako kay Elmer at sa mga kasamahan kong mga pulis. Babalik na lang ako bukas dahil balik trabaho na ako. Naalala ko si daddy na galit na galit sa akin. Pinagkuquit na nya ako sa pagpupulis. Ganun din ang gusto ni mommy. Alam kong sobrang nagaalala sila sa akin. Pero hindi naman na ako magtatagal sa serbisyo at magreresign na rin ako. Gusto ko na ring lumagay sa tahimik kasama si Aitana.

“Enzo, duduty ka na ba?” Tanong ni Julie ng makasalubong ko sya paglabas ko ng istasyon. May hawak syang cup ng kape. Nagniningning ang mga mata nya na nakatingin sa akin.

“Bukas pa, nagreport lang ako kay chief.”

Humawak sya sa braso ko. “Hay, mabuti naman magaling ka na at duduty na. Sobra kitang namiss alam mo ba.” Nakangusong sabi pa nya.

Pasimple kong binawi ang braso ko. “Ako din namiss ko ang trabaho.”

“Eh ako ba, hindi mo namiss?” Nanghihibong tanong nya sa akin at pilyang kumagat labi pa. Kung dati naaapektuhan ako sa ganitong galawan nya ngayon hindi na.

Napakamot ako sa ulo. “Namiss ko kayong lahat. Sige mauna na ako Julie.” Tumalikod na ako at tinungo ang pick up truck ko.

“Enzo!” Tawag sa akin ni Julie. Tinaas ko lang ang kamay ko bilang pamamaalam sa kanya.

Sumakay na ako ng pick up truck at binuhay na ang makina.

Tinahak ko ang daan papunta sa eskwelahang pinagtuturuan ni Aitana. Bigla ko syang namiss kaya pupuntahan ko sya. Tutal wala naman akong gagawin buong araw. Gusto ko rin syang panoorin kung paano magturo.

Napangiti ako ng maalala kung paano nya ako alagaan habang nagpapagaling ako. Talagang nagtyatyaga syang puntahan ako araw araw sa bahay at ipagluto ako. Tinutulungan din nya akong linisin ang sugat ko. Gusto pa nga nya akong ipaglaba pero hindi ko na pinayagan. May tagalaba naman ako. Masarap man sa pakiramdam na pinagsisilbihan nya ako pero ayoko naman syang mapagod. At mas gusto ko na ako ang magsisilbi sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa harap na ako ng gate ng eskwelahan. Bumaba ako ng sasakyan at lumapit sa guard. Kilala naman nya ako dahil araw araw kong hinahatid si Aitana. Walang pagaalinlangan na pinapasok nya ako at tinuro pa sa akin ang building at room na pinagtuturuan ni Aitana.

Ito ang unang beses na makakapasok ako dito eskwelahan at makikita si Aitana na magturo. Napangisi ako. Excited na akong makita kung paano sya magturo.

Ng makarating na ako sa room na tinuro sa akin ng guard ay sumilip ako sa bintana. Tahimik ang buong klase at nasa harap ng board ang mga mata habang nagsusulat. Napakagat labi ako ng makita si Aitana na nakatayo sa harap ng board at seryosong nagsusulat. Ang hot nyang tingnan. Sinandal ko ang balikat ko sa gilid ng bintana at namulsa habang pinapanood sya sa pagsusulat. Patingin tingin din sa akin ang mga estudyante nyang malapit sa bintana. Nakita ko pa nga si Pengpeng na kinawayan pa ako. Binigyan ko lang sya ng isang thumps up.

“Class make sure na kinopya nyo ang lahat ng sinulat ko ha. Importante yan para sa susunod nyong test.”

“Yes po Teacher Ai.” Sabay sabay na sagot ng mga bata na ikinangiti ko.

“Teacher Ai, may tao po sa may bintana.” Sabi ng isang batang babae na maliit na puro ipit ang buhok.

Lumingon naman si Aitana sa gawi ko at nanlaki ang mata nya ng makita ako. Lumapit sya sa may pinto. Lumapit na rin ako.

“Hi sweetheart.” Bati ko sa kanya. Gusto ko sana syang dampian ng halik kaso ay nakatingin sa amin ang mga estudyante nya.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Dinadalaw ka. Can I sit in?”

Kumagat labi sya at tumingin sa hallway at sa mga estudyante nya pagkatapos ay bumuntong hininga.

“Ok, pero behave ka lang ha. Nagtuturo ako.” Nakangusong sabi nya.

“Yes Teacher Ai.” Natatawang sabi ko.

Namula ang pisngi nya at nanghaba ang nguso.

“Class may bisita tayo. Sya si sir Lorenzo. Batiin nyo sya.” Utos ni Aitana sa mga estudyante nya.

Sabay sabay naman silang tumayo. “Good morning sir Lorenzo.”

“Good morning kids.”  Nakangiting bati ko rin sa mga bata.

Tinuro sa akin ni Aitana ang bakanteng silya na nasa gilid ng classroom. Prente naman akong umupo doon habang pinapanood sya.


Chapter 19

Warning 🔞

Aitana

MABAGAL AKONG ngumunguya ng nilupak habang pinapanood si Lorenzo na pinagkakaguluhan ng mga co-teachers ko at ni ma’am Maascad. Akala ko nga magagalit kanina si ma’am Maascad ng makita nya si Lorenzo sa room ko. Kabaliktaran pala.

“Pasensya na ho kung nakakaistorbo ako sa pagtuturo ng teacher nyo ma’am.” Hinging paumanhin ni Lorenzo kay ma’am Maascad.

“Naku walang problema sir, kahit araw araw ka pa mag sit in.” Ngiting ngiting sabi ni ma’am Maascad. Mukhang crush pa nya si Lorenzo.

“Sa klase ko sir ayaw nyong mag sit in.” Sabi ng isang co teacher kong may edad na pero wala pa ring asawa.

“Siguro next time ho.” Sagot naman ni Lorenzo.

“Ay sa klase ko din sir ha, magaling akong magturo. At di rin kami nagkakalayo ng ganda ni Aitana.”

At yun na nga nagkanya kanya na ng buhat ng sariling bangko ang mga co teachers ko. Lahat sila ay gustong mag sit in sa klase nila si Lorenzo. Ang mga co-teachers ko namang mga lalaki ay napapailing na lang.

“O nguso mo nanghahaba, ilong mo nanlalaki ang butas. Ang panget mong magselos ha.” Untag sa akin ni Macy na tumabi sa akin ng upo.

“Hindi ako nagseselos no, saka cute ako sabi ni Lorenzo.”  Pairap na sabi ko sa kanya at uminom ng samalamig.

Iningusan lang ako ni Macy. “Pero infairness ha ang sweet ng boyfriend mo. Dinalaw ka at naki sit in pa. Sana all.”

Nagulat nga rin ako ng makita si Lorenzo kanina. Wala naman syang sinabi na pupunta sya. Ang alam ko may check up sya at magrereport sa istasyon. Pero masaya akong dumalaw sya. Yun nga lang napressure ako kanina.

“Magboyfriend ka na rin kasi.”

“Ayaw pa akong sagutin ng pinsan mo eh. Masyadong pabebe.”

Tiningnan ko sya at tinaasan ng kilay. “Di nga? Seryoso ka ba talaga kay Benj? Bakla yun no. Di kayo talo nun.”

“Magkakatalo din kami, watch ka lang. Mahuhulog din sa kamay ko yang pinsan mo.” Confident na sabi nya.

Nanlaki ang butas ng ilong ko sa sinabi nya. “Good luck na lang sa’yo girl.”

“TEKA, AYOS na ba ang braso at balikat mo? Pwede ka na bang magmaneho?” Nag aalalang tanong ko ng makasakay na kami sa pick up truck nya at buhayin nya ang makina.

“Yes sweetheart, binigyan na ako ng clearance ng doctor. Bukas balik trabaho na rin ako.” Nakangiting sabi nya at minaniobra na ang sasakyan. Bumusina pa sya para tumabi ang mga estudyanteng dumadaan.

Mabigat naman akong bumuntong hininga ng marinig na babalik na sya sa trabaho. Bumalik ang pagalalang naramdaman ko. Siguro ay hindi na ito mawawala dahil sa klase ng trabaho nya.

“Ayos ka lang sweetheart?” Untag nya sa akin.

Muli akong bumuntong hininga. “Hanggang kelan ka sa pagpupulis?” Di ko na napigilang itanong.

Saglit syang hindi sumagot at mukhang natigilan sa tanong ko. Tumingin sya sa akin.

“Bakit? Ayaw mo na ba akong mag pulis?”

Ngumuso ako. “Paano kung sabihin kong ayoko?”

Tumaas ang sulok ng labi nya. “Bakit ayaw mo na akong magpulis?”

“Nag aalala ako eh. Pa’no kung sa susunod hindi ka na makaligtas? Pa’no kung.. kung..”

“Mamatay ako?”

Napasinghap ako sa sinabi nya. “Kapag namatay ka maghahanap ako ng ibang jowa yung hindi pulis.” Nakangusong sabi ko.

Napatili ako ng biglang huminto ang sasakyan. Mabuti na lang nakaseatbelt ako. Matalim ko syang tiningnan pero naumid ang dila ko ng masalubong ko ang madilim nyang mukha at ang umiigting nyang panga.

“Hindi ako mamamatay at hindi ka magkakajowa ng iba. Sabihin mo pa yan ikukulong kita sa kwarto ko at bubuntisin kita.”

Napaawang ang labi ko sa sinabi nya kasabay ng pagkalabog ng aking dibdib. Hindi na lang ako nagsalita dahil baka dito pa lang sa sasakyan buntisin na nya ako. Di pa naman ako ready.

Napanguso na lang ako habang nagiinit ang pisngi.

Narinig ko namang bumuntong hininga sya. “Hindi naman ako magtatagal sa serbisyo sweetheart. Magkuquit din ako soon.” Kinuha nya ang kamay ko at dinala sa labi nya. “I’m sorry kung pinag aalala kita.”

Ngumiti ako sa kanya. “Ok lang masasanay din ako.”

Sumandig  ako sa balikat nya. Kung ako lang ang masusunod. Gusto ko na syang magquit sa pagpupulis. Pero ayoko naman syang pangunahan. Ipagdadasal ko na lang sya palagi na sana ay lagi syang ligtas.

Napapikit ako ng halik halikan  nya ang tuktok ng ulo ko.

Pagdilat ko ng mata ay ibang direksyon na ang dinadaanan namin. Mukhang hindi nya muna ako iuuwi sa bahay. Hindi na ako nagprotesta at hinayaan na lang sya. May tiwala naman ako sa kanya.

IMPIT AKONG napaungol ng pigain ni Lorenzo ang isang dibdib ko habang  mapusok kaming naghahalikan dito sa sala ng bahay nya. Nakakandong ako paharap sa kanya at nakayakap sa batok nya habang tinutugon ang mapusok nyang halik. Ang mga kamay nya ay naglulumikot na sa aking katawan. Humihimas at pumipisil. At heto nga isang kamay nya na walang pakundangan kung pigain ang dibdib ko kahit may damit pa ako. 

“Hah!” Habol ko ang hininga ng maghiwalay ang mga labi namin. Sobrang nagiinit ang mukha ko. Pati katawan ko nga ay nag iinit na rin. Para akong sinisilaban.

“Gumagaling ka ng humalik sweetheart.” Komento ni Lorenzo sabay ngisi.

Lalo lang nadagdagan ang init ng mukha ko. “Magaling kang magturo eh.”

Hinawakan nya ang pisngi ko at muli akong hinalikan. “At marami pa akong ituturo sayo sweetie.” Anas nya. May pilyong kislap sa kanyang mga mata.

Kinabahan tuloy ako bigla sa kung ano ang ituturo nya.

Sumubsob naman sya sa leeg ko at doon naman ako hinalik halikan. Ang kamay nya ay binubuksan na ang blouse ko. Kagat labing hinayaan ko lang sya hanggang sa tuluyan na nyang nahubad ang blouse ko pati na rin ang bra ko. Nakabuyangyang na ngayon sa harapan nya ang dibdib ko. Titig na titig sya dito na parang ngayon lang sya nakakita ng dibdib ng babae. Nakaramdam ako ng hiya pero mas lamang ang init na nararamdaman ko.

Nahigit ko ang hininga ng sapuhin ito ng dalawa nyang malalaking kamay at masahiin ito.

“Ang ganda ng boobies mo sweetheart..” Anas nya sa magaspang na boses habang patuloy na pinipiga ang dibdib ko. Nilaro  laro pa ng mga daliri nya ang utong kong naninigas na. Impit pa akong napadaing ng pisilin pa ng mga daliri nya ito at bahagya pang hinila hila. Medyo masakit pero nakakakiliti.

“Ugh.” Daing ko ng ipitin na naman nya sa daliri nya ang utong ko.

“Hurt?”  Tanong nya.

Hindi ko naman alam kung tatango ba ako o iiling. Masakit na masarap kasi ang ginagawa nya.

Ng hindi ako sumagot ay nilapit nya ang mukha sa dibdib ko. Napakagat labi ako ng ilabas nya ang dila nya at tinudyo tudyo ang utong kong inipit nya kanina. Inikot ikot nya ang dila doon at tila nilalaro pa ang utong ko. Mayamaya ay kinulong na nya ito sa bibig nya at marahang sinipsip. Napapikit naman ako sa masarap na sensasyon. Ang init ng bibig nya.

“Like it sweetheart?” Tanong nya.

Nagiinit ang pisnging tumango naman ako.

Ang kabila naman ang kinulong nya ng kanyang bibig. Napakapit ako sa ulo nya at kinabig pa lalo sa dibdib ko. Para na syang gutom na sanggol na salit salitang sinususo ang dibdib ko. Impit naman akong napapaungol at napapapikit sa sarap.

Napatili ako at napayakap sa batok nya ng tumayo sya buhat buhat ako. Awtomatikong pinulupot ko ang dalawa kong binti sa balakang nya.

“Let’s go upstairs sweetheart..” Anas nya at naglakad na sya paakyat sa hagdan.

Napalunok naman ako. Mukhang gagawin na talaga namin. Wala ng atrasan to. Saka nasa tamang edad naman na ako at hindi naman sa basta bastang lalaki ko lang ibibigay ang sarili ko.

Ng makapasok na kami sa kwarto nya ay maingat nya akong hiniga sa kama nya. Tumayo sya at binuksan ang ilaw pati na rin ang aircon. Napayakap ako sa sarili ng kumalat na ang lamig. Pero unti unting nilulukob muli ng init ang katawan ko ng maghubad sya ng damit. Ulalam talaga ang katawan nya. Walang panama ang katawan ng mga pornstar na napapanood ko sa internet.

Pero natigilan ako ng makita ang sugat nya sa balikat na pahilom na.

“Yung sugat mo.” Bulalas ko.

“It’s ok sweetheart, pahilom na yan.” Aniya at lumuhod sa kama. Inabot nya ang butones ng slacks ko at kinalas, binaba na rin nya ang zipper. Hinila nya pababa ang slacks ko kasama ang panty ko. Hubo’t hubad na ako ngayon.

“Aangkinin kita ngayong gabi sweetheart at walang makakapigil sa akin.” Hayag nya at sabay buka sa mga hita ko. “Pero kakainin muna kita.” Sumubsob sya sa gitna ko.

Napatili pa ako ng kagatin nya ang pisngi ng pagkababae ko. Tumawa naman sya. Siraulong pulis talaga!

Pero mayamaya lang ay impit na akong umuungol habang sabunot ang buhok ni Lorenzo. Ang sarap sa pakiramdam ng mainit nyang dila at bibig na humahagod sa pagkababae ko na sinasabayan pa ng daliri nya.

“Ahhmm Lorenzo – ahh!”

Sumasabay na rin ang balakang ko sa paggalaw. Sumasalubong sa bibig nya at daliri. Nanginig ang kalamnan ko ng sipsipin nya ang clit ko kasabay ng pagdaliri nya ng mabilis sa lagusan kong basa na. At ilang sandali pa nga ay tila naiihi na ako at may bumulwak sa puson ko. 

Habol ko ang hininga at hapong hapo ang pakiramdam ko. Bumangon naman si Lorenzo na dinidilaan pa ang gilid ng labi na tila sarap na sarap sa kinain. Nag init lalo ang mukha ko.

Pero napalunok ako ng muli ko na namang nasilayan ang pagkalalaki nyang galit na galit at nakaturo sa akin na parang nagbabanta. Para talaga syang pipino sa laki.

Bumalik sa pagkakaluhod sa kama si Lorenzo at hinawakan ang dalawa kong hita at pinaghiwalay. Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa kaba. Humugot ako ng malalim na hininga. Wala ng atrasan to. Talagang gagawin na namin. Hindi na magpapaawat ang mamang pulis.

“Nervous?” Tanong nya ng dumapa sa ibabaw ko.

“Sinong hindi ninerbyusin? Eh ang laki ng pipino mo. Hindi naman siguro ako mamatay kapag pinasok mo na yan.” Nagaalalang sabi ko at sinilip ang pagkalalaki nyang tumutusok na sa puson ko. Tinitingnan ko pa nga lang parang gusto ko ng himatayin.

Tumawa sya. “Silly, walang namamatay sa sex sweetheart. Sa sarap meron.”

Tinukod nya ang siko sa gilid ko habang ang isa nyang kamay ay nasa ibaba namin. Napasinghap ako ng maramdaman ang pagkalalaki nyang bumubundol na sa bukana ko. Napakapit ako sa braso nya sa kaba.

“Relax sweetheart..” Bulong nya sabay kintal ng halik sa labi ko.

Napadaing ako at napakapit ng mahigpit sa braso nya ng sumigid ang kirot ng itulak nya papasok ang pagkalalaki nya. Kagat labing nakatingin lang ako sa kanya.

“Ughhh!”

“Shit! Ang sikip mo Aitana!”

Mariin kong kinagat ang labi at pumikit ng sumigid ang matinding kirot ng itulak pa nya papasok ang pagkalalaki nya. Tumulo na rin ang luha ko sa gilid ng mata.

“I’m sorry sweetheart pero mawawala din mamaya ang kirot, I promise you ughhh!”

Napahiyaw ako ng muling sumigid ang hindi matatawarang kirot. Para akong hinati sa gitna at may malaking bagay na nakapasak sa lagusan ko. Tuloy tuloy ang agos ng luha ko na may kasamang hikbi.

Ang saket talaga fuhkengena!

“Shhh.. I’m already inside you sweetie..” Anas nya at pinupog ng halik ang mukha ko na tila mapapawi nito ang sakit na nararamdaman ko.  

Napasinghap ako ng muli na naman syang gumalaw. “Ahh Lorenzo!”

“Shhh lalo ka lang masasaktan kapag hindi ako gumalaw sweetheart..”

Napakapit na lang ako ng mahigpit sa braso nya habang mariin na kagat ang labi. Damang dama ko ang kahabaan nya na dahan dahang naglalabas masok sa lagusan ko. Masakit pero unti unti na akong nasasanay. Punong puno at banat na banat din ang pakiramdam ko. 

“U-Ugh hmm Lorenzo!” Ungol ko ng pabilis na ng pabilis ang galaw ni Lorenzo. Nalulunod na rin ako sa sensasyong nararamdaman ko. Medyo mahapdi pa rin pero mas lamang na ang kiliti at sarap. Ganito pala ang pakiramdam nito. Hindi mo maipaliwanag ang kiliti at sarap.

“Ohh shittt! Ang sikippp! Ang sarapp!” Lumuhod sya at hinawakan ang dalawang hita ko at mas binuka pa. Mabilis at madiin ang binibitawan nyang bayo.

“Ahh! Ahh! Ahhh! Nghhhh!” Mahigpit ang kapit ko sa kobre kama habang mabilis na umaatras abante ang aking katawan kasabay ng pag alog ng aking dibdib.

“Fuck, you feel so good sweetie hmmm.. sarap sa loob mo! Ang init! Ang sikip!” Inabot ng dalawa nyang kamay ang dibdib kong umaalog at piniga piga ito habang patuloy pa rin sya sa pagbayo sa bukana ko.

Wala naman akong ginawa kundi ang kumagat labi at umungol. Napapapikit pa ako sa sarap kung minsan.

“Ahhhmmm – L-Lorenzo. May.. ahh! May lalabas!”

“It’s ok sweetheart, ilabas mo lang.”

Impit akong napatili ng sunod sunod na madidiin na bayo ang binitawan nya. Napapaikot pa ang mata ko ng parang may nasasagi ang pagkalalaki nya sa loob ko. Hanggang sa huling sagad nya ay nanginig na ang katawan ko kasabay ng paglabas ng kung ano sa puson ko.

Habol ko ang hininga ng matapos akong labasan. Nakakaubos din pala ito ng lakas. Hapong hapo ang pakiramdam ko kahit nakahiga lang naman ako.

“We’re not done yet sweetie.” Usal ni Lorenzo at napatili ako ng pihitin nya ang katawan ko padapa sa kama. 

“T-Teka anong gagawin mo?” Natatarantang nilingon ko sya. Hindi ako makabangon dahil nasa pagitan na ng hita nya ang mga hita kong magkadikit.

“Relax sweetheart.” Inangat nya ang balakang ko at kumuha ng isang unan at siniksik sa may puson ko. Nakaangat na ngayon ang puwitan ko.

“Ahh!” Daing ko ng paluin nya ang pisngi ng puwit ko.

Pak!

Pak

!

“Perfect ass!” Pak

!

Medyo mahapdi ang pagpalo nya sa puwitan ko pero tila lalo lang nakadagdag ang hapdi sa init na nararamdaman ko. Muli akong napadaing ng bigyan pa nya ng tig isang palo ang dalawang pisngi ng puwit ko.

Langya! Mukhang may pagkasadista pa yata tong mamang pulis na to.

Napasinghap ako ng maramdaman ang pagkalalaki nyang muling kumakatok sa bukana ko. Mukhang aangkinin nya ako sa ganitong posisyon.

“Hmmm..” Ungol ko ng maramdaman kong muli ang pagkalalaki nya sa loob ko. Malaki talaga sya at punong puno ang pakiramdam ko.

“Ohh fuck..” Ungol ni Lorenzo ng magumpisa na syang gumalaw. Piga piga nya ang dalawang pisngi ng pang upo ko habang umuulos sya.

Mahigpit akong nakakapit sa kobre kama at nakasubsob sa unan habang impit na umuungol. Damang dama ko ang pagkalalaki nyang humahagod sa laman ko.

“Tangina Aitana ang sarap mo puta! Nghhh!” Daing nya sabay palo sa pang upo ko.

“U-Ughh! Ahhh! Oh my ghad! Oh my ghad! Lorenzo!”

“Like that sweetheart? Hmm? Gusto mo yun?” Pak

!

Pak

“Ughh yesss!” Sigaw ko. Para na akong naduduling sa sarap na nararamdaman ko. Nakakabaliw at nakakadarang.

Mahigpit nyang hawak ang balakang ko at mabilis na umuulos. Halos bumaon ang katawan ko sa kama kapag malakas at madiin syang bumabayo.

“Ahhhh Lorenzo!” Tili ko ng muli syang bumayo ng sagad.

Dumapa sya sa likuran ko at hinalik halikan ako sa balikat, batok, buhok at sa pisngi habang walang humpay naman syang bumabayo. Hinawakan nya ang mukha ko at inangat. Pinaling nya ang mukha ko at sinalubong ako ng halik na akin namang tinugon.

“Ang sarap mo Aitana.. Nakakabaliw ka sweetheart. Akin ka lang..” Paulit ulit na anas nya sa tenga ko habang umuulos. Ungol lang ang sinasagot ko sa kanya dahil heto na naman ako at lalabasan na naman..

NAKASIMANGOT AKO sa gitna ng byahe pauwi sa bahay namin. Habang ang katabi ko naman ay pasipol sipol pa at pangiti ngiti na akala mo nanalo ng jockpot price sa lotto. Buti pa sya parang wala lang samantalang ako masakit ang gitna ko, masakit ang mga hita ko, masakit ang buong katawan ko. Hindi nga nya ako binalibag pero babalian naman nya ako ng buto. Paano ba naman kung ano ano ang ginawa nyang posisyon ng katawan ko. Nariyang nakataas ang dalawa kong binti sa balikat nya, nariyang halos ulo at balikat ko na lang ang nakasayad sa kama.

“Simangot na simangot ka naman sweetheart, ngumiti ka naman.” Nakangising sabi ni Lorenzo.

Nanghaba naman ang nguso ko. “Paano ako ngingiti ang sakit ng buong katawan ko.” Reklamo ko.

Tumawa sya. “Kulang ka lang sa exercise. Don’t worry masasanay ka rin.”

Naginit ang pisngi ko sa sinabi nya. Mukhang kailangan ko na nga talagang mag exercise at magtake na rin ng vitamins.

Kinuha nya ang kamay ko at dinala sa labi nya. “Thank you sweetheart.”

Kunot noong nilingon ko sya. “Thank you saan?”

Mapupungay ang matang tumingin sya sa akin. “Thank you binigay mo sa akin ang sarili mo. Nagtiwala ka sa akin. Simula ngayon mas aalagaan pa kita.” Aniya at muling pinupog ng halik ang kamay ko.

Napangiti naman ako kasabay ng mabilis na pintig ng puso ko. Sumandig ako sa balikat nya. Wala rin naman akong nadamang pagsisisi na sa kanya ko binigay ang sarili ko kahit muntik na nya akong pilayan.


Chapter 20

Third POV

“CHEERS IHO!”

Pinagpingki ng magtiyuhin ang hawak nilang baso na may lamang alak at sabay na ininom. Nagsecelebrate sila dahil sa matagumpay na transakyon sa mga intsik. Milyones na naman ang nadagdag sa personal bank accounts nila. Tiningnan ng magtiyuhin ang mga tauhan nilang nagkakasiyahan din matapos ibigay ang kanikanilang porsyento. May nagiinuman at nagsusugal.

“Kapag palaging ganito ng ganito ang transaksyon natin kaya na nating bilhin ang buong lalawigan.” Ani Don Conrado sabay tawa ng malutong. Sinenyasan nya ang isang tauhan na salinan ang baso nya ng alak. Agad naman itong tumalima.

“Mangyayari yan uncle kapag ako na ang gobernador ng lalawigan.” Nakangising sabi ni Raymond. Sa susunod na eleksyon ay tatakbo sya sa pagkagobernador. Mas madali na ang takbo ng transaksyon kapag sya na ang naging gobernador. Buburahin nya sa lalawigan ang lahat ng kumakalaban at humahadlang sa plano nya.

“Basta sipagan mo pa ang panliligaw sa mga tao iho para mapalagay na ang loob nila sayo. Para sa susunod na eleksyon hindi na sila magdadalawang isip na pangalan mo ang ilagay nila sa balota.”

Tumango tango si Raymond sa sinabi ng tiyuhin habang sinisimsim ang alak sa kanyang baso.

“Pero dapat din nating bigyan ng credit at malaking bonus ang inaanak ko. Kung hindi dahil sa kanya hindi magtatagumpay ang transakyon.”

“Mabuti nga at bumawi sya sa kapalpakan nya.”

“Wala pa ba sya?” Tanong ni Don Conrado sa mga tauhan nya.

Tumayo naman ang isang tauhan at sumilip sa labas. Sakto namang may papasok na sasakyan sa malaking gate na binuksan ng mga tauhan na nakabantay.

“Oh nandyan na pala sya.”

Huminto ang sasakyan sa harap ng mansion ni Don Conrado at bumaba ang isang babae na nakacrop top at hapit na pantalon. Pumasok ito sa mansion at binaba ang suot na shades.

“Hi ninong!” Bati ng babae kay Don Conrado at bumeso.

“Hello Julie, mabuti naman at nakarating ka iha.”

“Syempre, hindi ko mapapalagpas ang celebration na ito.” Lumapit si Julie kay Raymond at lumambitin sa batok nito. “Hi babe.” Kinabig nya ang batok nito at mapusok silang naghalikan. Walang pakialam kung maraming mata ang nakatingin sa kanila.

Tumikhim si Don Conrado. Tumigil naman sa halikan ang dalawa.

“Get a room, you two.” Nakangising sabi ni Don Conrado.

Tumawa lang ang dalawa at muling nagsanib ang kanilang mga labi.

Napailing na lang si Don Conrado. Mamaya ay kukuha din sya ng babae sa bagong bar sa Consolascion para hindi naman sya maiinggit sa dalawa.

Aitana

MAGKAHAWAK ANG kamay namin ni Lorenzo habang papasok kami sa bagong tayong restaurant nya dito sa bayan. Kagagaling lang namin sa simbahan at dito kami dumiresto para kumain. Binati kami ng mga staff nya at giniya sa isang bakanteng mesa.

“Pare.” Tumayo ang isang matangkad at malaking lalaki na nakaupo sa mesang nadaanan namin.

“Pare.” Bati din ni Lorenzo at nagtapikan sila sa balikat.

Bahagya naman akong napanganga habang pinagmamasdan ang lalaki. Gaya ni Lorenzo ay gwapo din ito, malaki ang pangangatawan at malakas ang dating.

“Mabuti naman dumalaw kayo dito sa restaurant ko.” Sabi ni Lorenzo na binati din ang babaeng may kandong na baby na kasama ng lalaki sa mesa.

“May bibilhin kami ni Ivy sa mall at ipapasyal na rin si baby. Nabanggit mo nga na may bago kang bukas na restaurant kaya dumaan na kami dito para kumain.” Sabi ng lalaki na tumingin pa sa akin at nginitian ako. Nahihiyang ngumiti din ako at mahigpit na napakapit sa braso ni Lorenzo.

“Anyway pare, this is my girlfriend Aitana. Sweetheart, this is Jeizhiro my friend and his wife Ivy and their cute son Jethro.” Pagpakilala ni Lorenzo sa amin ng kaibigan at ng asawa nito. Kumaway naman ako sa kanila.

Sa iisang mesa na lang kami umupo at sumabay sa mag asawa kumain. Nagkwentuhan din kami ni Ivy. Mabait sya at parang Mama Mary sa amo ng kanyang mukha. At ang bata pa pala nya. Nag aaral pa sya at educ ang kurso nya. Natuwa pa nga sya ng malaman na isa akong teacher. Ang dami nyang tanong sa akin tungkol sa pagtuturo na sinasagot ko naman. Ang dalawang lalaki naman ay naguusap tungkol sa negosyo at sa mga buhay ng mga kaibigan nila. Dating sundalo din pala tong kaibigan nya na si Jeizhiro.

“Sya nga pala pare nabalitaan ko ang nangyari sayo. Kamusta ka na?”

Ngumisi si Lorenzo. “Heto buhay pa naman.”

Matalim ang tinging nilingon ko si Lorenzo. Tinaasan lang nya ako ng kilay. Hindi ko gusto ang sagot nya eh. Nakuha pa nyang magbiro tungkol sa nangyari sa kanya samantalalng ako muntik ng atakihin sa puso sa pag aalala.

Tumikhim sya. “Ayos lang ako pare, minor injury lang.”

Tumawa si Jeiz. “Alam ko namang hindi ka mapupuruhan, ikaw pa.”

Nanghaba ang nguso ko.

“Wag kang masyadong magalala dito kay Lorenzo Aitana, syam ang buhay nyan.” Natatawang sabi ni Jeiz ng makita ang pagnguso ko.

Inakbayan naman ako ni Lorenzo at kinabig sabay halik sa sentido ko. Nag init naman ang pisngi ko dahil nakatingin sa amin ang mag asawa na nangingiti pa. Nahiya tuloy ako bigla.

Pagkatapos naming kumain ay sumabay na kami sa mag asawa na pumunta ng mall para pumasyal na rin. Tuwang tuwa ako sa anak nila na si baby Jethro na bungisngisin. Mag iisang taon pa lang pala ito pero malaking bulas. Malaking tao ang tatay eh. Di ko na nga napigilang hiramin ito at buhatin para pangigigilan. Nakisali na nga rin ako sa pagpili ng damit nito.

Nangingiti ako habang tinitingnan ang mga selfie namin ni baby Jethro. Ang cute cute talaga nya. Photogenic pa. Siguradong marami syang babaeng paluluhain paglaki nya.

“Tingnan mo o, sobrang cute ni baby Jethro.” Untag ko kay Lorenzo na nagmamaneho pauwi at pinakita sa kanya ang picture ni baby Jethro sa cellphone ko.

Ngumisi sya. “Kanina ka pa tuwang tuwa sa kanya ah.” Puna nya.

“Ang cute nya kasi eh, tingnan mo yung iba pa naming mga pictures.” Sinwipe ko sa harap ng mukha nya ang screen ng cellphone ko para ipakita ang mga pictures namin ni baby Jethro.

“Bagay din pala sayo ang may buhat na bata.” Komento nya.

“Parehas kaming cute no.” Nakangising sabi ko.

Ngumisi lang din sya. Ginawa ko namang wallpaper ang picture namin ni baby Jethro.

“Gusto mo na bang magkaroon ng cute na baby?”

Kunot noong nilingon ko sya. “Bibigyan mo ko?”

“Gagawa tayo, mas cute pa kay baby Jethro.” Aniya na may pilyong ngiti sa labi.

Naginit naman ang pisngi ko. “G-Gusto ko din ng baby pero hindi muna ngayon.” Nakangusong sabi ko. Pero tila may mainit na kamay ang humaplos sa dibdib ko sa isiping magkakababy kami.

“Ok sabi mo eh.” Pagkikibit balikat nya at ngumiti na lang sa akin.

Bakit pakiramdam ko gusto na nyang magkababy? Kunsabagay may edad na sya. Ang mga ganyang edad ay karaniwan ng gustong magkapamilya, magkaanak.

Ang tanong, sa akin ba talaga nya gustong magkapamilya at magkaanak? Baka mamaya kapag nagsawa na sya sa akin hiwalayan nya ako. Kawawa naman ang beauty ko.

Mabigat akong bumuntong hininga at napanguso na lang.


samantala

..

Macy

INISANG LAGOK ko ang laman ng shot glass. Gumuhit ang mainit at mapait na alak sa lalamunan ko. Pabagsak kong nilapag ang shot glass sa babasaging mesita.

“Hoy ang daya nyo mga bakla kayo ha, parang ako na lang ang umubos nitong isang bote ng empi ah!” Angal ko. Medyo nagbublured na ang paningin ko. Ilang oras na ba kaming nagiinuman dito sa shop ni Benj? Basta ang alam ko gabi na. Lima kaming nagiinuman dito. Tatlong bakla at dalawa kaming babae.

“Lasing ka lang ses. O heto pa! Shot puno.” Sabi ng baklang si Erika na nilapag sa harapan ko ang shot glass na puno ng alak.

“Bakit ako na naman? Katatapos ko lang ah! Kay Eden naman.” Turo ko kay Eden na nakasandal na sa sofa at nakapikit na.

“Wala na yan si Eden. Bagsak na. Tinawagan ko na asawa nyan para ipasundo baka dito pa magkalat yan.”

Napakamot na lang ako sa ulo at kinuha ang shot glass na puno at nilagok. Napahiyaw pa ako ng muling gumuhit ang init at pait sa lalamunan ko.

“Ang ingay mong uminom bruha ka! Wala ka na ngang ambag reklamador ka pa.” Sabat ni Benj na kinuha ang shot glass na puno sa harapan nya na nilapag ni Erika at inisang lagok na ito.

“Sus! Ambag lang pala. Magkano ba?” Binuksan ko ang sling bag ko at kinuha ang coin purse. Nabitawan ko pa ito at nagkalat ang barya sa sahig. Umiskwat ako at dinampot ang mga barya.

“Excuse me, excuse me mga bakla.” Tinapik ko ang mga binti ng mga bakla para kunin ang barya na tinapakan nila. Aba, kahit piso lang yun sayang din.

“Ano ba yan Macy? Lasing ka na yata at gumagapang ka na.” Pumipiyok na sabi ni Benj. Mukhang gaya ko ay may tama na sya.

“Sorry, sorry, dinadampot ko lang yung barya.” Humawak ako sa hita ni Benj para kunin ang huling piso na nasa gilid ng sofang kinauupuan nya. Pero pagyuko ko ay nahilo ako at nawalan ng balanse. Sumubsob ako sa pagitan ng hita ni Benj na ikinatili nya. Naginit naman ang mukha ko ng maramdaman ang matigas na bagay sa pagitan ng hita nya.

“Ay ano ba yan Macy! Umalis ka nga dyan!” Naghihisteryang tinulak ni Benj ang mukha ko. Pero hindi nakaligtas sa mata ko ang paglaki ng bukol sa harapan ng shorts nya.

“Kaloka ka naman ses! Gagawin mo pang pulutan ang manoy ni Benj.” Natatawang panunukso ni Carlo o Carla.

“Ay o, parang tumayo si manoy ni Benj.” Sabi naman ni Erika at tinuro ang harapan ng shorts ni Benj.

Mabilis namang kinuha ni Benj ang throw pillow at tinakpan ang harapan ng shorts.

“H-Hoy hindi no! Manipis lang yung shorts ko.” Namumula ang mukhang sabi ni Benj.

Hindi ko alam kung dahil ba sa kalangisan o likas na talaga ang kapilyahan ko. Hinablot ko ang throw pillow at tiningnan ang harapan ng shorts nya at dinakma. Napaawang ang labi ko. Malaki nga at matigas.

“Ihh! Kadiri ka! Anong ginagawa mong bruha ka! Bitaw!” Inalis ni Benj ang kamay ko sa harapan ng shorts nya at tumayo sabay ikot sa likod ng sofa. Napatingin naman ako kay Erika at Carla na nanlalaki ang mga mata at mga nakanganga.

Parang wala lang na tumayo ako at bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Nagsalin ako ng alak sa shot glass at nilagok.

“Malaki nga.” Sabi ko sa dalawang baklang nakanganga. Nagtitili naman sila at lumapit sa akin at pabiro akong sinabunutan.

Tiningan ko naman si Benj na pulang pula ang mukha at kinindatan.

Nagpatuloy na kami sa inuman at habang lumalalim ang gabi ay nalalasing na kami. Mas naging wild si Erika at Carla na sumasayaw na. Tawa naman kami ng tawa ni Benj. Magkatabi na nga kami sa sofa at minsan ay nakasandig na ako sa balikat nya. Hinahayaan lang naman nya ako. Maya maya pa ay dumating na ang asawa ni Eden na nakatulog na at sinusundo sya. Sumunod naman na umuwi si Carla na lasing na rin at panghuli naman nagpaalam na uuwi si Erika.

“Mauna na ako sa inyong dalawa mga bakla, kayo na ang bahala dito. Babush!” Susuray suray na lumabas na ng salon si Erika at nagbabye pa sa amin.

Humiga naman ako sa sofa. Inaantok na ako at nahihilo.

“Hoy bruha, wag ka ngang humiga higa dyan at tulungan mo ko ditong magligpit.” Nililigpit na ni Benj ang mga basyong bote at mga baso.

“Hmm kaya mo na yan..” Paungol na sabi ko at pumikit. Naririnig ko na lang ang mga tunog ng baso at mga plato na nililigpit nya. May sinasabi pa sya na hindi ko na iniintindi.

“Macy.”

“Hmm..” Ungol ko ng yugyugin ako ni Benj sa balikat.

“Gising Macy, umuwi ka na sa inyo.”

“Hindi ko na kayang umuwi, dito na lang ako matutulog.”

“Ano? Hindi pwede no! Itatawag kita ng tricycle.” Sabi nya at akmang tatalikod pero hinawakan ko sya sa kamay at umupo.

“Ayoko ngang umuwi, dito ako matutulog. Saka hindi ka ba nagaalala sa akin? Baka mamaya loko yung tricycle driver na masakyan ko, sige ka.” Nakangusong sabi ko sa kanya habang nakatingala.

“At talagang kinonsensya mo pa ako ha. Oo na sige na. Dito ka na matulog. Kuh, kung hindi ka lang best friend ng kapatid ko pinabayaan na kita.” Litanya nya.

Napangiti naman ako. “Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis.” Yumakap ako sa bewang nya at humilig sa tagiliran nya.

“Ihh, wag ka ngang yumakap. Matulog ka na lang dyan.” Tinutulak nya ako pero lalo ko lang hinigpitan ang yakap sa kanya.

“Arte mo naman parang yayakap lang eh. Pisilan ko yang manoy mo eh.” Banta ko sa kanya at tumingin sa harapan ng shorts nya na bakat pa rin ang bukol. Pero kumpara kanina ay kalmado na ito.

Tinakpan nya ito ng kamay nya. “Hoy kanina ka pang bruha ka ha, kababae mong tao ang manyak mo. Baka mamaya mahipan ako ng masamang hangin patulan kita.” Balik banta din nya sa akin.

Pero tila lalo lang natrigger ang kapilyahan ko dahil sa sinabi nya. Oo nga pala may goal ako. Yun ay ang mapasa akin sya. And it’s my time to shine.

Tumayo ako at tinulak sya sa sofa na ikinabigla nya. Pero bago pa sya makabangon ay kumandong na ako sa kanya paharap.

“M-Macy ano bang ginagawa – hmp!” Naputol ang sasabihin nya ng siilin ko sya ng halik..


Lorenzo photo above ;)

Chapter 21

Lorenzo

BINABA KO ng bahagya ang suot kong aviator habang nakatingin sa babaeng lumabas ng gate ng malaking bahay. Sumakay sya sa nakaparadang kotse at pinasibad. Mabilis ko namang tinaas ang tinted na salamin at sinundan ng tingin ang kotseng padaan.

“Positive.” Komento ni Elmer na kasama ko na syang nasa likod ng manibela.

Bumuntong hinininga naman ako at mahigpit na kinuyom ang kamao kasabay ng pagtagis ng panga ko. Sa lahat ng kasamahan kong malapit sa akin ay sya ang kahuli hulihang taong pinaghinalaan ko. Pero akalain ko bang mukhang tama nga ang kutob ko.

“Pag aari ni Don Conrado Ramirez ang malaking bahay na yan at ayon sa nakalap kong impormasyon ninong sya ni Julie.”

Si Don Conrado Ramirez ay isang mayamang negosyante. Pag aari nya ang pinaka malaking factory ng plastic at styro dito sa bayan ng Inocencia. Ilang beses ng nadadawit ang pangalan nya sa mga ilegal na gawain. Hindi lang sya nadidiin dahil walang makuhang matibay na ebidensya. Ilang beses na ring naraid ang factory nya dahil may sabi sabi na dito daw tinatago ang mga kontrabandong mga armas at droga. Pero wala namang nakukuha. Isa rin sya sa pinaghihinalaan namin na may koneksyon sa grupo ng sindikatong hinahabol namin sa Santa Luisa. Kumakalap lang kami ng impormasyon at ebidensya. At ngayon nga ay unti unti ng napagtatag tagni ang mga pangyayari. May koneksyon si Julie kay Don Conrado na syang pinaghihinalaan naming espiya.

“At ayon pa sa nakalap na impormasyon ng impormante natin pamangkin din pala ni Don Conrado si Congressman Raymond Echevari.”

Natigilan ako at napalingon kay Elmer.

“Pinsan ni Don Conrado ang nanay ni Congressman Raymond Echevari.” Dugtong pa ni Elmer.

Ilang beses ko ng nakakadaupang palad si Congressman Raymond Echevari sa mga public event at charity. Ilang beses na rin syang pumupunta sa resorts ko at kumakain sa mga restaurant ko. Sibil lang kami sa isa’t isa kapag nagkukrus ang landas namin. Bukod sa pagpupulitika ay isa din syang negosyante. Malapit sya sa mga tao dahil marami syang mga outreach program na malaking tulong sa mga mahihirap. Yun nga lang ay lapitin sya ng samu’t saring kontrobersya.

Ngayong nalaman ko na pamangkin pala sya ni Don Conrado ay hindi malabo na may kinalaman din sya. At malaki ang papel nya.

“Kaya pala ilang beses ko na silang nakikitang magkasama sa mga public events.” Sabi ko at hinimas ng daliri ang ilalim ng labi. Akala ko ay normal na magkakilala lang ang dalawa.

“Anong susunod nating gagawin pare? Irereport na ba natin kay chief?”

Bumuntong hininga ako. “Hindi muna, kailangang muna natin pagtuunan ng atensyon si Julie. Mahirap ang haka haka lang at walang ebidensya baka bumalik lang sa atin at tayo pa ang mabaliktad.”

“So anong plano mo kay Julie?”

Tumingin ako sa kanya at ngumisi. “Ako ng bahala sa kanya.”

Kapag napatunayan ngang si Julie ang espiya, magbabayad sya. Matatanggal sya sa serbisyo at makukulong dahil sa pakikipagsabwatan.

NGUMISI AKO habang pinagmamasdan si Aitana na nagreretouch ng make up nya. Katatapos lang naming kumain ng almusal sa karinderyang palagi naming kinakainan sa umaga bago ko sya ihatid sa school na pinagtuturuan nya.

“Maganda ka na sweetheart, hindi mo na kailangan mag retouch.” Sabi ko.

Ngumuso naman sya. “Alam ko, pero nabura yung liptint ko. Peke yata yung naorder ko sa online. Ang bilis mabura eh. Dapat pala hindi na lang ako nagpalit ng brand.” Reklamo pa nya at hinalughog ang bag. Siguro ay para maghanap ng ipapahid nyang pangkulay sa labi.

Wala naman akong maikomento dahil wala naman akong alam sa mga ganyan. Ang alam ko lang ay kung paano pamagain ang labi nya gamit lang ang labi ko.

“Hayun! Mabuti na lang nasa bag ko pa tong liptint na to.” Bulalas nya ng madukot sa bag ang maliit na botelyang pahaba na kulay pink. Binuksan niya ito at pinahid ang brush sa labi habang nakatingin sa hawak nyang maliit na salamin. Dinampi dampi pa nya ang isang daliri sa labi. Pagkatapos ay ngumuso nguso pa sa salamin.

Napakagat labi naman ako habang nakatingin sa labi nyang nakapout na kulay pink na nangingintab pa dahil sa pinahid nya. Kahit walang kolorete ang labi nya ay mamula mula na ito at natural na pouty. Parang gusto ko tuloy lamukusin ng halik ang labi nya kung hindi lang sya magrereklamo na mabubura ang kulay ng labi nya.

Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. May 20 minutes pa bago tumuntong ang alas syete. Kinuha ko ang pakete ng sigarilyo sa compartment at dumukot ng isang stick at nilagay sa labi. Binaba ko ang bintana sa gilid ko at sinindihan ang sigarilyo sabay hithit. Binuga ko ang usok sa labas ng bintana. Napalingon naman ako kay Aitana na biglang umubo. Salubong ang kilay nya at nakatakip ang isang kamay sa bibig at ilong.

Agad ko namang dinutdot ang sigarilyo sa ashtray at tinapon sa basurahan ang sigarilyo. 

“Ayoko po sa mga naninigarilyo, hinihika po ako.” Nakangusong pagpaparinig nya.

Nag alala naman ako. “May hika ka?”

“Noong bata ako, pero hindi na ako masyadong inaatake ngayon maliban na lang kapag nakakalanghap ako ng grabeng usok hindi ako makahinga.”

Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Tangna! Baka atakehin pa sya ng hika dahil sa akin.

“Di ka naman nagtatanong eh. At saka kahit wala akong hika ayoko pa rin sa mga taong naninigarilyo.”

“Fine, di na ako maninigarilyo.” Kumuha na lang ako ng isang pirasong kendi sa compartment. Binalatan ito at sinubo.

“Huu, ang sabihin mo di ka maninigarilyo kapag kaharap ako.” Bubulong bulong na sabi nya pero malinaw ko namang naririnig.

Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay. “Wala kang tiwala sa akin?”

“Bakit? Totoo naman di ba? Nakita ko nga may dalawang pakete pa na walang bawas dyan sa compartment mo eh.”

Napakamot ako sa ulo. Mukhang nagiging strict na sa akin ang sweetheart ko ah.

Binuksan ko ang compartment at kinuha ang dalawang pakete ng sigarilyo na walang bawas pati na ang may bawas at nilamukos sa kamay sabay tapon sa basurahan.

“O ayan, wala na akong sigarilyo. Hindi na ako maninigarilyo mula ngayon kahit araw araw mo pang amuyin ang bibig ko.” Hindi naman talaga ako matakaw sa sigarilyo. Minsan lang kapag parang medyo naglalaway ako. Pero mukhang simula ngayon ay kendi na lang ang pangremedyo ko. Ayoko namang dahil lang sa paninigarilyo ko ayawan nya ako.

Nanghaba na naman ang nguso nya pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang sinusupil nyang ngiti. Atleast mukhang natuwa naman sya sa ginawa ko.

“Tara na nga, baka malate na tayo.” Aya nya at binalik na ang mga make up kit nya sa kanyang bag.

“Ok.” Binuhay ko na ang makina at binalik na sa linya ng kalsada ang sasakyan.

Aitana

NAPAPATAAS ANG kilay ko sa tuwing titingin ako kay Macy. Parang wala kasi sya sa sarili at pinaglalaruan lang ng tinidor ang pansit tapos titingin sya sa kawalan at tutulala. Ilang araw ko na syang napapansin na ganito. Sumubo ako ng hopia at kinalabit sya.

“Huy baks, tulala ka na naman dyan? Problema mo?” Untag ko kay Macy na bahagya pang nagulat.

“Ha? Wala.” Sagot nya.

“Anong wala? Eh ilang araw ka ng ganyan. May sakit ka ba?” Tanong ko at hinipo ang noo at leeg nya. Hindi naman sya mainit.

“Wala nga, may iniisip lang ako.” Aniya at sumubo ng pansit.

“Ano bang iniisip mo at ilang araw ka ng ganyan?” Curious na tanong ko.

Bumuntong hininga sya. “Inlove na ako kay Benj baks.”

Muntik ko ng maibuga ang kinakain kong hopia dahil sa sinabi nya. “Ano? Inlove ka na sa pinsan ko?” Di makapaniwalang tanong ko.

Tumango tango naman sya.

“Seryoso ka ba dyan? Di ba pinagtitripan mo lang ang pinsan ko?”

Kunot noong tumingin sya sa akin. “Kelan ko sinabing pinagtitripan ko lang sya? Crush ko na sya no, tapos.. pagkatapos nung ano.. narealize ko love ko na sya.” Sabi nya.

“Pagkatapos ng ano?”

“Pagkatapos ng ano.. Ah basta! Inlove na ako sa kanya kaso ayaw nya sa akin. Pangit ba ako baks?” Baling nya sa akin.

“Hindi, maganda ka baks no.” Totoo iyon. Maganda naman talaga sya. May pagkatsinita sya at maputi, sexy din sya.

“Eh bakit ayaw nya sa akin?” Malungkot na tanong nya. Naawa naman ako. Ngayon ko lang sya nakita na ganyan kalungkot. Mukhang seryoso nga na may tama sya sa pinsan ko.

“Eh kasi nga baks, bakla si pinsan. Di kayo talo.” Nakangiwing sabi ko. Pero kung ako ang tatanungin, aba, bet ko sya para sa pinsan ko. Kaso di naman ako magdedesisyon nun. May sariling isip at sariling mundo ang pinsan ko.

Laglag naman ang balikat ni Macy at malamyang nginuya ang pansit.

“Teacher Ai! Teacher Ai!” Tumatakbong lumapit sa akin ang estudyante kong babae.

“O Tanya, bakit?” Tanong ko. Bahagya pa syang hinihingal.

“Si Atan at si Noah nagsusuntukan po sa room.” Sumbong nya sa akin.

Napatayo naman ako at niligpit ang pinagkainan ko. Nagpaalam muna ako kay Macy para puntahan ang mga estudyante kong nagsusuntukan.

Principal’s Office..

“Mabait ang anak ko ma’am, hindi nya magagawa ang binibintang ng mag inang yan. Mga sinungaling!”

“Hoy! Hindi kami sinungaling ng anak ko. Mismong mga kaklase na nila ang nakakita na inagaw ng anak mo ang chocolate drink ng anak ko. Palibhasa patay gutom yang anak mo!”

“Aba’t, sumusobra ka ng baboy ka ha!”

At nagpang abot na nga ang dalawang nanay. Nagsabunutan sila sa harap ni Miss Maascad. Di ko naman alam kung paanong awat ang gagawin ko dahil parehas malakas at agresibo ang dalawang nanay.

“Tumigil kayong dalawa! Kapag hindi kayo tumigil, parehas kong ikikick out sa eskwelahang ito ang mga anak nyo!” Banta ni Miss Maascad sa dalawang nanay.

Tumigil naman ang dalawa at mabilis na naghiwalay. Parehas naman yumakap sa mga bewang nila ang kanilang mga anak. Ako naman ay napahilot sa sentido.

Sinasabi ko na nga ba at ganito ang mangyayari. Lalo na at parehong matapang ang dalawang nanay at ayaw magpatalo.

“Nakakahiya kayo! Mga ina pa man din kayo. Imbes na kayong dalawa ang maging daan para magkaayos ang mga anak nyo pero kayo pa mismong mga nanay ang nagpapalaki ng gulo kaya pala ganyan ang mga anak nyo. Hala! Mag ayos kayong dalawa dahil kung hindi, ora mismo tatanggalin ko sa eskwelahang ito ang mga anak nyo. Hindi ko hahayaang ng dahil lang sa inyo madudungisan ang magandang reputasyon ng eskwelahang ito.” Masungit na sabi ni Miss Maascad.

Natameme naman ang dalawang nanay at naging mabait ang mga mukha. Mabuti naman at mukhang natakot sila kay Miss Maascad.

“Sorry na mare, nag init lang yung ulo ko.” Sabi ng nanay ni Atan.

“Ako rin mare sorry, nakakainit naman talaga ng ulo yang anak mo.” Sabi naman ng nanay ni Noah.

“Mas nakakainit ng ulo yang anak mo mare.” Nandidilat ang matang giit ng nanay ni Atan.

Akmang sasabat pa ang nanay ni Noah ng unahan ko na.

“Tama na po mga misis. Hindi po makakatulong sa mga anak nyo ang pag aaway nyong dalawa.” Sabat ko.

“Sorry po ma’am.” Halos sabay naman na sabi ng dalawa at tumahimik pero panay naman ang bato ng matalim na irap sa isa’t isa.

Napabuntong hininga na lang kami ni Miss Maascad.

Third POV

NAPATIRIK ANG mata ni Julie ng maramdaman ang pagsabog ng mainit na katas ni Raymond sa loob nya. Sa ikatlong pagkakataon ay muli nyang narating ang langit.

Kapwa sila habol ang hininga ng maghiwalay. Magaling talaga sa kama si Raymond. Pero mas magaling pa rin si Lorenzo. Yun nga lang ay parang malabo ng matikman nya ulit ito dahil may ibang babae na itong kinalolokahan.

Napatiim bagang si Julie at naikuyom ang kamao sa inis ng maisip si Lorenzo. Pakiramdam nya ay ginamit lang sya nito. Para syang basahang tinapon lang nito ng makakita ng bago.

Bumangon sya at inabot ang pakete ng sigarilyo at humugot ng isang stick. Inabot nya rin ang lighter at sinindihan ang sigarilyo. Sumandal sya sa headboard habang humihithit ng sigarilyo at binuga ang usok sa ere.

Sumandal na rin sa headboard si Raymond at inagaw ang sigarilyo sa kanya at humithit. Hinayaan nya lang ito. Parehas silang hubo’t hubad at hindi nag abalang takpan ang sarili. Bakit pa? Ilang beses na silang nagsesex at kabisado na nila ang bawat detalye ng katawan ng isa’t isa.

“Kamusta sa istasyon?” Tanong nya.

Kumuha ako ng sariling sigarilyo at sinindihan. Humithit ako sabay buga ng usok sa ere.

“As usual, samu’t saring mga reklamo ang natatanggap namin araw araw at nahuhuling mga kriminal.” Pagkikibit balikat nya at muling humithit.

“Eh ang mga kasamahan mo?”

Nilingon nya ito. Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa kanya. Gwapo din naman ito pero mas lamang lang si Lorenzo.

Bumuntong hininga sya. “Wala namang unusual na ginagawa ang mga kasamahan ko. Kung iniisip mo ang tungkol sa gang ni Macario ay pansamantala munang tinigil ang pagtugis sa grupong yun dahil nga sa nangyari sa Santa Luisa.” Ang gang ni Macario ay kinabibilangan ng grupo ni Brando. Pero simula ng ng mahuli si Brando ay naglie low muna ang mga ito sa bayan ng Inocencia ngunit hindi ibig sabihin nun ay hindi na sila tinutugis ng batas. Nakakalusot lang sila dahil protektado sila ni Raymond.

Humithit ito ng sigarilyo at binuga nag usok. “At dahil sayo kung bakit naging matugampay ang transaksyon.” Hinalikan nito ang balikat at leeg nya.

Ngumisi naman sya at humithit ng sigarilyo. “Sabi ko naman sayo babawi ako eh. Wala ka lang tiwala sa akin.”

“Tss. Lulong ka kasi noon sa Villegas na yun kaya wala ka sa focus.”

“Sorry na nga di ba? Saka bumawi naman ako.” Pairap nyang sabi dito. Nawala talaga sya sa focus noon kaya huli na ng malaman nya ang ginawang operasyon noon sa grupo nila Brando dahilan kung bakit ito natimbog at nakakulong ngayon. Galit na galit sa kanya noon si Raymond dahil milyones ang nawala dito.

Ngumisi ito at hinalikan naman sya sa pisngi. “Dapat lang. Dahil sa susunod na pumalpak ka pa ulit ay alam mo na kung ano ang mangyayari sayo.” Bulong nito sa tenga nya.

Nagtayuan naman ang mga balahibo nya sa katawan. Napalunok sya. Alam nya kung ano ang mangyayari sa kanya kung sakaling pumalpak na naman sya sa pageespiya. Dadanasin din nya ang mga dinanas ng mga palpak nitong tauhan na nakabaon na ngayon sa ilalim ng lupa. Kung hindi nga lang dahil sa kanyang ninong ay hindi sya nito bibigyan ng isa pang pagkakataon.

Tumayo na ito at nagbihis na. “Sya nga pala, magiingat ka sa mga kilos mo. Maging mapagmatyag ka sa paligid mo lalo na kapag pupunta kay ninong o sa akin. Baka mamaya may nakasunod na sayo.”

Napakunot ang noo nya sa sinabi nito. “Bakit naman may susunod sa akin at sino?”

“Tsk! Pulis ka ba talaga at hindi ka nag iisip. Kaya ka pumapalpak eh. Kung hindi ka lang maganda at palaban sa kama hindi kita papatulan. Ayoko sa lahat ng tanga.” Inis na sabi nito.

Naikuyom nya ang kamao sa sinabi nito. Nakaramdam sya ang pagkainsulto.

“May hinala ako na naghihinala ang ahensya nyo na may espiya sa inyo. Kaya mag iingat ka.” Sabi nito at lumabas na ng kwarto.

Nanlamig naman ang katawan nya sa sinabi nito. Pero wala naman syang napapansin na kahinahinalang kilos mula sa mga kasamahan nya. Normal lang ang mga ito na nagtatrabaho. Wala din syang napapansin na sumusunod sa kanya o nagmamatyag. O baka nagiging kampante lang sya.

Hindi.

Imposible

na paghinalaan nila ako!


Chapter 22

Aitana

INALALAYAN AKO ni Lorenzo na bumaba ng sasakyan. Nasa harap na kami ng isang hindi kalakihang bahay. Modern cabin style ang bahay. Ang presko ng dating. May ilan ding mga sasakyan ang nakaparada sa labas ng gate. Sa loob ng bakuran ng bahay ay may mga lamesa at upuang nakalatag. Marami ding mga lobo ang nakasabit sa paligid at marami ding mga bata. First birthday kasi ngayon ni baby Jethro at imbitado kami ni Lorenzo. Excited na nga akong makita sya.

“Let’s go sweetheart.” Aya sa akin ni Lorenzo at hinawakan ang kamay ko.

“Ay wait lang, yung regalo pala natin kay baby Jethro.” Bulalas ko. Nakalimutan kong dalhin.

Binuksan naman nya ang sasakyan at kinuha ang paper bag na may lamang regalo para kay babay Jethro. Kinuha ko sa kamay nya ito. Gusto ko ako ang magbibigay kay baby Jethro.

Lumingon naman si Lorenzo sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Napakunot noo naman ako. “Bakit? Pangit ba hitsura ko?”

“Nope. You look perfect sweetheart.” Sagot nya.

Naginit naman ang pisngi ko. Grabe naman sa perfect.

“T-Thank you.” Nauutal pa na sabi ko.

Tumawa naman sya. “You’re blushing.”

Lalong naginit ang pisngi ko sa sinabi nya. “Hindi ah, mainit lang kaya namumula pisngi ko.” Palusot ko.

Tawa lang ang sinagot nya at inakbayan ako papasok sa bukas na gate. Ngumuso na lang ako.

Sinalubong kami ng mag asawa pagpasok namin ng pinto. Pinanggigilan ko agad si baby Jethro na buhat ni Ivy. Super cute nya sa suot na ternong damit na may cartoon character. Binigay ko naman kay Ivy ang regalo namin ni Lorenzo.

Maya maya pa ay apat na kalalakihan ang sunod sunod na pumasok. Napanganga ako at nalula sa mga hitsura nila. Lahat sila malalaking tao at hindi matatawaran ang mga hitsura. Binati sila ni Lorenzo at Jeiz. Mukhang mga kaibigan sila ng dalawa.

“Himala, sabay sabay kayong dumating. Nag usap ba kayo?” Natatawang sabi ni Jeiz.

“Nagkataon lang.” Sagot ng lalaking matangkad na may mapaglarong ngiti sa labi. Inabot pa nya ang pisngi ni baby Jethro at pinisil. Napatingin pa sya sa akin at ngumiti. Nag init naman ang pisngi ko sa hiya.

“Hi miss.” Bati ng lalaki sa akin.

“H-Hi.” Nauutal at nahihihayang sabi ko.

“She’s off limit pare.” Singit ni Lorenzo at inakbayan ako.

“Ow, she’s your date?”

“Nope, she’s my girlfriend.”

Napaawang ang labi ng lalaki. Napahinto din sa pagkukwentuhan ang tatlong lalaki sa likuran nya at napatingin sa amin ni Lorenzo na para bang isang nakakabiglang balita ang sinabi ni Lorenzo.

“Really pare? May girlfriend ka na?” Tanong ng isa pang lalaki na lumapit sa amin at tumuon ang mata sa akin. Ngumiti sya at nilahad ang kamay. “Hi miss, I’m Kester Belleza. Nice to meet you.”

Tinanggap ko ang kamay ni Kester. “H-Hello, Aitana Mangubat. Nice to meet you too.”

At sunod sunod na ngang nagpakilala ang mga kaibigan ni Lorenzo sa akin. Ang lalaking unang bumati sa akin kanina ay Luigi Federova ang pangalan. Si Atlas Montecillo naman ang mukhang pinakamabait sa kanilang lahat at si Matias Santiago na mukhang may lahing arabo at mukhang pinakamasungit. At lahat sila ay halatang may sinasabi sa buhay. Sa hitsura, sa tindig, sa pananamit at sa pananalita nila. Grabe, mga ganito pala ang mga kaibigan ni Lorenzo. Nakakahiyang tumabi.

Hinapit ako ni Lorenzo sa bewang na ikinalingon ko. “Wag mo silang masyadong pakatitigan sweetheart, nagseselos ako.” Bulong nya sa tenga ko.

Napataas naman ang kilay ko sabay nguso. “Hindi ko sila tinititigan, tinitingnan ko lang.”

“Parehas lang yun sweetheart and I don’t like it.”

Lalong nanghaba ang nguso ko. “Oo na, di ko na sila titingnan.”

“Good, ako na lang ang tingnan mo di hamak naman na mas gwapo ako sa mga yan.” Confident na sabi nya.

Napataas naman ang kilay ko. “Di ka sure.”

Kumunot ang noo nya. “Anong di ako sure? Sure ako no. Ako ang boyfriend mo kaya dapat ako ang pinaka gwapo sa paningin mo.” Reklamo nya.

“Huy, grabeng pagbubuhat ng sariling bangko yan pare. Tanggapin mo na lang na sa mga mata ng girlfriend mo hindi ikaw ang pinaka gwapo.” Sabat ni Kester na nakikinig pala sa amin.

“At sino naman ang pinaka gwapo sa paningin nya?”

Nagkibit balikat si Kester. “Who knows? Baka ako.” Sabi nya at kumindat pa sa akin.

Kumagat labi naman ako para pigilan ang pagtawa. Halata naman kasing inaasar nya lang si Lorenzo.

“Tsk! Pasalamat ka iniwan ko sa sasakyan ang baril ko kundi binaril na kita.” Bira ni Lorenzo na ikinasinghap ko.

Tumawa lang si Kester.

May ilan pang mga bisita ang dumating. Mga kamag anak ng mag asawa na may mga dalang regalo para kay baby Jethro. Nasurpresa pa nga ako ng makita ang mag asawang Alejos kasama ang dalawang anak nila. Kaibigan pala sila ni Jeiz at Ivy. Pati na rin ang mayor ng San Agustin ay dumating din at tatay pala sya ni Ivy. Wow! Mga bigatin pala ang mga bisita ni baby Jethro.

Nagumpisa na ang programa. May munting palaro para sa mga batang bisita. Syempre tuwang tuwa naman ang munting celebrant. Ako naman kinukuhanan sila ng video. Ang sarap pakinggan ng malulutong na tawa ng mga bata. Simpleng bagay lang masayang masaya na sila. Pagkatapos ng program ay inawitan na si baby Jethro ng happy birthday ng lahat ng bisita at nag blow ng candle.

“O kainan na mga bata!” Anunsyo ni mayor Rodolfo.

“Yehey!” Tuwang tuwa at sabay sabay na sabi ng mga bata at pumila na sa mahabang lamesa kung nasaan nakahilera ang iba’t ibang handang pagkain. Nandun ang dalawang kasambahay nila Ivy at inaassist ang mga bata. Lumapit din si Ivy at si Amira para tumulong. Ang mga asawa naman nila ang nagbabantay sa kanilang mga anak habang nakikipag huntahan sa mga kaibigan. Tumayo ako sa lamesa para tumulong na rin. Hinawakan naman ako ni Lorenzo sa kamay.

“Saan ka pupunta?” Kunot noong tanong nya. Ang itsura nya ay parang anak na tatakasan ng ina.

“Tutulong lang ako sa kanila.” Sabi ko at tinuro ang pila ng mga bata.

“Ok, wag kang masyadong magpapagod.”

Tumango na lang ako at iniwan na sya sa lamesa kasama ang mga kaibigan.

Nagpatuloy ang selebrasyon sa lumipas na mga oras. Pero ngayon ay mga matatanda na ang nagkakasiyahan. Partikular ang magkakaibigan na nagiinuman at nagtatawanan. Umalis lang ako sa mesa nila dahil ang ibang mga kaibigan ni Lorenzo ay naninigarilyo. Hinayaan lang nya ako dahil alam nyang ayaw ko sa usok ng sigarilyo. Sya man ay hindi naninigarilyo at hindi rin masyadong umiinom. Pinuntahan ko na lang si Ivy at Amira sa kabilang mesa na naghuhuntahan habang binabantayan ang mga anak na naglalaro.

Nakipag kwentuhan na rin ako sa dalawa. Doon ko nalaman na mas matanda pala ako sa kanila. Hindi halatang mahilig sa mga bata ang magkakaibigan. At parehas pang nag aaral ang dalawa sa kolehiyo. Infairness naman sa kanila kahit may asawa at anak na ay pinagpatuloy pa rin ang pag aaral. Pero keri naman kasi nila. Mapera ang mga asawa nila at kayang kumuha ng kahit ilang tagapag alaga sa mga anak nila habang nag aaral sila. Nawa’y lahat ay pinagpala gaya nila.

“Eh kayo ni Lorenzo wala pa bang balak magpakasal?” Tanong ni Ivy.

“Naku, hindi pa namin napag uusapan yan. Two months pa lang kaming mag on.” Sabi ko. Saka wala pa sa isip ko ang magpakasal. Bata pa ako at parehas pa kaming nag eenjoy ni Lorenzo sa relasyon namin.

“Pero malay mo bigla ka nyang alukin. Kasing edad lang ni Jeiz yang si Lorenzo at mga kaibigan nila. Mag iisip na rin yang mga yan mag asawa. Syempre hindi na sila bumabata. Ako nga ng alukin ako noon ni Jeiz ng kasal kakanineteen ko pa lang. Pakiramdam ko nga noon naghahabol lang sya dahil may edad na sya.”

Parang napressure naman ako bigla sa sinabi ni Ivy. Paano nga kaya kung alukin ako ni Lorenzo ng kasal. Pero imposible pa yun sa ngayon dahil kabago bago pa lang namin at marami pang pwedeng mangyari sa relasyon namin. Saka kung sakaling alukin nya ako ay hindi ko naman alam ang isasagot ko. 

“Ay same tayo, nineteen lang din ako ng magpakasal kami ni Yñigo.” Segunda naman ni Amira.

Tumikhim ako. “Hindi ba kayo nag alangan na nagpakasal kayo sa batang edad tapos sa lalaki pang malaki ang agwat ng edad sa inyo?” Kyuryosong tanong ko.

Natigilan naman silang dalawa at halos sabay na tumingin sa akin. Napangiwi naman ako dahil baka naoffend ko sila sa tanong ko.

“Well ako kay Jeiz sa una oo, 15 years ang agwat ng edad namin. Nag alangan ako kasi baka hindi kami magkasundo sa maraming bagay. Pero  sa araw araw na magkasama kami nakikilala ko sya. Marami akong bagay na natutuklasan sa kanya. Ganun din sya sya sa akin. Wala naman kaming problema sa pagsasama namin. Madalas sya ang nagaadjust sa aming dalawa.”

“Ako naman ganun din, bukod sa malaking agwat ng edad namin ni Yñigo, amo pa sya ng mga magulang ko. Nagkaroon ng kaunting problema pero ok naman na ang lahat. Naging tahimik na ang pagsasama namin.  Mas masarap pa nga magmahal at mag alaga ang mas may edad, mas matured silang mag isip.” Ani Amira.

Ako naman ayoko talaga sa malaki ang agwat ng edad sa akin. Hanggang two years lang na gap ang bet ko. Pero dahil si Lorenzo ay paladesisyon. Heto may boyfriend na akong 12 years ang agwat ng edad namin. Hindi naman ako nagsisisi dahil sweet, caring at very generous sya. Tama ang sabi ni Amira. Mas masarap mag alaga ang may edad. Ako nga piling ko hindi lang boyfriend ang meron ako kundi tatay din.

Kinuwento pa ng dalawa kung paano nagsimula ang love story nila ng mga asawa nila. Very interesting nga pakinggan at nakakakilig. Parang mga nababasa ko lang sa pocketbook. Nangyayari din pala yun sa totoong buhay.

“Eh kayo ni Lorenzo paano kayo nagkakilala?” Tanong ni Ivy.

Nawala ang ngiti ko at napangiwi. Parang nahihiya akong ikwento. Pero nakakahiya din namang hindi magkwento dahil sila nga halos buong talambuhay na nila ang kinuwento sa akin.

“Ano.. nahuli nya kasi ako sa checkpoint, paso na ang student permit ko.” Nakangiwing sabi ko sabay kamot sa ulo.

Hindi naman talaga maganda ang unang pagkikita namin ni Lorenzo. Para kaming aso’t pusa. Lagi kaming nag aaway ay mali, sya pala ang nang aaway sa akin. Pero simula ng maging kami wala pa naman kaming pinag awayan na matindi. Tampuhan lang na normal lang siguro sa magkarelasyon. Pero hindi naman nagtatagal ng kalahating oras ang tampuhan namin.

“Aw, nakakakilig naman ang love story nyo.” Kinikilig na sabi ni Amira.

“Oo nga, parang sa pelikula.” Segunda pa ni Ivy.

Napangisi na lang ako kasabay ng pagiinit ng mukha ko. Kunsabagay kahit ako kinikilig din naman kay Lorenzo. Sino ba naman ang hindi. Gwapo sya, malaki ang katawan at may sinasabi sa buhay.

Tiningnan ko ang direksyon ni Lorenzo. Tumatawa sya sa kwento ng mga kaibigan nya. Kita mo, maski tawa nya gwapo din. Tumingin sya sa direksyon ko at nagsalubong ang mga mata namin. Nginitian ko sya. Kinindatan naman nya ako na ikinainit na naman ng pisngi ko. Nagiwas na ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko matagalan ang titig nya.

Ng gumabi na ay unti unti ng nagpaalam ang mga bisita. Sila Amira ay umuwi na rin dahil nagmamaktol na ang kambal. Si baby Jethro naman ay nakatulog na. Kanina pa nagsiuwian ang mga bata na mga anak ng mga kapitbahay ng mag asawa.Ang huling naiwan ay ang magkakaibigan na tuloy pa rin sa inuman. Mabuti nga ay hindi masyadong umiinom si Lorenzo. Magdadrive pa kasi sya.

“MAG IINGAT kayo.” Nakangiting sabi ni Ivy ng magpaalam na kami ni Lorenzo na uuwi na. Pasado alas nuebe na ng gabi.

