loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Dominic (COMPLETED)

Dominic (COMPLETED)

Marthacecilia Phr · 17 chapters · 22,832 words

CHAPTER ONE

I NIHILIG

ni Alyna ang ulo niya sa sandalan ng bus. Gaano na ba siya katagal na nagbibiyahe? Nananakit na ang mga likod niya. Labing anim na oras na. At sabi ng konduktor ay isang oras na lang at darating na siya sa San Teodoro. Hindi siya nag-eroplano dahil gusto niyang makatipid. Pero ngayon niya gustong pagsisihang hindi niya ginawa.

Nilinga niya ang dinaraanan. Pulos talahib at mga kahoy. Rough road ang kalye. Nakalimutan na ba ng gobyerno ang lugar na ito? Sa tagal ng biyahe ay nakadarama na siya ng pagod at pagkahilo.

Ipinikit niya ang mga mata kasabay ng paghawak sa tiyan. Naglakbay ang isip niya sa pangyayari may pitong buwang mahigit na ang nakararaan. Ang dahilan kung bakit heto at nagbibiyahe siya patungo sa lugar na hindi pa niya nararating kahit sa panaginip.

“KAILANGAN kong umalis, Alyna,” ani Dominic sa kanya isang Sabado ng tanghaling hinahainan niya ito ng pagkain sa mesa. Pinaghalo-halong gulay ang naroon at kung wariin niya ang tinging ipinukol ng lalaki sa inihahain niya’y naroon ang disgusto.

“Umalis? Patugo saan?”

“Tumanggap ako ng telegrama mula sa kaibigan ko sa San Teodoro. Pinauuwi ako dahil may problema sa lupa kong ipinagbibili sa kanya…” wika nito na hindi sinasalubong ang tingin niya.

“H-hindi mo ba ako maaaring isama?” nag-aalangan niyang tanong.

“Kung pagdating sana ng airport ay hindi na magbibiyahe ng tatlong oras ay isasama kita. Rough road at matagtag. Isa pa, babalik din naman ako kaagad. Tatlong araw lang ako doon.”

“Pero hindi ba dapat na ito ang tamang pagkakataon para makarating ako sa inyo?” Hinila niya ang upuan at naupo. Tinitigan ang mukha ni Dominic na nakayuko sa pagkain.

“Wala akong pamilya, Alyna. Sinabi ko na sa iyo iyon, ‘di ba? Ang mother ko ay namatay sa heart failure six months ago. At kaya ako narito ay upang asikasuhin ang pagbibili ng mga ari-arian ko roon…’’ nasa tinig nito ang mahigpit na pagtangging maisama siya. Iyon ang nahihimigan ni Alyna. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.

“Kung sabagay ay mahihirapan din naman akong kumuha ng leave sa opisina. Tatlong araw ka lang bang mawawala?”

“Pinakamatagal na iyon. At ngayon na ang alis ko para bukas ng tanghali ay naroon na ako sa rancho.” Dinampot nito ang baso ng tubig at uminom. Pagkatapos ay tumayo.

“Rancho?” Bahagya siyang namangha sa narinig dito. “May… rancho ka?”

Nagkibit ng mga balikat si Dominic at tumayo. “Lupa, rancho, pareho lang iyon, Alyna,” may iritasyon sa tinig nito. Nabigla lang itong mabanggit ang rancho. “Ihahanda ko ang mga gamit ko…” pumanhik ito sa itaas ng apartment.

Mabigat ang katawang sumunod si Alyna. Mga gamit ko. Kung tutuusin ay wala namang mga gamit si Dominic na nasa kanya kundi tatlong polo shirt, dalawang pantalon at marahil ay tatlo ring underwears.

Nakatayo siya sa may pinto at pinapanood ang paglalagay ng asawa ng mga gamit sa attache case nito.

“Bakit kailangang dalhin mo ang mga damit mo gayong tatlong araw ka lang doon?” pagpuna niya. “Hindi ba dapat na iuwi mo na nga rito ang iba mo pang mga gamit?”

Nilingon siya ni Dominic na sandaling hindi kumibo sa pagkakatitig sa kanya. Pagkatapos ay humakbang palapit. Hinapit siya nito sa baywang.

“You’re right. Nakalimutan kong may-asawa na nga pala ako.” ginawaran siya nito ng mapusok na halik sa mga labi. Laging ganoon kung humalik si Dominic. Tila siya laging naghahabol ng paghinga. Napaka-uncomfortable. Sa mga novels na nababasa niya ay tila ginagapangan ng koryente ang character na babae pag hinahalikan ng bidang lalaki. Bakit hindi niya maramdaman iyon?

Ito ang ikalimang araw mula nang ikasal sila. At sa loob ng mga araw na iyon ay tatlong araw lang na natulog ang lalaki sa apartment. Noong unang dalawang araw pagkatapos nilang ikasal. Sa ikatlong araw ay hindi ito umuwi. Ang sabi’y nai-blowout ng mga kaibigan dahil nag-asawa na siya at hindi man lang nito naimbita ang mga iyon. Nagkita na lang sila sa opisina niya kinabukasan at nag-lunch sila sa labas. At ngayon ang ikalimang araw kung saan uuwi naman ito ng San Teodoro.

Isa pang ipinagtataka niya at ng kaibigang si Liza ay hindi man lang siya nito pinag-leave matapos silang magpakasal. Ang sabi nito ay babawiin na lang nila ang honeymoon pag naibenta na ang lupang ipinagbibili. Naniniwala siya roon dahil isa sa mga clerk sa law office na pinupuntahan ni Dominic ay nakasabay niya sa canteen ng building. Nabanggit nito ang tungkol sa lupang inaasikaso ng lalaki. Pogi pa nga ang pagtukoy nito kay Dominic at tinutukso siya.

Pinakawalan ni Dominic ang mga labi niya. “I really don’t want to leave you, Alyna. I will miss you…” wika nito. Nasa mga mata ang pagnanasa.

“A-ako rin, Dominic…”

“Kung may oras lang ay…” nilingon nito ng may panghihinayang ang kama. Pagkatapos ay umiling. “Mahuhuli ako sa flight, Alyna…”

Isang tango ang isinagot niya at matapos damputin at isara ang attache case ay niyakag na siyang bumaba. At iyon ang huli nilang pag-uusap na dalawa.

Nakilala niya si Dominic more than a month ago. Pareho silang inabutan ng brownout sa elevator. At dahil natatakot siya’y napilitan siyang makipag-usap dito. Bukod pa roon, madaling kagaanan ng loob si Dominic. Palabiro at makuwento. Higit sa lahat, mataas at guwapo. May inaasikaso itong negosyo sa building na iyon kung saan naroon din ang opisinang pinagtatrabahuhan niya bilang clerk-typist.

Iyon ang simula ng malimit na pakikipagkita sa kanya ni Dominic. Niligawan siya nito at sa dinami- daming mga nanliligaw sa kanya ay pinili niya si Dominic dahil sa edad nito. Thirty three years old na ang lalaki. At sa palagay niya ay responsable. Maliban sa opisina ay dinadalaw siya sa apartment na tinitirhan niya kasama ang best friend na si Liza.

She was fascinated by the flowers and the chocolates na laging dala nito tuwing dadalawin siya. At maraming kaopisina ang naiinggit sa kanya tuwing sinusundo siya ni Dominic. Subalit higit pa sa simpleng date ang gustong mangyari ng lalaki. Ilang beses na siya nitong niyayang sumama sa isang pribadong lugar subalit tumatanggi siya.

“Dominic, please. Kung gusto ng ibang babae ang premarital affairs ay desisyon nila iyon. Ako, ayoko. I have nothing to offer the man who’s going to give me his name kundi ang pagiging malinis ko,” nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang ng lalaki sa sinasabi niya. Isa na itong replay sa mga naunang hiling nito.

“That man would be me, Alyna, because I am going to marry you. Marami lang muna akong aayusin pero ihanda mo ang sarili mo sa isang simpleng kasal,” wika nito na dinala sa mga labi ang palad niya.

“Hindi ko kailangan ng magarbong kasal, Dominic,” her eyes sparkled with happiness sa pangakong iyon. “Alam mo ang dahilan ko, Dominic. Naikuwento ko na sa iyo.”

Ulila siyang lubos. Hindi niya nagisnan kung sino ang ama niya. Siyam na taon siya nang ilagak siya ng ina niya sa Girls’ Town. Nangakong babalikan pero hanggang sa mga sandaling ito’y hindi na niya nakita pang muli. Ni hindi niya alam kung buhay pa ito. Pagdating niya ng disiotso ay pinalabas siya ng bahay-ampunan at binigyan ng rekomendasyong makapagtrabaho sa opisinang pinagtatrabahuhan niya ngayon.

Maliban sa bata at maganda ay matalino si Alyna. Ang mga ito ang tumulong sa kanya upang maging regular sa kompanyang iyon. Nakilala niya si Liza, ang personnel officer at nagkahulihan sila ng loob. Niyakag siyang sa inuupahan na nitong apartment tumira. Si Liza na kung tutuusin ay siya naman talaga ang nagbabayad ng apartment. Hindi kaya ng suweldo niya ang maki-share dito sa bayad. Pinupunan niya iyon sa pamamagitan ng pag-ako ng pagkain nilang dalawa at kahit na nakikihati si Liza ng pamalengke ay ayaw niya.

Apat na araw matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Dominic ay nagulat na lamang siya nang sunduin siya sa opisina isang hapon at sabihin nitong pakakasal sila.

“P-pero… paano mo gagawin iyon? Ang mga requirements?” Excitement and confusion ang umiral sa kanya.

“We will fill up the marriage license ngayon at pagkatapos ay deretso na ang kasal. Pera ang pinagalaw ko, Alyna, para madali ang lahat. Alam mo naman na lahat ay kayang pakilusin ng pera.”

Kung sabagay, alam niyang totoo iyon. Napakabilis ng mga pangyayari at sunod-sunuran siya kay Dominic. Ni hindi niya naipaalam kay Liza. Isang pinakasimpleng kasal ang ginanap sa isang tila opisinang silid. Ang witness ay isang kaibigan ni Dominic at ang huwes na nagkasal ay kakilala pa rin nito.

Pagkatapos ng kasal ay inaasahan niyang dadalhin siya ni Dominic sa tinitirhan nito kung saan man iyon. Subalit hindi ganoon ang nangyari at sa halip ay sa silid niya sa apartment sila tumuloy na dalawa. Sinabi nitong sa hotel tumutuloy pag naririto sa Maynila. At nang sabihin niyang nakakahiya naman kay Liza ay sinabi nitong hindi sila magtatagal doon at hinihintay lang na matapos ang inaasikasong pagbibili ng ari-arian sa probinsiya at lilipat din sila.

Nang sabihin ni Dominic sa kanyang wala itong pamilya maliban sa inang namatay sa sakit sa puso ay hindi na siya nagtanong pa. Tulad din niya ang asawa na walang mga kamag-anak. At hindi niya gustong pag-usapan ang mga bagay na magdudulot lang ng lungkot sa kanya at marahil ay kay Dominic rin.

“Hindi ka ba papasok ngayon?” Si Liza na sumilip sa silid niya. Nasa kama pa rin si Alyna at nakahiga.

“Nahihilo ako, Liz. Parang gustong bumaliktad ng sikmura ko…” aniya na niyakap ang unan.

“Baka naglilihi ka na, Alyna…” ani Liza na pumasok at naupo sa gilid ng kama. “Kahapon pa kita napupunang tila tamad na tamad.”

Nanlaki ang mga matang napatitig siya sa kaibigan. Naglilihi!

“P-pero hindi maaari, Liz…” aniya na napabangon. “Hindi ako maaaring maglihi…”

“Aba’y bakit hindi, eh nagkaasawa ka,” natatawang wika nito. “Kailan nga pala ang balik ni Dominic? Mag-iisang buwan na siyang wala, ’di ba?” Ibinagsak niyang muli ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha. “Kahit sulat o telegrama ay wala akong tinatanggap sa kanya, Liz.

Nag-aalala na nga ako, eh.“

“Ano?” bulalas ni Liza na nagsalubong ang mga kilay.

“Akala ko ba’y sumulat na sa iyo at naantala lang

ang pagbabalik. “

“Sinabi ko lang iyon dahil… nahihiya ako sa iyo…” isang

buntong-hininga ang pinakawalan niya kasabay ng pagtutubig ng mga mata. “Hindi ko alam kung ano na

ang

nangyari, Liza…“

Hindi agad nakakibo si Liza. Hindi niya gusto si Dominic para sa kaibigan kahit noon. Basta na lang ito lumitaw sa buhay ni Alyna mula sa kung saan at pinakasalan ang kaibigan. Pero maliban sa paalala ay hindi niya magawang saklawan ang desisyon at buhay ni Alyna. At lalong hindi niya magawang sirain ang loob ng kaibigan ngayon.

“Baka naman malala ang suliraning kinakaharap niya sa

probinsiya nila kaya hindi niya magawang sumulat o tumilegrama sa iyo…“

Tinitigan niya ang kaibigan. “Naniniwala ka ba roon?”

Umiwas ng tingin si Liza at tumayo. Lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina at pinanood ang mga kabataang nagba-basketball sa may di-kalayuan.

“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, Alyna. But if you want my honest opinion, then it’s no. Hindi ako naniniwala roon.”

Kinabahan si Alyna. “Then something wrong must have happened to him. Baka naaksidente siya at naospital.” At tuluyan nang kumawala ang mga luhang pinipigil niya.

“Kung ganoon nga ang nangyari, hindi maaaring hindi natin malaman. You would have been notified dahil asawa ka niya o di kaya ay nabasa o narinig na natin sa TV.

“Malayo ang probinsiya nila. It’s a remote area.”

Nagbuntong-hininga si Liza. “Ang pinakamabuti nating gawin ay maghintay pa. Mamaya, magha-half- day ako at sasamahan kitang magpa-check up para malaman natin kung nagdadalang-tao ka na.”

Nagdadalang-tao. Magkakaanak siya. Napaka-bilis ng mga pangyayari sa buhay niya. At ang ikinalulungkot niya ay tila hindi siya nag-asawa. She married a stranger. Sa loob lamang ng halos limang linggo ay nakilala, niligawan, at pinakasalan siya nito.

Kung bakit nangyari iyon ay hindi pa rin niya maintindihan .

Marahilay nadala siya sa mga declaration ng pag-ibig nito. Marahil dahil sa edad nito.Labing-apat na taon ang agwat nila. Responsible and matured-looking. Parangnagkaroon siya ng father image. Or maybe eksperto lang ang lalaki sa mga bagayna iyon. At sinabi pang matalino siya. How ironic.

CHAPTER TWO

B1GLANG nagmulat ng mga mata si Alyna. Napahawak siya sa tiyan dahil sa pagkakalubak ng bus at medyo nauga siya. Muli niyang nilinga ang labas ng bus. Tila walang katapusang gubat ang nakikita niya sa magkabilang panig ng daan.

“Malayo pa ho ba tayo sa San Teodoro?” tanong niya sa katabing pasahero.

Nagsalubong ang mga kilay na tinitigan siya ng matandang babae. “Aba, eh, kung bayan ng San Teodoro ang tinutukoy mo, ineng, nakalampas na tayo. Hindi naman huminto ang bus doon nang matagal dahil isang pasahero ang bumaba.”

“Ho? Eh,nasaan na ho tayo?” nag-aalala niyang tanong.

“San Teodoro pa rin pero wala na tayo sa bayan.” Napatayong bigla si Alyna. “Mama, para na ho!” Huminto ang bus at sa pagtitinginan ng mga tao ay sinikap abutin ni Alyna sa lagayan ng bagahe sa ulunan niya ang dala niyang maleta. Tinulungan siya ng konduktor na ibaba sa bus ang maleta niya at inilapag ito sa may tabing daan. Umusal siya ng pasasalamat bago muling bumalik sa bus ang konduktor at umandar na muli ang bus.

Nilinga niya ang paligid. Pulos talahib, damo, at mga punong hindi naman niya kilala ang nasa paligid. Ni isang bahay ay wala siyang natatanaw. Nasaang panig ba siya ng lupa? Ngayon niya gustong pagsisihan ang pag-alis niya ng Maynila upang magtungo rito. Kahit pa marahil sa bayan siya naibaba ay mahihirapan din siyang hanapin ang bahay ni Dominic.

Pero kung may rancho ang asawa niya sa San Teodoro ay madaling ipagtanong. Iyon ang nagpalakas ng loob sa kanya. Noon pa niya gustong sumunod sa asawa dito dangan nga lang at pinipigil siya ni Liza. Napakalayo ng biyahe at walang kasiguruhan. Baka pa siya mapaano lalo pa’t nagdadalang-tao siya.

Pero nitong lumalaki ang tiyan niya ay hindi siya nakinig kay Liza. Nagmatigas siya. Buntis siya at kailangang malaman ng ama ng anak niya ang kalagayan niya. Obligasyon niyang ipaalam iyon dito. Hindi siya papayag na ilabas sa mundo ang anak niyang hindi alam kung sino ang ama tulad niya. Isa pa, baka talagang may nangyaring hindi maganda kay Dominic. Maraming mga posibilidad siyang naiisip. Naaksidente at… napahinga siya nang malalim sa parteng iyon. Sana naman ay walang masamang nangyari dito. O, baka naman nagka-amnesia… baka nakulong. Mga kung ano-anong kaisipan na gusto nang magpasira ng ulo niya.

Kinakabahang sinulyapan niya ang relo sa braso niya. Alas- tres ng hapon at makulimlim ang panahon. Saan siya pupunta? Ano ba itong lugar na binabaan niya? Bakit ba pumikit pa siya? Naidlip ba siya at hindi niya namalayan ang pagdating nila ng San Teodoro?

Dahil sa kalagayan niya ay mabigat na ang maliit niyang maleta. Halos pakaladkad na niya itong hinihila patungo sa kabilang bahagi ng daan dahil hindi gaanong matalahib sa bahaging iyon.

May ilang minuto na niyang binaybay ang tabing daan at pagod na pagod na siya. Ni hindi niya alam kung saan siya patungo. At ni walang nagdaraan kahit na anong uring sasakyan. Pakiramdam niya’y gustong sumakit ang puson niya. Halos umiikot na ang paningin niya pero hindi niya kailangang mawalan ng malay sa isang estrangherong lugar.

Tunog ng sasakyan ang mabilis na nagpalingon sa kanya sa pinanggalingan niya. Agad siyang huminto sa paglakad. Kung sino man ang dumarating na ito’y wala siyang pakialam. Paparahin niya.

Malayo pa ang sasakyan ay itinaas na ni Alyna ang kamay upang parahin ang parating na sasakyan. At sa puntong iyon biglang kumirot naman ang tiyan niya. Sa halip na pumara ay naisapo niya sa tiyan niya ang kamay.

“Nakup…” daing niya. Biglang kinabahan. Napagod siya nang husto. Baka may masamang mangyari sa nasa sinapupunan niya.

MALAYO pa’y natanaw na ng driver ang babae sa tabing daan. Nakalingon sa kanya na bahagyang nakataas ang isang kamay na muli ring ibinaba.

Hitchhiker? No. Wala noon dito sa probinsiya.

Lalampasan na sana nito ang babae nang mapunang nakatutop ito sa tiyan at tila namimilipit. Biglang nagpreno ang driver na bahagyang nakalampas. Umatras at binuksan ang windowshield ng Ford pick-up.

’’Kailangan mo ng tulong ko, Miss?“

Sa kabila ng dinaramdam ay hindi nakaila sa pandinig ni Alyna ang tinig nito. Deep and masculine At lihim siyang nagpasalamat dahil huminto ito. Nilingon niya ito subalit bago tumama ang mga mata niya rito ay tuluyan ng umikot ang paligid sa kanya. At kung hindi dahil sa maleta niya ay tuloy-tuloy siyang babagsak sa lupa. Mahigpit siyang kumapit sa maleta.

Mabilis na lumabas ng pick-up ang lalaki. Sinapo siya nito mula sa pagkakahandusay sa maleta. Binuhat at dinala sa may passenger side. Ang kamay nito mula sa ilalim ng katawan ni Alyna ang nagbukas ng pinto at ipinasok siya sa loob.

“Puwede kang mahiga kung gusto mo,” wika nito na tinitigan ang kabuuan ni Alyna. Huminto ang titig nito sa tiyan niya at sandaling nagtagal doon. Pagkatapos ay binalikan ang maleta at inilagay sa likod. Bumalik sa driver’s seat at pinaandar ana sasakyan.

“Hmnn…” si Alyna. Patuloy sa pag-ikot ang painingin niya at hindi niya gustong magmulat ng mga mata.

