DG Series #4: I'm Yours And You Are Mine Only
lhiamaya · 43 chapters · 87,819 words
A/N
Read at your own risk!
Contains Mature Scene
Si Crizel ay mahigit isang dekada ng bwisit na bwisit kay Kester Belleza. Mahigit isang dekada na nya itong sinusumpa. Kulang na lang ay ipakulam nya ito.
Malaki ang kasalan ni Kester sa kanya at hindi nya ito mapapatawad. Kasalanan nito kung bakit nakipaghiwalay sa kanya ang first love at first boyfriend nya. Kasalanan nito kung bakit maaga syang nabigo sa pag ibig. Ayaw na ayaw nyang nakikita ito pero ang hudyo ay parang nanadya pa at pupunta pa mismo sa eatery nya para lang laitin ang mga luto nya. Para bang hindi buo ang araw nito na hindi sya nabubwisit. Kulang na lang ay tadtarin nya ito ng pino at isahog sa niluluto nya. Gwapo sana ito pero gago. Nuknukan din ng tsismoso at pilyo. Lantaran din syang inaakit nito. Akala naman nito ay maaakit sya sa taglay nitong karisma.
Pero traidor at marupok ang puso nya. Unti unti itong naaakit sa karisma nito.
Kester Bellaza and Crizelda Romina Sales story
Coming soon!
Chapter 1
Crizel
“ILANG beses ko naman kasing sinabi sayo na tantanan mo na yang lalaking yan Clarissa. Ang tigas ng ulo mo eh! Tapos ngayon uuwi ka ditong umiiyak. Yan ang hirap sayo eh! Ang hirap mong pagsabihan!” Pagbubunga ko kay Clarissa. Ang kapatid kong sumunod sa akin.
Mag a-alas dose na ng gabi ng magdoorbell sya sa maliit naming gate. Sakto namang gising pa ako kaya ako ang nagbukas at nabungaran ko syang umiiyak buhat buhat ang isang pamangkin ko. Sa isang kamay ay hawak nya ang panganay na anak na babae na pitong taong gulang. May dala din syang bag kaya siguradong nilayasan na naman nya ang babaero nyang kinakasama. Lagi naman iyon ang dahilan kung bakit sya naglalayas at umuuwi ditong umiiyak. Nakakasawa na ngang makitang lagi syang ganito kapag uuwi dito sa bahay. Ano namang magagawa ko eh matigas ang ulo nya at ayaw makinig.
“Sya pa rin ang tatay ni Tonya at Glen ate. Hindi ko sya pwedeng iwan.” Sumisinghot na sabi nya.
“Ay gaga! Ano naman ngayon kung sya ang tatay? Tatay sa salita pero hindi sa gawa. Nuknukan pa ng babaero akala mo naman gwapo. Hindi ko maintindihan sayo kung bakit patay na patay ka sa hinayupak na yan.”
Umupo sya sa sofa at binaba si Glen, ang tatlong taong gulang nyang anak. Lumapit ito sa akin at tinaas ang dalawang maliliit na braso. Binuhat ko naman sya. Ang panganay naman nyang si Tonya ay lumapit din sa akin at nagmano. Nagtanong pa sya sa akin kung may pagkain sa ref. Naawa naman ako sa pamangkin dahil mukhang gutom kaya pinapunta ko na sya sa kusina.
“Tata.” Tawag ni Glen sa akin. Ngumiti pa sya kaya lumabas ang maliliit nyang ngipin at dalawang biloy sa magkabilaang pisngi. Halos mawala na rin ang maliit nyang mga mata. Sobrang cute nya talaga pero kamukha sya ng babaerong ama nya.
“Pinaiyak na naman ng magaling mong papa ang mama mo. Huwag kang gagaya sa papa mo paglaki mo ha. Kung hindi kukurutin ko ang titibird mo. Hmp! Gets mo si tata?” Pinanggigilan ko ang matambok nyang pisngi.
Bumungisngis naman sya sabay nguso at lahad ng maliit na kamay.
“Tata penge peya.”
“Yan tayo eh. Kararating nyo lang ni mama mo peya agad. Bukas na sarado na mga tindahan sa labas.”
“Bukat penge ako ganto ah.” Tinaas nya ang isang kamay at binuka ang limang daliri.
“Five?” Nakangising tanong ko.
Umiling iling sya. “Tingkwenta.”
“Aba ayos ah! Nagmahal na rin ang hingian mo ah. Dati bente ka lang ngayon tingkwenta na.”
Bumungisngis sya. “Mahal bigat tata.”
“Bakit ikaw ba ang bumibili ng bigas?”
Umiling iling sya.
“Pabili ka sa papa mo ng bigas.”
“Wala peya papa.”
Umingos ako at tumingin sa kapatid na nagpupunas ng luha.
“Walang pera pambili ng bigas pero may pambabae. Magaling na lalaki.”
Hindi naman umimik ang kapatid ko at hindi rin makatingin sa akin. Naaawa ako sa kalagayan nya. Mas bata sya sa akin ng pitong taon pero mas mukha na syang matanda ngayon sa akin. Napabayaan na nya ang sarili nya dahil sa pag aalaga ng dalawang anak at pagiintindi sa babaero nyang kinakasama. Hindi na nga sya nakapagtapos ng kolehiyo dahil maaga syang nabuntis ng lalaking yun na nangako ngako pa sa akin na aalagaan sya at pakakasalan. Pero ilang taon na ang lumipas at dalawa na ang anak nila wala pa ring nangyayari. Puro pasakit na lang ang binibigay sa kanya.
“Kumain na ba kayo?” Tanong ko sa kapatid. Pero mukhang di nya ako naririnig at panay lang ang singhot.
“Huy Clarissa tinatanong kita.”
“H-Ha? Ano yun ate?”
Bumuntong hininga ako. “Tinatanong ko kung kumain na kayo, ang mga bata mukhang gutom.”
Yumuko sya at hindi makatingin sa akin ng diretso na tila nahihiya.
“H-Hindi pa ate.” Mahinang sabi nya.
Umawang ang labi ko. “Aba’y bakit hindi pa? Anong oras na ah.”
“Wala po kaming bigas tita.”
Nilingon ko si Tonya na kumakain na ngayon ng mansanas. May hawak syang isa at binigay sa kapatid. Para namang dinudurog ang puso ko. Ng dahil sa kapabayaan ng magulang ay nadadamay ang mga anak. Dapat kasi hindi na nagaanak kung hindi naman kayang buhayin.
“May natira pang kanin at ulam sa kusina. Iinitin ko lang kumain muna kayo bago matulog.”
Pumunta na ako ng kusina buhat si Glen, sumunod din si Tonya. Nilapag ko si Glen sa upuan at sinabihang wag malikot para di malaglag. Nilapitan ko na ang kalan at sinalang ang kaserola na may laman pang sinigang na pork ribs na ulam namin kanina. Ininit ko na rin ang kanin sa mahinang apoy. Ng mainit na ay tinawag ko na si Clarissa at pinagsandok ko na sila.
–
Kinaumagahan ay aligaga ako sa pagkilos. Paano ba naman alas syete pasado na ako nagising imbes na alas sais. Nakailang miss calls na nga ang assistant cook ko. Pero alam naman na nya kung ano ang mga lulutuin ngayong umaga. Syempre di mawawala ang lugaw, tokwa at baboy na talaga namang pinipilahan ng mga customer naming mga estudyante, office worker, drivers, at iba pa.
“Hay tinanghali na ako punyemas.” Bulalas ko paglabas ng kwarto.
Suklay suklay ko ang bagong blower kong buhok habang patungo ako sa kwarto ng bunso kong kapatid. Kinatok ko ng tatlong beses ang pinto.
“Cristoff! Anong oras na wala ka bang pasok? Cristoff!” Walang sumasagot. Mukhang tulog na tulog pa sya.
Pinihit ko ang doorknob. Hindi naman pala yun nakalock kaya tinulak ko na pabukas ang pinto. Nakita kong nakatalukbong pa sya ng kumot. Nilapitan ko sya at niyugyog.
“Huy Cristoff! Mag a-alas otso na. Wala ka bang pasok?” Nilakasan ko na ang pagyugyog sa kanya. May pagka sa mantika din kasi syang matulog.
Nasa huling taon na sya ngayon ng kolehiyo. Civil engineering ang kurso nya. Talagang pinupush kong magtapos sya dahil yun ang pangako ko sa mga magulang namin noong nabubuhay pa. Nanghihinayang nga lang talaga ako kay Clarissa. Pero kung gusto pa rin nyang mag aral ay nasa sa kanya na yun. Susuportahan ko pa rin naman sya.
Gumalaw si Cristoff at tinanggal ang kumot na nakatakip sa kanyang mukha. Nalukot ang kanyang mukha habang nag iinat sya. Akala ko ay magigising na sya yun pala ay magbabago lang ng pwesto ng higa. Niyugyog ko na sya ng malakas gamit ang paa.
“Huy Cristoff! Gumising ka nga! Gising!”
Umungol sya at dinilat ang mga mata at tumingin sa akin.
“Ate ano ba yun?” Inaantok na tanong nya.
“Anong ano ba yun? Mag a-alas otso na uy! Anong oras ba ang pasok mo?”
“Wala akong pasok ngayon ate.” Nagiinat na sabi nya.
“At bakit? Sinong may sabi? School nyo o ikaw?” Sarkastikong tanong ko.
“Wala naman talaga kaming pasok ngayon ate dahil holiday.”
Kumunot ang noo ko. “Holiday ba ngayon?”
“Oo kaya. Si ate tumatanda na talaga.” Bulong nya sabay saklop ng kumot sa mukha.
“Anong sabi mo?” Malakas ko syang binatukan na ikinatawa nya lang.
“Tumayo ka na dyan tanghali na. Tutal wala ka namang pasok maglinis ka ng bahay. Nasa labas ang Ate Clarissa mo at ang dalawang pamangkin mo.” Bilin ko sa kanya.
“Oo na po.”
“Panay ka oo. Pag uwi ko wala pa ring pagbabago itong bahay yari ka sa akin.” Banta ko pa.
“Oo na nga.”
Lumabas na ako ng kwarto nya at tinungo ang kusina. Naabutan ko doon si Clarissa at ang dalawa kong pamangkin na nagkakape at kumakain ng tinapay.
“Kape ate?” Alok sa akin ni Clarissa at akmang tatayo para ipagtimpla ako ng kape.
“Hindi na. Sa eatery na ako magkakape masyado na akong late. O bakit ganyan lang ang almusal nyo? Hindi ka nagluto. May hotdog at ilog dyan sa ref. Yung bahaw pwede mo namang isangag.”
Kumamot sya sa ulo. Alam kong nahihiya sya.
“Ok na to sa amin ate.”
“Sayo ok. Pero sa mga anak mo hindi. Kaya ang papayat nila dahil mga walang sustansya ang mga kinakain. Sige na ipagluto mo na sila para makakain sila ng maayos. Huwag ka ng mahiya. Ito naman.”
Ngumiti sya at tumayo na para mag asikaso.
“Tata tingkwenta ko.” Untag sa akin ni Glen sabay lahad ng maliit na kamay. Hindi talaga sya nakalimot.
“Oo na.” Dinukot ko ang wallet sa shoulder bag at humugot ng isang daan at singkwenta. Ibinigay ko ang singkwenta kay Glen at isang daan naman kay Tonya.
“O wag puro tsistirya ang bibihin nyo sa tindahan ha. Kapag nalaman kong tsitsirya ang binili nyo di ko na kayo bibigyan. Maliwanag?”
“Opo.” Sabay na sagot ng magkapatid. Si Glen ay malawak na malawak pa ang ngiti at nilantakan na ang monay.
Humugot pa ako ng dalawang libo sa wallet at inabot kay Clarissa. Kumunot naman ang noo nya at tingnan lang ang pera.
“Ano yan ate?”
“Pera ano pa ba? Kunin mo na para sayo yan.”
“P-Pero – “
“Pero ano? May pera ka? Wala kang pera. Dahil kung may pera ka di magugutom ang mga anak mo. Sige na kunin mo na yan. Huwag ka ng bumili ng pagkain sa labas dahil may pagkain naman dyan sa ref.”
Kinuha na nya ang pera at sinuksok sa bulsa ng pantalon. “Salamat ate.”
Bumuntong hininga ako. “Kapag dumating si Gerald at kinuha kayong mag ina wag na kayong sumama parang awa mo na Clarissa. Dito na lang kayo sa bahay.”
“Pero ate – “
“Pero ano? Sya pa rin ang ama ng mga anak mo? Oo nandun na tayo sya ang ama ng mga anak mo. Pero nagagampanan ba nya ang tungkulin nya bilang ama? Alam ko namang mahal mo sya kaya ayaw mo syang iwan kahit nasasaktan ka na. Pero Clarissa naman.. Kung di ka naaawa sa sarili mo maawa ka naman sa mga anak mo. Kita mo oh. Sabik sila sa pagkain. Kung dito sila sa bahay lagi silang busog. Ikaw pwede kang bumalik sa pag aaral kung gusto mo, tutulungan kita.”
Hind sya umimik at kumagat labi lang.
Muli akong bumuntong hininga.
“Pag isipan mo ang mga sinabi ko Clarissa. Isipin mo ang mga anak mo. Sige na aalis na ako.”
Nagpaalam na ako sa dalawa kong pamangkin bago lumabas ng kusina.
Pagdating ko sa eatery ko ay marami ng tao. Kahit holiday ay marami pa rin kaming customer na karamihan ay mga driver, vendor, at mga construction worker. Malapit lang kasi sa terminal ang eatery ko, actually malapit sya sa lahat. Malapit sa mga eskwelahan, mga bangko, hospital, munisipyo at palengke. Sulit na sulit talaga ang mahal na bili ko sa pwesto. Binenta ko ang kotse ko para lang mabili ang pwestong ito. Saka na uli ako bibili ng sasakyan kapag malaki laki na ang ipon ko. Enjoy naman ako sa pagmomotor eh.
Maglilimang taon na ang eatery ko at sa ngayon ay maganda talaga ang takbo nito. Kahit may mga bagong nagsusulputan na mga kainan ay hindi talaga ito napagiiwanan at talagang dinadayo. Hindi lang naman mga simpleng mamamayan ang mga customer kundi meron ding mga may sinasabi sa buhay. Dahil sa eatery ay natubos ko sa bangko ang bahay namin at ang lupa namin sa Bulacan. Nakakapagipon na rin ako at napagaaral ko si Cristoff. Gusto ko ngang pag aralin din si Clarissa habang nakakaluwang luwang pa ako. Sana ay makapag isip isip sya.
“Good morning madam.” Bati sa akin ng isa kong serbidora pagpasok ko sa eatery. Natuon tuloy sa akin ang atensyon ng lahat.
“Good morning.” Masiglang bati ko na lang sa mga customer.
“Naku lalo tuloy akong ginanahang kumain dahil nakita ko ang pinakamaganda at pinaka masarap magluto na si Madam Crizel. Isang cup pa nga ng sinangag dyan.” Anang driver ng jeep na si Chito.
Sumegunda pa ang ibang mga customer na mga suki na talaga namin.
“Kaya pala parang may bumubulong sa akin kanina na ngayon kumain dahil masisilayan ko pala si madam. Mabuti na lang nakinig ako.”
Tinawanan ko lang sila at sinakyan. Sanay na ako sa pambobola nila basta wala lang bastusan dahil sasabuyan ko sila ng kumukulong mantika.
Pumasok ako sa maliit na opisina ko at nilagay doon ang bag. Nagsuot muna ako ng hairnet bago pumasok ng kusina. Doon ay naabutan kong abala na ang assistant cook ko na si Amelia sa paghihiwa ng gulay katulong sina Bryan at Oling. Binati nila ako.
“Pinakuluan nyo na ba ang ang karne ng baka?” Tanong ko habang nagtitmpla ng kape.
“Yes madam. Palambot na yan.” Sagot ni Amelia.
“Good.” Tiningnan ko ang mga rekado baka kasi may kulang pa hindi lang nila napapansin.
Bulalo ang today special menu namin. Siguradong taob na naman ang malaking kaldero mamaya. Sa isang araw ay mahigit sampu ang niluluto naming putahe at malaki laking budget talaga yun araw araw. Pero nababawi naman pagkatapos ng araw. Halos walang natitira sa mga putahe namin. Meron man ay kakaunti lang at pinapauwi ko na yun sa mga tauhan ko. Hangga’t maaari ay hindi ako nagre-recycle ng mga ulam dahil may mga customer na maselan baka hindi na nila ako balikan.
Ng maubos ko na ang kape ay nagsuot na ako ng apron at itim na gloves. Tumulong na ako sa paghahanda ng mga lulutuin. Marami ng nakasalang sa mga kalan at may sinaing na rin sa malaking kaldero.
“Ma’am Crizel.”
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Ang baguhag serbidora pala iyon. Namumutla sya at halatang kabado.
Kumunot ang noo ko. “O Josie bakit?”
“Ma’am may costumer po sa labas na nagrereklamo. Lasang panis daw yung mami.”
“Ano? Paanong naging lasang panis?” Nilingon ko si Amelia na syang nagluto niyon kanina.
“Ay ma’am maayos po yung pagkakaluto ko. Sinunod ko po yung nasa recipe book nyo. Wala po akong nakalimutang ilagay at wala rin po akong dinagdag. At saka bago po ang lahat ng sangkap.” Paliwanag ni Amelia.
“O yun naman pala eh. So paano naging lasang panis yun?”
“Hindi ko po alam ma’am dun sa customer. Sya lang naman po ang kaisa isang nagreklamo dun sa mami. Yung ibang customer sarap na sarap nga at nagte-take out pa.”
Lalong kumunot ang noo ko. “Baka naman iba lang ang panlasa ng customer na yun.” Sabi ko.
“O baka naman ma’am yung number one basher nyo yun.” Nakangising sabat ni Bryan na nagtatadtad ng bawang.
Mariin ko namang nilapat ang labi. Kilala ko kung sino ang tinutukoy nya. Ang letseng yun nandito na naman.
Tinaggal ko ang gloves at tinabi. Lumabas ako ng kusina para harapin ang bwisit. Hindi nga ako nagkamali sya nga ang nagrereklamo kunong lasang panis ang mami pero sunod sunod naman ang subo.
Pumitik ang ugat sa sentido ko sa inis. Nilapitan ko sya sabay batok sa kanya. Kamuntikan na syang masubsob sa mangkok ng mami.
Chapter 2
Crizel
“PUTANGNA!” Malutong na mura ni Kester ng batukan ko sya. Matalim ang mga matang tumingin sya sa akin.
Namaywang naman ako at tinaasan sya ng kilay. Huwag nya akong angasan at babangasan ko sya. Wala akong pakialam kahit malaki syang tao.
“Problema mo na naman at nambabatok ka?” Sumilay ang pilyong ngisi sa labi nya. “Huwag mong sabihing namiss mo ko?”
“Gago! Ang kapal ng mukha mo!” Nanggigigil na muli ko sana syang babatukan pero mabilis syang nakailag at tatawa tawa pa. Kaya lalo akong nanggigil sa inis. Dapat pala nagbitbit ako ng sandok pampukpok sa kanya.
“Bakit ba gigl na gigil ka na naman sa akin? Kumakain ang tao eh.”
“Nagtatanong ka pa pagkatapos mong sabihing lasang panis ang mami? Bwisit ka talaga eh! Bakit kasi bumalik balik ka pa dito sa eatery ko. Panira ka ng araw.” Nanggigigil na sabi ko.
“Lasang panis naman talaga, di ba mga brad?” Baling nya sa iba pang mga kumakain.
“Kaya mo na yan brad. Ayaw naming mabatukan ni madam.” Sagot ng isang costumer na driver.
Ngumisi naman ako at tinaasan ng kilay si Kester. Hanap pa sya ng kakampi eh.
Ngumisi din ang hudyo. “Mga mahihina kayong nilalang.” Sambit nya at tumingin sa akin. Seryoso na ang kanyang mukha. “Totoo namang lasang panis tong mami mo. Maasim asim na. Tikman mo pa?” Hamon nya sa akin.
Inirapan ko sya at humalukipkip. “Pwede ba, tantanan mo na tong eatery ko. Sa iba ka na lang kumain. Hindi ko kailangan ng costumer na gaya mo. Sisiraan mo pa tong eatery ko eh.”
“Anong sinisiraan? Nagsasabi lang ako ng totoo no. Lasang panis nga talaga tong mami. Siguro nacontaminate na.”
“Kung lasang panis yan? Bakit paubos na ang laman ng mangkok mo? Ako pa lokohin mo.”
“Syempre ayokong magsayang ng pagkain. Kaya pa naman syang kainin. Pero kung ako sayo wag mo munang ibenta. Baka may iba pang magreklamo kasuhan pa kayo na nagbebenta ng pagkaing panis.”
Tumaas ang isang kilay ko at mataman syang tinitingnan kung seryoso sya. Mukha syang seryoso sya eh. Wala syang pilyong ngiti na lagi nyang binibigay sa akin kapag binubwsit nya ako. Mukhang totoo ang sinasabi nya. Naalarma naman ako.
“Tikman mo kasi ng malaman mo.” Tinulak nya ang mangkok nya na may kaunting laman pa.
“Bakit yan ang titikman ko?”
“Syempre ito ang lasang panis eh. Tikman mo to tapos tikman mo rin yung nasa kaldero nyo sa kusina para malaman mo kung parehas ang lasa.”
Bumuntong hininga ako. Mainam na yung sigurado. Baka nga di talaga sya nagbibiro masira pa ang eatery ko sa makakakain ng panis.
Ibinigay nya sa akin ang kutsara nya. Tinabig ko lang yun. Nunkang gamitin ko yun eh galing na sa bibig nya yun.
“Arte mo naman, wala naman akong sakit na nakakahawa no.” Reklamo pa nya.
“Aba’y malay ko ba?” Mataray na sabi ko.
Tinawag ko ang isang serbidora at nagpakuha ng malinis na kutsara. Agad naman itong tumalima at kumuha ng kutsara at lumapit sa akin sabay abot. Binalingan ko ang mangkok at kumutsara ng sabaw. Hinigop ko ito at nilasahan. Kumunot ang noo ko. Oo nga parang maasim.
“O ano? Di ba maasim?” Untag nya sa akin at kumutsara din ng sabaw ng mami at sinubo.
Kumutsara pa ako ulit ng sabaw at hinigop. Nilasahan ko yung maigi. Maasim nga. Pero parang hindi naman maasim na panis. Parang lasang kalamansi.
Nilingon ko si Kester na tumayo na at nagbaba ng isang libong polymer. Nakita ko ang pinipigil nyang ngiti.
“Keep the change, balik ulit ako bukas.” Sabi nya at tumalikod na.
Doon ko napagtanto. Pinagtripan lang nya ako.
“Gago ka talaga!” Hinabol ko sya pero patakbo na syang lumabas ng eatery at mabilis na sumakay sa mamahalin nyang sasakyan.
Nanggigigil na kinalampag ko na lang ang salamin ng bintana ng kotse nya. Hindi ko sya masilip sa loob dahil madilim ang salaming bintana. Alam kong tumatawa sya sa loob. Pinagtatawanan nya ako.
Bwisit talaga sya. Kuh!
May nakita akong malaking tipak na bato. Pumikit ako ng mariin. Nilalabanan ko ang bulong sa akin na damputin iyon at ipukpok sa salaming bintana para makabawi. Hangga’t maaari ay ayokong umabot ako sa ganun. Baka matakot sa akin ang mga costumer. Makakaganti din naman ako sa kanya sa ibang paraan.
Hinayaan ko na lang na umusad ang sasakyan ni Kester. Huminto pa nga ito saglit at binaba ang salaming bintana. Sumungaw ang ulo nya na may nakakalokong ngisi sa labi. Nilabas nya ang kamay at kumaway pa.
“See you tomorrow kulotski! Kakain ulit ako bukas. Sarapan mo luto ha kapag hindi ako nasarapan idedemanda kita.” Tatawa tawa pang sabi nya.
Kinuyom ko ang kamao. Lalo akong nanggigil.
“Gago!”
Dinig na dinig ko ang malutong na tawa nya. Bumusina pa sya ng pagkalakas lakas bago pinausad na sa gitna ng kalsada ang sasakyan.
“Uy mars, sinong kaaway mo?”
Nilingon ko ang kaibigan. Kasama nya ang limang taong gulang na anak na babae na inaanak ko rin na si Beatrice. Lumapit ito sa akin at nagmano. Hinaplos ko naman ang buhok nito.
“Sinong kaaway mo bakla at kulang na lang ay umusok ang ilong mo sa galit.”
Humugot ako ng malalim na hininga para kalamayin ang inis sa dibdib ko.
“Sino pa nga ba? Eh di ang gagong Kester na yun. Walang magawa sa buhay ang bwisit. Lagi na lang akong pinagtitripan.” Inis na sabi ko.
Ngumisi si Belinda. “Pikon na pikon ka naman.”
“Sinong di mapipikon? Sinabi ba namang lasang panis ang mami.”
Gusto ko ring mainis sa sarili ko dahil nagpauto ako. Engot din ako eh.
“Sus! Di ka na nasanay kay Kester.” Natatawang sabi ni Belinda.
“Sanay na akong mabwisit sa kanya.”
“Ilang taon ka na bang bwisit sa kanya? College pa tayo bwisit na bwisit ka na sa kanya.”
Parang may pumitik sa dibdib ko ng maalala ang nakaraan. Matagal na panahon na yun kung tutuusin. Mahigit isang dekada na nga ang nakakaraan. Pero may pitik pa rin ng sakit sa puso ko at malaki ang ambag doon ng gagong Kester na yun. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko sya mapatawad at bwisit na bwisit ako sa kanya.
“Tara na nga sa loob.” Yaya ko na sa kaibigan. Nauna na ngang pumasok sa loob si Beatrice.
Halos araw araw silang bumibili sa akin. Palibhasa kasi ay hindi talaga sya maalam sa pagluluto. Kaya noong college kami ay nag iba sya ng kurso.
.
.
.
Kester
NATATAWANG sinarado ko na ang bintana habang nakatingin kay Crizel sa side mirror. Namumula ang mukha nya sa inis at halos kumawala ang kulutan nyang buhok sa hairnet. Bumusina ako ng malakas saka ko pinaharurot ang sasakyan sa gitna ng kalsada.
Binuksan ko ang radyo at pumailanlang ang kanta ng bandang Cueshe.
“Kaya pasensya na kung may pagtingin ako.. sa iyo.. Di mapigilan bulong ng damdamin.. Isisigaw ko para mapansin mo.. Pansinin mo naman ako..”
Sinasabayan ko ang kanta ng Cueshe. Kabisado ko pa ito at lagi ko itong kinakanta noon sa videoke noong college pa ako at nagiinuman kaming magkakabarkada.
Napangisi ako. Kanina antok na antok na ako at gusto ko ng makauwi agad para makatulog. Galing akong Baguio dahil umattend ako ng kasal ng anak ng isa sa mga kliyente ko. Hindi na ako nagpalipas ng umaga doon dahil panay ang doorbell ng isa sa mga guest na babae sa hotel room ko. Sobrang kulit pa naman. Kaya kahit madaling araw at antok na antok na ay bumiyahe na ako pauwi. Saktong nagutom ako kaya dumaan muna ako sa eatery ni Crizelda Romina. Pangalan pa lang palaban na palaban na at nananakit.
Ewan ko ba dun sa babaeng yun. Hanggang ngayon di pa rin maka move on. Sobra pa rin ang galit sa akin. Immune na nga ako sa mga mura nya at pananakit kung minsan. Iniisip ko na lang na lambing nya yun sa akin.
Atleast nawala ang antok ko.
Natawa ako ng muling maalala ang hitsura nya kanina. Galt na galit sya dahil naisahan ko na naman sya. Kulang na lang ay magbuga sya ng apoy.
Hay.. Kumpleto na naman ang araw ko dahil nainis ko na naman sya. Siguradong ako ang laman ng isip nya ngayon at malamang ay pinagmumura na nya ako sa isip.
Sumipol ako at bahagya ko pang tinulinan ang takbo ng sasakyan ng lumuwag ang linya ng kalsada.
Makalipas ang halos treinta minuto ay narating ko na ang bahay ko sa isang eksklusibong subdibisyon. Awtomatikong bumukas ang gate at pinasok ko na ang sasakyan. Awtomatiko din itong nagsara. Iginarahe ko na ang Range Rover at bumaba na.
“Good morning po ser Kester.”
Nilingon ko si Manang Belay, ang katiwala ko.
“O manang nandito pa ho kayo.”
“Ay pauwi na rin po ako ser, sakto lang po na dumating kayo. Tapos na po akong maglinis. Kung may ipaguutos pa po kayo mamaya na lang po ako uuwi.”
“Wala na ho manang, sige na ho pwede na ho kayong umuwi.”
“Eh kumain na po ba kayo? Ipagluluto ko po muna kayo.”
“Kakakain ko lang manang. Sige na ho pwede na kayong umuwi baka hinhintay na kayo ng apo nyo sa inyo.” Sabi ko at dinukot ang wallet. Humugot ako ng isang libo at inabot sa kanya.
“Naku ser, kabibigay nyo lang ng sahod ko noong linggo. May pera pa naman po ako.” Tanggi nya.
“Sige na ho tanggapin nyo na. Pangmeryenda nyo ho ng apo nyo. Baka umungot ng jabi.” Nakangising sambit ko.
Kilala ko ang apo nya. Minsan ay sinasama nya ito dito kapag wala itong pasok sa school. Cute ito at malusog na bata kaya Bonjing ang tawag ko dito.
“Naku malamang po ser Kester. Eh maraming salamat po. Babalik na lang po ako mamayang hapon para isilong ang mga sinampay ko. Tumawag na lang po kayo kung may kailangan po kayo.”
“Sige ho manang, mag iingat ho kayo.”
Lumabas na si Manang Belay at sinarado ang malaking pinto. Ako naman ay umakyat na sa taas. Pagdating sa kwarto ay binuhay ko ang aircon. Hinubad ko na ang lahat ng saplot sa katawan at iniwan ko lang ang puting brief na suot. Nag shower naman ako kanina bago bumiyahe. Mamaya na lang ulit ako magsashower pag gising. Ang payo kasi ni mamita ay huwag daw maliligo ng puyat dahil masama iyon sa kalusugan.
Humiga na ako sa kama at pumaloob sa makapal na kumot. Pumikit na ako dahil dinadalaw na ako ng antok. Bago ako tuluyang lamunin ng karimlan ay ang galit na mukha ni Crizel ang huling nakita ko.
.
.
.
Crizel
BUMUNTONG hinininga ako at sinandal ang likod sa swivel chair. Tapos na akong magkwenta. Kahit holiday ay malaki laki din ang kinita namin ngayong araw. Sulit ang pagod namin ngayong araw. Bukas ay back to normal na naman ang araw. Back to school na naman ang mga estudyante at back to work na naman ang mga nag o-opisina kaya siguradong marami na namang costumer. Matutulog na ako ng maaga para maagang magising.
Nag inat ako at tiningnan ang mga tauhan kong nagliligpit na at naglilinis. Magsasara na kami pagkatapos ay sabay sabay na kaming uuwi.
“Bryan i-double check mo ang mga tangke baka may hindi kayo naisara. Yung mga sasakan.” Utos ko.
“Yes madam.” Sagot ni Bryan at pumasok sa kusina.
Dinampot ko ang cellphone ko na nakapatong sa desk ko at binuhay. May text si Clarissa. Nagtatanong sya kung ano ang gusto kong ulam. Nireplayan ko naman syang sya na ang bahala. Hindi naman ako mapili sa pagkain dahil halos lahat naman yata ng pagkain ay natikman ko na.
Binuksan ko ang social media ko at nagtingin tingin doon. Pinagpupusuan ko ang mga bagong post ng mga kaibigan ko. Pati na rin ang mga post ni Belinda at ng anak nyang si Beatrice na marunong ng umanggulo sa camera. Napaingos naman ako ng makita ang selfie ng kapatid ko at ng girlfriend nya na di ko bet dahil nuknukan ng arte. Ang sagwa pa manamit kung minsan.
Nilampasan ko na lang ang post na yun ng kapatid.
Napahinto ako sa pag i-scroll ng makita ang post ni Adam at ng girlfriend nya. Tila may kumurot sa puso ko ng mabasang nagpropose na sya sa girlfriend nya.
Mapait akong ngumiti. Mahigit sampung taon na rin ang nakakalipas pero parang sariwa pa rin sa akin ang lahat..
Chapter 3
Crizel
flashback…
15 years ago..
“TOTOO? Di nga?” Namimilog ang mga matang tanong ni Belinda ng sabihin ko sa kanya ang good news.
“Oo nga. Sinagot ko na si Adam.” Pigil ang kilig na sabi ko sabay sipsip sa straw ng softdrinks.
“OMG! Ibig sabihin boyfriend mo na sya.” Bulalas nya.
Tumango tango naman ako.
“Aray!” Daing ko ng bigla nya akong kurutin.
“May pa study first study first ka pang nalalaman ha, eh wala pang isang linggong nanligaw sinagot mo na.” Kunwaring inirapan nya ako at muli akong kinurot sa tagiliran na ikinaigtad ko.
Ngumuso naman ako. “Eh kasi.. baka maunahan ako ng iba magsisi pa ako bandang huli.”
“Hmm patay na patay ka talaga kay Adam. Kunsabagay gwapo sya at talagang habulin ng mga babae. Kaya tama din ang desisyon mo.”
Tumaas ang kilay ko. “Ngayong kami na ni Adam wala ng babaeng pwedeng lumapit lapit sa kanya kundi sasabunutan ko sila.” Maraming mga babeng may gusto kay Adam at umaasa sila na papansinin nito. Pero sorry na lang sila dahil ako ang nagwagi.
Matagal ko ng crush si Adam high school pa lang ako. Sa iisang school lang kami nanggaling. Ahead sya sa akin ng isang taon. Akala ko ay never na nya akong mapapansin at hanggang tingin na lang ako sa kanya. Gwapo sya, moreno, matangkad, matalino, mabait.. ah basta nasa kanya na ang lahat ng katangian ng isang lalaki na gusto ko.
Nagkabungguan kami noon sa corridor, natapon ang mga dala dala ko noong utensils sa pagbe-bake. Susungitan ko nga dapat sya pero mabuti na lang at nakilala ko agad sya. Nag sorry naman sya sa akin at tinulungan ako sa pagdampot ng mga nagkalat na utensils. Kinuha ko na yung pagkakataon at nagpakilala sa kanya. Pero nagulat ako ng sabihin nyang kilala na nya ako.
Simula noon ay naging magkaibigan na kami. Palagi kaming nagti-text sa isa’t isa minsan nagtetelebabad pa. Lalo akong nahulog sa kanya. Binalak ko na ngang umamin sa kanya at bahala na kung iwasan nya ako. Pero bago pa ako umamin ay inunahan na nya ako. Gusto rin pala nya ako. Tuwang tuwa ako at kilig na kilig. Gusto kong mag sisigaw sa kilig pero pinigilan ko ang sarili ko. Nagpaalam sya na manliligaw sa akin. Syempre pumayag naman ako at wala pa ngang isang linggo ay sinagot ko na sya. Natakot ako na baka magsawa agad sya sa panliligaw magsisi pa ako.
Hindi alam ng mga magulang ko na may boyfriend na ako. Pinagbabawalan nila akong magboyfriend at pag aaral daw muna dapat ang atupagin ko. Nasa ikalawang taon na ako ngayon ng kolehiyo at pinagbubutihan ko talaga ang pag aaral ko gaya ng pangako ko sa mga magulang ko. Lalo na ngayon na kami na ni Adam, sya ang magiging inspirasyon ko.
Si Adam ang first crush at first love ko. Gusto ko sya ang maging una ko sa lahat at maging huli na rin.
“Hi babe.” Bati sa akin ni Adam ng makalapit sabay halik sa pisngi ko.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa kilig.
“Hi.” Kiming ngumiti ako sa kanya.
“Let’s go?” Hinawakan nya ang kamay ko.
Tumango naman ako at nagpatangay na sa kanya.
Sabay na kaming umuuwi. Hinahatid nya ako gamit ang motor nya. Pero hindi ako nagpapahatid sa harap ng bahay namin dahil siguradong makikita ako ni mama at sesermonan nya ako kapag nakitang may kasama akong lalaki at nakaangkas pa ako sa motor nito.
Yun din minsan ang madalas naming pagtalunan ni Adam. Gusto nya na magpakilala sa mga magulang ko. Pero natatakot ako. Kapag pinakilala ko sya sa mga magulang ko ay paghihiwalayan lang nila kami. Ayokong mangyari yun.
Umabot ng tatlong buwan ang relasyon namin ni Adam. Mabait syang boyfriend, maalaga at napaka gentleman pa. Sa tatlong buwan namin magboyfriend at girlfriend ay sa pisngi pa lang nya ako hinahalikan at never syang nagtake advantage. Hanggang hawak lang din sya sa kamay at minsan ay akbay. Kaya lalo ko syang minahal.
Hanggang isang pangyayari ang nagpabago ng magandang relasyon namin..
Abala ako sa pagbabasa ng libro habang naglalakad sa corridor. Marami akong nakakasalubong estudyante pero hindi naman ako nababangga dahil agad naman akong umiiwas. Maingay sa corridor dahil breaktime.
“I dare you pare, kapag ginawa mo yan sagot ko na ang lahat ng expenses mo sa Palawan next week.”
Tiningnan ko ang isang grupo ng mga lalaking sila ang pinakamaingay. Anim silang matatangkad na lalaki at lahat ay may mga hitsura. Halata ding mayayaman. Fourth year college na sila pero mga isip bata pa rin. Madalas silang tumambay dito sa corridor kapag breaktime. Minsan nga may mga kasama pa silang mga babae at maiingay talaga sila. Walang sumisita sa kanila dahil anak mayayaman eh.
“Talaga?” Tanong ng medyo tsinito na mestiso, maputi, matangkad at may pilyong ngisi sa labi na lalaki.
“Oo nga.” Nakangising sabi naman ng mestisong lalaki.
“O narinig nyo yun mga pre, kapag ginawa ko ang dare nya sagot nya lahat ng expenses ko sa Palawan.”
Napailing iling na lang ako at tinuloy na ang pagbabasa.
Hay iba talaga ang mga anak mayayaman. Napupuntahan nila ang lahat ng gusto nilang puntahan at kaya nilang magtapon ng pera sa mga walang kwentang bagay. Nawa’y lahat kagaya nila na maraming salapi.
“Hi!”
Nagtaas ako ng tingin ng may humarang sa daraanan ko. Nahigit ko ang hininga ng masilayan ang mukha ng isa na yata sa pinakagwapong lalaki na nakita ko sa buong buhay ko. Ang tsinitong mestisong matangkad. May malapad syang ngiti sa labi kaya kitang kita ang pantay pantay at mapuputi nyang mga ngipin. Kay sarap pagmasdan ng mga ngiti nyang nakakatunaw, at ang bango bango nya.
“H-Hi.” Nuutal pa na sabi ko.
Halos sumakit ang leeg ko sa pagkakaingala sa kanya. Napansin kong halos nakatingin na sa amin ang lahat ng estudyanteng nasa corridor. Ang mga kaibigan nya ay nakatingin din sa amin at may mga ngisi sa labi.
“You’re so pretty. What’s your name baby?” Aniya sa swabeng boses. Ang mga mata nya ay may kakaibang kislap habang titig na titig sa mukha ko partikular sa labi ko.
Gumapang naman ang init sa aking mukha dahil sa klase ng titig nya. Kinabahan ako na hindi ko maintindihan.
Tumikhim ako. “I-I’m Crizel.”
“What a beautiful name just like you. Anyway I’m Keith Alistair Belleza the name you can trust baby. But you can call me Kester or you can call me mine..” Aniya sabay lahad ng malaking kamay.
Napaawang naman ang labi ko pero tinanggap ko pa rin ang kanyang kamay at hindi ko inaasahan ang sumunod na mangyayari.
Hinapit nya ako sa bewang at kinabig. Nahigit ko ang hininga at namilog ang aking mata ng biglang lumapat ang labi nya sa labi ko. Madiin at malikot ang galaw ng mainit nyang labi at halos ibaon na rin nya ako sa loob ng kanyang malaking katawan. Ito ang unang halik ko at sa lalaking hindi ko naman boyfriend.
“Crizel!”
Tinulak ko ng malakas ang matangkad na lalaki. Tila ako nagising sa isang panaginip.
Nilingon ko si Adam. Nakatingin sya sa akin. Nakaguhit ang sakit sa kanyang mukha. Tumalikod sya at malalaki ang hakbang na umalis.
“A-Adam. Adam wait!” Tawag ko sa nobyo at akmang hahabulin sya pero hinawakan ako ng matangkad na lalaki sa braso.
“Hey, saan ka pupunta?”
Matalim ang matang nilingon ko sya sabay piksi ng braso kong hawak nya.
“Bitiwan mo ko manyak!” Umigkas ang palad ko sa mukha nya pero mabilis syang nakaiwas at nginisihan pa ako. Kaya tinadyakan ko na lang sya sa binti na ikinadaing nya.
Patakbong sinundan ko si Adam. Abo’t abo’t ang kaba ko at takot dahil alam kong galit sya. Wala naman akong kasalanan eh. Kasalanan ng manyak na lalaking yun na basta na lang nanghahalik.
“Adam wait! Please mag usap tayo. Magpapaliwanag ako. Mali ang kung anumang inaakala mo.” Paliwanag ko habang sinusundan ko sya.
Nakarating na nga kami dito sa building ng susunod na klase nya. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng naroon. Binilisan ko pa ang paghakbang hanggang sa naabutan ko na sya. Hinawakan ko ang braso nya. Huminto naman sya at humarap sa akin.
Napalunok ako ng makita ang mukha nya. Nakaguhit ang lungkot at sakit.
Lumunok ako. “A-Adam..”
“Bakit ka hinalikan ni Kester?” Tanong nya na may tonong pait sa boses.
Kilala pala nya ang lalaking humalik sa akin.
“H-Hindi ko alam maniwala ka. Bigla na lang syang lumapit sa akin tapos nagpakilala at bigla akong hinalikan. Hindi ko kagustuhan ang nangyari nabigla lang din ako.”
Mariing naglapat ang labi nya at umigting ang panga. Galit sya pero pinipigil nya ang sarili.
“Alam mo ba kung gaano kasakit ang nakita ko kanina? Hinalikan ka ng ibang lalaki samantalang ako hindi nangahas na halikan ka sa labi dahil nirerespeto kita. Hindi lang puso ko ang nadurog kundi pati pagkalalaki ko.”
Hindi ako nakaimik. Ramdam ko sa boses nya ang sakit. Nasasaktan din ako.
“Ang mabuti pa huwag muna tayong mag usap. Hayaan mo muna akong mapag isa at makapag isip.”
Naalarma ako sa sinabi nya. “P-Pero Adam – “
“Please Crizel..”
Tumalikod na sya at naiwan akong nakasunod lang ang tingin sa kanya. Hindi ko matanggap ang nangyayari sa amin at isa lang ang dapat sisihin. Walang iba kundi ang hinayupak na lalaking yun.
Isang linggo din kaming hindi nagusap ni Adam. Kapag nagkakasalubong kami sa campus ay nagtatanguan lang kami. Ng maging maayos na sa amin ang lahat ay hindi na kami gaya ng dati. May nagbago. Hindi na sya kasing sweet ng dati at medyo nanlalamig na. Hanggang sa dumating na nga ang kinatatakutan ko..
“A-Anong ibig mong sabihin Adam? Cool off ulit tayo?’
“No Crizel, what I mean is maghiwalay na tayo.”
Napaawang ang labi ko. Tila sinabuyan ako ng nagyeyelong tubig at may kamaong pumipiga sa puso ko.
“A-Ano? Nakikipaghiwalay ka na sa akin?”
Tumango sya at nag iwas ng tingin sa akin.
“P-Pero bakit? Akala ko ba ok na tayo?” Mahigit isang linggo pa lang kaming naging ok simula ng cool off namin tapos ngayon nakikipaghiwalay na sya.
“Akala ko rin ok eh. Pero hindi pala. Mahal kita Crizel pero nasasaktan ako sa tuwing nakikita kita at si Kester Belleza. Naaalala ko ang paghalik nya sayo. Hindi ko pa rin matanggap. Masakit eh. Kaya magbreak na tayo.”
Tumayo na sya at sinukbit ang bag. Gaya ng dati ay iniwan na naman nya akong nakatanga at nakasunod lang ang tingin sa kanya. Wasak ang puso kong bigo..
Parang susugod sa gyera na malalaki ang hakbang ko papunta sa gymnasium kung nasaan ang taong pakay ko. Nakasunod sa akin si Belinda.
“Uy Crizel maghunusdili ka nga. Huwag kang mag eskandalo sa gymnasium ha. Maraming tao dun nakakahiya.”
“Wala akong pakialam! Humanda sa akin ang lalaking yun. Kasalanan nya ang lahat ng to!” Mariing sabi ko at mariing kinuyom ang kamao.
Galit na galit ako kay Kester Belleza. Kasalanan nya ang lahat ng to. Maayos ang relasyon namin ni Adam pero ginulo nya. Gago sya!
Hindi pa kami nakakapaok sa gymnasium ay dinig na dinig na namin ang ingay. Mga hiyawan at tilian ng mga babae. Pagpasok namin ay maraming mga estudyante sa loob at nanonood sila ng practice ng game ng isang basketball. Hinanap ng mga mata ko ang taong pakay ko. Ang sabi ng napagtanungan ko ay nandito daw sya sa gymnasium at nagpapractice ng basketball kasama ang teammates nya.
Naniningkit ang mga mata ko ng makita ang pakay ko. May malapad syang ngisi sa labi dahil nai-shoot nya ang bola. Tila nag akyatan sa ulo ko ang dugo ko at pula na ang nakikita ko sa paligid. Kuyom ang kamaong humakbang ako palapit kay Kester pero pinigilan ako sa braso ni Belinda.
“Crizel, kung anuman ang binabalak mo wag mo ng ituloy. Nakakahiya ang daming tao o.” Saway nya sa akin.
Binawi ko ang brasong hawak nya. “Wala akong pakialam.”
Humakbang na ako papunta sa gitna ng court palapit kay Kester.
“Keith Alistair Belleza!” Sigaw ko sa pangalan nya. Sa lakas ng sigaw ko ay um-echo yun sa loob ng gymnasium kaya natahimik ang lahat at tumingin sa akin pati na ang mga kalaro at kaibigan nya.
“Kester yung baby mo o.” Nakangising sambit ng isang kaibigan ni Kester. Sinamaan ko lang ito ng tingin.
Lumingon sa akin si Kester na may hawak ng bola. Ngumisi sya at humakbang palapit sa akin.
“What are you doing here? Talagang sinadya mo pa ko dito huh. Miss me?” Aniya at kumagat labi pa.
Naghiyawan naman ang mga kaibigan nya.
Lalong naningkit ang mata ko at at nagpanting ang tenga ko.
“Gago!” Sigaw ko sabay igkas ng kamao ko sa mukha nya.
Pumaling ang kanyang mukha at halatang hindi nya inasahan ang pagsuntok ko. Sinapo nya ang gilid ng labing tinamaan ng kamao ko at unti unti nyang binaling ang mukha sa akin. Matalim na ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Kung di lang balot na ng galit ang buong sistema ko ay baka matakot ako sa kanya.
“Bakit mo ginawa yun?” Asik nya.
“Dahil gago ka! Kasalanan mo kung bakit nakipag break sa akin ang boyfriend ko!” Singhal ko sa kanya.
Ngumisi sya. “Talaga break na kayo? Weak naman pala ang boyfriend mo eh. Dapat lang talaga kayong maghiwalay. Kung gusto mo tayo na lang. I’m sure di hamak na mas magaling akong humalik sa boyfriend mo, I mean ex boyfriend dahil hiniwalayan ka na pala nya.”
Umugong na naman ang hiyawan ng panunukso mula sa mga kaibigan at mga kalaro nya.
Lalo lang tuloy nadagdagan ang ngitngit at galit ko sa kanya. Ang kapal talaga ng mukha nya!
“So ano baby, tayo na lang?” Nanghihibong sabi nya.
“Putang*na mo!” Malutong na mura ko at muli ko syang inundayan ng suntok pero mabilis syang nakailag.
Hinawak ko ang kanyang jersey at pinagsusuntok sya sa mukha. Hinarang naman nya ang isang braso habang tumatawa. Lalo lang akong naggigil na saktan sya kaya ang buhok na nya ang inabot ko at sinabunutan ko na sya. Doon na sya hindi makatawa.
“Aray! Aray! Bitiwan mo ko.” Daing nya.
Pero di ko sya tinigilan..
.
.
.
“Ma’am.. Ma’am Crizel.”
“H-Ha?” Tumingin ako sa mga tauhan ko na mga nakatunghay na sa akin. Sukbit na nila ang kanilang mga bag.
“Ma’am uuwi na po kami.” Sabi ni Bryan.
Tumingin ako sa paligid. Nakataas na ang mga upuan sa mesa at nakababa na ang dalawang roller shutter.
“O sige, sabay sabay na tayo.” Bumuntong hininga ako. Sa lalim ng iniisip ko di ko namalayang pauwi na pala kami.
Mabigat ang pakiramdam na tumayo ako at nilagay ko na ang cellphone sa bag pati na ang suklay. Dinukot ko ang susi sa bulsa ng pantalon at nilock ang mga drawer.
Sabay sabay na kaming lumabas ng eatery. Si Bryan na ang naglock ng pinto at ng shutter.
Chapter 4
Crizel
NAPAKUNOT noo ako ng makita ang mga kapitbahay kong nagkukumpulan sa harap ng maliit na gate namin. Binusinahan ko sila. Lumingon naman sila sa akin at gumilid para bigyan ako ng daan. Pinarada ko ang motor sa harap ng gate at tinanggal ang helmet.
“Anong meron at nagkukumpulan kayo dito sa harapan ng bahay namin?” Tanong ko sa kanila.
“Eh may narinig kasi kaming sigawan Crizel. May pumasok na isang lalaki at nagsisigawan sila ng kapatid mo sa loob. Naku, baka kung ano na ang ginagawa ng lalaki kay Clarissa at sa mga pamangkin mo. Wala pa naman si Cristoff at umalis.” Sabi ni Aling Chona na kapitbahay namin.
Kumabog naman ang dibdib ko. Pumasok ako sa bukas na pinto ng gate bitbit ang bag at helmet ko.
Pagpasok ko sa pinto ay naabutan ko si Clarissa at Gerald na nagtatalo. Ang dalawa nilang anak ay nasa sofa at umiiyak.
“Hindi na nga kami sasama sayo Gerald! Doon ka na lang sa babae mo. Tama si ate, wala kaming mapapala sayo!”
“Bakit ka ba nakikinig sa ate mo? Eh pakialamera naman yun!”
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni Gerald. Binato ko ang hawak kong helmet sa kanya. Tinamaan sya sa braso.
“Hoy! Anong sabi mo ha? Pakialamera ako?”
“Ate!” Gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni Clarissa ng makita ako.
Si Gerald naman ay nakangiwing hinimas himas ang braso.
“Bakit nandito tong lalaking to?” Lumapit ako sa kanila at dinuro si Gerald. Napaatras naman ang huli.
“A-Ate.” Humawak sa braso ko si Clarissa.
“Kinukuha ko lang ang mag ina ko ate.” Sabi ni Gerald.
Hinampas ko sya ng bag sa braso. “Huwag mo kong tawaging ate! Pagkatapos mo kong sabihang pakialamera tatawagin mo kong ate? Gago ka ah!”
“Eh pakialamera ka naman kasi talaga Ate Crizel. Bini-brainwash mo ang mag iina ko kaya ayaw na nilang sumama sa akin pauwi.”
Lalong nagpanting at nag init ang ulo ko sa sinabi nya.
“Gago! Hindi ako mangingialam kung responsable ka lang na ama sa mga pamangkin ko. Nakikita mo yang mga anak mo? Ang payat payat kulang sa pagkain. Eh itong kapatid ko, dalawa pa lang ang anak pero parang sampu na dahil sa kunsimisyon sayo. Tapos tingnan mo ang hitsura mo? Pormado ka. Binatang binata ang datingan parang walang anak. May pamporma at pambabae ka tapos walang makain ang mga anak mo tapos magagalit ka kapag nangialam ako? Anong gusto mo? Hayaan kong mamatay na dilat ang mata ng kapatid ko at pamangkin dahil sa gutom. Eh ikaw na lang kaya ang patayin kong dilat ang mata.” Litanya ko at tinungo ang likod ng pinto at kinuha ang baseball bat ni Cristoff sabay duro niyon kay Gerald.
Naalarma naman ang lalaki at humakbang pa paatras sabay taas ng mga kamay.
“A-Ate kumalma ka..” Awat sa akin ni Clarissa at hinawakan ako sa braso.
“Paano akong kakalma eh gago tong lalaking to! Ang lakas ng loob mag trespassing at sasabihan pa akong pakialamera. Hoy hindi mo makukuha ang kapatid ko!”
“S-Sige, yung mga bata na lang ang kukunin ko.” Ani Gerald at hinarap si Tonya at Glen.
“Hindi Gerald! Sa akin ang mga anak ko!” Akmang lalapitan ni Clarissa ang mga anak nya ng pigilan ko sya sa braso.
Bumaling sa akin si Clarissa. “Ate.”
“Hayaan mo ang mga bata ang magdesisyon kung gusto nilang sumama sa ama nila.”
“Pero ate.”
“Tonya, Glen, tara uwi na tayo sa bahay. Sama na kayo kay papa.” Yaya ni Gerald sa dalawang anak.
Pero umiling iling lang ang mga ito.
“Dito lang po ako papa. Madami pagkain dito eh.” Sabi ni Tonya.
Bumagsak naman ang balikat ni Gerald at bumaling kay Glen. “Glen anak, sama ka na kay papa.”
Umiling iling din si Glen. “Ayaw po papa. Di mo ko bigyan bente eh.”
Ngumisi ako. “O kita mo? Mga anak mo na mismo ang ayaw sumama sayo.”
Matalim ang matang tumingin sa akin si Gerald. Humalukipkip lang ako at tinaasan sya ng kilay.
“Dahil binrainwash mo sila ate.”
“Gerald, hindi ko na sila kailangan i-brainwash. Sa bibig na mismo nila nanggaling di ba. Ayaw nilang sumama sayo at mas gusto nila dito dahil may nakakain sila dito. At kahit i-brainwash ko sila kung good provider ka namang ama sasama sila sayo. Kaso hindi eh.”
Hindi na sya nakaimik at mukhang tinamaan sa mga sinabi ko.
“Hayaan mo na lang dito ang mag iina mo. Ayaw mo ba nun? Wala ng iistorbo sa mga gusto mong gawin. Magbuhay binata ka. Mambabae ka kahit ilan pa ang gusto mo.”
“Aalis ako. Pero babalik ako at babawiin ko ang mag ina ko sayo ate.” Aniya.
Bumuntong hininga naman ako. Dati ay ok naman sya. Mabait at responsable pa. Hindi ko alam kung ang nangyayari sa kanya ngayon.
“Bago mo gawin yan, ayusin mo muna ang sarili mo Gerald. Hangga’t gago ka di ko ibibigay sayo ang kapatid at pamangkin ko umabot pa tayo sa korte.”
Hindi na sya nagsalita at tumalikod na sabay labas ng bahay.
Bumuntong hininga ako at umiling iling. Pagod na nga ako sa eatery maghapon pagdating dito sa bahay stress pa.
Lumapit si Tonya at Glen kay Clarissa at yumakap sa mga hita nya.
“Mama dito na lang po tayo sa bahay ni Tita Crizel. Marami pong pagkain dito eh.” Sabi ni Tonya.
“Mama di tayo alis dito bahay tata para bigay nya ako tingkwenta alaw alaw.” Segunda pa ni Glen na ikinakamot ko ng ulo.
At talagang gusto nya araw araw singkwenta. Yun lang yata ang habol nya dito sa bahay.
“Oo di na tayo aalis dito mga anak, di na kayo magugutom. Promise yan ni mama.”
Tumingin ako kay Clarissa. “Sigurado ka na ba Clarissa? Baka mamaya bola bolahin ka lang ng Gerald na yun magalsa balutan kayong magina at bumalik sa kanya.”
Tumingin sya sa akin. “Hindi na ate. Nakapag isip isip na ako sa mga sinabi mo kanina. Gusto kong bumalik ulit sa pag aaral. Gusto kong makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho para sa kinabukasan ng mga anak ko.”
Bumuntong hininga ako at ngumiti. Hay sa wakas, mukhang natauhan na sya.
“Mabuti naman kung ganun. Kung buhay lang sila papa at mama matutuwa yun sa desiyon mo. Gaya ng sabi ko akong bahala sayo.” Tinapik tapik ko sya sa balikat.
Ngumiti sya. “Salamat ate, at pasensya ka na lagi mo kaming iniintindi.”
“Ganun talaga, mahal ko kayo eh. Gusto kong nasa maayos kayo ni Cristoff. Ibinilin kayo sa akin ng mga magulang natin bago sila bawian ng buhay.”
Namatay sa parehong aksidente ang mga magulang namin sampung taon na ang nakakaraan. Sa hospital bago sila bawian ng buhay ay binilin nila sa akin ang dalawa kong kapatid.
“Tata, alaw alaw bigay mo ko tingkwenta ha.” Untag sa akin ni Glen.
Umingos naman ako. “Mukha kang tingkwenta eh. Mukha mo na ang ipapalit ko sa mukha ni Sergio Osmeña sa tingkwenta. O nasaan na yung tingkwenta na binigay ko sayo kanina? Ubos mo na?”
“Bigay ko po kay mama.”
“Good boy.” Ginulo ko ang buhok nya.
“O ikaw Tonya, ano binili mo sa isang daan?”
“Bumili po ako ng ice cream sa labas tapos yung iba po hinulog ko sa alkansya.”
“Ay magaling! Ganyan dapat, bata pa lang matuto ng mag ipon. Hindi nyo naman kailangan bumili ng bumili sa labas dahil sa kusina maraming pagkain gaya ng prutas. Mas healthy yun. Naiintindihan?”
Sabay na tumango ang dalawang magkapatid. Parehas ko namang ginulo nag mga buhok nila.
“Ate, nakapagluto na pala ako. Maghapunan na tayo.” Yaya ni Clarissa.
“O sige, ano bang ulam ang niluto mo?” Pumasok na kami sa kusina. Pero nauna na ang dalawang paslit.
“Aftritadang manok ate. Pero di yun kasing sarap ng luto mo.” Nakangiwing sabi nya.
“Ayos na yan, basta makakain.” Umupo na ako sa kabisera. Ang dalawang bata naman ay nag kanya kanya na ng upo. Si Clarissa ay abala na sa paghahain.
“Anong oras pala umalis si Cristoff?” Tanong ko.
“Mga alas kwatro ate. Tumawag ang girlfriend nya eh.” Sagot ni Clarissa at nilapag na sa mesa ang mga plato at kutsara.
Umingos ako. “Baka kung saan saan naman yun pumunta kasama ang jowa nya. Ano bang paalam? Lintek na batang yun di man lang nagtext sa akin. Humanda sya sa akin pag uwi.”
“Ang paalam nya pupunta lang daw sya sa bahay ng girlfriend nya.” Sunod ng nilapag ni Clarissa ang isang bandehadong kanin na umuusok pa. Infairness marunong na talaga syang mag saing, di na lata.
“Hayaan na muna natin sya, kumain na tayo.” Ako na ang nagsandok sa plato ng dalawang pamangkin.
–
NILAGYAN ko ng sarsa ang hawak kong kutsara at tinikman iyon. Nilasahan kong maigi kung tama lang ang timpla at anghang ng calderata pork ribs. Tumango tango ako ng malasahang tama lang ang timpla. Pinatay ko na ang apoy.
“Oling pwede ng isalin to.” Utos ko.
“Yes madam!” Sagot ni Oling at kumuha na ng stainless steel food warmer.
Nilapitan ko naman ang hinahalong nialagang baka ni Amelia. Paluto na rin yun kaya tinikman ko na ang sabaw. Medyo matabang kaya dinagdagan ko ng patis. Ng sumakto na ang lasa ay pinakuluan ko pa ng isang minuto.
Pinunasan ko ng bimpo ang mukha ko at leeg. Kahit tatlo na ang electric fan sa loob ng kusina ay mainit pa rin. Lumabas muna ako ng kusina at pumunta ng counter para malamigan. Naroon ang dalawa kong tauhan na abala sa paglalagay ng ulam sa mga mangkok na order. May ilan pang customer na naghihintay na kunin ang order nila. Nilapitan ko na sila.
“Ano pong sa inyo?” Magiliw na tanong ko sa may edad na babae.
“Ah isang order ng lumpiang sariwa saka binagoongang baboy ne.”
“Ano pa po?”
“Yun lang ne, take out ha.”
“Ok po, wait lang.” Kumuha ako ng dalawang disposable container at nilagyan yun ng dalawang klase ng ulam na order ng ale. Maayos ko yung tinakpan at nilagay sa paper bag saka inabot sa ale.
Habang nasa counter ay tumulong na rin ako sa pagsasandok. Kapag ganitong lunch ay mas marami kaming customer na kumakain at marami ding take out.
“Pa order nga.”
“Ano po ang sa kanila – “ Nabura ang ngiti ko ng mapagsino ang customer.
Sino pa nga ba? Eh di walang iba kundi ang malaking salot sa buhay ko. Malapad ang ngiti nya kaya kitang kita ang mapuputi ay pantay pantay nyang ngipin. Tinanggal nya ang suot nyang dark shade. Gwapo sana ang kumag kundi lang ubod ng demonyito.
“Hi! It’s me again.”
“Pakialam ko. Sabi ko sayo wag ka ng bumalik di ba? Talagang sinasagad mo ang pasensya ko eh.”
Ngumisi sya. “Ito naman nakita lang ako mainit na agad ang ulo. Samantalang kanina ngiting ngiting ka sa ibang mga customer. Nakakahurt ka ng feelings ha.”
Umirap ako. Pasalamat talaga sya at marami kaming customer kundi pinukpok ko na sya ng sandok na stainless. May kasalanan pa sya sa akin noong isang araw.
“Bilisan mo na, umorder ka na at marami pa kaming customer.” Paasik na sabi ko.
Bahagya naman syang ngumuso. “Meron ba kayong pork chop?”
“Meron. Hayun o.” Tinuro ko ang lagayan na nasa loob ng salaming estante.
“Eh chopseuy meron kayo?”
“Meron.” Tinuro ko din ang chopseuy sa kanya.
“Adobo?”
Kumunot ang noo ko. “Hayan meron din. Tumingin ka kasi dito sa estante para di ka tanong ng tanong.” Masungit ng sabi ko sa kanya.
Tumingin naman sya sa mga ulam na nasa estante.
“Anong tawag dito?” Tinuro nya ang manok na may sarsa at sesame seeds
“Chicken barbecue.”
“Ah, eh ito?” Tinuro naman nya ang katabing ulam.
“Miswa patola with bola bola yan.”
“Ah, ito?
Lahat na ng ulam ay tinanong nya.
Napapikit ako ng mariin sa inis.
“Ano ba! Pumili ka na nga ng o-orderin mo.” Gigil na sabi ko. Pigil pigil kong singhalan sya dahil may ibang customer na namimili din ng o-orderin na ulam.
“Ito na nga pumipili na.” Natatawang sabi pa nya.
“Ang tagal mong mamili ha.”
“Meron ba kayong..”
Matalim ko syang tiningnan. Heto na naman sya. Isa pa talaga bibigwasan ko na sya.
“Sinampalukang dila ng dragon?”
Narinig kong tumawa ang dalawa kong tauhan na naglalagay ng ulam sa disposable container. Pati ang customer na umu-order ay natawa din.
“Wala. Pero sinampal na abnoy na matsing meron. Gusto mo?”
Umiling iling sya. “Ayaw. Gusto ko ng halik ng masungit na dragon.” Umusli ang nguso nya at pumikit pa.
Sa di ko malamang kadahilanan ay kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Biglang rumagasa sa alaala ko ang paghalik nya sa akin noon sa corridor.
Nag init ang mukha ko at sa taranta ko ay nadampot ko ang stainless na sandok na bagong hango lang sa mainit na nilagang baka. Dinikit ko iyon sa nguso nya.
“Fuck!”
Chapter 5
Crizel
PATINGIN tingin ako kay Kester na abala na sa pagkain habang nagsasandok ako ng ulam sa mangkok ng customer. Mukhang ok naman ang labi nya at hindi naman seryosong nalapnos. Ang lakas nga nyang kumain. Dalawang klase ng ulam ang inorder nya at apat na cup ng kanin. Kunsabagay sa laking tao nya normal lang na malakas syang kumain. Kung hindi sa kakulitan nya kanina pa sana sya nakakain at hindi napaso ang nguso nya sa sandok.
Nilagay ko na sa tray ang mangkok ng ulam. Kinuha na yun ng serbidora at dinala sa mesa ng customer.
Nakita kong wala ng laman ang isang lagayan ng ulam. Kinuha ko na iyon at dinala sa kusina.
“Ano kayang meron kay madam at kay Sir Kester at lagi na lang silang parang aso’t pusa?” Tanong ni Oling na naghuhugas ng mga plato.
“Sa tingin ko ex ni ma’am si Bossing Kester. Tapos naghiwalay sila, di pa nakaka move on si ma’am kaya ayan bitter.” Sagot ni Bryan na nagsasalin ng ulam sa lagayan.
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya. At talagang pinagtsitsismisan pa nila kaming dalawa ng unggoy na yun.
Pabagsak kong nilapag sa mesang stainless ang hawak kong stainless na lagayan ng ulam. Nagulat naman silang lahat ng lumikha iyon ng ingay. Tila sila nakakita ng multo ng makita ako.
Bumaling ako kay Bryan at binatukan sya. Kumamot naman sya sa ulo.
“Hindi ko ex ang ungas na yun. Ikaw kalalaki mong tao napaka tsismoso mo.”
“Sorry naman ma’am, eh curious lang naman kami kung bakit lagi kayong asar kay Bossing Kester.” Ani Bryan.
Bumuntong hininga ako. Natural lang na ma-curious sila dahil madalas nga naman nilang nakikitang bwisit na bwisit ako sa lalaking yun.
“Dahil malaki ang kasalanan sa akin ng ungas na yun kaya bwisit ako sa kanya.”
“Anong kasalanan nya sayo madam? May utang sya sa inyo?” Tanong ni Amelia.
“Basta mahabang kwento. Someday ikukwento ko sa inyo.”
“Binasted nya kayo ma’am kaya bwisit kayo sa kanya?” Hirit pa ni Bryan.
Dinampot ko ang syanse at tinuktukan sya.
“Hindi nya ako binasted at wala akong gusto sa kanya. Never akong magkakagusto sa unggoy na yun.”
Napakamot na lang ulit sa ulo si Bryan. “Imposibleng di kayo magkagusto sa kanya ma’am. Ang gwapo kaya ni Bossing Kester. Sya nga ang idol ko eh.”
“Eh di ikaw ang magkagusto sa kanya gwapong gwapo ka pala sa kanya eh.”
“Naku ma’am, kung naging babae lang ako malamang magkakagusto ako sa kanya. Kaso parehas kaming macho eh kaya kayo na lang ma’am ang magkagusto sa kanya tutal bagay naman kayo eh – aray ma’am!” Dumaing si Bryan ng sabunutan ko sya.
“Hinding hindi ako magkakagusto sa unggoy na yun. Never! Hmp!” Binitawan ko na ang buhok ni Bryan at nagmartsa na palabas ng kusina.
Tamang tama namang tapos ng kumain si Kester ay nagpupunas na ng tissue sa labi. Tumayo sya at lumapit sa counter kung saan ako nakapwesto. Wala syang kangiti ngiti sa labi.
“Magkano?”
“Two hundred ten lahat.”
Dinukot nya ang wallet sa bulsa.
Napataas naman ang kilay ko. Aba himala, hindi sya nakangising aso. Siguro inis pa rin sa akin.
Ngumisi ako. Ngayon alam na nya ang pakiramdam na mainis.
Inabot nya sa akin ang isang buong limang daan. Kinuha ko naman iyon.
“Keep the change.” Aniya.
Pero sinuklian ko pa rin sya.
“Puro ka keep the change baka mamulubi ka nyan.” Nakangising sabi ko.
Ngumisi din sya. “Marami akong pera. Kahit habang buhay akong hindi magtrabaho hindi ako mamumulubi.”
Inirapan ko sya. Yabang talaga!
“Eh di ikaw na ang mayaman. Tutal mayaman ka naman akin na yang sukli mo sabi mo keep the change di ba.” Kinuha ko ang sukling inabot ko sa kanya.
Nginisihan lang nya ako at hinimas himas ang labi nya.
“Masakit pa rin ang labi ko ha.” Anas nya.
“Parang di naman. Lakas mo ngang lumamon kanina. Nag iinarte ka lang.”
Hindi na sya nagkomento pa at nakatitig lang sa akin habang himas pa rin ang labi. Tinaasan ko naman sya ng kilay. Nakaramdam ako ng kakaiba sa titig nya pero pinagsawalang bahala ko lang yun.
“Tss, alis na ko.” Paalam na nya at tumalikod na.“
Sinundan ko lang sya ng tingin. Himala hindi pinatulan ang pang aasar ko at ito ang unang beses na aalis sya ng eatery na hindi ako bwisit sa kanya.
Nagkibit balikat ako. Ngayon lang yan. Siguradong sa susunod na punta nya mamumwisit na naman sya.
.
.
Kester
BUMABA ako ng hagdan habang sinusuot ang t-shirt. Kakauwi ko lang galing opisina at nag shower ako agad. Pupunta ako ngayon sa bahay ni Luigi. Kumpleto kaming magkakaibigan dahil lumuwas si Jeiz at Lorenzo.
Dinukot ko ang susi sa bulsa ng pantalon at lumabas na ng bahay. Tumungo ako sa garahe at pinatunog ang kotse ko.
Makalipas lang ang sampung minuto ay narating ko na ang bahay ni Luigi. May ilang mga sasakyan ang nakaparada sa labas. Mukhang kumpleto na sa loob ang mga kaibigan ko at ako na lang ang kulang. Pinarada ko sa likod ng raptor ni Jeiz ang BMW ko. Bumaba na ako at pumasok na sa bukas na gate. Binati naman ako ng mga tauhan ni Luigi na nakabantay sa gate. Nasa malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang mga kaibigan na nasa porch at malakas na nagtatawanan.
“You’re late pare.” Bati sa akin ni Luigi at nakipag fist bump. Nakipag fist bump din ako kanila Jeiz, Lorenzo, Atlas at Matias.
“Kauuwi ko lang galing office, may tinapos lang ako.” Sabi ko at naupo na sa bakanteng upuan.
“Ano babae?” Nakangising sabat ni Lorenzo.
Nginisihan ko lang din sya. “Mga papeles. At di ako nagdadala ng babae sa office malas sa negosyo yun.” Sabi ko at nagbukas ng beer sabay tungga.
“Nasaan ang mga asawa nyo? Mabuti at pinayagan kayong gumala.”
Simula kasi ng magsipag asawa ang apat ay bibihira na lang kaming magsama sama ng kumpleto. Priority na nila ang pamilya nila lalo na at may mga anak na sila. Gayunpaman ay hindi kami nawawalan ng contact sa isa’t isa. Nagsasama sama lang kami kapag may okasyon at kasama na nila ang mga asawa nila at anak.
“Nasa Santa Martina si Ivy at ang anak ko. Iniwan ko muna sila kay Papa Rodolfo. May inasikaso lang ako dito sa Manila at dapat pauwi na ako sa Santa Martina kaso biglang nag aya ng inuman tong si Luigi.” Sagot ni Jeiz.
“Eh di lagot ka nyan kay Ivy. Imbes na umuwi ka dumayo ka pa ng inom.” Nakangising sabi ko.
Tinungga muna ni Jeiz ang hawak nyang beer. “Nag paalam ako.”
“Si Aitana naman at ang baby ko nasa bahay ni papa at mama. Nagpaalam lang ako na sasaglit dito.” Ani Lorenzo.
“Nasa kwarto si Ivona at nanonood ng paborito nyang kdrama habang pinapatulog ang kambal kasama ang yaya. Ayaw nyang magpaistorbo kaya tinawagan ko kayo para mag inuman. Tutal naman nandito tayong lahat sa Manila.”
Tumango tango naman ako at bumaling kay Atlas. “Eh ikaw, bagong panganak ang asawa mo ah tapos gumagala ka. Bumili ka na ba ng gatas at diaper? Baka mamaya layasan ka nun sige ka.”
Nginisihan lang ako ni Atlas. “Ang daldal mo. Nagpaalam ako sa kanya no. Pero hindi ako pwedeng magpagabi masyado. Hanggang alas diez lang ako kundi papadlock-an daw nya ako ng gate.”
Humagalakpak ako ng tawa. Ine-expect kong tatawa din ang iba pa naming kaibigan. Pero ngumisi lang sila. Tumigil na lang ako sa pagtawa at nagkibit balikat. I guess nakaka relate sila sa isa’t isa maliban lang sa amin ni Matias.
“Look mga pare, may bagong video na sinend sa akin si Aitana. Mukhang gusto ring magpulis ni Levy paglaki nya.” Nakangising untag ni Lorenzo sa amin at may pinakitang video. Video yun ng anak nya na wala pang isang taon. May hawak itong plastic toy gun at tinututok sa isang direksyon.
Napangisi ako. Hindi nga malabong magpupulis ang inaanak namin. Mana sa ama.
“Parang si Jethro din namin ni Ivy. Nahihilig din sa laruang baril barilan. Tuwing pupunta kami ng mall yun ang laging pinapabili kapag papasok kami sa toy store.” Kwento naman ni Jeiz sa isang taong gulang nyang anak na inaanak din naming magkakaibigan.
“Ok lang yan pare, at least hindi barbie ang hilig.” Hirit ko na ikinatawa naman ng tatlo.
Nagkibit balikat si Jeiz. “Well, I don’t mind kung maging hilig nya ang barbie. Kahit ano pa ang maging hilig nya susuportahan lang namin sya ni Ivy.”
Tumango tango ang tatlo na mga ulirang ama na. Ako naman ay nagkibit balikat lang habang si Matias ay walang reaksyon at patingin tingin sa hawak na cellphone.
Puro tungkol sa mga anak nila ang kwentuhan ng apat. Nakakapanibago lang dahil dati ang pinagkukwentuhan lang namin ay puro negosyo at babae, ngayon mga asawa at anak nila. Kaming dalawa lang ni Matias ang di makarelate sa pinag uusapan ng dalawa dahil parehas pa kaming single.
“Ikaw pare musta?” Untag ko kay Matias na busy sa hawak nyang cellphone habang tumutungga sa hawak nyang bote ng beer paminsan minsan.
Nagkibit balikat lang sya at hindi inaalis ang tingin sa cellphone.
“Fine.” Tanging sagot lang nya.
Napataas naman ang kilay ko. Ano bang meron sa cellphone nya at tutok na tutok sya.
Pasimple akong sumilip. Napataas ang kilay ko ng makitang ka-chat nya ang makulit na kapatid ni Atlas na si Ava.
“Nagcha-chat kayo ni Ava? Akala ko ba inis ka sa kanya dahil makulit sya.”
Salubong ang kilay na lumingon sa akin si Matias at nilayo ang cellphone.
“Sinumpong ka naman ng sakit mong tsismoso.”
Ngumisi ako. “Anong pinag uusapan nyo ha? Pabasa ako par.” Hinila ko ang isang braso nya para makuha ang cellphone nya. Pero hindi nya ako hinayaan at nilipat sa kabilang kamay ang cellphone.
Lalo akong napangisi. Ayaw nyang ipakita ang chat nila ng kapatid ni Atlas. Mukhang may something syang tinatago. Pilit kong inaagaw sa kanya ang cellphone.
“Damn it Kester! Kapag nabitawan ko tong cellphone at nasira papapalitan ko sayo to ng sampu.” Inis nang sabi ni Matias.