“Salamat.” Nakangiting sabi ko din at bumeso kay Ivy.

“Thank you din sa pagpunta. Chat chat na lang tayo.”

Tumango ako.

“Ingat sa pagmamaneho pare.” Paalala naman ni Jeiz at inakbayan si Ivy.

“Sure pare, sa uulitin.” Hinawakan ni Lorenzo ang kamay ko at tinungo na namin ang sasakyan nya. Kumaway naman ako sa mag asawa.

“Sweetheart.” Untag sa akin ni Lorenzo habang nasa gitna na kami ng byahe.

“Hmm?” Nilingon ko sya mula pagi-scroll ng screen ng cellphone.

“Pwede bang sa bahay ka matulog ngayong gabi?”

Napakunot ang noo ko. “May pasok ako bukas.”

“Ihahatid naman kita ng maaga, namimiss na kita eh.” Malambing na sabi nya.

Mas lalong napakunot ang noo ko. “Bakit mo naman ako nimimiss eh araw araw tayong nagkikita at nagchachat, nagbi-video call pa nga tayo minsan.”

Bumuntong hininga sya at kumamot sa ulo. “Ibang pagkamiss itong nararamdamanan ko ngayon sweetheart.”  Aniya sabay kagat labi.

Nakakunot lang ang noo ko. Hindi ko sya maintindihan. Hindi namn sya lasing dahil hindi naman sya masyadong nagiinom kanina.

“Sige na sweetheart, miss na miss ka na nito o.” Nginuso nya ang harapan ng pantalon nya.

Dumako naman ang tingin ko doon. Nanlaki ang mata ko at nahigit ko ang hininga ng makita ang malaking bukol nyang nakabakat doon. Noon ko lang nakuha ang ibig nyang sabihin. Namiss na pala nyang makipagchukchakan sa akin.

Sumilab ang init sa pisngi ko at mabilis na iniwas ang tingin mula sa pantalon nya. “B-Baka malate ako bukas.”

“Hindi yan, hindi ko naman hahayaan yun. Akong bahala.”

Napakamot ako sa pisngi. Ano ba? Papayag ba ako o hindi.

“Sige na sweetheart please.” Ungot pa nya sa mas pinalambing na boses. Medyo namamaos pa nga ang magaspang nyang boses na kay sarap sa tenga. Parang inaakit nya ako. At parang.. naaakit din ako.

At heto na nga, nandito na kami sa bahay nya.

Inabot sa akin ni Lorenzo ang puting t-shirt nya. Kinuha ko naman ito at ang bag ko saka tumayo sa kama.

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Lorenzo.

“Sa banyo, magbibihis.”

Ngumisi naman sya. “Bakit naman sa banyo ka pa magbibihis pwede naman dito.”

“Ayoko nga, nandito ka eh.” Nakangusong sabi ko.

“Ano naman kung nandito ako? Nakita ko na ang lahat sayo sweetheart, nadilaan ko pa.”

Naginit ang pisngi ko sa sinabi nya. Parang nagsisisi tuloy ako na pumayag na dito matulog sa bahay nya. Alam ko namang may balak sya sa akin eh.

“Ah basta, sa banyo ako magbibihis.” Giit ko at pumunta na ng banyo.

“Sweetheart.” Tawag nya sa akin pero hindi ko na sya nilingon.

Nilock ko ang pinto ng banyo at nilapag sa marmol na lababo ang t-shirt at bag. Humarap ako sa salamin. Dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba.. at excitement. Hindi naman ako inosente kung ang mangyayari sa amin ngayong gabi. Hindi man nya tahasang sinabi kanina ay alam kong yun ang dahilan kung bakit nya ako inayang matulog dito sa bahay nya. Halos mag iisang buwan na rin mula ng may mangyari sa amin. At aaminin ko medyo namiss ko rin yun.

Bumuntong hininga ako at hinubad na ang damit ko. Tinali ko ng goma ang buhok pataas. Kinuha ko ang shower host at tinapat sa katawan ko. Maghahalf bath lang ako. Ginamit ko ang sabon ni Lorenzo. Mabango ito parang sya. Napangiti ako sa naisip. Mabuti na lang ay lagi akong may dalang femine wash at ekstrang panty. Yun mga lang kailangan ko pa bang magsuot ng panty ngayong gabi eh huhubarin din naman nya.

Naginit ang pisngi ko. Ipinilig pilig ko ang ulo at tinapos na ang paghahalf bath.

Pagbukas ko ng pinto ng banyo ay nagulat pa ako ng mabungaran si Lorenzo na nakasandal ang balikat sa hamba ng pinto. Hubad baro sya at nakahakukipkip. Lalo tuloy namutok ang mga masel nya sa braso at dibdib. Parang ang sarap pisilin.

Ay ano ba yan? Kung ano ano na ang naiisip ko.

Napapitlag ako ng ilapit ni Lorenzo ang mukha nya sa akin at sininghot singhot ako.

“You smell so good sweetheart.” Anas nya. Tumama ang mainit nyang hininga sa mukha ko at nalanghap ko pa ang amoy ng alak.

Nagiinit na naman ang pisnging ngumuso ako. “Sabon mo lang yung naamoy mo.” Sabi ko at nilampasan ko na sya.

Tumawa naman sya. “Shower lang ako sweetheart.” Paalam nya at pumasok na sa banyo. 

Ako naman ay nilapag ang bag sa single na sofa na naroon. Niligpit ko rin ang dress na hinubad ko. Pumihit ako papuntang kama pero natigilan ako ng makitang bukas ang banyo at kitang kita ko ang hubo’t hubad ng si Lorenzo. Kitang kita ko ang bilog na bilog nyang pang upo. At tila nanadyang humarap pa sya akin.

“Y-Yung pinto Lorenzo isarado mo naman.” Sita ko sa kanya habang nagiinit ang pisngi. Pakiramdam ko nga sinisilaban na ang mukha ko sa init.

“Ayoko nga.” Sabi lang nya at tumawa.

Napatili na lang ako at sumampa sa kama sabay talukbong ng kumot.


Next update ang chukchakan. Goodnight 😗

Chapter 23

Warning 🔞

Aitana

LUMAKAS ANG kabog ng dibdib ko ng marinig ang pagsarado ng pinto ng banyo. Mukhang tapos na syang mag shower. Napapikit ako ng mariin at napakagat labi habang mahigpit ang hawak sa kumot na nakatalukbong sa akin. Narinig kong tumawa pa sya.

“Wag ka munang matutulog sweetheart. May gagawin pa tayo.” Tila nanghibibong sabi pa nya.

Napanguso ako at nanlaki ang butas ng ilong ko. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Sa kaba at excitement. Hindi ko inalis ang nakatalukbong na kumot sa akin at nakiramdam lang ako. Pero napatili ako ng mahablot ang kumot at tumambad sa akin ang nakangising mukha ni Lorenzo na bagong shower. Naaamoy ko pa ang ginamit nyang sabon at mouth wash.

Napalunok ako at binaba ang tingin sa katawan nya. Hubad baro sya at nakatapis lang ng puting tuwalya ang ibaba nya. Malakas ang kutob ko na wala syang saplot sa loob. Nakabakat pa nga ang bukol nya sa tuwalya.

Hinawakan nya ang baba ko at bahagyang inangat. Bumalik ang tingin ko sa mukha nya. Nakaplaster pa rin ng ngisi sa labi nya habang punong puno ng pananabik ang kislap ng kanyang mga mata habang ginagala ang tingin sa aking mukha. Napalunok naman ako habang tila hindi magkamayaw sa mabilis na pagtibok ang puso ko.

Dahan dahang bumaba ang mukha nya at sinakop ang labi ko. Magaan ang halik nya at padampi dampi lang na tila nanantiya. Saglit syang titigil at titingin sa mata ko at muli akong hahalikan. Masuyo ang halik nya pero may kasama ng dila na humahagod sa labi ko. Humawak naman ako sa gilid ng leeg nya habang tinutugon ang kanyang mainit na halik. Hanggang sa ang dila nya ay kumatok na sa labi ko. Binuka ko naman ang aking labi at hinayang makapasok ang dila nya na agad na gumalugad sa loob. Humagod pa ito sa ngipin ko at tinudyo tudyo pa ang dila ko. Nalalasahan ko pa ang mouth wash na ginamit nya.

Naging mapusok at mapaghanap na ang halik nya na akin namang tinutugon. Kapwa na rin naging malikot ang aming mga kamay sa katawan ng isa’t isa. Ang kamay nya ay pumipisil na sa ibabaw ng dibdib ko na natatakpan pa ng damit. Ang kamay ko naman ay humahaplos sa matigas nyang dibdib at tiyan.

Napakagat labi ako at napapikit ng bumaba ang halik nya sa leeg ko at doon naman ako pinapak ng halik na may kasama pang dila. Ang malaking kamay nya ay sumuot na sa loob ng damit ko at kinukubkob ang dibdib ko. Pinaglalaruan ng daliri nya ang utong ko at paminsan minsang nilalapirot ito. Masakit na nakakakiliti pero nagdudulot ng kakaibang init sa aking katawan.

Maya maya pa ay bumangon sya at napasinghap ako ng mabilis nyang hinubad ang suot kong t-shirt. Nakabuyangyang na ngayon sa kanyang harapan ang malulusog kong dibdib. Pero nahigit ko ang hininga ako at nataranta ng maramdamang nakagapos ang dalawang kamay ko sa ulunan ko. Tiningnan ko ito at ganun na lang ang kaba ko at panlalaki ng mata ng makitang nakaposas ako.

Teka, saan galing ang posas na yun? Wala naman yun kanina ah!

“B-Bakit nakaposas ako?” Natatarantang tanong ko sa kanya at pilit hinihila ang kamay para makawala. Pero napangiwi lang ako ng kumaskas ang balat ng kamay ko sa bakal.

Napamura naman sya at pinigilan ang kamay ko sa pagpipiglas. “Relax sweetheart, masugatan ang kamay mo.”

“Eh bakit kasi pinosasan mo pa ako? Ano bang binabalak mo?” Kinakabahang tanong ko. Baka mamaya sadista pala sya sa kama. Naku, hihiwalayan ko talaga sya.

Tumawa naman sya at hinalikan ako sa tungki ng ilong. “Wala akong gagawing masama sa’yo sweetheart. I just want to add some spice. Promise, magugustuhan mo ang gagawin ko sayo.” Anas nya at pilyong kumindat pa.

Napalunok naman ako. Kinakabahan pa rin ako pero may sumisibol na pananabik sa kung ano mang balak nyang gawin. Nasisiguro kong hindi naman nya ako sasaktan. Kung yung unang sex namin ay halos mabalian ako ng buto, ano naman kaya ngayon.

Bumangon sya at ang panty ko naman ang hinubad nya sabay hagis nya sa may sofa. Nahigit ko ang hininga ng tanggalin na nya ang tuwalyang nakatapis sa bewang nya. Tumambad sa akin ang pagkalalaki nyang parang pipino sa laki at buhay na buhay at tila pa tumatango. Pinaghiwalay nya ang dalawang hita ko at lumuhod sa gitna. Dumapa sya sa ibabaw ko at muli akong siniil ng halik na tinugon ko naman. Bumaba ang halik nya sa leeg ko, sa balikat hanggang sa makarating sa aking dibdib.

“Hmm..” Ungol ko ng lapirutin na naman nya ang isang utong ko habang sipsip naman nya ang kabila. Naghahalo ang sakit, kiliti at sarap. Medyo magaspang at madiin ang paraan ng pagpisil nya sa dibdib ko. Naghahalo ang sakit at kiliti Pero mas lamang yata ang kiliti.

Napakagat labi ako ng pagdikitin nya ang dalawang dibdib ko at salit salitang sinipsip ang utong ko. Lumiliyad na ang katawan ko sa kiliti at sarap na nadarama. Gustong gusto ko ng hawakan ang ulo nya at ikabig pa sa dibdib ko kaso nga lang ay nakaposas ang mga kamay ko.

Umawang ang labi ko ng alugin nya naman ang dibdib ko at bahagya pa nyang tinampal tampal. At halos isubo nya ng buo ang isa at piga piga naman ng isa nyang kamay ang isa. Ewan ko, pero ang hot ng ginagawa nya at mas lalo pa akong nagiinit.

“Tsup! Tsup!” Tunog ng bawat subo nya sa dibdib ko. Parang sinasadya nya talagang lagyan ng tunog habang nakatingin pa sa akin. Muli akong napakagat labi habang impit na umuungol.

Pero hindi pa pala doon nagtatapos ang kapilyuhan nya. Pinutuluan nya ng laway ang isang utong ko saka nya inikot ikot doon ang dila ng hindi bumibitaw ng tingin sa akin. Tila ako hinihipnotismo ng titig nya.

“Feels good?” Tanong nya habang tinatampal tampal ang dibdib ko.

Kagat labing tumango naman ako.

“Good, akin lang to.” Usal nya at muli na namang pinapak ang dibdib ko.

Bumaba ang mukha nya at tinataniman ng halik ang tiyan ko pababa ng puson. Parang trumiple pa ang tibok ng puso ko ng tumapat na ang mukha nya sa pagkababae ko. Pinaghiwalay nya ang mga hita ko at lumapat ang malaki at magaspang nyang kamay sa aking pagkababae.  Kinagat ko ang labi ng himas himasin nya ito. Tila tinutudyo pa ng daliri nya ang hiwa ko na nagdudulot ng kiliti.

“Wet ka na agad sweetheart. Horny?” Nakangising tanong nya habang patuloy na hinihimas ang pagkababae ko.

Nagiinit ang pisngi na hindi ako makasagot. Pero napadaing ako ng bigla nyang tampalin ng malakas ang pagkababae ko. Bahagya pang nanginig ang mga hita ko. Bumigat din ang paghinga ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Kakaiba ang sensasyon na dulot ng pagtampal nya sa pagkababae ko. Medyo may hapdi pero mas lamang ang kiliti at sarap.

“Ughh!” Daing ko ulit ng muli nyang tampalin ang pagkababae ko sabay kiskis nya ng mabilis ng kanyang kamay doon at muling tinampal tampal.

“Ughh shit!” Di ko na napigilang magmura kasabay ng pagnginig ng mga hita ko.

“Fuck.. mas lalo ka pang namasa sweetheart.” Anas nya sabay subsob ng mukha sa aking pagkababae.

Mariin kong nakagat ang labi ng walang habas na dinidilaan nya ang pagkababae ko at sinisipsip pa nya kung minsan. Para na akong bulate sa likot ng katawan ko sa kakakiwal.

“Ahhmmm..” Ungol ko ng ang clit ko naman ang pinuntirya ng bibig at dila nya na sinabayan pa ng kanyang daliri na naglalabas masok sa bukana ko. Doble doble na ang masarap na sensasyong nararamdaman ko. Gusto ko na syang utusan na tanggalin ang posas ko. Gusto ko syang sabunutan.

“U-Ughh Lorenzo!” Pahiyaw kong ungol sa pangalan nya ng kanyang kagatin ang clit ko kasabay ng mabilis na pagdaliri nya sa lagusan ko.

“Ughh shit Lorenzo! M-May lalabas!”

Mas lalo pa nyang binilisan ang pagdadaliri sa lagusan ko habang sipsip na ang clit ko. Para na akong mababaliw sa sarap na nararamdaman ko. Pakiramdam ko nga tutulo na rin ang laway ko.

“Ahhhmmmm!” Nanginig at nanigas ang buong katawan ko at bumaluktot ang mga daliri ko sa paa ng marating ko ang sukdulan kasabay ng pagdaloy ng katas ko sa aking lagusan na kanya namang sinalo ng bibig. Gusto ko syang pigilan pero wala namang ibang namumutawi sa bibig ko kundi ungol. Hindi rin ako makagalaw dahil bukod sa nakaposas ang aking mga kamay ay nasa ilalim din ako nakakadarang at nakakabaliw na masarap na sensasyon.

“Hmm.. tsup.. tsup..” Tunog ng pagdila at pagsipsip nya sa pagkababae ko na tila sinisimot ang katas kong nilabas. Habang ako naman ay habol ang hininga. Pakiramdan ko nga ay hinang hina ako at tinakasan na ako ng lakas. Kung ngayon pa lang ay ganito na ang nararamdaman ko paano pa kaya mamaya. Baka himatayin na ako.

“Hmm.. you taste so good sweetheart hmm..” Anas nya sa pagitan ng pagdila sa pagkababae ko.

Hindi pa ba sya tapos? Hindi pa ba nangangawit ang dila nya?

Pero maya maya lang ay umahon na sya at lumuhod sa pagitan ng hita ko. Napalunok ako ng makita ang pagkalalaki nyang tila mas lalo pang nangalit. Hinawakan nya ang dalawang hita kong nakatupi at binuka ng malaki. Umabante sya ng kaunti at hinimas himas ang pagkalalaki nya sabay kiskis nito sa pagkakababae ko.

“W-Wait, hindi mo ba tatanggalin muna ang posas sa kamay ko?” Untag ko sa kanya.

Tumingin sya sa akin at ngumisi. “Later sweetheart, aangkinin kita ng nakapasosas ka.”

“Ano – ahhh!” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang ipasok ang pagkalalaki nya sa lagusan ko. Medyo masakit pero hindi na gaya ng una.

“Ano ba? Magsasalita pa ako eh!” Angal ko.

Tumawa naman sya. “Mamaya ka na magsalita sweetheart, umungol ka na lang muna.” Aniya sabay ulos ng pagkalalaki nya.

Mariin kong kagat ang labi habang umuulos na sya ng sunod sunod. Ang hapdi na nararamdaman ko kanina ay nawala na at unti unti ng napapalitan ng kiliti.

“Ahh ahh ahhmmm!” Kagat labing ungol ko habang mabilis at madiin nyang nilalabas masok ang pagkalalaki nya sa lagusan ko. Hawak hawak nya ang dalawang hita kong nakatupi at nakabuka.

“Fuck! You feel so good sweetheart! Ughh sarap!” Usal nya habang umiigting ang panga at patuloy sa malalakas na pag ulos. Sa lakas nya ay bumubunggo na ang headboard ng kama sa pader. Umaalog na rin ang mga dibdib ko.

Tinaas pa nya ang dalawang binti ko at pinagdikit habang tuloy pa rin sya sa pagulos sa bukana ko. Kagat labing impit akong umuungol. Napapaikot pa ang mata ko kung minsan.

“Tangna sikip!” Usal nya at pinaghiwalay ang mga binti ko at pinatong sa magkabilaang balikat nya sabay ulos ng mas mabilis. Inabot pa nya ang dalawang dibdib ko at piniga piga.

Napaawang naman ang labi ko dahil mas malalim na ang naabot ng pagkalalaki nya.

“U-Ughh ahh Lorenzo! Ohhh! Hmmphhh!” Mabigat ang bawat paghinga ko habang halos mamaos na ako kakaungol. Damang dama ko ang kahabaan nyang malaki na mabilis na humahagod sa loob ko. Napakagat labi ako at wala sa loob na inipit ng kalamnan ko ang pagkalalaki nya.

“Ughh fuck! Putangna! Ganyan nga sweetheart squeeze my cock!” Mura nya sabay tampal sa dibdib ko.

Pero imbes na maturn off sa ginawa nya ay tila lalo pa akong sinilaban. Unulit ko ulit ang gusto nya. Inipit ko ang pagkalalaki nya sa loob ko ng kanyang ikinamura ng malutong.

“Nghhhh putangna! Ang sarap! Shit! Hmmph!” Mas nilakasan nya at sinagad ang pagbaon ng pagkalalaki nya sa lagusan ko na ikinaawang ng aking bibig.

“Oh my ghad Lorenzo! A-Ang lalim mo ughh! May tinataaman ka sa loob ko ohhhmmm!”

“That’s your gspot sweetheart. Masarap ba huh? You want more?”

Nakaaawang ang labing tumango tango ako. Gusto kong ulitin nya ulit yun.

At hudyat nga ng pagtango ko ay sinunod sunod na nya ang pagbaon ng sagad. Humawak pa sya sa leeg ko na parang sinasakal nya ako pero hindi naman madiin.

“Ahh! Ahh! Ahhhhggghhh!” Para na akong sinasaniban sa ungol ko. Tumitirik na ang mata ko sa sarap.

Bumaba pa ang katawan nya sa akin at mas lalong lumalim ang pagkakabaon ng pagkalalaki nya. Tanging likod ko na lang din ang nakalapat sa kama. Ang mga binti ko ay nakasampay sa kanyang balikat at halos nakadikit na rin sa akin. Hinawakan nya ang pisngi ko at pinisil. Napaawang ang labi ko. Siniil nya ako ng halik.

“Nasaktan ba kita?” Malambing na tanong nya sa akin.

Umiling iling naman ako. Hindi naman ako nasasaktan sa ginagawa nya kahit na ba medyo marahas syang gumalaw bagkus ay tila mas nagugustuhan ko pa.

“I’m sorry if I’m too rough sweetheart. Hindi ko lang mapigilan. Sabik na sabik ako sayo.” Anas nya at muling sinakop ang bibig ko habang walang habas pa rin syang umuulos. Tinugon ko naman ang halik nya.

Maya maya lang ay naramdaman kong tinatanggal na nya ang posas sa kamay ko. At ng makawala na ang kamay ko ay agad akong yumakap sa batok nya habang mapusok na gumaganti sa halik nya.

“Ahhh! Hnghhh! Lorenzo!”

“So fucking tight sweetheart! So tight! Ughhh!”

“M-Malapit na ako Lorenzo!”

Ilang sunod sunod na sagad na pagbaon ang ginawa nya na naghatid sa akin sa sukdulan. Huminto sya sa paggalaw at hinayaan muna akong matapos. Nakasubsob lang sya sa leeg ko at hinalik halikan ako doon.

Ng makabawi ako ay bumangon sya buhat buhat ako habang nakabaon pa rin ang pagkalalaki nya sa loob ko. Napayakap naman ako sa batok nya habang ang mga binti ko ay nakasampay sa mga braso nya. Sinandal nya ako sa dingding ng kwarto nya. Napasinghap ako ng muli syang umulos. Mabagal sa una hanggang sa bumilis ng bumilis.

“Ugh! Ahh! Ahhhh! Hnghhhh!” Ungol ko sa bawat bayo nya ng malakas at sagad. Mahigpit akong napayakap sa batok nya sa takot na baka mahulog.

“Fuck! Fuck! Fuck! Fuckkk!” Mura naman nya sa kanyang bawat bayo.

“O-Oh my ghad Lorenzo! Ahhgghhh!”

“You like that, sweetheart?” Tanong nya sabay bayo ng malakas.

“Ahhghhh yesss!”

“Very good! I’ll give you more!”

Halos maiyak na ako sa sarap ng sensasyon ng bawat pagbaon nya sa loob ko. Nangingilo na rin ako sa sarap at kiliti. Isang beses pa akong nilabasan at halos manlupaypay na ako pero sya ay tuloy tuloy pa rin at tila walang kapaguran.

Muli nya akong binalik sa kama at doon ako muling inangkin. Halos lumubog na ako sa kama sa lakas at tindi ng bayo nya. Parang kamay na ng orasan ang mga binti ko dahil sa iba ibang posisyon na ginagawa nya. Nakataas, nakabuka, nakadikit.

Maya maya pa ay mas naging agresibo na ang bawat galaw nya. Madiin ang hawak nya sa mga hita ko at mas nilakasan at sinagad pa ang pagbayo.

“Ughhh putangina! Shit! Shit! Shitt! Hnghhhhhh!” Nangangalit ang bagang  na hinugot nya ang kanyang pagkalalaki at mabilis na tinaas baba ng kanyang kamay. Ilang segundo pa ay tumalsik ang katas nya sa tiyan at dibdib ko. Mainit ito at medyo malapot. Para syang kondensada.

Dumapa sya sa ibabaw ko at sinubsob ang mukha sa pisngi ko. Parehas pa kaming habol ang hininga. Hapong hapo na rin ang pakiramdam ko at inaantok na.

“Next time ipuputok ko na sa loob mo wala ng excuses.” Anas nya sa tenga ko habang hinahaplos nya ang kabila kong pisngi. Pinapatakan nya ako ng masuyong halik sa leeg at balikat.

“Mabubuntis ako.” Nakapikit na sabi ko. Umesteady na rin ang paghinga ko. Gusto ko ng matulog.

“It’s ok, pananagutan naman kita sweetheart.”


Chapter 24

Aitana

NAPAYUKO AKO at kinagat ang labi. Nasa tabi ko naman si Lorenzo na humihimas sa batok. Nasa harapan namin si tiyang Meding na nakapamewang at seryoso ang mukha. Kararating lang namin dito sa bahay. Pasado alas singko na kami umalis ng bahay ni Lorenzo. Pero gumayak muna sya para direstso na sya sa istasyon.

“Uwi ba ng guro yan? Alas singko y medya ng umaga?”

Ngumuso ako. “Tiyang, nagtext naman ako sa inyo eh. Sabi ko sa bahay ako ni Lorenzo matutulog.”

“Nagtext ka tulog na ako. Nabasa ko na lang paggising ko. Kuh! Ikaw talagang bata ka.” Kumakamot sa ulong sabi ni tiyang.

“Ah tiyang Meding, wag na ho kayong magalit kay Aitana. Ako po ang nag aya sa kanya na matulog sa bahay ko.” Singit ni Lorenzo sa tabi ko.

Bumuntong hininga naman si tiyang. “Hmp, mabuti na lang at ikaw ang nobyo nitong si Aitana at may tiwala ako sayo.” 

“Salamat ho sa tiwala tiyang Meding. Hindi ko ho sisirain ang tiwala nyo. Wala ho akong gagawing bagay na ikakakapahamak ni Aitana.”

“Alam ko naman yun Lorenzo. Pero sana sa susunod magsabi kayo agad.”

“Oho, tiyang Meding ako na mismo magsasabi sa inyo.”

Nilingon ko si Lorenzo. Taas ang kilay na tumingin lang din sya sa akin. Napanguso ako. Ang lakas nya talaga kay tiyang Meding. Ako sinermonan sya hindi. Ako kaya ang pamangkin.

“O sige na, mag asikaso ka na Aitana at mag aala-sais na. Magluluto lang ako ng almusal. Kumain muna kayong dalawa bago pumasok.” Ani tiyang Meding at tinungo na ang kusina.

Humarap ako kay Lorenzo. “Pasok muna ako sa kwarto. Gusto mo ba ng kape?” Alok ko sa kanya.

“Ako na lang ang kukuha sa kusina. Sige na pasok ka na sa kwarto mo.” Aniya at hinalikan ako sa noo.

Tumango ako at tumungo na sa kwarto ko. Sya naman ay pumuntang kusina para kumuha ng kape.

Napapapalatak ako habang nakatingin sa salamin. Pano ba naman ay namumula ang leeg ko at bakat ang mga daliri ni Lorenzo. At hindi lang sa leeg ko bakat ang mga kamay nya kundi sa halos buong katawan ko. Lalo na sa parteng dibdib at mga hita ko. Pati nga dalawang pulso ko may bakat din ng posas. Pumapalatak na dinampot ko ang concealer at tinakpan ang bakat na kamay sa leeg ko at sa pulso. Masyado naman kasing extreme sa kama ang lalaking yun. Hanggang ngayon nga parang nararamdaman ko pa rin ang mahigpit nyang hawak sa mga hita ko, dibdib at leeg ko. Medyo ngalay nga rin ang katawan ko.

Sus

!

Makareklamo

ka naman Aitana eh nag enjoy ka naman . Singit ng isang boses sa kabilang bahagi ng utak ko.

Nag iinit ang pisnging pinilig pilig ko ang ulo. Nag concentrate na lang ako sa paglagay ng concealer. Pagkatapos ay nagsuklay na ako at lumabas na ng kwarto para mag almusal kasalo si Lorenzo.

“HOY ACLA, bakit umaga ka na umuwi kanina ha?” Sita sa akin ni Benj sabay hila sa buhok ko. Nalaglag tuloy ang sinusubo kong tsistirya.

“Aray ko naman!” Angal ko at sinamaan sya ng tingin. Dinampot ko ang nalaglag na tsitsirya at tinapon sa labas ng bintana. Sinundan ko ng tingin ang pinsan kong tumabi ng upo sa akin at inagaw pa ang tsitsirya ko. Sinipsip ko naman ang dulo ng dalawang daliri kong may nakadikit na mugmog ng tsitsirya.

“Nagkajowa ka lang natuto ka ng matulog sa ibang bahay ha. So anong ganap nyo ng jowa mong yummy na police kagabi?” Nakataas ang kilay na tanong nya habang sumusubo ng tsitsirya.

“Wala, natulog lang kami.” Nanghahaba ang ngusong sabi ko at nagiwas ng tingin sa kanya. Pero nag iinit naman ang pisngi ko.

“Tulog lang talaga?”

“O-Oo nga!”

Nakataas kilay nya at nakatingin lang sa akin habang pinagmamasdan ako. Tinaasan ko din sya ng kilay. Wala bang costumer sa salon nya at tumatambay sya dito. Alas singko pasado pa lang ng hapon at halos kauuwi ko lang galing eskwelahan. 

“Ano yang nasa leeg mo?” Tanong nya at hinawi ang buhok ko.

“Hmm?” Nilingon ko sya.

“Yung nasa leeg mo bakit parang namumula? Parang may bakat ng kamay.” Kunot noong sabi nya.

Nahigit ko naman ang hininga at mabilis na tinakpan ng kamay ang leeg. Nanlalaki ang matang tumingin ako sa kanya. Lalo namang napakunot ang noo nya ng tumingin sa pulsuhan ko.

“Omg! Pati pulso mo namumula din. Saan galing yang mga yan Aitana?” Nanlalaki ang matang tanong nya.

“W-Wala.. ano..” Nauutal at hindi ko alam ang sasabibin. Shet! Bakit ba nakalimutan ko uling maglagay ng concealer kanina.

Napasinghap si Benj at napatuptop ng bibig. “May ginawa kayo kagabi ni Lorenzo no?”

Naginit ang pisngi ko kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko sa kaba. “W-Wala kaming ginawa.” Nanlalaki ang butas ng ilong na sabi ko.

“Wag mo ng itanggi bakla ka, halatang nagsisinungaling ka nanlalaki ang butas ng ilong mo. Nagse-sex na kayo ni Lorenzo no?”

“Uy, bunganga mo naman marinig ka ni tiyang.” Saway ko sa kanya. Nasa labas kasi si tiyang Meding at nagdidilig ng kanyang mga halaman.

“So ano nga? Nagse-sex na kayo no? Sya ang may gawa nyang mga marka mo sa leeg at pulso?”

Hindi ako nakaimik sa sinabi nya at napanguso na lang habang hawak ang leeg.

“Kuh! Ikaw talagang babaita ka. Kapag ikaw nabuntis ng wala sa oras – “

“Hindi ako mabubuntis withdrawal naman sya eh.” Sabat ko. Pero napangiwi agad ako at napakagat labi. 

Muli syang napasinghap at nanlaki ang mga mata. “Eh di nagsesex na nga kayo.”

Tinakpan ko ang bibig nya. “Bunganga mo naman!” Saway ko ulit sa kanya at binitawan ang bibig. “Oo na, may nangyayari na sa amin.” Nagiinit ang pisnging amin ko sabay irap sa kanya.

Muli nyang hinila ang buhok ko. “Kapag ikaw talaga nabuntis. Naku sinasabi ko sayo.”

“Withdrawal nga sya.” Giit ko. Pero naalala ko ang sinabi ni Lorenzo na next time daw ipuputok na nya sa loob ko. Siguro dapat na akong bumili ng after pills just in case.

“Kapag ikaw talaga natyempuhan, buntis ka.”

“Sinong buntis?”

Napapitlag ako at napalingon kay tiyang Meding na kapapasok lang. Nagtinginan naman kami ni Benj. Pinandilatan ko sya ng mata. Kasalanan nya eh. Ang lakas ng boses.

“Ah si ano tiyang, yung dati naming ka school mate buntis na.” Palusot ni Benj na kumamot pa sa pisngi at ngumiwi.

“Akala ko kung sino na ang buntis. Nakapag saing ka na ba Aitana?” Tanong sa akin ni tiyang Meding.

“Opo tiyang.” Kinakabahang sagot ko. Mabuti na lang hindi malinaw na narinig ni tiyang ang usapan namin ni Benj.

“O sige, maiwan ko na kayo dito magluluto lang ako ng ulam. Si Lorenzo ba pupunta dito? Para maisahog ko na sya sa ulam.”

“Opo tiyang, text ko na lang po sya na dito na sya kumain.” Sabi ko.

Tumango lang si tiyang Meding at tumungo na sa kusina.

Kinurot ko naman sa tagiliran si Benj na ikinamura nya. “Aray ko naman! Para kang si tiyang mangurot ah!”

“Ikaw kasi ang ingay mo!” Sita ko sa kanya.

Inirapan lang nya ako at dumekwatro ng upo habang nilalantakan ang tsitsirya ko.

“Pasalamat ka talaga botong boto si tiyang kay Lorenzo kung hindi may kurot ka na sa singit.” Aniya.

Napanguso na lang ako. Natutuwa din naman ako na boto si tiyang Meding kay Lorenzo at may tiwala sya dito. Aba, mahirap kayang makuha ang tiwala ni tiyang Meding.

Tumunog ang cellphone ni Benj. Nakita ko ang pangalan ni Macy.

“Hay, ang kulit talaga ng babaitang to.” Angal nya pero pinindot naman ang green button at tinapat ang cellphone sa tenga. “Hello, ano na naman?” Aniya sa kabilang linya sabay tayo at lumabas ng pinto. Sinundan ko lang sya ng tingin. Napataas ang kilay ko. Malakas ang kutob ko may something sa kanilang dalawa ni Macy.

Lorenzo

IN-UNLOCK KO ang pinto ng passenger seat at pumasok ang taong kanina ko pa hinihintay. May suot syang bullcap at itim na itim na sunglasses.

“Boss.” Bati nya sa akin.

Tinanguan ko lang sya.

May dinukot sya sa loob ng jacket nya. Isang envelope at binigay nya ito sa akin. Kinuha ko naman ito at binuksan. Nilabas ko ang ilang kuha ng litrato at isa isang tiningnan. Napatiim bagang ako sa nakikita sa mga litrato. Mga kuha ni Julie at Congressman Raymond Echevari sa harap ng isang kilalang motel. Nakahood sweater at sunglasses si Julie at si Raymond Echevari naman ay nakacasual lang. Hindi ako tanga kung ano ang ginawa nila o gagawin pa lang sa loob ng motel. At mukhang matagal ng may namamagitan sa kanila. Kuha ang litrato sa kabilang bayan dahil doon lang naman may ganoong motel. Sa ibang litratong kuha naman ay kumakain sila sa isang restaurant at lumabas sa bahay ni Don Conrado. Pero isang litrato ang maituturing na matibay na ebidensya kung saan kasama na ng dalawa si Don Conrado.

“Hindi ba sila nakakahalata na sinusundan mo sila?”

“Hindi naman siguro boss, nagdodoble ingat ako.”

Dinukot ko ang maliit na sobre sa loob ng leather jacket na suot ko at inabot sa kanya. Kinuha naman nya ito.

“Magpalamig ka muna, tatawagan ulit kita kapag may ipapagawa ulit ako sa’yo.”

“Thank you boss, sa uulitin.” Sabi nya at sumaludo pa bago bumaba ng sasakyan. Dumiretso sya sa motorsiklo nyang nakaparada. Bumusina muna sya sa akin bago pinasibad.

Binalik ko na sa envelop ang mga litrato. Sinuksok ko ito sa bulsa sa loob ng jacket ko. Habang kumakalap kami ng impormasyon ay lalo lang tumitibay ang hinala namin na si Julie nga ang espiya sa istasyon. Pero kulang pa. Kailangan pa ng mas solidong ebidensya yung hindi na sya makakalusot pa.

Bumuntong hininga ako at binuhay ang makina ng sasakyan. Sakto namang tumunog ang cellphone kong nakapatong sa dashboard. Dinampot ko ito at tiningnan. Napangiti ako ng makitang may text si Aitana. Binuksan ko ito.

Sweetheart: Sa bahay ka na kumain sinali ka na ni tiyang sa lulutuing ulam

Ngumisi ako at nagtype ng reply.

Ako: Sure sweetheart

Binalik ko na ang cellphone sa dashboard at pinaandar na ang sasakyan pabalik ng istasyon. Isa’t kalahating oras pa bago matapos ang duty hour ko. Namimiss ko na ang sweetheart ko.

HINAHAPLOS KO ng daliri ang nakabakat kong kamay sa leeg ni Aitana. Masyado yata kong nanggigil sa kanya kagabi. Pati mga pulso nya ay may bakat din ng posas. Siguro next time tela na lang ipantatali ko sa kamay nya.

Sumubsob ako sa leeg nya  at hinahalik halikan sya doon habang sinisinghot ang amoy nya. Gustong gusto ko ang amoy nya. Hindi masakit sa ilong at babaeng babae.

“Ay, ano ba yan Lorenzo? Nakikiliti ako sa bigote at balbas mo.” Humahagikgik na sabi nya at tinutulak ang mukha ko.

Natatawang mas lalo ko pang sinubsob ang nguso sa leeg nya at ikiskis ang bigote at balbas. Hinigpitan ko rin ang yakap sa bewang nya para hindi sya makaalis sa pagkakaupo sa mga hita ko. Mas lalo naman syang napahagikgik. Ang sarap sarap din nyang yakapin dahil ang lambot lambot nya bukod pa sa mabango. Heto nga at nabubuhay na naman ang alaga ko sa loob ng pantalon dahil nasasagi ng pang upo nya. Mabuti na lang ay pumasok na si tiyang Meding sa kwarto nya para magpahinga. Alas nuebe pasado na rin kasi ng gabi at parang ayoko pang umuwi. Kung pwede nga lang iuwi ko na sya sa bahay ko.

“Lorenzo tama na kasi nakikiliti na ako.” Humahagikgik na saway nya sa akin.

“Hmm.. ang bango bango mo kasi sweetheart.” Malambing na sabi ko at pinupog sya ng halik sa pisngi, leeg at balikat.

“Syempre araw araw akong naliligo.”

Tumawa ako. “Next time sabay naman tayong maligo sa bahay ko.” Bulong ko sa kanya na ikinasinghap nya. Namula din ang kanyang pisngi.

“A-Ayoko nga! Di ako sanay maligo ng may kasama no.” Nakangusong sabi nya.

“Masasanay ka din kapag lagi mo na akong kasamang maligo.” Nanghihibong sabi ko. Nae-excite na tuloy akong makasama syang maligo. Ako ang magsasabon sa kanya at sasabunin ko ang lahat ng parte at kasuluksulukan ng katawan nya. Syempre hindi lang pagsabon sa katawan nya ang gagawin ko.

Shit! Lihim akong napamura ng sumikip lalo ang pantalon ko. Buhay na buhay na naman ang alaga ko. Ang bilis ko talagang tigasan sa kanya. 

“Uy, ano yan? Bakit ang tigas ng pipino mo?” Bulalas nya at akmang tatayo pero mas hinigpitan ko lang ang pagkakayakap sa bewang nya at pinirmi sya sa kandungan ko.  Natawa pa ako dahil sa pagkakatawag nyang pipino sa alaga ko.

“Just stay put sweetheart..”

“Pero – “

“Nghh..” Napadaing ako ng maglumikot sya sa pagkakaupo sa kandungan ko at masagi ng pangupo nya ang bukol ko.

“Hala! Sorry! Tatayo na kasi ako baka maipit ko pa yang pipino mo.” Natatarantang akmang tatayo na naman sya pero muli ko lang uli sya pinigilan.

“I said stay put sweetheart, wag kang makulit.” Paangil kong sabi.

Napasinghap naman sya at nanlalaki ang matang tumingin sa akin. Naguilty naman ako.

“Sorry, ikaw kasi ang kulit mo. Dito ka lang kasi at wag kang mag alala sa pipino ko, ok lang sya at gusto nya dito ka lang.” Malambing ng sabi ko. Ayokong maturn off sya akin dahil inangilan ko sya.

Ngumuso lang sya at inirapan ako pero hindi na nagpumulit na umalis sa kandungan ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalik halikan sya sa balikat at leeg. Hindi nakakatulong sa nararamdaman ko ngayon na nararamdaman ko ang malambot at mainit nyang katawan. Naamoy ang kabanguhan nya. Lalong umiinit ang nararamdaman ko at nagwawala na ang alaga ko. Hindi ko na rin napigilan ang mga kamay kong humimas at pumisil sa katawan nya.

Sumapo na ang kamay ko sa ibabaw ng dibdib nya at pumisil pisil doon. Habang ang isang kamay ko naman ay humihimas sa maputi at makinis nyang hita.

“L-Lorenzo yung kamay mo.” Saway nya sa akin at humawak sa kamay kong nasa ibabaw ng dibdib nya at sa isang kamay kong nasa singit na nya.

Pero hindi ako nagpatinag at sumubsob lang sa leeg nya habang nakahawak pa rin sa dibdib nya at singit. “I wanna touch you sweetheart.” Anas ko sa tenga nya.

Napasinghap naman sya. “A-Ano? H-Hindi pwede baka biglang lumabas si tiyang makita pa tayo.”

“Hindi yan, tulog na yun.” Sa halos gabi gabi kong pagpunta dito sa bahay nila ay kabisado ko na ang oras ng pagpasok ni tiyang Meding sa kwarto nya para matulog.

“P-Pero baka magising sya at lumabas ng kwarto.”

“Wala naman tayong ibang gagawin sweetheart, hahawakan lang kita.” Ungot ko sabay pisil sa dibdib nya. Kating kati na nga ang kamay kong hawakan sya.

Bumuntong hininga sya. “Fine, pero hawak lang ha. Saka bilisan mo baka magising si tiyang biglang lumabas.”

Tumawa ako. “Depende sweetheart kung lalabasan ka agad.”

Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko at akmang may sasabihin pa pero napasinghap na lang sya ng ipasok ko ang kamay sa butas ng shorts nya at himasin ang pagkababae nyang natatakpan pa ng panty nya. Hinawi ko ito at kinapa ang kanyang hiwa. Napakagat labi naman sya.

“Spread your legs sweetheart.” Pabulong kong utos sa kanya na sinunod naman nya. Humawak pa sya sa braso ko.

Hinagod hagod ko naman ang daliri ko sa kanyang hiwa at clit. Habang ang isang kamay ko naman ay pumasok sa loob ng damit nya at sinapo ang kanyang dibdib. Naramdaman ko namang namamasa na sya. Medyo hirap gumalaw ang kamay ko dahil sa shorts nya.

“Hmm Lorenzo..”  Ungol nya.

Sumubsob lang ako sa leeg nya at hinalikhalikan sya doon habang patuloy sa paglilikot ang mga kamay ko sa kaselanan nya. Ng mas lalo pa syang namasa ay pinasok ko ang isang daliri ko sa lagusan nya. Napaungol pa ako at tahimik na napamura ng maramdaman ang kasikipan nya, mainit din sa loob at madulas.

“Ahh Lorenzo.” Daing nya.

“Shh.. lower your voice sweetheart. Baka magising ng tuluyan si tiyang.” Saway ko sa kanya. Kumagat labi naman sya.

Inilabas masok ko na ang daliri ko sa masikip na lagusan nya. Ang isang kamay ko naman ay pinigpiga ang dibdib nya. Binaba ko pa ang kanyang bra.

“Hmm.. nghhh..” Impit nyang ungol habang lumiliyad ang katawan.

Mabigat na rin ang bawat paghinga nya. Naramdaman kong mas lalo pa syang namasa. Dinagdagan ko pa ng isang daliri ang daliri ko sa loob nya. Napaawang naman ang labi nya at mahigpit na humawak sa braso ko. Binilisan ko ang pagdadaliri sa lagusan nya na sinabayan ko pa ng pagpiga sa malambot nyang dibdib at pagdila sa leeg nya. Nararamdaman kong anumang sandali ay lalabasan na sya.

“Nghhh Lorenzo.. malapit na ako.” Paanas na ungol nya.

“I know sweetheart I know..” Mas lalo ko pang binilisan ang pagdadaliri. At ilang sandali pa nga ay impit syang napaungol kasabay ng panginginig ng kanyang katawan. Nagdikit din ang kanyang mga hita at naipit ang kamay kong nasa loob pa ng shorts nya.

Bahagya syang hiningal ng matapos sya. Hinalik halikan ko naman sya sa pisngi. Nilabas ko na ang mga kamay ko sa damit at shorts nya at hinawakan ang panga nya. Pinaling ko ito patagilid at mapusok syang hinalikan sa labi na kanya namang tinugon.

“Ay sorry sorry! Sorry po!” 

Agad na bumitaw ng halik sa akin si Aitana at umalis sa kandungan ko. Hindi pa magkandatutong inayos nya ang damit at shorts kaya tinulungan ko na sya. Pagkatapos ay sabay na naming nilingon ang pinsan nya.

“Sorry, naistorbo ko kayo. Ah si tiyang tulog na ba?” Nakangiwing tanong ni Benj.

“O-Oo tulog na sya.” Nauutal na sabi ni Aitana.

“Ah kaya pala. Sige, balik na ako sa bahay ko. Maiwan ko na kayo.” Paalam ni Benj at nagmamadali pang lumabas ng pinto.

Nagkatinginan naman kami ni Aitana. Ngumisi ako ng makitang namumula ang mukha nya. Inayos ko ang kwelyo ng tshirt nyang bahagyang nakalilis. Impit syang napatili at napatakip ng mukha.

“Omg! Nakita tayo ni Benj. Nakakahiya!”

Tumawa lang ako at niyakap sya.

“Kasalanan mo to eh!” Paninisi nya sa akin.

“What? Nagustuhan mo naman ah.” Nanunuksong sabi ko.

Lalo namang namula ang mukha nya. Kinabig ko lang sya payakap. Sumubsob naman sya sa dibdib ko habang impit pa ring tumitili. Tumawa lang ako.


Chapter 25

Macy

“SALAMAT SA paghatid Art.” Sabi ko pagbaba ko ng motor ni Art. Binigay ko sa kanya ang helmet.

“You’re welcome.” Nakangiting sabi nya.

Nginitian ko din sya at sinukbit ang bag. Manliligaw ko si Art. Nagtatrabaho sya sa isang bangko. Nagkakilala kami sa social media. Nagkachat hanggang sa nagparamdam syang manliligaw. Isang linggo na syang nanliligaw sa akin. May hitsura naman si Art. Mabait at maginoo pa.

“See you tomorrow Macy.”

Tumango lang ako at kumaway sa kanya. Sinundan ko muna sya ng tingin papaalis bago tumalikod.

“Sino yun ha?”

“Ay!” Napatili ako at napahawak sa dibdib kong malakas ang kalabog ng malingunan si Benj na nakahalukipkip at nakasimangot. “Ano ba Benjamin! Ginulat mo naman ako.”

Nagmock face sya at inirapan ako. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Ang taray talaga nitong baklitang to. Mabuti na lang gwapo sya at masarap.

Pinasadahan ko sya ng tingin. Nakasuot lang sya ng cotton shorts na kulay puti at t-shirt na navy blue na hakab na hakab sa manggas ang mga masel nya sa braso. Kung tutuusin lalaking lalaki naman talaga ang hitsura nya. Maliban lang sa pananalita at mga kilos nya. Gwapo talaga sya at mestisuhin, maputi pa at talagang malinis sa katawan. Yun nga lang mas maarte pa sa akin.

“So sino nga yun? Kaya pala ng pinuntahan kita kanina sa school nyo wala ka na. Yun pala may ibang sumusundo sayo.” Mataray na sabi nya.

Natigilan ako sa sinabi nya. “Pinuntahan mo ko sa school kanina?”

Nag iwas sya ng tingin at humimas sa batok. “O-Oo.”

“Bakit mo ko pinuntahan?” Tanong ko ulit. May sumibol na tuwa sa puso ko. Mukhang nagbubunga na ang mga paghihirap ko at gabi gabing pag iisip sa kanya.

“W-Wala lang, bored ako sa salon eh. Naisipan kong maggalagala tapos naisipan kong puntahan ka sa school nyo dahil uwian nyo na. Kaso sabi ng gwardya umuwi ka na nga daw. Pinuntahan kita dito sa bahay mo wala ka naman yun pala may kasama kang iba. Tss, kung kani kanino ka sumasama baka mamaya siraulo pala yun.” Aniya at inirapan na naman ako.

Kumagat labi ako para pigilan ang pagngiti dahil sa kilig. Pinigilan ko rin ang sarili ko na sugurin sya ng yakap. Baka lalong lumaki ang ulo nya kapag pinakita kong patay na patay ako sa kanya.

Tinaasan ko sya ng kilay. “Si Art yun, manliligaw ko.” Kaswal lang na sabi ko at nilampasan sya. Nakita ko pa ang motor nyang nakaparada sa tabi ng gate ng compound.

Dinukot ko ang susi ng bahay ko at pumasok na sa gate. Binati ako ng isang kapitbahay ko. Nginitian ko lang sya at tinanguan. Naramdaman ko namang nakasunod sa akin si Benj pero hindi nagsasalita. Ng makarating na ako sa tapat ng bahay ko ay sinuksok ko na ang susi sa padlock at binuksan ang pinto. Pumasok ako at nilapag ang bag sa sofa. Dumiretso ako ng kusina at binuksan ang ref. Kinuha ko ang tumbler at tinungga.

“Manliligaw? At kelan ka pa nagkaroon ng manliligaw?” Tanong nya ng makapasok na rin sya sa bahay ko.

Hinarap ko sya. Nakapameyang sya at mataray ang mukha.

“Isang linggo ng nanliligaw sa akin si Art.”

Humalukipkip sya. “Kaya naman pala hindi ka na pumupunta ng salon dahil busy ka na sa manliligaw mo.” Nakataaas ang kilay na sabi nya.

“Di ba sabi mo wag na kitang kulitin. Iniiwasan mo nga ako eh.”

Simula ng gabing may nangyari sa amin sa salon nya ay iniwasan na nya ako. In-unfriend pa nga nya ako sa social media na iniyakan ko talaga. Pero in-add friend naman nya ulit ako. Yun nga lang sinabihan nya akong wag na syang kulitin at kalimutan na lang ang nangyari sa amin. Di daw nya ako magugustuhan kahit ano pa ang gawin ko. Kung bakit ba naman kasi sa dami ng lalaking pwede akong mainlove sa kanya pa na mas malantik ang mga daliri kesa sa akin.

Nag iwas sya ng tingin sa akin at tumingin tingin sa kabuuan ng bahay ko. Oo nga pala, ito ang unang beses na nakatapak sya dito sa bahay ko at sya lang ang lalaking nakatapak dito. Mag isa lang kasi ako ditong nangungupahan. Dalawang taon na akong nangungupahan dito. Ang mama ko naman ay sa kabilang bayan naninirahan kasama ang bagong pamilya.

Sinundan ko ng tingin si Benj na nasa sala na at prenteng umupo sa sofa.

“Ok tong apartment mo ha. Up and down pa. Magkano upa mo dito?” Tanong nya o mas tamang sabihin na pagiiba nya sa usapan.

Umikot ang mata ko sa ere at binalik na ang tumbler sa ref. Pumunta ako ng sala at umupo sa sofang kaharap nya at hinubad ang sandalyas.

“5k ang upa sa isang buwan pwera pa ang tubig at kuryente.” Sabi ko. Pero hindi naman ganun kalaki ang konsumo ko sa tubig at kuryente dahil ako lang naman ang mag isa dito sa bahay.

“Hmm keri na, maayos naman tong apartment mo. Pero di ko lang bet yung pintura ang dull. Dirty white? Ang corny huh! Tapos yung kurtina mo ang chaka din ng kulay pati tong cover ng sofa mo. Buti na lang malambot.”

Inikutan ko sya ng mata. Hindi naman talaga corny ang kurtina at cover ng sofa ko maarte lang talaga sya.

“Lakompake.” Mataray na sabi ko.

“Pwes ako may pake, ayoko kasing nakakakita ng panget at corny sa paligid ko.”

Bumuntong hininga ako at kumamot sa pisngi. “Ano ba kasing ginagawa mo dito?”

“Wala, sabi ko nga sayo nabobored ako sa salon kaya naggagala ako. Pinuntahan kita sa school nyo wala ka naman tapos dumiretso ako dito wala ka pa rin tapos nakita kita kanina hinatid ka ng lalaking nakamotor.” Sabi nya na maarteng umirap pa sa hangin.

Tinaasan ko naman sya ng kilay. “Kung nabobored ka eh di dapat dun ka sa mga kaibigan mo o kapederasyon mo pumunta o kaya maghunting ka ng mga lalaki.”

“Bakit? Ayaw mo ba akong makita?” Mataray na tanong nya habang nakataas din ang kilay.

“Di ba nga ang sabi mo wag na kitang kulitin, iniiwasan mo nga ako eh. Tapos ngayon pupunta punta ka sa school at dito sa bahay ko.” Mataray ko ring sabi at inirapan sya.

Inirapan din nya ako at bumuntong hininga. “Fine, oo na! N-Namiss kita kaya pinuntahan kita. Happy?” Sabi nya na namumula pa ang mukha at nagiwas ng tingin.

Para naman may nag aawitang mga anghel sa paligid ko ng marinig ang sinabi nya. Mabilis din ang tibok ng puso ko. Namiss daw nya ako.

Hindi ko naman napigilan ang sarili na tumayo at tumabi ng upo sa kanya. “Talaga? Namiss mo ko?” Malaki ang ngiting tanong ko.

Umusod naman sya ng upo at tinalikuran ako. “Ewan ko sayo.” Sabi nya.

Umusod naman ako ng upo palapit sa kanya at humawak sa braso nya. “Sabi mo kanina namiss mo ko.” Kinikilig na sabi ko.

“O eh ano naman kung narinig mo.” Hindi pa rin lumilingong sabi nya.

“Hindi mo na ako iiwasan?”

“Depende.”

“Uy, tumingin ka naman sa akin.” Hinihila ko sya sa braso at pinapalingon sa akin.

“Ayoko.” Pagiinarte nya at umusod pa. Umusod din ako at ngumisi. Wala na syang uusuran dahil armrest na ang nasa dulo.

“Namimiss mo ako pero ayaw mo kong tingnan. Ano kaya yun.” Kumagat labi ako. May naiisip na naman akong kapilyahan.

Humawak ako sa hita nya na bahagya nyang ikinapitlag. “Ako din namiss kita.”

“Talaga?” Nakataas ang kilay na tanong nya at bahagya akong nilingon.

“Oo, gabi gabi nga kitang iniisip eh.” Nangaakit ang boses na sabi ko habang hinihimas ang hita nyang matigas na ikinahigit nya ng kanyang hininga.

“At ano namang iniisip mo sa akin?”

“Gusto mong malaman?”

“Ano nga? Ang dami mo pang echos dyan.”

Kumagat labi ako at tumayo. Sinusundan naman nya ako ng tingin. Tinungo ko ang pinto at sinarado. Muli akong bumalik sa sofa.

“H-Hoy babaita ka, bakit mo sinarado ang pinto? M-May binabalak ka no?” Nauutal na sabi nya at siniksik ang malaking katawan sa dulo ng sofa. Maarteng nakahawak pa sya sa kanyang dibdib.

Nanghihibong tumingin ako sa kanya habang tinatanggal ang butones ng blouse ko. Nakasarado naman ang bintana at kurtina kaya hindi makikita ng mga nasa labas ang pagboborles ko sa harap ng masarap na baklitang to.

“Hoy bakit ka naghububad?” Natatarantang sabi nya at nanlalaki ang mata pero hindi naman inaalis ang tingin sa akin.

“Kung ayaw mo ng nakikita mo eh di umalis ka.” Sabi ko at hinubad na ang blouse.

Tumambad ang malulusog kong dibdib na natatakpan pa ng bra. Sunod ko namang hinubad ang slacks ko. Lihim akong nagbunyi ng makita kong nakatitig sya sa katawan ko at napapalunok pa. Lumapit ako sa kanya at umupo paharap sa kandungan nya. Naramdaman kong nanigas ang katawan nya.

“M-Macy ano bang ginagawa mo?” Nauutal nyang tanong.

Kagat labing ngumiti ako at inikot ang mga braso sa batok nya. Halos dumikit na ang dibdib ko sa mukha nya. Kiniskis ko pa ang pang upo ko sa kandungan nya. Lihim akong napangisi ng maramdamang tumitigas na sya.

“Ayaw mo ba?” Nanghihibong tanong ko.

Hindi sya sumagot at napalunok lang habang pasulyap sulyap sa dibdib ko. Hinawakan ko ang mukha nya at sinunggaban sya ng halik. Sa una ay nakapirmes lang ang labi nya hanggang sa unti unti nya iyong ginalaw at naging mapusok na. Ang mga braso nya ay yumakap na sa aking katawan..

Aitana

PAGPASOK NI Lorenzo sa sasakyan ay tila may inaabot sya sa likod. Ako naman ay inaayos ang seatbealt sa pagkakabit sa katawan ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya ng may iabot sya sa akin na isang paper bag. Kunot noong kinuna ko ito.

“Ano to?”

“Open it.” Sabi nya na kinakabit na rin ang seatbelt.

Kunot noong binuksan ko naman ang paper bag at sinilip. Pinasok ko ang kamay ko at hinugot ang laman.

Nanlaki ang mga mata ko ng ilabas ko ang laman ng paper bag na binigay sa akin Lorenzo. Isa itong mamahaling bag base na rin sa tatak nito.

“Wow! Ang ganda!” Bulalas ko. White and black ang kulay ng shoulder bag. “Totoo to?” Tanong ko kay Lorenzo.

Tumawa sya. “Oo naman, hindi kita bibigyan ng peke no.”

“Pero sobrang mahal nito.” Sabi ko.

Nakaawang ang labi ko habang iniinspeksyon ang bag. Hindi ako makapaniwalang binibigyan nya ako ng ganito kamahal na bag. Ang alam ko mahigit daang libo ang halaga nito. At ngayon lang ako nakahawak ng ganito kamahal na bag. Mahilig ako sa bag pero hanggang 1k lang ang kaya kong bilhin nanghihinayang pa nga ako. Ok lang sa akin ang mga mumurahin.

“Ayos lang, regalo ko sayo yan.” Sabi nya na sumulyap sa akin at ngumiti pero binalik ulit ang tingin sa kalsada.

Ngumuso ako. “Bakit mo naman ako reregaluhan di ko naman birthday.”

Kumunot ang noo nya. “Bakit? Tuwing birthday ka lang ba dapat regaluhan?”

“Hindi naman.”

“Hindi naman pala eh. Saka girlfriend kita reregaluhan kita kahit kelan ko gusto at kahit gaano pa kamahal.”

Napakagat labi naman ako sa kilig. “Wag naman masyadong mahal gaya nitong bag. Ok lang sa akin kahit mumurahin.”

“Nah, afford ko naman kaya bibilhin ko.”

Tiningnan ko sya. Hindi naman mayabang ang pagkakasabi nya. Totoo namang afford nya. Mayaman sya eh.

“Ahm, thank you.” Nahihiyang sabi ko at maingat na binalik sa paper bag ang bag.

“Thank you lang? Wala ba akong kiss?” Nakangising sabi nya at sumulyap pa sa akin.

Dumukwang naman ako at mariin syang hinalikan sa pisngi.

Tumawa naman sya. “Parang lugi ako ah, sa pisngi lang?”

Ngumuso ako. “Mamaya na sa lips, nagdadrive ka pa eh.”

“Ok, asahan ko yan.”

Ilang minuto pa ay nasa harap na kami ng bahay namin. Pinatay nya ang makina mg sasakyan at mabilis na bumaba. Umikot sya at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan nya ako pagbaba. Napangiti naman ako. Kahit ilang buwan ng kami ay hindi pa rin naaalis sa kanya ang ganitong gesture nya.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Nagmano kami kay tiyang Meding. Mamayang alas syete pa ng gabi ang duty nya. Panggabi daw sya ngayon at sa isang buong buwan. Lately nga ay nagiging sobrang busy na sya. Bihira na nya akong sunduin sa umaga dahil gabing gabi na sya halos umuwi kaya nagmomotor na lang ako. At syempre katakot takot ang bilin nya sa akin na magiingat sa pagmomotor. Bihira na rin syang pumunta sa bahay sa gabi dahil nakaduty pa sya. Pero lagi naman nya akong tinitext o tinatawagan. Mayroon daw kasi silang importanteng inaasikaso ngayon.

“WOW! ANG shala ng bag. Kabog!” Bulalas ni Macy ng umupo sya sa katapat kong upuan. Nandito kami sa paborito naming pwesto sa canteen. Kinuha nya ang bag kong nakapatong sa lamesa at tiningnan.

“Parang totoo ah.” Komento nya.

Nilunok ko ang kinakain kong turon. “Totoo yan.” Sabi ko.

Nagdududang tumingin sya sa akin. “Weh?”

“Oo nga, bigay sa akin yan ni Lorenzo noong isang araw.”

“Eh di totoo nga, bigay ng jowa mo eh. Maraming datung yun. Sanaol may maperang jowa.” Aniya at binalik na ang bag ko.

“Marami ding pera si Benj, tatlo ang salon nun at may pinapatayo pang isa sa bayan. May paupahan din sya, pautang at may savings pa.” Sabi ko.

Ngumuso naman sya. “Hindi ko pa sya boyfriend kasi ang arte arte nya.”

“Pero atleast pinapansin ka na nya ulit. Parang sobrang close nyo na nga eh. Sinusundo ka pa nya minsan samantalang ako hindi” Sabi ko na matiim na nakatingin sa kanya.

Nagiwas naman sya ng tingin at sumubo ng palabok. “Eh kasi may sarili ka namang motor. Ako wala, saka hindi ako marunong mag drive.”

Kunsabagay. Napapansin ko kasi nitong mga nakaraan lagi syang sinusundo ni Benj tapos lagi din sya sa salon. Minsan nga ginagabi pa sya sa salon hanggang sa magsarado tapos ihahatid sya ni Benj sa bahay nya. Noong one time nga naabutan ko silang magkatabi sa sofa sa salon habang magkayakap.

“Aminin mo mga sa akin bes, may namamagitan na ba sa inyo ni insan?” Curious na tanong ko sa kanya.

Natigilan naman sya sa pagnguya at namumula ang pisnging tumingin sa akin.

“A-Ano.. kasi..” Halatang nag aalangan sya na magsalita.

“Kasi ano? Ikaw ha nagsisikreto ka na. Wag ka ng mahiya sa akin. Sa totoo lang boto naman ako sayo para sa pinsan ko. Aba, pasasalamatan pa kita kapag naging kayo na.”

“Talaga? Ok lang sayo na maging kami?”

“Oo naman. Best friend kita no at kung magiging kayo sigurado naman akong magiging mabuti kang jowa sa kanya.” Sabi ko.

Ngiting ngiti naman sya. Lakas talaga ng tama nya kay Benj eh. Kunsabagay bagay naman sila.

“Syempre naman! Kapag naging kami talaga officially araw araw kong ipapalasap sa kanya ang aking matamis na pagmamahal.” Makatang sabi nya.

Napangiwi naman ako. “So ano na nga? Anong score sa inyong dalawa?”

Bumuntong hininga sya. “Ang masasabi ko lang bes may MU kami.”

“Ah, so nagkiss na rin kayo?” Curious na tanong ko pa ulit.

Namumula ang pisngi nyang tumango.

Nanlaki naman ang mata ko. “Talaga? Nagkiss na kayo? As in lips to lips? Torrid? French kiss?”

“Shh! Bigbig mo naman!” Saway nya sa akin at luming linga. Napalinga din ako. Napansin kong nakatingin sa amin ang ilan naming co-teacher na kumakain din. Napakagat labi na lang ako.

“Sorry.” Mahinang sabi ko.

Bumuntong hininga naman si Macy. “Oo, nagkikiss na kami at higit pa doon.” Mahinang sabi nya.

Napasinghap naman ako at lalong nanlaki ang mata. “May.. nangyari na rin sa inyo?”

Pulang pula ang mukha nyang tumango at yumuko sa pagkain nya.

Naitakip ko naman ang kamay sa bibig at tahimik na tumili. Omg! Lalaki na si insan! Siguradong matutuwa nito si tiyang Meding at si tiyong Toto.

“Pero i-secret mo muna ha. Baka kapag nalaman ni Benj na alam mo na ang namamagitan sa amin magalit sya sa akin. Alam mo naman ang pinsan mo na yun. Apaka maldita.”

“No problem. Hindi naman ako tsismosa no. Basta natutuwa ako para sa inyong dalawa. Sana magkatuluyan kayo.”

“Ihh! Thank you bes! Kinikilig ako sa sinabi mo.” Tuwang tuwa na sabi nya.

“You’re welcome cousin in law.” Sabi ko at nag apir kaming dalawa.

At least ngayon hindi lang ako ang may love life. Meron na rin silang dalawa ni insan.


Singit ko na ang munting love story ng dalawa 😆

Chapter 26

Warning 🔞

Lorenzo

“MAGANDANG UMAGA Lorenzo.”

Lumingon ako mula sa pagkukutingting sa makina ng sasakyan. Nabungaran ko si Mang Estong na may hawak na plato na may nakapatong ng isang malaking mangkok na may lamang umuusok pang sotanghon.

“Mang Estong magandang umaga din ho.” Bati ko rin sa matanda.

“Nagluto si Ising ng sotanghon, heto mainit na mainit pa.” Nakangiting alok nya.

“Salamat ho.” Sabi ko at nagpunas ng kamay sa basahan saka kinuha ang platong may mangkok na may lamang sotanghon.

“Nandyan na ba ang asawa mo?” Tanong nya at sumilip sa loob ng bahay.

Ngumisi naman ako. Asawa ko ang tingin nya kay Aitana dahil si Aitana lang naman ang babaeng inuwi ko dito sa bahay.

“Oho nasa loob nagluluto.”

“Ah ganun ba, o sige balik na ko sa bahay baka makaistorbo na ako sa inyo.” Paalam ni Mang Estong na may pilyong ngiti sa labi.

“Sige ho Mang Estong.” Nakangising sabi ko at pumasok na sa bahay.

Napangiti ako ng maabutan ko si Aitana na naghuhugas ng mga tasang pinagkapehan namin. Sabado ngayon at day off ko kaya maaga ko syang sinundo sa kanila. Pinagpaalam ko sya kay tiyang Meding. Bukas ko na sya ng gabi iuuwi sa kanila. Sobra ko syang namiss dahil bibihira lang kami magkita nitong mga nakaraang linggo dahil busy sa istasyon. Tinatrabaho ko ang paghahanap ng solidong ebidensya hindi lang kay Julie kundi pati na rin kay Raymond Echevari at Don Conrado. Malapit na silang masakote. At sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin kong magtatagumpay na kami. 

“Sweetheart.” Tawag ko kay Aitana at nilapag ang sotanghon sa ibabaw ng counter.

Lumingon sya sa akin.

“May binigay na sotanghon si Mang Estong mainit pa. Gusto mo?” Alok ko sa kanya.

Winisik wisik naman nya ang kamay at nagpunas saka lumapit sa akin. “Wow, mukhang masarap ah.”

“Masarap talaga yan, magaling magluto si Manang Ising. Kain tayo habang mainit pa.”

“Wait lang, kukuha lang ako ng mangkok at kutsara.”

“Kutsara na lang ang kunin mo, salo na lang tayo dito sa mangkok para wala kang masyadong hugasin.” Sabi ko.

Tumango tango naman sya at kumuha na ng dalawang kutsara. Ako naman ay tumungo sa lababo at naghugas ng kamay.

Masaya at magana naming pinagsaluhan ang mainit na sotanghon na bigay ni Mang Estong. Hindi ako mahilig sa sotanghon pero ngayon sarap na sarap ako dahil kasalo ko sya.

Sa pananghalian ay ako na ang nagpresintang magluto. Gusto kong magpaimress sa kanya para wala syang ibang lalaking nanaising makasama kundi ako lang. Marunong naman akong magluto. Para ano at nagtayo pa ako ng restaurant. Sinarapan ko talaga ang luto at hindi naman ako nabigo dahil sarap na sarap sya at marami pang nakain. Kahit malakas syang kumain sexy pa rin sya.

Wala naman kaming ibang ginawa dito sa bahay kundi manood lang ng movies sa netflix habang magkatabi kaming nakahiga dito sa sala. Naglatag lang kami ng kutson at unan. Pinipilit na nga nya akong matulog dahil wala pa akong tulog mula pa kahapon.

“Matulog ka na.”

“Hindi pa ako inaantok.” Malambing na sabi ko at nagsumiksik sa leeg nya habang nakayakap sa kanyang bewang. Ngayon na nga lang kami ulit nagkasama tutulugan  ko pa sya.

“Magkakasakit ka nyan sa ginagawa mo eh. Sige ka uuwi ako kapag hindi ka natulog.” Banta nya sa akin.

Nag angat ako ng ulo at tiningnan ang mukha nya. Nakausli ang nguso nya. Sinulyapan naman nya ako. Tinaasan ko sya ng kilay at ngumisi. Aba, marunong ng magbanta sa akin ah.

Tumawa ako at muling sinusob ang mukha sa leeg nya. “Oo na po matutulog na.” Sabi ko at pumikit na. Hinigpitan ko ang yakap sa bewang nya. Ang lambot nya talaga at mabango pa. Mamaya lang sya sa akin. Matutulog lang ako para maraming stamina.

Hininaan nya ang volume ng tv at inabot ng kanyang kamay ang buhok ko at sinuklay suklay ng kanyang daliri..

Naalimpungatan ako na wala na sa tabi ko si Aitana. Luminga linga ako. Nakita ko sya sa sofa na nililigpit ang mga nalabhan kong mga damit na nilabhan kahapon ng labandera ko.

Ngumiti ako habang pinagmamasdan sya. Maayos nyang tinutupi ang mga damit ko at inuunat pa ng kamay. House wife na house wife ang dating nya lalo na sa hitsura nya. Nakapusod pataas ang buhok nya habang suot nya ang tshirt kong nagmistulang bestida na nya. Parang ayoko na talaga syang iuwi.

Tumingin sya sa akin at kumunot ang noo. “Gising ka na agad?”

Ngumisi lang ako at tiningnan ang oras sa wall clock. Mag aalas singko na pala ng hapon. Halos tatlong oras din akong nakatulog.

Bumangon ako at lumapit sa kanya. Tinukod ko ang kamay sa backrest ng sofa at yumuko. Hinawakan ko ang baba nya at inangat ang mukha. Sinalubong ko ng halik ang kanyang labi na tinugon naman nya.

“You look good in my shirt sweetheart..” Anas ko.

Ngumuso sya. “Ang laki nga eh.”

“Maliit ka kasi.”

Lumabi sya. “Grabe ka sa maliit ako ha. 5’4 ang height ko hindi maliit yun no. Sadyang malaki ka lang.” Angal nya.

Tumawa ako at muling kinintalan ng halik ang nanghahaba nyang nguso.

“Shower tayo sweetheart.” Aya ko sa kanya.

Namula naman ang pisngi nya. “I-Ikaw na lang, naligo na ako kanina sa bahay.”

Ngumisi ako. Hinablot ko ang damit kong tinutupi nya at pinatong sa mga nakatupi na.

“Uy, nagtutupi ako – ay!” Napatili sya ng buhatin ko sya.

“Teka ibaba mo ko! Nagliligpit pa ako.” Angal nya at nagpupumiglas na bumaba.

“Mamaya na yan. Shower muna tayo.” Natatawang sabi ko at hindi sya hinayaang makababa.

“Nakaligo na nga ako kanina, ikaw na lang.”

“Walang magsasabon ng likod ko sweetheart.”

Ngumuso sya. “Kaya mo na yan malaki ka na. Saka sigurado namang hindi lang shower ang gagawin natin. May binabalak ka eh.”

Ngumisi ako. Natumbok nya.

“Sobra kitang namiss sweetheart. Next week back to work na naman tayo. Lalo na ako magiging busy na naman. Hindi na naman tayo laging magkikita.” Lambing at paawa ko sa kanya.

Kumagat labi naman sya. Mukhang tinatablan na ng paglalambing ko.

“Sige na nga.” Pagsuko nya sabay irap sa akin.

Halos itakbo ko naman sya sa kwarto ko na ikinatili nya. Napahigpit tuloy ang yakap nya sa leeg ko. Malutong lang akong tumawa.

Napangisi ako ng makitang nakanguso sya at pulang pula ang mukha. Parehas na kaming walang saplot dito sa loob ng shower cubicle. Ilang beses ng may nangyayari sa amin at ilang beses na rin naming nakita ang hubad na katawan ng isa’t isa pero naiilang pa rin sya. Wala naman akong problema dun, natutuwa pa nga ako dahil ibig sabihin nun ay hindi sya sanay na nakikita ng iba ang hubad nyang katawan at ako lang ang pwedeng makakita nito, mahawakan at maangkin.