“Buntis ka…” marahang sinabi nito matapos pakatitigan ang tiyan ng pasahero. “Ano ang masakit sa iyo? Manganganak ka na ba?” Sunod-sunod ang tanong ng lalaki na kinababakasan ng matinding pag-aalala ang tinig.

Hindi kumibo si Alyna na pinakikiramdaman ang sarili. Nanatiling nakapikit. Nararamdaman niyang nabawasan

ang sakit ng kanyang tiyan. Hindi niya gustong magsalita muna na para bang pag ibinuka niya ang bibig ay muling hihilab ang tiyan. Nakadama rin siya ng ginhawa sa lamig ng aircon sa loob ng pick-up. She tried to steady her breathing.

Bahagyang napanatag ang lalaki nang mapunang unti-unting kumalma ang mukha ni Alyna. Hindi niya maiwasang hindi ito lingunin. Her lips pouting a little sa tuwing nag-i-exhale nang marahan. They looked so soft. May kaputian at makinis ang kutis. Katamtamang tangos ng ilong at mahabang pilik-mata. Hindi kailanman siya na-attract sa mga babaeng tila lalaki sa iksi ng buhok pero bumagay sa mukha ng babaeng ito ang maiksing style.

Sa isang salita, maganda ang pasahero niya. Small. Baka

lumampas lang nang kaunti sa limang talampakan. And very young. Seventeen or eighteen? At nagdadalang-tao na!

May asawa na ba ang babaeng ito? Tanong niya sa sarili. May kung anong panghihinayang siyang nadama na hindi niya mawari. At sa tingin niya’y hindi taga-San Teodoro ang pasahero niya.

“Okay ka na ba, Mrs… ?” Ibinitin niya ang salitang ‘Mrs.’ sa pagbabakasakaling dugtungan ito ng babae. Pagkatapos ay inihinto ang sasakyan sa tabi ng daan.

CHAPTER THREE

“S ALAMAT,” aniya at nilingon ang lalaki. Napigil ang paghinga niya sa nabungaran ng mga mata.

Malaki at mataas ang lalaki. Halos umabot na ang ulo nito sa bubong ng pick-up. Nasa bahagi nito ang araw shadowing his face.

Cliche na ang salitang “tall, dark, and handsome” para i-describe sa lalaking ito. Pero wala siyang magagawa kundi gamitin ang cliche na iyon para sa lalaki At nakapagtatakang hindi niya kailanman nagamit iyon kay Dominic gayong guwapo din ang lalaking pinakasalan niya.

Oh, yes, this man is handsome, but not the sophisticated way. Ruggedly handsome, that is. Matangos ang ilong in a masculine way. High cheekbones na para bang iyong mga Indians na napapanood

niya sa TV. Mga labing tila nililok ng isang iskultor and squared chin na bumagay sa aroganteng mukha. Nasa pagitan marahil ng beinte-sais at beinte-otso ang edad.

Bumaba ang tingin ni Alyna sa suot nitong puting sportshirt na kinabakasan ng matipunong dibdib. Isang tight faded denims ang suot nito at itim na leather boots na puno ng alikabok. Marahil ay naglakad ito nang malayo bago sumakay ng pick-up.

“Sino ka at bakit ka naroon sa kalsada ng ganitong oras at nag-iisa pa?’ tanong ng lalaki na pumukaw sa pagsusuri niya sa anyo nito, as he twisted his lips and gave her the sexiest smile na nakita niya sa buong buhay niya. Alam nito ang pagsusuring ginawa niya at pinamulahan ng mukha si Alyna.

“Lumampas ako sa bayan at dito na ako naihinto ng bus…”

“Kung sa bayan ang tungo mo ay ihahatid na kita. Baka gabi na bago may magdaang pampasaherong bus patungo roon,” anito na muling ini-start ang engine ng sasakyan. “Saan sa bayan kita ihahatid?” patuloy nitong tanong habang nagmaniobra pabalik sa pinanggalingan. Malayo-layo na rin naman ang bayan ng San Teodoro. Nasa boundary na sila halos ng San Teodoro at Sta. Quiteria.

Tumikhim si Alyna na hindi agad makasagot. Mukha namang mabait at mapagkakatiwalaan ang lalaki. Well, if there’s one thing dangerous about this man ay iyong pagiging sexy nito.

“T-tagarito ka ba sa San Teodoro?” tanong niya na tinitigan ang mukha ng lalaki. Tila may magnet itong hinihila roon ang mga mata niya.

Umiling ito. “Next town. Sta. Quiteria. Bakit mo naitanong?”

“H-hindi ko kasi alam ang pupuntahan ko sa San Teodoro…” aniya sa mahinang tinig kasabay ng paglingon sa labas ng bintana ng sasakyan. “Naisip ko na kung tagaroon ka ay baka kilala ninyo ang hinahanap ko…”

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki sa sinabi niya. “Saan ka pa galing?” seryosong tanong nito.

“Sa… Maynila pa…”

“Ano?! At bumiyahe ka ng nag-iisa sa kalagayan mong iyan at hindi mo alam kung saan sa San Teodoro ang pupuntahan mo!” May iritasyon na sa tinig nito. His face grim. “Nasaan ba ang asawa mo?”

Bahagyang napasiksik sa tabi ng sasakyan si Alyna sa pagtaas ng tinig ng lalaki. Hindi nakaligtas dito ang ginawi ni Alyna at ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya.

“Anak ng…” marahan pero paasik nitong sinabi. Nilingon siya. “Huwag kang matakot sa akin. Nagugulat lang ako sa lakas ng loob mo. Mahabang biyahe sa bus ang patungo rito. Paano kang pinayagan ng asawa mong lumakad mag-isa? O, may asawa ka ba? Ilang taon ka na?”

Isang matalim na sulyap ang ibinigay ni Alyna sa tanong nito kung may asawa siya sa nagdadalang-tao niyang kalagayan. “Nineteen na ako…”

Sandaling sinuyod siya ng tingin ng lalaki bago ibinalik sa daan ang pansin. “Why, you look as if you just came out from school,” sinabayan nito ng iling. “At nagdadalang-tao na…” pausal na idinagdag ng driver.

“Thank you very much!” naiinis niyang sagot. “And yes, I’m very much married,” pinakadiin-diin niya ang huling sinabi. “At hindi ako pinayagan ng asawa kong lumakad mag-isa…”

Nakakunot pa rin ang noo nito. “Puwes, bakit ka—”

“Ang asawa ko ang hinahanap ko rito sa San Teodoro. Tagarito siya,” agap niya sa sasabihin nito.

Napailing ang lalaki. Naguluhan sa sinasabi ng pasahero. Problemang pang-mag-asawa marahil. Ano ba naman itong kinasabitan niya. Pero wala na siyang magagawa dahil inalok na niya ng tulong ang babae. May asawa at tagarito pero hindi alam kung saan. Kung sabagay ay ano ba ang pakialam niya. The sooner na maihatid niya sa bayan ng San Teodoro ang babae ay mas mabuti. Natatagalan na siya sa pag-uwi at nagdidilim pa ang langit.

“Ano ang pangalan ng asawa mo at baka kahit paano ay kakilala ko,” anito bagaman may duda sa sinasabi. Malaki rin ang bayan ng San Teodoro. “O di kaya ay baka may mga kaibigan akong maaaring kakilala ito…”

“Del Carmen…” aniya na ang mga mata’y nakatuon sa daan. “Dominic del Carmen ang pangalan ng asawa ko at…” hindi niya naituloy ang sinasabi dahil biglang nagpreno ang driver. Halos sumubsob siya sa dashboard kung hindi niya naitukod ang mga braso dito.

Nagulat pa si Alyna nang sa pagbaling niya rito’y nakita niya ang pagdilim ng mukha ng lalaki. Confusion. Iyon ang nababasa niya sa mukha nito.

“M-may… sinabi ba akong… hindi mo nagustuhan?” naguguluhang tanong niya. Bahagyang kinabahan.

“Ano na nga uli ang pangalan ng asawa mo?” Binigyang diin nito ang salitang “asawa” sa tonong lalong nagdagdag sa kaba ni Alyna.

“D-Dominic… Dominic del Carmen marahang sagot niya. “At… sa pagkakaalam ko’y may rancho sila sa San Teodoro…”

Nakita niya ang paggalawan ng muscles sa mukha ng lalaki at ang pagsasalubong ng mga kilay nito.

“Sa palagay mo?” mariing pag-ulit nito sa sinabi niya. Halos magdikit na ang mga kilay. “Bakit hindi ka nakatitiyak gayong asawa mo ang sinasabi at hinahanap mo?” Marahan ang tinig ng lalaki pero sa pakiramdam niya ’y nasa ilalim siya ng interrogation ng mga NBI.

Paano niya ipaliliwanag sa lalaki ang pagkawalang- alam niya sa buong pagkatao ng asawa niya maliban sa wala itong pamilya? Patay na ang mga magulang at nagsosolong anak.

“W-we met in Manila… at… at ngayon lang ako nakarating dito.”

“At bakit mo hinahanap ang asawa mo?” patuloy ng lalaki. Puno ng kuryosidad ang tinig. Naniningkit ang mga mata.

“Oh, please…,” aniya, in a weary tone. “Sana’y hindi mo na lang ako tinatanong. Magpapasalamat ako kung maihahatid mo ako sa bayan. Ipagtatanong ko na lang kung saan doon ang del Carmen ranch.”

“At itong Dominic del Carmen na ito ang ama ng dinadala mo?” patuloy ng driver na parang hindi siya nagsalita.

Naguguluhang tumango si Alyna. Sandaling katahimikan ang lumipas bago muling pinaandar ng lalaki ang sasakyan at muling nagmaniobra.

“Dadalhin kita sa Rancho del Carmen,” wika nito. “At wala sa San Teodoro ang rancho kundi nasa Santa Quiteria…”

“Oh!“marahang bulalas niya. Obvious na nagagalit ang lalaki. Kung para kanino at kung bakit ay hindi niya alam. Hindi niya gustong magsalita. Ang mahalaga’y dadalhin siya nito sa lugar ng asawa niya.

Wala sa loob na ikinabit niya sa ibaba ng dibdib ang seat belt dahil sa tulin ng ginawang pagpapatakbo ng lalaki. Ni hindi niya nagawang magsalita dahil kinakabahan siya sa anyo nito at sa bilis nila. Nakikita niya ang talsikan ng mga grabang dinadaanan nila. Gusto niyang pag-isipan kung nasa matinong kaisipan ang lalaking ito.

Makalipas ang beinte minutos ay lumiko pakaliwa ang sasakyan. Natanaw niya ang nakahilig na kahoy na naka-krus sa isang poste na may nakalagay na “Rancho del Carmen.”

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Matalim siyang nilingon ng lalaki

Orchard ang dinadaanan nila. Hindi niya maiwasang hindi humanga. Sa buong buhay niya’y noon lang talaga siya nakakita ng pataniman ng mga prutas. Hile-hilerang puno na daan-daan yata ang dami. Halos hindi makuhang makalabas ng araw sa kapal ng mga puno. Mga punong may mga bunga. Berde ang kulay at almond shape pero hindi niya kilala.

“A-ano’ng puno ang mga iyon?” aniya sabay lingon sa hile-hilerang punong tinutukoy.

“Pili,” maikling sagot ng lalaki. Noon lang siya nakakita ng mga puno o ng pataniman ng mga pili “Nakakain na ba ang ganyan?”

“Mura pa iyang mga nakikita mo. Kulay ube ang bunga niyan pag nahinog at handa nang anihin…” paliwanag ng driver.

She was fascinated. Muli niyang iginala ang paningin sa dinadaanan. “Ang gaganda!” wala sa loob niyang bulalas. Lalo na nang makakita siya ng mga ligaw na orchids na tumubo sa isang malaki at matandang puno. Kulay dilaw ang maliliit na bulaklak.

Nilingon siya ng lalaki na muling nagsalubong ang mga kilay sa excitement na nasa mukha niya.

“Bakit pantay-pantay ang mga damo? Bermuda grass ba ang mga iyan?” wala pa rin sa loob niyang tanong. Nawala sa dibdib ang bahagyang takot dito.

“Carabao grass ang tawag diyan. Hindi iyan itinatanim. Kusang sumisibol ang mga iyan. Sa Maynila ay binibili ang damong iyan…” paliwanag nito na sandaling nag-iba ang tono. Bahagyang hininaan ang pagpapatakbo nang dumaan sila sa isang maikling tulay na kahoy. Sumilip si Alyna. Malakas ang agos ng tubig sa ilalim ng tulay.

Pagkatapos ay sumandal. Nasa loob sila ng del Carmen Ranch. Ibig sabihin ay pamilya ni Dominic ang nagmamay-ari ng mga ito. Hindi birong pera kung ganoon mayroon ang asawa. Ito ba ang ari-ariang ipinagbibili ng asawa? Ano ang nangyari dito? Makikita ba niya ngayon ito? Sunod-sunod ang tahip ng dibdib niya.

“What’s wrong?” tanong ng lalaki nang makita ang sarisaring emosyon sa mukha niya. “Nandito na tayo halos. Ang ranch-house na ang natatanaw mo na iyon. Ang tahanan ng mga del Carmen…” Sinundan ni Alyna ang mga mata nito. Halos wala na ang maraming mga punong nadaanan nila. Mangilan-ngilan na lang At muli siyang napahugot ng paghinga.

Ranch-house! Ranch-house ba ang tawag nito sa napakalaking bahay na iyon sa may gitna ng mababang gulod? Tisa ang bubong na kumikislap sa sinag ng araw na tila kastilyo. Dalawang palapag ang malaking bahay na yari sa malalaking adobe, bricks, at kahoy. Sa di-kalayuan, down the hills, ay may mga bakang nanginginain. At hindi kakaunti ang mga bakang nakita niya. Daan-daang mga baka. May nakita siyang dalawang lalaking nakasakay sa kabayo at tila nagpapastol sa mga ito.

Mayaman kung ganoon ang napangasawa niya kung pag-aari nito ang mga nakikita niya!

Ipinarada ng lalaki ang sasakyan sa harap ng malaking bahay na bato. May dalawang sasakyang nakaparada roon. Isang L300 van at Nissan Patrol.

Nakaikot na sa bahagi ni Alyna ang lalaki at binuksan na ang pinto ay hindi pa rin niya gustong gumalaw. Halos sumabog ang dibdib niya sa matinding kaba. Ano ang inaasahan niyang daratnan?

“Halika na…” pormal nitong sinabi. Bantulot siyang sumunod. Sinuyod ng tingin ang kabuuan ng malaking bahay. Sa tingin niya sa laki nito’y hindi kukulangin sa anim ang silid nito sa itaas.

May matandang lalaking lumabas mula sa malaking pinto. Ngumiti ito pagkakita sa lalaki. “Hinapon yata kayo, senyorito. Nag-aalala akong baka abutan kayo ng sama ng panahon sa daan. Mukhang malakas ang ulang darating…” wika nito na sinulyapan si Alyna.

Senyorito? Napatitig bigla si Alyna sa katabi. Bakit senyorito ang tawag ng matandang lalaki dito? Akala ba niya’y del Carmen ranch ito at tahanan ng mga del Carmen ang malapalasyong bahay na ito?

Wala sa loob siyang sumunod sa lalaki na bahagyang nauna ng ilang hakbang sa kanya.

“May nakatagpo akong kaibigan, Mang Vener. Pagkatapos ay sabihin na rin ninyo sa mga taong ipasok na sa koral ang mga baka. At pakisabi na rin kay Nana Marsing na magpahanda ng makakain para sa bisita,” utos nito at nilingon si Alyna na gulong-gulo pa rin ang isip sa maraming tanong. “Pumasok ka…”

Isang maluwang at maaliwalas na sala ang bumungad sa kanya. Vigan tiles ang mapula at makintab na sahig. Neo-classic ang ayos at mga kasangkapan. Hindi niya mapigil ang paghanga.

“Maupo ka,” wika nito sa kanya sa nag-uutos na paraan. Hindi man niya gusto ang tono nito’y napilitan siyang sumunod. Bagaman maginhawa sa loob ng pick-up ay napapagod pa rin siya sa mahabang biyahe. Huwag ng idagdag pa ang tensiyon na nararamdaman niya na nagpapalambot sa mga binti niya.

“Ano nga pala ang pangalan mo?” patuloy ng lalaki na nakayuko sa kanya.

“A-Alyna… Alyna Regala del Carmen.” Muling nagsalubong ang mga kilay ng lalaki sa pagpapakilala niya sa sarili. Hindi niya pinansin iyon at gumanti ng tanong. “D-dito ka rin ba nakatira? At n-nandito ba si Dominic?” Itinuon ang paningin sa malaking hagdan na ang mga baitang ay malalaki at makakapal na narra. Ang sahig, ang balustre ng hagdan at ang hagdan mismo ay nangingintab. Napakataas ng ceiling na may malaking aranya sa gitna. May bahay bang ganito sa probinsiya?

“Kumain ka muna, Alyna… Alyna del Carmen,” wika nito, twisting his lips sa tila nang-aasar na ngiti sa pagkakabigkas sa pangalan niya. “Natitiyak kong hindi ka pa nananghalian. Pagkatapos ay saka tayo mag- usap.” Inilapag nito ang susi ng pick-up sa isang malaking estante na kinalalagyan ng mga kung ano- anong antique display. “Maiwan ka muna at titingnan ko kung ano ang inihahanda ng tagapagluto.”

“W-wait…!” aniya. Huminto sa paglakad ang lalaki at nilingon siya. “Anong… pangalan mo?”

Tumaas ang isang sulok ng bibig nito para sa isang matabang na ngiti na mas gusto niyang isiping ismid.

“Nico…” sagot nito na muling tumalikod patungo sa kusina.

Muling sumandal sa malambot na almohadon si Alyna. Kaano-ano ni Dominic ang lalaking ito? Baka ito ang kaibigang tumilegrama rito. Baka nabili na nito ang rancho at wala na rito si Dominic.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya, Kung kaibigan ni Dominic ang lalaking ito at ito ang nakabili ng rancho, tiyak na alam nito kung nasaan ang asawa niya.

Ipinikit niya ang mga mata. Gustong linawin ang isip sa maraming mga tanong. Kung bakit tuksong mukha ng lalaking iyon ang lumalarawan sa isip niya.

Totoong naakit siya kay Dominic pero hindi niya maipaliwanag ang nadarama niya para sa lalaking ito. The man is very masculine. Hunk ba ang tawag sa mga ganoong lalaki? At kaninang hinawakan nito ang kamay niya upang alalayan pababa ay tila bigla siyang napaso.

Bakit?

Bahagya siyang napailing kasabay ng paghalukipkip. Malakas at malamig ang hanging pumasok sa bintana na sinamahan ng kaunting anggi. Mabuti na lang at narito na siya bago pa sumama ang panahon.

PAGLABAS ng lalaki ay kasabay na ang isang batang katulong na itinutulak ang isang de-gulong na tray na may pagkain.

’’Mainit na sopas, sandwich, at juice…“ wika nito. “Lampas na para sa oras ng tanghalian kaya ito na lang muna ang kainin mo,” inihinto ng katulong ang tray sa mismong harap niya.

Nalalanghap niya ang sopas at toasted bread ng ham sandwich. Noon lang niya naramdamang gutom siya. Hindi siya nananghalian nang huminto ang bus sa isang carinderia. Sa excitement at anxieties sa maaaring kahihinatnan ng biyahe niya’y hindi siya nakadama ng gutom

“Bu—”

“Huwag mong sabihing busog ka dahil hindi ako maniniwala sa iyo,” agap nito. “Kailangan mong kumain dahil diyan sa nasa tiyan mo,” pormal pa rin ang tinig nito na bahagyang sumulyap sa tiyan niya. Pagkatapos umalis ng katulong ay nagsalin ng sopas sa maliit na bowl at inilapit sa kanya ang tray. “Kumain ka…” utos nito.

“I-ikaw?”

“Nananghalian ako. Puwede na sa akin ang juice,” sinalinan nito ng juice mula sa kristal na pitsel ang dalawang tall glass.

Dinampot niya ang bowl ng sopas at nagsimulang sumubo habang ang lalaki ay bitbit ang baso ng juice at lumakad patungo sa bintana. Nakatalikod ito kay Alyna. Pinagmasdan ang namumuong masamang panahon sa kabilang bahagi ng mga bundok.

