DG Series #2: Truly Madly Deeply In Love
lhiamaya · 52 chapters · 113,823 words
A/N
Read at your own risk!
Contain Mature Scenes
Ang
istoryang
ito ay
original kong
gawa
. Kung may
pagkakapareho
man sa mga
pangalan
, lugar o
pangyayari
ay hindi ito
sadya
;)
Prologue
Luigi
HUMAGALPAK AKO ng tawa sa kwento ni Atlas. Ganun na rin ang mga kaibigan namin at mga kasama naming babae.
Kinukwento ni Atlas ang nangyari sa kanya sa huling trip nya sa Thailand. May nakilala kasi syang magandang Thai. Natipuhan nya raw ang babae at nakipagflirt pa sya hanggang sa binulungan sya ng isang kapwa pinoy na turista rin na ladyboy pala ito. Agad nyang tinakasan ang babae.
“Lesson learned na yan sa’yo pare na hindi lahat ng nakapalda ay babae.” Pambubuska ni Kester. Pinakyu naman sya ni Atlas.
Nagtawanan lang ulit kami.
Araw ng linggo ngayon kaya magkakasama na namin kaming magkakaibigan. Galing kami sa golf club at mula roon ay dito kami dumiretso sa bahay nila Atlas tangay ang mga dates namin. Pero sa aming anim ay si Matias at si Jeiz ang walang date. Si Matias ay dahil suplado sya at takot sa kanya minsan ang mga babae. Pero hindi ibig sabihin nun ay santo sya pagdating sa mga babae. Tatahitahimik lang yan pero matinik din. Si Jeiz naman ay pass muna daw. Kagagaling lang kasi nya sa bundok dahil isa syang magiting na sundalo.
“Babe, after this punta tayo sa condo ko.” Malambing na bulong sa akin ni Bianca na humahaplos na sa hita ko. Isa syang modelo na nakilala ko sa bar noong isang gabi tapos nagkita kami kanina sa golf club. Maganda sya matangkad at may pagka morena.
Tiningnan ko sya at nginitian. Mapupungay ang mga mata nyang nakatingin sa akin at kumagat labi pa. Ang kamay nyang humahaplos sa hita ko ay pasimpleng humahaplos din sa harapan ng pantalon ko. Hindi naman ako mangmang para hindi makuha ang nais niya. Nag enjoy naman ako noong huling may nangyari sa amin.
Inakbayan ko sya at kinabig ang mukha nya sabay siil ng halik. “Sure babe.” Bulong ko rin sa kanya at sumubsob sa leeg nya. Panay naman ang hagikgik nya.
Wala namang problema sa mga kaibigan ko kung magpda kami dahil sila rin ay busy sa pakikipagharutan sa mga babaeng kasama nila. Maliban lang sa dalawa na sila na lang ang nag uusap. Malayo rin naman sa gate ang porch na kinaroroonan namin at natatakpan kami ng malalaking halaman kaya di rin kami kita ng mga dumadaan sa labas.
“Ahm, excuse me po.”
Nag angat ako ng mukha at nilingon ang malamyos na boses ng isang babae.
Nakita ko ang isang magandang babae na nakangiwi at kay amo ng mukha habang nakatingin sa amin. Nangungusap ang magaganda at malalaki nyang mga mata. Bahagyang nakaawang ang mapupula nyang labing nakangiwi.
Tumingin sya sa akin. Nahigit ko naman ang hininga at napaawang ang labi ng magtama ang mga mata namin. Parang hinihigop ako ng mga mata nya.
“Ivona ikaw pala.” Bati ni Atlas na humiwalay din sa kayakap na babae. Sinaway nya rin si Kester at Lorenzo na busy din sa pakikipaghalikan sa mga babae nila. “Huy, tigil nyo muna yan may bata.”
Agad ding nagsiayos ang dalawa at ngumiti pa sa bagong dating na babae na tinawag na bata ni Atlas.
“Ah kuya, si Ava po?”
“Nasa loob, pasok ka na lang baka nasa kwarto nya.” Sabi ni Atlas.
“Sige po kuya, pasok na ako.” Paalam ng babae at dali dali ng pumasok sa bahay. Sinundan ko sya ng tingin.
“Who’s she?” Tanong ko. Ngayon ko lang nakita yung babae.
“Classmate at best friend ni Ava.” Sabi ni Atlas.
Lalo namang napaawang ang labi ko. Ang bata pa pala nya. Akala ko.. well hindi sya mukhang teenager.
Dinampot ko ang lata ng beer at tinungga. Bumalik naman sa paghalik sa leeg ko si Bianca na sinasabayan pa ng himas sa hita ko. Balik kwentuhan na rin kaming magkakaibigan. Bukas ay balik na naman kami sa mga trabaho namin at bibilang na naman ng araw at linggo bago kami magkita kita ulit.
“Kuya, aalis kami ni Ivona.” Paalam ni Ava na bunsong kapatid ni Atlas. Kasunod nya ang babae kanina na Ivona ang pangalan.
“Saan kayo pupunta?” Tanong ni Atlas.
“Sa mall lang may bibilhin kami para sa project namin.”
“Nagpaalam ka ba kay mommy?”
“Oo naman! Penge pala akong pera.” Malawak ang ngiting nilahad ni Ava ang kamay sa harap ni Atlas.
Maganda rin ang kapatid ni Atlas na si Ava. Cute na medyo chubby at makulit. Pero ang mata ko ay tila laging hinahatak papunta kay Ivona. Ewan, pero gustong gusto ko tingnan ang maamong mukha nya. Marami na akong nakikita at nakakasalamuha na magagandang babae pero iba ang hatak sa akin ng ganda ni Ivona.
Dinukot ni Atlas ang wallet sa likurang bulsa. Humugot sya ng limang libo at binigay kay Ava. Tuwang tuwa naman ang huli.
“Thank you kuya! Ikaw talaga ang pinaka paborito kong kuya.”
“Eh ako lang naman ang kuya mo. Inuto mo pa ako.”
Humagikgik naman si Ava pati na rin si Ivona. Napangiti na rin tuloy ako.
“Teka, magkocommute lang ba kayo? Magpahatid na lang kayo sa driver.” Ani Atlas.
“Wag na kuya, keri na namin ni Ivona. Alis na kami. Bye mga kuyas.” Paalam sa amin ni Ava at kumaway pa.
Ngumiti din sa amin si Ivona. Pero ng magtama ang mga mata namin ay kimi syang ngumiti sa akin at tila ba..
“Babe.” Untag sa akin ni Bianca.
“Huh?” Binalingan ko sya. Nakasimangot na sya. “What?”
“Kanina pa ako nagsasalita hindi mo ko pinapansin.” Ani Bianca at umikot pa ang mata.
Para namang may pumitik sa sentido ko at bahagya akong nainis.
“Bakit ba?” Tanong ko sa pormal na boses.
“I’m asking you kung pwedeng mauna na tayo sa condo ko.” Sabi nya.
Napahilot ako sa bridge ng ilong ko. “Later ok?”
“Pero babe – “
“If you can’t wait go ahead.” Sabi ko at tiningnan sya ng matalim.
Natameme naman sya at umayos na lang ng upo sa tabi ko..
NANGINGITI AKO habang sinusundan ng tingin ang mga kaibigan ni Ava na naglalaro sa pool partikular kay Ivona na malutong na tumatawa. Masarap sa tenga ang tawa nya.
Hindi sya nakikisali sa iba na naglulunoy sa pool. Nasa lounge chair lang sya at kinukuhanan ng video ang mga kasama. Ng tumayo sya para kumuha ng ibang anggulo ay nakasunod pa rin ang tingin ko sa kanya. Nakatali pataas ang buhok nya na bahagyang nililipad ng hangin. Nakasuot sya ng dilaw na floral na sando at maong shorts na maiksi. Kitang kita tuloy ang kaputian nya na tila kumikinang dahil sa tama ng araw. Pero mas ok na yung suot nya kesa sa suot ng mga kasama nya na mga nakabikini top bagamat hindi naman revealing. At mabuti na lang ay puro sila mga babae. Kunsabagay hindi naman papayag si Atlas na may lalaking kasama sa pool ang kapatid. Strict yun pagdating sa kapatid.
“Hey pare, are you listening?” Untag sa akin ni Atlas.
“What?” Baling ko kay Atlas.
Nakatingin silang apat sa akin at umiling iling. Wala si Jeiz dahil nasa Mindanao sya at doon nakadestino.
“Naknampucha ka naman pare kanina pa ako nagsasalita dito pero di ka naman pala nakikinig.” Angal ni Lorenzo. Pinaguusapan namin ang itatayo nyang resort sa probinsya ng Kalinaw at gusto nyang umutang sa kumpanya ko. Wala namang problema kahit magkano pa utangin nya.
Tumikhim ako. “Sorry pare, may iniisip lang ako.” Sabi ko at binigyan ng sulyap ang grupo ng mga teenager partikular si Ivona na nakikipag basaan na sa mga kaibigan.
“At ano naman ang iniisip mo habang nakatingin kay Ivona?” Malisyosong tanong ni Kester.
Natuon na naman ang tingin nilang lahat sa akin na parang may ginawa akong hindi tama.
Napakunot naman ang noo ko. Pero may sumipang kaba sa dibdib ko.
“P-Pinagsasabi mo?” Medyo nautal pang sabi ko. Shit!
“Akala mo hindi ka namin napapansin pare ha. Kanina pa nakasunod ang tingin mo sa kanya.” Nakangising sabi ni Lorenzo. Pati ang tatlo ay may ngisi na rin sa labi at iiling iling.
“Wag mong sabihing crush mo si Ivona? Kunsabagay magandang bata yan. Pero pare paalala lang bata pa yan.” Sabi naman ni Atlas.
Mariin namang naglapat ang labi ko at sinamaan sila ng tingin. “Wag nga kayong malisyoso. Anong akala nyo sa akin cradle snatcher? Tinitingnan lang crush na agad?”
“O eh di sayo na mismo nanggaling.” Hirit ni Matias.
“What the – I’m not a cradle snatcher!” Singhal ko sa kanila.
“Wala kaming sinabing cradle snatcher ka ang sabi lang namin crush mo.” Ngingisi ngising sabi ni Atlas.
“Well wala namang masama dun pare. Crush lang naman, humahanga ka lang sa ganda nya dahil talaga nga namang magandang bata si Ivona.” Segunda pa ni Kester na tiningnan pa si Ivona at muling tumingin sa akin na may nakakalokong ngiti.
“You know pare.. crush is paghanga sometimes nawawala pero minsan.. lumalala.” Dugtong pa ni Lorenzo sabay tawa nilang apat at pinagpingki pa ang mga hawak nilang beer in can.
Napakamot na lang ako sa ulo sa inis sa mga ito. Napakamalisyoso.
“Ang gagago nyo. Sarap nyong pagbabarilin eh.” Dinampot ko ang beer in can ko at tinungga.
Mas lalo lang silang humagalpak ng tawa.
Muli ko namang tiningnan ang direksyon ni Ivona. Saktong tumingin din sya sa direksyon ko at nagtama ang mga mata namin. Parang may tumadyak sa dibdib ko ng ngumiti sya sa akin..
Naknampucha!
Thank you sa mga nagfollow sa akin sa GoodNovel at mga nagread 😁♥️
Chapter 1
Ivona
BINITAWAN
KO ang hawak kong color pencil at sketchpad ng marinig ko ang busina ng sasakyan ni daddy. Tumakbo ako sa may pinto. Napangiti ako ng makita sa labas ng gate ng sasakyan.
Dumating na si daddy.
Tumakbo ako sa kusina. “Yaya, nandyan na po si daddy. Buksan nyo na po ang gate.”
“Ay, nandyan na pala si
ser
.“ Agad namang binitawan ni Yaya Saling ang basahan at lumabas ng kusina.
Sumunod naman ako sa kanya.
Nakaabang lang ako sa pinto habang hinihintay na makapasok ang sasakyan ni daddy. Sobrang miss ko na sya. Gusto ko ngang sumama sa kanya sa work nya eh. Kaso hindi pwede dahil nagi-school ako.
Bumaba na ng sasakyan si daddy at ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at
kumaway
. Pero nawala ang ngiti ko ng hindi sya sa akin dumiretso kundi tinungo ang kabilang pinto ng sasakyan. Binuksan nya ito. Napaawang ang labi ko ng bumaba ang isang magandang babae. Pero nanlaki ang mata ko ng magkiss sila sa lips ni daddy.
Sino sya?
“Daddy.” Tawag ko kay daddy at bahagya pang
sumimangot
.
Tumingin naman sa akin si daddy na natatawa pa.
“Let’s go hon, ipapakilala kita sa princess ko.” Ani daddy at hinawakan sa bewang ang babae palapit sa akin.
“Sino po sya daddy?” Tanong ko.
Mabait
namang ngumiti sa akin ang babae kahit mukha syang mataray dahil sa make up nya.
Nagiskwat
si daddy sa harap ko para magpantay ang mukha namin. Hinawakan nya ang dalawang balikat ko.
“Princess naalala mo yung sinabi ko sa’yo na magkakaroon ka na ng bagong mommy?” Paalala nya sa akin.
Tumango
tango naman ako.
Lagi nga nyang sinasabi na magkakaroon na ako ng bagong mommy. Iniwan na kasi kami ng totoo kong mommy matagal na. Nasa heaven na sya. At namimiss ko na rin ang magkaroon ng mommy. Naiinggit nga ako sa mga classmates ko eh kasi lagi silang hinahatid sa school ng mga mommy nila.
“
Matutupad
na yun princess dahil nandito na si Beverly.“ Tumingin si daddy sa kasama nyang babae at hinawakan sa
kamay
. “
Sya
ang bagong mommy mo. Si mommy Beverly.“
Tumingin ako sa magandang babae. Nakangiti pa rin sya sa akin. Bagama’t maganda sya ay mas maganda pa rin ang mommy ko sa mga pictures. Pero mukha naman syang mabait.
“Ikaw na po ang bagong mommy ko?” Tanong ko.
Nagiskwat
din ang babae sa harap ko. “Yes princess, from now on ako na ang mommy mo. Matatanggap mo ba ako?”
Ilang
sandali akong tumitig sa mukha ng babae. Nakaramdam ako ng tuwa at pagkasabik na magkaroon ulit ng bagong mommy.
“
Mabait
ka po ba?“ Tanong ko sa babae. Kung hindi sya mabait ayoko sa kanya.
Mahinhing
tumawa ang babae. Pati si daddy ay tumawa rin at pinisil pa ang pisngi ko.
“
Oo
naman princess, mabait ang mommy Beverly mo. Hindi ko naman sya iuuwi dito sa bahay at gagawing mommy mo kung hindi sya mabait.“ Sabi ni daddy.
Nagliwanag
naman ang mukha ko. Alam kong nagsasabi ng totoo si daddy. Kapag sinabi nyang mabait ang isang tao ay totoong mabait talaga ito.
Humarap
ako sa babae at ngumiti na. “Mula ngayon mommy na kita?” Excited na tanong ko.
“Yes princess, mommy mo na ako mula ngayon.”
“At dito na rin sya
titira
.“ Dugtong pa ni daddy.
“
Yehey
! May mommy na ako!“ Nagtatalon ako sa tuwa. Sa wakas ay nagkatotoo na rin ang wish ko at prayers ko na magkaroon ng bagong mommy. “Can I hug you na po and can I call you mommy na?”
Tumango
ang babae at binuka ang mga
bisig
. Lumapit naman ako sa kanya at yumakap ng mahigpit.
Sa wakas may mommy na ako!
Naging
mabuti namang mommy sa akin si mommy Beverly. Tinuturing nya akong parang tunay na
anak
. Tunay na mommy na rin ang tingin ko sa kanya. Ang bait bait nya. Lagi nyang binibigay ang gusto ko. Hinahatid at sinusundo nya rin ako sa school. Lagi din kaming namamasyal nila daddy na
magkakasama
. Sobrang saya ko kasi may
complete family
na ako.
May
daddy at mommy ako. Hindi na ako maiinggit sa mga classmates at mga kalaro ko.
Pero
pansamantala
lang pala ang lahat..
“Hindi! Hindi totoo yan! Hindi pa patay ang asawa ko! Bawiin nyo ang s-sinabi nyo!”
Mabilis
akong bumaba ng hagdan ng makita si mommy na nakasalampak sa marmol naming
sahig
. Sa harap nya ay may nakatayong dalawang lalaki at tatlong
pulis
.
Tumakbo ako palapit kay mommy. “Mommy!” Yumakap ako sa kanya.
Nag angat sya ng mukha sa akin. Hilam ang mata nya sa luha at panay pa rin ang
iyak
.
“M-Mommy, bakit ka po
umiiyak
?“ Nagaalala kong tanong.
Tiningnan ko ang limang lalaking nakatingin din sa akin at iiling iling.
“
I-Ivona
.. a-ang daddy mo..“ Umiiyak na sabi ni mommy at hinawakan ako sa balikat. “A-Ang daddy mo.. w-wala na. I-Iniwan na nya tayo.”
“
Ano
po? Iniwan na tayo ni daddy? S-Saan po sya
pumunta
?“ Naguguluhang tanong ko at tumingin ulit sa limang lalaking
nakatayo
.
Umiling
iling naman si mommy at lalong
umiyak
. “W-Wala na ang daddy mo.. p-patay na sya.”
“Po??”
Niyakap
ako ng mahigpit ni mommy at
humagulhol
..
“Ivona.”
“Ivona gising na.”
Dahan dahan akong nagmulat ng mata at imbes na mukha ni mommy ay mukha ni Yaya Saling ang nabungaran ko. At wala na rin ako sa sala kundi nandito sa loob ng kwarto. Wala na rin yung limang lalaki.
Bumuntong hininga ako. Panaginip lang pala.
“Gising ka na. Di ba may lakad kayo ni Ava?” Sabi ni Yaya Saling.
Oo nga pala!
Agad akong bumalikwas ng bangon at dinampot ang cellphone sa side table. Pasado alas otso na ng umaga. May usapan kami ngayon ni Ava.
“O sige lalabas na ako, ipaghahanda na kita ng almusal.” Ani Yaya Saling.
“Wag na yaya, sa labas na lang ako kakain dahil baka malate pa ako sa meeting place namin ni Ava.”
“Sige ikaw ang bahala.”
Lumabas na si Yaya Saling at naiwan na akong mag isa sa kwarto.
Muli akong bumuntong hininga at mabigat ang loob na tumayo na mula sa kama. Kinuha ko ang tuwalya at pumasok na ng banyo.
Pumikit ako at tumingala. Bumagsak sa mukha ko ang tubig galing sa dutsa. Bumalik sa isipin ko ang panaginip.
Walong taon ako noon ng sabihin sa amin ang masamang balita na patay na si daddy. Naaksidente sya. Sumalpok ang sasakyan niya sa isang ten wheeler truck. Bumalik na lang sa bahay si daddy na nasa loob na ng kabaong. Labis ang hinagpis ko noon. Kami ni mommy. Hanggang ngayon nga ay pakiramdam ko ay parang kahapon lang nangyari iyon.
Pagkatapos kong magbihis at magpatuyo ng buhok ay bumaba na ako.
“Yaya Saling si mommy po?” Tanong ko kay Yaya Saling na nasa kusina at naghuhugas ng tasa.
“Aba’y hindi pa umuuwi mula kagabi.”
Napabuntong hininga ako at napailing na lang. Malamang ay pumarty na naman si mommy kagabi kasama ang boyfriend nya at mga amiga nya. Nasanay na lang ako sa kanya.
“Yaya mauna na po ako. Pakisabi na lang kay mommy pag uwi nya.” Paalam ko kay Yaya Saling.
“O sige mag iingat ka.”
Kinuha ko ang susi ng kotse sa sling bag ko at sabay na kaming lumabas ni Yaya Saling. Dumiretso na ako sa garahe at binuksan ang pinto ng may kalumaan ng kotse. Si Yaya Saling naman ay binuksan na ang kalawangin na naming gate.
Inatras ko na palabas ng gate ang kotse. Bumusina ako kay Yaya Saling. Kumaway naman sya sa akin at sinarado na rin ang gate. Binigyan ko muna ng huling sulyap ang bahay bago pinaandar paalis ang kotse.
Simula ng mamatay si daddy ay unti unting nagbago ang lahat sa buhay namin ni mommy. Unti unting naubos ang mga pinundar ni daddy. Pati ang mga negosyo namin ay isa isang nagsara. Ang sabi ni mommy ay marami daw utang na naiwan si daddy. Ang natira na lang ay ang bahay namin na bakbak na ang pintura at kalawangin na ang gate at may tulo pa sa loob sa tuwing uulan. Sa apat naming sasakyan ay itong lumang kotse na lang ang naiwan dahil nabenta na rin ang tatlo. Ang paupahan sa may kanto ang pinagkukuhanan na lang namin ng pangkain namin sa araw araw at pangbayad ng mga bills buwan buwan. Ang tatlo naming kasambahay ay isa na lang dahil wala na kaming pang sweldo. Si Yaya Saling na lang ang naiwan. Ayaw nyang umalis sa amin. Bukod daw sa malayo ang probinsya nya ay hindi daw nya ako kayang iwan. Nangako daw sya noon sa biological mommy ko na aalagaan ako hanggang sa makapag tapos ako ng pag aaral. Nakakahiya nga lang minsan sa kanya dahil laging delay ang sahod nya pero hindi naman sya nagrereklamo.
Isang taon na lang ay gagraduate na ako sa kursong business administration. Mabuti na nga lang bago namatay si daddy ay naglaan talaga sya ng pera sa bangko para sa pagaaral ko hanggang sa kolehiyo. Kaya kahit papaano ay hindi ako namomroblema sa tuition ko. May iba rin akong pinagkakagastusan sa school at para rin sa sarili ko pero nagagawan ko naman yun ng paraan sa pamamagitan ng diskarte. Hindi ako nanghihingi kay mommy dahil alam kong wala rin naman syang maibibigay sa akin. Panggastos nga lang din nya sa sarili nya ay kulang pa. Minsan sa akin pa humihingi.
Ngayon nga ay magkikita kami ni Ava para sa pagaapplayan naming trabaho habang summer break. Para pagpasok ng school year may extra money ako. Siguradong maraming gastusin. Panggasolina pa nitong kotse. Ako lang naman ang gumagamit ng kotseng to dahil ayaw gamitin ni mommy. Luma na daw at nakakahiya sa mga amiga nya. Ok pa naman ang makina nitong kotse kahit luma na. Sadyang may pagka maarte lang talaga si mommy at sosyalera. Ako rin naman, noon. Pero sa estado ng buhay namin ngayon ay binawas bawasan ko na ang pagiinarte at pagpapakasosyal dahil hindi na kami mayaman.
Tumunog ang cellphone kong nasa passenger seat. Dinampot ko ito at pinindot ang green button.
“Bes on the way na ako.” Sabi ko kay Ava na nasa kabilang linya.
[“Omg bes, malelate ako sa meeting place natin kasi hindi pa tapos magsermon si kuya.”]
Napangiwi ako ng marinig ang malaking boses ni kuya Atlas sa kabilang linya.
“Ok bes, hintayin na lang kita sa Town Center.”
Pinatay ko na ang cellphone at binalik sa passenger seat.
Tutal malelate si Ava sa meeting place namin ay kakain muna ako. Tamang tama medyo gutom na ako.
May nakita akong convenient store. Pinarada ko sa harap nito ang kotse at bumaba na. Pumasok ako sa loob at bumili ng makakain. Bumili ako ng hot chocolate at isang sandwich. Pagkabayad ko ay lumabas na ako. Sa kotse ko na lang ito kakainin.
Pagkatapos kong kumain ay tinapon ko na sa maliit kong basurahan ang styro cup at tisssue paper. Binuhay ko ang makina at inatras palabas sa parking area ng convenient store. Pero nagtuloy tuloy ang pag atras ko at sa taranta ko ay napatili ako. Hanggang sa may kumalabog sa likuran ng kotse ko at muntik pa akong mapasubsob sa manibela.
Lumingon ako sa likuran ng kotse. Napasinghap ako at nanlaki ang mata ng makita ang isang itim na itim na kotse na halatang mamahalin. Bumukas ang pinto sa backseat ng itim na kotse at bumaba ang isang malaking lalaki na nakashades na halatang galit.
Patay!
Luigi
“LOOK ELISE, patong patong na ang interes ng utang ng kuya mo. Tapos na rin ang tatlong buwang palugit na binigay sa kanya. Kapag hindi pa sya nakapagbayad kahit kalahati ay ipapakulong ko sya.” Inis na sabi ko sa kabilang linya habang papalabas na sa gusali ng financing company ko.
[“Are you serious babe? Ipapakulong mo talaga ang kuya ko?”]
“Yes, I’m dead serious.” Mariin na sabi ko sa kabilang linya.
Umabot na sa 15 million ang utang ng kuya ni Elise sa kumpanya ko pwera pa ang tubo. Hirap din ang mga tauhan kong singilin sya. Kampante yata dahil nagdedate kami ng kapatid niya kaya akala siguro madadaan lang ako sa pakiusapan. Dalawang beses ko na syang pinagbigyan ng palugit at hindi na yun lalampas sa dalawa. Maswerte na nga sya at pinagbigyan ko pa pero naubos na ang pasensya ko. Kapag hindi pa sya nagbayad kahit kalahati ay ipakukulong ko na sya. O baka naman gusto pa nyang masaktan.
[“Pero babe, kuya ko yun. My brother!”]
“The hell I care. Ang utang ay utang. Dapat bayaran.”
Narinig kong bumuntong hininga si Elise sa kabilang linya.
[“Magkita tayo later babe. Mag usap tayo.”]
“No. Saka na tayo magkita kapag nakabayad na ng utang ang kuya mo. Hanggang bukas na lang ng alas tres ng hapon ang ibibigay ko sa kanyang palugit. At kapag hindi pa sya nagbayad.. pupuntahan sya ng mga tauhan ko.” Pinal na sabi ko at binaba na ang cellphone. Ng mag ring ito ay tuluyan ko na itong pinatay.
Paglabas ko ng gusali ay sinuot ko ang aviator kong nakasabit sa neckline ng v neck t-shirt na suot ko. Nakaabang na ang driver kong si Goryo sa Audi kong bagong bili. Agad nyang binuksan ang pinto sa backseat. Sumakay naman ako at inayos ang suot na coat.
“Saan po tayo ser?” Tanong ni Goryo ng buhayin na ang kotse.
“Sa FGC Building tayo Goryo.”
“Yes ser.” Pinaandar na ni Goryo ang kotse.
Ngunit kalalabas pa lang namin ng compound at hindi pa nakakalayo ay may bumangga sa harapan ng kotse.
“Anak ng tokwa naman Goryo!” Bulalas ni Luigi.
“S-Ser, bigla pong umatras yung kotse sa harapan.” Namumutlang sabi ni Goryo na halatang takot sa amo.
Tiningnan ko ng matalim ang kotseng may kalumaan na inatrasan ang harapan ng kotse. Wala pang isang linggo ng mabili ko ang kotse na hindi biro ang halaga may buminyag na.
Ayoko sa lahat ng tatanga tanga.
Inis na bumaba ako ng kotse para komprontahin ang tatanga tangang driver. Sumunod naman si Goryo.
Hindi yata maganda ang umaga ko ngayong araw na to.
Nakapamewang na tiningnan ko ang harapan ng kotse ko. Bagamat wala itong tupi gaya ng likuran ng lumang kotseng bumangga ay lintek naman ang gasgas na inabot nito.
Tiim bagang na lumapit ako sa pintuan ng driver seat ng lumang kotse at kinalampag ang bubungan nito.
“Get out!” Sigaw ko. Makakatikim talaga sa akin ang driver na to.
Narinig ko naman ang mahinang click at dahan dahang bumukas ng pinto. Bumaba ang isang babae na pamilyar na pamilyar sa akin ang pigura at amoy.
“K-Kuya Luigi.” Nakangiwing sambit ni Ivona.
Chapter 2
Ivona
“K-KUYA LUIGI.” Kinakabahang sabi ko paglabas ng kotse. Kotse pala ni kuya Luigi ang naatrasan ko.
Nilampasan ko si kuya Luigi at tiningnan ang likuran ng kotse ko.
Napakagat labi ako ng makitang may yupi ang likuran ng kotse ko at may malaking gasgas naman ang kotse ni kuya Luigi na halatang bago. At hindi lang sya basta kotse kundi mamahaling kotse. Isang latest model na Audi na hindi biro ang halaga. Siguradong hindi rin biro ang halaga ng pagpapaayos ng kotse nya.
Nakupo! Saan ako kukuha ng pera pampaayos?
Nababahalang nilapitan ko ulit si kuya Luigi. “K-Kuya Luigi I’m sorry. H-Hindi ko sinasadya. Sa taranta ko kanina hindi ko agad natapakan ang break.” Tarantang paliwanag ko habang nakatingala sa kanya.
Nakasuot sya ng itim na itim na shades at bahagyang nakaawang ang kanyang labi. Hindi ko tuloy matukoy kung galit ba sya.
“Kuya Luigi babayaran ko na lang – “
“Are you ok? Are you hurt?” Biglang tanong nya at hinawakan ang isang pisngi ko. Tinanggal nya ang shades nya at ininspeksyon ang mukha ko pati ang katawan ko. “May masakit ba sayo? Saan ang masakit sayo?”
Nahigit ko ang hininga dahil ang lapit ng mukha nya. Ang init din ng palad nya. Ang mukha nya ay punong puno ng pag aalala. Ang mapusyaw na kulay tsokolateng mga mata nya ay tila mainit na bagay humahagod sa balat ko.
“I-I’m ok kuya Luigi. Walang masakit sa akin. Hindi naman ako nasaktan.” Sabi ko.
“Sigurado ka? Baka iniinda mo lang. Dadalhin kita sa hospital.” Nagaalala pa ring sabi nya.
“Hindi, ayos lang talaga ako kuya Luigi.” Natatawa ng sabi ko sabay kagat labi. “Pero yung kotse mo ang hindi ok. Sorry talaga. Di ko sinasadya.” Nakangiwing sabi ko.
“Nah, it’s ok. Wala kang kasalanan. Kasalanan ng driver ko hindi tumitingin sa daan.”
Tiningnan ko ang driver nya na kumamot na lang sa ulo.
Kasalanan ko naman talaga.
“Ganito na lang kuya Luigi, babayaran ko na lang ang pampaayos sa gasgas ng kotse mo.” Sabi ko. Pero ngayon pa lang namomroblema na ako kung saan kukuha ng pera. May pera naman akong nakatabi pero nakalaan na yun sa ibang bagay.
“Wag mo ng problemahin yun Ivona, ako ng bahala dyan. Maliit na bagay lang yan importante ok ka.” Mabait na sabi nya at ngumiti pa sa akin.
“Naku, nakakahiya naman kuya Luigi. Bago pa naman ang kotse mo tapos nagasgasan ko lang. Babayaran ko – “
“Hindi na nga. Ayos lang ang kotse ko ako ng bahala dyan. Pati na rin yang kotse mo ako na ang magpapagawa.”
“Ha? Naku! Wag na kuya Luigi! Mas lalong nakakahiya.” Tigas tanggi ko.
Ayaw na nga nyang pabayaran ang nagasgas kong kotse nya tapos sya pa ang magpapagawa ng kotse ko. Sobrang nakakahiya talaga.
“Wag ka ng mahiya. Para namang hindi tayo magkakilala. Ako na ang magpapagawa nyan.” Pamimilit pa rin nya. At sa hitsura nya ay talagang hindi sya magpapatalo.
Napanguso na lang ako sa hiya.
Magkakilala nga kami pero hindi naman kami close. Isa kasi sya sa mga kaibigan ni kuya Atlas na kuya ni Ava. Lagi ko syang nakikita kapag pumupunta ako sa bahay nila Ava.
“Nakakahiya naman – “
“Wag ka ng komontra ako ng bahala ok.” Putol nya sa sasabihin ko at kumindat pa.
Nag init tuloy ang mukha ko.
“Teka, saan ka pala pupunta?” Tanong nya.
“Ah magkikita kami ni Ava sa Town Center.” Sagot ko sabay tingin sa suot na relo. Pasado alas nuebe na. Sigurado nandun na si Ava sa meeting place namin.
“Ganun ba. Sige ihahatid na lang kita. Ibigay mo na lang ang susi ng kotse mo sa driver ko para ihatid nya sa auto repair shop.” Mungkahi nya.
“Agad agad?” Bulalas ko.
Tumawa sya. “Oo naman. Akina susi mo.” Aniya sabay lahad ng kamay.
Napakagat labi naman ako at nagdadalawang isip. Nahihiya talaga ako eh.
“Sige na.” Pamimilit nya na natatawa pa.
Ngumuso ako at kinuha na ang susing nakasuksok sa igniton. Kagat labing binigay ko ito sa kanya. Inabot naman nya ito sa driver nya at inutusang dalhin sa auto repair shop.
“Eh pano po kayo ser?” Tanong ng driver.
“Ako ng bahala.”
Tumango ang driver at nagexcuse sa akin para pumasok sa kotse ko.
Wala na akong nagawa kundi kunin na lang ang sling bag ko, cellphone at ang plastic envelope.
Hinatid ko na lang ng tanaw ang kotse kong minaneho ng driver ni kuya Luigi. Doon ko lang din napansin na nakatingin na pala sa amin ang ilang mga taong dumaraan. Ang ilan pa nga ay pinipicture-an ang kotse ni kuya Luigi.
“Let’s go Ivona.” Untag sa akin ni kuya Luigi at hinawakan ako sa siko.
Para namang may dumaloy na kuryente sa balat ko dahil sa paghawak nya. Pero hindi ko naman nagawang bawiin ang siko kong hawak nya at nagpatianod na lang sa kanya patungong kotse.
Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayang umupo sa shotgun seat. Namangha ako sa hitsura ng loob ng kotse nya. Malawak sa loob at itim lahat ang kulay. Malambot ang upuan. Mabango din at malamig. Iba talaga kapag mamahalin ang sasakyan.
Umayos na ako ng upo at kinabit na ang seatbelt ng makapasok na sa driver seat si kuya Luigi. Dahil nakulob kaming dalawa sa loob ay naamoy ko ang men’s perfume na gamit nya. Mabango ito at lalaking lalaki ang amoy pero hindi naman masakit sa ilong. Halatang mamahalin din ang perfume nya. Iba talaga ang mayaman nabibili ang lahat kahit gaano pa kamahal. Lalo na si kuya Luigi na bilyonaryo.
Pinaandar na ni kuya Luigi ang kotse at binaybay na ang kahabaan ng kalsada. Ihahatid nya ako sa Town Center.
“Teka kuya Luigi, pano pala tong kotse mo? Hindi mo pa ipapagawa?” Nakakahiya naman. Mauuna pang magawa ang kotse ko kesa dito sa kotse nyang nadisgrasya ko.
“Isusunod ko na ito sa repair shop pagkahatid ko sayo.” Aniya at sinulayapan ako sa rear view mirror at ngumiti.
Nahihiyang gumanti rin ako ng ngiti. “Thank you kuya Luigi. Nakakahiya talaga sayo.”
“Sabi ko naman sayo wag ka ng mahiya sa akin.” Muli nya akong sinulyapan.
Kumagat labi naman ako at bahagyang yumuko.
Hindi ko naman maiiwasang mahiya sa kanya. Naperwisyo ko sya tapos ayaw pa nyang magpabayad. Sobrang bait talaga nya. Hindi lang sya mabait gwapo pa. Lahat naman ng mga kaibigan ni kuya Atlas ay mga gwapo. Matatangkad at may matitipunong pangangatawan. Noong nagpaulan yata ng kagwapuhan at kakisigan ang Diyos sa mga kalalakihan ay gising sila. Pero sa lahat ng mga kaibigan ni kuya Atlas ay si kuya Luigi ang palaging nakangiti sa akin at palagi akong binabati kapag nakikita ako. Kaya bait na bait ako sa kanya. Mababait din naman yung iba nilang mga kaibigan kahit si kuya Matias na hindi palangiti.
“Sya nga pala, wala pala akong number mo. Tatawagan kita kapag ok na ang kotse mo.” Untag sa akin ni kuya Luigi at inabot sa akin ang cellphone nya.
Kinuha ko naman ito at kunot noo syang tiningnan.
“Pakilagay na lang ng number mo.” Nakangiting sabi nya.
“Ah o-oo.” Nautal pang sabi ko at binuhay ang cellphone nya. Pati cellphone nya mamahalin. Latest model ito ng kilalang brand na cellphone.
Pagkatapos kong i-save ang number ko ay binalik ko na sa kanya ang cellphone nya. May pinindot pindot pa sya. Bigla namang nagring ang cellphone kong hawak ko.
Kumunot ang noo ko ng rumehistro ang numerong hindi ko kilala.
“That’s my number. Save it.” Untag ni kuya Luigi na nakangiti pa rin.
“Oh.. ok.” Natatawang sinave ko na rin ang number nya.
“Kamusta ang pag aaral?” Tanong nya.
Nagkibit balikat ako. “Fourth year college na ako sa pasukan. Isang taon na lang graduate na ako.” Sagot ko.
“Oh I see. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kelan lang high school ka pa lang.”
“Oo nga eh. Pero di bale isang taon na lang ang pagtitiis ko tapos na akong mag aral at maghahanap na ako ng trabaho.” Excited na nga akong grumadweyt. Tapos mag a-apply ako sa malalaking kumpanya.
“Business Ad ang course mo di ba?”
Tumango tango ako. Medyo nagtaka pa ako kung bakit alam nya. Baka siguro naikwento ni Ava.
“Gusto mong sa kumpanya ko magtrabaho? Iha-hire kita agad.” Alok nya.
Nanlaki naman ang mata ko. “Talaga?”
Kilala ang kumpanya ng pamilya nya na isa sa pinakamatanda at nananatiling namamayagpag na kumpanya sa bansa. Pagmamay ari nila ang nangungunang telecom company sa bansa. Pero bukod sa kumpanya ng pamilya nya na sya na ang humahawak ay may sarili din syang kumpanya. Isang finance company naman.
“Oo naman. Kapag nag apply ka sa kumpanya ko tatanggapin kita agad.
Ngumuso ako. “Sabi mo yan ah.”
Tumawa sya. “Oo nga. Gusto mo ngayon pa lang magtrabaho ka na sa kumpanya ko eh.”
Ako naman ang natawa. “Di pa ako tapos mag aral no. Excited na akong magtrabaho pero syempre magtatapos muna ako.”
Tumango tango naman sya. “Tama, magtapos ka muna. Basta pagkagraduate doon ka sa kumpanya ko mag apply ha.”
Natatawang tumango na lang ako.
Gagawin ko talaga yun. Mag aapply ako sa kumpanya nya pagkagraduate ko. Gusto ko kasi magkatrabaho agad para makapag ipon. Gusto kong ipaayos ang bahay namin alang alang kay daddy. Gusto kong bumalik ang dating hitsura ng bahay.
“Thanks kuya Luigi. Super bait mo talaga sa akin.” Sabi ko at ngumiti sa kanya.
“You’re welcome. Ikaw pa. Di ka na iba sa akin.” Aniya at kumindat pa sa akin.
Nag init naman ang mukha ko. Di ko maintindihan kung bakit tila may pumitik sa dibdib ko at bumilis ang tibok ng puso ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at umayos ng upo.
Ilang sandali pa ay huminto na ang kotse sa harap ng Town Center. Nakita ko na nga ang kotse ni Ava na nakapark. Nagpasalamat ako ulit kay kuya Luigi bago bumaba ng kotse. Sinabihan naman nya ako na tatawagan kapag ok na ang kotse ko.
“Bes, sorry na late ako.” Hinging paumanhin ko kay Ava at hinila ang upuan sa tapat nya. Nilapag ko ang plastic envelope sa ibabaw ng mesa.
Kinumpas kumpas naman ni Ava ang kamay habang sumisipsip sa straw ng milk tea nya.
“Ok lang bes, medyo kararating ko nga lang din.” Sabi nya at inusod sa akin ang isa pang milk tea.
“Thanks.” Kinuha ko ang straw at tinusok sa plastic na cover at sumipsip. “Pasensya na bes may nangyari kasi kanina.”
“Mukha nga, nakita ko nga hinatid ka ni kuya Luigi. Anong meron?” Aniya.
Bahagya akong napasinghap. Nakita pala nya yun.
Saka ko lang napagtanto mula dito sa ikalawalang palapag na kinaroroonan namin ay kitang kita ang lahat na nasa ibaba.
“Ah ano kasi, aksidenteng naatrasan ko kanina ang kotse nya hayun nagasgasan.” Nakangiwing sabi ko.
“Talaga? Anong nangyari? Nagalit sya sayo? Pinagbantaan ka?” Nanlalaki ang matang sunod sunod na tanong nya. Mukha nga rin syang kabado.
Natawa na lang ako sa reaksyon ng mukha nya. “Hindi no. Ang bait bait nga nya eh. Hindi nya ako siningil sa gasgas ng kotse nya. Pinadala pa nya sa autor repair shop yung kotse kong nayupi at sagot nya daw. Tapos hinatid pa nya ako dito.”
Napaawang ang labi ni Ava. “Totoo?” Parang di makapaniwalang tanong nya.
“Oo nga. Mabait naman si kuya Luigi eh.” Natatawang sabi ko at sumipsip sa straw ng milk tea.
Si Ava naman ay napailing iling na lang habang sumisipsip din sa straw ng milk tea at nakatingin sa akin.
Luigi
NGITING NGITI ako pagbaba ko ng kotse. Sumalubong sa akin ang isang mekanikong naka jump suit.
“Good morning ser.”
“Good morning.” Nakangiting bati ko rin.
Napaawang naman ang labi ng mekaniko habang nakatanga sa akin.
Tinaasan ko sya ng kilay.
Nag iwas naman sya ng tingin at bumaling sa kotse ko. “Ang tindi ng gasgas nitong kotse nyo ser ah.” Sabi nya at ininspeksyon ang gasgas sa unahan ng kotse ko. Napailing iling pa sya.
“Kaya nga eh. Teka, yung kotseng dinala dito ng driver ko ginagawa na ba?” Tanong ko.
Kilala na nila ako dahil regular customer ako dito at kaibigan ko ang may ari nitong repair shop.
“Opo ser. Ginagawa na po.” Sabi ng mekaniko at tinuro ang pwesto ng kotse ni Ivona kung saan dalawang mekaniko ang gumagawa sa likuran ng kotse.
“Good. Ipapa-coating ko rin pala yan.” Sabi ko.
“Luigi.”
Nginisihan ko si Pierre na papalapit sa akin. Nagkamay kami at nagtapikan sa balikat.
“Kamusta pare? Ngayon lang ulit kita nakita dito ah.” Sabi ko.
Ngumisi si Pierre. “Ngayon mo lang ako nakita kasi ngayon ka lang ulit nagpakita dito.”
Si Pierre ay isa ring mekaniko at may ari nitong auto repair shop. Hindi ito basta bastang auto repair shop lang kundi isang high class auto repair shop. Kumpleto sila sa serbisyo at mga pulido gumawa ang mga mekaniko. Mga bigatin din ang mga regular customer. Dito rin nagpapagawa ang mga kaibigan ko.
Napahimas ako sa batok. “Nadisgrasya kasi ang Audi ko eh. Naatrasan.” Sabi ko at namaywang.
Nilapitan naman ni Pierre ang harapan ng kotse ko at sinalat ng kamay ang malalim na gasgas. “Ang tindi nito ah. Ang swerte ng buminyag. Buti hindi mo binaril?” Nakangising sabi nya.
Ngumisi lang din ako at umiling. Lumitaw sa isip ko ang magandang mukha ni Ivona na takot na takot kanina at namumutla. Kung naiba ibang tao yun malamang nakatikim na sa akin. Pero si Ivona yun.
“Teka yun bang kotseng dinala ng driver mo na yupi ang likuran ang nakadisgrasya dito?” Tanong pa ni Pierre.
Tumango tango naman ako.
Ngumisi na naman si Pierre. “Tapos pinagawa mo pa. Himala. Ang bait mo yata ngayon pare. Nag iba ka na ba ng relihiyon?”
“Tarantado. Kilala ko kasi yung nakadisgrasya.”
“Owh.. hulaan ko, babae?”
Ngumisi ako at umiling iling. Hinagis ko sa kanya ang susi. Nasalo naman nya ito.
“Ikaw na ang bahala dyan pare.” Sabi ko at pinuntahan ang kotse ni Ivona na ginagawa ng dalawang mekaniko.
“Morning boss.” Bati nila sa akin.
Tinanguan ko naman sila. “Tingnan nyo na rin ang makina nyan baka may palya rin. Mahirap na. Tapos i-coating nyo na rin. Ayusin nyo, malaki tip nyo sa akin.”
“Yes boss!” Halos sabay na sabi ng dalawang mekaniko na halatang lalo pang ginanahan sa ginagawa.
Binalikan ko naman si Pierre na karga karga na ang anak nyang lalaki at hawak naman sa isang kamay ang panganay na anak na babae. Napangisi ako at napailing. Dati makina ng mga sasakyan at babae lang ang inaatupag nya ngayon may pamilya na sya at halatang masaya na sa buhay.
Paglapit ko sa kanila ay pinagmano pa nya sa akin ang dalawa nyang anak. Nailang pa ako dahil first time na may nagmano sa akin. Ang anak ni Jeiz na baby pa ay kiss sa pisngi ang binibigay sa akin.
Tumawa pa si Pierre. Kung wala lang ang dalawa nyang anak minura ko na sya.
Maya maya pa ay dumating na ang driver kong si Goryo dala ang Land Rover ko. Nagpaalam na ako kay Pierre at sa mga anak nya. Sya na ang bahala sa kotse namin ni Ivona.
Lumapit na ako sa sasakyan at agad namang binuksan ni Goryo ang pinto sa backseat. Sumakay naman ako at sinenyasan na si Goryo na pausarin na ang sasakyan.
Bigla ay para akong nagkaroon ng ganang magtrabaho ngayon.
Chapter 3
Ivona
“THANKS NICK, chat na lang tayo later.” Paalam ko sa kaibigan at manliligaw at bineso sya.
“Sure.” Nakangiting sabi nya at in-unlock na ang pinto ng kotse.
Bumaba na ako at maingat na sinarado ang pinto. Binaba nya ang bintana sa driver seat at nagpaalam sa akin.
Hinatid ko muna ng tanaw ang papalayong kotse ni Nick bago tumalikod at pumasok sa maliit na gate.
“O bakit ngayon ka lang? Gabi na ah.” Bungad sa akin ni mommy pagpasok ko ng sala. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi nya at umupo sa single sofa.
“Marami pa po kasi kaming pinuntahan ni Ava mommy.” Sagot ko.
“At kasama yang manliligaw mo?” Nakataas ang kilay na tanong nya. Ayaw nya kasi kay Nick.
“Hindi mommy, kanina lang kami nagkita tapos nag alok sya na ihatid ako dito sa bahay.”
“Eh bakit ka hinatid? Nasaan ang kotse?”
Napakamot ako sa ulo. “Nasa auto repair shop po. Nakadisgrasya po ako kanina mommy. May naatrasan po akong kotse.” Nakangiwing sabi ko.
“Ano? Nakadisgrasya ka? Pambihira ka naman Ivona! Wala na nga tayong pera nakadisgrasya ka pa. Sabi ko naman sayo ibenta na natin yang kotse na yan dahil bulok na. Hayan! Imbes na mapakinabangan natin nakadisgrasya pa. O pano ngayon yang nadisgrasya mo? Anong ipambabayad natin?” Inis na litanya ni mommy na nakatayo na sa harapan ko at nakapamewang.
“Relax mommy. Hindi naman ako siningil ng nadisgrasya ko. Ang bait nga nya eh. Sya pa ang nagpagawa ng kotse.” Mahinahon kong paliwanag.
Huminahon naman si mommy. “Aba’y mabuti naman kung ganun.” Aniya at bumalik na sa pagkakaupo sa sofa. “Pero di ko pa rin gusto na hinahatid ka ng Nick na yun ha. Sinabi ko na sayo bastedin mo na yan.”
Bumuntong hininga ako. “Pero mommy, mabait naman po si Nick eh.”
“O eh ano ngayon kung mabait? Anak ba sya ng kilalang politiko? Anak ba sya ng isang real state tycoon? Naku sinasabi ko sayo Ivona ha. Hindi kita pinalaki para pumatol ka sa kung sino sino lang.”
“Mommy, hindi nga po anak mayaman si Nick pero nagsusumikap naman po sya sa buhay. Actually next month sasampa na po sya sa barko.” Isa na kasing seaman si Nick. May kaya naman ang pamilya nya. Pero sadyang mapangmata lang si mommy.
“Huh? Seaman pa talaga! Naku wag mo talagang sasagutin yan. Kapag yan ang nakatuluyan mo sinasabi ko sayo luluha ka talaga ng dugo. Dahil halos lahat ng seaman na kilala ko babaero. Kagaya na lang ng asawa ni Rona. Nuknukan ng babaero at nakabuntis pa.”
Mariin ko na lang nailapat ang labi at pasimpleng inikot ang mata habang naglilitanya pa rin si mommy. Ang tinutukoy nyang si Rona ay ang isa sa mga amiga nya.
“Kaya ikaw Ivona gamitin mo yang ganda at utak mo. Wag kang makuntento sa kung ano lang ang nakahain sa harap mo. Kung hindi habang buhay na lang ganito ang buhay mo.”
“Opo ma.” Nasabi ko na lang para hindi na lalo pang humaba ang litanya nya. Parang bigla akong napagod sa bunganga pa lang nya.
“Kumain ka na. Nagpaluto ako kay Yaya Saling ng kare kare.” Sabi ni mommy na ngayon ay hawak na ang cellphone at nagtatype.
“Opo.” Tumayo na ako at tumungo na sa kusina.
Sakto namang nakasalubong ko si Yaya Saling na kalalabas lang ng kwarto nya.
“O Ivona, nariyan ka na pala.” Bati sa akin ni Yaya Saling.
“Good evening yaya.” Bati ko rin sa kanya.
“Kakain ka ba? Ipaghahain na kita.” Alok nya.
Tumango naman ako at ngumiti kay Yaya Saling.
Sabay na kaming pumasok sa kusina. Umupo na ako sa mesa habang sya ay pinagsasandok ako.
“O heto, kumain ka ng marami.” Ani Yaya Saling ng ilapag na sa harap ko ang platong may kanin, mangkok na may kare kare at platitong may bagoong. Bigla tuloy akong nagutom.
“Salamat yaya. Kayo po?” Dinampot ko ang kutsara’t tinidor.
“Tapos na kami ng mommy mo. Ikaw na lang. Kain ka ng kain. Ginabi ka yata.”
“Opo ya, kung saan saan kasi ako tinangay ni Ava kanina.”
Pagkagaling namin sa inaplayan namin ay inaya pa ako ni Ava na maggalagala. Huling gala namin bago kami pumasok sa trabaho. Natanggap kasi kami sa inaplayan naming trabaho kanina bilang food server sa isang restaurant at mag i-start na kami sa susunod na araw. Medyo nag alala pa nga ako kay Ava dahil baka hindi nya kayanin ang ganoong trabaho. Mayaman sya at sanay na pinagsisilbihan. Kung tutuusin di naman nya kailangan sumideline ng trabaho dahil malaki ang allowance na binibigay sa kanya ng kuya nya. Pero desido sya at gusto nya raw maranasan ang ganoong trabaho. Yun ang nagustuhan ko sa kanya. Kahit mayaman sya ay hindi naman sya spoiled brat.
“Eh kamusta naman ang pinag aplayan nyong trabaho?”
“Tanggap po kami at mag i-start na po sa susunod na araw.” Sagot ko sa pagitan ng pagsubo. Masarap talagang magluto si Yaya Saling.
Nakatingin lang sa akin si Yaya Saling at ngumiti. “Hay, kung nabubuhay lang ang daddy at mommy mo, yung totoong mommy mo ha, siguradong proud na proud sila sayo. Lumaki kang mabait na bata, maganda at matalino. Isang taon na lang gagraduate ka na.”
Napangiti na rin ako at hinawakan ang kamay nya. “Para po sa kanila itong ginagawa ko. Salamat rin sayo ’ya dahil hindi mo ko iniwan. Pakiramdam ko kasama ko na rin sila.” Mabuti nga at nandito pa rin si Yaya Saling sa tabi ko kaya kahit papaano hindi ako nalulungkot dito sa bahay. Si mommy naman laging wala. Ang daming pinagkakaabalahan.
“Basta nandito lang ako palagi para sayo.”
HUMIHIKAB NA lumabas ako ng kwarto ko habang nagkakamot ng ulo. Medyo magulo pa ang buhok ko dahil bagong gising ako.
“Hindi na ba pwedeng idaan sa pakiusap to mga sir.”
“Pasensya na po ma’am pero anim na buwan na lang ang palugit nyo at kailangan nyo ng bayaran ang lahat ng balanse. At sa anim na buwan na hindi nyo po mabayaran ay kukunin na po ng bangko itong bahay nyo.”
Napasinghap ako sa narinig at dali dali akong bumaba ng hagdan. Nakita ko ang tatlong lalaki na papalabas na ng bahay. Nasa sala si mommy na nakatakip ang mga kamay sa mukha at si Yaya Saling na may hawak na isang papel at binabasa ito.
Lumapit ako kay Yaya Saling at nakibasa din sa papel. Nagulat pa sya sa presensya ko pero binigay na nya sa akin ang papel na galing sa isang bangko. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa.
“Ivona.” Tawag sa akin ni mommy.
Salubong ang kilay na tumingin ako sa kanya. “Nangutang ka sa bangko tapos ginawa mong collateral itong bahay mommy?”
“At kapag hindi daw nabayaran ang lahat ng balanse sa loob ng anim na buwan kukunin na ng bangko itong bahay.” Sabat ni Yaya Saling.
“Saling pwede, kami muna ni Ivona ang mag usap.” Saway ni mommy kay Yaya Saling.
Naiiling na tumalikod naman si Yaya Saling at pumunta ng kusina.
Disappointed na tiningnan ko naman si mommy na halatang problemado.
“Mommy kelan ka pa nangutang sa bangko? At bakit hindi mo sinabi sa akin?” Naiinis na tanong ko.
Nangutang sya at ang bahay pa talaga ang ginawa nyang collateral. Ang bahay na punong puno ng alaala ng daddy at ng tunay na mommy ko.
“6 years ago pa yan Ivona at high school ka pa lang noon. Alam mo naman ng panahon na yun sunod sunod na problema ang dumating sa atin. Nalugi ang mga negosyong iniwan ng daddy mo at nabaon tayo sa utang. So naisip kong mangutang sa bangko at gawing collateral itong bahay. Hindi ko na sinabi sayo yun dahil ano bang alam mo? High school ka pa lang at ayoko namang problemahin mo pa yun dahil baka hindi ka makapag focus sa pag aaral.” Paliwanag ni mommy.
Bagsak ang balikat at nanlulumong umupo ako sa sofa.
Naalala ko noong high school ako, yun yung mga panahon na unti unting nalugi ang mga negosyo namin at naibenta. Yung dalawang gasoline station namin ay humina ang kita hanggang sa tuluyan ng magsara at ibinenta ni mommy. Ganun din ang nangyari sa hardware namin at sa grocery store. Nagkabaon baon din kami sa utang at naibenta na rin ang ibat ibang ari arian. Pero akala ko tapos na ang problema pero meron pa pala.
“Pero sana mommy sinabi nyo man lang sa akin na ginawa nyo palang collateral itong bahay.” May hinanakit na sabi ko.
“Bakit? Kapag sinabi ko ba sayo may magagawa ka?” Naiinis na ring sabi nya.
Bumuntong hininga ako at sinuklay ng daliri ang buhok.
Alam ko namang wala akong magagawa noong mga panahon na yun. Hamak na high school student pa lang ako. Walang pang masyadong alam sa buhay.
“Pero bakit ang bahay pa ang ginawa nyong collateral? Pwede naman yung paupahan na lang.”
“Ayaw ng bangko. Gusto nila itong bahay.”
“Pero paano yan? Kapag hindi tayo nakapagbayad sa loob ng anim na buwan kukunin nila itong bahay. Saan naman natin kukunin ang 8.6 million pesos?” Namomroblema na ring sabi ko. Ayokong mawala ang bahay. Di bale ng maubos ang lahat ng meron kami wag lang itong bahay.
Bumuntong hininga si mommy. “Hayaan mo gagawa ako ng paraan. Pero kung.. wala talaga. Hayaan na lang natin sa bangko itong bahay.”
“What? No way!” Napatayo ako bigla. “Hindi ako papayag na kunin ng bangko itong bahay. Mahalaga ito sa akin mommy.”
“O eh anong gagawin natin kung hindi tayo makahanap ng pera. Sagad na ang palugit na binigay ng bangko. Kapag hindi tayo nakapagbayad sa ayaw natin o gusto kanila na ang bahay na ito at lalayas tayo.”
Muli akong umupo sa sofa at tinakip ang kamay sa mukha. Gusto kong umiyak sa inis na nararamdaman ko. Bakit ba ngayon pa nangyari to na walang wala kami. Saan kami kukuha ng ganoong halaga?
Teka may paupahan pa pala kami at pitong pinto iyon.
“Mommy ibenta na lang kaya natin ang paupahan?” Suhestiyon ko.
“At sa tingin mo magkano ang aabutin kapag binenta ang paupahan? Baka wala pang tatlong milyon. Kahit ibenta mo na rin yang bulok na kotse kulang na kulang pa rin.”
Lalo akong nanlumo sa sinabi ni mommy. Tama naman sya kahit ibenta pa ang paupahan namin at kotse kulang na kulang pa rin kahit isama pa ang mga gamit dito sa bahay.
Ano ng gagawin namin? Saan kami kukuha ng ganon kalaking pera?
Luigi
“LUIGI, PLEASE listen to me. Bakit hindi mo muna pag isipan ang proposal ng mga Hinarez bago mo i-reject.” Pangungulit pa rin ni Ary sa akin. Sya ang secretary at assistant ko na rin.
“Nakapagdesisyon na ako Ary. At kung ano ang desisyon ko yun na yun.” Pagkikibit balikat ko habang tuloy lang sa pagpirma sa mga papeles na nasa folder na inabot nya.
“But Luigi sayang yun. Maganda ang proposal ng mga Hinarez. Mas makikilala pa ang FG Telecom kung tatanggapin natin ang proposal nila. Maimpluwensya ang mga Hinarez.”
“Mas maimpluwensya ako at mas maraming koneksyon. Hindi ko sila kailangan sa kumpanya ko.” Mariing sabi ko.
Ayokong magpapasok ng ibang tao sa kumpanya. Yun ang kabilin bilinan ni lolo bago sya namatay at iniwan sa akin ang pamamahala sa FGC. Ang nga Hinarez ay kilala din at maimpluwensya sa business world. Pero punong puno sila ng kontrobersya. Ayokong i-associate ang kumpanya sa kanila dahil baka masira pa ang reputasyon.
“Look Luigi – “
“Enough!” Malakas na hinampas ko ang table ko na ikinapitlag ni Ary. “Sinabi ko na sayo nakapagdesisyon na ako at hindi na magbabago yun. I don’t like their proposal. At bakit ka ba gigil na gigil na tanggapin ko ang proposal nila? May porsyente ka ba sa kanila?” Naiinis ng sabi ko.
“Wala. Ang sa akin lang naman – “ Naputol ang sasabihin nya ng bigyan ko sya ng matalim na tingnan.
“C-Concern lang naman ako sa kumpanya.”
“Thanks for your concern Ary. Pero maganda ang takbo ng FG Telecom at alam ko kung ano ang makakabuti at makakasama sa kumpanya.” Mariing sabi ko.
“Fine, wala na akong sinabi.” Pagsuko nya.
“Good. You can leave now.” Sabi ko at sinara ang folder pagkatapos ng huling pirma at inabot sa kanya.
Kinuha naman nya ito at nag excuse.
Sinundan ko lang sya ng tingin at umiling iling. Minsan hindi ko na rin nagugustuhan ang pagiging pakialamera nya. Kung hindi lang sya anak ng ninong ko matagal ko na syang sinesante.
Sinandal ko ang likod sa leather chair at bahagyang hinilot ang sentido.
Tumunog ang cellphone ko na nasa gilid ng table. Dinampot ko ito at sinagot.
Tumawag ang sekretarya ni Pierre at sinabing ok na ang kotse ko at kotse ni Ivona at pwede ng kunin. Sinabi ko na lang na papupuntahin ko ang dalawang tauhan ko para pick-up-in ang dalawang kotse. Gusto ko sana personal na ihatid kay Ivona ang kotse nya pero puno ang schedule ko ngayong araw kaya siguro bukas na lang.
Napakagat labi ako at ngumiti ng sumagi na naman sa isip ko ang magandang mukha ni Ivona. Ewan ko ba. Simula ng insidenteng yun kahapon parang may kakaiba ng nangyayari sa akin. Lalo na ng makasama ko sya sa loob ng kotse at nakausap ng matagal. Kung tutuusin ilang minuto lang kami nag usap pero para sa akin matagal na yun.
Noon pa man gandang gandang na ako sa kanya. Gustong gusto kong tingnan ang maamo nyang mukha. Dati hanggang hi at hello lang ako sa kanya tapos kahapon nagkaroon kami ng kaswal na pag uusap. Tapos sa tuwing naiisip ko sya gumagaan ang pakiramdam ko at para akong naeexcite sa hindi malamang dahilan.
Tangna. Hindi naman siguro nagkakagusto na ako sa kanya. Nakakahiya naman kung magkagusto pa ako sa kanya. Masyado syang bata sa akin at para na nya akong kuya.
Chapter 4
Ivona
“YAYA SALING, si mommy po?” Tanong ko kay Yaya Saling na busy na pagba-vacuum.
“Nasa garden, may bisita.” Tiningnan ako ni Yaya Saling mula ulo hanggang paa. “Papasok ka na ba sa tranaho mo?”
“Opo.”
Ngayong araw ang start ng trabaho namin ni Ava. Alas diez ang pasok namin pero aagahan namin ang punta sa resto dahil ibibriefing pa kami ng manager. Isang linggo ang training namin pero may allowance naman at libre ang pagkain.
“O sige. Mag iingat ka.” Sabi ni Yaya Saling.
Lumabas na ako ng bahay at tinungo ang garden na nasa bandang likuran. Di pa man ako masyadong nakakalapit ay naririnig ko na ang tawa ni mommy at tawa ng isang lalaki. Pero hindi iyon ang boyfriend nya ni mommy.
“Mommy.” Tawag ko ko kay Mommy.
“O Ivona, nandyan ka pala. Aalis ka na ba? Halika muna rito.”
Lumapit ako kay mommy na ngiting ngiti. Tumingin ako sa kausap nyang lalaki na may edad na na titig na titig naman sa akin. Naiilang na binigyan ko na lang ng kiming ngiti ang matanda.
Pinaupo ako ni mommy sa katabi nyang upuan.
“Sya nga pala Ronnie ito pala ang anak kong si Ivona. Isang taon na lang gagraduate na sya sa college. Ngayon nga eh nagtatrabaho sya habang summer break pa. Naku napakabait at napakasipag nitong anak ako matalino pa.” Pagbibida ni mommy sa akin.
Napangiti naman ako. Ganyan naman si mommy kapag pinapakilala nya ako sa mga kakilala nya. Lagi nya akong pinagmamalaki at masarap yun sa pakiramdam.
“At napakaganda pa.” Nakangiting dugtong naman ng matanda.
“Sinabi mo pa. Aba, kanino pa ba magmamana yan kundi sa akin.”
“Syempre naman.” Pagsang ayon pa ng matanda.
“Ay Ivona anak, ito pala si Ronnie Sarmiento. Kaibigan ko.” Pagpapakilala ni mommy sa akin sa matanda.
“Hello po Mang Ronnie.” Bati ko sa matanda.
Nginitian naman ako ng matanda at panay pa rin ang titig sa akin.
Nag iwas na lang ako ng tingin.
Ang tingin ko kay Mang Ronnie ay mabait naman bagamat may pagkamanyakis tumingin. Mukha rin syang mapera dahil sa mga gintong alahas nya sa katawan. Mabilog ang katawan nya at kayumanggi ang kulay.
“Ilang taon ka na ba iha?” Tanong ni Mang Ronnie sa akin.
“Ah 21 po.”
“Oh, batang bata pa nga.” Nakangising sabi ni Mang Ronnie.
Kinilabutan naman ako sa ngisi nya.
Tumikhim ako. “Ah mommy, kailangan ko na pong umalis kasi ibibriefing pa kami ng manager ng resto.” Paalam ko na kay mommy. Hindi ko na kasi matagalan ang tingin ng matanda.
“O sige mag iingat ka. Diretso uwi kapag tapos na ang trabaho ha. Baka kung saan pa kayo gumala ni Ava.” Bilin ni mommy sa akin.
“Opo.” Humalik na ako sa pisngi nya at tinanguan naman ang matanda.
“LAGI NYONG tatandaan ang mga sinabi ko ha. Wag nyong papatulan ang customer kapag nagtataray. Ipasok nyo lang sa kabilang tenga at ilabas sa kabilang tenga. Basta wag lang kayong sasaktan ibang usapan na yun. Gets nyo?” Paalala sa amin ni sir Tootsie. Ang binabaeng manager namin.
“Yes sir.” Sabay sabay naming sabi.
Apat kaming babaeng bagong crew at pareparehas na college student. Tuwing summer break daw talaga ay tumatanggap ang resto ng mga aplikanteng estudyante.
Tinawag ni Sir Tootsie ang supervisor at sa kanya na kami inihabilin.
Mabait ang supervisor na si ma’am Lyn. Matiyaga nya kaming tinuturuan at pinapaliwanagan sa mga dapat naming gawin. Halos lahat ng staff ng resto ay mababait at magigiliw sa amin.
Polo shirt na puti ang suot namin na nakatuck in sa slack na itim at may bistro apron din na itim. Itim na doll shoes naman ang sapatos namin. Ang buhok ay nakahairnet bun.
“Naku siguradong sisipagin pumasok ang mga boys natin. Kegaganda ba naman nitong mga trainee natin.” Sabi ni Mang Crisanto. Ang head chef. Ayaw nyang tawagin syang chef Mang Crisanto na lang daw. Dito kami sa kusina dinala ni Mang Lyn para i-tour.
“Sinabi nyo pa chef, lalo na tong dalawang to. Makikinis at mukhang mayayaman. Sigurado ba kayo na papasok kayo bilang waitress dito sa resto?” Baling naman sa amin ni chef Risa na tibo kung kumilos. Sya naman ang assistant chef.
“Opo ma’am. Experience na rin po.” Sagot ni Ava.
Tumango tango naman ako
“Kunsabagay. Anong year na ba kayo?”
“Fourth year na po sa pasukan.” Sagot ko naman.
“Ah isang taon na lang pala graduate na kayo.”
Nag e-enjoy naman kami ni Ava sa ginagawa namin kahit medyo nakakangalay nga lang sa binti dahil halos hindi kami umuupo at panay paroon at parito kami. Tinuturuan na kami ni ma’am Lyn ng tamang pag approach sa mga customer. Pati na rin kung paano kumuha ng mga order. Hindi na ako bago sa ganito dahil noong nakaraang summer break ay sa isang coffee shop naman ako nagtrabaho noon. Si Ava nga lang ang talagang nangangapa pa pero matiyaga naman sya at inaalalayan ko naman.
Ang tatlo pa naming kasamang babae ay naging close na rin namin. Sina Jolene, Miriam at Ruby. Gaya namin ni Ava ay mga college student din sila. Si Miriam at Ruby ay maiingay gaya ni Ava kaya madali silang magkasundo. Si Jolene naman ay may pagkaseryoso pero mabait naman at marunong makisama. Nalaman din naming may anak na pala sya. Nakakabilib nga sya dahil kahit may anak na sya ay nag aaral pa rin at nagtatrabaho pa.
“Hays ang sakit na ng binti ko.” Angal ni Ava na umupo sa isang bakanteng upuan at hinilot ang mga binti.
“Ano kaya pa?” Natatawang tanong ko. Masakit din naman ang mga binti ko pero keri ko pa naman. Sa umpisa lang naman kasi ito.
“Oo naman. Naninibago lang siguro ako.” Sabi nya.
Isang oras na lang naman out na kami. Ang tatlo ay nakasunod sa mga waiter na nakatalagang umalalay sa kanila.
Tinawag na rin kami ng dalawang waiter na nakatalaga sa amin ni Ava dahil may mga customer na pumasok. Aalalayan din nila kami sa pagkuha ng order.
Marami ang kumakain sa resto. Bukod kasi sa masarap talaga ang mga pagkain ay abot kaya pa ang presyo. May mga mayayaman na customer at may mga simple lang naman.
“Wuhoo sa wakas out na.” Sabi ni Miriam habang inaayos na ang mga gamit nya sa bag nya.
Nandito kami sa loob ng locker at out na nga namin. Alas diez ng umaga hanggang alas sais y medya ang pasok namin at 30 minutes naman ang break. Pero pagkatapos ng isang linggong training ay mag iiba na ang oras ng pasok namin.
Sa sobrang pagkalibang ko nga kanina ay saglit kong nakalimutan ang problema sa bahay.
“Siguradong tulog ako nito pag uwi.” Ani Ruby.
“Ako rin. Grabe ang sakit ng mga binti ko parang binugbog.” Sabi naman ni Ava na nakangiwi na.
“Masasanay ka rin.” Anang Jolene.
“Ok let’s go na girls. Kitakits na lang uli tayo bukas. Baka naman di na kayo bumalik bukas ha.” Natatawang sabi ko at sinukbit na ang tote bag sa balikat.
“Babalik ako no. Need ko ng cash. Ang mahal pa naman ng tuition ko.” Sabi ni Ruby.
Kanya kanya din ng litanya ang tatlo kung bakit sila babalik bukas.
Pero bago kami lumabas ng resto ay inabot sa amin ni ma’am Lyn ang mga allowance namin na 400 pesos. Tuwang tuwa si Ava dahil yun ang unang perang natanggap nya na pinaghirapan nya. Iipunin daw nya yun.
Paglabas namin ay nauna na ang tatlo sumakay ng jeep. Si Ava naman ako ay nagsabay sa taxi. Isang way lang naman ang dadaanan namin. Mauuna nga lang akong bumaba sa kanya. Si Ava kasi ay sa isang exclusive subdivision nakatira.
“Nandyan ka na pala anak.” Magiliw na bati sa akin ni mommy pagpasok ko ng bahay. Ngiting ngiti pa sya. Sya pa ang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
“Anong meron mommy?” Nagugulumihanang tanong ko.
“Naku, may sasabihin ako sayo ’nak. Pero kumain ka na ba?”
“Hindi pa po.”
“O sige, mamaya ko na lang sasabihin pagkatapos nating kumain. Saling! Nandito na si Ivona maghain ka na!” Utos ni mommy kay Yaya Saling.
Nilapag ko naman ang tote bag ko sa sofa at sumunod na sa komedor.
. . .
“What? Mommy naririnig nyo ba ang sinasabi nyo? Gusto nyong tanggapin ko ang alok ng matandang yun at akitin ko sya?” Parang umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa sinabi ni mommy. Hindi ako makapaniwalang sinasabi nya sa akin to.
Nag alok daw si Mang Ronie na sa kanya ako magtrabaho bilang secretary dahil nagleave daw ang secretary nya dahil manganganak. Malaki raw ang suswelduhin ko. At gusto ni mommy na akitin ko ang matanda dahil halatang type nya ako. Balo na raw ang matanda at nagiisa na lang sa buhay dahil may sariling buhay na rin ang mga anak.
“Ivona makinig ka muna kasi. Kapag nakatuluyan mo si Ronnie wala na tayong problema. Kaya nyang salbahin itong bahay. Mayaman si Ronnie anak. Marami syang negosyo. Kaya nyang ibigay ang lahat ng gusto mo. Magbubuhay reyna ka.”
“No mommy!” Napatayo na ako sa inis.
Sya naman ay natigilan.
“Hindi ko gusto ang sinasabi nyo mommy. Ano ba naman kayo? Talagang tinutulak nyo ako sa kanya? Hindi yun ang tamang solusyon sa problema natin. At parang tatay ko na yun.”
Tumayo na rin si mommy at namaywang. “At ano ang tamang solusyon na naiisip mo para maisalba itong bahay ha? May naisip ka na ba? May alam ka ba kung paano masosolusyunan itong problema natin? Sabihin mo.” Mataas na ang boses na sabi nya.
Bumuntong hininga ako. “Wala mommy. Pero – “
“Wala pala eh! Kaya wag mo kong sermonan na parang may alam ka ng solusyon. Hayan na nga o! Si Ronnie. Sya ang sagot sa malaking problema natin. Pero nag iinarte ka pa. Kung ganoon naman pala eh di hayaan na lang natin kunin ng bangko itong bahay.”
“Eh kung sya pala ang nakikita nyong solusyon para sa problema natin bakit hindi na lang kayo ang magpakasal sa kanya. Tutal kayo naman ang nakaisip.” Hindi ko na napigilang sabihin.
Pero kasabay niyon ang malutong na paglagapak ng kamay ni mommy sa pisngi ko. Narinig ko pa ang pagsinghap ni Yaya Saling na nakikinig sa amin.
Nagulat ako sa ginawa ni mommy. Hinawakan ko ang pisngi kong namanhid at nagiinit dahil sa lakas ng sampal nya. Ngayon lang nya ako pinagbuhatan ng kamay. Hindi makapaniwalang tiningnan ko sya. Nakita ko namang natigilan sya.
Tumalikod ako at dinampot ang tote bag sa sofa at nagmamartsang umakyat ng hagdan.
Mag aalas onse na ay dilat na dilat pa rin ang mata ko. Dapat nga ay makakatulog na agad ako dahil pagod ang katawan ko. Pero ang isip ko ay gising na gising pa rin dahil sa nangyari kanina.
Nakakaramdam ako ng pagtatampo kay mommy dahil sinampal nya ako. Dati kahit nagpapasaway ako never nya akong pinagbuhatan ng kamay at pinagsasabihan lang ako. Siguro kasalanan ko rin dahil bastos ko syang sinagot kanina. Pero sya rin kasi eh. Sino bang matutuwa na ireto ka ng nanay mo sa matandang lalaki na parang tatay mo na para lang masolusyonan ang problema.
Napapitlag ako ng makarinig ng mahinang katok.
“Ivona anak, gising ka pa.”
Bumuntong hininga ako ng marinig ang mahinahong boses ni mommy sa likod ng pinto.
“Nak, kung gising ka pa usap naman tayo.”
Humugot ako ng malalim na hininga at bumangon sa kama. Tinungo ko ang pinto at binuksan. Bumungad sa akin si mommy na nakapantulog na.
“Mommy kung tungkol na naman ito kay Mang Ronnie. Please..” Mabigat ang loob na sabi ko. Baka mauwi lang kami sa away kapag pinilit nya ang gusto.
“Hindi anak. Hindi ito tungkol kay Ronnie.” Sabi nya. Hindi kagaya kanina wala na ang bakas ng katarayan sa mukha nya.
Bumalik ako sa kama at umupo. Pumasok naman si mommy at umupo sa tabi ko.
“Anak, I’m sorry kung napagbuhatan kita ng kamay kanina. Hindi ko sinasadya. Nabigla lang ako. Sorry talaga anak.” Malambing nyang sabi at hinaplos ang buhok ko.
Napakagat labi naman ako at pinunasan ng kamay ang luhang bigla na lang pumatak.
Lumingin ako kay mommy. “Sorry din po kung binastos ko kayo kanina.”
“Naiintindihan ko naman anak. Kasalanan ko. Pasensya na anak. Desperado na kasi ako. Ayoko ring mawala itong bahay dahil nandito ang lahat ng alaala ng daddy mo.”
“Pero mommy, hindi talaga ako payag sa gusto nyo.”
“Hindi na kita pipilitin anak. Nagbakasakali lang naman ako kanina pero kahit na, alam ko namang hindi magandang solusyon yun. Pasensya ka na talaga sa akin. Hindi na mauulit yun.” Nakabakas nga sa mukha nya ang pagsisisi.
Ngumiti na ako sa kanya. Biglang naglaho ang tampo ko. Yumakap ako sa kanya at hinaplos naman nya ang likod ko.
Mabait naman talaga si mommy. Mataray nga lang sya minsan at nadadala lang sya ng problema namin.
SAKTONG ALAS otso ng umaga ako nagising. Maganda ang tulog at gising ko dahil naayos agad ang tampuhan namin ni mommy kagabi. Dahil kung hindi siguradong nakatulog ako kagabi na masama ang loob hanggang sa pag gising.
Sa ngayon ay dapat nagkakaisa kami ni mommy para masolusyonan sa tamang paraan ang problema namin. Balak ko nga ibenta na ang kotse. Si mommy naman ay maghahanap na ng buyer ng paupahan.
“Ivona gising ka na pala.” Bating bungad sa akin ni Yaya Saling na mukhang paakyat na rin ng hagdan.
“Morning yaya.” Nakangiting bati ko.
“Naku gigisingin na sana kita dahil may dumating kang bisita.”
Kumunot ang noo ko. “Po? Sinong bisita?”
“Hindi ko kilala. Nasa labas kausap ng mommy mo. Pero lalaki, sobrang gwapo, matangkad at macho. Mukhang mayaman dahil magara ang kotse.” Pagbibida ni Yaya Saling.
Nacurious naman ako kaya dali dali akong lumabas para tingnan ang bisita ko raw. Nakasunod naman sa akin si Yaya Saling.
Napasinghap ako ng makita si kuya Luigi na nasa labas ng gate at kausap nga ni mommy. Kasama nya ang driver nya.
Lumapit ako sa kanila. Una akong napansin ni mommy.
“O nandito na pala si Ivona. Anak may bisita ka.” Ngiting ngiti na sabi ni mommy.
Doon lang ako napansin ni kuya Luigi. Naginit ang pisngi ko at bahagyang nailang. Kakaiba kasi ang tingin nya sa akin. Pero ang ilang na nararamdaman ko ay hindi gaya ng pagkailang ko kay Mang Ronnie na may kasamang pandidiri.
Ah basta, kakaiba sya.
Lumabas ako sa maliit naming gate.
“Kuya Luigi.”
“Good morning Ivona.” Bati nya na titig na titig pa rin sa akin. Nahuli ko pa ang pasimpleng paghagod nya ng tingin sa kabuuan ko.
Nahiya naman ako dahil hindi ko sya nabati. “G-Good moring din.” Nakangiwing sabi ko.
Bigla rin akong naconcsious sa hitsura ko dahil bagong gising ako. Wala pa akong hilamos at sipilyo. Baka amoy panis na laway ako. Magulo din ang buhok. Ang doon ko lang din napagtanto na oversized t-shirt lang ang suot ko at maiksing short. Pero sa iksi ng short ko ay nagmistulang bestida ang oversized t-shirt.
Hanggang dito muna. Di ko na keri. Pumipikit na ang mata ko. Bukas naman 😪
Chapter 5
Ivona
“AH SYA nga pala anak, nandito na yung kotse natin. Naku! Mukhang bagong bago. Hindi na sya mukhang luma.” Untag sa akin ni mommy.
Noon ko lang din napansin ang kotseng lumang modelo pero mukhang bago. Nangingintab ito dahil sa bagong coat bagama’t army green pa rin ang kulay. Wala na rin ang yupi sa likuran nito. Mukha talaga syang bago.
Napaawang ang labi ko. Kung hindi pa sinabi ni mommy na kotse namin ay hindi ko ito makikilala.
“Hinatid ko na dito yung kotse. Kahapon pa tapos yan pero busy ako kahapon kaya ngayon ko lang naihatid.” Sabi ni kuya Luigi.
“Naku, nag abala ka pa kuya Luigi. Sana tinawagan mo na lang ako para ako na lang ang kumuha. Tapos bagong coated pa ito. Nakakahiya na talaga.” Nahihiyang sabi ko. Alam kong mahal ang magpacoating.
“Ayos lang yan. Nasa repair shop na sya kaya nilubos ko na. Pinalinis ko na rin ang makina nyan kaya maganda na ang takbo nyan. Wag ka ng mahiya dahil treat ko na yan sayo.” Aniya na nakangiti na sa akin.
Napakamot naman ako sa batok sa hiya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sobra sobra na ang ginawa nya. Hindi birong halaga ang ginastos nya.
Tiningnan ko naman ang harapan ng kotse nya. Wala ng mababakas na gasgas doon at makinis na makinis. Parang walang nangyari.
“Naku salamat iho, ikaw pala ang sinasabing kakilala nitong anak ko na naatrasan nya ang kotse. Pasensya ka na sa anak ko at salamat na rin sa pagpapagawa mo sa kotse namin.” Sabi ni mommy.
“Walang anuman ho ma’am. Hindi na ho iba sa akin si Ivona.”
“Ganun ba. Naku napakabait mo na namang binata. Ay teka, binata ka pa ba?” Usisa pa ni mommy na ikinalaki ng mata ko. Talagang tinanong pa nya yun.
“Oho, binatang binata. Wala rin ho akong girlfriend.” Natatawang sagot naman ni kuya Luigi at tumingin pa sa akin.
Nginitian ko naman sya.
“Ay nakakatuwa naman.” Pasimpleng siniko ako ni mommy. “Anak, hindi ka pa nagpapasalamat.” Untag nya sa akin.
“Ay oo nga pala.” Hinarap ko si kuya Luigi. “Salamat kuya Luigi. Hindi ko alam kung paano makakabawi sayo. Sobrang nakakahiya na talaga.”
“Wag mo ng intindihan yun. Basta safe ka. Mag iingat ka rin lagi sa pagmamaneho.”
Napakagat labi ako sa sinabi nya at parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko. Ang bait nya talaga.
“Teka, tutal maaga pa naman. Nakapag almusal ka na ba iho? Kung hindi pa, dito ka na lang mag almusal. At least dun man lang makabawi ang anak ko sayo. Di ba anak?” Alok ni mommy.
Tumango tango naman ako. “Oo nga kuya Luigi, kung hindi ka pa nakakapag almusal dito ka na lang mag almusal.”
“Oh sure! Di ko na tatanggihan yan. Tamang tama di pa ako nakakapag almusal.” Nakangiting sabi ni kuya Luigi. Parang pati mata nya ay nakangiti rin.
Narinig ko namang umubo ang driver nya.
“Ah ikaw rin kuya, kain ka na rin sa loob.” Alok ko na rin sa driver. Baka hindi pa rin sya nag aalmusal.
“Hindi na po ma’am, katatapos lang namin – este ako pala. Si ser na lang po.” Anang driver na tumingin pa kay kuya Luigi at nagkamot ng ulo.
“Ganun ba, sige kahit magkape ka na lang kuya sa loob.”
“Dito na lang po ma’am, babantayan ko po ang kotse baka mapagtripan pa ng mga bata.” Tanggi ng driver.
“O sige po, padadalhan ko na lang po kayo ng kape.”
Tumango na lang ang driver.
Bago kami pumasok sa loob ay pinasok ko muna sa garahe ang kotse. Maganda nga ang takbo ng makina. At nalaman ko rin na full tank ang gasolina.
Grabe na talaga sa pagkagenerous si kuya Luigi. Parang wala lang sa kanya ang gumastos. Kunsabagay mayaman eh. Pero kahit na, nakakahiya pa rin.
“Paano pala kayo nagkakilala nitong anak ko Luigi?” Tanong ni mommy kay kuya Luigi sa gitna ng almusal namin.
Maganang kumakain si kuya Luigi. Kahit ang ulam namin ay pritong daing na bangus at itlog na pula na may kamatis. Ang kape namin ay 3in1 lang pero halos maubos na nya ang laman ng tasa nya.
“Matagal ko na ho syang kilala Tita Beverly, high school pa lang sya. Madalas kasi sya noong pumupunta sa bahay nila Ava. Best friend ko ho ang kuya ni Ava.” Sabi ni kuya Luigi na tumingin pa sa akin at ngumiti.
Ngumiti rin ako sa kanya habang ngumunguya. Tita ang tawag nya kay mommy dahil yun anh request ni mommy. Giliw na giliw nga si mommy sa kanya.
“Ay oo nga, madalas nga syang pumunta noon kanila Ava. Eh magbestfriend kasi yang dalawa. Halos hindi mapaghiwalay. Pati nga sa pinagtatrabahuhan nila ngayon magkasama pa rin sila.” Daldal ni mommy.
“Nagtatrabaho ka?” Kunot noong tanong naman ni kuya Luigi sa akin.
“Oo, kaming dalawa ni Ava. Waitress kami sa isang restaurant sa may Quezon Ave. Kakastart lang namin kahapon pero 1 week ang training namin.” Sabi ko.
Tumango tango si kuya Luigi. Nagsabi sya na next time na dadaan daw sya sa restaurant na pinapasukan ko.
Si mommy na halos ang kumausap kay kuya Luigi. Ang dami ngang kwento sa kanya ni mommy. Pero ang lagi nyang bida sa kwento ay ako. Nakakahiya nga kanya eh. Pero mukhang interesado naman sya sa mga sinasabi ni mommy. Nakikinig na lang din ako at tumatango kapag tinatanong.
Pasimple ko na lang din pinagmamasdan si kuya Luigi. Ang gwapo nya talaga. Matangos ang ilong, makapal ang kilay at may kalaliman ang mata mahahaba din ang pilik mata nya. Mamula mula ang manipis nyang labi at pantay pantay ang mapuputi nyang ngipin. Medyo pangahan sya na binagayan pa ng papatubo nyang balbas at bigote. Lalaking lalaki talaga ang hitsura nya pati sa pangangatawan. Malalaki ang mga braso na hakab sa suot nyang long sleeve shirt na branded. Malaki din ang kamay nya na maugat at mahahaba ang daliri.
Mabilis akong nagiwas ng tingin ng bumaling sya ng tingin sa akin. Naginit ang pisngi ko at biglang napasubo ng kanin.
Shet nakakahiya! Nahuli pa yata ako ni kuya Luigi na pinagmamasdan ko sya.
Ng matapos ang agahan ay nagkukwentuhan pa rin si mommy at kuya Luigi. Tingin ko nga ay nakikisakay na lang si kuya Luigi sa mga kwento ni mommy. Ng may tumawag sa kanya ay saka lang sya nagpaalam na aalis. Nagsabi pa si mommy na bumalik sya sa bahay kapag may time at ipagluluto raw sya.
Nakakahiya feeling close si mommy sa kanya. Pero umoo naman sya. Nagpaalam pa sya sa akin sa huli.
“Kuh! Ke gwapong binata talaga ni Luigi. Kung ako eh bata bata lang at dalaga pa. Hindi makakalampas sa akin yan.” Sabi ni mommy.
Natawa na lang ako sa sinabi nya. Well sa edad na singkwenta y tres ay mukhang pang bata si mommy.
“Pero napapansin ko kanina kakaiba ang mga tingin nya sayo ha. Tinging gandang ganda.” Dugtong pa ni mommy at kinalabit pa ako.
Nangunot naman ang noo ko. Pero alam ko ang sinasabi nya dahil lagi ko ngang nahuhuling nakatingin sa akin ni kuya Luigi. Ayoko lang bigyan ng kahulugan yun. Nakakahiya.
“Ganun lang talaga tumingin si kuya Luigi mommy.” Natatawang sabi ko.
“Kuh! Alam ko yung mga ganung tingin Ivona. Ganun ako tingnan ng daddy mo noon. O kita mo naging kami.”
Naginit ang mukha ko sa sinabi nya. “M-Mommy parang kuya ko na si kuya Luigi no.”
“Sus! Mas ok na yun kesa naman parang tatay. Akyat muna ako sa taas maliligo ako. Magkikita kami ni Stephen ngayon.” Ani mommy at umakyat na sa hagdan.
Napakamot na lang ako sa noo.
“Kuh! Talaga yang mommy mo. Nakaamoy lang na mayaman yung binata pasimpleng nirereto ka. Pero infairness gwapo talaga yung binata. Mas ok naman yun kesa dun sa matanda na nirereto sayo ng mommy mo.” Komento ni Yaya Saling.
Napaawang ang labi ko. “Yaya Saling pati ba naman ikaw.”
“Eh kasi kinikilig din ako sa binatang yun. Ang gwapo gwapo at ang bango bango. Bagay kayo.” Humahagikgik na sabi ni Yaya Saling.
Nalukot naman ang mukha ko. Pero tila may kumiliti din sa puso ko.
“Yaya, parang kuya ko na yun. Nasa trenta na mahigit ang edad niyon di lang halata.”
“Sus! Wala sa edad yan. Kapag kayo, kayo talaga.”
“Ewan ko sa inyo ni mommy yaya. Kakapanood nyo ng teleserye sa hapon yan. Akyat na rin po ako para makapag asikaso na.” Sabi ko at umakyat na rin sa hagdan. Baon ang tinatagong kilig.
“HUU! SARAP ng malamig na tubig!”
Napangiti ako sa binulalas ni Ava habang umiinom ng malamig na tubig.
Nandito kami ni Jolene sa kitchen at natoka sa pagpupunas ng mga tray at mga plato. Silang tatlo naman ni Miriam at Ruby ay nagseserve sa labas at kumukuha ng order ng mga customer.
Two weeks na kami dito sa restaurant at gamay na namin halos lahat ng gawain. Nag iba na rin ang oras ng pasok namin. Mula ala una ng hapon hanggang nine thirty ng gabi. Alas onse ang closing ng resto pero may ibang nakaduty sa closing.
“Ava, tawag ka ni ma’am Lyn. Hinahanap ka ng customer mo.” Tawag kay Ava ni Angelo ang isa sa kasamahan naming waiter.
Pumalatak si Ava. “Ang kulit pa naman ng customer na yun.”
“Sige na, labasin mo na para makaalis na yun.” Natatawang sabi ni Angelo.
Napapakamot na lang sa ulong lumabas na ng kitchen si Ava.
Meron talagang mga customer na makukulit. Lalo na mga lalaking customer. Magagaling mambola at mga flirt pa kung minsan. Nginingitian lang namin sila at sinasakyan kung minsan. So far wala pa naman kaming naencounter na mga bastos na customer. May ilan lang na masungit at mataray.
Dapat walang update ngayon pero nangako pala ako kahapon. Kaya heto short update muna 😆
Chapter 6
Ivona
NAPAPANGIWI AKO habang nakikita ang paghaharutan ni mommy at ng boyfriend nyang si Stephen sa sala. Pag uwi ko nga kanina ay naabutan ko na si Stephen dito sa bahay at dito na rin kumain.
Isang taon na silang magkarelasyon ni mommy. Mabait naman si Stephen at may hitsura rin. Manager sya sa isang kilalang tindahan ng mga motor. Mas bata sya kay mommy. Ang alam ko mga nasa 40’s na sya at binata pa naman. Si mommy ay nasa 50’s na pero kahit ganun ay bata pa ring tingnan si mommy. Wala namang problema sa akin kung makipagrelasyon si mommy. Matagal naman ng patay si daddy at ginugol na lang nya ang panahon sa pag aalaga sa akin noon at pagaasikaso sa negosyo naming nalugi naman. Karapatan din naman nyang sumaya.
Pero mabuti na lang ngayon sila nagharutan hindi kaninang kumakain kami dahil siguradong umay agad ako.
Sinimot ko ang ice cream sa tasa ko. Dala raw ito kanina ni Stephen. Nagdala nga rin sya ng relyenong bangus kaya masarap ang kain ko kanina. Tamang tama gutom ako pag uwi ko. Kumakain naman kami sa resto kaya lang di mo masyadong mafeel kumain kasi pagkatapos mong kumain trabaho agad.
“Di ka pa ba nauumay sa mommy mo at kay Stephen? Ako umay na umay na. Wala pa naman tayong atsara.” Untag ni Yaya Saling na nakisilip na rin sa paghaharutan nila mommy at Stephen.
Natawa naman ako. “Baka naman naiinggit ka lang ’ya.” Nanunuksong sabi ko sabay subo ng kutsara.
Umasim naman ang mukha ni Yaya Saling. “Kuh! Ako maiinggit? Buti ba kung kasing gwapo at kasing macho ng binatang si Luigi yang si Stephen maiinggit talaga ako. Kaso hindi. Umay talaga.” Nakasimangot na sabi nya.
Tuluyan na akong tumawa. Nakitawa na rin si Yaya Saling. Pero natigilan kami ng marinig na tumili si mommy.
Sabay kaming napangiwi ni Yaya Saling ng makitang nakakandong na si mommy kay Stephen at hinahalikan sa leeg. Tili naman ng tili at humahagikgik si mommy.
“Grabe talaga tong mommy mo napaka eskandalosa. Mabuti na lang talaga menopause na kundi baka magkaroon ka pa ng kapatid.” Komento ni Yaya Saling.
Sabay na naman kaming tumawa pero tahimik lang ang tawa namin dahil baka maistorbo ang dalawa.
Pumasok na lang ulit kami sa kusina ni Yaya Saling at doon na lang nagkwentuhan dahil baka kung ano pa ang masaksihan namin sa sala. Mag aalas onse na ng gabi at hindi pa ako masyadong inaantok. Ala una pa naman ng tanghali ang pasok ko bukas.
Habang nagkukwentuhan kami ni Yaya Saling ay biglang sumagi sa isip ko si Kuya Luigi. Lately bigla bigla na lang syang sumasagi sa isip ko. Ewan ko kung bakit. Two weeks na ang nakakaraan ng huli kaming magkita. Yun yung hinatid nya ang kotse at kumain ng almusal dito sa amin. Inaabangan ko nga rin syang dumaan sa resto kasi sabi nya dadaan daw sya doon. Baka nakalimutan na nya.
Luigi
PAGOD NA sumalampak ako ng upo sa couch at sinandig ang ulo sa backrest at pumikit. Nalagari ako ngayong araw na ito sa sunod sunod na meeting. Hindi na nga rin ako nakapananghalian kanina. Mahirap talaga kapag dalawang kumpanya ang pinapatakbo. Hindi naman pwedeng ipagkatiwala ko na lang ang lahat sa mga tauhan ko. Mahirap na.
Naramdaman kong may mga kamay na humagod sa mga braso ko paakyat sa balikat ko at pumisil pisil. Bahagya naman akong napaungol. Dumilat ako ng mata at bumungad sa akin ang mukha ni Ary na nakangiti.
“Siguradong pagod na pagod ka at gutom na rin. Gusto mo bang kumain? Mag o-order ako sa paborito mong restaurant.” Aniya sa malambing na boses na patuloy pa rin sa pagmamasahe sa balikat ko.
Tila naman napapasong bumalikwas ako ng tayo at lumapit sa table ko. Umupo ako sa leather chair ko.
Naiwan namang nakatanga sa likod ng sofa si Ary na tila nabitin sa pagmamasahe.
“No hindi na Ary, hindi pa naman ako gutom. Uuwi na rin ako mamaya at sa bahay na lang kakain. Ikaw? Bakit hindi ka pa umuuwi? Anong oras na?” Sinilip ko ang oras sa suot kong relo. Pasado alas singko y medya na. Kanina pa ang uwian ng mga empleyado maliban lang sa mga mag o-overtime.
“Hinihintay lang kasi kitang dumating.”
Kumunot ang noo ko. “Hindi mo na ako kailangang hintayin. Kung tapos na ang trabaho mo pwede ka ng umuwi.” Pormal na sabi ko.
Umikot naman ang mata nya. “Nag aalala lang naman ako. Assistant at secretary mo ko dapat kasama mo ko sa lahat ng lakad mo pero iniwan mo ko kanina.”
“Kaya ko naman at saka marami ka pang gagawin dito. Go home, I know you’re tired too.”
Saglit nya akong tinitigan at marahas na bumuntong hininga bago tumalikod at lumabas na ng office ko.
Napailing iling na lang ako.
Alam ko ang mga simpleng galawan ni Ary. Inaakit nya ako kapag may pagkakataon gaya kanina. Pero hindi ako kakagat sa pang aakit nya. May pagkapalikero ako inaamin ko pero nilulugar ko naman. Hindi ako pumapatol sa emplayado ko. Kahit maganda at may katawan pa si Ary ay hindi ko sya papatulan. Dahil bukod sa empleyado ko sya ay anak din sya ng ninong ko.
Nagpalipas pa ako ng ilang minuto sa opisina bago nagpasyang lumabas para umuwi na. Pwedeng dumaan muna ako sa restaurant para kumain.
Bigla namang sumagi sa isip ko si Ivona na sa isang restaurant ngayon namamasukan.
Saan nga yun? Sa may Quezon Ave.
Ivona
ALAS SAIS y medya ng gabi ay sunod sunod na ang dating ng mga customer sa restaurant kaya aligaga kaming lahat. May mga pami-pamilya, magkakaibigan, magkasintahan at merong solo lang din.
Absent ngayon si Ava dahil may dysmenorrhea. Masakit ang puson at ulo nya.
“Ivona order ng customer mo.” Tawag sa akin ni Kuya Lar at nilapag sa counter ang tray na may lamang mga pagkain na order ng customer.
“Thank you Kuya Lar.” Sabi ko at maingat na kinuha ang tray at dinala na sa table ng customer.
“Here’s your order sir, ma’am.” Nakangiti kong nilapag ang mga pagkain sa lamesa ng mag asawang may edad na.
Mabait din silang ngumiti sa akin at nag thank you pa.
“Enjoy your dinner sir, ma’am. Tawagin nyo lang po ako kapag may kailangan pa po kayo.” Sabi ko at nagexcuse.
Napalingon ako sa kabilang mesa ng may marinig na komosyon. Nagtataray ang isang babaeng customer kay Ruby habang sinasaway naman sya ng kasamang lalaki. Kahit tinatarayan ay nakangiti lang si Ruby at matiyagang kinakausap ang babae para kunin ang order nito. Well ganun talaga, mahigpit na rules bawal namin patulan ang mga ganung customer. Mahabang pasensya ang dapat naming pairalin.
Napangisi na lang ako ng pagpunta ni Ruby sa counter ay umikot ang mata nya sa inis. Inabot nya ang maliit na papel sa mga staff sa kitchen.
Habang wala pang customer ay pumasok ako sa kitchen at uminom ng tubig.
“Ivona may naghahanap sayong customer.” Tawag sa akin ni Miriam na ngiting ngiti. Yung ngiti nyang may kilig.
Kumunot naman ang noo ko at nabitin sa ere ang baso. “Sinong customer?”
“Di ko kilala. Pero gwapo, ay mali. Saksakan pala ng gwapo at macho. Kaya lang masungit. Kukunin ko nga yung order nya ayaw namang ibigay tapos ikaw ang hinahanap.” Sabi nya.
Lalong nangunot ang noo ko at inisang lagok ang natirang lamang tubig sa plastic cup. Nagpunas muna ako ng kamay sa basahang nakasabit at lumabas na para puntahan ang customer na naghahanap daw sa akin.