Pinagmasdan ko ang katawan nya. Sexy talaga sya at maganda ang kurba ng katawan. Malusog ang tayong tayo nyang dibdib na may light brown na kulay ng utong. Maliit ang impis na bewang at bilugn ang balakang pati na rin ang kanyang makinis at maputing pangupo na masarap pisil pisilin.

Napapitlag sya ng dumikit ako sa likuran nya. Hinapit ko lang sya sa bewang at pinihit  ang shower. Bumuhos ang malamig na tubig sa aming katawan na kanyang ikinatili.

“Ang lamig naman!” Angal nya at dumikit pa lalo sa katawan ko.

Tumawa naman ako at pinalitan ng maligamgam na tubig ang shower. Tumingin sya sa akin at sinimangutan ako. Nginisihan ko lang sya at inabot ang sabon.

“Ako na.” Protesta nya at akmang aagawin ang sabon sa akin pero tinaas ko ito.

“No, ako na sweetheart. Matagal ko ng gustong gawin to.” Sabi ko at sinimulan ng sabunin ang katawan nya. Matagal ko ng pinapantasya na kasama syang maligo at sasabunin ko ang katawan nya.

Pagkatapos kong sabunin ang mga braso nya ay ang dibdib naman nya ang sinabon ko. Inikot ko ang kamay sa paligid ng kanyang mga dibdib na may kasamang pisil din. Malusog at malambot ang dibdib nya na kay sarap sa palad. Suminghap naman sya at kumagat labi. Dumako ang daliri ko sa utong nya at kinalabit kalabit ito at pinisil.

“Hmm..” Daing nya at humawak sa braso ko.

Hinalik halikan ko sya sa batok habang patuloy na nilalaro ng daliri ang kanyang utong. Bumaba pa ang kamay kong may sabon sa impis nyang tiyan hanggang sa dumako na sa kanyang gitna.

“Spread your legs sweetheart..” Bulong ko sa tenga nya. Pinaghiwalay naman nya ang kanyang mga hita.

Sinabon ko ang kanyang pagkababae. Nilaro laro ko pa sa mga daliri ko ang mumunti nyang mga buhok doon. Sinilip ko ang mukha nya. Nakapikit sya at kagat pa rin ang labi. Pigil pigil nya ang hininga habang nakahawak pa rin sa mga braso ko. Halatang nagugustuhan nya ang ginagawa ko.

Siningit ko ang isang daliri sa hiwa ng pagkababae nya at hinagod iyon pataas pababa. Mainit ang singaw ng pagkababae nya. Parang hindi na ako makapaghintay ma pasukin sya. Panay naman ang impit na daing nya.

Bago pa ako hindi makapag timpi ay inalis ko na ang kamay sa pagkababae nya at sinabunan naman ang mga hita at binti nya pati paa. Sunod ko namang sinabon ang makurba nyang likuran at pangupo na nakakagigil talaga. Pinalo ko pa ito ng matapos na ako. Kinuha ko ang shower hose at binanlawan na ang katawan nya.

“Now it’s your turn sweetheart.” Nakangising sabi ko.

Namumula ang mukhang kinuha nya ang sabon pati na ang shower head at binasa ang katawan ko. Inumpisahan na nyang sabunin ang katawan ko. Balikat ko muna at dibdib ang inuna nya. Halatang naiilang sya pero hindi naman sya nagpoprotesta.

Napapapikit ako sa haplos ng kamay nya sa katawan ko. Heto nga at galit na galit na ang alaga ko at alam komg nakikita nya yun at iniiwasa lang ng tingin at hawak. Nangingisi lang ako. Pero syempre hindi naman ako papayag na lalampasan lang ng kamay nya yun.

Pinaikot nya ako at ang likod ko naman ang sinabon nya. Talagang iniwasan nya ang alaga ko. Ng tapos na nyang sabunan ang likod, pang upo at mga hita ko ay binanlawan na nya ako.

“May nakalimutan ka sweetheart.” Sabi ko at humarap sa kanya.

Napakunot noo naman sya. “Ano?”

Nginuso ko naman ang alaga kong galit na galit na halos pumutok na ang ugat. “Yung pipino ko hindi mo pa nasasabunan.”

Namula ang pisngi nya. “I-Ikaw na lang ang magsabon nyan.”

“Ang daya naman, sinabon ko nga yung sayo eh.”

Lalong namula ang mukha nya at inirapan ako.

“Sige na sweetheart, kanina pa naghihintay yan o.” Malambing na ungot ko at nginuso ang alaga ko.

“Tsk! Kasi naman eh. Hindi ako marunong humawak nyan.” Angal nya.

Tumawa ako at kinuha ang isang kamay nya at dinala sa alaga ko. Napasinghap naman sya at akmang ilalayo ang kamay pero pinigilan ko ito at pinirmis lang sa alaga ko.

“See? Madali lang hawakan yan sweetheart. C’mon, do it please.” Lambing ko pa sa kanya.

Kumagat labi sya at nakatingin lang sa alaga ko. Humugot pa sya ng malalim na hininga at nanginginig ang kamay na tuluyan ng hinawakan ang alaga ko. Halos hindi pa magpang abot ang mga daliri nya.

Umawang ang labi nya habang titig na titig sa alaga ko na tila ba namamagha sya. “Ang laki talaga ng pipino mo at medyo mabigat din pala to.” Bulalas nya.

Natawa naman ako. “Sa’yo lang yang pipino ko sweetheart.”

Nag angat sya ng tingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. “Talaga lang ha.”

Hinakawan ko ang pisngi nya at magaan syang hinalikan sa labi. “Yes sweetheart, now move your hand.” Utos ko sa kanya.

Lumunok sya at muling tumingin sa alaga kong hawak nya. Ginalaw na rin nya ang kanyang malambot at mainit na kamay na may sabon.

Napapapikit naman ako habang lumalim ang hininga. Ang sarap ng kamay nya sa alaga ko. Matagal ko ng gustong ipahawak to sa kanya nagaalangan lang ako dahil baka maoffend sya.

“Ang tigas pala talaga nito at parang pumipintig pa.” Manghang sabi nya sabay higpit ng hawak sa alaga ko na parang nanggigil.

Napaungol naman ako.

“Ay sorry! Masakit ba?” Nag aalalang tanong nya sabay bitaw sa alaga ko.

“No sweetheart! Please hold my cock.” Nagproprotestang sabi ko at kinuha ang kamay nya at binalik sa alaga ko.

“Pero – “ Hinawakan ko ang mukha nya at nilalagay ang hinlalaki ko sa labi nya.

“Shh, hindi masakit ok. Masarap sweetheart. So please continue, stroke my cock.” Malambing kong utos sa kanya.

Muli nga nya uling ginalaw ang kamay sa alaga ko. Hinagod hagod nya ito pataas at pababa na syang kinauungol ko.

Puta! Hawak pa lang nya parang lalabasan na ako.

“Ugh shit sweetheart! Move your hand faster!” Utos ko.

Sumunod naman sya at mabilis ng ginalaw ang kamay sa alaga ko. Pero dahil hindi pa sya sanay at nakukulangan ako ay hinawakan ko ang kamay nya at tinulungan sya. Mas mabilis kong ginalaw ang kamay nya.

“Ughh fuck!” Daing ko ng sumambulat ang katas ko at tumalsik sa tiyan nya. Napaawang ang labi nya.

Hinawakan ko ang pisngi nya at siniil sya ng halik. Binuksan ko ang shower at bumuhos sa amin ang maligamgam na tubig habang tuloy kami sa mainit na halikan. Bumaba ang halik ko sa kanyang leeg, balikat at dibdib. Pinagsawa ko ang bibig at dila ko sa kanyang matatayog na dibdidb.

Pinatay ko ang shower at binuhat sya. Lumabas kami ng shower cubicle at inupo ko sya sa sink. Pinaghilaway ko ang mga hita nya at pinatong ang kanyang mga paa sa dulo ng sink. Hinawakan ko ang pisngi nya at muli syang siniil ng halik.

“I want you sweetheart..” Anas ko sabay hawak sa alaga kong tigas na tigas na.

Tumango tango namn sya at kumagat labi. Tinukod nya ang mga kamay sa likuran. Kiniskis ko muna ang ulo ng alaga ko sa hiwa nya na kanyang ikinasinghap. Hanggang sa itutok ko na ito sa bukana nya at dahan dahang pinasok.

“Hmm..”

“Ngh!”

Sabay naming daing at inulos ko pa ng sagad ang alaga ko sa masikip nyang lagusan. Hinawakan ko ang dalawang hita nya at tinaas at mas binuka pa. Mabagal akong umulos hanggang sa unti unting bumilis.

“Ahh ahh ahhmmm!” Ungol nya habang nakatingin sa akin ang mapupungay nyang mga mata.

“Sarap?” Tanong ko.

Tumango nman sya.

Dumukwang ako at siniil sya ng halik na tinugon naman nya habang patuloy ako sa pagulos sa basang lagusan nya.

Tangna! Ang init talaga sa loob nya at ang sikip! Amg sarap! Puta!

“O-Ohmm L-Lorenzo! Ahh! Ahhh! Nghh!” Ungol nya sabay kagat labi. Napapapikit pa ang mata nya. Bakas ang sarap sa lukot nyang mukha.

Mas binilisan ko pa at nilakasan ang pagulos. Sagad at madiin na kanyang ikinatitili. Yumuko ako sa umaalog nyang dibdib at sinubo ang mga ito ng salitan.

“O-Ohh my ghad Lorenzo! Lalabasan na ako!”

“Nghhh sige lang sweetheart! Give it to me!” Sunod sunod na sagad na ulos ang binigay ko sa kanya at wala pang ilang sandali ay nanginig at nanigas na ang katawan nya. Dama ko ang katas nyang bumalot sa alaga ko. Huminto ako sa paggalaw at siniil sya muli ng mapusok na halik.

Ng matapos sya ay hinugot ko ang matigas ko pa ring alaga na nangingintab dahil sa katas nya. Inalalayan ko syang bumaba at pinatalikod. Pinayuko ko sya ng bahagya at pinausli ang kanyang puwitan. Muli ko syang inangkin sa ganoong posisyon.

Mahigpit ang hawak ko sa kanyang balakang habang hinahabas ko sya ng bayo. Hindi naman sya magkamayaw sa pag ungol.

Tiningnan ko sya sa salamin. Pulang pula ang mukha nya at nakaawang ang labi. Inipon ko sa isang kamay ang basang mahaba nyang buhok at bumayo ng malakas na kanyang ikinatili.

“U-Ughh.. ang lalim mo Lorenzo ohh!”

“Ang sarap mo sweetheart! Nghhh puta! Ang sikip!” Mura ko sa sarap sabay palo sa pang upo nya na muli nyang ikinatili. Napamura ako ulit ng mas sumikip ang lagusan nya.

“Ohhh shit shit Lorenzo! A-Ang sarap! Sige pahh!”

Napangisi ako sa inungol nya at mas lalong ginanahan. Magkasunod na palo sa magkabilaang pisngi ng pang upo nya ang binigay ko. At bawat palo ko ay syang tili naman nya na sinasabayan ko ng malakas na bayo. Kitang kita ko sa salamin ang pagtirik ng mata nya.

Marami na akong babaeng natikman at lahat sila ay agresibo at palaban sa kama. Nagenjoy naman ako sa kanilang lahat pero never akong nakipagrelasyon sa kanila. Pero sa lahat ng babaeng natikman ko si Aitana ang pinaka masarap. Pinaka mainit at pinaka masikip. Mas nag eenjoy ako at mas gusto ko pa ng higit pa. Sa kanya lang bumilis ang tibok ng puso ko. Sya lang ang nakakapagpabaliw sa akin ng ganito. At hindi ko na sya pakakawalan pa.

Dumukwang ako at hinawakan ng isang kamay ang pisngi nya at tinagilid ang kanyang mukha. Sinalubong ko ng halik ang nakaawang nyang labi. Palaban din syang tumugon sa akin ng halik.

“Like my cock inside your pussy sweetheart huh?” Nanghihibo kong tanong sa kanya at dinilan ang kanyang pisngi habang patuloy pa rin ako sa pagbayo mula sa kanyang likuran.

Umungol lang sya at tumango.

“Answer me sweetheart ngh!” Angil ko sabay bayo ng malakas.

“Ughhhh yess yessss!” Patiling sagot nya.

“I love your pussy too sweetheart. Ang sarap sa loob mo.. mainit at masikip. Nakakabaliw ka sa sarap! Uhmmpphh!” Sunod sunod na malalakas na bayo ang pinakawalan ko. Nararamdaman kong anumang sandali ay lalabasan na ako.

Pero nauna na ang sweetheart ko na nanginginig na naman ngayon ang katawan habang tumitirik ang mata. Hindi naman ako tumigil sa pagbayo at mas binilisan pa nga. Gusto ko syang habulin sa sukdulan.

“Ughh damn it! I’m cumming sweetheart! I’m cumming! Heto na ako! Nghhhh!”

Dalawang malakas at sagad na bayo ay sumambulat na ang punla ko sa loob nya. Niyakap ko sya ng mahigpit habang naninigas ang katawan ko. Umulos pa nga ako ng isang beses na ikinaungol nya. Gusto kong ideposito ang lahat ng katas ko sa loob nya at walang masayang.

“Pagod na ako Lorenzo.” Anas nya na bahagyang hinihingal pa.

Tumawa naman ako at hinalik halikan sya sa balikat. “Nakakadalawa ka pa lang sweetheart pagod ka na.” Sabi ko at hinugot na ang alaga ko na tila hindi man lang lumambot. Binuhat ko sya at bumalik kami sa loob ng shower cubicle. Binuksan ko ang shower at tinapat ang aming hubad na katawan doon. At dahil nanghihina pa sya sa pagod ay yumakap at sumandig lang sya sa akin..


Sorry sa mga typo error. Antok na kasi ako 😅🥱

Chapter 27

Warning 🔞

Aitana

IMPIT AKONG umuungol habang umiindayog pataas at pababa sa kandungan ni Lorenzo. Damang dama ko ang kalakihan at kahabaan nya na humahagod sa loob ko.

“Uhmm! Uhmm! Uhmm!” Kagat labing ungol ko at giniling pa ang balakang.

“Nghh ganyan nga sweetheart. Squeeze my cock! Sarap!” Daing ni Lorenzo na piga piga ang pangupo ko. Nangangalit ang panga nya habang nag aapoy ang mga mata nyang nakatingin sa akin.

Pagkatapos nya akong angkinin kanina sa banyo ay nagpahinga kami. Nagpadeliver na lang sya ng pagkain namin para sa hapunan. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang ulit kami habang nanood ng tv hanggang sa landiin na naman nya ako. At ako naman si marupok ay bumigay din.

Pinatanong ko ang dalawang braso sa balikat nya habang tuloy sa pagtaas baba sa kahabaan nya. Hinawakan naman nya ang isa kong dibdib at pinisil sabay subo. Napatingala naman ako at napapikit sabay kagat labi habang salit salitan nyang sinusubo ang dibdib ko.

“Hmm Lorenzo..” Daing ko at huminto sa pagtaas baba. Medyo nangangawit na ang mga hita ko kaya giniling ko na lang ang balakang ko.

Napaungol naman sya. “Ohh sige pa sweetheart.”

Tuloy tuloy lang ako sa paggiling ng balakang ko habang sya ay piga piga ang mga dibdib ko habang nakatingin sa akin. Sinalubong ko naman ang tingin nya at kumagat labi.

“Ang ganda mo sweetheart..” Anas nya.

Natuwa naman ang puso ko. Lagi nyang pinapadama sa akin na maganda ako.

“Ikaw din, ang gwapo mo..” Sabi ko at hinawakan ang pisngi nya at hinaplos. Tumutusok sa palad ko ang kanyang papatubong balbas. Pinaling nya ang mukha at dumapo ang labi nya sa palad ko at hinalikan nya yun. 

“Thank you sweetheart.” Usal nya.

Napakunot ang noo ko. “Saan – ahh!” Napaungol ako ng bigla syang umulos.

Ngumisi naman sya. “Pinagtyatyagaan mo ko.”

Ngumuso ako. Parang ako dapat ang magthank you dahil pinagtyatyagaan nya ako sa kabila ng pagiging makulit at matigas na ulo ko kung minsan.

“You’re welcome.” Sa halip ay sabi ko na lang.

Tumawa naman sya at humiga. Iniyakap nya ang malalaki nyang mga braso sa bewang ko sabay ulos nya pataas sa lagusan ko. Naitukod ko naman ang kamay ko sa malapad nyang dibdib.

“Ohhhhmmm!” Napapaikot ang mata ko dahil sa bilis ng ulos nya. Iba pa rin talaga ang sarap kapag sya ang gumagalaw.

“Ngghhh L-Lorenzo ang s-sarap!” Ungol ko.

“Ang sarap sarap mo din sweetheart. Hindi ka nakakasawa. Nghhh!”

Hindi na ako nakagalaw dahil sa masarap na sensasyong nadarama ko at hinayaan na lang sya. Tuluyan na akong napadapa sa ibabaw nya habang tuloy pa rin sya sa mabibilis at sagad na ulos.

“Ohh shitt talaga! Ahh! Ahh! Ahh! Ahhhmmmm!”

Sya man ay panay din ang mura sa pagitan ng pag ungol. Mas humigpit pa ang yakap ng braso nya sa akin at pagigil na sa mabibilis na ulos.

“Ughh! Uhmmm!”

“U-Ughhh Lorenzo hayan na naman ako! Ahhh!”

“Me too sweetheart. Me too! Nghhh!”

At sabay na ngang nanigas ang aming katawan at parehas din naming narating muli ang sukdulan..

ARAW NG linggo ay nagsimba kami ni Lorenzo pagkatapos ay dumaan kami sa restaurant nya para kumain. Nagtagal kami ng halos dalawang oras doon dahil kinausap pa nya ang manager at mga staff nya. Kilala na nga ako ng mga tauhan nya at ma’am ang tawag sa akin. Medyo nagiging close ko na nga rin sila.

Pagkagaling namin ng restaurant ay dito na nga kami sa mall nagpunta. Dapat mamasyal pa kami sa ibang lugar kaya lang masyado ng mainit kaya nagsuggest akong dito na lang kami sa mall, malamig pa at marami pang makakain. Dahil linggo ay marami talagang tao sa mall. Pamipamilya at magkakabarkada. Meron ding magkasintahan gaya namin.

Ng makita ko ang isang store na may nagtitinda ng mga mga make up ay pumasok ako, sumunod naman si Lorenzo. Sa racks agad ng liptint ang diresto ko at namili. Kaunti na lang kasi ang liptint na ginagamit ko. Yung inorder ko naman sa online ay hindi ko na ginagamit dahil mabilis mabura.

Dinampot ko ang isang liptint na red cherry ang shades. Pero parang mas gusto ko ang hot pink at red orange. Pinag iisipan ko sa tatlo kung ano ang kukunin ko. Tumingin ako kay Lorenzo na nasa gilid ko at tumitingin naman ng lipstick.

Tumaas ang kilay ko. “Gusto mo ng lipstick?”

Tumingin sya sa akin at nginisihan lang ako. Nagkibit balikat ako. Sakto namang may lumapit na isang staff at inassist ako. May kinuha syang mga sample ng shades na kinuha ko at pinapahid sa akin sa likod ng kamay ko. Maganda ang lip tint at long lasting daw ito sa labi. Dahil nagandahan ako ay kinuha ko na ang tatlo.

Nilingon ko si Lorenzo na nasa rack na ng mga pabango. Napakunot ang noo ko ng makita ang isang staff na titig na titig sa kanya at pacute pa syang kinakausap. Sya naman ay tumatango lang. Napasimangot ako at lumapit sa kanya.

“Let’s go hon, nakapili na ako kaya tara na magbayad na tayo sa cashier.” Malambing na sabi ko at humawak sa braso ni Lorenzo.

Nakita ko namang nawala ang ngiti ng babaeng staff at bahagyang napasimangot. Si Lorenzo naman ay nakataas ang kilay at amuse na tumingin sa akin. Nag init naman ang pisngi ko.

“Anong tinawag mo sa akin sweetheart?” Bulong ni Lorenzo sa akin na may pilyo ng ngiti.

Ngumuso ako at nagiwas ng tingin. “W-Wala, sabi ko tara na. Nakapili na ako ng liptint magbayad na tayo sa cashier.” Sabi ko.

Mahina syang tumawa at bumulong ulit. “Narinig ko yun sweetheart, tinawag mo kong hon.”

Nag init na naman ang pisngi ko. “Narinig mo pala eh, at least di ka bingi. Tara na nga magbayad na tayo.”

Ngumisi sya. “Yan lang ba ang bibilhin mo?” Tukoy nya sa tatlong liptint na hawak ko.

“Oo ito lang.”

“Mamili ka pa ng ibang gusto mo. Lipstick? Pintura sa mata?” Suhestiyon nya.

Natawa ako sa huling sinabi nya. “Eye shadow ang tawag don hindi pintura sa mata.”

“Malay ko ba.” Pagkibit balikat lang nya.

“Saka na, baka kapusin na ako ng budget sa katapusan pa ang next sahod ko. Kung mamalas malasin pa baka madelay na naman.”

“No problem, ako ang magbabayad. Kung maubusan ka ng budget sabihin mo lang ako bibigyan kita.”

Tinaasan ko sya ng kilay. “Bakit mo naman ako bibigyan? Asawa mo ba ako?”

“Bakit? Kailangan ba na maging asawa pa kita bago kita bigyan?” Nakataas din ang kilay na tanong nya.

“Ewan ko. Pero baka sabihin ng iba pineperahan lang kita.” Nakangusong sabi ko.

“Bakit ka naman makikinig sa sasabihin ng iba? Pera ko naman yun hindi sa kanila.” Pinisil nya ang pisngi ko. “At saka girlfriend kita kung gusto mo asawahin na rin kita para wala ng masabi ang ibang tao kung bigyan kita ng pera.” Nakangising sabi nya.

Nagiinit ang pisnging ngumuso ako. “Ang dami mong sinasabi, tara na nga.” Hinila ko na sya sa cashier para magbayad. Nagtalo pa nga kami dahil gusto nya sya ang magbabayad. Eh maliit na halaga lang naman yun. Pero wala na akong nagawa ng matiim nya akong tingnan.

Sunod naming pinuntahan ang department store. Actually hinila lang nya ako papunta doon. Akala ko mamimili sya ng mga damit nya o gamit. Pero imbes na sa male section kami pumunta ay sa mga pambabaeng damit kami pumunta. At sya pa ang namili ng mga damit para sa akin. Kahit anong pigil ko ayaw nyang magpaawat. Marami akong damit at hindi ko kailangan ng bagong damit. Lumapit na rin sa amin ang isang sales lady.

Kinuha ni Lorenzo ang dress na nakahanger at nilapat sa katawan ko. Floral ang design ng damit at malamig sa mata ang kulay.

“Nah, masyadong maiksi.” Sabi nya at binalingan ang sales lady. “Wala ba kayong mas mahaba nito yung lampas sa tuhod.”

Lampas kalahati ng hita ko lang kasi ang dress. Pero gusto ko ang tabas nya at kulay.

“Meron po sir, pero iba po ang design.” Sabi ng sales lady at tinuro ang mga nakahanger na mga dress na medyo mahahaba sa kabilang rack.

Binalik naman ni Lorenzo ang dress na hawak nya sa pinagkuhanan nya at hinawakan ang kamay ko. Tinungo namin ang tinuro ng babae. Agad ng namili si Lorenzo at sinukat sa katawan ko. Infairness may taste sya pagpipili. Ng makatatlong pili na ay pinigilan ko na sya.

“Ok na yan.” Sabi ko. Hindi rin kasi biro ang halaga ng isang dress. Ang dalawang floral dress na kulay pink at pastel ay kulang kulang isang libo. Ang kulay puti naman na iba ang disensyo ay pumapalo ng isang libo.

“Wait, may isa pang maganda ang kulay sweetheart. Maputi ka kaya bagay din sayo ang ganitong kulay. Lalong aangat ang kaputian mo.” Sabi nya at namili sa medyo dark na mga kulay ng dress. Napakamot na lang ako sa ulo.

“Ang swerte nyo po sa asawa nyo ma’am, gwapo na galante pa.” Sabi ng sales lady na kinikilig pa.

“Hindi ko sya asawa, boyfriend ko sya.” Nakangiwing sabi ko. Bagama’t may tuwa akong naramdaman sa dibdib ng sabihin nyang asawa ko si Lorenzo.

“Ay ganun po ba? Mas lalong swerte po kayo ma’am. Boyfriend nyo pa lang sya pero ganyan na sya kagalante sa inyo. Paano pa kaya kapag naging mag asawa na kayo.”

Sinabi nya pa. Kanina nga nagaalok na ng pera eh. Paano nga kaya kung mag asawa na kami? Bumilis ang tibok ng puso ko sa isiping yun.

Hays! Kung ano ano na ang naiisip ko pati pag aasawa.

“Sanaol talaga ma’am may jowang kagaya ng jowa nyo.” Komento pa ng sales lady.

Tiningnan ko sya. Maganda naman sya at may pagkamorena, mukha ding mabait. Halos magkasing taas lang kami. Tiningnan ko ang pangalan nya sa ID card nyang nakasabit sa bandang dibdib ng uniporme nya. Michelle Dimayuga ang pangalan nya.

“Makakahanap ka rin, tiwala lang.” Sabi ko.

“Magdilang anghel ka sana ma’am, at sana soon na.” Aniya na humagikgik pa.

Madaldal ang sales lady na si Michelle at nakakaaliw. Magaling din syang mag sales talk. Si Lorenzo naman kung hindi ko pa sinimangutan ay hindi magpapaawat sa pagsa-shopping para sa akin. Ang dami na nga nyang binili. May shorts at pantalon pa.

Pumunta na kami sa counter at in-assist kami ni Michelle. Nanlaki ang mata ko ng makitang mahigit 20k ang total ng babayaran namin. Isang buong sahod ko na yun ah! Pero si Lorenzo parang wala lang na inabot ang isang credit card sa kahera. Hinawakan ko ang braso nya.

Tumingin sya sa akin. “Yes sweetheart, may nakalimutan ka?”

Umiling iling ako at napakamot sa ulo. “Ano.. masyadong malaki ang babayaran, bawasan natin. Itong mga dress bawasan kahit dalawa na lang, saka itong mga pantalon kahit dalawa na lang din. Saka itong – “

“No, pinili ko lahat yan para sayo. Walang babawasan dyan.” Sabi nya at ibinigay na sa kahera ang credit card.

Wala na akong nagawa kundi mapakagat labi na lang. Binigyan na nga nya ako ng pagkamahal mahal na bag tapos ito pa. Hindi naman kami mag asawa para gastusan nya ako ng ganito.

“Thank you sir, maam. Balik po ulit kayo.” Nakangiting sabi ni Michelle ng bitbitin na ni Lorenzo ang mga paper bag na laman ng mga pinamili namin, nya pala.

Ngumiti naman ako kay Michelle at kumaway pa. Humawak ako sa braso ni Lorenzo habang naglalakad kami. Gusto ko nga syang tulungan sa pagbibitbit ng mga paper bag pero ayaw naman nya. Napanguso na lang ako.

Napapansin ko naman na napapatingin sa kanya ang mga nakakasalubong namin lalo na mga babae. Napapahigpit tuloy ang hawak ko sa braso nya at dumikit pa sa katawan nya na parang may aagaw sa kanya. Tumingin sya sa akin at ngumiti na ginantihan ko naman din ng ngiti.

“Sweetheart, hindi pa tayo nakakabili ng sandals mo.” Sabi nya ng mapadaan kami sa isang shoe store.

Agad ko syang hinila palayo sa shoe store. “Di ko kailangan ng bago. May limang pares pa ako sa bahay.” Sabi ko.

“Limang pares lang? Dagdagan na natin.” Nakangising sabi nya.

“Hindi na nga.” Pilit ko syang tinutulak palayo sa shoe store. Natatawa naman sya.

“WOW! ANG dami nyan ah!”

Nilingon ko si Benj na nakasandal sa hamba ng pinto ng kwarto habang kumakain ng lechong manok na binili namin kanina ni Lorenzo pasalubong sa kanila ni tiyang Meding. Dito na rin naghapunan si Lorenzo bago pumasok sa istasyon.

“Binili sa akin to ni Lorenzo.” Sabi ko habang hinuhugot sa mga paper bag ang mga damit at maayos na tinutupi.

“Sugar daddy ang peg. Iba talaga kapag may mayaman kang jowa.” Aniya.

“Inggit ka lang. Bilhan mo din kasi si Macy.” Sabi ko.

Tinaasan nya ako ng kilay at nagiwas ng tingin. “At bakit ko naman bibilhan ang babaitang yun?”

“Wala lang, baka bet mo lang. Kasi siguradong maiinggit yun kapag nakitang may bagong gamit ako.” Pagpaparinig ko sa kanya.

“Hmph! Eh di mainggit sya. Arte nya. Balik na nga ako ng salon para magsara na.” Sabi nya at tumalikod na.

Ngumisi lang ako. Chusera talaga tong pinsan ko.

Nilagay ko na sa drawer ang mga bago kong damit at niligpit ang mga paper bag. Dinampot ko ang cellphone ko sa kama na saktong namang may pumasok na text galing kay Lorenzo.

Lorenzo: Nandito na ako sa istasyon sweetheart

Ngumiti ako at nagtype ng reply..


Chapter 28

Lorenzo

“HAYUP KA! Demonyo! Napakawalang hiya mo! Pati anak ko hindi mo na pinalampas! Baboy! Baboy ka! Mabulok ka sa kulungan!” Nanginginig sa galit na tungayaw ng ginang na pigil pigil nila Jefferson at Anjo mula sa lalaking dinakip namin. Habang kami naman ni Elmer ay hawak sa braso ang suspek na nirereklamo ng pang aabuso at panghahalay sa anak anakan.

“Huminahon ho muna kayo misis.” Ani chief na pinapakalma ang ginang. Inutusan nya ang isang kasamahan namin na bigyan ng tubig ang ginang.

Nagpunta kahapon dito sa istasyon ang ginang para isuplong ang kinakasama na lulong sa droga, pangbubugbog sa kanya at panghahalay pa sa anak tuwing wala sya sa bahay. Kaya agad kaming nagkasa ng operasyon para dakpin ang suspek. Pero wala sya kahapon sa bahay na tinutuluyan. Kanina ay binalikan namin ang bahay nila at saktong nakasalubong namin sya sa eskinata, may dalang bag at nagmamadali. Paniguradong tatakas. Hinahabol pa nga sya ng ginang. Ng makita nya kami ay bumalik papasok sa eskinita at nakipag habulan pa sa amin. Pero agad ko din syang nadakip at pinadapa sa lupa saka pinosasan at dinala dito sa istasyon.

“Paano po ako kakalma ser? Sagad hanggang buto ang galit ko sa hayop na yan dahil sa ginawa nya sa anak ko. Kaya ser, ikulong nyo na po yang hayop na yan! Jusko! Kawawa naman ang anak ko.” Naiiyak ng sabi ng ginang. Halata ang sakit at pagod sa kanya. Nangangalumata din sya at may mga pasa pa sa mga braso. Meron pa nga sa gilid ng mata na pagaling na. Tanda ng paghihirap na dinanas nya sa abusadong asawa. Inabutan sya ng tubig kasamahan namin.

Napatiim bagang naman ako at sa galit ko ay sinikmuraan ko ang suspek. Napaluhod sya sa sahig habang inuubo at namimilipit sa sakit. Gusto ko pa nga syang tadyakan kung hindi lang ako inawat ni Elmer.

“Villegas!” Sita sa akin ni chief.

“Pasensya na chief hindi ko matiis na saktan tong gagong to eh. Kulang pa yan sa mga ginawa nya sa asawa nya at anak anakan nya.” Nangangalit ang bagang na sabi ko.

Bumuntong hininga si chief. “Sige na, ipasok nyo na yan sa loob ng selda at wag mo ng sasaktan Villegas baka pati ikaw makasuhan.”

“W-Wag po ser! Ayoko pong makulong. Belinda parang awa mo na wag mo akong ipakulong! P-Patawarin mo ko. Magbabagong buhay na ako!” Pagmamakaawa ng supek sa asawa na nakaluhod pa rin sa sahig.

“Gago! Kung sana hindi mo dinamay sa kababuyan mo ang anak ko baka mapatawad pa kita. Ibang usapan na ang ginawa mo sa anak ko. Kaya mabulok ka sa kulungan! Sige na po mga ser! Ikulong nyo po yan!” Galit na sabi ng ginang.

Hinawakan ko sa braso ang lalaki at hinila patayo. “Lakad!” Singhal ko sa lalaki. Kung ako nga lang ang masusunod gusto ko syang patayin sa bugbog eh. Walang kapatawaran ang ginawa nyang pambubugbog sa asawa nya lalo na sa panghahalay sa bata.

“S-Ser parang awa nyo na.. Ayoko po sa loob. M-Magbabagong buhay na po ako.” Naiiyak na sabi ng lalaki.

“Ngayon nagmamakaawa ka? Eh di sana naisip mo yan bago mo ginawa ang mga katarantaduhan mo. Hala! Lakad na! Baka sikmuraan din kita dyan eh!” Asik ni Elmer.

Wala ng nagawa ang lalaki kundi ang lumakad na habang umiiyak. Dapat talaga sa mga rapist na tulad nya ay sinisilya elektrika para di tularan ng iba. Kawawa ang mga nabibiktima nila.

“Hindi naman po sya dating ganun ser. Mabait po yang si Junior. Pero simula po noong namasukan sya sa factory ng mga plastic at styro ay nagiba na po sya. Doon ko nga po natuklasan na nagsashabu na po sya. Noong una ay naawat ko pa po sya. Pero dahil lagi nyang kasama ang mga kaibigan na katrabaho din nya ay pabalik balik lang po sya sa ganoong gawain. Hanggang sa lagi na kaming nag aaway dahil wala na syang naiintrega sa aking sahod dahil nauubos sa mga bisyo nya. Sinasaktan na rin nya ako. Noong una sampal lang at sabunot, ngayon s-sinusuntok na nya ako at m-minsan pinapalo ng dos por dos. Pati mga anak namin sinasaktan na rin nya. Pero nagtiis pa rin po ako ser. Ayokong maghiwalay kaming mag asawa. Umaasa akong mapapabago ko sya. Hanggang sa isang araw nakita ko syang h-hinihipuan ang dalagita kong anak habang tulog. Doon na po ako tuluyang humulagpos. Nagising ang anak ko at umiiyak na yumakap sa akin. Tinanong ko po sya at sinabi nya na ilang beses na syang h-hinihipuan at h-hinahalay ng demonyong amain nya.” Humagulhol ang ginang habang nagbibigay ng salaysay.

“Wag ho kayong mag alala misis. Nakakulong na ho ang mister nyo. Hindi na ho nya kayo masasaktan at ang mga anak nyo.” Pag aalo ni chief sa ginang.

“S-Salamat ho chief.” Sabi ng ginang at bumaling sa amin nila Elmer. “Pati na rin ho sa inyo mga ser.”

Tumango ako. “Wala hong anuman misis, ginagawa lang ho namin ang tungkulin namin.”

“Misis dalhin nyo ho ang anak nyo sa munisipyo. May doctor ho doon at libre lang ang konsultasyon.” May kinuhang papel si chief at piniramahan saka binigay sa ginang.

“GRABE NA talaga ang mga adik ngayon sa bayang to, parami ng parami. Nakakaperhuwisyo na sila hindi lang sa mga pamilya nila kundi pati sa ibang tao. Tsk tsk!” Pumapalatak na sabi ni Elmer habang papalabas na kami ng istasyon. Tapos na ang duty namin.

Nitong nakaraang buwan at kasalukuyang buwan ay sunod sunod ang natatanggap naming reklamo at lahat ay may kinalaman sa droga. Kung hindi pusher mga adik. Mga kamag anak na lulong sa droga at nagiging bayolente na. Nakakaalarma na rin ang pagdami ng bilang nila. Kaya dapat na talagang bunutin ang ugat ng punong pinagmumulan nito. At ito nga ang pinagkakaabalahan namin nitong mga nakaraang linggo.

“Malapit na ring matapos ang maliligayang araw ng mga yan. Kaunting panahon na lang.” Sabi ko. Dumiretso kami ng parking kung saan nakapark ang pick up ko at kotse nya.

Tumango naman si Elmer at may dinukot sa loob ng jacket. Isang pakete ng sagarilyo at lighter. Kumuha sya ng isang stick at nilagay sa bibig nya. Inalok nya ako na tinanggihan ko naman.

“Hindi ka na naninigarilyo?” Nakataas ang kilay na tanong nya.

Ngumisi ako. “Ayaw ni Aitana na naninigarilyo ako.”

“Owh, hinihigpitan ka na pala.” Natatawang sabi nya.

“Hindi naman, ayaw talaga nya ng amoy ng sigarilyo dahil may hika sya. Syempre ayoko namang hikain sya dahil sa paninigarilyo ko.” Simula noong sabihin ni Aitana na wag na akong manigarilyo ay hindi na talaga ako naninigarilyo. Sa una mahirap dahil nakakapanlaway at hinahanap hanap ko talaga ang sigarilyo. Pero pinigilan ko talaga ang sarili ko at nagkekendi na lang.

“Talagang mahal na mahal mo si ma’am Aitana no? Isang salita lang nya luhod ka agad – este sunod ka kaagad.” Nakangising sabi nya.

Ngumisi din ako. “Syempre ayoko syang bigyan ng sama ng loob. Baka hiwalayan pa ako eh.”

“Eh di asawahin mo na.”

“Darating din kami dyan.”

“Aba’y talagang seyoso nga.”

Tumawa ako. “Seryoso talaga ako pare. Hindi naman na ako bumabata. Syempre gusto ko na ring magkaasawa at magkaanak.” Sabi ko. At sino pa ba ang gusto kong mapangasawa? Walang iba kundi ang maganda kong girlfriend na isang mahusay na guro. Wala na akong ibang nanaising mapangasawa kundi sya lang.

“Bilang kaibigan mo pare boto din naman ako dyan kay ma’am Aitana. Bukod sa maganda sya, isa pa syang mabait na guro.”

“Alam ko at akin lang sya.”

Ngumisi si Elmer. “Wala namang aagaw sa kanya, takot lang nila sayo.”

Napangisi na rin ako. “Subukan lang nila.”

Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Mag aalas nuebe na pala ng umaga. Tumayo na ako ng tuwid mula sa pagkakasandal sa pick up truck ko. Dinukot ko ang susi sa bulsa.

“Uuwi ka na?” Tanong ni Elmer at binuga ang usok ng sigarilyo sa kabilang direksyon.

“Oo, ikaw?”

“Uuwi na rin pero dadaan muna ako ng palengke. May pinapabili si misis.”

“Under ka pala eh.” Pang aasar ko sa kanya.

“Hindi naman, mahal ko lang si misis kaya sinusunod ko sya. Parang ikaw sumusunod kay ma’am Aitana.” Nakangising sabi nya.

Nginisihan ko na lang din sya. “Sige mauna na ako. Kita na lang tayo mamaya.” Paalam ko sa kanya.

Tumango lang sya at sumaludo. Tinungo na rin nya ang nakaparada nyang kotse. Pumasok na ako sa pick up ko at pinaandar na.

Gusto ko sanang puntahan si Aitana sa school na pinagtuturuan nya pero nagbago ang isip ko. Siguradong makakagulo lang ako dahil malamang ay nasa gitna sya ng pagtuturo ng ganitong oras. Mamaya ko na lang sya pupuntahan sa bahay nila bago ako pumasok.

Sa kalagitnaan ng byahe ko ay tumunog ang cellphone kong nasa ibabaw ng dashboard. Dinampot ko ito at tiningnan. Napangisi ako ng makitang nag text si Julie. Agad akong nagreply at pinatulin pa ang takbo ng sasakyan.

Aitana

NAPAKUNOT ANG noo ko ng makita ang kumpulan sa harap ng bahay namin at tila nagkakagulo. Nakita ko pa si tiyang Meding na galit na galit at binabambo ng tambo ang isang lalaking payat. Ang ilang kapitbahay namin ay pinagsasampal at sinasabunutan pa ang lalaki. Si Benj nga ay in arm lock pa ang lalaki. Malamang may atraso ang lalaki para kuyugin sya.

Ginarahe ko muna sa loob ang motor ko bago ako lumapit sa mga nagkakagulo. Hinawakan ko si tiyang Meding sa braso.

“Tiyang anong nangyayari?” Tanong ko at tiningnan ang lalaki na hawak pa rin ni Benj. May mga kalmot na sya sa mukha at braso. May punit na rin ang damit at gulo gulo ang buhok.

“Yang lalaking yan pamangkin ang nangunguha ng mga panty dito. Akala siguro nya hindi sya mahuhuli ha.” Hinihingal na sabi ni tiyang Meding at muling hinataw ng tambo ang lalaki sa tiyan na ikinaigik nya.

Muli ko namang pinigilan si tiyang Meding. “Tama na tiyang, baka mapatay nyo sa bugbog yan. Mga kapitbahay tama na po yan. Tumawag na po ba kayo sa baranggay.” Awat ko kay tiyang at sa maga kapitbahay. Tumigil naman sila pero pinagmumura pa rin ang lalaki.

“Tumawag na kami sa baranggay, parating na ang mga tanod. Benj, wag mong bibitawan yan.” Sabi ni tiyang Meding.

“Opo tiyang, akong bahala dito. Abugbog aberna sa akin to kapag pumalag pa.” Sabi naman ni Benj.

Ilang sandali pa ay dumating na nga ang mga baranggay tanod at dinampot na ang lalaki. Taga kabilang kanto pala sya at marami ng record sa baranggay ng pagnanakaw. Sumama si tiyang Meding at ilan naming kapitbahay sa baranggay para pormal na maghain ng reklamo sa lalaki. Pinasama ko naman si Benj dahil baka atakehin ng highblood si tiyang Meding. Ako naman ay sinarado na ang maliit na gate namin at pumasok na sa loob ng bahay.

Pagkabihis ko ng pambahay ay nagsaing na ako. Dinagdagan ko na ang sinaing ko dahil baka dito na kumain ng hapunan si Lorenzo bago pumasok sa istasyon. Nagtingin din ako ng malulutong ulam sa ref. Nakita kong may nakababad na chinop na baboy sa toyo. Mukhang menudo ang ulam namin mamaya. Nilabas ko na rin ang mga rekado para hiwain.

Maya maya ay bumalik na si tiyang Meding at Benj. Pero si tiyang ay talak pa rin ng talak. Napapakamot na lang si Benj ng kilay.

“Tiyang nasa presinto na po ang lalaki. Hindi na yun makakadayo dito.” Sabi ni Benj.

“Sana nga, pano kung makapagpyansa yun eh di balik ulit sya sa gawain. Naku dapat sa magnanakaw na yun pinipitpit ang mga kamay at paa.” Nanggagalaiti pa ring sabi ni tiyang Meding.

Hindi na lang kami kumibo ni Benj dahil lalo lang tatalak si tiyang Meding.

“Aitana nakapag saing ka na ba?” Tanong ni tiyang Meding na humihimas na sa batok.

“Opo tiyang.”

Tumango si tiyang Meding. “Pahingi nga ako ng tubig.” Utos nya at umupo sa sofa. Tinapat naman ni Benj ang electric fan sa kanya.

Tumayo naman ako para ikuha ng tubig na maiinom si tiyang Meding. Kumuha ako ng baso sa cupboard at nagsalin ng malamig na tubig.

“Heto na po tiyang.” Inabot ko kay tiyang Meding ang baso. Kinuha naman nya ito at ininom.

“Salamat. Sya nga pala, nagbabad ako ng baboy para sa menudo. Ikaw na lang ang magluto at sumasakit ang batok ko.” Sabi ni tiyang Meding.

“Opo tiyang, ako na po magluluto. Magpahinga na muna po kayo.”

Tumango naman si tiyang Meding at tumayo. “Sige, sa kwarto muna ako mga pamangkin.” Paalam ni tiyang Meding at tinungo na ang kwarto nya.

Kinuha ko naman ang basong wala ng laman at pumunta ng kusina. Sumunod naman sa akin ni Benj. Nagbukas sya ng ref at nilabas ang pitsel. Kumuha sya ng baso at nagsalin saka uminom.

“Phew! Nakakapagod awatin si tiyang. Gusto pa yatang makipag wrestling kanina sa lalaki. Hayan, sumakit ang batok.” Angal ni Benj.

“Pero mainam na nga at nahuli na yung lalaking magna ng mga panty.” Sabi ko at pinatay na ang sinaing. Nilabas ko naman ang kawaling gagamitin sa pagluluto. Sinilip ko ang cellphone kong nakapatong sa counter. Wala pang text si Lorenzo. Baka tulog pa.

Nag angat ako ng tingin kay Benj at nakitang matiim syang nakatingin sa akin habang nakahalukipkip.

Napakunot ang noo ko. “Bakit?”

Bumuntong hininga sya. “Nakita ko kanina si Lorenzo sa bayan.”

Lalong napakunot ang noo ko. “O?”

“May kasama syang babae.”


Chapter 29

Aitana

“AYOS KA lang sweetheart?” Kunot noong tanong sa akin ni Lorenzo ng ihatid ko sya sa sasakyan nya.

Bumuntong hininga ako at tamad na tumango.

“Kanina ka pa parang walang gana. Hindi mo ko masyadong kinakausap tapos iniirapan mo ko. May problema ba?” Mahinahong sabi nya.

Hindi ko nga sya masyadong pinagkakausap kanina. Sila ni tiyang Meding lang ang laging magkausap. Tango lang ang sinasagot ko. Kung magsasalita man ako ay oo at hindi lang ang sinasabi ko.

“Wala.” Tipid kong sagot at humalukipkip.

Naiinis ako sa kanya. Di ko pa rin makalimutan yung pinakita sa akin ni Benj sa cellphone. Picture nila ng kasamahan nyang pulis na si Julie na masayang kumakain sa isang kainan sa bayan. Wala namang masama sa picture. Pero hindi ko lang gusto lalo pa at may past silang dalawa. At saka dapat umuwi na sya at matulog imbes na naglalamyerda pa.

Napapitlag ako ng idampi nya ang kamay nya sa noo at leeg ko. “Hindi ka naman mainit. Siguro masama lang ang pakiramdam mo. O baka naman may buwanang dalaw ka.” Nangingiti at nanunuksong sabi nya.

Ngumuso ako at inirapan naman sya. “Wala nga, wala ako sa mood.” Masungit na sabi ko.

Pero lalo lang naman lumaki ang ngiti nya. “O baka naman.. naglilihi ka na. Magkakababy na ba tayo?” Pilyong pabulong na sabi nya.

Nag init naman ang pisngi ko. “Hindi ako naglilihi no. Wala lang talaga ako sa mood. Pumasok ka na nga.” Pagtataboy ko sa kanya. Unti unti na kasing nawawala ang inis ko sa kanya.

Bumuntong hininga sya. “Ano nga kasi ang – “ Naputol ang sasabihin nya ng tumunog ang cellphone nya. Dinukot nya ito sa bulsa at sinagot. “Yes chief?”

Sandali syang hindi nagsalita at nakikinig lang sa sinasabi ng nasa kabilang linya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Tumaas pa ang kamay nya at hinawi ang hibla ng buhok kong lumipad sa mukha ko. Bumilis naman ang tibok ng puso ko at purang bulang naglaho ang inis ko sa kanya. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko.

“Ok chief, on the way na ako.” Sabi nya at binaba na ang cellphone.

“I gotta go sweetheart. See you again tomorrow.” Paalam nya sabay kabig sa batok ko at hinalikan ako sa labi at pisngi bago nagmamadaling umalis. Naiwan akong tulala at nagiinit ang mukha. Sinundan ko na lang ng tingin ang sasakyan nyang papaalis.

“Ayiehhh!”

Doon lang ako tila binalikan ng ulirat ng marinig ang mga boses ng mga bata. Nilingon ko ang mga batang nang aasar.

“Magsi uwi na kayo, gabing gabi na nasa lansangan pa kayo. May pasok pa bukas.” Sermon ko sa kanila.

Agad naman silang tumalikod at umuwi na sa kani kanilang bahay. Pumasok na rin ako sa maliit na gate namin at sinara ito.

“Ano? Tinanong mo na ba sya kung sino yung babae?”

Lumingon ako. Nakita ko si Benj na nakasandal sa hamba ng pinto. Nakahalukipkip at nakataas ang kilay.

“Hindi.” Nakangusong sagot ko.

“Ay gaga bakit hindi mo sya kinompronta?”

“Eh baka pagawayan lang namin yun eh.” Kahit inis ako kay Lorenzo ayoko namang mag away kami.

“Takot kang mag away kayo? Pero kanina hindi mo sya kinakausap at panay ang irap sa kanya. Sarap mo ring sabunutan eh. Parehas kayo ni Macy.”

“Bakit? Hindi ka rin pinapansin ni Macy?”

“Wag mong ibahin ang usapan.” Asik nya sa akin.

Ngumuso na lang ako ulit at umirap sa kanya. “Kilala ko yung babaeng kasama nya.”

Tinaasan nya ako ng kilay.

Bumuntong hininga ako. “Katrabaho nya yun isang pulis din.”

“Sigurado ka katrabaho lang?” Malisyosong tanong nya.

“Oo nga.” Bagamat naiinis ako dahil nagkita ang dalawa may tiwala naman ako kay Lorenzo. Kay Hulyetang bruha lang wala. Naalala ko tuloy kung paano nya ako sungitan noon sa hospital lalo tuloy akong naiinis.

Lorenzo

BUMUNTONG HININGA ako habang ini-scroll ang screen ng cellphone ko. Tinitingnan ko isa isa ang mga picture namin ni Aitana. Pero karamihan ay puro solong picture lang nya ang laman ng gallery ko. Wallpaper ko pati screen lock picture din nya.

Ayoko pa nga sanang umalis kanina sa bahay nila dahil mukhang badtrip sya sa akin. Kaya lang ay tumawag si chief dahil may emergency. Katatapos lang naming i-raid ang bahay ng isang dating konsehal na isa ng pusher ngayon. Inaresto namin sya at ngayon ay nasa kulungan na.

“Pare.”

Nilingon ko si Elmer na tinapik pa ako sa balikat at umupo sa katabing upuan ko. Napangisi sya ng makita ang tinitingnan ko sa cellphone.

“Kanina ko pa napapansin panay ang tingin mo sa mga pictures ng palalabs mo ah.” Panunukso nya sa akin.

Pinatay ko na ang cellphone at sinuksok sa bulsa ko. Sumandal ako sa backrest ng upuan at muling bumuntong hininga.

“Ang lalim nun ah. May problema ka ba? Kanina ko pa napapansin ang tahimik mo tapos mabilis uminit ang ulo mo. Muntik mo na ngang barilin si konsi eh.”

Napahimas ako sa batok. At napagalitan ako ni chief dahil don. Humingi naman ako ng pasensya.

“Pasensya na pare, medyo uminit lang ang ulo ko kanina.”

“Ano ba kasing problema? Hindi madaling maginit ang ulo mo kung wala kang problema.”

“Wala namang problema. Ano lang.. hindi ako pinapansin at kinakausap kanina ni Aitana. Panay lang ang irap at sinungitan pa ako.” Sabi ko sabay kamot sa ulo na hindi naman nangangati.

“Ah kaya naman pala. Ano ba kasing ginawa mo at sinusungitan ka?”

“Hindi ko nga alam eh. Wala naman akong ginawa na ikakagalit nya.” Ingat na ingat nga ako sa mga kinikilos ko dahil ayokong ayawan nya ako dahil may ginawa akong bagay na ayaw nya.

“Baka naman may dalaw.”

Nagkibikit balikat ako. “Kapag tinatanong ko oo at hindi lang ang sagot nya. Ang sabi nya kanina wala daw sya sa mood.”

“Alam mo pards, ganyan talaga ang mga babae. Minsan may toyo. Minsan malambing minsan masungit. Ganyan si misis ko eh. Nasanay na lang ako. Pero wag mong gagawin na kapag hindi ka pinansin hindi mo rin sya papansinin. Naku world war 3 yun pards. Mas lalo silang magagalit at paghihinalaan ka pang may babae.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Hindi pa kasi ako nakakaencouter ng babaeng sinusungitan ako o hindi ako pinapansin. Tanging si Aitana lang.

“Anong ginagawa mo kapag nagsusungit ang misis mo sayo?” Interesadong tanong ko.

“Bibilhan ko lang sya ng paborito nyang pagkain tapos lalambingin sya. Ayun, malambing na ulit sya sa akin.” Nakangising sabi nya. “Minsan kasi ang mga babae kaya nagsusungit dahil kulang sa lambing.”

Ibig sabihin kaya nagsusungit ang sweetheart ko dahil kulang sa lambing? Kunsabagay bihira na lang kaming magkita nitong mga nakaraang linggo. Hindi ko na rin sya nahahatid sa eskwelahan dahil panggabi ang duty ko. Sa gabi ko na lang sya nadadalaw sa kanila minsan hindi pa. Pero kapag weekend naman sinisiguro kong marami kaming oras sa isa’t isa. Lagi naman kaming magkatext, chat o minsan video call pa. Siguro namimiss lang nya yung maraming oras na nagkikita at nagkakasama kami. Di bale kapag natapos na ang problema ay babawi ako sa kanya.

Aitana

NAPATAAS ANG kilay ko habang sumisipsip sa straw ng milk tea ng tingnan si Macy na ngiting ngiti. Napansin ko ring bago ang bag nya at mamahalin dahil sa brand. Pinupunasan pa nga nya ito ng tissue.

“Bago bag ah.” Bati ko.

Nakangising tumingin sya sa akin. “Ganda no?”

Tumango tango naman ako. “Mabuti naman at naisipan mong bumili ng bagong bag.” Luma na kasi ang bag nya dahil araw araw nyang ginagamit. Keri naman nyang bumili kahit mumurahin lang. Yun nga lang ay nagtitipid sya dahil nagpapadala pa sya ng pera sa nanay nya.

“Hindi ko binili to. Bili to sa akin ni Benj.” Tila kinikilig pa na sabi nya.

Napaawang naman ang labi ko. At talagang hindi nagpakabog ang pinsan ko. May pasabi sabi pa syang arte ni Macy pero binilhan naman pala nya.

“At hindi lang tong bag ang binili nya sa akin. Binilhan din nya ako ng mga damit, bra at panty. Pati nga tong sandals na suot ko binili nya din eh.” Sabi nya at pinakita pa sa akin ang paa nyang bagong manicure at may suot na bagong sandals.

“Wow, ang galante ni insan sayo ha.”

“Oo nga eh, nagulat na lang ako dumating sa bahay kagabi may mga dalang paper bag.”

Ah kaya pala biglang nawala si insan kagabi at maagang nagsara ng salon.

“Pero hindi ko hiningi ang mga ito sa pinsan mo baks ha. Kilala mo naman ako. Hindi ako materyosa. Basta nagulat na lang ako kagabi binigay nya sa akin to. May kasweetan din palang tinatago yun. Akala ko kasi sweet lang sya kapag nagjujugjugan kami.” Humagikgik sya.

Napangiwi naman ako sa huling sinabi nya. Mabuti na lang at lumabas na ang lahat ng estudyante nya dito sa classroom nya para mag lunch maliban lang sa ilan na may baon at malayo sa amin. Dito na rin kami nag lunch.

“Alam ko naman yun baks. Pero mabuti nga yan at mukhang seryoso na sayo si insan.”

“Sana nga. Kaya nga ginagalingan ko ang performance ko eh para hindi na sya maghanap ng iba.”

Napangiti na lang ako. Talagang patay na patay sya kay insan.

“Pero hindi ko yun pinapansin noong isang araw. Hindi ko rin nirereplayan ang mga chat nya at sinasagot ang mga tawag nya.” Chika nya.

Napataas ang kilay ko. “Bakit?”

“Eh kasi, nakita ko sya may kausap na guy na halatang nagpiflirt sa kanya. Tapos may pahawak hawak pa sa braso nya. Nainis ako, syempre nagselos ako eh. Kaya inisnab ko sya.”

Muli akong napangiwi. Parang ako lang ah. Kaya pala sabi ni Benj parehas kaming dalawa.

“Kaya siguro pinagshopping nya ako para mawala ang inis ko sa kanya.”

“Sus. Nagpadala ka naman sa mga binili nya? Pinagshopping ka lang nawala na inis mo.” Taas kilay na sabi ko.

“Hindi naman baks. Saka lambing lang nung pinsan mo mawawala na talaga inis ko sa kanya. Di ko matiis yun eh. Alam mo na, mahal ko yun si bakla kahit mas nagmamaganda pa sa akin.”

Ngumuso ako. Parang nakikita ko yung sarili ko sa kanya. Ako nga ngiti lang ni Lorenzo nalulusaw na inis ko sa kanya eh. Tapos hinalikan pa nya ako kagabi kaya tuluyang nawala ang inis ko. Siguro mamaya pagpunta nya sa bahay papansinin ko na sya. Nag overreact lang siguro ako dahil deep inside nagselos talaga ako. Wala namang masama doon sa picture nila. Kumain lang sila habang mga nakangiti. Hindi naman sila magkatabi ng upuan. Tama ganun nga lang yun.

Nagtagal pa ako sa classroom ni Macy. Kung ano ano lang ang pinagkukwentuhan namin tungkol sa mga buhay namin. Sa mga trending at viral sa social media. In short inubos namin ang lunch break namin sa chismisan lang. Bumalik lang ako sa classroom ng mag bell na.

NAPAMURA AKO ng tumalsik ang mantika sa gilid ng mata ko ng binaliktad ko ang piniprito kong bangus. Parang gusto kong mag amok ng away. Kaya ayokong nagpiprito ng bangus eh. Kasi naman ito pa ang gustong ulamin ni tiyang Meding. Kung hindi nga lang sya menopause na iisipin kong naglilihi sya sa piniritong bangus eh.

“Bunganga mo Aitana! Guro ka pa man ding tinagurian ang lutong mong magmura. Lastikohin ko yang bibig mo eh.” Sermon sa akin ni tiyang Meding na naghihiwa ng kamatis para sa sawsawan.

“Eh kasi tiyang yung mantika eh. Matalsik!” Angal ko at lumayo sa kawali dahil tumatalsik pa rin ang mantika. Hindi ko pa nga nababaliktad ang dalawa.

“Kuh! Ako na nga dyan. Ikaw na ang tumapos nitong hinihiwa ko.” Ani tiyang Meding at kinuha sa akin ang syanse.

Nakahinga naman ako ng maluwang. Pero masakit pa rin yung talsik ng mantika sa gilid ng mata ko.

Pinagpatuloy ko na ang hinihiwa ni tiyang Meding. Sinigang na bangus at pritong bangus ang ulam namin. Pagdating mamaya ni Lorenzo ay siguradong may dala din syang ulam galing sa restaurant nya. Lagi lagi naman yun sa tuwing pupunta sya dito sa gabi.

Napangiti ako ng magtext na si Lorenzo. On the way na daw sya dito sa bahay. Excited na tuloy akong makita sya. Namiss ko sya. Hindi ko kasi sya pinagkakausap at pinapansin kagabi eh dahil nga inis ako. Pero mamaya papansinin ko na sya.

Naghain na ako ng pagkain sa lamesa. Anumang sandali ay darating na si Lorenzo. Talagang hinihintay namin syang dumating para kumain. Nagtitext naman sya agad kapag hindi sya makakain dito sa bahay para hindi na kami maghintay sa kanya.

“Aitana nandito na si Lorenzo.” Tawag sa akin ni tiyang Meding mula sa sala.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Inayos ko ang damit saka lumabas ng kusina.

Napaawang ang labi ko ng makitang may hawak na isang malaking bouquet ng pulang rosas si Lorenzo at isang box na chocolate bukod pa sa brown paper bag na nakapatong sa lamesita na malamang ay ulam ang laman. Mapupungay ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Napansin kong bagong gupit sya at bagong ahit din. Bagong ligo din sya dahil medyo basa pa ang buhok. Naaamoy ko din ang pabangong gamit nya.

“Maiwan ko muna kayong dalawa. Sumunod na lang kayo sa kusina.” Paalam ni tiyang Meding at kinuha na ang brown paper bag.

“For you sweetheart.” Inabot sa akin ni Lorenzo ang hawak nyang bouquet at box ng chocolate.

Kagat labing kinuha ko ito. Kinikilig ako. Hindi namin ito ang unang beses na binigyan nya ako ng bulaklak. Noong nangliligaw pa lang sya lagi akong may bulaklak. Natigil lang yun ng sinaway ko na sya kasi nagmumukha ng flowershop ang bahay namin. Kaya puro pagkain na lang ang dala nya. Nakakamiss din pala ang pabulaklak nya.

“Thank you.” Nakangiting sabi ko.

Ngumiti na rin sya at namulsa. “So bati na tayo?”

Ngumuso ako. “Bakit nag away ba tayo?”

“Ikaw lang ang nang aaway sa akin.” Nakangising sabi nya.

“Kelan kita inaway?”

“Kagabi, hindi mo kinakausap at panay ang irap mo sa akin.”

Nakonsensya naman ako. “Sorry na, wala lang talaga ako sa mood kagabi.”

“It’s ok sweetheart, I understand.” Anas nya at hinapit ako sa bewang sabay halik sa noo ko. Niyakap ko naman sya habang hawak ang bulaklak at box ng chocolate.

“O mamaya na yan, lafang muna.” Sabat ni Benj na kapapasok lang at dumiretso ng kusina. Tinaasan pa nya ako ng kilay ng tumingin sya sa akin. Inikutan ko lang sya ng mata. Naiinggit lang yan.

Tumawa naman si Lorenzo. “Tara na sweetheart. Kain na muna tayo.” Aya nya sa akin.

Nilapag ko ang bulaklak at chocolate sa lamesita at magkahawak kamay na kaming pumunta ng kusina.


Hello guys! Sa mga may goodnovel po dyan at hindi pa ako napafollow doon, pafollow naman po pati sa fb page ko. Same name at same profile din po. Thank you. 🤗♥️

Chapter 30

Gaya ng lagi kong paalala, kapag hindi kayo komportable sa spg. Skip nyo na lang po ;)

Warning 🔞

Macy

“UGHH SHIT ka talaga Macy! Nghhh! Sige pahh!”

Napangiti ako sa loob loob ko habang dinideep throat ko ang matigas na alaga ni Benj. Achievement na para sa akin na makitang sarap na sarap sya sa ginagawa ko. Ginagalingan ko talaga para masatisfy ko sya. Nanonood pa nga ako mga porn videos at blowjob tutorial para lang sa kanya.

“Ohh fuck! Ganyan nga babe! Ang sarapp! Ughhhh!”  Ungol pa nya kasabay ng pagpulandit ng mainit nyang katas sa lalamunan ko. Walang pagaalinlangan na nilunok ko ito. Noong una parang masusuka pa ako pero nasanay na rin ako. Syempre kailangan kong magpakitang gilas sa kanya para hanap hanapin nya ako at hindi lang ako ang mabaliw sa aming dalawa.

Gumapang ako sa ibabaw nya at binuka ko ang bibig sabay labas ng dila para ipakita sa kanya na nilunok ko lahat ng katas nya at wala akong tinira. Tila mas lalo pang nag apoy ang kislap ng mga mata nya sa pagnanasa. Kinabig nya ang batok ko at mapusok akong hinalikan. Syempre hindi rin ako nagpatalo.

“Hah!” Parehas kaming naghahabol ng hininga ng maghiwalay ang mga labi namin. Namumula ang labi nya dahil sa diin kong humalik. Hinaplos naman ng hinlalaki nya ang tila nangangapal ko ng labi. Ilang sandali kaming nagkatitigan saka muli na naman nagsanib ang aming mga labi.

Pumwesto na ako sa kandungan nya at hinawakan ang alaga nyang matigas pa rin. Hinagod hagod ko muna ito bago tinutok sa bukana ko. Dahan dahan ko itong inupuan. Napakagat labi ako ng unti unti na syang pumapasok sa loob ko. Di rin talaga biro ang laki ng alaga ng baklang to.

“A-Ahh Benj ang laki mo..” Daing ko ng maisagad ko na ang alaga nya sa loob ko.

“Ang sikip mo rin babe, ang init sa loob mo fuck!” Daing din nya at humawak sa mga hita ko at hinaplos haplos iyon. “Move now babe.”

Napangiti ako. Gustong gusto ko kapag tinatawag nya akong babe. Kunsabagay tinatawag lang naman nya akong babe kapag magsesex kami gaya ngayon.

Swabe akong gumiling sa kandungan nya. Mabuti na lang dancer ako noong nag aaral pa ako. Kung ang kaibigan kong si Aitana ay beauty queen ako naman ay dancer.

“Ughh fuck Macy! Sige pahh!

Napangisi ako. Ang ingay nya talaga sa kama. Mabuti na lang walang nakatira sa kabilang bahay kaya walang makakarinig ng mga ungol nya at paguntog ng headboard ng kama sa pader. Mas lalo ko pang hinusayan ang paggiling. Damang dama ko sya sa loob ko.

Humahaplos naman ang kamay nya sa katawan ko. Mula sa mga hita ko, tiyan at sa malulusog kong dibdib. Pinipiga piga nya ito. Inangat pa nya ang ulo nya at sinubo ang isang dibdib ko.

“Ahmm babe..” Ungol ko at humawak sa ulo nya habang gumigiling sa kandungan nya. Salit salitan nyang sinusubo ang dibdib ko. Ang init ng bibig nya at nakadagdag lang ng sarap na nararamdaman ko.

“Ang sarap mo talagang babaita ka.” Sabi nya sabay palo sa pang upo ko na ikinatawa ko.

Inaapak ko sa kama ang dalawang paa at tinukod ang dalawang kamay sa malapad na dibdib nya at inumpisang magtaas baba sa kandungan nya.

“Ahh! Ahh! Ahmm!”

“Ughh babe! Ganyan nga! Ganyan nga! Ughh shit! Fuck you Macy! Ang galing mo! Ohhhmmm!”

Mas lalo ko pang binilisan ang pagtaas baba sa alaga nya. Nariyang iniipit ko pa ito sa loob na lalo nyang ikinamura.

Kagat labing nangingiti ako habang pinagmamasdan ang mukha nyang sarap na sarap dahil sa ginagawa ko. Lalaking lalaki at ang gwapo nya lalong tingnan ngayon na halos mabaliw dahil sa akin. Ang sarap sa tenga kapag inuungol nya ang pangalan ko.

“Akin ka lang babe..” Usal ko at muling inipit ang alaga nya sa loob ko.

“Fuckk! Yes babe! Sa’yo lang ako! Shit!Fuck! Fuck! I’m cumming again babe! I’m cumming!”

Ng mangawit ang mga hita at binti ay dumapa ako sa ibabaw nya at gumiling. Inikot naman nya ang mga braso sa katawan ko at umulos ya pataas. Mabilis at pagigil. Ako naman ang hindi magkamayaw sa pag ungol.

“Hnghhh Benj! Ahh! Ahhh! Malapit na rin ako babe!”

“Sabay tayo babe! Ughh! Fuckkk!”

Sabay na nanginig at nanigas ang aming katawan kasabay ng pagsabog ng aming katas sa loob ko.

Parehas kaming habol ang hininga ng matapos. Nakasandig ang pisngi ko sa dibdib nya at dinig ko ang malakas na kabog ng puso nya na aking ikinangiti. Sana nga ay hindi lang dahil sa pagnanasa kung bakit malakas ang tibok ng puso nya.

“Macy.”

Hmm?“ Nag angat ako ng mukha at tumingin sa kanya.

Kumagat labi sya at ilang saglit na nakatingin lang sa akin. Tinaasan ko naman sya ng kilay. Pero napalunok ako ng maradaman ang pagkalalaki nyang buhay na buhay ulit sa loob ko at tila pumipintig pa.

“Isa pa.” Sabi nya at inikot ang katawan namin. Ako na ngayon ang nasa ilalim at sya naman ang nasa ibabaw ko.

Napasinghap ako ng muli syang gumalaw. “Benj!”

Grabe talaga ang energy nitong baklang to sa tuwing magsesex kami. Parang laging nakaredbull. Pero ok lang gusto ko rin naman.

6:00 am..

“MACY GISING na mag a-alas sais na may pasok ka pa.”

Nag inat ako at dahan dahang minulat ang mata. Nabungaran ko ang gwapong mukha ni Benj na nakatunghay sa akin. Nakabihis na sya.

Ngumiti ako sa kanya at muli kong pinikit ang mata. Inaantok pa ako.

“Macy.” Niyugyog nya ang balikat ko.

“Hmm inaantok pa ako.”

“Gaga, mag a-alas sais na may pasok ka pa sa school kaya bumangon ka na dyan at mag asikaso.” Panggigising nya sa akin.

Tingnan mo tong baklang to. Basta kapag wala na kaming ginagawang kahalayan. Gaga na lang ang tawag nya sa akin. Well nasanay na rin naman ako.

“Alas sais na ba?” Humihikab na tanong ko at bumangon na. May suot naman akong oversized t-shirt. Pagkatapos ng umaatikabong jugjugan namin kagabi ay binihisan nya ako.

“Mag a-alas sais na kanina ko pa sinasabi. Ang hirap mo talagang gisingin.”

Tinaasan ko sya ng kilay. “Wow! Eh anong oras na ba tayo natulog kagabi. Puro ka isa pa. Tapos ngayon magrereklamo ka na mahirap akong gisingin.” Basta tuwing dito sya natutulog late na akong nakakatulog. Paano ba naman di sya nakukuntento sa isang round lang. Kaya ang ending tinatanghali ako ng gising.

Namula naman ang mukha nya ay nagiwas ng tingin. Feeling virgin ang bakla. Napangisi na lang ako.

“Uuwi ka na ba?” Tanong ko at tumayo na sa kama. Umuuwi kasi sya agad paggising ko para hindi sya makita ng mga tsismosa kong mga kapitbahay. Mahirap na baka matsismis ako na nagpapatulog dito ng lalaki – este bakla – este lalaki – ah basta! Kapag kumalat yun at nakarating sa school siguradong suspend ako. Yung motor naman nya ay iniiwan nya sa isang kakilala nya na nakatira dyan lang sa may kanto. Tapos sa gabi mga alas onse saktong sarado na lahat ng bahay ng mga kapit bahay ay kakatok na sya at dito na sya matutulog. Ang alam ng mga kapitbahay ay magnobyo kami. Pero kahit na. Iba pa rin ang usapan kapag nalaman na dito ko sya pinapatulog.

“Mamaya pagkahatid ko sayo sa school. Sige na bumaba ka na at maligo para makakain ka na.” Sabi nya at lumabas na ng kwarto at bumaba sa unang palapag.

Naiwan akong nakatanga sa sinabi nya. Ano? Hindi pa raw sya uuwi? Hala ka!

Dali dali kong kinuha ang tuwalya ko at bumaba na. Naabutan ko si Benj na abala sa kusina. Napaawang ang labi ko ng makita ang mga pagkain na nakahain sa mesa. May sinangag, may pritong daing na bangus at scrambled egg na may kamatis. Muli ko syang tiningnan sa kusina na nagtitimpla na ng dalawang tasang kape.

“Ikaw ang nagluto nito?” Tanong ko.

Tumingin sya sa akin at namaywang sabay taas ng kilay. “Sino pa ba? Alangan namang kapitbahay mo. Hello?” Mataray na sabi nya at muli ng hinarap ang pagtitimpla ng kape.

Lalo namang napaawang ang labi ko sa pagkamangha. Parang may kumiliti sa puso ko sa ginawa nya. Ngayon lang nya ako pinagluto. Pakiramdam ko ang espesyal ko. Sweet din naman pala sya kahit hindi kami nagsesex at kahit tinatarayan ako.

Pero natigilan ako. Saan galing yung daing na bangus? Eh wala naman akong daing na bangus sa ref. Itlog lang at hotdog ang meron ako don. Yung hotdog nga malamang maasim na dahil matagal na yun doon.

“Saan galing yung daing na bangus?” Tanong ko sa kanya.

“Binili ko sa kanto. May binebentang marinated na daing na bangus yung tindahan doon na nakita ko kahapon. Eh wala namang laman yang ref mo kundi itlog at hotdog lang na pwede mo ng ibato. Kaya pinuntahan ko kanina yung tindahan sa kanto. Sakto maaga pala silang nagbubukas at may daing na bangus pa kaya bumili na ako.” Sabi nya.

Kinabahan ako. “Ibig sabihin lumabas ka?”

“Hindi, lumipad ako.” Pilosapo nyang sabi.

Lumapit ako sa kanya at pinalo sya braso.

“Aray! Bakit ka ba namamalo?” Daing nya at kinunutan ako ng noo.

“Lumabas ka. Paano kung nakita ka ng mga kapitbahay ko? Iisipin nila na dito ka natulog.” Asik ko sa kanya.

“Actually nakita nga nila ako.” Nakangiwi nyang sabi.

Nanlumo ako.

“Pero don’t worry, ang sabi ko naman sa kanila kararating ko lang at ipagluluto nga kita ng almusal at ihahatid sa school. Naniwala naman sila.” Sabi nya na may pataas taas pa ng kilay.