Si Alyna ay hindi maiwasang hindi pagmasdan ang kabuuan ng lalaki sa likuran. A very sexy behind. And one fleeting moment ay naisip niya kung ano ang hitsura nito kung nakahubad. Naglalabas ng sensuality mga lalaki in capital S. And she thought sa pocket book lang iyon. Hindi niya inaasahang mararanasan. Kinagagalitan niya ang sarili sa mga iniisip. May asawa siyang tao. Bakit siya nagkakaroon ng atraksiyon sa ibang lalaki? At bakit kung ano-ano ang pinapantasya niya sa lalaking ito na ni minsan ay hindi niya nagawa sa asawa niya?

She was excited sa courting stage pero never niyang pinantasya ang asawa niya sa sexual na paraan.

Nangalahati siya sa laman ng bowl at ganoon din sa sandwich. Pero inubos niya ang juice sa baso. Naramdaman ng lalaki ang paglalapag niya ng mga kasangkapan. Lumingon ito at bumalik sa kinaroroonan niya.

“Salamat…” aniya rito na pinunasan ng napkin ang bibig. “Hindi ko naisip na gutom pala ako.”

Isang banayad na tango lang ang isinagot nito. “Sumunod ka sa akin, Alyna,” Why does he mention my name like a caress? naisip ni Alyna habang sumusunod dito patungo sa isang malaking pinto.

Binuksan ng lalaki ang malaking pintong narra at pumasok. Isang study room ang pinagdalhan nito sa kanya.

“Maupo ka.” itinuro nito ang isang pang-isahang settee. Sinulyapan lang ni Alyna iyon at muling ibinalik ang tingin sa lalaki.

“Gusto kong malaman kung narito ang asawa ko. At ano ang kaugnayan mo sa kanya?”

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ng lalaki. Naupo sa executive chair at sumandal. Ang dalawang daliri ay tina-tap sa armrest.

“Nasaan si Dominic? Nasaan ang asawa ko?” ulit niya na sinabayan ng tayo.

Tumiim angmukha ng lalaki at tinitigan si Alyna. “Nasa harapan mo si Dominic del Carmen, Alyna. But unfortunately I am not your husband…!”

CHAPTER FOUR

“A -ANO’NG sinabi mo?” nauutal niyang tanong. Nagkamali ba siya ng dinig?

“You are talking to Dominic del Carmen, Alyna. I own this ranch since my father’s death years ago. Wala akong natatandaang nagpakasal ako sa iyo o kahit na kanino pa mang babae,” may halong insulto ang tono nito.

Humigpit ang hawak ni Alyna sa shoulder bag niya. “T-there must be some… mistake here…” lalong gumulo ang mga pangyayari sa tantiya niya. “Sta. Quiteria ito at sinabi ng asawa kong taga-San Teodoro siya. Maaaring kapangalan mo lang. And, of course, you are not my husband. ‘’

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ng lalaki. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair. Umikot sa harapan at sa gilid ng mesa naupo.

“Mula sa airport, kung nag-eroplano ka, at kung hindi ako nagkakamali ay hindi kukulangin sa sampung bayan ang dinaanan mo bago ka nakarating dito. And you can start counting another ten towns after Sta. Quiteria pero tinitiyak ko sa iyong ito lang ang Rancho del Carmen at ako lang ang Dominic del Carmen.” Hindi siya makapaniwala sa narinig. She’s very tired and weary. Kung maaari lang ay mahiga na siya. Nasayang ba ang pagtungo niya rito? Nasaan at sino ang lalaking pinakasalan niya?

Mabigat ang katawang tumayo siya. “I am…really very sorry for the inconvenience, Mr. del… del Carmen. Sinabi mo sana sa akin ito habang naroon pa tayo sa San Teodoro.”

“Baka hindi mo ako paniwalaan kaya ipinakita ko sa iyo ang buong rancho.”

“Tatanawin kong malaking utang-na-loob kung may isa kang tauhang maghahatid sa akin sa istasyon ng bus,” nakikiusap ang tinig niya pero sinikap niyang itaas ng bahagya ang ulo upang mapanatili ang pride. Gusto niyang umiyak.

Nakita ni Dominic ang lahat ng emosyon sa mukha niya. Tumikhim ito bago nagsalita. “The next bus to the airport will be tomorrow morning, Alyna. Bakit hindi ka dumito sa buong magdamag and be my guest?”

Umiling siya. “T-thank you. Pero siguro ay may hotel sa San Teodoro…” napapikit siya. Panibagong gastos na naman iyon. Nabawasan na ang naipon niyang inihanda para sa panganganak.

“Believe me, walang hotel sa bayan ng San Teodoro. At sa pagod na nakikita ko sa iyo, hindi mo gugustuhing matulog sa istasyon ng bus. Huwag ng idagdag pa ang namumuong sama ng panahon.” lumingon ito sa bintana. Nagsisimula nang pumatak ang ulan.

Sinikap niyang huwag ibagsak ang namumuong mga luha. “I… I have never been away from home, and…”

“Hindi ako masamang tao, Alyna, kung iyon ang inaalala mo. And I don’t ravish pregnant women, young and beautiful they may be,” napahugot ng paghinga si Alyna sa obvious na compliment. “Isa pa, may mga katulong akong babae rito,” assurance ni Dominic.

“I…I do not want to impose…”

“Please, I’m inviting you as a guest. Let us introduce ourselves properly,” nakangiting wika nito na humakbang papalapit sa kanya. Namangha si Alyna sa transformation ng mukha nito mula sa matiim na anyo at sa pagngiti. Naipanganak na ba ang babaeng kayang i-resist ang ngiti nito?

“Ako si Dominic del Carmen…” inilahad nito ang kamay sa kanya. “I’m twenty six at binata pa rin. Hindi ako masamang tao kahit na ipagtanong mo sa buong bayan ng Sta. Quiteria. Well, hindi ganoon ang sasabihin sa iyo ng mother ko had she been alive… “

Inabot niya ang palad nito na kinamayan siya nang mahigpit. Sinikap niyang ngumiti para sakyan ang biro pero hindi niya magawa. She’s too tired, weary, and confused.

“Alyna… del Carmen,” maagap niyang idinugtong ang apelyido.

“This is some kind of a joke, don’t you think?”

“Perhaps,” sagot nito na hindi binibitiwan ang kamay niya. Nakatitig ito sa kanya. Umiwas siya ng tingin. Inakay siyang muli ni Dominic palabas ng study. “Sasamahan kita sa guest room, Alyna, para makapagpahinga ka. Ipatatawag na lang kita kay Nana Marcing sa oras ng hapunan.”

“Ano ang sasabihin ko?” Tumingala siya at tumingin kay Dominic na nakatitig din sa kanya. May ilang segundong pinalipas ang binata bago sumagot.

“Walang kailangang sabihin. Just rest.” Nag-alis ito ng bara ng lalamunan at isang malapad na pasilyo ang pinagdalhan sa kanya. Isang pinto ang binuksan nito. Tumambad sa kanya ang isang maaliwalas na silid. Soft yellow ang wall paper at makintab na narra parquet ang sahig.

Natuon ang pansin niya sa four-poster bed at kung hindi lang nakakahiya ay talagang gusto na niyang mahiga.

“Will you be comfortable here?”

“Natitiyak ko. Maraming salamat, Mr. del Carmen…”

“Dominic, Alyna,” sagot nito na lumakad patungo sa isang pinto. “This is the bathroom. Adjoining ito sa kabilang silid na isa pa ring guest room. Puwede mong i-lock ang connecting door. Ipapasok ko ang maleta mo,” pagkasabi noo’y lumabas ng silid si Dominic at marahang isinara ang pintuan.

Inilatag ni Alyna ang sarili sa malambot na kama. Tumitig sa kisame. Ano ang gagawin niya ngayon? Nasaan ang asawa niya? Paano niya makikita ito? Muli siyang napapikit nang maramdamang bahagyang humilab ang tiyan niya.

Nasobrahan siya sa pagod. Masuyo niyang hinaplos ang tiyan at bumulong. “I’m sorry, love… pati siguro ikaw ay napagod. Sana ay makita na natin ang daddy mo…” may pag-asam niyang sinabi at ipinikit ang mga mata.

HINDI na namalayan ni Alyna ang muling pagpasok ni Dominic. Nakatayo ito sa gilid ng kama at pinagmasdan ang magandang mukhang tulog na tulog.

How can this woman afford to look so innocent and sweet gayong nagkaasawa na at nagdadalang-tao pa? bulong ni Dominic. Sino ka, Alyna, at sinong Dominic del Carmen ang hinahanap mo?

“Hindi mo na ba siya gigisingin, Dominic?” tanong ng matandang babae na sumungaw sa pinto,

“Tulog na tulog siya, Nana Marcing. Mas kailangan niya ng pahinga. Ang layo ng biniyahe niya,” sagot nito na hindi inaalis ang mga mata kay Alyna.

“Ngayon ko lang siya nakitang dumalaw rito sa rancho, Dominic. Matagal na ba kayong magkakilala?”

Nagbuntong-hininga ang lalaki. “Biyuda siya ng isa kong kaibigang taga-Maynila, Nana Marcing…” Bakit niya sinabi iyon?

“Kawawa naman,” may simpatiya sa tinig ng matandang katiwala. “Aba, eh, napakabata pa niya para mabiyuda. Nagdadalang-tao pa,” tumango lang si Dominic. Nakatitig pa rin kay Alyna. “Iwan mo na at natitiyak kong bukas na ang gising niyan,” wika nito bago lumabas ng silid.

Kinuha ng binata ang isang kumot mula sa closet at maingat na kinumutan si Alyna. Binuhay ang lampshade sa tabi ng kama at pinatay ang main light. Pagkatapos ay lumabas ng silid.

CHAPTER FIVE

HAMPAS ng mga sanga sa bintana ang nagpagising kay Alyna. Nagmulat siya ng mga mata pero hindi kumikilos. Tinitigan ang bintanang capiz. Naaaninag niya ang sangang marahang humahampas dito. Pagkatapos ay sinikap isipin kung nasaan siya.

May ilang sandali muna ang lumipas bago niya napagtanto ang kinaroroonan. Mabilis siyang bumangon at tiningnan ang relo sa braso.

“Alas-diyes! “ Mabilis siyang tumayo at binuksan ang bintana. Tiyak niyang hindi alas-diyes ng gabi kundi ng umaga. Sumalubong sa kanya ang mahinang anggi ng ulan na pumapasok. Hindi malakas ang ulan kaya lang ay may kasamang malakas na hangin Kinilig siya sa ginaw at muling isinara ang bintana.

“Bakit nakatulog akong ganito katagal?” nanlulumo niyang sinabi. Nasulyapan niya ang maleta niya sa may paanan ng kama. Binuhat niya ito at itinaas sa ibabaw ng kama. Kumuha ng isusuot. Isang kulay salmon na preggy blouse at isang loose pants sa ganoon ding kulay at garterized ang beywang. Binili iyon ni Liza sa

SM . Regalo sa pagbubuntis niya. Pagkatapos ay pumasok sa banyo.

Kompleto ang magandang banyo mula sa tuwalya hanggang sa naka-packed pang mga toothbrush, Marahil ay para sa mga bisitang dumadalaw. Dalawa ang bukasan ng gripo sa tapat ng shower kaya natitiyak niyang may hot water. Tinimpla niya ang tubig sa maligamgam. Naghubad at naligo.

Nakabihis na siya ng pumasok si Nana Marcing.

“Magandang umaga, Alyna.” Tipid na ngiti ang isinagot niya. Ipinasok uli ang brush ng buhok sa bag. “Ako si Nana Marcing, hija. Katiwala ako ng mga del Carmen.”

“Kumusta po kayo…”

“Inaalam ko lang kung gising ka na at ipahahatid ko na rito ang almusal mo.”

“Naku, hindi na po. Lalabas na lang ako.” “Mabuti pa nga at nakabihis ka na rin lang. Hindi ka na namin ginising ni Dominic kagabi dahil tulog na tulog ka.”

“Napagod ho ako sa biyahe…” nahihiyang sagot niya. Pumasok ba si Dominic sa silid habang tulog siya?

“Ganoon na nga, Alyna,” sinulyapan nito ang tiyan niya. “Ilang buwan na ba iyan?”

“Pito na ho… bukas.”

Lumakad palabas ang matanda. Sumunod siya. “Maliit ka lang magbuntis. Una mo ba iyan?”

“Oho.”

“Ikinalulungkot kong maaga kang nabiyuda, Alyna,” patuloy ni Nana Marcing.

“Ho?!” gulat niyang tanong.

“Ang sabi ni Dominic ay biyuda ka ng kaibigan niyang taga-Maynila.

Tumiim ang mukha ni Alyna. Biyuda! Ano ang karapatan ng estrangherong iyon na i-assume na biyuda siya?

“Hindi ho…” napigil niya ang sarili sa huling sandali bago niya nasalungat ang sinabi ni Dominic. Pinagmagandahang-loob siya nito at kung anuman ang rason nito sa pagpapaniwala sa matanda na biyuda siya ay bahala ito. Pagkatapos ng araw na ito’y hindi na sila magkikita pang muli. “…hindi pa ho ako natatagalang nabiyuda, Nana Marcing. Pitong buwan pa lang…” Bakit niya sinabi iyon?

Umiling ang matanda. Magtatanong pa sana ito nang mula sa pinto ng kusina ay pumasok si Dominic na naka-raincoat. Hinubad nito ang suot at isinabit sa likod ng pinto.

“Good morning…” bati nito sa kanya kasabay ng paghagod ng tingin sa kabuuan niya. “You look fresh…”

“Salamat sa iyo…”

“O, maupo na kayong dalawa riyan at kumain na. ’Ku, ikaw, Dominic ay lumalabas ng hindi man lang naiinitan ang tiyan,” wika nito habang sinasalinan ng kape ang isang tasa. “Gatas ang inihanda ko sa iyo, Alyna. Makakabuti iyan para sa dinadala mo.”

“Akala kasi ni Banjo ay manganganak na ngayon iyong isang kabayo. Kanina ko pa tinatawagan ang beterinaryo. Sa sama ng panahon ay hindi tiyak kung makakaparito si Dr. Belio,” wika nito habang hinihila ang isang upuan para kay Alyna. Umusal ng “thank you” si Alyna kasabay ng pag-upo. Sa kaliwa niya sa kabisera naupo ang binata.

“Siyanga pala, Dominic, sasaglit muna ako sa ibayo. Dumaan dito ang manugang ko. May lagnat daw si Felisa. Hindi maasikaso ang batang maliit at baka mahawa pa.”

“Oho. Huwag kayong mag-alala at narito naman si Mang Vener at Rosa,” nilagyan nito ng itlog ang pinggan ni Alyna. “Kumain ka na.”

“Siya, eh, lalakad na ako…” sinulyapan nito ang mesa at ang dalawa, “Nasa ref ang pagkain. Ipainit mo na lang kay Rosa.”

“Alam kong isang kaabalahan, Mr. del Carmen, pero maaari ba akong magpahatid sa istasyon ng bus ngayon?” ani Alyna nang makaalis ang matanda.

“Nakaraan na kaninang alas-siyete ang unang biyahe, Alyna. Kung meron ngang bumiyahe sa panahong ito, ang susunod ay mamaya nang tanghali pero hindi kita maihahatid dahil umapaw ang ilog sa tuloy-tuloy na pag-ulan kahapon hanggang ngayon. Walang dadaanan ang sasakyan.”

“Oh…”

“Wala kang dapat ipag-alala, Alyna. You’re welcome to stay here hanggang sa bumuti ang panahon…”

Gustong manlumo ni Alyna. Na-stranded siya sa ranchong ito na kung hanggang kailan ay hindi niya alam

“Tatlong araw lang ang leave na hiningi ko sa opisina…” wala sa loob niyang sinabi. Ang isip ay nasa Maynila at sa trabahong iniwan.

“You can use my CP para sa long distance call at ipaalam mong hindi ka kaagad makauwi dahil sa bagyo.”

Gustuhin man niya o hindi ay wala siyang magagawa. Nag-angat siya ng mukha at tumingin kay Dominic.

“Bakit sinabi mo kay Nana Marcing na biyuda ako ng isa mong kaibigan?” may akusasyon sa tinig niya.

“I’m sorry pero iyon ang pinakamadaling sabihin kaysa ipaliwanag ko pa sa kanya ang mga pangyayari,” sagot nito.

Ang lalaking ito, sa tingin ni Alyna, ay ang uring hindi gustong nagpapaliwanag sa mga tao, sa mga gawi at desisyon.

The typical arrogant, male chauvinist.

“Sanggol pa lang ako’y narito na ang mag-asawang Vener at Marcing pero hindi nangangahulugan iyon na lahat ay kailangan kong ipaalam,” dagdag pa nito. Ang mga mata’y nakatitig sa mukha niya.

Gusto mang mainis ni Alyna ay hindi na siya kumibo. “Nasaan ang mga magulang mo?” pag-iba niya ng usapan pero hindi naalis ang mga mata sa pagkain. All her life, hindi siya kailanman nailang sa isang lalaki. Estranghero man o matagal ng kakilala. Bakit dito?

“Matagal ng patay ang Papa. My mother died thirteen months ago, heart attack…”

“Another coincidence,” napapailing at kaswal niyang sinabi. “My husband’s mother also died thirteen months ago of heart failure. “

“Really?” muli ang kuryosidad sa tinig at anyo nito. “Taga-San Teodoro ba ’kamo ang asawa mo at del Carmen din?” Tumango siya and took two swallows of her milk. “How long have you been married?” Hindi siya agad sumagot. Hindi niya gustong ipaalam dito ang pangyayari sa kanila ni “Dominic.” Pero marahil ay walang masama kung sasabihin niya. Baka makatulong pa.

“S-seven months…”

“Kailan mo siya huling nakita?”

Huminga nang malalim si Alyna. May lungkot na gumuhit sa mukha. “Sa ikalimang araw matapos kaming ikasal”

Nagsalubong ang mga kilay ni Dominic. “Ganoon na katagal siyang hindi umuuwi sa inyo?” Tumango siya. “Did he write or call you?” Umiling siya. “Bakit ngayon mo lang naisipang hanapin siya rito?”

Muli siyang huminga nang malalim “Maraming beses kong binalak pero hindi ko alam kung paano ako magsisimulang hanapin siya. Wala akong alam tungkol sa kanya. It was a whirlwind courtship and wedding. Isa pa, inaawat ako ng best friend ko dahil hindi ko tiyak ang pupuntahan.”

Nanatiling magkadikit ang mga kilay ng binata. “What made you come now?‘’

“My… my… baby. Malapit na akong manganak. Ayokong ilabas siyang hindi man lang makita ng ama niya. Ni hindi rin alam ng asawa ko na nagdadalantao ako…” sinikap niyang pigilin ang paghikbi

Ginagap ni Dominic ang palad niya. “I’m sorry. Hindi ko gustong maka-upset. Anong malay mo, baka pag-uwi mo ng Maynila, naghihintay na sa iyo ang asawa mo…”

She smiled with misty eyes. “S-salamat, Mr. del Carmen… marahan niyang binawi ang kamay. Sa maraming emosyong idinulot ng paghahanap niya sa asawa ay sumisingit ang kakaibang damdamin sa tuwing nadidikit siya sa lalaking ito. Sinasadya man o hindi.

“Dominic, Alyna. Masyadong pormal ang Mister del Carmen… “ Paanong nangyayaring naa-attract ako sa estrangherong babaeng ito? bulong niya sa sarili. He touched her twice. Kahapon pagbaba mula sa pick-up at ngayon. At sa bawat pagkakataon ay may tila apoy na nagsisindi sa bawat pagkakadikit nila. Of course, puwera ang pangyayaring binuhat niya ito kahapon papasok sa pick-up. Ang tanging nasa isip niya’y tulungan ang babae.

Tumayo ang binata. “Tara sa family room, Alyna. Maaari kang manood ng TV o makinig ng music o di kaya’y tumawag ka sa Maynila,” nagpatiuna ito at sumunod si Alyna.

“Ano ang gusto mong gawin?” tanong ni Dominic nang nasa loob na sila ng family room. Natambad kay Alyna ang isang malaking TV screen. Modernong components, computers at kung ano-ano pang maaaring mapaglibangan.

“I’d rather call Manila…” Gusto niyang makausap si Liza.

“All right,” kinuha nito mula sa baywang ang CP at iniabot sa kanya. Pagkatapos ay humakbang patungo sa components at nagsalang ng isang CD. Soft jazz. Si Alyna ay naupo sa pang-isahang settee at nagsimulang dumayal. Wala sa loob na natuon ang pansin sa isang picture frame sa side table. Isang wedding picture. Apat na tao ang nakalarawan doon. Si Dominic ang isa. A little bit younger ang nasa larawan. Napapagitnaan ang mga ikinasal at ang nasa kabilang dulo ay isang matandang babae.