Nahigit ko ang hininga kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko ng makita si Kuya Luigi. Sya ang ang sinasabi ni Miriam na gwapong customer na naghahanap sa akin. Gwapo nga talaga sya lalo na suot niyang pang opisina minus coat at necktie. Nakatupi ang sleeves hanggang siko at nakabukas ang ilang butones sa may dibdib. Ang ilang customer pa mga lalo na ang mga babae ay palingon lingon sa kanya.
Nakakunot ang noo nya at walang kangiti ngiti at tila bored na bored. Baka naiinip na at nagugutom. Kaya nilapitan ko na sya.
Pero di pa ako masyadong nakakalapit ay nakita na nya ako at agad na nabanat sa malawak na ngiti ang kanyang labi.
“Good evening sir.” Masigla at nakangiting bati ko sa kanya.
“Oh hi!” Masiglang bati nya at hinagod ako ng tingin. “You look good.” Komento nya.
Natawa na lang ako. Pero may kakaibang tuwa ang umusbong sa dibdib kong makita sya.
“I’m sorry kung ngayon lang ako nakapunta dito sa resto nyo. Sobrang busy lang talaga.” Sabi nya.
“Ayos lang Kuya Luigi.”
Ngumiti naman sya at nakatitig lang sa akin. Nailang naman ako ng bahagya at nag init ang pisngi. Iba talaga ang hatid sa akin ng titig nya.
Tumikhim ako. “Uhm what’s your order sir?”
“Oh wait, di pa ako nakakapili.” Tila doon lang sya natauhan mula sa pagkakatitig sa akin. Dinampot nya ang menu na nakapatong sa mesa at tiningnan.
Mataman lang akong nakatingin sa kanya habang hinihintay makapili.
“Ano bang masarap dito sa menu nyo?” Tanong nyo.
“Lahat po yan sir.” Sagot ko naman.
Tumawa naman sya na parang may nakakatawa sa sinabi ko.
Napakagat labi tuloy ako.
Ngunit napakunot ang noo ko ng ibigay nya sa akin ang menu.
“Ikaw ang pumili.”
“Ha? Bakit ako?” Nalilitong tanong ko.
“Ikaw ang nakakaalam kung ano ang mas masarap.” Natatawang sabi pa nya.
Napanguso naman ako.
Lahat naman ng nasa menu ay masarap. Masarap magluto si Mang Crisanto at talagang binabalik balikan ng mga customer. Alam rin namin ang lasa ng lahat ng pagkain ng nasa menu dahil bago ito ihain ay pinapatikim muna sa amin para may ideya kami sa lasa. May mga customer kasi na kami ang tinatanong kung ano ang lasa ng pagkain.
“Sigurado ka ako ang pipili? Baka hindi mo magustuhan sayang lang ang pagkain.” Sabi ko.
“It’s ok, hindi ako mapili sa pagkain.” Aniya at kumindat pa.
Nag iinit ang pisnging napanguso na lang ako.
“Ok sabi mo eh.”
Ako na nga ang pumili ng kakainin nya. Syempre pinili ko yung specialty namin. Tinatanong ko naman sya pero oo lang lagi ang sagot nya.
Iniwan ko muna sya saglit at pumunta ng counter. Binigay ko ang maliit na papel kay Kuya Lar na may nakasulat na mga order ni Kuya Luigi.
“Ang gwapo ng customer mo Ivona. Sino yun? Boyfriend mo?” Nanunuksong tanong ni Miriam na kababalik lang din sa counter dala ang tray.
“Hindi no. Kakilala ko lang yun. Actually kaibigan sya ng kuya ni Ava.” Natatawang sabi ko.
“Ah akala ko boyfriend mo. Grabe kasi makatingin sayo eh. Kanina nga hindi makangiti at ang sungit tapos nung kaharap ka na ngiting ngiti.”
Tinaasan ko sya ng kilay. Talaga ba?
Pasimple kong tiningnan ang mesa ni Kuya Luigi. Nakakunot na naman ang noo nya habang nakatingin sa hawak na cellphone. Kapag ganyan ang hitsura nya na seryosong seryoso nakakaintimidate talaga at nakakatakot lapitan. Bigla syang nag angat ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin. Awtomatiko naman syang ngumiti.
Agad naman akong nag iwas ng tingin kasabay ng pagiinit ng mukha ko.
“G-Ganun lang talaga sya. May kasungitan sa mga hindi nya kilala. Pero mabait naman sya sa mga kakilala nya.” Nasabi ko na lang.
“Mukha nga.” Ani Miriam.
Nilapag na ni Kuya Lar ang tray na may lamang order ni Kuya Luigi. Kinuha ko ito at maingat na dinala sa mesa ni kuya Luigi. Ngiting ngiti na naman sya.
Nilapag ko sa mesa isa isa ang mga inorder nyang pagkain na umuusok pa.
“Hmm smells good. Nagutom ako bigla.” Komento nya.
Natawa naman ako. “Masarap lahat yan sir.” Sabi ko.
“Halata naman. At syempre ikaw ang pumili nito kaya alam ko masarap.”
“Huu binola mo pa ako.”
Tumawa na rin sya at dinampot na ang kutsara at tinidor. “Ikaw? Kumain ka na ba?” Baling nya sa akin.
“Katatapos lang namin magmeryenda.” Sabi ko.
Tumango naman sya.
Nakita ko namang may ilang mga customer na pumasok at busy pa ang ilan kong mga kasamahan.
“Ah iwan muna kita Kuya Luigi. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka. Enjoy your food.” Nag excuse na ako sa kanya bago pa sya makapag salita at nilapitan ang isang mesa na may nakaupong dalawang customer.
Habang aligaga ako sa pageestima sa mga customer ay ramdam ko naman ang isang pares ng mata na nakasunod sa akin. Kahit hindi ko ito lingunin ay alam ko naman kung sino yun. Si Kuya Luigi. Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko at medyo natataranta pa ako. Kapag nagpatuloy pa tong kabang nadarama ko baka pumalpak pa ako sa trabaho.
Bakit naman kasi ganun sya kung makatitig sa akin at bakit kinakabahan ako ng ganito.
Humugot ako ng malalim na hininga at pumasok sa kitchen para uminom ulit ng tubig para ikalma ang sarili.
“Ivona! Ivona! Si mamang pogi pinag aawayan ng dalawang babae.” Balita sa akin ni Miriam na humahangos pang pumasok ng kitchen. Pati ang mga naroon ay napatingin din sa kanya.
Binaba ko ang plastic cup at malalaki ang hakbang na lumabas ng kitchen.
Naabutan ka nga ang dalawang seksing babae na nagaaway at nagsisigawan sa mesa ni Kuya Luigi.
Chapter 7
Ivona
“HOW DARE you bitch! Nauna kong nakita si Luigi. Kaya get lost!” Tumitiling sigaw ng babaeng naka micro mini skirt at crop top. Sa sobrang iksi ng skirt nya ay halos kita na ang kuyukot.
“Mas nauna akong nakita sya. Nauna ka lang pumasok stupid!” Sigaw rin ng babaeng nakaplunging neckline na dress na halos lumuwa naman ang dibdib.
Parehas silang maganda at sexy at mukha ring mayayaman pero kinulang sa GMRC.
“Ang hirap kasi sayo ayaw na ng tao pilit ka pa ring sumisiksik!”
“Hoy! Walang sinabi si Luigi na ayaw na nya sa akin! Ikaw lang ang ayaw nya wah mo akong idamay!”
“Enough!” Bulyaw na ni Luigi sa dalawang babae at padarag na tumayo sa upuan. Parang dumagundong ang malaking boses nya sa loob ng restaurant.
Napasinghap ang lahat ng customer na naroon na nanonood na sa kanila.
Pati nga ako ay napapitlag sa laki ng boses nya. Bakas ang tinitimping galit sa mukha nya. Umiigting ang panga nya at palipat lipat ang matalim na tingin sa dalawang babae na natameme at namutla.
“I’m eating. Pwede bang lumabas muna kayong dalawa?” Mahinahong pakiusap ni Luigi sa dalawang babae. Pero mababakas mo sa tono at mukha ang pagpipigil ng galit.
“But babe, nauna akong makita ka kesa kay Lorie.”
“Hoy ang kapal ng tartar mong babae ka – “
Napatili ang dalawang babae pati na rin ang ilang mga customer na naroon ng bayuhin ng malakas ni Luigi ang mesa nya. Nagtalunan ang mga platong naroon. Natapon pa ang tubig sa baso. Ang kutsara pa nga ay nalaglag.
Nabahala naman ako at kinabahan sa galit na nakikita ko sa mukha nya. Ngayon ko lang sya nakitang magalit ng ganyan.
Parang huminto ang ikot ng mundo sa loob ng restaurant. Natahimik ang lahat. Pati nga ang mga staff na nasa kitchen ay napalabas pati na rin sir Tootsie.
Dumako sa direksyon ko ang tingin ni Kuya Luigi pero agad ding nag iwas na tila ba nahiya. Hinugot nya ang wallet sa likod ng bulsa ng slacks at naglabas ng paper bills at nilagay sa mesa.
“I’m sorry.” Usal nya pero sa akin nakatingin.
Tumalikod sya at dire-diretsong lumabas. Sumunod naman sa kanya ang dalawang babae nagsisisihan naman ngayon.
Tila doon lang muling umikot ang mundo ng umugong ang mga bulungan galing sa mga customer. Kanya kanya sila ng komento pati ang mga kasamahan ko.
“Kaloka akala ko magbababagan na yung dalawang babae eh.” Sabi ni Jolene.
“Ang gwapo naman kasi ni koya kaya pinag aagawan.” Ani Miriam.
“O kaya kayo mga girls. Wag puro gwapo ang hanapin nyo para wala kayong kaagaw.” Sabat naman ni kuya Angelo.
“Huu! Pare-parehas lang ang mga lalaki mapapanget man o gwapo kung sadyang maloko.” Kontra ni Ruby.
“O back to work na! Tama na ang tsismisan.” Sita sa amin ni Sir Tootsie.
Agad naman kaming nagsibalikan sa aming mga gawain.
Tinungo ko ang iniwang mesa ni Kuya Luigi at kinuha ang limang libong papel na bayad sa kinain nya. Nasa tatlong libo lang mahigit ang bill nya. Niligpit ko na ang pinagkainan nya na may tira tira pa. Hindi na nya naubos dahil nawalan na ng gana dahil sa dalawang babae nya.
Napasimangot ako.
Ang dami nya kasing babae kaya ayan pinag aayawan sya. Nakakahiya dito pa talaga sa resto nageskandalo hmp!
Nakasimangot pa rin na dinala ko na sa counter ang bayad sa pagkain ni Luigi. Dahil malaki pa ang sukli niyon ay ilalagay yun sa tip box at paghahatian namin mamaya.
Mabigat and loob ko sa lumipas na mga oras. Pilit na lang ang ngiti ko sa mga customer. Naiinis ako na hindi ko maintindihan. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang insidente kanina.
Kaya hanggang pag out namin ay wala pa rin ako sa mood.
“Ghorl mauna na kami sayo ha.” Paalam sa akin ni Miriam at kumaway pa silang tatlo at sumakay na ng jeep. Iisang way lang kasi ang uuwian nila. Samantalang ako ay sa kabilang direksyon.
Tumawid ako ng kalsada para mag abang ng jeep. Pero halos puno na ang lahat ng jeep na dumaraan. Siguro magtatryasikel na lang ako yun nga lang ay may kamahalan ang pamasahe.
May humintong itim na itim na kotse sa harapan ko na pamilyar sa akin. Bumukas ang bintana nito sa may front passenger seat. Nahigit ko ang hininga ng makita si Kuya Luigi.
“Hop in.” Nakangiting sabi nya. Yung ngiti nyang parang walang eskandalong kinasangkutan kanina.
Bahagya naman akong umingos. “Pauwi na ako Kuya Luigi.”
“I know. Ihahatid na kita.” Nakangiti pa ring alok nya.
Tatanggi pa sana ako pero bumukas na ang pinto sa may front seat.
Bumuntong hininga na lang ako at pumasok na sa loob ng kotse. Kinabit ko naman agad ang seatbelt at lumingon sa kanya. Parang naumid ang dila ko ng makitang nakangiti pa rin sya. Ibang iba ang hitsura nya kanina kaharap ang dalawang babae, para syang sinaniban ng masamang espirito tapos ngayon ngiting ngiti na parang anghel. Pero naamoy ko ang amoy alak sa hininga nya pero hindi naman sya mukhang lasing.
“Nakainom ka?” Tanong ko.
“Kaunti lang.” Sabi nya at pinaandar na ang kotse.
Ngumuso naman ako. “Nasaan na yung dalawang girlfriend mo?” Pasimple kong tanong.
Tumawa sya. “Hindi ko sila girlfriend. Anyway, I’m sorry about earlier. Nakakahiya nakita mo pa yung ganoong eksena.” Sabi nya at tipid na ngumiti na tila nahihiya nga.
Bahagya naman akong umismid. “Hindi mo sila girlfriend pero kung magbangayan kanina yung dalawa parang handang makipagpatayan para sayo.” Napakagat labi ako sa lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit bigla kong nasabi yun.
Lumingon naman sya sa akin saglit at kumamot sa batok. “Well.. dinate ko sila pero hindi ko sila naging girlfriend.”
Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. “Weh? Di mo sila naging girlfriend pero ganun sila mag away para sayo?”
Hindi sya nakaimik at pasulyap sulyap lang sa akin.
Bigla na naman akong nainis.
“Kunsabagay kahit naman noon marami kang babae. Naalala ko nga tuwing pumupunta ako kanila Ava iba ibang babae ang kasama mo eh.” Napakababaero talaga. Umirap ako sa hangin.
Bumuntong hininga sya at nagkibit balikat.
“Yeah I admit marami akong babaeng dinate noon pero hindi ko naman sila pinagsasabay sabay. Wag mo sanang isiping babaero ako.”
“Ibig mong sabihin lahat ng babaeng nakasama mo noon nakadate mo lang?”
“Well.. yung iba naging girlfriend ko pero hindi naman kami nagtatagal.”
“Gaano naman kayo katagal ng mga nagiging girlfriend mo?” Nakataas ang kilay na usisa ko pa.
“Isang buwan, minsan wala pa.”
Napaawang naman ang labi ko. “Ganun lang kabilis? Grabe ka Kuya Luigi ha. Parang damit lang kaming mga babae sayo. Ang babaero mo talaga.”
“Hey, ang babaero pinagsasabay sabay ang mga babae. Hindi ako ganoon.”
“Eh ano ka lang? Palikero? Parehas din yun mahilig sa babae.” Inis na sabi ko.
Natahimik na naman sya at pasulyap sulyap lang sa akin.
Napakagat labi na naman ako at mariing napapikit. Baka isipin nya pakialamera ako. At saka ano bang pakialam ko? Matanda na sya, buhay nya yan.
“Galit ka ba?” Malumanay na tanong nya.
“H-Hindi. A-Ano Kuya Luigi.. kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko.” Nakangiwing sabi ko. Baka naiinis na sya sa akin.
Tumawa naman sya. “Hindi ko kakalimutan yun. At least ngayon alam ko na ayaw mo sa mga babaero.”
“Kahit naman sinong babae ayaw sa babaero.”
Malutong syang tumawa. “Don’t worry kapag nahanap ko na ang babaeng para sa akin magiging loyal ako sa kanya.”
Nagkibit balikat ako. “Eh di good luck sa kanya.”
Tumawa na naman sya.
Nabaling na lang sa ibang topic ang kwentuhan namin. Tinatanong nya ako tungkol sa trabaho ko sa resto. Komportable naman akong nagkukwento sa kanya hanggang sa unti unti ng napapalis ang inis ko.
SA LUMIPAS na mga araw ay madalas ng kumakain si Kuya Luigi sa resto. Kadalasan ay tinataon nya sa oras na malapit na akong mag out tapos isasabay nya ako sa kotse nya at ihahatid sa bahay. Inuulan na nga ako ng tukso ng mga kasamahan ko at ni Ava. Hindi ko na lang yun pinapansin pero aaminin ko sa loob loob ko kinikilig ako. Nagkakacrush na yata ako kaya Kuya Luigi. Eh kasi naman sobrang bait nya sa akin at napakagentleman pa.
At heto na nga halos magkasabay na dumating si Kuya Luigi at ang driver nila Ava.
Ng malaman daw kasi ni Kuya Atlas na nagtatrabaho sya sa restaurant ay gusto na syang patigilin. Pero nagpumimilit sya kaya wala ng nagawa si Kuya Atlas. Yun nga lang hatid sundo na sya ng driver nila. Nalaman na rin ng mga kasamahan namin na mayaman pala sya. Nahihiya nga si Ma’am Lyn na utusan sya pero sya na mismo ang nagsabi na wag syang bigyan ng special treatment.
Nagpaalam na kami sa isa’t isa ni Ava bago sumakay ng sasakyan. Si Miriam, Ruby at Jolene ay nauna ng sumakay sa jeep.
“Tired?” Nakangiting tanong sa akin ni Kuya Luigi pagkatapos kong ikabit ang seatbelt. Pinaandar na rin nya ang kotse.
“Sakto lang, pero keri naman. Ikaw, di ka ba pagod? Dapat nagpapahinga ka na kasi may work ka pa bukas.” Sabi ko.
Nakakahiya na kasi na lagi nya akong sinasabay sa kotse nya at hinahatid sa bahay.
“Nakapagpahinga na ako kaya hindi na ako pagod. Saka hawak ko naman ang oras ko kaya walang magagalit kung malate ako sa trabaho.” Nakangising sabi nya.
“Oo nga pala ikaw ang boss.” Sabi ko.
Tumawa lang sya. Ngisi lang ang ginanti ko sa kanya. Sanaol boss.
“Gusto mo bang mag unwind muna bago umuwi?” Tanong nya.
Kinunutan ko sya ng noo. “Gagala tayo?”
“Hindi naman gagala. Tatambay muna tayo, magpapahangin lang. May alam akong lugar para makapagrelax.” Sabi nya.
Nakakatukso ang alok nya. Simula ng pumasok ako sa resto hindi na ako nakakagala kasama si Ava. Resto at bahay na lang kami.
“Pero gabi na baka hanapin ako nila mommy.”
“Don’t worry tatawagan ko si tita para ipagpaalam ka.” Sabi nya at kinuha ang cellphone na nakapatong sa dashboard. At ilang sandali pa nga ay magkausap na sila ni mommy. Close na nga sila ni mommy pati ni Yaya Saling.
“O wala ng problema, pumayag na si tita basta wag lang tayong magpaabot ng hatinggabi.” Nakangiting sabi nya at kumindat pa.
Napanguso naman ako. “Eh di ok.”
Ang lakas nya talaga kay mommy. Kunsabagay mga kagaya nya ang gusto ni mommy. Mayaman. Maraming pera. Pasimple nga akong nirereto ni mommy sa kanya eh. Ako na lang ang nahihiya. Asa namang patulan nya ako eh hindi naman kami bagay. Mayaman sya mahirap ako. Malaki pa ang agwat ng edad namin. Parang kapatid lang sigurado ang tingin nya sa akin.
Tumunog ang cellphone ko sa loob ng tote bag ko. Kinuha ko ito at binuksan. Napakagat labi ako ng makita ang text ni Nick. Nangangamusta sya. Sa sobrang busy ko sa resto at okupado minsan ang isip ko ni Kuya Luigi ay nakalimutan ko na sya.
Nagtype ako ng reply kay Nick. Gaya ko ay busy rin sya dahil next month ay sasampa na sya sa barko.
Nagangat ako ng tingin kay Kuya Luigi na pasulyap sulyap sa akin at nakakunot ang noo. Ng magsalubong ang mga mata namin ay ngumiti sya.
“Sino yan?” Tanong nya.
“Ah si Nick kaibigan ko.” Sagot ko habang nirereplyan ang text ni Nick.
Tumango tango naman sya. “Ano daw kailangan?”
“Wala naman, nangungumusta lang.”
Hindi ko na sya narinig magsalita.
Sinulyapan ko sya. Seryoso na ang kanyang mukha at nakatuon ang mata sa kalsada. Hindi ko na lang sya pinansin dahil baka may iniisip lang.
Matapos ang maiksing palitan namin ng text ni Nick ay pinatay ko na ang cellphone at binalik sa tote bag.
Ilang minuto pa ay pinasok na nya ang kotse sa parking lot ng isang open view na resto bar. Marami ng customer sa loob at mayroon pang bandang kumakanta ng acoustic.
“Umiinom ka ba?” Tanong ni Kuya Luigi.
“Ha?”
Tumawa sya. “Tinatanong ko kung umiinom ka.”
“Oo pero mga light lang di ko kaya ang hard. Teka iinom ba tayo?”
“Kaunti lang, pampaantok.” Nakangising sabi nya at binuksan na ang pinto ng kotse at bumaba. Bumaba na rin ako.
Pagpasok namin sa resto ay sinalubong na agad kami ng waiter na mukhang kilala sya. Kinausap sya ni Kuya Luigi. Ginala ko naman ang mata sa loob ng resto. Gawa sa kahoy at salamin ang kabuoan. Cozy ang loob at dahil open view ay pumapasok ang malamig na panggabing hangin. Marami rami rin ang customer sa loob. May kumakain at may umiinom. Halatang mayayaman ang mga customer.
Giniya kami ng waiter sa may balkonahe kung saan may bakanteng mesang pandalawahan. Pinaghila naman ako ng upuan ni Kuya Luigi.
Maganda ang view sa may balkonahe at mas dama ang malamig na hangin. Bangin na ang ibaba nito. Kita sa malayo ang nagkikislapang ilaw mula sa mga gusali at mga establisyemento.
“Anong gusto mo?” Untag sa akin ni Kuya Luigi.
Dinampot ko naman ang menu at tiningnan. Hindi pa naman ako gutom dahil kumain kami kanina sa resto.
“Mm gusto ko ng inihaw na liempo saka light beer lang.” Sabi ko. Di ko bet magkanin ngayon.
“Yun lang?”
Tumango tango ako.
“Ok.” Tinawag na nya ang waiter at sinabi ang mga order namin. Sisig at inihaw na bangus ang inorder nya at dalawang bote ng light beer.
.
.
.
“Siguro hinintay mo talaga akong mag out para ayaing uminom.” Sabi ko at sumubo ng hiniwang liempo.
Tumawa sya. “Hindi naman. Kung gusto ko talagang uminom hard ang oorderin ko hindi light.” Sabi nya at tinungga ang bote ng light beer.
“Parehas lang naman nakakalasing basta nasobrahan.” Ani ko at tinungga na rin ang bote ng light beer. Napangiwi pa ako at napasipol ng gumuhit ang medyo mapait pait na lasa at nagyeyelo sa lamig sa lalamunan ko.
Tumawa naman si Kuya Luigi habang pumapapak ng ihihaw na bangus. “Masarap ba?”
Sumipol ako. “Ewan ko. Matagal tagal na rin akong hindi nakakatikim nito.”
Unang nakatikim ako ng alak ay noong first year college pa lang ako. Birthday kasi noon ng isa sa mga kaklase ko tapos nagkayayaan sa bahay nila. Nalasing ako noon at sermon ang inabot ko kay mommy. Nadala na rin ako dahil paggising ko masakit ang ulo ko at hindi ako nakapasok. Kaya mula noon puro light na alak lang ang iniinom ko at hindi na sosobra. Pero madalang lang yun. Hindi naman ako napipilit kapag hindi ko gusto.
Nagpatuloy ang munting inuman namin ni Kuya Luigi. Ang isang bote kong light beer ay nadagdagan pa ng isa. Sya naman ay nakatatlo na.
“Ikaw Kuya Luigi? Bakit hindi ka pa nag aasawa? Matanda ka na di ba?” Tanong ko. Medyo nagiging madaldal na ako.
Napaubo naman sya. “Hindi pa ako matanda.”
“Di ba fourty ka na o magfo-fourty pa lang?”
Napanganga sya at tila na-offend sa sinabi ko. “Mukha ba akong nasa fourty na?”
“Aba malay ko. May iba kasi na nasa fourty na mahigit pero mukha pa ring bata.”
“Kaka-thirty five ko pa lang.” Sabi nya.
“Ay thirty five ka pa lang ba. Sorry akala ko kasi nasa fourty ka na. Pero matanda na rin yung thirty five.” Humahagikgik na sabi ko.
Nginisihan lang nya ako at umiling iling.
“Pero seryoso nga Kuya Luigi, bakit hindi ka pa nag aasawa. Thirty five ka na dapat may asawa’t anak ka na. O hinahanap mo pa rin yung tamang babaeng para sayo.”
Saglit syang tumitig sa akin at tinungga ang bote. Nagbaba naman ako ng tingin sa mga pagkain at kumutsara ng sisig at sinubo. Hindi ko talaga matagalan ang mga titig nyang nakakapaso.
“Nakita ko na sya. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon.” Sabi nya.
Kumunot ang noo ko. “Sino?” Interesadong tanong ko.
“Secret.” Nakangising sabi nya at muling tinungga ang bote.
Napaikot naman ang mata ko. Eh di wow!
Dinampot ko rin ang bote ng light beer ko at tinungga. Para kasing biglang sumikip ang dibdib ko ng sabihin nyang nakita na nya ang tamang babaeng hinahanap nya. Nakaramdam ako ng inis. Kaya naman naging sunod sunod na ang tungga ko sa bote hanggang sa maubos at humingi pa ako ng isa.
.
.
.
“O ano? May tama ka na no? Ginawa mo ba namang tubig ang light beer. Kahit light lang yun kapag nasobrahan may tama ka rin.” Natatawang sabi ni Kuya Luigi habang papunta na kami sa kotse nya.
Ngumuso ako. “Parang wala naman inaantok lang ako.”
Tumawa lang sya at umiling. Binuksan nya ang pinto sa may front seat at inalalayan akong pumasok sa loob. Umayos naman ako ng upo at sinandal ang ulo sa head rest at pumikit. Dahil sa ilang boteng ininom ko nakaramdam na ako ng antok.
Naramdaman ko ang bahagyang paglundo ng kotse indikasyon na pumasok na si Kuya Luigi.
“Ok ka lang?” Tanong nya.
Tango at ungol lang ang sinagot ko habang nanatiling nakapikit. Naramdaman ko namang binuhay na nya ang makina ng kotse.
“Oh wait, hindi pa pala nakakabit ang seatbelt mo.”
Kinapa ko naman ang seatbelt at kinabit. Pero dahil sa antok na nararamdaman ay hindi ko ito maikabit ng maayos.
“Let me.” Dumukwang sya at tinulungan nya akong ikabit ang seatbelt.
Halos kapusin naman ako ng hininga dahil sa lapit ng mukha nya sa mukha ko. Mas naamoy ko pa ang pabangong gamit nya at natural na amoy nya. Sumipa naman sa kaba ang dibdib ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Wala sa loob na humawak ako sa braso nya. Lumingon naman sya sa akin. Nahigit ko ang hininga ng halos gahibla na lang ang layo ng muka namin.
“Ok ka na?” Malambing at halos pabulong na tanong nya.
Hindi naman ako makasagot at nakatingin lang sa gwapong mukha nya. Maging sya ay nakatingin lang din sa akin. Mapupungay ang kanyang mga matang gumagala sa aking mukha. Bahagya pang nagtagal ang mata nya sa labi ko. Napalunok naman ako.
“Ivona..” Anas nya.
At sa isang iglap lang ay magkalapat na ang mga labi namin.
Dahil wala pa akong karanasan sa halik ay nakasteady lang ang labi ko habang sya ay masuyong ginagalaw ang kanyang labi at nananantya. Dinidiin nya ang pagkakalapat ng labi nya. Napapikit naman ako at napahawak sa balikat nya. Hinawakan rin nya ang pisngi ko ay hinahaplos. Damang dama ko ang lambot ng labi nyang nananakop na sa labi ko. Unti unti ko na ring ginagalaw ang labi at ginagaya sya.
Naging magaslaw na ang galaw ng labi namin lalo na ang sa kanya. Malikot at mabilis ang galaw nya at madiin pa. Halos kapusin na rin ako ng hininga. Sobrang bilis na rin ng tibok ng puso ko. Mainit na rin ang pakiramdam ko at para akong pinagpapawisan sa mainit na halik na pinagsasaluhan namin.
Chapter 8
Ivona
NAKATULALA AKO sa kawalan habang ini-spray-an ang mesa. Dalawang gabi na ang nakakalipas mula ng mangyari ang mainit na halikan namin ni Kuya Luigi sa kotse nya pero hangang ngayon ay minumulto pa rin ako nito. Ngayon nga ay tila nagliliyab na naman ang mukha ko sa init at bumibilis ang tibok ng puso ko. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay iniwasan ko na sya. Hindi ko nirereplyan ang mga text nya at hindi ko rin sinasagot ang mga tawag nya. Kapag kumakain sya dito ay hinahayaan kong sila Miriam ang umasikaso sa kanya. Tinatakasan ko rin sya sa pag uwi.
Mali ang nangyari sa amin ni Kuya Luigi noong gabing yun. Kung hindi kami nakainom siguradong hindi mangyayari yun. Pero sa loob loob ko nagustuhan ko ang halik na pinagsaluhan namin. Sya ang una kong halik. Pero ayokong magpakalulong sa halik na yun dahil mali. Wala kaming relasyon kaya hindi dapat mangyari yun. Ayokong magaya sa mga babaeng dinidate nya lang.
“Uy bes, bumabaha na ang mesa o.” Untag sa akin ni Ava na ikinapitlag ko.
“Sorry, sorry.” Bulalas ko at pinunasan ang mesang basang basa na nga at naglalawa na.
“Anyare sayo beh? Kanina ka pa tulala. Actually kahapon ko pa napapansin na tulala ka. May problema ba?” Tanong ni Ava na nagmamop.
Alas dos na ng hapon at wala ng masyadong customer sa resto.
“W-Wala may iniisip lang ako bes.” Nauutal pa na sabi ko.
Kapag may problema ako o gumugulo sa isip ko ay si Ava agad ang sinasabihan ko. Pero hindi ko yata kayang sabihin sa kanya yung nangyari sa amin ni Kuya Luigi. Nakakahiya.
“Ang lalim ng iniisip mo ha. Kahapon ka pa kaya tulala. Ano ba kasi yun?” Kyuryoso nyang tanong.
“Ano.. tungkol lang sa bahay.” Palusot ko at ang kabilang lamesa naman ang pinunasan.
“Ah.” Tumango tango si Ava na tuloy pa rin sa pagmomop.
Hindi naman kasi sya dapat ang magmomop kundi si Kuya Angelo. Pero dahil may ginagawa pa si Kuya Angelo ay nagpresinta na lang sya.
“Sya nga pala bes, nagtext sa akin si Kuya Luigi kagabi kaso hindi agad ako nakapagreply tapos tumawag sya. Tinatanong ka nya kagabi kung nakauwi ka na. Nagulat nga ako na bigla syang nagtext at tumawag. Aba, sa maraming taon na magkaibigan sila ni kuya at lagi syang dumadalaw sa bahay never nya akong tinext o tinawagan, kagabi lang.” Pagkukwento ni Ava.
Tumahip naman ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko inaasahan na tatawag si Kuya Luigi kay Ava. Baka kung ano na ang sinabi nya kay Ava.
“A-Anong sabi mo bes?”
“Ang sabi ko nakauwi ka na kase nga sumabay ka sa akin di ba?”
Tumango ako. Sa pagmamadali ko kagabing makauwi para hindi maabutan ni Kuya Luigi ay sumabay na ako kay Ava. Lagi naman kasing maagang dumating ang driver nya.
“Anong sabi nya?” Kyuryoso kong tanong.
Ngumuso sya. “Wala, pinatay na agad ang phone. Di man lang nagbabye. May pagkaantipatiko din kasi yun si Kuya Luigi at masungit. Kung hindi nga lang ako kapatid ni Kuya Atlas di ako kakausapin nun o ngingitian. Sa kanilang magkakaibigan sila ni Kuya Matias ang masungit at suplado talaga. Pero si Kuya Luigi ang pinakamainitin ang ulo. Si Kuya Matias di ka lang kikibuin nun.”
Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Parang taliwas ang sinasabi nya na ugali ni Kuya Luigi sa nakikita ko. Bagama’t nakita ko na kung paano sya magalit noong pag awayan sya ng dalawang babae at talagang nakakatakot ang hitsura nya.
“Parang hindi naman ganun si Kuya Luigi. Ang bait kaya nya. Lagi nga syang nakangiti sa akin eh.” Sabi ko.
Tumingin sya sa akin at lalong nanghaba ang nguso. “Napapansin ko nga rin yan. Pagdating sayo ang bait bait nya at laging nakangiti. Hindi kaya.. crush ka ni Kuya Luigi?” Nandidilat ang matang sabi nya.
Napaihit naman ako ng ubo at naginit ang mukha. “H-Hindi no! Mabait lang sya sa akin.”
“Yun na nga eh, ang bait bait nya sayo eh binansagang demonyito yun sa kanilang magkakaibigan. Tapos lagi na syang dito kumakain at lagi ka pang sinasabay pauwi. Kung hindi ka nya crush eh ano?”
Tumikhim ako. “Mabait nga lang sya sa akin. Parang k-kapatid lang ang turing nya sa akin.” Sabi ko.
Talaga ba Ivona? May kapatid bang hinahalikan sa labi? At torrid kiss pa ha. Singit ng isang boses sa kabilang bahagi ng utak ko.
Ipinilig ko naman ang ulo.
“Huu. Eh bakit sa akin hindi naman sya ganun? Samantalang kapatid ako ni Kuya Atlas na best friend nya. Ano yun? May favoritism sya?” Nanghahaba pa rin ang ngusong sabi ni Ava.
“E-Ewan ko.”
“Basta nafi-feel ko may kakaiba talaga.”
Kinabahan ako sa sinabi nya. “A-Anong kakaiba?”
“Basta, chika ko sayo kapag confirm na.” Aniya na may tinatagong mapanuksong ngiti sa labi.
Lalo namang naginit ang pisngi ko. Bakit parang may alam si Ava na hindi ko alam.
.
.
.
“Bye! Kitakits na lang bukas.” Paalam nila Miriam, Ruby at Jolene ng makasakay na sila ng jeep at kumaway pa.
Kumaway din kami ni Ava sa kanila. “Ingat!”
“Bes halika na.” Aya sa akin ni Ava pagbukas nya ng pinto sa backseat ng sasakyan nila.
Lumapit na ako.
“Ivona.”
Para akong itinulos sa kinatatayuan at hindi makagalaw ng marinig ko ang malaking boses ni Kuya Luigi. Parang may stiff neck na lumingon ako sa kanya. Malakas din ang kalabog ng dibdib ko.
Nasa labas na sya ng kotse nya at mataman lang nakatingin sa akin. Nakasuot sya ng long sleeve shirt na gray na bahagyang hakab sa kanyang matipunong katawan at semi tight blue jeans na hakab din sa kanyang mamasel na hita. Hindi ko sya nakita kanina sa resto. Akala ko hindi sya magpapakita ngayong buong araw.
“Kuya Luigi uuwi na kami.” Sabi ni Ava na nasa loob na ng sasakyan.
“I know. Sa akin na sasabay si Ivona.” Sabi ni Kuya Luigi sa tonong walang pwedeng kumontra sa desisyon nya.
Ngumuso si Ava at tumingin sa akin na nakataas ang kilay. “Ano bes? Sa akin ka sasabay o kay Kuya Luigi?”
“Ah – “
“Sa akin nga sya sasabay. Sige na umuwi ka na hinihintay ka na ng kuya mo.” Malumanay at mariin na sabi ni Kuya Luigi kay Ava na tila nagpipigil na magsungit.
“Chusero ka Kuya Luigi, wala kaya sa bahay si Kuya Atlas. Nasa Batangas sya ngayon.”
Bahagyang umasim ang mukha ni Kuya Luigi at tiningnan si Ava.
“Halika na nga bes, sa akin ka na sumabay chusero yan si Kuya Luigi eh.” Dugtong pa ni Ava.
Pero hindi pa ako nakakahakbang ay hinawakan ni Kuya Luigi ang pulsuhan ko. Para namang may kuryente na dumaloy sa bawat himaymay ng ugat ko dahil sa init ng malaking kamay nya.
“K-Kuya Luigi – “
“Sa akin ka na sumabay please. Dalawang araw mo na akong iniiwasan. Let’s talk.” Malumay at malambing na sabi nya. Mapupungay rin ang mata nyang nakatingin sa akin.
Napalunok naman ako. Mas lalo pang lumakas ang kabog ng puso ko. Sinasabi ng isip ko na wag syang pagbigyan pero salungat naman ang sinasabi ng puso ko.
Tumingin ako kay Ava. Nakatingin din sya sa amin ni Kuya Luigi habang nanghahaba ang nguso. Tinaasan pa nya ako ng kilay. Alam ko na ang tumatakbo sa isip nya. Malamang iniisip nya may something sa amin ni Kuya Luigi.
Napakagat labi ako. Kapag hindi ko pa kinausap at patuloy na iniwasan si Kuya Luigi ay malamang lalo nya akong kukulitin at lalong maghihinala si Ava.
Bumuntong hininga ako. “Sige na nga.”
Ngumiti naman si Kuya Luigi.
Bumaling ako kay Ava. “Mauna ka na bes. Kay Kuya Luigi na ako sasabay.” Sabi ko.
“Ang rupok mo naman bes. O sige na mauna na ako sayo. Pero ingat ka dyan kay Kuya Luigi ah nanunuklaw yan.”
“Ava!” Tila napipikon ng sambit ni Kuya Luigi.
“O sige na bes. Babye na. Tayo na manong.” Sinarado na ni Ava ang pinto ng sasakyan bago pa makapagsalita si Kuya Luigi.
“Tsk! Pasaway talaga.” Palatak ni Kuya Luigi ng umalis na ang sasakyan na lulan ni Ava.
Tumikhim naman ako.
Tumingin sya sa akin at awtomatikong ngumiti. “Halika na.”
Tumango lang ako at kiming ngumiti.
Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayan pa akong sumakay. Umayos ako ng upo at humugot ng malalim na hininga. Ngayong nasa loob ulit ako ng kotse nya ay nanariwa na naman sa alaala ko ang halikan na nangyari sa amin.
Ipinilig pilig ko ang ulo.
Sumakay na si Kuya Luigi at tumingin sa akin. “Yung seatbelt mo.” Sabi nya at akmang dudukwang.
“A-Ako na.” Awat ko sa kanya at mabilis na kinabit ang seatbelt. Bahagya pang nanginginig ang kama ko. Kung bakit kasi nawala sa loob ko na ikabit agad ang seatbelt kanina.
“Ok na?” Nakangiting tanong nya.
Tumango naman ako at kiming ngumiti. Hindi pa rin maawat sa pagkalabog ang dibdib ko.
Pinaandar na nya ang kotse at pinatakbo sa gitna ng kalsada.
“How’s your day?” Nakangiti pa ring tanong nya. Yung ngiti nyang tila ba kay ganda ng buong araw nya.
Bigla kong naalala ang sinabi kanina ni Ava. Sa akin lang daw mabait at laging ngumingiti si Kuya Luigi. Masungit daw sya sa lahat at mainitin ang ulo. Kanina nga parang napipikon na sya kay Ava.
“As usual, wala namang bago.” Sabi ko at tinuon ang mata sa labas.
Saglit syang hindi umimik pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na pasulyap sulyap sya sa akin.
“Dalawang araw din kitang hindi nahahatid. Tuwing babalik ako sa resto para sunduin ka wala ka na.” Sabi nya.
“I-Inaaya kasi ako ni Ava na sumabay sa kanya. Nakakahiya namang tumanggi. Matagal na kasi kaming hindi nagsasabay umuwi.” Palusot ko.
Bumuntong hininga sya. “Di ka nagrereply sa mga text ko. Di ka rin sumasagot sa mga tawag ko. Alam kong iniiwasan mo ko.”
Hindi ako nakapagsalita at napalunok na lang habang nakatingin lang sa harap.
“Kung dahil sa halik na pinagsaluhan natin noong isang gabi kaya iniiwasan mo ko, hindi ako magsosorry dahil nagustuhan ko yun.” Tahasan nyang sabi.
Para namang gusto ng lumabas ng puso ko sa katawan ko dahil sa lakas ng kabog nito. Nanlalamig na rin ang kamay ko sa kaba habang nagliliyab naman sa init ang mukha ko.
“K-Kalimutan na lang natin ang nangyari ng gabing yun. Parehas lang tayong nakainom kaya nangyari yun.” Sabi ko.
Lumingon sya sa akin at nagsalubong ang kilay. “Kalimutan? Tapos ano? Tuluyan mo na akong iiwasan dahil naiilang ka na sa akin?”
“Dapat naman hindi ba? Hindi nga dapat nangyari ang halik na yun dahil wala naman tayong relasyon at lalong hindi naman tayo nagdedate.” Prangkang sabi ko.
Nakaawang ang labing lumingon ulit sya sa akin.
“So ganun lang yun? Para sayo dapat ng kalimutan ang halik na yun na parang wala lang?”
“Wala lang naman talaga ang halik na yun.” Giit ko. Bakit ba parang big deal sa kanya ang halik na yun?
Ngumisi sya at umiling. “So hindi mo nagustuhan ang halik na yun?” Tanong nya na tila naiinis na.
Lumunok ako. “E-Ewan ko. H-Hindi ko alam. Yun ang una kong halik eh.”
Biglang huminto ang kotse nya na impit kong ikinatili sa gulat.
Inis na nilingon ko sya. Kung hindi ako nakaseatbelt malamang sumubsob ako sa dashboard. Bumusina ang nakasunod sa aming sasakyan at nagovertake.
“Ibig sabihin.. first kiss mo ko?” Nanlalaki ang matang tanong nya.
“Hindi ba obvious? Hindi nga ako marunong humalik eh ginaya lang kita. Tsk! Bakit ka ba biglang huminto? Madidisgrasya tayo sa ginagawa mo eh!” Reklamo ko.
Pero hindi nya ako pinansin at tumawa lang saka muling pinausad ang sasakyan. Kunot noong tiningnan ko sya. Ngiting ngiti na naman sya.
“Bakit?” Tanong ko.
“Wala naman, naiintindihan ko na kung bakit nagkakaganyan ka.” Nakangising sabi nya.
Lalo namang napakunot ang noo ko. Pero hindi na ako nagsalita at humalukipkip na lang.
Luigi
INISANG LAGOK ko ang alak sa baso at nilapag sa counter ang basong wala ng laman. Sinenyasan ko ang bartender na i-refill ang baso ko.
Pagkahatid ko kay Ivona sa bahay nila ay dito ako dumiretso sa The Top Bar. Dito ang tambayan naming magkakaibigan kapag gusto naming mag chillax muna sa trabaho. Pero ngayon mag isa ako. Gusto ko munang mapag isa at makapag isip.
Hinihithit ko ang sigarilyo at binuga ang usok. Tinaktak ko naman ang abo sa may ashtray na nakalapag sa harap ko. Dinampot ko ang baso kong bagong refill ng alak at sinimsim.
Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Pero mas lamang ang inis at tuwa. Naiinis ako dahil malamig ang pakikitungo sa akin ni Ivona. Dalawang araw nga nya akong hindi pinapansin at iniiwasan ng dahil sa halik na pinagsaluhan namin. Tapos gusto pa nya kalimutan na lang yun. Samantalang dalawang araw akong hindi makatulog at hindi makapag focus sa trabaho dahil sa halik na yun.
Pero labis naman ang tuwa ko ng malamang ako ang first kiss nya. Tangina! Parang gusto ko ngang manlibre sa lahat eh. Ibig sabihin lang nun wala pa syang nagiging boyfriend. Wala pang nakakahawak at nakakahalik sa kanya. Ako lang ang tanging maswerte. Hanggang ngayon nga ay parang nararamdaman ko pa rin ang kalambutan ng labi nya. Ang mabango nyang hininga. Ang mabago nyang amoy. Ang malambot at mainit nyang kamay na humahaplos sa braso ko. At gusto ko uling maulit yun. Gusto kong matikman ulit ang labi nya. And I’ll make sure na wala ng iba ang makakahalik sa kanya kung hindi ako lang.
Naiintindihan ko na rin naman kung bakit ganun ang reaksyon nya. First kiss nya ako at siguradong gaya ko ay hindi pa sya nakakamove on doon. Hahayaan ko muna sya sa ngayon. Pero sa susunod.. wala na syang kawala sa akin.
Sorry na agad sa nageexpect ng exciting part pero malapit na malapit na tayo doon 😆
Chapter 9
Ivona
“NEXT WEEK sasakay na ako ng barko. Mamimiss kita Ivona.” Malungkot na sabi ni Nick habang magkaharap kami.
Tumawag sya sa akin kagabi at gustong makipagkita ngayon. Gusto nyang magpaalam sa akin ng personal bago sya sumampa ng barko.
“Mamimiss rin kita Nick.” May lungkot din na sabi ko.
Mamimiss ko rin sya hindi lang dahil sa manliligaw ko sya kundi dahil kaibigan ko rin sya. Limang taon na kaming magkakilala at tinuturing ko na rin syang malapit na kaibigan.
Ngumiti sya. “Sana sa pagbabalik ko may sagot na akong makukuha sayo Ivona.” Aniya.
Kinagat ko ang loob ng pisngi ko at kiming ngumiti sa kanya. “Titingnan natin Nick. Pero ang importante sa ngayon magfocus ka muna sa pagsampa mo sa barko. Matagal mo ng pangarap yan.”
Tumango tango sya. “Salamat Ivona. Gagawin ko talaga ang lahat para umasenso ako sa buhay para matanggap na ako ng mommy mo.”
Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi nya. Talagang seryoso sya na matanggap sya ni mommy para sa akin. Wala namang problema sa kanya, si mommy lang talaga. Kung hindi lang malaki ang pagtutol sa kanya ni mommy ay sinagot ko na sya.
NGITING NGITI ako habang pinapanood si Ava at ang anak ni Jolene na si Jeremiah nagkukulitan. Ang cute kasi nilang tingnan. Unang kita pa lang nila magkasundong magkasundo na palibhasa parehas makulit. Cute at pogi si Jeremiah na apat na taong gulang at bibong bibo. Iniwan ito sandali ng pinsan ni Jolene sa resto dahil may kukunin lang sa remittance center. Ang sabi ni Jolene single mother sya at wala na syang balita sa tatay ng anak nya. Hindi na kami nagusisa dahil mukhang may hindi sila magandang nakaraan ng ama ng anak nya.
Wala ng masyadong customer sa resto kaya pwede kaming magumpukan.
“May selpon ka Tita Ava selpi tayo.” Aya ni Jeremiah kay Ava.
“Aba, alam mo na ang selfie ha.” Nilabas naman ni Ava ang cellphone sa bulsa nya at nagselfie sila ni Jeremiah. Tuwang tuwa pa kami dahil todo pacute at papogi sya sa selfie nila ni Ava. Marunong pa syang umanggulo.
Sa huli ay naggroupie na kami.
.
.
.
Pabiling biling ako sa higaan at hindi makatulog. Panay din ang tingin at bukas ko sa cellphone at papatayin din agad. Ilang gabi na akong ganito na hindi agad makatulog. Mabuti na lang at tanghali pa ang pasok ko.
Bumuntong hininga ako at tumitig sa kisame. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Si Kuya Luigi. Ilang araw na syang hindi nagpapakita sa resto. Ilang araw na rin syang hindi nagtitext o tumatawag. Siguro nainis na sya sa akin noong huli kaming magkita kaya sya na ang umiwas.
Sumimangot ako.
Hmph! Mabuti nga yun. Kesa naman lagi akong naiilang sa tuwing nakikita ko sya at laging naaalala ang halik na yun.
Pero.. may times na namimiss ko sya.
Kinuha ko ang unan at sinubsob doon ang mukha at impit na tumili. Gulong gulo na ako sa nararamdaman ko. Gusto ko syang makita na ayaw ko syang makita. Namimiss ko sya na parang hindi. Mababaliw na yata ako sa kaiisip sa kanya minsan.
“HAPPY BIRTHDAY mommy!” Bati ko kay mommy pagkaupo ko sa tabi nya at inabot sa kanya ang isang paper bag na may lamang regalo para sa kanya.
“Ay thank you anak.” Masayang sabi ni mommy at hinalikan ako sa pisngi.
Binuksan nya ang paper bag at nanlaki ang mata ng makita ang regalo ko sa kanyang bag. Mahilig kasi sya sa mga bag.
“Wow! Ang ganda naman nito anak!” Bulalas ni mommy na tuwang tuwa. Sinipat sipat pa nya ang bag.
Napangiti naman ako. Pinag ipunan ko talaga ang bag na niregalo ko sa kanya. Binili ko yan noong isang araw sa mall bago ako pumasok sa resto. Tinago ko talaga yan para hindi nya makita.
“Nagustuhan nyo ba mommy?”
“Aba’y oo naman! Salamat anak. Alam kong may kamahalan ito pero binili mo pa rin para sa akin.”
“You’re welcome mommy. Anything for you.” Sabi ko at nagyakap kami.
Kahit na ba minsan may hindi kami pinagkakasunduan at pinagtatalunan ni mommy ay hindi pa rin ako nakakalimot sa kanya. Kahit na hindi sya ang biological mother ko ay mahal ko pa rin sya. Nagpapasalamat ako na nandito pa sya sa tabi ko kahit wala na si daddy. Mahirap din kasi ang wala ka talagang magulang.
“O mamaya ha, mag undertime ka. May salo salo tayo. Magluluto kami ni Saling.”
“Yes mommy hindi ko kalilimutan.” Sabi ko. Actually nakapagpaalam na nga ako kay Sir Tootsie. Iimbitahin ko rin sana sila Ava at yung tatlo pero isa lang sa amin ang pwedeng mag undertime. Saturday kasi ngayon at maraming customer.
Third POV
Federova
Mansion
ALIGAGA ANG mga kasambahay sa malaking mansion dahil gising na ang amo nilang mukhang mainit na naman ang ulo. Kanya kanya sila ng toka sa mga gawain. Istrikto at perfectionist ang amo nila kaya hindi sila pwedeng magkamali sa mga ginagawa nila.
“Lucy ang kape ko!”
Napapitlag ang mga kasambahay ng dumagundong ang galit na boses ng amo nila.
“Lucy, hindi mo pa ba naititimpla ng kape si ser Luigi?” Sita ng mayordoma na si Manang Beng sa kasambahay.
“Nakalimutan ko manang. Ipagtitimpla ko na.” Kakamot kamot sa ulong sabi ni Lucy at natatarantang iniwan ang pinupunasang mga kubyertos at naghanda na sa pagtimpla ng kape ng amo.
“Kuh ikaw talaga, sa pwedeng makalimutan kape pa talaga ni ser. Bilisan mo na dyan. Wag mong lalagyan ng asukal baka makalimutan mo na naman.”
“Opo manang.”
Napailing iling na lang si Manang Beng at minanduhan ang ibang mga kasambahay.
“Cheche navacuum mo ba ng maayos ang living room? Yung ilalim ng carpet?”
“Oo manang, inulit ko pa nga ng dalawang beses eh.” Sagot ni Cheche ang kasambahay na medyo malusog ang pangangatawan.
“Mabuti naman. Mahirap na. Mainit ang ulo ni ser Luigi ngayon baka kayo ang mapagbuntungan. Ikaw Ona, yung hagdan napunasan mo ba ng maigi? Yung handrail? Naku! Kapag nahawakan ni ser Luigi na maaligasgas yun mayayari talaga tayo ng wala sa oras.”
“Ok na ok na ang hagdan pati ang handrail manang. Pinakintab ko pa yun. Pwedeng pwede na nga kayong magsalamin eh.” Sagot ni Ona.
“Talaga lang ha? Mamaya titingnan ko yun kung makintab talaga.”
“Di ako mapapahiya sa inyo manang.”
“O sige na, magalmusal na kayo at marami pa tayong gagawin ngayong araw na to. Lucy, ihatid mo na yang kape kay ser at baka sumigaw na naman yun.”
“Heto na nga manang.” Natatarantang lumabas na ng kusina si Lucy dala ang umuusok pang kape ng amo nilang mainitin ang ulo.
“Teka si Mang Tolits ba nandyan na? Yung mga halaman sa greenhouse naninilaw na ang mga dahon. Kapag nakita yun ni ser siguradong mapuputukan sya. Ayaw na ayaw nun na napapabayaan ang mga halaman ng mommy nya sa greenhouse.” Tukoy ni Manang Beng sa matandang hardinero.
“Wala pa po manang. Baka umatake na naman ang rayuma.” Sabi ni Cheche na nagsasandok na ng sinangag sa plato.
“Naku! Masesesante talaga sya ng wala sa oras.”
“Pagkatapos ko pong kumain pupuntahan ko po sa bahay nila.”
“Mainam. At pagkatapos nyong kumain ipaghanda nyo rin ng almusal ang mga tauhan sa labas.”
“Opo.” Sabay sabay na sabi ni Ona at ni Cheche na nagsimula ng kumain.
Mayamya pa..
“Uwahh!” Atungal ni Lucy pagpasok ng kusina.
“O anong mangyari sayo at para kang baka kung makaatungal?” Tanong ni Manang Beng kay Lucy na umiiyak dala ang tasa ng kape na tinimpla nito kanina na tila hindi man lang nabawasan.
“Hindi nagustuhan ni ser ang kapeng tinimpla ko. Panget daw ang lasa. Kapag hindi ko daw inayos ang timpla sesesantehin nya daw ako. Wahh! Ayokong mawalan ng trabaho manang. Kawawa naman ang mga kapatid ko sa probinsya sa akin lang sila umaasa.” Iyak pa rin ni Lucy.
“Kuh! Ako na nga ang magtitimpla ng kape. Wag ka muna magpapakita kay ser habang mainit pa ang ulo at baka tuluyan ka ng masesante.” Sabi ni Manang Beng at sya na nga ang nagtimpla ng kape ng amo.
Hindi na sumagot si Lucy at nakisalo na lang kanila Cheche at Ona. Ikakain na lang nya ang sama ng loob.
“Ano kaya ang meron at mainit na naman ang ulo ni ser?” Ani Ona na pinapapak ang hotdog.
“Baka may problema sa trabaho. Hindi na kayo nasanay sa kasungitan nya.”
“Eh manang iba naman po yung normal na kasungitan nya kesa ganyan na mainit na mainit ang ulo nya na parang bubuga na ng apoy.”
“Hay nako, hayaan nyo na lilipas din yan. Importante maayos ang trabaho nyo.”
Para sa mga kasambahay masungit at suplado talaga ang gwapong binatang amo. Mainitin din ang ulo bagama’t hindi naman nananakit. Pero sa kabila noon ay galante naman ito sa kanila at hindi madamot. Kumpleto sila sa benefits at kung may emergency ay hindi naman ito nagdadalawang isip na tumulong basta maayos lang ang trabaho nila.
“Manang pahingi naman kami ng kape at saka luto na ba ang almusal? Nagugutom na raw sila Nanding.” Sabi ni Goryo pagpasok ng kusina. Sya ang personal driver ng binatang amo. Limang taon na syang naninilbihan dito.
“Ay oo, maghahain na kami. Patapusin ko lang magalmusal itong mga to.” Tukoy ni Manang Beng sa tatlong kasambahay na kumakain.
Tumango tango naman si Goryo na nagsahod ng tubig sa baso mula sa water dispenser.
“Goryo, anong meron at sobrang init ng ulo ngayon ni ser?” Usisa ni Ona kay Goryo. Alam nyang alam ng driver kung bakit mainit ang ulo ng amo dahil lagi ang mga itong magkasama.
Natuon naman ang mata ng mga kasambahay kay Goryo at naghihintay ng sagot.
Lumingong lingon muna si Goryo sa labas ng kusina sa takot na baka marinig ng amo ang sasabihin nya. “Ganito kasi yun, nakita nya kasing may kasamang lalaki si Ma’am Ivona kahapon. Kaya ayan mainit ang ulo at naglasing kagabi.”
“Ma’am Ivona? Sino yun? Bagong babae na naman ni ser?” Kyuryosong tanong ni Manang Beng.
“Hindi. Pero deds na deds si ser dun. Naglalaho ang sungay ni ser kapag sya ang kaharap, parang anghel.” Sabi ni Goryo. Iritable at mainitin ang ulo ng amo nya. May pagkasanggano din ito at talagang kinatatakutan ng karamihan. Pero pagdating sa dalaga animo maamong tupa ito.
“Talaga? Totoo?”
“Oo, kaya nga mainit ang ulo nyan dahil badtrip.”
“Maganda ba yung Ma’am Ivona?” Usisa pa ni Cheche.
“Oo naman! Mas maganda pa sa mga naging babae ni ser. Maputi, sexy, batang bata at mabait pa.” Pagmamalaki ni Goryo na ilang beses ng nakasalamuha ang dalaga. Mabait talaga ito sa kanya. Hindi kagaya ng mga naging babae ng amo na mga matataray at maldita. Daig pa ang amo kung makautos minsan.
“Ay, nacurious naman ako bigla. Sana dalhin dito ni ser para makilala natin.” Naeexcite na sabi namin ni Manang Beng. Sawa na kasi sya sa ibang babaeng pumupunta sa mansion na akala mo mga donya. Lalong lalo na ang sekretarya ng amo na feelingera.
“Manang.”
“Ay ser! Nandyan pala kayo.” Bulalas ni Manang Beng na nataranta pa ng makita sa entrada ng kusina ang among masama ang timplada ng mukha.
Pati na ang mga kasambahay na naroon ay nataranta pa at sabay sabay na tumayo at naghanap ng gawain. Nagkabanggaan pa nga sila Ona at Cheche. Si Lucy ay kunwari may dinadampot sa ilalim ng mesa para hindi sya makita ng amo. Baka kasi tuluyan syang sesantehin nito. Si Goryo naman ay parang tangang sinisipat ang maliit na halaman na nasa ibabaw ng counter.
“Ipaghanda nyo ako ng almusal at kape. Dalhin nyo na lang sa lanai. Pakidalhan na rin pala ako ng pain reliever.”
“Opo ser.” Maagap na sagot ni Manang.
Tumalikod na si Luigi at nilisan na ang kusina. Masakit ang ulo nya at nagugutom na rin sya. Hindi maganda ang gising nya.
“Hay! Para akong aatakehin sa puso.” Bulalas ni Lucy na nakahinga ng maluwag at tumayo.
“Ako rin! Nakakatakot talaga ang presensya ni ser. Parang lagi kang bubulyawan. Mabuti na lang gwapo.” Ani Cheche.
“Sinabi mo pa. Kung hindi lang gwapo at macho si ser at maganda ang pasweldo plus benefits, hindi ako magtitiis dito.” Segunda naman ni Ona.
“Tama na yang mga sentimyento nyo. Kung tapos na kayong kumain iligpit nyo na yan at ipaghain na ang mga tauhan sa labas. Tiyak na gutom na ang mga yun. Hala kilos na!” Mando ni Manang Beng sa mga kasambahay. Sya naman ay hinanda na ang almusal ng amo.
Ivona
“BES PASABI na lang kay tita na happy birthday ha. Pasensya na kamo hindi ako makakadalo.” Sabi ni Ava.
“No problem bes, maiintindihan ni mommy yun. Una na ako.”
“Geh, ingat.”
Hinanap ko si Ma’am Lyn at nagpaalam na uuwi na. Nagpaalam na rin ako sa tatlo. Alas syete y medya na ng gabi at kasagsagan ng dagsaan ng mga customer. Nakakahiya nga na nag-undertime ako pero nakapangako na ako kay mommy.
Pagpasok ko sa loob ng gate ay sinalubong na ako ng mga tawanan ng mga bisita ni mommy na nasa labas ng bahay. Puro mga amiga nya ang mga bisita at si Stephen. Bumabaha ng pagkain at mga alak sa mahabang mesa nila.
“Nandito na pala ang unica iha ko.” Bulalas ni mommy ng makita ako. Tumayo sya mula sa umpukan ng mga kaibigan nya sa mahabang mesa. Katabi nya si Stephen na kumaway pa sa akin.
Lumapit naman ako kay mommy at hinalikan sya sa pisngi. Binati ko rin ang mga amiga nya.
“Ito na ba si Ava?” Tanong ng isang ginang na pamilyar sa akin ang mukha. Sa hitsura nya ay mukha syang galing abroad base na rin sa mga alahas nya sa katawan at suot.
“Oo mars. Dalagang dalaga na no. Nak, si Tita Merced mo naalala mo pa ba? Kagagaling lang nyang Canada.” Sabi ni mommy.
Ngumiti naman ako ng maalala ang ginang. Sya ang laging kasama noon ni mommy at mabait sya sa akin. Ang huling balita ko nga nagibang bansa na nga sya.
“Naku! Lalo kang gumanda iha. Maganda ka na noong bagets ka pa ngayon lalo ka pang gumanda. I’m sure habulin ka ng mga boys.”
Natawa naman ako sa sinabi ni Tita Merced. Hindi pa rin sya nagbabago. Kikay pa rin manalita.
“Syempre kanino pa ba magmamana ng ganda yan kundi sa akin at talagang habulin ng boys yan. Hindi lang sila nakakaporma dahil strict ako. Sa ganda ng anak ko di pwedeng puchu puchu lang ang mga lalaking lalapit sa kanya.” Sabat ni mommy.
Napangiwi na lang ako at napakamot sa pisngi.
“Kuh! Wala ka pa ring pagbabago mars.” Ani Tita Merced na ikinatawa naman ng mga naroon.
“Sige na anak magbihis ka na at saluhan mo kami dito.”
Nag excuse na ako sa kanila at umakyat na sa hagdan.
Dahil may mga bisita kami ay nagayos ako ng kaunti. Dress na puti na spaghetti strap ang suot ko at flat strappy sandals. Nakasanayan ko na rin kasi na kapag may bisita ay nakaayos ako. Yun kasi ang turo sa akin ni mommy.
Pagkatapos kong mag spray ng pabango ay bumaba na ako. Naabutan ko pa si Yaya Saling na may bitbit na tray na may lamang pagkain.
“Ako na po dyan ’ya.” Sabi ko at kinuha ang tray sa kanya.
“Naku wag na, baka madumihan ka pa. Puting puti pa naman ang damit mo.” Aniya at akmang kukunin ulit sa akin ang tray pero iniwas ko ito sa kanya.
“Ako na ’ya. Keri ko na to. Di ako madudumihan.”
“O sige ikaw ang bahala. Hahaluin ko lang yung niluluto ko.” Bumalik na si Yaya Saling sa kusina.
Ako naman ay dinala na ang tray sa labas ng bahay. Nakiumpok na rin ako gaya ng request ni mommy. Sinalinan nya ako ng wine sa kopita. Sayang nga lang at wala si Ava. Pero nageenjoy naman ako sa usapan ng mga amiga ni mommy kahit na ba may pagka green minded minsan ang topic nila.
“Mukhang may bisita ka pang dumating mars.” Sabi ni Tita Rosa at sumilip sa labas.
Lumingon naman si mommy at tumayo. “Ay! Nandito na ang espesyal kong bisita na kanina ko pa hinihintay.” Patiling sabi ni mommy at umalis sa mesa.
“Sino na naman yan honey?” Usisa naman ni Stephen at sumunod naman kay mommy na pumuntang gate.
Nakiusisa na rin ako kung sino ang espesyal na bisita ni mommy ang dumating.
Napaawang ang labi ko ng lumabas sa kotse si Kuya Luigi at ngiting ngiti. Sinalubong sya ni mommy at nagbeso sila. Binigyan pa nya ng bulaklak si mommy na tuwang tuwa naman.
Inimbitahan pala sya ni mommy.
Tumingin sa direksyon ko si Kuya Luigi at nagtama ang paningin namin. Napalunok ako kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.
Chapter 10
Ivona
NAKANGUSO AKO at minsan napapasimangot habang tinutulungan si Yaya Saling na magrefill ng mga pagkain at pulutan para sa mga bisita.
“Hayaan mo na ako dito iha, doon ka na lang sa mesa. Samahan mo na lang si Luigi dahil baka lamugin na ng mga matrona.” Natatawang sabi ni Yaya Saling na medyo nakainom na rin.
Lalo namang nanghaba ang nguso ko. “Hayaan mo sya ’ya mukhang enjoy naman syang nilalamog eh. Palibhasa babaero. Basta babae papatusin nya.” Himutok ko habang nagsasalin ng kaldereta.
Kaninang dumating nga sya ay tiningnan lang nya ako at hindi man lang ako pinansin. Ngiting ngiti pa sya sa mga amiga ni mommy at tuwang tuwa pa ng pagkaguluhan sya.
“O bakit mukhang nagseselos ka?” Tanong ni Yaya Saling na may mapanuksong ngiti sa labi.
Naginit naman ang pisngi ko at nataranta pa sa paglalagay ng ulam sa bandehado.
“H-Hindi po ah! H-Hindi lang po kasi magandang tingnan yung nakikipagharutan pa sya sa mga amiga ni mommy. Parang mga nanay na nya yun eh.” Nanghahaba pa rin ang ngusong sabi ko.
Humagikgik si Yaya Saling. “Eh di pagsabihan mo sya. Mukhang makikinig naman sayo yun eh.”
“Bahala na sya sa buhay nya yaya, matanda na sya.”
Lumabas na kami ng kusina ni Yaya Saling para dalhin ang nirefill na pagkain sa mga bisita.
Napasimangot ako ng makita na nakahawak na sa dalawang braso ni Kuya Luigi ang dalawang amiga ni mommy na halatang may tama na. At ang una naman ay ngiting ngiti pa at enjoy na enjoy. Nag angat sya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Inirapan ko sya at nilapag na sa mesa ang bandehado ng kaldereta. Umupo na rin ako katabi si Yaya Saling na nakikipaghuntahan na rin sa mga amiga ni mommy. Nagsalin ako ng wine sa kopita ko at uminom.
“Kuh! Ang gwapo gwapo mo talaga Luigi. Ang bango bango mo pa!” Ani Tita Rosa na hiwalay na sa asawa. Nakayakap sya sa kaliwang braso ni Kuya Luigi at inamoy amoy pa ito.
“At ang tigas tigas pa ng braso mars.” Segunda pa ni Tita Hilda na pinipisil pisil pa ang kanang braso ni Kuya Luigi.
Tumawa lang si Kuya Luigi sa ginagawa sa kanya ng dalawang amiga ni mommy.
Ako naman ay napangiwi at napairap na lang at sumimsim sa wine. Enjoy na enjoy talaga ang kumag na si Kuya Luigi.
Sa mahabang mesa ay si Kuya Luigi lang at si Stephen ang lalaki. Lima ang amiga ni mommy na trip na trip si Kuya Luigi, minsan nakikisali pa si Yaya Saling. Si mommy naman ay hindi naman nakikisala dahil bantay sarado sya ni Stephen na nakasimangot na rin kung minsan.
“Mga mars, wag nyong masyadong panggigilan si Luigi dahil baka malamog nyo yan.” Natatawang saway ni mommy sa mga amiga nya. Halatang may tama na rin sya.
“Hayaan mo na lang kami mars. Ngayon lang kami nakakita ng ganito kagwapong adonis sa buong buhay namin. Ok lang naman sayo di ba iho? Promise hindi kami lalagpas sa limit.” Sabi ni Tita Merced na lasing na. Humahagikgik pa sya.
“No problem mga titas, nakakatuwa nga ho kayo. Naaalala ko sa inyo ang malalayong mga tiyanin ko.” Nakangising sabi Kuya Luigi na tumingin pa sa akin.
Inirapan ko lang sya ulit. Titingin tingin pa eh.
Tumawa naman si mommy, Stephen at Yaya Saling sa sinabi nya.
“Bakit naman sa mga tiyahin mo pa kami kinumpara? Pwede namang sa mommy na lang. Lalo na ako, byuda na ako. I can be your sugar mommy big boy.” Maharot na sabi ni Tita Merced sabay tili. Nagtawanan na naman sila.
Ako naman ay muntik ng maibuga ang iniinom na wine. Parang gusto na ring lumabas ng lahat ng kinain ko kanina.
“Ayos ka lang iha?” Tanong ni Yaya Saling na namumula na ang mukha.
Tumango naman ako at ngumiwi. “Medyo parang naduduwal lang ’ya.”
Humagikgik si Yaya Saling at inabutan ako ng atsara na nasa mangkok. “Heto pantanggal umay.”
Napakamot na lang ako sa batok at kumain ng atsara.
Habang lumalalim ang gabi ay lalo pang bumaha ang alak. Nalalasing na ang mga bisita at mas naging maingay pa. Ako naman ay naghinayhinay lang sa paginom dahil si mommy at Yaya Saling ay nalalasing na rin. Kaming dalawa lang yata ni Kuya Luigi ang matino pa bagamat sya ay sumasabay naman sa inuman ng mga amiga ni mommy. Kanina pa rin sya tingin ng tingin sa akin bagamat hindi naman ako kinakausap. Ang inis ko sa kanya ay nauwi na lang sa pagkailang kung minsan.
Pasado alas onse ng gabi ay nagsidatingan na ang mga sundo ng mga amiga ni mommy. Mga asawa nila o kaya mga anak.
“Mars, una na kami. Happy Birthday ulet.” Paalam ni Tita Merced na lasing na at namumungay ang mga mata. Akay akay sya ng anak nyang babae.
“Thank you mars sa uulitin.” Sabi naman ni mommy na lasing na rin at nagbeso pa sila ni Tita Merced.
Nagpaalam pa si Tita Merced kay Kuya Luigi bago sumama sa anak.
Sunod sunod na ring nagpaalam umuwi si Tita Rosa, Tita Hilda at iba pa. Hanggang sa kami na lang ang naiwan. Si Yaya Saling ay naguumpisa ng magligpit. Si Kuya Luigi naman ay tila wala pang balak umuwi dahil prente pa ring nakaupo ito at kadaldalan si mommy at Stephen.
Tumayo na ako at tumulong na kay Yaya Saling sa pagliligpit. Medyo susuray suray na kasi syang maglakad.
“Yaya Saling ako na lang po dyan. Matulog na po kayo.” Awat ko kay Yaya Saling na akmang bubuhatin ang tray na may lamang mga platong hugasin.
“Kuh! Kaya ko pa. Hindi pa naman ako lasing ikaw talaga.”
“Ako na po.” Inagaw ko na sa kamay nya ang tray at pinasok na sa loob ng bahay para dalhin sa kusina. Wala ng nagawa si Yaya Saling. Niligpit na lang nya ang mga basyong bote ng alak.
Kumuha naman ako ng plangganita at basahan. Nilagyan ko ng sabon at tubig at bumalik ulit sa labas. Nakasalubong ko pa si Yaya Saling na bitbit ang uce bucket.
“Dito ka na lang matulog iho, baka hindi mo na kayang magmaneho madisgrasya ka pa.” Sabi ni mommy.
Natigilan ako sa sinabi ni mommy.
“Oo nga baka makatulog ka pa sa daan.” Segunda pa ng lasing na si Stephen.
“Nakakahiya naman po tita.” Hihimas himas sa batok na sabi ni Kuya Luigi na sumulyap pa sa akin. Pero wala naman sa mukha nya ang nahihiya.
Napanguso naman ako at inumpisahan ng punasan ang mahabang mesa na wala ng mantel.
“Naku wag ka ng mahiya iho. May guest room naman kami sa taas. Dito ka na magpalipas ng gabi para mapanatag na rin ako.” Pilit pa ni mommy.
“Sige ho kung mapilit kayo.” Natatawang pagpayag na ni Kuya Luigi.
Nanlaki naman ang mata ko. Taliwas sa inaasahan ko. Akala ko magpupumilit pa rin syang umuwi. Hindi naman sya mukhang lasing at paniguradong kaya pa nyang magmaneho pauwi. O kung hindi naman pwede naman nyang tawagan ang driver nya para magpasundo.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa isiping dito sya matutulog. Katabi pa naman ng kwarto ko ang guestroom.
“Ivona ikaw na ang bahala kay Luigi ha. Kami’y aakyat na ni Stephen. Inaantok na ako.” Sabi ni mommy na tumayo na sa upuan.
“Tara na honey, antok na rin ako.” Ani Stephen na tumayo na rin at inakbayan na si mommy papasok ng bahay. Susuray suray pa silang dalawang naglalakad habang naghaharutan.
Naiwan naman akong nakanganga kasama si Kuya Luigi.
Lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko at nataranta pa ako sa pagpupunas.
Tumikhim naman si Kuya Luigi at tumayo sa kinauupuang monoblock. “Tulungan na kita.” Aniya sa swabeng malaking boses.
“H-Hindi na kaya ko na to.” Sabi ko na hinarap naman ang mga case ng beer. Pero bago ko pa ito mahawakan ay inunahan na ako ni kuya Luigi at parang papel lang na pinagpatong patong nya ang mga ito.
Nahigit ko ang hininga dahil sa lapit nya, naamoy ko ang pabangong gamit nya pati na ang amoy alak sa hininga nya.
Iniwan ko na sya sa ginagawa at pinagpatong patong ko naman ang mga upuan. Pagkatapos ay kinuha ko na ang plangganita at basahan at pinasok sa loob ng bahay. Naabutan ko pa si Yaya Saling na nakahiga na sa sofa. Nilagay ko muna sa kusina ang plangganita at binalikan si Yaya Saling. Ginising ko sya at pinapasok na sa kwarto nya na nasa tabi lang ng kusina. Hindi na sya tumanggi ng alalayan ko sya papasok sa kwarto nya dahil na rin siguro antok na antok na sya sa kalasingan. Pagkatapos ko syang iayos ng higa sa kama nya at buksan ang electric fan ay lumabas na ako ng kwarto.
Natigilan ako ng makita sa sala si Kuya Luigi at nakaupo sa sofa habang nakasandal ang ulo at nakapikit.
Tumikhim ako. “K-Kung inaantok ka na matulog ka na sa guestroom. Sa bandang kanan yung pangalang pinto. Malinis na yun.” Sabi ko.
Dumilat naman sya at umayos ng upo saka tumingin sa akin ang mapupungay nyang mga mata.
“Hindi pa ako inaantok.” Aniya sa magaspang na boses.
Ngumuso ako. “Inaantok ka na obvious naman. Matulog ka na sa taas.” Giit ko pa.
Tumayo maman sya at namulsa. “Ano pa ba ang gagawin mo?” Tanong nya na hindi pinansin ang sinabi ko.
“Maghuhugas ng mga plato.”
“Tutulungan na kita.”
Tinaasan ko sya ng kilay. “Marunong ka?”
Kumamot sya sa batok. “Hindi.”
Ngumuso ako. “Hindi naman pala eh. Ako na lang.”
“Tutulungan pa rin kita para makatulog ka na rin. Turuan mo na lang ako sa dapat gawin.” Giit pa rin nya at nagpatiuna na sa kusina.
Agad ko naman syang sinundan.
“Ano bang.. Paano ba gagawin?” Tanong nya habang nakapamewang na nakatingin sa tambak na hugasin.
Napakagat labi naman ako at muntik ng matawa sa hitsura nya na halatang walang kaalam alam sa gagawin.
Nilapitan ko na ang tambak na hugasin at binuksan ang gripo. Sya naman ay lumapit na rin at nililis pataas ang manggas ng longsleeve shirt nya.
“Anong unang gagawin natin?” Tanong ulit nya.
Bumuntong hininga ako tiningnan sya. Nasa mukha nya ang determinasyon na tulungan ako.
Kinuha ko ang dalawang apron at binigay sa kanya ang isa.
“Isuot mo yan para di ka madumihan.” Sabi ko at sinuot na rin ang isang apron.
Ngumiti naman sya at sinuot na rin ang apron. Di pa sya magkandatuto sa pagtali sa likod kaya ako na ang nagtali. Ngiting ngiti naman sya. Naginit ang pisngi ko at agad na lumayo sa kanya.
Pinagtulungan na nga naming urungin ang mga hugasan. Dahil wala syang alam sumusunod lang sya sa kung anumang sabihin ko. Wala namang syang reklamo at mukhang nag eenjoy pa sa pagsasabon. Ang sabi nya first time daw nyang maghugas ng plato. Lumaki daw kasi syang laging may nakasunod na mga kasambahay sa lahat ng gagawin nya.
Di ko naman napigilan magtanong tungkol sa buhay nya. Sumasagot naman sya hanggang sa sya na ang nagkukwento tungkol sa buhay nya. Ulila na raw sya. Bata pa lang ay namatay na ang daddy nya sa aksidente. Ang mommy naman daw nya ay namatay five years ago dahil sa atake naman sa puso. Sumunod naman ang lolo nya bagamat may mga kamaganak pa naman daw sya. Parehas lang pala kaming ulila. Pero ako may mommy Beverly pa at Yaya Saling.
“Hay sa wakas tapos na tayo.” Sabi ko at winisik wisik ang kamay.
“Di rin pala madali ang maghugas ng plato.” Natatawang komento nya.
Kumuha naman ako ng dalawang basahan pamunas ng kamay at binigay sa kanya ang isa.
“Madali lang naman maliban na lang kung maraming huhugasan.” Sabi ko at tinanggal na ang apron.
Tinanggal nya rin ang kanya. Kinuha ko naman yun at sinabit sa sabitan.
“Tapos na tayong maghugas, tulog ka na.” Sabi ko. Pasado alas dose na rin kasi ng gabi.
“Hindi pa ako inaantok. Kwentuhan muna tayo.” Sabi nya.
Tinaasan ko sya ng kilay. “Anong oras na magkukwentuhan pa tayo.”
Humimas sya sa batok. “Hindi tayo nakapagkwentuhan kanina.”
Ngumuso ako. “Paano tayo magkukwentuhan eh hindi mo ko pinapansin.”
Tumaas ang kilay nya. “Parang baliktad, ikaw kaya yung hindi ako pinapansin kanina. Panay pa nga ang irap mo eh.”
“Wag mo kong balikatarin, ikaw yun. Enjoy na enjoy ka pa nga kaharutan ang mga amiga ni mommy eh.” Giit ko pa.
Napahimas na naman sya sa batok. “Pinapakisamahan ko lang sila. Para hindi ka na magalit ngayon na lang tayo magkwentuhan. Namiss rin kita.”
Naginit ang mukha ko sa huling sinabi nya kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Namiss nya raw ako.
Kaya sa bandang huli ay pinagbigyan ko na rin sya. Tumambay muna kami sa sala at nagkwentuhan habang nagiinuman.
.
.
.
Humahagikgik ako habang nakikipag toast ng baso na may lamang alak kay Kuya Luigi. Inisang lagok ko ang laman ng baso at napasipol pa ng gumuhit ang mapait na alak sa lalamunan. Damang dama ko na ang tama ng alak sa sistema ko. Iniinom namin ang natirang brandy kanina.
“Hano nga yung shabi mo shakin kanina? Namish mo kho?” Lasing kong sabi kay Kuya Luigi.
“Sinabi ko ba yun?” Natatawang tanong nya at sinalinan muli ng alak ang mga baso namin.
“Oo khaya! Shabi mo kanina namish mo ko. Natatandaan kho pa yun.”
Tumawa sya sabay inom ng alak sa baso nya.
“Wag mo khong tawanan dyan Khuya Luigi. Sho hano? Totoo yun o hindi?”
Tumingin sya sa akin at ilang saglit na hindi na nagsalita. “It’s true.”
Tumayo ako sa kinauupuan kong single sofa at tumabi ng upo sa kanya sa mahabang sofa. Kinulong ko ang mukha nya sa dalawa kong kamay at inipit. Umusli tuloy ang mapupula nyang labi.
“Shinungaling.” Sabi ko. “Namish mo kho pero hindi ka nagpakita sa akin ng ishang linggo. Shinungaling ka. Hmp!” Inis na binitawan ko ang mukha nya sabay dampot ng baso ko at nilagok ang laman.
Nilingon ko sya. Nakatingin lang din sya sa akin at hindi nagsasalita.
“Huy!” Untag ko sa kanya at tinapik ang pisngi nya.
Tumikhim sya. “I’m sorry kung hindi ako nagpakita sayo ng isang linggo. Busy lang ako sa trabaho.”
“Huu.. dahilan ka pa. Naiinis ako sayo, naiinis din ako sa sarili ko.” Himutok ko. Nakakainis talaga dahil ilang araw ko syang namimiss.
“Pero nakita kita noong isang araw sa Town Center. Lalapitan sana kita kaya lang nakita kong may kasama kang lalaki.” Sabi nya.
Kumunot ang noo ko at muling nilingon sya. “Lalaki? Shinong lalaki?”
“Ewan ko sayo.” Sagot lang nya at nagsalin ng alak sa baso nya at inisang inom.
Sa nanlalabong isip ko ay inalala ko ang sinabi nya. “Ah oo, naalala kho na. Shi Nick yun.”
“Tsk! Kahit lasing ka naalala mo pa talaga.”
“Kaibigan kho yung shi Nick at manliligaw din.” Sabi ko at kinumpas kumpas pa ang kamay.
Sa gilid ng mata ko ay nakita kong natigilan sya.
“Gwapo yun shaka mabait. Nagkita kami noong ishang araw kashe nagpaalam sya shaken. Sasakay na kashe sya sa barko at pagbalik nya baka shagutin ko na rin sya.” Daldal ko pa.
Hindi sya sumagot. Pero sa nanlalabong mga mata ko ay nakita kong nagsalin ulit sya ng alak sa baso at inisang lagok.
Nakakaramdam na ako ng antok.
“Tulog na tayo Kuya Luigi inaantok na ako.” Paungol na sabi ko at tumayo.
Ngunit nakaramdam ako ng hilo at naging mabuway ang tayo ko. Bago ako bumagsak ay nasalo na ako ni Kuya Luigi.
“Ay shori po.” Natatawang sabi ko at humawak sa braso nya.
“Tsk! Tumayo ka kasi agad eh. Paano kung natumba ka at tumama ang ulo mo sa matigas na bagay.” Masungit na sabi nya habang hawak ako sa bewang.
Tumingala ako sa kanya. Naaninag ko ang salubong na kilay nya. Dinutdot ko ito ng daliri.
“Shori na nga. Wag mo kong shushungitan kundi ayoko na shayo.” Sabi ko.
Bumuntong hininga sya. “Hindi kita sinusungitan. Nagaalala lang ako sayo.” Malambing na sabi nya.
“Yan, ganyan ka lang dapat shaken.” Humahagikgik na sabi ko. “Lashing na talaga ako inaatok na ako eh.”
“Alalayan na kita sa kwarto mo.” Aniya sa malumanay na boses.
Tumango tango naman ako at inikot ang braso sa bewang nya. Umakbay naman sya sa akin at giniya na ako paakyat sa hagdan.
Dahil magkalapit ang katawan namin ay damang dama ko ang katigasan ng katawan nya at ang init na sumisingaw dito. Amoy na amoy ko rin ang pabangong gamit nya. Ang sarap nyang amoy amoyin.
“Dito na yung kwarto ko. Yung sha kabila yung shayo.” Turo ko sa katabing pinto ng kwarto ko. Ang kwarto naman ni mommy ay ang katapat ng kwarto ko.
Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Bumungad ang madilim kong kwarto at tanging ilaw lang sa poste sa labas na tumatagos sa bintana ang nagbibigay ng liwanag.
Pumasok na kami sa loob ng kwarto. Sinipa ko naman pasarado ang pinto. Inalalayan nya akong humiga sa kama. Pumikit naman ako. Antok na antok na ako pero ramdam kong nasa kwarto ko pa rin si Kuya Luigi. Naramdaman ko ngang tinatanggal nya ang sandals ko.
“Kuya Luigi..” Tawag ko sa kanya.
“I’m here. May kailangan ka?” Malambing na tanong nya.
Naramdaman kong lumundo ang kama. Minulat ko ang mata. May mapusyaw na liwanag akong nakikita galing sa bukas na lampshade. Nakaupo na rin sa gilid ko si Kuya Luigi at nakatingin sa akin.
Tinaas ko ang kamay at inabot ang pisngi nya. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay malinaw ko pa ring nakikita sa isip ko ang gwapong mukha nya. Ilang araw ko ring namiss titigan ang gwapo nyang mukha. Ang matatamis nyang ngiti. Ang mapupungay nyang matang kung makatitig sa akin ay para akong tinutunaw.
“I-I like you..” Anas ko.
“What did you say?”
Humagikgik ako. Gwapo nga bingi naman.
“Ang sabi ko po I like you.”
Saglit syang hindi nagsalita at nakatingin lang sa akin na parang tinatantya ang mga sinabi ko. Hinawakan nya ang kamay kong nasa pisngi nya.
“Totoo? Gusto mo ko?”
Ngumiti ako at tumango.
“Fuck baby.. You have no idea how much I like you too. Fuck! Mababaliw na yata ako.”
Napasinghap ako ng bigla nyang sakupin ang labi ko. Mainit at malambot ang labi nyang mapusok na gumagalaw.
Inikot ko ang mga braso sa leeg nya at tumugon na rin sa halik nya.
Chapter 11
Ivona
DARANG NA darang na ako sa mainit at mapusok na halik na pinagsasaluhan namin ni Kuya Luigi. Di ko na alintana ang bigat ng katawan nyang nakadagan na sa akin. Init na init na rin ang pakiramdam ko na para akong lalagnatin.
“Nghh Kuya Luigi..” Daing ko ng kagatin nya ang ibabang labi ko.
“Drop the kuya baby.. just call me Luigi..” Anas nya at muling pinanggigilan ng halik ang labi ko.
Mas naging mapusok pa ang halikan namin. Ginagaya ko ang bawat galaw ng labi nyang tila gutom at uhaw. Ang dila nya ay mapusok na pumasok sa bibig ko at tinutudyo ang dila ko. Para na akong malalagutan ng hininga sa lalim at diin ng halik nya. Ang mga daliri ko ay mahigpit ng sumasabunot sa buhok nya. Ang mga kamay nya naman ay naglulumikot na sa aking katawan. Humahaplos at pumipisil.
“H-Hmm Luigi..” Napaarko ang leeg ko ng bumaba doon ang halik nya na may kasamang mumunting kagat.
Napasinghap ako ng dumapo ang kamay nya sa ibabaw ng dibdib ko at pumisil pisil doon. May munting pagtutol sa isip ko pero mas lamang ang kagustuhan sa init na nararamdaman. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng init sa katawan at para akong uhaw na uhaw.
“I’m sorry Ivona pero di ko na kayang pigilan ang sarili ko.. I want you. I want you so much baby..” Anas nya sabay hiklas pababa ng dress ko.
Tumambad ang dibdib kong may kalusugan na natatakpan pa ng puting bra. Sa nanlalabo kong paningin ay nakikita kong titig na titig sya sa dibdib ko. Himalang hindi ako nakaramdam ng hiya. Siguro ay dahil lango ako sa alak.
Bumaba ang mukha nya sa ibabaw ng dibdib ko at tinaniman ito ng mumunting halik. Pumikit ako at sinuklay ng daliri ang buhok nya. Naramdaman ko ang kamay nyang pumailalim sa likod ko at tila lumuwag ang pakiramdan ko. Muli akong dumilat at nakita kong tuluyan na nyang nahubad ang bra ko.
“Beautiful..” Anas nya na titig na titig sa hubad kong dibdib at lumunok pa.
Napakagat labi ako ng kubkobin ng malaking kamay nya ang isa kong dibdib at piniga piga nya ito ng marahan. Ganun din ang ginawa sa kabila.
Napaungol ako ng tudyuin pa ng daliri nya ang utong ko. Kakaiba ang kiliting hatid nito. Masarap at mainit sa pakiramdam. Kahit wala pa akong karanasan sa ganitong bagay ay hindi naman ako mangmang. Nakakapanood ako ng mga porn at nakakabasa rin ng mga erotic stories.
Alam kong lumampas na sa limitasyon si Kuya Luigi at hindi tama itong ginagawa namin. Pero wala akong lakas na pigilan sya dahil nagugustuhan ko rin ang ginagawa nya at ayokong tumigil sya.
“Hmm K-Kuya Luigi – “
“Shh.. it’s Luigi baby.” Putol nya sa sasabihin ko at nilagay ang isang daliri sa labi ko.
“Hmm Luigi..”
Ngumiti sya. “Yes baby?”
Kumagat labi ako at ngumiti. Kinuha ko ang kamay nya at binalik sa ibabaw ng dibdib ko.
“Gusto ko pa..” Anas ko.
“Anong gusto mo pa?” Kunwari pang tanong nya pero may pilyo namang ngiti sa labi.
“Yung ginagawa mo.. gusto ko pa.” Wala ng hiyang sabi ko.
Tila naman nag apoy ang mata nya sa sinabi ko. Lumuhod sya at hinubad ang damit nya at hinagis sa sahig.
Napakagat labi ako habang pinagmamasdan ang katawan nya. Parang gusto ko itong haplusin. Malapad ang medyo maumbok nyang dibdib at may anim syang tila pandesal na magkakadikit sa may tiyan. Parang kay titigas din nito. Malalaki din ang mga braso nya na namumutok sa muscles na tila kayang kaya akong yupiin.
Sunod nyang binaklas ang sinturon nya at hinagis lang din sa kung saan. Muli syang dumapa sa ibabaw ko at hinaplos ang pisngi ko.
“I’ll give you everything you want baby..” Anas nya at muling sinakop ang labi ko. Pero agad din yung bumaba sa leeg ko hanggang sa makarating na sa dibdib ko.
Napakagat labi ako at napapikit ng hithitin nya ang isang dibdib ko. May bahagyang kirot akong naramdaman pero mas lamang ang kiliti at sarap. Salit salitan nyang sinasakop ng kanyang bibig ang dalawa kong dibdib na sinasabayan nya ng pagpisil.
Bumaba pa ang labi nya sa tiyan ko kasabay ng paghila nya ng dress ko. Sa isang iglap ay nasa pagitan na sya ng mga hita ko at sinasamba ang pagkababae ko.
“Ohhmm Luigi..” Ungol ko habang mahigpit ang sabunot sa buhok nya.
Mabigat ang bawat hinga ko at para na kong bulating inasinan sa likot ng katawan ko. Ang ulo ko ay pabaling baling. Para na akong may sakit na nagdedeliryo sa aking halinghing.
Kakaibang sensasyon ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ang kiliti at sarap. Nakakadarang at nakakabaliw. Para na akong tinutupok sa init na nararamdaman ko.
Hanggang sa tila may kung anong namumuong tensyon sa puson ko. Para akong naiihi.
“Ahhh Luigi!” Nanginig at nanigas ang katawan ko at tumirik ang mata ko ng maramdaman ang nakakabaliw na sensasyon. Para ring may kung anong bumulwak mula sa lagusan ng pagkababae ko. Nakakapanghina at tila hinihigop ang lakas ko.
Dinilat ko ang mata at nakita kong nakaluhod muli sa ibaba ko si Luigi at hinuhubad ang pantalon nya. Hindi ko naaninag ang bagay na yun sa gitna ng mga hita nya dahil agad din syang bumalik sa pagkakadapa sa ibabaw ko. Muli nya akong sinunggaban ng halik na agad ko namang tinugon.
Pinaghiwalay nya ang mga hita ko at pumwesto sa gitna ko. Naramdaman ko ang tila matigas at mabigat na bagay na kumikiskis sa pagkakababae ko.
“You’re mine Ivona. No one can take you away from me ugh!” Usal nya sa tenga ko kasabay ng pagdiin nya ng matigas na bagay na yun sa pagkababae ko.
“Ahhh!” Daing ko sa sakit at napakapit ng mahigpit sa balikat nya.
Mariin kong kinagat ang labi sa hapdi na nararamdaman ko. Para akong hinahati sa gitna sa sakit dahil sa malaking bagay na nakapasok sa lagusan ko. Parang may napunit na parte sa loob ko. Tumulo na rin ang luha ko.
“Ang sakit..” Naiiyak na sabi ko.
“Shh.. sa umpisa lang yan baby. Mawawala din yan.” Pagaalo nya sa akin at masuyong hinalik halikan ang pisngi at gilid ng labi ko.
Ilang sandali syang nanatili lang sa ibabaw ko habang nasa loob ko pa rin ang pagkalalaki nya habang nilalambing nya ako. Hanggang sa muli syang gumalaw.
“Ahh Luigi.. m-masakit pa rin..” Daing ko.
“I know baby.. pero mas lalo kang masasaktan kapag hindi ako gumalaw. Trust me mm?..” Malambing na anas nya at dinampian ang labi ko ng magaan na halik.
Tumango tango naman ako at kumagat labi.
Pikit mata kong tinatanggap ang bawat ulos nya. Damang dama ko pa rin ang kirot sa bawat galaw nya. Pero unti unti ko naman itong nakakasanayan at tila namamanhid na rin ako sa sakit sa tulong na rin ng malambing nyang halik.
“Ahhh ahmm – Luigi!” Malakas na ungol ko ng bahagya nyang diinin ang pagulos nya na ikinanginig ng katawan ko. May natamaan syang nakakakiliti at masarap sa loob ko.
“Ughh fuck baby! You’re so tight – nghh!” Daing nya sa tenga ko.
Napahigpit ang yakap ko sa kanya at pinulupot ang mga binti sa balakang nya habang unti unting bumibilis ang bawat galaw nya. Natatabunan na ng kiliti at sarap ang kirot na nararamdaman ko. Lumalakas na rin ang bawat ungol ko.
“Ahh ahh – ohh my ghad!” Paungol na tili ko ng tamaan na naman nya ang parteng iyon sa loob ko. Hayun na naman ang namumuong tensyon sa puson ko.
“Nghh ughh fuck!” Ungol rin nya at lalo pang bumilis ang bawat ulos nya.
Mayamaya pa kasabay ng malakas kong ungol ay ang pagsabog ng isang bagay sa kaibuturan ko. Nanginig at nanigas muli ang katawan ko at napahigpit ang yakap sa kanya.
Ngunit sya ay tuloy tuloy pa rin sa mabilis na pagulos na tila may hinahabol. Palakas na rin ng palakas ang ungol nya at tila mabangis na hayop na umaangil.
Hanggang sa umulos sya ng malakas at madiin na ikinadaing ko kasabay nun ang mainit na bagay na sumabog sa loob ko.
Habol nya ang hininga habang nakasubsob sa leeg ko at mahigpit ang yakap sa akin. Pagod na pagod naman ang pakiramdam ko at antok na antok na..
Luigi
PARANG NAWALA ang tama ng alak sa sistema ko matapos ang mainit na pagniniig namin ni Ivona. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito pero wala akong pinagsisisihan. Bagkus ay labis ang tuwa na nararamdaman ko dahil ako ang una nya sa lahat. Matagal ko ng pinipigalan ang anumang nararamdaman ko sa kanya. At ngayong akin na sya di ko na sya pakakawalan pa.
Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang maganda nyang mukha na payapang natutulog. Nakaunan sya sa braso ko at nakasiksik sa dibdib ko. Hinaplos ko ang malambot at makinis nyang pisngi. Hinalikan ko ang noo nya at ilong. Ilang sandaling pinagsawa ko ang sarili sa pagtitig sa mukha nya.
Nakaramdam na ako ng antok. Naparami rin ang inom ko kanina pero malinaw pa ang isip ko sa lahat ng bagay.
Niyakap ko si Ivona at pinikit ang mata habang pinupupog ng halik ang buhok nya..
.
.
.
“Anong ibig sabihin nito?!”
Naalimpungatan ako sa malakas na boses ng isang babae galit na galit. Bahagya akong nag inat at dumilat. Pero sumalubong sa akin ang dulo ng baril. Kumurap kurap ako at tiningnan ang may hawak ng baril. Ang boyfriend ni Tita Beverly ang may hawak ng baril na nakatutok sa akin. Matigas ang mukha nyang nakatingin sa akin.
Bumalikwas ako ng bangon at napapikit pa ng mariin ng may sumigid na kirot sa ulo ko.
“What’s the meaning of this?” Taka at inaantok na tanong ko na hindi kinakabahan sa baril na nakatutok sa akin.
“Nagtatanong ka pa!? Pinagkatiwalaan kitang lalaki ka tapos ganito ang gagawin mo sa anak ko?!”
Nilingon ko si Tita Beverly na galit na galit na nakatingin sa akin.
“Tita Beverly – “
“M-Mommy.. m-magpapaliwanag po ako.”
Nilingon ko si Ivona na nasa tabi ko at kipkip ang kumot. Halatang bagong gising din sya. At kahit bagong gising at gulo gulo ang buhok ay hindi pa rin nabawasan ang ganda nya. Mangiyak ngiyak na tumingin sya sa akin. Bakas sa mukha nya ang takot at pangamba. Bahagya pa ngang nanginginig ang kamay nya.
Tila doon lang pumasok sa isip ko ang lahat ng nangyari. Inimbitahan ako ni Tita Beverly dito sa bahay nila dahil birthday nya. Nakipaginuman ako sa mga amiga nya hanggang sa nalasing na ang mga ito at umuwi na. Dito na ako pinatulog ni Tita Beverly dahil nakainom ako kagabi. Hanggang sa natulog na sila at kami na lang ni Ivona ang naiwan. Tinulungan ko syang maghugas ng plato at uminom kami ulit. Nalasing sya at hindi na makalakad ng diretso kaya inalalayan ko na sya sa kwarto nya. Tapos sinabi nyang gusto nya ako. Tapos hinalikan ko sya. May.. nangyari sa amin.
“Ivona.” Akmang hahawakan ko sya pero hinila sya ni Tita Beverly sa braso patayo sa kama.
“Wag mong hawakan ang anak ko rapist ka!” Galit na sigaw sa akin ni Tita Beverly at dinuro pa ako. “Idedemanda kita at titiyakin kong mabubulok ka sa kulungan! Rapist!”
“M-Mommy, mali kayo ng iniisip – “
“Tumahimik ka Ivona!”
Napapitlag si Ivona sa sigaw ni Tita Beverly.
Parang gusto kong hablutin pabalik sa akin si Ivona at magalit kay Tita Beverly dahil sa pagsigaw nya kay Ivona. Pero kailangan kong magpakahinahon dahil sya ang ina ni Ivona.
“Ay susmaryosep! Anong nangyayari dito? Bakit may hawak kang baril Stephen?” Bulalas ni Yaya Saling pagpasok ng kwarto. Nagpalipat lipat ang tingin nya sa aming lahat. Lalo na sa akin at kay Ivona. “Bakit? – Bakit nandito sa kwarto ni Ivona si Luigi at nakahubad? Pati si Ivona nakahubad din? O jusko! Wag nyong sabihin na..”
“Saling tumawag ka ng pulis. Ipapadampot ko ang lalaking to dahil nirape nya si Ivona.” Matigas na utos ni Tita Beverly.