“Deal! Gusto mo bente pa ipalit ko eh. Patingin na kasi.” Sinubukan kong abutin ulit ang cellphone. Pero hindi pa rin ako nagtagumpay. Maliban na lang kung gamitan ko sya ng pwersa pero alam kong mahihirapan ako dahil nag aral sya ng ju-jitsu.
“Problema nyong dalawa?” Tanong ni Luigi.
Nakatingin na silang apat sa amin ni Matias.
Ngumisi ako at tumingin kay Atlas.
“Pare, ka-chat ni Matias ang kapatid mong si Ava. Nag i-sop yata sila.”
“What?” Salubong ang kilay na tumingin si Atlas kaya Matias.
“Fuck you asshole!”
Bago pa ako nakalayo kay Matias ay na-headlock na nya ako.
Chapter 6
Crizel
“IKAW naman Crizelda kelan ka mag aasawa? Kung ayaw mong mag asawa kahit anak man lang. Aba’y anong petsa na? Anong edad mo na? Sinasayang mo lang ang matris mo. Ang daming bading dyan gustong magkamatris para mabuntis tapos ikaw tinetengga mo lang ang matris mo.” Litanya ni Tiyang Amparo na kapatid ni mama. Nakatira lang sya sa kabilang bahay at kauuwi lang galing probinsya dahil namatay ang isa sa pinsan nila.
“Mahal ang magkaanak tiyang, magastos.” Sabi ko at sinawsaw ang pandesal sa kape.
Alas sais pa lang ng umaga pero bibig na ni Tiyang Amparo ang bumubuhay dito sa bahay. Ganito sya palagi tuwing umaga dito sa bahay. Natahimik nga lang ng isang buwan ang bahay ng pumunta sya sa probinsya. Palibhasa ay silang dalawa na lang din ni Tiyong Juling sa bahay nila. Ang mga anak kasi nila na mga pinsan ko ay may sarili na ring pamilya.
“May negosyo ka naman at malaki ang kinikita mo. Kaya mong bumuhay ng anak. Kung di mo kaya eh di maghanap ka ng partner mo, mag asawa ka.”
Ngumisi ako at sinubo ang tinapay. “Tiyang naman kung makapag salita parang ganun lang kadali ang mag asawa.”
“Madali lang naman talaga kung hindi ka masungit sa mga manliligaw mo. Siguro dala na rin yan ng paghihigpit sayo noon ni Ate Caring at Kuya Ando. Hayan, dinala mo na pagtanda hindi ka pa nag aasawa at kahit nobyo wala. Dapat pala hinayaan ka na lang nilang humarot noon eh di hindi ka sana tumandang dalaga. Mabuti pa ang kapatid mong si Clarissa dalawa na ang anak. Si Cristoff naman malapit na rin yang mag asawa. Napag iiwanan ka na ng mga kapatid mo Crizelda. Aba’y kilos kilos din.”
Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi ni Tiyang Amparo. Nasanay na ang tenga ko sa kanya na laging pinupuna ang hindi ko pa pag aasawa at pag aanak. Actually hindi ko lang naman sa kanya naririnig yan kundi pati na rin sa iba pang nakakakilala sa akin lalo na ang mga marites naming kapitbahay. Wala na siguro silang maipulutang tsismis minsan kaya ang pagiging single ko ang napupuna. Na kesyo daw paano ako pag tanda ko kung wala akong anak. Wala daw mag aalaga sa akin. Sa totoo lang nakakarindi na marinig ang ganung bagay. Ako nga hindi namomroblema sa kung ano ang magiging kalagayan ko pagtanda ko pero sila problemado. Kaya nga ako nagnegosyo at nagiipon para sa pagtanda ko. At saka isa pa thirty three pa lang naman ako. May pag asa pang magkaanak ako yun nga lang wala akong time lumandi. Focus lang ako sa negosyo ko.
“Good morning Tiyang Amparo.” Bati ni Clarissa na halatang bagong gising. Nagmano sya kay Tiyang Amparo. Kasunod nya si Tonya at Glen. Mukhang nagising sila sa lakas ng boses ni Tiyang Amparo.
“Tonya, Glen magmano kayo kay Lola Amparo.” Untag ni Clarissa sa dalawang anak.
Nagmano naman si Tonya at Glen kay Tiyang Amparo.
“Mukhang namamayat ka Clarissa ah pati tong dalawang anak mo. May mga sakit ba kayo?” Puna ni Tiyang Amparo.
Hindi naman makasagot si Clarissa at tumingin lang sa akin. Kaya ako na ang nagkwento sa tiyahin namin ng kalagayan nilang mag iina.
“Nakow! Sinasabi ko na nga ba. Unang kita ko pa lang sa lalaking yan di na maganda ang pakiramdam ko. O di nga ako nagkamali. Mabuti naman at naisipan mong iwanan na yun at umuwi na lang dito. Kuh! Kapag nakita ko ang lalaking yan babalugbugin ko talaga sya.” Pagbubunganga ni Tiyang Amparo. Napakamot na lang sa batok si Clarissa.
Simula ng mamatay si papa at mama ay si Tiyang Amparo na at Tiyong Juling na ang tumayong pangalawang mga magulang namin. Inaalalayan nila ako sa pagiintindi kay Clarissa ay Cristoff noon kahit hanggang ngayon. Kapag may nagtsitsismis sa aming mga kapitbahay noon ay talagang sinusugod ni Tiyang Amparo. Kaya medyo ilag sa amin ang mga kapitbahay namin.
“Maganda nga yan na ipagpatuloy mo ang pag aaral mo para makahanap ka ng magandang trabaho kapag nakapag tapos ka. Tapos isampal mo sa Gerald na yun ang diploma mo.”
“Sisikapin ko na po talagang magtapos tiyang para sa mga anak ko.” Ani Clarissa habang pinagtitimpla ng hot chocolate ang dalawang anak.
Seryoso na talaga sya sa pagbabalik eskwela. Mamaya ay ipapasa na nya ang mga requirements nya sa dating school. Binigyan ko na rin sya ng pang tuition nya kagabi pa lang. Naguumpisa pa lang naman ang pasukan at makakahabol pa sya.
“Dapat lang. Gawin mong inspirasyon ang mga anak mo.”
“Kaya naman pala maingay nandito pala si Tiyang Amparo.” Sabat ni Cristoff na kalalabas lang ng kwarto nya at humihikab pa.
“Aba’y tarantado kang bata ka. Pasalamat ka at nagising ka sa boses ko kundi late ka naman sa eskwela.”
Lumapit si Cristoff kay Tiyang Amparo at nagmano pero batok lang ang sinukli sa kanya ng tiyahin namin na ikinatawa ng dalawang bagets.
Maingay at masaya ang almusal namin dahil sa maingay naming tiyahin. Pero nakakamiss din ang bibig ni Tiyang Amparo na parang armalite. Para rin kasi syang si mama noon.
–
NAG inat ako matapos kong kwentuhin ang benta ngayong araw. Tinabi ko na rin ang budget para sa pamalengke bukas ng madaling araw at ibibigay ko na lang yun kay Amelia. Sya at si Oling ang pinagkakatiwalaan ko sa pamamalengke.
“O akin yung caderetang baka. Naipagpaalam ko na yan kay madam kanina.”
“Akin naman yung dinuguan.”
“Walang gagalaw ng isang pirasong lechon kawali. Nakakontrata na sa akin yan.”
Tiningnan ko ang mga tauhan kong nagliligpit na at pinaghahatian na ang mga tirang ulam. Ganun naman palagi sa tuwing mag sasara na kami. Pinapaubaya ko na sa kanila ang mga tirang ulam kesa naman masira at masayang lang.
“Yung morcon wag nyong gagalawin. Iuuwi ko yan sa mga pamangkin ko.” Sabi ko. Paborito kasi ng dalawang bagets ang morcon. At sa tuwing may luto kami niyon ay nagtitira talaga ako para sa kanila.
“Uy kay madam daw yung morcon wag nyong galawin.” Dinig kong sabi ni Oling.
Nagbubulungan na ang mga tauhan ko tungkol sa ulam at tila nag aaway pa.
“Oy, wag kayong mag away away dyan ha. Paghatian nyo ng maayos ang mga tirang ulam dyan.
“Eh ito po kasing si Joseph madam gustong mag uwi ng morcon.” Sumbong ni Danica.
Kumamot sa ulo si Joseph at tumingin sa akin. “Eh ma’am, gusto po kasi ng asawa ko ng morcon. Yun naman po ang cravings nya ngayon. Baka di ako papasukin sa bahay kapag wala akong dala.”
Buntis ang kinakasama ni Joseph sa una nilang anak at kasalukuyan itong naglilihi ngayon.
“Ilan ba ang natirang morcon?” Tanong ko.
“May lima pa po ma’am.” Sagot ni Amelia.
“O sige iuwi mo ang dalawa Joseph.”
“Thank you po ma’am! Naku matutuwa nito si Lenlen.”
Tumango tango na lang ako at hinayaan na sila.
Tiningnan ko ang oras. Alas syete pasado na ng gabi. Parang gusto kong kumain ng isaw barbeque. Tamang tama may barbeque-han sa kabilang kanto di kalayuan dito sa eatery.
Tumayo ako at kinuha ang wallet. Nagpaalam ako sa mga tauhan ko na lalabas lang ako saglit. Tutal naman ay mag uumpisa pa lang silang magligpit at maglinis.
Lumabas na ako ng eatery at tumawid sa kalsada. Hindi pa ako nakakalapit sa barbeque-han ay amoy na amoy ko na ang nakakatakam na aroma nito. Marami na ngang tao ang bumibili doon.
Mataman akong nakatingin sa estante kung saan nakalagay ang iba’t ibang klase ng barbeque. May isaw ng manok at baboy, betamax, paa ng manok, laman ng baboy at kung ano ano pa na pwedeng ihawin.
“Ano po ang sa inyo Miss Crizel?” Nakangiting tanong sa akin ni Aling Betchay ang may ari ng barbeque-han. Silang mag asawa ang nagpapatakbo nito. Minsan katuwang nila ang mga anak nila kapag walang pasok sa school.
“Limang isaw at limang dugo Aling Betchay. May luto na ba?”
“Ay wala na. Makakapaghintay ka ba?”
“Ayos lang po.”
Matyaga akong naghihintay habang iniihaw ang isaw at dugo na binili ko. Inabot din yun ng ilang minuto dahil marami ang bumibili. Ng maluto na ang akin ay nilagay iyon ni Aling Betchay sa malaking plastic cup at nilagyan ng sukang may sili na sawsawan. Masarap ang sukang sawsawan nila at yun talaga ang pinipilahan dito.
Inabot ko na ang bayad at kinuha ang cup. Agad na akong lumantak ng isang stick ng isaw. Sarap na sarap ako dahil suka pa lang panalo na.
Mabagal akong naglalakad sa side walk habang inuubos ang isaw at dugo. Isang stick na lang ng isaw ang natitira sa cup ko. Nilantakan ko na yun at ininom ko pa ang suka. Solve na ako sa isaw at dugo kahit hindi na ako kumain mamaya sa bahay. Tinapon ko na sa basurahan ang cup.
Naglakad pa ako ng kaunti. Dalawang poste lang naman ang layo ng eatery at barbeque-han.
Sa gitna ng paglalakad ko ay swerteng nakakita pa ako ng benteng papel. Nagpalinga linga ako. Sino kaya ang nakahulog nito? Sayang din tong bente. Kung walang maghahanap nito ay ibibigay ko na lang kay Glen matutuwa pa yun.
Nangingising dinampot ko ang benteng papel pero dumulas lang yun sa kamay ko at hinangin. Sinundan ko yun. Pero sa tuwing pupulutin ko ay dumudulas ito sa kamay ko. Hindi naman mahangin. Pinagtitinginan na nga ako ng mga dumadaan. Nakakahiya baka iiniisip nila wala akong pera kaya namumulot ako ng bente. Pero sayang din kasi ang bente. Pera din yun. Pang popsicle din yun ni Glen.
“Huli kang bente ka! Pahihirapan mo pa ko ha.” Ngising tagumpay ako ng makuha na ang bente.
Pero tila nanlalaban ang bente kaya hinawakan ko ito ng mariin. Napansin ko naman ang scotch tape na nakadikit sa dulo ng pera at may sinulid. Hinawakan ko ang sinulid at hinatak. Naglakad ako at sinundan ang sinulid. Tumapat ako sa isang itim na sasakyan na pamilyar sa akin. Nag angat ako ng tingin at tumambad sa akin ang nakangising mukha ni Kester na nakaupo sa driver seat. Bahagya pang nakabukas ang pintuan nito at nakita kong may hawak syang itim na sinulid.
“Hi miss. Bente ko yan.” Nakangising sabi ni Kester habang hinihila ang sinulid na nakadikit sa bente.
Mariing nilamukos ko naman sa palad ang bente. Naningkit ang mata ko. Pinagtitripan na naman ako ng gago. Akala ko payapa na ang buong araw ko dahil hindi ko sya nakita pero nagkamali pala ako.
“Uy Crizel, akin yang bente.”
Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang scotch tape at sinulid sa bente.
“Akin na tong bente dahil napulot ko to. Tse!” Singhal ko sa kanya sabay tulak ng malakas pasara ang pinto ng sasakyan nya.
Narinig ko ang hiyaw nya sa loob ng sasakyan.
Chapter 7
Crizel
AGAD kong binuksan ang pinto ng marinig ang hiyaw ni Kester. Nakita ko syang nakapamuluktot at hawak ang isang kamay habang nakangiwi. Mukhang naipit ang daliri nya sa biglaan kong pagsara ng pinto.
“A-Anong nangyari naipit ka ba?” Tarantang tanong ko sa kanya.
Hindi sya nagsalita at piga piga lang ang kamay.
Na-guilty naman ako. Hindi ko naman intensyon na ipitin sya. Nadala lang ako ng asar ko sa kanya kaya binalibag ko pasara ang pinto. Malay ko bang maiipit sya.
Kahit bwisit ako sa kanya ay nag aalala pa rin ako dahil nasa mukha nyang nasaktan talaga sya. Dati naman kapag binubugbog ko sya tatawa lang sya. Siguro nga ay nasaktan talaga sya ngayon.
“Patingin nga!” Sinubukan kong hilahin ang braso nya pero pumiksi lang sya.
“Patingin nga kasi.”
Tumingin sya sa akin na nakangiwi pa rin. “Ang sakit..” Daing nya.
Naawa naman ako sa hitsura nyang parang mangiyak ngiyak pa. Nag mukha syang batang paslit at nanghihingi ng tulong sa ina.
“Patingin nga kasi ako.”
Hinablot ko na ang kamay nya na piga piga nya. Tsinek ko isa isa ang mga daliri nya.
“Alin ba ang naipit? Ito ba?” Marahan kong piniga ang hinlalato nya. Infairness sa mga daliri nya ha. Mahahaba at malilinis pa ang mga kuko. Yun nga lang maugat. Syempre lalaki sya eh.
Teka, ano ba tong naiisip ko? Ang concern ko ay ang daliri nyang naipit.
“Hindi, yung isa.”
“Ito?” Ang palasingsingan naman nyang daliri ang tiningnan ko. Normal lang naman yun at wala namang bakas na naipit. “Mukhang ayos naman to.”
“Hindi yan, yung isa pa.”
“Alin ba? Ito ba?” Ang hinliliit naman nya ang tiningnan ko. Normal lang din yun.
“Saan ba kasi yung naipit? Bakit kasi di mo agad iniwas yung daliri mo. Shunga shunga ka din eh.” Sermon ko sa kanya.
“Ikaw na nga ang nakaipit ikaw pa ang galit.”
“Sorry. Hindi ko naman sinasadya eh. Malay ko bang maiipit ka.” Marahan kong minasahe ang hinliliit nya pagkatapos ay ang hintuturo naman.
Hindi sya umimik kaya tiningnan ko sya. Nagsalubong ang mga mata namin. Titig na titig sya sa akin. Kumislot naman ang puso ko.
“Ah a-aray! Huwag mong masyadong pigain ang hintuturo ko masakit!” Biglang daing nya at ngumiwi.
“H-Ha? S-Sorry.” Nataranta naman ako at muling tinuon ang pansin sa daliri nyang hawak ko.
“Ito ba ang masakit?” Hinimas himas ko ang dulo ng kanyang hintuturo. Normal lang din naman yun at walang bakas ng naipit.
“Parang di maman naipit to eh.”
“Naipit nga yan kaya masakit eh.”
“Eh wala namang pamumula eh.” Salubong ang kilay na nilingon ko sya. Tumambad sa akin ang nakakaloko nyang ngisi.
“Issaprank!” Sambit nya.
Tila lumipad ang pagaaalalang naramdaman ko kanina at bumangon ang inis sa dibdib ko. Naisahan na naman ako ng gago. Ako naman si gaga uto uto.
“Issaprank pala ha. Waley ang prank mo. Ito ang totoong prank.” Kinagat ko ang hintuturo nya na ikinahiyaw nya.
“Aray Crizel! Baka maputol ang daliri ko – Aray!” Daing nya.
Binitawan ko naman ang daliri nya na ngayon ay namumula at may bakat na ng ngipin ko. Hindi naman maipinta ang mukha nya.
Ngumisi ako. “Issaprank!”
Pabalibag kong sinirado ulit ang pinto ng sasakyan nya. Binaba naman nya ang bintana. Nanghahaba ang nguso nyang tumingin sa akin. Salubong din ang kilay nya. Tinaas nya ang hintuturong kinagat ko na namumula na ngayon.
“Kapag talaga ito naimpeksyon idedemanda talaga kita Crizelda Romina Sales.” Sambit nya.
“Bring it on!” Pinakyu ko sya sabay talikod at layas.
Gago sya. Ipa-prank pa nya ako ah. Eh di nagantihan ko sya agad.
Ako naman kasi tatanga tanga. Bakit ba hindi sumagi sa isip ko kanina na baka inuuto lang nya ako. Nag alala pa ako.
Naiinis sa sariling tumawid na ako ng kalsada. Baka tapos ng maglinis ang mga tauhan ko at hinihintay na lang ako.
.
.
Kester
NILAPATAN ko ng cold compress ang daliri kong namumula dahil kinagat ni Crizel. Sinara ko ang pinto ng refrigerator gamit ang paa. Naginhawaan ang daliri ko ng manuot na ang lamig.
Langya, di ko akalain na may sa bampira pala ang babaeng yun. Di ko ini-expect na kakagatin nya ang daliri ko.
Napangisi ako ng maalala ang mukha ni Crizel kanina. Sobrang nag alala sya sa akin dahil akala nya naipit talaga ang daliri ko. May soft spot din pala sa akin ang babaeng yun. Akala ko puro galit lang ang meron sya para sa akin eh.
“Hay Crizelda Romina.. ang sarap mo talagang inisin. Lalo kang gumaganda.” Natatawang sambit ko.
“Sinong kausap mo?”
Bigla akong napalingon sa likuran at napamura sa gulat.
“Tangina mo rin! Ako to gaga!” Singhal sa akin ni Rick na sinabunutan pa ako.
“Rick? What the fuck! What are you doing here? Pupunta ka pala dito hindi ka man lang tumawag.” Muli kong mura. Muntik na akong atakehin sa puso sa kanya.
Si Rick ay ang pinsan kong binabae. Nakaroba sya ng puti at may nakabalunbon din na puting tuwalya sa ulo at may white facial mask pa sya sa mukha. Kahit sino ay magugulat sa hitsura nya lalo na at madilim ang loob ng bahay at tanging maliit na ilaw lang sa dingding ang nagbibigay ng liwanag.
“Tumatawag ako sayo pero cannot be reach ka. Akala ko nasa bundok ka eh. Kaya dumiretso na ako dito. Dito ako matutulog ngayong gabi.” Aniya at dinampi dampi pa ang daliri sa mukha.
“At bakit dito ka matutulog sa bahay ko? Bakit hindi sa condo mo?”
Naglakad na ako papunta sa sala habang hawak ang cold compress. Binuksan ko ang ilaw at bumaha ang liwanag sa malaking sala. Pasalampak akong umupo sa sofa at dinampi ang cold compress sa hintuturo.
“Mas malapit kasi dito sa bahay mo eh. Tinatamad na akong magdrive pauwi sa condo ko.” Sagot ni Rick na umupo na rin sa katapat kong sofa.
“Eh bakit hindi sa bahay nila lola.”
“Mas malapit nga kasi ang bahay mo. Teka bakit ba may hawak kang cold compress?” Puna nya habang nakatingin sa mga kamay ko.
“Yung daliri ko namamaga.” Pinakita ko sa kanya ang hintuturo kong namumula.
“Omg, anong nangyari dyan? Saang butas mo ba kasi yan sinuksok at nagkaganyan yan.” Nakangiwing bulalas ni Rick na parang diring diri.
Napangisi na lang ako. Alam ko ang tumatakbo sa isip nya.
“Sira, nakagat to..” Muntik ko ng sabihin na kinagat ako ni Crizel.
“Anong kumagat sayo? Aso?”
“Nah a kitty, a wild kitty..” Nakangising sabi ko.
Tinaasan lang ako ng kilay ng pinsan. “Eh bakit parang tuwang tuwa ka pang nakagat ka.”
“Cute kasi yung pusa. Parang gusto ko ngang ampunin eh.”
“At kelan ka pa nahilig sa pusa?”
Kumamot ako sa ulo at tumayo na. “Ang dami mong sabe, akyat na ko. Ilock mo ang pinto ha.”
“Huy Kester matutulog ka na? Magkwentuhan muna tayo.”
“Bukas na. Inaantok na ko. Good night Rick
“Rika.”
Nginisihan ko lang sya. Kahit anong pilit nya sa akin sa tawagin ko syang Rika ay Rick pa rin ang itatawag ko sa kanya. Saka ko na sya tatawaging Rika kapag nagpatanggal na sya ng etits nya.
“Hay ewan ko sayo. Bangungutin ka sana.”
Tinawanan ko lang sya at nagtuloy tuloy na ako sa pag akyat ng hagdan.
.
.
Crizel
“AY ito, bigyan mo rin ako nito.” Turo ng isang matandang babaeng customer sa beef broccoli. “Malambot ba ang karne nyan?”
“Yes madam, malambot na malambot po yan.” Magiliw namang sabi ko.
“O sige, pabilhan ako ng isa.”
Naglagay ako sa diposable container ng beef broccoli at maayos iyong tinakpan. Paubos na nga ang beef broccoli dahil ang mga empleyado sa bangko ay maagang umorder kanina.
Inabot ko na sa customer ang brown paper bag. Binigay naman nya ang eksaktong bayad.
“Thank you madam.” Nilagay ko na sa kaha ang bayad.
Mag a-alas onse na ng tanghali at nagdadagsaan na ang mga customer kaya aligaga na naman kami. Katatapos ko lang timplahan ang mga putaheng nakasalang pa sa kusina. Dito muna ako sa counter pupwesto dahil marami ng customer. Heto nga at nagpasukan na ang dalawang grupo ng mga estudyante na galing pa sa magkaibang school. Medyo maingay pa sila dahil nagtatalo sa kung anong ulam ang o-orderin. Sa bandang huli ay nagkasundo sundo rin sila.
“Hi!”
Nag angat ako ng tingin. Ngumiti ako at tumango ng makita si Atlas. Ang isa sa mga kaibigan ni Kester. Mabait naman sya at hindi gaya ni Kester na malakas mambwisit. Yun nga lang ay babaero sya, pero noon iyon dahil ngayon ay mukhang nagtino na sya at may asawa at anak na rin.
Napansin kong pinagtitinginan sya ng mga customer lalo na ng mga babae. Ang mga estudyante pa nga ay pasimple syang kinukuhan ng picture. Nag mistula syang instant celebrity. Nangingibabaw naman kasi ang hitsura nya. Parang syang modelong hinugot sa magazine. Matangkad sya, malaki ang pangangtawan at di nga naman matatawaran ang kagwapuhan parang si Kester lang.
Hay, bakit ko ba biglang naisip ang tukmol na yun?
“Anong order mo?”
“Nagpapareserve ng isang palabok si Jolene. Kukunin ko mamayang alas tres.”
Ngumisi ako. “Pwede mo namang itawag pumunta ka pa.” Kinuha ko ang maliit na note pad at sinulat ang order nya.
“May dinaanan ako sa kabilang baranggay kaya dumiretso na ko dito. Anyway, pinapaabot pala ni Jolene.” Inabot nya sa akin ang puting sobre.
Kunot noong kinuha ko naman yun at binuksan. Isa yung christening invitation card at isa ako sa mga ninang ng anak nila. Gaganapin yun sa susunod na linggo.
“Bibinyagan na pala ang anak nyo.”
“Yup. Pumunta ka ha. Inaasahan ka ni Jolene.” Nakangising sabi nya.
“Ok lang sayo na pumunta ako at ninang ako ng anak mo?”
Tumawa sya. “Oo naman.”
“Kahit mortal kaming magkalaban ng bff mong tukmol?”
Lumakas ang tawa nya. “Kayo lang naman ang mortal na magkalaban hindi naman tayo.”
Nagkibit balikat naman ako. Kunsabagay wala naman akong naging problema sa kanya noon o kahit sa iba pang mga bff nila ni Kester. Sadyang si Kester lang talaga ang bwisit sa kanilang magkakaibigan.
“Anyway, I don’t think na kalaban ang tingin sayo ni Kester.”
Tumaas ang kilay ko. “Paano mo naman nasabi? Nakita mo naman kung paano nya ako bwisitin minsan.
Ngumisi din sya. “Way yun ng paglalambing nya sayo.”
Sumimangot ako. “Paglalambing ka dyan.. pang aasar kamo.”
Tumawa lang sya.
“I gotta go. Balikan ko na lang ang palabok mamaya.”
Tumango na lang ako at muling tiningnan ang invitation card. Alina Jasmine ang pangalan ng bunso ni Atlas na three months old. Cute na cute ito sa picture nito. Namana nito ang kaputian ni Atlas pero ang mukha ay kay Jolene. Magandang kombinasyon.
Ako kaya kelan magkakaroon ng cute na chikiting?
Ako na rin ang sumagot sa tanong ko. Paano ako magkakaanak eh wala naman akong asawa o boyfriend. Ni wala pa nga akong karanasan. Virgin na virgin pa ako. Halik lang sa pisngi ang naranasan ko noon sa unang boyfriend ko. May experience na rin naman ako sa halik pero hindi counted yun dahil halik yun ni hudas.
Bumuntong hininga ako at binalik na ang invitation card sa sobre at nilagay sa bag.
Chapter 8
Crizel
SINIPAT ko ang sarili sa life size mirror ko. Magnininang ako ngayon sa binyag ng anak ni Atlas at ni Jolene. White blouse na may puff sleeves ang suot ko at blue jeans naman ang pang ibaba. Puting sandals naman na may dalawang pulgada ng takong ang pampaa ko. Ang buhok ko namang kulutan ay hinayaan kong nakalugay lang. Nagwisik din ako ng pabango.
Dinampot ko na ang shoulder bag at susi ng motor at lumabas na ng kwarto.
“Wow! Danda tata ah!” Bulalas ni Glen na may nginunguya na naman. Parang gilingan talaga ang bibig nya. Sa isang buwan nilang paninirahan dito sa bahay ay bumibilog na sya kaya lalong naging cute.
Ngumisi ako. “Talaga? Maganda si tata?”
Tumango si Glen sabay lahad ng maliit nynag kamay. “Penge tingkwenta tata.”
Nawala ang ngisi ko. Yan tayo eh. Pang singkwenta lang talaga ang beauty ko sa pamangkin ko.
“Wala akong tingkwenta.”
Ngumuso sya. “Di na ikaw danda.”
“Aba’t!”
Tumakbo sya habang bumubungisngis. Nakikipaglaro sya sa akin. Pero wala na akong time makipaglaro ngayon sa kanya dahil aalis na ako.
“Aalis ka na ate?” Tanong ni Clarissa na galing ng kusina.
“Oo didiretso na ako sa simbahan. Si Cristoff pala, gising na?”
“Oo ate, nasa likod naglalaba ng uniform nya.”
“Mainam naman. O sige alis na ko. Ikaw na ang bahala dito.”
“Oo ate, magiingat ka sa pagmomotor.”
Lumabas na ako ng bahay. Nakita ko pa si Tonya sa labas ng gate na nakikipaglaro sa ibang bata. Si Glen naman ay hinabol pa ako at nangungulit na naman ng singkwenta. Binigyan ko na ng manahimik na. Si Tonya naman ay lumapit sa maliit naming gate at binuksan nya ito para sa akin. Mabait talaga tong pamangkin ko.
Sumakay na ako sa motor ko at sinuot na ang helmet. Sinabit ko sa hook ang shoulder bag ko. Sinuksok ko na ang susi at binuhay ang makina. Pinausad ko na ang motor palabas ng gate. Mabuti na lang at maganda ang araw ngayon kaya makakapag motor ako. Kahapon kasi ay maghapong umulan.
Ipinarada ko ang motor sa parking lot ng simbahan. Marami rami ding mga sasakyan ang nakapark na karamihan ay mamahalin. Mukhang nandito na ang ibang mga ninang at ninong ng bunsong anak ni Atlas at ni Jolene.
“Beep!”
Napapitlag ako sa gulat ng may bumusina sa likod ko. Lumingon ako. Napasimangot ako ng makita si Kester na nakadungaw sa bintana ng sasakyan nya. Kararating lang nya. Obvious naman na isa rin sya sa mga ninong dahil kaibigan sya ni Atlas.
“Simbahan to bawal bumusina dito.” Asik ko sa kanya.
“Simbahan to bawal ang masungit dito.” Nakangising sambit naman nya.
Inirapan ko sya at bumaba na ng motor. Sya naman ay inokupa ang parking space sa tabi ng motor ko. Tinanggal ko ang helmet at kinuha sa hook ang shoulder bag at ipinalit ko naman doon ang helmet.
Sa gilid ng mata ko ay nakita kong nakababa na rin ang damuho. Pasimple ko syang binistahan. Nakasuot sya ng puting long sleeve shirt na nakataas ang manggas hanggang siko kaya litaw ang mamasel nyang braso na medyo maugat. Brown trouser naman ang pangibaba nya at casual leather shoes na puti ang sapatos nya na halatang mamahalin. Malinis na malinis din ang mukha nya. Infairness din sa damuhong to kahit thirty five years old na batang bata pa rin ang hitsura at fresh na fresh. Gwapo sana damuho lang talaga.
Agad akong nag iwas ng tingin ng bumaling ang mata nya sa akin. Tumalikod na ako at naglakad na papasok ng simbahan.
“Uy Crizel sabay na tayo.”
“Ayoko nga.” Binilisan ko pa ang paghakbang.
“Ito naman, nasa simbahan tayo uy. Maging mabait ka naman.”
Nilingon ko sya. “Mabait naman talaga ako no. Ayoko lang kasabay ka pagpasok sa simbahan dahil baka bigla kang magliyab masunog pa ako.”
“At bakit naman?” Kunot noong tanong nya.
Himala di nya agad nagets.
“Syempre, makasalanan ka eh.” Nakangising sabi ko.
“Wow! Hiyang hiya naman ako sa kabanalan mo Madam Crizel. Mukha ka lang santa pero I’m sure mahaba rin ang sungay mo at hindi kakasya sa pintuan ng simbahan.” Nakangisi ding sabi nya. Naguumpisa na naman sya.
Sinamaan ko sya ng tingin. “But I’m sure mas mahaba ang sungay mo sa akin.”
“Hanggang dito pa ba naman sa simbahan nagbabardagulan kayo. Baka magalit sa inyo si lord nyan at patamaan kayo ng kidlat.”
Sabay naming nilingon ni Kester si Atlas na nakangisi. Hawak nya sa isang kamay ang panganay nyang anak na kamukhang kamuha nya.
“Hello po Tito Kester, Tita Crizel.” Bibong bati sa amin ni Jeremiah at nagmano sya kay Kester sunod ay sa akin. Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok.
“Bakit nandito ka sa labas pare?” Tanong ni Kester.
“May kinausap lang ako sa labas. Pumasok na tayo sa loob. Naroon na silang lahat at malapit ng mag umpisa ang seremonya.” Yaya sa amin ni Atlas.
Pumasok na ako sa simbahan. Kasunod ko naman si Kester at ang mag ama.
Marami rami rin ang bisita sa loob ng simbahan. Mga kamag anak ni Atlas at ni Jolene. Kumpleto rin ang mga kaibigan nila Kester at Atlas kasama pa ang mga asawa ng mga ito. Sa kanilang anim na magkakaibigan ay si Kester na lang at si Matias ang alam kong wala pang asawa. Mga gwapo pa rin ang mga kumag lalo na ngayong nagkakaedad sila.
“Long time no see Crizel.” Nakangising bati sa akin ni Jeiz karga ang anak nya. Katabi nya ang isang magandang babae na mukhang Birheng Maria, siguradong ito ang asawa nya.
Binati rin ako nila Lorenzo, Luigi at Matias. Pinakilala rin nila sa akin ang mga asawa nila. Mukha naman silang mababait at mukhang mga bata pa.
Ilang taon ko din hindi napagkikita ang magkakaibigan maliban lang kay Kester. Gaya ko ay mga busy din sila sa kani kanilang mga buhay at mga negosyo. Mga bigatin na nga sila ngayon. Nagpapatakbo na ng malalaki nilang kumpanya. Samantlang dati mga maiingay at magugulo lang sila sa corridor. Pero ngayon mga successful na sa buhay.
Natahimik na ang lahat ng lumabas na ang pari. Magu-umpisa na ang seremonya ng binyag..
Ng matapos na ang seremonya ay nag picture taking na kami. May dalawang photographer na kinukahanan kami ng pictures sa bawat galaw namin. Pinag ipon ipon na ang mga ninang at ninong. Sa gitna ay ang mag asawang Atlas at Jolene kasama si Baby Alina Jasmine. Wala na akong nagawa ng tabihan ako ni Kester dahil sunod sunod na ang pag-click ng camera ng photographer.
Sumunod naman ay pinakarga sa amin isa isa si Baby Alina at kinuhanan din kami ng picture para may souvenir din kami. Nakatatlong shot na ang photographer ng biglang tumabi sa akin si Kester at umakbay. Napapitlag naman ako kasabay ng pagkislot ng puso ko sa gulat.
“Uy ano ba!” Mahinang asik ko kay Kester.
Pero hindi nya ako pinansin at sinabihan lang ang photographer na kuhanan na kami ng picture kaya wala na akong nagawa kundi pilit na ngumiti na lang sa camera. Umugong naman ang tuksuhan mula sa mga kaibigan nya.
“Uy bagay sila.” Panunukso ni Lorenzo na sinegundahan pa nila Luigi at Jeiz. Ang mga asawa pa nila ay tila mga kinikilig pa.
“Bakit kaya hindi na lang kayo? Tutal naman parehas kayong single.” Dagdag pa ni Atlas.
Nagiinit naman ang pisngi ko sa hiya. Pero ang walang hiyang si Kester ay kinabig pa ako sa balikat at dumikit pa lalo sa akin. Tuloy ay magkadikit na ang aming nga katawan. Dama ko ang mainit na singaw ng katawan nya at katigasan nito. Hindi naman magkamayaw sa pagwawala ang puso ko.
“Bagay ba kami?” Nakangising tanong ni Kester.
“Opo Tito Kester. Bagay po kayo ni Tita Crizel. Para kayong si papa at si mama.” Sagot naman ni Jeremiah na kilig na kilig din. Bata bata pa marunong ng kiligin. Pati itong si Baby Alina Jasmine ay humagikgik na na akala mo ay nakakaintindi na.
“O bata na mismo ang may sabi. Bagay daw tayo.” Untag sa akin ni Kester.
Inirapan ko sya. “Ang kapal mo. Lumayo ka nga sa akin.” Mahinang asik ko at lumayo sa kanya ng bahagya.
“Father o, nagpapakipot pa.” Baling nya kay father na ikinasinghap ko.
“Uy ano ka ba! Dinamay mo pa si father. Nakakahiya ka talaga!”
Tumawa naman si father na may edad na. “Gusto nyo bang ikasal ko na kayong dalawa?” Pagsakay pa ni father.
“I do agad father.” Sagot naman ni Kester. Lalo tuloy umugong ang tuksuhan sa loob ng simbahan.
Alam kong biro lang yun pero bakit kakaiba ang reaksyon ng puso ko. Imbes na inis ay iba ang nararamdaman ko na hindi ko maintindihan.
“Pero sigurado pagkatapos ng kasal namin lamay ko na agad father – aray!” Napahiyaw sya ng kurutin ko sya ng malakas sa tagiliran.
“Ang daldal mo. Mahiya ka nga kay father. Father, paliguan nyo nga ho ito ng holy water may sanib na naman.” Hirit ko naman kay father na tumawa lang.
Nakitawa din ang ibang mga bisita.
Inirapan ko naman si Kester na nakangiwi habang himas himas ang tagiliran na kinurot ko. Lumayo na ako sa kanya at lumapit na kay Jolene para ibalik si Baby Alina Jasmin.
Chapter 9
Crizel
PAGKAGALING sa simbahan ay dito na kami dumiretso sa isang mamahaling restaurant na pag aari ng isang kilalang chef. Mukhang inupahan ang buong restaurant para sa araw na ito na may mga baby decorations pa. Halos mag kulay pink ang buong restaurant at may malaking led wall pa kung saan pini-play ang mga pictures ni Baby Alina. May ilang pictures pa na kasama nito ang kuya nitong si Jeremiah. Tuwang tuwa naman si Jeremiah na nakikita nya ang kanyang mukha sa malaking screen.
Halos mapuno ang buong restaurant ng mga bisita. Mukhang kakilala din ni Atlas ang may ari ng restaurant. Hindi na nakakapagtaka yun dahil halos lahat naman ng mga mayayaman at may mga pangalan dito sa Manila ay magkakakilala.
“Salamat sa pagpunta at pagninang kay Baby Alina, Ate Crizel.” Nakangiting sambit ni Jolene.
“Wala yun Jolene, saka masamang tumanggi sa bata.”
Tatlong buwan pa lang nanganak si Jolene pero mabilis bumalik sa normal ang katawan nya. Hindi nya karga si Baby Alina dahil karga ito ni Atlas at pinagkakaguluhan ng mga kaibigan. Mabuti nga at hindi iritable si Baby Alina at bungisngisin pa. Halatang sanay sa maraming tao at mukhang mana sa kapatid ni Atlas na madaldal.
Ang nakakatuwa pa, apat sa anim na magkakaibigan ay karga karga nila ang mga anak nila. At mukhang enjoy na enjoy naman sila. Heto nga at ang topic ng kwentuhan nila ay ang mga anak nila. Samantalang dati ang laging laman ng topic nila ay tungkol sa babae at kung saan sila susunod na gagala. Nagmatured na talaga sila. Samantalang ang mga asawa nila ay heto chill lang na nagkukwentuhan dito sa mesa namin.
“Ikaw Ate Crizel bakit hindi ka pa nag aasawa? Ka-batch mo sila kuya di ba?” Daldal ni Ava habang lumalapang na ng dessert.
Maganda at cute itong kapatid ni Atlas yun nga lang ubod ng daldal.
“Hindi ko sila kabatch no. Mas ahead sila sa akin ng dalawang taon.”
“Ganun na rin yun ate. Hindi nagkakalayo ang edad mo sa kanila. Bakit hindi ka pa nag aasawa?”
“Eh bakit ang daldal mo?” Bira ko sa kanya.
Nagtawanan ang mga kasama namin sa mesa. Kanina pa kasi sya tanong ng tanong sa amin. Para syang reporter o kaya host ng isang showbiz tv show.
“Sabi kasi sa akin ni mommy noon pinakain daw nya ako ng puke ng baboy kaya madaldal daw ako.” Walang filter ang bibig na sagot naman ni Ava.
Iba iba naman ang reaksyon ng mga mukha ang mga asawa ng mga kaibigan ni Kester. Halatang naeskandalo sa bibig ni Ava. Ako naman ay natawa lang. Sanay na ako sa mga bulgar na salitaan. Mas malala pa nga ang naririnig ko sa mga kapitbahay ko na pati ang pagtatalik nila ng mga asawa nila ay kinukwento pa sa iba. Sa edad ko ba naman na ito ay hindi na talaga virgin ang isip ko at polluted na.
“Bibig mo naman Ava. Kaunting filter naman.” Saway ni Ivona ang asawa ni Luigi.
“Eh bakit ba? Yun nga ang laging sinasabi ni mommy sa mga amiga nya noong bata ako kapag nagtatanong sila kung bakit madaldal ako.” Paliwanang ni Ava.
“Actually same din sa akin. Ang sabi ng Tiya Meding ko noong bata pa ako pinapakain din daw ako noon ng nanay ko ng puke ng baboy para daw maging madaldal ako. Tapos noong lumaki akong madaldal sila naman ang reklamo ng reklamo at pinapatahimik ako.” Segunda pa ni Aitana na asawa naman ni Lorenzo. Nag apir pa sila ni Ava. Silang dalawa nga ang pinakamadaldal dito sa mesa.
“Kaya pala magkasundo kayo dahil parehas kayong pinakain ng ari ng baboy.” Natatawang sabi naman ni Ivy. Ang asawa ni Jeiz.
“Pero mabalik nga tayo sa tanong ko, bakit hindi ka pa nagaasawa Ate Crizel?” Pangungulit ni Ava. Kahit may laman ng pagkain ang bibig di pa rin tumitigil sa kakadaldal.
“Eh pakialam mo ba? Eh sa ayoko pang mag asawa eh.” Nakangising sabi ko at sumubo ng carbonara.
“Choice na siguro ni Ate Crizel na hindi muna mag asawa.” Ani Ivona.
“Tama ka dyan.” Sang ayon ko sa kanya.
“Pero masarap ding may pamilya Ate Crizel. Lalo na kung may anak ka na. Sila ang magiging happy pill mo at pantanggal stress. Nakakapagod man silang alagaan kung minsan pero sulit naman lalo na kapag nakikita mong lumalaki silang mabuting bata.” Saad naman ni Jolene.
Tumango naman sina Ivy, Aitana at Ivona. Maliban lang kay Ava na puno ang bibig. Malamang di pa sya nakakarelate gaya ko dahil parehas kaming single.
“Alam nyo sa totoo lang, gusto ko ring magkaanak kahit hindi na magkaasawa. Basta anak lang sapat na sa akin.” Sabi ko sa kanila.
Kumunot naman ang kanilang mga noo at tila naguluhan sa sinabi ko.
“Bakit naman ate?” Tanong ni Ivy.
Nagkibit balikat ako. “Wala lang, parang di ko nakikita ang sarili ko may kasamang lalaki habang buhay. Kaya ok na ako sa anak lang.”
“Nabroken hearted ka ba dati Ate Crizel?” Tanong naman ni Aitana.
Saglit akong natigilan. May kumudlit na pinong kurot sa puso ko ng sumagi sa alaala ko ang nakaraan pero mabilis din yung nawala.
“Wala naman.” Tanging sagot ko na lang at muling sumubo.
Ngumisi naman si Ava. “Baka naman may hinihintay kang guy Ate Crizel.”
Tumaas ang kilay ko at kumunot ang noo. “Sino namang guy ang hinihintay ko?”
“Eh di si Kuya Kester! Ayiee!”
Muntik ko ng maibuga ang kinakain ko dahil sa sinabi ni Ava. Dinampot ko ang baso ng tubig at uminom.
Pati ang iba ay nakikisali na rin sa panunukso. Ang sarap talaga sabunutan nitong kapatid ni Atlas eh. Masyadong pasmado ang bibig.
“Hindi ko hinihintay ang kumag na yun no. Di ko sya papatulan kahit sya na lang ang kaisa isang lalaking natitira sa mundo.” Hayag ko.
“Weh di nga?” Halos sabay sabay nilang sabi.
Ayos tong mga bagets na to ah! Pinagtutulungan ako.
Napatingin pa sa amin ang grupo nila Kester. Bakas sa kanilang mga mukha ang curiosity kung ano ang ganap dito sa mesa namin. Ang anak nga ni Lorenzo ay kumakaway pa kay Aitana.
Ngumisi si Kester. “Anong meron dyan ha?”
Tsismoso talaga.
“Ate Crizel likes you Kuya Kes!” Sambit ni Ava sa malakas na boses.
Kasunod niyon ang pag ugong ng panunukso galing sa iba pang mga bisita.
Ngalingaling hablutin ko na ang buhok ni Ava at sabunutan. Gaga rin talaga eh. At itong si Kester naman ngising ngisi naman.
“I know Ava, matagal ng may gusto sa akin yan. Lagi nga akong pinanggigigilan nyan eh.”
“Yihee!” Sabay sabay na panunukso naman ng mga kaibigan nya na may mga ngisi din sa labi.
“Ang kapal ng mukha mo! Talagang gigil na akong lamutakin ang mukha mo.”
“O narinig nyo? Gigil na raw syang lamutakin ako ng halik.”
Lalong umugong ang tuksuhan na may kasama ng tawanan.
Umirap na lang ako sa kanya at hindi na lang sya pinansin pa kahit gustong gusto ko na syang lapitan at lamutakin ng sampal sa mukha. Nakakahiya lang dahil aagawan pa namin ng eksena ang bagong binyag na anak ni Atlas at ni Jolene.
–
“Uy Crizel, pansinin mo naman ako. Para namang ano to o.”
Umikot ang mata ko at hindi nilingon si Kester. Paglabas ko ng restaurant ay sumunod sya. Dire-diretso ako sa parking lot. Nagpaalam na ako sa mag asawang Atlas at Jolene na uuwi na dahil lumalalim na ang gabi. Hindi kasi ako sanay ng masyadong ginagabi ng uwi. Nagtext na rin ang mga kapatid ko at nagtatanong kung anong oras ako uuwi.
At itong kumag na sunod ng sunod sa akin ay kanina ko pa hindi pinapansin. Kahit anong pang aasar nya sa akin ay hindi ko pinapansin. Dahil sa oras na pansinin ko ang pang aasar nya ay siguradong kami ang magiging center of attention. Nakakahiya lang.
“To naman parang binibiro lang masyadong seryoso. Di ka na nasanay sa akin.”
Hindi ko pa rin sya pinapansin at sumakay na sa motor ko. Sinuot ko na ang helmet at sinabit sa hook ang bag. Sinuksok ko na ang susi at binuhay ang makina.
Akala ko ay tatantanana na ako ni Kester dahil umalis na sya sa harapan ko. Napapitlag ako ng biglang bumigat ang likuran ng motor ko. Yun pala ay sumakay sya sa likuran ko. Tila tuloy tinambol ang puso ko sa pagkataranta.
“A-Ano bang ginagawa mo Kester? Parang tanga na naman to o! Bumaba ka nga!” Singhal ko sa kanya.
“Ang sarap pa lang sumakay sa motor mo. Joyride naman tayo minsan.”
Aba’t nag request pa talaga sya.
“Bumaba ka na! Kung hindi tuluyan na akong magagalit sayo at habang buhay kitang hindi na papansinin!” Hindi na magkamayaw sa pagtibok ng malakas ang puso ko.
Bumaba naman sya at nakasimangot na na parang bata. “Parang sasakay lang eh.. damot.”
Inikutan ko sya ng mata. “May kasalanan ka pa sa akin ha. Pinalampas lang kita dahil nakakahiya sa mga bisita sa loob. Para kang tanga. Kulang ka ba sa aruga?”
“Oo, kulang ako sa aruga kaya arugain mo ko Mommy Crizel.” Parang batang ngumuso pa sya at humawak sa braso ko.
“Ay ano ba!” Piniksi ko ang brasong hawak nya at sinamaan sya ng tingin. “Para kang timang! Umayos ka nga!”
Ngumisi sya. “Pansinin mo na kasi ako.”
“Pinapansin na nga kita di mo ba nakikita.” Sikmat ko.
Lalong lumapad ang ngisi nya. “Oo nga pala pinapansin mo na ko. Hayan nga gigil ka na naman sa akin.”
Bumuntong hininga ako at seryoso syang tiningnan. “Alam mo Kester, nakakapagod ka ng makita. Sa tuwing nagkikita tayo lagi mo kong binubwisit. Ikaw na nga ang may atraso sa akin ikaw pa ang malakas mambwisit. Kelan mo ba ako titigilan? Pakiramdam ko past time mo ng bwisitin ako kapag bored ka.”
Nawala ang ngisi nya at hindi na nakaimik at nakatingin lang sa akin.
Kinuha ko namang pagkakataon yun at inatras na palabas sa parking lot ang motor. Pinaharurot ko na ang motor sa kalsada at hindi na sya nilingon pa kahit alam kong nakatingin pa rin sya sa akin.
–
NAKAPANGALUMBABA ako sa desk ko habang tinutuktok ang ballpen. Tapos na akong magkwenta at hinihintay na lang matapos sa pagliligpit ang mga tauhan ko.
Bumuntong hininga ako. Buong araw akong tamad na tamad at parang wala sa sarili. Muntik pa nga akong magkamali ng lagay ng sahog sa niluluto ko kanina mabuti na lang at alerto si Amelia.
“Sorry po ser sarado na po kami.”
Lumakas ang kabog ng dibdib ko at napatingin sa entrance ng eatery. Nadisappoint ako ng hindi ang taong inaasahan ko ang pumasok. Isa yung may edad na payat na lalaki.
Sumimangot ako. Hay, bakit ko ba laging naiisip ang lalaki yun. Mainam nga yun di na sya pumupunta dito sa eatery laging tahimik ang mundo ko. Yun nga lang hindi naman matahimik ang isip ko at sumasabay pa tong puso ko. Kinukulam na yata ako ng kumag na yun eh.
Isang buwan ng hindi nagpupunta dito sa eatery si Kester. Ang huling pagkikita namin ay noong binyag ng anak ni Atlas at ni Jolene. Ito na ang pinakamatagal na hindi nya pagpunta dito sa eatery. Dati mga ilang araw lang o kaya isang linggo. Nagsasabi pa nga sya noon kung ilang araw syang mawawala. Pero ngayon ay wala man lang syang sinabi.
Siguro ay hindi na talaga sya pupunta dito sa eatery. Baka natauhan na sya sa mga sinabi ko sa kanya noon. Mabuti naman.
Dapat matuwa ako di ba? Pero ano tong nararamdaman ko? Bakit parang.. namimiss ko sya.
Ipinilig pilig ko ang ulo.
Hindi ko sya namimiss! Bakit ko sya mamimiss? Sino ba sya? Eh isa lang syang malaking bwiset sa buhay ko. Ang kapal naman ng mukha nya para mamiss ko sya. Siguro kinukulam nya talaga ako. Kapag nakita ko talaga sya ulit sasabuyan ko sya ng asin at bawang. Aswang sya! Inaaswang nya ang isip ko.
Chapter 10
Crizel
“ME and my baby bother likes chicken. We like it when mommy cook tinola. So sarap!”
“Me too! But I don’t like tinola. I like chicken joy. It’s my favorite!”
Napaawang ang labi namin ni Belinda habang pinakikinggan ang dalawang batang babae na naguusap sa kabilang mesa. Sa tantiya ko ay mga nasa edad apat o limang taong gulang na sila base sa kinder uniform na suot nila. Ang dalawa nilang ina ay nasa counter at umoorder. Mukha lang naman silang simpleng mamayan pero kung makapag english ang dalawang bagets parang gusto kong mahiya noong nasa edad pa nila ako.
“Grabe na talaga ang mga bagets ngayon ano? Ibang iba noong mga bagets pa tayo.” Sabi ni Belinda at sumubo ng spaghetti.
Nandito kami sa paboritong fast food chain ng mga bagets dito sa loob ng mall. Walang iba kundi sa Jollibee. Byernes ngayon at hindi muna ako pumasok sa eatery ko. Nilakad ko kasi ang mga papel ko sa sss. Iniwan ko muna ang eatery sa mga tauhan ko. Nagpasama ako kay Belinda sa paglalakad at iniwan nya muna si Beatrice sa asawa nya.
“Kaya nga eh. Ang tatatastas ng magsalita ng english.” Sang ayon ko pa sabay subo ng sundae.
“Alam mo ganyan din si Beatrice minsan eh. Ang sosyal magsalita ng english minsan. Minsan nga tinuturuan pa nya kami ng ama nya.”
“Sa mga napapanood kasi nila yan. Parang yung mga pamangkin ko rin. Paborito nila ang Pepa Pig. Si Tonya minsan ini-english na rin ako. Pero si Glen magaling lang yun manghingi ng tingkwenta.”
“Truee ka dyan mamsh! Dahil sa mga pinapanood nila yan. Eh kasi naman noong kabataan natin ang uso noon Bananas in Pyjamas. ‘Naiisip mo ba ang naiisip ko B1? Palagay ko nga B2.’ Kaya ayun! Mga batang 90’s paglaki mga marites.”
Natawa ako sa sinabi ni Belinda. Totoo naman kasi yun. Madalas pa ang napapanood noon sa telebisyon ay Teletubbies, Doding Daga, Moja Moja at kung ano ano pa. Kasagsagan pa noon ng kasikatan ng mga anime.
“Meron pa mga yung laruan na cellphone na tumutunog naalalala mo?”
“Ay oo! Meron ako nun noong bata ako. Nakikipag agawan pa ako noon sa kapatid ko. Sinasabayan ko pa nga ng sayaw yun eh. ’Teleletet telelet wawayu! Ay yay yay! Lami nangimamatay!”
Tuluyan na akong natawa ng sinabayan pa ni Belinda ng sayaw ang kanta nya. Kahit kelan talaga komedyante sya.
“Ibang iba talaga noong panahon natin.”
“Kaya nga eh. Napakaswerte ng mga bata ngayon.”
“Crizelda is that you?”
Nabitin ang pagsubo ko ng kutsara at sabay pa kaming napalingon ni Belinda sa malaking boses na ipit na tumawag sa akin.
Namilog ang mata ko ng mapagsino ang tumawag sa akin. Si Rika. Ang binabaeng pinsan ni Kester.
“Rika!” Bulalas ko sabay tumayo.
“Omg! Ikaw nga kambal!” Patiling sabi nya at maarteng niyakap ako at bineso beso.
Bahagya akong lumayo sa kanya at tiningnan sya mula ulo hanggang paa. Matangkad na sya pero lalo pa syang tumaas dahil sa stilleto shoes na suot nya na halos pumutok na dahil sa laki ng paa nya. Bahagya pa akong napangiwi ng halos pumutok na rin ang skinny jeans na suot nya dahil sa mamasel nyang mga hita. Mabuti na lang at hindi nya naisiping magsuot ng fitted na top dahil siguradong masagwa ng tingnan dahil malalaki ang mga masel nya. Pero infairness naman sa maton na bading na to marunong magdamit sa sarili. Kunsabagay part time nya noong college kami ang pagiging stylist. Sayang nga tong baklang to eh. Gwapong lalaki sana pero mas piniling magmagandang binabae.
“Kambal kamusta ka na? Omg! Sa lahat ng lugar dito pa talaga tayo nagkita. What a coincidence! Balak ko nga puntahan ka sa eatery mo eh. Ihh! I’m so happy to see you talaga. I miss you kambal.” Muli nya akong niyakap.
Natawa naman ako at niyakap ko rin sya. Namiss ko rin ang baklitang maton na ito. Mahigit sampung taon na rin kaming hindi nagkikita dahil pinagpatuloy nya ang pag aaral sa ibang bansa. Sa social media na lang ulit kami nagkaroon ng contact sa isa’t isa.
“Oy bakling nandito rin ako.” Kalabit ni Belinda kay Rika.
“Ay nandyan ka pala bilat! Sorry akala ko anino ka.” Pabirong sabi ni Rika na bumitaw na sa akin at hinarap si Belinda.
“Gaga! Wala ka pa ring pinagbago. Dakmain ko lato lato mo dyan eh.” Pabirong sabi naman ni Belinda at silang dalawa naman ang nagyakap.
Sumalo na sa mesa namin si Rika o Ricardo sa totoong pangalan. Para kaming bumalik sa nakaraan.
Kabatchmate at naging kaklase namin ni Belinda si Rika. Noong una ay ayoko sa kanya dahil maarte syang bakla at pinsan pa ni Kester. Ayaw rin nya sa akin noon dahil ang crush nya ay may crush sa akin. Madalas nya akong irapan at pasaringan. Hindi ko naman sya inurungan. Mabuti nga at hindi kami umabot sa pisikalan. Pero naging magkasundo din kami noong magkaroon ng team building ang school namin. Simula noon ay naging magkaibigan na kami at kambal na ang tawag nya sa akin dahil magkamukha daw kami kahit ang layo naman. At simula nga noon ay suportado nya ang pakikipagbardagulan ko sa pinsan nya kapag nagkikita kami nito. Sayang nga lang at isang taon lang sya nag aral sa school at lumipad na paibang bansa at doon pinagpatuloy ang pag aaral. Mabuti na nga lang at may social media na kaya nagkakachikahan kami kapag parehas kaming may time.
“So kamusta ka na Belinda? Pang limang junakis mo na ba yan? Ang tindi mo ha.” Ani Rika at hinimas ang busog na tiyan ni Belinda.
“Gaga! Busog lang ako no. Saka isa pa lang ang anak ko na inaanak mo rin.”
“Ay nasaan na pala ang inaanak ko na yun bakit di mo kasama?”
“Iniwan ko muna sa papa nya. Ito kasing si Crizel nagpasama sa sss.”
Bumaling naman sa akin si Rika. “Ano namang ginawa mo sa sss? Nagpalit ka ng beneficiary? May junakis ka na?”
“Sira! Para ka namang di updated sa akin. Wala pa akong anak no. Busilak pa ang matris ko.”
“Na malapit ng magexpire.” Dugtong ni Rika. “Gaga mag anak ka na anong petsa na o. Kung ayaw mong mag anak ibigay mo na lang sa akin yang matris mo ng mapakinabangan.”
“Kung pwede nga lang eh di binigay ko na to sayo.”
Pumangalumbaba sya at taas kilay na matamang nakatingin sa akin.
“Eh kamusta naman kayo ng pinsan ko?”
Kumislot ang puso ko ng banggitin nya ang tungkol sa pinsan nya.
Kumunot ang noo ko. “Anong kamusta kami? Di naman kami friend ng pinsan mo.”
Umingos sya. “Ano ba yan? Gaya pa rin kayo ng dati. Akala ko pa naman nag level up na kayo.”
“Anong level up?” Naguguluhang tanong ko.
“Level up. Akala ko lovers na kayo.”
Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong drinks sa sinabi nya. Lumakas din ang kabog ng dibdib ko. Kinabahan ako na di ko maintindihan.
“Hindi mangyayari yun no. Never kong papatulan ang pinsan mo kahit sya na lang ang kaisa isang lalaki sa mundo.” Kunwaring inirapan ko sya.
“Huwag kang magsalita ng tapos kambal, hindi mo kabisado ang ikot ng mundo. Baka isang araw mabalitaan ko kayo na ni insan.” Pataas taas pa ang kilay na hirit ni Rika.
“Hindi mangyayari yun, alam mo namang kontrapelo kaming dalawa.”
“Ay nako mamsh, maraming nagkakatuluyan sa ganyan.” Singit pa ni Belinda.
“True! Hindi naman ako tutol kung maging kayo ng pinsan ko. Maganda nga na ikaw ang makatuluyan nya eh. Tanggal ang angas nya sayo.”
“Hay tumigil na nga kayong dalawa! Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi nyo eh!” Inirapan ko silang dalawa.
Nagtinginan naman sila at parehas may sinusupil na ngiti.
–
PINARADA ko ang motor sa harap ng sarado kong eatery. Pasado alas diez na ng gabi ay napasugod pa ako dito dahil nakalimutan ko ang charger. Hinubad ko ang helmet at sinabit sa hook sabay baba ng motor at hugot ng susi. Lumapit ako sa roll up door at sinusian ito at hinila pataas. Sunod ko namang sinusian ang salaming pinto at pumasok na sa loob. Binuksan ko ang switch ng ilaw at bumaha ang liwanag. Dumiretso ako sa maliit na opisina ko at binuksan ang drawer at kinuha ang charger.
Bago ako lumabas ay dinouble check ko muna ang kusina. Tiningnan ko kung nakasarado ang lahat ng tangke. Tiningnan ko na rin ang mga sasakan dahil baka may naiwang nakasaksak. Ng masigurong ok na ang lahat ay pinatay ko na ang ilaw at lumabas. Muli kong binaba ang roll up door at nilock.
“Shabi ko na nga ba ikaw yung pumashok eh.”
Napapitlag ako sa gulat ng may malaking boses na nagsalita sa likuran ko. Lumingon ako at pati puso ko ay tila napapitlag ng makita si Kester na nakasandal sa sasakyan nyang nakaparada sa tapat ng eatery. Nakahalukipkip pa sya at tila inaantok ang hitsura. Ngayon ko lang ulit sya nakita. Saan kaya sya nagsusuot?
Kumunot ang noo ko at lumapit sa kanya. Pero nalukot ang mukha ko ng maamoy kong amoy alak sya at sa hitsura nya ay mukhang lasing pa nga.
“Anong ginagawa mo dito?”
Tinaas nya ang kamay at tinuro ang kabilang direksyon ng kalsada.
“Dyan lang sha bar. Nagkayayaan kaming magkaibigan maginuman. Mukhang namish nila ako. Kauuwi ko lang kashi galing US. Shinamahan ko shi lolo at lola na dalawin ang ibang kamag anak namin doon.” Pumipikit ang matang sabi nya.
Ah kaya pala ang tagal nyang nawala dahil nangibang bansa pala kasama ang lolo at lola nya. Iba talaga ang mayayaman padalaw dalaw na lang sa ibang bansa.
Umingos ako. “Lasing ka na bakit di ka pa umuwi?”
Kumamot sya sa ulo. Bahagya pa syang gumewang mabuti na lang at napakapit sya sa sasakyan nya.
“Inaantok na ko eh. Parang di ko na kayang magdrive. Balak ko pumarada muna dito sa harap ng eatery mo para matulog shaglit.. taposh nakita ko bukas sha loob.. Akala ko may magnanakaw na eh mabuti na lang namukhaan ko yung motor mo..” Pakumpas kumpas pa ang kanyang kamay.
“May nakalimutan lang ako kaya bumalik ako dito.”
Nakapikit na tumango tango sya. Mukhang antok na nga sya. Kawawa naman. At least hindi na sya nagpumilit magdrive dahil baka maaksidente pa sya.
“Pwede bang dito muna ako magpark? Iidlip lang ako shandali. Pramis..”
Bumuntong hininga ako. Medyo naawa ako sa hitsura nya.
“Wala ka bang pwedeng tawagan para sunduin ka dito at ihatid sa inyo kesa matulog ka dito. At least sa bahay mo makakatulog ka ng maayos.”
Umiling iling sya.
“Eh ang mga kaibagan mo?”
Kumamot ulit sya sa pisngi. “Mga busy shilang lahat lam mo na.. shempre priority na nila ang mga ashawa at anak nila.”
“Eh di si Matias. Wala pang asawa yun kaya ayos lang siguro na istorbohin yun.”
“Lashing din yun dahil may problema yun sha lablayf nya.”
Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Parang nakacurious ako.
“Si Matias may love life na?”
“Oo, pero shekreto lang muna naming dalawa yun.”
“Talaga lang ha. Akala ko wala syang interes sa babae eh.”
Sa kanilang magkakaibigan ay si Matias ang pinaka tahimik at seryoso. Sya din ang masasabi kong ibang level ang kagwapuhan sa kanilang lahat. Well lahat naman sila gwapo. Mga mestiso at balbas saraduhin. Lalaking lalaki ang dating. Kaya noong mga college kami ay talagang maraming babae ang nagpapansin sa kanila. Pero si Kester ay iba din ang level ng mukha. May pagka mestiso na tsinito sya. Maputi sya at laging malinis ang mukha kaya sa kanilang magkakaibigan ay sya ang mukhang pinakabata. Palangiti at palatawa pa sya kaya pilyo ang dating at isa sya sa habulin ng mga babae noong college kami.
“Wag ka ng mag alala sha akin Crizel. Ok lang ako dito sha sasakyan ko.”
Umirap ako. “Hindi ako nagaalala sayo no.”
“Eh di hindi. Pabayaan mo na lang ako mag isha dito. Ayosh lang ako kahit pagtripan ako ng mga tambay dito. Wala lang yun.. Hindi ka dapat magalala sha akin. Shino ba naman ako? Isha lang naman akong bushet sha buhay mo. Ayosh lang ako pramis..” Tinaas pa nya ang isang kamay at yumuko. Pagewang gewang pa sya sa pagkakasandal sa sasakyan.
Napabuntong hininga na lang ako. Lasing na nga magaling pang mangonsensya.
Nagpalinga linga ako. Halos sarado na ang lahat ng establishment maliban lang sa mga botika na bente kwatro oras na bukas at sa ilang resto bar na panggabi naman ang bukas.
Bumalik ang tingin ko kay Kester. Nakayukyok na ang ulo nya sa braso nyang nakapatong sa side mirror. Kahit bwisit ako sa kanya ay hindi naman kaya ng konsensya ko na iwan sya dito. Baka matyempuhan sya ng mga lokong tambay.
Oo nga pala si Rika!
Biglang sumagi sa isip ko si Rika. Kinuha ko ang cellphone sa body bag ko at dinial ang numero ni Rika. Pero nakatatlong dial na ako ay ring lang ito ng ring. Mukhang tulog na at nakasilent mode pa ang phone.
Binalik ko na lang ang cellphone sa bag at nagpalinga linga. Paano kaya to?
“Ay!” Napatili ako ng makitang dumausdos na paupo sa semento si Kester.
Chapter 11
Crizel
NAPAPAMURA ako sa bigat ni Kester habang inaalalayan ko syang bumaba ng sasakyan. Napagpasyahan kong iuwi na lang muna sya dito sa bahay at dito na lang magpalipas ng gabi kesa hayaan ko syang matulog sa sasakyan nya sa labas ng eatery ko. Konsensya ko pa kapag may nangyaring masama sa kanya.
“O si Crizel o, may kasamang lalaki.” Anang isang lalaking kapitbahay namin na si Berong na kababata ko rin. Nakatambay sya sa katabi naming tindahan kasama ang iba pa nyang barkada at nag iinuman sila.
“Ay!” Napatili ako ng muntik na akong matalisod. Ang bigat naman kasi ng kumag na kapreng ito.
“Umayos ka kasi! Akala mo naman ang gaan gaan mo.” Asik ko kay Kester. Umungol lang sya at lalo pang nagpabigat.
“Kester ano ba! Kapag hindi ka umayos sa baranggay kita dadalhin doon ka matutulog.” Banta ko sa kanya.
Pero mukhang di nya ako naririnig dahil sa kalasingan. Mabuti na lang at lumapit si Berong at ang dalawang barkada nya.
“Kami na aalalay dyan Crizel.” Ani Berong at lumapit sa amin kasunod ang dalawa nyang barkada. Pero hindi pa sya nakakalapit ay biglang kinawit ni Kester ang malaking braso sa kanya.
“Ackk! T-Teka lang pare!”
“Bakit mo kinakaushap ang baby loves ko ah?”
Namilog ang mata ko at pinalo sa braso si Kester.
“Hoy tumigil ka nga! Anong baby loves ka dyan? Umayos ka! Kundi ipapagulpi kita sa mga yan! Bitawan mo na si Berong!”
Bumaling sa akin si Kester. Namumungay ang mga mata nyang pumipikit pikit pa.
“Bakit kinakampihan mo tong mukhang chowchow na to baby loves ko?”
Nag init ang mukha ko kasabay ng pagwawala ng puso ko dahil sa sinabi nya. Pero agad ko ding kinalamay ang sarili. Lasing sya at di alam ang mga sinasabi. Di ako dapat magpaapekto.
“Anong chowchow ka dyan? Uhuk! – Oy Crizel sawayin mo na nga tong jowa mo di na ako makahinga – ack!”
“Hindi ko jowa tong timang na to no! Ano ba Kester bitiwan mo na nga sya! Tutulungan ka lang nilang ipasok sa loob ng bahay dahil hindi kita kaya. Ang bigat bigat mo. Kapag hindi ka talaga umayos hahayaan kitang matulog dito sa labas.” Naiinis ng sabi ko. Dumagdag pa sa inis ko ang hindi pagkalma ng puso ko.
Ngumuso sya at binitawan na si Berong pero muntikan na syang matumba mabuti na lang at napahawak sya sa bakod namin.
“Sige na pakialalayan na yan.” Utos ko kanila Berong.
Lumapit naman ang dalawa nyang barkada at inalalayan sa kabilang balikat si Kester. Napangiwi pa sila sa bigat nito.
“May bayad to Crizel ha.” Ani Berong.
“Anong bayad? Ikaw ang nagpresintang tumulong ah.”
“Eh mabigat tong jowa mo eh. Mas mabigat pa sa kalabaw.” Ani Berong na ngumingiwi pa habang alalay nila ng barkada nya si Kester.
“Hindi ko nga jowa yan ang kulit mo. Sige na! Sagot ko na isang gin nyo.”
“Isang gin lang? Samahan mo na ng pulutan kahit yung tirang ulam nyo lang dyan.” Hirit pa ni Berong na sinang ayunan pa ng dalawa nyang barkada.
“Oo na oo na! Sige na ipasok nyo na sa gate yan.”
Binuksan ko naman ang maliit naming gate para maipasok na nila si Kester. Halatang hirap na hirap sila dahil malaking tao si Kester. Hanggang sa tuluyan na nila itong naipasok sa bahay at naihiga sa sofa.
“Huu! Sakit sa likod.” Anang isang barkada ni Berong na lumiyad liyad pa.
Si Berong naman ay binistahan pa ang mukha ni Kester.
“Ang gandang lalaki nitong mamang to. Sigurado kang di mo jowa to Crizel?”
“Hindi nga! Ang kulit mo.”
“Ay tanga ka! Di mo na dapat pinapalampas to. Gandang lahi nito o at mukha ring big time. Tingnan mo yung relo. Rolex!”
Tinampal ko ang kamay ni Berong ng hawakan nya ang relo ni Kester.
“Huwag mong paginteresan yan.”
“Hindi ko pinagiinteresan. Titingnan ko lang kung bagay sa akin.”
“Heh! Magtigil ka. Sige na lumabas na kayo.” Pagtataboy ko sa kanila.
“O pang gin namin.” Sabay lahad ng palad ni Berong.
Dumukot ako ng singkwenta sa bag at binigay sa kanya.
Kumamot sa ulo si Berong. “Singkwenta lang? Wala ng singkwentang gin. Gawin mo ng isandaan.” Hirit pa nya.
Dumukot ulit ako ng singkwenta sa bag. Wala na tuloy singkwenta bukas si Glen. Yari ako sa pamangkin ko.
Tinampal ko ang singkwenta sa noo ni Berong. “Magtrabaho ka kasi para may pang inom ka hindi yung nangbuburaot ka.”
Lumawak naman ang ngiti nya. “Salamat! O mga pare may pandagdag gin tayo. Yung pulutan pala.” Hirit pa ni Berong sa akin.
“Wala! Binigyan ko na nga kayo ng pang gin hihirit ka pa ng pang pulutan. Bawiin ko yan eh.”
Agad nilayo ni Berong ang kamay nyang may hawak na dalawang singkwenta.
“Sige na nga pwede na to. Lalabas na kami.”
Lumabas na si Berong at ang dalawa nyang barkada. Sinarado ko ang pinto at nilapitan si Kester. Saglit ko syang tinitigan lang. Mukhang tulog na sya. Sa laking tao nya ay di sya kasya sa sofa. Nakalawit ang isang paa nya at braso sa sahig at ang isang paa naman ay nakapatong sa armrest. Siguradong sasakit ang katawan nya paggising.
Kumamot ako sa ulo. Lalasing lasing di naman kaya ang sarili.
Tumungo ako sa dating kwarto ng mga magulang ko at kumuha ng ekstrang kutson, unan at kumot. Bumalik ako sa sala at inusod patabi ang coffee table. Nilatag ko ang kutson na sinapinan ko pa at nilagay ang unan.
“Hay! Nakakagulat ka naman ate. Akala ko kung sino na ang nanloob ikaw lang pala.”
Nilingon ko si Clarissa na may hawak na baseball bat. Mukhang nagising sya sa ingay. Namilog ang mata nya ng makita si Kester na nakahiga sa sofa. Nilapitan nya ito.
“Sino tong gwapong mama na to ate? Boyfriend mo? Nagtanan na kayo?” Sunod sunod na tanong ni Clarissa.
“Gaga! Di ko boyfriend yan at lalong di kami nagtanan.”
“Ay, di mo sya boyfriend? Sayang naman. Nuknukan ng gwapo o at mukhang mayaman pa.” Humagikgik si Clarissa.
“K-Kaibigan ko lang sya. Nakita ko sya sa harap ng eatery at lasing na lasing. Hindi na nya kayang magdrive kaya inuwi ko muna dito kesa iwan sya dun. Konsensya ko pa kapag may nangyari sa kanya.” Paliwanag ko at inayos ang sapin ng kuston.
Tumango tango naman si Clarissa habang titig na titig pa rin kay Kester.
“Infairness ate ang gwapo nya talaga. Ang kinis ng mukha at ang tangos ng ilong. Sigurado ka bang di mo to boyfriend ate?”
Napapikit ako ng mariin. Bakit ba ang kukulit ng mga tao ngayon sa paligid ko.
“Hindi nga! Kakilala ko lang sya.”
“Sabi mo kanina kaibigan tapos ngayon kakilala. Ano ba talaga ate? Bakit di mo na lang kasi aminin na boyfriend mo sya. Di naman kami magagalit ni Cristoff. Matutuwa pa kami dahil sa wakas may boyfriend ka na.”
“Sinabi ko ngang di ko sya boyfriend at kaibigan ko lang. Huwag ka ngang makulit kundi kukurutin kita sa singit.”
Humagikgik lang ang magaling kong kapatid.
“Tulungan mo na lang akong ibaba sya dito sa kutson para makatulog na rin ako.” Nilapitan ko na sa ulunan si Kester.
“Tabi kayong matutulog?”
“Clarissa!”
“Char lang ate.” Natatawang sabi nya at hinawakan na sa binti si Kester.
Nahirapan kaming ibaba sa kutson si Kester dahil bukod sa malaking tao sya ay mabigat pa. Kulang na nga lang ay ihulog namin sya ni Clarissa sa kutson.
Napahawak ako sa balakang ng tuluyan na namin syang naibaba. So Clarissa ay hinilot hilot pa ang balikat.
“Hay parang kapre naman tong kaibigan mo ate. Ang bigat pa. Halos di rin sya kasya sa kutson o.”
“Hayaan mo na. At least makakatulog sya ng maayos sa kutson kesa sa sofa.”
Lumapit ako sa paanan ni Kester at hinubad ang puting sneakers nya at iniwan lang ang medyas. Tinabi ko ang sneakers nya sa gilid ng pinto.
Tumingin ako kay Clarissa at napakunot noo ako dahil sa kakaiba nyang tingin sa akin.
“Bakit?”
Umiling iling sya at ngumuso. “Wala ate. Balik na ako sa kwarto.”
“O sige.”
Nilapitan ko ang electric fan at binuksan. Tinutok ko iyon kay Kester. Dinampot ko ang kumot at tinabi sa kanya incase na lamigin sya.
“Ate.”
Kunot noong nilingon ko si Clarissa. Akala ko ay pumasok na sya sa kwarto.
“O?”
Pilyang ngumiti sya. “Bagay kayong dalawa.” Tatawa tawang sabi nya sabay patakbong tinungo ang kwarto.
“Luka luka talaga.”
Binalingan ko na lang si Kester. Mukhang komportable na sya. Bahagya na ngang humihilik.
Nilapitan ko na ang pinto at nilock ito. Pinatay ko na rin ang ilaw.
Tumungo na ako sa kwarto ko para makapagpahinga na rin. Papasok pa ako sa eatery bukas.
–
NAALIMPUNGATAN ako sa ingay ng dalawang pamangkin ko sa labas ng kwarto ko. Nangingibabaw ang boses ni Glen.
Nag inat ako at dinampot ang cellphone sa night stand. Binuksan ko yun at tiningnan ang oras. Six thirty na pala ng umaga.