Tinaasan ko rin sya ng kilay at bumuntong hininga. Ano pa nga bang magagawa ko eh nakita na sya ng mga kapitbahay. Sana lang maniwala sa kanya.

“Ano pang tinatayo tayo mo dyan babaita ka. Maligo ka na at lalamig na ang pagkain pati tong kape.”

“Oo na maliligo na ako. Pero pakiss muna.” Tumingkayad ako saka mabilis syang hinalikan sa labi sabay takbo sa banyo. Nagtitili naman sya.

“Yuck! Dugyot ka talaga. Hindi ka pa nagmumumog!”

Tumawa lang ako sa loob ng banyo habang hinuhubad ang t-shirt. Nagbuhos agad ako ng tubig. Napatili pa ako dahil sa lamig. Narinig ko naman ang pang aasar ni Benj sa akin. Hay, sana ganito lagi ang umaga ko.

Ng matapos akong maligo ay nagtapis na ako ng tuwalya at binulunbon ng isa pang tuwalya ang buhok. Sa kwarto na ako magbibihis. Pagbukas ko ng pinto ng banyo ay natigilan ako ng makita si nanay na nasa sala at masama ang tingin kay Benj. Saktong dumako ang tingin nya sa akin at lalong naging masama ang timpla ng mukha nya. Tiningnan pa nya ako mula ulo hanggang paa at lumapit sa akin. Para akong tinakasan ng dugo sa buong katawan at nanlamig.

“N-Nay ano pong ginagawa nyo – “

“Pak!” Hindi ko na natapos ang itatanong ko ng lumipad ang palad ni nanay sa pisngi ko. Napahawak ako sa pisngi kong tila nangapal kasabay ng pagtulo ng luha ko. Lumapit sa akin si Benj at hinawakan ako sa balikat at nilayo kay nanay. Matalim naman syang tiningnan ni nanay. Nakita kong tumalim din ang mata nya at gumalaw ang kanyang panga.

“Sino ang lalaking to Macy? At bakit ka nagpapasok ng lalaki dito sa bahay mo ng ganito kaaga? O baka naman dito mo pa pinatulog ito? Di ka na nahiya. Teacher ka pa mandin tapos nagpapatulog ka ng lalaki dito. Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay mo? At kapag nalaman to ng eskwelahan mawawalan ka ng trabaho!” Galit na sabi ni nanay at akmang hahablutin ako pero hinarang sya ng braso ni Benj at hindi hinayaang mahawakan ako.

“Wag kang mangialam dito lalaki! Lalaki ka lang ng anak ko.” Singhal ni nanay kay Benj.

“Hindi po pwedeng hindi ako mangialam ma’am. Sinasaktan nyo na po sya. At hindi lang ako basta lalaki nya boyfriend nya po ako.” Sabi ni Benj sa lalaking lalaki na tono.

Nanlaki naman ang mata ko. Ano daw? Boyfriend ko daw sya?

Natigilan naman si nanay pero mayamaya lang ay namaywang. “Boyfriend? Kasehodang boyfriend ka hindi ka pa rin dapat natutulog dito sa bahay ng anak ko!”

“Wala po kaming ginagawang masama ma’am.” Mahinahong sabi ni Benj. Pero kita sa mukha nya ang pagtitimpi na patulan ang nanay ko.

“Walang ginagawang masama? Wag nyo nga akong gawing tanga! Hayan nga o! Kalalabas lang ng anak ko sa banyo at nakatapis lang ng tuwalya na parang wala lang na may lalaki dito sa bahay nya.” Tungayaw pa rin ni inay.

Napansin ko ang ilan kong mga kapitbahay na sumisilip na dito sa loob ng bahay at nagbubulungan pa. Napalunok ako sa hiya.

“N-Nay tama na po. N-Nakakahiya po sa mga kapitbahay ko.” Awat ko kay nanay.

“O ngayon mahihiya ka. Gaga ka kasi! Kapag ikaw talaga natsismis at nalaman ng eskwelahan nyo at nawalan ka ng trabaho. Patay ka sa akin. Mapapatay talaga kita sa bugbog dahil sa kagagahan mo.” Pagbabanta nya sa akin. Mahigpit naman akong inakbayan ni Benj.

Alam ko namang tototohanin nya ang pangbubugbog sa akin. Bata pa lang ako madalas na nya akong bugbogin. Kapag nagaaway sila ni tatay ako ang binabalingan nya lalo na kapag wala syang pera. Nagtuloy tuloy pa yun hanggang sa namatay si tatay at makapangasawa sya ng bago. Kung hindi dahil sa lolo ko na ama ni tatay ay hindi ako makakapag tapos ng pag aaral. Nakakalungkot nga lang dahil ilang araw lang bago ang graduation ko ay namatay sya.

Bumuntong hininga si nanay at naging kalmado na. “Pahingi pala akong pera. Wala ng pambaon ang mga kapatid mo. Ang amain mo naman tamad mamasada.” Sabi ni nanay sabay lahad ng kamay.

“P-Pero nay kapapadala ko lang po sa inyo noong isang linggo.” Kalahati ng sahod ko ang lagi kong pinapadala sa kanila ayon na rin sa gusto nya. Kaya nga hindi na rin ako nakakabili ng gusto ko at todo tipid pa ako.

“Oo nga, pero ubos na. Apat na kapatid mo ang nag aaral. Pambaon nila araw araw at pagkain pa. Yung amain mo nanghihingi pa minsan ng pang alak.”

Dyan lang talaga sya magaling. Manghingi ng pera sa akin. Kung tuusin di ko naman sila obligasyon na bigyan ng pera. May iba na syang pamilya. Obligasyon na sila ng asawa nya. Pero inoobliga pa rin nya akong magbigay ng pera sa kanya tuwing sahod ko. At kapag kumibot ako ay susumbatan nya ako na kung hindi dahil sa kanya ay wala ako dito sa mundo.

“W-Wala po akong pera ngayon nay. Pang budget ko na lang po ito hanggang sa katapusan.” Sa katapusan din ang sahod ko.

“Anong wala kang pera? Ano bang pinagkakagastusan mo eh mag isa ka lang dito. O baka naman itong lalaki mo ang pinagkakagastusan mo at binibigyan mo ng pera.”

“Nay hindi po – “

Pinisil ni Benj ang balikat ko kaya napahinto ako sa pagsasalita. Nilabas nya ang wallet nya sa bulsa at binuksan. Dumukot sya ng tatlong tig iisang libong papel.

“O eto po pera.” Sabi nya at binigay kay nanay ang pera. Kinuha naman agad ito ni nanay.

“Pera to ng anak ko no? Pineperahan mo nga lang talaga ang anak ko.” Bintang ni nanay kay Benj.

“Kulang pa po ba? O heto pa po.” Dinagdagan pa ni Benj ng limang libo ang perang binigay nya kay nanay. Mabilis din naman itong kinuha ni nanay.

Hinawakan ko ang braso ni Benj para pigilan sya. Ako na ang nahihiya sa pagbibigay nya ng pera kay Benj. Pero hindi nya ako pinapansin.

Si nanay naman ay nagliwanag na ang mukha habang binibilang ang perang papel na malulutong pa.

“Teka – “

“Pera ko po yan ma’am at hindi galing kay Macy. Sa inyo pa nga lang ubos na ang pera nya bibigyan pa nya ako? Eh wala ngang laman ang ref nya kundi limang pirasong itlog at maasim na hotdog lang. Bihira lang din sya makakain ng masarap dahil inuuna nya kayo.” Pagtataray na ni Benj sa nanay ko.

Napakagat labi naman ako sa hiya. Tumpak ang lahat ng sinabi nya. Bihira lang talaga ako kumain ng masarap kasi nga nagtitipid ako. Sa school lang ako nakakain ng matino dahil ayoko namang kaawaan ako ng mga co teachers lalo na ni Aitana. Sa gabi sardinas lang ang inuuulam ko kapag gusto ko talagang magkanin. Kapag tipid na tipid talaga cup noodles na lang o kaya biscuit. Pero kapag nagpupunta si Benj dito lagi syang may dalang pagkain. Doon lang ako nakakain ng masarap.

“Aba’t! Sinisisi – “

“Sige na po umuwi na kayo kung ayaw nyong bawiin ko yang pera.” Putol ni Benj sa sasabihin ni nanay.

Tinupi naman ni nanay ang pera at sinuksok sa bra nya. Matalim nya munang tiningnan si Benj bago ako.

Dinuro ako ni nanay. “Umayos ka Macy ha, sinasabi ko sayo.” Banta nya at tumalikod na palabas ng bahay.

Lumapit naman si Benj sa pinto at sinarado. Bumalik sya sa akin at hinawakan ang mukha ko. Pinunasan ko naman ng daliri ang patuyo ko ng luha. Hinaplos nya ang pisngi kong sinampal ni mama.

“Tsk! Namumula yung pisngi mo o.” Sabi nya. “Teka kukuha lang ako ng yelo.”

“Wag na, tatakpan ko na lang ng concealer to.”

Tumingin lang sya sa akin at inirapan ako. Dumiretso sya sa ref at binuksan ito pero muli lang sinarado.

“Bibili lang ako sa labas ng yelo.” Paalam nya at lumabas na.

Kinuha ko naman ang pagkakataon at umakyat sa kwarto ko para magbihis. Baka malate pa ako.

“Wag ka na kaya muna pumasok. Namumula yang pisngi mo o.” Sabi nya habang dinadampian ng yelong binili nya ang pisngi kong sinampal ni nanay.

“Hindi pwede, may quiz ngayon ang mga estudyante ko.” Sabi ko.

Bumuntong hininga naman sya. “Nanay mo ba talaga yung babae kanina?”

Hindi ako sumagot at tumango lang.

“Grabe ha. Kung pagsalitaan ka parang hindi ka anak. Pagkatapos kang sampalin at pagsabihan ng kung ano ano sabay hingi ng pera. Kaloka ang mudra mo ha. Kung hindi mo lang nanay yun pinatulan ko na yun.”

Napayuko ako pero agad din nyang tinaas ang mukha ko. Nahihiya ako sa kanya dahil sa pang eeskandalo ng nanay ko. Baka mamaya hindi na sya pumunta dito sa bahay.

“I’m sorry sa inasal ng nanay ko kanina.” Sabi ko sa kanya.

“Nah, wag kang mag sorry wala kang kasalan. Yung nanay mo lang ang maatittude.”

Kimi akong ngumiti. “Yung perang binigay mo sa kanya babayaran ko na lang sa sahod ko, pero pwedeng two gives?”

“Tss, wag mo ng problemahin yun.”

“Pero – “

“Hindi kita sinisingil ok?”

“Nakakahiya – “

“O sige bayaran mo ko pero doble na ang ibabayad mo.”

“Grabe naman!”

“O ngayon aangal ka. Wag mo na kasing problemahin yun. Sige na kumain na tayo para maihatid na kita sa school.” Sabi nya at tumayo na.

Sumunod naman ako sa kanya papuntang kusina. Pinalitan nya ang kape naming malamig na. Naging magaan na ang loob ko habang kumakain kami. Asikasong asikaso nya ako. Kelan ba huling may nag asikaso sa akin? Yung buhay pa si lolo. Ang sarap sa pakiramdam na may nagaasikaso at nag aalala sayo at taong mahal mo pa. Hindi ko rin makakalimutan ang ginawa nyang pagtatanggol sa akin kanina kay nanay. Hay, lalo ko lang tuloy syang minamahal.

Pagkatapos naming kumain ay gumayak na kami dahil ihahatid na nya ako sa eskwelahan. Balalikan na lang daw nya ang hugasan pag hatid sa akin. Malelate na kasi ako.

Paglabas namin ng bahay ay nakatingin sa amin ang mga kapitbahay ko at nagbulungan pa. Napayuko na lang ako. Alam ko namang kami ang pinag uusapan nila.

Hinawakan ni Benj ang kamay ko. “Wag mo na lang silang pansinin. Let’s go.” Sabi nya at lumabas na kami ng gate.

Ngumiti ako sa kanya at mahigpit na humawak sa kanyang kamay. Sa ngayon sya lang ang meron ako.


Siningit ko na ang story ni Benj at ni Macy dahil walang kasiguraduhan na magkakaroon sila ng solo story dahil ang dami kong story na nakapila 😅😆

Chapter 31

Aitana

NAKAKUNYAPIT AKO sa braso ni Lorenzo habang nakadikit din ang pisngi ko at nakatingala sa mukha nya. Nakikinig ako sa mga kinukwento nya tungkol sa trabaho nya. Nasa loob kami ng pick up truck nya na nakaparada sa gilid ng park ng bayan. Galing kaming restaurant nya at kumain. Nagtake out na rin kami ng ulam para kanila Tiyang Meding at Benj. Nagulat nga ako dahil ang aga nyang dumating sa bahay kanina. Magsasaing pa lang ako. Inagahan daw nya talaga dahil gusto nyang kumain kami sa labas at makasama ako ng mahaba habang oras. Natuwa naman ako at kinilig. Sa kabila ng pagkabusy nya ay nageeffort talaga sya. Kahapon nga at kaninang umaga ay pumunta sya sa school at dinalhan ako ng meryenda bago umuwi sa bahay nya.

“Sa next day off ko saan mo gustong pumunta?” Tanong nya at tumingin sa akin.

Ngumuso ako at nag isip. Ok lang naman sa akin kahit saan kami magpunta basta kasama ko sya. Namimiss ko na rin kasi syang kasama ng matagal.

“Ikaw ang bahala.” Sabi ko.

Ngumiti sya at hinaplos ang buhok ko. “Gusto mong pumunta ng Manila? Sa bahay namin?”

“Sa bahay ng mga parents mo?”

Tumango sya. “Umuungot kasi si mommy sa akin na pasyalan ko naman daw sila ni daddy sa Manila at isama ka daw.”

“O sige. G ako dyan.” Sabi ko. Matagal na rin akong hindi nakakapunta ng Manila. Mga dalawang taon na.

Kumunot ang noo nya. “Anong G?”

Muntik na akong mapabunghalit ng tawa. “G means Go, go ako dyan. Gogora tayo sa Manila.”

Lalong nangunot ang nya at napakamot sa batok. “Ano ba yang mga salitaan mo, mga bagong words ba yan sa dictionary na tinuturo nyo sa school?”

Tuluyan na akong bumunghalit ng tawa. Pero tumigil ako sa pagtawa ng samaan nya ako ng tingin. Ngumuso na lang ako.

Tumikhim ako. “Beki language kasi yun. I mean salitang bakla.” Paliwanag ko sa kanya.

Ngumisi sya. “Natutunan mo sa pinsan mo?”

Tumawa ako at tumango. “Gusto mo turuan kita?”

Kumamot sya sa noo at umiling.

“Sige na turuan kita.”

“Nah, I’m fine sweetheart.” Tanggi nya.

Pero dahil sinumpit ako ng hangin ng kapilyahan, kinulit ko sya.

“Sige na, madali lang naman yun eh. Sabihin mo chuvaness eklavu ek-ek.” Pigil ang tawang pang uuto ko sa kanya.

Tiningnan naman nya ako ng masama. Nagpacute lang ako sa kanya na ikinangisi nya sabay pisil sa nakausling nguso ko.

“Wag mo kong utuin sweetheart kung ayaw angkinin kita dito sa sasakyan.”

Naumid ang dila ko sa sinabi nya kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko at pagtibok ng gitna ko. Napagdikit ko ang mga hita ko kasabay ng pagiinit din ng mukha ko. Shet na malagket! Bakit pati yun tumibok? Nanabik?

“Di wag.” Nakangusong bulong ko.

Tumawa sya at hinalikan ako sa ulo.

Ilang minuto pa kaming tumambay sa harap ng parke. Wala naman kaming ibang ginawa sa loob ng sasakyan kundi maglambingan lang. Hindi ko na sya masyadong kinulit dahil baka totohanin nya ang sinabi kanina. Hindi pa naman sya mapagbiro.

Alas sais y medya ay hinatid na nya ako sa bahay dahil malapit na ang oras ng duty nya.

NAKARAMDAM AKO ng awa kay Macy habang nagkukwento sya tungkol sa nangyari sa kanila ni Benj sa bahay nya kanina. Muntik na kasi syang malate kanina. Naabutan sila ni Benj ng nanay nya at nageskandalo doon. Ngayon ay nag aalala sya na kumalat ang chismis at makarating sa principal. Alin lang sa dalawa ang mangyayari sa kanya. Masuspende sya o matanggal sa serbisyo.

“Anong sabi ni Benj?” Tanong ko.

“Hindi ko pa nababanggit sa kanya ang pwedeng mangyari sa akin kasi nagmamadali kami dahil malelate na ako.” Ngumiti sya. “Pero alam mo pinagtanggol nya ako kanina kay nanay.”

“Talaga?”

Tumango sya. “Simula ng mamatay si lolo wala ng nagtatanggol sa akin kay nanay. Kanina lang at si Benj pa. Hindi nya ako hinayaang mabugbog ni nanay. Nilagyan pa nya ng yelo yung pisngi ko kanina.” Nangingiting sabi nya.

Napangiti na rin ako. Atleast pinagtanggol sya ng pinsan ko. Kung nandoon din ako syempre ipagtatanggol ko din sya dahil kaibigan ko sya. Noon pa man ay madalas ko na syang makita na may mga pasa sa mga braso at minsan ay namamaga ang pisngi. Yun nga sinasaktan daw sya ng nanay nya. Ilang beses ko na ng nakita ang nanay nya. Mukha syang kontrabidang buntangera sa mga teleserye. Noong unang nagpunta nga ako sa kanila tinarayan agad ako ng nanay nya. Akala makikikain ako sa kanila. Kaya mula noon hindi na ako pumupunta sa kanila. Nakakatakot kasi ang nanay. Ayaw din nya na pupunta ako doon kasi masungit ang nanay nya. Nakikita kong hindi maganda ang pakitungo sa kanya ng nanay nya. Ang tatay nya naman ay maagang namatay. Nakakalungkot nga ang sitwasyon nya dahil may nanay nga sya pero ganun naman ang turing sa kanya. Maswerte pa nga ako dahil kahit ulila na ako sa magulang ay may tiyahin, pinsan at tiyuhin naman ako na napakabuti sa akin.

“Pero bago yun, alam mo ba baks? Pinagluto ako kanina ng almusal ni Benj. Ihh! Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.” Kinikilig na sabi nya.

Napataas naman ang kilay ko. Mukhang nahuhulog na rin ang pinsan ko sa kanya. Well yun din ang gusto ko. At mukhang nangyayari na nga.

“Basta baks, kapag may problema ka share mo rin sa akin o kaya kay Benj. Mahirap yung sinosolo mo lang mabigat sa dibdib yan.” Sabi ko.

“Eh nakakahiya naman sayo baks.” Kumakamot sa ulo na sabi nya.

“Sus! Mag best friend tayo no kaya hindi ka dapat nahihiya sa akin. Saka magiging cousin in law na rin kita.”

Kinilig na naman sya sa sinabi ko. “Ay gusto ko yan cousin in law. Oo na hindi na ako mahihiya sayo.”

Nagapir naman kaming dalawa at pinagpingki ang plastic cup ng sago’t gulaman namin.

NAPAKAMOT AKO sa ulo ng hindi na naman gumana ang printer. May ipiprint pa naman ako. Siguro kailangan ko na nga talaga to palitan. Itinabi ko na ang printer at pumasok sa kwarto ko para kunin ang wallet at body bag.

“Tiyang, punta lang po ako ng bayan para magpaprint.” Paalam ko kay tiyang Meding na abala sa pagbabalat ng ube dahil gagawa sya ng halaya. Bisperas kasi ng pista ngayon dito sa bayan namin. Kaya dalawang araw walang pasok sa school.

Tumango si tiyang Meding. “Pero wag kang masyadong magtatagal dahil marami pa tayong gagawin.”

“Opo sandali lang po ako. Baka po may gusto kayong ipasabay?”

“Ay oo nga pala, buti nabanggit mo. Mukhang kukulangin yung kondensadang nabili ko kanina. Bumili ka ng dalawang lata.” Nagabot sya ng 150 sa akin. Kinuha ko naman ito.

“Sige po tiyang.”

Lumabas na ako ng bahay at nagabang ng traysikel. Hindi ko ginamit ang motor ko dahil siguradong mahihirapan lang ako makipag singitan at maghanap ng mapaparkingan dahil punong puno ng tao at mga sasakyan ngayon sa bayan. Dito pa nga lang sa lugar namin marami ng tao at mga sasakyan na dumadaan. Namumutiktik din sa benderitas. Ang mga bata ay nakakalat. May ilang mga mukha pa nga na hindi ako pamilyar na malamang ay mga bisita o kamag anak ng mga kapitbahay.

Ng may dumaang traysikel na walang pasahero ay pinara ko na ito. Huminto naman ito sa harap ko at sumakay na ako. Sinabi ko kay manong driver ang destinasyon ko. Hindi pa nakakalayo ang traysikel na lulan ko ng makita ko si Benj na bagong dating na nakamotor at angkas si Macy. Tinawag ko pa silang dalawa. Kinawayan naman ako ni Macy at tinanong kung saan ako pupunta sinabi ko naman kung saan. Kaya pala wala si insan dahil sinundo ang bebe nya.

Hay, namiss ko bigla ang fafa Lorenzo ko. Siguradong tulog na sya ngayon sa bahay nya. Kawawa naman sya dahil sobrang busy nya lalo ngayon dahil sa kapistahan. Nagtext sya kaninang alas otso na pauwi pa lang. Sinabihan ko syang wag ng dumaan dito sa bahay at dumiretso na sya ng uwi para makapagpahing na sya.

Makalipas ng ilang minuto ay nasa bayan na ako. Marami na ngang tao at siksikan na. Mahigpit kong hawak ang body bag ko. Mahirap na at baka masalisihan ako.

Nagpaprint muna ako bago ako bumili ng kondesada. Medyo nagtagal pa ako sa grocery dahil mahaba ang pila. Mabuti na lang ay mabait ang ginang na nasa unahan ko at pinauna ako dahil dalawang latang kondensada lang naman ang babayaran ko.

Paglabas ko ng grocery store ay bumili pa ako ng prutas bago dumiretso sa terminal ng traysikel. Kaso wala ng traysikel at maraming tao ang nakaabang. Naglakad lakad na lang muna ako habang nag aabang ng traysikel na walang pasahero.

Pero limang minuto na ang lumipas ay wala pa ring traysikel na humihinto sa akin. Sa terminal naman ay nag uunahan ang mga nakapila doon sa paisa isang traysikel na dumarating. May nag away pa nga.

Tawagan ko na lang kaya si Benj para magpasundo?

Nilabas ko ang cellphone sa body bag at dinial ang number ni Benj. Napangiwi ako ng sabihin ng operator na wala na akong sapat na load. Binuksan ko naman ang data ko kaso hindi naman online si Benj ganun din si Macy. Bagsak ang balikat na binalik ko na lang ang cellphone sa body bag.

Naglakad lakad ulit ako at nagbakasakali. Naiinitan na nga ako. Tirik na tirik na ang araw dahil pasado alas diez na ng umaga. Nagpalinga linga ako. Puro kainan at fast food chain na ang nadaraanan ko. Maraming sasakyan sa paligid. Pero isang sasakyan ang nakita kong pamilyar na pamilyar sa akin ang nakaparada sa harap ng restaurant. Parang pick up truck ni Lorenzo. Kaparehas ng modelo at kulay. Nilapitan ko pa ito at tiningnan ang plaka. Kay Lorenzo nga!

Nagpalinga linga ako at sumilip sa loob ng restaurant. May mangilan ngilan na kumakain. Sa kabilang dulo ng restaurant sa tabi ng dingding ay nakita ko ang hinahanap. Si Lorenzo na ngiting ngiti sa kaharap. Tiningnan ko ang kaharap nya. Nagsalubong ang kilay ko at nagdilim ang paningin ng mapagsino ang kasama nya. Si Hulyeta. Tila may kumurot na pino sa puso ko at may kamay na pumipiga dito.

Ang sabi nya pauwi na raw sya? Eh bakit nandito pa sya at kasama pa si Hulyeta. Ano yun? Nagsisinungaling sya?

Di na ako nakapagtimpi at pumasok na ako sa restaurant. Binati pa nga ako ng isang staff na nagmamop pero di ko sya pinansin at tuloy tuloy lang sa mesang kinaroroonan ng dalawa. Lalo pang nagdilim ang paningin ko ng makitang humawak pa sa braso ni Lorenzo si Hulyeta. Malalaki ang hakbang na lumapit na ako sa mesa nila.

“Lorenzo.” Mariin na sambit ko sa pangalan ng nobyo ko.

Nag angat naman sya ng tingin at nawala ang ngiti ng makita ako kasabay ng panlalaki ng kanyang mata.

“Sweetheart.”


Short update muna mga vebs. Di ako makapag concentrate sa pagsusulat dahil may dysmenorrhea ako 🤧

Anyway thank you sa mga nagfollow, nagbasa at nagbigay ng gem sa akin sa goodnovel. Thank you thank you so much sa inyo guys! 😘

Follow nyo rin po ako sa Dreame. Same name at same profile din po 😉

Chapter 32

Aitana

“SWEETHEART.”

Naikuyom ko ang kamao at matalim na tumingin kay Lorenzo lalo na kay Julie na mataray din akong tiningnan at may tinatago pang ngisi sa labi. Humigpit tuloy ang hawak ko sa plastic na bitbit ko. Kung hindi lang ako isang guro at tinuruan ni Tiyang Meding ng magandang asal ay hinampas ko na sa kanya ang hawak kong plastic na may lamang dalawang lata ng kondensada at mga prutas.

“Sweetheart.” Muling tawag sa akin ni Lorenzo na tumayo na.

Tumingin ako ulit sa kanya at mabigat na bumuntong hininga sabay talikod at walk out palabas ng restaurant. Narinig kong nagpaalam pa sya kay Julie. Tsk!

Binilisan ko ang lakad habang palinga linga at naghahanap ng traysikel. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakadama ng ganitong ngitngit. Yung puso ko parang sinasakal at tila hirap akong huminga. Yung parang gusto kong magwala at mag amok ng away. Alam kong selos tong nararamdaman ko. Sino ba namang hindi magseselos? Kasama ng boyfriend ko ang babaeng dati nyang dinidate tapos nagsinungaling pa na pauwi na yun pala nakikipag date pa. Yung unang nakita sila ni Benj ay pinalampas ko. Nilawakan ko ang pang unawa ko na baka aksidente lang silang nagkita. Pero ngayon.. Ilang beses na ba silang nagkikita ng ganito?

“Sweetheart.”

Mas binilisan ko pa ang lakad ng marinig kong tinatawag nya ako. Ayoko syang kausapin. Sinungaling sya.

“Aitana sandali.”

Di ko sya nilingon. Ng makita kong medyo maluwang ang kalsada ay akmang tatawid ako pero may malaking kamay ang humawak sa braso ko.

“Sweetheart – “

“Ano ba! Bitiwan mo nga ako!” Singhal ko sa kanya at matalim syang tiningnan.

Natigilan naman sya at nagulat sa pagsinghal ko sa kanya. Pilit kong binabawi ang braso kong hawak nya pero hindi pa rin nya ito binibitawan. Mabibigat na ang bawat paghinga ko.

“Let’s talk sweetheart.” Mahinahong sabi nya.

“Talk mo mukha mo! Sinungaling! Bitawan mo ko! Uuwi na ko!” Muling singhal ko sa kanya.

Muli na naman syang natigilan. Nakakuha na rin kami ng atensyon sa mga taong dumaraan. Pilit ko pa ring binabawi ang braso ko pero wala talaga syang balak bitiwan ito.

“Mahihirapan kang makahanap ng masasakyan. Ihahatid na kita.”

“Eh di maglalakad ako. Ayokong sumabay sayo. Si-Sinungaling ka.” Basag ang boses na sabi ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko. Mabilis ko naman itong pinahid ng kamay.

“Shit!” Hinila nya ako at niyakap. Nagpumiglas naman ako pero humigpit lang ang yakap nya sa akin. Patuloy naman sa pagpatak ang luha ko.

“Pasok muna tayo sa sasakyan. Mainit dito. Doon tayo mag usap.” Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Hila hila nya ako pabalik sa restaurant kung nasaan ang sasakyan nya. Wala akong ginawa kundi nagpatianod na lang sa kanya.

“Enzo.”

Nilingon namin ang tumawag sa kanya. Napasimangot ako ng makita si Julie na palabas ng restaurant. Pasimpleng nginisihan nya ako. Inirapan ko naman sya.

“Mauna na ako Julie.” Sabi ni Lorenzo at binuksan ang pinto sa passenger seat.

Napakunot noo naman si Julie. “Paano yung pinag uusapan natin?”

“Some other time na lang.”

Napaikot ang mata ko at pumiksi sa hawak ni Lorenzo. Padabog na umakyat ako sa sasakyan papasok sa passenger seat. Agad naman akong inalalayan ni Lorenzo at nilagay ang kamay sa ibabaw ng ulo ko.

“Careful sweetheart.” Aniya. Inirapan ko lang sya.

Kumamot naman sya sa batok at sinara na ang pinto ng passenger seat. Nilapag ko naman sa lapag ng sasakyan ang pinamili ko. Pumasok na rin sa driver seat si Lorenzo at binuhay ang makina. Tiningnan ko naman si Julie sa labas ng sasakyan na nakasimangot na. Kahit hindi nya ako nakikita dahil tinted ang salamin ay inirapan ko ulit sya. Kinabit ko na ang seatbelt ko.

Umandar na ang sasakyan. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Ako lang pala. Panay ang buntong hininga nya at palingon lingon sa akin. Hindi ko sya kinikibo at tumingin sa labas ng bintana.

Pero mayamaya lang ay hininto nya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

“Bakit mo hininto?” Malamig na tanong ko.

“Mag usap muna tayo sweetheart.” Malambing naman na sabi nya.

Malamig ko lang syang sinulyapan. Kinuha ko ang dalawang plastic.

“Bababa na ako. Mag aabang na lang ako ng traysikel o kaya jeep.” Sabi ko at akmang bubuksan ang pinto pero di ko naman ito mabuksan dahil nilock nya. Masama ang tingin na nilingon ko sya.

“Mag usap nga muna kasi tayo.” Mahinahon pa ring sabi nya.

“Ayoko nga! Doon ka na lang kay Julie. T-Tutal naman mukhang tuwang tuwa ka na k-kasama sya eh.” Pumipiyok ang boses na sabi ko. Nagbabadya na namang pumatak ang luha ko. Masakit din ang lalamunan ko dahil parang may nakabara.

“Hindi yan totoo sweetheart.” Tanggi nya na matiim ang tingin sa akin.

“Si-Sinungaling. Kitang kita ko nga na ngiting ngiti ka eh. Hindi lang yun ang unang beses na nakita ko kayong magkasama. Siguro maraming beses na kayong nagkikita. Nagsinungaling ka pa. Sa-Sabi mo pauwi ka na. Y-Yun pala, nakikipag date ka lang kay Julie. Si-Sinungaling ka. Naiinis ako sayo.” Tuluyan ng pumatak ang luhang pigil pigil ko. Masamang masama ang loob ko.

Kinabig naman nya ako at niyakap. Pinupog nya ng halik ang ulo ko. Pilit ko namang binabaklas ang mga braso at kamay nya. Pero di sya nagpatinag.

“I’m sorry sweetheart. Pero mali ka ng iniisip mo.” Bulong nya sa akin.

Nag angat ako ng mukha at sinamaan sya ng tingin. “Ako pa ang mali? Eh malinaw na malinaw yung nakita ko eh.” Umiiyak ng sabi ko.

“Shh.. makinig ka muna sa akin sweetheart.” Pagaalo nya sa akin habang pinupunasan ng daliri nya ang luha ko.

“Ano? Magpapalusot ka? Kung lolokohin mo lang pala ako at mas gusto mo ang Julie na yun maghiwalay na lang tayo.” Hamon ko. Pero parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Mali yata yung nasabi ko.

Nagsalubong naman ang kilay nya. “Of course not! I’m not cheating on you sweetheart. I won’t do that! At hinding hindi tayo magbibreak. Makinig ka muna kasi sa akin.” Mariin ng sabi nya habang seryoso na ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Ilang sandali kaming magkatitigan lang.

Ako na ang agad na nagbawi ng tingin. Kahit kelan hindi ko matagalan ang pagtitig sa mga mata nya. Para nya akong tinutunaw.

“Sweetheart listen to me ok. I will explain to you everything para malaman mong hindi kita niloloko.”

Tinulak ko sya at kumalas sa yakap nya. Dumiretso ako ng upo at humalukipkip habang diretsong nakatanaw sa labas ng windshield.

“Fine, mag explain ka na.” Malamig na sabi ko at muli syang tiningnan sabay irap.

Bumuntong hininga naman sya. “May misyon ako. Si Julie ang misyon ko..”

Kunot noong sumulyap ako sa kanya. Ano daw? Misyon nya si Julie? Tinuloy naman nya ang sasabihin nya. 

Napapaawang ang labi ko habang nakikinig sa mga sinasabi nya. Si Julie daw ay kasabwat sa mga krimen na nangyayari dito sa bayan namin. Isa daw syang espiya ng isang malaking sindikato. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi nya. Pero ano ba ang alam ko? Pero hindi naman bago na minsan ang kalaban ng mga pulis ay kapwa din nila pulis na minsan ay pinipiling pumanig sa mga masasamang gawain para sa malaking halaga.

“Kaya madalas akong nakikipagkita sa kanya para kunin ang loob nya sweetheart para makakuha ng impormasyon.”

Sa mga sinabi nya ay kahit papaano ay naliwanagan ako. Yun nga lang ay hindi pa naaalis ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko kasi gusto ang ideya na nagkikita sila eh. Lalo na at obvious sa babaeng yun na gusto nya si Lorenzo. Sa mga tingin pa lang nya.

“Ano pang ginagawa mo para mapalapit sa kanya?” Parang may bikig sa lalamunan na tanong ko. Natatakot di akong malaman kung ano pa ang ginagawa nya para makuha ang loob ni Julie.

Ngumiti sya at hinawakan ang pisngi ko. “Wala, nag uusap lang kami na parang magkaibigan. Iniisip mo siguro na may iba pa kaming ginagawa.” May nanunuksong ngiti sa labi nya.

Ngumuso naman ako. “ Bakit? Wala ba?“ Matapang na tanong ko.

“Wala.” Natatawang sabi nya habang hinahaplos ang pisngi ko.

Tumingin ako sa kanya. Nagsalubong ang mga mata namin. Hindi ko naman sya nakakabakasan ng pagsisinungaling. Inismiran ko sya at humalukipkip.

“Pero nagsinungaling ka pa rin sa akin. Sabi mo kanina pauwi ka na. Yun pala nagkita kayo ng Julieng yun.” Medyo masama pa rin ang loob ma sabi ko. Medyo na lang siguro mga kalahati ang sama ng loob ko sa kanya.

“Yeah I know sweetheart and I’m sorry. Hindi ko naman intensyon na magsinungaling. Pauwi naman na talaga ako ng magtext ako sayo kanina. Tumawag nga lang si Julie at nag ayang kumain. Pinagbigyan ko na. Kapag tumanggi ako baka makahalata sya.”

Sumimangot ako.

Muli na naman nya akong kinabig at niyakap. “Wag ka ng magselos sweetheart. Wala kang dapat ikaselos. I only want you, no one else. I love you..” Anas nya sa tenga ko.

Nagregodon naman sa bilis ng tibok ang puso ko. Ngayon lang nya ako sinabihan ng I love you.

Tumingala ako sa kanya. “Talaga? Mahal mo ko?”

Ngumiti sya at mapupungay ang mga matang tumingin sa akin. “Yes sweetheart, matagal na kitang mahal.”

Para namang may kung anong kumikiliti sa tiyan ko sa sinabi nya.

Ngumuso ako. “Eh bakit ngayon mo lang sinabi?” Pigil ko ang labing ngumiti. Kanina inis na inis ako sa kanya at naiyak pa ako ngayon naman kinikilig na ako. Nakakabuang pala ang mainlove.

Kumunot ang noo nya. “Ngayon ko lang ba sinabi?”

“Oo, o baka naman nagsabi ka na rin sa iba nyan?” Sinamaan ko sya ng tingin.

“Of course not! Ikaw lang ang sinabihan ko nyan. Ikaw lang ang sasabibin ko nyan dahil ikaw lang naman ang babaeng mahal ko. Hindi ko man yun nasasabi sayo pero sinisiguro ko naman na mararamdaman mo yun. Bakit? Hindi mo ba nararamdaman?” Kunot noong tanong nya.

Kumagat labi ako. Kung yung mga effort nya sa akin ang sinasabi nyang way nya para iparamdam na mahal nya ako, oo ramdam na ramdam ko ang mga effort nya. Pero di ko naman alam na mahal nya ako o shunga lang ako.

Kumamot ako sa pisngi. “Hindi ko alam mahal mo na pala ako.”

Bumuntong hininga sya. “Unang kita ko pa lang sayo iba na ang nararamdaman ko. Sayo ko lang naramdaman yun. Hanggang sa ligawan kita at naging tayo kasabay nun unti unti ng nadevelop sa pagmamahal ang nararamdaman ko sayo.”

Nakangusong tumango tango ako habang pigil ang sariling mapangiti dahil sa kilig.

“Eh ako ba? Mahal mo?” Tanong naman nya.

“Magseselos ba ako at iiyak kung hindi?” Nagiinit ang pisnging sabi ko.

Ngumiti naman sya at hinawakan ang pisngi ko sabay halik sa labi ko. Masuyo kaming naghalikan. Parang bigla ay nabura ang lahat ng inis ko kanina at nawala ang bigat sa dibdib ko.

“I love you sweetheart, always remember that.” Anas nya ng maghiwalay na ang mga labi namin.

“I love you too Lorenzo.” Anas ko rin.

Kumagat labi sya at ngumiti. “Ang sarap naman pakinggan yan. Kaya lang mukhang aatekehin ako sa puso.”

Kumunot ang noo ko. “Bakit?”

Kinuha nya ang kamay ko at pinatong sa ibabaw ng dibdib nya. Damang dama ko ang bilis at lakas ng tibok ng puso nya. Parehas pala kami.

“Kasalanan mo sweetheart kapag inatake ako.” Aniya.

Iniyakap ko ang mga braso sa batok nya. “At least inatake ka sa pagmamahal ko.” Nangingiting sabi ko at hinalikan sya sa labi na agad naman nyang tinugon. Mainit ang halik na pinagsaluhan namin. Mabuti na lang at heavily tinted ang mga bintana ng sasakyan nya.

“Sama ka sa akin sa bahay.” Aya nya sa akin sa nanghihibong boses sa pagitan ng paghalik nya sa pisngi at leeg ko.

Kumagat labi ako. Alam ko naman ang nais nya. Gusto ko sana. Kaso lang..

“Di pwede, magpapahinga ka pa at matutulog. May pasok ka pa mamaya.” Sabi ko. Tiyak kapag sumama ako sa kanya ay hindi sya matutulog dahil maghaharutan lang kaming dalawa. At saka di ako pwedeng umalis sa bahay dahil tutulungan ko pa si tiyang sa pagluluto.

Lumabi sya. “Kaya ko naman ng walang tulugan sweetheart.” Lambing nya.

“Di pa rin pwede dahil tutulungan ko si  tiyang sa pagluluto. Sa day off mo na lang.”

“Next week pa yun sweetheart.”

“Eh di next week.”

Bumuntong hininga sya. “Sige na nga, makakapagtiis pa naman ako. Pero ngayon pahalik muna.” Muli nyang kinabig ang batok ko at hinalikan sa labi.

Third POV

SA KALALIMAN ng gabi, isang lalaki na may sukbit na bag pack sa likod ang matulin na tumatakbo habang palingon lingon sa kanyang likuran. Lalo pa nyang tinulinan ang pagtakbo ng makita ang tatlong lalaki na humahabol sa kanya.

“Hoy tumigil ka!” Sigaw ng isang lalaki sa tatlong humahabol at pinutok nito pataas ang baril.

Pero hindi nagpatinag ang lalaki at mas lalo pang binilisan ang takbo. Lumiko pa sya sa isang eskinita at pumasok sa squatter area.

“Anak ng! Bilisan nyong dalawa at habulin yun!” Utos ng lalaking nagpaputok ng baril. Tumalima naman ang dalawang kasama at pumasok din sa eskinata.

Sarado na ang lahat ng kabahayan sa squatter area. Agad silang nagsarado ng bahay at nagpatay ng ilaw ng makarinig ng putok ng baril. Tanging mga ilaw na lang sa poste ang nagbibigay liwanag sa lugar at ingay ng mga nagtatahulang mga aso ang maririnig.

Ang lalaking hinahabol ay kung saan saan na lumulusot. Kailangan nyang makalayo sa mga tauhan ni Don Conrado. Hindi sya dapat magpahuli dahil siguradong bangkay na syang lumulutang sa ilog kinabukasan. May nakita syang silong. Sumuot sya doon kahit madilim at hindi sigurado kung ano ang naroon. Tahimik lang sya doon habang tahimik na dinadasal na hindi sya makita ng mga tauhan ni Don Conrado. Tagaktak na ang pawis nya at mabilis ang tibok ng puso nya sa takot, kaba at pagod. Pigil nya ang hininga ng makita ang mga paa ng mga lalaking humahabol sa kanya.

“Tangna! Ang bilis ah! Saan na nagpunta yun?” Tanong ng isang lalaki.

“Nandyan lang yun. Talasan nyo ang mga mata nyo!”

Binuksan ng tatlong lalaki ang flashlight ng mga cellphone nila at tinutok sa mga madidilim na bahagi. Samantalang ang lalaking nagtatago naman ay nagsumiksik pa sa mga nakatambak na kahoy. Abo’t abot ang kaba nya.

“Mukhang wala na dito pare.”

“Puro ka wala. Tingnan mo dun sa kabilang dulo. Kailangan mahuli natin ang gagong yun.”

Naglakad ang dalawang pares ng paa sa dulong tinutukoy ng kasama nya. Ang isang naiwan naman ay nanatili sa pwesto at sinisilip ng flashlight ang madidilim na bahagi. Maya maya lang ay bumalik ang dalawa.

“Pare may nakita kaming isang eskinita pa baka doon dumaan yung lalaki.”

“Tara sundan natin don.”

Patakbong pinuntahan na nga ng tatlong lalaki ang isa pang eskinita. Samantalang ang lalaking nagtatago ay naghintay muna ng ilang sandali. Ng masigurong nasa malayo na ang tatlong lalaking humahabol sa kanya ay lumabas na sya sa pinagtataguan at tumakbong lumabas sa eskinitang pinasukan..

“Glenda. Glenda. Gising!” Panggigising ng lalaki sa asawang mahimbing na natutulog.

Nakatakas sya sa tatlong lalaking humahabol sa kanya. Binalikan nya ang motor na naiwan at agad na umuwi. Kailangan nyang maitago ang magina nya bago pa sya matunton ng mga tauhan ni Don Conrado. Hindi man sya nahuli ay malamang makakahanap ang mga ito ng paraam para malaman ang pagkakakilanlan nya. At hindi sya dapat mag aksaya ng panahon.

“Roy, nakauwi ka na pala. Bakit ngayon ka lang?” Pupungas pungas na tanong ni Glenda sa asawa.

“May importante akong ginawa. Bumangon ka na dyan at magempake ka. Aalis tayo.” Sa halip na sagutin ang tanong ng asawa ay inutusan nya ito.

“Ha? Saan tayo pupunta? Gabing gabi ni Roy.”

“Basta wag ka ng maraming tanong magempake ka na. Bilisan mo.” Pasinghal na sabi ni Roy sa asawa.

Wala ng nagawa si Glenda kundi magempake na kahit inaantok pa. Tumulong na rin si Roy sa pageempake. Ng matapos ay binuhat nya ang tatlong taong gulang na anak na tulog na tulog pa. Sinuotan muna nilang mag asawa ito ng jacket nitong may hood.

Paglabas nila ng bahay ay nilock nya ang pinto at mabilis silang sumakay ng motor. Kailangan nilang tumakas habang may panahon pa.

Ramirez Residence..

“TONTO! TATLO na kayo hindi nyo pa nahuli ang lalaki!” Galit na sigaw ni Don Conrado sa tatlong tauhan na bumalik sa mansion na hindi tangay ang lalaki. Naputol ang pagpapaligaya nya sa kwarto kasama ang babaeng inupahan nya galing bar dahil sa tawag ng pinagkakatiwalaan nyang tauhan. Binalita nito na may intruder na naniniktik sa paligid ng mansion. Nakuhanan pa nga ito sa cctv at kumukuha ng litrato sa labas ng mansion.

“Eh boss ang bilis ho tumakbo eh.” Katwiran ng isa sa mga tauhan nya na humabol sa lalaking naniktik.

“Mga tanga kasi kayo kaya natakasan kayo. Tutulog tulog pansitan.“Ngali ngaling pagbabarilin ni Don Conrado ang mga tangang tauhan na mga napayuko na lang.

“Magsilayas na nga kayo sa harapan ko at baka kayo pa ang samain sa akin.” Inis na kinumpas ni Don Conrado ang kamay sa tatlong tauhan na tila nagbubugaw lang ng langaw. Agad namang umalis ang tatlo.

“Mga letse talaga. Mga walang silbi.”

Lumapit kay Don Conrado ang tauhan na kanang kamay din nya na si Monti. Inabot nito sa kanya ang isang basong may lamang alak. Kinuha nya ito at agad na tinungga.

“Sino kaya ang lalaking yun? Taga media?” Tanong nya kay Monti.

“O baka naman isa sa mga kalaban nyo na pinatitiktikan kayo.”

Napatiim bagang naman si Don Conrado. “ Letse! Kung sino man sya. Di sya magtatagumpay.“

“Wag kang mag alala boss. Malinaw na nakuhanan ng cctv ang mukha ng lalaki kanina. Matutunton din natin sya at mahuhuli. Doon natin sya pakakantahin.” Nakangising sabi ni Monti sa amo at sinalinan ng alak ang baso nito.

“Alam kong kapag ikaw ang nagbitaw ng salita ay mangyayari yan. Kaya sayo ko na iiwan ang problemang yan Monti. Kapag nahuli mo ang lalaking yun may malaki kang bonus sa akin.” Alam ni Don Conrado na hindi sya bibiguin ng pinakamatalino at pinagkakatiwalaan nyang tauhan. Lalo na kapag pinainan nya ng malaking halaga.

“Ako ng bahala boss.”

Pinagpingki ng dalawa ang kanilang mga baso na may lamang alak at sabay na tinungga habang may mga ngising demonyo sa mga labi.


I’m sorry to disappoint y’all walang taguan ng anak ang magaganap sa kwentong to 😆 Siguro sa next story meron 🫣

Chapter 33

Aitana

NAPATAAS ANG ang kilay ko ng maabutan ko sa loob ng salon si Benj at Macy na naglalambingan este nagtatalo. Natatawa na nga lang sila Erika at mga costumer na naroon.

“Ayoko kasi ng ganyang kulay. Parang walang kabuhay buhay” Reklamo ni Macy habang pinagpipilitan ni Benj ang kulay nude pink na cutix sa kuko ng paa nya.

“Shunga! Ganitong kulay ng nail polish ang trend ngayon.” Giit ni Benj na nakaupo sa bangkito sa may paanan ni Macy. Nakapatong pa ang isang paa ni Macy sa may tuhod nya.

“Eh baka masagwa sa paa ko yang ganyang kulay.”

“Hindi no. Maputi ang paa mo kaya kahit anong kulay bagay. Pero dito sa nude pink lalo lang puputi ang paa mo.”

“Sigurado ka dyan ha.” Nagdududa pa ring sabi ni Macy.

“Oo nga. Parang wala kang tiwala sa akin ah.” Mataray na sabi ni Benj.

“Eh kasi..”

“Wag ka ng maraming arte kagatin ko tong paa mo eh.”

Napanguso na lang si Macy at hindi na sumabat. Hinayaan na lang si Benj.

Tahimik na bumungisngis naman ang mga naroon.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila. Nagsilingunan silang lahat sa akin.

“Hi bes.” Bati sa akin ni Macy na kumaway pa. Binati ko rin sya.

“Ano ginagawa mo dito insan?” Tanong ni Benj na binabrush na ang kuko ni Macy.

“Magpapamanicure ako.” Sabi ko. Lumapit naman sa akin si Eden ang isa sa manikurista at giniya ako paupo sa reclining na sofa.

“Ano meron at magpapamanicure ka?” Kunot noong usisa ni Benj.

“Aalis kasi kami ni Lorenzo mamaya. Pupunta kami ng Manila sa mga parents nya.” Sabi ko. Sabado ngayon at bukas ay walang pasok si Lorenzo kaya pupunta kami ng Manila and mamaya ang alis namin.

“Nakapag paalam ka na ba kay tiyang?” Taas kilay na tanong ni Benj.

“Syempre. Eh kayong dalawa? Anong balak nyo?” Balik tanong ko sa kanya.

“W-Wala.” Labas sa ilong na sagot ni Benj at nagiwas ng tingin. Tiningnan ko naman si Macy na ngumiti lang sa akin.

Alam ko namang may plano sila ayaw lang sabihin nitong pinsan ko para hindi namin malaman. Kahit hindi nila sabihin lalo na ni insan ay nahahalata ng mga tauhan na may something sa kanilang dalawa ni Macy. Hindi lang sila naguusisa dahil nirerespeto nila ang privacy ng amo.

“WALA KA ng nakalimutan sweetheart?” Tanong ni Lorenzo ng palabas na kami ng bahay. Bitbit nya ang tote bag ko na may lamang damit ko at hygiene kit.

“Wala na. Tiyang alis na po kami.” Paalam ko kay Tiyang Meding.

“Mag iingat kayo.” Sagot naman ni Tiyang Meding na nasa loob ng bahay.

Hinawakan ni Lorenzo ang kamay ko at giniya na ako sa sasakyan nyang nakaparada sa harap ng bahay. Ibang sasakyan ang dala nya ngayon. Itim na itim ang kulay at nangingintab. Binuksan nya ang pinto sa passenger seat at inalalayan akong sumakay.

Mahigit tatlong oras ang byahe papuntang Manila. Wala pa namang tulog tong jowa ko dahil galing sya sa duty at nag overtime pa. Pero sabi nya kaya naman daw nya. Eh di go. Kinuwentuhan ko lang sya ng kinuwentuhan para di sya antukin.

Kinse minutos bago mag alas syete ay nakarating na kami sa bahay ng mga parents nya. Napapangaga ako sa laki ng bahay nila dito sa Manila sa loob ng isang kilalang subdivision na pawang mga mayayaman lang ang nakatira sa loob. Classic at modern ang design ng bahay nila na parang mansion na. Yung gate nga nila automatic na bumukas kanina tapos yung lawn nila parang carpert sa linis ng bermuda grass. Hindi ko inaasahan na ganito kagarbo ang bahay nila. Nakakalula.

“Tara na sa loob sweetheart. Tiyak na kanina pa tayo hinihintay nila mommy.” Untag sa akin ni Lorenzo at hinawakan ang kamay ko at inakay na ako papasok sa loob ng bahay. Pati pinto ng bahay nila ang laki.

Kung namangha na ako sa labas ay mas lalo pa akong namangha sa loob. Ang marmol na sahig ay makintab at tila kumikinang pa at pwede kang magsalamin. Tapos ang shala pa ng crystal chandelier. Yung mga sofa sa malaking sala ay pang royalty ang dating. Lahat ng nakikita ko sa loob ay sumisigaw ng kayamanan.

“Sir Lorenzo, dumating na pala kayo. Magandang gabi po.” Nakangiting bati ng isang may edad na babae na nakascrub suit uniform. Tumingin pa sya sa akin at nginitian din ako. Gumanti naman ako ng ngiti sa kanya.

“Magandang gabi din nana Tes. Sila daddy at mommy?” Tanong ni Lorenzo sa kasambahay nila.

“Ay nasa komedor na sir at hinihintay kayo. Excited na nga po si ma’am na dumating kayo eh. Kasama nyo daw ang nobya nyo. Sya na po ba yun?” Usisa ng kasambahay at tumingin sa akin. Mabait naman ang ngiti nya sa labi.

Kiming ngumiti lang ako.

“Yes nana, sya si Aitana ang nobya ko. Isa syang teacher.” May pagmamalaki sa boses na pakilala sa akin ni Lorenzo sa kasambahay nila.

“Ay oo nga po, nakwento na po sa akin ni ma’am na isang teacher ang nobya nyo. Hi po ma’am. Ako po si Tes.” Pagpapakilala ng kasambahay at bahagya pang yumukod sa akin.

“Nice to meet you po. Tawagin nyo na lang po akong Ai.” Magiliw na sabi ko sa mabait na kasambahay.

“Naku tama nga si ma’am, mabait nga kayo at ubod ng ganda. Mukha kayong beauty queen ma’am.” Daldal pa ni Nana Tes.

Nahiya naman ako. “Salamat po.”

Tumikhim si Lorenzo. “Ah nana, papasok na kami sa komedor. Pakidala na lang ho nitong bag sa kwarto ko.” Sabi ni Lorenzo at binigay ang tote bag ko at bagpack nya kay nana.

“Sige po ser ako na po ang bahala dito. Pumasok na po kayo ng komedor para makakain na kayo.”

Tumango naman sya kay Nana Tes at ako naman ay kumaway. Hawak hawak nya ang kamay ko inakay na ako sa komedor.

“Lorenzo, Aitana dumating na pala kayo.” Nakangiting sinalubong kami ni Tita Mirasol. Niyakap nya at hinalikan sa pisngi si Lorenzo saglit pagkatapos ay ako naman. Mahigpit ang yakap nya sa akin na parang miss na miss nya ako. Di ko tuloy mapigilang maluha. Namiss ko bigla ang nanay ko.

“Mabuti naman at sinama ka ni Lorenzo iha.” Anang Tita Mirasol na hawak hawak ang dalawa kong kamay.

“Weekend naman po kasi kaya sumama na po ako.” Sabi ko.

“I’m glad nakapunta ka dito iha.” Bati naman sa akin ni Tito Arnaiz na niyakap din ako at tinapik ng magaan sa likod.

“Thank you po tito.” Ngumiti ako kay Tito Arnaiz na wala pa ring pagbabago sa reaksyon ng mukha. Mukha talaga syang istrikto pero mabait naman.

“You’re welcome iha. Feel at home. Ituring mo tong pangalawang tahanan mo. Tutal naman kapag nakasal na kayo ni Lorenzo ay magiging bahay mo na rin ito.”

Nabitin sa ere ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Tito Arnaiz. Tumingin ako kay Lorenzo na ngumunguya na ng hipon. Nginisihan lang nya ako.

“Kuh mamaya na nga tayo magchikahan at kumain muna tayo. Iha umupo ka na. Marami akong niluto para sayo.” Magiliw na pageestima sa akin ni Tita Mirasol na pinaghila pa ako ng upuan.

“Hindi ikaw ang nagluto honey, remember hindi ka marunong magluto.” Bira ni Tito Arnaiz kay Tita Mirasol.

Sinamaan naman ng tingin ni Tita Mirasol si Tito Arnaiz. “Tumulong ako sa pagluluto Arnaiz kaya wag mo kong mabira bira dyan kung ayaw mong sa library matulog mamaya.” Banta ni Tita Mirasol.

Nagkabikit balikat lang si Tito Arnaiz at umupo na sa dulo ng mahabang mesa. Kinagat ko naman ang labi para pigilan ang mapangiti. Pero si Lorenzo ay bumunghalit pa ng tawa. Sinamaan tuloy sya ng tingin ng daddy nya. Tinikom na lang nya ang bibig at tumabi na ng upo sa akin. Nasa kaliwang bahagi sya ng daddy nya sa mesa at si Tita Mirasol naman ay nasa kanang bahagi. Inasikaso na kami ng mga kasambahay. Marami ngang pagkain ang pinaluto ni Tita Mirasol. At karamihan ay mga paborito ko. Tinanong daw nya kay Lorenzo ang lahat ng paborito kong pagkain. Natouch naman ako.

“So ano, wala pa kayong balak magpakasal?” Tanong ni Tito Arnaiz sa gitna ng paghahapunan namin.

Bumagal naman ang ngiti ko at tumingin kay Lorenzo.

“Dad maglilimang buwan pa lang ho ang relasyon namin ni Aitana. Hindi ho kami nagmamadali.” Mahinahong sabi ni Lorenzo.

“O baka naman wala kang balak? Aitana is a good catch Lorenzo. At gusto ko sya ang mapangasawa mo.” Pormal na sabi ni Tito Arnaiz.

Kinagat ko naman ang labi ko para pigilan ang ngiti. Kinikilig ako sa sinabi ni Tito Arnaiz.

“I know dad, at hindi sa wala akong balak. Ayoko lang syang madaliin.” Sabi ni Lorenzo at tumingin sa akin. Tumuon din sa akin ang tingin ni Tito Arnaiz at Tita Mirasol.

Muntik na tuloy akong masamid. Pakiramdam ko biglang uminit ang upuan ako.

“Nagdadalawang isip ka ba sa anak ko iha.” Tanong ni Tito Arnaiz na seryoso ang tingin sa akin. Si Lorenzo ay tinaasan naman ako ng kilay.

Tumikhim ako. “Ah, hindi naman po sa ganun tito. Ahm ano po.. m-medyo hindi pa po ako ready.”

Tumango tango si Tito Arnaiz. “I understand iha, kunsabagay bata ka pa naman kasi. Unlike Lorenzo ilang taon ng wala sa kalendaryo. Nag aalala lang ako na baka hindi na nya ako mabigyan ng apo.”

“Dad malusog ho ako. Wag kayong mag alala kayang kaya ko kayong bigyan kahit dalawang dosenang apo pa.”

Parang sinisilaban ang mukha ko sa init dahil sa pag uusap ng mag ama.

“Basta ba kay Aitana ka magkakaanak ng dalawang dosena at hindi sa kung sino sinong babae.”

Nasamid ako sa sinabi ni Tito Arnaiz at napaubo. Agad naman akong sinalinan ng tubig sa baso ni Lorenzo at binigay sa akin. Kinuha ko naman ito at agad na ininom habang si Lorenzo ay hinahagod hagod ang likod ko.

“Ayos ka lang sweetheart?” Nakakunot ang noong tanong nya na may bakas na pagalala sa mukha. Maging si Tita Mirasol ay nagaalalang nakatingin din sa akin. Si Tito Arnaiz naman ay nakakunot lang ang noo.

Inubos ko naman ang laman ng tubig sa baso hanggang sa maging smooth na ang daloy ng lalamunan ko.

“A-Ayos lang ako, nasamid lang.” Sabi ko.

“You sure?” Paninigurado pa ni Lorenzo.

Tumango naman ako at ngumiti.

“Kasalanan nyo kasing mag ama kung bakit nasamid si Aitana.” Paninisi ni Tita Mirasol sa mag ama.

“Bakit? Anong ginawa namin?” Kunot noong tanong ni Tito Arnaiz.

“Hay nako, tama na muna yang usapan tungkol sa anak at apo. Tapusin muna natin ang pagkain. Mamaya iha, magkwentuhan tayo ha.” Nakangiting baling sa akin ni Tita Mirasol.

Nakangiting tumango naman ako. Namiss ko rin syang kakwentuhan.

Pinagpatuloy naman namin ang pagkain at nabaling na sa iba ang usapan. Tungkol sa negosyo at trabaho ni Lorenzo. Kinukulit na naman ni Tito Arnaiz na magretiro na sa pagpupulis si Lorenzo at i-take over na ang pamamahala sa kumpanya nila. Mataman lang akong nakikinig sa usapan nila. Kinakausap naman ako ni Tita Mirasol para hindi ako maout of place.

Pagkatapos kumain ay hindi na ako pinakawalan ni Tita Mirasol at inaya na ako sa entertainment room nila. Manonood daw kami sa Netflix at magkukwentuhan doon. Bakas sa mukha ni Lorenzo na gustong tumutol pero wala na syang nagawa at napakamot na lang sa ulo. Inaya naman sya ng daddy nya sa library room.

HINDI INAALIS ni Lorenzo ang malagkit nyang tingin sa akin habang tinatanggal ko sa pagkakabuhol ang tali ng puting robang suot ko. Binuka ko ang roba at tumambad sa paningin nya ang halos hubad kong katawan na tanging dalawang kakarampot na samplot lang suot. Naka white two piece bikini ako. Nakita kong napapalunok sya at gumagala ang mata nya sa katawan ko. Na conscious naman ako bigla sa katawan ko. Hindi na kasi ako nakakapag exercise masyado tapos malakas pa akong kumain. Pero hindi naman ako tabain.

Pinagdala nya ako ng bikini dahil sabi nga nya may swimming pool sila dito. Isang malaking liver size ang swimming pool nila dito sa likod ng bahay nila. Pagkatapos naming magbonding ni Tita Mirasol ay nagaya si Lorenzo na magswimming. Syempre hindi na ako tumanggi. Namiss ko ring magswimming eh. Sa resort nya kasi ay hindi nya ako pinapayagan magswimming dahil marami daw makakita sa akin.

Bumaba na akog sa hagdan ng pool. Dama ko ang katamtamang lamig ng tubig. Si Lorenzo naman ay lumangoy papalapit sa akin. Nauna na kasi syang maglublob sa pool habang hininhintay akong magpalit.

Ng makalusong na ako ay sakto naman ang paglapit nya. Agad nya akong hinapit sa bewang. Pinatong ko naman ang dalawang braso sa malapad nyang balikat.

“You look so hot sweetheart. Kaya tama lang na hindi kita payagan na magswimming sa resort ko. Baka mapaaway pa ako.” Anas nya habang gumagala ang mga mata nya sa mukha ko at sa ibabaw ng aking dibdib. Kumagat labi pa sya. “Damn, parang gusto na kitang angkinin dito pa lang sa pool.”

Naginit ang mukha ko sa sinabi nya at mahina syang pinalo sa balikat na ikinatawa lang nya. Impit akong napatili ng ilubog nya ang katawan namin. Mahigpit akong yumakap sa batok nya. Pag ahon namin ay habol ko ng bahagya ang sariling hininga. Pinunasan ko ang mukha ko at pinalo ulit sa balikat si Lorenzo na tatawa tawa lang.

“Loko ka, muntik na akong malunod.”

“Parang hahayaan ko namang mangyari yun.” Natawang sabi nya at naglanding na ang mukha nya sa leeg ko at hinalik halikan ako doon habang yakap pa rin ako.

Kahit may kalamigan ang tubig ay damang dama ko pa rin ang init ng katawan nya pati na rin ang bukol sa harapan ng boxer shorts nya na bumubundol sa puson ko. Obvious na buhay na buhay na ito.

Napakagat labi ako at napapapikit dahil sa init ng labi at dila nyang humahagod sa leeg ko. Umakyat pa ang labi nya sa panga ko, sa pisngi at naglanding sa labi ko. Kinabig pa nya ang batok ko at malalim ang halik na aming pinagsaluhan na tila ba kami ay gutom sa isa’t isa. Ang isang kamay pa nga nya ay pumipisil na sa pang upo ko.

Habol namin ang hininga ng maghiwalay ang aming labi. Mapupungay ang mga mata nyang nakatitig sa akin. Dinikit pa nya ang noo sa noo ko at kinintalan ako ng magagaang halik sa labi na tila tinutudyo ako.

Masaya kaming naglunoy sa swimming pool at puro tawanan. Naghabulan pa nga kami sa paglangoy. Syempre lagi akong talo. Ano bang laban ko sa kanya na isang kapre? At kapag nahuli nya ako lalamutakin nya ako ng halik. Mabuti na lang at mukhang tulog na ang lahat ng tao sa malaking bahay at kami na lang ang gising na gising pa at naghaharutan. Wala naman sigurong makakakita sa amin sa labas dahil mataas ang bakod at medyo malayo ang katabing bahay.

Napakagat labi ako kasabay ng pag alpas ng impit na ungol ng ang mainit na halik nya ay nasa cleavage ko na. Dinidilaan pa nya ito.

“Hmm Lorenzo.. baka may makakita sa atin..” Anas ko.

Nag angat sya ng tingin sa akin. Tila nag aapoy ang mata nya at alam ko ang ibig sabihin nun base na rin sa bukol sa harapan ng boxer shorts nya na kumikiskis sa hita ko.

Bumalik ang halik nya sa leeg ko. “Let’s go inside.” Anas nya sa akin sabay angat ng katawan ko paahon sa ibabaw ng pool. Tumayo ako. Sya naman ay umahon na rin. Napalunok pa ako ng pagmasdan ang basa nyang katawan lalo na ang malaking bukol sa harap ng boxer shorts nya na parang tent na.

“Wag mo kong tingnan ng ganyan sweetheart, baka hindi ako makapagpigil angkinin na kita dito mismo.” Nakangising sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

Kinuha nya ang dalawang tuwalya na nakalagay sa beach chair at inabot sa akin ang isa. Kinuha ko naman ito at sinampay sa balikat ko. Hinila na nya ako papasok sa malaking bahay. Kumagat labi ako. Abo’t abot ang kaba sa dibdib ko hindi sa takot kundi sa pananabik.


Sa mga hindi pa knows, Amira edited version nasa GoodNovel po. Basa na phow! 😘

Chapter 34

Warning 🔞

Read at your own risk!

Kung di

nyo

bet wag ng

basahin

;)

Aitana

PAGPASOK PA lang namin sa kwarto ay agad na nya akong sinunggaban ng halik. Sinandal nya ako sa likod ng pinto at parang gutom na gutom na halos lamunin na ang labi ko. Hirap tuloy akong makasabay. Ang isang kamay nya ay nasa ibabaw na ng dibdib ko at pumipisil. Para na rin akong sinisilaban sa init na nararamdaman ko. Walang panama ang lamig na binubuga ng aircon. Nasasabik na rin ako sa kanya. Kelan ba ang huling nag sex kami? Isang buwan mahigit na.

Bumaba ang halik nya sa ibabaw ng dibdib ko hanggang sa hawiin nya ang bikini top ko at lumuwa ang isang dibdib ko. Agad nya itong sinubo habang ang isa ay nilalamas ng malaking kamay nya. 

“Mm..” Daing ko dahil medyo marahas ang galaw nya. Bahagyang kinagat pa nga nya ang utong ko. Pero as usual imbes na maturn off ay mas lalo pa akong nag iinit.

Napatili ako ng bigla nya akong buhatin at walang kaabog abog na hinagis ako sa malaking kama nya. Pakiramdam ko tumalon ang puso ko palabas ng katawan. Mabuti na lang at malambot ang kama nya. Pero alam ko namang hindi sya gagawa ng bagay na makakasakit sa akin.

Sumampa na rin sya sa kama at gumapang sa ibabaw ko sabay hiklas sa nakalislis ko ng bikini top at hinagis ito sa kung saan. Tumambad ang dalawang malusog kong dibdib. Dinakot nya ito ng dalawa nyang kamay at nilamas lamas. Tumingin pa muna sya sa akin at walang kaabog abog na sinubo ng salitan. Para syang gutom na gutom at sabik sa gatas ng ina.

“L-Lorenzo dahan dahan naman.” Medyo napapangiwi na kasi ako sa pagsipsip nya na sinasabayan pa ng pinong kagat.

Tumigil naman sya at tumingin sa akin. Nakaguhit sa mata ang pag aalala.

“I’m sorry sweetheart, nasaktan ba kita?”

Umiling ako. “Hindi naman, ahm medyo pala.”

Bumuntong hininga sya. “I’m sorry.. sabik na sabik lang talaga ako sa’yo.” Anas nya at naging magaan na ang mga galaw nya. Masuyo na ang paghalik, pagsipsip at pagpisil sa mga dibdib ko na syang nagugustuhan ko.

“Hmm..” Daing ko ng paglaruan ng dila nya ang isang utong ko habang ang isa naman ay nilalaro ng daliri nya. Pinagsawa nya ang bibig sa dibdib ko. Salit salitan nya itong pinagpapala.

Ng magsawa ay bumaba naman ang labi nya sa tiyan ko at puson hanggang sa gitna ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba at excitement. Kinalas nya ang dalawang tali ng bikini bottom ko at hinagis din ito sa kung saan. At walang sere seremonyang sumubsob na sya sa pagkababae ko.

Hindi ako magkamayaw sa impit na pagungol habang sinisibasib ng halik ni Lorenzo ang pagkababae ko. Para na nga akong bulate sa likot ng katawan ko at di ko na alam kung saan hahawak.

“Oh my ghad Lorenzo! Ahhnghh!” Ungol ko ng mabilis nyang ilabas masok ang dalawang daliri nya sa basa ng lagusan ko. Sinasabayan pa nya ito ng dila at bibig nya na ang pinupuntirya ay ang sensetibo ko ng cl*t.

“Nghh L-Lorenzo di ko na kaya.. malapit na ako. Ahhh!” 

Nanigas at nanginig na nga ang katawan ko kasabay ng pagbulusok ng kung ano sa puson ko. Si Lorenzo naman ay hinugot na ang daliri nya at pinalit ang kanyang bibig.

Inangat ko ang katawan at tinukod ang dalawang kamay. Tiningnan ko si Lorenzo na nasa gitna ko pa rin at patuloy pa rin sa pagsamba sa pagkababae ko. Heto nga at mas binubuka pa nya ang mga hita ko.

“Lorenzo hindi ka pa ba tapos dyan?” Di ko na napigilang itanong. Kanina pa kasi sya dyan eh. Nilabasan na ako lahat lahat pero sya hindi pa tapos sa pagdila at paghaplos sa pagkababae ko.

“Not yet sweetheart..” Aniya at sa pagitan ng pagdila sa hiwa ko.

Pinaghiwalay pa nga nya ang pisngi ng pagkababae ko sabay dila sa hiwa mula ibaba pataas hanggang sa clit ko. Napakagat labi naman ako at napapikit sa sarap ng ginagawa nya. Ramdam ko ngang tumitibok pa ang pagkababae ko. Nakakadagdag pa sa init na nararamdaman ko ang nakikita kong ginagawa nya. Ang sarap pala nyang panoorin na ginagawa ito sa akin. Parang mas lalo pa syang gumawapo sa paningin ko. Hinawakan ko ang ulo nya at napapikit. Dinadama ang bawat hagod ng dila nya sa pagkababae ko.

“Hmm.. ang sarap..” Di ko na napigilang isatinig.

Ngunit napadilit ako ng mata at napatili ng biglang tampalin ni Lorenzo ang pagkabababe ko. Nanginig ako at naipagdikit ko ang mga hita. Para akong kinuryente sa ginawa nya. Kakaiba ang sensasyon na yun. Ibang klaseng sarap ang hatid.

Pero ang walang hiya ay nakangisi lang at muling pinaghiwalay ang mga hita ko. Tinitigan nya ang pagkababae kong namumula dahil sa tampal nya kanina.

“Look sweetheart you’re pussy is twitching..” Aniya.

Nakikita ko nga na tumitibok tibok ito na tila nanghihingi pa ng atensyon.

“Tangna ang sarap tingnan..” Usal nya at dinilaan muli ang pagkababae kong tumitibok. Akala ko ay tuloy tuloy na nya itong didilaan pero hindi pala dahil muli na naman nya itong tinampal.

“Ahhh!” Tinakpan ko ang bibig sa takot na baka may makarinig sa akin. Nanginig na naman ang katawan ko at akmang muling magdidikit ang mga hita ko ng pigilan nya ito at mas binuka pa. Muli nya naman nyang tinampal ang pagkababae ko at kiniskis pa ng kamay nya ng mabilis saka muling tinampal ng sunod sunod.

“Nghhh..” Impit na daing ko habang takip takip pa rin ng kamay ang bibig. Hinila naman nya ang kamay kong nasa bibig. 

“It’s ok sweetheart, sound proof itong kwarto ko walang makakarinig sa’yo. Kaya ok lang na umuungol ka gaano pa kalakas o kahit sumigaw ka pa.” Nakangising sabi nya sabay tampal na naman sa pagkababae kong namumula. Malakas naman akong napatili kasabay ng pagbulwak ng likido sa lagusan ko.

“Fuck you squirt sweetheart!?” Manghang sabi nya at muling sumubsob sa pagkababae ko.

Nanghihinang binagsak ko ang likod sa kama. Ganito pa lang ang ginagawa namin pero pagod na ako. Samantalang sya walang kapaguran ang bibig at dila.

Ilang sandali pa ay nasa ibabaw ko na si Lorenzo at sinunggaban ako ng halik na akin namang tinugon. Nalalasahan ko pa ang sarili kong katas pero hindi ako nandiri. Sya nga hindi nandiri at tila sarap na sarap pa.

“Kapag kinasal talaga tayo araw raw kitang kakainin.” Anas nya ng maghiwalay ang aming labi.

Naginit naman ang mukha ko. Parang gusto ko nang magpakasal sa kanya. Napakagat labi ako sa naisip.

Bumangon naman si Lorenzo at hinubad ang boxer shorts nya at hinagis lang sa lapag. Napalunok ako ng muling makita ang pagkalalaki nyang parang pipino na tayong tayong at tila tumatango pa. Bumangon ako at lumapit sa kanya. Binigyan naman nya ako ng nagtatakang tingin.

