DG Series #5: My Grumpy Kuya Matias
lhiamaya · 49 chapters · 103,832 words
A/N
Warning 🔞
Read at your own risk!
**
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paano ba naman sobrang strict ng kanyang Kuya Atlas lalo na noong nag aaral pa sya. Pero ngayong graduate na sya ang sabi nito ay pwede na syang magpaligaw. Syempre tuwang tuwa sya. Yun nga lang ay may isa pa syang kuya-kuyahan na mas strict pa sa kanyang Kuya Atlas.
Si Kuya Matias.
Si Kuya Matias na ubod ng sungit, moody, stoic face, manhid, parang tuod at wala yatang pakiramdam. Pala-patol din ito sa tantrums nya. Sa limang kaibigan ng kanyang Kuya Atlas ay ito ang pinaka hate nya, pero pinaka love nya rin. Dahil kahit sinusungitan sya nito di naman sya nito matiis. Ito ang takbuhan nya sa tuwing kinakapos sya. Ito rin ang utangan nya at lagi nyang nahihingian ng donasyon sa munti nyang animal shelter. Mabait naman si Kuya Matias. Pinaglihi nga lang sa sama ng loob kaya parang laging nireregla sa kasungitan.
Ngunit lalong nadadagdagan ang kasungitan nito sa tuwing nakikita syang may kasamang lalaki. Tila ba ito nag iibang anyo. Pinagbabantaan nito ang mga lalaking lumalapit sa kanya. Kaya paano sya magkakaboyfriend? Mas strict pa ito kesa kay Kuya Atlas.
Matias Santiago and Ava Montecillo story ♥️
Abangan
!
15 Years Ago..
15 years ago..
KUSOT kusot ng batang si Ava ang kanyang mata habang papasok sya sa kusina. Kagigising nya lang mula sa dalawang oras na tulog ng hapong iyon. Ayaw nya nga sanang matulog kanina dahil gusto pa nyang maglaro. Pero nagagalit na ang mommy nya at hindi sya bibigyan ng paborito nyang chuckie kapag hindi sya natulog. Kaya natulog na lang sya. Matagal na syang di nakakainom nun dahil bawal raw sa kanya.
Nakita nya ang kanyang Yaya Salome na kumakanta kahit wala naman sa tono habang naghuhugas ng plato. Nakaisip ng kapilyahan ang batang si Ava. Gugulatin nya ang kanyang yayang magugulatin.
Umuklo si Ava at tahimik na lumapit sa likuran ng kanyang yaya sabay hawak sa likuran nito.
“Bulaga!”
“Ay p*ke mong malake!” Tili ni Yaya Salome na muntik ng mabitawan ang hawak na baso sa gulat.
Malakas namang tumawa ang pilyang bata. Tuwang tuwa si Ava na nagulat nya ang kanyang yaya.
Sapo ang dibdib na lumingon sa kanya si Yaya Salome.
“Jusko namang bata ka! Ako na naman ang napagtripan mo. Magkakasakit ako sa puso sayo eh.” Parang maiiyak na sabi nito.
Tawa naman ng tawa si Ava at nag peace sign pa sya. “Joke lang po yaya.”
“Salome ano bang nangyayari? Dinig na dinig ko ang tili mo sa likod ah.” Tanong naman ni Manang Doring na kapapasok lang galing sa laundry area.
“Eh si Ava po kasi manang, ginulat ako.” Sumbong ni Yaya Salome habang himas ang dibdib.
Tumingin naman kay Ava si Manang Doring at ngumiti. “Ay kaya naman pala, gising na ang makulit na bata. Bakit mo naman ginulat ang yaya mo Ava. Alam mo naman na magugulatin yan.” Malambing na sabi nito.
“Eh masakit po sa ears ang boses ni yaya manang eh.” Humahagikgik na sabi ni Ava.
Parang batang sumimangot naman si Yaya Salome. Samantalang si Manang Doring ay natawa na lang din.
“Nagugutom ka na ba Ava? Gusto mo ng magmeryenda?” Tanong ni Manang Doring.
Tumango si Ava. “I want chuckie po.”
“Chuckie? Naku! Eh bawal sayo yun ah.” Sabi ni Yaya Salome.
Nanghaba naman ang nguso ni Ava. “But mommy said kanina pwede akong magdrink ng chuckie kapag nag sleep ako. Nag sleep na po ako eh.”
“Yun naman pale eh. Eh di bigyan mo na.” Sabi ni Manang Doring kay Yaya Salome.
Kumamot naman sa ulo ang yaya. “Naku manang, baka di naman talaga sinabi ni Ma’am Anita. Papagalitan ako nun.”
“Kuh, kelan ba nagsinungaling si Ava? Sige na bigyan mo na at ako’y babalikan ang mga basahang nakasalang sa washing.”
“Sige na nga.”
Naexcite si Ava ng lumapit ang kanyang Yaya Salome sa malaking ref at binuksan ito. Kumuha ito ng isang chuckie. Tinusok muna ang straw bago binigay sa kanya. Agad naman nya yung kinuha.
“Thank you po Yaya Salome.” Masiglang wika ni Ava sabay sipsip sa straw. Namilog pa ang kanyang mata ng malasan ang tamis ng chocolate drink.
“You’re welcome kulit! Sya nga pala nasa labas ang Tita Nelda mo.”
Natigilan sa pagsipsip sa straw si Ava at tumingin kay Yaya Salome. “Dumating po si Tita Nelda?”
“Yes, nasa labas sya kausap ang mommy mo.”
Namilog ang mata ni Ava. “May dala po syang pasalubong?”
“Naku! Parang wala eh.”
Ngumuso si Ava at muling sinipsip ang straw. Lumabas na sya ng kusina para puntahan ang kanyang mommy at Tita Nelda. Sa living area nya nakita ang kanyang mommy kausap si Tita Nelda.
“Tita Nelda!”
Tumakbo si Ava palapit sa kanyang tiyahin at yumakap sa bewang nito.
“Kuh, gising na pala ang tabachingching!”
Pinanggigilan si Ava ng kanyang tiyahin. Niyakap sya nito ng mahigpit at pinaghahalikan sa leeg. Panay naman ang hagikgik ni Ava dahil nakikiliti sya.
“Tita pasalubong ko po?” Lambing ni Ava sa kanyang tiyahin habang hawak hawak pa rin ang kanyang chuckie.
Ngumiwi si Tita Nelda. “Ay yun lang, walang pasalubong si tita eh. Nakalimutan. Sorry baby.”
Ngumuso si Ava sabay lahad ng maliit na kamay. “Pera na lang po tita.”
Napataas ang kilay ni Tita Nelda at tumingin sa kanyang mommy na sumisinghot.
“Sayo nga talaga nagmana tong si Ava.”
Tumawa si mommy. “Of course she’s my daughter. Kanino pa ba sya magmamana ate.”
Muling bumaling kay Ava ang kanyang super mabait na tiyahin.
“Magkano ba gusto mo?” Tanong nito at binuksan ang bag. Dinukot nito ang wallet.
Nagningning naman ang mata ni Ava dahil magkakapera sya.
“500 po tita.”
Namilog ang mata ni Tita Nelda. “500? Ang laki naman!”
Humagikgik si Ava at ngumiti ng malapad. Alam nyang di sya mahihindian ng kanyang tiyahin.
“Hmp! Dinadaan mo na naman ako sa kakyutan mo. Sige na nga!” Naglabas na ito ng 500 at binigay sa kanya.
Tuwang tuwa na agad nya iyong kinuha dahil baka bawiin pa.
“Thank you po tita! That’s why you’re my favorite tita.” Aniya sabay hagikgik.
“Asus! Nambola ka pa eh ako lang naman ang tita mo. Manang mana ka talaga sa mommy mong bolera.” Pinanggigilan na naman ni Tita Nelda ang kanyang pisngi. Binuhat pa sya nito at inupo sa kandungan.
Tinupi nya ang pera at sinuksok sa bulsa ng kanyang short. Muli nyang pinagtuunan ang kanyang chuckie habang patingin tingin sa mommy at tita nya na naguusap.
“You have to be strong Anita para sa dalawang anak mo lalo na dito kay Ava na maliit pa at wala pang muwang sa mundo. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa lungkot. Tanggapin mo na lang na wala na si Arman.”
“Tanggap ko naman yun ate.. pero masakit pa rin talaga na iniwan nya kami.”
“I know. Pero lagi mong isipin ang mga anak nyo ni Arman lala na tong si Ava. Magpakatatag ka Anita. Labanan mo ang lungkot. Baka magkasakit ka rin at sumunod ka sa asawa mo. Paano na tong si Ava. Si Atlas malaki na kaya na nya ang sarili nya.”
Titig si Ava sa kanyang mommy na namumula na naman ang mata sa kakaiyak. Lagi nyang nakikitang umiiyak ito at nasa-sad sya. Lagi na kasi itong umiiyak simula noong dalhin dito sa bahay si daddy na natutulog sa loob ng mahabang box. Wala na si daddy. Ang sabi ni Manang Doring at Yaya Salome ay nasa heaven na raw ito.
Bumaba sya sa kandungan ng kanyang Tita Nelda at lumapit sa mommy nya. Binuhat naman sya nito at inupo sa kandungan sabay yakap. Naririnig nya ang impit na iyak nito at parang gusto na rin nyang umiyak.
“Stop crying na po mommy. Naka-cry na rin po ako eh..”
Nag angat ng mukha ang kanyang mommy at pinahid ng tissue ang luha sa mata. Pulang pula na ang mata nito at pati ilong. Tumingin ito sa kanya at malungkot na ngumiti.
Tinaas nya ang kamay at hinawakan ang mukha nito. “Don’t cry na po mommy. You look like a frog na o! Medyo ugly ka na.”
Bumunghalit ng iyak si mommy. “Anak naman eh. Lalo mong pinapaiyak si mommy. Sige na di na ako magka-cry.”
Niyakap sya ng mommy nya ng mahigpit at hinalik halikan sa buhok. Niyakap din nya ito.
“Sige na baby, doon ka muna sa kuya mo or play outside. Mag uusap lang kami ni tita mo.”
Bumaba na si Ava sa kandungan ng mommy nya. Dinukot nya ang perang sinuksok sa bulsa ng short na bigay ng kanyang Tita Nelda.
“Sino na ngayon ang magte-take over ng kumpanya nyo? Mukhang di mo naman kakayanin dahil sa kalagayan mo ngayon.”
“Si Atlas ate, nagti-train na sya ngayon. Buhay pa man si Arman ay binilinan na nya si Atlas. Dahil hindi ko kakayanin talaga ate. Baka ma-bankrupt lang ang kumpanya.”
“Mabuti naman kung ganun. Matalino naman si Atlas kayang kaya nya yun.”
Iniwan na ni Ava ang kanyang mommy at Tita Nelda. Umakyat sya ng hagdan at bumalik sa kanyang kwarto. Binuksan nya ang kanyang closet at dumukwang sa piggy bank nyang color pink na may ribbon pa sa tenga. Sinuksok nya sa makipot na butas ang perang binigay ng kanyang Tita Nelda. Marami ng laman ang piggy bank nya. Muli nyang sinarado ang closet at lumabas ulit ng kwarto.
Nadaanan nya ang kwarto ng Kuya Atlas nya na bahagyang bukas ang pinto. Sumilip sya doon. Nakita nya ang kuya nya na nasa balcony at may kausap sa phone. Pumasok sya sa loob ng kwarto at lumapit sa kanyang kuya.
“Yes attorney.. pag aaralan ko ang contract na yun. At kung may tanong ako ay agad ko kayong tatawagan..”
Humawak sya sa dulo ng damit ng kanyang Kuya Atlas. “Kuya, kuya..”
Kunot noong tumingin ito sa kanya habang may kausap pa rin sa phone.
“Pengeng barya.” Nilahad nya ang maliit na kamay.
“Alright attorney.. bukas ay papasok na ako sa kumpanya..”
Dumukot si Kuya Atlas sa bulsa ng pantalon nito. Pero hirap na hirap ito dahil nakafocus ang atensyon sa kausap. Tinanggal nya ang kamay ng kanyang kuya at sya na ang dumukot. Namilog ang kanyang mata ng makadukot ng 50. Agad nya iyong kinuha. Ngiting ngiting pinakita nya ang pera sa kanyang kuya. Iiling iling naman ito.
May kumatok sa pinto at sumungaw ang ulo ni Yaya Salome. “Ser Atlas, dumating na po si Ser Matias.”
“Sige yaya, bababa ako.”
Umalis na sa pinto si Yaya Salome. Sumunod naman dito si Ava.
“Yaya, may pera ako.” Pagmamayabang ni Ava sa kanyang yaya at pinakita ang 50 na bigay ng kuya nya.
“Kuh, nauto mo na naman ang kuya mo. Baka kung ano na naman ang bilhin mo ha. Bawal sayo ang matatamis.” Paalala nito.
“Alam ko po yun!” Hindi naman matamis ang bibilhin nya kundi plastic balloon. Pero hindi nya yun sasabihin kay Yaya Salome dahil pagbabawalan din sya.
Pagbaba sa hagdan ay tumakbo si Ava palabas ng bahay. Nakita nya si Kuya Matias, ang isa sa mga kaibigan ng Kuya Atlas nya. Ninong din nito ang kanyang daddy. Papasok ito ng bahay. Pero ngayon lang nya uli ito nakita.
Ngumiti sya at sinalubong ito. “Hello Kuya Matias!”
Nalukot ang noo nito ng makita sya. “Nasaan ang kuya mo?”
“Nasa room nya.”
Hindi na ito nagsalita at nilampasan sya at dire-diretsong pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Sinundan nya ito ng tingin sabay kamot sa ulo. Sayang di sya nakahingi dito ng pera. Mamaya na lang.
Naglakad na si Ava palabas ng gate.
“Ma’am Ava, saan kayo pupunta?” Tanong ng tauhan na nakabantay sa gate.
“Bibili lang po ako sa tindahan, kuya.”
“O sige, bumalik kayo agad ah.”
Nakangusong tumango si Ava at naglakad na papuntang tindahan na katabi lang ng kanilang bahay. Pero bago sya makarating doon ay nakita nya ang dalawa nyang kalaro na nakaharap sa isang pulang sasakyan na luma at nagtatawanan pa. Lumapit sya sa mga ito.
“Anong ginagawa nyo Calvin, Jack?” Curious na tanong ni Ava.
Ngumisi naman ang dalawa nyang kalaro. “Nagdo-drawing!”
“Look Ava! I drew my favorite cartoon character.” Tinuro ni Calvin ang drinawing nito sa sasakyan.
Tiningnan naman yun ni Ava at tumawa sya. Si Ben Ten yun na mukhang gutom. “Ang pangit naman ng drawing mo.”
Tumawa din si Jack. Si Calvin naman ay sumimangot.
“Ang yabang mo naman! Bakit? Maganda ka bang magdrawing?” Hamon ni Calvin sa kanya.
Nagtaas noo si Ava. “Oo! Maganda akong magdrawing. Lagi ngang perfect ang score ko sa drawing eh! Pati sa writing na rin!” Pagmamayabang nya.
“Sige nga pakita mo.” Hamon din ni Jack.
Binigay ni Calvin sa kanya ang kinakalawang na pako. Kinuha naman nya yun at humarap sa pulang sasakyan na puro alikabok at puro drawing na. Dahil puro drawing na yun ng dalawa ay naghanap sya ng space pero wala na syang makita. Tumingin sya sa katabing sasakyan nito na nasa unahan. Isang kotse iyon na itim na itim na makintab na makintab at mukhang bago. Tumakbo sya palapit doon at sumunod naman ang dalawa.
Nag umpisa na syang magdrawing sa bandang pintuan ng kotse. Dahil halos ayaw gumuhit ng pako ay diniinan nya iyon hanggang sa kumaskas. SpongeBob ang drinawing nya. Alam na nya kung paano i-drawing yun dahil lagi syang nanonood nun.
“Wow! Ang galing mo ng magdrawing ng SpongeBob Ava.” Sambit ni Jack na manghang mangha.
“Sabi ko sa inyo eh. Magaling na akong magdrawing.” Nakangising sabi ni Ava.
“Si Patrick naman!” Request ni Calvin.
“Sure!”
Si Patrick naman ang drinawing ni Ava. Tuwang tuwa naman ang dalawa nyang kalaro at kung ano ano pang drawing ang nirequest. Pinagbigyan naman nya ang mga ito. At ang huli ay sinulat naman nya ang buo nyang pangalan sa hood ng kotse. Arabella Vania Montecillo.
“What the fuck!”
Napapitlag si Ava at ang dalawa nyang kalaro ng makarinig ng malakas at malaking boses na galit. Lumingon sila sa likuran. Nakita nya si Kuya Matias na galit na galit ang mukha. Para na itong monster.
“What have you done to my car Ava!?”
“Monster!” Sigaw ni Jack at ni Calvin sabay takbo.
Tumakbo rin si Ava pero hinawakan sya sa damit ni Kuya Matias at binitbit pabalik sa tabi ng sasakyan. Napalunok si Ava habang nakatingala sya kay Kuya Matias. Nakakatakot ang hitsura nito. Parang magta-transform na ito into monster at kakainin sya ng buo.
“What’s the problem bro?”
Narinig ni Ava ang boses ng kanyang Kuya Atlas. Tila sya nakahanap ng kakampi.
“Kuya Atlas!”
Nakita nya si Kuya Atlas ng lumapit. Akmang lalapit sya rito pero hawak pa rin ni Kuya Matias ang damit nya sa likuran.
“Look what your sister fucking done to my car pare.” Galit pa rin ang boses ni Kuya Matias.
Tiningnan naman ng kanyang Kuya Atlas ang kotse na puro drawing at sulat nya. Nalukot ang noo nito at umawang ang labi. “Fuck. Si Ava ba ang gumawa nyan?”
“Sya mismo pare. Huling huli ko. And look! Di sya makakapag sinungaling dahil sinulat pa nya ang pangalan nya sa hood.” Tinuro ni Kuya Matias ang hood ng kotse na may nakasulat na pangalan nya.
Humimas sa batok si Kuya Atlas at tumingin sa kanya. Napanguso na lang sya.
Hinawakan naman ni Kuya Matias ang kanyang isang kamay at kinuha ang pakong kanyang ginamit pangsulat.
“Look! Ito ang ginamit nyang pangsulat. Pako pare. Puro gasgas na ang kotse ko. Kabibili ko lang nyan at alam mong di biro ang halaga nyan.” Reklamo ni Kuya Matias sabay bato ng pako sa halamanan. Namewang ito at tiningnan ang kotse na puro drawing na nya habang panay ang mura.
Lumapit naman sa kanya si Kuya Atlas. “Bakit mo dinrawingan at sinulatan ang kotse ng Kuya Matias mo?”
Nanghaba lalo ang nguso ni Ava. “I just showed to Jack and Calvin na magaling na akong magdrawing at mag write. Maganda na akong magdrawing di ba kuya? Look! I drew SpongeBob and Patrick perfectly! Ang galing galing ko no? Gumanda nga yung kotse ni Kuya Matias eh. May design.” Ngiting ngiti ng sabi nya at pinagmalaki sa kanyang Kuya Atlas ang mga drawing nya sa kotse ni Kuya Matias.
“Anong maganda? Pinapangit mo ang kotse ko.” Galit pa ring singit ni Kuya Matias.
Nawala naman ang ngiti ni Ava. Parang sinasabi kasi ni Kuya Matias na pangit ang drawing nya. “Pangit naman talaga ang kotse mo eh. Buti nga ngayon maganda na kase dinrawingan ko. You should say thank you to me kaya.” Taas noo nyang sabi.
“Anak ng!”
Malutang na namang nagmura si Kuya Matias. Tinakpan nya na ang tenga dahil bad ang makarinig ng mura. Binuhat naman sya ng kanyang Kuya Atlas.
“Say sorry to Kuya Matias, Ava.” Utos ng kanyang kuya.
“But why kuya?”
“Dahil bad ang ginawa mo.”
“Bakit bad? Dahil hindi maganda ang drawing ko?” Biglang nalungkot si Ava.
Ngumiwi si Kuya Atlas. “Uh, parang ganun na nga baby. Kaya say sorry na para di na magalit si Kuya Matias mo.”
“Okay..” Tumingin sya kay Kuya Matias na pulang pula na ngayong ang mukha.
“I’m sorry Kuya Matias. I promise, next time gagandahan ko pa ang drawing ko sa car mo.”
Nag isang linya ang kilay ni Kuya Matias at mariing naglapat ang kanyang labi. Tinaas nito ang isang kamay na parang may gustong sabihin. Pero sinuntok lang nito ang kamao sa ere na parang si Manny Pacquiao.
“I’m sorry pare. Ako ng bahala dyan sa kotse mo. Pag usapan natin. Wait lang, ipapasok ko lang sa bahay si Ava.” Sabi ng kanyang Kuya Atlas.
“Mabuti pa nga pare. Hangga’t nakakapag timpi pa ako.”
Pumasok na sila ng kanyang Kuya Atlas sa loob ng gate habang buhat sya nito. Nakatingin pa rin sya kay Kuya Matias na galit pa rin ang mukha. Tumingin ito sa kanya. Ngumiti naman sya at kinawayan ito. Pero sinamaan lang sya nito ng tingin kaya sumubsob sya sa balikat ng kanyang Kuya Atlas.
Nakakatakot si Kuya Matias. Parang monster!
Chapter 1
Ava POV
“WHEN you grow up Baby Alina, I’ll teach you how to dougie. Like this oh!” Tinungkod ko ang dalawang kamay sa tuhod at nagtwerk.
Humagikgik naman ang one year old kong pamangkin na kamukha ni Jolene. Pati ang mama nya at kuya nya ay tawang tawa.
“What the hell are you doing Ava?”
Tumigil ako sa pagtu-twerk ng marinig ang boses ni Kuya Atlas. Dumating na pala sya.
“Papa!” Tumakbo si Jeremiah pasalubong kay Kuya Atlas at yumakap dito. Binuhat naman sya nito at hinalikan sa pisngi.
Lumapit si Kuya Atlas kay Jolene at hinalikan ito sa pisngi pati na si Baby Alina na tuwang tuwa rin na makita sya. Heto nga at nagdadaldal na.
“Papa may pasalubong po ako?” Lambing ni Jeremiah sa ama.
“Of course! Pwede bang wala.” Nakangising sabi ni Kuya Atlas at tinaas ang hawak na supot.
Namilog naman ang mata ni Jeremiah. “Ice cream! Favorite flavor ko po ba yan?”
“Syempre naman. Rocky road at mangoe flavor. Paborito nyo ni mama.”
“Wow. Walang avocado flavor?” Hirit ko.
“Wala. Bakit anak ba kita?” Nakangising bira ni Kuya Atlas at binaba na si Jeremiah. Binigay nya dito ang supot.
Sumimangot naman ako. “Mahuli ka sana ni Jolene na may ibang babae para hiwalayan ka at taguan ulit ng anak.”
“Ava!” Sikmat sa akin ni kuya.
Tumawa naman si Jolene. Confident na syang di mambababae si Kuya Atlas. Takot lang kasi ni kuya dahil siguradong tataguan sya ulit ni Jolene.
“Bakit kasi walang avocado flavor?” Himutok ko. Paborito ko kasi ang avocado flavor na ice cream.
“Eh di bumili ka. Magpadeliver ka.”
“Pengeng pera.” Sabay lahad ko ng kamay sa kanya.
Malalim syang bumuntong hininga at umiling iling pero dumukot na ng pera sa bulsa. Inabot nya sa akin ang 500.
“500? Kulang to kuya.” Reklamo ko.
“Kulang pa? O eh di akin na yan huwag ka ng mag ice cream.” Akmang kukunin ni Kuya Atlas ang pera pero mabilis ko yung iniiwas.
“Sakto na pala to. Magpapadeliver na ako. Avocado flavor.” Ngiting ngiti na sabi ko at kinuha ang cellphone. Binuksan ko ang isang food app delivery. Lumapit naman sa akin si Jeremiah.
“Tita Ava, masarap din po tong rocky road saka mangoe flavor.”
“I know baby, pero nagki-crave si tita ng avocado flavor eh.” Sabi ko.
Pinatay ko na ang cellphone ng tapos na akong magpadeliver. Maghihintay na lang ako ng ilang minuto.
Tumingin ako kay kuya na buhat na si Baby Alina at kinakausap ito. Habang si Jolene naman ay tinatabi ang briefcase na dala ni kuya.
“Ano na namang kalokohan ang tinuro sayo ng tita mo ha?” Kausap ni kuya kay Baby Alina.
“Tinuruan ko syang sumayaw para paglaki nya isa syang magaling na dancerist.” Pagmamalaki ko.
“Ako po papa, marunong ng sumayaw. Tinuruan po ako ni Tita Ava. May video nga po kami eh. Ni-upload na po nya sa tiktok.”
“Talaga? Patingin nga ng sayaw.” Hamon ni Kuya Atlas sa anak.
At nagpasample naman ang pamangkin ko ng usong sayaw ngayon sa tiktok. Infairness sa pamangkin ko mabilis makabisa ang mga steps. Mukhang sya ang magmamana ng pagiging dancerist ko. Hindi sa pagmamayabang pero magaling akong sumayaw. Sumasali ako sa mga dance group noon. Sa aming dalawa ni Kuya Atlas ay ako lang ang marunong sumayaw. Nagmana ako kay mommy.
Tuwang tuwa si Kuya Atlas at Jolene kay Jeremiah habang pinapanood nila itong sumayaw. Syempre bilang ako ang nagturo proud na proud ako.
“O ako ang nagturo dyan. Alam mo na kuya. Send jikash na lang.” Hirit ko pa.
“Jikash ka dyan. Eh ang dali dali lang ng sayaw eh. Basic!” Nakangising sabi ni kuya.
“Talaga ba? Basic pala ha! Sayaw ka nga.” Nakangising hamon ko naman sa kanya.
“Marunong ka pong sumayaw papa? Turuan mo rin po ako.” Excited na sabi ni Jeremiah.
“Marunong kang sumayaw hon? Sample naman dyan.” Hirit din ni Jolene.
Hindi naman nakaimik si Kuya Atlas at tila biglang namutla sa pressure. Tumawa naman ako.
“Hindi marunong sumayaw yang si kuya, Jo. Parehas kaliwa ang paa nyan.” Natatawang sabi ko.
Sumimangot si kuya.
“Ay, akala ko marunong kang sumayaw hon. Kasi magaling sumayaw si Ava eh.”
“Magaling rin akong sumayaw sugar. Pero ibang sayaw nga lang. Sayaw na nakakabuhay ng bata.” Pilyong sabi ni kuya pero napadaing sya ng kurutin sya ni Jolene sa tagiliran.
“Ibang sayaw naman yun eh. Puro ka talaga kapilyuhan.”
Tumawa si kuya. “Pero aminin mo magaling akong sumayaw kapag tayong dalawa lang. Napapatili ka pa nga eh.”
Napangiwi ako sa sinabi ni Kuya Atlas. Di naman ako inosente para di magets ang sinabi nya.
“Heh! Tumigil ka na nga. Nakakahiya kay Ava.” Namumula ang mukhang saway ni Jolene kay Kuya Atlas.
Ngumisi naman si kuya at tumingin sa akin. “Tss, polluted na utak nyan.”
“You’re so eww pa rin kuya.” Sambit ko sabay ikot ng mata.
“Naka ready na ang dinner. Let’s eat na everybody!” Untag ni mommy sa amin na kalalabas lang ng kusina. Tumulong sya sa pagluluto.
“Yehey! Kakain na!” Masayang sambit ni Jeremiah at lumapit na kay mommy.
Kinuha naman ni mommy ang supot na may lamang ice cream. “Later mo na to kainin baby ha, after mo mag eat ng dinner.”
“Yes po mamala.”
Sabay sabay na kaming pumasok sa komedor para magdinner. Friday ngayon kaya sama sama na naman kami sa bahay hanggang bukas at bukas ng gabi naman ang uwi nila Kuya Atlas sa kanilang bahay sa exclusive subdivision na pag aari ni Kuya Matias.
“Kelan mo ba balak magtraining sa kumpanya Ava? Para matulungan mo naman ang kuya mo.” Untag sa akin ni mommy sa gitna ng dinner namin.
Nilunok ko muna ang pagkain bago tumingin kay mommy. “Kaya na ni kuya yun mommy.”
Seryosong tumingin sa akin si mommy. Si Kuya Atlas naman ay kumunot ang noo.
“I’m serious Ava. You need to help your kuya to run our company.”
“I know ma. Pero wala pa kasi ako sa mood magwork sa company. Saka busy pa ako ngayon sa rtw business namin ni Jolene.”
Kakagraduate ko lang ng college at kinukulit na ako ni mommy na magtrain na sa company namin na mahigit isang dekada ng pinapatakbo ni kuya. Sa totoo lang di ko feel magwork sa company namin at kahit sa anong company pa. Iniisip ko pa lang na maghapon akong nakaupo at nakaharap sa mga papel ay buryong na buryong na ako. Tapos makikipag usap pa ako sa kung sino sinong mga importanteng tao at makipag utuan. Prangka akong magsalita at minsan ay di ko mapigilan ang bibig ko. Baka magatrasan pa ang mga investor namin.
Ang gusto ko ay magtayo ng sariling negosyo. Enjoy ako ngayon sa munti naming business ni Jolene na rtw na maganda naman ang kita at feedback sa mga customer. Sosyo din kami sa bagong tayong bakeshop ni Ivona. Kaya kahit papaano kumikita din ako kahit wala pa akong trabaho. At higit sa lahat mas enjoy ako ngayon sa bagong tayo kong animal shelter na di pa alam ni kuya at ni mommy. Pero ipapaalam ko rin sa kanila soon.
“Hayaan mo na si Ava mommy, kakagraduate lang nya. Bigyan muna natin sya ng break.” Ani Kuya Atlas.
“Kunsabagay.” Sabi na lang ni mommy at nagkibit balikat na. Tinuloy na lang nya ang pagkain.
Tumingin naman ako kay kuya na sinusubuan ng pagkain si Baby Alina. Napangiti ako. Simula ng mamatay si daddy maliit pa lang ako ay sya na ang tumayong tatay ko. Naalala ko noong nag aaral pa ako ng elementary at high school. Kapag napapatawag ako sa guidance office at kailangan kausapin ang guardian ay si Kuya Atlas ang pumupunta. Kapag si mommy kasi ay nakikipagaway din sya. Syempre sa mata ni mommy ako lagi ang tama. Kaya si kuya na ang laging pumupunta kaya sya ang laging stress sa akin noon.
–
Pet Haven Animal Shelter
Maingat kong pinupunasan ang mata ng isang kuting na puro muta at halos di na maidilat ang mata. Payat na payat din ito at nakakapa ko na ang maliliit na buto. Bagong rescue sya ng isang kasama ko sa shelter. Naka isolate ang kuting na may sipon pa para hindi mahawa ang iba pa naming rescue cat.
“Melby napainom mo na ba to ng gamot?” Tanong ko sa kaibigan at kasamahan sa shelter.
“Oo pinainom ko na sya Ava, kumakain na nga sya ngayon eh. Unlike kahapon.”
Tumango tango ako. “Medyo masigla na nga sya. Good girl kitty.” Kausap ko sa kuting.
Ng matapos ko na ng linisan ang kuting ay binalik ko na sya sa kanyang cage. Tiningnan ko naman ang ibang mga rescue cats at dogs. Katatapos lang nilang pakainin ng mga kasamahan ko at pinainom na rin sila ng vitamins. Ang mga may sakit ay pinainom na rin ng gamot.
Mag iisang taon na ang shelter na ako ang owner. Kasalukuyan ko ng nilalakad ang permit nito. May lima akong kasama dito sa shelter na mga nakilala ko lang sa fb at mga nakakasama ko sa mga feeding program para sa mga strays. Mga naging friends ko na rin sila dahil parehas kaming mahihilig sa mga hayop lalo na sa mga stray cats and dogs na kinalimutan na ng lipunan. Bata pa lang ako ay gusto ko ng mag alaga ng pusa o kaya aso. Pero di ako pinagbibigyan ni mommy dahil natatakot sya na baka makalmot ako o makagat. May pagka praning kasi si mommy at overthinker. Pero ganun lang sya dahil mahal nya ako at ayaw nya akong mapahamak. College na ako ng mag umpisa akong magrescue pa-isa isa. Dinadala ko yun sa animal shelter at nagbibigay din ako ng donasyon. Sumasama rin ako sa mga program ng mga animal shelter gaya ng feeding at pagre-rescue. Doon na rin ako nagka interes na magtayo ng sariling animal shelter. Suportado naman ako ng mga animal shelter na sinusuportahan ko rin. Dito sa may bandang Caloocan ako nakabili ng space para sa sarili kong animal shelter. Hindi rin biro ang halaga ng loteng nabili ko idagdag pa ang pagpapatayo ko ng facility ng animal shelter ko. Talgang naubos ang savings ko at sobrang pagtitipid ang ginawa ko. Hindi pa nga ito pulido at kumpleto pero at least may naitayo na. Kapag nakaipon ako ulit o kaya ay makalikom ng donasyon ay makukumpleto na rin ito. Pero bago yun kailangan ko munang bayaran ang utang ko kay Kuya Matias dahil baka di na nya ako pautangin ulit at singilin na nya si kuya. Maiksi pa naman ang pasensya ng mamang yun.
Ang sarap kasi sa feeling na makapag rescue ng mga kawawang pusa at aso na pagala gala sa kalye. Malungkot mang isipin pero karamihan kasi ay di pantay pantay ang pagtingin sa mga hayop lalo na sa mga puspin at aspin na madalas na lang naiitsapwera. Mas gusto kasi ng karamihan ang mga may breed. Ang nakakainis pa kapag puspin o aspin ang pinost namin sa aming page sa social media for free adoption ay ignore lang nila at bilang lang sa daliri ang gustong mag adopt. Pero kapag may breed nag uunahan sila at handa pang gumastos. Ang isa pa sa nakakainis sa mga ibang pet lover daw kuno, sa umpisa lang nila mahal ang alaga nila dahil cute, kapag may sakit na at di na nila kayang alagaan ay inaabandona rin nila. Gaya ng ibang narescue naming mga dogs. Dito ay binubusog namin sila ng pag aalaga at pagmamahal. Free adoption lahat ng rescue namin pero mahigpit kami lalo na ako sa mga gustong mag adopt. Binaback ground check muna namin sila kung capable ba silang mag alaga ng hayop.
Sa ngayon ay meron na kaming mahigit 20 dogs and 30 cats na rescue. Magastos talaga sila lalo na sa pagkain pero nairaraos naman namin. Marami ring nagdodonate sa amin lalo na mga dogfood at vitamins. Bukod sa aming lima na mga kasama ko rito sa animal shelter ay meron din akong kinuhang caretaker na maalam din sa pag aalaga ng mga hayop at mahaba ang pasensya. Open din kami sa gustong magvolunteer.
“Mang Dioni kayo na po ang bahala sa mga alaga natin. Bukas po ay wala ako at sa Wednesday na po ang balik ko. Yung allowance nyo po binigay ko na kay Rolee. Kunin nyo na lang po sa kanya.” Bilin ko sa caretaker na inihatid ako sa gate.
“Opo Ma’am Ava. Ako na po ang bahala sa mga alaga natin. Maraming salamat po talaga sa tulong nyo. Siguro kung di nyo ko ako kinupkop dito malamang hanggang ngayon nasa kalye pa rin kami ng mga alaga ko at gutom.” Emosyonal na sabi ni Mang Dioni.
Si Mang Dioni ay dating nakatira sa kalye sa kanyang sira sirang kariton. Nakilala ko sya noong nagfeeding program kami sa mga stray. Pangangalakal ang kinabubuhay nya at minsan ay namamalimos sya. Isa sa nagpaantig sa puso ko at nagtulak sa akin na tulungan sya ay dahil may alaga syang dalawang aspin na kasa-kasama nya sa kariton. Anoman ang kainin nya ay kinakain din ng dalawa nyang alaga. Masalimuot ang buhay ni Mang Dioni. Patay na ang asawa nya at ang kaisa isa naman nyang anak ay may asawa na rin at parang kinalimutan na rin sya. Pinalayas na rin sya ng mga kapatid nya sa banay nila. Kaya di ako nagdalawang isip na tulungan sya. Nagkataong naghahanap kami ng caretaker at sya na lang ang kinuha ko kasama ang dalawa nyang alaga. Isang buwan na sya dito sa shelter at maayos syang magtrabaho. Napapaamo nya ang mga agresibong rescue.
“Wala po yun Mang Dioni. Tinutulungan ko nga ang mga hayop kayo pa kaya. Saka malaking tulong po kayo dito sa shelter. Sige po mauna na ako dahil papagabi na.” Paalam ko sa kanya at hinimas himas ko ang ulo ng mg recue dogs na sumunod pa sa amin hanggang gate.
“Sige po ma’am. Ingat po kayo.”
Sinarado na ni Mang Dioni ang gate. Dumiretso naman ako sa kotse ko at sumakay na. Dadaan muna ako sa store bago umuwi para bisitahin ang mga tauhan namin ni Jolene. Bukas papasok sa account ko ang monthly allowance ko. Mababayaran ko na ang utang ko kay Kuya Matias. Sana ay wala syang topak para mauto ko syang huwag ng tubuan.
Hi guys! Completed na po ang story ni Gado at ni Lilliana sa dreame. And yes po may bayad. Pasensya na po kung may bayad. Need kong kumita ng kahit maliit lang for my medicine dahil wala na akong work due to my health condition. Sana po ay maintindihan nyo. Pero wala naman po itong pilitin, sa mga gusto lang pong magbasa ng may bayad 🤗
Chapter 2
Matias POV
“I’M sorry Georgina but I don’t like you.” Walang kagatol gatol kong sabi sa babaeng nasa aking harapan na nagpaplano ng mag isa para daw sa future namin.
“W-What? What did you say Mat?” Tila nabibinging sabi ni Georgina.
“Do I need to say it again? I know you heard me clearly.” Bored ko syang tiningnan. Gusto ko na syang lumabas ng opisina dahil malapit ng dumating ang bisita ko.
Kumurap kurap ang mata nya at saglit na di nakaimik. “B-But.. But why Mat?”
Bumuntong hininga ako. “Kailangan pa ba ng dahilan? You’re nice Georgina and pretty – .”
“Correction Mat. Gorgeous not pretty – “
“Whatever. I still don’t like you.”
Bumagsak ang panga nya at nalungkot ang mukha. Tila pa ito maiiyak.
“B-But why Mati? P-Pangit ba ko?”
“Nah, you’re pretty ok? It’s just that you are not my type. Hindi ikaw ang tipo kong girlfriend o kaya asawa.”
Umawang ang labi nya at unti unting naging mataray ang bukas ng mukha. “I don’t believe you Mati. Walang lalaking hindi nagkakagusto sa akin. Lalo pa at anak ako ng isang business tycoon na kilala sa buong Pilipinas. No man can say no to me.”
“I don’t fucking care kung kanino ka pang anak. Ibahin mo ko Georgina. And please stop sending me gifts. I don’t need those. Tigilan mo na rin ang pagpunta punta dito sa opisina ko dahil pinagtsitsismisan na ako ng mga empleyado ko.” Malamig kong sabi.
Lalong umawang ang labi nya na parang di makapaniwala sa aking sinabi. Tiningnan pa nya ako ng pababa at pataas saka padarag na tumayo. Nanalim na rin ang kanyang mga mata. Naglaho na ang kanyang maamong mukha kanina. Lumapit sya sa desk at hinablot ang paper bag na may lamang regalo nya sa akin.
“Hmp! I hate you Maalik Tobias Santiago. Nuknukan ka nga ng gwapo at macho. Tuod ka naman. Walang pakiramdam. Walang puso. Bastard!”
May pumitik na ugat sa aking sentido sa huling sinabi nya. Tinapunan ko sya ng matalim na tingin sabay bayo ng malakas sa aking desk.
“Get out!” Bulyaw ko sa kanya.
Napapitlag sya at namutla sabay talikod at labas ng aking opisina.
Sinandal ko ang likod sa backrest ng aking swivel chair sabay himas sa batok at in-stretch ang leeg. Nakakastress talagang makipag usap sa mga babaeng kagaya ni Georgina.
Toktoktok!
Tumingin ako sa pinto ng bumukas ito at sumungaw ang ulo ng aking secretary na si Jamil.
“Boss, dumating na po si Sir Danon.” Hayag nya.
“Papasukin mo sya Jamil at igawa mo ko ng kape.”
“Yes sir.”
Niligpit ko ang ilang papeles na nakalatag sa harapan ko at sinilid sa isang brown folder. Nakarinig ako ng boses ng bata kaya nag angat ako ng tingin. Napakunot ang noo ko ng makita ang pinsang si Danon kasama ang kanyang dalawang taong gulang na anak na si Dalton. Parehas pa silang naka-shades at parehas din ng gupit ng buhok. Parehas ding may ngisi sa labi. Hindi talaga maipagkakailang mag ama sila dahil magkamukha.
“Say hello to your Tito Mat, baby.”
“Heyyow po Tito Mat.” Bati ni Dalton sa akin at tumakbo palapit.
“Hello bigboy.” Yumuko naman ako para mahalikan nya ako sa pisngi. May tunog pa ang kanyang halik. Malamang tinuruan ng ama nya.
“Fist bump baby.” Utos pa ni Danon.
Tinaas naman ni Dalton ang maliit nyang kamao sa akin. Ngumisi naman ako at nakipag fist bump sa pamangkin. Humagikgik sya at tumakbo na pabalik sa ama. Binuhat naman sya ni Danon at nag apir pa silang dalawa.
“Hmp! Very good ang baby boy ko na yan.” Pinanggigilan ng halik ni Danon ang pisngi ng kanyang anak. Panay naman ang hagikgik ng paslit.
Napailing iling na lang ako habang pinagmamasdan ang mag ama. Sinong mag aakalang ang babaero kong pinsan ay may asawa’y anak na ngayon. Wala kasi sa hitsura nya noon na magkakapamilya sya balang araw.
Magpinsan kami ni Danon sa mother side. Magkapatid ang aming mga ina.
“Bakit kasama mo ang anak mo?”
“Wala syang kasama sa bahay. May nilakad si Maggie.”
“Ang yaya nya?”
“Day off.”
“Lahat ng kasambahay nyo nag day off?”
“Hindi yung yaya nya lang.” Nakangising sabi ni Danon at muling binaba ang anak.
Napangisi rin ako ng buksan nya ang dala nyang tote bag na kulay yellow at nilabas ang feeding bottle na may lamang gatas. Binigay nya ito kay Dalton. Kinuha naman yun ng paslit at sumampa sa couch. Tinanggal nito ang shades sabay higa at subo ng dede. Kinuha naman ni Danon ang isang throw pillow at nilagay sa ilalim ng ulo ni Dalton.
Tss. Tatay na tatay na talaga ang gago.
Ng masigurong ayos na ang anak na tahimik ng dumedede ay lumapit na sya sa desk ko at umupo sa visitor’s chair. Tinanggal nya ang shades at sinukbit sa kwelyo ng kanyang t-shirt sabay ngisi.
Bumukas ang pinto at pumasok si Jamil na bitbit ang pinatimpla kong kape. Maingat nya yung nilapag sa desk ko.
“Sir, coffee?” Alok ni Jamil kay Danon.
“No, thanks Jamil. Kakakape ko lang sa opisina.”
Tumango si Jamil at tumingin sa akin. Sinenyasan ko lang sya ng kamay. Tumalikod na sya at lumabas na ng opisina.
Dinampot ko naman ang tasa ng kape at sumandal sa backrest ng swivel chair. Hinigop ko ang umuusok pang kape.
“So what’s up?” Untag ni Danon sa akin.
Nilapag ko ang tasa ng kape sa saucer at matiim na tumingin sa kanya.
“Uncle Elijah is back and I want to get rid of him.”
Nawala ang ngisi sa labi nya at naging seryoso ang bukas ng mukha. “Kelan pa sya bumalik.”
“Last week. Pasikreto syang bumalik. Akala siguro nya di ko malalaman.” Tiim bagang na sabi ko.
Nagtagis din ang panga ni Danon ng marinig ang sinabi ko.
Parehas may kasalanan sa aming dalawa si Uncle Elijah. Ang adopted brother ng aming mga ina. Pinagtangkaan nya ang buhay naming dalawa ni Danon para mapasakanya ang yaman ng aming mga ina. At alam kong uulitin nya yun dahil gahaman sya sa pera. Kaya dapat na syang ilagay sa dapat nyang kalagyan.
–
Bang! Bang! Bang!
Umalingawngaw ang tunog ng putok ng baril sa indoor firing range.
Tinanggal ko ang ear muffs at nilingon ang mga kaibigan na prente lang nakaupo sa kanila kanilang upuan. Kumunot ang noo ko dahil mga nakatingin lang sila sa akin. Lumapit ako sa kanila hawak pa rin ang 45 caliber gun.
“What?” Tinanggal ko ang magazine ng baril at nilagyan ulit ng bala. Mukhang wala namang balak ang mga kaibigan ko na magshooting at mga nakatanga lang. Sana pala ay di na lang ako sumama sa kanila.
Ngumisi si Luigi. “May kinuwento kasi sa amin tong si Kester.”
Nagsalubong ang kilay ko. “Ano na namang tsismis yan?”
“Oy hindi tsismis yun. It’s about Georgina. Ka-meeting ko noong isang araw si Mr. Salcedo then biglang pumasok si Georgina sa opisina nya at nagiiyak sa daddy nya. Sinabi mo raw na you don’t like her at binulyawan mo pa sya. Hayun umatungal sa ama nya at halos isumpa ka.” Kwento ni Kester.
“Masyado kang naging rude pare.” Komento ni Atlas.
Kumunot ang noo ko. “I’m just being honest. What’s wrong with that?”
“Sana naging nice ka pa rin sa kanya.”
“I was nice to her. Ano bang dapat sabihin ko? Bola-bolahin ko sya. Eh di lalo lang syang umasa. Mas mainam na yung tinapat ko sya para di na sya umasa.”
Umiling iling ang mga kaibigan ko.
“Sa ginagawa mo pare di ka talaga makakapag asawa.” Ani Jeiz.
“Oo nga. Bawas bawasan mo naman ang kasungitan mo.” Hirit pa ni Lorenzo.
“Sa ating anim ikaw na lang ang walang asawa. 3 years na lang 40 ka na single ka pa rin.” Dugtong naman ni Atlas.
“Hindi nyo na problema yun kung single pa rin ako pag abot ko ng 40.”
“We’re just worried about you pare. You know, para na tayong magkakapatid. Malungkot ang mag isa kapag tumandang walang kasama.” Ani Kester na himalang may sense na kung magpayo. Dati kasi wala itong kwentang magpayo. Iba siguro ang nagagawa ng may pamilya na.
“Well, salamat sa concern nyo. Huwag kayong mag alala mag aasawa din ako. Mas atat pa kayo sa akin eh.”
“At kelan ka naman mag aasawa? At paano ka namang mag aasawa nag susungit ka sa mga babaeng lumalapit sayo. Saka matagal tagal na rin yung huli mong date.” Wika ni Atlas.
“Basta, mag aasawa din ako. Kung kelan, di ko alam. Bahala na.” Sambit ko at bumalik sa shooting stall.
Palibhasa may asawa na silang lahat kaya ako naman ang pinagdidiskitahan nila. May plano rin naman akong mag asawa at magkaanak. Dahil sino ang makikinabang ng mga pinaghirapan ko kung di ako mag aanak. Pero sa ngayon ay di muna iyon ang priority ko. May mas kailangan akong pagtuunan ng pansin ngayon.
Muli kong sinuot ang ear muffs at kinasa ang baril. Lumapit na rin sa shooting stall ang mga kaibigan ko at sinuot na rin nila ang kanilang mga ear muffs at dinampot ang kanilang mga baril. Bukod sa golf ay ito ang libangan naming magkakaibigan tuwing sabado.
Pagkatapos ng shooting naming magkakaibigan ay nagkanya kanya na kami ng uwi. Sila ay uuwi na sa kanilang bahay kung saan naghihintay ang kanilang mga asawa at anak. Ako naman ay uuwi na rin dahil naghihintay na rin sa akin ang mga halaman ko.
Maingat kong hinahawakan ng kamay kong may suot na nitrile gloves ang orchids na bagong bili ko galing pang Japan. Di biro ang halaga nito kaya talagang maingat ako. Maselan ito kaya di ko hinahawakan ng wala akong suot na gloves. Dahan dahan ko itong winisikan ng tubig.
Dingdong!
Natigilan ako ng marinig ang tunog ng doorbell. Baka magsosolicite lang ang nga yun kaya binalewala ko na lang. Nagpatuloy pa ang doorbell. May nakapaskil naman sa harapan ng gate ko na kapag magsocolite ay pumunta na lang sa office building ko. Maya maya ay tumigil na rin ang nagdo-doorbell. Pinagtuunan ko naman ng pansin ang ibang orchids. Maingat kong tinatanggal ang ilang mga tuyong dahon.
“Tsk! Sabi na eh nandito ka lang. Di mo ba naririnig ang doorbell?”
Muli akong natigilan ng marinig ang boses ng babaeng kilalang kilala ko kung sino ang may ari. Kunot noong lumingon ako. Sumulubong sa akin ang nakasimangot na mukha ni Ava. Ang bunsong kapatid ni Atlas.
“How did you get in?”
Ngumisi sya. “Nagteleport ako. Galing ko no.”
Sinamaan ko sya ng tingin sa pilosopo nyang sagot.
“To naman, ngayon na nga lang ulit tayo nagkita bad mood ka na naman.” Nanghahaba ang ngusong sabi nya.
“Paano ka nga nakapasok? Nakalock ang gate ah.”
“Eh di inakyat ko. Madali lang pala akyatin ang gate mo eh.” Nakangising sabi nya.
Napapikit ako ng mariin at buntong hininga. Ano pa nga ba ang ine-expect ko sa kanya. Sa dami ng purwisyong binigay nya sa akin noong maliit pa sya ay nasanay na lang ako.
“Sa susunod lalagyan ko na ng electric fence ang taas ng gate.”
Lalong nanghaba ang nguso nya. Para na tuloy syang bibe.
“Ano na namang kailangan mo?” Binalik ko na ang atensyon sa pag i-spray ng tubig sa iba ko pang orchids.
Lumapit naman si Ava sa mga halaman at nakiusyoso din.
“Magbabayad na ako ng utang.”
Tumingin ako sa kanya. Akmang hahawakan nya ang bulaklak ng isang orchids na bihira lang mamulaklak ay agad kong pinalo ang kanyang kamay. Mainit ang kamay nya. Yung huling hinawakan nyang bulaklak dito sa garden ko ay agad na nalanta.
“Bakit ngayon ka lang magbabayad? Kahapon ang pangako mo.”
“Sorry naman. Biglang naging busy kahapon dahil may ni-rescue kaming tatlong aso na binenta para katayin.”
Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na may animal shelter sya at nagrerescue sya ng mga galang aso at pusa. Parang wala kasi sa karakter nya. Pasaway sya, matigas ang ulo, maarte, pilosopo, at higit sa lahat ubod ng pilya.
Humarap ako sa kanya at nilahad ang kamay. “Nasaan na ang bayad mo bago pa tayo magkalimutan. Cash. Dahil cash kong binigay sayo ang pera ng mangutang ka.”
“Alam ko, saka di ako nakakalimot sa utang no.” Binuksan nya ang sling bag at may dinukot. Paglabas ng kamay ay may hawak na syang puting sobre. “100k yan. Sakto. Walang labis walang kulang.” Ngiting ngiti na sabi nya sabay lagay ng sobre sa kamay ko.
Kumunot naman ang noo ko. “Bakit 100k lang? Dapat 120k to dahil 20% ang tubo.”
Ngumuso si Ava. “Ang laki naman ng tubo mo, 20%. Pang 5/6!” Lumapit sya sa akin at yumakap sa isang braso ko sabay hilig ng pisngi. Tumingala sya sa akin at malapad na ngumiti. “Huwag mo na akong tubuan Kuya Matias puhleaseeee.” Kinurap kurap pa nya ang mata. Obvious na nagpapacute sya sa akin. Akala naman nya madadaan nya ako sa pagpapacute nya.
“Tss.” Piniglas ko ang brasong yakap nya pero lalo lang nyang hinigpitan ang yakap.
“Kuya Matias puhlease..” Parang batang paslit na lambing nya at tila pa sya pusang kiniskis ang pisngi sa braso ko.
Tila may kumislot namang kung ano sa dibdib ko at para akong nakuryente na di ko maintindihan.
Chapter 3
Matias POV
“OO na sige na. Bumitaw ka na nga.” Asik ko kay Ava.
Tinanggal ko na ang mga braso nyang nakapulupot sa aking braso. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko na hindi ko maintindihan. Lagi naman syang ganito sa akin kapag inuuto ako pero ngayon ko lang naramdaman ito. Magkakasakit yata ako.
“Really Kuya Mat? Yiih! The best ka talaga! Kaya ikaw ang pinaka-love ko sa lahat ng friends ni kuya kahit ubod ka ng moody. Pakiss nga ako!” Ngumuso sya sa akin.
Nilapat ko ang kamay kong may gloves sa nguso nya at bahagyang tinulak ang kanyang mukha. Ganyan ang lagi nyang sinasabi kapag nakakauto sya sa aming mga kaibigan ng kuya nya.
“Mag-tooth brush ka muna.”
Sumimangot sya at pinunasan ng kamay ang labi. “Nag toothbrush ako no! Amuyin mo pa hininga ko eh.” Tumingkayad sya at huminga sa aking mukha. Mariin ko namang pinaglapat ang labi.
Hindi naman sya bad breath at wala ding kakaibang amoy ang kanyang bibig na masakit sa ilong. Mabango ang hininga nya. Parang hininga ng baby.
“O di ba? Mabango ang hininga ko.” Pagmamayabang pa nya.
“Tss. Whatever. Umuwi ka na nga. Iniistorbo mo na ko.”
“Pakain muna.”
“What?” Kunot noong binalingan ko sya.
“Ang sabi ko pakain. Nagugutom na ko eh.” Nanghahaba ang ngusong sabi nya sabay himas sa tiyan.
Napapikit naman ako ng mariin at napailing. Parang iba kasi ang pagkakaintindi ko kanina. Magkakasakit nga yata talaga ako at kasalanan ng babaeng ito.
“Umuwi ka sa inyo at doon ka kumain.”
“Hustle naman kung uuwi pa ako. Diretso na kasi ako sa store. Pakain na kasi. May pagkain ka ba dyan? Pakain ako ah.”
Bago pa ako nakasagot ay tumalikod na sya at pumasok sa loob ng bahay ko.
Napabuntong hininga ako at napailing na lang. Nilapag ko ang spray bottle sa coffee table at hinubad ang gloves. Sinundan ko si Ava sa loob ng bahay. Baka magkalat lang sya doon. May pagkamagaslaw pa naman syang kumilos.
“Ay!”
Napahinto ako at bumuntong hininga ng marinig ang tili ni Ava at ng nalaglag na takip ng kaserola. Kasasabi ko lang eh.
Naglakad ako at dumiretso ng kusina. Naabutan kong dinampot nya ang takip ng kaserola.
“Makikikain ka na lang maninira ka pa ng gamit.” Sita ko.
“Sorry, nabitawan ko eh.” Nakangiwing sabi nya at tiningnan ang laman ng kaserola. “Paksiw na bangus na may ampalaya? Bakit may ampalaya? Eh di mapait ito. Di ako kumakain ng amapalaya.” Reklamo pa nya.
“Eh di huwag kang kumain.” Lumapit ako sa refrigerator at kumuha ng isang bote mineral water.
Napangisi ako ng makita ang mukha ni Ava na di halos maipinta at nakatitig lang sa laman ng kaserola. Ngayon ko lang nalaman na di pala sya kumakain ng ampalaya. Akala ko walang pagkain na di nya kinakain eh. Mahilig syang kumain. Kaya nga noong bata sya hanggang sa magdalaga ay may kalusugan ang pangangatawan nya. Pero ngayon ay medyo slim na sya kung kaya’t kitang kita ang kurba ng katawan.
Iniwas ko ang mata sa katawan nya at ipinilig ang ulo. Tila bigla akong inuhaw. Binuksan ko ang takip ng bote ng mineral water at agad na tinungga. Kailangan ko na yatang uminom ng gamot bago pa ako tuluyang magkasakit.
Ng maubos ko ang laman ay hinagis ko sa trash bin ang basyo ng bote. Muli kong binalingan ng tingin si Ava na nakasandok na ng kanin at paksiw na bangus, di nga lang nya sinama ang ampalaya.
Paborito ko ang paksiw na bangus. Una kong natikman yun noong high school ako ng magluto si Manang Oreng. Ang dati naming kasambahay na syang halos nagpalaki sa akin. Kay Danon na sya ngayon namamasukan bilang katiwala. Tinuruan ako ni Manang Oreng na magluto ng paksiw na bangus kaya kapag gusto kong kumain nun ay magluluto lang ako. May caretaker akong marunong magluto pero minsan di ko gusto ang luto nya kaya ako na lang ang nagluluto. Wala akong kasambahay dahil gusto ko mag isa lang ako sa bahay. Ang caretaker ko lang ang pinaglilinis ko ng bahay. Pero bawal nyang galawin ang mga halaman ko dahil baka mamatay.
“Maiwan na kita rito. Aakyat muna ako sa kwarto para maligo. Kung aalis ka na isarado mo na lang ang pinto at i-lock.” Bilin ko sa kanya.
Tumango tango naman sya habang ngumunguya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Napailing iling na lang ako at lumabas na ng kusina.
.
.
Ava POV
“₱230 pesos lang tong pink floral dress mga suki! Get nyo na bago pa kayo maunahan. Siguradong matutuwa ang mga jowa o mga asawa nyo kapag sinuot nyo to. O ano pa ang hinihintay nyo mga suki. Get nyo na!”
“Ay may nag mine o! Elvie Montaño ang name.”
“Talaga? O Elvie Montaño, sayo na to. Baka may iba ka pang gusto. Mine lang ng mine pero huwag paasa ha. Bawal ang paasa rito.”
Napangiti na lang ako habang pinapanood ang dalawa kong empleyado na nagli-live selling sa tiktok. Mukhang nakarami na sila.
Dati ako ang nagli-live selling pero pinagbawalan na ako ni kuya. One time kasi nanood sila ni Jolene ng live selling ko tapos may mga nabasa syang nga bastos na comment mula sa ibang mga lalaki na tumatambay lang sa live. Hayun pinagbawalan na nya ako. Pinaliwanag ko naman sa kanya na normal lang yun at huwag ng pansinin. Pero matigas si kuya, pinagbawalan na nya na ako ang humarap sa camera. Lalo na si Jolene. Kahit nga buhok ni Jolene ay di rin pwedeng mahagip ng camera. Sobrang strict, akala mo naman di babaero dati. Kaya mga empleyado ko na lang ang nagli-live selling.
Dito sa loob ng mall ni Kuya Kester naka pwesto ang store namin ni Jolene. Syempre may discount ang upa namin. Wala syang magagawa dahil bukod sa kuya ko si Kuya Atlas, suki din namin si Ate Crizel.
“Welcome to J&A Apparel sir. Ano po ang hanap nila?”
“Meron ba kayong polo shirt? Yung walang kwelyo.”
“Ako hanap ko t-shirt na maong, meron kayo?”
“Naku sir, wala po kami ng mga hinahanap nyo.”
“Eh sandong may manggas meron kayo?”
“Wala rin po sir.”
“Ano ba namang klaseng store to? Ang daming wala. Mag sara na kayo.”
“Eh.. sa ibang store na lang po kayo maghanap mga sir.”
“Gusto namin dito eh.”
Bumuntong hininga ako at pinatay ang laptop at sinara. Naririndi na ako sa dalawang customer na lalaki na kapapasok lang. Mukhang di sila kakayanin ng sales lady ko. Halatang di naman sila bibili kundi mambubwisit lang.
Tumayo ako mula sa swivel chair at nilapitan ang dalawang customer na lalaki na patuloy pa ring binubwisit ang sales lady ko. Pero natigilan ako ng makita ang dalawang lalaki na kilalang kilala ko.
“Calvin, Jack?” Tawag ko sa dalawang lalaki na kababata at kaibigan ko.
Tumingin sa akin ang dalawa at sabay na ngumisi. Lumapit sila sa akin at pabirong in-arm lock ako ni Calvin. Si Jack ay pabirong pinagsusuntok ako sa tiyan. Mga gago talaga!
Sinipa ko sa binti si Jack at siniko si Calvin sa tiyan. Natatawang binitiwan naman nila ako. Pinagbabatukan ko naman sila ng malakas.
“Tangina nyo mga gago kayo.” Sikmat ko sa kanila.
Pero ang mga kurimaw ay tinawanan lang ako. Nalilitong tumingin tuloy sa amin ang tatlo kong sales lady.
“Ma’am Ava, kilala nyo po sila?” Tanong ni Josephine na syang nag-assist sa dalawang kurimaw na nangdogshow sa kanya kanina.
“Oo kilala ko yang dalawang yan. Mga wanted yan sa subdivision namin dahil sa krimeng ginawa na pagpatay sa matandang kapitbahay namin. At may pabuya silang 200k kapag nahuli sila.” Kwentong barbero ko.
“At ikaw ang mastermind namin.” Nakangising sabi ni Jack at nag apiran sila ni Calvin sabay tawa.
Sumimangot naman ako at binalingan ang mga sales lady na mga nakatanga na lang sa amin.
“Everything’s ok girls, don’t worry. They’re my friends.”
“Sige po ma’am.” Anang tatlo at in-asisst na ang ibang customer na kapapasok lang.
Binalingan ko naman ang dalawa na mga nakangisi pa rin.
“Mastermind ka dyan. Hmp! Suntukin ko lalamunan nyo eh.” Inambaan ko sila ng suntok na ikinatawa lang nila.
“Totoo namang ikaw ang mastermind namin eh. Lagi nga kaming napapahamak dahil sayo noong mga bata pa tayo.” Sabi ni Calvin.
“Oo nga. Bad influence ka sa amin.” Segunda pa ni Jack.
Inikutan ko lang sila ng mata. Ako pa talaga ang bad influence sa kanila. Kunsabagay, medyo totoo naman, pero very slight lang.
“Naalala mo ba noong mga bata pa tayo? Inutusan mo kami ni Calvin na pakawalan sa gate ang alagang german sheperd ni engineer. Ang sabi mo tuturuan mo ng tricks. Pero nung pinakawalan namin hinabol kami at muntik ng makagat sa pwet.” Kwento ni Jack.
“Tapos meron pa! Yung inaya mo kaming paglaruan ang doorbell nung masungit na matandang dalaga na kapitbahay natin. Tapos kaming dalawa ni Jack ang naabutan nya tapos ikaw tumakbo pauwi.” Dagdag pa ni Calvin.
Nagkwento pa si Jack ng mga kalokohan namin noong mga bata pa kami na ako ang pasimuno. Napapangiwi na lang ako. Naalala ko ang lahat ng yun. Ako nga ang nagdadala sa kanila sa kapahamakan dahil sa kapilyahan ko noon. Bigla tuloy akong naguilty.
Sa subdivision kasi namin noon ay silang dalawa lang ang naging close ko. Palibhasa kaming tatlo lang ang magkakaedad. Silang dalawa lagi ang kalaro ko at kasama sa mga kalokohan hanggang sa school.
“Mabuti na lang lumipat na kayo sa ibang subdivision kaya bumait na kami.” Ani Calvin.
“Oo nga. Lagi mo kaming ginagawang tauhan ni Calvin.” Dugtong pa ni Jack.
“Kasalanan ko bang uto uto kayo.” Nakangising sabi ko.
Grade 5 ako noon ng lumipat kami sa ibang subdivision na kasalukuyang tinitirhan namin ngayon. Yung dati naming bahay ay naroon pa rin at walang nakatira pero inaalagaan ng caretaker namin. Ayaw yun ibenta ni mommy dahil naroon ang alaala ni daddy. Kahit lumipat na kami noon ay di naman kami nawalan ng contact nila Calvin at Jack dahil magkaklase rin kami hanggang high school at friend din kami sa fb. Si Calvin nga na-issue pa kami ni kuya. Akala nya may relasyon kaming dalawa. Sobrang eeww kaya. Kahit may hitsura naman tong dalawang kupal na to di ko sila papatulan no!
“Kaya bilang bayad mo sa pang aapi mo sa amin noong mga bata pa tayo, ilibre mo kami ng damit.” Nakangising sabi ni Jack.
“Tama! Kahit tig limang damit lang kami.” Hirit din ni Calvin.
“Tig limang damit? Eh kung tig limang tadyak ang ibigay ko sa inyo? May mga trabaho na kayo no tapos gusto nyo pa ng libre. Ako nga tong walang trabaho eh.”
“Pero, may negosyo ka naman kaya mas malaki ang kita mo kesa sa amin. Sige na Ava, para naman tayong walang pinagsamahan. Remember, inalipin mo kami noong mga bata pa tayo.” Pangongonsensya pa ni Calvin.
“Kaya nga. Di ka ba nagi-guilty sa pang aapi mo sa amin nun?” Segunda pa ni Jack.
“Hindi. At wala akong konsensya.”
Sumimangot ang dalawa. Akala siguro nila mauuto nila ako. Ako pa ba?
“Sama talaga ng ugali nito kahit kelan.” Nakangusong sabi ni Calvin.
“Tara pre, doon na lang tayo sa kabilang store. Mukhang mas magaganda ang mga damit doon.” Yaya ni Jack kay Calvin at tinuro ang isang store na katapatan lang namin.
“Oo nga, doon na lang tayo.”
Tumalikod ang dalawa at akmang hahakbang na palabas pero hinawakan ko ang likurang damit nila.
“Hindi kayo pwedeng lumabas ng di kayo bumibili ng damit.” Nakangising sabi ko at hinila sila sa section ng men’s wear.
Chapter 4
Ava POV
MATAMAN kong pinapanood si Ivona na minimix ang sugar at butter habang nagkukwento sya tungkol sa bakeshop na sosyo naming dalawa pero sya talaga ang maraming ambag. Malay ko ba naman aa pagbe-bake. Ilang beses din akong sumubok magpaturo sa kanya kung paano gumawa. Pero wala eh! Di talaga para sa akin ang pagbe-bake. Baka malason ko pa ang mga customer namin.
Mag i-isang taon na rin itong bake shop at so far maganda ang kita nito at talagang malakas. Araw araw ay hindi ito nawawalan ng customer. Maganda kasi ang pwesto ng bakeshop. Malapit lang sa dati naming school kaya karamihan ng customer ay mga estudyante. Meron din namang mga office worker. Pero mas malakas kami sa delivery. Marami na rin kaming mga suki dahil masarap naman talaga magbake si Ivona. Dati nagumpisa lang sya sa pagbebenta sa school. Ako pa nga ang unang nakatikim at talagang nagustuhan ko dahil hindi sya masyadong matamis at hindi nakakaumay. At ng makagraduate kami ay nagpatayo sya ng shop galing sa sarili nyang ipon syempre nakisosyo na rin ako. Sayang din eh.
Kung tutuusin di na kailangan ni Ivonna magtayo ng sarili nyang negosyo dahil mayaman ang asawa nyang si Kuya Luigi. Buhay reyna sya dito. Pero independent ang beshie ko at ayaw nyang nakadepende lang kay Kuya Luigi na asal sanggano kung minsan pero nagaanyong anghel sa kanyang harapan.
“Ang gusto nga ni Luigi sa bahay na lang ako kasama ang kambal. Ipaubaya ko na lang daw sa mga staff natin itong bakeshop at sayo tutal naman daw ay single ka. Pero hindi ako pumayag. Napag usapan na namin ito eh.”
“Eh di inaway mo sya?” Dumampot ako ng isang pirasong chocolate chip at hinagis sa bibig.
“Hindi naman. Kinausap ko lang sya at pinaliwangan.”
Umusli ang labi ko. “Dapat inaway mo sya.”
Tumawa sya. “Bakit kailangan ko pa syang awayin kung madadaan ko naman sya sa mabuting usapan. You know naman Luigi, madali naman nya akong maintindihan.”
“Hmm madaling maintindihan.. Hindi ganun yun bes. Takot lang kasi yun sayo.”
Si Kuya Luigi ay para ring si Kuya Matias, parehas silang masungit. Magkaibang level nga lang ng kasungitan. Si Kuya Matias, masungit na suplado at hindi ka kikibuin kung di sya interesado sa mga sinasabi mo. Pero nakakatakot din syang magalit. Mata pa lang nya para ka na nyang sinusunog ng buhay. Si Kuya Luigi naman ay masungit na mainitin ang ulo, maiksi ang pasensya at may pagkasanggano. Ilang beses na nga yung labas pasok sa kulungan eh. Kay Ivonna lang talaga sya tumitiklop. Wala eh! Inlove sya sa beshie ko at patay na patay.
“Bakit naman sya matatakot sa akin?”
“Dahil under sya sayo. Takot syang magalit ka sa kanya. Saka isa pa, ayaw ka lang nyang papasukin dito sa bakeshop dahil nagseselos sya. Syempre marami rin tayong mga customer na lalaki at yung iba nga ay may crush pa sayo.”
“May crush din sila sayo.”
Nagkibit balikat ako. “Sa akin walang problema dahil walang magagalit dahil single ako. Eh ikaw, may praning kang asawa na ubod ng seloso.”
“Hindi naman ubod ng seloso si Luigi.”
“Syempre di nya ipapakita sayo kung gaano sya kaseloso takot lang nyang maturn-off ka sa kanya.”
Muli syang tumawa. “Nakita ko na kung paano sya magselos. Di ba nga muntik na kaming maghiwalay noon dahil kay Nick. Pero nagkaayos kami at simula nun di na sya ganun kung magselos.”
Kunsabagay, may pagbabago na rin sa ugali ni Kuya Luigi mula ng maging mag asawa sila ni Ivonna at magkaanak ng kambal. Nabawasan ang angas ni Kuya Luigi at di na ganun kamainitin ang ulo nya. Bumait bait na sya ng kaunti.
Napatda ako ng tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko yun at binuksan. May notification na pumasok at namilog ang mata ko sa nabasa.
“Omg! Finollow back na ako ni Ervin sa IG! Yiih!” Tili ko at nagmamadaling binuksan ang IG para kumpirmahin kung talagang finollow back ako ng aking ultimate crush. Nagtitili ako ng makitang nakafollow na nga sya sa akin.
“Huy grabe ka naman makatili.” Natatawang saway sa akin ni Ivonna.
Pinakita ko sa kanya ang notification kung saan nakalagay na finollow back ako ni Ervin.
“Congratulations. Finollow back ka na nya sa wakas.”
“Oo nga eh! Ilang buwan din akong naghintay na i-follow back nya ha. Wait, magseselfie lang ako at ia-upload ko para makita nya ang beauty ko.” Nag selfie ako at nakailang shot pa ako. Tatawa tawa naman si Ivonna.
Matapos ang ilang selfie ay namili na ako ng pinakamagaganda kong selfie at i-upload. Sana ay dumaan agad sa news feed ni Ervin para masilayan nya ang ganda ko at sana ay i-dm nya ako at yayain ng date. Ay! I will say yes agad agad talaga!
School mate namin ni Ivonna si Ervin. Mas ahead lang sya sa amin ng isang taon. Matagal ko na syang crush. Sikat sya sa school namin at habulin din talaga ng mga girls. Matagal ko na syang gustong lapitan at makipag kaibigan. Pero nauunahan ako ng hiya. Lalo na’t dati ay may katabaan ako. Pero ngayon sexy na ako. Di na ako mahihiya.
“Kapag nalaman ni Kuya Atlas na may bago ka na namang hinaharot lagot ka sa kanya.” Ani Ivonna.
“Hindi na ako lagot sa kanya bes. Ang sabi nya pwede na akong magboyfriend ngayon dahil graduate na ako.”
“Talaga?”
“Yup! Kaya excited na akong magkaboyfriend. At sana si Ervin ang maging first boyfriend ko. Yiih! Ngayon pa lang kinikilig na ako.” Nagkikisay sa kilig na sabi ko.
“First boyfriend talaga? Parang may balak ka pang mag second boyfriend, third, fourth.”
“Ganun talaga. Kapag hindi nagwork ang relationship namin ng first ko eh di maghahanap ako ng second.”
Umiling iling si Ivonna. “Basta huwag kang magpadalos dalos bes. Baka luko luko ang makuha mong boyfriend. Kunsabagay lagot naman sila kay Kuya Atlas kung sakali.”
“Don’t worry bes, smart tong espren mo kahit medyo maharot.”
“I know.” Natatawang sabi nya at pinatay na ang hand mixer.
“Ma’am Ivo, nasa labas po si Sir Luigi kasama ang twins.” Anang isang attendant na pumasok sa kitchen.
“Oh nandyan na pala sila, sige lalabas na ako.”
Tinawag ni Ivonna ang assistant nya at pinatuloy na dito ang kanyang ginagawa. Sabay na kaming lumabas ng kitchen.
Napangisi ako ng makita si Kuya Luigi na buhat ang kambal sa baby carrier na nakasukbit sa kanyang katawan. Malusog ang kambal at malaki para sa isang taong gulang. Kunsabagay, mana kay Kuya Luigi na malaking tao rin. Wala nga syang kahirap hirap na buhatin ng sabay ang kambal. Samantalang si Ivonna isa lang sa kambal ang buhat halos makuba na sya.
“Hi babies! Miss mommy?” Kausap ni Ivonna sa kambal na tuwang tuwa na makita sya at panay sambit na ng mama.
“I miss you too wife.” Malambing na sabi ni Kuya Luigi.
Ngumisi ako. “Huu! Nagpapabebe si Kuya Luigi di naman bagay.” Pang aasar ko.
Sinamaan naman ako ng tingin ni Kuya Luigi. Pero di nya ako mababara ngayon dahil kaharap namin si Ivonna. Takot sya dito eh.
“Gusto mo ng cupcake babe? May mga bago kaming gawa.” Alok ni Ivona kay Kuya Luigi.
“Sure wife.”
“Anong gusto mong cupcake?”
Ngumisi si Kuya Luigi. “Syempre yung cupcake mo.” May double meaning na sabi nya na ikinangiwi ko naman.
Namula naman ang mukha ng kaibigan ko. “I’m serious Luigi.”
“I’m serious too wife. I want your cupcake. Yung ginawa mo. What are you thinking huh?” Nakangisi pa ring sabi ni Kuya Luigi.
Kunwari pa sya eh.
Umikot naman ang mata ni Ivonna. “Ewan ko sayo.” Tumalikod na si Ivonna at bumalik sa kitchen.
Tatawa tawa naman si Kuya Luigi at bineybi talk ang kambal na mga nakaupo na ngayon sa high chair. Humila ako ng isang upuan at tumabi sa kambal na sobrang cute naman talaga. Kasing edad lang sila ni Baby Alina. Bigla ko tuloy namiss ang dalawang pamangkin ko na mga kasing cute ko rin.
Magkamukhang magkamuha ang kambal at parehas din ng pangangatawan. Buhok lang nila ang magkaiba. Si Baby George ay medyo kulot ang buhok na mana kay Kuya Luigi. Si Baby Geoffrey naman ay tuwid at mana naman kay Ivonna. Ang lakas talaga ng dugo ni Kuya Luigi dahil kamukha nya ang kambal. Kutis lang ni Ivonna ang nakuha ng mga ito. Sana paglaki nila ay magmana din sila ng ugali kay Ivonna at hindi kay Kuya Luigi.
“Babies, say.. nanet.” Kausap ko sa kambal na sa akin na nakatingin.
“Na..net. Da..da.” Ulit ko.
Gumalaw naman ang maliliit na bibig ng kambal.
“Nananana!”
“No, it’s na..net da..da.” Ulit ko pa.
Pero ang kambal ay humagikgik lang na parang naintindihan ang ibig sabihin ng tinuro ko. Kaya di ko na napigilang mapangisi.
“What nanet means?” Kunot noong tanong ni Kuya Luigi.
“Secret.” Nakangising sabi ko.
Tumalim ang tingin nya. “I don’t trust you brat. Kung ano anong tinuturo mo sa twins ko.”
“O nag aasaran na naman kayong dalawa.” Sambit ni Ivonna na may dala ng tatlong cupcakes na nakalagay sa puting plato. Iba iba ang kulay ng mga iyon at iba iba din ang flavor. Kasunod nya ang isang attendant na may dala namang tasa ng kape. Nilapag nila iyon sa coffee table sa harap ni Kuya Luigi.
“Ito kasing kaibigan mo kung ano ano ang tinuturo sa twins natin.” Parang batang sumbong ni Kuya Luigi kay Ivonna.
“Bakit ano bang tinuro ni Ava?” Tumingin sa akin si Ivonna.
Kinagat ko naman ang labi para pigilan ang tawa.
“Ang sabi nya ‘nanet dada’ What’s that mean?” Kunot noong tanong ni Kuya Luigi.
“Ahh..”
Pinandilatan ko ng mata si Ivonna.
“Ah naku! Wala lang yun babe – “
“Nanet means panget.”
Napasinghap ako at lumingon sa nagsalita. Nakita ko ang nakangising mukha ni Kuya Kester.
“Kukunin ko na yung order na cupcake ni Crizel.” Ani Kuya Kester kay Ivonna sabay abot ng isang libong papel. Kinuha naman yun ni Ivonna.
“Wait, kukunin ko lang. Nakaready na yun.”
“Okay.”
Pumunta si Ivonna sa counter para kunin ang order na cupcake ni Ate Crizel.
Ako naman ay bahagyang inusod palayo ang upuan dahil ramdam ko ang nakakahiwang talim na tingin ni Kuya Luigi. Siguradong yari ako sa kanya kung wala lang sa paligid si Ivonna. Kung bakit ba naman kasi biglang sumulpot ang madaldal na si Kuya Kester.
“Sinabihan kang nanet ng kambal mo? Ayos ah! Nakakapagsalita na pala sila.” Natatawang sabi ni Kuya Kester na humila na ng upuan at umupo. Ang mga customer ay sa kanila na nakatingin ni Kuya Luigi lalo na ang mga babae.
“Hindi pa marunong magsalita ang twins ko dahil kaka-one year old lang nila di ba?” May tonong inis sa boses ni Kuya Luigi.
“O ba’t naiinis ka? Sino ba kasi may sabing nanet ka?”
Muling bumaling ang matalim na tingin sa akin si Kuya Luigi. Napanguso na lang ako. Tumawa naman ng malakas si Kuya Kester na sinabayan pa ng hagikgik ng kambal at palakpak.
“O, mukhang agree din ang kambal mo na nanet ang dada nila.”
“Tss, magsama nga kayong dalawa ni Ava. Kayong dalawa yata ang magkapatid eh.”
“Wala akong kapatid na nanet.” Sambit ni Kuya Kester sabay ngisi sa akin.
Sinimangutan ko naman sya. Akmang sasabat ako pero nakabalik na si Ivonna dala ang box ng cupcake at inabot yun kay Kuya Kester.
“Thank you Ivonna.” Biglang tumunog ang cellphone ni Kuya Kester. Ngumiti sya at agad yung sinagot. Base sa ngiti nyang parang ewan ay malamang si Ate Crizel ang tumawag.
“Yes love, nandito ako sa bakeshop. Nakuha ko na ang order mo.. Oh.. gusto mo ng hilaw na mangga na may bagoong?.. Sige dadaan ako sa palengke.. You’re welcome love. I love you.. Mabilis lang ako..” Malawak ang ngiting binaba na ni Kuya Kester ang cellphone at pinatay.
Kabuwanan na ni Ate Crizel at kambal din ang anak nila ni Kuya Kester. Pero para pa rin syang naglilihi.
Tumayo na si Kuya Kester. “Mauna na ako sa inyo. Dadaan pa ako ng palengke.” Nakangising sabi nya sabay tumalikod na at dumiretso palabas.
Umupo naman si Ivonna sa upuang iniwan ni Kuya Kester at naglambingan silang mag asawa. Tuloy na-op ako. Kaya dapat magkaboyfriend na talaga ako.
Chapter 5
Matias POV
“SIR Maalik please! Give me a chance!”
Paglabas ko ng elevator sa basement parking ay sumalubong sa akin ang isa sa engineer ko o mas tamang sabihin na dating engineer dahil tinanggal ko na sya sa kumpanya ko. Mukhang kanina pa nya ako inaabangan.
“I’m sorry Engineer Soriano but my decision is final. Mag apply na lang kayo sa ibang kumpanya. Siguradong marami naman ang kukuha sa inyo.” Malamig na sabi ko sa may edad na engineer.
“Pero dito ko lang gusto sa Santiago Estate Development, Sir Maalik. Please, just give me one more chance. I have been an engineer here for two decades. Isa ako sa engineer na pinagkakatiwalaan ng mama mo noong nabubuhay pa sya.” Pakiusap pa ng engineer. Pero may tono ng panunumbat ang kanyang pagsasalita na lalong di ko nagustuhan.
Sinuksok ko ang isang kamay sa bulsa ng itim kong slacks at hinarap ang engineer.
“Kung nabubuhay lang si mama, masasabi pa kaya nya na mapagkakatiwalaan ka engineer?” Sarkastikong sabi ko.
Akmang magsasalita sya pero inunahan ko na sya.
“Ilang taon mo ng pinagnanakawan ang kumpanya ng mga materyales? Simula pa ba noong si mama pa lang ang ceo o noong ako na ang nakaupo?”
Hindi na agad nakaimik ang engineer at napalunok. Namutla pa sya at biglang pinagpawisan. Nag iwas sya ng tingin at kinumpas ang isang kamay.
“S-Sir Maalik, believe me. Walang katotohanan ang mga bintang nila. Y-Yung mga evidence kuno nila na pinakita sa inyo kanina, i-it’s all fake! Fabricated! Gusto lang nila akong siraan sa inyo dahil naiinggit sila sa akin lalo na ang mga baguhang engineers – “
“Enough!” Asik ko. Hindi ko na kayang marinig ang lahat ng kasinungalingan nya. Masakit sa tenga. Halata namang gusto nya lang lumusot at di sya makakalusot sa akin.
Natigilan ang engineer at gumuhit ang pangingilag sa kanyang mukha.
“Sir Maalik – “
Tinaas ko ang kamay para patigilan sya sa pagsasalita. “Huwag mo ng ipilit ang gusto mo Engineer Soriano. Baka mapilitan din akong gumawa ng aksyon na hindi mo magugustuhan. Sa ginawa mo pwedeng pwede kitang kasuhan at ipakulong. Pero dahil matagal ka na sa kumpanya at sabi mo nga ay isa ka sa engineer na pinagkakatiwalaan ni mama, palalampasin kita pero hindi ka na pwede sa kumpanya ko. Maghanap ka na lang ng ibang kumpanyang mapapasukan.” Pinal na sabi ko at tumalikod na. Sumakay na ako sa aking kotse at nilapag ang briefcase sa shotgun seat pati na ang coat. Tinanggal ko ang necktie at pinatong sa coat. Tinanggal ko rin ang cufflinks at tinupi ang manggas ng polo ko hanggang siko.
Tiningnan ko ang engineer sa rearview mirror na nasa likuran ng aking kotse. Bagsak ang kanyang balikat at para syang nalugi.
Talagang babagsak na ang career nya bilang isa sa kinikilalang magaling na engineer ngayong tinanggal ko na sya sa kumpanya. Ipapakulong ko rin sya pero di muna ngayon dahil may kailangan pa ako sa kanya.
Kinabit ko na ang seatbelt at binuhay ang makina. Pinasibad ko na ang kotse palabas ng basement parking. Sumaludo pa sa akin ang apat na security na nakatalaga doon.
.
.
Ava POV
“HOY miss! Hindi porket maganda ka di kita papatulan kaya huwag kang makikialam!”
“Ay!” Napatili ako ng ihampas ng lalaki ang hawak nyang dos por dos sa poste. Halatang may tama sya ng alak dahil namumula ang kanyang mukha at umaalingasaw din ang amoy ng alak.
Lalo namang nagsumiksik sa akin ang tutang yakap ko na nanginginig sa takot sa amo nyang nag aamok na ng away.
Pauwi na ako galing sa Pet Haven at napadaan ako sa lugar na ito na squatter area dahil nag- shortcut ako. Aksidenteng nakita ko ang lalaki na bitbit sa leeg ang tuta at may hawak pa syang dos por dos. Kinutuban na ako kung ano ang balak nyang gawin sa tuta kaya di ako nag-atubiling lumabas at komprontahin sya. Tama nga ang hinala ko. Balak nyang hampasin ng dos por dos ang tuta hanggang sa mamatay dahil perwisyo daw ito dahil dumi ng dumi sa loob ng bahay nila. Nag iiyak naman ang anak nyang paslit na mukhang sya ang may ari ng tuta.
“Bawal po sa batas ang gagawin nyo manong. May kaso po ang pagpatay sa aso o kahit sa pusa.” Paliwanag ko sa lalaki kahit kumakalabog na ang dibdib ko sa takot.
“Wala akong pakialam sa batas batas na yan! Dito sa harap ng pamamahay ko ako ang batas! Kaya akina ang tutang yan!”
Lumapit sa akin ang lalaki para kunin ang tutang yakap ko pero mabilis naman akong lumayo. Pinigilan naman ng batang umiiyak ang lalaki.
“Papa huwag mo pong sasaktan si Pochi. Kawawa naman po sya eh.” Umiiyak na sabi ng batang lalaki habang yakap ang braso ng ama.
Nakaramdam naman ako ng awa sa bata. Obvious na mahal na mahal nya ang tuta.
“Heh! Tumigil ka! Mag aalaga ka ng tuta di ka naman marunong maglinis ng dumi! Perwisyo lang ang asong yan. Salot!” Sikmat ng lalaki sa kanyang anak sabay hawi dito. Napaupo ang batang lalaki sa semento.
Ako naman ang binalingan ng lalaki na nanlilisik na ang tingin sa akin. Nataranta naman ako sa takot kaya humakbang na ako paikot sa kotse ko. Sumunod naman sya sa akin habang hawak pa rin ang dos por dos.
Mali yata na nangialam ako. Pero kawawa naman kasi ang inosenteng hayop. Hindi kakayanin ng konsensya ko kung nanood lang ako kung paano saktan ng lalaki ang tuta. Hindi ako patutulugin ng konsensya ko.
“Akin na yang tuta! Ibigay mo sa akin yan miss kung ayaw mong masaktan!”
“Ayoko nga!”
“Ah ayaw mo ha! Akala mo nagbibiro ako. Hetong sayo!”
“Ay!” Tili ko ng hampasin nya ang window shield ng kotse ko. “Ang kotse ko!”
Nagkaroon ng crack ang window shield. Hindi pa nakuntento ang lalaki at hinampas pa ito ng hinampas hanggang sa tuluyang nabasag. Hinayang na hinayang ako sa windshield ng kotse ko. Siguradong mapapagastos ako sa pagpapagawa nito.
Marami ng tao sa paligid ang nakikiusyoso pero wala namang nagtangkang lumapit para maawat ang lalaki. Sumisigaw lang sila.
“Ang mabuti pa miss ibigay mo na lang yang tuta at umalis ka na.” Sabi ng isang ale sa akin.
“Hindi po pwede ale. Papatayin nya tong tuta.”
“Kesa naman ikaw ang patayin ni Urok.”
Kinilabutan ako at nagtayuan ang balahibo ko sa sinabi ng ale.
“Huwag po ate. Huwag nyo pong ibigay kay papa si Pochi. Papatayin nya po si Pochi.” Umiiyak na sabi ng bata.
“Ay palapit na si Urok! Tumakbo ka na ineng!” Tili ng isang may edad na babae.
Namilog ang mata ko ng makitang papalapit na sa akin ang lalaki. Tumakbo akong muli paikot sa kotse. Tumakbo din ang lalaki at hinabol ako. Panay naman ang sigawan ng mga tao sa paligid namin.
“Tumawag na kayo ng mga baranggay tanod bilis!”
“Awatin nyo na si Urok! Baka mapano pa ang babae!”
“Ayoko nga! Baka ako pa ang mapagbuntunan ni Urok. Kilala nyo naman yan.”
“Isa pa kasalanan naman ng babae dahil pakialamera sya.”
Nagpatintero kami ng lalaki paikot ng kotse ko. Hanggang sa huling ikot ko ay na-corner na nya ako. Hinablot nya ang t-shirt ko.
“Huki ka!” Tumawa ang lalaki na parang sinapian ang hitsura. “Pakialamera ka ha, itong bagay sayo!”
Napapikit na lang ako habang mahigpit ang yakap ko sa tuta. Narinig ko naman ang mga tili ng mga taong nasa paligid ko.
“A-Aray! Sino ka bang pakialamero ka! Aray! Bitiwan mo ang braso ko! Aray!” Dinig ko daing ng lalaki. Nabitawan na rin nya ang damit ko.
Dinilat ko ang isang mata. Namamalikmata yata ako dahil nakikita ko ang mukha ni Kuya Matias. Dalawang mata ko na ang dinilat ko. Si Kuya Matias nga ang nakikita ko at walang emosyon ang kanyang mukha. Pero nakakahiwa naman ang talim ng kanyang mga mata habang nakatingin sa lalaki. Mahigpit nyang hawak ang braso ng lalaking may hawak na dos por dos. Muli pa ngang dumaing ang lalaki ng pilipitin pa ni Kuya Matias ang braso nya. Tuluyan na nyang nabitawan ang dos por dos.
“Kuya Matias!” Tila naman ako nakahanap ng kakampi. Tumakbo ako palapit kay Kuya Matias at pumwesto sa malapad nyang likuran.
“Sige nga Kuya Matias! Gulpihin mo ang lalaking yan. Masyadong salbahe. Gusto nyang paluin itong tuta hanggang sa mamatay. Tapos binasag rin nya ang windshield ng kotse ko at muntik na rin nya akong paluin!” Sumbong ko kay Kuya Matias habang mayabang kong tiningnan ang lalaki na halos di na ngayon maipinta ang mukha sa pagkakangiwi.