Napapikit naman ako ng mariin at napahilot sa sentido. Tila lalong sumakit ang ulo ko sa bunganga ni Tita Beverly.
Pero natigilan ako ng dumikit sa ulo ko ang dulo ng baril. Kunot noong tiningnan ko lang si Stephen na ngumisi lang sa akin. Kung tutuusin kayang kaya kong agawin ang baril at baliin ang kamay nya. Pero kung gagawin ko yun baka lalong magpanic si Ivona at matakot pa.
“Rape? Nirape ni Luigi si Ivona?” Nanlalaki ang matang tanong ni Yaya Saling at di makapaniwalang tumingin sa akin.
“No yaya! Hindi nya ako nirape. Wag kayong tatawag ng pulis. M-Mommy please.. makinig naman kayo sa akin. Walang rape na nangyari.” Mangiyak ngiyak na paliwanag ni Ivona at tumingin pa sa akin.
“So ano? Nagpagalaw ka lang sa lalaking to? Ganyan ka na ba kababa?” Dinutdot ni Tita Beverly ang noo ni Ivona na umiiyak na.
Napatiim bagang ako at nakuyom ko ang kamao.
“P-Parehas po kaming lasing kagabi mommy.”
Bumuntong hininga ako. “Tita Beverly pagusapan ho natin to.” Mahinahong sabi ko.
Matiim na tiningnan ako ni Tita Beverly na tila tinatantya ako. Nagtaas sya ng noo. “Sige, mag usap tayo lalaki. Pero hinding hindi ko palalagpasin itong ginawa mo sa anak ko.” Tumingin sya sa amin ni Ivona. “Mag bihis kayo at sumunod sa ibaba.”
Paglabas ng tatlo ay naiwan kami ni Ivona sa loob ng kwarto. Pinupunasan nya ng kamay ang luha nya habang kipkip pa rin ang kumot.
Tumayo ako at dinampot ang mga damit ko. Tumalikod sya na ikinangisi ko naman. Binilisan ko na ang pagbihis. Alam kong naiilang sya.
Ng matapos ako ay dinampot ko naman isa isa ang mga damit nyang hinubad at hinagis ko kagabi. Nilapag ko ito sa kama at nilapitan sya.
“Ivona.”
Lumingon sya sa akin na nakayuko pa rin at sumisinghot.
Napatiim bagang ako at kinabig sya. Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan ang ulo nya. Ayokong nakikitang umiiyak sya. Naiinis ako. Parang gusto kong suntukin ang nagpaiyak sa kanya. Pero di ko naman pwedeng suntukin si Tita Beverly kahit nakakainis sya. At may kasalanan din naman ako.
Hinawakan ko ang mukha nya at bahagyang tinaasa. Pinunasan ko ng daliri ang luha nyang lumandas sa pisngi.
“Hindi ako magsosorry dahil ginusto ko ang nangyari sa atin kagabi at hindi ko yun pinagsisisihan. Handa akong harapin ang anumang consequences sa nangyari.”
Sorry guys kung walang update kahapon. Sobrang busy lang talga. Hirap din akong magtype sa cp kaya hindi talaga maiiwasan ang typo error kaya pagpasensyahan nyo na 😅
Chapter 12
Ivona
“PAKASALAN MO ang anak ko.”
“Mommy!” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mommy kasabay ng pagkabog ng dibdib ko.
Pati si Yaya Saling na nakikinig ay napasinghap at nanlaki din ang mata. Si Stephen naman ay prenteng nakupo lang sa isa pang single sofa at nagkakape. Sinamaan ko sya ng tingin. Parang gusto ko syang batukan dahil sa panunutok nya ng baril kay Kuya Luigi kanina. Pero nginisihan lang nya ako.
Hindi ko inaasahan na yun ang hihingiin na kundisyon ni mommy kapalit na hindi nya ipapadampot sa pulis si Kuya Luigi. Ang akala ko pera ang hihingiin nyang kapalit.
Napalunok ako at tumingin kay Kuya Luigi na nakaupo sa single sofa. Seryoso lang ang mukha nyang nakatingin kay mommy at walang reaksyon. Kinakabahan ako sa ganitong pananahimik nya at kalma lang. Hindi ko rin mabasa kung ano ang nasa isip nya. Kung galit ba sya dahil nalagay sya sa alanganin dahil sa akin.
“Kung hindi mo pakakasalan ang anak ko idedemanda kita ng rape. Madali lang na ipakulong ka sa kasong rape lalo na kapag napatunayan sa medico legal na ginalaw mo nga ang anak ko.” Dugtong ni mommy na mataray ang rehistro ng mukha.
Nagpapanic na ang loob ko. Kahit anong paliwanag ang sabihin ko kay mommy na wala ngang rape na nangyari ay ayaw naman nyang maniwala. Pinagpipilitan nyang nirape ako ni Kuya Luigi. Kahit lasing ako kagabi ay naalala ko pa naman ang lahat ng nangyari. Walang pilitan na nangyari sa amin ni Kuya Luigi. Parehas naming ginusto yun.
“M-Mommy please, wag nyo namang gawin to kay Kuya Luigi. Wala syang kasalanan. Hindi nya ako pinilit – “ Naputol ang sasabihin ko ng tingnan ako ng matalim ni mommy.
“May kasalanan man sya o wala, pinilit ka man nya o hindi, kailangan pakasalan ka pa rin nya. Kung hindi idedemanda ko sya. Paano kung mabuntis ka? Anong mangyayari sayo? Magiging dalagang ina ka? Sige nga!”
Ako naman ang natigilan sa sinabi ni mommy. May punto sya. Wala kaming proteksyon ni Kuya Luigi. May posibilidad nga na mabuntis ako.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
Ano ba tong gulong napasukan ko?
“Sige ho, pumapayag ako. Pakakasalan ko si Ivona hindi dahil sa takot akong idemanda nyo kundi pananagutan ko ang nangyari sa amin.” Sabi ni Kuya Luigi.
Napalingon ako sa kanya. Tumingin sya sa akin na seryoso pa rin ang mukha pero mapupungay naman ang mata.
“Kuya Luigi..”
“Yun naman pala eh. Madali ka naman palang kausap. Mabuti naman at lalaki kang kayang harapin ang responsibilidad mo.” Ani mommy.
Nataranta ako. Pumayag si Kuya Luigi sa gusto ni mommy. Ibig sabihin magpapakasal kami.
“No mommy! A-Ayoko pang magpakasal!” Tanggi ko.
Muli akong tiningnan ng matalim ni mommy. Ang tingin nya ay may kasamang babala.
“Nakapagdesisyon na ako. Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka kay Luigi, Ivona. Sa lalong madaling panahon.” Pinal na sabi ni mommy.
At ang madaling panahon na iyon ay ang araw na iyon mismo..
.
.
.
“Congratulations Mr. and Mrs. Federova.” Nakangising bati sa amin ni Kuya Kester at nilahad ang kamay.
“Thanks pare.” Nakangising sabi rin ni Kuya Luigi at inabot ang kamay ni Kuya Kester.
Ako naman ay kiming ngumiti lang at inabot din ang kamay ni Kuya Kester. Nahihiya ako sa kanya.
“Who would have thought that the two of you would end up together.” Nakangisi at iiling iling pa rin na sabi ni Kuya Kester. Pabirong sinuntok lang sya ni Kuya Luigi sa balikat.
Napayuko na lang ako at napakagat labi.
Ang bilis naman kasi ng pangyayari. Agad agad kinasal na kami. Kaibigan pala ni mommy si mayor at dating schoolmate noong college kaya madali kaming naikasal. Simpleng white nga lang ang suot ko at manipis na make up. Si Kuya Luigi naman ay nagpakuha pala ng damit sa driver nyang si Kuya Goryo sa bahay nya.
Nagulat na lang ako kanina biglang dumating dito sa city hall si Kuya Kester. Tinawagan pala sya ni Kuya Luigi para maging isa sa witness ng kasal namin. Kinabahan nga ako kasi baka dumating ang iba pa nyang mga kaibigan. Nahihiya ako baka kung ano ang sabihin nila sa akin. Malinaw naman kasi na pikot ang nangyari kay Kuya Luigi. Bagama’t wala namang sinabi sa akin si Kuya Kester at kaswal lang akong kinakausap. Hindi ko alam kung ano ang sinabi sa kanya ni Kuya Luigi.
Kung hindi lang idedemanda ni mommy si Kuya Luigi ng rape ay hindi ako magpapakasal. At alam kong seryoso si mommy dun. Matapang si mommy at walang inuurungan. Kung ano ang sinabi nya yun ang gagawin nya. Hindi pa ako handang mag asawa kahit na ba gusto ko si Kuya Luigi. Nag aaral pa ako at marami pa akong plano sa buhay. Pero unfair naman kung makukulong si Kuya Luigi dahil sa akin. At saka paano din kung magbunga ang nangyari sa amin.
Pinilig pilig ko ang ulo. Parang mababaliw na ako sa kakaisip. Hindi pa tapos ang buong araw pero nai-stress na ako. Hindi na nga ako nakapasok sa resto. Nagpaalam lang ako kay ma’am Lyn at sinabi kong may emergency. Bukas na lang ako papasok. Pero panigurado uuriratin ako ni Ava bukas.
“Are you ok?” Untag sa akin ni Kuya Luigi. Bakas sa mukha nya ang pagaalala.
Ngumiti naman ako at tumango. “Medyo masakit lang ang ulo ko.”
Parang may pumipitik pitik pa nga na ugat sa sentido ko. Naparami kasi ang inom ko kagabi. Hindi talaga maganda ang naidudulot ng alak. Masakit sa ulo at heto pa nga nagkaroon ako ng asawa ng wala sa oras.
“Magpapabili ako ng gamot kay Goryo.” Sabi ni Kuya Luigi.
“Hindi ayos lang ako Kuya Luigi – “
“Luigi. Asawa mo na ako Ivona kaya hindi mo na dapat ako tawaging kuya.” Putol nya sa sasabihin ko.
Kumagat labi ako. Oo nga naman. Mag asawa na kami at masagwa nga namang tawagin ko syang kuya. Dapat na akong masanay.
Tumango ako sa kanya at ngumiti. “Sige Luigi.”
Ngumiti naman sya at hinawakan ang kamay ko. Tinawag nya si Kuya Goryo. Agad naman syang lumapit sa amin at ngiting ngiti pa sa akin. Inutusan sya ni Luigi na bumili ng gamot.
Paglabas namin ng mayor’s office ay lumapit sa amin si mommy, Stephen at Yaya Saling at binati kami. Si Kuya Kester ay umalis na. May meeting pa raw kasi syang dadaluhan.
Paglabas namin sa city hall ay dumiretso kami sa isang mamahaling restaurant at doon kami naghapunan. Sagot ni Luigi. Inorder nya ang lahat ng mahal sa menu. Asikasong asikaso pa nya ako at tinatanong kung ano pa ang gusto ko. Hiyang hiya naman ako sa kanya. Naperhuwisyo ko na nga sya ako pa ang inaalala nya.
Pagkatapos ng hapunan ay dumiretso uwi na kami sa bahay.
“Anak.”
Nilingon ko si mommy na kapapasok lang ng kwarto ko. Nilapag ko sa kama ang white dress na sinuot ko kanina. Iniwan ko muna si Luigi sa baba dahil kausap nya ang secretary nya sa phone.
“Mommy.”
Umupo si mommy sa kama sa tabi ko. Bumuntong hininga sya habang nakatingin sa akin.
“Siguro nagagalit ka sa akin o nagtatampo dahil pinakasal kita kay Luigi. Pero anak ayoko lang medahado ka.” Malumanay na sabi nya.
Tumingin ako sa kanya. Hindi naman ako nagagalit sa kanya dahil may kasalanan din ako. Kung nag ingat ako hindi ako malalagay sa ganitong sitwasyon. Nagtatampo ako sa kanya kasi hindi sya nakikinig sa mga paliwanag ko.
Bumuntong hininga ako. “Pero mommy, hindi po talaga ako nirape ni Luigi. Maniwala kayo. Parehas kaming lasing kagabi at may nangyari sa amin. Kung tutuusin unfair ito sa kanya.”
Muling bumuntong hininga si mommy. “Pero kailangan ka pa rin nyang panagutan. May nangyari sa inyo at posibleng mabuntis ka. Hindi ko naman hahayaang mabuntis ka ng walang asawa at putaktehin ng mga chismosa. Kaya hindi yun unfair anak. Mas unfair kung pagkatapos ka nyang makuha ay iiwan ka nyang parang basahan.” Matigas na sabi nya.
Kumagat labi ako. “Pero mommy hindi pa naman tayo sigurado na mabubuntis ako eh. Saka hindi po ako fertile.”
“Gaya nga ng sabi mo hindi tayo sigurado. Baka sa susunod na buwan may laman na ang tiyan mo.”
Yumuko ako. “Pero paano kung.. isang pagkakamali ang magpakasal ako kay Luigi? Baka hindi kami magwork.” Isa pa yun sa inaalala ko.
Marami ngang iba dyan na bumilang muna ng ilang taon ang relasyon nila at nagpakasal tapos nauwi din sa hiwalayan. Paano pa kaya kami ni Luigi na nagpakasal lang dahil sa napikot ko sya.
“Puwes, gawin mo ang lahat para magwork ang relasyon nyo. At saka ayaw mo ba nun? Isa ka ng Federova. Asawa mo na ang isa sa pinakamayamang binata sa bansa. Ngayong asawa mo na si Luigi, na sayo na ang lahat anak. Gaganda ang buhay mo sa kanya.” Ani mommy na tila nagniningning pa ang mata.
Mariin kong nilapat ang labi. Alam ko ang nasa isip ni mommy. Mayaman si Luigi at maraming pera. Ayokong isipin na kaya nya ako tinulak na magpakasal kay Luigi ay dahil sa pera.
“Pakisamahan mo ng maayos si Luigi anak para maging maayos ang pagsasama nyo. Asikasuhin mo sya gaya ng pagaasikaso ko noon sa daddy mo. Alam mo sa tingin ko nga gustong gusto ka ni Luigi. Nakita mo naman hindi tumutol ng sabihin kong pakasalan ka nya.” Dugtong pa ni mommy.
Bumuntong hininga ako. Ano pa bang magagawa ko? Nandito na ako sa sitwasyong ito. Kasal na ako at may asawa na.
.
.
.
“Mommy, gusto ko sanang sabihin na sa bahay ko na titira si Ivona.” Sabi ni Luigi ng magipon ipon kami sa sala minus Stephen dahil umuwi daw sya.
Napalingon ako kay Luigi. “Sa bahay mo ko titira?”
“Yes baby, mag asawa na tayo so dapat lang naman na sa bahay ko na ikaw titira.” Kaswal lang na sabi nya at matamis pa akong nginitian.
Naginit ang mukha ko sa sinabi nya. Pero hindi sa sinabi nya na sa bahay na nya ako titira kundi sa tinawag nya sa aking baby.
“No problem iho, tama lang naman na sa bahay mo sya tumira. Mag asawa na kayo at kung nasaan ka at nandoon din dapat sya.” Ngiting ngiti na sabi naman ni mommy. Di na mababakas ang galit nya kanina sa mukha.
Napakagat labi naman ako. Oo nga pala. Dahil mag asawa na kami ni Luigi ay sa poder na nya ako titira. Magsasama na kami sa iisang bubong. Pero mamimiss ko ang bahay na ito na buong buhay kong kinalikihan. Mas lalo ko pa itong mamimiss ngayon lalo na at namemeligro na itong mawala sa amin.
“Pero pwede pa naman akong tumira dito di ba?” Sabi ko kay mommy.
“Ano ba yang tanong mo anak? Syempre naman. Bahay mo ito. Kahit anong oras pwede kang pumunta dito at matulog. Wag kang mag alala aalagaan namin ni Saling itong bahay na iniwan ng daddy mo. Trust me anak.” Sabi sa akin ni mommy. Tumango naman si Yaya Saling na malungkot na ngumiti.
Tumango tango rin ako at lumingon kay Luigi na nakatingin lang sa akin.
“Kelan ba ako lilipat sa bahay mo?” Tanong ko sa kanya.
“The next day baby. Ipapalinis ko muna sa mga kasambahay ang kwarto ko at magpapadagdag ng cabinet sa closet room para sa mga gamit mo.” Sabi nya.
Lalong nag init ang mukha ko. Sa iisang kwarto rin pala kami matutulog at magkatabi pa sa kama.
Marami pang sinabi si Luigi tungkol sa magiging set up namin bilang mag asawa na halos ikaliyab na ng mukha ko sa init. Walang pinagkaiba sa ibang mag asawa ang set up namin. Halos sila na nga lang ni mommy ang magkausap. Kung kanina halos kating kati na si mommy na ipakulong si Luigi ngayon ngiting ngiti sya at tila kinikilig pa. Tapos si Luigi naman parang excited pa na doon na ako sa bahay nya titira. Ibang iba talaga ang reaksyon nya sa inaasahan kong reaksyon ng isang lalaking napikot.
Halloo universe! Sawadeeka! Char. Anyway, maglalambing lang ako sa mga may Dreme account. Follow nyo naman me 😗 Same name at same profile lang din po. Salamat in advance! ♥️
Chapter 13
Third POV
Federova Mansion
“MANANG!”
Napapitlag si Manang Beng ng marinig ang malaking boses ng binatang amo. Muntik pa ngang matapon ang tasang may lamang mainit na kape na hawak nya. Pati ang mga kasamahan nyang mga kasambahay ay natigilan din mula sa pag aalmusal. Nagtinginan pa ang mga ito bago sabay sabay na tumayo.
Nilapag naman ni Manang Beng ang tasa ng kape sa may counter at lumabas ng kusina para puntahan ang binatang amo. Buong hapon nya itong hindi nakita kahapon. Sumunod naman ang mga kasambahay sa kanya.
“Ser, magandang umaga ho.” Bati ni Manang Beng sa binatang amo na mukhang kauuwi lang. Nasa likod nito si Goryo na bitbit ang duffel bag nito.
Tumango lang ang binatang amo. Maaliwalas ang mukha nito at mukhang magandang nangyari dito.
“Ah magaalmusal na ho ba kayo ser Luigi? Ihahanda ko na ang almusal at kape nyo.”
“Hindi na manang, katatapos ko lang mag almusal. Ipapalinis ko lang ang kwarto ko sa taas. Papalitan nyo ang kobre kama, punda pati na ang mga kurtina. I-vacuum nyo na rin ang carpet. Palinisan na rin ang banyo. Mamaya may darating na bagong cabinet. Ipalagay nyo na na sa closet room ko. Linisan nyo na rin ang buong bahay. Yung pool palinis nyo na rin at palitan ng tubig. Bukas uuwi na dito ang asawa ko kaya ayokong makita nyang marumi itong bahay. Naiintindihan nyo ho ba?” Nakapamewang na sabi ng binatang amo.
Nakanganga lang si Manang Beng sa mga sinabi ng amo. May mali yata sa narinig nya o nabingi na sya.
“May.. asawa na kayo ser?” Tanong ni Manang Beng sa binatang amo. Narinig din nya ang mga bulungan ng mga kasambahay.
“Tama ba yung narinig ko? May asawa na raw si ser?”
“Yun din ang dinig ko eh.”
“Sabi nya darating na daw bukas ang asawa nya kaya dapat malinis ang buong bahay.”
“Nakakagulat naman. Sino kaya ang malas na babae – este swerteng babae?”
Tumingin ang binatang amo sa likuran ni Manang Beng kung nasaan ang mga kasambahay na nagbubulungan. Agad namang nagsitahimik ang mga ito.
Muli bumaling ang binatang amo kay Manang Beng at ngumiti. “Oo manang may asawa na ako at uuwi na sya bukas dito. Gusto kong pagsilbihan nyo sya gaya ng pagsisilbi nyo sa akin. Wag kayong gagawa ng bagay na ikaiinis nya kung hindi malalagot kayo sa akin.” Anito at tumingin sa mga kasambahay.
“O-Opo ser.” Sabay sabay na sabi naman ng mga kasambahay.
“Sige manang akyat na muna ako sa taas para maligo. Ihahatid ko pa ang asawa ko sa trabaho nya. Pag alis ko ipalinis nyo na agad ang kwarto ko.” Anang binatang amo at umakyat na ng hagdan.
Binalingan ni Manang Beng si Goryo na inabot kay Cheche ang duffel bag ng amo.
“Goryo, totoo ba yung sinasabi ni ser na may asawa na sya?” Di pa rin makapaniwalang tanong ni Manang Beng.
“Oo manang, kinasal sya kahapon kay ma’am Ivona.” Ngiting ngiti na sabi ni Goryo.
“Ma’am Ivona? Di ba sya yung kinukwento mo na deds na deds si ser?” Usisa ni Ona.
“Oo sya nga. Kaya wag kayong mag alala. Wala kayong poproblemahin kay ma’am Ivona kapag dito na sya tumira. Mabait yun at walang kaarte arte sa katawan. Bonus pa dahil babait na sa atin si ser.” Tuwang tuwang sabi ni Goryo na nakipag apiran pa sa mga kasambahay na tuwang tuwa rin.
“Eh teka nga muna. Bakit parang ang bilis naman yata? Nagpakasal na agad sila? Ni wala man lang tayong kaalam alam. Saka sabi mo hindi naman nobya ni ser Luigi yang si ma’am Ivona di ba?” Usisa pa ni Manang Beng.
Nagkibit balikat si Goryo. “Di ko rin alam manang. Basta pagpunta ko sa bahay ni ma’am Ivona kahapon dala yung pinapakuhang damit ni ser eh dumiretso na agad kami sa city hall. At doon na nga sila kinasal ni ma’am Ivona. Imbitado pa nga si Ser Kester eh. Bale kaming dalawa ang witness sa side ni ser.”
“Ibig sabihin sa mayor’s office sila kinasal tapos agad agad? Di kaya napikot si ser?” Nababaghang tanong pa ni manang Beng. Napatingin pa sa kanya ang mga kasambahay.
Mayaman ang binatang amo na suplado at maraming babaeng naghahabol dito. Kaya di malabong mangyaring napikot nga sya.
“Parang hindi naman. Wala sa hitsura ni ser ang napikot. Mas mukha pa ngang napikot si ma’am Ivona eh kung nakita nyo lang.” Sabi ni Goryo.
“Oo nga, ang lawak pa nga ng ngiti ni ser eh. Naku, excited na akong makita at makilala ang asawa ni ser. Sabi mo Goryo mabait yun ha.” Excited ng sabi ni Lucy.
“Oo nga, medyo close na nga kame ni ma’am Ivona eh.” Pagmamayabang pa ni Goryo.
“Nasaan ang amo nyo?”
Sabay sabay silang napalingon sa bagong dating. Ang sekretarya ng amo nila na si ma’am Ary na mataray ang mukhang nakatingin sa kanila.
“Nasaan si Luigi?” Mataray na tanong ni ma’am Ary na halos umabot sa hairline ang pagkakataas ng kilay.
“Ah nasa kwarto nya ma’am.” Sagot ni Manang Beng. Kahit hindi nya gusto ang sekretarya ng amo ay ginagalang pa rin nya ito.
Umirap si ma’am Ary at tumalikod na at umakyat ng hagdan. Sinundan na lang nila ito ng tingin.
“Talagang pupuntahan nya si ser sa kwarto?” Manghang sabi ni Ona.
“Kapal talaga ng mukha ni anteh feeling dito nakatira. Kapag umuwi na dito ang asawa ni ser ay hindi na sya pwedeng umakto ng ganyan. Aba’y mahiya sya may asawa na ang tao.” Komento naman ni Cheche.
“Tumahik nga kayo. Baka marinig kayo tarayan na naman kayo.” Saway ni Manang Beng sa mga ito.
“Eh nakakabanas naman kasi yung babaeng yun manang. Napaka feelinggera! Mabuti na lang hindi sya pinatulan ni ser Luigi.” Sabat ni Lucy.
“May tama ka naman dyan. Sige na! Tapusin nyo na ang almusal nyo at marami pa tayong gagawin.” Pagtataboy ni manang sa mga kasambahay.
“Ako manang pahingi ako ng kape ha. Magkakape muna ako habang wala pang utos si ser.” Ani Goryo.
“O sige sa kusina na tayo.”
“My god Luigi! I can’t believe it! Nagpapikot ka sa kung sino sinong babae lang!”
“Who told you that?”
Natigilan sila sa pagbalik sa kusina ng marinig ang mataas na boses ni ma’am Ary at ni ser Luigi. Pababa na ang mga ito ng hagdan. Bagong ligo na rin si ser Luigi at bihis na bihis.
“Nakita ko sa bar kagabi ang mga kaibigan mo at narinig ko ang usapan nila tungkol pagpapakasal mo sa kung sino sinong babae lang.” Inis na sabi ni ma’am Ary.
“Hindi sya kung sinong babae lang Ary. Ivona ang pangalan nya at asawa ko sya.”
“I don’t care! All I care is bakit hinayaan mong mapikot ka. Ano? Tinakot ka ba nila? Pinilit? Tinutukan ka ng shotgun? If you want may kilala akong attorney na kayang kaya kang tulungan sa problema mo – “
“Hindi ko kailangan ng attorney. At pinapunta kita rito para dalhin ang mga pipirmahan ko hindi para usisain ako.” Malamig na sabi ni ser Luigi at nilampasan si ma’am Ary.
Saglit namang hindi nakapagsalita si ma’am Ary na tila napahiya. “N-Nag aalala lang naman ako sayo.”
“Bakit? Mukha ba akong kawawa? I’m perfectly ok. Hindi mo kailangang mag alala. Ang alalahanin mo ay ang trabaho mo. Where’s the papers?” Malamig na tingin ang binigay ni ser Luigi kay ma’am Ary.
Hindi naman na nakapagsalita si ma’am Ary at binigay ang hawak na folder kay ser Luigi. Pero namumula ang mukha nito sa inis.
Kinuha naman ni ser Luigi ang folder at tumungo sa malawak na sala at umupo sa sofa. Naiwan namang nakatayo sa ibaba ng hagdan si ma’am Ary na masama ang mukha. Tumingin ito sa amin at sinamaan kami ng tingin sabay irap bago pinuntahan si ser Luigi.
“Buti nga, feelinggera kasi.” Bubulong bulong na sabi ni Cheche.
“Pero totoo kaya yung sinabi nya na pinikot lang daw si ser?”
“Kuh! Tama na yan baka tayo naman ang pagbuntungan. Bumalik na tayo sa kusina.” Saway ni Manang Beng sa mga kasambahay at pinagtulakan na ang mga ito pabalik sa kusina.
Ivona
“HINDI MO na ako kailangang ihatid pa. Baka mamaya may gagawin ka pa makaistorbo lang ako.” Nahihiyang sabi ko kay Luigi habang nasa byahe kami papunta sa resto.
“Wala akong ginagawa dahil breaktime naman. At saka isa pa obligasyon ko ng ihatid at sunduin ka dahil asawa na kita. Baka mamaya may masakyan kang mga loko.” Malumanay nyang sabi.
Nag init naman ang mukha ko. Lagi nyang pinagdidiinan na mag asawa na kami. Nakaramdam ako ng hiya dahil bigla nagkaroon sya ng obligasyon sa akin.
Kung tutuusin pwede naman nyang hindi gawin to. Pwedeng pwede syang tumutol sa kasal. Ang panakot ni mommy na demanda ay kayang kaya nyang lusutan dahil mayaman naman sya. Makakakuha sya ng magaling na abogado kahit ilan pa.
Bumuntong hininga ako. “Bakit pumayag ka na pakasalan ako? Dahil ba natatakot ka na idemanda ni mommy ng rape?” Tanong ko sa kanya.
Tumawa naman sya. “Hindi ako natatakot na idemanda ng mommy mo. Lalo na hindi naman totoo ang sinasabi nyang nirape kita. Wala namang pilitan na nangyari sa atin di ba? Parehas nating ginusto yun.”
Nagiinit ang mukha kong nilingon sya. Talagang pinaalala pa nya ang gabing yun. “Eh kung hindi ka pala natatakot bakit pumayag kang pakasalan ako?”
“Dahil.. tama naman ang mommy mo. Baka magbunga yung nangyari sa atin. Hindi naman imposible yun dahil wala akong proteksyon noong gabing yun.”
Bahagya akong napasimangot. Para kasing nakukulangan ako sa sagot nya.
“Pero hindi naman sigurado na mabubuntis ako. Eh pano kung after one month or two months wala naman talaga? Maghihiwalay na tayo?”
Bigla syang napalingon sa akin na nakakunot ang noo. “Anong maghihiwalay?” Parang hindi naiintidihang tanong nya.
“Ang sabi ko kapag hindi naman talaga ako nabuntis maghihiwalay na tayo?”
“Of course not!” Aniya sa medyo mataas na boses.
Napataas naman ang kilay ko.
“I mean.. mag asawa na tayo sa papel, totoong mag asawa. Mabuntis ka man o hindi magsasama pa rin tayo.” Nakangiting paliwanag nya pa.
Ngumuso ako. “Paano naman ang mga babaeng dinidate mo? Kasal na tayo ibig sabihin putol na ang pagkabinata mo.” Isa pa yun sa medyo inaalala ko.
“I don’t mind. Pero pinapangako ko sayo magiging loyal husband ako.”
Napakagat labi ako. Pilit kong tinatago ang kilig na nararamdaman ko.
“Bakit parang ok lang sayo na kinasal tayo?”
“Dahil gusto kita.” Tahasang sabi nya na ngiting ngiti pa.
Naginit na naman ang mukha ko. “G-Gusto mo ko?”
“Hindi naman ako magpapakasal sayo kung hindi kita gusto. Gaya ng hindi ka rin papayag kung hindi mo ko gusto.”
“S-Sinong may sabing gusto kita?” Nauutal kong tanong.
Lumingon sya sa akin na may malawak na ngiti. “Ikaw. Ikaw ang unang nagsabing gusto mo ko noong gabing yun.”
Nanghaba ang nguso ko at parang lumiliyab na ang mukha ko sa init.
“H-Hindi ko matandaan lasing ako nun eh.” Natatandaan ko naman talaga na sinabi ko yun. Ayoko lang aminin dahil nahihiya ako.
Ngumisi sya. “Buti pa ako natatandaan ko.”
Hindi na lang ako sumagot at tumingin na lang sa labas. Ayokong makita nya ang mukha kong parang kamatis na sa pula.
Tumawa sya. “Anyway bukas pala pwede ka ng umuwi sa bahay natin.”
“Bahay natin?”
Tumango sya at ngumiti. “Mag asawa na tayo kaya ang bahay ko ay bahay mo na rin.”
Bahagyang napaawang ang labi ko. Parang wala lang sa kanya na bahay ko na rin ang bahay nya. Lagi na lang akong nasusurpresa sa mga sinasabi nya. Siguro dapat na akong masanay.
Hindi pa ako nakakapunta sa bahay nya pero siguradong maganda yun. Nasa hitsura nya kasi na parang ayaw nya sa mga pangit na bagay. Mabuti na lang maganda ako.
Lihim akong napangiti sa sarili.
Tumikhim si Luigi.
Lumingon ako sa kanya.
“Anong iniisip mo?”
“Wala.” Nakangusong sabi ko.
Ngumiti sya. “I know shock ka pa sa biglaan pagpapakasal natin. Pero pinapangako ko sayo na hindi mo pagsisisihan na nagpakasal ka sa akin.”
Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Sya na nga ang napikot bakit parang sya pa ang naga-adjust.
.
.
.
Nakaawang ang labi ni Ava habang kinukwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa amin ni Luigi. Pagdating ko nga kanina ay inambush na nya ako ng maraming tanong. Kay Kuya Atlas daw nya nalaman na kinasal kami ni Luigi. Nahihiya nga akong ikwento sa kanya dahil baka kung anong sabihin nya. Pero nakahanda naman ang loob ko. So far wala naman syang sinasabing masama.
“So it means totoong mag asawa talaga kayo?” Tila namamanghang tanong ni Ava at hinawakan pa ang kaliwang kamay ko at sinipat sipat ang wedding ring ko.
“Oo, totoong mag asawa kami. Sa munisipyo kami kinasal kahapon.”
“Anong reaksyon ni Kuya Luigi? Anong sabi nya?” Nanlalaki ang matang tanong nya na tila excited pa.
Nagkibit balikat ako. “Wala naman. Kalmado lang sya. Doon na nga nya ako pinatitira sa bahay nya. Bukas ay doon na ako uuwi.”
“Ah..” Tumango tango si Ava. “Siguradong ngiting wagi si Kuya Luigi.” Bubulong bulong na sabi nya.
“Ha?” Kunot noong tanong ko.
“Wala. Ang sabi ko under-in mo si Kuya Luigi.” Nakangising sabi nya at binitawan na ang kamay ko sabay dampot sa softdrinks nya.
Ngumuso ako. “Naku, di ko kayang gawin yun. Sa hitsura nya mukhang hindi sya ang tipong magpapa-under.” Mabait sa akin si Luigi pero nakita ko na rin kung paano sya magalit at nakakatakot talaga.
“Try mo, I’m sure willing pa sya.” Aniya at ginalaw galaw pa ang kilay.
Sinimangutan ko sya. “Amacana nga. Kung ano anong tinuturo mo sa akin.”
Humagikgik sya. “Suggestion lang naman ang sa akin.
Napailing iling na lang ako ay dinampot na rin ang bote ng softdrinks ko at ininom. Kung ano ano pang suggestions ang sinasabi sa akin ni Ava. Parang mas excited pa nga sya sa pagsasama namin ni Luigi.
Pagkatapos ng 30 minutes break namin ay bumalik na kami sa loob ng resto.
Chapter 14
Ivona
MANGHANG MANGHA ako ng makapasok ang kotseng lulan namin sa loob ng eleganteng gate ng bahay ni Luigi. Hindi yata bahay lang na matatawag ito sa laki nito kundi mansion. Parang mansion ito ng mga hollywood celebrities na milyong milyong dolyar ang halaga.
Kanina pagpasok namin sa gate ay binati kami ng limang lalaki na mga tauhan nya na halatang ilag na ilag sa kanya.
Pagbaba ko ng kotse ay nakangangang nilibot ko ang mata sa paligid. Nakakalula ang laki ng bahay nya. White at brown ang combination ng kulay ng bahay nya. Malawak ang lawn at green na green pa ang mga damo na halatang bagong trim, siguradong masarap sa paa kapag nilakaran ito. Meron pang modern water fountain sa gitna ng lawn. May malawak na porch pa sa harap ng mansion na may mga couch. Sa bukas na malaking pandalawahang pinto ay kita ko ang sahig na marmol na nangingintab pa at nasisilip ko rin ang malaking chandelier. Siguradong mas magarbo pa sa loob ng mansion.
“Do you like our house?” Untag sa akin ni Luigi.
Nakanganga pa ring lumingon ako sa kanya. Ngumiti naman sya.
“Oo, ang ganda ng bahay mo at sobrang laki. Hindi na nga bahay to eh kundi mansion na.” Sabi ko.
Tumawa naman sya. “Mansion ito ng namayapang lolo ko na ipapamana nya sana kay daddy kaso maagang namatay kaya sa akin na nya ito pinamana. Pinarenovate ko ito kaya mukhang bago. At mula ngayon bahay mo na rin ito. You can do whatever you want here baby. You have may permission.” Sabi nya na hinapit pa ako sa bewang.
Nagiinit naman ang pisnging ngumiti na lang ako. Ramdan ko ang init ng malaki nyang kamay na nasa bewang ko.
Nakita ko si Goryo at ang isang tauhan na binababa na mula sa kotse ang dalawang maleta ko at isang bag. Hindi ko naman dinala lahat ng damit ko at gamit.
“Good morning po ma’am Ivona.” Nakangiting bati sa akin ni Goryo. Binati din ako ng isang tauhan.
“Good morning din sa inyo mga kuya.” Bati ko rin.
“Sige na Goryo, Nanding, dalhin nyo na yan sa loob.” Utos ni Luigi.
“Opo ser.” Agad namang tumalima ang dalawa at tig isa nilang binitbit ang maleta.
“Magandang umaga po ser, ma’am, nandito na pala kayo.” Nakangiting bati sa amin ng may edad na babaeng kalalabas lang na nakasuot ng scrub suit na kulay blue.
“Magandang umaga din Manang Beng. Sya nga pala, this is my lovely wife Ivona. Baby she’s Manang Beng the headservant.” Pagpapakilala sa amin ni Luigi sa babaeng may edad na.
Ngumiti ako at nilahad ang kamay kay Manang Beng. “Kamusta po manang.”
Dalawang kamay na tinanggap ni Manang Beng ang kamay ko. Malawak din ang ngiti nya.
“Ay, ayos lang ako ma’am. Tama si ser lovely nga kayo. Ang ganda ganda nyo pa mukha kayong artista.”
Natawa maman ako sa tinuran ni Manang Beng. “Salamat po Manang.”
Tumingin ako kay Luigi na nasa tabi ko at hapit pa rin ako sa bewang. Dikit din ang aming katawa. Lately napapansin ko nagiging touchy na sya sa akin at nagiging clingy na. Naiilang pa ako dahil hindi pa ako sanay. Ayoko naman syang sawayin dahil deep inside gusto ko rin naman.
“Nakapag almusal na po ba kayo? Ipaghahain ko kayo?” Alok ni Manang Beng.
Alas otso pa lang naman kasi ng umaga.
“Ah hindi na po manang, nakapag almusal na po kami sa bahay.” Sabi ko.
“Ah ganun ba, sige mamayang tanghalian na lang. Ano bang gusto nyong iluto ko para sa pananghalian?”
“Kahit ano na lang po manang, hindi naman po ako mapili sa ulam.” Sabi ko.
“Relyenong bangus manang at chopseuy na may atay ng manok at itlog ng pugo ang paborito nya.” Sagot ni Luigi.
“Ay ganun po ba, sige yun ang lulutuin ko mamaya.” Tila excited na sabi ni Manang Beng.
Napaisip ako sa sinabi ni Luigi. Paano nya kaya nalaman na yun ang paborito kong ulam? Wala naman akong natatandaan na sinabi ko sa kanya. For sure sinabi ni mommy. And speaking of mommy, namimiss ko na agad sila ni Yaya Saling. Pero sabi naman ni Luigi anytime pwede silang pumunta dito at pwede rin akong umuwi sa bahay namin paminsan minsan at dapat daw kasama sya.
Pumasok na kami sa loob ng bahay. At tama nga ako, kung magarbo sa labas mas magarbo sa loob. Agaw pansin ang grand staircase na nangingintab at sa tuktok nito ay meron pang crsytal chandelier. Sa ibaba ng grand staircase sa may gilid ay meron pang grand piano. Ang lawak din ng living room na may pa L shape na couch na magkaharapan. Nakikita ko lang ang ganitong hitsura ng loob ng malaking bahay sa social media. At sa bahay din pala ni Ava na mansion din.
Grabe iba talaga ang mayayaman. Tumitira sa malapalasyong bahay. Aaminin ko nangangarap din akong tumira sa ganitong bahay kaya nga nagsisikap ako. Pero ngayon natupad na. Dito na ako titira. Pero syempre iba pa rin ang bahay namin na iniwan ni daddy. Espesyal yun sa puso ko.
Nakaramdaman ako ng lungkot ng maisip ang bahay namin na namemeligro ng kunin ng bangko. Sana makahanap na ng paraan si mommy.
Bigla akong napaisip at tumingin kay Luigi na nagsasalita sa tabi ko habang kinukwento nya ang history ng bahay.
Humingi kaya ako ng tulong sa kanya. Siguradong maning mani lang sa kanya ang 8.5 million. Pero nakakahiya naman.
Mayamaya ay lumapit sa amin ang tatlong kasambahay na pinatawag ni Luigi kay Manang Beng para makilala ako. Lahat sila ay may malawak na ngiti at tila excited pa na makilala ako.
“Hello po ma’am, ako po si Cheche. 25 years old po. Tubong Masbate po ako at limang taon na po akong naninilbihan dito.” Pagpapakilala ng kasambahay na medyo kayumanggi ang balat at kulot ang buhok.
“Ako naman po si Ona, 30 years old. Taga Nueva Vizcaya po. Pitong taon na po akong naninilbihan dito sa mansion. Dati po akong payat at dito na rin po tumaba.” Anang malusog na kasambahay na mukhang may kadaldalan.
“Ako naman po si Lucy ma’am, 27 years old. Taga Tarlac naman po ako at limang taon na rin pong namamasukan dito.” Ngiting ngiting pagpapakilala ng babaeng may kapayatan at matangkad pero masiglan masigla naman ang awra.
“Ako naman taga Negros ma’am. 57 years old na ako at dalawampung taon ng naninilbihan sa pamilya ni ser.” Ani Manang Beng.
“Natutuwa akong makilala kayong lahat.” Nakangiting sabi ko. Mukha silang masiyahin at mababait. Si Manang Beng naman ay parang si Yaya Saling.
“Naku ma’am ang ganda ganda nyo nga! Kapag may iuutos kayo ma’am sabihin nyo lang po sa akin. Masipag po ako at talented pa. Bukod kay Manang Beng sa aming tatlo ako lang ang marunong mag luto. Magaling din po akong kumanta. Sa probinsya nga namin madalas akong magchampion sa mga baranggay singing contest.” Pagbibida ni Cheche.
“Ay ako din ma’am masipag at talented din. Bukod sa masarap akong magtimpla ng kape magaling din akong sumayaw ng chacha. Tinuruan ako ng lolo ko noong buhay pa.” Di papatalong sabi ni Lucy at nagsample pa ng step ng chacha. Iniungasan naman sya ni Cheche.
“Ako din ma’am – “
“Walang nagtatanong kung ano ang talent nyo.” Masungit na sabat ni Luigi na ikinaputol ng sasabihin sana ni Ona.
Kunot noong nilingon ko naman sya. Salubong ang kilay nya pero agad ding nagparte at umaliwalas ang mukha ng tumingin sa akin.
Tumikhim sya. “Sige Ona, anong talent mo?”
“Ah ano ser, magaling po akong maglaro ng chinese garter.” Kumakamot sa ulong sabi ni Ona.
“Anong laro yun?” Kunot noong tanong ni Luigi na tila nainis.
“Naku larong pang dukha yun ser, di po yun magegets ng mga mayayaman na tulad nyo – ay sorry po!” Biglang bawi ni Ona ng sikuhin sya ni Lucy. Nahihintakutang tumingin sila kay Luigi at yumuko.
Muli ko namang nilingon si Luigi na mariin ang pagkakalapat mga labi na tila may gustong sabibin pero pinipigilan lang ang sarili.
Parang nagegets ko na. Madalas nya sigurong sungitan ang mga kasambahay.
Ng tumingin sya sa akin ay ngumiti naman sya.
Tumikhim naman ako para kunin ang atensyon ng mga kasambahay na hindi makatingin kay Luigi. Ngumiti ako sa kanila.
“Nakakatuwa naman at may mga talent din pala kayo bukod sa masisipag kayong kasama sa bahay. Siguradong masisiyahan ako dito dahil mukha kayong masiyahin.”
“Ay pihado ma’am!” Ani Cheche.
Tumikhim si Luigi. “Baby akyat na tayo sa itaas. I’ll show you our room.” Aniya at hinawakan ang kamay ko at giniya na ako paakyat ng grand staircase
Nilingon ko naman ang mga kasambahay at tinanguan sila sabay ngiti.
Napaawang ang labi ko ng pumasok kami sa isang malaking kwarto. Gray at white naman ang combination color nito. Nakita ko ang dalawang maleta ko na nasa gilid ng gray velvet couch. Nasa ibabaw naman nito ang bag ko. Carpeted ang buong kwarto na kulay gray din. Malaki ang kama na kasya ang limang tao o higit pa. Sa ceiling ay may nakasabit na modern led chandelier na hugis parisukat.
“Ito ang kwarto ko at ngayon ay kwarto mo na rin.” Sabi ni Luigi at hinawi ang makapal na kurtina. Tumambad ang floor to celing na salamin at kitang kita ang labas pati na ang balcony.
Naginit naman ang mukha ko sa sinabi nyang kwarto ko na rin itong kwarto nya. Dahil mag asawa na kami normal lang na magsama kami sa isang kwarto at magtabi sa kama. Ibig sabihin mauulit ulit yun..
Ipinilig pilig ko ang ulo. Parang liliyab na ang mukha ko sa init.
“Are you okay?” Lumapit sa akin si Luigi.
“O-Oo.” Nauutal na sabi ko at ginala ang mata sa paligid ng kwarto.
“Sigurado ka? Namumula ang mukha mo o.” Malambing na sabi nya na titig na titig sa akin at hinaplos pa ng daliri nya ang pisngi ko.
“A-Ano.. mainit, naiinitan ako.” Nauutal na sabi ko at kunwaring pinaypay ang kamay sa mukha.
Ngumisi naman sya. “Mainit? Pero halos nakatodo na ang aircon dito sa kwarto.”
“Ah, n-nasaan pala yung banyo?” Tanong ko at luminga linga. Ayokong pagusapan ang sinabi ko kanina. Mabubuko lang ako.
Tumawa sya at tinuro ang isang pinto. Tinungo ko naman ito at binuksan sabay sarado ng pinto. Sumandal ako sa likod ng pinto sabay sapo sa kumakabog na dibdib.
Grabe talaga ang epekto nya sa akin. Para syang bagyong kayang kayang gibain ang buong sistema ko. Kung ngayon pa nga lang ay ganito na ang nararamdaman ko paano pa kaya sa mga susunod na araw. May pagkamarupok pa naman ako.
Humugot ako ng malalim na hininga at ginala ang mata sa loob ng banyo. Malaki din ang banyo at may cubicle shower pa. Ngunit napaawang ang labi ko ng makita ang bathtub na katabi lang ng cubicle shower. Nilapitan ko ito at hinipo ng kamay ang edge. Modern ang style ng bathtub. Matagal ko ng pangarap na magkaroon ng bathtub ang banyo ko sa bahay. Nakakalublob lang ako sa bathtub kapag natutulog ako sa hotel noon kapag may out of town kaming gala ni mommy. Pero ngayon mukhang mapapadalas na ang paglulublob ko dito.
.
.
.
“Here baby, ito ang cabinet mo. Dito mo na lang ilagay ang mga damit mo. Pero kung hindi magkakasya ilagay mo na lang sa cabinet ko.” Sabi nya.
Nandito kami sa closet room nya kung saan organized na nakahilera na parang mga paninda sa mall ang mga branded na damit nya, sapatos, at kung ano ano pa. Sumisigaw ng karangyaan ang closet room nya. Nakakalula at nakakapanliit. Samantalang ako ang mga dala ko lang ay mga mumurahin kong mga damit. May mga branded naman ako pero mga apat na piraso lang na damit. Pero di bale ng mumurahin basta maganda ang kalidad.
Binuksan ko na ang maleta ko at isa isang nilabas ang mga nakatuping damit ko at nilagay sa cabinet ko.
“Gusto mong tulungan na kita?” Alok nya.
“Hindi na kaya ko na to.” Tanggi ko at nginitian sya. Tinuon ko ang atensyon sa ginagawa.
Pero nagulat ako ng bigla nya akong yakapin sa likuran at pinatong ang baba sa balikat ko. Naginit naman ang mukha ko dahil damang dama ko ang init ng katawan nyang lumulukob sa akin. Tila nagwawala na rin ang puso ko sa lakas ng kabog nito.
“I’m so happy right now baby..” Anas nya.
“Luigi..” Mahinaang sambit ko sa pangalan nya at lumingon sa kanya ngunit kasabay niyon ay ang pagsakop nya sa labi ko.
Chapter 15
Ivona
INIYAKAP KO ang mga braso sa batok ni Luigi habang habang tinutugon ang mainit nyang halik. Nabitawan ko na nga ang hawak kong damit.
Isinandal nya ako sa saradong cabinet at marubrob akong hinahalikan na ginagantihan ko naman. Halos madurog na nga ang labi ko sa diin ng halik nya. Kulang na lang ay kainin nya ang labi ko. Was Ang isang kamay nya ay nasa batok ko at kinakabig para mas lalong lumalim ang halik nya sa akin. Habang ang isang kamay naman nya ay humahaplos sa likod ko.
“Hmm..” Daing ko ng bahagya nyang kagatin ang ibabang labi ko at sipsipin ito.
Parehas na kaming darang na darang sa halik na pinagsasaluhan namin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Dikit na dikit din ang aming mga katawan dahil sa higpit ng yakap nya. Ang dibdib ko nga ay nakadiin na sa katawan nya.
“Hah!” Parehas kaming habol ang hininga ng maghiwalay ang labi namin.
Titig na titig sa akin ang mapupungay nyang mata habang hinahaplos ng hinlalaki nya ang pisngi ko. Titig na titig rin ako sa kanya. Gumagala ang mata ko sa buong mukha nya. Ang gwapo talaga nya. Nakadagdag pa sa appeal nya ang mapusyaw na kulay tsokolateng mata nya na laging mapungay kung makatingin sa akin at ang balbas nyang papatubo. Kaya pinag aawayan sya ng mga babae. Pero sorry na lang sila dahil akin na sya.
Yes. Akin na sya.
Muli ay kinabig nya ang ulo ko at hinalikan ako. Hindi rin ako nagpatalo at kinabig din ang ulo nya. Pakiramdam ko gumagaling na ako sa paghalik.
Napasinghap ako ng dumako ang isang kamay nya sa puwitan ko at piniga ito sabay kabig. Naramdam ko sa bandang puson ang tila matigas na bagay. At hindi ako inosente para hindi malaman yun. Nag init ang mukha ko pati na rin ang katawan. Parang may kuryenteng dumaloy sa utak ko patungo sa puson ko.
Shit! Nahohorny na ako.
Kung saan man mauwi to ay handa na ako.
Tok! Tok! Tok!
Agad akong humiwalay ng halik kay Luigi ng makarinig ng tatlong katok. Tila ako nagising sa masarap na tulog. Tumingin ako kay Luigi. Mapupungay pa rin ang mata nya bagamat nakakunot ang noo na tila naiinis.
Akmang hahalikan nya ako ulit ngunit hinarang ko ang kamay sa mukha nya.
“M-May kumakatok.” Sabi ko. Matindi na ang init sa mukha ko.
“Hayaan mo na.” Aniya at binaba ang kamay ko. Akamang muli nya akong hahalikan pero hinarang ko ulit ang kamay.
“Mamaya na, baka importante yung kumakatok.” Sabi ko.
Bumuntong hininga sya. Muntik pa akong matawa sa hitsura nya dahil mukha syang nalugi.
“Fine. Basta mamaya ha.” Paninigurado nya na parang batang pinangakuan ng ina.
Kumagat labi ako at tumango.
Hinalikan nya muna ako sa noo bago ako binitawan at lumabas ng closet room.
Bumuga ako ng hangin at sumandal sa cabinet. Hinawakan ko ang labi kong tila nangangapal dahil sa halikan namin kanina.
Shit! Muntik na akong bumigay. Pero kung walang kumatok siguradong..
Pinilig pilig ko ang ulo. Nagiging masyado na akong murupok sa kanya.
.
.
.
Sarap na sarap ako sa relyenong bangus at chopseuy na niluto ni Manang Beng. Hindi nalalayo sa lasa ng luto ni Yaya Saling.
Tumango tango ako at nagthumps up kay Manang Beng na nakatayo sa gilid ng mahabang mesa at tila naghihintay ng hatol ko. Kasama nya ang tatlo.
“Masarap po manang.” Sabi ko.
Ngumiti si Manang Beng pati na rin ang tatlo. Pati si Luigi na kumakain din ay napapatango din.
“Salamat po ma’am, ser.” Sabi ni Manang Beng. Nagapir naman ang tatlo na mukhang katulong nya sa pagluluto.
“Kumain na ba kayo?” Tanong ko sa kanila.
“Mamaya po ma’am pagkatapos nyo.” Sagot ni Cheche.
Tumango tango naman ako at pinagpatuloy na ang pagkain. After nito ay ihahatid na ako ni Luigi sa resto.
“Baby kelan pala ang enrollment nyo?” Tanong ni Luigi.
Napahinto ako sa pagsubo. Sinabi ko naman sa kanya ang petsa ng enrollment.
“Sagot ko na ang tuition mo whole year.” Aniya.
“Naku hindi na Luigi may pang tuition na akong nakalaan.” Tanggi ko.
“Wag ka ng mahiya, asawa mo ko kaya ako na ang bahala sa lahat ng kailangan mo.” Nakangiting sabi nya.
Natouch naman ako.
“Hindi naman sa nahihiya ako. May pera ako sa bangko na iniwan ng daddy ko na nakalaan para sa pag aaral ko.” Sabi ko.
Saglit naman syang natigilan. “Ganun ba.”
Nakangiting tumango ako.
“Eh di sagot ko na lang ang baon mo.”
“Pero – “
“May ipon ka? Eh di dadagdagan ko na lang.” Putol nya sa sasabihin ko.
Hindi na lang ako sumagot at ngumuso na lang. Bahala na nga sya.
“Sya nga pala, wala ka bang pasok sa office mo?” Tanong ko naman sa kanya. Ilang araw ko na kasi syang kasama. Tinatawagan lang nya ang secretary nya at kung sino sino pa.
“Mamaya pagkahatid ko sayo didiretso ako ng FGC.”
Tumango tango na lang ako.
Malaki na sya. Alam na nya ang ginagawa nya.
Luigi
“CHEERS!” Sabay sabay naming sabi at tinaas ang mga hawak naming baso na may lamang alak at pinag pingki sabay inom.
Nandito kami sa bahay ni Kester at nagiinuman. Wala naman talaga akong balak uminom kung hindi lang sila mapilit. Pero hindi ako maglalasing dahil susunduin ko pa si Ivona sa resto.
Kung ako lang ang masusunod ayoko ng magtrabaho sya sa resto. Ngayong mag asawa na kami hindi na nya kailangan magtrabaho dahil kayang kaya ko namang ibigay ang lahat ng gusto nya kahit ano pa.
“Magkwento ka naman pare. Kaya ka nga namin inayang uminom. Langya ka, di mo man lang kami inimbitahan sa kasal mo. Muntik na kaming magtampo.” Ani Atlas na nakangisi.
Tiningnan ko silang tatlo na may mga ngisi sa labi. Wala si Jeiz at Lorenzo dahil nasa Probinsya sila ng Kalinaw. Si Jeiz ay dahil doon sya nakatira at may asawa’t anak na kaya bibihira na lang naming nakakasama. Si Lorenzo naman ay doon ngseserbisyo bilang pulis.
“Anong pang ikukwento ko eh mukhang kinuwento na sa inyo lahat ni Kester.” Sabi ko at sinamaan ng tingin si Kester na pinakatsismoso sa mga kaibigan ko. Sya ang nagkwento sa kanila.
Tinawanan lang nya ako at tinaas ang hawak na baso.
“Gusto namin marinig ang version mo.” Sabi ni Matias na walang karea-reaksyon ang mukha na parang robot.
Ngumisi ako. “Nahawa ka na pala sa pagkatsismoso ni Kester.” Sabi ko.
Sinamaan ako ng tingin ni Matias. Sa aming magkakaibigan ay sya lang ang kayang sumabay sa topak ko. Palibhasa may topak din kung minsan.
“Ano ba talaga ang totoo pare? Ikaw ba ang napikot o ikaw ang pumikot?” Nakangising tanong ni Atlas.
Hindi ko sya sinagot at nagsalin ng whiskey sa baso ko sabay inom.
“Kung ako ang tatanungin nyo mga pare, mukhang sya ang namikot. May nakita ka bang napikot na mukhang sya pa ang masaya. Si Ivona nga mukhang nalugi eh.” Ani Kester.
“Lugi naman talaga si Ivona. Fresh pa sya tapos ang napangasawa nya bilasa na.” Komento ni Matias na nagsalin ng whiskey sa baso nya.
Sinamaan ko sya ng tingin. Pasmado din talaga ang bibig nya kung minsan. Kaya mas gusto ko wag na lang syang magsalita minsan.
Nagkibit balikat lang si Matias at sinimsim ang baso nyang may lamang alak.
“Langya ka pare, alam naman naming crush mo si Ivona. Niligawan mo man lang sana kesa dinaan mo sa santong paspasan.” Sabi ni Atlas.
“At saka isa pa ang bata pa nun. Magkasing edad lang sila ni Ava diba?” Ani Kester.
“Oo parehas lang silang twenty one.”
Pabagsak na nilapag ko ang baso sa ibabaw ng counter ng minibar ni Kester.
“Hindi na bata si Ivona.” Mariing sabi ko at sinamaan sila ng tingin. Alam kong balak nila akong pikunin.
Nginisihan lang nila ako at pinagpingki nila ang mga baso nila.
.
.
.
Nakakunot ang noo ni Ivona ng pumasok na ako sa kotse.
“Bakit?” Nakangiting tanong ko habang kinakabit ang seatbelt.
“Uminom ka?” Kunot noong tanong pa rin nya.
Nanigas naman ang ngiti ko at unti unting nawala. May kaunting kaba din ako sa dibdib dahil baka magalit sya.
Tumikhim ako. “Ah kaunti lang, inaya kasi ako nila Atlas dahil mga nagtatampo, hindi ko kasi sila naimbitahan noong kasal natin.”
“Ah.” Tumango tango sya at nawala na rin ang kunot sa noo nya. “Ok lang na uminom ka, wag ka lang magpapasobra lalo na kung magmamaneho ka. Baka madisgrasya ka pa.”
Ngumiti ako. Ang sarap sa pakiramdam na concern sya sa akin. Parang may mainit na bagay na dumampi sa dibdib ko.
“Yes baby.” Sabi ko at binuhay na ang makina.
Kinuha ko ang kamay nya at pinagpulupot ang mga daliri namin habang ang isang kamay ko ay nasa manibela. Ipinatong ko ang magkahugpong naming kamay sa hita ko. Napangiti pa ako ng makita ang wedding ring na suot nya. Mumurahin lang yun dahil biglaan ang kasal namin. Ngunit espesyal naman dahil ito ang simbolo ng pagiging mag asawa namin. Pero bibili pa rin ako ng mahal na singsing para sa kanya. Yung may pinakarare na bato.
Tumingin sya sa akin at ngumiti. Medyo namumula pa ang mukha nya. Alam ko naiilang pa sya kapag ganitong touchy at clingy ako sa kanya. Pero pasasaan ba at masasanay rin sya.
Balak ko rin syang ligawan kahit mag asawa na kami. Gusto kong iparamdam sa kanya na espesyal sya sa akin. Hindi ako marunong manligaw pero susubukan ko.
“Kamusta sa resto?” Tanong ko.
“Ganun pa rin. Marami pa ring customer. Abot kaya naman kasi ang presyo at masarap pa magluto si Mang Crisanto.” Sagot nya.
Masarap naman talaga ang pagkain sa restaurant nila at affordable pa.
“Hindi ka ba napagod?”
“Medyo, pero nasasanay na ako. Yung mga binti ko lang talaga minsan nangangalay dahil halos wala kaming upuan lalo na kapag dagsa na ang customer.”
Bumuntong hininga ako. Gusto ko sanang sabihin na huminto na sya sa pagtatrabaho sa resto pero alam kong tatanggi lang sya. Mabuti na lang at hanggang bakasyon lang sya.
“Sige mamaya imamasahe ko ang mga binti mo.” Sabi ko.
Ngumuso sya. “Marunong ka?” Tila di naniniwalang tanong nya.
Ngumisi naman ako. “Madali lang naman yun di ba? Pisil pisil lang.”
Naknamputcha! Excited na tuloy akong imasahe sya.
Lalong nanghaba ang nguso nya. “Hindi ka naman pala marunong.”
“Madali lang yun. Mamaya manonood ako ng tutorial sa youtube.” Pagpipilit ko pa.
“Bahala ka.”
Ngiting ngiti naman ako. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako naexcite ng ganito.
Chapter 16
Luigi
“LUIGI IHO, mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa kita hinihintay.”
Napakunot ang noo ko ng makita sa loob ng opisina ko si Ninong Ismael. Ama sya ni Ary. Tumayo sya sa kinuupang couch at sinalubong ako ng yakap at tapik sa likod.
“Kamusta ninong? Napadalaw yata kayo.” Sabi ko at tipid na ngumiti sa kanya.
Humalakhak sya. “Bigla kasi kitang namiss iho. Halos isang taon na rin tayong hindi nagkikita.” Aniya at bumalik na sa pagkakaupo sa mahabang couch at prenteng sumandal pa at dumekwatro.
Umupo naman ako sa single couch at pinapormal ang mukha. Hindi ko inaasahan na dadalawin nya ako. At parang mabigat ang hangin dito sa loob ng opisina ko dahil sa presensya nya.
Kaibigan ng yumao kong ama si Ninong Ismael at schoolmate pa sila noong college. Ng mamatay si daddy ay naging kanang kamay sya ni lolo. Dati ay malapit ang loob ko sa kanya. Pero simula ng mamatay si lolo ay lumayo ang loob ko sa kanya. Parang nag iba na rin sya. Parang hindi sincere ang mga pinapakita nya. Gaya ngayon.
“Totoo ba ang nabalitaan ko? Nag asawa ka na daw. Aba’y bakit hindi mo naman ako naimbitahan.” Ani Ninong Ismael na may ngisi sa labi.
Malamang nalaman nya yan sa anak nya. Kaya siguro biglang dumalaw dito.
“Biglaan ho kasi at sa munisipyo lang. Hayaan nyo ho sa kasal namin sa simbahan imbitado kayo.” Sabi ko at tipid na ngumiti.
“Hindi naman siguro totoo ang sinabi ng anak ko na napikot ka raw.”
Ngumisi ako. “Hindi ko babalaking pakasalan sa simbahan ang asawa ko kung napikot ako.” Sabi ko.
Tumawa sya. Pero ang tawa nya ay parang insulto sa pandinig ko.
“Tama ka nga naman iho. At hindi ang tipo mo ang basta basta na lang napipikot.” Nakangising turan nya.
“Daddy – Oh hi Luigi! Nandito ka na pala.” Bati ni Ary na kapapasok lang ng opisina at binigay sa akin ang hawak na folder. “Nandito na ang hinihingi mong copy.” Aniya at umupo sa tabi ng daddy nya.
Tumango tango naman ako at binuksan ang folder at binasa ang nasa papel.
“Kamusta ang trabaho ng unica iha ko iho? Maayos naman ba? Hindi nya ba pinapasakit ang ulo mo?” Tanong ni Ninong Ismael.
“Daddy, ano bang akala mo sa akin bata? Maayos akong magtrabaho no.” Angal ni Ary sa daddy nya.
Tumawa naman si Ninong Ismael. “Si Luigi lang ang makakapag sabi nyan sweetie.”
“Ary is a good employee ninong. Nasusunod nya ang mga pinapagawa ko. Ang problema lang ay ang pagiging pakialamera nya sa personal kong buhay.” Tahasan kong sabi at sinarado na ang folder at binaba sa salaming coffee table.
Tumingin ako sa mag ama. Nakatingin lang din sila sa akin at bahagyang nakaawang ang mga labi. Mukhang hindi nila inasahan ang sinabi ko. Si Ninong Ismael ang unang nakabawi at tumikhim sabay ngiti.
“Well, concern lang sayo si Ary iho. Hindi ka na kasi iba sa kanya.”
“I appreciated that ninong and thanks Ary.” Sabi ko at tumingin kay Ary.
Umaliwalas naman ang mukha ng babae at ngumiti ng matamis. “You know I can do anything for you Luigi.” Malambing nyang sabi at nanlagkit ang tingin sa akin.
Ngumisi naman si Ninong Luigi na parang proud sa sinabi ng anak.
“Hindi mo na kailangan gawin yan Ary. Hindi tayo magkaano ano. Boss mo lang ako at empleyado lang kita.” Ngumiti ako at sadyang pinagdiinan ko ang salitang boss at empleyado. Baka sakaling tigilan na nya ang pangingialam sa personal kong buhay.
Gustong gusto ko na syang tanggalin sa kumpanya. Pero ayoko namang maging bastos sa alaala ni lolo na syang nagbigay ng posisyon sa kanya bilang sekratarya at assistant.
Lumaki sya sa ibang bansa at bumalik dito sa Pilipinas at binigyang trabaho ni lolo bilang secretary nya at assistant. Ng mamatay si lolo ay ako na ang pumalit sa posisyon nya at kasama na nga sa kondisyon na yun na si Ary pa rin ang secretary at assistant bilang yun din ang pakiusap ni Ninong Ismael. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagsusumiksik pa si Ary dito sa kumpanya at nagtatyaga na utos utusan ko gayung may sarili din silang kumpanya na lumalaki na ngayon.
Hindi kami close. Pero simula ng ako na ang pumalit sa posisyon ni lolo sa kumpanya ay feeling close na sya sa akin at pati personal kung buhay ay pinapakialaman na nya. Hindi ko rin gusto ang attitude nya minsan sa mga ibang empleyado. Marami na akong naririnig na reklamo sa kanya na daig ko pa daw sya kung umasta minsan. Kaya kahit maganda sya at sexy naman ay hindi ako natutuksong patulan ang pang aakit nya. Siguro kung naiba iba lang ang ugali nya. Pero hindi na rin mangyayari yun dahil may Ivona na ako.
“O-Of course! Normal lang na mangialam ako. Personal assistant mo rin ako.” Ani Ary na halata na sa boses na naiinis.
“Pero hindi kasama doon ang pakialaman mo ang personal kong buhay. Magfocus ka lang sa trabaho Ary wala tayong magiging problema. Right ninong?” Untag ko kay Ninong Ismael na matiim na ang mukha.
“O-Of course you are right iho. Don’t worry pagsasabihan ko tong si Ary.” Ani Ninong Ismael at pilit na ngumiti.
Napangisi ako.
Mag ama nga sila.
Nagtagal pa si Ninong Ismael sa opisina at nakipagkwentuhan tungkol sa kumpanya. Pinagmamalaki nya ang kumpanya nya. Ang sarili nyang kumpanya na nagsimula lang sa maliit ay biglang lumaki sa loob lamang ng halos limang taon. Pero hindi nito mauungusan ang kumpanya ko. Sinisiguro ko yan.
Third POV
PABAGSAK NA nilapag ni Ismael ang baso nya sa mahogany table at muling sinalinan ng brandy. Disappointed nyang tiningnan ang anak at umiling iling.
“Masyado ka kasing nagpakampante Aryana. Hayan! Naunahan ka ng kung sinong babae lang! Lintek!” Galit na bigkas ni Ismael at muling tinungga ang laman ng baso.
“What can I do daddy? Ang ilap sa akin ni Luigi. Ginawa ko na ang lahat. Kulang na nga lang maghubad ako sa harapan nya. Pinagsabihan na nga akong pakialamera di ba!” Inis na sambit ni Ary sabay irap. Pabagsak syang umupo sa mamahaling couch dito sa loob ng office library ng daddy nya at dumekwatro.
Sumandal naman sa leather chair nya si Ismael at napapabuntong hininga. Tiningnan nya ang anak na ubod naman ng ganda at habulin ng lalaki pero hindi nito mapaamo ang lalaking mahilig din sa babae.
“Hindi pwedeng mapunta sa ibang babae si Luis Gregory Federova anak. Sya ang pinakamalaking alas natin para mas lalo pang lumaki at makilala ang kumpanya natin. Kailangan magisa ang kumpanya natin at ang FGC.”
“I know daddy. At hindi rin naman ako sumusuko. Napikot lang sya ng asawa nya at kayang kaya ko syang mapasaakin. Kailangan ko lang i-level up ang pang aakit ko sa kanya.” Nakangising sabi ni Ary. Noon pa man ay gusto na nya ang binata. Nasa Amerika pa lang sya at nag aaral ay madalas na nyang nakikita ito na kasama sa mga pictures ng daddy nya sa social media. At simula noon ay nahulog na sya sa binata. Tinatak na nya sa utak nya at isinapuso na magiging asawa nya ang binata.
Tumango tango si Ismael at ngumisi. Gusto nya ang determinasyon na nakikita sa anak.
“Kamusta ang pakikipag deal nyo sa AGGC?”
Tumingin si Ary sa ama at ngumisi. “Sinusunod ko ang lahat ng bilin mo daddy. I’m sure irereject na nila ang proposal ng FGC at mas pipiliin na nila ang proposal ng kumpanya natin.”
Tumango tango si Ismael sinimsim ang alak sa baso. “Basta mag iingat ka lang anak. Matalino at tuso si Luigi. Malilintikan tayo kapag nalaman nyang sinusulot natin ang AGGC.” Ang AGGC ay isa sa pinakamalaking group of companies sa bansa at isa sa kliyenye ng FGC. Kaya malaking bagay sa kumpanya nila kung makukuha nila ito.
“Yes daddy. Magtiwala ka lang sa akin.”
“I trust you iha.”
Sabay na tumawa ang mag ama. Tawa ng nalalapit nilang matamis na tagumpay.
Federova Mansion
8: 30 am
“MANANG, SI Luigi po nakita nyo?” Tanong ni Ivona sa mabait na mayordoma pagpasok nya sa kusina. Naabutan nyang abala ang mga ito sa mga gawain sa kusina.
Hinahanap nya si Luigi dahil gusto nyang magpaalam na pumunta sa bahay nila saglit dahil namimiss na nya ang mommy nya at si Yaya Saling. Bagamat madalas silang magtawagan ay iba pa rin na personal nyang nakakausap at nakakasama ang mga ito. Isang linggo na rin nyang hindi nakikita ang mga ito simula ng lumipat sya sa bahay ni Luigi.
“Ay nasa library ma’am. Ito nga at nagpapatimpla sya ng kape kay Lucy.” Nakangiting sagot ni Manang Beng.
Humarap naman si Lucy sa magandang amo at ngumiti. Hinahanda na nya ang paggawa ng kape ng amo.
“Ah pwedeng ako na lang ang magtitimpla?” Presinta ni Ivona. Gusto nyang ipagtimpla ng kape si Luigi. Kahit sa simpleng paraan man lang ay masuklian nya ang kabutihan ng asawa sa kanya.
Napatingin ang lahat ng kasambahay kay Ivona.
“Sigurado po kayo ma’am?” Tanong ni Lucy.
“Oo naman! Gusto ko syang ipagtimpla ng kape.” Nakangiting sabi ni Ivona.
Tumingin naman si Lucy sa mga kasamahan nya at kay Manang Beng. Tumango naman si Manang Beng sa kanya.
“O sige po ma’am, kayo na po dito.” Sabi ni Lucy at binigyan ng espasyo sa counter ang magandang amo.
Hindi naman nagaksaya ng panahon si Ivona at hinaharap na ang pagtitimpla ng kape. Marunong naman syang gumamit ng coffee maker dahil meron din sila dati nito.
.
.
.
“Ser, heto na po ang kape nyo.” Sabi ni Lucy sa harap ng pinto ng kape at sinabayan pa ng tatlong katok.
“Come in.” Anang malaking boses ni Luigi sa loob ng library habang nakakunot noong subsob pa rin sa mga papeles na nasa mesa nya.
Pinihit naman ni Lucy ang doorknob at maingay na pumasok habang hawak ang saucer plate na may nakapatong na tasa ng mainit na kape. Kinabahan sya ng makitang nakakunot ang masungit na amo. Naisip isip nya na sana si ma’am Ivona na lang ang naghatid ng kape.
Lumapit si Lucy sa mesa. Minuwestra naman ni Luigi ang kamay sa ibabaw ng mesa.
Maingat na pinatong ni Lucy ang kape at tumayo ng tuwid sa harap ng mesa. Hindi pa sya pwedeng lumabas hangga’t hindi sinasabi ng amo.
Kinuha naman ni Luigi ang tasa at hinigop ang kape. Pero muntik na syang mapamura ng hindi nya magustuhan ang lasa.
“Pwe! Bakit iba na naman ang lasa ng kapeng tinimpla mo!” Pabagsak na nilapag ni Luigi sa saucer ang tasa ng kape. Bahagyang natapon pa nga ito. Mabuti na lang ay malayo sa mga papeles. Tiningnan nya ng matalim ang kasambahay. “Ilang taon ka ng nagtitimpla ng kape pumapalpak ka pa rin.”
Napapitlag naman si Lucy sa dumadagundong na malakas na boses at nahintakutang hindi makatingin ng diretso sa masungit na amo. “E-Eh ser, hindi po ako nagtimpla ng kape nyo. Si ma’am Ivona po.” Natatarantang sabi ni Lucy at yumuko.
Natigilan naman si Luigi at parang biglang naglaho ang inis sa mukha nya. “Si Ivona ang nagtimpla ng kape ko?” Di makapaniwalang tanong nya sa kasambahay.
“O-Opo ser, nagpresinta po sya kanina ng makitang magtitimpla ako ng kape nyo.” Kinakabahan pa ring sabi ni Lucy.
“Ganun ba. Bakit hindi mo sinabi agad?” Inis pa ring sikalmat ni Luigi at muling dinampot ang kape na medyo nabawasan pa dahil natapon. Sayang lang. Muli nyang hinigop ang kape at ninamnam ang lasa habang naiimagine nya si Ivona na nagtitimpla ng kape nya. Tumango tango sya. Hindi naman talaga masama ang lasa. Masarap pala ang matamis na kape.
Napanganga si Lucy ng makita ang ginagawa ng amo. Hinigop uli nito ang kape at tila sarap na sarap pa. Samantalang kanina ay halos murahin na sya.
“Ser?” Untag ni Lucy sa amo.
Tumingin si Luigi sa kasambahay na naghihintay. “Sige na Lucy pwede ka ng lumabas. At sabihin mo kay ma’am Ivona mo na puntahan ako dito sa library.” Utos nya at muling hinigop ang kape.
Tumango tango naman si Lucy pero hindi pa umalis sa harap ng mesa.
Kumunot ang noo ni Luigi. “Ano pang tinatayo tayo mo dyan?”
“Eh ser, yung kape nyo po papalitan ko na lang po.”
“Sinabi ko ba? Iwan mo na sa akin tong kape at uubusin ko pa. Sige na lumabas ka na.” Masungit na sabi ni Luigi.
“O-Opo lalabas na po.” Tumalikod na si Lucy at halos takbuhin ang pinto para makalabas. Hindi talaga nya matagalan kaharap ang masungit na amo. Mabuti nga ay gumanda ang mood ng malamang si ma’am Ivona ang nagtimpla ng kape. Iba talaga ang karisma ni maam.
Paglabas ni Lucy sa pasilyo ay nakita nya si ma’am Ivona na nasa sala at prenteng nakaupo sa couch at nagsecellphone. Nilapitan nya ito.
“Ma’am Ivo, pinapapunta po kayo ni ser sa library.”
Nag angat ng mukha si Ivona kay Lucy at ngumiti. “Ok.” Tumayo na sya at nag excuse kay Lucy at tinungo na ang library kung nasaan ang asawa.
Dali dali namang pumunta si Lucy sa kusina para ibalita sa mga kasamahan ang nangyari sa library.
Chapter 17
Ivona
NAPAAWANG ANG labi ko ng mabasa ang mga papel na binigay sa akin ni mommy na galing sa bangko. Bayad na raw ang utang namin na 8.5 million pesos. Nasa amin na rin ang titulo ng bahay at lupa.
Tumingin ako kay mommy na nasa tabi ko at ngiting ngiti.
“Paano nangyari to mommy? Saan po kayo kumuha ng pera? Wag nyong sabihing nangutang na naman kayo?” Sunod sunod kong tanong.
“Ano ka ba anak? Syempre hindi no. Ang asawa mo ang may gawa nyan. Binayaran nya ang lahat ng utang natin sa bangko. Kaya wala na tayong poproblemahin pa. Atin na atin na ang bahay na ito.” Masayang sabi ni mommy.
“Si Luigi po? Binayaran nya ang utang natin sa bangko?” Di makapaniwalang tanong ko.
“Oo nga! Si Luigi nga! Sino pa ba ang asawa mo.”
Napakurap kurap ako. “Pero mommy, paano nabayaran ni Luigi? I mean paano nya nalaman ang utang natin? At kelan nya binayaran?”
“Ganito kasi yun anak, last week nagpunta sya dito sa bahay para kamustahin kami ni Saling. Nagdala pa nga sya ng mga pagkain. Eh nakita nya hawak hawak ko yung mga papel galing sa bangko at mukha akong problemado. Hayun, inusisa ako ng asawa mo. Sinabi ko naman ang totoong problema. Tapos sabi nya sya na daw ang bahala at wag na raw tayong mamroblema. Tapos nagulat ako noong nakaraang araw tumawag ang bangko. Bayad na nga raw ang lahat ng utang natin at binalik na ang titulo sa atin.” Kinikilig na kwento ni mommy.
Nakangangang tinitigan ko ulit ang papel. Hindi ko inaasahan na gagawin yun ni Luigi. Pero naiisip ko rin naman na humingi ng tulong sa kanya. Yun pala naunahan na nya ako at ni hindi man lang nya sinabi sa akin.
My god! Napakalaking tulong nitong ginawa nya sa amin.
Napakagat labi ako at naluha. Pero pinipigilan kong pumatak ang luha. Mamaya kakausapin ko si Luigi.
“Kuh! Hindi talaga ako nagkamali na ipakasal ka sa kanya anak. Para tayong nakajackpot sa kanya.”
“Mommy!” Bulalas ko. Hindi ko kasi nagustuhan ang sinabi nya. Kung may ibang tao lang na nakakarinig sa sinabi nya ay malamang mamisinterpret.
Ayokong isipin ng kahit sinoman na pinikot ko si Luigi dahil mayaman sya.
“Aba’y totoo naman! Para tayong nakajackpot sa kanya anak. Eh kahit nga sa lotto suntok sa buwan na manalo tayo para mabayaran ang utang sa bangko. Pero ngayon, para tayong nanalo sa lotto.”
Bumuntong hininga ako. “Kakausapin ko si Luigi. Sasabihin ko na babayaran natin sya kahit paunti unti lang. Di ko lang alam kung kelan matatapos.” 8.5 million din yun.
Napakalaking halaga. Siguradong taon taon ang aabutin para mabayaran yun. Ang importante mabayaran sya. Isang taon na lang naman gagraduate na ako. Maghahanap ako ng magandang trabaho.
“Anong babayaran? Tulong nya sa atin yun anak.” Sabi ni mommy.
“Pero mommy nakakahiya, napakalaking halaga ng 8.5 million pesos Kailangan natin syang bayaran kahit paunti unti.” Giit ko.
“Gaga! Bakit ka mahihiya? Asawa mo na sya. Resposibilidad ka na nya. Lalo na kapag nabuntis ka.” Sikmat sa akin ni mommy.
Napakagat labi naman ako. Di pa naman sure kung buntis ako. Wala pa namang isang buwan mula ng may mangyari sa amin ni Luigi. At hindi na nasundan yun bagama’t madalas kaming magmakeout. Pero hindi pa namin nauulit yun. Gusto ko kasing makasiguro muna.
Maya maya at dumating na si Luigi para sunduin ako. Nagpaalam na ako kay mommy at kay Yaya Saling na nasa labas ng bahay at nagsasampay.
Panay ang sulyap ko kay Luigi habang nasa byahe na kami pauwi sa bahay nya. Maaga syang umalis kanina dahil may aasikasuhin daw. Kaya isa sa mga tauhan nya ang naghatid sa akin kanila mommy tapos tumawag sya kanina na sya ang magsusundo sa akin sa bahay.
Sinilip ko ang oras sa suot kong relo. Alas diez pasado na pala ng umaga. Mahigit dalawang oras din pala akong tumambay sa bahay.
Muli kong sinulyapan si Luigi na prenteng nakaupo sa driver seat at smooth na nagmamaneho habang hawak ng isa nyang kamay ang kamay ko. Maaliwalas ang awra ng mukha nya. Well, lagi naman kapag magkasama kami. Pinasadahan ko ng tingin ang suot nya. Naka casual lang sya na gaya ng lagi nyang suot. Jeans at v-neck shirt na pinatungan nya ng dinner jacket. Ang lakas ng dating nya at para syang modelo sa ganyang attire. Pero minsan nagbubusiness suit din sya. Siguro kapag may importanteng meeting na dadaluhan o mga event. At gustong gusto ko kapag ganun ang suot nya. Ang powerful nyang tingnan. Ang sarap nyang kuhanan ng picture at ipost sa IG.
“Gwapong gwapo ka na naman sa akin.” Nakangiting untag nya sa akin. Nakatingin sya sa akin sa rear view mirror.
Nag init ang mukha ko at napanguso dahil huling huli nya akong titig na titig sa kanya. Pero hindi ko naman kinontra ang sinabi nya dahil totoo naman. Nagiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
Tumawa naman sya at naramdaman kong tinaas nya ang kamay ko at hinalik halikan. Napakagat labi naman ako sa kilig. Apektadong apektado talaga ako kapag ganito sya ka sweet.
Ay teka, may kailangan pala akong sabihin sa kanya. Mamaya na ang kilig.
Tumikhim ako. “Sya nga pala, sinabi sa akin ni mommy na binayaran mo daw ang utang namin sa bangko.” Sabi ko.
Lumingon sya sa akin at ngumiti. “And?” Parang hindi man lang nagulat na nalaman ko.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Tanong ko.
“Uhm, nakalimutan ko baby.” Nakangiwing sabi nya.
Umingos ako at umirap sa kanya.
Tumikhim sya. “Galit ka ba dahil hindi ko agad sinabi?” Nag aalangang tanong nya.
Bumuntong hininga ako. “Hindi ako galit, n-nahihiya lang ako sayo.” Sabi ko at sumulyap sa kanya.
Ngumiti ulit sya. “Bakit ka naman nahihiya?” Tanong nya at pinisil pisil ang kamay ko.
“Syempre, hindi birong halaga ang 8.5 million pesos. Tapos parang wala lang sayo na bayaran yun. Maraming salamat Luigi. Pero wag kang mag alala. Kapag nakagraduate na ako at nagkatrabaho na babayaran kita pero installment.” Sabi ko.
Saglit syang tumitig sa akin at tumawa.
Napasimangot naman ako kasabay ng pagiinit ng mukha ko.
“What are you talking about baby? No way in hell na pagbabayarin kita. Tulong ko yun sa’yo. Sinabi sa akin ni mommy na importante sayo ang bahay nyo dahil iniwan yun sayo ng daddy mo. Gusto ko ngang magtampo dahil hindi mo sinabi sa akin ang problema mo na yun. Asawa mo ko. Kasalo mo ako sa lahat. Kaya kung may problema ka gusto ko ako ang unang makakaalam hm?” Aniya at dinala ang kamay ko sa labi nya at pinupog ito ng halik.
Napakagat labi ako. Parang may mainit na kamay ang humaplos sa dibdib ko sa sinabi nya. Sa mga ginagawa nya ay lalo akong nahuhulog sa kanya.
Parang sobrang swerte ko naman na sya ang napangasawa ko.
Bago kami umuwi ng bahay ay dumaan muna kami sa isang restaurant na puro pinoy food ang nasa menu. Marami rami na rin ang kumakain dahil malapit na ang lunch.
Ako na ang pinapili nya ng oorderin namin sa menu. Tinatanong ko sya kung ano ang gusto nya pero lagi nyang sinasabi na ako na daw ang bahala. Kakainin naman daw nya kahit ano pang pagkain ang orderin ko.
Pinapakilig na naman nya ako. Pakainin ko sya ng isaw ng manok dyan eh.
Tinawag na nya ang waiter at binigay ko naman ang order namin.
Magana kaming kumakain at sarap na sarap sa mga pagkain. Sa maraming beses na nagkakasalo kami sa pagkain ay napapansin kong malakas syang kumain. Kunsabagay malaki syang tao.
“Luigi?”
Napahinto ako sa pagnguya ng marinig ang isang boses ng babae. Maging si Luigi ay napahinto rin sa pagnguya at nilingon ang tumawag sa pangalan nya. Nilingon ko rin ito.
Isang matangkad at maputing babae na mukhang modelo. Maganda sya at may pagkachinita. Matamis ang ngiti nya sa labi habang titig na titig kay Luigi. Parang hindi nya ako nakikita. Maiksi ang suot nyang fitted dress na mababa ang neckline na ok lang naman dahil halos wala namang makikita sa dibdib nya.
“Myra.” Sambit ni Luigi sa pangalan ng babae.
Bahagya akong napasimangot at parang sumama ang lasa ng kinakain ko. Hindi ko gusto na may sinasambit syang ibang pangalan ng babae. Parang nawalan tuloy ako ng ganang kumain.
“Sabi ko na nga ba ikaw ang nakita ko. Oh, may kasama ka pala. New girl?” Ani Myra na parang noon lang ako nakita. Bahagya pang nakataas ang sulok ng labi nya at tiningnan ako ng nang uuyam.
Tinaasan ko naman sya ng kilay. I’m sure isa sya sa mga dinate ni Luigi.
“Yeah, she’s my wife.” Sabi ni Luigi.
Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakangiti sya sa akin at hinawakan ang kaliwa kong kamay na nasa ibabaw ng lamesa.
“M-May asawa ka na?” Di makapaniwalang tanong ni Myra na naglaho ang ngiti sa labi. Nagpalipat lipat ang tingin nya sa amin ni Luigi at sa mga kamay naming magkapatong sa ibabaw ng lamesa.
“Yeah, so if you’ll excuse me kumakain pa kami ng asawa ko.” Malamig na sabi ni Luigi kay Myra at binigyan din ito ng malamig ng tingin.
“Ugh whatever!” Inis na sabi ng babae sabay walk out at tumungo sa isang mesa na may nakaupong dalawang babae na mukha ring mga modelo.
Lihim naman akong nagbunyi dahil hindi nya in-entertain ang babae.
Tumikhim si Luigi. “I’m sorry about that baby. Kain na tayo.” Sabi nya at nagresume na kami sa pagkain.
Sumubo ako ng pagkain. “Sino yun?” Tanong ko sa kanya sa pagitan ng pagnguya.
“Ah kakilala lang.”
“Dati mo ring dinate?”
Natigilan sya at tumingin sa akin. Nakaguhit sa kanyang mata ang pagaalinlangan na sumagot.
“Dati mong dinate no? Wag mo ng ikaila.” Sabi ko at kunwaring umirap.
Bumagsak ang balikat nya. “Well.. yeah. Pero isang beses lang kaming nagdate, simpleng date lang at hindi na naulit.”
Ngumuso ako. “Dapat lang. At dapat ako na lang ang idi-date mo.” Nag init ang mukha ko pagkasabi ko nun. Di ko nga alam kung saan ako kumuha ng guts para sabihin sa kanya iyon.
Ngumiti sya na halos abot tenga. “Of course baby, wala na akong ibang babaeng gustong i-date kundi ang asawa ko lang.”
Pinigil ko ang mangiti at dinaan na lang sa pagnguya. Parang lalo akong ginanahang kumain dahil sa sinabi nya.
.
.
.
“Hmm Luigi nakikiliti na ako.” Humahagikgik ng sabi ko habang pinapapak nya ng halik ang leeg ko. Kumikiskis kasi ang papatubo nyang balbas at bigote sa balat ko.
“Hindi pa ako tapos baby.” Malambing na sabi nya sa magaspang na boses at mas lalo pang pinapak ng halik ang leeg ko. Pinipigilan ko sya kapag dumidiin na ang halik nya dahil baka mag marka.
Kakaligo ko lang dahil papasok na ako sa resto. Pero bago pa ako makabihis ay ganito ang seremonya namin. Nakatapis lang ako ng tuwalya at nakakandong sa kanya.
Natuyo na nga ang kaunting basa sa katawan ko dahil sa halik nya. Pati ang balikat, braso at kamay ko ay hindi rin nya pinalampas. Kulang na nga lang pati ang mga paa’t binti ko halikan nya.
Nag angat sya ng mukha at sumubsob sa ibabaw ng dibdib ko at hinalik halikan din ito. Napakagat labi na lang ako.
“Fuck baby.. sabik na sabik na ako sayo.” Anas nya na bakas sa boses ang tila paghihirap.
Napakagat labi ako. Alam kong gusto na nyang gawin na ulit namin yun. Ebidensya ang matigas na bagay na nauupuan ko sa kandungan nya.
“Pwede bang.. maghintay ka pa?” Gusto ko rin naman na gawin na yun. Pero gusto ko munang makasigurado.
Bumuntong hininga sya. “I understand baby, handa naman akong maghintay.” Aniya at ngumiti. Mapupungay ang mga mata nyang nakatingin sa akin.
Hinawakan ko ang mukha nya at ako na mismo ang humalik sa kanya.
Luigi
PANAY ANG hugot ko ng malalim na hininga habang nakapamewang at nakatingin sa pinto ng closet room kung nasaan si Ivona at nagbibihis na. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at init na init ang pakiramdam ko. Masakit din ang puson ko at masikip na masikip ang pantalon ko.
Pumikit ako ng mariin at muling humugot ng malalim na hininga. Sabik na sabik na ako sa kanya at gusto ko na syang maangkin ulit. Pero ayoko namang syang pilitin dahil baka magalit sya at nirerespeto ko sya. Ang importante may katugon ang nararamdaman ko sa kanya.
Kung ako ang masusunod ayoko muna syang mabuntis. Ayoko munang magkaanak kami. Hindi pa ako handang may kaagaw sa atensyon nya. Gusto ko akin muna ang lahat ng atensyon nya.
“Gosh! 12:45 na pala male-late na ako.” Bulalas ni Ivona paglabas nya ng closet room at nakabihis na ng uniporme nya sa resto.
Tumingin sya sa akin at sumimangot. “Kasalanan mo kapag na-late ako.” Paninisi nya sa akin at tinungo na ang vanity mirror nya at sinaksak ang blower.
Ngumisi naman ako. Kung makasisi sya sa akin parang ako lang ang may kasalanan.
Lumapit ako sa kanya at kinuha sa kamay nya ang blower at tinapat sa basa nyang buhok. Dati hindi sumagi sa isip ko na gagawin ko ito sa babae. Pero ngayon heto ako handang gawin ang lahat para sa babeng ito.
Hello guys! My erotic story Lara on Dreame ay ongoing po. Completed na sya dati dito kay watty bago nareport then nilipat ko po kay Dreame para mas safe. Pumasok po sya sa ranking tapos inalok ako ng contract ginrab ko na dahil hindi na ganun kadali makakuha ng contract kay Dreame kaya nakalock na po sya ngayon. Dudugtungan ko pa po ang story ni Lara and Jarred. Sana po ay suportahan nyo ang story nila para makapasok po sa ranking. Malaking bagay na po yun sa akin dahil ang makukuha ko pong benefits doon ay gagamitin ko po pampa laboratory ng tatay ko na isang 73 years old senior citizen at marami ng karamdaman. Sana suportahan nyo po. Thank you in advance na agad sa inyo mga bhe 🙏♥️
Chapter 18
three months later..
Luigi
NAPANGISI AKO ng masukol na namin ng tauhan ko ang taong kanina pa namin hinahabol. Wala na syang takas ngayon dahil napalibutan na ng tatlong sasakyan namin ang suv nya. Nagsibabaan na ang mga tauhan ko at nilapitan ang suv. Bumaba na rin kami ni Goryo.
Mabuti na lang ay nandito kami sa kalsadang medyo liblib at kaunti lang ang mga sasakyang dumadaan. Kanina ko pa sya pinasusundan sa mga tauhan mula ng lumabas sya sa opisina nya. Nakaramdan sya na sinusundan at balak pa yata kaming iligaw at dito sya dumaan.
Napangisi ako ng makita ang mukha ni Robert Guevara na namumutla at bakas ang takot. Dapat lang talaga syang matakot dahil hindi na ako natutuwa sa kanya.
Ilang araw na syang tinatawagan ng mga tauhan ko pero puro secretary lang nya ang sumasagot at lagi syang wala. Gusto pa yata nya ako pa mismo ang personal na kumausap sa kanya. Pwes pagbibigyan ko sya.
“M-Mr. Federova.” Nauutal na sambit ni Robert na namamawis na at napapalunok pa. In-adjust pa nga nya ang necktie.
“Robert Guevara, long time no see. Ang sabi ng sekretarya mo nasa Cebu ka daw.” Nakangising sabi ko at dinukot ang kaha ng sigarilyo sa loob ng coat at humugot ng isang stick. Lumapit naman si Goryo at sinindihan ang sigarilyo ko. Hinithit ko ito at binuga ang usok sa ere.
Tumawa si Robert. Pero halatang ninenerbyos sya.
“Ah o-oo, nagpunta ako sa Cebu. K-Kakauwi ko lang.”
Napataas ang kilay ko. Obvious namang lumulusot lang sya.
“Ang bilis mo namang makauwi. 15 minutes nandito ka na agad sa Manila? Ako ka nagteleport?” Nang uuyam na sabi ko.
Ngali ngaling umbagan ko na sya sa bwisit sa kanya. Huling huli na nagpapalusot pa.
Nawala naman ang ngiti nya at lalong namutla.
“Katatawag ko lang kanina sa sekretarya mo at sabi nga nya nasa Cebu ka daw.”
“H-Hindi ko pa kasi natatawagan ang sekretarya ko para sabihing nakauwi na ako. Heto nga at papunta na ako sa office mo.” Ninenerbyos pa ring palusot nya.
Matalim ko syang tiningnan. Natigilan naman sya at bahagyang napayuko.
“Wala akong oras pakinggan ang mga palusot mo Robert. Sabihin mo na lang kung magbabayad ka o ipapakukulong kita. O baka naman gusto mong.. sa ibang paraan natin ito daanin?”
Lumunok sya at nanlalaki ang matang tumingin sa nakabukol na baril sa tagiliran ko. Nahihintakutang umiling iling sya.
“H-Hindi mo ko pwedeng pagbantaan ng ganito Federova. May batas tayo – “
“So gusto mong makulong na lang?”
“Hindi. B-Bigyan mo ko ng palugit Federova. Pangako, babayaran kita ng buo.”
“Ilang beses ko ng naririnig yan Robert. Sobra sobra na ang palugit na binigay sayo ng mga tauhan ko. At habang tumatagal na hindi ka nakakabayad lalong lumalaki ang utang mo.” Hinithit ko ang sigarilyo at binuga habang matalim pa rin ang tingin sa kanya.
Umabot na sa 300 million pesos ang utang nya sa kumpanya ko at hindi ko na hahayaang lumaki pa yun hanggang sa hindi na nya mabayaran.
Sinenyasan ko ang dalawa kong tauhan na si Waldo at Emon. Agad nilang nilapitan si Robert at hinawakan sa magkabilang balikat at braso.
“W-Wag! Pakiusap Mr. Federova, wag nyo kong sasaktan. M-Magbabayad na ako.” Takot na takot na sabi nya at nanginginig pa.
Napangisi naman ako. Magbabayad naman pala. Gusto pala tinatakot pa.
Napagkasunduan naming sa opisina na nya mag usap. Nagsipagbalikan na kami sa sasakyan. Pero para makasiguro na hindi nya kami tatakasan ay sumakay sa suv nya ang dalawa kong tauhan.
Ivona
SINUKBIT KO na sa balikat ko ang shoulder bag pagkatapos kong isuot ang itim kong sapatos na may 1 inches ang takong. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na ng hagdan. Nauna ng bumaba sa akin si Luigi dahil may tumawag sa kanya.
Naabutan ko sa sala si Ona at ang isang bagong kasambahay na si Dina. Nagbavacuum si Ona at si Dina naman ay pinupanasan ang couch. Binati nila akong dalawa ng makita ako. Binati ko rin sila.
Sa ilang buwan na paninirahan ko dito sa bahay ni Luigi ay kasundo ko na ang mga kasambahay at mga tauhan nya.
Luminga linga ako. “Si Luigi Ate Ona nakita nyo ba?” Tanong ko.
“Ay, nasa lanai ma’am. Puntahan ko po para sabihin na bumaba na kayo.”
“Ako na lang Ate Ona.” Sabi ko at nagexcuse na sa kanila at tumungo na sa lanai.
Naabutan ko si Luigi na may kausap pa rin sa phone habang nakapamewang ang isang kamay. Nakasuot sya ngayon ng black trouser at puting long sleeve button down na nakatuck in. Gustong gusto ko talaga kapag ganito ang suot nya. Mas lalong malakas ang dating nya. Ang sabi nya may meeting daw sya na dadaluhan.
Nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya ako mapapansin. Parang importante naman yata ang paguusap nila.
Lumabas ako sa french door at lumapit pa sa kanya.
“Babe.” Untag ko sa kanya.
Nakakunot ang noo nya ng lumingon. Pero agad ding umaliwalas ang mukha nya at ngumiti ng makita ako.
“Yes pare, ikaw na ang bahala. Yeah sure. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan pa. I have to go now nandito na ang asawa ko. Bye.” Paalam nya sa kausap at binaba na ang ang phone.
Napangiti ako.
Lumapit sya sa akin at nangingiti habang mapupungay ang mga matang titig na titig sa akin. Hinapit nya ako sa bewang at hinalikan ako sa gilid ng ulo.
“Tara na, maaga ang prof namin ngayon at baka malate ka na rin sa meeting mo.” Sabi ko sa kanya.
Magkahawak na ang kamay naming lumabas ng bahay. Sinalubong kami ni Kuya Goryo at Kuya Nanding. Pinagbuksan nila kami ng kotse. Sa likod kami sumakay ni Luigi.
“Later baby hindi kita masusundo dahil baka gabihin ako sa convention. Si Nanding na lang ang susundo sayo.” Paalam nya at pinisil ang kamay ko.
“Ayos lang babe, walang problema.” Sabi ko at ngumiti sa kanya.
Abot tenga naman syang ngumiti. “I like it when you call me babe.”
Naginit ang pisngi ko. “M-Mabuti naman.”
Naisip ko rin kasing tawagin syang babe dahil tinatawag nya akong baby. At saka maganda nga yun para malaman ng iba na taken na sya, na may asawa na. Minsan kasi kapag lumalabas kami ay may mga babaeng lumalapit sa kanya at nagpapacute.
Tumawa sya at pinupog ako ng halik sa sentido. “Mamimiss kita buong araw.” Malambing na anas nya.
Ngumuso ako at tumingala sa kanya. “Magkikita pa naman tayo mamayang gabi.” Ganyan naman sya. Araw araw akong namimiss. Minsan kahit buong araw kami magkasama namimiss pa rin daw nya ako. Nag aalala lang ako baka mamaya nyan magsawa na sya sa pagmumukha ko.
Umusli ang labi nya. “Yeah, pero kung ako lang ang masusunod gusto ko lagi kitang kasama at nakikita.”
Dinaan ko na lang sa irap ang kilig na nararamdaman. “Hmph.. baka mamaya manawa ka na sa mukha ko.” Sabi ko.
Ngumisi sya. “That won’t happen baby.” Aniya at sa leeg naman ako hinalikan.
