DSS2: THE BOSS IS MY EX-LOVER (SOON)
WHITEJEOHANESS · 4 chapters · 4,294 words
DANGEROUS SON SERIES 2
WARNING!!!!!!
This is a Boys Love Story. It is related to men-to-men relationship. kaya kung isa kang taong mapanghusga katulad ng iba maaring wag mo ng ituloy ang pagbabasa. 😊
P.S. Photo that has been used in the media isn’t mine. Credit to the rightfully and respected owner.
THIS STORY IS BOOK II OF “BABYSITTING THE HOT BILLIONAIRE’s SON” PERO ANG LIBRONG ITO AY TUNGKOL SA ANAK NA PANGANAY NI SIR. PAYTON ACE NA SI PAYTER ICE ALVASTONE.
KAYA SANA PO AY MAGUSTUHAN NIYO ANG GAGAWIN KONG STORY NA TO!
✅Be aware of WRONG GRAMMAR and TYPO, im doing my my best somehow to fix everything in order for my books to be READABLE
✅RATED 18+ not for young readers. pero if you want edi go!! 😂
✅FEEL FREE to correct me in some minor or major mistake, hindi naman kasi ako Perpektong manunulat tulad ng iba. 😊
✅Ginagawa ko naman yung best ko para maging maganda ang lahat ng isinusulat ko, kaya WAG MO AKONG IBASH ahhh!! kundi pepektusan ko tete mo. 😂
✅If you are HOMOPHOBIC maaari ka nang lumayas dahil hindi ko kailangan ng makitid ang utak na tulad mo, pero kung gusto mo namang basahin ok lang malay natin maging bukas yung utak mo para sa lahat.
❎PLEASE!!!! wag mong kopyain ang isinusulat ko at isinusulat ng iba, gumawa ka din ng sarili mo 😅
CIAO! ©️WHITE JEOHANESS
PROLOGUE
shit nasan ako bakit ako nakahubad ! -sabi ko habang inililibot ko ang paningin ko sa buong silid na to.
kaya naman nagpasya akong tumayo dahil napadako ang tingin ko sa nakauwang na pinto.
pero nakakailang hakbang palang ako at bigla akong natumba at may naramdaman akong malamig na bagay sa paa ko kaya naman napatingin ako doon at nakita kong nakakadena ang isa kong mga paa.
fuckkkk shit! sino ang may gawa neto! ang natatandaan ko lang kagabi ay pumunta ako sa bar dahil kakauwi ko lang galing america at nakipag kita ako kay baklang maton na si Garry na kaibigan ko at nakipag inuman dahil nakita ko na naman ang taong tinakasan ko noon at ang masama pa doon ay boss ko papala ang bwisit.
holy shit baka ibenenta ako ng baklang yun sa maton na tito niya na may gusto sa akin. puta talaga makakatay ko talaga ang baklang yun pag nagkataon.
kaya naman sinubukan kong tanggalin ang kadena sa paa ko ngunit ayaw talaga, pero nagitla ako ng may narinig akong boses na kilalang kila ko kaya naman biglang nagtaasan ang mga balahibo ko at unti unting humarap at nakita ko ang taong pilit kong tinatakasan noon na nakangisi sa akin ngayon.
Buti naman gising na ang baby ko ! -nakangising sabi niya habang nakatingin sa hubad kong katawan na parang malibog.
putang ina! hayop ka! Payter pakawalan mo ako! - galit na sabi ko sa kanya.
kaya naman naglakad siyang palapit sa akin ng galit na galit na siya namang ikinatakot ko. pero ilang sandali pa ay bigla niyang pinisil yung bibig ko ng madiin na siya namang ikinadaing ko.
Why did you leave me, without any reason ? -galit na tanong niya sa akin habang nakatingin ng madiin sa mga mata ko.
hindi mo na kailangan pa
ng malaman
, baka mas lalo lang kitang kamuhian ! -Madiin na sabi ko.