Bumangon na ako at niligpit ang kumot. Kumuha ako ng damit na susuotin ko ngayong araw sa closet at tuwalya. Lumabas na ako ng kwarto para pumunta ng banyo. Pero natigilan ako ng makita si Kester sa sofa kaharutan ang dalawa kong pamangkin. Saka ko lang naalala na dito ko pala sya dinala kagabi dahil lasing na lasing sya.
“Ate gising na yung boyfriend mo.” Untag sa akin ni Cristoff na may hawak na tasa ng kape nya.
Pumikit ako ng mariin. “Hindi ko sya boyfriend.”
“Weh?”
Inabaan ko ng batok si Cristoff. Umilag naman sya at tatawa tawa.
“Si Clarissa?”
“Nasa kusina nagluluto ng almusal.”
Tumango tango ako.
“Good morning.”
Bumaling ako kay Kester. Nakangiti sya sa akin. Medyo gulo gulo ang buhok nya pero bumagay naman sa kanya at ang boses nya ay medyo namamaos pa.
Lumapit ako sa kanya. Wala na ang kutson, unan at kumot na pinagamit ko sa kanya. Mukhang naligpit na.
“Kamusta ang tulog mo?” Tanong ako.
“Masarap naman ang tulog ko kahit medyo mainit.”
Umingos ako. “Sorry naman. Wala kaming aircon eh electric fan lang. Pasalamat ka na lang at pinagtyagaan pa kitang dalhin dito kahit hirap na hirap ako dahil sobrang bigat mo.” Inis na sabi ko. Tinulungan na nga nagrereklamo pa.
“O easy ka lang. Di naman ako nagrereklamo eh. Nagpapasalamat pa nga ako na dinala mo ko dito at di iniwan sa labas ng eatery.” Kakamot kamot sa ulong sabi nya.
“Mabuti naman. Akala ko nagrereklamo ka eh.”
Tinaasan ko sya ng kilay dahil para syang ewan na nakatingin lang sa akin. Bahagya naman akong nailang.
Tumikhim ako. “Nagkape ka na ba? Magkape ka muna bago ka umalis para magising ang lasing na diwa mo.”
Tumawa sya. “Di na ako lasing.”
“Heto na ang kape mo Kuya Kester.” Lumapit sa amin si Clarissa hawak ang isang tasa ng kape na umuusok pa. Nilapag nya ito sa coffee table.
Napataas ang kilay ko. Mukhang close na silang dalawa ah. May pakuya kuya pa ang kapatid ko.
“Salamat Clarissa.”
“You’re welcome. Tonya, Glen sa kusina na kayo at kakain na. Ikaw Kuya Kester gusto mo bang kumain?” Alok pa ni Clarissa.
“Salamat Clarissa pero kape muna ako.” Dinampot ni Kester ang tasa ng kape at humigop.
“Ok, ikaw ate kape?” Alok naman sa akin ng kapatid.
“Hindi na. Sa eatery na lang ako magkakape.”
“Ok.” Bumalik na sa kusina si Clarissa para estemahin ang dalawa nyang anak.
“Papasok ka sa eatery?” Tanong ni Kester.
“Oo.”
“Sabay na tayo.”
Tatanggi na sana ako ng bigla kong maalala na wala pala akong motor. Iniwan ko yun kagabi sa isang resto bar at binilin sa gwardya doon.
Bumuntong hininga ako. “Sige, maliligo lang ako.”
Tumalikod na ako at dumiretso na ng banyo.
Kailangan ko ng maligo sa malamig na tubig para tuluyan na ring magising ang diwa ko at baka sakali ay maging normal na rin ang takbo ng puso ko.
Hi guys! Kakapalan ko na ang mukha ko sa inyo. Manghihingi lang sana ako sa inyo ng kaunting donasyon kahit papiso piso lang para sa operation kapon ng bago kong ampon na aso na inaabuso ng dati nyang amo. Naka register na po sya para sa kapon at waiting na lang po sa schedule. Ang malilikom kong donasyon ay pandagdag po sa bayad sa vet. Kahit piso lang guys sapat na yan dahil kapag naipon yan dadami yan. 🤗
Gcash #09057056138
Details ng dog na kakapunin ay naka post sa fb page ko.
Chapter 12
Crizel
PAGLABAS ko ng kwarto ay naabutan kong naghaharutan pa rin si Kester at Glen. Si Tonya ay nakabihis na ng school uniform nya. Ihahatid muna sya ni Clarissa sa school bago ito pumasok. Sa uwian naman ay sundo sya ni Tiyang Amparo.
“Ayaw ko na po Tito Kestel! Nikikiliti ako!” Pagpupumiglas ni Glen sa hawak ni Kester. Binitiwan naman sya nito. Pero mayamaya lang ay sumampa sya sa sofa at sumakay sa likod ni Kester.
“Ah gusto mo pa ah!” Kinuha ni Kester sa likod nya si Glen at muli na naman itong pinagkikiliti. Panay naman ang tili ng pamangkin ko.
Napailing iling na lang ako. Wala talagang kasing kulit itong pamangkin ko. Parehas sila ni Kester na makulit na mukhang mahilig sa bata.
Tumikhim ako at lumapit na sa kanila. “Halika na Kester.”
Tumigil silang dalawa sa paghaharutan at tumingin sa akin.
“Alis na po ikaw tata?” Tanong ni Glen.
“Oo alis na kami kaya wag ka ng makulit.”
Bumaling ako kay Kester na hindi umiimik at nakatingin lang sa akin. Kumunot ang noo ko
“Huy, aalis na kako tayo.” Untag ko sa kanya.
Kumamot naman sya sa ulo at tumayo na.
Tumaas naman ang kilay ko. Problema nya? Parang ayaw pang umuwi ah.
“Tito pogi tingkwenta ko? Pramis mo po kanina.” Nilahad ni Glen ang maliit na kamay kay Kester.
“Oo nga pala.” Dinukot ni Kester ang wallet sa likod ng pantalon nya at kumuha ng limang daang papel na malutong pa at binigay iyon kay Glen.
Namilog naman ang mata ko.
“O, maraming singkwenta yan.”
Sumimangot si Glen habang tinitingnan ang limang daang papel. “Hindi naman tingkwenta to eh! Loko mo ko.”
“Hindi nga. Pero maraming singkwenta yan.”
“Dilaw to hindi naman pula.”
Natawa naman ako. Singkwenta lang naman kasi ang alam na pera ng pamangkin ko. Tiningnan ko si Kester na napakamot na lang sa ulo.
Bahala ka dyan.
“Oo nga, pero ang katumbas nyan ay sampung singkwenta. Maraming singkwenta yan.”
Nakangusong binalik ni Glen ang limang daan kay Kester.
“Gusto ko tingkwenta kulay pula.”
“Wala akong singkwente eh.” Tiningnan ni Kester ang wallet nya.
Nakisilip na rin ako. Puro tig iisang libong papel at limang daan ang pera nya sa wallet at may ilan pang card. Ano pa bang aasahan ko sa mayamang gaya nya? Normal lang din na marami syang pera dahil negosyante sya.
Nakakunot na ang noo nya. Biglang namroblema sa singkwenta.
Kinuha ko ang limang daan sa kamay ni Kester at naghanap ako ng singkwenta sa bag ko. Mabuti na lang at may nadukot pa ako. Kagabi kasi ay dalawang singkwenta ang binigay ko kay Berong. Iniabot ko ang singkwenta kay Glen.
“O hayan na ang singkwenta ni Tito Kester mo.”
Kinuha ni Glen ang singkwenta. Malapad na ang ngiti nya.
“Thank you po Tito Kestel!”
“You’re welcome kulet.” Ginulo ni Kester ang buhok ng pamangkin ko.
Bumaling naman sa akin si Glen. “Eh yung sayo tata? Tingkwenta ko.” Sabay lahad nya ng palad.
“Hayan na singkwenta sa kamay mo ah.” Tinuro ko ang singkwenta na hawak nya.
Ngumuso sya. “Bigay Tito Kestel to eh. Ikaw wala ka pa bigay tingkwenta.”
Umawang ang labi ko. Habang tumatagal pa wais ng pa wais tong pamangkin ko ah.
Ngumisi naman si Kester. “Hanep tong pamangkin mo parang ikaw.”
Sinamaaan ko sya ng tingin. “Anong parang ako.”
“Parang ikaw, cute!”
Inirapan ko sya kasabay ng pagkislot ng puso ko. Magaling talagang humirit tong kumag na to eh.
Binalingan ko na lang si Glen. “Utang mo na ang singkwenta ni tata, mamaya na lang pag uwi. Walang barya.”
Lalong nanghaba ang nguso nya. “Basta mamaya uwi mo ah.”
“Oo na. O kiss mo na si tata alis na si tata.” Yumuko ako. Hinalikan naman nya ako sa pisngi. Sumunod namang humalik si Tonya na inabutan din ni Kester ng limang daan. Nagpasalamat naman si Tonya.
“O alis na kami. Clarissa ikaw na ang bahala. Check mo ang buong bahay bago umalis tapos puntahan mo na rin si tiyang.” Bilin ko kay Clarissa.
“Oo ate, ingat kayo ni Kuya Kester.”
“Balik ka Kuya Kester.” Sabi naman ni Cristoff at nakipag fist bump pa kay Kester.
“Sure bro.” Nakangising saad naman ni Kester.
Napataas namang ang kilay ko. Pati sila ni Cristoff ay close na rin?
“Ingat po ikaw Tito Kestel. Balik po ikaw ah tapos pasalubong.” Hirit pa ni Glen.
“Oo na, babalik si tito.” Natatawang sabi ni Kester at pinisil ang pisngi ni Glen at Tonya.
Talagang feel na feel nya ang pagiging tito ng mga pamangkin ko ha.
“O tara na umalis na tayo at tatanghaliin na ako sa eatery.”
Nauna na akong lumabas ng bahay sumunod naman si Kester. Akmang bubuksan ko ang pinto sa passenger seat pero inunahan nya ako.
“Ladies first.” Nakangising usal nya.
Iningusan ko naman sya. Pero di ko maintindihan kung bakit may kilig akong naramdaman. Dapat inis ang maramdaman ko eh pero hindi.
Sumampa na ako sa passenger seat at kinabit ang seatbelt. Sya naman ay umikot sa driver seat at sumakay na rin. Pasipol sipol pa sya habang binubuhay ang makina. Para bang ang ganda ng umaga nya.
Pero infairness sa kanya kahit nakatulog syang lasing at wala pa ring palit ng damit ay mabago pa rin sya.
Tumingin sya sa akin. “Bakit?”
Bahagya akong ngumuso at nag iwas ng tingin. “Wala.”
Nagkibit balikat naman sya pero kita ko sa gilid ng mata ko ang sinusupil nyang ngiti.
“Nasaan nga pala ang motor mo? Parang di ko nakita sa labas ng bahay nyo kanina.” Untag nya sa akin sa gitna ng byahe namin.
“Nasa katabing resto ng eatery, iniwan ko kagabi.”
Kunot noong sumulyap sya sa akin. “Bakit?”
Tinaasan ko naman sya ng kilay. “Dahil dinrive ko tong sasakyan mo kagabi kasama ka at inuwi kita sa bahay. Alangan namang yun ang gamitin ko pauwi habang angkas kita eh lasing na lasing ka.”
Malapad na ngumiti sya. “Oo nga pala, inalagaan mo ko kagabi. Thank you ha. Akala ko pababayaan mo na lang ako sa sasakyan matulog eh. May pusong mamon ka rin pala sa akin.”
Kunwaring inirapan ko lang sya. “Hindi sa mabait ako may konsensya lang ako.”
“Sus! Ayaw pang aminin na bumabait ka na sa akin.” Natatawang sabi nya.
“Ewan ko sayo dami mong ebas. Ay oo nga pala, yung five hundred mo.” Saka ko lang naalala ang limang daang papel na hawak ko galing sa kanya. Inabot ko yun sa kanya.
“Para kay Glen yan itabi mo na lang. Baryahan mo ng puro singkwenta para matuwa sya.”
Nagkibit balikat ako. Hindi ko na to tatanggihan dahil para naman sa makulit na pamangkin ko ito.
Sa buong durasyon ng byahe namin ay daldal lang sya ng daldal. Kung ano ano lang ang kinukwento nya. Pati buhay ng mga kaibigan nya kinukwento nya. In short tsismoso sya. Pero kakatwa lang wala akong nararamdamang inis sa kanya ngayon. All ears pa nga akong nakikinig sa kanya. Kaswal lang kaming naguusap at hindi nagbabangayan. Masarap din pala syang kausap basta hindi nakakabwisit ang sinasabi nya.
Pagdating namin sa eatery ay kakaiba ang tingin sa amin ng mga tauhan ko. Alam kong nagtataka sila kung bakit kami magkasama ni Kester at bumaba pa ako sa sasakyan nya. Pero wala namang naglakas loob na mag usisa.
Bago umalis si Kester ay nag almusal muna sya. At ang kurimaw nag request pang ako ang magluto ng almusal nya. Ako naman si ewan sumunod din. Hays! Di ko na talaga maintindihan ang sarili ko ngayon. May nangyayaring kakaiba sa akin at hindi ko kung magugustuhan ko ito.
–
“ISANG order nga ng lengua at dalawang kanin. Pakisamahan na rin ng sabaw please.”
“Ok po sir, wait lang.” Agad kong tinabi ang notebook at ballpen at tumayo para asikasuhin ang order ng customer. Ang dalawa kong tauhan dito sa counter ay busy din sa pagbibigay ng order. Lagpas tanghalian na pero marami pa ring customer.
Tumingin ako sa customer na umu-order at ngumiti. Pero agad ding nabura ang ngiti ko ng mapagsino ang customer.
“Hi.”
“Adam..” Halos pabulong kong sambit sa pangalan ng ex ko.
Ngiting ngiti sya. Gwapo pa rin sya gaya ng dati pero mas matured na ang hitsura nya ngayon.
“Long time no see Crizel.” Bati nya.
Bahagya kong ipinilig ang ulo at ngumiti.
“Long time no see nga, ang tagal na nating di nagkita. Huling kita natin dalawang taon na yata o tatlong taon na ang nakakaraan?” Nakikita ko na lang sya sa social media at kahit papaano ay updated ako sa nangyayari sa buhay nya.
“Dalawa. Huling kita natin noong reunion pa.” Natatawang sabi nya.
“Ah oo nga pala, dalawang taon na pala akala ko tatlong taon. Ang bilis naman kasi ng mga araw.” Natatawa na ring sabi ko.
“Kamusta ka na? Wala pa ring pinagbago tong eatery mo ah. Dinudumog pa rin ng tao. Masasarap naman kasi ang mga luto mo.”
“Salamat. Pero himala napadaan ka dito sa eatery ko. Sa Cavite ka na nakatira di ba?”
“Oo, dumaan kasi ako sa main office namin at nag submit ng report. Tamang tama nagutom ako tapos bigla kong naisip tong eatery mo kaya dumaan na ako dito para makita ka na rin.”
Bahagya akong umingos. “Kung di ka pa pala nagutom di mo ko maiisip.” Kunwaring himutok.
Tumawa naman sya. “That’s not true. Naiisip pa rin kita paminsan minsan no.”
“Talaga? Uy wag kang ganyan may fiance ka na.”
Lalong lumakas ang tawa nya. Gaya pa rin sya ng dati. Laging nakatawa.
“So kamusta na kayo ng fiance mo? Kelan ang kasal?”
“Sa isang taon pa. Padadalhan kita ng invitation pumunta ka ha.”
“Sure! Paghahandaan ko yan. Sisiguraduhin kong mas maganda ako sa bride mo para magsisi ka na pinakawalan mo ko noon.”
Muli na naman syang tumawa ng malakas. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tauhan ko at ng mga customer.
Pinakiramdaman ko naman ang sarili ngayong kaharap at kausap ko ang unang lalaking minahal ko. Hindi na kagaya dati ang nararamdaman ko na puro pait at bigat. May nag bago na sa nararamdaman ko ngayong kaharap ko sya. Magaan na at nakakangiti na ako ng bukal sa loob di gaya ng dati na pilit.
Natigilan lang kami ni Adam sa pagkukwentuhan ng may malakas na tumikhim.
“Baka pwedeng umorder.”
Sabay kaming napalingon ni Adam.
Umawang ang labi ko ng makita si Kester na seryoso ang mukha habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Adam.
Maraming salamat sa nagsend ng tulong para sa operation kapon ni doggie. Lalo na kay Miss Grace. Ang babait nyo guys. Natutuwa ako na naiiyak. Kwento ko lang, dito sa amin pinagtatawanan ako dahil bakit daw ako nagaaksaya ng oras sa asong di naman sa akin. Ang payo pa nila huwag ko daw pakainin para daw hindi punta ng punta sa amin. Hindi ko naman matiis dahil mabait ang aso at malambing. Inayawan na sya ng amo nya at hinahambalos pa. Nakakainis lang dahil kung sino pa yung mga taong may isip parang sila pa yung hayop ang asal minsan. Maiksi lang ang buhay kaya dapat laging piliin ang maging mabuti ma pa sa tao man o hayop.
Anyway update kay doggie, tumawag kanina ang vet clinic may schedule na po sya. Sa November 5 na ang schedule nya. Dapat ngayong darating na linggo pero di available ang surgeon kaya na-move sa November 5.
Again, maraming salamat sa inyo guys. Ang babait nyo talaga. Babalik din sa inyo ang kagandahang loob nyo basta piliin lang laging mabuti. 😊♥️
Chapter 13
Crizel
“KESTER pare, long time no see.” Nakangiting bati ni Adam kay Kester at nagtapikan sila sa balikat na para bang close sila.
Ngumisi naman si Kester. “Long time no see nga pare. Kamusta? Balita ko ikakasal ka na. Congrats!” Bati ni Kester.
“Oo, sa isang taon na ang kasal namin ng nobya ko. Imbitado ka ha. Kayong dalawa ni Crizel.”
“Oh.. imbitado din sya?” Bumaling sa akin si Kester.
“Yes of course! Sinabihan ko na sya kanina akala ko nga tatanggi mabuti naman at hindi.” Natatawang sabi ni Adam.
Napapitlag naman ako ng bigla akong hawakan sa balikat ni Kester.
“Sure pupunta kami. Padalhan mo na lang kami ng invitation.”
Natatawang tumango naman si Adam at silang dalawa na ang nagusap. Hinayaan ko na lang sila at inasikaso na ang order ni Adam.
“Tatlong kanin, isang sisig at pusit ang sa akin. Sa isang mesa na lang kami ni Adam.” Ani Kester at pumunta na sila ni Adam sa bakanteng mesa na pandalawahan.
Habang nagaasikaso ako sa order ng mga customer ay patingin tingin ako sa mesa ni Kester at Adam. Magana silang kumakain habang nagkukwentuhan tungkol sa trabaho nila. Minsan ay nagtatawanan pa sila. Kung pagmamasdan ay para talaga silang magkaibigan. Samantalang dati ay galit si Adam kay Kester dahil sa ginawa nitong paghalik sa akin kaya nga din nya ako hiniwalayan. Si Kester naman ay inis din noon kay Adam dahil weak daw ito. Pero ngayon mukhang magkasundo na sila. Parehas ng nagmature. Ewan ko lang kay Kester na minsan ay parang si Glen sa kakulitan.
Habang kumakain ang dalawa ay patingin tingin sa kanila ang ilang customer lalo na ang mga babaeng customer at mga estudyante. Paano ba naman namumukod tangi ang dalawa. Hindi naman sila nagkakalayo ng gandang lalaki. Mas matangkad nga lang at malaki ang katawan ni Kester. Kung si Kester ay may pagkatsinitong mestiso na maputi si Adam naman ay pinoy na pinoy ang hitsura at kayumanggi. Malakas pareho ang dating pero parang mas malakas ang dating ni Kester at mas gwapo sya.
Napasinghap ako sa huling naisip. Ipinilig pilig ko ang ulo. Bakit naman mas lamang si Kester? Mali itong naiisip ko. Hindi tama to. Totoo namang gwapo sya pero hindi malakas ang dating nya para sa akin. Period.
Nauna ng umalis ng eatery si Adam. Nagpaalam naman sya sa akin na uuwi na. Samantalang si Kester ay naiwan pa sa mesa at nanonood pa ng noon time show sa tv. Kunot noong nilapitan ko sya. Kaunti na lang ang kumakain pero may pailan ilan na pumapasok para kumain o kaya magtake out.
“Hindi ka pa pumapasok sa opisina mo?” Tanong ko kay Kester at umupo sa upuang inokupa ni Adam kanina.
Sumulyap lang sya sa akin at muling tinuon ang tingim sa tv. “Mamaya na, tinatamad pa akong pumasok.”
Umingos ako. Kunsabagay pag aari ng pamilya nya ang kumpanya at sya ang boss kaya pwede syang pumasok kung kelan nya gusto. Sana all mayaman at may malaking kumpanya.
“Oy hindi tambayan to ah. Mamaya kapag dumagsa ang mga customer wala kang choice kundi lumabas na.”
Sumimangot sya. “Oo lalabas ako kapag marami ng customer. Nagsusungit ka na naman sa akin. Pero kaninang nandito si Adam di ka naman masungit.”
Tumaas ang kilay ko. “Hindi ako nagsusungit sayo no. Nagsasabi lang ako sayo na hindi tambayan itong eatery ko.”
Bahagyang umusli ang nguso nya. “Talaga di ka nagsusungit sa akin?”
“Kanina hindi. Pero ngayon parang gusto kong magsungit na.”
“To naman. Ok na tayo di ba? Huwag ka ng magsungit.”
“Basta huwag ka ng makulit. Para kang si Glen eh.”
“Parang ano? Parang kasing cute ako ni Glen?”
Tinampal ko ng mahina ang noo nya. “Uy ang kapal mo! Si Glen lang ang cute hindi ka kasali dahil gwapo ka.”
“Talaga gwapo ako?” Ngiting ngiti na sabi nya. Nangingislap din ang mga mata nya.
Nakagat ko naman ang loob ng pisngi at tahimik kong minura ang sarili. Bakit ko ba nasabi yun? Pero totoo naman yun.
Tumikhim ako at kinalma ang puso kong natataranta. Di ko pwedeng baguhin ang sinabi ko dahil magmumukha akong tanga sa harap nya.
“Sus, para namang di mo alam na gwapo ka.”
Kinamot nya ng daliri ang kilay habang di pa rin napupuknat ang ngiti. Kapag ganitong ngiting ngiti sya parang nagbibinatilyo syang tingnan.
“Well maraming nagsasabi na gwapo ako. Pero di ko ini-expect na sasabihan mo rin akong gwapo. Nagwagwapuhan ka rin pala sa akin.”
“Gwapo ka naman talaga medyo natatabunan lang ng pagiging gago mo minsan.” Prangka kong sabi.
Humimas sya sa batok. Napansin kong namumula ang tenga nya at di makatingin sa akin ng diretso.
“Sya nga pala, babalik ako mamaya dito pag sarado nyo ah.”
Tumaas ang kilay ko. “At bakit?”
Tumingin sya sa akin at ngumiti. “Food trip tayo sa labas.”
Lalong tumaas ang dalawang kilay ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko.
“At bakit tayo magpu-food trip?”
“Wala lang. Ano.. celebration. Kasi ok na tayo di ba?”
“Kailangan pa bang i-celebrate yun?”
“Oo naman! Simula ng magkakilala tayo lagi tayong parang aso’t pusa kapag nagkikita. Pero ngayon hindi na. Masarap sa pakiramdam di ba? Yung chill lang tayong dalawa at casual lang na naguusap. Kaya dapat magcelebrate tayo. So ano? Food trip mamaya.”
Bumuntong hininga ako at kumamot sa ulo. May punto naman sya.
“Sige pag iisipan ko.”
Sumimangot sya. “Bakit pag iisipan pa? Basta mamaya babalik ako dito ah.” Tumayo na sya at dinampot ang cellphone.
“See yah later!” Kumindat pa sya bago tumalikod at lumabas ng eatery.
Naiwan naman akong nakanganga at nakasunod lang ang tingin sa kanya hanggang sa makasakay na sya sa sasakyan at umalis na.
“Uy may date si madam kay Boss Pogi mamaya. Yieee!” Panunukso sa akin ni Danica na sinegundahan pa ng iba kong mga serbidora. Pati ang ilang mga suki namin lalo na ang mga jeepney driver ay nakisali pa sa panunukso.
Para na tuloy nagliliyab sa init ang mukha ko. Bumalik na lang ako sa counter at di na sila pinansin.
“Sinong ka date ni madam?” Tanong ni Bryan na lumabas ng kusina at may hawak pang sandok. Talagang lumabas pa sya para lang makichismis.
“Si Boss Pogi ang ka date ni ma’am mamaya. Kakain daw sila sa labas.” Sagot ni Josie.
Ngumisi si Bryan at tumingin sa akin. “Ayiee! Sabi na eh! Kay Boss Pogi talaga ang bagsak nyo madam.”
“Infairness ma’am Criz di na kayo lugi kay Boss Pogi. Gwapo, mayaman at sobrang hot.” Segunda pa ni Danica na kinikilig pa.
“Heh! Magsitigil na nga kayo! Di kami magde-date mamaya no. Magpu-food trip lang kami.” Suweto ko sa kanila.
“Huu! Ganun din yun madam. Sa ganyan ngasisimula ang lahat. Basta wala kaming tutol kay Boss Pogi para sa inyo. Bagay nga kayo eh. Di ba guys?”
“Bagay na bagay!” Sabay sabay pang sagot ng iba ko pang tauhan.
Lalo lang tuloy bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa panunukso nila. Di ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ng puso ko. Dati ay wala naman itong reaksyon kapag tinitukso nila ako sa damuhong iyon. Nagiinit lang ang ulo ko.
“O sige na tama na yan. Magsibalik na kayo sa mga trabaho nyo. Huwag nyo na akong hintaying mapikon baka hindi ko kayo pabalehin ngayon.” Pananakot ko sa kanila.
Nagsitahimik naman sila at bumalik na sa mga ginagawa. Si Bryan ay bumalik na sa kusina ng tawagin sya ni Amelia.
Napailing iling na lang ako at tumungo sa maliit kong opisina para kalmahin ang nagwawala kong dibdib.
–
Sakto ngang pagsarado ng eatery ay dumating si Kester. Halatang bagong ligo sya at iba na rin ang suot na damit. Naka v-neck shirt sya na itim na halos hakab sa malaki nyang katawan at naka jogger na gray at sneakers na puti. Infairness talaga sa kumag na to kahit anong isuot bagay na bagay sa kanya. Para syang modelo tapos ang linis linis pa ng mukha.
“Let’s go? Gutom na ako eh.” Bahagya syang ngumuso at hinimas ang tiyan.
Binalingan ko ang mga tauhan ko na nagre-ready na rin pauwi.
“Mauna na ako sa inyo. Huwag nyong kalimutan i-double check ang mga tangke at mga saksakan bago lumabas.” Bilin ko sa kanila.
“Yes ma’am. Enjoy kayo sa date nyo – este sa food trip.” Nakangising sabi ni Bryan na sinundan naman ng bungisngis nila Danica.
Sinamaan ko na lang sila ng tingin.
“Boss Pogi kayo na ang bahala sa amo namin ah.” Bilin pa ni Danica kay Kester.
“Sure! Don’t worry bubusugin ko tong amo nyo.” Nakangising sagot naman ni Kester.
“Sa pagkain boss ah. Baka busugin nyo sa ibang – aray!” Napadaing si Bryan ng kurutin ko sya sa tagiliran.
“Kanina ka pa eh.”
Nagtawanan naman iba ko pang mga tauhan.
“Tara na nga para makauwi na.” Yaya ko kay Kester at nagpatiuna ng lumabas ng eatery. Lumapit ako sa motor ko at sinuksok ang susi.
“O bakit magmo-motor ka?”
Kunot noong nilingon ko si Kester. Nakakunot noo din sya habang nakatingin sa akin at sa motor ko.
“At bakit?”
“Pwede namang sumakay ka na lang sa sasakyan ko.”
“At paano naman tong motor ko? Di ko na to pwedeng iwan dyan sa resto no. Nakakahiya na sa gwardya. Convoy na lang tayo.” Sumakay na ako sa motor at sinabit sa hook ang shoulder bag. Kinuha ko ang helmet at sinuot.
Kumamot naman sya sa ulo. “Sige na nga.”
“Saan ba tayo kakain?”
“Ikaw saan mo ba gusto?”
Nagsalubong ang kilay ko. “Ikaw ang nag aya tapos ako ang tatanungin mo.”
“Basta ikaw na ang bahala kahit saan mo gusto. Susundan na lang kita.”
“O sige, sa Open Kitchen na lang tayo kumain. Matagal tagal na akong di nakakakain dun.”
“Saan yun?”
“Basta sumunod ka na lang sa akin.”
Tumango sya at sumakay na sa sasakyan nya. Ako naman ay binuhay na ang makina ng motor. Inatras ko na ito palabas ng parking ng eatery. Sinenyasan ko si Kester at pinausad ko na ang motor sa kalsada. Pero hindi pa ako nakakalampas sa katabing establishment ng eatery ay may biglang sumulpot na motor sa tagiliran ko. Parehas kaming nagkagulatan. Sa taranta ng nasa kabila ay napaliko sya at sumapol sa akin. Tumilapon ako at ang motor ko sa kahabaan ng kalsada.
“Crizel!”
Chapter 14
Crizel
MASAKIT ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw. May naririnig akong mga busina ng sasakyan at mga sigawan. Pero nangingbaw ang malaking boses ni Kester.
“Crizel! Crizel! Fuck! Are you ok huh?”
May naramdaman akong mainit na kamay na humahaplos sa pisngi ko.
Bahagya akong dumilat. Umiikot ang paningin kong nanlalabo. Pero marami akong mukhang nakikita. Ang iba ay mga mukha ng tauhan ko na nag aalala. Bigla namang lumitaw sa paningin ko ang mukha ni Kester na nakaguhit ang labis na pag aalala.
“Answer me Crizel please!”
“Hmm..” Ungol lang ang tanging naisagot ko. Sinubukan kong igalaw ang isang braso pero napangiwi lang ako sa sakit at napapikit.
Narinig ko naman ang malutong na mura ni Kester. Bahagya pa nyang inangat ang ulo ko at tinanggal ang helmet.
“Sir huwag nyo ho muna syang galawin. Hintayin ho muna nating dumating ang ambulansya. Baka ho may bali sya sa katawan mapasama pa lalo.”
“I know! But – fuck! Bakit ang tagal ng ambulansya?”
“Eh ser, katatawag lang po namin sa ambulansya. On the way na daw.”
“Tangina ang bagal!”
Muli kong naramdaman ang kamay ni Kester sa mukha ko at marahang humahaplos.
“Inaantok ako..” Nanghihinang anas ko.
“Crizel hold on. Paparating na ang ambulansya. Huwag kang matutulog ha. Please idilat mo ang mata mo.”
Umungol lang ako at dinilat ang mata kahit nahihilo. Tumingin ako kay Kester.
“Kester..” Nanghihinang sambit ko sa pangalan nya.
“Yes I’m here.. I’m here..” Hinaplos hinaplos nya ang pisngi ko.
Kahit nanghihina ay ngumiti ako. Para kasing pinapagaan ng mainit nyang kamay ang nararamdaman kong bigat sa katawan.
“Madam huwag kayong matutulog ha. Paparating na ang ambulansya.” Ani Amelia.
“Oo nga madam, labanan nyo yang antok nyo at baka forever na kayong makatulog.”
“Kausapin nyo lang sya ng kausapin para manatiling gising.”
Hindi umalis sa tabi ko si Kester hanggang sa dumating ang ambulansya. Sinuri muna ng mga paramedic ang pulso ko at ibang parte ng katawan ko bago nila maingat akong nilagay sa stretcher at pinasok sa loob ng ambulansya. Sumama din sa loob si Kester at hinawakan ako sa kamay.
“Pupunta na tayo sa hospital kaunting tiis na lang ok?” Malambing ang boses na sabi nya.
Ngumiti lang ako sa kanya at pinisil ang kanyang kamay. Sa buong byahe namin papuntang hospital ay di binibitawan ni Kester ang kamay ko at lagi nya akong kinakausap. Patingin tingin nga sa amin ang dalawa naming kasamang paramedics pero wala akong pakialam sa kanila at hindi ako nahihiya. Nababawasan ni Kester ang bigat ng pakiramdam ko.
Pagdating sa emergency room ay agad akong inasikaso ng mga nurse at nagtawag na ng doctor. Paano ba naman kung makautos si Kester ay parang pag aari nya ang hospital. Sinasaway ko na nga sya dahil nakakahiya. Sa kanya na kasi nakatingin ang lahat ng tao. Di ko alam kung naeeskandalo ba ang mga ito sa kanya o nagwagwapuhan. Wala naman kasi silang reklamo eh. Ang isang nurse nga na sinigawan nya kanina ngiting ngiti pa at patingin tingin pa sa kanya habang sinusuri ako.
Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang doctor at agad na rin akong sinuri.
Lumingon ako kay Kester na gustong lumapit pero di sya pinayagan ng mga nurse at bawal. Nagpumilit pa sya kaya pinagsabihan ko na. Doon lang sya kumalma at lumabas na ng emergency room. Alam ko namang nagaalala lang sya akin.
Maraming tinanong sa akin ang doctor gaya ng ano ang pakiramdam ko at alin alin ang masakit sa katawan ko. Matino naman akong nakakasagot at di gaya kanina ay medyo nabawasan na ang hilo ko. At dahil nga nahihilo ako ay nagrequest ng ct scan ang doctor para malaman kung may damage din ang loob ng ulo ko.
–
Nagising ako ng makarinig ng mga boses sa paligid. Boses yun ng mga kapatid ko. Nakatulog pala ako ng di ko namalayan. Siguro ay dahil sa gamot na pinainom sa akin ng nurse kanina.
Nilingon ko si Clarissa at Cristoff. Bakas ang pagaalala sa kanilang mga mukha habang naguusap tungkol sa akin.
“Cristoff gising na si ate!” Untag ni Clarissa kay Cristoff.
“Ate kamusta na ang pakiramdam mo? Ang lala ng tama mo ah!”
Bahagya akong napangiwi. Masakit pa rin ang katawan ko pero di na gayaa kanina na halos di ako makagalaw. Di ko lang masyadong maigalaw ang isa kong braso na may gasgas at lamog. Para akong binugbog. Mabuti nga at wala akong baling buto at puro gasgas lang.
“Medyo masakit pa rin ang buong katawan ko.” Hindi na ako nahihilo siguro ay dahil nakatulog ako at nakatulong din ang gamot.
“Ang sabi ng doctor kanina pwede ka na raw umuwi. Yung ct scan mo ay sa isang araw pa lalabas ang resulta. May reseta ka na rin para sa mga gamot mo.” Sambit ni Clarissa.
Tumango tango naman ako. Mabuti naman at hindi ako kailangan i-confine. Ayokong magtagal sa loob ng hospital.
“Kararating nyo lang ba? Yung dalawang bata?” Tanong ko sa kanilang dalawa.
“Mag iisang oras na kami dito ate. Yung dalawang bagets iniwan ko muna kay Tiyang Amparo at Tiyong Juling. Nagaalala din sila sayo. Yung mga tauhan mo sa eatery pumunta din at mga nagaalala rin. Ng sinabi ng doctor na ok ka naman ay pinauwi ko na sila.” Sagot ni Clarissa.
Tumango ako.
“Eh si Kester?” Luminga linga ako. Huling kita ko sa kanya ay yung dinala ako sa laboratory. Matapos akong suriin ng doctor ay di sya umalis sa tabi ko hanggang sa makatulog ako.
“Andun ate sa labas, kausap yung bumangga sayo. Galit na galit si Kuya Kester. Kulang na nga lang pilipitin yung leeg nung lalaki. Tarantado din yun eh. Magmomotor motor wala palang lisensya tapos binangga ka pa.” Sabat ni Cristoff.
“Hindi naman nya yun sinadya. Nagkagulatan kami.”
“Kahit hindi nya sinadya may kasalanan pa rin sya ate. Yari sya ngayon kakasuhan sya ni Kuya Kester.”
“Ano? Kakasuhan nya yung lalaki?”
“Oo, yun ang sinabi nya kanina eh.”
Pumikit ako ng mariin. “Tawagin mo nga sya Cristoff.”
Tumalima naman si Cristoff at lumabas. Mayamaya pa ay pumasok na si Kester na malalaki ang hakbang. Gumuhit ang tuwa sa kanyang mukha ng makitang gising na ako.
“Crizel gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo? Ang sabi ng doctor pwede ka na raw umuwi. Pero kung hindi mo pa kaya dito ka muna babantayan kita.”
Natouch naman ako sa sinabi nya at medyo nagulat. Parang sobrang concern naman yata nya sa akin ngayon.
“Hindi na, sa tingin ko naman kaya ko na. Hindi na masyadong masakit ang katawan ko.” Sinubukan kong bumangon pero napangiwi ako ng sumalakay ang sakit sa balakang at braso ko.
Agad naman akong nila akong inalalayan lalo na si Kester na napapapalatak pa.
“Yan ba yung kaya mo na? Eh halos di na maipinta ang mukha mo sa sakit ah. Sabi ko sayo dito ka muna baka mamaya may iba pang mangyari sayo at least agad kang masasaklolohan dito sa hospital.”
“Oo nga ate, may punto si Kuya Kester.” Pag sang ayon ni Clarissa.
“Kaya ko na nga. Kita nyo nakabangon na ako. Nabigla lang ako. Saka ayokong magtagal dito sa hospital at lalo lang akong nanghihina.” Giit ko pa.
“Hayst! Ang tigas ng ulo mo.” Naiinis na sambit ni Kester.
Tiningnan ko sya. Nakapamewang sya at seryoso ang mukhang nakatingin sa akin. Tila naiinis na rin sya.
Tumaas ang kilay ko. “Naiinis ka sa akin?”
“Obvious ba?” Balik tanong nya.
Bumuntong hininga ako. Naiinis na nga sya.
“Nag aalala lang ako sayo Crizel, kami ng mga kapatid mo. Hindi biro yung aksidente mo ha. Mabuti na nga lang at bugbog sa katawan at mga gasgas ang natamo mo at wala kang bali. Pero ayokong magpakampante lalo na hindi pa lumalabas ang result ng ct scan mo. Paano kung may namuo palang dugo sa utak mo? Hindi pa tayo sigurado sa totoong lagay ng katawan mo.”
Bahagyang naumid ang dila ko sa mga sinabi ni Kester. Napatingin pa nga sa kanya si Clarissa at Cristoff. Nalilito sa inaasal nya. Pati ako ay nalilito rin.
“Alam kong nag aalala ka.. kayo. Di ko naman binabalewala yun. Pero doctor na mismo ang nagsabi di ba? Pwede na akong umuwi. Mas makakapag pahinga ako sa bahay kesa dito.”
“Pwede naman kitang ikuha ng private room kahit ako pa ang magbayad. Yung may aircon, may tv, may personal ref o kung ano pang gusto mo ire-request natin yun sa hospital.”
Napaawang na ang labi ko. Seryoso ba sya? Pero mukhang seryoso nga sya dahil hindi sya nakangisi at salubong pa ang kilay.
Bumuntong hininga ako. “Kester sa bahay na nga lang ako. Huwag mo ng ipilit please.” Hindi ko naman sinasadya pero malambing ang tono ng boses ko.
Mataman lang syang nakatingin sa akin. Lumambot na ang kanyang mukha at naging mapungay ang mga mata.
“Fine, sige na uwi na tayo.”
Ngumiti ako sa kanya. Tumingin ako sa dalawa kong kapatid na may kakaibang tingin sa aming dalawa ni Kester. Tinaasan ko sila ng kilay.
“Bakit? Anong problema Clarissa, Cristoff?”
“Ha? Wala ate.” Umiiling na sabi ni Clarissa at pinandilatan ng mata si Cristoff.
“Kakausapin ko lang yung doctor mo bago tayo lumabas.” Ani Kester at iniwan na kaming magkakapatid.
“Ate, kayo ba ni Kuya Kester?” Biglang tanong ni Cristoff.
“Ha? Hindi no!” Bulalas ko.
“Eh bakit ganun sya sayo ate? Kung makaasta sya kanina parang mas ikaw ang kamag anak nya kesa sa amin ni Cristoff. Napagkamalan pa nga syang asawa mo ng doctor na sumuri sayo eh.”
“Ano?” Namilog ang mata ko sa sinabi ni Clarissa. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko.
“Oo ate, akala ng doctor kanina mag asawa kayo.” Sabat pa ni Cristoff.
“Pero kung magiging kayo ate, botong boto ako kay Kuya Kester. Sobra syang mag alala sayo. Kita mo? Willing pa syang bantayan ka dito sa hospital.”
“At ikukuha ka pa nya ng private room. Ang mahal kaya ng private room dito sa hospital na to. Big time talaga si Kuya Kester. Kaya sana maging kayo talaga ate.”
Tinaas ko ang isang kamay para patigilin sa pagsasalita ang dalawa kong kapatid. Lalo lang kasing nagwawala ang puso ko sa mga sinasabi nila.
“Mag kaibigan lang kaming dalawa ok. Huwag nyo ng bigyan ng ibang kahulugan iyon.”
“Pero ate – “
“Stop na Cristoff, sumasakit na ang ulo ko.”
Tumahimik na ang dalawa.
Maya maya ay bumalik na si Kester. Inalalayan na nya akong makababa sa bed stretcher. Si Clarissa naman ang nagbitbit ng bag ko.
“Kaya mo ba? Buhatin na kaya kita.”
Nilingon ko si Kester at maasim na ngumiti. “Ang oa mo na Kester. Kaya kong maglakad kahit masakit ang katawan ko.”
“Di ako oa, nagaalala lang ako.”
Ngumuso ako. “Oo na. Tara na nga. Ay teka, yung motor ko pala anong nangyari?” Bigla kong naalala ang motor ko.
“Nasa bahay na ate kinuha ko. Puro gasgas at basag ang isang side mirror.” Sagot ni Cristoff.
Tumango na lang ako. Mukhang mapapagastos ako sa motor ko. Pero di bale at least buhay ako.
Alalay ako ni Kester palabas ng hospital. Iika ika akong maglakad dahil masakit ang balakang ko. Gaya ng braso ko ay nabugbog din ito.
“Ma’am! Ma’am!”
May humarang sa aking lalaki. Namukhaan ko sya. Sya ang nakabangga sa akin. Mukha syang problemado na natural lang dahil nakabangga sya. Pero mukhang ok na naman sya at wala syang galos.
“Ma’am, sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya. Nagulat lang po talaga ako.” Nagsusumamo ang mukha ng lalaki.
“Gaya ng sabi ko kanina sa presinto na lang tayo mag usap bukas.” Walang kangiti ngiting sagot ni Kester.
Sa kanya naman bumaling ang lalaki
“Ser, parang awa nyo na po. Huwag nyo po akong ipakulong. Magbabayad na lang po ako ng danyos kahit mangutang po ako.”
Umigting ang panga ni Kester at tumalim ang mata sa lalaki.
“Sa presinto na lang tayo bukas mag usap. Huwag ka ng makulit kundi dadagdagan ko ang ikakaso sayo at huwag mo ring subukang hindi sumipot dahil ipapahunting kita.” Banta ni Kester.
Napalunok naman ang lalaki at gumuhit ang takot sa kanyang mukha.
“Let’s go Crizel, kailangan mo ng magpahinga.” Inalalayan na ako ni Kester patungo sa sasakyan nyang nakaparada.
Gusto ko sanang kausapin ang lalaki pero gusto ko munang magpahinga at makatulog ng maayos sa bahay. Bukas ko na lang sya kakausapin. Pero siguro ay si Kester muna ang kakausapin ko.
Chapter 15
Crizel
NAPAPANGIWING bumangon ako sa kama at tumayo. Naririnig ko ang ingay ng mga pamangkin ko. Mukhang dumating na si Kester at may dalang pasalubong kaya tuwang tuwa na naman ang dalawa kong pamangkin.
Araw ng sabado ngayon at pangalawang araw na ito ng pananatili ko dito sa bahay. Masakit pa rin ang katawan ko pero di na gaya noong una. Pero ang isang braso at balakang ko ay nagkulay ube na rin kaya di pa rin ako makapasok sa eatery. Nagvi-video call na lang kami ng mga tauhan ko doon. Si Kester naman ang nagpresintang tumingin tingin sa eatery.
Kahapon ay galing na kami sa presinto at nakausap ang lalaking nakabangga sa akin. Nagmamadali daw sya noong gabing iyon dahil nasa hospital ang kanyang sanggol na anak. Dala nya ang perang kailangan para sa gamot ng anak. Wala syang lisensya at hindi naman kanya ang motor na ginamit at hiniram lang ito sa kaibigan. Napatunayan namang totoo ang sinabi nya kaya hindi na ako nagsampa ng kaso sa kanya. Di ko rin tinanggap ang perang inabot nya na bayad sa danyos. Mas kailangan yun ng anak nya. Aksidente ang nangyari at walang may gusto niyon. Si Kester ay hindi sang ayon sa desisyon ko. Pero wala naman syang nagawa.
Ang ct-scan result ko naman ay wala namang problema. Normal ang lagay ng utak ko at walang damage. Malaking bagay yun na pinagpapasalamat ko.
Bumuntong hininga ako at iika ikang lumabas ng kwarto. Naabutan ko ang dalawa kong pamangkin na pinagkakaguluhan ang dalang pasalubong ni Kester.
Si Glen ay may hawak na malaking laruan na truck. Tinutulungan pa sya ni Kester na tanggalin ang nakabalot na plastic dito. Si Tonya naman ay abala din sa pag a-unbox ng dollhouse na lagi nyang inuungot sa mama nya. Tinulungan din sya ni Kester sa pag a-unbox.
Napataas naman ang kilay ko habang pinagmamasdan sila. Tila ba may mainit na kamay ang humahaplos sa puso ko. Sobrang galante ni Kester sa dalawang pamangkin ko tapos sobrang maalaga din sa akin. Di ko tuloy maiwasang mapraning. Ano kayang drama nya at ginagawa nya ito? Noong tinanong ko sya noong una dahil daw magkaibigan kami. Parang sobra naman yata para sa kaibigan lang itong ginagawa nya.
“Thank you po Tito Kester! Ang ganda ganda po nitong dollhouse. Ito po yung gusto kong ipabili kay mama pero sabi nya magiipon pa raw muna sya.” Tuwang sabi ni Tonya at yumakap sa leeg ni Kester.
Nangingiting hinaplos naman ni Kester sa likod sa Tonya.
“You’re welcome baby girl. Gift ko yan sayo basta lagi kang good girl. At dapat pagkatapos mong laruin yan ililigpit mo para hindi nakakalat at hindi magalit ang mama mo lalo na ang tita mo.”
“Opo Tito Kester.” Binalikan na ni Tonya ang dollhouse.
Si Glen naman ang lumapit kay Kester bitbit ang truck na laruan na halatang di biro ang presyo.
“Thank you din po sa laluan Tito Kestel.” Yumakap din si Glen sa leeg ni Kester.
“You’re welcome kulet. Ikaw pa malakas ka sa akin eh.” Natatawang ginulo ni Kester ang buhok ni Glen.
“Sunod naman po yung backhoe na laluan ah.”
“At talagang humirit ka pa ha.”
Ngumuso si Glen at naglalambing na lalong yumakap sa leeg ni Kester. Dito sya magaling. Dadaanin ka sa lambing.
“Sige na po Tito Kestel.” Malambing na ungot ni Glen at humalik pa sa pisngi ni Kester.
Ganyan na ganyan din sya kapag umuungot sa akin ng gusto nya.
Ngumisi naman si Kester at pinisil ang pisngi ni Glen. “Oo na, bibili na kitang backhoe’ng laruan.”
“Yehey!” Tuwang tuwang bulalas naman ni Glen.
Lumapit na ako sa kanila bago pa humirit ulit ang mga pamangkin ko. Nakakahiya naman kay Kester.
“May bago na naman kayong laruan. Bagong kalat na naman yan.”
Nakangising tumingin sa akin si Kester. “Huwag ka ng mainggit. Meron din akong dala para sayo di nga lang laruan kundi ang paborito mong egg tart.” Inabot nya sa akin ang isang box ng egg tart galing sa paborito kong bake shop sa isang mall. Bigla tuloy akong natakam.
Kinuha ko sa kanya ang box.
“Thank you. Pero paano mo nalaman na paborito ko to?”
“Sa mga tauhan mo sa eatery. Sabi nila gustong gusto mo daw kumain ng egg tart kapag may nararamdaman ka.”
Natouch naman ako. Ngumiti ako sa kanya.
“Salamat, nag abala ka pa. Pati mga pamangkin ko binilhan mo pa ng mga laruan.”
“Sus, wala yun. Enjoy naman sila eh. Sana ikaw din enjoy sa pagkain ng egg tart.”
Nginisihan ko sya. “Oo naman. Paborito ko to eh.”
“Tata penge ako nyan ah.” Singit ni Glen na nilalaro na ang laruan nyang truck.
“Ayoko nga! May laruan ka na eh.” Pang iinis ko sa pamangkin.
Ngumuso naman si Glen. “Di naman to kakain eh. Laluan to.”
“Eh di dapat pagkain ang hiningi mo kay Tito Kester hindi laruan.”
Lalong nanghaba ang nguso ni Glen. “Damot mo tata.”
“Talaga! Akin lang tong egg tart.” Pang aasar ko pa.
“Eh di sayo na. Wala ka namang jowa.”
Namilog ang mga mata ko sa sinabi ng pamangkin ko. Si Kester naman ay humagalpak ng tawa.
Tatlong taon pa lang tong pamangkin ko pero matatas ng magsalita at marami ng alam dahil sa mga naririrnig sa labas. Kay Tiyang Amparo yata sya nagmana eh.
“Aba’t! Loko kang makulit ka ah. Ang bata bata mo pa kung ano anong lumalabas sa bibig mo.”
Pero tinawaanan lang ako ng magaling kong pamangkin at lumapit kay Kester na tila nagpapakampi.
“Akin si Tito Kestel.”
Aba at nang angkin pa!
“Eh di sayo na. Pakialam ko. Di na kita bibigyan ng tingkwenta.”
Tumawa si Kester at may binulong kay Glen.
Tumaas naman ang kilay ko.
“Bibigyan ako ni Tito Kestel dami tingkwenta.” Nakangusong sabi pa ni Glen.
Tinaasan ko na lang ng kilay si Kester na malapad ang ngisi. Isa pa sya eh.
“Wala syang maraming tingkwenta.”
“Dami sya tingkwenta. Yaman sya eh.” Bira na naman sa akin ni Glen.
Muli na namang tumawa si Kester. “Huwag ka ng makipagtalo sa pamangkin mo di ka mananalo.” At sabay pa silang tumawa ni Glen.
Inirapan ko si Kester. Nakahanap sya ngayon ng kakampi as katauhan ng makulit kong pamangkin.
“Nasaan ang mga kapatid mo? Parang di ko yata nakikita.” Tanong ni Kester.
Ang dalawa kong pamangkin ay busy na sa paglalaro sa mga bago nilang laruan. Ako naman ay nilalantakan na ang egg tart.
“Nasa school sila parehas.”
“Eh di kayo lang ng mga pamangkin mo ang nandito. Ikaw ang nag aalaga sa kanila? Baka lalo lang sumakit ang katawan mo nyan.” Kunot noong sabi nya.
“Kaya ko naman silang alagaan. Saka hindi naman sila masyadong alagain. Pag nagpasaway sila isang sutsot ko lang tumitigil na. Saka mayamaya lang nandito na si Tiyang Amparo pagkatapos nyang maglaba.”
Tumango tango si Kester. “Ok, pero habang wala pa si Tiyang Amparo dito muna ako. Ako ang titingin tingin sa kanila.” Presinta nya at tumingin sa mga pamangkin ko.
Napataas naman ang kilay ko. “Wala kang pasok sa opisina?”
Bumaling sya sa akin at ngumisi. “Sabado ngayon. Walang pasok ang boss.”
Oo nga pala.
“Wala kang ibang lakad?”
“Wala.”
“Date?”
Parang gusto ko syang sapukin kapag sinabi nyang meron.
“Wala.”
Mabuti naman.
“Ok. Eh yung eatery ko pinuntahan mo na ba?” Di pa kasi tumatawag si Amelia. Mamaya pa sya tatawag dahil busy pa at siguradong marami ng customer doon ng ganitong oras.
“Oo naman. Doon ako galing bago ako pumunta ng mall.”
“Good. Kamusta naman ang eatery ko?”
“As usual, marami pa ring kumakain.” Bigla syang sumimangot. “Pero ang daming naghahanap sayo lalo na mga lalaki. Sarap pagkukutusan eh.”
Tumaas ang kilay ko kasabay ng pagkislot ng puso ko. Para kasing.. Nagseselos ba sya?
“Bakit parang nagagalit ka na may mga lalaking nagahahanap sa akin?”
“Di ako nagagalit. Naiinis lang ako.”
“Parehas lang yun. Bakit nga?”
Hindi sya umimik at nakatingin lang sa akin. Para bang may gusto syang sabihin pero nagaalangan.
“Tss, dami mong tanong. Uminom ka na ba ng gamot? Alas dies na ah.”
“Oo nakainom na kanina pa.” Nakangusong sagot ko.
“Mabuti naman. Habang wala pa si Tiyang Amparo ako muna ang bahala dito magrelax ka lang dyan. Huwag kang galaw ng galaw at baka masagi yang braso at balikat mo.” Tumayo na sya at dinampot ang mga plastic na pinagbalutan ng mga laruan. Sinilid nya ito sa malaking plastic.
Naguguluhan ako minsan sa mga kinikinilos nya. Kapag tinatanong ko sya di naman nya ako sinasagot ng diretso.
Hay.. bahala na nga sya. At least hayahay ako ngayon. Bahala sya sa gusto nyang gawin.
Di nga umalis si Kester hangga’t wala pa si Tiyang Amparo. Nagwalis walis sya sa loob ng bahay kahit halatang di sya sanay. Di nga nya alam kung saan papupuntahin ang dumi eh kaya tinuruan ko na lang. Naghugas pa sya ng mga plato at muntik pang makabasag. Pinipigilan ko sya pero ayaw nyang magpapigil kaya hinayaan ko na lang din at tinuruan na lang.
Napapangiti ako habang pinagmamasdan si Kester na nakikipag laro sa mga pamangkin ko. Halatang sanay sya sa bata. Nakikita ko tuloy na magiging mabuti syang ama sa nga anak nya at siguradong spoiled din ang nga yun sa kanya. Maswerte ang magiging mga anak nya lalo na ang magiging asawa nya. Tila may kumurot sa puso ko sa isiping magkakapamilya sya sa ibang babae.
Bago mananghalian ay dumating si Tiyang Amparo. Tuwang tuwa sya ng makita si Kester. Paano ba namang di sya matutuwa eh panay bola sa kanya ni Kester. Close na close na nga silang dalawa.
Hindi na nagluto si Tiyang Amparo ng pananghalian namin dahil nagpadeliver si Kester ng pagkain sa isang kilalang restaurant. Sawa na rin naman kasi ako sa mga pagkain sa eatery. Maganda din yung may ibang pagkain din akong natitikman para may bagong idea naman ako.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Kester. Tumawag kasi ang lola nya may emergency yata. Tawagan ko lang daw sya kung may kailangan ako. Ang dami pa nyang bilin bago umalis.
“Pamangkin.”
Lumingon ako kay Tiyang Amparo na nagpupunas ng kamay. Katatapos lang nyang maghugas ng mga pinagkainan namin.
“Bakit po tiyang?”
Napataas ang kilay ko sa mukha ni tiyang. Mukhang nasa marites mode na sya.
“Ano ba talaga kayo ni Kester?”
Sabi na eh.
Kinamot ko ang pisngi. “Magkaibigan lang po kami tiyang.”
“Weh? Magkaibigan lang kayo? Kuh! Huwag ka ng maglihim sa akin pamangkin. Ayos na ayos lang naman sa akin na nobyo mo yang si Kester. Kuh! Ke gwapong binata. Siguradong gwapo at magaganda ang magiging mga anak nyo. Ano? Magkakapamangkin na ba ako?”
Umawang ang labi ko sa mga tanong at mga sinasabi ni Tiyang Amparo. Marites talaga sya ng taon.
“Tiyang, wala po kaming relasyon ni Kester. Hindi ko sya nobyo. Magkaibigan lang kami.” Madiin ang bawat bigkas ko ng mga salita.
Ang labi naman ni Tiyang Amparo ang unawang.
“Hindi mo talaga sya nobyo? Wala talaga kayong relasyon?”
Umikot ang mata ko at napakamot na ako sa ulo.
“Wala nga talaga tiyang.”
“Ay ano ba yan? Sayang naman! Pero bakit naman wala kayong relasyon? Ang hina mo naman pamangkin. Yung mga ganung lalaki di dapat pinapalampas. Para kang nagtatapon ng grasya.”
Binigyan ko si Tiyang Amparo ng di makapaniwalang tingin.
“Tiyang naman, ginawa nyo pa akong desperadang babae.”
“Kuh, sa edad mo na yan Crizelda dapat ka na talagang maging desperada. Walang mangyayari kung titingnan mo lang si Kester. Aba’y kumilos ka na. Sunggaban mo na sya. Baka mamaya maunahan ka pa ng ibang babae sige ka.”
“Ehem.”
Sabay kaming lumingon ni Tiyang Amparo sa pintuan ng kusina. Napasinghap ako ng makita si Kester.
Nag init ang mukha ko. Nasa mukha ni Kester na narinig nya ang lahat ng mga sinabi ni Tiyang Amparo. Kita yun sa pinipigil nyang ngisi.
Chapter 16
Crizel
“B-BAKIT ka bumalik?” Nauutal na tanong ko kay Kester.
Kumamot sya sa ulo at bahagyang umusli ang nguso. Ang cute tuloy nyang tingnan parang bata.
“Nakalimutan ko yung wallet ko.”
Nagsalubong ang kilay ko. “Ano? Bakit naman kinakalimutan mo ang wallet mo? Shunga ka talaga.”
“Eh sa nakalimutan eh.”
“Tito Kester ito po yung wallet mo.” Lumapit si Tonya at inabot ang wallet kay Kester.
“Thank you baby girl.” Kinuha ni Kester ang wallet at ginulo ang buhok ni Tonya. Tumakbo naman ang pamangkin ko pabalik sa dollhouse nya.
Nagkatitigan kami ni Kester. Tinaasan ko sya ng kilay.
“O ano pang tinatayo mo dyan? Aalis ka di ba – aray!” Napadaing ako ng batukan ako ni Tiyang Amparo.
“Huwag mo ngang kausapin ng ganyan si Kester.” Sita nya sa akin.
“Ah sige tiyang, Crizel. Mauna na ako.” Paalam ni Kester sabay kamot sa ulo. Tila pa nagdadalawang isip sya na umalis.
Ng makaalis na si Kester ay nagtinginan kami ni Tiyang Amparo. May nanunuksong ngisi sa labi nya.
“Mukhang narinig ni Kester ang pinag usapan natin. Yung hitsura nya kanina parang kinikilig. Mukhang tama ang hinala ko na may tama sya sayo. Kuh! Sinasabi ko talaga sayo Crizelda huwag mo ng palampasin ang macho gwapitong yan.”
Umingos ako. Pero kumislot naman ang puso ko.
“Ewan ko sa inyo tiyang.”
“Kuh! Huwag mo kong maewan ewan dyan bata ka, ay oo nga pala di ka na bata. Matanda ka na. Kaya mag asawa ka na at gusto ko si Kester ang asawahin mo.”
Umawang ang labi ko sa huling sinabi ni Tiyang Amparo. Talagang bokal sya sa pagsabing si Kester ang asawahin ko.
“Hay dyan na nga muna kayo tiyang.”
Tumayo na ako at lumabas ng kusina. Nilapitan ko ang mga pamangkin ko. Pero si Tonya lang ang naabutan ko sa sala. Wala si Glen at ang laruan nya.
“Nasaan ang kapatid mo Tonya?”
Nginuso ni Tonya ang pinto. “Lumabas po tita. Tinawag po sya nila Wekwek eh.”
“Hay ito talagang batang to tanghaling tapat nasa galaan pa. Iligpit mo muna yan Tonya at matulog ka muna. Susunduin ko lang ang kapatid mo.”
“Opo tita.”
Medyo iika ika akong lumabas ng bahay at hinanap si Glen. Nakita ko sya sa katabing bahay kalaro ang ilang bata at kausap ang ilang nakatatanda. Lumapit ako sa kanila.
“Bigay po to takin ng jowa ni tata.”
Napasinghap ako sa sinabi ni Glen.
“May jowa na ang Tita Crizel mo? Aba’y sino naman?” Tanong ng kapitbahay namin na si Aling Joy.
“Si Tito Kestel ko po. Yaman po yun. Dami yun pela. Bigay nga nya ako dami tingkwenta eh.”
Namilog ang mata ko. Loko tong pamangkin ko ah. Tsinitsismis na ako.
“May jowa na pala si Crizel?”
“Yun yata yung gwapong mama kanina na may magarang sasakyan. Aba! Kaswerte ni Crizel. Nakajackpot sya.” Ani Aling Chona na numero unong marites dito sa lugar namin.
Tumikhim ako ng malakas para naman mahiya sila.
“Glen umuwi ka na. Matulog ka muna mamaya na ang laro.” Tawag ko sa mosang kong pamangkin.
Tumingin naman sa akin ang mga kapitbahay kong naguumpukan sa harap ni Aling Joy. Mukhang di sila tinamaan ng hiya at nginitian pa ako. Tinanguan ko na lang din sila.
“Tata wait lang.” Nakangusong sabi ni Glen.
“Anong wait lang? Matulog ko na para mabilis kang lalaki. Halika na.”
Dinampot na ni Glen ang laruan nya at nagpaalam pa sa mga kalaro.
“Uy Crizel, may boyfriend ka na pala. Aba’y mainam yan. Akala ko pa naman tatanda kang dalaga.” Untag sa akin ni Aling Joy.
“Oo nga. Pero ang swerte mo ha. Jackpot ka sa jowa mo. Gwapo na mayaman pa. Kuh! Huwag mo ng palampasin yun. Kung ako sayo magpaanak ka na.” Segunda pa ni Aling Chona.
Pati ang iba pa naming kapitbahay ay may payo pa sa akin. Akala talaga nila boyfriend ko si Kester at kasalanan nitong tsismoso kong pamangkin.
“Sige po uwi na kami nitong pamangkin ko. Patutulugin ko lang.” Paalam ko sa kanila at hinawakan na sa kamay si Glen.
“O sige, kapag wala kang ginagawa labas ka naman kwentuhan tayo. Kwento mo sa amin ang jowa mo.” Yaya sa akin ni Aling Chona na kinikilig pa.
“Sige po.” Maasim na ngumiti na lang ako sa kanila at niyakag ko na si Glen pauwi.
Hindi ko na tinama ang malaking akala nila dahil hahaba lalo ang usapan. Para lang silang si Tiyang Amparo. Kunsabagay, mga katropa nga pala sila ni tiyang.
Pagpasok namin sa loob ng bahay ay naabutan ko si Tiyang Amparo na prenteng nakaupo sa sofa at nanonood ng noon time show. Si Tonya ay nililigpit na ang dollhouse nya. Pinatabi ko na rin kay Glen ang laruan nyang truck at pinapasok na silang dalawa sa kwarto nilang mag iina.
“Tata di ako antok.” Nakangusong sabi ni Glen.
“Walang pakialam si Tata basta matulog ka.” Pinahiga ko na silang dalawa.
Aba! Di pwedeng di sila natutulog sa hapon. Kami nga noong maliliit pa may palo kami kay mama kapag hindi kami natulog sa hapon.
“Pano ako tulog di ako antok.” Hirit pa ni Glen.
“Eh di hindi kita bibilhan ng ice cream.”
“Tabi ko nga antok na ako eh.” Pinikit na ni Glen ang mga mata nya.
Si Tonya naman ay nakatagilid at nakapikit na rin. Wala talaga akong problema sa batang to. Mabait at masunurin. Mabait din naman si Glen at masunurin yun nga lang ay ubod ng kulit at magaling ding mangatwiran. Mana kay Clarissa.
Maya maya pa ay nakatulog na ang dalawa. Lumabas na ako at sinamahan si Tiyang Amparo sa sala na tumatawa na.
“Tiyang nasa labas na yung mga classmates mo ah. Hinahanap ka. Mabibinggo na yata kayo.” Nakangising untag ko kay Tiyang Amparo.
“Kuh! Hayaan mo sila. Mamaya na pagkatapos nitong pinapanood ko. Pero bigyan mo ko pambinggo ha.”
“Magkano?”
“Dalawang daan.”
“Ang laki naman! Di ba pwedweng singkwenta lang?”
“Anong akala mo sa akin si Glen?”
Ngumuso ako at dumukot ng pera sa bulsa. Inabot ko ang dalawang daan kay Tiyang Amparo. Ngiting ngiti naman na kinuha nya ito at agad na sinuksok sa bra.
“Salamat pamangkin. Kapag nanalo ako babalatuhan kita.”
“At kelan naman kayo nanalo tiyang?”
“Noong nakaraang linggo panalo ako. Yun nga yung pinambili kong soft drinks natin eh.”
Napailing iling na lang ako at dinampot ko na lang ang cellphone.
Libangan na ni Tiyang Amparo ang pagbibinggo tuwing hapon. Minsan nga kasama pa nya si Tiyong Juling. Syempre di naman ako nakakalimot magbigay kay tiyang kahit papaano. Malaki ang tulong nya sa aming magkakapatid. Kaya kahit hindi sya manghingi ay binibigyan ko sya.
Napahinto ako sa pag scroll ng makita ang bagong post ni Kester. Hindi pala bago yun dahil kagabi pa nya yun pinost. Selfie lang nya yun pero ang gwapo talaga ng kumag. Meron syang kulang kulang dalawang daang likes. Tiningnan ko ang comment section. Puro positive naman ang comment na karamihan ay galing sa mga babae. Napasimangot ako ng makita ang ilang comment ng mga babaeng lantarang nakikipag flirt sa kanya. Mabuti nga at di nya nirereplayan. At dahil curious ako tiningnan ko ang mga profile ng mga babaeng nagco-comment sa kanya. Puro sila mga modelo at talaga nga namang magaganda at sexy. Marami ding mga followers na almost one hundred thousand.
Simula ng maging ok na kami ni Kester ay finollow nya ako sa mga social media ko. Sa IG at sa facebook. Bagong gawa nga lang din ang facebook nya dahil hindi naman daw sya gumagamit ng facebook. At parang tanga ang kumag nag react sa lahat ng post ko lalo na mga pictures ko kahit mga luma na. Sabog tuloy ang notification ko. Ngali ngaling i-block ko na nga sya eh.
Ang profile naman ni Kester ang binisita ko. Marami na syang in-upload na pictures. Karamihan mga travel pictures nya sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at ibang bansa. Iba talaga ang ceo ng malaking kumpanya pa-travel travel na lang. Kainggit.
Tiningnan ko pa ang ibang pictures nya lalo na ang mga close up pictures nya. Ang gwapo talaga nya. Tsinitong mestiso. Makapal ang kilay at medyo singkitan ang mata. Matangos ang ilong, mamula mula ang labi at pantay pantay ang mapupunting ngipin. Kapag ganitong nakangiti sya para syang pilyong nagbibinata.
“Ang gwapo ni Kester no?”
Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ng biglang magsalita sa tabi ko si Tiyang Amparo. Nilingon ko sya at nagulat pa ako dahil sobrang lapit ng kanyang mukha.
“Tiyang naman nakakagulat naman kayo.” Sinapo ko ang dibdib na malakas ang kabog.
Tumaas ang kilay ni Tiyang Amparo. “Titig na titig ka sa picture ni Kester ah. Kunwari ka pang di mo sya gusto.”
“Tiyang – “
“Lalabas na ako at magbibinggo na.”
Tumayo na si Tiyang Amparo at hindi man lang ako hinayaang tapusin ang sasabihin ko. Tinungo na nya ang pinto pero bago sya lumabas ay bumaling sa akin.
“Kung di mo talaga bet si Kester magpaanak ka na lang sa kanya pamangkin para di sayang ang maganda nyang lahi.” Ani Tiyang Amparo sabay labas.
Napaawang naman ang labi ko. Bakit ba push na push ang mga tao sa paligid ko kay Kester para sa akin. Nakakarindi na ha. Oo gwapo sya, nakakatulala ang kagwapuhan nya pero di ako papatangay sa kagwapuhan nya.
–
NAPAKUNOT ang noo ko ng makita si Kester na papalapit sa akin. Nakakunot noo din sya. Ang sabi ko sa kanya huwag ng pumunta dito eh.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya ng makalapit na sya.
Nakatingin sa kanya ang mga kasamahan kong pasyente sa pila. Para syang artistang biglang dumating eh.
“Sasamahan ka. Sabi ko sayo hintayin mo ko eh.” Tila pa masama ang loob na sabi nya.
“Sabi ko rin naman sayo kaya ko na. Nakakalakad na nga ako ng maayos o.” Balik ko ngayon sa doctor ko para basahin ang laboratory ko. Kumpyansa naman ako na walang magiging problema at makakabalik na ako sa trabaho.
“Sabi ko rin sayo sasamahan kita para di ka na magcommute. Ang kulit mo.” Kumamot pa sya sa ulo at umupo sa tabi ko.
Napaawang naman ang labi ko. Bakit parang kasalanan ko.
“At ako pa talaga ang makulit? Ikaw kaya ang makulit.” Inirapan ko sya.
“O huwag ka ng maingay nagtatawag na ng pasyente.”
Napasinghap ako ng kabigin nya ako sa balikat. Tila tuloy sinilaban ang mukha ko sa init. Kumalabog din ng husto ang dibdib ko.
“Anong number ka ba?” Tanong nya sa akin. Parang wala lang sa kanya ang ginawa nya.
Bahagya akong lumayo sa kanya dahil halos sumabog na ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito.
“P-Pang dose ako.” Nauutal na sagot ko.
“O susunod ka na pala.”
“Oo nga. Kaya nga sabi ko sayo huwag ka ng pumunta kaya ko na to.”
“Akala mo lang kaya mo pero hindi hindi hindee – hmp!”
Tinakpan ko ang bibig nya. Nakakahiya na kasi dahil pinagtitinginan na kami ng ibang pasyente.
“Ang ingay mo nakakahiya.” Mahinang asik ko sa kanya at binitawan na ang bibig nya.
“Huwag ka na kasing makulit para di na rin ako makulit.” Nakangising sabi nya.
“Ewan ko sayo. Wala ka bang trabaho?”
Sinipat ko ang suot nya. Naka-casual lang sya. Polo shirt na gray at blue jeans ang suot nya.
“Hindi ako pumasok ngayon kasi nga sasamahan kita.”
May kumudlit naman na tuwa sa puso ko. Parang ang espesyal ko naman para hindi sya pumasok sa opisina nya para samahan lang ako.
Bumuntong hininga ako. Sa totoo lang pasimple ko syang iniiwasan. Para kasing lagi nya akong inaakit. Habang nakikita ko kasi sya at nakakasama ay tumitindi itong nararamdaman ko at medyo natatakot na ako sa sarili ko.
Oo aaminin ko na, nagugustuhan ko na sya.
Chapter 17
Kester
PASIPOL sipol ako habang pababa ng Land Rover ko. Sinuot ko ang dark shades ko dahil masyadong nakakasilaw ang sinag ng araw. Napansin ko ang isang mini cooper na kulay avocado.
Napangisi ako. Mukhang may bisitang babae ang moody kong kaibigan ah. Sino kaya yun? Mukhang may isang babae na naman ang iiyak at magtatakbo palabas dahil sa sindak.
Ayaw kasi ni Matias sa mga agresibong babae. Pihikan sya sa babae pero di naman ibig sabihin nun ay santo na sya. Di lang talaga namin maintindihang magkakaibigan kung anong klaseng babae talaga ang tipo nya.
Lumapit ako sa gate ng bahay ni Matias. Akmang magdo-doorbell ako pero napansin kong bahagyang nakaawang ang maliit na gate. Ngumisi ako at dahan dahang tinulak yun pabukas at pumasok. Baka may iba pa silang ginagawa ng babae. Makapanood pa ako ng live show.
May narinig akong mga boses sa gilid ng bahay. Mukhang doon sila gumagawa ng milagro ng babae nya. Tahimik akong naglakad patungo sa gilid ng bahay kung nasaan ang garden. Mahilig sa halaman si Matias. Sya ang plantito sa aming magkakaibigan. Kaya itong bahay nya mukha ng gubat.
“No, ayokong magpautang sayo kahit may tubo.”
“But why? Tutubuan ko naman eh. Gusto mo 30% pa ang tubo. Pautangin mo na ako.”
Sa garden ay nakita ko si Matias na nagdidilig ng mga halaman nya. At ang babaeng kasama nya ay walang iba kundi ang makulit na kapatid ni Atlas na si Ava.
“At saan ka naman kukuha ng pambayad?”
“Sa allowance ko next month. Nasaid lang kasi ako ngayon eh.”
“Eh bakit hindi ka na lang manghingi sa kuya mo?”
“Hindi ako bibigyan nun. Hahanapan pa ako nun ng pera. Anong pera ang ipapakita ko eh wala na nga akong pera.”
“Eh di sa iba ka mangutang. Bakit sa akin na nangungutang.”
“Eh ikaw ang una kong naisip eh. Sa lahat ng mga kaibigan ni kuya ikaw ang pinaka mabait kahit mukha kang masungit.”
Napangisi ako. Alam kong inuuto lang ni Ava si Matias. Pero mukhang aware naman doon si Matias.
“May negosyo kayong rtw ng hipag mo di ba? Bakit di ka na lang dun humiram ng pera.”
“Ayoko nga! Malas yun sa negosyo at malalaman pa ni Jolene na may problema ako sa pera nakakahiya.”
“Tss! Saan mo ba kasi dinadala ang pera mo? Napaka gastador mo daig mo pa ang may anak na pinapaaral.”
“Sa shelter ko.”
Kumunot ang noo ng kaibigan ko.
“Shelter? Anong klaseng shelter naman yan? Baka modus mo lang yan.”
“Uy hindi ah! May shelter talaga ako. Animal shelter. Sumasagip ako ng mga pusa at mga asong inaabuso.”
“At kelan naman nagsimula yang animal shelter mo na yan?”
“Mag wa-one year na. Need ko ng forty thousand para sa upa ng lupa at iba pang expenses sa shelter.”
“Alam ba yan ng kuya at mommy mo? Malamang hindi dahil hindi ka naman mamomroblema sa pera kung alam nila.”
“Alam mo naman pala eh. Kaya pautangin mo na ako. Babayaran ko naman next month eh.”
“Wala akong maipapahiram sayo.”
“Ano ba yan? Ang dami mong tanong ang dami mong sabi di ka naman pala magpapahiram.” Himutok ni Ava.
Sinamaan naman sya ng tingin ni Matias. Kulang na lang ipulupot nya ang hose sa leeg ng matabil na dila na kapatid ni Atlas.
Sinandal ko ang kanang balikat sa haligi ng bahay at humalukipkip habang pinapanood ang dalawa.
“Bubunutin ko tong mga halaman mo eh.” Banta pa ni Ava.
“Subukan mo ipapasara ko ng tuluyan ang shelter mo.”
“Ang damot mo. Ang sama ng ugali mo.”
“Masama ang ugali ko? Kanina lang ang sabi mo ako ang pinaka mabait sa mga kaibigan ng kuya mo.”
“Kanina yun. Ngayon binabawi ko na.”
“Puwes lumayas ka sa bahay ko.” Pagtataboy na ni Matias kay Ava.
Pero si Ava biglang kambyo. Naging maamo ang kanyang mukha at nanunulis pa ang nguso.
“Sige naman na kasi Kuya Matias pautangin mo na ako.” Parang batang pumadyak padyak pa si Ava sa bermuda grass.
“Hindi ako magpapautang sayo kahit maglumpasay ka pa dyan.”
“Hmp! Eh di huwag. Kay Kuya Alleric na lang ako mangungutang. Buti pa sya mabait. Totoong mabait kahit hindi palangiti. Siguradong pauutangin nya ako.”
Nagsalubong ang kilay ni Matias. “Who the fuck is Alleric?”