Sa laking tao ni Kuya Matias di talaga uubra ang lalaki sa kanya. Para itong literal na bumangga sa pader. Ang bumangga kay Kuya Matias, giba!
“O ano? Ngayon mo ilabas ang tapang mo! Sige, damputin mo yang pamalo at ipalo mo sa akin. O ano? Di ka na makagalaw no. Yabang mo kasi!” Nakangising pang aasar ko pa sa lalaki. Gusto ko pa nga syang lapitan at batukan para makaganti.
Sa akin naman bumaling ang matalim na tingin ni Kuya Matias. “Get in my car Ava.” Mababa pero mariin ang bawat salitang binigkas nya.
“Bakit? Dito lang ako. Gagantihan ko pa yang lalaking yan.”
“Ava! Just do what I said. Get in my car. Now!”
Napapitlag na ako sa mabalasik na boses ni Kuya Matias. At kapag ganito na rin ang mukha nya ibig sabihin ay kailangan ko ng sumunod.
“S-Sabi ko nga. Papasok na ko sa sasakyan mo. Teka, nasaan ba ang sasakyan mo?” Nagpalinga linga ako at nakita ko ang kanyang itim na itim na Mercedes Benz na nakapark ilang hakbang lang mula sa akin. Tumakbo ako roon at binuksan ang pinto sa shotgun seat at pumasok.
Binaba ko ang salaming bintana sa driver seat para makita ng malinaw ang kaganapan sa labas. Napahiyaw ang lalaki sa sakit ng pilipitin pa ni Kuya Matias ang kanyang braso patalikod sabay padarag syang binitawan. Pasalampak na bumagsak sa semento ang lalaki habang hawak nya ang isang braso at dumadaing sya sa sakit. Sakto namang may dumating ng mga tanod at nilapitan ang lalaki. Ang isang tanod naman ay kinausap si Matias.
Napabuntong hininga ako. Lumuwag luwag na rin kahit papaano ang paghinga ko dahil tapos na ang gulo. Pero ang kotse ko ay di ko mauuwi sa bahay na ganun ang hitsura. Siguradong lagot ako kay Kuya Atlas. Bagong bago pa ang kotse ko at regalo yun sa akin ni Kuya Atlas noong graduation ko.
Tiningnan ko ang tutang yakap ko na umiingit. Ngumiti ako at hinaplos ang maliit na katawan nya. Aspin ang tuta at may kapayatan. Kulay puti sya na may brown spot. Maamong maamo ang kanyang mukha.
“You’re safe now baby. Di ka na masasaktan ng lalaking yun.”
Tila nakakaintinding umingit ang tuta sabay hilig sa dibdib ko.
“Ate, ate.”
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Ang batang umiiyak kanina sa ama nya na huwag saktan ang tuta.
“Ikaw pala.”
Ngumiti ang bata. “Ate, baka pwede pong ampunin mo na lang si Pochi. Kapag binalik ko pa po sya sa bahay siguradong sasaktan lang sya ulit ni papa at baka mapatay na sya. Ayoko po syang mamatay.” Sabi ng bata at naging malungkot na ang mukha.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Sige, ako na ang aampon sa kanya. Dadalhin ko sya sa shelter ko. Ano nga ulit ang pangalan nito?”
“Pochi po. Mabait po yan ate. Hindi naman po talaga yan tumatae sa loob ng bahay. Kanina lang po kasi di ko sya agad napagbuksan ng pinto para makalabas kaya natae na po sya sa loob ng bahay. Tapos saktong naabutan po ni papa kaya nagalit po sya. Ayaw po kasi ni papa ng aso o kaya pusa dahil marumi daw.”
“Naiintindihan ko. Lagi bang nananakit ng hayop ang papa mo?”
“Opo, lalo na po kapag nakainom. Eh regalo po kasi sa akin ng tito ko yang si Pochi eh kasi matagal ko na pong gustong magkaaso. Kaso ayaw naman po ni papa. Kaya sobra po akong malungkot ngayon kasi malalayo na si Pochi sa akin. Pero ayos lang po dahil hindi na sya masasaktan ni papa. Aalagaan mo po sya ate ha?”
Halatang mabait ang bata at medyo matured ng mag isip. Nakakatuwa dahil mahal na mahal nya ang alaga nya. Bata pa lang pet lover na.
“Oo naman. Huwag kang mag aalala aalagaan ko si Pochi. Maraming pagkain sa shelter. Mabubusog sya lagi doon.”
Tumango ang bata at ngumiti. “Pwede ko bang yakapin muna si Pochi.”
“Sure.”
Umusod ako sa driver seat at binigay sa bata si Pochie na umiingit at tumahol dahil nakita ang batang amo. Niyakap ng bata si Pochi at hinalik halikan pa sa mukha.
“Magpakabait ka ha. Huwag kang mangangagat at huwag kang tatae sa kung saan saan. Mamimiss kita Pochi.” Ilang sandaling yakap ng bata si Pochi bago nya ito binalik sa akin. “Salamat po ate, aalis na po ako. Tatawagin ko pa po ang lolo ko dahil siguradong dadalhin sa baranggay si tatay.” Paalam ng bata saka tumakbo na paalis.
Napabuntong hininga na lang ako habang sinusundan ang bata na tumatakbo palayo. Hinimas himas ko ang katawan ng tuta. Muli kong tiningnan ang kaganapan sa labas. Sinasakay na ng mga tanod ang lalaki sa side car motorcycle. Di ko alam kung sa hospital ba muna nila ito dadalhin o sa baranggay na. Bahala na sila.
Naglakad na si Kuya Matias palapit sa akin. Ang mukha nya ay wala pa ring emosyon. Pero ang kanyang kulay tsokolateng mata ay tila nagliliyab at nakakapaso yun.
Bumundol ang kaba sa dibdib ko at napausli ang labi ko. Siguradong sesermonan nya ako. Kailangan ko ng ihanda ang tenga ko.
Chapter 6
Ava POV
ILANG minuto ng nakapasok sa kotse si Kuya Matias ay wala pa rin kaming imikan. Patingin tingin ako sa kanya habang nakikiramdam. Panay naman ang buga nya ng mabigat na buntong hininga habang pailing iling na patingin tingin sa akin. Di ko alam kung sa akin ba sya galit o sa lalaking nag amok kanina. Hindi naman kasi sya kagaya ni Kuya Luigi na kapag galit ay kulang na lang mag amok ng away. Sya kasi ay tahimik at kalmado pero ramdam mo ang galit nya. Pero dapat pa rin akong mag-thank you sa pag save nya sa akin. Pasalamat talaga ako na dumating sya kundi baka nasa hospital na ako ngayon. Kung paanong napunta sya sa lugar na ito yan ang di ko alam pero pinagpapasalamat ko.
Lumunok ako at tumikhim para basagin ang katahimikan. “Uhm, thank you Kuya Matias – “
“Bakit ba ang hilig mo sa gulo Arabella Vania.” Mahinahon pero mariing sabi nya.
Napakagat labi naman ako. Binanggit nya ang buong pangalan ko. Ibig sabihin di sya natutuwa sa akin at disappointed sya. Baka akala nya ako ang nag umpisa ng gulo kanina.
“Correction, di ako mahilig sa gulo. Ang gulo ang mahilig sa akin.” Katwiran ko. Totoo naman yun. Ang gulo ang mahilig sa akin.
Matalim na tumingin sya sa akin. Tinikom ko naman ang aking bibig.
Sinulyapan nya ang tutang tulog na sa kandungan ko.
“Talagang dumayo ka pa sa lugar na ito para lang sumagip ng kinawawang tuta tapos sasabihin mo di ka mahilig sa gulo.”
Umusli ang nguso ko. “Hindi naman ako dumayo dito para sagipin lang tong tuta.”
“Eh anong ginagawa mo sa lugar na to?” Inis pa ring tanong nya.
Humugot ako ng malalim na hininga. “Galing ako sa shelter at pauwi na ako. Eh matrapik kaya nagshort cut ako at dito ako dumaan. Tapos nakita ko yung lalaki bitbit sa leeg tong tuta at may hawak syang dos por dos. Kinutuban ako na papaluin nya itong tuta kaya lumapit na ako para pigilan sya. Ayaw nya ngang ibigay itong tuta eh. Nabitawan nya lang kaya agad kong dinampot.” Paliwanag ko.
“Tsk! At sa ginawa mo muntik ka ng mapahamak. Kung di rin ako napadaan dito at di kita nakita – Ugh god! I can’t imagine what could happen to you.” Inis na sambit nya sabay buga ng marahas na hininga. Umigting pa ang kanyang panga.
Kumagat labi naman ako. Sa loob loob ko ay may tuwa akong nararamdaman dahil ramdam kong concern sya sa akin kahit parang gusto na nya akong batukan ngayon.
Ngumiti ako. “Kaya inadya talaga ng langit na mapadaan ka dito para mailigtas ako. Ahh! You’re my hero Kuya Mat. Thanks for saving my life. Aylabyu na talaga!” Malambing na sabi ko sabay hilig ng pisngi sa kanyang malaking braso. Infairness, ang bango bango talaga nya.
Piniksi naman nya ang braso at sinamaan ako ng tingin. Napanguso naman ako. Sungit sungit talaga. Daig pa ang nireregla.
Umayos na ako ng upo at hinimas na lang si Pochi.
Panay naman ang palatak nya at dinampot ang cellphone na nakapatong sa dashboard. “Tatawagan ko ang kuya mo.”
Napasinghap ako at namilog ang mata sa narinig. “Huwag!” Pinigilan ko ang kamay nya.
Salubong ang kilay na tumingin sya sa kamay ko at sa akin. “Anong huwag? We need to call him.”
Umiling iling ako. “Please Kuya Matias, don’t call him. Lagot ako sa kanya. Siguradong pagagalitan nya ako.” Nakakatakot din si Kuya Atlas kapag nagalit. Mas takot ako sa kanya kesa kay mommy. Pero ang mas ikinakatakot ko baka bawasan nya ang allowance ko kapag nalamang napa-trouble na naman ako.
“Dapat lang naman na pagalitan ka.”
“Kuya Matias naman ih. Sige na huwag mo na syang tawagan. Siguradong babawasan nya ang allowance ko.”
“Buti nga sayo. Kung ako sya, di na kita bibigyan ng allowance.”
Sama din talaga ng ugali.
“Kapag nabawasan ang allowance ko, mangungutang lang ulit ako sayo.”
“Hindi na kita pauutangin.”
“As if naman, kaya mo kong tiisin.” Nakangusong sabi ko.
Saglit syang di nagsalita at matim lang na nakatingin sa akin. Nagpaawa naman ang mukha ko sa kanya. Pinagtubig ko pa ang mata ko na parang maiiyak para lalo syang maawa.
Nag iwas sya ng tingin at marahas na bumuntong hininga. Muli syang sumulyap sa akin at pumalatak na para bang isa akong malaking problema na kailangan nyang agad na solusyunan. Mukha na syang stress. Bumuka buka pa ang bibig nya na para syang may sinasabi.
Kinagat ko naman ang labi at parang gusto kong maawa sa kanya.
Binuksan nya ang cellphone at nagpipindot sabay tapat sa tenga. Nahigit ko naman ang hininga.
“Hello..” Binanggit nya sa kausap sa kabilang linya ang address ng kinaroroonan namin pati na ang model at plate number ng kotse ko.
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pala si Kuya Atlas ang kanyang tinawagan. Towing service pala ang tinawagan nya. May isa pa syang tinawagan na attorney at sinabi ang nangyari sa akin kanina pati sa kotse ko. Mukhang kakasuhan nya ang lalaki kanina.
Pinatay na nya ang cellphone at tumingin sa akin. “Bukas na bukas ay kakausapin ka ni attorney. Kakasuhan natin ang lalaking yun.”
“Kailangan pa ba?”
“Of course! Muntik ka na nyang saktan at binasag pa nya ang windshield ng kotse mo.” Maawtoridad na sabi nya.
Nagkibit balikat naman ako. Pabor na rin ako sa gusto nya. Para madala ang lalaki.
Sinuot na nya ang seatbelt at pinaandar na ang kotse. Sa hitsura nya ay halatang galing sya sa office nya. Pero paano sya napunta sa lugar na ito. Hindi naman ito ang way pauwi sa bahay nya.
“Teka, paano ka nga pala napunta sa lugar na ito Kuya Matias?” Curious na tanong ko.
Sumulyap sya sa akin habang minamaniobra na ang kotse sa gitna ng kalsada.
“May pinuntahan ako malapit sa lugar na ito.”
“Ah, sino? Babae?”
Salubong ang kilay na lumingon sya sa akin. “It’s none of your business.”
Umikot ang mata ko. “Eh di wow..” Bulong ko.
Sinamaan nya ako ng tingin. Itinikom ko na lang ang bibig. Dapat maging mabait at machunurin ako sa kanya dahil niligtas nya ang buhay ko at tinutulungan pa nya ako.
Gumalaw si Pochi sa kandungan ko at umingit. Naalala ko bigla na baka gutom na sya. Naalala ko rin na di ko sya pwedeng dalhin sa bahay dahil off limits sa bahay ang mga dogs and cats. Ayaw ni mommy dahil takot sya. Hustle naman kung babalik pa ako ng shelter para dalhin doon si Pochi, eh ang layo nun at matrapik pa.
Kagat labing tumingin ako kay Kuya Matias.
“Kuya Mat, can I ask one more favor?”
Kunot noong sinulyapan nya ako sa rearview mirror. “Ano na naman?”
Alanganin akong ngumiti sa kanya. “Pwedeng.. sa bahay mo muna itong tuta?”
“What? No way!” Bayolente nyang reaksyon.
“Sige na please! Hindi ko pwedeng dalhin sa bahay tong si Pochi. Takot si mommy sa dogs.”
“Eh di dalhin mo sa shelter mo.”
“Ihahatid mo ko?”
“Saan ba ang shelter mo?”
“Caloocan.”
“Caloocan? Ang layo naman at sobrang trapik pa!” Angal nya.
“Kaya nga sayo muna eh. Kahit ngayong gabi lang.”
“No! Sa iba mo na lang ibilin ang tutang yan.” Tigas tanggi pa nya.
Ngumuso naman ako. “Wala na akong ibang maisip na pwedeng pagbilinan sa kanya. Saka sayo lang ako may tiwala.”
Inis na sumulyap sya sa akin. “Sa akin ka lang may tiwala? Paano ko naman mababantayan yan? Wala akong alam sa pag aalaga ng tuta. Hindi ako mahilig sa mga hayop maliban lang sa mga kabayo at baka.”
Well totoo naman na di sya mahilig sa mga hayop maliban na lang sa kabayo dahil may rancho sya sa probinsya nila.
“Madali lang naman alagaan tong si Pochi eh. Hindi maselan ang mga aspin at ubod din sila ng lambing. Basta may pagkain lang sya at inumin.” Paliwanag ko pa para makumbinsi sya.
“Hindi pa rin Ava.”
Lalong nanghaba ang nguso ko. Pero di pa rin ako susuko. Kukulitin ko sya hanggang sa pumayag.
“Sige na please Kuya Matias. Kahit ngayong gabi lang talaga. Bukas kukunin ko rin sya at dadalhin sa shelter. Please please please please please…” Pagmamakaawa ko with matching puppy eyes.
“Ugh fine! Oo na!”
“Yes!” Tuwang sabi ko sabay kabig sa mukha ni Kuya Matias at mariin syang hinalikan sa pisngi.
“Ava!” Bulalas nya at mabilis na piniksi ang mukha.
Malakas naman akong tumawa. Tawang tagumpay dahil pumayag sya. Sabi na eh. Di nya talaga ako kayang tiisin. Ako pa! Sinong makakatiis sa kakyutan at kagandahan ko? Waley! Kahit na ang hari ng kasungitan na si Maalik Tobias Santiago ay hindi ako matitiis.
“Thank you thank you beri beri mats talaga my oh super handsome super macho my super favorite Kuya Mati.” Malambing na sabi ko sabay hagikgik.
Hindi naman sya umimik at masama lang na nakatingin sa akin at umiling iling. Sana’y na ako sa ganyang tinginan nya sa akin. Para sa akin nga lambing na nya sa akin ang kasungitan nya. Pero napansin kong namumula ang kanyang tenga at parang pinagpapawisan nya eh malamig naman dito sa loob ng kotse nya. Parang bigla syang naging tense.
“Are you ok Kuya Mat? You look kinda sick.”
“Tss. Talagang magkakasakit na ako sayo. Ang sakit mo sa ulo.” Sambit nya sa mahinahon ng boses.
“Grabe ka naman! Para naman akong virus.”
“Mas matindi ka pa sa virus tsk. Basta usapan hanggang ngayong gabi lang yang tuta na yan sa bahay ko ha.”
Ngumiti ako. “Yes po. Bukas kukunin ko rin sya at dadalhin sa shelter.”
“Dapat lang.”
“Thank you Kuya Matias.”
“Tss.”
Ngumisi ako. Ang sungit talaga pero deep inside mabait naman.
“Ay wait!”
“Ano na naman Ava?” Pagalit ng tanong nya.
Tumawa ako. “High blood ka naman agad. Wait lang kako dahil bibili tayo ng food at milk ni Pochi.”
Bumuntong hininga sya at umiling iling. “Saan ba nakakabili?”
“May madadaanan tayong pet shop. Wait, ano ba ang gender ni Pochi?” Inangat ko si Pochi at sinilip ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. “Oh, you’re a girl pala Pochi.”
Sumulyap sa amin ni Pochi si Kuya Matias pero di naman ito nagsalita. Ilang minuto pa ay nakita ko na nag pet shop na madadaanan namin. Tinuro ko yun kay Kuya Matias at huminto naman sya sa tapat nun. Binaba ko ang bintana. Bukas pa ang shop pero malapit na ring magsara.
Tinanggal ko ang seatbelt at binuksan ang pinto ng sasakyan. Bumaba ako at binaba si Pochi sa shotgun seat. Nag iingit naman ito na parang gustong sumama.
“Dyan ka muna, bibili muna ako ng food at milk mo ok.” Kausap ko sa kanya at sinarado ang pinto.
Pumasok na ako sa shop at naghanap agad ng wet food at gatas na angkop para kay Pochi. Ng makahanap na ako ay pumila na ako sa counter. May tatlo akong kasunuran kaya naghintay ako. Dinukot ko na rin ang wallet sa bodybag ko. Tumingin ako sa labas. Napataas ang kilay ko ng makita kong nasa kandungan na ni Kuya Matias si Pochi at hinihimas himas nya ang katawan nito. Mukhang nagustuhan naman ng tuta ang himas nya.
Napangisi ako ng may naisip. Mukhang nakahanap na ng bagong amo si Pochi.
.
.
Matias POV
NAPABUNTONG hininga ako at nilingon ang tutang si Pochi na nasa aking likuran. Paakyat na ako sa kwarto para matulog pero sunod sya ng sunod sa akin.
“What?” Tanong ko sa tuta na para bang sasagot sya sa akin.
Pero umingit lang sya at matinis na tumahol. Pinakain na sya ni Ava at pinainom ng gatas bago umalis. Nilatagan na rin sya ni Ava ng malinis na basahan sa gilid ng couch para hindi malamig ang hihigaan nya. Pero hindi ako makaakyat sa taas dahil sunod sya ng sunod, umiingit at kumakahol.
“Stay there ok?” Kausap ko pa sa aso at umakyat na ng hagdan. Pero nakakailang hakbang pa lang ako sa hagdan ay panay na naman ang kahol nya. Naririndi na ang tenga ko. Pero hinayaan ko na lang sya at nagtuloy na sa pag akyat. Huminto sya sa pagkahol kaya nilingon ko sya. Bahagya akong nagulat ng makitang nasa likuran ko na sya at kumakawag ang maliit na buntot. Marunong pala syang umakyat ng hagdan.
Marahas akong bumuntong hininga at mahinang napamura. Dinampot ko ang tuta.
“What do you want huh?”
Umingit ito at kumahol muli.
Napapikit ako ng mariin.
Mali talaga ang desisyon kong pumayag sa gusto ni Ava na dito muna sa bahay ngayong gabi ang tutang ito. Kung bakit ba naman kasi napapayag nya ako kanina. At kung bakit din di ko sya matiis. Kaunting lambing lang nya napapasunod na nya ako sa gusto nya.
Bigla namang sumagi sa alaala ko ang ginawang paghalik ni Ava sa pisngi ko kanina. Napalunok ako at napailing iling kasabay ng pagkislot ng puso ko. Palagi nya yung ginagawa sa akin kapag nauuto nya ako at sanay na ako. Pero bakit parang bigla akong napaso kanina? Para akong biglang nakuryente. Nagiging eratiko din ang tibok ng puso ko.
Muli akong pumikit ng mariin at malalim na bumuntong hininga. Dumilat ako at tumingin sa tutang hawak ko. Umingit sya at kumahol.
“Tss.” Naiiling na umakyat na ako bitbit ang tuta at pumasok sa kwarto.
Chapter 7
Matias POV
NAALIMPUNGATAN ako sa matitinis na tahol. Dinilat ko ang mata at bumungad sa akin ang madilim kong kwarto. Kinapa ko ang digital clock sa side table at tiningnan ito. 6:03 na ng umaga. Binalik ko ang digital clock at bumangon na. Umupo ako sa gilid ng kama. Bumungad sa akin ang maliit na tuta na nakatingala sa akin habang kumakawag ang buntot. Kumahol sya ng tatlong beses at umupo. Kiniling kiling pa nya ang ulo. Mukhang gutom na sya. Muli syang tumahol.
“Yeah yeah.. kakain ka na tss.” Makulit din sya parang si Ava.
Tumayo na ako at niligpit ang comforter. Pumasok sa wardrobe room at nakasunod pa rin sa akin ang tuta. Humugot ako ng nakatuping cotton shorts at sinuot iyon. Walang akong saplot kung matulog sa gabi dahil mas komportable akong matulog kapag walang damit. Lumabas na ako cda wardrobe room at nakasunod pa rin sa akin ang tuta. Sa banyo naman ako dumiretso para maghilamos at umihi. Humarap na ako sa urinal bowl para umihi. Hanggang dito sa banyo ay sumunod pa rin ang tuta. Umupo sya habang nakataas ang buntot. Napansin kong may umaagos na manilaw nilaw na likido. Mukhang umiihi rin sya gaya ko.
Napangisi na lang ako. Mukhang kanina pa sya naiihi.
Ng matapos akong umihi ay hinaplos ko ang maliit na ulo ng tuta. “Good girl. What’s your name again? Ah! Pochi.”
Tumahol ang tuta at nagtatalon talon pa. Nilinisan ko naman ang inihian nya saka ako naghilamos.
Paglabas ko ng banyo ay nilapitan ko ang floor to ceiling window at binuksan ang makapal na kurtina. Sumisilip na ang papasikat na araw. Tinungo ko na ang pinto at lumabas na kasunod ko pa rin ang tuta. Dahil hirap syang bumaba ng hagdan ay binuhat ko na sya. Dumiretso kaming dalawa sa kusina. Una ko munang hinanda ang pagkain nya at tinimpla sya ng gatas saka ko naman inasikaso ang kape ko.
Humihigop ako ng mainit na kape habang pinapanood ko ang tuta na umiinom ng gatas sa feeding bowl na binili ni Ava. Naubos na nya ang pagkain nya at malapit na ring maubos ang gatas. Malakas syang kumain at uminom ng gatas. Kumakawag kawag pa ang kanyang buntot. Ng maubos na nya ang kanyang gatas ay tumingala sya sa akin at kiniling ang ulo saka sya nagtatakbo. Punong puno sya ng energy.
Napailing iling na lang ako at inubos na ang kape para bisitahin ko naman ang mga halaman ko.
Binuksan ko ang limang water sprinkle sa garden para mabasa ang carabao grass. Hinawakan ko naman ang nozzle ng hose at binuksan ito. Sinimulan ko ng diligan ang mga malalaki kong halaman sa paso na matakaw sa tubig.
Marami akong iba’t ibang klase ng halaman dito sa garden ko. May local at may imported. Bata pa lang ako ng mapukaw ang interes ko sa paghahalaman dahil kay mommy. Gardening ang bonding namin noon kapag sabado at wala akong pasok sa school. Kapag nandito ako sa garden ay pakiramdam ko kasama ko rin si mommy. Kaya ingat na ingat ako sa mga halaman ko.
Nakita ko ang tuta na lalapitan ang isang welcome plant. Agad ko syang sinaway dahil nakakalason ito sa mga hayop.
“Stay there Pochi.” Utos ko sa tuta at tinuro ang lanai.
“Stay there.” Ulit ko pa dahil nakatingin lang sya sa akin.
Sa bandang huli ay tumakbo rin sya at bumalik sa lanai. Nilaro na lang nya ang carpet sa lanai. Napailing iling na lang ako at tinuloy na ang pagdidilig. Mamaya ay tatawagan ko si Ava para tanungin kung anong oras nya dadaanan dito sa bahay ang tuta.
–
“I’m sorry Kuya Matias, di ko na madadaanan dyan si Pochi?”
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ava sa kabilang linya.
“What? Why? Ang sabi ko mo kahapon dadaanan mo at dadalhin mo sa shelter mo.”
“Yeah, pero di ko na sya madadala sa shelter dahil may new owner na sya.”
Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga. Parang gusto ko na namang mainis.
“Then papuntahin mo na lang dito ang owner nya para pick-up-in sya.”
“No need na, dahil nandyan na sya sa owner nya.”
Nagsalubong ang kilay ko. “What do you mean Ava?”
“I mean is.. ikaw na ang new owner ni Pochi. Congratulations! You’re a furdad now! Yihee!”
Muli akong pumikit ng mariin kasabay ng pag igting ng panga ko.
“Damn it Ava! Wala sa usapan natin to. Puntahan mo na rito ang tuta at kunin mo na.” Mariing sabi ko.
“I’m so sorry Kuya Mati, I’m not available today. Nasa police station na ako ngayon kasama si Attorney Tagle. Alagaan mong mabuti si Pochi, ha. Congratulations again furdad. Bubye!”
“Ava – “ Napamura na ako ng busy tone na lang ang narinig ko.
Inis na binaba ko ang cellphone at tiningnan. Binabaan na nga ako ng brat na yun.
“Fuck!” Gigil na mura ko at hinimas ang batok. Pakiramdam ko tumataas na ang presyon ko.
Hindi talaga ako dapat nagtiwala sa babaeng yun. Sakit talaga sya ng ulo.
Tumingin ako sa tuta ng tumahol sya. Nakatingala sya sa akin habang kumakawag ang buntot. Umikot ikot pa sya at lumapit sa akin sabay taas ng isang paa at kalabit sa paa ko.
Marahas akong bumuntong hininga at pumalatak. Kilala ko si Ava. Kapag sinabi nya, gagawin nya. Hindi sya pupunta rito para pick-up-in ang tuta.
Namewang ako habang na-i-stress na tiningnan ang tuta. Pero habang tinitingnan ko ang maliit na nilalang na ito na maamo ang mukha at tila nangungusap ang mga mta ay tila naglalaho ang stress ko. Lalo na ng dumikit sya sa akin at kiniskis ang payat na katawan sa aking paa na parang sinasabing ampunin ko na sya.
Bumuntong hininga ako. Wala akong hilig sa aso lalo wala akong experience sa pag aalaga ng aso kaya paano ko sya maaalagaan. Pero ang sabi ni Ava madali lang daw alagaan ang aspin.
Muli akong napapikit ng mariin ng maisip ang dalaga at bumuntong hininga. Kahit kelan talaga stress ang dala nya sa buhay ko. Ako naman nasanay na.
Pinagmasdan ko ang tuta na nakatingin lang din sa akin. Wala na akong magagawa kundi alagaan na lang ito. Not bad at all. Mukhang matalino naman itong tuta.
Umiskwat ako at hinimas ang maliit na ulo ng tuta. Kumahol sya at kiniskis pa ang ulo sa aking kamay.
“Fine, ako na ang new owner mo Pochi.”
Pero humanda pa rin sa akin ang brat na yun kapag nagpakita sya.
.
.
Ava POV
“IF there’s any problem just call me Miss Montecillo.”
Tumango ako sa butihing may edad na abogado ni Kuya Matias. “I will Atty. Tagle. Maraming salamat po sa tulong nyo.”
“No problem iha. Sige, mauuna na ako dahil may imi-meet pa akong kliyente.”
“Sige po. Ingat.”
Hinatid ko na lang ng tanaw si attorney na sumakay na ng kanyang kotse.
“Ate! Ate!”
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Napangiti ako ng makita ko ang batang amo ni Pochi. Tumatakbong lumapit sya sa akin.
“O ikaw pala. Ano nga ang pangalan mo?”
“Noah po ate.” Nakangiting sabi nya.
“Ganda ng name mo, ah.” Ginulo ko ang buhok nya. Napansin kong nakapambahay lang sya. Mukhang di sya pumasok ng school. “Hindi ka pumasok sa school?”
Umiling sya. “Hindi po ako pumasok dahil nag aalala po kay papa baka po makulong sya eh.”
Ngumiti ako sa kanya. Nakaramdam ako ng awa. Kawawa talaga ang mga anak kapag may magulang silang kagaya nung lalaking yun.
“Pero sabi po ni lolo, di na raw po makukulong si papa dahil hindi nyo raw po sya kakasuhan. Salamat po ate. Kahit ganun po si papa ayoko po syang makulong.” Nakangiting sabi nya.
“Walang anuman. Pero nakablotter pa rin ang papa mo at kapag inulit pa nya yun ay makukulong na sya kaya dapat magpakabait na sya. Isa pa di ko na sya ipapakulong pero kailangan nyang bayaran yung nabasag na salamin ng kotse ko.” Paliwanag ko sa bata.
Sa paghaharap namin kanina ng lalaki ay matino na syang kausap at mabait. Nagmamakaawa sya na huwag ko syang ipakulong. Kung sa akin lang sya may atraso maaawa ako sa kanya. Pero kapag naiisip ko ang posible nyang gawin sa tuta ay nanggigil ako sa kanya kaya wala akong maramdamang awa sa kanya. Pero ang tatay na nya ang nakiusap. Matanda na ito at halatang hirap na hirap sa buhay. Pagtitinda lang ng basahan ang hanapbuhay nito at ito na halos ang bumubuhay sa apo. Ang lalaki naman ay isang mekaniko. Pero ang sinusweldo nya ay nauubos lang sa bisyo. Hiwalay na sila ng asawa nya at ang anak nya ay naiwan sa kanya. Bukod sa matanda ay naaawa rin ako sa bata. Kaya nakipag areglo na lang ako.
Hindi ko sya ipapakulong basta sasagutin nya ang pagpapagawa sa windshield ng kotse ko. Nagkaroon na kami ng kasulatan sa baranggay at pirmahan. Pero dahil di nya kayang bayaran ng buo, pumayag na lang ako ng installment. Ipapagawa ko ang windshield ko at paparesibuhan at kung magkano ang total ay yun ang babayaran nya.
“Huwag po kayong mag aalala ate. Mag iipon po ako para matulungan si papa sa pagbayad ng salamin ng kotse mo. Titipirin ko po ang baon ko.”
Napangiti ako sa sinabi ni Noah. “Hindi mo na kailangn gawin yun. Si papa mo na ang bahala dun.”
“Noah!”
Sabay kaming lumingon sa tumawag sa kanya. Ang lolo pala nya at ang papa nya na kalalabas lang ng station. Tumakbo palapit sa kanila si Noah at yumakap sa ama nya. Nakaguhit sa mukha ni Noah na masaya sya na makita ang papa nya. Lumapit sila sa akin.
“Ma’am Ava, kami po ay muling nagpapasalamat sa malawak nyong pang unawa. Tatanawin po namin ito na utang na loob.” Mapagkumbabang sabi ni Mang Kulas, ang lolo ni Noah.
“Wala po yun Mang Kulas. Wala po kayong utang na loob sa akin. Hindi naman po kayo ang may atraso sa akin eh.” Nakangiting sabi ko pero intensyon kong paringgan ang anak nya.
Kumamot naman sa ulo ang lalaki. “Oo na, ako na ang may atraso. Alam ko naman yun di mo na ko kailangan paringgan.” Sabi ni Kuya Efren na tatay ni Noah.
Tumaas ang isang kilay ko. “Parang masama pa ang loob mo kuya, ah. Gusto mo yatang magtagal sa loob.”
Agad na ngumiti si Kuya Efren. “Naku hindi masama ang loob ko, ito namang si ma’am masyadong seryoso. Masaya nga ako at nagpapasalamat na hindi ako makukulong.”
“Pero di porke’t di kita ipapakulong abswelto ka na sa atraso mo sa akin, kuya. Kailangan mo pa ring bayaran ang binasag mong windshield ko.”
“Oo babayaran ko yun, huwag kang mag alala. Pero usapan natin installment. Hindi ko kayang bayaran ng buo yun.”
Tumango ako. “Basta binigay ko na sayo ang jikash number ko. And every week kang magsesend sa akin. Kapag hindi ka nakapag send isusumbong kita kay Kuya Matias.” Banta ko sa kanya.
“Kuya Matias? Sino naman yun?”
Ngumisi ako. “Yung malaking lalaking sumagip sa akin kahapon. Naalala mo?”
Gumuhit ang takot sa kanyang mukha at napalunok sya.
Huh! Dapat talaga syang matakot kay Kuya Matias dahil kayang kaya syang tupiin nun sa sampu.
“O-Oo, linggo linggo ako magsesend sayo. Pangako yan. Gago lang ako pero marunong akong tumupad sa usapan lalo na magbayad ng utang.”
“Mabuti naman. At isa pa, huwag mo ng uulitin yung ginawa mo kahapon. Eh paano kung di kasing bait ko ang makatagpo mo, eh di kulong ka sigurado. Saka ang alak nilalagay sa tiyan hindi sa ulo. Isipin mo rin sana ang anak mo kuya. Ang bata bata pa nya nai-stress na sya sayo.” Sermon ko sa kanya.
“O makinig ka kay ma’am.” Sang ayon ni Mang Kulas.
“Oo nga po papa, pakabait ka na po. Baka sa susunod makulong ka na.” Segunda pa ni Noah. Mabuti pa sya, bata pa lang pero alam na ang tama at mali.
Kumamot naman sa ulo si Kuya Efren at nahihiyang tumingin sa akin. “Oo ma’am, tatandaan ko ang sinabi mo.”
“Huwag mo lang tandaan kuya, gawin mo. At isa pa ulit, huwag ka ng mananakit ng hayop, ha. Lalo na aso at pusa. Isa rin yun sa blotter ko sayo. Kung ayaw mo sa kanila ibigay mo na lang sa ibang taong may gusto sa kanila at huwag mong saktan. Kapag may nagreport na nanakit ka ulit ng hayop, dadamputin ka na. Bahala ka. Naiintindihan mo ba ang sinabi ko kuya?”
“Oo ma’am, naiintindihan ko.”
“Mabuti naman.” Nilahad ko ang kamay sa kanya. Alanganing tinanggap naman nya yun. Mukhang natauhan na sya.
“Ate si Pochi po pala?” Tanong ni Noah.
“Nasa bagong amo na nya.”
“May bagong amo na po sya?”
Ngumiti ako. “Yes, at super yaman ang amo nya. Magiging maganda ang buhay nya. Masarap lagi ang pagkain nya at ligtas sya doon.”
Ngumiti ang bata. “Mabuti naman po. Pakisabi na lang po kay Pochi kapag nakita nyo sya na miss na miss ko na po sya.”
“Sure.”
Pero di muna agad ako magpapakita kay Pochi at sa baong amo nya. Dahil siguradong patay ako. Malamang nga gigil sa inis na naman sa akin ngayon si Kuya Matias. Baka kapag nagpakita agad ako masakal na nya ako. I’m sure naman aalagaan nya si Pochi. Kahit taong bato sya pero may pagkamamon din naman sya kung minsan. Di nya matitiis si Pochi. Nasisigurado ko yan.
Chapter 8
Ava POV
“YES mommy, nabili ko na yung pinabibili mo.” Sabi ko kay mommy sa kabilang linya. Nakaipit ang cellphone ko sa aking balikat habang kumukuha ako ng sanitary napkin sa racks at nilalagay iyon sa basket.
“Pauwi na po ako.. okay. Bye mommy..” Binaba ko na ang cellphone at pinatay. Sinilid ko na yun sa sling bag ko.
Tiningnan ko sa basket ang mga pinagkukuha ko at tsinek kung kumpleto at walang kulang.
“Ah! Feminine wash nga pala.”
Agad kong hinanap ang feminine wash at ng makita ay dinampot ko na ang pinaka malaking bote. Kumpleto na ang mga pinamili ko kaya pumunta na ako ng counter. Pero pagliko ko ay nabangga ko ang isang matangkad na lalaki. Nalaglag ang mga bitbit nya.
“I’m sorry I’m sorry!” Hinging paumanhin ko at agad na nilapag sa sahig ang hawak kong basket para damputin ang mga nalaglag na pinamili ng lalaki.
“It’s ok.” Anang baritonong boses ng lalaki na mabilis ng nadampot isa isa ang mga pinamili nyang nalaglag.
Dinampot ko na lang ang basket ko at nag angat ng tingin.
Umawang ang labi ko ng makita ang mukha ng lalaki. Bigla akong na-excite.
“I-Ikaw pala Ervin.” Nauutal na sambit ko. Bigla akong nahiya.
Kumamot sya sa ulo at ngumiti. “I’m sorry kung nabangga kita Ava.”
“N-No no no it’s not your fault Ervin – “ Naputol saglit ang sasabihin ko at namilog ang aking mata. “Wait! You know me?”
“Yeah, you’re Arabella Vania Montecillo.” Cool na sabi nya.
Umawang ang labi ko at lalo akong na-excite at kinilig dahil binanggit nya ang buong pangalan ko. Kilala nga nya ako.
“Paanong.. Paano mo nalaman ang buong pangalan ko?” Manghang tanong ko.
Tumawa sya. “Sikat ka sa university natin. Walang di nakakakilala sayo.”
“Really?” Parang di ako makapaniwala sa sinabi nya na sikat daw ako sa school namin.
“Yup! Noon ko pa gustong makipagkaibigan sayo, kaso lang.. nahihiya ako.”
Napakagat labi ako sa kilig sa kanyang sinabi. Parehas lang pala kami.
“Bakit ka naman nahihiya? Mukha ba akong isnabera?”
“Kinda.” Nakangising sabi nya.
Sumimangot naman ako na kanyang ikinatawa.
“I’m just kidding. Nahihiya akong lumapit sayo dahil ayokong isipin nila na nakikipagkaibigan lang ako sayo dahil sa estado mo sa buhay. You know.. you’re a Montecillo. Kilala ang pamilya nyo. Eh sino ba naman ako, isang simpleng mamamayan lang.”
“Ganun? Pero di naman ako namimili ng kaibigan. Hindi ako tumitingin sa estado ng buhay ng isang tao. Basta mabait at di plastik kakaibiganin ko.” Nakangiting sabi ko.
Marami naman akong naging kaibigan sa college na mga kaibigan ko pa rin hanggang ngayon. Hindi nga lang ako nagkaroon ng boyfriend kahit may mga nagtangkang manligaw sa akin noon dahil ayaw ni Kuya Atlas. Mag tapos daw muna ako bago mag boyfriend. Pero sana ngayong magkaboyfriend na ako.
“So, can we be friends now?” Tila nahihiyang tanong pa ni Ervin.
“Syempre naman!” Masiglang sabi ko.
Gusto ko pa nga sanang sabihin na noon ko pa rin gustong makipag kaibigan sa kanya pero nahihiya lang din ako. Gusto ko ring sabihin na crush ko sya. Pero huwag na lang. Di nakakadalagang Filipina. Ngayong magiging magkaibigan na kami, may chance magkaka-ibigan din kami.
Sabay na kaming pumila ni Ervin sa counter habang nagkukwentuhan pa rin kami. Masarap syang kakwentuhan dahil may kakulitan din sya. Parang close na agad tuloy kami.
Sana ayain na nya akong magdate!
.
.
Matias POV
“GOOD Morning sir.” Bati ng dalawang security personnel pagpasok ko sa entrance ng building.
Pero hindi sila nakatingin sa akin kundi kay Pochi na karga karga ko. Dahil walang maiiwan sa kanya sa bahay ay dinala ko na lang sya. Pinavet ko na sya noong isang araw at pinabakunahan na. Dahil wala akong alam sa pag aalaga ng aso ay nagresearch na lang ako sa internet. Kasalanan ng babaeng yun dahil binigyan ako ng responsibilidad. Kung tutuusin pwede ko namang i-surrender sa ibang animal shelter ang tuta. Kaso lang naaawa ako at matalino naman sya. Madali syang i-train. Mas masunurin pa sya kesa sa ibang taong kilala ko. Mas masunurin pa sya kesa kay Ava.
Pumasok ako sa private elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang office ko. Nasa pinakahuling floor iyon.
Tiningnan ko si Pochi na karga ko. Nakatingala sya sa akin at dumila pa. Sinuotan ko sya ng diaper na binili ko pa kahapon para hindi sya iihi at dudumi kung saan saan sa office ko. Nagdala rin ako ng pagkain nya at gatas na nakalagay sa paper bag.
Pagbukas ng elevator ay lumabas na ako. Binati ako ng mga empleyado ko na nadadaanan ko. Pero ang mga mata nila ay nakatingin kay Pochi. May pagtataka sa kanilang mukha.
“Good morning sir.” Bati ni Jamil pagdaan ko sa desk nya. Ang mata nya ay salitang tumitingin sa akin at kay Pochi.
“Morning Jamil, dalhan mo ko ng kape sa loob at isang bote ng mineral water.” Maawtoridad na utos ko.
“Yes sir.” Agad naman syang tumalima at tumalikod na papunta sa pantry.
Binuksan ko naman ang pinto ng opisina ko at pumasok. Agad kong nilapag si Pochi at tinanggal ang leash nya. Tumingala sya sa akin.
“Behave ok?”
Tumahol sya at umikot.
Dinukot ko naman sa paper bag ang dalawang laruan nyang binili ko rin kahapon at nilapag sa harapan nya. Mainam na yung may mapaglaruan sya kesa kung ano ano ang ngatngatin nya dito sa opisina ko.
Lumapit ako sa desk ko at nilapag doon ang leather briefcase ko at coat. Nagpalinga linga ako sa loob ng opisina ko kung saan ko pwedeng ilagay ang pakainan at patubigan ni Pochi. Nagtagal ang tingin ko sa isang corner na malapit sa cr na merong halaman. Lumapit ako doon bitbit ang paper bag. Nilabas ko ang feeding bowl at automatic water feeder na bagong bili ko din. Malakas din kasi syang uminon ng tubig. Nilagyan ko naman ng dogfood ang bowl. Pinakain ko sya kanina sa bahay at binigyan na rin ng vitamins. Just in case na magutom sya kakain na lang sya. Medyo bumibilog na nga sya.
Bumalik na ako sa mesa para mag umpisa ng magtrabaho. Kinuha ko ang coat at sinabit sa coat rack. Umupo ako sa swivel chair at binuksan ang briefcase at nilabas ang mga papeles na inuwi ko kahapon. Nilagay ko ang briefcase sa drawer sa ilalim ng aking mahogany.
Nag angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto. Pumasok si Jamil dala ang kape ko at bote ng mineral water.
“Here’s your coffee and water sir.”
Minuwestra ko ang desk. Maingat naman nyang nilapag ang kape at bote ng mineral.
“Sir tumawag po kanina ang secretary ni Mr. Lagman. Pina-move po nya ang meeting nyo ng alas dos dahil may emergency daw po sa bahay nila. Sinugod daw po ang misis nya sa hospital.”
Natigilan ako sa sinabi ni Jamil. “Ok. Sabihin mo take his time kamo. Kung kelan sya ok ay saka na lang magpa-set ng meeting ulit.”
Si Mr. Lagman ay isa sa mga mabubuti kong kliyente at kasundo ko rin. Mamaya ay tatawagan ko sya para kamustahin ang lagay ng asawa.
“Tumawag rin po kanina si Sir Danon. Sinend na raw po nya sa email nyo ang hinihingi nyong files. Di raw po kasi kayo sumasagot sa tawag nya kanina.”
Tumango lang ako. Di ko nasagot ang tawag ng pinsan kanina dahil busy ako sa pagaasikaso kay Pochi.
Marami pang nireport sa akin si Jamil tungkol sa kung sino sino pa ang mga tumawag. Nag uumpisa pa lang ang araw pero puno na agad ang schedule ko ng mga meeting. Ang iba na hindi naman gaanong importante ay pina-reschedule ko na lang.
“That’s all?” Tanong ko ng huminto na sa pagsasalita si Jamil.
“Yes sir.”
Munuwestra ko na ang kamay na ibig sabihin ay pwede na syang lumabas. Pero ilang segundo pa ang lumipas ay nasa harapan pa rin ng desk ko si Jamil. Kunot noong nag angat ako ng tingin. Nakatingin pala sya kay Pochi na nginangatngat ang rubber bone na laruan habang nakadapa sa carpet at kumakawag pa ang maliit na buntot.
“Sir, sa inyo po itong tuta?” Tanong ni Jamil.
“Of course. Hindi naman ako mag aalaga ng tuta na hindi naman akin.”
Kumamot sa ulo si Jamil at ngumiwi. “Oo nga naman po. Pero bakit po aspin?”
Lalong nangunot ang noo ko sa tanong pa ng aking secretary. “What do you mean bakit aspin? May masama ba sa aspin?” Dinampot ko ang tasa at humigop ng kape.
“No sir! Wala naman pong problema sa aspin. Uhm, ano lang po.. di ko lang po ini-expect na mag aalaga kayo ng aso at aspin pa po. Bakit hindi po mga may lahing aso ang alagaan nyo like shitzu, chihuahua, frenchie, bully at kung ano ano pa po.”
Tumaas ang kilay ko. “Bakit? Ano ba ang pinagkaiba nila sa aspin? Parehas lang naman silang tumatahol at dumudumi.”
Kumamot sa ulo si Jamil at pangiwing ngumiti. “Sabi ko nga po sir. Pare-parehas lang po sila. Eh saan nyo po pala nakuha tong tuta?”
Bumuntong hininga ako. “Binigay yan sa akin ng kapatid ni Atlas.”
Sa pagkabanggit sa kapatid ni Atlas na si Ava ay saka ko lang naalala na ilang araw na nya akong hindi kino-contact. Hindi talaga nya ako kokontakin dahil alam nyang sesermonan ko sya. Hindi rin ako sang ayon sa desisyon nya na hindi nya pinakulong ang lalaking muntik ng manakit sa kanilang dalawa ni Pochi at nakipag areglo na lang. Kung ako ang masusunod ipakukulong ko ang lalaki para magtanda. Pero wala naman akong karapatan.
“Ano po palang pangalan ni doggie sir?”
“Pochi.”
“Oh, nice name. Pangalan ng kendi. Babae sir?”
“Yes.”
“Hi Pochi.” Umiskwat si Jamil at nilahad ang kamay kay Pochi. Lumapit naman ang tuta at inamoy amoy ang kamay nya. Hinimas himas naman nya ang ulo nito. “Oh, behave ka naman pala.”
Mukhang naaaliw si Jamil sa paghimas kay Pochi at si Pochi naman ay tila nagugustuhan din yun at kinikiskis pa ang ulo sa kamay ni Jamil. Pero ako ay parang di nagugustuhan iyon.
Tumikhim ako.
“You can go back to work now, Jamil. Anong oras na.” Sabi ko sa maawtoridad na boses.
“Ay oo nga po pala!” Agad syang tumayo at nahihiyang ngumiti sa akin. “Pasensya na po sir. Sige po lalabas na ako. Tawagin nyo na lang po ako kung may kailangan kayo.”
Tumango lang ako.
Nagmamadalaling humakbang naman si Jamil sa patungo sa pinto at lumabas na. Napabuntong hininga na lang ako at inubos na ang kape. Matagal ko ng napapansin na medyo malambot gumalaw ang sekretarya ko. Pero wala naman akong problema doon. Matalino si Jamil at malinis magtrabaho, very attentive din sya.
Ng maubos ko na ang kape ay ginilid ko na ang tasa at ang bote ng mineral. Nilatag ko na sa harapan ko ang mga papeles at dinampot ko na ang ballpen. Pero natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko. Nilapag ko ang ballpen at dinampot ang cellphone. Napakunot ang noo ko ng makitang may text si Ava. Biglang kumislot ang puso ko. Siguro sa gulat.
Ava: Hi furdad! How’s Pochi?
“Tss.” Hindi ko sya nireplayan at pinatay ang cellphone ko. Di ko naman maintindihan kung bakit tila parang biglang nabuhay ang dugo ko. Siguro ay dahil sa kape.
Muling tumunog ang cellphone ng magkasunod. Dinampot ko ulit iyon. May dalawang text pa si Ava.
Ava: Alam kong inis ka sa akin Kuya Matias dahil iniwan ko sayo si Pochi. Pero deserve ni Pochi na magkaroon ng owner at sa tingin ko ikaw ang perfect owner para sa kanya.
Ava: Huwag ka ng magalit please 🥺
Napahugot na lang ako ng malalim na hininga. Parang biglang nawala ang inis ko sa kanya. Nagtype ako ng ire-reply sa kanya.
Ako: Oo na. Ano pa bang magagawa ko?
May pumasok ulit na text.
Ang bilis naman nyang magreply?
Ava: Huwag na po ikaw galit? Libre na lang kita.
Ngumisi ako. Naalala ko noong unang nilibre nya ako dahil pinautang ko sya, fishball, kikiam at calamares ang libre nya sa akin. Ayos lang naman dahil masarap. Namiss ko na ring kumain ng mga yun
Nagreply ulit ako.
Ako: I want fishball, kikiam and calamares.
Ava: Parang naglilihi lang ah
Nagsalubong ang kilay ko sa reply nya. Pero may kasunod pa yun.
Ava: Sige, ililibre kita. Sa Sunday pupunta ako sa bahay mo at magdadala ako ng mga gusto mo.
Napangisi ako sa kanyang reply. Parang bigla akong nanabik na maglinggo agad.
Tss. Ipinilig pilig ko ang ulo.
Sabik na akong mag-linggo para makaharap ko na sya at masermonan. Sasabunin ko talaga sya ng walang banlawan.
Chapter 9
Ava POV
“MOMMY alis na po ako.” Paalam ko kay mommy na nasa lanai at nagpapapedicure at manicure sa manikurista nya. Syempre may kasamang chika. Si mommy pa, sosyalerang marites din sya.
“Huwag kang magpapagabi anak. Kundi ipapasundo kita sa isa sa nga tauhan natin.” Malambing na bilin ni mommy. Kahit nga galit sya malambing pa rin sya.
“Yes mommy, before six nandito na ako.” Humalik na ako sa pisngi nya at ngitian ko naman ang manikurista nya na binati ako.
Ang paalam ko kay mommy ay pupunta lang ako sa bahay ng isang kaibigan. Pero ang totoo ay pupunta ako kay Kuya Matias para ilibre sya ng street food bilang peace offering. At syempre para makamusta na rin si Pochi. Mahigit isang linggo na akong di nakipagkita kay Kuya Matias. Siguro naman ay hindi na sya masyadong inis ngayon sa akin.
Sumakay ako sa kotse ko na bagong gawa ang windshield. Mabuti na lang at di napapansin ni mommy at ni Kuya Atlas na bago ang windshield ko. Kunsabagay ang sabi ko doon sa gumawa na ang ipalit na windshield ay kagaya din ng nabasag na windshield. Binigay ko na kay Kuta Efren ang resibo at nagsend na sya ng 1500 sa jikash ko noong nakaraang last sunday. Sana nga ay tuloy tuloy.
Minaniobra ko na ang kotse sa driveway papuntang gate. Agad naman akong pinagbuksan ng mga tauhang nakatalaga doon. Pinausad ko naman ang kotse palabas ng gate.
Makalipas ang ilang minuto ay huminto ako sa harap ng isang malaking food stall na nagtitinda ng iba’t ibang klaseng street food. Mag a-alas tres na ng hapon kaya marami ng bumibili lalo pa at linggo ngayon. Dito ako laging bumibili ng street food kapag nagki-crave akong kumain nun.
Bumaba na ako sa kotse at lumapit na sa stall..
Pagbukas ng gate ay sumalubong sa akin ang walang kangiti ngiting mukha ni Kuya Matias. Hinagod ko naman sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka sandong puti sya na hakab ang kanyang bato batong katawan. Litaw din ang kanyang broad shoulder at naglalakihang mga braso. Malaki na ang katawan nya noon pa pero parang lumaki pa yata ngayon. Ang pang ibaba nya naman ay jogger na gray at naka gomang tsinelas lang sya na itim kaya kitang kita ko ang mahahaba nyang mga daliri doon at malinis nyang mga kuko.
“Eyes up Ava.” Matigas ang boses na sabi nya.
Agad naman akong nag angat ng tingin. Salubong na ang kanyang kilay ngayon na parang di nagustuhan ang paghagod ko sa kanya ng tingin.
Umusli ang nguso ko. “Sungit! Parang binibistahan lang eh.” Bubulong bulong ko.
“Huwag kang bumulong bulong dyan. Bakit ngayon ka lang?” Masungit na tanong nya.
“Eh kasi, hapon ang bukas nung food stall na binibilhan ko ng street food.” Tinaas ko ang hawak na supot na may lamang street food at nanunuksong ngumiti. “Peace offering ko.”
“Tss, pumasok ka na.” Binuksan nya ng malaki ang gate at pumasok na ako. Nauna na syang naglakad at nakasunod naman ako sa kanya.
Namilog ang mata ko ng makita ko si Pochi na lumabas sa main door. Tumatahol sya at patakbong lumapit sa akin habang kumakawag ang buntot. Paglapit sa akin ay tumalon talon pa sya at umikot sabay higa. Halatang excited na nakita ako.
Binigay ko ang supot kay Kuta Matias at umiskwat ako para himasin si Pochi.
“Hi Pochi! Ang laki na ng pinagbago mo ah. Halatang hiyang na hiyang ka sa bago mong furdad. Ang puti puti mo na lalo o. Ang linis linis mo na rin at bumibilog ka. At may collar ka pa. Nakaahon ka na rin sa hirap. Sanaol.” Kausap ko kay Pochi habang binibelly rub ko sya na gustong gusto naman nya.
Tumingin ako kay Matias para tanungin sya pero pumasok na sya sa loob ng bahay. Napanguso na lang ako at binuhat si Pochi. Mas nakakagigil na sya ngayon dahil may laman na sya at mabango pa. Mukhang nililiguan na sya ni Kuya Matias at binubusog ng pagkain.
Sabi na eh. Di sya matitiis ni Kuya Matias. Sino ba naman ang makakatiis sa ganito ka-cute na nilalang.
“Happy ka ba sa bagong furdad mo Pochi?” Kausap ko pa sa tuta.
Tumahol naman sya ng dalawang beses na parang sinasabi nyang ‘oo’. Napangisi na lang ako.
“Obvious naman na happy ka. Ang blooming mo nga eh. Anyway, kinakamusta ka ni Noah. Miss ka na raw nya.”
Tumahol pa ulit si Pochi. Para talaga syang nakakaintindi.
Karga si Pochi ay pumasok na ako sa main door. Maganda ang bahay ni Kuya Matias. Malaki at modern type. Yun nga lang parang gubat dahil maraming halaman. Marami syang iba’t ibang halaman na di ko kilala. Ang alam ko lang kasi ay santan, gumamela, calachuchi at bougainvillea. Pati sa loob ng bahay ay may mga halaman din na mga nakalagay naman sa paso. Certified plantito kasi ang lolo nyo. Pero infairness naman sa bahay nya kahit puro halaman ay presko naman sa mata. Sya ang may ari ng exclusive subdivision na ito na puro high class ang mga bahay at tanging mga milyonaryo lang talaga ang afford na makabili. Kapag ako kumita rin ng milyon milyon ay dito ko rin balak bumili ng bahay. May natipuhan na nga akong bahay na nadaanan ko eh kaya lang mukhang may nakabili na. Sayang.
Napansin ko ang ilang gamit pang aso sa tabi ng couch. May dog bed doon na halatang kay lambot at sa ibabaw nun ay may mga pet toys. Sa tabi naman ng bed ay ang water feeder at food feeder na punong puno ng laman.
Hindi inaalagaan ni Kuya Matias si Pochi. Pinapabayaan nya ito. Obvious naman. Napangisi ako.
Sa lanai sa may garden namin nilantakan ni Kuya Matias ang dala kong street food. Obvious na gustong gusto nya ang fishball, kikiam lalo na ang calamares. Sunod sunod ang subo nya habang sinesermonan nya ako.
“Hindi nakakatuwa ang ginawa mo Ava. Basta mo na lang akong binigyan ng responsibilidad.”
Prente lang akong nakaupo sa swing cushion chair habang nilalantakan ko ang fishball. Katabi ko si Pochi na nangangalabit at nanghihingi. Binibigyan ko naman sya ng kapirasong fishball na walang sauce.
“Lagi ka na lang ganyan sa akin. Palibhasa alam mong di kita matiis.”
Tumawa ako ng tahulan ako ni Pochi dahil hindi ko sya binigyan agad ng fishball. Palibhasa first time nyang makatikim ng fishball at nagustuhan nya. Kumagat ako ng maliit at binigay sa kanya. Agad naman nyang sinunggaban iyon.
“Ava! Are you listening?”
“Ha?” Lumingon ako kay Kuya Matias ng tawagin nya ang pangalan ko.
Pumikit sya ng mariin at bumuntong hininga. Pagdilat nya ay umiling iling sya. Bumuka ang labi nya na para syang may sinasabi.
“Kanina pa ako nagsasalita di ka naman pala nakikinig.” Tila nai-stress na sabi nya.
“I’m listening kaya.” Sabi ko naman at sinubo ang dulo ng stick.
Sinamaan nya ako ng tingin pero saglit lang yun at nagbawi na rin sya ng tingin.
“Huwag mong isubo ang dulo ng stick dahil matulis yan. Mamaya matusok mo yang ngala ngala mo napaka clumsy mo pa naman.”
Niluwa ko na ang stick at tumusok ako ng isang calamares sabay sawsaw sa sukang may sibuyas at sili at saka sinubo. Malambot ang calamares at malinamnam. Tumingin ako kay Kuya Matias na matiim ding nakatingin sa akin.
Nilunok ko muna ang calamares sabay nguso. “Nakikinig ako sa sinasabi mo. Hindi ka natutuwa sa ginagawa ko. Lagi na lang ako ganito ganyan sayo. Palibhasa kasi alam kong di mo ko matitiis. Well.. alam ko naman yun. Kaya nga sabi ko ikaw ang pinakapeyborit kong espren ni kuya di ba?”
Bumuntong hininga sya at pumikit sabay hilot sa noo. Mukhang sumasakit na naman ang ulo nya dahil sa akin. Malamang iniisip nya inuuto ko na naman sya. Well.. kinda. Pero totoo naman na sya ang pinaka favorite ko kahit ubod sya ng sungit.
“Walang halong eme yun Kuya Matias. Ikaw talaga ang pinaka favorite ko. Pramis.”
Ngumisi at umiling. Hindi na sya nagsalita at tumusok na lang ng calamares at sinawsaw sa suka at sinubo.
Mukhang di sya naniniwala sa akin. Bahala sya.
“But anyway, gusto ko rin magpasalamat sayo Kuya Matias. Dahil hindi mo pinabayaan si Pochi at nakikita ko na alagang alaga mo sya. Ang linis linis na nga nya at nananaba pa.”
“Ano pa bang magagawa ko eh binigay mo na sya sa akin. At isa pa matalino namang tuta si Pochi. Mas matalino pa nga sya sayo eh at mas cute pa.” Nakangising sabi nya.
Sumimangot naman ako. Pero ayos lang, at least di na sya galit sa akin at tanggap na tanggap na nya si Pochi.
Tiningnan ko si Pochi na tumalon at lumapit kay Kuya Matias at nangalabit. Binigyan naman sya ni Kuya Matias ng kapirasong kikiam. Kaswerteng aso, siguradong mai-spoiled sya kay Kuya Matias.
“Wala ka bang balak na baguhin ang pangalan ni Pochi? Tutal naman sayo na sya.” Untag ko kay Kuya Matias.
“Nah, malilito lang sya. Sanay na sya sa pangalang Pochi.”
Nagkibit balikat ako. “Kunsabagay..”
Napapitlag ako ng tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng coffee table. Dinampot ko yun at binuksan. Impit akong napatili ng makitang may chat si Ervin. Yes, friend na rin kami sa fb at ito ang unang chat nya sa akin.
Ervin: Hi Ava
Nangingisay sa kilig na nagtype ako ng reply.
Ako: Hi Ervin!
Naghintay ako na i-seen nya ang reply. Pero hindi pa nya sini-seen. May ginagawa siguro.
“Who’s that?”
“Ha?” Tumingin ako kay Kuya Matias. Kunot noong nakatingin sa akin.
“Sino kako yang ka-chat?”
“Uhm, my friend.” Ngiting ngiting sabi ko at muling sinilip ang cellphone. Muli akong kinilig ng makitang na-seen na ni Ervin ang reply ko at nagtatype na sya.
“Lalaki?”
“Yeah..” Tumatangong sagot ko sabay kagat labi ng mabasa ang reply ni Ervin. Nangangamusta lang sya pero kinikilig pa rin ako.
“Friend na lalaki? Pero kung kiligin ka nangingisay ka pa. Siguro, boyfriend mo na yan no?”
Tumingin ako kay Kuya Matias na salubong na ang kilay.
“Sana nga..” Nangingiting sabi ko habang nagtatype ng reply. Ito na talaga ang umpisa ng buhay pag ibig ko. Wala ng makakapigil sa akin na kumerengkeng.
Sinulyapan ko si Kuya Matias na nililigpit na ang mga pinagkainan namin sa coffee table. Madilim ang kanyang mukha. Mukhang bad mood na naman. Siguro nasumpit na naman ng masamang hangin. Sanay na ako sa kanya.
“Mag a-alas singko na. Umuwi ka na Ava.” Malamig na sabi ni Kuya Matias.
Napataas ang kilay ko at nagtaka. “Agad agad? Maaga pa naman. Dito muna ako.”
“Go home. May gagawin pa ko.”
“Pero – “
“Let’s go Pochi.” Tawag nya kay Pochi at pumasok na sa loob ng bahay kasunod si Pochi.
Nagtatakang sinundan ko na lang sya ng tingin. Kanina ayos lang sya. Bakit bigla na namang nagsungit.
Napakamot na lang ako sa ulo at tumayo na. Makauwi na nga lang dahil kapag kinulit ko pa si Kuya Matias baka lalong mag init ang ulo nya. Ganun siguro talaga kapag nagkakadaedad na.
Sumunod ako sa loob ng bahay. Hindi ko na nakita si Kuya Matias pero si Pochi ay nasa bed nya at nilalaro ang mga toys nya. Nakarinig ako ng kalansing sa kusina. Nandun si Kuya Matias.
“Kuya Matias alis na ko.” Malakas ang boses na sabi ko.
Hindi sya sumagot pero alam ako namang naririnig nya ako dahil um-echo ang boses ko kanina.
Umusli ang labi ko. Biglang may pumasok na kapilyahan sa isip ko.
“Ang sungit sungit mo talaga Kuya Matias. Buti na lang gwapo ka. Minsan di kita maintindihan. Gaya kanina, bigla ka na lang nagsusungit. Daig mo pa ang babaeng nagmemenopause. Siguro ganyan talaga kapag tumatanda na. Mag asawa ka na kasi bago pa mapanis ang semilya mo.” Malakas ang boses na sabi ko.
“Arabella Vania!” Malakas na sigaw naman ni Kuya Matias. Galit na sya. Sa laki ng boses nya ay tila yun kulog. Nakakakilabot.
“Oopsie! Galit na ang dragon. Batsi na. Babye Pochi!”
Mabilis akong tumakbo palabas ng maindoor hanggang driveway at gate na automatic na bumukas. Mabilis din akong sumakay sa kotse ko dahil baka maabutan ako ng dragon. Siguradong tusta ako kapag binugahan nya ako ng apoy.
Chapter 10
Matias POV
NAKAPAMEWANG na tinanaw ko na lang ng tingin ang papalayong kotse ni Ava. Napabuga na lang ako ng marahas na hininga. Sayang di ko sya naabutan. Inipit ko sana ang bibig nyang pasmado.
Tsk! Saan ba nya natutunan ang mga ganung salita? Kababaeng tao bulgar magsalita. Hindi naman ganun kabulgar magsalita si Atlas. Para syang Kester, parehas silang pasmado ang bibig. Sila yata talaga ang magkapatid eh.
Muli akong bumuntong hininga pero banayad na at napailing iling na lang ako. Nilingon ko si Pochi na nasa tabi ko na pala at kumakahol.
“She’s crazy right?” Nakangising kausap ko kay Pochi.
Tumahol lang sya.
“Yes she is..”
Nabura ang ngiti ko ng maalala ang hitsura kanina ni Ava na kilig na kilig sa ka-chat. Friend daw pero nangingisay sa kilig.
Tss! Bakit ba ako naiinis? Ano bang pakialam ko kung kiligin sya sa kung sinong lalaki.
–
MGA nakangising mukha ng mga kaibigan ko ang bumungad sa akin pagbukas ko ng main door. Dito nila ngayon napagkasunduang uminom sa bahay ko dahil matagal tagal na ring di kami nagtitipon tipon dito. Pwede namang sa bar na lang kami uminom pero ayaw nila dahil magagalit ang mga asawa nila.
Kumpleto kami ngayon maliban lang kay Kester dahil bagong panganak ang asawa. Kambal ang anak nila na isang lalaki at isang babae. Nakakahiya pa nga dahil nagkalat pa sya sa hospital. Nauna pa syang himatayin sa asawa.
Pinapasok ko na ang apat na kaibigan pero natigilan sila ng sugurin sila ni Pochi na tumatahol.
Napangisi naman ako. Hindi kasi kilala ni Pochi ang mga kaibigan ko at akala nya ay intruder ang mga ito. Tinatahulan nya ang mga taong pumapasok dito sa bahay maliban lang kay Ava.
“Shh Pochi, behave.” Saway ko na kay Pochi dahil mga hindi na gumalaw ang mga kaibigan ko at nakatingin lang sa kanya.
Tumigil naman si Pochi at lumapit sa akin. Nakaguard sya habang nakatingin pa rin sa mga kaibigan ko at panaka nakang tumatahol na para bang maling galaw lang ng mga kaibigan ko ay sasagpangin na nya ang mga ito. She’s protecting me.
“You have a dog pare?” Tanong ni Lorenzo.
“Yeah.. nakikita nyo naman di ba?” Sarkastikong sabi ko.
“Your dog is ugly.”
Sinamaan ko ng tingin si Luigi na nagsabi nun. Pero nginisihan lang nya ako.
“You are more ugly pare.” Sabi ko naman.
Ako naman ang sinamaan nya ng tingin. Nginisihan ko na lang din sya. Paglaki ni Pochi ipapalapa ko sa kanya si Luigi.
Umiskwat si Jeiz at nilahad ang kamay kay Pochi. Lumapit naman ang tuta sa kanya at hinimas himas nya ito.
“What a surprise pare. Di ko akalain mag aalaga ka ng aso. Wala sa hitsura mo.” Nakangising sabi nya na tumayo na.
“Oo nga, akala namin ang kilala mo lang na hayop ay kabayo at baka.” Segunda pa ni Lorenzo.
“Saan galing yang tuta? Binili mo?” Tanong naman ni Atlas.
“Nope. Binigay ni – “ Tumikhim ako. “Binigay ng isang kakilala.” Sabi ko.
Muntik ko ng sabihing bigay ni Ava. Kapag sinabi ko yun siguradong magtataka si Atlas at marami pang tanong.
“Oh I see, so you are a dog lover now.” Nakangising sabi pa ni Atlas.
“Tss, dami nyong napapansin.”
Tinalikuran ko na sila at pumunta sa mini bar na katabi lang ng kitchen. Sumunod naman sila sa akin pati na si Pochi.
Pero parang maling desisyon yata na pumayag ako na dito sila sa bahay ko uminom dahil naetsapwera ako sa usapan. Imbes na tungkol sa negosyo ang pag usapan namin gaya ng dati kapag nagsasama-sama kami ay tungkol na ngayon sa mga pamilya nila lalo na sa mga anak. Ano naman ang maiaambag kong kwento? Siguro ikwento ko na lang ang tungkol kay Pochi kapag tinanong nila ang opinyon ko.
Dinampot ko ang baso ko at inisang lagok ang laman nitong whiskey saka ako nagsalin muli.
“Time flies so fast mga pare. Yung kambal ko humahakbang na. Parang kelan lang mga babies pa sila at gusto lagi ng karga. Ngayon mas gusto na nilang gumapang at tumayo. And you know what mga pare, alam na rin nila ang gala.” Pagbibida ni Luigi sa kambal nya.
“Ganyan din si Jethro ko noon pare. Lalo na sa umaga, makita lang nya na maliwanag na sa labas gusto na nyang lumabas.” Ani Jeiz.
“My son too. Pero ang paborito nyang galaan ay presinto. Gusto nya kasing makakita ng mga pulis na nakauniporme.” Kwento naman ni Lorenzo.
“I’m sure magpupulis ang anak mo paglaki. Mana sayo.” Komento naman ni Luigi.
“Wala namang problema sa akin. Susuportahan ko sya.”
“Yung baby girl ko naman, nakakapaglakad na rin sya ngayon. Yun nga lang medyo may attitude na. She knows how to roll eyes kapag pinagsasabihan ko sya at parang nangangatwiran pa.” Pagkwento naman ni Atlas sa kanyang bunsong anak na babae na isang taong gulang na rin gaya ng twin ni Luigi.
Ngumisi ako. “Kanino pa ba magmamana, eh di sa kapatid mong si Ava.” Sabat ko at sinimsim ang laman ng baso.
Tumawa ang tatlo at si Atlas naman at napangisi at iiling iling na lang.
“Huwag lang sanang manahin ng bunso mo ang pagiging buraot ng kapatid mo. Para ka lang ulit nagkaroon ng isa pang Ava.” Natatawang sabi ni Lorenzo.
“Sana nga. Pero malamang makakuha sya ng ugali ni Ava paglaki. Ngayon pa nga lang kung ano ano na ang tinuturo sa baby girl ko.”
“Good luck na lang sayo pare. Ava the second ang bunso mo.” Nakangising sabi ni Jeiz.
“Pero mas good luck sa mapapangasawa ng kapatid mo. Siguradong maagang puputi ang buhok nun.” Sabi ni Lorenzo.
“Baka kamo maagang mategi sa kunsimisyon sa kapatid nya.” Dugtong pa ni Luigi at sabay silang tumawang apat.
Ako naman ay napangisi na lang. Sang ayon ako sa sinabi ni Lorenzo at Luigi. Kawawa talaga ang magiging asawa ni Ava. Kung ako nga lang parang magkaka altapresyon na eh.
Pero natigilan ako. Kung magkakaasawa si Ava baka ang lalaking makuha nya ay maiksi ang pasensya. Dapat mga gaya ko ang lalaking mapangasawa nya. Mahaba ang pasensya at kayang tiisin ang kabaliwan nya.
“What about you pare?” Untag sa akin ni Lorenzo.
Bumaling ako sa kanila. Sa akin na sila mga nakatingin.
“What about me?” Kunot noong ulit ko sa tanong.
Ngumisi sila.
“Wala kang maiaambag na kwento?” Nakangising tanong ni Luigi.
“Ano namang kwento ang maiaambag ko? Ah si Pochi! She’s a smart puppy mga pare. Mabilis syang turuan. Kapag sinabi kong sit, magsi-sit sya. Kapag sinabi kong bark, magba-bark sya. Next time tuturuan ko naman syang magsulat at magbasa, o baka ikuha ko ng turor para kapag nag-school na sya marunong na sya.” Nakangising sabi ko.
Umawang naman ang labi ng apat kong kaibigan na parang nagsalita ako ng lengwahe ng mga alien.
“Seryoso ka ba pare?” Tanong ni Jeiz.
“You talk like Ava pare. Mukhang hinawaan ka na nya.” Nakangising sabi ni Luigi.
“Tss.” Doon ko lang napagtanto ang mga nasabi ko kanina. Ganun nga ang mga salitaan na Ava.
Hindi na ako nagkomento pa at dinampot ko na lang ang baso ko sabay tungga sa laman.
Nagtuloy naman sa kwentuhan ang apat. Tungkol na ngayon sa negosyo kaya may ambag na akong kwento at opinyon.
Natigilan ako ng may pumasok na text sa cellphone ko. Tiningnan ko yun at binasa ang text. Galing kay Ava.
Ava: Magandang gabi Ginoong Maalik Tobias Santiago. Ako’y lumalapit sa iyong busilak na puso para manghingi ng kaunting donasyon para sa Pet Haven Animal Shelter. Ang iyong tulong ay makakasagip ng buhay ng mga palaboy na aso at pusa.
May sumunod pang text.
Ava: Kuya Matias baka gusto mong bawasan ng kaunti ang kayaman mo o baka trip mong magtapon ng pera. I-send mo na lang sa jikash ko ang donation mo #0925xxxxxxx
Ava: Pautang rin pala. Medyo kinapos ang budget ko this month e
Napabuntong hininga ako at napailing. Ibang klase tong kapatid ni Atlas. Nanghihingi na ng donasyon mangungutang pa.
Wala ka talagang katulad Ava. Nag iisa ka.
“Ayos ka lang par? Parang bigla kang na-stress dyan sa ka-chat mo ah. Babae ba?” Nakangising tanong ni Atlas.
Nilingon ko sya. “Oo makulit na babae na nanghihingi ng donasyon.”
Tumawa si Atlas. “Huwag mong sungitan baka meant to be kayo nyan.”
“Tss, that’s impossible.” Ngumisi ako at umiling iling.
Mabuti na lang ay wala si Kester. Isa pa yung usisero at tsimoso. Dalawang beses din nya akong nahuling ka-chat si Ava at ang gago kung ano ano ang pinagsasabi kay Atlas. Kahit biro lang yun ay hindi pa rin magandang biro. Lalo na at parang kapatid ko na si Ava.
Tila may pagtutol sa loob ko sa isiping para ko ng kapatid si Ava.
Nah! Ayokong maging kapatid ang sakit sa ulong babaeng yun. Isa syang malaking stress tss.
Nagtype ako ng reply sa text ni Ava.
Ako: Pag iisipan ko.
Pinatay ko na ang cellphone at nilapag sa counter.
.
.
Third POV
MALUTONG na nagmura si Elijah sa ibinalita sa kanya ng kanyang tauhan at kanang kamay.
“Kahit kelan talaga tonto yang si Soriano. Hindi maaasahan. Kontakin mo sya Felix.” Pasikmat na utos Elijah habang nakatanaw sya sa matayog na gusali ng Santiago Estate Development. Nakababa lang ng bahagya ang tinted na salamin para hindi sya makita sa loob.
“Boss, sinubukan ko po pero di ko po sya makontak. Pero ayon po sa source natin ay out of country po sya kasama ang pamilya nya para mag unwind at ayaw po muna nya ng istorbo.”
Pumikit ng mariin si Elijah at nagtagis ang kanyang panga.
“At nakuha pa talaga nyang mag unwind pagkatapos ng kapalpalan nya. Punyeta sya.”
Humugot ng malalim na hininga si Elijah para pakalmahin ang sarili. Saka na lang nya ilalabas ang galit nya kapag nakauwi na ng bansa si Soriano at nakaharap na nya ito. Wala talagang utang na loob ang gagong yun. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ito makakapasok sa Santiago Estate, hindi ito makikilala bilang magaling na inhinyero dito sa bansa.
“So paano yan boss? Ngayong wala na si Soriano sa kumpanya ay wala na kayong magiging mata at tenga sa loob.”
“Isang malaking estupido kasi si Soriano. Magkakalat di marunong maglinis.” Marahas na bumuntong hininga si Elijah. “Pagiisipan ko muna ang susunod na hakbang. Hindi pwedeng magpadalos dalos ako ng galaw ngayon dahil malamang alam na ng magpinsan na nakabalik na ako at hinihintay nilang umatake ako. Malamang pinaghandaan na nila ako.”
Tumiim bagang si Elijah at muling tumanaw sa mataas na building na puro salamin. Kung sana ay nagtagumpay sya sa plano nya noon eh di sana ay kanya na ang gusaling ito. Kanya na ang Santiago Estate Development at lahat ng kayamanan ng mga Santiago. Pero hindi pa huli ang lahat. Ngayong nagbalik na sya ay babawiin nya ang dapat na para sa kanya.
Tinaas na ni Elijah ang salamin at sumenyas sa kanyang tauhan.
“Tayo na Felix.”
“Yes boss.”
Short update muna dahil nabusy ngayong araw :)
Chapter 11
Ava POV
TAHIMIK akong dumighay pero may kaunting ingay pa ring lumabas. Pasimpleng tumingin ako sa paligid. Busy sa pagkain ang mga customer at mukhang di naman nila narinig ang pagdighay ko. Nagkibit balikat ako at dinampi dampian ng napkin ang bibig.
“Here’s your special halo halo ma’am.” Magiliw na sabi ng waitress at nilapag sa harapan ko ang special halo halo nila na nakalagay sa buko na maraming sahog. Best seller nila ito.
Tila tutulo na ang laway ko ng makita ko ang leche flan, ube halaya at ice cream na nasa ibabaw ng halo halo. Nakangiting tumingin ako sa serbidora.
“Thank you.”
“You’re welcome ma’am. Enjoy your dessert.”
Pagkaalis ng waitress ay agad ko ng nilantakan ang halo halo. Gatas pa lang solve na solve na. Sulit talaga ang bayad pag dito sa restaurant na ito kumain kahit medyo pricey. Ito ang paboritong Filipino restaurant namin ni mommy. Kaibigan nya kasi ang may ari nito na tiyahin naman ni Kuya Matias.
“Ava?”
Nagtaas ako ng tingin habang subo subo ko pa ang kutsara. Namilog ang mata ko ng makita ang dati naming kaklase ni Ivonna noong high school at mortal ko ring kaaway, pero nagbati rin kami bago kami grumadaute. Naging friends din kami.
Niluwa ko ang kutsara. “Ikaw pala Daga – I mean Daryl.”
Ngumisi sya. “Ikaw talaga Peppa Pig, akala ko nagbango ka na.” Hinila nya ang upuan na nasa tapat ko at umupo.
Sumimangot ako. “Nagbago na ko no! Nadulas lang. Ang hirap kasing baguhin ng nakasanayan.”
Daga ang pang asar ko sa kanya noon dahil malaki ang dalawang ngipin nya sa harap tapos payatot pa sya na maliit. Buti nga ngayon tumangkad na sya. Peppa pig naman ang pang asar nya sa akin dahil chubby pa ako dati at may brace pa. Pero ngayon sexy na at magandang maganda.
“Oo nga di ka na Peppa Pig, sexy ka na ngayon at maganda.” Natatawang sabi nya.
“Naman! Ikaw rin di ka na daga, pumogi ka na rin at di na payatot.”
“Syempre may pera na eh. May pang ayos na ng ngipin at may pangkain na.”
Sabay kaming tumawa pagkasabi nya nun at nag apiran pa kami. Namiss ko bigla ang high school days namin. Namiss ko ang mga kabatch namin. Hindi pa masyadong seryoso sa buhay noon at tamang chill lang. Tamang crush at tamang kire. Noong mag college na kami ay naghiwa-hiwalay na kami. Mabuti na lang at may social media na kaya kahit papaano ay updated pa rin kami sa buhay ng isa’t isa. Tanging si Ivonna lang ang naging classmate ko pa rin hanggang college. Best friend ko talaga sya at di na kami mapaghiwalay.
“Saan ka pala nagwo-work ngayon?” Tanong ko habang nilalantakan ko pa rin ang halo halo ko. Sya naman ay tapos ng umorder ng pagkain at hinihintay na lang na i-serve.
“Sa AGGC ako nagwo-work. Three months na ako doon at ngayon naman ay day off ko.”
“Talaga? Kilalang company yun ah.”
Nginisihan lang nya ako. “Eh ikaw saan ka nagwo-work? Nakikita ko sa social media pagala gala ka lang at pakain kain. Kunsabagay di mo naman kailangan magtrabaho mayaman ka naman eh.”
“Wala akong work ngayon pero may rtw business ako kasosyo ko ang hipag ko at nakisosyo rin ako sa bakeshop ni Ivonna.”
“Wow. Sanaol talaga. Ako rin balak ko ring magtayo ng sariling negosyo pero mag iipon muna ako pang capital.”
“Kaya mo yan. Ikaw pa. Sya nga pala, may animal shelter din ako. Baka gusto mong mag adopt. Mahilig ka sa mga hayop di ba?” Nakikita ko sya noon na mabait sa mga strays. Lagi nyang binibigyan ng pagkain ang palaboy na aso sa labas ng school namin.
“Talaga may animal shelter ka?”
“Oo, magwa-one year ko na syang tinayo. Baka gusto mong mag adopt.”
“Sure, meron ba kayong donkey yung marunong magchacha.”
Sinamaan ko sya ng tingin. “Gagu. Mga palaboy na aso at pusa lang ang nasa shelter ko.”
Tumawa sya. “Nagbabaka sakali lang.”
“So ano? Adopt ka na? Don’t worry may mga bakuna na yun. Meron din kaming mga kapon na.”
“Gustuhin ko man pero di ko pa kayang mag alaga. Wala pa akong sariling bahay eh. Ayaw kasi ni mama ng hayop sa bahay. Saka na lang kapag may sarili na akong bahay.”
“Ok.” Di ko na sya pinilit dahil naiintindihan ko naman sya. “Mag-donate ka na lang. Send ko sayo jikash ko.”
Ngumisi sya. “Yan tayo eh. Akala ko nagbago ka na, buraot ka pa rin pala.”
“Oy, buraot with a cause naman ako no. Para sa mga rescue namin ang binuburaot ko. Sige na, donate ka na kahit magkano lang naman.”
“Bakit ako magdo-donate? Baka mamaya eme eme lang yang animal shelter mo at di legit.”
“Legit to no! Makukuha ko na nga ang permit namin.” Dinampot ko ang cellphone na nasa mesa at binuksan. Pinakita sa kanya ang fb page ng animal shelter ko. “O kitams? Heto ang animal shelter ko. Picture namin yan ng mga kasama ko.” Pinakita ko rin ang mga picture ko habang may karga akong aso at pusa.
Titig na titig naman sya doon at sya na rin ang nag scroll ng screen. “Legit nga. Saan naman tong shelter mo?”
“Sa bandang Caloocan. Follow mo yung page at i-like ha. Share mo na rin at lagi kang manood ng reels at video namin.”
“Oo na.”
“Magdonate ka ha. Send ko sayo jikash ko.” Pangungulit ko pa.
“Fine, magdo-donate na. Pero 100 muna, wala pa akong sahod eh. Saka sabi mo kahit magkano lang.”
Sumimangot ako. “Ang kuripot mo naman. Dagdagan mo.”
“110?”
Sinamaan ko sya ng tingin.
“Sige na nga, 120.”
Inabot ko ang buhok nya at sinabunutan sya. Tatawa tawang umaaray naman sya.
“Ava.”
Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Kuya Matias na nakakunot ang noo habang palipat lipat ang tingin sa akin at kay Daryl.
“Kuya Matias.”
“Who is he?” Tanong nya na matiim na ang tingin kay Daryl.
Binitiwan ko naman ang buhok ni Daryl.
“He’s Daryl. My friend.” Nakangiting sabi ko at bumaling kay Daryl. “Daryl, si Kuya Matias. Kaibigan ng kuya ko.”
“Ah hello po kuya.” Nakangiting bati ni Daryl kay Kuya Matias.
Pero si Kuya Matias ay hindi umimik at matiim lang na nakatingin kay Daryl na parang sinusuri nya ito ng maigi. Tuloy si Daryl ay naging alanganin ang ngiti. Mukha tuloy syang di matae.
“Sir heto na po ang order nyo.” Untag ng waitress kay Daryl at akmang ilalapag ang tray sa mesa pero pinigilan sya ni Kuya Matias.
“Sa ibang bakanteng mesa mo na lang ilapag yan. Doon sya kakain.”
“Po?” Naguguluhang sambit ng waitress.
Pati ako rin ay naguluhan.
Binalingan ng tingin ni Kuya Matias ang waitress na agad namang tumalikod dala dala ang tray na laman ang order ni Daryl. Pag alis ng waitress ay si Daryl naman ang binalingan nya.
“Stand up.” Maawtoridad na utos nya kay Daryl.
“Po?”
“I said stand up. Sundan mo ang waitress at doon ka kumain kung saang mesa nya dadalhin ang pagkain mo.”
Napasinghap ako sa sinabi ni Kuya Matias.
“P-Pero – “
“Now. O gusto mong bitbitin pa kita patiwarik.” Mariing sabi ni Kuya Matias.
Agad namang tumayo si Daryl. “S-Sabi ko nga po.” Tumingin sa akin si Daryl at tinaas ang isang kamay.
Akmang pipigilan ko sya pero nagsalita ulit si Kuya Matias.
“And one more thing kid.”
“P-Po?”
“Bawal pang ligawan si Ava.”
Napasinghap ako sa sinabi ni Kuya Matias.
“Naku! Nagkakamali po kayo kuya. Di ko po nililigawan si Ava. Di ko po sya type. S-Sige po sundan ko na po ang pagkain ko baka lumamig na.” Tumalikod na si Daryl at malalaki ang hakbang na sinundan ang. waitress
Ako naman ay napaawang na lang ang labi.
Tumayo ako. “Wait Daryl – “
“Maupo ka.” Hinawakan ni Kuya Matias ang balikat ko at diniinan. Bumalik tuloy ako sa pag upo.
Umupo naman sya sa upuan na iniwan ni Daryl.
Nakasimangot na tumingin ako sa kanya. “Anong trip mo Kuya Matias? Bakit mo pinaalis si Daryl?”
Tinaasan nya ako ng kilay. “Bakit? Gusto mo syang sundan? Sige, sundan mo. Pero hindi na ako magbibigay ng donasyon at di na rin kita pauutangin.”
Kumurap kurap ako kasabay ng pag usli ng labi ko. “Sinabi ko bang susundan ko sya? Syempre di ko sya susundan. Dito lang ako.”
“Good. Huwag kang aalis dyan hangga’t di pa ako tapos kumain.” Aniya at dinampot ang menu na nasa mesa.
“Yung donasyon mo ha, saka yung inuutang ko. Don’t forget.” Nakangiting sabi ko sabay pataas taas ng kilay.
Sumulyap sya sa akin at umiling iling. May lumapit naman na waitress. Sinabi na nya ang order nya.
Pagkaalis ng waitress ay sumandal sya sa upuan at tumingin sa akin.
Ngumiti naman ako ng matamis at pacute na kinurap kurap ang mata. Kailangan kong magpakabait sa kanya ngayon dahil magdo-donate sya at pauutangin nya ulit ako.
Bumuntong hininga sya at mariing nilapat ang labi. “Itigil mo nga yan. Para kang si Pochi. Mas cute nga lang sya sayo.”
Ngumuso ako at inikutan sya ng mata.
Nginisihan naman nya ako. “Magkano ba uutangin mo?”
“Gaya ulit ng dati.”
“Tss. May rtw business kayo ni Jolene di ba? Tapos sosyo pa kayo ni Ivonna sa bakeshop. Hindi ba kumikita ang negosyo nyo kaya nangungutang ka? Isara nyo na lang yan.”
“Oy, kumikita ang business namin ah. Malaki laki din ang kinikita ng mga yun. Pero syempre di ako gumagalaw ng kita doon. Malas sa negosyo.”
“Kaya ako na lang ang bibigyan mo ng malas.”
“Grabe ka. Barya lang naman sayo ang 100k. Saka gagamitin ko yun sa pagpapagawa sa shelter. Babayaran na lang ulit kita pagdating ng allowance ko.”
“Mangungutang ka na manghihingi ka pa ng donasyon.”
“Ganun talaga.”
“Parang lugi ako ah.”
“Hindi ka lugi Kuya Matias. Dahil ang uutangin ko sayo at ang donasyon mo ay malaking tulong para sa mga strays na rescue namin. Isipin mo na lang ang mga gaya ni Pochi. Hindi ba nakakalungkot ang mga gaya nya na aspin na lagi na lang naaapi. Sila na lang lagi ang laman ng lansangan. Madalas lang silang daanan ng mga tao at hindi pinapansin. Papaluin pa sila at babatuhin kapag napagtripan ng mga lasing, o kahit hindi lasing. Hindi ba nakakaawa sila.”
“Oo na, kinonsensya mo pa ko.” Inismiran nya ako.
Ngiting tagumpay naman ako. Di talaga nya ako matiis.
“Here’s your order po sir Maalik.” Magalang na sabi ng waitress.
Minuwestra naman ni Kuya Matias ang kamay sa mesa. Maingat namang nilapag ng waitress ang mga pagkain nya sa mesa at pagkaalis nito ay nagsimula na syang kumain.
Ako naman ay nakamasid lang sa kanya habang kumakain. Huwag daw akong aalis hangga’t di sya tapos eh.
Ni hindi man lang nya ako inalok. Ang sarap nyang agawan ng pagkain eh kundi lang siguradong papaluin nya ng kutsara ang kamay ko. Mukhang ayaw din nya ng istorbo sa pagkain. Kaya tamang nood na lang ako sa kanya habang sinisimot ko ang natirang gatas sa halo halo. Kinakayod ko na nga ng kutsara ang buko eh. Sayang din to. Kasama to sa binayaran ko. Pero ang mas nakakapanghinayang ay yung di kami sabay na kumain, eh di sana nakalibre ako.
Naglikha ng ingay ang pagkuskos ko ng kutsara sa buko kaya kunot noong napatingin si Kuya Matias sa akin. Pero nginusuan ko lang sya sabay subo sa kutsara na may buko. Napailing iling na lang sya at tinuloy na ang kinakain.