Kumagat labi ako at lumuhod sa paanan nya hanggang sa pumantay na ang mukha ko sa pagkalalaki nya. Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ito. Ang tigas tigas nga nito at mataba pa. Halos hindi talaga magtagpo ang mga daliri ko. Medyo dark brown ang kulay ng pagkalalaki nya at medyo maugat din. Nangingintab din ang ulo nito. Tumingala ako sa kanya. Nag aapoy ang mata nyang nakatingin din sa akin.

“Sweetheart.. you don’t have to do that.” Anas nya pero bakas naman sa mata nya ang pananabik.

Ngumuso ako. Kung kelan may lakas loob ako saka nya ako pipigilan. Di ba gusto ng mga lalaking ginagawa yun sa kanila? O baka di nya bet ang ganun.

“Eh gusto kong gawin eh. Ayaw mo ba?” Tanong ko sa kanya.

Kumagat labi sya at ngumiti. “Of course gusto ko sweetheart. Kaya lang baka mabigla ka.” Nagaalalang sabi nya.

“Hindi yan. Saka aalalayan mo naman ako di ba? Di naman siguro ako mamamatay dito sa pipino mo kapag sinubo ko. Basta wag mo lang isasagad sa lalamunan ko.” Dapat pala nanood ako ng porn para kahit paano may ideya ako.

Tumawa sya. “Fuck sweetheart.. mas lalo mo kong pinapainit.” Anas nya at hinaplos ang buhok ko. “Go on, do what you want..”

Kagat labing hinagod hagod ko ang pagkalalaki nya na tila lalo pang tumigas. Dama kong buhay na buhay ito dahil tila pumipintig pa. Titig na titig ako dito. Ito ang pangalawang beses na nahawakan ko ito. Pero ito ang unang beses na natitigan ko ito ng malapitan. Ang laki talaga nya at mahaba pa. Kaya mga pakiramdam ko punong puno ako at banat na banat kapag nasa loob ko sya. Magtataka pa ba ako eh malaking tao sya.

“Stop staring sweetheart and lick it.” Utos sa akin ni Lorenzo.

Kinabahan naman ako at napalunok. Pero hindi na ako pwedeng umatras dahil nakaluhod na ako. At chance ko na itong makatikim ng buhay na pipino. Ano kaya ang lasa?

Nilapit ko muna ang ilong ko sa kahabaan nya. Wala naman itong kakaibang amoy. Amoy sabon lang. Nilabas ko ang dila at hinagod sa kahabaan nya. Isa, dalawa, tatlo. Wala naman kakaibang lasa. Wala nga akong nalalasahan kundi lasang tubig sa swimming pool. Kaya sinunod sunod ko ang pagdila sa kahabaan nya mula sa base hanggang sa ulo at tinuon doon ang dila.

“Ugh fuck!”

Napahinto ako sa ginagawa at tumingin sa kanya. Nagalala ako. “Tama ba ginagawa ko?” Baka kasi di nya gusto.

“Yes sweetheart, tuloy mo lang please.”

Nag resume ako sa ginagawa. Ang dila ko ay nakatuon pa rin sa ulo ng pagkalalaki nya. Napapansin ko kasing panay ang ungol nya lalo na pag sumasagi ang dila ko sa butas. Kaya naman yun ang pinagtuunan ko. Pinatulis ko ang dila at tinudyo tudyo iyon.

“Nghhh fuck.. suck it sweetheart.” Utos nya.

Sinunod ko naman sya. Kinulong ko sa bibig ang ulo ng pagkalalaki nya at sinipsip ito habang nakatingin sa kanya.

“Ugh damn it.. ang sarap!” Paungol na usal nya.

Lihim naman akong napangiti at gusto kong masarapan pa sya lalo. Kaya naman todo sipsip ako sa ulo ng paglalaki nya. Sipsip at dila ang ginagawa ko na parang isa itong lollipop. Panay naman ang ungol nya. Napapansin ko pa ngang naninigas ang mga hita nya. Tumuon ang tingin ko sa dalawang bilog na nasa ilalim ng kahabaan nya. Hinawakan ko ito. Medyo malambot na matigas pala ito. Bahagya ko itong pinisil.

“Fuck!” Mura ni Lorenzo at umatras. Nabitawan ko tuloy ang pagkalalaki nya at nabitin sa ere ang ginagawa ko.

Nagalala naman ako dahil baka nasaktan ko sya dahil pinisil ko ang balls nya. “Bakit? Masakit ba?”

Umiling sya. “No sweetheart, baka labasan ako ng wala sa oras.” Aniya at hinawakan ako sa braso sabay hila patayo. Hinawakan nya ang mukha ko at siniil ako ng halik na akin namang tinugon. Maya maya pa ay pinihit nya ako patalikod sa kanya habamg hinahalikan ang leeg at balikat ko. Ang dalawang kamay nya ay pumipisil sa dalawang dibdib ko.

“Get on all fours sweetheart..” Pabulong na utos nya sa akin.

Kumagat labi ako dahil sa pagragasa ng excitement. Hindi naman ito ang unang beses na inutusan nya akong tumuwad. Ilang beses na rin nya akong inangkin mula sa likuran.

Gumapang ako sa kama at tinukod ang dalawang tuhod at siko. Inusli ko pa ang pang upo ko na gaya ng pinapagawa nya kapag aangkinin nya ako mula sa likuran. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Sa lahat ng posisyon na ginawa namin ito talaga ang kakaiba ang kiliti at sarap na hatid dahil malalim ang naabot ng pagkalalaki nya.

Sumampa na rin sya sa kama at hinawakan ang balakang ko. Hinaplos haplos din nya ang pung upo ko at pinisil pisil pa sabay palo. Napakagat labi naman ako dahil sa sensasyong dulot ng pagpalo nya sa pang upo ko. Medyo may guhit ng kirot pero nakadagdag lang sa init na nararamdaman ko.

Yumuko sya at hinalik halikan ang likod ko pababa sa pang upo ko. Dinilaan pa nya ang bawat pisngi nito at bahagya pang kinagat kagat ang balat saka muling binigyang ng isang palo ang bawat isa na akin namang ikinadaing.

Tiningnan ko sya patagilid. Nakita kong nakaluhod na sya at pumwesto na. Naramdaman ko na ang pagkalalaki nyang bumubundol sa pagkababae ko. Hinagod hagod pa nya ito sa hiwa ko bago tinutok sa lagusan ko.

“Ready sweetheart?” Aniya sa magaspang na boses.

Kagat labing tumango naman ako. Nararamdaman kong unti unti na nyang tinutulak papasok ang pagkalalaki nya na ikinaawang ng labi ko. Damang dama ko ang pagkabanat ng laman ko sa loob at unti unting pagkapuno.

“Nghh fuck.. ang sikip sikip mo pa rin sweetheart.” Daing ni Lorenzo ng masagad na nya ang pagkalalaki nya sa loob ko.

“I’m going to move now sweetheart..” Aniya at hinugot ang pagkalalaki nya at muling binaon. Paulit ulit, mabagal sa umpisa.

Mahihinang ungol naman ang umaalpas sa labi ko. Damang dama ko kasi ang pagkalalaki nyang humahagod sa loob ko. Pero kulang pa. Bitin ang pakiramdam ko.

“Mm Lorenzo.. bilisan mo na please..” Anas ko.

“Yes sweetheart..” Natatawang sabi nya at umulos na ng mabilis. Humawak pa sya sa bewang ko.

“Ahh! Ahh! Ahmm!” Napakagat labi ako at napakapit sa kobre kama. Ang sarap ng bawat hugot at baon nya ng mabilis. At alam kong mas may maisasarap pa ito.

“Damn.. ang init sa loob mo sweetheart. Ang sarap! Ngh!” Pagigil na ang bawat bayo nya. Madidiin na rin ang bawat sagad ng pagkalalaki nya na ikinaawang ng labi ko dahil ang lalim talaga ng naabot ng pagkalalaki nya sa loob ko.

“Oohh! Ohhmmmm!” 

“Ugh fuck sweetheart ang sarap mo! Uhmph! Umph!” Paangil na ungol nya sabay palong muli sa pang upo ko ng dalawang beses at mas nilakasan pa ang pagbayo.

Plak! Plak! Plak! Tunog ng bawat bayo nya at hampas ng balat nya sa akin.

Hinawakan nya ang buhok ko at inipon sa isang kamay sabay hila. Napatingala naman ako habang impit na umuungol. Ang isang kamay nya at mahigpit na nakahawak sa balakang ko at pumapalo pa sa pang upo ko kung minsan.

“U-Ughh! Hnghh! L-Lorenzo! Ahh! Ahh! Ahhh!” Halos mangiyak ngiyak ng ungol ko sa sarap dahil may tinatamaan syang masarap na parte sa loob ko.

“Masarap ba sweetheart? Hmm?” Tanong nya sa bawat bayo at palo sa pang upo ko.

Tumango tango naman ako.

“Then tell me kung gaano ka nasasarapan.” Anas nya at mas binilisan pa ang pag ulos sa lagusan ko. Hindi naman ako magkamayaw sa pag ungol.

“C’mon sweetheart!”

“U-Ughh hngghh! L-Lorenzo ahh! Ahnnngg sarapp! Ahhmmm!”

“What? I can’t hear you sweetheart.” Isang malakas at sagad na ulos ang binitawan nya na ikinatili ko at ikinanginig ng katawan kasabay ng pagtirik ng ang aking mata.

“Ahhh tanginamoka! Ang sarappp! Hnghhh!” Di ko na napigilang ibulalas. Masarap naman kasi talaga.

Tumawa sya. “Bad ka teacher, nagmumura ka.” Aniya at sabay palo sa pang upo ko at hinabas na naman ako ng bayo habang mahigpit ang hawak sa buhok ko.

Tirik na tirik na ang mata ko at kung ano anong klaseng ungol at daing na ang lumalabas sa bibig ko. Halos maiyak na rin ako sa masarap na sensasyong nadarama.

“Ughh! Ugh! Urghhh! Oh my ghad! Oh my ghad Lorenzo! Malapit na ako hayan na ako! Urgghh!” Nanginig ang katawan ko na para akong kinukuryente kasabay ng pagbulwak ng katas ko. Hinugot naman nya ang pagkalalaki nya.

“Fuck, you squirt again sweetheart!” Bulalas nya. Pero hindi ko sya pinansin dahil para na akong nagdedeliryo sa sarap. Ibang level yata tong sarap na nararanasan ko. Kakaiba sa mga nauna.

Ng matapos ako ay hapong hapo ang pakiramdam ko. Tuluyan na akong dumapa sa kama habang habol ang hininga. Naramdam kong tumabi sya sa akin at hinalik halikan ang balikat ko. Hinawi pa nya ang buhok ko at pisngi ko naman ang hinalik halikan. Pinikit ko naman ang mata.

“Hindi pa tayo tapos sweetheart.” Malambing na bulong nya sa tenga ko.

“Pagod na ako Lorenzo..”

“Isa na lang promise then matutulog na tayo hmm..?” Ungot pa nya sa akin.

Tumango na lang ako. Alam ko naman na hindi pa kami tapos dahil hindi pa sya nilalabasan. Grabe naman kasi ang ginawa nya sa akin eh. Kaya heto para akong naubusan ng lakas.

Tinagilid nya ang katawan ko habang sya ay nasa likuran ko pa rin. Siniksik nya ang isang braso sa ilalim ng ulo ko. Tinaas naman nya ang isang hita ko. Napamulat ako ng maramdaman ang pagkalalaki nyang muling kumakatok na naman sa lagusan ko. Napasinghap ako ng iulos nya papasok ang pagkalalaki nya. Punong puno na naman ang pakiramdam ko.

Kumagat labi ako ng magumpisa na syang umulos. Mabagal sa umpisa hanggang sa bumilis. Napahawak ako sa kamay nya. Ang isang kamay naman nya ay hawak hawak pataas ang hita ko.

“Nghh you feel so fucking good sweetheart. Nakakamura ka talaga sa sarap puta! Hindi ka nakakasawa. Para kang isang masarap na putahe na masarap balik balikan! Umhp! Umhph!” Anas at ungol nya sa aking tenga habang mabilis syang bumabayo.

“Ahh! Hmmm! Shit!!” Pati ako ay hindi na rin mapigilang mapamura.

Binitawan nya ang hita ko at pinatong sa hita nya. Dinakot nya ang isang dibdib ko at sinubo ito. Hinawakan ko naman ng isang kamay ang ulo nya. Nakadagdag lang din ng sarap at kiliti ang pagsubo nya sa dibdib ko. Binitawan na nya ang dibdib ko at dumako naman ang kamay nya sa pagkababae ko. Dumako ang daliri nya sa clit kong sensetibo na at minasahe ito habang tuloy tuloy sya sa pag ulos.

“Nghhh Lorenzo..!” Daing ko habang kumikiwal na ang katawan ko. Masarap na nga ang ginagawang pagulos nya ay nadagdagan pa ito dahil sa paglalaro nya sa clit ko.

“Yes sweetheart? Masarap?” Nanunudyong tanong nya.

Sunod sunod naman akong tumango at tumingin sa kanya. “O-Oo ang sarap sarap ng ginagawa mo nghh!”

Hinalikan nya ako ng mariin sa labi. “Araw araw mong mararanasan yan kapag kinasal tayo. Doble dobleng sarap ang ibibigay ko sayo sweetheart tandaan mo yan!” Mariin nyang sabi sunod sunod na umulos ng sagad.

“Ugh! Ahh Lorenzo! Hayan na naman ako! Ahngghh!”

“Wait for me sweetheart! Malapit na rin ako!”

Ramdam ko ngang parang lumaki sya sa loob ko. Tanda na lalabasan na rin sya.

“Ughhh L-Lorenzo di ko na kaya! Ahhh!”

“Me too sweetheart! Me too! Sabay tayo! Ughhh! Putangina!!”

Sa panghuling sagad nya ng ulos ay sabay na nanigas at nanginig ang aming katawan. Sabay ding bumulwak ang aming katas sa loob ko. Damang dama ko ang init ng katas nya at ang pagkalalaki nyang pumipintig pintig pa.

Habol naming dalawa ang hininga sa katatapos ng aming mainit na pagniniig. Hapong hapo na ang pakiramdam ko at antok na antok na rin. Si Lorenzo naman ay hinahaplos ang braso ko habang hinahalik halikan ang pisngi ko. Alam kong gusto nya pa pero pagod na ako.

“I love you sweetheart..” Bulong nya sa tenga ko.

Ngumiti naman ako kahit nakapikit. “I love you too..” Anas ko rin.

Hinalikan nya ako sa gilid ng labi. “Let’s sleep sweetheart..”

Tumango naman ako at niyakap ang isang braso nya. Naramdaman ko naman ang pagbalot ng kumot sa hubad naming katawan at ang matitigas nyang mga braso na yumakap sa akin..


Thank you sa mga nagbabasa sa GoodNovel at naglaan ng coins 😘

Chapter 35

Lorenzo

NAPANGITI AKO ng paglabas ko ng banyo ay tulog na tulog pa rin si Aitana. Mukhang napagod ko talaga sya ng husto kagabi. Biglang kumislot ang alaga kong natatakpan lang ng tuwalya. Kakagaling ko lang sa shower pero nag iinit na naman ang pakiramdam ko. Kinalma ko ang sarili at pumasok sa walk in closet. Gustuhin ko mang manatili sa tabi ng dalaga pero kailangan ko ng bumaba dahil dumating ang mga kaibigan ko. Nalaman kasi nilang nandito ako sa Manila.

Pagkabihis ko ay nilapitan ko muna si Aitana at hinalikan sa noo. Inayos ko rin ang kumot nya. Mag aalas nuebe na ng umaga pero mahimbing pa rin ang tulog nya. Balak ko nga ipasyal sya at ipagshopping sa mall. Siguro mamaya na lang bago kami umuwi. Lumabas na ako ng kwarto at maingat na sinarado ang pinto.

“O bakit ikaw lang? Nasaan si Aitana?” Tanong ni mommy na nasa sala.

Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. Hindi ko nakita si daddy. Malamang ay nasa library room.

“Tulog pa mom, napagod kagabi.” Kaswal na sabi ko.

Kumunot naman ang noo ni mommy. “Napagod kagabi? Bakit? Ano bang ginawa nya kagabi?”

Hindi naman ako makasagot at napakamot na lang sa ulo. Alangan namang sabihin ko ang ginawa namin kagabi.

Napasinghap si mommy at nanlaki ang mata. Mukhang nakuha na nya ang ibig kong sabihin.

Pinalo nya ako sa braso. “Loko ka anak, baka mabuntis mo ng wala sa oras si Aitana. Alalahanin mo teacher yan.”

“I know ma, saka nag iingat ako. At kung sakaling may mabuo eh di may apo na kayo.” Natatawang sabi ko.

“Oo nga no, pero hindi pa rin. Dapat nasa tamang oras yan at pagplanuhan nyo. Baka mamaya masira ang career nya sa pagtuturo.”

“Yes mom, alam ko ho yan. Don’t worry. Kung sakaling mabuntis agad si Aitana pakakasalan ko naman agad sya.”

Ngumiti naman si mommy. “Talagang mahal mo sya no.”

“Mahal na mahal mom.”

“I’m so happy for you iho, sige na labasin mo na ang mga kaibigan mo at mukhang namiss ka yata. Ipaghahanda ko kayo ng kape at makakain.”

“Thanks mom, puntahan ko na sila.”

Sa may malawak naming porch naroon ang mga kaibigan ko minus Jeiz and Luigi. Nagbatian kami. More than two months na yata kaming hindi nagkikita dahil pare parehas kaming busy sa mga trabaho namin. Lalo na ako dahil sa tawag ng tungkulin. Hindi naman kagaya nila na hawak nila ang oras nila. But knowing them hindi sila nagpapabaya sa mga negosyo nila.

“What brought you all here?” Tanong ko sa kanila.

Kay mommy pala nila nalaman na nandito ako. Nagkatawagan daw kasi kagabi ang mama ni Atlas at si mommy at nabanggit nga ni mommy na nandito ako.

“Well, i-invite ka sana namin mag golf pare. Matagal tagal na rin mula ng nakapag-golf tayo. Baka kalawangin na ako.” Ani Kester.

“Invite your girl na rin pare.” Segunda ni Atlas.

Golf ang karaniwang bonding naming magkakaibigan kapag magkakasama kami.

“Sorry mga pare, pero hindi kami pwede.” Napapahimas sa batok na sabi ko.

Halos sabay naman silang tumingin sa akin.

“Kailangan na rin kasi namin bumalik ni Aitana sa bayan ng Inocencia mamaya. Parehas pa kaming may pasok kinabukasan. Pumunta lang kami dito dahil naglalambing si mommy.”

Tumango tango naman sila.

“We understand pare.” Wika ni Matias.

“Nasaan na nga pala si Aitana?” Tanong ni Kester.

Sinamaan ko sya ng tingin. Parang di ko nagugustuhan na hinahanap nya si Aitana. Tumawa si Kester at Atlas. Si Matias na hindi marunong tumawa ay ngumisi lang.

“Hinahanap ko lang selos ka naman agad.” Pang aasar sa akin ni Kester.

Bumuntong hininga naman ako. “Tulog pa.” Tipid ko na lang na sagot.

Tiningnan nila ako ng makahulugan at nagngisihan.

Ilang sandali pa dumating si mommy kasama ang dalawang kasambahay at may dalang mga pagkain at apat na tasang kape at nilapag sa mababang lamesa na nasa gitna. Nagpasalamat naman ang mga kaibigan ko.

“Anyway anong balita sa dalawa?” Tanong ko habang humihigop ng kape. Wala kasi akong balita sa dalawa. Si Jeiz nga na malapit lang sa lugar ko ay wala din akong balita nitong mga nakaraang buwan. Hindi na kasi kami masyadong nakakapagtawagan dahil panggabi ang duty ko. Hindi naman ako nakakapagbukas ng social media dahil wala akong masyadong oras. Ang libreng oras ko ay tulog lang at syempre nilalaan ko kay Aitana.

“Si Jeiz niyaya namin pero as usual di sya pwede. Family first na kasi ang motto nun.” Nakangising sabi ni Kester na kumakain ng tinapay na pinalamanan nya ng bacon.

Napangisi na rin ako.

“Si Luigi naman hayun ayaw iwan ang asawa nya.” Ani Atlas na sausage naman ang nilalantakan.

Natigilan ako sa sinabi nya at napakunot noo. “Asawa? Si Luigi may asawa na?” Tangna mukhang di na ako updated sa mga nangyayari sa mga kaibigan ko.

Tumingin naman silang tatlo sa akin.

“Hindi mo alam?” Kunot noong tanong ni Matias na humihigop din ng kape.

“No.”

“Hindi kinuwento sa’yo ni Jeiz? Kayong dalawa ang magkalapit ah.” Ani Kester.

“Nope. Saka hindi naman yun tsismoso gaya nyo.” Hindi nga kami nakakapagusap ni Jeiz nitong nakaraang buwan dahil busy ako.

“Hindi ako kasali riyan, silang dalawa lang.” Kontra naman ni Matias na naglalagay na ng palaman sa white bread.

“So paano nga nagkaasawa si Luigi? Wala namang girlfriend yun ah. Puro fling lang ang meron yun.” Curios na tanong ko.

“Actually last week lang sya nagkaasawa. Nagulat nga lang ako ng bigla syang tumawag sa akin at sinabing kasal na raw sya.” Sabi ni Atlas.

“Pati ako nagulat rin ng ibalita sa akin yun ni Atlas. Binalita ko rin kay Matias at Jeiz. Ikaw naman ang hirap kontakin. Panay ring lang ng cellphone mo pero hindi ka naman sumasagot.” Si Kester na syang pinakatsismoso sa mga kaibigan ko.

“Sorry, pang gabi kasi ang duty ko at may misyon ako. Kailangan kong mag focus. So what happened?” Usisa ko pa.

“Noong pinuntahan ko sya last week sa bahay nya ang tsismis sa akin ng isa sa kasambahay nya ay pinikot lang daw si Luigi. Pero sa hitsura ng kaibigan natin mukhang hindi naman sya pinikot.”

Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”

“Eh kasi naman par, sa lahat ng pinikot mukhang sya ang pinaka masaya.” Nakangising sabi ni Atlas.

Mas lalo tuloy akong naging interesado sa nangyari sa kaibigan namin. Sa ugali ni Luigi ay hindi sya ang tipong basta papayag na mapikot. Tuso ang taong yun at may pagka brutal.

“Sino ba yung babae?” Tanong ko pa.

Ngumisi si Kester. “Yung crush nya.”

Lalong nangunot ang noo ko. “Crush? At kelan pa nagkaroon ng crush si Luigi?”

“Remember my sister’s best friend? Yung laging sinasama ni Ava sa bahay dati. Yung laging sinusundan ng tingin ni Luigi?” Pagpapaalala sa akin ni Atlas. 

I know his sister Ava. Kinakapatid ko sya. Noong dito pa ako sa Manila nakadestino ay palagi kami sa bahay nila kapag may libreng oras. And yeah, natatandaan ko palagi ngang may kasama noon si Ava. Classmate nya at best friend ang pakilala sa amin. At lagi nga naming nahuhuli si Luigi na laging nakasunod ang tingin sa batang yun. Inaasar pa nga sya namin noon eh. Pero ang sabi lang nya nakukyutan lang daw sya roon sa bata. Tapos ngayon asawa na pala nya.

“Ang bata pa nun ah.” Bulalas ko.

“Yeah, magkasing edad lang sila ni Ava. She’s 20 years old but at least hindi minor.” Natatawang sabi pa ni Atlas.

Napailing iling na lang ako at napahigop ng kape. Sinong mag aakalang mapipikot lang ng isang 20 years old ang kaibigan naming yun.

Aitana

PASADO ALAS nuebe na ng umaga ako nagising. Di ko na nakita sa tabi ko si Lorenzo na malamang ay nasa baba na. Nagmamadali pa akong nagshower kahit medyo pagod pa ang katawan ko dahil sa ginawa namin ni Lorenzo kagabi. Ipinilig pilig ko ang ulo para alisin sa isip ang ginawa namin kagabi dahil baka magiba na naman ang temperatura ng katawan ko.

Pagkatapos kong magshower ay mabilis din akong nagbihis. Nakakahiya nga dahil tanghali na akong nagising. Baka akalain ni Tita Mirasol at Tito Arnaiz tamad ako. Eh kasi naman napagod ako masyado kagabi. Muli kong pinilig pilig ang ulo. Inayos ko na ang sarili at bumaba na. Mamaya ay uuwi na rin kami ni Lorenzo.

Bumaba na ako sa grandiyosong hagdan at nagpalinga linga. Nasaan kaya si Lorenzo?

“Ay good morning po ma’am.” Nakangiting bati sa akin ng isang kasambahay na papaakyat ng hagdan at may dalang tinuping mga kumot o kobre kama.

“Good morning din.” Ganting bati ko.

“Iha gising ka na pala.” Nakangiting bati rin sa akin ni Tita Mirasol na kalalabas lang ng kusina. Lumapit sya sa akin at bumeso.

“Good morning po tita.” Nahihiyang bati ko.

“Alam kong gutom ka na, halika ka na sa komedor. Hinanda ko na ang almusal mo.” Magiliw nyang sabi at giniya na ako sa komedor. Pagdating namin doon ay may nakahanda na ngang pagkain pero pang isang tao lang. Pinaghila pa ako ni Tita Mirasol ng upuan at pinaupo ako.

“Nakakahiya naman po tita kayo pa ang naghanda ng almusal ko. Pasensya na rin po at tinanghali ako ng gising.” Nahihiya pa ring sabi ko. 

“Sus, walang problema iha. Alam kong pagod ka.” Makahulugang ngiti na sabi ni Tita Mirasol.

Nag init naman ang mukha ko at nagbaba ng tingin. Kinabahan tuloy ako na baka may alam sya sa ginawa namin ng anak nya kagabi o baka narinig nya kami. Napakagat labi ako. Kunsabagay sa isang kwarto lang kami natulog. Syempre may ideya na sya.

“At saka isa pa iha, hindi ka na bago sa akin. Parang anak na rin kita lalo na kapag nagpakasal na kayo ni Lorenzo.” Tila excited pa na sabi ni Tita Mirasol.

May kilig akong naramdaman. Ang sarap sa pakiramdam na boto sayo ang parents ng taong mahal mo.

“Salamat po tita.”

“You’re welcome iha. Sige na kumain ka na.” Sya pa ang naglagay ng sinangag sa plato ko at pinagsalinan ako ng hot chocolate. Talagang asikasong asikaso nya ako. Di ko tuloy mapigilang maalala si nanay. Ganitong ganito sya sa akin noon eh.

“Kayo po tita?” Alok ko sa kanya sa pagitan ng pagsubo.

“Kuh, wag mo na akong alalahanin iha. Tapos na kami ng tito mo.”

“Ah ganun po ba, eh si.. Lorenzo po pala?”

“Ay nasa labas, dumating kasi ang mga kaibigan nya.”

Tumango tango na lang ako at pinagpatuloy na ang pagkain habang kinukwentuhan ako ni Tita Mirasol. Kinukwento nya sa akin si Lorenzo noong bata pa. Aliw na aliw naman ako at natatawa pa kung minsan.

“Kung titingnan mo mukhang kay tino tino ngayon ng anak ko pero noong nag aaral pa yan naku! Ang daming kalokohan. Laging napapaaway. Palagi kaming napapatawag ng tito mo noon sa guidance office. Mabuti nga noong nag college tumino na.”

Hindi na aka nagulat sa kwento ni Tita Mirasol. Likas na yata sa mga batang lalaking estudayante ang pagiging makulit at laging napapaaway. At hindi naiiba doon ang batang Lorenzo na ngayon ay isa ng matapang na pulis.

“Dinig na dinig ko kayo pinaguusapan nyo ako.”

Sabay naming nilingon si Lorenzo na kapapasok lang ng komedor at may ngisi sa labi. Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

“Good morning sweetheart.” Magaspang ang boses na bati nya sa akin.

Nginitian ko naman sya. Nakita ko naman nangingiting nakatingin sa amin si Tita Mirasol. Nag init tuloy ang pisngi ko.

Tumikhim si mommy. “May lakad ba kayo ng mga kaibigan mo?” Tanong ni Tita Mirasol.

“Actually nag aaya sila ng golf mom, pero sabi ko next time na lang. Alanganin kasi uuwi na kami ni Aitana mamaya.”

Tumingala ako kay Lorenzo. Tumingin naman sya sa akin at ngumiti.

“Next time isasama kita mag-golf.”

Ngumuso ako. “Di ako marunong mag golf.”

“Eh di tuturuan kita.” Aniya at kinindatan pa ako.

Mayamaya pa ay pumasok sa komedor ang mga kaibigan ni Lorenzo para magpaalam na aalis na. Binati pa nila ako at inayang sumama kay Lorenzo mag-golf next time. Tinanguan ko lang sila at nginitian. Kahit mga kaibigan sila ni Lorenzo at mukhang mababait naman ay naiilang pa rin ako.

Pagkaalis ng mga kaibigan ni Lorenzo at pagkakain ko ay nag ayang lumabas si Lorenzo. Agad naman akong pumayag. Namiss ko ng maggagala dito sa Manila.

At nandito na nga kami sa kilalang mall na isa sa pinakamalaki. Pero ang sabi nyang mamamasyal lang kami ay pinagshopping nya ako. Hindi lang ako kundi pati si Tiyang Meding. Todo pigil nga ako sa kanya dahil nakakahiya kay Tita Mirasol at Tito Arnaiz kapag nakitang marami kaming bitbit. Sa mall na rin kami nananghalian bago bumalik sa bahay nila. Mamayang hapon ay babalik na kami sa Inocencia.

“Hello chief.”

Nilingon ko sya sa driver seat. Hawak nya ang cellphone na nakatapat sa tenga nya. Sumulyap sya sa akin at binalik muli ang mata sa kalsada. Pinagmamasdan ko lang sya habang nakikinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya. Bagamat tipid lang ang sagot nya. Pero napansin kong biglang sumeryoso ang mukha nya at umigting pa ang panga. Pati nga ang kamay nya na nakahawak sa manibela ay nagsilabasan ang mga ugat. Mukhang may hindi magandang nangyayari.

“Yes chief, naiintindihan ko.” Sabi nya sa kausap sa kabilang linya bago binaba ang cellphone. Bumuntong hininga sya at tumingin sa akin.

“Sweetheart, uuwi na tayo ng Inocencia.”


Chapter 36

Macy

NAPANGANGA AKO ng pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko si Benj na maraming bitbit na plastic bag. Parang biglang nawala ang antok ko. Mukhang galing syang palengke. Tuloy tuloy syang pumasok at dumiretso ng kusina. Sinundan ko sya roon.

“Ano yan?” Manghang tanong ko.

“Mga pinamili ko.” Sagot nya at isa isa na nyang nilabas ang mga pinamili nyang isda at karne, may mga gulay at itlog pa.

“P-Pero bakit namalengke ka?”

“Dahil walang laman ang ref mo. Hindi na ako masyadong nakakapunta dito sa bahay mo dahil busy ako sa isang salon ko baka mamaya kung ano anong walang sustansyang pagkain na naman ang kainin mo mangayayat ka na naman.” Pasermon nyang sabi.

Hindi nga sya masyadong nakakapunta lately dito sa bahay dahil busy sya sa bagong salon nya sa kabilang baranggay. Bagama’t lagi naman nya akong sinusundo sa school pauwi. Sa umaga lang minsan hindi. At naiintindihan ko naman dahil bagong tayo ang salon nya at kailangan nya talagang tutukan yun.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sya. Akala ko talaga mula ng mangyari ang insidenteng pang-i-eskandalo ni nanay ay iiwasan na nya ako pero hindi mas lalo pa syang naging maalaga sa akin. Hindi ako nagkamali ng lalaking minahal. Ang swerte ko sya ang naging boyfriend ko. Oo boyfriend ko na sya, official ng kami.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya sa likuran sabay hilig ng pisngi sa malapad nyang likod. Ang bango bango talaga nya. Mas mabango pa nga sya sa akin eh.

“O bakit hindi ka pa naliligo? Alas sais na, maligo ka na para makapag almusal ka na. Isasangag ko lang ang bahaw at magpiprito ako ng hotdog at itlog.” Sabi nya.

Humigpit ang yakap ko sa kanya. “Samahan mo kaya akong maligo.” Sabi ko sa nanghihibong boses sabay haplos ng kamay sa matigas na tiyan nya.

Natigilan naman sya at bahagyang nanigas ang katawan. Napangisi naman ako. Alam kong naapektuhan sya.

Tumikhim sya at binaklas ang mga braso kong nakayakap sa kanya at bahagyang lumayo sa akin. “Ay nako, maligo ka na. Wala tayong matatapos kapag sabay tayong maliligo. Malelate ka pa.” Aniya na biglang naging uneasy.

Alam ko kaunting push pa bibigay na sa akin yan. Ganun naman palagi. Pero kapag naumpisahan na, sya naman ang hirap bumitaw at ako ang pagod na pagod.

Kinuha ko na ang tuwalya at pumasok na sa banyo. Baka tuluyan na akong malate kapag bumigay sya sa pang aakit ko.

Napakunot ang noo ko ng abutan ako ng 10k ni Benj. “Ano to?”

“Para sa’yo yan.” Kaswal lang na sabi nya.

“Ha? Bakit mo ko binibigyan ng pera?” Nagtatakang tanong nya.

“Alam kong kakapusin ka ng budget dahil nagpadala ka ng pera sa nanay mo tapos nagbayad ka pa ng bahay, kuryente at tubig.” Sabi nya at pinagduldulan pa sa akin ang pera.

“P-Pero may pera pa naman ako.” Kakasweldo ko lang noong nakaraang araw at nagpadala nga ako ng kalahati kay nanay. Humihirit pa nga sya dahil kulang daw. Pero wala na talaga akong maidadagdag dahil nagbayad ako sa bahay, tubig at kuryente.

“Magkano? 3k? Paano mo pagkakasyahin yun sa isang buwan?” Nakataas na kilay na tanong ni Benj.

Naumid naman ang dila ko. Paano nya nalaman? Siguro tiningnan nya ang wallet ko.

“Sige na kunin mo na yan para kung may gusto kang bilhin mabibili mo. Kapag nashort ka sabihin mo lang sa akin.”

Kumagat labi ako at tumingin lang sa perang hawak nya. Kinuha naman nya ang kamay ko at nilagay doon ang pera.

“B-Benj hindi mo naman kailangan bigyan ako ng pera.” Nahihiyang sabi ko. Ang dami na nga nyang pabor na ginagawa sa akin tapos heto pa.

“Hindi nga, pero gusto ko kaya itabi mo na yan. Halika na at malelate ka na. Kailangan ko na rin umuwi para makapaggayak bago pumunta ng salon.” Aniya at kinuha ang dalawang helmet.

Hinawakan ko naman sya sa braso. “Benj.”

Bumuntong hininga sya at humarapan sa akin. “Pagtatalunan ba natin yan? Girlfriend kita at ayokong nakikitang nahihirapan at nagigipit ka, naiimbyerna ako. Halika na nga.” Hinawakan na nya ang kamay ko at ginaya na ako palabas ng bahay.

Sya na ang naglock ng pinto. Ako naman ay wala ng nagawa kundi ilagay na lang sa bag ang perang binigay nya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Mahihiya ba o matutuwa. Pero sobrang thankful talaga ako na lagi syang nandito sa tabi ko.

Lorenzo

SUMAGITSIT ANG gulong ng pick up truck ko ng mag-u-turn ako. Pinahagibis ko ang sasakyan ng makita si Roy na tumatakbo na kanina ko pa inaabangan. May humahabol sa kanyang apat na lalaki na may hawak na baril at nagpapaputok. Nilabas ko naman ang baril ko sa bintana at pinaputukan sila. Agad naman silang nagkubli sa mga talahib. Hininto ko ang sasakyan sa tapat ni Roy.

“Sakay!” Utos ko.

Mabilis naman syang lumapit sa sasakyan at binuksan ang pinto. Pagkasakay nya ay agad kong pinahagibis ang sasakyan. Hinahabol kami ng bala ng apat na lalaki. Nabasag ang salamin sa likuran ng sasakyan. Yumuko naman kami ni Roy. Nakipagpalitan din ako ng putok at mas pinatulin pa ang takbo ng sasakyan. Maya maya ay sumulpot ang tatlong motorsiklong lulan ni Elmer at iba pang kasamahan namin at pinaputukan din ang apat na lalaki. Nakita kong tinamaan ang isa. Hindi na sila nakahabol sa amin. Binusinahan ko naman si Elmer at sinenyasan.

Nilingon ko si Roy na nasa passenger seat. Nahabag ako sa hitsura nyang puro pasa. Halos pumikit na nga ang isang mata nya at maga ang ilong. Halatang binugbog sya ng mga tauhan ni Don Conrado. Mabuti nga at naabutan pa namin syang buhay.

“Ayos ka lang?” Tanong ko.

Tumango naman sya at ngumiti pero napangiwi din. “Ayos lang ako boss, nabugbog lang. Salamat.”

Tumango ako at bumuntong hininga ako. Kahapon ay tumawag si chief. Pumunta daw sa presinto ang misis ni Roy at sinabing may mga lalaking kumuha sa kanya. Mabuti nga hindi dinamay ang magina nya. Kaya agad na kaming bumalik ni Aitana dito sa Inocencia bago mahuli ang lahat.

“Pero boss, alam na nila ang lahat.” Nag aalalang sabi ni Roy.

“I know, nakapaghanda na rin kami. Wala ka ng dapat alalahanin. Dadalhin ka namin at ang mag ina mo sa ligtas na lugar.”

“Salamat boss.”

“Walang anuman, magaling ang ginawa mo. At dahil dyan maawardan ka.” Sabi ko at tinapik sya sa balikat.

“Hindi ko naman hinahangad yan boss. Ang gusto ko lang tumahimik na ang bayan natin at mawala na ang mga salot na yan. Para na rin sa kinabukasan ng anak ko.”

“Wag kang magalala Roy malapit ng mawala ang mga salot na yan.”

Tumunog ang cellphone kong nasa ibabaw ng dashboard. Tumatawag si chief. Dahil na kakonekta ito sa wireless earphone ko na nasa tenga ay hindi ko na ito kailangang damputin at pinindot na lang.

Napapatiim bagang ako habang nakikinig sa sinasabi ni chief. Umpisa na ng matinding laban namin sa grupo nila Don Conrado at Congressman Raymond Echeveri. Nakaalerto na ang buong kapulisan ng bayan ng Inocencia pati na rin sa ibang karatig bayan. Siguradong magiging madugo at hindi madali ang laban na ito. Matapos naming mag usap ni chief ay binilisan ko pa ang patakbo sa sasakyan. Patingin tingin naman sa akin si Roy na nababahala.

“Kailangan na namin kayong dalhin ng mag ina mo sa safe house. Mag uumpisa na ang laban. Nag AWOL na si Julie.” Imporma ko sa kanya. Tumango tango naman sya.

Third POV [Julie]

“PAK!”

Napasadlak si Julie sa sofa ng sampalin sya ni Raymond sa pisngi. Sinapo nya ang pisngi na may gumuhit na hapdi. Umayos sya ng upo at nakaawang ang labing tumingin kay Raymond na nagtatagis ang bagang at galit na galit ang mukha habang nakapamewang at palakad lakad sa sala. Nasa sala din si Ninong Conrado at prenteng nakaupo habang nakatingin din sa kanya at iiling iling. Nakapalibot naman sa kanila ang di mabilang na mga tauhan na halatang armado at mga alerto sa ipaguutos ng mga amo.

“Tanga! Ang tanga tanga mo!” Sigaw ni Raymond sa kanya at dinuro sya. Lumapit ito sa kanya at akmang sasapukin sya pero pinigilan ito ni Ninong Conrado.

“Huminahon ka Raymond, walang mangyayari kung sasaktan mo si Julie.”

Inis na napasabunot sa sariling buhok si Raymond. “Putang*na! Paano ako hihinahon uncle? May alam na ang mga pulis at kasalanan ng babaeng yan dahil hindi nag iingat!” Nanggagalaiting sabi ni Raymond na tiningnan ng masama si Julie.

Matalim din naman itong tiningnan ni Julie. “Ano bang malay ko na tinitiktikan na pala ako! Wag mo ngang ibunton sa akin ang lahat ng sisi!” Galit din na sabi nya. Ilang araw na syang hindi pumasok at nagtago ng tawagan sya ng Ninong Conrado nya at sinabing may alam na ang mga kasamahan nya sa istasyon na sya ang espiya. Nahuli ang naniniktik sa kanya.

“Paano mo mamamalayan? Haling na haling ka sa pulis na Villegas na yun! Wala kang kamalay malay na inuuto ka lang nya at naninitik din sya sayo! Ilang beses na kitang binalaan pero di ka pa rin nag ingat!”

Nanlaki ang mata nya at nahintakutan ng bunutin nito ang baril sabay tutok sa kanya. Nanginig ang katawan nya sa takot kasabay ng pagkalabog ng dibdib nya sa kaba. Naalerto naman ang mga tauhan at nagtinginan. Si Ninong Conrado naman ay mataman lang nakatingin sa kanya at walang emosyon. Napalunok sya.

“R-Raymond ibaba mo yan. N-Ninong..”

Lumapit sa kanya si Raymond at tinutok ang baril sa noo nya. “Dapat talaga noon pa lang niligpit na kita kung alam ko lang na ikaw ang magiging lamat at magiging dahilan ng pagkabagsak ko.” 

Parang may punyal na tumusok sa dibdib nya sa sinabi nito. May galit na umusbong sa dibdib nya. “P-Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sayo ganyan lang ang isusukli mo. H-Hayop ka.”

Dinutdot nito ang dulo ng baril sa kanyang noo na ikinalamig ng kanyang katawan. “Wag mo kong dramahan. Kung hindi dahil kay uncle wala ka sa kinatatayuan mo ngayon. Nasa squatter area ka pa rin kayo ng pamilya mo. Kaya ano mang nagawa mo sa amin ay kulang pa. Pumalpak ka pa nga. Siguro dapat na kitang iligpit ngayon bago ka pa mahuli ng mga pulis at kumanta ka pa.” Kinasa nito ang baril.

Nanginig muli ang katawan nya. “W-Wag Raymond m-maawa ka. A-Ayoko pang mamatay.” Naiiyak na pagmamakaawa nya dahil sa takot. Ayaw pa nyang mamatay at alam nyang hindi nagbibiro si Raymond. Sanay itong pumatay. Ilan na ba ang napatay nito at pinapatay? Hindi na nya mabilang sa daliri. At ayaw nyang mapabilang sa mga yun.

“Calm down Raymond. Hindi makakatulong sa problema natin kung papatayin mo si Julie. Madadagdagan lang ang problema natin. Pagplanuhan na lang natin ang susunod na hakbang lalo na at nalalapit na ang araw ng pakikipagnegosasyon natin sa mga Chua.” Kalmadong awat ni Ninong Conrado.

Ilang saglit na tinitigan muna sya ng masama ni Raymond bago muling binigyan ng isang malakas na sampal na ikabingi nya. Halos sumubsob din sya sa sofa. Pero mas ok na rin yung sampal lang ang binigay sa kanya at hindi bala ng baril. At salamat na rin sa Ninong Conrado nya at nakinig ito. Kailangan nyang mag isip ng mabuti. Hindi pwedeng ganito lang ang sapitin nya. Wala na syang trabahong babalikan at malamang ay maging wanted pa sya. Biglang sumagi sa isip nya si Lorenzo. Di nya akalain na inuuto lang pala sya nito para makakuha ng impormasyon. Kinuyom nya ang kamao. May bumangong galit sa dibdib nya.

“Kailangan muna nating alisin ang mga kontrabando sa warehouse bago yun suyurin ng mga pulis at kumpiskahin.” Sabi ni Ninong Conrado at sinindihan ang hawak na tabako.

“Nagpadala na ako ng mga tao doon uncle – “ Naputol ang sasabihin ni Raymond ng tumunog ang cellphone nito na nasa lemesita. Dinampot nito iyon at sinagot.

“What!?” Pasigaw na sabi ni Raymond sa kabilang linya.

Napatingin silang lahat rito. Si Ninong Conrado ay nabitin pa sa ere ang paghithit sana nito ng tabako.

“Bullshit!” Galit na sigaw ni Raymond at akmang ibabato ang cellphone pero di nito tinuloy at ang malaking porselanang vase na lang ang sinipa nito. Basag ang pobreng porselana sa marmol na sahig.

“What happened iho?” Nababahalang tanong naman ni Ninong Conrado.

“Naunahan na tayo ng mga pulis uncle. Nasa warehouse na sila at kinukumpiska ang mga kontrabando natin.”

Napatayo si ninong at malutong na nagmura. “Sila Monti?”

“Hindi na sila tumuloy dahil mahuhuli sila. Pinabalik ko na sila dito uncle.” Ani Raymond na bakas na sa mukha ang pagkabalisa.

“Kailangan na nating kumilos iho bago pa magbaba ng warrant of arrest at arestuhin tayo.”

“Hindi nila ako basta basta maaaresto uncle. Congressman ako at mas marami akong koneskyon kesa sa kanila. Kayo ang kailangan magtago bago pa kayo maaresto. Ako ng bahala sa lahat.” Nagaapoy sa galit ang mata ni Raymond.

“Sige ikaw na ang bahala iho, pero kung kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako.”

Tumango naman si Raymond.

Nataranta naman sya. Ayaw nyang maiwan sa poder ni Raymond dahil baka tuluyan sya nito sa galit nito.

“N-Ninong sasama ako.” Aniya at tumayo. Tinanguan naman sya ng Ninong Conrado nya.

Lumabas na sila ng malaking bahay kasunod ang ilang tauhan ni Ninong Conrado. Sumakay sila sa mamahaling sasakyan nito nilisan ang mansyon. Kasunod nila ang dalawang sasakyan lulan ang mga tauhan.

Lorenzo

“MEN!” PAGKUHA ko ng atensyon sa mga kasamahan ko pagbaba namin ng police truck. Marami ang bilang namin at lahat kami ay armado at nakasuot ng bullet proof vest. Hindi na kami nagaksaya ng oras at agad na namin sinugod itong warehouse ni Don Conrado bago pa sila kumilos.

Sinenyasan ko ang mga kasamahan ko na mag parte na sa ilang grupo at pinakalat ko sila. Kumilos na kami palapit sa warehouse. Madilim sa paligid dahil alas otso na ng gabi at nasa gitna ng talahiban ang warehouse. Tanging mapusyaw na ilaw lang ang tanglaw ng malaking warehouse na nasa harapan. Tahimik din sa paligid pero hindi kami pwedeng magpakakampante. Bumukas ang maliit pinto sa harap ng warehouse at lumabas ang isang lalaki. Nagulat sya ng makita kami at akmang babalik sa loob pero mabilis syang hinablot ng kasama ko at pinataas ang kamay. Pumasok na ang grupo ko sa loob. Tumambad sa amin ang kabundok na patong patong na mga styro at plastik. Marami ding malalaking drum na chemical ang laman sa paggawa ng mga styro at plastik. Binuksan ng isang kasama ko ang malaking pintuan. Ang ilang kasamahan ko naman ay nakapasok na rin sa loob galing sa likod.

“Halughugin nyo ang lahat! Talasan nyo ang mga mata nyo.” Utos ko sa kanila at agad naman silang tumalima.

Naghalughog na rin ako. May dalawa pang lalaki sa loob na tila mga bantay. Dinisarmahan sila ng mga kasamahan ko at pinosasan. Pinaturo sa kanila ang mga tinatagong kontrabando. Noong una ay tikom ang mga bibig nila at ayaw magsalita. Pero kalaunan ay nagsalita din pagkatapos ko silang pagbantaan.

Tinuro nila ang mga nakatambak na tila basura na puro retaso ng mga plastik. Hinawi iyon ng mga kasamahan ko at tumambad ang isang malaking kahoy na kahon na may nakapulupot na makapal na kadena at may malaking padlock. Binaril ng mga kasamahan ko ang padlock hanggang sa masira. Pinagtulungan naming tanggalin ang makapal na kadena. Ng matanggal na ito ay binuksan namin ang kahoy na kahon tumambad at sa amin ang iba’t ibang uri ng mga armas. Mga high caliber ang mga ito at mga bago pa dahil mga nakabalot pa sa plastik. Isang malaking kahon pa ang nakita ng mga kasamahan ko at ganun din ang laman.

“Sir Enzo, meron pa dito!” Tawag sa akin ng ng grupo nila Anjo.

Nilapitan ko sila. Nakita ko ang tatlong malaking water jug na may mga lamang pakete ng shabu. Napatiim bagang ako. Malaki at matibay ma ebidensya to. Tinawagan ko si chief at kinumpirma ang mga nakita. Kinuhanan din naman ito ng mga lawaran bilang ebidensya. Pati na rin ang tatlong lalaking bantay na kinumpirma nga kay Don Conrado at Congressman Raymond Echevari ang mga ito. Ilang sandali ay dumating na ang mga taga PDEA para kumpiskahin ang mga shabu. Kami naman ay sinamsam na ang mga ilegal na armas at nilagay sa police truck para i-surrender. Ang tatlong lalaki naman ay sinakay na rin namin at dadalhin sa istasyon para pormal na sampahan ng kaso.

KINAUMAGAHAN AY isang malaking balita ang pumutok sa bayan ng Inocencia. Tungkol sa nangyaring raid kagabi. Ang balita ay laman ng iba’t ibang tv station. Wanted na sa batas si Don Conrado at si Julie maging ang ilang kasangkot. Si Congressman Raymond Echevari naman ay todo tanggi sa alegasyon at nadadawit lang daw ang pangalan dahil sa tiyuhin nya si Don Conrado. Pero hindi sya kinatigan ng batas. Agad na nagbaba ng mandato aresto at dinakip sya pero nakalabas din pagkatapos magpyansa sa malaking halaga. Iba talaga ang nagagawa ng pera at kapangyarihan. Pero hindi kami titigil sa pagkalap pa ng ebidensya para tuluyan na syang makulong. Tutugisin din namin ang dalawang ngayon ay nagtatago na. 

Dito sa loob ng conference room ay pawang wala pa kaming mga tulog at puro kape lang kaulayaw namin para hindi kami antukin kaharap ang ilang mga papel. Bumukas ang pinto ng conference room at pumasok si Diego at ilan naming kasamahan. Galing sila sa bahay ni Julie at sila ang naatasan na maghalughog doon.

“Chief.” Bati ni Diego sa hepe namin at binaba ang isang notebook na dala dala nila. “Ito lang ang tanging nakuha namin sa bahay ni Julie pero nakakasiguro akong malaking tulong to.”

Napakunot noo ako habang nakatingin sa notebook na ngayon ay hawak na ni chief at binulatlat para tingnan. Tumango tango sya.

“Good job boys, malaking tulong nga ito. Siguradong hindi na makakawala ang taong yun.” Binaba ni chief ang notebook at inusog sa harap ko.

Kinuha ko naman ito at tiningnan. Puro pangalan ang mga nandoon. Listahan ng mga katransaksyon nila. Pati mga numero ay naroon rin. Malaking tulong nga ito.

“Bueno, magsipahinga muna kayo alam kong napagod kayo kagabi. Ang mga kasamahan nyo na ang bahala dito.” Baling sa amin ni chief na dinidissmiss na kami. Tumayo naman kami ng mga kasama kong nakaupo sa mahabang mesa at sumaludo sa kanya.

Tinapik naman ako sa balikat ni chief. “Good job din sayo Villegas. Isa ka talagang malaking asset ng ahensya. Kung hindi dahil sa pagpupursige mo ay hindi sila masasakote. Ngayon ay wanted na sila batas at matatahimik na rin ang bayan ng Inocencia.” Aniya at kinamayan pa ako.

Tipid naman akong ngumiti. “Hindi lang naman ako ang kumilos chief. Pati mga kasamahan ko rin. Kung hindi rin sa tulong nila hindi magtatagumpay nag misyon na to. “Sabi ko at hinarap ang mga kasama at binati rin sila. Pagtutulungan at pagkakaisa talaga ang susi sa tagumpay.


Inagahan ko talaga update ngayon kasi masama pakiramdam ko 🤧 See you all na lang sa next update

Chapter 37

Warning 🔞

Aitana

TUTOK NA tutok ang mata ko sa screen ng tv namin at matamang nakikinig sa balita. Lalo na sa lalaking ini-interview. Si Lorenzo. Ang gwapo ng rehistro ng mukha nya sa tv. Pati nga ang reporter na babae titig na titig sa kanya eh. Ang cool din nya magsalita. Maawtoridad at professional ang dating.

“Hay salamat naman at nahuli na ang mga salot na yan.” Komento ni Tiyang Meding.

“Hindi pa po nahuhuli yung dalawa tiyang, nagtatago. Si Congressman Echevari naman nakapagpiyansa.” Paliwanag ko kay Tiyang Meding. 

At least natukoy na kung sino ang mga nasa likod ng talamak na bentahan ng droga dito sa bayan namin. Hanggang ngayon nga ay hindi ako makapaniwalang kasabwat talaga si Julie at wanted na ngayon.

“Kuh, mahuhuli din yang mga yan ni Lorenzo. Naku bilib na bilib talaga ako sa batang yan. Ang gwapo gwapo pa sa tv o.” Ani tiyang na akala mo ay nanay ni Lorenzo na proud proud. Kunsabagay ako rin naman proud na proud sa kanya.

Tumayo na ako para mag asikaso na papasok sa school. Mamaya pa kami magkikita ni Lorenzo dahil sure akong nasa istasyon pa yun ngayon. Ititext ko na lang sya.

“Tiyang pasok na po ako.” Paalam ko kay Tiyang Meding at kinuha na ang helmet.

“Magiingat ka sa pagmamaneho.”

“Opo.” Lumabas na ako ng bahay at sinuot na ang helmet.

Pagdating sa school ay usap usapan din ng mga co teachers ko ang balita.

“Grabe, di pa rin ako makapaniwala na sangkot din pala si Congressman Raymond. Wala sa histura nya ha.” Sabi ng co teacher kong may edad na.

“Ako nga rin eh, crush na crush ko pa naman yun. Yun pala totoo ang mga chismis sa kanya.”

“Pero mainam na rin yun at nabisto na ang mga kalokohan nya. At ang galing ng boyfriend ni Teacher Aitana ha. Astig.” Sabi ni Teacher Sally na kinalabit pa ako.

Nginitian ko naman sila. Syempre bilang girlfriend natutuwa ako dahil kinikilala nila ang boyfriend ko bilang mahusay na pulis. Hmm, mabigyan nga ng kahit maliit na celebration si Lorenzo.

NAPANGITI AKO ng makita ang pagkamanghang nakarehistro sa mukha ni Lorenzo pagpasok nya dito sa kusina. Ipinaghanda ko kasi sya ng munting salo salo at may patarpaulin pa na may nakasulat na congratulations. Tinulungan pa nga ako ni Tiyang Meding na maghanda.

“Congratulations!” Nakangiting bati ko sa kanya at binuka pataas ang dalawang braso.

“Sweetheart..” Anas nya sabay hapit sa bewang ko at hinalikan sa noo. “Hindi ka na dapat nag abala pa.” Natatawang sabi nya habang mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.

“Deserve mo to no. Dapat nga bonnga pa eh. Saka proud ako sa’yo kasi ang galing galing mo.” Sabi ko sabay tingkayad at halik sa pisngi nya.

“Aw, thank you sweetheart.”

“You’re welcome.”

“ Congratulations iho! Naku ang galing galing mo talagang pulis. Dapat sayo inaawardan.“ Sabi ni Tiyang Meding na kapapasok lang ng kusina at may dalang cake.

“Salamat ho Tiyang Meding. Pero ginagawa ko lang ho ang tungkulin ko.” Natatawang sabi ni Lorenzo.

“Pero malaki ang nagawa mo iho. Sa wakas mawawala na ang mga salot na yan dito sa bayan natin. O sya, maupo ka na. Para sayo ang lahat ng yan. Pakabusog ka.”

Natatawang pinaghila naman ako ng upuan ni Lorenzo bago sya naupo. Dumating na rin si Benj at si Macy para makisalo sa amin.

HALOS HINDI maipinta ang mukha ni Lorenzo ng lingunin ko sya. Kakaalis lang ng dating school mate ko na napadaan sa school dahil sinundo ang pamangkin.

“Bakit?” Takang tanong ko kay Lorenzo.

“Tuwang tuwa ka sa kausap mo ah.” Sarkastikong sabi nya.

“Dating school mate ko yun. Ngayon na lang ulit kami nagkita. Dito pala nag aaral ang pamangkin nya.” Kaswal lang na sabi ko.

“Tsk! School mate.”

Tinaasan ko sya ng kilay. “Wag mong sabihing nagseselos ka?” Pigil ang ngiting tanong ko.

Tinaasan din nya ako ng kilay. Kahit di nya sabihin ay alam kong nagseselos sya. Kanina pa nga masama ang tingin nya sa kaschool mate ko eh.

Tumawa ako. “Wag kang magselos dun dahil ikakasal na yun.” Sabi ko.

Pumalatak lang sya. “Halika na nga.” Hinawakan nya ang kamay ko at hinila na ako papunta sa sasakyan nya. Ibang sasakyan ngayon ang dala nya. Nasa pagawaan daw kasi ang pick up truck nya dahil basag ang salamin sa likuran. Bagamat hindi nya idinetalya ay alam kong dahil yun sa nakikipagbakbakan sya sa mga kriminal.

Natatawa pa rin ako habang nasa byahe na kami pauwi. Wala pa rin kasi syang kangiti ngiti. Wala syang pasok ngayon dahil pinagday off sya. Bukas ay pang umaga na sya kaya maihahatid na nya ako sa school.

“Uy ngumiti ka naman.” Nanunuksong sinundot sundot ko ng daliri ang tagiliran nya. Pero wala syang karea-reaksyon. Patuloy ko pa ring sinusundot ang tagiliran nya. Ang tigas talaga ng katawan nya.

“Uy, ngiti na nga.” Pangungulit ko pa rin sa kanya.

Binigyan lang nya ako ng side glance at bumuntong hininga. Ah, ayaw mo kong pansinin ha. Kumagat labi ako ng may maisip na kapilyahan. 

Yumakap naman ako sa braso nya at sadya kong idinikit ang dibdib. Napangisi ako ng maramdamang bahagya syang nanigas.

“Ngumiti ka na kasi mamang pogi.” Malambing kong sabi at nagpacute pa.

Humugot naman sya ng malalim na hininga. “I’m driving sweetie.” Aniya sa pormal na boses.

Napalabi ako. Medyo mahirap din pala syang suyuin kapag nagselos. Pakipot. Pero hindi pa rin ako susuko hangga’t hindi sya bumigay.

Dumako ang mata ko sa gitna ng mga hita nya. Kumagat labi ko habang pinagmamasdan ang bukol ng pipino nyang nakabakat sa maong na asul na pantalon nya. Halatang malaki talaga sya. Umariba na naman ang kapilyahan ko. Dinakot ko ito at bahagyang pinisil.

“Fuck Aitana!” Mura nya at di makapaniwalang nilingon ako. Ramdam ko ang paninigas ng katawan nya. Bahagya pa ngang nagswerve ang sasakyan.

Nginisihan ko lang sya at hindi inaalis ang kamay sa harapan ng pantalon nya.

“What are you doing sweetheart?”

Ngumuso ako. “Ayaw mo kong pansinin eh.”

Napatiim bagang sya. Pero dama ko sa kamay kong nagrereact na ang pipino nya.

“Damn sweetheart.. alisin mo na ang kamay mo nagdadrive ako baka mabangga tayo.” Hirap na sabi nya at bahagyang malalim na rin ang bawat nyanh hinga.

“Pansinin mo na kasi ako.” Pacute na lambing ko sabay himas sa malaking bukol sa harapan ng pantalon nya.

Nagmura sya ulit. “Oo na, oo na!”

Tinanggal ko na ang kamay ko at yumakap na lang braso nya habang may waging ngiti sa labi. Wala pala sya eh. Kaunting himas at pisil lang bigay na agad.

Tumingin sya sa akin. Nginitian ko lang sya. Bumuntong naman hininga sya.

“Kahit kelan talaga ang sakit mo sa puson sweetheart. Paano ngayon kakalma yan?” Tila namomroblemang sabi nya sabay baba ng tingin sa harapan ng pantalon nya.

Napakagat labi ako ng makitang lalo pang lumaki ang bukol. Halatang buhay na buhay na ito. Nilapit ko naman ang bibig sa tenga nya at may binulong na ikinamura na naman nya. Pinatulin nya ang pagpapatakbo sa sasakyan.

Sa bahay nya ngayon ang diretso namin..

“OOHHH FUCK..” Daing ni Lorenzo habang subo subo ko ang tigas na tigas na pagkalalaki nya. Ang sarap sa tenga pakinggan ng mga ungol nyang nasasarapan.

Nandito kami ngayon sa bahay nya at dito nga sa kwarto nya ay gumagawa kami ng milagro habang parehas kaming hubo’t hubad. Nakaupo sya sa dulo ng kama at magkahiwalay ang mga hita. Habang ako naman ay nakaluhod sa pagitan ng hita nya at subo subo ang pagkalalaki nya.

“Ugh yess just like that sweetheart..”

Tumingin ako sa kanya. Kagat kagat nya ang labi at lukot ang mukha dahil sa sarap. Mas lalo lang tuloy akong ginanahan.

Niluwa ko ang pagkalalaki nyang basang basa dahil sa laway ko at mabilis itong hinagod hagod ng kamay. Grabe, ang laki talaga ng pipino nya. Mataba talaga ito at mahaba. Nangangalit din ang mga ugat. Muli ko itong dinila dilaan at pagdating sa ulo ay bahagya ko itong sinipsip na ikinaungol nya. Gustong gusto nya kapag ginagawa ko ito. Muli kong sinubo ang pagkalalaki nya at inilabas masok sa aking bibig. Halos wala pang kalahati ang nasusubo ko at bukang buka din ang bibig ko. Sinabayan ko rin ang magaang himas ang balls nya.

Inipon nya ang buhok ko sa isang kamay at umuulos pa minsan minsan. Nasasagad sa lalamunan ko ang pagkalalaki nya na halos mabilaukan ako pero keri ko pa naman.

“Tangna sweetheart! Ang init ng bibig mo. Puta!” Ungol at mura nya habang tuloy tuloy sya sa marahang pagulos sa bibig ko.

Hindi na ako nakagalaw at napahawak na lang sa mga hita nya at hinayaan na lang sya.

“Ulk! Ulk!” Tunog ng pagulos nya sa bibig ko. Tumutulo na rin ang laway ko. Napapahigpit ang hawak ko sa mga hita nya kapag nasasagad sa lalamunan ko ang pagkalalaki nya. Naluluha na rin ako pero hindi ako bumitaw. Gusto kong masatisfy sya.

“Nghh fuck! I’m so near sweetheart! Ughh I’m cumming!” Akmang huhugutin nya ang pagkalalaki nya sa bibig ko ng pigilan ko sya. Gusto kong maexperience na labasan sya sa bibig ko.

“No sweetheart!” Tutol nya at akmang ilalayo ang ulo ko pero huli na dahil sumabog na ang mainit nyang katas sa loob ng bibig ko na agad ko namang nilunok. Halos maduwal duwal pa nga ako.

“Ang gara ng lasa!” Angal ko sabay punas ng likod ng kamay sa bibig.

“Fuck sweetheart! Nilunok mo?” Di makapaniwalang tanong nya.

Tumango tango naman ako at binuka ang bibig sabay labas ng dila para ipakitang nilunok ko nga. Tila naman lalong nag apoy ang kislap ng mata nya. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at sinunggaban ako ng mariing halik.

“Tangna sweetheart.. mas lalo lang akong nalilibugan sayo.” Anas nya at muli akong sinunggaban ng halik na akin namang tinugon.

At sa isang iglap ay ako na ang nasa ibabaw ng kama habang nakabukaka at sya naman ay nasa pagitan ng mga hita ko at nakasubsob.

“Ohh uhmmm..” Ungol ko sa bawat hagod ng dila nya sa basang hiwa ko. Bahagya pang nanginginig ang mga hita ko sa tuwing sisipsipin nya ang clit ko.

Hinawakan ko ang ulo nya habang kagat ang labi na pinapanood sya sa ginagawa. Napaawang ang labi ko ng iikot nya ang dila sa clit ko kasabay ng pagpasok ng dalawa nyang daliri sa lagusan ko.

“Uhhmmm shit!” Mura at ungol ko ng bilisan nya ang paglabas masok ng daliri nya sabay muling sipsip sa clit ko.

Para na akong mawawalan ng ulirat sa sarap na nararamdaman ko. At ilang sandali pa nga ay sumirit na ang katas ko na ikinanginig ng aking katawan. Mabilis naman nyang hinugot ang daliri.

“Damn sweetheart, squirter ka na nga..” Anas nya at sumubsob muli sa pagkababae ko at dinila dilaan hanggang sa magsawa sya.

Ng matapos sya ay nag angat sya ng katawan at sinunggaban ako ng halik. Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi nya at tinugon ang mainit nyang halik.

“Ang sarap mo sweetheart..” Anas nya sa pagitan ng paghalik.

Lumuhod na siya sa pagitan ng mga hita kong nakabuka. Kagat kagat ko naman ang labi habang nakatukod ang dalawa kong kamay sa likuran at pinapanood ang susunod nyang gagawin. Sabik na rin akong maramdaman ang kalakihan nya sa loob ko.

Hinawakan nya ang naguumigting nyang pagkalalaki at imbes na itutok nya ito sa nanabik na lagusan ko ay hinagod hagod lang nya ito sa hiwa ko at ipinapalo palo pa minsan. Nakaramdaman naman ako ng kiliti at pumipintig pintig pa nga ang pagkababae ko lalo ng itapik tapik at ikiskis nya ang ulo ng pagkalalaki nya sa sensetibo kong clit. Pagkatapos ay hinagod nya ang kahabaan sa hiwa ko at dahan dahang umulos. Titig na titig sya sa mga kasarian namin. Habang ako naman ay napapahalinghing sa sarap at kiliti at mas lalo din akong nanabik.

“L-Lorenzo ipasok mo na..” Di ko napigilang anas.

Tumingin naman sya sa akin at ngumisi. “You want my cock inside you sweetheart?” Magaspang at nanghihibong ang boses nya.

Nagiinit naman ang pisnging tumango ako.

“Beg sweetheart.” Maawtoridad na utos nya.

Mas lalo lang tuloy nag init ang mukha ko at mas lalo din akong nanabik.

“P-Please Lorenzo.. ipasok mo na..” Halos pabulong na sabi ko.

Umiling iling naman sya sabay palo ng pagkalalaki nya sa nananabik kong pagkakababae. Napaungol naman ako.

“Beg harder sweetheart.”

Kumagat labi ko. “Ipasok mo na please.. I want to feel your ernermous cock inside my tight wet pussy..” Sabi ko na nilakipan ko pa ng landi ang boses. Ginaya ko lang naman ang sinabi nung babaeng napanood ko sa isang porn site.

Ngumisi naman sya at kumagat labi. Lalo nagningas ang apoy sa kislap ng mata nya. Kinuha nya ang kamay ko at nilagay sa pagkalalaki nya. Hinawakan ko naman ito at bahagyang hinagod.

“Ipasok mo.” Utos nya.

Tila naglalagablab na sa init ang mukha ko. Ito ang unang beses na nag utos sya sa akin na ako mismo ang magpasok ng pagkalalaki nya sa lagusan ko.

Kumagat labi ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi sa kaba kundi sa excitement. Tinutok ko na ang ulo ng pagkalalaki nya sa lagusan ko at dahan dahan kong sinulong papasok. Sumunod naman ang balakang nya.

“Hmm..” Kagat labing ungol ko ng maramdaman ko na sya ng buo sa loob ko. Kitang kita kong bukang buka ang pagkababae ko dahil sa laki nya.

Hinugot nya pagkalalaki nya hanggang sa ulo at muling binaon ng sagad. Paulit ulit nya yong ginagawa ng mabagal. Parehas na rin kaming umuungol. Pero hindi na sya nakatiis at hinawakan na ang likod ng dalawang hita ko at umulos na ng mabilis.

“Uhmm! Uhmm! Uhmm!” Kagat labing ungol ko habang tinatanggap ang bawat ulos nya. Humawak ang isang kamay ko sa matigas na braso nya. Habang ang isang kamay ko naman ay nakatukod pa rin sa likuran ko.

“Fuck sweetheart.. ang sarap mo hnghh!” Daing nya habang tuloy tuloy sa mabibilis na ulos. Inabot pa ng daliri nya ang clit ko at minasahe ito. Lalo lang tuloy nadagdagan ang kiliti at sarap na nararamdaman ko.

“Nghh Lorenzo..” Daing ko habang nakatingin sa kanya.

“Masarap sweetheart?” Malambing na tanong nya.

“Y-Yes.. ang sarap mm..” Iba din ang sarap ng ganitong galaw nya na hindi masyadong agresibo.

Maya maya ay pinatong nya ang dalawang binti ko sa magkabilaang balikat nya. Tuluyan na rin akong napahiga dahil sa nangawit na ang mga braso ko. Yumuko sya ng bahagya sa akin at tinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. Nakaangat na ngayon ang kalahati ng katawan ko at mas malalim na rin ang baon ng pagkalalaki nya. Binaba nya ang mukha at hinalikan muna ako sa labi bago sya muling umulos.

“Hnghhh Lorenzo ang lalim mo uhmm..” Daing ko habang napapawang ang labi. Ang lalim talaga ng naabot ng pagkalalaki nya sa loob ko at bawat diin ay sagad na sagad. Umiikot din ang mata ko kung minsan.

“Ang sikip sikip mo pa rin sweetheart. Ang init sa loob mo nghh.. Ang sarap talaga puta!” Paangil ang ungol nya at mas nilakasan pa at binilisan ang pag ulos. Bumaba pa ang ulo nya at sinubo ang isa sa dalawa kong dibdib na umaalog.

“U-Ugh shit Lorenzo! Malapit – ahhh! Malapit na naman akohhh!”

Tatlong ulos na sagad nya ay nilabasan na ako. Nanigas at nanginig pa ang katawan ko. Pero sya ay hindi na nagabalang hugutin ang pagkalalaki nya at nanatili pa ring nakabaon. Ng matapos na ako ay saka lang sya muling gumalaw. Binaba na nya ang dalawang binti ko at tuluyan ng dumapa sa ibabaw ko. Yumakap naman ako sa kanya. Sumubsob sya sa leeg ko habang tuloy tuloy sa pag ulos.

“I love you sweetheart.. I love you so much..” Anas nya sa tenga ko habang hinahaplos ang buhok ko.

“Mm I love you too Lorenzo.. I love you ahh!”

Muli na namang bumilis ang ulos nya na tila may humahabol sa kanya. Dinig ko ang pagbangga ng headboard ng kama sa pader. Nararamdaman ko na rin ang paglaki ng pagkalalaki nya sa loob ko tanda na malapit na rin syang labasan.

“Ughhh fuck! I’m cumming sweetheart! Im cumming! Hnghhh!”

Sabay na sumambulat ang aming katas sa loob ko. Parehas pang nanigas at nanginig ang aming katawan. Nag angat sya ng mukha at siniil ako ng halik na akin namang tinugon..


Chapter 38

Aitana

MAINIT NA halik ang pinagsasaluhan namin ni Lorenzo dito sa sala nya. Katatapos lang ng mainit na tagpo namin sa kwarto nya at parehas na kaming nakabihis. Parang ayaw pang mapuknat ng labi namin sa isa’t isa.

“Hmm.. can’t get enough of you sweetheart..” Anas nya sa pagitan ng mariing halik.

Ako rin naman, parang ayaw ng bumitaw sa kanya. Naaadik na yata ako sa kanya. Pero gumagabi na at kailangan ko ng umuwi dahil may pasok pa ako bukas.

Habol namin ang hininga ng maghiwalay ang mga labi namin. Pinagdikit nya ang mga noo namin at nagtama ang aming mga hininga.

“Fuck.. parang ayaw na kitang iuwi sa inyo sweetheart..” Bulong nya.

Kinagat ko ang ibabang labi. “Pero kailangan mo na akong iuwi ngayon dahil may pasok pa ako bukas. Baka magtaka na rin si tiyang.” Sabi ko.

Tumango tango naman sya at hinalikan naman ako sa noo. Magkahawak kamay na lumabas na kami ng bahay nya. Ihahatid lang nya ako sa bahay, doon na din sya kakain at uuwi na rin sya dahil may pasok din sya bukas.

Habang nasa gitna kami ng byahe ay hinalughog ko ang bag ko. Ang alam ko may isang piraso pa ako ng after pill. Binuksan ko ang maliit na bulsa sa loob ng bag ko at doon ko nga nakita ang tableta. Dinukot ko ito. Inabot ko naman ang mineral water na nakalagay sa gitna namin ni Lorenzo. Dala dala ko to kanina mabuti na lang hindi ko inubos. Nilagay ko ang tableta sa bibig ko at tinungga ang mineral. Napansin ko namang patingin tingin sa akin sa rear view mirror si Lorenzo.