“Huwag mo syang ma-fuck fuck! Hindi mo kilala si Kuya Alleric Buencamino? Sya lang maman ang may ari ng AB Metro Capital Bank.” Nakapamewang na sabi ni Ava.
“Oh yeah I know him.”
“Mabuti naman at kilala mo. Mabait yun kahit mukhang barumabado. Gwapo, macho, matangkad, mabango at higit sa lahat galante. Sa kanya na lang ako mangungutang. Tse!” Tumalikod na si Ava at akmang hahakbang paalis pero agad syang hinawakan ni Matias sa braso.
“Magkano nga uutangin mo?”
“Bakit pauutangin mo ko? Yan ka na naman tanong ka ng tanong tapos di mo naman ako pauutangin. Kay Kuya Alleric na lang ako mangungutang.”
“Ang daldal mo magkano nga?”
“Fifty thousand.”
“Fifty thousand? Sabi mo kanina forty thousand.”
Hiniklas ni Ava ang brasong hawak ni Matias.
“Kay Kuya Alleric na lang ako mangungutang.”
“Oo na pauutangin na kita ng fifty thousand.”
Napangisi ako at napailing iling. Talagang may something sa dawalang to eh. Lalo na kay Matias. Wala syang tiyagang makipagkulitan sa mga babae tungkol sa mga walang kwentang bagay. Pero kay Ava nagiging madaldal sya at nakikipag asaran pa.
Naiiling na lumapit na ako sa kanila. Ibang live show naman pala ang masasaksihan ko. Bardagulan show at ang talo ay si Matias.
“Yow wazzup guys!” Nakangising bati ko sa dalawa.
Halos sabay naman silang lumingon sa akin.
“Omg! Kuya Kes you’re here! Ang paborito kong bff ni kuya.” Ngiting ngiting bati sa akin ni Ava at lumapit sabay yakap sa braso ko.
Maasim naman akong ngumiti. Mukhang ako naman ang target utuin ng makulit na ito.
“What are you doing here?” Kunot noong tanong ni Matias na ang mga mata ay na kaya Ava na parang pusang naglalambing sa akin.
Ngumisi ako at binaklas ang mga braso ni Ava. Mahirap na, dumidilim na ang mukha ni Matias. Baka bigla na lang akong umbagan.
“Ngayon natin pag uusapan ang tungkol sa contract di ba?”
“Oh yeah I forgot.” Pinatay ni Matias ang tubig sa hose.
“Tungkol saan ang kontratang pag uusapan nyo Kuya Kester?” Tanong ni Ava.
“Wala ka na dun.” Nakangising sabi ko na ikinasimangot nya.
“Hey don’t talk to her like that.” Sita sa akin ni Matias.
Lalo tuloy akong napangisi. “Sus! Sakalin ko pa tong makulit na to eh.” Pabirong inipit ko ng braso ko ang leeg ni Ava.
“Aw Kuya Kester!” Daing ni Ava at pilit tinatangggal ang braso ko.
Hindi ko naman hinihigpitan ang pagkakasakal ko sa kanya. Gusto ko lang makita ang reaksyon ni Matias.
“What the fuck pare!” Lumapit si Matias sa aming dalawa ni Ava at tinanggal ang braso ko sa leeg ng huli. Sinamaan din nya ako ng huli.
“Huwag ko na lang kaya ituloy ang pirmahan natin ng kontrata.”
Tumawa ako. “I’m just kidding pare. Saka bff kami ni Ava no.” Inakbayan ko si Ava na tinabig naman ang braso ko at sinimangutan ako.
“Bff ka dyan. Di na kita favorite na bff ni kuya no. Si Kuya Matias na ang new favorite ko.” Lumapit naman si Ava kay Matias at yumakap sa braso nito na parang pusang naglalambing.
Napangisi naman ako ng walang makitang reaksyon sa mukha ni Matias. Pero di naman sya nagabalang tanggalin ang mga braso ni Ava pero kung ibang babae yun ay kulang na lang patayin nya yun sa pamamagitan ng masamang tingin lang.
“Let’s go inside.”
Pumasok na kami sa loob ng bahay ni Matias. Si Ava ay nakakapit pa sa braso ni Matias.
“Sandali lang pare kukuha lang ako ng cash kwarto.”
“Ok, take your time bro.”
Umakyat na sa hagdan si Matias kasunod pa rin nya si Ava. Pero napahinto sya at kunot noong binalingan si Ava.
“What are you doing?”
“Sasama sayo.” Nakangusong sabi naman ni Ava.
“Sa kwarto ko? No way! Maiwan ka rito.” Binaklas ni Matias ang mga kamay ni Ava at lalo pang nanghaba ang nguso nito.
“Basta fifty thousand ang ipapautang mo ah. Huwag mong babawasan.”
“Oo na. Maghintay ka na lang dyan.”
Bumaba na si Ava sa hagdan at nagtuloy tuloy naman sa pag akyat si Matias.
“Kanina ang bait bait tapos ngayon nagsusungit na naman.” Himutok ni Ava.
Ngumisi ako. “Di ka na nasanay sa kanya. Baka may dalaw.”
Sabay kaming tumawa at nag apir pa. Ok naman tong si Ava. Maganda na cute, makulit nga lang at magaling mangburaot.
.
.
Crizel
“MABUTI naman mamsh at ok ka na. Pasensya na kung di kita nadalaw sa bahay nyo. Magkasunod kasing nagkasakit ang mag ama ko. Mabuti nga ngayon at gumaling galing na.”
“Ayos lang Belinda, saka kung pupunta ka di rin kita maasikaso.”
“Pero balita ko si Kester daw ang nag alaga sayo ah.”
Napatigil ako sa pag nguya ng waffle at tumingin kay Belinda na nakataas ang kilay at may mapanuksong ngiti sa labi.
“Kanino mo naman nalaman yan? Hindi ka naman pumunta sa bahay ah.”
Tumawa sya. “Eh di sa kapatid mong si Cristoff. Nagkasalubong kasi kami noon sa convenient store tapos kinamusta kita sa kanya. Ayun, sinabi nyang si Kester daw ang nag aalaga sayo.”
Pumikit ako ng mariin. Bakit puro tsismoso at tsismosa ang myembro ng pamilya ko. At si Cristoff pa talaga ang nagkwento. Humanda talaga sa akin ang lalaking yan mamaya pag uwi ko.
“Uy kwento ka naman mamsh. Kelan pa kayo naging ok ni Kester ha? Hindi na kayo enemy?”
Bumuntong hininga ako at sinipsip ang straw ng milktea ko.
“Noong isang buwan lang. Well.. narealize ko rin naman kasi na matanda na kaming dalawa para mag away na parang mga bata. At sa totoo lang beks, gumaan ang atmosphere sa pagitan naming dalawa ni Kester. Masarap pala sa pakiramdam na ok kami, nag uusap ng matino. Ok naman pala syang kausap kahit may pagka alaskador pa rin kung minsan. At saka di na rin ako nakakaramdam ng bitterness sa ginawa nya sa akin noon. Naka move on na rin ako.”
“Ay mabuti naman kung ganun. Parehas na kayong matured na dalawa. Pero bakit may pag alaga sya sayo?”
Nag iwas ako ng tingin kay Belinda. “Hindi ko naman sinabi sa kanya na alagaan nya ako. Sya lang ang nagpumilit. Ang oa pa nga nya minsan. Para bang may malala akong sakit.”
“Syempre concern lang sya sayo no. Ihh! Bumabalik ang kilig ko sa inyo.” Kinikilig na sabi ni Belinda.
“Kilig ka dyan. Friend lang kami no.” Parang labas sa ilong ang mga salitang sinambit ko.
“Pero ang concern at pag aalaga nya sayo ay hindi pang friend, pang jowa.”
Kunwaring inirapan ko sya para itago ang pagkudlit ng kilig sa dibdib ko. Dati diring diri ako kapag inaasar ako ni Belinda kay Kester. Pero ngayon kinikilig na ako.
“Uy, matured na nga si mamsh. Di na nandidiri o baka naman iba na yan.” Nakangising hirit pa ni Belinda.
“Anong iba na?” Kunot noong tanong ko sabay sipsip sa straw ng milk tea.
“Baka.. may tama ka na rin sa kanya. Baka gusto mo na sya.”
“Pfft!” Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong milk tea. Napaubo pa ako. Kumuha ako ng tissue sa bag at pinunasan ang bibig ko.
“P-Pasmado bibig mo beks.” Nasabi ko na lang. Di ko muna aaminin sa kanya na may gusto na ako sa kumag na yun.
“Naalala mo mamsh noong college tayo sumikat kayo ni Kester noon sa school dahil sa paghalik nya sayo sa corridor at sa pambubugbog mo sa kanya sa gymnasium. Kahit pikon na pikon ka sa kanya noon ang lakas ng chemistry nyo. Akala nga ng lahat noon magiging kayo eh. Inggit na inggit nga sayo ang mga school mates nating babae eh.”
Sa mga sinabi ni Belinda ay nagflash back sa akin ang lahat. Pikon na pikon at asar na asar ako noon kay Kester. Kulang na lang talaga ipabarang ko sya. Mga bata pa kami noon at mga immature pa.
“Wait, si Kester ba yun?”
“Ha?” Tumingin ako kay Belinda na nakatingin sa isang direksyon.
“Si Kester nga may kasamang seksing babae.”
“Nasaan?” Agad na bumaling ang tingin ko sa direksyon na tinitingnan ni Belinda.
“Ayun o! Sa tapat ng sinehan. Mukhang manonood yata ang dalawa.” Ngumuso si Belinda.
Nakita ko naman si Kester na may kasama ngang seksing babae na nakakapit pa sa braso nya habang nakatingin sila sa poster ng isang international movie. Ang kumag malapad pa ang ngisi. Para tuloy may kamaong sumasakal sa puso ko.
Ngayon ko na kaya ituloy na ipabarang sya?
Hi guys! Sa mga di pa nakafollow please follow nyo naman ako sa dreame app. Same name at same profile lang din po. At sa mga hindi pa nakakabasa ng edited version ng Amira nasa GoodNovel po sya. May account din po ako doon same name at profile lang din po. Thank u! 🤗♥️
Chapter 18
Crizel
“KESTER!”
Namilog ang mata ko sa gulat ng tawagin ni Belinda si Kester. Ang lakas pa ng boses nya kaya napatingin sa amin ang tao sa paligid namin. Pinalo ko sa braso si Belinda.
“Bakit mo tinawag?” Pinandilatan ko sya ng mata.
Ngumisi lang sya. “Bakit bawal ba? O palapit na sya kasama ang babae nya.”
Pumikit ako ng mariin at humugot ng malalim na hininga. Dinilat ko ang mata at tumingin sa gawi ni Kester. Papalapit na nga sya kasama ang seksing babae na nakakapit sa braso nya na ngiting ngiti pa. Di ko tuloy mapigilang sumimangot. Nagngingitngit din ang dibdib ko.
“Crizel.” Sambit ni Kester sa pangalan ko na ngiting ngiti pa.
Maasim ko lang syang nginitian.
“Crizel lang? Paano naman si Belinda? Uy ako ang tumawag sayo.” Ani Belinda.
Tumawa si Kester at tinapik sa balikat ang kaibigan ko.
“What are you two doing here?” Tanong ni Kester.
“Wala lang, bonding lang kami ni bff Crizel. Ikaw anong ginagawa mo dito?” Si Belinda ang sumagot.
“Babe ipakilala mo naman ako sa mga friend mo.” Nakangusong sabi ng babaeng kasama ni Kester at lalo pang yumakap sa braso nya.
Tila naman nagpanting ang tenga ko sa tinawag ng babae kay Kester.Maganda naman ang babae. Maputi at tsinita.
“Guys, this is Francey Tan. May client’s daughter.” Pagpapakilala ni Kester sa babaeng kasama nya.
“Girlfriend mo sya?” Tanong pa ni Belinda.
“No.”
“Yes!”
Halos sabay na sagot ng dalawa.
Kumunot naman ang noo ko. Ano ba talaga?
“Yes I’m his girlfriend.” Ani Francey at humilig pa sa braso ni Kester.
Tumaas ang kilay ko. Halos umabot na nga ito sa hairline ko.
Alanganing tumawa naman si Kester at ngumiwi ng tumingin sa akin.
“Nah, she’s just kidding Crizel. Hindi ko sya girlfriend.” Paliwanag ni Kester sa akin.
“Babe, I’m your girlfriend na di ba? Kaya nga tayo nagde-date ngayon.” Nakangusong sabi ni Francey at pumadyak padyak pa na parang bata.
“Hindi tayo nagde-date Francey. Sasamahan lang kitang manood ng sine dahil yun ang pakiusap ng daddy mo.” Tila natataranta pang sabi ni Kester habang tinatanggal ang mga kamay ni Francey na nakayakap sa braso nya.
Di ko na matiis na makita silang dalawa. Ang sakit nila sa mata. Ang sakit din nila sa dibdib.
Umikot ang mata ko at hinawakan sa braso sa Belinda.
“Belinda let’s go.” Hinila ko na si Belinda.
“Crizel wait!” Tawag sa akin ni Kester.
Pero di ko sya nilingon at binilisan ang lakad habang hila hila si Belinda.
Bwisit na bwisit ako sa kumag na Kester na yun. Napakababaero. Hindi na talaga sya nagbago. Simula noong college pa kami hanggang ngayon babaero pa rin. Magka pigsa sana sya sa bayag!
“Teka lang naman Crizel. Hinihingal ako.”
Huminto ako ng wala na sa paningin namin si Kester at ang babae nyang parang tuko kung makakapit sa kanya.
“Bakit bigla na lang tayong umalis? May problema ba?” Tanong ni Belinda.
Ngumuso ako. “Wala. Umuwi na tayo. Nawala na ako sa mood.”
Tumaas ang kilay nya at mataman akong tiningnan.
“Bakit bigla kang nawala sa mood? Kanina ok na ok ka naman ah. Nakita mo lang si Kester na may kasamang babae nawala ka na sa mood. Nagseselos ka no?” May nanunuksong ngiti sa labi na saad ni Belinda.
Namilog namsn ang mata ko at nanlaki ang butas ng ilong.
“Of course not! Bakit naman ako magseselos?” Labas sa ilong na sabi ko at naglakad na papuntang exit ng mall.
“Eh bakit ganyan ang reaksyon mo? Bigla nating nilayasan si Kester at si Francey tapos busangot na busangot ka pa.” Usisa pa ni Belinda habang sinasabayan ang lakad.
“Eh kasi ubod ng babaero yung kumag na Kester na yun. Wala pa ring pinagbago.” Himutok ko pa.
“Pero sabi naman ni Kester hindi nya girlfriend si Francey. Anak ito ng kliyente nya at nakiusap lang sa kanya na samahan itong manood ng sine.”
“Wala akong pakialam! Basta babaero sya. Magkapigsa sana sya sa bayag.” Inis na sabi ko at tuloy tuloy ng lumabas sa exit ng mall.
Ang ganda ganda ng mood ko kanina nasira lang ng makita ko si Kester na may kasamang babae. Wala namang kasalanan si Kester pero naiinis pa rin ako sa kanya. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil para akong tangang nagngingitngit sa selos eh wala naman akong karapatan.
“Mamsh.”
“O?” Nilingon ko si Belinda.
“Sure ka bang di ka nagseselos?”
“Hindi nga. Ang kulit mo.” Labas sa ilong na sabi ko.
Nagkibit balikat naman si Belinda at sinipsip ang straw ng milktea nya. Napansin ko ang pinipigil nyang ngiti. Alam kong di sya naniniwala sa akin. Pero saka ko na ipapaliwanag sa kanya. Ang importante ngayon ay ang inis ko.
Sa loob ng taxi ay panay pa rin ang rant ko tungkol kay Kester at sa pagiging babaero nito. Si Belinda ay panay lang ang tango at nagbibigay ng komento kung minsan. Alam kong iba na ang iniisip nya. Pero wala na akong pakialam. Parang sasabog na kasi ang dibdib ko sa inis at selos.
–
“GOOD morning!”
Nagtaas ako ng tingin at napairap ng makita ang pagmumukha ni Kester na ngiting ngiti. Tumalikod ako bitbit ang tray at lumabas ng counter.
“Josie may customer.” Tawag ko sa baguhang serbidora.
“Ay si Boss Kester pala.” Ngiting ngiti na sabi ni Josie at lumapit sa counter.
Pumasok naman ako sa kusina at nilapag sa stainless table ang tray. Naglikha yun ng ingay na ikinagulat ng mga tauhan ko na abala sa mga ginagawa.
“Nakakagulat naman kayo madam.” Ani Bryan nagtatadtad ng bawang.
“Bawas bawasan mo kasi ang kape.” Nakangising sabi ko at nilapitan ang nakasalang na malaking kaldero na may lamang buto buto ng baka.
“Boss Kester, good morning!”
Natigilan ako at napalingon. Nakita ko si Kester na kapapasok lang ng kusina at patingin tingin sa mga ginagawa ng mga tauhan ko habang papalapit sa akin at nakapamulsa pa. Nakasuot sya ng white long sleeve button down shirt na may itim na necktie na nakatuck in sa itim na itim nyang trouser. Ceo na ceo talaga ang datingan nya. Kunsabagay ceo naman talaga sya. Hindi nga nababagay ang hitsura nya dito sa kusina. Magiliw syang nakikipag usap sa mga tauhan ko. Talagang close na sya sa mga tauhan ko at amo na rin ang turing sa kanya.
“Bakit nandito ka? Bawal ang customer dito sa kusina.” Sabi ko ng makalapit sa kanya.
Ngumisi naman sya. “Hindi naman ako customer. Assistant mo ko di ba?”
Umingos ako at hinalo ang buto buto ng baka. Sinilip naman nya ang malaking kaldero.
“What’s that?” Tanong nya.
“Kabayong bundat.” Sarkastikong sagot ko.
“What’s this?” Turo nya sa malaking kawa na may takip. “Kabayong buntis?”
Tumawa ang mga tauhan ko sa corny nyang hirit. Umikot na lang ang mata ko.
Binuksan naman nya ang takip ng kawa.
“Oh caldereta.” Aniya. Sunod pa nyang binuksan ang iba pang mga nakasalang na may takip. Nag alala tuloy ako sa suot nya dahil baka madumihan.
“Doon ka na nga sa labas madumihan pa yang damit mo.” Masungit na sabi ko at tinakpan ang kaldero at hininaan ang apoy.
Nagkibit balikat naman sya. “Ayos lang, may dala naman akong spare.”
Umingos ako habang pinupunasan ang kamay ng malinis na basahan.
“Bakit ka ba nandito? Wala naman dito ang opisina mo.”
Ngumisi sya. “Eh bakit ang sungit mo na naman sa akin?”
“Di ako masungit.” Nilampasan ko sya at lumabas ng kusina. Dumiretso ako sa maliit kong opisina. Kahit di ako lumingon ay alam kong nakasunod sya sa akin.
Umupo ako sa swivel chair ko at kunwaring inabala ang sarili sa mga resibo.
“Kung di ka nagsusungit sa akin bakit panay ang irap mo. Hindi mo pa ako pinansin kanina. Hindi ka sumasagot sa mga text, chat at tawag ko.”
“Busy ako nakikita mo naman di ba.” Hindi lumilingon sa kanyang sabi ko habang kunwaring nagkukwenta naman ako at halos bumaon na ang keypad ng calculator sa diin ng pindot ko.
Pero nahigit ko ang hininga ng dumukwang sya. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakahawak sya sa sandalan ng kinauupuan kong swivel chair at nakatukod ang isang kamay sa desk. Para tuloy ako ngayong preso sa mga bisig nya. Halos isang dangkal na lang din ang pagitan ng aming mukha. Bumilis ang tibok ng puso ko at para bang may naghahabulang daga at pusa sa loob.
“Tell me, anong nagawa ko at nagsusungit ka naman sa akin hm?” Halos pabulong na tanong nya. Ang mga mata nya ay malagkit ang tingin sa akin at para akong hinihipnotismo.
“W-Wala.” Nauutal na sabi ko.
Ngumisi sya. “Liar.” Ang mata nya ay patingin tingin sa labi ko.
“W-Wala nga! Huwag ka na ngang makulit.”
“Oh c’mon Crizelda Romina I know you. Hindi ka makakapagsinungaling sa akin kaya sabihin mo na lang hm. Ano bang ginawa ko na ikinaiinis mo? Sabihin mo na para maintindihan ko. Para next time di ko na gagawin ang bagay na yun na kinaiinis mo. I promise.”
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nya. “Babaero ka.”
“What?”
“Ang sabi ko babaero ka kaya naiinis ako sayo.” Sabi ko sabay irap at pinagpipindot ang keypad ng calculator.
Kumunot ang noo nya at bahagya syang tumawa. “Wait, dahil ba ito kay Francey?”
“Ewan ko sayo.”
Tuluyan na syang tumawa.
Sa inis ko ay hinampas ko sya sa dibdib. Pero wala naman syang katinag tinag. Halatang di tinablan sa hampas ko. Matigas ang dibdib eh. Parang pader.
“Sinabi ko sayo di ko girlfriend si Francey.”
“Pero nag date kayo.” May pait sa tono ng boses ko.
“Hindi yun date. Sasamahan ko lang talaga syang manuod ng sine dahil na rin sa pakiusap ng ama nya na isa sa mga big client ng kumpanya.”
Umingos ako. “Maniwala ako.”
Pero ang totoo ay unti unti na akong naniniwala. Mukha naman syang nagsasabi ng totoo eh.
“Nagsasabi ako ng totoo. Noong araw na yun di na natuloy ang pagsama ko kay Francey sa sinehan. Tinawagan ko na lang ang secretary ko at sya na lang ang pinasama ko.” Paliwanag pa nya.
“At bakit mo naman ginawa yun?”
“Dahil pakiramdam ko nagseselos ka. Tama nga ako.” Nakangising sabi nya.
Namilog naman ang mga mata ko. “Ang kapal mo di ako nagseselos no! Naiinis lang ako.”
Tumawa sya at pinisil ang baba ko na ikinainit ng aking mukha.
“Parehas lang yun.”
“M-Magkaiba yun.” Parang gusto kong batukan ang sarili. Sarili ko kasi mismo ang naglalaglag sa akin. Nagmumukha na tuloy akong tanga.
Ilang segundong namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Titig na titig naman sya sa akin na parang kinakabisado ang bawat detalye ng aking mukha. Hindi na tuloy magkandatuto sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. Parang triple na nga ang bilis nito. Hindi ko na talaga maipagkakaila sa sarili ko na gusto ko na ang kumag na ito at habang dumadaan ang araw ay palalim na yun ng palalim.
“Crizelda Romina Sales.” Sambit nya sa pangalan ko sa nang aakit na tono.
“A-Ano?”
“I want to court you.”
Nahigit ko ang hininga sa sinabi nya. Tila rin ako nabingi sa lakas ng kabog ng aking dibdib.
“A-Anong sabi mo?”
“Ang sabi ko gusto kitang ligawan.” Diretsahan nyang sabi.
“B-Bakit?”
“Because I like you.. since we were in college.”
Pasensya na sa paghihintay. Dahil patapos na ang Stolen Heart sa Dreame ay dito muna ako mag fo-focus. I miss y’all :D
Chapter 19
Crizel
“BAKIT ikaw liligaw tata ko?”
“Dahil gusto ko si tata mo.”
“Di mo loko tata ko?”
“Syempre hindi.”
“Pramis?”
“Promise.”
“Pag ikaw loko tata ko di tayo bati. Di na ikaw pupunta dito bahay. Di mo na kikita tata ko.”
Napataas ang kilay ko sa usapan ni Kester at ng pamangkin kong si Glen.
Dumating si Kester na may dalang isang bouquet ng red roses at chocolate na na kay Glen na ngayon at nilalantakan na. Ginulat ni Kester ang mga kapatid ko at si Tiyang Amparo ng sabihin nyang manliligaw sya sa akin. At heto na nga ini-interrogate sya ni Glen at binabantaan pa na akala mo tatay ko.
Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na nanliligaw na sa akin si Kester. Kaninang umaga lang ay umamin sya sa akin na gusto nya ako mula pa noong college pa kami. Ayokong maniwala pero ang puso ko ay paniwalang paniwala at kinikilig pa. Pumayag naman akong magpaligaw. Bakit hindi, eh gusto ko naman sya. Pero di ko muna aaminin sa kanya. Titingnan ko kung talagang seryoso sya sa akin.
“Kuh sinasabi ko na nga ba. Sa ligawan din kayo mauuwi ni Kester. Basta Crizel huwag ka ng magpabebe sagutin mo na agad sya.” Ani Tiyang Amparo na ngiting ngiti pa na tila kinikilig.
Dapat ay uuwi na sya. Pero naabutan nya ang pagdating ni Kester na may dalang bulaklak at chocolate. Kaya mamaya na lang daw sya uuwi at dito na maghahapunan. Alam ko namang chichikahin lang nya si Kester.
“Agad agad tiyang? Eh wala pa syang isang oras na nanliligaw eh.” Sabi ko habang nagsasandok ng kanin sa bandehado.
“Sus! Sasagutin mo rin naman sya bakit patatagalin pa.”
Tumaas ang kilay ko at nilapag sa mesa ang bandehado ng kanin.
“Paano nyo naman nasabi tiyang na sasagutin ko sya?”
Parang sigurading sigurado si Tiyang Amparo na sasagutin ko si Kester. Ako nga ay di pa sigurado eh.
“Dahil gusto mo sya. Di ka naman papaligaw sa kanya kung di mo sya gusto di ba?” Namimilog ang matang sabi ni Tiyang Amparo.
Natameme naman ako. Nawalan tuloy ako ng sasabihin.
“Tama kayo dyan tiyang. Di magpapaligaw yan si ate kay Kuya Kester kung di nya to gusto. Si ate pa eh napaka sungit nyan sa mga nagtatangkang manligaw sa kanya. At sa lahat ng nanligaw sa kanya si Kuya Kester lang ang hinayaan nyang makapasok dito sa bahay.” Segunda pa ni Clarissa na naglalagay na ng mga plato at kutsara sa mesa.
Mabuti na lang at hindi masyadong dinig mula sa sala ang usapan namin dito sa kusina kaya hindi malinaw na naririnig ni Kester. Bukod pa sa dinadaldal sya ni Glen at ni Tonya ay bukas pa ang tv.
“Basta ako ate, botong boto ako kay Kuya Kester para sayo. Kung hindi si Kuya Kester huwag ka na lang mag asawa.” Singit pa ni Cristoff na kinakamay ang carrots sa chopseuy. Pinalo ko ng sandok ang kanyang kamay na ikinagiwi nya.
“Titingnan ko muna kung talagang seryoso sya sa akin bago ko sya sagutin. Ayokong magpadalos dalos.” Kahit na ba gusto ko sya di ako basta bibigay. Paghirapan nya muna ako no.
“Basta huwag ka lang masyadong magpabebe. Baka mamaya masulot pa sya ng iba dyan. Kapag sinagot mo na sya magpabuntis ka na agad.” Payo pa ni Tiyang Amparo. Ang dalawa kong kapatid ay tumango tango pa. Sang ayon sa sinabi ng tiyahin namin.
“Hanep talaga kayo magpayo sa akin tiyang.” Ngising aso na sabi ko.
“Payong praktikal lang ang sa akin pamangkin. Aba’y treinta y tres anyos ka na. Dapat nag aanak ka na. Kapag sinagot mo si Kester magpaanak ka agad. Para kung maghiwalay kayo at least may anak ka.”
Napaawang na lang ang labi ko sa payo ni Tiyang Amparo. Mukha man syang nagbibiro pero alam kong seryoso sya. Nag iinit tuloy ang pisngi ko sa isiping may mangyayari sa amin ni Kester kapag naging boyfriend ko na sya.
Ipinilig pilig ko ang ulo. Inaagiw tuloy ang utak ko dahil kay Tiyang Amparo.
“Kester iho halika na dito sa mesa at kakain na. Kayo ding dalawang bulinggit kain na.” Tawag ni Tiyang Amparo kay Kester at sa dalawa kong pamangkin.
Tumayo naman si Kester at hawak nya sa tig isa nyang kamay ang dalawa kong pamangkin. Pumasok na sila sa kusina. Parang ang sarap tuloy nilang pagmasdan. Close na close na talaga sya sa dalawa kong pamangkin.
Kinuha ni Clarissa kay Glen ang box ng chocolate na may bawas na.
“Akin po to mama ih.” Ayaw ibigay ni Glen ang box ng chocolate sa mama nya.
“Hindi sayo yan. Kay tata mo yan eh. Bigay ni Tito Kester mo.”
“Di naman po kain nito tata eh. Di ba tata?” Binalingan ako ng magaling kong pamangkin.
“Wala akong sinabi. Paladesisyon ka. Sige na ipatabi mo muna yan sa mama mo. Kumain ka muna ng kanin.”
Ibinigay na nga ni Glen kay Clarissa ang box ng chocolate at umupo na sa upuan katabi ang Ate Tonya nya.
“Ay dito ka Kester. Tabi kayo ni Crizel.” Pinaghila pa ni Tiyang Amparo ng upuan si Kester sa tabi ko.
“Salamat ho tiyang.” Nakangiting wika naman ni Kester at umupo na sa tabi ko.
“Kumain ka lang ng kumain huwag kang mahiya.” Sabi ko at nilapit sa kanya ang bandehado ng kanin.
“Sure.” Dinampot nya ang sandok at kumuha ng kanin mula sa bandehado. Pero imbes na sa plato nya yun ilagay ay sa plato ko nilagay.
“Ako din po Tito Kestel.” Ani Glen at pinukpok ng kutsara ang plato nya.
Natatawang nilagyan naman ni Kester ng kanin ang plato ni Glen pati na rin ang plato ni Tonya.
“Baka pwedeng maglambing bayaw, ako din.” Hirit ni Cristoff.
“No problem.” Nakangising nilagyan din ng kanin ni Kester ang plato ni Cristoff. Nilagyan na rin nya ang plato ni Clarissa at ni Tiyang Amparo.
“Napakabait mo talaga iho. Ngayon pa lang wini-welcome na kita sa pamilya namin.”
“Salamat ho Tiyang Amparo.”
“At huwag kang mag alala. Malapit ka ng sagutin ng pamangkin ko.”
“Tiyang gutom na ho kayo. Kumain na kayo.” Sabat ko at naglagay na ng ulam sa plato. Kinakabahan ako sa mga susunod pang sasabihin ni tiyang.
Mabuti na lang at nagtanong tanong si Cristoff kay Kester tungkol sa trabaho kaya nabaling na doon ang usapan. Nangako pa si Kester na ipapasok nya sa kumpanya nya si Cristoff pagka graduate nito.
–
“Thank you.”
Nilingon ko si Kester. Bahagya syang nakatingala sa langit at may ngiti sa labi. Nakasuksok ang dalawa nyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon habang parehas kaming nakasandal sa hood ng land rover nya. Tumingin sya sa akin at naging malapad pa ang ngiti. Kumislot naman ang puso ko sabay iwas ko ng tingin.
Humalukipkip ako at nagtaas ng isang kilay.
“Para saan ang thank you mo?”
Bahagya syang tumawa. “Thank you dahil pumayag kang magpaligaw sa akin. Akala ko tatanggi ka eh. Akala ko babastedin mo na agad ako.”
Nagkibit balikat ako. Pero ang puso ko ay tila tinatambol na sa lakas ng kabog.
“Tao ka namang nagpaalam eh so why not.”
Ngumisi sya at kumagat labi. “Ibig bang sabihin.. may pag asa ako?”
Umusli ang nguso ko. “P-Pag asa na ano?”
“Pag asa na sagutin mo ko. Di ka naman papayag na ligawan kita kung wala akong pag asa.”
Naniningkit ang matang tumingin ako sa kanya. “Sinasabi mo bang may gusto ako sayo?”
“Ikaw ang may sabi nyan di ako.”
Kunwaring umirap ako sa kanya. “Di imporke’t pinayagan kitang ligawan ako ibig sabihin may gusto na ko sayo. Pinayagan kita dahil gusto kitang makilala ng lubos. Malay mo.. may matuklasan akong magagandang katangian mo. Magustuhan kita.”
“Hindi pa ba magandang katangian ang hitsura ko?” Nakangising turan nya. Ang kislap ng mga mata nya ay nagniningning.
Tiningan ko naman sya mula ulo hanggang paa. Gwapo talaga ang kumag. Wala akong maipintas kung sa pisikal nyang hisura. Matangkad, maganda ang pangangatawan at lalaking lalaki. Halatang alaga sa ehersisyo. Magaling pang pumorma.
“Hindi sapat ang kagwapuhan at kamachohan lang dapat maganda din ang panloob.”
“Di ako papahuli dyan.”
Tumaas ang kilay ko. “Talaga lang ha.”
“Tss, nagdududa ka pa rin sa akin.”
“Naniniguro lang. Baka mamaya habang nanliiligaw ka sa akin pumapartime ka sa ibang babae.”
“Hindi ko gagawin yan. Takot ko lang kay tatay Glen.” Nakangising sabi nya.
“Dapat ka lang matakot sa kanya. Nakita mo mga ngipin nun? Parang mga ngipin ng pating. Masakit mangagat yun.”
Sabay kaming natawang dalawa. Mabuti na lang at nasa loob ng bahay ang pamangkin ko kundi sasabat yun.
“Pero seryoso Crizel, nung sinabi ko kaninang gusto kitang ligawan seryoso ako dun.”
“Alam ko, unang gabing panliligaw mo nga ngayon eh.”
Ngumisi sya pero agad ding naging seryoso ang mukha at naging mapungay ang mga matang nakatingin sa akin.
“College pa lang tayo gusto na kitang ligawan. Kaya lang di ako makaporma dahil galit na galit ka akin noon. Hanggang sa naka graduate na ako lalong di na ako nagkaroon ng pagkakataon. Dinasal ko na lang na sana walang ibang manligaw sayo.”
“Ang hina mo kay Lord. Marami ding nanligaw sa akin di ko lang sila in-entertain.” Bira ko sa kanya.
Ngumisi naman sya. “Malakas pa rin ako kay Lord. Biruin mo maraming nanligaw sayo pero ni isa sa kanila wala kang sinagot.”
“Paano mo na namang nalamang wala akong sinagot isa sa kanila?” Nakataas ang kilay na tanong ko.
“Kay Cristoff, naikwento nya sa akin.”
Umingos ako. At talagang tsinismis na ako ng kapatid ko sa kanya. Ano pang ire-rebut ko?
“Umuwi ka na nga gabi na o.” Nasabi ko na lang.
Sinilip nya ang oras sa suot nyang relo.
“Alas nuebe pa lang.”
“O kaya nga. Umuwi ka na. May pasok ka pa bukas di ba? May pasok din ako sa eatery.”
Kumamot sya sa ulo. “Sige na nga. Babalik na lang ako bukas.” Aniya at tumayo na ng tuwid.
“Ikaw ang bahala kung babalik ka pa.” Sabi ko at umalis na sa pagkakasandal sa hood ng sasakyan nya.
Ngumisi sya. “Talagang babalik ako. Huwag kang umasang susuko agad ako sa panliligaw sayo.”
Nagkibit balikat lang ako. Pero ang puso ko ay nagtatatalon na sa loob at parang may kumikiliti rin sa aking tiyan.
“Uuwi na ko. Huwag mo kong masyadong mamimiss.”
“Ang kapal mo.” Nakangusong sabi ko.
Tumawa lang sya at di ko inasahan ang sumunod nyang ginawa. Mabilis nya akong hinalikan sa gilid ng labi sabay sibat at pasok sa sasakyan nya. Namimilog ang matang sinundan ko sya at kinalampag ang salamin na bintana ng sasakyan nya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang nagliliyab na sa init ang aking mukha.
“Hoy ang kapal mo ah! Di pa kita sinasagot nanghahalik ka na!”
Binaba nya ang salaming bintana. Tatawa tawa pa sya. Inabot ko ang kanyang buhok at sinabunutan sya.
“Sira ulo ka talaga!” Hinampas ko sya sa balikat.
“Masanay ka na. Dahil kapag sinagot mo na ako di lang kiss ang ibibigay ko sayo.” Natatawang sabi nya at ang mga mata ay may kislap ng kapilyuhan.
Lalo namang nag init ang mukha ko. Hindi ko na tinanong kung ano pa bukod sa kiss ang ibibigay nya. Baka sagutin ko sya agad eh – este baka hindi ko sya agad sagutin.
“Sige na umuwi ka na.” Pagtataboy ko sa kanya at kunwaring inirapan sya.
Binuhay naman nya ang makina ng kanyans sasakyan.
“Oo na uuwi na. Good night babyloves!” Inusli pa nya ang nguso at tinaas na ang salamin ng bintana.
Ng makaalis na ang sasakyang lulan ni Kester ay pumasok na ako sa bahay na may sinusupil na ngiti sa labi. Sa edad ko na ito ay di ko akalaing may mararamdaman pa akong kilig. Akala ko manhid na ako eh. At ang nagpapakilig pa sa akin ngayon ay ang lalaking kinamumuhian ko noon.
Chapter 20
Crizel
“BOSS Kester kami na po dyan.”
“Ayos lang para mas mapabilis kayo.”
Nilingon ko si Kester na tinutulungan ang mga tauhan ko na magligpit. Tinataob nya ang mga upuan sa ibabaw ng mesa. Mabilis ang mga kilos nya na tila ba sanay na sanay sya. Inaawat sya ng mga tauhan ko pero di talaga sya nagpapaawat.
“Boss ako na po dyan baka madumihan pa po kayo.” Awat ni Joseph kay Kester na ngayon ay mop naman ang hawak.
“Ayos lang Joseph. Masyado kang nag aalala sa akin.” Natatawang sabi ni Kester na nagmamop na.
“Hayaan mo sya Joseph. Gusto nyang magpasikat eh.” Sabat ko habang nililigpit ang mga resibo sa counter.
Tumingin sa akin si Kester at ngumisi. Kunwaring inirapan ko naman sya.
Isang linggo na mahigit nanliligaw sa akin si Kester. Nakikita kong pursigido talaga sya. Sinusundo nya ako sa umaga at hinahatid dito sa eatery para di na ako magcommute. Simula kasi ng maaksidente ako sa motor ay parang nagkatrauma na ako sa pagmomotor. Kaya ang motor ko ay nakatengga na lang sa bahay. Si Clarissa na lang ang gumagamit nun kung minsan. At sa closing naman ng eatery ay sinusundo din ako ni Kester gaya ngayon. Alam na rin ng mga tauhan ko na nanliligaw sya. Pinamalita nya ba naman.
“Sana all talaga si Ma’am Crizel para may Sir Kester.” Ani Danica na nagpupunas ng mga plato katulong si Oling.
“Anong may Kester? Hindi pa kami no.” Sabat ko.
“Pero malapit ng maging kayo ma’am.” Saad naman ni Oling.
Kumunot ang noo ko. “Sinong may sabi?”
“Eh di si Sir Kester. Sabi nya malapit nyo na raw syang sagutin.”
Naninigkit ang matang tiningnan ko si Kester na ngingisi ngisi lang. Talagang confident syang sasagutin ko sya.
“Well, tingnan natin kung sasagutin ko sya. Ayaw ko pa naman sa lahat yung lalaking overconfident.” Pagpaparinig ko kay Kester na tumawa lang ng malakas.
Pagkatapos magligpit at magsara ay sabay sabay na kaming lumabas ng eatery.
“Uwi na tayo o may gusto ka pang ibang puntahan?” Tanong sa akin ni Kester ng makasakay na kami ng sasakyan nya.
Nag isip naman ako saglit. “Wala na, uwi na tayo.” Umayos ako ng upo ng maikabit na ang seatbelt.
“Ako may gustong puntahan.” Aniya.
Napalingon ako sa kanya. “Saan naman?”
“Sa club.”
Nagsalubong ang kilay ko. “Mambababae ka?” Siraulong to ah!
Tumawa sya. “Grabe ka naman sa akin. Sa club lang pupunta mambababae agad. Di ba pwedeng inom lang.”
Inirapan ko sya. Hindi kasi maganda ang tingin ko sa club club na yan. Maraming mga wild na babae doon lalo na kapag lasing.
“Ikaw lang ang pupunta?”
“Syempre hindi. Isasama kita.” Nakangising wika nya.
Tumaas ang isang kilay ko. “Kung hindi ako papayag na sumama pupunta ka pa rin mag isa.”
“Depende kung papayagan mo ko. Kapag hindi ka pumayag syempre di ako pupunta.”
Umusli ang nguso ko. Pinigil ko ang mapangiti sa sinabi nya.
“Sige pumunta tayo ng club.” Sabi ko.
“Sigurado ka?”
“Oo, matagal tagal na rin akong di nakakainom.”
“Ok, don’t worry di naman tayo maglalasing.” Binuhay na nya ang makina.
“Eh paano kung malasing ako? Mabilis pa naman akong malasing.” Mababa kasi ang tolerance ko sa alak.
“Eh di iuuwi kita sa bahay ko.”
Namimilog ang mga matang lumingon ako sa kanya.
Tumawa lang sya.
“Joke lang. Syempre iho-hotel kita – aray!” Daing nya ng paluin ko sya ng malakas sa braso.
Lalo lang lumakas ang tawa nya. Samantalang ako ay parang sinilaban ang mukha sa init.
“Siraulo ka.”
“Joke nga lang. Uy namumula sya.” Natatawang sabi nya at pinausad na ang sasakyan sa gitna ng kalsada.
Ako naman ay nagkasya na lang na pagmasdan sya habang tumatawa at nagkukwento. Pero hindi ang kwento nya ang nakapukaw sa akin ng interes kundi ang gwapo nyang mukha. Nakatawa sya, nakasimangot, nakanguso o kahit galit ay gwapo pa rin talaga ang kumag. Pero gustong gusto ko kapag nakatawa sya o nakangiti. Yung mga mata nya bahagyang naniningkit tapos kapag nakangiti sya lumalabas ang pantay pantay nyang mapuputing ngipin. Yung ngiti nyang may bahid ng kapilyuhan. Yung ngiti nyang tumutunaw sa puso ko.
Makalipas ang kulang kulang dalawampung minuto ay nakarating na kami sa isang high end club. Marami ng nakaparada na mamahaling sasakyan sa parking. Sunod sunod na rin ang pumapasok na mga tao mapalalaki man o babae. May mga foreigner pa nga. May grupo, meron namang magkasintahan. Halatang mga mayayaman at may mga sinasabi sa buhay. Ang ibang mga babaeng pumapasok ay medyo revealing pa ang mga suot na damit. Yung huling tatlong babaeng pumasok nga ay halos kita na ang kuyukot at lumuwa ang mga dibdib.
Nagdududang tiningnan ko si Kester. Kasalukuyan na nyang pinapark ang sasakyan. Ina-assist sya ng isang bouncer. Ng huminto na ang sasakyan ay tumingin sya sa akin. Tumaas ang kilay nya.
“Bakit?”
Umingos ako. “Siguro kaya gustong gusto mong pumunta dito sa club dahil sa mga babaeng halos mga nakahubad na.”
Ngumisi sya sabay pisil ng pisngi ko.
“Aray!” Tinampal ko ang kamay nya. Pero hindi naman malakas ang kanyang pisil.
“Di pa nga tayo nagseselos ka na.”
Umusli ang nguso ko at humalukipkip.
“Hindi no! Ang kapal mo.” Sabi ko pero tila labas lang yun sa ilong. Dahil di ko maitatangi naninikip ang dibdib ko sa isiping titingin sya sa mga babaeng yun.
Kuh! Huwag lang talaga syang magkakamali basted agad sya!
“Sanay na ako sa mga babaeng halos mga nakahubad na kung manamit. Wala na silang dating sa akin.”
Tumaas ang isang kilay ko. “Talaga lang ha.”
Tumawa sya at humarap sa akin.
“I’m telling the truth. Ikaw na lang ang malakas ang dating sa akin.”
Umusli ang nguso ko at kumibot kibot. Parang sumirko sirko ang puso ko sa loob.
“Malakas ang dating ng mga kagaya kong wholesome sayo dahil sawa ko na sa mga babaeng halos mga nakahubad. Eh kung magdamit din kaya ako ng kagaya nila.”
“Ayos lang. Pero dapat ako lang ang makakakita kahit maghubad ka pa.” Nakangising sabi nya.
Pinandilatan ko sya ng mata at pinalo sa braso. Puro talaga sya kapilyuhan.
“Aray! Hindi pa tayo pero bugbog sarado na ko sayo.” Natatawang sabi nya habang hinhimas ang brasong pinalo ko.
“So ano, suko ka na?”
“Of course not! Kahit itali mo pa ko sa kama at sinturunin di ako susuko. Kahit ihi lang ang pahinga ko.”
Napasinghap ako at namilog ang mga mata sa sinabi nya. Muli ko syang pinalo sa braso ng dalawang beses. Init na init na ang mukha ko at para na itong dinilaan ng apoy.
“Ang manyak mo!”
“Aray!” Natatawang daing nya habang pinapalo ko sya sa braso. Pero obvious naman na di sya nasasaktan. Pinapatigas pa nga nya lalo ang matigas na nyang braso.
“Manyak ka!” Singhal ko pa sabay kurot sa kanyang tagiliran na ikinaigtad nya.
“Bakit ano bang sinabi ko?” Painosente pa nyang tanong.
Sinamaan ko lang sya ng tingin at inirapan. Tawa lang sya ng tawa.
Hindi naman ako naiinis sa kanya. Nabibigla lang ako. Kung ano ano tuloy ang pumapasok sa isip kong mga what ifs.
“Halika na nga bumaba na tayo.” Yaya ko na lang.
“Yes po madam!” Natatawang nauna na syang bumaba.
Ako naman ay tinanggal na ang seatbelt at sinukbit ang shoulder bag. Akmang bubuksan ko ang pintuan ng sasakyan pero inunahan na ako ni Kester at inalalayan pa pababa. Dinig ko na ang malakas na tugtog na galing sa loob ng club.
Dumiretso na kami sa entrance ng club. Binati kami ng dalawang bouncer na nakatalaga doon at nagcheck ng laman ng bag ko. Ngayon lang ulit ako nakapasok sa club. Ang huling pasok ko ay noong fourth year college pa ako. Nagkakayayaan kami noon ng mga kaklase ko dahil graduating na kami.
Medyo nalula ako pagpasok ng club kaya napahawak ako sa braso ni Kester.
“Relax.” Bulong nya sa tenga ko at hinawakan ang kamay ko.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Bahagya pa nya akong hinila palapit sa kanya dahil may mga lalaking dumaraan sa gilid ko. Marami ng tao sa loob ng club at bumabaha na ang alak. Maingay dahil sa tugtog at tawanan ng mga tao. Nagsasayawan ang mga ilaw na iba’t iba ang kulay na sumasabay sa tugtog. May ilan na ngang mga babae at lalaki na sumasayaw na sa gitna ng dance floor. Ang isang babae nga ay halos bumaba na ang suot na tube.
Napailing iling na lang ako at tiningnan ang suot na damit. Nakasuot ako ng checkerd polo na bukas ang mga butones. Sa loob ay may suot akong puting sleeveless top at high waist denim jeans na medyo loose at sneakers na puti naman ang sapatos. Parang ako lang yata ang naiiba ang suot. Wala pa akong kamake up make up at liptint lang ang meron ako. Ang buhok kong kulutan ay nakabun pataas.
Inakay ako ni Kester sa bakanteng couch medyo malapit sa dance floor. Napansin ko pa nga ang ilang mga babaeng napapatingin sa kanya. Agaw pansin naman talaga ang hitsura at lilingunin talaga. May isa pa nga na tinawag sya pero hindi nya yun pinansin na aking ikinatuwa.
Umupo na kami sa couch. May lumapit sa aming waiter at nagtanong ng order namin. Si Kester ay beer ang inorder ako naman ay cocktail drinks lang. Sinamahan pa namin yun ng pulutang sisig at barbeque.
Tumango tango ako ng matikman ko ang cocktail drinks na inorder ko. Manamis namis na medyo maasim at mainit sa lalamunan.
“Like it?” Tanong ni Kester na nakasandal na sa couch at nakadekwatro pa. May ngisi sa kanyang labi.
“Ayos lang.” Nagkibit balikat ako at sinimsim muli ang cocktail drinks. Si Kester ay tinungga naman ang beer nya. Paminsan minsan naming nilalantakan ang sisig at barbeque.
“Kelan ka huling pumunta ng club?” Tanong nya.
“Noong college pa. Fourth year college ako noon.” Malakas ang boses na sabi ko para marinig nya ako.
Kumunot ang kanyang noo. “Ang tagal na nun ah. Sino naman ang mga kasama mo?”
“Si Belinda at mga kaklase namin. Nagkayayaan kami dahil malapit na graduation namin nun. Parang bonding na rin namin.”
Tumango tango sya. “I see.”
“Eh ikaw, malamang madalas kang nagpupunta sa mga club.”
“Not really. Mas madalas ako sa bar kasama ko ang mga kaibigan ko. Nagiinuman kami tuwing weekend, kami kami lang.”
“Walang kasamang babae?”
“Dati syempre meron. Pero ngayon wala na, may mga asawa na sila. Ako naman meron na akong ikaw.” Nakangising saad nya sabay kindat sa akin.
Kunwaring inirapan ko naman sya pero ang puso ko naman ay tuwang tuwa at panay pa ang kislot.
“Huwag mo na akong bolahin akala mo naman maniniwala ako sayo.” Sabi ko at kumagat sa stick ng barbeque.
“Hindi kita binobola, nagsasabi lang ako ng totoo.” Nakangising sabi nya.
“Weh? Di nga?” Sarkastikong sabi ko na lang at ininom ang cocktail drinks na paubos na. Parang gusto kong magbeer. Tinawag ko ang padaang waiter. Lumapit naman ito na may ngiti sa labi. Infairness may hitsura din si kuyang waiter.
“Isang beer nga yung light lang.” Sabi ko.
“Ok ma’am, yun lang po ba?” Binalingan ng waiter si Kester.
“Make it three.” Sabi ni Kester.
“Ok po sir, ma’am. Just wait a minute.” Umalis na ang waiter para kunin ang order namin.
Ako naman ay inubos na ang cocktail drinks.
“Hindi kita binobola Crizel. Ikaw lang ang babaeng niligawan ko. Itanong mo pa sa mga kaibigan ko.”
Nilingon ko si Kester. Seryoso na ang kanyang mukha.
“Aba malay ko ba kung kinuntsaba mo sila.”
Tumawa lang sya at umiling iling. Parang may gusto pa syang sabihin pero nagdadalawang isip.
Ilang sandali pa ay dumating na ang dagdag order naming beer. Tumabi na ng upo sa akin si Kester dahil hindi na kami magkarinigan sa lakas ng tugtog. May nakita daw syang kilala nya.
“He is Lucio Canlas. Isa syang architect sa kumpanya ni Matias. May fiance na sya kaya lang sumasideline pa sya sa iba.”
Pinagmasdan ko ang lalaking kinukwento ni Kester. Nasa gitna ito ng dance floor at may kasayaw na seksing babae at para silang mga bulateng inasinan sa gaslaw sumayaw. May hitsura ang lalaki, matangkad at maputi. Pero halatang may pagkamanyak. Kung saan saan na nga dumadapo ang mga kamay nito sa katawan ng babaeng kasama. At ang babae naman ay parang wala lang na hinihipuan.
“Alam ba ng fiance nya na sumasideline sya sa ibang babae? Kase kung ako ang fiance nyan babayagan ko yan sabay hiwalay.”
Tumawa si Kester. “Ang sabi hindi daw naniniwala ang fiance nya at sinisiraan lang daw sya para maghiwalay sila. Pero kita mo naman di ba?”
“Tanga ang fiance nya.”
Nagkibit balikat sya. “Baka talagang mahal lang sya at malaki ang tiwala sa kanya.”
Lumingon ako sa kanya at nagtaas ng kilay. “Saan mo naman nalaman ang mga yan?”
“Sa mga empleyado ni Matias kapag natatambay ako doon. Kinukwento nila sa akin.”
Umawang ang labi ko. “Tsismoso ka rin pala.” Kaya pala magkasundo sila ni Tiyang Amparo, Cristoff at Glen.
“Inosente ako dyan. Kinukwento ko lang ang mga kinukwento sa akin.” Nakangising saad nya at tinungga ang bote ng beer.
“Ganun din yun. Baka ako kinukwento mo rin sa iba ha. Naku sinasabi ko sayo Kester. Kapag nalaman kong kinukwento mo ko sa iba manghihiram ka talaga ng mukha sa pwet ng kawali. Ayoko sa lahat ng lalaking kiss and tell.” Banta ko sa kanya.
“Hey I’m not like that. Kahit kelan di kita kunuwento sa iba no. Baka macurious pa sila sayo tapos magkagusto sila sayo eh di dadami lang lalo ang karibal ko.”
Tinaas ko ang daliri at sinundot sundot ang pisngi nya. Medyo may tama na ako pero di pa naman ako lasing.
“Siguraduhin mo lang Keith Alistair Belleza. Baka imbes na sagutin kita bastedin kita. At hindi lang yun, burado ka na sa life ko.” Sabi ko sabay tungga rin sa bote ko ng light beer. Nakatatlong bote na ako kaya medyo may tama na. Mabilis talaga akong tamaan ng alak kahit light lang.
“Never kong gagawin sayo yun. Trust me.”
“Hmp sabi mo eh. Umorder ka pa nga ng light beer.” Utos ko sa kanya.
“Sure ka? Mukhang may tama ka na.” Nag aalangang sabi nya.
“May tama lang pero di pa naman ako lasing. Sige na umorder ka na habang ganado pa ako.”
“Sure ka ha. Baka sisihin mo ko kapag nalasing ka na.” Kunot noong sabi nya.
“Hindi no! Bakit naman kita sisisihin? Saka di naman ako magpapakalasing. Namiss ko lang talaga uminom.”
“Ok.” Tinawag na nya ang waiter at nagdagdag ng order ng beer.
Chapter 21
Kester
“TSS, sabi ko naman sayo tama na eh. Ang kulit mo. Hayan lasing ka na.” Palatak ko habang inaalalayan si Crizel na sumusuray ng maglakad palabas ng club.
Nakapitong bote lang sya ng light beer at heto lasing na lasing na. Mabilis syang malasing. Gusto ko rin sisihin ang sarili ko dahil hinayaan ko lang sya. Ayoko lang naman kasing mainis sya sa akin.
“Hindi nga ako lashing. Nakainom lang ako.”
“Kung di ka lasing bakit di ka makalakad ng diretso?”
“Bitiwan mo ko maglalakad ako ng diretsho.” Aniya ng makalabas na kami ng club. Pumipiglas pa sya sa akbay ko pero di ko sya binitawan dahil baka mabuwal sya.
“O huwag ka ng malikot.” Saway ko sa kanya.
“Ikaw kashe hinahamon mo ko eh.. Teka yung bag ko pala naiwan sa loob.” Lumingon sya sa club.
“Nasa akin ang bag mo.” Sabi ko at pinakita ang bag nyang hawak ko.
Ngumiti naman sya. Namumungay na ang mga mata nya sa kalasingan.
“Thank you. Akin na yan.” Akmang kukunin nya ang bag pero iniwas ko iyon.
“Ako na ang magbibitbit.”
“O..kay.”
Giniya ko na sya sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ko.
“Shayang di ako nakashayaw. Ang ganda pa naman ng tugtog kanina. Ikaw kase eh. Nag aya ng umuwi.” Reklamo nya.
“Tss, as if naman payagan kitang sumayaw.”
Lumingon sya sa akin. “Bakit hindi mo ko papayagan?”
“Paano kung mabastos ka ng mga lalaki dun? Eh di napaaway ako.” Sabi ko.
Kanina nga lang may mga lalaki ng patingin tingin sa kanya eh. Hindi lang makaporma ang mga ito dahil sinasamaan ko sila ng tingin. Subukan lang talaga nilang lumapit lalabas sila ng club na mga basag ang mukha.
“Aww.. concern ka pala shaken.”
“Of course. Future boyfriend mo ko kaya dapat pangalagaan kita.”
Humarap sya sa akin at dinutdot ng daliri ang dibdib ko.
“Future boyfriend ka dyan. Shiguradong shigurado ka na magiging boyfriend kita ah.”
Ngumisi ako. “Bakit magiging boyfriend mo naman talaga ako ah.”
“Ang kapal mo.” Nakangusong sabi nya at susuray suray na lumapit sa sasakyan ko.
Agad ko naman syang nilapitan at inalalayan. Binuksan ko ang pinto sa passenger seat at inalalayan syang sumakay. Inabot ko ang seatbelt para ikabit sa kanya pero nakipag agawan sya sa akin.
“Ako na.” Aniya pero di naman maikabit ang seatbelt.
“Ako na nga.” Inagaw ko sa kanya ang seat belt.
“Ako na nga shabi kaya ko na.” Tinabig nya pataas ang kamay ko at di naman sinasadyang nasagi ng kamay ko ang ibabaw ng kanyang dibdib.
“Manyak ka!” Bigla nya akong binatukan.
“Aray! Bakit nambabatok ka?” Hinimas ko ang ulo. Hindi naman masakit nabigla lang ako.
“Hinipuan mo ko eh.” Matalim ang tingin nya sa akin.
“Hindi ko sinadya yun, tinabig mo yung kamay ko eh.” Natatawang sabi ko na lang.
Sumimangot sya at pilit ng kinakabit ang seatbelt. Hinayaan ko na lang sya at hinintay na makabit ang seatbelt.
Pasimple namang dumako ang mata ko sa dibdib nya. Katamtaman lang ang laki nun at malambot. Parang nararadaman ko pa nga sa gilid ng kamay ko ang kalambutan nun.
Iniwas ko ang tingin at napahimas na lang sa batok. Baka kung saan pa maglakbay ang isip ko.
“Hayan nakabit na.” Tumingin sa akin ang namumungay nyang mga mata. “Ano pang ginagawa mo dyan? Shumakay ka na para makauwi na tayo. Bilish!” Utos nya sa akin.
Ngumisi ako. “Yes po madam.”
“Bagal nitong driver na to.”
Natawa na lang ako at maingat na sinarado ang pinto. Iiling iling na umikot ako papuntang driver seat. Sya lang talaga ang nakakapag utos sa akin ng ganito.
Pagupo ko sa driver seat ay agad ko ng kinabit ang seatbelt. Akmang bubuhayin ko na ang makina ng pigilan nya ako.
“Wait, bago mo paandarin ang shasakyan may shashabihin muna ako.” Humarap sya sa akin.
“Hmm about what?” Humarap ako sa kanya. Curious ako sa sasabihin nya kahit wala pang kwentang bagay yun.
“About you.”
Kumunot ang noo ko. Lalong nabuhay ang kyuryosidad ko. “About me? What about me?”
“Gushto ko lang magthank you shayo kasi dinala mo ko dito sha club. Nakainom ulit ako. Ang shaya shaya ko ngayong gabi.” Nakangiting sabi nya na pumipikit na ang nga mata.
“You’re welcome. Yun lang?”
Hindi sya sumagot at humawak sa braso ko at bahagya pang pumisil pisil doon. Umabot pa sa balikat ko ang pagpisil nya.
“Ang tigash nga ng braso mo pati balikat o.”
Kumagat labi ko at napangiti. Masarap sa pakiramdam ang pagpisil pisil nya sa braso ko.
“Nananantsing ka na. Ipapabaranggay kita. Magrereklamo ako ng sexual harassment.”
Umingos sya at pinalo ako sa braso. Natawa lang ako.
“Shexual harasshment ka dyan. Sa brasho lang kita hinawakan no. Shaka kapag naging tayo naman pwede na kitang hawakan.”
“Kapag naging tayo?”
“Oo.”
“Gusto mong maging tayo? Gusto mo rin ako?” Nangingiti ng tanong ko.
“Oo naman. Magpapaligaw ba ako shayo kung hindi kita gushto.”
Tangna! Mukhang heto na ang hinihintay ko. Mukhang sasagutin na nya ako.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa excitement.
“Ibig sabihin sinasagot mo na ko?”
“Hmm gusto mo bang sagutin na kita?” Nakangiti nyang tanong.
“Of course. Pero di naman kita pipilitin.”
Sinandig nya ang ulo sa headrest at humikab.
“Ok sige.. sinashagot na kita..” Aniya na nakapikit na.
Umawang naman ang labi ko. Parang biglang huminto ang oras at ang galaw ng mga nasa paligid namin. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko at tila may kumikiliti sa tiyan ko. Sinasagot na raw nya ako. Ibig sabihin kami na.
Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil. “Is it true Crizel? Tayo na?”
Hindi sya sumagot at nakapikit lang.
“Crizel answer me.”
Hindi pa rin sya sumasagot at napansin kong malalim na ang paghinga nya. Nilapit ko ang mukha sa kanya. Nakatulog na nga sya.
Kumamot ako sa ulo. Lasing nga pala sya. Malamang di nya alam ang mga sinasabi nya. Sana pala vinideohan ko para may pruweba ako na sinagot na nya ko. Pero baka mainis lang sya at mawalan ng tiwala sa akin.
Tinaas ko ang kamay at hinaplos ng marahan ang kanyang makinis na pisngi.
“Binabaliw mo na naman ako Crizelda Romina.” Anas ko at pinagmasdan ang maganda nyang mukha na payapa. Mukhang syang anghel na natutulog.
Umayos na ko ng upo. May panghihinayang sa puso ko. Pero di bale na, mas masarap naman sa pakiramdam na sagutin nya ako na nasa tamang huwisyo sya. Kaya ko namang maghintay ng kung kelan nya ko sasagutin. Nakaya ko ngang maghintay ng mahigit sampung taon mapansin nya lang eh.
Tinaas ko ang kamay nya at dinala sa labi. “Tulog ka lang dyan bebeloves.”
Binuhay ko na ang makina at maingat na pinausad ang sasakyan para di sya magising.
.
.
Crizel
PANAY ang hilot ko sa sentido kong kumikirot habang nakahilata ako sa sofa. Di pa tumatalab ang gamot na ininom ko. Paggising ko ay tila binibiyak ang ulo ko. Ito talaga nangyayari kapag umiinom ako eh. Dapat talaga hindi na ako sumama kay Kester sa club.
“Yan kase inom inom laseng laseng eh di mataket ulo mo. Alak pa.”
Pumikit ako ng mariin. Tila lalong sumigid ang kirot sa ulo ko dahil sa matinis na boses ni Glen.
“Glen tantanan mo muna ang tata mo.” Saway ni Clarissa na nasa kusina at nagluluto na ng almusal.
“Eh tigas po ulo tata eh. Inom inom.”
“Bakit lagi ba akong umiinom?” Sabat ko sa pamangkin na akala mo tatay ko kung makasermon.
“Kagabe lang.” Nanunulis ang ngusong sabi nya.
“Tss, ipatimpla mo na lang ako kay mama mo ng kape.” Utos ko na lang sa pamangkin.
Tumakbo naman sya sa kusina. “Mama timpla mo daw po si tata ng kape haluan mo daw ng red horse.”
“Glen!” Pasigaw kong tawag sa pangalan ng pamangkin. Aga aga inuurat ako.
Tatawa tawa namang bumalik si Glen at lumapit sa akin.
“Joke lang tata.”
Hinaklit ko sya at inibabaw sa akin at pinagkikiliti. “Joke joke lang. Huwag mo ko majoke joke kapag ganitong masakit ang ulo ko ha.”
Parang kiti kiti ng kumikiwal si Glen at halos maubusan na ng hininga sa kakatawa. Tinantanan ko na sya at binaba na dahil mabigat sya.
“Hilot mo na lang ulo ni tata.” Utos ko na lang sa kanya.
“Bigay mo ko dalawang tingkwenta ah.”
“Anong dalawa? Isa lang.”
“Ehh gusto ko dalawa. Di kita iilotin.” Banta pa nya.
“Eh di huwag! Si Tonya na lang hihilot sa akin. Sya na lang bibigyan ko ng tingkwenta.”
“Sige na nga! Pero konti ilot lang ah. Papagod kamay ko eh.”
Hindi pa nga naguumpisa pagod na ang kamay.
Sumampa na sya sa sofa at pumuwesto sa ulunan ko. Pumikit naman ako. Parang maliliit na galamay ang mga daliri ni Glen. Yung hilot nya pasabunot na.
Naaamoy ko na ang aroma ng kape na tinitimpla ni Clarissa.
“Heto na ang kape mo ate. Inumin mo na habang mainit pa.”
“Oo salamat.” Hindi dumidilat na sabi ko.
Malamang hindi ako makakapasok nito sa eatery dahil sa sakit ng ulo. Maliban na lang kung magaling ang gamot na ininom ko.
“Tito Kestel!”
Dumilat ako sa sinambit ng pamangkin ko. Bumungad sa aking paningin ang gwapong mukha ni Kester. Halatang bagong ligo sya at papasok na sa opisina. May bitbit syang brown paper bag. Lumapit sa kanya si Glen at parang unggoy na yumakap sa kanyang bewang.
“Miss na miss mo na ko ah.” Natatawang sabi ni Kester at ginulo ang buhok nya.
“Di ko ikaw kita kagabi ah.”
“Tulog ka na kasi.”
“Glen bumitaw ka na sa Tito Kester mo at baka madumihan sya.” Saway ni Clarissa.
“Ayos lang Clarissa.”
Lumapit si Tonya kay Kester at nagmano. Ginulo rin ni Kester ang buhok nito.
Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga. Lumapit naman sa akin si Kester at tumabi ng upo. Naaamoy ko ang mamahalin nyang pabango na gamit. Nilapag nya sa mesita ang brown paper bag na dala.
“How’s your feeling?”
Tila musika sa pandinig ko ang swabe nyang boses. Nakakarelax.
“I’m not feeling well. Masakit ang ulo ko.” Matabang na sabi ko.
“Tss. Ayaw mo kasing magpaawat kagabi eh.”
“Kung di mo ko inaya sa club di ako iinom.” Balik paninisi ko sa kanya.
Tumawa naman sya. “Oo na kasalanan ko na. May dala akong gamot mabisa yan para sa hang over, subok ko na. May dala rin akong mainit na tinapay baka gusto mo.”
Inabot nya ang brown paper bag at nilabas ang mga laman. Dinampot ko naman ang tasa ng kape at ininom. Napangiwi pa ako sa pait. Mapait talaga magtimpla ng kape si Clarissa. Pero ayos lang dahil parang nagising ang natutulog kong dugo.
“Gusto mong kape? Nag amusal ka na?” Alok ko sa kanya.
“Hindi pa. Gusto ko sana sabay tayo eh.”
Umusli ang nguso ko. Di pa kami pero napaka clingy na.
“Dito ka na lang mag almusal. Hindi ako makakapasok ngayon sa eatery dahil masakit ang ulo ko. Last inom ko na talaga yung kagabi.”
Tumawa sya. “Pagkakain mo inumin mo yung gamot na dala ko.”
“Kakainom ko lang ng gamot pero parang di naman tumtalab.”
“Eh di tamang tama ang dala kong gamot. Effective yan.”
“Sigurado ka ha. Kapag ito di tumalab basted ka na.”
Ngumisi sya. Ngising may kahulugan.
“Kung alam mo lang..” Mahinang sabi nya.
Kumunot ang noo ko. “Alam ang ano?”
“Hindi mo natatandaan?”
“Ang ano nga?”
Lalong lumapad ang ngisi nya. “Di mo nga natatandaan.”
Bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan. Lasing ako kagabi at wala akong matandaan masyado. Di kaya may ginawa ako? Di ko naman sya siguro hinalikan. Pero ang lapad ng ngisi nya eh. Parang ngising tagumpay.
“Ano ba kasi yun? Sabihin mo na.”
“Tss, wag na. Baka sabihin mo assuming ako. Pilitin mo na lang na alalahanin.”
Iningusan ko sya. Mukhang wala talaga syang balak na sabihin kaya no choice ako kundi pilit na lang yun alalahanin.
“Tito Kestel, tata, kain na tayo.” Yaya sa amin ni Glen.
Tumayo na ako at binitbit ang tasa ng kape.
“Kaya mong maglakad ng diretso?”
Nilingon ko si Kester. “Oo naman. Anong akala mo sa akin lumpo? May hang over lang ako no.”
Ngumisi sya. “Akala ko nahihilo ka pa eh. Bubuhatin sana kita.”
Umingos ako at kunwaring inirapan sya. Nauna na akong maglakad papuntang kusina baon baon ang tanong sa isip na kung ano ang pakiramdam ng buhatin nya. Pero ang mas dapat kong isipin at alalahanin ay yung sinasabi nya kanina na ginawa ko o sinabi kagabi na di ko matandaan. Kinakabahan na tuloy ako para sa sarili ko. Baka mamaya naharass ko na sya.
Hello dear readers! I have four completed stories on Dreame. Sana mabisita nyo 🤗
Chapter 22
Crizel
NAKAPANGALUMBABA ako sa desk ko at tinutuktok ang ballpen habang malalim ang iniisip. Alas dos na ng hapon at hindi na gaanong marami ang customer kaya ayos lang mag sitting pretty.
Bumuntong hininga ako. Kanina ko pa inaalala ang mga pinaggawa ko noong gabi sa club na kasama si Kester. Gusto kong maalala lahat dahil curious ako sa sinabi ni Kester na di ko raw matandaan. Ang kumag kasi na na yun ay ayaw pang sabihin. Curious na curious talaga ako lalo na at kakaiba ang kilos ni Kester. Laging malapad ang ngisi nya na akala mo nanalo ng jackpot sa lotto tapos panay na ang hawak sa kamay ko na akala mo nobyo ko na sya.
“Ay ano pong hanap nila madam?”
“Nandito ba ang boss nyo?”
“Ah si Ma’am Crizel po. Nasa opisina po nya.”
Nag angat ako ng mukha ng marinig ko ang pangalan ko. Lumapit sa akin si Josie.
“Ma’am may naghahanap po sa inyo.”
“Sino daw?” Inipit ko ang ballpen sa loob ng notebook.
“Hindi ko po naitanong ang pangalan. Pero magandang babae po. May pagka maton nga lang ang katawan pati boses.” Nakangiwing sabi ni Josie.
Napakunot noo naman ako at tumayo. Sumilip ako sa taas ng divider para makita ang bisita ko raw. Namilog ang mata ko ng makita si Rika.
“Rika!” Patiling sambit ko at lumabas sa maliit kong opisina at lumapit sa kanya.
Nagyakapan kami ni Rika at nagbeso beso. Ang huling kita namin ay sa mall kasama ko pa si Belinda ilang buwan na ang nakakaraan. Ang alam ko ay nasa ibang bansa sya ngayon. Iba talaga kapag mayaman paiba ibang bansa na lang at anytime pwedeng umuwi ng pinas.
“Akala ko nasa New York ka pa. Kelan ka pa umuwi?” Tanong ko sa kanya ng makaupo na kami malapit sa floor to ceiling glass wall. Kita sa labas ang mga taong dumaraan at mga sasakyan.
“Kagabi lang. Tapos naisipan kong puntahan ka dito sa eatery mo. Madali lang pala hanapin tong eatery mo dahil sikat. Infairness ha, ang cozy ng eatery mo. Gusto ko ang ambiance.” Sabi ni Kester na nilibot ang mga mata sa paligid ng eatery ko.
“Thank you. Kumain ka na ba?”
Ngumiwi sya. “Hindi pa nga eh. Nagutom nga ako bigla nung makita ko yung mga ulam nyo sa counter. Mukhang lahat masasarap. Pwede bang kumain?”
“Oo naman! Pumili ka lang ng gusto mong kainin kahit ano. Ako ng bahala.”
“Talaga?”
Natatawang tumango ako at tumayo. Pinasunod ko na sya sa akin ng lapitan ko ang counter kung saan nakadisplay doon ang mga ulam.
–
“Anyway kaya rin pala kita pinuntahan dito para makichika sayo.” Ani Rika at sinipsip ang straw ng ice tea nya. Katapos lang nyang kumain at simot ang plato nya. Malakas din syang kumain parang si Kester. Magpinsan nga sila.
Tumaas ang kilay ko at sinipsip ko rin ang straw ng ice tea ko.
“Tungkol saan?”
Ngumisi sya. “Tungkol sa inyo ng pinsan kong tukmol.”
Napaingos ako. Sabi na eh.
“Nanliligaw na pala sayo ang pinsan ko di mo man lang sinasabi sa akin. Kung di pa dinaldal ni Belinda di ko pa malalaman. Parang gusto ko tuloy magtampo sayo kambal.” Umusli ang nguso nyang pink na pink.
At si Belinda pa nga ang nagtsismis sa kanya. Yun pa naman kapag naumpisahan na ang kwento tuloy tuloy na.
“Pasensya na Rick. Nawala sa isip ko eh.” Pagdadahilan ko. Inikot ikot ko ang straw sa baso.
“It’s ok. So ano ng status nyo ng pinsan ko?” Tinaas taas pa nya ang kilay nya.
“Nanliligaw pa rin sya sa akin.”
“Hindi mo pa sya sinasagot?”
“Hindi pa. Magdadalawang linggo pa lang syang nanliligaw no.”
“Tama yan. Pahirapan mo muna sya. Baka mamaya minemekus mekus ka lang nyan. Pero sa tingin ko naman seryoso sayo ang pinsan ko na yun. Ikaw lang ang babaeng niligawan nun. Saka mula pa noong college kayo patay na patay na yun sayo. Naalala ko pa nga noong birthday nya nag beach party kami kasama ang mga kaibigan nya. Lasing na lasing sya noon. Tinanong sya ng isa sa mga kaibigan nya kung ano ang birthday wish nya. Alam mo ba kung ano ang sinabi nya?”
“Ano?”
“Eh di ikaw.”
“A-Ako? Paanong ako?” Tila dumoble pa ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Ikaw ang gusto nya. Dahil sa lahat ng babae ikaw lang ang malakas ang loob at walang takot na kalabin sya at bugbugin sya. Gusto ka raw nyang ligawan pero natatakot syang mapahiya dahil galit na galit ka sa kanya at inlove ka pa sa ex mo. Hihintayin na lang daw nya ang araw na humupa ang galit mo sa kanya saka ka raw nya liligawan.”
Umawang ang labi ko sa sinabi nya. Halos sumabog na rin ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito.
“Sinabi nya yun?” Di makapaniwalang tanong ko.
“Oo, kita mo naman nanliligaw sya sayo ngayon. Pero ang tagal nyang naghintay ha. Mahigit isang dekada. Ganun sya kapatay na patay sayo.”
Kung ganun totoo nga ang sinasabi ng kumag na yun na gusto na nya ako mula noong college pa kami. Hindi nya ako binobola lang. Kumagat labi ako. Sinalakay ng kilig ang puso ko at parang kinikiliti ito.
“Eh ikaw bal..”
Tumingin ako kay Rick. “Anong ako?”
Matiim syang tumingin sa akin. “May pag asa ba sayo ang pinsan ko?”
Bumuntong hininga ako at nahihiyang ngumiti sa kanya.
“Magpapaligaw ba ako sa kanya kung wala.”
Malapad syang ngumiti at bumungisngis na parang kilig na kilig.
“Ihh talaga? May pag asa ang pinsan ko?”
“Hmm oo.”
“Eh kelan mo sya sasagutin?” Tila excited pang tanong nya.
“Depende. Syempre ayoko namang magpadalos dalos. Gusto kong makilala pa sya ng lubos at gusto kong makita kung talagang seryoso sya sa akin.”
Hanggang sa magpaalam na si Rick ay lalo lang akong napaisip. Mabuti nga at naikalma ko na ang puso kong ngawawala. Para akong nalulunod sa samu’t saring nararamdaman ko ngayon. Kilig, tuwa, pag aalinlangan at pagkalito.
Sinandal ko ang likod sa backrest ng swivel chair at humugot ng malalim na hininga. Pumikit ako. Bumalik sa akin ang alaala noong gabing nasa club kami ni Kester at masayang nag iinuman hanggang sa unti unti akong tamaan ng alak..
“Shexual harasshment ka dyan. Sa brasho lang kita hinawakan no. Shaka kapag naging tayo naman pwede na kitang hawakan.”
“Kapag naging tayo?”
“Oo.”
“Gusto mong maging tayo? Gusto mo rin ako?”
“Oo naman. Magpapaligaw ba ako shayo kung hindi kita gushto.”