Elegante kumain si Kuya Matias at may poise kahit sunod sunod ang subo nya. Hindi halatang malakas syang kumain. Ang sarap din nyang panoorin habang kumakain. Ni hindi man lang napingasan ang kagwapuhan nya habang ngumunguya. Infairness talaga sa lolo nyo kahit anong anggulo gwapo pa rin. Lahat ng friends ni Kuya Atlas ay mga gwapo, kahit sya ay di rin papahuli. Pero iba lang talaga ang dating ng kagwapuhan ni Kuya Matias. Siguro dahil na rin may dugo syang arabo. Ang lolo nya kasi sa father side ay isang arabo.
“What?” Untag sa akin ni Kuya Matias.
“Ha?”
Tapos na pala syang kumain at pinupunasan na ng napkin ang bibig.
“Kanina ka pa nakatingin. Mukhang may kailangan ka na naman.”
Tumaas ang kilay ko at inusli ang labi. “Nakatingin lang sayo may kailangan na agad. Di ba pwedeng nagagwapuhan lang sayo.”
Kumunot ang kanyang noo. “What?”
“Ang sabi ko ang gwapo mo.”
Umawang ang labi nya at hindi agad nakaimik at nakatingin lang sa akin. Dinampot nya ang baso ng tubig at uminom pero napansin ko kanina ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi.
“Inuuto mo na naman ako.” Sabi nya ng maubos ang laman ng tubig sa baso.
“Uy hindi ah, nagsasabi ako ng totoo. Gwapo ka naman talaga. Ikaw nga ang pinakagwapo dito sa loob ng restaurant eh. Tingnan mo patingin tingin sila sayo. At sa opinyon ko rin ikaw ang pinaka gwapo sa lahat ng mga friends ni Kuya Atlas. Pinaka suplado nga lang.”
Dinampot nya ang pitsel na babasagin at sinalinan ng tubig ang baso at muli syang uminom habang nakatingin sa akin. Sinalubong ko naman ang tingin nya. Ang ganda ng mga mata nyang hugis almond. Kulay tsokolate ito at mahahaba pa ang pilik. Bagay sa makapal at itim na itim nyang kilay. Nangungusap ang kislap ng kanyang mga mata at malalim rin kung tumingin na tila ba nababasa nya ang laman ng isip ko. Pero habang tumatagal na magkahinang ang aming mga mata ay sya namang unti unting paglakas ng kalabog ng dibdib ko. Parang bigla akong kinabahan na di ko maintindihan. Sa kabusugan siguro ito.
“Wala akong gcash. Ibigay mo na lang sa akin ang bank account mo at bukas na bukas ay matatanggap mo na ang donasyon at utang mo.” Basag nya sa katahimikan na sandaling namagitan sa aming dalawa.
Humugot ako ng malalim na hininga at ngumiti. Pero tila lalo lang lumakas ang kabog ng aking dibdib.
“O-Okay! Ise-send ko sayo mamaya ang bank account ko. Thank you Kuya Matias.” Bahagya pa akong nautal.
Tumango lang sya. “Saan ka na pagkatapos dito?”
“Sa bakeshop.”
“Hindi ka nagpunta sa shelter?”
“Galing na ako doon. Doon ako buong umaga.”
Tumango tango sya at di na nagsalita at nakatingin lang sa akin. Ako rin ay nakatingin lang din sa kanya pero agad din akong nag iwas ng tingin at kunwaring tumingin tingin sa paligid. Bigla kasi ay parang naging weird ang pakiramdam ko. Para akong nailang bigla sa kanya.
Late update. Naglaba kasi ang inyong abang lingkod :D
Chapter 12
Ava POV
“HELLO babies. Why so cute naman like ninang.” Baby talk ko sa kambal ni Kuya Kester at Ate Crizel habang nakadapa ako sa malapad nilang kama. Two weeks old pa lang ang kambal pero malalaking bulas na. Lalaki at babae sila at ang kukyut talaga.
“Sino may sabing ninang ka ng mga babies ko?” Tanong ni Kuya Kester na kapapasok lang ng kwarto at may dalang dalawang feeding bottle. Wala pa raw kasing lumalabas na gatas kay Ate Crizel kaya formula milk muna.
“Ako.” Nagpresinta na akong ninang ng dalawa at ayos lang naman yun kay Ate Crizel.
“At sinong may sabing payag ako? Ayokong magkaroon ng ninang na buraot at pangit ang mga babies ko.” Salbaheng sabi ni Kuya Kester.
Sumimangot naman ako at inirapan sya. Sa lahat ng kaibigan ni Kuya Atlas sa kanya lang talaga ako pikon. Malakas din kasi syang mang asar eh. Parang kalaban ko ang sarili ko. Pero mabait din naman si Kuya Kester. Nauuto ko rin sya minsan.
“Pumayag na akong maging ninang ng kambal si Ava kaya wala ka ng magagawa love.” Sabi ni Ate Crizel.
Nilingon ko ulit si Kuya Kester at binelatan. Sya naman ngayon ang napasimangot. Subukan nyang kontrahin si Ate Crizel lagot sya. Sa lahat ng magkakaibigan sya ang pinaka under at machunurin sa asawa. Takot sya kay Ate Crizel.
Muli kong binalingan ang kambal na kumakawag ang mga kamay at paa. Nasa mood sila ngayon dahil mga busog na.
“Mabuti na lang nagmana kayo sa mommy nyo at hindi sa daddy nyong swanget.” Kausap ko sa kambal.
Nanghaba naman ang nguso nila at umungol na parang naiintindihan ang sinabi ko. Tumawa naman si Ate Crizel.
“Ah swanget pala ha.” Sambit ni Kuya Kester at lumapit sa akin sabay paikot ng malaki nyang braso sa leeg ko at pabiro akong hineadlock. Pero kahit biro lang yun ay para pa rin akong di makahinga.
“Aray Kuya Kester!” Daing ko at pinagpapalo at kurot ang braso nya. Pero lalo lang nyang diniinan ang braso.
Sanay na ako ganitong biro nya sa akin kapag asar sya sa hirit ko. Parang gago lang talaga sya. Tingin nya yata sa akin parang lalaki. Ito namang si Ate Crizel, tawa lang ng tawa imbes na awatin ang asawa.
“Aray ko Kuya Kester! Isusumbong kita kay mommy!” Tili ko.
“Eh di magsumbong ka. Magsumbong ka rin sa kuya mo pagbuhulin ko pa kayong dalawa na parehong panget.”
“Ang kapal ng mukha mo. Mas panget ka at amoy baktol.”
“Amoy baktol pala ha! Eto amuyin mo.” Tinaas ni Kuya Kester ang braso nya at dinikit ang kili kili sa mukha ko. Dahil nakasando sya ay nakaface to face ko ang kili kili nya. Iniwas ko naman ang mukha pero dinikit pa rin nya ang kili kili sa aking pisngi. Mabango naman ang kili kili nya pero nakakadiri pa rin lalo pa at may manipis yung buhok.
Pinagmumura ko na sya. Si Ate Crizel naman ay lalo pang lumakas ang tawa. Enjoy na enjoy sa pambubully sa akin ng asawa nya. Halos mangiyak ngiyak na ako sa pandidiri lalo pa at ayaw pa nya akong bitawan. Inipit na nya ang katawan ko ng malaki nyang katawan. Mabuti na lang at malambot ang kama.
“Gagu ka Kuya Kester. Mamatay ka na mamatay ka na. Isusumbong kita..”
“O kanino ka pa magsusumbong? Mag sumbong ka kahit kanino pa.”
“Isusumbong kita kay Kuya Matias.” Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko.
“Huh! Kay Matias talaga ha? Hindi ako natatakot sa taong batong yun. Gusto mo video call pa natin sya eh.”
Gumalaw si Kuya Kester. Nakita kong hawak na nya ang cellphone nya at bini-video call na nya si Kuya Matias. Ilang sandali pa ay lumitaw na ang mukha ni Kuya Matias na nakakunot ang noo. Base sa suot at background nya ay nasa office sya.
“What?”
“May magsusumbong sayo.”
Tinapat ni Kuya Kester ang cam sa mukha ko kaya kita na ni Kuya Matias ang mukha ko habang nakadikit pa rin ang kili kili ni Kuya Kester sa aking pisngi. Tila naman ako nakahanap ng kakampi.
“Wahhh Kuya Matias.. binubully ako ni Kuya Kester.” Sumbong ko habang pilit akong kumakawala sa pagkakaipit sa akin ni Kuya Kester.
Nagsalubong ang kilay ni Kuya Matias.
“What the fuck are you doing Kester?”
Ngumisi si Kuya Kester. “Bakit? Kakampihan mo sya? Sabi ko na nga ba may something sa inyong dalawa eh. Sige pumunta ka rito. Pagbuhulin ko pa kayong dalawa eh.”
Inikot muli ni Kuya Kester ang braso nya sa leeg ko. Doon na ako nakakuha ng tiyempo at kinagat ang braso nya. Napahiyaw naman sya at umalis na sa pagkakaipit sa akin. Inipon ko ang lahat ng lakas ko at tinulak sya sabay sipa hanggang sa tuluyan na akong nakawala. Kinuha ko ang isang unan at pinaghahampas sya. Pero nahablot nya ang unan. Tumakbo naman ako palapit kay Ate Crizel at humawak sa braso nya.
“Tama na nga kayong dalawa. Sumasakit na ang tiyan ko kakatawa. Para kayong mga bata.” Natatawang saway na ni Ate Crizel.
“Bakit kasi pinatulan mo yang si Kuya Kester, ate. Eh ang pangit pangit naman nyan.” Hirit ko pa.
Akmang sasabat pa si Kuya Kester pero tumunog ang cellphone nya na nasa lapag na. Dinampot nya yun at tiningnan ang tumawag.
“Si lola.” Sambit nya at tumingin kay Ate Crizel sabay sagot ng tawag. “Yes ’la..”
Nag-video call si Lola Constancia dahil gusto nyang makita ang kambal. Sumingit naman ako sa cam at bumati sa kanya. Natuwa pa sya ng makita ako. Dahil usapang pamilya syempre dumistansya muna ako at pinagkaabalahan ko na lang ang sariling cellphone. Sakto namang may pumasok na text galing kay Kuya Matias.
Kuya Matias: Nasa bank account mo na ang donation at utang mo.
Agad ko namang tsinek ang bank account sa bank app ko at namilog ang mata ko sa pumasok na pera. Mahigit 200k yun! 100k ang donasyon nya sa animal shelter ko. Totoo ba to?
Nagtype ako ng reply sa text ni Kuya Matias.
Ako: 100k yung donation mo? Totoo?
Kuya Matias: Yes
Kumagat labi ako sa tuwa. Kung di nga lang nakakaistorbo ay nagtitili na ako sa tuwa.
Ako: Yiiihh! Thank you Kuya Matias. Nawa’y yumaman ka pa ng bonggang bongga. Labyu! Mwahugz!
Akalain mo yun! 100k din ang donasyon nya. Mapapagawan ko na talaga ng malaking cage ang shelter para sa mga strays na kailangan i-isolate. Big time talaga si Kuya Matias.
Ilang minuto ang lumipas bago nagreply si Kuya Matias.
Kuta Matias: Anong ginagawa mo sa bahay si Kester?
Ako: Dinalaw ko lang si Ate Crizel at ang twins.
Hindi na nagreply si Kuya Matias. Siguro ay busy na. Balik pangungulit na lang ulit ako sa kambal na ang sarap panggigilan. Pero hindi pa pwede dahil malambot pa sila. Mamaya ay aalis din ako at pupunta naman sa bahay ni Kuya Atlas para panggigilan at paiyakin ang mga anak nya lalo na si Baby Alina.
.
.
Matias POV
SINARADO ko ang folder pagkatapos kong pirmahan ang ilang documents at binigay yun kay Jamil. May isa pa syang folder na inabot para pirmahan ko. Binuksan ko yun at pinasadahan muna ng tingin at mabilis na basa ang mga papel bago ko pinirmahan at muling binalik kay Jamil.
“Thank you sir.”
Minuwestra ko ang kamay.
Tumalikod naman si Jamil at lumabas na ng opisina ko dala ang mga documents na pinirmahan ko.
Binalik ko naman ang ballpen sa pen holder at pabagsak na sinandal ko ang likod sa backrest ng swivel chair sabay de kwatro. Sinandig ko rin ang ulo sa headrest at pumikit sabay buntong hininga.
Dumilat ako at tumingin sa modern chandelier na nakasabit sa kisame ng opisina ko. Iba ang pakiramdam ko ngayong araw at bago ito sa akin. Para akong tinatamad na magtrabaho. Parang walang pumapasok sa utak ko.
Ah meron pala! Ang brat na si Ava. Kagabi pa syang naglalaro sa utak ko at kahit anong gawin ko ay di sya maalis. Nagsimula ito kahapon ng magkita kami sa restaurant ni Tita Tessie at naabutan ko syang may kausap na lalaki na nagpakulo ng dugo ko.
Muli akong pumikit ng mariin at napatiim bagang. Ayokong pangalanan ang kakaibang naramdaman ko kahapon pero mahirap i-deny sa sarili. Parang inuuto ko lang ang sarili ko.
“Fucking shit..” Mahina kong mura.
Nagkakagusto na ba ako sa brat na yun? Nah! Hindi pwede. Sa lahat ng babaeng pwede kong magustuhan, bakit sya pa? Ayoko pang mamatay ng maaga sa kunsumisyon sa kanya.
Sa pag iisip sa dalaga ay sya namang paglakas ng pintig ng puso ko. Muli na naman akong napamura ng mahina. Isa pa tong nararamdaman ko na to. Akala ko noong una ay tumataas lang ang presyon ko sa inis kay Ava. Pero nagkakaganito din ako sa tuwing naiisip ko lang sya gaya ngayon.
Humugot ako ng malalim na hininga. Pero di pa rin kumakalma sa pagkalabog ang dibdib ko.
Ano na kaya ang ginagawa ng babaeng yun? Nandoon pa kaya sya kanila Kester?
Tss! Itong gagung Kester naman na ito may asawa na’t lahat lahat hinaharot pa si Ava. Ang sarap tadyakan sa mukha.
Natigilan ako sa pag iisip ng kumahol si Pochi. Tumingin ako sa kanya. Nasa carpet sya at tinatahulang ang kanyang bagong rubber toy. Bago, dahil binilhan ko sya ulit. Sawa na kasi syang ngatngatin ang mga luma nyang toys.
“Pochi.” Tawag ko sa kanya.
Nagtaas sya ng ulo at tumingin sa akin habang kumakawag ang buntot at nakalabas pa ang dila.
“Come here.”
Tumakbo sya palapit sa akin. Binuhat ko naman sya at nilagay sa kandungan ko. Hinimas himas ko ang ulo nya at katawan. May isang buwan na sya sa akin at mataba na. Lumalaki na nga sya. Makinis at malambot ang kanyang puti at brown na balahibo. Ang kanyang nakababang tenga ay nakatayo na ngayon. Sanay na sya dito sa office ko dahil lagi ko syang sinasama. Iniiwan ko lang sya saglit kapag may importanteng meeting ako.
“Bukas magdi-day off ako, ipapasyal kita. How about that sweet girl huh.” Kausap ko kay Pochi.
Tumahol sya at umabot pa ng dila sa mukha ko habang kumakawag ang buntot.
Ngumisi naman ako. Mukhang gusto nya ang sinabi ko at excited na sya. Isang buwan na sya sa akin pero di ko pa sya naipapasyal sa mga park. Madalas ay sa loob lang kami ng bahay. Pagala gala lang sya sa bakuran. Pero tuwing weekend ay kasama ko syang magjogging sa subdivision.
Ayain ko kaya bukas si Ava?
Tss! Huwag na. Makakaistorbo lang sya sa bonding namin ni Pochi.
.
.
Ava POV
PRENTE akong nakaupo sa couch habang sipsip ko ang straw ng chuckie. Katabi ko si Jeremiah na enjoy din sa pagsipsip ng chuckie. Parehas naming favorite ang chuckie. Nandito sila ngayong mag iina dahil miss na sila ni mommy.
“Papa!”
Nag angat ako ng tingin. Nakita ko si Kuya Atlas na bagong dating galing opisina. Tumakbo si Jeremiah palapit sa kanya. Umiskwat naman si kuya at niyakap si Jeremiah at hinalikan sa pisngi.
“Where’s mama and bunso?”
“Nasa kwarto po, nipapatulog na po si baby kasi niaantok na. Nandun din po si mamala.” Ani Jeremiah sabay sipsip ng straw ng chuckie.
“Okay.” Muling hinalikan ni Kuya Atlas sa buhok si Jeremiah at tumayo na sya. Tumingin naman sya sa akin at kumunot ang noo. “Umiinom ka pa rin nyan?”
Tumaas ang kilay ko. “It’s my favorite kuya.”
“Tsk! Ang tanda mo na umiinom ka pa nyan. Para sa bata lang yan.”
“Bata pa ako kuya no, ikaw lang ang matanda.” Bwelta ko sabay ngisi at sipsip sa straw ng chuckie. Dahil ubos na ang laman ay umingay ang pagsipsip ko na ikinahagikgik naman ni Jeremiah.
Napailing iling naman si kuya at binalingan ang anak.
“Papa, dami pong chuckie sa ref si Tita Ava.”
“Talaga?”
“Opo, may malalaki pa nga po eh.”
“Sige anak, kuha ka lang ng kuha sa ref. Ubusin mo.” Sulsol ni Kuya Atlas sa anak.
Napanguso naman ako. Alam kong inaasar nya lang ako.
“Ihh, baka po magalit si Tita Ava.” Tumingin sa akin si Jeremiah.
“Hindi magagalit yan. Si papa ang bahala kapag nagalit sya.”
“Eh si mama po gagalit din. Sabi po nya bawal po ako uminom ng madaming chuckie dapat isa lang daw po.”
“Si papa mo rin daw ang bahala kapag nagalit si mama mo baby. Matapang yan si papa mo eh.” Sulsol ko rin sa pamangkin.
“Talaga po papa? Ikaw po bahala kay mama kapag nagalit kasi madami akong naimom na chuckie.”
Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Atlas. Nginisihan ko naman sya. O e di na-back to you ka ngayon.
“Hindi anak. Tama si mama. Bawal kang uminom ng maraming chuckie. Dapat susunod ka lagi kay mama ok?”
“Yes po papa.”
“Let’s go to our room. Puntahin na natin si mama at si baby. Iwanan na natin ang tita mong luka luka.”
Napasinghap ako sa sinabi ni kuya na sinabayan pa ng hagikgik ng pamangkin ko.
“Luka luka ka dyan. At least maganda at sexy.” Sabat ko.
Tumawa lang si Kuya Atlas at binuhat na si Jeremiah. Tumalikod na silang mag ama at pumunta na sa kwarto nila.
Napasimangot na lang ako at inikot ang mata. Tumingin ako sa cellphone na hawak ng tumunog ito. May text si Kuya Matias.
Kuya Matias: Ipapasyal ko si Pochi bukas. Sumama ka.
Chapter 13
Ava POV
“HI!” Bati ko kay Kuya Matias ng pagbuksan nya ako ng pinto. Nakabukas ang maliit na pinto sa gate kaya pumasok na ako at iniwan na lang ang kotse sa labas.
Kunot noong pinasadahan naman ako ng tingin ni Kuya Matias mula ulo hanggang paa. Bigla naman akong na-conscious at nailang. Pinasadahan ko rin ng tingin ang sarili. Nakacorduroy shorts ako na brown at v-neck semi crop top na white. Sneakers naman na puti ang pampaa ko. Ayos naman ang hitsura ko, akma sa pamamasyal.
Tumikhim si Kuya Matias. “Ang aga mo naman.”
Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti ng malapad. “Syempre excited na ko eh.”
“Bakit ikaw ang excited? Hindi naman ikaw ang ipapasyal ko. Si Pochi.”
Nanghaba ang nguso ko. Parang gusto kong magtampo sa kanya ah!
“Eh bakit pinasama mo pa ako?”
Ngumisi sya. “Para may chaperone kami. Pambawi sa donasyon ko.”
Lalong nanghaba ang nguso ko. Yun pala yun. Hmp! Sige na nga. Magiging julalay ako for today’s gala ng mag amo sa ngalan ng malaki nyang donasyon.
“Eh bakit nakapambahay ka pa? Magbihis ka na kaya para makaalis na tayo. Mataas na ang araw o.”
“Tss, huwag mo kong utusan. Pumasok ka na nga.” Masungit na sabi nya at tumalikod na.
Inikutan ko na lang sya ng mata at pumasok na sa loob ng bahay nya. Nakita naman ako ni Pochi at agad syang lumapit sa akin habang kumakawag ang buntot. Patalon talon pa sya. Umiskwat naman ako at hinimas sya. Ang taba taba na nya. Ang puti puti at pinkish pa ang mga paa. Nagmukha tuloy syang may lahing aso. Kapag talaga naaalagaan ng tama ang aso kahit aspin pa yan ay nagmumukhang mamahalin talaga. Gaya nitong si Pochi. Mukha na syang senyorita at ang daddy nya ay ang terror na si Don Matias.
Speaking of don..
Tiningnan ko si Kuya Matias na umakyat na sa hagdan. Siguro ay maliligo na sya. Nagtagal ang tingin ko sa kanya na naglalakad paakyat. Di ko maiwasang bistahan ang likuran nya. Nakasando sya at jogger na gray. Hakab ang sando sa katawan nya kaya bakat ang mga masel nya sa likod na halatang kay titigas. Ang lapad din ng likuran nya lalo na ang bandang balikat. Bumaba naman ang mata ko sa pang ibaba nya. Bilugan at matambok din ang puwitan nya. Matigas kaya yun o malambot?
Nahigit ko ang hininga sa naisip at ipinilig pilig ang ulo kasabay ng pag iinit ng aking mukha.
Ano ba tong naiisip ko kay Kuya Matias? Para ko na syang minamanyak. Kung nakakabasa lang sya ng isip ng tao sigurado lagot ako sa kanya. At kelan pa ako nagkamalisya sa kanya?
Ng wala na sa paningin ko si Kuya Matias ay pinagtuunan ko na lang ng pansin si Pochi na nangangalabit na sa akin at nagpapahimas..
Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na si Kuya Matias na bagong ligo at nakabihis na. Naka white t-shirt sya na may nakasabit pang aviator sa neckline, brown cargo pants at puting sneakers. Ang gwapo ng lolo nyo pang hollywood actor ang dating. Pero parang parehas kami ng damit.
“Luh, gaya gaya si Kuya Mat ng damit.” Sambit ko ng makalapit na sya sa amin ni Pochi.
Kumunot ang noo nya. “Anong gaya gaya pinagsasabi mo dyan?”
“Tingnan mo yung suot natin o, parehas.”
Pinasadahan nya ng tingin ang suot ko pati ang kanya. Hindi naman literal na parehas ang damit namin kundi magkaparehas ng kulay.
“Eh ano naman kung parehas tayo.” Masungit nyang sabi.
Nanghaba naman ang nguso ko. “Gaya gaya ka.”
“Tss, para kang bata.” Sambit lang nya at nilapitan na si Pochi. Sumunod na lang ako sa kanya.
Kinuha nya ang leash ni Pochi at kinabit sa collar nito. Excited na rin si Pochi na halatang alam na gagala kami.
“Let’s go.” Aya ni Kuya Matias at sabay na kaming lumabas ng bahay nya. Sinarado nya ang pinto at ni-lock. Lumapit sya sa kotse nyang nasa garahe.
Ako naman ay naglakad sa pathway palabas ng gate.
“Saan ka pupunta?” Tanong ni Kuya Matias.
Nilingon ko sya. Nakakunot ang kanyang noo na parang may mali akong ginagawa.
“Sa labas, nandun ang kotse ko eh.” Tinuro ko ang kotse kong nasa labas ng gate.
“Isang sasakyan lang ang gagamitin natin, yung kotse ko.”
Kumamot ako sa ulo. Yun naman pala eh! Di pa nya sinabi kanina. Lumapit na ako sa kotse nya. Nauna na syang sumakay sa driver’s seat ako naman ay umikot sa kabila at sumakay sa shotgun seat. Si Pochi ay nasa backseat at parang senyoritang prenteng nakaupo. Halatang sanay na sanay ng sumakay ng kotse. Kinabit ko na ang seatbelt sa aking katawan ng paandarin na ni Kuya Matias ang kotse. Maiiwan ang kotse ko sa labas ng gate. Pero safe naman yun dahil wala namang luko luko dito sa subdivision nya na mahigpit ang security.
Sa isang dog park malapit sa Manila kami pumunta. Malawak ang park na nasasapinan ng carabao grass kaya malayang nakakatakbo ang mga dogs. Marami rami ng tao akay ang mga alaga nilang halos lahat ay may lahi. Bilang lang sa daliri ang aspin. Nakakalungkot talagang isipin na mas prefer ng maraming pinoy na mag alaga ng may lahing aso kesa sa aspin. Wala namang masama doon pero nakakalungkot lang talagang isipin. Kaya nga ako nagtayo ng sariling animal shelter para sa mga strays na majority ay aspin at pangarap ko ring magtayo ng sariling dog park para kahit strays ay pwedeng pumasok at maglaro.
Tinanggal ni Kuya Matias ang leash ni Pochi. Si Pochi naman ay inamoy amoy pa muna ang damo. May ilang mga aso ang lumapit sa kanya at nag amuyan sila hanggang ilang sandali pa ay nagtakbuhan na sila. Halatang sabik sa kalaro si Pochi. Nakakatuwa syang panoorin. Hindi talaga ako nagkamali na ibigay sya kay Kuya Matias. Ang ganda na ng buhay nya ngayon.
Nilingon ko si Kuya Matias. Nahuli ko syang nakatingin sa akin. Bigla namang kumislot ang puso ko at para akong kinabahan.
“W-Why?”
Nagbawi sya ng tingin at bumuntong hininga. “Anong ginawa mo sa donasyong binigay ko?”
“Pinampagawa ko ng malalaking cage sa shelter. Kulang na kasi kami ng mga cage. Kailangan namin yun para sa mga bagong rescue na need munang i-isolate.”
Tumango tango sya habang pinapanood si Pochi na nakikipaglaro sa ibang aso.
Bigla namang may pumasok na idea sa isip ko. “Gusto mo bang pumunta sa shelter ko?”
Lumingon sya sa akin. “Bakit?”
“Wala lang. Para makita mo. Baka mamaya isipin mo minomodus lang kita.”
“Fine, pupunta tayo doon after here.” Aniya at umupo na sa bench.
Umupo na rin ako sa tabi nya.
“Wala kang pasok sa opisina?” Tanong ko.
“Nag day off ako. Wala ako sa mood ngayon magtrabaho.”
“Woah.. himala.”
Sumulyap sya sa akin at tinaasan ako ng kilay. “Ikaw, wala kang gala?”
“Meron, heto kasama nyo ko ni Pochi.”
“Ibig kong sabihin ibang lakad.”
“As usual, sa store lang naman at bakeshop. Pero dahil nag utos si Don Matias na sumama ako sa gala nila ng furbaby nya, di na ako makakapunta sa store at bake shop.”
“So you mean, ako ang priority mo?” Nakangising sabi nya.
“Syempre! Malaki ang donasyon mo eh.”
“Tss..” Umiling iling sya at gumalaw ang labi na parang may sinasabi.
Pero ngumiti ako at kinalabit sya. Kunot noong nilingon nya ako.
“Thank you pala Kuya Mati sa malaki mong donasyon. Sana patuloy kang magdonate sa shelter. Ok lang kahit di pera, pwede na ang dog food, vitamins – wait! May listahan pala ako dito ng mga kailangan sa shelter.”
Binuksan ko ang sling bag at kumuha ng isang flyers kung saan nakasulat ang mga basic needs ng mga rescue naming dogs and cats. Binibigay namin ito sa mga gustong magdonate.
Inabot ko ang flyers kay Kuya Matias. Tila tinatamad na kinuha nya yun at binasa saka sinuksok sa bulsa.
“Pag iisipan ko.” Aniya at tiningnan si Pochi na nakikipag harutan na sa kapwa nya aso.
Kumagat labi ako. Nagbigay na sya ng 100k na donation at sobra sobra na yun. Pero kung magdo-donate pa sya ng mga basic needs ng mga dogs and cats ay sobrang magti-thank you talaga ako sa kanya. Sya lang ang masungit at suplado na tanggap ko.
Lumingon sa akin si Kuya Matias at nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Kumunot na naman ang kanyang noo.
“What?”
Umiling iling ako. “Wala.”
“Kanina ka pa nakatingin sa akin tapos wala.” Tila naiinis na sabi nya.
Heto na naman sya nagsusungit. Well, sanay na ako.
“Bakit? Masama bang tingnan ka?”
“Oo.”
“Hmp sungit! Porke’t gwapo.” Mahina kong sambit.
Muli syang lumingon sa akin at tinaasan ako ng kilay. “Binubulong bulong mo dyan?”
Nanunukso akong ngumiti at sinundot ng daliri ang tagiliran nya. Pero di man lang sya natinag. Sinundot sundot ko pa sya hanggang kili kili. Pero di man lang sya kumislot. Nagsalubong na ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin. Oo nga pala, taong bato sya kaya di sya makikiliti.
“Sinapian ka na naman ba o gutom na?” Sarkastiko nyang tanong.
“Oo, medyo gutom na ako kaya pakainin mo ko mamaya at libre mo yun tutal naman sinama mo ko. Kapag di mo ko nilibre ikaw ang kakainin ko.”
Tumaas ang isang kilay nya at ngumisi sya. May kakaibang kislap sa kanyang mata na parang ngayon ko lang nakita. Umiling iling sya.
“Huwag mo kong ilingan Kuya Matias, ilibre mo ko mamaya, ha.” Pangungulit ko. Siguro naman ililibre nya ako. Aba! Sinama sama nya ako tapos di nya ako ililibre.
“Oo na.”
“Ihh! Thank you! Anyway meron akong alam na bukas na kainan malapit lang dito. Doon tayo kumain, ha.” Hinahawakan ko pa ang braso nya at niyugyog.
Bored na sinulyapan nya ako. “Oo na nga. Kulit..”
“Yiih!” Tuwang bulalas ko naman. Siguradong mapapasarap ang kain ko mamaya. Libre eh!
“Ava.”
Halos sabay kaming lumingon ni Kuya Matias sa lalaking tumawag sa akin. Namilog ang mata ko at napatayo ako ng makita si Ervin.
“Ervin.” Sambit ko sa pangalan nya at matamis na ngumiti. Lumapit ako sa kanya. Pasimple kong pinasadahan ang hitsura nya. Naka cotton short sya na itim, gray t-shirt at sneakers na puti. Ang gwapo nya at mukhang mabango.
“What are you doing here?” Tanong ko.
“Ipinasyal ko ang dog ko.” Sabi nya.
Noon ko naman napansin ang hawak nyang leash na nakakabit sa collar ng isang german shepherd na bata pa. Lumapit ito sa akin. Mukha namang mabait kaya hinimas ko at tuwang tuwa naman ito.
“Hello good boy. You’re so handsome..” Kausap ko sa german shepherd. “Anong name nya?” Baling ko kay Ervin.
“His name is Bruce.”
“Oh.. male pala sya. Hi Bruce! Are you a good boy?” Tinaas ng aso ang kanyang paw. Hinawakan ko naman yun. Nakakatuwa sya dahil halatang matalino rin gaya ni Pochi.
“Ano rin palang ginagawa mo dito Ava? May aso ka rin bang pinapasyal?” Tanong ni Ervin.
Tumayo naman ako. “Sinamahan ko lang ang kaibigan ng kuya ko na ipasyal dito ang aso nya.”
Binalingan ko si Kuya Matias na nakatayo na rin at matiim ang tingin sa aming dalawa ni Ervin. Nakakunot pa ang kanyang noo.
“Uhm Ervin, he’s Kuya Matias kaibigan ng kuya ko. Kuya Matias, si Ervin schoolmate ko nung college and friend ko.” Pagpapakilala ko sa dalawa.
“Nice to meet you sir.” Nakangiting bati ni Ervin at nilahad ang kamay kay Kuya Matias. Tinanggap naman yun ni Kuya Matias na tumango lang at di nagsalita. Naging alanganin tuloy ang ngiti ni Ervin.
Dahil walang imik si Kuya Matias ay nawalan na rin ako ng imik at nakiramdam lang. Para tuloy may anghel na dumaan sa aming harapan dahil sa namayaning katahimikan. Ang awkward tuloy.
Tumikhim ako at magsasalita sana pero inunahan ako ni Kuya Matias.
“Let’s go Ava, aalis na tayo.” Basag ni Kuya Matias sa katahimikan at tumalikod sabay tawag nya kay Pochi.
Namilog naman ang mata ko. “Ha? Aalis na tayo?”
Nag excuse ako kay Ervin at lumapit kay Kuya Matias.
Sinulyapan lang nya ako at yumuko para ikabit ang leash kay Pochi.
“Teka lang naman Kuya Matias. Nandito pa si Ervin. Di pa nga kami nakakapag usap ng matagal eh.”
Tumayo sya buhat na si Pochi at salubong ang kilay na tiningnan ako.
“Eh di maiwan ka. Kami na lang ni Pochi ang kakain ng masarap.” Aniya sabay talikod at lakad palabas ng park.
“T-Teka Kuya Matias..” Nalilitong sambit ko at tumingin kay Ervin na nakatingin din sa akin habang nakaguhit ang kalituhan sa mukha.
“Ava! Bilisan mo na. Ang bagal.” Tawag sa akin ni Kuya Matias.
“Oo! Susunod na! Naman ih..”
Lumapit ako kay Ervin at nahihiyang ngumiti. “Ano Ervin.. mauuna na kami ni Kuya Matias.”
“Ang bilis naman. Aalis na agad kayo. Di pa tayo nakakapag usap ng matagal.” Aniya sa nanghihinayang na tono ng boses.
“Oo nga eh, ano kasi.. gutom na sya. Hindi pwedeng malipasan sya ng gutom dahil nagiging dragon.” Pabulong na sabi ko.
“Ava!” Tawag na naman sa akin ni Kuya Matias. Lumingon sya sa amin ni Ervin at halos di na maipinta sa pagkakasimangot ang kanyang mukha.
“Oo nandyan na nga! Sige Ervin, una na kami. Chat-chat na lang tayo.” Paalam ko na kay Ervin.
Tumango naman sya at ngumiti.
Tumalikod na ako at patakbo ng lumapit kay Kuya Matias na nakasambakol ang mukha.
“Ang bagal..” Himutok nya sa mahinang boses at naglakad na.
Ngumuso naman ako at inikutan sya ng mata. Inatake na naman sya ng sakit nyang kasungitan.
Bukas na lang ang part 2 ng family bonding. Di ako makapag concentrate sa pagsusulat dahil may dysmenorrhea ako 😣
Chapter 14
Ava POV
PASULYAP sulyap ako kay Kuya Matias habang nagda-drive sya. Pupunta na kami ngayon sa bagong bukas na restaurant na sinasabi ko. Tahimik lang sya habang nagda-drive at walang imik. Salubong pa rin ang kilay nya na para syang may kaaway.
Ako naman ay naiinis sa kanya. Bigla bigla ang desisyon nyang umalis agad. Nakakahiya tuloy kay Ervin.
Huling sulyap ko sa kanya ay sumulyap din sya sa akin kaya nagsalubong ang tingin namin.
“What?” May himig na inis ang kanyang boses.
Kita mo? Parang mas inis pa sya sa akin. Pero hindi, mas inis na inis ako sa kanya. Attitude sya!
Humalukipkip ako at nagtaas ng noo. “Ang gara mo kasi.. Sandali pa lang tayo sa park gusto mo na agad umalis. Nakakahiya kaya kay Ervin..” Himutok ko sabay ikot ng mata.
Lalong sumama ang timpla ng kanyang mukha. Medyo nakakatakot na nga ang hitsura nya kundi lang sya gwapo.
“At sinabi ko rin sayo, kung gusto mo pa syang kausap maiwan ka. Kung gusto mo ibababa kita at bumalik ka doon.” Naiinis na sabi nya at tinulinan ang takbo ng kotse.
Umasim ang mukha ko. Paano nya ako ibababa tinulinan nya ang takbo ng kotse. Saka ano bang problema nya? Kanina ok naman sya eh. Tapos bigla bigla nagkaganito na sya. Daig pa nya ang may saltik. Sakit na nya to eh.
“What’s your problem ba Kuya Matias? Bigla bigla nagsusungit ka. Minsan di na talaga kita mainintindihan. Ok ka naman kanina. Tapos dumating lang si Ervin para ka ng sinapian ng masamang espirito – “
“Dahil istorbo yang kaibigan mo.” Putol nya sa sinasabi ko.
Kumunot naman ang noo ko. “What? Paanong istorbo?”
Hindi na sya sumagot at pumalatak na lang. Tumuon ang kanyang tingin sa kalsada. Matigas ang bukas ng kanyang mukha at napansin ko ang paghigpit ng hawak ng kanyang kamay sa manibela. Galit sya, pero di ko naman maintindihan kung ano ang ikinagagalit nya. Nagkaganyan lang naman sya ng dumating si Ervin kanina. Para syang nagseselos.
Nahigit ko ang hininga sa huling sumagi sa isip kasabay ng pagkabog ng aking dibdib.
No no no! That’s impossible! Bakit naman sya magseselos kay Ervin? Sinumpong lang sya ng kasungitan kaya ganun. Pero iba ang kasungitan nya ngayon eh. Parang mambabanat na.
Narinig ko ang pagbuga nya ng mabigat na hininga. Sumulyap sya sa akin sa rearview mirror. Medyo kumalma na ang mukha nya.
“Ayoko ng istorbo kapag kasama kita. Naiintindihan mo?” Aniya sa mahinahon ng boses.
Umawang ang labi ko sa narinig.
“B-Bakit?”
Muli syang bumuntong hininga at tinuon ang mata sa kalsada.
“Basta ayoko. Kapag magkasama tayo dapat sa akin lang ang atensyon mo.”
Lalong umawang ang labi ko at napakurap kurap ang aking mata. Di ako makapaniwala sa mga sinasabi nya. Ang demanding ng lolo nyo.
“Ano ka special?”
Sinamaan nya ako ng tingin pero di naman nagsalita. Muli lang nyang binalik ang tingin sa kalsada.
Pinagmasdan ko naman sya at pinag aralan ang kilos nya. Para kasing may kakaiba sa kanya. Kinakabahan ako at nalilito. Madalas naman kaming magtalo dati lalo na kapag asar sya sa akin. Pero kakaiba ngayon. Basta may iba. Para kaming mag.. mag.. Ah hindi! Gutom lang to.
Humugot ako ng malalim na hininga at umayos ng upo.
Tumikhim ako. “Siguro nagugutom ka na nga kaya nagsusungit ka na naman. Malapit na yung sinasabi kong bagong bukas na restaurant. Kumain na tayo para kumalma ka na.”
Hindi pa rin sya umiimik at sumulyap lang sa akin. Hinayaan ko na lang sya. Sinilip ko na lang si Pochi na prenteng nakaupo sa backseat habang nakatanaw sa labas.
Sa bagong bukas na restaurant ay tahimik lang kaming kumakain ni Kuya Matias. Wala pa rin syang imik sa akin pero panay naman ang sulyap. Ano kaya yun?
Si Pochi ay naiwan sa kotse dahil bawal ang aso sa loob ng restaurant. Bahagya lang binuksan ni Kuya Matias ang isang bintana para di ma-suffocate si Pochi at inorderan din nya ng manok.
Tumikhim ako. Di ko na kaya ang katahimikan at naiilang na rin ako sa pasulyap sulyap nya sa akin na parang binibilang ang bawat subo ko.
“Saan tayo pupunta pagkatapos kumain?” Basag ko sa katahimikan.
“Sa shelter mo.” Maiksi nyang sagot.
“Ok..” Sabi ko na lang at tinuon na lang ang pansin sa pagkain.
Masarap ang mga pagkain ng restaurant at hindi masyadong mahal. Parehas na kaming walang imikan ni Kuya Matias at nag concentrate na lang sa pagkain.
Di sinasadyang napadighay ako pagkatapos uminom ng tubig. Tinakpan ko naman ang bibig. Kunot noong tumingin naman sa akin si Kuya Matias na dinadampian na ng napkin ang bibig.
“Sorry po.. busog lang.” Nakangiwing sabi ko at dinampot na rin ang napkin at dinampi sa sariling bibig.
Umiling iling si Kuya Matias at tinawag ang waiter para kunin ang bill namin.
May ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko si Kuya Matias na hinihimay ang breast chicken na tinake out nya sa restaurant para kay Pochi. Pasensyosa naman ni Pochi na naghihintay kahit halata sa mukha nyang takam na takam na. Halatang natrain sya ni Kuya Matias.
Hindi sinasama ni Kuya Matias ang balat at buto ng manok. Puro laman ang hinihimay nya. Halatang alam na nya kung ano ang makakabuti sa kinakain ni Pochi. Ng tapos na syang maghimay ay inusod nya sa harapan ni Pochi ang disposable food container na may lamang hinimay na manok. Agad naman yung kinain ni Pochi. Sanaol talaga Pochi. Kung ako magiging aso next life sana si Kuya Matias ang maging amo ko para pamper na pamper ako.
Tumingin sa akin si Kuya Matias at kumunot ang noo. “Bakit nangingiti ka?”
Nanghaba ang nguso ko. “Wala lang, nakakainggit lang si Pochi.”
“Kung naiinggit ka pwede mo naman syang saluhan. Di naman sya madamot.” Nakangising sabi nya.
Sumimangot naman ako. “Anong akala mo sa akin, aso?”
Tumawa sya.
Yan, dyan sya magaling. Tatawa lang sya kapag nakitang asar ako sa hirit nya. Mabuti na lang masarap pakinggan ang tawa nyang gwapo din.
Pagkatapos kumain ni Pochi ay bumiyahe na kami papunta sa shelter. Nagkwentuhan lang kami buong byahe. Hindi na sya nagsusungit ngayon at normal ng kausap. Paminsan minsan ay nakikipag biruan din sa akin. Pero paminsan minsan sumasagi sa isip ko ang mga sinabi nya kanina. Na ayaw nya ng istorbo kapag magkasama kaming dalawa at dapat sa kanya lang ang atensyon ko. Naghahanap ako ng kasagutan kung ano ang ibig sabihin ng kanyang mga sinabi. Kung ano ano na kasi ang naiisip kong dahilan eh. Napapraning na ako sa kakaisip.
Nagkagulo ang mga rescue dogs pagpasok ng kotseng lulan namin sa gate ng compound ng shelter. Sinaway naman sila ni Mang Dioni na syang nagbukas sa amin ng gate. Hininto ni Kuya Matias ang kotse sa harap ng isang bungalow type na bahay na nagsisilbing opisina at clinic namin. Sa taas noon ay may karatula kung saan nakasulat ang pangalan ng shelter namin.
Pinatay na ni Kuya Matias ang makina. Ako naman ay tinanggal na ang seatbelt. Si Pochi ay di na mapakali sa backseat at gusto ng lumabas para makihalubilo sa mga asong nagkakagulo.
“Ako muna ang unang lalabas dahil baka bigla kang sagpangin ng mga dogs.” Sabi ko at binuksan ang pinto ng kotse.
“Magandang tanghali po Ma’am Ava.” Nakangiting bati sa akin ni Mang Dioni.
“Magandang hapon din po Mang Dioni. May bisita po tayo.”
“Ganun po ba ma’am. Mag a-adopt po ba?”
Ngumisi ako. “Depende sa kanya kung gusto nyang mag adopt. Pwede ding bago nating sponsor.”
Hinimas himas ko ang mga ulo ng rescue dogs na lumapit sa akin. Kumakawag ang kanilang buntot at umabot pa ng dila sa akin. Halatang namiss ako. Lumapit pa ang ilang mga rescue dogs at pinagkaguluhan na nila ako. Muntik pa nga akong matumba pero sinaway sila ni Mang Dioni at nakinig naman sila. Natatawa na lang ako kahit nadumihan na ang damit ko. Namiss ko rin kasi sila at iba talaga ang saya na dulot nila sa akin. Nakakawala ng stress.
“Magandang tanghali po ser. Welcome po sa Pet Haven.” Bati ni Mang Dioni kay Kuya Matias na nakababa na buhat buhat si Pochi.
“Magandang tanghali rin ho. Ako ho si Matias Santiago.” Pagpapakilala ni Kuya Matias kay Mang Dioni sabay lahad ng kamay.
Tinanggap naman yun ni Mang Dioni na bakas ang pagkamangha sa mukha habang nakatingala kay Kuya Matias. “Dioni ho ser.”
Lumapit naman ako sa kanilang dalawa habang nakasunod ang mga aso at inamoy amoy si Kuya Matias.
“Kaibigan sya ng kuya ko Mang Dioni. Sya ang nagdonate ng malaki kaya may pampagawa tayo ng mga cage.”
“Ganun po ba. Naku, maraming salamat po sa kabutihan nyo ser.” Ani Mang Dioni.
“Walang anuman ho Mang Dioni.” Tipid na ngumiti si Kuya Matias at nilibot ang paningin sa paligid.
Medyo maingay dahil may ginagawa sa kennel room. Ng matanggap ko ang donasyon ni Kuya Matias ay agad na akong nagpagawa ng mga dagdag cage sa kennel room para sa mga darating pa naming ibang rescue na need i-isolate.
Malaya ang mga rescue dog dito sa shelter. Di namin sila kinukulong. Sa likod ng shelter ay may bahay sila doon na kanilang pahingahan para hindi sila matulog sa lupa. Katabi naman nun ay ang bahay din ng mga rescue cat. Hindi namin sila pinagsasama dahil ang ibang dogs ay agresibo at ayaw ng pusa. Ang ilan sa mga rescue namin ay na-adopt na pero minomonitor pa rin namin sila. Baka kasi sa una lang sila alagaan at kalaunan ay pababayaan din. So far ay wala pa namang ganung pangyayari.
“Not bad.” Sambit ni Kuya Matias. “Maganda itong lugar na nakuha mo. Malayo sa ibang kabahayan na hindi napuperhuwisyo sa ingay ng mga aso para iwas reklamo.”
Tumango tango ako. “Yan din talaga ang una kong concern ng maghanap ako ng space para sa pagtatayuan ng shelter. Syempre di naman lahat ng tao ay natutuwa sa mga aso. Kaya ng makita ko ang lugar na ito ay agad kong binili kahit pricey.”
“Pero marami pang kulang dito sa shelter mo. Hindi safe na mga aso nyo agad ang sasalubong sa mga bisita nyo.”
“I know Kuya Matias. Hindi pa naman talaga ito kumpleto at marami pang kulang. Kaya nga kami nangangalap ng donasyon at naghahanap ng sponsor.”
Marami pa akong gustong ipagawa dito sa shelter at uunti untiin ko yun. Sa ngayon ay ganito muna at ang importante ay may masilungan ang mga rescues namin.
“Pumasok na tayo sa loob Kuya Matias. Ipapakilala muna kita sa mga kasama ko then ito-tour kita.” Yaya ko kay Kuya Matias at nauna na akong pumasok sa loob.
Una kong nakita si Rolee na binoblower sa counter ang bagong paligong tuta na na-rescue noong nakaraang araw lang. Nag angat sya ng tingin at ngumisi ng makita ako. Isang binabae si Rolee na may malambot na puso sa mga strays.
“Sabi na eh ikaw ang dumating kaya naglakagulo ang mga aso.”
“May bisita tayo.”
“Sinetch itey – oh my chupapi!” Biglang tili nya at nagningning ang mga mata ng makita si Kuya Matias na kasunod ko lang.
Expected ko ng ganyang ang reaksyon nya. Mahilig sya sa pogi eh. Lalo pa at nuknukan ng gwapo si Kuya Matias. Siguradong kinikilig ang tumbong nya.
Lumapit sa akin si Rolee na hindi inaalis ang tingin kay Kuya Matias. “Sinetch yang gwapong yummy na masarap luhuran na visitor natin Ava?” Pabulong nyang tanong. Nasa tono ng kanyang malantod na boses ang kilig.
Parang bigla akong nainis sa bading na kaibigan na kulang na lang ay tumulo ang laway sa pagkakatitig kay Kuya Matias.
“Si Kuya Matias yan, friend ng kuya ko. Huwag mong lalanturin yan nananapak ng bading na malantod yan.” Pananakot ko sa kanya.
“Ayos lang atey, willing akong magpasapak basta may kasamang kiss and hugs.” Nangingisay sa kilig na sabi nya na nagpacute pa kay Kuya Matias na nakakunot noo na habang nakatingin sa aming dalawa.
Sinamaan ko ng tingin si Rolee at siniko. “Mag-behave ka, sya ang nagbigay ng malaking donasyon kaya nakapagpagawa tayo ngayon ng dagdag na mga cage. Baka mamaya di na sya magdonate kapag di natuwa sayo.”
Pero ang totoo ay ako na ang di natutuwa sa kaibigan. Lagi naman syang ganito kapag nakakakita ng pogi at natutuwa ako kapag nilalantod nya ang mga ito. Pero ngayon di ako natutuwa na nilalantod nya si Kuya Matias.
“Ay ganun. Di mo naman sinabi agad sisteret. Kunsabagay halatang bigtime sya.”
Lumapit si Rolee kay Kuya Matias at nagpakilala na. Inunahan pa talaga nya ako. Sarap kurutin sa singit eh.
Dahil maingay si Rolee ay nagsilabasan na rin ang iba pa naming mga kasama galimg sa loob ng opisina. Maging sila ay na-star struck ng makita si Kuya Matias. Daig pa nila ang nakakita ng artista at pinagkaguluhan na ito. Kanya kanya sila pakilala at entertain. Sa isang iglap ay naitsapwera ang beauty ko.
Chapter 15
Ava POV
MAY magandang dulot ang pagdala ko kay Kuya Matias sa shelter dahil sya ang bago naming sponsor. Ipapagawa nya ang harapan ng shelter. Yung may reception, waiting room at lobby kung saan pupwestuhan ng mga bisita para hindi agad ang mga rescue dogs namin ang bubungad sa kanila. Patataasan din nya ang pader sa paligid ng shelter at palalagyan din nya ng security cameras. Sobrang laking tulong ang binigay nya at tuwang tuwa kami ng mga kasamahan ko. Mamaya ay may darating na engineer galing sa kumpanya niya para tingnan itong shelter.
“Ang swerte natin sa bago nating sponsor no. Bigtime!” Ani Lionel ang aming volunteer veterinarian.
Nandito kami sa aming munting opisina at nagmemeryenda habang hinihintay ang engineer.
“Sinabi mo pa! Siguradong malaki ang magiging pagbabago ng shelter natin at excited na ako.” Segunda pa ni Melby.
“At hindi lang yun, super gwapo at super yummy din ng bago nating sponsor kahit may pagkasuplado.” Kinikilig na sabi pa ni Kiray.
“At luluhuran!” Segunda pa ni Rolee at dalawa na sila ni Kiray na nagkikisay sa kilig.
Ang sarap nilang sabunutan na dalawa. Pagdating talaga sa kalanturan magkasundong magkasundo sila. Halos lamutakin na nga nila si Kuya Matias noong nakaraang araw ng sinama ko ito rito. Kung di lang naiirata na si Pochi at muntik na silang sakmalin ay di pa sila titigil.
“At pasalamat tayo kay Ava dahil sa kanya kaya may sponsor tayong big time.” Hayag ni Kuya Janjan na syang pinaka matanda sa amin.
“Wala yun Kuta Jan, para sa mga rescues natin lahat ng kaya kong gawin gagawin ko.” Hayag ko rin.
“Kaya bagay talaga sayo na ikaw ang president namin.”
“Sya naman talaga ang president at ceo dahil sya ang founder at nagpatayo nitong shelter.”
Ngumiti ako sa mga kasamahan at kaibigan. “Ako man ang founder at nagpatayo nitong shelter pero para sa ating lahat ito. Isang pamilya tayo rito at ang mga rescues natin. Syempre nagpapasalamat din ako sa inyo dahil sinamahan nyo kong mabuo itong shelter.”
“Kami nga ang dapat magpasalamat sayo Ava. Malaking tulong at opportunity ang binigay mo sa amin. Di ba guys?” Wika ni Melby.
Sumang ayon naman silang lahat. Tinaas namin ang mga baso naming may lamang coke at nagcheers kami.
Lahat kasi sila ay galing sa wala at may kanya kanyang issue sa pamilya. Itong shelter ang kanlungan nila gaya rin ni Mang Dioni. At itong shelter na ito ay palalaguin pa namin at marami pa kaming sasagipin na stray. Hindi rin kami magsasawa magbigay pangaral sa mga tao tungkol sa mga stray. Kapon. Hindi tapon ang solusyon. Huwag mag pet kung di mo bet.
“Ma’am Ava, may dumating na donasyon na dog food at mga vitamins. Pa-sign daw po. At saka dumating na rin po ang engineer.” Hayag sa amin ni Mang Dioni.
“Sige po Mang Dioni, lalabas na kami. Magmeryenda na po kayo dito.” Yaya ko rin sa kanya at humugot ako ng tissue at dinampi sa bibig.
“Mamaya na lang po ma’am. Ilalagay ko po muna sa storage ang mga bagong donasyon na dogfood at vitamins.”
“Kayo pong bahala.” Nakangiting sabi ko kay Mang Dioni. Masipag talaga sya at inuuna muna ang trabaho bago ang lahat.
Nagexcuse na ako sa mga kasamahan na mauuna ng lumabas para pumirma sa bagong dating na donasyon ng dog food at vitamins at para na rin harapin ang engineer.
“Good afternoon ma’am. I’m Engineer Wendel Umali. Ako po ang pinadala dito ni Boss Maalik.” Cool na sabi ng matangkad na lalaki na may pagkatsinito at halatang bata pa. Pinakita nya sa akin ang ID nya. Sa kumpanya nga sya ni Kuya Matias nagtatrabaho.
Nilahad ko ang kamay at ngumiti. “I’m Arabella Vania Montecillo. I am the owner of this shelter.”
Tinanggap ni Engineer Wendel ang kamay ko. “Nice to meet you ma’am.”
Binawi ko na ang kamay at giniya sya papasok sa bungalow house ng biglang may lumapit na aso at kinahulan sya. Nataranta sya at umikot sa likuran ko. Mukhang takot sya sa aso. Sinaway ko naman ang aso at pinakiusapan si Mang Dioni na ikulong muna ang mga aso sa dog house.
“Pasensya na po ma’am. Takot po talaga ako sa aso. Nagkatrauma na kasi ako mula ng makagat ako noong bata pa. Nagdalawang isip nga ako na pumunta dito ng malaman kong animal shelter to. Kaya lang lagot naman ako kay Boss Maalik kapag di ako pumunta rito. Sa akin nya binigay ang project na ito eh.” Paliwanag ni Engineer Wendel habang nakangiwi at sapo ang dibdib.
Kinagat ko naman ang labi para pigilang matawa. Cool na cool sya kanina takot pala sa aso.
Tumikhim ako. “Naiintindihan ko engineer. Halina kayo sa loob baka makita pa kayo ng alaga naming tigre.”
Napadta sya at namilog ang mata at namumutla pa. “M-May alaga din kayong tigre?”
Doon ko na di napigilan ang tawa. Kulang na lang kasi tumakbo sya palabas ng gate. Cute ang hitsura nya pero nakakatawa.
Tumigil na ako sa kakatawa ng sumimangot na sya. Nahiya naman ako.
Tumikhim ako. “Uhm, sorry engineer. Ano.. eme eme lang yung sinabi kong may alaga kaming tigre. Mga aso at pusa lang ang alaga namin. Pero baka in the future magkaroon rin kami ng rescue’ng tigre.” Nakangiwi ng sabi ko.
Bumuntong hininga sya at ngumisi na. “Muntik na akong atakehin dun ah.”
“Ehh.. sorry talaga engineer. Pasok na tayo.” Yaya ko sa kanya at nauna na akong pumasok sa loob ng bungalow house kasunod sya.
Pinakilala ko si Engineer Wendel sa mga kasamahan ko. As usual kumiri na naman si Rolee at kiray. Mabuti na lang at hindi kj ang engineer at game din makipag biruan. Pagkatapos ko syang ipakilala sa mga kasamahan ko ay nilibot ko na sya sa loob ng shelter habang pinagdidiskusyunan namin ang mga planong gawin sa shelter. As soon as possible daw ay gagawin na ito at sobrang excited na ako. Syempre sobrang thank you din kay Kuya Matias.
.
.
Matias POV
BINUKSAN ko ang cellphone ng tumunog ito. May pumasok na text galing kay Ava.
Ava: Dumating na yung engineer sa shelter kanina. Sisimulan na raw nila agad ang paggawa dito sa shelter. Thank you so much Kuya Mati!
Napangisi ako ng mabasa ang text ni Ava. Naiimagine kong malapad ang ngiti nya ngayon. Kung nasa harapan ko lang sya malamang pinaghahalikan na nya ako sa pisngi.
Kumislot ang puso ko sa naisip at may sumibol na pananabik.
Humugot ako ng malalim na hininga at nagtype ng reply.
Ako: You’re welcome
Pagka send ko ng reply ay pinatay ko na ang cellphone. Saktong bumukas ang lift ay lumabas na ako sa parking basement at dumiretso sa aking kotse. Ginabi na ako ng uwi dahil tinapos ko pa ang mga papales na kailangan ng aking pirma.
Binuksan ko ang kotse at pumasok sa driver’s seat. Nilagay ko sa shotgun seat ang briefcase at coat. Kinalas ko ang necktie at pinatong sa coat. Tinanggal ko ang ilang butones sa kwelyo at sa dibdib ng aking suot na puting button down long sleeve. Sunod ko naman tinanggal ang cufflinks at tinaas hanggang siko ang manggas. Kinabit ko ang seatbelt at pinaandar na ang makina ng kotse. Minaniobra ko na ito palabas ng parking basement.
Siguradong nagkakahol na si Pochi sa bahay dahil hindi nya ako nakikita. Hindi ko sya isinama dahil matamlay sya, walang ganang kumain at parang masama ang pakiramdam. Inihabilin ko muna sya sa caretaker ko. Kapag bukas ay di pa sya ok ay dadalhin ko na sya sa vet para patingnan.
Pagdating sa mainroad ay bahagya kong tinulinan ang takbo ng kotse dahil maluwang naman. Gusto ko ng makauwi agad para makamusta si Pochi dahil nag aalala ko sa kanya at gusto ko na ring makapag pahinga.
Sumulyap ako sa side mirror. Nakita ko ang isang bigbike na nasa likuran ng aking kotse. Binigyan ko sya ng signal na pwede syang um-overtake pero di nya ginawa. Hinayaan ko na lang sya at tinulinan ko na lang ang takbo ng kotse.
Pero napakunot ang noo ko ng mapansing nakabuntot pa rin sa akin ang bigbike. Maluwang naman sa kabilang kalsada pero sa akin sya nakasunod. Kinutuban ako ng kakaiba. Bahagya kong binagalan ang takbo at ganoon din sya. Hindi sya nag o-overtake at nasa likuran ko lang. Nakablack over all sya at nakafull face helmet din. Muli kong tinulinan ang takbo. Humabol naman ang naka bigbike at tumapat na sa akin. Pumaling ang kanyang ulo sa tapat ko. Heavily tinted ang salamin ng aking kotse kaya di nya ako nakikita sa loob. Bumitaw ang isa nyang kamay sa manibela ng motor at parang may dinudukot sa kabilang tagiliran. Isa yung baril at tinutok sa akin.
Mas lalo ko pang tinulin ang takbo ng kotse at dinukot na rin ang baril sa compartment at kinasa iyon. Binabaril na ng nakasakay sa bigbike ang salamin ng kotse ko. Dahil bullet proof ang kotse ko ay hindi basta basta nababasag ang salamin at hindi rin tumatagos ang bala. Hindi na bago sa akin ang ganitong pangyayari. Ilang beses ng pinagtangkaan ang buhay ko. Mula sa mga kakompetensya ko sa negosyo na hindi tumatanggap ng pagkatalo. Ilan na rin ang naipakulong ko. Pero ngayon isang tao lang ang naiisip kong nasa likod nito. Si Uncle Elijah. Kumikilos na sya.
Tumiim bagang ako habang mahigpit ang hawak ko sa baril. Dumikit sa kotse ang bigbike at muling tinutok ang baril sa tapat ko. Pabigla ko na namang kinabig ang manibela pakaliwa at binangga sya. Natumba sya at sumadsad sa kalsada. Gumulong pa ang rider sa kalsada at nabitawan ang baril. Yun na ang pagkakataong hinintay ko. Kinabig kong muli ang manibela at ni-u-turn ito. Binaba ko ang bintana at pinaputukan ang rider. Mabilis namang bumangon ang rider at dinampot ang baril. Pero bago pa sya nakapagpaputok ay tinamaan ko na sya sa braso. Tumakbo sya gilid ng kalsada na madamo habang gumaganti ng putok. Nilapit ko ang kotse sa kanyang direksyon at sunod sunod syang pinaputukan kahit hindi ko na sya nakikita dahil madilim na ang kanyang pinagkukublian. Hindi na sya sumagot ng putok. Malamang ay naubusan na ng bala. Muli ko uling ni-u-turn ang kotse at nilapitan ang bigbike na nakabalandra sa gitna ng kalsada. Pinaputukan ko ng ilang beses ang dalawang gulong saka ko pinasibad ang kotse palayo. Siguradong di na ako mahahabol ng gagong yun dahil bukod sa may tama sya sa braso ay flat na ang dalawang gulong ng bigbike nya.
Nilapag ko ang baril sa dashboard at dinampot ang cellphone. Dinial ko ang number ni Danon.
“What’s up couz?”
Narinig ko ang boses ng kanyang anak at asawa sa background. Mukhang nagbo-bonding silang pamilya.
“Kumikilos na si Uncle Elijah, Danon. In-ambush ako ngayon ngayon lang.”
“Fuck.”
.
.
Third POV
MULA sa madilim na nagtataasang mga damo ay lumabas ang lalaking nakahelmet hawak hawak ang brasong dumudugo dahil sa tama ng bala. Tinanggal nya ang helmet at malutong na nagmura habang tinatanaw ang papalayong itim na kotse.
“Letse! Palpak! Yari ako nito kay boss.” Inis na sabi ng lalaki sabay ngiwi ng sumigid ang kirot sa sugat sa kanyang braso. Kailangan na syang magamot bago pa maubusan ng dugo.
Nilapitan ng lalaki ang kanyang bigbike na nakabalandra sa gitna ng kalsada at iniiwasan ito ng mga dumadaang sasakay. May ilang taong umuusyoso. Ang ilan na sakay pa ng mga motorsiklo ay huminto pa at nagtatanong sa mga naunang usisero kung ano ang nangyari.
Muli lang napamura ang lalaki ng makitang may tig dalawang tama ng baril ang gulong ng kanyang bigbike. Hindi na nya ito magagamit paalis.
Nakarinig sya ng wangwang. May paparating na police mobil. Tumakbo sya sa kabilang kalsada at tinutukan ng baril ang padaan na taxi. Agad naman itong huminto. Binuksan nya ang pinto sa backseat at pinababa ang sakay niyon na babae na nagtitili sa takot pero agad din namang bumaba. Mabilis naman syang sumakay. Tinutukan nya ng baril ang driver na namumutla sa takot habang nakataas ang dalawang kamay.
“H-Huwag po boss. M-Maawa kayo may pamilya po ako.”
“Mag drive ka. Bilisan mo!”
“O-Opo opo!”
Mabilis namang pinasibad ng driver ang taxi palayo.
Pagdating ng mga pulis sa pinangyarihan ay wala na silang naabutan kundi ang bigbike lang at ilang basyo ng bala ng baril.
Chapter 16
Matias POV
IBINABA ko ang bintanang salamin ng sasakyan ng tumapat na ako sa boom barrier gate ng subdivision. Lumapit ang dalawang guard na nakatalaga at tatlong security personnel na kinuha ko mula sa isang security agency. Sa nangyaring ambushed sa akin kagabi ay kailangan kong magdoble ingat. Kaya dinoble ko rin ang security dito sa subdivision. Mahirap na ang masalisihan baka madamay pa ang ibang residente.
“Sir, dumating po ang mga kaibigan nyo. Pinapasok na po namin sila.” Anang isang guard.
Tumango naman ako. “Alerto kayo.”
“Yes sir.” Sabay sabay nilang sambit.
Sumenyas ang isang guard sa kasamahan nyang nasa guard house at tumaas na ang boom barrier. Tinaas ko naman ang bintana at pinausad na ang sasakyan papasok ng subdivision.
Kaninang umaga paggising ko ay sunod sunod na tumawag ang nga kaibigan ko at nangamusta. Pinagmumura pa nila ako dahil hindi ko sila binalitaan sa nangyari kagabi. Nalaman na lang nila yun sa balita. Nakita sa cctv ang nangyari kagabi at nakuha ang plaka ng kotse ko. Ang bigbike naman ay nakumpiska ng mga pulis pero di na nakita ang rider na agad ng tumakas sakay ng taxi. Tinawagan ako ng pulisya kagabi para hingan ng statement. Ang abogado ko na lang ang pinaharap ko sa kanila ngayon.
Ang kotse ko naman na tadtad ng tama ng bala ay diniretso ko na kaagad kagabi sa auto service shop ng kaibigan ni Danon na si Pierre. Hindi ko yun pwedeng iuwi sa subdivision dahil baka maalarma ang mga residenteng makakakita. Mamaya ay babalikan ko yun. Sa ngayon ay ibang sasakyan ang gamit ko at bullet proof din ito.
Nilingon ko si Pochi na kumahol at tumayo. Sumilip sya sa labas ng bintana habang labas ang dila at kumakawag ang buntot. Malapit na ang bahay ko at excited na syang bumaba.
Galing kami sa vet clinic at pinacheck up sya. Maghapon syang di kumain kahapon at umiinom lang ng tubig sabi ng caretaker ko. Pero kaninang umaga ng bigyan ko sya ng pagkain ay kumain naman sya at naubos pa nga nya. Ang sabi ng vet nya ay maayos naman ang lagay nya at wala namang nakitang kakaiba sa mga test. Sa panahon daw kaya sya nananamlay dahil nagsisimula na ang tag init. Nag suggest naman ng parvo vaccine ang vet para proteksyon nya sa mga virus na pwedeng dumapo sa kanya. Pinalitan na rin ng vet nya ang kanyang vitamins at dog food. Ngayon ay bumalik na ang sigla at kulit nya.
Nakita ko na ang mga sasakyan ng mga kaibigan kong mga nakaparada sa labas ng bahay ko. Kumpleto sila at nakita ko rin ang sasakyan ni Danon. Bumukas ang automatic gate at pinasok ko ang sasakyan ko. Di na mapakali si Pochi na panay na ang ikot sa shotgun seat at gusto ng bumaba.
Pagpasok sa garahe ay pinatay ko na ang makina. Tinanggal ko ang seatbelt. Dinampot ko ang plastic bag na may lamang binili kong bagong vitamins ni Pochi at bago nyang dogfood. May natira pa sa dati nyang dogfood at isang sako pa iyon. Ido-donate ko na lang yun sa shelter ni Ava.
Binuksan ko ang pinto at bumaba na. Sumunod namang bumaba si Pochi na tumalon pa at halos gumulong paglapag ng mga paa sa semento. Para na kasi syang bola sa taba.
Nauna si Pochi na pumasok ng bahay at ng makita nyang maraming bisita ay pinagtatahulan nya ang mga ito. Walang imik at walang kangiti ngiti ang mga kaibigan kong nakatingin lang sa akin habang nakaipon sila sa living area. Sinaway ko si Pochi na magbehave at tumahimik naman sya bagama’t nakasunod pa rin sa akin.
“Damn you pare, in-ambush ka pala kagabi hindi ka man lang nagsabi.” Sita sa akin ni Lorenzo.
“Wala namang malalang nangyari sa akin kaya di ko na kayo in-istorbo. I’m safe and sound.” Sabi ko at lumapit sa kanila. Nilapag ko sa center table ang supot at umupo sa single couch. Nakasunod ang mga mata nila sa akin.
“Pasalamat ka at wala kang natamong sugat. Napanood namin sa cctv ang nangyaring ambushed sayo kagabi. Pinakita din sa amin ni Danon ang kotse mong nasa talyer ni Pierre. Damn pare! Sa hitsura ng kotse mo talagang hindi ka bubuhayin ng rider na yun.” Komento naman ni Jeiz na naiiling pa.
“Mabuti na lang din at bulletproof ang kotse mo. Kung hindi baka pinaglalamayan ka na ngayon.” Saad ni Atlas.
“Mainam na rin na hinigpitan mo agad ang security ng subdivision baka mamaya dito ka naman tirahin sa bahay mo. And I suggest kumuha ka na ng bodyguard pare.” Suhestiyon naman ni Kester.
“Hindi ko kailangan ng bodyguard. I can protect myself.”
Pumalatak sila at sabay sabay pang mga nagmura.
“Huwag kang magpapakasiguro Mat. You know Uncle Elijah. Hindi sya titigil hangga’t di nakukuha ang gusto kahit patayin ka pa nya o ako.”
Lumingon ako kay Danon na seryoso ang mukha. Mukha syang kalmado pero alam kong labis din syang nag aalala sa kaligtasan ng mag ina nya dahil hindi rin sya palalampasin ni Uncle Elijah. Mula ng malaman nya na bumalik na si Uncle Elijah ay tinadtad na nya ng security ang bahay nya. May mga bodyguard ang asawa’t anak nya bawat alis. May posibilidad kasi na gamitin ni Uncle Elijah ang mag ina nya laban sa kanya at hindi nya hahayaan yun.
“So what’s your fucking plan kung ayaw mo palang kumuha ng bodyguard. Don’t tell me mag a-ala John Wick ka.” Sarkastikong sabi ni Luigi.
Sinamaan ko naman sya ng tingin.
Alam ng mga kaibigan ko ang tungkol sa kasamaan ni Uncle Elijah. Sila ang tumulong sa amin noon ni Danon ng ambushin din kami ni Uncle Elijah sa bahay ko 10 years ago.
“The better plan is kailangan nating makipagtulungan sa kapulisan para mahuli si Uncle Elijah.” Suhestiyon ni Lorenzo na isang dating pulis.
“The question is where the hell is he? Saang lungga sya nagtatago?” Tanong ni Atlas.
“Wala pang solidong impormasyon na nakukuha ang investigator ko. Paiba iba ang lugar na tinuturong kinaroroonan nya and I think sinadya iyon para iligaw kami ni Matias sa paghahanap sa kanya.” Hayag ni Danon.
Bumuntong hininga ako at tumiim bagang.
“Pasasaan ba at mahahanap din natin ang kinaroroonan nya. Pero malakas ang kutob kong narito lang sya sa Manila.” Hayag ko at isa isang tiningnan ang mga kaibigan na nakatingin din sa akin. Naghihintay ng sasabihin ko pa.
.
.
Ava POV
“THANKS for coming Ava.” Ani Ervin na may matamis na ngiti sa labi.
Mabilis syang tumayo at pinaghila ako ng upuan. Napangiti naman ako sa gesture nyang yun. Sweet din pala sya at gentleman pa.
“Thanks Ervin.” Sambit ko at umupo na. Bumalik na rin sya sa pagkakaupo sa kanyang upuan.
“Mukhang seryoso ang sasabihin mo, ha.” Nanunuksong sabi ako. Tinawagan nya ako kanina nung nasa shelter ako. Inaya nya akong magmeryenda sa labas dahil may sasabihin daw sya at gusto nyang sabibin yun sa personal.
Bumuntong hininga sya. Mukha syang kabado.
“Uh, kumain muna tayo baka nagugutom ka na.” Tinawag nya ang isang waiter na agad namang lumapit.
Umorder naman kami ng pagkain. Dahil alas tres pa lang ng hapon kaya pang meryenda ang inorder namin. Syempre hindi nawala sa order namin ang number one meryenda sa tag init ang halo halo.
Habang nagmemeryenda kami ay nagkukwentuhan naman kami tungkol sa mga buhay namin ngayon. Nagtatrabaho sya sa isang kilalang kumpanya ng telco bilang assistant manager. Ako naman ay kinuwento ang tungkol sa rtw business at bakeshop. Pero syempre ang pinakabinida ko sa kwento ay ang tungkol sa animal shelter. Baka sakali interesado syang mag adopt o kaya magdonate. At mukhang may interes naman sya. Gusto nya raw pumunta sa animal shelter para makita ito.
“Hindi ko alam pet lover ka pala.” Sambit nya. Ang halo halo na ngayon ang nilalantakan namin. Infairness panlaban ang halo halo sa sarap.
“Bata pa lang ako gustong gusto ko ng mag alaga ng aso o kaya pusa. Kaya lang ayaw ni mommy dahil baka daw kagatin ako o kaya kalmutin. Magkarabies pa raw ako.”
“Eh di anong reaksyon ng mommy mo ng malaman na may animal shelter ka? Malamang nag-freak out sya.”
Nilunok ko ang nginuya kong saging at ngumiwi. “Actually, hindi pa alam ni mommy maging ng kuya ko.”
Kumunot ang noo nya. “Why? Tututol ba sila?”
“I don’t know. Si mommy kasi at kuya masyadong overprotective sa akin. Syempre bunso. Kaya di ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila na may animal shelter ako at pumupunta ako sa kung saan saang lugar para sumagip ng mga kakawang strays.”
“I’m sure proud sila sayo.” Aniya.
“Sa tingin mo?”
“Oo naman. Ako nga proud sayo eh.”
Napangiti ako sa tuwa sa sinabi nya. “Talaga proud ka sa akin?”
Mahina syang tumawa. “Oo nga. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang isang gaya mong maganda at mayamang babae ay magkakainteres sa pagsagip ng mga palaboy na hayop. Kaya proud na proud ako sayo bilang kaibigan mo at bilang..”
Hindi na nya dinugtungan ang huling sinabi at nakatingin lang sa akin. Tila bigla syang nahiya. Naging mapungay ang kanyang mga mata. May gusto pa syang sabihin pero tila nag aalangan. Bahagya na rin akong nakaramdam ng pagkailang sa uri ng tingin nya. Ang sabi nya kanina may importante syang sasabihin.
Tumikhim ako at ngumiti. “Ano pala yung importante mong sasabihin?” Tanong ko at muling sumubo ng halo halo.
Tumikhim din sya at binitawan ang kutsara. Wala pa ring puknat ang tingin nya sa akin.
“Ava I.. I-I like you..”
Napatigil ako sa pagnguya sa narinig. Mahina ang pagkakasabi nya pero malinaw kong narinig.
“Y-You like me?”
“Yes.. very much. College pa lang tayo crush na kita.”
Hindi ko inaasahan ang narinig. Nakakabigla, pero dapat matuwa ako at kiligin sa mga sinabi ni Ervin dahil crush ko rin sya at gusto ko syang maging first boyfriend. Pero bakit wala akong kilig na maramdaman. Di ko na ba sya crush?
“Ava, I want to court you.” Tahasan pa nyang sabi.
Namilog naman ang mata ko. “Manliligaw ka sa akin?”
Tumango sya. “Kung papayag ka.”
“Uhm.. ano.. o-of course! Papayag ako.”
Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. “Talaga? Payag ka?”
Nalilito at nagtatalo ang loob ko sa di ko malamang dahilan. Pero ito naman ang matagal ko ng gustong mangyari. Ang manligaw sa akin si Ervin at maging boyfriend ko sya. Hindi na ako dapat magpabebe pa baka magsisi lang ako bandang huli.
“Oo, payag ako. Pero sa bahay mo ko dapat ligawan. Hindi sa kalye dahil magagalit ang mommy lalo na ang kuya ko.”
“Yes of course. Yes! Thank you Ava. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. I really really like you at patutunayan ko ang sarili ko sayo.”
Ngumiti lang ako kay Ervin. Kitang kita nga ang saya sa kanyang mukha. Natupad na ang matagal ko ng wish. Ang ligawan nya ako. Isang salita ko lang nobyo ko na sya.
–
“Welcome home mom..” Bati ko kay mommy pagpasok ko sa komedor. Humalik ako sa kanyang pisngi. Tamang tama lang ang gising ko dahil dinner na at nakauwi na si mommy.
“Good evening anak. Tamang tama gising ka na. Maupo ka na.” Malambing na sabi nya at minuwestra na ang upuan sa tabi nya. Umupo naman ako roon.
“Pagdating ko tulog na tulog ka anak. Mukhang napagod ka yata sa store at bakeshop.” Ani mommy habang naglalagay ng kanin plato ko.
“Uhm medyo mommy, marami kasing customer sa store at sa bakeshop.” Sumaglit lang ako kanina sa store at bakeshop at mas marami akong oras sa animal shelter dahil maguumpisa na ang construction.
“Kuh, masyado mong kina-career ang pagiging business woman anak. Hinay hinay lang at enjoy-in mo lang.” Payo nya.
“Yes mommy.” Nagumpisa na akong kumain.
Nag umpisa na ring dumaldal si mommy habang kumakain kami. Ganyan naman sya palagi kaya kahit kaming dalawa lang sa hapag ay maingay at masaya. Sa kanya ako nagmana ng kadaldalan. Ang sabi nga ng mga kakilala namin ay Anita 2.0 daw ako. Dahil bukod sa magkamukha kami ay magka ugali pa. Kaya nga minsan stress sa aming dalawa si Kuya Atlas.
“Sya nga pala anak, nakalimutan kong ikwento sayo.”
Tumingin ako kay mommy. “Ano po yun ’my?”
“Alam mo na ba ang nangyari kay Kuya Matias mo kagabi?”
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mommy. “What do you mean mom? What happened to Kuya Matias?”
“In-ambush sya kagabi. Binalita pala kaninang umaga sa morning news. Kitang kita sa cctv na pinagbabaril ang kotse nya ng isang rider. Kuh! Nung napanood ko yun kanina para akong aatakehin sa puso.”
Nabitawan ko ang hawak kong kutsara at tinidor at nahulog yun sa plato at naglikha ng ingay. Lumagabog ng malakas ang dibdib ko sa sinabi ni mommy. Tila iniipit ang hininga ko sa loob.
“H-Hows Kuya Matias mommy? N-Nasaktan ba sya? Oh my god Kuya Matias..” Nilukuban ng matinding takot at pag alala ang dibdib ko.
“Don’t worry anak, maayos naman si Matias sabi ng kuya mo. Wala namang syang sugat o ano dahil bulletproof ang kotse nya. Hay buti na lang kung hindi.. Kuh! Di ko maimagine ang pwedeng mangyari sa kanya. Alam mo naman parang anak ko na yang Kuya Matias mo..”
Kahit sinabi na ni mommy na ok naman si Kuya Matias ay di pa rin makalma ang dibdib ko na malakas pa rin ang kabog. Nanginginig na rin ang kamay ko sa takot at pag aalala kay Kuya Matias. Gusto ko syang puntahan para makita ng dalawa kong mata kung ok lang ba talaga sya.
Chapter 17
Ava POV
HININTO ko ang kotse sa tapat ng boom barrier gate dahil hindi ito tumaas. Binaba ko ang salaming bintana. Lumapit sa akin ang dalawang gwardya at tatlong lalaki na malalaki ang katawan at pare-parehas ang mga suot na itim na polo shirts. Ngayon ko lang sila nakita. Mukhang bantay din sila sa gate ng subdivision. Sabi kasi ni mommy ay humigpit ang seguridad dito.
“Ikaw pala ma’am.” Sambit ng isang gwardya na nakilala ako.
“Papasok ako kuya.” Nakangiting sabi ko.
“Kay Sir Maalik po ba kayo pupunta?” Tanong ng isang lalaking nakaitim na polo shirt.
“Oo kuya.”
“Ano pong pangalan nyo ma’am? Saka pahiram po ng ID.”
Agad ko namang kinuha ang ID sa sling bag ko at binigay sa lalaking naka itim. Tiningnan nya iyon at binigay sa gwardya. Tiningnan naman ng gwardya ang logbook na hawak.
“Naku ma’am, wala po sa visitor’s list ang pangalan nyo. Inaasahan po ba kayo ni Ser Maalik na pupunta?”
“Hindi kuya.”
“Pasensya na po ma’am, di po kayo makakapasok.” Sabi pa ng nakaitim.
Kumunot ang noo ko. “What? Bakit hindi ako pwedeng pumasok? Nakakapasok naman ako lagi dito ah! Di ba kuya?” Baling ko kay manong guard na lagi kong kabatian kapag pumupunta ako dito sa subdivision.
Kumamot naman sa ulo ang gwardya. “Opo ma’am, pero mas naghigpit po kami sa pagtanggap ng bisita ngayon. Lahat po ng residente sa loob ay kailangan itawag sa amin ang mga papasok nilang bisita at iinpeksyunin pa po namin sila bago papasukin.”
Naiintindihan ko naman dahil nag iingat si Kuya Matias. Hindi biro ang nangyari sa kanya eh. Pero gusto ko talagang makita si Kuya Matias. Hindi nga ako nakatulog kagabi sa pag iisip at pag aalala sa kanya. Tinext ko sya pero di sya nagrereply. Kaya dito muna ako dumiretso bago ako pupunta sa shelter.
“Tatawagan ko si Kuya Matias, mga kuya.” Sabi ko at dinampot ang cellphone sa dashboard.
“Mabuti pa po ma’am.”
Dinial ko ang number ni Kuya Matias pero ring lang ito ng ring at di sya sumasagot hanggang sa maubos ang ring. Muling kong dinial pero ganun pa rin hanggang sa makatatlong dial pa ako. Ayaw nyang sagutin o busy sya.
“Kuya, nandyan ba sa loob si Kuya Matias?”
“Yes po ma’am. Hindi pa po sya lumalabas.”
“Hindi po kasi sya sumasagot sa tawag ko eh. Baka pwedeng kayo na lang ang tumawag sa kanya.” Request ko.
“Sige po ma’am.” Anang gwardya at pumunta sa guardhouse. Dinampot nya ang cellphone at nagdial.
Naghintay naman ako sa loob ng kotse. Pwede namang di na ako magpumilit na pumasok sa loob at pumunta na lang sa shelter. Pero sigurado rin namang di ako mapapakali maghapon kapag di ko nakita si Kuya Matias. At saka sayang tong pagkain na binili ko para sa aming dalawa. Nagugutom na nga ako pero gusto kong mag almusal kasama sya.
“Ma’am ano daw po ang kailangan nyo tanong ni Ser Maalik?” Tanong ng gwardya.
Napasimangot ako. Bakit yung tawag ng gwardya sinagot nya tapos sa akin dedma.
“Kakamustahin kamo sya.” Sabi ko.
Nagsalita ang gwardya sa cellphone at muling bumaling sa akin. “Ayos lang daw po sya, ma’am.”
Inis na kumamot ako sa kulo. Bakit parang ayaw akong papasukin ni Kuya Matias?
“Sabihin mo kuya papasok ako.”
Muling nagsalita sa cellphone ang gwardya.
“Ma’am, busy daw po sya. Ayaw po nya ng istorbo.”
Pinadyak ko ang isang paa. Nakakainis naman si Kuya Matias.
“Sabihin mo gusto ko kamo syang makita dahil namimiss ko na sya. Kapag hindi nya ako pinapasok maglulumpasay ako sa gitna ng kalsada.” Pasigaw ng sabi ko.
Nagsalita ulit ang gwardya sa cellphone.
“Sige ma’am, pwede na raw po kayong pumasok.” Nag thumps up ang gwardya sabay ngiti.
Inikot ko ang mata sa inis at bumuntong hininga. Papapasukin naman pala ako iniinis pa ako. Sya na nga ang dadalawain eh.
“Salamat mga kuya.” Sabi ko sa mga gwardya at sinarado na ang salaming bintana.
Tumaas na ang boom barrier at pinausad ko ang kotse papasok.
Paghinto ko sa tapat ng bahay ni Kuya Matias ay natanaw ko na sya na nakatayo sa bukas na main door habang nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nyang sweatpants. Nakatingin sya sa direksyon ko.
Pinatay ko na ang makina at kinalas ang seatbelt. Kinuha ko ang plastic na may lamang pagkain na tinake out ko sa nadaanang bukas na restaurant. Baka kasi di pa rin sya nag aalmusal. Alas syete pa lang naman ng umaga.
Bumaba na ako ng kotse at lumapit sa gate na automatic na bumukas. Pumasok na ako sa loob at naglakad sa pathway papalapit sa kanya. Pero habang papalapit ako at nakatingin sa kanya ay sya namang pagbilis ng tibok ng puso ko. At para bang bigla akong na-excite na makita sya ng malapitan. Siguro ay dahil nag aalala ako sa kanya buong magdamang kaya excited akong makita sya at para masigurong ok lang talaga sya. Pero sa matikas nyang pagkakatayo sa main door na parang hari ay mukhang ok na ok naman talaga sya.
“What do you want?” Masungit na tanong nya ng makalapit na ako.
“Dinadalaw ka para kamustahin. Nabalitaan ko kagabi ang nangyari sayo.”
“Kagabi mo lang nabalitaan? Tss..” Parang masama ang loob na sabi nya.
Ngumuso ako. “Kagabi lang naikwento ni mommy eh.. So how are you? Sabi ni mommy ayos ka naman daw at wala namang tama.”
“Sinabi na pala sayong ok na ako bakit pumunta ka pa rito.”
Sumimangot ako. Parang gustong sumama ng loob ko. Sya na nga ang dinadalaw nagsusungit pa.
“Ang sungit mo naman. Ikaw na nga ang kinakamusta nagsusungit ka pa. Makauwi na nga lang tutal ok ka naman pala.” Inirapan ko sya sabay talikod.
“Sandali.”
Hinawakan nya ang braso ko bago pa ako makahakbang. Tila naman ako nakuryente sa pagdaiti ng kanyang mainit na kamay sa aking balat. Bago yun sa pakiramdam ko at ngayon ko lang yun naramdan sa kanya.
Humarap ako sa kanya na nakasimangot pa rin. “Bakit?”
“Ano yang dala mo?” Tanong nya at tumingin sa hawak kong supot.
“Pagkain. Binilhan kita ng almusal pero mukhang ayaw mo naman kaya ibibigay ko na lang sa mga guard sa guardhouse.”
“Sinabi ko bang ayaw ko. Aki na nga yan.” Kinuha nya ang supot sa kamay ko.
“Salamat ha.” Sarkastikong sabi ko.
“You’re welcome.” Nakangisi naman nyang sabi.
Ngumuso ako. Wala na naglaho na ang kaunting tampong naramdaman ko.
“Di pa ako kumakain, hati tayo dyan.” Sabi ko.
Kumunot ang noo nya. “Hindi ka pa nagaalmusal?”
Umiling iling ako. “Gusto ko sabay tayo kaya pandalawang tao yang binili ko.”
Bahagyang umawang ang labi nya habang titig na titig sa akin na para bang may sinabi akong nakakagulat.
“Bakit gusto mo kong makasabay?” Tanong nya sa mahinang boses.
“Dahil gusto ko.”
Gumalaw ang bibig nya na parang may gusto syang sabihin. Naghintay naman ako sa sasabihin nya.
“Pumasok ka na.” Aniya at tumalikod na.
Yun lang? Medyo disappointed ako. Pero ano ba ang gusto kong marinig sa kanya.
Pumasok na ako sa loob at sinundan sya. Hindi ko napansin si Pochi.
“Nasaan pala si Pochi?” Tanong ko.
“Nasa garden dumudumi.” Aniya at pumasok sa kusina. Nakasunod pa rin ako sa kanya.
Mahal na nya talaga si Pochi. Hinahayaan na lang nyang dumumi sa garden nya. Sanaol minamahal like Pochi. Parang gusto ko na tuloy maging si Pochi.
Ipinilig pilig ko ang ulo. Ano ba tong naiisip ko? At kelan ko pa gustong maging aso?
“You want coffee?” Alok ni Kuya Matias.
Aba himala! Inalok nya ako.
“With creamer and sugar.” Request ko pa.
Kunot noong lumingon sya sa akin. “Wala akong creamer at sugar.”
“What? Wala kang creamer o kaya asukal man lang. Eh di laging purong kape ang iniinom mo.”
“Yeah..”
“Tsk. Kaya pala ang sungit sungit mo at puno ka ng pait dahil laging mapait ang iniinom mo.”
“Dami mong sinasabi. Mag tubig ka na lang o kaya fresh juice muna. Next time bibili na ako ng creamer at asukal.”
Sa komedor namin pinagsaluhan ang dala kong pagkain. Hindi pa nga sya nag aalmusal at kagigising lang. Nagising daw sya sa tawag ng guard. Madaling araw na raw syang umuwi kagabi dahil may inasikaso sya at ngayong araw ay di sya papasok sa opisina nya.
“Hindi nga ako nakatulog maayos kagabi sa kakaisip sayo eh. Sobra kaya akong nag alala ng ikwento sa akin ni mommy ang nangyari sayo. Pakiramdam ko nga di ako makahinga. Kaya paggising ko kanina naligo lang ako at nagbihis tapos dumiretso na ako dito para kamustahin ka. Tapos di ako pinapasok agad ng mga guard dahil wala naman ako sa visitor’s list mo.” Daldal ko sa pagitan ng pagsubo ng sinangag. Ngayon ko naramdamdam ang gutom.
“Talaga nag alala ka sa akin?”
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakatingin din sya sa akin habang humihigop ng kape. May kakaiba sa tingin nya kaya agad akong nagbaba ng tingin.
“Oo naman.”
“At bakit ka naman nag aalala sa akin?”
“Syempre! Importante ka sa akin eh. Para na kitang kuya no.”
“I’m not your kuya.”
“Hindi nga, kaya nga ang sabi ko parang.” Angal ko. Sungit talaga. Ayaw maging kuya ko.
“Kahit parang.. ayoko pa rin maging kuya mo Ava.”
Napatigil ako sa pagnguya at tumingin sa kanya. Kalmado ang mukha nya at maaliwalas. Walang bakas ng pagsusungit. Pero ang tingin nya sa akin ay parang tumatagos sa kaluluwa ko. Parang binabasa nya ang nasa isip ko. Heto na naman tuloy ang dibdib kong parang tinatambol.
“B-Bakit naman? Dahil ayaw mo kong maging kapatid?” Medyo nakakasama na talaga sya ng loob. Pero parang may parte rin sa loob ko na ayaw ko din syang maging kapatid.