Nag init naman ang mukha ko at bahagyang umiwas sa kanya. “Ano ka ba? May mga kasama kaya tayo.” Pabulong na saway ko sa kanya at sinulyapan si Kuya Goryo at Kuya Nanding na nasa unahan at tutok ang mga mata sa kalsada.
Ngumisi naman si Luigi at inakbayan na lang ako.
Wala pang sampung minuto ay nasa loob na kami ng university. Nakita ko na nga si Ava na nakaupo sa ilalim ng puno na may bench at may kausap sa phone. May mga estudyanteng patingin tingin pa sa kotseng lulan namin.
Lumabas si Kuya Nanding para pagbuksan ako ng pinto.
“Take care baby, see you later.” Malambing na paalam ni Luigi at kinintalan ako ng halik sa labi.
“Ikaw din po.” Sabi ko at lumabas na ng kotse.
Binaba ni Luigi ang salamin pero ang mukha nya ay seryosong seryoso at tila nakasimangot pa. Bakit na naman kaya?
“Miss na kita agad baby.” Nakalabing sabi nya.
Kinagat ko ang labi. “Kababa ko pa lang po ng kotse. Sige na umalis na kayo baka malate ka pa.” Pagtataboy ko sa kanila.
Bumuntong hininga naman sya. “Susunduin ka ni Nanding mamaya ok. See you later.” Aniya sabay flying kiss pa.
Tumango na lang ako at ngumiti.
Hinintay ko munang makalabas sila ng compound bago ako lumapit sa kinaroroonan ni Ava na busy pa rin sa kausap pero ng makita nya ako ay kumaway sya.
Magdadalawang buwan na kaming balik school. Medyo namimiss ko na nga ang resto at sila Ruby, Miriam at Jolene. Gaya namin ni Ava ay balik school na rin sila bagama’t nagkakausap pa rin naman kami sa social media.
Nakasimangot na binaba ni Ava ang cellphone nya.
“O nakasimangot ka naman dyan?” Nakangising sabi ko.
Ngumuso sya. “Si kuya kasi sinermonan na naman ako.” Tila batang nagsusumbong na sabi nya.
Tinaasan ko sya ng kilay. “Bakit? Ano na namang ginawa mo?”
“Nakita nya kasi yung pinost ko sa fb na selfie namin ni Calvin.”
Ngumisi ako. May pagka overprotective kasi sa kanya ang kuya nya.
“Nag aalala lang yun sayo.” Sabi ko.
“Gosh! Ang oa na kaya nya minsan. 21 na ako pero para pa rin akong bata kung ituring nya. Kaya hindi ako nagkakaboyfriend eh. Dapat nag aasawa na rin sya gaya ni Kuya Jeiz, Kuya Lorenzo at Kuya Luigi para mawala na sa akin ang focus nya. Daig pa nya si mama eh.”
“Ikaw talaga, wag ka ng umangal kung ganyan ang kuya mo sayo. Kapag yan nagkaasawa na mamimiss mo sya ng husto.”
“Sana nga mag asawa na sya.” Bubulong bulong na sabi nya at sinukbit na ang shoulder pag.
Pumunta na kami sa building namin.
Luigi
“THANK YOU for your trust Mr. Ignacio. Makakaasa kayo sa mahusay naming serbisyo.” Sabi ko at tumayo sabay lahad ng kamay sa may edad naming kliyente. Isa syang real estate developer at isa na sa malaking kliyente namin ngayon.
Tinangap ni Mr. Ignacio ang kamay ko at nginitian ako. “Maraming salamat din iho at pinaunlakan mo ang hiling ko na ikaw mismo ang makausap. Gusto ko lang kasing makasiguro.”
“No problem Mr. Ignacio. I understand. Anytime pwede kayong dumalaw sa opisina ko. Tumawag nga lang ho muna kayo sa sekretarya ko dahil minsan ay wala ako.” Binuntutan ko pa ng tawa ang sinabi at sinulyapan si Ary na tumayo na rin sa tabi ko at sinasamsam ang mga dokumento. Ngumiti sya ng matamis sa kliyente.
Tumawa rin si Mr. Ignacio. “I know, dahil bukod sa kumpanyang naiwan sayo ng pamilya mo ay may sarili ka ring kumpanya. Nakakabilib ka nga dahil napagsasabay mo yun. Anyway, mahusay itong sekretarya mo bukod sa maganda. You are lucky to have her.”
“Thank you sir, nag enjoy din ako sa pag uusap natin.” Sabi ni Ary.
Tumango naman ako. Hindi ko naman ikakaila na mahusay na sekretarya si Ary.
“You know what? You two are perfect for each other. Are you two.. together?” Usisa pa ni Mr. Ignacio.
Tumawa naman si Ary at tumingin sa akin. “Sir – “
“No Mr. Ignacio. I’m married.” Putol ko sa saabihin ni Ary. Unti unti naman nawala ang ngiti nya.
“Oh really? Married ka na pala pero di ko yata nabalitaan yan.” Halatang nagulat na sabi ni Mr. Ignacio.
“Kakakasal ko lang four months ago Mr. Ignacio. Sa city hall lang kami kinasal ng asawa ko pero soon magpapakasal rin kami sa simbahan at ngayon pa lang iniimbitahan ko na kayo.” Sabi ko.
“Binibigla mo naman ako iho pero hindi ko tatanggihan yan. Gusto ko ring makilala ang asawa mo ng personal. Sigurado akong espesyal syang babae dahil nasungkit nya ang nag iisang Luis Gregory Federova.”
Tumawa ako. “Indeed she is..”
“Oh anyway, mauna na ako sa inyo ng sekretarya mo dahil may a-attend-an pa akong meeting. Tatawag na lang sa inyo ang staff ko para sa iba pang bagay. And Mr. Federova inaasahan kong makakatanggap ako ng wedding invitation sayo soon.”
“Sure Mr. Ignacio.” Muli kaming nagkamay at nagpaalam na syang aalis.
“Hay sa wakas successful ang deal natin sa kanya.” Ani Ary at sinarado ang leather briefcase.
“Good job Ary.” Puri ko sa kanya.
Ngumiti sya sa akin.
“This calls for a celebration. Kain tayo sa labas.” Aya nya sa akin na nagniningning ang mga mata.
Sinilip ko ang oras sa suot kong relo. Pasado alas otso na ng gabi. Dinukot ko ang cellphone at tiningnan kung may text si Ivona. Napangiti ako ng makitang meron nga.
Baby: Pauwi ka na?
Nagtype ako ng reply.
Ako: Yes baby. I’m on the way.
Binalik ko na ang cellphone sa loob ng coat ko at hinarap si Ary na nakatingin lang sa akin.
“Ikaw na lang Ary. I have to go, hinihintay na ako ng asawa ko.” Sabi ko at dinukot ang wallet sa bulsa at humugot ng ilang lilibuhin at binigay sa kanya.
“Pero – “
“Mauuna na ako. Kita na lang tayo bukas sa office.” Pormal na sabi ko at umalis na. Siguradong naghinintay na sa akin si Ivona.
Kaya nagmadali na akong lumabas at tinungo ang parking area. Nakita ko si Goryo na naninigarilyo di kalayuan sa kotse. Ng makita nya ako ay agad nyang hinagis ang sigarilyo at tinapakan, dinampot nya at hinagis sa basurahan. Patakbo syang lumapit sa kotse at agad akong pinagbuksan.
samantala
..
Naiwan naman si Ary sa loob ng lobby ng hotel na nagpupuyos ang dibdib. Halos malukot na ang pera sa kamay nya na binigay ni Luigi.
Lara Chapter 34 updated na rin sa Dreame 🤗
Ito ang sypnosis nya para may idea na kayo sa itatakbo ng kwenyo. Expect more steamy spg sa mga bet na bet ang ganoong story.
Sypnosis
Anim na taon ng nagsasama si Lara at Jarred at biniyayaan sila ng triplets. Maayos naman ang pagsasama nila at active na active pa rin sila sa sex. Negeexplore na rin sila ng ibang bagay sa kama para mas lalo pang mag init ang pagsasama nila. Tuluyan na ngang nagbago si Lara at hindi na nagnanasa sa ibang lalaki. Tapat at mapagmahal syang asawa kay Jarred. Ganoon rin naman si Jarred sa kanya. Loyal ito sa kanya at mapagmahal. Lahat ng gusto nya at ng mga anak nila ay binibigay nito.
Pero sa pagdating ng mga bagong tauhan sa buhay nila ay susubukin ang pagsasama nila. Sino kaya ang unang babali sa pangako nila sa isa’t isa? O mananatili silang matatag at hindi magpapasira sa mga anay na nasa paligid nila.
Chapter 19
Ivona
MULI KONG tsinek ang ayos ng mesa kung may kulang pa. Kumpleto na ang mga utensils na maayos na naka arrange. Nasa mesa na rin ang tatlong klase ng putahe ng ulam at isang bandehadong kanin na umuusok usok pa. Iniisip ko kung ano pa ang kulang.
“Ano pa bang kulang?” Sambit ko.
“Yung mangoe juice po ma’am na ginawa nyo kanina.” Untag ni Ate Lucy. Katulong ko sya at si Ate Cheche sa paghahain sa mesa.
“Oo nga pala, pakikuha naman ako Ate Lucy please.” Pakiusap ko sa kanya. Agad naman syang tumalima.
Sabay kasi kaming kakain ni Luigi at hinihintay ko lang syang dumating. On the way na daw sya. Ang mga kasambahay naman ay pinauna ko ng kumain. Noong una nga ay tumanggi sila dahil dapat mauna raw ang amo. Pinilit ko lang sila dahil kung hihintayin pa nila kami ni Luigi ay malilipasan sila ng gutom. Si Manang Beng nga ay pinagpahinga ko na dahil medyo masama raw ang pakiramdam.
“Ma’am wine po, yung paborito ni ser?” Untag naman ni Ate Cheche.
“Ay oo nga – “
“Sige ma’am, ako na ang kukuha.” Di pa ako tapos sa sasabibihin ko ay nagkusa na si Ate Cheche.
Nangingiti ako habang pinagmamasdan ang ayos ng mesa.
“Hayan! Ang romantic tingnan kulang na lang kandila tapos medyo dim ang ilaw.” Suhestiyon ni Ate Lucy.
Oo nga. Pero masyado naman yatang bongga yun.
Napanguso ako. “Ok na po yan mga ate, kakain lang naman kami ng hapunan.” Sabi ko.
“Mukha nga kayong magdidinner date ni ser ma’am eh. Kinikilig tuloy ako.” Sabi ni Ate Cheche.
“Ako rin kinikilig! Kung pwede nga lang panoorin ko kayong kumain eh. Syempre hindi pwede dahil privacy yun. Kaya isang malaking sanaol na lang ma’am.” Ani Ate Lucy na gaya ni Ate Cheche ay hindi rin tinago ang kilig.
“Ma’am Ivo, nandyan na po si ser!” Humahangos na pumasok sa komedor na sabi ni Ate Ona.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa excitement. Inayos ko ang damit at pinalantsa ng kamay ang buhok kong nakalugay. Binasa basa ko pa ang labi at bahagyang kinagay kagat para lalong mamula.
“Ay sa kusina muna kami ma’am. Kapag may kailangan pa po kayo. One call away lang po.” Sabi ni Ate Lucy at pumasok na silang tatlo sa kusina.
Humugot naman ako ng malalim na hininga at lumabas ng komedor para salubungin si Luigi.
“Evening baby.” Bati ni Luigi sa akin at hinapit ako sa bewang sabay kintal ng madiin na halik sa labi ko.
Humawak naman ako sa dibdib nya at ngumiti. “Good evening. Mukhang pagod ka ah.” Sabi ko at hinaplos ang makapal nyang kilay.
Ngumiti naman sya at kinuha ang kamay ko at dinala sa labi nya. “Kinda.. Pero ngayong nakita na kita nawawala na ang pagod ko.”
Ngumuso ako at kunwaring inirapan sya. “Nambola ka pa. Gutom lang yan. Nakapaghain na ako, kain na tayo.” Malambing na aya ko sa kanya. Kinuha ko pa ang coat nyang nakasampay sa braso nya.
Kumunot ang noo nya. “Hindi ka pa kumakain? Anong oras na ah.”
“Mag aalas nuebe pa lang at saka gusto ko kasalo kita.” Malambing na sabi ko. Parang hindi na rin kasi ako sanay na kumain na hindi sya kasalo.
Kumagat labi sya at ngumiti. Hinawakan nya ang baba ko at malambing akong hinalik halikan sa labi.
“Ang sweet naman ng misis ko.” Anas nya at isang madiin na halik ang binigay sa akin.
Nag init naman ang mukha ko. “Uy tama na, baka may makakita pa sa atin. Nakakahiya.”
Ngumisi sya. “Lagot ka sa akin mamaya baby lalamugin kita.” Banta nya at hinawakan na ako sa kamay at giniya na papunta sa komedor.
Parang nagliliyab naman ang mukha ko sa init dahil sa sinabi nya. Pero sa loob loob ko nae-excite ako. Ang lamog na sinasabi nya ay papaulanan na naman nya ako ng halik, haplos at yakap. Sa totoo lang hanggang doon pa lang ang nagagawa namin. At aaminin ko nasasabik na rin akong may mangyari ulit sa amin. Pero sa tuwing init na init na ako ay sya namang hinto. Nabibitin tuloy ako. Alam kong gusto na rin nya. Hindi ko lang alam kung ano ang pumipigil sa kanya. O baka.. inaalala nya ako.
Apat na buwan na ang nakalipas. Hindi ako nabuntis at regular ang period ko. Bumili na nga ako ng after pill para incase na gawin ulit namin yun. Hindi pa rin naman ako handang magbuntis dahil nag aaral pa ako.
“Hmm so good.” Puri nya sa pagkain habang ngumunguya.
Napangiti naman ako at sumubo na rin. Mabuti naman at nagustuhan nya ang niluto namin.
“Next time ako na mismo magluluto para sayo.” Sabi ko.
Natigil sya sa pagsubo at tumingin sa akin. Nangniningning ang mapupungay nyang mga mata.
“Talaga? Ipagluluto mo ko?” Tila batang excited na tanong nya.
Tumango tango naman ako. Hindi ko pa nasusubukang magluto mag isa. Sa bahay namin noon ay tumutulong ako kay Yaya Saling sa paghihiwa ng rekado at paghahalo. Dito naman sa mansion si Manang Beng ang tagaluto at marami naman syang makakatulong. Pero di bale next time ipagluluto ko talaga sya. Madali lang naman magluto eh. May mga tutorial din sa YouTube.
“Thank you baby. Ngayon pa lang excited na akong matikman ang luto mo.” Aniya at naging sunod sunod na ang pagsubo nya.
“Sige, one of these days ipagluluto kita. Ano bang gusto mo?”
“Kahit ano, basta luto mo kakainin mo.” Aniya at kumindat pa sa akin.
Nag init naman ang mukha ko sa kilig. “Sabi mo yan ha.”
Ngiting ngiti na tumango sya.
“O heto pa ang pininyahang manok, tikman mo. Tumulong ako sa pagluluto nyan.” Sabi ko at inusod sa kanya ang porselanang mangkok.
Sumandok naman sya at nilagay sa plato nya at tinikman. “Hmm kaya pala mas lalong sumarap kasi tumulong ka. Dati hindi naman ganito kasarap ang luto nilang pininyahang manok.”
Nginusuan ko sya. “Bolero.” Bira ko sa kanya. Binobola lang naman talaga nya ako pero kinikilig ako.
Tumawa naman sya at pinagsandukan din nya ako ng ulam sa plato ko.
.
.
.
Nasa pagitan ako ng mga hita ni Luigi at nakasandal sa katawan nya. Habang sya naman malambing na hinahaplos ang mga braso ko. Paminsan minsan ay hinahalik halikan nya ako sa ulo sa pisngi at leeg.
Mag a-alas onse na ng gabi ay gising pa rin kami at nanonood ng movie. Tatapusin lang namin ito at matutulog na rin kami. Wala naman akong pasok bukas kaya ok lang magpuyat.
Napakagat labi ako ng bahagya nyang kagatin ang balat sa leeg ko. Ang kamay nya ay nasa ilalim na ng dibdib ko. Hinawakan ko ang ulo nya at sinuklay ng daliri ang kanyang buhok. Inarko ko naman ang leeg para bigyan sya ng laya.
Umakyat muli ang halik nya sa pisngi ko. Pinaling ko naman ang ulo at sinalubong ang labi nya. Magaan at masuyo ang halik namin. Nilalasap ang kalambutan ng labi ng isa’t isa. Hanggang sa dumiin na ang halik nya na tinutugon ko naman. Kinabig pa nya ang ulo ko para lumalim ang halik.
Habol namin ang hininga ng maghiwalay ang labi namin at nakatitig lang sa isa’t isa. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Sa lakas nito ay halos di ko na marinig ang ingay ng tv.
Muli nya akong hinalikan sa pisngi pababa ulit sa leeg. Ang mga kamay nya ay mas naging malikot pa at mapaghanap. Heto na nga at nasa ibabaw na ng dibdib ko ang isa nyang kamay at pumipisil. Kahit may damit pantulog pa akong suot ay damang dama ko ang init ng malaki nyang kamay. Wala akong suot na bra sa loob kaya nasasanggi ng kamay nya ang utong kong nagiging sesetibo na.
Ang isa pa nyang kamay ay humahaplos sa hita ko at balakang, sinasabayan pa nya ng pagpisil kung minsan. Wala naman akong ginagawa para sawayin sya dahil gustong gusto ko naman ang ginagawa nya. Nararamdaman ko na nga ang matigas na bagay sa bandang puwitan ko. Alam kong horny na rin sya gaya ko.
Napakagat labi ako ng kapain ng daliri nya ang utong ko. Napahawak tuloy ako sa kamay nya. Tumigil naman sya. Tumingala ako sa kanya at ngumiti. Hinalikan nya ako sa noo at tinuloy sa paggalaw ang daliri. Napapikit naman ako dahil sa kiliting dulot niyon.
Ang isang kamay nya ay sumapo na rin sa kabiling dibdib. Ngayon ay dalawa na nyang kamay ang pumipisil. Napapaliyad naman ang likod ko at kung minsan pa ay may munting ungol na umaalpas sa bibig ko. Ngayon lang sya nangahas na gawin ito. Kadalasan kasi ay sumasanggi lang ang kamay nya sa dibdib ko. Hahawak lang sya sa bandang gilid at ilalim.
Dumilat ako at tiningnan ang dalawa nyang kamay na nakasapo sa dalawa kong dibdib. Sa laki ng kamay nya ay sakop na sakop ang malulusog kong dibdib. Pinapanood ko ang bawat piga at pisil ng mga kamay nya dito. Sumubsob sya sa pisngi ko at diniin ang labi doon.
“Like it baby?” Anas nya sa magaspang na boses.
Tumango tango naman ako at tumingin sa kanya. Hinawakan ko pa ang kamay nya sa ibabaw ng dibdib ko at ngumiti.
Ngumiti rin sya. “Want more?” Nanghihibong tanong nya.
Kumagat labi ako at tumango. Mabuti at sa kanya na rin nanggaling. Ayoko rin kasi na huminto sya.
“Then let’s take off your clothes..” Anas nya at hinawakan ang dulo ng oversized t-shirt ko at inangat. Umahon naman ako mula sa pagkakasandal sa kanya para tuluyang mahubad.
Ngayon ay nakabuyangyang na ang dalawa kong malusog na dibdib na tayong tayo. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil sa tanang buhay ko ako lang ang nakakakita ng dibdib ko. Pero normal lang naman na makita nya at may karapatan sya dahil asawa na nya ako.
“Let me see baby.” Aniya at marahan akong pinihit paharap.
Kahit nahihiya ay humarap ako sa kanya. Halos hubo’t hubad na ako sa paningin nya at tanging manipis na panty na lang ang suot ko.
Nakaawang ang labi nya at titig na titig sya sa dibdib ko, napapalunok pa kung minsan.
“Beautiful.” Anas nya at hinawakan ang dibdib ko.
Napakagat labi naman ako. Ngayong wala ng telang nakaharang ay mas dama ko na ang init ng kamay nyang medyo magaspang. Mas kakaiba ang kiliting dulot niyon. Parang may kuryenteng mabilis na dumaloy sa bawat himaymay ng ugat ko patawid sa utak ko at dumiretso sa gitna ng hita ko.
Binitawan nya ang dibdib ko at mabilis din nyang hinubad ang suot nyang sando at hinagis lang sa lapag. Ako naman ang napalunok ng makita ang mamasel nyang katawan. Pero hindi ko na yun masyadong nabistahan dahil muli nya akong pinihit patalikod at muling sinandal sa katawan nya. Dahil parehas ng hubad ang pang itaas naming katawan ay mas damang dama ko na rin ang init ng katawan nya.
Napasinghap ako ng sapuhin ng dalawang kamay nya ang dibdib ko at piniga piga ito ng marahanan. Mas kakaiba na ang kiliting hatid nun ngayon. Mas masarap sa pakiramdam.
Kagat kagat ko ang labi habang pinapanood ang kamay nyang lumalamas sa dibdib ko. Pinaglalaruan din ng mga daliri nya ang matigas ko ng utong. Iniikot ikot nya ang daliri at kumakalabit.
Tumingala ako at tumingin sa kanya. Mapupungay ang mga mata nyang tila nag aapoy din. Masuyo nya akong hinalikan na ginantihan ko naman.
“You have perfect tits Ivona..” Anas nya at pinagdikit ang dalawa kong dibdib at bahagyang pinisil pisil ang utong ko na aking ikinaungol.
Medyo masakit pero mas lamang ang kiliti at sarap at tila pa nga tumatawid sa pagkababae ko.
Tinagilid nya ako ng bahagya at bumaba ang mukha.
“Oh..” Daing ko ng isubo nya ang isa kong dibdib.
Ang init ng bibig nya. Tila may mahihinang boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa bawat himaymay ng ugat ko. Kung masarap na ang hatid ng kamay nya ay mas masarap pa pala ang hatid ng bibig nya.
“Hmm Luigi..” Ungol ko ng inikot nya ang dila sa utong ko sabay kawag at supsop. Muli na naman akong napaungol at napakapit sa balikat nya.
Ang sarap! Sigaw ng isip ko.
Sunod naman nyang sinubo ang isa kong dibdib. Parehas din ang ginawa nya sa una. Para na akong lalagnatin sa init na nararamdaman ko. Ang gitna ko nga ay nagrereact na rin.
“Hmm tsup.. tsup..” Tunog ng supsop nya sa bawat isa ng utong ko. Salit salitan na nya itong sinusubo at tila gutom na sanggol na takot maagawan.
Nakaawang naman ang labi ko at napapapikit sa sarap habang nakahawak sa ulo nya. Sana pala noon pa namin ito ginawa.
Nag angat sya ng ulo at pinakatitigan muli ang mga dibdib kong namumula dahil sa lamas, halik at sipsip na ginawa nya. Muli nya naman itong sinubo bawat isa.
“Hmm so sweet..” Anas nya sa pagitan ng pagsubo sa dibdib ko.
Ng makuntento na ay nag angat na sya ng mukha ay siniil naman ako ng halik na akin namang tinugon. Mainit ang halik na pinagsasaluhan namin.
Inayos nya ako ng upo sa pagitang ng hita nya habang humahaplos naman sa tiyan at hita ko ang mga kamay nya. Napalunok ako at napakagat labi sa excitement. Alam ko na ang sunod nyang destinasyon.
Awtomatikong pinaghiwalay ko ang mga hita ng dumako na sa bandang singit ko ang kamay nya.
Bibitinin ko muna kayo. Sa next update na ang exciting part 😆
Anyway sa mga nagtatanong kung ililipat ko ba ang mga story ko dito kay watty sa Dreame, hindi po. Hindi ko po ililipat. Dito lang po sila. Kung magkakaroon ako ng iba pang story kay Dreame bagong story po. Siguro mga erotic stories. Mas safe kasi doon ang erotic stories kesa dito. 😊
Updated na rin pala ang Lara sa Dreame. Basa na po para tumaas ang ranking ko. Thank you sa mga nagpurchase ng coins at nagbigay ng moon ticket. Kinikilig ako 💗💗
Thank u rin pala kay MariaNita340201 ♥️
Chapter 20
warning 🔞
Ivona
NAPAPIKIT AKO at napakagat labi ng dumapo na ang kamay ni Luigi sa ibabaw ng panty ko at humimas himas doon. Nakikiliti ang pagkababae ko na pumipintig pintig pa.
Pinaling ko ang ulo at tiningala si Luigi. Tumingin naman sya sa akin. Tila nagbabaga ang mata nya sa pagnanasa. Hinalikan nya ako sa noo, ilong at labi paulit ulit habang ang kamay nya patuloy pa rin sa paghimas sa ibabaw ng panty ko.
Mayamaya pa ng hindi na sya makuntento ay hinila na nya pababa ang panty ko at hinagis sa lapag kasama ng mga damit namin. Muli nyang pinaghiwalay ang mga hita ko at sinapo ang pagkababae ko.
Napaawang ang labi ko at napahawak sa kanyang braso. Dahil wala ng telang nakaharang ay dama ko ang mainit nyang kamay sa pagkababae kong lalong pumintig pa. Mas nakakakiliti at mas masarap ang dulot ng pagkiskis nya dito. Nilalaro pa ng daliri nya ang mumunti kong buhok doon. Mabuti na lang at kakatrim ko lang kahapon.
“Nghhh Luigi..” Ungol ko ng hagurin ng daliri nya ang hiwa ko.
“You’re wet baby..” Anas nya sa tenga ko habang patuloy pa rin sa paghagod ng daliri sa hiwa ko hanggang sa makarating na ito sa clit ko.
“Hmmm..” Kagat labing daing ko ng iikot ikot nya ang daliri sa clit ko. Kumikipot ang mga hita ko pero agad din nya itong paghihiwalayin.
Hindi ko maintindihan ang kiliti at sarap ng ginagawa nya. Ngayon ko lang naranasan ito. Kapag ako naman ang humahawak sa maselan kong parte ay hindi naman ganito ang nararamdaman ko. Pero bakit kapag sya ibang iba.
“Ohh.. sarap..” Hindi ko na napigilang isatinig dahil masarap naman talaga. Napapakislot na nga rin ang balakang ko at bumibigat na rin ang bawat paghinga ko.
“Sarap?” Anas ni Luigi sa tenga ko.
Kagat labing tumingala ako sa kanya at tumango tango. “Ang sarap ng ginagawa mo babe..” Anas ko rin.
Ngumiti nama sya at tila nag apoy pa lalo ang mga mata nyang mapupungay na nakatingin sa akin.
“Good, marami pa akong gustong gawin na lalo kang masasarapan Ivona.” Aniya sa nanghihibong boses at pinihit ako paharap. Nabitin naman ako sa ginagawa nya.
Isang iglap ay hiniga nya ako sa gitna ng kama at ang mukha nya ay nasa pagitan na ng mga hita ko. Binuka pa nya ang mga hita ko ng malaki. Nakatambad na ngayon sa kanya ang pagkababae ko. Nakaramdam ako ng hiya at akmang isasarado ang mga hita pero inagapan nya iyon at binigyan ako ng matiim na tingin na parang nagbabanta.
Napakagat labi na lang ako at hinayaan sya.
Napasinghap ako ang maramdaman ang dila nya na sumayad na sa pagkababae ko. Kakaiba ang init na hatid ng dila nya. Mas nakakakiliti at mas masarap kesa sa kamay nya. Nababasa ko lang ang ganito sa mga erotic stories at napapanood sa mga porn sites at nakucurious kung ano ang pakiramdam. Dahil sa mga nababasa at napapanood ko ay sarap na sarap ang mga babae. At ngayon nga ay personal ko ng nararanasan. Dama ko sa lahat ng sulok ng katawan ko ang sarap.
“Oh shit!” Impit kong mura ng bahagya nyang kagatin ang clit ko kasabay nun ang pagkawag ng dila nya doon.
Sa kyuryosidad ko ay inangat ko ang katawan at tinukod ang isang siko habang ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa ulo nya. Gusto kong makita ang ginagawa nya.
Napaawang ang labi ko ng makita ko kung paano nya iikot ang dila nya sa clit kong nagiging sensetibo na. Napapapikit ako sa sarap na hatid noon. Panay na nga rin ang pintig ng pagkababae ko. Napakislot ang balakang ko ng sipsipin nya ang clit ko kasabay ng daliri nyang humahagod sa basa ng hiwa ko.
“Oh my gosh babe – hmmm!” Ungol ko at napahigpit ang hawak sa buhok nya.
Dinilat ko ang mata. Nagtama ang aming paningin. Kakaiba ang kislap ng mata nya, tila nag aapoy ito.
Mayamaya ay tinantanan na nya ang clit ko at pinaghiwalay ng mga daliri ang pisngi ng pagkababae ko sabay hagod ng dila nya pataas at pababa. Paulit ulit nyang ginagawa iyon. Minsan ay sasakupin pa ng bibig nya at sisipsipin.
“U-Ugh Luigi – Ahh! Ahmmm!”
“Your pussy smells like heaven baby. And you taste so damn sweet. I could eat you for every meal hmm.. slurps!” Anas nya sa pagitan ng pagdila at pagsipsip sa pagkababae ko.
Ako naman ay hindi na magkamayaw sa pag ungol. Malikot na rin ang galaw ng katawan ko lalo na ang balakang ko. Ang mga hita ko nga ay mariin na nyang hawak para hindi ito maglikot. Bukakang bukaka na ako. Pati singit ko nga ay hindi na rin nakaligtas sa labi at dila nila.
“Feels good hmm?” Nanghihibong tanong nya sa pagitan ng pagdila sa hiwa ko habang nakatingin sa akin.
“Y-Yes babe.. a-ang sarap!” Nauutal pang sabi ko.
“Do you want me to make you come mm?” Aniya sa magaspang na boses.
Napalunok naman ako. Pati ang boses nya ay tila mainit din nyang dila na humahagod sa akin.
Kagat labing tumango tango ako.
“Say it.” Utos nya sabay tampal sa pagkababae ko na ikinagulat ko.
Nanlaki ang mata ko at napakislot ang balakang ko. Bahagya din akong nanginig at parang kuryente ang kiliting dinulot niyon.
“Say it baby.”
“Y-Yes. Yes babe! M-Make me come!”
Pagkasabi ko ng nga katagang yun ay muling sinakop ng bibig nya ang pagkababae ko. Pero mas pinuntirya nya ang clit ko kasabay niyon ang pagkatok ng daliri nya sa lagusan ko.
Nakatingala ako at nakapikit habang kagat kagat ang labi at impit na umuungol. Lamukos ko ang kobre kama at sabunot ng mariin ng buhok nya. Doble doble na ang sarap na nararanasan ko dahil sa ekspertong bibig at daliri nyang mabilis na naglalabas masok sa lagusan ko.
“Uhhmph! Hmph! Hmph!” Impit kong ungol. Nararamdaman kong may namumuo na sa puson kong malapit ng sumabog.
At ilang sundot pa ng mabilis ng daliri nya at sipsip ng mariin sa clit ko ay sumabog na nga ang nasa puson ko. Tuluyan na akong napahiga sa kama. Nanginig at nanigas ang katawan ko dahil sa nakakabaliw na masarap na sensasyong nararamdaman ko. Ito na yata ang sinasabi nilang ikapitong langit.
Hindi ko na namamalayan kung ano pa ang ginagawa ng asawa ko sa ibaba ko. Lunod pa rin ako sa sarap. Mas masarap pala kapag ganitong nasa katinuan. Damang dama mo lahat.
Naramdaman ko ang labi nya na gumagapang na pataas sa katawan ko hanggang sa pumantay na sa mukha ko.
“Your cum taste so sweet like your luscious lips baby.” Anas nya sabay siil sa akin ng mariing halik.
Hindi naman ako nangiming tumugon kahit na ba nalalasahan ko ang sarili kong katas. Bagkus ay para pa akong sinilaban sa init.
Napakagat labi ako ng maghiwalay ang mga labi namin. Hinawakan ko ang pisngi nya at hinaplos. Parang lalo pa syang gumuwapo ngayon sa paningin ko.
“Ang galing mo babe.. halos mabaliw na ako.” Puri ko sa kanya.
Ngumiti naman sya at muli akong siniil ng halik. “At mas gagalingan ko pa lalo baby para lalo kang mabaliw sa akin.” Aniya at bumangon.
Akmang magpoprotesta ako pero nakita kong binaba nya ang pajama nya. Napalunok ako at nanlaki ang mata ng tila spring na umigkas ang pagkalalaki nyang parang lampas ng isang dangkal ko ang haba. Parang lata din ng sardinas ang taba nito. Tayong tayo pa ito at parang may sariling buhay na tumatango. Nangingintab ang ulo nito at may puting nakasungaw sa butas. Malaki din at namimintog ang dalawang bilog sa ilalim ng kahabaan nya. May buhok din sya sa paligid na halatang alaga din sa trim.
Isang beses pa akong napalunok. Ngayon ko lang nakita ng malinaw ang pagkalalaki nya. Hindi ko naman kasi ito nakita noong unang may nangyari sa amin dahil madilim sa kwarto ko. May ideya naman ako na malaki sya dahil sa tuwing magmemake out kami ay ramdam ko ito sa tuwing nauupuan ko at minsan ay nakikita kong nakabukol sa harapan ng shorts o ng pantalon nya. Pero di ko naman akalain na ganito pala ito mismo kalaki. Ngayon tuloy ay napaisip ako kung paano ko ito nakayanan noong unang may nangyari sa amin.
Napalunok ako. “Ang laki naman pala nyan.” Bulalas ko.
Ngumisi naman sya at hinawakan ang pagkalalaki nya at hinagod pataas at pababa habang malagkit na nakatingin sa akin na tila inaakit ako. At naakit naman ako. Nag init ang mukha ko sa ginagawa nya. Ang hot nya lalong tingnan.
“Gusto mong hawakan?” Nanghihibong tanong nya.
Kagat labing tumango naman ako at bumangon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba at excitement. Ok lang naman na hawakan ko ang pagkalalaki nya. May karapatan ako kasi asawa ko sya.
Binitawan na nya ang pagkalalaki nya. Muli na naman akong napalunok habang titig na titig sa pagkalalaki nyang tila nagyayabang sa pagkakatayo nito.
“Touch it baby.” Utos nya sa akin.
Tinaas ko ang kamay at hinawakan ang pagkalalaki nya. Napaawang ang labi ko ng madama iyon. Mainit init at matigas na velvety. May kabigatan din ito at halos hindi magtagpo ang mga daliri ko.
“Fuck..” Anas nya.
Tumingin ako sa kanya. “Ang tigas..” Sabi ko.
“Stroke it baby please..” Utos nya sa boses na tila nahihirapan.
Sinunod ko naman sya. Kagat labing hinagod ko pataas at pababa ang pagkalalaki nya. Panay naman ang hugot nya ng marahas na hininga. Alam kong di sya nasasakatan kundi nasasarapan at kitang kita yun sa mukha nya. Mas lalo ko pang pinag igi ang paghagod sa pagkalalaki nya. Dalawang kamay ko na nga itong hinahagod. Lalo pang dumami ang precum nyang nakasungaw sa butas at malapit ng tumulo.
“Fuck! I can’t take it anymore!” Usal nya sabay tabig sa kamay ko at tulak sa akin pahiga.
Sa isang iglap lang ay nasa ibabaw ko na sya at pinaghiwalaya ang mga hita ko. Nanlaki ang mata ko at nahigit ang hininga ng maramdaman ang pagkalalaki nyang kumakatok na sa lagusan ko. Napakapit ako sa balikat nya.
Kasabay ng pagulos nya ay siniil nya ako ng halik. Nakulong tuloy sa bibig namin ang daing ko sa kirot. Halos bumaon din ang kuko ko sa balikat nya.
“Shit baby! I’m sorry!” Usal nya ng pakawalan ang labi ko. Nagaalalang tumingin sya sa akin at hinaplos ang pisngi ko.
Napakagat labi naman ako at napapikit ng mariin. Dahil sa biglaan nyang pag ulos ay nakaramdaman ako ng sakit pero di na gaya noong una. Sa laki ba naman ng pagkalalaki nya ay talagang masasaktan ako. Punong puno ang pakiramdam ko at banat na banat.
Dumilat ako at tumingin sa kanya. Nakaguhit pa rin ang pag aalala sa mata nya. Hinawakan ko ang pisngi nya at hinaplos.
“Galaw ka na.” Anas ko.
Hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa labi nya at pinupog ng halik ang palad ko.
“Sigurado ka?”
Tumango ako. “Kaya ko na.” Alam ko naman kasing mamaya lang ay mawawala na ang sakit at puro sarap na lang, at excited na akong maramdaman yun.
“Alright, just tell me kung nasasaktan kita ok?”
Tumango ako.
Muli nya akong siniil ng halik at nagumpisa ng gumalaw..
“Uhmp.. uhmp.. uhmm.. ahh..” Impit kong daing habang kagat ang labi.
Unti unti ng nawawala ang sakit at nilulukob na ako ng sarap. Ang bawat ulos nya ay nagiging madiin na.
“Ughh – fuck baby, you’re so fucking tight nghh!” Daing nya sa tenga ko at diniin ang labi sa pisngi ko.
Napapaikot na ang mata ko sa sarap. Damang dama ko na ang kiliti ng hatid ng bawat hagod ng kahabaan nya sa loob ko.
“Ahh babe, ang sarap!” Bulalas ko ng idiin nya ang pagkalalaki nya sa loob ko. Sa tuwing gagawin nya yun ay para syang may tinatamaan sa loob ko na masarap.
Nag angat sya ng mukha at tumingin sa akin.
“Feels good?”
Tumango tango ako habang kagat ang labi.
“Tell me how you feel.” Anas nya. Mapupungay ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Tila nya ako hinihipnotismo.
“A-Ang sarap mo sa loob ko..” Usal ko habang hindi bumibitaw ng tingin sa kanya. Napadaing pa ako at napakagat labi ng muli na naman syang umulos ng mariin.
“You mean my cock? You like my cock inside your wet pussy mm?” Nanghihibong tanong nya sa magaspang na boses. Hinahagod pa ng hinalalaki nya ang ibabang labi ko.
“M-Mmm yes.. yes – ohhmm!” Tanging nasagot ko na lang.
“Good.” Aniya sabay muling ulos ng sunod sunod ng mariin.
“Ahh! Ohhhh – my ghad babe!” Patili ng daing ko.
“You like it when I do that, don’t you?” Anas nya habang umuulos naman ng mabagal at madiin na tila ako tinutukso.
“Y-Yes yes babe.. ahh – “
Naputol ang ungol ko ng siilin nya ulit ako ng mariing halik. Bumitaw din sya agad at bumangon ng hindi hinuhugot ang pagkalalaki nya. Lumuhod sya at hinawakan ang dalawa kong hita at mas binuka pa lalo kasabay nun ang mabibilis at maririin nyang ulos.
“Ahh! Ahh! Ahhmm! Shit – Ughhh! L-Luigi babe!” Hindi na ako magkamayaw sa pagungol sa sarap. Mahigpit na ang hawak ko sa kobre kama na lukot lukot na. Yumuyugyog ang katawan ko kasabay ng dibdib kong nag aalugan.
“Fuck Ivona! Nakakabaliw ka – Uhmph! Sobrang sarap mo baby!” Daing nya sa bawat malalakas na ulos.
Pumikit ako at kumagat labi habang nilalasap ang nakakaantok na sarap ng bawat ulos nya. Para nya akong dinuduyan sa sarap. Para akong nalunod sa batis ng kaligayahan at ayoko ng umahon pa.
Maya maya pa ay naramdaman kong nasa ibabaw ko na ulit sya at sumubsob sa leeg ko. Awtomatikong yumakap ang mga braso ko sa kanya.
“Ang sarap sa loob mo baby.. ahh!” Paanas na ungol nya.
Halos lumubog na ako sa kama sa lakas at diin ng mga ulos nya. Halos mangiyak ngiyak na rin ako sa nakakangilong masarap na sensasyong nararamdaman ko. Hanggang sa naramdaman ko na ang pamumuo sa puson ko.
“Hmmm b-babe.. malapit na ako ohhmm!”
Nag angat sya ng mukha at tumingin sa akin. “Lalabasan ka na?” Malambing na tanong nya.
Kagat labing tumango naman ako.
Siniil nya ako ng halik. “Sabay tayo baby.. malapit na rin ako.”
Mahigpit nya akong niyakap at mas naging marahas pa ang galaw nya. Napapatili na ako at napapatirik ng mata dahil sagad na sagad na ulos nya.
“Ahhhhh babe!”
“Ughhh fuck baby!”
Sabay naming daing kasabay ng paninigas at panginginig ng aming katawan at pagsabog ng aming katas sa loob ko..
Pasensya na kung ngayon lang nakapag update. Syempre kailangan din nating magnilay nilay.
Updated na rin ang Lara sa Dreame. Sana basahin nyo at bigyan ako ng moon ticket para. Thank you na agad sa inyo. Mwah! 😙♥️
Chapter 21
Ivona
HUMAHAGIKGIK ako sa kiliti dahil sa pagkiskis ng papatubong balbas at bigote ni Luigi sa leeg ko. Pagkatapos nyang pamanhirin ang labi ko sa halik ay ang leeg ko naman ang pinapapak nya.
Alas sais na ng umaga pero nandito pa rin kami sa kwarto at naglalambingan. Kapwa pa kami walang mga saplot at tanging kumot lang ang nakatabing. Nakailang round ba kami kagabi? Hindi ko na mabilang. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong nakarating sa ikapitlong langit kagabi. Heto nga at medyo masakit ang pagkababae ko.
Grabe naman kasi sya kagabi. Halos mawalan ako ng ulirat sa sarap dahil sa mga pinaggawa nya. Ang masasabi ko lang isa syang halimaw sa kama na walang kapaguran. Kung hindi pa ako nagmakaawang antok na antok na at pagod na ay baka hindi nya ako tigilan.
“More?” Nanghihibong tanong nya sa magaspang na boses habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko. Ang kamay nya ay kumubkob sa isang dibdib ko at dinidikit pa nya ang pagkalalaki nyang buhay na naman sa likuran ko.
“No more na.” Humahagikgik na sabi ko. Pinipigilan ko ang makaramdam ng init dahil mabilis akong bumigay.
Yun kasi ang lagi nyang tinatanong sa akin kagabi. Ako naman si laging tango kaya heto masakit ang pepe ko.
“But I want more baby.” Anas nya at nag angat ng mukha at tumingin sa akin.
Tumihaya naman ako at hinawakan ang mukha nya. Hinaplos ko ang pisngi nyang magaspang dahil sa papatubong balbas.
“Next time naman, baka hindi na ako makalakad. Ang sakit na kaya ng ano ko.” Nakangusong sabi ko.
Ngumiti naman sya. “Ng ano mo?”
“Alam mo na yun.” Nag iinit ang mukhang sabi ko.
Kumagat labi sya at ang kamay nyang nasa dibdib ko ay bumaba sa tiyan ko at puson hanggang sa pagkababae ko.
“Ito ba?” Nanghihibong tanong nya at marahang humimas ang kamay nya roon.
Kagat labing tumango naman ako at hinawakan ang kamay nya para patigilin. Dahil kung hindi ko gagawin ay matatangay na naman ako at malamang mauwi na naman kami sa pagtatalik.
Tumawa naman sya at inalis na ang kamay sa pagkababae ko sabay siil sa akin ng halik.
Hinawakan ko ang pisngi nya at tumugon sa halik. Masuyo at malambing ang halik nya, walang halong pagmamadali. Tila ninanamnam ang kalambutan ng labi ko. Ako naman ay hindi rin nagpatalo.
Binitawan na nya ang labi ko at mapupungay ang mga matang tumingin sa akin. Magaan din nyang hinaplos ang pisngi ko. Pinaraanan pa nya ng daliri ang noo, ilong at gilid ng labi ko na tila kinakabisa ang bawat detalye ng mukha ko. Ako rin naman ay pinagmamasadan ang gwapong mukha nya. Gustong gusto ko ang kulay ng mata nya na mapusyaw na kulay tsokolate at ang matangos nyang tuwid na ilong. At ang labi nyang namumula na kay sarap humalik.
“I love you..” Anas nya na hindi mapuknat puknat ang tingin sa akin.
Parang huminto naman sa pagtibok ang puso ko at nabingi ako.
“Huh?”
“I love you..” Ulit nya sa sinabi na ngayon ay malinaw ko ng narinig.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tila nagwawala na ito sa loob. Parang biglang nagliwanag ang madilim naming kwarto. Malinaw kong narinig ang sinabi nya na mahal nya ako.
Lumunok ako.
Akmang sasagot ako pero muli nya akong siniil ng halik..
**
“STUPID!”
Natigilan ako sa pagbaba ng hagdan ng marinig ang galit na boses ng isang babae. Hindi pamilyar sa akin ang boses.
May bisita ba kami? Wala pa naman si Luigi dahil pumunta sya sa LG Finance. Ang sarili nyang kumpanya. Ako naman ay mamaya pang alas diez ang pasok sa school.
“Ang sabi ko orange juice hindi mangoe juice! Tonta! Ang tagal tagal nyo na ditong katulong tatanga tanga pa rin kayo!”
Napasinghap ako sa narinig kasabay niyon ang tila nabasag na bagay. Dali dali na akong bumaba ng hagdan at halos takbuhin na ito.
Pumunta ako sa kusina at doon ay naabutan ko ang isang maganda at matangkad na babae na nakablouse na puti at nakapencil cut skirt na hanggang kalahati ng hita. Nakakulot ang may kahabaan nyang buhok. Namumula ang mukha nyang galit na galit at nakatingin kanila Manang Beng, sila Ate Cheche ay na namumutla pa nga ang mga mukha. Sa marmol na sahig ay nakita ko ang tumapon na juice at basag na baso.
“Anong nangyayari dito?” Tanong ko.
Halos sabay sabay naman silang tumingin sa akin. Ang babae ay kunot noong tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa na parang inuuri ako. Tinaasan ko naman sya ng kilay. Di ko gusto ang paraan ng pagtingin nya sa akin.
Sino ba sya?
“M-Ma’am Ivo, may kailangan po kayo?” Natatarantang tanong ni Ona at lumapit sa akin.
Umiling ako. “Wala naman Ate Ona. Ano ba kasing nangyayari dito?” Kyuryoso ko ng tanong.
“Ano po kasi ma’am – “
“Ano pa bang tinatanga nyo dyan? Yung hinihingi kong juice nasaan na!?” Sigaw na naman ng babae na ikinapitlag nila Manang Beng.
Nahigit ko naman ang hininga at parang nagpanting ang tenga ko sa pagsigaw ng babaeng to sa mga kasambahay. Sino ba sya para umasta ng ganito?
Tumikhim ako. “Ahm miss sino ka ba?” Di ko na napigilang itanong.
Ayoko sa lahat na tinatrato ng hindi maganda ang mga kasambahay na para bang mga mababang uri sila. Malambot ang puso ko sa kasambahay dahil si Yaya Saling ay kasambahay rin namin at tinuturing ko na ring ina.
Bumaling ulit sa akin ang babae at tinaasan ako ng kilay.
“Ah ma’am Ivo, sya si ma’am Ary sekretarya po ni Ser Luigi.” Maagap na sabi ni Ate Ona.
Napataas naman ang dalawang kilay ko. Sekretarya sya ni Luigi tapos ganito umasta? At bakit ba sya nandito eh wala naman dito ang amo nya.
“Yes ako nga ang sekretarya ni Luigi Federova. Eh ikaw sino ka?” Taas noong tanong sa akin ng babae na humalukipkip pa at lalong tumaas ang pagkakaarko ng kilay.
Akmang sasagot ako pero inunahan na ako ni Ate Ona.
“Sya po ang asawa ni Ser Luigi.” Sabi ni Ate Ona na may himig na pagmamalaki.
Ngumisi naman ang babae. “Talaga? Ikaw pala ang asawa ni Luigi.” Patuyang sabi nya at muli akong tiningnan mula ulo hanggang paa.
Di ko nagugustuhan ang tono ng pananalita nya. Halatang may laman.
Nagtaas noo din ako. “Oo ako nga.”
“So?”
Mariin kong nilapat ang labi at bumuntong hininga. Hindi ako madaling maasar pero sa babaeng to, parang nanghahamon ng away eh. Nalaman na nyang asawa ako ng amo nya pero imbes na batiin ako o magpakita man lang ng magandang asal kahit nga kaplastikan lang ay hindi nya magawa.
“Di ko lang nagugustuhan ang pagsigaw sigaw mo sa mga kasambahay dito.” Tahasang sabi ko sa mahinahong boses.
Narinig ko namang suminghap si Ate Ona at sila Manang Beng.
Napaawang naman ang labi ng babae na parang nagulat sa sinabi ko. Pero agad din syang nakabawi sabay taas noo at ngisi.
“And so? Matagal na akong nagpapabalik balik dito sa mansion ni Luigi at sanay na sa akin ang mga katulong – “
“Kasambahay.” Pagtatama ko sa sinabi nya.
“Katulong o kasambahay whatever! Parehas lang yun. Binabayaran sila pagsilbihan ang mga amo nila. At gaya nga ng sabi ko matagal na akong nagpapabalik balik dito sa mansion at sanay na sila sa akin. Di ba manang?” Sabi nya na tila nagmamalaki pa at tiningnan isa isa sila Manang Beng.
Hindi naman sumagot si Manang Beng o isa kanila Ate Cheche. Obvious na hindi nila gusto ang babae at mukhang matagal na silang natotorture sa magaspang na ugali nito.
“Tss, mga stupid talaga.” Anas ni Ary na dinig na dinig ko naman.
Lalo lang tuloy nagpanting ang tenga ko. “Alam mo miss, mukha ka namang may pinag aralan pero sa ugali mo daig mo pa ang hindi nakagrade one.” Sabi ko.
Sabay sabay naman silang napalingon sa akin. Napaawang pa ang labi nila Ate Ona.
“So are you saying na mukha akong walang pinag aralan?!” Bulalas ng babae.
Humalukipkip ako at tinaasan sya ng kilay. “Sa pinapakita mo mukhang ganun na nga.” Sabi ko.
“Huh!” Halata na sa mukha ng babae na napipikon na dahil namumula na sya. “How dare you! Bagong salta ka lang sa mansiong ito akala mo kung sino ka ng umasta!” Galit ng sabi nya at dinuro ako.
“FYI miss, hindi lang ako bagong salta dito kundi asawa ako ng may ari ng mansiong ito na amo mo. Kung meron man ditong umaasta na akala mo kung sino, ikaw yun. Matuto kang lumugar.” Mahinahon pa rin at prangkang sabi ko. Kahit banas na ako sa kanya ay ayokong bumaba sa level nya. Yun ang turo sa akin ni mommy.
Tumawa sya ng nakakainsulto. “Talagang pinagmamalaki mo pang asawa ka ha? Para namang hindi ko alam na pinikot mo lang si Luigi. Kaya ikaw ang lumugar gold digger!” Aniya at dinutdot ang noo ko.
Malakas ko namang tinabig ang kamay nya. Sa lakas ay bumuway ang tayo nya. Tiim bagang na tiningnan ko sya ng masama. Hindi ko nagustuhan ang sinabi nya. May pitik iyon sa dibdib ko. Pero guilty ako sa sinabi nyang pinikot ko si Luigi. Kahit na ba hindi yun totoo ay ganun pa rin ang labas. At hindi ko alam kung saan nya yun nalaman. Ngunit ang ikinapupuyos ko ay tinawag nya akong gold digger.
“Tsk! Makaalis na nga lang. Nagmumukha ng cheap ang mansiong to dahil sa mga stupid at lowclass na nakatira rito.” Pagpaparinig ng babae at humahalakhak na umalis.
Sinundan ko na lang sya ng matalim na tingin habang kuyom ang kamao.
“Bruha talaga yang si ma’am Ary. Kuhh! Nanggigil ako.” Inis na sabi ni Ate Ona at tinaas pa ang nakakuyom na matatabang kamao.
“Ako nga rin eh, akala mo kung sino. Ang kapal din ng mukha. Kaharap na nga si ma’am bastos pa rin.” Segunda ni Ate Lucy.
“Feelinggera kasi, ang sarap sungalngalin kanina ng bibig. Kung pwede nga lang patulan. Eh wala naman sya sa kalingkingan ng ganda ni ma’am Ivo.” Ani Ate Cheche.
Si Dina naman ay nililinis na ang kalat sa sahig at maingat na dinadampot ang bubog.
“Ayos lang kayo ma’am?” Untag sa akin ni Manang Beng na bakas ang pagaalala sa mukha.
Humugot naman ako ng malalim na hininga at bumaling sa kanila at tipid na ngumiti.
“Ayos lang po ako Manang. Kayo ayos lang ba kayo? Hindi ba kayo sinaktan ng babaeng yun?” Nag aalalang tanong ko sa kanila.
“Hindi naman po ma’am. Hindi naman po nanakit si ma’am Ary sadyang magaspang lang po ang ugali nya sa amin at matapobre. Kapag pumupunta sya dito akala mo kung sino.” Pasumbong na sabi ni Ate Cheche.
Napakunot naman ang noo ko. “At ayos lang kay Luigi na tratuhin kayo ng ganon ng sekretarya nya?” Naiinis na tanong ko.
“Hindi naman po alam ni ser ma’am, hindi naman po kami nagsusumbong.” Sabi ni Ate Lucy.
Marahas akong bumuntong hininga. Mamaya nga ay kakausapin ko si Luigi.
“Lagi bang pumupunta dito ang secretary ni Luigi?” Usisa ko.
“Dati po ma’am oo, pero simula noong dumating kayo eh ngayon na lang ulit nagpunta.” Ani Ate Ona.
Lalong kumunot ang noo ko at bumigat ang paghinga ko. “Anong ginagawa nya dito?”
“Naghahatid ng mga papeles kay ser o kaya may papipirmahan.” Mahinahon namang sagot ni Manang Beng.
Tumango tango naman ako. Secretary ang babaeng yun ng asawa ko kaya normal lang na pumupunta sya dito. Pero hindi ko sya gusto. At nararamdaman kong mauulit pa ang banggaan namin.
Updated na rin ang Lara sa Dreame. Sana basahin nyo rin 😙♥️
Chapter 22
Ivona
SERYOSONG sinusundan ko ng tingin si Luigi na nagpapatuyo ng buhok. Kauuwi lang nya. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami dito sa kwarto at nagshower naman sya. Gusto pa nga nya na sabay kami pero sabi ko mauna na sya. Di na nya ako pinilit ng makitang seryoso ang mukha ko.
Pagkatapos nyang patuyuin ang buhok ay sinampay nya ang tuwalya sa likod ng upuan sa vanity mirror. Nakatapis lang sya ng tuwalya at nakabilad sa mata ko ang maganda nyang pangangatawan na hitik sa muscles. Pinipilit ko lang hindi magpaapekto sa nakikita. Dapat nga masanay na ako dahil lagi ko na yung nakikita.
Tumingin sya sa akin at ngumisi. “Grabe ka ng makatingin sa akin misis ko, baka matunaw na ako nyan.”
Ngumuso ako at kunwaring inirapan sya habang nagiinit ang mukha. “Magbihis ka muna, mag uusap tayo.” Sabi ko na walang kangiti ngiti.
Nabura naman ang ngisi nya. “Ha? Bakit baby? May ginawa ba ako?” Magkasunod na tanong nya.
Kinagat ko naman ang labi at pinigil na mangiti. Yung hitsura nya kasi parang takot na malamang may ginawa syang mali na ikakagalit ko.
“Basta magbihis ka muna.” Sabi ko.
Agad naman syang tumalima at pumasok na sa closet room. Wala pa nga yatang dalawang minuto ay lumabas na sya suot ang pajama at sando.
Mabilis ko namang iniwas ang mata sa harapan ng pajama nya. Bakat kasi ang malaking pagkalalaki nya. Di kasi sya nagsusuot ng underwear kapag matutulog. Ang sabi nga nya dati daw hubo’t hubad sya kapag natutulog. Di daw kasi sya sanay na may suot. Pero simula ng magkatabi na kaming natutulog ay nagdadamit na sya para hindi daw ako mailang.
Gumapang sya sa kama at tumabi ng upo sa akin. Humalukipkip naman ako at mas lalong sineryoso ang mukha. Gumuhit naman ang pagkabahala sa mukha nya.
Tumikhim sya. “Ano palang pag uusapan natin misis ko?” Tanong nya.
Bumuntong hininga ako at hinarap sya.
“Alam mo bang nagpunta dito ang secretary mo kanina?” Panimula ko.
Kumunot ang noo nya. “Yes, sinabi nya sa akin. Nagkasalisi kasi kami.”
Muli akong bumuntong hininga at pinipigalan ang bumabangon na namang inis sa secretary nya.
“Alam mo bang binastos nya sila Manang Beng? Sinigaw sigawan nya sila Ate Ona dahil nagkamali lang sa pagbigay ng juice. Sinabihan pa nyang stupid at binasag pa ang baso.” Sabi ko.
Hindi naman sya nagsalita at nakatingin lang sa akin.
Nagpatuloy naman ako. “Hindi ko gusto ang ugali ng secretary mo babe. Hindi sya marunong rumespeto sa mga tao dito. Hindi imporket kasambahay sila Manang Beng ay ganun na nya tratuhin.”
Bumuntong hininga sya at tumango tango.
“Sige pagsasabihan ko sya.” Sabi nya na di pa rin mapuknat ang tingin sa akin.
Ngumuso naman ako at inikot ang mata. “Dapat lang, pati nga ako..” Natigilan ako at napakagat labi. Hindi ko alam kung dapat ko rin bang sabihin na binastos din ako ng secretary nya.
Nagsalubong naman ang kilay nya. “Anong pati ikaw? Binastos ka rin nya? Anong ginawa nya?” Sunod sunod na tanong nya at nagdidilim na ang mukha.
“W-Wala, kalimutan mo na yun – “ Naputol ang sasabihin ko ng hawakan nya ako sa balikat at hinarap sa kanya. Matiim ang mukha nya.
“Anong ginawa nya sayo? Tell me.” Matiim syang nakatingin sa akin na parang sinasabi nyang sabihin ko lang ang lahat sa kanya at sya na ang bahala.
Bumuntong hininga ako. Wala namang masama kung sabihin ko. Mainam nga yun na alam nya.
“Wala naman syang ginawa sa akin babe. N-Nagkasagutan lang kami dahil hindi ko nga gusto ang trato nya kanila manang. Tapos.. tapos sinabihan nya akong ano..”
“Ano? Anong sinabi nya sayo?” Tiim bagang ng tanong nya.
“Sinabihan nya akong g-gold digger.. na pinikot lang kita.” Mahinang sabi ko.
Malutong naman syang napamura at binitawan ang balikat ko sabay hilamos ng palad sa mukha. “Sinabi nya yun sayo?”
Tumango ako.
“Damn! Malilintikan talaga sa akin ang babaeng yun bukas bukas rin.” Usal nya na bakas ang pinipigil na galit.
Napasinghap naman ako. Hindi nya naman siguro sasaktan ang secretary nya.
Tumikhim ako. “Pagsabihan mo na lang sya. Sa akin naman, di naman ako masyadong affected sa sinabi nya dahil hindi naman totoong gold digger ako.”
“Of course not!” Giit din nya.
“Pero yung pinikot kita, medyo totoo yun kahit hindi ko naman talaga intensyon.” Nahihiyang sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.
Bumuntong hininga sya at hinawakan ang kamay ko at dinala sa labi.
“Hindi mo ko pinikot ok? Pinanagutan ko ang nangyari sa atin.” Malambing na sabi nya at pinupog ng halik ang kamay ko papuntang braso. Nakakaramdam na ako ng kiliti sa bawat dampi ng halik nya sa braso ko.
“Pero hindi naman ako nabuntis.” Sabi ko at kumagat labi dahil umakyat na ang labi nya sa balikat ko.
“So? Darating din naman tayo dyan misis ko. Mabubuntis ka rin pero hindi muna ngayon. Hindi pa ako handang may kaagaw sa atensyon mo.” Paanas ng sabi nya sa magaspang na boses habang sinisinghot na ang amoy ko sa leeg. Ang dalawang kamay nya naman ay humahaplos na sa mga braso ko ay bewang.
Nakaramdam na ako ng pagiinit dahil sa ginagawa nya. Hindi na rin ako makapag isip ng sasabihin dahil inookupa na ng isip ko ang ginagawa nya.
Napasinghap ako ng dilaan nya ang leeg ko.
“L-Luigi hindi pa ako nakakapag shower..” Halos paungol kong anas.
“I don’t care baby..” Anas din nya at mabilis akong hiniga na ikinatili ko.
Dumagan sya sa akin at sumubsob sa leeg ko.
Napapikit na lang ako at napakapit sa balikat nya. Siguradong puyat na naman ako nito..
Luigi
NAPAPANGITI ako habang pinagmamasdan ang magandang mukha ni Ivona na payapang natutulog. Malalim ang paghinga nya at bahagya pang nakaawang ang labi. Gusto ko sana syang gisingin pero alam kong kailangan pa nya ng maraming tulog dahil may pasok pa sya mamaya. Halos madaling araw na rin kami nakatulog dahil sa ilang ulit ko syang inangkin kagabi.
Tahimik akong napamura ng maramdaman ang pagkabuhay na naman ng alaga ko na natatakpan lang ng kumot. Ganito ang epekto nya sa akin. Para syang drogang nakakaadik. Hindi nakakasawa at gustong gusto kong paulit ulit na tikman. Kung hindi nga lang sya antok na kagabi ay baka nakadalawa pa kami.
Inayos ko muna ang kumot nyang nakatabing sa hubad nyang katawan at hinalikan sya sa pisngi bago tumayo. Alas sais pasado na ng umaga at kailangan ko ng gumayak dahil may dalawang meeting agad akong dadaluhan mamaya. Dumiretso na ako sa banyo at pumasok sa cubicle shower.
Paglabas ko ng banyo ay nakatapis lang ako ng tuwalya at dumiretso ng closet at nagbihis na. Tinitingnan ko ang sarili sa malaking salamin habang kinakabit ang necktie. Sayang, kung gising sana si Ivona ay sya ang mag aayos ng necktie ko. Gustong gusto nya kasing sya ang nag aayos ng neck tie ko. Misis na misis ang dating nya sa akin.
Ng maayos ko na ang sarili ay lumabas na ako ng closet bitbit ang gray coat. Nilapitan ko ang kama at maingat na umupo para hindi magising si Ivona. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok nyang nakatabing sa pisngi.
Napangiti ako dahil tulog na tulog pa rin sya. Yumuko ako at dinampian sya ng halik sa pisngi at noo. Maingat na akong tumayo sa kama at kinuha ang leather briefcase na nasa ibabaw ng cabinet. Nilingon ko pa sya ng isang beses bago lumabas at tahimik na sinarado ang pinto.
“Good morning po Ser Luigi, gising na po pala kayo. Magaalmusal po ba kayo?” Bati sa akin ni Manang Beng ng pumasok ako ng kusina. Nagaalmusal muna sila bago gawin ang mga gawaing bahay.
Tiningnan ko muna sila isa isa. Halatang nanginngilag sila sa akin. Aminado naman akong masungit ako sa kanila minsan at nasisigawan pa kapag mali ang nagagawa. Pero ganun na talaga ako noon pa man. Mabilis mag init ang ulo ko. Kaya nga noong nag aaral pa ako ay madalas akong napapaaway sa school at nagaguidance. Pero mula ngayon baka bawas bawasan ko na ang pagsusungit at susubukang pahabain ang pasensya lalo na at mukhang close na kay Ivona ang mga kasambahay. Ayoko namang mabadshot sa kanya.
Bumuntong hininga ako. “Hindi na manang, baka sa office na lang ako mag almusal. Si ma’am Ivona nyo ay tulog pa sa kwarto pero may pasok sya ng alas dies y medya. Baka mapasarap lalo ang tulog gisingin nyo na lang sya mamaya.” Bilin ko sa kanila.
“Sige po ser, kami na po ang bahala kay ma’am.” Ani Manang Beng.
Tinanguan ko na lang sila at tumalikod na.
Lumabas na ako ng bahay at sinalubong ako ni Goryo at kinuha ang briefcase ko. Nakaparada na rin ang kotse ko.
Bago ako sumakay ay pinatawag ko muna kay Goryo ang mga tauhan na nakabantay sa gate. Agad naman silang lumapit. Binilinan ko sila na wag basta basta magpapapasok ng kung sino sino na walang permiso ko. Pinablack list ko na rin si Ary. Mula sa araw na ito ay bawal na syang tumuntong sa mansion. Binilinan ko na rin ang tauhan kong si Nanding na ihatid si Ivona sa school at sunduin din pag uwi. Ayoko kasing magcommute sya dahil baka may lokong driver syang masakyan at bastusin sya. Makapatay lang ako.
Matapos kong bilinan ang mga tauhan ko ay sumakay na ako backseat ng Audi ko katabi ang briefcase. Agad ding binuhay ni Goryo ang makina at minaniobra na sa drive way palabas ng gate.
.
.
.
Isa isa kong pinipirmahan ang mga papeles na inabot sa sakin ni Ary. Pagkatapos ng dalawa kong meeting kanina ay bumalik na agad ako dito sa opisina para pirmahan itong mga papeles. Pagkatapos nito ay pupunta naman ako sa finace company ko at imi-meeting ko na maman ang mga staff ko. Tapos balik na naman ako dito.
Hindi pa nangangalahati ang araw ko ay parang pagod na ako. Parang gusto ko ng umuwi o kaya tumambay sa labas ng school ni Ivona at abangan ang paglabas nya. Pero hindi naman pwede dahil maraming trabaho.
Simula ng kinasal kami ni Ivona ay hindi pa kami nakakapamasyal na dalawa o kaya nakakapag bakasyon. Pero paplanuhin ko rin yun kapag parehas ng maluwag ang araw namin at may time na kami. Tatanungin ko rin sya kung saan nya gusto baka may lugar syang gustong puntahan. Gusto ko rin kasi syang i-pamper.
Napangiti na ako at parang gumaan na ang mood ko maisip ko pa lang sya.
Pagkatapos kong pirmahan ang huling papeles ay sinarado ko na ang folder at inabot kay Ary. Tinakpan ko na rin ang ballpen.
“Ok na ba ang lahat? Wala ng nakalimutan?” Tanong ko kay Ary.
Matamis syang ngumiti. “Wala na, napirmahan mo na lahat. Anyway, yung hinihingi mong hard copy ng proposal ni Mr. Asuncion dadalhin ko na lang sa mansion.” Aniya.
“No, ipadala mo na lang sa ibang staff natin. Hindi ka na pwedeng pumunta sa bahay ko.” Sabi ko at matiim syang tiningnan.
Nawala naman ang ngiti nya. “But why?”
“Akala mo ba hindi nakarating sa akin na binastos mo ang mga kasambahay ko.. lalo na ang asawa ko.” Hindi ko mapapalampas ang sinabi nya kay Ivona. Lalo na ng sinabihan nya itong pinikot lang ako. Ayokong maguilty si Ivona at maupset. Baka mamaya tuluyan syang makonsensya hiwalayan nya ako.
Tumawa sya. “Omg! So nagsumbong sayo ang asawa mo? Para naman syang bata. She’s so funny – ay!”
Napatili sya ng ibato ko sa pader ang tasang wala ng laman. Masama ko syang tiningnan. Nagdidilim ang paningin ko sa kanya.
Nanlalaki ang matang tumingin sya sa akin at napalunok.
“Walang nakakatawa Ary, wala kang karapatan na insultuhin ang asawa ko. Secretary lang kita, empleyado, sinuswelduhan. Kung gusto mong magtagal pa dito sa kumpanya ko matuto kang ilugar ang sarili mo. Nagkakaintindihan ba tayo?” Sabi ko sa mahinahon ngunit nagbabantang boses. Kung lalaki lang sya kanina ko pa sya binalibag sa lahat ng sulok nitong opisina. Lumalampas na sya sa limitasyon nya.
Lumunok sya at nagtaas ng noo, pinatatag ang mukha pero nababakas pa rin sa mata ang takot nya sa akin.
“N-Naiintindihan ko. I-Im sorry kung may nasabi akong hindi maganda sa asawa mo. S-Sige ipapahatid ko na lang sa ibang staff ang hard copy sa mansion. L-Lalabas na ako.” Nauutal na sabi nya at tumalikod na. Malalaki ang hakbang na lumabas ng opisina.
Sumandal naman ako sa leather chair at bumuntong hininga. Sinulyapan ko ang tasang binato ko sa pader na ngayon ay basag na. Sinilip ko naman ang oras sa suot kong relo. Pasado alas onse na. Siguradong nasa school na si Ivona.
Hinugot ko ang cellphone sa loob ng coat at binuksan. Napangiti ako ng makitang may text si Ivona. Nasa school na nga raw sya.
.
.
.
samantala..
Gigil na impit na sumisigaw si Ary sa loob ng rest room habang nakaharap sa malaking salamin. Namumula ang mukha nya sa inis kay Luigi dahil kinampihan nito ang asawa at galit na galit sya sa babaeng yun na nagsumbong talaga.
“Bwisit!” Impit nyang sigaw at kinuyom ang dalawang kamao.
Sa tanang buhay nya ay hindi pa sya nagalit ng husto sa isang tao. Ngayon lang at sa babae pang yun. Makakaganti din sya dito.
Hi! Basahin nyo rin sana ang erotic story kong Lara sa Dreame. Marami pang mangyayari sa buhay ni Lara at ni Jarred na dapat abangan. Bumalik ang ex ni Jarred na biological mother ni James. Ano kaya ang magiging papel nya? 😆 Sa mga nagtatanong kung may cheating.. uhm.. ang masasabi ko lang masusubok ang dalawa.
Chapter 23
warning 🔞
Ivona
“KUYA NANDING pwede mo na lang akong balikan kapag uuwi na ako. Tawagan na lang kita.” Sabi ko kay Kuyan Nanding pagbaba ng sasakyan. Nagpahatid ako dito sa bahay namin. Namimiss ko na kasi si mommy at Yaya Saling. Ilang linggo ko na silang di nakikita at puro video call lang.
“Sige po ma’am, balikan ko na lang po kayo basta tawagan nyo po ako. Sasaglit lang po ako sa kapatid kong may sakit sa Gulod.” Ani Kuya Nanding at sumakay na sa sasakyan.
Tumango naman ako at pumasok na sa gate. Pinagmasdan ko muna ang labas ng bahay namin at napangiti. Buhay na buhay na ang hitsura nito ngayon. Bagong pintura at bagong palitada. Pati nga ang gate namin ay bagong palit din. Ang maliit na driveway ay bagong semento at hindi na lubak lubak. Ang mga halaman ay buhay na buhay na rin. Lahat ng ito ay si Luigi ang may gawa. Marami na syang magagandang bagay na ginawa para sa akin. Kaya nagiging mabuti akong asawa para sa kanya at least doon man lang ay makabawi ako.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Pero wala si mommy, si Yaya Saling lang ang naabutan ko na nagsasaing na.
“Saan po pumupunta si mommy?” Kunot noong tanong ko.
Dalawang araw na daw hindi umuuwi si mommy. Saan na naman kaya sya naglalagi? Baka sa mga amiga na naman nya o kaya kay Stephen.
Bumuntong hininga si Yaya Saling at tumingin sa akin. “Ewan ko ba dyan sa mommy mo. Wala man lang pasabi. Parang walang kasama sa bahay na nag aalala sa kanya.”
“Eh si Stephen po, baka nasa bahay nya.” Sabi ko.
“Wala daw sa bahay nya. Kagabi nga pumunta yun dito at hinanap ang mommy mo pero wala.”
Ako naman ang bumuntong hininga at dinukot ang cellphone sa bag. Dinial ko ang number ni mommy. Pero nagriring lang ito. Nakadalawang dial pa ako pero ring lang ng ring. Naguumpisa na akong kabahan. Sinubukan ko pang idial ng isang beses at dito ay nakahinga na ako ng maluwang ng sumagot na ito.
[“Hello anak, napatawaga ka?”]
“Mommy, nandito po ako sa bahay kaso wala ka. Nasaan po ba kayo?” Tanong ko. Pero napapakunot ang noo ko ng marinig sa kabilang linya ang mga tawanan at mga kalansing.
[“Nandito ako sa bahay ng isang amiga ko anak. Galing abroad sya kaya nagsecelebrate kami.”]
“Ganun po ba? Eh kelan po kayo uuwi? Si Yaya Saling nag aalala na sa inyo dahil dalawang araw na kayong hindi umuuwi.” Sabi ko at tumingin kay Yaya Saling.
[“Kuh! Talaga yang si Saling napapraning na naman. Uuwi din ako bukas. Dito muna ako dahil nabobored ako dyan. O sige na anak ibaba ko na to at mag uumpisa na kami. Tawagan na lang kita ulit mamaya. Bye.”]
“Hello? Mommy?” Pero wala ng sumasagot sa kabilang linya. Binaba ko ang cellphone at tiningnan. Pinatay na ni mommy ang tawag.
Bumuntong hininga ako at binalik na ang cellphone sa bag.
“O anong sabi ng mommy mo? Nasaan daw sya?” Tanong ni Yaya Saling.
“Nandoon daw po sya sa isa sa mga amiga nya na galing abroad. Bukas na daw po sya uuwi.” Sabi ko.
Napailing iling naman si Yaya Saling at bumuntong hininga. Tumalikod sya at tinungo ang ref. Binuksan nya ang freezer at nilabas ang isang tupperware at nilagay sa lababo.
May pakiramdam naman akong parang may gusto syang sabihin at nagaalangan lang.
“Yaya, may problema po ba?” Tanong ko.
Natigilan sya at tumingin sa akin. Muli syang bumuntong hininga.
“Yang mommy mo kasi..”
Kumunot ang noo ko. “Ano po si mommy?”
Lumapit sya sa akin at umupo sa katapat kong upuan sa mesa.
“Yang mommy mo, nalululong sa sugal. Madalas na nga silang mag away ni Stephen dahil dyan.” Sumbong nya sa akin.
“Po? Nagsusugal si mommy?” Bulalas ko.
Tumango si Yaya Saling. “Dati ng nagsusugal ang mommy mo di mo lang alam. Pero nahinto na yun ng sunod sunod na dumating ang problema. Tapos ngayon bumalik na naman. Mas malala nga lang ngayon dahil kita mo di pa umuuwi.”
Marahas akong bumuntong hininga. Hindi ko alam na nagsusugal pala si mommy noon pa.
“Eh saan po sya kumukuha ng pera? Sa bayad ng renta ng mga tenant natin?” Magkasunod kong tanong.
“Wag kang mag aalala, di nya ginagalaw ang pera na binabayad ng mga tenant. Sa akin nga dumideretso ang mga bayad at tinatabi ko para sa mga bayarin dito. Sa asawa mo galing ang perang pinangsusugal nya.”
Nagsalubong ang kilay ko. “Binibigyan sya ng pera ni Luigi?” Di makapaniwalang tanong ko dahil hindi ko alam.
“Oo, pero hindi yata alam ni Luigi na sa sugal ginagamit ng mommy mo ang pera.”
“Oh my god.. Ano ba tong ginagawa ni mommy?” Inihilamos ko ang palad sa mukha.
Binigyan na nga sya ng pera ni Luigi tapos pinangsusugal lang nya. Nakakaloka talaga si mommy. Nakakahiya kay Luigi kapag nalaman.
Tumingin ako kay Yaya Saling at hinawakan ang kamay nya. “Hayaan nyo po ’ya, pagsasabihan ko si mommy. Babalik ako dito bukas.”
“Kuh, mag aaway lang kayo nun.”
“Di bale na po basta masabi ko sa kanyang hindi maganda ang ginagawa nya. Baka sakali tigilan na nya ang pagsusugal.” Determinadong sabi ko.
“Ikaw ang bahala. Sana lang makinig sya sayo.”
Dahil mag isa lang si Yaya Saling ay sinaluhan ko na sya sa hapunan. Marami kaming pinagkwentuhan ni Yaya Saling tungkol sa buhay ko sa mansion. Kinukwento ko naman sa kanya maliban lang sa mga intimate scenes namin ni Luigi. Kinukwento ko rin sa kanya ang mga kasambahay sa mansion na mga kasundo ko na rin. Inimbitahan ko sya sa mansion dahil di pa sya nakakapunta doon, si mommy pa lang. Umuoo naman sya at nangakong dadalawin ako doon.
.
.
.
[“Naku ma’am pasensya na po, naipit po ako sa traffic.”]
Bumuntong hininga ako ng marinig ang sinabi ni Kuya Nanding sa kabilang linya.
“Ganun ba, sige Kuya Nanding wag ka ng dumiretso dito kanila mommy. Magta-taxi na lang ako pauwi.” Sabi ko at pinatay na ang cellphone at nilagay sa bag.
“Anong nangyari na iha? Nasaan na ang sundo mo?” Tanong ni Yaya Saling paglabas ng kusina.
“Naipit po sya sa traffic. Di ko na po pinatuloy dito dahil baka gabihin pa kami lalo. Magtataxi na lang ako ’ya.” Sabi ko at sinukbit na sa balikat ang shoulder bag.
“O sige mag iingat ka. Mag text ka kapag nasa bahay ka na ng asawa mo.” Bilin nya.
“Opo.”
Sinamahan na ako ni Yaya Saling sa labas ng bahay at tinawag ang isang traysikel. Humalik muna ako sa pisngi nya bago sumakay. Pagdating sa kanto ay doon na ako nagpababa at nag abang ng taxi. Sakto namang may huminto ay agad akong sumakay bago pa ako maagawan. Sinabi ko sa taxi driver ang address.
Makalipas ang sampung minuto ay nasa tapat na ng malaking gate ng mansion ang taxi’ng lulan ko. Bumaba na ako at nag abot ng bayad sa driver.
“Baby! Bakit nagtaxi ka?”
Napapitlag ako ng marinig ang malaking boses ni Luigi. Nilingon ko sya. Nasa loob sya ng kotse at nakababa ang salamin. Salubong ang kanyang makakapal na kilay. Binuksan nya ang pinto at bumaba.
Akala ko ay mamaya pa sya uuwi.
“Babe.” Sambit ko ng makalapit sya. Hinapit nya ako sa bewang at kinintalan ng halik sa labi.
“Bakit nagtaxi ka lang? Nasaan si Nanding?” Salubong pa rin ang kilay na tanong nya. Mukhang bad mood pa yata.
“Nauna na ako sa kanya. Naipit sya sa traffic eh.”
Tumiim bagang sya at tila nagmura pa nga ng pabulong. Lalo namang napakunot ang noo ko.
“Ayos ka lang?” Nag aalalang tanong ko at humawak sa braso nya. Baka may masakit sa kanya o nagugutom na.
“I’m ok baby, let’s go inside.” Aniya at ngumiti na.
Hinawakan nya ang kamay ko at giniya ako papasok sa loob ng kotse. Pero pinigilan ko sya. Kumunot naman ang noo nya ng lingunin ako.
“Maglakad na lang tayo papasok, malapit lang naman o.” Sabi ko.
Ngumisi naman sya. “Alright.”
At magkahawak kamay na nga kaming pumasok sa loob ng gate. Binati pa kami ng mga tauhan. Nilakad na namin ang medyo may kahabaang driveway. Nagtatawanan pa kami at naghaharutan. Para lang kaming naglalakad lakad sa park at namamasyal.
.
.
.
spg
Kagat labing impit akong umuungol sa sarap habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Luigi sa akin.
Nasa pagitan sya ng mga hita ko at halos kainin ang basa ko ng pagkababae. Nakaupo ako sa marmol na sink dito sa banyo at nakabukaka. Parehas kaming walang saplot. Ang pagsashower namin ay nauwi sa mainit na tagpo.
“Uhmmm shit..” Daing ko kasabay ng pagkislot ng mga hita ko ng sipsipin nya ang clit ko. Pinasok pa nya sa lagusan ko ang isang daliri at naglulumikot doon.
Nanghihina talaga ako kapag ganito ang ginagawa nya. Doble doble ang sarap.
“Hmm tsup.. tsup..” Maingay na pagsipsip ng labi nya. “Delicious pink pussy..” Usal nya sabay buka ng dalawang pisngi ng pagkababae ko at diniladilaan ang tumitibok kong gitna.
Panay naman ang ikot ng mata ko at sabunot sa buhok nya.
“Nghh sarap..” Mahinang usal ko at gumalaw ang balakang ko, sinasabayan ang galaw ng labi at dila nya.
Tumingin naman sya sa akin at pinakita pa kung paano nya ihagod ang pinatulis nyang dila sa hiwa ko paakyat sa clit ko. Mas lalo lang tuloy akong naginit sa hitsura nya. Kaya pumikit na lang ako at kumagat labi habang nilalasap ang masarap na pakiramdam ng ginagawa nya. Hanggang sa labasan na ako.
Tumayo sya at hinawakan ang naguumigting nyang pagkalalaki at hinagod nya ito ng pataas at pababa. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa pagkalalaki nya. Kung hindi ko pa ito ilang beses ng naramdaman sa loob ko ay malamang tatakbo na ako palabas ng banyo.
Napaawang ang labi ko ng imbes na ipasok na nya ang pagkalalaki nya ay hinagod hagod nya ito sa hiwa ko na tila tinutukso ako. Pagkatapos ay itatapik pa nya ang nangingintab na ulo sa clit ko. Nakaramdam ako ng kiliti at sarap.
“Hmm..” Impit na ungol ko.
“Like it?” Tanong nya habang tuloy sa pagkiskis ng pagkalalaki nya sa hiwa ko.
Kumagat labi naman ako at tumango. Sa tuwing may nangyayari sa amin ay lagi syang may pinaparanas sa aking bago. Gaya na lang nitong ginagawa nya. Sarap na sarap ako at pumintig pintig pa nga ang pagkababae ko.
“Fuck baby, your pussy is twitching again.” Anas nya at tumingin sa akin sabay ngisi. “Mukhang excited na ang pussy mo na pasukin ko baby.” Manyak na sabi nya na ikinainit ng mukha ko. Pero imbes na maturn off ay tila lalo pa akong nagliyab sa init at pananabik.
Sinalubong ko ang mainit na tingin nya. “Ipasok mo na babe please..” Wala ng inihibisyon na sabi ko.
Tila lalo namaang nagapoy ang mata nya sa sinabi ko. Tumiim bagang sya at tinutok na ang ulo ng kargada nya sa basang lagusan ko at wala ng seremonyang pinasok ito.
“Uhhnngg..” Daing ko ng maramdaman ko na sya ng buong buo sa loob ko. Punong puno ang pakiramdam ko at banat na banat. Damang dama ko ang katigasan nya.
“Damn.. ang init sa loob ng pussy mo baby.” Anas nya at sinagad pa ang pagkakabaon at ilang sandaling hindi gumalaw na tila nilalasap nya ang init sa loob ko.
Ako naman ay nabibitin.
“Galaw ka na babe please..” Di na nakatiis na sabi ko.
“Yes wife.” Aniya at hinawakan ang dalawa kong hita at lalo pang binuka. Nagumpisa na rin syang umulos.
“Ahh.. Ahh.. Ahhmmm..” Tanging ingay na namumutawi sa bibig ko.
“Ang sarap mo wife..” Anas nya habang tuloy tuloy sa pag ulos.
Namumula na ang mukha nya at leeg. Namamawis na rin ang malapad nyang dibdib. Inabot ko ito ng kamay at hinaplos habang kagat labing nakatingin sa kanya.
“Hmmm.. Sige pa babe..” Hirit ko pa dahil tila may gusto pa akong abutin.
“Fuck baby! Lalo mo lang akong pinapalib*g. Hold me tight!” Utos nya.
Agad naman akong kumapit sa batok nya at impit na napahiyaw ng naging marahas na ang bawat ulos nya. Mabilis at sagad na sagad. Yumayanig ang buong katawan ko.
“Ganito ba baby huh?”
“Y-Yess babe! Ughhh!” Daing ko habang tila maiiyak na ako sa nakakangilong sensasyong nadarama ko dulot ng bawat sagad nyang ulos.
“Tangna baby! Ang sarap sarap mo.. nghhh!” Aniya at mas lalo pang naging gigil sa pagbayo.
Ako naman ay panay ang impit na tili at daing. May namumuo ng tensyon sa puson ko na malapit ng sumabog.
“L-Luigi.. ahh l-lalabasan na naman ako ahh!”
“Just fucking cum baby! Ughh! Shit!” Angil nito at tuloy tuloy lang sa pagbayo sa pagkababae ko.
Ilang sandali pa nga ay nanigas at nanginig ang buong katawan mo kasabay ng pag agos ng katas ko. Tumigil naman sya sa paggalaw at yumuko, siniil nya ako ng mariing halik sa labi.
Ng matapos na ako ay inalalayan nya akong bumaba sa sink. Bahagya pa ngang nanginig ang dalawang tuhod ko. Tinalikod nya ako paharap sa sink at salamin. Bahagyang tinulak pababa ang katawan ko at hinila ang balakang ko. At sa isang iglap lang ay nasa loob ko na ulit sya. Inaangkin nya ako mula sa likuran.
Pinagmamasdan ko ang sarili sa salamin habang malayang tinatanggap ang bawat ulos nya sa akin. Kagat kagat ko ang labi habang impit na umuungol. Namumungay ang mata ko at lukot ang namumulang mukha. Umaalog ang malulusog kong dibdib na piga piga ng kamay nya. Maging sya ay nakatingin lang din sa salamin at pinagmamasdan ako.
“Ang hot mong tingnan lalo sa salamin wife..” Anas nya sa tenga ko sabay kagat at pisil sa dibdib ko.
Ako rin naman ay yun ang nakikita sa sarili sa salamin. Ang hitsura ko ay alipin ng pagnanasa at sarap.
Mas lalo pang naging marahas sa pagulos si Luigi. Tumutunog na nga ang bawat hampas ng balat namin. Ramdam ko na ring malapit na sya dahil para syang lumalaki pa lalo sa loob ko. Hanggang sa ang bawat ulos nya ay sagad na sagad na at gigil na gigil. Sa huling ulos nya ay malakas syang umungol kasabay noon ang pagsabog ng mainit nyang katas sa loob ko na sinundan ko naman..
Luigi
MATALIM NA tingin ang pinukol ko kay Nanding na nakayuko lang at halatang tensyonado. Kung hindi lang gumanda ganda ang mood ko ay kanina pa sya bumulagta sa sahig dahil sa kapalpakan nya. Pinatawag ko silang lahat dito sa library office para kausapin. Pero tinaon ko munang tulog si Ivona.
“Bakit mo iniwan si Ivona? Hindi ba kabilin bilinan ko na wag mo syang iiwan saan pa sya pumunta.” Madiin na sabi ko kay Nanding.
“S-Ser, s-sorry po, sumaglit lang po ako sa kapatid ko di ko naman po aakalain na maiipit ako sa trapik – “
Malakas na binayo ko ang mahogany table na ikinapitlag nya at ng ilan ko pang mga tauhan na naroon.
“Hinayaan mong magcommute ang asawa ko. Paano na lang kung luko luko ang driver na nasakyan nya!?” Sikmat ko.
Natahimik naman sya at yumuko na lang pati na rin ang mga tauhan.
Sumandal naman ako sa leather chair at marahas na bumuntong hininga. Isa isa ko silang tiningnan. Kinuha ko sila sa agency ng isang kaibigan. Mahigpit ang mga utos ko sa kanila at ayoko sa lahat ng palpak. Dahil sa oras na pumalpak sila tanggal na sila at ibabalik ko sila sa agency nila. Sa lahat ng pwede silang pumalpak sa pagbabantay pa sa asawa ko. Ayaw na ayaw ko ngang nagcocommute sya tapos maabutan ko kaninang bumaba ng taxi.
“Nanding, alam mo naman siguro ang consequences ng kapalpakaan mo.” Matigas na sabi ko.
Nag angat naman sya ng mukha na bakas ang pagkabahala. “S-Ser, wag nyo pong patalsikin. Bigyan nyo pa po ako ng isa pang pagkakataon. Di ko na po uulitin.” Pakiusap nya.
Kinumpas ko naman ang kamay. “Sa simula pa lang sinabi ko na sa inyo ang mga dapat at hindi nyo dapat gawin. Binibigyan ko kayo ng libreng araw na pwede nyong puntahan ang mga pamilya nyo. Basta’t nasusunod ang mahigpit kong bilin. Kapag oras ng trabaho, trabaho. Hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa inyo. Kaya kung ayaw nyong mawalan ng trabaho at ibalik ko kayo sa agency nyo, sumunod kayo. At yun ang hindi mo ginawa Nanding.”
“S-Ser – “
Tinaas ko ang kamay para patigilin sya sa pagsasalita. “Mag empake ka na at bukas na bukas din ay bumalik ka na sa agency nyo. Ipapadala ko na lang sa kanila ang huling sweldo mo kasama na rin ang bonus.” Sabi ko.
Laglag ang balikat nya na muling yumuko. “Salamat po ser.” Walang kabuhay buhay na sabi nya at tumalikod na. Nagpaalam na rin ang apat pa at sumunod ng lumabas.
Nanatili pa ako ng ilang minuto sa loob ng library office bago napagpasyahang lumabas at bumalik sa kwarto. Nananabik na akong makatabi sa kama si Ivona.
Updated na rin ang Lara sa Dreame. Basahin nyo rin sana 😙
Chapter 24
Ivona
HUMIHIKAB ako habang pababa ng hagdan. Maaga akong gumising dahil maaga ang pasok ko ngayon. Dapat nga mas maaga pa ang gising ko. Nagsabi ako kay Luigi kagabi na maaga nya akong gisingin dahil sa aming dalawa sya ang laging nauunang gumising. Mabuti na nga lang di nya ako pinuyat kagabi. Pagkatapos ng mainit naming tagpo sa banyo ay di na yun nasundan pa dahil kailangan ko na ring matulog. Pero paggising ko ay wala na sa tabi ko si Luigi pero nasa kwarto pa rin ang briefcase nya. Malamang ay nasa library sya.
“Good morning!” Masiglang bati ko kanila Manang Beng pagpasok ko ng kusina. Napahinto sila sa pagkukwentuhan nila at napalingon sa akin.
Naghahanda na sila ng lulutuin sa almusal. Si Ate Cheche ay nagdudurog ng kanin habang nagpipitpit naman ng bawang si Ate Ona.
“Good morning ma’am Ivo.” Halos sabay sabay na bati nila sa akin.
“Good morning ma’am, mag aalmusal na po ba kayo? Sandali lang po ito.” Ani Manang Beng na nagpiprito naman ng daing na bangus.
“Ayos lang po manang magkakape na lang muna ako.” Sabi ko.
“Ay ma’am, ako na po ang magtitimpla ng kape nyo.” Magiliw na presinta naman ni Ate Lucy na gumagawa ng fresh mangoe juice. Masarap syang magtimpla ng kape.
“Hindi na Ate Lucy, ako na lang.” Sabi ko at pinuntahan ang coffee maker. Kumuha ako ng tasa sa cupboard at kutsarita.
Nagresume naman sila sa ginagawa nila. Pero napapansin kong nagpapalitan sila ng tingin at natahimik.
“Si Luigi po ba nagkape na?” Tanong ko habang hinahalo ang kape kong may gatas. May time gusto ko ng kape na may gatas may time naman na gusto ko ng hot chocolate sa umaga.
“Opo ma’am, nagpatimpla po kanina dinala ko sa library.” Sagot ni Ate Lucy.
Tumango tango naman ako at umupo sa stool chair sa island counter at hinigop ang mainit na kape.
“Manang Beng, aalis na po ako.”
Nag angat ako ng mukha at lumingon sa entrada ng kusina. Si Kuya Nanding pala ang nagsalita. Nakasibilyan sya at may dalang duffel bag. Nasa likuran nya si Kuya Goryo at apat pang tauhan na malungkot ang mga mukha.
“Aalis ka na ba talaga?” Tanong ni Manang Beng na bakas rin ang lungkot sa boses.
Napakunot ang noo ko at binaba ang tasa sa counter.
“Saan ka pupunta Kuya Nanding?” Di ko na napigilang itanong.
Napalingon si Kuya Nanding sa kinaroroonan ko at tila doon lang ako napansin base sa reaksyon ng mukha nya.
“M-Ma’am Ivona nandyan po pala kayo. Good morning po.” Bati nya sa akin. Binati rin ako nila Kuya Goryo.
Tumayo naman ako mula sa stool chair at lumapit sa kanya.
“Saan ka pupunta Kuya Nanding?” Ulit ko sa tanong.
Di naman sya agad sumagot at tumingin kanila Manang Beng. Tila nag aalinlangan syang sabihin.
“Aalis na po ako ma’am. Babalik na po ako sa agency.” Aniya sa malungkot na boses.
Lalo namang kumunot ang noo ko. “Ha? Aalis ka na? Bakit? Ayaw mo na rito?” Sunod sunod na tanong ko.
Bigla din akong nalungkot. Naging malapit na rin kasi sya sa akin dahil sya ang madalas na maghatid at sundo sa akin sa school o kahit saan pa ako pumunta. Para ko na nga rin syang bodyguard.
Kumamot sya sa ulo. “H-Hindi naman po sa ganun ma’am.. ano po kase..”
“Tinanggal na po sya ni ser ma’am.” Sabat ni Ate Ona. Siniko naman sya ni Ate Cheche at Ate Lucy na tila sinasaway sya.
“O bakit? Totoo naman ah. Tinanggal ni ser si Kuya Nanding.”
“Tumahimik ka na nga! Ang ingay mo. Magpitpit ka na lang ng bawang dyan.” Asik ni Ate Cheche kay Ate Ona.
Di ko sila pinansin at nakatuon lang ang atensyon ko kay Kuya Nanding na ngayon ay nakayuko na.
“Totoo ba? Tinanggal ka ni Luigi?” Tanong ko.
Hindi sya umimik at tumango lang.
Nagsalubong naman ang kilay ko. “Bakit?”
“Pumalpak po kasi ako ma’am sa trabaho ko.” Malungkot na sabi nya.
“Ano bang ginawa mo kuya?” Matindi ba ang kapalpakan na ginawa nya para tanggalin sya ni Luigi.
“Hindi ko po kayo nasundo sa bahay nyo ma’am kagabi, hinayaan ko po kayong magcommute.”
Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. “Yun lang?” Ang babaw ha!
Tumango sya. “Pero tanggap ko naman po ma’am. Kasalanan ko po. Mahigpit ang bilin sa akin ni Sir Luigi na wag kayong hayaang umuwi mag isa. Babalik na po ako sa agency namin at sana may kumuha agad ng serbisyo ko. Maraming salamat po ma’am sa kabaitan nyo sa akin.”
Napapikit ako at kinumpas ang kamay. “Hindi Kuya Nanding, dito ka lang. Kakausapin ko si Luigi.” Sabi ko sa matatag na boses.
Nag angat ng mukha si Kuya Nanding at nagtinginan na naman sila ng mga kasama nya.
“N-Naku ma’am, wag na po! Kasalanan ko naman po talaga.”
“Hindi kuya, basta dito ka lang. Wag kang aalis. Gusto ko pagbalik ko dito sa kusina nandito ka pa rin.” Pinal na sabi ko at nagmartsa na palabas ng kusina at tinahak ang direksyon papunta ng library kung nasaan ang asawa ko.
Third POV
“NAKU, patay na naman ako nito kay ser. Baka sabihin nya nagsumbong ako kay ma’am.” Kabadong sabi ni Nanding at tiningnan si Ona. “Kasalanan mo to eh, ang daldal mo.”
“Aba! Dapat nga magpasalamat ka. Dahil sa ginawa ko hindi ka na mawawalan ng trabaho.” Taas noong sabi ni Ona.
“Pa’no mo naman nasabi? Kapag ako talaga binaril ni ser at namatay mumultuhin talaga kita hanggang sa mamayat ka.”
“Wag ka ngang kabado bente dyan Kuya Nanding. Si ma’am Ivona yun. Ang reyna ng mansion na ito. Takot ang hari sa kanya.”
“May punto naman si Ona, mainam na nga yung nalaman ni ma’am Ivona ang pagtanggal sayo ni ser. Mapipigilan ang pag alis mo.” Sabi naman ni Manang Beng. Naging malapit na rin kasi sa kanya ang mga tauhan. Para na nyang mga anak at kapatid ang mga ito.
Kumamot naman sa ulo si Nanding na kabado pa rin.
“Wag kang mag alala pare, balik trabahobka na. Tiwala ka lang kay ma’am Ivona. Hindi makakakontra si ser kay ma’am Ivona. Marupok yun pagdating kay ma’am Ivona.” Ani Goryo na saksi sa maraming pagkakataon na naging marupok ang mabagsik na amo sa asawa nito.
Wala naman ng nagawa si Nanding kundi naupo na lang sa upuan na nasa kusina habang hinihintay ang hatol nya.
Ivona
KUMATOK AKO ng tatlong beses sa makapal na pinto ng library office. Mabigat ang loob ko pati ang paghinga ko. Di ako makapaniwala na sa ganun lang kababaw na dahilan ay tatanggalin na ni Luigi si Kuya Nanding sa trabaho.
“Pasok.” Ani Luigi sa loob ng library.
Hinawakan ko ang doorknob at pinihit sabay tulak pabukas. Naabutan ko si Luigi na kunot ang ang noo at seryosong nagtatype sa laptop nya. Nasa mesa nya ang tasa ng kape na tinimpla ni Lucy.
Ang aga aga nagtatrabaho na agad sya. Nakakahiya tuloy na istorbohin sya.
Bumuntong hininga ako. Parang nawalan na ako ng lakas na komprontahin sya. Pero hindi pwede, kailangan ko syang kausapin para kay Kuya Nanding.
Nag angat sya ng mukha at natigilan ng makita ako. Lumiwanag pa ang mukha nya.
“Baby, gising ka na pala.” Aniya at tumayo. Lumapit sya sa akin sabay hapit sa bewang at mabilis akong kinintalan ng halik sa labi.
Tipid ko lang syang nginitian at sineryoso ang mukha. Kumunot na naman ang noo nya.
“What’s wrong?” Tanong nya.
Humawak ako sa dibdib nya at tumingala sa kanya.
“Nakita ko si Kuya Nanding sa baba may dalang bag. Babalik na raw sya sa agency.” Panimula ko.
Hindi naman sya nagsalita at nakatingin lang sa akin.
“Tinanggal mo daw sya.” Dugtong ko.
Bumuntong hininga sya at namulsa. “Ginawa ko yun dahil hindi sya sumunod sa utos ko sa kanya. Oras ng trabaho kung saan saan sya pumupunta tapos hinayaan ka pang magcommute mag isa.” Seryosong sabi nya.