Itinuon niya ang pansin sa mga ikinasal. Nagsalubong ang mga kilay niya. Dinampot ang picture frame at tinitigan.

“No!”

CHAPTER SIX

I GLAP na napalingon si Dominic sa pagbagsak ng picture frame sa sahig.

“Alyna?”

“Hindi totoo!” aniya sa nanginginig na tinig. Nakatuon ang pansin sa basag na frame. Lumapit si Dominic.

“Ano ang nangyari, Alyna?” Sinundan nitong tingin ang nabasag na kuwadro. “Huwag kang gumalaw at baka maapakan mo ang bubog. Teka at tatawagin ko si Rosa para mawalis ang mga basag na salamin,” humakbang ito patungo sa pinto.

“I… I… have found my husband…” anas niya at narinig iyon ni Dominic na napahinto sa paglabas at muli siyang lumingon.

“Ano ang sinabi mo?”

Tumingin siya kay Dominic. Kumikislap ang mga mata sa mga luhang nakaipon roon.

“Ang… tanging tama sa sinabi niya ay ang del Carmen Ranch…”

Nilapitan siya ni Dominic. ’’Linawin mo ang sinasabi mo, Alyna,“ hinawakan nito ang magkabilang balikat niya.

“Sino ang groom sa larawang iyan, Mr del Carmen?” Yumuko siya sa sahig. Dinampot ng binata ang larawan. Bahagyang ipinagpag ang maliliit na bubog.

“My stepbrother. Bakit, Alyna?” salubong ang mga kilay nitong tanong.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib bago sumagot. “Siya ang asawa ko. Siya si Dominic del Carmen…!”

“What?!”

Nang sumunod siyang tumitig kay Dominic ay may galit na sa mga mata niya. “Nasaan siya, Mr. del Carmen? Nasaan si Dominic?”

Naguguluhang pinaglipat-lipat ng binata ang tingin mula sa kanya at sa larawan.

“Damn it, Alyna, ano ba ang sinasabi mo? Walang ibang Dominic del Carmen maliban sa akin. At kung ang tinutukoy mo ay ang nasa larawang ito, siya si Rex. Rex Quintos. Magkapatid kami sa ina…”

Unti-unting lumilinaw sa isip niya ang mga pangyayari. Gusto niyang isigaw at itanggi ang naka- ambang katotohanan.

“S-sino ang… bride?”

“Si Lilet. This picture was taken a-year-and-a- half ago. Nasa America sila ngayon. Lilet will give birth anytime. Kabuwanan niya ngayon.”

“I bet they left seven months ago…” sarkastiko niyang sinabi sa pagitan ng pagpatak ng mga luha. Kung bubuka ang lupa at lamunin siya’y nanaisin pa niya. Namamanhid ang buong pagkatao niya.

“Alyna…?” Hindi alam ni Dominic kung ano ang gagawin. Naguguluhan ito sa mga sinasabi ni Alyna. Ang hindi nito maunawaan ay kung bakit dibdib nito ang nagsisikip sa paghihirap na nakikita sa mukha niya.

“Bitiwan mo ako!” Marahas niyang tinabig ang kamay ni Dominic nang akma siyang hawakan.

“Alyna, ano ba ang nangyayari sa iyo?”

“Hindi mo pa ba naiintindihan? Ang kapatid mo… ang asawa ko, si Dominic o kung ano man siya… ay ang lalaking nasa larawang iyan! He married me more than seven months ago!” pahisterya niyang sinabi.

“Calm down, Alyna. Maaaring nagkakamali ka. Hindi gagawin ni Rex ang sinasabi mo. He cannot be married twice. That is bigamy. Isa pa, hindi niya magagawang lokohin at pagtaksilan si Lilet,” sa pagitan ng confusion ay may himig ng iritasyon ang tinig ng binata.

“Tama ka. Bigamy ang ginawa ng kapatid mo

dahil pinakasalan din niya ako!“ hiyaw niya sa pagitan ng mga luha.

“Alyna, hindi magagawa ni Rex iyon. Months ago ay nasa Maynila si Rex upang asikasuhin ang pagbebenta ng lupa ng mga biyenan niya. Naroon ang mga abogado ng pamilya ni Lilet—”

“Noon kami nagkakilala,” agap niya sa nanlilisik na mga mata. “After a month he married me…”

“Hindi ka pakakasalan ni Rex dahil may asawa siya. At hindi niya magagawang dulutan ng sama ng loob si Lilet. He loves her so much. Kaya sila nasa America ngayon dahil sa mahirap na pagbubuntis nito…” patuloy na paliwanag ni Dominic na ang tingin sa kanya ay wala siya sa sariling katinuan sa mga pinagsasabi

“Pinakasalan niya ako!” Halos iluwa niya ang sinasabi sa mukha ng binata. “Ano sa palagay mo ang dahilan at narito ako at hinahanap siya?”

Matagal bago sumagot si Dominic na halos magdikit ang mga kilay sa pagkakatitig sa kanya,

“Ano nga ba ang dahilan, Alyna?” banayad nitong tanong. Napakabanayad na sa pakiwari ni Alyna ay may ibinabadyang ibang kahulugan ang tono.

“Sinabi ko na sa iyo ang dahilan!”

“Sa pagkakaalam ko ay isang buwan halos na pabalik-balik ng Maynila si Rex pero umuuwi siya rito sa Sta. Quiteria. At maliban sa pangyayaring iyon ay wala akong alam na nagtagal ng Maynila ang stepbrother ko.”

“Gusto kong makausap si… si… ang asawa ko, Mr. del Carmen,” sobra-sobra ang natuklasan niyang ito kaysa inaasahan nila ni Liza. At sa nakikita niya sa anyo ni Dominic ay hindi ito naniniwala sa kanya. “Siya ang makapagpapatunay na totoo ang sinasabi ko sa iyo…”

Sandaling pinag-isipan ni Dominic ang sinabi niya bago dinampot ang CP sa sahig. Pagkatapos ay dumayal. Kinausap nito ang operator habang nakatitig sa kanya. Marahan siyang lumakad patungo sa bintana. Nakikita niya ang pagdaloy ng ulan sa salamin. Mukhang pati ang panahon ay nakikiramay sa kanya. Ni hindi niya naririnig ang pakikipag-usap ni Dominic sa telepono.

Ano ang totoong nangyari? Bakit ginawa sa kanya ni Dominic o kung ano man ang pangalan nito ang ganito? Ano ba ang dapat niyang isipin ngayon? Pinakasalan ba siyang talaga nito o niloko lang?

“Yes, ma’am Please do that and thank you…” ini-off nito ang CP at tinitigan si Alyna na nanatiling nakatitig sa labas ng bintana in troubled eyes. So innocent looking and yet…

Isang malakas na tikhim ang nagpalingon kay Alyna. “Wala si Rex sa flat nila sa L.A., Alyna. Pero nagbilin ako sa housekeeper na ibalik ang tawag ko pagdating niya. Pansamantala ay magpahinga ka sa silid mo…” utos nito in a flat voice.

Marahan siyang tumango. “Aalis agad ako sa sandaling makausap ko ang… asa… kapatid mo…” humakbang siya palabas ng silid. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Dominic nang makalabas si Alyna.

Kahit ang binata’y naguguluhan. Hindi siya naniniwalang magagawa ni Rex ang ganoon. Totoong maraming hindi mabubuting mga bagay ang ginagawa ng nakatatandang kapatid at karamihan sa mga iyon ay kahihiyan at sama ng loob ang idinulot sa Mama nila. Pero hindi nito magagawang saktan si Lilet. At lalong hindi sa panahonng pagbubuntis ng asawa. They have been waiting for that child for two years. Kaya nga kahit hindi pa halos tapos ni Rex ang mga ipinaasikaso ng biyenan ay umuwi na kaagad nang ikumpirma ni lilet na dalawang buwan na ang tiyan nito at nahihirapan.

Nagulat pa ang binata sa pagsungaw ni Banjo sa pintuan. Tumutulo pa ang katawan na nabasa ng ulan. “Boss, mukhang manganganak na yata ang kabayo ngayon…”

“Susunod na ako…” dinampot niya ang CP at inilagay sa pantalon at sumunod sa tauhan palabas. Muling isinuot ang makapal na raincoat na iniwan sa kusina at nagtuloy-tuloy sa kamalig.

“Kaya ba natin ito, boss?” ang tauhan uli “Iginayak ko na ang lahat ng mga kakailanganin tulad ng bilin ninyo…”

“Kailangang kayanin, Banjo,” hinaplos-haplos nito ang mare. “Hindi makararating si Dr. Belio,” inililis niya ang manggas ng polo at paluhod na naupo sa tabi ng kabayong nagliligalig

CHAPTER SEVEN

SA ITAAS sa bintana ay natanaw ni Alyna ang pagsugod ni Dominic sa ulan patungo sa kamalig. Halos wala pang beinte-kuwatro oras mula ng makilala niya ito pero hindi niya mapigil na hindi humanga.

Physically, the man is very attractive. Sa pag-uugali ay kumikilos si Dominic tulad ng mga tauhan nito sa rancho. Tulad ng nakikita niya ngayon. Anuman ang problema sa kamalig ay personal na pinangangasiwaan nito. Masama man ang panahon o hindi.

Dominic del Carmen. Iyon ang pangalan ng lalaking pinakasalan niya. At least, iyon ang alam niyang pangalan nito. Pero ibang Dominic del Carmen ang nakilala niya. Malayong-malayo sa asawa niya. O, asawa nga ba?

Isinisigaw ng kabilang bahagi ng isip niya na umalis na lang at huwag nang maghintay ng paliwanag mula sa huwad na Dominic del Carmen. Subalit ang kabilang bahagi ay gustong marinig ang sasabihin nito. Hindi dahil umaasa pa siyang babalik ang asawa, sa natuklasan niya’y malabong hindi na. Subalit kailangan niyang gawin alang-alang sa anak niya. Karapatan nitong malamang nagkaanak ito sa kanya. Tanggapin man o itanggi nito.

Siya, she wouldn’t even know kung tinakasan ng ama niya ang ina niya. O, baka hindi naman talaga nalaman ng ama niyang isinilang siya sa mundong ito.

“BISERO, boss!” tuwang-tuwang bulalas ni Banjo. Ipinakita sa isa pang kasamahan angkabayong bagong panganak. “At tayo ang nagpalabas!”

Sa kabila ng pagod ay ngumiti si Dominic. Tinapos ang ginawa at nilagyan ng gamot ang nanganak na kabayo. Halos isang oras din nilang inilabas ang munting kabayo. Pinahid ng braso ang pawis sa noo.

“Beautiful!” usal ng binata. Sa puntong iyon nag- ring ang CP na nakasabit sa pantalon niyang maong. Inilubog niya sa timba ng tubig ang mga kamay at naghugas. Pagkatapos punasan mula sa malinis na katsa ay sinagot ang telepono.

“Rex,” aniya nang makilala ang nasa linya. Direct call mula sa L.A. “Tumawag ako kanina…” aniya habang lumakad patungo sa pinakadulong bahagi ng kamalig upang hindi marinig ng mga tauhan ang paguusap nilang kapatid sa ina.

“Nasa ospital ako, Dominic. Isi-caesarian si Lilet in one week’s time.” Ang kabilang linya.

“Why not now? Bakit kailangang paabutin pa ng isang linggo?”

“Para kahit paano ay malapit sa due date niya. Pinahihirapan si Lilet ng batang ito, Dominic,” may iritasyon sa tinig nito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Dominic. Tama bang kausapin niya si Rex sa mga sandaling ito? Anyway, hindi siya naniniwala sa sinasabi ni Alyna. “Bakit ka tumawag?” Si Rex uli. “May bisita ako ngayon dito sa ranch, Rex…” napagpasiyahan niyang sabihin na rin para sa ikalilinaw ng lahat.

“And what is so unusual about that?” Nakadagdag lalo sa iritasyon nito ang sinabi niya. “I know you can afford to burn the lines, Dominic, pero hindi ba luxury naman yatang masyado iyong mag-o-overseas ka para lang sabihing may bisita ka riyan?”

Tuya nito.

“Ang pangalan niya’y Alyna…” patuloy niya na hindi pinansin ang sinabi ng stepbrother. Narinig niya ang pagsinghap nito pagkasabi niya sa pangalan. Nangangahulugang kilala ni Rex si Alyna. “Sa narinig ko ay kilala mo siya, Rex. ..”

“Ano ang ginagawa ng babaeng iyan diyan, Dominic?” pagalit nitong tanong.

“She claims you married her…”

“What?!” bulalas nito.

“At nagdadalang-tao siya at sinasabi niyang ikaw ang ama…”

“That’s a lie, Dominic! Huwag kang maniniwala sa mga sinasabi ng babaeng iyan…”

“Pero kilala mo siya?” tanong nito sa mapanganib na tono. Narinig niyang nagmura ang kapatid sa kabilang linya.

“Of course, kilala ko siya. Nagtatrabaho siya bilang isang clerk-typist sa isa sa mga opisinang nasa building na pinupuntahan ko. Hindi maiwasang hindi kami magkausap. I’ve been visiting that office for a month, you know. Kilala mo ako, Dominic, hindi ko pinalalampas ang mga palay na lumalapit,” he explained smoothly sa pagtatagis ng mga bagang ni Dominic sa sinabi nito. “She even went to my hotel one night. At ano ang gusto mong gawin ko? The woman is beautiful,” may malisyang dagdag nito.

“Yes, she is very beautiful…” wala sa loob niyang naisagot sa halos pabulong na paraan. “And you married her ayon sa kanya at pangalan ko ang ginamit mo, Rex…” pagalit niyang idinagdag.

“Kasinungalingan! Alright, inaamin kong ginamit ko ang pangalan mo. You know I do things just for kicks pero hindi totoong pinakasalan ko siya. Paano kong magagawa iyon na ginagamit ang pangalan mo?” pangangatwiran at kumbinsi nito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Dominic. Iyon din ang nasa isip niya kanina.

“Offer her money, Dominic. Iyon ang gusto ng babaeng iyan. She’s nothing but a whore na nagtatago sa likod ng office uniform.” Napangiwi nang bahagya si Dominic sa sinabi ng stepbrother.

“She is very young, Rex…”

“Don’t be misled, dear brother. Young and innocent looking pero malawak ang karanasan and I really have to admit I enjoyed that one night stand with her,” malisyosong tumawa ito. Nakadama ng galit si Dominic sa sinasabi at sa pagtatawa ni Rex. Kung kanino ay hindi niya matiyak.

“At inaasahan kong hindi makakarating kay Lilet ang kalokohang ito, Dominic. Marami nang problema sa kalusugan ang mag-ina ko at hindi kailangang dagdagan pa…” may warning sa tinig nito.

Naibaba na ni Dominic ang telepono ay nanatili siyang nakatayo at nakatitig sa mga sawaling dingding ng kamalig. Isang buntong-hininga ang pinakawalan at hindi na nag-abalang isuot ang raincoat at sumugod sa ulan pabalik ng bahay.

Nagtuloy ito ng banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis. Bumaba at tinungo ang guest room. Dalawang sunod na katok ang ginawa nito bago nagbukas si Alyna.

“M-Mr. del Carmen…” si Alyna nang mabuksan ang pinto. Nakatayo roon si Dominic. Basa pa ang buhok mula sa shower. At hindi niya maiwasang titigan ito nang husto. Naglalaro sa ilong niya ang panlalaking cologne nito na humalo sa fresh and clean male scent. Napatutok ang mga mata niya sa mga labi ng binata. At sa isang sandali ay naisip niya kung ano kaya ang mararamdaman niya kung hagkan siya nito. May kung anong mainit na bagay ang humaplos sa pagkatao niya sa pantasyang iyon.

Umiwas ng tingin ang binata. “Nakausap ko ang kapatid ko. Si Rex…”

“A-ano?” Tila siya nagising mula sa isang hipnotismo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? May probleraa siya sa asawa niya at pagkatapos ay pinapantasya niya ang lalaking ito?

“Nakausap ko si Rex… ang kapatid ko,” pag-ulit ni Dominic.

“Bakit hindi mo ipinakausap sa akin? Ano ang sabi niya?”

“He doesn’t want to talk to you.” napapikit si Alyna roon. Panlulumo at galit ang nasa mukha niya. “Isa pa, nasa kamalig ako nang tumawag si Rex dagdag ng binata. “Magkano ang gusto mo, Alyna?” deretsong tanong nito na ikinaangat ng ulo niya. “Magkano ang gusto mo para patahimikin na si Rex? May problema siya sa asawa niya sa mga sandaling ito. Manganganak si Lilet anumang araw by caesarian at hindi malusog ang mag-ina…”

Nanlaki ang mga mata niya sa galit. Itinuon ang palad sa dibdib. “At ako? Paano ang ginawa ng kapatid mo sa akin? Paano ang panloloko niya? And he didn’t even have the decency to talk to me…!”

“Bago ko pa nakausap si Rex ay alam kong hindi ka niya pinakasalan, Alyna. Paano niyang magagawa iyon gayong sa pangalan ko nakilala mo siya. Do you have the marriage contract?” tanong nito sa kontroladong tinig. Nakikita ni Alyna sa anyo nito ang tinitimping galit.

’’Nasa… kanya. Hawak niya.“

Napapailing si Dominic. Nakita ni Alyna sa mga mata nito na kahit isa sa mga sinasabi niya’y hindi pinaniniwalaan ng binata.

“Let us be frank with each other, Alyna. I know this is an old trick, nevertheless, gusto pa rin kitang tulungan. Hindi mo kailangang ligaligin si Rex. Kung anuman ang kailangan mo sa kanya ay sa akin mo sabihin. Name your price. Magkano ang kailangan mo para huwag ng guluhin pa ang mag-asawa?” Naging isang manipis na linya ang mga labi ng binata sa pagpipigil ng galit. Tumigas ang anyo.

“Hindi ko kailangan ang pera mo, Mr. del Carmen!” halos maglabas ng apoy ang mga mata niya. “Hindi ako naparito ng dahil diyan!”

“Oh c’mon. Wala namang iba pa iyon kundi pera…” kitang-kita ni Alyna ang pagkasuklam sa mga mata nito.

Hindi siya makapaniwalang nangyayari ito. Gustong mamanhid ng buong pagkatao niya. Isa lang marahil itong masamang panaginip at magigising din siya. Nasa apartment nila ni Liza sa Maynila. At hindi sila kailanman nagkakilala ni… ni… o kung sino man ang lalaking pinakasalan niya.

Laylay ang mga balikat na bumalik siya sa loob ng silid. Ipinatong sa kama ang maleta at ipinasok roon ang pinagbihisan.

“Saan sa palagay mo ikaw pupunta?” kumawala ang galit ni Dominic sa nakikitang balak niyang gawin.

“I’m leaving this house, Mr. del Carmen. Salamat sa kagandahang loob…” Sinikap niyang ikalma ang sarili. Walang silbing magtaas siya ng tinig.

“Paano ka sa palagay mo makakaalis sa malakas na ulang ito? Hindi madaraanan ng sasakyan ang tulay…”

“Maglalakad ako! Kung hindi madaraanan ng sasakyan ang tulay ay makararaan marahil ang tao!” Tinabig niya ang binata at nilampasan ito.

“You’re a fool!” habol ni Dominic.

“Siguro nga! It is not everyday I am accused of I being a scheming whore!” Hindi siya lumilingon at tuloy-tuloy siya sa malaking pinto sa sala.

’’Hindi ko sinabi iyon!“

“Ganoon ang ipinapahiwatig mo! “

“I hate women who indulge in casual sex!” Napahinto sa paglakad si Alyna sa sinabi ng binata. Nilingon niya ito. Tinitigan. At sa malamig na tinig ay sumagot, “Ako rin, Mr. del Carmen. That is why I married your brother before giving myself to him… or I so thought he really married me.”

CHAPTER EIGHT

N ASA loob na ng ospital si Alyna nang magising. Mukha ng nakangiting nurse ang nabungaran niya.

“Kumusta na ang pakiramdam ninyo, Mrs. del Carmen?”

“ Mrs. del Carmen? Ipinilig bahagya ni Alyna ang ulo at tinitigan ang nurse. “Ang… anak ko?”

“Nasa incubator po. Mananatili po siya roon ng ilang linggo dahil kulang po siya ng buwan…”

“S-sino ang nagdala sa akin dito?”