“Ayaw naman talaga kitang maging kapatid.”
“But why?”
Saglit syang di nagsalita at nakatingin lang sa akin. “You wanna know why?”
“Syempre! Kaya nga ako nagtatanong eh.”
Ngumisi sya. “Siguradong kapag sinabi ko magbabago ang pakikitungo mo sa akin. Baka matakot ka pa.”
Sumibol ang kaba sa dibdib ko sa kanyang sinabi. Parang di yata ako ready sa sasabihin nya pero curious naman ako.
“Ano nga yun? Sabihin mo na.” Dinampot ko ang baso ng tubig at uminom.
Titig na titig sya sa akin na parang tinatantya ang magiging reaksyon ko sa kanyang sasabihin. Nag iwas ako ng tingin dahil di ko matagalan ang titig nya. Naiilang ako. Lately napapansin ko itong mga kakaibang nararamdaman ko kay Kuya Matias na bago sa akin.
Tumikhim sya kaya muli akong sumulyap sa kanya.
“Ava I – “ Naputol ang sasabihin nya ng tumunog ang kanyang cellphone. Bumuntong hininga sya at kunot noong dinampot ang cellphone.
“Hello.. yes.. Papasukin mo.” Yun lang ang sinabi nya at pinatay na ang cellphone.
“May bisita ka?” Tanong ko.
Muli syang bumuntong hininga. “Yes, Tita Tessie is coming.”
“Oh..”
Malamang nag alala rin ang tiyahin nya sa kanya kaya nagpunta ito rito para kamustahin sya.
“Ava.”
Tumingin ako sa kanya ng tawagin nya ang pangalan ko. “Hmm?”
“May lakad ka ba ngayon?”
Kakaiba ang tono ng pananalita nya ngayon. Parang medyo malambing. Nakakapanibago.
“Uhm, sasaglit ako sa store tapos diretso na ako ng shelter. Ngayon na kasi darating ang mga materials na gagamitin sa construction. Tapos ngayon din darating ang dalawang adopter kaya kailangan nandun ako.”
Tumango sya. “I see.”
“Hmm bakit? May hihingin ka bang pabor? Just tell me.”
Syempre bilang big time sponsor namin sya kailangan ko syang i-please.
“Nothing. Sa ibang araw na lang natin pag usapan.”
Kumunot ang noo ko. “Pag usapan ang alin?”
Hindi sya nagsalita at inubos na ang laman ng tasa sabay tayo at labas ng komedor para siguro salubungin ang tiyahin. Inubos ko naman ang pagkain at niligpit na ang pinagkainan.
“Ano ka ba naman Mat! Bakit di mo naman sinabi sa akin ang nangyaring ambush sayo? Para namang hindi mo ako tiyahin. Kung wala pang nagbalita sa akin hindi ko malalaman. Sobrang nag alala ako kaya napasugod ako dito.”
“I’m perfectly ok tita. I’m sorry kung di ko kayo nasabihan ayoko lang na mag alala kayo at maistorbo.”
“Istorbo ka dyan! Hindi ka istorbo sa akin at natural lang na mag alala ako. Nag iisa lang kitang pamangkin kaya di ka istorbo sa akin. But I’m I’m glad to see you are ok pamangkin.”
Lumabas ako ng komedor para batiin si Tita Tessie. Ang nag iisang tiyahin ni Kuya Matias sa side ng father nya.
Namilog ang mga mata ni Tita Tessie ng makita ako. Salitan syang tumingin sa akin at kay Kuya Matias. May dala syang brown paper bag na mukhang pagkain ang laman.
“Hi Tita Tessie.” Magiliw na bati ko at humalik sa pisngi ng bff ni mommy.
“You’re here pala iha.”
“Opo tita, dinalaw ko po si Kuya Matias para kamustahin at dinalhan ko rin po sya ng pagkain.”
“Oh I see. Naunahan mo na pala ako. But it’s good to know na may babae palang nag aalala sa pamangkin kong masungit.” Ani Tita Tessie sabay hagikgik. Parehas sila ni mommy na hagikgikin at madaldal kaya magbff sila eh.
Ngumisi naman ako. “Syempre po parang kuya ko na po si Kuya Matias eh.”
“Kuya lang?” Nanunuksong tumingin at ngumiti sa akin si Tita Tessie.
Nalito naman ako sa kinikilos nya. Naku, baka iniisip ni Tita Tessie na may something sa amin ni Kuya Matias.
“Opo tita kuya lang, kaso ayaw naman po ni Kuya Matias na maging kuya ko sya at ayaw din nyang maging kapatid ako.” Nakangusong pasumbong na sabi ko.
“Oh.. is that so.. Baka naman kaya ayaw ka nyang maging kapatid dahil – “ Naputol ang sasabihin ni Tita Tessie ng malakas na tumikhim si Kuya Matias.
“Maupo ho muna kayo tita.” Ani Kuya Matias at kinuha ang brown paper bag kay Tita Tessie. Giniya din nya ang tiyahin sa couch. Si Tessie naman ay umabrisete sa akin at hinila din ako sa couch.
Mukhang hindi ako agad makakaalis. Dahil siguradong maraming kwento si Tita Tessie. Chikadora rin kasi sya gaya ni mommy.
Chapter 18
Ava POV
“TAGA saan naman ang nga magulang mo iho?” Tanong ni mommy kay Ervin.
“Tubong Cavite po parehas ang mga parents ko tita. Doon rin po kami pinanganak ng dalawa ko pang kapatid. Elementary po ako ng pumunta kami dito sa Manila at dito na po nanirahan dahil parehas pong nandito ang trabaho ng mga parents ko.” Magalang na sagot ni Ervin.
“Ano naman ang trabaho ng mga magulang mo?”
“Ang papa ko po ay isang branch manager ng bangko at si mama naman po ay isang teller dati. Pero nagresign na po sya at pinapatakbo po ngayon ang grocery store namin.”
“That’s nice..”
Marami pang tanong si mommy kay Ervin tungkol sa personal nitong buhay. Si Kuya Atlas naman ay mataman lang na nakikinig at matiim na nakatingin kay Ervin na parang sinusuri ito. Ito ang unang gabing pag akyat ng ligaw ni Ervin. Seryoso nga talaga sya na liligawan ako. At si mommy naman ay tinawagan agad agad si Kuya Atlas kanina at binalita na may manliligaw ako kaya dali daling pumunta si kuya dito. Paminsan minsan ay nagtatanong din sya at halatang nangingilag si Ervin sa kanya.
“Ava is my baby sister Ervin. Walang problema sa akin kung seryoso ka talaga sa kanya. Pero kung balak mo lang syang gawing pampalipas oras mas mainam pang itigil mo na to. Dahil sa oras na maging kayo ng kapatid ko at niloko mo sya ako ang makakalaban mo.”
Napasinghap kami ni mommy sa payong may kasamang banta ni Kuya Atlas kay Ervin na namumutla naman.
“Atlas, ano ka ba? Tinatakot mo naman si Ervin eh.” Saway ni mommy.
“Dapat lang syang matakot mom.”
“Kuya behave nga.” Saway ko rin sa kapatid. Pero sinamaan lang nya ako ng tingin na ikinanguso ko na lang.
“Don’t mind him iho, nagbibiro lang itong panganay ko.” Nakangiting sabi ni mommy kay Ervin.
“Hindi ako nagbibiro, seryoso ako.” Saad pa ni kuya. Pinalo na sya ni mommy sa braso pero wala pa rin syang tinag at matiim pa ring nakatingin kay Ervin.
Ngumuso na lang ako at di na rin sumabat dahil baka mag init ang ulo ni Kuya Atlas. Kawawa naman si Ervin na parang tinakasan na ng dugo sa putla. Malamig sa sala namin pero pinagpapawisan na sya. Si kuya kasi eh. Baka hindi na bumalik sa panliligaw si Ervin.
Tumikhim si Ervin at tumingin sa akin sabay ngiti. Ngiting kinakabahan sa kuya ko.
“S-Seryoso po ako kay Ava sir. Mabuti po ang intensyon ko sa kanya.” Matatag nyang sabi kahit medyo nautal nung una.
“Well let’s see..” Ani Kuya Atlas at ngumisi. Tumingin pa sya sa akin. Inirapan ko naman sya. Mukhang balak pa yata nyang pahirapan si Ervin.
Isang oras lang nagtagal si Ervin. Dahil panay ang parinig ni Kuya Atlas na masyado na raw gabi at may mga pasok pa raw kami sa trabaho bukas. Well totoo naman, pero kasi alas otso pa lang ng gabi. Sadyang gusto nya lang pauwiin na si Ervin.
“Pasensya ka na sa inasal ng kuya ko Ervin.” Nahihiyang sabi ko sa kaibigan at manliligaw ng ihatid ko sya sa labas ng gate. Alam kong nakatanaw pa rin si Kuya Atlas at si mommy. Maging ang mga tauhan nga na bantay sa gate ay nakamasid din sa amin o mas tamang sabihing nakabantay kay Ervin.
“Ayos lang Ava, naiintindihan ko naman ang kuya mo. Babalik na lang ako bukas ng gabi.”
Umawang ang labi ko. “Sigurado kang babalik ka?”
Tumawa sya. “Oo naman. Sabi ko nga sayo papatunayan ko ang sarili ko sayo, sa mommy at kuya mo.”
Pagkatapos ng interogasyon sa kanya ni Kuya Atlas kanina ay di ko na inaasahan na gugustuhin pa nyang bumalik. Bakas kasi ang takot sa mukha nya kanina kay kuya.
Ngumiti ako. “Ikaw ang bahala Ervin.”
Tumingin sya sa mga tauhan namin at sa direksyon ni mommy at kuya. Bumuntong hininga sya at ngumiti sa akin.
“Mauuna na ako Ava.” Paalam nya.
Tumango ako. “Good night Ervin. Ingat.”
Tinungo na nya ang kanyang kotse at sumakay na.
Hinatid ko muna ng tanaw ang papalayong kotse ni Ervin saka ako pumasok sa loob ng gate. Nasa main door pa rin si mommy at si Kuya Atlas na nakahalukipkip.
“Ava anak, ang cute ng suitor mo ha. I like him. Bagay kayo.” Kinikilig na sabi ni mommy sa akin.
“I don’t like him at hindi sila bagay ni Ava dahil mukha syang lampa.” Sabat ni Kuya Atlas.
“Grabe ka naman kay Ervin, kuya.” Nakasimangot na sabi ko.
“Oo nga, masyado kang judgemental anak. Kanina ka pa. Nakakahiya doon sa tao. Aba’y paano magkakaboyfriend tong kapatid mo kung ganyan ka sa manliligaw nya.” Sermon na ni mommy kay Kuya Atlas.
“Kaya nga mommy. Pagalitan mo pa nga yan si kuya. Masyado ng epal sa love life ko.” Sulsol ko pa kay mommy.
Nagsalubong naman ang kilay ni Kuya Atlas. “Anong epal? Concern lang ako sayo. Payag na akong magkaboyfriend ka. Pero hindi ko hahayaang kung sino sinong lalaki lang ang manliligaw sayo. Lalo na yung ewan na yun – “
“Ervin ang pangalan nya kuya – “
“I don’t care. Hindi ko sya gusto para sayo. Mukha syang lampa at malambot. Mukhang di ka kayang ipagtanggol.”
“Ang harsh mo kay Ervin kuya. Porke’t di lang sya bato bato na gaya mo ganyan na ang tingin mo sa kanya. Mabait sya no at gentleman pa.” Pagtatanggol ko kay Ervin.
“I agree. Nakikita ko na mabait na bata yang si Ervin at magalang pa. Kita mo naman kahit natatakot na sya sayo kanina pero nanatili pa rin sya at di tumakbo palabas ng bahay.” Sang ayon ni mommy.
“Tss.” Umiling iling si kuya. “Hindi ko pa rin sya gusto. But let’s see.. kung mapapabago nya ang tingin ko sa kanya. And you..” Tinuro ako ni kuya. “Huwag mo syang agad agad na sasagutin.”
“Kuya – “
“Babawasan ko ang allowance mo.”
“Hindi ko sya sasagutin agad agad. Pramis.” Bwelo ko sabay taas ng kanang kamay.
“Good. Uuwi na ako. Nagpaalam lang ako saglit kay Jolene. Bye mom.” Paalam na ni Kuya Atlas kay mommy at humalik sa pingi nito.
“Ingat ka anak.”
“Yes mom.” Sa akin naman bumaling si Kuya Atlas. “Be a good girl Arabella Vania.”
Ngumuso ako. “I’m not a girl na kuya no, I’m a woman na kaya.”
Pinisil ni kuya ang pisngi ko. “You’re still my baby sister kahit maging lola ka na.” Aniya at binitawan ang pisngi ko at tumalikod na.
Nanghaba na lang lalo ang nguso ko habang minamasahe ang pisnging kinurot ni kuya. Naa-appreciate ko naman ang pagiging overprotective nya pero huwag naman sobra sobra baka di na talaga ako makapag boyfriend or worse di na talaga ako makapag asawa.
.
.
Third POV
“NAKU pasensya na talaga Ani kung di ako nakasama sa zumba natin last Thursday. Dinalaw ko kasi si Mat dahil alam mo na.. Parang walang tiyahing nag aalala ang batang yun hindi marunong magsabi sa akin. Ay hindi na pala sya bata, gurang na.” Ani Tessie sa kaibigang si Anita at humagikgik. Narito silang dalawa sa kanyang opisina dito sa loob ng restaurant. Tinawagan nya ito para makachikahan.
“It’s okay Tess, I understand naman. Anyway how’s your pamangkin?” Tanong ni Anita at humigop ng paborito nyang tea.
“Mat is fine. Wala naman syang galos. But I’m still worried about him. Lalo na ngayong bumalik na si Elijah. Siguradong di nya tatantanan ang pamangkin ko.” Iiling iling na sabi ni Tessie. Alam nyang kaya ng kanyang pamangkin na harapin ang utak kriminal na si Elijah. Pero hindi pa rin nya maiwasang mag alala. Ito na lang ang nag iisa nyang kaanak dito sa Pilipinas at kaisa isa rin nyang tagapagmana ng kanyang mga ari arian dahil wala naman syang asawa at anak.
“Hay sana nga ay magtagumpay sila na mahuli na si Elijah. Tinutulungan sya ni Atlas at ng iba pa nilang kaibigan na mahuli ito. Kawawa naman si Matias wala pa ngang asawa kamuntikan pang matsugi sa kagagawan ng uncle nya.”
“Kaya nga eh. Masasayang pa ang lahi namin.”
“Eh kelan ba kasi maiisipang mag asawa ng pamangkin mo na yan? Aba’y sya na lang ang walang asawa sa kanilang magkakaibigan. Magkakaedad lang naman sila.”
Bumuntong hininga si Tessie. “Ewan ko ba dyan sa pamangkin ko na yan. Hindi ko naman masasabing pihikan sya at ayaw nya sa babae dahil nakikipag date naman sya at nakailang girlfriend na rin noon. Hindi nga lang nagtatagal dahil suplado sya.”
“Yan na nga ang concern ko sa pamangkin mo na yan Tess. Masyadong suplado. Natatakot tuloy ang mga babae sa kanya.”
Biglang may naalala si Tessie at napangiti sya. “Pero may isang babaeng di natatakot sa pamangkin ko.”
“Sino naman ang matapang na babae na yan?”
“Eh di ang bunso mo.” Nakangising sabi ni Tessie. Di sya makapaniwala ng makita si Ava sa bahay ng kanyang pamangkin. At sa kanyang kutob ay close ang dalawa.
Namilog ang mata ni Anita. “Ang Ava ko?”
“Sya nga!”
Saglit na natigilan si Anita at napakurap kurap ng mata. “Oh well.. hindi nga takot ang bunso ko kay Matias. Ewan ko ba sa anak kong yun di tinatablan ng kasungitan ng pamangkin mo. Immune na sya.” Naalala nya noong maliit pa si Ava. Malaki ang nagawa nitong kasalanan kay Matias. Nanggaiti noon sa inis ang binata at nakakatakot ang hitsura dahil ginasgasan ng pilya nyang si Ava ang kotse nitong bagong bili. Hindi nga nila malaman ng kanyang panganay na si Atlas kung paano ito pakakalmahan. At ang bunso nya naman ay nakatanghod pa kay Matias mabuti na lang at hindi ito namamatok ng makulit na bata.
“Exactly! And you know what Ani, nakita ko si Ava sa bahay ni Mat nung dalawin ko sya last Thursday.”
Suminghap si Anita at namilog ang mata sa sinabi ni Tessie. Isang senaryo ang dagling pumasok sa kanyang isip. “No no no no no Tessie. Don’t tell me nakita mo ang bunso ko at si Matias na.. oh my god! Ang bunso ko di na virgin! Naisuko na nya ang perlas sa mananakop na habibi.” Kanyang bulalas.
“Hay naku Ani, sana nga ganun ang nakita ko. Pero hindi ganun ano ka ba!” Natatawang wika ni Tessie.
Nakahinga ng maluwag si Anita. “Hay.. mabuti naman at mali ang naiisip ko. Eh ano palang ginagawa ni Ava sa bahay ni Matias. Di ko alam na pumunta sya doon. Ang sabi lang nya sa akin noon ay sa store sya pupunta.”
“Binisita lang din nya si Mat para kamustahin at dinalhan nya rin ng pagkain. Napaka thoughtful ng dalaga mo ha.”
“Of course mana sya sa akin eh.”
“Anyway, I think hindi yun ang unang beses na pumunta si Ava sa bahay ni Mat.”
“What do you mean? Palaging pumupunta si Ava sa bahay ni Matias?”
“Maybe. Kasi iba ang body language ni Ava eh. Parang at home na at home na sya sa bahay ni Mat. At si Mat parang sanay na ring nandun si Ava.”
“Oh..” Napapaisip si Anita sa sinabi ng kanyang kaibigan. Keen observer ito at madalas ay totoo ang obserbasyon nito.
“Syempre medyo close ang dalawa dahil para na silang magkapatid. Remember inaanak ni Arman sa binyag si Matias at matalik na magkaibigan pa sila ni Atlas.” Ani Anita.
“I know Ani, but you know may napapansin ako sa pamangkin ko nung nandun ako sa bahay nya. Kung paano nya tingnan si Ava. Ilang beses ko syang nahuhuling titig na titig kay Ava at ngingisi.” Naniningkit ang matang sambit ni Tessie.
“What do you mean Tess?” Taas kilay na tanong ni Anita bagamat parang alam na nya ang ibig sabihin ng kaibigan.
“I think my pamangkin Matias likes your Arabella Vania.”
Umawang ang labi ni Anita. “Matias likes my daughter? That’s impossible Tess!” Bulalas ni Anita.
“It’s possible Ani!” Kagyat na sabi ni Tessie.
“But how?”
“Ano ka ba? Ava is beautiful, charming and oozing with sex appeal. Very witty din sya – “
“Of course she’s my baby girl mana sya sa akin. Pero parang di ko naman maimagine na magugustuhan sya ni Matias. I mean.. Matias is too old for my Ava.”
Tumaas ang isang kilay ni Tessie. “Maka too old ka naman eh kayo nga ni Arman 10 years ang age gap di ba?”
Ngmuso si Anita ng mabanggit ng kaibigan ang tungkol sa kanya yumaong asawa. “Iba naman yun.”
“Sus! Parehas lang yun Ani. At saka isa pa age doesn’t matter and I believe Ava is the right woman for my pamangkin.” Kinikilig pang sabi ni Tessie.
“Seryoso ka ba Tessie?”
Natigilan si Tessie “Why? Ayaw mo ba si Matias para kay Ava?”
“Hindi naman sa ganun Tes kaya lang.. nbibigla ako. Never ko in-imagine na magiging si Matias at si Ava ko. Para ng magkuya ang dalawa eh.”
“Ano ka ba Ani. Ayaw mo ba nun kapag si Ava mo at si Matias ang magkakatuluyan eh di magbalae na tayo.” Kinikilig na saad ni Tessie.
Tumaas naman ang kilay ni Anita. Gusto nya ang ideyang magiging magbalae sila ni Tessie na matalik nyang kaibigan mula pa noong college sila.
“Eh paano kung di naman pala gusto ni Matias si Ava ko?”
Ngumisi si Tessie at tumaas ang isang kilay. “Trust me Anita. Gusto ni Mat si Ava. Never pa akomg nagkamali ng sapantaha.”
.
.
Ava POV
ILANG gabing nagpabalik balik si Ervin sa namin para manligaw sya. Hinaharap nya si Kuya Atlas kahit nangingilag sya dito. Kung ano ano rin ang kanyang dala syempre di nawawala ang bulaklak na gustong gusto ko naman. Ngayon lang may nanligaw sa akin at nabigyan ako ng bulaklak. Natutuwa ako kay Ervin dahil tinototoo nya ang mga sinasabi nya. Boyfriend material sya. Nakakakilig. Pero ang kilig na naramdaman ko sa kanya noong una ay hindi ko na maramdaman ngayon. Nako-confuse tuloy ako.
Pang limang gabi ng panliligaw sa akin ngayon ni Ervin at salamat dahil wala si Kuya Atlas. Hindi sya makakapunta dahil may sumpong si Baby Alina at ayaw humiwalay sa kanya. Buti nga sa kanya. Kaya komportable ang hitsura ngayon ni Ervin at nakakakilos sya ng maayos. Nagiging madaldal na rin sya. At dahil may pagkakwela rin sya ay tuwang tuwa naman si mommy sa kanya.
“Good evening Tita Anita.”
Sabay sabay kaming napalingon ni mommy at Ervin sa nagsalita.
Namilog ang mga mata ko kasabay ng pagkislot ng puso ko ng makita ko si Kuya Matias. May dala syang tatlong box ng paborito kong pizza, cake at higit sa lahat isang galon ng paborito kong avocado ice cream.
“Ikaw pala Matias.” Magiliw na bati ni mommy na tumayo pa.
Pero si Kuya Matias ay di man lang pinansin si mommy at kunot noong nakatingin lang kay Ervin.
“What is he doing here?” Malamig na tanong ni Kuya Matias habang ang mata ay na kay Ervin pa rin.
“He is Ervin, Mat. Ava’s suitor.” Wika ni mommy.
“What?”
Chapter 19
Ava POV
“MANLILIGAW ni Ava si Ervin.” Sambit ni mommy.
Mula sa matiim na tingin kay Ervin ay lumipad sa akin ang tingin ni Kuya Matias. Napalunok naman ako sa uri ng kanyang tingin sa akin na para bang may malaki akong kasalanan sa kanya. Napanguso na lang ako at tinaasan sya ng isang kilay.
Muling bumaling ang tingin ni Kuya Matias kay Ervin. Pero nanalim na ang kanyang tingin at umigting pa ang kanyang panga. Tila ba gusyo nyang pektusan si Ervin.
“Uh Ava, Tita.. Mauuna na po ako. Masyado na pong gabi.” Kagyat na paalam naman ni Ervin sabay tayo. Bigla syang nagmukhang kabado.
Nagtaka naman ako at napatayo na rin. Parang agad agad naman syang aalis.
“Uuwi ka na agad?” Tanong ko.
Bumaling si Ervin sa akin at kumamot sa ulo. “Oo Ava, dalawang oras na rin ako dito. Ang usapan namin ng kuya mo isang oras lang di ba?”
Nanghaba ang nguso ko. “Pero wala naman si kuya dito. Kaya ayos lang na magtagal ka pa. Di nya malalaman.” Ani ko sabay ngiti.
“Ah – “
Malakas na tumikhim si Kuya Matias na para ba syang nasamid. Nilapitan pa sya ni mommy at tinanong kung ayos lang.
“Hindi ano.. uuwi na ako. Ayokong masira sa kuya mo.. syempre di ba?” Nakangiwing sabi ni Ervin. May kakaiba sa kilos nya. Para syang takot. Kanino? Kay Kuya Matias?
Napabuntong hininga na lang ako. “Ikaw ang bahala.”
Ngumiti sya at bumaling kay mommy na may pagtataka din sa mukha.“
“Tita, mauuna na po ako. Balik na lang po ako bukas.”
“O sige iho, mag iingat ka sa byahe.”
Kay Kuya Matias naman bumaling si Ervin. “S-Sir, mauuna na po ako. Excuse me po.” Magalang na sabi ni Ervin at bahagyang nakayukong naglakad palabas ng bahay.
Ilang sandali namang namayani ang katahimikan sa aming malawak na sala. Si mommy ang unang bumasag ng katahimikan.
“Uh Matias, napadalaw ka?” Magiliw na wika ni mommy.
“I brought some food tita. Mga paborito ni Ava.” Saad ni Kuya Matias na maaliwalas na ang bukas ng mukha.
Parehas umawang ang labi namin ni mommy.
Ako naman ay takang taka. Bakit bigla bigla dadalaw sya dito sa bahay namin ng ganitong oras tapos may mga dalang pagkain na puro mga paborito ko pa.
“Oh you’re so thoughtful naman iho.” Tuwang sabi ni mommy at kinuha ang mga dalang pagkain ni Kuya Matias at nilapit sa akin. “Para daw sayo anak.” Ani mommy na ngiting makahulugan sa labi.
Kinuha ko naman ang mga pagkain na dala ni Kuya Matias. Para daw sa akin ito. Syempre di ko na ito tatanggihan. Masama ang tumanggi sa grasya, sasakit ang tiyan.
“Salamat Kuya Matias.” Sabi ko at nilapag sa center table ang mga pagkain. Natakam pa nga ako ng maamoy ang pizza. Agad ko ng kinalas ang tali nito at binuksan ang isnag box.
“Maupo ka iho. Kuh! Ikaw naman Ava di mo man lang pinaupo ang Kuya Matias mo.” Sermon sa akin ni mommy.
Nag angat ako ng tingin at tumingin kay Kuya Matias na nakatingin din pala sa akin. “Sorry naman. Sige mauna ka na Kuya Matias. Maraming salamat sa pagkain.” Nakangiti ng sabi ko sa kanya at kumuha na ng isang slice ng pizza.
“You’re welcome.” Ani Kuya Matias at umupo na sa couch na kaharap ko.
“Ah Mat, nagdinner ka na ba?” Tanong ni mommy.
“Yes tita, doon ho ako sa restaurant ni Tita Tessie nagdinner.”
“Oh I see.. gusto mo ba ng juice or coffee? Ipapagawa kita sa kasambahay.” Alok pa ni mommy.
“Black coffee na lang ho tita, no sugar.”
“Okay!” Tinawag ni mommy ang isa naming kasambahay at nagpatimpla ng kape para kay Kuya Matias.
“Pizza Kuya Matias?” Alok ko naman habang ngumunguya.
“Hindi na, sayo na yan lahat. Baka mabitin ka pa.” Nakangising sabi nya na ikinatawa naman ni mommy.
Napanguso na lang ako sabay kagat ng malaki sa pizza. Matakaw ang tingin nya sa akin. Eh di ipapakita ko sa kanya kung gaano ako katakaw. Basta akin na tong lahat na pagkain bawal na syang manghingi.
“Ano pala ang sadya mo iho at bigla ay napadalaw ka?” Tanong ni mommy na prente ng umupo sa single couch.
Tumingin naman ako kay Kuya Matias na naging mas seryoso pa ang mukha habang nakatingin sa akin. Nag iwas naman ako ng tingin.
“Tita Anita, gusto ko ho sanang magpaalam sa inyo.”
“Magpaalam saan?”
“Liligawan ko ho si Ava.”
Bumara ang kinakain kong pizza sa lalamunan ko at napaubo ako. Sinubukan kong iluwa ang kinain pero hindi ito umaahon sa aking lalamunan. Binayo ko na ng kamao ang dibdib.
“Ayos ka lang Ava?” Tanong ni mommy na lumapit na sa akin at hinimas himas ang likod ko.
“Water. Bring some water here. Now.” Maawtoridad na utos naman ni Kuya Matias sa kasambahay na may dalang tasa ng kape.
“Opo ser.” Nilapag ng kasambahay ang tasa ng kape sa center table at agad na tumalikod para kumuha ng tubig.
Panay pa rin ang ubo ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Pero alam kong hindi lang yun dahil sa nabubulunan ako kundi dahil rin sa sinabi ni Kuya Matias kanina.
Panay naman ang himas ni mommy sa aking likod. Nakaguhit na ang pag aalala sa kanyang mukha. Si Kuya Matias ay tinawag ng malakas ang kasambahay na bilisan ang pagkuha ng tubig. Maya maya pa ay halos patakbo ng lumapit ang kasambahay na namumutla dala ang glass pitcher at isang baso. Agad nyang sinalinan ng tubig ang baso at inabot sa akin. Kinuha ko naman yun at tinungga. Sinabihan naman ako ni mommy na dahan dahan lang.
“Tsk! Kung bakit ba naman kasi hindi ka naghihinay hinay sa pagkain. Hindi ka naman aagawan.” Sermon naman sa akin ni Kuya Matias.
Tumingin naman ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. Nakaguhit din sa kanyang mukha ang pagaalala na may kahalo ring inis.
“Eh nagulat ako sa sinabi mo eh.” Katwiran ko sa pagitan ng pag ubo at pag inom ng tubig. Sya pa ang may ganang manermon eh kasalanan nya naman.
Ng guminhawa na ang pakiramdam ko ay tinigilan ko na ang pag inom ng tubig. Halos nangalahati nga ang laman ng pitsel. Si mommy ay sa tabi ko na umupo at si Kuya Matias ay bumalik na rin sa pagkakaupo.
“Are you ok now?” Tanong ni Kuya Matias sa boses na medyo malambing. Nailang ako dahil hindi ako sanay na ganyan ang tono ng boses nya.
Tumango tango na lang ako habang hawak ko pa rin ang baso na may laman pang kalahating tubig. Sa tingin ko ay kakailanganin ko pa itong tubig sa mga susunod pang sasabihin ni Kuya Matias.
Tumikhim si mommy at seryosong tumingin kay Kuya Matias. “Tama ba yung narinig ko kanina Matias? Liligawan mo si Ava?”
Tumingin sa akin ng ilang saglit si Kuya Matias at muling bumaling kay mommy. “Yes tita, liligawan ko ho si Ava.” Diretsahan nyang sabi.
Nahigit ko naman ang hininga kasabay ng muling pagbilis ng tibok ng puso ko. Mas mabilis ito kesa kanina. Parang may naghahabulang mga daga sa loob. Muli kong tinungga ang baso at uminom ng tubig. Si mommy naman ay umawang ang labi at tumingin sa akin.
Binaba ko naman ang baso sa center table at muling sinalinan iyon ng tubig. Tumingin ako kay Kuya Matias. Nakatingin rin sya sa akin. Yung tingin nyang malalim.
Humugot ako ng malalim na hininga. “B-Bakit gusto mo kong ligawan?”
Gumalaw ang labi nya at mariing naglapat kasabay ng pangungunot ng kanyang noo.
“Ano ba sa tingin mo? Bakit ba nanliligaw ang isang lalaki sa isang babae?” Masungit nyang sabi.
Napalunok ako. Syempre alam ko ang sagot. Pero.. imposible.
“You like Ava kaya gusto mo syang ligawan ganun ba?” Tanong ni mommy.
“Yes tita, gusto ko ho si Ava.” Tahasang sambit ni Kuya Matias na lalong nagpalakas ng kabog ng aking dibdib.
“Oh my.. tama nga ang sabi sa akin ni Tessie.” Mahinang sambit ni mommy.
“Liligawan ko ho si Ava tita. Sana ho ay pumayag kayo.” Ulit pa ni Kuya Matias.
Tumikhim ako. “P-Pero may manliligaw na ako. Si Ervin..”
Kunot noong binalingan ako ni Kuya Matias. “And so?” Masungit na sabi nya.
Nanghaba ang nguso ko. Manliligaw sya sa akin tapos sinusungitan ako. Ano kaya yun?
“Of course! Payag na payag ako. Walang problema sa akin na ligawan mo ang unica iha ko. Hindi lang ako makapaniwala na magkakagusto ka kay Ava at ngayon ay liligawan mo na sya.” Ani mommy sabay hagikgik na parang kinikilig pa.
Napaawang naman ang labi ko. Hindi ako makapaniwala na agad agad ay pumayag si mommy.
“Ako rin ho tita. Di ako makapaniwala sa sarili ko na magkakagusto ako kay Ava na ubod ng pilya, nuknukan ng kulit at puro stress ang binibigay sa akin. Pero wala ho eh, nagkagusto pa rin ako sa kanya. May sa mangkukulam ho yata sya.”
Napasinghap ako sa sinabi ni Kuya Matias at sinamaan sya ng tingin. Pero nginisihan lang nya ako. Talagang pinaghinalaan pa nya akong mangkukulam. Pero obvious naman na inaasar lang nya ako
“Grabe ka naman kay Ava ko Mat. Hindi mo lang kasi maresist ang alindog ng dalaga ko.” Nangingiting sabi ni mommy.
“Exactly tita. Nilabanan ko naman at pilit kong sinisiksik sa isip ko na hindi pwede si Ava dahil para ko na syang kapatid. Kaya lang malakas ang kulam nya eh.” Nakangisi nyang sabi sabay tingin sa akin.
“Oy hindi kita kinulam no! Chusero ka Kuya Matias.”
“Then why I can’t get you out my head? Sa tuwing ipipikit ko ang mata ko sa gabi bago matulog ay mukha mo ang nakikita ko. Bakit naiinis ako kapag nakikita kong may kasama ka o kausap na lalaki gaya kanina?”
Nagwala pa lalo ang puso ko sa mga narinig. Tila na nga ito gusto ng lumabas sa aking katawan.
Ngumuso ako. “A-Aba’y ewan ko sayo..”
Bumuntong hininga sya pero di pa din napupuknat ang tingin sa akin. Bahagya na nga ring namumungay ang kanyang nangungusap na mga mata. “Kaya liligawan kita. I’ll make you mine..”
Napalunok ako at nanginginig ang kamay na muli kong tinungga ang laman ng baso.
“Mukhang seryosong seryoso ka nga sa dalaga ko Matias.”
Bumaling si Kuya Matias kay mommy. “I’m serious tita. Ilang beses ko na itong pinag isipan pero ngayon ay siguradong sigurado na ako. I like Ava. I want her. I’ll make her mine. Sana ay ayos lang sa inyo tita.”
“Kuh! Ayos na ayos lang sa akin. Sa tingin ko nga bagay kayo ni Ava ko – “
“Sa akin di ok!” Sabat ko at pabagsak na nilapag ang baso sa babasaging center table.
Sabay namang lumingon sa akin si momny at si Kuya Matias na nakakunot na naman ang noo.
“At bakit hindi ok sayo?” Tanong pa ni Kuya Matias na parang mali na hindi ako sumang ayon sa kanya.
Nagtaas noo ako. “Bakit? Gusto rin ba kita?”
Umawang ang labi nya at natigilan sya “You don’t like me?” Parang di makapaniwalang tanong nya.
Bakit? Inaasahan ba nyang gusto ko rin sya? Asa sya!
Pero tila taliwas sa nararamdaman ko ang sinasabi ng isip ko.
“Hindi.” Tila labas sa ilong na sabi ko. “Bakit naman kita magugustuhan eh ang sungit sungit mo sa akin. Manliligaw ka tapos sinusungutin mo ko. Ano kaya yun..”
Bumuntong hininga sya. “Fine. Hindi na ako magsusungit sayo.” Aniya sa mababang boses.
Tumaas ang isang kilay ko. “Talaga?” Panunubok ko pa sa kanya.
“Yeah.. and I will do everything para magustuhan mo rin ako. Mahirap naman kasi sa isang relasyon na ang isa lang ang may gusto sa isa. Hindi magwowork ang ganung relasyon. Ayoko ng ganung relasyon.”
Umawang ang labi ko sa sinabi ni Kuya Matias. Parang di ko na sya kinakaya. Manliligaw pa nga lang sya pero iniisip na nya ang relasyon namin na parang siguaradong sigurado sya. At bakit ganito ang nararamdaman ko? Kinakabahan ako na parang kinikilig. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko kay Ervin.
Pakingshet! May gusto na rin yata ako kay Kuya Matias! Oh my habibi! Take me to Dubai!
Short update muna. Medyo busy lang :D
Chapter 20
Third POV
ABALA si Atlas sa pagdidiscuss kay Kester tungkol sa blueprint ng isa sa mall nitong gustong iparenovate at pa-extensionan ng biglang magring ang kanyang cellphone, kaya parehas silang natigilan magkaibigan.
Dinampot nya ang cellphone para tingnan kung sino ang tumatawag. Ang kanyang mommy pala at mukhang emergency iyon.
Sinwipe ni Atlas ang green button at dinikit ang cellphone sa tenga. “Hello mom.”
“Atalas anak, busy ka ba? I have something to tell you.”
Sa boses ng kanyang ina ay mukhang hindi naman emergency ang sasabihin. Kumamot sya sa kilay.
“Ano ho ba yun ’my? Pakibilisan na lang dahil may meeting pa kami ni Kester.” Ani nya at tumingin sa kaibigan na nakatingin lang din sa kanya habang naghihintay na matapos ang kanyang pakikipag usap sa ina.
“Oo anak mabilis lang ito. Importanteng importante lang itong sasabihin ko. Kagabi pa kita tinatawagan pero di ka sumasagot pati si Jolene ay tinatawagan ko rin pero di rin sumasagot. Siguro may ginagawa kayo kagabi.”
Sa ulo naman kumamot si Atlas. Tumawag nga kagabi ang kanyang ina at di nya nasagot dahil tama naman ito ng hinala, may ginawa sila ng kanyang mahal na asawa at hindi sila pwedeng istorbohin.
“Mommy diretsahahin mo na ako please.”
“Ito na nga anak, si Matias nagpunta rito sa bahay kagabi at nagpaalam na liligawan si Ava.”
“What?” Bulalas nya. Nabigla sa sinabi ng kanyang ina.
“Nagulat ka anak no? Ako nga rin nagulat ng magpaalam sya na liligawan nya si Ava. May gusto raw sya sa kapatid mo kaya liligawan nya ito.”
Umawang ang kanyang labi at muling napatingin kay Kester. Nasa mukha na nito ang kyuryosidad.
“Are you sure mom?”
“Yes anak! Sure na sure. Kung gusto mo tanungin mo pa ang kaibigan mo na yun.”
Tumiim bagang ako. “I will mom. Magtutuos kami.”
“Anak, huwag mong aawayin si Matias – “
“Bye mom.” Binaba na nya ang cellphone at pinatay. Malutong syang nagmura. Hindi sya makapaniwala sa sinabi ng kanyang ina. Pero alam nyang nagsasabi ito ng totoo.
“What happened par?” Tanong ni Kester.
“Gagong Matias na yun!” Galit na sambit ni Atlas. Hindi nya inaasahan na magkakagusto ang kaibigan sa kanyang kapatid. Para na ring syang tinalo nito.
“Why pare? Anong ginawa ni Matias?”
Tiim bagang na tumingin si Atlas sa kaibigan. “Matias likes Ava at nagpaalam sya kay mommy liligawan ang kapatid ko.”
“Fuck! Really?” Namilog ang mata ni Kester na nagulat sa sinabi ni Atlas pero maya maya ay napangisi sya. “Sabi na eh. May something sa kanilang dalawa. I told you before pare di ba? Sabi na eh tsk tsk.” Dalawang beses nahuli ni Kester na magkachat si Matias at si Ava pero normal conversation lang naman yun at walang malisya. At ginawa nyang biro yun para asarin ang kaibigan. Pero di nya akalain na magkakatotoo.
Nirolyo ni Atlas ang blueprint at nilapag sa conference table. Dinampot nya ang cellphone at tinungo ang pinto.
“Teka pare, saan ka pupunta?” Tanong ni Kester.
“Kay Matias. Magtutuos kami ng gagong yun.”
“Sasama ako.” Sumunod si Kester sa kaibigan na madilim na ang mukha. Dinial naman nya ang numero ni Luigi.
“Hello Luigi pare. Pumunta ka sa office ni Matias.”
“Why?”
“Mag aaway ang magbayaw.” Nakangising sabi ni Kester.
Kunot noong nilingon naman ni Atlas ang kaibigan.
“Sinong magbayaw?” Tanong ni Luigi sa kabilang linya.
“Basta pumunta ka na lang para malaman mo.” Pinatay na ni Kester ang tawag kay Luigi at kinontak ang iba pa nilang kaibigan.
“What are you doing Kes?” Tanong ni Atlas.
“Eh di tinatawagan ang tropa. Di ko naman kayo kayang awatin ni Matias na ako lang mag isa. Mainam na yung may back up. Tamang tama parehas nandito sa Manila si Jeiz at Lorenzo.” Nakangising sabi ni Kester.
“Tss!” Di na lang pinansin ni Atlas ang kaibigan at kinausap na lang ang kanyang secretary para bilinan na aalis lang sya saglit.
Hindi na nya ito mipagpapaliban. Haharapin na nya agad at kokomprontahin ang kaibigan kung ano ba talaga ang pakay nito sa kanyang bunso at nag iisang kapatid. Sa lahat ng pwede nitong magustuhan ay ang kapatid pa nya. Para na rin syang hinahamon nito. Pwes magtutuos silang dalawa.
.
.
Matias POV
“SIR, tumawag po si Engineer Umali. May sinend daw po sya sa email nyo about sa details ng mga materials na gagamitin sa shelter.”
Nag angat ako ng tingin kay Jamil. “Ok, I’ll check it later.”
Tumalikod na si Jamil at lumabas ng opisina. Hinarap ko naman ang mga documents na nirereview ko. Dapat kahapon ko pa tapos ang mga ito pero wala ako sa mood magtrabaho dahil sakop ni Ava ang isipan ko buong maghapon.
Napailing iling ako at napangisi ng maalala na buong maghapon lang akong nakatulala kahapon sa pag iisip sa babaeng yun. Akala pa nga ni Jamil ay may sakit ako. Maghapon kong pinagisipan ang gagawin kay Ava. Nakumpirma ko sa sarili ko na gusto ko ang dalaga. Walang duda. Hindi ko sya palaging maiisip kung hindi. Hindi ako magtityaga sa pangungulit nya kung hindi at higit sa lahat ay hindi ako magseselos sa mga lalaking lumalapit sa kanya kung hindi ko sya gusto. Kaya bago pa ako maunahan ng iba liligawan ko na sya.
Tss! May nauna na nga sa akin but I will not give him a chance. Akin si Ava. Matagal na akong nagtiyaga at nagtiis sa kakulitan nya. Maliit pa lang sya di na mabilang ang stress na binigay nya sa akin kaya maniningil na ako. Kung di nya ako gusto, gagawin ko ang lahat para magustuhan nya ako at inumpisahan ko na yun sa pagpapagawa ng animal shelter nya.
“Matias! Damn you pare!”
Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang galit na mukha ni Atlas na biglang pumasok sa loob ng opisina ko. Kasunod nya si Kester, Luigi, Lorenzo, Jeiz at si Jamil na natataranta. Ang malawak kong opisina ay tila biglang sumikip sa pagdating ng mga kaibigan.
Kumunot ang noo ko. “Anong meron?”
“Nagtatanong ka pa kung anong meron? Fuck you ka pare! Bakit si Ava pa? Ang dami namang babae dyan ang kapatid ko pa!” Galit na wika ni Atlas at susugurin ako pero mabilis syang napigilan ni Kester at ni Lorenzo sa balikat. “Bitiwan nyo ko! Babasagin ko ang mukha ng gagong yan!”
“Kalma ka muna pare. Pagusapan nyo na lang ito ng maayos ni Matias.” Ani Lorenzo na nakangisi pa habang pigil pigil sa balikat ang galit na galit na si Atlas. Maging ang tatlo ay may mga nakakalokong ngisi rin sa kanilang mga labi.
Mukhang alam na ni Atlas ang tungkol sa panliligaw ko kay Ava. Kung paano nya nalaman di ko alam. Imposibleng si Ava ang nagsabi dahil takot yun sa kanya. Pwedeng si Tita Anita. May pagka madaldal din sya gaya ni Tita Tessie.
Sumandal ako sa backrest ng swivel chair at dumekwatro. “Kung magwala ka parang may ginawa akong masama sa kapatid mo.” Sambit ko kay Atlas na lalo pang umigting ang panga.
“Nililigawan mo sya pare!” Mariing sikmat nya.
“Hindi ko itatanggi yan pare at hindi masama ang manligaw.”
“Bakit kapatid ko pa? Ang daming babae dyan!”
Nagkibit balikat ako. “Dahil sya ang babaeng gusto ko.”
“Tangina ka! At relax na relax ka pa dyan! Bitiwan nyo ko Lorenzo, Kester!” Nagpupumiglas si Atlas sa hawak ng dalawa pero di sya hinayaang makawala. Wala syang laban sa dalawa na kahulma lang din nya ng katawan.
“Kahit magwala ka maghapon dyan at lumpuhin ako sa bugbog di kita papatulan pare. Of course you’re my future brother in law. Magiging kuya na kita.” Chill lang na sabi ko.
Nagsipulan naman ang mga kaibigan ko at may mapang asar na mga ngiti.
“Tangina mo! Anong kuya? Magkasing edad lang tayo gago! At hindi kita magiging brother in law.” Sikmat pa rin ni Atlas na tila lalo pang nagalit.
Hindi pwedeng uminit ang ulo ko at patulan sya dahil kuya sya ni Ava. Kailangan ko ring magpagood shot sa kanya.
“Pare relax. Mukhang seryoso naman si Matias sa kapatid mo.” Ani Jeiz.
“Mabuti nga at manliligaw si Matias at hindi agad tinanan at inanakan si Ava. Knowing Ava, painan mo lang ng pagkain sasama na agad.” Nakangising saad naman ni Luigi.
Parehas namin syang tinapunan ng masamang tingin ni Atlas. Kapag talaga sya ang nagbigay ng opinyon ay nakakainit talaga ng ulo.
“At isa pa pare, ayaw mo ba nun? At least kilala mo si Matias. Sa ating lahat sya lang ang hindi masyadong babaero.” Dugtong ni Lorenzo.
“Para sa akin bagay ang kapatid mo at si Matias. Perfect combination nga sila eh. Para silang kape at asukal. Saka ayaw mo ba nun? May nobyo na ang kapatid mo may tatay pa. Oo nga pala, lahat pala kayo parang mga tatay na ng mga asawa nyo at susunod pa sa yapak nyo si Matias.” Nakangising dagdag pa ni Kester.
Pinukol sya naming lahat ng masamang tingin. Palibhasa kasi 2 years lang ang agwat ng edad nila ng kanyang asawang si Crizel.
Bumuntong hininga ako at binalingan na lang si Atlas. “Atlas pare, pag usapan natin ito ng mahinahon.”
Matalim pa rin ang tingin nya sa akin pero kumpara kanina ay mahinahon na ang hitsura nya ngayon. Napumiglas syang muli sa hawak ni Lorenzo at Kester. Binitawan naman sya ng dalawa. Naupo na sila isa isa sa couch at nag request pa ng kape kay Jamil.
Panigiradong mahaba habang usapan ito at paliwanagan. Sana lang ay maintindihan ako ni Atlas at hindi tumutol sa panliligaw ko kay Ava.
.
.
Ava POV
BINITAWAN ko ang kutsara ng tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko yun at nakitang may text si Ervin. Hindi daw sya makakapunta ngayong gabi sa bahay dahil lumuwas sila ng pamilya nya pauwing Cavite. Patay daw ang isa kanilang kamag anak. Naiintindihan ko naman at nagreply ako ng condolence.
“Hindi raw po makakapunta ngayong gabi si Ervin mommy. Lumuwas sila ng pamilya nya pauwing Cavite dahil patay raw ang isa nilang kamag anak.” Hayag ko kay mommy.
“Ganun ba. Pakisabi na lang condolence anak. Hay.. ganyan talaga ang buhay. Una una lang.” Sambit ni mommy.
“Sinabi ko na po.” Dinampot ko ulit ang kutsara.
“Si Matias kaya pupunta ngayong gabi?”
Natigilan ako sa pagsubo ng banggitin ni mommy si Kuya Matias. Awtomatiko ding bumilis ang tibok ng puso ko.
“E-Ewan ko po mommy. I told you nang e-echos lang yung si Kuya Matias.” Sinubo ko na ang kutsara na may kanin at ulam.
“I don’t think so anak. Hindi marunong mang-echos si Matias. Masyadong seryoso sa buhay ang binatang yun.”
Umusli ang labi ko. “Eh bakit hindi sya pumunta kagabi?”
Noong nakaraang gabi ay pumunta dito sa bahay si Kuya Matias na may mga dalang paborito kong pagkain sabay hayag na gusto raw nya akong ligawan. Syempre nagulat kami parehas ni mommy lalo na ako. Pero kagabi naman ay hindi sya pumunta at si Ervin lang ang pumunta. Nang e-echos lang talaga sya.
“Baka naman nabusy lang kagabi anak. Alam mo naman si Matias masyadong dedicated sa work.”
“Hmp! Busy pala sya sa work nakuha pa nyang manligaw.” Himutok ko sabay subo ng malaking laman ng malambot na baka. Ganitong naiinis ako magana akong kumain.
“Akala ko ba ayaw mong ligawan ka ni Matias tapos ngayon inis na inis ka dahil hindi sya pumunta kagabi. Naku ikaw anak ha, kunwari ka pa pero mukhang may gusto ka rin kay Matias.”
Natigilan ako sa pagnguya sa sinabi ni mommy. Nag init din ang pisngi ko. “T-That’s not true mommy – “
“Hmm! Sa akin ka pa talaga magde-deny. Mommy mo ko kilala kita. Magkaugali tayo anak.”
Napanguso na lang ako at di na nagkomento pa. Kilala ako ni mommy. Mula ulo hanggang paa.
Ng matapos kaming magdinner ni mommy tumambay kami sa entertainment room para sabay naming panoorin ang bagong movie ngayon sa Netflix. Isa ito sa bonding namin ni mommy, ang manood ng movie. Nung wala pang asawa si Kuya Atlas ay kasama rin namin syang manood pero agad syang nakakatulog kapag di gusto ang pinapanood. Iba kasi ang gusto nyang panoorin sa gusto naming panoorin ni mommy. Dahil nag iisang lalaki sya wala syang laban sa amin ni mommy.
“Ma’am Anita.”
Sabay kaming lumingon ni mommy sa pinto ng pumasok ang isang kasambahay. Hininaan ko muna ang volume ng malaking flat screen tv.
“Ano yun Eda?” Tanong ni mommy sa kasambahay.
“Dumating po si Sir Atlas kasama ang kaibigan nya.”
Nagtinginan kami ni mommy at sabay pang napataas ng kilay.
“Parang biglaan yata ang dalaw nila. Wala man lang pasabi.” Ani mommy na tumayo na.
Tumayo na rin ako at pinatay na muna ang tv. Sabay sabay na kaming lumabas ng entertainment room para harapin ang mga kaibigan ni Kuya Atlas. Simula ng magsipag asawa ang mga ito maliban kay Kuya Matias ay naging madalang na lang ang pagpunta ng mga ito dito sa bahay. Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng maisip si Kuya Matias. Baka nasa baba na rin sya.
“Good evening tita.” Isa isang bumati at humalik sa pisngi ni mommy ang mga kaibigan ni Kuya Atlas. Pero nanlumo ako na hindi pala nila kasama si Kuya Matias.
“Aww!” Napatili ako ng bigla akong haklitin sa leeg ni Kuya Kester gamit ang kanyang malaking braso. Ginulo pa nya ang aking buhok na para akong isang bata.
“Dalaga na si bunso.” Aniya sabay pisil sa pisngi ko.
“Aray!” Siniko ko sya ng malakas sa tagiliran at tatawa tawang binitiwan naman ako.
Inis na kinuskos ko ang pisngi at tumingin kay Kuya Atlas. “Kuya o!” Sumbong ko sabay turo kay Kester.
Pero bumuntong hininga lang sya at namewang saka umiling iling. Napanguso na lang ako at hinarap ang iba pa nyang tropapips na pawang may mga ngisi sa labi.
“Teka, bakit nga pala kayo biglang napadalaw? Sayang di na kayo nakasabay sa dinner namin ni Ava.” Wika ni mommy.
“Ayos lang tita, kumain na ho kami bago kami pumunta rito.” Saad ni Kuya Jeiz.
“Saka nandito ho kami para manood.” Nakangising sabat naman ni Kuya Lorenzo.
Kumunot ang noo ko. “Manood ng ano?”
“Eh di ng panliligaw ni Matias.” Sagot ni Kuya Luigi at sabay silang nagtawanan.
“Anong ginagawa nyo rito?” Sabay sabay kaming napalingon sa malakulog na boses na nagsalita.
“O nandito na pala ang ating panauhing pandangal.”
Promote ko lang mga paid stories ko sa Dreame. Sa mga di pa nakakabasa baka gusto nyo.
Lara’s Seduction I Hate You But I Love You Tne Ruthless Daddy Wallace Stolen Heart The Cold Bodyguard Gado
Completed na lahat yan. Again paid stories po ang mga yan 🤗
Chapter 21
Ava POV
HINDI na magkandatuto sa pagtibok ng malakas ang puso habang nakatingin ako kay Kuya Matias na kapapasok lang. May dala na naman syang mga pagkain na gusto ko. Lumapit sya sa akin.
“For you.” Inabot sa akin ni Kuya Matias ang dalawang box ng buko pie, ng paborito kong siomai at hindi nawawala ang avocado ice cream.
Kinuha ko naman yun. “S-Salamat Kuya Matias.”
Nagsipulan naman ang mga kaibigan nya at nagkomento ng panunukso sa pangunguna ni Kuya Kester. Si Kuya Atlas ay nakahalukipkip lang habang matiim na nakatingin lang sa amin. Mukhang alam na nya na nililigawan ako ni Kuya Matias kaya narito sya. Kinabahan ako.
“Para kayong mga tanga.” Ani Kuya Matias sa mga kaibigan nya.
“You’re so sweet talaga iho, halatang ayaw mong magutom si Ava.” Saad naman ni mommy na ngiting ngiti na tila kinikilig pa.
“Bakit pagkain lang ang dala mo dapat may bulaklak.” Wika ni Luigi.
“Bakit, makakain ba ni Ava ang bulaklak?” Masungit na sambit ni Kuya Matias kay Kuya Luigi.
“Hindi nga, pero kasama sa panliligaw ang bulaklak.” Sabat naman ni Kuya Lorenzo na sinang ayunan pa ng magkakaibigan.
Ngumisi si Kuya Matias. “Kung magsalita kayo parang nanligaw kayo sa mga asawa nyo at nagbigay ng bulaklak ah.”
“Hey, nanligaw ako. Tanong mo pa kay Crizel.” Nakangising sabi naman ni Kuya Kester.
“Me too.” Segunda ni Kuya Lorenzo.
Si Kuya Jeiz, Kuya Luigi at Kuya Atlas naman ay natahimik. Halatang mga hindi nanligaw at mukhang dinaan sa santong paspasan ang mga asawa nila.
“Atlas anak, huwag mong sabihing di ka na nanligaw kay Jolene?” Akusa ni mommy kay Kuya Atlas.
“Nanligaw ako mommy. Tanungin nyo pa si Jolene. Pero hindi na ito tungkol sa panliligaw namin. Tungkol na ito sa panliligaw ni Matias kay Ava.” Seryosong sabi ni Kuya Atlas na nakatingin sa amin ni Kuya Matias. “Dapat talaga may dala kang bulaklak. Part yun ng panliligaw.”
“Bakit binigyan mo rin ba ng bulaklak si Jolene nung nanligaw ka?”
“Hindi. Pero puro jewelries ang binibigay ko sa kanya kaso tinatanggihan lang nya.”
Ngumisi si Kuya Matias. “Eh kasi di nya makakain yun. Pero itong mga pagkain makakain ni Ava busog pa sya.” Bumaling sya sa akin. “Pero kung gusto mo ng bulaklak bukas magdadala ako. Ano bang gusto mo?” May lambing na nyang tanong.
“A-Ano.. kahit ano na lang.” Nauutal na sabi ko. Paano ba naman halos di na ako makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
“Ok, ako ng bahala.”
“Huwag lang korona ng patay iho.” Biglang sabat naman ni mommy na ikinatawa ng mga kaibigan ni Kuya Matias.
Inaya na ni mommy na maupo si Kuya Matias. Sumunod naman sila Kuya Atlas. Parang biglang sumikip ang living area namin. Paano ba naman mga kapre ang magkakaibigan.
Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa sala. Si Kuya Matias ay binigyan ng nagbabantang tingin ang mga kaibigan maliban kay Kuya Atlas.
“What pare? Cat got your tounge?” Nang aasar na tanong ni Kuya Kester.
“Eh kung ipakagat kaya kita kay Pochi. Tss! Bakit ba nandito kayo? Kapamilya ba kayo ni Ava?” Inis na sabi ni Kuya Matias.
“Hindi man kami kadugo ni Ava pero para na rin namin syang bunsong kapatid.” Sagot ni Kuya Luigi.
Umingos ako. ‘Plastik!’
“Tss.” Bumaling si Kuya Matias kay mommy. “Tita, pwede bang hiramin muna si Ava? Dyan lang ho kami sa labas.”
Nahigit ko ang hininga sa sinabi ni Kuya Matias. Gusto nyang magsolo kami!
“Sure! Sure! No problem iho – “
“Hindi ako papayag! Bakit sa labas pa? Pwede namang dito – aww mommy!” Daing ni Kuya Atlas ng kurutin sya ni mommy sa tagiliran.
“Huwag ka ng umepal Atlas anak. Chance na ng kapatid mong magkalove life.” Nakangiting bumaling si mommy sa amin ni Kuya Matias. “Sige na, sa labas na kayo mag usap. Enjoy!”
“Thanks tita.” Tumayo si Kuya Matias at lumapit sa akin sabay hawak sa kamay ko.
Tila naman ako nakuryente sa hawak nya at mas lalo pang nagwala ang puso ko. Napatayo na rin ako at napasunod sa kanya.
Tumayo rin ang magkakaibigan at akmang susunod sa amin.
“Boys, dito lang kayo bawal ang sumunod.” Saway ni mommy. Kaya di na sumunod ang magkakaibigan at bumalik na lang sa couch.
“Ava sigaw ka lang. Lalabas agad kami.” Pahabol na sabi ni Kuya Kester. Sinamaan naman sya ng tingin ni Kuya Matias.
Sa porch kami nagharap ni Kuya Matias. Nakaupo ako sa double couch sya naman sa single couch na nakaharap sa akin. Walang nagsasalita sa amin at nakatitig lang sa isa’t isa. Sya lang pala dahil hindi ako makatitig sa kanya ng matagal. Ilang na ilang ako. Simula ng magpaalam syang manliligaw kay mommy at inamin nyang gusto nya ako ay nag iba na ang tingin ko sa kanya. Parang di ko na sya kayang biruin at asarin. Hindi na rin ako makatingin sa kanyang mga mata ng diretso. At higit sa lahat nagiging eratiko ang tibok ng puso ko at lagi itong parang tinatambol gaya ngayon.
“Ang tahimik mo naman.. nakakapanibago.” Aniya sa mababang boses.
Sumulyap ako kay Kuya Matias na nakatingin pa rin sa akin. Kanina pa sya titig ng titig.
Nag iwas ako ng tingin at umusli ang labi ko. “Anong gusto mong sabihin ko..”
“I don’t know.. pero pwedeng sabihin mong sinasagot mo na ako.”
Lumipad ang tingin ko sa kanya. “Sagot agad? Unang gabi mo pa lang manligaw sasagutin na kita agad? Wala pa ngang 30 minutes eh!” Bulalas ko.
Nagkibit balikat sya. “Nagbigay lang ako ng suhestiyon sa pwede mong sabihin.”
Mataman ko syang tiningnan. Nakapang opisina pa syang suot minus necktie and coat. Nakataas ang mahabang sleeves hanggang siko at nakabukas ang ilang butones ng puting button down shirt kaya nasisilip ko ang kanyng malapad na dibdib Magkahiwalay ang kanyang mga tuhod at nakapatong doon ang kanyang mga braso habang nakatingin sa akin ang kanyang nangungusap na kulay tsokolateng mga mata. Relax na relax lang sya. Confident na confident sa bawat kilos at pananalita. Ibang iba kay Ervin na kabado bente at halos nauutal kung magsalita.
Pinadyak ko ang paa sa inis. Naiinis ako sa sarili ko at sa kanya. “Bakit ba kasi gusto mo kong ligawan Kuya Matias? Nantitrip ka lang naman di ba?”
“Sana nga kaya kong mantrip. Pero kahit kelan ay hindi ako nantrip lalo na sa mga ganitong bagay. I’m serious Ava. I really like you. Sa tingin ko nga di lang simpleng pagkagusto ito. Mas malalim pa..” Hayag nya na di man lang napupuknat ang tingin sa akin.
Napalunok naman ako. Gusto kong kabugin ng kamao ang dibdib para pakalmahin ang puso kong nagwawala.
Tumikhim ako at nagtaas ng noo. Di ako dapat magpa-intimidate sa kanya. Sya ang manliligaw kaya dapat sya ang ma-intimidate sa akin. “P-Pero parang kuya na kita.”
“Parang lang pero di mo naman ako kuya.”
Ngumuso ako. “Kasing edad mo si Kuya Atlas. 37 ka na ako naman 22. Di ba ang awkward?”
“Sa akin hindi.”
“15 years ang agwat ng edad natin.”
“And so?”
“Parang.. di bagay.”
“Tss.. Si Jeiz nga at ang asawa nyang si Ivy ganun din ang agwat kahit si Luigi at ang kaibigan mong si Ivonna.”
Tumaas ang isang kilay ko. “So nainggit ka?”
Naging matiim ang kanyang tingin at mariing naglapat ang kanyang labi.
“Alam kong naiilang ka lang dahil bigla ay liligawan kita. Pero masasanay ka rin Ava. Gabi gabi akong pupunta dito sa bahay nyo para ligawan ka hanggang sagutin mo ko.”
–
TINOTOO NGA ni Kuya Matias ang gabi gabi nyang panliligaw sa akin. Kung ano anong pagkain ang dala nya na may kasama ng bulaklak. Unti unti na rin akong nasasanay sa kanya. Aaminin ko kilig na kilig ako pero syempre di ko pinapahalata. Baka lumaki ang ulo nya eh.
“Ano ba naman ito? Ang daming pagkain sa ref. Nasasayang lang.” Ani mommy habang nilalabas ang mga pagkaing nakabox.
“Eh ma’am mga dala po yan ni Ser Matias.” Wika ni Ate Eda.
“Iuwi nyo na lang ang mga yan sa inyo at masasayang lang.”
“Ay talaga po ma’am?”
“Oo naman. Kesa masira at least nakain. Ava anak, ipapauwi ko na tong mga pagkain sa mga kasambahay.”
Sumulyap ako kay mommy. “Yes mommy.” Muli kong binalik ang tingin sa cellphone. Ka chat ko si Ivonna at si Jolene. Alam na nila ang panliligaw sa akin ni Kuya Matias. Chinika sa kanila ng mga asawa nila.
“Thank you po Ma’am Ava.” Sabi ni Ate Eda.
Tumango lang ako habang nagtatype ng reply.
“Anak, bakit si Ervin hindi pa pumupunta? Ano ng balita sa kanya? Magdadalawang linggo na syang di nakakapunta. Nasa Cavite pa ba sya?” Tanong ni mommy.
Natigilan naman ako at tumingin kay mommy. “Narito na po sya sa Manila ’my. Pero ang sabi nya ay busy daw po sya dahil nilipat sya sa ibang branch.”
“Ganun ba? Eh kelan naman daw sya pupunta dito sa bahay? Medyo namimiss ko na nga ang batang yun.”
“I don’t know mom. Hindi na nga sya masyadong nagrereply sa chat ko.”
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Ervin at parang dumidistansya sya sa akin. Ok naman kami nung huling punta nya rito. Kahit nung pumunta sya ng Cavite kasama ang mga parents at nga kapatid nya ay madalas pa rin ang chat nya. Tapos isang araw wala na syang chat at naging madalang na lang. Medyo namimiss ko na nga sya pero di bilang manliligaw kundi bilang kaibigan.
Panay ang ihit ko ng ubo at singhot habang nilalagay ko sa sling bag ko ang charger at cellphone. Mauuna na akong umuwi sa mga empleyado ko dahil iba na ang pakiramdam ko.
“Ma’am Ava, uminom po kayo ng gamot pag uwi nyo sa inyo bago pa mauwi sa lagnat yan.” Bilin ng isa kong empleyado.
“I will Josephine. Thank you..” Nakangiting sabi ko at sinara na ang sling bag at sinukbit sa balikat. “Mauuna na ako sa inyo kayo na ang bahala rito.” Paalam ko.
“Yes ma’am, ingat po kayo.”
Umihit pa ako ng ubo bago lumabas ng store. Bahagya pa akong nakaramdam ng ginaw samantalang hindi naman malamig. Sana pala ay di na lang ako nag crop top o o kaya nagdala man lang ako ng cardigan. Kahapon pananakit lang ng lalamunan ang naramdaman ko tapos kagabi ay nagkasipon ako. Hindi nga ako pumunta ngayong araw sa shelter dahil baka mahawaan ko pa ng ubo’t sipon ang mga rescues namin. Tapos ngayon ay mas lumala pa. Barado ang ilong ko at makati ang lalamunan ko. Dumaan muna ako sa botika para bumili ng gamot. Malamig sa loob ng botika kaya ginaw na ginaw ako. Mabuti na lang at walang masyadong customer kaya nakalabas ako agad.
Himas himas ko ang mga braso paglabas ko sa exit. Umiinit na ang pakiramdam ko sa loob. Para na akong lalagnatin.
Naglakad ako papuntang parking.
“Ava.”
Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses. Lumingon ako.
“Kuya Matias..” Sambit ko at pasimpleng pinasadahan sya ng tingin. As usual nakapang opisina pa sya. Gwapong mama macho pa.
Lumapit pa sya sa akin. “Pauwi ka na?”
“Oo, anong ginagawa mo rito?” Sabi ko sabay ihit ng ubo.
“Sinusundo ka. Galing akong shelter, wala ka naman doon. Hindi ka raw pumunta roon at dito ka lang sa store.”
May kumudlit na kilig sa puso ko. Talagang pinuntahan pa nya ako sa shelter para sunduin tapos dumiretso pa sya rito.
“May ubo’t sipon kasi ako, baka mahawa ang mga rescues namin kaya di muna ako pumunta roon.” Sabi ko sabay ubo.
Tumango tango sya habang nakatitig sa akin. “Yeah, at mukhang di ka ok. Para kang ngongo magsalita.”
Tumaas ang isang kamay nya at napapitlag ako ng dumampi iyon sa aking pisngi. As usual bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ganito naman lagi kapag kaharap ko sya at tila tumaas pa lalo ang temperatura ng katawan ko dahil sa hatid ng mainit nyang palad.
“Ang init mo.” Sambit nya at dumampi pa sa aking noo ang kanyang palad, sa kabila kong pisngi at sa leeg.
Ngumuso naman ako. Tila nga lalo pang sumama ang pakiramdam ko at gusto kong magpabebe sa kanya. Parang ang sarap sumandig sa malapad nyang dibdib at magpahele.
“Ang sama ng pakiramdam ko Kuya Mat.. saka giniginaw ako..” Sabi ko sabay ihit ng ubo at singhot.
Nagsalubong ang kilay nya at tumalim ang tingin. “Paano kang di giginawin? Kakarampot yang suot t-shirt na suot mo?”
Lalong nanghaba ang nguso ko. “Ang sama na nga ng pakiramdam ko sinusungitan mo pa ako. Bastedin na kaya kita.”
“Tss, ako pa talaga ang tinakot mo. Kahit bastedin mo pa ako ng ilang beses liligawan pa rin kita hanggang sa maging nobya na kita, at kapag naging nobya na kita di na uubra sa akin ang katigasan ng ulo mo. Halika na.” Hinawakan nya ang kamay ko.
“Saan tayo pupunta?”
“Ihahatid kita sa inyo.”
“Pero paano ang kotse ko?”
“Iwanan mo muna dito.”
“Baka mawala.”
“Hindi yan mawawala. At kapag nawala papapalitan natin ng bago yan kay Kester dahil walang kwenta ang security ng mall nya kung mawawala ang kotse mo. Let’s go.”
Sumunod na ako sa kanya ng hilahin nya ang kamay ko. Lumapit kami sa kotse nyang nakaparada ilang hakbang lang ang layo sa kotse ko. Pinagbuksan nya ako ng pinto sa shotgun seat at inalalayan pa akong pumasok. Nakakapanibago ang pagiging gentleman nya. Pero masasanay rin ako. Syempre nanliligaw sya eh. Need nyang magpakabait kundi basted sya.
Umikot sya sa kotse at pumasok sa driver seat. Inabot nya naman ang coat nyang nasa backseat at isinuot sa aking likuran. Muli pa nyang hinipo ang pisngi, noo at leeg ko habang nakakunot ang kanyang noo. Nakaguhit sa kanyang mukha ang pag aalala. Nakakapanibago ang kilos nya pero kinikilig ako.
“Uminom ka na ba ng gamot?” Tanong nya sa mababang boses.
Umiling ako. “Hindi pa.”
“Wala kang gamot?”
“Bumili ako sa botika kanina.” Pinakita ko sa kanya ang hawak na maliit na plastic.
Inabot naman nya ang isang bote ng mineral water at binuksan yun saka inabot sa akin. “Uminom ka na.”
Kumuha ako ng isang tableta ng gamot at nilagay sa bibig saka ko kinuha ang bote ng tubig at uminom. Binawasan naman ni Kuya Matias ang lamig ng aircon ng kanyang kotse. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay sya pa ang nagkabit ng seatbelt ko.
Masarap pa lang mag alaga si Kuya Matias. Naalala ko ang sinabi ni Kuya Kester, kung magiging jowa ko raw si Kuya Matias, may jowa na ako may tatay pa.
Woah! Chapter 21 pa lang pero 100k reads na si Kuya Matias at si Baby Ava. Thank you sa inyo!
Chapter 22
Ava POV
“GOOD morning mommy.” Bati ko kay mommy pagpasok ko sa komedor. Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.
“Kamusta na ang pakiramdam mo anak?”
“Ayos na po mommy. Kaya ko na pong pumunta sa store at bake shop.” Sabi ko at umupo na sa tabi ni mommy.
“Bukas ka na lang pumunta. Magpahinga ka pa. Baka mabinat ka.” Ani mommy at tinawag ang isang kasambahay para ipagtimpla ako ng tsaa. Pero nag request akong milo ang itimpla.
“Dalawang araw na akong nandito sa bahay ’my eh. Medyo nababagot na ako.” Nakangusong sabi ko.
Dalawang araw akong nanatili sa bahay dahil nilagnat ako. Gusto pa nga akong dalhin sa hopspital ni mommy pero di ako pumayag. Ayoko sa hospital saka simpleng lagnat lang naman yun.
“Huwag ng matigas ang ulo Ava. Magpahinga ka muna. Sya nga pala may dalang pagkain si Matias para sayo. Kuh, kasweet talaga ng binatang yun. Papasok na lang sya sa opisina dumaan pa rito para maghatid ng pagkain mo.”
Natigilan ako sa sinabi ni mommy. “Dumaan po si Kuya Matias?”
“Oo kani-kanina lang. Tulog ka pa. Hindi ka na nga pinagising para tuloy tuloy ang tulog mo. O di ba? Sobrang sweet nya. Lagi kang inaalala. Naisip ko lang anak, kung sya ang makakatuluyan mo di na ako mag aalala. Nasisiguro kong maaalagaan ka nya. Ngayon pa nga lang na nanliligaw pa lang sya sobrang maalaga na sya sayo.”
Napanguso ako sa sinabi ni mommy. Botong boto talaga sya kay Kuya Matias. Pero para namang nagiinit ang dibdib ko sa sinabi nya. Totoong maalaga si Kuya Matias sa akin. Sa dalawang araw na may sakit ako ay gabi gabi pa rin syang pumupunta hindi para manligaw kundi para tingnan ako. Kung ano ano ring mga pagkain ang dala. Sa umaga bago pumasok sa opisina ay dumadaan pa sya dito para dalhan ako ng pagkain.
“Anak, bukas nga dalhan mo ng lutong pagkain si Matias sa opisina nya. Pasasalamat man lang sa mga kabutihan nya sayo.” Suhestiyon ni mommy.
“Hindi ako marunong magluto mommy.”
“I know.”
“Ikaw po ang magluluto?”
“Hindi rin. Alam mo namang hindi rin ako marunong magluto baka sumakit lang ang tiyan nya. Magpapaluto tayo kay Manang Josie.”
Ngumiwi ako. Oo nga pala, di rin marunong magluto si mommy. Tumutulong lang sya sa kusina. Mag ina nga kami dahil parehas kaming di marunong magluto.
Pumasok na sa komedor ang dalawang kasambahay at hinain na sa mesa ang almusal namin ni mommy. Ang sa akin ay ang pagkain na dinala ni Kuya Matias.
–
“Hi miss! Nasa opisina ba nya si Kuya Matias?” Nakangiting tanong ko sa isang receptionist.
“Sino pong Matias ma’am?”
“Ehh..” Oo nga pala. Kaunti lang ang nakakaalam na Matias ang nickmane ni Kuya Matias. “I mean, Maalik Tobias Santiago.”
“Ah yes po ma’am, nasa opisina po nya. Pero may ka-meeting po sya ngayong kliyente. May appointment po ba kayo sa kanya ngayon?” Magalang na tanong ng babae.
Kumagat labi ako. Need pa pala ng appointment bago makipagkita sa big boss. Eh magbibigay lang naman ako ng pagkain.
“Wala eh, may ibibigay lang sana ako. Baka pwedeng umakyat ako saglit o kaya pakitawagan sya.” Sabi ko at tinaas ang hawak na brown paper bag.
“Naku ma’am, hindi po pwede eh. Yung mga may appointment lang po ang pwedeng pumasok sa opisina ni Sir Maalik at hindi po namin sya pwedeng basta tawagan. Yung secretary lang po nya ang pwede naming tawagan.”
“Ganun ba.” Nanlumo ako. Susurpresahin ko pa naman sana sya. Ang higpit pala dito sa company building nya. Kunsabagay ganun din sa amin.
“Ah ma’am, kaano ano po ba kayo ni Sir Maalik?” Tanong pa ng isang receptionist na medyo mataray ang mukha at nanunuring tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.
“Uh ano..” Ano ba ang sasabihin ko? Na ako ang babaeng nililigawan ng big boss nila. Baka di pa sila manilawa at pagtawanan pa ako. “Ano.. kapatid ako ng isa sa mga kaibigan nya.” Sinabi ko na lang.
“Sino pong kaibigan ni sir ma’am?” Nakataas ang isang kilay na tanong pa ng receptionist na mataray ang mukha.
Medyo hindi ko nagustuhan ang tono ng pagtanong ng babae. Tiningnan ko ang pangalan nyang nakasulat sa name plate. Tumaas ang isang kilay ko at tinarayan rin ang bukas ng mukha.
“I am Atlas Montecillo’s sister, Miss Digna Dimaranan.” Taas noong sabi ko. I’m sure kilala nila ang kuya ko.
Nagtinginan ang dalawang receptionist.
“Kapatid po kayo ni Sir Atlas Montecillo?” Tanong ng mabait na receptionist.
“Yes. His one and only sister. Wait, here’s my ID. Baka akala nyo nanloloko ako.” Dinukot ko sa sling bang ang wallet at kinuha ang ID at binigay sa kanila. Masusi naman nila yung tiningnan.
Napangisi ako ng makita ang pagkamangha sa kanilang mga mukha lalo na yung mataray na receptionist na si Digna.
“Eh ma’am, pasensya na po. Pero kahit po kapatid kayo ni Sir Atlas eh hindi pa rin po kayo pwedeng basta na lang pumunta sa opisina ni Sir Maalik. Mahigpit na rules po iyon. Tanging may appointment lang po ang pwedeng pumasok sa opisina nya.” Magalang ng paliwanag ni Digna.
Napabuntong hininga ako sabay ikot ng mata. Sya ang tipo ng taong binabase sa status ng isang tao kung paano nya iyon tatratuhin. May ganito palang empleyado si Kuya Matias.
“It’s ok, tatawagan ko na lang sya para sabihing nandito ako. Kapag di nya ako pinapasok basted na sya.” Himutok ko habang kinukuha ang cellphone sa sling bag at dinial ang numero ni Kuya Matias. Tumingin ako sa dalawang receptionist na nakatingin lang sa akin habang mga nakaawang ang labi.
Tatlong beses nagring ang kabilang linya bago may sumagot.
“Hello Ava, I’m in the middle of a meeting. I’ll call you later.”
Napakagat labi ako ng marinig ang malaki, malalim at magaspang na boses ni Kuya Matias sa kabilang linya.
“Hello Ava..”
Bumuntong hininga ako. “Nandito ako sa ibaba ng building. May dala akong pagkain para sayo kaso ayaw akong paakyatin mg mga receptionist mo dyan sa opisina mo dahil wala daw akong appointment at may ka-meeting kang kliyente. Iiwan ko na lang dito sa baba ang pagkain mo kunin mo na lang kapag tapos na ang meeting mo.”
“Wait, nandito ka sa building?”
“Oo nga.”
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya.
“Dyan ka lang huwag kang aalis.”
“Pero – “ Naputol ang sasabihin ko ng maputol na ang kabilang linya. Binabaan na nya ako. Napaismid na lang ako.
Nilingon ko ang dalawang receptionist. Tumunog ang intercom na nakapatong sa desk. Sinagot yun ng mataray na receptionist.
“Yes sir.. opo.. sige po..” Binaba na ng receptionist ang intercom at bumaling sa akin. “Ma’am pwede na po kayong umakyat sa opisina ni Sir Maalik.”
Napataas ang kilay ko ng sabihin ng receptionist kung anong floor ang opisina ni Kuya Matias. Nasa pinakatuktok pala. Kunsabagay big boss sya eh. Kaya sa tuktok talaga sya. Nakakagulat din na pinayagan nya akong umakyat sa opisina nya.
Giniya ako ng mabait na receptionist sa private lift. Nagpasalamat naman ako sa kanya.
“Good afternoon ma’am. I’m Jamil Iglesias secretary po ni Sir Maalik.” Bati sa akin ng lalaking maputi at tsinito. Nilahad nya ang kamay. Tinanggap ko naman yun.
“I’m Arabella Vania Montecillo but you can call me Ava for short. Nice to meet you Jamil.” Magiliw na bati ko rin sa secretary ni Kuya Matias.
“Nice to meet you rin po ma’am. Uh, this way po.”
Giniya ako ni Jamil sa lobby. Umupo naman ako sa isa sa mga couch. Nakaharap sa lobby ang isang may kalakihang pinto. Nakita ko ang buong pangalan ni Kuya Matias sa plate na nakalagay sa pinto. Sa taas ng pinto ay may nakalagay ding signage na ceo’s office.
“Malapit na pong matapos sa meeting si Sir Maalik ma’am. Pakihintay na lang daw po sya. You want coffee po or juice?” Alok ni Jamil.
“Hindi na Jamil, salamat na lang.” Tanggi ko.
“Ok po ma’am. Tawagin nyo na lang po ako kung may kailangan kayo.” Ani Jamil at tumalikod na. Lumapit sya sa isang corner na may office table. Mukhang yun ang kanyang opisina.
Nilibot ko ang tingin sa paligid. Nasa pinaka mataas na floor ang opisina ni Kuya Matias. Okupado nya ang buong floor. May malawak na lobby kung saan malamang dito nya tinatanggap ang mga importanteng bisita. Puro salamin ang buong floor kaya kita ang iba pang mga nagtataasang building sa labas. Presko ang ambiance dahil sa mga berdeng halaman na palamuti na naroon na di ko alam kung ano ang mga pangalan. Hanggang dito ay dala pa rin ni Kuya Matias ang pagiging plantito nya.
Ang kumpanya ni Kuya Matias ang isa sa pinakamalaking real estate developer sa bansa. Kaya ang mamahal ng mga bahay nya at condo. Pero worth it naman. Ang ganda nga ng bahay ni Kuya Atlas at ni Jolene eh. Pati na rin ang bahay ni Kuya Luigi at Ivonna na mansion sa laki at isang bilyon ang halaga. Gusto ko ring bumili ng bahay sa kanya. Pero kailangan ko munang mag ipon ng daan daang milyon.
Natigilan ako sa pagmuni muni ng bumukas ang pinto ng opisina. Lumabas ang dalawang matanda na mukhang mag asawa.. Naka americana ang lalaki at posturang postura naman ang babae na kumikinang ang mga alahas sa katawan. May kasama silang mas batang babae na maganda. Sexy ang pananamit nito at may maarteng tawa. Tumaas ang isang kilay ko ng huling lumabas si Kuya Matias. Nakita nya ako pero saglit lang syang sumulyap sa akin at tinuon ang pansin sa mga bisita.
“Thanks for coming Mr. Laurecio.” Pormal na sabi ni Kuya Matias sa matandang lalaki.
“I should be the one to say thank you Mr. Santiago. Salamat sa paglaan mo ng oras sa aming pamilya.” Mabait na sabi naman ng matanda.
“You’re welcome sir and welcome to Dayanara’s Park.” Ani Kuya Matias sabay lahad ng palad.
Mukhang bumili ng bahay ang pamilya sa Dayanara’s Park. Ang high end subdivision na isa sa pagmamay ari ni Kuya Matias. Pinangalan iyon sa yumao nyang ina.
“I’m so excited na tumira sa bago naming house. Sana nandun ka rin Sir Maalik sa house blessing namin.” Anang mas batang babae na ngiting ngiti at obvious na nagpi-flirt kay Kuya Matias na stoic lang ang mukha.
“Iha, nakakahiya naman kay Mr. Santiago. Baka maabala pa natin sya sa araw na yun.” Saad naman ng ginang.
“It’s ok ma’am. Kelan ho ba ang balak nyong blessing? Titingnan ko kung tutugma sa free schedule then pupunta ako.”
“Yun naman pala mommy eh!”
“Well, pag uusapan pa namin yan Mr. Santiago.” Sagot naman ng matandang lalaki.
“Sige ho, pasabihan na lang ho ang secretary ko kung kelan and let’s see kung free ako ng araw na yun.”
Tuwang tuwa ang maarteng babae sa sinabi ni Kuya Matias. Habang ang mag asawa naman ay halatang hindi na komportable at nahihiya na sa kinikilos ng anak. Si Kuya Matias ay ganun pa rin ang mukha. Pormal na pormal kahit harap harapan na syang hinaharot ng babae. Ako naman ay heto – nakasimangot. Parang may kumukurot sa dibdib ko. Naiinis ako na may babaeng humaharot sa kanya. Nagseselos yata ako pero bakit naman ako magseselos eh wala namang kami. At isa pa wala naman syang ginagawang masama. Yung babae lang na maharot na parang kikinsot.
Nagpaalam na ang pamilya at hinatid na sila ni Jamil sa lift. Pero hindi sa lift na nilabasan ko kanina.
Bumaling na sa akin si Kuya Matias at lumapit. Tumayo naman ako at pasimple ko syang binistahan. Executive na excutive ang dating nya. Big boss talaga. Naka long sleeve polo na puti with necktie na humahakab sa kanyang maskuladong katawan lalo na sa bandang dibdib. Pati nga ang mga sleeves ay humahakab din sa kanyang malalaking mga braso. Nakatuck in yun sa kanyang itim na slacks na medyo humahakab din sa kanyang mga hita pati sa kanyang gitna na nakabukol.
Mabilis kong inalis doon ang mata kasabay ng pagiinit ng aking pisngi. Bakit ba natuon pa dun ang pansin ko? Eh kapansin pansin naman kasi dahil malaki ang bulge. Siguradong malaki ang kanya. Gaano kaya kalaki?
Ipinilig ko ang ulo.
Nyemas ka Ava! Ang manyak mo!
“Are you ok?” Kunot noong tanong ni Kuya Matias ng makalapit na sa akin.
Tumikhim ako at tumango. “Y-Yes of course I’m ok!”
“Are you sure? Eh bakit namumula ang mukha mo? Tss! Hindi ka pa yata magaling gumagala ka na.” Sermon nya at hinipo hipo ang pisngi, noo at leeg ko.
Tila naman lalong nadagdagan ang init sa aking mukha. Mukhang magkakasakit ulit yata ako.
“Ok ka naman. Hindi ka naman mainit.”
“I-I told you I’m ok..” Nauutal pang sabi ko at inabot sa kanya ang brown paper bag. Kinuha naman nya yun at sinilip.
“Para saan to?”
Ngumiti ako. “Para sayo. Pa-thank you ko kasi kahit busy ka inaalagaan mo ko.”
“Of course, importante ka sa akin at future girlfriend kita kaya dapat lang na alagaan kita.” Parang wala lang na sabi nya.
Pero iba ang dating sa akin ng sinabi nya. Nagsisirko na naman ang puso ko sa kilig.
Kinagat ko ang ibabang labi sabay kamot sa leeg na hindi naman makati. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya.
“Ano.. iaabot ko lang yan. Sige alis na ko..” Tumalikod ako at akmang hahakbang na pero hinawakan nya ang braso ko.
“Saan ka pupunta?”
Lumingon ako sa kanya. Nakakunot ang kanyang noo. Bakas ang pagtutol sa kanyang mukha sa pag alis ko.
“U-Uuwi na. Naihatid ko na yang pagkain eh.”
“Kadarating mo pa lang aalis ka na agad. Sa loob tayo ng office ko.” Hinawakan nya ang kamay ko.
Namilog ang mata ko at nagiba ang takbo ng utak ko. “Huh? Bakit? A-Anong gagawin mo sa akin?”
Kumunot ang kanyang noo. “Anong anong gagawin ko sayo? Mag uusap tayo. Unless..” Unti unting nabura ang pangungunot ng kanyang noo at sya namang unti unting pagsilay ng pilyong ngiti sa kanyang labi. “May gusto kang ibang gawin natin..” Aniya at malisyosong tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Nag init naman ng husto ang mukha ko. Gets ko agad kung ano ang ibig nyang sabihin. “W-Wala no!”
“The let’s go. Nagugutom na ako.” Hinila nya ako papasok sa opisina nya.
Kuya kuya huwag po! Huwag po! Huwag nyo po akong kainin. Masarap po ako – este di ako masarap!
Chapter 23
Ava POV
TITIG na titig ako kay Kuya Matias at walang kurap kurap habang kumakain sya. Sinusundan ko ng tingin ang bawat subo nya ng kutsara, bawat galaw ng labi. Halatang sarap na sarap sya sa pagkain at ang sarap nyang panoorin. Lalaking lalaki sya kumain.
Sumulyap si Kuya Matias sa akin at kumunot ang noo. “Don’t stare at me like that Ava.” Aniya habang nililigpit na ang pinagkainan at pinupunasan ng napkin ang bibig.
Ngumuso ako. “Sungit mo naman. Tinitingnan ka lang eh..”
Ngumisi sya. “Yung tingin mo parang gusto mo kong kainin.”
Namilog ang mata ko at napasinghap ako sa sinabi nya. “Bakit masarap ka ba?” Kinagat ko ang labi sa tinanong ko. Shet! Bakit yun ang nasabi ko?
Tumingin sya sa akin at nangislap ang kanyang mga mata.
“What’s wrong with you huh.. bakit nagiging green minded ka ngayon?” Nakangisi nyang tanong at dinampot ang bote ng tubig at uminom habang ang mata ay nasa akin pa rin.
Bigla akong naging uncomfortable sa kinauupuan ko. Di ko alam kung ano ang isasagot ko. Baka kasi iba na naman ang masabi ko. Nakakahiya na. Di ko rin alam kung bakit nagiging green minded ako ngayon. Siguro di pa talaga ako magaling. Baka nabinat ako. Tama nga si mommy, dapat hindi muna ako maglalabas dahil baka mabinat ako.
Tumayo ako at sinukbit ang sling bag sa balikat. “A-Ano.. uwi na pala ako. P-Parang di maganda ang pakiramdam ko eh. S-Sa tingin ko may binat ako.” Nauutal pang sabi ko sabay talikod at malalaki ang hakbang na tinungo ang pinto. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Hinawakan ko ang door knob at pinihit iyon. Pero di yun mapihit dahil naka-lock.
“Bakit nakalock?”
Lumingon ako kay Kuya Matias. Namilog ang mata ko at lalong bumilis ang pintig ng puso ko ng makita kong papalapit sya sa akin. Nataranta ako at pilit kong pinipihit ang doorknob. Bumukas ka! Bumukas ka!
“Kahit anong pihit mo dyan di mo mabubukasan yan. Nasa akin ang remote.”
Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok at likuran ng marinig ang malalim na boses ni Kuya Matias sa aking likuran. Kahit malamig sa loob ng opisina nya dahil sa buga ng aircon ay para pa rin akong naiinitan. Ramdam ko rin ang singaw ng mainit nyang katawan.
Para akong may stiff neck na lumingon at tumingala kay Kuya Matias. Kakaiba talaga ang kislap ng mata nya ngayon. Parang.. para nya akong kakainin.
“K-Kuya.. pabukas po..” Sambit ko sa mahinang boses.
Pero nginisihan lang nya ako ng nakakaloko ni Kuya Matias. “Bakit parang takot na takot ka sa akin?” Humakbang pa sya ng mas malapit.
Humarap naman ako sa kanya at sumandal sa pinto habang nakatingala sa kanya. Parang bigla akong kinapos ng hininga at nagwawala na ang puso ko sa loob lalo na ng ilapat nya ang isang kamay sa gilid ng ulo ko at bahagya pa syang yumuko. Isang dangkal na lang ang pagitan ng aming mukha. Dama ko ang mainit nyang hininga sa aking mukha at naamoy ko rin ito. Hindi sya amoy ulam infairness, mabango ang hininga nya.
“Ava..” Mahinang sambit nya sa pangalan ko sa magaspang at senswal na boses habang titig na titig sa mukha ko partikular sa aking labi.
Napalunok naman ako at tila biglang nanuyo ang lalamunan ko. Wala na akong ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng puso ko.