Ako naman ang bumuntong hininga. “Umalis lang sya saglit kahapon dahil pinuntahan nya ang kapatid nyang may sakit. Pinayagan ko sya dahil magtatagal naman ako sa bahay namin. Yun nga lang naipit sya sa trapik nung pabalik na. Ako na ang nagsabi sa kanya na wag na syang tumuloy sa bahay dahil magcocommute na lang ako. Mababaw na dahilan lang naman hindi mo naman sya – “
“Hindi yun mababaw lang wife.” Putol nya sa sasabihin ko pa at matiim akong tiningnan. “Takot ako na nagkocommute ka mag isa lalo na sa gabi. Paano kung may lokong driver kang nasakyan? Paano kung may makasabayan kang mga halang ang kaluluwa? Marami ng nangyayaring krimen sa labas. Mga nawawalang babae na kinukuha ng van tapos ilang araw matatagpuan ng mga kamag anak patay na. Isipin ko pa nga lang na mangyayari sayo yun nababaliw na ako. Kung pwede nga lang na ako mismo ang mag bantay sayo bente kwatro oras gagawin ko.” Litanya nya.
Napakagat labi naman ako at parang may pumitik sa puso ko dahil sa sinabi nya. Yung mababaw na dahilan sa akin ay malalim pala sa kanya. Sobra syang nagaalala sa akin at gusto nya lang na maging safe ako.
“Sorry..” Mahinang usal ko.
Hinapit na naman nya ako ulit sa bewang ay hinalikan sa noo.
“I’ll do anything for you misis ko. Masiguro ko lang na lagi kang safe.” Malambing na sabi nya at niyakap ako ng mahigpit.
Gumanti din ako ng yakap sa kanya at sumandig sa dibdib nya. Parang may mainit na kamay na humaplos sa dibdib ko dahil sa sinabi nya. Muli kong naramdaman ang pakiramdam na importante ako. Parang si daddy noon, lagi ako ang priority nya. Importante rin naman ako kay mommy pero iba kasi ang way nya.
Tumingala ako sa kanya. “Babe.”
“Hmm?” Nagbaba ng tingin ang mapupungay nyang mata.
Ngumuso ako. “Baka pwedeng wag mo ng tanggalin si Kuya Nanding. Bigyan mo sya ng isa pang chance. Nagawa lang naman nya yun dahil nagaalala sya sa kapatid nyang may sakit. Baka nga nagbibigay pa sya ng financial support dito. Kapag tinanggal mo sya pa’no pa sya makakatulong sa kapatid nya.”
Saglit syang di nagsalita at nakatingin lang sa akin. “Masyado ka ng nagiging malapit sa mga kasambahay at tauhan natin misis ko.”
“Eh kasi naiintindihan ko ang sitwasyon nila. Naghahanap buhay sila para sa mga mahal nila sa buhay.” Sabi ko.
Bumuntong hininga sya. “Fine. Di ko na sya tatanggalin. Mamaya kakausapin ko sya.”
Tuluyan na akong napangiti at niyakap ang mga braso sa batok nya sabay tingkayad at kintal ng halik sa labi nya. Ngumisi naman sya at siniil na ako ng mariing halik. Nalalasahan ko pa ang kapeng ininom nya. Pero ayos lang masarap naman syang humalik.
Luigi
“PASOK.” Sabi ko ng makarinig ng tatlong katok sa pinto.
Mula sa binabasa kong dokumento ay nag angat ako ng tingin. Humakbang palapit sa akin si Nanding na nakayuko.
“G-Good morning po ser.” Bati nya.
Tumango naman ako at binaba ang papel na hawak ko. Matiim ko syang tiningnan. Halata sa hitsura nya na kabado sya. Mabait naman sya at masunurin sa lahat ng inuutos ko. Nakapalgayan loob na nga ng asawa ko eh. Yun nga lang pumalpak sya kagabi. Hindi naman siguro masamang bigyan ko sya ng isa pang chance lalo na at nakiusap na sa akin ang asawa ko.
“Nagsumbong ka ba sa asawa ko?” Tanong ko.
“Naku ser! Hindi po!” Tarantang sabi nya at nakaguhit ang takot sa mukha. Pero diretso syang tumingin sa mata ko at lumunok. “P-Pero ser, sana po magbago pa ang isip nyo. Wag nyo na po sana akong tanggalin. Kailangan na kailangan ko po ng trabaho sa ngayon.” Pakiusap nya.
Napakamot naman ako sa kilay. “Sige na, hindi na kita tatanggalin.”
Nagliwanag ang mukha nya at nanlaki ang mata. “Talaga po ser?”
Matiim ko syang tiningnan. “Pero wag na sanang maulit yun Nanding. Higit sa lahat pinakaimportante ang asawa ko.”
“O-Opo ser! Hindi na po mauulit. Pagbubutihan ko pa po sa trabaho ko.” Sabi nya.
“Good. Sige na magpalit ka na ng damit. Ihahatid mo pa mamaya sa school si Ivona.”
“Opo ser! Maraming maraming salamat po.” Aniya na nakaguhit na sa mukha ang tuwa. Yumukod sya at lumabas na ng opisina ko.
Sumandal ako sa leather chair at hinimas ang baba. Nangiti ako at napailing.
Nagiging masyado na akong malambot dahil sa asawa ko. Di ko alam kung dapat ko ba yung ikabahala o ikatuwa. Ang alam ko lang ay ayoko syang madisappoint sa akin. May bonus pa nga ako kanina dahil sya na ang kusang humalik sa akin.
Salamat sa mga nagbabasa ng Lara’s Seduction sa Dreame. Sana basahin nyo pa dahil marami pang kaabang abang na mangyayari. 😉
Thank you rin kay cutenasweet 😙♥️
Chapter 25
Ivona
PIGA PIGA ko ang mga daliri na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Bahagya akong nakayuko kagat ang labi at hindi makatingin ng diretso kay Nick.
Nagulat ako ng bigla syang magtext kanina sa school para makipagkita. Kakauwi lang daw nya kahapon at gusto nya akong makausap dahil may nabalitaan daw sya tungkol sa akin at gusto nya iyong kumpirmahin. Alam ko naman kung ano yun.
“Kung hindi pa ako umuwi hindi ko malalaman na kinasal ka na pala.” Aniya na bakas ang hinanakit sa boses.
“S-Sorry, hindi ko naman alam kung paano sasabihin sayo dahil sabi mo walang signal sa pupuntahan nyo.” Sabi ko. Guilty ako dahil hindi nya nalaman agad ang tungkol sa pagpapakasal ko. Kahit na manliligaw ko lang sya ay may karapatan din syang malaman.
“Hindi ganun yun Ivona.” Tumingin sya sa akin. Nakaguhit ang disappointment at hinanakit sa mata nya.
Napakagat labi na lang ako at yumuko.
“Kaya ako sumampa ng barko para sayo. Kaya ako nagsusumikap dahil sayo. Tapos malalaman ko pag uwi ko may asawa ka na. Di mo alam kung gaano ako nasasaktan ngayon Ivona.”
“N-Nick.” Akma kong hahawakan ang kamay nyang nakapatong sa mesa pero tinabig lang nya ang kamay ko.
“Huwag mo kong hawakan.” Sikmat nya sa akin.
Para namang may pumiga sa dibdib ko.
“Pinaasa mo ko Ivona. Umasa naman ako. Alam mo bang sabik na sabik akong umuwi para makita ka. Umaasa ako na may sagot ka na ngayon. Pero bigo ako.”
“N-Nick I’m so sorry..” Halos pabulong na sabi ko. Hindi ako makahanap ng mga salitang sasabihin na ikagagaan ng loob nya.
“Balita ko mayaman ang napangasawa mo. Siguro tuwang tuwa ang mommy mong mukhang pera.”
Bigla akong nag angat ng tingin sa kanya. Hindi makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig nya.
“Nick, wag mong babastusin ang mommy ko.” Mariin kong sabi.
“Bakit? Totoo naman ah! Kaya nga ayaw nya sa akin para sayo dahil hindi ako mayaman.”
Hindi ako nakaimik sa sinabi nya dahil totoo naman. Ayaw sa kanya ni mommy dahil hindi sya mayaman.
Nahihiya na rin ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga katabing mesa namin. Pati nga si Kuya Nanding na nasa labas lang ng resto ay nakatingin din sa amin.
“Nick hindi mo kasi naiintindihan.” Mahinahong sabi ko. Gusto ko mang sabihin sa kanya ang buong nangyari kung bakit ako biglang nagpakasal ay nagaalinlangan naman ako. Baka kung ano pa ang isipin nya.
Umiling iling sya. “Ang sakit nitong ginawa mo sa akin Ivona. Alam ko wala akong karapatan dahil hindi naman tayo at manliligaw mo pa lang ako. Pero.. pinaramdam mo sa akin na may pag asa ako sayo eh. Ang mommy mo lang ang pumipigil sayo noon na sagutin ako. Kaya nga nagsisikap ako para tanggapin ako ng mommy mo.”
Totoo naman yun. Kung hindi lang sa pagpipigil sa akin ni mommy ay sinagot ko na sya. Gusto ko rin naman sya eh.. noon. Pero ngayon hindi na. Iba na ang nilalaman ng puso ko.
Padarag na tumayo si Nick at nagmamartsa ng lumabas ng resto. Ni hindi man lang sya nagpaalam sa akin. Kahit ng tawagin ko ay hindi man lang sya lumingon. Sinamaan nga rin nya ng tingin si Kuya Nanding bago sumakay sa kotse nya.
Alam kong masama ang loob nya sa akin. May kasalanan naman ako.
.
.
.
Tahimik ako habang nasa gitna kami ng byahe ni Kuya Nanding. Mabigat ang loob ko at ang isip ko ay nasa resto pa rin. Tinadtad ko na ng text at chat si Nick at panay ang hingi ko ng sorry pero wala man lang sya ni isang reply. Ang mga chat ko nga ay sineen lang nya.
Alam kong dahil sa nangyari at magiiba na ang samahan namin. Hindi na kami magiging kagaya ng dati. Maliban na lang kung tanggapin na nya ang nangyari at piliing intindihin na lang ako.
Narinig kong tumikhim si Kuya Nanding. Tumingin ako sa kanya.
“Ma’am, salamat po pala at kinausap nyo si ser.” Nakangiting sabi ni Kuya Nanding sa akin at tiningnan ako sa rear view mirror.
Pagkatapos kong makausap si Luigi ay binawi na nga nya ang pagtanggal kay Kuya Nanding.
Nginitian ko sya. “Walang anuman Kuya Nanding.” Sabi ko. “Sya nga pala dumiretso ka ulit sa bahay. Kakausapin ko kasi si mommy.” Ang pangakong tawag ni mommy sa akin kagabi ay hindi naman nangyari.
“Sige po.”
Makalipas ang ilang minuto ay nasa bahay na kami. Pero hindi pa ako nakakapasok sa bahay ay dinig na dinig ko na ang sigawan ni mommy at ni Stephen. Dali dali na akong pumasok sa loob.
“Ano ba kasing nangyayari sayo Beverly? Hindi ka naman ganyan. Nagbago ka na! Kakasama mo yan sa amiga mo eh! Sabi ko naman sayo layuan mo na sila!” Sigaw ni Stephen.
“Hindi ako ang nagbago! Ikaw! Madamot ka na! Pinagdadamutan mo na ako! Nanghihiram lang ako ng pera pero kung ano ano pa ang mga sinasabi mo!” Sigaw rin ni mommy.
Bahagya silang nakatalikod sa akin kaya di nila ako napapansin. Pati nga si Yaya Saling na bakas sa mukha ang pagaalala habang nakatingin sa dalawa ay hindi rin ako napansin.
“Tama na kayong dalawa ano ba. Magusap kayo ng mahinahon.” Saway ni Yaya Saling sa dalawa.
“Tama naman ang mga sinasabi ko ah! At lahat ng sinasabi ko para yun sayo! Masamang impluwensya sayo ang mga amiga mo. Tingnan mo nga! Nangangalumata ka at nangangayat dahil sa walang kwentang kasusugal mo!”
“Wag mong idamay ang mga amiga ko! Sila lang ang nagpapasaya sa akin. Mabuti sila hindi ako pinagdadamutan. Hindi kagaya mo!”
“Eh di doon ka manghiram sa mga amiga mo! Tutal naman sila lang ang nagpapasaya sayo at wala na akong kwenta sayo.” Ani Stephen na mahihimigan ang hinanakit sa boses.
“Lumayas ka! Hindi kita kailangan!” Sigaw ni mommy at pinagtulakan pa si Stephen.
“Mommy!” Sigaw ko na. Di ko na kasi kaya ang ginagawa nya kay Stephen. At hindi rin ako makapaniwala sa inaasal nya ngayon. Para syang ibang tao.
Natigilan naman si mommy at si Stephen at tumingin sa akin pati na rin si Yaya Saling.
“Ivona, anong ginagawa mo dito at nandito ka? Kanina ka pa ba dyan?” Tanong ni mommy.
Bumuntong hininga naman si Stephen at tinalikuran na si mommy. Tumingin sya sa akin. Bakas ang pagkahapo sa mukha nya.
“Kausapin mo ang mommy mo, ayaw nyang makinig sa akin.” Sabi ni Stephen bago nya ako nilampasan.
Binalingan ko naman si mommy. “Mommy anong nangyayari? Bakit nag aaway kayo ni Stephen?” Tanong ko.
“W-Wala yun anak. Yang si Stephen kasi pinagdadamutan na ako. Nanghihiram lang ako ng pera ayaw akong pahiramin kung ano ano pa ang sinasabi.” Sabi ni mommy na hindi makatingin ng diretso sa akin.
Napansin ko nga ang pangingitim sa ibaba ng mata nya. Halatang walang sapat na tulog at bahagya din syang pumayat.
“Ano po bang gagawin nyo sa pera at nanghihiram kayo sa kanya?”
“Ano.. ipang – “
“Ipangsusugal nyo?” Putol ko sa sasabihin nya.
Napasinghap naman sya at tumingin sa akin.
“Anong – “
“Wag nyo ng ikaila mommy. Dinig na dinig ko kayo kanina ni Stephen. Nag aaway kayo dahil sa pagsusugal nyo. Sinabi na rin sa akin ni Yaya Saling na noon pa man ay nagsusugal na kayo.” Sabi ko.
“Huh! So ano to? Pinagtutulungan nyo ko?” Galit nyang sabi at tiningnan kami ng masama ni Yaya Saling.
Bumuntong hininga ako. “Hindi sa ganon mommy. Walang masama sa pagsusugal pero wag lang sobra sobra.”
“Hindi ako sobra magsugal. Kayo lang ang nagiisip nyan.” Katwiran pa nya pero mayamaya ay naging malambot ang mukha sa akin. “May pera ka ba dyan anak? Baka naman pwedeng pahiramin mo muna ako. Hindi ko ipangsusugal. Babayaran ko ang amiga ko. Nakakahiya kung di ko sya babayaran. Ayaw naman akong pahiramin ni Stephen.”
“Mommy – “
“Sige na anak, alam kong may pera ka. Pahiramin mo muna ako. Pangako papalitan ko rin naman. Kailangang kailangan ko na kasing bayaran ang amiga ko.” Pakiusap pa ni mommy at hinawakan ang kamay ko.
Tumingin naman ako kay Yaya Saling na nakatingin lang din sa amin ni mommy at hindi kumikibo.
Tiningnan ko si mommy. Nagsusumamo ang mukha nya. Bihira lang sya manghingi sa akin. Hindi rin sya madamot sa akin. Kapag meron sya ay binibigyan nya ako.
Bumuntong hininga ako. “Magkano ba ang kailangan mo mommy?”
Nagliwanag ang mukha nya. “20k lang anak.” Sabi nya.
Napasinghap naman ako. Bakit ganon kalaki? Pero sa halip na itanong ay dinukot ko na lang ang wallet ko sa bag. May pera naman ako. Binibigyan ako ni Luigi. Bukod sa cash ay binigyan din nya ako ng sariling atm. Pero di ko ginagalaw ang atm.
Hinugot ko ang pera sa wallet at nagbilang. Binigay ko sa kanya ang 20k na hininihingi nya. Tuwang tuwa naman na tinanggap nya iyo.
“Salamat anak. Alam kong di mo ako matitiis.” Aniya at niyakap ako ng mahigpit. Tinapik tapik ko naman ang likod nya. Si Yaya Saling ay iiling iling na lang.
“Basta mommy, wag nyo pong ipangsusugal yan ha. Bayaran nyo na ang amiga nyo.” Gusto ko pa sanang tanungin kung saan nya dinala ang binigay sa kanyang pera ni Luigi. Pero hindi na lang. Alam ko naman na ang sagot.
“Oo anak. Don’t worry babayaran ko na talaga ang amiga ko.” Aniya at nilagay na sa bulsa ng bestida ang pera at tumalilis ng akyat sa hagdan. Mukhang excited pa sya.
“Saan kayo pupunta mommy?” Tanong ko.
“Maliligo anak, tapos pupuntahan ko na ang amiga ko para bayaran.” Nakangiting sabi nya.
Tumango na lang ako.
Bumaling naman ako kay Yaya Saling at nilapitan sya. Humalik ako sa pisngi nya.
“Dapat hindi mo binigyan ang mommy mo ng pera.” Aniya.
“Ipambabayad daw po nya sa amiga nya at hindi daw sya magsusugal.” Sabi ko. Pero sa loob loob ko ay duda din ako kay mommy.
“Di ka makakasiguro dyan. Hay, lumalala na ang mommy mo. Nagiging addict na yata sya sa pagsusugal. Ang suhestiyon nga ni Stephen ay iparehab na sya.”
Napakunot ang noo ko. “Ganun na po ba kalala?”“
“Bago pa lumala dapat aksyonan na.”
Nanlulumo namang umupo ako sa sofa at tumingin sa ikalawang palapag ng bahay namin kung nasaan si mommy.
Luigi
“LALAKI? Sinong lalaki yun?” Salubong ang kilay ko sa sinabi ni Nanding.
Napatuwid ako ng upo sa leather chair. Hindi ko nagustuhan ang nireport nya na may kinatagpo daw na lalaki si Ivona sa isang resto. Nagngingitngit ang dibdib ko sa selos.
Sino naman kayang lalaki yun? Classmate nya? Manliligaw? O baka ex. Hindi! Wala pang nagiging boyfriend si Ivona kaya wala syang ex. Ako ang una nya sa lahat.
“Hindi ko po kilala ser. Pero bata pa. Di nalalayo ang edad kay ma’am.”
Napatiim bagang ako.
“Anong pinag usapan nila?”
Kumamot sya sa ulo. “Hindi ko po alam ser eh. Nasa labas lang po ako ng resto.”
Mariin akong napapikit. Nangangati ang kamao ko at gusto kong manapak. Nagdidilim na rin ang paningin ko.
“Lagi ba silang nagkikita?” Usisa ko pa.
Lumunok sya at bahagya pang yumuko. “Hindi po ser, kanina lang. Pero napansin ko po kanina parang nagtatalo sila. Parang galit yung hitsura ng lalaki. Tinatawag sya ni ma’am pero di sya lumilingon. Tapos sinamaan pa ako ng tingin.”
“Punyeta!” Inis na hinampas ko ang desk na ikinapitlag nya. Nagtalunan pa ang mga gamit sa ibabaw ng desk.
Sino ba kasi ang punyetang lalaking yun?
“Bakit kasi hindi mo inalam ang pangalan?” Inis na sabi ko sa kanya.
Kumamot na naman sya sa ulo. “Sige po ser, sa susunod aalamin ko na po ang pangalan nung lalaki.”
Sinamaan ko sya ng tingin. “Anong susunod? Sinasabi mo bang magkikita pa silang dalawa?” Sikmat ko sa kanya.
Napalunok sya. “Eh ser, bakit di nyo na lang po tanungin si ma’am kung sino yung lalaki?”
“Inuutusan mo ko?”
Umiling iling sya. “Hindi po ser, nagsa-suggest lang.”
Kinumpas ko ang kamay at padaskol na sinandal ang likod sa leather chair. Walang mangyayari kung sya ang pagbuntunan ko ng inis.
“Di bale, tanungin ko na lang sya mamaya. At mula bukas lahat ng pupuntahan, gagawin at mga taong kakausapin ng asawa ko ay irereport mo sa akin.”
“Opo ser.”
Tumango ako at kinumpas ang kamay.
Tumalikod na sya at lumabas na ng library office.
.
.
.
Mataman akong nakatingin kay Ivona sa salamin habang nagsusuklay sya ng buhok. Bagong shower sya. Hindi man lang ako hinintay. Kasalanan ko rin naman dahil ang tagal ko sa library office.
“Babe.” Untag nya sa akin habang nakatingin rin sa akin sa salamin.
Fuck. Ang ganda talaga ng asawa ko.
“Yes baby.”
“Ang sabi ko may problema ba? Kanina ka pa nakatulala sa akin dyan sa salamin.” Aniya at umikot ng upo paharap sa akin.
Ngumiti sya at yumakap sa bewang ko. “Bakit po?” Malambing na tanong nya.
Kinagat ko ang loob ng labi habang nakatunghay sa kanya. Nagaalangan tuloy akong tanungin sya tungkol sa lalaking kinatagpo nya.
Bukas na nga lang.
“Nothing misis ko. Tulog na tayo.” Nakangiting aya ko sa kanya.
“Ok.” Aniya at tumayo na.
Pero napatili sya ng bigla ko syang buhatin at ihagis sa kama saka mabilis na dumagan sa kanya. Bago pa sya makapagsalita ay sinakop ko na ang labi nya.
Chapter 26
warning 🔞
Luigi
“HMMM BABE..” Ungol ni Ivona habang nagtaas baba sa kandungan ko. Awang ang labi nya at mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.
Habang ako naman ay pigil na pigil ang sarili na ihiga sya ulit at ako naman ang gumalaw. Hahayaan ko muna sya. Iba rin naman kasi ang kiliti at sarap kapag sya ang nasa ibabaw ko at nagkokomando.
Pinagmamasdan ko na lang sya habang haplos ko ang makikinis na mga hita nya. Ang sarap nyang pagmasdan. Ang maganda nyang mukha na lukot dahil nasasarapan. Ang itim na itim na mahaba nyang buhok na sumasabay sa bawat indayog nya. Ang malulusog at tayong tayo nyang mga dibdib na umaalog. Ang mala rosas nyang dalawang utong na tirik tirik na kay sarap isubo. Ang maliit at impis nyang bewang at ang malantik nyang balakang.
Ang sexy talaga ng asawa ko. Kaya nakakagigil eh.
Pangatlong round na namin to. Mabuti nga at hindi pa sya nagrereklamo na pagod na. Mukhang nasa mood sya.
Tumaas ang isang kamay ko at kinubkob ang isang dibdib nya at pinisil pisil. Humawak naman sya sa braso ko at tuloy lang sa pagtaas baba sa kandungan ko. Bumaba naman ang kamay ko sa impis nyang tiyan, puson at sa pagkababae nyang sumasakop sa alaga ko. Kinapa ng daliri ko ang cl*t nya at kinalabit kalabit iyon. Nangatal naman ang mga hita nya at pinalis ang kamay ko.
“W-Wag!” Saway nya sa akin.
Nginisihan ko naman sya. Alam kong sensetibo pa ang cl*t nya.
Pero hindi ako nagpaawat. Muli kong kinapa ang cl*t nya at minasahe. Pilit naman nyang tinatanggal ang kamay ko.
“B-Babe wag nga..” Saway nya pero kulang sa diin.
Kaya mas lalo akong hindi nagpaawat. Mas diniinan ko pa at binilisan ang pagmasahe sa cl*t nya. Mahigpit naman ang hawak nya sa braso ko at bumabaluktot na ang katawan nya. Kumikipot na rin ang dalawang hita nya habang impit syang umuungol.
Hanggang sa tuluyan ng nanginig ang katawan nya. Ramdam ko ang mainit nyang katas na bumalot sa alaga ko. Tinanggal ko na ang kamay ko at dumapa naman sya sa ibabaw ko. Niyakap ko ang katawan nya at hinalik halikan ang buhok nya.
Pinalo nya ako ng mahina sa dibdib. “Ang pilyo mo.”
Tumawa lang ako.
“Stay put ka lang misis ko, ako naman ang gagalaw ko.” Sabi ko at nagumpisa ng umulos pataas habang mahigpit ang yakap ng braso ko sa bewang nya.
“A-Ahhh babe..”
Sinubsob ko ang mukha sa buhok nya habang mabilis ng umuulos.
Sarap na sarap talaga ako sa loob nya. Masikip at mainit. Kung pwede nga lang na ibabad ko ang alaga ko sa loob nya magdamag gagawin ko.
“U-Ughh babe.. lalabasan na naman ako ohh..” Ungol nya na tila naiiyak pa.
“Me too baby.. nghhh sabay tayo. Ughhh!”
Parehas nanigas at nanginig ang mga katawan namin at sabay na narating ang sukdulan. At hindi pa man sya nakakabawi ay binaliktad ko ang posisyon namin. Sya naman ngayon ang nasa ilalim at ako naman ang nasa ibabaw. Sinakop ko ang labi nya at muling umulos.
“MABUTI naman at pinayagan ka ng asawa mo pare.” Nakangising sabi ni Kester ng maupo na ako sa stool chair sa bar counter.
Nginisihan ko lang din sya at tinawag na ang bartender at humingi ng alak. Halos kumpleto kami ngayon dito sa The Top Bar minus Lorenzo at Jeiz. Nagpaalam naman ako kay Ivona na magkikita kaming magkakaibigan dito sa bar.
“Hindi naman istrikta si Ivona sa akin.” Sabi ko sa pagitan ng pagsimsim ng alak sa baso.
Tinapik ako ni Atlas sa balikat. “Pero balita ko under ka daw?”
Tinaasan ko ng kilay si Atlas. Sino na naman kaya ang may sabi sa kanya nyan? Malamang isa sa mga tauhan ko. Close nya kasi ang mga tauhan ko lalo na si Goryo. Pero sigurado naman akong hindi sasabinin ni Goryo na under ako.
“Hindi ako under, sinusunod ko lang kung ano ang gusto ng asawa ko.” Katwiran ko.
Sabay naman silang tumawang tatlo na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Sinamaan ko na lang sila ng tingin.
“Hindi daw under pero sinusunod lang kung ano ang gusto ng asawa.” Tumatawang ulit ni Kester sa sinabi ko.
“Bakit? Magkaiba naman yun ah.” Salubong ang kilay na sabi ko.
Ngumisi naman si Matias. “Sabi mo eh.”
“Tss.” Nilagok ko na lang ang alak sa baso at nagparefill pa sa bartender.
Nag vibrate naman ang cellphone ko sa loob ng dinner jacket ko. Hinugot ko naman ito. Napangiti ako ng makitang may text si Ivona. Wala pang isang oras na umalis ako sa bahay ay mukhang namimiss na ako ng asawa ko.
Binuksan ko ang message nya.
Misis ko: Babe wag kang masyadong magpapakalasing may pasok ka pa bukas. Uwi din agad.
Napakagat labi ako at ngumiti. Ang bilis ng tibok ng puso ko at tila may kumikiliti sa tiyan ko.
Tangna! Nakakabakla man sabihin pero kinikilig talaga ako sa tuwing tatawagin nya akong babe. Samantalang noon kapag tinatawag akong babe ng mga nakadate ko ay walang dating sa akin. Naalala ko noong una nya akong tawaging babe. Muntik na akong maihi.
Ngingiti ngiting nagtype ako ng reply.
Ako: Yes babe. Di ako magtatagal. Wait for me
Nilapag ko ang cellphone sa ibabaw ng counter at kinuha ang baso kong bagong refill. Nakatingin ako sa cellphone habang sinisimsim ang alak sa baso ko.
Parang ang tagal yata magreply ng misis ko.
Bumuntong hininga ako at napalingon sa mga kaibigan ko. Napakunot ang noo ko ng makitang nakatingin sa akin ang tatlo na may nakakalokong ngisi sa mga labi.
“What?”
Tumawa na naman sila.
“Finished ka na boy!”
“Inlababo na si angkol!”
“Mahinang nilalang!”
Mga komento nilang tatlo.
“Tss. Magsi asawa na nga rin kayo. Naiinggit lang kayo.” Sikmat ko sa kanila.
Bakit kasi wala dito ang dalawa ng hindi nila ako pinagiinitan. Mabuti na lang maganda ang mood ko kung hindi nilayasan ko na sila.
Parang tumalon naman ang puso ko ng umilaw at magvibrate ulit ang cellphone ko. Agad ko yung dinampot at binuksan ang message ng asawa ko.
Napaawang ang labi ko at muntik ng mapamura ng makitang nagsent sya ng picture. Mirror selfie yun at kuha sa banyo namin sa kwarto. Medyo magulo ang buhok nya at suot ang t-shirt ko na nagmukha ng bestida nya sa laki. Agad kong sinave sa gallery ang picture nya. Gagawin ko yung wallpaper.
Misis ko: Pahiram ako ng t-shirt mo babe
Kagat labing nagtype ako ng reply.
Ako: No problem misis ko. My shirt looks good on you
Pagkasend ko ay naramdaman kong may mga matang nakatingin din sa cellphone ko. Napapikit ako ng mariin ng makitang nakasilip ang dalawa. Agad kong pinatay ang cellphone dahil ayokong titigan nila ang picture Ivona.
“Putangna, anong problema nyong tatlo?” Asik ko sa kanila.
“Anong tatlo? Silang dalawa lang ang nakasilip hindi ako kasali.” Sabat ni Matias na nasa kanang bahagi ni Kester.
Tatawa tawa namang umayos ng upo si Atlas at Kester. Palibhasa parehas chismoso.
“Oops sorry!”
“What the fuck!” Napatayo ako sa kinauupuan ng maramdaman ang malamig na likido na bumuhos sa balikat ko. Basa ang dinner jacket ko.
Nagdidilim ang paningin na nilingon ko ang gagong nagbuhos ng alak sa akin. Napatayo na rin ang tatlo kong kaibigan. Pati na rin ang ilang mga nasa malapit namin ay napalingon na sa amin.
“You fucking shit!” Mura at duro ko sa lalaking nakatayo sa likuran ko at may hawak na bote ng beer na halos wala ng laman dahil tinapon nya sa balikat ko.
Halatang lasing na ang lalaki na akay ng dalawang kaibigan nya.
“Pasensya na pare, hindi sinasadya ng kaibigan namin. Lasing na kasi sya eh.” Hinging paumanhin naman ng isang lalaking nakaalalay sa lasing na tumapon sa akin ng alak.
Tinapik ako ni Atlas sa balikat. “Hayaan mo na pare, lasing yan.”
Inis na bumuntong hininga naman ako at tiningnan ang dinner jacket kong amoy beer na.
“Lu.. Luis Gregory Federova?”
Salubong ang kilay na tiningnan ko ang lalaking lasing ng banggitin nya ang buong pangalan ko. Naniningkit ang mga mata nyang nakatingin sa akin na parang kinikilala ako.
“Ikaw nga! Luis Gregory Federova. The multi-billionaire who owned the largest telco company. Ang asawa ni Ivona.” Anang lalaking lasing na tinuro pa ako sabay tawa. “Hahaha! Kita mo nga naman ang pagkakaton. Ang liit talaga ng Manila. Dito pa tayo nagkita.”
Naningkit ang mata ko sabay haklit sa kwelyo ng damit ng lalaking lasing. Agad namang hinawakan ng dalawang kasama nya ang braso ko at pilit tinatanggal. Pero lalo ko lang tinigasan ang braso ko at matalim na tiningnan ang lalaking lasing na nakangisi lang sa akin.
“Bakit kilala mo ang asawa ko?” Asik ko sa kanya.
Sinuri ko ang hitsura ng lalaki. Disente naman syang tingnan at may hitsura naman. Sa tingin ko mas bata ito sa akin. Pero bakit kilala nya ang asawa ko? Baka stalker sya.
Lalo namang lumaki ang ngisi ng lalaking lasing. “Ang asawa mo lang naman ang babaeng dapat ay akin at hindi sayo.”
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya at sinuntok ito. Sumadsad ito sa sahig ng bar.
“Fuck you! Akin lang ang asawa ko!” Galit na duro ko sa kanya.
Hinawakan naman ako sa balikat ni Kester at Atlas. Ang lalaking lasing naman ay dinaluhan ng dalawa nyang kaibigan at tinulungang bumangon. Natahimik ang buong bar at halos lahat ng tao ay nakatingin sa amin at nakikiusyoso. Galit na galit ako sa lalaki at gusto ko syang lumpuhin sa bugbog. Ang kapal ng mukha nyang sabihin na dapat kanya ang asawa ko at hindi sa akin.
Ng makatayo na ang lalaki ay galit din syang tumingin sa akin. Putok ang gilid ng labi nya na may tumutulo pang dugo. Nanlilisik din ang mata nyang nakatingin sa akin.
“Fuck you too asshole! Pinakasalan ka lang ni Ivona dahil mayaman ka. Kung hindi ka umepal kami na sanang dalawa ngayon.”
“Aba’t gagong to ah!” Akmang susugurin ko sya pero mahigpit ang mga braso nila Atlas at Kester na pigil pigil ako. Samantalang si Matias ay nakasandal lang sa counter at nakusuksok ang isang kamay sa bulsa ng trouser habang sinisimsim ang alak nya sa baso at tila bored na nakatingin lang sa amin.
“Pare, wag mo ng putalan. Lasing lang yan.” Sabi ni Kester.
“Anong wag patulan? Narinig nyo ba yung sinabi nya?” Galit na sabi ko.
“Oo narinig namin. Di kami bingi.” Sabat ni Matias. Sinamaan nya ito ng tingin. Tinaas lang nito ang baso sabay lagok.
Putang*na talaga nito kahit kelan.
Binalingan ko na lang ang lalaking lasing may nakakaloko pa ring ngiti sa labi. Ang sarap talagang pagsusuntukin ang mukha para mabura ang ngisi.
“Magpakasaya ka na habang na sayo pa si Ivona dahil di rin magtatagal babalik sya sa akin. Ako ang gusto nya hindi ikaw. Pinakasalan ka lang nya dahil mayaman ka. Kaya mong bayaran ang malaking utang nila sa bangko.”
Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Bakit alam nya yun? Sino ba sya?
“Uulitin ko pinakasalan ka lang ni Ivona para gawing taga bayad ng utang nila.”
Parang umakyat na ang dugo ko sa ulo. Hindi na ako napigilan ng dalawa ng sunggaban ko ang lalaki at pinagsusuntok. Nagdidilim na ang paningin ko. Galit na galit ako sa kanya.
Marami ng umaawat sa akin. Marami ng mga kamay at braso ang humihila sa akin palayo sa akin.
“Luigi pare! Tama na baka mapatay mo yan!” Awat ni Atlas.
“Talagang papatayin ko ang hayop na yan!” Gigil na sabi ko at hingal sa galit ng ilayo na nila sa akin ang lalaki na lupaypay na dahil sa mga suntok ko.
Si Nanding naman na driver ko ngayon ay humarang na sa harapan ko kasama ang ilang bouncer. Sinisiguro na di na ako makakalapit sa lalaki.
.
.
.
Tahimik ako sa likod ng kotse at nakahalukipkip habang tiim bagang na nakatingin sa labas ng bintana. Naka t-shirt na puti na lang ako dahil hinubad ko ang dinner jacket kong amoy beer dahil sa punyetang lalaki na yun.
Pinauwi na ako nila Atlas para hindi na raw lumala ang gulo sa bar. Ang lalaking lasing naman ay dinala sa hospital dahil wala pa ring malay. Ang tatlo ko namang kaibigan ay kinausap ang may ari ng bar na kakilala lang namin.
Sinandal ko ang ulo sa headrest at pumikit ng mariin. Kinuyom ko ang kamao. Parang sirang plakang paulit ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabi ng lalaki kanina. Na pinakasalan lang ako ni Ivona para gawing tagabayad ng utang nila. Na hindi nya ako gusto at ang lalaking yun ang gusto nya. Nagngingitngit ang loob ko. Parang may sumasakal sa puso ko.
Narinig nyang tumikhim si Nanding.
“Ser?”
“What?” Asik ko rito pero hindi nag abalang magmulat ng mata.
“Yung lalaki pong binugbog nyo kanina. Sya po yung lalaking katagpo ni ma’am Ivona noong isang araw.”
Nagmulat ako ng mata at matalim na tiningnan si Nanding.
.
.
.
Dahan dahan akong umupo sa gilid ng kama habang pinagmamasadan ang magandang mukha ni Ivona na payapang natutulog. Hawak hawak pa rin nya ang cellphone. Halatang nakatulog sya sa paghinintay sa akin.
Ilang sandali kong pinagsawa ang mata sa mukha nya at bumuntong hininga. Ilang oras ko pa lang syang hindi nakikita ay miss na miss ko na sya.
Dahan dahan kong kinuha ang cellphone nya at binuksan ang message box nya. Napatiim bagang ako ng mabasa ang hindi pamilyar na pangalan ng lalaki. Binuksan ko ito. Parang dinaklot ang puso ko ng mabasa ang sunod sunod na text nya sa lalaking nagngangalang Nick.
Nick I’m sorry please
Hindi ko sinasadyang saktan ka
Kausapin mo naman ako
Reply me please
Humigpit ang hawak ko sa cellphone at bago ko pa ito madurog at maihagis sa pader ay nilapag ko ito sa night table. Umupo ako sa single couch na nakaharap kay Ivona. Tinukod ko ang dalawang siko sa tuhod at sinabunutan ang buhok. Gusto kong magmura. Gusto kong magwala. Dahil sa nabasa ko sa cellphone nya at sa sinabi ni Nanding ay nakumpirma ko lang na totoo ang sinabi ng lalaking yun.
Fuck! Fuck!
Tiningnan ko ang mahimbing pa ring natutulog na asawa. Sari sari ngayon ang nararamdaman ko sa kanya.
Tumayo ako at binigyan ng huling tingin si Ivona at lumabas ng kwarto.
Maraming salamat sa concern nyo guys. Ok na ok po ako. Di lang ako nakapag update kahapon dahil sinamahan kong magpacheck up ang kapatid ko. Inabot kami ng hapon kaya di ako nakapagsulat ng Truly Madly.
Share ko lang.
More than 20 years ng hiwalay ang parents ko. Anim kaming magkakapatid at ako ang panganay na babae. Di na namin kasama ang mother namin at sa loob ng mahigit 20 years ako na ang tumayong nanay nila. Kaya kapag may sakit sila syempre to the rescue agad ako. Tapos next week check up at laboratory naman ng tatay ko.
Maraming salamat sa nagpaabot ng tulong sa mga nagsend ng gcash. Nakalikom ako ng pampalaboratory ng tatay ko next week at pambili ng gamot.
Maraming salamat din sa mga nagpurchase ng coins para mabasa ang Lara sa dreame. Sa mga nagbabasa. Thank you so much sa inyo. Sana patuloy nyong basahin. Mas wild at mas intense ang spg. Komportable akong magsulat ng spg doon dahil walang magrereport.
Yun lang mga bii. Ingat din kayo. Mahirap magkasakit at mahal. 🤗
Chapter 27
Ivona
“MANANG SI Luigi po?” Tanong ko kay Manang Beng pagpasok ng kusina. As usual busy na naman sila sa routine nila sa umaga.
“Pumasok na po ma’am.” Sabi ni Manang Beng.
Napakunot ang noo ko. Ang aga naman yata nyang pumasok.
“Anong oras po sya umalis?” Tanong ko pa.
“Mga alas sais po ma’am. Hindi na nga po nagkape eh.”
“Ganun ba.” Napaisip nya. Baka may importanteng pupuntahan. Lagi naman syang busy at maaga minsan umaalis.
“Kape po ma’am?” Alok ni Ate Lucy.
“Sige Ate Lucy, pakitimpla ako. Salamat.”
“Almusal ma’am? Di pa ba kayo mag aalmusal?” Tanong ni Ate Ona.
“Mamaya na lang Ate Ona 10:30 pa naman ang pasok ko.” Sabi ko.
Sinabi ko rin kay Ate Lucy na dalhin sa lanai ang kape. Doon ko gustong magkape ngayon.
Nag excuse na ako sa kanila at pumunta ng lanai.
Binuksan ko ang cellphone ko. Sunod sunod ang pumasok na chat galing kay Ava at sa mga kaklase ko. Binuksan ko yun isa isa at nireplayan.
“Heto na po ang kape nyo ma’am Ivo.”
Nilingon ko si Ate Lucy na dala ang kape ko. Nginitian ko sya. “Salamat Ate Lucy.”
“Sa kusina lang po kami ma’am. Tawagin nyo lang po kami kapag may kailangan kayo.” Ani Ate Lucy.
Tumango tango naman ako at dinampot ang tasa at humigop. Masarap talagang magtimpla ng kape si Ate Lucy. Next yomey nga magpapaturo ako.
Nagtagal pa ako sa lanai dahil nag video call pa kami ni Ava. Ang dami nyang chika.
“Ay wait bes, knows mo na ba na may binugbog daw si Kuya Luigi sa bar kagabi?” Ani Ava sa nasa screen.
Kumunot naman ang noo ko. “Ha? May binugbog si Luigi kagabi? Kanino mo naman nalaman yan?”
Ngumuso si Ava. “Narinig ko pinaguusapan ni kuya at ni kuya Kester kanina sa phone.”
Natigilan ako. Nasa bar nga kagabi si Luigi kasama ang mga kaibigan. Nagpaalam pa nga sya sa akin. Nakatulugan ko na nga ang paghihintay sa kanya. Tapos paggising ko wala sya. Parang di ko nga naramdaman na tumabi sya sa akin kagabi eh. Pero ang sabi ni Manang Beng ay maaga daw syang pumasok.
“Hindi ko alam bes, pag uwi nya kagabi tulog na ako tapos paggising ko wala na sya.” Sabi ko.
“Tapos alam mo ba kung ano pa ang narinig ko. Naospital daw yung binugbog dahil nawalan ng malay pero nagising na rin daw yun nga lang putok ang kilay at bali ang ilong. At ito pa ang pinaka worst, magdedemanda daw ito kay Kuya Luigi.”
“Oh my god.” Bulalas ko at nilukuban ng sobrang pag aalala.
Bakit nambugbog si Luigi sa bar? Malamang may ginawa ang taong yun sa kanya. Dahil hindi basta basta mananakit si Luigi ng walang dahilan. Pero di ko malalaman ang buong pangyayari kung hindi ko makakausap si Luigi. Ayokong makulong sya.
“Uhm wait lang bes, tatawagan ko lang si Luigi.” Paalam ko sa kaibigan.
“Ok bes, kita na lang tayo mamaya sa school.”
Pinatay na nya ang video call nila ni Ava at dinial ang number ni Luigi. Pero nagriring lang ito at hindi sinasagot. Baka busy at may ginagawa. Lalo lang tuloy syang nagaalala.
Tumayo ako sa couch at akmang papasok sa loob ng bahay ng makita ko si mommy.
“Mommy, anong ginagawa mo dito?” Kunot noong tanong ko at lumapit sa kanya sabay halik sa pisngi.
Yung hitsura nya ay mukhang wala pang tulog. Nanlalalim ang mata at mas lalo pa syang nangayayat.
“Anak nandito ako kasi may kailangan ako sayo.” Aniya.
Kumunot ang noo ko. “Ano yun mommy?” Tanong ko. Bagamat may ideya na ako kung ano ang kailangan nya.
“Kailangang kailangan ko ng pera anak. 500 thousand.” Diretsahang sabi nya.
“What?” Nanlalaki ang matang sabi ko. “500 thousand? Bakit ganun kalaki mommy? Anong gagawin nyo sa pera? Nagsusugal na naman ba kayo?” Sunod sunod at inis kong tanong.
“Ano anak.. ganito kasi yun.. N-Natalo kasi ako anak eh. Nanalo na ako ng 100k tapos sinugal ko ulit nagbabakasakali akong dumoble. Kaya lang olats. Tapos nagkautang pa ako kay Oscar. Kaya kailangan ko ng pera anak para mabayaran si Oscar.”
Pumikit ako ng mariin at napahilot sa sentido. “Mommy naman! Sabi nyo hindi na kayo magsusugal? Nagsinungaling kayo sa akin.”
“Nagbaka sakali nga ako anak. Kung nanalo naman ako babalatuhan kita. Eh kaso talo.” Katwiran pa nya na akala nya ay tama ang ginawa.
“Wala po akong pera.” Sabi ko.
Natigilan naman sya. “Anong.. Anong wala kang pera? Binibigyan ka ni Luigi di ba?”
“Hindi ko po ginagalaw yun dahil pera nya yun.”
“Pero binigay na nya sayo kaya pera mo na yun. Sige na anak pahiramin mo na ako ng pera. Kailangan ko ng bayaran si Oscar.” Pangungulit pa ni mommy.
“Wala nga akong maibibigay na ganung halaga sa inyo mommy. May pera sa wallet ko pero wala pang 20k.” Sabi ko.
“500k ang kailangan ko Ivona. Ano ba? Pahiramin mo na ako. Kailangan ko pa bang magmakaawa sayo?” Inis na ring sabi nya.
Tumingin sya dito. Tila wala na sa katinuan ang momm nya. Ganito na ba sya kalulong sa sugal? Tama nga si Yaya Saling. Adik na sya sa sugal. Baka kapag binigyan ko pa sya ay lalo lang syang hindi makabangon.
Umiling iling sya. “I’m sorry mommy, pero wala akong maibibigay sa inyo.” Matigas na sabi ko.
Tumiin ang tingin nya sa akin hanggang sa tumalim.
“Ah ganon? Pinagdadamutan mo na ako Ivona? Baka nakakalimutan mo, kung hindi dahil sa akin hindi mo mapapangasawa si Luigi. Kung hindi dahil sa plano ko na pikutin sya hindi ka titira dito sa mansion at hindi ka magbubuhay reyna.”
“So plinano nyo palang mag ina ang lahat.”
Sabay kaming napalingon ni mommy kay Luigi. Napasinghap sya at nanlaki ang mata.
Madilim ang mukha nya at matalim ang matang nakatingin sa akin. Humakbang ako palapit sa kanya.
“Babe – “
“Don’t come near me.” Mabalasik ang boses na sabi nya sa akin.
Tila naman may punyal na tumarak sa dibdib ko dahil sa lamig at gaspang ng tono nya. Tila rin ako itinulos sa kinatatayuan ko sa klase ng tingin nya sa akin.
“I thought you were different from other women baby. But I was wrong. Mas malala ka pala.”
Napalunok ako. “B-Babe mali ka ng iniisip mo – “
“So anong plano nyong mag ina sa akin? Huhuthutan nyo ko ng pera hanggang sa masaid ako? Lilimasin nyo ang kayamanan ko?”
“Ano bang pinagsasabi mo dyan iho? Sinasabi mo bang pineperahan ka lang ng anak ko?” Galit na ring sabi ni mommy.
Binigyan ni Luigi ng matalim na tingin si mommy na ikinamutla nito.
“Narinig ko kayo. Galing mismo sa bibig nyo. Plinano nyong pikutin ako para sa pera. Ngayon napagtanto ko na ang lahat.” Ngumisi sya at tumango tango. “Nice.” Aniya at tumingin sa akin. “I’m quite impressed.”
Napalunok ako. Parang may nakabara sa lalamunan ko na bumaba sa puso ko. Parang namanhid na rin ang buong katawan ko. Hindi ako makahagilap ng sasabihin at nakatingin lang sa kanya. Si mommy naman ay tuluyan ng hindi nakaimik.
Lumapit si Luigi sa akin. Malamig ang tinging binibigay nya sa akin. May nakaguhit na poot sa kanyang mata.
“What’s the matter baby? Cat got your tounge?” Nanunuyang tanong nya.
Nilabanan ko ang titig nya at lumunok. “Wala akong alam sa sinasabi mo.”
“Liar.” Mariing anas nya sa mukha mo. “Dinig na dinig ko kayo ng mommy mo baby.”
Napapikit naman ako. “M-Magpapaliwanag ako.”
“Anong pang ipapaliwanag mo? Huling huli na kayong mag ina. Anong balak mo ha? Kapag naubos mo na ang pera ko babalik ka sa lalaki mo ganun ba?” Akusa nya sa akin.
Nag angat ako ng mukha at naguluhan sa sinabi nya. “Anong lalaki? Wala akong lalaki.”
“Sinungaling!” Sigaw nya na ikinapikit ko.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang sinasakal ng malaking kamay ang puso ko sa loob. Di matanggap ng puso ko na sinigawan nya ako at tinawag na sinungaling. Nananakit ang lalamunan mo. Pinipigilan kong pumatak ang luha ko.
Naniningkit ang mata nyang nakatingin sa akin. Nangangalit ang kanyang panga. Punong puno ng poot at sa sakit. Wala na ang dating kislap ng mata nya kapag tumitingin sa akin.
“Nakita ko sa bar ang lalaki mo kagabi. What’s his name again? Nick?” Nanguuyam na sabi nya.
Napasinghap naman sya. Si Nick? Nagkita sila kagabi?
Ngumisi sya. “And you know what? Pinangangalandakan ng lalaki mo sa bar na sya ang gusto mo at hindi ako. Na kung hindi ako umepal kayong dalawa na. Na pinakasalan mo lang ako para maging tagabayad nyo ng utang sa bangko.”
“Hindi totoo yan!”
“Totoo! Dahil binayaran ko ang utang nyo sa bangko!”
“Hindi ko sinabi sayong bayaran mo!” Ganting sigaw ko na rin sabay tulak sa kanya at pahid ng luha kong pumatak na sa pisngi. Sobrang sikip na ng dibdib ko.
Natigilan naman sya.
Muli ko syang tinulak at nilampasan. Nakita ko pa sila Manang Ben at mga kasambahay na nakatingin sa amin. Bakas sa kanilang mukha ang pagaalala. Pero di ko na sila pinansin at patakbong inakyat ang hagdan.
Kinuha ko ang maleta ko sa closet at nilagay ang mga damit ko. Yung mga damit ko lang na akin. Na sarili kong pera ang pinambili. Hindi ko na sinama ang mga damit na galing sa pera nya. Ng mapuno na ito ay lumabas na ako ng closet.
“Saan ka pupunta? Lalayas ka na dahil nabisto na kita?”
Matalim nya itong tiningnan. Ano pa ba ang saysay na manatili dito kung ganito nya ako tratuhin tapos ayaw pa nyang makinig sa akin. Tutal naman mukhang pera ang tingin nya sa akin at iniisip nya na plinano namin ang pagpikot sa kanya ay malamang papalayasin na nya ako.
“Oo! Lalayas na ako! Dun din naman ang punta di ba? Palalayasin mo rin ako dahil mukha akong p-pera. Kaya bakit ko pa patatagalin!” Asik ko sa kanya. Napopoot na rin ang dibdib ko.
Hindi sya umimik at tiim bagang lang na nakatingin sa akin.
Kinuha ko ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto hila ang maleta.
“Sige! Lumayas ka! Wag ka ng babalik!” Sigaw nito paglabas ko ng pinto.
Napahinto naman ako ng makarinig ng mga kalabog sa loob ng kwarto at mga sigaw nya na galit galit.
“I hate you! I hate you!” Sigaw nya.
Tuluyan na akong napaiyak at dali dali ng bumaba ng hagdan.
Pinilit ko talagang mag update ngayon kahit maiksi lang dahil wala pong update bukas. Laba day ko bukas. Baka sunday na next update 😗
Chapter 28
Ivona
“IVONA, bakit ka lumayas sa mansion? Ano ka ba? Hindi ka ba nag iisip?” Tungayaw ni mommy sa akin habang papasok kami ng bahay. Pinalis ko naman ng kamay ang luha ko sa pisngi.
Lumabas naman ng kusina si Yaya Saling na nagpupunas ng kamay at napakunot ang noo ng makita ako lalo na ang maletang dala ko.
“Anong nangyari Ivona? Bakit may dala kang maleta? Teka, umiiyak ka ba?” Nagaalalang tanong ni Yaya Saling at lumapit sa akin.
Lalo lang tuloy akong naiyak at yumakap sa kanya. “Y-Yaya..” Umiiyak na sabi ko.
“Ano bang nangyayari at umiiyak ka?” Hinagod hagod ni Yaya Saling ang likod ko.
“Ivona, bumalik ka sa mansion ngayon din. Hindi ka dapat basta basta lumalayas.” Sikmat ni mommy sa akin.
Bumitaw ako ng yakap kay Yaya Saling at binalingan si mommy.
“Para ano mommy? Patuloy akong insultuhin ni Luigi? Papalayasin rin naman nya ako kaya bakit ko pa patatagalin.” Pinahid kong muli ang luha na naglandas sa pisngi ko.
“Teka, bakit ka papalayasin ni Luigi? Ano bang nangyayari?” Naguguluhang tanong ni Yaya Saling.
“Anuman ang sabihin nya hindi ka dapat lumayas. Asawa mo na sya at may karapatan ka na sa mansion na yun.” Giit pa ni mommy.
Tumiim ang bagang ko at tumalim ang tingin kay mommy. “Kasalanan nyo kung bakit nagagalit sa akin ngayon si Luigi. Kung ano ano kasing mga sinasabi nyo kanina. Ng dahil sa inyo.. ng dahil sa inyo kaya kinamumuhian nya ako ngayon! Puro na lang kasi kayo pera! Pera! Mas importante sayo inyo ang pera! Kayo ang mukhang pera!” Galit ko ng sigaw sa kanya.
Pero kasunod niyon ang paglagapak ng palad nya sa pisngi ko.
Agad naman ako niyakap ni Yaya Saling.
“Beverly!” Sigaw ni Yaya Saling na matalim ding tiningnan si mommy.
Hindi naman nagsalita si mommy at matalim ding nakatingin sa akin.
Umiiyak na yumakap na lang ako kay Yaya Saling. Sya na lang talaga ang kakampi ko ngayon. Dahil ang taong dapat kakampi ko sa ganitong sitwasyon ay sya pa ang dahilan ng pagkawasak ng puso ko ngayon.
“Tsk! Magsama kayong dalawa.” Himutok ni mommy at nagmartsa na palabas ng bahay.
Sinundan ko na lang sya ng tingin na may hinanakit.
“Hayaan mo na yang mommy mo. Upo ka muna ikukuha kita ng tubig tapos sabihin mo sa akin kung ano talaga ang nangyari.” Ani Yaya Saling at inakay ako paupo sa sofa.
Iniwan nya ako saglit at pumasok ng kusina para ikuha ako ng tubig. Hindi naman sya nagtagal ay bumalik din agad dala ang isang basong tubig at binigay sa akin. Kinuha ko naman iyon at ininom. Hinagod hagod naman ni Yaya Saling ang likod ko.
“Ngayon sabihin mo sa akin Ivona kung ano talaga ang nangyari. Bakit nagagalit sayo si Luigi?”
Tumulo na naman ang luha ko pero agad ko din iyong pinunasan at humarap kay Yaya Saling. Ikinuwento ko sa kanya ang buong nangyari sa mansion..
“Kuh bruha talaga yang mommy mo. Kasalanan yan ng pagiging adik nya sa sugal kaya kung ano ano ang lumalabas sa bibig pati ikaw pinahamak pa.” Galit na litanya ni Yaya Saling matapos kong sabihin ang lahat.
“Siguro nga pinlinano talaga ni mommy pero wala akong alam dun yaya. Sumunod lang ako sa gusto nya dahil sa pag aalalang baka mabuntis ako.” Sabi ko.
Bumabalik sa isip ko kung gaano ka eager si mommy noon na ipakasal ako kay Luigi to the point na nagbanta pa sya na idedemanda si Luigi kapag hindi ako pinakasalan. Akala ko concern lang sya yun pala may hidden agenda sya. At ngayon ako pa ang napasama kay Luigi.
“Alam ko yun iha, hindi ka naman kasi materyosa. Yang mommy mo ang materyosa. Sya ang mukhang pera. Kaya tama yung sinabi mo kanina. Kita mo nga, pumunta pa sa mansion para manghiram sayo ng 500 thousand para lang sa pansugal nya. Kuh, ng dahil sa kanya nagkagulo kayo ng asawa mo.”
Ang sakit sakit sa dibdib ng mga sinabi sa akin ni Luigi kanina. Hindi ko malunok. Malayong malayo sya kanina sa Luigi na malambing at palangiti sa akin. Ang masakit pa hindi nya ako hinayaang makapag paliwanag at hinusgaha agad ako. Galit na galit sya sa akin at iniisip nyang pera at kayamanan nya lang ang habol ko. Pero kahit galit na galit sya sa akin at ininsulto ako ay hindi ko magawang magalit sa kanya ng lubusan.
Bumuhos muli ang luha ko at bumaling ako kay Yaya Saling. “M-Mahal na mahal ko si Luigi yaya.” Umiiyak na sabi ko.
Malungkot na ngumiti si Yaya Saling at kinabig ako payakap.
.
.
.
Maghapon lang akong nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Wala akong ganang kumain at panay iyak lang. Himala nga at hindi pa ako nauubusan ng luha.
Hindi na rin ako pumasok sa school. Hindi rin naman ako makakapag concentrate at malamang iiyak lang din ako doon, pag aalalahanin ko pa si Ava. Panay na nga rin ang kulit nya sa chat kung ano ang nangyayari sa akin.
Narinig kong bumukas ang pinto.
“Tapos na akong magluto ng hapunan. Kumain ka na.” Sabi ni Yaya Saling.
“Wala po akong gana ’ya.” Malamyang sabi ko at hindi man lang sya tinapunan ng tingin.
Umupo si Yaya Saling sa gilid ng kama. “Hindi pwede yan iha, di ka na nga kumain ng tanghalian pati meryenda hindi mo kinain. Wala pang laman ang tiyan mo.”
Hindi ako umimik sa sinabi ni Yaya Saling. Wala talaga akong ganang kumain ngayon. Hindi ako nagugutom. Ang gusto ko lang ay humiga.
“O sige, kung gusto mo, dadalhin ko na lang dito ang pagkain mo. Kumain ka na ha. Kahit kaunti lang. Pati kasi ako hindi na rin makakain sa pag aalala sayo.” Ani Yaya Saling.
Doon lang ako tumingin sa kanya. “Hindi po kayo kumain kanina?” Nagaalalang tanong ko.
Tipid syang ngumiti. “Kaunti lang, hindi ako makakain ng maayos sa tuwing naiisip ko ang kalagayan mo rito. Nakahiga ka lang tapos iyak ng iyak.”
Tumulo na naman ang luha ko.
“O hayan ka na naman, umiiyak ka na naman.” Pinahid ni Yaya Saling ang luha ko sa pisngi.
Ngumiti naman ako ng tipid at bumangon na. “Sige yaya, kakain na ko.”
Nagliwanag ang mukha nya. “Talaga?”
Tumango ako. Ayoko namang pati ang kalusugan ni Yaya Saling ay maapektuhan dahil sa akin. Sya na lang ang kakampi ko baka magkasakit pa sya.
Kaya kahit mabigat ang loob ay sumama na sya ditong bumaba.
Luigi
INISANG lagok ko ang lamang alak sa baso at pabagsak na nilapag sa bar counter ang baso. Dinampot ko ang bote ng brandy at sinalinan muli ang baso.
Naramdaman ko naman ang pagtapik sa balikat ko ng kung sino sa mga kaibigan ko. Nandito kami sa bahay ni Kester at nagkayayaang uminom. O mas tamang sabihin na inaya ko sila. Dapat sa bar kami iinom pero nagpumilit silang dito na lang. Hindi ako pumasok sa opisina ko at tumambay lang sa kwarto at uminom at nagbasag. Pero kahit basagin ko ang lahat ng gamit sa bahay ay hindi pa rin maalis ang bigat at galit sa dibdib ko.
Dinampot kong muli ang baso at inisang lagok sabay bato ng baso sa istante na puro alak ang laman. Tinamaan ang isang bote at nabasag.
“Tang*na mo ka pare, binasag mo yung vintage wine ko.” Reklamo ni Kester at agad na nilapitan ang nabasag na bote.
Sinamaan ko sya ng tingin. “Babayaran ko.”
“Kulang kulang isang milyon ito.”
“Tss, cheap.” Sambit ko at kumuha ulit ng isang baso at sinalinan ng alak. Muli ko itong nilagok.
“I hate her.. I hate her..” Mahinang usal ko ng paulit ulit.
“Sure ka ba dyan?” Tanong ni Atlas.
Sinamaan ko sya ng tingin. Nagkibit balikat lang sya.
“Alam mo pare, parang di naman yata ako naniniwala na ganung klaseng babae si Ivona. Mas matagal ko na syang kilala kesa sayo. First year high school pa lang sya kilala ko na dahil madalas syang isama dito ni Ava. Mabait si Ivona at hindi mapagsamantala. Inuutangan pa nga yun ni Ava dahil gastasera ang kapatid ko na yun.” Ani Atlas. Tumango tango naman si Kester, Matias at Lorenzo na nandito ngayon sa Manila kasama ang fiance nya na isang teacher na buntis na.
Sinalinan ko muli ng alak ang baso at inisang lagok.
“Nanggaling na mismo sa bibig ng mommy nya at ng lalaking yun. Pera lang ang kailangan nya sa akin.” Mapait na sabi ko.
“Kung totoo yan pare, bakit hindi ginagalaw ni Ivona ang perang dineposito mo sa bank account nya. Isip isip din.” Bira ni Matias.
“Dahil narinig ko nga mismo sa bibig ng mommy nya na plinano nila na pikutin ako. Sinabi rin ng lalaking yun na pera lang ang dahilan kung bakit nya ako pinakasalan! Ikaw ang hindi nagiisip Santiago!” Inis na sabi ko sa kaibigan at tinawag na sya sa apelido nya.
“Eh di hiwalayan mo na. Bawiin mo ang lahat ng perang binigay mo lalo na yung pinambayad mo sa bangko. Kapag hindi nila ibinigay ipakulong mo. Tapos ang problema mo.”
Paradarag akong tumayo sa stool chair at matalim na tiningnan si Matias.
“At bakit ko sya hihiwalayan? Para magsama na sila ng lalaki nya? No fucking way!” Bulyaw ko.
Tumayo rin si Matias at matalim na rin akong tiningnan. “Ang talino mo sa maraming bagay pare. Tuso ka rin pero pagdating sa babae mo, ang tang tanga mo.”
Tumiim bagang ako at naikuyom ang kamaong nangangati na at gustong manuntok ng kaibigang pasmado ang bibig.
Nagsitayuan na rin ang tatlo at naging alerto. Matalim ang tingin namin ni Matias sa isa’t isa.
“O chillax lang kayo mga par, pambihira naman kayo o. Bibihira ko na nga lang kayong makita magaaway pa kayo.” Ani Lorenzo na hinawakan ako sa balikat.
“Lanya, parang mali yata na dito ko pa kayo inayang maginuman sa bahay ko.” Si Kester na mas nag aalala sa mga koleksyon nya ng vintage wine kesa sa aming dalawa ni Matias na malapit nang magsabong.
“Lalong di pwede sa bahay ko. Nandun si mommy at si Ava.” Sabat ni Atlas at binalingan na kaming dalawa ni Matias. “Magsiupo na nga kayong dalawa. Walang mangyayari kung magsasabong kayo. Lalo ka na Luigi pare, bukod sa asawa mo may isa ka pang problemang kinakaharap. Yung Nick, desidido ng idemanda ka. Malakas ang laban nya dahil maraming saksi sa bar at may cctv. Aksyunan mo na yan bago pa magbaba ng warrant at damputin ka ng mga pulis.”
“Tss.” Bumalik na ako sa pagkakaupo. Tila lalo pang kumulo ang dugo ko pagkarinig sa pangalan ng lalaking yun. Sa tuwing maririnig ko ang pangalan nya ay naaalala ko lang ang mga text ni Ivona sa kanya. Kung paano makiusap ang asawa ko sa kanya at humihingi ng sorry.
“Dammit!” Nagpupuyos ang dibdib na binayo ko ng kamao ang counter.
Napailing iling naman ang mga kaibigan ko
Ipapakulong ako ng Nick na yun para ano? Para makuha nya sa akin ang asawa ko? Putang*na nya. Dadaan muna sya sa bangkay ko bago nya makuha ang asawa ko.
Ivona
NAALIMPUNGATAN ako ng makarinig ng katok sa pinto.
“Ivona. Ivona iha. Gising ka pa ba?”
Bumangon ako ng marinig ang boses ni Yaya Saling sa labas ng pinto. Tumayo ako at kinapa kapa ng paa ang step in ko. Ng maisuot ko na ito ay lumapit ako sa pinto at binuksan ito.
“’Ya bakit po?” Tanong ko. Antok na antok na ako at medyo mahapdi ang mata ko dahil sa kaiiyak kanina.
“Naku, nakatulog ka na pala. Pasensya ka na sa istorbo. Pero kasi.. si Luigi nasa labas. Tinatawag ka. Kanina pa nga maingay eh baka magreklamo na ang mga kapitbahay.”
Nanlaki ang mata ko at tila nawala ang antok dahil sa sinabi ni Yaya Saling.
“Nandyan po si Luigi?” Kumakalabog ang dibdib na tanong ko.
“Oo nasa labas at mukhang lasing na lasing.”
Lumabas ako ng kwarto at dali daling bumaba ng hagdan. Sumunod naman sa akin si Yaya Saling.
“Ivona!”
Napasinghap ako ng marinig ang boses ni Luigi sa labas.
“Ivona baby! Uwi ka na please. Uwi na tayo sha bahay.”
Napalunok ako habang papalapit ng gate. Nakita ko si Luigi na kinakalampag ang gate habang nakayuko. Sa likod naman nya ang apat na malalaking lalaki na namukhaan ko na mga kaibigan nya.
“Pare, bukas ka na lang pumunta dito. Lasing ka, baka lalong hindi ka harapin ni Ivona.” Dinig kong sabi mo Kuya Atlas.
“Ivona is here.” Sabi naman ni Kuya Kester na unang nakapansin sa akin.
Nag angat naman ng mukha si Luigi at tumingin sa akin.
Napalunok naman ako at napakagat labi ng makita ang hitsura nya. Magulo ang buhok nya at mapupungay ang mga mata. Gusot gusot na rin ang suot nyang button down long sleeve na gray na suot pa nya kaninang umaga.
“Baby, uwi na tayo sha bahay. Gabi na.” Sabi nya at nilusot pa ang kamay sa pagitan ng rehas ng gate at inaabot ako. Pero dahil siguro sa sobrang kalasingan ay bumagsak ang kamay niya at muntik ng sumubsob ang mukha sa gate. Mabuti na lang at maagap syang hinawakan sa balikat ni Kuya Atlas at Kuya Kester.
Next update na ang continuation. Antok na me 😪
Chapter 29
Ivona
KUMAGAT labi ako. Naaawa ako sa hitsura nya at naiinis. Hindi ganitong Luigi ang kilala ko. Sa loob loob ko natutuwa ako na pumunta sya dito sa bahay at pinapauwi na ako. Ibig sabihin hindi nya ako kayang tiisin. Gusto ko syang labasin sa gate at yakapin. Pero tinatalo ako ng pride ko. Bumabalik ang sakit na naramdaman ko kanina ng insultuhin nya ako at hindi man lang ako hinayaang magpaliwanag.
Humugot ako ng malalim na hininga at nagtaas noo.
“Ayoko. Di ako uuwi. Dito lang ako sa amin.” Matigas na sabi ko.
Nag angat sya ng mukha sa akin at nagsalubong ang kilay. “Anong.. hindi ka uuwi? Doon ka na nakatira sha bahay ko baby kaya umuwi ka na. Uwi na tayo.” Aniya sa magaspang at lasing na boses.
Tinaasan ko sya ng kilay ay sinamaan ng tingin. “Di ba pinalayas mo na ako? Bakit pinapauwi mo ko ngayon?”
Natigilan sya. “P-Pinalayas kita?” Tila di makapaniwalang tanong nya.
“Oo pinalayas mo ko. Sabi mo, sige l-lumayas ako at wag ng b-babalik.” Pumiyok pa ako ng dalawang boses. Pinipigil kong tumulo ang luha. Parang may nakabara na naman sa lalamunan ko at hirap akong lumunok.
Narinig ko naman ang pagsipol ni Kuya Lorenzo kaya tiningnan ko sya. Ngumiti lang sya akin. Si Kuya Atlas at Kuya Kester ay nginitian lang din ako. Si Kuya Matias naman na nakasandal sa isang sasakyan at naninigarilyo ay tinanguan lang ako.
Napayuko naman ako sa hiya. Siguradong alam na nila ang nangyayari sa amin ni Luigi baka kung ano na ang iniisip nila sa akin. Pero hindi ko naman sila mababakasan ng panghuhusga sa mata.
“I.. I’m shorry. Hindi ko.. sinasadyang sabihin yun. Please umuwi ka na. Uwi na tayo.” Nagsusumano ng sabi nya at inaabot ako ng kamay.
Umtras naman ako. Hinawakan ako ni Yaya Saling sa balikat.
“Luigi iho, ang mabuti pa umuwi ka muna.”
Umiling iling si Luigi. “No yaya, hindi ako uuwi ng hindi ko kashama ang asawa ko.”
Kumagat labi ako. Nanunubig na naman ang mata ko.
“Naiintindihan ko iho, pero lasing ka. Umuwi ka muna sa bahay nyo at magpahinga. Tapos bukas ay pwede kang bumalik para makapag usap kayo ng maayos ni Ivona.” Mahinahong sabi ni Yaya Saling.
Napalingon ako sa kanya. “’Ya.”
Hinimas himas ni Yaya Saling ang balikat ko. “Mas maigi kung makakapag usap kayo bukas ng asawa mo ng masinsinan para magkaliwanagan.”
“Tama si manang pare, umuwi ka muna at matulog. Bukas mo na lang sunduin dito si Ivona.” Sabi ni Kuya Atlas at hinawakan na sa balikat si Luigi. Tinulungan naman sya ni Kuya Kester at inilayo na nilang dalawa si Luigi sa gate.
“Teka yung asawa ko.”
“Walang kukuha sa asawa mo dito. Balikan mo na lang sya bukas.” Ani Kuya Lorenzo.
Tumingin naman sa akin si Luigi. “Baby, babalik ako bukash ok. Sushunduin kita. Yaya Shaling pakiingatan ang ashawa ko.” Bilin pa nya kay Yaya Saling bago nagpaakay na sa mga kaibigan patungo sa sasakyan. Susuray suray pa sya.
Tinanguan naman ako ng mga kaibigan nya. Ipinasok sya ng mga ito sa likod ng isang sasakyan. Tatlo ang sasakyan na dala nila. Ang sasakyan ni Luigi ay si Kuya Lorenzo ang nagmaneho. Mukhang nagmaneho sya mag isa papunta dito sa bahay. Mabuti na lang at hindi sya nabangga at mabuti na lang din sumunod ang mga kaibigan nya.
Napsimangot ako ng umalis na ang mga sasakyan nila.
“Nakikita ko mahal ka rin ng asawa mo.”
Napalingon ako kay Yaya Saling. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya.
Ngumiti sya at hinawakan ang pisngi ko. “Mahal ka rin ng asawa mo. Kaya kailangan nyong mag usap bukas.”
Lumunok ako at tumango tango. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni Yaya Saling na mahal ako ni Luigi pero masarap sa pakiramdam. Sana nga ay totoo.
Luigi
NAALIMPUNGATAN ako sa boses na naririnig ko. Umungol ako sa inis at dinilat ang mata. Napamura pa ako ng masilaw sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.
“Oh my god Luigi. Mabuti naman at gising ka na. Sobra akong nag alala sayo kahapon dahil hindi ka na bumalik sa meeting tapos hindi rin kita makontak.”
Napakurap kurap ako ng mata at hinanap ng paningin ang nakakairitang boses ng babae. Hindi yun boses ng asawa ko.
Kumunot ang noo ko ng makita si Ary na nakatayo sa gilid ng kama at nakatunghay sa akin.
“Ary? Anong ginagawa mo dito sa kwarto namin ng asawa ko? Nasaan si Ivona? Baby?” Tawag ko sa asawa ko at bumangon. Napangiwi ako ng sumigid ang kirot sa sentido ko.
“Gusto mo ba ng pain reliever? Magpapakuha ako sa katulong.” Ani Ary at tumalikod para tunguhin ang pinto.
“Sandali nga.”
Tumigil sya at bumalik papalapit sa akin. “Bakit? May kailangan ka pa? Gusto mo ng kape? Magpapatimpla ako.”
Nagsalubong ang kilay ko. “Ano bang ginagawa mo dito? Di ba ipinagbawalan na kitang pumunta rito?” Sita ko sa kanya.
Ngumiti naman sya ng matamis at akmang hahawakan ako sa braso pero mabilis kong iniwas ang braso.
“Ano ka ba. Wala na dito ang asawa mo kaya pwede na akong pumunta. Pinagbawalan mo lang naman akong pumunta dito dahil sa kanya.”
Tila naman lalong sumigid ang kirot sa sentido ko. “Pinagsasabi mo? Anong wala na dito ang asawa ako?”
“Wala na sya dito dahil pinalayas mo na sya di ba? Dapat lang naman yun dahil nabisto mo na ang pangloloko nya. My god! Ang kapal ng babaeng yun ha. Pera lang pala ang habol sayo.”
Dahil sa sinabi nya ay saka ko lang naalala ang mga nangyari kahapon. Narinig ko ang sinabi ni mommy Beverly na plinano niyang pikutin ako para sa anak. Nagtalo kami ni Ivona at nauwi sa paglayas nya. Naalala ko rin na pinuntahan ko sya kagabi sa bahay nila para pauwiin. Pero hindi sya sumama sa akin dahil lasing ako kaya nangako ako na ngayon babalik para sunduin sya.
“Lumabas ka na Ary.” Pagtataboy ko kay Ary.
“Hintayin na lang kita sa baba? Sige. Utusan ko na rin ang mga katulong na ipaghanda ka ng almusal para makakain ka na tapos sabay na tayong umalis.” Aniya na ngiting ngiti pa.
Tinaliman ko sya ng tingin. “Ang sabi ko lumabas ka na. Lumabas ka sa pamamahay namin ng asawa ko. Banned ka dito.” Mariing sabi ko.
Nawala naman ang ngiti nya. “Asawa pa rin ang tawag mo sa kanya? Di ba niloko ka nya? Kaya nga pinalayas mo sya.”
“Ikaw ang lumayas habang nakakapagtimpi pa ako Aryana. Baka makalimutan kong anak ka ni ninong at kaladkarin kita pababa ng hagdan. Lumayas ka!” Sigaw ko sabay turo sa pinto.
Napapitlag naman sya at bahagyang namutla. Pero agad ding sumimangot at tumalikod na.
Muli kong hinilot ang kumikirot na sentido. Parang lalong sumakit ang ulo dahil sa babaeng yun. Ang kulit!
Pumasok na ako sa banyo para magshower. Baka sakali mawala na rin ang kirot sa ulo ko. Kailangan ko ring magmadali dahil susunduin ko pa si Ivona at ibabalik dito sa bahay.
Tumiim bagang ako at tinukod ang dalawang kamay sa tiles na dingding ng banyo. Hinayaan kong bumuhos ang malamig na tubig sa katawan ko.
Niloko man nya ako o ginamit lang asawa ko pa rin sya. Kasal kami sa papel at dito lang sya dapat sa bahay ko. Kaya sa ayaw nya at sa gusto uuwi sya dito.
Pagkatapos kong pagalitan ang mga tauhan dahil nakapasok si Ary sa bahay ko ay agad na akong dumiretso sa bahay nila Ivona para sunduin sya.
“Heto iho, magkape ka muna. Pababa na rin yun si Ivona.” Ani Yaya Saling at nilapag sa coffee table ang umuusok pang kape.
“Salamat ho.” Sabi ko at dinampot ang kape at humigop. Gusto ko ang lasa ng kape. Ito yung kapeng unang natikman ko dito sa bahay nila.
Hindi ako nakapagkape kanina sa bahay dahil nagmamadali akong pumunta rito.
Nag angat ako ng tingin ng makarinig ng yabag. Nabitin ang paghigop ko ng kape ng makitang pababa si Ivona. Nakasuot sya ng pink na oversized t-shirt na may nakaimprentang cartoon character. Litaw ang mapuputi at makikinis nyang hita. Napalunok ako kasabay ng pagreact ng alaga ko sa loob ng trouser.
Umakyat pa ang mata ko sa mukha niya. Magulo pa ang buhok nya at halatang bagong gising. Parang may tumadyak sa puso ko ng makita ang mugto nyang mata. Mukhang magdamag syang umiyak kahapon dahil sa akin.
Fuck..
Nagtama ang mata namin at inirapan nya ako. Ngumisi naman ako.
Sya na nga ang may kasalanan sya pa ang matapang.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong nya ng makalapit sa akin.
Lihim naman akong napamura ng marinig ang magaspang nyang boses. Lalo lang magreact ang alaga ko at lalo pang sumikip ang trouser ko. Ganyan na ganyan kasi ang boses nya tuwing umaga pag gising nya.
Pumikit ako ng mariin at napamura sa sarili. Dapat galit ako sa kanya hindi yung ganito na makita ko lang sya lumalambot na ako.
Tumikhim ako at pinormal ang mukha. “Sinusundo ka. May bahay ka tapos dito ka pa natutulog.” Malamig na sabi ko at nilapag ang kape sa saucer.
Sumimangot sya at nanghahaba ang ngusong humalukipkip. “Di ba nga pinalayas mo ko. Sabi mo wag akong babalik? Bakit ngayon may pasundo sunod ka pa?” Mataray na sabi nya.
Napaawang naman ang labi ko. Ngayon lang nya ako tinarayan ng ganito. Aminado naman ako na pinalayas ko nga sya kahapon. Pero sya ang naunang gustong lumayas. At nasabi ko lang din yun dahil sa patong patong na galit ko kahapon.
Hanggang ngayon galit pa rin ako. Oo galit pa rin ako. Putangna, galit pa rin ako ngayon. Dapat nga wala ako rito at hindi sya sinusundo pauwi. Pero putangna, dahil galit ako kaya nandito ako ngayon.
Tang*na talagang buhay to. Kaya ako sinasabihang tanga ni Matias eh.
Tumikhim ulit ako. “I’m sorry, nasabi ko lang yun sa sama ng loob. Pero di ka pa rin dapat lumayas.”
Umirap na naman sya. “Ayoko ng bumalik dun.”
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. “Anong ayaw mo ng bumalik?”
Bumuntong hininga sya. “Di ba pinikot lang naman kita at pera mo lang ang habol ko? So dapat maghiwalay na tayo. Wag kang mag alala yung perang pinambayad mo sa bangko babayaran ko yun k-kapag nakahanap na ako ng trabaho pag graduate ko.”
“No!” Padaskol akong tumayo at kinuyom ang kamao. Tumatambol na naman sa kaba at ngitngit ang dibdib ko.
Natigilan naman sya at napalunok.
“Gusto mong maghiwalay tayo? Para ano? Magsama kayo ng Nick na yun? Ganun ba?” Nagpupuyos sa galit ang dibdib ko.
“Ano bang pinagsasabi mo? Bakit naman kami magsasama ni Nick?”
“Dahil lalaki mo sya!” Sigaw ko.
“Hindi ko sya lalaki!” Ganting sigaa nya na halos patili na. Namumula na rin ang mukha nya at matalim ang tingin sa akin.
“Huh! Hindi mo sya lalaki pero katext mo sya. Panay pa ang hingi mo ng sorry at halos magmakaawa kang replayan ka nya. Tapos nagkita pa kayong dalawa. Anong gusto mong isipin ko.” Tiim bagang na sabi ko. Parang sasabog na ang puso ko sa galit at gusto kong magwala. Mas masakit pa to kesa sa nalaman kong plinano lang nila ng mommy nya na pikutin ako dahil sa pera.
Nakita ko pa si Yaya Saling sa entrada ng kusina at nakatingin lang sa amin.
Natigilan na naman sya ng ilang saglit at bumuntong hininga. Nakipaglaban din ng titigan sa akin.
“Hindi ko sya lalaki ok? Oo nagtitext kami at nagkita pero walang malalim na dahilan yun. Nagsosorry lang ako sa kanya.” Mahinahon ng sabi nya.
“At bakit ka nagsosorry sa kanya? Dahil pinagpalit mo sya sa akin?” Sarkastiko kong sabi.
Mariin syang pumikit at matalim ang tingin sa akin ng dumilat. “Hindi ko sya pinagpalit sayo dahil unang una sa lahat hindi naman naging kami. Kaibigan ko sya at oo nanligaw sya pero di ko sya sinagot dahil kasal na tayo.”
“Pero kung hindi pa tayo kasal sasagutin mo sya?”
Saglit syang hindi nagsalita. “Siguro.. pero di rin ako sure.”
Umismid ako. “Tss, malamang sasagutin mo sya. Gusto mo sya eh.” Mapait na sabi ko.
Sinamaan naman nya ako ng tingin. “Oo gusto ko sya – noon, hindi na ngayon dahil may iba na akong gusto.”
Ako naman ang natigilan sa sinabi nya. Tama ba ang narinig ko? May iba na syang gusto? Sino yun? Ako?
Bumilis ang tibok ng puso ko at tila unti unting napapalis ang ngitngit.
“Sino yun?” Tanong ko.
“Ewan ko. Baka yung magtataho dun sa subdivision.” Pilosopo nyang sabi sabay irap sa akin.
Matiim ko naman syang tinignan at bumuntong hininga.
“Tss, sige na. Magempake ka na, uuwi na tayo.” Sabi ko.
“Bakit? Pumayag ba ako?”
Sinamaan ko sya ng tingin. Di ko inaakalang may taglay din syang katigasan ng ulo.
“Sa ayaw mo at sa gusto uuwi ka sa bahay ko. Mag asawa tayo kaya kung nasaan ako dun ka. Tapos ang usapan.”
“Aba’t – “
“Ivona iha, halika muna sa kusina mag usap tayo saglit.” Tawag ni Yaya Saling kay Ivona.
Tiningnan muna nya ako ng matalim at inirapan bago lumapit kay Yaya Saling.
Napangisi naman ako at napailing iling.
Lara’s Seduction on Dreame updated na rin po. Sana basahin nyo ;)
Thank you kay NashelStabio4 sa pameryenda. Ang sweet mo bii. Labyu 😗
Chapter 30
Ivona
“ATE ONA, Ate Cheche ok na ba lahat yan?” Tanong ko sa kanila pagpasok ko ng kusina. Nakasuot na ako ng uniporme at papasok na sa school. Pero bago yun ay idadaan ko muna ang mga ginawa kong cupcake sa mga customer ko.
“Ok na ok na lahat ma’am. Nakabox na.” Ngiting ngiti na sabi ni Ate Ona.
Napangiti na rin ako ng makita ang may kulang kulang benteng box ng cupcake na tig anim na piraso ang laman. Maayos na rin ang pagkakaribbon nito.
“O ito pa ang isang box.” Ani Manang Beng na tumulong din sa pagbobox ng cupcake. Pinatong nya ang isang box na hawak nya sa counter.
“Salamat sa inyo. Yung natira paghatian nyo na lang.” Sabi ko.
“Ay salamat po ma’am! Gustong gusto ko ang cupcake nyo.” Tuwang tuwang sabi ni Ate Lucy.
“Ok na po ba ma’am ang lahat?” Tanong ni Kuya Nanding na nasa entrada ng kusina.
“Oo kuya, pakidala na lang sa kotse.” Sabi ko.
Tumango naman si Kuya Nanding at nilapitan na ang limang magkapatong na box ng cupcake at maingat na binuhat.
Sinukbit ko muna ang shoulder bag ko at maingat ko na ring binuhat ang limang patong na box. Sumunod naman si Ate Cheche na buhat din ang ilang patong na box.
Paglapit naman sa kotse ay maagap na binuksan naman ni Kuya Waldo ang pinto sa likuran. Maingat din na nilagay ni Kuya Nanding sa upuan ang mga box sa loob. Nilagay ko na rin ang hawak ko at pumasok na sa loob. Ng mailagay na sa backseat ang lahat ng box ay umalis na kami ni Kuya Nanding.
Maingat na nagmamaneho si Kuya Nanding para hindi maalog ang mga cupcake. Idedeliver na namin ito isa isa sa mga customer ko. Maaga pa naman kaya hindi ako malelate sa school.
Bumuntong hininga ako at tumingin sa labas ng bintana. Dalawang linggo na akong nakabalik sa mansion. Di talaga pumayag si Luigi na hindi ako umuwi. Ke pinikot ko daw sya o ano magasawa pa rin daw kami.
Pero sa pagbabalik ko sa mansion marami na ang nagbago sa amin. Di na kami gaya ng dati. Ang hindi lang nagbago ay sa iisang kwarto pa rin kami natutulog. Ayaw naman nya akong payagan na sa ibang kwarto matulog. Di daw ako bisita. Kung dati madalas kaming maglambingan ngayon madalas na kaming magbangayan. Ultimo maliit na bagay pinagtatalunan namin. Hindi ko na rin tinatanggap ang perang binibigay nya. Pati ang atm nya ay binalik ko na sa kanya. Never ko namang ginamit yun. Pero hindi nya yun tinatanggap kaya nilagay ko na lang sa drawer nya.
Kaya heto sumasideline ako gumawa ng cupcake para ibenta. Para may extra income ako. Hindi man ako masarap magluto ng mga ulam pero pagdating sa cupcake ay wagi ako. Bata pa lang ako marunong na akong gumawa ng cupcake. Si Yaya Saling ang nagturo sa akin. Tapos nanonood ako sa YouTube para ilevel up ang cupcake. Pang limang araw ko pa lang ngayon gumawa at magbenta. Sana nga ay madagdagan pa ang customer ko. Nag aalok na rin ako sa mga kaklase at schoolmate ko.
“Sya nga po pala ma’am Ivona, si Aling Tasing umuorder pala ng dalawang box ng cupcake.” Untag sa akin ni Kuya Nanding na tiningnan ako sa rear view mirror.
“Ganun ba? Eh kelan daw nya kukunin kuya?” Tanong ko at nilabas ang maliit na notebook para ilista.
“Bukas daw po, eh kanina lang naman po sya nagpasabi.”
“Sige sige kuya salamat.”
Si Aling Tasing ay may ari ng isang karinderya sa labas ng subdivision na tinatambayan nila Kuya Nanding. Biglang sumagi sa isip ko sila Jolene, Ruby at Miriam. Alukin ko rin kaya sila? Pati yung mga nasa resto.
Pagdating sa bahay ng una kong customer ay agad ko ng binigay ang box ng cupcake. Mga kilala ko naman ang mga customer ko na inaalukan ko. Ang ilan pa nga ay mga kakilala at kaibigan nila mommy at daddy. Nasarapan sila sa cupcake ko at humihirit pa ng order.
Pagkahatid ko ng lahat ng order ay dumiretso na kami ni Kuya Nanding sa school. 30 minutes na lang maguumpisa na ang unang klase ko.
“Talagang cinareer mo na tong paggawa at pagbenta mo ng cupcake bes ha.” Ani Ava na halos mamulawan na sa kinakaing cupcake. May order din kasi sya na tatlong box. Isa sa mommy nya at isa sa kuya nya. Nakakatuwa nga dahil sila ng mommy nya ang kauna unahan kong customer at lagi silang may order. Suportado nila ako.
“Talagang cacareer-in ko na. Maganda ang feedback ng mga customer ko kahit panglimang araw ko pa lang ngayon. Masarap din sa pakiramdam na may sariling kita mula sa pinaghirapan kahit na ba medyo nakakapagod pero keri lang.” Sabi ko.
Tumango tango si Ava. “Masarap naman kasi talaga tong cupcake mo bes, hindi masyadong matamis tapos ang lambot. Si mommy mga mabilis naubos yung isang box nya kahapon. Binalik balikan ba naman sa ref. Tapos si kuya na hindi naman mahilig sa ganito aba nakatatlo.”
Natuwa naman ako sa sinabi nya. “Balak ko ngang gumawa pa ng ibang flavor eh.” Isang flavor pa lang kasi ang ginagawa ko pero nag iisip na ako ng ibang flavor para naman hindi manawa sa chocolate ang mga customer.
“Ay maganda yan bes, basta tatlong box agad ang order ko.” Ani Ava na ubos na ang hawak na cupcake. Kulang na nga lang pati papel ay kainin nya. Mahilig sya sa pastries mabuti na nga lang at hindi sya tabain.
“Ay sya nga pala bes, bakit hindi mo ipost sa social media yang cupcake mo tapos doon mo ialok. I’m sure maraming oorder.” Suhestiyon ni Ava.
“Oo bes, nagpost na ako.” Sabi ko.
“Talaga? Bakit hindi ko nakita?” Aniya at nilabas ang cellphone sa bag.
“Eh kasi kapag nago-online ka busy ka i-stalk ang crush mo.” Panunukso ko. Marami kasi syang crush sa social media.
Ngumuso naman sya. “Eh yun ang libangam ko eh.”
Natawa ako. “Yari ka sa kuya mo kapag nalaman nyang nang i-stalk ka ng mga lalaki sa social media.”
“Di nya malalaman yun, wala kasi syang epbi.” Aniya ay humagikgik pa.
Napailing iling na lang ako sa kakikayan nya.
.
.
.
“O kamusta na kayo ng asawa mo?” Tanong ni Yaya Saling na sinandukan ang mangkok ko ng bilo bilo. Binigyan nya rin si Kuya Nanding sa labas.
Pagkagaling sa school ay dito ako nagpadiretso.
Nagkibit balikat ako at nilunok muna ang saging. “Ayos lang naman ’ya.” Matipid na sagot ko.
“Baka naman lagi kayong nag aaway?”
Bumuntong hininga ako. Hindi naman masasabing away kundi nagtatalo lang minsan. Pero hindi na kami nagtatalo tungkol sa pera. Nagtatalo lang kami sa maliliit na bagay. Gaya ng bakit late ako umuwi minsan o kaya nakakalimutan ko syang itext. Dati hindi naman sya ganun ngayon para syang ewan.
“Kung maliit na bagay lang wag nyo ng palakihin. Hindi maganda yan sa pagsasama nyo. Kung ikaw ang may mali ikaw ang magpakumbaba.” Pangaral sa akin ni Yaya Saling.
“Opo ’ya.” Tumatangong sabi ko na lang.
“Eh kamusta naman ang negosyo mong cupcake?”
“Naku ’ya, dumadami na ang customer ko. Sarap na sarap sila sa cupcake na gawa ko.” Pagbibida ko.
Ng ipost ko nga kanina sa social media ko ang cupcake ay marami rami ang umorder. Puro mga schoolmates ko.
“Aba’y maganda yan! Masarap naman talaga ang gawang cupcake mo.” Ani Yaya Saling.
“Syempre po sa inyo ako natuto eh. Pero nagbabalak po akong gumawa ng ibang flavor para hindi naman manawa ang mga customer.”
“Magandang ideya yan iha. Ano namang flavor ang naisip mo?”
“Yun nga po ang pinag iisipan ko pa ’ya.” Sabi ko.
Nagsuggest naman si Yaya Saling ng mga flavor. Binibigyan pa nya ako ng mga tips sa kung paano pa mapapasarap ang cupcake. Mataman naman akong nakikinig.
“Sya nga pala ’ya, kamusta na si mommy?” Tanong ko.
Simula ng araw na magaway kami ni Luigi ay hindi na rin kami nagpapansinan ni mommy o mas tamang sabihin na hindi ko sya pinapansin. May sama pa rin ako ng loob sa kanya. Sya kasi ang sinisisi ko kung bakit ganito kami ngayon ni Luigi.
“Hayun, mukhang tuluyan ng tumigil sa pagsusugal. Nagtatrabaho na. Araw araw na ring umuuwi. Mamaya uuwi na yun.”
Natuwa naman ako sa binalita nya. At least may pagbabago. Sana tuloy tuloy na.
“Ano pong trabaho?”
“Clerk sa isang builders company. Ipinasok sya dun ng isa sa mga amiga nya.”
Kumunot ang noo ko at hindi makapaniwala sa sinabi ni Yaya Saling. Ang alam ko ayaw ni ayaw ni mommy ang ganoong trabaho. Iritable kasi sya eh.
“Gulat ka no? Aba’y ako rin. Pero kailangan nyang magtiis. Saan sya kukuha ng pang luho nya sa sarili kung hindi sya maghahanapbuhay? Wala ng Stephen na magbibigay sa kanya ng pera dahil hiwalay na sila.” Litanya ni Yaya Saling.
Tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawa. Hindi na daw kaya ni Stephen ang katigasan ng ulo ni mommy. Hindi ko naman sya masisisi. Sana nga lang magbago na ng tuluyan si mommy.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag at binuksan. Nagtext pala si Luigi.
Luigi: Pagkagaling nyo sa inyo dumiretso ka ng uwi sa bahay. Wag ka ng masyadong nagpapagabi.
Napaikot ang mata ko sa text nya. Hindi ko sya nireplayan at pinatay na ang cellphone at binalik sa bag.
“O sino yun? Ang asawa mo?” Tanong ni Yaya Saling.
Tumango naman ako. “Dumiretso daw po ako sa bahay pagkagaling ko dito.” Nakangusong sabi ko.
Ngumiti naman si Yaya Saling. “Nagaalala lang yun sayo.”
Lalo lang nanghaba ang nguso ko sa sinabi ni Yaya Saling. Nagaalala daw o baka bantay sarado ako.
Luigi
PARANG gusto kong batuhin ng stapler si Altas na prenteng nakaupo sa couch na nakaharap sa desk ko at sarap na sarap sa kinakaing cupcake na gawa ng asawa ko. Ang ingay ingay pa nyang kumain panay ang ungol akala mo niroromansa. Pagpasok nya dito sa opisina ko ay dala dala na nya ang box at isang cup ng kape.
“Ginawa mo pang food court itong opisina ko.” Sabi ko at umismid sa kanya.
“Magagawa ko, dito ako inabutan ng gutom eh.” Natatawang sabi nya at kumuha pa ng isang cupcake sa box at kumagat ng malaki. Umungol pa sya na tila sarap na sarap. Ni hindi man lang ako inalok.
“Hmm ang sarap talaga ng cupcake ng asawa mo pare. Sabihin ko nga kay Ava na i-order din ako.” Sabi nya at inisang subo na lang ang kalahati.
Parang nagpanting naman ang tenga ko sa sinabi nyang masarap ang cupcake ng asawa ko. Ako nga hindi pa natitikman ang gawang cupcake ng asawa ko. Hindi naman kasi ako inaalok. Tss.
“Hmm sarap talaga ng cupcake ni Ivona – puta!” Napamura sya ng batuhin ko sya ng stapler. Mabuti na lang nakailag sya agad kundi sapol sya sa mukha.
“Problema mo pare?” Asik nya sa akin pero nakangisi.
“Bunganga mo.” Sinamaan ko sya ng tingin.
“Bakit? May sinabi ba akong masama? Parang kumakain lang ako dito eh.” Natatawa pang sabi nya.
“Gago, lumayas ka na nga!” Pagtataboy nya rito.
“Sus, naiinggit ka lang sa cupcake eh. Humingi ka sa asawa mo. Ay oo nga pala di kayo bati.” Nakangising sabi nya.
Tinaliman ko naman sya ng tingin. Wala naman talaga syang kailangan dito sa opisina ko eh. Dumaan lang sya kunwari mangungumusta pero ang totoo mang aasar lang talaga. Parehas sila ni Kester.
“Oo na lalayas na.” Tumayo na sya bitbit ang box ng cupcake at cup ng kape nya. Palingon lingon pa sya sa akin habang patungo sa pinto.
Kinunutan ko naman sya ng noo. Para talagang gago.
Binuksan na nya ang pinto pero bago humakbang palabas ay lumingon pa sya sa akin.
“Sya nga pala pare pakisabi kay Ivona ang sarap ng cupcake nya.” Aniya sabay labas ng pinto.
Dinampot ko naman ang ballpen stand at akmang ibabato sa kanya pero wala na sya.
Bwisit talaga!
Sumandal ako sa leather chair ko at dinampot ang cellphone at tinext si Ivona para sabihing sa bahay ang direstso pagkagaling sa kanila. Ititext ko rin sana na tirhan ako ng cupcake pero wag na lang. Baka isipin pa nya naglalambing ako.
Pinatong ko ang cellphone sa desk at sinandal ang ulo sabay pikit. Gusto ko ng umuwi para makita si Ivona pero mamaya na lang. Isipin pa nya miss na miss ko na sya.
Malutong akong napamura sa sarili.
Hi mga bii! Pafollow naman ng dreame account ko sa mga hindi pa nakafollow. Same name at same profile lang din po. Thank you! 😙
Chapter 31
Ivona
NAPALINGON ako sa pinto ng bumukas ito. Nagtama ang mga mata namin ni Luigi pero agad akong nagbawi ng tingin at tinuon ang mata sa sarili sa salamin. Katatapos ko lang magshower at nagpapatuyo ako ng buhok.
Sa gilid ng mata ko ay nakikita ko si Luigi na pasulyap sulyap sa akin habang tinatanggal ang necktie.
Ngumuso ako. Bakit? Ini-expect ba nya na babatiin ko sya? Eh hindi nga rin nya ako binabati eh. Neknek nya!
Nakita kong pumasok na sya sa closet pero mabilis din syang lumabas at wala ng pang itaas na damit kundi trouser na lang ang suot nya, may nakasampay na tuwalya sa balikat nya at mukhang yung tuwalyang ginamit ko pa. Basa pa yun eh. Hmph! Bahala na nga sya. Malaki na sya alam naman nyang basa gagamitin pa nya. Marami pa namang tuwalya dyan.
Pagpasok nya sa banyo ay tinapos ko na ang pagboblower ng buhok. Tinanggal ko na sa pagkakasaksak ang blower at niligpit na. Humiga na ako sa kama at hinila ang kumot hanggang dibdib. Tumagilid ako ng higa sa kabilang bahagi ng kama. Doon talaga ako sa pinakadulo para hindi madikit kay Luigi. Mag aalas diez na ng gabi at kailangan ko nang matulog dahil maaga pa akong gigising bukas para gumawa ng cupcake. Maramirami ang nadagdag sa order kaya kailangan gumising ng maaga.
Pinagsalikop ko ang dalawang kamay at inipit sa ilalim ng pisngi at pumikit. Pero agad din akong napadilat ng marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo.
Ang bilis naman yata nyang magshower. Ano yun nagwisikwisik lang sya?
Bigla namang sumagi sa alaala ko ang nakaraan kung saan sabay kami minsan nagsashower. Naginit ang mukha ko. Mariin kong pinikit ang mata at pilit inaalis sa isip ang alaala na yun.
Hmp! Makatulog na nga lang.