“Ibig sabihin sinasagot mo na ko?”
“Hmm gusto mo bang sagutin na kita?”
“Of course. Pero di naman kita pipilitin.”
“Ok sige.. sinashagot na kita..”
Dumilat ako at umupo ng tuwid kasabay ng muling pagbilis ng tibok ng puso ko.
Gosh! Totoo ba yun? Sinabi ko ba yun? Sinagot ko na sya noong gabing yun? Kami na? Kaya pala iba ang ngiti nya.
Tinakpan ko ng dalawang kamay ang mukha at tahimik na tumili. Sinabunutan ko rin ang sarili.
Nakakahiya! Kung ano ano pala ang mga pinagsasabi ko nung gabing yun. May pa ‘paghirapan mo muna ako’ na sinabi tapos niyaya lang nya akong uminom sinagot ko na sya.
‘Ay gaga ka talaga Crizelda! So paano mo ngayon haharapin si Kester? Iiwasan mo sya? Tanga ka kung iiwasan mo sya. Panindigan mo na lang ang mga sinabi mo noong gabing yun.’ Sermon sa akin ng munting tinig sa isang bahagi ng utak ko.
Pinilig pilig ko ang ulo. Hindi. Lasing ako noon. Hindi valid yun.
‘Kuh! Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo Crizelda. Sasagutin mo rin naman si Kester dahil gusto mo sya. Kaya panindigan mo na. Huwag ka ng pabebe!’
“Argh!” Ungol ko at piniga ang ulo.
“Ma’am Crizel, ayos lang po ba kayo?”
Nag angat ako ng tingin. Bumungad sa akin ang mga nag aalalang mukha ng mga tauhan ko. Pati nga ang ilang customer ay nakatingin din sa akin.
“Masakit ang ulo nyo ma’am?” Tanong ni Danica.
“Ah o-oo.” Tanging nasabi ko na lang.
“May gamot po ma’am sa pantry. Teka lang po ikukuha ko kayo.” Pagmamagandang loob ni Josie.
“H-Hindi na Josie. Ayos lang ako.” Pigil ko sa tauhan.
“Sigurado kayo ma’am?”
Pumikit ako ng mariin at ngumiti pagdilat. “Oo pahingi na lang ako ng malamig na tubig.”
“Ok po.” Tumalima na si Josie para ikuha ako ng malamig na tubig.
Nagsibalik naman sa kani kanilang gawain ang mga tauhan ko. Nginitian ko naman ang mga customer.
Hay mababaliw na yata ako. At kasalanan to ng kumag na Kester na yun.
–
Mataman lang akong nakatingin kay Kester habang nagkukwento sya. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nya dahil okupado pa rin ang isip ko tungkol sa mga sinabi ni Rick at sa mga pinagsasabi ko rin noong gabing lasing ako. Naalala ko na ang lahat.
Kalalabas lang namin ni Kester sa resto bar na kinainan namin at naglakad lakad muna kami sa kalapit na park na nagniningning sa liwanag ng mga christmas light. Maraming mga tao ang naglalakad lakad din at namamasyal. Merong magkasintahan, grupo ng magkakaibigan at isang pamilya. Ramdam na ang kapaskuhan sa paligid kahit hindi ganun kalamigan ang hangin.
Napansin ko ang ilang grupo ng kababaihan na mukhang mga bata pa ang patingin tingin kay Kester. Ngiting ngiti ang mga ito at kilig na kilig. Hindi lang naman sila ang tumitingin kay Kester kundi may ilan ilan pa. Kahit mga lalaki ay nililingon sya. Bakit nga naman hindi eh kalingon lingon naman ang hitsura nya. Para syang modelong hinugot sa magazine na naglalakad dito sa park.
Parang nakakaproud na maging boyfriend sya. Syempre kaiinggitan ako ng marami. Sino ba naman ang hindi maiinggit kung ganito ang ang boyfriend mo. Nuknukan ng gwapo, matangkad, matipuno, nagmumura ang biceps at higit sa lahat mabango.
“Crizel.”
“Ha?” Naputol ang pag iisip ko ng tawagin nya ako sa pangalan.
Ngumisi sya. “Gwapong gwapo ka na naman sa akin.”
Umingos ako at kunwaring inirapan sya pero ang mukha ko ay nagiinit na sa hiya. Huling huli akong nakatitig lang sa kanya.
“Ang kapal ha.”
Tumawa sya. Yung tawa nyang lalaking lakaki na masarap sa tenga.
“Bakit hindi ba? Kanina ka pa titig na titig sa akin. Akala ko nakikinig ka pero tinatanong kita hindi ka naman sumasagot at nakatingin lang sa akin.” Nakangising sabi nya na may kislap ng kapilyuhan sa kanyang mga mata.
Napakagat labi ako. Lalong nag init ang aking mukha sa hiya. Huling huli nga ako.
“S-Sorry may iniisip lang ako.” Nasabi ko na lang.
“Anong iniisip mo? Ako?”
“Paano kung sabihin kong oo?”
Saglit syang natahimik at di nakaimik. Nabura ang ngisi nya at pumalit ang pilyong ngiti.
“Hindi nga?”
Umikot ang mata ko at bumuntong hininga. Huminto ako sa paglalakad sa harap ng isang higanteng parol na may iba’t ibang kulay ng ilaw. Humarap ako sa kanya at matiim syang tiningnan. Nakatingin lang din sya sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.
“Kester seryoso ka ba talaga sa akin?”
“Of course. Nagdududa ka pa rin ba sa akin?” Nakakunot na ang kanyang noo at unti unti ng naging seryoso ang mukha.
“Medyo. Hindi mo naman maaalis sa akin yun di ba? Lalo na hindi naman naging maganda ang unang pagkakakilala natin, tapos mahigit isang dekada din tayong parang aso’t pusa.”
Tumango sya at namulsa. “I understand. Kaya nga di ako namimilit. Handa naman akong maghintay kahit gaano pa katagal. Pero sinasabi ko na sayo kahit bastedin mo ko ng paulit ulit, paulit ulit pa rin kitang liligawan.”
Napangiti ako. Sumibol na naman ang kilig sa puso ko. Ramdam ko ang senseridad sa mga sinabi nya. At nakapagdesisyon na ako.
“Hindi mo na kailangan manligaw ng paulit ulit dahil sinasagot na kita.”
Umawang ang labi nya. “What?”
Wala na nabingi na.
Bumuntong hininga ako. “Ang sabi ko sinasagot na kita.” Medyo nilakasan ko na ang boses.
Unti unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi at nangislap ang kanyang mga mata.
“Totoo? Sinasagot mo na ko? Di ka nagbibiro?” Sunod sunod nyang tanong. Halatang di sya makapaniwala.
Nakangiting tumango naman ako. “Totoong totoo.”
Lumapad ang ngiti nya. “Ibig sabihin tayo na? Girlfriend na kita?”
“Oo. Boyfriend na rin kita.”
“Yess!” Sigaw nya sabay buhat sa akin at inikot ikot ako. Napatili naman ako at humawak sa balikat nya.
Napatingin tuloy sa amin ang mga taong nasa paligid namin. Para syang nanalo ng jackpot sa lotto sa sobrang tuwa. Sumibol din ang libo libong tuwa sa dibdib ko bagama’t nahihiya ako dahil maraming nakatingin sa amin.
“Ibaba mo na ako Kester nakakahiya. Nakatingin silang lahat sa atin.” Saway ko sa kanya.
Binaba naman nya ako sabay yakap sa akin ng mahigpit at dampi ng mariing halik sa aking noo. Natatawang yumakap na rin ako sa kanya. Tama nga ako. Masarap makulong sa mga matitipunong bisig nya.
Hinarap nya ang mga taong nasa paligid namin habang yakap pa rin ako. May mga ngiti rin sa labi nila.
“Misis ko. Two months na syang buntis. Magkakababy na kami.”
Namilog ang mata ko sa sinabi nya.
Pumakpak naman ang mga tao sa paligid namin at bumati pa ng congratulations. Naginit naman ang mukha ko.
Tinulak ko si Kester at pinalo sa braso sabay kurot. Natatawang dumaing lang sya.
Chapter 23
Crizel
NABURA ang ngiti ni Kester at kumunot ang kanyang noo ng sabihin ko sa kanyang naalala ko na ang lahat noong gabing lasing ako. Nandito na kami sa loob ng sasakyan nya para makapag usap ng sarilinan.
“O bakit ganyan ang mukha mo?” Tanong ko.
Hinimas himas nya ang batok. “Napilitan ka lang yata na sagutin ako eh.”
“Hindi no. Pinag isipan ko yun ng maraming beses.”
“Talaga? Baka naman gusto mo lang panindigan yung sinabi mo noong lasing ka. Naiintindihan ko naman kung ayaw mo pa talaga akong sagutin.”
“Oo, aaminin ko naisip ko rin yan na panindigan na lang ang sinabi ko noong lasing ako. Pero nag isip din ako ng maraming beses. Yun din ang gusto ng utak at puso ko, ang sagutin ka. Kaya sinagot na kita.”
Ngumiti na sya. Ngiting abot tenga. “Totoong totoo yan ah. Wala ng bawian.”
“Oo nga.” Natatawang sabi ko.
Kumagat labi sya at hinawakan ang kamay ko at pinisil pisil. Nangingislap ang kanyang mga mata.
“Hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya ngayong gabi.” Anas nya at dinala ang kamay ko sa kanyang labi at dinampi dampian yun ng halik.
Para namang may kumikiliti sa loob ng tiyan ko sa gesture nyang iyon. May kasweetan din palang tinatago ang mokong na to.
“Ang tagal kong hinintay ito Crizel. Sa wakas akin ka na.” Titig na titig sa akin ang mapupungay nyang mga mata.
Tinaas nya ang isang kamay at hinaplos ang pisngi ko. Masarap sa balat ang mainit nyang palad. Hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti.
Bumaba ang titig nya sa aking labi at hinaplos ito ng kanyang daliri.
“Can I kiss you?” Malambing na paalam nya.
Kumagat labi naman ako at tumango. Kumalabog sa kaba ang aking dibdib.
Unti unting lumapit ang kanyang mukha hanggang sa gahibla na lang ng sinulid ang pagitan. Naaamoy ko ang mabango nyang hininga. Pumikit ako kasabay niyon ang pagdampi ng mainit at malambot nyang labi sa aking labi.
Magaan ang halik na ginagawad nya sa akin na para bang sinusuyo ako. Magaan pero damang dama ko ang kalambutan ng kanyang labi na sumasakop sa labi ko. Tila naman may sariling instinct ang labi ko na ginagaya ang bawat galaw ng kanyang labi. Wala akong gaanong experience sa halik. Ang unang boyfriend kong si Adam ay halik lang sa pisngi ang binibigay sa akin noon. Ang unang halik ko ay si Kester pero nakaw na halik yun at di ko na feel dahil sa gulat, hindi gaya ngayon..
Bahagyang lumayo ang mukha ni Kester. Naiwan namang nakaawang ang bibig ko. Naghinang ang mga mata namin. Mapupungay ang kanyang mga mata.
“Fuck.. ang hirap magpigil.” Anas nya.
Nasa tono ng boses nya na tila nahihirapan sya.
“Magpigil saan?”
“Sayo.”
Kumagat labi ako kasabay ng pag iinit ng aking mukha. Hindi ako inosente para di maintindihan ang ibig nyang sabihin. Kumalabog din ng malakas ang aking dibdib. Ngayong kami na posible ng gawin namin ang mga ginagawa ng mga magkasintahan kapag nasa pribado silang lugar.
“Hindi mo naman siguro ako pipilitin kapag ayaw ko di ba?” Sambit ko.
Tumawa sya sabay pisil ng pisngi ko.
“Hindi ko gagawin yan. Higit sa lahat ikaw ang importante. I promise hindi ako gagawa ng mga bagay na labag sa loob mo.”
Napangiti na ako sa sinabi nya. Gentleman din naman talaga sya.
“Pero kung ikaw.. may gusto kang gawin sa akin. Ayos lang di ako tatanggi.” Pilyong sabi pa nya na may pilyo pang ngiti sa labi.
Sinamaan ko naman sya ng tingin sabay kurot sa hita nya. Napadaing sya habang natatawa.
“Napakapilyo mo.”
Maginoong medyo bastos talaga ang kumag na ito. Kaya dapat listo ako. Pero minsan nagiging lutang ako kapag kasama sya.
Kumagat labi sya at muling hinawakan ang aking kamay at dinala nya sa labi sabay pupog ng halik. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Tila may mainit na kamay ang humaplos dito.
“I promise baby I’ll be a good boyfriend. Hindi kita bibigyan ng sakit ng ulo lalo na ng sakit sa puso.”
Pinisil ko ang matangos nyang ilong. “Huwag mong sabihin lang, gawin mo. Hindi rin ako mangangako pero susubukan kong maging mabuting girlfriend sayo.”
Ngumiti sya at dinampi dampian ako ng magagaang halik sa labi at pisngi. Di ko naman maiwasang makaramdam ng kilig sa gesture nya na iyon. Dinampian nya rin ako ng halik sa noo at niyakap.
–
“Talaga ate? Kayo na ni Kuya Kester?” Namimilog ang mga matang tanong ni Cristoff.
Tumingin muna ako kay Kester na ngiting ngiti habang hawak ang kamay ko. Kakauwi lang namin at binalita nya agad sa mga kapatid kong gising pa na kami ng dalawa. Muli akong bumaling sa mga kapatid at tumango.
Sabay sabay na ngumiti ng malapad ang dalawa kong kapatid. Nakaguhit sa kanilang mukha ang tuwa.
“Congratulations ate!” Halos sabay na bati nila.
“Kung maka-congratulate kayo parang ikakasal na ako ah.” Natatawang sabi ko.
Si Kester naman ay ngumisi lang at dinampian ako ng halik sa balikat. Nag init naman ang pisngi ko at tila nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Idagdag pa ang mapanuksong ngiti ng dalawa kong kapatid. Buti nga at nakauwi na si Tiyang Amparo kundi isa pa yung excited na akala mo nanalo ako sa lotto.
“Eh doon din naman kayo papunta di ba? Ikakasal din kayo. Syempre sa edad nyo na yan nag iisip na kayong mag asawa.” Ani Cristoff.
Inabot ko sya ng batok. Tumawa ng malakas si Kester.
“Kung makaedad ka akala mo naman ganun na kami katanda. Hoy thirty three pa lang ako at thirty five sya.”
Kumamot sa ulo si Cristoff.
“Eh ate, ganun na rin yun. Parehas na kayong wala sa kalendaryo. Saka ayos na ayos lang sa amin kung si Kuya Kester na ang magiging asawa mo.” Hirit pa ni Clarissa.
Talagang push na push sila kay Kester para sa akin. Isang oras ko pa nga lang sya sinagot gusto nila mag asawa na kami.
Inakbayan ako ni Kester. “Huwag nyo munang i-pressure ang ate nyo. Hindi naman kami nagmamadali. Willing to wait naman ako kung kelan nya gusto.”
Nilingon ko si Kester at sinamaan ng tingin pero nginisihan lang nya ako. Isa pa sya eh. Kanina pa sya sa park. Sinabi nya sa maraming tao na misis nya ako at dalawang buwang buntis na. Di ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa kanya.
“Kayo na ang bahala. Matatanda na kayo. Basta kuya, alagaan mo ang ate ko ah. Hindi lang namin ate yan nanay na rin namin yan.” Wika ni Cristoff na seryoso na ang mukha.
Natouch naman ako. Ramdam ko ang concern nila ni Clarissa sa akin. Kahit minsan pinapasakit nila ang ulo ko iniisip pa rin nila ako.
“Of course. Wala kayong dapat alalahanin sa akin aalagaan ko ang ate nyo pangako yan. Dapat nga itong ate nyo ang pagsabihan nyo dahil lagi akong bugbog sarado sa kanya – aray!”
Dumaing si Kester ng kurutin ko sya sa tagiliran. Talagang nagsumbong pa sa mga kapatid ko.
“O kita nyo?” Hirit pa nya.
Ngumisi lang ang dalawa kong kapatid.
“Masanay ka na sa kanya kuya.” Natatawang sabi ni Clarissa.
“Matagal na akong sanay sa kanya college pa lang kami.” Nakangisi ding saad ni Kester sabay halik sa sentido ko.
Nag init naman ang mukha ko dahil nakatingin sa akin ang dalawa kong kapatid na may nanunuksong ngiti sa mga labi. Simula pa kanina sa sasakyan ay panay na ang hawak ni Kester sa kamay ko at panay na rin ang dampi ng halik sa akin.
–
SIMULA ng sagutin ko si Kester ay nag level up na ang samahan namin. Extra sweet sya at extra clingy din. May pagka overprotective din sya minsan. Alam na rin ng mga taong nasa paligid namin na opisyal na kaming magkasintahan. Syempre ipinamalita nya, sa eatery at sa bahay namin. At hindi lang yun nagpost pa sya sa social media ng picture naming dalawa at may caption na officially mine. Lakas makabagets. Kaya tuloy binombarded ako ng mga chats ni Belinda at Rick. Tuwang tuwa sila na sinagot ko na si Kester. Ang mga kapatid ko din, si Tiyang Amparo at ang dalawa kong pamangkin ay mga tuwang tuwa din.
“Tata kelan po ikaw kakasal ni Tito Kestel?”
Natawa ako sa tanong ni Glen. Dumampot ako ng tissue at pinunasan ang paligid ng bibig nya na may sauce ng spaghetti. Nandito kami sa sikat na fast food chain na paborito ng mga bata. Naiwan sya sa akin dahil may program si Tonya sa school at sinamahan ni Clarissa. Ang kapatid ko namang si Cristoff ay may pasok at si Tiyang Amparo naman ay sinamahan magpacheck up si Tiyong Juling. Kagagaling lang namin ng philhealth at nagreklamo syang nagugutom na.
“Kanino mo naman nalaman na ikakasal kami ni Tito Kester mo?”
“Kay Lola Paro. Tabi nya lapit na daw ikaw asawa, lapit na ikaw kakasal ni Tito Kestel.” Aniya at ang fried chicken naman ang nilantakan.
“Hindi pa ako ikakasal kay Tito Kester mo. Kakasagot ko pa nga lang sa kanya.” Nakangising sabi ko at sinipsip ang straw ng soft drinks.
Pero ang ideyang ikakasal ako kay Kester ay nagpainit sa dibdib ko. Maaga pa para sabihing si Kester na ang lalaking makakatuluyan ko dahil bago pa lang ang relasyon namin. Marami pang pwedeng mangyari. Pero kung sya na talaga ay di rin naman masama. Choosy pa ba ako?
Ngumuso si Glen. “Pag ikaw po asawa na baby mo pa rin ako ah.”
“Ayoko nga!” Nakangising asar ko sa kanya.
Lalo namang nanghaba ang nguso nya habang ngumunguya ng manok. Ang lakas talaga nyang kumain kaya bumibilog na.
“Huwag na lang po ikaw asawa.”
Natatawang kinurot ko ang pisngi ni Glen. Lumungkot na kasi ang mukha nya. Sa kanilang dalawa ni Tonya ay sya talaga ang mas malapit sa akin. Si Tonya kasi ay mahiyain di gaya nya. Mas takot pa nga sya sa akin kesa sa mama nya. Yun nga lang sobrang kulit at marami ng kalokohang alam.
“Syempre naman baby ka pa rin ni tata kahit makulit ka.”
Ngumiti na sya. Ngiting labas ang ngipin at naningkit ang mga mata.
“Labyu tata.”
Napangiti naman ako sa sinabi nya. “Labyu too Glen kulit. Sige na ubusin mo na yang spaghetti mo at chicken. Oorder lang ako sa counter para kay Ate Tonya mo. Huwag kang aalis dito ha. Hintayin mo si Tata.”
Tumango tango naman sya.
Tumayo na ako at tinungo ang counter para magtake out. Medyo mahaba ang pila.
Dinukot ko ang cellphone sa sling bag ng tumunog ito. May chat ang assistant cook kong si Amelia. Nireplayan ko naman agad sya. Kung tutuusin pwede na akong hindi palagiang pumasok sa eatery dahil gamay na ng assistant ko at mga tauhan ko doon ang mga lutuin. Pero syempre iba pa rin ang hands on sa negosyo. Sa ngayon malaki laki na ang ipon ko sa bangko. Balak kong magtayo ng isang branch ng eatery ko pagka graduate ni Cristoff.
Napakagat labi ako at napangiti ng biglang pumasok ang chat ni Kester. Dahil may facebook na sya ay nawili na sya sa pagchachat sa akin. Minsan video call pa. Basta ba ako lang ang babaeng ichachat nya at ivivideo call walang problema. Dahil kapag nahuli kong may iba irereport ko ang account nya at iboblock.
Dinial ko ang number ni Kester at tinapat sa tenga ang cellphone. Isang ring lang ay agad na niyang sinagot.
“Where are you? Ang sabi ng mga tauhan mo pumunta ka raw ng philhealth. Pinuntahan kita pero wala ka naman dito.”
Napakamot ako sa pisngi. Oo nga pala, tuwing lunch ay pumupunta si Kester sa eatery para doon kumain. Dahil wala ako doon ay hinanap nya ako.
“Nandito kami ni Glen sa Jollibee. Sumunod ka na lang dito.”
“Ok, wait for me. Love you.”
Bumilis ang tibok ng puso ko sa huling sinabi ni Kester. Ito ang unang beses na sinabi nya yun. Hindi ko alam kung nadulas lang ba sa bibig nya ang salitang yun o yun talaga ang nilalaman ng dibdib nya.
“Ano pong order nyo ma’am?”
“Ha? Ah..” Naputol ako sa pag iisip ng tanungin ako ng crew sa order ko. Nakakahiya pa dahil medyo lutang pa ako. Ito talaga ang nangyayari sa akin kapag si Kester ang laman ng isip ko.
Pagkatapos kong ibigay ang order at makapagbayad ay bumalik na ako sa mesa namin ni Glen. Pero ganun na lang ang pagtataka ko ng hindi makita ang pamangkin.
“Nasaan na ang batang yun?” Nagpalinga linga ako. Baka kasi nakakita ng ibang bata at nakipag laro.
Pero halos suyurin ng mata ko ang loob ng fast food chain ay di ko makita si Glen. Hindi kaya lumabas?
Lumapit ako sa floor to ceiling wall at sumilip sa labas. Napabuntong hininga ako ng makita si Glen sa labas at nakakapit sa damit ng isang lalaki. Ang papa nya at may kasama pa itong babae na nakunot ang noo na tila nalilito.
Kita mo nga naman o. Dito pa nagkita ang mag ama at nasaksihan pa ni Glen ang pambababae ng ama nya.
Dumiretso ako sa pinto at pinagbuksan naman ako ng gwardya. Malalaki ang hakbang na lumapit ako kay Glen at sa ama nya.
Pasensya na two days walang update nabusy lang dahil may pasyente kami sa hospital. I’ll try na makapag update pa ng isa later kapag di keri bukas na lang :D
Chapter 24
Crizel
“PASENSYA na bata pero di kita kilala. Baka kamukha ko lang ang papa mo.”
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Gerald. Inalis nya ang maliit na kamay ni Glen na nakakapit sa kanyang damit.
“Hindi po! Ikaw papa ko. Papa uwi ka na.” Ani Glen at muling humawak sa damit ni Glen.
“Oh my gosh! Anak mo ba talaga ang batang yan Gerald?” Namimilog ang matang tanong ng babaeng kasama ni Gerald.
“H-Hindi babe. W-Wala akong anak. Napagkamalan lang ako ng batang to. B-Baka kamukha ko ang tatay nya.” Tanggi pa ni Gerald at muling tinanggal ang kamay ni Glen sa kanyang damit.
Tila umakyat ang dugo ko sa ulo dahil sa patuloy na pagtanggi ni Gerald kay Glen. Samantalang ang pamangkin ko ay mangiyak ngiyak na at panay tawag ng papa sa kanya. Halatang namiss sya. Hindi na ako nakatiis at lumapit na.
“Hoy magaling na lalaki! Ang kapal ng mukha mo!” Binatukan ko ng hawak kong sling bag si Gerald.
Hinawakan ko sa kamay si Glen at inilayo sa walang hiya nyang ama.
Namimilog ang mga matang nilingon ako ni Gerald. Halatang nagulat na makita ako.
“A-Ate Crizel.” Nauutal na sambit nya.
“Sya ba ang nanay ng batang yan na nabuntis mo?” Bulalas ng babae na mataray pa akong tiningnan mula ulo hanggang paa.
“Hindi no! Hindi ako pumapatol sa lalaking makati pa sa higad na akala mo gwapo mukha namang tubol. Ang kapatid ko lang ang shungang pumatol dyan at inanakan pa nya ng dalawa.” Galit na dinuro ko si Gerald na namumutla na.
Galit ding bumaling ang babae kay Gerald at sinampal sya ng malakas.
“Manloloko ka! Ang sabi mo binata ka at walang sabit. Yun pala may asawa’t anak ka na. Break na tayo!” Sabay walk out ng babae.
“S-Sandali lang Elvira! Magpapaliwanag ako.” Hinabol ni Gerald ang babae at hinawakan sa braso.
Tumaas naman ang dalawa kong kilay. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga sa galit ko sa bayaw na hilaw. Nakakaagaw na rin kami ng atensyon sa mga taong dumaraan pero wala akong pakialam.
“Ano pang ipapaliwanag mo Gerald? Niloko mo ko. May asawa’t anak ka na pala. Ginawa mo kong kabit!” Singhal ng babae kay Gerald.
“O-Oo aaminin ko may anak akong dalawa. Pero hiwalay na kami ng ina nila at hindi kami kasal.”
Aba’t tarantado talaga tong lalaking to!
Akmang susugurin ko si Gerald para pagsasampalin pero inunahan na ko ng babae. Dalawang beses pa nyang sinampal ng malakas si Gerald sabay takbo at para sa taksing dumaan at sumakay. Wala ng nagawa si Gerald kundi panoorin na lang na umalis ang babae nya.
Buti nga!
Bumaling sa akin si Gerald. Matalim ang mata nyang lumapit sa akin.
Nagtaas kilay ako at nilagay sa bewang ang isang kamay. Hindi ako natatakot sa kanyang gago sya.
“Kasalanan mo to ate. Ano? Masaya ka na? Nakipag break na sa akin si Elvira at pinahiya mo pa ako sa mga tao!” Galit na sabi nya.
“Hoy! Ang kapal ng mukha mo. Ako pa talaga ang sinisi mo. Kasalanan mo kung bakit ka hiniwalayan ng babae mo. Sinungaling ka na gago ka pa! Nahihiya ka sa mga tao pero dito sa anak mo na ilang beses mong tinanggi kanina di ka nahiya!”
Hindi agad nakaimik si Gerald at tumingin sa mga tao sa paligid. Mukhang tinamaan ng kahihiyan at gago.
Dinuro nya ako. “Ang sabihin mo pakialamera ka – ack!”
“Don’t point your dirty finger to my woman!”
Namilog ang mga mata ko at napasinghap ako ng biglang sumulpot si Kester at hinawakan sa braso si Gerald. Parang alambre lang nyang pinihit ang braso ni Gerald at nilagay sa likod nito. Napaigik naman si Gerald at hindi makapalag. Paano syang makakapalag sa laking tao ni Kester. Kayang kaya sya nitong ibalibag.
“Aray! Sino ka bang pakialamero ka? Bitiwan mo nga ako!”
“Ako lang naman ang nobyo ng babaeng dinuduro duro mo tarantado ka! Gusto mong bitiwan kita? Eh kung baliin ko kaya muna ang braso mo.” Mariing sabi ni Kester na madilim na madilim ang mukha. Umiigting ang kanyang panga at halos magbuga na ng apoy sa mukha ni Gerald na namutla na.
“Papa! Papa ko!”
Tumakbo si Glen palapit kay Gerald. Agad ko naman syang hinabol at hinawakan sa kamay.
Nalilitong tumingin naman si Kester sa akin at kay Glen na umiiyak na. Hindi pa rin nya binibitawan ang braso ni Gerald at halos di na rin maipinta ang mukha nito sa sakit.
“Bitiwan mo na sya Kester.” Saway ko sa nobyo.
“Bitiwan? Eh binastos ka nitong tarandong to eh.”
Pinandilatan ko sya ng mata. “Tatay yan ni Glen kaya bitiwan mo na.”
Muling tumingin si Kester kay Glen na tinatawag ang papa nya. Unti unting lumambot ang mukha ni Kester at binitiwan na si Gerald at bahagya pa itong tinulak.
Nakangiwing hinimas himas ni Gerald ang braso habang humahakbang paatras. May takot na gumuhit sa kanyang mukha habang nakatingin kay Kester.
“Papa! Papa!” Umiiyak na tawag ni Glen kay Gerald na parang walang pakialam na tumalikod at tinungo ang nakaparadang motor sabay sibat.
Lalong pumalahaw ng iyak si Glen. Binuhat ko na sya at pinatahan. Basa na ang kanyang mukha sa luha habang tinatanaw ang amang papalayo sakay ng motor. Awang awa naman ako sa kanya at parang hinihiwa ang puso ko.
“Glen tahan na.” Pagaalo ko sa pamangkin at pinunasan ng kamay ang basa nyang pisngi dahil sa luha. Inabutan naman ako ni Kester ng panyo.
“T-Tata p-papa.” Sumisinok na sabi ni Glen.
Bumuntong hininga ako. Mabigat sa dibdib na makita syang ganito. Kung matino lang sana ang ama nya.
“May pinuntahan lang si papa mo.” Nasabi ko na lang.
“B-Bakit di nya ko sama?”
Napalunok ako at tumingin kay Kester. May nakaguhit ding awa sa kanyang mukha para sa pamangkin ko. Inabot nya ang likod ni Glen at hinaplos.
“Bawal kasi ang bata sa pupuntahan ng papa mo kaya di ka nya sinama.” Mahinahong paliwanag ko.
Umiling iling si Glen habang kinukusot ng kamay ang mata.
Sa kabila ng awa na nararamdaman ko para kay Glen ay galit naman ang nararamdaman ko para sa ama nyang iresponsable. Napakawalanghiya talaga ng lalaking yun. Para syang hindi lalaki. Paano nya nagawang itanggi ang sarili nyang anak. Nag aalala ako kay Glen. Matalino syang bata at alam kong sa mura nyang edad ay nakaramdam na sya ng sakit ng loob dahil sa ginawa ng ama nya.
Makalipas ang ilang minuto ay tumahan naman si Glen pagkatapos syang uto-utuin ni Kester. Saka ko naman naalala ang order kong take out. Sayang din yun dahil nabayaran ko na. Binigay ko muna kay Kester si Glen at bumalik ako sa loob ng fast food para kunin ang inorder kong take out.
“Walang kasing gago naman pala ang lalaking yun. Paano nya nasikmurang gawin yun sa anak nya? Wala syang karapatang maging ama.” Komento ni Kester matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari. Nakaguhit ang inis sa kanyang mukha habang magmamaneho sya.
“Sinabi mo pa. Yung pagiging babaero nya maiintindihan ko pa. Pero ang pagtatwa nya kanina kay Glen kuh! Kumukulo talaga ang dugo ko. Huwag na talaga syang magpapakita sa bahay dahil tatalupan ko sya ng buhay.” Nanggigigil na sabi ko.
“Tawagan mo agad ako kapag pumunta sya. Baka kung ano pa ang gawin nun sa inyo lalo na sayo. Tutuluyan ko na talagang baliin ang braso nya.”
Bumuntong hininga ako at tumango. Hinaplos ko ang buhok ni Glen. Nakatulog na sya sa kandungan ko habang nakayakap sa akin. Napagod sa kakaiyak.
“Kawawa naman si Glen.” Mahinang sambit ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ng pamangkin.
Hindi ko talaga mapapatawad ang gagong yun sa ginawa nya kay Glen. Hindi nya deserve ang mga pamangkin ko.
Lumingon ako kay Kester. Nakatingin sa akin ang mapupungay nyang mga mata. Ngumiti sya at muling tinuon ang tingin sa kalsada. Inabot nya ang buhok ni Glen at hinaplos. Napangiti na rin ako. Malapit na rin talaga sa loob nya ang pamangkin ko.
“Pwede pwede ka na palang maging mommy.” Saad nya.
Tumaas ang kilay ko. “Bakit? Dahil may edad na ko?”
Tumawa sya. “That’s not what I mean love.”
Hindi ako agad nakaimik dahil sa tinawag nya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko, natutuwa sa narinig. Ito ang unang beses na tinawag nya akong love. Mas gusto ko ang tawag nyang yun kesa sa babyloves. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko.
“Nakikita ko ang malasakit mo sa mga pamangkin mo lalo na kay Glen. Sigurado akong magiging mabuti kang ina.”
Natouch naman ako sa sinabi ni Kester at napangiti na ako.
“Kung magiging ina ako.” Hinaplos haplos ko ang likod ni Glen.
“Bakit naman hindi. Kayang kaya kitang bigyan ng anak kahit isang dosena pa.” Nakangising sabi nya.
Naginit naman ang mukha ko. Hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin nya.
“Ikaw talaga ang magbibigay ng anak sa akin? Hindi pa nga sure kung ikaw ang magiging asawa ko eh.”
“Hindi ka sure pero ako sure na sure na kasi di na kita pakakawalan.” Aniya sabay pisil sa aking pisngi at pilyong kumindat.
Hindi na tuloy magkandatuto sa mabilis na pigtibok ang puso ko. Ang dating kasi sa akin ng sinabi nya ay parang nagpopropose na sya. Siguradong sigurado sya na kaming dalawa ang magkakatuluyan.
“Anyway love, gusto ka pa lang makilala ng lolo at lola ko. Sa sunday pinapapunta nila tayo sa bahay nila sa Alabang.”
Napalitan ng kaba ang kilig sa dibdib ko.
“Bakit daw?”
“Well.. gusto ka nilang makilala. Ok lang ba sayo? Pero kung di ka pwede sa sunday sa ibang araw na lang kung kelan ka free.”
Hindi ko pa nakikilala ang lolo at lola nya. Ang kilala ko lang sa family nya ay si Rick na pinsan nya. Naikwento na rin ni Rick na patay na ang magulang ni Kester. Parehas ang mga itong namatay sa sakit. Ang ama nya ay namatay sa lung cancer at ang ina naman nya ay sa pneumonia. Ang lolo at lola na lang nila ang nagpalaki kay Kester.
Ngumiti ako sa nobyo. “Ayos lang sa akin sa sunday.”
“Are you sure?”
Tumango ako. Nakilala na ni Kester ang pamilya ko so dapat lang na makilala ko rin ang pamilya nya. Pero may kaba sa dibdib ko dahil baka hindi ako magustuhan ng lolo at lola nya.
“Hindi naman siguro masungit ang lolo at lola mo no?”
Ngumisi sya. “Are you nervous?”
Sinimangutan ko sya. “Natural! Pamilya mo yun eh. Baka mamaya di nila ako magustuhan para sayo. Eh di break na tayo?”
Nawala ang ngisi nya. “That won’t happen.”
Ako naman ang napangisi. Takot pala syang magbreak kami eh.
“Cool si lolo siguradong magugustuhan ka nya. Si lola may pagka istrikta at masungit pero kapag nakita nyang mabuti kang babae I’m sure she will like you. Para rin kasi syang ikaw.”
Tinaasan ko sya ng kilay. “Anong ibig mong sabihin? Istrikta at masungit ako?”
Bahagya syang tumawa. “Medyo.”
Kunwaring inirapan ko sya. “Medyo ka dyan. Magdrive ka na nga lang para makauwi na tayo at makahiga na tong si Glen at para makakain ka na rin.”
“Yes ma’am.” Tatawa tawang sabi nya at tinutok na ang mata sa kalsada bagama’t maya’t maya naman ang sulyap sa akin na parang ayaw nya akong mawala sa kanyang paningin.
Pagdating sa bahay ay naroon na si Clarissa at Tonya. Kasabayan din naming dumating si Tiyang Amparo na may dalang lutong ulam nya. Kinuwento ko sa kanila ang engkwentro namin ni Gerald sa labas ng fast food chain at ang kawalanghiyaang ginawa nito kay Glen. Galit na galit si Clarissa na naiyak pa dahil sa awa sa anak. Si Tiyang ay halos high blood-in rin sa galit. Kaya huwag lang talagang magkamali na pumunta rito ang magaling na lalaking yun dahil kuyog talaga ang aabutin nya.
“Gutom na gutom ka ah.” Natatawang puna ko kay Kester habang sunod sunod ang subo ng kanin at ulam.
Halos maubos nya ang isang bandehandong kanin. Ang ulam nya ay ang ulam na dala ni Tiyang Amparo. Infairness sa kanya wala talaga syang arte kahit ano ang ihain sa kanya.
“Hindi kasi ako nakapag almusal kanina.” Aniya.
Kumunot ang noo ko. Sinalinan ko ng malamig na tubig ang baso nya.
“Bakit hindi ka nagalmusal kanina?”
“Wala ka sa eatery kaya di na ako kumain.” Parang wala lang na sabi nya at sinubo ang kutsara na may kanin at ulam.
Umawang naman ang labi ko. “Dahil lang wala ako sa eatery di ka na kumain? Seryoso ka?” Parang ang oa nya ha.
Sumulyap sya sa akin at tumango. “Wala akong ganang kumain kapag di kita nakikita. Ikaw kasi ang appetizer ko.”
Umawang muli ang labi ko sa sinagot nya. Aba’t ginawa pa talaga akong appetizer.
“Ang dami mong alam. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. Importante din ang almusal sa tao. Sa bahay mo ba walang nagluluto?”
Napansin kong pinagpapawisan sya. Tumayo ako at in-steady ang electric fan at tinapat sa kanya. Bumalik ako sa upuan sa kanyang tabi.
“Meron naman. Yung caretaker ko si Manang Belay. Pero gusto ko kasi luto mo. Mas ganado akong kumain.”
Napataas ang kilay ko. Bahagya akong kinilig sa sinabi nya.
“Eh bakit ganado kang kumakain ngayon di ko naman luto yan.”
Lumingon sya sa akin at ngumisi. “Nakikita kasi kita. Mas ginagahanan akong kumain kapag nakikita ka.”
Ngumuso ako kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko na tuwang tuwa sa pambobola nya.
“Kumain ka na nga lang. Binobola mo pa ko eh.”
Tumawa sya at pilyong ngumiti.
“Next time ikaw naman ang kakainin ko.”
“Kester!”
Tila sinilaban ang mukha ko sa init. May init ding sumisibol sa katawan ko na bago sa aking pakiramdam. Malutong namang tumawa ang nobyo kong maginoo na medyo bastos.
Chapter 25
Crizel
HALOS kapusin ako ng hininga sa lalim ng halik ni Kester. Halos mamanhid na rin ang labi ko sa diin. Halos nakakandong na rin ako sa kanya dito sa loob ng kanyang sasakyan. Ang isang braso nya ay nakayakap sa bewang ko at ang isa namang kamay ay humahaplos sa aking buhok at likod. Sumasagot din ako sa halik nya. Ginagaya ko ang bawat galaw ng kanyang labi.
Mas intense at mas wild ang halikan namin ngayon ni Kester kesa noong mga nakaraang halikan. Mas naging touchy pa sya lalo. Tuloy ay may kung anong halimaw ang nagigising sa aking loob. Kakaibang init ang aking nararamdaman na para ba akong sinisinat. Mabilis din ang tibok ng puso ko na para ba itong nakikipag karera.
Bumaba ang labi ni Kester sa aking leeg at doon naman ako pinapak ng halik na may kasama pang dila. Napakagat naman ako at bahagya kong inarko ang leeg. Mas lalo akong parang lalagnatin dahil sa kakaibang sensasyong dulot ng kanyang mainit na halik sa aking leeg.
Napasinghap ako ng bahagya nyang kagatin ang sensetibo kong balat doon at sinipsip pa nya. Ang isang kamay nyang humahaplos lang kanina sa aking likod ay nasa tagiliran na at humahaplos pababa sa balakang na may kasama pang pagpisil. Kahit may suot akong damit ay dama ko pa rin ang init ng kanyang palad.
Muling bumalik ang labi nya sa labi ko at mariing nanakop. Halos kapusin na naman ako ng hininga. Ang dila nya ay halos galugarin ang lahat ng sulok ng aking bibig. Ng kapusin na ako ng hininga ay bahagya ko na syang tinulak. Habol ko ang hininga. Nakaawang naman ang labi nya na mamasa masa pa. Mapupungay ang mga mata nyang nakatingin sa akin at sa labi ko na tila natatakam pa. Mukhang di na sya nakatiis at dinampi dampian na ng maririing halik ang aking labi.
Ilang minuto na yata kaming naghahalikan. Medyo namamanhid na nga ang labi ko. Walang dudang batak sya sa halikan. Malamang kung sino sino ng babae ang hinalikan nya. Wala namang issue sa akin yun dahil wala namang kami noon. Basta ba wala na syang ibang babaeng hahalikan ngayon kundi ako lang. Dahil kapag nagkataon ibi-break ko sya pati ang leeg nya.
“Grabe ka ng makahalik. Hindi ba napapagod ang labi mo?” Natatawang saad ko ng muling maghiwalay ang aming labi.
Ngumisi sya. “Hindi. Basta ikaw ang kahalikan ko di mapapagod ang labi ko.”
“Ako lang ang dapat mong halikan. Dahil kapag nanghalik ka pa ng ibang babae malalagot ka talaga sa akin.” Pinakita ko sa kanya ang kamao ko.
Tumawa lang sya at hinalikan ang kamao ko.
“As if magagawa ko pa yun. Lahat ng babaeng hinalikan ko noon ikaw ang iniisip ko habang hinahalikan sila. Ini-imagine ko ikaw ang babaeng yun. Ngayong totoong ikaw na bakit pa ako hahalik ng ibang babae. Ganun ako kapatay na patay sayo kung alam mo lang.” Aniya at hinalik halikan ako sa leeg na may kasama pang pagsinghot.
Napakagat labi ako at napangiti sa sinabi nya. Natutuwa ang puso ko na ganito sya kabokal sa pagsabi kung gaano sya kapatay na patay sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang mukha at bahagyang inangat. Tumingin sya sa akin. Mapupungay ang kanyang mga mata na para syang inaantok. Ang gwapo talaga ng kumag. Malinis ang mukha dahil laging nagshi-shave. Makinis din ang maputi nyang balat. Parang mas maputi pa nga sya sa akin eh. Pero lalaking lalaki pa rin ang dating nya dahil sa bato bato nyang katawan.
Hindi na ako nakatiis at ako na mismo ang dumampi ng halik sa kanyang labi. Ngumiti naman sya at kumagat labi.
“Hulog na hulog ka na rin sa akin Crizelda Romina.” Aniya na may pilyong ngiti sa labi.
Kunwaring inirapan ko sya at ngumiti. “Oo na, hulog na hulog na ko sayo. Magaling ka kasing mambola.”
“Hindi nga ako nambobola. Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko. Gaya ngayon.. gusto mo bang malaman kung ano ang nararamdaman ko ngayon?” Gumala ang mata nya sa mukha ko habang ang isang kamay ay nasa hita ko na at pumipisil. May dumaloy namang tila kuryente sa bawat himaymay ng aking ugat.
“Ano?”
Kumagat labi sya at ngumiti. “I’m horny love..” Anas nya sabay hawak sa kamay ko at dinala iyon sa ibabaw ng pantalon nya.
Napasinghap ako at namilog ang mata ko. Dumako ang tingin ko sa harapan ng kanyang pantalon kung saan nakalagay ang aking kamay. Parang sinilaban ang aking mukha sa init. May malaking umbok sa harapan ng kanyang pantalon at damang dama ko ang kalakihan at katigasan nito.
“Bakit.. parang ang laki?” Wala sa sariling naitanong ko.
Nangingiting kumagat labi sya. “Malaki talaga yan love.. gusto mong makita?”
“Oo – este hindi!” Tila napapasong tinanggal ko ang kamay sa harapan ng kanyang pantalon sabay batok sa kanya. Napalakas yata ang batok ko dahil tumama ang noo nya sa manibela.
“Aray ko love. Bakit mo ko binatukan?” Nakangiwing daing nya at hinimas ang noo.
“S-Sorry.. I-Ikaw kasi ang b-bastos mo.” Nauutal na sabi ko sabay kagat labi. Halos triple na ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Sorry kung nabigla ka love. Di ko naman intensyon na bastusin ka. Aray..”
Naguilty naman ako dahil sa pagkakabatok ko sa kanya.
“Sorry na.. ikaw kasi.” Hinimas ko na rin ang kanyang noo na bahagyang namula.
Ngumuso sya at parang batang inapi na tumingin sa akin. “Ang sakit love. Baka magkabukol to.”
Kumagat labi ako. “Sorry, di bale pagdating sa bahay lalagyan natin ng yelo yan.”
“Ang lakas mong mambatok.”
“Sorry na nga. Ikaw kasi binibigla mo ko. Parang sanay na sanay ka ng pinapahawak yang ‘ano’ mo sa kung sino sinong babae.” Parang gusto ko tuloy batukan sya ulit.
“Uy hindi ah. Marami ng babaeng dumaan sa buhay ko pero never kong pinahawak sa kanila ang batuta ko.”
Nag init ang mukha ko sa tinawag nya sa kanyang pagkalalaki.
“Maniwala ako.” Sarkastikong sabi ko.
Imposibleng di nya pinahawak yun. Yun nga ang gustong gusto ng mga lalaki. Ligayang ligaya sila kapag hinahawakan ng babae ‘ano’ nila.
“Sa maniwala ka at sa hindi love, may pagkaconservative pa rin naman ako.”
Tumaas ang kilay ko. Parang ayokong maniwala na may pagkaconservative sya.
“Eh anong ginagawa nyo ng mga naging babae mo kapag kayong dalawa na lang sa kwarto. O, huwag mong sabihing hindi kayo nagsesex dahil hindi ako maniniwala.” Inirapan ko sya.
Ngumiwi naman sya. “Gusto mo ba talagang pag usapan natin yan?”
“Oo gusto ko.”
Kumamot sya sa ulo. Halatang nag aalinlangan na magkwento. Pero kung ayaw nya talagang magkwento di ko sya pipilitin.
“Well yes.. nagsesex kami. Pero hindi ako namimilit ng babae. Nirerespeto ko ang gusto nila at ayaw nila.”
“Eh bakit hindi mo pinapahawakan sa kanila yang ‘ano’ mo? Parang imposible naman na di mo pahawakan yan.”
Bumuntong hininga sya. “Hindi ako komportable kahit gustong gusto nila.”
Tumaas ang kilay ko at mataman syang tiningnan. Seryoso ang mukha nya. Mukha naman syang nagsasabi ng totoo. Hindi lang talaga ako makapaniwala na medyo conservative sya sa ganung bagay.
“Pero ikaw hinahawakan mo ang ‘ano’ nila?”
Nagkibit balikat sya. “Kapag gusto nila. I ask them first.”
“May tumanggi?”
Umiling sya at ngumisi. “Wala.”
Kunwaring inirapan ko sya. Ngali ngaling batukan ko sya ulit. Wala akong karapatang magselos dahil nakaraan na nya yun.
“Eh bakit sa akin pinapahawakan mo yan?” Nginuso ko ang harapan ng kanyang pantalon.
Ngumisi sya. May pilyong kislap ang kanyang mga mata. “Dahil sayo ako komportable. Gusto ko ikaw lang ang hahawak nyan.”
Muling nag init ang aking mukha. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano sa sinabi nya.
“H-Hindi ko hahawakan yan no.” Sambit ko at umayos na ng upo sa shotgun seat.
Nagkibit balikat naman sya. “Ayos lang di naman kita pipilitin.” Umayos na rin sya ng upo.
Pero tila naman tuksong naglaro sa isip ko ang ideyang hahawakan ko ang ‘ano’ nya. Ano kaya ang hitsura ng pagkalalaki nya? Pinkish ba dahil maputi sya o kulay brown. Ano kaya ang pakiramdam kapag nahawakan ko yun?
Parang nagliliyab na sa init ang aking mukha dahil sa tinatakbo ng isip.
‘Shet! Nagiging mahalay ka na Crizelda.’
Ipinilig pilig ko ang ulo at tumikhim.
“Umuwi na nga tayo, masyado ng gabi.” Sabi ko at kinabit na ang seatbelt.
“Yes love.” Ngumisi sya at binuhay na ang makina ng sasakyan.
Hindi ko naman maiwasang tumingin sa harapan ng kanyang pantalon na malaki pa rin ang umbok. Hindi na nakakapagtaka kung malaki talaga yun. Malaking tao sya sya eh. Lahat ng parte ng katawan nya malaki. Yung kamay nya malaki pati paa.
Iniwas ko na ang tingin sa harapan ng pantalon ni Kester at tinuon na lang ang tingin sa labas ng sasakyan. Baka kung saan na naman dumako ang isip ko.
Simula ng maging kami ay lagi na akong gabing gabi kung umuwi. Kung dati pagkagaling sa eatery ay diretso uwi na ko ngayon ay maglilibot libot muna kami at kakain sa kung saan ni Kester. Tapos maglalambingan dito sa loob ng sasakyan nya. Ito lang naman kasi ang oras na nakakapag date at bonding kami. Pero bukas araw ng linggo ay pupunta kami sa bahay ng lolo at lola nya. May kaba sa dibdib ko pero tutuloy pa rin ako.
–
NAPAAWANG ang labi ko ng makababa na kami ng sasakyan ni Kester. Nakakalula ang laki at ganda ng bahay ng lolo at lola nya. Parang mansion na nga ito. Modern classic ang disenyo ng bahay. White at brown ang kulay. Malawak ang lawn na luntian at marami ring higanteng halaman na halatang alaga sa dilig at trim. Sa lahat ng magagarang bahay na nadaanan namin dito sa subdivision ay ang bahay na ito ang pinaka gusto ko ang disenyo. Presko at nakakarelax.
“Nandyan na pala kayo Ser Kester. Good morning po.”
Sabay kaming lumingon ni Kester sa isang babaeng medyo may edad na nakasuot ng scrub suit na bulaklakin. May masayang ngiti sa kayang labi.
“Good morning Ate Luz.” Bati ni Kester sa babae at inakbayan ako.
Tumingin naman sa akin ang babae at mabait na nginitian din ako.
“Ay good morning po ma’am. Kayo po siguro ang girlfriend ni Ser Kester.”
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Bago pa ako magpakilala ay inunahan na ako ni Kester.
“She’s Crizel Ate Luz, my girlfriend. Love si Ate Luz ang matapat na kasambahay ni lolo at lola.”
Inilahad ko ang kamay kay Ate Luz. Excited naman iyong hinawakan ng kasambahay.
“Nice to meet you ma’am. Ang ganda ganda nyo po kahit simple lang ang make up nyo. Para kayong santa.”
“Salamat Ate Luz. Nice to meet you too.”
Magaan kausap si Ate Luz at halatang madaldal.
“Nasa lanai po sa swimming pool si senyor at senyora.”
“Nagsu-swimming sila?”
“Ay hindi po, nagkakape po sila roon. Kauuwi lang po nila galing simbahan.”
“Ok, puntahan na lang namin sila. Thanks Ate Luz.”
“Sige po ser, dalhan ko na lang po kayo ni ma’am ng kape doon. Breakfast po?” Alok pa ni Ate Luz.
Tumingin sa akin si Kester. “Gusto mo pang kumain?”
Ngumiti naman ako at umiling.
“Hindi na Ate Luz. Nakapag breakfast na kami sa labas. Kape na lang.”
“Sige po.” Nagexcuse na si Ate Luz at tumalikod na.
Kumain na kami ng breakfast ni Kester sa isang resto paglabas namin ng simbahan kaya busog pa kami.
Pumasok na kami ni Kester sa loob ng bahay. Hawak nya ang kamay ko at nakasunod lang ako sa kanya. Palinga linga ako sa loob ng malaking bahay. Manghang mangha ako sa nakikita ko. Iba talaga ang mayayaman. Nakatira sa mansion at napapaligiran ng mamahaling mga kagamitan. Sana all na lang talaga.
Kumalabog ng husto sa kaba ang dibdib ko ng makaharap ko na ang lolo at lola ni Kester. Ang lolo nya ay si Senyor Ramon na malaki ang pagkakahawig sa kanya. Sa kabila ng katandaan nito ay matikas pa rin at parang si Kester din na laging may pilyong ngiti sa labi. Ang lola naman nya ay si Senyora Constancia. Halatang maganda ang senyora noong kabataan pa. Sopistikada ang bawat kilos nito at pananalita. Yun nga lang ay medyo may pagka masungit ang dating at istrikta. Nakakaintimidate itong kaharap at kausap.
Chapter 26
Crizel
“ANONG trabaho mo iha?” Tanong ni Senyora Constancia na nakataas ang dalawang kilay.
Humugot ako ng malalim na hininga at diretsong tumingin sa istriktang senyora.
“Meron po akong eatery ma’am at ako po ang head cook doon.” Pinigilan ko ang sariling mautal.
“Eatery ang negosyo mo?”
“Opo.”
“Masarap ang mga pagkain sa eatery nila ’la. Syempre sya ang head cook. Maraming kumakain dun araw araw at kilala yun sa lugar na yun dahil bukod sa masarap abot kaya pa ang presyo.” Pagbibida pa ni Kester na ngiting ngiti.
“I’m not asking you Keith Alistair.” Masungit na sita ng senyora kay Kester na napakamot na lang sa ulo.
Kinabahan naman ako lalo. Paano kung ayawan ako ng senyora para sa apo nya dahil eatery lang ang meron ako. Baka kagaya rin sila ng ibang mayaman na ang gustong mapangasawa ng anak o apo nila ay mayaman ding kagaya nila. Babye na talaga ang beauty at love life ko.
Tumawa si Senyor Ramon. “Ikaw talaga honey. Proud lang ang apo natin sa nobya nya. Huwag ka namang masyadong magsungit at baka matakot mo itong nobya ng apo natin eh bigla na lang mag walk out at iwan sya.”
“I don’t care Ramon. Kapag ginawa nya yun ibig sabihin lang ay hindi sya seryoso sa apo natin. Gaya lang sya ng ibang babae.” Umismid ang senyora at eleganteng humigop ng kape.
Tumikhim ako at nilakasan ang loob. “Seryoso po ako sa apo nyo ma’am. Sa katunayan po pangalawang boyfriend ko pa lang sya. Ang huling boyfriend ko po ay noong college pa po ako..” Natigilan ako sa pagsasalita dahil sa kaseryosohan ng mukha ng senyora. Wari ko ay hindi sya naniniwala sa akin.
Kumagat labi na lang ako at yumuko. Pasimple akong lumingon kay Kester. Kung ang lola nya ay seryosong seyoso ang mukha kabaliktaran naman nya. Para syang may tililing na ngiting ngiti pa. Nakuha pa nyang ngumiti eh halos nerbyusin na ako sa kaba.
“Good morning every – omg! You’re here pala bal!”
Sabay sabay kaming lumingon sa eksaheradong malaking boses na inipit.
Namilog ang mata ko at napangiti ako ng makita si Rick. Nandito rin pala sya at mukhang bagong gising. Wala syang suot na wig at wala ring kolorete ang kanyang mukha. Nakasuot sya ng maluwang na sando na mababa ang neckline kaya litaw ang malapad nyang dibdib at naglalakihan nyang mga braso. Boxer short naman ang pang ibaba nya kaya kitang kita rin ang mapuputi at mamasel nyang hita at binti na makinis. Halatang alaga sa wax. Kapag ganito ang hitsura nya lalaking lalaki syang tingnan. Huwag lang magsasalita at gagalaw. Tumayo ako at nagbeso beso kami.
“Magkakilalala kayo?” Kunot noong tanong ni Senyora Constancia ng makaupo na si Rick sa kaliwang bahagi ko.
Medyo nabawasan ang kaba ko dahil sa presensya nya.
“Yes ’la. Naging magkaklase kami noong college. She’s my best friend.” Ani Rick sa inipit na boses at nakatikwas pa ang mga daliri.
“Ibig sabihin kilalang kilala mo na ang babaeng to na nobyo ng pinsan mo?”
“Oo naman ’la. At kung nagdududa kayo kay Crizel ako na ang nagsasabi sa inyo, overqualified itong kambal ko para kay Kester.” Pagbibida sa akin ni Rick.
Siniko ko naman sya at pinandilatan ng mata. Baka mainis pa lalo sa akin ang lola nila.
Nilingon ko si Kester sa aking kaliwang bahagi na prente lang na nakaupo habang nakadekwatro at humihigop ng kape. Relax na relax pa rin sya samantalang ako maiihi na sa kaba sa lola nya.
“At paano mo naman nasabi? Dati ba syang madre?” Sarkastikong tanong ng senyora kay Rick.
Kumagat labi naman ako.
“No. Pero sya lang naman ang kaisa isang babaeng nagpaiyak dito sa palikero nyong apo. Naalalala nyo pa ho ba ’la noong fourth year college si Kester, umuwi syang may pasa sa mukha at putok sa labi. Si Crizel ang may gawa nun.” May pagmamalaki pa sa tono ni Rick.
Napasinghap naman ako at namilog ang mata. Bumalik muli ang aking kaba sa dibdib. Parang gusto ko tuloy kurutin sa singit si Rick.
“Di mo na kailangan ikwento yun bruha ka..” Bulong ko kay Rick at pasimple syang kinurot sa likod na kanyang ikinaigtad.
Ngunit nagulat ako ng biglang tumawa ng malakas si Senyor Ramon. Si Senyora Constancia naman ay tumaas ang kilay.
“Sya nga? Ikaw ang gumawa nun sa apo ko iha?”
Lumunok ako at tumingin kay Kester. Nakangisi lang sya at tila proud pa.
Muli akong humarap kay Senyora Constancia.
“O-Opo ma’am, ako nga po ang gumawa nun.” Nakangiwing sabi ko.
“At bakit mo naman yun ginawa?”
Sasagot na sana ako pero inunahan na ako ni Kester.
“It was my fault ’la.”
Bumaling ang atensyon ni Senyora Contanscia at Senyor Ramon kay Kester.
“Galit na galit sya sa akin noon dahil kasalan ko kung bakit naghiwalay sila ng first boyfriend nya.”
“Ano bang ginawa mong kalokohan apo?” Tanong ni Senyor Ramon.
“I kissed her in front of her boyfriend.” Parang wala lang na sabi ni Kester
“Aba’y tarantado ka. Deserved na deserved mo ngang mabugbog. Dapat pinilayan ka pa.” Bulalas ni Senyora Constancia.
Si Senyor Ramon naman ay tila siyang siya sa katatawa. Napakamot na lang ng ulo si Kester.
Sa akin naman bumaling si Senyora Constancia.
“Kung ganun naman pala ang ginawa sayo ng aking apo bakit ngayon ay kayo na? Hindi ka na ba galit sa kanya?”
Ngumiti ako at sinulyapan saglit si Kester.
“Hindi na po ma’am. Matagal na panahon na rin po ang pangyayaring yun at mga bata pa kami noon. Pero aaminin ko po nagtanim po ako ng galit sa kanya sa loob ng mahigit isang dekada. Sya ang sinisisi ko sa pagiging bitter ko sa pag ibig. Lalo pa po at walang ibang ginawa itong apo nyo kundi bwisitin ako sa eatery ko.”
“Nagpapapansin lang sya sayo iha.” Singit ni Senyor Ramon.
“Ganun na nga po sir. Nagtagumpay naman po sya. Isang araw wala na kong inis na nararamdaman sa kanya at hinahanap hanap ko na rin ang presensya nya kapag lumipas ang ilang araw na hindi sya dumadaan sa eatery ko. Doon ko naramdaman na may kakaiba na po akong nararamdaman sa kanya.”
Naalala ko pa nga noong mga panahong yun ay lagi akong lutang sa kakaisip sa kanya. Gulong gulo din ako sa sarili ko noon. Bakit nga naman hindi. Ang lalaking kinamumuhian ko ng mahigit isang dekada bigla namimiss ko na. At heto na nga naging kami pa.
“I’m so proud of you apo. Like I always said kapag may tiyaga may nilaga.” Nakangising sambit ni Senyor Ramon at tinaas ang tasa ng kape sa direksyon ni Kester. Tila ba may alam ito tungkol sa amin ni Kester noon pa.
“Thanks ’lo. I’m glad nakinig ako sa payo nyo.” Ngiting ngiti naman na saad ni Kester sabay akbay sa akin.
“Kuh! Proud na proud ka sa apo mo dahil parehas kayo. Mga galawan nyo talaga mga bulok.” Bira ni Senyora Constancia sa senyor na tumawa lang.
“Pero nakuha naman kita sa bulok na galawan ko. Doon ka kaya nainlove sa akin sweetheart.” Inakbayan ng senyor ang senyora na bagama’t umiirap ay namumula naman ang pisngi.
Kumagat labi naman ako para pigilan ang ngiti. Parang nakikita ko si Kester kay Senyor Ramon. Mukhang sa kanya nagmana si Kester.
“Mukhang nagugustuhan ka na ni lola love.” Bulong ni Kester sa tenga ko.
“Sana nga.” Mahinang usal ko.
“Don’t worry bal iba-backer kita kay lola.” Bulong din ni Rick.
Bumalik sa akin ang atensyon ni Senyora Constancia. Nag iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha ngayon. Naging malambot na.
Ngumiti sya bagamat ang kilay nya ay nakataas pa rin.
“I’m starting to like you na iha. Mukhang di ka basta bastang babae. May karakter at independent. Nakikita ko ang sarili ko sayo.”
Para may naalis na malaking bagay ang nakadagan sa aking dibdib at nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng senyora. Ngumiti ako sa kanya.
“Salamat po ma’am.”
“Call me Lola Con iha.”
“Sige po Lola Con.”
–
Halos nakapalibot sa akin ang apat na kasambahay habang nagluluto ako ng kare kare. Dahil cook nga ako ay nag request si Lolo Ramon ng paborito nya raw na kare kare. Gusto nyang matikman ang luto ko.
“Talaga ma’am may eatery kayo? Saan po ang pwesto nyo baka malapit lang mapuntahan namin.” Ani Merlita na isa sa apat na kasambahay.
Sinabi ko naman kung saan nakapwesto ang eatery ko. Sinabi ko ring sa unang punta nila ay libre ang anumang pagkain na magustuhan nila roon.
“Ay malapit lang yan sa amin ma’am. Isang sakay lang ng jeep at pwede ring lakarin. Ano po ba ang pangalan ng eatery nyo ma’am para mapasyalan kapag nauwi ako sa amin?” Tanong ni Rosanna na medyo tomboyish ang dating.
“Crizelda’s Table ang pangalan ng eatery ko. Madali nyo lang yun makikita. Araw araw din naman akong naroon kaya makikita nyo ko kapag pumunta kayo. Kung hindi nyo man ako makita malamang nasa kusina ako. Pagtanong nyo na lang ako sa mga serbidora ko doon. Monday to Saturday lang ang bukas ng eatery ko at pag Sunday naman ay pahinga namin.” Nakangiting sabi ko at hinalo halo ng dahan dahan ang gulay.
“Ilang taon na po ba ang eatery nyo ma’am?” Tanong naman ni Jhelin ang pinakabatang kasambahay.
“Maglilimang taon na.”
“Ano pong trabaho nyo dati bago kayo nag negosyo ng eatery?”
“Naging chef ako sa isang restaurant sa BGC. Ng makapag ipon naisipan kong magtayo na rin ng sariling kainan.” Pagkukwento ko sa aking nakaraan.
Talagang sinikap ko noon ang makapag ipon para maitayo ang negosyong pangarap. At ika nga sa isang kasabihan na sinambit ni Lolo Ramon kanina, kapag may tiyaga may nilaga. Nagbunga ang pagtityaga ko at pagsisikap. Maglilimang taon na ang eatery ko at maganda pa rin ang takbo nito. Sana ay magtuloy tuloy sa mga darating pang mga taon at sinisikap ko namang makasabay sa panahon para hindi mapag iwanan.
“Kaya pala nagustuhan kayo ni Ser Kester eh. Maganda na masikap pa sa buhay.” Komento naman ni Ate Luz.
Ngumiti naman ako sa kanila.
Mababait ang mga kasambahay at madaldal. Mabilis ko silang makapalagayan ng loob. Kaya feeling ko tuloy at home na at home na ako dito. Idagdag pa na magiliw na ang pakikitungo sa akin ng lolo at lola ni Kester. Tama nga sya. May pagkamasungit at istrikta ang lola nya pero once na nakuha mo na ang loob nito ay malambing ito. Ang lolo naman nya ay para talagang sya. Halos parehas sila ng ugali.
“Love luto na yan?”
Nilingon ko si Kester na kapapasok lang ng kusina at papalapit sa akin. Bahagya pang nakausli ang kanyang nguso. Dumistansya naman sa akin ang mga kasambahay.
“Oo luto na, yung bagoong na lang ang lulutuin ko. Gutom ka na ba?” Nakangiting tanong ko at pinatay na ang kalan.
Lalong umusli ang nguso nya at tumango. Para tuloy syang bata. Para syang si Glen kapag nanghihingi ng singkwenta.
Ngumisi ako. “Mukhang gutom na nga ang baby damulag.” Pang aasar ko at hinarap na ang pagluluto ng bagoong.
Nagtawanan naman ang mga kasambahay. Napakamot na lang sa ulo si Kester at naglalambing na yumakap mula sa likuran ko. Nag init naman ang aking mukha sa hiya dahil nakikita kami ng mga kasambahay.
“Ay sus si ser nagpapabebe kay ma’am.” Tukso ni Ate Luz na sinegundahan pa ng ibang kasambahay.
Lalo naman akong nahiya.
Pero si Kester ay sadyang walang hiya. Humigpit pa ang yakap nya sa akin at inihilig pa ang pisngi sa aking balikat. Tuloy ay di ko alam kung ano ang unang gagawin sa pagluluto ng bagoong. Pati puso ko ay natataranta sa bilis ng tibok.
“Bagay ba kami ng Ma’am Crizel nyo?” Tanong pa ni Kester sa mga kasambahay sabay dampi ng halik sa aking balikat.
“Ay super bagay kayo ser.”
“Kaya huwag nyo pong pakawalan si ma’am, ser.”
“Oo nga po ser, magpakasal na kayo agad.”
“At magkaroon po ng maraming anak para may dumalaw dalaw namang bata dito sa mansion.”
Mga komento ng mga kasambahay na nagpainit ng dibdib ko. Masarap marinig ang mga sinabi nila. Masarap sa pakiramdam na boto sila sa akin para sa amo nila.
“Narinig mo yun love? Magpakasal na raw tayo at mag anak.” Malambing na saad ni Kester.
Nilingon ko sya at mahinang pinitik sa noo. “Kung tayo talaga ang magkakatuluyan. Maaga pa para sabihin yan.”
Pero merong bahagi ng puso at utak ko na umaasang sya na talaga ang lalaking para sa akin. Bawat araw na magkasama kami palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya. Nag iiwan na ng tatak sa aking buong pagkatao. Mahal ko na nga ang gwapong kumag.
Chapter 27
Crizel
“OO bukas na ko makakauwi. Huwag nyo na akong hintayin. I-lock nyo ang pinto at mga bintana.” Bilin ko kay Clarissa sa kabilang linya.
“Oo ate, kami na ni Cristoff ang bahala. Basta enjoy ka lang sa bahay ni Kuya Kester.”
Umikot ang mata ko sa panunukso ng kapatid. Mas excited pa sya sa akin. Kung ano ano na naman siguro ang tumatakbo sa kanyang isip. Malamang bukas pag uwi ko ay uulanin nila ako ng tukso.
“O sige na. Baba ko na to.” Paalam ko sa kapatid at pinatay ang cellphone.
Humalukipkip ako at tumingin sa labas ng floor to ceiling na salaming bintana. Malakas pa rin ang ulan sa labas. Kanina ay maganda ang panahon pero pagsapit ng gabi ay bigla na lang bumuhos ang ulan. Mahina lang naman kanina ang ulan ng paalis kami sa bahay ng lolo at lola nya. Pero ng nasa kalsada na kami ay lumakas pa ang ulan. Na stranded pa kami ng halos tatlong oras sa traffic dahil sa baha. Kaya pinagpasyahan naming dito muna magpalipas ng gabi sa bahay nya. Ito ang unang beses na nakapunta ako sa bahay nya sa isang kilalang exclusive subdivision. Maganda ang bahay nya at malaki. Modern type at halos puro salamin. Halatang mamahalin ang lahat ng gamit lalo na ang modern chandelier.
“Love here’s your hot chocolate.”
Nilingon ko si Kester na may dalang dalawang tasa na umuusok pa. Nilapag nya yun sa glass coffee table.
Umupo na ako sa malambot na mahabang sofa. Dinampot ko ang tasa ng hot chocolate na pinatimpla ko at dahan dahang humigop. Umupo na rin sa tabi ko si Kester at dinampot din ang kanyang tasa. Itim na itim na kape naman ang sa kanya. Nirequest ko naman sa kanyang hinaan ang aircon nya dahil nilalamig na ako. Agad naman syang sumunod at dinampot ang isang remote.
“Ilang taon ka ng nakatira dito?” Tanong ko kay Kester habang ginagala ang mata sa paligid.
“Seven years.”
Tumango tango ako. “Matagal na pala. Saan ka nakatira dati? Sa lolo at lola mo?”
“Noong namatay ang daddy at mommy ko at nag aaral pa ako kanila lolo at lola ako tumira. Pero noong nagtrabaho na ako at tinake over ko na ang pagpapatakbo ng company namin sa condo ako tumira. Wala naman talaga akong balak bilhin ang bahay na ito pero paladesisyon si Matias. Nagulat na lang ako sinisingil na ako ng mga staff nya dahil sa bahay na ito. Wala akong kamalay malay na inutang ko pala tong bahay. Wala na along choice kundi bayaran at dito na rin tumira.”
“Ah.. magkano ang bili mo sa bahay na to?” Alam kong di biro ang halaga ng bahay na ito.
“Three hundred fifty thousand pesos lang.” Pagkibit balikat nya.
“Three hundred fifty thousand pesos!? Lang? Nilalang mo lang yung ganung kalaking halaga?” Bulalas ko at namilog ang aking mata.
“Actually mas mahal pa nga yung bahay na binenta ni Matias kay Luigi. Almost one billion pesos yun. Regalo nyang bahay para kay Ivona.”
Umawang ang labi ko. Bakit pa ba ako magugulat na kaya nilang bumili ng bahay sa ganoong presyo na makalaglag panga. Mayaman sila at sinilang sila sa mundong ito na may ginintuang kutsara sa bibig. Kahit gumastos sila ng ganung kalaking halaga ay babalik din yun sa kanila.
“Ang yaman ni Luigi no. Sya yata pinakamayan sa inyong magkakaibigan eh. Biruin mo pinangregalo lang nya yung bahay na yun na nagkakahalaga ng kulang kulang isang bilyon kay Ivona. Ang swerte ni Ivona.”
“Kaya ko ding bumili ng ganung kamahal na bahay.”
Tumingin ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.
“Eh bakit hindi ka bumili?”
Ngumisi sya. “Kapag pinakasalan mo bukas, bukas na bukas din bibili ako.”
Kunwaring inirapan ko sya at hinigop ang hot chocolate. Madalas na nyang banggitin sa akin ang salitang kasal. Para bang kasal na kasal na sya. Hindi naman sa ayaw kong magpakasal sa kanya. Bago pa lang ang relasyon namin at ayokong magmadali.
“Huwag na baka maghirap ka pa.”
Bumunghalit sya ng tawa. “Kahit ilang bahay kaya kong bilhin love. Hindi ako basta basta maghihirap kaya huwag mo na kong pakawalan. Secured na ang future natin at ng mga anak natin. At mas lalo pa akong magsisipag.” Hirit pa nya sabay kindat.
Uminit ang dibdib ko. Sa loob loob ko ay natutuwa ako na nag iisip na pala sya tungkol sa future namin. Dagdag points na naman sya sa akin.
Tinapik ko ng marahan ang kanyang pisngi. “Oo na ikaw na ang mayaman.” Nasabi ko na lang.
Hinawakan naman nya ang kamay ko at hinalik halikan. Namungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin habang may pilyong ngiti sa labi.
“Kapag nagpakasal ka sa akin mayaman ka na rin.”
Pinisil ko ang matangos nyang ilong. “Kung magpapakasal ako sayo hindi yun dahil sa yaman mo kundi dahil sayo, ikaw mismo.”
Kumagat labi sya habang nangingiti. “Talaga?”
“Oo.”
Muli nyang dinampi dampian ng halik ang aking kamay pati ang braso. Inakbayan nya ako at kinabig payakap. Sa sentido naman nya ako dinampian ng halik at sa pisngi. Napalis ang ginaw na nararamdaman ko dahil sa yakap nya.
“Saang kwarto pala ako matutulog?” Tanong ko at nag angat ng mukha sa kanya.
“Sa kwarto ko.” Kaswal nyang sabi.
Nag salubong ang kilay ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. “Anong sa kwarto mo?”
“Doon ka lang pwedeng matulog love.”
“At bakit? Huwag mong sabihing wala ng ibang kwarto dito sa bahay mo? Ang laki laki nitong bahay mo isa lang ang kwarto mo.” Asik ko sa kanya.
“Meron pang dalawang kwarto. Pero yung isang kwarto ginagamit ni Rick at nakalock yun nasa kanya ang susi. Yung isa naman ay tambakan ng ibang gamit. Kaya dun ka lang sa kwarto ko pwedeng matulog.”
“Magtatabi tayo?”
“Why not? We’re both adult.”
Mataman ko syang tinitigan. Seryoso ang kanyang mukha pero may kislap naman ng kapilyuhan ang kanyang mga mata.
“Baka gusto mo lang akong isahan kaya ayaw mong ipagamit sa akin ang ibang kwarto mo.” Akusa ko sa kanya at nagdududang tiningnan sya.
Tumawa sya. “Of course not. Kung ayaw mo maniwala fine. Ipapakita ko sayo yung dalawang kwarto.” Hamon nya sa akin.
“Sige.”
Pagkaubos ng hot chocolate at mainit na kape namin ay pumunta na kami sa second floor para tingnan ang dalawa pa nyang kwarto. Nagsasabi nga sya ng totoo. Ang isang kwarto na inookupa daw ni Rick ay nakalock at wala daw sa kanya ang susi. Ang isang kwarto naman ay mistulang bodega. Maraming iba’t ibang gamit ang naroon. Pinuntahan naman namin ang kanyang kwarto. Malaki ang kwarto nya at panlalaki talaga ang disenyo. Charcoal gray at white ang kulay pati ang kobre kama, kurtina, couch at carpet nya. Mabango at malamig sa loob ng kanyang kwarto at organize ang lahat ng gamit. May pagkabanidoso rin talaga sya.
“Nagustuhan mo ba ang kwarto ko?” Tanong nya.
Tumango tango ako at umupo sa dulo ng kama nya. Para na akong lulubog sa lambot nito.
“Maganda ang kwarto mo.” Biglang may sumagi sa isip ko. Sinamaan ko sya ng tingin. “Ilang babae na ang dinala mo dito sa bahay mo at pinatulog mo dito sa kwarto mo?”
“Wala.”
Mataman ko syang tinitigan at tinatantya kung nagsasabi ng totoo.
“Talaga? Don’t worry di naman ako magagalit. Nakaraan mo na sila. So ano? Ilang babae na ang pinatulog mo dito?”
Tumawa sya at umupo sa aking tabi sabay pisil sa aking ilong.
“Ikaw pa lang.”
Umusli ang labi ko. Parang di ako naniniwala.
“Yung totoo nga?”
“Oo nga.” Natatawang sabi nya.
Di na ako namilit dahil mukhang nagsasabi naman sya ng totoo.
“Eh saan mo dinadala ang mga babae mo noon? Sa condo mo?”
“Hindi rin. Hindi ako nagdadala ng babae sa bahay ko. Naghohotel kami o kaya ako mismo ang pumupunta sa bahay nila.”
Tumaas ang kilay ko. Hindi ko alam kung ano ang ikokomento ko sa sinabi nya. Pero masaya ako na hindi sya nagdadala ng babae sa bahay nya. Ako lang.
Ginala ko ulit ang mata sa loob ng kanyang kwarto. Nakatingin pa rin sya sa akin at tila naghihintay ng komento ko.