“Si Dr. Martin po at si Mr. Del Carmen. Dinala po kayo rito kahapon ng hapon. Kanina lang po umalis ang mister ninyo, ma’am. Magbibihis lang daw siya. Magdamag po niya kayong binantayan. Pabalik-balik ho siya sa inyo at sa pagtingin sa anak ninyo sa incubator…,” nakangiting balita ng nurse.

Mister ninyo… anak ninyo. Pumikit si Alyna. May kung anong bagay ang humaplos sa dibdib niya na hindi niya gustong bigyan ng puwang.

“Maaari ko bang makita ang anak ko?” tanong niya sa nurse.

“Si Dr. Martin po ang magsasabi kung kailan kayo maaaring magtungo sa nursery. Baka po mamaya pagdating ni Mr. del Carmen. Maaari po kayong gumamit ng wheelchair.”

Tumango si Alyna. Nanganak siya, premature. At umusal siya ng pasasalamat at kahit na ganoon ay hindi sila nanganib na mag-ina. Muli niyang ipinikit ang mga mata. Hindi na niya namalayan ang paglabas ng nurse.

Nang muli siyang magmulat ng mga mata ay nasa harap na niya si Dominic. Nginitian siya nito.

“How’s the new mother? Ang buong akala ko ’y matutulog ka na lang sa maghapong ito.

“Hindi ko alam na nakatulog akong muli. Kanina ka pa dumating?” she asked in a husky voice. Dominic is gorgeously handsome sa kulay lumot nitong sportshirt. Nangangasul ang paligid ng mukha sa pagkakaahit. Hindi niya maiwasang hindi titigan ang buong mukha ng binata.

Tumikhim si Dominic. Napahiyang nagbaba siya ng mga paningin. “An hour ago. Lunch time na at sabi ng nurse ay nagising ka kaninang umaga at nakatulog na muli.”

“Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo sa aming mag-ina, Dominic. Sa loob ng thirty-six hours ay nagkapatong-patong ang mga utang ko sa iyo… “

“Huwag mong intindihin iyon, Alyna. Ang mahalaga’y nakaraos kayong mag-ina. Maliit lang ang bata dahil premature. But he is so strong na tiniyak sa akin ni Patrick na mabubuhay siya. Siguro’y mga dalawang linggo si Nico sa incubator bago natin siya maiuuwi”

Pinaraan ni Alyna ang paggamit ni Dominic ng “natin siya maiuuwi.” Pero tumaas ang kilay niya sa pangalang binanggit.

“Nico?”

Ngumiti si Dominic. “Kailangang ibigay ko ang pangalan niya, Alyna. Requirements iyan. Tulog ka nang kumukuha ng records ang ospital”

“At… anong pangalan ang ibinigay mo sa anak ko?”

“Emmanuel Dominic, mula sa Papa at sa akin. Emmanuel Dominic del Carmen,” kaswal nitong sinabi sa panlalaki ng mga mata ni Alyna.

“D-del Carmen!” bulalas niya. “Bakit mo ipinagamit sa anak ko ang…”

“You claimed you married Dominic del Carmen, Alyna. And since ako iyon, it is assumed na kasal ka sa akin…”

Lalong namilog ang mga mata niya. “Wala kang karapatang ipagamit sa anak ko ang pangalang iyon. Regala ang apelyido ko, Dominic. Iyon ang ipagagamit ko sa anak ko. Alam mo ang batas tungkol diyan,” marahang angil niya.

“Kilala ako bilang mabuting tao sa bayang ito, Alyna, ang pamilya del Carmen sa kabuuan. Naniniwala silang kasal tayo. Isa pa, may palagay akong hindi na natin magagawang baguhin ang pangalan ng bata. Hindi papayag ang record section ng ospilal na ito. At sa mga sandaling ito’y naka-report na iyon sa munisipyo.”

Wala siyang maapuhap na sasabihin. Gusto niyang salungatin ang mga sinasabi nito. Kinasusuklaman niya si Rex at ang mga bagay na may kinalaman dito. Pero nasusuklam ba siya kay Dominic lalo at malaki ang utang-na-loob niya sa taong ito?

“Let us not talk about it now. Marami tayong oras paglabas mo rito sa ospital. Gusto mo bang makita si Nico?” Tumango siya. Tinawag ni Dominic ang nurse at nagpakuha ng wheelchair.

Si Dominic mismo ang nagtutulak ng wheelchair niya patungo sa nursery. Mula sa salamin ay nakita niya ang anak na nasa loob ng incubator. Hindi mapigil ni Alyna ang pagpatak ng luha pagkakita sa anak na naiilawan.

“Napakaliit niya…”

“Sa ngayon. Pero makalipas lamang ang ilang araw ay babawiin ni Nico ang kakulangan niya sa buwan,” sagot ni Dominic na kumikislap ang mga mata sa pagkakatitig sa bata. Hindi nakaila kay Alyna ang possessiveness sa tinig nito nang sabihing babawiin ni Nico ang kakulangan nito sa buwan.

CHAPTER NINE

MAKALIPAS lamang ang dalawang araw ay umuwi na ng rancho si Alyna subalit naiwan pa sa ospital ang bata.

“Maaari ko bang gamitin ang telepono para tawagan si Liza?” tanong niya nang makarating sila ng rancho.

“Sure. Pero ano ang dahilan at gusto mong makausap ang kaibigan mo?”

“Hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa akin, Dominic. I’m sharing an apartment with her at kasamahan ko siya sa opisina. AWOL na ako ngayon. Isa pa, kailangan ko ng pera para sa ospital”

Tumikhim si Dominic. “Hindi mo kailangang gawin iyon. I will shoulder the expenses.”

“N-naniniwala kang pinakasalan ako ng kapatid mo?”

“No. Pero naniniwala akong nagkaroon kayo ng ugnayan noong nasa Maynila si Rex. A one-night stand…”

Tumalim ang mga mata ni Alyna. “A one-night stand! Iyon ba ang sinabi niya sa iyo?”

“Please, Alyna, ayoko ng pag-usapan natin si Rex o kung anuman ang naging kaugnayan mo sa kanya. Nakalipas na iyon at makabubuting ibaon na sa limot.” Huminga siya nang malalim Pilit kinakalma ang sarili. One night stand! That bastard!

“All right, tama ka. Gusto kong kalimutan na ang masamang pangyayari sa amin ni Rex, Dominic. Ang anak ko ang pinakamagandang resulta ng pagkakamaling iyon. Pag-alis namin dito ay sisikapin kong makalimutan ang existence ni Rex sa buhay naming mag-ina. We will start anew…” matatag niyang sinabi.

“May proposition akong iaalok sa iyo, Alyna. Makakatulong para sa pagsisimulang muli ninyo ni Nico…”

Muling sumiklab ang dibdib ni Alyna. “Kung pera ay maraming salamat, Dominic. Hindi ko kailangan! Alam kong marami ka nang naitulong sa amin pero pag tinanggap ko ang iaalok mo, nagpapatunay lamang iyon ng akusasyon mo sa akin.”

“Tungkol sa ating dalawa ang sasabihin ko, Alyna…,” wika nito matapos mag-alis ng bara ng lalamunan

“Sa… sa ating dalawa?” nagtatakang napatitig siya dito. “Ano ang dapat pag-usapan tungkol sa atin, Dominic?”

“Gusto kong magkaroon ng ama si Nico sa katauhan ko…” Ibinuka ni Alyna ang bibig upang magsalita subalit nagpatuloy si Dominic. “Gusto kitang pakasalan, Alyna. Totohanin ang paniwala mong isang Dominic del Carmen ang pinakasalan mo…”

“H-hindi mo alam ang sinasabi mo…,” hindi halos lumabas sa bibig niya iyon sa pagkamangha..

Tinitiyak ko sa iyong pinag-isipan kong mabuti ang iniaalok ko sa iyo. Hindi ito biglaang desisyon, Alyna. At alam kong hindi mo gustong tumanggi..“ hamon ni Dominic.

“Puwes, ngayon pa lang ay tinatanggihan ko na, Dominic!” nagpupuyos niyang sinabi. “Kinasusuklaman ko ang panlolokong ginawa ng stepbrother mo sa akin at wala akong balak na mapaugnay sa pamilyang ito.”

“Huminahon ka. Alyna,” kalmante nito sa outburst niya. “Hindi mo matatanggihan dahil nakarehistrong ako ang ama ni Nico. Legally ay may karapatan ako sa kanya. At mapapaugnay ka sa pamilyang ito dahil gagamitin ko ang karapatang iyan upang mapakasal ka sa akin…”

“Are you trying to say na…” hindi niya gustong ilagay sa sariling bibig ang ibig ipahiwatig ni Dominic. Tama ang sinabi nito. Legally ay ito ang ama ni Nico. With his money, mailalaban niya sa korte iyon. At kahit pa nga ba ipa-blood test niya ang bata, natitiyak niyang dugong del Carmen si Nico.

“Don’t fight, Alyna. Hindi ko intensiyong mabinat ka. I know the tensions you went through. Just marry me,” utos nito.

Ang galit ay nahalinhan ng weariness, ng kalituhan. “Bakit mo gagawin ito, Dominic? Binata ka, mayaman. Maraming mga babaeng higit na karapat-dapat. Walang anak at…” nahahapo niyang tanong. Naupo sa naroong sofa.

“Ako ang dapat na magdesisyon kung sino ang babaeng karapat-dapat sa akin, Alyna,” mariing sagot nito. “And I intended you to be my wife…”

Namamangha si Alyna sa pagkaarogante ng lalaking ito. Sa tono ni Dominic ay natitiyak niyang kahit na ano pa ang gawin niya ay mauuwi rin sa wala. Ito pa rin ang masusunod. Gagamitin nito sa kanya ang kanyang sariling anak.

“At paano mo haharapin si Rex sa tuwing magkakaharap kayo? Alalahanin mo, you almost accused me of being a whore,” panunuya niya.

Nagtiim ng mga bagang ang binata. “I’ll deal with Rex myself. And I’ll marry you, saint or whore!”

Gusto niyang mamangha sa determinasyon sa tinig nito. Pero gusto niyang ilabas ang galit niya kay Rex at sa ginawa nito sa kanya. At dahil wala ito, si Dominic ang nasa receiving end. Isa pa, hindi ba at inalok siya nito ng pera bilang kabayaran huwag lamang ligaligin pa si Rex.

“At paano ang anak ko, Dominic? Matatanggap mo ba sa sambahayan mo ang anak ng kung sino lang lalaki? Ano ang malay mo kung anak nga ni Rex ang batang iyan?” naghahamon ang tinig niya.

Tinitigan siya ni Dominic. At sa isang iglap ay may naaninag siya sa mga mata nitong hindi niya kayang bigyan ng kahulugan. Pero sandali lang iyon at marahil ay wala naman talaga.

“Hindi hadlang sa aking may anak ka na, Alyna. Bukod doon ay matutugunan ni Nico ang kakulangan ko…”

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya sa pagsasalubong ng mga kilay.

“Hindi ako magkakaanak,” simpleng sagot nito.

“Bakit?”

“Aksidente sa kabayo noong binatilyo pa lamang ako. At ayokong pag-usapan,” may finality sa tinig nito para sa subject na iyon.

Walang salitang gustong lumabas sa bibig ni Alyna. So, the almost perfect Dominic del Carmen ay may malaking diperensiya!

“Habang nasa ospital ka ay ipinaayos ko na ang ating marriage license. Sa pagkakataong ito ay malaking bagay ang nagagawa ng pera. Sa susunod na linggo ay pakakasal tayo. Naka-recover ka na noon.” At ibinigay sa kanya ang CP.

HIGIT na mabilis ang mga pangyayari sa pagpapakasal ni Alyna kay Dominic kaysa inakala niyang kasal nila ni Rex. Sampung araw makapanganak siya. At sa pagkakataong ito ay natitiyak niyang totoong ikinasal siya. Ang mismong mayor ng Sta. Quiteria ang nagkasal sa kanila. At ibinigay sa kanya ni Dominic ang marriage contract nila.

Isang simpleng civil wedding ang ginanap. Kabilang sa mga testigo ay si Liza na hindi maitago ang pagkamangha at galak para sa kanya. Ang reception ay ginanap sa bahay sa rancho na ang tanging mga bisita ay ang mayor at ang asawa nito, si Dr. Patrick Martin kasama ang girlfriend at si Liza.

“So, that delicious hunk of a man is the real Dominic del Carmen, ha?” natatawang wika ni Liza na itinuon ang paningin kay Dominic na kausap ang mayor at ang asawa nito. “At sa pagkakataong ito ay talagang ikaw si Mrs. Dominic del Carmen.”

“Ang mga biro ng pagkakataon, Liza,” matabang niyang sinabi. Dinala sa bibig ang kristal ng champagne at bahagyang uminom.

“Si Rex, dito rin ba nakatira ang mag-asawa? At ano sa palagay mo ang mangyayari sa sandaling magkaharap ang magkapatid?”

“Sa pagkakaalam ko’y sa ama ng babae sila nakatira,” naroon pa rin ang galit niya sa dibdib sa sagot niyang iyon. “At kung paano sila magkakaharap na magkapatid, knowing they have taken for themselves one woman, ay wala akong pakialam! Hindi ako masamang babae, Liza, when I gave myself to Rex sa pag-aakalang asawa ko siya.”

“Alam ko, Alyna. Forgive me for asking. Wala akong masamang ibig sabihin…,” sinamahan nito ng buntong-hininga.

“I know,” she tried to calm down. “Pero dahil sa anak ko kaya nagkaroon ng interest si Dominic na pakasalan ako. He was probably touched emotionally by the fact na siya ang nagpaanak sa akin. Isipin mo nga naman iyon,” aniya. Pero hindi niya gustong sabihin kay Liza ang tungkol sa “diperensiya” ni Dominic. Unconsciously, nakadama siya ng proteksiyon para sa kahinaan nito. Kung bakit, hindi niya alam.

“Hindi ako naniniwala roon, Alyna. Mula kanina, hanggang sa mga sandaling ito ay walang ginawa ang asawa mo kundi sulyapan at titigan ka. Hindi ko matiyak but somehow may malalim na emosyong kasama sa pagpapakasal ni Dominic sa iyo. Why, you’re a very lovely woman, my friend…”

Matabang siyang ngumiti. Hindi na niya rin kailangang sabihin sa kaibigan na ang pagkakakilala ni Dominic sa kanya ay isa siyang masamang babae.

Sinulyapan niya si Dominic na inabutan ng katulong ng telepono. Humiwalay ito sa mga kausap at nagtungo sa bar.

“Sino kaya ang kausap ng asawa mo? Look at him…” si Liza na nakasunod din ng tanaw dito. Tinutop ni Dominic ang noo. Nakita nila ang pagkagimbal sa mukha nito.

“Lalapitan ko ba siya, Liz?” nag-aalangan niyang tanong.

“But of course. Asawa mo na siya ngayon, Alyna…”

Nag-aalangang humakbang siya palapit dito. ini-off na ni Dominic ang telepono nang isang dipa na lang ang layo niya.

“May… problemsa ba?” banayad niyang tanong. Parang namatayan ang asawa sa anyo nito.

“Come here,” wika nito sa gumagaralgal na tinig. Wala sa loob siyang sumunod. Ikinulong siya ni Dominic sa mga bisig nito at mahigpit na mahigpit na niyakap.

“Dominic, what’s wrong?”

“Lilet and the baby didn’t make it…,” halos hindi lumabas sa bibig nito iyon.

CHAPTER TEN

A NG mga sumunod na araw ay naging napakaabala para kay Dominic. Naatang dito ang paghahatid ng balita sa ama ni Lilet.

Inatake sa puso ang matandang lalaki at naospital. Si Dominic din ang nag-asikaso.

Kasalukuyang sinisilip ni Alyna si Nico mula sa salamin ng nursery nang dumating si Dominic

“Hi.” Inakbayan siya nito. Napalunok si Alyna. Kaswal lang ang ginawa nito subalit bakit tila siya napapaso?

Tumikhim siya. “Kumusta si Don Menandro?” “Iminungkahi ko sa isang anak na dalhin na sa Maynila subalit tumanggi ang matanda,” nagkibit ito ng mga balikat. “Bata pa naman ang Tiyo Menandro at hindi fatal ang atake.”

Itinuon ni Dominic ang pansin sa bata at nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. “Nakausap ko ang pediatrician ni Nico at si Patrick. Parehong tiniyak na maaari na nating iuwi ang bata ngayon. Sa loob ng limang araw ay malaki ang ipinagbago ng bata. Gusto ngang isipin ng mga doktor na baka nagkamali ka ng bilang ng buwan…” tinitigan siya nito. Bahagyang naningkit ang mga mata ni Alyna. Parang ipinahihiwatig ng sinasabi ni Dominic na kung nagkamali siya ng bilang at husto sa buwan si Nico ay nakatitiyak itong hindi talaga anak ni Rex ang bata.

“Hindi ako maaaring magkamali sa pagbilang ng mga buwan, Dominic,” mariing wika niya na kumawala mula sa pagkakaakbay ng asawa. “Gusto kong asikasuhin na ang paglalabas sa kanya,” pormal niyang sinabi.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Dominic. “Pupunta na ako sa kahera…”

SA ARAW ding iyon ay inilabas ang bata at iniuwi ng rancho sa pagkakagulo at pagkakatuwa ng mga naroroong tauhan. Ang katabing silid ng master bedroom ay naipagawa na ni Dominic bilang karugtong na nursery. At mula nang maiuwi ang bata ay sa nursery na halos naglalagi si Alyna.

Isang umaga’y naudlot sa paglabas mula sa banyo ng nursery si Alyna. Nakayuko sa crib si Dominic at nilalaro ang sanggol.

’’Ngayon ko lang napupunang nagiging kamukha kita habang lumilipas ang mga araw, Nico.“

Dahil isa siyang tunay na del Carmen, Dominic! Gustong isigaw ni Alyna pero nagbara sa lalamunan niya iyon. Baka pagsimulan na naman ng pagtatalo pag nagsalita siya tungkol sa ama ni Nico.

Sa halip ay pinagsawa niya ang mga mata sa pagtitig sa mukha nito mula sa tagiliran. Naka-silk robe pa rin ito at marahil ay papasok pa lang ng banyo nang maisip pumasok ng nursery. Nakatali lang ito sa baywang nang maluwag at nasisilip niya ang balahibo nito sa dibdib.

Sa pakiramdam ni Alyna’y lalo lamang nagsisikip ang lalamunan niya at sinikap na lumunok. Pinagta-takhan niya ang sarili kung bakit ganoon ang nagiging reaksiyon niya sa tuwing tinititigan niya ang lalaki. Noon man o ngayon.

Delicious hunk of a man. Iyon ang sinabi ni Liza tungkol kay Dominic; Marahil ay iyon ang dahilan. The perfect rugged features at ang pagiging lalaking-lalaki nito sa kabuuan.

Ibinaling ni Dominic ang tingin sa kanya at nginitian siya na tila ba alam nitong kanina pa siya roon. Muli siyang lumunok at hinigpitan ang hawak sa buhol ng tuwalya.

“Good morning…,” bati nito kasabay ng pahagod sa kanya ng tingin. Nailang si Alyna. Nakatapis lang siya ng tuwalya. Sa mga panahong magkasama sila ng asawa ay lagi niyang tinitiyempuhang nasa ibaba na ito bago siya naliligo o di kaya ay nagbibihis.

“Mag… magbibihis muna ako, Dominic…,” umiwas siya ng tingin at humakbang patungo sa master’s bedroom kung saan naroon ang mga gamit niya.

Binuksan niya ang closet upang kumuha ng t-shirt nang dumantay sa mga balikat niya ang mga braso ni Dominic at iniharap siya. Hinawakan ng mga daliri ang baba at itinaas.

“I have been neglecting you, haven’t I?”

Hindi niya gustong salubungin ang tingin nito pero tila siya nahihipnotismo. She was searching his face na tila namamalikmata. Ang itim na itim na mga mata… the sexy lips that twisted a little when he smiled….

“Sa maraming pagkakataon ay tinititigan mo ako ng ganyan, Alyna…,” he said in a husky voice.

Napakurap si Alyna na tila nagising sa pagkarinig ng boses ng asawa. “A-ano’ng tinititigan ng ganyan…?”

“Na para bang hinihintay mong hagkan kita. Do you want me to kiss you, Alyna?” he asked softly.

Pinamulahan siya ng mukha roon. “No. I don’t want you to kiss me!” mabilis at mariing tanggi niya. Akmang muling yuyuko sa closet pero hindi pinakakawalan ni Dominic ang mukha niya.

“No?” amused na pag-ulit ni Dominic sa sagot niya. “Subukan natin kung hindi mo nga gustong hagkan kita.” Nanlaki ang mga mata ni Alyna nang unti-unting bumababa ang ulo ng asawa patungo sa kanya. At sa halip naumiwas dahil sa sagot niya’y mahigpit niyang ipinikit ang mga mata.