“Anong gamot ang ininom mo sweetheart? May sakit ka?” Kunot noong tanong nya bagamat may tonong nag aalala.

“Wala, after pill lang yun.” Kaswal lang na sabi ko at tinapon ang basyo ng pill sa maliit na basurahan na nasa lapag ng sasakyan pati na rin ang basyo ng mineral water.

Napansin ko namang malalim syang bumuntong hininga.

“Bakit?” Tanong ko.

“Nothing sweetheart.” Aniya na muling tumingin sa akin sa rear view mirror at ngumiti. Bagamat ang ngiti nya ay tila tipid lang. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil baka may iniisip lang sya sa trabaho. Dahil hindi pa naman tapos ang misyon nila dahil hindi pa nakukulong ang tatlo at puro mga sangkot pa lang.

Kinuwentuhan ko na lang sya ng kung ano ano para naman maaliw sya kahit papaano. Kinuwento ko sa kanya ang araw ko sa school. Ang mga makukulit kong estudyante. Lalo na si Pengpeng na malaki na ang pinagbago ngayon. Nanaba na sya at bibong bibo na sa klase. Baka nga maungusan na nya ang kasalukuyang top 1 sa klase. Natuwa naman si Lorenzo sa kwento ko. Nagkwento din sya sa buhay ng mag aama na ngayon nga ay nakatira na sa isa sa paupahan nyang apartment. Maging si Mang Hunyo ay nanaba na rin at naging masigla pagkatapos nitong maggamutan sa baga. Ang dalawa pang anak ay gumanda din ang pangangatawan. Syempre nagpasalamat din ako sa tulong nya.

“Kung hindi dahil sayo malamang nandun pa rin ang mag aama sa lugar na yun.” Sabi ko sa kanya at yumakap sa braso nya sabay hilig ng pisngi.

Tumawa sya at hinalikan ako sa ulo. “You’re welcome sweetheart. At deserved ni Mang Hunyo at ni Pengpeng at ng mga kapatid nya ang second chance na magkaroon ng maayos na buhay. Lalo na si Pengpeng matalinong bata at maasahan.” Sabi nya.

Napangiti ako at tumingala sa kanya. “Kaya ako nainlove sayo ng tuluyan eh. Kahit may pagkaaroganteng pulis ka at lagi mo akong binubwisit noon may mabuting puso ka naman.” Sabi ko.

Dati ayaw na ayaw ako sa kanya kahit na gwapong gwapo ako sa kanya. Dahil bukod sa napakaarogante nya at nakakainis ay malaki pa ang agwat ng edad namin. Eh di ko naman bet ang lalaking sobrang tanda sa akin. Pero ngayon halos ayoko ng bumitaw sa kanya. Tama nga si Benj. Masarap magmahal ang mas matanda sayo, alagang alaga nya ako. May boyfriend na ako may fafang masarap at pogi pa.

Tumawa sya ulit. Buhay na buhay ang tawa nya.

“Di ko makakalimutan ang unang araw na nagkita tayo sweetheart. Para kang bata noon na inaagawan ng laruan ng kunin ng mga kasamahan ko ang motor mo.” Paalala nya.

Napanguso naman ako. Hindi ko rin makakalimutan yun. Halos buhatin ko na nga ang motor ko noon sa higpit ng yakap ko.

“Di ko rin makakalimutan noong una tayong nagkita. Mukha ka talagang kapre na bumaba ng sasakyan mo. Bukod sa ang laki mong tao puro itim na putik pa ang mukha mo.” Paalala ko rin. Pero ng punasan ko ng wipes ang mukha nya doon ko naman nasilayan ang pinakagwapo na yatang lalaki na nakita ko sa buong buhay ko na ngayon ay boyfriend ko na.

Umaasim ang mukha nya. “Kasalanan mo yun sweetheart, kaskasera kang magmotor.”

Lalong nanghaba ang nguso ko. “Pakiramdam ko nga noon gumaganti ka lang kaya mo inimpound ang motor ko.”

“Well, partially yes.” Natatawang sabi nya.

Sinamaan ko sya ng tingin. Sabi na eh.

Pero tinaasan lang nya ako ng kilay. “Pero may violation ka pa rin sweetheart and no one is above the law kaya kahit crush kita impound pa rin ang motor mo.” Nakangising dugtong nya sa sinabi kanina.

Kumagat labi naman ako. Kinilig ako sa sinabi nyang crush nya ako. “Alam ko naman yun.. Pero totoo crush mo na ako noon?”

Sumulyap sya sa akin at muli akong hinalikan sa noo. “Yes sweetheart, unang kita ko pa lang sayo iba na ang dating mo sa akin. Kaya nga lagi kong inaasam na magkrus ang landas natin.”

Pinigil ko ang pagngiti at ngumuso na lang. “Pero sa tuwing magkikita naman tayo lagi mo kong binubwisit. Lalong lalo noong inaaresto mo ko kuno dahil isa ako sa mga organizer ng pasugalan. Mangiyak ngiyak na nga ako noon sa takot at halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa para hindi mo arestuhin yun pala pinagtitripan mo lang ako.”

Malutong syang tumawa pero agad ding tumigil at muling diniin ang labi sa ulo ko. “I’m sorry sweetheart kung natakot kita noon. Pero paraan ko lang yun para magpapansin sayo. Di kasi ako marunong.. manuyo ng babae. Sa totoo lang ikaw lang ang sinuyo ko.”

Napakagat labi na naman ako sa kilig. Ang sarap pakinggan ng confession nya.

“Talaga? Ako lang ang babaeng sinuyo mo?” Pananantya ko sa kanya.

Mapupungay naman ang mga mata nyang sumulyap sa akin. “Yes sweetheart, at ikaw lang din ang babaeng mahal na mahal ko.”

Heto na naman ang puso kong di na magkandatuto sa pagtibok ng mabilis. Parang gusto na nyang kumawala sa loob ng katawan ko at magchacha sa gitna ng kalsada.

“Ako din – “ Naputol ang sasabihin ko ng tumunog ang cellphone ko sa loob ng bag. Sumulyap ulit sa akin si Lorenzo at ngumiti. Bumitaw naman ako sa braso nya at umayos ng upo sa passenger seat. Binuksan ko ang bag at dinukot ang cellphone ko. Tumatawag pala si Benj.

“Si Benj, sagutin ko lang.” Sabi ko kay Lorenzo. Tumango naman sya.

Pinindot ko ang green button at tinapat ang cellphone sa bag.

[“Asan ka ng bruha ka? Saan na naman kayo nagpunta ng jowa mo?”]

Bahagya kong nailayo ang cellphone sa tenga ko dahil sa taas ng boses ni Benj sa kabilang linya. Naririnig ko pa nga ang boses ni Macy sa background.

“M-May pinuntahan lang kami. Pauwi na kami.” Tanging naisagot ko na lang. Ayoko namang sabihing nagpunta kami sa bahay ni Lorenzo dahil siguradong iba ang iisipin nya.

Sa rear view mirror ay nakita ko namang ngumisi Lorenzo at sumulyap sa akin. Nagiinit ang pisnging ngumuso ako at nagiwas ng tingin sa kanya.

[“O sige, sabihin ko na lang kay tiyang. Bye.”]

Binaba ko na ang cellphone ko at binalik na sa bag. Nilingon ko si Lorenzo. Pero napansin kong seryosong seyoso na ang mukha nya at patingin tingin sa rear view mirror at sa side mirror.

Kumunot ang noo ko. “Bakit?” Tanong ko.

Tumingin sya sa akin at ngumiti. “Dumaan muna tayo sa restaurant para kunin ang order ko.” Aniya.

Tumango maman ako. Bahagya naman nyang tinulinan ang pagpapatakbo ng sasakyan at nag overtake pa.

NAPAPANGIWI AKO sa tuwing titingin kay Macy na kumakain ng sampalok na coated ng asin at asukal. Kumakain din naman ako ng sampalok pero sa tuwing nagkicrave lang ako. Pero si Macy ay pangatlong araw na yata nyang trip na trip ang sampalok na nabibili dyan sa sa labas ng school.

“Ano ba yan baks? Nangangasim ako sayo.” Bulalas ko.

Tumawa naman si Macy. “Gusto mo?” Alok nya sa akin ng sampalok.

Umiling iling naman ako.

“Ganito kasi ako baks kapag malapit ng magkaroon, lalo na kapag delay ang period ko naku gusto ko talaga ng maasim.” Aniya at muling sumubo ng sampalok pero saglit syang natigilan ng tila may naalala. Maya maya ay nalukot ang mukha nya.

“Bakit?” Kunot noong tanong ko.

Pero hindi sya sumagot at dali daling tumayo. Pumunta sya sa may halaman at nagduduwal. Tumayo naman ako at sinundan sya.

“Uy baks, anong nangyari sayo?” Nagaalalang tanong ko at hinagod hagod ang likod nya. Wala naman syang nilalabas kundi puro laway at yung kinain nyang sampalok.

Ng tumigil na sya sa pagduwal ay bumalik na kami sa ilalim ng punong tinatambayan namin. Inabot ko sa kanya ang tubig nya at tissue.

“Ayos ka lang?” Tanong ko ng makainom na sya ng tubig. Bahagya pa nga syang namumutla.

Tumango tango naman sya. “Nangasim kasi bigla yung sikmura ko. Siguro dahil sa kakasampalok ko.” Sabi nya.

“Yan, sampalok pa more.” Natatawang sabi ko at inabutan sya ng mint na kendi.

Macy

KUMAKALABOG ANG dibdib ko sa kaba habang papalapit ako sa isang botika. Pero hindi naman ako pwedeng umatras. Kailangan kong makasiguro. Kanina ko lang napagtanto na mag iisang buwan na pala akong delay. Paminsan minsan naman talaga nadedelay ang period ko pero mga ilang araw lang yun hindi kagaya ngayon. Yung last period ko nga medyo pawala wala pa at papatak patak lang. At hindi ko yun pwedeng ipagsawalang bahala dahil may boyfriend ako at active kami sa sex. Bagama’t di naman ako nakakalimot sa pag inom ng pill after naming magsex pero di rin ako sure. Baka isang beses nakalimot ako.

Humugot ako ng malalim na hininga at ng nasa tapat na ng botika ay pilit akong ngumiti ng lumapit ang babaeng nakascrub suit.

“Ah isang p-pt nga miss.” Sabi ko na pilit pinakaswal ang boses.

“Yung lang po ba?” Mabait na tanong naman ng babae.

Tumango lang ako..

Kagat kagat ko ang ibabang labi habang tense na tense na nakatingin sa pt na nakapatong sa sink dito sa banyo. Sobrang kinakabahan ako. Paano nga kung buntis ako? Paano ko sasabihin kay Benj? Baka hindi nya matanggap? Paano ang pagtuturo ko?Wala pa mang resulta ay tila gusto ko ng umiyak. Bakit kasi hindi ako nag iingat?

Napalunok ako at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita ang dalawang guhit na pula. Nanginginig ang kamay na dinampot ko ang pt at mas pinakatitigan pa. Muli akong napalunok. Talagang dalawang guhit ang nakikita ko. Napakagat labi ako. Buntis ako.

Napapitlag ako ng makarinig ng katok sa pinto at pagpihit ng door knob. Agad kong tinago sa bulsa ng shorts ang pt.

“Macy, matagal ka pa ba dyan? Naiihi na ako.” Boses ni Benj sa labas ng pinto.

“O-Oo lalabas na.” Sabi ko. Tarantang niligpit ko ang box ng pt at binalot sa plastic saka tinapon sa basurahang naroon.

Kinakabahang binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin si Benj na lukot ang mukha. Mukhang ihing ihi na nga.

“Bakit kasi nagla-lock ka pa?” Angal nya.

“S-Sorry nakalimutan ko. Sige pasok ka na.” Sabi ko at lumabas na ng banyo. Agad naman syang pumasok.

Palakad lakad ako sa sala at halos baliin ko na ang mga daliri ko. Nasa banyo pa rin si Benj.

Paano ang gagawin ko ngayong buntis na ako? Sasabihin ko ba kay Benj? Paano kung magalit sya tapos hiwalayan nya ako? Paano na rin ang career ko sa pagtuturo? Ayokong mawalan ng trabaho. Dinala ko sa bibig ang isang daliri at kinagat kagat ang kuko. Paano kami ni baby?

“Huy Macy.”

Napapitlag ako ng kalabitin ako ni Benj. Hindi ko namalayan nasa malapit ko na pala sya. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa akin.

Humugot naman ako ng malalim na hininga at kinalma ang sarili. “U-Uuwi ka na ba?” Tanong ko.

Nagsalubong ang kilay nya. “Anong uuwi? Dito ako matutulog di ba?” Nakataas ang kilay na sabi nya.

Kumagat labi ko. Oo nga pala.

“Teka, ano bang nangyayari sayo? Kanina ko pa napapansin parang wala ka sa sarili mo? May sakit ka ba? Medyo namumutla ka pa o.” Nagaalala ng tanong nya at hinawakan ang noo ko at leeg. “Hindi ka naman mainit.”

“A-Ayos lang ako wala akong sakit.” Sabi ko.

Mataman naman syang tumingin sa akin. Nagiwas naman ako ng mata.

“Anong problema?” Seryoso ng tanong nya.

Hilaw naman akong tumawa. “W-Wala akong problema ano ka ba. Medyo pagod lang ako.”

Tinaasan nya ako ng kilay at inirapan. “Wag mo kong echosin. Ano ngang problema? Yung nanay mo na naman nanghihingi ng pera?” Humalukipkip sya.

“Hindi.”

“O e ano? Sabihin mo na baka matulungan pa kita. Hindi yung para kang pusang di mawiwi dyan sa kakalakad.”

Mataman ko rin syang tinitigan. Noong una ko syang nakita high school pa lang ako nagkacrush na kaagad ako sa kanya kahit alam kong babading bading sya. Hindi ko naiisip noon na papatol sya sa akin dahil bading sya. Maraming lalaki ang nakapaligid sa kanya noon kahit na ba mas gwapo pa sya sa mga yun. Pero ngayon heto magkasama kami at magkakababy na. Kung sakaling hindi nya matanggap si baby at iwan ako hindi ko naman pagsisisihan ang lahat. Mahal ko sya. At bunga si baby ng pagmamahal ko sa kanya.

“Huy Macy, ano na!” Untag nya at pinitik ang daliri sa mukha ko.

Lumunok naman ako at hinawakan ang kamay nya. Ayawan man nya o hindi si baby may karapatan pa rin syang malaman. At anuman ang magiging reaksyon nya at desisyon ay dapat kong harapin at tanggapin.

Hinila ko sya upuan at pinaupo. Umupo din ako sa tabi nya habang hawak pa rin ang kanyang kamay. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin lang din sya sa akin.

“M-May sasabihin sana ako sayo eh.” Halos pabulong na sabi ko.

Bumuntong hininga sya. “Ano nga yon? Kanina pa ako nagtatanong.” Tila naiinip na sabi nya.

Kinagat ko ang ibabang labi at bumuntong hininga. Nanginginig ang kamay na dinukot ko ang pt sa bulsa.  Binuka ko ang kamay nya at nilagay ang pt. Noong una ay nangunot ang noo nya habang tinitingnan ang pt. Pero ng tila mapagtanto kung ano ang hawak ay nanlaki ang mga mata nya at napapawang ang labi. Abot abot naman ang kaba sa dibdib ko.

“B-Buntis ka?” Di makapaniwalang tanong nya.

Mabagal akong tumango. “S-Sorry Benj, hindi ko naman alam. Hindi ko sinasadya. N-Nakalimot yata akong uminom, h-hindi ko matandaan. T-Tapos.. h-hindi pa ako nagkakaroon hanggang ngayon. Y-Yun pala.. b-buntis na ako. I-I’m sorry Benj..” Mangiyak ngiyak na sabi ko.

Tinuptop nya ang bibig habang nanlalaki pa rin ang mga matang palipat lipat ang tingin sa akin at sa pt. Kagat kagat ko naman ang labi habang pisil pisil ang mga daliri.

“Oh my gosh.. m-magiging mommy – este daddy na ako?” Manghang tanong nya.

Tumango ako.

“Totoo? Hindi to eme eme? Buntis ka talaga?”

Mabagal na tumango tango ulit ako habang pinag aaralan ang hitsura nya. Pero napasinghap ako ng bigla nya akong kabigin at niyakap ng mahigpit.

“Omg kang bruha ka.. sinurpresa mo ko..” Anas nya sa medyo pumipiyok pang boses.

Napalunok ako at yumakap din sa kanya. “G-Galit ka ba?” Nananantyang tanong ko.

Bumitaw sya ng yakap at hinarap ako. “At bakit naman ako magagalit?”

“K-Kasi.. buntis ako.” Kinakabahang sabi ko.

Mahina syang tumawa at pabirong hinila ng mahina ang buhok ko. Medyo namumula din ang mata nya at may luha pa sa gilid. “Gaga, hindi ako galit. At bakit naman ako magagalit? Baby natin yan. A-Anak natin.” Naluluha ng sabi nya.

Kumagat labi ako at tuluyan ng napahikbi. Gumuhit naman ang pag aalala sa mukha nya.

“O bakit ka umiiyak? May masakit ba?”

Umiling iling ako. “Akala ko kasi magagalit ka. Akala ko hindi mo matatanggap ang pinagbubuntis ko. N-Natatakot ako na baka iwan mo ko.” Pumipiyok na sabi ko.

“Gaga ka talaga. Hindi naman ako kagaya ng ibang lalaki dyan no kahit hindi ako masyadong tuwid. At saka hindi naman malabo na may mabuo dahil palaging may nangyayari sa atin.” Aniya at hinawakan ang pisngi ko. Pinalis ng daliri nya ang luhang lumandas.

Humawak ako sa mga braso nya. “Thank you Benj.”

“Mag half day ka bukas magpapacheck up tayo.” Suhestiyon nya at mukha pa syang excited. Pati tuloy ako parang excited na rin. Pero may mga bagay pa akong dapat alalahanin.

“P-Pero Benj, paano ang pagtuturo ko? Baka kapag nalaman ng principal – “ Naputol ang sasabihin ko ng ilagay nya ang daliri sa bibig ko.

“Wag ka ng masyadong mag isip. Dahil buntis ka na syempre hindi naman pwedeng ganun ganun lang. Magpapakasal tayo sa lalong madaling panahon kahit sa huwes muna para walang masabi ang mga kumakawag na dila ng mga marites.” Sabi nya.

Napaawang naman ang labi ko. “M-Magpapakasal tayo?”

“Naman! Ano pa ba dapat? Magkakababy na tayo.”

“Sigurado ka gusto mong magpakasal tayo?” Gusto ko lang makasiguro na gusto nga nyang magpakasal. Baka kasi nabibigla lang sya dahil buntis ako. Ayoko namang may pagsisihan sya.

“Hindi, inieme lang kita.”

Ngumiwi ako.

“Syempre gusto ko, nasa tamang edad na rin naman ako. At saka ayoko rin namang lumabas si baby natin na hindi tayo kasal.”

Napakagat labi ako. Hindi ako makapaniwalang ganito lang nya kadaling matatanggap ang pinagbubuntis ko at ngayon ay nagaalok pa ng kasal. Akala ko magiging luhaan ako ngayong gabi.

Yumakap ako sa kanya ng mahigpit at naluha. “Thank you Benj. Thank you so much..”

Yumakap din sya sa akin at hinaplos haplos ang likod ko. Naramdaman kong hinahalik halikan din nya ang buhok ko.

“Nah, ako dapat ang magpasalamat sayo. Binuo mo ako Macy.”

Napangiti ako sa sinabi nya. Kahit hindi nya sabihing ang salitang mahal nya ako ay parang katumbas na rin niyon ng sinabi nya.


At nauna ngang makabuo si acling 🫣 Siguradong may maiinggit next chapter 😆

Chapter 39

Aitana

HINDI KO maitago ang tuwa sa magandang balita ni Benj at ni Macy. Magkakababy na sila. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Pati si Tiyang Meding ay hindi rin makapaniwala. Akala ko nga nagpaprank lang ang dalawa. Pero galing na raw sila kanina sa ob kaya pala half day si Macy at positive na buntis nga sya.

Tinawagan din namin si Tiyong Toto na nasa abroad para ibalita. Nakilala nya si Macy at hindi makapaniwala na girlfriend ito ni Benj. At mas lalong hindi sya makapaniwala na magkakaapo na sya. Naiiyak pa nga sya at lalaki na raw si Benj.  At nangako sya na uuwi na at magreretiro na rin. Pati nga ako naiiyak dahil namimiss ko na rin sya na parang pangalawang tatay ko na rin. Pinakilala ko pa nga sa kanya si Lorenzo at botong boto din sya dito at kuntodo puri pa na gwapong gwapo daw na parang sya. Natawa na lang kaming lahat.

“Akala ko talaga biru-biruan lang ang relasyon nyo eh. Aba’y totoo pala.” Ani Tiyang Meding.

Dito na kami sa sala nagtipon tipon pagkatapos kumain ng hapunan. Sa two seater na sofa sa may bintana ay kami ni Lorenzo ang magkatabing nakaupo. Sa harap naman namin si Benj at si Macy. Si Tiyang Meding naman ang nasa single sofa.

“Eh di ngayon naniniwala ka na tiyang. Ikakasal na rin kami.” Sabi ni Benj na hawak ang kamay ni Macy.

Masayang masaya ako para sa kanya. At kita naman na masaya din sya at excited pa. Alam kong magiging mabuti syang asawa kay Macy at magiging mabuting ina – este ama sa magiging baby nila.

“Teka, alam na ba ng nanay mo baks?” Tanong ko kay Macy.

Nagtinginan naman si Benj at Macy at tipid na ngumiti. “Hindi pa baks, sasabihin pa lang namin.” Sabi ni Macy.

Tumango ako. Pero nakikita ko ang pagkabahala sa mukha ni Macy. Alam kong kinakabahan at natatakot sya kung paano sasabihin sa nanay nya. Pero alam ko namang hindi sya pababayaan ni Benj.

Humilig ako sa balikat ni Lorenzo at yumakap sa braso nya habang pinagmamasdan si Benj at si Macy na nagkukulitan. Medyo nagtatalo pa nga sila kung anong gender ng baby ang gusto nila. Si Macy gusto nya ay lalaki. Si Benj naman ay babae ang gusto. Parang bigla tuloy akong nainggit. Naramdaman ko namang humalik si Lorenzo sa tuktok ng ulo ko. Tumingala ako sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin..

“Ang galing no, magkakaanak na si Benj at si Macy. Ang bilis.” Sabi ko kay Lorenzo. Nasa labas kami ng bahay dahil uuwi na sya. Medyo lumalalim na ang gabi at may pasok pa kami parehas bukas.

“Oo nga eh. Langya, naunahan pa ako.” Aniya at ngumisi.

Nag init naman ang mukha ko. “Bakit? Gusto mo na rin bang magkababy?” Tanong ko.

Tumingin sya sa akin ng diretso. “Yes.”

Kumagat labi ako. Mas lalong nag init ang mukha ko. Kitang kita ko sa mga mata nya na seryoso sya.

“But I don’t want to pressure you.. Handa akong maghintay sweetheart.” Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako padikit sa kanya sabay akbay sa akin. Hinalikan nya ang sentido ko. “Ako na ang pinaka masayang lalaki sa buong mundo kapag nabuntis ka.” Anas nya.

Yumakap naman ako sa kanya at sinandig ang pisngi sa dibdib nya. Dinig ko ang malakas na kalabog ng puso nya. Damang dama ko ang kagustuhan nyang magkaanak na. Kayang kaya ko namang ibigay yun kung titigilan ko na ang paginom ng after pill pagkatapos naming magsiping. Pero ang tanong kaya ko na bang magkaanak?

Ipinatong ko ang baba sa dibdib nya at tumingala sa kanya. Nakatunghay din sya sa akin at hinaplos ang buhok ko. Kung magkakaroon man ako ng anak syempre gusto ko sa kanya lang. Darating din kami dyan.

samantala

..

SA HINDI kalayuan ay may isang pares ng mata ang matalim ang tingin sa magkasintahan. Punong puno ng poot ang dibdib nya. Nagngingitngit sya na makitang masaya ang dalawa at halos ipagsigawan pa sa buong madla ang pag iibigan nila. Habang sya ay nagtatago, nilalamok at wanted sa batas.

May araw din kayong dalawa sa akin. Hindi ako papayag na maging masaya kayo habang ako ay parang nasa

impyerno

.

Macy

MALAKAS ANG pintig ng puso ko sa kaba habang kaharap namin si nanay na mataray ang mukha. Pagkalabas ko kanina sa school ay sinundo ako ni Benj at dito kami dumiretso sa bahay ni nanay. Nandito na rin ang mga kapatid ko na pinasalubungan ni Benj. Nandito din si Tiyong Elias na mukhang hindi na naman namasada at bagong gising pa. Ngingisi ngisi pa nga ng batiin kami ni Benj kanina.

“At talagang nagpabuntis ka pa dito sa baklang to.” Nanunuyang sabi ni nanay at tinuro pa si Benj na umikot lang ang mata.

Hindi ko gusto kung paano nya pakitunguhan si Benj. Humawak ako sa braso ni Benj.

“Nay – “

“Kunsabay mapera naman tong baklang jowa mo so keri na.” Dagdag pa ni nanay.

“Aling Yolly, wag ho kayong mag alala. Hindi ko ho pababayaan si Macy. Kayang kaya ko ho silang buhayin ng anak ko. At kahit babakla bakla ako kaya kong magbanat ng buto hindi kagaya ng ibang lalaking batugan na patulog tulog lang.” Ani Benj na may plastic na ngiti sa labi.

Napakagat labi naman ako at bahagyang hinila ang braso nya. Alam ko namang nagpaparinig sya kay Tiyong Elias. Heto nga at natigilan si Tiyong Elias at salubong ang kilay na tumingin kay Benj.

“Pinaparinggan mo ba ako bakla?” Sita ni Tiyong Elias na tumayo pa sa upuan at niliyad pa and dibdib.

Tumayo naman si Benj at niliyad din ang katawan. “Bakit ho? Tinatamaan kayo?” Aniya sa malaking boses.

Natameme naman si Tiyong Elias at tiningnan mula ulo hanggang paa si Benj. Mukhang noon lang nya napagtanto na mas malaki di hamak si Benj sa kanya. Kayang kaya syang ibalibag palabas ng bahay.

“H-Hindi naman, saka bakit ako tatamaan? Hindi naman ako batugan. Hindi lang ako nakapamasada ngayon dahil sira ang makina ng jeep.” Paliwanag ni Tiyong Elias at bumalik na sa pagkakaupo at tinuloy na lang ang panonood ng sabong sa cellphone.

“Sabi nyo ho eh.” Bumalik na rin si Benj sa pagkakaupo sa tabi ko. Humawak naman ako sa braso nya. Kinakabahan ako sa kanya eh. Ni hindi man lang natakot kay Tiyong Elias. Kunsabagay kay nanay nga hindi sya takot eh.

Bumuntong hininga naman si nanay. “Bueno, wala naman akong magagawa kung gusto nyo ng magpakasal. Hayan na, buntis ka na eh. At least may tatay. Pero paano naman kami ng mga kapatid mo? Alam mo naman na ikaw lang ang maasahan ko dahil itong tiyong mo hindi naman ganun kalaki ang kinikita sa pamamasada, sirain pa ang jeep.” Namomroblemang sabi ni nanay.

Nagkatinginan naman kami ni Benj. Tinanguan naman nya ako na parang sinasabing nasa akin ang desisyon.

“Nay, kahit naman po mag aasawa na ako hindi pa rin naman ako makakalimot sa pagtulong sa inyo. Tuloy pa rin naman po ang pagtuturo ko.” Pag a-assure ko kay nanay. Alam ko namang ako lang ang maaasahan nya lalo pa at nagaaral pa ang mga kapatid ko. Kahit na ba hindi naging maganda ang samahan namin ni nanay ay hindi ko pa rin sya magagawang pabayaan.

Tumango naman si nanay at sumulyap kay Benj. “Eh paano naman rito sa boyfriend mo? Baka hindi ok sa kanya?” Nakataas ang kilay na tanong ni nanay. Napapansin ko medyo ilag sya kay Benj.

“Wala naman hong problema sa akin Aling Yolly, hindi ko naman ho pagbabawalan si Macy na tulungan kayo. Nanay pa rin naman nya kayo basta ho wag nyo lang sya masyadong istresin.” Ani Benj at tumingin pa sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. Ang swerte ko talaga sa kanya.

Tumingin ako kay nanay at nakita kong umirap pa sya kay Benj. Si Benj naman ay plastic lang na ngumiti kay nanay. Ako naman ay napakamot na lang sa ulo.

“O sya, wala naman akong kontra dyan sa pag aasawa nyo. Mainam na rin yang ikaw ang mapapangasawa ng anak ko na kahit bakla ay mapera naman kesa mapunta pa sya sa ibang lalaking batugan din. Sa kusina muna ako at maghahanda ng iluluto dito na kayo kumain.” Sabi ni nanay at tumayo. Pumasok na sya sa kusina para magluto.

Napangiti naman ako habang sinisilip si nanay sa kusina. Gumaan ang pakiramdam ko dahil hindi sya tumutol sa amin ni Benj.  Akala ko mahihirapan kaming kausapin sya.

“Ayos ka lang babe? Baka naiinitan ka.” Untag sa akin ni Benj at pinaikot ang electric fan na nakatapat lang kay Tiyong Elias.

Nag angat nga ng mukha si Tiyong Elias at salubong ang kilay na tumingin sa electric fan at kay Benj. Kinabahan naman ako. Pero si Benj ay tinaasan lang ng kilay si Tiyong Elias. Sumimangot na lang tuloy ito at tinuon na lang ulit ang pansin sa cellphone. Lumapit naman sa amin ang tatlo kong kapatid na maliliit pa pero mga nag aaral na. Nakikipag kulitan din sila kay Benj. Sumilip ako sa kusina. Naririnig ko na ang ang tunog ng sandok at kaserola. Nagpaalam naman ako kay Benj na pupunta ng kusina.

“Nay.” Untag ko kay nanay na abala sa paghihiwa ng patatas at repolyo. Mukhang nilaga yata ang lulutuin nya.

“O, bakit nandito ka? Mainit dito.” Sabi nya sa akin sa malamig na boses at sinulyapan ako. Sanay na ako sa malamig na pakitungo nya sa akin. Hinila ko ang upuan sa lamesa at umupo.

“Gusto ko lang naman pong magpasalamat na.. tanggap nyo na ang relasyon namin ni Benj.” Sabi ko.

Natigilan sya sa paghihiwa saglit at bumuntong hininga. “Ano pa bang magagawa ko eh buntis ka na. At saka ayoko namang magaya ka sa iba dyan na binuntis lang at hindi pinanagutan. At least yang boyfriend mo may bayag.”

Napangiti ako sa sinabi nya. “Maswerte po ako kay Benj nay, kasi inaalagaan nya ako at pinanindigan. Mahal ko po sya nay.”

“Eh sya ba? Mahal ka nya?” Nakataas ang kilay na tanong ni nanay.

Nakangiting tumango ako. “Oo naman nay.” Kahit hindi sabihin ni Benj ang katagang mahal nya ako ay ramdam na ramdam ko naman.

Nagkibit balikat naman si nanay. “Kunsabagay, hindi ka naman nya pakakasalan at ipaglalaban kung hindi ka nya mahal.”

Tumayo ako at lumapit sa kanya. “Wag po kayong mawawala sa kasal ko nay. Kayo na lang po ang inaasahan ko.” Sabi ko.

Umiwas sya ng tingin sa akin at tumalikod papuntang lababo. “Oo pupunta ako.” Sabi nya.

Sinundan ko sya at yumakap sa likod nya. Naramdaman kong natigilan sya. “Wag po kayong mag alala. Tutuparin ko ang sinabi ko kanina. Kahit may asawa na ako ay tutulungan ko pa rin kayo.”

Bumuntong hininga sya at tinapik tapik ng marahan ang braso ko. “Salamat anak, kahit hindi maganda ang relasyon natin mabait ka pa rin sa amin ng mga kapatid mo.” Sabi nya na medyo pumiyok pa.

“Syempre naman po nanay ko kayo at mahal ko kayo.”

Humarap sya sa akin. Nakita kong namumula na ang mga mata nya at nangingilid ang luha. Hinawakan nya ang mukha ko.

“Patawarin mo si nanay kung hindi naging mabuti sayo, patawarin mo ako anak dahil marami akong pagkukulang sayo. Basta masaya na ako na makitang may lalaking mag aalaga at magmamahal na sayo.” Madamdaming hayag nya at niyakap ako ng mahigpit. Naluluhang niyakap ko rin sya. Parang lahat ng hinanakit at tampo ko sa kanya ng maraming taon ay naglaho lang na parang bula.

Paglabas ko ng kusina ay naabutan kong sinusuklayan at iniipitan ng buhok ni Benj ang bunso kong kapatid na babae. Napangiti ako. Parang nakikita ko na ang magiging bonding nila ng anak ko kung sakaling babae ang lalabas. Pero sabi nya okay lang daw kahit lalaki ang panganay namin. Tuturuan na lang daw nyang mag make up. Gaga talaga.

“O ayan, pretty ka na. Dapat lagi kang nagsusuklay ng buhok.” Sabi ni Benj sa kapatid ko.

Tumakbo naman ang kapatid ko sa salamin para tingnan ang sarili. Mukhang natuwa sya sa hitsura nya. Tumakbo ulit sya pabalik kay Benj.

“Thank you po kuya.” Nakangiting sabi nya.

“You’re welcome.” Pinisil pisil ni Benj ang pisngi ng kapatid ko. Tumakbo naman palabas ng bahay ang kapatid ko. Malamang ay maglalaro. Nakita ko pa si Tiyong Elias sa labas ng bahay at himas himas ang manok nya.

Tumabi naman ako ng upo kay Benj. Tumingin naman sya sa akin. Nangunot ang noo nya ng may mapansin sa mukha ko. Siguro nahalata nyang galing sa iyak ang mata ko.

“O bakit?” Nag aalalang tanong nya.

Ngumiti ako at umiling. Hinawakan ko ang kamay nya ay sumandig sa braso nya.

“I love you..” Anas ko sa kanya.

Saglit syang natigilan at tumingin lang sa akin. Pero maya maya ay ngumiti rin.

“I love you more Macy.” Anas din nya at hinalikan ako sa noo.

Aitana

TAKANG TAKA ako ng makita si Lorenzo paglabas ko ng school. Nakasuot pa sya pang ibaba nyang uniporme pero t-shirt na puti na lang ang pang taas. Mamaya pa ang tapos ng duty nya.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko pagkatapos nya akong halikan sa pisngi.

“Sinusundo ka.” Sabi nya.

Napataas ang kilay ko. “Pero nakaduty ka pa di ba?”

Tumango sya. “Ihahatid lang kita sa bahay nyo tapos babalik na ako sa istasyon.” Sabi nya at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan. Inalalayan nya akong sumakay.

Sa gitna ng byahe ay napansin ko naman ang isang sasakyan at isang motor na kasunod namin. Tila masyado silang nakadikit sa amin. Napapansin ko ring panay ang sulyap sa kanila ni Lorenzo.

“Sinusundan ba nila tayo?” Untag ko sa kanya.

Ngumiti at tumango naman sya. “Mga kasamahan ko sila sweetheart.” Sabi nya.

“Ah, baka may gagawin kayo tapos dinaanan mo pa ako. Nakakahiya, baka pagalitan ka.”

Tumawa sya. “Masyado kang nag aalala sweetheart.” Sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

“Syempre ayokong pagalitan ka ng chief nyo dahil sa akin.” Nilarolaro ko ang mga daliri nya.

“Ang sweet naman ng sweetheart ko.” Nakangising sabi nya at dinala ang kamay ko sa kanyang labi.

Nagiinit naman ang pisnging ngumuso ako. Yumakap na lang ako sa braso nya at humilig. Masarap kasing maglambing sa kanya eh. Binibeybi nya ako.

Pagdating namin sa bahay ay nagtagal lang sya saglit at binilinan pa ako na kung lalabas ako ay magtext daw ako sa kanya na syang ikinakunot ng noo ko. Pero umoo na lang ako. Pagkatapos naman ng duty nya ay dito rin sya didiretso. Napansin ko namang kinausap pa nya ang ilang mga kasamahan nya at patingin tingin pa sa akin. Nakucurious tuloy ako pero ayoko namang mag usisa dahil baka naguusap sila tungkol sa trabaho nila.

Lumapit ulit sya sa akin. “Babalik na ako sa istasyon sweetheart. Balik na lang ako mamaya.” Paalam nya at mabilis akong kinintalan ng halik sa labi.

“Ingat ka.” Sabi ko at kumaway sa kanya. Ngumisi naman sya at sumakay na sa sasakyan.

Hinintay ko munang tuluyang makalayo ang sasakyan ni Lorenzo bago pumasok sa loob ng bahay. Pero napakunot ang noo ko ng makitang naiwan ang mga kasamahan nya at mga naninigarilyo pa. Tumingin pa sila sa akin at kumaway. Kinawayan ko din naman sila at pumasok na sa loob. Baka aalis din sila mayamaya pagkatapos magyosi.


Chapter 40

Aitana

“TEACHER AI! Teacher Ai!”

Nilingon ko ang boses ng mga batang tumatawag sa akin. Napangiti ako ng makita si Mang Hunyo kasama ang dalawang kapatid ni Pengpeng. Lumapit sila sa akin. Ginulo ko naman ang buhok ng dalawang bata na ngayon ay mga malulusog na at masisigla. Mga nakabihis sila ngayon at mukhang galing sa kung saan.

“Ano pong ginagawa nyo dito?” Tanong ko kay Mang Hunyo.

“Galing ho kami ng sementeryo ma’am. Dinalaw namin ang yumao kong asawa. Binilhin na rin ho namin ng pagkain si Pengpeng at dinaan na rito.” Sagot ni Mang Hunyo at pinakita pa sa akin ang plastic na may lamang styrofoam.

“Ah ganun po ba, sandali lang po at tatawagin ko si Pengpeg.” Tinawag ko ang estudyante kong busy sa pagsusulat sa manila paper. Agad naman itong lumapit at napangiti ng makita ang tatay at mga kapatid.

Napapangiti naman ako habang pinagmamasdan sila. Malayong malayo na ang kalagayan nila noon kesa ngayon. At may pagmamalaki sa puso ko na natulungan ko sila. Syempre salamat din kay Lorenzo na isa din sa tumulong. Iniwan ko muna sila saglit at pumasok na sa classroom para tingnan ang ibang ginagawa ng mga estudyante.

“IHH! EXCITED na talaga ako baks! Sa wakas magiging asawa ko na si Benj.” Kinikilig na sabi ni Macy habang naglilista ng iimbitahan nya sa nalalapit na kasal nila ni Benj.

Sa susunod na buwan na ang kasal nila. Sa huwes lang muna. Pero after daw manganak ni Macy ay pinaplano na rin ni Benj na magpakasal sila sa simbahan. Ang taray talaga ng pinsan ko. Pati tuloy ako naeexcite na rin sa kanila lalo na sa baby nila.

“Imbitahan mo si Miss Maascad baka sungitan ka nun.” Sabi ko.

“Ay syempre naman, di sya mawawala. Kaunaunahan nga sya sa listahan o.” Aniya at pinakita sa akin ang lista nya. Natawa kami parehas. Kauna unahan nga sa listahan ang principal. Syempre imbitado din ang lahat ng co teachers namin at ilang mga close friends noong college.

“May naisip na ba kayong pangalan ng baby nyo?” Tanong ko.

“Hmm, wala pa. Pero si Benj nag iisip na. Puro pangalan nga lang ng babae. Gusto nga nya talaga babae pero ok lang daw kung lalaki ang lumabas basta kasing ganda din daw nya.” Aniya at sabay muli kaming tumawa. Hindi na siguro maaalis sa pinsan ko ang pagiging pusong babae. Pero at least lalaki syang may paninindigan.

“Uy baks, sino ba yung mga lalaki dyan sa labas na mga nakatambay? Madalas ko silang nakikita dito lately.” Usisa ni Macy na sinisilip silip sa bintana ang limang lalaki di kalayuan sa bahay namin.

“Ah mga kasamahang pulis yan ni Lorenzo, nagbabantay daw dito sa lugar namin.” Sabi ko. Ang totoo nyan ay kami ang binabantayan ng mga yan. Doble ingat lang daw habang hindi pa nahuhuli ang magtiyuhin. Yun ang sabi ni Lorenzo ng magtanong ako. Sa gabi ay iba naman ang nagbabantay.

“Bakit? May kriminal bang nagpapagala gala dito sa inyo?”

Nagkibit balikat ako. “Sabi, pero di ako sure. Pero mainam na rin yun para ligtas ang mga taga dito.” Sabi ko na lang. Mainam na rin yung hindi ko na idetalye sa kanya dahil baka mag alala pa sya.

“Ay baks, pwedeng samahan mo ko sa bayan. May bibilhin lang ako sa bookstore tapos kain na rin tayo sa may siomayan.” Aya nya sa akin. Wala kasi si Benj dahil nasa kabilang parlor ito kaya dito muna tumambay sa bahay si Macy.

“O sige, miss ko na rin kumain ng siomai. Teka lang paalam lang ako kay Lorenzo.” Sabi ko at kinuna ang cellphone para itext ang nobyo.

Napataas naman ang kilay ni Macy. “Bakit may pagpaalam pa sa jowa?” Nanunuksong tanong nya.

“Eh yun ang bilin nya, magsasabi ako sa kanya kapag aalis ako.” Sabi ko habang nagtatype ng text.

“Parang hinihigpitan ka na ng jowa mo ah.” Aniya na may nanunuksong tingin.

“Ayaw kasi ako non mawala sa kanya.” Biro ko na lang sa kanya.

Pagkasend ko ng text ay mabilis namang nagreply si Lorenzo. Tinatanong kung saan sa bayan kami pupunta at ano ang gagawin. Sinabi ko naman. Alam kong pasusundan nya kami. At hindi nga ako nagkamali dahil pagalis namin ni Macy sakay ng motor ko ay nakasunod na sa amin ang kasamahan ni Lorenzo na nakamotor.

Lorenzo

NAPANGISI AKO ng makita ang pagsimangot ni Aitana. Hinawakan ko ang mukha nya at hinarap sa akin. Nanghahaba nga ang nguso nya. Kinintalan ko sya ng halik. Mauudlot kasi ang pagpunta nya sa bahay bukas dahil may importante akong gagawin. May malaki kasi kaming entrapment operation na gagawin bukas ng gabi at kailangang namin yun paghandaan.

“Promise sweetheart, kapag natapos na ang problemang to kahit sa bahay ka na tumira.” Natatawang sabi ko at niyakap sya ng mahigpit sabay pupog ng halik sa tuktok ng ulo nya. Yumakap din sya sa akin.

“Hindi naman yun ang ikinatatampo ko. Nag aalala ako sayo. May operation na naman kayong gagawin at alam kong tungkol yan sa magtiyuhin na hinahunting nyo. Pa’no kung mabaril ka na naman.” Tumingin sya sa akin at bakas nga sa kanyang mukha ang pag aalala.

Kinulong ko naman ang mukha nya sa mga kamay ko. “Mag iingat ako sweetheart don’t worry. At saka malaking bilang ng kapulisan ngayon ang kasama sa entrapment.”

Ngumuso sya. “Siguraduhin mong hindi ka masasaktan ah. Kung hindi hihiwalayan na talaga kita.” Banta nya sa akin.

Tumawa naman ako at mahigpit syang niyakap. “I promise, saka kapag natapos na ang problemang to tuloy na ang pagfile ko ng retirement.” Sabi ko. Buong buo na ang desisyon ko. Gusto kong paagahin at hindi na paabutin pa ng isang taon ang pagreretiro ko. Gusto ko ng ayain ng kasal si Aitana. Gusto ko ng bumuo ng pamilya kasama sya.

“Basta mag iingat ka lagi ah.” Aniya at mahigpit na yumakap sa akin.

Hinaplos haplos ko ang likod nya at hinahalikan ang tuktok nya. Baka sa lunes o martes na ang susunod naming pagkikita. Gusto ko nga sanang masarili sya sa bahay kahit saglit lang pero hindi pwede dahil nasa paligid ang mga kalaban at nag aabang. Ayokong madamay si Aitana. Ayokong gamitin nila si Aitana laban sa akin. Hindi ko hahayaang mangyari yun kaya nga lagi ko syang pinasusundan at pinababantayan para makasiguro.

“I love you sweetheart.. I love you so much..” Anas ko habang pinupupog sya ng halik sa mukha nya. Napapahagikgik naman sya.

“I love you too din po ng marami..” Aniya sabay kintal ng halik sa labi ko.

Ngumiti naman ako. “Pagkatapos ng operasyon, may sasabihin ako sayo.”

Tumaas ang kilay nya. “Ano yun?”

Pinisil ko ang ilong nya. “Pagkatapos nga ng operasyon ko sasabihin.” Natatawang sabi ko.

Ngumuso naman sya. “Sige na nga.”

Natatawa pa ring tinawid ko ang maliit na agwat ng mukha namin at hinalikan ko sya sa labi. Masuyo at punong puno ng lambing ang mainit na halik na aming pinagsaluhan.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago nagpaalam sa kanyang uuwi na. Gusto nyang ihatid ako sa labas pero hindi ko sya hinayaan. Mainam ng dito na sya sa loob ng bahay mas safe sya. Kinawayan na lang nya ako sa may bintana at tinanaw. Bago ako sumakay ng sasakyan ay kinausap ko muna ang mga kasamahan kong syang nagbabantay sa bahay.

“Kayo na ang bahala dito. Maging alerto kayo. Kapag may kahina hinala kayong nakikita tawagan nyo ako agad.”

“Yes sir, kami na hong bahala dito. Eh kayo ho? Ilang beses ng sinabi ni chief na dapat ay may kasama din kayo.” Sabi ni Anjo.

Tumango naman ako. “Mamaya ay pupunta rin sa bahay sila Nestor at Jano para magmanman.” Sabi ko sa kanila.

Sumaludo sila sa akin bago ako sumakay ng sasakyan. Binaba ko ang bintana ng sasakyan at tumingin kay Aitana na nasa bintana pa rin. Kumaway sya sa akin. Binigyan ko naman sya ng flying kiss bago pinaandar ang sasakyan.

Pagdating ko sa bahay ay inayos ko na ang mga gamit na kakailangin ko bukas. Nilabas ko rin ang dalawa kong baril para linisan dahil siguradong makikipagpalitan na naman ako ng bala bukas. At sana bukas ay matapos na itong pakikipaglaban namin sa mag tiyuhin. May lead na kami kung saan sila nagkukuta kaya kailangan talaga naming maghanda bago sumugod sa gyera.

Natigilan ako ng makarinig ng kahulan ng mga aso sa labas. Kakaiba ang mga tahol nila na tila. Nakarinig din ako ng sagitsit ng mga gulong kasunod niyon ay sunod sunod na putok ng baril.

“Shit!” Mabilis akong dumapa hawak hawak ang baril na nililinisan. Nagsumiksik ako sa sofa. Nagtalsikan ang mga basag na salamin ng bintana sa tama ng bala. Pati ang ilaw sa maliit na chandelier ay tinamaan din at nabasag. Kumalat ang kadiliman sa loob ng kabahayan.

Ng humupa ang putukan ay mabilis akong bumangon at dinampot ang magazine loader na punong puno ng bala at sinuksok ito sa puluhan ng baril sabay kasa. Tumayo ako sa gilid ng bintanang basag basag na at sumilip. Napamura ako ng makita ang dalawang van na nakaparada sa harap ng bahay ko at nagbabaan ang ilang mga kalalakihan na may mga dalang mahahabang baril. Di ko mabilang kung ilan silang lahat pero nasisiguro kong marami ang bilang nila. Nakita ko ang cellphone ko sa lapag mabilis ko itong dinampot. Basag na ang screen nito pero buhay pa. Agad kong dinial ang numero ng istasyon. Nagring ito pero bago pa may sumagot ay muling nagpaulan na naman ng bala ang mga lalaki sa labas.

“Damn it!” Sumilip ako sa may bintana at nagpaputok din sa mga lalaking umaakyat na ng gate. Tinamaan sa hita ang isa at nalaglag sya sa semento.

[“Hello?”]

Narinig kong may sumagot sa kabilang linya pero di ako makasagot dahil sa sunod sunod na nakakabinging putok ng baril. Mukhang hindi nila ako hahayaang mabuhay. Alam kong mga tauhan sila ni Don Conrado at Congressman Raymond Echevari.

[“Hello. Sino to?”]

“Hello, si SPO1 Villegas to. I need back up. Now. Pinapalibutan nila ang bahay ko at pinapaulanan ako ng bala.” Sabi ko sa kabilang linya habang pasilip silip sa bintana. Pinapaputukan ko ang magtatangkang pumasok sa gate. Pero alam kong makakapasok at makakapasok pa rin sila.

[“Sir Enzo, kayo pala yan. Sige, sige, magpapadeploy na ako ng mga tao dyan ngayon din.”]

“Sige, pakibilisan lang.” Pinatay ko na ang cellphone at sinuksok sa bulsa. Wala pa sila Nestor at Jano. Mabuti na rin yun dahil siguradong hindi rin sila bubuhayin ng mga ito. 

“Pasukin nyo na!” Sabi ng isang lalaki sa labas.

“Pero may kargada rin sya Monti.”

“Tsk! Malamang pulis yan eh. Pero hindi yan makakaporma sa dami natin. Bilisan nyo na pasukin nyo na!”

Shit!

Nagpalinga linga ako. Kung tatakbo ako sa kusina ay siguradong may tao na sa likod. Naririnig ko na nga na binabalya na ang pinto sa may kusina. Tumingin ako sa may ikalawang palapag at tumakbo sa hagdan. Pero nakakalahati pa lang ako sa hagdan ay bumaba ulit ako dahil may dalawang tao na sa ikalawang palapag at pababa na. Pinaputukan ko sila. Tinamaan sa dibdib ang isa. Pero ang isa ay nakapagtago pa. Malutong akong napamura ng maubusan na ako ng bala. Sakto namang dumungaw ang mukha ng lalaking nagtago. Binato ko dito ang baril kong wala ng bala. Tinamaan ito sa mukha. Nilapitan ko naman ang lalaking tinamaan ko sa dibdib. Inagaw ko ang baril nya at pinaputukan ang lalaking himas himas ang noong tinamaan ng hinagis kong baril. Inagaw ko rin ang baril nya. Nakarinig ako ng malakas na kalabog.

“Villegas!”

Natigilan ako at dahan dahang lumingon sa likuran. Nakapasok na ang limang kalalakihan sa bahay ko at may mga hawak na armalite. Humakbang paabante ang isang lalaking may kahabaan ang buhok at may malaking pangangatawan. Hindi ko man nababanaag ng malinaw ang mukha nya ay alam kong ang kanang kamay to ng magtiyuhin na kilala sa tawag na Monti. Naaaninag ko ang ngisi sa labi nya.

“Wag ka ng manlaban Villegas at hindi mo kami kakayanin. Marami ang bilang namin. Mamamatay ka ng maaga.” Sabi ni Monti na humithit pa ng sigarilyo at binuga ang usok pataas.

Isa isa ko silang tiningnan. May kulang kulang sampo sila dito sa loob ng bahay. Ang tatlong lalaki na galing sa kusina at mga nakatutok sa akin ang baril. May naririnig pa akong mga yabag galing sa ikalawang palapag. At nasisiguro kong may mga kasamahan pa silang nakaantabay sa labas. Lihim akong napamura. Alam kong kapag nanlaban ako ay hindi talaga nila ako bubuhayin.

Tinaas ko ang dalawa kong kamay na may hawak na tig isang baril at humarap sa kanila sabay ngisi. Lumapit naman ang dalawang lalaki na galing sa kusina at hinablot ang dalawang baril na hawak ko.

“Ano bang kailangan nyo? At talagang isang batalyon pa kayong sumugod dito para resbakan ako.” Panunuya ko sa kanila.

“Ganun talaga espesyal ka eh.” Nanunuyang sabi din ni Monti sabay tawa na sinegundahan din ng tawa ng mga kasamahan nya.

Napatiim bagang naman ako habang nakikiramdam. 10 minutes ang layo ng istasyon dito sa bahay ko. Pero wala pang sampung minuto mula ng tumawag ako sa kanila. Parang nagbibiro namang tumunog pa ang cellphone ko. Pero hindi ko naman ito madukot sa bulsa dahil maraming baril ang nakatutok sa akin. Sinenyasan naman ni Monti ang isang kasama. Lumapit ito sa akin at dinukot ang cellphone sa bulsa ko. Bumalik ang lalaki kay Monti at binigay ang cellphone ko. Pinindot naman ito ng huli at niloud speaker pa.

[“Hello Enzo, malapit na kami ng tropa pare. Ok ka lang ba dyan?”]

Dinig ko ang boses ni Elmer sa kabilamg linya.

[“Hello pare. Hello.”]

Akmang magsasalita ako pero pinatay na ni Monti ang cellphone ko.

“Tsk! Tsk! Tumawag ka pala ng resbak. Kaso lang huli na sila. Hay, mga pulis nga naman laging huli sa eksena. Sayang ang pinapasahod sa inyo ng gobyerno.” Ani Monti sabay tawa ng malakas. Tumawa din ang mga kasamahan nya.

Napalunok naman ako habang tagaktak na ang pawis ko sa mukha. Hindi na bago sa akin ang makaharap ng ganito ang mga kalaban. Ilang bala na ang sinalo ng katawan ko. Hindi ako nakaramdam ng takot. Sa isip ko noon ay atleast mamamatay akong mataas ang dangal. Pero ngayon.. may takot na akong nararamdaman. Natatakot akong hindi ko na makikita si Aitana. Kung kanina pala ang huling pagkikita namin sana pala ay hindi muna ako umalis sa tabi nya. Pero hindi, kung hindi rin ako umalis agad ay madadamay sya dahil mukhang ako talaga ang pakay nila.

Napansin kong tumingin si Monti sa may bandang likuran ko at may sinenyas. Kasunod niyon ay ang malakas na pwersang pumukpok sa batok ko. Napaluhod ako sa sahig kasabay ng pagdidilim ng aking paningin.

“Kunin nyo yan at isakay sa van bago pa dumating ang mga kasamahan nya.”

Yun na ang huli kong narinig bago ako tuluyang nilamon ng dilim..


Chapter 41

Aitana 

NANLAMIG ANG buong katawan ko sa nakita kong post sa social media. Nakaplaster ang mukha ni Lorenzo at ang mga pictures ng bahay nyang parang binagyo. Basag basag ang salamin ng bintana at mga nagkalat ang mga gamit sa loob ng bahay. Nakita ko pa nga sa picture ang bag ni laging ginagamit ni Lorenzo. At ayon sa caption ay pinaulanan ng bala ang bahay nya kagabi at nilooban ng may higit sampung kalalakihan. Kumalabog ng husto ang dibdib ko ng mabasa ang sumunod. Hindi na raw nakita si Lorenzo at tinangay ng mga lalaking nanloob.

Dali dali akong tumayo sa sofa at sumilip sa bintana. Wala ang mga kasamahan ni Lorenzo na nagbabantay sa labas. Kinuha ko ang susi ng motor. Nagmamadaling lumabas ako ng bahay.

“O Aitana, saan ka pupunta at nagmamadali ka? Aba’y namumutla ka pa.” Ani Tiyang Meding na naggugupit ng tuyong dahon ng mga halaman nya.

“Pupunta ako sa istasyon tiyang.” Sabi ko na hindi na magkandatuto sa pagsuot ng helmet.

“Aba’y baket?”

“S-Si Lorenzo tiyang, n-nawawala.” Naiiyak ng sabi ko at natataranta.

“Ano? Anong nawawala?” Kunot noong tanong nya.

Lumunok ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. “M-May dumukot po sa kanya kagabi tiyang sa bahay nya. Pinaulanan rin daw ng bala ang bahay nya.”

“Susmaryosep! Totoo ba yan?”

“Opo tiyang, nakapost po sa social media. Pupunta po ako sa istasyon para makibalita.” Agad na akong sumakay sa motor ko at pinaandar na.

“Mag iingat ka Aitana. Balitaan mo rin ako.” Ani Tiyang Meding. “

Pinaharurot ko na ang motor ko. Kasing bilis ng takbo ng motor ko ang tibok ng puso ko. Kaya pala walang text si Lorenzo pag gising ko. Lagi kasi syang nagtitext tuwing umaga at naggu-good morning sa akin. Yun pala.. yun pala may nangyari na sa kanya. Nanlalabo ang mata ko dahil sa namumuong luha.

Pagkapark ko ng motor sa harap ng istasyon ay halos tumakbo ako papasok sa loob. Saktong palabas naman ang ilang grupo ng mga pulis. Nakilala ko ang ilang mga kaibigan ni Lorenzo lalo na si Elmer na nakita ako. 

“Ma’am Aitana.” Bati nya sa akin.

“Elmer, a-ano ng balita kay Lorenzo? Nakita ko yung post sa social media.” Tanong ko agad sa kanya.

Tumingin sya sa mga kasamahan nya at bumuntong hininga. “Wala pa ring balita sa kanya sa ngayon ma’am Aitana. Magsasagawa kami ng imbestigasyon sa bahay nya at maghahanap ng lead kung saan sya pwedeng dalhin ng mga lalaking yun na kumuha sa kanya.”

Nanlumo ako sa sinabi nya at bahagyang nainis. “Ano? Magsasagawa pa lang kayo ng imbestigasyon? Kagabi pa nangyari ang pagdukot sa kanya tapos ngayon pa lang kayo gagawa ng imbestigasyon. Bakit hindi nyo agad sya sinaklolohan kagabi?” Naiiyak ng sabi ko. Halo halo na ang nararamdaman ko. Inis, kaba at takot sa posibleng kinahinatnan ngayon ni Lorenzo.

“Rumesponde naman kami kagabi, kaso nga lang.. nahuli na kami. Wala na kaming naabutan sa bahay nya. Nakita na lang namin sa cctv na tinangay sya ng may sampung lalaki.”

“Eh kasi ang bagal nyo!” Di ko na napigilang sigawan sila na kanilang ikinasinghap. Tuluyan na nga akong naiyak. Alalang alala na ako kay Lorenzo. Kung ano ano na ngang pangit na senaryo ang pumapasok sa isip ko.

“Ma’am – “

Tinaas ni Elmer ang isang kamay para patigilin sa pagsalita ang kasamahan nyang halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Hinarap ako ni Elmer at nakaguhit sa mata nya ang simpatya sa akin. Alam kong nagaalala din sya kay Lorenzo dahil malapit din nya itong kaibigan.

“Ma’am Aitana, ginagawa namin ang lahat at gagawin namin ang lahat para mahanap si Lorenzo. Lahat kami ay nag aalala sa kanya at lahat kami ay kumikilos para mahanap sya.” Ani Elmer na napatiim bagang pa.

“P-Please.. hanapin nyo sya agad. B-Baka kung ano na ang ginawa sa kanya ng mga lalaking yun. B-Baka.. baka..” Hindi ko na natuloy ang sasabihin at naiyak na lang.

Sa dami ng mga ganitong kasong napanood ko sa mga balita at nakita sa social media karaniwan ay hindi maganda kinahihinatnan ng biktima at ayaw nyang sapitin rin iyon ni Lorenzo. Hindi nya kakayanin at baka mabaliw sya.

Marahang tinapik ni Elmer ang balikat ko. “Mahahanap namin si Lorenzo. Pangako yan.”

“Oo nga ma’am, magtiwala ka lang at magdasal. Makakaligtas din si Sir Lorenzo. Matapang yun at hindi basta susuko. Babalik yun ng buhay para sa inyo.” Pagpapalakas loob sa akin ni Jefferson at inabutan pa ako ng panyo. Kinuha ko naman ito at pinunasan ang basa ko ng mukha dahil sa luha. Pero hindi pa rin nabawasan ang pagaalala at takot sa dibdib ko. Hangga’t hindi ko nakikita si Lorenzo ay hindi matatahimik ang kalooban ko.

Sabay sabay kaming lumingon sa dalawang mamahaling sasakyan na huminto sa harapan namin. Bumaba sa isang sasakyan ang ilang kalalakihan na mga nakauniporme ng asul na polo. Tinungo nila ang isang sasakyan at binuksan ang pinto. Napaawang ang labi ko ng makitang bumaba si Tito Arnaiz at Tita Mirasol. Malamang ay nabalitaan na nila ang nangyari kaya pumunta dito. Agad nila akong nakita at lumapit sa akin. Si Tita Mirasol ay halatang galing sa iyak.

“Aitana iha, ang anak ko.” Umiiyak na sabi ni Tita Mirasol at yumakap sa akin. Pati ako ay naiyak na naman at yumakap sa kanya. Kung masakit sa akin ang pagkawala ni Lorenzo ay lalo na kay Tita Mirasol na syang ina ni Lorenzo.

Lumapit sa amin si Tito Arnaiz at parehas kaming hinaplos sa likod ni Tita Mirasol. Bakas din sa mukha nya ang pagaalala. Halatang wala syang tulog siguro ay nag aabang ng balita kay Lorenzo.

May dumating pang isang sasakyan at huminto rin sa harap ng istasyon. Bumukas ang pinto sa driver seat at bumaba ang isang malaking lalaki. Ang isa sa mga kaibigan ni Lorenzo, si Jeiz. Lumapit sya sa amin.

“Tito, tita.” Bati nya kanila Tito Arnaiz at Tita Mirasol at nagmano. Binati din nya ako. Tinanguan ko lang sya.

“Jeiz iho, tulungan mo naman kami makita si Lorenzo.” Mangiyak ngiyak na sabi ni Tita Mirasol kay Jeiz at humawak sa braso nito.

“Yes tita, gagawin ko ang lahat para makatulong sa paghahanap kay Lorenzo. Tinawagan ko na ang lahat ng koneksyon ko. Tinawagan ko na rin sila Atlas tutulong din sila. Wag kayong mag alala, mahahanap din natin si Lorenzo.” Ani Jeiz kay Tita Mirasol at niyakap ito. Tumingin din sya sa akin at tinapik ako sa balikat.

“Mr. Villegas.”

Nilingon namin ang hepe na kalalabas lang ng istasyon. Kasunod nya ang dalawang pulis.

“Senior Superintendent Ernesto Dominador Mr. Villegas.” Pagpapakilala ng hepe kay Tito Arnaiz at nakipagkamay ganun din kay Tita Mirasol, kay Jeiz at sa akin.

“Nice to meet you chief, nakausap ko na si Provincial Director Beltran at dito nga nya ako pinapunta. Susunod na raw sya.”

“Tinawagan na rin ho nya ako para ipaalam na darating kayo. Pasok na ho muna kayo sa loob.” Aya ng hepe kanila Tito Arnaiz.

Tumingin naman sa akin si Tita Mirasol at kumapit sa braso ko. “Pwede bang samahan mo kami sa loob iha? Hindi ka naman iba sa amin. Nobya ka ng anak ko at may karapatan ka rin namang malaman ang susunod na hakbang para makita sya. At saka isa pa.. baka hindi ko kayanin sa loob habang nakikinig.” Pakiusap nya sa akin.

Tumingin naman ako kay Tito Arnaiz na tumango sa akin. Kimi naman akong ngumiti at bumaling sa ginang. Hinawakan ko ang kamay nyang nanginginig at sumunod na kami sa hepe na papasok sa loob ng istasyon. Nasa likuran naman namin si Tito Arnaiz at si Jeiz. Kahit hindi ako ayain ni Tita Mirasol ay magpipilit pa rin akong sumama sa loob para malaman ang paguusap nila tungkol kay Lorenzo. Nilingon ko ang grupo nila Elmer na ngayon ay sumakay na sa police truck. Pupunta yata sila sa bahay ni Lorenzo para magimbestiga.

“Alam mo bang dumaan kami sa bahay ni Lorenzo kanina? Pero hindi kami hinayaan ng mga pulis na makapasok.” Pagkukwento sa akin ni Tita Mirasol ng nasa conference room na kami. Inabutan kami ng isang police staff ng dalawang bote ng mineral water. 

“Hindi po talaga kayo papapasukin dahil under investigation ang lugar.” Sabi ko.

Humikbi si Tita Mirasol. “Noong nakita ko kanina ang bahay nya, basag basag ang salamin ng bintana. Pati sasakyan nya puro tama din ng bala. Yung pinakita sa aming mga pictures na kuha sa loob ng bahay nya na magulong magulo.. yung kuha sa cctv kung paanong halos kaladkarin sya ng mga lalaking yun papasok sa van. H-Hindi ko kayang isipin kung ano ang gagawin ng mga lalaking yun sa kanya. N-Natatakot ako.. A-Ayokong mawala ang anak ko.” Yumakap ng mahigpit sa akin si Tita Mirasol habang umiiyak. Hinaplos haplos ko naman ang likod nya. Pati ako ay lumuluha din. Damang dama ko ang sakit na nararamdaman ni Tita Mirasol. Ayokong isipin ang mga pangit na bagay na maaring gawin ng mga lalaking yun kay Lorenzo. Nakakabaliw.

Lumapit si Tito Arnaiz kay Tita Mirasol at inalo ito. “Honey, tahan na. Kagabi ka pa iyak ng iyak. Hindi magugustuha ng anak mo kapag nakita kang ganyan.”

Nag angat ng mukha si Tita Mirasol. “Hindi ako makakalma hangga’t walang balita sa anak natin Arnaiz. Hindi ako mapapakali.” Anang ginang at muling sumubsob sa balikat ko. Pinahid ko naman ng panyong pinahiram sa akin ni Jefferson ang luha sa pisngi ko.

Bumuntong hininga si Tito Arnaiz habang nakatingin kay Tita Mirasol. Bakas sa mukha nya ang pagalala hindi lang sa anak kundi pati na rin sa asawa. Pero wala naman syang magagawa sa nararamdaman ng isang ina na labis na nagaalala sa anak.

Bumukas ang pinto at pumasok ang hepe kasunod ang isa pang may edad na lalaki na mukhang mataas ang posisyon. Nakilala ko ito na isang Police Provincial Director ng lalawigan namin. Pumasok din ang tatlong pulis na may mga dalang folder at laptop.

“Arnaiz pare.” Bati ng lalaking may edad na bagong dating kay Tito Arnaiz. Nagkamay silang dalawa. Inabot din nito ang kamay kay Tita Mirasol na tinanggap naman ng huli. Mukhang dati na silang magkakakilala at magkaibigan. Nagsiupo na ang lahat habang ang mga police staff naman ay inaayos ang laptop at nilalatag sa mahabang mesa ang mga papel na laman ng folder.

“Pare, may lead na ba kung saan dinala ng magtiyuhin na yun ang anak ko?” Tanong ni Tito Arnaiz.

“Wala pang eksaktong lugar pare. Pero nagdeploy na ako ng pulis para puntahan ang lahat ng lugar na pagaari ng magtiyuhin. Tinimbrehan ko na rin ang lahat ng istasyon at nasasagawa na ngayon ng checkpoint. Nakipagusap na rin ako sa director sa kabilang bayan.” Sabi ng Provincial Director.

“Salamat pare, sana may maganda silang balita. Handa akong maglabas ng malaking halaga para makita ang anak ko.” Determinadong sabi ni Tito Arnaiz.

“Heto ang kuha mula sa cctv kagabi sa labas ng bahay ni Lorenzo.” Untag ng hepe at hinarap sa amin ang laptop. Natuon ang lahat ng mata namin roon.

Nanginginig ang kamay ko at mabilis ang tibok ng puso ko habang pinapanood ang kuha sa cctv sa sala at sa labas ng bahay ni Lorenzo. Sa isang kuha ay naglilinis ng baril si Lorenzo sa sala. Sa kabilang kuha naman ay sa labas ng bahay. Bumilang ang ilang segundo ay may humintong dalawang van sa tapat ng bahay at nagsibabaan ang ilang kalalakihan na mga nakaitim sabay tutok ng mga hawak na mahahabang baril. Sa kuha naman ni Lorenzo ay agad syang dumapa. Kitang kita sa kuha ng cctv ang mga basag na salaming bintana na nagsitalsikan. Tumayo pa si Lorenzo sa tabi ng bintana at nakipagpalitan ng putok. Hanggang sa nagsiakyatan na sa gate ng bahay ang mga armadong lalaki at nakapasok na sa loob ng bahay. Nakorner na sa loob ng bahay si Lorenzo. Maraming nakatutok sa kanyang baril. Ang isang lalaki sa likuran nya ay pinukpok ang batok nya na syang ikinahandusay nya sa sahig. Sumenyas ang isang armadong lalaki. Kinuha ng dalawang lalaki si Lorenzo na nakahandusay at pakaladkad syang nilabas ng bahay at sinakay sa van hanggang sa makaalis ang mga ito.

Malutong na nagmura si Tito Arnaiz at bakas sa mukha nya ang galit. Si Tita Mirasol naman ay lalong napahagulhol. Kinagat ko naman ang labi habang naglalandas ang luha ko sa pisngi. Ang sakit sa dibdib na masaksihan ang nangyari kay Lorenzo. Parang gusto kong pumasok sa laptop at makipag amok fin ng away sa mga lalaking iyon. Matapang at magaling na pulis si Lorenzo. Pero hindi nya kakayanin ang ganun karaming kalaban na mga armado pa. Clueless kami ngayon at nangangapa kung saan sya dinala at kung ano na ang nangyari sa kanya.

May pinindot ang hepe sa laptop. Rumehistro ang dalawang likod ng sasakyan. Zinoom ng hepe ang mga plaka ng sasakyan.

“Itinawag na namin ito sa LTO para matrace kung sino ang may ari ng dalawang sasakyan na yan. Pero nagpagalamang galing sa carnap ang mga sasakyan na yan at nakita kaninang madaling araw sa liblib na lugar ng San Martin. Abandonado na ito. Mukhang sinadya nilang iwan ang mga yan doon.” Anang hepe at may pinakita sa aming mga pictures na kuha nga ng dalawang sasakyan na tumangay kay Lorenzo.

“Pero nasisiguro kong hindi pa sila nakakalabas ng lalawigan tito.” Singit ni Jeiz. Natuon sa kanya ang tingin ng lahat.

“Yan din ang sa palagay namin kaya nagsagawa na ako ng agarang checkpoint.” Sabi ng Provincial Director.

“Tatawagan ko na rin ang mga kasamahan ko dati sa serbisyo. Nasa kabundukan sila ngayon ng San Martin at Santa Luisa. Baka sakaling may mapansin silang kakaibang kilos doon.”

Tinapik ni Tito Arnaiz sa balikat si Jeiz. “Salamat iho.”


Kapit lang guys. Malapit na tayo sa wakas 😆

Chapter 42

Aitana

LUMIPAS PA ang ilang araw ay wala pa ring balita kay Lorenzo. Para na akong mababaliw sa pagaalala at sa kaiiyak gabi gabi. Kahit hindi gabi ay bigla na lang akong iiyak. Pabalik balik din ako sa istasyon para makibalita kahit na ba lagi naman akong ina-update ni Elmer at ni Jeiz. Pero pare-parehas lang ang sinasabi nila. Hindi pa nakikita si Lorenzo at ongoing pa rin ang paghahanap. Ilang araw na simula ng mawala sya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nakikita kahit anino nya.

Walang kabuhay kabuhay akong lumabas sa opisina ng principal.

“Baks.” 

Napapitlag ako ng may humawak sa braso ko. Nilingon ko si Macy.

“Baks, ikaw pala.” Matamlay na bati ko sa kanya.

Bumuntong hininga sya at hinimas ako sa braso. “Pinagalitan ka na naman ba ni Miss Maascad?”

Marahan akong tumango at bumuntong hininga. Sinabayan ako ni Macy sa paglalakad. Hindi naman talaga ako pinagalitan kundi pinagsabihan lang. Alam din kasi ni Miss Maascad ang pinagdadaanan ko.

“Baks, magleave ka kaya muna.” Suhestiyon ni Macy.

Lumigon ako sa kanya. “Ayoko baks, lalo lang akong mababaliw kapag walang ginagawa.” Sabi ko.

“Kesa naman palagi kang paggagalitan ni Miss Maascad dahil hindi ka makapagconcentrate sa pagtuturo. Maapektuhan din pati mga estudyante mo.” Mahinahong paliwanag nya sa akin.

“Ano naman ang gagawin ko? Magmumukmok sa bahay? Iiyak? Para na nga akong mababaliw sa kakaisip at kaiiyak eh.”

Tumingin lang sya sa akin at bakas sa mukha ang awa at pag aalala. Kapag walang klase ay lagi nya akong sinasamahan at laging kinakausap. Alam ko namamg ginagawa nya yun para hindi ako masyadong malungkot at magisip.