“Sa sahig na lang ako matutulog. May ekstrang comforter ka naman siguro at unan pwede na sa akin yun.” Pag iiba ko na ng topic.
“As if naman hahayaan kong matulog ka sa sahig. Sa kama ka ako na lang sa sahig.”
Nanghaba ang nguso ko. Gentleman din talaga ang kumag na ito. Mali sa akala ko noon.
“Sigurado ka?”
“Yup.”
“Ok, sabi mo eh.” Tumayo na ako. “Pwede bang makahiram ng extrang t-shirt saka pajama. Hindi ako komportableng matulog ng ganito ang suot.” Request ko sa kanya.
Pantalon at semi crop top shirt ang suot ko. Hindi ako komportable matulog kapag hindi ako nakapagpalit ng komportableng damit gaya ng maluwag na t-shirt at pajama.
“Sure.” Tumayo na rin si Kester at pumasok sa isang pinto. Hindi ko na sya sinundan at naghintay na lang.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Kester at may dalang puting t-shirt at gray na jogger.
“Pwede na ba to?” Pinakita nya ang t-shirt at jogger nya na malaki. Yung t-shirt ok na sa akin kahit malaki. Pero yung jogger gagawan ko na lang ng paraan. Importante may suot ako ngayong gabi.
“Pwede na yan. Salamat.” Kinuha ko na ang mga damit sa kanya at wala sa sariling inamoy ito.
Mabango ang mga damit nya. Halatang mamahalin ang sabon na ginamit. Tumingin ako sa kanya. Nag init ang aking mukha ng makitang titig na titig sya sa aking ginawa at nakangisi pa. Agad ko namang nilayo ang mga damit nya sa aking ilong at pumasok na ng banyo para maghilamos at magbihis.
Mula sa pag i-scroll ng screen ng cellphone ay nag angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas si Kester na bagong shower at pinapatuyo ng tuwalya ang kanyang basang buhok.
Hindi ko naman maiwasan mapalunok habang nakatingin sa kanyang katawan. Ito ang unang pagkakataon na makita ko ang kanyang katawan. Alam kong malaki ang katawan nya pero ngayong nakita ko syang hubad ay parang gusto kong magmura. Hitik sya sa masel at may pa v-line pa ang lolo mo. Halatang alaga nya ang katawan sa work out. Bumaba pa ang mata ko sa kanyang gray na jogger na suot. Nag init ng husto ang aking mukha ng makita ang nakabakat nyang pagkalalaki. Mukhang wala syang suot na brief.
Shuta! Ganun ba talaga kalaki yun?
“Love.”
“Ha?”
Nag angat ako ng tingin sa mukha ni Kester. Nagbibihis na sya ngayon ng puting sando.
“Tinatanong kita kung may iba ka pang kailangan.”
“Ah ano.. w-wala na.” Nauutal pang sabi ko sabay kamot sa ulo.
Shit nakakahiya! Baka nakita nyang titig na titig ako sa bakat nya.
“Are you sure? Baka nagugutom ka. Midnight snack? May pagkain naman sa ref.”
“Hindi na. Hindi naman ako gutom saka marami akong kinain kanina sa bahay ng lolo at lola mo. Ikaw, nagugutom ka ba? Gusto mong gawan kita ng snack?” Malambing na sabi ko.
Ngumiti sya at lumapit sa akin sa kama. Umupo sya sa tabi ko. Naaamoy ko ang sabon na ginamit nya.
“Habang tumatagal nagiging sweet ka na sa akin.”
Ngumuso ako. Napapansin na rin pala nya.
“Bakit? Ayaw mo?”
“Syempre gusto ko. Masarap sa pakiramdam at masaya. Pakiramdam ko importante ako sayo.”
Nag init ang dibdib ko sa kanyang sinabi. Di ko akalain na ganun pala ang epekto ko sa kanya. Tinaas ko ang kamay at inabot ang kanyang pisngi at hinaplos.
“Importante ka naman talaga sa akin hindi lang dahil boyfriend kita kundi mahal na rin kita.”
Natigilan sya at umawang ang kanyang labi na tila nabigla sa aking sinabi.
“Mahal mo na ko?”
Ngumiti ako at tumango.
“Really?” Nangingiti ng tanong pa nya. Nangislap din ang kanyang mga mata.
“Oo nga mahal na kita.” Natatawang sabi ko. Natutuwa ako na nakikitang masaya sya.
“Shit.” Mahinang usal nya sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Gumanti din ako ng yakap sa kanya. Masarap sa pakiramdam na sinabi ko sa kanya ang nasa aking loob. Hindi naman sya mahirap mahalin eh. Marami syang magagandang katangian na hindi ko inakala noon na meron sya. Ang tingin ko lang sa kanya noon ay mayabang, arogante, tsiamoso at manyak. Pero ngayon ay unti unti ko ng nakikilala ang totoong sya.
Bumitaw sya ng yakap sa akin. Kinulong nya ang dalawa kong pisngi sa kanyang malalaking palad at mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.
“Mahal din kita Crizelda Romina.” Anas nya sabay siil ng halik sa aking labi.
Next update ang pinakahinihintay nyo 🔞😆 Pasensya na kung medyo slow update busy lang dahil malapit na ang pasko. Pangalawang pasko na ito na kasama ko kayo. Sa pasko ko na kayo babatiin 😆😚
Chapter 28
Crizel
UNTI unting naging mapusok ang halikan namin ni Kester. Tanging tunog lang ng salpukan ng aming mga labi ang maririnig sa loob ng kwarto. Bawat sipsip at kagat nya sa aking labi ay ginagantihan ko. Bawat hagod ng kanyang dila sa loob ng aking bibig ay sinasalubong ko rin iyon ng dila. Nalalasahan ko pa ang mouthwash na ginamit nya.
Habol ko ang hininga ng humiwalay na ang kanyang labi at naglandas na ito sa aking panga pababa sa leeg. Umalpas ang mahinang ungol sa aking bibig. Nakakadarang ang init ng kanyang labi at dila na humahagod sa aking balat. Kakaibang init na rin ang aking nararamdaman na para bang ako’y sinisinat. Para ba akong sinisilaban sa loob.
Nahigit ko ang hininga ng kubkobin ng kanyang kamay ang isa kong dibdib at pinisil ito. Kahit may nakaharang pang tela ay dama ko ang init ng kanyang kamay. Tila ba lalo lang nadagdagan ang init na aking nararamdaman. Ito ang unang pagkakataon na naging pahangas sya at nagugustuhan ko ang kanyang ginagawa.
“Shit!” Biglang anas nya sabay bitaw sa aking dibdib at lumayo sa akin.
Gumuhit ang pagalala sa kanyang mukha ngunit ang kislap ng kanyang mga mata ay tila nag aapoy habang titig na titig sa akin.
Bahagyang umawang ang aking labi. Nakaramdam ako ng disappointment at inis dahil nabitin ako.
“I’m sorry love, nadala lang ako. Damn! I didn’t mean – oh fuck! Huwag mo sanang isipin na binabastos kita.” Natatarantang paliwanag nya.
“Bakit ka tumigil?” Naiinis na tanong ko.
“Because – what?”
“Ang sabi ko bakit ka tumigil.” Ulit ko sabay irap sa kanya.
Panira ng moment eh.
Umawang ang labi nya na tila ba nabigla sa aking sinabi habang gumagala ang mga mata sa aking mukha.
“Ayaw mong.. tumigil ako? You mean.. nagustuhan mo yung.. yung ginawa ko? Hindi ka galit?”
“Ewan ko sayo.” Muli ko syang inirapan sabay higa sa kama at talukbong ng comforter.
Humugot ako ng malalim na hininga at kumagat labi.
Hindi lang ako kay Kester naiinis kundi pati na rin sa sarili ko. Bigla ay parang nakaramdam ako ng pangangailangan na tanging sya lang ang makakapagbigay pero bigla syang huminto. Para tuloy nya akong binitawan sa bangin dahil sa pagkabitin.
“Love.”
Nahigit ko ang hininga ng lumundo ang kama at hinihila ni Kester ang comforter. Kumagat labi ako kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Mas lalo ko namang hinigpitan ang hawak sa comforter.
“Love.” Pangungulit nya sa akin.
“Matulog ka na.”
“Ayoko. Usap muna tayo.”
“Gabi na – ay!” Napatili ako ng magtagumpay sya sa paghila sa comforter.
Bumungad sa akin ang gwapo nyang mukha na may pilyong ngiti sa labi. Napakagat labi na lang tuloy ako.
“Bakit bad trip ka?” Nakangisi ng tanong nya.
“Wala! Matulog ka na nga!” Asik ko sa kanya.
Kumagat labi sya habang nangingiti. Hinawakan nya ang pisngi ko at dinampi dampian ng halik ang aking labi na tila ba tinutukso ako. At natutukso naman ako. Hanggang sa ang padampi dampi nya ng halik ay naging mariin na. Hindi ko na rin napigilang tumugon at humawak pa ako sa kanyang batok.
“I want you love..” Anas nya ng maghiwalay ang aming labi.
Kumagat labi ako. Bumalik ang init at pananabik na aking naramdaman kanina. Gusto ko rin syang maangkin ngayong gabi.
“Huwag mo lang akong bibitinin kundi yari ka sa akin.” Banta ko sa kanya.
Lumawak naman ang kanyang ngiti. “I won’t. Hindi na ako magpipigil ngayong gabi kaya humanda ka ngayon Crizelda Romina dahil baldado ka.”
Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nya. “Oy, virgin pa ko ha. Kaya magdahan dahan ka.”
Tumawa sya. “I know love. Of course I’ll be gentle.. I love you.”
Muling nagsanib ang aming mga labi sa mainit na halik. Tinanggal ko na ang natitirang hiya sa aking katawan. Dapat tapatan ko ang kakapalan ng kanyang mukha.
At sa isang iglap lang ay wala na akong suot na pang itaas na damit habang sya ay tila sanggol na gutom sa gatas ng isang ina. Init na init naman ang pakiramdam ko at para na akong nilalagnat. Bago sa akin ang kakaibang pakiramdam na ito. Kakaibang masarap na pakiramdam na nakakadarang.
Higit higit ko ang aking hininga habang naglalaro ang dila ni Kester sa aking utong at ang isa naman nyang kamay ay pumipisil sa kabilang dibdib. Kagat kagat ko pa ang labi habang impit na umuungol.
“U-Ughh Kester hmm..” Mahinang usal ko sabay liyad.
Ang kabilang dibdib ko naman ang pinagpala nya ng kanyang bibig at dila. Napapapikit ako sa tuwing sisipsipin nya ang aking utong. May kaunting kirot pero mas lamang ang sarap na nakakadarang.
Bumaba pa ang kanyang halik sa aking sikmura at tiyan. Ang kanyang kamay ay sumisiksik na paloob sa garter ng jogger na aking suot. Kumabog ng malakas ang aking dibdib ng nasa ibabaw na ng panty ko ang kanyang kamay.
Hinawakan ko ang kanyang kamay. Tumingin sya sa akin. Bakas sa kanyang gwapong mukha ang pagkabitin. Kumagat labi ako at binitawan ang kanyang kamay.
“Is it ok?” Malambing nyang tanong.
Humugot ako ng malalim na hininga at tumango.
Ngumiti naman sya at ako ay napasinghap ng bigla nyang hilahin pababa ang jogger na aking suot kasabay ang panty ko. Halos magliyab na ang aking buong katawan sa init dahil hubo’t hubad na ako sa kanyang paningin.
Lumuhod sya at mapupungay ang mga matang pinagmasdan ang hubad kong katawan. Napapalunok pa sya kung minsan. Pilit ko namang nilabanan ang hiya at takpan ang sarili. Ginusto ko to eh. Ako pa ang may sabing huwag akong bitinin. At sigurado rin namang ayaw din nyang mabitin.
Hinubad nya ang kanyang suot na sando. Tumambad sa akin ang makisig nyang katawan. Bumaba ang aking mga mata sa jogger nya. Napasinghap ako at napalunok ng makita ang malaking umbok sa harapan ng kanyang jogger. Bakat na bakat ang kanyang pagkalalaki na halos tumayo na sa loob.
Muling dumapa sa aking ibabaw si Kester at sinakop ang aking labi. Tumugon naman ako sa kanyang halik. Nakulong ang pagsinghap ko sa aking bibig ng hawakan nya ang aking pagkababae at hinaplos haplos ito. Kakaibang kiliti ang nararamdaman ng aking pagkababae. Masarap sa pakiramdam lalo na ng laruin ng kanyang daliri ang maliit kong butil.
“Hmm Kester..” Ungol ko ng humiwalay ang kanyang labi at naglandas ito pababa sa aking katawan hanggang sa makarating na sa aking puson.
Mahigpit ang sabunot ko sa kanyang buhok habang mariin kong kagat ang labi. Umaalpas ang mga impit na ungol sa aking bibig at ang aking katawan ay malikot ang galaw. Para na akong mababaliw sa masarap na sensasyong dulot ng kanyang bibig at dila sa aking pagkababae. Halos di ko na nga makilala ang aking sarili.
“U-Ugh shit! Uhmm…” Nanginig ang aking buong katawan ng may umalpas na bagay sa aking pagkababae. Halos tumirik ang aking mata sa sarap na nararamdaman.
“Hmm you taste so good love.. nakakaadik.” Anas ni Kester na umahon na mula sa pagkakasubsob sa aking pagkababae.
Dinidilaan pa nya ang paligid ng kanyang labi na tila sinisimot ang natitirang lasa na naroon. Tuloy ay may panibagong init na naman ang sumibol sa aking katawan. Kagat labing ngumiti ako sa kanya.
“Ang galing mo.” Nasabi ko na lang.
Totoo namang magaling sya dahil halos mawalan nga ako ng ulirat sa sarap. Kaya rin siguro habulin sya ng mga babae dahil bukod sa gwapo at mayaman, magaling pa. Pero sorry na lang ang mga ito dahil ipagdadamot ko na sya. Gusto ko sa akin na lang nya gagawin ang bagay na yun.
Ngumisi sya at hinalik halikan ang aking mga hita. “Wala pa yun sa kalahati ng performance ko love.”
Tumaas ang kilay ko pero sa aking loob ay nanabik ako.
“Then show me your best performance and don’t disappointment me.” Hamon ko sa kanya.
“Yes na yes boss. Nanginginig pa.” Nakangising sabi nya na punong puno ng kapilyuhan ang kislap ng mata.
Lumuhod sya at walang pasintabing basta na lang hinila pababa ang suot na jogger. Parang spring na pumilantik ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki na hindi biro ang sukat. May kahabaan ito at may katabaan. Dahil maputi sya kaya may pagkabrownish na pinkish ang kanyang pagkalalaki na bahagya pang namumula at nangingintab ang ulo. Napalunok ako at kumabog ang aking dibdib sa kaba ng maisip na papasok ito sa akin. Virgin pa ako at wala pang karanasan. Siguradong masakit kapag pinasok na nya ako. Pero sabi naman nila sa una lang daw masakit at puro sarap na raw ang mararamdaman. Pero parang nagdududa ako.
“Natahimik ka na love. Don’t tell me aatras ka na?” Panunukso nya na may ngisi sa labi.
Lumunok ako at tinigasan ang mukha. “O-Of course not.”
Bahagya syang tumawa at hinawakan ang aking dalawang hita at pinaghiwalay. Pumuwesto na sya pagitan nito. Lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na parang excited. Lalo pa at tila nanunukso ang kayang naghuhumindig na pagkalalaki na nakaturo pa sa akin.
Dumapa na sa aking ibabaw si Kester. Napasinghap ako ng bumundol ang kanyang pagkalalaki sa ibabaw ng aking pagkababae.
“Ready ka na love?” Tanong ni Kester at dinampi dampian ng malalambing na halik ang aking pisngi. Para namang nabawasan ang kabang aking nararamdaman.
Hinawakan ko ang dalawa nyang pisngi at ngumiti. Kahit kinakabahan ako ay di ako uurong. Sa edad kong treinta y tres anyos ay ngayon pa lang ako magkakaroon ng sexperience.
Humugot ako ng malalim na hininga at tumango. “Ready na ko.”
Dinampian nya ako ng halik sa labi at bahagyang gumalaw. Napakagat labi ako at nahigit ko ang aking hininga nga dumunggol ang kanyang pagkalalaki sa bukana ng aking pagkababae.
“I know you will be hurt. Pero sa umpisa lang to love. Kung di mo kaya sabihin mo lang sa akin titigil ako.”
Kagat labing tumango ako at humawak sa kanyang braso kasabay ng munting dasal..
–
Malakas na hinampas ko si Kester sa kanyang braso ng makasakay na sya sa driver seat at kinakabit na ang seatbelt sa katawan.
“Aray! Bakit?” Natatawang tanong nya habang hinihimas ang braso.
Sinamaan ko sya ng tingin at inirapan. Tatawa tawa pa sya. Buti pa sya nakakatawa samantalang ako nagmumura na sa kirot na nararamdaman ko sa aking pagkababae.
“Patawa tawa ka pa.” Asik ko sa kanya.
Tumigil naman sya sa pagtawa ngunit nangingiti naman. Halatang masaya ang kumag.
“Sabi ko naman sayo huwag ka munang umuwi kung di mo kaya.” Malambing na saad nya.
“Kaya ko. Nakakapaglakad pa naman ako nakita mo naman di ba?” Pagsusungit ko.
Hindi ko mapigilan magsungit dahil masakit talaga ang gitna ko. Ikaw ba naman pasukan ng halos kasing tabi ng lata ng sardinas.
“Kaya mo, eh iika ika ka nga.” Nanunuksong bira pa nya sa akin.
Muli ko syang sinamaan ng tingin at muling hinampas sa braso. Tumawa na naman sya.
“Huwag ka ngang tumawa lalong sumasakit ang gitna ko eh. Sabi mo sa una lang masakit at puro sarap na lang ang mararamdaman ko eh ano to?” Himutok ko.
Totoo namang pagkatapos ng sakit ay puro sarap na ang naramdaman ko kagabi. Magaling talaga sya at halos umiyak ako sa sarap. Yun nga lang paggising ko ay masakit ang mga hita ko lalo na ang aking gitna.
Tumigil naman sya sa pagtawa sabay kamot sa ulo pero nangingiti naman. Hinawakan nya ang aking kamay at dinala ito sa kanyang labi.
“Hindi ako magsosorry. Pero ibibili kita ng gamot mamaya.”
Iningusan ko sya kasabay ng pag iinit ng aking mukha. Hindi ako dapat mainis sa kanya dahil ginusto ko rin naman talaga. Naghamon pa nga ako eh.
“Basta.. last na yung kagabi. Di na mauulit yun.” Nakangusong saad ko.
“What?” Salubong ang kilay na bulalas nya. “No way love. Hindi pupwede yan.”
“At bakit?”
Bahagya syang ngumuso. “Hindi ko pa naipapakita sayo ang pinaka the best na performance ko.”
Umawang ang labi ko. Hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin nya.
“Hindi mo pa pinaka the best yung kagabi?”
“Hindi pa. Isang posisyon nga lang nagawa natin kagabi eh saka alalay lang ako dahil first time mo. Ayoko namang biglain ko. Mabuti nga nakapag pigil pa ako kagabi kundi baka di ka na talaga makatayo.”
Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba sya o nagyayabang sa sinabi nya. Pero posible din talaga na hindi ako makatayo ngayon kung hindi sya nagpigil. Ngayon pa nga lang iika ika na nga ako at masakit pa ang gitna. Pero sa isiping mas kaya pa nyang higitan ang nagawa kagabi ay may parte sa aking loob na nanabik.
Pumikit ako ng mariin at bahagyang ipinilig ang ulo kasabay ng pagiinit ng aking pisngi. Nakatikim lang ako ng sex nagiging horny na ako.
“Masakit na masakit ba talaga love? Kung gusto mo dalhin na kita sa hospital.”
Napalingon ako sa kanya. “Ayoko nga! Anong sasabihin ko sa doctor kapag tinanong ako? Nakakahiya lang no.”
Muli syang kumamot sa ulo at nangiti. “Sige, ibibili na lang kita ng gamot.”
“Saka.. ibili mo rin ako ng prutas.” Nakausli ang ngusong sabi ko sa malambing na boses. Kapag may nararamdaman ako ay gusto kong kumain ng prutas.
“Okay.. Saka huwag ka na munang pumasok sa eatery baka di mo kayanin. Sisilip na lang ako dun mamaya.”
“Talagang hindi ako papasok. Makakaabala lang ako doon. Tinawagan ko na kanina si Amelia.” Sa sitwasyon ko ngayon ay di talaga ako makakapasok. Bukod sa iika ika ako at mahapdi ang gitna ko ay siguradong uusisain din ako ng mga tauhan ko kung ano ang nangyari sa akin. Alangan namang sagutin kong nakipagjerjer kasi ako at first time ko kaya ganito.
Ngumiti sya at dumukwang sabay dampi ng halik sa aking labi.
“I love you.” Malambing nyang anas.
Napangiti na ako at tila nabawasan ang kirot na aking nararamdaman.
“I love you.” Malambing na anas ko rin sa kanya.
Binuhay na nya ang makina at pinausad na ang sasakyan palabas sa kanyang automatic na gate. Hawak nya ng isang kamay ang manibela at ang isang kamay naman ay hawak ang kamay ko.
Advance Merry Christmas everyone! Batiin ko na kayo ngayon dahil busy na ako the next few days. Nawa’y maging masagana ang pasko nyong lahat 😚🌲🧑🎄
Chapter 29
Kester
NAKANGITI ako sa kahera habang pinapunch nya ang mga items na binili ko. Patingin tingin kasi sya sa akin at sa mga pinamili ko na parang may gusto syang sabihin. Pati ang mga babaeng nasa likuran ko na mga nakapila rin ay patingin tingin din sa mga items na binili ko na parang may mali. Limang pack ng sanitary napkin, panty liners at feminine wash ang binili ko. Utos sa akin ni Crizel dahil naubusan na raw sya ng stock at dinatnan sya ngayon. May panghihinayang sa loob ko na dinatnan sya. Sana pala pinutok ko na lang sa loob nya para may baby na kami.
“Ang gwapo nyo naman sir.” Untag sa akin ng kahera na nangingiti.
“Thank you.” Nakangiting sabi ko.
Lalo namang napangiti ang kahera at namula pa ang mga pisngi. Pati ang katabi nyang kahera ay nangiti din na tila ba kinikilig.
“Artista po ba kayo sir o kaya model?” Tanong pa ng isa pang kahera.
“Nope. I’m a normal employee.”
Nagdududang tiningnan ako ng kahera mula ulo hanggang paa.
“Weh? Ini-eme nyo naman ako sir eh. Sa hitsura nyo di kayo mukhang simpleng empleyado lang, mukha kayong bigtime.”
“Oo nga sir. Siguro isa kayong ceo ng isang malaking kumpanya. Tama po ako no?”
Hindi ako sumagot at nginisihan lang sila.
“Sa kapatid nyo po ba ang mga ito sir?”
“No, sa girlfriend ko.”
Nawala ang ngiti ng kahera. “Ay taken na pala kayo sir. How sad naman.”
“Hindi naman nakakasad no. Girlfriend pa lang naman at hindi pa asawa.” Sabat ng isa pang kahera.
“But soon she will be my wife.” Hirit ko pa.
Sabay na tumingin sa akin ang dalawang kahera.
“Nagpropose na kayo sir?” Sabay pa nilang tanong.
Ngumisi ako at inabot ang isang libong papel.
“Soon. Keep the change.” Saad ko at binitbit na ang supot.
Nag excuse na ako sa dalawang kahera na parehas nakanganga at lumabas na ng convenient store. Nakasalubong ko naman ang isa sa malaking kliyente ng kumpanya.
“Mr. Belleza.” Malawak ang ngiting bati sa akin ni Mr. Joselito Pineda.
“Mr. Pineda, good afternoon.” Nakangiting ganting bati ko rin.
Bumaba ang tingin ni Mr. Pineda sa bitbit kong grocery. “Hindi ko akalain na marunong ka palang maggrocery Mr. Belleza.” Manghang sabi nya.
Ngumisi naman ako. “Basic lang ito Mr. Pineda.”
“Pero pinahanga mo ko Mr. Belleza. Hindi ko inaasahan na makakasalubong kita rito.”
“Same here Mr. Pineda.” Natatawang sabi ko. “May bibilhin din ho ba kayo sa loob?”
“Ah hindi ako, ang unica hija ko. Sinamahan ko lang sya.”
Sakto namang lumapit sa amin ang isang babaeng mestisahin, maputi at balingkinitan. Sa tantya ko ay mga nasa edad desi nuebe o beinte ito. Titig na titig ito sa akin at nangingislap pa ang mga mata na para bang namamangha sa nakikita.
“Anyway Mr. Belleza this is my unica hija and bunso. Sweetheart this is Mr. Belleza. The owner and ceo of Mystiq Malls.” Pagpapakilala ni Mr. Pineda sa aming dalawa ng kanyang anak.
“Omg! Finally I met you. I’m Stella Pineda Mr. Bellza. Daddy always talk about you. You’re so gwapo.” Kinikilig pa na nilahad ni Stella ang kamay sa akin.
Nginitian ko naman sya at tinanggap ang kanyang kamay. “Nice to meet you too.”
Humagikgik sya at kumagat labi. Kumapit sya sa braso ng ama habang titig na titig pa rin sa akin.
“You know what Mr. Belleza matagal ka ng gustong makilala ng personal nitong unica hija ko. Hindi nga lang nagkakaroon ng pagkakataon dahil parehas tayong busy at busy din sya sa kanyang school. Idol na idol ka nya.”
“Daddy huwag mo naman akong ibuko.” Nakangusong wika ni Stella na parang nahihiya.
Napangisi na lang ako dahil obvious namang nagkukunwari lang syang nahihiya.
“I’m just telling the truth sweetheart.” Natatawang sabi ni Mr. Pineda na halatang mahal na mahal ang anak.
Mabait si Mr. Pineda at ilang taon na rin syang kliyente ng kumpanya. May ari sya ng isang kilala at malaking clothing company.
Hinugot ko ang cellphone sa bulsa ng tumunog ito. Napangiti ako ng makitang may text si Crizel. Tinatanong nya kung papunta na ako sa bahay nila. Agad naman akong nagreply.
“Excuse me Mr. Pineda, Stella. I have to go now.” Paalam ko sa mag ama.
“Oh sure Mr. Belleza. Magkita na lang tayo sa year end party.”
Ngumiti ako sa mag ama bago ko sila nilampasan at nilapitan ang nakaparada kong sasakyan.
“Bye Mr. Belleza!”
Nilingon ko si Stella at kinawayan bago pumasok ng sasakyan. Excited na akong makapunta sa bahay nila Crizel para makita sya. Isang araw lang kaming di nagkita miss na miss ko na sya. Hindi sya pumasok ngayon sa eatery dahil unang araw ng kanyang period at wala syang ganang kumilos.
“Thank you love.” Nakangiting sambit ni Crizel ng iabot ko ang plastic bag.
“You’re welcome. May kailangan ka pa?” Malambing na tanong ko. Kinikilig ako kapag tinatawag nya rin akong love. Noong unang beses nga nya akong tinawag na love ay muntik pa akong maihi sa kilig.
“Wala na, ito lang ang kailangan ko. Kamusta na ang convention na dinaluhan mo sa Davao? Sabi mo tatlong araw ka dun.”
Nagkibit balikat ako. “Nabored ako kaya umuwi na ko. Saka namimiss kita.”
Tumaas ang kilay nya. “Namimiss mo ko? Eh tatlong araw lang naman tayong di magkikita. Saka madalas naman tayong magvideo call.”
“Huwag mong nilalang ang tatlong araw love. Matagal na panahon na yun para sa akin. Alam mo namang di buo ang araw ko kapag hindi kita nakikita at nahahawakan sa isang araw.”
Kahapong nasa Davao ako kaharap ang mga kapwa ko negosyante ay lumilipad ang isip ko dito sa Manila. Hindi ako makapag concentrate dahil namimiss ko sya. Hindi sapat sa akin ang video call at tawag lang. Kaya umuwi na ako at ang secretary ko na lang ang pinadalo ko doon.
“Sira ka talaga. Tatlong araw lang di ka makatiis. Importante yung convention na yun di ba?”
“Oo nga. Pero mas importante ka.”
Nanulis ang kanyang nguso at inirapan ako ngunit namumula naman ang kanyang pisngi. Ngumisi ako. Alam kong kinikilig sya. Kaya lalo ko syang minamahal eh. Kung wala nga lang syang period niyaya ko na sya sa bahay.
“Tito Kestel lapit na po pasko.”
Lumapit sa akin si Glen na may hawak na malaking mansanas. Napangisi ako ng isubo nya ang mansanas. Para syang maliit na litson.
“Eh ano ngayon kung malapit na ang pasko.” Pang aasar ko at pinisil ng bahagya ang kanyang matambok na pisngi.
Ngumuso ang paslit. “Papasko ako sayo.”
“Ano bang gusto mo sa pasko?” Tanong ko pa pero alam ko naman kung ano ang isasagot nya.
“Daming tingkwenta.” Malawak ang ngiting sabi nya. Lumitaw pa ang matatalim nyang ngipin. Tatlong taong gulang pa lang sya pero matatas ng magsalita at marami ng alam.
“Ayaw mo ba ng pinsan?” Nakangising tanong ko ulit.
“Anong pinsan?” Pinandilatan ako ng mata ni Crizel sabay palo sa aking braso.
Natatawang hinimas ko na lang ang braso. Pulang pula ang mukha ni Crizel na parang kamatis na.
“Magandang gift yun love.”
“As if naman ganun lang kadaling ibigay yun sa kanya.”
“Oo naman. Isang putok – hmp!” Naputol ang aking sasabihin ng takpan nya ng kanyang kamay ang aking bibig at pinandilatan ako ng mata. Pulang pula na rin ang kanyang mukha.
“Bibig mo may bata.” Sita nya sa akin at tinanggal na ang kamay sa aking bibig.
Nangingising tiningnan ko si Glen na enjoy na enjoy na pumapangas ng mansanas na nakalahati na nya.
“Hindi naman bata yan eh. Matanda na yan nakulong lang sa katawan ng bata.”
“Sira.” Natatawang sabi ni Crizel at kinabig si Glen na tumingin na sa aming dalawa.
“Papasko po ako sayo Tito Kestel ha. Huwag mo po lilimutan.”
“Oo na.” Binuhat ko sya at inupo sa gitna namin ni Crizel. Mabigat talaga ito at malusog kaya nakakapanggigil minsan. Sana kasinglusog din nya ang magiging baby namin ng tata nya.
Bumaling ako kay Crizel na tinitingnan ang mga binili kong sanitary napkin.
“Syanga pala love, year end party ng company sa friday. Isasama kita.”
Nag angat sya ng kanyang mukha at tumingin sa akin.
“Isasama mo ko?”
“Yes, ok lang ba?”
Saglit syang nag isip. Hindi ko naman sya pipilitin kung ayaw nyang sumama pero mas gusto ko na sumama sya.
“Hmm ok lang. Anong oras ba ang year end party?”
“7pm, 80’s pop ang theme.”
Tumango tango sya. “May 80’s outfit ka na?”
“Wala pa. Pero may kilala akong stylist. Kokontakin ko sya para sa outfit natin.”
“Ok.”
Ngumiti ako at hinalikan sya sa sentido. Excited na akong ipakilala sya sa mga employees ko at mga business partners.
.
.
Crizel
“MASARAP itong baked liempo mo iha. Halatang espesyal at mura pa.” Komento ni Lolo Ramon na sunod sunod ang subo ng kanin at baked liempo.
Galing ang mag asawa sa kanilang doctor at nagpa check up. Dito na sila sa eatery dumiretso dahil nagugutom na raw.
“Maghinay hinay ka Ramon. Baka mamaya sumakit ang batok mo.” Sita ni Lola Constancia na eleganteng kumakain. Chopseuy naman ang kanyang nilalantakan at nilagang baka. Kung tutuusin simpleng ulam lang naman ang mga yun pero sarap na sarap sila at parang ngayon lang nakakain ng mga yun.
“Ayos lang yan honey. May pineapple juice naman at gamot tayong dala.” Natatawang sabi ni Lolo Ramon.
Napakagat labi na lang ako at napangiti habang pinapanood silang naglalambingan. Ganito sila maglambingan at nakakatuwa sila. Parang nakikita ko ang sarili ko at si Kester.
Pangatlong beses na nila itong pagpunta dito sa eatery. Yung una ay sinamahan sila ni Kester. Nahiya pa nga ako dahil baka hindi nila magustuhan ang eatery ko. Syempre alam kong sanay silang kumain sa mga high class restaurant. Kaya sobrang tuwa ko ng magustuhan nila ang eatery ko. Madalas na rin silang magpabili dito kay Kester.
“Pagpasensyahan mo na itong matandang to iha. Sobrang tigas talaga ng ulo.” Baling sa akin ni Lola Constancia at uminom ng tubig sa baso.
“Kung makatanda ka naman honey samantalang isang taon lang ang agwat ng edad natin.” Pang aasar pa ni Lolo Ramon.
Sinamaan ng tingin ni Lola Constancia si Lolo Ramon. “So anong ibig mong sabihin Ramon? Na matanda rin ako?”
“Sabi ko nga ako lang ang matanda.” Biglang kabig ni Lolo Ramon.
Pinigilan ko naman ang sariling matawa. Bilib na bilib din talaga ako kay Lolo Ramon. Mahaba ang pasensya nya sa pagsusungit ni Lola Constancia. Parang si Kester sa akin. Ako naman ay pakunwari lang kung magsungit para takpan ang kilig.
“Maraming salamat iha sa masarap na pagkain.” Nakangiting sambit ni Lolo Ramon ng ihatid ko na sila sa kanilang sasakyan.
“Wala pong anuman Lolo Ramon. Balik lang po kayo anytime na gusto nyo.”
“Aba’y talagang babalik ako. Meron pa akong hindi natitikmang putahe. Yung binagoongang baboy di ko pa yun natitikman dito. Sa sunod balik namin yun na ang lalantakan ko.”
“Magtigil ka nga Ramon. Aalis na tayo’t lahat pagkain pa rin ang nasa isip mo.”
“Masarap kasi ang mga pagkain dito sa eatery ni Crizel honey.”
“I know, pero kaunting hinay naman. Hindi ka na bata na malakas ang panunaw.” Parang batang sinesermunan ni Lola Constancia si Lolo Ramon.
Hindi ko na napigilang matawa sa kakyutan nilang dalawa. Kung nandito si Kester siguradong gagatungan pa nya si Lolo Ramon.
“Iha malapit na ang pasko. Pwede bang makasama ka namin sa noche buena? Para naman may kakampi ako sa maglolo.” Lambing sa akin ni Lola Constancia at hinawakan pa ang aking kamay.
“Opo naman Lola Constancia. Sige po sa inyo ako magno-noche buena.” Walang pagdadalawang isip na pagpayag ko.
“Salamat iha.” Nakangiti ng wika ni Lola Constancia at niyakap ako.
Masarap sa pakiramdam kapag naglalambing ganito ang dalawang matanda sa akin. Damang dama ko senseridad nila at pagtanggap sa akin sa kanilang pamilya. Pamilya na rin ang turing ko sa kanila.
Ng mawala na sa aking paningin ang sasakyan na lulan ni Lolo Ramon at Lola Constancia ay pumasok na ako sa loob ng eatery. Naabutan ko ang mga tauhan kong nag uusap tungkol sa mga binili nila galing sa bonus na binigay ko. Dahil maganda naman ang kinita ng eatery ko sa buong taon ay medyo nilakihan ko ang binigay na bonus kaya naman masaya sila at ganado magtrabaho. Deserved naman nila yun.
Pumasok ako sa maliit kong opisina at umupo sa swivel chair. Sakto namang nagring ang cellphone ko. Tumatawag si Cristoff. Dinampot ko ito at sinwipe ang green button.
“Hello Cristoff.”
“Ate, umuwi ka muna. Nandito si Kuya Gerald kasama ang mga magulang nya. Nanggugulo sila at gustong kunin si Tonya at Glen.”
Pumikit ako ng mariin ng marinig ko nga sa kabilang linya ang sigawan nila Gerald, Clarissa at Tiyang Amparo. Nag alala ako sa dalawang pamangkin.
Lintek talagang Gerald na yun. May kapal pa ng mukhang pumunta sa bahay at nagdala pa ng back up.
“Sige uuwi na ako. Huwag nyong hayaang makuha ang dalawang bata.”
Pinatay ko na ang cellphone sabay tayo. Kinuha ko ang shoulder bag at sinukbit sa balikat. Nagmamadaling lumabas ako sa maliit kong opisina at pumasok sa kusina para bilinan si Amelia at ang iba ko pang tauhan. Kung makakalipad nga lang ako ay ginawa ko na para makauwi agad. Gigil na akong makaharap ang walang hiya ama ng mga pamangkin ko.
Kamusta ang pasko nyo guys. May natitira pa ba o waley na? 😆
Chapter 30
Crizel
PAGDATING ko sa bahay ay naabutan ko pa rin si Gerald at ang kanyang mga magulang na nakikipagtalo at nakikipagsigawan kay Clarissa at Tiyang Amparo. Walang gustong magpatalo. Pero nagiinit talaga ang dugo ko kapag nakikita ko si Gerald. Hindi ko makalimutan ang ginawa nya kay Glen noong huling pagkikita namin. Hindi ko pa rin talaga sya mapapatawad.
“Ate.” Lumapit sa akin si Cristoff ng makita ako sa pintuan. Mukhang di pa kasi ako napapansin ng mga nagbabangayan.
“Nasaan ang dalawang bata?” Agad kong tanong.
“Nasa kwarto ate. Pinapasok ko muna dun dahil nagiiyakan kawawa naman. Ito kasing si Kuya Gerald muntik ng saktan si Clarissa. Mabuti at napigilan ko agad.”
“Ano?” Tila nagdilim ang aking paningin sa sinabi ni Cristoff.
Nilampasan ko ang kapatid at tiim bagang na lumapit sa mga nagbabangayan. Natigilan naman sila ng makita ako lalo na si Gerald. Mataray na hinarap ko sila. Matapang din ang mga mukha ng mga magulang ng huli lalo na ang ina.
“Mawalang galang na po. Nasa pamamahay po namin kayo. Ilugar nyo po sana ang pageeskandalo nyo.”
Tiningnan ako ng ina ni Gerald mula ulo hanggang paa na parang inuuri ako. “Eh anong pakialam ko kung pamamahay nyo to? Ibigay nyo sa amin ang mga apo namin!” Nakapamewang at matapang na sabi nya.
“Oo nga! Mainam na ibigay nyo na lang ang nga bata sa amin para wala ng gulo!” Segunda pa ng tatay ni Gerald.
“Kuh! Ang kakapal talaga ng mga mukha ng mga ito. Sa kanila nga nagmana ang anak nila. Ikaw nga ang makipag usap dyan Crizel ay hina-high blood ako sa mga yan.” Inis na usal ni Tiyang Amparo sa aking likuran. Si Clarissa ay mangiyak ngiyak na ang hitsura sa inis. Awang awa ako sa kapatid at muntik pang saktan ng lalaking kinakasama.
Humugot ako ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Hindi pwedeng makipag sabong ako agad kahit gustong gusto ko. Kailangan manatili akong kalmado at sibil dahil walang mangyayari kung magpapadala ako sa bugso ng damdamin.
“At bakit naman po namin ibibigay sa inyo ang mga bata?” Taas noo at mataray na tanong ko.
Natigilan ang mag asawa. Akala siguro nila masisindak ako sa tapang nilang wala sa lugar.
“Anak, sino ba itong babaeng to?” Tanong ng ina ni Gerald sa huli.
“Ma, sya po ang ate ni Clarissa. Yung kontrabida sa aming dalawa.” Pasumbong na sabi ni Gerald na ngumisi pa.
Lalo tuloy akong nanggigil na kalmutin sya sa mukha.
“Aba’t ikaw pala ang ate! Ikaw ang anay sa mag asawa. Hoy miss! Wala kang karapatan sa mga apo ko. Tiyahin ka lang nila na pakialamera! Anak sila nitong anak ko kaya mas may karapatan kami!” Tungayaw pa ng ginang.
“Una sa lahat hindi mag asawa ang anak nyo at kapatid ko dahil hindi sila kasal. May karapatan po ako misis. Pamangkin ko sila at mahal ko sila. Kaya di ko hahayaan na mapunta sa inyo lalo na dito sa walang kwenta nyong anak ang mga pamangkin ko.”
“Anong walang kwenta?” Tila umuusok na ang ilong sa galit ang ginang.
“Bakit? Totoo naman ah! Walang kwenta yang anak nyo. Hindi nya kayang tustusan ang pangangailangan ng mga bata. Ang kinikita nya sa pagtatrabaho nya ay pinambabae lang nya at bisyo. Yung anak nyo ang malaking anay. Mabuti nga at hiniwalayan na yan ng kapatid ko.”
“Aba’t ang kapal ng mukha mo na sabihing walang kwenta ang anak ko!”
Akmang susugod ang ginang pero tinaas ko ang aking kamao.
“Sige subukan nyong sugurin ako, sasargo ang dugo dyan sa ilong nyo. Wala akong pakilam kahit matanda kayo sa akin.” Banta ko. Pero di talaga ako mangingiming sapakin ang ginang kapag sinaktan nya ako o isa sa pamilya ko. Nauubos na ang pasensya ko.
Natigilan naman ang ginang. Pigil pigil naman sya ni Gerald sa balikat.
“Ma, malakas manuntok yan parang lalaki.” Dinig kong sabi ni Gerald sa mahinang boses.
“Sige subukan nya ang tapang nya. Saktan nya itong mama mo. Idedemanda natin sya at ipakukulong.” Hamon naman ng ama ni Gerald.
“Huh! Hindi nyo ko maipakukulong kahit saktan ko kayo. Baka kayo ang ipakulong ko dahil trespassing kayo at nanggugulo. Ano gusto nyo?” Banta ko rin.
Natahimik rin ang ama ni Gerald na mukha lang siga pero halatang wala namang ibubuga.
“A-Ate anong gagawin natin? A-Ayokong ibigay sa kanila ang mga anak ko.” Untag sa akin ni Clarissa na naiiyak na.
“Hindi natin ibibigay sa kanila ang mga bata. Akong bahala.” Hinawakan ko ang braso ni Clarissa at pinisil para pakalmahin sya.
“Ate naman, huwag ka ng makipag matigasan. Ibigay mo na lang sa akin ang mga anak ko. May karapatan din ako sa kanila.” Sabat ni Gerald.
Tumaas ang kilay ko. “O ngayon anak mo na sila? Samantalang tinanggi mo noon si Glen sa harap ng babae mo. Ang kapal talaga ng mukha mo.”
Hindi agad nakaimik si Gerald at humimas sa batok. Gustong gusto ko na syang batukan at sipain palabas ng bahay.
“Kung talagang nagmamatigas kayo sige, idaan na lang natin ito sa legal na proseso.” Anang ginang na taas noo at makikitaan ng kumpyansa.
“Aba’y mabuti pa nga ng magkaalaman na kung sino ang mas may karapatan.” Sabat ni Tiyang Amparo.
Ngumisi ang ginang. “Pero sinisiguro ko sa inyo sa amin mapupunta ang mga bata.”
“Huwag kayong magpapakasiguro misis. Nasa batas na ang batang sanggol pa lang at nasa pitong taon ay dapat nasa pangangalaga ng ina. Titingnan din ng husgado ang background nyo kung capable ba kayo mag alaga ng bata. Siguradong doon kayo bagsak. Ano bang hanap buhay nyo? Hindi ba’t parehas lang kayong mag asawa na sugarol at sabungero. Itong anak nyo? Walang stable na trabaho at palipat lipat, babaero pa at lasenggero. Kaya sige idaan natin to sa legal na proseso. Walang problema.” Nakangising sabi ko. Akala siguro nila matatakot nila ako sa sabaw nilang banta.
“What’s happening here?”
Sabay sabay kaming napalingon sa pintuan. Pumasok si Kester na nakapang opisina pa. Niluwagan nya ang necktie at lumapit sa amin. Kunot noong tiningnan nya ang pamilya ni Gerald. Ang huli naman ay namutla.
“Sino naman to anak? Ang laking tao.” Tanong ng ginang na nakatingala kay Kester. Hinagod pa nya ito ng tingin.
“N-Nobyo sya ni Ate Crizel ma. Umalis na tayo.” Ani Gerald na gumuhit ang takot sa mukha.
“At bakit tayo aalis? Hindi pa tayo tapos makipag usap at hindi pa natin nakukuha ang mga bata.”
“Basta umalis na tayo ma. Delikado ang taong yan.”
“May problema ba?” Maawtoridad na tanong ni Kester.
Sigang lumapit ang tatay ni Gerald kay Kester pero agad din syang natigilan ng masalubong ang matalim na tingin ni Kester. “Oo may problema – p-pero aalis na kami. A-At pagbalik namin may dala na kaming attorney. Tayo na umalis na tayo.”
Tumalikod na ang pamilya ni Gerald.
“Ayos lang kayo?” Tanong naman ni Kester sa amin. May pag alala sa kanyang mukha.
“Ayos lang kuya, pero si Ate Clarissa muntik ng saktan ni Kuya Gerald.” Sumbong ni Cristoff.
“What?” Nagsalubong ang kilay ni Kester at lumingon sa pintuan. Nakalabas na ang mag anak. Akmang susundan ni Kester pero pinigilan ko sya sa braso.
“Huwag mo ng sundan hayaan mo na. Mabuti nga at umalis na sila.” Sambit ko. “Bakit ka pala nandito?”
Bumuntong hininga sya. “Tinawagan ako ni Cristoff.”
“Naabala ka pa. Hindi ka na lang dapat pumunta.”
“Dapat lang na pumunta ako baka kung mapano pa kayo. Puro pa kayo babae dito. Ang mga bata nasaan?”
Napabuntong hininga rin ako. Tama naman sya. Maganda na ring nandito sya. Halatang natakot ang pamilya ni Gerald sa kanya.
“Nasa kwarto.”
“Kuh mabuti nga at dumating ka Kester. Ke aangas ng pamilyang yun. Maaasim naman.” Ani Tiyang Amparo na may hawak ng isang basong tubig habang himas himas ang ibabaw ng dibdib.
Si Clarissa ay pinalabas na sa kwarto ang dalawang bata na parehas umiiyak. Awang awa ako sa mga pamangkin. Kung bakit naman kasi nagkaroon sila ng ganoong klaseng ama.
“Mama huwag nyo po kaming ibigay kay lolo at lola. Ayaw ko po dun.” Umiiyak na sabi ni Tonya at yumakap silang magkapatid kay Clarissa.
“Hindi ko kayo ibibigay sa kanila mga anak. Kahit anong mangyari. Pangako yan.”
“Kailangan nyo ba ng abogado? Irerefer ko kayo sa abogado ko. Ako ng bahala.”
“Hindi na, kaya na namin.” Tanggi ko. Nakakahiya naman na abalahin ko pa sya.
“Love, gusto ko kayong tulungan. Ayoko rin namang mapunta ang dalawang bata sa pamilyang yun. Magiging kawawa lang sila. Magpakatino muna ang ama nila at maging responsable.”
Nasa mukha talaga nyang desidido syang tumulong.
Tumango na lang ako.
Pumungay naman ang kanyang mukha. Tumaas ang kanyang kamay at hinaplos ang aking pisngi.
“Ikaw, ayos ka lang?”
“Ayos lang, pero pakiramdam ko tumataas ang presyon ko sa mag anak na yun lalo na sa Gerald na yun. Ang kapal ng mukha.”
Kinabig nya ako at dinampian ng halik sa noo. Ngayon nandito na sya ay lumuwag na ang dibdib kong naninikip sa inis kanina.
“Mas magandang dumulog na tayo sa korte para hindi na makapanggulo ang pamilyang iyon.” Suhestiyon nya.
Sumangayon na rin ako para lumugar na ang pamilyang yun lalo na si Gerald.
Dahil sa pangyayari ay hindi na ako bumalik sa eatery. Si Kester naman ay hindi na rin bumalik sa kanyang opisina at tinawagan na lang ang secretary. Nag aalala kasi sya na baka bumalik ang pamilya ni Gerald at manggulo ulit.
2 chapters ang handog ko sa inyo tonight 🤗
Chapter 31
Crizel
PAREHAS kaming napangisi sa isa’t isa ni Kester ng lumabas kami ng fitting room. Naka couple outfit kami para sa kanilang year end party na 80’s pop ang tema. Makulay na short sleeve polo ang aming suot. Kulay pine green naman ang maong na palda ko at ganun na rin ang pants nya. Kulay pula naman ang sandals ko na may one inch na takong at ang kanya naman ay kulay brown na leather wing tip. Ang natural kong kulutan na buhok ay nakalugay at may headband na kulay pine green din. Ang make up ko ay 80’s inspired din. Para talaga kaming bumalik ni Kester sa taong 80’s.
“Perfect couple!” Ani Gigi ang binabaeng stylist na kilala sa mundo ng styling fashion. Pumalpak pa sya habang sinusuyod kami ng tingin ni Kester.
Kaibigan sya ni Rick. Noong una ay mataray ang pakitungo nya sa akin pero ng malaman nya na best friend ako ni Rick ay bumait at naging machika.
“Thank you Gigi.” Nakangiting sambit ko.
“Huwag kang magthank you dyan. Bayad ko yan.” Nakangising singit ni Kester.
Inirapan naman sya ni Gigi at ngumiti sa akin. “Pasalamat ka kamukha ko tong bebe mo kundi triple ang sisingilin ko sayo.”
Lumapit sa akin si Gigi at inayos ang kwelyo ng polo.
“You’re so pretty Crizel. I like your natural curly hair. Ang lakas mong makasanta pero tong jowa mo alagad ni Lucifer mabuti na lang gwapo.”
Natawa ako sa hirit ni Gigi. Malakas naman kasing mang asar si Kester at mabubwisit ka talaga.
“Hayaan mo na sya. Ganyan na talaga yan.”
“Mabuti natitiis mo nyan. Masama kaya ang ugali nyan.”
“Hindi na uubra yang paninira mo sa kanya. Crizel loves me.” Pagyayabang ni Kester na tinitingnan ang sarili sa life size mirror. Tumingin pa sya sa akin at kumindat.
Pinapakilig na naman ako ng kumag.
Hinatid na kami sa labas ng shop ni Gigi. Sumakay na kani ni Kester sa sasakyan. Malapit ng mag umpisa ang year end party nila.
Pagdating sa venue ay marami ng tao. Para talaga kaming bumalik noong 80’s dahil sa mga suot ng mga empleyado at mga guest. Pakabugan ng makukulay na suot at 80’s pop song ang tugtog. Pati na ang mga dekorasyon at palamuti ay naaayon sa tema. Maraming bumabati kay Kester mga empleyado at mga guest. Halatang ginagalang sya at tinitingala ng lahat ng naroon. Kakaiba naman ang tingin nila sa akin. Alam kong nagtatanong sila sa isip kung sino ako. Hindi ko tuloy maiwasang mailang kaya mahigpit tuloy ang hawak ko sa kamay ni Kester.
“Are you ok love?” Untag sa akin ni Kester. Nilapit pa nya ang bibig sa aking tenga dahil halos hindi kami magkarinigan sa lakas ng tugtog.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Medyo naiilang lang. Ang dami mo palang empleyado at may mga special guest pa.” Sambit ko habang ginagala ang mata sa paligid.
Sa laki ng venue ay halos mapuno ito at marami pang mga dumarating. Kunsabagay malaking kumpanya ang pinamamalakad nya kaya di na nakakapagtaka na marami syang empleyado.
“Hindi pa lahat makakaattend dahil sa mga obligasyon nila sa kani-kanilang bahay.”
“Si Lolo Ramon at Lola Constancia pupunta din ba?”
“Nope. Ayaw nila ng mga ganito lalo na si Lola Constancia. Alam mo na ang mga seniors gusto tahimik lang. Dapat pala senior citizen na lang ang theme namin.”
Natawa ako sa huling hirit nya. “Sira. Pero pwede din tapos ikaw nakadiaper.”
“Ayos lang basta ikaw ang magsusuot sa akin ng diaper.” Nakangising sabi nya sabay tawa naming dalawa.
“Ehem excuse me lovers. Nakaharang kayong dalawa.”
Nilingon namin ni Kester ang nagsalita. Si Atlas pala kasama ang asawang si Jolene at kapatid na si Ava na cute sa 80’s outfit nya. Nginitian ko sila at nagbeso kami ni Jolene at Ava. Si Kester at Atlas naman ay nag fist bump at nagkamustahan na akala mo ay matagal hindi nagkita.
“You look so pretty in your outfit Ate Criz. And I love your hair parang gusto ko tuloy magpakulot na rin.”
“I’m sure bagay rin sayo ang kulot.” Segunda ko pa.
Maganda si Ava na cute lalo na kapag nakangiti mukha syang pilyang paslit. Maputi rin sya at makatawan. Yun nga lang medyo kinulang sa height.
“Really ate? Sayang hindi ako nagpakulot.” Nakangusong himutok nya.
“Sabi ko naman sayo kanina eh bagay sayo ang kulot.” Ani Jolene na parang artistang pinay noong 80’s ang dating sa outfit at sa make up.
“Oo nga eh. Sana pala sinunod kita.”
“Hindi bagay sayo ang kulot. Magmumukha kang santita.” Singit ni Kester na inakbayan ako.
Ngumuso si Ava at inirapan si Kester. “At least hindi demonyito.”
Malakas na tumawa si Atlas. Napabungisngis naman ako.
“Wala kang pamasko sa akin.” Pananakot pa ni Kester.
“Eme lang!” Biglang kabig ni Ava na ngiting ngiti na ngayon kay Kester.
“Kahit eme lang wala ka pa ring pamasko sa akin. Malaki ka na no.” Nakangisi ng sabi ni Kester.
Sumimangot ulit si Ava. “Binabawi ko na ang eme ko. Sana mauntog si Ate Crizel at i-break ang heart mo into pieces.”
“Hindi mangyayari yan. Patay na patay sa akin si Crizel no. Di ba love?” Baling sa akin ni Kester na ikinainit ng aking mukha. Hindi tuloy agad ako nakasagot.
“Parang baliktad yata pare. Ang alam ng barkada ikaw ang patay na patay kay Crizel college days pa lang. Iniyakan mo nga sya di ba?” Nakangising singit ni Kuya Atlas.
“Oo na. Hindi ko naman itatanggi yan.” Kinabig ako ni Kester at hinalikan sa sentido.
Para na tuloy sinisilaban sa init ang aking mukha. Idagdag pa ang nanunuksong ngiti ng mag asawang Atlas at Jolene at ni Ava. Pero di nakaligtas sa aking paningin ang nagtataasang mga kilay ng mga empleyado ni Kester. Hindi ko na lang sila pinansin. Basta natutuwa ako dahil ramdam ko ang pagpapahalaga sa akin ni Kester.
Lumapit sa amin ang isang organizer at giniya kami sa mesa namin. Nakasunod sa amin ang mga mata ng mga taong nasa paligid. Si Kester ay may malawak na ngiti habang ako naman ay kimi at nahihiya. Kasama namin ni Kester sa mesa si Atlas at Jolene pati na rin si Ava. Maingay dahil sa kwentuhan ng mga tao sa piligid idagdag pa ang kanta ni Madonna na Like a Virgin na pumapailanlang sa ere.
May lumapit sa aming waiter at nag alok ng champagne at wine. Champagne ang kinuha naming mga babae at wine naman sa dalawa. Hindi pa nagsisimula ang party pero nag eenjoy na ako. Nag excuse sandali si Kester at kinausap ang ilang mga guest na mukhang mga businessman din. Pati si Atlas ay may ilan ding kausap na guest sa kabilang mesa. Kaming mga babae naman ay nagkwentuhan na lang sa aming mga pang araw araw na buhay.
Maya maya pa ay dumating ang dalawa pa sa kaibigan ni Kester. Si Luigi kasama ang asawang si Ivona na magandang maganda sa kanyang 80’s outfit. Nakakamangha nga dahil kahit may anak na sya ay mukhang dalaga pa rin. Lahat naman yata ng mga asawa ng mga kaibigan ni Kester ay parang mga walang anak at dalaga. Blooming sila at parang hindi nai-stress. Halatang alaga ng mga asawa.
Kung si Ivona ay blooming ang awra ay kabaliktaran naman ng kasabayan nilang si Matias na kunot na kunot ang noo at hindi mangiti. Nag alangan tuloy akong batiin sya dahil baka sigawan ako. Bukod tanging sya lang yata ang hindi naka 80’s outfit. Nakapang opisina lang sya minus necktie at coat. Tumingin sya sa akin at tinanguan lang ako bago umupo sa mesang katabi namin kasama ang mag asawang Luigi at Ivona. Kiming nginitian ko na lang sya.
“Ugh I hate noise! Kester pare, pwede bang sabihan mo ang organizer na hinaan ang tugtog. Masyadong maingay.” Reklamo ni Matias ng makabalik na sa tabi ko si Kester.
Pero nginisihan lang sya ni Kester. “Mag enjoy ka na lang pare.”
“Oo nga. Mag enjoy ka na lang kesa magreklamo Kuya Matias. And party to no! Kaya natural maingay at malakas ang tugtog. Kung ayaw mo ng maingay eh di dapat sa sementeryo ka pumunta. Tahimik na tahimik don.” Sabat ni Ava.
Tumawa naman si Kester, Atlas at Luigi.
Kinabahan naman ako ng samaan ng tingin ni Matias si Ava. Mukhang napikon sya. Sa kanilang magkakaibigan ay sya ang pinaka seryoso at bibihira ko lang makitang ngumiti.
“I’m not talking to you brat. So shut up.”
“Eh di wow.” Ani Ava na umikot pa ang mga mata.
Namilog ang mata ko sa pabalang na sagot ni Ava kay Matias. Ni hindi man lang sya makikitaan ng takot sa mukha. Eh kung tutuusin kayang kaya syang tirisin ni Matias ng pinong pino na walang laban.
“Tss, wala kang pamasko sa akin.”
Ngumuso si Ava na parang bata. “Huwag naman ganun Kuya Matias. Ikaw na nga lang ang inaasahan kong magbibigay sa akin eh.”
“Matanda ka na di ka na dapat namamasko. Para sa mga bata lang yun.”
“Basta mamasko pa rin ako sayo. Kapag hindi mo ko binigyan ibo-block kita sa lahat ng social media ko.”
Lalong nagsalubong ang kilay ni Matias. “May utang ka pa nga sa akin mamasko ka pa.”
“Iba naman ang utang sa pamasko. Ang utang binabayaran ang pamasko kusang loob na binibigay.”
At sa gitna ng ingay sa paligid ay patuloy na nagtatalo ang dalawa. Mapilit si Ava sa pamaskong hinihingi nya kay Matias kahit tigas tanggi pa rin ang huli. Natatawa na lang kami sa kanilang dalawa. Si Atlas ay napapailing na lang at napapangisi sa kakulitan ng kapatid.
Kinalabit ko si Kester. Lumingon naman sya sa akin na may ngisi sa labi.
“Ang lakas ng loob ng kapatid ni Atlas no. Binabara bara nya lang si Matias. Hindi sya natatakot?”
Lalong lumawak ang ngisi ni Kester na parang may alam sya.
“Atapang a tao talaga yang si Ava. Hindi tumatalab sa kanya ang kasungitan ni Matias. At isa pa nararamdaman ko may something sa dalawang yan.”
Tumaas ang kilay ko. Naintriga ako sa sinabi ni Kester. Kung ang something na sinasabi nya ay gaya ng naiisip ko ay posible nga. Habang pinagmamasdan ko ang dalawa na nagaargumento tungkol sa pamasko ay may chemistry nga ang dalawa. May spark. Isang masungit at ubod ng kulit.
Nilapit ni Kester ang bibig sa aking tenga.
“Malapit ng mag start ang party love.”
“Kakanta ka ba?” Biro ko sa kanya.
Ngumisi naman sya. “Kapag kumanta ako pepremyuhan mo ko?”
“Ano namang premyo ang ibibigay ko sayo eh mas marami kang pera sa akin?” Sa pagiisip pa nga lang ng ipangreregalo ko sa kanya sa pasko hilong hilo na ako eh. Kasi naman marami na syang pera at lahat ng bagay na magugustuhan nya ay kayang kaya nyang bilhin kahit gaano pa kamahal ng hindi sya naghihirap.
“Hindi naman pera o materyal na bagay ang gusto kong premyo eh.”
Tumaas ang kilay ko. “Eh ano?”
Ngumiti sya. Ngiting may bahid ng kapilyuhan.
“Ikaw.” Senswal nyang anas sa aking tenga.
Nag init na naman ang aking mukha at damay na rin ang buong katawan. Parang may bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa bawat hibla ng aking ugat na dumiretso sa puso ko na nagpabilis ng tibok nito at sa aking gitna na tila tumitibok na rin.
Napalunok ako. Tila ba bigla akong nauhaw. Dinampot ko ang champagne glass at inisang lagok ang laman nito. Tumingin ako kay Kester na nasa aking tabi at halos isang dangkal lang pagitan ng aming mukha. Sumalubong sa akin ang mapupungay nyang mga mata. Ganun na ganun ang tingin nya sa akin noong gabing inaangkin nya ako.
Napapitlag ako ng biglang magsalita ang host. Umayos ako ng upo at tumingin sa stage kung saan ang host ay nagsasalita. Pero si Kester ay nasa akin pa rin ang pansin. Pinaling ko ang kanyang mukha paharap sa stage.
“Naguumpisa na.”
Bahagya syang tumawa at hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa mesa. Ang mga bisita at mga empleyado ay sa stage na nakatuon ang mga pansin. Isa isa ng binabati ng host ang mga special guest na mga businessman at mga sponsors. Pati na rin ang mga nasa matataas na posisyon ng kanilang kumpanya. At ang pinakahuling binati at binigyan malakas na palakpakan ay si Kester na tinawag pa paakyat sa stage para mag speech.
“Let’s go love.” Tumayo si Kester at nilahad ang kamay sa aking harapan.
Namilog naman ang aking mga mata at bumilos ang tibok ng aking puso.
“K-Kasama ako?”
“Yes of course.” Nakangiting sabi nya.
Napalunok ako at tumingin sa paligid. Nakatingin ang lahat ng tao sa amin.
“Go Ate Criz!” Pagchi-cheer ni Ava.
Nakangiti rin sa akin si Jolene at si Ivona habang pumapalakpak.
Wala na akong choice kundi hawakan ang kamay ni Kester at tumayo.
Lalong lumakas ang palakpakan pati ang kabog ng aking dibdib ng maglakad na kami sa red carpet paakyat ng stage.
Chapter 32
Crizel
MULA ng ipakilala ako ni Kester na nobya at soon to be fiance and wife sa buong madla ay naging palangiti na sa akin ang mga empleyado nya. Yung kumag na yun binibigla ako. Hindi tuloy ako nakaimik sa stage kanina. Pero aaminin ko sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. Halos sumabog na nga ang puso ko sa tuwa. Ang sarap sa pakiramdam na ipagmalaki ng taong mahal mo.
Hindi ko pa nakokompronta si Kester dahil busy sya ngayon kausap ang ilang guest. Nag excuse lang ako saglit para kumuha ng dessert. Maingay pa rin sa paligid dahil nagumpisa na ang program. Nagbibigay ng iba’t ibang award para sa mga empleyado at hindi rin biro ang mga premyo. Bukod sa cash na malaking halaga ay may mga branded na kotse, sasakyan at mamahaling mga motor. Merong ding mga appliances na di rin biro ang halaga. Sana ol na lang talaga. Sa susunod na taon kapag maganda ang kita ng eatery ay ile-level up ko na rin ang papremyo para sa mga tauhan ko.
Nag iisip ako ng dessert na ilalagay sa platito ko. Marami kasing klase ng dessert at lahat ay masasarap. Aalukin ko nga sana si Kester pero mamaya na lang dahil busy pa sya sa mga kausap.
“Oh look who’s here. Ang hilaw na fiancee ni Mr. Belleza.”
Natigilan ako ng may babaeng nagsalita sa aking likuran. Humarap ako. May magandang babae ang nakatayo sa aking harapan pero mataray ang bukas ng kanyang mukha. Mukhang bata pa sya. Nakita ko sya kanina kasama ang may edad na lalaki na mukhang kanyang ama na kausap ni Kester.
Tumikhim ako at nagpalinga linga. “Ahm ako ba ang kinakausap mo miss?”
Umikot ang kanyang mata at humalukipkip. Sa hitsura nya at kilos ay halatang brat na nasusunod ang lahat ng gusto. Wala namang dudang anak mayaman sya.
“Sino pa ba sa tingin mo ang kaharap ko? Stupid.”
Umawang ang labi ko sa tinuran ng babae. Tila sumakit ang tenga ko ng sabihan nya akong stupid. Sya lang taong sinabihan ako ng ganoon.
“My gosh.. hindi ka naman pala ganun kaganda sa malapitan at maputi ka lang. You’re just average looking. Nothing special. Ano bang nagustuhan sayo ni Mr. Belleza? Mayaman ka ba? Anak ka ba ng kilalang politician? O anak ng isang ceo ng well known company like me? Or isa kang gold digger social climber na feeling nakajockpot.” Nanunuyang dagdag pa ng babae at binigyan ako ng mapangmatang tingin na para bang kilala nya ang buong pagkatao ko.
Napataas ang kilay ko. Binaba ko ang platitong hawak sa buffet table dahil baka maisampal ko ito sa pasmadong bibig ng babae. Alin lang sa dalawa, naging babae sya ni Kester na bitter at hindi pa maka move on o babaeng hindi pinansin at nagpapapansin.
“Hindi ako mayaman at hindi ako anak ng kung sinomang kilala mong mayaman. Lalo na hindi ako gold digger at social climber. And yeah I’m just average looking so what?” Mataray din na sabi ko.
Nanunuyang ngumisi sya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Hindi ka nababagay sa kanya – “
“At sino ang nababagay sa kanya ikaw?” Putol ko sa sasabihin nya at tiningnan din sya mula ulo hanggang paa. “Eh hindi ka rin naman maganda makinis ka lang. Hindi rin katangusan ang ilong mo at parang plywood ang katawan mo. Ang tapang pa ng pabango mo. Mayaman ka lang pero wala kang good manners and right conducts.” Bira ko sa babae.
Umawang ang labi nya at namula ang mukha sa inis. “What did you say!?”
“Are you deaf?” Sarkastikong sabi ko sabay ngisi at talikod.
Mamaya na lang ako kakain dahil baka kapag nagtagal pa na kaharap ko ang babae ay kung ano pa ang masabi ko. Importante nakabawi ako sa pang iinsulto nya. Hangga’t kaya kong umiwas sa mga gaya nya ay gagawin ko. Siguro ay dapat ko ring ihanda ang sarili para sa mga babaeng gaya nya lalo na at mas marami ng nakakaalam ng relasyon namin ni Kester.
Lumapit ako kay Kester at humawak sa braso nya. Lumingon sya sa akin at ngumiti sabay hawak sa aking bewang. May kausap syang half chinese na businessman na mukhang mabait naman. Lagi na akong dumidikit sa kanya kahit sino pa ang kanyang kausap. Baka kasi may ibang babaeng lumapit na naman sa akin at okray okrayin ako. Mapapaaway talaga ako ng wala sa oras.
“Nag enjoy ka ba?” Nakangiting tanong ni Kester ng makasakay na kami ng kanyang sasakyan.
“Oo naman. Masaya ding makiparty minsan. Thank you love sinama mo ko.” Malambing na sabi ko at hinilig ang ulo sa braso nya.
Tapos na ang party at nag uwian na ang mga guest. Ang tanging naiwan na lang ay ilang mga empleyado at mga staff ng event organizer na naguumpisa ng magligpit. Pasado alas dose na rin.
“Maliit na bagay love. From now on lagi na kitang isasama sa mga parties na dadaluhan ko.” Aniya at dinampian ng halik ang ulo ko.
“Huwag naman lagi paminsan minsan lang. Hindi naman ako mahilig sa mga party eh.”
“Fine, ikaw ang masusunod.”
Naingiting humarap ako sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi. Ang gwapo gwapo talaga ng kumag kaya maraming babaeng naghahabol. Pero sorry na lang sila dahil akin na sya.
“I love you..” Anas ko.
Ngumiti sya at dinampi dampian ako ng halik sa labi.
“I love you more love.”
Dumiin ang kanyang halik hanggang sa naging mapanakop na at mas naging agresibo pa ang kanyang labi. Hindi naman ako nagpadaig at tinugon ang kanyang halik sa mapusok na paraan.
“Hmm.. you’re so hot love..” Anas nya ng maghiway ang labi namin.
Bahagya ko namang habol ang aking hininga. Kumagat labi ako habang patingin tingin sa labi nyang namumula at mamasamasa dahil sa katatapos lang ng aming halikan. Gusto ko pa ng kanyang halik. Nag iinit ang aking pakiramdam. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakarami ako ng inom ng wine kanina o dahil sa mainit na halik na aming pinagsaluhan. Gusto ko syang makasama ngayong gabi.
Kinabig ko ang kanyang batok at siniil sya ng halik. Agad naman syang tumugon. Makapugtong hiningang halik ang kanyang iginanti.
Muling naghiwalay ang amin mga labi at mapupungay ang aming mga matang nakatitig sa isa’t isa. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pananabik sa akin.
“Uwi na tayo?” Mahinang usal nya.
Kumagat labi ako. Ayoko pang umuwi sa amin.
“Pwedeng.. doon na lang tayo sa bahay mo?” Nagiinit ang pisnging saad ko.
Umawang ang kanyang labi hanggang sa unti unti syang ngumiti. Nangislap ang kanyang mga mata. Alam kong alam nya ang nais kong ipahiwatig.
“Sure love.” Tila excited pa nyang sabi na lalo pang lumawak ang ngiti.
Umayos na ako ng upo ng buhayin na nya ang makina at pinausad na ito. Hinawakan nya ang kamay ko at natatawa pa kami. Halatang parehas kaming excited.
–
Pagpasok na pagpasok namin ni Kester sa kanyang bahay ay sinandal nya ako sa likod ng makapal na pinto at dinampi dampian ako ng halik sa gilid ng labi pababa sa leeg. Napapahagikgik naman ako na may kasamang mahihinang ungol dahil sa kiliti at sarap ng bawat dampi ng mainit nyang labi. Ngunit mayamaya lang ay puro ungol na ang namumutawi sa aking bibig lalo ng makarating ang kanyang labi sa ibabaw ng aking dibdib. Bukas na ang ilang butones ng aking polo kaya litaw na ang suot kong puting bra.
“Hmm Kester..” Mahinang usal ko habang napapaliyad at napapasabunot sa kanyang buhok. Lalong nadagdagan ang init na aking nararamdaman.
Nag angat sya ng mukha at sumubsob sa aking leeg. Nakakakiliti ang mainit nyang hininga na tumatama sa aking sensetibong balat.
“Fuck love.. parang di ko na kinakaya.” Anas nya.
Napatili ako ng bigla nya akong buhatin at patakbong umakyat ng hagdan. Mahigpit naman akong kumapit sa kanya.
“Ay ano ba! Huwag ka ngang tumakbo baka mahulog tayo sa hagdan.” Napapapikit na lang ako sa kaba.
Pero ang kumag ay tumawa lang at mas binilisan pa ang hakbang.
Pagpasok naman sa kanyang kwarto ay pahagis nya akong nilapag sa kama na aking ikinatili. Nagmamadaling tinanggal nya ang butones ng kanyang polo at ng di na makatiis ay hiniklas na nya ito. Akmang babangon ako pero hindi ko na nagawa dahil dinaganan na nya ako..
“U-Ughh shit Kester! Ahh! Sige pah! Uhmmm…” Tila nawawala sa sariling ungol ko habang mabilis na gumagalaw si Kester sa aking ibabaw.
Mahigpit akong nakahawak sa kanyang matigas na braso. Darang na darang ako sa masarap na sensasyong aking nararamdaman. Damang dama ko ang kanyang pagkalalaki na mabilis na naglalabas masok sa aking pagkababae. Masarap ang kiliting dulot ng bawat hagod nito sa aking loob.
“Ugh fuck love you’re so fucking tight! Ang sarap mo puta!” Mura nya sa pagitan ng mga ungol at mas lalo pang binilisan ang bawat ulos.
Kung nasa normal kaming sitwasyon ay siguradong nasampal ko na sya dahil sa pagmumura nya. Pero ngayon ay nasa ginagawa lang namin ang buong atensyon ko. Saka parang masarap pakinggang ang mura nya sa ganitong sitwasyon. Nakakadagdag init. Ramdam ko ring sarap na sarap sya sa pag angkin sa akin.
“Ahh ahh – ohh my gosh! Shit! Unghhh!”
Umikot ang aking mata ng matamaan nya sensetibong parte sa loob ng aking pagkababae na nagdulot ng nakakabaliw na sarap. Nararamdaman ko na ngang malapit na naman akong labasan.
“U-Ughh love h-hayan na naman ako ohh!”
At sa tatlong sagad na ulos ni Kester ay muli na naman akong nilabasan. Nanigas at nanginig ang aking buong katawan. Hindi gaya ng una ay mas nag eenjoy ako ngayon at mas doble ang sarap na aking nararamdaman. Wala naman akong mairereklamo sa kanya dahil magaling talaga sya.
Hinugot na nya ang kanyang pagkalalaki at napasinghap ako ng bigla nyang inikot padapa. Hinawi nya ang aking kulutang buhok at hinalik halikan ang aking balikat pababa sa likod habang hinahaplos ito.
“Hmm love anong gagawin mo?” Paanas na tanong ko.
Ramdam kong may iba syang planong gawin lalo pa at bumaba pa sa aking puwitan ang kanyang halik at haplos.
“I’m going to fuck you from behind love.” Anas nya at pinisil pisil ang aking pang upo na may kasama pang pino nyang kagat at dila.
Napakagat labi naman ako sa kanyang ginagawa. May bumangon na namang panibagong init sa aking katawan.
“Ido-dog style mo ko?” Hindi ko alam kung bakit yun ang nasambit ko.
Tumawa sya sabay kagat ng marahan sa aking pang upo.
“Yes love ido-doggie style kita. I’m sure you will love it.” Natatawang sabi nya sabay palo ng marahan sa aking pang upo.
Muntik ko pa nga syang sipain ng utusan nya akong tumuwad pero sinunod ko na rin. Gusto ko rin namang subukan ang posisyong yun.
Pero bago nya ako muling angkinin ay pinagpala nya munang muli ng bibig ang aking pagkababae.
“Nghh love.. ang sarap hmm..” Ungol ko habang enjoy na enjoy sa kanyang dilang humahagod sa basa kong pagkababae.
Kakaibang kiliti talaga ang dulot ng kanyang mainit na dila na sinasamahan pa ng kanyang daliri na naglulumikot sa aking loob. Nakakadarang at nakakabaliw. Parang ayoko ng matapos ang gabing ito.
Pero nakaramdam ako ng pagkabitin sa kanyang ginagawa ng tumigil sya.
Sinilip ko sya sa likuran. Nakaluhod sya at hawak na ang kanyang naguumigting sa tigas na pagkalalaki.
“I’m going to fuck you now love.” Aniya.
Napakagat labi ako ng maramdaman ang kanyang pagkalalaking nakatutok na sa bukana ng aking pagkababae. Hinawakan nya ang isa kong balakang at napaawang ang labi ko ng unti unti ko ng nararamdamang muli ang pagpasok ng kanyang pagkalalaki.
“Ohh..” Mahinang daing ko ng isagad nya ang kanyang pagkalalaki. Pakiramdam ko ay sobrang lalim na ng naabot ng pagkalalaki nya sa aking loob.
“So good ahh..” Anas naman nya at dalawang kamay na nyang hawak ang aking balakang at mabagal ng umulos.
Mariin kong kagat ang labi habang impit na dumadaing. Mahigpit ang kapit ko sa kobre kama habang malayang tinatanggap ang bawat ulos nya. Kakaiba ang sensasyon at kiliting hatid ng ganitong posisyon sa aking pagkababae.