Parang malakas na boltaheng koryente ang dumapo sa katawan ni Alyna when his lips touched hers. Gumapang iyon sa buong pagkatao niya. Sizzling, like lightning. Bagay na dapat ay pinaghandaan na niya pero hindi. At iniisip niya kung kailan hihinto sa mabilis na pagtibok ang puso niya.

Huminto sa paghalik si Dominic bagaman hindi inilayo ang bibig sa mga labi ni Alyna. Para bang ito man ay naapektuhan din sa malakas na daloy ng koryente sa katawan nila pareho. Pero sandali lang iyon at bago pa nakakilos si Alyna ay muling inangkin nito ang mga labi niya.

Hindi maaari ito! hiyaw ng isip ni Alyna. Iniisip ng lalaking ito na masama akong babae na basta na lang pumapatol sa lalaki. Kaya lamang ako pinakasalan dahil kay Nico.

I hate women who indulge in casual sex! Nagpaulit-ulit sa isip niya iyon na tila sirang-plaka at nagagalit siya. Gusto niyang itulak si Dominic pero ang mga kamay niya’y tila idinikit sa dibdib nito, the hair on his chest tickling her fingers.

Pero kahit ano pang galit ang ipasok niya sa isip niya’y hindi niya magawang itanggi ang pagtugon niya. His sexual magnetism is so strong. Something she had never experienced before. Not even during the four days she spent with Rex.

Ang mga kamay nitong humahaplos sa mukha niya’y parang magic na gumigising sa lahat ng mga senses niya, His male scent made her dizzy with desire. His tongue parting her lips like a butterfly caressing a petal, sipping its nectar. And there was a tingling excitement in her breasts. And down below her womb, something ached.

Bahagya siyang napasinghap nang maramdaman ang kamay ni Dominic sa dibdib niya. Hindi niya matandaan kung kailan naalis ni Dominic ang buhol ng tuwalyang nakabalot sa katawan niya. Hindi rin niya matandaan kung kailan huminto sa paghalik si Dominic sa mga labi niya at bumaba patungo sa dibdib niya. She cried softly when his lips gently nipped one breast. Kung wala ang closet na sinasandalan niya’y dumausdos na siya sa sahig.

“I never thought mother’s milk can be so intoxicating, darling….” he whispered huskily.

Milk!

Tila nagising mula sa isang mahabang pagtulog si Alyna. Mabilis na itinulak ang asawa. Yumuko at dinampot ang tuwalyang nalaglag sa sahig at itinakip sa katawan.

Tatlong linggo pa lang mahigit mula ng makapanganak siya!

“Damn!” marahang mura ni Dominic. Nakatitig sa mukha niya na tila nahuhulaan ang nasa isip. “Nakalimutan ko, Alyna. Wala ka pang isang buwang nakapanganak,” passion and desire still shone in his eyes.

Tumalikod ito. Pumasok ng banyo. At mayamaya lang ay narinig na ni Alyna ang malakas na lagaslas ng tubig. Nanlalambot na napasandal siya sa pinto ng closet. Her eyes closed. In shame, in frustration.

Ano ang nangyari? Bakit ganoon na lang ang epekto ni Dominic sa kanya? At kahit sa mga sandaling ito nararamdaman pa niya ang init sa katawan niya, her breast still swollen, and there was still that strange ache below her womb. At hindi niya alam kung paano papawiin iyon.

At si Dominic, hindi ba at sinabi nitong naaksidente ito noong binatilyo pa? Bakit ginagawa nito sa kanya iyon? Hindi niya naiintindihan. Kumawala ang isang buntong-hininga mula sa kanya at muling binuksan ang closet at kumuha ng jeans at t-shirt at mabilis na nagbihis bago pa lumabas uli ang asawa.

CHAPTER ELEVEN

NANG sumunod na mga araw ay naging abala si Dominic sa pagtulong sa mga kamag-anak ni Lilet na mag-asikaso sa pagdating ng labi nito. Halos buong maghapon ay wala ito dahil sinalubong pa sa airport sa Legaspi. At sa loob halos ng tatlong araw ay magkita-dili sila ng asawa.

Ikalimang araw matapos dumating ang labi ni Lilet ay inilibing ito.

“Gusto kong sumama sa iyo bilang pakikipag-kapuwa, pero ayoko, Dominic. At huwag mo akong pilitin. Anuman ang iniisip mo sa akin at hindi mo man pinaniniwalaan ang mga sinabi ko bago tayo ikinasal ay hindi pa rin ako handang harapin si Rex,” aniya sa asawa nang yakagin siya nitong sumama.

Nagsalubong ang mga kilay ni Dominic. Sandaling nahinto sa pagbubutones ng polo shirt.

“Ikaw ang bahala. Ako na lang ang bahalang magdahilan kung bakit ka wala. Anyway, alam ng mga taga-rancho na hindi naging madali ang panganganak mo. Siguro ay sapat ng dahilan ng absence mo iyon,” anito makalipas ang ilang sandaling pagtitig sa kanya.

ALAS-DOS ng hapon ang libing pero alas-sais na ng gabi’y wala pa si Dominic.

“Kay gandang lalaki ni Nico, Alyna. Tingin ko’y nagiging kamukha yata ni Dominic habang lumalaki. Minsan naman ay parang ang namayapang Senyora Adela,” wika ni Nana Marcing na nilalaro si Nico na nasa mga bisig ng ina. Pagkatapos ay inilapag ang pinggan sa mesa. “Ku, ako talaga’y nagtataka sa inyong dalawa ni Dominic, Alyna. Kung saan at paano kayo nagkakilala…,” patuloy ng matanda.

“Huwag na ho ninyong abalahin ang isip ninyo roon,

Nana Marcing,“ nangingiti niyang sagot na muling dumungaw sa bintana.

Mula sa bintana ay natatanaw ang sinuman o alinmang darating sa ibaba dahil nasa mataas na bahagi ng lupa ang Villa del Carmen.

“Huwag mo nang abangan ang asawa mo, Alyna,” si Nana Marcing na pinuna ang pagtanaw-tanaw niya sa bintana sa ibaba ng burol. “Mga kaibigang matalik ang pamilyang nawalan. Tiyak na doon na maghahapunan si Dominic. Magkababata at magkasabay na nagsilaki sina Dominic at Lilet.”

Napalingon siya sa matandang katiwala. Bagaman magkakalapit ang mga tao sa probinsiya ay hindi niya naisip ang ganoong posibilidad.

“Bago naging asawa ni Rex si Lilet ay sila ni Dominic ang magkasintahan…,” patuloy ng matanda habang iginagayak ang mesa para sa hapunan.

“Ano ho ang nangyari at hindi sila ang nagkatuluyan?” Napukaw ng husto ang kuryosidad niya. Naipaliwanag ng sinabi ng matanda ang nakita niyang matinding dalamhati ng asawa nang unang malaman nito ang pagkamatay ni Lilet at ng sanggol.

At may bahagi ng dibdib niya ang parang kumirot bagaman hindi niya ito binigyang pansin.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng matanda “Kung sabagay ay asawa mo na si Dominic at malalaman mo rin naman sa malaon. Hindi lang marahil naikukuwento pa ng asawa mo at bukod sa biglaan ninyong kasal ay nasabay pa sa pangyayaring ito,” hinila nito ang upuan at naupo habang inilalagay ang cloth napkin.

“Sapilitang itinanan ni Rex si Lilet, Alyna…”

“Ho?”

Tumango ang matanda. “Itinakda ng Senyora Adela at ni Don Menandro, ang Papa ni Lilet, ang araw ng kasal ng dalawa pero minsang nangangabayo si Lilet ay inabangan ni Rex at sapilitang itinanan. Ang nakapagtataka ay hindi man lang kinabakasan si Lilet na napilitan lang ito. Bukal sa loob itong nagpakasal kay Rex.”

“At… si Dominic ho, ano ang nangyari pagkatapos?”

“Ilang araw bago ang kasal ay narinig ng lahat ang matinding pagtatalo ng magkapatid. Nasa loob sila ng library kaya walang nakarinig pero nauulinigan ang malakas na tinig ni Rex. Si Dominic ay hindi sumisigaw pag nagagalit, Alyna, pero higit siyang mapanganib pag ganoon. Kahit si Senyora Adela ay hindi kayang awatin ang bunsong anak. Nang magbukas ang pinto ng library ay duguan ang ilong ni Rex at nakalupasay sa sahig.”

Tumayo ang matanda at lumabas ng kusina. Nanatiling nakatayo si Alyna at pinag-iisipan ang sinabi ng matanda. No wonder nagagalit si Dominic noong sabihin niyang pinakasalan siya ni Rex At kung babalik-balikan niya sa isip ang mga sinabi nito sa kanya noong una siyang dumating ay si Lilet ang pinoprotektahan ni Dominic.

Binabayaran siya ni Dominic upang huwag nang guluhin pa ang pagsasama ng dalawa upang maiiwas si Lilet na malaman ang tungkol sa kanya. Hindi dahil hindi magagawa ni Rex iyon kundi dahil kay Lilet.

Mahigpit na nayakap ni Alyna sa dibdib niya si Nico. Nasasaktan siya sa kaalamang iyon.

“So, you really are married now to Dominic del Carmen, Alyna,” isang kilalang-kilala niyang tinig ang nagpalingon kay Alyna.

“Ikaw!”

CHAPTER TWELVE

A ko nga, Alyna,“ nakangiting lumapit sa kanya si Rex. Sinulyapan ang batang nasa kandungan niya. “Iyan ba ang anak…”

“Ang anak ko, Rex!” mabilis niyang agap na agad tumayo upang hindi malapitan ni Rex ang bata.

“Ihahain ko na ba ang…. Rex!” Si Nana Marcing. “Nakikiramay ako sa nangyari, Rex. Alam kong mahal na mahal mo si Lilet…”

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Rex at nagkaroon ng lambong ang mga mata nito. Napansin din ni Alyna ang pangingitim ng ilalim ng isang mata nito na tila blackeye. Marahil sa kakulangan ng tulog dahil sa mga nangyari dito.

“Talagang ganoon ang buhay. Nana Marcing. Parang sugal. Minsan kang manalo, minsan kang matalo.” nagkibit ito ng mga balikat.

’’Nana Marcing, pakipanhik nga po sa nursery si Nico,“ iniabot niya ang bata sa matandang katiwala at sinamahan hanggang sa may puno ng hagdan. Paghakbang niya pabalik ay nasa harap na niya si Rex.

“Motherhood suits you, Alyna,” hinagod siya nito ng tingin. May kakaibang kislap sa mga mata. Isang nylon jeans ang suot niya na humakab sa magandang hubog ng katawan. “You were so slim when I met you! bagaman sexy kang talaga. But now it seems you’ve gained weight at the right places.” ;

“Nakikiramay ako sa pagkamatay ng asawa mo Rex…,” patuya niyang sinabi. She does not want to be bitchy at the expense of another woman, lalo at wala na ito. Pero hindi niya mapigil ang sarili. Lumakad patungo sa malaking sala kung saan malayo sa pandinig ng mga katulong.

“Patawarin mo ako, Alyna,” nagsusumamong wika ni Rex. His face repentant. “Alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko sa iyo. But I desired you when I first saw you. I wanted you. At hindi ka papayag sa isang relasyon nang wala ang isang pirasong papel…”

“Kaya dinaya mo ako, ganoon?” Ipinagkrus niya sa dibdib ang mga braso. “At basta mo na lang iniwan….” may bittemess sa tinig niya.

“Hindi ko gustong gawin, Alyna. I would have stayed a little longer kung hindi tumawag si Lilet para pauwiin ako dahil sa kumpirmasyong nagdadalang-tao siya. And I would have come back kung hindi lang nagkaroon ng komplikasyon ang pagdadalang-tao niya.”

“At gawin akong kept woman. Sa tuwing uuwi ka dito ay sasabihin mo sa aking na-assign ka sa malayo. Iniisip mo bang papayag ako sa ganoong arrangement, Rex?” singhal niya rito.

Apologetic ang mukhang tumingin sa kanya ang lalaki. “Hipag na kita ngayon, Alyna. Kung bakit pinakasalan ka ni Dominic sa napakaikling panahon ay isa pa ring palaisipan sa akin. Sana’y mapatawad mo ako sa mga kasalanan ko sa iyo.”

Huminga nang malalim si Alyna. Nakadama siya ng awa sa anyo ni Rex. Nawalan lang ito ng asawa at anak. At kung tutuusin ay hindi naman siya napasama. Mag-asawa na sila ni Dominic at hindi man siya iniibig nito’y maligaya siyang napakasal dito.

“You’re better off now that you’re married to the high and mighty Dominic del Carmen, Alyna.” Bitterness ba o pananaghili ang nahihimigan niya sa tinig nito? “And in one way or another, you owe me that…”

Muli siyang nagbuntong-hininga. “Pinatatawad na kita, Rex,” marahang sabi niya. “And you’re right, I’m starting life anew with my husband. Kami ng anak ko . Gusto kong kalimutan na ang lahat.”

Ngumisi si Rex sa sinabi niya. “Salamat, Alyna. You wouldn’t really mind if I kiss you bilang pasasalamat sa pagpapatawad mo at bilang pagtanggap na rin sa pamilyang ito,” at bago pa nakakilos si Alyna ay hinapit siya ni Rex at hinagkan. At kung hindi niya naiiwas ang mukha niya’y baka sa mga labi niya dumapo ang halik nito. Sa halip ay sa pisngi.

“Hrmp…”

Napalingon ang dalawa sa malaking pinto. Si Dominic, na madilim ang mukha.

“Oh, Dominic,” ani Rex na binitiwan si Alyna. “I hope you don’t mind. Isang pagbati lamang iyon sa dating kakilala na ngayon ay hipag ko na, hindi ba Alyna?” Nilingon nito si Alyna na walang maapuhap na sasabihin. Ano ang iniisip ni Dominic sa kanya?

“Hindi mo sinabi sa aking uuwi ka rito, Rex,” ani Dominic na inilapag ang susi ng pick-up sa mesa Lumakad patungo sa bar.

Inilahad ni Rex ang dalawang kamay kasabay ng pagkibit ng mga balikat. “Hindi ba ako welcome dito Dominic? This has been my home until two years ago! bago ako nagpakasal kay Lilet…”

“Hindi iyon ang sinabi ko, Rex Hindi mo sinabing dito ka uuwi ngayon,” nagsalin ito ng alak sa baso.

“Hindi ko kailangang sabihin sa iyo ang mga gagawin ko, Dominic. Isa pa, wala na si Lilet at ang anak namin. Ano pa ang dahilan para manatili ako sa bahay ng mga biyenan ko. Dito ko gustong umuwi. Natitiyak kong hindi mo tututulan iyon.”

Sandaling hindi kumibo si Dominic. Si Alyna ay pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki. Ngayon niya gustong itanong sa sarili kung ano ang nagpangyari at pinahintulutan niya si Rex to sweep off her feet like some foolish teenager.

In one gulp ay inubos ni Dominic ang laman ng baso bago nagsalita. “Gamitin mo ang isang silid sa kanlurang bahagi ng bahay, Rex. Ang dati mong silid ay isa ng nursery ngayon,” walang emosyong wika nito.

“Oh! Well, I don’t mind the room changes lalo na at ang anak—”

“Naroon ang anak ko , Rex,” pagdiriin ni Dominic sa mapanganib na tono. Napasinghap nang marahan si Alyna sa anyo ng asawa. Tumigas ang mukha nito sa pagkakatitig sa kapatid. Naghahamong pasubalian ang sinasabi.

Tila patalim na humihiwa ang tensiyong namagitan at sukatan ng tingin ng dalawang lalaki. Unang nagbaba ng tingin si Rex na nagkibit ng mga balikat. Hindi alam ni Alyna na nagpipigil siya ng hininga sa nakalipas na mga sandali. At nagpasalamat siya ng lihim sa muling pagsungaw ni Nana Marcing.

“Narito ka na pala, Dominic,” wika nito na nagsasalubong ang mga kilay sa pagkakatingin sa dalawang lalaki. “Nakahanda na ang mesa.”

Tumikhim si Alyna at naunang kumilos palabas sa dining. Sumunod si Rex. Nakaupo na sila nang pumasok si Dominic at maupo sa kabisera. Maliban kay Nana Marcing at Alyna ay hindi nagsasalita ang dalawang lalaki. Nagtataka man ay pinalampas na ng matandang katiwala. Alam nitong nagagalit si Dominic.

Anim na taon si Rex nang pakasalan ni Senyor Felipe si Adela at dalhin sa Villa del Carmen. Makalipas ang isang taon ay ipinanganak ni Adela ang kaisa-isang tagapagmana ng mga del Carmen, si Dominic. Sa mga kamay na ng matandang katiwala lumaki si Dominic at higit na kabisado nito ang pag-uugali kaysa kay Rex na laging kagalit ang mga katulong at mga tauhan sa rancho.

CHAPTER THIRTEEN

KATATAPOS lang mag-breast feeding ni Alyna at kasalukuyang inilalapag sa crib ang tulog nang si Nico nang pumasok si Dominic.

Nakababa pa sa isang balikat niya ang suot na satin robe exposing her right shoulder and breast nang lumabas ng nursery at lumipat sa master’s bedroom. Bumaba doon ang mga mata ng asawa.

The eyes are the windows of a man’s soul. Kung tama ang kasabihang iyon ay nasa pagkatao ni Dominic ang sarisaring nakaliligalig na emosyon. His eyes filled with anger, with contempt. Pero maliban doon ay may isa pang emosyong sumisingit sa mga mata nito sa pagkakatitig sa nakalantad niyang dibdib na nagpabilis ng pagtibok ng puso niya. Hindi maiwasan ni Alyna na hindi makadama ng pananayo ng mga balahibo sa tinging ipinupukol nito sa katawan niya.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataong natitigan si Alyna ng isang lalaking nagnanasa sa kanya bilang babae. Isa na roon si Rex. Pero higit pa kaysa pagnanasa ang nasa mga mata ni Dominic. It was something deep and wild… like a savage hunger.

Niyuko niya ang sarili at hindi siya magkandatuto sa pagsasara ng roba. Itinali ito nang mahigpit. Nang muli siyang mag-angat ng mukha ay galit at contempt na lang ang nasa mga mata nito at nang-uuring tingin.

She swallowed hard. “Ang… ang inabutan mo kanina ay—”

“Kalimutan mo na iyon…,” malamig nitong sagot. Unti-unting nag-aalis ng polo shirt.

“Na-naniniwala ka na ba ngayong anak ni Rex si…,”

Isang matalim na sulyap ang ipinukol ni Dominic sa kanya. “Ito ang gusto kong itanim mo sa isip mo, Alyna. Si Nico ay isang del Carmen. Anak ko siya. I may not be his biological father, but he is my son!”

Nakikita niya sa sandaling panahong narito siya sa rancho kung paano nirerespeto ng mga tao si Dominic. Pero nakikita rin niya kung paano ito pinangingilagan pag nagagalit. Pero hindi niya maawat ang sariling magsalita.

“Do I detect some kind of obsession in your voice?” marahan niyang tanong.

“Yes!” mariing sagot nito na inihagis sa sofa ang hinubad na polo. Sinikap niyang huwag ituon sa katawan ng asawa ang mga mata. “Pero hindi ang masamang uri ng obsession, Alyna, dahil pag-aari ko na kayong dalawa. I’m obsessed with my son… and with you…”

Gusto niyang itanong kung ano ang ibig sabihin nito sa huling sinabi. Pero nang maghubad ng pants si Dominic at matambad sa kanya ang katawan nito ay tila bumara sa lalamunan niya ang mga salita.

His body was a classic example of male perfection. From the broad shoulders, the muscled chest, the flat stomach, and down to the hard and muscled thighs. He could have been a sculptured god who rose to life.

“Huwag mo akong titigan nang ganyan, Alyna, na para bang ngayon ka lang nakakitang lalaking nakahubad…” kung nanunuya ang tinig nito ay hindi matiyak ni Alyna.

Ibinalik niya ang tingin sa mukha ng asawa.

She wanted to tell him that Rex made love to her in the dark. At sa dalawang pagkakataong nagkasama sila sa iisang silid ay curiousity para sa katawan ng isang lalaki ang nadarama niya. While Dominic aroused her with an overwhelming intensity just by-watching him, naked or dressed.