Muli kong pinikit ang mata at huminga ng malalim. Pero di naman ako madalaw ng antok lalo na at nararamdaman ko ang presensya ng asawa ko. Lumakas pa ang kabog ng dibdib ko ng maramdaman ang paglundo ng kama, indikasyon na humiga na sya. Naamoy ko pa ang sabong gamit nya.
Gumalaw ang kumot ng hilahin nya ito at lumislis sa katawan ko. Kaya hinila ko rin ang kumot at umusod pa sa dulo. Pero hinila lang nya ulit ito. Ang ending ay naghilahan kami sa pobreng kumot.
Inis na nilingon ko na sya. Nakakunot ang noo nya na nakatingin lang din sa akin.
“Bakit ba hila ka ng hila ng kumot?” Nakasimangot na asik ko. Pinigil ko pa ang sarili kong mapatingin sa hubad na pangitaas nya.
“Magkukumot din ako.” Aniya na nakasimangot din.
“Ako din kaya, kaya wag kang hila ng hila.” Sabi ko sabay irap sa kanya at muling hinila ang kumot.
“Masyado ka naman kasing nasa dulo. Lumapit ka kaya dito.”
Ngumuso ako at di sya pinansin sabay higa at hila ng buong lakas sa kumot. Subalit napatili ako ng hilahin din nya ang kumot kasama ako. Nakakulong na ako ngayon sa mga braso nya. Dikit na dikit na ang katawan namin at naaamoy ko ang mabango nyang hininga. Dama ko rin ang nakakapasong init ng katawan nya. Tila naman nagwawala na ang puso ko sa loob sa lakas ng kalabog nito.
“A-Ano ba.” Nauutal na asik ko sa kanya pero parang lambing ang tono niyon. Naginit lang tuloy ang mukha ko.
Pero hindi nya ako pinansin at inayos lang ang kumot sa katawan namin saka sya tumingin sa akin.
“O kita mo? Eh di kasya ngayon sa atin ang kumot. Ang layo mo kasi kanina eh.” Aniya at tila nakita ko pa ang pagtaas ng sulok ng labi nya.
Ngumuso ako. “Oo na, pwede mo na akong bitawan.” Sabi ko.
Sumimangot naman sya at binitawan na ako. Tumalikod naman ako sa kanya pero di na ako lumayo. Inayos ko na lang ang kumot. Narinig ko naman ang pagpalatak nya. Mabigat din ang galaw nya na tila naiinis.
Humugot naman ako ng malalim na hininga at pumikit. Malakas pa rin ang kalabog ng dibdib ko. Aaminin ko namimiss ko na rin na magkadikit ang katawan namin habang natutulog. Pero kasi..
Hmp. Magsorry muna sya sa akin, yung sincere na sorry.
Pumikit na ako at pinilit ng makatulog.
Nagising ako sa mahigit na yakap ni Luigi. Nakaharap ako sa kanya at nakaunan sa braso nya. Sya naman ay nakayakap sa bewang ko. Malalim ang bawat hinga nya indikasyon na tulog na tulog pa sya. Hindi ko naman namalayan kung paano kami nauwi sa ganitong posisyon. Kaya pala masarap ang tulog ko.
Bumuntong hininga ako at tumitig sa gwapong mukha nya. Tinaas ko ang kamay at marahang hinaplos ang mukha nya. Namimiss ko na sya. Yung dating sya na malambing at laging nakangiti sa akin. Minsan parang gusto ko ng bumigay at unang maglambing sa kanya pero natatakot ako. Paano kung i-reject nya ako? Eh di napahiya lang ako. Hihintayin ko munang mauna sya.
Muli akong bumuntong hininga at dahan dahang inalis ang braso nya sa bewang ko. Tahimik akong bumangon para di makagawa ng ingay. Inayos ko muna ang kumot sa katawan nya bago ko sinuot ang step in at lumabas na ng kwarto.
Pagdating ko ng kusina ay gising na si Manang Beng at nagkakape na. Binati ko naman sya.
.
.
.
samantala..
Ngumiti si Luigi ng makalabas na ng kwarto si Ivona. Akala nya ay itutulak sya nito dahil nagising itong yakap nya. Pero hinaplos lang nito ang pisngi nya na tila miss na miss na sya. Miss na miss na rin naman nya ito kaya di na nya pinigilan ang sariling yakapin na ito. Hanggang ngayon nga ay parang ramdam pa nya ang malambot at mainit na katawan nito. Naamoy pa nya ang bango nito.
Fuck.
Napamura sya at napaungol ng magreact ang alaga nya sa loob ng pajama nya. Pero wala naman syang magagawa dito kundi tiisin na lang.
Kinuha nya ang unan ng asawa at niyakap. Sininghot singhot nya ang amoy nitong naiwan doon. Napaungol pa sya ng lalong magreact ang alaga nya na tila nagpapansin.
Luigi
“ANONG oras ka nakauwi kahapon?” Pormal na tanong ko kay Ivona ng hindi sya sinusulyapan. Sinubo ko ang tinidor na may nakatusok na ham.
“Hindi ba sinabi sayo ni Kuya Nanding?” Balik tanong nya.
Bumagal ako sa pagnguya at tumingin sa kanya. Nagtama ang paningin naman pero mabilis akong nagbawi.
Tumikhim ako. “Hindi ko nabasa ang text nya.” Halos labas sa ilong na sabi ko.
“Mga alas syete na ako nakauwi.”
Tumango tango ako at hinigop naman ang kape.
“Eh ikaw? Bakit mag aalas diez ka na nakauwi?”
Natigilan ako sa paghigop ng kape at tumingin sa kanya. Nakataas ang kilay nya habang mabagal na ngumunguya.
Nilapag ko ang tasa ng kape sa saucer. “May dinaluhan akong convention event at gabi na natapos. Sinabi ko na yun sayo di ba?”
Kahit hindi na kami gaya ng dati ay nagsasabi pa rin ako sa kanya sa mga bagay na gagawin ko.
Tumango tango sya. “Oo nga pala, sorry nakalimutan ko.” Nakangusong sabi nya.
Ngumisi naman ako at umiling iling. Di ko in-expect na tatanungin nya rin ako.
“Bakit?” Kunot noong tanong nya.
Tumikhim ako. “Nothing. Anyway kamusta ang munting negosyo mo?” Pag iiba ko sa topic.
Uminom sya ng tubig at tumikhim. “So far so good naman. Nadadagdagan ang mga customers ko.” Aniya na tila excited pa.
“Well that’s good to hear.”
Noong una ay tutol ako sa ginagawa nya. Di naman nya kailangan magpakapagod sa paggawa ng cupcake para kumita. Binibigyan ko naman sya ng allowance pero ayaw naman nyang tanggapin at mas gusto pa nyang magpakahirap para magkapera. Kaya hinayaan ko na lang para hindi na kami magpatalo. Naiintindihan ko naman kung bakit nya ginagawa yun.
“Nagtext nga sa akin si Ava, nagpapaorder din daw si Kuya Atlas ng cupcake. Sarap na sarap daw sya sa cupcake ko.”
Muntik ko ng maibuga ang kape sa huling sinabi nya. Napapikit ako ng mariin at minura sa isip si Atlas.
“Marami ang sarap na sarap sa cupcake ko eh. Sabi nila tama lang ang tamis at malambot ang cupcake ko – “
“Stop!” Pigil ko sa sasabihin pa nya.
“Bakit?” Kunot noong tanong nya.
Humugot ako ng malalim na hininga. “Stop.. saying that.” Mahinahon ko ng sabi.
Ngumuso sya at nagsalubong ang kilay. “Ang alin? Na masarap ang cupcake ko? Totoo naman ah! Mga customer ko na ang nagsasabi na masarap ang cupcake ko. Palibhasa di mo pa natitikman.”
“Natikman ko na ang cupcake mo.” Shit!
Kumunot amg noo nya. “Natikman mo na ang cupcake ko?”
“Oo – I mean hindi pa.”
“Ano ba talaga?” Naguguluhang tanong nya.
Pumikit naman ako ng mariin. Ibang cupcake kasi ang nasa isip ko. Tangna!
“Hindi ko pa natitikman, hindi mo naman ako inaalok eh. Mabuti pa ang ibang tao nakatikim na samantalang ako na asawa mo hindi pa.”
“Akala ko ayaw mo eh.” Aniya at ngumuso.
“Paano mo nasabing ayaw ko eh hindi ko pa nga natitikman.” Nakangising sabi ko.
Bumuntong hininga sya. “Oo na, magiiwan ako ng isang box para sayo.”
“Parang masama pa ang loob mo ah.”
Sumimangot sya. “Kung masama ang loob ko di ako magiiwan ng isang box para sayo.”
Lihim na lang akong natawa sa hitsura nya. Halata kasing naiinis na.
“Sya nga pala baka late na ako umuwi mamaya.”
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. “Bakit? Saan ka pupunta?” May pagtutol sa loob na tanong ko.
“Birthday kasi ng isang classmate namin ni Ava at may kaunting selebrasyon sa bahay nila at imbitado kami.”
“Sino sino naman kayo?”
Nagkibit balikat sya. “Kami kami lang magkaklase.”
Marahan akong tumango. “Ok.”
Short update muna mga bii. Antok na si otor na labandera kanina :)
Chapter 32
Ivona
“ISA PA! Isa pa!” Kantyaw ng mga kaklase ko habang iniumang sa akin ang shot glass na puno ng alak. Pinaghalo itong gin at juice powder.
“Ayoko na! Tama na yung isa.” Natatawang tanggi ko.
Hanggang ngayon nga ay dama ko pa rin gumuguhit na init ng alak sa lalamunan ko hanggang tiyan. Ngayon na lang uli ako nakatikim ng alak.
“Sige na isa pa! Birthday ko naman eh.” Pamimilit ng kaklase at isa sa mga kaibigan ko na si Lalaine na syang may birthday. Nagpapacute pa ang mukha nya sa akin.
“Sige na nga!” Kinuha ko na ang shot glass at ininom. Napadaing pa ako ng muling gumuhit ang init sa lalamunan ko. Naghiyawan naman sila.
Sunod naman nilang tinagayan ay si Ava na game na game naman. Napapasipol pa nga sya.
Nasa labas kami ng bahay nila Lalaine sa may terrace. Halos puro kami babae at dalawang lalaki ang kasama namin na binabae din. Pagkatapos naming magkainan kanina ay heto na nga at naginuman na kami at may pa videoke pa. Todo asikaso naman sa amin ang mommy ni Lalaine.
Nagtawanan kami ng pumiyok si Ava ng bumirit sya.
“O pampadulas!” Inabot ng isa naming kaklase ang shot glass kay Ava. Kinuha naman yun ni Ava at tinungga at tinuloy na ang pagbirit. Wala syang pakialam kung wala na sya sa tono at pumiyok ng ilang beses. Tinatawanan lang namin sya.
Natigil ang pagtawa ko ng ibaba ni Lalaine sa harapan ko ang shot glass. Dinampot ko ito at inisang inom. Napapikit ako at nalukot ang mukha sabay tawa.
“O si Ivo naman ang pakantahin nyo.” Sabi ni Karen ang binabae kong kaklase at binigay sa akin ang mic.
Umiling iling ako. “Di ako marunong kumanta.” Natatawang sabi ko.
“Keri lang yan, kesa naman matorture ang tenga namin sa boses ni Ava.”
“Oy, grabe kayo sa akin ha. Maganda ang boses ko no. Wala lang sa kondisyon ngayon.” Angal ni Ava na ikinatawa na naman naming lahat.
Sa kapipilit ng mga kaklase ko at dahil nakainom na rin ako ay naglakas loob na rin akong kumanta. Kahit papaano ay nasa tono naman ako at hindi pumipiyok.
Lumipas pa ang mga oras na tuloy kami sa inuman. Pangatlong refill na ang pitsel namin. Malalakas uminom ang mga kaklase ko pero parang hindi sila nalalasing. Ako nga ramdam ko na nga ang tama ng alak sa akin. Nagiging mabuway na ang tayo ko. Mabuti na lang at sabado bukas wala rin kaming pasok sa school.
“Si anteh Ivo nyo lasing na!” Kantyaw ng kaklase ko.
“Oy hindi pa ko lashing no!” Tanggi ko pero nakakaramdam na ako ng hilo.
“O ilan to?” Tanong ni Ava at pinakita sa akin ang dalawang daliri.
“Dalawa!” Humahagikgik na sabi ko.
“Hindi pa nga lasing. Tagayan nyo pa!” Luka lukang sabi ni Ava.
At tinagayan pa nga nila ako. Game ko naman iyong ininom. Nagiging maingay na rin ako.
“Ma’am Ivona.”
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Napahagikgik ako ng makita si Kuya Nanding.
“Gusto mo rin uminom Kuya Nanding? Tagayan nyo nga si Kuya Nanding.” Sabi ko sa mga kaklase ko.
“Naku, hindi po ma’am! Bawal po akong uminom. Mapapagalitan po ako ni ser.” Tanggi nya.
Sumimangot ako. “Akong bahala. Kapag pinagalitan ka nya aawayin ko sya.” Sabi ko.
Kumamot sya sa ulo. “Di po talaga pwede ma’am. Saka ito po, tumawag si ser. Kakausapin po kayo.” Aniya at inabot sa akin ang cellphone.
Kumunot naman ang noo ko at kinuha ang cellphone at tinapat sa tenga.
Luigi
LUMABAS AKO ng library habang hinihilot ang balikat ko. Medyo nananakit kasi ito. Halos dalawang oras din ako sa library. Pagdating ko ay doon agad ako dumiretso para tapusin ang inuwi kong mga documento.
Naabutan ko si Manang Beng na palabas ng kusina. Nakapantulog na sya at mukhang tsinitsek ang mga switch ng ilaw.
“Manang si Ivona dumating na ba?” Tanong ko.
Pagdating ko kanina ay wala pa sya. Nagpaalam sya sa akin kaninang umaga na pupunta sa birthday ng kaklase nya.
“Wala pa po ser.”
Kumunot ang noo ko at tiningnan ang oras sa relo. Pasado alas diez na.
“Anong oras na wala pa sya tsk.” Sambit ko. Bahagya na akong naiinis at nagaalala na rin.
“Eh baka po ser nagkakasiyahan pa sila ng mga kaklase nya.” Ani Manang Beng.
“Sana tumawag man lang sya. Malalagot talaga sya sa akin.” Hinugot ko ang cellphone sa bulsa ng jogger ko at dinial ang numero ni Ivona.
Pero ring lang ito ng ring at hindi nya sinasagot. Nakatatlong dial pa ako pero ganun pa rin. Napamura na ako at ang numero naman ni Nanding ang tinawagan ko. Agad naman itong sumagot.
“Hello Nanding.”
[“Hello po ser.”]
“Ang ma’am Ivona mo?” Naiinis ng tanong ko.
[“Nandito pa po sa bahay ng kaklase nya ser. Nagiinuman po sila.”]
Nagsalubong ang kilay ko. “Anong nagiinuman?”
[“Umiinom po ng alak ser.”]
Napapikit ako ng mariin sa sagot nya. “Alam ko, pero bakit sila umiinom? Akala ko ba kainan lang?”
[“Di ko po alam ser, nakita ko na lang naghahalo na sila ng gin at juice. Pangatlong pitsel na nga po nila.”]
Muli akong napapikit ng mariin at inihilamos ang kamay sa mukha. Si Manang Beng ay nakatingin lang sa akin at naghihintay ng balita.
“Sino sino ang mga kasama nya at ilan sila?” Tanong ko pa.
[“Mga kaklase nya po lahat at mga nasa walo sila. Kasama na po si ma’am Ava.”]
“May lalaki?”
[“Meron po dalawa.”]
Napamura na naman ako. Dapat pala hindi ko na lang sya pinayagan.
[“Pero mga bading po ser. Mas maarte pa kumilos kesa sa mga babae.”]
Bumuntong hininga ako.
“Pakausap ako kay Ivona.” Utos ko sa kabilang linya.
[“Sandali lang po.”]
Kaya pala hindi sumasagot sa tawag ko dahil busy uminom. Kelan pa sya natutong uminom. Humanda talaga sya sa akin mamaya.
Sa kabilang linya ay may naririnig akong mga ingay. Mga nagtatawanan at may kumakanta.
Naririnig ko ang boses ni Ivona na pinapainom si Nanding pero todo tanggi ang huli sa takot na mapagalitan ko. Hanggang sa tuluyan ko ng narinig ng malinaw ang boses ng asawa ko.
[“Hello Luigi.”]
Bumuntong hininga ako sa tinawag nya sa akin. Namimiss ko na ang pagtawag nya sa akin na babe.
“Ivona, umiinom ka daw.” Sabi ko.
Humagikgik sya.
[“Kaunti lang naman.”]
Kaunti? Eh pangatlong pitsel na nga daw. At mukhang lasing na sya iba na ang tono ng boses eh.
“Umuwi ka na, gabi na.” Mahinahon na sabi ko.
[“Ayoko pa, maaga pa eh. Shaka wala naman kaming pashok bukas.”]
Napahilot ako sa bridge ng ilong. “Basta umuwi ka na.” Madiin ng sabi ko.
[“Ayoko! Di pa kami tapos dito no. Ikaw nga kapag umiinom di kita pinapauwi eh.”]
“Iba naman kasi yun. Lalaki ako kaya ok lang na gabihin ako sa inuman. Ikaw babae ka.” Mahinahon pa rin na sabi ko.
Gusto ko ng magalit sa kanya pero di ko kaya. Tang*na naman o.
[“Kung gushto mo kong umuwi na shunduin mo ko dito.”] Aniya sa kabilang linya at humagikgik pa sabay patay ng cellphone.
“Hello Ivona? Baby?” Pero wala ng sumasagot sa kabilang linya.
Putang*na naman talaga o.
“Ano pong balita ser? Nasaan po si ma’am Ivona?” Tanong ni Manang Beng.
“Nasa bahay pa rin ng kaklase nya at nakikipag inuman. Susunduin ko sya.” Sabi ko at tinalikuran na si Manang Beng na nakanganga. Lumabas ako ng bahay at tinungo ko ang kotse sa garahe.
“Ser.” Bati sa akin ni Nanding pagbaba ko ng kotse.
Tinanguan ko lang sya at tumingin sa loob ng gate kung saan nakikita ko ang mga classmate ni Ivona na maiingay. Una ko pang nakita si Ava na may hawak na shot glass at inisang inom. Sumipol pa sya.
Napailing iling naman ako. Mukhang malakas uminom itong kapatid ni Atlas. Baka sya pa ang nagturong uminom sa asawa ko.
Pumasok ako sa bukas na gate at hinanap ng mata ko si Ivona. Nakita ko syang nakaupo sa isang monoblock at nakikipagtawanan sa isang babae na classmate nya yata. Una akong napansin ni Ava.
“Kuya Luigi!” Tawag ni Ava sa akin at pinapalapit ako. Kinalabit pa nya si Ivona at tinuro ako.
Naiiling na lumapit naman ako. Lumingon sa akin si Ivona. Mariing naglapat ang labi ko ng makitang namumula na ang mga pisngi nya at namumungay na rin ang mga mata. Mukhang lasing na nga.
Ngumuso sya ng makalapit na ako. “Akala ko di ka darating eh.” Bumaling sya sa mga kaklase. “Guysh, kung di nyo pa nakikilala, asawa ko.” Pagpapakilala nya sa akin sa mga kaklase nya.
Binati naman ako ng mga ito. Tinanguan ko naman sila.
“Mas gwapo pala sa personal ang asawa mo dzai. Makalaglag panty.” Anang isang binabaeng kaklase ni Ivona na kinikilig pa.
“I know. Di naman ako mag aashawa ng pangit no.” Sabi ni Ivona.
Hinawakan ko sya sa balikat at bumulong sa tenga nya. “Uwi na tayo.” Sabi ko.
Lumingon sya sa akin na nakanguso. Halos gahibla na lang ang layo ng mukha namin. Naaamoy ko ang amoy ng alak sa hininga nya.
“Mamaya na.” Ungot nya.
“Lasing ka na.”
“Di pa ko lashing no. Di ba guysh di pa ako lashing?” Baling nito sa mga kaklase.
“Hindi pa!” Sagot ng mga kaklase nya na pinangunahan pa ni Ava. Sinamaan ko tuloy sya ng tingin. Nagiging bad influence na sya sa asawa ko.
“Gusyh, tagayan nyo na nga tong asawa ko. Shot puno.” Ani Ivona na humagikgik pa.
Agad namang sinalinan ng kaklase nya ang shot glass at inabot sa akin. Ng hindi ko agad yun kinuha ay si Ivona ang kumuha at iniumang sa akin.
“Shot ka muna.” Ungot nya.
“No.” Tanggi ko.
Ngumuso na naman sya. “Shige na, bala ka di ako uuwi.”
Napapikit ako ng mariin.
“Pleash babe, shot ka na.” Malambing ng ungot nya.
Tila naman may pumana sa dibdib ko at lumakas ang kabog nito. Ilang linggo ko ng hindi naririnig na tawagin nya akong babe at ilang linggo din akong nanabik na tawagin nya ulit ako niyon. Ngayon na lang ulit kung kelan lasing pa.
“Puhleash..” Aniya sa mas malambing pang boses at nagpuppy eyes pa.
Naknamputcha talaga! Talo talaga ako kapag ganito ang labanan eh.
“Alright, but promise me uuwi na tayo pagkatapos nito.” Sabi ko.
“Promishe.”
Kinuha ko na ang glass shot sa kanya at inisang inom. Napangiwi pa ako ng bahagya ng gumuhit ang init ng alak sa lalamunan ko. Ano bang klaseng alak to?
Nagpalakpakan at naghiyawan naman ang mga kaklase nya sa pangunguna ni Ava.
“Isa pa! Isa pa! Wooo!” Hirit ni Ava at kinuha ang shot glass na wala ng laman at sinalinan ng alak na puno saka muling inabot sa akin.
Sinamaan ko sya ng tingin. Pero nginisihan lang nya ako.
“Ivo o, parang ayaw yata ni Kuya Luigi. Ibig sabihin payag syang hindi ka muna umuwi.” Panunulsol nya sa asawa ko.
“Isha na lang pleashe..” Ungot na naman ni Ivona at humawak pa sa braso ko.
“Fine. Pero uuwi na tayo pagkatapos nito sa gusto mo o hindi wife. At ikaw Ava, umuwi ka na rin.” Baling ko kay Ava sabay kuha ng shot glass at ininom ang laman.
“Ay uuwi na talaga kayo? Sayang naman. Wala namang pasok bukas eh.” Hirit ng isa sa mga kaklase ni Ivona ng alalayan ko na syang tumayo. Muntik pa nga syang matumba na ikinahagikgik nya.
“Shorry guysh, uwi na ko. Lashing na ko eh.” Ani Ivona.
Kinuha ko naman ang shoulder bag nya at sinukbit sa balikat. Nagpaalam naman sya sa kaklase nyang may birthday at sa magulang nito.
Saktong dumating na rin ang sundo ni Ava. Pinasusundo na sya ng kuya nya. Wala na syang nagawa kundi ang magpaalam na rin sa mga kaklase. Takot lang nya sa kuya nya.
Sa kotse ko na sinakay si Ivona. Nahirapan pa akong ikabit ang seatbelt nya dahil malikot sya. Pinaandar ko na ang kotse at nilisan na ang lugar. Sumunod naman sa amin si Nanding.
“Ay sus maryosep! Bakit naman lasing na lasing ka ma’am Ivona?” Bulalas ni Manang Beng pagpasok namin ng mansion. Alalay ko si Ivona na di na makalakad ng diretso. Gusto ko na nga syang buhatin pero ayaw naman nya. Kaya pa daw nyang maglakad.
“Naghappy happy lang po kami ng mga clashmates ko manang.” Humahagikgik na sagot ni Ivona.
“Mukhang naparami yata ang inom nya ser.”
“Oo nga, kung hindi ko pa sya siguro sinundo malamang doon na sya nakatulog.” Sabi ko.
“Hmm.. gushto ko ng matulog.” Ungot naman ni Ivona na pumipikit na.
“Alright, buhatin na kita. Akyat na tayo sa taas.” Walang kahirap hirap na binuhat ko na sya. Yumakap naman sya sa batok ko at sumubsob sa leeg ko.
“Kailangan nyo po ba ng tulong ser?” Tanong ni Manang Beng.
“Di na manang, ako ng bahala sa asawa ko. Matulog na rin kayo.”
“Sige po. Kung may kailangan po kayo kumatok na lang po kayo sa quarters.”
Tumango naman ako at umakyat na sa hagdan buhat ang asawa.
Pagkalapag ko sa kanya sa kama ay agad kong hinubad ang sapatos nya at ang maliit na medyas nya. Hinubad ko na rin ang uniform nya at tanging bra at panty lang nya ang naiwan. Panay naman ang hugot ko ng malalim na hininga habang pigil pigil ang sarili na pakatitigan ang halos hubad nyang katawan. Pahihirapan ko lang ang sarili ko kung gagawin ko yun. Heto nga at nagrereact na ang alaga ko. Binilisan ko na lang ang kilos.
Pumasok ako ng banyo at nagbasa ng bimpo at muli syang binalikan. Pinunasan ko ang mukha nya at leeg.
“Hmm..” Ungol nya at dumilat ng kaunti ang mata.
Titig na titig naman ako sa mukha nya habang pinupunasan ko sya.
“Ang init..” Anas nya.
Malamig naman ang kwarto dahil bukas ang aircon. Dala ng alak kaya sya naiinitan.
Muli akong bumalik sa banyo para basain ang bimpo.
Pigil pigil ko ang hininga at napapamura pa sa sarili habang pinupunasan ang ibabaw ng dibdib nya at tiyan. Pakiramdam ko naiinitan na rin ako.
Fuck..
Matapos ko syang punasan ay kinuhanan ko na sya ng damit. Yung paborito nyang oversized t-shirt. Pagkasuot ko nito sa kanya ay saka ko lang hinubad ang bra nya.
Pero bigla syang tumayo at tumakbo sa banyo. Agad ko naman syang sinundan dahil baka madulas sya. Naabutan ko na lang syang nakaluhod sa inidoro at sumusuka.
Umiskwat naman ako at hinagod hagod ang likod nya. Hinawi ko pa ang buhok nyang tumatabing sa mukha.
Napapalatak naman ako dahil nakikita kong hirap na hirap na syang sumusuka at namumula ang mukha.
“Yan kasi, iinom hindi naman kaya.” Sermon ko sa malambing na boses.
Ungol lang ang sinagot nya sa akin.
Mayamaya ay inalalayan ko na syang tumayo at dinala sa sink. Inalalayan ko rin syang magmumog at magtoothbrush.
“Di na ba mabaho ang hininga ko?” Tanong nya habang nakatingin sa akin ang mapupungay nyang mga mata salamin.
Nilapit ko naman ang ilong sa bibig nya. Amoy toothpaste na ang hininga nya pero may kaunti pa ring amoy ng alak.
Inipit ko ang buhok nya sa likod ng tenga nya. “Hindi na baby, mabango na ang hininga mo.” Malambing na sabi ko.
Tumango tango sya. “Tulog na tayo babe.. inaantok na ko.” Aniya at humilig pa sa balikat ko.
Hinalikan ko ang ulo nya at hinugasan muna ang toothbrush nya bago kami lumabas ng kwarto.
Inalalayan ko muna syang humiga at inayos ang kumot sa katawan nya bago ako tumabi sa kanya. Iniunan ko ang ulo nya sa braso ko at niyakap sya sa bewang.
“Good night wife..” Bulong ko at hinalikan sya sa noo.
Ungol lang ang sinagot nya at sumiksik sa dibdib ko.
Chapter 33
Ivona
NAPAPANGIWI ako kapag sumisigid ang kirot sa sentido ko. Di na nga ako makapagfocus sa pagmimix ng butter at asukal. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ako uminom kagabi.
“Ma’am Ivo ako na lang po dyan.” Pagpipresenta ni Ate Lucy.
“Hindi na Ate Lucy kaya ko na.” Sabi ko at ngumiti. Di ko nga alam kung ngiti ba o ngiwi ang ginawa ko.
“Naku, parang di nyo na keri ma’am, si Ate Lucy na lang po. Baka mag iba pa ang lasa ng cupcake nyo.” Sabat ni Dina ang bago naming kasambahay. Nakita kong siniko sya ni Ate Ona.
“Bakit totoo naman ah. Kapag wala sa kondisyon ang gumagawa ng cake nagiiba daw ang lasa sabi sa napanood ko sa YouTube.” Dagdag pa ni Dina.
Napakagat labi ako. May punto naman si Dina at ayaw nyang pumangit ang lasa ng cupcake nya dahil baka ayawan na ng mga customer.
“Naku ma’am wag nyo pong pansinin itong si Dina, may pagkataklesa talaga to.” Sabi ni Ate Cheche na bakas sa mukha ang pangamba.
Bumuntong hininga ako. “May point naman si Dina. Pero kasi nakakahiya na kayo pa ang gagawa ng cupcake.” Nahihiyang sabi ko.
Kung wala lang akong order ay hindi ako gagawa at buong maghapon lang akong hihilata dahil sa pananakit ng ulo ko.
“Sus, sa amin pa talaga kayo nahiya ma’am. Eh enjoy nga po kami sa pagtulong sa inyo sa paggawa ng cupcake eh.” Sabi naman ni Ate Ona.
“Oo nga ma’am. Saka pwede naman pong kami ang gagawa manduhan nyo na lang po kami.” Suhestiyon naman ni Ate Lucy.
“Talaga?” Natouch naman ako sa kanila.
“Yes na yes po ma’am!” Halos sabay sabay nilang sabi maliban lang kay Dina na nahuli ko pang pasimpleng umismid. Di ko na lang sya pinansin.
“Thank you.” Nakangiting sabi ko sa kanila.
“Kaya ma’am Ivo sit back and relax lang kayo dyan.”
Kaya silang tatlo na ang hinayaan kong gumawa at minamanduhan ko na lang. Hindi naman nakisali si Dina dahil di pa daw tapos ang gawain nya.
Si Manang Beng naman ay nasa palengke kasama ang isang tauhan. Si Luigi naman ay kanina ko pa hindi nakita paggising ko. Ang sabi ni Manang Beng ay sa library office daw dumiretso paggising nagpahatid lang ng kape. Kahit lango ako sa alak kagabi ay tanda ko pa ang mga pinagagawa ko at nahihiya ako. Di ko tuloy alam kung ano sasabihin ko kapag kaharap ko na sya. Pero sobra akong natouch sa ginawa nyang pagaasikaso sa akin kagabi. Akala ko wala na syang pakialam sa akin eh.
Sinalang na ni Ate Cheche ang unang batch ng cupcake sa oven.
Umupo naman ako sa stool chair at napangiwi dahil sa pagsigid na naman ng kirot sa sentido ko.
“Ma’am uminom napo ba kayo ng gamot? May gamot po tayo dyan para sa sakit ng ulo.” Untag sa akin ni Ate Lucy.
“Sige nga Ate Lucy pahingi naman.” Sabi ko.
Agad naman syang tumalima. Hinilot hilot ko naman ang sentido ko.
“Ay good morning po ser, may kailangan po kayo?”
Napalingon ako. Napaawang ang labi ko ng makita si Luigi na kunot noong nakatingin sa akin.
Napanguso naman ako at nagiwas ng tingin.
“Ma’am heto na po yung gamot.” Binaba ni Ate Lucy sa harapan ko ang isang tableta ng gamot at isang basong tubig.
Dinampot ko naman ang tableta at binuksan. Sinubo ko ito at uminom ng tubig. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin pa rin sa akin si Luigi. Ang mga kasambahay naman ay mas naging aligaga pa.
“Hindi ka muna dapat gumawa ng cupcake kung masakit ang ulo mo.” Untag ni Luigi.
Umusli ang nguso ko at humarap sa kanya. “Kaya ko naman ba– Luigi.”
“Tss.” Umismid sya at tila sumama ang timpla ng mukha.
Bakit na naman kaya?
“Hayaan mo na muna sila dyan, doon ka muna sa kwarto at magpahinga ka.” Pormal na sabi nya.
Umikot ang mata ko. Kagabi tandang tanda ko ang sweet sweet nya. Tapos ngayon kasing lamig na naman sya ng yelo.
“Ayos lang ako wag mo kong intindihin.” Malamig din na sabi ko.
“Tss, bahala ka.” Aniya at tinungo ang ref at binuksan. Kumuha sya ng isang bote ng mineral water.
“Ser may mga tao po sa labas hinahanap kayo.” Ani Kuya Nanding na nasa entrada ng kusina. Napatingin kaming lahat sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang pagkabahala.
“Sino daw?” Kunot noong tanong ni Luigi.
Tumingin muna sa akin si Kuya Nanding bago sumagot. “Mga pulis po ser.”
Napasinghap ako at nanlaki ang mata sa sinabi ni Kuya Nanding. Napatayo na ako.
“Mga pulis? Bakit may mga pulis?” Malakas ang kabog ng dibdib ko.
Tumingin sa akin si Luigi. “Dito ka lang wag kang lalabas.” Aniya at kalmadong lumabas ng kusina at sumunod kay Kuya Nanding.
Lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Tumingin ako sa mga kasambahay. Bakas din ang pag aalala sa mga mukha nila.
Humakbang na ako palabas ng kusina. Hindi ako nakinig sa sinabi ni Luigi na wag akong lumabas. Sumunod din sa akin ang mga kasambahay.
Nakita ko sa labas ng gate na kausap ni Luigi ang limang nakaunipormeng pulis at dalawang nakasibilyan. May pinakita silang papel kay Luigi. Nanlaki ang mata ko ng pinoposasan na ng dalawang pulis ang kamay nya. Mabilis akong tumakbo sa gate. Tinawag naman ako nila Ate Ona.
“Saan nyo dadalhin ang asawa ko?” Tanong ko sa mga pulis at humarang sa kanila dahil isasakay na nila sa mobil si Luigi.
“Sa presinto po ma’am. May warrant of arrest po ang asawa nyo ukol sa pambubugbog nya kay Mr. Demesa sa bar.” Sagot ng isang pulis.
Nanlaki naman ang mata ko. Si Nick ang nagpapaaresto sa kanya. Muntik ko ng makalimutan ang bagay na yun.
“Halina na po kayo sir.”
“Sandali lang po!” Pigil ko sa mga pulis.
“Go back inside Ivona! Sabi ko sayo wag kang lalabas di ba?” Angil ni Luigi sa akin.
“Pero ikukulong ka nila!” Nagpapanic ng sabi ko.
“I can fix this. Now, go back inside.” Madiin nyang utos at matiim na tumingin sa akin.
“Ayoko! Sasama ako!”
“Ivona!”
“Sandali lang mga mamang pulis kukunin ko lang ang bag ko sa loob sasama ako sa asawa ko.” Natatarantang sabi ko.
“Ma’am pwede naman po kayong sumunod at magdala ng abogado para sa asawa nyo. Dadalhin na po namin sa presinto si sir.”
“Sandali lang naman kasi mamang pulis wag kayong atat!” Sigaw ko na sa pulis.
Natigilan silang lahat at nakatingin lang sa akin. Si Luigi nga ay nakaawang pa ang labi na tila nagulat sa inasta ko.
Tila doon ko lang din narealize ang ginawa ko. “S-Sorry po mga sir, nagpapanic lang po ako.” Hinging pasensya ko.
“Sumunod na lang po kayo ma’am sa presinto. Tayo na po sir.”
At inakay na nga ng dalawang pulis si Luigi sa mobil.
“Goryo tawagan mo si Atlas at wag nyong pasusunurin ang ma’am Ivona nyo sa presinto.” Bilin ni Luigi kay Kuya Goryo bago sya sumakay sa likod ng police mobil.
“Luigi!” Tawag ko sa kanya at akmang lalapit sa mobil pero hinarangan ako ni Kuya Goryo at Kuya Nanding.
“Luigi!” Naiiyak ng tawag ko sa kanya lalo na ng umalis na ang mobil na lulan nya. Umalis na rin ang dalawa pang police mobil. Wala na akong nagawa kundi sundan na lang sila ng tingin.
“Kuya Goryo si Luigi, sundan na natin sya sa presinto.” Sabi ko kay Kuya Goryo.
“Tatawagan ko po muna ma’am si Ser Atlas. Pumasok na po muna kayo ma’am sa loob.” Tanging sabi lang ni Kuya Goryo at tinawagan na si Kuya Atlas.
Lalo naman akong di mapakali at paikot paikot. Nakatingin lang sa akin sila Ate Cheche na bakas ang pagalala sa kanilang mukha. Di ko naman mapigilang sisihin ang sarili. Kasalanan ko kung bakit inaresto si Luigi.
Dumating naman ang kotseng lulan ni Manang Beng galing palengke. Bumaba sya sa passenger seat.
“Anong nagyayari at nagipon ipon kayo dito sa labas?” Kunot noong tanong ni Manang Beng.
Lumapit naman ako sa kanya. “Manang si Luigi dinampot ng mga p-pulis.” Pumipiyok na sabi ko.
Nanlaki naman ang mata ni Manang Beng. “Ano? Aba’y bakit?”
Di ko naman alam kung ano ang isasagot ko.
“P-Pupuntahan ko sya sa presinto.”
“Naku ma’am, eh bilin po ni ser na wag kayong pupunta sa presinto. Saka kausap na ni Goryo si Ser Atlas. Siguradong pupuntahan si Ser Luigi ni Ser Atlas at ng iba pa nyang kaibigan sa presinto para tulungan sya.” Sabi ni Ate Cheche.
“Pero – “
Hinawakan ni Manang Beng ang kamay ko. “Sundin nyo na lang ang asawa nyo ma’am. Nag aalala lang yun sa inyo kaya ayaw kayong papuntahin sa presinto. Hindi kasi magandang lugar yun para sa inyo. Saka nandyan ang mga kaibigan nya hindi sya pababayaan ng mga yun.” Mahinahon na sabi ni Manang Beng. Kahit papaano ay medyo nabawasan ang bigat ng loob ko.
Bumalik na kami sa loob ng mansion at pumuntang kusina. Tinulungan pa nila Ate Ona si Manang Beng na magbuhat ng mga pinamili.
Panay ang kagat ko ng labi at hindi mapakali. Panay din ang silip ko sa cellphone kung may reply na si Kuya Atlas. Pero wala pa rin. Ang sabi ni Goryo ay pupunta na daw ito sa presinto.
Tiningnan ko naman ang mga kasambahay na abalang muli sa paggawa ng cupcake. Minsan ay nahuhuli kong patingin tingin sila sa akin. Alam kong nagaalala sila sa akin. Nawala naman ang sakit ng ulo ko dahil sa gamot na ininom ko. Yun nga lang ay ang dibdib ko naman ang naninikip. Di rin maawat sa pagkabog ang puso kong labis na nagaalala.
“Bakit kaya dinampot si ser ng mga pulis? Ano kayang ginawa ni ser?” Tanong ni Ate Lucy na hinahango na sa tray ang luto ng batch ng cupcake.
Mariin kong kinagat ang labi. Wala silang ideya sa nangyayari. Nahihiya naman akong sabihin sa kanila na ng dahil sa akin kaya naaresto ang amo nila.
“Baka tungkol sa negosyo. Pero siguradong maayos din yan.” Sagot naman ni Manang Beng na nasa sink at hinuhugasan ang mga gulay na binili.
“O baka naman dahil dun sa lalaking binugbog ni ser sa bar.” Sabat ni Dina na ikinasinghap ko.
“Anong binugbog? Saan mo na naman nalaman yan Dina?” Tanong ni Ate Ona. Napatingin tuloy kaming lahat kay Dina.
“Sinabi ni – este narinig ko pala kay ser. Kausap nya noong nakaraang araw si Ser Atlas.” Sagot ni Dina sumulyap pa sa akin pero agad din syang nagiwas ng tingin at muling tinuon ang pansin sa ginagawa.
Kinabahan naman ako. Pero pasasaan ba at malalaman din nila ang tungkol sa bagay na yun.
“Kuh ikaw talaga Dina. Hindi tama yung nakikinig ka sa pakikipagusap ni ser sa ibang tao. Mamaya mahuli ka nun masasabon ka talaga.” Sita ni Ate Cheche.
“Eh narinig ko lang naman.” Nakangusong sabi ni Dina.
.
.
.
“Hihintayin pa natin ang lunes para makapag pyansa si Luigi. Yun ang sabi ni Atty. Lucero.” Imporma ni Kuya Atlas.
Nandito kami sa library office ng mansion. Kadarating lang nilang magkakaibigan at gusto akong kausapin dito sa library office. Tatlo lang silang dumating pero luluwas na daw papuntang Manila si Kuya Jeiz at Kuya Lorenzo.
“Tss, parang sinadya talaga na sabado arestuhin si Luigi dahil walang office ng weekend.” Ani Kuya Kester.
“Mabuti nga hindi kahapon ng hapon sya inaresto kung hindi mapapahaba ang tulog nya sa presinto.” Sabi naman ni Kuya Matias na cool na cool lang na nakadekwatro at binubuklat ang isang economic book.
Lalo naman akong nanlumo sa mga sinabi nila. Lalo akong nag alala dahil lunes pa pwedeng makalabas si Luigi. Paano ang pagkain nya? Paano sya matutulog?
“Gusto ko syang puntahan sa presinto.” Sabi ko.
“Hindi pwede.” Sabi ni Kuya Atlas na matiim na tumingin sa akin.
“Pero Kuya Atlas – “
“Yun ang mahigpit na bilin sa amin ng asawa mo. Wag kang hayaang tumapak sa presinto kundi malalagot kami.” Ani Kuya Kester.
Kumagat labi naman ako at yumuko. Pakiramdam ko tuloy ngayon wala akong silbi. Ako ang puno’t dulo nito tapos ako dito ang hayahay. Yung asawa ko nakakulong.
“Don’t worry too much Ivona. Makakalabas din si Luigi at saka isa pa hindi naman ito ang unang beses na nakulong sya. Pang apat o panglimang beses na yata nya ito.” Sabi ni Kuya Matias na nginisihan pa ako.
Napaawang naman ang labi ko. “Maraming beses na syang nakulong? Bakit?” Di makapaniwalang tanong ko. Di ko yata alam to.
“Well, alam mo naman ang asawa mo masyadong gago – este barumbado. Una syang nakulong college kami, may binugbog sya na naospital. Pero wala pa syang isang araw noon sa kulungan dahil nakapagpyansa sya agad. Ang pangalawa naman at pangatlo ay ganun din dahil sa pambubugbog kaya nakulong. Alam mo naman ang asawa mo masyadong pikon. Ang pang apat naman ay binaril nya sa hita yung gagong lalaking balak takasan ang malaking utang sa kanya. Mabuti na lang at nagpaareglo yung lalaki. At yung panglima ay ngayon nga dahil din sa pambubugbog.” Kwento ni Kuya Atlas.
Lalong umawang ang labi ko sa kinuwento nya. Mukhang marami pa akong bagay na hindi alam sa asawa ko. Dapat makaramdam ako ng takot pero hindi. Wala akong nararamdamang takot. Ang gusto ko lang ay makita ang asawa ko at makauwi na.
“Pero mukhang dito sya mahihirapan dahil seryoso ang complainant na ipakulong sya ng matagal tagal.” Dugtong pa ni Kuya Kester.
Naihilamos ko naman ang kamay sa mukha. Gusto kong may gawin para sa asawa ko. Ayokong magtagal pa sya sa kulungan.
Hello dear readers. Malapit na pong matapos ang Lara’s Seduction sa Dreame at may bago po akong story doon. Hate You But I Love You ang title. Stand alone po sya at hindi related sa mga story ko dito kay watty. Sana suportahan nyo rin po. Nakapost na po ang first chapter pwede nyong basahin para may clue kayo sa story 🤗
Chapter 34
Ivona
“NICK nakikiusap ako, baka pwedeng iurong mo na ang kaso kay Luigi. Ako naman talaga ang may atraso sayo hindi sya.” Pakiusap ko kay Nick.
Tinawagan ko sya kanina para makipagkita at makiusap. Baka sakali makinig sya sa akin. Kalat na rin kasi sa social media ang pagaresto kay Luigi at nagaalala ako na baka maapektuhan ang kumpanya nya. Hindi rin ako makadalaw sa kanya sa presinto dahil mahigpit nyang pinagbabawal. Bantay sarado din ako ng mga tauhan. Pinakiusapan ko na nga lang si Kuya Nanding kaya sinamahan nya ako ngayon. Nag aalangan pa nga sya dahil si Nick ang kikitain ko. Alam kong magagalit si Luigi kapag nalaman nya pero ito lang ang tanging magagawa ko para tulungan sya.
“Sya ang nangbugbog sa akin at hindi ikaw.” Sabi ni Nick na matiim na nakatingin sa akin.
“Pero dahil sa akin kaya ka nya binugbog, dahil sa akin kaya nagagalit ka.”
Bumuntong hininga sya at tumingin sa ibang direksyon.
“Bakit ba nagaaksaya ka pa ng panahon na makiusap? Sigurado namang makakalabas ang asawa mo bukas dahil makakapagpiyansa sya. Pero di ibig sabihin nun makakatakas sya.” Tiim bagang na sabi nya at binalik ang tingin sa akin.
Nanlumo naman ako at bagsak ang balikat. “Ganun na ba kalaki ang galit mo sa akin?”
“Sa kanya ako galit hindi sayo.”
“Mali ka. Sa akin ka talaga galit hindi sa kanya. Gusto mong makaganti sa akin sa pamamagitan nya.”
Hindi sya nagsalita at nakatingin lang sa akin. Blangko ang mukha nya at walang emosyon.
“Alam kong nasaktan kita ng labis kaya nagsosorry ako pero hindi ko intensyon yun. Kung may magagawa lang ako para tanggalin ang sakit na nararamdaman mo ginawa ko na.” Dugtong ko pa.
“Paano kung sabihin kong hiwalayan mo ang asawa mo at sumama sa akin kapalit ng pagurong ko sa kaso.” Sambit nya.
Natigilan naman ako. “Gusto mong hiwalayan ko sya at sumama sayo kapalit ng pagurong mo sa kaso?” Ulit ko sa sinabi nya.
“Paano kung yun ang hihingiin kong kapalit?” Blangko pa rin ang mukhang tanong nya.
Lumunok ako at pinisil pisil ang mga daliri. “Hindi ko.. maibibigay ang hiling mo.”
Ngumisi sya. “Hindi mo sya kayang hiwalayan dahil sa pera nya – “
“Hindi ko sya kayang hiwalayan dahil mahal ko sya. Mahal ko ang asawa ko Nick, at n-nasasaktan ako na nasa kulungan sya ngayon dahil sa akin. At kahit wala syang pera ay hindi ko pa rin sya hihiwalayan.” Pumipiyok ng sabi ko. Mabilis kong pinahid ang luhang tumakas sa pisngi ko.
Bumuga naman sya ng marahas na hininga at naggalawan ang panga. Naging matigas ang emosyon sa mukha nya.
“Sa maiksing panahon lang ganun mo na sya kamahal. Tss!” May pait sa boses na sabi nya.
Kumagat labi naman ako at bahagyang yumuko. Kahit nga ako ay hindi makapaniwala na sa ganun lang kaiksing panahon ay mahal ko na sya.
“Ako ba minahal mo? Yung totoo Ivona.”
Nag angat ako ng mukha at tumingin ng diretso sa mata ni Nick. Lumunok muna ako para alisin ang tila nakabara sa lalamunan.
“Hindi.” Maiksi at diretsong sabi ko.
Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pagguhit ng sakit sa mata nya.
“Pero nagustuhan kita. Hindi ka mahirap magustuhan dahil na sayo rin ang lahat ng katangian ng lalaki na gusto ng isang babae.” Dugtong ko.
“Pero hindi mo ko hinintay.”
Bumuntong hininga ako. “May mga bagay o pangyayari sa buhay natin na wala tayong kontrol Nick. Gaya ng akala ko ay magiging tayo pero hindi nangyari. Agad agad akong nagpakasal sa lalaking wala naman akong gusto noon pero ngayon mahal na mahal ko na.” Pero hindi ko pinagsisisihan ang agaran kong pagpapakasal kay Luigi.
Tumayo sya at naglikha ng ingay ang upuang bakal na inupuan nya.
“Nick.” Sambit ko sa pangalan nya.
Bumuntong hinga sya at nagiwas ng tingin. “Pagiisipan ko.” Yun lang ang sinabi nya at tumalikod na at lumabas ng restaurant.
Humugot naman ako ng malalim na hininga at tumayo na rin. Mabigat ang loob ko pero umaasa ako. Sana ay may magandang ibunga itong ginawa ko para kahit magalit sa akin si Luigi ay ayos lang.
.
.
.
Pagdating sa mansion ay sa kusina agad ako pumunta. Malinis ang malaking kusina at wala akong nakitang isang kasambahay. Baka nasa servants quarter na sila at nagsisyesta. Pwede naman silang magpahinga basta tapos ang trabaho yun ang bilin sa kanila ni Luigi.
Tinungo ko ang ref at binuksan. Kinuha ko ang tumbler ko. Di ko nainom ang juice ko kanina sa restaurant. Binuksan ko ang takip ng tumbler at tinungga.
Napakunot ang noo ko ng may maulinigan akong boses. Hinanap ko ito.
Sa laundry area ay nakita ko si Ate Dina na may kausap sa phone.
“Opo ma’am, ganun nga po ang nangyari – “
“Ate Dina sino yang kausap mo?” Tanong ko.
“Ay kabayong bundat! M-Ma’am Ivona kayo pala. Kanina pa kayo dyan?” Nanlalaki ang matang tanong nya at parang namutla pa.
Lalong nangunot ang noo ko. “Hindi naman, kararating ko lang. Walang tao sa kusina tapos may narinig akong boses ikaw lang pala. Sino ang kausap mo?” Kyuryoso kong tanong.
“A-Ah dati ko pong amo ma’am, nangangamusta lang.” Aniya at tila nininerbyos na ngumiti.
Tumaas ang kilay ko. “Ang bait ng dating amo mo ha, kinakamusta ka pa.”
“Ay opo ma’am.”
Nagkibit balikat ako. “Sige Ate Dina balik na ko sa loob.” Sabi ko at tumalikod na.
Tatawagan ko pa si Kuya Atlas at mangangamusta tutal ay pinagbabawalan naman nila akong pumunta sa presinto.
Luigi
“FEDEROVA may bisita ka!”
Dinilat ko ang mata at tumingin sa labas ng rehas. Napakunot ang mata ko ng makita ko si Ary na may dalang brown paper bag.
“Uy ang ganda naman ni miss.” Sambit ng isang kasamahan kong preso at sumipol pa.
“Swerte ni bossing.” Segunda pa ng isang preso.
Tinapunan ko sila ng tingin. Nagsitahimik naman sila.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig at sa pagkakasandal sa pader. Lumapit ako sa rehas.
“Anong ginagawa mo dito Ary?” Kunot ang noong tanong ko.
“Dinadalaw ka. Kalat na sa social media ang pagkakaaresto sayo. My god Luigi! Baka makaapekto ito sa mga investor – “
“I don’t care. Kung nagpunta ka lang dito para magbigay ng opinyon umalis ka na.” Malamig na sabi ko.
Umikot naman ang mata nya. “Syempre dumalaw ako dito dahil concern ako at nagaalala. Pati nga si daddy nagaalala din eh. Tutulungan ka nyang makalabas – “
“I don’t need his help. Makakalabas din ako bukas na bukas din dahil may office na.” Putol ko sa sasabihin nya.
Bahagya syang sumimangot. “Bahala ka. Ikaw naman kasi eh. Bakit nambugbog ka pa sana hinayaaan mo na lang ang asawa mo..”
Tumigil sya sa pagsasalita ng bigyan ko sya ng matalim na tingin.
Umikot ulit ang mata nya. “Whatever. Anyway may dala akong pagkain para sayo. Baka hindi ka pa kumakain.” Aniya at nilusot sa rehas ang mga dala nyang pagkain at inumin. Kinuha ko naman yun at nagpasalamat.
“Sigurado namang makakalabas ka bukas. Hihintayin na lang kita sa office.” Aniya.
Tinanguan ko naman sya. “Ikaw na ang bahala sa office.”
Nagpaalam na sya at umalis na.
Binigay ko naman sa mga kasama kong preso ang mga pagkain at inumin. Tuwang tuwa naman sila at halos mag agawan.
“Ikaw bosing?” Tanong ng isang preso.
“Busog ako. Sa inyo na yang lahat.” Sabi ko at muling sumalampak ng upo sa sahig. Kinuha ko ang pakete ng sigarilyo at lighter sa bulsa ng jogger ko. Pinabili ko ito kay Atlas kagabi. Humugot ako ng isang stick ng sigarilyo at inipit sa labi. Sinindihan ko ito ng lighter at hinihit. Sinandal ko ang ulo sa pader na bakbak na ang pintura.
Ilang oras na lang ang ilalagi ko dito makakaalabas na rin ako. Hinithit ko ang sigarilyo at binuga ang usok. Pinikit ko ang mata at lumitaw sa isip ko ang magandang mukha ni Ivona.
Napangiti ako ng maalala ang hitsura nya kahapon habang dinadampot ako ng mga pulis. Alalang alala sya at tila maiiyak na. Sinigawan pa nga nya ang mga pulis at gusto pang sumama sa akin.
Namimiss ko na sya. Alam kong gustong gusto na nyang pumunta rito para madalaw ako. Ang sabi sa akin ni Atlas ay kinukulit daw sya ng asawa ko na gustong pumunta dito. Pero mahigpit ang utos ko na wag syang papupuntahin dito at bantayan dahil hindi malabong mapaaway na naman ako dito.
kinabukasan..
“CONGRATULATIONS pare laya ka na.” Nakangising bati ni Jeiz paglabas ko ng presinto. Kasabay nyang lumuwas si Lorenzo.
Nginisihan ko naman ang mga kaibigan kong mga nagaabang. Kumpleto sila ngayon. Ganun naman kapag may problema ang isa sa amin. Nagsasamasama kami para tulungan ang isa’t isa.
Lumapit sila sa akin isa isa at tinapik ako sa balikat.
“Langya ka pare kotang kota ka na sa kulungan ah.” Nakangising sabi ni Lorenzo.
“Sayang nga eh, sandali lang sya sa kulungan. Hindi man lang umabot ng buwan para madala.” Sabat ni Matias.
Sinamaan ko lang sya ng tingin at di na pinatulan. Nang aasar lang sya.
“Luigi, I have a good news.” Untag ni Atty. Lucero na kalalabas lang ng presinto. Mukhang tapos na syang kausapin ang mga officer at may malawak syang ngiti sa labi. In-adjust nya ang suot na salamin.
Kumunot ang noo ko. “Yes attorney?”
“Tumawag ang abogado sa kabilang kampo. Iniurong na ng complainant ang kaso.” Balita ni Atty. Lucero.
Natigilan naman ako. Hindi ko inaasahan yun.
Ngumisi ako. “Ano daw ang kapalit? Magkano ang kailangan?” Alam ko na ang mga ganyang galawan.
“Wala namang sinabi ang abogado ng kabilang kampo pero hintayin natin baka may demand sila kapalit ng pagurong ng kaso.” Sabi ni Atty. Lucero.
Tumango tango naman ako.
“Wala ka ng problema pare. Pwede ka ng matulog ng mahimbing. Alam kong di ka nakatulog sa loob.” Sabi ni Atlas na syang nagpapabalik balik sa loob para asikasuhin ang mga kailangan ko.
“Baka naman pumasok ka pa sa kumpanya mo ha. Magpahinga ka muna sa bahay mo. Siguradong namimiss ka na ng asawa mo. Panay ang kulit nun sa amin eh.” Ani Kester.
“Teka, bakit nga pala wala dito ang asawa mo? Dapat sinasalubong ka nya sa paglabas mo.” Kunot noong sabi ni Jeiz.
“Ayaw nyang papuntahin dito. Kulit nga ng kulit si Ivona na pupunta pero pinagbabawalan nya.” Sagot ni Atlas.
“Tss, hindi sya talaga dapat papuntahin dito dahil baka pagpiyestahan lang sya ng mga preso. Mapaaway pa ko.” Sabat ko.
“Ayun naman pala.”
Sabay sabay na kaming umalis. Si Goryo at Nanding ang sumundo sa akin. Ang mga kaibigan ko ay babalik muna sa mga trabaho nila. Mamayang gabi ay pupunta sila sa mansion para maginuman kami. Selebrasyon daw dahil laya na ko. Akala mo naman ang tagal ng nilagi ko sa kulungan.
“Kamusta sa mansion?” Tanong ko sa dalawa habang nasa gitna kami ng byahe.
“Ayos lang po ser wala naman pong problema at masaya kami na uuwi na kayo ngayon.” Sagot ni Goryo.
Tumango tango naman ako. “Kamusta naman ang asawa ko Nanding? Umalis ba sya ng mansion?”
Tumikhim si Nanding at tumingin sa akin sa rear view mirror. May pagaalangan sa mga mata nya.
“Umalis po sya kahapon ser.”
Kumunot ang noo ko. “Saan sya nagpunta?”
Bago sumagot ay napansin kong nagtinginan pa sila ni Goryo. Tumango pa ng huli na parang sinasabing ‘sabihin mo na’. Lalo lang tuloy nangunot ang noo ko at parang hindi ko magugustuhan ang sasabihin ni Nanding.
“Saan sya nagpunta kahapon Nanding?” Tiim bagang na ulit ko sa tanong.
Tumikhim si Nanding. “Nakipagkita po sya kahapon ser kay Nick.”
Tila may tumadyak sa dibdib ko sa sinabi ni Nanding. Nagtagis ang mga ngipin ko at tila madudurog na isa isa. Mahigpit kong kinuyom ang kamao at tila nagdidilim ang paningin ko.
“At hinayaan mong magkita sila?” Madiin ang bawat salitang bigkas ko.
“N-Nakiusap po sa akin si ma’am ser. Gusto lang daw nyang kausapin yung Nick.” Sagot ni Nanding na tila tinakasan ng dugo sa mukha.
Umigting ang panga ko. “Anong pinagusapan nila?”
“Nakiusap po si ma’am Ivona sa Nick na yun na iurong ang kaso laban sa inyo.”
Mariin akong napapikit at napamura. Tila nagakyatan ang lahat ng dugo ko sa ulo. Kaya pala biglang inurong ng gagong yun ang kaso dahil nakiusap ang asawa ko.
Parang may sumasakal sa puso ko at di ako makahinga.
Chapter 35
Ivona
EXCITED akong bumaba ng sasakyan at malalaki ang hakbang na pumasok ng mansion. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Ang sabi ni Kuya Nanding ay umuwi na si Luigi at nandito nga lang daw sa bahay.
“Ay dumating na pala kayo ma’am Ivo.” Bati sa akin ni Ate Cheche na pababa ng hagdan at may dalang mga tinuping kumot.
“Hello Ate Cheche, nasaan si Luigi? Nasa library office ba?” Excited na tanong ko.
“Naku si ma’am Ivo, hindi halatang excited ng makita si ser.” Panunukso pa ni Ate Cheche.
Naginit naman ang pisngi ko.
Humagikgik si Ate Cheche. “Nandun po si ser sa kwarto nyo ma’am.”
Napakagat labi ako at ngumiti. “Sige Ate Cheche akyat na ako sa kwarto.”
“Sige po ma’am. Kung may kailangan po kayo nasa kusina lang po kami.”
Tumango tango naman ako at umakyat na ng hagdan.
Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko pagpasok ng kwarto. Naamoy ko na agad ang natural na amoy ni Luigi. Pero hindi ko sya makita. Bukas ang french door sa balcony. Baka nandun lang sya.
Nilapag ko ang bag ko sa couch at hinubad ang sapatos at footsocks. Tinanggal ko na rin ang necktie ng uniporme ko. Sinuot ko ang malambot na tsinelas ko at humakbang sa balcony. Doon ay nakita ko si Luigi na nakatayo at nakatalikod. Nakatanaw sya sa labas at may hawak na baso na may lamang alak. Nakasuksok naman ang isang kamay sa bulsa ng puting linen loose pants na pang ibaba nya. Dalawang araw ko lang syang di nakita pero sobrang miss na miss ko na sya.
“Luigi.” Sambit ko sa pangalan nya at lumapit ng kaunti.
Bahagya syang gumalaw at lumingon sa akin. Pero blangko ang ekspresyon ng mukha nya at malamig ang matang nakatingin sa akin. Gusto ko sana syang yakapin pero naalangan tuloy ako bigla. Mukhang hindi maganda ang mood nya. Siguro dahil kalalabas lang nya mula sa presinto. Sino nga naman ang matutuwa na makulong kahit dalawang araw lang yun.
Alanganing ngumiti ako. “Ah nakauwi ka na pala. Welcome home. Ahm.. anong oras ka nakauwi? Nakapagpahinga ka na ba? Kumain ka na ba?” Sunod sunod na tanong ko.
Pero di sya sumagot at malamig na nakatingin lang sa akin. Hindi naman na magkamayaw sa pagwawala ang puso ko. Pero may kakaiba akong nararamdaman. Parang galit sya.. sa akin?
Tinaas nya ang baso sa bibig at inisang lagok ang laman ng baso. Naggalawan ang panga nya pati na ang adams apple nya.
Tumikhim ako at akmang magsasalita pero inunahan nya ako.
“Ang sabi ni Nanding nakipagkita ka daw sa Nick na yun.” Sambit nya sa mababang boses pero madiin. Dama ko ang tinitimpi nyang galit.
Hindi naman na ako nagulat na alam nya. Malamang ay tinanong nya si Kuya Nanding.
Bumuntong hininga ako. “Nakipagkita ako sa kanya para makiusap na iurong na ang kaso laban sayo – ay! “ Napapitlag ako kasabay ng lalo pang pagbilis ng tibok ng puso ko ng ibagsak nya ang baso sa makitid na pasimano. Mabuti na nga lang at di yun nabasag.
Pero ang mukha nya ay lalo pang naging matigas ang rehistro. Nagiigtingan ang mga panga nya at mariing nakalapat ang labi.
Lumunok ako. Bumalik sa alaala ko yung araw na una ko syang nakitang galit na galit sa akin. Noong narinig nya ang mga pinagsasabi ni mommy. Ganitong ganito din ang hitsura nya noon.
“Alam mong ayokong nakikipagkita ka sa kanya pero bakit ginawa mo pa rin.” Aniya na nakatiim bagang.
Lumunok ako. “Dahil nga nakiusap ako sa kanya na iurong na ang kaso laban sayo.”
“Hindi mo rin dapat ginawa yun! Sinabi ko rin naman sayo di ba na kaya kong ayusin ang bagay na yun!” Mataas na ang boses na sabi nya.
Pumikit naman ako ng mariin at humugot ng malalim na hininga para pigilang magtaas din ng boses.
“Alam ko naman yun, pero – “
“Anong hiningi nyang kapalit huh?” Nangangalit ang bagang na tanong nya habang humahakbang papalapit sa akin.
Kinabahan naman ako at humahakbang din paatras.
“Hiniling ba nyang hiwalayan mo ko at sumama ka sa kanya bilang kapalit huh?”
Napasinghap ako at nanlaki ang mata. Paano nya nalaman na yun nga ang hininging kapalit ni Nick? Sinabi ba ni Kuya Nanding? Pero hindi naman narinig ni Kuya Nanding ang mga pinagusapan namin ni Nick dahil nasa malayo sya. O baka talagang alam nya na yun talaga ang hihingiing kapalit ni Nick.
Tumaas ang sulok ng labi nya at tila lalong naningas ang apoy ng galit sa mata nya.
Napasinghap ako ng pahaklit na hinapit nya ako sa bewang. Halos bumangga ang katawan ko sa malapader nyang katawan. Matigas din ang braso nyang malabakal na nakapulupot sa bewang ko. Sobrang lapit din ng mukha nya at amoy na amoy ko ang hininga nyang amoy alak.
Lumunok ako kasabay ng malakas na kalabog ng dibdib ko sa kaba at takot. Nilapat ko ang dalawang kamay sa malapad nabdibdib nya. Damang dama ko rin ang malakas na kabog ng dibdib nya pero alam kong dahil yun sa galit.
“So totoo nga, yun ang hiniling nya sayo hmm?” Aniya sa halos pabulong na boses.
“L-Luigi – “
“Pumayag ka ba huh?”
“L-Luigi makinig ka muna – hmp!” Nanlaki ang mata ko at nahigit ang hininga ng bigla nya akong siilin ng halik.
Pero ang halik nya ay mapusok, madiin at mapang angkin. Pakiramdam ko ay masusugatan na ang labi ko sa rahas ng halik nya. Ang isang braso nyang nakayapos sa katawan ko ay mas lalo pang humigpit. Ang isa nyang kamay ay nasa likod ng ulo ko at at kinakabig ito para mas lalong dumiin at lumalim ang halik.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko, natataranta at natatakot. Ngayon lang nya ako hinalikan ng ganito na halos di na ako makahinga. Sinusubukan ko syang itulak pero hindi man lang sya natitinag. Parang bakal sa tigas ang katawan nya. Ano nga naman ang laban ng manipis kong katawan sa malaki nyang katawan.
“Ay!” Napatili ako ng bigla nya akong itulak sa malambot naming kama. Akmang babangon ako pero mabilis syang dumagan sa akin. Iniusod pa nya ang katawan ko pataas sa kama at muli na naman akong sinibasib ng halik sa mukha at leeg. Pati ang mga kamay nya ay naglulumikot na rin sa katawan ko.
“L-Luigi ano ba – ugh!” Protesta ko. Napadaing pa ako ng kagatin nya ang leeg ko. Natatakot na ako sa kanya.
Nag angat sya ng mukha tumimgin sa akin. Nagaapoy ang mga mata nya. Sari saring emosyon ang nakapaloob doon.
Napasinghap ako ng pisilin nya ang pisngi ko.
“You’re mine baby. No one can take you away from me Ivona. Akin ka lang. Akin.” Madiin na sabi nya sa bawat salita at tila sya wala sa sarili. Muli na naman nya akong siniil ng mapusok na halik.
Pilit kong tinitikom ang bibig at iniiwas ang mukha pero likas na malakas sya. Ginagamit ko na ang buong lakas ko para itulak sya pero wala pa rin. Lalo pa akong nataranta ng nasa ibabaw na ng dibdib ko ang isang kamay nya at marahas na pumipisil. Sinubukan kong sipain sya pero mukhang inaasahan na nya yun dahil inipit nya ng dalawang malalakas na hita nya ang mga binti ko. Kasabay pa niyon ang pagpunit nya sa puting blouse ng uniporme ko.
Naiiyak na ako sa taranta at takot. Sabik na kong mayakap sya at mahalikan pero hindi sa ganitong paraan. Ibang iba ang galaw nya ngayon, marahas, mapang angkin at minsan ay mapanakit na.
“L-Luigi tama na p-please!” Humihikbi ng pagmamakaawa ko ng makawala ang labi ko.
Natigilan naman sya at huminto sa paggalaw. Muli syang nag angat ng mukha at tumingin sa akin. Tila sya natauhan ng makita akong umiiyak. Lumambong ang mata nya at naglaho ang kislap ng galit. Lumambot din ang kaninang matigas nyang mukha.
“Fuck.. baby I-I’m sorry, I’m sorry, I’m sorry.” Aniya na hindi magkandatuto sa pagaalo sa akin. Panay ang mahinang mura nya habang pinupunasan ng kamay ang luha ko.
“I’m sorry, I’m sorry..” Paulit ulit na sabi nya at niyakap ako ng mahigpit at hinahalikan ang buhok ko.
Hindi naman maampat ang luha ko sa pag iyak. Sari sari ang nararamdaman ko ngayon. Pero mas lamang ang sama ng loob at disappointment sa kanya.
Luigi
PANAY ang buntong hininga ko habang pasimpleng sinusundan ng tingin si Ivona na inaayos ang mga gamit nya sa closet. Hindi ko tuloy matapos tapos ang ginagawa ko sa laptop sa pagsunod ng tingin sa kanya.
Pwede namang sa library office ako magtrabaho pero gusto ko syang makita. Ilang araw na kasi nya akong hindi pinapansin. Alam kong masama ang loob nya sa akin. Kasalanan ko naman. Malaki ang kasalanan ko sa kanya. Nagpadala ako sa selos at galit. Sising sisi ako hanggang ngayon at kulang na lang ay saktan ko ang sarili ko.
Muli akong bumuntong hininga ng lumabas na sya ng kwarto bitbit ang isang pares ng sneakers nya. Lalabhan nya siguro. Wala syang pasok ngayon dahil holiday. Hindi rin ako pumasok dahil nagbabakasakali akong pansinin na nya ako.
Inabot ko ang tasa ng kape at humigop. Napamura ako dahil malamig na ang kape. Nakalimutan ko na ring inumin.
Pinatay ko na ang laptop at sinara. Wala rin akong matatapos na trabaho lalo pa at okupado ni Ivona ang isip ko.
Tumayo ako at binitbit ang tasa ng kape at lumabas ng kwarto.
Short update muna. Di ako makapag concentrate sa kati ng lalamunan ko >,< try kong magupdate bukas karugtong nito.
Alam kong gigil na naman kayo kay Luigi pero babawi si Ivona pramis yan 😆
Chapter 36
Luigi
NAPAKUNOT noo ako ng makarinig ng ingay mula sa kusina. Mukhang nagkakasiyahan ang mga kasambahay. Napataas pa ang kilay ko ng marinig ang boses ni Ivona.
“Wag kang mag alala Manang Beng isasama ko sa ibi-bake mamaya ang cake nyo.” Dinig kong sabi ni Ivona.
“Ay naku! Salamat po ma’am Ivona.”
“Ako naman ay sagot ko ang alak.”
“Alak ka dyan. Magtigil ka Ona. Bawal ang alak dito lagot tayo kay ser.”
“Kahit maliit na kainan lang na kasama kayo ay masaya na ako.”
“Sige sagot ko na ang inihaw na liempo. Mamaya dadaan ako sa palengke.”
“Aba’y talaga Goryo?”
“Oo naman manang, pabirthday ko na yun sa inyo.”
“Ako naman manang sagot ko ang pansit.”
“O sige akin na ang ice cream.”
“Ako wala akong maiaambag wala akong pera eh.”
“Ayos lang Dina, di na namin inaasahan yun.”
“Grabe kayo sa akin ha. Pero makikikain pa rin ako.”
“Naku salamat sa inyo. Nahihiya nga ako sa inyo dahil hindi ako makakapaghanda dahil nagpadala ako sa anak ko. Yung apo ko kasi nasa hospital.”
“Wala pong problema manang kami pong bahala. Pamilya na tayo dito.” Dinig kong sabi muli ni Ivona.
Pumasok na ako sa kusina at nakita ko ngang naguumpukan ang mga kasambahay kasama si Goryo at Nanding pati na rin si Ivona.
Tumikhim ako.
Halos sabay sabay naman silang lumingon sa akin.
“Ser Luigi, kayo po pala. May kailangan po kayo?” Tanong ni Manang Beng. Ang mga kasambahay naman ay naghiwahiwalay at kunwaring naging abala sa mga ginagawa. Si Goryo at Nanding ay nagkabanggaan pa. Ang asawa ko naman ay ni hindi man lang ako pinansin.
Bumuntong hininga ako. “Ano bang meron at nagkukumpulan kayo dito sa kusina?” Tanong ko sa kanila.
Inaasahan kong sumagot ay ang asawa ko. Pero umusli lang ang nguso nya at hindi pa rin ako pinapansin.
“Ah ano po kasi ser, birthday po ni Manang Beng ngayon balak po sana naming maghanda ng kaunti para sa maliit na selebrasyon.” Sagot ni Ona na tila naiihi sa likot ng katawan.
“Ganun ba. Sige wag na kayong magluto magpapaorder na lang ako.” Sabi ko.
“Talaga po ser?” Nanlalaki ang matang tanong ni Ona. Napatingin sila sa aking lahat maliban lang kay Ivona na abala na ngayon sa pagpupunas ng hulmahan ng cupcake.
“Oo ako ng bahala sa lahat para di na kayo gumastos.”
“Naku nakakahiya naman po ser, mapapagastos pa po kayo.” Ani Manang Beng.
“Ayos lang manang, minsan lang naman kayong magbirthday sa isang taon. Treat ko na yun sa inyo.”
“Naku maraming salamat po ser.” Tila naiiyak pang sabi ni Manang Beng.
Tipid akong ngumiti. “Walang anuman manang. Ah, parefill naman ako ng kape Lucy.” Baling ko kay Lucy at inabot ang tasang hawak.
“Ah sige po ser.” Kinuha naman ni Lucy ang tasa at tinungo na ang coffee maker.
Hinugot ko ang cellphone sa jogger ko at dinial ang numero ng restaurant ng isa sa mga kakilala ko. Tinatanong ko si Manang Beng kung ano ang gusto nya. Pero dahil nahihiya sya magsalita ay ako na ang magdesisyon kung ano anong mga pagkain ang oorderin.
Matagal ng naninilbihan sa pamilya namin si Manang Beng at ngayon ko nga lang din nalaman na ngayong araw na to ang birthday nya. Kaya deserve din nyang i-treat dahil sa magandang serbisyo nya. Mamaya ay bibigyan ko din sya ng bonus.
Nakangiti kong pinagmamasdan ang mga kasambahay at tauhan na nagkakasiyahan at nagkakainan sa may porch. Kasama nila ang asawa kong di man lang ako tapunan ng tingin.
Bumuntong hininga ako. Pero mas mainam na yun kesa layasan na naman nya ako. Kapag lalapitan ko sya iiwas naman sya. Kapag magsasalita ako di nya ako papansinin. Masakit dahil para lang akong hangin na dinadaan daanan nya. Wala naman akong magawa dahil ako ang may kasalanan. Kung sana di ko pinairal ang init ng ulo at selos at pinakinggan ko lang sya hindi sana sya ganito sa akin. Kahit may tampuhan pa kami noon atleast kinakausap pa rin nya ako di gaya ngayon.
Kailangan ko lang ng mahaba pang pasensya kahit inip na inip na ako na pansinin nyang muli.
“Ser salo na po kayo sa amin!” Tawag sa akin ni Goryo na may hawak ng baso ng juice. Inaya din ako ni Manang Beng at ng ibang kasambahay.
Dahil ayoko namang masabihang maselan ay sumalo na ako sa kanila. Bakasakali din matuwa sa akin ang asawa ko at pansinin ako.
Masasarap ang pagkain. Pero napansin kong naiilang sa akin ang mga kasambahay at mga tauhan ko. Kunsabagay sa ilang taon nilang paninilbihan sa akin ay never pa nila akong nakasalo sa kasiyahan. Madalas ko pa silang sungitan.
“Sige na magsikain na kayo, wag na kayong mailang sa akin. Goryo kunin mo yung dalawang wine na binili natin noong isang araw.” Utos ko kay Goryo.
“Opo ser.” Agad namang tumalima si Goryo at tila excited pa nga.
Tuwang tuwa naman ang mga kasambahay at mga tauhan. Pero ang asawa ko ay tila walang pakialam na pumapapak ng inihaw na liempo.
Naging maingay na nga ang munting selebrasyon at maganang kumakain ang lahat. Mukhang nawala na ang pagkailang nila sa akin at nakikipagbiruan na. Game naman akong nakipagbiruan. Ang asawa ko naman ay nakikipagbiruan din sa mga kasambahay at mga tauhan maliban lang sa akin. Alam kong napapansin nila na hindi ako pinapansin ni Ivona hindi lang sila nagsasalita.
Napapangisi naman ako sa asaran ni Nanding at Ona.
“Tigil tigil mo na yang crispy pata Ona pumuputok na yung batok mo.” Hirit ni Nanding na ikinatawa ng mga kasambahay at mga tauhan.
“FYI Kuya Nanding, kahit may katabaan ako healthy naman ako no saka bata pa ako. Ikaw nga ang dapat mag ingat dyan dahil may edad ka na baka bigla kang ma-stroke dyan.” Banat naman ni Ona.
“Boom! Basag si Kuya Nanding.” Pang aasar ng mga kasambahay sabay tawa.
Tiningnan ko naman ang asawa ko na malakas din ang tawa at namumula na ang mukha. Sumulyap sya sa akin pero mabilis ding nag iwas ng tingin.
“Kuh, kayong dalawa puro kayo asaran. Baka mamaya nyan kayo ang magkatuluyan.” Natatawang sabi ni Manang Beng.
“Naku manang, hindi ako mahilig sa makolesterol. May edad na nga ako baka maaga pa akong mategi.” Sabat ni Nanding.
“Grabe ka talaga sa akin Kuya Nanding ha. Kapag ako talaga pumayat, who you ka sa akin.”
“Huu, kelan naman kaya yun? Eh ang paborito mo ngang libangan ay kumain at ang paborito mong pasyalan ay kusina.” Hirit pa ni Nanding sabay hagalpak ng tawa. Pinalo naman sya ni Ona sa braso.
Lalo tuloy umugong ang tawanan at tuksuhan.
Napansin ko si Ivona na tila hirap na hirap na buksan ang isang garapon ng jam. Akmang tutulungan ko sya pero tinawag nya si Nanding.
“Kuya Nanding pabukas naman.” Aniya at inabot ang garapon kay Nanding.
Kinuha naman iyon ni Nanding pero napatingin sya sa akin. Matiim ko syang tiningnan. Tila nakuha naman nya ang ibig kong sabihin. Kunwari ay hirap na hirap syang buksan ang garapon.
“Naku ma’am, napakahigpit pala nito. Di ko po kaya.”
“Ganun ba. Sige kay Kuya Waldo – “
“Si ser na lang po magbubukas. Mas malakas po sa amin si ser.” Ani Nanding at inabot na nga sa akin ang garapon.
Agad ko naman iyong kinuha at sinubukang buksan. May kahigpitan nga pero madali ko lang yun binuksan.
Inabot ko naman ang bukas ng garapon kay Ivona. “Here.”
Nakangusong kinuha nya yun ng hindi tumitingin sa akin.
“Salamat.” Halos pabulong na sabi nya.
Ngumiti naman ako. Kahit isang salita lang yun ay atleast kinausap nya ako.
.
.
.
Patingin tingin ako kay Ivona na nasa harapan ng vanity mirror at binoblower ang buhok. Bagong shower sya at nakapantulog na. As usual suot nya ang paborito nyng oversized shirt na may cartoon character. Amoy na amoy ko ang mabangong body wash na gamit nya.
Bumuntong hininga ako. Dati kapag napapaaga ang uwi ko sa gabi lagi kaming sabay nagsoshower. Minsan magbababad pa kami ng trenta minuto o isang oras sa bathtub. Ako din ang laging nagboblower ng buhok nya. At namimiss ko na ang lahat ng yun.
Tumikhim ako. “Gusto mo bang tulungan na kitang magblower?” Alok ko.
Pero hindi sya sumagot at ni hindi man lang ako tiningnan. Sa halip ay pinatay na nya ang blower at tinanggal sa saksakan. Niligpit na nya ito at nilagay sa drawer.
Sinundan ko na lang sya ng tingin ng tumayo na sya at pumasok sa closet room. Paglabas nya ay may dala na syang kumot at pumuwesto na sa dulo ng kama at nahiga. Tumagilid sya patalikod sa akin at tinalukbong nya sa buong katawan ang kumot na kinuha sa closet room.
Humugot ako ng malalim na hininga at niligpit na ang laptop. Nilapag ko ito sa night stand. Umayos na rin ako ng higa at tumagilid paharap sa kanya. Alam kong hindi pa sya tulog. Ilang sandali akong nakatitig lang sa likod nya.
“Baby.. I’m sorry. Hindi ko na uulitin yun promise.. Patawarin mo na ko please.” Halos pabulong na pakiusap ko. Gusto ko syang hawakan pero baka magalit sya.
Bumuntong hininga na lang ako ng wala kong makuhang sagot sa kanya.
Third POV
“DAD, I have a good news for you.” Ngiting ngiti na pumasok si Ary sa study room ng ama dala ang magandang balitang nasagap nya. Excited na syang ibahagi ito sa ama.
In-adjust naman ni Ismael ang suot na salamin para makita ng malinaw ang anak na mukhang kakauwi lang base na rin sa suot na uniporme. Ngumisi sya ng makitang malawak ang ngiti ng unica iha nya.
“Mukhang good news nga yan at abot tenga ang ngiti mo sweetie. What is it?” Tanong nya sa anak at sumandal sa leather chair.
Lumapit muna si Ary sa ama at humalik sa pisngi nito bago prenteng umupo sa eleganteng couch.
“Good news talaga daddy. You know what? Mukhang nagkakalabuan na ang mag asawa.” Nakangising balita ni Ary sa ama.
Kumunot naman ang noo ni Ismael sa sinabi ng anak. “Sinong mag asawa?”
“Ano ka ba daddy? Si Luigi at ang asawa nyang gold digger. Di sila ok ngayong mag asawa. Actually mag iisang buwan na. I’m sure malapit na silang maghiwalay. Knowing Luigi, hindi yun magtyatyaga sa ganoong klaseng babae na naglagay sa kanya sa kahihiyan.”
Napakunot noo si Ismael sa sinabi ng anak. “At saan mo naman nalaman yan? Eh di ba banned ka na sa mansion nya.”
Ngumisi si Ary. “May espiya ako sa loob ng mansion dad kaya alam ko.”
Napangisi na rin si Ismael sa katalinuhan ng anak nya. “Anak nga talaga kita. Kung ganoon nga ang sitwasyon ng mag asawa magandang balita nga yan. It’s your time to shine na anak.” Natatawang sabi pa nya.
Sinasabi na nga ba nya at di rin magtatagal ang pagkabaliw ni Luigi sa babaeng yun. Lahat ng babae dito ay panandalian lamang. At pagkakataon na ito ng kanyang anak na masilo ito. Ng sa gayon ay lalo pa silang yumaman.
“I know dad, kaya kahit nabubwisit na ako kay Luigi ay pinagtyatyagaan ko sya alang alang sa mga plano natin.” At plano nilang mag ama ay mapasok ang kumpanya ni Luigi at pagisahin ito at ang kumpanya nila. Matagal na sana nangyari yun kung di lang umepal ang babaeng yun at pinikot ito. Pero di bale, malapit ng matupad ang mga plano nila.
“Pero ingat ka pa rin anak, matalino si Luigi at tuso.” Babala ni Ismael sa anak.
Matalino si Luigi. Mana ito sa yumao nitong ama na si Juancho na kanyang matalik na kaibigan noon. Mabuti na nga lang at maaga itong namatay sa aksidente kasama ang asawa kundi baka hanggang ngayon ay alalay pa rin sya nito. Ng mamatay ito ay naging kanang kamay sya ni Don Lucas. Mabait ang don at malaki ang tiwala sa kanya kaya naman madali nyang nagagawa ang nais. Kaya ngayon ay may sarili na syang kumpanya na lumalaki pa. At hindi magtatagal ay magiging kasing laki din ito ng kumpanya ng Federova at malalampasan pa nito iyon.
“Tss, hindi sa lahat ng bagay ay matalino sya dad. Nakita mo nga di nya nahalata na pinikot lang sya at ginamit ng asawa nya.” Nakaismid na sabi ni Ary. Di rin nya matanggap na kinabaliwan ni Luigi ang kolehiyalang gold digger na yun. Mabuti na lang at mukhang natatauhan na ito. Hihintayin na lang nya araw na tuluyan na nitong palayasin ang babae sa mansion.
“Basta anak galingan mo.”
“Yes dad.”
Chapter 37
Luigi
MATAMAN akong nakikinig kay Atty. Lucero habang patingin tingin ako sa may kalumaan ng papel na may pirma ng yumao kong lolo.
“Ang alam ko ay hindi yan inaprubahan ni Don Lucas dahil wala daw kasiguraduhan ang proposal na yan.”
“Pero may pirma ni lolo.” Sabi ko.
“Hindi ako sigurado kung pinirmahan nga ba talaga nya yan. Nakarating lang sa akin ang kopya na yan anim na buwan pagkatapos mamatay ng lolo mo. Tinanong ko ang Ninong Ismael mo pero ang sabi nya ay pinirmahan daw talaga yun ng lolo mo dalawang araw bago sya mamatay sa hospital.”
Tumango tango ako at bumuntong hininga. Alam kong may nangyayaring kababalaghan noon sa kumpanya pagkamatay ni lolo. Si Ninong Ismael pa ang tumatayong acting chief executive officer noon sa ilang buwan dahil abala pa ako noon sa sarili kong kumpanya. Ng ako na ang magtake over ay maayos naman ang lahat pero ilang buwan lang ay natuklasan kong malaking pera ang nawawala sa kumpanya. Mahigit isang bilyong piso. Bagama’t hindi naman ito malaking kawalan sa kumpanya ay hindi ko pa rin ito palalampasin.
Pasikreto akong nagpaimbestiga sa tulong ni Atty. Lucero na abogado pa ni papa noong nabubuhay pa. Nahirapan pa kaming i-trace at inabot pa ng taon. Pero sa mga lumang kontrata, proposal at ilang mga papel na hawak namin ngayon ay malapit na naming mahanap ang nawawalang malaking pera.
“Malakas ang kutob ko may kinalaman dito si Ninong Ismael attorney.”
“Yun din ang kutob ko sa una pa lang iho, at sa tingin ko rin ay may alam din ang sekretarya mo sa kung anuman ang ginawa ng ama nya.”
Humugot ako ng malalim na hininga at sumandal sa leather chair. Nilaro laro ko sa kamay ang hawak na papel.
“Ilang taon na ang kumpanya ni Ninong Ismael?” Tanong ko.
“Limang taon na mahigit iho. Unti unti na ring nakikilala ang kumpanya nya.”
“Yeah attorney, sinubukan pa ngang sulutin ng kumpanya nya ang ilan sa mga kliyente at investor ng FGC.” Mabuti na lang at loyal pa rin ang kliyente namin dahil subok na nila ang serbisyo ng kumpanya.
Telco din ang kumpanya ni Ninong Ismael. Bagama’t lagi nyang sinasabi na wala syang balak na kakumpetensyahin ang FGC ay hindi sya naniniwala dito. Matalino si Ninong Ismael at tuso rin. Kapag nakakita sya ng pagkakataon ay sasamantalahin nya iyon kaya nag iingat ako lalo na at nasa loob ng kumpanya ang anak nya. Anumang oras ay pwede kong patalsikin si Ary pero hindi muna ngayon. Magagamit ko pa sya laban sa ama nya.
“Bueno iho, balitaan na lang kita kapag nakakuha pa ako ng dagdag impormasyon.” Sinilid na ni Atty. Lucero ang mga papel sa briefcase nya.
Tumayo naman ako at kinamayan sya. “Thank you attorney.”
Paglabas ni attorney sa opisina ko ay bumalik ako sa pagkakaupo at hinarap na ang ilang mga papeles. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Ary na may dalang folder.
“Heto na pala ang hinihingi mong annual report.” Nakangiting sabi nya at nilapag ang folder sa mesa.
“Salamat Ary.” Pormal na sabi ko ng hindi nag aangat ng tingin sa kanya. Matapos kong basahin ang mga papeles ay pinirmahan ko na ito isa isa.
“Ahm, ano palang sadya dito ni Atty. Lucero?”
Saglit akong napatigil sa tanong ni Ary at kunot noong tumingin sa kanya.
“Bakit?” Balik tanong ko.
Kumibot ang labi nya at naging malikot ang mata na sinabayan pa nya ng tawa.
“Wala naman, curious lang ako. Tungkol ba yan sa ex boyfriend ng asawa mo na binugbog mo at nagsampa sayo ng kaso?”
Nagsalubong ang kilay ko. “Hindi yun ex boyfriend ng asawa ko dahil wala syang naging boyfriend, ako lang.”
“Oh ok.” Nagkibit balikat sya. “Eh kamusta naman ang paggulong ng kaso?”
Bumuntong hininga ako. “Iniurong na ng complainant ang kaso.” At salama’t sa asawa ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin.
“Oh that’s good! Anyway Luigi, incase you forgot birthday ko na next week at magpapaparty ako sa bahay. Imbitado ang lahat ng mga kaibigan natin kaya sana wag kang mawawala. Kung gusto mo isama mo na rin ang asawa mo para naman makahingi din ako ng pasensya sa kanya sa inasal ko last time.”
Mataman ko syang tiningnan at sinusukat ang mga sinabi nya. Mabait ang mukha nyang nakangiti. Pero duda pa rin ako kung sinsero ba sya.
“Sige pag iisipan ko.” Sabi ko na lang.
“Ok. Pero aasahan kong makakadalo ka, kayo ng asawa mo.” Aniya at nag excuse na at lumabas ng opisina.
Tumunog naman ang cellphone kong nakalapag sa gilid ng mesa. Tumatawag si Kester.
Binitawan ko ang ballpen at dinampot ang cellphone at sinagot.
“Hello pare.”
[“Par, dumating na sa bansa si Rick at nangungulit na magkitakita tayo dito sa bahay.”]
Ngumisi ako. “At kelan naman sya dumating?” Sumandal ako sa leather chair at inikot ito paharap sa floor to ceiling na salaming dingding. Kita ko sa labas ang mga nagtatayugan at nagtataasang mga building.
[“Kaninang madaling araw lang pare at ginulo pa ako dito sa opisina ko. Kaaalis nga lang nya at pupuntahan naman daw nya si Matias. Naku goodluck na lang sa kanya.”]
Tumawa naman ako sa sinabi ni Kester. Siguradong ipapakaladkad yun ni Matias sa mga security ng building nya.
Si Rick ay isa din sa mga kaibigan namin at ka schoolmate noong college. Pinsan sya ni Kester at piniling sa ibang bansa magtrabaho. Umuuwi lang sya dito sa bansa paminsan minsan kapag bored na sya at namimiss na ang barkada.
Ivona
“NABALITAAN ko nga yung nangyari. Mabuti naman at inurong na ni Nick ang kaso laban sa asawa mo.” Ani Yaya Saling habang naghihay ng kangkong.
“Nakiusap po ako kay Nick. Ako naman kasi ang puno’t dulo.” Sabi ko sabay buntong hininga.
“Wag mo ng isipin yun tapos na yun. Saka isa pa kung tutuusin wala namang karapatan si Nick na magalit sayo dahil hindi naman kayo.”
“Nasaktan ko pa rin po sya ’ya. Umasa sya na magiging kami. Ako rin akala ko magiging kami.”
Bumuntong hininga si Yaya Saling. “Hamo na, nangyari na ang nangyari. Ibig sabihin lang niyon ay di talaga kayo para sa isa’t isa. Pero hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na kayang mangbugbog ng ganoon ni Luigi ha. Aba’y balita ko pa naospital daw yang si Nick.”
Kumagat labi ako. Ako rin naman ay nagugulat pa rin sa mga ugaling pinapakita ni Luigi. Kagaya na lang nung ginawa nya sa akin noong bagong labas sya ng presinto. Natakot ako sa kanya noon dahil akala ko rereypin nya ako. Pero tumigil naman sya agad ng makitang umiiyak na ako at panay ang sorry sa akin. Hindi ko sya pinapansin hanggang ngayon kahit panay ang papansin nya. Naiinis pa rin ako sa kanya. At naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang tuluyang magalit sa kanya.
“Eh kamusta naman kayo ng asawa mo? Mabuti at hindi nyo na naman pinag awayan ang bagay na yun.” Ani Yaya Saling.
Bahagya akong nag iwas ng tingin sa kanya. “Ayos lang naman po kami ’ya. Wala naman pong problema.” Sabi ko sabay ngiti.
Ayokong malaman nya na hindi kami ok mag asawa para di sya mag alala. Bagamat may mga bagong ugali akong natutuklasan sa asawa ko ay hindi naman nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Pero naiinis pa rin ako sa kanya at hindi ko pa rin sya papansinin. Manigas sya!
“Mabuti naman kung ganun. Eh kayo ng mommy mo, di pa rin ok?”
Tumingin ako kay Yaya Saling at bumuntong hininga sabay nguso. “Di pa po kami nagpapansinan.”
Kapag nandito ako sa bahay at nandito din sya ay nasa loob naman sya ng kwarto. O kapag nagkakasalubong kami ay hindi kami nagpapansinan. May tampo pa rin ako sa kanya pero kaunti na lang. Siguro kapag tuluyan ng nawala ang tampo ko ay ako na ang unang papansin sa kanya.
“Hmm hayaan mo yang mommy. Wag mo syang papansinin hangga’t hindi sya ang unang mamansin. Sya naman ang may kasalanan eh.” Payo ni Yaya Saling.
Ngumiti na lang ako. “Eh kamusta naman po sya ’ya? Nagtatrabaho pa ba?” Tanong ko. Syempre may pakialam pa rin ako sa mommy ko. Hindi naman buong buhay ko naging kontrabida sya sa akin. Bilang lang naman sa daliri na naging kontrabida sya. Mas marami pa rin syang ginawang maganda sa akin.
“Nagtatrabaho pa rin naman sya. Mukhang seryoso na nga na magpakatino. At heto pa, mukhang magkakabalikan din sila ni Stephen.”
“Talaga po?”
“Oo, tatlong araw syang hatid sundo ni Stephen. Aba’y ka swerte ng mommy mo at nakatagpo sya ng kagaya ni Stephen. Kaya dapat magpakatino na talaga sya.”
Natuwa naman ako sa binalita nya. Ok naman si Stephen eh. Halata namang mahal nya si mommy. Sana nga lang talaga magpakatino na si mommy.
.
.
.
Napapangiti ako habang nirereplayan ang chat ni Ava. Puro chismis lang naman ang mga pinagchachat nya. Ang dami din nyang alam. Di ko nga alam kung ano sa mga chat nya ang una kong rereplayan. Ang bilis nya pa magtype. Kaloka.
Patingin tingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Medyo papadilim na at matrapik pa. Pero sa kabilang linya ay mabilis ang usad.
Muling bumalik ang tingin ko sa cellphone ko ng may reply na si Ava. Tungkol naman sa crush nya ngayon ang chinichika nya. Naiiling na lang ako. Ang dami nyang crush, marami ding may crush sa kanya dahil maganda naman sya at curvy pa ang katawan. Wala nga lang naglalakas loob na manligaw dahil sa kuya nya na ubod ng istrikto. Kung ang mommy nya ay very supportive sa mga trip nya kabaliktaran naman niyon si Kuya Atlas. Ito na kasi ang tumatayong tatay nya simula ng bata pa sya. Gaya ko maaga din syang naulila sa ama. Pero namatay ang daddy nya sa atake sa puso.
Pinatay ko na ang cellphone ng magpaalam syang magchacharge muna ng phone. Sinilid ko sa bag ang cellphone at tinuon na lang ang tingin sa labas ng bintana. Umuusad na rin ang sasakyan namin.
Subalit natigilan ako ng may pamilyar na kotse ang dumaan sa kabilang linya. Bukas ang bintana nito kaya kita ko ang tao sa loob. Isang magandang babae ang nasa front passenger at tumatawa sa kausap na nasa driver seat. Hinahampas hampas pa nga nya ito sa braso. Hanggang sa makita ko na ang hitsura ng lalaking hinahampas nya. Nahigit ko ang hininga kasabay ng mlakas na pagkabog ng dibdib ko ng makita ko ang nakangiting mukha ni Luigi at tumatawa pa sya sa bawat hampas ng babae. Nakalampas ang kotse ay tila nakikita ko pa sila ng babae.
Napalunok ako. Tila may malaking kamay na sumasakal sa puso ko. Pakiramdam ko din ay nagakyatan ang dugo ko sa ulo.
Bakit may kasama syang babae at may pahampas hampas pa sa braso nya? Anong ibig sabihin nun? Nagchicheat sya sa akin? Gumaganti sya ganun ba?
Unti unting napuno ng ngitngit at selos ang dibdib ko. Mahigpit ng nakakuyom ang kamao ko.
“Ma’am Ivona.”
Tumingin ako kay Kuya Nanding. Nakatingin sya sa akin sa rear view mirror. May pag alala na nakabakas sa mata nya. Mukhang nakita din nya ang amo nya at ang kasama nitong babae.
“Pakibilisan Kuya Nanding.” Nagngingitngit na sabi ko at muling tinuon ang tingin sa bintana.
Hindi na nagsalita si Kuya Nanding at tinuon na lang ang pansin sa pagmamaneho.
Pagdating sa mansion ay agad akong bumaba ng sasakyan. Nakita ko pa si Kuya Goryo na ninigarilyo sa may gilid ng mansion. Mukhang pinauwi na sya ni Luigi para walang istorbo. Lalo lang sumama ang pakiramdama ko at tila pumait ang panlasa ko.
Mabibigat ang hakbang kong at pumasok ng mansion at umakyat ng hagdan. Masamang masama ang loob ko at nagngingitngit ako sa galit. Kanina ko pa pinipigilan ang luha kong kanina pa gustong bumagsak.
Pagpasok ko sa kwarto ay halos pabalibag kong sinarado ang pinto at umupo sa kama sabay takip ng mukha. Doon ay bumuhos na ang luha ko.
.
.
.
Pasado alas nuebe na ng gabi ako lumabas ng kwarto. Kanina pa ako kinakatok nila Manang Beng para kumain pero wala akong gana. Medyo mahapdi pa ang mata ko sa kaiiyak. Mabigat pa rin ang loob ko habang bumaba ako ng hagdan.
“Ma’am Ivo, kakain na po kayo?” Tanong ni Ate Cheche pagpasok ko ng kusina.
Nakatingin silang apat sa akin habang kumakain ng malaking tsitsirya at nagsecellphone. Si Manang Beng ay di ko nakita, malamang ay nasa kwarto na nila at nagpapahinga.
Ngumiti ako sa kanila. Alam kong nahahalata nila ang pamamaga ng mata ko.
“Mamaya na lang, busog pa ako eh. Kumain ako sa bahay kanina.” Sabi ko na lang at tinungo ang ref para kunin ang tumbler.
Nagexcuse n ako sa kanila at lumabas na ng kusina. Pero imbes na bumalik sa kwarto ay tinungo ko ang maindoor at tumanaw sa labas. Tinanguan ako ng mga tauhan na nakabantay sa gate. Tinanguan ko rin sila.
Mabigat akong bumuntong hininga. Mukhang wala pa ang magaling kong asawa. Malamang nagpapakasaya yun ngayon kasama ang babae. Ni wala man lang syang text.
Bwisit sya.
Tumalikod ako at akmang hahakbang na pero narinig ko ang pagbukas ng gate. Muli akong pumihit paharap. Nakita kong papasok ang kotse ni Luigi. Ang kotseng lagi nyang gamit sa pagsundo at hatid sa akin noong nagpapart-time pa ako sa restaurant. Pero ang kotseng yun ay may iba ng babaeng sumakay. Parang gusto kong pasabugin ang kotse nya sa sama ng loob ko.
Muli na namang bumalik sa alaala ko ang nakita kanina. Masayang masaya syang kaharutan ang babaeng kasama nya sa kotse habang ako ay naninikip ang dibdib at halos di na makahinga.