Unti unti pang bumaba ang mukha ni Kuya Matias. Hahalikan nya yata ako! Pero di pa naman kami eh. Hindi ko pa sya sinasagot kaya bawal pa nya akong halikan!
‘Gaga! Pumikit ka na lang! Chance mo ng magkafirst kiss!’ Sigaw ng kabilang bahagi ng utak ko.
Sige na nga pipikit na lang!
Pinikit ko ang mata at hinintay na lang na lumapat ang labi ni Kuya Matias sa labi ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga.
Heto na! Magkakafirst kiss na ako! Kiss me habibi!
Pero tila ako nagising sa isang masarap na panaginip ng tumunog ang intercom. Agad akong dumilat at nahigit ko ang hininga ng bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Kuya Matias. Halos ga-sinulid na lang ang pagitan ng aming mga mukha.
Muling tumunog ang intercom. Tumiim bagang si Kuya Matias at pumikit ng mariin sabay mahinang nagmura. Humugot sya ng malalim na hininga at tumalikod. Nilapitan ang office table at pinindot ang intercom.
“Yes Jamil.” Paangal ang tono ng boses nya. Nakaguhit sa mukha ang inis.
Inis sya dahil nabitin? Nakakainis naman takaga eh. Badtrip si Jamil. Ang sarap isako. Chance ko ng magkafirst kiss eh. Nang istorbo pa.
Ipilig pilig ko ang ulo. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko at nanghihina ang mga tuhod ko. Parang hinigop ni Kuya Matias ang lakas ko. Hindi pa nga nya ako hinahalikan nanghihina na ako. Paano pa kaya kung nahalikan na nya ako?
Muli kong ipinilig ang ulo. Puro agiw na yata ang utak ko. Kelan pa ako naging desperada sa halik ni Kuya Matias.
“Alright, lalabas na ako.” Pinatay na ni Kuya Matias ang intercom at muling lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Let’s go.”
“Ha?” Tanging nasabi ko na lang at nagpatangay na lang sa kanya. Binuksan nya ang pinto na hindi na nakalock.
Hawak ang kamay ko ay sabay kaming lumabas at dumiretso sa lift. Sumunod sa amin si Jamil na panay ang tingin sa kamay namin ni Kuya Matias na magkahawak. Malamang iba na ang tumatakbo sa isip nya.
Sinubukan kong bawiin ang kamay pero hinigpitan lang ni Kuya Matias ang hawak at sumulyap pa sya sa akin.
“S-Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko.
Bumuntong hininga sya. “Ihahatid na kita sa ibaba. May emergency akong pupuntahan.”
“Ah.. pero di mo na ako kailangan ihatid sa ibaba. Kaya ko naman mag isa. Nakaakyat nga ako dito mag isa eh.”
Nginisihan lang nya ako at sumulyap sa itaas ng elevator kung saan pababa na ang numero.
“Hindi ako makakapunta mamaya sa bahay nyo dahil may iba akong lalakarin. Pero tatawagan kita.”
“Okay..”
“Are you free on Saturday?”
Sumulyap ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa harap ng pinto ng elevator kung saan nakikita ang reflection namin sa makintab na mental. Kita ko doon na nakatingin sya sa akin. Ang secretary nyang si Jamil ay tahimik lang sa gilid pero alam kong nakikinig.
Tumikhim ako. “Sa shelter ako kapag Saturday. Sa Sunday ako free. Bakit?”
“Fine, Sunday na lang.” Lumingon sya sa akin. “Yayayain sana kitang mag barbecue at manood ng movie sa bahay.”
Muli na namang naging eratiko ang tibok ng puso ko sa kanyang sinabi. Inaaya nya ako ng date sa bahay nya.
“B-Bakit?”
“Because I want to spend time with you.. yung tayong dalawa lang at walang istorbo.” Tahasan nyang sabi.
Napakurap kurap naman ako habang hindi na magkandatuto ang puso ko sa pagtibok ng mabilis. Para na akong kakapusin ng hininga. Bakit ba ganito na lang ang epekto nya sa akin? Oo na gusto ko na sya! Pero ang oa na nitong nararamdaman ko para sa kanya. Para na akong magkakasakit sa puso.
“So ano? Pwede ka ba sa Sunday?” Untag nya sa akin.
“O-Oo naman! Manonood lang pala ng movie at magbabarbecue eh.” Sagot ko.
‘Ay oo agad Ava? Hindi ka man kang nagpakipot?’ Kastigo sa akin ng isang bahagi ng utak ko.
Bigla namang inihit ng ubo si Jamil.
“Are you ok Jamil?” Tanong ni Kuya Matias at nilingon ang secretary.
Tumayo naman ng tuwid si Jamil. “Uh yes sir, ayos lang po ako. Nasamid lang po.”
Kumagat labi ako. Malamang nasamid si Jami sa sinabi ng boss nya.
Hinila ni Kuya Matias ang kamay ko kaya napadikit ako sa kanya. Sumulyap sya sa akin. Hayun na naman ang kakaibang kislap ng kanyang mata gaya kanina. Nag iwas ako ng tingin kasabay ng pagiinit ng aking mukha.
Pagdating sa ground floor ay hawak pa rin ni Kuya Matias ang kamay ko habang naglalakad kami palabas ng building. Marami rami ang tao sa ground floor ba karamihan ay mga empleyado. Break time kaya nag ipon ipon sila at mga nakatingin sila sa amin. May nakaguhit na mangha at pagtataka sa kanilang mukha.
Magalang na binati kami ng dalawang security personnel na nakatalaga sa exit. Hinatid ako ni Kuya Matias hanggang sa kotse ko. Napansin kong nag iba ang awra ng kanyang mukha. Bahagyang salubong ang kilay at tumigas ang panga. Palinga linga din sya sa paligid. Tila ba sya alerto.
Binuksan ko ang pinto sa driver’s seat. Akmang papasok na ako ng hawakan nya ang braso ko. Lumingon ako sa kanya.
“May iba ka pa bang pupuntahan?” Tanong nya.
“Oo, sa bakeshop.”
Tumango sya. “Tawagan mo ko kapag nandun ka na.”
“O.. kay.”
Nahigit ko ang hininga ng dampian nya ako ng halik sa gilid ng labi saka nya ako inalalayan papasok sa driver’s seat. Para naman akong robot pero ang puso ko ay nagsisirko na naman sa loob.
.
.
Third POV
“SIR Jamil, girlfriend ba ni sir yung babaeng kasama nya?” Tanong ni Rijane habang nakatanaw sa kanyang bigboss sa labas na kausap ang babae.
“Baka fling lang ni sir.” Sabi naman ni Digna.
“Sa tingin ko hindi. Iba kasi ang hawak ni sir sa kamay nung babae. Parang ayaw nyang mawala. Kita mo hinatid pa nya sa kotse. Yung ibang mga babae dati na pumupunta dito hindi naman hinahatid ni sir sa labas at hindi rin nya hinahawakan sa kamay. Yung mga babae lang ang nakakapit sa braso nya.” Katwiran pa ni Rijane. “At saka sa lahat ng mga babaeng pumunta dito para kay sir, yang babae lang na yan ang mabait at disente. Di gaya nung mga nauna na bruha.” Napaismid si Rijane ng maalala ang babaeng sosyalera na anak ng isang kliyente na laging pumupunta kay sir. Mataray ito, maarte at may pagkamatapobre. Mabuti nga at din na yun nagpupunta. Baka sinindak ni sir dahil makulit.
“Aba, malay natin. Sa ilang taon ko na rito never ko pang nabalitaan na nagkagirlfriend si sir, puro fling lang. Baka nga fling lang talaga gaya din ng mga naunang babae. Di ba Sir Jamil?” Untag pa ni Digna sa secretary ng kanilang bigboss.
“Tama na yang mga hula hula nyo mga inday. Girlfriend sya ni sir.”
“Talaga?” Halos sabay na bulala ni Rijane at Digna.
“Yes, at may date sila sa linggo sa bahay ni sir. Never nagdala ng babae si Sir Maalik sa bahay nya. At isa pa nagiisang kapatid at bunso ni Sir Atlas si Ma’am Ava kaya imposibleng gawin syang fling ni Sir Maalik, siguradong magkakagulo ang magkaibigan. At sa tingin ko plano ng mag asawa ni sir.” Ani Jamil. Kanina lang nya nakita na ganun umakto ang kanyang boss sa isang babae. May lambing. Hindi gaya sa ibang babae na malamig ang pakikitungo nito. Kaya sure sya na girlfriend ng kanyang boss si Ma’am Ava.
Umawang naman ang labi ng dalawang receptionist sa sinabi ni Jamil. Kung ano ano pa ang tinanong nila rito. Interesado silang malaman ang lovelife ng kanilang gwapo pero masungit na bigboss.
Di po ako sure kung may update bukas dahil linggo. Magiging busy si otor :)
Chapter 24
Ava POV
“SO kamusta naman kayo ni Daddy mo Matias – este Kuya mo Matias pala.” Nakangising wika ni Ivonna. Nagpapahinga sya mula sa pagbebake kaya may time kaming magchikahan.
Sinipsip ko muna ang straw ng piñacolada. “Ayos lang naman kami.”
“Hindi mo pa sya sinasagot?”
“Wala pa nga syang isang buwang nanliligaw sasagutin ko na sya agad.” Nakangusong saad ko at inikot ikot ang straw sa mataas na baso.
“Pero gusto mo syang sagutin?” Nakataas ang isang kilay na tanong ni Ivonna habang may nanunuksong ngiti.
Hindi ako agad nakasagot sa tanong na yun ni Ivonna. Sa totoo lang, nalilito ako. Pero gusto ko si Kuya Matias aminado na ako doon.
“Ewan ko..” Tanging nasabi ko na lang at sinipsip ang straw.
“Sagutin mo na sya, bagay naman kayo eh.” Pambubuyo pa ni Ivonna.
“Paano mo naman nasabi na bagay kami?” Pero may kumudlit na kilig sa puso ko sa sinabi nya na bagay kami ni Kuya Matias.
“Dahil opposite kayo. Matured sya at seryoso sa buhay. Ikaw, kalog at isip bata. O di ba swak na swak!” Natatawang sabi pa nya.
Napanguso naman ako. Naalala ko ang sinabi ni Kuya Matias na kapag naging nobya nya raw ako ay di na raw uubra ang katigasan ng ulo ko sa kanya. Parang nakakatakot na maging boyfriend sya but at the same time parang masarap din dahil maalaga sya.
Sa linggo ay nag aaya syang magbarbecue at manood ng movie. Excited ako na kinakabahan dahil kaming dalawa lang ang naroon. Ayaw nya raw kasi ng istorbo. Paano kung.. may gawin sya sa akin? Papayag ba ako o papayag? Este di papayag? Syempre papayag – este di papayag!
Ipinilig ko ang ulo. Nyemas! Mukhang mas dapat akong kabahan sa sarili ko.
.
.
Matias POV
BUMABA ako sa land rover ko ng makita ang inspector at mga kasamahan nyang police na palabas ng malaking bahay kung saan nagpositibong nagtatago si Uncle Elijah at mga tauhan nito. Sumunod din sa pagbaba ng sasakyan ang limang tauhan ko.
“Inspector, how’s it going?” Tanong ko kay Inspector Cedric Montez. Ang syang bagong may hawak ngayon sa kaso ni Uncle Elijah.
“Positive na may tumira sa bahay na yan pero negative dahil wala ng tao. Wala si Elijah Moreno at ang mga tauhan nya.”
Bumuntong hininga ako. Inaasahan ko ng hindi namin maaabutan si Uncle Elijah. May sa palos ito, madulas at mabilis pumulas.
“Pero positive ang impormante namin inspector. Kita naman sa mga pictures na pinadala namin sa inyo.” Wika ni Harold na isa sa mga tauhan ko.
“Walang duda dyan. Pero malamang nakatunog si Elijah Moreno na alam nyo na ang pinagtataguan nya kaya agad silang umalis at nagkuta naman sa kung saan.”
Sabay kaming napalingon sa dalawang sasakyan na bagong dating. Bumaba ang pinsan kong si Dan kasunod ang kanyang mga tauhan. Lumapit sya sa amin at bumati at nakipag kamay kay Inspector Montez.
“What happened? Nahuli na ba si Uncle?” Kunot noong tanong nya.
“Nakapulas sya Mr. Acosta. Nahuli tayo.” Hayag ni Inspector Montez.
Malutong na napamura naman si Dan. “Hanggang kelan ba natin sya hahabulin? Bakit ba ang hirap nyang hulihin? Hangga’t pagala gala sya ay di pa rin ako makakampante. Isa syang malaking banta sa pamilya ko.” Nakapamewang na saad ni Dan. Nasa kanyang mukha ang frustration.
Naiintindihan ko ang saloobin nya. May pamilya syang pinoprotektahan. Noong isang araw lang ay may namataang aali-aligid na isang di kilalang sasakyan sa harapan ng kanilang bahay kaya naman lalo syang napraning at kating kati ng mahuli si Uncle Elijah.
“May hinala ako na may pumoprotekta kay Uncle Elijah. Dahil mabilis syang makatunog at nakakapagtago agad.” Sabat ko.
Bumaling silang lahat sa akin.
“Yan din ang suspetsa ko Mr. Santiago. Sa tingin ko ay pinoprotektahan sya ng isang politiko.” Sang ayon ni Inspector Montez.
“At sino naman kayang politiko yan?” Tanong ni Dan.
“Yan ang susubukan nating alamin. Mahaba habang proseso pa ito pero pasasaan ba at mahuhuli rin natin si Elijah Moreno at diretso na sya sa bilangguan. Damay din kung sinoman ang pumoprotekta sa kanya.” Saad ni Inspector Montez.
Tumiim bagang ako at kinuyom ang kamao. Maging ako man ay kating kati na ring mahuli si Uncle Elijah para pagbayarin sya sa lahat ng kasalanan nya. Pero ano ba ang magagawa ko? Kailangan sumunod sa batas. Kaya panibagong paghahanap na naman. Pero nararamdaman kong malapit na namin syang mahuli. Masusukol din namin sya.
Dahil wala kaming napala ay nag alisan na kami sa lugar na yun at didiretso sa istasyon ni Inspector Montez.
.
.
Ava POV
SINISIPAT sipat ko ang sarili sa life size mirror. Nakasuot ako ng semi crop top blouse na kulay baby blue at shorts skirts na puti. Bahagyang kita ang maputi kong sikmura. Mabuti na lang at pumayat payat na ako at naggi-gym na rin kaya wala ng namumutok na bilbil.
Ok na siguro tong suot ko sa bahay lang naman ni Kuya Matias ang punta ko eh.
Kumagat labi ako at bumuntong hininga habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Mabilis ang pintig ng puso ko. Excited na kinakabahan. Ang totoo nyan kanina pa ako papalit palit ng damit. Deep inside gusto kong maimpress sa akin si Kuya Matias.
Umikot ang mata ko. Bakit ba ako magpapaimpress sa kanya? Di naman ako ang nanliligaw. Ako kaya ang nililigawan. Kaya dapat sya ang magpaimpress sa akin. Pero lagi naman akong impress sa kanya eh kahit sa simpleng kilos nya lang na walang ka-effort effort.
Umalis na ako sa salamin at pumasok sa closet. Namili ako ng sandals na susuotin na mga nakadisplay sa racks. Dinampot ko ang isang pares ng kulay beige na sandals na may two inches na makapal na takong. Isang beses ko pa lang itong sinuot.
Umupo ako sa foots stool chair at sinuot na ang sandals. Lumitaw lalo ang kaputian ng paa ko dahil sa kulay ng sandals. Tumayo ako at sinipat sipat ang paa. Ng makuntento na ay lumabas na ako ng closet at lumapit naman sa vanity mirror at nag apply ng manipis na make up. Halos liptint nga lang ang nilagay ko at bahagya kong binrush ang may korte kong kilay. Ang buhok kong tuwid na kulay itim ay tinali ko pataas.
Kinuha ko na ang shoulder bag at sinukbit sa balikat.
“Ate Eda alis na po ako.” Paalam ko sa kasambahay.
“Enjoy po sa date nyo ni Ser Matias ma’am.” Nanunuksong ngumiti si Ate Eda sa akin.
Ngumisi na lang ako at lumabas na. Dumiretso ako sa garahe at nilapitan ang kotse. Nagpaalam na ako kay mommy kagabi pa na may date kami ni Kuya Matias. Gaya ng inaasahan excited ang tita nyo. Hindi ko lang sinabi na sa bahay kami ni Kuya Matias magdedate dahil siguradong iba ang iisipin ni mommy. Umalis si mommy at nasa clubhouse sya ngayon kasama ang kamarites nya – este mga kumare. Bonding time nila ang linggo. Zumba na may kasamang tsismisan.
Malakas ang tibok ng puso ko ng ipasok ko ang kotse sa bumukas na gate ng bahay ni Kuya Matias. Natatanaw ko na sya sa porch na nakaabang sa akin. Naka suot lang sya ng usual nyang damit kapag nasa bahay, sweatpants na kulay gray at sandong puti na kita ang naglalakihan nyang mga biceps. Napanguso ako. Dapat pala nagpambahay na lang din ako eh.
Bumaba na ako sa kotse at lumapit kay Kuya Matias na nakakunot ang noo. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghagod nya ng tingin sa akin. Nag init naman ang pisngi ko.
“What took you so long?” May inis sa boses nya.
Nakaguhit din ang pagkainip sa kanyang mukha. Mukhang kanina pa nya ako hinihintay. Ang usapan namin ay before lunch dahil dito ako magla-lunch kasama sya.
Tumaas ang kilay ko. “Ay pasensya na po matagal ako. Pero ipapaalala ko lang po Mr. Maalik Tobias Santiago. Nanliligaw pa lang po kayo at hindi nyo pa po ako girlfriend kaya huwag po tayong masyadomg demanding.” Sarkastikong sabi ko sabay ngisi.
“Tss, kanina pa kasi ako naghihintay sayo. Akala ko di ka darating eh..” Himutok nya sabay simangot na parang bata.
Hindi nga ako nagkamali. Kanina pa nga nya ako hinihintay.
Umusli ang labi ko. “Ang usapan natin before lunch di ba? Alas dies pa nga lang eh.”
Hindi na sya nagsalita at hinawakan na lang ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob ng bahay. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ito ang unang punta ko dito sa bahay nya bilang nililigawan nya. Kabado bente ako dahil kami lang ang nandito.
Sinalubong ako ni Pochi ng makita nya ako. Tuwang tuwa sya at nagtatalon talon. Infairness sa kanya kahit bochog maliksi pa ring kumilos at nagdadalaga na sya.
Binitiwan ni Kuya Matias ang kamay ko at hinayaan akong makipaglaro kay Pochi. Dumiretso na sya sa kusina.
“Ano ha! Bochog na bochog na ang bebe ni Daddy Mat. Sanaol bochog. Pero dati akong bochog at ngayon ay sexy na ako at ayoko ng maging bochog kagaya ni bebe Pochi.” Pangbababy talk ko kay Pochi na parang turumpo ng umiikot ng nakatihaya. Inaabot nya ng kagat ang kamay ko pero di naman nya binabaon.
“Ava come here! Help me.” Tawag sa akin ni Kuya Matias.
“Nandyan na!” Malakas na boses na sabi ko at pinanggigilan muna ng isang beses si Pochi bago tumayo. Nilapag ko muna sa couch ang shoulder bag at pumunta sa kusina.
Naabutan ko si Kuya Matias na nagtutuhog ng maliliit na karne sa stick. Sa harapan nya ay isang tupperware na may lamang maliliit na naka-slice na karne na nakamarinate.
“Tulungan mo kong magtuhog para matapos agad tayo at makapag ihaw na.” Aniya at sumulyap sa akin.
Napatanga naman ako habang pinapanopd sya. “But.. I don’t know how Kuya Matias..” Ang alam ko lang kumain ng barbecue.
“Madali lang to. Maghugas ka ng kamay tuturuan kita.”
Pumunta ako sa sink at naghugas ng kamay at lumapit sa kanya. Tinuro naman nya sa akin ang apron na nakasabit sa may hook katabi ng ref. Kinuha ko naman yun at pinasuot nya sa akin para daw hindi madumihan ang damit ko.
Matiyaga naman nya akong tinuruan kung paano magtuhog ng karne. Naiilang pa ako sa ayos namin dahil magkatabi kami at kumikiskis ang malaki nyang braso sa braso ko. Balat sa balat. Para tuloy akong nakukuryente. Nanginginig tuloy ang kamay ko mabuti na lang at hindi ako natutusok. Paminsan minsan ay hinahawakan pa nya ang kamay ko kapag mali ako ng tusok sa karne. Ang galing nyang magtuhog.
“Sino ang nagmarinate nitong karne?” Tanong ko para kahit paano ay mapawi ang ilang ko sa kanya.
“Ako, kahapon ng hapon ko pa yan minarinate kaya siguradong nanuot na sa laman ang lasa nyan.”
Tumingin ako sa kanya. Di makapaniwala sa kanyang sinabi. “Ikaw ang nagmarinate? Marunong ka?”
Lumingon sya sa akin at ngumisi. “Of course. Tinuruan ako ng dati naming kasambahay.”
“Ah.. so ibig sabihin marunong ka ring magluto?”
Tumango sya. “Mga basic lang naman ang kaya kong lutuin.”
“Gaya ng ano?” Mabuti pa sya marunong ng basic na lutuin. Eh ako kahit ano walang alam na luto. Meron pala, nilagang itlog. Madali lang kasi yun eh. Lalagyan lang ng tubig at pakukuluan.
“Gaya ng adobo, mechado, menudo, afritada, sinigang, kare kare, paksiw na bangus at iba pa.” Walang himig ng pagyayabang na sabi nya.
Namilog naman ang mata ko. “Basic na lutuin na yun para sayo? Eh ang hirap kaya lutuin ng mga yun.” Wika ko habang tinutusok ng stick ang nakuha kong maliit na karne sa tupperware.
“Mahirap sa di alam. Pero kung pag aaralin mong lutuin madali lang pala.”
Umusli ang nguso ko. “Hindi ako marunong magluto. Ang alam ko lang nilagang itlog.” Nahihiyang sabi ko.
Dati hindi naman ako nahihiya kapag sinasabi ko sa ibang tao na hindi ako marunong magluto. Pero kay Kuya Matias nakaramdam ako ng hiya. Baka maturn-off sya sa akin dahil di ako marunong magluto at kain lang ang alam ko.
“It’s ok, hindi naman kita paglulutuin kapag naging mag asawa na tayo.”
Muntik ko ng matusok ng stick ang sarili kong kamay sa sinabi ni Kuya Matias. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Parang triple na nga ang tibok nito.
Tumikhim ako at parang may stiff neck na lumingon sa kanya. “A-Asawa? H-Hindi pa nga tayo asawa na agad. P-Parang siguradong sigurado ka na magiging mag asawa tayo.”
Lumingon sya sa akin. Naging mapungay ang kanyang mga mata.
“I’m sure of that. Hindi kita liligawan kung hindi.”
Napakagat labi ako. Sari sari na ang nararamdam ako pero mas lamang ang kilig. Pero may parte ng utak ko na parang nag aalinlangan pa sa kanya.
“Ganyan ba ang lagi mong sinasabi sa mga nililigawan mo dati?” Taas kilay na sambit ko.
“Hindi, ikaw lang ang sinabihan ko nyan dahil ikaw lang ang niligawan ko.”
Namilog ang mata ko. “Ako lang ang niligawan mo? Weh? Chosero ka Kuya Matias! Eh ano yung mga nakita kong mga babae na kasama mo dati? Yung babaeng kasama mo noong 50th birthday ni mommy. Di ba girlfriend mo yun?” Tinaasan ko sya ng isang kilay at inismiran. Akala nya makakalimutan ko yun. Ako pa bolahin nya!
Kumunot ang noo nya. “Who? I don’t remember her. Pero isa lang ang sinisiguro ko sayo, hindi ko sya girlfriend. Never akong nagkaroon ng girlfriend. Itanong mo pa sa kuya mo.”
“Kung never kang nagkagirlfriend. Sino yun mga babae na nakakasama mo noon? Huwag mong sabihing mga malalayong kamag anak mo. Eh para nga silang mga sawa kung makalingkis sayo.”
Ngumisi sya. “Mga dates ko lang sila. Hindi ko sila naging girlfriend.”
“You mean fling mo lang sila.”
Nagkibit balikat sya at di na sumagot.
Umismid naman ako at inirapan sya. Tatahi-tahimik matinik din pala sa chick. Suplado pero lapitin pa rin ng mga babae. Kunsabagay sino ba namang babae ang hindi lalapit sa kanya kahit suplado sya. Saksakan sya ng gwapo, matangkad malaki ang katawan at mayaman. Isa pa lalaki din sya na may mga needs din.
‘Kapag naging girlfriend ka na ni habibi Ava ikaw na ang magbibigay ng mga needs nya. Tutuhugin ka nya!’ Sigaw ng kabilang bahagi ng utak ko.
Ipinilig ko ang ulo kasabay ng pagiinit ng mukha ko. Patang gusto kong tusukin ng stick ang demonyitang bumubulong bulong sa utak ko.
Bumaling sa akin si Kuya Matias. Seryoso ang kanyang mukha ngunit namumungay naman ang kanyang nangungusap na kulay tsokolateng mga mata.
“Noong nabubuhay pa si mommy pinangako ko sa kanya na isang beses lang akong manliligaw. Ang babaeng gusto kong maging nobya at asawa lang ang tanging babaeng liligawan ko. I want you to be my girlfriend and wife Ava.”
Sa mga hindi pa nababasa ang special chapter ng story ni Jeiz at ni Ivy nasa GoodNovel po sya. 3 special chapter po yun about sa dalawa nilang junakis. Lhiamaya rin po ang penname ko sa GoodNovel same profile pic din po ;)
Chapter 25
Ava POV
NAPAAWANG ang labi ko sa huling sinabi ni Kuya Matias. Hindi lang nya ako gustong maging girlfriend kundi maging asawa din. Hindi ko alam kung maniniwawa ba ako o ano. Pero sobrang seryoso ng mukha nya at hindi sya marunong magbiro. Kung ano ang sinabi nya ginagawa nya.
Napalunok ako. Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib dahil sa kaba at kilig.
“H-Hindi pa ako ready mag asawa Kuya Matias. Bata pa ako..”
Ngumisi sya. “Hindi ka na bata. Pwede ka na ngang gawan ng bata.”
Napasinghap ako sa sinabi nya kasabay ng pagiinit ng aking mukha. “A-Ang manyak mo Kuya Matias!”
“Anong manyak sa sinabi ko? Nagsasabi lang ako ng totoo. Pwede ka ng gumawa ng bata. Magkatulong tayong gagawa.”
“Ahh! Shut up Kuya Matias!” Tinakpan ko ng dalawang braso ang tenga para di na marinig ang iba pa nyang sasabihin na nakakapag panindig ng aking balahibo.
Malakas namang tumawa si Kuya Matias. Yung tawa nyang tuwang tuwa.
Nakanganga lang ako habang pinagmamasdan syang malakas na tumatawa. Ngayon ko lang syang nakitang tumawa ng ganito. Para syang bumata. Parang ang saya saya nya. Masayang masaya sya sa ginagawa nya sa akin.
Huminto na sya sa pagtawa pero may ngisi pa rin sa labi. Tinanggal ko naman ang dalawang braso sa tenga at inikutan sya ng mata.
“Hindi naman kita pipilitin na mag asawa agad. I’m willing to wait Ava.” Aniya at pumunta sa sink tangay ang tupperware na wala ng karneng laman.
Naiwan naman akong nakatanga ng ilang saglit. Mukhang seryoso talaga ang lolo. Ako ang gusto nyang maging asawa wala ng iba.
‘Wala eh! Maganda talaga ako. Ako lang ang nag iisang Arabella Vania Montecillo at patay na patay sa akin si Maalik Tobias Santiago. Eh di ako na! Ako na talaga!’
Sa tabi ng pool kami nagihaw. Manghang mangha din ako habang pinapanood si Kuya Matias kung paano magpabaga ng uling. Expert na expert.
“Mabuti ka pa marunong magluto. Si Kuya Atlas hindi. Pero nag aaral na syang magluto ngayon dahil inaasar sya ni Jeremiah na hindi marunong magluto.” Sambit ko habang pinapaypayan ko ang iniihaw. Naaamoy ko na nga ang aroma nito. Amoy pa lang nakakagutom na.
“Sa aming anim tatlo lang kami na marunong magluto. Ako, si Jeiz at si Lorenzo. Si Jeiz at Lorenzo natuto sila noong nagtraining sila sa pagsusundalo at pagpupulis. Ako naman nagpaturo sa dati naming kasambahay dahil mag aaral ako sa New York. Walang kasambahay doon kaya kailangan matuto.”
Tumango tango ako. Kapag ginusto talagang matuto, matututo talaga. Makapag aral nga ring magluto.
“Huwag mo ng paypayan malakas naman ang baga. Masusunog agad yan.” Saway nya sa akin.
Tumigil naman ako. Pinanood ko na lang sya sa paghihiwa ng sibuyas para sa sawasawan. Takam na takam na ako. Masarap ang barbecue tapos masarap ang gumagawa – ng sawsawan.
“Hindi ba half arab ka?” Tanong ko. May kaunting alam na ako tungkol sa buhay nya dahil sa kwento ni mommy at ni Kuya Atlas. Pero iba pa rin yung ako mismo ang makakaalam ng iba pang tungkol sa buhay nya. Tutal naman according to him future girlfriend at future wife nya ako. Kaya kailangan ko syang kilalanin ng mabuti.
Sumulyap sya sa akin. “Ang daddy ko ang half arab.”
“Ah so bale one fourth ka na lang.”
Ngumisi sya. “Parang ganun na nga.”
Infairness ang lakas ng dugo ng arabo sa kanya. Pero maganda rin daw ang mommy nya noong nabubuhay pa. Dating beauty queen.
“Nasaan pala ang daddy mo?” Wala akong alam tungkol sa daddy nya. Tungkol lang sa mommy nya ang alam ko na namatay dahil sa isang aksidente.
Bumuntong hininga sya. “Nasa pangalawang pamilya nya sa Dubai.”
“You mean nag asawa ulit ang daddy mo noong namatay ang mommy mo?”
“Buhay pa si mommy nag asawa sya ulit ng iba. Nakipag hiwalay si mommy sa kanya.”
“Ah I see.. pero kumokontak pa rin sayo ang daddy mo?”
“Yeah sometimes.. anak pa rin naman nya ako. Isang beses sa isang taon pumupunta sya rito sa Pilipinas para dalawin kami ni Tita Tessie.”
Marahan akong tumango tango. Hindi naman pala sya ulilang lubos at mukhang ok naman sila ng daddy nya dahil wala akong mabakasang pait sa kanyang mukha.
“Hindi ka ba nagalit sa daddy mo ng malaman mong may pangalawa syang pamilya?”
“Noong una. Pero pinaliwanag naman sa akin ni mommy. Hindi nila mahal ang isa’t isa. Nagpakasal lang sila para sa akin.”
Marami pa akong tinanong tungkol sa buhay ni Kuya Matias. Sinasagot naman nya lahat yun. Interesting ang kwento ng buhay nya. Pero mas marami syang kwento tungkol sa mommy nya at nangingiti pa nga sya kung minsan. Halatang miss na miss na nya ang mommy nya. Pero ng tanungin ko na ang tungkol sa pagkamatay nito ay naging tahimik sya at bahagyang dumilim ang mukha. Mukhang hindi maganda na tinanong ko yun. Kaya nilihis ko na lang sa iba ang usapan.
Bukod sa barbecue ay nag ihaw din kami ng bangus na pinalamanan nya ng kamatis at sibuyas. Masarap yung ipulutan. Nag request ako sa kanya ng beer. Meron daw sya sa ref.
Pagkatapos naming mag ihaw ay eksaktong alas dose na kaya kumain na kami. Sa tabi ng pool na rin kami kumain. Magana kaming kumain at talagang masarap ang barbecue na gawa nya pati na ang inihaw na bangus. Pwede na nga talaga syang mag asawa. Kasama din naming kumain si Pochi. Pero ibang pagkain ang kanya. Nilagang chicken breast at atay na hinimay himay pa ni Kuya Matias. Hindi nya ito pinapatikim ng barbecue dahil may mga timpla yun na bawal sa aso. Baka magkasakit lang daw si Pochi. Loving furdad ang lolo nyo.
Malakas akong napadighay pagkainom ko ng malamig na malamig na beer na nasa lata.
“Excuse me.” Sambit ko at nakangiwing tumingin kay Kuya Matias na nakangisi at iiling iling. May hawak din syang beer in can at tinungga iyon.
Nandito na kami sa loob ng entertainment room na nasa unang palapag lang ng bahay nya. Naguumpisa na ang pinapanood naming movie sa Netflix na ang title ay Damsel. Syempre may kasamang konting inuman ang movie date namin at ang pulutan namin ay ang natirang inihaw na bangus.
“Hindi ko akalain na umiinom ka pala talaga ng beer. Akala ko nagbibiro ka lang kanina eh.” Aniya.
“Eighteen pa lang ako marunong na akong uminom ng beer. Tinuruan ako ni mommy. Hindi lang beer ang nainom ko na marami pang iba pero ang pinaka paborito ko ay shembot. Iba kasi ang tama nun mapapashembot ka talaga at mapapabudots pa!” Hays! Namiss ko na nga ang uminom nun. Ang huling inom ko ng shembot ay noong birthday ng kaklase namin ni Ivonna.
Kumunot ang noo ni Kuya Matias. “What’s shembot?”
Tumaas ang kilay ko. “Di ka pa nakakatikim nun? Para ka pa lang si Kuya Atlas. Kunsabagay puro sosyaling alak lang ang alam nyo. Masarap yung shembot kapag natikman mo uulit ulitin mo.”
“Ano ngang klaseng alak ang shembot?”
“Gin yun na may halong juice powder at kape. Da best yun! Next time ipapatikim ko sayo yun. Di ka magsisisi kapag natikman mo.”
Ngumisi sya. “Fine, patikim mo sa akin minsan.” Tinaas nya ang beer in can nya sa harapan ko. Tinaas ko rin ang beer in can ko at ipiningki sa kanya at sabay kaming uminom.
Nakadalawang beer in can na kami at nagiging madaldal na ako. Siguro may tama na rin ako ng beer. Kung ano ano na lang ang kinukwento ko kay Kuya Matias habang nanonood kami ng movie. Hindi ko alam kung sa akin sya nakikinig o sa pinapanood.
Ng maubos ko na ang pangalawang lata ng beer ay dumampot pa uli ako ng isa sa ice bucket. Akmang bubuksan ko na iyon ng agawin sa akin ni Kuya Matias.
“Nakadalawa ka na, tama na yun.” Aniya at binalik sa ice bucket ang lata ng beer.
Ngumuso ako. “Pero gusto ko pa.”
“Pinapunta kita dito sa bahay ko para makabonding ka at hindi kasama doon ang mag inuman tayo. Pinagbigyan lang kitang uminom ng beer. Pero nakadalawa ka na kaya tama na.” Parang tatay na sabi nya.
Nanghaba lalo ang nguso ko. “Ang boring naman manonood lang tayo.”
Tumaas ang isang kilay nya at ngumisi. “So bored ka sa panonood lang ng movie?”
“Medyo..” Nakakaramdam na nga ako ng antok. Siguro dala na rin ng dalawang latang beer na ininom ko.
“May iba akong alam na paraan para di ka mabored.”
Lumingon ako sa kanya. “Ano naman yun?”
Lalong lumawak ang ngisi sa kanyang labi sabay hawak sa braso ko at hila.
Nahigit ko ang hininga ng bumagsak ako sa ibabaw nya. Halos nakaupo na ako sa kanyang kandungan. Tila naman trumiple ang bilis ng tibok ng puso ko lalo pa ng umakbay sa akin ang isa nyang braso at kinabig ako. Tinukod ko ang kamay sa malapad nyang dibdib.
“K-Kuya Matias..”
“Shh..” Hinawakan nya ang baba ko at nilapat ang kanyang hinlalaki sa aking labi at marahang humaplos doon. Ang kanyang mapupungay na mata ay titig na titig sa akin.
Napalunok naman ako. Tila biglang nanuyo ang lalamunan ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ay nakakabingi na halos di ko na marinig ang ingay mula sa malaking flat screen tv.
“I’ve been longing for this..” Pabulong na usal nya at bumaba ang kanyang mukha.
Namilog ang mata ko at nahigit ko ang hininga ng mariing lumapat ang labi nya sa labi ko. Damang dama ko ang malambot at mainit nyang labi. Tila huminto ang oras para sa akin. Hindi ako magalaw at tanging malakas na kabog lang ng aking dibdib ang aking naririnig.
Lumayo ng kaunti ang kanyang mukha at titig sa akin ang mata nyang parang inaantok na. Muli nyang tinawid ang maliit na distansya ng aming mukha pero bahagya ko syang tinulak sa dibdib.
“K-Kuya Matias – “
Muling naputol ang sasabihin ko ng muling lumapat ang kanyang labi sa aking labi. Mas mariin na ngayon dahil kinabig pa nya ang aking batok. Kinabig din nya ang bewang ko padikit sa kanyang katawan.
‘Takte! Hinahalikan na nga ako ni Kuya Matias!’
Nataranta ako ng maging malikot pa ang labi ni Kuya Matias. Iniipit nya ang labi ko ko. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin. Hindi ako marunong humalik!
“Open your mouth Ava..” Anas nya.
Sinunod ko naman sya. Binuka ko ang labi at sya namang pagdaluhong ng kanyang dila sa loob ng aking bibig na aking ikinasinghap. Malikot ang galaw ng kanyang dila sa loob ng aking bibig. Sakop na sakop din ng kanyang mainit na labi ang labi ko.
Parang biglang uminit ang hangin sa paligid. Ang puso ko ay parang kumakalampag na sa loob ng ribcage sa lakas ng kabog nito. Dahil ito ang first kiss ko ay bago sa akin ang lahat ng pakiramdam. Ito pala ang halik. Yung lips to lips na may kasama pang dila. Wala namang kakaibang lasa maliban sa nalalasahan ko ang beer sa kanyang bibig pati na ang kinain namin kanina. Malamang ganun din ang nalalasahan nya sa bibig ko.
Makalipas ang ilang minuto na hindi ako gumagalaw at hinahayaan lang sya ay kusa ko ng pinikit ang mata. Mukhang hindi maaawat si Kuya Matias kaya i-enjoy ko na lang ang first kiss ko. Sinubukan kong igalaw ang labi. Ginagaya ko ang galaw ng kanyang labi hanggang sa makuha ko na ang tamang galaw.
“Hmm!” Napaungol ako at napakapit sa braso ni Kuya Matias dahil lalo pang lumalim ang kanyang halik. Mas naging malikot ang kanyang dila na hinuhuli ang dila ko at sinipsipsip. Halos higupin nya ang lahat ng hangin sa aking katawan kaya naman halos kapusin na rin ako ng hininga.
Tinulak ko sya ng malakas. “Hmm wait Kuya Matias! Hah!” Habol ko ang hininga ng maghiwalay ang aming mga labi.
“What?” Salubong ang kilay na sambit nya. Bakas sa kanyang mukha ang inis at pagkabitin. Titig pa rin sya sa labi ko at akmang hahalikan ulit ako pero tinulak ko ulit sya.
“T-Teka lang naman po kuya! Hindi na kaya ako makahinga. G-Grabe ka naman kasi makahalik..” Angal ko.
Kumunot ang kanyang noo at unti unting sumilay ang ngisi sa kanyang labing mamula mula at mamasamasa pa.
“Tss weak.. Halik pa lang yan di ka na makahinga.”
Ngumuso ako kasabay ng pag iinit ng aking mukha. Siguradong pulang pula na ang mukha ko.
“Weak ka dyan.. first kiss ko eh nu gagawen. Saka bakit may pahalik ka na eh di pa naman kita sinasagot.”
“Eh di sagutin mo na ako. May dahilan ka na para sagutin ako.” Pinisil nya ang baba ko. “I’m your first kiss and will be your last Ava.”
Chapter 26
Ava POV
TUMILI si mommy matapos kong sabihin sa kanya na kami na ni Kuya Matias – este Matias. Hindi ko na sya pwedeng tawaging kuya dahil kami na at mahigpit na nyang pinagbabawal yun. Tawagin ko na daw sya sa kahit na anong pangalan huwag lang daw kuya kundi paparusahan daw nya ako. Curious tuloy ako kung ano ang parusa na ibibigay nya sa akin kapag tinawag ko uli syang kuya.
“So paano naging kayo ni Mat, anak? Aba, nagdate lang kayo kahapon kayo na agad!” Bulalas ni mommy na nasa akin na ang atensyon. Kinalimutan na ang pakikipag chat sa kumare nya.
Nanghaba ang nguso ko at kinamot ko ang leeg. “Kiniss nya po ako mommy..”
Napasinghap si mommy at namilog pa ang mata. “Kiniss ka nya? Saan ka nya kiniss?”
“Syempre sa lips mommy.”
Tumaas ang kilay nya. “Sa lips lang?” Parang disappointed pa nyang sabi.
“Opo, saan pa po ba?”
“Aba! Marami pang pwedeng i-kiss maliban sa lips.”
Nag init ang pisngi ko ng magets ang ibig sabihin ni mommy. Anak ng! Anak nga nya talaga ako.
“So ano pa anak? Bukod sa kiss, wala na?”
Nanghaba ang nguso ko. “Wala na mommy.”
Dahil nagkiss na nga kami kahapon ni Matias ay sinagot ko na sya. Wala ng dahilan para magpabebe pa ako.
“Ihh! May first kiss na ang baby girl ko. I’m so happy for you anak!” Ani mommy na nangingisay pa sa kilig.
Kung ibang nanay siguro baka pinagkukurot na ako. Pero iba si mommy, happy sya na may first kiss na ako at mukhang mas kinikilig pa sya kesa sa akin.
“Kamusta naman ang first kiss anak? Masarap bang humalik si Mat?” Kinikilig pang tanong ni mommy.
“M-Mommy! Pati ba naman yan kailangan nyong malaman?”
“Syempre naman! Dali! Kwento ka na!”
Lalong nanghaba ang nguso ko. Nag aalangan akong magkwento kay mommy pero di naman nya ako tatantanan. Siguradong susundan nya ako hanggang kwarto para magkwento ako.
“Wala pa akong karanasan sa halik mommy kaya di ko alam kung masarap syang humalik. Saka wala namang lasa ang halik. Mainit lang..”
“Ganun talaga. Pero I’m sure hindi bad breath si Matias.”
“Hindi no mommy! Mas mabango pa nga yata ang hininga nya sa akin.”
“O tapos? Ano pa?”
“Yun nga mommy.. grabe syang humalik. Halos di ako makahinga. Parang hinihigop nya ang lahat ng hangin sa katawan ko.” Nag init ang pisngi ko ng maalala ang mainit na halikan naman ni Matias kahapon. Nag-jelly nga ang tuhod ko eh.
Namilog ang mata ni mommy at napatuptop ng bibig. “Omg! Magaling humigop si Matias!”
“P-Parang ganun na nga mommy.”
“Ihh! Naalala ko bigla ang daddy mo anak noong nabubuhay pa. Noong mag boyfriend at girlfriend pa lang kami. Magaling ding humalik ang daddy mo talagang naghahabol ako ng hininga. Magaling din syang sumisid.”
“Mommy!” Naeeskandalong bulalas ko.
Pero si mommy ay humagikgik lang. “I’m sure magaling ding sumisid si Matias.”
Tila sinilaban na ng apoy ang mukha ko sa sinabi ni mommy. Pero magaling kayang sumisid si Matias? Malalaman ko yan kapag sinisid na nya ako.
Parang gusto kong kurutin ang sarili dahil sa pumasok sa isip. Naeeskandalo ako sa mga pinagsasabi ni mommy. Pero ganun din ang laman ng utak ko. Magnanay nga kami. Sabi nga ng mga kumare nya di na namin kailangan ng DNA mag ina.
At heto na nga, nagbigay pa ng mga tips si Mommy Aning – este Mommy Anita kung paano humalik ng masarap. Para daw sa next halikan namin ni Matias ay makasabay na ako. Kinikilabutan ako sa mga tips ni mommy pero syempre nakikinig din ako dahil magagamit ko yun.
–
“Is it true? Sinagot mo na si Matias, Ava?” Tanong ni Kuya Atlas na nakapamewang at salubong ang kilay na nakaharap sa akin. Bigla syang sumugod dito sa bahay kasama ang mag iina nya. Kung paano nya nalaman? Eh di malamang sinabi ni mommy.
“Oo kuya.” Mahinang sagot ko.
“Congratulations Ava. May boyfriend ka na.” Nakangiting bati sa akin ni Jolene habang kandong nya si Baby Alina na pumapalakpak pa.
“Thanks Jo.” Nakangising sabi ko. Alam kong masaya sya para sa akin. Boto sya kay Matias eh.
“Congratulations tita. May jowa ka na.” Bati rin ng pamangkin kong si Jeremiah.
“Thanks Baby Je.” Kinurot ko ang pisngi nyang mataba.
Kung silang mag iina masaya sa lovelife ko. Ang kuya ko ay mukhang hindi.
“Hindi ako papayag. Bawiin mo.” Ani Kuya Atlas.
Kumunot ang noo ko. “Anong babawiin ko?”
“Bawiin mo. Sabihin mo kay Matias di mo pa sya sinasagot.”
Tumaas ang kilay ko. “Eh paano yung halik nya sa akin? Ibabalik ko rin sa kanya kasi babawiin ko na yung sagot ko.”
Namilog ang mata ni Kuya Atlas. “Hinalikan ka na nya?”
“Oo, kaya ko nga sya sinagot eh.”
Malutong syang nagmura.
“Atlas ang bibig mo, naririnig ka ng mga anak mo.” Saway ni Jolene.
“Sorry sugar nabigla lang ako. Ito kasing kapatid ko eh. Masyadong marupok. Wala pang isang buwang nanligaw si Matias sinagot na nya agad.” Himutok ni Kuya Atlas kay Jolene. Para syang batang nagsusumbong. Kamukha nya si Jeremiah kapag nagtatampo.
“Eh ano naman kung sagutin na nya. At least niligawan sya. Saka mabait naman si Matias ah.”
“Kaya nga anak. Ano bang problema mo kay Matias?” Singit ni mommy na galing sa kusina dahil tumulong sa paghahanda ng dinner.
“Kilala ko si Matias mommy – “
“Kilala ko rin sya anak. Sa inyong magkakaibigan sya ang pinakamatino at hindi ganun kababaero.”
Ngumisi si Kuya Atlas. “Hindi ganun kababaero.. Eh ang dami ng naging fling nun.”
“Pero hindi kasing dami ng sayo.” Bira ni mommy kay Kuya Atlas na di na nakakibo.
Tumayo ako at lumapit kay mommy. “Kaya nga! May mga naging fling sya pero hindi kasing dami ng sayo.” Segunda ko pa.
“Oo nga, di kasing dami ng sayo.” Ulit ni Jolene na masama na ang tingin kay Kuya Atlas na napakamot na lang sa ulo.
“Sugar.. dati yun. Nagbago na ako ng makita kita ulit.” Parang maamong tupang sabi nya.
Tumayo na rin si Jolene at binigay si Baby Alina kay Atlas. “Alagaan mo na lang yan si Baby Alina bago mo pa ako mainis.” Ani Jolene at nag excuse para mag cr dahil naiihi na. Inirapan pa nya si kuya.
Si Baby Alina naman ay tinaas ang maliit na hintuturo sa mukha ni kuya na parang sinasabing lagot sya.
“Lagot ka po papa, ininis mo na naman si mama.” Sabi ni Jeremiah.
Kumamot na lang sa batok si Kuya Atlas at hinalikan sa pisngi si Baby Alina.
“Yan, buti nga sayo. Si oa ka kasi eh.” Ani mommy. “Sumunod na kayo sa komedor at kakain na.” Tumalikod na si mommy at pumasok sa komedor. Sumunod sa kanya si Jeremiah.
“Lagot sa akin yang si Matias.” Mahinang sambit ni Kuya Atlas na nakasimangot na.
“Huwag mong aawayin si Matias, kuya. Kundi aawayin di kita.” Banta ko at sinamaan sya ng tingin.
“At kinakampihan mo na sya.”
“Syempre! Boyfriend ko na sya eh. Ang sinomang umaway sa kanya aawayin ko rin.”
“Tss! Babawasan ko ang allowance mo.” Nakangising sabi nya.
“Mommy si kuya! Paghihiwalayin daw nya kami ni Matias!” Sumbong ko kay mommy sa malakas na boses.
“Atlas!” Galit na sigaw ni mommy.
Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Atlas at mariing naglapat ang labi na parang nanggigil na sa akin.
Nginisihan ko naman sya at binelatan sabay takbo papuntang komedor.
–
“WHERE are you?”
“Nandito ako sa shelter.” Sagot ko kay Matias na nasa kabilang linya. Nakaipit sa balikat ko ang cellphone habang nililinisan ko ang sugat ng bago naming rescue’ng pusa.
“Akala ko ba nasa store ka?”
“Nandyan nga ako kanina. Pero pumunta ako dito shelter dahil may emergency.”
“What emergency?”
Nasa tono ng boses ni Matias ang pagaalala.
Ngumiti ako. “Ano lang.. may bago kaming rescue na stray cat na sugatan.”
“I see.. pupunta ako dyan.”
“Okay.. ingat po.”
Nangingiting binaba ko ang cellphone at pinatay.
“Ayiee! Kaya pala blooming ang lola mo mukhang may lovelife na.” Kantiyaw sa akin ni Kiray na syang katulong ko sa paglilinis ng sugat ng pusa.
Nginisihan ko lang sya habang pinupunasan ng bulak na may betadine ang sugat ng pusa sa binti. Mukhang sumuot sya sa kung saan kaya nasugatan. Wala pa naman ang aming vet na si Lionel dahil um-attend sya ng conference. Bukas pa nya matitingnan itong sugatan ng pusa.
“Sino yung tumawag sayo?” Usisa pa ni Kiray.
“Boyfriend ko.” Proud na sabi ko. Ang sarap din palang ipanganlandakan na may boyfriend na lalo na kung kagaya ni Matias ang boyfriend.
Namilog ang mata ni Kiray. “May boyfriend ka na?”
Tumango tango ako.
“Kaya pala blooming na blooming ka at iba ang ngiti mo eh. Sino naman yang boyfriend mo?” Curious nyang tanong.
“Mamaya malalaman mo dahil pupunta sya dito.”
“Ay bet! Gwapo ba?”
“Super!”
“Macho?”
“Super din!”
“Yiih! Excited na akong pagnasaan sya!”
“Pagnasaan ka dyan! Ako lang pwedeng magnasa sa kanya no. Injection-an kita sa pwet eh.”
“Char lang!”
Mag iisang oras na ang lumipas mula ng tumawag si Matias pero di pa rin sya dumadating. Malamang ay natrapik. Dapat pala ay di ko na sya pinapunta rito at magkita na lang kami sa bahay. Pero hindi naman yun papayag. Kapag ginusto nyang sunduin ako ay susunduin nya talaga ako. Walang makakapigil sa habibi ko.
“Good evening sir. Naku! Ginabi po yata kayo ng dalaw dito sa shelter.”
Natigilan ako sa pagpupunas ng counter ng marinig ang boses ni Kiray sa lobby na bagong gawa. Mukhang may bisita kaming dumating.
“I’m here for Ava.”
Kumislot ang puso ko ng marinig ang boses ni Matias. Sya pala ang dumating. Tinabi ko na ang basahan at nagwisik ako ng alcohol sa kamay.
“Ay nasa loob po si Ava. Wait lang po tatawagin ko.”
Nagkasalubong kami ni Kiray sa hallway.
“Ava, nasa lobby si Sir Matias. Hinahanap ka. Nakakagulat bigla syang bumisita.”
Nginitian ko lang sya at pumunta na ng lobby. Nakita ko doon si Matias na nakapang opisinang suot pa minus necktie and coat. Halatang galing sya sa opisina pero mukhang fresh pa rin.
“Hi Mat.” Nakangiting bati ko ng makalapit.
Hinapit naman nya ako sa bewang sabay kintal ng halik sa pisngi at labi ko. Nag init naman ang mukha ko. Simula ng maging kami ay lagi na nya itong ginagawa kapag nagkikita kami. Hindi ako sanay at naiilang pa pero masasanay din ako.
Nakarinig naman ako ng malakas na singhap.
“Omg! What’s the meaning of this?”
Lumingon ako kay Kiray. Tuptop nya ang bibig habang namimilog ang mata. Mukhang nakita nya ang paghalik sa akin ni Matias.
“Huwag mong sabihing.. sya yung sinasabi mong boyfriend mo?”
Kagat labing tumango ako.
Lalo namang namilog ang mata ni Kiray at parang aatakehin na sya sa puso. “Tubig! Tubig! I need tubig! Di ko na kinekeri ito!” Tumakbo sa kusina si Kiray para uminom ng tubig.
Mabuti na lang wala dito si Rolee. Kundi dalawa na sila ni Kiray na oa.
“May problema ba sa kaibigan mo?” Kunot noong tanong ni Matias.
“Wala, nagulat lang sya na ikaw pala ang boyfriend ko.”
“Bakit? May inaasahan ba syang iba pang boyfriend mo?” Masungit na tanong nya.
“Wala na. I mean di nya in-expect na ikaw pala ang boyfriend ko.” Ngumuso ako at yumakap sa braso nya. “Ang sungit mo na naman..”
Bumuntong hininga sya at naging kalmado na ang mukha. “I’m sorry, naiinis lang ako sa isiping magkakaroon ka pa ng ibang boyfriend. Pero hindi naman mangyayari dahil ako lang ang una at huli mong magiging boyfriend.” Aniya at pinisil ang baba ko.
Kumislot ang puso ko sa kilig. Siguro nga dapat ko ng itanim sa isip ko na sya lang ang magiging boyfriend ko buong buhay ko.
“Let’s go, mag dinner tayo sa restaurant ni Tita Tessie.” Yaya nya sa akin.
“Kain na naman. Tuwing lalabas tayo lagi na lang tayong kumakain.” Kunwaring angal ko.
Tumaas ang kilay nya. “Ayaw mo?”
Ngumuso ako. “Syempre gusto ko. Pero nasisira na ang diet ko eh. Nananaba na naman ako. Mamomroblema na naman ako sa katawan ko. May bilbil na nga ulit ako o.” Pinisil ko ang tiyan ko na may maliit ng bilbil. Wala to dati eh. Nakuha sa work out. Pero simula ng ligawan nya ako at naging kami. Nagkaroon ulit ako ng baby fats. Nagkakaroon na naman ako ng pisngi at bumibilog ulit ang mga braso ko. Paano ba naman puro pagkain ang dala nya sa akin kapag pumupunta sya sa bahay. Tapos kapag lalabas kami lagi kaming kumakain. Mabuti pa sya hindi nananaba samantalang ako, pabochog na gaya ni Pochi.
Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at kumunot ang noo. “I don’t see any problem with your body. And I love your baby fats especially your bilbil.”
Lalong nanghaba ang nguso ko. Di ko alam kung kikiligin ako o maiinis sa kanya. Pero sige na nga kikiligin na lang. Love nya raw ang bilbil ko eh.
Next week na lang ang spg dahil holy week ngayon magpakabait tayo 🤭
Anyway, may ongoing story ako sa Dreame. Seducing My Ninong Mannox. Super spg with detailed seggs scene gaya ng Lara. Daily update din po sya. Baka gusto nyo pong basahin habang free pa 🤗
Chapter 27
Ava POV
NAPANGUSO ako ng makita si Matias na nakangisi habang pinapanood akong kumakain. Sunod sunod kasi ang subo ko. Masarap ang pagkain eh.
“Akala ko ba nasisira ang diet mo?” Tanong nya at sumubo ng pagkain nya.
“Sira na ang diet ko kaya bakit pa ako magpipigil kumain. Saka masarap kumain eh.”
“Wala namang problema kung tumaba ka.”
“Basta magwowork out pa rin ako.”
“Bahala ka. Basta kapag magkasama tayo ayokong tinitipid mo ang sarili mo sa pagkain.”
Tumingin ako sa kanya at lalong nanghaba ang nguso. “Gusto mo kong tumaba no. Gusto mo kong patabain gaya ni Pochi.”
Ngumisi sya. “Mas cute naman si Pochi kesa sayo.”
Sinamaan ko sya ng tingin. Parang gusto kong maselos kay Pochi.
“Eh di si Pochi na lang jowain mo. Mas cute pala sya eh.” Nagtatampong sabi ko.
Mahina syang tumawa. “I’m just kidding babe..” Malambing na sabi nya.
Natigilan naman ako at bumagal ang pagnguya ko. First time nya akong tawaging babe at sobrang lambing pa ng pagkakasabi nya.
Napakagat labi ako at pinigilang mangiti habang nagsasandok ako ng ulam at nilalagay sa plato ko. Lahat ng klase ng ulam sa mesa namin ay nilalagay ko sa plato ko. Dahil tinawag nya akong babe lalo akong ginanahang kumain. Bahala ng manaba ulit love naman daw nya ang mga baby fats ko eh.
“Hinay hinay lang sa pagsubo baka maempacho ka naman.” Saway nya sa akin.
Nag angat ako ng tingin sa kanya habang ngumunguya. Nilunok ko muna ang pagkain.
“Masarap kumain eh.”
“I know.” Aniya at dinampot ang napkin at pinunasan ang gilid ng labi ko.
Kumislot kislot na naman ang puso ko sa kilig. Ng maging kami mas naging caring pa sya sa akin.
“Siguradong bibilog na naman ako. Di na naman ako sexy. Pero di bale na, at least busog.” Sabi ko at muling sumubo ng pagkain.
“Ayos lang na bumilog ka. Mas gusto ko nga na may laman laman ka mas healthy kang tingnan.”
Ngumuso ako. Wala sa tono nya na binobola nya ako. Kunsabagay hindi nan sya marunong mambola. Kung ano ang nasa isip nya sinasabi nya.
“Talaga? Ok lang sayo na tumaba ako?”
Tumingin sya sa akin at ngumisi. “Yeah..”
“Sabi mo yan ha. Baka mamaya kapag tumaba ako ayawan mo na ako at ipagpalit sa payat na sexy.”
Kumunot ang noo nya. “Hindi ako mababaw. At kahit tumaba ka sexy ka pa rin sa paningin ko.”
Nanghaba na naman ang nguso ko. Pero sa kilig. Parang gusto ko na nga syang daluhungin at paghahalikan sa mukha.
“Ava?”
Sabay kaming lumingon ni Matias sa malaking boses ng lalaki na tumawag sa akin.
Namilog ang mata ko. “Kuya Alleric!” Tuwang bulalas ko at tumayo. Akmang yayakap ako sa kanya pero agad akong hinawakan ni Matias sa braso at pinigilan. Matiim ang tingin nya sa akin at si Kuya Alleric naman ay nakakunot na ang noo.
“Sit down Ava.” Mahinang boses na utos ni Matias.
Bumalik naman ako sa pagkakaupo pero ang mata ko ay na kay Kuya Alleric pa rin. Ngayon ko na lang ulit sya nakita. Huling kita ko sa kanya ay anim na buwan na ang nakakalipas. May utang pa nga ako sa kanya eh. Hindi ko pa nababayaran dahil hindi ko naman sya mahagilap.
“Mr. Maalik Tobias Santiago. It’s a pleasure to see you here.” Bati ni Kuya Alleric kay Matias sabay lahad ng kamay. Kilala nya pala si Matias. Hindi naman malabo yun dahil parehas silang nasa business world.
Tumayo si Matias at tinanggap ang kamay ni Kuya Alleric. “Same here Mr. Alleric Buencamino.”
Salit salitan ang tingin ko kay Matias at kay Kuya Alleric na nagkukumustahan. Sa pag uusap nga nila ay mukhang magkakilala sila hindi nga lang close. At habang nakamasid ako sa kanila ay parang nangangawit na ang leeg ko sa pagkakatingala sa kanila. Para silang mga tore sa taas. Magkabuilt pa ng katawan at magka bukas din ng mukha. Parehong stoic at suplado. Pero mabait naman sa akin si Kuya Alleric dahil isa sa client ng bangko nya si mommy.
Nag usap pa ng ilang sandali ang dalawa na parehas lang nakatayo. Pinagtitinginan na sila ng ibang customer sa restaurant. Agaw pansin naman kasi sila. Bukod sa parehas na malaking tao ay wala ring tulak kabigin sa kagwapuhan. Pero syempre para sa akin mas angat ang kagwapuhan ng habibi ko. Parang gusto ko nga ring magtampo dahil hindi na ako pinansin ni Kuya Alleric.
May tatlong malaking lalaki pa ang lumapit sa mesa namin. Mukhang kadarating lang nila at mga kasama sila ni Kuya Alleric. Mga gwapo rin ito at mga mestisuhin. Lalong nanakit ang leeg ko sa pagkakatingala sa kanila habang nakanganga. Magkaka stiff neck na yata ako. Parang napapalibutan ako ng mga nagtataasang mga dambuhalang building. Isa isa ko rin silang nakilala. Garett Bernardo ang pangalan ng isang lalaki na may gold ring sa kaliwang kamay na nakasuot sa palasingsingan. Mukhang kasal na sya. Elliot Ivan Vizcano naman ang isang lalaki na palangiti at mukhang pilyo. Pero tinatawag syang Elian ni Kuya Alleric. Pamilyar sya sa akin. Hotel and restaurants ang linya ng business nya. Ang isa naman ay si Strike Montañez. Mukha syang mabait pero mukha ding masokista. Infairness wala ring itulak kabigin sa mga tropapips ni Kuya Alleric.
Mukha akong tangang ngumiti ng isa isa silang tumingin sa akin.
“She’s Arabella Vania Montecillo.” Pagpapakilala sa akin ni Kuya Alleric sa mga tropa nya at tipid na ngumiti. Mabuti naman at pinansin na nya ako.
“Are you related to Atlas Montecillo?” Tanong ni Garrett Bernado.
“Yes, he is my older brother.” Sagot ko at tuningin kay Matias na mataman lang ding nakatingin sa akin.
“Oh, pero hindi kayo magkamukha ng kuya mo.” Komento naman ni Strike Montañez. Mukhang kilala rin nila si Kuya Atlas.
“Kamukha kasi sya ni Ma’am Anita, yung mommy nya.” Wika naman ni Kuya Alleric.
“I like pretty girls with chubby cheeks.” Nakangiting sambit ni Elian Vizcano at akmang pipisilin ang pisngi ko ng malakas na tumikhim si Matias.
“She’s off limits Mr. Vizcano.”
Sabay sabay silang napalingon kay Matias.
“Really?” Tanong pa ni Elian.
“Yeah, she’s my girl.”
“Oh..” Sabay sabay na mahinang sambit nila Kuya Alleric.
Nag init naman ang pisngi ko kasabay ng mabilis na pagpintig ng puso ko. May tuwa akong nararamdaman dahil sa parang proud si Matias na ipakilala ako bilang girlfriend nya. Ang sarap sa pakiramdam.
Nag excuse na si Kuya Alleric at ang mga kaibigan nya. Pumunta na sila sa mesang nakareserve sa kanila. Kami naman ni Matias ay tinapos na ang dinner namin.
“Mukhang close kayo ni Mr. Buencamino.” Untag sa akin ni Matias ng makasakay na kami sa sasakyan nya. Ihahatid na nya ako pauwi. Ang kotse ko ay naiwan sa shelter. Ihahatid na lang daw nya ako doon bukas.
“Hindi naman masyado. Pero sila ni mommy ang close dahil depositor si mommy sa bangko nya.”
Tumaas ang kilay nya at sinulyapan ako. “Pero gusto mo syang yakapin kanina. Mukhang namiss mo sya.” Mapaklang sabi nya.
“Eh kasi.. ang tagal naming di nagkita eh. Mga anim na buwan na rin siguro. Natuwa lang ako na makita sya.”
“Tss..” Masungit lang nyang tugon.
Nanghaba ang nguso ko. Mukhang nagseselos ang habibi ko ah.
“Ay shucks! Nakalimutan kong hingin ang number ni Kuya Alleric.” Kinagat ko ang daliri.
Matalim akong tiningnan ni Matias. “At bakit gusto mong hingin ang number nya?”
Ngumiwi ako. Lalo pang naging masungit ang bukas ng kanyang mukha.
“Eh kasi.. may utang ako sa kanya di ko pa nababayaran.”
Naningkit ang mata nya. “Nangungutang ka rin sa kanya?”
“Oo dati, nung hindi mo pa ako pinapautang sa kanya ako nangungutang. Ang bilis nga nyang magpautang eh. Bigay agad at wala pang tubo.”
“Hindi rin kita tinutubuan kapag nangungutang ka.”
“Oo nga, pero sinusungitan mo naman ako.”
Hindi sya umimik at sumulyap lang sa akin sabay buntong hininga.
Mukha syang guilty. Naguilty siguro dahil sinusungitan nya ako noon. Sinusungitan nya ako noon sa akin din pala sya babagsak. Napangisi ako. Yan, magsisisi ka. Pasalamat ka nahulog din ako sa kasungitan mo.
“Magkano ang utang mo kay Mr. Buencamino?” Tanong nya sa mababang boses.
“One hundred fifty thousand. Dapat nabayaran ko na sya noon eh. Kaya lang di ko naman sya makontak.”
“Eh bakit di mo na lang sa bangko nya bayaran ang utang mo.”
“Hindi ko naman kasi inutang yun sa bangko nya. Sarili nyang pera yun.”
Muli syang bumuntong hininga. “Ako na ang magbabayad sa kanya.”
“Sige, ibibigay ko sayo yung pera.”
“Hindi na, ako na nga ang magbabayad.”
Namilog ang mata ko. “Talaga? Ikaw na ang magbabayad? Hindi utang?”
Ngumisi sya. “Oo nga, kulit..”
Impit akong tumili at yumakap sa leeg nya at pinupog sya ng halik sa pisngi. Syempre makakatipid ako.
“Thanks habibi!” Humagikgik ako.
Pinaling naman nya ang mukha at sinalubong nya ng labi ang labi ko. Namilog naman ang mata ko pero di ako bumitaw ng yakap sa batok nya.
Saglit lang naglapat ang mga labi namin at naghiwalay din. Tumuon ang mata nya sa kalsada. Pero kung di sya nagda-drive malamang minukbang na nya ang lips ko.
Pero maya maya ay niliko nya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at hininto. Kinalas nya ang seatbelt. Magtatanong sana ako pero bigla syang pumihit paharap sa akin sabay kabig sa batok ko at siil sa akin ng halik.
Yun lang.. Mumukbangin na ni habibi ang lips ko. Dessert daw nya.
Mainit ang halik na pinagsasaluhan namin ni Matias sa loob ng sasakyan. Walang lasa ang halik pero nakakadarang ang init. Malikot ang galaw ng labi ni Matias. Sakop na sakop nya ang labi ko. Pilit ko syang sinasabayan pero nadadaig pa rin nya ako. Napapadaing pa ako sa tuwing sisipsipin nya ang labi ko at papasadahan ito ng dila. Bahagya pang nanginginig ang kamay kong nakakapit sa kanyang batok.
Kumalas ang labi nya sa labi ko at naglandas yun sa baba ko at panga. Sinisimsim nya ang balat ko doon. Ang malaki at mainit nyang kamay ay mabining humahaplos sa aking leeg. Di ko naman mapigilang mapadaing ng mahina. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko at nagiinit na ang loob ng aking katawan.
Napapitlag ako sa gulat ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa loob ng bag. Napakurap kurap ako ng mata at napatingin sa rear view mirror. Naginit ang pisngi ko ng makita ang sarili doon at si Matias na pinapapak ng halik ang panga ko at leeg. Muli na namang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag.
“W-Wait Matias.. may tumatawag.” Mahinang sabi ko.
“Sagutin mo..” Anas nya na hindi pa rin tinatantanan ng halik ang aking leeg na may kasama pang pagsinghot.
Kagat labing dinukot ko ang cellphone sa bag. Tiningnan ko kung sino ang tumawag.
“Si mommy.” Sambit ko at bahagyang tinulak ang kanyang mukha.
Sinagot ko ang tawag ni mommy. Narinig ko pa ang mabigat na buntong hininga ni Matias. Tumingin ako sa kanya. Hindi pa rin sya lumalayo at nakatingin pa rin sa akin ang mapupungay nyang mga mata.
“Hello mommy..”
“Nasaan ka na bang bata ka? Anong oras na ah!”
“Pauwi na po ako mommy. Kasama ko po si Matias. Nagdinner po kami sa restaurant ni Tita Tessie.”
“Ganun ba. Naku, pasensya na sa istorbo anak. Akala ko gumala ka lang eh.”
Nag iba bigla ang tono ng boses ni mommy. Tonong kinikilig na.
“Pakausap nga ako kay Matias anak.”
“Yes mommy.” Inabot ko kay Matias ang cellphone. “Kakausapin ka raw ni mommy.”
Kinuha nya ang cellphone at tinapat sa kanyang tenga. “Hello tita.”
Nakatingin lang ako sa kanya habang nag uusap sila ni mommy. Pero tipid lang syang magsalita at mataman lang nakikinig kay mommy. Mayamaya ay ngumisi sya. Ngising punong puno ng kapilyuhan at tumingin sa akin.
Tumaas ang kilay ko. Ano kaya ang sinabi sa kanya ni mommy?
“Yes tita.. pauwi na rin kami. Thank you.. Bye..” Binaba na nya ang cellphone at binigay sa akin.
Kinuha ko naman yun at tiningnan. Patay na ang tawag. Tumingin ako sa kanya. May pilyong ngisi pa rin sya sa labi at kakaiba na ang kinang ng mata.
Umusli ang labi ko. “Anong sinabi ni mommy?”
“Gusto nya raw ng anim na apo galing sa ating dalawa.”
Napasinghap ako at namilog ang mata kasabay ng pag iinit ng aking mukha.
Chapter 28
Ava POV
“CONGRATULATIONS to us!” Sabay sabay na sigaw ng mga kasamahan ko sa shelter ng gupitin ko ang ribbon. Kasabay nun ang masigabong palakpakan galing sa mga bisita at sponsor namin na mga pet lover. Pinasalamatan ko ang mga bisita lalo na ang mga sponsor. At syempre ang aking habibi na bigtime sponsor namin. Kung hindi dahil sa kanya hindi magiging maganda ang shelter.
“And of course, gusto ko ring magpasalamat sa habibi ko.” Minuwestra ko ng kamay si Matias na nasa isang tabi lang at nakahalukipkip. Walang reaksyon ang kanyang mukha pero nakikita ko naman sa kanyang mata na proud sya sa akin. Kasama nya rin si Pochi na ngayon ay nakikipaglaro na sa ibang bisitang dogs.
Umugong naman ang tuksuhan mula sa mga kasamahan ko at mga bisita. Syempre kilig na kilig ang lola nyo. Pinalapit ko si Matias sa akin at lumapit naman sya sabay hapit sa bewang ko at halik sa aking sentido. Lalong umugong ang tuksuhan.
“Congratulations babe..” Bulong ni Matias.
“Thank you rin sa pag sponsor sa pagpapaganda nitong shelter. Kung hindi dahil sayo baka ilang taon pa ang abutin bago gumanda ito.” Malambing na wika ko at yumakap sa bewang nya. Niyakap din nya ako at hinalikan sa buhok.
Limang buwan lang ang inabot ng renovation ng shelter at magandang maganda na ito ngayon at kumpleto na sa lahat. Nagmukha na nga itong sosyal na shelter. Natupad ang pangarap kong shelter. Mas magiginhawan na kami at mga rescue namin.
Nagtinginan kami sa bukas na gate ng may pumasok na magarang sasakyan na itim na itim. May sumunod pang isang kotse naman na na kulay gray na makintab na makintab. Mukhang may bisita kami na hindi ko inaasahan. Siguro ay mga kakilala ng mga kasamahan ko. Sunod sunod pang mga sasakyan ang huminto na sa labas ng gate dahil wala ng mapaparkingan sa loob. Yung dalawang huling sasakyan na dumating ay pamilyar sa akin.
Tumingin ako kay Matias. Nakatingin din sya sa mga bagong dating.
“Tapos na ang blessing at ribbon cutting saka pa sila dumating.” Sambit nya.
“Ha?”
“Ay ang daming fafa!”
“Bet ko yung isa! Ay dalawa pala! Sige na nga silang lahat na! Ihh! Ang sasarap nila!”
Tili ni Rolee at Kiray.
Bumalik ang tingin ko sa mga dumating na bisita at ganun na lang panlalaki ng mata ko ng makita sila Kuya Jeiz, Kuya Lorenzo, Kuya Luigi at Kuya Kester. Kasama pa nila ang mga asawa’t anak nila.
“Omg! Bakit sila nandito?” Bulalas ko.
“Inimbitan ko sila at mag a-adopt din sila ng mga rescue para naman may silbi sila sa lipunan.” Sagot ni Matias.
Tumingin ako sa kanya. “Sinabi mo sa kanila ang tungkol sa shelter?”
“Yes.”
Namilog ang mata ko. “Don’t tell me sinabi mo rin kay Kuya Atlas?”
“At sa mommy mo.”
Suminghap ako sabay tingin sa harapan. Narito din nga si Kuya Atlas kasama si Jolene at ang dalawa nilang chikiting. Pati na rin si mommy!
Kumagat labi ako. Kinabahan ako bigla.
Pinisil ni Matias ang balikat. “Relax babe..”
Tumingin ako sa kanya. “Baka magalit si mommy at si kuya..”
“I don’t think so. I’m sure proud pa sila sayo.”
Sinalubong at binati nila Melby, Lionel at Kuya Janjan sila mommy at ang magkakaibigan. Hindi rin nagpatalo sa pagbati si Rolee at Kiray na ang mga mata ay na nasa magkakaibigan. Pero bakas ang disappointment sa kanilang mukha ng malamang may mga asawa na ang mga ito.
“Gosh Ava. Bakit hindi mo naman sinabi sa amin ng kuya mo na may animal shelter ka pala.” Ani mommy.
“Kung hindi pa sinabi sa amin ni Matias hindi pa namin malalaman. Isang taon mahigit na pala itong shelter mo.”
Ngumiting pangiwi ako. “Sorry mommy, kuya.. Nag aalala kasi ako na baka di kayo sang ayon sa pagpapatayo ko ng animal shelter. Lalo ka na po mommy, wala kang hilig sa pets kasi natatakot ka na baka makagat o makalmot ako at magkarabbies.”
Bumuntong hininga si mommy at ngumiti. Tinaas nya ang kamay at hinaplos ang aking pisngi. “Nag aalala lang ako sa kaligtasan mo anak. Syempre nanay mo ko. Pero kung talagang gusto mo wala naman akong magagawa. Susuportahan pa kita. Ang totoo nga yan proud na proud ako sayo ngayon. Sumasagip ka ng mga kawawang aso at pusa na pagala gala sa lansangan at binibigyan sila ng magandang buhay. Aba, napakahirap nun. Malaking responsibilidad. Pero proud si mommy sayo.”
Napangiti ako at yumakap sa kanya. “Thanks mommy.” Tumingin ako kay Kuya Atlas na ginulo naman ang buhok ko.
“Proud din ako sayo bunso.”
“Thanks kuya.”
Kumalas na ng yakap si mommy sa akin. Hinarap ko naman sila Kuya Jeiz na nililibot ang tingin sa paligid. Ang mga anak nila ay tuwang tuwa sa mga asong bisita. Si Jethro nga at Jeremiah ay si Pochi ang pinagkaguluhan. Humilata pa si Pochi sa marble na sahig at bumukaka pa habang kumakawag ang buntot. Mukha na syang baboy na maliit.
“Bff tayo since high school pero di mo man lang sinabi sa akin ang tungkol dito sa shelter mo. Susuportahan naman kita.” Kunwaring nagtatampo na sabi ni Ivonna.
Ngumiwi ako. “Sorry Ivo. Sasabihin ko naman sayo at sa inyong lahat. Inunahan lang ako ni Matias.”
Ngumiti na si Ivonna. “Matagal mo ng pangarap na magtayo ng animal shelter. Nagyon natupad mo na at marami ka ng nagawa. Proud na proud ako sayo.”
“Thank you.” High school kami at college saksi din si Ivonna sa mga nirerescue kong strays noon. Minsan kasama ko pa nga sya.
“Nagulat nga kami ng kuya mo kahapon ng sabihin sa amin ni Matias na pumunta daw kami sa grand opening ng animal shelter mo. Akala ko nagjo-joke lang sya eh. Pero di nga pala sya marunong magjoke.” Wika ni Jolene na ikinatawa naman namin.
Isa isa pala silang tinawagan kahapon ni Matias para papuntahin dito sa shelter para suportahan ako, kaming lahat ng mga kasama ko. Ang sarap sa pakiramdam nandito silang lahat at nagpapakita ng suporta.
“I can’t believe na magtatayo ka ng sariling animal shelter. Parang wala sa personality mo eh. Mas mukha kang nang aapi ng hayop.” Komento si Kuya Kester. Sinamaaan ko sya ng tingin. Pinalo naman sya sa braso ni Ate Crizel.
“Huwag mo ng asarin si Ava love. Baka isumbong ka nyan kay Matias.”
Ngumisi si Kuya Kester. “Di ako natatakot. Pagbuhulin ko pa silang magjowa eh. Isama pa nya kuya nya.”
Kinurot na ni Ate Crizel si Kuya Kester sa tagiliran na ikinadaing nito. “Para ka talagang bata.”
Hindi ko muna papatulan ang pang aasar ni Kuya Kester dahil bisita sya at isa sa adopter. Ipapa-adopt ko na lang sa kanya yung pinaka masungit naming rescue dog.
“Daddy I want dog.” Ungot ni Jethro kay Kuya Jeiz.
“Tell mommy.”
Bumaling si Jethro kay Ivy at humawak sa kamay nito. “I want dog mommy.”
“Sigurado ka baby?” Tanong naman ni Ivy sa anak.
“Yes mommy I want this dog.” Tinuro ni Jethro si Pochi.
“No! Akin to. Ako unang nakakita dito eh.” Angal naman ni Jeremiah na yakap na si Pochi.
Mukhang mag aaway pa ang dalawang bulinggit.
“No! This doggy is mine!” Nilapitan din ni Jethro si Pochi at niyakap din.
Pero di nagpatalo si Jeremiah. Literal na pinag agawan na nila si Pochi.
“Stop fighting kids. Di nyo pwedeng kunin yang doggy dahil kay Tito Matias nyo yan.” Awat ko na sa dalawa dahil malapit ng magsuntukan.
Tumingin ang dalawa sa akin at sumimangot pa ng sabay.
“Pochi is not for adoption kids. Pili na lang kayo ng ibang dogs sa loob. Marami doon.” Sabi ni Matias na lumapit na.
Namilog naman ang mata ng dalawang bata.
“Talaga po marami pang dog sa loob?” Tanong ni Jeremiah.
“Yes maraming dogs and cats. Pwede kayong mamili ng magugustuhan nyo.” Wika ko.
“Yehey!” Tuwang sabi ni Jethro at pumalakpak pa. Nagyakapan pa sila ni Jeremiah. Bati na silang dalawa.
“But remember kids, kapag nag alaga kayo ng pets dapat aalagaan nyo sila na parang brother at sister nyo. Lagi nyo silang pakakainin at paiinumin ng malinis na water. Higit sa lahat hindi nyo sila sasaktan. Bawal yun. Naiintindihan nyo ba?” Paliwanag ko sa dalawang paslit na mataman namang nakikinig sa akin. Sabay pa silang tumango at malapad na ngumiti. Nasa mukha nila na excited na silang magka pets.
“Pero nag aalangan pa rin akong mag-adopt. Baka makagat ang mga anak ko at makalmot.” Nagaalalang sabi ni Kuya Atlas. Di rin kasi sya mahilig sa pets.
“Ang mga aso lalo na mga aspin ay hindi naman basta basta nangangagat o nangangalmot pare. Depende yun sa sitwasyon. Kung nasa panganib sila o may threat doon lang sila posibleng mangagat dahil dinedependasahan lang nila ang sarili nila. But dogs are the best companion especially aspins. Maliban pa sa mga asawa natin syempre.” Komento ni Kuya Jeiz na ikinangiti ko. Mukhang pamilyar na sya sa pag aalaga ng mga aso.
“Paano mo naman nasabi?” Tanong ni Kuya Luigi. Sa kanya ako nag aalangan eh. Mukhang hindi gentle sa hayop. Pero baka mali lang ako.
“May aspin kasing laging pumupunta sa bahay namin at lagi naming pinapakain. Mabait sya at matalino. Hindi naman namin sya pwedeng ampunin dahil merong may ari.” Sagot ni Ivy.
“And I want to have my own dog.” Singit ni Jethro.
“You will have one baby.” Ani Kuya Jeiz at binuhat na si Jethro.
“Ako excited na mag adopt. Noon ko pa gustong magkaaso kaya lang ayaw ng tiyang ko noon dahil takot sya. Mag adopt tayo ng aso hon, siguradong magugustuhan yun ni Levy.” Ungot ni Aitana kay Kuya Lorenzo.
“Sure sweetheart. Nandito naman talaga tayo para mag adopt. Hindi tayo pauuwiin ni Matias kapag hindi tayo nag adopt.” Ani Kuya Lorenzo.
“Talagang hindi ko kayo pauuwiin. Kailangan nyong mag adopt lahat para naman may silbi kayo.” Hayag ni Matias sa mga kaibigan nya na mga nag angalan pero wala rin namang magagawa.
Dinala na namin sila ni Matias sa loob para makita na nila ang mga rescue naming aso at pusa. Naroon na rin sa loob ang iba pa naming mga bisita na ina-assist ng mga kasamahan ko.
Pagpasok sa loob ng malawak na kennel room ay nagkaingay na ang mga rescue naming aso at mga pusa. Mas dumami pa ang mga rescue namin ngayon. Nasa singkwenta na mahigit ang mga aso at trenta naman mahigit ang mga pusa. Ang mga nandito sa kennel ay mga pwede ng i-adopt. Ang iba naman ay nasa isolation room pa.
“Gusto ko ang dog na to. Ang amo ng mukha at ang bait.” Sambit ni Ivonna na nasa tapat ng kennel ng isang aspin na kulay itim at brown ang kulay. Kumakawag ang buntot nito at labas pa ang dila. Nilulusot pa nito ang isang paw sa siwang ng kennel at inaabot ang kamay ni Ivonna. Mabait talaga ito at malambing pa. Well, lahat naman halos ng rescue namin ay mabait at malambing.
“Babae ba ito o lalaki?” Tanong ni Ivonna sa akin.
“Babae.”
“Oh.. eh di dadami sya kapag nabuntis.”
“Pwede nyo naman syang ipakapon. Kayang kaya naman yang ipakapon ni Kuya Luigi para hindi na sya dumami.” Suhestiyon ko.
“Kunsabagay.. I like her! Sya ang gusto ko.”
“Okay! She’s yours now.”
“She’s ugly.” Komento naman ni Kuya Luigi. Sabay namin syang sinamaan ng tingin ni Ivonna. Pasmado talaga ang bibig nya.
“I mean.. gaganda sya kapag naalagaan na natin sya wife.” Biglang kabig ni Kuya Luigi.
Ngumiti ng matamis si Ivonna. “You’re right babe! So kukunin na natin sya ha.”
“Sure! No problem.” Malambing na wika ni Kuya Luigi at inakbayan si Ivonna.
Napangisi ako. Wala pala sya kay Ivonna eh. Tanggal angas!
Namili na ng mga asong aampunin ang mga bisita pati na ang mga kaibigan ni Matias at mga asawa nila, ganun rin si Kuya Atlas at ang mag ina nya at si mommy.
“Parang gusto ko ng pusa Kes?”
“Sure ka love?”
“Oo, lalo na ang isang to o. Sobrang lambing.”
“Hindi ba nakakatakot? Sobrang tatalim ng mga kuko nila.”
“Hindi ka pa nakakapag alaga ng pusa sa buong buhay mo no?”
“Hindi pa.”
“Pwes, ngayon makakapag alaga ka na dahil itong pusa ang aampunin natin.” Pagdedesisyon ni Ate Crizel na pinalabas kay Kuya JanJan sa Kennel ang puspin na tatlo ang kulay at putol ang buntot. Ng ibigay ni Kuya Janjan ang puspin kay Ate Crizel ay agad itong naglambing at sumandig pa sa balikat nya. Tuwang tuwa naman si Ate Crizel.
Nilapitan ko naman si mommy na binebelly rub ang isang tuta na dalawang linggo pa lang naming rescue. Mukhang nakapili na si mommy. Nakapili na rin ang ibang mga bisita ang iba naman ay tumitingin tingin pa. Si Jethro at si Jeremiah ay parehas mga tuta pa ang nagustuhan.
Sobrang saya ko ngayong araw dahil halos kalahati ng mga rescue namin ay maa-adopt. Ang iba na hindi sinuwerteng maa-adopt ngayon ay marami pang pagkakataon para sa kanila.
“Thank you Mat.” Malambing na sambit ko sa nobyo at humilig sa kanyang balikat. Nasa gitna na kami ng byahe ngayon pauwi sa bahay nya. Doon kami magdi-dinner. Ipagluluto nya raw ako. Ang sweet talaga ng habibi ko. Ang sarap i-kiss!
“For what?”
“Para sa lahat lahat. Sa mga ginawa mo sa akin sa araw na ito. Napakalaking bagay ng ginawa mo. Halos kalahati ng mga rescue namin ay may furrever home na.” Niyakap ko ang kanyang braso at kiniskis ko pa doon ang pisngi.
“Are you happy?” Malambing na nyang tanong sabay halik sa aking buhok.
“Super!” Masayang sabi ko kasabay nun ang pagtahol ni Pochi na nasa backseat. Mukhang pati sya ay masaya rin. Instant celebrity sya kanina eh.
Chapter 29
Ava POV
NAKAPANGALUMBABANG pinagmamasdan ko si Matias habang smooth ang bawat galaw sa paghihiwa ng malaking subuyas na puti at pula. Magluluto sya ng bistek tagalog. Siguradong masarap yun kasing sarap nya.
Kumagat labi ako at napangiti sa kapilyahang naisip. Hitsura pa lang naman ni habibi Matias mukha ng masarap. Ang gwapo nyang mukha na stoic. Sobrang lakas ng dating nya sa kanyang itim na itim na bigote at balbas na nakakakiliti kapag kumikiskis sa aking leeg. Ang tangos ng ilong nya at ang mga mata nyang nangungusap na mas mahaba pa ang pilik kesa sa akin. Bet na bet ko rin ang kanyang itim na itim na kilay na medyo makapal. Syempre pinakabet ko ang kanyang hard rock yummy body. Hehe. Parang mas gusto ko ng Matias steak.
“What are you thinking huh?”
“Ha?” Napakurap kurap ako at nagtaas ng tingin sa mukha ni Matias. Nakakunot na ang kanyang noo.
“Ang sabi ko anong iniisip mo.”
“W-Wala! Wala akong iniisip.” Pagdedeny ko sabay haba ng nguso.
Tumaas ang kilay nya. “Really? Pero iba ang nakikita ko sa mukha mo.”
Tumaas din ang kilay ko. “Ano naman yun?”
“Nakikita ko ang pagnanasa sa mukha mo. Pinagnanasaan mo ko.” Nakangising sabi nya.
Napasinghap naman ako at namilog ang mata. Nag init din ng bongga ang mukha ko. “P-Pinagnanasaan ka dyan. Hindi no! Iniisip ko lang kung alin ang masarap. Yung bistek o ikaw – “ Owh shit! Mabilis kong tinakpan ang bibig. Nadulas ako punyeta!
Lalo namang lumawak ang ngisi sa labi ni Matias. “I knew it.” Dumukwang sya at hinawakan ang baba ko. “Malalaman mo rin yan babe. But I’ll make sure mas masasarapan ka sa akin kesa sa bistek.” Bahagya pa nyang pinisil ang baba ko bago binitawan at parang wala lang hinarap na nya ang kalan.
Ako naman ay nawalan na ng imik. Tila ako naestatwa na sa kinauupuan. Pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nagtayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan. Ramdam na ramdam ko ang pagkabuhay ng dugo ko na dumadaloy sa bawat himaymay ng aking ugat. Kinakabahan ako na excited. Shit!
Napapitlag ako sa gulat ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si mommy. Sinagot ko yun at tumingin kay Matias na naghahalo na sa kawali.
Nagtatanong si mommy kung magkasama pa kami ni Matias. Sinabi ko naman na nandito kami sa bahay ni Matias at dito magdidinner bago nya ako ihatid sa bahay. Si mommy naman ay tuwang tuwa pang kinuwento ang tungkol sa bago nyang ampon na tuta na pinangalanan na nyang Chuckie dahil kulay tsokolate ito. Natutuwa naman ako dahil nagustuhan nya ang tuta. At least may iba na syang pagkaka abalahan ngayon at hindi puro pagmamarites na lang.
Pagkatapos magluto ni Matias ay kumain na kami. Masarap nga ang bistek nya. Malambot ang karneng baka at malinamnam. Kasabay naming kumakain si Pochi pero iba ang pagkain nya. Dog food na may carrots, smash kalabasa at atay ng manok. Ang sosyalin na talaga ni Pochi at nagdadalaga na sya.
“May balak ka bang ipakapon si Pochi? Nagdadalaga na sya. Malapit na syang magpaligaw. Kapag naligawan sya siguradong magkakaapo ka na.” Sambit ko habang sinisimot ang kanin sa plato. Gusto ko pang magkanin pero gabi na kaya bukas na lang.
“Yes. Pero ang sabi ng vet nya mga three months pa bago sya pwedeng kapunin.”
Tumango tango ako. At least may plano sya.
Natigilan ako ng makarinig ng kulog. Tumingin ako sa salaming bintana ng komedor at nakita ko ang pagbuhos ng ulan. “Umuulan..”