Unti-unting humakbang papalapit sa kanya si Dominic. Alam niyang nagagalit pa rin ito at bahagya siyang napaatras. At nang hawakan nito ang mukha niya, ipinikit niya ang mga mata at inihanda ang sarili sa anumang gagawin nito.

Bumaba ang mga labi nito sa kanya giving her a I brutal kiss that almost bruised her lips. At bago pa siya nakapalag ay huminto sa paghalik si Dominic. “You want me to make love to you, Alyna?” magaspang nitong tanong. Pagkatapos ay umiling. “Hindi mo kailangang sumagot. I know you want me. Your eyes are always begging for me to make love to you,” muli itong umiling. “Pero hindi…”

Napahiya si Alyna sa pag-iling ng asawa at sa huling sinabi nito. Bahagyang naningkit ang mga mata niya.

“You want me, too. Huwag mong ikaila…” agap niya sa sinasabi nito.

His lips twisted in a very sexy smile. “Hindi mo ako pinatapos ng sasabihin. Yes, I want you, too… so much. Pero hindi ngayon. A month after giving birth to Nico could be dangerous…” Binitiwan siya nito at kumuha ng tuwalya sa closet at pumasok ng banyo.

Halos takbuhin niya ang nursery at ibinagsak ang sarili sa single bed na katabi ng crib. Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata. Ganoon ba siya ka-transparent? Alam ba ni Dominic ang nararamdaman niya sa tuwing tinititigan niya ito? Anong uri siyang babae at kahit noong una pa lang ay nakadama na siya ng ganito para kay Dominic, even when she was pregnant? At anong uring lalaki si Dominic at napupukaw nito ang ganoong damdamin sa kanya na kahit minsan ay hindi nagawa ni Rex?

Mag-uumaga na halos nang makatulog si Alyna sa kaiisip. Nang magising siya’y wala na sa crib si Nico. Mabilis siyang lumipat sa kabilang silid subalit wala roon si Dominic. Lumabas siya ng silid at iniisip na dala ng asawa ang anak. Pababa na siya ng hagdan nang masulyapan sa dulo ng pasilyo ang nakabukas na french door patungo sa veranda. Nakatayo roon si Rex karga si Nico.

Mabilis ang mga hakbang na pinuntahan niya ito. “Sino ang nagbigay sa iyo ng anak ko?”

Lumingon si Rex at ngumiti. Hinagod siya ng tingin. “Good morning, Alyna. Why, I never thought you could look so sexy at this hour in the morning…”

“Stop flirting with me, Rex. Sino ang nagbigay kay Nico sa iyo?”

“Hindi naka-lock ang nursery nang pumasok ako. You were sleeping like a baby at gising na si Nico kaya kinuha ko,” kaswal nitong sagot. Nanlaki ang mga mata ni Alyna nang maisip na pumasok ng silid si Rex at tulog siya. Who knows kung ano ang nakita nito?

“Wala kang karapatang pumasok sa silid namin, Rex! At wala kang karapatang kuhanin ang anak ko!” nagpupuyos niyang sinabi.

“Anak ko rin si Nico, Alyna. May karapatan ako. At ano ang masama kung pumasok man ako sa silid mo? Dati kong nakikita iyan… at naangkin. Remember, I was the first…”

Napapikit si Alyna. Huminga nang malalim at sinikap na kalmahin ang sarili. “Inalis mo ang karapatan sa anak ko, Rex. Pero tulad ng sinabi ko kahapon ay pinatatawad na kita. And please, leave my child and me alone. May asawa na ako.” Sa pagitan ng galit at pakiusap ang tinig niya.

“You were mine first, Alyna…”

“Hindi ako kailanman naging iyo!” agap niya sa sasabihin nito. Humakbang palapit upang kuhanin ang bata pero walang anumang humakbang palayo si Rex. “Nakikiusap ako, Rex, magagalit si Dominic pag—”

“Umalis na si Dominic, Alyna. Patungo sa bayan. Hindi ko alam na natatakot ka sa kapatid ko?”

“Hindi ako natatakot kay Dominic, Rex, dahil wala akong ginagawang masama. Pero alam mong magagalit siya sa ginagawa mong ito,” napatanaw sa ibaba ng veranda si Alyna. Nakita si Mang Vener sa pagitan ng mga balustre na naghihila ng hose ng tubig. Mabilis siyang dumungaw. “Mang Vener, pakisabi nga po kay Nana Marcing na kuhanin si Nico rito. Ngayon din po.”

Bahagyang kinilabutan si Alyna sa ngiting ibinigay sa kanya ni Rex nang tingnan niya ito.

CHAPTER FOURTEEN

M ULA nang dumating si Rex sa villa ay hindi na natahimik si Alyna. Nakikita niya ang hostility sa pagitan ng magkapatid. Kung anuman ang dahilan noon ay hindi niya malaman. Pero hindi niya gusto ang makahulugang pagtingin-tingin sa kanya ni Rex kahit na nakaharap si Dominic.

Upang makaiwas sa anumang masamang pag-iisip ay sinisikap niyang iwasan si Rex sa lahat ng pagkakataon. Subalit tuksong laging nagpapanagpo ang landas nilang dalawa.

“Hindi ba mainit na ang araw para sa pamamasyal ni Nico?” ani Rex na hindi namalayan ni Alyna na lumapit. Nasa stroller ang anak at pinapaarawan niya sa garden.

“Hindi gaanong mainit ang araw ngayon, Rex, at alas-siyete pasado pa lang,” malamig niyang sagot. Lumuhod sa tabi ng stroller at nilaro-laro ang anak “Bakit iniiwasan mo ako, Alyna?”

“Hindi ko alam na ganoon ang ginagawa ko, Rex.”

“Alam mo ’yon. Sa tuwing alam mong nasa ibaba ako’y naglalagika sa itaas. At pag nakakasalubong mo ako sa pasilyo ay umiiwas ka ng daan. Sometimes I hated this big house. Napakaraming exit…” Lumuhod ito sa damo sa tapat niya. Tinitigan si Nico.

“Alam mo bang habang tumatagal ay parang nakakamukha ng Mama si Nico?” wika nito na isinubo sa bata ang pacifier. “Nakuha niya sa Mama ang mga mata niya tulad ni Dominic. Kaya mapagkakamalan talagang anak ni Dominic ang anak ko.”

Tumayo si Alyna at itinulak ang stroller sa ilalim ng malaking punong akasya. “Nakikiusap ako, Rex. Alam kong hanggang ngayon ay nagdadalamhati ka pa sa pagkawala ng mag-ina mo. Hindi ko ipinagkakait sa iyo si Nico, pero bilang pamangkin na. Si Dominic ang kikilalanin niyang ama. Huwag mo na sanang guluhin pa ang buhay namin.”

“Kung ikaw ang nasa katayuan ko, Alyna, ano ang gagawin mo?”

“Hindi ko ginusto ang nangyari. Kung hindi mo ako niloko, sana’y—”

“Run off with me, Alyna,” agap ni Rex na hinawakan ang dalawang kamay niya. “Iwan mo si Dominic. Alam kong wala siyang pag-ibig sa iyo. Ako ang mahal mo at anak natin si Nico…”

“A-anong sinasabi mo?” Sinikap niyang hilahin ang mga kamay pero mahigpit ang pagkakahawak ni Rex doon.

“Ano ang silbi ng pagsasama ninyo, Alyna, kung hindi mo mararanasan ang kaligayahang sexual. Naaksidente sa kabayo si Dominic noong bata pa siya at natatandaan kong tinamaan ng bisero ang sexual organ ni Dominic. Narinig kong sinabi ng Tiyo Felipe na hindi na magkakaroon ng tagapagmana ang mga del Carmen. Iyon din ang dahilan kaya nahikayat ko si Lilet na iwan siya at magtanan kami.”

“Oh!” usal niya. Sinabi sa kanya ni Dominic na hindi ito maaaring mag-anak pero ang malamang sexually incapable ang lalaki ay nakabigla sa kanya.

“Magsama tayong tatlo ng anak natin. Hindi siguro ako kasingyaman ni Dominic pero may pera ako, Alyna. Sa akin iniwan ng Mama ang ari-ariang para sa kanya mula kay Tiyo Felipe. Ikaapat na bahagi ng rancho ay sa akin. Bagaman conditional na hindi ito maipagbibili upang hindi mawala sa pamilya. Maliban doon, nasa akin na ang share ni Lilet sa mga magulang niya. Mabubuhay tayo nang mariwasa.”

Hindi makapaniwalang napatitig si Alyna sa lalaki. “B-bitiwan mo ako, Rex,” pausal niyang sinabi Subalit itinaas ni Rex ang mga kamay niya at dinala sa mga labi nito.

“I love you, Alyna. Dangan nga lamang at naipit ako sa mga sirkumstansiya. Ngayong wala na si Lilet ay malaya na ako sa anumang gusto kong gawin…”

Napailing si Alyna. Sarisari ang nasa isip na nagpapagulo sa kanya. Hindi sa mga sinasabi ni Rex tungkol sa damdamin nito sa kanya kundi si Dominic. Ang kapansanan nito na siyang naging sanhi ng pagkawala ni Lilet sa buhay nito.

Sa itaas ng bahay ay nasa bintana si Dominic na hindi namamalayan ng dalawang nakamasid sa kanila. Nakatiim ang anyo nito.

“Gusto kong mag-isip, Rex, please…,” isang ngiti ang pinakawalan ng lalaki at binitiwan siya. Hinawakan niya ang stroller at itinulak ito patungo sa villa.

Mahal ni Dominic hanggang ngayon si Lilet. Naniniwala siya roon dahil nakita niya ang panlulumo nito nang mamatay ang babae.

Sterile is different from sexually impotent. At sa sinabi ni Rex, ang huli ang diperensiya ni Dominic. Pero hindi ba at… pumasok sa isip niya ang halos pagkalimot nila ni Dominic sa sarili minsang lumabas siya ng banyo. But what did it prove? Wala namang nangyari. Bahagya niyang ipinilig ang ulo at tinitigan ang anak. Iginala ang mga paningin sa malawak na rancho at orchard.

Sa katauhan ni Nico ay may tagapagmana na ang del Carmen. At sa katauhan niya ay natatakpan ang kapansanan ng asawa. Alin ba roon ang ikinasasakit ng damdamin niya nang labis? Ang pagkakaalam na mahal pa ni Dominic si Lilet kahit wala na ito o ang magiging papel nilang mag-ina sa Rancho del Carmen?

Pagbukas niya ng silid ay naroon si Dominic na nag-aapoy ang mga mata. Mabilis nitong kinuha ang bata mula sa kanya at inilagay sa crib. Bahagyang nagising si Nico subalit nang ibigay ni Dominic ang, pacifier ay muli itong bumalik sa pagtulog, Pagkatapos ay binalingan siya at marahas na hinila papasok sa master’s bedroom.

“Ano ang pinag-usapan ninyo ni Rex, Alyna? Tumigas ang mukha nito sa matinding galit.

“D-Dominic… nasasaktan ako…,” daing niya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso niya na tila bakal ang mga daliri.

“Niyaya ka ba niyang magtanan kayo? At takasan ako?”

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng asawa. “B-bakit alam mo ang sinabi niya sa akin?”

“Kilala ko si Rex, Alyna. Sinabi rin ba niya sa iyong hindi kita maaaring mapaligaya dahil sa kapansanan ko?” Wala sa loob siyang napatango. Lalong naningkit ang mga mata ni Dominic. His lips compressed into thin line. “Iyon din ang sinabi niya kay Lilet…”

“Dominic…”

“Tiyakin mo lang, Alyna, na sa pag-alis mo’y hindi ko kayo mahuhuling dalawa,” banta nito. “Pero tinitiyak ko sa iyong mula sa oras na ito ay si Nana Marcing na ang matutulog sa nursery at personal niyang pan g angalagaan si Nico!”

Hindi siya makapaniwala sa ipinahihiwatig nito. “Malalaro at makakarga mo ang bata, Alyna. Pero hindi ka na magkakaroon ng pagkakataong mailabas siyang nag-iisa.”

“Hindi mo magagawa ito, Dominic!” protesta niya. “Huwag mong limitahan ang relasyon ko sa sarili kong anak!”

“Magagawa ko dahil asawa kita. At mananatili kayo ni Nico sa akin.” Pagkasabi noo’y humakbang ito upang lumabas.

“Ikinukulong mo ba ako rito sa loob ng villa?!” pasigaw niyang tanong.

Lumingon si Dominic. Nagliliyab pa rin ang mga mata at nagtatagis ang mga bagang. “Malaya kang makakaikot sa buong villa at rancho, Alyna. Pero may mga matang nakasubaybay sa iyo.”

“Oh, Dominic…,” nanlulumo niyang sinabi. Lalo lang gumulo ang buhay niya.

CHAPTER FIFTEEN

SA SUMUNOD na mga araw ay nalaman ni Alyna na umuwi sandali sa mga biyenan nito si Rex dahil may inaasikaso. Nakadama siya ng kapayapaan doon subalit kakaibang Dominic ang nakikita niya. Halos hindi ito nakikipag-usap sa kanya kung hindi siya mauunang magsalita. Sa master’s bedroom na siya natutulog pero hindi tumatabi sa kanya si Dominic. Nagigisnan niya itong kung hindi nakatayo sa bintana ay nakahiga sa malaking settee. Sa lahat ng mga iyon ay si Alyna ang nahihirapan at nasasaktan.

Hindi pa man sila nagsisimula sa talagang buhay- may-asawa ni Dominic ay unti-unti nang nabubuwag. Kung sabagay ay ano ba ang matibay na pundasyon sa pagsasama nilang ito? Wala. He married her for some selfish reasons—ang magkaroon ng tagapagmana. Ang matakpan ang kapansanan.

“Hindi sa nakikialam ako, Alyna, pero ano ba ang nangyayari sa inyong mag-asawa?” Si Nana M arcing.

“Hindi ko rin po alam, Nana Marcing. Naguguluhan ako,” hindi niya mapigilang mapahikbi. “Halos ayaw akong kausapin ni Dominic.”

“May kinalaman kaya kay Rex ang pinagkaka-galitan ninyo? Narinig ko minsang sinabi niya ditong layuan ka. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang ginagawa niyang pag-uutos na huwag iwan kahit sandali si Nico…”

“Natatakot siyang umalis kaming mag-ina…”

“Ano?!” bulalas ng matanda. “Bakit, gagawin mo ba iyon? Aba’y halos wala pang dalawang buwan kayong nakakasal, ah.”

“Sana’y masabi ko sa inyo ang mga dahilan, Nana Marcing. Nagsisikip ang dibdib ko. Pero nagiging komplikado na ang mga pangyayari at hindi ko na alam kung ano ang gagawin…”

Umiling ang matanda. “Noong unang araw na dumating si Rex dito ay nakaamoy na ako ng problema, Alyna. Ang lalaking iyon ay laging suliranin ang dulot sa sambahayang ito kahit noong maliliit pang mga bata ang mga iyan,” Umiyak si Nico at nabaling ang pansin ng matanda roon. Inilabas nito ang bata.

Naiwan siyang nakasubsob sa kama at patuloy na umiiyak. Nang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa ay nag-angat siya ng mukha.

Si Dominic ang naroon at nakatayo sa connecting door. Nakatitig sa kanya. Kung anuman ang iniisip nito’y hindi niya matiyak. Ni wala siyang mabasa sa mukha nito.

“Sa palagay mo ba’y pinahihirapan kita?” tanong nito sa tinig na halos hindi lumabas sa lalamunan nito.

“Ano ba sa palagay mo?”

Tumiim ang mga bagang ng lalaki. Nakita niya ang paggalaw ng adam’s apple nito sa pagsisikap na kontrolin ang sarili. Maliban sa marahang hikbi ni Alyna ay isang mahabang katahimikan ang sumunod. Pagkatapos ay isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Dominic.

“You can leave, Alyna, and make it soon…” gumagaralgal ang tinig nito nang magsalita. “Pero hindi mo madadala si Nico.” Pagkasabi noo’y muling tumalikod ito.

“Dominic, wait!” Pero pagsara ng pinto ang narinig niya. Lalong nanlumo si Alyna. Pinaaalis siya ni Dominic. Bakit? Saan siya pupunta?

NANG sumunod pang mga araw ay hindi napagkikita ni Alyna ang asawa. Kung wala ito sa orchard ay nasa koral ng mga baka at gabi na halos kung umuwi

Isang sulat ang ginawa niya para kay Liza nang hapong iyon. Lumabas siya upang kumuha ng sobre sa ibaba sa library nang pagbukas niya ng pinto ay naroon si Rex.

“Rex? Hindi ko alam na dumating ka na… “

“Kani-kanina lang, Alyna. May tinitingnan lang akong papeles.” ibinalik nito sa drawer ang mga dokumento. Pagkatapos ay lumapit kay Alyna at hinawakan sa magkabilang balikat.

“Kumusta ka na? I missed you. Tatlong araw din akong nawala. Inayos ko ang mga ari-arian ni Lilet na naiwan sa akin. Kailangan ko iyon sa pag-alis natin…” akma nitong yayakapin siya pero mabilis na umiwas si Alyna. Humakbang papasok sa loob ng library.

“Paano mong nasabi iyan, Rex? Bakit tila nakatitiyak kang sasama ako sa iyo?” pagalit niyang tanong.

“Dahil sinabi mismo sa akin ni Dominic, Alyna…”

“A-anong sinabi niya…?”

“That he is setting you free. Malaya ka na… tayo,” muli siya nitong hinapit. “In the end ay tayo pa ring dalawa, Alyna. At huwag mong alalahanin si Nico. He will be all right here. Hindi siya pababayaan ni Dominic…”

Nanlilisik ang mga matang tinabig niya ang mga kamay ni Rex. “Bitiwan mo ako! Hindi ako sasama sa iyo, Rex…”

Nag-iba ang ekspresyon ng lalaki sa pagkakatitig sa kanya. “Sira ka kung isisiksik mo ang sarili mo sa piling ng isang lalaking ipinagtatabuyan ka na.”

“Ipagtabuyan man ako ni Dominic ay hindi pa rin ako sasama sa iyo. Hindi mo ba ako naiintindihan? Una pa lang, tapos na ang lahat sa atin. At hindi ako aalis dito dahil asawa ko si Dominic!”

“Ibuburo mo ang sarili mo rito, Alyna? You must be mad! Pinanghihinayangan mo ang mga ari-ariang ito? Sa palagay mo ba’y mapapakinabangan mo ang mga ito? Nagkakamali ka…”

“Umalis ka na, Rex. Sayang lang ang pag-uusap na ito,” malamig niyang sinabi.

Marahas siyang hinawakan ni Rex sa braso. “Noong malaman kong pinakasalan ka ni Dominic ay pinagtawanan ko siya, Alyna. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko ay isang tira-tirahan ko ang sinalo niya. Nasuntok niya ako roon, all right, pero okay lang sa akin iyon,” that explains the black eye na nakita niya noong unang araw na dumalaw si Rex pagkagaling sa libing. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.

“Sa buong buhay namin ay lagi na lang akong nasa isang tabi dahil pinalad siyang magkaroon ng mayamang ama. Pati ang Mama ay nakalimutan ako. Laging Dominic, Dominic. He has the best horses, the fastest cars, the prettiest women, while I have to contend myself sa kung ano lang ang ibigay sa akin ni Tiyo Felipe. Mga teenagers pa lang kami’y may crush na ako kay Lilet pero hindi ako pinapansin dahil kay Dominic. At nang malaman kong magkasintahan na sila at nakatakdang pakasal ay pinlano ko kung paano maaagaw si Lilet sa kanya .”

“Ang sabihin kay Lilet ang tungkol sa kapansanan ni Dominic, ganoon ba?” paismid niyang sinabi.

Ngumisi si Rex. “Sino’ng babae ang gusto ng ganoon, Alyna? Wala. Ang buong akala ko’y naisahan ko si Dominic doon subalit sa panahong magkasama kami ni Lilet ay natuklasan kong mahal pa rin niya si Dominic at nagkamali siya nang sumama siya sa akin. Hindi sinasadyang nabasa ko ang sulat niya kay Dominic na hindi na nakarating dahil sinira ko. Pinanatili kong lihim ang natuklasan ko. Sinikap kong gampanan ang tungkulin ko bilang mabuting asawa that everybody thought na mahal na mahal ko si Lilet… “

“Oh!” Kaya pala sabi ni Dominic noon sa kanya ay hindi magagawang saktan ni Rex si Lilet. Napaniwala nito ang lahat na mahal na mahal nito ang asawa.