“Nghh ang sarap love.. bilisan mo pa uhmm..” Daing ko.
Humigpit ang kanyang hawak sa aking balakang at mas binilisan pa ang pagulos sa aking bukana na may kamasang gigil. Halos patili na ang bawat daing at ungol ko.
“Ughh ughh shit love! You feels so good.. so fucking good! Ugh fuck!” Kanyang ungol sa bawat mabibilis at mariring ulos.
Sobrang sarap ng aking nararamdaman at hindi ko na ito maipaliwanag. Para na akong nababaliw sa ungol ko at paulit ulit ang salitang namumutawi sa aking bibig. Napapatili pa ako sa tuwing sinasagad nya ang ulos. Sya naman ay parang galit na galit sa kanyang ungol na may kasama pang mga mura.
Bahagya syang dumapa sa aking likuran at sinapo ng isa nyang kamay ang dibdib ko at pinisil pisil ito. Hinalik halikan din nya ang aking buhok. Hinawakan nya ang aking mukha at pinaling palingon sa kanya. Siniil nya ako ng magaang halik na akin namang tinugon.
“I love you so much love..” Mahinang usal nya.
“I-I love you too – ahh!” Napadaing ako ng bigla syang umulos ng madiin na sunod sunod.
Sumubsob sya buhok ko habang pabilis ng pabilis na umuulos. May namumuo na namang tensyon sa may puson ko at anumang sandali ay muli itong sasambulat.
“U-Ughh love!” Patiling ungol ko kasabay ng muling paninigas at panginginig ng aking katawan at pag agos ng aking likido sa bukana ko.
“Ughh shit nghh!” Daing ni Kester sa aking likuran kasabay ng mariing ulos.
Naramdaman ko ang malapot na bagay na pumupuno sa aking loob. Pero hindi ko na yun pinansin at tuluyang dumapa sa kama habang habol ang hininga. Hapong hapo ang aking pakiramdam. Pumikit ako na may ngiti sa labi habang si Kester naman ay inuulan ako ng halik sa buhok at balikat.
Happy New Year everyone! Nauna ng nagpaputok si Kester 🎇😆
Chapter 33
Crizel
“HAPPY New Year!”
Matapos ang countdown ay sabay sabay ng sumabog sa ere ang iba’t ibang kulay ng fireworks na sinindihan ng mga tiyuhin kong mga nakainom na. Hile-hilera din ang mga fountain sa kalsada na nagpapasiklaban na rin. Kalat na rin ang usok sa paligid. Nakakarindi ang ingay na galing sa mga iba’t ibang klaseng paputok pati na mga torotot, bomba ng motor, mga nagkakantahan sa karaoke at kung ano ano pang pampaingay.
Maraming tao sa harap ng bahay namin. Nandito ang halos lahat ng kamag anak ko. Bumabaha ng pagkain lalo na mga alak at mga firecrackers sponsored by napapakitang gilas kong nobyo na si Kester. Pinagalitan ko nga sya kanina. Niyaya nya ang mga tiyuhin ko at may bibilhin lang daw. Akala ko ay alak lang pero may kasama pa palang mga paputok. Pinagalitan rin ng mga tiyahin ko ang mga tiyuhin ko sa pagaakalang ang mga ito ang nagpabili ng mga paputok kay Kester. Nakakahiya daw. Pero ang nobyo ko pala ang pasimuno.
Dito sya sa bahay namin nag New Year para makasama pa rin ako. Noong pasko kasi ay doon ako sa kanila kasama si Lolo Ramon, Lola Constancia, Rick at iba pa nilang mga kamag anak. Masaya ang paskong yun dahil nakilala ko ang ibang mga kamag anak nya. Maganda ang trato nila sa akin at tanggap nila ako para sa kanya. Umuungot na nga sila ng kasal sa amin at apo sa pamangkin. Ang sinabi lang ni Kester ay malapit na. Parang siguradong sigurado sya.
Dito naman sa amin ay ito ang unang beses na nakilala si Kester ng iba kong kamag anak. Tuwang tuwa sila na may nobyo na ako. Bonus pa nga daw na ubod ng gwapo at mayaman kaya huwag ko na daw pakawalan. Syempre obvious naman na tanggap na tanggap nila si Kester. Magaling pang makisama at mambola ang kumag.
“Happy New Year tata!” Bati sa akin ni Tonya at ni Glen na may mga hawak na torotot. Binati rin ako ng iba ko pang mga pamangkin sa pinsan na maliliit pa.
“Happy New Year too! O huwag kayong lumapit sa mga nagpapaputok ha. Mataman kayo mapuputol ang mga kamay nyo. Lalo ka na.” Bilin ko sa mga paslit lalo na kay Glen na pinaka makulit at pinisil pa ang matabang pisngi nya.
Nagpulasan na ang mga pamangkin ko at nanood ng fireworks. Lumapit naman sa akin ang mga tiyahin ko, tiyuhin at mga pinsan para batiin ako. Binati rin ako ni Cristoff at ni Clarissa.
“Happy New Year love.” Bati naman sa akin ni Kester at hinapit ako sa bewang sabay dampi ng halik sa aking sentido. Naaamoy ko pa ang alak sa kanya. Kainuman nya ang mga tiyuhin ko at mga pinsan.
Tumingala ako sa kanya at inabot ng halik ang kanyang pisngi. Medyo namumula na ang kanyang mukha dahil sa alak. Kanina pa sya umiinom kasama ang mga tiyuhin ko pero himalang di pa sya lasing. Mataas ang tolerance nya sa alak.
“Happy New Year too love. Tama na ang inom ha. Kanina ka pa umiinom.” Bati at saway ko sa kanya.
“Yes love. Sinasamahan ko na lang sila tito at mga pinsan mo.” Aniya na may ngisi sa labi.
Talagang tito na ang tawag nya sa mga tiyuhin ko ganun rin sa mga tiyahin ko. Close na close na nga sila na akala mo ay matagal ng magkakilala.
“Basta tama na ang inom ha. May kasalanan ka pa sa akin. Hindi mo man lang ako sinabihan na bibili ka ng paputok at sobrang dami pa.”
Kumamot sya sa ulo. “Sorry na, gusto ko lang naman matuwa sila tito.”
“Oo nga tuwang tuwa sila di na tinantanan ang mga paputok.”
“Sorry, next time di na ko bibili ng paputok torotot na lang.”
“Mainam. Ayos lang naman bumili ng paputok pero huwag naman sobra sobra.”
Tumango tango sya. “Noted po.” Muli nya akong dinampian ng halik sa pisngi.
Tinukso naman kami ng mga pinsan kong teenager. Nahiya naman ako ng kaunti dahil nakita nila ang lambingan namin. Pinicturan pa nila kaming dalawa. Ang kumag naman ay kuntodo pa ang yakap sa akin at pinagdikit ang aming mga pisngi. Tuloy ay nasa amin na ang atensyon ng lahat ng kamag anak ko na tuwang tuwa at kilig na kilig.
“Teka nasaan pala si Glen love? Ibibigay ko na ang pamasko nya. Nakapagpabarya na ako ng maraming tingkwenta.” Nakangising untag sa akin ni Kester.
Hindi nya napamaskuhan si Glen noong pasko dahil wala syang barya. Ayaw namang tumanggap ng ibang pera ni Glen dahil singkwenta lang kinikilala nyang pera. Kaya nangako si Kester na magpapabarya. Si Tonya lang ang binigyan nya ng pamasko noo na halagang limang libo. Big time ang kumag.
Tinawag ko na si Glen at agad naman syang lumapit kay Kester at nagpabuhat pa.
“Marami na akong tingkwenta.” Ani Kester at pinanggigilan na naman ang pisngi ng pamangkin ko.
Nagningning naman ang mga mata ni Glen.
“Talaga? Bibigay mo na po ako dami tingkwenta?”
Binaba ni Kester si Glen at dumukot sa loob ng body bag nya. Lalong lumiwanag sa tuwa ang mukha ni Glen at nagtatalon pa ng makita ang makapal na perang hawak ni Glen na puro singkwenta. Namilog naman ang mga mata ko.
“Huwag mong sabihing ibibigay mo yan lahat sa kanya?”
Ngumiti sya. “One thousand lang. Nagpromise ako sa kanya eh.”
Nagbilang na nga sya ng tigsisingkwenta na isang libo at binigay kay Glen. Tuwang tuwa naman lalo si Glen na nagtatalon at nagtitili pa.
“Thank you po Tito Kestel!” Humalik si Glen sa pisngi ni Kester at agad ng tumakbo kay Clarissa para ipatago ang pera.
Lumapit ang iba kong pamangkin kay Kester at namasko na rin. Pinagkaguluhan na sya ng mga pamangkin ko. Natatawang binigyan nya na rin ang mga ito. Marami pala syang pinabarya at para sya ngayong si Santa Claus na namimigay ng aguinaldo. Nakaramdam naman ako ng hiya pero mukhang siyang siya naman sya sa ginagawa at ang mga pamangkin ko naman ay masayang masaya rin.
“Crizel kelan ba kayo magpapakasal ni Kester?” Tanong ni Tiyang Gina. Ang kapatid ni mama.
“Hindi pa po namin napag uusapan yan tiyang. Magtatatlong buwan pa lang po ang relasyon namin.” Natatawang sabi ko sa pagitan ng pagnguya ng shanghai.
Hindi namin pormal na napaguusapan ni Kester ang tungkol sa kasal pero madalas naman syang magsabi tungkol sa pag aasawa at pagpapakasal. Para bang nagpapahiwatig sya. Kapag ganun ay sumisikdo ang puso ko sa kaba at pananabik. Pero ayokong mag expect. Pero kung sakaling yayain na nya akong magpakasal siguradong u-oo ako.
Nitong mga nakaraang araw ay madalas na akong nag iisip tungkol sa amin ni Kester. Sa future naming dalawa. Madalas kong maisip na ikakasal kami, magsasama sa iisang bahay, gabi gabing magkatabi na matulog sa kama at magkakaanak ng lima. Sabay kaming tatanda ng masaya. Nag iinit ang dibdib ko kapag naglalaro sa isip ko ang mga bagay na yun.
“Huwag mo ng pakawalan ang binatang yan Crizel. Naku para ka na ring nakajockpot sa lotto kung sya ang makakatuluyan mo.”
“Yan di ang sinasabi ko lagi sa kanya Gina. At isa pa di na rin sya bumabata. Dapat na ring magkapamilya na sya sa edad nya na yan.” Segunda pa ni Tiyang Amparo.
Tumango tango naman si Tiyang Gina. “Saka nakikita ko naman na seryoso sayo ang nobyo mo Crizel. Mukhang mahal na mahal ka.”
Napangiti ako at tumingin sa direksyon ni Kester na nakaupo sa mahabang mesa kasama ang mga tiyuhin ko at pinsan na tuloy pa rin sa inuman. Kahuntahan nya si Tiyong Juling. Siguradong marami na naman syang tsismis na masasagap. Yun na lang ang maipupuna ko sa kanya. Lalaking marites sya mabuti na lang gwapo.
Napabuntong hininga ako at napapailing ng alalayan ng dalawa kong pinsan at ni Cristoff si Kester na makahiga sa sofa. Lasing na sya. Paano ba namang hindi malalasing eh kanina pa sya umiinom at lahat ng tagay na ialok sa kanya ay iniinom nya.
“Ang bigat ni Kuya Kester. Parang napatid ang ugat sa likod ko ah.” Nakangiwing saad ni Kaloy na pinsan ko habang iniikot ang braso. May kalakihan na ang katawan nya pero nanakit pa rin sa pagalalay kay Kester.
“Pa’no ba naman ang laking tao nitong si Kuya Kester. Pinagpawisan nga ako o.” Ani Bart na pinupunasan ng hinubad na damit ang pawisang mukha at katawan.
“Ang lakas palang uminom ni Kuya Kester ate.” Komento naman ni Cristoff na medyo hinihingal pa.
“Paanong di malalasing yan eh tinagayan nyo ng tinagayan.” Nakapamewang na sita ko sa tatlo.
“Eh tanggap naman sya ng tanggap.”
Pinagbabatukan ko ang tatlo.
“Syempre hindi kayo matatanggihan nyan. Mga tukmol talaga kayo.”
Kakamot kamot lang sa ulo ang tatlo na mga nakainom na rin. Lumabas ang dalawa kong pinsan para alalayan na rin ang mga tatay nilang lasing na. Nagpaalam na rin ang iba naming mga kamag anak na uuwi na. Hindi naman malayo ang uuwian nila at sa kabilang baranggay lang. Ang iba naman ay dito lang din sa baranggay namin.
Nilapitan ko si Kester na nakapikit na at nakalagay ang isang braso sa noo. Sa hitsura nya ngayon ay siguradong hindi na sya makakabyahe pauwi at hindi ko rin naman sya papayagang bumiyahe.
“Sa kwarto mo na lang sya patulugin kesa dyan sa sofa. Mananakit lang ang katawan nyan paggising.” Suhestiyon ni Tiyang Amparo na nagkakape na.
Namilog naman ang mata ko. “Sa kwarto ko? Pero..”
“Oo sa kwarto mo. Ay sus! Huwag mong sabihing nahihiya ka pa. Ang tanda mo na.”
“Oo nga ate. Saka hindi naman kami strict. Ok lang sa amin na magtabi na kayo ni Kuya Kester.” Humahagikgik na sabi pa ni Clarissa na may tama na rin ng alak.
Hindi ako agad nakaimik. Mukhang ayos nga lang sa kanila na matulog sa kwarto ko si Kester. Kunsabagay botong boto nga pala sila dito at kulang na lang ay ipapikot sa akin.
Yumuko ako sa may paanan ni Kester para hubarin ang kanyang sneakers. Lumapit naman si Glen na hindi pa tulog at gising na gising pa. Natulog kasi sila ng ate nya kaninang hapon. Pero ang ate nya ay tulog na ngayon.
“Ang laki naman paa Tito Kestel. Parang paa ng daynasol.” Sambit ni Glen ng hilahin nya ang medyas ni Kester.
Natawa naman ako. Malaki nga ang paa ni Kester. Ano pa ba ang aasahan malaking tao sya. Pero infairness sa paa nya malinis at walang amoy. Mahahaba din ang mga daliri nya sa paa at hindi mukhang luya.
Gumalaw si Kester at nagmulat ng mata. Tumingin sya sa akin.
“Love..” Anas nya at dahan dahang bumangon.
Inabot nya ang kamay ko. Mapungay na mapungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
“Shorry.. nalasing ako..”
Ngumiti ako at sinuklay ang kanyang buhok. Ayoko sa lalaki ay lasinggero. Marami na kasi akong nakitang mga asawa ng mga kapitbahay namin na kapag nalalasing ay hindi nadadala ang sarili at nag aamok ng away. Pero sa nakikita ko naman kay Kester ay hindi sya ganun. Malayong malayo sa personalidad nya.
“Okay lang. Ang mabuti pa sa kwarto ka na matulog.”
“Sa kwarto mo?” Kumurap kurap sya at tumingin kay Tiyang Amparo at sa dalawa kong kapatid.
“Doon ka na lang matulog sa kwarto ni Crizel iho kesa dyan ka sa sofa sasakit lang ang katawan mo dyan.” Ani Tiyang Amparo.
Kumamot sa ulo si Kester. “Pashensya na ho Tiyang Amparo naging abala pa ko sha inyo.” Humingi rin sya ng paumanhin kay Clarissa at Cristoff.
“Ayos lang kuya di ka abala. Hindi ka naman na iba dito sa amin. Pamilya ka na namin.” Ani Cristoff at nagfist bump pa silang dalawa ni Kester.
“Shalamat brad.”
Tumayo na si Kester. Kaya naman nyang maglakad pero dahil mabuway ay inalalayan ko na sya. Tumulong din sa pagalalay si Glen. Hinawakan nya ang kamay ni Kester.
“Ang bait naman ni kulet.” Nakangising sabi ni Kester at pinisil ang pisngi ni Glen.
“Shempre dami ikaw bigay tingkwenta akin kanina eh.”
Natawa na lang kaming lahat sa inosenteng hirit ni Glen.
Pagdating sa kwarto ay agad syang umupo sa kama ko at iniwan na kami ni Glen. Hindi ito ang unang beses na nakapasok sya sa kwarto ko kaya pamilyar na sya dito pero ito ang unang beses na matutulog sya dito.
Nilapitan ko ang electric fan at tinodo ang hangin at tinapat sa kanya. Kumuha ako ng bimpo at lumapit sa kanya. Pinunasan ko ang pawis sa kanyang noo at leeg. Kinapa ko ang kanyang likuran. Medyo basa ito ng pawis kaya pinahubad ko sa kanya ang suot na t-shirt at pinunasan ang kanyang likuran. Yumakap sya sa akin at sinubsob ang mukha sa aking tiyan. Nangiti ako at sinuklay ng daliri ang kanyang buhok. Mukhang antok na antok na talaga sya.
“Mahiga ka na para makatulog ka.”
Umungol sya. “I love you.. Love you Crizelda..”
Parang nagsisirko ang puso ko sa sinambit nya.
“I love you too..” Anas ko at dinampian ng halik ang kanyang buhok.
Dahan dahan ko na syang tinulak pahiga sa kama ko. Medyo malapad naman ang kama ko kaya magkakasya kaming dalawa.
Umupo ako sa dulo ng kama at pinagmasdan si Kester na payapa na ang paghinga. Nakatulog na agad sya. Inabot ko ang kanyang pisngi at hinaplos haplos. Habang tumatagal lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya.
Chapter 34
Kester
“SIR dumating na po si Mr. Joselito Pineda kasama ang anak nya.”
Nag angat ako ng tingin sa secretary ko at ngumiti. “Papasukin mo na sila Mela.”
“Yes sir.” Lumabas na ang secretary ko.
Niligpit ko naman sandali ang mga documents na pinag aaralan ko.
Bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Pineda kasama ang anak nyang si Stella na may hawak na paper bag na may tatak ng kilalang international clothing brand.
“Happy New Year Mr. Belleza.” Masiglang bati ni Mr. Pineda at kinamayan ako.
“Happy New Year din ho sa inyo Mr. Pineda.” Natatawang bati ko.
Bagama’t walong araw na ang nakalipas mula ng magpalit ang taon at back to work na ang lahat. New Year pa rin naman dahil unang buwan pa lang ng taon.
“Happy New Year Mr. Belleza I have a gift for you. I hope you like it.” Nakangiting bati rin sa akin ni Stella at inabot ang hawak nyang paper bag.
Nakangiting kinuha ko naman yun. “Oh thank you Stella. You’re so sweet. I’m sorry wala akong gift.” Marahan kong tinapik ang kanyang ulo at nilapag sa desk ang paper bag.
“It’s ok hindi naman ako nanghihingi ng kapalit.”
“Naku kung alam mo lang Mr. Belleza, noong pasko pa nya gustong ibigay ang gift nya para sayo. Wala nga lang pagkakataon dahil busy ang lahat.” Natatawang sabi ni Mr. Pineda.
Nangingiti na lang ako. Hindi na bago sa akin ang mabigyan ng regalo. Marami rin akong natanggap noong pasko mula sa mga business partners ko, clients, mga empleyado at kung sino sino pa. Lahat naman ay magaganda at mamahalin pero ang regalo na pinaka gusto ko ay syempre yung galing sa nobya ko. Heto nga at suot suot ko na ang isa sa mga necktie na niregalo nya. Wala na daw syang maisip na pwedeng iregalo sa akin dahil lahat naman ay meron ako kaya necktie ang naisip nyang iregalo. Ayos lang naman sa akin kahit ano basta galing sa kanya. Kahit medyas na buntas pa yan tatanggapin ko at isusuot.
Iginiya ko na ang mag ama sa couch. Pag uusapan namin ngayon ang bago nyang proposal. Hindi lang sya kliyente ko kundi business partner na rin. Paminsan minsan ay sumisingit si Stella sa usapan namin at nagbibigay ng suhestiyon.
.
.
Crizel
MATAMAN kong pinagmamasdan ang dalawa kong pamangkin na kabonding ang kanilang ama sa labas ng bahay. Napagkasunduan na sa korte na kay Clarissa ang mga bata dahil walang permanenteng trabaho si Gerald at ang mga magulang naman nya ay wala ring stable na pinagkakakitaan. Bukod pa roon ay mas may karapatan si Clarissa sa mga bata lalo na at hindi sila kasal ni Gerald. Pero napagkasunduan rin na pwedeng dalaw dalawin ni Gerald ang mga bata pero hindi nya ito pwedeng sapilitang kunin dahil pwede namin syang kasuhan.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mag aama. Tuwang tuwa ang dalawang pamangkin ko na kasama nila ang kanilang ama. May dalang pasalubong si Gerald sa dalawa. Ngayon lang sya ulit nakapunta rito. Masaya naman ako na makita ang mga pamangkin ko na masaya.
Mabait naman talaga sa mga anak si Gerald. Yun nga lang ay parang hindi pa sya matured. Parang hindi pa nya kaya ang responsibilidad bilang ama. Parang mas gusto nya magbuhay binata. Siguro ay dala na rin yun na maaga silang nagkaanak ni Clarissa. Pero bakit naman si Clarissa? Kahit naman paano ay matured ng mag isip ang kapatid ko. Lagi nyang inuuna ang dalawang anak. Siguro ay dahil iba talaga mag isip ang babae kesa sa lalaki lalo na sa usapin tungkol sa mga anak.
“Hay sana magtino na talaga sya para sa mga anak nya.” Saad ni Clarissa na nagtutupi ng mga damit ng dalawang anak.
Tumaas ang kilay ko. “Para sayo rin ba?”
Tumingin sa akin si Clarissa. “Para sa mga bata lang ate. Hindi na ako interesado makipagbalikan sa kanya. Napagod na akong intindihin sya. Ang focus ko na lang ngayon ay ang mga anak ko at makapag tapos ng pag aaral.”
Napangiti ako sa sinabi ng kapatid. Masaya ako na naka move on na sya kay Gerald. Nagiba na nga rin ang hitsura nya ngayon. Para na syang dalaga ulit na fresh na fresh. Hindi gaya dati na laging haggard at stress na stress kay Gerald.
“Baka naman may pumoporma na sayong iba sa school nyo ha.”
“Meron ate pero hindi ko sila pinapansin. Bukod sa mas bata sila sa akin ay mas priority ko nga ang pag aaral ko at mga anak ko. Sinasabi ko na lang sa kanila na may anak na akong dalawa para tigilan nila ako. Natuto na ako. Sisikapin ko na talagang makapagtapos. Promise.”
Tumango tango ako. “Mabuti naman at sayo na nanggaling. Ngayon pa lang proud na ako sayo.”
Ngumiti sya. “Salamat ate, ikaw talaga ang idol ko eh.”
“Sus nambola ka pa. Basta makapag tapos ka lang masaya na ako.”
Iniwan ko sya saglit para mag asikaso na para pumasok sa eatery. Hinintay ko munang pumunta rito si Gerald bago ako papasok ng eatery. Mahirap na baka kapag ang mag iina lang ang narito ay kaya kayakayanin lang nya. Mamaya naman ay narito na si Tiyang Amparo para sunduin ang dalawang bata. Wala kasing maiiwan dito sa kanila.
“I’m sorry love hindi kita masusundo I’m in the middle of a meeting right now. Ipapasundo na lang kita sa company driver is that ok?”
Napangiti ako sa sinabi ni Kester sa kabilang linya. Nasa gitna pala sya ng meeting sinagot pa ang tawag ko.
“Hindi na magta-tricycle na lang ako.” Sabi ko habang nagbibihis ng cargo pants. Nakaipit sa pagitan ng tenga at balikat ko ang cellphone.
“Are you sure? Baka magmotor ka na naman.”
Natawa ako. “Hindi na nga ako magmomotor. Kung gusto mo magpipicture ako habang nasa loob ng tricycle.”
Noong huling nagmotor ako pinagalitan nya ako. Ayaw na ayaw na nyang nagmomotor ako. Nagaalala sya at natatakot na baka maulit uli ang disgrasya. Nangako naman ako na hindi na magmomotor. Hatid sundo naman nya ako sa eatery. Ngayon lang nya ako hindi masusundo dahil nasa meeting sya. Si Clarissa na lang ang gumagamit ng motor ko para hindi matengga. Maingat naman syang magmotor at may lisensya na.
“Okay love, tawagan kita mamaya after ng meeting. Pupuntahan na rin kita sa eatery.”
“Okay take your time. I love you.”
“I love you more love.”
Kagat labing nangiti ako at binaba na ang cellphone para makapagbihis ng maayos at makapasok na sa eatery. Excited na rin akong makita si Kester mamaya. Medyo namimiss ko na sya at ang lambing nya.
“Salamat ate at hinayaan mo kong makita ang mga anak ko.” Ani Gerald.
“Wala yun. Karapatan mo ring makita sila dahil anak mo sila pero hindi mo pa rin sila makukuha kay Clarissa.”
Kumamot sya sa ulo. “Alam ko ate. Ayoko rin namang makulong. At isa pa naisip ko rin mas maganda ang buhay nila rito at naaalagaan sila ng maayos.”
“Mabuti naman at naisip mo na rin yan.” Bumuntong hininga ako. “Alam mo Gerald mabait ka naman eh. Lala na sa mga anak mo. Naiimpluwensyahan ka lang ng mga barkada mo. Sana magbago ka na at isipin mo ang mga anak mo. Kahit para sa nga anak mo na lang. Para paglaki nila ipagmalaki ka nila sa lahat ng tao.”
Saglit syang hindi nagsalita at yumuko. Alam kong naiintindihan nya ako.
“Susubukan ko ate.”
“Huwag mong subukan gawin mo. Walang mangyayari sa buhay mo kung ganyan ka ng ganyan. Kapag nakita kong nagbago ka na pwede mo ng makasama ang mga anak mo. Pwede mo silang isama sa pamamasyal o kaya bakasyon.”
“Talaga ate?”
“Oo, pero hangga’t hindi nangyayari yun ay dito lang kayo sa bahay pwedeng magkita at magsama.”
Tumango sya. “Naiintindihan ko ate. Sisimulan ko na ang pagbabago sa sarili ko para sa mga anak ko.”
Tipid akong ngumiti at tumango.
Muli syang kumamot sa ulo at parang nahihiya.
“At saka pasensya na rin pala ate sa mga sinabi ko sayo noon. Hindi kita dapat pinagsalitaan ng hindi maganda dahil malaki ang naitutulong mo sa mga anak ko. Pasensya na talaga.”
Naramdaman ko naman ang senseridad sa paghingi nya ng pasensya at parang nawawala na ang inis ko sa kanya. Hindi naman matigas ang puso ko sa mga taong humihingi ng pasensya.
“Wala na yun. Basta magbago ka na. Huwag kang mag alala sa mga anak mo dahil maayos lang sila dito.”
“Oo ate, salamat na rin sa lahat.”
Nagpaalam na si Gerald na aalis na. Hinatid naman sya ng dalawang bata at ni Clarissa sa labas ng gate. Saglit pang nag usap sila doon bago nagbabye ang dalawa kong pamangkin sa kanilang ama.
“O anong sinabi nya sayo?” Usisa ko kay Clarissa.
Nagkibit balikat naman sya. “Ang sabi nya magbabago na raw sya para kay Tonya at Glen. Hindi ako naniniwala hangga’t hindi ko nakikita. Nadala na ako. Gawin nya muna.”
“Tama. Huwag kang maniwala sa salita lang. Dapat gawin nya.”
Tiningnan ko ang dalawang pamangkin na tuwang tuwa sa pasalubong sa kanila ng kanilang ama. Si Glen ay hawak ang bago nyang truck na laruan habang si Tonya naman ay bagong set ng barbie doll. Bukod sa laruan ay may dala ring groceries si Gerald para sa dalawa. May gatas at chocolate powder saka mga biscuit at vitamins. Sana nga ay magtuloy tuloy iyon. Baka mamaya sa umpisa lang.
Nagpaalam na ako kay Clarissa na mauuna ng umalis. Sya naman ay mamaya pa makakaalis pagdating ni Tiyang Amparo.
–
“Joseph pakihatid na sa lending yung dalawang lasagna nya pinareserved nila.” Utos ko sa tauhan.
“Yes madam.” Kinuha ni Joseph ang dalawang tray ng lasagna na nakabox sa counter at maayos ng tinali ito ng straw.
Mag aalas tres na ng hapon at kapag ganitong oras ay mabenta na ang aming lasagna, baked mac, spaghetti, pancit at palabok. Marami rin ang nagpapareserved at pinipick up na lang dito. Dahil tapos na ang holidays at back to normal na ang lahat ay dadagsain na naman mamaya ng mga estudyante ang eatery ko. May mangilan ngilan na nga ang pumapasok para magmeryenda.
Bumuga ako ng marahas na hininga at tinanggal ang apron at sinabit sa hook. Pumasok ako sa maliit kong opisina at umupo sa swivel chair. Medyo nangangalay na kasi ang mga hita ko at nananakit ang aking mga balakang. Ganito ang nararamdaman ko kapag malapit na akong magkaroon.
Dinampot ko ang cellphone at binuhay ito. Napangiti ako ng makitang nagreply na sa chat ko si Kester. On the way na raw sya dito sa eatery at kasama daw nya ang anak ng business partner nya. Nagreply naman ako ng ‘ingat’.
Binaba ko ang cellphone at kinuha ang compact powder sa drawer ng aking desk. Tiningnan ko ang mukha sa maliit na salamin. Maayos naman ang hitsura ko at hindi pa hulas ang manipis na make up ko. Nakahairnet ang kulutan kong buhok. May kasama si Kester at anak pa ng business partner nya kaya dapat maayos ang hitsura ko.
“Ma’am nandyan na po si Ser Kester.” Untag sa akin ni Danica.
Tumayo ako at sumilip sa taas ng divider ng maliit kong opisina. Nakikita ko na nga sa labas ang sasakyan ni Kester na nakahimpil. Binalik ko na ang compact powder sa drawer at lumabas na sa aking maliit na opisina.
Tinatanaw ko ang sasakyan ni Kester sa labas. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto sa driver’s seat at bumaba na si Kester. Tumingin sya sa loob ng eatery at nagtama ang aming mga mata. Ngumiti sya sa akin. Gumanti din ako ng ngiti pero agad din yung nabura ng may babaeng bumaba mula sa front passenger seat. Lumapit ang babae kay Kester na may matamis na ngiti sa labi.
Kumunot ang aking noo habang nakatanaw kay Kester at sa babaeng kasama nya. Papasok na sila sa eatery. Namumukhaan ko ang babae. Sya yung nang okray sa akin at nang insulto noong year end party ng kumpanya ni Kester.
Chapter 35
Crizel
“LOVE.” Nakangiting bati sa akin ni Kester sabay hapit sa aking bewang at dampi ng halik sa gilid ng aking labi.
Napangiti naman ako at hinaplos ko ang kanyang likuran. Masaya ako na nandito sya ngayon sa tabi ko. Ewan ko ba parang namiss ko sya bigla lalo na ang kanyang amoy. Pero kung ako masaya yung babae namang kasama nya ay hindi yata dahil nakasimangot na ito at huling huli ko pa ang pag irap sa akin. Nararamdaman ko at alam ko may gusto ito sa nobyo ko. At nakakaramdam na ako ng inis dahil bakit kasama nya ito.
Bahagya kong tinulak si Kester. Pero hindi sya bumitaw sa akin at nakakapit pa rin sa aking bewang.
“Sino sya love?” Pilit ang ngiting tanong ko.
“Oh, sya ang anak ng business partner ko love. Nagkita na kayo noong year end party pero hindi ko pa yata kayo naipapakilala sa isa’t isa. Anyway love, she’s Stella. Stella this is my girlfriend Crizel. You can call her ate.” Pagpapakilala ni Kester sa aming dalawa ng babae.
“Nice to meet you ate.” Matamis ang ngiting sabi ni Stella. Pero amoy na amoy ko naman ang kaplastikan.
“Nice to meet you too Stella.” Ngiting plastic din na sabi ko.
Plastic nga sya dahil kapag nakatingin sa kanya si Kester ay matamis ang kanyang ngiti pero kapag hindi ay nakairap sya sa akin.
Humugot ako ng malalim na hininga at pasimple kong hinila palayo si Kester kay Stella. Doon kami sa pwestong wala pang customer.
“Bakit kasama mo ang anak ng business partner mo?” Mahina ang boses na tanong ko.
Nawala naman ang ngiti ni Kester at napalitan ng pag alala ang mukha. “May ka-meeting ang ama nya. Ayaw naman nya sumama kaya iniwan na lang sya sa opisina ko.”
“Magkasama kayo sa opisina mo? Kayong dalawa lang?” Nandidilat ang matang tanong ko.
“Yes – aww!” Napadaing sya ng kurutin ko sya ng pino sa likod. Sinamaan ko rin sya ng tingin.
Tumawa sya. “Yes love, nagpaiwan sya sa opisina ko pero nandun naman ang secretary ko. At isa pa di ko papatulan yan no. Di ako pumapatol sa bata parang kapatid ko lang yan – aray!”
Lalo ko pang diniinan ang kurot sa kanyang likuran. Aaminin ko nagseselos ako na kasama nya si Stella.
“Eh kung hindi sya bata papatulan mo?” Lalong nandilat ang mata ko. Isang maling sagot lang nya pupukpukin ko sya ng kawali.
“Of course not. Ikaw lang ang babaeng papatulan ko.” Natatawang sabi nya. Parang enjoy na enjoy sya na nakikitang naiinis ako.
Binitawan ko sya at inirapan. Tiningnan ko si Stella na naglilibot libot sa loob ng eatery. Nakaguhit sa kanyang mukha ang pagkadisgusto sa nakikita. Ngumingiwi pa nga sya habang tinitingnan ang mga nakadisplay na pagkain sa counter na para bang nakakadiri ang mga yun. Hindi ko nagugustuhan ang kaartehan nyang wala sa lugar.
“Love trust me hindi kita lolokohin tamaan man ako ng kidlat ngayon.”
“Dapat lang dahil kapag niloko mo ko puputulin ko yang bayag mo at isasahog ko sa mami.” Kunwaring banta ko sa kanya sabay irap.
Sinapo naman nya ang harapan ng pantalon at nangingiting kumagat labi.
Bumuntong hininga ako. “Pero alam mo hindi ko gusto ang babaeng yan. Malala ang attitude. Tingnan mo o, parang diring diri sa mga nakikita dito sa loob ng eatery.”
Tiningnan ni Kester si Stella at nakita nya itong nakangiwi.
“At hindi lang yun, alam mo bang inokray okray ako nyan noong year end party.”
Kunot noong bumaling sa akin si Kester. “Okray? What do you mean? Inaway ka nya?”
“Hindi naman sa inaway. Pero nilapitan nya ako at ininsulto. Hindi raw ako bagay sayo at hindi raw ako kagandahan sa malapitan.”
“That’s not true! Mas maganda ka lalo sa malapitan.”
Umusli ang nguso ko kasabay ng pagkislot ng aking puso. Pinakilig na naman ako ng kumag sa simple nyang hirit.
“Yun ang sabi nya eh. Hindi raw ako maganda sa malapitan.”
“Huwag kang maniwala sa kanya.”
“Hindi talaga. Saka alam ko sa sarili ko na maganda ako no. Hindi ka naman magiging patay na patay sa akin kung di ako maganda.” Confident na sabi ko.
Ngumisi sya. “At masarap pa.”
Nag init ang aking mukha. “Anong akala mo sa akin paborito mong ulam.”
“Mas masarap ka pa sa paborito kong ulam.”
Marahan ko syang pinalo sa braso. Init na init na ang mukha ko. Siguradong kulay kamatis na ito. “T-Tumigil ka nga may makarinig sayo nakakahiya.”
Tumawa sya at hinapit akong muli sa bewang sabay dampi ng halik sa aking sentido. Napatigil ang lambingan namin ng lumapit si Stella na may plastic ng ngiti.
“I thought five star restaurant ito.. Karinderya lang pala na pinasosyal.” Nakangiwing sabi ni Stella.
Nagpanting ang tenga ko parang gusto ko syang tuktukan.
“Well hindi nga five star restaurant to pero mas masarap ang pagkain dito kesa sa five star restaurant at murang mura pa. Magaling kasing chef itong love ko.” Pagmamalaki ni Kester at inakbayan ako.
Plastic na ngumiti lang si Stella na nanlalaki pa ang butas ng ilong.
“Gusto mo bang i-try ang pagkain nila? Tamang tama hindi ka pa nagmemeryenda.” Alok pa ni Kester sa babae.
“No no thanks Mr. Belleza. Hindi ako gutom.” Tanggi ni Stella.
Expected ko naman na tatanggi sya.
“Okay, ikaw ang bahala.” Nagkibit balikat si Kester at bumaling sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya at yumakap sa kanyang bewang. Iinggitan ko ang impaktitang si Stella ng matauhan.
“Ikaw love anong gusto mong kainin?” Malambing na tanong ko.
“Hmm gusto ko ng palabok. Yung maraming chicharon saka malamig na malamig na iced tea.”
“Okay, ipe-prepare ko na.” Nakangiting sabi ko at bumaling kay Stella. “Ikaw Stella, wala ka ba talagang gustong kainin? Meron kaming lasagna, baked mac, spaghetti – “
“No thanks! Hindi ako mahilig sa mga pasta.”
“Okay.” Bumitaw na ako ng yakap kay Kester para i-prepare ang meryenda nya.
Pero biglang tumunog ang cellphone nya. Sinagot nya yun.
“Excuse me love, kakausapin ko lang ang lawyer ko.” Paalam nya sa akin at naglakad palabas ng eatery.
“Wait Mr. Belleza – “ Akmang susunod si Stella pero hinarangan ko sya.
Sinamaan nya ako ng tingin. “Get out of my way.”
“Ayoko nga. Bakit kailangan mo pang sumunod sa nobyo ko? Anak ka ba nya?” Sarkastikong sabi ko.
Umikot ang mata nya at humalukipkip. Umusli ang labi nya na may lampas na lipstick na kulay neon orange. Ngumisi sya at tumaas ang isang kilay.
“Alam mo imbes na pakialaman mo ko asikasuhin mo na lang tong cheap na karinderya mo.” Aniya sa malakas na boses kaya napatingin sa amin ang mga customer kong kumakain.
“I’ll take that as a compliment dear. Cheap naman talaga tong karinderya ko dahil mura ang pagkain pero masarap.” Sabi ko sa malakas ding boses at matamis na ngumiti.
“Tama!” Halos sabay sabay na sabi ng mga customer ko na talagang suki na dito lalo na ang mga driver.
Napangiti naman ako lalo. Ito ang gusto ko sa mga customer ko eh. Loyal na loyal sila sa akin.
“Of course masarap na para sa inyo dahil yan lang ang afford nyong bilhin. My gosh! Hindi nyo kasi afford kumain sa mga five star restaurant kaya hindi nyo alam ang totoong ibig sabihin ng masarap. Mga hampaslupa!”
Napasinghap ako sa sinabi ni Stella. Hindi lang pala sya maldita matapobre pa. Nagbulungan tuloy ang mga customer ko at napailing iling. Pati ang mga tauhan ko kanya kanya na rin ang komento. Sinaway ko naman sila.
Hinarap ko si Stella. Kung hindi lang sya anak ng business partner ni Kester ay kanina ko pa sya pinalayas dito sa eatery ko.
“Alam mo Stella yang mga sinasabihan mong hampas lupa sila lang naman ang araw araw na kumakayod para sa pamilya nila. Yung mga kinakain nila galing sa perang pinagpawisan nila. Hindi sila mayaman na gaya mo na kahit maghapong nakatunganga sa loob ng bahay ay makakakain pa rin ng masarap. Pero at least sila mga totoong tao at hindi nananapak ng pagkatao ng iba kagaya mo.”
Tumaas ang kilay ni Stella at sinamaan ako ng tingin. “What do you mean? Na matapobre ako?”
“Oo!” Halos sabay sabay naman na sabi ng mga customer.
Sumimangot si Stella at namula ang mukha. Lalong nanalim ang tingin nya sa akin.
“I’m not matapobre. I’m just stating the fact na mga hampaslupa kayo at hindi nyo afford kumain sa five star restaurant kaya nagtitiis kayo dito sa cheap na karinderya.” Tungayaw nya sa mga customer ko at ako naman ang binalingan at dinuro. “And you old maid! I repeat hindi ka nababagay kay Mr. Belleza. Look at you! You’re so jologs like this cheap karinderya of yours!”
“Stella!”
Sabay kaming napapitlag sa malakulog na boses ni Kester na bumalik na pala. Madilim ang kanyang mukha at wala syang kangiti ngiti na tumingin kay Stella. Lumapit sya sa akin.
“Anong mga pinagsasabi mo Stella? Iniinsulto mo ba ang nobya ko?” Sita nya kay Stella na namumutla na ang mukha.
Humawak ako sa braso ni Kester. Pero mainam na rin na sya ang nakarinig ng mga pinagsasabi ng bruhildang anak ng business partner nya.
“N-No I’m not Mr. Belleza.” Nauutal na paliwanag ni Stella.
“I heard you. Hindi ako bingi. Iniinsulto mo ang nobya ko. I can’t believe may ganito ka palang attitude. Akala ko mabait ka gaya ng laging sinasabi ng ama mo.” Sermon ni Kester.
Parang maiiyak naman ang hitsura ni Stella. Pero alam kong arte lang nya yun.
“L-Look Mr. Belleza, hindi naman ako ang nauna eh. Yung girlfriend mo ang nauna. She insulted me first. S-Sinabihan nya akong matapobre.”
“Hindi totoo yan!”
“Sinungaling!” Singit ng mga driver.
“Shut up!” Sinigawan naman sila ni Stella.
Napailing iling ako at napahilot sa sentido. Grabe nakakahiya talaga ang ugali ng babaeng to. Walang delikadesa.
“Bossing huwag kang maniwala sa babaeng yan. Sya ang naunang mang insulto. Sinabihan nya kaming mga hampaslupa at hindi kayang kumain sa mamahaling restaurant. At sinabihan pa nya si madam ganda na jologs.” Pasumbong na sabi ng isang jeepney driver.
Napailing iling si Kester. Gumuhit ang disappoinment sa kanyang mukha.
Hindi naman nakaimik si Stella at bigla naging maamong tupa. Animo’y mabait na hindi makabasag pinggan.
Tinawagan ni Kester ang company driver at pinapunta rito sa eatery.
–
“I’m sorry love.. hindi ko na sana sinama si Stella. Hindi ko naman alam na may bad attitude sya. Akala ko sobrang bait. I’m so disappointed.” Ani Kester habang kumakain ng request nyang palabok na maraming dinurog na chicharon. Humingi rin sya ng pasensya kanina sa mga customer.
Sinundo na si Stella ng company driver at hinatid sa ama nito. Tutol pa nga noong una si Stella pero wala ng nagawa dahil natakot rin sya kay Kester ng samaan sya nito ng tingin.
“Ayos lang, wala ka namang kasalanan. At saka nagseselos lang yun kaya imbyerna sa akin.”
Nag angat sya ng tingin sa akin at kumunot ang noo. “Nagseselos? What do you mean love?”
Umikot ang mata ko. “Hindi ba obvious? May gusto sayo ang babaeng yun.”
“I don’t know love. Masyadong bata si Stella. She’s only nineteen. I don’t think na magkakagusto sya sa isang tulad ko na malaki ang agwat ng edad sa kanya.” Seryoso ang mukhang sabi nya.
Tumaas ang kilay ko. Mukhang hindi naman talaga nya alam.
Bumuntong hininga ako. “Lahat naman ng babae mapamatanda o bata magkakagusto sayo. Gwapo ka eh.” Sambit ko at dumampot ng maliit na chicharon sa kanyang plato at sinubo.
Ngumiti sya. Yung ngiti nyang wagi. Tuwang tuwa sya kapag sinasabihan ko syang gwapo eh.
“Pero ikaw lang ang gusto ko love.” Aniya at kumindat pa.
“Aba’y dapat lang. Wala ka ng makikitang kasing ganda at kasing sarap ko.” Pilya kong sabi sa mahinang boses.
Malakas naman syang tumawa kaya napatingin sa kanya ang mga customer.
Hay sa kadidikit ko sa kanya nahawa na ako ng kapilyuhan nya.
Chapter 36
🔞
Kester
“UGH shit love ang laki mo hmm..”
“Nghh yess love ganyan nga.” Ungol ko naman sa sarap habang umiindayog sa aking ibabaw si Crizel.
Bukod sa masarap na pakiramdam ay sarap na sarap din akong pagmasdan sya sa ibabaw ko. Ang hot nyang tingnan. Nakalugay ang kanyang kulutang buhok habang bahagya syang nakatingala at nakaawang ang labi. Umaalog ang kanyang dibdib na katamtaman ang laki. Ang kanyang maliit na bewang na tila may sariling buhay ay umiimbay. Ang tanawing yun ay nakakakapagpakulo lalo ng dugo ko. Para syang dyosang bumabaliw sa akin sa sarap.
Inabot ko ang kanyang nagtatayugang dibdib na sumasabay sa pag indak at marahang piniga piga iyon. Masarap sa kamay ang kalambutan niyon. Dumako ang paningin ko sa kanyang pagkababae na sinasakop ang aking alaga. Kay sarap ding pagmasdan niyon.
“Ahh love ang sarap..” Napapikit ako at napakagat labi sa sarap ng sumikip ang kanyang loob.
Masikip na nga sya pero lalo pa syang sumikip. Tanda yun na malapit na naman syang labasan.
“U-Ughh love hayan na naman ako ahh!”
Muling nanigas at nanginig ang kanyang katawan. Ramdam ko ang kanyang katas na bumabalot sa aking alaga.
Dumapa sya sa ibabaw ko habang habol ang hininga. Hinaplos haplos ko ang kanyang makinis na likod at dinampi dampian ng halik ang kanyang buhok.
“Shet ang sarap..” Anas nya.
Napangiti ako. Ang sarap sa pakiramdam na nasasarapan sya sa akin. Ako rin naman sarap na sarap sa kanya. Hindi nga ako nagsasawa na paulit ulit syang angkinin.
Inikot ko ang katawan namin. Ako na ngayon ang nasa ibabaw. Siniil ko sya ng halik na agad naman nyang tinugon.
Hinugot ko ang alaga ko at gumapang pababa sa kanyang gitna. Hinawakan ko ang dalawa nyang hita at pinaghiwalay ito. Pinagmasdan ko ang kanyang pagkababaeng namumula at basang basa. Napadila ako at napakagat labi. Para bang bigla akong nauhaw. Hinaplos haplos ko ang kanyang pagkababae na may maninipis pang buhok.
Dinampi dampian ko muna ng halik ang kanyang maputi at makinis na singit. Ng hindi na ako makatiis ay dinilaan ko na ang hiwa ng kanyang pagkababae at tinudyo tudyo ko ng dila ang kanyang clit.
“Hmm love..” Kanyang ungol at humawak sa aking buhok.
Paulit ulit kong dinilaan ang kanyang hiwa pagkatapos ay ang clit naman nya ang pinaglaruan ko ng dila na may kasama pang pagsipsip. Humihigpit naman ang kapit nya sa aking buhok at naglilikot ang kanyang balakang na para bang hinahabol ang aking bibig kapag nalalayo. Indikasyon na nasasarapan nya sa aking ginagawa.
“Ughh shit ka love! Sobrang sarap nyan ahhmm..”
Napangiti ako at mas lalo pang pinanggilan ang pagkababae nyang masarap. Gustong gusto ko kapag minumura nya ako dahil nasasarapan sya. Kaya babaliwin ko sya ngayon sa sarap.
Pinasok ko ang isang daliri sa lagusan ng pagkababae nya. Kasabay ng aking bibig at dila ay sinasabayan ko rin ng daliri ang pagpapala sa kanyang pagkababae. Napadaing pa ako ng lalong humigpit ang sabunot nya sa aking buhok. Pero hindi ako nagpatinag hanggang sa hindi sya ulit labasan..
Lumuhod ako at dinilaan ang paligid ng labi na may naiwan pang katas. Napangisi ako habang pinagmamasdan si Crizel na nakaawang ang labi at habol ang hininga. Tumingin sya sa akin. Nasa mga mata pa rin nya ang init.
Hinawakan ko ang alaga ko na lalo pang tumigas. Sabik na sabik na itong muling pumasok sa masikip at mainit nyang lagusan. Hinagod hagod ko ang aking alaga at tinutok sa kanyang lagusan. Dahan dahan ko itong sinulong. Pinaghiwalay ko pa ng husto ang kanyang mga hita at dumapa ako sa kanyang ibabaw. Sinagad ko pa ang alaga ko sa kanyang loob. Yumakap sya sa aking batok at siniil ako ng halik. Mapusok ko namang tinugon ang kanyang halik kasabay ng mabilis kong pag ulos.
Ilang sandali pa ay puro ungol at daing lang naming dalawa ang tanging maririnig dito sa aking kwarto.
.
.
Crizel
“HMP ano ba naman tong ref na to. Ang laki laki hotdog at itlog lang ang laman at puro beer.” Naiiling na sabi ko pero nilabas ko na rin ang isang pack ng hotdog na matigas at limang itlog. Ang mga ito na lang ang lulutuin ko para sa almusal namin ni Kester.
Tulog pa si Kester at ako ang unang nagising dahil nakaramdam na ako ng gutom. Paano ba naman akong hindi gugutumin eh halos magdamag kaming nagexcercise kagabi. Mabuti nga ay nakakatayo at nakakalakad pa ako. Medyo ngalay nga lang ang mga hita at binti ko at medyo makirot ang pagkababae ko. Pero keri lang nag enjoy naman ako at nasarapan pa.
Ipinilig pilig ko ang ulo kasabay ng pag iinit ng aking mukha. May init ding sumisibol sa aking katawan. Nahawa na talaga ako ng kahalayan ng nobyo ko.
Nilagay ko sa sink ang pack ng hotdog at pinatuluan ng tubig para lumambot. Kumuha na ako ng mangkok para batiin ang itlog. Parang may gusto akong kainin pero di ko naman mawari kung anong hanap ng sikmura ko.
“Ay gising na po pala kayo ma’am. Good morning po.”
Lumingon ako sa entrada ng kusina. Napangiti ako ng makita si Manang Belay ang katiwala ni Kester. May bitbit syang bayong na punong puno ng laman at may kasama pa syang malusog na batang lalaki na mukhang chinese kaya sobrang cute nito.
“Good morning din po manang. Ang aga nyo naman po tulog pa si Kester.”
Ngumiti si Manang Belay at nilapag sa counter ang bayong.
“Maaga po talaga ako dahil kagabi pa po ako tinawagan ni Ser Kester para bilinang mamalengke ng maaga dahil nandito raw po kayo.” Ani Manang Belay habang nilalabas na ang mga pinamalengke. Karamihan ay gulay, pero may isda rin at mga karne ng manok, baboy at baka.
Natouch naman ako sa ginawa ni Kester. Talagang inaalala nya ako.
“Maraming salamat po manang. Akala ko magtitiis ako sa hotdog lang at itlog ngayong umaga. Sanay kasi ako na may kinakaing gulay sa almusal.”
“Yun nga po ang sabi ni ser kaya kabilin bilinan nya na bumili ako ng gulay. Hindi naman po kasi sya nag i-stock ng pagkain dahil sa labas po sya madalas kumakain.”
Oo nga pala. Sa eatery ko sya halos araw araw kumakain. Masasayang lang ang pagkain kung mag i-stock sya ng marami.
Tumingin ako sa batang malusog na kasama ni Manang Belay. Nakakapit ito sa damit ni manang habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa bata.
“Ay sya nga po pala ma’am, ito po pala ang apo ko si Bonjing.” Pagpapakilala ni Manang Belay sa bata na kanyang apo pala.
“Hi Bonjing!” Nakangiting bati ko sa bata.
“O hi daw sabi ni ma’am. Bumati ka sa kanya apo. Magiging asawa sya ni Ser Kester.” Untag ni manang kay Bonjing.
Nag init naman ang mukha ko sa sinabi ni manang. Baka yun ang sinabi sa kanya ni Kester.
“Hello po.” Nahihiyang sabi ni Bonjing.
“Mahiyain pala ang apo nyo manang.” Natatawang sabi ko at pinisil ang matabang pisngi ni Bonjing. Namiss ko tuloy bigla si Glen.
“Naku ngayon lang yan ma’am dahil nahihiya pa sa inyo. Katagalan magiging makulit na po yan.”
“Para po palang pamangkin ko. Malusog din sya at ubod ng kulit.”
Nagtulong na kami ni Manang Belay sa paghahanda ng agahan habang nagkukwentuhan. Ito pa lang ang pangalawang beses ng pagkikita namin. Kahit noong unang beses ay magiliw na sya sa akin. Tuwang tuwa sya na makilala ako.
“Akala ko talaga hindi na mag aasawa si ser. Sa kanilang anim na magkakaibigan sya lang at si Ser Matias ang wala pang asawa. Eh ilang taon na si ser. Sayang naman kung tatanda lang syang binata. Sayang ang magandang lahi.”
“Hindi pa naman po kami mag aasawa ni Kester manang. Mag nobyo pa lang po kami.” Nangingiting sabi ko habang gumagawa ng vegetable salad.
“Ganun ba. Pero ang sabi po kasi sa akin ni Ser Kester ay malapit na raw kayong ikasal.”
Natigilan ako. “Talaga po sinabi nya yun?”
“Opo. Lagi nya pong sinasabi yun. Kaya nga excited na po ako eh.” Ani Manang Belay na nangingiti pa habang nagdidikdik ng bawang.
Umusli ang nguso ko. May tuwang sumisibol sa puso ko. Pero ayoko munang umasa para hindi ako madisappoint.
“Lola, Ma’am Crizel gising na po si Ser Kester.” Sambit ni Bonjing pagpasok ng kusina kasunod si Kester na halatang bagong gising.
“Good morning manang, good morning love.” Bati sa amin ni Kester sa magaspang na boses.
Lumapit sya diretso sa akin at niyakap ako mula sa likuran sabay subsob sa aking leeg. Nagtayuan ang mga balahibo ko ng tumama ang kanyang mainit na hininga sa aking sensetibong balat.
“I miss you love..” Anas nya sabay singhot at halik sa aking leeg.
Natawa naman ako. “Ang oa mo. Magdamag na tayong magkatabi.”
Pero agad naginit ang aking mukha sa sinabi ng makita si Manang Belay na may nanunuksong ngiti. Napakagat labi ako sa hiya.
“Paggising ko kasi wala ka na sa tabi ko. Ang aga mong bumangon.” Parang batang nagtatampo na sabi nya.
“Eh nagutom ako eh. Wala man lang kalaman laman ang ref mo kundi puro hotdog, itlog at beer.”
Nag angat sya ng mukha at tumingin sa akin. “I’m sorry.. hindi kasi ako nag i-stock dahil baka masira lang. Doon naman ako sa eatery mo laging kumakain eh.”
“Yeah.. sinabi na ni manang.”
“Pero kung dito ka na titira sa bahay ko pupunuin ko ng stocks ang ref pati pantry.”
“Bakit ako titira dito sa bahay mo eh may bahay naman ako.” Pero sa isiping dito ako titira sa bahay nya ay parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko. Parang ang sarap ngang tumira dito kasama sya. Yung matutulog kami ng sabay at sabay ding magigising.
Nagkibit balikat sya. “Kung gusto mo lang naman.”
“Si ser talaga hindi na lang sabihin – “
“Shh quiet muna manang.” Putol ni Kester sa sinasabi ni Manang Belay.
Napakunot naman ang noo ko at salitang tiningnan ang dalawa. Mariing nakapinid ang labi ni manang bagaman nangingiti rin.
Binalingan ko si Kester. “Ano yun love?”
“Wala love.” Aniya sabay dampi ng halik sa aking pisngi.
Tumaas ang kilay ko. Ramdam kong may sinesekreto sya. Pero hindi ko na sya pipilitin kung ano yun dahil nagugutom na ako.
Pagkatapos naming magprepara ng agahan ay kumain na kami kasabay si Manang Belay at si Bonjing na pinanggigilan ni Kester. Napapansin ko malapit si Kester sa bata. Nakikita kong magiging mabuti syang ama.
–
“MA’AM Crizel nasa kusina na po ang pinabili nyong sampaloc.” Untag sa akin ni Bryan na inutusan kong bumili ng hilaw na sampaloc. Naubusan na kasi kami ng stock ng magsigang kami kanina.
“Sige salamat Bryan.” Nakangiting sabi ko at tumayo sa swivel chair at lumabas sa maliit kong opisina.
Pagpasok sa kusina ay binuksan ko ang supot na may lamang bunga ng sampaloc. Dumakot ako at nilagay ito sa strainer. Tinapat ko ito sa gripo at hinugusan ng maigi. Tinanggal ko pa ang mga tangkay. Ng mahugasan ko na ay dinampi dampian ko ito ng tissue para medyo matuyo pagkatapos ay binudburan ko ng asin. Lumabas ako ng kusina dala ang mangkok. Pumwesto ako sa bakanteng upuan sa counter at doon ko nilantakan ang sampaloc na hilaw.
Sarap na sarap ako sa sampaloc. Naglalaban ang asim at alat. Kanina pa ako naglalaway sa maasim eh. Kahapon ang kinain ko naman ay hilaw na manggang kalabaw. Ang gusto ko nga sana ay bubot na indian mango. Pero wala akong mahanap dahil hindi pa naman panahon ng indian mango.
Tiningnan ko ang paligid. Marami rami pa rin ang customer kahit mag a-alas dos na ng tanghali. Manananghalian pa lang ang mga ito.
“Ma’am di po ba kayo naaasiman sa kinakain nyo?” Nakangiwing tanong ni Danica na nangangasim ang mukha.
“Hindi naman. Keri lang. Masarap nga eh.” Nakangising sabi ko sabay subo ng isang sampaloc.
Lalo namang nangasim ang mukha ni Danica na aking ikinatawa. Pati na ang iba ko pang mga tauhan na nakatingin sa akin halos di na maipinta ang mga mukha.
“Parang ang weird nyo nitong mga nakaraang araw ma’am. Ilang araw na kayong kumakain ng hilaw na mangga. Ngayon naman hilaw na sampaloc. Para kayong naglilihi ma’am. Buntis na po ba kayo?”
Lalo akong natawa sa sinabi ni Danica. “Hindi, ganito talaga ako kapag malapit ng magkaroon..”
Natigilan ako sa huling sinabi. Oo nga pala. Hindi ako nagkaroon noong isang buwan at ngayong buwan naman ay delayed na ako ng ilang araw.
Nahigit ko ang hininga kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko.
Chapter 37
Crizel
MALALIM na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin ako sa aking sarili sa salamin. Nakasuot ako ng cigarette pants na kulay brown na pinaresan ko ng puting sneakers. Semi crop top naman na kulay puti ang pang itaas ko. Ready na akong pumunta sa eatery para gawin ang araw araw kong ginagawa. Ang magluto at magmando sa mga tauhan. Pero ngayon ay wala ako sa mood. Kagabi nga ay halos di ako nakatulog dahil sa pag iisip. Ngayon naman parang lumilipad ang isip ko.
Hinawakan ko ang impis na puson at hinimas himas. Nagtake ako ng pt kanina paggising ko. Ang sabi kasi noong pharmacist sa botika na pinagbilhan ko ng pt ay mas maganda daw na gamitin yun sa umaga paggising at sa unang ihi. Sinunod ko naman sya at tama nga ang kutob ko. Nag positive ang pt. Buntis ako.
Hindi ko naman alam kung ano ang mararamdaman. Matutuwa, maiiyak, o matatakot. Para kasing ang bilis. Hindi ko inaasahan na agad agad. Tatlong buwan pa lang naman kami ni Kester tapos buntis na agad ako. Oo nagsesex kami at wala kaming gamit na protection pero naging maingat naman kami. Withdrawal naman sya palagi at kung minsan nagsesex kami kapag safe day ko.
Kumamot ako sa ulo. Ang tindi naman talaga ng sperm ng kumag na yun.
Napapitlag ako ng may kumatok sa pinto.
“Ate nasa labas na si Kuya Kester.” Boses ni Clarissa sa labas ng pinto.
Bumuntong hininga ako. Naging eratiko ang tibok ng puso ko ng marinig ang pangalang ng matulis kong nobyo.
“Oo lalabas na.”
Kinuha ko ang shoulder bag at sinukbit sa balikat. Natigilan ako ng makita ang pt’ng ginamit na may dalawang guhit. Bumuntong hininga ako at dinampot ito. Tinitigan ko ito saglit bago ko nilagay sa bag.
“Morning love.” Nakangiting bati sa akin ni Kester pagsakay ko ng kanyang sasakyan.
Dumukwang sya at hinalikan ako sa gilid ng labi. Pero ang simpleng halik nya ay may kasama pang pagsinghot sa aking pisngi pababa sa leeg.
“Hmm you smell so good love..” Anas nya sa pagitan ng pagsinghot sa aking leeg na sinasamahan pa nya ng haplos sa aking hita.
Napakagat labi naman ako. May umuusbong na init sa aking katawan. Pero agad din akong natauhan at pumiksi. Tinanggal ko ang kamay nya sa aking hita at sinamaan sya ng tingin.
Kaya ako nabuntis dahil sa kalanturan nya eh. Pati ako nahawa na.
“Why?” Tanong nya sa inosenteng mukha.
Bumuntong hininga ako at humalukipkip.
“Ayos ka lang love? Parang mainit ang ulo mo ah.” Concern na tanong nya.
“Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.”
“Why? Dahil sa kakaisip sa akin?” Tanong nya na may nanunuksong ngiti sa labi.
Inirapan ko sya at binuksan ang shoulder bag. Kinuha ko ang pt at binigay sa kanya. Kinuha naman nya yun at kunot noong tiningnan.
“Ano to love?” Inosenteng tanong nya.
Umikot ang mata ko at bumuntong hininga. May kainosentehan pa pala syang tinatago.
“Isipin mo kung ano yan.” Masungit na sabi ko.
Umusli ang nguso nya. “Ano ba kasi to?”
Sinipat sipat nya ang pt at inamoy pa.
“Hmp! Bakit ang panghe?” Nakangiwing tanong nya.
Kinagat ko ang labi para pigilang matawa. Ang cute rin ng kumag na to eh.
“Engot! Pt kasi yan.”
Lalong nangunot ang kanyang noo. “Pt? Ano yun?”
“Pt. Pregnancy test.”
“Pregnancy test? Bakit may ganito ka?”
“Sa tingin mo bakit?” Sarkastikong balik tanong ko. Di ko akalaing may pagka slow din pala sya.
Muli nyang tinitigan ang pt. “Hindi ba ginagamit lang to ng mga buntis..” Natigilan sya at umawang ang labi. Namimilog ang matang tumingin sya sa akin.
“Buntis ka love?”
Umikot ang mata ko. Hay sa wakas nagets din nya.
“Oo, nagtake ako nyan kanina. Two lines ibig sabihin positive. Buntis ako.” Paliwanag ko.
“Shit! Di nga?” Parang di makapaniwalang sambit nya.
“Oo nga!”
Salitan syang tumingin sa akin at sa pt’ng hawak.
Napakagat labi naman ako. Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba sa sasabihin nya.
Pero mayamaya lang ay gumuhit ang malapad na ngiti sa kanyang labi.
“Really love? Buntis ka? It means magkakababy na tayo?”
Tumango ako. “Ganun na nga.”
“Yess! Wuhoo!”
Nagulat ako sa lakas ng sigaw nya. Binuksan nya ang pinto ng sasakyan at bumaba.
Kunot noong binaba ko naman ang salaming bintana at tiningnan sya.
“Wuhoo! Magiging daddy na ko! Sa wakas buntis na si Crizel!”
Namilog ang mga mata ko sa sinigaw ni Kester.
“Tangina mo ka Kester!”
Binuksan ko ang pinto at bumaba. Nilapitan ko si Kester at pinalo sa braso. Inaabot ko ang bibig nya para takpan dahil para syang may sapak na sigaw ng sigaw na buntis na ako. Talagang pinagsigawan pa nya. Tuloy ay nagsilabasan ang mga kapitbahay namin.
“Ano daw? Tama ba yung narinig ko? Buntis na raw si Crizel?”
“Ay sus maria! Sa wakas magkakaanak na si Crizel!”
“Magandang balita yan! Aba’y dapat na rin syang magkaanak. Napagiiwanan na sya. Tinalo pa nga sya ng ibang mga dalaginding dito sa atin eh.”
Mga komento ng mga kapitbahay ko na bagama’t mga tsismosa ay mukhang mga tuwang tuwa naman. Pero ang mukha ko ay parang sinisilaban na sa init. Di ko naman iniexpect na ipagsisigawan yun ni Kester.
“Talaga? Buntis na si Crizel? Ibig sabihin hindi na sya tatandang dalaga.” Ani Berong na ke aga aga ay may hawak na agad ng bote ng gin. Kasama nya ang mga tropa nya.
“Congratulations sa inyo!”
“Boss Kester! Painom ka naman!”
“Sure! Mamayang gabi babaha ng alak dito – aray!” Daing ni Kester ng kurutin ko sya ng malakas sa tagiliran.
“Sinabi ng tumigil ka na.” Nanggigigil na sabi ko. Pulang pula na nga ang mukha ko sa hiya.
Tumawa si Kester. “Ito na titigil na nga. Pero sobrang saya ko ngayon love at dapat tayong magcelebrate.”
Napasinghap ako ng bigla nya akong buhatin at napatili ng iikot nya ako sa ere.
“Wuhoo! Magiging daddy at mommy na kami! Magkakababy na kami!” Patuloy nyang sigaw.
“Ano ba Kester ibaba mo nga ako!” Sinabunutan ko sya.
Natatawang binaba nya ako. Bubungangaan ko sana sya pero inunahan na nya ang labi ko ng mariing halik. Naghiyawan naman ang mga kapitbahay ko. Pakiramdam ko tuloy ay kulay kamatis na ang aking mukha.
“I’m so happy love. Oh God I love you! Ang bilis nating nakabuo. Parang nananaginip ako.” Anas nya habang nakakulong ang aking mukha sa dalawa nyang palad. Nakaguhit nga sa kanyang mukha ang tuwa at nagniningning ang kanyang mga mata.
Napangiti naman ako. Bigla ay naglaho ang pagaalala at alinlangan na namahay sa dibdib ko kanina. Napalitan na rin yun ng tuwa at excitement dahil sa kanya.
“Masaya rin ako love. Magkakababy na tayo. I love you..” Sambit ko.
“I love you more love. I love you so much mmuah!” Muli nya akong dinampian ng mariing halik sa labi.
Balewala na sa akin kung pinapanood kami ng mga kapitbahay namin na nakikicelebrate sa amin. May magagawa pa ba ako eh pinamalita na ng kumag na ito na buntis ako.
“Ate anong nangyari? Nakarinig kami ng sigawan sa loob.” Tanong ni Clarissa na may nakabalunbon pang tuwalya sa ulo. Kasunod nya si Cristoff na bagong gising pati na ang dalawa kong pamangkin.
“Kuh huli na kayo sa balita Clarissa, Cristoff.” Ani Aling Chona.
“Ano pong balita Aling Chona?” Tanong ni Cristoff.
“Ang balita yang ate nyo buntis na.”
“Po?” Sabay na bulalas ni Clarissa at Cristoff. Namimilog ang mga matang sabay din silang tumingin sa amin ni Kester.
“Totoo ate? Buntis ka?” Tanong ni Clarissa.
Ngumiti ako at tumango.
“Omg! Di nga?” Lalong namilog ang mata ni Clarissa at Cristoff.
“Totoo kuya?” Tanong naman ni Cristoff kay Kester.
“Yes bro.” Nakangising sagot ni Kester at pinakita ang pt na kanina pa nya hawak.
“Totoo nga!” Halos sabay na sambit ng dalawa at lumapit sa akin sabay yakap.
“I’m so happy for you ate. Sa wakas magkakababy ka na.” Tuwang tuwa na sabi ni Clarissa at lalo pang humigpit ang yakap nila ni Cristoff sa akin.
Natutuwa naman ako na masaya sila para sa akin.
“Anong baby nya? Baby naming dalawa. Kasama ako sa pagbuo nyan.” Singit ni Kester.
“Oo nga pala. Congratulations din sayo kuya. Ang galing mo.” Saad ni Cristoff at nag fist bump silang dalawa.
“Of course! Sharpshooter yata to. O tama na yang yakap nyo sa ate nyo. Baka maipit si baby namin.” Pinaghiwalay ni Kester ang mga kapatid ko sa akin at possessive na inakbayan ako.
“Ang oa mo kuya ha. Wala pang laman yan.” Ani Clarissa.
Ngumisi si Kester. “Practice lang. Pero excited na kong lumaki ang tiyan ng ate nyo.” Hinimas pa nya nya ang impis kong tiyan.
“Mabilis ng lalaki yan. Brinoadcast mo ba naman sa lahat.” Natatawang sabi pa ni Clarissa.
Lumapit naman sa akin si Glen na may hawak pang pandesal. “Magkakababy na po ikaw tata?”
“Oo magkakababy na si tata. Hindi na ikaw ang baby.” Mapang asar na sabi ni Cristoff.
Nalukot naman ang mukha ni Glen. “Uwaaaahh!” Palahaw nyang iyak at tumakbo papasok sa loob ng bahay.
Binatukan ko naman si Cristoff. “Inasar mo pa talaga eh.”
Sinundan na naming lahat si Glen sa loob ng bahay. Alam kong magtatampo sya dahil magkakaroon na ng bagong baby. Nasanay kasi sya na sya lang ang baby sa bahay. Pero alam kong maiintindihan din nya kapag pinaliwanag namin sa kanya ang lahat.
Chapter 38
Crizel
DAHIL sa pinamalita ni Kester ang tungkol sa pagbubuntis ko ay hindi agad kami nakaalis ng bahay. Bukod sa nagtampo si Glen na mabuti na lang ay nauto namin sa singkwenta ay dumating na si Tiyang Amparo at nalaman na rin nya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Dumating din sa Belinda dahil itong mga sesmosa kong mga kapatid binalita rin agad sa kanya. Inunahan pa ko.
“Hay salamat panginoon ko at dininig nyo ang aking panalangin na nawa’y mabuntis na itong pamangkin ko.” Sambit ni Tiyang Amparo na animo’y nagdadasal at may patingala tingala pa.
“Sharpshooter kasi si Kuya Kester tiyang.” Ani Cristoff na buhat buhat na sa kanyang likuran si Glen na masaya na sa hawak na dalawang singkwenta.
“Oo nga. Biruin mo tatlong buwan pa lang sila pero nabuntis na nya ang ate nyo. At patunay lang na di pa bulok ang matris ng ate nyo.”
Umingos ako. “Si tiyang talaga kung makapagsalita parang sobrang tanda ko na.” Bubulong bulong na sabi ko.
Humagikgik si Clarissa at Belinda.
“Hayaan mo na mamsh. Masaya lang si Aling Amparo para sayo. Alam mo naman yang tiyahin mo matagal ka na nyang gustong pag asawahin.” Saad ni Belinda.
“Oo nga ate at huwag ka na ring magulat kung malaman ng lahat ng kamag anak natin na buntis ka. Malamang ipapamalita yan ni tiyang.” Segunda pa ni Clarissa.
Bumuntong hininga ako. “Malamang talaga.”
“Teka ilang weeks na ba yan?” Tanong pa ni Belinda at sumulyap sa impis ko pang tiyan.
“Hindi ko pa alam. Kanina lang naman ako nag take ng pt.”
“Magpa check up ka na agad para malaman mo na kung ilang weeks na.”
“Oo, siguro bukas magpapacheck up na ko.”
“Sama mo na rin si Kuya Kester ate.”
Nilingon ko si Kester na nasa labas ng bahay at may kausap sa cellphone. Ang sabi nya ay kakausapin lang nya ang secretary nya para bilinan. Pero sa lawak ng ngiti nya ngayon ay parang hindi na ang secretary nya ang kausap. Iba ang nararamdaman ko. Mukhang pinamalita na rin nya sa mga kaibigan nya at kamag anak.
At hindi nga ako nagkamali.
“Love sabi ni lolo at lola pumunta daw tayo sa kanila. Gusto nilang kausapin ka.” Umupo si Kester sa tabi ko. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang saya.
“Ngayon na ba agad?” Hindi ko kasi feel ang bumiyahe ngayon ng halos treinta minutos.
“Pwede naman sa linggo.”
“Sige sa linggo na lang tayo pumunta. Di ko kasi feel ang bumiyahe. Parang ang bigat ng katawan ko.”
“Okay, pero ayos ka lang? May iba ka bang nararamdaman? Masakit ba ang tiyan mo?” Sunod sunod nyang tanong at gumuhit pa ang pag aalala sa kanyang mukha.
Natawa naman ako at hinaplos ko ang kanyang pisngi. “Ayos lang ako at hindi masakit ang tiyan ko. Medyo mabigat lang talaga ang pakiramdam ko at para akong tinatamad kumilos.”
“Ganyan talaga ang mga buntis Kuya Kester. Parang laging tamad na tamad.” Singit ni Clarissa.
“Oo nga, ganyan din ako noong pinagbubuntis ko si Beatrice.”
At kanya kanya na nga ng kwento si Clarissa at Belinda tungkol sa mga experience nila sa pagbubuntis. Minsan ay sumasali din si Tiyang Amparo. Mataman lang kaming nakikinig ni Kester lalo na ko dahil ako ang buntis. Medyo kinakabahan ako na natatakot sa mga kwento nila. Pero lahat naman ng mga babaeng may anak ay naexperience na rin ang mga yun. Basta para sa baby ko kakayanin ko.
–
“NAKU! Sobra mo kong pinasaya iha. Sa wakas magkakaapo na kami sa tuhod ni Ramon. Apong galing sa anak ng anak namin.” Tuwang tuwang sabi ni Lola Constancia na nakayakap pa sa akin.
Pagdating nga namin kanina ni Kester ay sinalubong na nila kami sa gate pa lang at si Lola Constancia ay hindi na sa akin bumibitaw. Dalawa lang ang anak ni Lolo Ramon at Lola Constancia. Yun ay ang daddy ni Kester na pumanaw na at ang mommy ni Rick na nasa ibang bansa naman. Parehas pang tig isa ang mga anak ng mga ito at ang isa ay alanganin pa. Natutuwa naman ako sa mainit nilang pagtanggap sa pagbubuntis ko.
“Congratulations bal! Ihh! Ginugulat mo naman ako. Ang bilis nyong nakabuo ni insan ha.” Bati sa akin ni Rick at niyakap din ako.
“Thanks bal.”
“Ngayon pa lang ninang na ako nyan. Unang una ako sa listahan.” Pagdedesisyon nya.
“Syempre naman.” Natatawang sabi ko.
“And I’m so proud of you Kester apo. Hindi mo ko binigo.” Nakangising sabi naman ni Lolo Ramon at tinapik sa balikat si Kester.
“Of course ’lo. Sa inyo ako nagmana eh.” Nakangising wika rin ng nobyo ko.
“At dahil dyan ang share mo sa mana ay mapupunta sa unang apo namin sa tuhod.”
Nagkibit balikat si Kester. “I don’t mind ’lo. Ang importante lang sa akin ay ang mag ina ko.” Aniya na nakangiti habang titig na titig sa akin.
Para namang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko sa sinabi nyang yun. Ramdam ko ang pagmamahal nya sa amin ni baby. Simula nga ng malaman nya na buntis ako ay halos lagi na syang nakadikit sa akin. Noong nagpacheck up kami mas marami pa syang tanong sa doctor kesa sa akin na akala mo ba ay sya ang buntis. Tapos madalas ko syang nahuhuli na nagsesearch sa internet tungkol sa buntis at sa baby.
“Ano nga pala ang plano nyo ngayong magkakababy na kayo?” Tanong ni Lola Constancia.
“Wala pa ’la.” Sagot ni Kester.
“Wala? Wala kang balak pakasalan si Crizel ngayong nabuntis mo na sya? Naku lumayas ka dito sa pamamahay ko Keith Alistair. Ayoko ng lalaking gago kahit apo pa kita! Tuluyan kitang patatanggalan ng mana at ibibigay ko sa apo ko sa tuhod!” Tungyaw ni Lola Constancia.