Naningkit ang mata ko habang papalapit sa harap ng maindoor ang kotse. Humigpit ang hawak ko sa tumbler. Nangngingitngit na naman ang dibdib ko at nagbabantang pumatak ulit ang luha ko.
Bumaba si Luigi sa kotse at kunot noong tumingin sa akin. Mukhang nagulat sya na makita akong tila nag aabang sa main door.
“Baby – “
“Baby mo mukha mo!” Sigaw ko sabay bato ng hawak kong tumbler sa kanya.
Maraming salamat sa lahat ng bumati. Follow nyo lang ako sa fb page ko at dreame gift nyo na yun sa akin. Same name at same profile lang din. Thank u 🤗♥️
Chapter 38
Ivona
“BABY mo mukha mo!” Sigaw ko sabay hagis ng hawak kong tumbler sa kanya.
Pero mabilis syang nakailag at tumama ang tumbler sa bintanang salamin ng kotse nya. Nanlaki ang mata nya at napaawang ang labi.
“Umuwi uwi ka pang gago ka!” Tungayaw ko at naghanap ng pwede pang ibato sa kanya. Nakita ko ang paso sa gilid ng haligi at dinampot ito sabay bato sa kanya. Pero nailagan na naman nya ito at tumama lang sa kotse nya.
“Baby.”
“Wag mo kong tawaging baby manloloko ka! Bakit umuwi uwi ka pa? Tapos na kayong maglandian ng babae mo kaya umuwi ka na ha! Bwisit ka! Bwisit ka!” Umiiyak ng sabi ko at pinagbabato na sa kanya ang mga pasong nadadampot ko.
“Anong babae baby? Wala akong babae – “
“Sinungaling! Nakita ko kayo kanina! Nakasakay sya dyan sa punyetang kotse mo!” Sigaw kong muli sabay bato ng paso. Nailagan lang nya ito kaya sa kotse na naman tumama. At ang punyetang salaming bintana ng kotse nya ay di man lang mabasag basag.
Lalo lang tuloy nagdilim ang paningin nya at lalo syang nagngingitngit.
.
.
.
samantala..
“Teka, si ma’am Ivona ba yung sumigaw?” Tanong ni Lucy sa mga kasama nya ng makarinig ng sigaw ng isang babae na tila galit na galit.
Tumigil naman si Ona, Cheche at Dina sa pagkukwentuhan. Napapitlag sila ng makarinig ng nabasag. Nanlaki ang mga mata nila at sabay na nagsitayuan.
“Puntahan natin baka kung ano na yun!” Bulalas ni Ona na nagpatiuna ng lumabas ng kusina. Sumunod naman sa kanya ang tatlo.
Halos patakbong tinungo ng apat na kasambahay ang labas kung saan nila narinig ang mga sigaw ng amo nilang babae. Lalong nanlaki ang mga mata nila at napasinghap ng makitang nagwawala ang among babae at pinagbabato ng mga paso ang amo nilang lalaki.
Nagsitakbuhan na rin palapit ang mga tauhan na nasa gate kasunod ng dalawa pang sasakyan na pumasok sa gate.
“Jusko! Totoo ba tong nakikita ko? Nagwawala si ma’am Ivona. Anong gagawin natin?” Nagaalalang tanong ni Cheche at nataranta. Ngayon lang nya nakitang galit na galit ang mabait na babaeng amo at para itong tigre.
“Awatin mo si ma’am Ona!” Natatarantang sabi ni Lucy. Para na nga syang maiihi sa nerbyos.
“Bakit ako? Baka matamaan ako.” Nahihintakutang sabi ni Ona na napapatili pa sa tuwing babatuhin ng among babae ang among lalaki.
“Hoy Dina! Wag kang magbidyo bidyo dyan! Gisingin mo si manang! Bilis!” Utos ni Cheche sa isang kasamahan na nahuli nyang kumukuha ng bidyo.
“Oo na!” Nakasimangot na sabi ni Dina. Pinatay na nya ang cellphone at sinilid sa bulsa. Pagtalikod nya sa mga kasamahan ay malaki ang ngiti nya dahil nakakuha sya ng bidyo.
Tinakbo na nga ni Dina ang servants quarter para gisingin ang mayordoma.
“Manang, manang gising po.” Tinapik tapik ni Dina ang mayordoma sa balikat. Agad naman itong nagising at nagmulat ng matang antok na antok pa.
“Bakit Dina? Umaga na ba?” Tanong ni Manang Beng ng mamulatan nya ng mata ang isa sa kasambahay. Kinusot nya ng kamay ang mata.
“Hindi po manang, may nangyayari po kasi labas.”
Kumunot ang noo ni Manang Beng. “Ano bang nangyayari?”
“Si ma’am Ivona po nagwawala sa labas at pinagbabato ng mga paso si Ser Luigi.”
Napabalikwas ng bangon si Manang Beng sa sinabi ng ksambahay. “Ano? Nagwawala si ma’am Ivona at pinagbabato ng paso si ser?”
“Opo manang, kaya lumabas na po kayo bago pa po maubos ang mga paso.”
Tila nawala ang antok ni Manang Beng at mabilis na bumangon.
.
.
.
samantala sa labas pa rin ng mansion ay patuloy pa ring nagwawala si Ivona. Tuluyan ng nagdilim ang paningin nya sa galit. Hilam na rin ang luha nya sa mata. Kaya di nya namalayan na marami na ang mga taong nakakakita sa pagwawala nya. Pero wala syang pakialam. Ang importante ay ang galit nya..
“Gago ka! Gago ka talaga!” Umiiyak at galit na galit na sigaw ko kay Luigi.
“Baby, makinig ka muna kasi sa akin – aw!” Napahiyaw sya ng tumama sa braso nya ang pasong maliit na binato ko.
“Buti nga sayo! Manloloko ka! Hindi ka pa rin nagbago! Babaero ka!” Sigaw ko.
“Hindi nga kita niloloko baby. Wala akong babae. Yung nakita mo kanina kaibigan ko lang yun.” Nakangiwing sabi ni Luigi habang hinihimas ang braso.
“Sinungaling!” Patili ng sigaw ko. Hinihingal na sya sa galit. Gusto nyang ubusin ang lahat ng paso dito sa mansion at ibato sa kanya.
“Ahm, I think wrong timing yata na pumunta tayo dito mga par.”
“Oo nga, baka madamay pa tayo dito.”
Natigilan ako ng makarinig ng ilang boses at doon ko lang napansin ang mga kaibigan ni Luigi na sila Kuya Atlas. Napansin ko rin ang mga tauhan na nakatingin sa amin pati na rin ang mga kasambahay. Pati nga si Manang Beng na halatang bagong gising ay nagaalalang nakatingin sa amin. Doon ko lang din napansin ang mga basag na paso at lupa na nakakalat pati na rin mga halaman.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Para akong biglang bumalik sa katinuan. Napalunok ako at pinunasan ng kamay ang luha sa pisngi.
“Alis na tayo mga pare bago pa tayo madamay.” Ani Kuya Atlas at akmang babalik na sila sa mga sasakyan nila pero pinigilan sila ni Luigi.
“Sandali wag kayong umalis.” Pigil ni Luigi sa mga kaibigan at bumaling sa akin. “Baby, sila ang magpapatunay na hindi ko babae ang kasama ko kanina na nakita mo.”
“Naku, hindi namin alam yan.” Sabi ni Kuya Kester.
“Oo nga, wala kaming alam dyan wag mo kaming idamay pare.” Nakangising sabi ni Kuya Atlas.
“Aminin mo na lang kasi na babae mo yun.” Sabat pa ni Kuya Matias.
“Mga gago kayo!” Sikmat ni Luigi sa mga kaibigan at humakbang palapit sa akin.
Umatras naman ako habang matalim pa rin ang tingin sa kanya. Pinunasan kong muli ang luha kong naglandas sa pisngi. Lalo namang lumambot ang mukha nya at pumungay ang mata.
“Baby wag ka ng umiyak. Hindi ako nagsisinungaling. Hindi ko babae yung nakita mo. Kaibigan ko lang yun, kaibigan namin – “
“What’s going on here? Bakit naguumpukan kayo dito sa labas ng mansion at bakit ang kalat kalat?”
Napalingon ako sa bagong dating na hindi pamilyar sa akin ang boses. Nahigit ko ang hininga at naningkit ang mata kasabay ng muling pag ahon ng ngitngit sa dibdib ko ng makita ang babaeng kasama ni Luigi sa kotse kanina. Maganda ang babae at matangkad para sa pangkaraniwang height ng isang babae. Nakadress ito na gaya ng suot kanina na nakita ko at nakaheels.
Matalim ko muling tiningnan si Luigi kasabay ng pag agos muli ng luha ko. At talagang dinala pa nya dito ang babae nya.
“No baby, mali ka ng iniisip.” Natatarantang pinahid ni Luigi ang luha ko pero tinabig ko lang ng malakas ang kamay nya.
“Fuck. Rick come here!” Tawag ni Luigi sa kung sino.
“Rick ka dyan? Sinabi ng Rika! Kanina ka pa Luisito Gregoryo ha, jojombagin na kita dyan.” Asik ng babaeng bagong dating kay Luigi.
Napaawang nman ang labi ko at napakunot ang noo. Kakaiba kasi ang boses nya. Di tugma sa hitsura nya. Malaki ang boses na parang inipit.
“Tss! Lumapit ka na lang dito para makilala ka ng asawa ko.” Asik din ni Luigi sa babae na boses barako.
“Owh, sya na ba ang misis mo?” Kumekendeng na lumapit sa amin ang babae habang nakatikwas ang mga daliri at may nakasukbit pang pink na shoulder bag sa braso. Hinawi pa nya palayo sa akin si Luigi.
Lalo namang napakunot ang noo ko. Para kasing may kakaiba sa kanya. Parang medyo bortang babae sya dahil malapad ang balikat nya na litaw sa suot na spaghetti strap ng dress. Medyo malalaki din ang mga masel sa braso pati na rin ang mga binti nya. Bagamat maputi sya at makinis. Di kaya..
Nakatikwas ang perperktong pagkakaguhit ng kilay ng babae habang iniikutan nya ako at pinapasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Nailang naman ako.
“Infairness Luisito Gregoryo ha, ang ganda ganda nitong misis mo at mukhang bagets pa. Baka menor de edad pa ito ha. Ako mismo magpapakulong sayo.”
“She’s 21 Rick.”
“Rika nga! Isa pa babayagan na kitang animal ka.” Sikmat ng babae kay Luigi sabay irap at hawi ng mahabang brown na buhok na tuwid tuwid. Sa ganda ng buhok nya ay mukha iyong wig.
Bumaling sa akin ang babaeng nagngangalang Rick err – Rika. Ah ewan! Ang gulo! Kagaya ng naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon.
Ngumiti sa akin ang babae. “By the way dear, I’m Rika. Isa rin ako sa mga frennies ng hubby mo. What’s your name?” Mabait na pagpapakilala nya sa akin.
“A-Ah ano, I-Ivona ang pangalan ko.”
“Owh, ang shala ng name mo ha. I like it!” Ani Rika at bineso ako sa dalawang pisngi.
“And he’s gay baby.” Sabat ni Luigi.
“Shut up!” Sikmat ni Rika kay Luigi.
Napasinghap naman ako at nanlaki ang mata. “Gay ka?” Di makapaniwalang tanong ko. Kasi ang ganda ganda nya at babaeng babae ang mukha maliban lang sa katawan. At ngayon ko lang nalaman na may gay palang kaibigan sila Luigi.
Umikot ang mata ni Rika at pumalatak. “I hate you all.” Usal nya.
Tumawa naman sila Kuya Atlas.
“Rick – “
“Rika nga! Ang papanget nyo talagang kabonding. Kasing papanget ng mga mukha nyo.” Asik ni Rika kanila Kuya Atlas na tatawa tawa lang.
“Anyway, kung nakita mo lang kanina kung paano pagbabatuhin ni Ivona ng mga paso si Luigi siguradong matutuwa ka.” Ani Kuya Atlas sabay hagalpak ng tawa.
“Really? Kaya pala maraming nakakalat na basag na mga paso. Pwedeng replay? Di ko nakita.” Sabi ni Rika na ikinasimangot ni Luigi at lalo lang ding ikinatawa nila Kuya Atlas.
Napakagat labi naman ako at napayuko sa hiya. Parang gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan.
“At heto pa Rick – este Rika, napagkamalan ka ni Ivona na babae ni Luigi dahil nakita ka nyang nakasakay sa kotse ng asawa nya kanina.” Dugtong pa ni Kuya Kester.
“What?? Eeeww! Di ko papatulan yang si Luisito no! Di ako pumapatol sa mga mababaho ang ugali!” Tila diring diri na sabi ni Rika na ngiwing ngiwi ang mukha.
“S-Sorry, akala ko kasi – “
“It’s ok dear, naiintindihan ko naman at di kita masisisi dahil ibig sabihin lang nun babaeng babae ang tingin mo sa akin.”
Ngumiwi ako. “Oo nga, akala ko talaga babae ka.”
“Kapag nagpatanggal na ako ng etits magiging babae na talaga ako.” Aniya sabay hawi ng buhok.
Nakangiwing ngumiti at tumango na lang ako.
Lumapit naman sa akin si Luigi na mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.
“So naniniwala ka na?” Malambing na tanong nya.
Ngumuso naman ako. “S-Sorry.. akala ko kasi..”
Hinapit nya ako sa bewang at hinalikan sa noo. Tila naglaho ang lahat ng sama ng loob ko kanina.
“Akala mo nagchicheat na ako sayo?”
Tumango ako. “A-Akala ko kasi.. gumaganti ka sa akin.”
Muli nya akong hinalikan sa noo at ilong. “Paano ko gagawin yun eh patay na patay ako sayo.” Anas nya at tuluyan na akong niyakap. Pero napamura sya ng hampasin sya sa likod ni Rika.
“Nyeta ka Luisito Gregoryo may kasweetan ka pa lang tinatago sa katawan. Akala ko puro iyot lang ang alam mo.” Nakangising sabi ni Rika.
Nagmula naman ang mukha ko sa sinabi nya.
“Tss, bunganga mo. Magsiuwi na nga kayo.” Pagtataboy ni Luigi sa mga kaibigan nya.
“Anong uuwi? Akala ko ba dito tayo mag iinuman sa bahay mo?” Angal ni Kuya Kester.
“Kaya nga! Saka gusto ko pang makipagchikahan kay bebegurl.” Ani Rika na nakanguso pa sa akin.
“Sa ibang araw na lang. Saka may gagawin pa kami ng misis ko.” Sabi ni Luigi.
Kunot noong tumingala ako sa kanya. “Anong gagawin natin?”
Ngumisi lang sya.
“Sus! Iiskor ka lang eh. Malibog ka talaga.” Hirit pa ni Rika na ikinainit ng mukha ko.
“Bunganga mo nga!”
“O sige na nga next time na lang. Doon lang tayo sa bahay ni Matias. Hayaan muna natin tong dalawa.” Ani Kuya Kester.
“Anong sa bahay ko? Bawal ang magulo don. Doon na lang tayo sa bahay ni Atlas.”
“Ano pa nga ba.”
At nagsisakayan na sila sa mga sasakyan na dala nila.
“Ok. Ah wait dear, add mo pala ako sa fb Rika De Asis ang name ko. Pink ang buhok ko sa profile ako yun.” Baling sa akin ni Rika.
Tumango tango na lang ako at ngumita.
“Pinalitan mo na ang pangalan mo? Di ba Ricardo ka?” Hirit ni Luigi.
“Tse! Wag mong parausin yan. Bitinin mo.” Sabi sa akin ni Rika at tumalikod na. Siguradong pulang pula na ang mukha ko. Kumekendeng pa syang tinungo ang isang itim na itim at mamahaling sports car.
Bumusina pa ang mga kaibigan ni Luigi bago umusad palabas ng gate. Hinatid na lang namin sila ng tanaw. Ng mawala na sila sa paningin namin at sinarado na ng mga tauhan ang malaking gate ay humarap naman sa akin si Luigi na may ngiti sa labi.
“Pasok na tayo sa loob wife.” Malambing na sabi nya.
Tiningnan ko naman ang mga nakakalat na mga basag na paso at lupa na pinaghahagis ko sa kanya kanina.
“Lilinisin ko muna tong mga kalat.”
“Ay kami na po dyan ma’am. Pasok na lang po kayo ni ser sa loob.” Sabi ni Ate Ona na nakangiti sa akin.
Napakagat labi naman ako at hindi makatingin ng diretso sa kanila. Nahihiya kasi ako.
“Oo nga ma’am, kami na po dito. Pasok na po kayo sa loob.” Segunda pa ni Ate Lucy.
“O sila na daw ang bahala wife, pasok na tayo sa loob.” Inakbayan ako ni Luigi at inakay na papasok ng mansion.
Nagexcuse naman ako sa mga kasambahay at nahihiyang ngumiti kay Manang Beng na naistorbo pa dahil sa pagwawala ko. Tumango lang sya at ngumiti sa akin.
Pagpasok namin sa kwarto ay agad akong hinalikan ni Luigi ng madiin sa labi. Paulit ulit. Pati buong mukha ko ay hinalikan din nya. Di ko naman napigilang mapahagikgik. Ganitong Luigi ang gusto ko. Ubod ng lambing.
“Di ka na galit sa akin hmm?” Anas nya habang nakakulong ang mukha ko sa dalawang malaking kamay nya. Mapupungay ang mga mata nyang nakatingin sa akin.
Ngumuso naman ako. “Kung galit pa rin ako sayo di ako magpapayakap at lalong hindi magpapahalik sayo.” Sabi ko.
Tumawa naman sya at muli akong hinalikan ng madiin sa labi.
“I miss you baby.” Anas nya sabay halik muli ng madiin. “I miss you wife.” Isang madiing halik ulit. “I miss you I miss you I miss you.”
Natawa na ako sa ginagawa nya pero gustong gusto ko naman. Namiss ko na ang ganitong paglalambing nya. Pati ang puso ko ay tuwang tuwa at tila naglaho ang lahat ng pangit na naramdaman ko sa ilang araw.
“Ay!” Napatili ako ng bigla nya akong buhatin at ihiga sa kama.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng dumagan sya sa akin at tinitigan ang mukha ko ng kanyang mapupungay na mata. Hinaplos nya ang buhok ko pati ang pisngi.
“I love you baby..”
Chapter 39
warning 🔞
Ivona
“I LOVE you.”
Nahigit ko ang hininga dahil sa sinabi ni Luigi. Tila pa ako mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
“M-Mahal mo ko?” Ulit ko sa tanong nya. Gusto kong makasiguro baka nabibingi lang ako.
Ngumiti sya at hinaplos ng daliri ang gilid ng labi ko. “Yes baby, mahal kita.”
Napalunok ako at nangilid ang luha. Kumagat labi ako para pigilan ang paghikbi pero ang labi ko ay hindi nakisama at nanginig ito.
Gumuhit naman ang pag aalala sa mukha nya. “Why crying? Di mo ba gusto na mahal kita? Ayaw mo na ba sa akin?”
Tuluyan ng kumawala ang hikbi ko at pinalo sya ng mahina sa braso. Nataranta naman sya sa pagaalo sa akin. Hindi ako umiiyak dahil hindi ko gusto na mahal nya ako o ayaw ko na sa kanya. Umiiyak ako sa tuwa.
“Wife naman, bakit ka ba umiiyak?” Malumanay na tanong nya at pinapahid ng daliri ang luha ko sa pisngi.
Suminghot naman ako at kumagat labi. Inabot ko rin ang pisngi nya at hinaplos haplos. Ramdam ko pa sa palad ang magaspang nyang balat dahil sa papatubo nyang balbas. Inihilig pa nya ang pisngi sa palad ko at pumikit pa.
“I- I love you too..” Bulong ko.
Natigilan sya at dumilat.
“What?”
Kumagat labi ako at ngumiti.
“I love you too.. mahal din kita.”
Saglit syang di nagsalita at nakatitig lang sa akin. Di ko alam kung tinatantya nya ang sinabi ko o hindi pa rumerehistro sa utak nya.
“Fuck, say that again baby.”
Dalawang kamay ko ng hinawakan ang mukha nya. “I love you too, mahal din kita.” Bigkas ko sa mas malinaw na boses.
“Fuck!”
Nakulong ang pagsinghap ko sa bibig ng siilin nya ako ng halik.
Malalim at madiin ang halik nya, nakakapugto ng hininga. Hindi naman ako nagpatalo at pilit sinasabayan ang halik nyang punong puno ng papanabik. Mabilis ang bawat galaw ng labi nya na tila mauubusan sya at maaagawan. Ang dila nya ay mapangahas ng gumalugad sa loob ng bibig ko. Sinalubong naman ito ang dila ko.
Tunog ng halikan namin ang tanging maririnig sa loob ng kwarto at mga munting daing at ungol.
“Hah!” Habol namin ang hininga ng maghiwalay ang mga labi namin.
Bumangon sya at pahiklas na binuksan ang suot na puting button down long sleeve shirt, nagtalsikan tuloy ang mga butones sa kung saan. Tumambad tuloy sa akin ang mamasel nyang katawan. Nagmamadaling hinubad nya ang damit. Sumunod naman ay binaklas nya ang belt at basta na lang hinagis. Tinanggal din nya ang butones ng suot nyang slacks at muling dumapa sa ibabaw ko at sumubsob sa leeg ko.
Napakagat labi ako ng kagatin at sipsipin nya ang balat ko doon. Ang kamay nya ay sumapo sa isang dibdib ko at pumisil pisil doom. Humawak ako sa ulo nya habang napapaliyad ang katawan. Init na init na rin ang pakiramdam ko at nananabik. Tumitibok na rin ang parteng iyon ng katawan ko.
Kaya hindi na ako nakatiis at tinaas ko na ang suot kong oversized shirt. Tumambad ngayon sa mga mata nya ang halos hubad kong katawan na tanging bra at maiksing shorts na lang ang suot.
Nagaapoy ang mata nyang pinasadahan ng tingin ang katawan ko at hinaplos pa ang ibabaw ng dibdib ko. Tila ako dinilaan ng apoy at lalong naginit.
“I miss your body baby..” Anas nya at bumaba ang mukha sa ibabaw ng dibdib ko at hinalik halikan nya iyon.
Napapakagat labi at napapapikit naman ako. Namiss ko din ang mainit nyang labi sa balat ko.
Naramdaman kong sinisiksik nya ang kamay sa likod. Niliyad ko naman ang likod kasabay noon ang pagluwag ng bra ko na agad nyang hinubad at hinagis na lang sa lapag. Tuluyan na ngang tumambad ang dibdib kong tila nagyayabang sa kanya. Wala na syang inaksayang panahon at agad nyang sinubo ang isa habang piniga piga naman ang isa ng kanyang kamay.
“Uhm babe..” Daing ko sa kiliti at sarap na hatid ng mainit nyang bibig. Sinasabayan pa iyon ng dila nya na nilalaro ang utong ko at ng isa pa nyang kamay na tinutudyo naman ng daliri ang isa pa. Panay na rin ang liyad ng katawan ko.
“Hmm I miss this pinkish tits.. tsup..” Anas nya sa pagitan ng pagsipsip at dila sa utong ko. Salit salitan nya iyong ginagawa sa dalawang dibdib. Napapadaing pa ako kung minsan kapag bahagya nyang kakagatin ang utong ko.
Habang busy ang bibig nya sa dalawang dibdib ko, ang isang kamay nya naman ay pumasok na sa loob ng shorts ko. Napasinghap ako ng maramdaman ang kamay nyang sumapo na sa gitna ko ay humimas himas doon.
“Fuck, you’re already wet baby.” Bulalas nya at tumingin sa akin.
Napakagat labi naman ako kasabay ng pagiinit ng mukha ko. Impit pa akong napaungol ng sanggiin ng daliri nya ang cl*t ko. Paulit ulit nya iyong ginagawa habang nakatingin sa mukha ko. Sarap na sarap naman ako sa kiliting hatid niyon.
“Uhm babe please..” Di ko alam kung ano ang ipapakiusap ko sa kanya ang alam ko lang ay gusto ko pa.
“You want more?” Nanghihibong tanong nya.
Kagat labing tumango tango naman ako.
Bumalik ang labi nya sa dibdib ko at tinaniman ng halik iyon. Bumaba pa ang labi nya sa sikmura ko pababa sa tiyan at sa puson. Habang papalapit ng papalapit sya doon ay bumibilis naman ang tibok ng puso ko sa pagkasabik.
Hinugot na nya ang kamay mula sa loob ng shorts sabay hawak sa garter nito at hinila ng pababa kasama ang panty. Inangat ko naman ang puwitan para tuluyan na iyong mahubad. Hinawakan nya ang dalawang binti ko pataas at hinalik halika nya ito ng salitan. Pati nga mga daliri ko sa paa ay sinubo pa nya. Mabuti na lang ay malinis iyon. Lalo lang tuloy akong nag iinit sa ginagawa nya.
Bumaba pa ang mga halik nya sa mga hita ko. Napakagat labi naman ako sa pananabik. Hanggang sa tuluyan na nga nyang ibuka ang mga hita ko at dumapa sya sa ibaba ko. Nahigit ko ang hininga ng maramdaman ang mainit na kamay nya sa pagkababae ko.
“I really miss this pussy too..” Anas nya, kasabay niyon ay naramdaman ko ang mas mas mainit pang bagay na sumayad sa pagkakababae ko na ikinadaing ko. Tumingin ako sa ibaba at ganoon na lang ang pagkamangha ko ng makitang dila na pala nya ang sumasayad sa pagkababae ko.
“Oh babe..”
Tumingin sya sa akin. “Watch me baby, I’m going to lick your pussy until it burst..” Aniya sabay kindat at muling sumubsob sa pagkababae ko.
Bumangon naman ako at tinukod ang isang kamay sa likuran. Ang isang kamay naman ay hinawak ko sa buhok nya. Napapaawang ang labi ko at nahihigit ko ang hininga sa tuwing sasayad ang dila nya sa pagkababae ko. At aaminin ko, ito ang paborito kong ginagawa nya sa akin kapag nagtatalik kami. Kakaiba kasi ang kiliting hatid. Di ko maipaliwanag ang sarap.
“Uhhh babe.. a-ang sarap..” Di ko napigilang ibulalas dahil masarap naman talaga.
Mas lalo pa nyang binuka ang dalawang hita ko at inikot ang dalawang malalakas na braso doon. Pinaghiwalay din nya ang dalawang pisngi ng pagkababae ko. Kitang kita ko kung paano kumawag kawag ang dila nya sa cl*t ko na syang ikinaikot ng mata ko.
Sinusuklay ko ng daliri ang buhok nya at minsan ay napapasabunot pa. Bumibigat na rin ang bawat paghinga ko. Sumasabay din minsan sa paggalaw ang balakang ko.
“O-Oh my ghad babe.. ahhh!” Malakas na ungol ko kasabay ng pagngatal ng mga hita ko ng sipsipin nya ang clt ko. Tumingin pa sya sa akin at pinakawalan ng labi nya ang clt ko at muling kinawag ang dila doon.
Napapakagat labing impit akong umuungol sa di matawarang sarap na binibigay nya. Nakakadagdag pa sa init na nararamdaman ko ang tunog ng bawat sipsip at dila nya sa pagkababae ko. At dahil bukas ang ilaw ay kitang kita kong basa ang nguso nya pati na rin ang tungki ng ilong. Alam kong hindi lang yun dahil sa laway nya kundi pati na rin sa likidong nanggagaling sa pagkababae ko.
“U-Ugghhh babee nghh..” Nanginig na naman ang mga kalamnan ko at halos maiyak na ako ng tila gutom na gutom at uhaw na uhaw na nginangasab na nya ang pagkababae ko. Ramdam kong malapit na ako sa sukdulan. Humihigpit na rin ang sabunot ko sa buhok nya at tila ako inaantok sa nakakaliyong kiliti at sarap na natatamasa ko dahil sa bibig nya.
“Ughh Luigi!” Patili ng ungol ko at bumagsak na ang katawan ko sa kama. Para na rin akong bulateng inasinan dahil sa likot ng katawan ko.
Mayamaya pa ay isang impit na tili na naman ang kumawala sa bibig ko kasabay niyon ang pagragasa ng katas ko. Pero ang bibig nya ay ayaw pa ring lumubay at tila sinasaid ang katas ko…
Habol ko ang hininga ng matapos ako at pumikit. Para akong biglang nanlata at nawalan ng lakas. Parang gusto kong matulog na lang.
“Uh-uh wag ka munang matulog wife, di pa tayo tapos.” Natatawang anas ni Luigi na nasa ibabaw ko.
Dumilat ako at napakagat labi. Kita kong nangingintab pa ang labi nya.
“Grabe ka naman kasi eh, nanlata kaya ako sa ginawa mo.”
Ngumisi sya. “Ganun talaga, sobra kitang namiss eh.” Aniya sabay siil ng halik sa akin na agad ko namang tinugon. Naramdaman ko pa ang matigas na bagay na dumudunggol sa gitna ko.
Naghiwalay ang labi namin at tumingin sya sa akin. “Ready?”
Kagat labing tumango naman ako. Nasasabik na rin akong maramdaman sya sa loob ko.
Isang madiing halik muna ang ginawad nya sa labi ko bago sya bumuwelo ng pwesto sa ibaba ko. Binuka pa nya ng husto ang mga hita ko gamit ang mga tuhod nya.
Nahigit ko ang hininga ng maramdaman ang paghagod ng pagkalalaki nya sa pagkababae ko. Mariin kong kinagat ang labi at humawak sa mga braso nya ng itutok na nya ang kanyang pagkalalaki sa lagusan ko at unti unti nya itong pinasok. Nakaramdam ako ng kaunting kirot pero unti unti din iyon nawawala.
“Hngh..” Daing nya sabay siil sa akin ng halik at umulos ng sagad.
Nakulong naman ang pagsinghap ko sa loob ng bibig ng maramdaman ang kabuuan ng pagkalalaki nya sa loob ko. Banat na banat at punong puno ang pakiramdam ko. Hindi talaga biro ang sukat nya.
“Ahh babe..” Daing ko naman ng magumpisa na syang gumalaw.
Nakatingin sya sa mukha habang marahan syang umuulos pero sagad. Nakabukas sa mapupungay nyang mata ang nagaalab na init.
Napapanganga naman ako sa tuwing uulos sya ng sagad. Masarap din pala ang mabagal lang dahil mas dama ko ang bawat hagod ng pagkalalaki nya sa loob ko.
Kumagat labi ako habang nakikipagtitigan sa kanya. Hinawakan naman nya ang isang hita ko at tinaas pa. Tuloy tuloy lang sya sa mabagal at sagad na galaw
“Fuck baby.. ang sarap sa loob mo..” Anas nya sabay dampi ng magagaang halik sa gilid ng labi ko.
Hinawakan ko naman ang pisngi nya at inanggulo ang mukha para sa salubungin ang labi nya. Magagaan at punong puno ng damdamin ang halik na pinagsasaluhan namin.
“Hmm babe..”
“Hmm?” Malambing na tugon nya habang kinikiskis ang tungki ng ilong sa pisngi ko.
“F-Faster please..” Malambing kong ungot sa kanya.
“As you wish baby.”
Naging mabilis na nga ang bawat ulos nya na ikinapikit ko at ikinakagat labi dahil sa masarap na sensasyong dulot niyon. Pero dama kong nagpipigil pa sya.
Dumilat ako at tumitig sa kanya.
“Babe..”
“Hmm?”
“Ngh.. ang sarap mo sa loob ko..” Pilyang sabi ko.
Natigilan sya at bahagyang bumagal ang galaw. Halatang nagulat sa kapilyahang sinabi ko. Pero agad din syang nakabawi at malutong na nagmura. Muli syang gumalaw, mas mabilis at mas sagad. Mahigpit naman akong kumapit sa braso nya at impit na umuungol.
“O-Oh my ghad babe – Ahh Ahh Ahh Ahhnngggg!”
“Ughh tang*na baby! Ang sarap mo uhhhh!” Paangil na ungol nya.
Bumangon sya at lumuhod sa pagitan ng mga hita ko. Hinawakan nya ang dalawang hita ko at doon ay mas naging marahas na ang galaw nya. Halos mauntog na ang ulo ko sa headboard at halos lumubog na rin ang ako sa kama. Hindi na rin ako magkamayaw sa pagungol na kung minsan ay may kasama pang tili. Mahigpit na rin ang kapit ko sa kobre kama.
“U-Ughhh ahhh! Babe! Nghhh! Ahh Ahh Ughhh!”
Maging sya ay para na ring mabangis na hayop kung umungol.
Pinatong nya ang dalawang binti ko sa magkabilaang balikat nya at muling dumapa sa ibabaw ko. Tinukod nya ang dalawang kamay sa magkabilaang gilid ko at muling umulos.
Halos mawalan naman ako ng ulirat at maiyak dahil sa nakakaliyo na namang sensasyong nararamdaman ko. Dahil sa posiyon nya ay mas malalim ang naaabot ng pagkalalaki nya sa loob ko. Nakaawang na lang ang labi ko at halos wala ng ingay ang lumalabas. Ramdam kong malapit na naman akong makarating sa sukdulan.
“Fuck! I’m cumming sweetie! I’m cummingg!”
“A-Ako rin b-babe.. malapit na rin ako ughh!”
“Let’s cum together baby! Uhh! Uhhggghh!”
Sa sunod sunod nyang tatlong bayo ay sabay ng nanigas at nanginig ang aming katawan. Sabay din naming narating ang sukdulan.
Hi mga beks! Sorry walang update kahapon. Sumama lang ang pakiramdam ko. Ngayon ok na medyo inuubo na lang ng konti. 🤗
Anyway tapos na ang Lara’s Seduction sa Dreame. Basa na po. At paalalala lang sa mga gustong basahin yun, erotic story po yun at bulgar ang mga word kaya sa mga unang beses na babasahin yun wag kayong mabibigla, kung di nyo bet wag na lang pong basahin sa mga bet na bet naman go lang mga beks 😆
Chapter 40
Ivona
“AHH Ahh Ahh Ahmm..” Ungol ko habang umuulos sa likuran ko si Luigi. Nakasubsob ang pisngi ko sa unan at nakausli ang puwitan ko.
Alas singko y medya ay ginisang na nya ako sa pamamagitan ng maiinit na halik nya, hanggang sa nauwi na nga kami sa mainit na pagtatalik. Para syang walang kapaguran at kasawaan. Madaling araw na nga kaming nakatulog kagabi dahil hindi nya ako tinantanan. Lahat na yata ng posisyon ay ginawa na namin.
“Uuhh fuck baby, can’t get enough of you uhmm..” Daing nya sabay palo sa pang upo ko at sagad ng ulos.
Napaikot naman ang mata ko. Dahil sa posisyon namin na nakatuwad ako ay damang dama ko ang kalakihan nya. At sa tuwing ibabaon at huhugutin nya ay nahihigit ko ang hininga.
“Ughh babe!” Daing ko ng bilisan pa nya ang pagulos hanggang sa naramdaman kong muli ang pagsabog ng mainit nyang katas sa loob ko.
Dumapa sya sa likuran ko at niyakap ako. Hinalik halikan nya ang balikat ko at buhok.
“I love you baby, I love you..” Bulong nya sa tenga ko.
Pinaling ko naman ang mukha at ngumiti sa kanya. “I love you too babe..”
Diniin nya ang labi sa pisngi ko at muling gumalaw..
.
.
.
“Sya nga pala baby, iniimbitahanan tayo ni Ary sa birthday party nya sa sabado.”
Natigilan ako sa pagnguya at tumingin kay Luigi. Nandito kami sa lanai at sabay na nagbibreakfast. Sya ay nakasuot na ng pang opisina nya at papasok na pagkatapos kumain. Ako naman ay mamaya pang alas dies ang pasok sa school.
“Talaga? Baka ikaw lang ang iniimbitahan nya.” Nakangusong sabi ko.
Alam kong imbyerna sa akin ang sekretarya nya. Kinuwento pa nga sa akin noon ni Ate Ona na noong lumayas ako ay pumunta dito sa mansion ang babaeng yun pero pinalayas din ni Luigi. May kakapalan din talaga ng mukha ang sektetarya nya.
Tumawa si Luigi. “Iniimbitahan ka rin nya dahil gusto rin daw nyang humingi ng pasensya sayo sa inasal nya noong unang nagkita kayo.”
Napataas ang kilay ko. Talaga ba?
“Pero kung ayaw mo, ok lang wife. Hindi na rin ako pupunta.”
Bumuntong hinga ako at nagkibit balikat. “Sige pupunta tayo.”
Tumingin sya sa akin. “Sigurado ka? Hindi naman kita pinipilit wife.”
“Hindi, ayos lang talaga. Pupunta tayo.” Nakangiting pinal na sabi ko. Ayoko rin namang isipin ng babae na yun na pinagbawalan ko ang asawa ko dahil inis pa rin ako sa kanya. Bagamat totoong inis pa rin ako sa kanya pero kailangan kong makitungo dahil empleyado sya ng asawa ko.
“Alright, sasabihin ko sa kanya na pupunta tayo.”
Tumango tango na lang ako at tinuloy na ng pagkain.
Ng matapos kami sa pagkain ay hinatid ko na sya sa labas. Ayaw pa nga nyang bumitaw ng yakap sa akin at parang gusto na akong baunin sa opisina nya. Simula ng maging ok na kami at nagkaaminan sa mga nararamdaman namin ay mas lalo pa syang naging sweet. Maya’t maya ang text o tawag. Minsan sya na ang sumusundo sa kin sa school. Wala ng pagsidlan ng saya ang dibdib ko at tanging hiling ko ay sana lagi kaming ganito.
Third POV
INIS na ibinato ni Ary ang cellphone sa kama at impit na sumigaw. Naiinis sya sa espiya nya sa mansion. Paiba iba kasi ang sinasabi nito. Noong nakaraang araw ay may sinend itong video sa kanya na nag aaway si Luigi at ang asawa nito. At hindi sya makapaniwala sa ginawa ng asawa ni Luigi. Kung bato batuhin nito ng paso si Luigi ay parang walang takot. Umaasa sya na yun na ang katapusan ng pagsasama ng dalawa. Dahil knowing Luigi ayaw nito sa ganoong klaseng babae. Pero kani-kanina lang ng tawagan nya ang espiya nya para makibalita ay iba naman ang sinasabi, taliwas sa inaasahan nya. Ok na raw ang mag asawa at bati na. Sobrang sweet na raw sa isa’t isa.
Putang*na talaga!
Ano bang meron ang babaeng yun at hindi mabitaw bitawan ni Luigi? Maganda lang ito at bata.
Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Ary at padabog ng pumasok ng banyo para magshower.
“Ah Ary may naghahanap kay Sir Luigi.”
Nag angat ng tingin si Ary mula sa binabasa nyang report. Napataas nag kilay nya ng makita si Lian na isang receptionist. May kasama itong babae na may edad na bagama’t maganda pa din at medyo nakapostura.
“Sino sya Lian?” Tanong ni Ary sa receptionist.
“Sya si – “
“I’m Beverly Aguaz miss, Luigi’s mother in law. Nandyan ba sya.” Sabi ng ginang na nakataas noo.
Lalo namang napaarko ang kilay ni Ary at tiningnan mula ulo hanggang paa ang ginang.
‘So ito pala ang nanay ng asawa ni Luigi. Pero parang hindi sila magkamukha. Oh well, ano bang pakialam ko. I’m sure like mother like daughter. Siguradong parehas silang mukhang pera.’ Sa isip isip ni Ary.
“I’m sorry ma’am, pero wala po dito si sir.”
Kumunot ang noo ng ginang. “Pero ang sabi ng receptionist nyo nandito daw.”
“Oo, kapapasok lang ni sir kanina di ba?” Ani Lian.
Nagkibit balikat naman si Ary. “Ewan ko, pero wala pa dito si sir. Kung gusto nyo hintayin nyo na lang o kaya bumalik kayo bukas. Pero di ako sure kung makakausap nyo sya dahil hectic ang schedule ni sir.”
“Ganun ba. Sige – “
“Ary, ok na ba ang report na hinihingi ko?”
Natigilan sa pagsasalita ang ginang ng bumukas ang pinto ng office at sumungaw ang ulo ni Luigi.
Napaikot naman ang mata ni Ary. Wrong timing talaga!
“Ah heto na Luigi.” Nakangiting inabot nya ang report na binasa nya kanina kay Luigi na ngayon ay kunot noong nakatingin sa ginang.
“Mommy Beverly, ano hong ginagawa nyo dito?” Tanong ni Luigi sa ginang na hindi man lang sya tiningnan ng kunin sa kamay nya ang folder. Pasimpleng umismid na lang sya.
Lumapit naman ang ginang kay Luigi at mabait na ngumiti. “Ah iho, pwede ba kitang makausap?”
“Sure! Pasok ho kayo. Ary, pakitimplahan naman ng kape si mommy.” Utos ni Luigi sa kanya.
“Ah wag na iho, baka di masarap magtimpla ng kape ang sekretarya mo sumakit pa ang sikmura ko.” Anang ginang na tiningnan pa sya mula ulo hanggang paa na tila inuuri sya sabay irap.
“Sige ho, kayong bahala.” Niluwagan ni Luigi ang bukas ng pinto at pinapasok ang ginang bago sinarado ang pinto.
Napaawang ang labi ni Ary habang nakatingin sa saradong pinto ng opisina.
Inis syang bumuga ng marahas na hininga. Di sya makapaniwala sa inasal sa kanya ng ginang. Ina nga ito ng Ivona’ng yun.
Luigi
“UPO ho muna kayo mommy.” Minuwestra ko ang kamay sa upuan.
“Salamat iho.” Umupo si mommy Beverly sa mahabang couch.
Umupo naman ako sa single couch at tinukod ang dalawang siko sa tuhod.
Ngayon ko lang ulit sya nakita. Ang huling kita naman ay sa mansion at hindi maganda ang tagpong iyon. Bagama’t wala naman akong sama ng loob sa kanya lalo na at ok na kami ngayon ni Ivona. Pero nagkwento sa akin ang asawa ko tungkol sa mommy nya na nalulong nga ito sa sugal. Mukhang hindi pa sila ok mag ina.
“Gusto nyo ho ba ng juice kung ayaw nyo ng kape.” Alok ko.
Umiling iling naman sya. “Ayos lang ako iho wag kang mag alala.”
Tumango tango ako. “May kailangan ho ba kayo? Kailangan nyo ho ba ng pera – “
“No iho, hindi ako nagpunta dito para manghingi ng pera. Gusto lang talaga kitang makausap.” Matiim syang tumingin sa akin at ngumiti na tila nahihiya.
Nacurious naman ako kung ano ang gusto nyang sabihin sa akin pero may ideya na ako.
“Hindi maganda ang huli nating pagkikita iho. Dapat noong una pa lang kinausap na kita. Pero hindi pa naman huli ang lahat di ba? Gusto kong.. humingi ng pasensya, sorry sa ginawa ko at sa mga sinabi ko.”
Hindi ako nagsalita at nakatingin lang sa kanya.
Humugot naman sya ng malalim na hininga. “At totoo yung sinabi ko noon na plinano ko talagang ipapikot ka kay Ivona pero wala syang alam doon. Sarili kong plano yun. Kaya sana wag ka ng magalit kay Ivona.” Nagsusumamo ang bukas ng mukha nya.
Bumuntong hininga ako at ngumiti. “Wala na ho sa akin yun mommy. Nagkaayos na rin ho kaming mag asawa. Sana kayo rin ho magkaayos din ni Ivona.”
Ang totoo hindi naman ang tungkol sa pikot ang ikinagalit ko talaga noon kundi ang tungkol kay Nick. Hindi ko gusto na may iba pang lalaking nagustuhan ang asawa ko maliban sa akin. Lalo na hindi ko gusto na may contact pa sila. Dapat nga magpasalamat pa ako kay mommy Beverly dahil tutol sya sa lalaking yun at plinanong pikutin ako. Kung nagkataon eh di walang kami ng asawa ko at si Nick ang boyfriend nya. Tss!
“Salamat iho. Yun din naman ang gusto ko na magkaayos kami ng anak ko. Nahihiya lang kasi akong kausapin sya dahil sa gulong ginawa ko sa inyong dalawa.”
“Mabait ho ang anak nyo. Maiintindihan din ho kayo nun.”
“Maraming salamat din iho sa pag unawa. Alagaan mo sana ang anak ko.”
“Kahit hindi nyo ho sabihin gagawin ko. Mahal na mahal ko ho si Ivona.”
Ngumiti si mommy Beverly at tumayo na. Nagpaalam na syang aalis na. Inalok ko syang ipahahatid kay Goryo pero tumanggi sya dahil susunduin daw sya ni Stephen. Hinatid ko na lang sya sa ibaba.
Pagsakay ko ng elevator ay tumunog ang cellphone ko. Kunot noong hinugot ko ito sa bulsa ng slacks. Napangiti ako ng makita ang pangalan ng asawa ko sa screen. Agad kong pinindot ang green button at tinapat sa tenga ang cellphone.
“Hello wife.” Nakangiting bati ko sa asawa sa kabilang linya. Sumandal ako sa dingding ng elevator at sinuksok ang kamay sa bulsa.
[“Pauwi ka na ba?”]
Napakagat labi ako ng marinig ang malambing nyang boses. Tiningnan ko ang oras sa relo. Mag aalas singko na ng hapon.
“30 minutes pa wife. Why? Miss me?”
Tumawa ang asawa ko sa kabilang linya. Pati tawa nya malambing din. Napamura pa ako sa sarili ng kumislot ang alaga ko sa loob ng slacks ko. Boses lang nya ang naririnig ko nagiinit na agad ako.
[“Medyo. Pero may kailangan ako kaya ako tumawag.”]
“Ok, what is it?”
[“Ano, bago kayo umuwi ni Kuya Goryo baka pwedeng dumaan muna kayo sa convenient store. Bili mo ko napkin. Ubos na pala yung stock ko tapos bigla akong nagkaroon ngayon ngayon lang. Yung may wings ha.”]
Nawala ang ngiti ko at bahagya akong napangiwi sa narinig. Pakiramdam ko natalo ako sa malaking pusta.
Naknamputcha! Mukhang ilang araw akong madyedyeta ah.
Gusto ko na syang buntisin pero may usapan kami na saka na kapag graduate na sya. Gusto ko na rin kasing magkaanak. Medyo naiinggit na rin ako kay Jeiz na may isang anak na at kay Lorenzo na malapit ng manganak ang asawa. Syempre hindi na rin ako bumabata.
“Ok wife, anong brand ba ang bibilhin ko?”
Sinabi nya ang brand at wag ko daw kakalimutan yung may wings. Alam ko naman ang napkin. Ilang beses ko na rin syang nakikitang naglalagay noon sa panty nya.
Nagpaalam na ang malambing kong asawa.
Ako naman ay excited na ring umuwi. Pwede naman akong umuwi na at baunin na lang mga papeles.
Chapter 41
Ivona
SINIPAT sipat ko ang sarili sa life sized mirror dito sa loob ng closet room. Suot ko ang isang semi bodycon dress na kulay puti na above the knee ang haba. Strap sweetheart ang style ng neckline nito kaya kita ang mupuputing ibabaw ng dibdib ko. Bahagya ding nakasungaw ang cleavage ko pero hindi naman masagwa. Kinuha ko sa shoe rack ang nude silver four inches kong open toe sandals at lumabas na ng closet room para mag ayos na ng buhok.
Wala si Luigi sa kwarto. Malamang ay lumabas dahil may kausap sya kanina sa cellphone. Pero nakabihis na sya at ako na lang ang hinihintay nya. Natagalan kasi ako sa pagdecide kung ano ang susuotin.
Umupo na ako sa harap ng vanity mirror at nagumpisa ng magapply ng make up. Simpleng make up lang naman ang iaapply ko. Ngayong gabi kami pupunta sa birthday party ng sekretarya ni Luigi. Kaya dapat maging presentable ang hitsura ko.
Pagkatapos kong mag make up ay inayos ko naman ang buhok kong hindi lalampas sa bewang ang haba. Hinati ko lang ito at inipit ang dalawang side sa tenga. Hinayaan ko lang itong nakalugay. Gabi naman at hindi na mainit. Ng makuntento na ako ay sinuot ko na ang sandals ko. Bagay sa mapuputi kong paa na may mahahabang daliri ang sandals na bagong bili ko. Bagong pedicure din ako kahapon. Kung hindi nga lang kami aattend ng birthday party ay hindi ako bibili ng sandals at magpapapedicure. Pero kasi.. ayokong magpakabog sa sekretarya ni Luigi.
Napanguso ako. Kahit kelan ay hindi ako nakipagkompentensya sa kahit sino. Ngayon lang dahil alam kong ang babaeng yun ay may gusto sa asawa ko.
Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si Luigi na nakaawang ang labi na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Naconcsious naman ako bigla.
“Ayos lang ba?” Tanong ko at bahagyang umikot.
“No wife.” Sagot nya.
Napasimangot naman ako.
“You’re fucking perfect.”
Agad nawala ang simangot ko at napakagat labi.
“Talaga?”
Lumapit sya at sa malapitan naman ako pinagmasdan. “Yes wife. Pero parang masyado ka yatang maganda.”
Umikot ang mata ko pero sa loob loob ko ay tuwang tuwa ako sa sinabi nya.
“Bolero. Tara na nga!” Aya ko sa kanya. Kakaiba na kasi ang tingin nya sa akin. Parang gusto na nya akong ihiga sa kama. Marupok pa naman ako.
Kinuha ko na ang silver swarovski clutch bag na binili nya sa akin. Matagal na nya itong binili pero ngayon ko lang gagamitin.
Sabay na kaming lumabas ng kwarto ni Luigi. Di ko naman mapigilan ang humanga sa kakisigan nya. Bagay na bagay sa kanya ang suot na blue gray suit. Ang gwapo gwapo nya. Para talaga syang modelo na nakikita ko sa internet. Ang mamahalin nyang tingnan at para syang royalty. Kunsabagay mamahaling tao naman sya kaya dapat bagayan ko sya.
“Wow! Ang ganda ganda nyo naman po ma’am at ang sexy nyo pa.” Bulalas ni Ate Ona.
“Oo nga ma’am! Para kayong artista.” Segunda naman ni Ate Lucy.
“Anong parang artista? Daig pa ni ma’am ang artista. Siguradong marami syang kakabugin doon.” Sabat naman ni Ate Cheche.
Natawa na lang ako sa kanila at natutuwa sa paghangang nakabukas sa kanilang mga mukha.
“Kayo din po ser, ang gwapo nyo po. Bagay na bagay po kayo ni ma’am.” Sabi ni Ate Ona.
“Salamat Ona.” Nakangising sabi ni Luigi.
“Mag enjoy po kayo doon ser, ma’am.” Nakangiting sabi naman ni Manang Beng.
“Salamat manang.” Nakangiting sabi ko din.
Nagpaalam na kami sa kanila at lumabas na. Nasa harapan na ang kotseng gagamitin namin. Yung kotseng biktima ng pambabato ko ng paso. Mabuti na nga lang di nabasag ang salamin. Para ngang walang nangyari dito dahil makintab na makintab pa rin.
Inalalayan nya akong pumasok sa passenger seat at maingat na sinarado ang pinto. Kinausap nya muna sila Kuya Goryo at Kuya Nanding bago umikot sa driver seat.
Dalawampung minuto ang lumipas ay pumasok kami sa isang ekslusibong subdivision. Nakarating kami sa isang malaki at modernong bahay na puro salamin. Namangha ako. Malaki ang bahay ni Ary. Hindi nga lang kasinglaki ng mansion ni Luigi. Pero moderno ang pagkakayari sa bahay at halatang ginastusan. Napaisip tuloy ako. Mayaman pala si Ary akala ko simpleng empleyada lang sya.
Inalalayan akong bumaba ni Luigi sa kotse. Inikot ko ang mata sa paligid. Marami na ang bisita sa loob ng bahay at may iba pang dumadating. Halatang mga nabibilang sa alta sosyedad ang mga bisita. May ilan pa nga na kilalang mga celebrity at modelo. May ilang mga bisita na lumapit kay Luigi at nangangamusta. Si Luigi naman ay pinapakilala ako bilang asawa. Nahihiya man at parang nanliliit ay pinipilit kong maging kalmado at makibagay.
“Let’s go inside baby.” Bulong sa akin ni Luigi at hinapit ako sa bewang.
Pagpasok namin sa malawak na bakuran marami na ngang bisita ang naroon. Maliwanag ang buong paligid dahil sa mga ilaw. Bumabaha ng alak at pagkain. May mga nagkalat din na waiter na nagseserve ng alak at pagkain. Meron pang live band.
“Oh hi Luigi! You’re here na pala!”
Lumapit sa amin ang isang maganda at matangkad na babae. Mukha syang modelo.
“Hello Krisha.” Pormal na bati naman ni Luigi sa babae. Pero ang babae ay bumeso pa kay Luigi.
“Oh my gosh! You look dashingly handsome tonight. Oh well, gwapo ka naman talaga. Siguradong matutuwa si Ary kapag nakita ka, kanina ka pa nya hinihintay eh. Oh wait who is she?” Parang noon lang ako nakita ng babae samantalang magkadikit lang kami ni Luigi. Nakataas pa ang kilay nya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Kimi na lang akong ngumiti.
Naramdaman kong gumalaw ang mga daliri ni Luigi sa bewang ko.
“She is Ivona Federova my wife.” Pagpapakilala sa akin ni Luigi at ngumiti. Nginitian ko rin sya.
“Oh yeah.. I forgot! Nabanggit pala sa akin ni Ary na may asawa ka na. She’s pretty ha.” Nakangiti ng sabi ni Krisha.
“Oh wait, tawagin ko lang si Ary. Sasabihin kong nandito na kayo ng asawa mo.” Nag excuse na si Krisha para puntahan si Ary.
May lumapit naman na isang waiter sa amin at giniya kami sa isang bakanteng mesa na pabilog. Inalok kami ng pagkain ng waiter at inabot pa ang menu. Pero hindi pa naman kami gutom. Kaya nanghingi na lang ng wine at champagne si Luigi para sa aming dalawa.
Napapansin ko na laging nakahawak sa akin si Luigi. Kung hindi nakaakbay nakahawak sa bewang ko o kaya hawak ang kamay ko, minsan naman ang kamay nasa hita ko. Ganito lagi sya kapag nasa labas kami at maraming tao na para bang may kukuha sa akin sa kanya.
Mayamaya ay nakita ko na si Ary na papalapit. Nakahawak sya sa braso ng isang may edad ng lalaki. Kasunod din nya si Krisha at isa pang babae. Magandang maganda sya ngayong gabi at halatang pinaghandaan nya. Naka red evening gown sya na hapit sa makurba nyang katawan at may slit pa sa kanang hita. Matangkad sya kaya nagmukha syang modelo.
“Luigi iho.” Nakangiting bati ng may edad na lalaki kay Luigi. Sa tingin ko ay sya ang ama ni Ary dahil may pagkakahawig sila.
Tumayo si Luigi. Sumunod naman ako. Hinapit nya ako sa bewang.
“Ninong.” Bati ni Luigi sa may edad na lalaki at nagmano.
“I’m so happy na nakarating ka ngayong gabi sa birthday party ko Luigi. Sabi ko na nga ba eh di mo ko matitiis.” Nakangiting sabi ni Ary na lumapit pa kay Luigi at humawak sa kabilang braso at bumeso.
Napataas naman ang kilay ko. Parang hindi nya ako nakikita at ang nakikita lang nya sa paligid nya ay si Luigi. Nakaramdam ako ng pitik ng inis.
Tumikhim ako. “Happy birthday Ary.” Sabi ko at plastic na ngumiti.
“Oh hi Ivona, kasama ka rin pala.” Sabi ni Ary na matamis na ngumiti. Obvious naman na nagkukunwari sya na hindi ako napansin at alam kong plastic din ang ngiti nya.
“Sabi ni Luigi iniimbitihan mo rin daw ako. Hindi nga sana ako sasama dahil busy ako pero hindi rin pupunta dito si Luigi kung hindi ako sasama.” Sabi ko at humilig sa balikat ni Luigi.
“That’s right.” Segunda ni Luigi kaya lalong tumamis ang ngiti ko.
Bahagyang nalusaw ang ngiti ni Ary pero agad ding bumalik.
Tumikhim naman ang may edad na lalaki. “Iho hindi mo ba ako ipapakilala sa misis mo?”
“Of course ninong. Wife, this is Ismael Diones ninong ko at father ni Ary. Ninong, my wife Ivona.” Pagpapakilala sa amin ni Luigi sa may edad na lalaki na tatay nga ni Ary at ninong pa nya. So it means magkinakapatid ang dalawa. Kaya pala iba ang asta ni Ary.
“Nice to meet you iha. You look so beautiful.” Nakangiting sabi ng ama ni Ary at nilahad ang palad. Tinanggap ko din ito at nakipag kamay.
“Nice to meet you din po sir.”
“Call me ninong na lang din iha tutal asawa ka naman nitong inaanak ko.”
Kiming ngumiti na lang ako at tumango.
Sumalo na sa mesa namin si Ary at ang ama nya pati na rin si Krisha at isa pang babae na kasama nila na mukhang kaibigan din ni Ary.
“You know what, buong akala ko talaga kayong dalawa ni Ary ang makakatuluyan.” Anang isang babae kay Luigi.
Napataas ang kilay ko lalo na ng ngumiti pa si Ary.
“Paano mo naman nasabi na kami ang magkakatuluyan ni Ary, Lyka? Eh hindi naman naging kami.” Sabi ni Luigi na ikinalusaw ng ngiti ni Ary.
“Oh well, kasi ninong mo si Tito Ismael at laging bukang bibig noon ni Ary na magiging kayo.” Dugtong pa ng babae na Lyka ang pangalan. Nakita kong pasimple syang siniko ni Ary at pinandilatan ng mata.
“Gaya nga ng sabi mo Lyka ninong ko si Ninong Ismael, it means kinakapatid ko si Ary. Hindi yata magandang tingnan kung magiging kami ni Ary dahil parang kapatid ko na sya. Right ninong?” Bumaling si Luigi sa ama ni Ary.
Tumikhim naman si Ninong Ismael. “You’re right iho, pero marami na ring nangyayari na nagkakatuluyan ang magkinakapatid lalo na kung wala naman pagtutol sa side ng pamilya ng bawat isa. Ang sa akin, kung ikaw ang makakatuluyan ni Ary ay ayos na ayos lang sa akin. Lalo na sa papa mo kung nabubuhay pa sya, naalala ko noon tuwang tuwa sya kay Ary. May usapan pa nga kami noong college pa kami na ang mga anak namin ang dapat magkatuluyan. Siguro kung nabubuhay pa ang papa mo siguradong gugustuhin nyang si Ary ang mapangasawa mo.”
Maasim akong ngumiti sa sinabi ni Ninong Ismael. Tila din may kumurot sa puso ko. Kung mag usap sila parang wala ako.
“Oh well, to tell you frankly ninong kahit nabubuhay pa si papa at gustuhin nyang si Ary ang mapangasawa ko ay hindi ko pa rin sya susundin. Ary is not my type. Para ko lang syang kapatid. And I’m so lucky I found my perfect woman and I am happily married to her.” Ani Luigi na mapupungay ang mga matang tumingin sa akin at hinalikan ako sa sentido.
Tila naman may kumiliti sa tiyan ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Kinilig ako sa sinabi nya. Ako rin naman maswerte rin sa kanya.
Kung ano naman ang kilig ko ay yun naman ang pait ng mukha ni Ary. Ang dalawa nyang kaibigan ay mga nakangiwi. Si Ninong Ismael ay nagkibit balikat na lang at tinawag ang waiter.
Third POV
GIGIL na nagpaikot ikot si Ary sa study room. Di na sya nakatiis sa nararamdaman nyang inis kaya nag excuse muna sya. Nagkamali yata sya na imbitahan din ang asawa ni Luigi. Imbyernang imbyerna sya dito. At itong Luigi naman ay pinahiya pa sya. Talagang harap harapan pang sinabi sa daddy nya at sa mga kaibigan nya na hindi sya nito type.
“Ary girl, stop ka nga muna sa kakalakad mo dyan. Nahihilo ako sayo.” Reklamo ni Krisha.
Hinarap nya ang dalawang kaibigan. “I’m so pissed!”
“We know girl. Obvious naman sa mukha mo na parang kamatis na sa pula. Eh kulang na nga lang umusok na rin yang tenga at ilong mo eh.” Ani Lyka.
“At wag sana mangyari yun dahil ang chaka mong tingnan.”
“True.”
At sabay silang tumawang dalawa.
“Pwede ba tumigil nga kayong dalawa. Kita nyo na ngang asar na asar na ako ginagatungan nyo pa.” Inis na sabi nya sa dalawa.
Umakto naman ang mga itong zinizipper ang bibig. Inirapan na lang nya ang mga ito.
“Pero infairness ha, super pretty ang wife ni Luigi at mukhang bata pa.” Komento ni Lyka.
“Sinabi mo pa girl. Kung hindi nga lang nakared gown na may slit itong si Ary ay malamang sya ang star of the night.”
“True! You saw naman kung paano sya tingnan ng ibang guys. Mabuti na lang hindi ko sinama si boyfie dahil malamang susundan sundan nya ng tingin ang wife ni Luigi baka awayin ko pa sya. Ganun ang mga type nun eh, petite na tisay.”
“Mabuti na lang talaga. Kung hindi baka pinilipit ni Luigi ang leeg noon. Kita mo naman kung paano nya tingnan ng masama ang mga lalaking tumitingin sa wife nya. Di obvious na patay na patay sya sa asawa nya.”
Pumikit ng mariin si Ary. Naririndi na sya sa dalawa.
“Will you two shut up! Rinding rindi na ako sa inyong dalawa. Sino ba ang kaibigan nyo? Bakit panay puri kayo sa babaeng yun?” Sikmat nya sa dalawa. Dapat pala hindi na lang din nya inimbita ang mga ito.
“Syempre ikaw! Friend ka namin kaya nga ginigising ka na namin sa katotohanan. Girl, wala ka ng laban. Ibababa mo na ang bandera mo may nanalo na.” Sabi ni Krisha.
“Anong wala ng laban? Naguumpisa pa lang ako at I’ll make sure na sa bandang huli bandera ko ang matayog na nakatayo at ako ang tatanghaling panalo.” Determinadong sabi nya kahit na ba parang malabo ang lahat. Kahit anong gawin nya malamig pa rin ang trato sa kanya ni Luigi. Pero gusto nyang gawing makatotohanan na magiging kanya din sa huli si Luigi.
“Omg girl, you sound desperate na ha. Ayokong magkaroon ng friend na homewrecker so stop ka na.” Sabi naman ni Lyka.
Umikot ang mata ni Ary at tinungo na lang ang mini bar. Wala syang mapapala sa dalawang kaibigan. Kinuha na lang nya ang isang bote ng mamahaling alak ng daddy nya at nagsalin sa baso. Nilagyan nya din ito ng yelo. Malalim ang iniisip nya habang sinisimsim ang alak.
Ivona
NAKAPULUPOT ang dalawang kamay ko sa batok ni Luigi. Sya naman ay nakahawak din ang dalawang kamay sa bewang ko. Marahang umiindak ang aming katawan sa saliw ng malamyos na musika na pinapatugtog ng live band. May ilang pares din kaming kasabay na sumasayaw.
Walang nagsasalita sa amin ni Luigi at titig na titig lang kami sa isa’t isa. Pero mabilis ang tibok ng puso ko. Binaba ko ang isang kamay sa dibdib nya at nadama kong malakas din ang tibok nito.
Ngumiti sya at dinikit ang noo sa akin. Tumatama ang mainit nyang hininga sa mukha ko. Amoy ko rin ang mabango nyang hininga.
“I love you wife..” Bulong nya sa magaspang na boses na malinaw kong narinig.
Ngumiti ako at pumikit. Mas masarap pang pakinggan ang sinabi nyang iyon kesa sa love song na pumapailanlang sa ere.
“I love you too babe..”
Bumaba pa ang mukha nya at magaang kinintalan ng halik ang labi ko. Alam mong may nakakakita sa amin. Wala akong pakialam. Mag asawa naman kami.
“Let’s go home.”
Tumango tango ako. Gusto ko na ring umuwi. Lumalalim na rin ang gabi.
Pero bago kami umuwi ay magpapaalam muna kami sa birthday celebrant. Pero hindi namin makita si Ary at ang dalawa nyang kaibigan kaya kay Ninong Ismael na lang kami nagpaalam.
Chapter 42
Ivona
MAINGAY ang mesa namin dito sa labas ng isang fast food chain. Puno na kasi sa loob kaya dito na kami sa labas. Pinagdikit na lang ang dalawang mesa. Nandito kami sa mall ni Ava at nakipagkita kanila Ruby, Miriam at Jolene. Kasama pa ni Jolene ang anak nyang si Jeremiah na kanina pa pinanggigigilan ni Ava. Tita na nga ang tawag ni Jeremiah kay Ava. Makalipas ang dalawang buwan ay ngayon lang ulit kami nagkita kita. Kaya maingay kami lalo na si Ava.
Binigay ko sa tatlo ang mga order nilang tig dadalawang box ng cupcake. Si Jeremiah ay paborito daw ang cupcake ko.
“Send ko na lang sayo ang bayad ha.” Sabi ni Ruby na binuksan ang isang box at kumuha ng isang cupcake sabay kagat.
“Ikaw ang bahala.”
“Lalo kang yayaman nito Ivona. Nakikita ko sa epbi maraming umoorder ng cupcake mo ha.” Ani Miriam na inabot sa akin ang bayad nya.
“Eh masarap naman kasi. Ito ngang si Jeremiah kayang ubusin ang isang box ng isang upuan lang. Hindi nya titigilan hangga’t hindi nauubos. Ang hirap pang sawayin kailangan pang takutin.” Sabi naman ni Jolene na nagabot din ng bayad sa akin.
“Bantayan mo na lang para hindi sya sumobra sa pagkain.” Sabi ko.
“Yun na nga ang ginagawa ko. Kulang na nga lang bilhan ko ng padlock ang ref namin.”
Natawa na lang ako sa sinabi ni Jolene. Heto nga si Jeremiah at umuungot na ng cupcake. Binigyan naman sya ng isa ni Jolene.
Marami ng flavor ang cupcake ko. Marami ng pagpipilian ang mga custumer kong lumobo pa. May sarili na nga akong page sa social Media. Ang The Sweet Cakes. Dapat nga ang pangalan ay Ivona’s Sweet Cupcakes. Kaso ayaw ni Luigi na yun ang pangalan ng store ko. Hindi daw magandang pakinggan. Eh sya lang naman ang may sabi nun. Pero para hindi na namin pagtalunan ay hindi na yun ang ginamit kong pangalan. Nakatulong din sya sa pagdami ng customer ko. Dahil pati mga empleyado nya ay umuorder din sa akin. Kaya sa umaga pinapasabay ko sa kanya. Lumalaki na rin ang ipon ko. Kung dati may pagtutol sya sa paggawa at pagbenta ko ng cupcake ngayon ay suportado na nya ako. Nagbabalak na nga syang ipagpatayo na ako ng shop. Syempre gusto ko rin niyon. Pero saka na kapag stable na ang munting negosyo ko at nakapag graduate na ako.
Dumating ang order namin kaya nagsitahimik kami maliban lang kay Jeremiah na nasa kandungan na ni Ava ngayon at gusto pang magpasubo. Hiyang hiya naman si Jolene pero ok lang daw kay Ava.
“Tong anak ko talaga di ko alam kung kanino nagmana ng kakapalan ng mukha.” S Natatawang sabi ni Jolene.
“Baka sa ama.” Sagot ni Ruby.
Nagkibit balikat lang si Jolene. Sa tuwing nagkikit-kita kami at kasama nya si Jeremiah ay never syang nagkwento sa ama ng bata. Hindi na lang namin inuungkat dahil baka hindi maganda ang nakaraan nila ng ama ni Jeremiah.
“Actually nakakatuwa nga itong anak mo Jolene eh. Sobrang lambing. Marunong na pala itong magvideo call.” Ani Ava na hinihimayan ng manok si Jeremiah. Naikwento nga nya minsan na vinideo call daw sya ni Jolene pero mukha naman ni Jeremiah ang bumungad sa kanya.
“Naku pagpasensyahan mo na yang anak ko Ava, natuto kasi sa pinsan ko na mahilig makipag video call sa kung sino sino.” Sabi ni Jolene na inabot ang mukha ni Jeremiah at pinunasan ng tissue ang bibig.
“Ok lang, pampatanggal din ng stress ang kacute-an ng anak mo. Lalo na ngayon stress na stress kami sa school ni Ivona dahil sa dami ng activities idagdag pa ang thesis.”
Tumango tango ako sa sinabi ni Ava. Nakakastress naman ang pagaaral lalo na ngayon na graduating na kami. Pero kaunting tiis na lang ay gagraduate na kami.
Habang busy na kami sa pagkain ay may nakita akong pamilyar na lalaking matangkad na may kasamang babae. Nasa labas sila ng isang jewelry store at tumitingin tingin sa alahas. Naningkit ang mata ko para kilalanin ang lalaki.
Kinalabit ko si Ava. “Ava, si Kuya Atlas yun di ba?” Itinuro ko kay Ava ang kinaroroonan ni Kuya Atlas at ng kasama nyang babae.
Tumingin naman si Ava sa direksyon na tinuro ko. “Oo nga no.”
Pumihit si Ava paharap sa direksyon ni Kuya Atlas at tinawag ito. Nakakahiya pa kasi ang lakas ng boses nya. Nagtinginan tuloy sa kanya ang ibang tao. Sinaway ko naman sya. Pero mabuti na lang hindi bingi si Kuya Atlas at nakita kami. Kinausap nya ang kasamang babae at kunot noong lumapit sa amin.
“Hi Kuya Atlas.” Bati ko ng makalapit na sya sa amin.
Tinanguan naman nya ako at nginitian sila Miriam, Ruby at Jolene na hindi na makapagsalita at nakatitig lang sa kanya. Malamang na-star struck ang mga ito sa kanya. Ngayon lang kasi nila nakita ang kuya ni Ava. Pero ang tingin ni Kuya Atlas ay mas nagtagal kay Jolene at kay Jeremiah na titig na titig naman sa kanya. Napansin ko namang parang namutla ang mukha ni Jolene at naging malikot ang mata.
“Ah excuse me lang m-magsicr lang ako.” Tumayo si Jolene at parang naging aligaga na at tila di alam ang gagawin.
“Sige sa akin muna si Jeremiah. Baby dito ka muna kay Tita Ava magsicr lang si mama.” Lumapit naman kay Ava si Jeremiah.
Tumalikod na si Jolene at nagmamadaling umalis para magcr. Mukhang ihing ihi na sya.
“Jessica!” Tawag ni Kuya Atlas kay Jolene na ikinakunot namin ng noo.
“Sinong Jessica ang tinatawag mo kuya?” Tanong ni Ava.
“Yung kasama nyo.” Sabi ni Kuya Atlas na tinuro si Jolene na papaliko na.
“Jolene ang pangalan nun kuya hindi Jessica.” Sabi ko.
Lalong nangunot ang noo ni Kuya Atlas na tila litong lito na. “Impossible..”
“Hay naku kuya, sa dami mong babae napagkamalan mo pa ang kaibigan namin. Baka kamukha lang ng Jessica na binabanggit mo ang kaibigan namin.” Sabi ni Ava na pinupunasan ng tissue ang bibig ni Jeremiah na may gravy.
Natuon naman ang paningin ni Kuya Atlas kay Jeremiah. Titig na titig sya dito. Ganun din si Jeremiah sa kanya.
“Mag hello ka sa kanya Jeremiah. Sya ang kuya ko.” Sabi ni Ava kay Jeremiah.
“Hello po.” Kumaway naman si Jeremiah kay Kuya Atlas.
Pero si Kuya Atlas ay walang tugon at nanatiling nakatitig lang kay Jeremiah.
“Anak ba sya ni Jessica?” Sa halip ay tanong ni Kuya Atlas.
“Jolene kuya, hindi Jessica.” Pagtatama ni Ava. “And yes anak sya ni Jolene, baby introduce yourself nga to Tito Atlas para bigyan ka nya ng pera.”
Tumayo naman ng tuwid si Jeremiah at ngumiti. Lumabas tuloy ang isang biloy nya sa kaliwang pisngi pati na ang maliliit at pantay pantay nyang mga ngipin.
“Hello po Tito Atlas, my name is Jeremiah Caraz. I’m four years old.” Bibong pagpapakilala ni Jeremiah kay Kuya Atlas. Natawa naman kami nila Miriam at Ruby.
Ngumiti naman si Kuya Atlas at ginulo ang buhok ni Jeremiah.
“O pengeng pera pang Jabi.” Sabi ni Ava at nilahad ang maliit na kamay ni Jeremiah kay Kuya Atlas.
“Tss, ginamit mo pa talaga ang bata para makapang uto.” Dinukot naman ni Kuya Atlas ang wallet sa likod ng suot na pantalon at dumukot ng bagong isang libo na malutong na malutong at binigay kay Jeremiah.
“Yehey! May pera na si Jeremiah. Say thank you to Tito Atlas baby.”
“Thank you po Tito Atlat.” Nakangiting sabi ni Jeremiah na medyo nabubulol pa kay Kuya Atlas at winagayway pa ang pera.
“You’re welcome baby boy.” Muling ginulo ni Kuya Atlas ang buhok ni Jeremiah.
Kinuha naman ni Ava ang pera kay Jeremiah at nilagay sa bag nito para di mawala.
“Atlas.” Lumapit ang magandang babae na kasama ni Kuya Atlas at umabrisete sa braso nya. Binati pa ng babae si Ava na maasim lang na ngumiti.
Nagpaalam si Kuya Atlas at ang babaeng kasama nya. May pupuntahan pa raw kasi sila.
“Ang gwapo naman ng kuya mo Ava, ang macho pa. Parang hindi totoo.” Sabi ni Ruby.
“Oo nga, di sila nagkakalayo ng hilatsa ng asawa ni Ivona.” Segunda pa ni Miriam.
“Magkaibigan sila ng asawa ko.” Sabi ko naman.
Siguro kapag nakita pa nila ang ibang kaibigan ni Luigi at Kuya Atlas ay baka maloka sila. Lahat naman kasi ng mga kaibigan ni Luigi ay may kanya kanyang angkin na kagwapuhan. Pero syempre pinakagwapo para sa akin ay si Luigi.
Nakabalik na galing sa cr si Jolene at nagmamadali na syang sinukbit ang bag. Mauuna na raw sila ni Jeremiah dahil may emergency daw sa bahay nila.
Hinayaan na lang namin sila dahil mukhang may emergency talaga. Kumaway na lang sa amin si Jeremiah. Hinatid na lang namin sila ng tingin.
.
.
.
Tumabi na ng higa sa akin si Luigi. Habang ako naman ay busy sa pag scroll ng screen ng cellphone ko. Nangingiti ako habang pinagmamasdan ko ang mga pictures ni Ava at ni Jeremiah na pinost ng una sa social media. Pinagpupusuan ko ang mga ito. Ang cute talaga ni Jeremiah. May mga picture nga na parang magkamukha na sila ni Ava.
Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Luigi sa bewang ko at ang mainit nyang hininga na tumatama sa tenga ko.
“Sino yang batang kasama ni Ava?” Tanong ni Luigi. Nakatingin din pala sya sa cellphone ko.
“Anak sya ng isang friend namin. Yung nakasama din namin magtrabaho sa resto. Ang poging bata no? Super close na nga sila ni Ava eh. Parang magkamukha na sila.” Sabi ko.
“Actually parang pamilyar sa akin ang mukha ng bata. Di ko lang matandaan kung saan ko nakita.” Aniya na hinahalik halikan na ang buhok ko.
Nagkibit balikat na lang ako. “Gusto ko kapag nagkaanak tayo ng lalaki kasing gwapo din nya.” Hindi naman malabo yun dahil gwapo si Luigi. Hay, parang gusto ko na tuloy magkaanak ng lalaki. Ying mini me ni Luigi.
“Yung kamukha ko ba?” Nakangising sabi ni Luigi.
Ngumuso ako. “Hindi naman malabo na maging kamukha mo ang magiging anak natin, ikaw ang ama eh.”
Lalo nyang kinabig ang katawan ko padikit sa katawan niya. Damang dama ko na ngayon ang init ng singaw ng katawan nya pati na rin ang matigas na bagay na bumubundol sa puwitan ko. Naginit tuloy ang mukha ko damay na rin ang buong katawan ko.
“Tutal napaguusapan na ang anak, buntisin na kaya kita.” Aniya sa nanghihibong boses.
Lalo namang nanghaba ang nguso ko at nagliliyab na ang mukha ko sa init.
Nilingon ko sya. “O-Oy, may usapan tayo ha. Magtatapos muna ako.” Sabi ko.
Tumawa sya at hinalikan ako sa pisngi. “I know wife, pero pwede naman two months bago ka grumadaute may laman na ang tummy mo.” Hinimas himas nya ang impis kong tiyan.
Mukhang gusto na nga talaga nyang magkaanak. Pwede naman yun. Two months bago ako grumaduate ay buntis na ako.
“Pwede naman.”
Nag angat sya ng mukha at tumingin sa akin. “Talaga? Pwede?”
Tumango ako.
Ngiting ngiti naman sya. “Four months na lang wife, gagraduate ka na.” Tila excited na sabi nya. Talagang nagbilang sya.
“Oo nga, so ready ka na bang maging daddy?” Nakataas ang kilay na tanong ko. Pati ako na e-excite na rin. Baka nga ngayon pa lang magpabuntis na ako eh.
“Ready’ng ready na! Gusto mo ngayon na eh.” Nakangising hamon pa nya sa akin. Nakaguhit na nga sa mata nya ang tuwa.
“Hindi pa ngayon, maghintay ka pa ng dalawang buwan.”
Sumubsob sya sa batok ko at niyakap ako ng mahigpit. “Tss, excited na ako wife.” Bulong nya.
Kinagat ko naman ang labi at ngumiti.
Third POV
NAPAANGAT ng tingin si Ismael ng bigla na lang pumasok ang sekretarya nya.
“Anong problema Eli at bigla ka na lang pumasok ng hindi kumakatok?” Sita ni Ismael sa sekretarya. In-adjust nya ang suot na salamin at niligpit ang mga papeles.
“Sir, may mga pulis po sa ibaba hinahanap kayo.”
Kumunot ang noo ni Ismael sa sinabi ng sekretarya nya. “Anong pulis? At bakit ako hinahanap?”
“Hindi ko po alam sir. Basta po hinahanap kayo.”
Bumuntong hininga si Ismael. “Sige bababa na ako.”
Tumayo na si Ismael at inayos ang suot na brown na coat. In-adjust nya ang salamin at tinungo na ang pinto ng opisina nya.
Pagbaba nya sa lobby ay sumalubong sa kanya ang may limang pulis. Nagpakilala sa kanya ang isang pulis na may mataas na ranggo at inabot sa kanya ang isang nakatuping papel. Isa iyong warrant of arrest.
“Mr. Ismael Diones inaaresto ka namin sa salang pagnanakaw sa kumpanya ng Federova.” Sabi ng pulis at nilabas ang posas.
Nagimbal naman sya sa sinabi nito. “S-Sandali! Anong pagnanakaw ang sinasabi nyo? Wala akong ninanakaw! Baka nagkakamali kayo.”
“Sa istasyon ka na lang magpaliwanag Mr. Diones. Ipatawag mo na rin sa sekretarya mo ang abogado mo para depensahan ka.”
Nilingon nya ang nagsalita. “Attorney Lucero, a-anong ibig sabihin nito?” Tanong nya sa abogado ng mga Federova.
“Bistado na ang lahat ng ginawa mo limang taon na ang nakakaraan Mr. Diones. Kaya sumama na lang kayo sa istasyon. Naghihintay na sa inyo doon si Luigi.” Anito at tumalikod na.
Nanlaki naman ang mata nya. Nakatingin sa kanya ang lahat ng mga taong naroon. Nataranta sya ng maramdaman ang malamig na metal sa pulso nya.
“Hindi! Hindi ako sasama! Wala akong ginagawang masama! Pakawalan nyo ko!”
“Sumama na lang po kayo sir at wag ng magpapapilit.”
“Eli! Eli!” Tawag nya sa sekretarya. Agad naman itong lumapit at bakas na sa mukha ang pagaalala.
“Tawagan mo si Attorney Asistio. Pasunurin mo sa istasyon. Madali!”
“Opo sir!” Dinukot nito ang cellphone sa bulsa ng coat na suot at nagdial.
Sya naman ay bumuntong hininga at matiwasay na lang na sumunod sa mga pulis.
Hi mga beks! May new story ako sa Dreame ang Hate You But I love You. Sana basahin nyo habang free pa 🤗
Chapter 43
Ivona
NAPAAWANG ang labi ko habang tutok ang mga mata sa screen ng tv dito sa kusina. Maging si Manang Beng at sila Ate Ona ay napatigil din sa ginagawa at nakatingin lang din sa flat screen tv. Binabalita kasi ngayon ang pagkakaaresto sa mag ama. Si Ninong Ismael at si Ary na nagwawala pa habang akay ng dalawang babaeng pulis habang papasok ng presinto. Inaakusahan sila ng pagnanakaw. At ang complainant ay walang iba kundi ang asawa ko.
“Nakakagulat naman yang balita. Totoo ba yan?” Bulalas ni Ate Lucy na napasapo pa sa dibdib.
“Malamang totoo. Si Ser Luigi ang nagpadampot sa kanilang mag ama eh. Alangan namang bintang bintang lang ni Ser Luigi yan.” Sabi naman ni Ate Ona.
“Grabe. Magnanakaw pala si ma’am Ary at ang tatay nya.” Komento din ni Ate Cheche.
Napailing iling naman si Manang Beng. Si Dina naman na nakatutok pa rin sa tv ay tila shock na shock sa balita.
“Biruin mo sa tagal ng naninilbihan ang mag amang yan sa kumpanya ng pamilya ni Ser Luigi ay pasimple pala nilang ninanakawan. Hay, kahit gaano mo pa talaga kilala ang tao o gaano mo pa katagal kasama ay hindi ka pa rin talaga dapat magtiwala ng lubos.” Ani Manang Beng.
“Pero nakakagulat pa rin talaga ang balita manang.”
“Kayo po ma’am Ivo, alam nyo na po ba yan?” Tanong sa akin ni Ate Ona.
Bumuntong hininga ako at umiling iling. “Hindi, wala naman sinasabi sa akin o kinukwento si Luigi. Pero nitong mga nakaraang araw masyado syang busy at lagi silang magkausap ni Atty. Lucero.” Yun siguro ang pinagkakaabalahan nya.
“Naku siguradong kulong ang mag ama na yan. Biruin mo isa’t kalahating bilyon ang kabuuang ninakaw sa kumpanya nila ser. Grabe.”
“Kilala ko yang si Ser Ismael. Matalik na kaibigan yan ng yumaong ama ni Ser Luigi at ninong pa nga nito. Ang alam ko lagi syang tinutulungan noon ni Ser Juancho at pinagkakatiwalaan ng don. Di ako makapaniwala na magagawa nya ang bagay na yun. Nakakalungkot lang.”
“Eh ganon talaga minsan ang tao manang, nagpapasilaw sila sa pera at mas nagiging matimbang ang pera kesa sa mga taong nagtitiwala sa kanila.”
Muli akong bumuntong hininga at tinuloy na lang ang pagmimix ng itlog at butter. Nakakabigla talaga ang balita. Nag aala ako ngayon kay Luigi. Pero alam ko namang kayang kaya nyang i-handle ito.
Pero sa loob loob ko may tuwa akong nararamdaman. Sa pagkakaaresto kay Ary ay ibig sabihin lang nun tanggal na sya bilang empleyado sa kumpanya ni Luigi. Bagama’t nalulungkot ako sa sinapit nilang mag ama. Pero ganun talaga kapag may ginawa silang kasalanan.
“O Dina, saan ka pupunta?” Tanong ni Ate Ona kay Dina na lumabas ng kusina.
“Ah iihi lang ako sandali. Ihing ihi na ako eh.”
“Dito sa kabila ang cr hindi dyan.”
“Ay oo nga pala.” Tila litong lito naman si Dina kung saan pupunta.
“Ito talagang si Dina o, inatake na naman ng mali mali.”
.
.
.
Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito. Napangiti ako ng makitang pumasok si Luigi. Dumating na pala sya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hinapit nya ako sa bewang at kinintalan ng halik sa labi. Kinuha ko naman ang dala nyang leather briefcase at nilapag iyon sa couch. Muli akong lumapit sa kanya at tuluyan ng tinanggal ang necktie na maluwag na. Sya naman ay humawak sa bewang ko.
Tumingala ako sa kanya. Nakaguhit sa mukha nya ang pagod.
Ngumiti ako. “Kumain ka na?” Malambing na tanong ko.
Tumango naman sya at ngumiti din. “Sabay kami ni Atty. Lucero kanina. I’m sorry wife kung ngayong lang ako nakauwi.” Aniya. Bakas sa magaspang nyang boses ang pagod.
“It’s ok babe.” Gusto ko pa sanang itanong ang tungkol kay Ary at sa ama nito pero saka na lang. Mukhang pagod na pagod sya.
Tinulungan ko na syang maghubad ng damit.
“Let’s go shower baby..” Lambing nya sa akin.
Ngumiti ako at tumango.
Nandito kami sa bathtub at nagbababad. Naisipan nyang magbabad muna. Nakapwesto ako ngayon sa gitna ng nakabukang hita nya at nakasandal sa katawan nya. Sya naman ay nakayakap sa akin at panay ang halik sa balikat, batok at buhok ko. Ang kamay nya naman ay humahaplos sa tiyan at kumukubkob sa dibdib ko. Noong unang beses na nagbabad kaming magkasama sa bathtub ay ilang na ilang ako, ngayon medyo nasasanay na ako lalo na sa pagkalalaki nyang ramdam ko ang katigasan sa likuran ko.
Bahagya akong tumingala patigilid sa kanya. Napansin kong umaliwalas ang mukha nya. Mukhang naginhawaan sya.
Tumingin sya sa akin at hinalikan ako sa noo ng dalawang beses. Pumikit naman ako at ngumiti.
“Babe.” Untag ko sa kanya.
“Hmm?”
Bumuntong hininga ako. Nagaalinlangan ako kung dapat ko bang itanong yung tungkol kay Ary at kay Ninong Ismael.
“Yes wife?” Tanong nya ng hindi pa ako sumasagot.
“Napanood ko kanina sa tv yung pag aresto kay Ary at kay Ninong Ismael.” Sambit ko at kumagat labi. Hindi ko na alam kung ano ang susunod kong sasabihin.
Saglit syang nakatitig lang sa akin at ngumiti saka muling hinalikan ang noo ko. “Everything is alright wife.” Anas nya.
Ngumiti na lang ako at hindi na nagusisa. Mukhang wala sya sa mood magkwento.
“How’s school?” Tanong nya sa magaspang na boses habang ang mga kamay ay mas naging malikot pa.
“A-As usual hmm.. pero mas busy kami ngayon dahil maraming ginagawa oh..” Hindi ako makapag focus sa isasagot ko dahil ang isang kamay nya ay nasa gitna na ng mga hita ko at ang isa naman ay nasa dibdib ko at pumipiga, nilalaro pa ng mga daliri nya ang utong ko. Nakakaramdam na ako ng kiliti at sarap. Mabilis talaga akong maapektuhan sa simpleng mga haplos nya sa katawan ko.
“Malapit ka ng grumaduate wife, hindi na ako makapaghintay na mabuntis ka.”
Muli ko syang tiningala. “Talagang excited ka ng magkaanak no?” Kunsabagay hindi naman na kasi sya bumabata. Mag ti-thirty six na sya.
Kumagat labi sya at tumango.
Kumagat labi din ako. “Malapit na, kaunting tiis na lang – ay!” Napatili ako ng bigla nya akong kandungin. Naginit ang mukha ko ng maramdaman ang pagkalalaki nyang bumubundol sa pagkababae ko.
“Put me in wife..” Nanghihibong bulong nya sa tenga ko.
Kagat labing sinunod ko naman sya. Tinukod ko ang dalawang tuhod at inangat ang balakang. Hinawakan ko ang pagkalalaki nya at tinutok na sa lagusan ko. Dahan dahan ko itong inupuan.
Napaawang ang labi ko ng maramdaman ang kalakihan nya sa loob ko. Iniyakap nya ang dalawang malalaking braso sa katawan ko. Humawak naman ako sa mga braso nya.
“Move baby, fuck me..” Anas nya sa tila nahihirapang boses.
Kagat labing nagumpisa na nga akong gumalaw. Giniling giling ko ang balakang paatras at paabante. Minsan ay dinidiin ko pa.
“Ohhmmm..” Ungol ko sa kiliti at sarap na sensasyong dulot ng pagtaas baba ko sa paglalaki nya.
Maging sya ay hindi na rin magkamayaw sa pag ungol. Gustong gusto nya kapag ako ang nasa ibabaw nya at nagkokomando.
“Faster baby.”
Mas binilisan ko pa ang paggalaw. Halos tumilapon ang tubig sa bathtub. Umaalog na rin ang dibdib ko.
“U-Ughh babe! Ahh! Ahh! Ahh! Ahmmm!”
“Ugh fuck! You feel so fucking good baby hnghhh!”
Umikot ang mata ko sa sarap na nararamdaman ko. Bahagya na ring nangangatal ang mga hita ko.
“Ohh babe! L-Lalabasan na ko!”
“Yes baby! Cum for me!”
Mas lalo pang bumilis ang galaw ko at mas dumiin. Ilang sandali pa ay nangatal na ang buong katawan ko kasabay ng pagdating ko sa sukdulan.
Hingal na sumandal ako kay Luigi. Hinalik halikan naman nya ang balikat, leeg at buhok ko. Pinaling ko naman ang ulo ko at sinalubong ang labi nya. Matamis ang halik na pinagsaluhan namin.
“Tuwad ka baby.” Anas nya sa tenga ko.
Lumuhod ako sa tub at humawak sa edge nito. At dahil nasa loob ko pa ang pagkalalaki nya ay mabilis na syang umulos habang hawak ang bewang ko.
“Uhmmm babe..” Daing ko.
Dahil sa posisyon ko ay malalim ang naaabot ng pagkalalaki nya sa loob ko. Mas nakakaliyo ang kiliti at sarap na hatid niyon.
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa likod ko habang patuloy sya pag ulos. Ang kamay nya ay nasa dibdib ko na at pumipisil.
“Ughh fuck wife.. ang sarap mo.” Bulong nya sa akin sabay diin ng ulos.
“U-Ugh babe!” Daing ko sabay ikot ng mata.
“Gusto mo yun baby hmm?” Nanghihibong tanong nya
“Y-Yes yes babe – ugh!”
“Then take this!”
Sunod sunod na madidiing ulos ang binigay nya na halos ikayanig ng buong sistema ko. Naiiyak na rin ako sa nakakangilong sensasyon. Hindi na rin ako magkamayaw sa pag ungol habang malaya kong tinatanggap ang mga bayo nya.
“Fuck! I’m cumming baby! I’m cumming! Nghhh!”
Sa huling tatlong madiin na ulos nya ay sabay nanigas ang aming katawan at para syang mabangis na hayop na umuungol. Damang dama ko ang mainit nyang katas na sumirit sa loob ko. Niyakap nya ako mahigpit. Ako naman ay habol ang hininga.
“I love you wife.. I love you..” Anas nya habang kinikintalan ako ng halik sa buhok.
“I love you too babe.”
Hinugot na nya ang pagkalalaki nya sabay buhat sa akin at umahon na kami sa bathtub. Pumasok kami sa cubicle shower at binuksan nya ang shower. Binaba nya ako at sa ilalim ng dutsa at mainit na halik ang pinagsaluhan namin at muli na namang nagningas ang init sa aming katawan.
Short update muna. Pahinga muna akez 😪
Chapter 44
Luigi
BINAGSAK ko ang likod sa leather chair at hinilot ang noo. Parang biglang sumakit ang ulo ko sa binalita ni Atty. Lucero. Nakapagpyansa daw ang mag ama. Inaasahan ko na yun.
“Pero wag kang mag alala iho. Pasasaan ba at makakabalik din silang mag ama sa kulungan. Mahina ang laban nila. At tungkol naman sa pera ay titiyakin kong mababawi yun.”
Tumango tango ako sa sinabi ni Atty. Lucero. “Gawin nyo ang lahat attorney, alang alang man lang kay papa at kay lolo na trinaydor ni Ninong Ismael.”
“Makakaasa ka iho. Ang isa pa nga palang ibabalita ko ay wala na sa bahay nila ang mag ama. Posibleng lumabas sila ng Manila. But don’t worry hindi sila makakalabas ng bansa kung binabalak nila. Haharangan na sila sa Airport pa lang.”
“Tss, kung inaakala nilang mag ama na makakatakas sila sa ginawa nilang panggagago noon sa pamilya ko nagkakamali sila. Sisuguraduhin kong mabubulok sila sa kulungan.”
Bumuntong hininga si Atty. Lucero. “Pero kung tutuusin nakakaawa ang ninong mo. Lumaki sya sa hirap at talagang nagsikap. Yun nga lang ginamit nya ang diskarte sa maling paraan. Naging ambisyoso sya. Nakakalungkot lang na ginawa nya ang bagay na yun. Sayang talaga.” Iiling iling na sabi ni Atty. Lucero.
“Basta attorney balitaan nyo ko sa takbo ng kaso.”
“Oo naman iho, lagi kitang ia-update.”
Nagkamay na kami ni attorney at hinatid ko na sya sa labas ng opisina. Binati pa kami ng bago kong sekretarya.
Tiningnan ko ang oras sa relo. Mag a-alas tres y media na ng hapon. Dadalo pa ako sa opening ng bagong mall ni Kester.
Bumalik ako sa loob ng opisina at niligpit na ang mga gamit ko. Nagpaalam at nagbilin ako sa bago kong sekretarya.
Dalampung minuto ang lumipas ay nakarating na ako sa bagong tayong mall ng kaibigan ko. Maraming tao at sasakyan ang sumalubong sa akin. May ilang mga bisita na mga celebrity ang naglalakad na sa red carpet at kinukuhanan ng litrato. Nakita ko ang mga kaibigan ko na mga present na at bihis na bihis din.
Kumpleto kaming magkakaibigan. Si Jeiz at Lorenzo ay lumuwas pa dito sa Manila kasama ang mga asawa nila. Sana pala sinama ko na rin si Ivona pero busy kasi sya ngayon sa school.
“Congratulations pare.” Bati naman isa isa kay Kester matapos nyang gupitin ang ribbon. Nagkislapan ang mga camera. Lalo pang dumami ang mga bisita. May mga artista at mga celebrities. May mga vlogger din at sandamakmak na mga photographer. May nga businessman din na mga kakilala din namin. Meron pang live band na nagbibigay buhay sa event. Bumabaha din ang pagkain at alak.
“Thank you mga pare.” Ani Kester at pinagtatapik kami sa balikat. Nawala ang atensyon nya sa amin ng interview-hin sya ng isang sikat na magazine show.
Kami namang magkakaibigan ay nagipon ipon muna sa mga mesang nakalaan sa amin. May mga ilang businessman ang mga lumalapit sa amin at nakikipagbatian. Ganun din ang ilang celebrities.
Malaki ang bagong tayong mall ni Kester. Siguradong dudumugin ito ng mga tao.
Huling dumating sina Señor Ramon at Señora Constancia na lolo at lola ni Kester na syang tanging kasama na lang nya sa buhay. Tumayo kami at nagmano sa kanila. Syempre hindi rin nagpahuli ang pinsan ni Kester at kaibigan naming si Rick na ang suot ay pang MET Gala. Sa kanya tuloy napunta ang atensyon ng ibang photographer. Napailing iling na lang kami at napapangisi.
“Naku nahuli na pala tayo, ikaw kasi napakabagal mo.” Paninisi ni Lola Constancia kay Lolo Ramon.
“Anong ako? Ikaw kaya ang mabagal dear.”
“Sinisisi mo ba ako Ramon?”
“Hindi, sabi ko nga kasalanan ko.” Kakamot kamot na lang sa ulo na sabi ni Lolo Ramon.
Lihim na lang kaming natawa. Palagi silang nagtatalong dalawa. Pero laging no match namn si Lolo Ramon. O siguro lambingan na talaga nila ang magbangayan.
“Lo, la, wag na kayong mag talo nakakahiya.” Pabulong na saway ni Rick.
“Kuh, pagsabihan mo yang lolo mo Ricardo.”
“Rika la.” Pagtatama ni Rick sa lola nya.
“Oo na Rika.” Umirap si Lola Constancia. May pagka istrikta kasi sya at tutol sa pagladlad ni Rick pero wala naman syang magagawa.
“Infairness apo, ang ganda mo sa suot mo.” Sabi ni Lolo Ramon na suportado naman si Rick.
“Talaga lo?” Malaki naman ang ngiti ni Rick.
“Oo, kelan ba ang lipad mo. Mukha kang hot air balloon.” Ani Lolo Ramon na ikinatawa namin.
“Lo naman eh.” Nakangusong protesta ni Rick.
“Biro lang apo.”
Lumapit na sa amin si Kester pagkatapos nyang magpainterview may kasama pa syang isang babaeng kilalang celebrity. Mukhang bago na naman nyang jojowain.
Napapangiti ako sa pangungulit ng anak ni Jeiz na si Jethro. Isang taong gulang pa lang ito at kamukhang kamukha ng ama. Kinakalabit nya ako. Gumaganti din ako ng kalabit sa kanya. Kinikiliti ko rin sya. Panay naman ang tawa nya.
“Maganak ka na kasi Federova.” Nakangising sabi ni Jeiz.
“Malapit na.” Nakangisi ring sabi ko.
Excited na nga akong magkaanak. Ang usapan namin ni Ivona ay pwede na syang magbuntis two months bago sya grumaduate. At isa’t kalahating buwan na lang ang hihintayin ko. Excited na akong masaksihan ang paglaki ng tiyan nya lalo na ang panganganak nya.
“Oo nga pala iho, nasaan ang asawa mo? Hindi mo ba sya kasama? Aba’y hindi pa namin sya nakikilala ah.” Untag ni Lola Constancia.
“Busy po sa school ngayon la, pero makikilala nyo rin po sya. I promise.” Sabi ko.
Tumango tango naman si Lola Constancia.