“Nagbunga ang effort ko, Alyna.” lumapad ang ngisi nito. “I got her inheritance. At nang magpunta ako rito pagkagaling sa libing ay kuryosidad lang kay Nico pero nang makita kita’y muling nabuhay ang matinding pagnanasa ko sa iyo. The same desire noong una kitang makita sa elevator and I vowed to get you back….”

“Puwes, mali ka, Rex, dahil hindi ko kailanman inisip na sasama sa iyo. Kaya kung ako ikaw, kalimutan mong nagkakilala tayo at maghanap ka ng ibang babaeng papatol sa iyo. I know there’s plenty, why, you’re handsome,” patuya niyang sinabi sabay hakbang patungo sa pinto.

Subalit naunahan siya ni Rex doon at pabalandrang isinara ang pinto at ini-lock. Kinabahan si Alyna.

CHAPTER SIXTEEN

“P ALABASIN mo ako rito, Rex!” kinakabahang hiyaw niya sa nakikitang kakaibang kislap sa mga mata ng lalaki

“Hindi, Alyna. Natitiyak kong hanggang ngayon ay hindi ka pa ginagalaw ni Dominic. Papaano niya gagawin iyon ng hindi niya maibubulgar ang lihim niya sa iyo? Ipagkakaloob ko sa iyo ang hindi maibibigay ng asawa mo, Alyna. The way I used to…”

“Nasisiraan ka ba ng bait? Pag nalaman ito ni Dominic natitiyak kong papatayin ka niya…” Sinikap niyang palakasin ang loob at nag-iisip kung papaano kukuha ng tiyempo para makalabas.

“Hindi niya malalaman dahil pagkatapos nito’y sasama ka na sa akin tulad ni Lilet.” Mabilis siyang dinaklot nito sa batok at akmang hahalikan pero iniwas niya ang mukha at tinuhod ito. Napahiyaw sa sakit si Rex. Sinamantala ito ni Alyna at tinakbo ang pinto subalit bago niya ito nabuksan ay nahawakan ni Rex ang binti niya.

“Nana Marcing!” ubod-lakas niyang sigaw na halos ikabasag ng vocal cord niya. Sinipa niya ang kamay na humahawak sa binti niya at muling tinakbo ang pinto. Sa pagmamadali at tensiyon ay hindi niya ito mabuksan. Nang abutan siya ni Rex ay muli siyang sumigaw bago nahawakan ng lalaki ang bibig niya. Pinukpok niya ng dalawang kamay ang pinto.

“Halika rito!” Hinila siya nito patungo sa dulong bahagi ng library.

“Bitiwan mo ako, Rex, para mo ng awa…!”

“Hindi kita gustong saktan, Alyna, kaya huwag sanang matigas ang ulo mo!” banta nito na hinablot ang pagbubukas sa blusa niya. Sa labas ay naririnig na niya ang pagkatok ni Nana Marcing.

“Alyna, Alyna, buksan mo ito… “

“Nana—!” hindi niya naituloy ang pagsigaw dahil isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha niya. Bumagsak siya sa sahig na sapo ang pisngi.

“Umalis na kayo, Nana Marcing, huwag ninyo kaming pakialaman! Problemang personal ito!” hiyaw ni Rex sa matandang kinakatok ang pinto.

“Rex! Ano ang ginagawa mo? Palabasin mo si Alyna…!”

“Makinig kayong mabuti, Nana Marcing. Nagtatalo lang kami ni Alyna. Umalis kayo diyan,” parang baliw nitong sinasabi.

“N-Nana Marcing…” in her attempt to cry for help ay halos wala ng lumabas na tinig sa kanya. At nanlumo siya nang wala ng marinig sa labas ng pinto. Pinangko siya ni Rex at dinala sa sofa.

“Nakita mo na, Alyna? Ikaw lang, eh. Walang makikialam sa atin dito. Magiging akin ka uli ngayon at sasama ka sa akin pag-alis ko rito. I know you missed this, Alyna…” at niyakap siya at muling siniil ng halik.

Nagpaubaya si Alyna at nag-ipon ng lakas. Pagkalipas ng ilang sandali ay itinulak niya ito nang malakas. Nahulog sa sofa si Rex. Mabilis siyang tumayo at tinakbo ang pinto nang bigla itong bumukas at muntik pa siyang tamaan ng pagbalya.

Si Dominic na sinusian ang malaking pintuang naira.

“Dominic!”

Tiniitigan ni Dominic ang asawa. Nanlumo si Alyna sa galit na nagmumula sa mga mata nito. At kung nakamamatay ang mga titig na ibinigay nito sa kanya ay natumba na siya. Pagkatapos ay itinuon ang mga mata kay Rex na nakatayo na nang pumasok si Dominic.

“Iyan ang ibig kong sabihin sa iyo, Dominic. Hindi mo dapat pinakasalan ang babaeng iyan. Sinabi ko na sa iyo noon sa telepono kung anong uri ang pagkatao ng babaeng iyan. Nakapagtatakang pinakasalan mo pa…”

“Pumanhik ka sa silid natin, Alyna,” utos nito sa tinig na tila humihiwa sa buong pagkatao niya. “I will deal with you later…”

Sa labas ay humahagulgol na niyakap niya si Nana Marcing at pagkatapos ay nagtatakbong pumanhik sa itaas. Sinundan siya ng tingin ng matanda na hindi malaman ang gagawin.

Ibinagsak niya ang sarili sa kama at umiyak nang umiyak. Kung gaano katagal ay hindi niya alam.

Pagkatapos ay tumayo at pumasok sa nursery, naroon si Rosa. Tulad ng utos ni Dominic, huwag iiwan kahit sandaling walang bantay si Nico. Bagaman nagtataka dahil sa narinig nitong pag-iyak niya.

Kinarga niya ang bata at muling umiyak.

“S-Senyorita Alyna, bakit ho…?”

“Wala, Rosa,” pahikbing sagot niya. Hinagkan at ipinaghele niya ang anak sa pagtataka ng katulong. Niyakap nang mahigpit na tila mawawala.

Bumukas ang mismong pinto ng nursery at sumungaw si Dominic. His face as formidable as ever. Hindi malaman ni Alyna ang sasabihin at gagawin.

“Kuhanin mo ang bata, Rosa, at ibigay mo kay Nana Marcing,” utos nito.

“Opo,” kinuha nito ang bata mula kay Alyna at lumabas. Isinara ni Dominic ang pintuan.

“Binibigyan kita ng pagkakataong magsalita, Alyna…,” wika nito sa kanya.

Pinahid niya ng likod ng kamay ang mga luha sa pisngi niya at nilingon ang asawa.

“Hindi ko alam kung ano ang gusto mong sabihin ko, Dominic,” aniya sa naghihirap na damdamin. Naupo sa gilid ng kama.

“Tulad ng isigaw mo sa aking mahal mo pa si Rex…,” halos maglitawan ang mga ugat nito sa leeg sa matinding galit.

Marahan siyang umiling at lakas-loob na sinalubong ang tingin ng asawa. “Isang taon halos matapos akong lumabas ng orphanage ay nakilala ko si Rex. I was overwhelmed by the attention he gave me. All my life ay wala akong alam sa buhay sa labas ng girls’ town. Hindi ko kilala ang mga tulad ni Rex…,” pinahid niya ng likod ng palad ang mga luha sa pisngi.

Nang hanapin ko siya rito ay natitiyak kong hindi dahil itinutulak ako ng pag-ibig ko sa kanya. Kung iyon ang dahilan ay dapat noon ko pa siya hinanap. Dahil kay Nico kaya dumating ako ng Sta. Quiteria. I owe it to my child.“ tumayo siya at lumakad patungo sa crib. Mahigpit na humawak sa mga balustre nito. “And I’m afraid right now…,” ni hindi halos lumabas sa bibig niya.

“Natatakot ka sa akin?” paasik nitong tanong bagaman bahagyang nagbaba ang tono.

“Yes… no…” nalilito niyang sagot. Hindi lumilingon. “Physically, no. Pero kinatatakutan ko ang nangyayaring hindi pa nagsisimula ang pagsasama natin ay gumuguho na. I love you, Dominic. Wala akong natatandaang sinabi ko kay Rex ang mga salitang iyan because I didn’t know what those words meant… until I met you…” tumaas-bumaba ang dibdib niya sa pagpipigil ng iyak.

“I know…,” he whispered softly.

Lumingon si Alyna. She frowned. “A-anong alam mo?”

“Na mahal mo ako…” his face changed totally. He was staling at her tenderly.

“Kailan? Papaano?” naguguluhang tanong niya.

Dinukot nito sa bulsa ang sulat niya kay Liza kanina na iniwan niya sa writing table upang kumuha ng sobre sa ibaba.

“Hindi ko ugaling magbasa ng sulat ng may sulat. Pero ang unang bumungad sa mga mata ko’y ang linyang: ‘I love my husband so very much, Liza, at hindi ko alam kung paano sasabihin.’ Malibang ang ‘husband’ na tinutukoy mo rito ay si Rex,” nanunukso ang tinig nito.

Sandaling naningkit ang mga mata ni Alyna. “Hindi ko siya naging asawa kailanman!”

“Nang bumaba ka sa hagdan ay papasok ako. Hindi mo ako napansin. Malalim ang iniisip mo at alam kong nasa library si Rex dahil gusto niyang hingin at pag-aralan ang isang kopya ng testamento ng Papa at Mama tungkol sa ipinamana sa kanya. At nang makita kitang pumasok ay gusto na kitang habulin and kill you both right there and then…!” Nakita niyaang pagtiim ng mga bagang nito.

“Nang sabihin mong maaari akong umalis ay halos gusto kong mamatay.”

Tinawid ni Dominic ang distansiyang nakapagitan sa kanilang dalawa at ikinulong siya sa mga bisig nito.

“My sweet, naive, Alyna. Kailan mo nalamang mahal mo ako?” he whispered in a husky voice.

Tumingala siya sa asawa. “Mahalaga pa bang malaman kung kailan?” she spoke softly. “Maybe the first day we met, maaaring noong isang buwan, or a week ago, or yesterday. But does it matter when?” Hinawakan ni Dominic ang mukha niya at sinuyod ito ng tingin

“No. It doesn’t matter. If I’ll tell you the same thing, that I love you so very much, maniniwala ka ba?”

“If..you mean it…”

“I mean it, Alyna. I love you, truly.”

Napapikit siya. “Since when?” Ni hindi siya aware na inulit lang niya ang tanong ni Dominic.

Isang ngiti ang pinakawalan nito. The sexiest smile she had ever seen. “Does it matter when? I could have loved you since the first day we met, or was it on the day Nico was born, or was it yesterday, or maybe even before I met you, darling. Una pa lang kitang nakita’y nararamdaman ko nang matagal na tayong nagkakilala…”

’’Oh, Dominic, I love you so much!“ nangingislap ang mga mata niya sa luhang hindi niya gustong pumatak.

“Sa kabila ng kapansanan ko?”

“Hindi ganoon kababaw ang nararamdaman ko para sa iyo. Walang kuwenta sa akin ang kapansanang hindi mo ginusto. I have you and Nico and I love you both, so very much. Hindi umiikot sa sexual na pangangailangan lang ang buhay at kaligayahan ng isang tao, Dominic. It is a part pero kung mawala man iyon hindi nangangahulugang natapos na ang buhay at kaligayahan ko,” puno ng intensidad ang tinig niya.

Kumikislap ang mga mata ni Dominic. “Gaano na katagal mula ng makapanganak ka?”

Nagsalibong ang mga kilay ni Alyna. “Almost two months. Bakit?”

“Oh what the hell! Let’s take chances…,” pagkasabi noo’y binuhat nito ang asawa at ipinasok sa master’s bedroom. Maingat na inilapag sa kama.

“D-Dominic…?”

“Sshh…” Kung anuman ang gusto niyang sabihin ay tinakpan ng mga labi ng asawa. He was kissing her passionately. She could feel the hunger and longing.

Maraming tanong ang nagpipilit pumasok sa isip niya subalit hindi makapanatili dahil nasa ginagawa ng asawa ang concentration niya. Dominic groaned habang tinatanggal nito ang suot niya. Bawat dantay ng palad nito sa katawan ni Alyna ay nagsisindi ng matinding pagnanasa sa kanilang pareho.

Mayroon bang ibang paraan si Dominic para ma-consummate ang pangangailangan nila sa isa’t isa? Hindi niya gustong masaktan si Dominic kung hindi. It could hurt his ego.

He disrobed her. And when he finally took off her panties, die groaned. Ito ang ikalawang pagkakataon na inalisan siya ni Dominic ng underwear. Under different circumstances. And she preferred this one many times over.

“You’re beautiful, Alyna, even more beautiful now than before,” his eyes glazed with desire. Gusto niyang abutin ang bedcover at itakip sa katawan pero napipigil siya ng nakikita niya sa mga mata ni Dominic: his eyes feasting on her body like a man starving for food. At nangungusap pa, na nagsasabing she’s the most beautiful woman in the world. It warmed her heart.

Mula sa kama ay tumayo si Dominic at isa-isang hinubad ang kasuotan. Para siyang namamalikmatang nakatitig dito. Sinusundan ng tingin ang bawat galaw. And she controlled herself nang hubarin nito ang suot na denims dahil obvious ang excitement ng lalaki it could ripped off his underwear. At nang alisin ni Dominic ang suot na mini-briefs, that’s when Alyna gasped aloud.

Here is one classic example of a perfect male specie!

He joined her in bed. “Dominic!” halos isigaw niya ang pangalan nito when she felt the warmth of his masculinity pressing against her thighs. Pushing and teasing gently that the hard pressure almost took her breath away. His hand smoothly slide under her back giving her an erotic caress.

“I have been waiting for this, Alyna. Patiently waiting for the right time…,” bulong nito and his mouth closed over one breast. Napasinghap si Alyna. Nararamdaman niya ang pagguhit ng isang mainit na bagay just below her womb. It made her tremble. Hinila niya ang asawa and opened herself.

“Easy love,” wika ni Dominic sa gumagaralgal na tinig. “I have to make you mine completely. Until you realize na walang ibang lalaking makapagbibigay ng ginagawa ko sa iyo…” And he bit one nipple. She cried. It was an exquisite pain. Then his mouth moved downward kissing every erotic and tender places of her body.

“Dominic, please…” nakikiusap na siya. Hindi niya kailanman naranasan ang ganito kasidhing damdamin.

“Take me, Alyna!” Masarap at matamis na ba ngayong pakinggan ang isang marahas na pag-uutos? She groaned with fevered need as he took him hot and sweet.

“Oh, Alyna, my darling, Alyna…” She joined him in the primeval dance, took him deeper and met his wild lovemaking to the point of hurting as they loved.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga balikat ng asawa and even cried out his name as white-hot storm swept her away. While he flowed inside her in a never-ending climax.

CHAPTER SEVENTEEN

“I KNOW it would be this good, Alyna,” ani Dominic makalipas ang maluwalhating mga sandali. His arm across her body. “Lovemaking would never be the same again. Binigyan mo ito ng bagong kahulugan, my darling…”

“Dominic…”

“Hmn…”

“Hindi kaya may dapat kang ipaliwanag sa akin?”

Marahang tumawa si Dominic. “Ipapaliwanag ko sa iyo. Pero, una muna, gusto kong sabihin sa iyong kaya ko sinabi sa iyong may kapansanan ako ay para magkaroon ako ng dahilan upang pakasalan ka. I’m very sorry, pero ginamit ko si Nico…” He rolled her on top of him

Umiling si Alyna. “No. Hindi sa ganitong paraan. Natitiyak kong hindi matatapos ang kuwento,” muli siyang bumalik sa pagkakahiga sa tabi nito kasabay ng tawa ni Dominic.

“Trese ako nang mahulog sa kabayo, Alyna. Hindi makapaniwala ang Papa dahil dalawang taong gulang pa lang ako’y nasa ibabaw na ako ng kabayo kasama siya. Umatras ang kabayo at nasipa ako just below my private part. Hindi naman kalakasan dahil hindi naman galit iyong kabayo. But that could have been fatal kung doon nga ako tinamaan. Besides, maliit lang iyong kabayo. Nag-panic ang lahat. Everybody thought na doon ako tinamaan. See this?” Itinuro nito sa kanya ang pilat na may dalawang stitches just below his thigh.

“Naging common joke iyon sa pagitan naming mag-ama na wala na akong silbi. Of course, alam ng Mama na hindi ako tinamaan doon pero hindi niya kailangang ipaliwanag iyon sa lahat. So everybody assumed na ganoon nga. Later, sinabi sa akin ng tauhang naka-assign sa kuwadra na sinumpit ni Rex ang kabayo kaya nagwala.”

“Oh!”

“Hindi ko na sinabi sa Mama at Papa iyon. Lalawak lang ang galit sa akin ni Rex. He hated me kahit noong mga bata pa kami. He tried to take everything I had…”

“At pinaniwalaan ni Lilet ang kapansanan mong iyon nang sabihin ni Rex?”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Dominic. “It was common knowledge na naaksidente ako. Madali para sa kanyang maniwala.”

“Did… did you love her very much…?”

Ngumiti si Dominic sa insekyuridad sa tinig niya. Itinaas ang mukha at hinagkan siya sa ilong. “Hindi ko siya minahal sa kahulugang gusto mong tukuyin, Alyna. Mahal ko si Lilet bilang kapatid, alam niya iyon. At alam kong mahal niya ako sa ibang paraan. At nang itakda ng mga magulang namin ang kasal ay hindi ako makatanggi dahil sa Papa at Mama. Besides, walang ibang babaeng naging ganoon kalapit sa akin kundi siya. Naisip kong pag ikinasal kami ay matuklasan kong hindi pala pagtinging kapatid mayroon ako para sa kanya.”

“Sinabi sa akin ni Rex ang motibo niya sa pagtatanan kay Lilet,” at ikinuwento niya ang ipinagtapat ni Rex sa kanya. Tumiim ang mga bagang ni Dominic.

“He is full of greed and jealousy, Alyna. Gusto niyang makita ang downfall ko. Pero kalimutan na natin siya. My lawyers will deal with him at hindi na siya magpapakita pa rito. Babayaran ko sa kanya ang halaga ng minana niya mula sa Mama. Mabilis niyang tinaggap

ang alok ko dahil hindi niya maipagbibili iyon.“ Tumikhim si Alyna at muling tumitig sa asawa.

“Dominic, mahalaga para sa aking maniwala kang si Rex ang unang…”

Tinakpan ng daliri ni Dominic ang bibig niya. “I know that. Noong ipanganak mo si Nico ay alam ko nang anak siya ni Rex pero nagduda pa rin akong ang motibo mo sa pagparito’y para guluhin silang mag-asawa at ginagamit mo lang ang nasa tiyan mo,” ibinuka niya ang bibig upang magtanong pero sinarhan iyon ng kamay ni Dominic. “Let me finish first. Noong bisperas ng kasal natin ay nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap ni Liza. Sinabi niyang lahat.

“Paano mo nalamang anak ni Rex si Nico? Ni hindi mo ipinahihiwatig na alam mo. Pinaniniwalaan mong anak siya ng kung sinong lalaki..”

“Sorry about that, darling. Sinadya ko iyon para mapadali ang pagpapakasal mo sa akin. Noong pinuputol ko

ang pusod ni Nico, nakita ko sa kanya ang mapulang balat na kasing-laki ng piso…“

“Yes, meron siya noon just below his navel…”

“Exactly. Ang grandfather ko sa mother side ay mayroon noon. Ako man ay mayroon din, see this?” Itinaas nito ang tiyan at nakita ni Alyna dito ang birthmark na katulad ng nasa tiyan ng anak.

“Namamana ba ang birthmarks?” nangigilalas niyang tanong. Si Rex ba’y mayroon niyan9“

Muling ngumiti si Dominic. “Natutuwa ako at hindi mo alam, Alyna. It means you never really had an intimate moment with him. Pero wala siya niyan, kahit ang Mama ay wala. But that birthmark belonged to my mother’s family. My mother used to say na exceptional na lalaki lang sa pamilya ang mayroon ng birthmark?”

“You and Nico…‘’

“Exactly. Hindi ka pa ba naniniwala?‘’ he smiled devilishly. Ngumiti si Alyna, her eyes twinkling “Hey!’ Nagsalubong ang mga kilay ni Dominic sa amusement nang pumaibabaw siya rito. He could see the longing in her eyes as she started to move against him

“Kaagad darling?” he asked in a thick voice

“Maybe I am also an exceptional woman, my love…”

“I’ll bet on that!” And started to meet her movements rhythmically.

•••WAKAS•••

Mabibili ang libro ni Dominic sa link na nasa ibaba:

https://preciousshop.com.ph/products/new-releases/mlhg0001-my-love-my-hero-dominic/


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.