Malutong namang napamura si Kester. “Oh shit! Oo nga pala kasal. Syempre ’la pakakasalan ko si Crizel. Hindi pwedeng hindi.”
“Eh yun naman pala eh. Aba’y dapat lang naman dahil magkaka anak na kayo.”
“Mag.. papakasal tayo?” Tanong ko. Parang nabingi na kasi ako. Parang di ako sigurado sa narinig.
“Of course love. Magpapakasal tayo.”
“Ayan. Parang di na tuloy sigurado sayo si kambal insan.” Hirit ni Rick.
Kumunot ang noo ni Kester habang nakatingin sa akin. “Ayaw mo bang magpakasal sa akin love?” May tono ng lungkot ang kanyang boses.
Tumingin ako sa kanilang lahat na mga nakatingin din sa akin at parang hinihintay ang sagot ko.
“Syempre gusto ko.. nabigla lang ako. Hindi naman kasi natin yun napag usapan.”
“Kasalan mo Kester. Ikaw ang lalaki ikaw dapat ang magbanggit tungkol sa kasal. Huwag mong iparamdam sa buntis na parang balewala sya at ang baby lang ang gusto mo.” Sermon pa ni Lola Constancia.
“I’m sure hindi naman intensyon ng apo mo yun honey.”
“Kuh, kampihan mo pa Ramon.”
Kumagat labi si Kester. May gumuhit na guilt sa kanyang mukha. Lumapit sya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Dinala nya yun sa kanyang labi at hinalik halikan.
“I’m sorry love kung hindi ko yun nabanggit. Masyado kasi akong nagfocus kay baby. I’m so sorry hindi ko intensyon na balewalain ka.”
Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. Kahit kelan ay hindi ko naman naramdaman na balewala ako sa kanya. Ako rin naman ay nawala sa isip ko ang tungkol sa kasal ng malamang kong buntis ako. Ang nasa isip ko lang ay si baby.
“Ano ka ba wala yun. Hindi ko naman naramdaman na balewala ako. Ako rin naman nawala sa isip ko ang tungkol sa kasal.”
Niyakap nya ako at dinampi dampian ng halik sa noo at buhok. Sinandig ko naman ang pisngi sa kanyang malapad na dibdib. Nakatingin sa amin si Lolo Ramon, Lola Constancia at Rick na may mga ngiti sa labi.
“Sana lalaki ang unang apo natin sa tuhod.” Wika ni Lolo Ramon.
“Anong lalaki? Dapat babae.” Kontra ni Lola Constancia.
At nagsimula na namang magtalo ang dalawang matanda tungkol sa kasarian ng unang apo nila sa tuhod. Pero sa bandang huli ay si Lola Constancia pa rin ang panalo. Pero para sa akin kahit anong kasarian pa ay ayos na ayos lang. Importante lumabas syang malusog.
–
“PASENSYA na mamsh di ako makakadaan ngayon dyan sa eatery. May biglaang emergency kasi eh.”
“Emergency? Anong emergency? May nangyari ba?” Nagaalalang tanong ko sa kabilang linya.
“Wala namang nangyari mamsh. Ano.. may emergency lang akong pupuntahan. Kailangan kasi ang presensya ko don.”
Bumuntong hininga ako. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung ano na ang nangyari eh.
“O sige. Pero paano pala ang order mong baked mac? Cancel na ba?”
“Hindi. Si mama na ang kukuha dyan. Pakiabot na lang mamsh. Salamat.”
“Okay, ingat ka sa pupuntahan.” Binaba ko na ang cellphone at sinilid sa bulsa ng apron kong suot.
Hinarap ko na ang nilulutong chicken curry sa malaking kawali. Luto na ito kaya pinatay ko na ang kalan. Akmang bubuhatin ko ang kawali ng pigilan ako ni Amelia.
“Naku madam si Bryan na dyan. Huwag kayong magbuhat ng magbuhat ng mabigat.”
“Oo nga madam ako na dyan.” Lumapit si Bryan at binuhat ang malaking kawali at pinatong sa stainless na lamesa.
“Salamat.” Nakangiting sabi ko.
Simula ng malaman nila na buntis ako ay naging maalalahanin sila sa akin. Hindi nila ako hinahayaang magbuhat ng mabibigat at lagi silang nakaalalay sa akin na para bang manganganak na ako. Naappreciate ko naman ang pagmamalasakit nila sa akin. Masarap sa pakiramdam na concern sila sa pagbubuntis ko.
“Hi love.”
Lumingon ako sa entrada ng kusina at nakita ko si Kester na pumasok. Lumapit sya sa akin at hinalikan sa pisngi.
“Anong ginagawa mo rito? Wala pang lunch ah.” Sabi ko habang sinasalin ang chicken curry sa stainless container.
“May pupuntahan tayo. Tumawag ako sayo kanina di ba?”
Oo nga pala tumawag sya kanina. Susunduin nya ako ng alas dies at may pupuntahan daw kami.
“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko.
“Basta.” Nakangising sabi nya.
Umingos ako. Kanina pa yang basta nya eh.
“Pwede bang sa ibang araw na lang? Marami pa kaming lulutuin o.”
“Madam keri na naman to. Sumama na lang kayo kay Bossing Kester.” Sabat ni Bryan.
“Oo nga madam. Kami na dito. Baka importante ang pupuntahan nyo ni ser.” Sang ayon pa ni Amelia.
Tiningnan ko sila isa isa. Kapwa sila may mga ngiti sa labi. Bumaling ako kay Kester.
“Mabilis lang tayo ha.”
“Sure.”
Hinubad ko na ang apron at hairnet at sinabit sa hook. Sabay na kaming lumabas ng kusina ni Kester. Dumiretso muna ako sa maliit kong opisina para mag ayos ng sarili. Pagkatapos ay binilinan ko ang mga tauhan ko at nagpaalam na rin na aalis saglit.
“Anong ginagawa natin dito?” Tanong ko kay Kester pagbaba namin ng sasakyan. Nandito kami sa parking lot ng city hall.
“May meeting tayo kay mayor.” Nakangising sabi nya.
“Anong meeting?” Kunot noong tanong ko.
Pero imbes na sumagot ay lalo lang lumapad ang ngisi nya at hinawakan na ang kamay ko. Giniya na nya ako papasok ng city hall. Naguguluhan naman ako kung ano ang ginagawa namin dito. Hanggang sa makarating kami sa ikatlong palapag kung nasaan ang mayor’s office ay wala pa rin akong ideya.
“Huy ano ba kasing gagawin natin dito love? Pinapakaba mo naman ako eh.” Muli kong tanong ng nasa harap na kami ng malapad na pinto ng mayor’s office. Pinigilan ko ang kamay nya na akmang kakatok sa pinto.
Ngumisi sya. “Basta akong bahala.”
“Puro ka basta. Dyetahin kita dyan eh. Isang buwan kang walang sex. Mag mariang palad ka.” Mahinang asik ko sa kanya.
Umusli ang labi nya. “Huwag naman ganun love. Para na ring sinabi mong mamatay ako sa gutom.”
Kunwaring inirapan ko sya kasabay ng pag iinit ng aking mukha. “Anong akala mo sa akin pagkain.”
“Mas masarap ka pa sa pagkain.” Aniya sa nanghihibong boses.
Lalo lang tuloy nag init ang aking mukha.
“Ehem! Excuse me po ser, ma’am.”
Sabay kaming napalingon sa likuran. Isang babae ang may alanganing ngiti sa labi ang nakaharap sa amin. Siguradong narinig nya ang usapan namin ni Kester. Nakakahiya tuloy.
“Kanina pa po kayo hinihintay ni mayor at ng mga witnesses nyo.” Anang babae na mukhang sekretarya ng mayor.
Kumunot ang noo ko. “Witnesses? Anong witnesses?” Naguguluhang tanong ko.
“Let’s go inside love.” Sabi lang ni Kester imbes na sagutin ang tanong ko.
Inakbayan nya ako at binuksan ang malapad na pinto.
Bibitinin ko muna kayo dahil di na keri ng mata ko na pumipikit na 🥴
Chapter 39
Crizel
NAPAAWANG ang labi ko ng makita sa loob ng mayor’s office si Belinda at Rick. May katabi silang babaeng medyo may edad na nakapang opisina na damit at may suot na ID. May mabait na ngiti sa kanyang labi.
“Hay mabuti naman at dumating na kayo. Ang tagal nyo ha. Malapit na akong tubuan ng ugat at ang foundation ko humuhulas na.” Mataray na sabi ni Rick na inirapan pa kami ni Kester. Pero alam kong nagbibiro lang sya.
“Oo nga ang tagal nyo. Ginutom na ako. Pati si mayor nainip na kaya lumabas muna.” Segunda pa ni Belinda na bihis na bihis kagaya ni Rick.
“Anong ginagawa nyo ditong dalawa? At akala ko ba may emergency kang pupuntahan Belinda?” Clueless na tanong ko ng makalapit sa kanila.
“Oo nga, ito ang emergency na pinuntahan ko.” Nakangising sabi pa ni Belinda.
Lalo lang tuloy akong nagulahan.
“Hello po ma’am. Good morning. I’m Lucila Teope. Secretary po ako ni Ser Kester. Finally na meet ko na po kayo. At ngayon pa lang po binabati ko na kayo ni boss.” Ngiting ngiti na sabi ng babae na secretary ni Kester. Nilahad nya ang kamay sa akin.
Tinanggap ko naman yun at alanganing ngumiti. “H-Hello Lucila. I’m Crizel. Nice to meet you too.”
“Kilala ko na po kayo ma’am. Madalas po kayong ikwento sa akin ni boss. Sobrang excited nga po ako na makilala kayo at sobrang tuwa ko rin po na malamang buntis kayo at magkakaanak na ni boss.”
Umawang ang labi ko sa sinabi ni Lucila. Alam na rin pala nya na buntis ako. Malamang sinabi ni Kester.
“Salamat Lucila.” Nasabi ko na lang.
Binalingan ko si Kester na ngiting ngiti at parang batang excited. Akmang magtatanong ako sa kanya ng bumukas naman ang pinto at pumasok si Mayor Manalansan. Kilala syang mayor at sikat na sikat. Ilang beses na syang nafeature sa tv.
“Good morning ninong. Pasensya na medyo nalate kami.” Sabi ni Kester.
Napaawang ulit ang labi ko. Ninong pala nya si Mayor Manalansan.
Ngumiti si mayor at tumingin sa akin. “Sya ba ang nobya mo?”
“Oho ninong.” Tumingin sa akin si Kester.
Ngumiti naman ako kay Mayor Manalansan. “Magandang umaga po mayor. Ako po si Crizelda Romina Sales.” Magalang na sabi ko.
“Ikinagagalak kitang makilala iha. Bueno umpisahan na natin ang seremonya at ako’y nagmamadali dahil may meeting pa akong dadaluhan.”
Natigilan ako sa sinambit ng mayor kasabay ng pagkabog ng dibdib ko.
“Seremonya? Ano pong seremonya?” Naguguluhang tanong ko pero parang may ideya na ako kung anong seremonya iyon.
Palipat lipat ang tingin ni mayor sa aming dalawa ni Kester.
“Mukhang hindi pa yata alam ng nobya mo na ikakasal kayo iho.” Ani mayor.
“Ikakasal!?” Namimilog ang matang bulalas ko at bumaling kay Kester na kumakamot na sa ulo. “Ikakasal tayo?”
“Yes love.” Nakangising sabi nya.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba lalo na sa excitement. Pinalo ko sya sa braso.
“Bakit di mo ko sinabihan?” Gigil na sabi ko. Kung wala nga lang kami sa loob ng office ni mayor ay sinabunutan ko na sya.
“Sorry love. Gusto lang kitang supresahin.” Nakangiwing sabi nya habang hinihinas ang brasong pinalo ko. Akala mo naman malakas ang palo ko.
“Ah iha, kung ayaw mo pang magpakasal sa inaanak ko ay ayos lang. Hindi naman sapilitan ito.” Singit ni mayor.
“Hindi pwedeng hindi sya magpakasal sa akin ninong. Buntis na sya eh magkakababy na kami – aww!” Daing ni Kester ng kurutin ko sya ng pino sa tagiliran.
Kailangan ba talagang sabihin nya sa lahat ng kakilala nya na buntis ako at magkakababy na kami? Alam kong proud lang sya pero minsan nakakahiya na. Kulang na lang i-patarpaulin nya para alam ng buong pilipinas.
“Aba’y ganun naman pala. Dapat ngang makasal na kayo.” Komento pa ni mayor.
Nahihiyang humarap naman ako sa mayor.
“Wala naman pong problema sa akin mayor. Gusto ko rin pong magpakasal. Ginugulat lang po talaga ako ng lalaking to. Ni hindi man lang ako sinabihan. Eh di sana nakapag gayak man lang ako ng maayos.” Himutok ko at inirapan si Kester. Ang suot ko kasi ngayon ay pantalon lang at simpleng t-shirt na kulay pink at simpleng sandalyas.
Ngumisi si Kester at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Kahit ano pang suot mo love maganda ka pa rin at pakakasalan pa rin kita.”
Napangiti na ako sa sinabi nya. Alam na alam talaga nya kung paano kilitiin ang puso ko.
“Oo na, at sorry sa reaksyon ko. Nabigla lang ako.”
Kinulong nya sa dalawa nyang malaking palad ang aking mukha. Naging mapungay ang kanyang mga mata. “I understand love. And I’m sorry too. Gusto ko lang na makasal na tayo agad dahil buntis ka na. Ang balak ko sana ay sa simbahan agad pero sobrang tagal naman ng preparation kaya civil muna tayo. But I promise to you magpapakasal din tayo sa simbahan.”
Nag init naman ang aking dibdib sa kanyang sinabi. Alam kong tototohanin nya yun. Wala syang sinabi o pinangako na hindi nya ginawa.
“Ayos lang sa akin kahit itong civil wedding lang. Ang importante kasal tayo at magiging isang pamilya na. Mahal kita Kester.”
Ngumiti sya at dinampian ako ng halik sa labi. “Mahal na mahal din kita Crizelda.”
“O sya, tama na yan umpisahan na natin ang seremonya.” Ani mayor.
“Oho nga mayor bago pa tayo langgamin dito.” Patutsada pa ni Rick.
Parehas na kaming may ngiti sa labi ni Kester ng humarap kay mayor. At inumpisahan na ang seremonya para sa aming pagiisang dibdib..
“Congratulations mamsh! Sa wakas kasal na kayo ni Kester. Ang bilis! Pero sobrang happy ako for you.” Tuwang tuwang bati ni Belinda sa akin sabay yakap ng mahigpit.
“Thank you Bel. Happy din ako na saksi ka sa importanteng araw na ito para sa akin.”
“Syempre! Dapat lang na nandito ako no. Saksi ako sa love story nyo ni Kester mula pa noong college tayo. Sabi ko naman sayo noon eh. Si Kester talaga ang para sayo.”
“Oo na, nagdilang anghel ka.” Natatawang sabi ko.
Naalala ko nga noon. Lagi nyang pang asar sa akin na baka si Kester ang makatuluyan ko balang araw. Pikon na pikon ako noon at bwisit na bwisit. Pero iba nga naman maglaro ang tadhana. Nagkatotoo ang pang aasar nya.
“Congratulations bal! Sa wakas isa ka ng Belleza. Welcome to Belleza family.” Bati rin sa akin ni Rick at niyakap ako ng mahigpit.
Katatapos lang sermon at official na akong Mrs. Belleza. Dala ko na ang apelido ni Kester. Sobrang bilis ng pangyayari para tuloy akong nakalutang pero punong puno ng tuwa ang dibdib ko.
“Thank you bal.” Natatawang sabi ko bagama’t para na rin akong maiiyak sa tuwa.
“Siguradong matutuwa si lolo at lola kapag nalaman nilang kasal na kayong dalawa ni Kester.” Ani Rick ng maghiwalay na kami ng yakap.
Kumunot ang noo ko at sumulyap kay Kester na kausap si Mayor Manalansan.
“Hindi ba alam nila Lolo Ramon at Lola Constancia?”
“Hindi, dahil kung alam nila malamang present sila dito lalo na si lola.”
Oo nga. Siguradong pupunta ang dalawang matanda.
“Ibig sabihin kayo lang ni Belinda ang nakakaalam at yung secretary nya?” Tanong ko sa dalawang kaibigan.
“Ewan ko sa secretary nya pero kami ni Rika kanina lang nya sinabihan. Nagulat na lang ako tumawag sya at sinabi nga ang plano nyang pagpapakasal sayo ngayon at isekreto muna daw. Kaya nga di na ako nakadaan sa eatery mo para kunin ang order ko.” Kwento ni Belinda.
“Ganun din sa akin. Bigla na lang syang tumawag. Nai-cancel ko tuloy ang meet up ko sa bagong client ko.” Ani Rick.
Umawang ang labi ko. So biglaan talaga tong kasal namin o talagang pinagplanuhan nya. Oh well anuman yan kasal na kami at wala ng magbabago. Mag asawa na kami ngayon.
Mataman kong sinisipat ang wedding ring na nakasuot sa palasingsingan ko. Gold ito at medyo makinang kinang. Iniisip ko tuloy kung totoong gold ba ito o hindi.
“Huwag kang mag alala tunay yan at hindi tig 299.” Natatawang sabi ni Kester habang nagmamaneho.
Sumulyap pa sya sa akin at kumindat. Happy’ng happy ang kumag. Well ako rin naman happy’ng happy din.
“Ayos lang sa akin kahit magkano ang singsing. Hindi importante sa akin ang halaga. Ang importante sa akin ay ikaw.” Totoo naman yun. Siguro iniisip ng iba na maswerte ako dahil mayaman ang napangasawa ko. Pero hindi naman ako tumitingin sa yaman ni Kester. Kung yaman lang nya ang tinitingnan ko sana noon ka pa sya inakit. Kahit wala ang yaman nya ay kaya kong buhayin ang sarili ko. Sadyang mahal ko lang ang kumag kong asawa.
Hay.. nakakapanibago na banggitin na asawa ko na sya. Pero masarap sa pakiramdam at masasanay rin ako.
Kumagat labi si Kester habang nangingiti. “Pinapakilig mo naman ako love. Huwag namang ganyan. Baka atakehin na ko sa puso nito.”
Niyakap ko ang isang braso nya at humilig. “Ang corny mo talaga minsan. Pero kahit corny ka mahal kita.”
Tumawa sya sabay dampi ng halik sa aking buhok at anas ng kanyang pagmamahal sa akin. Ito na ang umpisa ng byahe ng buhay namin bilang mag asawa.
Natuwa ang lahat ng mga kamag anak namin ng malaman nilang kasal na kami ni Kester. Bagama’t nanghihinayang sila na hindi sila nakadalo. Pero nangako naman si Kester na magpapakasal pa rin kami sa simbahan at imbitado ang lahat. Dahil kasal na kami ni Kester ay pwede na kaming magsama sa iisang bubong. Syempre doon kami titira sa bahay nya. Pero napagkasunduan naming tuwing weekend muna kami doon at kapag weekdays ay sa bahay namin. Mas malapit kasi ang bahay namin sa eatery. Ayaw nyang mapagod ako sa byahe.
.
.
Kester
“CONGRATULATIONS pare. Akala ko talaga nagbibiro ka lang ng sabihin mong buntis na si Crizel at magkakababy na kayo. Tapos ginulat mo pa kaming lahat ng sabihin mo pang kasal na kayo.” Nakangising wika ni Atlas at kunwaring sinuntok ako sa braso.
“Tsk! Talagang humahabol ka ha.” Dugtong naman ni Luigi.
Nagkibit balikat lang ako at nginisihan sila. Dinampot ko ang baso kong may lamang brandy at sinimsim. Nagsama sama kami ngayon dito sa bahay ko – I mean sa bahay namin ni Crizel dahil inaya ko silang uminom. Agad naman silang pumunta dahil gusto rin nilang makasagap ng balita sa akin. At isa pa ay ilang buwan na rin kaming hindi nagsamasama at hindi uminom. Yun nga lang ay hindi kami pwedeng malasing dahil may mga asawa na kaming naghihintay sa amin. Lalo na ko, bagama’t ayos lang kay Crizel na uminom ako ay naghihinay hinay pa rin ako dahil buntis sya. Ayon kasi sa nabasa ko sa internet ay maselan ang pang amoy ng mga buntis. Baka mairita sya kapag naamoy ang umaalingasaw na alak sa katawan ko ma-outside de kulambo pa ako. Hindi pa naman na ako sanay matulog na hindi sya katabi at kayakap.
“Teka pare nasaan na pala si Crizel?” Tanong ni Jeiz at nagpalinga linga.
“Tulog na. Lately kasi nagiging antukin na sya.” Sabi ko at dinampot ang bote ng brandy at sinalinan ang mga baso nila.
Nakatulog na si Crizel ng dumating ang mga kaibigan ko. Hinihintay nga nyang dumating ang mga ito para maasikaso daw nya. Pero hindi ko na sya ginising ng dumating para tuloy tuloy ang tulog nya at hindi sya mapagod. Malalaking damulag naman ang mga kaibigan ko at kaya na nila ang sarili nila.
“Ganyan talaga ang mga buntis laging antukin.” Ani Lorenzo na pinaikot ikot ang hawak na baso.
“Pero paghandaan mo pare ang matinding paglilihi ni Crizel. Siguradong mabubuang ka.” Saad ni Luigi na may nakakalokong ngisi.
“Lalo na sa mga paiba iba nilang mood. Good luck na lang sayo lalo na si Crizel yan.” Natatawang paalala pa sa akin ni Atlas.
Tumawa rin ang iba ko pang mga kaibigan.
“Parang nakikita ko ng under ka kay Crizel pare.” Pangbubuska pa ni Luigi.
Ngumisi ako. “Nagsalita ang hindi under sa asawa.” Balik pambubuska ko sa kaibigan.
Totoo namang under din sya kay Ivona hindi lang halata. Pero lagi syang ‘yes baby’. Well lahat naman ng mga kaibigan ko ay under din sa mga asawa nila. Hindi dahil takot kami sa mga asawa namin kundi mahal lang namin sila.
“Ikaw pare, wala ka bang maipapayo dito kay Kester tungkol sa pag aasawa?” Untag ni Jeiz kay Matias na tahimik lang habang umiinom.
Bored na lumingon sa akin si Matias. “Pagsuotin mo ng helmet si Crizel baka mauntog at matauhan hiwalayan ka.” Walang kwenta nyang payo na ikinasimangot ko na lang.
Tawa ng tawa naman ang apat.
“Inggit ka lang. Mag asawa ka na rin kasi.” Buyo ko kay Matias.
Sa aming anim ay sya na lang ang walang asawa. Hindi namin alam kung may balak ba syang mag asawa. Wala naman kaming nababalitaan na dinidate nya. Wala naman kasing babaeng nagtatagal sa kanya dahil suplado sya. Ah meron pala. Si Ava. Hindi tumatalab ang kasupladuhan nya roon. Ito lang ang babaeng kayang kaya sya barahin.
Tss. Bahala na nga sya sa lovelife nya. Abangan ko na lang. Basta ako masayang masaya sa love life ko. Si Crizel lang at ang baby namin sapat na sapat na.
Ilang chapter na lang :D
Chapter 40
Crizel
NANGINGITI ako habang pinagmamasdan si Kester na kandong si Glen at tinuturuan itong magsulat sa sala. Mataman namang nakikinig si Glen sa tinuturo ng Tito Kester nya. Ganito ang bonding nila pag uwi namin ni Kester sa gabi. Parang instant baby namin si Glen. Mabuti nga ay hindi na sya nagtatampo na magkakababy na kami ni Kester. Pinapaliwanag naman namin sa kanya na kuya na sya kaya excited na rin sya na lumabas ang baby namin.
“Alam mo ate, nakikita ko magiging mabuting daddy yan si Kuya Kester sa baby nyo. Saka halatang excited sya na lumabas ang baby nyo. I’m sure spoiled na spoiled yun sa kanya.” Untag sa akin ni Clarissa habang naghuhugas sya ng mga plato.
Katatapos lang naming maghapunan. Ako naman ay naglilista ng menu namin sa eatery para bukas.
“Oo nga, hindi pa nga lumalaki ang tiyan ko panay kausap na nya.”
Going three months na ang tiyan ko at may umbok na. Ang sabi ng doctor ko ay mabilis ng lalaki itong tiyan ko at excited na excited na si Kester. Nabasa daw nya kasi sa internet na mabilis daw lumaki si baby sa tiyan kapag kinakausap daw ng tatay. Ewan ko kung totoo yun. Pero knowing Kester sa sobrang excited nya sa baby namin lahat gagawin nya.
Pagkatapos kong maglista ng menu ay niligpit ko na ang maliit kong notebook at nakisali na sa magtito. Pero dahil busy ang magtito at ayaw paistorbo ay si Tonya na lang sinamahan ko na nag aaral ngayon magbasa ng english. Infairness sa babaeng pamangkin ko mabilis matuto.
“Love ako na dyan.”
Nilingon ko si Kester na bagong shower at nagbibihis na ng sando. Nauna na akong nagshower sa kanya. Nakakahiya naman kasi kung magsasabay kami. May mga kasama kami dito sa bahay. Pwede lang kaming magsabay dun sa bahay nya dahil may sariling banyo ang kwarto nya.
Umusli ang nguso ko habang nagtutupi ng mga damit naming bagong laba. Ang bango bango na nya. Masarap na syang yakapin. Gustong gusto ko ang amoy nya pag bagong ligo. Amoy fresh na fresh sya.
“Hindi na, ako na dito. Di ka naman marunong magtupi eh.”
“Eh di turuan mo ko.” Aniya at umupo na sa dulo ng kama sa aking tabi. Dinampot nya ang damit ko. “Paano ba?”
Tiningnan ko sya. Titig na titig sya sa damit ko na parang nag iisip kung paano ang gagawin. Mukhang seryoso nga syang matuto sa pagtutupi.
Kaya tinuruan ko na sya ng tamang pagtutupi. Mataman naman syang nakikinig at mabilis matuto.
“Madali lang naman pala eh.” Nakangising sabi nya habang tinutupi naman ang pantalon ko. Mabilis nga syang magtupi.
Simula ng manirahan na rin sya dito sa bahay ay unti unti na syang natututo ng mga gawaing bahay. Marunong na syang maghugas ng plato katulong pa nya si Glen na instant baby namin ngayon. Marunong na rin syang magwalis walis at ngayon naman marunong na syang magtupi. Nakakatuwa naman sa kanya dahil mabilis syang maka-adjust dito sa bahay. Wala syang reklamo kahit maliit lang itong kwarto ko at walang aircon.
Ng matapos na kaming magligpit ay nahiga na kami sa kama. Umunan ako sa malaki nyang braso habang ang isa kong kamay ay humahaplos sa kanyang malapad na dibdib at matigas na tiyan. Sinisinghot singhot ko pa ang amoy nya. Sya naman ay panay ang dampi ng halik sa aking buhok. Tumingala ako sa kanya. Bahagya ng nakapikit ang kanyang mga mata. Mukhang inaantok na sya. Ngumiti sya sa akin at sa noo naman ako dinampian ng halik.
Umusli ang nguso ko at bumuntong hininga ako. Hindi pa ako inaantok.
Pinagmamasdan ko ang kamay kong humahaplos sa matigas nyang tiyan. Dumako ang paningin ko sa harapan ng kanyang jogger na may umbok. Alam kong wala syang suot na brief sa loob. Hindi sya nagsusuot dahil mas komportable daw sya matulog. Hindi pa erect yun pero malaki na ang umbok paano pa kaya kapag erect na.
Kumagat labi ako. Bumaba ang kamay ko sa garter ng kanyang jogger. Natutukso akong dakmain ang pagkalalaki nya. Lately ang bilis kong mag init magdikit lang kami. Ang sabi nila normal lang daw yun sa buntis. Dito sa bahay hindi kami nakakapagsex dahil nakakahiya. Baka marinig kami ng mga kapatid ko. Hindi pa naman sound proof itong kwarto ko. Nakakapag sex lang kami sa bahay nya. Doon ay kahit magsisigaw kami ay walang makakarinig. Ilang araw pa ang hihintayin ko para makapag sex ulit kami sa bahay nya na bahay ko na rin pala, sabi nya.
Dahil sa tawag ng tukso ay hindi ka napigilan ang sarili ko. Dinakma ko na ang maumbok na harapan ng jogger nya. Nakakapa ko ang kahabaan at katabaan ng pagkalalaki nya. Lalo tuloy nag init ang katawan ko na para akong sinisinat.
“Love, what are you doing?” Paanas na tanong ni Kester sa magaspang na boses.
Tumingala ako sa kanya at pilyang ngumiti. “Pahawak.”
Mahina syang tumawa at sumilay na rin ang kapilyuhan sa kanyang mga mata.
“Go on love, it’s yours. Pero mas masarap kung sa loob mo hahawakan.” Pilyo nyang sabi at ngumisi. Naramdaman kong tumitigas na rin ang pagkalalaki nya.
“Manyak.” Sabi ko.
Malutong syang tumawa. “Look who’s talking. Ikaw nga ang nauna eh.”
“Oo na, manyak na rin ako. Hinawaan mo ko eh.” Kunwaring inirapan ko sya pero nilusot ko na ang kamay sa loob ng jogger nya. Direkta ko ng hinawakan ang pagkalalaki nyang mainit init at matigas na.
Kumagat labi sya at napapikit pa ng hagurin ko ang pagkalalaki nya. May kabigatan ito at malambot sa kamay ang balat pero matigas.
“Shit love sarap..” Anas nya at sumubsob sa buhok ko. Ang isang kamay nya at kumubkob sa isa kong dibdib.
Binilisan ko pa ang paghagod sa pagkalalaki nya na matigas na matigas na. Bahagya ko pa iyong pinipisil na ikinadaing nya. Ito ang pangalawang beses na hinawakan ko ang pagkalalaki nya. Pero ngayon ay mas enjoy na enjoy ako lalo na at nakikita ko sa kanyang mukha na sarap na sarap sya. Idagdag pa na nakakaramdam ako ng kiliti sa pagpiga piga nya sa aking dibdib. Nilusot pa nga nya ang kamay sa loob ng maluwang kong t-shirt at direkta na rin nyang hinawakan ang aking dibdib at nilaro pa ng kanyang daliri ang aking utong. Pero saglit lang ang kamay nya roon at bumaba rin sa pajama ko. Doon naman nya nilusot ang kamay hanggang sa loob ng panty ko at napadaing ako ng maramdaman ang kanyang mainit na kamay sa aking pagkababae.
“Hmm love..” Anas ko ng haplos haplusin nya ang aking pagkababae.
Hinagod pa ng kanyang daliri ang hiwa niyon na nagdulot ng masarap na kiliti sa aking pagkababae. Tuloy ay napahigpit ang hawak ko sa kanyang pagkalalaki na kanyang ikinaungol ng malakas.
“Shh bibig mo!” Saway ko sa kanya.
“Sorry. Ikaw kasi.. sinakal mo si junior ko.” Natatawang sabi nya.
“Sorry naman.” Niluwangan ko na ang hawak at banayad na yung hinagod hagod.
Bahagya syang yumuko at dinampian ako ng mariing halik sa labi.
“Nagiging pilya ka na love.” Nakangising anas nya.
“Kasalanan mo nga nahawa na ako sayo.” Natatawang sabi ko pero napakagat labi ako ng pinasok nya ang daliri sa bukana ng aking pagkababae.
“Wet na wet ka na love..” Nanunuksong sabi nya at nilabas masok pa ang daliri sa loob ko.
Tuloy ay para na akong sinisilaban sa init na nararamdaman ko. Hindi na gumalaw ang kamay kong nasa pagkalalaki nya.
“Horny na ako love..” Sambit ko.
Nagliwanag ang kislap ng kanyang mata.
“Me too love.” Anas nya sabay bangon at dagan sa akin. Mukhang gaya ko ay hindi na sya makatiis.
“T-Teka, baka marinig nila tayo.” Nag aalalang sabi ko.
Ngumisi sya. “Eh di tahimik lang tayo.” Aniya sabay hila pababa ng pajama ko.
Naginit naman ang mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at excitement.
“Oo na.” Nangingiti na lang na sabi ko. Ika nga kapag gusto may paraan.
Ngiting ngiti rin sya at mabilis na hinubad ang jogger at sando. Napalunok ako ng makita ang pagkalalaki nya na matayog ang pagkakatayo. Nasasabik na akong maramdaman ito sa loob ko.
Pinaghiwalay nya ang dalawang hita ko at dumapa sya sa ibabaw ko. Siniil nya ako ng halik na akin namang tinugon. Napadaing pa ako sa pagitan ng aming halik ng dumunggol sa bukana ko ang kanyang pagkalalaki.
“Ah!”
“Hmm!”
Sabay naming daing ng umulos na sya ng dahan dahan. Umawang ang labi ko ng maramdaman ko na ang kahabaan nya sa aking loob. Banat na banat at punong puno ang pakiramdam ng aking pagkababae.
Humawak ako sa braso nya. “Galaw ka na love..” Utos ko sa kanya.
Muli nya akong siniil ng mariing halik at nagumpisa ng umulos ng mabagal hanggang sa unti unting bumisil. Pinaikot ko naman ang mga binti ko sa balakang nya.
Walang puknat ang aming halikan habang mabilis syang gumagalaw sa ibabaw ko. Kinukulong namin sa halik ang aming mga ungol para hindi kami marinig sa labas. Ang hirap ng sitwasyon namin pero nakaka excite naman dahil may thrill.
–
“CONGRATULATIONS!” Bati ko kay Adam at sa asawa nyang si Lyza. Araw ngayon ng kasal nilang dalawa. At gaya ng pangako namin ni Kester ay dumalo kaming dalawa kahit nalate na kami at dito na kami nakaabot sa reception.
“Thank you Crizel.” Nakangiting bati sa akin ni Lyza. Mabait sya at walang issue sa kanya kahit nalaman nya na ex ako ni Adam.
“Congratulations din sa inyong dalawa. Inunahan nyo pa kami at ngayon at magkakababy na kayo. Iba ka talaga Kester pare.” Nakangising turan ni Adam at pabirong sinuntok sa braso ni Kester.
“Ganun talaga pare. Para di na makawala.” Nakangising turan din ni Kester.
“Ang sabihin mo sigurista ka.”
Nangiti na lang ako sa biruan ng dalawa. Sino ang mag aakalang magiging magkaibigan na sila. Dati noong college kami ay halos maghamunan sila ng suntukan kapag nagkakasalubong sa corridor. Masarap lang sa pakiramdam na makitang masaya na rin si Adam sa asawa nyang si Lyza. Deserve nya rin namang sumaya.
Hinimas ko ang may kalakihan ko ng tiyan. Five months na ito at ang bilis nga nyang lumaki. Paanong hindi lalaki eh kambal ang anak namin. Kaya naman hirap na hirap ang pakiramdam ko minsan. Matindi ang pagkahilong nararamdaman ko minsan at laging namamaga ang boobs ko. Pero masaya naman ako kahit kabado. Pero kung masaya ako doble doble naman ang saya ng kumag kong asawa. Kulang na nga lang magpafiesta sya ng malaman na kambal ang baby namin. May listahan na rin sya ng mga pangalan ng babae at lalaki.
“Here love, sabaw. Alam kong kanina mo pa gustong humigop.” Ani Kester at nilapag sa harap ko ang mangkok na may mainit na sabaw.
“Thanks love.” Nakangiting sabi ko sa asawa.
“You’re welcome love. Just tell me kung may iba ka pang gusto.”
Tumango lang ako. Dinampot ko ang kutsara at kumuha ng sabaw at hinigop ito. Sarap na sarap ako sa sabaw. Ito kasi ang madalas kong hanapin ngayon. Sa bahay nga at sa eatery ay laging sabaw ang nilalantakan ko at inuulam.
“Ilang buwan na ang tummy mo Crizel?” Tanong ni Lyza. Kasama namin silang mag asawa sa mesa.
“Five months na.” Nakangiting sabi ko.
Namilog ang mata ni Lyza. “Five months? Pero ang laki na. Akala ko kabuwanan mo na eh.”
Tumawa ako. “Kambal kasi.”
“Kambal?” Halos sabay na bulalas nila ni Adam.
Umakbay naman sa akin si Kester na may malapad na ngiti sa labi na parang proud na proud. “Yes we’re having twins.”
“Oh wow. Congratulations again.” Sambit ni Lyza na bakas sa mukha ang pagka mangha.
Iiling iling naman habang nangingisi si Adam. “Wala na akong masabi pare. Ang tindi mo. Ikaw na.”
“Of course. Kailangan naming humabol dahil napag iiwanan na kami.” Mariin akong dinampian ng halik ni Kester sa sentido.
“Kayo rin, humabol na.” Sabi ko sa dalawang bagong kasal.
Inakbayan ni Adam si Lyza. “Sinusubukan na namin.” Aniya na ikinapula ng mukha ni Lyza. Pinalo pa sya nito sa dibdib.
Natawa na lang kami ni Kester. Parang nakikita rin namin ang aming sarili sa kanila.
END
Crizel
NATIGILAN ako sa panood ng tv ng may magdoor bell. Hawak ang malaki kong tiyan ay tumayo ako para sana pagbuksan ang nagdo-doorbell.
“Ay ako na po ma’am.” Maagap na sabi ni Manang Belay.
“Sige po manang.”
Lumabas na si Manang Belay para pagbuksan ang nagdoorbell.
Ako naman ay nanatili lang na nakatayo. Baka kasi importanteng bisita ang nagdoorbell. Baka isa sa mga kaibigan ni Kester. Dinampot ko ang remote at hininaan ang tv.
“Ma’am nandito po si Ma’am Rika.” Untag sa akin ni Manang Belay na kasunod si Rick.
Napangiti ako ng makita ang kaibigan na pormal na pormal ang hitsura ngayon. Bagama’t damit pambabae pa rin ang suot nya minus wig nga lang pero naka make up naman at maayos ang pagkakastyle ng maiksing buhok.
“Salamat manang.”
“Sige po, dadalhan ko na lang po kayo ng juice.”
“Ah kape na lang sa akin manang. Black coffee no sugar.” Request ni Rick.
“Sige po ma’am.” Timalikod na si Manang Belay at tumungo sa kusina.
Lumapit naman sa akin si Rick at nagbeso beso kami.
“Super laki na ng tummy mo bal. Para kang nakalunok ng malaking pakwan.” Ani Rick habang nakatingin sa tiyan ko.
“Oo nga eh. Nahihirapan na nga rin ako minsang kumilos at nabibigatan na rin ako.” Natatawang sabi ko at hinimas himas ang malaking tiyan.
“Eh paano ba namang di mahihirapan kambal ang baby nyo tapos parehas pang lalaki.”
“Matindi kasi ang sperm ng pinsan mo. Isang putok kambal agad.”
Tumawa si Kester. “Di bale na, kaunting tiis na lang malapit ka ng manganak. And I’m so excited! Sana magmilagro at maging babae ang isa sa kambal para every body happy.”
Natawa na rin ako sa sinabi nya at dahan dahang umupo habang alalay ang tiyan. Kabuwanan ko na ngayon at anytime ay pwede akong manganak. Excited ako na kinakabahan, na natatakot. Dahil kabuwanan ko na nga ay hindi na ako pumapasok sa eatery ayon na rin sa suggestion ng doctor ko. Si Kester ay nagleave na rin sa trabaho para maalalayan ako. Si Rick ngayon ang pansamantalang namamahala sa kumpanya nila. Ang eatery ko naman ay si Clarissa at Cristoff ang pansantalang namamahala. Inaalalayan na lang na lang sila ni Amelia at ng mga tauhan ko roon. Minsan ay pumupunta doon si Kester para itsek ang eatery.
“Wait, speaking of Kester nasaan pala ang pinsan kong yun? Kailangan kasi ng sign nya ang mga papers na to.” Tanong ni Rick at tinaas ang hawak na brown folder.
“Ah nasa likod sya. Teka tatawagin ko.” Dahan dahan akong tumayo.
“Ako na ang tatawag sa kanya. Maupo ka na lang dyan.”
“Ayos lang bal. Kailangan ko ring maglakad lakad hindi yung puro upo lang ako.” Natatawang sabi ko.
“O sige ikaw ang bahala buntis. But be careful baka matisod ka at madapa mapaanak ka ng wala sa oras. Naku! Ayoko kong makakita ng bloods.” Maarteng sabi ni Rick pero naappreciate ko naman ang concern nya sa akin.
Nakaalalay lang si Rick sa akin habang mabagal akong naglalakad papunta sa likod bahay kung nasaan si Kester.
“Anong ginagawa ni insan sa likod ng bahay nyo?” Tanong ni Rick ng malapit na kami.
“Naglalaba.” Nakangising sabi ko.
Namilog ang mga mata nya. “Naglalaba? Marunong syang maglaba?” Tila di makapaniwalang tanong nya.
“Oo tinuruan ko.” Natatawang sabi ko.
“Grabe ka sa pinsan ko bal ha. Ina-under mo na sya. But I love it!” Maarte syang humagikgik at kunwaring hinawi ang maiksi nyang buhok.
“Hindi ko sya ina-under no. Ginusto nyang maglaba eh. Saka katulong naman nya ang dalawa naming kasambahay.”
Masasabi kong malaki na ang pinagbago ni Kester mula ng mabuntis ako. Natuto na sya sa lahat ng gawaing bahay. Kailangan na daw nyang matuto ng mga gawaing bahay dahil magiging daddy na sya. Bukod sa paglalaba ay marunong na rin syang magluto. Nagpapaturo sya sa akin. Gusto nya raw ipagluto kami ng mga anak namin. Hindi ko naman sya inoobliga pero kusa nyang ginagawa. Sino ba namang asawa ang hindi matutuwa.
Pagdating naman sa akin ay alalay nya ako palagi. Tuwing umaga ay sinasamahan nya akong maglakad lakad sa labas ng bahay. Sya ang taga punas ng pawis ko at tagabitbit ng inumin ko. Sa paliligo naman ay alalay nya rin ako. Baka daw kasi madulas ako sa loob ng banyo. At sa gabi namin ay lagi nya akong minamasahe. Ang sabi nya ay kahit naman daw sa ganoong paraan ay maibsan kahit papaano ang paghihirap ko sa pagbubuntis sa kambal. O di ba? Sobrang sweet nya. Syempre proud na proud ako sa kanya at mas lalo ko syang minamahal.
Pagdating namin ni Rick sa likod ng bahay ay naabutan namin si Kester na nagkukusot ng bra ko. Ang dalawang kasambahay naman namin ay nagbabanlaw na at nagsasampay.
“Best husband yern? Sipag ah!” Sambit ni Rick ng makalapit na kami sa kanila.
Kunot noong nag angat ng mukha si Kester at natigilan pa sa pagkukusot ng makita kami.
“What are you doing here Rick? Dinala mo pa rito ang asawa ko mamaya madulas yan patay ka sa akin.” Banta ni Kester kay Rick.
“Eh sya ang mapilit eh.” Nakangusong sabi ni Rick.
“Dahan dahan lang naman ako sa paglalakad love. Saka gusto ko ring makita ang ginagawa mo. Yung mga bra ko ha, huwag mong i-brush baka maghimulmol.” Nakangiting bilin ko pa.
“I know love. Basta dyan ka lang, huwag kang lalapit dahil basa dito baka madulas ka.” Nag aalala pa ring sabi nya.
“Oo na. Dito lang ako.” Tiningnan ko naman ang ginagawa ng dalawa naming kasambahay.
Ngumiti sila sa akin at binati ako. Nginitian ko rin sila. Two months na sila dito sa bahay. Mababait at masisipag naman sila.
“Ano palang ginagawa mo dito Rick?” Baling ni Kester kay Rick.
“Well may dala akong papers na need mong i-sign.” Nakatikwas ang mga daliring sabi ni Rick.
“Rush ba yan?”
“Hindi naman.”
“Okay, mamaya ko na lang pipirmahan. Tatapusin ko muna to.” Ani Kester at tinuloy na ang pagkukusot habang naguusap sila ni Rick tungkol sa kumpanya.
Ako naman ay dahan dahang umupo sa rattan chair. Napangiwi pa ako ng kumirot ang balakang ko at ibaba ng tiyan. Pero agad din yung nawala. Nakinig na lang ako sa pinaguusapan ni Kester at ni Rick habang pinagmamasdan ko ang una.
Infairness naman sa asawa ko alam na nya ang tamang pagkusot. At ang sarap nyang panoorin habang naglalaba. Nagfi-flex ang malalaking masel nya sa mga braso na litaw sa suot na itim sando. Ang hot at ang gwapo nya lalong tingnan. Hay.. parang gusto ko syang ayaing umakyat sa kwarto.
Ipinilig pilig ko ang ulo sa huling naisip kasabay ng pagiinit ng aking mukha.
Ano ba itong pumapasok sa isip ko. Buntis na ako’t lahat lahat gusto ko pang manyakin ang asawa ko.
“Oh wow! Look what Kester’s doing mga pare.”
Sabay sabay kaming napalingon sa pamilyar na malaking boses ng lalaki na nagsalita. Si Atlas pala kasama sina, Luigi, Jeiz at Lorenzo. Lahat sila ay may mga ngisi sa labi habang nakatingin kay Kester na naglalaba.
“Oh hi ugly people!” Bati ni Rick sa apat.
“Hello Rick.” Bati rin ng apat kay Rick at pabirong sinuntok nila ito sa braso. Pinagmumura naman sila ni Rick na ikinatawa lang namin.
“Anong ginagawa nyo rito?” Salubong ang kilay na tanong ni Kester sa mga kaibigan at nilublob ang bra ko na hawak nya sa batyang puro bula.
“Nagkita kita lang kami sa office ni Luigi at naisipan naming dalawin kayong mag asawa. May dala kaming mga prutas para kay Crizel.” Ani Jeiz at tumingin sa akin sabay ngiti.
Ngitian ko rin sya. “Salamat. Nag abala pa kayo.”
“Wala yun. Naisip naming buntis ka at makabubuti sayo at sa baby nyo ang mga prutas.” Ani Lorenzo.
Lalo naman akong napangiti at hinimas himas ko ang malaking tiyan. Mababait din talaga itong mga tropa ni Kester. Kunsabagay naiintindihan nila ang kalagayan ko dahil nabuntis na rin ang mga asawa nila.
“You look cool pare. Parang gusto kong magpapicture sayo.” Pambubuyo ni Luigi kay Kester.
Nginisihan lang sya ni Kester. “Sige lang pare. Post mo na rin sa social media at i-tag mo ko.”
“With hashtag husband of the year?” Tumawa si Luigi at pinicture-an nga si Kester na nagfinger heart pa kahit may bula bula ang kamay. Kumuha pa ng ibang anggulo si Luigi. Nagmacho pose naman si Kester flexing his biceps.
Natawa na lang ako sa kakulitan nila. Lalo na ng sumali pa si Rick. Pinagtripan nila si Kester. Ang pobre kong asawa ay game na game naman makipagkulitan sa mga kaibigan. Sinabuyan pa nya ang mga ito ng tubig. Tawa lang ako ng tawa. Sayang nga at wala pa si Matias. Pero pasunod na raw ito dahil may dinaanan lang.
Ang tawa ko ay may kasama ng ngiwi dahil sa sumisigid na namang kirot sa aking balakang at tiyan.
“Damn you pare! Hindi ako kumakain ng bula.” Reklamo ni Atlas ng sabuyan sya ni Kester ng bula sa bibig.
“Tikman mo lang baka sakaling magustuhan mo ang lasa.” Tatawa tawang sabi naman ng mapang asar kong asawa.
“Gago.” Bilang ganti ni Atlas ay dinampot nya ang isang damit na piga na at ibinato kay Kester na mabilis lang nitong nasalo.
Nagtawanan na naman kami pero ang tawa ko ay may kasama ng daing. Parang lalo pang tumitindi ang sakit na nararamdaman ko.
“Aray..” Daing ko at hinawakan ang kaliwang balakang at sapo sapo naman ang ilalim ng tiyan. Napakagat labi naman ako at napapikit sa sakit na nararamdaman.
“Ma’am ayos lang po kayo?” Tanong sa akin ni Diday ang isa sa bago naming kasambahay.
Hindi ako makasagot at nakangiwi lang. Parang kakaiba na ang sakit na ito. Habang tumatakbo ang bawat segundo ay pasakit ng pasakit.
“Naku mukhang iba na po yan ma’am ah.” Sabi naman ni Beleng.
Ang asawa ko naman at ang mga kaibigan nya ay tuloy pa rin sa kulitan at hindi ako napapansin. Hindi na nga natapos ni Kester ang paglalaba nya.
“Ate Beleng naihi na si ma’am.” Ani Diday.
Doon ko lang naramdaman na basa na ang ibabang katawan ko.
Lumapit sa akin si Beleng at namilog ang mata.
“Ay jusko! Manganganak na yata kayo ma’am!” Namimilog ang mga matang bulalas ni Beleng at bumaling kay Kester. “Ser! Si ma’am manganganak na po!”
Natigilan si Kester na basang basa na ang suot na itim na sando at may bula pa sa buhok nya. Pati ang mga kaibigan nya ay natigilan din.
“What?”
“Si ma’am po. Manganganak na!” Ulit ni Beleng.
“Manganganak na?” Halos sabay sabay na bulalas nila.
Tumingin sa akin si Kester.
“L-Love..” Nakangiwing tawag ko sa kanya habang sapo ang tiyan na humihilab na.
Namilog ang mata ni Kester at patakbong lumapit sa akin.
“L-Love manganganak ka na?” Tarantang tanong nya habang namimilog ang mata at napamura pa sya ng makitang basa ang ibabang bahagi ng dress ko.
“A-Ahh Kester! Ang sakit na ng tiyan ko!” Malakas ng daing ko.
“Shit! Manganganak na si Crizel pare. Mukhang pumutok na ang panubigan nya.” Sabi ni Jeiz na lumapit din sa akin. Nagsilapitan na rin ang iba.
“Omg! Dalhin na natin sya sa hospital bilis! Baka dito pa mapaanak si kambal. Ayokong makakita ng blood!” Patiling sabi ni Rick na natataranta na rin.
“H-Ha?” Tanging nasambit lang ni Kester na namumutla na habang nakatingin lang sa akin at nangangatog pa ang mga kamay.
“U-Ugh love di ko na kaya!” Humiyaw ako ng sumigid na naman sa kirot ang aking tiyan. Para itong hinihiwa.
“Damn you pare! Ano pang tinatanga tanga mo dyan? Buhatin mo na si Crizel!” Utos ni Luigi.
“O-Oo huwag mo kong sigawan!” Pasigaw na sabi ni Keste.
“Ang bagal mo kasing kumilos!”
“Stop shouting at me! Lalo akong natataranta at kinakabahan!”
“Huwag kang kabahan pare. Relax ka lang. Kailangan ka ni Crizel.” Sabi naman Lorenzo.
“How can I relax? Manganganak na sya!”
Malakas ko ng binatukan si Kester na ikinasinghap nya at ikinangiwi naman ng kanyang mga kaibigan. Nakikipagtalo pa sya eh manganganak na ko.
“Buhatin mo na ko at dalhin sa hospital punyeta ka!” Galit ng sabi ko dahil masakit na masakit na ang tiyan ko at parang lalabas na ang kambal namin.
“Y-Yes love!” Humugot ng malalim na hininga si Kester at bumwelo na para buhatin ako. Ramdam ko ang tensyon sa mga masels nya. Bahagya syang nanginginig.
Umalalay namin sina Jeiz, Luigi, Lorenzo at Atlas. Si Rick naman ay nagmamando. Lumapit naman sa amin si Manang Belay na may nakaguhit na pag aalala sa mukha. Minanduhan nya sina Diday at Beleng na kunin ang mga gamit namin sa kwarto.
Paglabas namin ng bahay ay sakto namang dumating si Matias. Kapapasok lang ng sasakyan nya.
“What happened?” Kunot noong tanong ni Matias habang nakatingin sa akin.
“Manganganak na si Crizel pare. Dadalhin na namin sya sa hospital.” Sabi ni Jeiz.
“Alright. Dito nyo na lang isakay sa sasakyan ko para mabilis tayo.”
Agad binuksan ni Lorenzo ang pinto sa likuran ng sasakyan. Pinasok naman ako ni Kester na alalay ni Rick.
Sa loob ng sasakyan ay lima kami. Si Matias sa driver seat katabi nya sa frontseat si Luigi. Sa likod naman ay kaming tatlo ni Kester at ni Rick. Pinapagitnaan nila akong dalawa. Si Atlas, Jeiz at Lorenzo naman ay isang sasakyan sumakay kasama nila si Manang Belay na dala ang malaking bag na may lamang mga gamit namin ng kambal.
Pinausad na ni Matias ang sasakyan papabas muli ng gate.
“Kaunting tiis na lang bal. D-Dadalhin ka na namin sa hospital. Huwag ka munang manganganak.” Nanginginig ang boses na sabi ni Rick. Punong puno ng pagaalala ang kanyang mukha gaya ni Kester.
“H-Hold on love. M-Malapit na tayo.” Sabi naman ni Kester na namumutla pa rin. Namumula na rin kanyang mga mata na parang iiyak na.
“U-Ughh! B-Baka di ko na kayanin sobrang sakit na talaga love..” Naiiyak ng sabi ko habang mahigpit ang hawak sa kamay nilang dalawa ni Rick na mga nanlalamig na. Mas malamig pa yata ang mga kamay nila kesa sa mga kamay ko.
“K-Kayanin mo love para sa kambal natin.”
“Arghh!” Malakas na daing ko ng humilab na naman ang aking tiyan. Kasabay nun ang pag agos ng luha ko.
Tumingin sa akin sina Luigi at Matias na may pag aalalang nakaguhit rin sa mukha. Alam kong nakakahiya na ang hitsura ko ngayon pero wala akong pakialam. Gusto ko na lang matapos ang sakit na ito.
“H-Hindi ko na talaga kaya! A-Ayoko na..” Sobrang sakit na ang nararamdaman ko. Para na akong hinahati sa dalawa. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ito.
“N-No no love. D-Don’t say that. K-Kaya mo yan love. K-Kaya mo yan. L-Look at me.” Nanginginig ang kamay ni Kester na hinawakan ang aking mukha at pinaling sa kanya.
Gaya ko ay luhaan na rin sya. Namumula ang kanyang mga mata.
“M-Masakit na masakit na talaga love..”
“H-Hinga ka lang ng malalim love. K-Kaya mo yan. Hingang malalim.” Malambing na utos nya.
Sinunod ko naman sya at sunod sunod na humingang malalim. Pero ang sakit naman ay hindi nawawala. Bawat hingang malalim kasabay ang hiyaw ko na sinasabayan din ng sigaw ni Kester.
“Ughhh!”
“Ugh kaya mo yan love!”
“Hindi ko na kaya!”
“Kaya mo yan! Para sa kambal natin!”
Hanggang sa makarating na nga kami sa hospital ay nagpapalitan pa rin kami ng sigaw ni Kester. Agad naman akong inasikaso ng mga hospital staff dahil na rin sa pagmamando ni Luigi at ni Rick na akala mo ay sila ang may ari ng hospital. May lumapit na doctor na babae at tinatanong ako. Pero dahil sa sakit na nararamdaman ko ay hindi ako makasagot at puro tango lang. Si Kester ay hindi rin makausap ng matino dahil natataranta at umiiyak na rin sa tabi ko habang hawak ang tiyan ko. Kaya naman si Manang Belay na at sila Rick ang sumagot. Tsinek naman ng doctor ang loob ng dress ko.
“Malapit na ngang manganak si misis. Dalhin na sya sa delivery room.” Sabi ng doctor.
Tinulak naman ng dalawang nurse ang bed stretcher. Sumunod naman ang asawa ko pati sina Rick. Mahigpit ang hawak ni Kester sa kamay ko. Sobrang lamig na ng kamay nya. Ng nasa tapat na kami ng pinto ng delivery room ay lumuwang ang hawak nya sa kamay ko at tuluyang bumitaw. Kasabay niyon ay may narinig akong kalabog.
“Fuck! Kester pare!”
“Ay nahimatay si sir!”
Nauna pang hinimatay ang kumag kong asawa.
Last chapter next :D
Special Chapter
Crizel
UMUGONG ang tawanan ng lumabas sa led screen ang mga pictures ni Kester noong hinimatay sya habang dinadala na ako sa delivery room. Hindi ko na sya napagtuunan ng pansin noon dahil eksaktong pagpasok ko ng delivery room ay lumabas na ang ulo ng isa sa kambal. Kahit hirap na hirap ako noon at parang impyerno ang nararamdaman ko ay mabilis ko lang nailabas ang kambal. At paggising ko naman ay para naman akong nasa langit sa sobra kong saya ng makita ko ang kambal ko. Pero hindi sila parehas na boy na gaya ng inaasahan namin kundi isang boy at isang girl. Syempre mas lalong natuwa ang lahat dahil may lalaki at babae na kaming anak. At ngayong araw nga ay ang kanilang binyag. Pero imbes na sa kanila lang ang atensyon ng lahat ng bisita ay naagaw pa ng kanilang ama dahil pinagtripan ng mga kaibigan.
Pati ako ay natatawa na rin habang pinapanood sa led screen ang mga kuhang litrato ni Kester. May kuhang nakahandusay sya sa tiles na sahig ng hospital hanggang sa nilipat sya ng hospital bed. Ang suot lang nya noon ay itim na sando at cotton shorts dahil naglaba sya ng araw na yun ng sinugod ako sa hospital. I’m sure mga kaibigan nya ang kumuha ng mga pictures nya dahil sino pa nga ba ang maglalakas loob kundi sila lang.
“Fuck you all!” Mura ni Kester sa mga kaibigan na lalo lang humagalpak ng tawa, pati na rin ang ibang mga bisita.
Kinurot ko naman sya sa tagiliran.
“Aw love!” Daing nya at ngumiwi. Hinawakan ang tagiliran na kinurot ko.
“Bibig mo may mga bata.” Saway ko sa kanya.
“Eh sila kasi!” Nakasimangot na tinuro nya ang mga kaibigan.
“Buhatin mo na lang tong anak mo at nangangalay na ang braso ko.” Binigay ko sa kanya ang babaeng anak namin na four months old na mukha ng isang taong gulang dahil malaking bulas.
Ngumiti si Kester at maingat na binuhat ang baby girl namin.
“Hello my baby Karizza. You missed daddy hmm?” Pambibaby talk nya sa anak naming babae at hinalik halikan nya ito sa pisngi at buhok.
Nangingiti na lang ako habang pinagmamasdan silang mag ama pero napalingon ako ng marinig ang hagikgik ng anak kong lalaki na si Coen na buhat naman ni Lola Constancia habang dinadaldal ni Lolo Ramon, Tiyang Amparo at Tita Rich na mommy ni Rick. Tuwang tuwa ang anak kong lalaki habang dinadaldal sya.
“Kuh ganitong ganito din noon si Kester noong baby pa. Hagikgikin at madaldal.” Bulalas ni Lola Constancia.
“Eh malamang ’la, anak ni Kester yan. I’m sure lalaki ding marites yan paglaki.” Komento naman ni Rick na ikinatawa namin.
“Oy, huwag nyong sinisira ang magandang imahe ko sa anak ko.” Angal ni Kester.
“Totoo namang marites ka.” Natatawang sabi ko.
Ngumuso sya. “Love naman, dapat kampi tayo eh.”
Pinisil ko ang pisngi nya. “Para kang bata. Nahawa ka na kau Glen.”
“Aping api nyo na ako ha.” Himutok nya at binalingan si Baby Krizza. “Baby bilisan mo ng lumaki para kampi ka kay daddy – “ Naputol ang sasabihin pa ni Kester ng paluin sya sa bibig ni Baby Karizza.
Nagtawanan na naman kami.
“Alam na kung kanino nagmana si Baby Karizza.” Natatawang saad naman Belinda at tumingin sa akin.
“Manang mana kay Crizel. Siguradong hindi basta basta makakaporma ang mga manliligaw nya paglaki nya.” Nakangising sabi ni Atlas.
“Tss! Sa akin pa lang di na sila makakaporma. Bawal ligawan ang baby girl ko. Hindi sya mag aasawa dahil magmamadre sya.” Nakangising sabi rin ni Kester at tumawa naman ang mga kaibigan nya.
Napailing iling ako. Parang nakikita ko ng magiging overprotective sya sa anak naming babae paglaki.
Umingit si Baby Karizza at tumingin sa akin. Nalukot ang mukha nya at tila naiinis na.
“Mukhang nagugutom na si Baby Karizza love.” Sabi ni Kester at inabot ang dede na nakapatong sa mesa.
Tinanggal nya ang takip non at bahagyang shinake saka nya isinubo sa bibig ni Baby Karizza. Agad naman iyong sinupsop ng anak namin. Pero mukhang naiinggit ang anak naming lalaki at umingit na rin. Kinuha ko naman sya at pinadede na rin. Gutom na nga rin sya gaya ng kambal nya.
Kahit dumedede pa ang kambal ay tuloy pa rin ang munting kasiyahan. Maingay ang paligid dahil sa mga bisitang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Kalahati ng mga bisita ay mga ninong at ninang ng kambal.
Dito sa isang high class restaurant dinaos ang christening ng kambal. Pagkatapos mabinyagan sa simbahan ay dito na kami dumiretso para magtipon tipon. Pink at blue ang kulay ng theme. Punong puno ng mga bisita ang restaurant. Mga kaibigan, kamag anak at ilang empleyado namin ni Kester ang mga bisita.
“Tata pede po namin buhat ni ate si kambal? Pipicture kami.” Request ni Glen ng lumapit sa amin ni Kester kasama si Tonya.
“Syempre naman.” Nakangiting sabi ko sa dalawang pamangkin.
Eksakto namang tapos ng dumede ang dalawang kambal kung kaya’t pinaupo namin sila ni Kester sa upuan at ikinandong sa kanila ang kambal habang alalay namin. Pinicture-an naman sila ni Clarrisa. Tuwang tuwa naman si Glen at panay ang kiss kay Baby Coen. Ayaw na nga nya itong bitiwan. At dahil naumpisahan na nga ni Glen at Tonya ang pagpapapicture sa kambal ay nagpapicture na rin ang mga bisita pati na mga ninong at ninang. Tuwang tuwa sila sa kambal na parehas bungisngisin.
“Paano ba yan pareng Matias. It’s your turn now.”
“Mag asawa ka na rin pare.”
“Oo nga par, aba’y anong petsa na?”
“Itong si Kester humabol na. Ikaw kelan ka hahabol?”
“Nag aalala lang kami sayo pare. Ayaw naming tumanda ka mag isa.”
Bored na tiningnan lang ni Matias ang mga kaibigan. “Hindi nyo na problema yun. Problema ko na yun.” Aniya at sinimsim ang wine sa hawak na kopita.
Nagngisihan na lang ang magkakaibigan.
“Hay, ito na naman ang magkakaibigan na to. Si Matias na naman ang nakita.” Komento ni Jolene.
“Paborito talaga nilang asarin si Kuya Matias noon pa. Mabuti na nga lang at hindi sya pikunin gaya ni Luigi. Pero matindi din yan kapag napikon.” Wika naman ni Ivona.
“Ang lalakas din naman kasi nilang mang asar kung minsan kay Matias. Lalo na si Kester.” Si Ivy.
“Kuh, di na kayo nasanay sa mga asawa nating gurang.” Ani Aitana at naghagikgikan sila. Napangisi naman ako.
Tapos na kaming magkainan at ngayon ay nagkukwentuhan na lang. Lumipat sa iisang mesa ang mga kalalakihan dahil magiinuman sila pero hindi naman hard ang iniinom nila. At kaming mga babae naman ay nasa iisang mesa din. Ang mga anak namin ay bantay ng mga yaya nila. Pero ang kambal ko ay tulog na sa kani kanilang stroller at bantay naman ng kanilang mga lolo at lola. May mga ilan ilan na ring mga bisita ang nagpaalam ng uuwi dahil may kalayuan ang mga bahay nila. Mayamaya rin ay uuwi na rin kaming lahat.
“Hayaan nyo na mga par, who knows baka may binabahay na pala tong si pareng Matias at sinesikreto lang.” Hirit pa ni Kester.
“At sino namang babae ang tatagal kay Kuya Matias. Eh pinaglihi sa sama ng loob yan kaya masungit. Kaya hanggang ngayon wala pang jowa.” Hirit ni Ava na sunod sunod ang subo sa ice cream.
Tinaasan sya ng kilay ni Matias. “Hindi ka kasali sa usapan.”
Ngumuso si Ava. “Nagbibigay lang ako ng opinion ko.”
“I don’t need your opinion.”
“Hmp sungit! Kaya wala kang jowa eh.”
Nagtawanan naman ang magkakaibigan sa hirit ni Ava. Bilib talaga ako sa lakas ng loob ng kapatid ni Atlas na bara-barahin si Matias. Ni hindi man lang sya nangingilag dito.
“Bawas bawasan mo kasi ang kasungitan mo pare para habol habulin ka ng mga babae at makahabol ka na rin sa amin.” Pambubuyo pa ni Lorenzo.
“Tss. Sino naman ang may sabing di ako hinahabol ng mga babae?” Nakangisi ng sabi ni Matias. Nagsipulan naman ang magkakaibigan.
Hindi naman nakakapag taka na habulin din ng babae si Matias kahit may kasungitan sya. Sino ba namang babae ang iignorahin sya maliban lang sa bulag. Gwapo si Matias sa tunay na kahulugan. Hindi rin sya papahuli sa kagwapuhan ng mga kaibigan nya. Malakas din ang karisma at appeal nya kahit bibihira mong makitang ngumiti. Ang alam ko may lahi syang arabo sa father’s side nya kaya naman iba talaga ang appeal nya.
Pero syempre para sa akin mas malakas ang appeal ng kumag kong asawa. Kaya nga nya ako nabuntis at nagkaanak ng kambal. Kung dati ay halos pintasan ko ang buong pagkatao nya ngayon ay perpekto na ang tingin ko sa kanya. Wala na akong maipintas sa kanya ngayon. Ang sarap nya lang mahalin araw araw dahil pinaparamdam nya sa akin na mahal na mahal nya ako.
–
NANGINGITI ako habang pinagmamasdan si Kester na pinapatulog ang kambal sa magkibalaan nyang braso. Kinakantahan pa nya ang mga ito ng lullaby song. Tapos na ang mga itong dumede at oras na ng tulog. Infairness naman dito sa asawa ko parang hindi nangangawit ang mga braso. Ganito kasi ang lagi nyang ginagawa sa gabi. Sabay nyang patutulugin ang kambal sa kanyang mga braso.
Lumapit ako sa kanila sa kama at sinilip ang kambal. Tumingin sa akin si Kester na may ngisi pa sa labi.
“Tulog na?” Tanong ko sa mahinang boses.
“Malapit na.” Pabulong nyang sabi.
Tiningnan ko naman ang kambal. Mga nakapikit na sila. Mayamaya lang lalalim na ang tulog nila. Nakakatuwa lang sa kambal dahil kapag nakatulog na ay hindi basta basta nagigising at mahaba na talaga ang tulog. Basta busog sila at bagong palit ang diaper.
“Ok, shower lang ako.”
“Sabay na tayo love.” Pilyong sabi nya.
“Utot mo. Hindi pa pwede.”
Umusli ang labi nya. “Magsho-shower lang tayo promise.”
Umismid ako. “Kilala na kita.”
Sumimangot sya. Para ba syang nalugi sa hitsura nya.
Natawa na lang ako at hinalikan sya sa pisngi. “Kaunting hintay na lang love.”
Bumagsak ang balikat nya. “Ano pa nga ba ang magagawa ko.”
“I love you.” Malambing na sabi ko.
Napangiti na sya. “I love you more.” Inusli nya ang nguso.
Bahagya naman akong yumuko at dinampian ng halik ang kanyang nakausling labi.
“Shower na ko.”
Tumango sya at binalingan na ang kambal.
Pumasok naman ako sa walk in closet at kumuha ng nighties at tuwalya. Paglabas ay dumiretso na ako ng banyo para magshower.
Kung dati lagi kaming sabay magshower ni Kester, ngayon ay hindi muna. Pwede naman kaming sabay magshower yun nga lang parehas kaming nagiinit sa isa’t isa. Hindi pa pwede. Ilang buwan pa ang hihintayin namin. Kaya tiis tiis muna kami. Kapag pwede na, kahit wantusawa pa kami.
Napakagat labi ako kasabay ng pag iinit ng mukha ko. Nabuhay ang pananabik sa aking kaibuturan.
Ipinilig ko ang ulo at tumapat na sa shower para maibsan ang init na nabubuhay sa aking katawan.
Tiningnan ko si Kester sa salamin habang nagbo-blower ako ng buhok. Nakatutok ang kanyang mata sa cellphone na hawak. Nasa kuna na ang kambal at mahimbing na ang tulog. May nursery room ang kambal na pinagawa ni Kester. Pero mas gusto naming dito sila matulog sa kwarto namin sa gabi. Para mabantayan namin sila. Mas gusto kasi namin na hands on pa rin kami sa pag aalaga sa mga anak namin kahit may mga yaya sila. Syempre iba pa rin yung nararamdaman nila ang presensya namin. Lalaki silang nararadaman ang pagmamahal namin.
Ng matuyo na ang buhok ko ay pinatay ko na ang blower at niligpit. Tumayo na ako mula sa harap ng vanity mirror at tumabi na kay Kester sa kama. Busy pa rin sya sa cellphone nya. Nakiusyoso na rin ako. Puro laruang pambata ang nakikita ko sa screen ng cellphone nya. Mga nauusong laruan ngayon.
“Look at these love. Mga usong laruan to ngayon. Bilhan kaya natin ang kambal.”
Tumaas ang kilay ko. Heto na naman sya. Parang kahapon lang o noong isang araw yata bumili din sya ng mga bagong laruan. Puro laruan na nga sa nursery room at kulang pa raw iyon.
“Love, masyado na yatang maraming laruan ang kambal. Hindi pa nga nila kayang laruin ang mga yun eh.”
“Maganda na yung maraming laruan love, para marami silang pagpipilian paglaki nila. Para di sila mag away away.”
“Paano sila mag aaway away eh hindi naman parehas ng laruan ang magugustuhan. Si Baby Karizza sigurado mga manika ang magugustuhan nya. Si Baby Coen naman ay panigurado mga kotse kotsehan, robot at kung ano ano pa ang magugustuhan nun maliban lang sa manika.”
“I know love. Pero paano naman yung iba pa nating magiging baby. Siguradong magkakaparehas sila ng magugustuhan.”
Umawang ang labi ko sa sinabi nya. “Oy Kester, baby pa ang kambal nag iisip ka na agad ng magiging baby pa natin.”
“Advance lang ako mag isip love. Syempre hindi lang naman ang kambal ang magiging anak natin in the future. Malay mo ang susunod nating anak kambal ulit – aw!” Daing nya sa huli ng kurutin ko sya sa tagiliran.
“Kambal ka dyan. Tama na ang isang kambal no. Ang hirap kayang magbuntis at manganak.”
Tumawa sya habang nangingiwi. “Alam ko naman yun love. Pero hindi rin natin masasabi di ba?”
Binitiwan ko na ang tagiliran nya. Tama naman sya. Lalo na ang tindi ng sperm nya. Pero kung sakaling bigyan ulit kami ng kambal ay ayos lang din sa akin.
“Basta hanggang limang anak lang ang pinakamarami natin ha.” Sabi ko at humilig sa braso nya.
“Gawin na nating walo.” Hirit pa nya.
Sinamaan ko sya ng tingin. “O sige, ikaw ang mag anak sa tatlo.”
Ngumisi sya. “Sige na nga.”
“Good.” Hinalikan ko sya sa gilid ng labi. Madali naman syang kausap eh.
Gumanti naman sya ng halik sa akin pero direkta sa labi.
Parang masarap ang maraming anak. Pero hanggang lima lang talaga ang plano ko. Baka kasi di ko kayanin ang lampas pa sa lima lalo na at hindi na ako bata at nagkakaedad na. Pero kung sakali mabiyayaan pa ng higit sa lima eh di go lang.
Mataman na lang akong nakinig sa mga plano nya para sa mga anak namin.
“Ang balak ko love before the end of this year bibili ako ng mas malaking bahay para sa mga anak natin. Tig iisa sila ng kwarto tapos may playroom sila. Gusto ko yung malaki ang bakuran tapos palalagyan ko ng mini playground..”
Tumango tango ako sa sinabi nya. Hindi ko na kinokontra ang mga yun dahil para naman sa mga anak namin. Isa pa ay masaya sya mga bagay na binibili nya para sa aming mga anak.
Humikab ako. Nakakaramdam na ako ng antok. Pumikit ako habang nakahilig sa kanyang braso at nakikinig sa kanya. Masarap pakinggan ang malaki at malambing nyang boses na para akong hinehele..
.
.
Kester
“Tayong dalawa naman love, kapag nagretiro na tayo magta-travel tayo abroad. Kahit saang bansa mo gusto. Yung parang nagho-honey moon lang tayo. Oo nga pala di pa pala tayo nakakapag honey moon sa ibang bansa. Mag honey moon kaya tayo sa ibang bansa. Baka doon mabuo ang susunod na baby natin. What do you think love?” Untag ko sa asawa na nakahilig sa aking braso.
“Love.” Sinilip ko ang kanyang mukha. Napangisi ako ng makitang nakapikit na sya. Tinulugan na pala ako ng mahal kong asawa.
Pinatay ko na ang cellphone at nilapag sa night stand. Dahan dahan akong gumalaw para ihiga sya. Bahagya syang nagising ng maihiga ko sya pero agad ding nakatulog. Mukhang napagod sya ngayong araw.
Pumunta sya kanina sa eatery nya para daw i-tsek. Pero sumbong sa akin kanina ni Bryan ay nagluto sya kaya napagod. Hindi ko naman sya pinagbabawalan. Pero ayokong mapagod sya ng sobra. Kung pwede nga lang na pahintuin ko sya sa pagluluto pero sigurado namang hindi sya papayag kaya susuportahan ko na lang at aalalayan sya. Sa ngayon ay di pa naman sya full time sa pagpapalakad ng eatery nya dahil mga baby pa ang kambal namin at ayaw nya munang iwan sa mga yaya. Pumupunta lang sya sa eatery dalawang beses sa isang linggo.
Tinaas ko ang kumot sa katawan ni Crizel hanggang sa dibdib. Bumangon naman ako at sinilip ang kambal sa kanilang mga kuna. Mahimbing na mahimbing na rin ang tulog nila.
“I love you twins. Huwag kayong lalaki agad..” Anas ko at hinalikan sila sa pisngi.
Bumalik na ako sa kama sa tabi ni Crizel. Dahan dahan kong siniksik ang isang braso sa ilalim ng kanyang ulo para doon sya umunan. Bahagya syang gumalaw at tumagilid. Sumiksik sya sa akin. Kinabig ko naman ang kanyang katawan.
Marahan kong hinahaplos ang makinis na pisngi ni Crizel. Para talaga syang anghel kapag tulog. Sobrang amo ng mukha.
Dati hanggang tingin at pang aasar lang ako sa kanya. Nangangarap na maging akin sya. Maraming taon din akong naghintay at nagtiis. Pero worth it naman dahil hindi na lang sya isang pangarap kundi naging katotohanan na.
Muling gumalaw si Crizel at nagmulat ang inaantok na mata.
“Bakit love?” Anas nya sa inaantok na boses.
Ngumiti ako at hinalikan sya sa noo. “Finally you’re mine Crizelda Romina..”
Ngumiti rin sya at yumakap sa akin. “And you’re mine too Keith Alistair..”
“Yes love.. I am your’s and you’re mine only..” Anas ko.
Sinubsob nya ang mukha sa aking leeg.
Niyakap ko rin sya ng mahigpit. Kontento na ako sa buhay na ganito. Kasama ko sya at kayakap sa gabi kasama ang mga anak namin habang buhay.
WAKAS
Isa na namang story ang nagtapos. Sana ay nagustuhan nyo ang takbo ng love story ni Kester at Crizel. Maraming salamat sa suporta nyong lahat at huwag sana kayong magsawa.
Up next❗ Maalik Tobias Santiago and Arabella Vania Montecillo story
Pero bago ko sila umpisahan magfo-focus muna ako kay Gado at Lilliana para di ako malito at magpalit palit ang mga characters :D