“H-Hindi ko na alam ang gagawin ko baks. Hangga’t hindi ko nakikita si Lorenzo ng buhay.. h-hindi matatahimik ang loob ko. Alalang alala na ako at takot takot. Nagiisip kung ano na ang kalagayan nya ngayon.” Naiiyak na namang sabi ko.

Hinaplos haplos ni Macy ang likod ko. “Naiintindihan kita baks. Isipin mo na lang na buhay na babalik si Lorenzo. Hindi pa sya nakikita may posibilad na buhay pa sya at tinatago lang mga hayop na yun.”

“P-Pero paano kung.. – “

“Shh, wag mong iisipin ang mga bagay na yan na lalo lang magpapabigat sa loob mo. Think positive lang. Sa dami ng naghahanap kay Lorenzo makikita rin sya.”

“Yun na nga eh, sa dami ng naghahanap sa kanya hanggang ngayon di pa rin sya n-nakikita.” Pumipiyok ng sabi ko.

Niyakap ako ni Macy at hinagod hagod ang aking likod. Hindi ko alam kung matatagalan ko pa ang ganitong pakiramdam na parang naghihintay ako ng sintensya ni kamatayan.

Pagdating ng uwian ay sinabayan na ako ni Macy sa traysikel. Pinagbabawalan kasi akong magmotor ni Tiyang Meding dahil lagi daw akong wala sa sarili. Yung huling nagmotor ko nga ay muntik na akong makasagasa.

Third POV

UMAALINGAWNGAW ANG bawat suntok at hampas ng malapad na kahoy ng dalawang lalaki sa halos hubad na katawan ni Lorenzo. At sa bawat suntok at hampas ay impit syang dumadaing. Namamanhid na nga ang katawan nya at parang wala na lang ang sakit ng bawat latay ng malapad na matigas na kahoy at kamaong may bakal sa katawan nya. Nagtatawanan pa ang dalawang lalaki at mga bantay na naroon.

“Sayang ka talaga pogi. Kung hindi ka sana nagmamatigas kanila bossing eh di hindi mo sana dadanasin to.” Nakangising sabi ng isang bantay na nakatayo sa gilid at naninigarilyo.

Isang malakas na hampas pa ng kahoy ang hinataw naman ng lalaki sa katawan ni Lorenzo na ikinaubo nya. Sumipol ang lalaki.  “Matibay din ang katawan ng isang to. Kung naiba iba to nilibing na natin to.”

“Eh nakita mo namang bato bato ang katawan nyan. Kaya wag nyong hahayaang makawala yan dahil yari kayo dyan.”

“Kung makakawala sya. At kung makakawala sya bangkay din syang lalabas dito.” Anang lalaking sumusuntok kay Lorenzo. Tiningnan pa nito ang kadenang nakatali sa dalawang kamay ni Lorenzo.

Nanghihina na ang pakiramdamn ni Lorenzo. Ilang araw na ba syang nakabitin? Hindi na nya mabilang. Ni hindi nga nya alam kung araw na ba o gabi. Walang liwanag galing sa labas ang pumapasok sa madilim na silid na kinasasadlakan nya. Tanging isang bombilya lang ang nagbibigay ng liwanag. Nanlalagkit na rin sya sa sariling dugo at pawis. Pero hinding hindi sya bibitaw kahit nanghihina na. Babalik pa sya kay Aitana ng buo at buhay. Ang imahe lang nito at masasayang alaala lang nila ang nagbibigay ng lakas sa kanyang huwag bumitaw. Kapag hinang hina na sya mula sa pambubugbog at pangtotorture ng mga nito ay inaalala lang nya mainit na sandali nila ng nobya. Ang mainit nitong halik at ang malambot at mainit nitong katawan. Sabik na syang mayakap ito, mahalikan at maangkin. Pinikit nya ang mata habang sinasariwa sa isip ang magandang mukha ng pinakamamahal na nobya..

Nagising si Lorenzo sa malamig na tubig na sumaboy sa kanya. Ipinilig pilig nya ang ulo para magising ang natutulog na diwa.

“Wake up lover boy.”

Nag angat sya ng mukha. Ang nanlalabo nyang mata ay unti unting luminaw. Tumambad sa kanya ang mukha ng magtiyuhin na parehas may demonyong ngisi sa labi. Sa likuran nila si Monti na mataman lang nakatingin sa amin habang nakasandal sa pader at naninigarilyo.

“Ang tibay mo rin talaga bata. Buhay ka pa.” Ngingising ngising komento ni Don Conrado sabay hithit sa tabako. “ Raymond iho, bakit hindi mo pa iligpit yan. Mukhang wala ka ring mapapala sa kanya. Matigas ang pulis na yan. Hangga’t humihinga pa yan may tsansa pang makatakas yan. Puspusan na rin ang paghahanap ng otoridad sa atin. Nagbitaw pa ng malaking pabuya ang pamilya ng pulis na yan para mahanap sya.“

Humakbang palapit kay Lorenzo ang Congressman. “Police Master Sergeant Lorenzo Villegas. Bukod sa isang kilalang matapang na pulis  tagapagmana ka rin pala. Bakit nagtyatyaga ka magtrabaho sa gobyerno na kakarampot lang naman ang kita kesa pamahalaan na lang ang mga negosyo nyo. Pwede rin tayong maging business partner.” Nanunuyang sabi ni Raymond.

Nginisihan sya ni Lorenzo. “Ano namang business ang iaalok mo sa akin? Pagawaan ng shabu?” Nanunuya ding tanong nya.

Ngumisi din si Raymond. “Tutal sayo nanggaling magandang ideya yan. Malaki ang pera sa shabu hindi mo na kailangan ng maraming papel.”

Tinawanan ito ni Lorenzo at dinuraan sa mukha. Napapikit naman ito at nagdilim ang mukha sabay suntok sa mukha nya. Nginisihan nya lang ito. Hindi nya masyadong ramdam ang suntok nito. Kung mahina ba itong sumuntok o manhid na ang mukha nya.

“Gago!” Galit na kinuha ni Raymond ang dos por dos na hawak ng tauhan nito at hinataw sya ng tatlong beses sa katawan. Napaubo sya at dumura ng dugo.

“Talagang matigas kang hayop ka! Kung wala lang akong kailangan sayo ay binaon na kita ng buhay.” Hinihingal sa galit na sabi ni Raymond. “Pero bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon at pagisipan mong mabuti. Pipirma ka o idadamay ko ang nobya mo.”

Marahas na nagangat ng mukha si Lorenzo at matalim na tiningnan si Raymond na may malademonyong ngiti sa labi.

“Aitana Mangubat, isang grade 4 teacher sa Masagana Elementary School. 23 years old. Batang bata, maganda at sexy. Alam mo bang unang kita ko pa lang sa kanya sa resort mo gandang ganda na ako sa kanya. Mga kagaya nya ang tipo ko eh. Yung tipong inosente pa sa kama at ikaw ang magtuturo sa kanya. Siguradong masarap sya sa kama tama ba?”

Nangangalit ang bagang ni Lorenzo. Tila may nabuhay na halimaw sa loob nya ng banggitin nito ang nobya nya.  Naikuyom nya ng mahigpit ang kamao at gusto ng bigwasan si Raymond kung hindi lang nakatali ang dalawa nyang kamay. “Wag mong idadamay si Aitana dito hayop ka.” Mariin nyang sabi dito.

“So ano pipirma ka na?” Nakangising tanong ni Raymond at inabot ang folder na hawak ng tauhan at nilabas ang papel na pinapipirmahan sa kanya. Isang statement na nagsasabing binabawi na nya ang salaysay ukol dito na protektor ito ng mga sindikato para maabswelto ito.

Napatiim bagang sya at hindi kumibo habang matalim na nakatingin lang dito. Nagsisimula na ngayon magtalo ang loob nya dahil sa sinabi nito.

“Sige, pagbibigyan kita ng oras para mag isip. At sa susunod na tanungin kita ay dapat may sagot ka na. Pipirmahan mo to o madadamay ang shota mo.”

Sinundan lang nya ng masamang tingin ang magtiyuhin na lumabas. Sumunod din ang ilang tauhan. Huling lumabas si Monti na binigyan pa sya ng huling tingin.

“Break muna tayo mga pre, nagugutom na ako.”

“Eh sinong maiiwan dito?”

“Hindi makakawala yan. Maliban na lang kung may super power sya.”

Nagsitawanan ang mga tauhan at lumabas na sa madilim na silid.

Naiwang mag isa si Lorenzo sa madilim na silid at tanging maliit na bombilya lang ang ilaw. Pagod na pagod na sya sa pambubugbog na natatamo nya. Masakit na masakit at ngalay na ang katawan nya. Nauuhaw na rin sya at tanging sariling laway na lang ang nilulunok nya. Umaasa syang mahahanap sya ng mga kasamahan. At alam din nyang tutulong sa paghahanap sa kanya ang mga kaibigan. Sana ay hindi mahuli ang mga ito. Protektahan din sana nila si Aitana. Wala syang tiwala sa mga salita ng magtiyuhin. Ayaw nyang madamay ang nobya at kailangan nyang mag isip.

Muling bumukas ang bakal na pinto ng silid. Isang balingkinitan na bulto ang naaninag nyang pumasok. Lumapit ito sa kanya hanggang matanglawan ito ng liwanag. Si Julie.

“Kamusta Enzo.” Anito.

Ngumisi sya. “Nakita mo naman di ba? Buhay pa ako.” Sarkastikong sabi nya sa babae.

Mataman itong nakatingin sa kanya. Hanggang sa ang walang reaksyon na mukha nito ay unti unting nilambungan ng pagaalala ng pasadahan sya nito ng tingin.

“Kung magmamatigas ka pa hindi ka na nila bubuhayin. Bakit hindi mo na lang pirmahan ang statement.”

“Pirmahan ko man o hindi papatayin pa rin nila ako.”

Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha at marahang hinaplos. Iniwas nya naman ang mukha.

“Hindi ka nila mapapatay. Hindi ko hahayaang mangyari yun. Kapag pinirmahan mo na ang papel tutulungan kitang makatakas.” Pabulong nitong sabi.

Matiim syang tumingin dito. Ito ang babaeng kasalo nya noon sa panandaliang ligaya. Ang ahas sa ahensya. Ng dahil dito ay nalagay sa panganib ang buhay ng mga kasamahan nya pati na rin sya. Nahirapan silang supilin ang kriminalidad dahil mga kagaya nitong tiwali.

“At anong kapalit?” Natitiyak nyang may kapalit ang pag alok ng tulong nito.

Lumunok ito at ngumiti. Naging mapungay ang mga mata. “Sasama ka sa akin. Iiwanan mo si Aitana. Mahal na mahal kita Lorenzo. Matagal na.”

Tumawa sya. Alam nyang iyon ang hihilingin nito. Nawala naman ang ngiti nito.

“Kahit patayin mo pa ako hindi ako sasama sayo. Bakit naman ako sasama sa isang kagaya mong traidor at wanted sa batas.” Nanguuyam nyang sabi dito.

Tumalim ang tingin nito sa kanya. “Tinraidor mo rin ako – “

“Ikaw ang unang trumaidor! Unang pasok mo pa lang sa ahensya traidor ka na. Ng dahil sayo muntik na kaming mamatay ng tropa sa Santa Luisa. Tapos sasabihin mo ngayong mahal mo ko.” Nakangising sabi nya.

Natigilan naman ito at tila napahiya.

“Hinding hindi ko ipagpapalit sayo si Aitana. Kahit tumulong ka pa sa kanila sa pagpapahirap sa akin. Sya lang ang mahal ko. Sya ang babaeng pakakasalan ko.”

“Oo na! Sya na! Sya na ang gusto mo! Sya na ang mahal mo! Maganda nga na wag mong pirmahan ang statement para idamay sya ni Raymond at magsama kayo sa impyerno!” Galit na sigaw nito at nagmamartsang lumabas na ng silid.

Napapikit naman ng mariin si Lorenzo. Tiningnan nya ang dalawa nyang kamay na nakagapos pataas sa dalawang posteng bakal. Sinubukan nyang hikalsin ang kadena pero mahigpit ang pagkakagapos nito sa dalawang pulso nya.

Fuck! Kailangan ko ng makalabas dito. 

sa kabilang

dako

..

“AT KELAN ka naman ulit magpapakita sa amin ng mga anak mo Erning?”

“Ano ka ba Jona? Di ba pinag usapan na natin to? Stay in ako sa trabaho ko at mahigpit ang boss ko. Hindi pwedeng palabas labas doon.”

“Ano ba kasing trabaho yan at sobra namang higpit ng boss mo at halos ayaw ka ng pauwiin? O baka maman may kabit ka sa pinagtatrabahuan mo? Naku sinasabi ko sayo Erning. Wag na wag kang magpapahuli sa akin dahil puputulin ko yang t*ti mo.” Banta ni Jona sa asawa habang karga sa tagiliran ang isang taong gulang na bunsong anak.

“Kuh! Kung ano ano namang naiisip mo Jona. Kakamarites mo yan. Wala akong kabit. At saka wag ka na ngang masyadong mausisa. Ang importante malaki ang kinikita ko dito. Kesa naman magtyaga ako sa pagkokonstraksyon. Minimum lang ang sahod doon. Kulang na kulang sa pang gastos natin sa araw araw. Gatas pa ng mga bata. Bayarin pa natin sa kuryente at tubig. Bayad pa natin sa upa. O kita mo naman di ba? Kinse mil yang binigay ko sayo bukod pa yung para sa mga bayarin natin. Ikaw na ang bahala dyan. Basta isafety mo na yung panggatas ng mga bata at pagkain nyo. Yung sobra bahala ka na. Ibili mo ng kung anong gusto mo o ipambinggo mo. Baka sa susunod na linggo na ulit ang uwi ko. Tatawag ako.”

Bumuntong hininga si Jona. May punto naman kasi ang sinasabi ng kinakasama. “O sya, basta mag iingat ka roon at walang babae ha.” Pinandilatan nya ng mata ang kinakasama.

“Oo nga. Ito naman. Maghahanap pa ba ako ng ibang babae eh ang ganda ganda mo.” Nakangising sabi ni Erning kay Jona at kinarga ang panganay na anak na limang taong gulang na naghahabol sa kanya.

“Tsk! Bobolahin mo pa ako. Bakit naman kasi gabi ka pa aalis. Di ba pwedeng bukas na lang.”

“Kailangan eh. Dahil bukas kami naman ang bantay.”

Kumunot ang noo ni Jona. “Ano ba kasing binabantayan nyo?”

Bahagyang nag iwas ng tingin si Erning at tumikhim. “Ano.. mga gamit lang, mga mamahalin kasi kaya kailangan talaga bantayan.”

Lalo lang napakunot ang noo ni Jona. Pero bago pa sya magtanong ulit ay nagpaalam na si Erning.

“Alis na ako ikaw na ang bahala sa mga bata.” Hinalikan ni Erning sa ulo ang dalawang anak at ang asawa. Ang panganay nya ay umiiyak pa ng ibaba nya. Pero hinawakan na ito ni Jona. “Tatawag tawag na lang ako. Pumasok na kayo sa loob at malalim na ang gabi.”

Tumango naman si Jona at tinanaw na lang ang kinakasama na tinatahak ang makitid na eskinita palabas ng kalsada. Ng mawala na ito sa paningin ay pumasok na silang magiina sa loob ng bahay at nagsarado na ng pinto.

Pasipol sipol si Erning habang dinudukot sa bulsa ang susi ng motor nyang second hand lang nya nabili. Tumawid sya ng kalsada kung saan nakaparada ang motor nya. Pero hindi pa man nya naisusuksok ang susi ay may humintong itim na van sa tapat nya.

Bumaba ang dalawang malaking lalaki at tila papel lang na hinablot si Erning papasok sa loob ng van. Agad na sumibad paalis ang van. Nanlaban naman si Erning sa dalawang lalaking kumuha sa kanya pero sa laki ng mga ito ay wala syang laban. Ang isa nga ay isang kamay lang dyang idiniin sa upuan ng van. Ang isa ay tinutukan pa sya ng baril. Nanlaki ang mata nya. Kinabahan sya at natakot.

“T-Teka sino ba kayo? Anong kailangan nyo sa akin?” Nahintatakutang tanong ni Erning at tiningnan isa isa ang mga nasa loob ng malaking van. May dalawang lalaki sa harapan. Ang isa ang nagdadrive. Dalawa ang nasa tabi nya at ang isa naman ay nasa likuran nya. Hindi nya kilala ang mga ito bagamat masasabi nyang hindi basta basta ang mga ito. Sa mga mukha pa lang at sa mga bulto ng katawan ng mga ito.

“May kailangan lang kami sayo pare. Makipagcooperate ka na lang kung ayaw mong bangkay ka na lang na nakasako na palutang lutang sa ilog bukas.” Nakangising banta sa kanya ng lalaking may hawak na baril na nakatutok sa kanya.

Napalunok na lang sya..


Chapter 43

Third POV

NAPAPAKAMOT SI Jeiz sa kilay habang pinapanood si Kester at Atlas na iniinterogate ang lalaking dinukot nila na nagngangalang Ernesto. Treinta anyos at dating isang jeepney driver na ngayon ay isa na sa mga tauhan ni Don Conrado. Matigas pa rin ito ay ayaw magsalita kung saan nagtatago ang mga amo nito.

Hindi sana sya pabor sa suhestiyon ng mga kaibigan na dukutin na lang ang taong to para ituro kung saan tinatago ng mga amo nito si Lorenzo. Pero wala na silang oras. Kailangan mahanap na agad si Lorenzo bago pa mahuli ang lahat. Alam nilang buhay pa ang kaibigan. Kung iaasa lang nila ang lahat sa kapulisan ay medyo matatagalan talaga dahil may proseso pang sinusunod ang ahensya. Si Atlas ang nakatukoy sa lalaking ito. Kung paano nito ginawa hindi nila alam. Malamang ay umupa ito ng kung sino na namang tao na handang gawin ang lahat para sa pera kahit iligal pa. Ang importante may tao ng makakapagturo kung nasaan ang kaibigan nila.  Kaya hindi na sila nagpatumpiktumpik pa.

“Kahit ano pang pagbabanta at pananakot nyo wala pa rin kayong malalaman sa akin.” Pagmamatigas ni Ernesto na nakaupo sa bangko at nakatali ang mga kamay sa likod. Sinikmuraan ito ni Atlas na ikinubo nito.

“Matigas talaga tong gagong to. Gusto pa yatang magpabugbog.”  Komento ni Atlas.

“Mukhang matindi ang loyalty nya sa mga amo nya.” Ani Kester.

“Hindi pa kasi masyadong napipiga kaya ayaw magsalita.” Si Matias na humihithit ng sigarilyo habang mataman lang nakatingin kay Ernesto na puro pasa na ang mukha dahil sa natamong mga suntok mula sa dalawang kaibigan.

“Eh di pigain natin ng husto hanggang sa kusa na syang magsalita at ituro kung nasaan ang lungga nga mga amo nya.” Sabat ni Luigi sabay kasa ng baril at tutok sa lalaki. Nanlaki naman ang mga mata ni Ernesto at napalunok. “Sasabihin mo ba kung nasaan ang lungga ng mga amo mo o idadamay ko ang asawa at mga anak mo – “

“Pare.” Sita ni Jeiz kay Luigi. Hindi na dapat madamay ang inosenteng pamilya ng taong to. Wala ang mga itong kinalaman.

“Fine, kapag hindi ka nagsalita babarilin kita.” Banta ni Luigi kay Ernesto.

Ngumisi naman si Ernesto. “Eh di barilin mo.”

Pero napasigaw si Ernesto ng iputok nga ni Luigi ang baril sa binti nito. Pati silang apat ay nagulat sa ginawa ni Luigi.

“Uy pare, wala sa usapan natin yan.” Sita ni Kester kay Luigi.

“Hamo sya Kes, siguro naman magsasalita na yang gagong yan. Dahil kung hindi pa sya magsasalita ako naman ang babaril sa kabilang binti nya.” Sabi ni Matias na binuga ang usok ng sigarilyo pataas.

“O ano? Magsasalita ka na o yung kabila naman ng binti mo ang babarilin.” Banta naman ni Atlas.

Hindi naman makasagot si Ernesto at kagat kagat lang ang labi dahil sa sakit na sumigid sa binti nya. Naiihi na sya sa sakit. Baka maubusan na sya ng dugo at mamatay sya. Ayaw nyang mamatay. Kawawa ang mga anak nya.

“Ayaw pa yatang magsalita eh.” Muling kinasa ni Luigi ang baril at tinutok sa kabilang binti ni Ernesto.

“Ugh – oo na! Oo na! M-Magsasalita na ako!” Bulalas ni Ernesto.

Lumapit na si Jeiz sa lalaki. “Puwes magsalita ka na bago pa bulungan ng demonyo tong kaibigan namin at kalabitin ulit ang gatilyo. Saan tinatago ng mga amo mo si Lorenzo Villegas?” 

Lumunok muna si Ernesto habang napapangiwi. Tagaktak na rin ang pawis nya. Sobrang sakit na rin ng binti nya. Ramdam nya ang pag agos ng dugo nya sa binti. At kapag nagpatuloy pa iyon ay mauubusan sya ng dugo.

“Ano? Magsalita ka! Kung hindi babarilin ulit kita.” Banta ni Luigi.

“S-Sa abandonadong hospital.” Napapangiwing sagot ni Ernesto.

“Saang lugar iyon?” Tanong ni Jeiz.

“Sa bayan ng S-Santa Luisa – ahh! Parang awa nyo na. Dalhin nyo na ako sa hospital baka maubusan na ako ng dugo.” Tarantang sabi ni Ernesto na medyo namumutla na.

Nagtinginan ang magkaibigan.

“Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka nilalansi mo lang kami. Totodasin ka talaga namin.” Banta ni Atlas.

“O-Oo, totoo ang sinasabi ko. Babalik na nga dapat ako doon eh kung hindi nyo lang ako dinukot – ahh putangina! Masakit na masakit na ang binti ko! Ayoko pang mamatay. Sinabi ko na sa inyo kung nasaan ang kaibigan nyo. Pakawalan nyo na ako at dalhin sa hospital. Baka maubusan na ako ng dugo!”

“Ano kami bale? Dito ka muna hangga’t di kami nakakasigurado at hindi namin nakikita ang kaibigan namin. Baka mamaya tumawag ka sa mga amo mo at makatakas pa sila.” Ani Luigi.

“Ano? Eh anong balak nyo sa akin? Hahayaang maubusan ng dugo dito at mamatay? Di ako pwedeng mamatay maliliit pa ang mga anak ko!”

“Sana naisip mo yan bago ka sumama sa grupo ng mga amo mo. Pwedeng pwede ka naming patayin ora mismo at ilibing dyan sa bakuran.” Nakahalukipkip na sabi ni Jeiz.

“W-Wag! Parang awa nyo na! Pinili ko lang naman sumama sa grupo dahil malaki ang kitaan doon. Pero hindi naman talaga ako masamang tao. Taga bantay lang ako sa lugar na yun. Parang awa nyo na dalhin nyo na ako sa hospital.” Mangiyak ngiyak ng sabi ni Ernesto. Hindi naman talaga sya masamang tao. Talagang kailangan lang nyang kumapit sa patalim para mabuhay ang mag iina nya.

“Wag kang mag alala, gagamutin kita.” Presinta ni Kester.

“Doctor ka?” Tanong ni Ernesto.

“Sana, kaso bumagsak ako eh. Pero wag kang mag alala kayang kaya kong bunutin ang balang nakabaon dyan sa binti mo na gamit ang kamay lang.” Nakangising sabi ni Kester at tinupi na ang manggas ng itim na polo shirt hanggang siko.

Lalong namang namutla ang maputla ng mukha ni Ernesto. Nagngisihan naman ang apat.

Aitana

MALAKAS ANG kalabog ng dibdib ko habang magkahawak kamay kami ni Tita Mirasol. Pinatawag kami dito sa istasyon dahil may bagong balita na raw tungkol sa kinaroroonan ni Lorenzo. Sinundo pa ako ng driver nila Tita Mirasol. Nakapambahay nga lang ako.

“Diyos ko, sana magandang balita na ito.” Sabi ni Tita Mirasol na pisil pisil ang kamay ko. Hinihintay namin na pumasok ang hepe sa conference room para sabihin ang balita. Si Tito Arnaiz nga ay palakad lakad na halatang natetense.

“Sana nga po tita, baka hindi ko na kayanin kung masamang balita na naman.” Sabi ko.

Tumingin sa akin si Tita Mirasol at hinaplos ang pisngi ko. “Magpakatatag ka iha, kailangan ka ni Lorenzo. Tingnan mo o namumutla at nangangayat ka na. Hindi matutuwa ang anak konna makita kang ganyan.”

Tumulo ang luha ko. Pinahid naman iyon ni Tita Mirasol. “Sinusubukan ko po tita.”

Ilang beses bang nabigo ang mga kapulisan. May mga lugar silang pinupuntahan na maaaring kinaroroonan ni Lorenzo pero ang ending laging negative. Bawat araw na dumadaan na walang balita kay Lorenzo ay pinanghihinaan ako at parang bibigay na ako. Wala akong ganang kumain at hindi makatulog. Tuluyan na nga akong pinagleave ni Miss Maascad ayon na rin sa kagustuhan ni Tiyang Meding at ni Benj na nag aalala na sa akin.

“Magandang umaga Mr. and Mrs. Villegas, Miss Mangubat.” Bati ng hepe na kapapasok lang, kasunod nya si Elmer at ang isa pang pulis. Tinanguan pa ako ni Elmer.

“Magandang umaga rin chief.” Balik bati ni Tito Arnaiz.

“Ano ng balita chief?” Tanong agad ni Tita Mirasol.

Pero bago pa sumagot ang hepe ay bumukas ulit ang malapad na pinto at pumasok naman ang Provincial Director na ninong pala ni Lorenzo. Kasunod din nya ang dalawa ding pulis. Binati rin nya kami.

“May nagpadala sa aming email kaninang umaga lang. Lugar kung saan daw naglulungga ang magtiyuhin at maaaring naroon din si Lorenzo.” Sabi ng hepe.

Parehas kaming napatuwid ng upo ni Tita Mirasol. Lalong lumakas naman ang kabog ng dibdib ko.

“Anong lugar yan chief? Baka naman sinasalisihan na naman tayo at nililigaw.” Ani Tito Arnaiz.

“Ayon sa email sa abandonadong hospital raw ng Santa Luisa. Pinakumpirma ko na sa mga tao ko at positive na may abandonadong hospital doon at may mga tao.” Anang hepe at tumingin kay Elmer at sa kasama nito. Mukhang sila ang tinutukoy nyang kumumpirma ng lugar.

“Nagpahanda na ako ng bilang ng mga pulis na idedeploy doon. Makikipagpulong na rin ako sa general ng AFP dahil kakailanganin din ang tulong nila.” Wika ng Provincial Director.

“Pero bakit mamaya pa Esmundo? Bakit hindi pa ngayon? Baka.. baka kung ano na ang ginagawa nila sa anak ko.” Bulalas ni Tita Mirasol. Yun din ang gusto kong itanong. Bakit hindi pa ngayon?

“Kuta rin ng mga rebelde ang lugar na yun. Hindi pwedeng basta basta na lang sumugod ang mga pulis dahil baka mauwi lang sa wala ang lahat. Kailangan pagplanuhan muna. Pero wag kayong mag aalala hindi pa pumuputok ang araw bukas makikita na natin si Lorenzo. Pero kailangan nyo ring ihanda ang mga sarili nyo dahil baka..”

“Baka ano pare?” Kunot noong tanong ni Tito Arnaiz. Nagtinginan naman kami ni Tita Mirasol. Hindi na maawat sa pagkabog ng malakas ang dibdib ko na tila may nagtatambol sa loob.

Bumuntong hininga ang Provincial Director at tiningnan kami isa isa. Napasinghap naman ako ng magets ang ibig nyang sabihin.

“Baka.. bangkay na lang syang makikita. Pero hindi pa naman tayo nakakasiguro.”

“H-Hindi! Hindi pa patay ang anak ko! Buhay pa sya Esmundo!” Naghihisterikal at umiiyak na sabi ni Tita Mirasol. Si Tito Arnaiz naman ay napahimas sa batok at tumalikod. Ako naman ay tila lalong nanghina.

“Dalawang linggo na mahigit simula ng dukutin sya. Posible talaga – “

“Hindi! Hindi! Hindi pa sya patay! Ako ang ina at ramdam kong b-buhay pa sya.” Humagulhol na si Tita Mirasol. Niyakap ko naman sya at umiyak na rin.

“Balitaan nyo ako agad kung sakaling makita nyong buhay.. o patay na ang anak ko.” Sabi naman ni Tito Arnaiz na bakas din sa mukha ang pangamba. Namumula na rin ang mata nya.

Lulugo lugo ako at wala sa sariling naglalakad sa hallway ng istasyon. Nasa opisina pa ng chief si Tito Arnaiz at Tita Mirasol dahil kakausapin pa sila ng hepe at ng Provincial Director. Ako naman ay hindi na sumama at hihintayin na lang sila sa labas. Para na akong masusuffocate sa loob habang nakikinig sa kanila. Wala pa ring kasiguraduhan kung makikita na si Lorenzo at kung makita man ay baka..

Sinapo ko ang ulo at ipinilig pilig kasabay ng pagtulong muli ng luha ko. Hindi ako dapat magisip ng ganoong bagay. Pero.. paano nga kung.. Muli kong pinilig pilig ang ulo para alisin ang mga pangit na senaryo na pilit nagsusumiksik sa isip ko. Nag angat ako ng tingin ngunit nanlabo ang paningin ko at parang umiikot ang paligid ko..

“Ay! Yung babae natumba!”

“Lapitan nyo!”

Mga huli kong narinig bago ako tuluyang nilamon ng karimlan..

Nagmulat ako ng mata at puting kisame ang una kong nabungaran. Hindi naman ganito ang kisame sa kwarto ko. Kakaiba din ang amoy na naamoy ko. Amoy alcohol at mga gamot.

“Hay, mabuti naman at gising ka na pamangkin.”

Lumitaw sa paningin ko ang mukha ni Tiyang Meding. Bakas sa mukha nya ang pag aalala.

“Tiyang, nasaan po ako?” Magaspang ang boses na tanong ko at nilibot ko ang mata. Nakita ko sa ulunan ko ang nakasabit na IV fluids. Sinundan ko ang mahabang swero na nakakabit pala sa isang kamay ko. May berde ding kurtina na nakaharang sa dalawang gilid. May naririnig din akong mga ingay.

“Nandito ka sa emergency room. Sinugod ka dito ng mommy at daddy ni Lorenzo dahil nawalan ka ng malay sa istasyon.” Sabi ni Tiyang Meding na matiim na nakatingin sa akin.

Kumunot ang noo ko. Naalala ko nasa istasyon ako kasama si Tito Arnaiz at Tita Mirasol. Dahil may balita na kung saan posibleng naroroon si Lorenzo. Tapos lumabas ako ng conference room at naglakad lakad. Yun na ang huli kong natatandaan.

“A-Ano pong sabi ng doctor tiyang?” Tanong ko.

Bumuntong hininga si Tiyang Meding. “Over fatigue ka, kulang ka sa kain at tulog, at hindi lang yun.. buntis ka sabi ng doctor.”

Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi nya kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. “Po? B-Buntis ako?” Di makapaniwalang tanong ko. 

Tumango naman si Tiyang Meding. Wala sa sariling napahawak naman ako sa puson ko. Nangilid ang luha ako.

Buntis raw ako. Ito ang matagal ng gusto ni Lorenzo pero wala naman sya sa tabi ko ngayon. Napahikbi ako.

“O bakit umiiyak ka na namang bata ka? Hindi ka ba masaya?” Ani Tiyang Meding at hinagod ang likod ko.

“B-Buntis ako tiyang pero wala naman sa tabi ko si Lorenzo.” Humihikbing sabi ko.

“Babalik si Lorenzo makikita din sya.”

“Pero paano kung hindi na. P-Paano kung w-wala na pala sya. Paano na kami ni baby?”

“Kuh! Wag ka kasing nagiisip ng ganyan bata ka. Hangga’t hindi pa nakikita si Lorenzo may pag asang buhay pa sya. Ang intindihin mo muna ngayon ay ang kalagayan mo. Buntis ka. Ang sabi ng doctor maselan ang pagbubuntis mo. Bawal sayo ang mastress.”

Pinunasan ko ang luha ko at tumingin kay Tiyang Meding. “A-Alam na po ba nila Tita Mirasol at Tito Arnaiz?”

“Oo, at tuwang tuwa nga sila.”

Bahagya akong napangiti sa sinabi ni Tiyang Meding.

Nahawi ang kurtinang green at sumilip ang mukha ni Tita Mirasol. “Hi iha, gising ka na pala.” Nakangiting sabi nya at tuluyan ng pumasok kasunod si Tito Arnaiz. May mga dala silang brown paper bag.

Kimi akong ngumiti sa kanilang dalawa.

“Kamusta ang pakiramdam mo iha?” Tanong ni Tito Arnaiz.

“Ayos naman po medyo nanghihina lang.” Sagot ko.

“Over fatigue ka raw kasi sabi ng doctor. Ang sabi naman ng tiyang mo madalas ka lang daw nagmumukmok sa inyo at hindi masyadong nagkakakain tapos madalas kang umiiyak.” Ani Tita Mirasol na hinawakan pa ang kamay ko. Bakas sa kanyang mukha ang pag aalala.

Napayuko naman ako at napakagat labi. Nahihiya ako sa kanila.

“Nauunawaan ko ang nararamdaman mo iha. Parehas tayong nangungulila at nagaalala sa anak ko. Pero ngayon kailangan mo ring alagaan ang sarili mo dahil buntis ka sa anak nyo ni Lorenzo. Sa apo namin.” Mahinahong pagpapaalala ni Tita Mirasol.

“Nandito lang kami iha, hindi ka namin pababayaan ng Tita Sol mo. Lalo na at dala dala mo na ang apo namin.” Ani Tito Arnaiz.

Pinunasan ko ang luhang naglandas sa pisngi at nag angat ng mukha. Bumungad sa akin ang mga mukha nilang nakangiti. Si Tiyang Meding ay hinahaplos ang buhok ko. Si Tita Mirasol naman ay hawak hawak ang kamay ko. Kimi naman akong ngumiti sa kanila. Sa kabila ng pangit na pinagdadaanan namin ngayon ay may maganda namang nangyari. Ang baby sa sinapupunan ko.

Nagtagal pa kami sa emergency room hanggang sa maubos ang IV. Asikasong asikaso naman ako ni Tita Mirasol at Tiyang Meding. Si Tito Arnaiz naman ay lumabas at may kausap sa phone. Dumating din si Benj at si Macy para kamustahin ako. Nabigla sila at natuwa ng malamang buntis ako.

Third POV

“NARIYAN NA sila.” Imporma ni Atlas sa kabilang sa apat na kaibigan na nakasakay sa dalawang van kasama ang ilan nilang mga tauhan  Pinatay nya ang ilaw ng motor nya. Namatay din ang ilaw ng dalawang van na lulan ng apat na kaibigan. Madilim na madilim na sa paligid at tanging mga ilaw lang ng mga sasakyan ang nagbibigay ng liwanag. Bibihira pa ang mga sasakyan na dumadaan.

Maya maya ay dumaan na ang pinakahinihintay nila. Mula sa di kalayuan ay tanaw nila ang ilang army truck at police truck na hindi bababa sa sampu ang bilang. Papasok na sila ngayon sa bayan ng Santa Luisa kung nasaan ang lungga ng magtiyuhin at kung nasaan din si Lorenzo. Ng makalayo na ang mga army truck at police truck ay binuhay na nya ang makina ng big bike nya. Binigyan na nya ng signal ang mga kasama. Pinaandar na nya ang big bike at pinaharurot sa daang dinaan ng mga truck. Sumunod naman ang dalawang van.

Itinaon talaga nila na mauna ang mga sundalo at pulis bago sila sumunod. Wala silang ideya kung ano ang meron sa Santa Luisa. Maliban sa ito ang pinakamahirap na bayan sa buong lalawigan at kuta ng mga rebelde. Hindi naman sila papasok na naturang bayan. Sa bungad lang sila at mag aantabay kung sakaling magkaaberya. Gustuhin man nilang sumugod para sagipin ang kaibigan ay sobrang delikado naman. Magiging sagabal lang sila sa mga pulis at sundalo. Kaya walang silang choice kundi mag antabay na lang.

Ng matanaw na nila ang arko sa entrada ng bayan ng Santa Luisa ay huminto na sila. Hindi rin naman sila makakapasok dahil may checkpoint. Matyaga na lang silang naghintay at nakiramdam. Nagsibabaan naman ang mga kaibigan nya at nagsindi ng sigarilyo maliban lang kay Jeiz na may kausap sa cellphone na malamang ay ang misis nito. Bumaba na rin sya at tinanggal ang helmet. Dinukot nya ang pakete ng sigarilyo sa loob ng bulsa ng jacket.

“Yes baby, nandito na ako. Hmm kumain ka na ba?”

Kunot noong nilingon ni Atlas si Luigi habang humihithit ng sigarilyo. Binuga nya ang usok sa hangin at ngumisi. Nagiiba talaga ang timpla ng ugali ng kaibigan kapag kausap o kaharap nito ang asawa. Akala mo hindi mainitin ang ulo at maiksi ang pasensya. Napailing iling na lang sya.

Lumapit si Jeiz na seryoso ang mukha.

“Problem?” Tanong ni Atlas. Nagsilingunan naman ang tatlo.

“Katatawag lang ni Tita Sol, sinugod kanina sa hospital ang nobya ni Lorenzo dahil hinimatay. Buntis daw.” Imporma ni Jeiz sa mga kaibigan.

“Really?” Tanong ni Kester.

Tumango naman si Jeiz.

“That’s a good news! Siguradong matutuwa si Lorenzo nyan.” Ani Luigi na binalik na sa bulsa ng jacket ang cellphone.

“Sana nga buhay pa sya.” Nakatiim bagang na sabi ni Jeiz.

Nagsitahamik naman ang apat at nag igtingan ang mga panga. Pero ginulantang sila sa sunod sunod na putok ng baril di kalayuan..


Uunahan ko na kayo happy ending to guys 😉

Chapter 44

Lorenzo

NANGINGINIG ANG kamay kong pinipirmahan ang statement paper. Sa tagal ng pagkakatali ng kamay ko pataas ay wala ng lakas ang mga braso ko. Matapos kong pirmahan ang papel ay nilapag ko ang ballpen.

Nakangising dinampot naman ni Raymond ang papel at sinuri. “Kung hindi ka na sana nagmatigas eh di hindi na sana tayo aabot sa ganito.”

Napaismid ako. “Basta hindi nyo gagalawin ang nobya ko.” Magaspang ang boses na sabi ko. Nanunuyo na ang lalamunan ko at nananakit na. Mula ng pakawalan nila ako mula sa pagkakagapos ay doon ko na naramdaman ang panghihina ng katawan ko.

“Wag kang magalala may isang salita ako.” Ngingisi ngisi pa ring sabi ni Raymond at sinenyasan ang dalawang tauhan na pumunta sa aking likuran at hinawakan ako sa dalawang braso at tinayo sa upuan. Tinalian nila ang dalawang kamay ko sa likod.

“Monti.” Tawag ni Raymond sa tauhang pinagkakatiwalaan. Wala syang sinabi at tinanguan lang ito.

Napangisi ako. Alam ko na ang kahihitnan ko paglabas ko sa silid na to. Wala silang balak na buhayin ako.

“Ilabas nyo na yan.” Utos ni Don Conrado.

Inakay naman ako ng dalawang tauhan palabas ng silid na ilang araw kong kinasadlakan. Halos kaladkarin na nila ako dahil sa bagal ng lakad ko. Pati mga binti ko ay hinang hina na. Nadaanan ko pa si Julie sa bungad ng pinto. Nakatingin sya sa akin na tila may gustong sabihin. Nginisihan ko lang sya.

Paglabas namin ng silid ay nilibot ko ang mata. May malapad at mahabang hallway. Maraming kwarto. Sa loob ng mga kwarto ay may nakita akong hospital bed. Mukhang nasa isang abandonadong hospital kami. At noon ko lang napagtanto na gabi pala dahil sa kadiliman na nakakalat sa labas.

“Ang bagal mo namang maglakad. Bilisan mo nga!” Sigaw sa akin ng isang tauhan na mahigpit na nakahawak sa isang braso ko.

Nilingon ko sya at sinamaan ng tingin. Nangilag naman sya ng bahagya.

“T-Tinitingin tingin mo dyan? Gusto mo ngayon pa lang todasin na kita ha?” Nandidilat ang matang banta nya sa akin sabay bunot ng baril sa bewang nya.

“Easy ka lang Kanor.” Saway naman ni Monti na nasa likuran namin.

“Eh ito kasi. Masamang makatingin. Parang lalaban.”

Iniwas ko na ang tingin sa lalaki. Hindi ko na sya dapat pagaksayahan ng lakas. Kailangan kong mag isip at maging listo kahit nanghihina. Hindi pwedeng mamatay ako sa lugar na ito.

Malikot ang galaw ng mata ko at pinapakiramdam ko ang sarili. Bagama’t nanghihina ang pakiramdam ko ay alam kong kaya ko pang makipagpambuno sa dalawang lalaking may hawak sa akin. Pero hindi ako sigurado kay Monti na alam kong hindi rin basta basta. Mas lalo pang naging malikot ang mata ko ng malapit na kaming lumabas ng gusali. Nakikita ko na ang malawak na talahiban. Naririnig ko na rin ang ngisihan ng dalawang tauhan na may hawak sa akin. Pinakiramdaman ko rin si Monti na nasa likuran ko na parang wala lang. Pasimple ko syang nilingon. Nakasuksok ang isa nyang kamay sa bulsa habang ang isa naman ay may nakaipit na sigarilyo. Nagtama ang tingin namin. Nginisihan nya ako, nginisihan ko rin sya.

Ilang hakbang na lang ay tatapak na ako sa lupa. Alam kong ililigpit na nila ako. Humugot ako ng malalim na hininga. Pagtapak ko sa lupa ay tatakbo ako sa talahiban.

Pero hindi pa man ako nakakaapak sa lupa ay may narinig akong tila mga ingay. Tunog ng mga truck na pamilyar na pamilyar sa akin. May naulinigan din akong mga sigawan. Tumigil ang dalawang tauhan.

“Ano yun?” Tanong ni Kanor at lumingon sila sa pinanggalingan namin. 

Naging alerto naman ako at pasimpleng kinakalagan ang tali sa likod.

“May mga parak! Natunton na nila tayo!” Sigaw ng ilang mga tauhan na nagsitakbuhan na sa kung saan. Kasunod niyon ang sunod sunod na putukan ng mga baril.

“May mga pulis!” Bulalas ng isang tauhan na may hawak sa isang braso ko. Sabay silang dalawa bumunot ng baril. Lumuwag din ang hawak nila sa mga braso ko. Si Monti naman ay bumunot na rin ng baril at palinga linga. Lumuwag na ang tali sa kamay ko. Dali dali kong kinalas ito. At pagkakalas ay hindi na ako nag aksaya ng panahon. Inikot ko ang isang braso sa isang tauhan sabay agaw ng baril na hawak nya at inipit ng braso ang leeg nya. Tinuhod ko muna sya sa tagiliran sabay tutok ng baril sa ulo nya. Naalarma naman ang dalawa at tinutok din ang baril sa akin.

“Sige subukan nyo, babaon ang bala sa ulo nitong kasama nyo.” Banta ko sa kanila at diniin ang dulo ng baril sa ulo ng tauhan na sakal sakal ko. Pilit pa nyang binabaklas ang braso ko pero hinigpitan ko lang lalo ito.

“Putangna! Ang tanga tanga mo kasi Larry!” Inis na sabi ni Kanor.

“W-Wag nyong ipuputok baka tamaan ako.” Natataranta at nahihintakutang sabi ni Larry na halos hindi na makahinga dahil sa pagkakasakal ng braso ko sa leeg nya.

Tumingin ako kay Monti na nakatutok pa rin sa amin ang baril na hawak nya. Sa tigas ng hitsura nya ay alam kong hindi sya mangingiming iputok ang baril kahit tamaan pa ang kasamahan nya.

Umatras ako palabas ng gusali papuntang talahiban tangay si Larry. Sa paligid ay dinig ko ang sigawan at nakabibinging mga putok ng baril. Alam kong mga kasamahan ko ang mga pulis na dumating. Natunton na rin nila ako.

“Monti anong gagawin natin? Baka makatakas ang pulis na yan mayayari tayo kanila bosing.” Sabi ni Kanor.

“Barilin mo.” Utos ni Monti.

“W-Wag!” Sigaw ni Larry.

“Seryoso ka Monti? Baka tamaan si Larry.” Nagaalangang sabi ni Kanor.

“Wala akong pakialam. Barilin mo.” Matigas na utos ni Monti.

Umatras pa ako lalo tangay si Larry malapit sa talahiban. Nagpupumiglas pa ito pero lalo ko lang itong sinakal.

“P-Pero – “

Hindi na natuloy ni Kanor ang sasabihin ng magpaputok na si Monti ng baril. Tinamaan sa katawan si Larry. Nagpaputok pa ulit sya. Ginawa kong panangga ang katawan ni Larry at nagpaputok din. Una kong binaril si Kanor na tinamaan sa hita sunod si Monti na mabilis na nakapagtago. Binitawan ko na ang wala ng buhay na si Larry at pumasok na sa talahiban habang binabaril pa rin ang dalawa. Tumakbo ako sa loob ng talahiban. Dinig ko pa ang boses ni Monti na sumigaw at binabaril ang direksyon ko. Lampas tao ang makapal na talahib at humihiwa sa balat ko ang talim ng mga dahon nito pero hindi ko yun ininda. Madilim din sa paligid. Pero nakikita ko ang liwanag ng flashnight na tumatatagos sa talahiban. Binilisan ko pa ang bawat hakbang ko. Ang importante ay makatakas ako.

“Habulin nyo! Nandyan pa yun at hindi pa nakakalayo. Paulanan nyo ng bala!” Sigaw ni Monti.

At nakarinig na nga ako ng sunod sunod na putok ng baril. Dumapa ako sa lupa at gumapang. Kailangan kong makalayo ng husto. Mahina pa rin ang katawan ko. Himala nga lang na matapos ang ilang araw na pambubog nila sa akin ay nakakagalaw pa ako at humihinga pa. Impit akong napadaing ng tila may kung anong bumaon sa hita ko. Kinapa ko ito. May dugo. Tinamaan ako. Pero hindi ako pwedeng tumigil dahil baka mahuli nila at tiyak na hindi nila ako bubuhayin. Kailangan kong makalapit sa mga kasamahan ko. Kaya kahit hirap at sumisigid ang kirot sa hita koay pinilit kong gumapang. Naririnig ko ang mga yabag nila. Ang paghawi ng talahib.

“Huli ka! Saan ka pupunta ha?”

Napaigik ako ng may tumapak sa binti ko. Lumingon ako. Sumalubong sa akin ang liwanag ng flashlight at tatlong dulo ng mahahabang baril na hawak ng tatlong lalaki na mga nakangisi. Sa mga hitsura at kasuotan nila ay mga rebelde sila. Mukhang nandito kami sa Santa Luisa. May lumitaw ulit na isang lalaki. Si Monti.

“Akala mo makakatakas ka ha. Kuta ng mga rebelde ang lugar na ito. Mas alam nila ang pasikot sikot sa lugar na ito.” Nakangising sabi nya sabay baril sa balikat ko na ikinadaing ko. Napahawak ako sa balikat. Umaagos na ang dugo. Dama ko ang balang nakabaon. Napapangiwi ako sa sakit. Damn!

“Ano? Tadtarin na ba natin ng bala to?” Tanong ng isang rebelde.

Shit! Mukhang hanggang dito na lang talaga ko. Pumikit ako at binagsak ang ulo sa lupa habang habol ang hininga. Mukhang hindi na kami magkikita ni Aitana. Ngumisi ako.

“Sige, tadtarin nyo ng bala yan hanggang magkabutas butas ang katawan nyan.” Utos ni Monti. Kasunod niyon ay nakarinig ako ng mga kasa ng baril.

“Hoy! Tigil!” Dinig kong sabi ng isang boses.

“Putangna! May mga sundalo! Eskapo na tayo!”

At umatras na nga ang tatlong rebelde sa talahiban. Sumunod si Monti pero bago pa ito makapasok sa talahiban ay binaril ko ito ng dalawang beses sa likod. Napadaing ito at nilingon pa ako. Akmang babarilin nya ulit ako pero nabaril naman sya ng mga sundalong papalapit sa amin hanggang sa tuluyan na syang bumagsak sa lupa at nalagutan ng hininga. Nanghihinang binaba ko ang braso kong may hawak na baril. Umikswat sa tabi ko ang dalawang sundalo, ang iba naman ay hinabol ang tatlong rebelde. Nilapitan din ng mga sundalo ang katawan ni Monti.

Hinawakan ako ng dalawang sundalo at tinihaya. Napadaing pa ako ng sumigid ang kirot sa balikat at hita ko.

“SPO1 Lorenzo Villegas?”

Dumilat ako at tumango tango.

Narinig ko namang tumawag sa two way radio ang isang sundalo at sinabing nakita na ako. Humingi sya ng stretcher. Sinuri rin nila ang mga tama ko. Kinakausap nila ako at tinatanong ng kung ano ano. Tipid lang akong sumasagot at tumatango lang kung minsan. Alam kong ginagawa nila yun para hindi ako makatulog. Nakakaramdaman na rin kasi ako ng pamimigat ng mata. Ilang araw ba naman akong walang tulog.  Hanggang sa dumating na nga ang stretcher at ilan pang mga sundalo at pulis.

“Enzo!” Tawag sa akin ni Elmer at lumapit. Kasunod nya sila Diego. Bakas sa kanilang mga mukha ang tuwa at pagaalala.

“Tangna! Salamat naman at buhay ka pa pare!” Tuwang sabi Diego at tinapik ako sa binti na ikinadaing ko dahil ang binti kong may tama ang tinapik nya. “Naku sorry pare! May tama ka pala dyan!”

Tumawa lang ako. Masaya ako na makita sila. Akala ko hindi ko na sila makikita.

“Ayos lang pare, malayo naman sa bituka.”

Maingat na akong nilagay ng mga sundalong medic sa stretcher at nilabas na sa talahiban. Panay naman ang kausap sa akin nila Elmer.

“Grabe ang mga pasa mo sa katawan pare. Mukhang nanggigil sila sa kagwapuhan mo ah.” Biro ni Elmer bagamat bakas sa mukha nya ang pagaalala sa akin.

Nginisihan ko sya. “Ganun talaga kapag gwapo.” Ganting biro ko rin.

Nakalabas na kami sa talahiban. Nakita ko na ang ilaw ng mga ambulansya. Mukhang hindi lang ako ang napuruhan. Dahil may nakita akong ibang taong nakasakay sa stretcher na pinapasok sa loob ng isang ambulansya.

“Si Don Conrado yan, nag aagaw buhay matapos tamaan ng bala. Inatake pa sa puso. Swertihan na lang kung mabuhay pa sya.” Sabi ni Diego.

“At kung mabuhay man sya sa kulungan ang diretso nya.” Segunda ni Elmer.

Mabuti naman at nahuli na sya. At mukhang nahuli na rin ang ibang mga tauhan. May nakikita pa nga akong itim na body bag na dala dala ng mga sundalo at pulis at sinasakay sa iba pang ambulansya. Mukhang mga bangkay ito ng mga hindi pinalad. Nahagip din ng paningin ko si Julie na nakaposas at hawak hawak ng dalawang kasamahan kong pulis.

“Wala kayong karapatan na tratuhin ako ng ganito. I am a congressman! Idedemanda ko kayong lahat!” Tungayaw ni Raymond na nakaposas na rin at hawak hawak ng isang pulis at sundalo. Kasabay nya si Chief Dominador.

“Sige lang congressman. Karapatan nyo yan. Magkita na lang tayo sa korte.” Sabi ni chief at inutusan na ang mga pulis na isakay na sa mobile si Raymond na nagtutungayaw pa rin. Ngumisi naman ako. Batas pa rin ang nagtagumpay sa huli.

Maingat naman uli akong nilipat sa hospital stretcher at pinagulong na ito palapit sa isang bukas na ambulansya. Pero bago pa ako naipasok sa loob ng ambulansya ay lumapit sa akin si chief at sinaluduhan ako. Kahit nanghihina ang isang braso ay sumaludo rin ako. Lumapit din si Provincial Director Beltran na ninong ko.

“Natutuwa akong makitang buhay ka iho. Naghihintay sayo ang daddy at mommy mo pati na rin ang nobya mo.” Sabi ni ninong na tinapik tapik ako sa kamay.

“Salamat ninong.” Sabik na nga akong makita ang pamilya ko. Lalo na si Aitana. Miss na miss ko na sya. Siguradong alalang alala sya sa akin.

“Sandali lang!”

Nilingon ko ang pamilyar na boses ma sumigaw. Napangisi ako ng makitang papalapit ang lima kong kaibigan. Nandito rin pala sila.

“Damn you pare! Pinag alala mo kaming masyado. Mabuti naman at buhay ka pa!” Ani Luigi.

Tinaas ko ang isa kong kamay at nagdaupang palad kami. Lumapit din sila Kester, Atlas, Matias at Jeiz at nagdaupang palad din kami. Halatang masaya sila na makita ako bagamat may mga ngisi sa labi. Masaya din akong makita sila. Para ko na rin silang mga kapatid.

“Ahm, excuse me po mga sir. Kailangan na po syang ipasok sa ambulansya para dalhin sa hospital bago pa po sya maubusan ng dugo.” Singit ng isang sundalong medic.

“Oo nga pala, kita na lang tayo sa hospital pare.” Sabi ni Kester at dumistansya na silang lima. Tumango lang ako at nagthumps up.

Sinakay na ang stretcher ko sa ambulansya. Pumasok na rin ang mga medic at si Elmer na syang makakasama ko. Bago pa maisara ang pinto ng ambulansya ay sumilip muna si Jeiz.

“Kapit lang pare. Wag kang bibitaw. Hinihintay ka ni Aitana at ng magiging baby nyo.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jeiz. “Anong ibig mong sabihin pare?”

Ngumisi si Jeiz. “Buntis ang nobya mo.”

“What?” Bigla akong napabangon pero napadaing ako ng sumigid ang kirot sa balikat ko.

“Sir wag po kayong masysdong gumalaw. Lalo lang pong magdudugo ang sugat nyo.” Saway sa akin ng medic at inalalayan nila akong humiga muli.

Tumalikod na si Jeiz at sinarado na ang pinto ng ambulansya. Tumunog na rin ang wangwang. Bumilis naman ang tibok ng puso ko at tila nabuhay ang natutulog kong dugo.

Tumingin ako kay Elmer. “Buntis na si Aitana pare?”

Ngumisi sya. “Oo pare, kaya kailangan mong magpakatatag at magpalakas.”

Tumango ako at pumikit. Talagang magpapalakas ako para sa mag ina ko. Magpapakasal pa kami ni Aitana. Manganganak pa sya. Bubuo kami ng pamilya.

Dumilat ako. “Putangna! Paandarin nyo na ang ambulansya!”


Chapter 45

Aitana

MAGANA KAMING kumakain sa hapag habang nagkukwentuhan tungkol sa pinagbubuntis ko. Pagkagaling namin sa hospital kanina ay dito na ako sa bahay diniretso nila Tita Mirasol at Tito Arnaiz. Inimbitihan sila ni Tiyang Meding na dito na rin maghapunan. Kasalo din namin si Benj at si Macy.

“Congrats baks! Super happy ako para sayo kasi magkakababy ka na rin. Di ka rin nagpakabog ha.” Bati sa akin ni Macy na katabi ko sa bandang kaliwa ko.

Bahagya naman akong tumawa sa sinabi nya. Oo nga magbestfriend talaga kami.

“Yan, ganyan. Tumawa ka rin paminsan minsan hindi yung lagi kang nakasimangot. Baka mamaya paglabas ni baby mo nakasimangot din.” Dugtong pa ni Macy.

Ngumiti naman ako. Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kaalamang buntis ako. Pero mas gagaan ang loob ko kung nandito si Lorenzo. Miss na miss ko na sya ng sobra. Siguradong tuwang tuwa sya kung nandito lang sya.

Kinurap kurap ko ang mata para pigilan ang pamamasa nito dahil baka maiyak na naman ako. Nakakahiya naman sa kanila nasa gitna kami ng hapunan.

“Iha, kain ka lang ng kain. Heto humigop ka ng mainit na sabaw para mainitan ang sikmura mo.” Inusod ni Tita Mirasol sa tabi ng plato ko ang mangkok na may mainit na sabaw ng nilaga.

“Thank you po tita.” Sabi ko at nginitian sya.

“Basta wag ka ng magpapalipas ng gutom. Lagi ka ng kakain sa tamang oras para malusog si baby habang lumalaki sa tiyan mo.” Paalala nya sa akin.

Tumango tango naman ako. Ngayong magkakababy na ako hindi na pwedeng magmukmok ako ng magmukmok na lang. Kailangan ko ring alagaan ang sarili ko para sa baby ko, sa baby namin ni Lorenzo.

Sana

magpakita ka na sa amin Lorenzo. Miss na miss na kita..

Pagkatapos ng hapunan ay sa sala kami nagtipon tipon. Pinagpapahinga na nga nila ako pero hindi pa ako inaantok. Nakatulog kasi ulit ako kanina sa hospital. Kami ni Macy ang magkatabi sa sofa habang nagkukwentuhan. Si Benj naman ay bumalik sa parlor nya para magsara. Si Tiyang Meding at Tita Mirasol ay may kanya kanya ding kwentuhan habang si Tito Arnaiz ay nasa labas at as usual may kausap na naman sa phone. Sa pagkukwentuhan namin ni Macy tungkol sa pagbubuntis naming ay dalawa ay kahit papaano ay nababaling sa iba ang isip ko.

“Honey.” Pumasok si Tito Arnaiz at tumingin sa amin isa isa. Napansin kong medyo namumula ang mata nya na parang naiiyak.

“Yes honey?” Tanong ni Tita Mirasol.

“Tumawag si Esmundo, nakita na si Lorenzo.”

Halos sabay kaming tumayo ni Tita Mirasol. Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

“N-Nakita na po si Lorenzo tito?” Tanong ko.

Tumingin sya sa akin at tumango. “At buhay sya, isusugod na sya ngayon sa hospital.”

Natuptop ko ang bibig at tahimik na humikbi. Nakakabingi ang malakas na kabog ng dibdib ko. Niyakap ako ni Macy.

“Diyos ko ang anak ko! Buhay sya! Salamat po! Salamat po!” Humahagulhol na sabi ni Tita Mirasol at yumakap kay Tito Arnaiz. “Abangan na natin sya sa hospital honey. Gusto ko ng makita ang anak natin.”

Tumango naman si Tito Arnaiz. “Sige pupunta tayo ng hospital ngayo din.”

“S-Sasama po ako.” Singit ko. Gusto ko na ring makita si Lorenzo. Sabik na sabik na akong makita sya. Gusto kong malaman ang lagay nya.

Tumango naman sila sa akin. Agad naman akong pumunta ng kwarto at nagbihis.

Kinse minutos ang nakalipas ay nasa hospital na kami na pagdadalhan ni Lorenzo. Wala pa sila. Pero ang sabi ni Tito Arnaiz ay malapit na raw. Palakad lakad ako sa waiting area habang pisil pisil ang kamay. Mabilis din ang tibok ng puso ko. Maging si Tita Mirasol ay hindi rin mapakali.

“Kuh, kumalma nga muna kayong dalawa. Baka kayo pa ang mauna sa loob ng emergency room.” Saway sa amin ni Tiyang Meding na kasama rin namin. Si Benj at si Macy ang naiwan sa bahay.

“Bakit kasi ang tagal nila.” Naiinip na sabi ko.

“Oo nga. Honey, ano? Malapit na ba?” Naiinip din na tanong ni Tita Mirasol kay Tito Arnaiz.

Binaba ni Tito Arnaiz ang cellphone at lumapit sa amin. “Kumalma kayong dalawa ok. Paparating na sila.”

“O sya, maupo muna kayong dalawa.” Inakay ako ni Tiyang Meding sa upuan. Inalalayan din ni Tito Arnaiz si Tita Mirasol maupo.

Ilang sandali pa ay nakarinig na kami ng mga wangwang. Napatayo na naman kami ni Tita Mirasol.

“Nariyan na yata sila honey.” Bulalas ni Tita Mirasol.

Sunod sunod na ngang pumasok sa compound ng hospital ang may apat na ambulansya. Convoy ng mga police truck at military truck. Lumapit kami ni Tita Mirasol sa ambulansyang nauna. Bumaba ang isang medic at binuksan ang likuran ng ambulansya.

“Lorenzo anak!” Tawag ni Tita Mirasol at akmang lalapit pa pero pinigilan sya ni Tito Arnaiz sa braso. Maging si Tiyang Meding ay hawak rin ako sa braso.

Pasilip silip ako sa nakahiga sa stretcher. Pero sa isang tingin pa lang ay alam kong hindi si Lorenzo ang nakahiga. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Binaba na ang strecher na may gulong at sinalubong na ito ng mga hospital staff. Isang may edad na lalaki ang sakay ng strecher at duguan ang bandang dibdib. May oxygen din na nakakabit sa kanya. Mukhang nagaagaw buhay sya. Namukhaan ko ito ng dumaan sa harapan ko. Si Don Conrado. Napatiim bagang ako at kinuyom ang kamao. May bumangong galit sa dibdib ko. Kung hindi lang sya mukhang nagaagaw buhay ay susugurin ko sya.

Pinuntahan ko na lang ang isang ambulansya na ngayon ay bukas na ang likuran, bumaba ang isang pulis na pamilyar sa akin. Si Elmer. Tinulungan nya ang dalawang staff na binababa ang stretcher. Lumakas ang kalabog ng dibdib ko ng makita ang pamilyar na pigura na nakahiga sa stretcher.

“Lorenzo!” Tumakbo ako palapit sa stretcher. Hinarangan ako ng isang staff pero sinabi ni Elmer na nobya ako ng pasyente kaya hinayaan na akong makalapit.

Napaawang ang labi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko ng makita ko ang hitsura nya. Puro pasa at sugat ang hubad na itaas ng kanyang katawan. Ang iba ay nangingitim na. Ang iba ay kulay asul na at namumula pa. Dumudugo ang kaliwang balikat nya. Mukhang may tama sya doon. Ang pantalon nya ay maruming marumi at tila may bakas pa ng dugo. Iyon ang pantalon na suot nya ng huli kaming magkita. Dumako ang tingin ko sa mukha nya. Makapal na ang bigote at balbas nya. Pero hindi nito naitago ang mga pasa at bugbog sa mukha nya. Putok rin ang labi nya at nakapikit sya.

“L-Lorenzo.” Umiiyak na tawag ko sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

“Lorenzo anak! Diyos ko! Bakit ganyan ang hitsura mo? Anong ginawa nila sayo anak?” Naghihesterikal at umiiyak na ring sabi ni Tita Mirasol ng makalapit sa stretched. Hinawakan sya sa balikat ni Tito Arnaiz na nangingilid na rin ang luha sa mga mata.

Naramdaman kong gumalaw ang kamay ni Lorenzo at humawak sa kamay ko. Unti unti ring dumilat ang mata nya.

“Sweetheart..” Magaspang ang boses na anas nya at ngumiti.

Lalo akong umiyak at hinawakan ng mahigpit ang kamay nya. Gusto ko syang yakapan pero nagaalala ako na baka masaktan ko sya. Kaya hinaplos ko na lang ang buhok nya. Tumingin sya sa akin.

“I love you..” Anas nya.

“I-I love you too..” Umiiyak din na anas ko at hinalikan sya sa noo. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko sa aking dibdib.

“Anak.” Tawag ni Tita Mirasol. Tumingin sa kanya si Lorenzo.

“Mom, dad, Tiyang Meding..” Sambit nya.

“Masayang masaya ako na makita ka anak. Sobrang nag aalala kami ng daddy mo sayo.” Umiiyak din na sabi ni Tita Mirasol at marahang hinaplos ang mukha ni Lorenzo.

“Namiss ko rin kayo ni dad. I’m sorry kung pinag alala ko kayo ng husto.”

“Namiss ka rin namin anak. Ang importante ligtas ka at buhay at nakabalik na sa amin.” Ani Tito Arnaiz na pinunasan ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. Marahan din nyang hinaplos sa buhok si Lorenzo.

“Magpagaling ka iho. Naghihintay kaming lahat sayo.” Sabi naman ni Tiyang Meding na nasa likuran ko at humawak sa balikat ko.

Tumango naman si Lorenzo at ngumiti. Tumingin ulit sya sa akin.

“You’re pregnant?” Tanong nya.

Bahagya naman akong nagulat kung paano nya nalaman. Pero ngumiti na lang ako at tumango. Kumagat labi naman sya at ngumiti.

“Thanks God. Sinagot na rin nya ang matagal ko ng panalangin.” Usal nya at pumikit.

“Kaya magpagaling ka agad. Sasamahan mo pa akong magpacheck up. Hindi ako magpapacheck up hangga’t hindi ikaw ang kasama ko.” Sabi ko.

“Yes sweetheart..” Dinala nya sa labi ang kamay kong hawak nya.

Pinatabi na kami ng mga hospital staff dahil dadalhin na si Lorenzo sa operating room para matanggal na ang dalawang balang nakabaon sa katawan nya. Kinabahan naman ako. Parang gusto ko tuloy sumama sa operating room. Ayoko pang bitawan ang kamay nya. Ayoko pang mawala sya sa panigin ko.

“Iha, magiging ok din si Lorenzo. Bumalik na sya sa atin.” Sabi ni Tita Mirasol at humawak sa kamay ko. Tumango tango naman ako.

Sumama si Tito Arnaiz sa isang nurse para magpatest. Kakailangan daw ni Lorenzo na masalinan ng dugo. Kami naman ay naghintay na lang sa labas ng operating room. May isang nurse na lumapit at in-interview si Tita Mirasol. Panay ang usal ko ng dalangin na sana ay matagumpay ang operasyon. Mayamaya ay dumami na kami sa labas ng operating room dahil dumating ang limang kaibigan ni Lorenzo. Parang sumikip tuloy ang labas ng operating room dahil ang lalaki nila. Pero mababait naman sila dahil binilhin pa nila kami ng maiinom at makakain. Kinakausap din nila ako. Alam na rin pala nilang buntis ako sinabi raw ni Tita Mirasol at sinabi rin daw nila kay Lorenzo. Kaya pala alam nya.

Naghintay pa kami ng ilang oras sa labas ng operating room. Si Tito Arnaiz ay hinahanda na para sa pagsalin ng dugo kay Lorenzo. Sasalinan daw kasi ito agad paglabas ng operating room.

“Iha magpahinga ka kaya muna.” Untag sa akin ni Tita Mirasol.

“Pero tita hindi pa po nakakalabas si Lorenzo.” Sabi ko. Hindi ako uuwi hangga’t di ko nasisigurong ligtas si Lorenzo.

Bumuntong hininga si Tita Mirasol. “O sige, pero uuwi ka kapag nakalabas na si Lorenzo. Hindi pwedeng lagi kang napupuyat. Buntis ka. At saka para makapagpahinga na rin ang Tiyang Meding mo.”

Tiningnan ko si Tiyang Meding na nakaupo sa tabi ko. Nakasandal na ang ulo nya sa pader at nakapikit. Naawa naman ako. Alam kong antok na antok na sya pero hindi naman nya ako maiwan dito.

Tumango ako kay Tita Mirasol. “Opo, gusto ko lang makasiguro na ligtas na si Lorenzo.”

Hinawakan ni Tita Mirasol ang kamay ko at tinapik tapik. 

Naghintay pa nga kami sa labas ng operating room. Pati ang mga kaibigan ni Lorenzo ay matiyaga ding naghihintay. Maya maya pa ay bumukas na ang pinto ng operating room at lumabas ang dalawang nurse na may mga dalang gamit. Nagsitayuan naman kami. Si Tiyang Meding na nakatulog ay nagising at napatayo na rin. Sunod naman lumabas ang doktor na nagopera kay Lorenzo. Tinanggal nya ang face mask at hinarap kami.

“Doc kamusta na ang anak ko?” Tanong ni Tito Arnaiz.

“Natanggal na namin ang dalawang balang nakabaon sa kanya. Dadalhin na sya sa kwarto nya at kailangan nyo na rin hong sumunod para agarang masalinan ng dugo ang anak nyo.” Sabi ng doktor.

“Sige ho doc.” Sabi ni Tito Arnaiz.

Bumukas ng malaki ang operating room at lumabas na ang gurney bed na lulan ni Lorenzo. Nakasuot na sya ng hospital gown at nakapikit. May swerong nakakabit sa isang kamay nya. Tulak tulak ng dalawang lalaking nurse ang gurney bed. Sumunod naman kami dito.

Nakasilip ako sa salamin ng pinto sa loob ng silid kung saan nakaratay si Lorenzo. Nasa loob na rin si Tito Arnaiz at sinasalinan ng dugo si Lorenzo. Bumuntong hininga ako at hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Lorenzo. Awang awa ako sa hitsura nya at parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko maimagine ang hirap na dinanas nya sa mga kamay ng mga kriminal na yun.

“Iha, magpahinga ka na.”

Nilingon ko si Tita Mirasol na hinawakan ako sa braso. Ngumiti sya sa akin at hinaplos pa ang buhok ko.

“Kailangan mo ng magpahinga masyado ng malalim ang gabi. Ipapahatid ko na kayo sa driver.” Sabi ni Tita Mirasol.

Ngumiti naman ako at tumango. Ayoko pa sanang umuwi pero ayoko namang magmatigas at baka maging dagdag alalahanin pa ako.

“Paano po kayo?” Tanong ko.

“Magpapahinga din ako maya maya lang. Wag kang mag alala, kasama ko naman ang mga kaibigan ni Lorenzo.”

Tumingin ako sa mga kaibigan ni Lorenzo. Si Atlas, Kester at Matias na lang ang naiwan. Si Jeiz ay nagpaalam munang uuwi dahil tumawag na si Ivy. Ganun din si Luigi. Napag alaman kong may asawa na pala sya.

“Sige po, babalik na lang ako bukas.” Sabi ko. Nagyakapan muna kami ni Tita Marisol bago nya tinawag ang driver para ipahatid kami ni Tiyang Meding sa bahay. Nagpaalam din ako sa mga kaibigan ni Lorenzo. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Mag aalas dose na pala nga gabi.

KINABUKASAN AY mag aalas otso na akong nagising. Nataranta pa ako dahil tanghali na ako. Baka gising na si Lorenzo at hinahanap ako. Agad akong kumuha ng damit at halos takbuhin ang banyo para maligo.

“Kumain ka muna bago ka pumunta ng hospital.” Sabi ni Tiyang Meding.

“Sa hospital na po ako kakain tiyang.” Sabi ko habang nagsusuklay ng buhok na medyo mamasa masa pa.

“Aba’y hindi! Kumain ka muna. Hindi kita palalabasin hangga’t hindi ka pa kumakain. Alalahanin mo buntis ka na.” Sermon ni Tiyang Meding at pinandilatan ako ng mata.

Napanguso na lang ako at umupo na sa mesa kung saan ay may nakahain ng pagkain at kakainin na lang. Kumuha ako ng plato at nagsandok na ng sinangag, skinless at itlog. Pinagtimpla din ako ni Tiyang Meding ng paborito kong hot chocolate. Infairness marami akong nakain. Siguro kasi bumabalik na ang mood ko dahil nakita na si Lorenzo.

“Tiyang aalis na po ako.” Paalam ko kay Tiyang Meding at sinukbit na ang shoulder bag.

“O sige, sunod na lang ako mamaya. Nandyan na rin sa labas ang driver nila Mirasol at hinihintay ka.”

“Po? Kanina pa po sya dyan? Bakit di nyo agad sinabi?”

Namaywang si Tiyang Meding. “Eh kasi alam kong magmamadali ka sa pag alis. Siniguro ko munang makakakain ka. Sige na umalis ka na.”

Napakagat labi na lang ako at lumabas na ng bahay. Nasa labas na nga ang sasakyan. Lumabas ang driver at pinagbuksan ako ng pinto sa likuran. Agad naman akong sumakay. Excited na akong pumunta ng hospital.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Lorenzo. Narinig ko ang mga tawanan at malalaking boses ng mga kaibigan nya. Nandito pa rin pala sila. Pero wala si Tita Mirasol at Tito Arnaiz. Lumipad ang mata ko kay Lorenzo. Gising na sya at may ngisi sa labi habang nakikinig sa kwentuhan ng mga kaibigan. Napakagat labi ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Wala pang bente kwatro oras mula ng operahan sya at salinan ng dugo pero mukhang ok na sya. Huminto sila sa pagkukwentuhan ng mapansin ako.