Magkatuwang naming niligpit ni Matias ang pinagkainan namin. Sya na ang nagpresintang maghugas. Ako naman ang nagpunas ng mesa at nagrefill ng tubig ni Pochi.
Nakahalukipkip na pinapanood ko ang malakas na buhos ng ulan sa floor to ceiling na salaming bintana. Malakas ang buhos ng ulan na halos wala na akong makita sa labas. Mas lumamig pa nga ang temperatura dito sa loob ng bahay. Si Pochi nga ay prente ng nakahiga sa malambot nyang higaan. Katabi pa nya ang kanyang stuffed toy.
Mukhang maaantala pa ang pag uwi ko.
“Ang sabi sa news may orange rainfall sa buong kamaynilaan. Mga dalawa hanggang tatlong oras ang inaasahang malakas na pag ulan.”
Lumingon ako kay Matias na nasa tabi ko na at nakatingin din sa labas. “Eh di hindi ako makakauwi?”
Tumingin sya sa akin. “Ganun na nga. Baka bukas ka na makakauwi.”
“Eh paano yun? Saan ako matutulog?”
Kumunot ang nya. “Eh di dito sa bahay ko. Alangan namang sa kapitbahay ko.”
Ngumuso ako. “Sasabihin ko kay mommy.”
“Tawagan mo ang mommy mo ako ang kakausap.”
Binuksan ko ang cellphone na hawak at sakto namang may pumasok na text galing kay mommy. Tinawagan ko na sya at agad naman syang sumagot. Binigay ko kay Matias ang cellphone at sya na ang kumausap kay mommy.
Sa bandang huli ay pumayag si mommy na dito muna ako matutulog sa bahay ni Matias. Delikado daw kasi kung babyahe pa kami. Malakas ang ulan at madulas ang daan.
“Here..” Inabot sa akin ni Matias ang puti nyang t-shirt. Kinuha ko naman yun at nilapat sa katawan. Hanggang kalahati ng hita ko ang haba nun. Mabangong mabango pa ang damit nya. Siguradong komportable akong makakatulog suot ito.
Nanghiram ako sa kanya ng damit na pamalit. Hindi ako komportable matulog na suot ang damit na maghapon kong suot. Pahihiramin nya dapat ako ng sweater nya pero hindi naman kakasya sa akin dahil malaki at mahaba. Ok na tong t-shirt nya dahil mahaba haba naman.
“Salamat habibi.” Sabi ko.
Ngumisi sya. “Sa dami ng pwedeng endearment yan pa talaga ang napili mo.”
Ngumuso ako. “Bakit ayaw mo ba.. habibi?”
“It’s fine with me.”
“Ayos nga yun eh, habibi ang tawag ko sayo. Hindi common na tawagan ng magjowa dito sa pinas. Ikaw nga babe. Eh ang dami ng magjowa na yun ang tawagan.”
“Pero ikaw lang ang tinawag kong babe. Wala ng ibang babaeng tinawagan ko ng ganun.” Kunot noong sambit nya.
“But I like it! Kinikilig kaya ako kapag tinatawag mo kong babe. Super sweet kaya.” Bigla kong kabig dahil baka bigla syang mainis. Pero totoo naman na kinikilig ako kapag tinatawag nya akong babe.
Ngumisi sya sabay pisil sa baba ko. “Sige na pumasok ka na sa kwarto mo at matulog ka na.” Hinapit nya ako sa bewang at hinalikan sa noo. “Good night..”
“Goodnight..” Mahinang sambit ko at tumalikod pero muli rin akong humarap. “Bakapwedengtabinalangtayomatulog.” Mabilis na sabi ko.
Kumunot ang kanyang noo. “What?”
“Wala. Sabi ko tutulog na ko goodnight.” Sabi ko sabay pihit sa doorknob ng pinto ng kwarto at pasok sa loob. Nilock ko ang pinto at sumandal.
Higit ko ang hininga habang mabilis ang tibok ng puso ko. Bakit ko ba nasabi yun? Mabuti na lang at hindi nya masyadong narinig kundi nakakahiya.
Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang dibdib. Nilibot ko ang mata sa loob ng kwarto ko. Malaki ang kwarto at malamig. Lumulubog ang mga paa ko sa sahig dahil sa carpet. Maganda ang interior ng kwarto. Moderno ito at ang kulay ay pinaghalong puti at tortilla brown.
Sa totoo lang hindi ito ang first time kong matulog sa ibang bahay. Kapag nago-overnight ako noon sa bahay ng mga kaibigan ko ay katabi ko sila matulog sa kwarto. Gaya ni Ivonna, kapag nago-overnight ako sa kanila doon ako sa kwarto nya natutulog at katabi sya. Natatakot kasi akong matulog mag isa sa isang kwarto maliban na lang sa kwarto ko sa bahay. Pakiramdam ko kasi may nagmamasid sa akin. Mali yata na pumayag akong matulog dito sa bahay ni Matias. Pero di naman ako makakauwi dahil malakas pa rin ang ulan sa labas at hindi rin ako papayagan ni Matias.
Tinatagan ko ang loob at pumasok na sa banyo para mag half bath. Walang blower kaya hindi ako makakapag shower.
Lumabas ako ng banyo suot ang t-shirt ni Matias na umabot hanggang kalahati ng hita ko. Ang sarap sa balat ng tela ng damit nya. Ang bango bango pa at naaamoy ko sya sa damit. Feeling ko tuloy yakap nya ako.
Bigla namang nag init ang mukha ko ng maalalang tanging panty lang ang suot ko sa loob. Hindi kasi ako komportableng matulog ng may suot na bra dahil parang hindi ako makahinga lalo pa at medyo malusog ang boobies ko. Pakiramdam ko tuloy nakita na ni Matias ang katawan ko.
Ipinilig ko ang ulo. Ano ba tong naiiisip ko? Makatulog na nga lang.
Lumapit na ako sa kama at pumuwesto na ng higa. Pumaloob na ako sa makapal na comforter. Tumagilid ako at pumikit na.
Pero ilang minuto na ang lumilipas ay di pa rin ako dalawin ng antok. Bukod sa namamahay ako ay kung ano ano din ang pumapasok sa isip ko. Dumilat ako at nilibot ang mata sa buong kwarto. May kadiliman sa kwarto at ang bukas lang na lampshade ang tanging ilaw. Hindi rin kasi ako nakakatulog ng sobrang liwanag.
Bumuntong hininga at muling pumikit. Pero mayamaya lang ay muli akong dumilat at tumagilid naman sa kabila. Kaharap ko ang makapal na puting kurtina. Biglang kumulog ng malakas na ikinapitlag ko kasabay nun ang pagkidlat. Lumiwag sa labas at napatili ako ng may maaninag na anino. Bumalikwas ako ng bangon bitbit ang isang unan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi naman siguro tao yun? Oo, imposibleng tao yun. Guni guni ko lang.
Muli uling kumidlat at lumiwanag sa labas. Napalunok ako ng makita na naman ang anino na hugis tao pero hugis halaman na cactus. Bumuntong hininga ako. Medyo kumalma na ang dibdib ko. Pero muli akong tumili ng kumulog ng malakas kasabay ng pagkidlat at pag andap ng ilaw ng lampshade.
Hindi na talaga ako makakatulog sa kwartong ito!
Dali dali akong lumabas at pumunta sa kwarto ni Matias. Sunod sunod akong kumatok. Ilang segundo lang ay bumukas na yun at tumambad sa akin si Matias na hubad baro at nakapajamang puti lang. Bahagya kong tinulak ang pinto at pumasok ako yakap ang unan na bitbit.
“What’s wrong babe?” Kunot noong tanong ni Matias.
Umawang ang labi ko. Hindi ako agad nakasagot dahil nagfocus ang mata ko at isip sa kanyang katawan. Humagod ang aking mata mula sa kanyang malapad na dibdib pababa sa kanyang bako bakong tiyan. Tama nga ang hinala ko. May abs si habibi na halatang kay titigas. Tapos may manipis pa syang buhok sa ibaba ng pusod pababa sa puson at pumaloob sa pajama Bumaba pa ang mata ko sa harapan ng kanyang puting pajama na may umbok at bakat.
Shet! Walang suot na brief si habibi?
“Ava.”
Nag angat ako ng tingin. “Ha?”
“Tinatanong ko kung anong problema.”
“Problema? Bakit wala kang suot na brief – Uh I-I mean ano..” Ipinilig pilig ko ang ulo. Ano nga ba yun?
Mariin namang naglapat ang labi ni Matias habang matiim ang tingin sa akin. Ngunit ang kanyang mata ay may kakaibang kislap.
Ah naalala ko na!
“Ano.. Mat.. baka pwedeng dito ako matulog? Tabi tayo. Pramis, di ako malikot matulog.” Sabi ko.
“At bakit?”
Umusli ang labi ako. “Natatakot ako dun sa kwarto ko eh..”
Tumaas ang kilay nya. “Natatakot ka?”
“O-Oo, di ako sanay matulog sa ibang bahay na mag isa lang sa kwarto. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin eh.”
“Napapraning ka lang.”
Umingos ako. “Praning na kung praning. Basta ayokong matulog dun. Dito ako matutulog sa kwarto mo. Pwede naman ako sa lapag.” Pagdedesisyon ko at lumapit na sa kama para kunin ang comforter nya. Pero di pa ako nakakalapit ay hinawakan nya ako sa braso at hinila palapit sa kanya. Tumingin ako sa kanya. “Bakit?”
Bumuntong hininga sya habang malagkit ang tingin sa akin. “Sigurado kang gusto mong matulog dito sa kwarto ko?” Magaspang ang boses na mahina nyang tanong.
“O-Oo nga..” Lumakas ang kabog ng dibdib dahil sa kanyang malagkit na titig. Ibang iba ang titig nya ngayon sa akin. Nakakapanlambot ng tuhod.
“May idea ka ba kung ano ang posibleng mangyari sa atin dito sa loob ng kwarto ko kapag dito ka natulog? Hindi ako santo Ava..”
Napalunok ako at napakurap ng mata. Bigla akong kinabahan.. pero bigla akong na-excite. Ano ba talaga inday?
“A-Ano.. s-sige.. doon na lang ako sa kwarto ko.” Pilit kong hinihila ang braso kong hawak nya. Pero ayaw nyang bitawan. “Y-Yung braso ko po..”
Napatili ako ng bigla nya akong buhatin at binagsak sa malapad at malambot nyang kama. Babangon na sana ako pero mabilis syang humiga sa tabi ko at pinaikot ang malaking braso sa aking bewang. Pinatong din nya ang isang hita sa hita ko. Kinabig pa nya ako palapit sa kanya at sinubsob ang mukha sa aking buhok.
“Di ba natatakot ka sa kwarto mo? So bakit ka pa babalik doon..”
Tumingala ako sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nagtatayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan. Ito ang unang beses na sobrang dikit ng aming katawan. Kumikiskis ang kanyang balat sa aking braso. Damang dama ko ang katigasan ng kanyang katawan.
“A-Ayaw mo kong matulog dito sa kwarto mo di ba?”
Tumingin sya sa akin. “Wala akong sinabing ayoko.. Ang sinasabi ko lang ay ang posibleng mangyari sa ating dalawa Ava.” Tinaas nya ang isang kamay. Hinaplos nya ng kanyang daliri ang guhit ng aking labi habang titig na titig sya doon.
Napalunok naman ako at walang salitang gustong lumabas sa aking bibig hanggang sa unti unting lumapit ng lumapit ang mukha nya. Sinakop ng kanyang mainit na labi ang labi ko.
Chapter 30
Warning 🔞
Ava POV
MAINIT ang halik na pinagsasaluhan namin ni Matias. Tinutumbasan ko ang init ng kanyang halik pero sa bandang huli ay nadodominahan na naman nya ako. Halos nakadagan na rin ang kalahati ng kanyang katawan sa akin. Damang dama ko ang kabigatan nya pero mabuti na lang ay malambot ang kanyang kama.
Napabuka ang labi ko ng marahan nya itong kagatin. Kasunod nun ay ang pagpasok ng kanyang dila sa loob ng aking bibig. Naglumikot iyon doon at halos galugarin ang kasuluksulukan ng aking bibig. Syempre di rin ako nagpatalo. Dinaluhong ko rin ng dila ang loob ng kanyang bibig. Pero ang kanyang dila ay halos lingkisin ang dila ko. Napadaing pa ako ng sipsipin nya ito ng madiin. Hindi talaga ako manalo-nalo sa kanya pagdating sa halikan. Expert ang lolo nyo.
Ng magsawa na sya sa labi ko ay bumaba ang kanyang labi sa aking baba at panga pababa pa sa leeg. Ang balat ko naman doon ang pinagdiskitahan nya. Mahihinang kagat, dila at sipsip. Darang na darang naman ako sa kanyang ginagawa. Nag iinit ang buong katawan ko na para akong lalagnatin. Idagdag pa ang kanyang kamay na humahaplos at pumipisil sa aking hita.
Alam kong kapag nagpatuloy pa kami ay mauuwi kami sa mas nakakadarang na aksyon. Pwedeng pwede ko syang patigilan na pero ayoko pa. Gusto ko pa ng mainit na halik ni habibi.
Napasinghap ako ng dumako ang malaking kamay ni Matias sa ibabaw ng aking dibdib at kumubkob doon. Ang kanyang labi naman ay bumaba pa sa aking collar bone. Ngayon lang sya naging mapangahas ng ganito. Pero imbes na matakot at mailang ay nagugustuhan ko pa ang kanyang ginagawa. Masarap sa pakiramdam.
“Mm..” Daing ko ng pisilin nya ang aking dibdib. Nakaramdam ako ng masarap na kiliti lalo pa ng tudyuhin ng kanyang daliri ang nipples kong nakabakat sa t-shirt kong suot. Sinundan na yun ng kanyang mainit na bibig.
“Tell me to stop Ava..” Anas nya habang hinahalikan ang isang dibdib ko sa ibabaw ng t-shirt. Kahit may tela pang nakaharang ay damang dama ko pa rin ang init ng kanyang labi.
Kumagat labi ako at napapikit. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng kiliti na masarap sa pakiramdam. Lalong nag iinit ang aking katawan.
“Hmm Mat..” Mahinang ungol ko ang isubo nya ang tuktok ng aking dibdib. Bahagya pa nga nyang kinagat ang nipple at tinudyo ito ng dila.
Mayamaya pa ay naramdaman ko ang kamay nyang pumaloob na sa loob ng t-shirt at kinubkob ang isa kong dibdib. Pinisil pisil nya ito ng marahan habang nilalaro ng daliri ang nipple. Tila naman ako nakukuryente sa kanyang ginagawa. Mas doble ang kiliti at sarap ngayong direktang dibdib ko na ang kanyang pinagpapala ng kamay.
Pero naputol ang sarap na naramdaman ko ng tumigil sya sa kanyang ginagawa. Dumilat ako at tumingin sa kanya para umangal. Ngunit sumalubong sa akin ang nakakunot nyang noo at ang nangungusap nyang mga mata na mapupungay na nakatingin sa akin.
“Bakit ka tumigil?” Angal ko.
“I told you to stop me.”
Ngumuso ako. “Pero di ko pa naman sinabi na mag stop ka..”
Mariing naglapat ang kanyang labi at bumuntong hininga sya na parang bigla syang namroblema. “Kapag hindi mo ko pinatigil ngayon.. baka kung saan pa ako umabot Ava. Hindi ko na rin kayang pigilan ang sarili ko. Matagal na akong nagtiis at nagtimpi..”
Kumagat labi ako. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Alam ko kung ano ang ibig nyang sabihin. Gusto nya akong angkinin ngayong gabi.
“Pero.. virgin pa ko.” Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko.
Mahina naman syang tumawa. “I know.. utak mo lang ang hindi na virgin.”
Nanghaba ang nguso ko. Aminado naman ako na hindi na virgin ang utak ko. At ngayon nanganganib na rin ang kiffy ko sa gwapong habibi ko.
“Ava I’m serious.. Hindi matatapos ang gabing ito na hindi kita naangkin. Unless.. pigilan mo ko ngayon na.”
Lumunok ako at humugot ng malalim na hininga. Humawak ako sa kanyang braso. Twenty-two years old na ako. Nasa hustong gulang para sa mga mature scene.
“Ready na ko habibi.”
Kumunot ang noo nya. “Anong ready?”
“Ready na akong magpabiyak sayo ngayong gabi. Basta dahan dahan lang ha. Mukhang malaki pa naman yang ano mo.” Tukoy ko sa kanyang pagkalalaki.
Tumawa syang muli at hinalikan ako sa labi. “Wala ng bawian babe.” Aniya sabay punit ng t-shirt na aking suot na ikinasinghap ko.
Akmang tatakpan ko ng braso ang dibdib pero mabilis nyang hinawakan ang dalawang kamay ko at tinaas sa aking ulunan. Parang sinilaban ng apoy ang aking mukha ng titigan nya ang aking hubad na malusog na dibdib. Pero saglit lang yun at sumubsob na sya.
Napaarko ang likod ko ng sakupin ng kanyang mainit na bibig ang isa kong dibdib. Binitawan na nya ang dalawa kong kamay. Humawak naman ako sa kanyang balikat. Mas doble ang kiliti at sarap ngayon dahil direkta na nyang subo ang aking dibdib. Nakakakiliti ang dulot ng mainit nyang bibig at dila.
“Ohh Mat..” Ungol ko ng sipsip nya ang nipple ko habang ang isang kamay naman ay pumipiga piga sa isa.
Darang na darang na ako sa sarap na ginagawa ni Matias sa aking katawan. Salitan nyang sinubo ang dalawa kong dibdib at pinagsawa ang bibig doon. Ang kanyang kamay ay nasa ibabaw na ng aking pagkababae at nanunuksong humahaplos doon. Wala na akong suot at tanging manipis na panty na lang.
Ilang sandali pa ay bumaba na ang labi ni Matias sa aking tiyan. Tinataniman nya yun ng halik pababa pa sa puson hanggang sa tumapat na sya sa aking pagkababae na natatakpan pa ng panty. Dinampi dampian nya rin yun ng halik at tila inaamoy pa. Confident naman ako dahil bagong hugas ako.
Nahigit ko ang hininga ng hilahin na nya pababa ang panty ko. Heto na. Makaka-face to face na nya ang kiffy ko.
“Ohh shit Mat!” Daing ko ng bigla na lang sakupin ng kanyang labi ang aking pagkababae. Pinaghiwalay pa nya ang aking mga hita at para syang gutom na minukbang ang kiffy ko.
“Mm so soft and taste so good..” Anas nya sa pagitan ng pagdila at pagsipsip sa aking pagkababae. Damang dama ko ang kanyang mainit na dila na humahagod sa aking kaselanan. Kakaibang kiliti ang sumalakay sa aking pagkababae. Kiliting nakakaadik at lalong nakakapag init. Dinig na dinig ko pa ang tunog ng bawat sipsip nya sa aking basang basa ng pagkababae.
“Oh my gosh Mat! Ang sarap..!” Bulalas ko kasabay ng pagnginig ng mga hita ko ng sipsipin nya ang clit ko. Paulit ulit yun na may kasama pang pagdila. Umiikot na rin ang mata ko sa sarap. Hanggang sa tila na ako maiihi at ilang segundo lang ay umalpas sa aking puson palabas sa aking pagkababae. Nanginig na ang buo kong katawan.
Ng matapos na sa ginagawa si Matias ay nag angat na sya ng katawan at bumangon na. Nag iinit ang mukha ko ng makita ang kanyang mukha lalo na ang kanyang labi na mamasa masa dahil sa aking katas.
Gosh! First time kong maranasan yun at tama nga ang mga sabi sabi. Sobrang sarap. Nakakaadik. Lalo kung gwapo at magaling magmukbang gaya ng habibi ko.
Basta na lang binaba ni Matias ang kanyang pajama at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng pumilantik ang kanyang pagkalalaki na tila tumatango pa. Nakaturo sya sa akin na parang binabati ako. Malinis ang pagkalalaki ni Matias. Trimmed ang kanyang buhok doon. Brownish ang kulay ng kanyang kahabaan at mamula mula pa ang ulo na nangingintab.
Tama nga ang hinala ko. Ang laki ni baby Tobias! Parang pipino!
Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla ay mabilis ng pumatong sa akin si Matias. Nagmamadali yata si habibi. Mukhang may lakad. Sa laki ng kanyang katawan ay halos mapipi ako pero naninimbang naman sya.
“I’m sorry babe.. pero di ko na talaga kaya. Para na akong sasabog.” Mahinang sambit sa tila nahihirapang boses at siniil ako ng halik. Huli na ng maalala kong galing pala sa pagkababae ko ang kanyang bibig pero wala naman akong kakaibang nalalasahan.
Pinagparte nya ang aking mga hita at pinuwesto nya ang kanyang ibabang katawan sa gitna.
Tila naman tinatambol ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Kabado ako na excited lalo pa ng maramdaman kong dumudunggol at kumikiskis na ang kanyang pagkalalaki sa hiwa ng aking pagkababae. Kinagat ko ang labi at mahigpit akong humawak sa braso nya.
“Alam kong sobrang sakit nito sayo lalo pa at first time mo. But trust me babe.. sa umpisa lang yun.”
Marahan akong tumango. Alam ko namang masasaktan ako. Ang laki ba naman ni baby Tobias eh. Pero hindi ako aatras. If not now then when. Kimmy!
Nahigit ko ang hininga ng dumiin na ang pagkalalaki ni Matias sa bukana ko. Nakaramdam ako ng kaunting kirot hanggang sa mas tumindi pa ang kirot.
“Ugh ang sakit Mat..” Daing ko kasabay ng mahigpit kong hawak sa kanyang braso.
“I know babe.. tiisin mo muna. Fuck! Sobrang sikip mo nghh!”
Mariin kong kinagat ang labi kasabay ng pagtulo ng luha ko dahil sa sumigid na mas matindi pang sakit. Nararamdam ko na sa loob ko ang kalakihan nya at parang may napunit sa aking loob. Para ring binabanat ang laman ng aking loob.
Napahiyaw ako ng bigla syang gumalaw. Tuluyan na akong napaiyak ng mas sumigid pa lalo ang sakit. Para akong hinahati sa gitna.
“I’m sorry I’m sorry babe..” Hinalik halikan ni Matias ang mukha ko na para bang maaalis nun ang sakit na nararamdaman ko.
“S-Sobrang sakit..” Umiiyak na sabi ko.
“Shh.. Don’t worry nasa loob mo na ako.”
Suminghot ako at ngumiwi. “N-Nasa loob na si baby Tobias?”
Kumunot ang kanyang noo. “Baby Tobias?”
“Yung pipino mong malaki.”
Tumawa sya. Lalo namang nadagdagan ang sakit dahil sa tawa nya.
“Huwag ka ng tumawa sumasakit lalo.” Nakangiwing saway ko sa kanya.
“Pati pagkalalaki ko pinangalanan mo na.” Nakangising sabi nya.
Ngumuso ako. “Bagay naman eh. Parang ikaw din yang pipino mo, malaki. Sobrang sakit na nga ng kiffy ko. Literal na biniyak mo na ako.”
Kinintalan nya ako ng halik sa labi. “Ginusto mo naman di ba? Gagalaw na ko..”
Nataranta ako. “Pero masakit pa rin..”
“I know, pero lalo ka lang masasaktan kapag hindi pa ako gumalaw..”
Wala na kong nagawa kundi iniyakap na lang ang dalawang braso sa batok nya ng mag umpisa na syang gumalaw. Mariing kagat ko na lang ang labi habang impit na dumadaing. Mabagal syang gumagalaw. Ramdam ko ang bawat hugot at baon nya sa kanyang pagkalalaki. Masakit na masakit pa rin. Pero ng masanay na ako at parang unti unti na yung nawawala at may sumisibol ng kiliti. Bahagya na ring bumibilis ang galaw nya..
Short update muna dahil biglamg nabusy si otor :)
Chapter 31
Matias POV
NAPATIIM bagang ako ng makita ang mga putikang foot print sa sahig ng balkonahe dito sa kwartong nilaan ko kay Ava kagabi. Senyales na may nagtangkang nanloob. At itong bahay ko pa ang balak nyang looban. Mabuti na lang at hindi basta basta mapapasok ang kwartong ito dahil automatic ang lock ng french door at hindi rin basta mababasag ang floor to ceiling na bintanang salamin.
Kinuyom ko ang kamao. Kaya siguro tumakbo papunta sa kwarto si Ava kagabi dahil may nakita sya. Pero mabuti na lang at tumakbo sya sa kwarto ko. May kutob akong hindi yun magnanakaw na gusto lang manloob. May kutob akong iba ang pakay nya.
Mahigpit ang security dito sa loob ng subdivision pero mukhang may nakalusot. Malalaman ko yan mamaya kapag nireview ko ang cctv. Tiningnan ko si Pochi na inaamoy amoy ang mga foot print at tumahol sya. Pero dahil umulan buong gabi wala syang maaamoy.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto kasunod si Pochi at muli kong sinara ang french door at nilock. Lumabas na kami ng kwarto at bumalik ako sa kwarto ko.
Napangiti ako ng makita si Ava na mahimbing pa ring natutulog. Alas kwatro pa lang ng umaga at siguradong mamaya pa ang gising nya. Sigurado ding masakit ang katawan nya lalo na ang gitna nya.
Maingat akong bumalik ng higa sa tabi ni Ava at tumabi sa kanya. Pumaloob ako sa makapal na comforter at niyakap ang hubad nyang katawan. Awtomatikong nag react ang alaga ko. Gusto ko pa syang angkinin muli. Hindi sapat sa akin ang dalawang round lang kagabi. Pero ayoko naman syang biglain baka matrauma sya at hindi na maulit ito. Lalo pa at hindi biro ang sukat ko.
Gumalaw sya at humarap sa akin. Bahagya pa syang napangiwi. Siguro ay kumirot ang kanyang gitna. Sumiksik sya sa katawan ko at yumakap. Kinabig ko naman sya at niyakap. Dinampi dampian ko ng halik ang kanyang noo habang hinahaplos ang buhok. Masaya ako dahil ako ang una nya sa lahat at sisiguraduhin ko ring ako ang huli.
.
.
Ava POV
“GUSTO ko ng ice cream. Bili mo ko..” Malambing na ungot ko kay Matias sa kabilang linya.
“Okay.. yun lang ba? Pizza?”
“Oo pizza gusto ko rin. Basta yung ice cream huwag mong kalilimutan.”
“Oo na, bibili ako. Hintayin mo ko.”
“Okay! Ingat habibi.”
Binaba ko na ang cellphone at pinatay. Muli kong binalik ang atensyon sa binabasa kong libro habang prento akong nakahiga sa sofabed dito sa balcony ng kwarto ko. Tatlong araw na akong nandito lang sa bahay dahil nilagnat ako. Nilagnat ako dahil sa pipino ni habibi. Namaga ang kiffy ko. Mabuti nga at nakauwi pa ako. Yun lang nagalit si mommy ng malamang may lagnat ako. Pinagalitan pa nga nya si Matias dahil baka daw pinaulanan ako. Hindi na lang nagsalita si Matias at nanghingi na lang ng sorry. Hindi rin ako nagsalita dahil ano naman ang sasabihin ko. Nilagnat ako dahil sa pipino ni Matias? Nakakahiya yun at sa aming dalawa lang yun ni Matias.
Hindi naman ako pinabayaan ni Matias sa tatlong araw na may sakit ako. Binigyan pa nya ako ng gamot para sa lagnat at maga sa kiffy. Ngayon, ok na si kiffy ready na ulit sumabak. Eme! Ok na si kiffy, hindi na maga pero medyo may kurot pa ng kirot. Ikaw ba naman barenahin ng pipino ng isang one-fourth na arabo talagang magdurusa ang kiffy mo. Kaya naglalambing ako sa kanya ngayon ng ice cream dahil yun ang comfort food ko.
“Chuckie comeback here!”
Natigilan ako ng marinig ang boses ni mommy. Kasunod nun ay nakita ko si Chuckie na tumatakbo palapit sa akin sabay talon sa kandungan ko. Lawit ang dila nya at kumakawag ang buntot. Hyper na naman ang tuta.
“Gosh! Daig ko pa ang nagzumba sa pagod sa kakahabol sa kanya.”
Nilingon ko si mommy na lumabas sa french door. Hinihingal sya habang nakapamewang. May nakasampay na tuwalya sa kanyang balikat. Mukhang kanina pa nya hinahabol si Chuckie.
“Ayaw mo ba nun mommy? Di mo na kailangan mag zumba para maging sexy. Habulin nyo na lang si Chuckie.” Natatawang sabi ko habang hinihimas si Chuckie.
“Hays! Samantalang noong unang dating nya dito takot na takot at nasa isang sulok lang. Ngayon para na syang turumpo.” Ani mommy na umupo sa single couch.
“Ganun talaga mommy dahil komportable na sya sa dito sa bahay nya.” Wika ko. Wala pang isang linggo dito sa bahay si Chuckie pero bumibilog na sya.
“Parang ikaw yang si Chuckie noong maliit ka pa. Nagpapahabol muna bago paliguan.”
Sumimangot ako. Talagang kinumpara pa nya ako sa tuta.
“Anyway, kamusta na ang pakiramdam mo?” Tanong ni mommy.
“Ok na mommy. Sinat na lang ang meron ako.”
“Yan! Magpaulan ka pa.”
Ngumuso na lang ako at di na lang umimik.
“O baka naman hindi ulan ang dahilan kung bakit ka nilagnat?”
Nilingon ko si mommy. Matiim syang nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay. Tila ba sinusuri nya ako.
Bigla naman akong kinabahan. “A-Ano naman ang dahilan mommy?”
Humalukipkip si mommy. “Isang gabi kayong magkasama ni Matias sa bahay nya na kayong dalawa lang. Malakas ang ulan at malamig. Wala ba kayong.. ginawa?”
Nahigit ko ang hininga sa huling tanong ni mommy. Kumabog ang dibdib ko. “M-Meron mommy. K-Kumain kami..”
Tumaas ang isang kilay ni mommy. “Anong kinain nyo?”
“Syempre po pagkain.” Nanghahaba ang ngusong sabi ko.
“Yun lang?”
“O-Opo. Tapos.. n-natulog na kami.”
Saglit na hindi nagsalita si mommy at nakatingin sa akin na parang nagdududa sa mga sinabi ko. Nag iwas na lang ako ng tingin at kunwaring nilaro si Chuckie na nasa kandungan ko pa rin. Pasimple kong tiningnan si mommy. Nakita kong nagbibilang sya sa daliri.
Sunod sunod ang subo ko ng ice cream na avocado flavor na syang paborito ko. Wala kong pakialam kahit pinapanood ako ni habibi ko. Kadarating lang nya dala ang ice cream ko at pizza. Nag half day sya sa opisina nya para mabilhan ako ng mga ito. Medyo na-guilty naman ako dahil naghalf day pa talaga sya sa para sa akin. Pwede naman syang bumalik sa opisina nya pero hindi na raw. Dito na lang daw sya sa bahay para samahan ako. Mamayang gabi ay may lakad daw syang importante.
Kumutsara ako ng ice cream at inumang sa bibig nya. Iniwas nya ang bibig at umiling. Sinimangutan ko sya kaya binuka nya ang bibig at sinubo ang kutsara. Aayaw ayaw pa sya samantalang yung kiffy ko hindi umayaw sa pipino nya.
“Kamusta ang pakiramdam mo? Di ka na nilalagnat?” Malambing na tanong nya at hinipo ang noo at leeg ko. “Medyo mainit ka pa ng kaunti.”
“Sinat na lang ang meron ako. Mas ok na ako ngayon kesa kahapon.” Sabi ko at muli syang sinubuan ng ice cream. Hindi na sya tumatanggi ngayon at kusa ng bumubuka ang bibig.
“That’s good. Siguradong bukas magaling ka na.” Wika nya at ngumisi. “But how’s kiffy?”
Ngumuso ako kasabay ng pag iinit ng aking pisngi. Kiffy na rin ang tawag nya sa pagkababae ko.
“Ayun.. di na sya maga pero may kurot pa ng kirot. Effective yung gamot na binigay mo.”
Marahang tumango sya at kumuha ng isang slice ng pizza.
Bumagal ang pagsubo ko ng ice cream at tumingin ako sa kanya. Pinanood ko ang bawat kagat nya sa slice ng pizza. Tatlong kagat lang nya ang isang slice ng pizza.
Tumikhim ako. “Anyway, nagdududa si mommy na nilagnat ako dahil naulanan. Tapos nagtanong sya kung ano ginawa nating dalawa sa bahay mo buong gabi.”
Tumingin sya sa akin. “Anong sabi mo?” Parang wala lang na tanong nya.
“Eh di sabi ko kumain lang tayo. Pero parang hindi sya naniniwala na kumain lang tayo..” Nakangusong sabi ko at sumubo ulit ng ice cream.
“Gusto mo bang sabihin na natin kay tita na may iba pa tayong ginawa?”
Napasinghap ako at namilog ang mata sa sinabi nya. “Hindi no! Nakakahiya.”
Kumunot ang noo nya. “Nahihiya ka na may nangyari sa atin?” Tila nagbabanta ang boses nya. Mukhang di nya nagustuhan ang sinabi ko dahil nakasimangot na sya.
“Syempre hindi. G-Ginusto ko rin naman yun. Ang ibig kong sabihin.. yung mga ganung bagay dapat sa ating dalawa lang. Ayokong sabihin kay mama dahil baka magalit sya.” Paliwanag ko.
Umaliwalas muli ang kanyang mukha at tumabi sa akin ng upo sa sofabed. “Don’t worry, sa susunod na may mangyari ulit sa atin di ka na lalagnatin.”
Nag init ang mukha ko sa sinabi nya. At may susunod pa nga.
.
.
Matias POV
BUMABA ako sa sasakyan at pinanood ang mga tauhan kong binubuhusan ng gasolina ang buong paligid ng modernong rest house. Umalingasaw ang amoy ng gasolina. Nasa tabi ng beach ang rest house at wala itong katabing rest house. Malayo sa mga tao at sa main road kaya walang makakaalam sa gagawin namin.
Lumapit ang tauhan kong si Harold bitbit ang malaking galon ng gasolina na wala ng laman. Kasunod nya ang ilang tauhan na may bitbit ding galon na wala na ring laman.
“Ayos na boss. Pati ang ikalawang palapag binuhusan na namin. Siguradong magiging abo ang lahat ng gamit sa loob ng bahay.” Nakangising sabi ni Harold at nilagay ang galon sa likod ng pick up truck.
Nagtinginan kami ni Dan at sabay na tumango.
“Sige na Harold, sindihan mo na.” Utos ko sa tauhan.
“Yes boss.”
Naglabas ng lighter si Harold at sinindihan iyon sabay hagis sa bakuran ng rest house na agad namang nagliyab. Mabilis na kumalat ang apoy sa buong rest house. Lumiwanag ang madilim na paligid dahil sa malaking apoy.
Bumuntong hininga ako at sinuksok ang kamay sa bulsa habang pinapanood ang pagtupok ng apoy sa buong rest house. Kasabay nun ang pagbalik sa aking alaala sampung taon na ang lumipas. Natrap kami ni Dan sa rest house ng aming ina na nasusunog. At kagagawan yun ni Uncle Elijah.
“Siguradong manggagalaiti sa galit si Uncle Elijah kapag nalaman nyang abo na ang rest house nya.” Sambit ni Dan habang pinapanood din ang malaking apoy. Nakatiim bagang sya. Gaya ko ay alam kong bumabalik din sa alaala nya ang bangungot na yun.
“Kulang pa to sa ginawa nya sa atin. Pasalamat nga sya at wala sya sa loob.”
Ngumisi si Dan. “Isa sa mga araw na ito kokontak sya sa atin. Sya na mismo ang lalapit sa atin.”
“Sigurado yan.”
Bumalik na kami sa aming sasakyan at nilisan na namin ang lugar. Siguradong magiging laman ng balita ang malaking sunog. Pero walang makukuhang kahit na anong ebidendya ang pulisya na magtuturo sa amin.
Guys pasensya na kung one update lang dito at two update naman sa kabila. Need ko kasing humabol ng word count sa kabila para kahit papaano ay may kita ako. Sana po maintindihan nyo 🤗 At sa gustong basahin ang Pleasure Me Ninong Mannox basahin nyo na po habang free pa. Daily update naman po doon.
Chapter 32
Ava POV
“HAY.. sa wakas nagkaroon rin tayo ng time na magbonding. Halos kalahating taon din tayong di nagkita kita ah. Puro sa social media lang.” Sambit ko sa mga kaibigan. Nandito kami sa paborito naming kainan sa loob ng isang mall.
Kumpleto kami ngayon. Si Ivonna kasama ang kambal nya, si Jolene kasama ang dalawa kong pamangkin at si Miriam at Ruby. Naging magkakaibigan kami dahil parehas kaming mga nagtrabaho noon sa resto. Nagpasya kaming magkita kita dahil aalis na ng bansa si Miriam at Ruby para sa ibang bansa magtrabaho. Makikipagsapalaran sila doon. Kung tutuusin pwede naman namin silang tulungan ni Ivonna na bigyan ng magandang trabaho. Pero mas gusto nilang makipag sapalaran for experience na rin. Hindi na kami namilit. Basta kung saan sila masaya susuportahan namin sila.
“Ang bilis lumaki ng mga inaanak namin ah.” Sambit ni Miriam at pinisil ang pisngi ni Baby Alina. Ganun din ang ginawa nya sa kambal ni Ivonna.
“Oo nga eh. Ang lalakas na ring kumain.” Natatawang sabi ni Jolene at pinunasan ng bimpo ang bibig ni Baby Alina na naglalaro ng laway.
“Masaya kami ni Miriam para sa inyo dahil nahanap nyo na ang mga lalaking para sa inyo at kitang kita naman namin na masayang masaya kayo ngayon sa pamilya nyo.” Saad ni Ruby.
“Salamat Ruby. Syempre gusto rin naming mahanap nyo rin ang inyo.” Ani Ivonna.
Ngumuso si Mariam na si Jeremiah na ngayon ang pinagdidiskitahan. Ang pamangkin ko naman ay sanay ng pinanggigigilan kaya unbothered sya habang lumalapang ng manok.
“Olats kami dito sa pinas. Puro tagilid na mga lalaki ang nakukuha namin. Tagilid na nga mukha pati ugali tagilid din. Baka sakali sa ibang bansa kami swertehin.”
“Bet namin ang afam.” Dugtong pa ni Ruby.
“Pero ingat pa rin kayo sa pagpili ng afam. Baka mamaya makatiyempo din kayo ng for good time lang at anakan lang kayo.” Paalala ko sa dalawa.
“Alam namin yun Ava. Don’t worry. Natuto na kami no.” Ani Miriam na ilang beses na ring nabigo sa lalaki dahil puro may mga saltik ang nagiging jowa.
“Basta, kung ayaw nyo na sa ibang bansa umuwi na lang kayo. Tutulungan na lang namin kayong maghanap ng magandang trabaho.” Sabi ko pa.
“Oo nga. Huwag kayong mahiyang magsabi sa amin.” Segunda pa ni Ivonna.
“Salamat mga mommies. Don’t worry mag e-enjoy muna kami sa abroad. Syempre dito pa rin sa bansa natin ang balik namin.”
“Oy, di pa ako mommy ha.” Nakangusong sabi ko at sinipsip ang straw ng drinks.
Sabay naman silang tumawa na parang may nakakakatawa sa sinabi ko.
“Pero malapit ka na ring maging mommy nafi-feel ko.” Nanunuksong sabi ni Ruby.
“Hindi malabong maging mommy ka na rin soon or sooner lalo pa at may gwapo kang jowa na sobrang yummy pa. Alangan namang magtitigan lang kayo kapag magkasama.” Dagdag panunukso pa ni Miriam. Nakitukso na rin ang dalawa na may mga inakay na.
Napanguso na lang ako habang nagiinit ang pisngi. Isang beses pa lang naman may nangyari sa amin ni Matias at hindi pa nauulit yun kaya imposibleng may mabuo agad.
Naging maingay pa ang mesa namin dahil na rin sa mga chikiting na madaldal na. Pati nga ang ibang customer na katabi namin ay natutuwa sa mga paslit na parang mga matatanda na nadidiskusyon. Ito ngang si Baby Alina ay may pahampas hampas pa sa mesa habang nakikipag huntahan sa kambal ni Ivonna. Wala naman kaming maintindihan kaya nagtatawanan lang kami.
“Wait lang girls! Mag c-cr lang ako. Naiihi na ako sa kakatawa.” Paalam ko sa kanila at tumayo ako. Binitbit ko ang bag.
“Tita sama ako.” Ani Jeremiah.
“Hindi na baby. Dito ka na lang. Ihing ihi na si tita eh. Babalik naman agad ako.” Nag excuse na ako sa mga kaibigan at pumunta ng banyo ng resto. Pero may tao pa sa loob ng banyo at may ilang nakapila pa. Mukhang isang banyo lang ang meron ang resto. Kaya lumabas na lang ako para sa common restroom mag banyo. Malapit lang naman yun sa resto.
Relief ang naramdaman ko paglabas ko ng banyo. Mabuti na lang at walang masyadong tao rito sa common restroom. Kung naghintay pa ako sa banyo ng resto baka naihi na ako sa pantalon. Napadami kasi ang inom ko ng ice tea. Idagdag pa na panay tawa ko kanina.
Naghugas ako ng kamay sa sink at nagpunas. Naghand sanitizer din ako. Tumingin ako sa salamin at sinuklay ng kamay ang may kahabaang buhok. Fresh pa naman ang beauty ko kaya di na need ng retouch.
Lumabas na ako ng restroom para bumalik sa resto. Pero nagkasalubong kami ng isang lalaking palabas naman ng male restroom.
“Sorry sorry!” Aniya.
“It’s ok.” Nagtinginan kami ng lalaki at ganun na lang ang pamimilog ng mata ko ng makitang si Ervin pala ang nakabanggaan ko.
“Ava..” Sambit nya.
“Ervin! Kamusta na?” Nakangiting bati ko. Namiss ko sya.
Nahihiyang ngumiti sya. “Ayos lang Ava. Ikaw?”
“Ayos lang din.” Ngumuso ako. “Pero hindi ka na bumalik sa bahay ha. Hindi ka nagrereply sa mga chat ko yun pala may bago kang account tapos di mo naman ako finollow at naka private ka pa. Gusto kong magtampo sayo pero baka may iba kang dahilan.”
“I’m really sorry Ava..”
Mukhang sincere naman sya sa paghingi ng sorry.
“Ano ba kasing nangyari? May problema ka ba?”
Bumuntong hininga sya at tumingin sa paligid. “Huwag natin dito pag usapan. Sa ibang lugar natin pag usapan.”
“Ok.”
Sa isang coffee shop kami pumunta ni Ervin. Tinext ko si Jolene para sabihing matatagalan akong bumalik sa resto dahil may nakasalubong akong kakilala.
“I’m really sorry talaga Ava.. Wala naman talaga akong balak na i-ghosting ka eh. Kaya lang.. pinagbataan ako ni Sir Maalik.”
Namilog ang mata ko. “Pinagbantaan ka ni Matias?”
Tumango sya at dinampot ang tasa ng kape at humigop.
Umawang naman ang labi ko at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
“Hindi nga? Totoo? Pinagbantaan ka nya?”
“Hindi ako nagsisinungaling Ava. Pinagbantaan nya ako na sisirain ang career ko kapag hindi kita nilayuan. Natakot ako sa pwede nyang gawin sa akin. Mayaman sya, maraming pera at koneksyon. Langgam lang ako para sa kanya na pwedeng pwede nyang tirisin.”
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi nya. Nabigla ako. Nagtatanong ang isip ko kung bakit yun nagawa ni Matias. Ganun ba nya ako kagusto? Ganun sya kapatay na patay sa akin. Pero kahit na! Mali pa rin ang ginawa nyang pagbabanta kay Ervin. Hindi sya marunong lumaban ng patas.
“Pero balita ko kayo na. Congrats. Mukhang masaya ka naman sa kanya.” Aniya at tipid na ngumiti.
Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. May parte sa loob ko na guilty pero wala naman akong kasalanan. Hindi ko alam ang ginawa na yun ni Matias. Kokomprontahin ko sya at tatanungin kung bakit nya ginawa yun.
Humingi na lang ako pasensya kay Ervin para kay Matias. Ako na ang nahihiya sa ginawa ng nobyo ko.
.
.
Matias POV
BUMUNTONG hininga ako habang paulit ulit na pinapanood sa laptop ang kuha ng cctv sa bahay ko. Partikular sa balcony ng kwartong nilaan ko kay Ava ng gabing yun. Paulit ulit kong pinanood ang kuha nun. Isang lalaking naka over all na black ang pumasok sa likurang bahagi ng bahay ko. Mabilis ang mga kilos nya at kalkulado..
Hindi pagnanakaw ang pakay nya sa bahay ko. May iba syang pakay. Ako ang pakay nya . Malamang isa sya sa mga tauhan ni Uncle Elijah. Alam nya na may mga nakakalat na cctv sa bahay ko pero malakas ang loob nya dahil hindi sya makikilala. Natatakpan ang buo nyang katawan maliban lang sa mata. May nakabukol din sa kanyang tagiliran na halatang isa yung baril. Mabuti na lang talaga at lumabas ng kwartong iyon si Ava. Kahit hindi basta basta mapapasok ang kwartong yun ay di pa rin ako makakasiguro. Nagpadagdag na ako ng lock sa buong bahay at nagpalit na rin ako ng bagong security dahil pumalpak ang mga nauna. Naging kampante sila ng gabing yun kaya may nakalusot.
Tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ng laptop. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko kilala ang numerong nakarehistro. Walang ibang nakakaalam ng numero ko kundi mga kaibigan ko lang at ilang kakilala. Dinampot ko ang cellphone at sinagot ang tawag.
“Hello? Who’s this?” Tanong ko sa kabilang linya.
Isang pamilyar na tawa ng lalaki ang narinig ko sa kaibilang linya. Tumiim bagang ako.
“Uncle Elijah..”
Lalong lumakas ang tawa nya sa kabilang linya. Para na syang nababaliw. Ito ang unang beses na tumawag sya sa akin.
“Hello my dear pamangkin.”
Bumuntong hininga ako at sumandal sa backrest ng swivel chair. “Bigla kayong napatawag uncle. Mukhang namiss nyo ko ah.”
Nawala ang tawa sa kabilang linya at namayani ang katahimikan ng ilang sandali.
“Alam mo kung bakit ako tumawag. You son of a bitch! Sinunog nyo ni Danon ang rest house ko sa Batangas!”
Ngumisi ako ng naging galit ang boses nya. Inaasahan ko ng tatawag sya isa sa mga araw na ito. Gaya ng sabi ni Dan.
“Mabigat na bintang yan uncle. Pwedeng ko kayong kasuhan. Patong patong na ang kaso nyo.”
Malutong syang nagmura sa kabilang linya.
“Wala ng ibang gagawa nun kundi kayong dalawa lang ni Danon!”
“Are you sure uncle? Hindi lang naman kami ni Danon ang kaaway mo, marami pang iba.” Binuntutan ko ng mahinang tawa ang sinabi para lalo syang mainis.
“Kayong dalawa lang ang maglalakas loob na gawin yun kaya huwag mo kong ginagago!”
“Kung kami man ang gumawa nyan deserved nyo naman. Nakalimutan nyo na ba ang ginawa nyo sa amin ni Danon sampung taon na ang nakakaraan?”
Muli itong tumawa sa kabilang linya.
“Syempre hinding hindi ko makakalimutan yun. Ang sarap kayang panoorin na natutupok ang resthouse habang nasa loob kayong dalawang magpinsan. Sayang nga at hindi kayo nasamamg matupok.”
Tumiim bagang ako sa sinabi ni uncle. Kinuyom ko ang kamao. Kung nandito lang sya sa harapan ko ay binasag ko ang mukha nya at binalian sya ng buto saka ko sya ihahagis sa piitan.
“Hindi nyo ako kaya Matias! Hindi nyo ako mahuhuli. Kayong dalawang magpinsan ang pupulbusin ko hanggang sa mawala na kayo sa mundong ito at makuha ko na ang lahat ng akin.”
Binaba ko na ang cellphone ng patayan na nya ako ng linya. Pinindot ko ang laptop na nakakonekta sa cellphone ko para matrace kung nasaang lugar si Uncle Elijah sa pamamagitan ng tawag nya. Nasa Batangas sya. Pero siguradong aalis din sya doon at magtatago na naman sa ibang lugar. Pero kahit saan sya magtago madali na lang namin syang natutunton. May hinala na rin kami kung sinong pulitiko ang sumusuporta sa kanya.
“Sir, nandito po si Ma’am Ava.”
Nag angat ako ng tingin. Sumalubong sa akin ang magandang mukha ni Ava na walang kangiti ngiti.
“Babe, why are you here?” Tumayo ako at nilapitan sya sabay hapit sa kanyang bewang at halik sa kanyang sentido. Sinenyasan ko si Jamil na iwan na nya kami.
“Can we talk?” Ani Ava na seryoso ang mukha. Ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso ang kanyang mukha.
“Sure.” Giniya ko na sya papunta sa couch at tabi kaming naupo. “You want juice? Coffee? Magpapatimpla ako kay Jamil.”
“Hindi na. Kakameryenda ko lang sa mall.”
“Oh? Sino ang kasama mo?” Nagtext sya sa akin kanina na pupunta sya ng mall.
“Mag friends ko. Si Jolene, Ivonna, Miriam at Ruby.”
Marahan akong tumango. “I see.” Tinaas ko ang isang kamay at hinawi ang hibla ng kanyang buhok at inipit sa likod ng kanyang tenga. Wala pa rin syang kangiti ngiti sa akin. Nakakapanibago. Ni hindi nga sya yumakap sa akin kanina pagkakita sa akin na lagi nyang ginagawa. Ang mata nya ay matiim pa ang tingin sa akin na parang inuusig ako. May nagawa ba akong kasalanan?
“At alam mo ba kung sino pa ang nakita ko doon?”
“Who?”
“Si Ervin.”
Natigilan ako sa sinabi nya. “Nagkita kayo ni Ervin?”
“Yes, at nag usap kami. Sinabi nya sa akin lahat.”
Saglit na namayani ang katahimikan sa aming dalawa.
“Totoo ba na pinagbantaan mo sya para layuan nya ako?”
Chapter 33
Warning 🔞
Ava POV
MATIIM akong nakatingin kay Matias habang hinihintay ko ang sagot nya. Pagkatapos naming mag usap ni Ervin sa mall ay dito na ako dumiretso sa office nya. Tinawagan ko na lang si Jolene at nagpaalam para hindi na nila ako hintayin.
Gusto kong malaman kung bakit yun ginawa ni Matias. Anong dahilan nya? Alam kong istrikto syang tao at seryoso lagi sa buhay. Pero hindi ko inisip na magagawa nyang magbanta, manakot sa isang tao.
“Is it true?”
Nag iwas sya ng tingin at bumuntong hininga saka tumayo.
Bumagsak ang balikat ko. So totoo nga. I’m so disappointed. Pero gusto kong malaman ang dahilan nya baka mali lang ako ng pagkakaintindi.
“Yeah it’s true.. pinagbantaan ko sya.” Sambit nya.
Umikot ang mata ko. “Kaya naman pala di na sya bumalik sa bahay at hindi na nagrereply sa mga chat ko.”
Kunot noong bumaling sya sa akin. “Chinachat mo pa rin sya?” May tono ng pagkadisgusto ang boses nya.
“Oo. Noong hindi pa kita sinasagot. Isa pa bukod sa manliligaw ay kaibigan ko rin sya. So why did you do that nga? Ganun ka na ba kapatay na patay sa akin?”
“Yes.” Diretsahan nyang sagot.
Saglit naman akong natigilan kasabay ng pagkislot ng aking puso. Natunaw na rin ang inis na nararamdaman ko sa kanya.
‘Hindi! Mali Ava. Huwag kang marupok. Hindi maganda ang ginawa ng nobyo mong nuknukan ng gwapo, macho at masarap. Dapat mo syang pagsabihan.’
Nag taas noo ako at tumayo. Humakbang ako palapit sa kanya at humalukipkip. Tinarayan ko ang bukas ng mukha.
“Pero mali ang ginawa mo Matias. Dapat matuto kang lumaban ng patas. Hindi yung magbabanta ka.”
Tumingin sya sa akin. “Ano pang sabi nya sayo?”
Tumaas ang kilay ko. “Yun nga.. pinagbantaan mo raw sya. Sisirain mo raw ang career nya kapag hindi nya ako nilayuan. You’re so mean..” Inikutan ko sya ng mata sabay nguso.
“Mean na kung mean. Ganun talaga sa isang competition. Kailangan mong hanapin ang kahinaan ng kalaban mo para matalo sya.”
“Pero hindi pa rin kasi tama ang ginawa mo habibi – Matias.” Kunwaring nagsusungit na sabi ko.
Pero tumaas ang gilid ng kanyang labi. “Yun lang ba ang sinabi nya sayo?”
“Oo. Bakit may iba ka pa bang ginawa?” Tinaasan ko sya ng kilay.
“Yes.”
Suminghap ako at namilog ang mata. “Ano? Di mo naman sya binugbog di ba?”
“Of course not. Kung binugbog ko sya eh di hanggang ngayon hindi pa rin sya nakakalakad.”
Ngumuso ako. Yabang ni habibi. Kunsabagay sa laki ng katawan nya posible talaga yun. Pero ang importante hindi nya sinaktan si Ervin dahil kawawa naman yung tao.
“Eh ano pang ibang ginawa mo?”
Bumuntong hininga sya at naging seryoso muli ang bukas ng mukha. “Pinaimbestigahan ko sya. Gusto kong malaman kung talagang seryoso sya sayo.” Saglit syang di nagsalita.
“And?”
“Seyoso nga sya na maging kayo para mapagtakpan nya ang tunay nyang pagkatao.”
Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”
“He is gay Ava. May boyfriend sya at sinisekreto nya yun sa lahat lalo na sa pamilya nya. At para pagtakpan ang tunay na pagkatao nya niligawan ka nya para maging girlfriend. Ng sa ganun walang maghinala sa pagkatao nya.”
Umawang ang labi ko sa rebelasyon nya. “Totoo ba yang sinasabi mo?”
“Hindi ako nagsisinungaling. Ilang beses syang nakita ng impormante ko na pumupunta sa isang condo unit. Doon nakatira ang secret boyfriend nya na katrabaho nya rin. Minsan nag o-overnight sya doon.”
Parang di ako makapaniwala sa sinabi nya. Parang imposible.
“Baka naman best friend lang nya yun. Malisyoso lang yung impormante mo.”
Mariing naglapat ang labi nya. Humakbang sya palapit sa kanyang office table at dinampot ang cellphone. May pinindot pindot sya doon at lumapit sa akin.
“Here. Check this.” Inabot nya sa akin ang cellphone.
Kinuha ko naman yun. Tumambad sa akin ang isang picture ng dalawang lalaki. Yung isa ay si Ervin na matamis ang ngiti sa labi habang kaakbay ang isang tsinito at maputing lalaki. Magkadikit ang mukha nila sa larawan at bakas ang saya sa mga ngiti.
“May ibang picture pa yan.”
Sinwipe ko ang screen. Magkasama pa rin sila sa ibang picture. May magkahawak ang kamay at magkayakap. Sobrang sweet. Mas sweet pa sila sa amin ni habibi. Ang huling tatlong picture ay stolen shot naman kung saan nagkikiss ang dalawa. Comfirm nga. Bekimon si Ervin.
Binalik ko sa kanya ang cellphone.
“Naniniwala ka na?”
Marahan akong tumango at bumalik sa pagkakaupo. Mahirap paniwalaan pero may ebidensya. Kaya pala parang medyo malambot syang kumilos at sobrang banidoso na parang takot sa dumi.
Nadisappoint naman ako kay Ervin. Naiinis ako sa kanya. Pinagmukha nya akong tanga. Kung nagkataon na sinagot ko sya. Panakip butas lang pala nya ako. Gagang yun! Kapag nakita ko sya bubunutin ko isa isa pilikmata nya.
Tumabi ng upo sa akin si Matias. “So ano? Galit ka pa rin sa akin?”
Nakangusong lumingon ako sa kanya. “Hindi naman ako galit sayo.”
Tumaas ang sulok ng labi nya. “Really huh. Kaya pala hanggang ngayon di mo ko nginingitian at hindi mo rin ako niyakap kanina.”
Nanghaba lalo ang nguso ko. “Hindi naman talaga ako galit. Naiinis lang..”
“Tss. Parang ganun na rin yun.” Umismid sya.
Kita mo to. Nagsusungit na naman. Kala mo ikaw lang marunong magsungit ha.
“Pero mali pa rin yung ginawa mo kay Ervin. Hindi mo pa rin dapat sya pinagbantaan.”
“Mas mali ang ginawa nya. Pinoprotektahan lang kita.”
Wala na. Lusaw na ako.
Yumakap ako sa braso nya at dinikit ang pisngi. “Sorry na habibi ko.. di na ako inis..” Lambing ko.
Tumingin sya sa akin at wala pa ring kangiti ngiti. Mukhang sya naman ang inis ngayon.
“O ito.. niyayakap na kita. Ano pang gusto mo?”
Tumaas ang kilay nya. “Gagawin mo kung anong gusto ko.”
Ngumuso ako at tumango.
“Sit on my lap.”
Saglit akong natigilan. Umupo daw ako sa kandungan nya. Madali lang pala eh.
Tumayo ako at umupo sa kandungan mya patagilid.
“Hindi ganyan.” Pinihit nya ang katawan ko paharap sa kanya.
Nakaupo na ako ngayon paharap sa kanya habang hawak nya ang balakang ko. Magkahiwalay ang dalawang hita ko. Naginit ang pisngi ko. Ang awkward ng posisyon namin. Pang vivamax.
“A-Anong gagawin natin? Ganito lang tayo?”
Pilyo syang ngumiti at naging mapungay ang mga mata. “Kiss me babe..” Malambing na anas nya.
Napalunok ako at kumagat labi. Lumingon ako sa sa saradong pinto. “Baka pumasok si Jamil..”
“Hindi sya basta pumapasok. Kumakatok muna sya o kaya tatawag sa intercom.”
Pagkasabi nya nun ay agad ko na syang hinalikan. Wala naman palang problema eh.
Mapusok at mainit ang halik na pinagsasaluhan namin ni Matias. Malikot ang galaw ng aming labi na may kasama pang tunog. Pero hinahayaan nya ako na dominahanan sya. Kaya mas lalo pang nag init ang aking katawang kanina pa nagiinit. Hinawakan ko ang kanyang mukha at mariin syang hinahalikan. Ramdam ko naman ang kamay nyang humahagod sa aking hita at pumipisil sa aking balakang at puwitan.
“I want you babe..” Anas nya ng maghiwalay ang labi namin. Tila nag aapoy ang kislap ng kanyang mga mata.
I want him too. Pero nandito kami sa loob ng opisina nya.
“I want you too but not here.. baka mahuli tayo ni Jamil.” Nag aalalang sabi ko.
“Akong bahala.” Tumayo sya buhat ako.
Iniyakap ko ang mga braso sa kanyang batok at pinaikot ang mga binti sa kanyang balakang. Naglakad sya palapit sa kanyang desk at pinindot ang intercom.
“Jamil, i-reschedule mo ang meeting ko. I’m busy at ayoko ng istorbo. Maliwanag?”
“Yes sir.”
Nag init lalo ang pisngi ko sa sinabi nya kay Jamil. Pero kasabay nun ang pag usbong ng excitement sa dibdib ko.
May dinampot syang maliit na remote control at pinindot yun. Nagsara ang lahat ng blinds sa floor to ceiling na salaming dingding kaya dumilim sa loob ng opisina. Pero kasabay naman nun ay ang pagbukas ng ilaw sa chandelier kaya bumaha naman ang liwanag.
Takte! Lights on pala ang trip ni habibi.
Muli akong dinala ni Matias sa malapad nyang couch at hiniga nya ako doon sabay siil sa akin ng halik. Sobrang bilis ng pangyayari. Isang iglap lang ay hubo’t hubad na ako sa couch habang umuungol dahil pinapapak na nya ang kiffy kong basang basa na.
“Ohh shit Mat.. hmm!”
Tumingin ako sa kanyang ginagawa sa aking pagkababae. Kitang kita ko kung paano paglaruan ng kanyang dila ang hiwa ng aking pagkababae at sisipsipin pa nya ito. Napakagat labi ako sabay ikot ng mata. Pinagsasabay nya ang kanyang labi, dila at isang kamay nyang pumipisil sa aking dibdib. Hindi naman mapakali ang balakang ko sa paggalaw na parang hinahabol ang kanyang bibig kapag napapalayo.
“Ohh gosh ang sarap…” Mahinang usal ko sabay pikit para namnamain ang ginagawa nya. Pero huminto sya sa ginagawa kaya muli akong dumilat. Nakatingin sya sa akin.
“Look at me Ava.. don’t close your eyes.” Aniya sabay labas ng dila at hagod sa hiwa ng aking pagkababae.
Umawang ang labi ko ng sumalakay na naman ang kiliti sa aking pagkababae. Paulit ulit nyang dinidilaan ang pagkababae ko habang hindi napupuknat ang tingin sa akin. Ang sarap ng ginagawa nya at ang sarap ding titigan ng gwapo nyang mukha na nalalambungan ng pagnanasa. Pinatulis naman nya ang kanyang dila at ang clit ko naman ang kanyang pinuntirya. Kiniwal kiwal nya doon ang dila sabay sipsip nya sa clit na akin namang ikinanginig kasabay nun ang pag agos ng aking katas. Impit akong umungol habang kagat ang labi. Napapaikot ang mata ko sa sarap.
Bahagyang habol ko ang hininga at nanghihina ng matapos na sa ginagawa si Matias. Tumayo sya at tinanggal ang necktie. Mabilis ang kamay nyang tinatanggal ang butones ng kanyang puting long sleeves. Tumambad tuloy sa akin ang kanyang hard rock body na kay sarap haplusin. Sunod naman nyang kinalas ang kanyang sinturon na sobrang hot nyang tingnan. Hinagis lang nya yun sa carpet. Tinanggal nya ang butones ng kanyang slack at binaba ang zipper. Nasilip ko ang kanyang itim na boxer brief. Binaba nya rin ng bahagya ang kanyang slacks at boxer brief sabay dukot palabas kay Tobias na galit na galit na parang gusto pang mandura.
Umatake ang kaba sa aking dibdib. Siguro naman di na ganun kasakit kapag pinasok ako ni Tobias. Kapag ganun pa rin ayawan na talaga.
Pumuwesto na si Matias sa ibaba ko. Pinaghiwalay pa nya ng husto ang aking mga hita at dahan dahan syang pumatong.
Humugot naman ako ng malalim na hininga. Sana totoo ang kasabihan na fuck is sweeter the second time around.
“Relax babe..” Malambing na anas ni Matias at hinalik halikan ako sa pisngi at gilid ng labi.
Nirelax ko naman ang sarili ko at humawak sa kanyang balikat. Naramdaman kong humagod ang kahabaan nya sa hiwa ng aking pagkababae saka tumutok sa aking bukana. Kumagat labi ako ng dumiin na ang kanyang kahabaan hanggang sa unti unti na nitong binabanat ang bukana ko. Napasinghap ako ng sumigid ang kirot. Lalo ko pang diniinan ang kagat sa labi. Makirot, pero hindi kasing kirot ng una na para akong hinahati sa gitna.
Punong puno ang pakiramdam ko at banat na banat ng tuluyan na syang makapasok sa loob ko. Hindi na sya ganun ka-kirot at mas lamang na ang kiliti kaya nae-enjoy ko na.
“Ahh ahh ahh ahh Mat shit!” Ungol ko sa mabilis na indayog ni Matias sa ibabaw ko.
Damang dama ko ang bawat hugot at baon ng kanyang kahabaan sa aking pagkababae. Mabilis ang galaw at malalim ang naaabot. Para nya akong dinadala sa alpaap sa tuwing ibabaon nya ang kanyang kahabaan at para naman akong nabibitin sa tuwing huhugutin nya.
“Ugh fuck! You’re so fucking tight babe! Feels so good ugh ugh!” Daing nya sa bawat ulos.
Sa diin at lalim ng mga ulos ni Matias ay para na akong babaon sa malambot na couch. Halatang gigil sya sa akin.
Umiikot ang mata ko sa sarap at mahigpit ang kapit ko sa kanyang polo. Pabilis ng pabilis pa ang kanyang mga ulos na sinasabayan ko naman ng impit na ungol. Hanggang sa nanigas at nanginig ang aking katawan dahil muli na naman akong lalabasan.
Niyakap ako ni Matias at bumangon sya. Umupo sya sa couch habang ako ay nasa kandungan nya at hindi nahugot ang kanyang kahabaan sa aking loob. Hinawakan nya ang pisngi ko at siniil ako ng halik.
“Move your hips babe..” Anas nya at humawak sa aking balakang.
Kumagat labi ako at sinimulang igalaw ang balakang pasulong at paatras hanggang sa nakuha ko na ang tamang tiyempo. Mabuti na lang dancerist ako.
“Oh my gosh Mat.. ahh ahh ahmmm..”
Pumaikot ang kanyang dalawang malalaking braso sa aking bewang at hinalik halikan ang leeg ko.
“Faster babe.. ahh you feel so good..” Anas nya sa leeg ko.
Binilisan ko pa nga ang paggiling sa kanyang kandungan. Humigpit pa lalo ang yakap nya sa akin at bahagyang umuulos pataas. Naramdaman kong parang lumalaki si Tobias sa loob ko. Ramdam ko ring malapit na naman akong labasan.
Mayamaya pa ay palakas ng palakas ang ungol nya na para syang nasasaktan. Yumakap din ako ng mahigpit sa kanyang batok habang mabilis na sumasakyod sa kanyang kandungan.
Ilang sandali pa ay muling nanigas at nanginig ang aking katawan kasabay ng pagragasa ng aking katas. Sumubsob ako sa balikat nya. Naramdaman ko rin ang pagpuno ng mainit na bagay sa aking loob na nakadagdag ng kiliti at sarap.
“I love you Ava..”
Chapter 34
Ava POV
NAG angat ako ng mukha at tumingin sa mukha ni Matias. Mapupungay pa rin ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
“Anong sabi mo?” Tanong ko. Malinaw kong narinig ang sinabi nya kanina pero gusto kong marinig ulit dahil baka guni guni ko lang yun.
Ngumiti sya. “I said I love you..” Malambing na sabi nya.
Nahigit ko ang hininga kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko. “Talaga? Love mo ko?”
“Yes babe.. bakit ba parang hindi ka makapaniwala?” Pinalis nya ang ilang hibla ng buhok kong tumatabing sa aking mukha.
Lumabi ako. “Eh kasi.. ngayon mo lang sinabi.”
Kumunot ang kanyang noo. “I’m sorry.. pero pinaparamdam ko naman sayo di ba? Yun ang mas importante.”
Nararamdaman ko naman na mahal nya ako sa mga ginagawa nya sa akin. Pero syempre iba pa rin yung sinasabi.
“Ako ba mahal mo?” Tanong nya.
“Syempre naman! Hindi ko naman ibibigay sayo ang kiffy ko kung hindi.” Madali lang naman syang mahalin. Bukod sa gwapo sya, macho at masarap. Maalaga din sya, maalalahanin at generous sa akin kahit may kasungitan.
Ngumisi sya. “Good girl.”
Iniyakap kong muli ang mga braso sa batok nya at dinampian sya ng mariing halik sa labi. “I love you too habibi ko.”
Ngumiti sya at siniil ako ng halik na agad ko namang tinugon.
Muli ay inangkin naman ang isa’t isa sa couch..
Inaayos ko ang bra ko habang si Matias ay sinusuot sa akin ang pantalon ko. Sya ang naghubad ng damit ko kaya dapat lang na tulungan nya akong magbihis.
Zinipper na nya ang pantalon ko at binutones. Dinampot ko naman ang crop top ko at sinuot. Sunod ay sinuot ko na ang sandals ko. Si Matias naman ay inayos na nya ang kanyang polo at binalik ito sa pagkaka-tuck-in sa slacks. Kinabit na rin nya ang sinturon at necktie pagkatapos ay nagsapatos.
Dinukot ko naman ang pabango ko sa bag at nagspray sa paligid para hindi amoy torjak. Nakakahiya kay Jamil at sa magiging mga bisita. Lumiwanag pa sa buong paligid dahil binuksan na ni Matias ang mga blinds at pinatay na nya ang ilaw sa chandelier. Lumapit ako sa kanya at yumakap sa kanyang bewang. Niyakap din nya ako ay hinalikan sa buhok.
“Hatid mo ko sa labas..” Lambing ko.
“Sure..” Malambing na sabi nya sabay dampi ng halik sa aking labi.
Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad papunta sa pinto.
Umawang ang labi ko ng mabungaran namin sa labas ang ilang empleyado na may mga hawak na folder. Mukhang kanina pa sila naghihintay kung kelan magiging available ang big boss nila. Nakatingin sila sa amin ni Matias. Nag init naman ang pisngi ko sabay yuko. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Matias at bahagya kong tinago ang mukha sa kanyang braso. Malamang iba ang iniisip ng mga empleyado nya. Dalawang oras ba naman kami sa loob ng opisina na bawal ang istorbo.
Pero si Matias ay parang wala lang sa kanya ang mga tingin ng empleyado. Dire-diretso lang syang naglakad papunta sa private elevator nya akay ako. Tumingin ako kay Jamil. Nakatingin din sya sa akin na may ngiting kinikilig.
“Nakakahiya..” Sambit ko ng nasa loob na kami ng elevator.
Tumingin sya sa akin. “Anong nakakahiya?”
Ngumuso ako. “Nakatingin sa atin ang mga empleyado mo. Malamang iba ang iniisip nila.”
“Pagsasabihan ko sila.”
“Naku wag na! Wala naman silang sinabi. Wala akong narinig.”
Kawawa naman ang mga empleyado nya kung pagsasabihan nya. Mukha pa naman syang terror.
Hinapit nya ako sa bewang at hinalikan sa buhok. “May iba ka pang lakad?”
“Wala na. Sa bahay na ako didiretso.” Magpapahinga muna ako dahil naubos ang lakas ko kanina. Manghihigop kasi ng lakas si habibi.
“Ok, pupunta na lang ako doon mamaya after work. And maybe.. doon na rin ako magdi-dinner kung ok lang.”
Tumingala ako sa kanya. “Syempre ok lang. Ipagluluto kita.” Excited na sabi ko. Pero agad din akong napangiwi ng maalalang di nga pala ako marunong magluto.
Tumaas ang sulok ng labi ni Matias. “Marunong ka ng magluto?”
“I mean.. ipagluluto ka ni Ate Eda at tutulungan ko sya hehe.” Nahihiyang kumamot ako sa pisngi.
Mahina syang tumawa at muli akong hinalikan sa buhok. Yumakap naman ako sa bewang nya.
.
.
Third POV
“YUN ba ang girlfriend ni Sir Maalik?” Manghang tanong ng isang empleyado na taga Finance Department.
“Yes sya nga!” Sagot ni Jamil.
“Infairness ang pretty ni girl. Pero mukhang bata pa.”
“Ang chika sa akin ni Rijane kapatid daw ni Sir Atlas yung girl.” Sabat naman ng empleyadong taga HR Department.
“Yes it’s true! Kapatid sya ni Sir Atlas. Nag iisang kapatid.” Ani Jamil.
“Pero ang tagal nila sa loob at bawal istorbohin. Siguro may ginawa sila sa loob.” Malisyosong sabi naman ng binabaeng empleyado na taga Marketing Department.
“Malamang! Alangan namang nagtitigan lang sila sa loob. Hay! Kainggit naman si girl. Natikman na nya si sir. Sanaol!”
Kanya kanyang daing ng panghihinayang ang mga empleyadong may lihim na paghanga sa kanilang gwapong istriktong boss. Pero kahit anong daing at himutok nila ay suntok sa buwan na matikman nila ito. Baka suntok pa nito ang ipatikim sa kanila. Kaya hanggang sanaol na lang sila.
“Oy oy! Tigilan nyo na yang kakapantasya nyo kay sir. May nanalo na. At tigil tigilan nyo na ring paguusap nyo tungkol kay Ma’am Ava. Kapag kayo narinig ni sir, lagot kayo.” Saway ni Jamil.
Nagsitigil naman ang mga empleyado. Talagang lagot sila kapag nahuli sila ng kanilang big boss. Ayaw nito ng mga marites na empleyado.
–
samantala..
“WHAT do you mean Senator Torres?” Salubong ang kilay na tanong ni Elijah sa senador na syang tumutulong sa kanya.
“I’m sorry Elijah, pero hindi na kita matutulungan sa pagtatago.”
“What? What the hell are you talking about senator? Bibitawan mo na ako ganun ba?” Singhal ni Elijah sa senador.
Bumuntong hininga ang senador. “Wala na akong magagawa Elijah. Kung patuloy kitang tutulungan. Madadamay ako. Under surveillance ako ngayon ng National Police pati ng NBI. Nalaman nila na may connection tayo. Pinaghihinalaan na nila ako bilang kasabwat mo, na under protection kita. Masisira ang pangalan ko, ang kredibilidad ko. Ilang taon akong nagtiis at nagpakahirap para maabot ang posisyong ito at hindi ko ito sasayangin. Kaya I’m sorry Elijah.”
Tumiing bagang si Elijah at kinuyom ang kamao. Hinugot nya ang baril sa tagiliran at tinutok sa senador. Mabilis ang kilos ng mga tauhan nito na mga naglabas din ng baril at tinutok din sa kanya. Hindi din nagtapatalo ang kanyang mga tauhan na naglabas din ng mga baril at tinutok sa mga tauhan ng senador.
“Walanghiya ka Victor Torres. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sayo bibitawan mo na lang akong bigla. Baka nakakalimutan mong ako ang tumulong sayo para magkapwesto sa gobyerno. Wala kang kwenta. Walang utang na loob!”
“Alam kong malaki ang naitulong mo sa akin Elijah. Hindi ako nakakalimot. Ginawa ko rin ang lahat ng paraan para maprotektahan ka. Ako ang gumawa ng paraan para makalabas ka ng bansa sampung taon na ang nakakaraan para hindi ka makulong. Gumawa rin ako ng paraan para makabalik ka dito sa bansa. Tinago kita. Prinotektahan. Binigay ko ang lahat ng kailangan mo. Pera, bahay at armas. Marami akong batas na nilabag para sayo Elijah. Kaya kung tutuusin bayad na ako sa mga utang ko sayo.”
“Tonto! Hindi ka pa bayad Victor! Kulang pa. Kulang na kulang pa. Pinulot kita sa putikan at binihisan. Binigyan kita ng bahay at pagkain. Gumanda ang buhay mo dahil sa akin! Wala ka sa kinatatayuan mo ngayon kung hindi dahil sa akin!” Galit na sumbat ni Elijah.
Tumiim bagang si Victor habang patingin tingin sa baril na nakatutok sa kanya. Hindi na nya nagugustuhan ang lumalabas sa bibig ng kanyang kaibigan. Pero hindi nya pwedeng sagarin ang galit nito dahil hindi ito mangingiming iputok sa kanya ang baril. Isa itong kriminal. Hindi nangingiming pumatay. Ayaw nyang mamatay sa mga kamay nito. Kailangan pa sya ng kanyang asawa at anak.
“Huminahon ka Elijah. Sige, tutulungan kita. Basta ibaba mo lang yang baril mo.”
Ngumisi si Elijah. “Madali ka naman palang kausap senator. Utusan mo muna ang mga tauhan mong ibaba ang baril.”
Sinenyasan ni Victor ang mga tauhan. Binaba naman ng mga ito ang baril. Sumunod namang nagbaba ng baril si Elijah at ang kanyang mga tauhan.
Minuwestra ni Victor ang kanyang couch. “Maupo ka muna Elijah. Pag usapan natin ang susunod na plano.”
Ngingisi ngisi namang umupo si Elijah pero hawak pa rin nya ang baril. Mainam na ang sigurado. “So ano ang planong naisip mo? Saan na ako susunod na magtatago?”
Bumuntong hininga si Victor. “Hindi ka na safe dito sa bansa. Kahit saan ka magtago mahahabol ka pa rin nila. Bumalik ka sa ibang bansa.”
Nagsalubong muli ang kilay ni Elijah. Dinuro nya ng baril ang senador. “Ginagago mo ba ako Victor? Bakit sa ibang bansa mo ulit ako pagtataguin? May binabalak ka no? Huwag mo kong ginagago Victor. Baka ngayon pa lang maputol na ang termino mo at paglamayan ka na.”
“Makinig ka muna kasi sa akin Elijah. Hindi na kita kayang proteksyunan dito sa bansa natin. Under surveillance na nga ako ng kapulisan – “
“Senador ka. Gumawa ka ng paraan!”
“Madali lang gumawa ng paraan kung walang malalaking taong harang. Yung dalawang pamangkin mo si Santiago at Acosta, malaking pera ang nilalabas nila para mahanap ka. Marami rin silang koneksyon, mas marami kesa sa akin. Idagdag pa ang mga kaibigan nila na hindi rin basta bastang mga tao. Isang maling galaw ko lang mawawala sa akin ang lahat kaya makinig ka na lang sa akin. Mas safe ka sa ibang bansa. Magpalamig ka muna doon hanggang sa hindi na mainit ang mga mata ng otoridad sa akin.”
Padarag na tumayo si Elijah. “Punyeta! Walang kwenta ang plano mo Victor. Basura! Hindi ako magtatago sa ibang bansa. Dito lang ako. Kung hindi mo ko matutulungan sa pagtatago pwes, bigyan mo ko ng malaking pera, sasakyan at mga armas. Kapag naibigay mo na ang lahat ng yun, pangako di na kita guguluhin.” Nakangising sabi ni Elijah.
Walang pagaatubiling pumayag si Victor. Ito na ang huling beses na tutulungan nya si Elijah. Gusto na nyang makawala sa kamay nito.
Short update muna mga bhie. Ito lang nakayanan today dahil galing ako sa check up kanina :D
Chapter 35
Matias POV
KUMUNOT ang noo ko ng magvibrate ang cellphone ko. Dinampot ko yun at binuksan. Napangiti ako ng makitang may reply na si Ava sa text ko.
Ava: I love you too habibi ko
Ngumisi ako at nagreply ulit.
Nilapag ko ang cellphone sa tabi ng papales na pinipirmahan at pasulyap sulyap dun kung nagreply na ang nobya. Para akong na-recharge sa reply nya. Nakakaganang magtrabaho. Yun nga lang ay namimis ko na naman sya. Kung pwede nga lang ipending ang mga trabaho para puntahan ko sya ginawa ko na. Hindi naman pwede dahil magtatagal lalo ang trabaho.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Pero hindi numero ni Ava ang nakarehistro kundi numero ni Tita Tessie.
Bumuntong hininga ako at dinampot ang cellphone sabay swipe ng green button. “Hello tita.”
“Mat iho, masusurpresa ka sa sasabihin ko.”
Kumunot ang noo ko ng marinig ang excited na boses ni Tita Tessie sa kabilang linya.
“About what tita?”
“Dumating si Kuya Amir.”
“Si daddy? Nandito sa Pilipinas?”
“Yes iho. Kararating lang daw nila kagabi at kani-kanina lang ay pumunta sila dito sa resto para kumain at surpresahin ako. Huwag ko daw sabihin sayo na dumating sila para masurpresa ka.”
Kumamot ako sa noo. “Paano ho ako masusurpresa eh sinabi nyo na.”
“Ay oo nga pala! Sorry naman iho. Kunwari na lang hindi ako tumawag sayo.”
Humagikgik pa si Tita Tessie sa kabilang linya.
Bumuntong hininga ako. Napaaga yata ang punta ni daddy dito sa Pinas, baka namiss na ako. Kunsabagay miss ko na rin sya. Pero sabi ni tita ay ‘sila’ daw. Ibig sabihin ay may kasama si daddy. Ang asawa nya kaya at ang half brother ko? Pinay din ang pangalawang asawa ni daddy. Mabait din naman ito at parang si mommy din.
“Kasama ho ni daddy si Tita Rosana at Omar?” Tanong ko pa kay Tita Tessie.
Pero bago pa sumagot si Tita Tessie ay tumunog naman ang intercom. Pinindot ko ito.
“Sir, narito po si Sir Amir.”
Bumuntong hininga ako at nag paalam na kay Tita Tessie na hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi. Binaba ko na ang cellphone at pinatay.
“Papasukin mo si daddy Jamil.”
“Yes sir.”
Niligpit ko muna ang mga papeles at nilagay sa drawer. Bumukas ang pinto at pumasok si daddy na may malawak na ngiti.
“Hello my beloved son!” Malakas ang boses na bati nya sa akin at nakabuka pa ang dalawang braso.
Tumayo naman ako. “Hello dad.” Bati ko sa ama at lumapit. Pero natigilan ako ng may dalawang babaeng kasunod nyang pumasok. Isang babaeng may edad na bagama’t sopistikada at mukha syang filipina. Ang isang bata bata pang babae ay mukhang arabian. Ngumiti sila ng matamis sa akin. Kinunutan ko lang sila ng noo dahil hindi sila pamilyar sa akin.
Niyakap ako ni daddy. Niyakap ko rin sya at tinapik tapik sa balikat habang hindi ko inaalis ang tingin sa dalawang babae.
Kumalas ng yakap sa akin si daddy at hinawakan ang mukha ko. “Sobrang gwapo mo pa rin anak ko. Manang mana sa akin.” Sambit nya sabay tawa ng malakas.
Kumunot lang ang noo. Ganito naman si daddy. Masiyahin at palatawa. Mga katangian na nagustuhan sa kanya ni mommy.
“Sino sila dad? Don’t tell me mga bago mo silang asawa? Hiwalay na ba kayo ni Tita Rosana?” Sunod sunod na tanong ko.
Suminghap naman ang dalawang babae.
“Woah! Hinay hinay lang sa tanong anak. Ganun na ba kababaero ang tingin mo sa akin. Sinasaktan mo ang damdamin ko.” Madramang sambit ni daddy na sinapo pa ang dibdib na akala mo ay talagang nasaktan. Para rin syang si Tita Tessie. Magkapatid nga pala sila.
“Ano nyo nga sila?”
“Family friend natin sila Maalik.” Gumilid si daddy at minuwestra ang isang kamay sa may edad na babae. “She is your Tita Jasmine, kaibigan sya ng Tita Rosana mo at sya naman si Anisyah ang anak ni Jasmine. Ladies!” Inakbayan ako ni daddy. “This is Maalik, my firstborn child. He is handsome like me di ba?” Pagmamalaki pa ni daddy.
“Actually tito, he is drop dead gorgeous.” Saad naman ni Anisyah na matamis ang ngiti sa labi habang mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.
“You are right sweetie.” Segunda pa ni Tita Jasmine na ngumiti din sa akin. “Nice to meet you iho.” Lumapit sya sa akin at bumeso.
Tipid lang akong lang ngumiti sa ginang. “Nice to meet you also Tita Jasmine and you Anisyah.”
Nilahad ko ang kamay kay Anisyah. Pero hindi nya tinanggap yun. Lumapit sya sa akin at humawak sa balikat ko sabay tingkayad at halik sa aking pisngi.
“Pleasure to meet you handsome..” Malambing na sambit nya.
Kinunutan ko lang sya ng noo at bahagyang umatras. Minuwestra ko ang couch at pinaupo sila.
“So why are you here dad? Napaaga ang dalaw mo sa akin?” Tanong ko sa ama na prenteng nakaupo sa single couch at humihigop ng kape. Si Tita Jasmine at Asniyah naman ay tsaa ang iniinom.
Pinatong ni daddy sa saucer ang tasa at tumingin sa akin sabay ngiti.
Kumunot ang noo ko. Parang hindi ko nagugustuhang ang klase ng ngiti nya na parang may pinaplano. Sumulyap ako sa mag ina. Parehas silang nakangiti sa akin. Mas matamis nga lang ang ngiti ni Anisyah na may malagkit ding tingin.
“I’m here to fix your marriage with Anisyah, son.”
“What?” Napatuwid ako ng upo sa sinabi ni papa.
“Hindi ka na bumabata anak. Tatlong taon na lang nasa kwarenta ka na. Lahat ng kaibigan mo may asawa na ikaw na lang ang wala. Mukhang wala ka namang balak maghanap ng babaeng mapapangasawa kaya ako na ang naghanap para sayo. And Anisyah is the perfect woman for you.”
“Tito Amir talked a lot about you Maalik. Kaya nagkaroon ako ng interes sayo. Ngayong nakita na kita ng harapan mas lalo akong naging interasado sayo at gusto kitang makilala pa.” Nakangiting saad pa ni Anisyah.
Marunong din pala syang magtagalog. Mukhang nanirahan din sya dito sa bansa.
“Don’t worry iho, mabait itong anak ko at napakalambing pa. Masarap syang magluto dahil isa syang chef sa restaurant ng daddy mo sa Dubai. Expert din sya sa pagluluto ng mga pinoy foods na paborito mo. Kapag natikman mo ang luto nya, I’m sure you will love it at siguradong hahanap hanapin mo.” Segunda pa ni Tita Jasmine.
Tumayo ako at sinuksok ang dalawang kamay sa bulsa. Nakatingin si daddy sa akin at ang mag ina na naging alanganin na ang ngiti.
Bumaling ako kay daddy. “Sino naman ang may sabi sa inyo dad na hindi ko pa nahahanap ang babaeng pakakasalan ko?”
Tumaas ang kilay ni daddy. “Oh meron ba?”
“Yes dad. I have a girlfriend.”
Nagtinginan ang mag ina na parehas nawala ang ngiti sa mga labi. Naging malungkot naman ang mukha ni Anisya.
Nagkibit balikat si daddy. “Girlfriend lang pala. Baka naman kung sinong babae lang yan Maalik. Baka spoiled brat lang yan na walang alam sa buhay.”
“Her name is Ava at hindi sya kung sinomang babae lang dad. And yes she’s kinda spoiled brat, hindi marunong magluto, at malakas lang kumain. Hindi rin sya maalam sa mga gawaing bahay, maingay, makulit at pasmado ang bibig. But I love her. She is the only woman that I want to marry wala ng iba.” Hayag ko.
Hindi umimik si daddy at mataman lang nakatingin sa akin na parang tinatantiya ako. Alam nyang di nya ako mapipilit sa bagay na ayoko.
.
.
Ava POV
“5 LITTLE monkey, Humpy dumpy.. Mama called the doctor and the doctor said.. Pagbilang kong tatlo naka tago na kayo.. Kayo po na nakaupo subukan nyong tumayo.. I wanna be a tutubi a twinkle star.. Haw, haw de karabao De batuten..” Kanta ko sa kambal ni Ivonna at ni Kuya Luigi na mga tuwang tuwa naman at napapalakpak pa. Si Ivonna naman ay tawa ng tawa pero ang asawa nyang gurang na pinaglihi yata sa sama ng loob ay nakasimangot.
“What kind of song is that? Sounds stupid.. tapos kinakanta mo pa sa mga babies ko. Sintunado pa ang boses mo.”
“Usong kanta kaya yun sa tiktok. Palibhasa kasi nung kapanahunan mo ‘My Way’ ang usong kanta. Buti di ka nabaril.” Bwelta ko kay Kuya Luigi.
Tumawa naman ng malakas si Ivonna ma sinabayan pa ng hagikgik ng kambal.
Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Luigi.
“O babe, huwag kang mapikon kay Ava. Ikaw ang nauna.” Malambing na saway ni Ivonna kay Kuya Luigi na napabuntong hininga na lang.
“Tss, pasalamat ka kaibigan ka ng misis ko.”
“Kapatid ako ni Kuya Atlas na kaibigan mo at girlfriend din ako ni Matias na kaibigan mo rin.”
“Pakialam ko? Pagbuhulin ko pa kayong tatlo.”
Ngumuso ako. “Ang sama talaga ng ugali mo. Ivonna o, inaaway ako ng asawa mong gurang.” Sumbong ko sa kaibigan.
“Kung makagurang ka naman sa asawa ko eh gurang din naman ang boyfriend mo.” Nakasinging bira naman sa akin ni Ivonna.
Sumimangot ako. Tumawa naman si Kuya Luigi pero natigilan sya ng tumunog ang cellphone na hawak. Simula ng mapangasawa ni Ivonna si Kuya Luigi nagiging savage na rin sya. Lakas kasi ng virus ni Kuya Luigi eh.
“Oh.. mukhang nakahanap ng bagong habibi si Matias.” Nakangising sambit ni Kuya Luigi.
Kumunot naman ang noo. “Anong bagong habibi? Ako lang ang habibi nya no.”
Lumawak ang ngisi ni Kuya Luigi. Ngising nang aasar. “Talaga? Eh sino tong kasama nya?”
Hinarap nya sa akin ang cellphone. Nakita ko ang isang picture ni Matias na may kasama syang magandang babae na mukhang may lahing arabo din. Kuha ang picture sa labas ng isang mukhang coffee shop. Magkaharap si Matias at isang babaeng may matamis na ngiti. Wala namang malisya ang picture pero nakaramdam ako ng kurot sa dibdib. Nagtatanong ang isip at puso ko kung sino ang babaeng kasama ni habibi.
Sumimangot ako. “Baka isa lang sa kliyente nya yan. Bibili ng bahay o condo.” Sabi ko.
“Kliyente? Tapos sa coffee shop nag uusap at mukhang sweet na sweet? Nah, I know Matias hindi sya humaharap sa kliyente nya sa isang coffee shop lalo pa at babae. Mukha ngang nagde-date silang dalawa. Infairness bagay sila.” Nakangising pang aasar pa sa akin ni Kuya Luigi. Sinaway naman sya ni Ivonna.
“Ang pangit mo Kuya Luigi.” Sabi ko.
Pero ngising aso lang ang sinukli nya sabay sabing. “Selos ka lang.”
Inirapan ko na lang sya at nakipaglaro na sa kambal. Pero bigla akong nawala sa mood. Hindi maalis sa isip ko ang pinakitang picture ni Kuya Luigi. Base sa picture ay bagong kuha lang yun. Kelan kaya yun? Kahapon? Noong isang araw o kanina? Ang sakit pala makitang may kasamang iba ang lalaking mahal mo.