Pagkatapos ng kainan at kaunting kasiyahan ay tinour kami ni Kester sa loob ng kanyang bagong mall. Bukas na ang lahat ng store at marami ng tao ang tumitingin tingin. Naka 50% off sale kasi ang lahat ng store. Pumasok kami sa department store at binati ng ilang staff. Nakitingin tingin na rin ako sa damit na naroon. Si Matias at Atlas naman ay sa section ng mga sapatos pumunta at tumingin tingin din.
“Ano ka ba? Ang dami na kayang gamit ni baby sa bahay.”
“Pero wala pa tayo ng ganitong kulay sweetheart.”
“Hindi naman magagamit lahat ni baby yan eh. Magsasayang ka lang ng pera.”
Nilingon ko ang mag asawang Lorenzo at Aitana na nasa baby’s section. May hawak na feeding bottle si Lorenzo at pinipilit si Aitana na bilhin iyon. Lumapit na rin ako sa baby’s section. Iba’t ibang gamit ng baby ang naroon. Tumingin tingin na rin ako. Parang gusto ko ring bumili.
Ivona
KUMUNOT ang noo ko ng pumasok sa bahay si Luigi na may bitbit na crib at ilang paper bags. Pati si Goryo na nakasunod sa kanya ay may bitbit ding mga paper bags.
“Nanding may kahon pa sa likod ng kotse. Pakihuha na lang. Ingatan mo ha baka mabasag ang laman.” Utos ni Luigi kay Kuya Nanding.
Tumayo ako sa sofa at lumapit kay Luigi. Ngiting ngiting kinintalan naman nya ako ng halik sa labi.
“Ano yang mga dala mo babe? Bakit may dala kang baby crib?” Tanong ko at sinilip na rin ang laman ng mga paper bag na dala nya. Napaawang ang labi ko ng makitang puro damit yun ng baby. Pati pranela at lampin meron din. Iba iba pa ang kulay.
“Galing yan sa bagong mall ni Kester wife. Nakyutan ako kaya bumili na ako. Nagustuhan mo ba? Balak ko ngang bumalik doon pero kasama ka na. Maraming magagandang gamit ng baby doon. Tamang tama kulang pa tong mga binili ko.” Excited na sabi nya. Ako naman ay namamangha at hindi makapaniwala habang pinapasok ni Kuya Nanding at Kuya Goryo ang iba pa nyang pinamiling mga gamit ng baby. Sa dami niyon ay pwede na kaming magonline selling tapos sasabihin nya kulang pa.
“Wow! Ang daming gamit ng baby.” Bulalas ni Ate Ona. Nakiusyoso din sila sa mga pinamili ni Luigi na heto at hindi magkanda ugaga na pinapakita sa akin isa isa ang mga pinamili nya.
“Heto wife, bumili na rin ako ng mga feeding bottle. Kinuha ko ang lahat ng size pati kulay baka kasi mamaya di gusto ni baby ang kulay asul at gusto green pala at least may pagpipilian sya di ba.” Ani Luigi na pinapakita sa akin ang mga feeding bottle na iba iba ang sukat. May maliit, may malaki at iba iba din ang kulay.
“Buntis po kayo ma’am?” Nanlalaki ang matang tanong ni Manang Beng. Bakas sa mukha nya excitement sa isasagot ko ganun din sila Ate Ona.
Ngumiwi ako. “Ah hindi po manang.”
“Hindi pa manang, pero malapit na di ba wife?” Untag sa akin ni Luigi na ngiting ngiti.
Ngumiti na lang din ako at tumango. Pati ako parang nahahawa na rin sa excitement nya.
“Ah, akala ko buntis na talaga si ma’am.” Ani Ate Lucy.
“Masyado naman yatang madami yan babe. Saka bakit bumili ka na agad.” Natatawang sabi ko at tumingin tingin na rin sa ibang gamit. Parang bigla tuloy akong napressure.
“Wala naman sana akong balak bumili wife. Kaya lang naiinggit ako kay Lorenzo eh. Bumibili sya ng damit pangbaby. Malapit na kasing manganak si Aitana.”
Napailing iling na lang ako at natatawa. Para syang bata.
“Pero masyado ngang madami to babe.”
“Ayos lang yan wife, para may pagpipilian si baby.”
Napangisi na lang ako. As if naman alam na agad ni baby pumili. Di ko na lang sya kinontra dahil natutuwa ako sa kinikilos nya ngayon.
Nakapamewang na pinagmasdan ko ang mga gamit ng baby na nakatambak na ngayon sa kwarto namin. Parang biglang sumikip ang kwarto namin. Ayaw naman ni Luigi sa ibang kwarto ilagay ang mga gamit. Gusto nya dito mismo sa loob ng kwarto namin. Yung crib nga nakasetup na. Baby na lang talaga ang kulang.
“Babe, kung dadagdagan pa natin tong mga gamit ng baby baka sa labas na tayo ng kwarto matulog.” Sabi ko.
“Don’t worry wife, bukas na bukas din magtatawag na ako ng maggagawa ng nursery room. Yung guestroom na katabi ng kwarto natin ang ipapagawa kong nursery room.” Nakangiting sabi nya at nilapitan ang crib. Inayos pa nya ang maliit na unan doon at pinatunog pa ang wind chimes na nakabitin sa itaas ng crib. Nag init naman ang dibdib ko.
Lumapit ako sa kanya at yumakap sa braso nya. “Excited ka na talagang magkababy no.”
Tumingin sya sa akin at hinalikan ako sa tuktok. “Yes wife. Sabik na akong masaksihan ang paglaki ng tiyan mo lalo na ang paglabas ni baby. Tapos kakargahin ko sya.”
Ngumiti ako at tumingala sa kanya. “Excited ka na nga talagang maging daddy.”
“Sobra. At dahil dyan dapat ngayon pa lang gumawa na tayo ng aksyon.”
“Ay!” Napatili ako ng bigla nya akong pangkuin. Napahagikgik na lang ako at yumakap sa batok nya.
Hiniga nya ako sa kama sabay sunggab sa akin ng halik.
Sige na nga! Pagbibigyan ko na sya.
Third POV
“AHH!” Galit na binato ni Ary ang bote ng alak sa marmol na sahig. Pinaghahagis din nya ang ilan pang mga bote sa mini bar.
“Ahh! Bwiset! Bwiset!”
“Ary! Ano bang ginagawa mo?” Nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Ismael ang mga basag na bote sa sahig. Naglalawa na rin ang alak. Tiningnan nya ang anak.
“Anak, bakit ka ba nagwawala? Lasing ka ba?” Nagaalalang tanong ni Ismael sa anak at nilapitan ito.
Umiiyak naman na tumingin si Ary sa ama. “D-Dad, pano na tayo ngayon? Pano na ang reputasyon ko. Sirang sira na ako dad.” Hindi na sya makapagbukas ng social media dahil pinuputakte sya ng mga chat mula sa mga kaibigan at nagtatanong sa nangyari. Puro bashing na rin ang laman ng comment section ng bawat post nya. Trending sya sa social media at binalita pa sya sa tv. Wala na syang mukhang ihaharap sa lahat. At kasalanan itong lahat ni Luigi. Ang lalaking mahal na mahal nya pero sinira ngayon ang buhay nya. At ang masama pa ay nanganganib na mawala sa kanila ang lahat. Ayaw nyang maghirap.
“Anak, magpakatatag ka. Hindi pa tapos ang lahat. Lalaban tayo sa Federova’ng yun.” Tiim bagang na sabi ni Ismael. Pinaghirapan nya kung anuman ang meron sila ngayon at hindi sya papayag na mawala iyon.
“Papaano dad? Mayaman si Luigi at makapangyaharihan. Marami syang koneksyon. Para lang tayong ipis sa kanya.”
“Gagawa ako ng paraan anak. Hindi ako papayag na mauwi lang sa wala ang lahat.” Niyakap ni Ismael ang anak na umiiyak.
Tumiim bagang naman si Ary. May bumabangong galit sa dibdib nya at lumalaki iyon. Gusto nyang gumanti sa ginawa ni Luigi sa kanilang mag ama.
Chapter 45
Ivona
PUNO ng tawanan ang pool area habang nagiihaw kami. Gusto ko kasing kumain ng inihaw na isda. Kasama ko ang mga kasambahay at mga tauhan. Kung dati naiilang sila na kasama ako ngayon nasanay na sila. Para na nga kaming magkakabarkada.
“Sigurado taob ang kaldero nito kay Ona.” Sabi ni Kuya Nanding na binabliktad ang malaking tilapya sa ihawan.
“Hayan ka na naman Kuya Nanding, ako na naman ang nakita mo. May gusto ka talaga siguro sa akin.” Ani Ona na nagpapaypay naman.
“Huy, hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalaki.” Angal ni Kuya Nanding na tila kinilabutan pa.
Nagtawanan naman kaming lahat. Silang dalawa talaga ang laging magkaasaran.
“Grabe ka sa akin Kuya Nanding ha. Kapag ikaw nafall sa akin di kita sasaluhin.”
“Asa ka naman na mafall ako sa’yo.”
“Mag antay ka lang.”
“Kuh, kayong dalawa talaga, para kayong aso at pusa. Kapag kayong dalawa talaga nagkatuluyan.” Hirit biro pa ni Manang Beng sa dalawa.
“Naku manang, ayoko sa may edad na.” Bwelta ni Ate Ona.
“Ayaw mo sa may edad pero winiwish mo na mafall ako sayo. Huu, ikaw yata ang may gusto sa akin eh.” Sabat ni Kuya Nanding.
“Hoy, ang kapal mo Kuya Nanding!”
“Ayiee!” Sabay sabay naman naming sambit.
Namula ang mukha ni Ona na lalo naming ikinatawa.
“Infairness bagay kayong dalawa.” Dagdag pang aasar pa ni Ate Cheche.
“Oo nga. Bagay sa inyo ang pangalang Onan. Ona at Nanding. O di ba ang taray. Layag na layag.” Sangayon pa ni Ate Lucy.
Pulang pula naman ang mukha ni Ate Ona at Kuya Nanding. Tawa naman kami ng tawa.
“Teka, nasaan pala si Dina?” Tanong ni Manang Beng at nagpalinga linga.
“Nasa may garden manang, nakita ko may kausap sa cellphone.” Sabi Kuya Goryo.
“Napapansin ko lagi syang may kausap sa cellphone. Tapos laging nasa malayo kapag may kausap parang ayaw iparinig sa iba ang paguusap nila.” Puna ni Ate Ona.
“Eh baka naman kasi boyfriend nya ang katawagan nya at nahihiyang marinig ng iba ang pag uusap nila.” Sabi ni Manang Beng.
“Wife.”
Natigilan kami sa huntahan at sabay sabay na lumingon kay Luigi na papalapit sa amin. Nakajogger sya na gray at t-shirt na puti. Naka slide din sya na itim at may hawak na cellphone. Linggo ngayon at wala kaming pasok parehas. Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
“Nagugutom ka na ba? Malapit na to.” Sabi ko.
Tiningnan nya ang mag iniihaw namin at ngumiti.
“Alis muna ako wife.”
Kumunot ang noo ko. “Saan ka pupunta?”
“Kanila Kester lang, sandali lang ako babalik din ako agad.”
Ngumuso ako. “Dito ka kakain ng lunch ha.”
“Of course.”
Nagpaalam na sya sa akin. Di na nya pinasama si Goryo at sya na lang ang magdadrive.
Isinalang ko na sa ihawan ang liempo at pinaypayan naman ito ni Ate Cheche. Siguradong mapaparami ang kain namin ni Luigi nito.
Tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng walking shorts ko. Dinukot ko ito at binuksan. Natigilan ako ng makita ang text ni mommy. Gusto nyang makipag kita sa akin sa isang coffee shop sa labas lang nitong subdivision.
Bumuntong hininga ako. Siguro ito na ang oras para makapag usap kami at magkaayos. Wala na akong tampo sa kanya.
Nireplayan ko si mommy at sinabing hintayin ako.
Binitawan ko ang tong at nagpaalam kanila Manang Beng.
“Saan po kayo pupunta ma’am?” Tanong ni Ate Ona.
“Sa labas lang ng subdivision, nakikipag kita si mommy eh.” Sabi ko.
“Samahan ko na kayo ma’am.” Sabi ni Kuya Nanding at binigay na kay Kuya Goryo ang hawak nyang tong.
“Sige kuya sandali lang, kukunin ko lang yung wallet sa kwarto.” Nag excuse ako sa kanila at pumasok ng bahay. Halos takbuhin ko nag hagdan. Pagpasok ko sa kwarto ay kinuha ko ang wallet ko. Sinipat ko pa ang hitsura ko sa harao ng life sized mirror. Plain t-shirt na pink at puting walking short na above the knee ang suot ko. Ayos na ito.
Lumabas na ako ng kwarto at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Nakasalubong ko pa si Dina na nakatingin sa akin.
“Madaling madali kayo ma’am ah. Saan po ang punta?” Tanong ni Dina.
“Ah sa labas lang ng subdivision. Makikipag kita kay mommy sa coffee shop. Sya nga pala hinahanap ka na nila Ate Cheche sa pool.”
“Ah, sige po pupunta na po ako doon.” Ani Dina pero sa ibang direksyon naman sya pumunta at binuntingting ang hawak na cellphone.
Nagkibit balikat naman ako at lumabas na ng bahay. Nakaabang na si Kuya Nanding at nasa tabi ng sasakyan. Agad nya akong pinagbuksan ng pinto. Sumakay naman ako at kinabit ang seat belt. Binuhay ko ang cellphone at tinext si Luigi para sabihing lumabas ako kasama si Kuya Nanding para makipagkita kay mommy.
Wala pang sampung minuto ay nasa coffee shop na ako. Nakita ko si mommy kasama si Stephen sa isang table. Lumapit ako sa kanila. Tumayo naman si mommy ng makita ako. Humalik ako sa pisngi nya.
“Salamat sa pagpunta anak.”
Ngumiti ako at tumango bago umupo sa katapat nyang upuan.
“Maiwan ko muna kayong dalawa dito sa mesa para makapag usap kayo ng masinsinan.” Sabi ni Stephen at tumayo na. Lumabas sya ng coffee shop at nilapitan si Kuya Nanding.
Ngayon ay kaming dalawa na lang ni mommy ang nasa mesa. May lumapit sa amin na crew at hininga ang order namin. Umorder naman si mommy ng kape, ako naman ay ice coffee ang inorder.
“Kamusta ka na anak?” Tanong ni mommy.
“Ayos lang po ako mommy.”
Ngumiti sya. “Malapit ka ng grumaduate. Excited na akong makita kang nakatoga.”
Ngumiti din ako sa kanya. “Three months na lang po mommy gagraduate na ako.”
Tumango tango sya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa.
“Anak, malaki ang naging kasalanan ko sayo and I’m sorry ngayon lang ako nagkalakas ng loob na makipag usap sayo. Nahihiya kasi ako. Humihingi ako ng tawad sa ginawa ko.”
“Wala na po sa akin yun mommy. Hindi na po ako galit sa inyo, napatawad na po kita.”
Mangiyak ngiyak naman na ngumiti si mommy at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
“Salamat anak. Masaya din ako na maayos na kayo ni Luigi. Pangako ko din sayo na magbabagong buhay na ako. Hindi na ako nagsusugal anak. Napromote na rin ako sa trabaho ko. At saka, magpapakasal na rin kami ni Stephen.”
Napasinghap ako sa sinabi ni mommy. “Talaga po? Magpapakasal na kayo ni Stephen?”
Tumango sya. “Oo anak, sana ayos lang sayo.”
“Oo naman po mommy, wala pong problema sa akin. Saka matagal naman na pong wala na si daddy. Maganda nga yun para may kasama na kayo sa buhay. Boto po ko kay Stephen.” Mabait si Stephen. Sya nga lang ang lalaking nagtyaga kay mommy. Nakikita ko ring mahal ni Stephen si mommy.
“Salamat anak, approval mo lang talaga ang hinihintay ko bago kami magpakasal ni Stephen sa huwes.”
Natouch naman ako sa sinabi ni mommy. Ibig sabihin lang nun ay mahalaga pa rin ako sa kanya.
“Kelan po kayo magpapakasal mommy?”
“Di pa sure ang petsa anak, nilalakad pa namin ni Stephen ang mga papel namin. Wag kang mawawala ha, kayo ni Luigi.”
“Opo mommy, syempre present ako sa kasal nyo.”
Nagtagal pa kami ni mommy ng ilang minuto sa coffee shop. Namiss namin kakwentuhan ang isa’t isa. Inimbitahan ko rin sya sa bahay pero next time na lang daw dahil may pupuntahan pa sila ni Stephen.
“Basta mommy, anytime pwede kayong pumunta sa bahay sama nyo na rin si Yaya Saling.” Sabi ko kay mommy. Nasa labas na kami ng coffee shop at nagpapaalam na sa isa’t isa. Kailangan ko na ring umuwi dahil maglalunch na. Baka pauwi na rin si Luigi.
“Sige anak, next time pupunta kami ni Saling sa mansion nyo.”
Binalingan ko si Stephen na nasa tabi ng kotse. “Stephen, ingatan mo si mommy ha.”
“Oo naman! Ako pa. Boss ko yang mommy mo.” Nakangising sabi ni Stephen.
Oo nga under pala sya ni mommy.
Binalingan ko si mommy at nagyakapan kaming dalawa. Ang gaan lang sa loob dahil ok na kami. Namiss ko rin sya ng sobra.
“Next time magbonding naman tayo anak. Namiss kita ng sobra.” Ani mommy ng maghiwalay na kami.
“Yes mommy.” Nakangiting sabi ko.
Nakarinig ako ng sagitgit ng gulong. Kumunot ang noo ni mommy at parang may tinitingnan sa likuran ko. Lumingon na rin ako. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Ary na nasa loob ng kotse at may hawak na baril at nakatutok sa akin.
“Wag!” Sigaw ni mommy kasunod niyon ay tinulak nya ako. Napasalampak ako sa semento. Nakarinig ako ng isang putok kasunod ang pagbagsak ni mommy sa semento.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang duguang dibdib ni mommy.
“Mommy!” Sigaw ko at dinaluhan si mommy.
“Beverly!” Dinig kong sigaw din ni Stephen.
“Mommy! M-Mommy!” Umiiyak ng tawag ko kay mommy ng pangkuhin ko ang ulo nya. Di sya nagsasalita at nakangiwi lang habang sapo ang duguang dibdib.
“Beverly!”
“S-Stephen dalhin natin si mommy sa hospital.” Natatarantang sabi ko kay Stephen.
“O-Oo oo!”
“Ma’am Ivona hindi ko na po nahabol si ma’am Ary.” Sabi ni Kuya Nanding ng makalapit sa amin.
“H-Hayaan mo muna sya Kuya Nanding. Tulungan mo si Stephen. Dadalhin natin si mommy sa hospital.”
“Opo, opo.”
Binuhat na ni Stephen si mommy. Inalalayan naman sya ni Kuya Nanding. Sa likod ng kotse sinakay ni Stephen si mommy. Sumunod din ako. Kinalong ko ang ulo ni mommy.
“Mommy wag kang bibitaw p-please. Dadalhin ka na namin sa hospital.” Umiiyak ng sabi ko.
Pero hindi nagsasalita si mommy at panay ungol lang kaya lalo akong nataranta. Malakas ang kabog ng puso ko sa takot at kaba.
“S-Stephen bilisan mo!”
“Oo heto na!” Pinaandar na nga ni Stephen ang kotse at pinasibad na sa kalsada. Nakita ko naman na nakasunod sa amin si Kuya Nanding.
.
.
.
Paikot ikot ako sa harap ng emergency room at hindi mapakali. Nanginginig ang kamay kong may bahid pa ng dugo ni mommy. Di rin maampat ang luha ko sa pag iyak. Ang puso ko ay tila gusto ng kumawala sa lakas ng kalabog nito.
“Wife!”
Nilingon ko si Luigi na bagong dating. Kasunod nya si Kuya Goryo. Bakas sa kanyang mukha ang pag aalala. Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa kanya at yumakap ng mahigpit. Sumubsob ako sa malapad nyang dibdib at doon binuhos ang luha.
Niyakap din nya ako ng mahigpit at diniin ang labi sa tuktok ko.
“B-Babe si mommy.. a-ayokong mawala sya.” Umiiyak na sabi ko.
“Shh, di mawawala si mommy ok.” Bulong nya sa akin at hinimas himas ang likod ko.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya ng bumukas ang pinto ng emergency room. Lumaba ang tatlong nurse tulak tulak ang stretcher bed ni mommy.
“Mommy!” Nilapitan ko si mommy na may nakakabit ng swero at oxygen.
“Dadalhin na po namin sya sa operating room para tanggalin ang nakabaong bala.” Sabi ng isang lalaking nurse at nagmamadali na nga nilang tinulak ang stretcher bed ni mommy papuntang operating room. Sumunod naman kami ni Luigi.
Habang nasa operating room si mommy ay hindi naman makalma ang puso ko. Kaba at takot lang ang nararamdaman ko. Panay din ang usal ko ng tahimik na dasal na sana ay makaligtas si mommy. Ayokong maulila ulit. Ayokong mawalan ulit ng mahal sa buhay. Hindi man perpektong ina si mommy pero mahal na mahal ko sya.
Kinabig ako ni Luigi sa balikat pasandig sa kanya. Hinalik halikan nya ang buhok ko. Kahit papaano ay kumakalma ako ng kaunti. Siguro kung wala sya ay baka nagcollapse na rin ako.
Hello sa mga nagaabang ng upadte ng HYBILY sa kabila, wala po muna. Saka na po ako magaupdate doon kapag naaprubahan na. Sa ngayon focus muna ako dito kay Luigi at Ivona dahil malapit na ring matapos ito. Salamat sa pag unawa mga beks! 🤗
Chapter 46
Luigi
NAPATIIM bagang ako sa sinabi ni Nanding. Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit kay Ary. Kung nasa harapan ko lang sya ngayon ay pinilipit ko na ang leeg nya. Si Ivona talaga ang puntirya nyang barilin. Humarang lang si mommy Beverly kaya ito ang tinamaan.
“Pinaghahanap na ng mga pulis si Ary iho. Mukhang nagtatago na sya ngayon. Kahit ang ama nya hindi rin alam kung nasaan sya. Nagulat din sa ginawa ng anak.” Sabi ni Atty. Lucero.
“Tss! Malamang pinagtatakpan nya ang anak nya. Maglabas ka ng malaking pabuya attorney para mabilis mahanap ang babaeng yan. Ako mismo ang papatay sa kanyang hayup sya.” Pigil ang galit na sabi ko. Sa galit ko ay pula na ang nakikita ko sa paligid. Tila puputok na rin ang lahat ng ugat sa katawan ko.
“Sige iho, maglalabas ako ng malaking pabuya at ipapapaskil ko na rin sa mga mainstream media ang mukha ni Ary para mabilis syang makita.”
Tumango ako sa sinabi ni Atty. Lucero.
“Boss, dumating na po sa mansion ang dagdag security na hiningi nyo sa agency. Pinapunta ko na rin po dito sila Waldo, Andres at Simon gaya po ng utos nyo.” Balita sa akin ni Nanding.
“Mabuti naman.” Humingi ako ng dagdag tauhan sa security agency para sa kaligtasan ng asawa ko at ng mga tao sa mansion. Ngayong isa ng malaking threat si Ary sa buhay ng asawa ko ay kailangang na ng dobleng seguridad hanggang di pa nahuhuli ang hayop na babaeng yun. Sisiguraduhin kong sa kulungan na ang bagsak nya at mabubulok sya doon.
Nagpaalam na si Atty. Lucero na pupunta ng presinto para kumuha ng report sa mga pulis.
Bumalik na ako sa loob ng hospital. Iniwan ko lang saglit si Ivona kay Yaya Saling at Ona para kausapin si attorney. Awang awa nga ako sa kanya dahil kanina pa sya iyak ng iyak. Ayoko syang iwan dahil higit sa lahat ay ako ang kailangan nya ngayon. Nakalabas na ng operating room si mommy Beverly at natanggal na ang bala. Pero kailangan namin syang hintaying magkamalay para masabing stable na ang kalagayan nya.
“Wife.” Tinabihan ko si Ivona sa upuan. Nasa labas kami ng ICU room kung nasaan si mommy Beverly.
Tumingin sa akin si Ivona. Hindi na sya umiiyak pero mugtong mugto naman ang mata nya. Namumula din ang maliit na matangos na ilong nya. Nagkapagpalit na rin sya ng damit na dala ni Ona.
“Babe.. bakit ang tagal magising ni mommy?” Tanong nya sa akin.
“Wala pa ang taning na oras na binigay ng doctor. Lakasan mo lang ang loob mo wife. Magtiwala ka lang kay mommy. Magigising din sya.” Pagpapalakas loob ko sa kanya.
Muli na namang tumulo ang luha nya.
Kinabig ko sya at pinahid ng kamay ang luha nya.
“Shh wag ka ng umiyak wife. Magang maga na ang mata mo oh.” Alo ko sa kanya.
“Magigising si Beverly, Ivona. Ikakasal pa kami nyang mommy mo. Aba, hindi nya ako pwedeng iwan nangako sya sa akin.” Sabi ni Stephen na nakasandal sa pader at nakatingin sa salamin ng ICU room kung saan kita sa loob si mommy Beverly. Hindi pa sya nakakapagpalit ng duguan nyang damit. Namumula na nga rin ang mata nya.
“Matapang ang mommy mo Ivona. Magigising din yan. At hulaan mo paggising nyan mga pores nya ang unang aalalahanin nya.” Ani Yaya Saling.
Bahagya namang napangiti si Ivona at sinandig ang ulo sa balikat ko.
Naghintay kami ng mga oras sa harap ng ICU hanggang sa magising si mommy Beverly. Alam kong kahit ayain ko syang umuwi muna ay hindi sya papayag. Kaya sasamahan ko muna sya dito.
Ivona
NAALIMPUNGATAN ako sa haplos sa buhok ko. Tinaas ko ang ulo mula sa pagkakayukyok sa gilid ng hospital bed ni mommy. Nagkamalay na sya kagabi at nilipat na dito sa private room nya. Stable na daw ang heart beat nya sabi ng doctor. Pero ayoko pa rin syang iwan at gusto kong makasiguro. Kaya kahit anong pilit nila sa akin na umuwi muna para makapagpahinga ay tumatanggi ako.
Tiningnan ko si mommy. Payapa pa rin syang natutulog pero normal na ang paghinga nya.
“Ivona, umuwi kaya muna kayo ng asawa mo para makapagpahinga naman kayo.” Untag sa akin ni Yaya Saling.
“Mamaya na lang po ya, kapag nagising ulit si mommy. Si Luigo po?” Ginala ko ang mata. Kami lang ni Yaya Saling at Ona dito. Si Ona ay natutulog sa sofa.
Gaya ko ay hindi rin umuwi si Luigi. Sinamahan nya talaga ako dito buong magdamag.
“Nasa labas kausap ang mga tauhan nyo. Si Stephen naman ay umuwi muna para makapag palit ng damit.”
Tipid akong ngumiti. “Ikaw din ya, umuwi ka muna para makapag pahinga.”
“Kuh, wag mo kong alalalahanin. Kayo dapat ng asawa mo ang umuwi muna para makapagpahinga. Stable naman na daw ang mommy mo. Saka lunes ngayon di ka ba papasok?”
Umiling iling ako. “Hindi po muna ya, babantayan ko muna si mommy. Itetext ko na lang si Ava at yung prof namin.”
Bumuntong hininga si Yaya Saling. “Hay sige, ikaw ang bahala.”
Hinawakan ko ang kamay ni mommy at tumitig lang sa mukha nya. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kahapon. Para iyong bangungot. Malinaw kong nakikita ang galit na mukha ni Ary na hawak ang baril na nakatutok sa akin. Ako sana ngayon ang nakaratay sa kama kung hindi lang sinalo ni mommy ang bala.
Ang sabi ni Luigi. Pinaghahanap na raw ng mga pulis si Ary at naglabas na rin sya ng pabuya para mahanap ito. Hinding hindi ko mapapatawad ang babaeng yun. Napaka hayup nya. Utak kriminal sya. Dapat sa kanya mabulok sa kulungan.
Naluha ako at dinala ang kamay ni mommy sa pisngi ko. Hindi ako makapaniwalang kayang isakrispisyo ni mommy ang buhay nya sa akin. Pero takot na takot ako na mawala sya. Ayokong maulila ulit sa magulang.
“Thank you mommy.” Naiiyak na anas ko.
Narinig kong bumukas ang pinto. Lumingon ako. Pumasok si Luigi na may dalang dalawang brown paper bag at apat na paper cup na kape. Inilapag nya ito sa maliit na mesa na nasa gilid ng dingding. Inaya nya si Yaya Saling na magalmusal bago lumapit sa akin.
“Wife, breakfast ka muna.” Aya nya sa akin at hinaplos ang buhok ko.
Tumango naman ako at tumayo.
Nagising na rin si Ona at inaya na rin ni Luigi na mag almusal.
Sabay sabay na kaming kumain ng pancake na dala ni Luigi. Nagsalo kami ni Luigi sa isang disposable container. Pati sa kape ay salo din kami. Di naman kasi ako mahilig sa kape. Tikim tikim lang ako.
Mayamaya pa ay dumating na rin Stephen. Bagong bihis at may dalang mga pagkain at mga prutas. May dala din syang bag at paper bag. Mukhang damit nila ni mommy ang laman.
Napangiti naman ako. Kitang kita ko ang concern at pag aalala nya kay mommy. Mahal nya talaga ang mommy ko.
“Stephen kape.” Alok ni Luigi kay Stephen at inabot dito ang isang cup na walang bawas.
“Salamat brad.” Ani Stephen.
Napansin kong gumalaw ang daliri ni mommy. Tumayo ako at lumapit sa kama. Nakita kong gumalaw ang talukap ng mata ni mommy at unti unting bumubuka.
“Mommy.” Nangingiting sambit ko.
Lumapit din si Luigi, Stephen at Yaya Saling. Tuluyan na ngang dumilat ang mata ni mommy at gumala. Tiningnan nya kami isa isa. Maputla ang mukha nya pero magandang senyales na gising sya.
“Honey.” Sambit naman ni Stephen at hinawakan ang kamay ni mommy.
“O bakit parang mga byernes santo ang mga mukha nyo.” Ani mommy sa mahinang boses.
“Syempre naman honey, sobra kaming nagaalala sayo. Lalo na tong anak mo. Walang humpay sa kaiiyak yan, kita mo naman ang mata magang maga.” Sabi ni Stephen.
Tumingin naman sa akin si mommy. Bumukas ang pagaalala sa mukha nya.
“Ayos ka lang ba anak?” Tanong nya.
Ngumiti ako at hinawakan ang kamay nya. “Ayos na ayos lang po ako mommy. Dapat nga ako magtanong sa inyo nyan dahil kayo ang nabaril. H-Hindi nyo dapat ginawa yun mommy. Natakot ako ng sobra.” Pumipiyok pang sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
“Hindi ko naman hahayaan na ikaw ang masaktan. Anak kita at nangako ako sa daddy mo poprotektahan kita kahit kapalit pa nun ang buhay ko.”
Naiyak na naman ako. Dama kong mahal na mahal nya ako.
“T-Thank you mommy. Pero hindi ko kakayanin kung ikaw naman ang mawawala.”
“Hindi mangyayari yun. Heto nga at buhay na buhay ako. Tumahan ka na lalo lang mamaga yang mata mo.” Alo sa akin ni mommy at tinaas ang kamay sa pisngi ko para pahirin ang luha.
“Magpagaling ho kayo mommy.” Sabi naman ni Luigi na nasa tabi ko.
“Salamat iho. Pero mukhang mga puyat at pagod ang hitsura nyo ah.”
“Hay naku, itong dalawa hindi pa umuuwi simula ng isugod ka dito kahapo. Lalo na tong anak mo ayaw kang iwan.” Sabi ni Yaya Saling.
“Gusto ko po kasing masigurong ligtas na si mommy.” Saad ko.
“Anak, umuwi muna kayong mag asawa at magpahinga. Dito lang ako magpapagaling.” Ani mommy at ngumiti.
Bumuntong hininga naman ako at tumango tango. Nangako rin naman ako kanina kay Luigi na uuwi lang ako kapag nagising ulit si mommy. Tiningnan ko si Luigi. Gaya ko ay wala din syang matinong tulog o mas tamang sabibing wala syang tulog.
Nagpaalam na muna kami kay mommy, Stephen at Yaya Saling. Pero binilinan ko sila na kung may emergency ay agad kaming tawagan.
Paglabas namin ng hospital mag asawa ay apat na tauhan ang nakaantabay sa amin maliban pa kay Kuya Goryo na syang driver namin. Gusto ko sanamg magtanong kung bakit marami kaming bantay pero nagets ko na agad. Dahil sa nangyari kaya nagdodoble ingat ang asawa ko na naiintindihan ko naman.
Sumakay na kami sa backseat ng kotse. Nasa front seat naman si Kuya Goryo at Kuya Nanding. Ang ibang tauhan naman ay sumakay sa dalawa pang sasakyan kasama si Ate Ona. Nauna sa amin ang isang sasakyan at sumunod naman ang kotse namin. Sa likod ay ang isa pang sasakyan.
Hinawakan ni Luigi ang kamay ko at pinisil. Nilingon ko naman sya at nginitian.
“You can rest now baby.” Anas nya.
Sinandig ko naman ang ulo sa balikat nya. Naramdaman ko ang paghalik halik nya sa buhok ko. Humikab ako. Nakaramdam ako ng antok. Mukhang tulog agad ako nito pag dating sa kwarto namin.
Pagdating namin sa mansion ay napansin kong maraming mga lalaking nakauniporme sa may gate. Pinagbuksan nila kami ng gate at sumaludo pa ng dumaan ang kotseng lulan namin.
Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami nila Manang Beng at nangamusta. Nag alok pa sila ng makakain. Pero tumanggi ako. Gusto ko munang magpahinga at inaantok na rin ako. Kakain na lang ako paggising ko.
Nag excuse muna kami sa mga kasambahay at sabay na kami ni Luigi umakyat ng hagdan.
Sabay ba kami ni Luigi pumasok ng banyo. Ako ay naghalf bath lang sya naman ay nagshower.
“Babe, parang masyado naman yatang maraming bantay.” Sabi ko kay Luigi ng umayos na ako ng higa sa kama.
Tumabi naman sya sa akin at niyakap ako. Nilusot nya ang isang braso sa ilalim ng ulo ko. Umunan naman ako sa dibdib nya.
Diniin nya ang labi sa noo ko. “Para sa kaligtasan mo wife. Hangga’t hindi pa nahuhuli si Ary hindi ako mapapanatag. Hindi mo alam kung gaano ako takot na takot kahapon ng ibalita sa akin ni Nanding ang nangyari. Fuck.. mababaliw talaga ako kung ikaw ang nabaril. Baka.. baka..” Hindi na nya tinuloy ang sasabihin at marahas na lamang na bumuntong hininga. Dama ko nag pinipigil nyang galit. Dinig na dinig ko nga ang malakas na kalabog ng dibdib nya. Alam kong samu’t saring damdamin ang nakapaloob doon.
Hinaplos ko ang pisngi nya. “Ayos lang ako babe. Walang makakapanakit sa akin dahil lagi kang nasa tabi ko.” Anas ko sabay pikit ng mata. Bumibigat na ang talukap ng mata ko.
“And I will do everything to protect you wife..” Dinig kong bulong nya at hinalik halikan ang tuktok ko.
Hindi na ako sumagot at ngumiti na lang. Unti unti na akong nilamon ng karimlan..
Humikab ako at sinuklay ng kamay ang magulong buhok habang pababa ng hagdan. Kagigising ko lang. Mahaba haba din ang tulog ko. Pero paggising ko ay wala na sa tabi ko si Luigi. Pero nakita ko sya sa labas mula sa balcony na kausap ang mga tauhan.
Tiningnan ko ang oras sa hawak kong cellphone. Mag a-alas kwatro na ng hapon at nakaramdam ako ng gutom. Kakain muna ako bago bumalik sa hospital.
Kumain na kaya si Luigi?
Dumiretso muna ako ng kusina para tingnan kung ano ang pagkain.
Pagpasok ko sa kusina ay walang tao. Siguradong nagpapahinga pa ang mga kasambahay sa servant quarter dahil magaalas kwatro pa lang naman.
Binuksan ko ang doble door fridge. May nakita akong mga container na may takip na may lamang ulam. Nilabas ko iyon para initin. Tiningnan ko ang rice cooker. May kanin pa naman. Pwede na yun kahit malamig.
Iniwan ko muna saglit ang container sa counter at lumabas ng kusina para puntahan si Luigi at tanungin kung kumain na.
“A-Ayoko po ma’am! Hindi ko po kaya yan. Iba na lang po.”
Napakunot ang noo ko ng marinig ang boses ni Dina. Hinanap ko sya. Nakita ko sya sa harap ng pinto ng restroom at nakatalikod habang may kausap sa cellphone. Kakamot kamot sya sa ulo at hindi mapakali.
“N-Naku ma’am Ary, hindi ko po talaga kaya yang pinapagawa nyo. H-Hindi po ako kriminal. Ayoko pong makulong.”
Napasinghap ako sa sinabi ni Dina kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko.
Tama ba ang narinig ko? Si Ary ba ang katawagan ni Dina?
“Ma’am Ary – “ Naputol ang sasabibin ni Dina ng hablutin ko ang cellphone sa kamay nya.
Nanlalaki ang matang lumingon sya sa akin. Binigyan ko lang sya ng matalim at nagbabantang tingin. Tinapat ko ang cellphone sa tenga ko.
[“Hello Dina? Naiintindihan mo ba ang instruction ko sayo? Madali lang yun kaya wag kang tatanga tanga. Magkita tayo mamayang gabi. Ibibigay ko sayo ang lason na ihahalo mo sa pagkain at inumin ni Ivona.”]
Hindi ko na tinapos ang ano pang sasabihin ni Ary at pinatay na ang cellphone.
Tila naman tinakasan na ng dugo si Dina habang nakatingin sa akin.
Chapter 47
Ivona
UMIIYAK si Dina habang kinakastigo ni Luigi dito sa sala. Nakapalibot kaming lahat sa kanya. Nakalimutan ko na nga ang gutom ko. Di ako makapaniwala na espiya sya ni Ary. Gimbal na gimbal ako. Natakot ako. Paano pala kung hindi ko sya narinig? Baka ngayon sinusunod na nya ang pinaguutos ng amo nya na lasunin ako. Baka ngayon ay bumubula na ang bibig ko. Kinilabutan ako.
Kasambahay din pala sya ni Ary at pumasok dito bilang kasambahay din para magespiya sa amin. At lahat ng galaw dito ay nirereport nya sa amo nya. Lalo na ang tungkol sa amin ni Luigi.
Galit na galit si Luigi. Kung wala nga lang siguro ako baka nasaktan na nya si Dina.
“Saan nagtatago ang hayup mong amo ha?” Galit na tanong ni Luigi.
Umiling iling naman si Dina na hilam na sa luha ang mukha. Nakabukas ang takot sa mukha nya.
“H-Hindi ko po alam ser – “
“Anong hindi mo alam eh naguusap kayo at nagkikita!?” Sigaw ulit ni Luigi na ikinapitlag ni Dina at ng mga kasambahay.
“N-Naguusap lang po kami sa cellphone at nagkikita lang po sa labas kapag sinabi nya ser.”
Saglit na hindi nagsalita si Luigi at matalim lang na nakatingin kay Dina na tila sinusukat ang sinasabi nito.
“Goryo, tumawag ka ng pulis.” Utos ni Luigi kay Kuya Goryo.
Naalarma naman si Dina at lumuhod sa carpeted na sahig at nagiiyak.
“S-Ser, parang awa nyo na po wag nyo po a-akong ipakulong.”
Hindi ko naman alam kung maawa ako sa kanya o ano. Pero kapag naiisip ko ang nangyari kay mommy ay nawawala ang kaunting awa kong nararamdaman sa kanya.
Humugot ako ng malalim na hininga. “Hindi mo ba alam ng dahil sa pageespiya mo ay muntik ng mawala sa akin ang mommy ko Dina. Kung hindi mo nireport sa amo mo kung nasaan si mommy hindi sana mababaril si mommy. Ng dahil sayo nakaratay ngayon sa hospital ang mommy ko.” Pigil ang galit na sabi ko.
Tuningin sa akin si Dina. “M-Ma’am Ivona, sorry po.. hindi ko naman po alam na ganun ang gagawin ni ma’am Ary. H-Hindi ko po ginusto ang nangyari sa mommy nyo.”
“Hindi mo man ginusto pero nangyari na. Napahamak ang mommy ko ng dahil sayo. Tapos ngayon ano? Lalasonin mo ako gaya ng utos ng amo mo?”
Umiling iling sya. “H-Hindi po! Hindi ko po gagawin yun ma’am! Hindi po ako mamamatay tao! Hanggang sa pageespiya lang po ang kaya kong gawin at hindi pumatay.”
Tiim bagang ko syang tiningnan. “Kung ganon, sabihin mo na kung nasaan ang amo mo kung hindi patong patong na kaso ang isasampa ko sayo.”
“Magsalita ka na Dina.” Ani Luigi na tila kulog ang boses.
“M-Maniwala po kayo ma’am, ser, hindi ko pa talaga alam kung saan nagtatago si ma’am Ary.”
“Kuh! Wag ka ng magpalusot Dina. Sabihin mo na.” Ani Ate Cheche.
“Oo nga. Kaya pala di ka namin kavibes at iba ang awrang nakapaligid sayo. Sugo ka pala ni ma’am bruha.” Si Ate Ona.
“Naku! Ako nanggigil sayo eh. Sarap mong kutusan. Pasalamat ka hindi kami ang nakahuli sayo kundi kuyog ka. Lalabas ka dito sa mansion ng kalbo.” Sabi naman ni Ate Lucy.
“Tumigil nga kayong tatlo. Hayaan nyong si ser at si ma’am ang kumastigo sa kanya.” Saway ni Manang Beng sa mga kasambahay.
“Eh nakakagigil manang eh.”
“S-Ser, ma’am, p-patawarin nyo po ako wag nyo po sana akong ipakulong. Parang awa nyo na po.”
Nakatinginan kami ni Luigi. Bahagyang lumambot ang mukha nya ng magtama ang mga mata namin pero nakatiim bagang pa rin sya. Alam kong hindi nya madaling mapapatawad si Dina. Ganun din ako. Kung hindi napahamak si mommy baka napatawad ko pa sya.
Mayamaya pa ay dumating na ang mga pulis na pinatawag ni Luigi. Lalo namang naiyak si Dina. Kinausap namin ni Luigi ang mga pulis. Marami silang mga tanong na sinasagot namin.
“Mr. Federova, pwede po natin syang gamitin para matunton si Aryana Diones.” Suhestiyon ng isang pulis na may mataas na ranggo.
“Yan din ang naiisip ko inspector. Ang sabi ng misis ko gustong makipag kita ni Ary sa kasambahay namin mamayang gabi.” Sambit ni Luigi sa mga pulis.
“Pwede po natin gamitin ang pagkakataon na yun Mr. Federova. Yun ay kung makikipag cooperate sa atin ang kasambahay nyo.” Ani Inspector at tiningnan si Dina.
Sabay din kaming tumingin ni Luigi kay Dina. Mukhang nakuha naman agad ni Dina ang ibig sabihin ng inspector.
Tumango tango sya. “Willing po akong makipag cooperate ser, ma’am, mamang pulis basta wag nyo po akong ipapakulong. Ayoko pong makulong. May pamilya po akong umaasa sa akin.” Ani Dina na nagsusumamo ang mukha.
Bumuntong hininga ako at tumingin kay Luigi.
Pinagplanuhan na nga ng mga pulis kung paano ang gagawin para mahuli si Ary sa pamamagitan ni Dina. Pinakontak kay Dina si Ary para kunwari ay payag na ito sa pinagagawa ng babae. Sinusunod ni Dina ang instructions sa kanya ng inspector. Ako naman ay pinagiisipan kung kakasuhan din ba sya. Siguro ay ipapaubaya ko na lang kay Luigi.
Luigi
ALAS otso y medya ng gabi ang usapan nila Dina at Ary na magkikita sa harap ng isang lumang tindahan ng mga herbal. Alas otso kinse pa lang pero nandito na kami ng mga pulis at nakaantabay. Si Dina ay kasama ng mga pulis sa mobil nila at binibigyan nila ito ng instructions.
Kating kati na ang kamay ko na mahuli si Ary. Patong patong na kaso ang isasampa ko sa kanya. Mabubulok sya sa kulungan.
Bumaba ang isang nakasibilyang pulis sa sasakyan at lumapit sa sasakyan namin. Binaba ko naman ang salaming bintana.
“Mr. Federova, natanaw na ng isang patrolman namin ang kotse ni Miss Diones. Hinihintay na lang namin ang tawag nya sa kasambahay nyo.” Imporma ni Sergeant Castillo.
Tumango tango naman ako.
Bumalik na sa sasakyan nila ang pulis. Nakita kong nagbagbaan na ang ilang mga pulis sa kanilang sasakyan at nagkanya kanya na ng pwesto. Mga nakasibilyan ang lahat at puro private vehicle ang mga gamit para hindi makatunog si Ary.
Sinarado ko naman ang salaming bintana. Ibang sasakyan din ang gamit namin ni Goryo at ng mga tauhan, mga sasakyan na hindi pamilyar kay Ary.
Mayamaya ay bumaba na si Dina at umaktong parang normal. Pumunta sya sa lugar kung saan sila magkikita ni Ary.
Nanatili lang kami ng mga tauhan ko sa sasakyan. Hindi kami pwedeng mangialam dahil sa protocol. Nakikita naman namin mula dito sa loob ng sasakyan ang magaganap.
Mayamaya pa ay nakita ko na ang paparating na kotse ni Ary. Tumiim bagang ako at kinuyom ang kamao. Pigil pigil ko ang sariling lumabas at salubungin si Ary at sakalin.
Huminto ang kotse ni Ary sa harap ng saradong lumang tindahan. Ilang sandali pa ay lumapit na si Dina sa kotse ni Ary. Nanatili lang ito sa loob ng kotse at binuksan lang ang bintana.
Nakamasid lang kaming lahat. Ang mga pulis ay nakaantabay din at kumukuha ng tamang pagkakataon. May mga taong dumadaan sa paligid. Walang kamalay malay sa magaganap.
Nagigtingan ang panga ko at bumangon na naman ang galit sa dibdib ko ng makita kong may inaabot si Ary kay Dina na isang maliit na bagay. Alam kong yun ang lason na gusto nyang gamitin ni Dina para sa asawa ko.
Hindi talaga ako makapaniwala na kaya nyang pumatay ng tao. Hindi ko nga talaga sya lubos na kilala kahit gaano na kami katagal magkasama sa trabaho. Alam kong ginagawa nya ito para gumanti sa akin.
Tss! Sila na ngang mag ama ang may atraso sa pamilya ko sila pa ang may ganang gumanti.
Lumapit na ang tatlong pulis na nakasibilyan sa kotse ni Ary at kinausap ito. Mabilis ang sumunod na nangyari. Nagsisigaw na si Ary na ikinaalarma ng mga tao sa paligid. Nagsilapitan na rin ang iba pang mga pulis at pwersahan na nilang binuksan ang pinto ng kotse ni Ary. Hinihila na ng dalawang pulis si Ary palabas ng kotse dahil nagmamatigas. Pinosasan na nila ito kahit nagwawala.
Doon na ako bumaba ng sasakayan. Nagsibabaan na rin ang mga tauhan ko.
“Ano bang ibig sabibin nito? Pakawalan nyo ko! Dina! Anong ibig sabihin nito? Bakit may kasama kang mga pulis!?” Tungayaw ni Ary.
“S-Sorry po ma’am Ary, ginagawa ko lang po ang tama. A-Ayoko pong makasuhan ng mabigat. S-Sorry po talaga ma’am. Sumama na lang po kayo sa mga pulis ng maayos.” Ani Dina na nakabukas sa mukha ang nerbyos.
Naging matalim naman ang mata ni Ary. “Walang hiya ka! Nakipag sabwatan ka sa mga pulis!”
“Dalhin nyo na yan sa presinto inspector at ikulong.” Sabat ko ng makalapit.
Bumaling sa akin si Ary. Nanlaki ang mata nya at napalunok.
“L-luigi.”
Biglang nagdilim ang paningin ko at inabot ang pisngi ni Ary sabay pisil ng mariin. Napaigik sya at bumukas ang takot sa mga mata nya. Naalarka naman ang mga pulis.
“Mr. Federova bitiwan nyo sya.” Sabi ni Inspector Domagas.
Padaskol ko namang binitawan ang mukha ni Ary. “Mabubulok ka sa kulungan.” Madiin na sabi ko.
“L-Luigi p-pag usapan natin to.” Ani Ary sa nanginginig na boses.
“Sa korte na tayo mag usap Ary. Sige na inspector dalhin nyo na sa presinto ang babaeng yan.”
Sinenyasan ni inspector Domagas ang mga kasamahan nyang pulis na may hawak kay Ary. Dinala na ng mga ito si Ary sa sasakyan nila. Panay naman ang sigaw ni Ary at tawag sa pangalan ko.
Wala akong nararamdamang awa sa kanya. Lalo na kapag naiisip ko na balak nyang patayin ang asawa ko. Galit at pagkasuklam ang nararamdaman ko sa kanya.
Monday na po ang next update. Busy bukas dahil bday ng tatay ko :)
Chapter 48
Ivona
two months later..
MALAKAS ang kabog ng dibdib ko ng ilapag ko sa sink ang PT na pinatakan ko na ng ihi ko.
Bumukas ang pinto ng banyo at pumasok si Luigi. Nakabukas sa kanyang mukha ang excitement.
“Kamusta wife?”
Lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko ng dahil sa kanya.
“Wala pa, kapapatak ko pa lang ng ihi.”
Lumapit sya sa akin at tumingin sa PT.
“Oh god, sana positive..” Mahinang usal nya.
Ako naman parang ninenerbyos na. Sapo sapo ko na nga ang kumakalabog kong dibdib.
Hindi ako nagkaroon noong isang buwan. Tapos ngayong buwan naman ay delayed ako. Hindi na rin ako nagtitake ng after pill pagkatapos naming magtalik dahil gusto ko na ring magbuntis. Isang buwan na lang naman ay gagraduate na ako. Ready na ako magbuntis at bigyan ng anak si Luigi gaya ng matagal na nyang inuungot. At dahil delayed nga ako ngayong buwan ay sinabi ko yun kay Luigi. Naexcite nga agad sya sa ideyang buntis na ako. At para makasiguro nga kami ay bumili sya ng PT.
“Holy shit!”
Napapitlag ako sa gulat ng magmura ng malakas si Luigi. Dinampot nya ang PT at pinakatitigan ng ilang saglit.
Dumikit ako sa kanya at binaba ang braso nya para makita ko ang PT na hawak nya. Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagsinghap ng makita ko ang dalawang pulang linya.
“It’s a fucking positive baby!” Bulalas ni Luigi na nanlalaki din ang mata.
“B-Buntis ako?” Medyo di pa siguradong sabi ko.
“Yes wife! You’re pregnant! Magkakababy na tayo. Yes! Yes! Yesss!” Tuwang tuwang sabi nya at napasuntok pa sa hangin. Hinalik halikan pa nya ang PT.
Ako naman ay tila tinulos sa kinatatayuan at nakaawang ang labi. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na tila na ako mabibingi.
“Buntis ako. Buntis na ako babe.” Mahinang usal ko.
Bumaling sa akin si Luigi at parang wala lang na binuhat ako na ikinatili ko. Ipinulupot ko ang mga braso sa batok nya at mga binti naman sa bewang nya. Hinalikan nya ako ng mariin sa labi at pinaulanan na ako ng halik sa mukha.
“Yes wife, buntis ka na. Sa wakas magkakababy na tayo. Thank you. Thank you hmmuahh!”
Napahagikgik ako dahil sa patuloy na pagpupog nya ng halik sa mukha at leeg ko. Natutuwa din ako na malamang buntis na ako bagamat may kaba din akong nararamdaman.
Tinapik ko sya sa braso para magpababa na. Binaba naman nya ako pero hapit hapit pa rin nya ang bewang ko.
“I’m so happy wife. Sobra mo kong pinasaya.” Anas nya at kinintalan ako ng halik sa noo.
Ngumiti ako at kinulong ang mukha nya sa dalawang kamay ko.
“Nangako ako sayo di ba? Saka gusto ko na ring magkababy.” Baby na nga lang talaga ang kulang sa amin. Kumpleto na kami sa lahat ng gamit ng baby. Pati nursery room ay maayos na.
Pinaling nya ang mukha at ang palad ko naman ang hinalikhalikan nya.
“Excited na akong lumaki ang tiyan mo at lumabas si baby wife. Bukas na bukas din magpapacheck tayo.”
Tumango tango ako sa suhestiyon nya.
“Pero bago ang lahat..” Binitawan nya ako at dumistansya ng bahagya. May dinukot sya sa bulsa ng pajama nya sabay tukod ng isang tuhod sa sahig ng banyo at taas ng kamay na may hawak na singsing na may kumikinang na bato.
Nahigit ko ang hininga at tila mas lalo pang nagwala ang puso ko sa loob. Napalunok ako at bahagya pang nanginginig ang mga kamay ko.
“Marry me again baby. This time sa simbahan naman. Dapat noon pa kita inaya magpakasal sa simbahan pero natatakot kasi ako na tanggihan mo. Pero ngayon, no choice ka na kundi magpakasal ulit sa akin dahil buntis ka na. So please marry me again.” Aniya na nakabukas sa mukha ang pagsusumamo.
Bahagya naman akong natawa sa sinabi nya kasabay ng pagtulo ng luha ko. Ako nga di ko naiisip na aayain nya ulit ako magpakasal. Bakit pa? Eh kasal naman na kami.
“Ivona, marry me again please.” Ulit nya sa tanong. Ang ekspresyon ng mukha nya ay medyo parang kinakabahan na.
Tumango tango ako at ngumiti. “Yes babe, magpapakasal ulit ako sayo.” Naluluhang sabi ko.
Malaki ang ngiting kinuha nya ang kaliwang kamay ko at sinuot ang singsing. Himalang sukat na sukat ito at bagay din sa daliri ko.
Tinaas nya ang kamay ko at dinala sa labi. Pinupog nya ito ng halik. Para namang may mainit na bagay ang humaplos sa puso ko.
Tumayo sya at muli akong hinapit sa bewang. Hinalikan nya ako sa noo, ilong at labi.
“Mahal na mahal kita Ivona.. Pangako mag magiging mabuti pa akong asawa sayo at mas magiging mabuting ama sa anak at magiging anak pa natin.” Madamdaming anas nya ng pagdikitin nya ang mga noo namin.
Ngumiti ako. “Mahal na mahal din kita Luigi. Pangako din magiging mabuti pa akong asawa sayo ay ina sa magiging mga anak natin. Mahal kita kahit sobra ang tanda mo sa akin.”
Bahagya syang sumimangot at umungol. “Wag mo ng banggitin ang tungkol sa edad ko. Ok na yung sinabi mong mahal na mahal mo din ko.”
Tumawa ako. “Oo na, di ko na babanggitin ang edad mo – ay!”
Napatili ako ng pangkuin na naman nya ako.
Ngumisi sya. “At dahil buntis ka na kailangan natin ngayong siguraduhin na kumpleto ang lahat ng parte ng katawan ni baby.” Aniya at humakbang na palabas ng banyo.
Naginit naman ang mukha ko. Nakuha ko ang ibig nyang ipahiwatig. Hinampas ko sya sa balikat na ikinatawa lang nya ng malakas.
Maingat nya akong nilapag sa kama at dumagan sa akin. Mabilis nyang hinubad ang t-shirt nya sabay siil sa akin ng halik. At sa isang iglap lang ay parehas na kaming walang saplot sa katawan..
kinabukasan
..
“Talaga po ma’am!? Buntis kayo?” Nanlalaki ang mga matang tanong ni Ate Ona.
Pati si Manang Beng, Ate Cheche at Ate Lucy ay nanlaki din ang mga mata at nakaawang ang labi.
Tumango tango ako at ngumiti sa kanila.
Hindi ako pumasok sa school at kagagaling lang namin ni Luigi sa clinic at kumpirmado ngang buntis ako. Labis labis ang tuwa ni Luigi. At heto nga binabalita ko na rin sa mga kasambahay.
“Ay congratulations ma’am Ivo!” Sabay sabay na bati sa akin ng mga kasambahay. Nakabukas din sa kanilang mukha ang tuwa.
“Congratulations ma’am. Kuh, ke gandang balita naman nito.” Sabi ni Manang Beng.
“Oo nga, wala po ba tayong celebration?” Tanong ni Ona.
“Syempre meron.” Sabat ni Luigi na biglang sumulpot dito sa kusina.
“Ay ser, congratulations po.” Bati din mga mga kasambahay kay Luigi.
“Salamat sa inyo. Anyway, magsecelebrate tayo.”
“Ano ano po bang gusto nyong lutuin namin ser?” Tanong ni Manang Beng.
“Hindi kayo magluluto manang, magpapacater ako para hindi kayo mapagod.”
Tuwang tuwa naman ang mga kasambahay.
Dumikit sa akin si Luigi at hinalikan ako sa sentido.
“Tawagan mo din sila mommy at Yaya Saling wife. Papuntahin mo na rin sila dito sa bahay para malaman din nila.” Excited na sabi ni Luigi. Sa sobrang tuwa at excited nya nga, narinig ko syang tinawagan ang mga kaibigan nya kanina at binalita nga sa mga ito na buntis na ako.
Tinawagan ko na si mommy at Yaya Saling. Pinapunta ko sila dito sa bahay. Nagtatanong sila kung ano ang meron. Ang sabi ko dito ko na lang sasabihin. Tinext ko rin si Ava na dito dumiretso sa bahay paglabas nya ng school bago umuwi sa kanila.
.
.
.
Kinagabihan ay bumabaha na nga ng pagkain sa tabi ng pool ng mansion. Wala kaming ibang bisita kundi ang mga kasambahay at mga tauhan. Sila mommy at Yaya Saling naman ay paparating na.
“Bes, ano ba kasing meron? Birthday mo ba? Ang alam ko matagal pa birthday mo ah.” Untag sa akin ni Ava na ngumunguya na ng lumpia.
“Wala bang binanggit sayo si Kuya Atlas?”
Umiling iling sya. “Wala, wala naman kasi sya sa bahay eh. Ewan ko ba dun laging wala sa bahay. Bihira na nga minsan kung unuwi. Kapag tinatanong naman namin ni mommy laging sinasabi dyan lang.” Nakangusong sabi nya.
“Basta mamaya sasabihin ko.”
“Nakakaintriga naman yan.”
Tinawanan ko lang sya at hinanap si Luigi. Nakita ko sya sa tabi ng pool at may kausap sa cellphone. Kausap na naman nya siguro ang mga kaibigan nya, ang lakas ng tawa eh. Buong araw na nga syang laging nakangiti at nakatawa. Halatang masaya sya. Pati ako masaya din.
Tumingin sa akin si Luigi at ngumisi sabay kindat. Nagiinit ang pisnging ngumuso na lang ako.
“Anong meron kay Kuya Luig? Parang sobrang saya nya ngayon ah.” Puna ni Ava.
Akmang sasagutin ko sya pero nakita kong paparating na sila mommy at Yaya Saling kasama din si Stephen. Nag excuse ako kay Ava at sinalubong sila.
“Mommy, yaya.” Hinalikan ko sila sa pisngi. Naghigh five naman kami ni Stephen.
“Ano bang meron anak? Birthday ba ni Luigi?” Tanong ni mommy ng igala ang mga mata sa paligid.
“Hindi po mommy.” Natatawang sabi ko.
Lalo lang kumunot ang noo ni mommy.
Lumapit na si Luigi at hinalikan sa pisngi si mommy. Binati nya rin si Yaya Saling at Stephen.
Nagtanong din si mommy kay Luigi kung ano ba ang meron. Pero hindi sumagot si Luigi at ngumiti lang sabay akbay sa akin. Giniya na namin sila sa nakaset up na mahabang mesa na may mga pagkain at alak. Lumapit si Ava kay mommy at humalik sa pisngi. Umupo na kami sa mga upuan. Kasalo namin ang mga kasambahay at mga tauhan.
“Babe, yung mga friends mo hindi mo sila inimbitahan?” Tanong ko kay Luigi ng umupo na sya sa tabi ko.
Ngumisi sya. “Di sila makakarating babe kahit imbitahan ko pa sila. Si Jeiz ay busy ngayon sa farm nya dahil anihan na. Si Lorenzo naman busy din sa asawa nya na bagong panganak. Si Kester nag out of town. Si Matias naman nasa Australia ngayon. Si Atlas, di namin alam kung nasaang lupalop.”
Tumango tango na lang ako.
Nag umpisa na kaming kumain. Masaya ang lahat at maganang kumakain. Puno pa ng kantyawan at tawanan mula sa mga kasambahay at mga tauhan. Pati sila mommy ay nakikisali na rin sa biruan. Si Manang Beng, Yaya Saling at mommy ang madalas magkachikahan. Si Stephen naman at si Luigi ang magkakwentuhan. Ako naman, si Ava at ang mga kasambahay at mga tauhan ang magkahuntahan na may kasamang asaran. Syempre bida lagi sa asaran si Ate Ona at Kuya Nanding.
Masaya ako na kasama silang lahat ngayon sa bagong buhay na tatahakin ko. Pagkatapos ng nangyari kay mommy ay napagtanto ko kung gaano kahalaga ang buhay. Masarap mabuhay na kasama mo ang mga taong mahahalaga sayo na hanggat nandito pa sila sa mundo ay sulitin mo na ang bawat sandali na kasama sila. Walang makakapagsabi kung hanggang saan na lang ang buhay mo. Kagaya ni mommy, akala ko talaga noon mawawala sya sa akin pero sa awa ng Diyos ay binigyan sya ng pagkakataong patuloy pang mabuhay. Kaya sinusulit ko na lagi ko syang kausap at minsan ay kasama.
Pagkatapos naming kumain ay nagbukas ng wine si Luigi at sya ang nagsalin isa isa sa mga kopita namin.
Tumingin sa akin si Luigi at ngumiti sabay tayo. Tumayo na rin ako. Hinapit naman nya ako sa bewang. Tumuon sa amin ang mga mata ng lahat.
“Good evening everyone. Masaya ako na nandito kayong lahat para sa munting selebrasyon.” Hayag ni Luigi.
Ngiting ngiti sila mommy pero bakas sa kanilang mukha ang kyuryosidad at naghihintay sa sasabibin pa ni Luigi. Ako naman ay kinakabahan sa magiging reaksyon nila mommy.
Tumingin ulit sa akin si Luigi at tinanguan ako. Parang pinapaubaya na nya sa akin ang pagsabi kay mommy.
Lumunok ako at ninenerbyos na ngumiti.
“Ahm mommy, Yaya Saling.. m-magiging lola na po kayo.” Sabi ko.
Nawala ang ngiti ni mommy at ni Yaya Saling. Umawang ang labi nila. Si Stephen naman ay napasipol at si Ava ay napatuptop ng bibig at nanlaki ang mata.
“Buntis ka anak?” Bulalas ni mommy.
Kagat labing tumango tango ako.
Natuptop din ni mommy ang bibig at nanlaki ang mata. Si Yaya Saling naman ay nakangiti na at pinagsalikop ang dalawang kamay.
“Omg, magiging lola na ako?” Usal ni mommy.
Bahagya akong natawa sa reaksyon ni mommy. “Yes mommy.”
“Matanda ka na honey.” Nakangising sabi ni Stephen pero napangiwi sya ng paluin sya ni mommy sa braso.
“Sinong matanda ha?” Asik ni mommy kay Stephen na ikinatawa na lang naming lahat. Kunwaring zinipper na lang ni Stephen ang bibig.
“Congratulations Ivona. Naku, nakakatuwa naman yang balita na yan. Sa wakas makakahawak na ulit ako ng baby.” Ani Yaya Saling na napapalakpak pa.
“Congratulations bes, grabe ginulat mo naman ako. Iih! Excited na ako sa pagbubuntis mo. Basta ninang ako nyan ha.” Tuwang tuwa naman na sabi ni Ava.
“Basta ayokong tawagin akong lola.” Hirit pa ni mommy na nakabukas din sa kanyang mukha ang tuwa sa kaalamang buntis ako.
“Eh anong gusto mong itawag sayo ng apo natin honey?” Tanong ni Stephen.
“Pwedeng mommyla or mamala. Usong tawag yun ngayon sa mga bagong lola.”
“Sus! Perahas ding lola yun dahil may ’la sa huli. Pinahaba lang – aray!” Daing na naman ni Stephen ng kurutin sya ni mommy.
“Shut up ka na lang.”
Umugong na naman ang tawanan sa mahabang mesa.
“Anyway bukod pa doon ay may iba pa kaming gustong sabihin ni Ivona.” Sambit ni Luigi at tumingin sa akin. Nagngitian kami.
Hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit at isa isang tiningnan ang mga nasa mahabang mesa na naghihintay sa sasabihin pa ni Luigi.
Tumingin si Luigi kay mommy. “Mommy Beverly, magpapakasal ho ulit kami ni Ivona. This time sa simbahan naman.”
Napasinghap ang lahat pero agad din silang nagpalakpakan.
Hinapit ako ni Luigi sa bewang at hinalikan ako sa sentido.
“Masaya ako para sa inyong mag asawa. Lalo na sayo anak. Siguradong matutuwa ang daddy mo sa langit. Napunta ka sa lalaking mahal na mahal ka.” Naluluhang sabi ni mommy.
“Thanks mommy.” Naluluha ding sabi ko.
Malaki din naman ang kontribusyon ni mommy sa relasyon naming dalawa ni Luigi. Kung hindi dahil sa kanya baka wala pang kami ni Luigi. Minsan sumasagi sa isip ko na buti na lang pinlano ni mommy ang pagpikot kay Luigi. Di ko kayang isipin na ibang lalaki ang asawa ko ngayon. Si Luigi lang ang gusto kong makasama habang buhay kasama ang magiging mga anak namin.
Happy 13k followers! Sana ay dumami pa tayo.
Kaunting kembot na lang matatapos na ang kwento ni Luigi at Ivona. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa pagtangkilik nyo sa story na ito 🤗
Chapter END
Ivona
MATULIN na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Marami na rin ang naganap sa buhay ko, sa buhay namin ni Luigi. Nakagraduate na ako with honors at kakasal lang din namin ulit ni Luigi. At ngayon nga ay panibagong experience na naman sa buhay ang pagdadaanan ko. Ang pagbubuntis at paglilihi. Sa umpisa ay parang wala lang pero habang tumatagal ay marami ng nagbabago sa akin partikular sa katawan ko at sa mood.
“Here.” Inabot sa akin ni Luigi ang bukas ng bote ng malamig na malamig na tubig na pinabili ko sa kanya. Agad ko itong tinungga. Nagsalubong pa ang kilay ko kasi parang hindi pa ako satisfied sa lamig ng tubig. Mas gusto ko yung parang nagyeyelo.
“Wala ba yung nagyeyelo sa lamig?” Nakangusong sabi ko.
“Yan na daw yung pinakamalamig nilang tubig wife.”
Sumimangot ako. “Gusto ko ng yelo.”
Kagagaling lang namin sa check up at pauwi na. Pero bigla akong nauhaw at naghahanap ako ng malamig. Lately laging malamig na tubig ang hinahanap hanap ko. Gusto ko yung nagyeyelo sa lamig. Sa bahay ay may stock ako ng tubig sa fridge. O kaya naman minsan yelo na ang nginangata ko. Lagi kasing init na init ang pakiramdam ko gaya ngayon.
“Wait lang, hahanap tayo ng may tindang yelo.” Ani Luigi at pinaandar na ang kotse at nagpalinga linga sa labas.
May nadaanan kaming convenience store. Hininto nya ang kotse at bumaba. Pumasok sya sa convenience store. Ako naman ay asang asa na paglabas nya ay may bitbit syang yelo. Pero parang maiiyak na ako ng makitang wala syang dala.
“Wala daw silang yelo wife.”
Lalo tuloy akong napasimangot at inis na kumamot sa pisngi.
“Sa bahay na lang kaya pag uwi natin.” Suhestiyon nya.
Nagsalubong ang kilay ko at ngumuso. “Gusto ko ngayon na eh. Anong oras pa tayo makakauwi ten minutes pa. Ang trapik pa o. Gusto ko na ng yelo.” Inis ng sabi ko.
Kumamot sya ng ulo. “Ok, hanap tayo sa ibang store wag ka ng mainis ha.” Malambing na sabi nya at hinawakan ng isa nyang kamay ang kamay ko. Pinaandar nyang muli ang sasakyan.
Ewan ko ba kung bakit ang bilis ko ngayon mainis kapag hindi ko agad nakukuha ang gusto ko lalo na sa mga gusto kong kainin. Sabi ni Manang Beng normal lang daw yun sa buntis na naglilihi. Lalo na daw sa gaya ko na maglilimang buwan ng buntis. Ganun din naman ang sabi ng ob ko. Magiging pabago bago daw ang mood ko. Lumalaki na nga ang umbok ng tiyan ko.
Pagkatapos ng kasal namin ni Luigi last month ay parang biglang laki ng tiyan ko. Next month pwede na naming malaman ang gender ni baby. At kung excited ako mas excited ang katabi ko. Infairness hanga din naman ako sa pagiging pasensyoso nya sa akin. Lahat ng gusto ko binibigay nya at kahit minsan tinotopak ako ay malambing pa rin sya gaya ngayon.
Kinalabit ko sya ng may makita akong maliit na tindahan sa gilid ng daan. May nakita akong karton na maliit na may nakasulat na ice for sale, nakadikit ito sa rehas ng tindahan.
“Hayun babe, may tindang yelo.” Sabi ko kay Luigi at tinuro ang tindahan na nalampasan na namin ng kaunti.
Huminto naman si Luigi at tiningnan ang tindahan na tinuturo ko. Kumunot ang noo nya.
“Sige na ibili mo na ako ng isa tapos hingi ka ng plastik.” Excited na utos ko sa kanya.
“Oh.. ok.” Bumaba sya ng kotse at tinungo na ang tindahan.
Ilang sandali pa ay pabalik na sya at may dalang yelo na sa hitsura pa lang ay matigas na matigas na. Para na akong naglalaway. Pero ang mukha ni Luigi at parang hindi sigurado. Binaba ko ang salaming bintana.
“Wife, ganitong yelo ang meron sila.” Kunot noong sabi nya.
Ngiting ngiting tumango ako. “Yan nga. Basagin mo na doon sa pader tapos ilagay mo dyan sa plastik.” Utos ko ulit at tinuro ang pader ng isang gusali.
Sumunod naman sya at tinungo na nga ang pader at hinampas ng isang beses ang yelo at nilagay nya sa plastik. Bumalik sya at inabot sa akin ang plastik na may lamang basag basag ng yelo. Kinuha ko naman yun at sinilip ang loob ng plastik.
“Yan, ganitong yelo ang gusto ko.” Tuwang tuwang sabi ko at kumuha ng isang maliit na basag na yelo at sinubo. Napaungol pa ako lumukob ang lamig ng yelo sa bibig ko.
“May gusto ka pa?” Tanong nya.
Umiling iling ako. “Wala na, pasok ka na.” Sabi ko.
Umikot na sya sa kotse at umupo sa driver seat. Pinaandar na nyang muli ang kotse. Nangingiting patingin tingin sya sa akin.
“Hmm sarap talaga ng yelo.” Umuungol na sabi ko.
“Solve ka na?” Nakangiting tanong ni Luigi.
Tumango tango ako. “Thank you babe.”
“Anything for you baby.”
Kumapit ako sa isang braso nya at humilig sa balikat nya.
Bukod sa mga hinahanap kong mga pagkain na hindi ko naman karaniwan kinakain ay si Luigi din ang hinahanap hanap ko kung minsan. Gusto kong lagi syang nakikita, naamoy at nayayakap. Sabi ni Manang Beng pinaglilihian ko daw sya. Pabor naman sa akin yun dahil malaki ang chance na maging kamukha nya ang first baby namin.
Natatawa ako sa hitsura ni mommy at ni Yaya Saling. Halos di maipinta ang mga mukha nila habang nakatingin sa akin. Ako naman ay sarap na sarap sa sampalok na pinapapak ko. Hindi ako mahilig sa sampalok. Pero ito ngayon ang bago kong paborito. Nakita ko kasing may puno ng sampalok sa may bakanteng lote sa kanto at hitik na hitik sa bunga. Nakita ko yun kahapon ng samahan akong maglakad lakad ni Ate Ona at ni Kuya Nanding. Maaga kasing umalis kahapon si Luigi dahil may meeting syang dadaluhan.
“Ano ba yan anak? Di ka ba naaasiman dyan?” Sabi ni mommy na nakangiwi at nangangasim ang mukha. Si Manang Beng na naghihiwa ng gulay ay natatawa na lang.
Nandito sila mommy at Yaya Saling para dalawin ako. Madalas na nila akong dinadalaw dito. Yun kasi ang inuungot ko sa kanila. O kaya naman minsan ako ang pumupunta sa kanila sa bahay.
“Maasim nga po mommy pero masarap.” Sabi ko habang binabalatan ang sampalok. Gandang ganda pa ako sa kulay ng sampalok, kulay dark brown at mabango pa.
“Baka maitim si baby paglabas dahil dyan sa kinakain mo ha. Di ba ganun daw yun? Kung saan mo pinaglihi si baby magiging ganun ang hitsura paglabas.” Sabi ni mommy.
“Aba’y malay ko dyan, di pa naman ako nagkaanak.” Sabi ni Yaya Saling.
“Hindi po yun totoo ma’am Beverly. Kasabihan lang po yun ng mga matatanda. Saka sigurado naman na gwapo o maganda ang baby ni ma’am Ivona paglabas dahil parehas sila ni ser na gwapo at maganda. Pero kung lalaki yan malamang kamukha ni Ser Luigi yan.” Komento ni Manang Beng.
“Eh kelan pala malalaman ang gender ni baby?” Tanong ni mommy na tila excited pa.
“Sabi po ni doktora next month pwede na daw pong malaman.”
“Hay sana naman lalaki. Para may lalaki na sa pamilya natin.” Ani mommy.
Sa akin naman ay kahit ano ang gender basta malusog at walang sakit.
“Eh kayo mommy, kamusta naman ang pagaadopt nyo ni Stephen.” Kasal na rin si mommy at si Stephen sa huwes. Pero dahil hindi na pwedeng magbuntis si mommy dahil may edad na ay napagpasyahan na lang nila ni Stephen na magampon. May nakita na silang bata na gusto nilang ampunin sa bahay ampunan.
“Hayun naglalakad na kami ng papel anak para maging legal na sa amin ang bata at babae sya.”
“Masaya ako para sa inyo ni Stephen mommy. Dalhin nyo dito yung bata kapag nasa inyo na.”
“Oo naman.”
Wala namang problema sa akin kung magampon sila mommy. Maganda nga yun para may kasama sila sa buhay. Pero kahit may sariling pamilya na rin ako ay hindi ko pa rin sila pababayaan ni Yaya Saling.
Tinigilan ko na ang pagkain ng sampalok. Parang gusto ko naman ng iba.
Luigi
“YES Atty. Lucero, ikaw na ang bahala dyan. Alam nyo na ang gagawin gaya ng napagusapan natin noong nakaraang linggo.” Sabi ko kay Atty. Lucero na nasa kabilang linya habang nagtitipa ako sa laptop. Nakaipit sa pagitan ng balikat at tenga ko ang cellphone. Tsinitsek ko ang email na pinadala sa akin ni Atty. Lucero.
“Babe.”
Nagtaas ako ng mukha at tumingin sa pinto na bahagyang nakabukas. Nakasungaw ang ulo ni Ivona. Nginitian ko sya at sinenyasan na pumasok.
“Yes attorney, send mo na lang ulit sa email ko ang soft copy. Ok bye.” Pinatay ko na ang cellphone at binaba.
Binalingan ko ulit si Ivona na nasa tabi na ng desk ko. Napangiti ako ng makita ang hitsura nya. Nakafloral dress sya at hakab na ang maumbok na tiyan. Bahagya syang nakanguso. Mukhang may kailangan ang buntis.
Hinapit ko sya sa bewang at nilapit sa akin. Hinawakan ko ang tiyan nya at marahang hinaplos. Lagi ko itong hinahaplos lalo na sa gabi. Bawat araw na dumadaan ay nadadagdagan ang pananabik ko na lumabas si baby. Next month ay malalaman na namin ang gender. Kahit anong gender pa yan ay ayos lang sa aming mag asawa. Sabik na akong mahawakan si baby.
“May kailangan ka wife?” Malambing na tanong ko.
Nasa stage na kasi sya ng paglilihi at kadalasan puro mga weird na pagkain ang gusto. Kahapon nga balot na inihaw ang pinabili nya sa akin. Hindi nya naubos kaya sa akin nya pinaubos. Actually lahat ng tira nyang pagkain ay sa akin nya pinapaubos. Kapag tumatanggi ako sumisimangot sya at sumasama ang loob kaya no choice ako. Kaya kabado din ako sa mga gusto nyang kainin dahil siguradong kakainin ko rin.
Tumango sya at umupo sa hita ko. “Gusto ko ng papaya babe.”
Nakahinga ako ng maluwag. At least hindi weird na pagkain yun at healthy pa.
“Wala ba sa kusina? Magpapabili tayo sa supermarket.” Sabi ko.
“Gusto ko ng papayang hilaw.”
Nalusaw ang ngiti ko.
“Papayang hilaw?”
Tumango tango sya.
Medyo kinakabahan na ako.
“Ok, magpabili tayo kay Goryo.”
Nanghaba ang nguso nya. “Ayoko ng bili. Gusto ko yung papaya dyan sa kabilang bahay. Nakita ko yung puno ng papaya nila ang daming bunga tapos green na green pa. Gusto ko yun. Hingi ka.”
Napaawang ang labi ko. “Manghihingi ako?” Sa buong buhay ko never pa akong nanghingi.
“Oo nga, bakit parang nabibingi ka?”
Heto, naiinis na sya. Lately nagiging mainisin na sya at moody. Ayaw nya ng paulit ulit ang sinasabi. Alam ko namang dala lang yun ng pagbubuntis nya kaya mabilis syang maaburido.
“Hindi naman sa ganun wife, naniniguro lang.”
Ngumuso sya. “Sige na, hingi mo na ko ngayon.” Malambing ng ungot nya.
Bumuntong hininga ako. “Alright, manghihingi na ako.”
Lumiwanag ang mukha nya at ngiting ngiti. “Piliin mo yung green na green ha. Ayoko ng masyadong malaki gusto ko katamtaman lang. Saka wag mong ihuhulog sa lupa ha.” Bilin nya.
Tumango tango na lang ako.
Para sa ikasasaya ng buntis kong asawa manghihingi ako.
Nandito kami ni Goryo at ni Nanding sa tapat ng malaki at medyo may kalumaang bahay di kalayuan sa bahay ko. Nakita ko sa loob ng bakuran ang sinasabi ng asawa kong puno ng papaya na maraming bunga. Pero mataas ang puno.
“Ser kakatok na po ako.” Sabi ni Goryo.
Tinanguan ko sya.
Kumatok na nga si Goryo. “Tao po. Tao po.”
Nakatatlong katok pa si Goryo bago bumukas ang makapal na pinto sa front door. Lumabas ang matandang lalaki na medyo hirap na maglakad at akay na lang ng tungkod. In-adjust nito ang suot na salamin at tumingin sa gate. Humakbang ito palapit sa amin.
“Sino kayo? Anong kailangan nyo?” Tanong ng matanda at tiningnan kami isa isa mula sa loob ng rehas na gate.
Tumikhim ako. “Ah ako po si Luigi, kapitbahay nyo ho. Dyan ho ako sa kabilang block nakatira. Ah pwede ho bang.. makahingi ng papaya nyo.” Medyo nahihiyang sabi ko. Sa tanang buhay ngayon lang din ako nakaramdam ng hiya.
“Papaya? Bakit magtitinola ka?” Tanong ng matanda.
“Ah hindi ho, yung asawa ko ho kasi buntis. Gusto nya yung papaya nyo.”
“Ah, naglilihi ang asawa mo no at gusto ng papaya.”
Alanganin akong ngumiti. “Ganun na nga ho.”
“Naku mahirap tanggihan ang buntis na naglilihi. Sige pasok kayo, kayo na lang ang kumuha ng papaya. May panungkit naman dyan sa gilid ng bahay.” Pinagbuksan kami ng matanda ng gate at pinapasok kaming tatlo.
May kadaldalan ang matanda pero mabait naman. Ka Dencio ang pangalan nya at otsenta y tres anyos na. Kilala pala nya ako. Dati pala silang magkalaro sa golf ni lolo noong nabubuhay pa. Ngayon ko lang sya nakilala dahil hindi naman ako mahilig makihalubilo sa mga kapitbahay.
Kinuha na ni Nanding ang panungkit sa gilid ng bahay.
“Ser, alin po dito ang susungkitin ko?” Tanong ni Nanding habang nakatingala sa mga bunga ng papaya.
Namaywang naman ako at nakatingalang sinipat sipat ang mga bunga.
“Yung green na green ang gusto ng ma’am Ivona nyo at hindi masyadong malaki. Saka wag mong ilaglag sa lupa ayaw nya nun.”
“Sige po, ako na ang sasalo.” Presinta naman ni Goryo at lumapit na sa puno ng papaya.
“Yung nasa ilalim boy, berdeng berde yan.” Turo ni Ka Dencio.
May nakita nga kaming papaya na green na green na napapagitnaan ng dalawang malaki. Sinenyasan ko na si Nanding at sinungkit na nya ito. Alerto naman si Goryo at nakataas na ang dalawang kamay. Sa ilang sundot ni Nanding ng panungkit ay nalaglag na ang papaya. Nasalo naman ito ni Goryo.
“Ser ok na po ba ito?” Tanong ni Goryo at pinakita sa akin ang katamtamang laki ng papaya. Green na green ito at makinis na makinis. Umaagas pa ang dagta nito.
“Pwede na yan.” Kinuha ko na ang papaya sa kamay ni Goryo at nagpasalamat kay Ka Dencio.
Bumalik na kami sa bahay at tuwang tuwa si Ivona ng makita ang dala kong papaya. Inamoy amoy pa nya ito. Pero kinabahan na ako ng balatan na nya ito at hiniwa hiwa ng piraso. Nilagyan pa nya ng suka at asin.
“Hmm sarap! Masarap talaga ang bagong pitas manamis namis.” Bulalas nya ng makailang subo na ng papayang hiniwa hiwa nya.
Ngumiwi ako. Pati na ang mga kasambahay ay napapangiwi din. Si Manang Beng lang ang hindi apektado at nangingiti pa.
Tumikhim ako. “Ah wife, doon muna ako sa library. May tatapusin lang ako.” Sabi ko at tumayo na mula sa stool chair.
Pero hindi pa ako nakakahakbang ay hinawakan nya ako sa kamay.
“Mamaya ka na pumunta sa library. Dito ka muna.”
Lalo akong kinabahan dahil alam ako na ang kasunod.
“M-May tatapusin pa kasi ako wife.”
“Mamaya na yan, tulungan mo muna akong ubusin to.” Nakangusong sabi nya.
Sabi na eh.
Lumunok ako. “Sa kanila ka na lang magpatulong ubusin yan wife.” Sabi ko at tinuro ang mga kasambahay.
“Naku, busog po ako ser.” Sabi ni Ona na tumalikod at kunwaring naging abala sa lababo.
“Ako din po ser, kakameryenda ko pa lang.” Alanganin ang ngiting sabi naman ni Cheche at hinimas himas pa ang tiyan.
“Ako din po busog din.” Sabat din ni Lucy na lumipat pa sa kabilang island counter at doon tinuloy ang ginagawang pagpupunas ng mga hinugasan na container.
Isa isa ko silang sinamaan ng tingin. Pero sinasadya nilang hindi tumingin sa akin.
“Umupo ka na, saluhan mo na ako.” Untag sa akin ni Ivona.
Wala na akong nagawa kundi umupo ulit. Dahil kapag nagmatigas pa ako siguradong magtatampo sya sa akin at hindi ako papansin buong magdamag.
Inurong nya sa akin ang mangkok. “Masarap babe try mo.” Udyok nya sa akin.
Lumunok muna ako at kumuha ng isang piraso. Pinakatitigan ko muna ito ng ilang saglit bago sinubo. Napapikit ako ng mariin at napangiwi dahil sa asim ng suka. Muntik pa akong mapamura at iluwa ito kung hindi lang nakatingin sa akin si Ivona. Kaya wala na akong nagawa kundi pilit lunukin ito.
“Sarap no?” Ngiting ngiti na sabi ni Ivona na dumampot din ng isang pirasong papaya at sinubo.
Tumango tango na lang ako at hindi na nagsalita dahil baka mainis na naman sya. Kaya pinagtyagaan ko na lang na saluhan syang kainin ang papayang hiningi ko kay Ka Dencio. Ok na sana ang lasa ng papaya kung wala lang suka.
“Love you babe.” Lambing pa nya at kinintalan ako ng halik sa labi.
Napangiti naman ako. Ito ang pinaka gustong gusto ko ngayong naglilihi sya. Sobrang lambing nya.
“I love you more wife.”
Last special chapter next 🤗
Special Chapter
Luigi
INILAPAG ko sa harap ni Ninong Ismael ang folder na naglalaman ng documentong may pirma ko. Patunay na hindi ko na binabawi ang ari-arian nya.
Kinuha nya ang folder at binuksan. Binasa nya ito ng ilang saglit at muling sinarado. Tumingin sya sa akin at nahihiyang ngumiti.
“Maraming salamat iho. Hindi ko na talaga alam kung saan ako kukuha ng ipambabayad ko sa hospital. Ayoko namang ialis doon si Ary dahil baka lalo lang lumala ang kondisyon nya. At humihingi ulit ako ng tawad sayo. Sa pamilya mo at sa asawa mo.” Lumambong ang lungkot sa mukha ni Ninong Ismael.
Bumuntong hininga ako. Magdadalawang taon na ang lumipas mula ng makulong si Ary dahil sa pagbaril nya kay mommy Beverly. Ako naman ay inurong na ang kaso laban sa kanilang mag ama dahil nabawi ko naman ang kinuha nila na ngayon ay binabalik ko na rin sa kanila. Pero makalipas lang ng ilang buwan ay nilipat si Ary sa mental hospital. Nadiagnose ito na may schizophrenia at lumalala pa. Nalaman ko naman kay Ninong Ismael na sa America pa lang ay nadiagnose na ito at naipasok na rin sa institute. Akala nya ay magaling na ang anak kaya hinayaan na nyang umuwi dito sa Pilipinas. Yun pala ay lumala pa.
Nag usap na rin kami ni Ivona at nalaman na nga nya ang nangyari kay Ary. Naawa sya dito. Napagdesisyunan naming mag asawa na patawarin na ang mag ama. Lalo na ngayon na naghihirap na si Ninong Ismael. Namomoroblema pa sya sa kalagayan ng anak. Kita yun sa nangangayayat nyang katawan.
Matanda na rin si Ninong Ismael at marami na rin syang karamdaman. Sa kalagayan ni Ary ay walang mag aalaga sa kanya kapag nagkasakit sya idagdag pa na wala na silang pera. Kaya napagdesisyunan ko na ring ibalik ang ariarian nyang binawi ko. Napagisipisip ko namang malaki din ang naitulong nya sa pamilya ko noon. Nagkamali lang talaga sya sa ginawa nya.
Ngayong may pamilya na ako at nakapanganak na si Ivona ay gusto kong magfocus na lang sa kanila. Ayokong may mabigat na dinadala sa dibdib ko. Baka makaapekto yun sa pamilya ko.
“Basta kung may kailangan pa kayo ninong lumapit lang kayo sa akin.” Sabi ko at tumayo.
“Salamat iho, pero baka mahiya na akong lumapit sayo. Malaki ang naging kasalanan naming mag ama sa pamilya mo.”
“Napatawad ko na ho kayo, ganun din naman ang asawa ko napatawad na rin si Ary. Sana lang ay gumaling na sya at magbagong buhay na.”
“Sana nga, sya na lang ang meron ako. Matanda na ako at may nararamdaman na rin. Paano na sya kung mawala ako.”
“Wag nyo munang isipin ang mga bagay na yun ninong. Magpalakas kayo para kay Ary. Kapag kinulang kayo sa financial handa naman kaming tumulong mag asawa.”
Ngumiti si Ninong Ismael. “Nakakahiya man, pero maraming salamat iho. Ihingi mo na rin ako ng patawad sa asawa mo lalo na sa ginawa ng anak ko.”
Tumango ako. “Makakarating sa kanya ninong.”
Tumayo na rin sya at nagkamay kaming dalawa. Nagkamay din sila ni Atty. Lucero.
“Sigurado ka na ba sa naging desisyon mo iho?” Tanong ni Atty. Lucero ng makaalis na si Ninong Ismael. Pupunta pa ito sa hospital para magbayad.
Tumango ako. “Hindi naman malaking kawalan sa kumpanya ang nakuha nya. Saka kailangan nya ngayon ng perang mapagkukunan para sa anak nya. Reward ko na rin sa kanya sa mga naitulong nya noon kanila lolo at dad.”
“Oo nga, kawawa din ang ninong mo. Magisa na lang sya sa buhay, may anak nga may sakit naman sa pagiisip at alagain pa nya. Sana lang ay gumaling na ang anak nya.”
Bumuntong hininga ako. “Sana nga attorney.”
Nagpaalam na kami sa isa’t isa ni Atty. Lucero. Sya ay babalik na sa firm nya. Kami naman ni Goryo ay pupunta ng drug store para bumili ng gatas at diapers at uuwi na. Mag aalas singko pa lang ng hapon. Dapat ay mamaya pa ako uuwi at tatapusin ko pa ang mga nakabinbin na papeles. Pero namimiss ko na kasi ang mag iina ko. Tatawagan ko na lang ang secretary ko.
.
.
.
Pagkatapos kong mag wisik ng alcohol ay excited na akong bumaba ng kotse at dumiretso sa trunk. Kinuha ko ang dalawang malaking plastic bag na may lamang anim na malalaking carton ng gatas. Si Goryo naman ang kumuha ng dalawa pang plastic na may laman namang mga diaper. Ganito naman ako kapag umuuwi araw araw, laging excited.
“Dadada!”
“Dadadada!”
Napangiti ako ng sumalubong sa akin sa sala ang kambal ko na buhat nila Lucy at Cheche. Kumakawag ang malulusog nilang mga braso at paa ng makita ako. Nagpapaligsahan pa silang dalawa sa pagtawag sa akin.
Binaba ko sa couch ang mga plastic na dala ko at nilapitan na ang kambal.
“Hello boys! Namiss kayo ni daddy.” Isa isa ko na silang kinuha sa mga bisig ni Lucy at Cheche.
“Dadadada!”
“Dadada!”
Natawa na lang ako ng paulanan nila ako ng laway. Hinawakan pa nila ang mukha ko. Ang mga kamay nila ay puro laway din nila. Hinawakan ko sila ng maigi dahil malikot na sila. Pitong buwan na sila at malulusog. May kabigatan na rin.
Pinaghahalikan ko sila sa matataba nilang pisngi. Panay naman ang hagikgik nila. Amoy gatas silang dalawa. Sarap panggigilan gaya ng mommy nila.
“Nasaan ang ma’am nyo?” Tanong ko sa dalawang kasambahay at nagpalinga linga.
“Nasa taas po ser nagpalit po ng damit, sinukahan po kasi sya ni Baby George ng gatas.” Sabi ni Lucy.
Hinarap ko si Baby George na nasa kanang braso ko at subo subo na naman ang kamay. Magkamukhang magkamukha ang kambal. Parehas pa ng katawan. Ang palatandaan lang namin sa dalawa ay ang buhok. Si Baby George ay medyo kulot ang buhok mana sa akin. Si Baby Geoffrey naman ay tuwid ang buhok mana naman kay Ivona. Pero ako ang kamukha nilang dalawa. Kutis lang yata ni Ivona ang nakuha nila.
“Bakit mo sinukahan si mommy ha?” Malambing na sabi ko kay Baby George. Luis George ang buong pangalan nya, gaya ni Baby Geoffrey na may Luis din sa unang pangalan. Si Ivona ang nagbigay ng pangalan sa kanilang dalawa na sinunod sa pangalan ko. Na-touch naman ako.
Bumungisngis lang si Baby George habang kunwari pinapagalitan ko. Si Baby Geoffrey naman ay sumasabat. Kapag hindi ako lumilingon agad sa kanya pinapalo nya ako sa mukha. Kaya sa gigil ko ay pinaghahalikan ko ulit sila sa leeg. Panay naman ang bungisngis nila at sinasabunutan na ako. Parang bigla ay nawala ang pagod ko mula sa maghapon kong trabaho sa office.
“Ang aga mo yatang umuwi babe?”
Tumingin ako sa taas ng hagdan kung saan pababa si Ivona. Nakafloral dress sya na lampas hanggang tuhod. Wala pang isang taon na nakapanganak sya pero mukha uli syang dalaga at walang anak. Lagi pa syang fresh. Kaya minsan kabado ako kapag lumalabas sya na hindi ako kasama. Marami pa rin naman kasing lalaki ang nagpapahangin sa kanya.
Lumapit sya sa akin at kinintalan ako ng mabilis na halik sa labi. Ngumiti naman ako. Masarap talaga umuwi araw araw kapag ganito ang sasalubong.
“Bakit ang aga mo? Sabi mo medyo gagabihin ka.”
“Namiss ko kayo agad eh.” Sabi ko at muling hinalikan sa pisngi ang kambal na heto at nagpapaulan na naman ng laway. Puro laway na ang mukha ko.
Tumawa lang ang maganda kong misis.
“Magbihis ka kaya muna. Galing ka sa labas tapos hinawakan mo agad ang kambal.”
“Nag alcohol naman ako sa kotse wife.”
“Pero magbihis ka muna.”
Nginisihan ko lang sya. “Wait lang, di pa ako tapos sa kambal.”
Bumuntong hininga na lang sya at umikot ang mata. Napangisi na lang ako. Lalo lang syang gumaganda sa paningin ko kapag nagtataray sya sa akin.
Kumagat labi ako. Nanggigigil din ako sa kanya pero kailangan ko pang magtiis ng kaunting panahon pa.
Ivona
NAPAILING na lang ako at napangiti habang pinagmamasdan ang mag aama ko na nasa main door. Parang wala lang kay Luigi ang bigat ng kambal. Samantalang ako isa lang buhat ko ngalay na agad ako. Ang bibigat na kasi ng kambal at sa edad na pitong buwan ay malaki na sila. Kunsabagay kanino pa ba sila magmamana kundi sa ama.
Hay, di ko talaga inakala na kambal ang unang anak namin at parehas lalaki pa. Nahirapan pa nga akong umire sa kanila. Si Luigi nga panay ang mura noon sa loob ng delivery room kaya pinalabas ni doktora.
“Ang dami na namang gatas ng kambal. Siguradong busog lusog na naman sila.” Sabi ni Ate Lucy na binitbit na ang dalawang malaking plastic na may lamang malalaking carton na gatas.
“Hindi rin halatang takot si ser na magutom ang kambal.” Natatawang segunda pa ni Ate Lucy na binitbit na rin ang dalawa pang malaking plastic bag na mga diaper naman ang laman. Dadalhin na nila ang mga ito sa kwarto namin.
Nag excuse ang dalawa at umakyat na ng hagdan.
May nursery room naman ang kambal na pinagawa ni Luigi. Pero nagmistulang tambakan lang iyon ng mga gamit ng kambal. Sa kwarto pa rin namin natutulog ang kambal. Naroon ang crib nilang dalawa. Sa gabi naman ay sa tabi namin sila ni Luigi natutulog.
Masipag bumili si Luigi ng gatas at diaper. Nagpasuso din naman ako sa kambal pero maaga akong nawalan ng gatas kaya formula na ang iniinom nila. Malakas silang dumede obvious naman sa katawan. Mabuti na lang at mapera ang daddy nila kung hindi mamumulubi talaga kami.
Nilapitan ko na ang magaama ko na nagdadaldalan na.
Simula ng mabuntis ako at manganak malaki na ang pinagbago ni Luigi. Lagi na syang nakangiti sa ibang tao at hindi na nagsusungit. Mabait na rin sya sa mga kasambahay at mga tauhan. Bagamat hindi pa rin nawala ang pagiging istrikto nyang amo. Sa akin naman, lagi syang oo. Wala akong natatandaan na hinindian nya ako. Lahat ng sasabihin ko sang ayon sya.
Humawak ako sa bewang ni Luigi at nakikulit na rin sa kambal. Natawa pa ako dahil sa bakas ng laway ng kambal sa mukha nya. Pinunasan ko yun ng hawak kong bimpo.
“Thanks wife. Mukhang hindi ko na kailangan magshower pinaliguan na ako ng laway ng kambal.” Natatawang sabi ni Luigi.
“Mamama!” Humarap sa akin si Baby Geoffrey at naglaro ng bibig kaya tumalsik din sa mukha ko ang laway nya.
Tumawa na lang kami ni Luigi. Pinunasan ko naman ng bimpo ang mukha ko.
Hinilig ko ang ulo sa balikat nya. Naamoy ko pa ang alcohol sa katawan nya. Mukhang nagwisik din sya ng alcohol sa katawan.
Hinalikan nya ang tuktok ko. Tumingala naman ako sa kanya. Sumalubong sa akin ang mapupungay nyang mga mata na nangungusap. Wala man syang sabihin ay nababasa ko ang nakapaloob doon. Damang dama ko rin sa mga kilos nya kung gaano nya ako kamahal.
Pumikit ako ng muling sumayad ang labi nya sa noo ko. Pero agad din akong napadilat ng dumaing sya. Yun pala ay sinasabunutan na sya ng kambal. Natawa na lang kaming dalawa.
WAKAS
Hanggang dito na lang 🤗
Maraming salamat sa walang sawa nyong suporta sa story ni Luigi at Ivona. Maraming salamat din sa lagi nyong paghintay ng update. Kitakits na lang tayo sa next story.
Promote ko na rin pala ang Dreame account ko. Follow nyo naman ako doon guys sa mga hindi pa nakafollow. Same name at same profile lang din. Complete na rin ang Lara’s Seduction. Baka gusto nyong basahin. About naman sa story ni Conrad at ni Tati hinihintay ko lang na maaprubahan ni Dreame then tuloy tuloy na ang update ko don. Sana suportahan nyo pa rin kahit may bayad 😅 Ayown lang. Salamat ulit sa inyo.
Next story: Atlas and Jolene ;)