“O nandito na pala ang sweetheart mo.” Nakangising sabi ni Atlas.

Naginit naman ang pisngi ko at binati sila. Bumalik ang tingin ko kay Lorenzo na nakatingin na rin sa akin.

“Sweetheart.” Malambing na tawag nya sa akin at tinaas ang isang kamay.

Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya. Ngumiti sya at pinisil pisil ang kamay ko. Nangilid na naman ang luha ko hanggang sa pumatak na. Mabilis ko naman iyong pinalis ng kamay.

“Wag ka ng umiyak, nandito na ako.” Natatawang sabi nya.

Hindi ko na napigilan at yumakap na ako sa kanya habang humihikbi. Pumalibot ang dalawang braso nya sa akin.

“A-Akala ko hindi na kita makikita. Takot na takot ako. Sobrang nag alala ako. Hindi ako makatulog at hindi rin makakain kakaisip sayo.” Anas ko sa pagitan ng paghikbi.

Hinalik halikan naman nya ang ulo ko habang hinahaplos ang likod ko. “I’m sorry sweetheart.. I’m really sorry. Hindi ko sinasadyang pagalalahin ka ng husto.”

Nagangat ako ng mukha at pinunasan ng kamay ang luha sa pisngi. Hinawakan ko ang mukha nya at ngumiti.

“Ang importante bumalik ka na at buhay. Baka tuluyan na akong mabaliw kung mawawala ka.” Sabi ko kasabay ng pagtulo muli ng luha ko.

Muli nya akong kinabig at niyakap. Nakasandig ang pisngi ko sa dibdib nya. Pumikit ako at ngumiti. Dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso nya kasabay din ng akin. Tila ba muli itong nagkaroon ng buhay.


Makwento ko lang, wala dapat update ngayon kasi wala ako sa mood. Nareject kasi ang isang story ko sa isang platform. Mashaket mga bhie 🤧Pero inisip ko na lang na wag masyadong magpaapekto at iimprove pa lalo ang pagsusulat. Tapos kumain ako at naidlip. Paggising ko naisip ko kayo. Wala kayong sawa sa paghintay ng update. Dahil sa inyo bumalik ulit ang mood ko kaya heto may update 😉

Anyway sa mga hindi pa knows nasa goodnovel na rin ako. Same name at same profile. Nandun ang Love Me Angel na may tatlong special chapter at Amira na may tatlong dagdag na chapter at special chapter din. Thanks in advance sa magpafollow at magreread. 😘

Chapter 46

Aitana

two weeks later..

LUMIPAS PA ang mga araw bumubuti na ang lagay ni Lorenzo. Ang bilis nga nyang makarecover. Pagaling na ang mga pasa nya sa katawan. Medyo paika ika pa nga lang syang maglakad dahil may tama sya sa kaliwang hita pero mabilis ng humihilom ang sugat. Isang linggo lang sya sa hospital at dito na sya sa bahay nya magpapagaling ng husto. Syempre ako ang nag aalaga sa kanya katuwang si Tita Mirasol. Ang bahay nya ay pinaayos na ni Tito Arnaiz at wala ng bakas na nilooban. May dagdag din na security.

Sa dumaang mga araw ay marami na ang nangyari. Binawian na ng buhay si Don Conrado. Si Congressman Raymond Echeveri ay tuluyan ng nakulong at nahaharap sa patong patong na kaso. Pero ang mas nakakagimbal sa lahat ng nangyari ay ang pagpapakamatay ni Julie sa loob ng piitan. Natagpuan sya sa banyo na nakabigti. Nagiwan pa sya ng sulat kay Lorenzo na humihingi sya ng tawad sa lahat ng ginawa nya. Kahit naiinis ako sa kanya ay nakaramdam din ako ng awa. Hindi ako pabor sa ginawa nya. Mas pinili pa nyang magpakamatay kesa magbagong buhay.

Si Lorenzo naman ay napromote. Pero hindi pa sigurado kung kelan sya babalik sa serbisyo o babalik pa ba. Dahil matigas si Tito Arnaiz sa utos nitong magretiro na sya. Alam kong ginagawa iyon ni Tito Arnaiz dahil nagaalala lang ito dahil sa nangyari sa kanya. Maging ako man ay yun din ang gusto ko, ang magretiro sya. Lalo na at magkakaanak na kami. Ayoko namang maaagang mawalan ng ama ang anak ko dahil sa trabaho nya.

Maingat kong hinahagod ang razor sa panga nya pababa sa leeg nya. May hawak akong bimpo na nakasahod sa may baba nya. Nandito kami sa banyo at inaahitan ko sya. Gusto ko na may balbas at bigote sya pero hindi naman yung sobrang kapal at haba.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nagsalubong ang mga mata namin. Mukhang kanina pa nya ako tinitingnan. Naginit naman ang pisngi ko at bahagya akong ngumuso.

“Bakit?” Tanong ko.

Ngumiti sya. “Ang sarap mo namang mag alaga. Misis na misis ang dating mo.” Aniya.

Mas lalo namang nag init ang pisngi ko. “Syempre boyfriend kita kaya dapat lang na alagaan kita.” Sabi ko.

Tumawa sya at hinapit ako sa bewang ng bahagya. “Kaso ayoko ng maging boyfriend mo.”

Napakunot noo ako sa sinabi nya. “Anong ibig mong sabihin?”

Kumagat labi sya at ngumiti. “Ang ibig kong sabihin ayoko ng maging boyfriend mo dahil gusto ko ng maging asawa mo. Pakasal na tayo sweetheart.” Malambing na sabi nya. Mapupungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.

Natigilan naman ako at napaawang ang labi. Bumilis ang pintig ng puso ko.

“N-Nagpo-propose ka na ba sa akin?” Manghang tanong ko.

Kinuha nya ang razor sa kamay ko at ang bimpo. Nilapag nya ito sa marmol na lababo. May dinukot sya sa bulsa ng khaki shorts nya. Napaawang ang labi ko ng makita ang kahitang kulay asul. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko.

“Pinabili ko to kay Kester sa hospital pa lang.” Aniya at binuksan ang kahita.

Nahigit ko ang hininga ng tumabad ang singsing na may kumikinang na bato.

“I’m sorry hindi ko pa kayang lumuhod sweetheart but.. marry me please..” Anas nya. May lambong ng pagsusumamo sa mukha nya.

Napalunok ako. Hindi ko inaasahan na aalukin nya ako ng kasal.

“S-Sigurado ka ba? Baka naman inaaya mo lang ako ng kasal kasi buntis ako.”

“Of course not. Noon pa man kahit hindi ka pa buntis gusto na kitang ayain ng kasal. Iniisip lang kita dahil alam kong hindi ka pa handa dahil focus ka pa sa pagtuturo. Pero ngayon wala ng dahilan para hindi tayo magpakasal. Gusto ko bago lumabas si baby kasal na tayo. So marry me sweetheart please..”

Napakagat labi ako. Tama naman sya. Ngayong may baby na kami kasal na lang talaga ang kulang sa amin at isa na kaming pamilya. Wala naman akong pagaalinlangan sa kanya. Mahal ko sya at sya lang ang lalaking gusto kong makasama habang buhay hanggang sa pagtanda.

Tumingin ako sa kanya at tumango. “Sige, magpakasal na tayo.” Naluluhang sabi ko at ngumiti.

Ngumiti na rin sya na halos abot tenga at kinuha ang kaliwang kamay ko. Sinuot nya sa daliri ko ang singsing. Himalang sukat na sukat ito. Dinala nya ang kamay ko sa labi at hinalik halikan ito. Kinabig nya ako at niyakap ng mahigpit. Yumakap din ako sa kanya. Hinalik halikan naman  nya ang tuktok ko.

“I love you sweetheart.. I love you so much.. Unang kita ko pa lang sayo binihag mo na ang puso ko.” Anas nya at mas humigpit pa lalo ang yakap nya.

“Mahal din kita Lorenzo.. Mahal na mahal.” Anas ko rin at tumingala sa kanya. Di ko akalain na mamahalin ko sya ng ganito. Dati paayaw ayaw pa ako sa kanya dahil sa agwat ng edad namin. Pero ngayon parang hindi ko na yata kayang mabuhay kung wala sya.

Binaba nya ang mukha at sinakop ang labi ko. Matamis at masuyo ang halik na pinagsaluhan namin. Walang pagmamadali at nilalasap ang bawat sandali. Dinadama ang pagmamahal sa isa’t isa.

Ng maghiwalay ang mga labi namin ay muli nya akong niyakap at sinubsob ang mukha sa buhok ko. Sinandig ko naman ang pisngi sa dibdib nya. Dinig ko ang malakas na tibok ng puso nya na tila musika sa pandinig ko.

“I’m sorry sweetheart dahil sa akin nagleave ka sa pagtuturo.”

Muli akong tumingala at hinawakan ang mukha nya. “Wag mo ng intindihin yun. Babalik pa rin naman ako sa pagtuturo.”

Ng malaman nyang nagleave ako sa pagtuturo dahil sa kanya ay guilty’ng guilty sya. Panay ang sorry nya sa akin sa hospital lalo ng ikwento pa ni Tiyang Meding na halos hindi ako kumakain, hindi makatulog at laging umiiyak.

“I promise.. aalagaan kita, kayo ni baby. Magiging mabuting asawa at daddy ako sa inyo.” Aniya at hinawakan ang pisngi ko.

Ngumiti naman ako at tumango. Alam ko namang magiging mabuting asawa at ama nya. Magkasintahan pa nga lang kami todo na ang pagaalaga nya sa akin lalo pa kaya kapag nag asawa na kami.

Bahagya ko syang tinulak sa dibdib at tumingin ng diretso sa mga mata nya. “May.. hihilingin sana ako.”

Tumaas ang sulok ng labi nya. “Ano yun sweetheart?”

Kumagat labi muna ako at bumuntong hininga. “Pwede bang.. magquit ka na sa pagpupulis?” Sabi ko.

Saglit syang hindi nagsalita at nakatingin lang sa akin. Kinabahan naman ako kasi baka magalit sya. Mahal nya ang trabaho nya at alam kong mahirap yun para sa kanya na bitawan. Pero kung patuloy sya sa pagseserbisyo hindi naman maaalis sa dibdib ko ang takot at pag aalala. Naiimagine ko ang sarili kong gabi gabing naghihintay sa pag uwi nya, hindi makatulog at parang pusang hindi maihi at napapraning.

Humugot ako ng malalim na hininga. “Natatakot kasi ako eh, kapag nagpatuloy ka pa sa serbisyo walang kasiguraduhan kung babalik ka pa sa akin ng.. b-buhay. Natatakot akong maulit ulit yung nangyari sayo. Paano kung sa pagkakataon na yun di ka na swertehin? Ayoko namang mabyuda agad agad, ayokong maagang mawalan ng ama ang anak natin. A-Ayokong mawala ka Lorenzo..” Pumipiyok pa ang boses na paliwanag ko. Nangingilid  na rin ang luha ko. Bangungot sa akin ang nangyari sa kanya. At ayoko na uling maranasan yun.

Pinunasan ng daliri nya ang gilid ng mata ko at hinalikan ako sa noo sabay yakap ulit sa akin ng mahigpit. Gumanti din ako ng mahigpit na yakap.

“Pinapangako ko sayo sweetheart, hindi ako mawawala sayo. Magsasama tayo habang buhay kasama ang magiging mga anak natin.”

SA GITNA ng hapunan ay masaya kami sa hapag kainan. Kami ni Tita Mirasol ang nagluto. Dumating din si Tito Arnaiz galing Manila. Dito muna sila naglalagi ni Tita Mirasol sa Inocencia habang nagpapagaling si Lorenzo. Tinawagan ko si Tiyang Meding, Benj at Macy at inimbitahan sila dito sa bahay. Dahil may iaanunsyo kami ni Lorenzo. Kaya heto ang ingay ng mesa, puno ng kwentuhan at tawanan.

“Naku, nakakatuwa naman ang love story nyong dalawa. Nakakakilig!” Komento ni Tita Mirasol kay Benj at Macy. “Basta ninang at ninong kami ng Tito Arnaiz nyo ha.”

“Wala pong problema tita, ipapahabol ko ang invitation sa inyo.” Ani Benj. Malapit na kasi ang kasal nila ni Macy sa huwes. Dalawang linggo mula ngayon.

Napalingon ako kay Lorenzo ng hawakan nya ang kamay ko. Nginitian nya ako. Ngumiti din ako sa kanya at tumango. Tumikhim sya. Nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat.

“May sasabihin ako sa inyo guys.” Ani Lorenzo.

“Ano yun anak?” Tanong ni Tita Mirasol.

“Dad, mom, Tiyang Meding, magpapakasal na rin ho kami ni Aitana.” Anunsyo nya at pinatong sa mesa ang magkahawak naming kamay. Tumambad sa mga mata nila ang singsing na nakasuot sa daliri ko. Nanlaki ang mata at napatuptop ng bibig si Benj at Macy. Si Tiyang Meding ay nakanganga din. Si Tito Arnaiz ay napatango tango. Si Tita Mirasol naman ay nakangiti at maluha luha. Mukhang hindi na sya nasurpresa.

“Sabi ko na nga ba eh. Ng makita ko pa lang kanina ang singsing sa daliri ni Aitana alam ko na. Hinihintay ko lang na sabihin nyo.” Sabi ni Tita Mirasol at pinagsalikop ang dalawang kamay at ngiting ngiti.

“Kanina lang ako nagpropose mom.”

“Mabuti naman na naisipan mo ng ayain ng kasal si Aitana. Akala ko kailangan pa kitang tutukan ng shotgun.” Ani Tito Arnaiz. Pinalo naman sya ni Tita Mirasol sa braso na ikinatawa naming lahat.

“Congratulations baks! Ihh! I’m so happy for you. Di ka talaga nagpapakabog.” Bati ni Macy na halatang masayang masaya para sa kin.

“Thank you baks!” Kinikilig din na sabi ko.

Tumikhim naman si Tiyang Meding na katabi ko rin. Natuon sa kanya ang atensyon namin.

“Ah, Tiyang Meding sana ho ay ok lang sa inyo na magpapakasal na kami ni Aitana. Bilang guardian nya hinihingi ko ho ang permiso nyo.” Sabi ni Lorenzo.

“Kuh! Ano ka ba namang bata ka. Syempre ok na ok sa akin. Alam mo namang sa una palang botong boto na ako sayo para sa pamangkin ko.” Ani Tiyang Meding.

Ngumiti naman kami ni Lorenzo. “Salamat ho Tiyang Meding.”

“Masaya ako para kay Aitana dahil nakatagpo sya ng lalaking mag aalaga at magmamahal sa kanya. Ganun din kay Benj. Masaya ako para sa mga pamangkin ko. Syempre matanda na ako. Gusto ko bago ako mawala sa mundo eh maayos na ang lagay nila sa buhay.”

Hinawakan ko ang isang kamay ni Tiyang Meding at sumandig sa balikat nya. Maaga man ako naulila sa magulang ay pinuno naman ako ni tiyang ng pangaral at pagmamahal. Sya na ang naging magulang ko.

“Thank you po tiyang sa pagiintindi at pag aalaga sa akin.” Sabi ko.

“Syempre pamangkin kita. Para na kitang anak, kayo ni Benj. Ang gusto ko lang ay ang ikabubuti nyong dalawa.”

Tumayo si Benj at lumapit sa aming dalawa ni Tiyang Meding. Sabay namin syang niyakap. Nakatingin naman sa amin ang mga naroon sa lamesa at may mga ngiti sa labi. Kahit nga si Tito Arnaiz na hindi naman palangiti ay nakangiti rin.

“Basta tiyang, kahit may asawa na kami ni Aitana nandito pa rin kami para sayo.” Sabi ni Benj. Tumango tango naman ako. Naluha naman si Tiyang Meding at tinapik tapik kami sa braso. Bumalik na si Benj sa upuan nya at naghawak kamay din sila ni Macy.

“O ikaw Aitana, maging mabuti kang asawa kay Lorenzo. Bawas bawasan ang katigasan ng ulo.” Bilin sa akin ni Tiyang Meding. 

“Opo tiyang.”

Binalingan naman ni Tiyang Meding si Lorenzo. “Ikaw na ang bahala sa pamangkin ko Lorenzo. Alagaan mo sya at pagpasensyahan mo na rin ang kakulitan nyan kung minsan.”

“Oho Tiyang Meding, makakaasa ho kayo.” Sabi ni Lorenzo na muling hinawakan ang kamay ko. Hinalikan pa nya ako sa noo.

“So anong balak nyo sa kasal? Huwes rin ba muna?” Tanong ni Tito Arnaiz.

Nagitinginan kami ni Lorenzo. Hindi pa namin napaguusapan ang detalye tungkol sa kasal.

Tumingin si Lorenzo sa daddy nya. “No dad, gusto ko sa simbahan na agad.” Sabi nya at binalik ulit ang tingin sa akin. Bahagya ko namang nahigit ang hininga.

Tumango tango naman si Tito Arnaiz at Tita Mirasol. “Kelan naman ang balak nyo?”

“Actually hindi pa namin napaguusapan yan dad, mom. Pero dahil natanong nyo na rin, gusto kong magpakasal kami three months from now habang hindi pa masyadong malaki ang tiyan nya.”

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Lorenzo.

“Ayos lang ba yun sayo sweetheart?” Tanong ni Lorenzo.

Ngumiti naman ako at tumango. Syempre ayos lang sa akin. Nasurpresa lang ako kasi gusto pala nya sa simbahan. Akala ko sa huwes eh. Naexcite tuloy ako na magsuot ng traje de boda.

“Pero hindi ba masyado naman yatang mabilis ang three months anak. Baka hindi kayanin ang preparasyon.” Sabi ni Tita Mirasol.

“Kakayanin yun ma. Magbabayad ako ng malaki sa mga wedding planner na kukunin ko. Basta gusto ko three months from now ikakasal na kami ni Aitana sa simbahan.” Determinadong sabi ni Lorenzo.

Tumawa si Tito Arnaiz. “Anak nga kita.”

Ngumisi si Lorenzo.

Umikot naman ang mata ni Tita Mirasol. “Anyway, may mga kilala akong wedding planner iho.”

Tumango si Lorenzo. “Ok mom, ibigay mo na lang sa akin ang mga email nila.”

Kaya sa gitna ng hapunan ay pinagusapan na rin namin ang tungkol sa kasal. Kung saan gaganapin at sino sino ang mga bisita.

SUNOD SUNOD ang kagat ko ng burger. Bigla kasi akong nagcrave sa fastfood. Nasa byahe pa lang kami kanina papunta sa clinic ay nagcrave na ako ng makita ang logo ng isang sikat na fast food chain. Kaya paglabas namin ni Lorenzo sa clinic ng ob namin ay dito kami sa fast food dumiretso. Kaya na nyang magmaneho at tuwid na rin syang maglakad. Hindi pa rin sya bumabalik sa serbisyo. Hindi ko naman sya kinukulit tungkol doon. Ayoko naman syang panguhan. Basta nabanggit ko na sa kanya na gusto ko na syang magretiro. 

“Dahan dahan lang sweetheart baka mabulunan ka.” Natatawang sabi ni Lorenzo na fried chicken naman ang nilalantakan.

“Nagugutom ako eh.” Sabi ko na halos puno ang bibig.

Tumango tango naman si Lorenzo. “Sige lang sweetheart, kain lang ng kain. Para mabilis lumaki si baby sa tiyan mo.” Aniya.

Kanina habang nasa clinic kami ay halos sya ang kumausap sa ob ko. Ang dami nyang tanong tungkol sa pagbubuntis ko. Akala mo sya ang buntis. Natatawa na nga lang ang doctor. Halata kasing excited sya. Oh well, matagal na rin naman kasi nyang gustong magkaanak. Gusto pa nga nya maraming anak. Mga apat raw o lima. Nagiisang anak lang kasi sya at medyo malungkot raw. Ako rin, gusto ko rin ng maraming anak. Maaga akong naulila at wala ring kapatid pero may pinsan naman ako. Pero iba pa rin yung may kapatid ka. Saka gusto ko rin ng malaking pamilya para mas masaya.

Nakakuha na rin sya ng wedding planner sa tulong ni Tita Mirasol. Dalawang wedding planner ang kinuha nya. At dito rin kami sa Inocencia ikakasal, sa simbahan sa bayan na daang taon na ang tanda. Talagang tuloy na tuloy na ang kasal namin. Bukas nga ay pupunta ulit sa bahay nya ang dalawang wedding planner para pagusapan na ang lahat ng detalye. At lahat ay sagot ni Lorenzo. Gusto ko nga sanang magbigay ng ambag dahil may ipon naman ako sa bangko. Ayaw naman nya. Sya daw ang lalaki at sya na ang bahala sa lahat. Ang ambag ko na lang daw ay ang pirma ko sa marriage contract namin.

Pagkatapos naming kumain ay nagtake out pa kami. Uuwi kami ngayon sa bahay namin ni Tiyang Meding. Nandun na raw kasi ang damit na susuotin ko sa kasal ni Benj at ni Macy sa susunod na araw.


Palambing naman guys. Kung may dreame kayo pafollow na rin. Same name at same profile. Nandun yung unang erotic story ko na binura ni watty. Basahin nyo na po hangga’t free pa :)

Chapter 47

Aitana

“CONGRATULATIONS BAKS!” Bati ko kay Macy at niyakap sya. Masayang masaya ako para sa kanya dahil kasal na sila ni Benj.

“Thank you baks. Sa wakas cousin in law na kita.” Natatawang sabi nya na medyo naluluha pa. Ang ganda ganda din nya sa ayos nya. Sa salon sya ni Benj inayusan at talagang mabusisi si Benj sa pagaayos sa kanya. Kanina nga si Benj pa ang nagretouch sa kanya.

“Congrats insan.” Bati ko rin kay Benj at niyakap sya. Gwapong gwapo ang hitsura nya ngayon sa suot na puting bottom down long sleeves at slacks na itim. Lalaking lalaki ang dating nya. Di mo aakalain na nagmamayari sya ng mga salon.

“Thanks insan.” Ani Benj na naluluha din. Bakas din sa kanyang mukha ang saya. Hinawakan nya sa kamay si Macy.

Binati rin sila ni Lorenzo na nasa tabi ko. Lumapit na rin sila Tiyang Meding, Tita Mirasol, Tito Arnaiz at ang nanay ni Macy at ang amain nya para bumati. Nagpicture taking muna kami bago dumiretso sa reception.

“Talagang magbestfriend kayong dalawa ha. Sabay pa kayong magbuntis. Eh ikaw kelan ka naman ikakasal Miss Mangubat?” Tanong ni Miss Maascad.

“Sa ikalawang buwan na po.” Nakangiting sabi ko.

“Sa huwes rin ba?”

“Sa simbahan po. Imbitado rin kayong lahat.”

Tuwang tuwa naman si Miss Maascad at mga co teachers namin na imbitado rin. Mesa nga yata namin ang pinakamaingay sa reception.

Si Lorenzo ay iniwan muna ako rito sa mesa ng mga co teachers ko at doon muna sya sa mesa nila Tiyang Meding at ng mommy at daddy nya. Pero panay naman ang sulyap nya sa akin na parang mawawala ako sa paningin nya.

“Eh kelan ka naman babalik sa school? Namimiss ka na ng mga estudyante mo. Kaya mo na ba?” Tanong ulit ni Miss Maascad.

Tumango naman ako. “Tatapusin ko lang po yung araw ng leave ko then babalik na po ako. Namimis ko na nga rin ang mga estudyante ko eh.” Napagusapan na rin namin ni Lorenzo na babalik na ako sa pagtuturo. Maglileave na lang ulit ako kapag kabuwanan ko na.

“Mabuti naman at natutuwa rin akong makitang ayos ka na. Naku mas sanay akong pasaway ka kesa makitang ganoon ka.” Sabi pa ni Maascad.

Nahihiyang ngumiti naman ako at napakamot sa ulo. Kahit may pagkaterror si Miss Maascad pero isa rin sya sa mga taong umalalay sa akin noong panahong para na akong mababaliw dahil hindi pa nakikita si Lorenzo.

“Salamat po ma’am.” Sabi ko.

Nagpatuloy pa ang kasiyahan sa reception. Halos kaming mga teacher ang maiingay. Lalong lalo na ang mga co teachers namin na mga wala pang asawa.

Nilingon ko ang pwesto nila Lorenzo. Nakikinig sya sa kwentuhan ng mga kasama nya sa mesa at nakikitawa rin. Tumingin sya sa akin at ngumiti sabay kindat. Napanguso ako at naginit ang mukha. 

“Aitana.”

Nilingon ko si Benj na tinawag ako. Magkadikit sila ni Macy at tila may kung anong tinitingnan sa cellphone.

“Si tatay hinahanap ka.” Ani Benj at tinuro ang cellphone.

Tumayo naman ako at nagpaalam sa mga co teachers ko. Pinuntahan ko ang mesa ng bagong kasal na katabi lang ng mesa nila Lorenzo.

Napangiti ako ng makita si Tiyong Toto. Kinamusta nya ako. Hinanap pa nya si Lorenzo na tinawag ko naman. Tumayo sya at lumapit sa amin. Inakbayan nya ako at halos magdikit ang mukha namin na kaharap si Tiyong Toto. Nag alala rin kasi si Tiyong Toto ng malaman ang nangyari kay Lorenzo. Hindi sya nakadalo sa kasal ni Benj dahil naextend pa ang kontrata nya ng anim na buwan. Hindi rin sya makakadalo sa kasal namin ni Lorenzo. Pero bago kami manganak ni Macy ay nandito na sya sa Pilipinas.

HUMAHAGIKGIK AKO habang pinapapak ako ng halik ni Lorenzo sa leeg. Minsan ay napapaungol pa. Paano ba naman hindi lang halik ang ginawa nya sa leeg ko kundi may dila at paminsan minsang kinakagat pa nya. Naaarouse na tuloy ako. Di na ako magugulat kung mauuwi kami sa mainit na pagniniig. Matagal tagal na rin kaming hindi nagse-sex at aaminin kong nasasabik ako.

Nandito kami ngayon sa sala ng bahay nya at nakakandong ako sa kanya. Magaling na ang sugat nya sa hita at balikat kaya pwede na naming gawin ang gusto naming gawin. Kaming dalawa lang ang nandito dahil bumalik na ng Manila si Tito Arnaiz at Tita Mirasol. Babalik na lang sila sa weekend.

“Hindi na ako makapaghintay na makasal tayo sweetheart.” Anas ni Lorenzo sa pagitan ng paghalik sa leeg at balikat ko.

“Two months na lang ang hihintayin natin ikakasal na tayo.” Natatawang sabi ko at sinuklay ng daliri ang buhok nya.

“Tsk, naiinggit ako. Lagi na lang kasi tayong nauunahan ng pinsan mo.” Himutok nya at bahagyang ngumuso pa.

Hinawakan ko ang mukha nya at bahagyang pinisil ang kanyang pisngi. “Wag ka ng mainggit magkakababy at ikakasal na rin tayo.”

Hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa labi nya at yun naman ang pinupog nya ng halik. “Kapag kinasal na tayo, saan mo gustong tumira?” Malambing na tanong nya na mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.

“Hmm, gusto ko sana dito pa rin tayo sa Inocencia. Dito sa bahay mo. Ayoko kasing malayo kanila tiyang at Benj.” Sila na lang kasi ang mga kamag anak ko. At kapag nalayo ako sa kanila malulungkot sigurado ako.

“No problem sweetheart. Kahit saan mo gusto. Pwedeng magpagawa tayo ng bahay yung mas malaki.” Suhestiyon nya.

Inikot ko ang nga braso sa leeg nya. “Ayoko ng masyadong malaki. Ok na nga sa akin tong bahay mo eh.”

“Syempre sweetheart gusto ko pa rin yung may bagong bahay tayo. Yung mas malaki dito sa bahay. Yung maraming kwarto para sa mga anak natin. Yung may bakuran na pwede nilang paglaruan. Tapos palalagyan ko ng mini playground at swimming pool. Actually may nabili na nga akong lupa malapit sa inyo.” Aniya.

“Talaga? Saan banda roon sa amin?” 

“Sa may kanto nyo. Yung bakanteng lupa roon.”

Napaawang ang labi ko. Malawak ang lupa na yun. Pwede ngang gawing sakahan. Ang alam ko ay milyones ang halaga noon.

“Yung buong lupa na yun binili mo?” Tanong ko.

Tumango sya. “Doon natin itatayo ang bagong bahay natin.”

Napaawang naman lalo ang labi ko. Ayoko ng itanong kung magkano nya nabili dahil siguradong malulula lang ako. Well sino ba naman ako para tanggihan ang inaalok nyang malaking bahay. Hindi naman para sa akin lang yun kundi para rin sa mga magiging anak pa namin.

“Pero kailagan din nating tumira sa Manila paminsan minsan sweetheart.” Dagdag pa nya.

“Oo naman. Syempre kailangan din nating samahan doon ang mommy at daddy mo.”

Ngumiti sya. “Hindi lang yun sweetheart. Doon na rin kasi ako magtatrabaho, sa kumpanya namin. Ako na ang papalit kay dad.”

Napaawang ulit ang labi ko sa sinabi nya. “Anong ibig mong sabihing doon ka na magtatrabaho?”

Dumako ang kamay nya sa bewang ko at humihimas doon ang hinlalaki nya. “Papalitan ko na si dad sa pamamahala sa kumpanya namin. Nagfile na ako ng retirement sa ahensya sweetheart.”

Nanlaki ang mata ko at napasinghap. “Magkuquit ka na sa pagpupulis?”

Marahan syang tumango at ngumiti.

Yumakap naman ako sa batok nya ng mahigpit at sumubsob sa balikat nya. Pumaikot din ang mga braso nya sa katawan ko. Bahagya pa akong naluha sa tuwa. Yun ang palagi kong pinagdarasal gabi gabi na magquit na sya sa serbisyo. Dahil habang nasa serbisyo pa sya hindi mapapayapa ang loob ko.

Kumalas ako sa pagyakap sa kanya at hinawakan ang mukha nya. “Thank you hon.” Anas ko at kinintalan sya ng mariing halik sa labi.

Ngumiti sya at kumagat labi. “Ang sarap namang lambing nun.”

“At habang buhay mo ng matitikman ang lambing na yan.” Nanunuksong sabi ko at muling kinabig ang mukha nya at siniil sya ng mainit na halik.

Agad naman syang tumugon sa mas mapusok pang paraan. Ang mga kamay nya ay mas naging mapangahas na. Humahaplos at pumipisil na ito sa mga maseselan kong parte.

warning 🔞

Napasinghap ako ng ibaba nya ang tirante ng dress ko. Dahil wala akong suot na bra ay agad nyang dinaklot ang isa kong dibdib at sinubo. Napadila naman ako sa labi sabay kagat dahil sa kiliti at sarap na nararamdaman ko. Namiss ko ang pakiramdam na ito at nasasabik ako.

“Ooh..” Daing ko at napapikit ng tudyuhin ng kanyang dila ang utong ko sabay sipsip nya. Ang isang dibdib ko ay lamas lamas naman ng kanyang malaking kamay.

“Hmm.. namiss ko to sweetheart..” Anas nya sa pagitan ng pagsipsip sa utong ko. Pagkatapos ay ang kabilang dibdib ko naman ang pinapak nya.

Ang isa nyang kamay ay naglandas na sa mga hita ko. Humahaplos pataas. Awtomatikong naghiwalay naman ang mga hita ko at awtomatiko ring dumapo ang kamay nya sa gitna ko.

Napakagat labi ako at napapaliyad sa bawat haplos ng kamay nya sa pagkababae kong nahaharangan pa ng panty. Kinakapa ng daliri nya ang hiwa ko at hinagod hagod. Ang bibig naman nya ay wala pa ring patid sa pagpapala sa mga dibdib kong namumula na at basa na dahil sa laway nya. Tirik na tirik na rin ang utong ko.

“Basa ka na sweetheart.” Anas nya habang patuloy pa rin sa paghimas sa ibabaw ng pagkababae ko.

“Ikaw eh..” Parang pusang humahalipuypoy na sabi ko. Nagiinit na ang pakiramdam ko.

Hinila nya ang pababa ang panty ko. Bahagya ko namang inangat ang pangupo ko para mahubad ang panty. Nilagay nya sa coffee table ang panty ko. Pagkatapos ay pinaghiwalay nya ang mga hita ko at muling sinapo ang pagkababae ko. Ngayon ay damang dama ko na ang mainit at magaspang nyang kamay. Nakasandal na ako ngayon sa kanya habang nakaupo sa kandungan nya patalikod. Nakaipon na ang dress ko sa bewang ko.

Napakagat labi ako ng hagurin ng daliri nya ang hiwa ko pataas sa clit at yun naman ang nilaro laro ng daliri nya. Ang isang kamay naman nya ay kumukubkob at pumipisil sa mga dibdib ko.

“Hmm Lorenzo..” Daing ko ng mas bumilis at dumiin pa ang daliri nya sa pagmamasahe sa clit ko.

“Fuck.. mas lalo ka pang nabasa sweetheart..”

Mmhhh sarap..“

Sumubsob sya sa leeg ko habang patuloy sa ginagawa. Mayamaya ay bahagya nyang pinisil ang clit ko na impit kong ikinatili kasabay ng panginginig ng katawan ko. Naramdaman ko ang pagragasa ng likido ko palabas sa lagusan ko.

Habol ang hiningang sinandig ko ang ulo sa balikat ni Lorenzo. Hinalik halikan naman nya ako sa sentido at pisngi.

“I love you..” Malambing na bulong nya.

“I love you too..”

Binuhat na nya ako at umakyat na kami patungo sa kwarto..


Dalawang chapter na lang 🥲

END

warning 🔞

Aitana

“UGHH! AHH! Shit Lorenzo! Idiin mo pa!” Ungol ko sa sarap habang binabayo ako sa likuran ni Lorenzo.

Nakaluhod ako sa kama habang nakatukod ang dalawa kong siko habang malaya kong tinatanggap ang maririing bayo ni Lorenzo sa lagusan ko. Sarap na sarap ang pakiramdam ko at sabik na sabik. Kakaiba ang init na nararamdaman ko ngayon.

“Tangina sweetheart ang dulas sa loob mo at ang init.. ang sarap!” Daing nya sabay palo sa pang upo ko ng dalawang beses. Siguradong namumula na ang mga ito.

Ginalaw ko naman ang balakang ko at sinalubong ang pagbayo nya.

“Fuck, ganyan nga sweetheart.” Tumigil si Lorenzo sa paggalaw at hinayaan ako sa paggalaw.

Ngayon ay damang dama ko ang kahabaan at katabaan ng pagkalalaki nya sa bawat ulos ko ng balakang. Naramdaman ko namang pinaghiwalay nya ang dalawang pisngi ng pang upo ko at muli syang umulos ng mabagal. Sinasalubong ang balakang ko. Napakagat labi naman ako sabay ikot ng mata. Iba talaga kapag sya ang gumagalaw. Mas masarap ang hagod.

Mayamaya ay binilisan na nya ang pagbayo. Madiin at sagad na sagad. Impit naman akong napapatili. Tuluyan na rin akong napasubsob sa kama habang hinahabas pa rin nya ako ng bayo.

“Ahhh! Ahhh! Hnghh! Ahmmm..”  Mga ungol na namumutawi sa bibig ko.

Ilang sandali pa ay nanginig na ang katawan ko kasabay ng pag agos ng katas ko. Dumapa naman sya sa likod ko at hinalik halikan ang balikat at buhok ko pati ang pisngi.

Hinugot nya ang pagkalalaki nya at humiga sa kama. Inutusan nya akong upuan ko sya na ginawa ko naman. Hinawakan ko ang pagkalalaki nyang tirik na tirik pa rin sa katigasan. Hinagod hagod ko muna ito saka tinutok sa basang basang lagusan ko saka dahan dahan ko itong inupuan. Napaungol naman sya at humawak sa mga hita ko.

Napakagat labi naman ako ng tuluyan ko na syang maipasok ng buo sa loob ko. Malaki talaga sya dahil punong puno at banat na banat ang pakiram ko.

“Ahh fuck sweetheart.. galaw ka na please..” Tila nahihirapang pakiusap nya. 

Humawak ako sa matigas nyang tiyan at nagumpisang gumiling. Atras, abante at paikot.

“Ugh shit! Ganyan nga sweetheart uhhh.. More please..”

Mas lalo ko pang ginalingan sa paggiling. Iniipit ko ang pagkalalaki nya sa loob ko na lalo nyang ikinaungol. Para na nga syang mabangis na hayup sa kakaungol. Mahigpit na ang hawak nya sa mga hita ko.

Pinagmamasdan ko ang mukha nya habang para akong hinete sa ibabaw nya. Napapaawang ang labi nya at minsan ay napapakagat pa. Mapupungay din ang mga mata nyang tila inaantok. Bakas sa mukha nya ang sarap sa ginagawa kong pagindayog sa pagkalalaki nya. Mas lalo lang akong ginaganahan at nagiinit sa hitsura nya.

Inapak ko ang dalawang paa sa kama at humawak sa dalawang kamay nya at nagtaas baba sa pagkalalaki nya.

“Ohh damn sweetheart! Nghhh so fucking good! Sige pa!”

Binilisan ko pa ang pagtaas baba sa pagkalalaki nya habang kagat labing umuungol. Dahil ako ang nasa ibabaw at gumagalaw ay nasa akin ang kontrol. Nariyang isasagad ko at sinasabayan pa ng pagikot ng balakang.

“Unghh! Uhmp! Uhmp!”

“Putangna! Di ko na kaya sweetheart!” Angil nya at humawak sa bewang ko at gumalaw. Sinalubong nya ang ulos ko.

Napaawang ang labi ko at humawak sa braso nya ng mahigpit. Bawat ulos nya pataas sa lagusan ko ay punong puno ng pwersa. Napapatirik naman ang mata ko.

“O-Oh my ghad Lorenzo – ahhh!” Nanginig ang katawan ko at nagdikit ang mga hita ko ng matamaan nya ang sensetibong parte sa loob ko. Para akong kinukuryente sa sarap.

Bumagsak ang tuhod ko sa kama dahil sa panghihina at dumapa sa ibabaw ni Lorenzo. Sya naman ay inikot ang mga braso sa bewang ko habang patuloy sa pagulos.

“Uhnghh fuck! I’m cumming sweetheart! I’m cumming! Ughhh!” Daing nya at umulos ng madiin sabay sambulat ng mainit nyang katas sa loob ko. Damang dama ko pa ang pagpintig ng pagkalalaki nya.

Sinandig ko ang pisngi sa dibdib nya at pinikit ang mata habang kapwa kami habol ang hininga. Hinaplos haplos nya ang likod ko habang tinataniman ng halik ang buhok ko at bumubulong ng matatamis na salita.

Ilang sandali kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa inikot nya ang aming katawan at ako na ang nasa ilalim at sya naman ang nasa ibabaw. Muli uli syang gumalaw..

two months later..

“I NOW pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”

Nagharap kami ni Lorenzo at hinawakan nya ang dulo ng veil ko at dahan dahang tinaas. Napangiti ako lalo ng malinaw ko ng masilayan ang gwapo nyang mukha na nakangiti rin. Inabot ko ang pisngi nya at hinaplos. Inabot rin nya ang mukha ko at hinaplos din. Pinalis ng daliri nya ang luha kong pumatak. Nangiti naman ako lalo. Hinapit nya ako sa bewang at nilapit ang mukha sa akin.

Sumigabo ang palakpakan sa loob ng simbahan ng maglapat ang mga labi namin ni Lorenzo. Nagtagal ng ilang sandali ang paglalapat ng aming labi. Masuyo at malambing ang halik na pinagsasaluhan namin. Simula ngayong araw na ito ay ganap na kaming mag asawa, sa mata ng Diyos at sa mata ng tao.

Ng maghiwala ang labi namin ay sa noo naman nya ako hinalikan. Napapikit naman ako at nilapat ang isang palad sa ibabaw ng barong nya sa tapat ng dibdib nya. Damang dama ko ang malakas na pintig nito gaya rin ng sa akin.

“Mahal na mahal kita misis ko.” Anas nya.

Dumilat ako at tumingala sa kanya. “Mahal na mahal din kita mister ko.”

Nasasabik na akomg gumising sa umaga na mukha nya ang una kong makikita. Nasasabik na akong ipagluto sya ng almusal sa umaga at asikasuhin ang mga kailangan nya pagpasok sa trabaho. Nasasabik na akong hintayin ang paguwi nya araw araw at sasalubungin ko sya ng mainit na yakap at halik.

“Congratulations newlyweds!” Bati sa amin ng mga bisita at sinabuyan kami ng mga petals ng bulaklak ng makalabas na kami ng simbahan. Ngiting ngiti naman kami ni Lorenzo. Mahigpit ang hawak nya sa kamay ko.

Lumapit sa amin si Tita Mirasol at Tito Arnaiz at niyakap kaming dalawa.

“Welcome to our family iha.” Bati sa akin ni Tito Arnaiz na yakap ako at tinapik tapik ako sa likod. Nginitian ko naman si Tita Mirasol na nakangiti rin sa akin bagamat maluhaluha. Inabot ko ang kamay sa kanya at hinawakan nya iyon at pinisil.

“Thank you po tito.” Sabi ko kay Tito Arnaiz ng maghiwalay na kami ng yakap.

“It’s daddy iha.”

“And call me mommy from now on.” Ani Tita Mirasol at muli akong niyakap. “Sa wakas may anak na rin akong babae.”

Naluha maman ako sa sinabi ni Tita Mirasol. Ramdam ko ang pagtanggap nila sa akin. Ramdam kong may bago akong pamilya.

Si Tiyang Meding naman ang lumapit sa amin at niyakap rin ako. Maluha luha rin sya.

“Sa wakas natupad na rin ang hiling kong matakatagpo ka ng lalaking magmamahal at magaalaga sayo habang buhay.” Madamdaming sabi ni Tiyang Meding.

“Salamat po tiyang sa lahat. At kahit may asawa na ako nandito pa rin ako para sa inyo at hindi ko kayo pababayaan.”

“Kuh, wag mo na akong masyadong intindihin. Malakas pa ako. Basta maging mabuting asawa at ina ka. Wag mong pababayaan ang pamilya mo.” Bumaling naman si Tiyang Meding kay Lorenzo. “Ikaw na ang bahala sa pamangkin ko Lorenzo. Alagaan mo sya.”

“Makakaasa po kayo tiyang.” Ani Lorenzo at niyakap din si Tiyang Meding.

Sunod namang bumati si Benj at si Macy na pawang may mga ngiti sa labi. Nagyakapan kami ni Macy.

“Congratulations baks! Sa susunod nyan mangangak ka na.”

“Oo, pero mauuna ka muna.” Natatawang sabi ko.

“Oo nga pala.” Natawa na rin sya.

“Ikaw na ang bahala dito sa pinsan ko Lorenzo ha.” Habilin naman ni Benj.

“Sure pare.” Nakangising sabi naman ni Lorenzo at tinapik sa balikat si Benj.

Binati rin kami ng mga co-teachers ko na imbitado din. Pati na rin ng ilan naming kapitbahay. Syempre hindi rin nagpahuli sa pagbati ang mga kasamahan ni Lorenzo sa serbisyo.

“Congratulations sir Enzo, ma’am Aitana.” Bati ni Jefferson. Nginitian ko naman sya at pinasalamatan.

“Sa wakas sa simbahan rin ang tuloy nyo. Congrats sa inyong dalawa.” Ani Diego at nagtapikan pa sila sa balikat ni Lorenzo. Ako naman ay kinamayan at nginitian nya.

“Mamimiss ka namin sa istasyon pare at sa mga operasyon.” Si Elmer.

Ngumisi naman si Lorenzo. “Mamimiss ko rin kayo. At congratulations sa inyong dalawa ni Diego. Deserved nyong mapromote.”

“Salamat pare.”

Lumapit rin si amin ang hepe at ang ninong ni Lorenzo at binati kami.

“Salamat sa serbisyo mo Villegas. Nakakapanghinayang man ang pagretetiro mo pero wala na akong magagawa roon. Hangad ko ang mapayapang pagsasama nyong mag asawa.” Anang chief at kinamayan kami ni Lorenzo.

“Salamat chief. Masaya akong nakatrabaho ko kayo.”

“Congratulations iho. Masaya akong makitang bubuo ka na ng sarili mong pamilya. Alagaan at mahalin nyo ang isa’t isa.” Bati namin ng ninong nyang si Provincial Director Esmundo na kinamayan rin ako.

“Maraming salamat rin ninong sa lahat ng tulong nyo.” Sabi naman ni Lorenzo.

“Walang anuman iho. Para na kitang anak.”

Kung sino sino pa ang bumati sa amin. Noon ko lang napansin ang dami pala naming bisita. Imbitado nga rin ang mag amang Mang Hunyo at Pengpeng na binati rin kami. Si Mang Hunyo na kasi ang full time katiwala ni Lorenzo sa paupahan nya at sa bago pang paupahan na tinatayo. Hindi na sya nangangalakal ngayon. Mayroon na rin silang tindahan.

“Congratulations Mr. and Mrs. Villegas.” Bati naman sa amin ng mga kaibigan ni Lorenzo na gwapong gwapo sa mga suot na barong tagalog. Kanina nga sa loob ng simbahan ay halos sila lang ang tinitingnan ng mga bisita lalo na ang mga co-teachers kong mga babae na wala pang asawa. Agaw pansin ba naman kasi ang mga hitsura nila na akala mo mga modelong hinugot sa magazine. Isa isa nila kaming binati.

Si Ivy ay niyakap pa ako habang binabati ako. Tuwang tuwa sya na ako ang nakatuluyan ng kaibigan ng asawa nya. Siguradong mas magiging close pa kami lalo na at nag alok sya na magninang sa anak ko.

Nakilala ko rin ang asawa ni Luigi na si Ivona. Maganda sya, maamo ang mukha, maputi at makinis. Mukha nga syang artista. Mabait naman sya pero mukhang mahiyain at mukhang bata pa. At ito ngang si Luigi ay parang kamay ng octopus ang braso na laging nakapulupot sa kanya. Di naman halatang patay na patay sya sa asawa nya.

Pagdating namin sa reception ay marami ng tao. Nandun na rin halos lahat ng kapitbahay namin. Dito kasi namin ginanap ang reception sa malawak na lupang binili ni Lorenzo na pagtatayuan namin ng bahay. Maganda ang pagkakaset up ng dalang wedding organizer na kinuha ni Lorenzo. Namumutiktik ng maliliit na ilaw ang paligid na parang mga alitaptap. Namumutitik din ng mga bulaklak at bumabaha ng pagkain at alak. Masayang masaya ang lahat at akala mo ay may fiesta. Lalong lalo na ang mga kapitbahay namin na malapit na sa amin ni Tiyang Meding. Nakakatuwa nga dahil kahit magkakaiba ang antas sa buhay ng mga bisita ay nagkakaisa sila sa kasiyahan. Lalo na ang mga bisita ni Lorenzo na talaga nga namang mga galing sa alta sosyedad pero marunong namang makipag kapwa tao.

May production number pa ngang hinanda ang tropa nila Biboy. Kahit mga kaliwa ang mga paa ay todo bigay pa sila. Aliw na aliw naman ang mga bisita. Nagkaroon pa nga ng asaran dahil dati kong manliligaw si Biboy pero masaya naman daw sya para sa akin na halata naman. Ang mga kaibigan naman ni Lorenzo ay inasar sya pero nakisakay lang si Lorenzo at nag apir pa sila ni Biboy.

Pagkatapos ng mga pakulo ay kami naman ni Lorenzo ang gumitna at sumayaw sa saliw ng malamyos na musika. Nakahawak ako sa balikat nya at sya naman ay hapit hapit ako sa bewang. Nakatitig kami sa isa’t isa at may ngiti sa labi. Napapikit ako ng halikan nya ang noo ko, ilong at labi. Ilang sandaling nanatili ang labi nya sa labi ko pagkatapos ay pinagdikit nya ang mga noo namin. Ngumiti naman ako.

“You’re my everything sweetheart, can’t wait to spend the rest of my life with you..” Bulong nya at niyakap ako ng mahigpit.


Special Chapter next

Special Chapter

Benj

“PAPA, BILI mo ko ng ribbon na ipet.” Ungot ng apat na taong gulang kong anak na si Bree o Brianna Mira.

Ako ang nagbigay ng pangalang Brianna sa kanya dahil yun ang pet name ko noong mga kasagsagang aktibo pa ako sa federasyon namin. Ang Mira naman ay galing kay Macy. Natalo pa nga kami habang pinifill-up-an ang birth certificate sa hospital dahil gusto ko Brianna talaga ang pangalan. Sya naman ay nagpupumilit na Mira. Pero para wala ng pagtatalo sinuhestiyon na lang ni Tiyang Meding na pagsamahin na lang ang dalawang pangalan.

“Yes bebegurl, bibilhin natin lahat ng magagandang klaseng ipet pati hairband.” Sabi ko habang marahang binabanat ang buhok nyang tinali ko ng papigtail.

Hinarap ko sya sa akin para makita ang hitsura nya.

Napangiti ako.

Ang ganda ganda talaga ng anak ko mana sa akin syempre mana din kay Macy. Pero feeling ko talaga ako ang mas kamukha nya.

“Ang pretty pretty naman ng bebegurl ko.” Sabi ko at marahang pinisil ang malaman nyang pisngi.

Ngumiti naman sya. Lumabas tuloy ang maliliit at pantay pantay nyang mapuputing ngipin. Kapag ganitong ngumingiti sya kamukhang kamukha naman nya si Macy.

“Kiss mo nga si papa.” Lambing ko at ngumuso.

Ngumuso din sya at nilapat ang labi sa labi ko. May tunog pa sabay hagikgik.

“Ang sweet sweet naman ng bebegurl ni papa mana kay mama.” Yun ang namana nya kay Macy ang pagiging malambing.

“Syempre po lab ka namin ni mama eh.” Aniya at malambing na yumakap pa sa akin.

Niyakap ko rin sya at iniupo sa kandungan ko saka pinanggilang halik halikan sa pisngi at leeg. Tawa naman sya ng tawa.

“Lab na lab ni papa tong bebegurl namin ni mama eh kahit makulit.” Nanggigigil na pinisil ko ang pisngi nya na namumula na. Tawa pa rin sya ng tawa habang nilalayo ang mukha ko.

Akala ko noon hindi na ako magkakaasawa at magkakaanak. Eh kasi naman iba ang gusto ko noon. Iba ang focus ko. Nagiipon na nga ako noon para sa IVF. Para kahit sa ganoong paraan ay magkaanak pa rin ako. Dahil di ko talaga bet noon ang sumiping sa babae. Isipin ko pa nga lang yan noon ay diring diri na ako.

Tapos biglang dumating si Macy sa buhay ko na walang ibang ginawa kundi ang magpapansin sa akin. Kahit anong pagtataray ko sa kanya wa epek. Makapal talaga ang apog ng babaeng yun. Gandang ganda sa sarili. Oh well, maganda naman talaga sya. Unang kita ko pa lang sa kanya nagandahan na ako sa kanya. Kaya naiinis ako sa kanya. Kumokoryana kasi ang beauty nya. Eh ganun ang mga type kong beauty. Medyo naaattract na rin ako sa kanya. Tinatablan na ako sa pangaakit nya. For the first time tinigasan ako sa babae. At ng gabing yun sa salon shop ko nangyari ang hindi ko inaasahan. May nangyari sa amin. Pero doon na nagsimula ang lahat. Dahil sa nangyaring yun hinahanap hanap ko na sya. Ewan ko ba, para akong naadik sa kanya noon kahit hanggang ngayon naman. Ang sarap sarap naman kasi ng babaeng yun. Hanggang sa di ko namamalayan hulog na hulog na ako sa kanya at nagising na lang ako kinabukasan mahal ko na sya. Tuwang tuwa nga ako ng malamang buntis sya at heto na nga ang bunga ng mga kalandian naming dalawa. Isang cute na cute na chikiting na kamukha naming dalawa.

“Anong gusto ng bebegurl ni papa kapag big girl na sya?” Pangungulit ko pa sa anak ko.

“Gusto ko maging miss universe pag big girl na ako.” Bibong sagot nya.

“Owh.” Medyo nasurpresa ako sa sagot nya. Siguro natuwa sya sa mga pinapanood naming beaucon. Paglaki naman nya ay magbabago pa naman ang mga gusto nya.

“Bet ni papa yan bebe gurl. Pero alam mo ba si Tita Ai mo gusto din nya maging miss universe kaya lang kinulang sa height. Kaya ikaw, lagi ka matutulog sa hapon at lagi kang iinom ng milk para tatangkad ka at maging miss universe paglaki mo.” Panguuto ko pa sa kanya. Tumango tango naman sya.

“Kiss pa nga si papa.” Ngumuso ulit ako.

Hinawakan naman nya ang mukha ko at hinalikan ako sa nguso na may tunog pa. Pinangigilan ko naman sya ulit. Tawa naman sya ng tawa. Ang sarap sa tenga pakinggan ng malutong nyang tawa. Nakakagana sa araw araw.

Dinampot ko ang cellphone na nakapatong sa coffee table at tiningnan ang oras. 4:30 na ng hapon. Uwian na ng mga estudyante ni Macy.

Binaba ko na si Bree at tumayo na. Dinampot ko ang body bag na nasa sofa at sinukbit na sa katawan. Nilagay ko sa loob ang cellphone.

“Let’s go na bebe gurl. Sunduin na natin si mama.”

“Yehey!” Tuwang tuwa naman sya at dinampot na rin ang sling bag nyang kulay pink na hello kitty na bagong bili at sinukbit sa katawan.

Kinuha ko naman ang kamay nya at lumabas na. Nakasalubong ko pa ang kasambahay namin at binilin sya. Sa garahe ay naabutan namin si tatay na inaayos ang motor.

“Susunduin nyo na ba si Macy?” Tanong ni tatay.

“Opo tay, uwian na ng mga estudyante nya. Paalam ka na kay tataylo baby.” Sabi ko sa anak ko.

“Babye tataylo.” Paalam naman ng anak ko at humalik pa sa pisngi ni tatay.

Dinukot ko naman ang susi ng kotse sa bulsa at pinindot ito. Tumunog ang kotse. Binuksan ko ang pinto sa backseat at pinapasok na si Bree. Tumakbo naman sya papasok sa kotse at umupo sa baby car seat nya. Kinabit ko naman ng maayos ang seatbelt.

“Ingat sa pagmamaneho Benjamin at may kasama kang bata.” Bilin ni tatay.

“Opo tay.” Akmang bubuksan ko ang gate pero inunahan na ako ni tatay.

Sumakay na ako ng driver seat at binuhay na ang makina ng kotse. Inatras ko na ito palabas ng garahe at gate. Bumusina pa ako kay tatay. Kumaway naman sya sa amin ni Bree.

Pinaandar ko na ang kotse sa kalsada. Ng madaanan namin ang salon ay bumusina din ako. Bumukas naman ang pinto ng salon at sumungaw ang ulo ni Erika at kumaway sa amin. Ng ang bahay naman ni Tiyang Meding ang nadaanan namin ay bumusina rin ako. Nasa labas kasi si tiyang at nagdidilig na ng halaman nya. Kumaway din sya sa amin.

Dito pa rin kami sa baranggay namin nakatira. Ang bahay namin ni tatay ay pinarenovate namin ng umuwi sya galing abroad. Tuluyan na nga syang nagretiro sa pagtatrabaho at nagtayo na lang ng hardware store sa kanto. Ako naman ay bumili ng kotse ng makaipon na ng sapat. Para hindi na mainitan ang magina ko kung sa motor kami sasakay para pumunta sa kung saan saan. Ang mga negosyo ko naman ay maganda naman ang takbo. May bago rin akong negosyo. Nagbebenta ako ngayon ng mga beauty products. Syempre sariling gawa at aprubado pa ng FDA. Maganda ang feedback ng mga customer at unti unti na itong nagbu-boom. Talagang sinisipagan ko para sa mag ina ko. Gusto kong ibigay sa kanila ang magandang buhay.

Wala pang sampung minuto ay nasa tapat na kami ng gate ng eskwelahan. Marami na ngang mga estudyante ang naglalabasan. Bumaba ako ng kotse. Binuksan ko ang pinto sa backseat at inalalayang bumaba si Bree. Hinawakan ko ang kamay nya at pumasok na kami sa gate. Binati pa kami ng gwardyang naroon. Kilala na nga nya kami.

Habang tinatahak namin ang building kung nasaan ang classroom ni Macy ay nakakasalubong naman namin ang co-teachers nya na binabati kami. Tuwang tuwa sila kay Bree. Bibong bibo kasi syang sumagot kapag tinatanong. Sa susunod na pasukan mag aaral na rin sya. Excited na nga ako na i-enroll sya, bilhan ng mga gamit at uniform.

Bago pa kami makarating sa classroom ni Macy ay lumabas na sya kasabay ang dalawang estudyante at nilock ang pinto. Nagpaalam ang dalawang estudyante sa kanya na uuwi na.

“Mama!” Tawag ni Bree kay Macy at tumakbo palapit sa kanya. Agad ko naman syang sinundan dahil baka madapa. Yumakap si Bree sa malaki ng tiyan ni Macy.

“Ang ganda ganda naman ng bebegurl ni mama.” Ani Macy at hinaplos ang ulo ni Bree.

“Si papa po nag ayos sa akin.” Sabi ni Bree.

“Behave ka naman ba kay papa at tataylo sa bahay?”

“Opo.”

“Weh? Di ka nagkulet?”

Bumungisngis si Bree. “Medyo lang po.”

“Sabi na eh.” Pinanggigilan naman ng pisil ni Macy ang pisngi ni Bree.

Lumapit ako at kinintalan ng halik sa labi si Macy. Ngumiti naman sya sa akin.

Tinaasan ko naman sya ng kilay at ngumiti rin. “Napagod ka ba? Sabi ko naman sayo magleave ka na.” Kinuha ko sa kanya ang ilang mga dala dala nya.

Magwawalong buwan na ang tiyan nya at lalaki ang anak namin. Excited na rin akong lumabas ang second baby namin. Halos kumpleto na nga sya ng gamit. 

“Kaya ko pa naman babe, next month na ako magleleave.” Aniya at kumapit sa braso ko.

“Ikaw ang bahala, basta kapag nahihirapan ka na sabihin mo sa akin.”

“Bakit? Ikaw na ang manganganak?” Nanunuksong sabi nya.

Inirapan ko naman sya. “Kung pwede ako na sana.”

Naalala ko kasi noong nanganak sya kay Bree. Parang aatakehin ako sa puso ng makita ang paghihirap nya. Muntik pa nga akong himatayin noon. Kung pwede nga lang na ako na lang ang manganak ginawa ko na. Kaso wala naman akong matris.

Humilig sya sa balikat ko. “Hmm sweet talaga ng babe ko, kaya mahal na mahal kita eh.” Malambing na sabi nya sabay pisil sa pangupo ko na ikinaigtad ko.

“H-Huy ano ka ba? May mga bata.” Nagiinit ang mukhang saway ko sa kanya kasabay nun ang pagkabuhay ng nasa loob ng shorts ko.

Humagikgik naman sya at tinusok tusok ng daliri ang pisngi ko. “Pulang pula na yung mukha mo o.”

Sinamaan ko sya ng tingin. “Sige asarin mo pa ako, yari ka sa akin mamaya.” Banta ko sa kanya. Kahit buntis sya active pa rin kami sa sex. Wala naman daw masama doon sabi ng doctor nya.

“Ako pa tinakot mo.” Palaban din nyang sabi at kumagat labi pa.

Humugot naman ako ng malalim na hininga. Sumisikip na ang khaki shorts ko. Kinalma ko ang nagiinit kong loob.

“H-Halika ka na nga baka maeskandalo pa ang mga bata dito.” Aya ko sa kanya. Nginisihan lang nya ako ng nakakaloko.

Tinawag ko naman si Bree na tinitingnan ang mga poster na nakadikit sa pader na may mga pictures ng mga hayop. Agad naman syang tumakbo palapit sa amin at humawak sa kamay ko. Sa kabilang braso ko naman humawak si Macy. Dahan dahan lang ang pagbaba namin sa hagdan.

Pagdating namin sa sasakyan ay una kong pinapasok sa backseat si Bree at pinaupo sa baby car seat nya. Sunod ko namang inalalayan si Macy na umupo sa passenger seat saka ako umikot sa driver seat. Ng masiguro kong ok na ang mag ina ko ay pinaandar ko na ang kotse.

“Nagugutom ka ba babe? May gusto kang kainin?” Tanong ko kay Macy.

“Ako papa gusto ko ng Jalibi.” Singit ni Bree.

“O Jalibi daw ang gusto ng makulet.”

“Eh ikaw?”

“Jalibi din syempre.”

“Ok, gora na tayo sa Jalibi.” Sabi ko.

Tuwang tuwa naman si Bree na nasa likuran.

Tiningnan ko ang kamay ni Macy na hunawak sa hita ko. Tumingin din ako sa kanya. Nagtama ang mga mata namin.

Ngumiti sya sa akin. “I love you babe..”

Ngumiti rin ako at hinawakan ang kamay nyang nasa hita ko at pinisil. “I love you more babe, alam mo yan.”

Wala akong pinagsisihan na minahal ko sya at pinakasalan. Ng dahil sa kanya heto ako ngayon buo, masaya at kuntento sa buhay.

“I love you too din po papa, mama, at si baby sa tummy.” Singit naman ni Bree na nasa backseat.

Natawa naman kami ni Macy. “I love you din bebegurl.” Sabay naming sabi.


Lorenzo

“SHH TAHAN na anak.” Pagaalo ko sa isang taong gulang kong bunso na babae na si Averie. Inaantok na sya kaya nagtatantrums. Ayaw naman nya sa yaya nya o kahit sino sa bahay.

Maya maya ay medyo tumahan na sya. Inabot sa akin ng yaya nya ang feeding bottle nya at binigay ko sa kanya. Agad naman nya itong sinubo ay sinipsip ang tsupon. Pumipikit pikit na ang mata nya. Inaantok na nga. Napangiti ako at tinapik tapik ng marahan ang malusog na hita nya. Kamukha nya talaga ang mommy nya.

Wala si Aitana dahil pinuntahan ang bahay ng isang estudyante nya na ilang araw ng hindi pumapasok. Gusto ko sana syang samahan kanina kaya lang may kausap akong kliyente sa cellphone kaya pinasamahan ko na lang sya sa driver.

Ng makita kong tulog na si baby Averie ay ibababa ko na sana sya sa crib nya pero nakaramdam sya at kumapit sa damit ko. Ayaw pa nyang magpababa kaya binuhat ko na lang sya. Lumabas kami sa kwarto nila ng kuya Levy nya. Sa ngayon ay magkasama sila ng kwarto pero paglaki nila ay bukod na sila.

Habang pababa ng hagdan ay nakita ko ang apat na taong gulang kong panganay na anak na naglalaro sa sala hawak ang laruan nyang baril.

“Bang! Bang!”

Napangisi ako sa ginagawa ng anak ko. May patago tago pa sya sa sofa na para bang may kalaban talaga sya sabay gulong sa carpet at tutok ng baril sa kung saan. Napapailing na lang si dad na nagbabasa ng business magazine. Si mommy naman ay busy sa kausap sa cellphone. Malamang ay katawagan na naman nya ang amiga nya.

Sabado ngayon kaya nandito kaming lahat sa bahay na pinagawa ko malapit sa bahay ni Tiyang Meding. Isang taon ng tapos ang bahay at agad na naming nilipatan. Nasunod ang lahat ng plano naming mag asawa sa bahay. Hindi naman sya ganoong kalaki na parang mansion na. Ayaw kasi ni Aitana na sobrang laki dahil baka hindi na kami magkakitaan lahat. Pero pinalagyan ko ng mini playground sa labas at swimming pool. Nagpalagay din ako ng mini garden na gusto ni Aitana at may manmade pond pa na may mga coy fish. Kapag lumalapit doon si Levy ay pinababantayan namin dahil lumulusong sya sa pond at hinuhuli ang mga coy fish. Ulam daw.

“Daddylo magpupulit ako paglaki ko. Huhulihin ko mga bad guy at mga tsitmosa.” Sabi ni Levy kay daddy.

“Maganda yan apo, una mong hulihin yang mommyla mo.” Hirit ni daddy na ikinatawa ko na lang.

Nakita naman ako ni Levy at lumapit sa akin. Ginulo ko naman ang buhok nya.

“Ako na naman ang nakita mo Arnaiz.” Protesta naman ni mommy na mukhang tapos na sa pakikipag usap.

“Kanina ka pa kasi dyan sa cellphone mo.” Nakasimangot na sabi ni daddy.

Napangisi naman ako. Kahit matatanda na sila at may apo na ay hindi pa rin nawawala ang bangayan nilang dalawa. Gusto kasi ni daddy sa kanya lang ang atensyon ni mommy. Naiintindihan ko naman si daddy dahil ganun din ako kay Aitana.

Umupo ako sa mahabang sofa karga pa rin si baby Averie na tulog na bagamat nakasupsop pa rin sa dede nya. Si Levy ay nagtatakbo na naman ulit sa sala. Sinaway ko naman sya na wag masyadong maingay dahil natutulog ang kapatid nya.

“Ay sus, tulog na tulog ang magandang apo ko ah.” Ani mommy na sinilip ang mukha ni baby Averie.

“Ayaw nga hong magpalapag.” Natatawang sabi ko.

“Namiss ka lang yan dahil ilang araw kang hindi nakita.” Sabi ni mommy.

Napangisi naman ako. Mukhang ganun na nga. Ilang araw din kasi akong nasa Manila at pinapatakbo ang kumpanya. Naging busy pa nitong mga nakaraang araw. Kaya sobra ko ring namimiss ang magiina ko.

“Ang bilis talaga ng panahon. Isang taon na tong bunso nyo ni Aitana. Si Levy naman ay magaaral na sa susunod na pasukan.”

“Oo nga mom. Sa bilis ng panahon di natin namamalayan na mga binata at dalaga na sila.” Natatawang sabi ko at bahagyang tinapik ang hita ni baby Averie na bahagyang dumilat ang mata.

“At ikaw matanda na.” Singit ni dad.

“Parang kayo dad?” Nakangising sabi ko.

“Aba’t, lokong to ah. Baka gusto mong tanggalan kita ng mana at ibigay na lang sa mga apo ko.” Pagbabanta ni dad.

Tumawa naman ako. “No problem dad.” Lahat naman ng sa akin ay sa asawa ko at mga anak ko din.

“Wala pa ba si Aitana?” Tanong ni mommy.

Sakto naman tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Dinukot ko ito habang isang brasong karga si baby Averie. Binuksan ko ang cellphone at nakitang may text si Aitana. Pauwi na raw sya. Nagreply ako at tumingin kay mommy.

“Pauwi na raw mom.” Sabi ko.

Tumango tango naman si mommy.

PUNONG PUNO ng tawanan at hagikgikan ang malaking kwarto namin ni Aitana dahil sa harutan naming mag ama. Pinagtutulungan ako ng dalawa kong chikiting. Sinasakyan nila ako sa likod. Si baby Averie ay nakaupo sa balikat ko at mahigpit ang hawak sa buhok ko habang tumitili. Kasunod nya si Levy na akala mo nakasakay talaga sa kabayo.

Gumapang naman ako sa carpeted naming sahig habang alalay ko ng isang kamay si baby Averie para hindi mahulog. Tili naman sya ng tili at tuwang tuwa. Si Levy naman ay humihiyaw pa. Mayamaya ay inangat ko ang katawan at binagsak sila sa malambot na kama. Pinagkikiliti ko silang dalawa. Lumukob sa buong kwarto ang tawa at tili nilang dalawa. Ang sarap sa pandinig ng mumunti nilang mga tawa. Nakakawala ng pagod at mga alalahanin sa trabaho.

“Enough na mga anak baka maihi na kayong dalawa mamaya sa pagtulog.” Saway ko na sa kanilang dalawa.

Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard. Umupo naman sa kandungan ko si baby Averie at tumabi naman sa akin si Levy. Nakatutok na ang mga mata nila sa malaking flatscreen na tv kung saan pinapalabas ang paborito nilang cartoons.

Bumukas ang pinto at pumasok si Aitana.

“Mommy!” Sabay na tumayo ang dalawa at bumaba ng kama. Inalalayan ko namang bumaba si baby Averie. Tumakbo sila palapit kay Aitana.

Binuhat naman ni Aitana si baby Averie at si Levy naman ay yumakap sa bewang nya. Lumapit sila sa kama.

“Ang babango na ng mga baby ni mommy ah.” Pinanggigilang amuyin ni Aitana ang dalawa. Mga bagong linis na rin kasi sila. Ako mismo ang naglinis sa kanila.

“Tapos ka na sa ginagawa mo sweetheart?” Tanong ko sa kanya.

“Yes hon, natapos ko na rin. Para bukas wala na akong gagawin.” Aniya at muling tumayo. Tumungo sya sa walk in closet. Paglabas ay may dala ng damit pangtulog nya. “Shower lang ako hon.”

“Sabay na tayo sweetheart.” Sabi ko at akmang tatayo pero pinandilatan nya ako ng mata.

“Hindi pwede, walang titingin sa mga bata.” Sabi nya.

Napakamot na lang ako sa ulo. “Bilisan mo ha.”

Tumango lang sya at pumasok na ng banyo.  Ako naman ay sinamahan na lang ang dalawa naming anak sa panonood. Minsan tinatanong pa ako ni Levy sa pinapanood nila. Si baby Averie naman na dinadaldal din ako ay bubulol bulol pa. Kinakausap ko naman sya ng maayos para mabilis syang makapag salita ng tuwid.

Ilang sandali pa ay lumabas na ng banyo si Aitana. Nakabalunbon ng tuwalya ang buhok. Hakab sa katawan nya ang suot nyang silk na nighties. Kahit dalawa na ang anak namin ganun pa rin ang katawan nya.

Nabuhay naman ang alaga ko sa loob ng pajama ko. Napakagat labi ako habang sinusundan sya ng tingin. Kelan ba kami huling nagtalik? Kagabi, ng dumating ako galing Manila at kahit pagod ako ay nakatatlong round pa kami. Sabik na sabik ako sa kanya kahit hanggang ngayon. Kaso nga lang di ako makakaiskor ngayon dahil katabi naming matutulog ang dalawang chikiting.

Nagpapatuyo na sya ng buhok sa harap ng vanity mirror. Ang dalawa naming anak ay tutok pa rin ang mga mata sa pinapanood.

“Time to sleep na babies.” Sabi ni Aitana ng matapos na ang pinapanood ng dalawang anak namin.

Inayos na namin ang higaan. Sa gitna namin ang dalawa. Malaki ang kama kaya kasyang kasya kami. Panay naman ang buntong hininga ko.

“Bakit hon?” Tanong ni Aitana.

“Wala.” Labas sa ilong na sabi ko at ngumiti na lang.

Ngumisi naman sya. “Alam ko na yan. Bukas ka na lang bumawi.” Aniya at kinindatan ako.

Para namang may nag awitang anghel sa paligid ko. “Talaga? Sabi mo yan ha.” Ngiting ngiti na sabi ko.

“Oo nga.” Natatawang sabi nya.

“Ano po yun daddy?” Usisa naman ni Levy na nasa tabi ko.

“Mamamasyal tayo bukas anak tapos pupunta tayo kay Jabi kaya matulog ka na.” Sabi ko na lang. Hindi na ako makapaghintay ng bukas.

“Yehey!” Tuwang tuwang sabi naman ni Levy at hinalikan ako sa pisngi pati ang mommy nya at si baby Averie bago sya humiga.

Sumunod namang humalik sa amin si baby Averie at hinalikan din nya sa pisngi ang kuya nya. Pagkatapos ay kami naman ni sweetheart. Magaang naglapat ang mga labi namin.

“I love you hon.” Anas nya.

“I love you too sweetheart. Always.” Sabi ko rin.

“Love you too daddy, mommy.” Singit ni Levy.

“Wabyu.” Di rin nagpatalong sabi ni baby Averie na may pa-flying kiss pa bago humiga sa tabi ng kuya nya.

Natawa na lang kami ni Aitana sa kakulitan at kakyutan ng mga anak namin.

“Tulog na tayo, good night kids.” Sabi ko.

“Goodnight daddy, mommy.” Magkapanabay pa nilang sabi at pumikit na.

Inayos muna namin sila ng higa. Tumayo ako at pinatay ang ilaw. Binuhay naman ni Aitana ang lampshade. Bumalik ako sa kama at nahiga na rin. Nasa tabi ko si Levy at si baby Averie naman ang katabi ni Aitana. Tumagilid kaming dalawa at niyakap ang dalawa naming anak. Naghawak kamay pa kami.

Tumingin kami sa isa’t isa at ngumiti bago pumikit..

WAKAS


Maraming salamat sa pagtangkilik nyo sa story ni Lorenzo at ni Aitana. Sana suportahan nyo rin ang story ni Luigi at Ivona 😉

Next Truly Madly Deeply In Love. Luigi and Ivona story ♥️


Dominant GentlemanPart 1 of 3