Ng dumilim ay nagpaalam na ako kay Ivonna na uuwi na. Niyaya pa nga nya akong doon na mag dinner pero tumanggi ako. Sinabi kong walang kasabay si mommy na magdinner kahit ang totoo ay wala namang pakialam si mommy kung may kasabay sya o wala basta kakain sya.
Matamlay na bumaba ako sa kotse. Parang wala nga rin akong ganang kumain. Parang gusto kong uminom.
Umakyat na ako sa steps ng porch at sumalubong sa akin si Chuckie na kumakawag ang buntot. Hinimas himas ko sya at binuhat. Dinila dilaan naman nya ako sa baba.
“O anak nandyan ka na pala, malapit ng maluto ang dinner.” Untag sa akin ni mommy na nasa sala. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. Nilapag ko na rin si Chuckie.
“Mommy inom tayo.”
Chapter 36
Matias POV
NAG angat ako ng tingin ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko at walang kaabog abog na pumasok si Atlas na matalim ang tingin sa akin. Kasunod nya sina Kester at Luigi. Nasa likuran ni si Jamil na hindi na sila napigilan.
Kumunot ang noo ko. “Problem?”
Sinara ko ang folder na may lamang documents na nirereview ko at hinarap ang mga kaibigan na parang bagyong bigla na lang dumating. Pero mukhang si Atlas ng talagang may kailangan sa akin.
“What’s the meaning of this, pare?” Nilapag ni Atlas sa desk ko ang cellphone nya.
Tiningnan ko yun at lalong nangunot ang noo ko ng makita ang picture ko at picture ni Anisyah na nasa loob kami ng coffee shop kanina. Hindi ko alam ang picture na ito at mukhang may pasikretong kumuha.
Nag angat ako ng tingin kay Atlas. Nasa couch na ang dalawa at prenteng nakaupo. Si Kester ay halatang galing din sa opisina nya base sa suot. Mukhang nag overtime din gaya ko.
“What’s the problem pare?” Tanong ko sa kaibigan.
Nagsalubong ang kilay ni Atlas. “Sino tong babaeng kasama mo? Girlfriend mo na ang kapatid ko tapos nakikipagkita ka pa sa ibang babae mo. Ginagago mo ba ang kapatid ko?” Galit nyang sabi.
Sumipol si Kester na nakadekwatro habang may hawak na business magazine.
Mariing naglapat nag labi ko at hinilot ko ang sentido. “Sino may sabi sayong babae ko yan? At hindi ko ginagago ang kapatid mo.”
“Then who is that woman?”
Bumuntong hininga ako. Kung makatanong si Atlas ay para bang may kakaiba sa picture namin ni Anisyah samantalang nagkakape lang naman kami. Pinagbigyan ko si daddy kanina na ilabas si Anisyah para kausapin ng masinsinan dahil umasa ito sa akin. Mabait naman ang babae at nakakaintindi.
“She’s a family friend from Dubai, pare. Hindi ko sya babae ok. Teka nga, saan mo ba nakuha ang picture na yan?”
“Sinend sa akin ni Kester. Ang sabi nya kadate mo daw yang babae.”
Nilingon namin parehas si Kester na painosente naman ang mukha.
“What? Hindi ba totoo? Parang ka-date mo yung babae eh. Ang sweet sweet nyo kaya.” Sabi pa ni Kester.
Tinaliman ko sya ng tingin. Kahit kelan talaga malisyoso sya. Kalalaking tao tsismoso.
“Anong sweet? Wala naman kaming ibang ginawa kundi magkape lang at mag usap.”
“Anong pinag usapan nyo?”
“It’s none of your business.”
“O kita mo pare? Sabi ko sayo may tinatago yang bayaw mong hilaw.” Sulsol pa ni Kester kay Atlas na tumingin sa akin.
Kinunutan ko ng noo ang kabigan at kapatid ng aking nobya. “Huwag mong sabihing magpapauto ka dyan kay Kester. Parang di mo sya kilala.”
Bumuntong hininga si Atlas at parang na-stress na hinimas himas ang batok. Naiintindihan ko naman sya dahil concern sya sa kapatid nya.
“Pero what if talaga pare ka-date ni Matias ang babaeng yun nagpapalusot lang sya.” Hirit pa ni Kester.
Dinampot ko ang maliit na stapler at binato sa kanya tinamaan sya sa braso. Tumawa lang sya.
“Actually sinend din sa akin ni Kester ang picture na yan at nakita kanina ni Ava.”
Natigilan ako at tumingin kay Luigi. “Nakita ni Ava?”
“Oo, pinakita ko.” Nakangising sabi ni Luigi. “At mukhang nagselos sya. Tumamlay kania sa bahay hanggang sa makauwi.”
Pumikit ako ng mariin at hinilot ang bridge ng ilong. Baka nag isip din ng iba si Ava.
Dumilat ako at matalim na tiningnan si Kester at Luigi. “I hate you both.”
Ngumisi lang ang dalawa.
Ang sarap nilang pagbabatukan kung di lang papalag lalo na si Luigi na makanti lang ay naghahamon na ng patayan.
“Oh, naglive si Tita Anita.”
Sabay sabay kaming tumingin kay Kester na nakatingin sa hawak na cellphone. Hinarap nya ito sa sa amin. “Look! Nagiinuman sila ni Ava at nagkakantahan.”
Pinanood ko ang live. May hawak na baso si Tita Anita na may lamang pineapple juice. Pero mukhang hindi lang yun juice dahil namumula na ang mukha ni Tita Anita. May naririnig akong kumakanta sa background. Kahit hindi ko nakikita ang kumakanta ay alam kong si Ava yun dahil sintunado ang boses.
“Hi guys! Thanks for watching! Bonding time namin ng baby girl ko.”
Naging malikot ang kuha ng live at nakita ko na si Ava na malikot na kumakanta habang may hawak ding baso. Sa hitsura nya ay halatang may tama na.
Kunot noong tumingin ako kay Atlas. “Anong meron? Birthday ba ni Tita Anita?”
“No. Matagal pa ang birthday ni mommy.”
“I told you matamlay kanina si Ava pagalis sa bahay namin. Malamang dinibdib nya ang nakita nyang picture nyo ng babae mo kaya ayan nag inom sya.” Wika ni Luigi.
“Hindi ko nga babae si Anisyah.” Giit ko.
Nagkibit balikat lang si Luigi. “Eh di ipaliwanag mo sa kanya.”
Bumuntong hininga ako at tumayo. Nilagay ko ang folder sa drawer. Bukas ko na lang pipirmahan yun. Dinampot ko ang coat at cellphone at nauna ng lumabas. Sumunod naman sa akin ang tatlo. Sinabihan ko naman si Jamil na umuwi na rin.
Makalipas ang sampung minuto ay nakarating na kami sa bahay nila Ava. Pagbaba ko ng sasakyan ay dinig na dinig ko na ang sintunadong boses ni Ava na pumipiyok pa. Masakit sa tenga pero mahal ko naman sya.
“Ang puso ko’y nagdurugo.. At parang sumisikip ang dibdib ko.. Sa tuwing nakikita ko na magkatabi kayo..oh-oh… Kahit ’di naman tayong dalawa.. Ay lagi na lang pinagseselosan siya.. Bakit ba siya at bakit ’di na lang ako?.. Sana’y mapansin ang aking nadarama sa’yo.. Kung ’di lang rin ako, sana mamatay na lang kayo..”
Naabutan naming kumakanta si Ava sa sala na sinasabayan pa nya ng sayaw na hindi ko maintindihan. Sa cellphone lang sya kumakanta na naka-connect sa speaker na malaki. Sa center table ay may nakalapag na pitcher glass na may lamang pineapple juice na nangalahati na. Meron ding nakalapag doon na dalawang pakete ng juice at dalawang bote ng gin na wala ng laman. May plato na may lamang pagkain na mukhang pulutan nila. Inihaw na liempo yun at sisig. Meron ding tsitsirya at hiniwang manggang hilaw. Bukod kay Tita Anita na sumasayaw din ay kainuman din nila ang dalawa nilang kasambahay. Mukhang kanina pa sila nagiinuman.
“Atlas anak! Nandito ka pala – oh pati rin ikaw Matias, Luigi, Kester!” Bati sa amin ni Tita Anita ng makita kami. Humahagikgik na lumapit sya sa amin at bumeso sa amin. Si Ava ay hindi pa kami napapansin dahil focus sa pagkanta.
“Good evening tita.” Bati ko.
“Good evening Mati, my future son in law. Naku naabutan mo pa kaming nagiinuman. Ito kasing nobya mo nag aya biglang uminom.” Humahagikgik na sabi ni Tita Anita. Halatang may tama na sya.
“Ano bang meron mommy at nag ayang uminom si Ava?” Tanong ni Atlas.
“Wala naman anak, basta namiss na daw nyang uminom. Ang sarap nga ng tinimpla nyang alak eh. Parang juice lang pero may halong gin.” Kwento pa ni Tita Anita.
“I told you..” Sambit ni Luigi.
Sumipol naman si Kester.
Bumuntong hininga ako at sinamaan ng tingin ang dalawa. Kasalanan nilang dalawa kung bakit umiinom ngayon si Ava.
“Tutal, nandito na rin naman kayo boys. Join us!” Yaya sa amin ni Tita Anita at bumalik sa center table. Inutusan nya ang isang kasambahay na kumuha pa ng baso para sa amin. Kinalabit din nya si Ava at tinuro ako. Pero hindi sya pinapansin ni Ava na bumibirit pa.
“.. ohh-ohh.. Ang puso ko’y nagdurugo.. At parang sumisikip ang dibdib ko.. Sa tuwing nakikita ko na magkatabi kayo..oh-oh…
Gusto ko ng lapitan ang nobya na umaatungal. Namiss ko sya buong araw pero hahayaan ko munang matapos ang kanta nya na feel na feel nya.
“Tara sali tayo, mukhang masarap yung iniinom nila.” Ani Kester at lumapit na sala.
Bumalik na ang kasambahay na inutusan ni Tita Anita. May dala na syang apat na shot glass. Pinalapit na kami ni Tita Anita. Lumapit naman si Atlas at Luigi na naupo na sa couch. Si Kester naman ay suma-shot na. Tapos ng kumanta si Ava at napansin na nya ang kapatid, si Kester at Luigi.
“Anong ginawa nyo rito kuya?” Tanong nya.
“Napanood naman ang live ni Tita Anita. Nakita namin na umiinom kayo kaya pumunta kami rito para makiinom din.” Sagot ni Kester na muling nagsalin sa shot glass ng alak.
“At kasama din namin ang jowa mo.” Sabi naman ni Luigi at nginuso ako.
Lumingon sa gawi ko si Ava at umawang ang labi ng makita ako. Lumapit na ako sa kanya. Humarap sya sa akin at sumimangot. Namumungay ang kanyang mata at naaamoy ko sa kanya ang amoy ng gin at pineapple juice.
“Bakit nandito ka? Wala na kayong date nung babae mo?” Masungit nyang sabi at inirapan ako.
“May babae ka Mat?” Tanong ni Tita Anita.
“Oo tita, may babae yang hilaw na manugang nyo. Nakita ko kanina nagdate sila sa coffee shop.” Sabat ni Kester.
Sinamaan ko naman sya ng tingin. “Shut up Kester.” Bumaling ako kay Ava na nakasimangot pa rin at kay Tita Anita na matiim ang tingin sa akin. “That’s not true tita, Ava.”
Nanghaba ang nguso ni Ava. “Eh sino yung babae na yun?”
Bumuntong hininga. “A family friend from Dubai babe. Dumalaw sya dito kasama ang mommy nya at si papa. Uminom lang kami ng kape at nag usap.” Paliwanag ko.
“Anong pinag usapan nyo?”
“About you.”
Kumunot ang noo nya. “About me?”
“Yes, kinuwento ko sa kanya ang tungkol sayo.”
“Bakit?”
Muli akong bumuntong hininga at tinaas ang kamay. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok nyang nakalawit sa kanyang mukha.
“Ang totoo nyan, gusto ni daddy na pakasalan ko sya dahil akala ni daddy wala pa rin akong girlfriend. Pero sinabi kong may girlfriend na ako at sya lang ang gusto kong pakasalan.”
Nalukot ang mukha nya at nanghaba ang nguso. Mayamaya pa ay sumibi na sya at umiyak sabay yakap sa akin. Sinubsob nya ang mukha sa aking dibdib. Niyakap ko rin sya at hinaplos haplos ang kanyang likod. Dinampi dampian ko ng halik ang kanyang buhok.
“I’m sorry habibi.. hindi naman kita pinagdududahan eh. Kaya lang naiinis ako kapag nakikita kang may kasama kang ibang babae. Gusto ko ako lang..” Aniya at suminghot singhot.
Mahina naman akong tumawa. Ang cute nyang magselos parang bata.
“Ikaw lang naman talaga ang babae sa buhay ko wala ng iba.”
Nag angat sya ng mukha at suminghot. Tinaas ko naman ang isang kamay at hinaplos ang kanyang pisngi. Pinahid ko ng daliri ang luhang nasa gilid ng kanyang mata.
Umusli ang nguso nya. “I love you..” Anas nya.
“I love you too.” Sagot ko at kinintalan sya ng halik sa labi.
Ngumiti na sya at tumawa pa sabay subsob ulit ng mukha sa dibdib ko. Hinigpitan ko naman ang yakap sa kanya.
“Tss boring.. Bati agad.” Usal ni Luigi sabay lagok ng laman ng glass shot.
Nag angat ng mukha si Ava at ngumuso. “Inaaway ako nyan ni Kuya Luigi. Sya nagsabi na pinagpalit mo na raw ako sa ibang babae.” Sumbong nya.
“Don’t worry babe, gaganti tayo. Ise-send ko kay Ivonna ang mga dati nyang picture kasama ang mga ex nya.”
Namilog ang mata ni Ava. “Talaga meron ka? Patingin ako.”
“Sure.” Nakangising sabi ko.
“Fuck you pare. Don’t you dare.” Angal at banta ni Luigi na masama na ang tingin sa akin.
Tinawanan ni Kester si Luigi. “Magdasal ka na pare. Gagawin talaga yan ni Matias.”
Sinamaan ng tingin ni Luigi si Kester. “Magdasal ka rin dahil ise-send ko rin kay Crizel ang mga pictures nyo ng mga babae mo noon.”
Nawala ang ngiti ni Kester. “Luigi pare, baka pwede nating pag usapan yan. Ayokong ma-outside de kulambo.”
“Buti ka nga outside de kulambo lang. Eh ako siguradong madyedyeta. Ilang gabi na namang sasakit ang puson ko.”
Inakay ko na si Ava paupo sa sofa at hinayaan na ang dalawang kaibigan na nagaargumento. Si Ava ay nakayakap pa rin sa akin habang nakasandig ang ulo sa aking dibdib. Mukhang inaantok na nga sya. Halatang marami ng nainom.
Hinaplos haplos ko ang buhok ng nobya at hinalikan.
Chapter 37
Ava POV
NAHIHIYA akong ngumiti sa may edad na lalaking kaharap ko. Ang ama ni habibi na kamukha din nya. Ang gwapo din ng daddy nya parang older version nya. Kabaliktaran nga lang nya ng ugali. Palatawa ang daddy nya at halatang mabiro. Pero kapag hindi ito tumatawa ay syang sya ang awra. Nakakaintimidate.
“Nice to meet you iha. You are so beautiful.”
“Nice to meet you too sir. You are so handsome din po.”
Malakas na tumawa ang ama ni Matias. “I like you iha, very honest ka. Anyway just call me tito, wag na sir. Or just call me daddy. Tutal naman ang sabi ni Maalik malapit na raw kayong ikasal.”
Suminghap ako at namilog ang matang nilingon ko si habibi. Tumingin din sya sa akin at pinisil ang kamay ko. Kahit hindi sya magsalita ay gets ko ang gusto nyang sabihin.
“Ah opo tito, malapit na po kaming ikasal ni Matias.” Sabi ko kay Tito Amir.
Namilog ang mata nya. “Talaga? So kelan ang kasal nyo? May petsa na ba? May plano na ba?”
Umawang ang labi ko sa sunod sunod na tanong ni Tito Amir. Bigla akong napressure.
“Wala pa ho dad. Pag uusapan pa lang ho namin ni Ava.” Si Matias ang sumagot.
“Ah, akala ko meron na. Excited na akong ikasal kayo. Lalo na excited na akong magkaapo.” Ngiting ngiting sabi pa ni Tito Amir.
Nag init naman ang pisngi ko. Apo pa nga ang nais ni Tito Amir.
“Darating din tayo dyan dad.” Pinisil muli ni Matias ang kamay ko. Gumanti rin ako ng pisil.
Tumango tango si Tito Amir. “Sabihin mo lang sa akin anak kung may plano na kayo. Sa susunod na uwi ko dito sa Pinas kasama ko na ang tita at kapatid mo. Gusto kong makilala ang pamilya ni Ava.” Bumaling sa akin si Tito Amir at ngumiti. “Ayos lang ba iha?”
“Syempre naman po tito, ayos lang po. Siguradong magkakasundo po kayo ni mommy. Best friend po sya ni Tita Tessie.” Sabi ko.
“I’m sure maganda ang mommy like you. I’m so excited to meet her.” Lalong lumapad ang ngiti ni Tito Amir.
“Dad, may asawa ka na.” Paalala ni Matias sa ama.
“I know, di ko nakakalimutan anak. Excited lang akong makilala ang mommy ni Ava. Byuda na sya di ba?”
“Yes po tito. Mahigit sampung taon na rin po.” Mukhang chick boy ang daddy ni habibi.
“Oh.. I’m sure nakamove on na sya.”
“Dad.” Saway ni Matias sa nagbabantang boses.
“Oo na, ang killjoy mo talaga anak.”
Ilang sandali pang nanatili sa bahay ni Matias si Tito Amir at nakipag kwentuhan sa akin. Pero hindi rin sya nagtagal dahil may flight pa sya pabalik ng Dubai.
“Bakit sinabi mo sa daddy mo na malapit na tayong ikasal?” Tanong ko kay Matias habang nakayakap ako sa bewang nya at nakatingala sa kanya.
“Dahil yun naman ang totoo.” Aniya sabay dampi ng halik sa labi ko.
“Anong ibig mong sabihin?”
Naging mapungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Tinaas nya ang kamay at hinaplos ang buhok ko.
“Let’s get married Ava.”
Umawang ang labi ko sa sinabi nya kasabay ng mabilis na pagpintig ng puso ko. “G-Gusto mong magpakasal na tayo?”
“Yes babe.”
“Sigurado ka?”
“Siguradong sigurado.”
“Bakit?”
“Dahil gusto ko. Gusto kong pakasalan ka na. Gusto kong maging asawa ka na. Gusto ko ng bumuo ng pamilya kasama ka. Gusto na kitang makasama habang buhay.”
Napalunok ako sa sinabi ni Matias. Natutuwa ako at kinikilig. Sino ba namang hindi kung ang pinakamamahal mong lalaki ay ikaw ang gustong makasama habang buhay. Pero ang tanong, ready na ba ako? Ang sagot ready na parang hindi.
Humawak ako sa kanyang balikat at pinadausdos ko ang kamay sa kanyang malapad na dibdib. “Habibi, I love you alam mo yan. Ikaw lang ang lalaking mahal ko. Ikaw lang din ang lalaking gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko. Pero.. parang hindi pa ako ready magpakasal agad agad eh. Pwedeng saka na..?”
Tumawa sya at niyakap ako ng mahigpit sabay pupog ng halik sa aking buhok. “It’s ok babe, pasensya na kung masyado kitang minamadali. I love you.. I love you..”
Nag angat ako ng mukha at sinalubong nya ng halik ang aking labi. Agad ko namang tinugon ang kanyang halik. Hanggang sa ang halik namin ay naging mariin, malalim, at mainit. Nagsisimula na nga ring mag init ang katawan ko at ang kanyang kamay ay naglilikot na rin. Humahaplos sa aking hita, balakang at puwitan na may kasama na ring pisil. Syempre di rin nagpatalo ang kamay kong humahaplos sa kanyang dibdib at matigas na tiyan. Natigilan lang kaming dalawa ng tumahol si Pochi.
Kumalas ang labi namin sa isa’t isa at lumingon kami kay Pochi sa ibaba na tinatahulan kami pero kumakawag naman ang buntot nya at labas pa ang dila.
“Mukhang naiinggit si Pochi girl. Gusto rin yata ng jowa.” Natatawang sambit ko.
“Nah, hindi sya pwedeng magjowa.”
“Aww.. sorry Pochi girl strict ang furdad mo.”
Humuni naman si Pochi at parang naging malungkot ang mukha. Sabay na lang kaming natawa ni Matias.
“Let’s go to my room.” Anas ni Matias sa senswal na boses.
Nag init naman ang mukha ko. Gets ko kung ano ang ibig nyang sabihin.
“Magtatanghali pa lang habibi tapos gusto mo chukchakan.”
Kumunot ang noo nya. “Anong chukchakan?”
“Chuchakan means sex.”
Ngumisi sya at inipit ng daliri ang labi ko. “Bibig mo talaga masyadong pasmado. Bakit ayaw mo ba ng chukchakan?”
“Sinabi ko ba?” Pinaikot ko ang mga braso sa kanyang batok sabay talon at pinaikot ko ang mga binti sa balakang nya. “Let’s go!”
Natawa naman sya at iniyakap ang mga braso sa bewang ko.
“Dyan ka muna Pochi, magbebebe time muna kami ng furdad mo.” Paalam ko pa kay Pochi ng maglakad na si Matias papunta sa hagdan. Parang wala lang sa kanya ang bigat ko samantalang nadagdagan ako ng tatlong kilo.
At pagdating namin sa kwarto nagbakbakan na kami!
.
.
Warning 🔞
“Ahh ahh ahh ahhmm..” Impit kong daing habang banayad pero mabilis na umuulos si Matias sa gitna ko. Nakaluhod sya sa pagitan ng mga hita ko habang hawak ang bewang ko. Nakabuka ang dalawa kong hita na nakadantay sa mga hita nya. Damang dama ko ang bawat hagod ng kahabaan nya sa loob ko na sumasagad pa.
“Feels good?” Malambing na tanong nya habang mapupungay ang matang nakatitig sa akin.
Kagat labing tumango ako at pumikit habang ine-enjoy ang masarap na sensasyong kumikiliti sa bawat himaymay ng ugat ko. Pero agad din akong dumilat ng masahiin ng daliri nya ang clit ko. Lalong nadagdagan ang kiliti.
“Ughh Mat..” hinawakan ko ang kamay nya dahil sobra sobrang kiliti na ang nararamdan ko at para na akong nangingilo.
“Shh.. just enjoy it babe..” Saway nya sa akin.
Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang sya. Ako naman ang mas nasasarapan eh. Pinagmasdan ko na lang din sya. Nakaguhit sa mukha nyang nage-enjoy din sya at sarap na sarap sa ginagawa habang nakatingin sa akin. Sobrang hot nyang tingnan at lalaking lalaki. Nagfi-flex ang mga masel nya sa braso sa bawat galaw nya. Ang malapad nyang dibdib, ang maliliit nyang mga muscles sa tiyan nangingintab dahil sa pawis. Malamig naman dito sa loob ng kwarto nya pero pinagpapawisan sya dahil sa init ng aming katawan.
Maya maya pa ay lalong bumilis ang ulos nya at sumasagad pa. Napapaikot naman ang mata ko dahil may tinatamaan sya sa aking loob na sobrang sarap sa pakiramdam. Mas humigpit pa lalo ang kanyang hawak sa bewang ko.
“Ughh yess ughhh so good babe uhmm..” Ungol na namunutawi sa kanyang bibig habang mabilis na umuulos.
Umawang ang labi ko. Hayun na ang pakiramdam na parang naiihi na ako.
“Ohh goshh Mat.. I’m cumming.. ahmm..”
“Me to babe.. me to!”
Ilang mabilis at sagad na ulos pa nya ay nanginig at nanigas na ang katawan ko kasabay ng pagtirik ng aking mata. Rumagasa palabas ang mainit na bagay na galing sa puson ko kasunod nun ay naramdaman ko rin ang mainit na bagay na pumupuno sa aking loob.
Dumapa sa aking ibabaw si Matias at hinalikan ako sa labi na akin namang tinugon kahit medyo kinakapos pa ako ng hininga. Pero hindi rin naman nagtagal ang halik nya sa labi ko at agad din yung bumaba sa aking baba, panga at leeg hanggang sa aking dibdib.
Napaliyad ako at humawak sa kanyang buhok habang subo nya ang isa kong dibdib at sinisipsip ito ng marahan habang ang isa naman ay pisil pisil ng isa nyang kamay. Katatapos ko lang labasan pero nag iinit na namang muli ang aking katawan. Ganun din sya dahil dama ko ang muling pagtigas ng kanyang kahabaan na nasa aking loob pa rin.
Bumangon sya at hinugot ang kahabaan nya. Binulungan nya akong dumapa kaya dumapa naman ako. Hinalik halikan nya ang likod ko hanggang sa pwetan. Hinawakan nya ang balakang ko at bahagyang inangat. Bahagya syang dumaga sa likuran ko at naramdaman ko ang muling pagkatok ng kanyang kahabaan sa bukana ko at malaya naman itong nakapasok. Muli nya akong inangkin mula sa likuran. Napakagat labi na lang ako habang impit na umuungol sa sarap.
Ilang beses akong inangkin ni Matias at para bang wala syang kapaguran at sabik na sabik. Nakalimutan na nga naming kumain ng tanghalian at nakatulog sa pagod. Madilim na sa labas ng magising kamin at parehas gutom. Nagpadeliver na lang sya ng pagkain at ng dumating ang pagkain ay para kaming leon na gutom na gutom. Ayan, inuna kasi ang landi.
–
HUMIHIKAB na nagwawalis ako sa ilalim ng puno dito sa backyard kennel. Magkatulong kami ni Kiray at Mang Dioni. Ang iba pa naming kasamahan ay sa loob ng shelter naman naglilinis katuwang ang bago namang mga empleyado. Masyado na kasing maraming tuyong dahon sa backyard. Maingay naman ang mga asong rescue na naglalaro at nagtatakbuhan.
Muli akong humikab.
“Antok na antok ka madam ah. Puyat ka ba?” Puna ni Kiray na nilalagay sa sako ang nadakot na mga tuyong dahon.
“Hindi naman.. Maaga nga akong nakatulog kagabi eh.” Sabi ko.
Pero lately nagiging antukin ako ewan ko ba. Tapos parang tamad na tamad ako at gusto ko na lang laging nakahiga. Hindi naman pwedeng ganun dahil siguradong mananaba ako. Heto nga at parang bumibilog na ako kaya todo diet na naman ako. Iwas ako sa kanin. Pinapagalitan na nga ako ni habibi dahil puro daw ako diet. Wala naman daw masama kung tumaba ako. Palibhasa kasi di sya tumataba.
Gumawi naman ako sa puno ng kamias at doon nagwalis. Marami ng nahuhulog na bunga na nabubulok na. Hitik na hitik sa bunga ang puno ng kamias hanggang sa sanga sa itaas. Nakatikim na ako nito noong highschool ako at muntik akong maihi sa asim. Tinitigan ko ang mga bunga. Bigla akong parang naglaway at natakam. Pumitas ako ng isa na katamtamam lang ang lalaki at kinagat. Maasim pero masarap. Sinubo ko ang natirang kamias na pinitas ko at pumitas pa ako ng ilang piraso.
Asim na asim ang mukha nila Melby, Kiray at Rolee habang pinapanood nila akong kumakain ng kamias. Natawa na lang ako sa mga hitsura nila.
“Huwag nyo na lang kasi ako panoorin para di kayo nangangasim.” Sabi ko sabay sawsaw ng kamias sa asin na nasa platito.
“Ano ba kasing trip yan madam. Hindi ka naman kumakain ng kamias tapos ngayon bigla kang kumain.” Nakangiwing sabi ni Kiray.
“Ganito ako kapag malapit ng magkaroon. Gusto ko ng maasim.” Sabi ko.
“Ano yan? Parang buntis lang?” Saad naman ni Rolee.
Ngumisi ako. “Parang ganun na nga. Di ka makakarelate dahil wala kang kiffy.”
Sumimangot na lang si Rolee at inirapan ako. Pero lumapit sya at dumampot ng isang kamias at kinagatan. Nangisay sya sa asim na ikinatawa namin.
“Para ka rin palang ako kapag malapit ng magkaroon, gusto rin ng maasim. Pero di ako tumitira ng kamias. Sobrang asim nyan eh.” Ani Melby na nakangiwi.
Nagkibit balikat ako. “Basta ako gusto ko ng maasim na maasim.”
Chapter 38
Matias POV
“HELLO Dan.. yes papunta na ako dyan.” Binaba ko na ang cellphone at pinatay. Nilapitan ko ang sasakyan ko at binuksan ang pinto sa driver seat. Pumasok ako at nilapag ang cellphone sa dashboard. Nilapag ko din ang briefcase at coat sa shotgun seat. Kinalas ko ang necktie at hinagis yun sa ibabaw ng coat. Tinaas ko ang manggas ng long sleeve polo hanggang siko. Kinabit ko ang seatbelt at binuhay na ang makina. Pinausad ko na ang sasakyan palabas ng basement parking. Binusinahan ko pa ang ang tatlong security personnel na nagbabantay. Bahagya naman silang yumukod.
Papunta ako ngayon sa bahay ni Dan. May balita na tungkol sa hideout ni Uncle Elijah. Hindi na ako makapag hintay na mahuli na sya at makulong ng tumahimik na ang buhay naming magpinsan.
Pagdating sa kahabaan ng kalsada na maluwang ay pinasibad ko ang sasakyan. Pero mabilis kong kinabig ang manibela pakanan ng may magover take na bigbike. Pamilyar sa akin yung bigbike. Kinutuban ako lalo pa ng may dalawa pang bigbike ang sumulpot sa magkabilaang gilid ng sasakyan ko. Sabay sabay pa ang mga itong bumunot ng baril. Tinapakan ko ang gas at tinulinan ang takbo ng sasakyan. Sinagi ko pa ang bigbike na nasa unahan. Kinuha ko ang baril sa dashboard compartment. Binabaril na nila ang sasakyan ko. Pero dahil bulletproof din ito ay hindi basta basta tumatagos ang bala sa loob. Pero hindi pa rin ako dapat magpaka-kampante.
Hindi ako makaganti ng putok dahil pagkatapos ng isa ay ang isa naman ang magpapaputok. Sinasabayan din nila ang tulin ng sasakyan ko. Hindi ko makita ang kanilang mukha dahil naka-full helmet sila na kulay itim. Pero alam kong mga tauhan sila ni Uncle Elijah. Mukhang kanina pa nila ako inaabangan na umuwi para tambangan ako.
Humanap ako ng pagkakataon na makaganti ng putok. Bigla kong kinabig ang manibela pakaliwa at malakas na sinanggi ang katabing bigbike. Tumalsik naman sya at sumadsad sa kalsada. Ganun din ang ginawa ko sa isa na nasa kanang gilid ng aking sasakyan. Ito na ang pagkakataon kong gumanti. Binaba ko ang salamin ng bintana at nilabas ang baril at pinaputukan ang bigbike na nasa unahan. Tumulin ang takbo nya palayo at paliko liko kaya nahirapan akong tamaan sya. May bigla namang sumulpot na itim na sasakyan sa kanang gilid ng sasakyan ko at nakatutok sa akin ang mahabang baril. Mabilis akong yumuko ng magpaputok sya. Tinaas ko na rin ang salaming bintana. Sunod sunod na bala ang tumama sa salaming bintana. Nakakabingi ang tunog nito. May isa pang sasakyan ang lumitaw sa kaliwang gilid at pinapaulanan din ako ng bala.
“Shit!” Tumiim bagang ako at tinulinan ko pa ang patakbo. Nilapag ko ang baril sa dashboard at dinampot ang cellphone at tinawagan si Danon.
“Couz.”
“I need your help Dan. Ina-ambush ako ng mga tauhan ni uncle.”
“What?”
“I said – ugh fuck!” Malutong na mura ko ng may bumangga sa likurang bahagi ng sasakyan ko.
Lumingon ako. Isang hummer car iyon. Naririnig ko sa kabilang linya ang sunod sunod na tanong ni Dan. Magsasalita na sana ako ng muli akong banggain ng sasakyan sa likod idagdag pa na ginigitgit na ako ng dalawang sasakyan na nasa magkabilang gilid ng aking sasakyan. Malutong na lang akong napamura. Mukhang hindi talaga ako bubuhayin ni Uncle Elijah. Nagkamali ako ng desisyon na hindi ako kumuha ng bodyguard.
“Fucking answer me Mat! Where are you?”
Sinabi ko sa kanya kung nasaang kalsada ako. “Send your men here now!”
“Alright! Panatilihin mong bukas ang gps mo papunta na kami.”
Muli akong napamura at nabitawan ko ang cellphone ng malakas akong banggain ng sasakyan sa likod. Sunod sunod na putok na naman ang pinakawalan nila. Nagka-crack na ang salamin ng bintana dahil bugbog sarado na ito sa tama ng mga bala na mukhang mga high caliber. Tinapakan kong muli ang gas pero nakarinig ako ng pagputok ng gulong at bahagyang pag uga ng aking sasakyan. Kasunod nun ay ang muling pagbaga ng sasakyan sa likod at sinuro pa nito ang sasakyan ko. Dumistansya ang dalawang sasakyan sa tagiliran ko. Kasabay nun ang paggewang ng sasakyan ko. Isang malakas na bangga at tumagilid ang sasakyan ko at sumadsad sa kalsada.
Dahan dahan kong dinilat ang mata. Pero muli akong pumikit dahil masakit na masakit ang ulo ko pati ang katawan. Tinaas ko ang kamay at kinapa ang ulong kumikirot. May nakapa akong malagkit. Dumilat ako at tiningnan iyon. Sa nanlalabo kong mata ay nakita kong kulay pula iyon. May sugat ako sa ulo. Sinubukan kong igalaw ang ibang parte ng katawan pero masakit. Nakarinig ako ng mga boses sa labas. Pero mas malakas ang boses na nagmamando.
“Buhay pa yan ilabas nyo! Ang sabi ni boss ay dalhin natin sa kanya ng buhay ang lalaking to.”
Muli akong pumikit ng mariin ng muling sumigid ang kirot sa ulo ko. Hinahatak ako sa kadiliman. Naramdaman ko ang mga kamay na humawak sa akin bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.
Ava..
.
.
Third POV
MALUTONG na nagmura si Danon ng makita ang cellphone ng kanyang pinsan na nasa loob ng nakatagilid na sasakayan na tadtad ng bala. Wala sa loob ang kanyang pinsan tanging bakas ng dugo lang nito ang naroon. Siguradong tinangay ito ng mga tauhan ni Uncle Elijah. Ang problema ay hindi nya alam kung saan ito dinala.
Inis na mariin nyang sinuklay ang buhok. Halo halo ang kanyang nararamdaman. Galit para kay Uncle Elijah at pag aalala para sa pinsan dahil baka kung ano ang gawin dito ng kriminal nilang tiyuhin.
“Ser negative. Mukhang tinangay ng tauhan ng uncle nyo si Ser Matias.” Sabi ng isang tauhan na inutusan nyang tumingin tingin sa paligid.
“Siguradong ganun na nga.” Nahuli sya ng dating. Halos paliparin na nila ang sasakyan para saklolohan ang pinsan pero nahuli pa rin sila.
“Ser Danon, narito na ang mga pulis.”
Nilingon ni Danon ang tatlong police mobile na papalapit pati na ang isang itim na sasakyan na nauna. Huminto ito sa harapan nila at bumaba si Chief Inspector Cedric Montez.
“What happened Mr. Acosta?” Tanong ni Cedric at tumuon ang tingin sa sasakyan ng kanyang pinsan na nakatagilid. Sinenyasan pa nito ang mga kasamang pulis na inspeksyunin ang sasakyang nakatigilid.
“In-ambush si Maalik kanina kanina lang ng mga tauhan ni Uncle Elijah at kinuha sya.”
“Sigurado kayo na ang uncle nyo ang um-ambush at kumuha sa kanya?”
Tumiim bagang si Danon. “Sino pa ba inspector? Wala ng ibang magtataka sa buhay naming magpinsan kundi ang hayop lang na yun. Tumawag sa akin kanina ang pinsan ko habang ina-ambush sya. Dinig na dinig ko ang mga putok ng baril. Sinabi din nya na maga tauhan ni Uncle Elijah ang mga yun.”
“Ok relax Mr. Acosta. I’m just asking.”
“How can I relax inspector? Nanganganib ang buhay ng pinsan ko. Baka kung anong gawin ng demonyo kong tiyuhin sa kanya.”
Bumuntong hininga ang inspector at hinayaang maglabas ng sama ng loob ang relative ng biktima. Tiningnan nya ang mga kasamahang pulis na nilalagyan na ng cordon ang paligid ng nakatagilid na sasakyan para hindi na ito lapitan ng ibang tao. Ang iba pa nyang kasamahang pulis ay nangangalap ng mga basyo ng bala.
“Tiningnan nyo na ba ang loob ng sasakyan ng pinsan nyo?” Tanong ng inspector kay Danon.
“Yes inspector. Cellphone lang nya ang nakuha ko at baril.” Inabot ni Danon ang cellphone at baril sa inspector. Ayaw man nyang ibigay yun pero kailangan para sa imbestigasyon. Mali nga ang ginawa nyang pinangunahan ang mga pulis na tingnan ang sasakyan. Pero ano ang gagawin nya? Sobrang nag aalala sya sa pinsan na parang kapatid na nya.
Nagpatuloy pa ang mga kapulisan sa pagi-inspeksyon sa kapaligiran at pangangalap ang ebidensya. Ang inspector ay tumawag na ng back up baka sakaling mahabol pa ang biktima at ang mga taong kumuha dito. Si Danon naman ay tinawagan ang mga kaibigan nya at kaibigan ng pinsan para humingi ng dagdag tulong.
.
.
Ava POV
SARAP na sarap ako sa paglantak ng bubot na mangga na sinasawsaw ko sa asin na may paminta. Nagjogging ako sa labas kanina at nadaanan ko ang isang puno ng mangga na hitik sa bunga. Mababa lang ang sanga nito kaya madaling abutin. Pinagtanong tanong ko sa mga nagdaraan naming kapitbahay na nagjo-jogging din kung sino ang may ari ng puno. Ang sabi ay wala daw may ari kaya pumitas ako. Pero ang pinitas ko at yung mga bubot pa.
“Ano yan Ava?”
Nilingon ko si mommy. Nakangiwi syang lumapit sa akin at tiningnan ang kinakain kong bubot na mangga. Nangasim ang kanyang mukha.
“Ang aga aga pa kumakain ka na ng hilaw ng mangga at bubot pa.” Sambit nya.
“May nadaanan po akong puno ng mangga sa labas kanina tapos parang naglalaway ako kaya pumitas po ako. Gusto nyo ’my?” Alok ko sa ina at nilabas sa plastik ang isang kumpol na bubot ng mangga.
Nakangiwing umiling iling si mommy habang matamam akong pinagmamasdan. Nagkibit balikat na lang ako habang ine-enjoy ang pagkain ng bubot na mangga. Tinawag ni mommy ang kasambahay at nagpatimpla sya ng kape.
Dinampot ko ang cellphone at binuksan. Nanlumo ako ng makitang wala pa ring reply si Matias sa text ko. Tinawagan ko sya kanina pero puro out of coverage area. Kagabi hindi nya rin ako tinawagan. Nakatulugan ko na nga ang paghihintay. Baka busy kagabi at ngayon naman ay tulog pa.
“Ihh! Grabe ka Ma’am Ava. Ano na naman ba yang trip nyo?” Nakangiwing tanong ni Ate Edad ng ilapag ang kape sa harap ni mommy.
“Ewan ko ba dyan sa anak ko na yan Eda. Akala mo pinapagutuman. Daig pa naglilihi.” Ani mommy na hinahalo ng kutsarita ang kape.
“Malapit na kasi akong magkaroon mommy kaya gusto ko ng maasim. Delayed na nga ako eh.” Sabi ko at kumuha pa ng isa pang maliit na mangga. Hiniwa ko ito sa gitna at tinanggal ang maliit na buto.
Tumingin ako kay mommy. Mataman syang nakatingin sa akin na parang may interesante sa sinabi ko.
“Delayed ang period mo?” Tanong nya.
“Yes mommy, mag three days na akong delayed.”
Tila naman nakahinga ng maluwang si mommy sa sinabi ko pero bigla akong may naalala.
“Pero last month ’my, hindi ako nagkaroon.”
Naibuga ni mommy ang kape. “What?”
“Ang sabi ko po di ako nagkaroon last month – “
“Mommy. Ava!”
Natigilaan ako ng marinig ang malaking boses ni Kuya Atlas. Ang aga aga nandito sya sa bahay.
“Dito sa komedor anak.” Sabi ni mommy sa malakas na boses na inuubo ubo pa. Binigyan sya ni Ate Eda ng tissue napkin. Kinuha nya yun at dinampi dampi sa bibig.
“Mommy.” Pumasok na sa komedor si Kuya Atlas at lumapit kay mommy sabay halik sa pisngi.
“Good morning anak. Ang aga mong naparito. Wala ka bang pasok sa opisina?” Tanong ni mommy.
Pero hindi sumagot si Kuya Atlas at tumingin sa akin. Tinaasan ko naman sya ng kilay at pinasadahan ng tingin. Mukhang di nga sya papasok sa opisina. Naka t-shirt sya na itim at pantalong maong. Mukha din syang puyat.
“Anyare sayo kuya? Mukhang di ka natulog? Nagaway kayo ni Jolene no kaya outside de kulamba ka.” Nakangising asar ko sa kanya.
Pero imbes na gantihan nya ako ng asar ay seryoso lang nya akong tiningnan at bumuntong hininga. “I have a bad news.”
Kumunot ang noo ko.
“Anong bad news yan anak?” Tanong ni mommy.
Tumingin si Kuya Atlas kay mommy at sa akin.
“In-ambush kagabi si Matias at kinidnap.”
Chapter 39
Ava POV
HINDI maampat ang luha ko sa pagtulo. Mahapdi na nga ang mata ko at namumula na rin ang ilong ko. Halos maghapon na akong umiiyak at nagkukulong lang dito sa kwarto. Masikip na masikip ang dibdib ko at parang di na ako makahinga. Parang dinudurog rin ang puso ko.
“Anak, tahan na. Kanina ka pa iyak ng iyak.” Umupo si mommy sa tabi ko at hinimas ang likod ko.
Sumingha ako sa tissue na hawak at muling humikbi. Lumingon ako kay mommy. Nakaguhit sa kanyang mukha ang pag aalala.
“M-Mommy.. paano kung.. k-kung may nangyari ng masama kay Matias..”
“Shh.. huwag kang mag isip ng ganyan Ava. Think positive lang na ok si Matias.”
“S-Sinusubukan ko naman pong mag isip ng positive eh. Pero sa tuwing naiisip ko yung napanood ko sa news.. n-akatagilid ang sasakyan ni Matias. T-Tapos tadtad pa ng bala at maraming d-dugo..” Muli akong napahagulhol ng maalala ang napanood sa news kanina. Kaya pala hindi sya tumawag kagabi. Kaya pala hindi sya nagrereply sa mga text ko.
Niyakap ako ni mommy at hinaplos haplos nag buhok ko. “Alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon anak. But you have to be strong. Ano man ang mangyari kay Matias kailangan mong tanggapin.”
“No mommy!” Kumalas ako sa yakap ng ina at umiling iling. “H-Hindi ko matatanggap.. hindi ko matatanggap. W-Walang mangyayaring masama sa kanya. B-Babalik sya sa akin ng buhay..”
“Ipagdasal natin yan anak.”
Muli akong yumakap kay mommy at sumubsob sa kanyang dibdib. Doon ko binuhos ang bigat at sakit na nararamdaman ko.
“Nagtutulong tulong na sa paghahanap ang kuya mo at mga kaibigan nila ni Matias. Pati na rin ang pinsan ni Matias at mga kaibigan nito ay tumutulong na rin.” Ani mommy.
Mabigat na bumuntong hininga ako. “Ilang oras na silang naghahanap pero di pa rin nila nakikita si Matias. Pati mga pulis naghahanap na rin pero wala pa rin. Ano bang klaseng paghahanap ang ginagawa nila?” Inis na sabi ko.
Tumingin sa akin si Jolene at Ivonna na narito sa bahay para i-comfort ako. Pero kahit i-comfort nila ako ay hindi pa rin nababawasan ang bigat sa dibdib ko. Hindi pa rin nababawasan ang pag aalala ko. Mababawasan lang ito kapag may maganda ng balita tungkol kay Matias. Magiging ok lang ako kapag bumalik sya sa akin ng buhay.
“Anak, hindi naman kasi ganun kadali na maghanap sa taong kinidnap. Lalo pa at ang kumidnap ay kriminal.”
“Kaya nga mommy kailangan ng mahanap agad agad si Matias dahil kriminal yung uncle nya. Kapag nakita ko yung uncle nya bebembangin ko yun.”
Hindi na nagsalita si mommy o kahit si Ivonna at Jolene. Nakatingin lang sila sa akin. Nasa kanilang mukha ang pag aalala at awa.
.
.
Matias POV
NAGISING ako sa malakas na amoy. Dinilat ko ang mata. Malabo sa una pero unti unti na ring lumilinaw. May tatlong lalaking nakatayo sa harapan ko at nakatingin sa akin. Sinubukan kong igalaw ang katawan. Masakit pa rin ang buong katawan ko at hindi ko maigalaw ang mga braso na mahigpit na nakatali sa likod ng aking inuupuan. Mukhang ilang oras na rin akong nakatali dito habang tulog.
“Gising na sya bossing.” Wika ng isang lalaking nakangisi.
“Mabuti naman.”
Narinig ko ang pamilyar na boses. Gumilid ang tatlong lalaki at naglakad palapit sa akin ang pamilyar na mukha.
“Uncle Elijah..” Nanghihinang sambit ko.
Doon bumuhos sa alaala ko ang mga nangyari. In-ambush ako habang papauwi. Pinaulanan ng bala ang sasakyan ko at binangga ng ilang beses hanggang sa tumagilid at nawalan ako ng malay.
“Long time no see pamangkin.” Nakangising bati sa akin ni Uncle Elijah sabay hithit sa hawak nyang sigarilyo at binuga sa mukha ko ang usok. Tumawa sya ng malakas. Tawang tagumpay.
Tiim bagang na pinagmasdan ko si Uncle Elijah. Sampung taon na rin ang lumipas ng huli ko syang makita. Malaki ang pinagbago ng hitsura nya. Malaki ang ipinayat at humpak na ang mga pisngi. Malaki ang itinanda ng hitsura nya pero punong puno pa rin sya ng kumpyansa.
“Alam mo masyado mo akong pinapa-believe pamangkin. Matapang ka at walang takot. Ang hirap mo ring patumbahin.”
Hindi ako umimik at nakatingin lang sa kanya. Hindi ko uubusin ang lakas para makipag huntahan sa kanya. Kailangan kong makaisip ng paraan para makatakas. Alam kong hinahanap na ako ngayon ni Dan at ng mga kaibigan ko.
“Kaya lang hindi mo kaya si uncle mo. Kung matapang ka mas, matapang ako. Kung matalino ka, mas matalino ako.” Tumawa pa si Uncle Elijah sabay hithit muli ng sigarilyo at buga ng usok pataas.
Pasimple ko namang ginala ang mata sa paligid. Mukhang nasa abandonado kaming gusali na hindi natapos ang construction. Gabi na dahil madilim sa labas. Pero nakikita kong puro puno sa paligid. Mukhang nasa tago kaming lugar. Tanging ilaw lang dito sa gusali ang nagbibigay liwanag. May ilang tauhan pa ang narito sa palapag. Malamang ay may mga tauhan ding ang nasa labas para magbantay. Siguradong mahihirapan akong makatakas at siguradong papatayin din nila ako.
Tumingin ako kay Uncle Elijah. “What do you want?”
Ngumisi sya. “Yan ang gusto ko sayo Matias, laging direct to the point. Walang kiyeme kiyeme.” Tumayo sya at mataman akong tiningnan. “Sa inyong dalawa ni Danon ikaw talaga ang pinakahinahanggaan ko. Ikaw nga ang pinangarap kong anak dahil parang nakikita ko ang sarili ko sayo. Naalala mo, close tayo noong maliit ka pa. Parang naging tatay mo na rin ako.”
“Pero nagbago ang lahat ng patayin mo si mommy at Auntie Mariela.” Mariing sabi ko. Bumangon ang tinatago kong matinding galit sa kanya. Kinuyom ko ang kamao at pilit pumipiglas sa taling nakagapos.
“Kasalanan nila dahil madamot sila. Kinuha nila ang para sa akin. Kaya ngayon babawiin ko na.”
“Walang sayo uncle. Sadyang ganid ka lang at makasarili. Walang kakuntentuhan.”
Tumawa sya sabay igkas ng kamao sa aking mukha. Nalasahan ko ang sariling dugo sa bibig. Dinura ko ito sa sahig. Matalim kong tiningnan si Uncle Elijah.
“Ang ina mo ang ganid! Madamot! Babawiin ko ang lahat lahat ng sa akin. At uumpisahan ko yun sayo Matias. Dahil pinagdamutan ako ni Ate Matilda kukunin ko sayo ang lahat. Pagkatapos mo ay si Danon naman. Kukunin ko din sa kanya ang lahat. Doble ang ibabayad nyo sa akin dahil sa kadamutan ng mga ina nyo!”
Mariin kong nilapat ang labi. Gusto ko syang murahin at sumbatan. Pero sumisigid na naman ang kirot ng sugat sa ulo ko. Hindi ko dapat ubusin ang lakas ko sa pakikipag argumento sa kanya.
Tumalikod si Uncle Elijah. Lumapit naman ang isang lalaki na nakangisi. Mukhang ito ang kanang kamay nya.
“Boss, todasin na ba namin to?”
“Hindi muna. May kailangan pa ako dyan.”
“Eh kung sampulan muna namin boss. Ang sarap pingasan ng mukha gandang lalaki eh. Ang laki pa ng katawan o. Nahirapan kaming buhatin yan papasok sa sasakyan. Para kaming nagbuhat ng kalabaw.”
Tumawa si Uncle Elijah at humarap. “Huwag kayong magkakamaling pakawalan yan dahil manlalaban yan. Baka di nyo sya kayanin.”
Tinaas ng lalaki ang hawak na baril. “Eh dito boss, uubra ba sya? Isang putok lang sa ulo nya todas sya.”
Tumawa ang lalaki pati na ang mga kasamahan nya. Sinamaan lang nya ang mga ito ng tingin.
Pumikit ako ng mariin ng muling sumigid ang kirot sa ulo ko pati na sa tagiliran. Pinakiramdaman ko ang sarili. Wala akong tama ng bala. Bugbog lang ang natamo ko dahil sa pagtagilid ng sasakyan at sugat sa ulo. Pero nakakaramdam ako ng panghihina at para na naman akong inaantok.
Hindi ako pwedeng mamatay. Naghihintay sa akin si Ava. Magpapakasal pa kami at magkakaanak. Bubuo pa kami ng pamilya.
Adopted brother ni mommy at ni Auntie Mariela ang mommy ni Danon si Uncle Elijah. Inampon sya ng lolo at lola ko noong paslit pa. Tinuring syang parang tunay na anak, bunsong kapatid. Natatandaan ko pa noon na close sya kay mommy at Auntie Mariela. Dahil malayo ako noon kay daddy ay si Uncle Elijah ang naging parang pangalawang ama namin noon ni Danon. Pero mas malapit kaming dalawa. Mabait si Uncle Elijah noon. Spoiled kaming magpinsan sa kanya. Pero nagbago ang lahat ng matuklasan ni lolo na isa pala syang drg addict at pusher. Nagbebenta sya ng drgs. Palagi na silang nag aaway ni lolo noon hanggang sa huling away nila ay inatake sa puso si lolo na ikinasawi nito. Nagalit sa kanya si mommy at si Auntie Mariela. Doon na naging malayo ang loob nya sa amin. Umalis sya sa bahay at nababalitaan na lang namin sya sa news na nasasangkot sa malalaking drg operation. Tuluyan syang naging drg lord.
Nagkaroon ng malaking away noon ng bumalik sya sa bahay. Inaway nya si mommy at si Auntie Mariela dahil nalaman nyang wala syang manang makukuha mula kay lolo. Sinisisi nya si mommy at si Auntie Mariela. Minanipula daw ng mga ito ang last will testament at tinanggal sya sa pamamanahan. Pero si lolo talaga ang nagtanggal sa kanya ng mana noong nabubuhay pa. Natakot si lolo na gagamitin lang nya sa masama ang mana.
Umabot na sa sukdulan ang kasamaan ni Uncle Elijah. Pinatay nya si mommy at Auntie Mariela. Tinanggalan nya ng break ang sasakyan na lulan ng mga nito na nagdulot ng aksidenteng ikinasawi ni mommy at ni Auntie Mariela pati ng driver. Dead on arrival si mommy. Nakaligtas pa si Auntie Mariela pero din rin nagtagal dahil sa kumplikasyon sa puso. Tumakas sya at nagtago. Hinunting namin sya ni Dan hanngang sa kami naman ang muntik nyang mapatay sa sunog. At ngayon, siguradong papatayin nya ako. Sana lang ay malaman agad nila Danon itong kinaroroonan ko.
.
.
Third POV
ISA isang bumaba ang sakay ng mga sasakyan na sunod sunod na huminto sa gilid ng kahabaan ng kalsada. May kadiliman ang lugar at tanging mga ilaw lang sa poste na malamlam ang nagbibigay liwanag at ilaw ng pailan ilan na sasakyang dumadaan. Puro matataas na damo ang nasa paligid at walang mga kabahayan o anumang mga establishment.
“Wala pa ba si Inspector Montez? Sya na lang yata ang hinihintay natin.” Inip na tanong ni Atlas.
“Tumawag sya kanina. On the way na raw sya.” Ani Danon na inaayos sa pagkakasukbit ang baril sa bewang.
“Tss! Pulis sya dapat sya ang naunang dumating sa lugar na ito. Pambira talaga, lagi na lang nahuhuli ang mga pulis.” Himutok ni Luigi.
“Hey, baka nakakalimutan mo isa rin akong pulis dati at lagi akong on time rumesponde.” Sabat ni Lorenzo na isang retiradong pulis at ngayon ay negosyante na lang.
“Eh di hindi ka kasali sa mga pulis na laging huli.”
“Baka may emergency lang. Maghintay na lang tayo.” Saad ni Jeiz na lumuwas pa ng probinsya para tumulong sa pagsagip sa kaibigan.
“Phew! Sa totoo lang mga pare kabado bente ako. Hindi para sa gagawin natin kunti para kay Matias. Wala tayong kasiguraduhan sa kung ano ang maaabutan natin. Sana.. buhay pa sya at hindi pa sya natotodas ng kriminal nyang tiyuhin.” Wika ni Kester.
Natahimik naman ang magkakaibigan. Isa yun sa bumibigat sa kanilang dibdib. Wala pang tawag mula sa tiyuhin ni Matias at ni Danon. Wala silang balita kung ano na ang nangyayari kay Matias ngayon kung buhay pa ba o patay na. Ang tanging meron lang sila ay ang lugar na posibleng pinagdalhan dito at wala pa yung kasiguraduhan. Susugal lang sila. Pero mainam na yung sumugal kesa wala silang gawin para sa kaibigan.
May dumating pang apat na sasakyan at huminto. Unang bumaba sa dalawang sasakyan ang apat na kaibigan ni Danon. Si Pierre, Austin, Lex at Seb. Bumati sila sa mga naroon. Sasama sila dahil gusto nilang suportahan ang kaibigan at tulungan din ito sa paghahanap sa pinsan.
“Pasensya na kung ngayon lang kami. Alam nyo na, mahirap magpaalam sa mga asawa.” Ani Pierre.
“Ayos lang mga pare, ganun din naman kami.” Ani Atlas at nagngisihan sila.
“Wala pa ba si Cedric?” Tanong ni Lex.
“On the way na raw sya.” Sagot ni Danon.
“Ang tagal ng mga pulis na yan pare. Di ba pwedeng mauna na tayo? Baka bangkay na nating maabutan si Matias kapag hinintay pa natin ang mga pulis.” Inip na inip ng himutok ni Luigi. Nangangati na rin ang kamay nyang pumitik ng gatilyo.
“Hindi pwede. Makakasuhan tayo kapag pinangunahan natin ang mga pulis.” Sabat ni Lorenzo.
Malutong na lang na napamura si Luigi.
Lumapit naman si Austin kay Luigi at inabutan ito ng stick na sigarilyo. “Yosi ka muna pare, pamparelax.”
“Thanks pare.” Kinuha ni Luigi ang stick ng sigarilyo at nilagay sa bibig. Inabutan din sya ng lighter ni Austin.
“Alam ba ni Mika na naninigarilyo ka ulit?” Tanong ni Seb kay Austin.
“Hindi.”
Ngumisi si Seb. “Yari ka kapag naamoy ka nun. Sa sofa ka na naman matutulog.”
Sumimangot si Austin at binalik sa pakete ang isang stick ng sigarilyo. Malalagot talaga sya sa asawa kapag naamoy syang amoy sigarilyo.
Binalik din ni Luigi ang stick ng sigarilyo kay Austin.
“Takot ka rin sa asawa mo?” Kunot noong tanong ni Austin.
“Hindi ako takot, masunurin lang ako.” Nakangising sagot ni Luigi.
Ngumisi si Austin. “Parehas pala tayong masunurin.”
“Nandito na sila inspector.”
Sabay sabay silang lumingon sa paparating na sasakyan ng inspector. Kasunod nito ang limang police mobile. Napansin nilang may kasama itong babae sa passenger seat.
Bumaba ang inspector sa sasakyan at kumumot ang noo nya ng makitang marami ang sasama sa operation nila. “Bakit ang dami nyo?”
“Mas marami mas masaya chief.” Nakangising turan ni Kester.
Namaywang ang inspector at kumamot sa ulo.
“Cedric! Akala ko ba ihahatid mo ko sa bahay ko? Eh nasa labas na tayo ng Manila ah!”
Sabay sabay na lumingon ang mga kalalakihan sa babaeng bumaba sa sasakyan ng inspector.
“Bumalik ka sa loob ng sasakyan Pinky. Mamaya na kita ihahatid.” Mariing sabi ng inspector.
“Kaya naman pala natagalan si inspector dahil nambabae pa.” Pasaring ni Luigi. Sinamaan naman sya ng tingin ng inspector pero hindi nya ito inurungan ng tingin.
“Hoy manong! Di nya ako babae no. Ex ko sya! Ex na pakialamero at feelingero!”
Nagsipulan sila sa sinabi ng babae.
Tumiim bagang naman ang inspector at nilapitan ang babae. Pinapasok nya ito sa loob ng sasakyan at kinausap saglit.
Nagnginisihan naman ang mga lalaki.
“Pasensya na kung natagalan ako ng dating. Nag usap pa kami ni Senator Victor Torres.” Hayag ni Inspector Montez.
“Anak ng! Nakuha nyo pang makipag huntahan sa senador inspector samantalang nanganganib na ang buhay ng kaibigan namin.” Galit ng sabi ni Luigi. Hinawakan sya ni Lorenzo sa balikat.
“Relax pare. Importante nandito na si inspector.”
Matiim na tiningnan ni Inspector Montez si Luigi. “Si Senator Victor Torres ang kaibigan at protector ni Elijah Moreno. Nagbigay sya ng detalye kung saan nagtatago ngayon si Elijah at posibleng doon nya dinala ang kaibigan nyo.”
Ilang sandaling nagsukatan ng tingin si Inspector Montez at Luigi. Ramdam ang namumuong tensyon sa dalawa.
Tumikhim si Atlas. “O ano pang hinihintay natin. Kumilos na tayo kung gusto pa nating maabutang buhay si Matias.”
“Pasensya na pare. Worried lang ako sa kaibigan ko.” Hinging paumanhin ni Luigi sa inspector. Medyo kumalma na sya.
Bumuntong hininga at tumango si Inspector Montez. “No problem. I understand. Anyway..” Binalingan nya ang mga sasama sa operasyon. “Ilalatag ko muna sa inyo ang plano at kailangan sumunod kayo. Kung hindi, kami ang malalagot.”
Tumango tango ang magkakaibigan at nakinig sa inspector.
Chapter 40
Matias POV
DALAWANG magkasunod na malakas na suntok ang tumama sa mukha ko. Nakaramdam na ako ng hilo bukod sa kirot na nararamdaman ko. May kalahating oras na nila akong ginugulpi habang pinipilit akong pirmahan ang isang dokumento na nagsasaad na nililipat ko na sa pangalan ni Uncle Elijah ang ilang ari arian ng aming pamilya. Pero kahit lumpuhin pa nila ako sa bugbog ay hindi nila ako mapipilit.
“Ano? Pipirma ka na ba o gusto mo pang taniman muna kita ng bala sa katawan.” Banta ni Uncle Elijah.
Pero nginisihan ko lang sya.
Isa pa muling malakas na suntok ang tumama sa mukha ko. Hinawakan pa ng isang lalaki ang mukha ko at dalawang suntok pa ang binigay. Ramdam kong putok na putok na ang pisngi at labi ko. Ang mata ko ay pumipikit na rin dahil sa maga. Nalulunok ko na rin ang sarili kong dugo. Kung may sapat lang akong lakas kayang kaya ko silang labanan. Pero habang dumadaan ang oras ay lalong nanghihina ang katawan ko.
“Ang tigas mo talaga Matias. Pumirma ka na hangga’t may natitira pa akong awa sayo baka buhayin pa kita!” Galit na sabi pa ni Uncle Elijah.
Mahina akong tumawa. “Kahit patayin mo pa ako uncle.. w-wala kang pirmang makukuha sa akin.. k-kahit tuldok.”
Sa nanlalabo kong paningin ay naaninag ko ang lalong pangangalit ng mukha ni Uncle Elijah. Tinutok nya ang baril sa mukha.
“Tarantado ka. Gusto mo na ba talagang mamatay ngayon ha!?”
Ngumisi ako. “I-Iputok mo para lalo kang walang makuha.”
“Gago!” Sigaw nya kasabay nun ang paghampas ng puluhan ng baril sa aking mukha. Muli ay nilamon na naman ako ng kadiliman.
.
.
Ava POV
PALAKAD lakad ako sa malawak na sala namin habang piga piga ko ang kamay. Patingin tingin din ako sa labas kung saan maraming security personnel ang nakabantay sa gate. Mahigpit na bilin ni Kuya Atlas na walang lalabas sa amin lalo na ako. Mukhang nakaramdam sya na may balak akong sumunod sa kanila.
“Mommy wala pa bang balita si kuya?” Baling ko kay mommy na nakaupo sa sofa.
“Wala pa anak.”
Bagsak ang balikat na umupo ako sa sofa at sinabunutan ko ang buhok. Alas dose na ng hatinggabi. Si Jolene at Ivonna ay nasa guestroom room na dahil tulog na ang kanilang mga anak. Kailangan na rin nilang magpahinga. Ako naman ay di pa rin dalawin ng antok at ayoko ring matulog hangga’t wala akong nakukuhang balita tungkol kay Matias. Si mommy naman ay di pa rin umaakyat sa kwarto nya. Sasamahan daw nya ako. Alam kong babantayin lang din nya ako para hindi ako tumakas.
Kaninang alas otso pa umalis si Kuya Atlas kasama sila Kuya Luigi. Sasama sila sa operasyon ng mga pulis sa pagsagip kay Matias. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring tawag kay Kuya Atlas. Sana ay tagumpay ang pagsagip nila kay Matias. Sana ayos lang si Matias.
Tumabi ng upo sa akin si mommy at hinimas himas ang balikat ko. “Anak, magpahinga ka kaya muna. Matulog ka muna.”
Tumingin ako kay mommy. “Mommy kahit pilitin kong matulog di rin ako makakatulog hangga’t wala akong balita kay Matias.”
Bumuntong hininga si mommy at ngumiti. Hinaplos nya ang buhok ko. “Mahal mo talaga si Matias ano.”
Malungkot akong ngumiti. “Hindi lang mahal mommy.. kundi mahal na mahal.”
“Sinong mag aakala na magiging kayo. Samantalang noong maliit ka pa, sakit ka nya ng ulo. Lagi mo syang peniperwisyo.”
Lalo akong napangiti ng maalala ang mga kalokohan ko noon kay Matias. Muntik na nga nya akong mapalo ng tsinelas sa pwet sa inis nya sa akin. Pero kahit inis sya sa akin noon kapag nanghihingi ako sa kanya ng pera lagi nya akong binibigyan kahit noong magdalaga na ako. Lagi din nya akong pinapautang pero sesermonan muna nya ako.
Miss na miss ko na si habibi. Yung pagsusungit nya sa akin lalo na ang paglalambing. Namimiss ko na ang yakap nya.
Muling tumulo ang luha ko kasabay ng hikbi. Kinabig ako ni mommy.
“Anak, umiiyak ka na naman..”
“Miss na miss ko na po kasi sya mommy. Sana bumalik na sya sa akin. Mababaliw na ako kakaisip sa kung ano na ang nangyari sa kanya. P-Promise ko.. kapag bumalik na sya tatanggapin ko ang alok nyang kasal. Magpapakasal na ako sa kanya.” Humihikbing sabi ko.
“Inalok ka ng kasal ni Matias, anak?”
Tumingin ako kay mommy at tumango. “Yes mommy.. noong isang araw na kinausap namin ang daddy nya. Inalok nya ako ng kasal pero tumanggi ako kasi parang di pa ako ready. Pero ngayon.. kapag bumalik sya.. ako na mismo ang mag aalok sa kanya ng kasal. Pakakasalan ko na sya agad agad.”
“Oh my baby girl..” Niyakap ako ni mommy ng mahigpit.
Sumubsob naman ako sa dibdib nya at doon muling umiyak.
.
.
Third POV
“CHIEF positive. May mga tao sa loob at mga armado.”
“Copy sargeant. Manatili muna kayo sa pwesto nyo at maghintay kayo ng signal ko understood?”
“Copy chief.”
Akmang bababa na si Inspector Montez sa sasakyan ng pigilan sya sa kamay ng kanyang dating kasintahan. “Teka, huwag mong sabihing iiwan mo ko rito.”
“Alangan namang isama kita sa loob? Mapahamak ka pa.”
Iniripan ni Pinky ang dating kasintahan. “Kung hinayaan mo na lang kasi akong umuwing mag isa – “
“At ano? Magkikita na naman kayo ng tukmol na yun?” Asik ni Inspector Cedric.
“Eh ano naman kung magkita kami.”
Mariing naglapat ang labi ni Inspector Cedric ng irapan sya ng dating kasintahan. Kung wala lang sila sa gitna ng operasyon dinala na nya ito sa resthouse nya.
Bumuntong hininga ang inspector at umiling. Binuksan nya ang pinto ng sasakyan. “Dito ka lang. May makakasama ka naman ditong dalawang pulis. Huwag kang aalis kundi lagot ka sa akin.” Banta pa ng inspector sa dating kasintahan at bumaba na ng sasakyan.
Tiningnan nya ang mga kasamahang pulis na nakahanda na. Sinenyasan na nya ang mga ito para magparte sa kani-kanilang grupo. Agad naman itong nagsipulasan at tumungo sa iba’t ibang direksyon palapit sa abandonadong gusali na may apat na palapag. Ang dalawang pulis ay pinaiwan nya.
Bumaba naman si Danon sa sasakyan kasunod ang mga kaibigan ng makitang nagsipulasan na ang mga pulis. “Inspector, ano ng balita? Positive ba?”
“Yes Mr. Acosta. Pero hindi na kayo pwedeng sumunod. Kami na ang bahala. Dito na lang kayo.” Anang inspector at sumunod na sa mga kasamahang pulis.
Nagtinginan ang magkakaibigan na naiwan.
“Ano, hindi ba tayo susunod? Aba’y anong silbi natin at sumama pa tayo? Manonood lang?” Inis na tanong ni Luigi.
“Dito lang daw tayo ang sabi ni inspector.” Ani Danon. Pero sa isip isip nya ay pinaplano na nyang sumunod. Pero siguradong pipigilan sya ng dalawang pulis.
Malutong na nagmura si Luigi.
“Kailangan nating sumunod sa protocol.” Sabat ni Lorenzo na gumagala ang tingin sa paligid. Nagtinginan sila ni Jeiz na sinusuri din ang paligid na parang pinag aaralan nya. Medyo liblib na ang lugar, masukal at madilim. Nasa labas na kasi ito ng kamaynilaan. May mangilan ngilan lang na sasakyan ang dumadaan para magshort cut.
“Sana lang ay magtagumpay ang operasyon na to at masagip ng buhay si Matias. Ayokong mabaliw ang kapatid ko kapag namatay sya.” Sambit ni Atlas na bukod sa nagaalala sa kaibigan ay nag aalala din sa bunsong kapatid na panay ang iyak kanina at hindi mapatahan. Ang huling text sa kanya ng asawa ay umiiyak pa rin ang kapatid nya.
“Hindi mamamatay si Matias. Matibay yun.” Nakangising sabi naman ni Kester. Pero ang totoo ay labis din ang pagaalala nya para sa kaibigan.
“So ano? Dito na lang talaga tayo?” Tanong ni Pierre.
Nagtinginan silang lahat. Patingin tingin din sa kanila ang dalawang pulis na parang binabantayan sila. Bukod sa kanila ay may mga kanya kanya din silang mga tauhan na dala na mga armado.
“Ganun na nga. Maghintay na lang tayo dito.” Ani Jeiz at tumingin isa isa sa mga kaibigan. Binibigyan nya ang mga ito ng mensahe sa pamamagitan ng mata. Kumunot pa ang noo ni Luigi. Pero mayamaya ay ngumisi sya ng makuha na ang ibig nyang sabihin.
“Anong plano mo?” Pasimpleng bulong ni Lorenzo.
“Susunod tayo kapag nagkaputukan na.” Mahinang sabi ni Jeiz.
Ngumisi si Lorenzo at nilabas ang cellphone para bigyan ng mensahe ang mga kaibigan.
samantala
..
“Boss, patay na yata to eh.” Anang isang tauhan ni Elijah na pinupulsuhan sa leeg ang kanyang walang malay na pamangkin.
“Punyeta! Hindi sya pwedeng mamatay. Hindi pa sya nakakapirma.” Lumapit si Elijah at lumapit sa pamangkin at pinulsuhan ito sa leeg at kamay. “May pulso pa pero mahina na.” Malutong na nagmura si Elijah at pinagsasapok ang mga tauhan. “Kasalanan nyo to eh! Pinuruhan nyo! Paano yan kapag natuluyan yan? Mababalewala lang ang lahat!”
“Eh boss, sumusunod lang ho kami sa utos nyo. Sabi nyo banatan. Kaya binanatan namin.” Sagot ng kanang kamay na tauhan na kumamot pa sa ulo.
“Hmp! Letse ka sasagot ka pa eh!” Inambahan ito ng sapok ni Elijah.
“Sa tingin ko boss nanghihina na talaga sya dahil sa sugat nya sa ulo at bugbog sa katawan. Marami ring dugo ang nawala sa kanya.” Singit ng isang tauhan.
“Punyeta!” Galit na mura ni Elijah at namaywang. Kung hindi lang kasi nagmatigas kanina ang matapang na pamangkin at pumirma na lang di sana ay wala na syang problema at ngayon at nakaalis na sa lugar na ito.
“Eh paano yan boss? Tutuluyan na lang ba natin sya. Tapos ng maghukay sila Jomari sa likod.”
Marahas na bumuntong hininga si Elijah at tiningnan ang pamangkin na nakaupo sa bangko at nakagapos. Nakalaylay na ang ulo nito, duguan at parang wala ng buhay. Mukhang wala na syang choice.
“Boss! Boss!”
Lumingon si Elijah sa tauhan na humahangos na umakyat sa ikaapat na palapag.
“Ano yun?”
“Boss, may mga parak sa labas! Pinapalibutan na nila tayo!”
“What? Bakit ngayon nyo lang nalaman! Mga tutulog tulog kasi kayo!” Galit na sigaw ni Elijah at binunot ang baril sa tagiliran.
Ilang sandali pa ay umalingawngaw na ang mga putok ng baril sa kanina’y tahimik na kapaligiran.
Chapter 41
Third POV
“MGA ser saan po kayo pupunta?” Hinarangan ng dalawang pulis ang magkakaibigan na susugod sa nagpuputukan.
“Sasagipin namin ang kaibigan namin mga ser.” Nakangising sabi ni Kester na hinugot na ang baril sa tagiliran.
“Naku ser! Bawal po kayong sumunod. Delikado! Dito na lang po kayo.”
“Huwag kayong mag alala mga ser. May kasama kaming retiradong pulis at retiradong sundalo.” Nakangising sabi mi Luigi at nagparte na sila sa dalawang grupo. Grupo ni Jeiz at ni Lorenzo.
Sa grupo ni Jeiz ay sina Atlas, Kester, Lex at Seb. Sa grupo naman ni Lorenzo ay si Dan, Pierre, Austin at Luigi. Pinagparte din nila ang mga tauhan na kasama. Naghiwalay sila ng direksyon. Wala ng nagawa ang dalawang pulis kundi sundan ang mga ito ng tingin. Hindi nila ito kayang pigilan dahil bukod sa marami ay malalaking tao pa. Hindi rin sila pwedeng sumunod dahil yun ang mahigipit na utos ng kanilang chief. Isa pa ay binilin rin sa kanila ang dating kasintahan ng chief. Baka bigla itong mawala mayayari sila kay chief.
Nagpalitan ng putok ng baril ang dalawang grupo. Ang grupo ni Elijah at ng mga kapulisan na napasok na ang abandonadong gusali. Hindi rin nagpahuli ang pangatlong grupo ng magkakaibigan. Nagulat pa ang mga pulis ng makita sila.
“Anak ng! Bakit kayo sumunod?” Galit na sikmat ni Inspector Cedric ng makita ang magkakaibigan na sumunod.
“Hindi na kami makatiis inspector. Pasensya na, gusto lang naming iligtas ang kaibigan namin.” Nakangising sabi ni Lorenzo at nakipagpalitan pa ng putok sa mga tauhan ni Elijah.
“Tsk! Mali talaga na pumayag ako na sumama kayo. Dating pulis ka pa naman pero di ka marunong sumunod sa protocol. I’m so disappointed.” Asik ng inspector.
“Buhay na ng kaibigan namin ang nakatayo dito kaya wala na akong pakialam sa protocol inspector. Isa pa wala na ako sa serbisyo at dalawang taong retirado na.”
“Inspector sa likod mo!” Sigaw ni Pierre at binaril ang tauhan ni Elijah na muntik ng bumaril sa inspector.
“Tss! Mamaya na kasi ang daldalan.” Ani Luigi at pumasok na sa loob ng abandonadong gusali. Sumunod sa kanya ang iba pa nyang kaibigan.
Wala ng nagawa ang inspector kundi napamura na lang at sumunod sa magkakaibigan.
Nakakabinging palitan pa ng putok ang umalingawngaw sa loob ng abandonadong gusali. May tama na ang ilang tauhan ni Elijah at meron na ring ilang nabawian ng buhay.
“Putangina!” Malutang na mura ni Elijah habang nakikipagpalitan sya ng putok sa mga pulis. Natamaan nya ang isa sa binti. Agad din syang kumubli.
“Boss sibat na tayo!” Anang kanang kamay nya.
Sinenyasan nya ito na mauna. Tumakbo ito sa hagdan ng fire exit at agad naman syang sumunod. Nakasunod din sa kanya ang dalawa pang tauhan para i-cover up sya. Pero sa kasamaang palad ay tinamaan ang isa sa dibdib. Tumimbuwang ito at nangisay bago nawalan ng buhay. Nag angat ng tingin si Elijah sa bumaril. Nakita nya ang pamangkin na si Danon na nakatutok sa kanya ang baril. Sa likod nito ang isa pang lalaki na hindi nya kilala.
“Sumuko ka na uncle!”
Tumiim bagang si Elijah at tinaas ang baril at pinaputukan ang pamangkin na mabilis namang kumubli. Nagpaputok na rin ang dalawa nyang tauhan. Kinuha naman nyang pagkakataon yun at bumaba sa fire exit.
samatala sa ikaapat na palapag..
“Positive! Nandito ang bihag!” Sigaw ng pulis ng makita si Matias na nakaupo sa bangko, nakagapos at laylay ang ulo.
Sa narinig ay agad na tumakbo si Luigi at Atlas paakyat sa ikaapat na palapag. Sumunod ang iba pa nilang kaibigan at ilan pang mga pulis.
“Shit! He looks bad!” Bulalas ni Luigi na tumutulong na sa pagkalas ng lubid na mahigpit na nakagapos sa mga kamay ni ng kaibigan. Ng matanggal na nila ito sa gapos ay agad nila itong pinulsuhan.
Umawang naman ang labi ng magkakaibigan habang nakatingin sila sa kalunos lunos na hitsura ng kaibigan na parang wala ng buhay. Puro ito pasa sa mukha. Putok ang ilong at labi pati pisngi. Halatang binugbog ito. Duguan din ang suot nitong puting polo at nanlalagkit ang buhok dahil sa natuyong dugo. Bumalik sa kanilang alaala ang nangyari sa isa pa nilang kaibigan na si Lorenzo na ilang araw naman ang tinagal bago nila nasagip ng bihagin ito ng mga rebelde.
“Kamusta sargeant?” Tanong ni Jeiz sa pulis na pumupulso kay Matias.
“May pulso pero mahina na.”
“Fuck! Kailangan ng tumawag ng ambulance!” Sigaw ni Atlas.
“Tumawag na kami kanina pa. On the way na ang ambulansya.” Anang pulis.
Nilapitan ni Kester ang kaibigan. Inalalayan ang ulong nakalaylay. “Pare, kung naririnig mo kami kapit lang. Paparating na ang ambulansya.”
Sunod sunod na putok ng baril ang kanilang narinig sa ibaba ng gusali kasunod ang ilang sigawan. Nagtinginan ang magkakaibigan at mga pulis.
“Sila Lorenzo at Dan at mga kaibigan nya?” Tanong ni Atlas.
“Nasa baba pa sila. Nakita ko kanina hinabol ni Dan ang uncle nya.” Sabi ni Kester.
“Shit! Baka napuruhan sila.”
Nagsenyasan ang mga pulis at bumaba. Naiwan lang ang tatlong pulis.
“Mga ser huwag na ho kayong sumunod. Para hindi na madagdagan ang mga casualties.” Pakiusap ng mga pulis sa magkakaibigan.
Wala ng nagawa ang magkakaibigan kundi ang sumunod na lang. Ang importante ay nailigtas na nila si Matias. Yun nga lang ay hindi maganda ang lagay nito.
Wala pang ilang minuto ay umakyat na rin sa ikaapat na palapag sina Pierre, Austin, Seb at Lex. Pero wala si Dan at Lorenzo.
“Nasaan si Dan at Lorenzo?” Tanong ni Luigi.
“Nasa baba sila. They are ok, kasama nila si inspector. Patay na ang uncle nila. Nabaril ni inspector at ni Dan. Pero si Dan may tama sa braso.” Ani Lex.
Nakahinga naman ng maluwag ang magkakaibigan. Nakarinig na rin sila ng sirena ng ambulansya.
Lima sa mga tauhan ni Elijah ang patay kabilang na sya. Ang natirang mga tauhan naman ay mga sugatan. Isa isa na silang pinosasan at sinakay sa ambulansya para dalhin sa hospital para gamutin bago dalhin sa piitin. Si Matias naman ay naibaba na sa abandonadong gusali at bahagya syang nagkaroon ng malay at umuungol.
“Ava.. Ava..”
Nagtinginan ang magkakaibigan.
“Mukhang nagdedeliryo sya.” Saad ni Lorenzo.
“Pare, kapit lang. Nandito na kami. Ligtas ka na.” Kausap ni Atlas sa kaibigan na nagdedeliryo.
“Pare, kailangan mong lumaban. Huwag kang mamamatay. Hinihintay ka ni Ava. Sige ka, maghahanap sya ng ibang habibi kapag namatay ka.” Ani Kester at tumingin sa kanya ang mga kaibigan.
“Kapag namatay ka ako mismo hahanap ng bagong habibi ni Ava. Magpapakasal sila at magkakaroon ng isang dosenang anak.” Segunda pa ni Luigi.
Tumigil sa pag ungol si Matias at bumuka ang mga mata. Tiningnan nya ng masama ang dalawang kaibigan. “Fuck you both..”
Ngumisi ang magkakaibigan.
“O biglang lumakas si Pareng Matias, mukhang natakot makahanap ng iba ang jowa nya.” Wika ni Pierre at nagtawanan sila.
Sinakay na sa ambulansya si Matias kasama si Danon na may tama rin sa braso. Agad ng umalis ang ambulansya para magamot ang magpinsan. Ang magkakaibigan naman ay sumunod na rin. Naiwan naman ang ilang pulis at ang inspector para harapin ang mga media.
.
.
Ava POV
HALOS tumalon ako sa sasakyan ng huminto ito sa harap ng hospital. Hindi ko na hinintay si mommy makababa at agad na akong pumasok.
“Anak, sandali lang!”
Nakita ko sa harap ng emergency room sila Kuya Atlas at ang iba pa na hindi ko kilala. Lumapit ako sa kanila.
“Kuya!”
Lumingon sa akin sila Kuya Atlas.
“Ava.”
Tumingin ako sa kanilang lahat. Mukhang ok naman silang lahat pati na rin si Kuya Atlas.
“Si Matias, kuya? Nasaan sya? Nasa loob ng emergency room?” Nilingon ko ang emergency room.
“Oo, nasa loob pa sya ng emergency room.”
Bumaling ako kay Kuya Atlas. “Kamusta sya? Di naman malala ang lagay nya di ba?”
Hindi agad sya nakasagot at tumingin kanila Kuya Luigi at sa ibang mga lalaking naroon na hindi ko kilala. Nagtinginan lang sila at walang nagsalita. Kumabog lalo ang dibdib ko sa kaba.
“Kuya.. ano?” Hinawakan ko ang braso ni Kuya Atlas at niyugyog.
Bumuntong hininga sya. “Sa ngayon wala syang malay. Maraming dugo ang nawala sa kanya at kailangan nyang masalinan agad agad. May fracture din sya ribs. Yun lang ang alam namin sa ngayon.”
Umawang ang labi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Tila bigla akong nanghina. Kinabig ako ni Kuya Atlas at niyakap.
“Shh.. he will be ok..”
Tumingala ako kay Kuya Atlas at suminghot. “Paano kung hindi? A-Ayokong mawala sya k-kuya..” Umiiyak na sabi ko sabay padyak. Gusto ko na ngang maglumpasay sa tiles na sahig kung hindi lang nakakahiya.
“He will be ok Ava. Maniwala ka.” Ani Kuya Jeiz.
“Sinabi namin kanina na kapag namatay sya ihahanap ka namin ng bagong habibi. Natakot sya at minura kami ni Luigi. Kaya magiging ayos lang sya tiwala ka lang.” Wika ni Kuya Kester at marahang tinapik ang ulo ko.
Hinaplos haplos naman ni mommy ang likod ko.
“Where’s Maalik? Nasaan na ang anak ko?”
Sabay sabay kaming lumingon sa malaking boses na nagsalita. Si Tito Amir kasunod nya si Tita Tessie. Bakas sa kanilang mukha ang pag aalala.
“Tito.” Bati ni Kuya Atlas at nagmano kay Tito Amir. Ganun din sila Kuya Luigi.
“Nasa loob pa ho sya ng emergency room tito, kasama si Danon. Nililinisan pa ang mga sugat nila. Pero si Matias kailangan na hong salinan ng dugo.” Sambit ni Kuya Lorenzo.
Tumango tango si Tito Amir. “Handa na ako. I’m healthy naman kaya walang problema. Nakapag pahinga na rin ako kanina sa hotel. Oh god! Bakit ba nangyari ito sa anak ko? Damn Elijah! Sana ay napatay sya ng pulis kundi baka ako pa ang pumatay sa kanya!” Galit na sambit ni Tito Amir.
“Don’t worry tito, he’s dead.” Hayag ni Kuya Jeiz.
“Mabuti naman! Para hindi na nya guluhin pa ang anak ko.”
Pati ako kahit papaano ay nakahinga ng maluwag ng malamang patay na ang uncle ni Matias na nagpahirap sa kanya. Masama na maging masaya sa pagpanaw ng isang tao. Pero masama naman sya kaya deserved nya kung ang nangyari sa kanya dahil sarili rin nyang kagagawan iyon.
Bumaling sa akin si Tito Amir at malungkot syang ngumiti. Yumakap ako sa kanya. Hinaplos haplos naman nya ang likod ko.
“Stay strong iha. Maalik will survive dahil nandito ka.”
“O-Opo tito.”
Ilang sandali kamang magkayakap ni Tito Amir. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa yakap nya. Pakiramdam ko kasi yakap ko na rin si Matias.
Ilang minuto kaming naghintay sa labas ng emergency room. Mayamaya pa ay lumabas ang isang gwapong lalaki na may benda sa braso. Lumapit sya sa kay Tito Amir at yumakap. Sya pala ang pinsan ni Matias.
“So you are my cousin’s beloved girlfriend. Finally nameet na rin kita. I’m Danon.” Pagpapakilala sa akin ng pinsan ni Matias sabay lahad ng kaliwang kamay. Tinanggap ko naman yun.
“I’m Ava, nice to meet you po.” Magalang kong sabi.
Ngumisi sya. “Huwag mo na akong po-in. Nakakalungkot na sa ganitong sitwasyon pa tayo nagkakilala.”
Nahihiyang ngumiti ako.
“She’s my sister pare.” Singit ni Kuya Atlas.
Umawang ang labi ni Danon at lalong lumapad ang ngisi. “Owh I see.. Anyway ilalabas na si Matias para masalinan na ng dugo.”
Muling bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba sa sinabi ni Danon. Sabik na rin akong makita si Matias. Sabik na akong mahawakan sya.
Bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas ang stretcher bed na kinahihigaan ni Matias. Natuptop ko ang bibig ng makita ang hitsura nya. Nakapikit sya at walang malay. May oxygen na nakakabit sa ilong nya at may dextrose din sya. May benda sya sa ulo. Puro pasa ang kanyang mukha. Putok ang labi at namamaga ang isang mata. Halatang hindi maganda ang lagay nya.
Umiling iling ako kasabay ng pagbalong ng luha ko. Humakbang ako papalapit sa stretcher bed pero bigla akong nahilo. Umiikot ang paligid ko.
“Mat..” Mahinang sambit ko kasunod ang pagdilim ng paningin ko.
“Ava!”
Chapter 42
Ava POV
DINILAT ko ang mata at nabungaran ko ang seryosong mukha ni mommy at ni Kuya Atlas. Nagpalinga linga ako. Napapalibutan ako ng kulay green na kurtina. Naaamoy ko ang alcohol at gamot. May naririnig din akong mga ingay. Napasinghap ako ng mapagtantong nandito ako sa loob ng hospital dahil kay Matias.
Bumalikwas ako ng bangon pero napapikit ako ng makaramdam ng hilo. Inalalayan naman ako ni mommy at ni Kuya Atlas.
“Huwag ka kasing bigla bigla babangon anak.” Ani mommy sa nag aalalang boses.
“Mahiga ka nga muna.” Inalalayan ako ni Kuya Atlas na mahiga.
Dahan dahan akong dumilat. Nawawala na ang hilo ko.
“Si Matias mommy?” Tanong ko kay mommy at tumingin ako kay Kuya Atlas.
“Tapos na syang salinan ngayon ng dugo at natahi na rin ang sugat nya sa ulo. Nasa recovery room na sya.” Sagot ni Kuya Atlas.
“Gising na sya?”
“Hindi pa.”
Marahan akong tumango. “Gusto ko syang makita.”
“Mamaya na anak, magpahinga ka muna.” Ani mommy.
“Pero mommy..”
“Huwag ng matigas ang ulo mo Ava. Nawalan ka ng malay kanina. Nakatulog ka ng limang oras dahil wala kang tulog at pahinga ng isang araw.”
Namilog ang mata ko. “Ganun ako katagal na nawalan ng malay?”
“Pinag alala mo kami ng kuya mo anak.”
“Sorry po mommy.”
“Ang sabi ng doctor kailangan mo ng sapat na pahinga. Kailangan mo ring pumunta sa obgyne mo at magpacheck up.”
Kumunot ang noo ko. “Obgyne? Bakit po mommy? M-May sakit ako?”
Nagtingin sila ni Kuya Atlas at kumunot ang noo.
“Hindi mo alam anak?” Tanong ni mommy.
Sumipa naman ang kaba sa dibdib ko. “A-Ang alin po mommy? M-May malubha akong sakit?”
“Mukhang di na nga nya alam mommy.” Ani Kuya Atlas at hinilot ang noo.
Tumingin ako kay mommy na seryoso na ang mukha.
“Buntis ka anak.”
“Po?” Umawang ang labi ko sa sinabi ni mommy. Tila ako nabingi at namali lang ako ng dinig. “What mommy?”
“Ang sabi ko buntis ka. Yun ang nakita sa blood test mo kanina. You’re pregnant anak.” Tinuptop ni mommy ang bibig at nanubig ang mata nya. Di ko alam kung naiiyak ba sya sa tuwa o naiiyak sa lungkot.
Ako naman ay hindi makapaniwala. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang nanlaki ang tenga ko. Buntis ako sa anak namin ni Matias. Nabuo ang mga kababalaghang ginawa namin. Kaya pala hindi ako nagkaroon last month at hanggang ngayon di pa ako nagkakaroon. Pero bakit ang bilis naman?
Pero nasagot din ang katanungan ko ng maalalang wala pala kaming proteksyon na ginagamit ni Matias sa tuwing magchuchukchakan kami. Lagi pa naman syang putok sa loob.
Narinig ko ang mahinang mura ni Kuya Atlas.
“Sa oras na gumaling yang Matias na yan makakatikim sya sa akin.”
“Atlas anak, maghunusdili ka.”
“Paano akong maghuhunusdili mommy? Wala pa silang isang taon ni Matias tapos binuntis na sya.” Himutok ni kuya.
“Eh bakit ikaw, wala pa rin naman kayong isang taon si Jolene nung binuntis mo sya ah.”
Natigilan si Kuya Atlas at bumaling sa akin. “She’s only twenty two mommy.”
“And Jolene was nineteen nung binuntis mo sya.”
Marahas na bumuntong hininga si Kuya Atlas at kumamot sa ulo. “Mommy naman, lagi mo na lang akong binaback to you. Si Ava ang pinag uusapan dito. Parang ang bilis nyang nabuntis.”
Ngumuso ako at nagbaba ng tingin. Parang kasalanan ko. Well, may kasalanan naman talaga ako dahil maharot ako.
“Ganun talaga anak, mahal nila ang isa’t isa. Saka masaya nga yun magkakaapo ulit ako at magkakapamangkin ka naman.” Ngiting ngiti ng sabi ni mommy.
“Basta humanda pa rin yang si Matias sa akin sa oras na gumaling sya.” Bumaling sa akin si Kuya Atlas. “At ikaw, magpahinga ka. Huwag matigas ang ulo mo. Isipin mo yang baby sa tiyan mo. Bukas na bukas din magpatingin ka sa obgyne. Doon ka na lang sa doctor ni Jolene dahil magaling yun.”
Nanghaba lalo ang nguso ko sa sinabi ni Kuya Atlas.
“Sumagot ka. Huwag mo kong habaan ng nguso at nanggigil ako sa inyo ni Matias.”
“Oo kuya.” Sagot ko at wala sa sariling humawak ako sa impis na tiyan at hinimas ito. Hindi ko pa mararamdam ngayon ang baby ko pero mabilis lang dumaan ang mga araw. Unti unti syang lalaki at unti unti kong mararamdaman. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nabigla ako. Ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay kaba at takot dahil alam kong hindi biro ang magbuntis.
Umupo sa tabi ko si mommy at hinimas himas ang braso ko. “I’m so happy for you anak. Happy din ang kuya mo worried lang sya sayo.”
Lumingon ako kay mommy at ngumiti ng pangiwi. “Natatakot mommy..”
“Normal lang yan sa umpisa anak. Nandito naman ako para alalayan ka. Sasamahan kitang magpacheck up. Sa ngayon kailangan mo ng umuwi at magpahinga.”
Naalarma ako sa sinabi ni mommy. “P-Pero ayokong iwan si Matias mommy. Dito lang ako.”
Matalim akong tiningnan ni Kuya Atlas. “Magpapahinga ka sa bahay. Pwede ka namang bumalik at dumalaw kapag nakapagpahinga ka na.”
“Pero nakatulog na ako ng ilang oras.” Protesta ko pa.
“Ava.” Mariing sambit ni Kuya Atlas sa pangalan ko.
Sumimangot ako sabay hikbi at tumingin kay mommy. “Mommy si kuya..”
“Tahan na anak, huwag ka ng umiyak mai-stress ka lalo. Sige na, pwedeng dito ka muna para mabantayan si Matias.” Pag aalo sa akin ni mommy.
“Mommy.” Protesta naman ni Kuya Atlas.
“Hayaan mo na Atlas. Kesa naman magiiyak itong kapatid mo dahil hindi natin napagbigyan. Alalahanin mo buntis sya. Bawal sa buntis ang ma-stress.”
Kumamot na lang sa ulo si Kuya Atlas. “Bahala na nga kayong dalawa. Uuwi muna ako dahil pinapauwi na ako ni Jolene. Papupuntahin ko dito si Eda at ang driver para may mautusan kayo kapag may bibilhin sa labas.”
“Sige anak, salamat.”
“Kuya, pakisabi kay Ate Eda padalhan ako ng damit.” Singit ko.
Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Atlas. “Oo, ipapadala ko mga damit mo dito at dito ka na tumira.”
“Mommy o, si kuya..” Sumbong ko kay mommy.
“Atlas anak, ano ka ba.”
“Tss, oo na. Sige na mauuna na ako.” Lumapit si kuya kay mommy at humalik sa pisngi, ako naman kurot sa pisngi ang binigay nya.
Hinahaplos ko ang kamay ni Matias habang hindi ko inaalis ang tingin sa kanyang mukha na puro pasa. Natuyo na rin ang sugat nya sa labi. Wala pa rin syang malay. Tapos na syang salinan ng dugo at may nakakabit pa rin sa kanyang dextrose. Ang sabi ng doctor kanina ay stable na ang lagay nya. May namuong kaunting dugo sa ulo nya pero hindi na daw kailangang operahan at gamot na lang. May nakakabit sa tagilirin nyang rib sternum belt. Brace daw yun para sa fracture nya sa ribs.
Tinaas ko ang kamay nya at dinala sa aking pisngi. Bumuntong hininga ako. Gusto ko na syang magising para sabihin sa kanyang buntis ako. Ano kaya ang magiging reaksyon nya?
Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si Tita Tessie at ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at tumayo. Dahan dahan kong binitawan ang kamay ni Matias at humalik ako sa pisngi ni Tita Tessie.
“Mabuti naman at maayos na ang lagay mo. Nag alala ako sayo kanina. Akala ko kung napano ka na. Pero nakausap ko ang mommy mo sa labas. Buntis ka raw.”
Kumagat labi ako at nahihiyang yumuko. Pero nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.
“I’m so happy na magkakaanak na si Mat at sayo pa. Akala ko noon tatanda na syang mag isa dahil sya na lang ang walang asawa sa kanilang magkakaibigan.” Kumalas sya ng yakap sa akin at hinawakan ang mukha ko. “Sigurado akong magiging masaya si Mat kapag nalaman nyang buntis ka.”
“Sa tingin nyo po?”
“Oo naman. Mahal na mahal ka ng pamangkin ko. Tinanggihan nya ang babaeng nirereto sa kanya ng kanyang ama dahil ikaw ang gusto nya.”
Di ko napigilang maluha sa sinabi ni Tita Tessie. Alam ko naman na mahal na mahal ako ni Matias. Ramdam ko yun sa tuwing magkasama kami o kahit magkausap lang sa cellphone. Kaya gustong gusto ko na syang magising dahil marami akong kwento sa kanya.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok si mommy at Tito Amir. Nagkakilala na sila at close na. Balae na nga ang tawag ni Tito Amir kay mommy.
“Talaga? You’re pregnant? Ibig sabihin magkakaapo na ako?” Sunod sunod na tanong ni Tito Amir na namimilog ang mata.
Ngumiti ako at tumango. “Yun daw po yung nakita sa blood test ko. Pero bukas po magpapacheck up ako sa ob.”
“Oh my god. So I’m going to be a grandfather? Wuhoo!” Lumapit si Tito Amir kay Matias. “Narinig mo yun anak? Magiging lolo na ako, magiging daddy ka na. Kaya magpagaling ka.” Excited na sabi ni Tito Amir.
Natawa na lang kami ni mommy at ni Tita Tessie.
Umabot ang tanghali ay hindi pa rin nagigising si Matias. Ang sabi ng doctor na muling tumingin sa kanya ng magtanong si Tito Amir ay dahil daw sa gamot na tinurok. Maghintay lang daw kami at magigising ito. Matiyaga lang akong naghintay sa couch at nahihiga na lang doon kapag nakaramdam ng antok. Ngayon ko na naiintindihan kung bakit naging antukin ako lately yun pala ay buntis ako.
Muling dumalaw ang mga kaibigan ni Matias. Sila Kuya Luigi, Kuya Lorenzo, Kuya Jeiz at Kuya Kester. Si Kuya Atlas ay mamaya pa daw makakabalik dahil may sumpong si Baby Alina na ayaw humiwalay sa kanya. Naging maingay sa loob ng room ni Matias pero sinaway sila ni mommy at Tita Tessie dahil bawal ang maingay sa loob.
Kinahapunan na dumating si Kuya Atlas kasama si Jolene. Hindi na nila nakasama ang dalawang anak dahil bawal sa hospital. May dala silang pagkain para sa akin at mga prutas. Natakam ako ng makakita ng hilaw na mangga. Dinala daw talaga ni Jolene yun para sa akin. Alam na nya na buntis ako at excited sya para sa akin.
Si mommy naman ay umuwi muna para magpahinga. Si Ate Eda ang kasama ko dito sa hospital. Dinalhan nya ako kanina ng kumot at unan. Hindi talaga ako uuwi hangga’t di nagigising si Matias.
Nakayukyok ako sa gilid ng hospital bed ni Matias habang hawak ko ang kanyang kamay. Bahagya na akong nakaidlip ng maramdamang gumalaw ang kamay na hawak ko. Nagtaas ako ng ulo at tiningnan ang kamay. Napasinghap ako ng gumalaw ang daliri. Namimilog ang mata na tumingin ako sa mukha ni Matias. Gumagalaw din ang talukap ng mata nya.
Omg! Nagigising na sya!
Tumayo ako at lumapit sa kanya. “M-Matias.. Mat..” Tawag ko sa pangalan nya at pinisil ang kanyang kamay. Mabilis na mabilis din ang tibok ng aking puso.
Dahan dahan syang dumilat. Gumalaw ang kanyang mata hanggang sa tumuon yun sa akin. Ilang sandali syang nakatitig lang sa akin. Napasibi naman ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.
“Ava..”
Tuluyan na akong napaiyak ng sambitin nya ang pangalan ko.
Chapter 43
Ava POV
MATAMAN lang akong nakatingin kay Matias habang sinusuri sya ng doctor at kinakausap. Matino naman syang nakakasagot. Nasa likuran ko si Tita Tessie at pinipisil ang balikat ko na parang kinakalma ako. Kalmado naman ako mabilis lang ang tibok ng puso ko dahil sa excitement na makita kong gising na si Matias.
Matapos suriin si Matias ay hinarap kami ng doctor. “The patient is ok. Medyo mataas lang ang blood pressure nya at yun ang kailangan bantayan. But don’t worry lagi naman yung itsi-tsek ng nurse. Magiging antukin pa sya sa susunod na mga oras dahil sa gamot pero hayaan nyo lang syang makatulog.”
Ngumiti kami ni Tita Tessie sa butihing doctor at nagpasamalat. Nagexcuse naman ang doctor at lumabas na ng kwarto kasunod ang nurse.
Lumapit na ako kay Matias. “Mat..”
Tumaas ang kamay nyang walang swero at hinawakan ang pisngi ko at marahang hinaplos. Hinawakan ko naman ang kamay nya at di ko napigilan ang pagtulo ng aking luha.
“Why are you crying?” Tanong nya sa paos na boses.
“P-Paano akong di iiyak sobra akong nag alala sayo.” Humihikbing sabi ko.
“I’m sorry babe..”
Pinahid ko ang luha sa pisngi at ngumiti. “But I’m happy now dahil gising ka na at bumubuti na ang lagay mo. Magpapagaling ka ha..”
Ngumiti sya. “I will.. I love you..”
“I love you too..” Hinalikan ko ang palad nya.
Lumapit si Tita Tessie. “Kamusta ka na iho?”
“I’m ok tita.. medyo makirot lang ang tagiliran ko at medyo nahihilo rin.”
“Sa gamot daw yan na tinurok sayo. Magpalakas ka para mabilis kang gumaling.”
“Yes tita.”
“Ang daddy mo ang nagsalin sayo ng dugo. Umuwi lang sya sa hotel nya para magpahinga at babalik rin.” Tumingin sa akin si Tita Tessie. “Anyway, maiwan ko muna kayo para makapag solo kayo at makapag usap.”
“Thanks tita.”
Lumabas na ng kwarto si Tita Tessie at naiwan na kami ni Matias.
Hinila ko ang upuan malapit sa kanya at umupo. Tinaas ko ang isang kamay at marahang hinaplos ang kanyang mukha.
“Puro pasa ka pero gwapo ka pa rin.” Sambit ko.
Ngumiti sya at pumikit at muli ring dumilat.
“I had a dream..” Anas nya at tumitig sa akin.
“Ano yun?”
“Buntis ka raw.. I wish it’s true..”
Umawang ang labi ko sa sinabi nya. Mukhang hindi nya yun panaginip. Mukhang narinig nya ang usapan namin habang nasa ilalim pa sya ng gamot.
Lumunok ako at kinakabahang ngumiti. Excited din ako na sabihin sa kanya. “Mat.. may sasabihin ako sayo.”
“Spill it babe..”
“I-I’m pregnant.. hindi ka nananaginip. Totoong buntis ako.” Nakangiwing sabi ko.
Bahagyang umawang ang labi nya habang nakatitig lang sya sa akin. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ng halos isang minuto.
“You’re pregnant?”
Marahan akong tumango.
“You’re not kidding me?”
Marahan akong umiling.
Muling umawang ang labi nya. “You’re pregnant? Buntis ka? Magkakababy na tayo? Magiging daddy na ako?” Sunod sunod na nyang tanong.
“Yes.. magiging daddy ka na.” Sabi ko sa mas malakas na boses para malinaw nyang marinig.
“Kelan ka pa buntis?.. I mean kelan mo nalaman?”
“Kaninang umaga lang. Kagabi kasi nawalan ako ng malay. Nag alala si mommy at si kuya kaya pinatest ako. Yun nga.. nakita sa test buntis ako. Bukas magpapacheck up ako sa ob.”
“Oh fuck..” Mahinang mura nya at gumalaw sya. Akmang babangon pero pinigilan ko sya.
“Teka, bawal ka pang bumangon. Saan ka ba pupunta?”
“Sasamahan ka magpacheck up. Ngayon na tayo magpapacheck up sa ob. I want to know kung ok lang si baby natin, kung lalaki o babae sya.”
“Pero hindi ka pa nga pwedeng bumangon at hindi ka rin pwedeng lumabas ng hospital. Saka gabi na. Sarado na ang ob.”
Malalim syang bumuntong hininga at pumikit. Panay ang mura nya ng mahina.
Alam kong excited sya. Nararamdaman ko yun. Masaya sana kung kasama ko syang magpacheck up pero saka na lang kapag magaling na sya.
Dumilat sya at tumingin sa akin. Gumuhit ang pagalala sa kanyang mukha. “Hindi ako magsosorry na nabuntis kita Ava dahil ginusto kong mabuntis ka para wala ka ng kawala sa akin.”
Napasinghap ako sa sinabi nya. So parang pinlano pala nya na mabuntis ako.
“So you mean, plano mo na talagang buntisin ako.”
Ngumisi sya. “Kinda.. kaya hindi ako gumamit ng proteksyon sa unang beses pa lang.”
Lalong nanghaba ang nguso ko. Pero tinawanan lang nya ako. Ang saya saya nya, samantalang ako mix emotion.
Hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa labi at hinalik halikan. “Take care of yourself ok. Huwag kang magpapalipas ng gutom para mabilis lumaki si baby. Huwag ka ring magpupuyat. Teka, anong oras na ba?” Tiningnan nya ang oras sa nakasabit na wall clock sa kwarto. “It’s quarter to eleven na pero di ka pa natutulog. Matulog ka na. Teka, kumain ka na ba?” Kunot noong tanong nya.
Ngumiti ako at tumango. Bumalik na ang habibi ko. “Oo, kumain na ako. Pero mamaya na ako matutulog. Hindi pa ako inaantok eh.”
Matiim nya akong tiningnan. “No, matulog ka na. Mag aalas onse na saka may check up ka pa bukas di ba.”
Ngumuso ako. Ayokong bitiwan ang kamay nya at gusto ko dito lang ako sa tabi nya.
“Pwede bang.. dyan na lang ako sa tabi mo matulog.”
Ngumiti sya. “Sure.”
Ngumiti na ako at kinuha ko ang unan sa couch at kumot. Bumalik ako sa tabi ni Matias at sumampa na sa hospital bed. Bahagya naman syang umusod para bigyan ako ng espasyo. Sana di kami sitahin ng nurse.
Humiga na ako sa tabi nya at yumakap sa kanyang bewang. Hinalikan naman nya ang noo ko.
“Goodnight babe..”
“Goodnight habibi..” Inabot ko sya ng halik sa pisngi at sumiksik na ako sa tabi nya at pumikit.
Kinabukasan ay dumating si mommy. Sasamahan nya akong magpacheck up sa ob ni Jolene. Iniwan naming tulog pa si Matias dahil kaiinom lang ng gamot. Ang nagbantay sa kanya ay si Tito Amir, Tita Tessie at Ate Eda. Mamaya daw ay pupunta sila Kuya Atlas dahil nalaman nilang nagising na si Matias.
“Normal lang na makaranas ka ng morning sickness, pagkahilo at madaling mapagod. Ganun din sa paninigas at pananakit ng suso. Pagiging maselan ng pang amoy at mapili sa pagkain. Wala kang dapat na ikabahala mommy.” Mabait na sabi ni ng doctora.
Tumango naman ako at tinandaan ang mga sinabi ng doctora. Kumpirmado ngang buntis ako at lahat ng mga sintomas na sinabi nya ay naramdaman ko. May mga sinabi pa ang doctora ng mga dapat kong gawin at iwasan. Pero ang mahigpit nyang paalala ay iwasan kong ma-stress. Niresetahan din nya ako ng gamot.
Ngayon unti unti ng nagsi-sink in sa utak ko na buntis ako. Kahapon kasi ay parang wala pa akong kasiguraduhan di gaya ngayon na mismong doctor na ng mga buntis ang nakausap ko. Unti unti ay nae-excite ako na magkakababy na ako. Pero nandun pa rin sa isip at puso ko ang pangamba at takot. Maraming what if’s ang pumapasok sa isip ko. Aba syempre, hindi biro ang pagbubuntis. Natatakot ako na baka di ko makayanan. Pero lalakasan ko ang loob ko para sa baby namin ni Matias.
Paglabas namin sa clinic ay nakaramdam ako ng gutom. Pumunta kami ni mommy sa isang fast food dahil doon ko gustong kumain. Bigla kasi akong nagcrave sa spaghetti at mango pie.
Tumunog ang cellphone ko. Namilog ang mata ko ng makitang si Matias ang tumatawag. Binitiwan ko ang hita ng manok at dinampot ang cellphone at sinagot.
“Hello Mat..” Tumingin ako kay mommy na nakatingin din sa akin.
“Tapos na kayong magpacheck up ni tita?”
“Oo, nandito kami sa fast food at kumakain then babalik na kami dyan sa hospital.”
“Ok, I’ll wait for you.”
Kumunot ang noo ko ng makarinig ng mga boses. Mukhang nandun na ang mga kaibigan nya. “Kagigising mo lang?”
“Yeah, ang iingay nga nila.”
“Palayasin mo sila, iniistorbo nila ang pahinga mo.”
Tumawa lang sya sa kabilang linya.
“Gusto mo bang ipag-take out kita?” Alok ko.
“Hindi na babe. Umalis si Tita Tessie para kumuha ng pagkain sa resto. Hihintayin na lang kita dito.”
“Ok, malapit na kaming matapos kumain ni mommy. Pabalik na kami dyan.”
“I love you.”
Ngumiti ako. “I love you too.
Binaba ko na ang cellphone at tinapos na ang pagkain na may ngiti sa labi. Pati si mommy ay nangingiti din.
Pagdating namin sa hospital ay naroon pa rin ang magkakaibigan pati na rin ang pinsan ni Matias. Maingay sila at kakaiba ang ngiti sa akin. Halos kasabayan pa naming dumati si Kuya Atlas na wala namang kangiti ngiti na hinarap si Matias. Kinabahan naman ako kaya lumapit ako sa nobyo. Baka kung ano pa ang gawin sa kanya ni kuya eh.
“Bilisan mong gumaling dahil magtutuos pa tayo.”
Ngumisi si Matias. “Gusto mo kahit ngayon na eh.”
Umugong ang kantyawan mula sa mga kaibigan nila.
“Bakit, kaya mo na bang sumuntok?” Nakangising hamon pa ni Kuya Atlas.
“Kuya, tumigil ka na nga. Di pa nga magaling si Matias naghahamon ka na dyan.” Saway ko sa kapatid. Sya susuntukin ko eh.
Hinawakan ako ni Matias sa kamay at pinisil. “It’s ok Ava..”
Sinamaan ko na lang ng tingin ang kapatid. Matiim naman syang nakatingin sa akin. Nagsusukatan kami ng tingin. Alam ko namang concern lang sya sa akin. Naaappreciate ko naman yun. Basta huwag lang nyang sasaktan ang daddy ng baby ko.
“Huwag mong sasaktan si Matias, kuya. Kundi.. magpapalit na ako ng kuya.” Nakasimangot na sabi ko.
“At kanino mo naman ako ipagpapalit aber?”
Tumingin ako sa mga kaibigan nya na mga nakangisi. “Eh di kay Kuya Luigi.”
“Anong ako? Ayaw kitang maging kapatid.” Protesta ni Kuya Luigi.
Sumimangot ako at tumingin kay Kuya Kester. “Eh di kay Kuya Kester na lang.”
“Ayaw din kitang maging kapatid no. Ang pangit mo kaya.” Salbaheng sabi ni Kuya Kester at nagtawanan sila.
Natigilan naman ako. Pangit daw ako. Biglang bumigat ang dibdib ko at sumibi ako. “Hindi ako.. p-panget!” Tuluyan ng pumatak ang luha ko. Hindi ko matanggap na sinabihan nila akong pangit at tinawanan pa.
Tumigil naman sila sa kakatawa at tumingin sa akin. Nagtataka sila kung bakit ako umiiyak. Si Matias ay tinatawag ang pangalan ko.
“Ano ba kayo? Bakit nyo pinapaiyak ang buntis? Sensitive ang pakirandam nya at bawal sa kanya ang ma-stress.” Saway ni mommy ng pumasok ng kwarto at naabutan nya akong umiiyak.
“Sorry ho tita. Binibiro lang ho namin si Ava.” Ani Kuya Kester at kumamot sa ulo.
“Tss, lumabas nga muna kayo ng kwarto. I-stress-in nyo pa ang nobya ko.” Pagtataboy ni Matias sa magkaibigan.
Nag excuse naman sila at lumabas muna. Naiwan naman si Kuya Atlas at si Danon.
Pinalo ni mommy si Kuya Atlas sa braso. “Ikaw, inaasar mo rin siguro ang kapatid mo no. Kita mong buntis eh. Isusumbong kita kay Jolene.”
“Hindi ko sya inasar mommy. Si Matias ang kausap ko.” Nakangiwing sabi ni kuya at hinimas ang parte ng brasong pinalo ni mommy. Mabigat ang kamay ni mommy kaya masakit syang pumalo.
“Hinahamon nya ng suntukan si Matias, mommy.” Sumbong ko.
Kinurot ni mommy si Kuya Atlas sa tagiliran na ikinadaing nito. “Ikaw talaga, tigilan mo si Matias.”
Tatawa tawa naman si Dan na nakaupo sa couch.
“Concern lang ako kay Ava mommy. Ano ng balak ngayon sa kanya ni Matias ngayong buntis na sya?”
Natigilan ako sa sinabi ni Kuya Atlas. Ngayon ko lang din naisip ang bagay na yun. Ano na nga palang plano sa akin ni Matias ngayong buntis na ako.
“Pakakasalan ko ang kapatid mo kung yan ang inaaalala mo pare.” Sabat ni Matias na ikinasinghap ko naman.
“Aba’y dapat lang. Dahil hindi ako papayag kung hindi. I’m sorry pare kung naging magaspang ang ugali ko. Natatakot lang akong maranasan ni Ava ang naranasan ni Jolene. Na nabuntis ng mag isa at nanganak ng mag isa.”
Umawang ang labi ko sa sinabi ni Kuya Atlas. Yun pala ang inaalala nya. Ayaw nyang matulad ako kay Jolene.
“Hindi nya mararanasan yun dahil hindi ako papayag. Sa oras na makalabas na ako ng hospital at maging maayos na ang pakiramdam ko. Magpapakasal kami agad kahit sa huwes muna.” Ani Matias at pinisil ang kamay ko.
Lumingon naman ako sa kanya.
“Let’s get married Ava. Magpakasal na tayo.”
Ngumiti ako at tumango. Gaya ng pangako ko papayag na ako kapag inalok nya ulit ako ng kasal. Ngayong bumalik na sya sa akin hindi ko na rin sya pakakawalan pa.
Chapter 44
Ava POV
SAMPUNG araw lang ang inilagi ni Matias sa hospital. Mabilis syang nakarecover. Dalawang araw pa nga lang sya sa hospital ay nakakatayo na syang mag isa at nakakapag banyo na. Mabilis ding naghihilom ang mga sugat nya at ang mga pasa nya sa mukha ay naglalaho na. Magana syang kumain dahil gusto nyang gumaling na talaga para makalabas na ng hospital. Pang limang araw nya sa hospital ay gusto na nyang lumabas pero hindi sya pinayagan ng doctor kahit maayos na ang hitsura nya. Kaya nagdagdag pa ng limang araw ng pananatili nya sa hospital.
Sunod sunod ang subo ko ng kanin at ulam. Gutom na gutom kasi ako. Pero ang totoo nyan kumain naman ako kanina. Nitong mga nakaraang araw talaga ang bilis kong magutom. Ang sabi ni doctora normal lang daw yun sa buntis. Pero siguradong tataba naman ako nito. Heto na nga o, lumalaki na nag mga braso ko at matambok na ang pisngi ko.
Bumuntong hininga ako habang mabagal na ngumunguya.
“Are you ok?”
Tumingin ako kay Matias na nakatingin din sa akin habang ngumunguya. Nandito kami sa resto ni Tita Tessie at dito kami naglu-lunch. Kagagaling lang namin sa check up nya.
Sumimangot ako at muling sinubo ang kutsara na may kanin at karne. Mabagal ko itong nginuya.
“Ava? May masakit ba sayo?” Nag aalala ng tanong ni Matias.
Nilunok ko muna ang pagkain at tumingin sa kanya. “Walang masakit sa akin. May iniisip lang ako.”
Tumaas ang kilay nya. “Ano naman ang iniisip mo?”
Umusli ang labi ko. “Tumataba ako. Lumalaki na ang braso ko o. Bumibilog na rin ang pisngi ko at may bilbil na rin ako. Tapos lagi pa akong gutom.”
Ngumisi sya. “Normal lang daw sa buntis ang laging gutom. Importante huwag mong gutumin ang sarili mo. Kumain ka.”
Lalong nanghaba ang nguso ko. “Tumataba naman ako.”
“And so?”
Sumimangot ako. “Hindi na ako sexy.”
Mahina syang tumawa. “Sexy ka pa rin.”
“Talaga? Paano kapag nagsex tayo tapos sakyan kita baka di mo na ako kayanin.”
Umawang ang labi nya at tumingin sa paligid. Napatingin din ako. Sumalubong sa akin ang kakaibang tingin at ngiti ng mga customer na malapit lang din sa mesa namin. Nag init ang pisngi ko. Mukhang narinig nila ang sinabi ko. Nakakahiya.
Napayuko na lang ako at muling sumubo ng pagkain.
“Kung yun ang inaalala mo siguradong kakayanin kita kahit dumoble pa ang timbang mo.”
Nag angat ako ng tingin kay Matias na may pilyong ngisi sa labi.
Lalo lang nag init ang pisngi ko pati ang katawan ko ay nagiinit na rin. Ito pa ang isa sa weird na nararamdaman ko eh. Ang bilis kong mahorny. Kaunting haplos lang sa akin ni Matias nag iinit na ako. Titig pa nga lang nya tumitibok na ang kiffy ko. Bigla ko tuloy namiss si titty Tobias.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng resto para umuwi sa bahay nya. Sya ang nagmamaneho ng kotse. Sabi ko nga ay ako na lang dahil hindi pa masyadong magaling ang fracture sa ribs nya. Pero ang sabi nya ay kaya naman daw nya at hindi na raw masyadong sumasakit.
“Ang sabi ni doctora pwede daw akong mag-exercise o kahit yoga.” Sabi ko habang nakayakap ako sa braso nya.
“Safe ba yun sa pagbubuntis mo?”
“Yun ang sabi ni doctora. Pwede nga daw kahit aerobics o kaya dancing. Makakatulong daw yun sa mood ko bilang buntis ako.”
“Ok kung yan ang sabi ng doctor sasamahan kita magexercise.”
“Talaga?” Tumingin ako sa kanya.
Tumango sya at ngumiti sabay halik sa noo ko. “Sa next check up mo sa doctor, ako na ang sasama sayo.”
Ngumiti rin ako sa kanya at tumango.
“Anyway, next week na pala ang schedule ng civil wedding natin kay Judge Romero.”
Napasinghap ako at napatuwid ng upo. “Next week na? Ang bilis naman!”
Kumunot ang noo nya. “Dapat nga nung monday pa eh. Kaya lang hindi available si judge kaya next week na.”
Ngumuso ako. “Sobrang bilis naman.”
Nagsalubong na ang kilay nya. “Bakit? Ayaw mo bang magpakasal sa akin?”
“Syempre gusto ko. Nabibilisan lang ako sa mga nangyayari. Parang sunod sunod ang kaganapan sa buhay ko. Una, buntis ako tapos next week ikakasal na.”
Bumuntong hininga sya at hinawakan ang kamay ko. “I’m sorry kung nabibilisan ka babe. Ayoko lang mag aksaya ng panahon. Isa pa, gusto ko na ring magsama tayo sa isang bahay bilang mag asawa.”
Kumagat labi ako. Parang may mainit na kamay ang humaplos sa dibdib ko sa huli nyang sinabi. Ang sarap pakinggan na magsasama kami bilang mag asawa. Kaya sige na nga! Payag na ako.
“Oo na, magpakasal na tayo.” Sabi ko at muling yumakap sa braso nya.
“Napipilitan ka lang yata eh.”
“Hindi ah! Gusto ko ng magpakasal na tayo kahit bukas pa o kaya ngayon na eh.”
Tumawa sya at hinalikan ako sa buhok. “Ang daldal mo. Baka manahin din ni baby ang kadaldalan mo.”
“Kung babae malamang sa akin sya magmana. Kung lalaki naman malamang sayo.”
“Excited na akong malaman ang gender ni baby.”
“Ano bang gusto mo? Lalaki o babae?”
“Kahit ano. Basta malusog sya kagaya mo.” Nakangising sabi nya.
Ngumuso ako. Marunong na syang mang asar.
Pagdating namin sa bahay nya ay nilaro laro ko muna si Pochi na dalaga na bago ako umakyat sa kwarto nya para magpahinga. Sya naman ay nasa study room para magreview ng documents na pinadala nya kay Jamil.
–
“CONGRATULATIONS newlyweds!” Sabay sabay na bati ng mga bisita pagdating namin sa reception na ginanap dito sa garden pavilion ng hotel ni Matias.
Galing kami sa opisina ng judge at doon nga ay nag isang dibdib na kami. I am now Mrs. Arabella Vania Montecillo Santiago. Last year lang kuya ang tawag ko kay Matias at lagi kaming nagbabardagulan dahil bwisit sya sa akin. Ngayon habibi at babe na ang tawag ko sa kanya at wala pa kaming isang taon na magkasintahan ay kasal na kami at buntis pa ako. Hindi mo talaga masasabi ang future mo. Sobrang unpredictable. Who knows, ang kuya kuyahan mo ngayon asawa mo na pala next year.
Isa isang lumapit sa amin ang mga kaibigan namin at bumati. Bating may kasamang biro lalo na sa mga kaibigang tukmol ni Matias sa pangunguna ni Kuya Luigi at Kuya Kester. Binati din kami ng pinsan nyang si Dan kasama ang asawa nito at anak na sobrang pogi. Dumalo din ang mga kaibigan ni Dan na kasama ding sumagip noon kay Matias. Sina Pierre, Austin, Seb at Lex. At infairness mga gwapings din silang lahat. May mga asawa na rin at mga anak. Binati din ako ng mga kasamahan ko sa animal shelter, ilang mga classmates ko nung college na nakadalo, mga emplyedo namin ni Jolene at ni Ivonna sa store at bakeshop. Si Miriam at Ruby na nasa ibang bansa na ay binati na lang ako sa video call. Huling bumati ay ang step mother ni Matias at ang half brother nya na kasing gwapo din nya. Pero palangiting version naman nya.
“Congratulations Ava. Ginulat mo naman kami Jack.” Bati ni Calvin.
“Oo nga, bigla bigla nagpakasal ka. Tapos dun pa sa masungit na kaibigan ng kuya mo. Ginayuma mo sya no kaya pinatulan ka nya.” Ani Jack.
“Gagu. Di ko sya ginayuma no. Nainlove sya sa akin kaya niligawan nya ako. Nainlove din ako sa kanya kaya sinagot ko sya at kinasal kami.” Proud na sabi ko.
“Weh?” Tila di makapaniwalang saad ng dalawa. Nasa mukha nila ang pagdududa.
Pinagpapalo ko sila sa braso at inirapan. Dapat pala di ko na sila inimbita. “Oo nga. Kung ayaw nyong maniwala eh di wag.”
“Pasensya na, nakakagulat lang kasi. Saka malaki ang tanda nun sayo di ba? Parang tatay mo na yung asawa mo eh.” Saad pa ni Jack.
“What did you say?”
Natigilan kami ng biglang sumulpot sa likuran ng dalawa si Matias. Lumapit sya sa akin at hinapit ako sa bewang habang matalim ang tingin nya kay Calvin at Jack na hindi makatingin sa kanya ng diretso at parang mga natatae ang hitsura.
“Ano yung narinig ko kanina na parang tatay?”
“Ah a-ano kuya.. ang sabi po namin ni Calvin magiging tatay na po kayo. Congratulations po.” Palusot ni Jack at alanganin silang ngumiti ni Calvin.
Pati ako ay nahawa din sa kanila. Kinabahan din ako dahil baka silang batukan ni Matias. Ang daldal kasi at mga pasmado pa ang mga bibig.
“Thank you. Namali lang pala ako ng dinig kanina. Akala ko sinabi nyong para na akong tatay ni Ava.” Mariing sabi ni Matias at matiim na tiningnan ang dalawa na umiling iling.
“Naku hindi po! Hindi po namin sinabi yun! Mas mukha pa nga pong nanay nyo si Ava eh. Di ba par?” Siniko ni Calvin si Jack.
“Oo nga po! Mas mukhang nanay nyo si Ava.” Seguda pa ni Jack.
“Ah nanay pala ha!” Pinagbabatukan ko sila sa gigil at pinagsasabunutan. “Huwag kayong kumain ng handa ha.”
Pero ang mga gago tinawanan lang ako. Pati ang ibang mga bisita ay nakitawa din.
“Hayaan mo na sila babe. Huwag mo ng bugbugin ang mga bisita natin.” Awat na sa akin ni Matias. Yumakap naman ako sa bewang nya at sinamaan ng tingin ang dalawa na mga nakangisi.
“Just enjoy the food Jack, Calvin.”
“Salamat po Kuya Matias.” Ani Jack.
“Buti pa si Kuya Matias mabait. Dapat maging mabait ka na rin.” Dagdag pa ni Calvin at sabay silang tumawa ni Jack.
At nabully na naman ako ng dalawa kong kababata. Palalampasin ko sila ngayon dahil bagong kasal ako.
Niyakag na ako ni Matias sa mesa namin malapit sa mesa nila mommy kung saan kasalo nya sila Kuya Atlas at Jolene, Tito Amir at ang asawa nyang si Tita Rosana at si Tita Tessie. Mabuti nga si Kuya Atlas ay di na masyadong harsh kay Matias dahil aawayin ko talaga sya.
“Cheers to the newlyweds! Nawa’y biyayaan sila ng maraming anak at lahat ay magmana kay Ava para mabilis pumuti ang buhok ni Pareng Matias!” Saad ni Kuya Kester at tinaas ang hawak na champagne flute.
Nagtawanan naman ang mga bisita lalo na ang magkakaibigan at tinaas din ang mga hawak na champagne glass. Tinaas din naman ni Matias ang hawak namin. Pinagkrus namin ang aming mga braso at sabay kaming sumimsim ng champagne. Hinalikan nya ako sa noo, ilong at labi.
“I love you Ava..”
“I love you too..”
“I love you more deeply..” Niyakap nya ako at pinaulanan ako ng halik sa buhok.
Naging maingay at masaya ang reception dahil bida bida ang mga kaibigan ni Matias lalo na si Kuya Kester. Tinalo pa nya ang mga paslit na bisita. Nahihiya na lang tuloy si Ate Crizel na napapatakip na ng mukha. Ng tumugtog pa ang budots ay pumunta sa gitna ang mga bisitang malalakas ang loob at sumayaw sa pangunguna ni Calvin at Jack. Sumunod si Rolee at Kiray. At ang bida bidang si Kuya Kester ay hindi nagpatalo at naghamon pa sa akin. Syempre di magpapatalo ang buntis na bagong kasal. Chinicheer pa ako ni mommy na kalaunan ay sumali din pati na si Tito Amir. Nilapitan ko si Matias at niyayayang sumayaw pero ayaw. Papanoorin na lang daw nya ako. Inulan tuloy sya ng tukso nila Kuya Matias pero di sya nagpatinag at ngingisi ngisi lang. Sumali pa ang ibang bisita at nakisayaw din. Punong puno tuloy ng tawanan ang reception na nagmukhang kids party.
–
Zinipper ko ang pangatlong maleta na nilagyan ko ng mga damit ko. Tumayo ako ng tuwid at matamang tiningnan ang buong kwarto ko.
“Hindi mo naman siguro dinala lahat ng damit mo.”
Nilingon ko si mommy na kapapasok lang ng kwarto ko. Lumapit sya sa akin at tiningnan ang tatlong maleta na nasa ibabaw ng kama ko. May lungkot sa kanyang mukha.
“Hindi ko po dinala ang lahat ng damit ko mommy dahil uuwi pa rin naman po ako dito. Pero syempre kasama ko na rin pong uuwi si Matias.”
Ngumiti si mommy at tumango sabay yakap sa akin. “Mamimiss kita anak.” Basag ang boses na anas nya.
Humigpit ang yakap ko kay mommy. Nakaramdam din ako ng lungkot. “Mamimiss ko din po kayo mommy.”
Kumalas sya ng yakap at pinunasan ng daliri ang luha sa gilid ng mata. “Promise lagi kang dadalaw dito sa bahay.”
“Syempre naman po mommy. Pero pwede rin naman po kayong pumunta sa bahay. Ang sabi ni Matias welcome na welcome po kayo dun. Basta huwag nyo lang pong itaon na pumunta na naglalabing labing kami. Badtrip po kasi kapag nabitin.”
Tumawa si mommy at kinurot ako ng mahina sa tagiliran na aking ikinaigtad. “Ang harot harot mo talaga. Sana di ma-stress sayo ang asawa mo.”
“Hindi po yun mommy, love ako nun eh.”
“I know.” Ngumiti si mommy at hinawakan ang mukha ko. “Kahit may asawa ka na at magkakaanak na.. you’re still mommy’s baby girl.” Madamdaming sabi nya.
Di ko naman napigilang maluha at yumakap sa kanya. “I love you mommy..”
“I love you too anak..”
Ilang sandali kaming magkayakap ni mommy. Naghiwalay lang kami ng pumasok na si Matias. Dumating na pala sya. Lumapit sya kay mommy at humalik sa pisngi nito.
“Ikaw na ang bahala sa anak ko Matias. Alagaan mo sya.” Bilin ni mommy.
“I will tita.”
“Mommy. Mommy na ang itawag mo sa akin.”
Ngumiti si Matias. “Yes mommy. And don’t worry, aalagaan ko hong mabuti si Ava at ang baby namin. Lagi din ho kaming dadalaw dito sa inyo. O kaya pwedeng dito kami ng weekend para makasama nyo sya. Anytime din ho pwede kayong pumunta sa bahay namin. Maglalaan ho ako ng kwarto para sa inyo.”
“Salamat Matias. Panatag ang loob ko na ikaw ang napangasawa ng bunso ko.” Niyakap ni mommy si Matias at tinapik tapik sa likod.
Nangingiti na lang ako habang pinagmamasdan sila. Malungkot ako na masaya. Malungkot dahil hindi ko na palaging makakasama sa isang bahay si mommy at masaya dahil sa bagong buhay na tatahakin ko kasama ang lalaking mahal ko. Bubuo na kami ng pamilya. Masayang pamilya.
End
Warning 🔞
Ava POV
PABILING biling ako sa higaan at hindi mapakali. Init na init ang pakiramdam ko samantalang malamig naman ang buga ng aircon dito sa kwarto namin ni Matias.
Nilingon ko ang asawa na mahimbing ng natutulog sa aking tabi. Sumimangot ako. Ang sarap ng tulog nya samantalang ako gising na gising pa ang diwa at hirap makatulog.
Bumangon ako at tinitigan ang asawa. Mahigit isang buwan na kaming nagsasama dito sa bahay nya at magkatabi gabi gabi sa kama. Magaling na sya pero puro lang sya halik at yakap sa akin walang galaw. Naiinis na ako. Ako pa ba ang kailangang mag aya?
Sinuyod ko ng tingin ang katawan nya. Nakasando sya ng puti na hakab sa kanyang yummy hard rock body at gray na pajama. Tumitig ako sa harapan ng pajama nya. Napakagat labi ako dahil nakabakat si titty Tobias. Hindi kasi sya nagsusuot ng brief sa gabi kaya bumabakat yun. Tumingin ako sa gwapong mukha ng asawa. Hindi naman sya mukhang pagod. Maaga nga syang umuwi galing sa opisina nya. Muling bumaba ang tingin ko sa harapan ng kanyang pajama. Miss ko na si titty Tobias. Tumaas ang kamay ko at hinawakan ang garter ng pajama nya at dahan dahan yung binaba hanggang sa tumambad sa akin si titty Tobias na tulog rin. Pero grabe si titty Tobias kahit tulog malaki pa rin.
Kagat labing hinawakan ko ang pagkalalaki ni Matias na tulog pa. Umawang ang labi ko habang hawak hawak ko ito. Ito ang unang beses na nahawakan ko si titty Tobias. Mabigat sya, mahaba at mataba. May katigasan at malambot ang balat na kulay brown. Kaya pala noong unang nagsex kami nilagnat ako at namaga ang kiffy ko.
Winagwag ko ang pagkalalaki nya at nanggigil ng maalala ang sinapit ko noon.
“Bad. Bad titty Tobias. Salbahe ka. Kaya pala namaga si kiffy dahil ang laki laki mo. Mana ka sa amo mo.” Pinisil ko si titty Tobias sa gigil ko. Pero natigilan ako ng umungol si Matias at pumaling ang ulo sa kabilang side. Mukhang nasaktan sya.
“Oopsie.. sorry hubby. Bad kasi ang titty mo eh.” Pinakatitigan ko ang pagkalalaki nya lalo na ang parteng ulo na mamula mula. Parang ang sarap pitikin nun pero wag na lang baka masaktan si habibi. Pero habang hawak ko ang pagkalalaki nya ay napansin kong parang tumitigas iyon.
Lumingon ako kay Matias ng gumalaw ang ulo nya at braso. Kinakapa nya ang espasyo sa kanyang tabi na iniwan ko.
“Hmm babe..” Tawag nya sa akin sa inaantok at magaspang na boses. Mukhang nagigising na sya.
Hinintay kong dumilat ang mata nya na nangyari naman. Kunot noong tumingin sya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya habang hawak ko pa rin si titty Tobias.
“Babe..” Natigilan sya ng makita kung ano ang ginagawa ko sa ibaba nya. “What the – what are you doing Ava?” Bahagya syang bumalikwas ng bangon at nagpasalit salit ang tingin nya sa akin at sa pagkalalaki nyang hawak ko.
Sumimangot ako. “Hindi ako makatulog eh.”
Umawang ang labi nya. “Hindi ka makatulog kaya pinagtripan mo ang alaga ko?”
“Hindi ko sya pinagtitripan. Kinakausap ko lang sya at sinesermonan.”
“Kinakausap at sinesermonan?”
“Oo. Kasi, bigla kong naalala nung una tayong nagsex. Namaga ang kiffy ko at ilang araw akong nilagnat. Yun pala dahil malaki talaga tong titty mo. Ang sarap pitikin eh.” Umamba ako ng pitik sa ulo.
“Don’t you dare Ava.” Maagap na saway nya sa akin. “Huwag mong pipitikin yan.” Mariing sabi nya.
Ngumuso ako. “Hindi ko naman sya pipitikin. Kahit salbahe si titty Tobias love ko pa rin sya.” Marahan kong tinapik tapik ang ulo.
Mahina namang nagmura si Matias at bumuntong hininga. “Mababaliw na yata ako sayo Ava.”
Tumingin ako sa kanya at ngumuso.
Bumuntong hininga ulit sya at tumitig sa akin. Mukhang nawala na ang antok nya. “What do you want huh? Nagugutom ka ba?” Malambing ng tanong nya.
Umiling ako. “I’m horny habibi.”
“What?”
Sumimangot ako. Ang bingi naman ng asawa ko. “Ang sabi ko I’m horny.”
Umawang ang labi nya at ilang sandaling nakatitig lang sa akin.
“You’re horny?”
Tumango ako. Paulit ulit naman.
“Pero buntis ka babe. Baka masaktan si baby..” Nagaalalang sabi nya.
“Ang sabi ni doctora ok lang daw ang sex sa buntis.”
“Sinabi nya yun?” Tila nagdududang tanong nya.
“Oo nga. Sa next check up ko next week tanungin mo pa sya.”
“Ok, next week tatanungin natin sya kung ok lang ang intercourse sa buntis para makasiguro tayo. Kaya matulog ka na.”
Sumimangot ako. “Ayokong matulog. Gusto ko magsex muna tayo.”
“Babe.. next week na lang. Tanungin muna natin si doctora.”
“Ang tagal pa ng next week gusto ko ngayon na.” Naiiyak ng sabi ko sabay diin ng hawak sa kanyang pagkalalaki na matigas na. Kung ayaw nya talaga sasakalin ko na lang tong si titty Tobias.
Umungol naman sya at mahinang nagmura. “Ohh fine.. sige na..”
Ngumisi ako. Papapayag din naman sya eh. Pabebe pa.
Bumangon sya at hinubad na ng tuluyan ang pajama. Binitawan ko naman ang pagkalalaki nya na kusa na ngayong nakatayo. Muli syang humiga at tumingin sa akin.
“Sa ibabaw ka para ikaw ang may control. Dahil kung ako.. baka di ko mapigilan ang sarili ko.”
Ay gusto ko yan! Ako ang top sya ang bottom.
Ngiting ngiti na hinubad ko ang panty ko pero iniwan kong nakasuot pa rin ang oversized t-shirt ko. Sumampa na ako sa ibabaw nya at hinawakan si titty Tobias para masakal na sya ni kiffy ko.
“Wait..” Pigil sa akin ni Matias.
Sumimangot na naman ako.
Ngumisi naman sya at hinawakan si kiffy ko at hinaplos. Nakaramdam naman ako ng kiliti.
“You’re not wet enough babe..” Aniya at patuloy na hinaplos ang pagkababae ko lalo na ang clit kong sensetibo na.
Kumagat labi ako dahil lalo akong nagiinit sa ginagawa nya sa pagkakababae ko. Pinasok pa nya ang isang daliri sa loob ko.
“Ohh enough na habibi..” Awat ko na sa kanya.
Tinanggal naman nya ang daliri nya. “Now you can put me in babe..”
Wala na akong inaksayang oras at tinutok ko na ang kanyang pagkalalaki sa pagkababae ko. Kagat labing unti unti ko yung inupuan. Umawang ang labi ko ng maramdaman ko na sya sa loob ko. Binabanat ng pagkalalaki nya ang kalooban ko. May kaunting kirot pero keri naman at unti unti rin yung nawawala.
“Oh gosh.. I miss your titty inside my kiffy habibi..” Sambit ko ng tuluyan ng nasa loob ko ang pagkalalaki nya.
Mahina syang tumawa at humawak sa dalawang hita ko. “I miss your kiffy too babe.. Nagpipigil lang ako dahil buntis ka.. baka mapano si baby.”
“Hindi yan. Sabi ni doc pwede daw at healthy yun..” Sinimulan ko ng gumalaw sa ibabaw nya. Humawak ako sa kanyang braso.
Kumagat labi ako at giniling ang balakang pasulong at paatras. Damang dama ko sa loob ang kanyang pagkalalaki at masarap ang hagod nun. Sobra kong namiss ang ganung pakiramdam.
Bumilis ang paggalaw ko sa ibabaw nya. Tinukod ko ang dalawang kamay sa kanyang tiyan at ginalaw ko ang balakang pataas at pababa.
“Ahh Mat..” Daing ko dahil sa pagragasa ng kiliti sa kaibuturan ko.
“Yes babe.. move faster..” Mahigpit naman syang humawak sa balakang ko at tinutulungan akong gumalaw.
Kagat labing sinulong atras ko ang balakang. Mabagal sa una hanggang sa bumilis. Pakiramdam ko lalabasan na agad ako.
“Ugh shit.. I’m cumming!” Ungol ko.
Bumilis pa lalo ang galaw ng balakang ko na para akong may hinahabol at ng maabutan yun ay nanginig at nanigas ang katawan ko sa ibabaw ng aking asawa. Dumapa ako at nilasap ang kiliti at sarap na lumukob sa aking katawan. Niyakap naman ako ni Matias at hinalik halikan sa buhok.
“You’re happy now?” Malambing na tanong nya.
Nag angat ako ng mukha at ngumiti sa kanya. “Yes.. happy na si kiffy. Pero gusto ko pa.. Isa pa please..”
Mahina syang tumawa at mariin akong dinampian ng halik sa labi. “Alright.. ako naman ang gagalaw.”
Iniyakap nya ang isang braso sa bewang ko habang ang isang kamay naman ay kumabig batok ko at muli akong siniil ng halik kasabay nun ay ang pagulos nya pataas sa lagusan ko. Nakulong ang ungol ko sa aming halik. Mahigpit akong humawak sa kanyang balikat ng bumilis ang ulos nya.
“Ohh my – ahh shit Mat!” Ungol ko ng pakawalan na nya ang labi ko. Umikot pa ang mata ko sa sarap.
“Feels good huh..?” Bulong nya habang dinampi dampian ng halik ang pisngi ko.
“Yess.. Feels so good! Ahhh! More habibi please.. hmm sarap ni titty Tobias..” Ungol ko pa sa sarap.
Pero ang ang asawa ko ay tinawanan lang ako at mariin lang akong hinalikan sa pisngi habang umuulos ng mabilis sa aking lagusan.
“You feel so good too babe.. ang sarap ng kiffy mo..”
Kagat labing ngumiti ako at hinawakan ang kanyang mukha sabay siil ng halik sa kanyang labi.
Bumilis pa lalo ang pagulos nya at nararamdaman kong parang lumalaki pa si titty Tobias. Umikot ang mata ko. Ramdam ko ring malapit na naman ako.
“Ughh I’m cumming babe.. malapit na.” Daing ni Matias na lalo pang humigpit ang yakap sa bewang ko.
“Me too Mat.. ahh!”
Sa pangatlong ulos nya ay sabay nanginig at nanigas ang aming katawan. Kasabay nun ay naramdamdama ko ang mainit nyang katas na pumuno sa loob ko. Satisfied na naman si kiffy ko.
–
few
months later..
NGITING ngiti akong lumublob sa swimming pool. Ang lamig kasi ng tubig. Nakakarelax. Pati nga si baby ko sa tummy ay parang narerelax din. Sobrang init kasi ng napanahon. Nakakapaso.
Nandito kami sa bagong private resort ni Kuya Kester na nasa labas ng Manila bandang Bulacan. Eco friendly ang private resort. Maraming puno kaya hindi mainit at malamig ang tubig. Nagkayayaan kasing mag outing ang magkakaibigan kasama syempre ang mga asawa at anak.
“Ava anak, huwag ka ng masyadong pumunta sa malalim. Dyan ka na lang sa mababaw.” Paalala sa akin ni mommy habang tumutulong sya kanila Jolene, Ivy at Aitana na nagiihaw.
“Yes mommy.” Sabi ko at tumingin kay Matias na nakatingin din sa akin habang kunot ang noo. Alam kong kanina pa nya ako binabantayan. Tutol nga sya noong una na sumama kami sa outing dahil kabuwanan ko na. Baka bigla daw akong mapaanak. Pero nagpumilit pa rin akong sumama at hindi nya ako kayang hindian.
“Careful babe.” Paalala nya sa akin.
“I will! Muah!” Nag flying kiss pa ako sa kanya na ikinangisi nya.
Binalingan na nya ang mga kaibigan na naglalabas na ng light beer. Syempre di mawawawala ang inuman. Kung di lang aki bubuntis makikipag inuman din ako sa kanila.
Okupado namin ang buong private resort. Kami lang ang tao dito at ang mga staff. Ang mga chikiting ay nasa kiddie pool na may mga salbabida at life jacket pa. Si Baby Alina nga ay para ng tilapya na nasilo ng salbabida at kumakawag kawag pa ang paa. Gusto kong makijoin sa mga chikiting kaya lang baka aksindente nilang masipa ang tummy ko kaya dito na lang ako sa 3 feet at tamang lublob. Ang mga pets naman ay malayang nagtatakbuhan sa paligid. Si Pochi na dalagang dalaga na ay kapon na. Kaya ok lang na makipag harutan sya sa mga boys na doggies na inadopt din ng mga kuya’s and friends. Malaki na nga ang pinagbago ng mga aspin na inadopt. Nagmukha na silang may lahi.
Anytime pwede na akong manganak sabi ni doctora. Malaki ang tiyan ko at bilog na bilog. Lalaki ang panganay namin ni Matias at sobrang excited na sya na lumabas ito. Kumpleto na nga sa lahat ng gamit ang baby boy namin at may sarili na rin syang kwarto. Ako naman, bahagyang tumaba. Pero hindi ko na inaalala yun. Importante mahal ako ni Matias kahit tumaba ako. Babawi na lang ako kapag nakapanganak na.
“Hi juntis!”
Lumingon ako sa tumawag sa akin at napangiti ako ng makita si Ate Rika. “Ate Rik! Long time no see!” Tiling tawag ko sa binabaeng pinsan ni Kuya Kester. Di ko ine-expect na makikita sya ngayong araw. Ang alam ko nasa New York sya dahil busy sya sa shop nya lalo pa at papalapit na ang fashion week. Hindi nga sya nakadalo sa kasal namin ni Matias at nagulat nga sya ng malaman yun. Di nya i-expect na magiging kami ni Matias.
“Halika buntis dali! Ang dami kong pasalubong sayo!” Excited nyang sabi at pinakita ang mga hawak nyang paper bag.
Natatawang naglakad naman ako paahon sa tubig. Pero napangiwi ako ng sumakit ang binti ako.
“Aw!” Daing ko at sinapo ang binti.
“Oh my god! What happened Ava? Manganganak ka na?” Bulalas ni Ate Rika.
Natigilan tuloy ang mga naroon at tumingin sa akin. Gumuhit ang pag aalala sa mukha ni Matias ng makitang nakangiwi ako.
“Fuck! Manganganak ka na babe?”
Hindi pa ako nakakasagot ay bigla syang tumalon sa pool at lumapit sa akin. Lalo naman akong napangiwi ng sumigid pa ang kirot sa binti ko. Hindi ko naman ito mahawakan dahil nagaalala ako na baka mawalan ako ng balanse. Humawak na lang ako sa balikat ni Matias. Agad namn nya akong binuhat at inahon. Nakaabang naman sa dulo ng pool sila mommy at Kuya Atlas para umalalay. Si Ate Rika nga ay panay na ang tili sa taranta. Nakaguhit na sa kanilang mukha ang pag aalala.
“Teka, ire-ready ko na ang sasakyan. Dalhin na natin sya sa pinaka malapit na hospital baka dito pa sya manganak.” Tarantang sabi ni Kuya Atlas at mabibilis ang hakbang na tumungo sa garahe.
“Fuck! Bilisan mo! Baka kung ano pa ang mangyari sa mag ina ko.” Sigaw ni Matias kay Kuya Atlas habang buhat nya ako at mabibilis ang hakbang na sumunod dito. Nakasunod din sa amin si mommy at sila Kuya Kester.
“Huwag mo kong sigawan Matias! Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko at sa baby nya ikaw ang mayayari sa akin!” Sigaw ni Kuya Atlas.
“O huwag na kayong magtalong magbayaw. Manganganak na si Ava.” Saway naman ni Kuya Jeiz.
“T-Teka lang!” Protesta ko ng makarating na kami sa garahe. Nakangiwi pa rin ako dahil naninigas pa rin ang binti ko at makirot.
“Ano yun babe? Malapit ng lumabas si baby? Dadalhin ka na namin sa hospital.” Ani Matias.
“H-Hindi. Hindi pa ako manganganak. Pinulikat lang ako. Masakit ang binti ko at naninigas.” Nakangiwing sabi ko.
Natigilan naman silang lahat lalo na si Matias na matiim ng nakatitig sa akin. Sinamaan naman ako ng tingin nila Kuya Atlas. Lalo naman akong napangiwi. Bakit parang kasalanan ko?
“Pinakaba mo kami Ava.” Wika ni Kuya Atlas sa naiinis na boses.
Ngumuso ako. “Ang o-oa nyo kasi. Wala naman akong sinabing manganganak na ako. Pinulikat lang ako kay ako namilipit sa sakit.”
Pumalatak si Kuya Luigi. “Ang mabuti pa ihagis mo na lang pabalik sa pool si Ava.”
“Tss, don’t talk to my wife like that.” Sinamaan ng tingin ni Matias si Kuya Luigi at naglakad na pabalik sa pool area. Nagsibalik din ang lahat sa pool area at nagtawanan na lang dahil akala nila manganganak na ako.
Maingat akong nilapag ni Matias sa plastic lounge chair. Umupo sya sa may bandang paanan ko at minasahe ang binti kong naninigas pa rin pero hindi na masyadong makirot.
Lumapit naman si mommy at binigyan ako ng tuwalya. “Akala ko talaga anak, mangangak ka na eh.”
Natawa ako. “Hindi pa po, ma. Pinulikat lang ako.”
“Pero pinakaba mo kami ng bongga juntis. Kaloka ka.” Ani Ate Rika na lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
“Na-excite kasi ako ng makita kita Ate Rik.”
“Huu! Ang sabihin mo excited ka sa pasalubong ko.” Inirapan nya.
Ngumisi naman ako. “Parang ganun na nga.”
“Tss, kasalanan mo naman pala kung bakit pinulikat ang asawa ko.” Masungit na sabi ni Matias kay Ate Rika habang patuloy nyang manimasahe ang binti ko.
“Sorry naman, excited lang akong makita si Ava. Matagal tagal din kaming di nagkita dahil nabusy ako sa New York.” Nakaismid na sabi naman ni Ate Rika.
“Huwag mo ng sungitan si Ate Rika, Mat. Kararating lang nya eh.” Saway ko sa asawa.
Napailing iling na lang sya. “Masakit pa ba ang binti mo?”
“Hindi na. Narerelax na ang muscle ko.” Pero muli akong napangiwi dahil ang balakang ko naman ang kumirot.
Kumunot ang noo nya. “Akala ko ba hindi na masakit?”
“Yung balakang ko naman ang sumasakit.” Sabi ko at hinawakan ang balakang.
Normal lang naman kung minsan na sumakit ang balakang ko at agad din yung nawawala. Pero ng mga sandaling yun ay parang matagal mawala ang sakit pati ang kabila ay parang sumasakit din. Siguradong hindi na halos maipinta ang aking mukha sa pagkakangiwi.
“Ah ang sakit!” Gumuhit din ang sakit sa ilalim ng tiyan ko kaya napahawak ako doon.
“Ava, are you ok?” Nagaalala ng tanong ni Matias na hindi naman alam kung hahawakan ba ang tiyan ko o ang balakang ko.
“Arghh sobrang sakit na!” Hiyaw ko na habang sapo ang tiyan.
“Humihilab na ba ang tiyan mo Ava?” Tanong ni Jolene na lumapit na rin.
“O-Oo at para akong maiihi.” Nakangiwing sabi ko at muling ngumiwi ng sumigid na naman ang kirot sa tiyan ko. Mas matindi na ngayon ang kirot. “Ahh!”
Namilog naman ang mata ni Ate Crizel. “Oh my god, naihi ka na Ava. Mukhang pumutok na ang panubigan mo. Manganganak ka na nga!”
“Oh my God! Manganganak na si Ava!” Tili ni Aitana.
“Sure na ba yan?” Tanong ni Kester.
“Oo sure na! Pumutok na ang panubigan nya. Ihanda nyo na ang sasakyan dali!”
Binuhat naman ako ni Matias. Nakaguhit na sa kanyang mukha ang pag aalala. Humawak ako sa kanyang balikat habang dumadaing.
“Dadalhin ka na namin sa hospital babe. Kaunting tiis lang.”
“P-Parang lalabas na si baby Mat. Ahh!”
“Shit!” Halos tumakbo na sya papuntang garahe. Sumunod naman sa akin si mommy.
Sa likod ng sasakyan ay katabi ko si Matias at si mommy. Ang driver ay si Kuya Atlas kasama nya si Kuya Kester. Hindi na pinasunod ni mommy ang iba dahil walang kasama ang mga bata. Kaya kaming apat na lang ang bumiyahe papunta sa pinakamalapit na hospital habang ako ay ay mangiyak ngiyak na sa sobrang sakit. Halos madurog ko na nga ang kamay ni Matias sa diin ng piga ko at para na ring binibiyak ang katawan ko sa gitna. Totoo na talaga ito. Mananganganak na ako.
Special chapter next :)
Special Chapter 1
Ava POV
MABILIS akong bumaba ng sasakyan ng ihinto na ni Mang Lui ang sasakyan sa harapan ng maindoor. Malalaki ang hakbang na pumasok ako sa bahay. Sinalubong pa ako ni Pochi. Excited na akong makita ang baby namin ni Matias. Sabik na akong yakapin sya, amuy-amoyin at halik halikan. Eksaktong lumabas si mommy na mukhang galing sa kusina at may hawak syang feeding bottle na may takip na inaalog pa nya.
“O anak, nandito ka na pala.”
Lumapit ako kay mommy at humalik sa pisngi nya. “Si Baby Maty mommy?”
“Nasa lanai, heto nga at tinimplahan ko ng gatas dahil nag iingit at gutom na. Mana sayo ang anak mo noong baby ka pa, parehas kayong malakas dumede.”
“Pupuntahan ko sya.” Akmang hahakbang ako papunta sa lanai ng pigilan ako ni mommy sa braso. “Bakit po mommy?”
“Galing kang shelter di ba? Magbihis ka muna at magsanitize bago lumapit sa anak mo. Mahirap na baka magkasakit sya.”
Ngumuso ako. Oo nga pala. “Sige mommy, akyat muna ako sa kwarto para magbihis.” Paalam ko kay mommy at umakyat na ng hagdan.
Galing ako sa animal shelter para bisitahin ang mga kasama ko roon at mga adopted namin. Ilang buwan din kasi akong di nakakapunta doon at puro video call lang. Kanina lang ako nakapunta ng payagan ako ni Matias. Pero hindi nya ako pinagdrive. Pinadala nya ang isa sa company driver nya na si Mang Lui.
Tatlong buwan na ang nakalipas ng manganak ako. Akala ko noon mamamatay na ako sa sakit dahil para talaga akong hinahati sa gitna. Hindi naman ako iniwan ni Matias hanggang sa delivery room. Pero worth it naman ang sakit ng lumabas na ang baby kong damulag. Three months old pa lang sya ngayon pero mukha ng isang taon dahil malaking bulas. Kanino pa ba magmamana eh di sa ama.
Ng makapagbihis na ako at makapagsanitize ay agad na akong bumaba para makita ang baby ko. Si Matias ay siguradong mga alas singko pa darating. Kapag namiss nya kami ay mas maaga pa ang uwi nya.
Pagpunta ko sa lanai ay naabutan ko si Baby Maty na nakahiga sa kanyang rocking chair habang dumedede. Sa tabi ng rocking chair ay nakahiga si Pochi. Naroon din si mommy at ang yaya ni Baby Maty.
“Kamusta naman ang baby ko na yan? Namiss mo ba ang mommy mong maganda? Namiss mo no. Si mommy din miss na miss ang baby.” Pangba-baby talk ko kay Baby Maty na busy sa pagdede at nakatingin lang sa akin. Wala syang katinag tinag kahit pinupupog ko sya ng halik sa pisngi.
Mathaios Montecillo Santiago ang buo nyang pangalan. Si Matias ang nagbigay ng pangalan nya. Nag request pa nga si mommy na dagdagan pa daw namin ng pangalan pero tumanggi ako. Baka mahirapan lang magsulat si Baby Maty pag nag aral na sya dahil sa haba ng pangalan nya. Baka mamura pa nya ako.
“The wheels on the bus go round and round, round and round, round and round. The wheels on the bus go round and round, all through the town.. “ Kanta ko kay Baby Maty pero no pansin pa rin nya ako. Nag iba naman ako ng kanta. Twinkle twinkle star naman ang kinanta ko pero dedma pa rin ang damulag. “ 5 little monkey humpty dumpty.. mama called the doctor and the doctor said.. pagbilang kong tatlo nakatago na kayo i wanna be a tutubi a twinkle star.. haw haw de carabao de batuten meow..”
Kumunot na ang noo ni Baby Maty at naningkit ang matang tumingin sa akin. Tumigil din sya sa pagsupsop sa dede nya. Mukhang di nya nagustuhan ang kanta ko. Napatigil na lang ako sa pagkanta at ngumiwi.
Tumawa si mommy. “Ayaw nya ng kanta mo, anak.”
Sumimangot ako. “Napapansin ko mommy, patagal ng patagal nagiging kaugali ni Baby Maty si Matias. Nakukuha nya ang pagiging nonchalant ni Matias.”
“Eh malamang ama nya si Matias. Kanino pa ba magmamana yang anak mo. Kamukhang kamukha pa ni Matias o. Pati pagkunot ng noo at pagsimangot. Matias na Matias.”
Noong unang lumabas si Baby Maty ay akala namin ako ang kamukha. Pero sa bawat pagdaan ng araw ay nagiiba ang kanyang mukha. At heto na nga, si Matias ang kamukha. Nagiging kaugali na nga rin nya. Hindi mahirap alagaan si Baby Maty. Hindi sya iyakin. Basta busog sya ay tahimik sya. Umiiyak lang sya pag gutom at may dumi ang diaper. Hands on kami ni Matias sa pag aalaga sa kanya lalo na si Matias noong una hanggang dalawang buwan nya. Hindi ako hinahayaan ni Matias na mapuyat noon kaya sya ang mas nagpupuyat sa gabi. Ang sabi nya kahit yun man lang ay pambawi sya sa hirap ko sa pagbubuntis ko at panganganak noon. Wala pa ring pinagbago si habibi. Super love pa rin nya ako mas lalo na ngayon.
Pagkatapos dumede ni Baby Maty ay binuhat ko sya para padigyahin. Ang bigat nya. Sa tingin ko ay nadagdagan na naman ang timbang nya. Kapag si Matias ang nagbubuhat sa kanya ay parang wala lang samantalang ako ay bigat na bigat. Dinala ko si Baby Maty sa garden para malibang sya sa mga nakikita. Kinakausap ko rin sya kahit dedma lang ako sa kanya.
“Ava anak, nandyan na ang asawa mo.” Tawag sa akin ni mommy.
“Ay dumating na pala si daddy. Mukhang namiss na tayo ni daddy. You wanna see daddy?” Kausap ko kay Baby Maty pero kinunutan lang nya ako ng noo. Natawa na lang ako at bumalik na sa lanai kung saan naroon na si Matias at hinihimas si Pochi na naglalambing sa kanya.
Dinampian ako ng halik ni Matias sa labi at sa noo naman si Baby Maty na halatang natuwa ng makita sya. Di ko tuloy napigilang mapasimangot. Halatang may favoritism si Baby Maty. Kanina nung ako ang dumating dedma. Pero yung daddy nya ang dumating ay kumakawag pa ang mga kamay at nagpapabuhat.
“I miss you my boy.” Anas ni Matias ng kunin sa bisig ko si Baby Maty. Hinapit din nya ako sa bewang at muling hinalikan sa sentido. “I miss you wife..”
“I miss you habibi. Aga mo umuwi ah. Wala pang alas singko.” Tiningnan ko ang oras sa suot na relo na niregalo nya sa akin. Quarter to five pa nga lang.
“Wala na kasi akong importanteng gagawin sa opisina kaya umuwi na ako saka namimiss ko na kayo.” Aniya at hinalik halikan ang buhok ni Baby Maty. “How’s the shelter? Kauuwi mo lang din ba?”
“Oo, nauna lang ako sayo ng mga twenty minutes. Ayos naman ang shelter. Nakapagpa-adopt kami ng seven dogs at five cats kanina.”
“That’s good.”
Yumakap ako sa bewang nya at inamoy amoy sya. Infairnesa talaga kay habibi mabango pa rin. Mas mabango pa nga yata sya kesa sa akin.
“Naku itong anak ko nagpapababy din. Kulang na lang magpabuhat ka din kay Matias.” Tukso sa akin ni mommy.
Ngumuso naman ako. “Ako naman talaga ang original baby ni Matias. Di ba habibi?”
Ngumisi si Matias at hinalikan ako sa noo. “Of course.”
Lalong humigpit ang yakap ko kay Matias. Kung pwede nga lang magpabuhat sa kanya nagpabuhat na ako eh. Kaya lang masama na naman ang tingin sa akin ng anak namin na mana sa kanya. Grumpy din.
“Hello everyone!”
Sabay sabay kaming lumingon ng marinig ang boses ni Kuya Kester. Kasunod nya si Kuya Atlas na humalik sa pisngi ni mommy, sumunod din sya sa paghalik.
“What are you two doing here?” Tanong ni Matias.
“Bakit? Bawal na bang dalawin ang kapatid ko?” Nakangising tanong ni Kuya Atlas.
“Sinabi ko ba?”
“Akala ko pinagbabawalan mo na ako eh. Babawiin ko si Ava – aww!” Daing ni Kuya Atlas ng kurutin sya ni mommy sa braso.
“Kakarating mo pa lang nangaasar ka na naman.”
“Nagbibiro lang ako mommy.” Nakangiwing sabi ni Kuya Atlas.
“Ako naman pumunta dito dahil nautusan ako ni Crizel. Yung inorder na lasagna ni Ava nakalimutan nyang kunin kanina.” Ani Kuya Kester at tinaas ang hawak na pahabang box na may tali ng straw.
Namilog ang mata ko. “Ay oo nga pala yung lasagna ko nakalimutan ko. Sorry.” Lumapit ako kay Kuya Kester at kinuha ang box ng lasagna.
“Himala nakalimutan mo ang pagkain. O may delivery fee yan ha.”
Dumukot ako ng barya sa bulsa ng shorts ko. Tamang tama may nadukot akong treinta pesos. Inabot ko yun kay Kuya Kester. Kinuha naman nya yun at kunot noong tiningnan ang pera sa palad.
“Treinta pesos? Ang kuripot mo.”
“Eh di akin na yan.” Akmang babawiin ko ang pera sa kamay nya pero mabilis nyang iniwas ang kamay.
“Akin na to. Pambigay ko rin to sa pamangkin ni Crizel dahil mamaya hoholdapin ako nun.” Sinuksok nya ang pera sa bulsa ng trouser.
Ngumisi na lang ako at inabot kay Yaya Len ang box ng lasagna.
Nilapitan ni Kuya Atlas at ni Kuya Kester si Baby Maty na karga ni Matias. Kinakausap nila ito. Pero ang anak ko ay kinunutan lang sila ng noo at tinataasan ng kilay. Mukhang di sya masaya na makita ang mga tito nya.
“Tss, mukhang matured na ang anak nyo at kamukhang kamukha mo pa.” Nakangising sabi ni Kuya Atlas kay Matias.
“Oo nga, mukha ng tatlong taon at hindi tatlong buwan.” Dugtong pa ni Kuya Kester.
“Hindi man lang naging kamukha ni Ava.” Dagdag pa ni Kuya Atlas.
Sinamaan tuloy sila ng tingin ni Matias. “So anong sinasabi nyo? Hindi gwapong bata ang anak ko?”
Ngumisi lang ang dalawa na halatang inaasar lang si Matias. Lumapit naman ako.
“Hayaan mo sila habibi. Inggit lang ang mga yan dahil si Baby Maty ang pinakapogi. Mas pogi pa sa mga anak nila.”
Nag angalan na ang dalawa at kanya kanyang pabida na sa mga anak nilang lalaki na mga pogi din naman. Malalakas lang talaga silang mang asar lalo na si Kuya Kester. Mabuti nga wala si Kuya Luigi dahil isa pa yung malakas mang asar.
Umuwi na ang dalawa pagkatapos kulitin si Baby Mat. Sumabay na rin si mommy kay Kuya Atlas dahil doon naman sya sa bahay nito tatambay.
Nangingiti ako habang pinagmamasdan si Matias na hinehele si Baby Maty para makatulog na. Ganito ang gawain nya gabi gabi bago kami matulog. Patutulugin nya muna si Baby Maty habang ako prente lang na nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard habang pinapanood sila. Kapag ako kasi ang nagpapatulog kay Baby Maty ay hindi sya agad nakakatulog at nakatingin lang sa akin. Nakanta ko na ang lahat ng kanta pero dilat na dilat pa rin ang mata nya. Samantalang kay Matias kakausapin lang syang matulog na para mabilis lumaki, hayun ang bilis makatulog.
Ang sarap nilang pagmasdan mag ama. Lalo na si Matias. Sobrang soft nya kay Baby Maty. Para itong kristal na babasagin kung ituring nya. Kitang kita din sa mukha nya ang pagmamahal sa anak namin. Walang dudang magiging mapagmahal syang ama.
Maingat ng nilapag ni Matias si Baby Maty sa crib nito.
“Tulog na sya?” Mahinang tanong ko.
“Yes babe.” Kinumutan na nya si Baby Maty at lumapit na sa kama. Sumampa na sya sa tabi ko at pumailalim sa kumot. Lumapit naman ako sa kanya at yumakap sa kanyang bewang. Pinailalim naman nya ang braso sa ulo ko.
“Babe, napapansin ko bukod sa kamukha mo si Baby Maty nagiging kaugali mo rin.” Sambit ko at umunan sa malapad nyang dibdib. Dinantay ko pa ang hita sa hita nya. Dahil bawal pa kaming magbebe time, lambingan na lang muna.
“What do you mean babe?” Kunot noong tanong nya habang humahaplos ang kamay sa braso ko.
“Masungit sya at laging dedma. Kanina nga ng dumating ako di man lang na-excite ng makita ako. Pero nung ikaw ang dumating kumakawag pa ang kamay.”
Mahina syang tumawa at hinalikan ako sa pisngi.
“Kinantahan ko nga sya kanina eh, kinunutan lang nya ako ng noo at sinamaan ng tingin. Ikaw na ikaw talaga sya.” Dagdag ko pa.
“Ganun ba ako sayo dati?” Natatawang tanong pa nya.
Tumaas ang kilay ko at nanghaba ang nguso. “Oo kaya! Sungit sungit mo nga sa akin noon eh.”
“Eh ngayon? Masungit pa ba ako sayo hmm?” Dinampi dampian nya ako ng halik sa buhok.
“Hindi na. Super lambing mo na. Pero minsan sinusungitan mo ko kapag matigas ang ulo ko.”
“Mahal lang kita kaya minsan nasusungitan kita sa katigasan ng ulo mo. Parang panganay na anak na nga kita sa kakulitan mo minsan.”
Ako naman ang tumawa. “Sorry na po. Saka nakilala mo na akong makulit.”
“I know.. at isa yun sa minahal ko sayo.”
Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo, ilong at labi. Mahigpit din akong yumakap sa bewang nya habang tinutugon ang halik nya.
Special Chapter 2 kasunod na po :)
Special Chapter 2
Matias POV
6 years later..
“5 LITTLE monkey humpty dumty .. Mama call the doctor and the doctor said.. Abilang ko tatlo.. Atago na kayo.. Kayo po uupo tubukan nyong atatayo.. I wanna be a tutubi a twinkle star.. Haw haw the carabao the batuten.. Meow Meow! Aw Aw!”
Sinulyapan ko ang kambal namin ni Ava na si Ariella at Arianna sa backseat na malakas na kumakanta sa matinis nilang boses. Tatlong taon na sila at sobrang daldal at kulit. Kung ano ang ikinatahimik ng panganay naming si Mathaios ay sya namang kabaliktaran ng kambal na carbon copy ni Ava.
“Argh daddy! They are so noisy. Shut them up please. My ears is hurting.” Reklamo ni Mathios na tinakpan pa ang tenga.
Pero ang kambal sa backseat ay lalo pang nilakasan ang mga boses at tumitili pa. Napapapikit na lang ako.
“Hayaan mo na sila kuya. Nagkakasiyahan lang ang mga kapatid mo.”
Sumimangot si Mathaios. “Ang sakit sa ears ng mga voice nila daddy. Mali mali pa lyrics ng kinakanta nila. Hindi naman po ganun yung lyrics nun eh.” Reklamo pa nya.
Napangisi na lang ako napailing iling. Muli kong sinulyapan ang kambal sa backseat. Iba naman ngayon ang kinakanta nila na hindi pamilyar sa akin. Malamang si Ava ang nagturo sa kanila.
“Daddy next time huwag mo na po silang isama sa pagsundo sa akin sa school.” Nakangusong request pa ni Mathaios. Maraming nagsasabi na kamukha ko sya. Nakikita ko rin naman ang mukha ko sa kanya noong paslit pa ako. Pero kapag ngumunguso sya nagiging Ava din ang mukha nya.
“Mathaios be nice to your sisters. Kuya ka di ba?” Malumanay kong paalala.
“I’m always nice to them daddy. Ang sakit lang po sa tenga kapag kumakanta sila. Parang may sunog.”
Natawa ako sa sinabi ng panganay ko. Nakuha din nya kay Ava ang pigiging savage. Tinaas ko ang kamay at ginulo ang kanyang buhok.
“Let them Maty boy, mapapagod din sila.”
Kilala ko ang kambal. Mamaya ay mapapagod din sila at mananahimik ng ilang sandali at muling mag iingay.
“Daddy let’s go to Jabili.” Mayamaya ay ungot na na ni Arianna.
“No! I want Wakdonald!” Salungat na protesta naman ni Ariella.
“It’s Jollibee and McDonalds. Not Jabili and Wakdonald.” Pagtatama ni Mathaios sa kambal.
“E di waw!” Sambit ni Arianna.
“Ikaw na galing!” Dugtong pa ni Ariella.
“Oh gosh! I’m having a headache na daddy.” Umikot ang mata ni Mathaios at sinapo ang ulo.
Bigla naman akong naawa sa panganay ko. Six years old pa lang sya pero mukhang maaga syang mai-stress sa mga kapatid nya.
“Girls.. don’t talk to your kuya like that ok. Say sorry.” Mahinahon kong kausap sa kambal.
“Sorry Kuya MatMat. Labyu!” Sabay na sabi naman ng kambal na nagflying kiss pa.
“Daddy, Jabili po tayo.” Di pa rin nakakalimutang ungot ni Arianna na nanghahaba pa ang maliit na nguso.
“I want Wakdonald daddy.” Ungot din ni Ariella na nanghahaba din ang nguso.
Kapag ganyang mga nakanguso ang kambal ay si Ava ang nakikita ko lalo na noong paslit pa si Ava na kasingkulit din nila. Pakiramdam ko nga nadagdagan ako ng dalawang Ava.
“Girls, kaka-fastfood lang natin yesterday di ba? Ang usapan once a week a lang. So next week pa tayo magfa-fast food.”
Lalong nanghaba ang nguso ng kambal. Kung kasama namin si Ava malamang tatlo silang umuungot ngayon ng fastfood.
“But we’re hungry na po daddy.” Nagpapaawa pa ang mukha ni Ariella. Mukhang gutom na gutom na pero hindi naman halata sa katawang malusog.
“Sa bahay na tayo kumain ok. Malapit na tayo. Nasa bahay na rin si mommy.”
Wala ng nagawa ang kambal at nagbehave na lang sa backseat pero nagdadaldalan na naman sila. May kwento silang sila lang dalawa ang nakakaalam.
Pagdating sa bahay ay nagpaunahan pa ang kambal sa pagpasok sa bahay. Sinalubong pa sila ni Pochi na pinanggigilan pa nilang dalawa. Si Mathaios naman ay hinintay pa akong makababa at sumabay na sa akin pagpasok ng bahay. Bitbit ko naman ang school bag nya.
“Hi my babies! Nandito na pala ang mga babies ni mommy!” Bati ni Ava na pababa ng hagdan. Bagong bihis sya dahil kauuwi lang nya galing sa shop at shelter.
“Mommy!” Tumakbo ang kambal palapit kay Ava at yumakap sa bewang nya. Lumambitin pa ang dalawa. Bumaba tuloy ang suot na bestida ni Ava at lumitaw ang maputing cleavage nya.
Napangisi na lang ako at bahagyang nagreact ang alaga ko sa loob ng pantalon. Mula ng magkaanak si Ava mas sumexy pa sya. Mas gusto ko ang katawan nya ngayon. May laman at mas lalo pang nagkaroon ng korte lalo na ang parteng dibdib at balakang. Kahit tatlo na ang anak namin ay active pa rin kami sa sex pero may proteksyon. Dahil kung wala, siguradong sunod sunod na ang anak namin.
Umiskwat si Ava para mayakap sya ng kambal na mga kamukha nya. Pinanggigilan nya ang matatabang pisngi ng mga ito. Lumapit din si Mathaios at yumakap kay Ava at humalik sa pisngi. Ang kambal naman ay si Pochi ulit ang pinagtripan. Niyakap yakap nila ito.
“How’s school my baby boy?” Tanong ni Ava.
“School is fine mommy. Perfect po ang score ko sa math.” Cool na sabi ni Mathaios.
Hindi sa pagmamayabang pero matalino ang panganay ko. Mabilis syang matuto. Di na kailangan ng paulit ulit na turo.
“Ang galing naman ng baby boy ko. Mana kay mommy.” Pinupog ni Ava ng halik si Mathaios sa pisngi. Pinanggilan pa nya ito.
“Mommy stop na. Big boy na po ako.” Angal na ni Mathaios at pilit ng lumalayo kay Ava.
“Big boy ka dyan. Baby ka pa no.”
“Sabi po ni daddy big boy na ako.”
“Talaga? Big boy ka na? Tingin nga si titty Maty kung big na.” Hinawakan ni Ava ang garter ng jogger uniform ni Mathaios at sinilip ang loob. “Liit pa eh. Parang kamias.”
Lalong napasimangot si Mathaios. Napakamot naman ako sa ulo at napailing iling. Ito lang ang hindi nagbabago kay Ava, pasmado pa rin ang bibig at mas naging malala pa.
“Lalaki din po ito mommy.”
“Syempre naman. Magiging big din yan gaya ng kay daddy.” Tumingin pa sa akin si Ava at ngumisi.
Napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa kanya. Tumayo naman sya at tumingkayad sabay dampi ng halik sa labi ko. Hinapit ko naman sya sa bewang.
“Nagugutom na raw ang kambal.”
“Tamang tama may dala akong meryenda. Palabok at ice cream.” Binalingan nya ang kambal. “Twins let’s eat meryenda na. Bumili ako ng palabok sa eatery ni Tita Crizel at ice cream.”
Namilog ang mga mata ng kambal at lumapit kay Ava. “What flavor mommy.”
“Syempre ang paborito natin, avocado!”
“Yehey! Avocado!” Tuwang-tuwa na sabi ng kambal.
Sumimangot naman si Mathaios. “Avocado again? I don’t like avocado mommy.”
“Syempre may binili din akong paborito mong rocky road. Ikaw pa ba?”
Ngumiti na si Mathaios.
“Oh, go na kayo sa kitchen para magmeryenda na.”
Nagpaunahan sa pagtakbo ang mga anak namin papunta sa kusina.
“Ikaw, di ka magmemeryenda?” Baling sa akin ni Ava.
“Hindi na babe, busog pa ako.”
Tumaas ang kilay nya at sumilay ang pilyang ngiti. “O baka naman ako ang gusto mong meryendahin. Tamang tama bagong shave si kiffy.”
Napangisi ako sa kapilyahan nya at mariin syang hinalikan sa pisngi. “Pilya.. Mamaya na kita memeryendahin sa midnight snack kapag tulog na ang mga bata.” Pilyo kong bulong sa kanya.
“Ay bet na bet ko yan habibi.” Humahagikgik na sabi nya.
Natigilan naman kami ng marinig ang tili ng kambal sa kusina kasunod ng sigaw ni Mathaios. Mukhang nag aaway na naman sila. Sabay na kaming pumunta sa kusina. At doon nga ay naabutan naming nag aagawan ng kutsara ang kambal. Sinasaway naman sila ni Mathaios..
–
In-adjust ko ang suot na salamin habang nagta-type ako ng reply sa email. Patingin tingin din ako sa mag iina ko na nagvi-videoke sa cellphone. Ang panganay ko naman ay nasa tabi ko at naglalaro sa tablet. Pero nasa mukha nya na naririndi sa boses ng ina at kambal na kapatid dahil napapatakip sya sa tenga. Napangisi na lang ako.
Lumapit pa ang kambal sa akin habang kumakanta ng english song. Nasa magkabilaang gilid ko sila at yumakap sa leeg ko. Kinakantahan nila ako at may pahalik halik pa sa pisngi ko. Isa rin sa namana nilang ugali ni Ava ay ang pagiging malambing na gustong gusto ko. Nakakawala ng pagod. Tumigil ako sa pagta-type at hinalik halikan ang kambal sa pisngi kahit masakit sa tenga ang matinis nilang boses.
“I love you daddy!” Duet pa nilang dalawa.
“I love you two.”
Lumapit naman si Ava kay Mathaios at niyakap ito habang kumakanta. Wala naman katinag tinag ang panganay namin sa paglalaro sa tablet kahit halos wrestling-in na sya ng ina. Masasanay din sya dahil ganitong buhay ang kalalakihan nya sa piling ng mommy at ng kapatid nya. Maingay na buhay pero masaya.
Umihit ihit ng ubo si Ava. Uminom sya ng tubig habang hinihimas ang leeg.
“Inubo ako sa pagkanta ah. Napalaban ako sa kambal.” Sabi nya.
“Inuman mo lang ng maraming tubig.”
Inubos nya ang lamang tubig ng bote. “Yan, guminhawa na.”
Pinatong nya sa coffee table ang basyo ng bote at lumapit sa akin sa balkonahe. Yumakap sya sa bewang ko at umakbay naman ako sa kanya. Nakatingin kami sa labas ng bahay. May mangilan ngilang sasakyan ang dumadaan sa harapan ng bahay. Maganda ang gabi. Maraming bituin sa langit at hindi maaalinsangan ang hangin.
“Babe, sundan na kaya natin ang kambal.” Untag nya sa akin at tumingala.
Ngumisi ako. “Kaya mo pa ba?”
“Syempre naman. Kayang kaya ko no. Bata pa ako at malusog. Saka gusto ko lalaki naman para may kalaro at kakampi ni Maty. Para hindi sya nao-op sa kambal.”
Hinalikan ko sya sa sentido. “Pagplanuhan natin yan.”
“Babe..”
“Hmm?” Tumingin ako sa kanya. Titig na titig sya sa akin.
“Naisip ko lang, kung di ka kaya nagkagusto sa akin sino kaya ang asawa ko ngayon? O kaya sino ang asawa mo?”
“Huwag mo ng isipin ang bagay na yan. Tayo talaga ang itinadhana.” Nakangising sabi ko. Ayokong isipin ang bagay na kung hindi ako sino kaya ang asawa nya ngayon. Nakakasira ng mood.
“Naisip ko lang naman yun kasi ang sungit sungit mo sa akin dati. Sinong mag aakala na magkakagusto ka sa akin.”
“Kahit naman ako di ko rin inakalang magkakagusto ako sayo. Sobrang kulit mo noong bata ka pa. Mas makulit ka pa sa kambal.” Ang dami nyang ginawa sa akin noon na nagpasakit talaga ng ulo ko. Pero ang di ko makakalimutan sa lahat ay nung dinrawingan nya ang bagong bili kong kotse gamit ang pako. Tadtad yun ng drawing nya at sinulat pa nya sa hood ang buong pangalan nya. Yun pala minarkahan na nya ako noon pa man.
“Oo nga pala! Naalala ko yung kotse mo na dinrawingan ko ng pako. Nasaan na pala yun?”
“Nasa dating bahay namin ni mommy. Nasa garahe at may bakas pa rin ng pako.”
Ngumiti sya at ngumiwi sabay kamot sa batok. “Sorry po.. pilyang bata lang noon.”
“Kaya paano akong di magsusungit sayo nun eh ubod ka ng pilya.”
“Pero ngayon love na love mo na ako.” Matamis na ang ngiti nya sa labi.
“Hindi ko itatanggi yan kahit ubod ka pa rin ng pilya. Mahal na mahal kita Ava.” Niyakap ko sya at mariing hinalikan ang kanyang noo.
“Mahal na mahal din kita kahit ang sungit sungit mo sa akin noon. I love you my grumpy Kuya Matias.”
Ngumiti ako at sa labi ko naman sya mariing hinalikan. Sya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko at ang mga anak namin.
WAKAS
The end na guys. Yun na talaga. Anyways.. taos puso akong nagpapasalamat sa suporta nyo sa story ni Matias at ni Ava. Alam kong bitin ang iba sa inyo kaya iiwan ko na lang sila sa imahinasyon nyo. Nakakatuwa na nagtapos ang story na ito na may mahigit kalahating million reads. Patunay lang na inabangan nyo talaga ang story na to. Maraming maraming salamat at kitakits tayo ulit sa susunod na story 🤗
Anong next story? Abangan sa fb page ko hehe. Kaya sa mga hindi pa nakakafollow, follow nyo na ako para updated kayo mga bhie 😘♥️