Fine! let me see kung kakamuhian mo pa ako
,
pag nabuntis na kita ! -nakangising sabi niya habang hinubad yung suot niyang damit at pantalon na ikinalaki ng mata ko. imposible kayang alam niyang isa akong cariers tulad ng mommy niya.
soon_____________________________ please don’t forget to vote 🥰 ciao!!!
EX-LOVER 1
•LISONEIL MARTENAI•
Wala paring tigil ang malakas na buhos ng ulan dahil sa bagyo, samantalang ako naman ay tarantang taranta na dahil halos tuklapin na ang bubong ng tinitirhan ko, sabayan pa ng walang tigil na pag tulo ng tubig sa mga butas ng bubong nito.
Hala! bakit ba ayaw tumigil ng ulan wala na akong timbang ipangtataya, nababasa na lahat ng mga gamit ko. - mangiyak ngiyak na sabi ko habang dala dala ang timba at palang ganang ipinang sasayod ko sa mga tumutulong tubig sa butas ng bubong ng tinitirahan ko.
hindi ko na alam ang gagawing palagay ko magigiba na ang tinitirahan ko dahil sa lakas ng hangin ng bagyo dinig ko din ang sigawan ng kapit bahay kong nag kakagulo at dinig ko din ang bawat dunog ng pukpok sa mga yero ng bahay nila.
ramdam ko din ang tubig baha na dumadampi sa mga paa ko na alam kong tumataas na ang baha sa baranggay namin. mag isa ko lang dito sa tinitirhan ko kasama ang aso kong napulot ko pa sa kabilang baranggay na ngayon ay hindi mapakali habang tahol ng tahol.
Choki! please wag kang maingay, nawawala ang ganda ko sayo ehh. - inis na suway ko sa kanya habang itinataas ang mga gamit namin sa malaking lumang kabinet na pinahingi pa ng kapitbahay naming si Aling Ising.
hindi ako mayaman dahil nangungupahan lang ako sa dito sa lumang bahay na to na mukhang pinag babahayan na ng mga daga, ahas at ipis na minsan kasama ko.
Mura lang ang renta nito nasa 500 lang ang isang buwan kasama na ang kuryente na mukhang nakaka kuryente pa dahil sa mga naka usling kable nito.
pero anong magagawa ko yun lang ang Afford ng bulsa ko, dahil maliit lang ang kita ko sa convenient store na pinagtratrabahuhan ko bilang isang cashier doon at nag aaral pa lang din naman ako.
Hindi naman sana ako mag hihirap ng ganito kung ginusto kong manatili sa lugar ng mga lola at lolo kaso ayaw ko, dahil simula bata pa lang ako ay ako na ang sinisisi nila dahil sa pagkakamatay ng mama ko at hindi ko naman alam kung sino ba ang totoong tatay ko. kaya nag disisyon na lang akong lumayas sa puder nila at hayaan na lang sila dahil mukhang wala lang din naman ako sa kanila nong umalis ako, dahil hindi na nila ako hinanap at pinabayaan na lang ako. na parang okay lang sa kanila.
ano pa nga bang magagawa ko, ganun talaga ang buhay may mga taong ayaw sayo, ang masama pa don parte pa ng pamilya mo.
Neil! lumabas na kana jan hanggang bewang na ang baha sa labas natin at anjan na yung rescue ni Mayor . -sigaw ni aling ising habang kumakatok sa pintuan kaya dali dali ko ng kinuha si Choki at ang bag na may ilang damit ko at mahahalagang gamit ko, dahil hindi ko na talaga kayang manatili dito dahil baka pag nagtagal pa kami dito anurin na ang barong barong ko kasama kami.
pag bukas ko pa lang ng pinto ay malakas na tubig at hangin na agad ang sumalubong sa amin buti na lang talaga at agad akong napakapit sa pintuan at hindi ako natangay.
pahirapan pa ang pag hakbang ko papunta sa rescue dahil hanggang bewang ko na ang baha sabayan pa ng minsan pag tangay sa akin ng malakas na hangin na halos muntik na akong matumba at mag langoy sa tubig baha. hindi ko naman kasalanan na maging mapayat ako.
Halika na Neil tulungan na kita jan sa dala mo ! -salubong sa akin ni Jepoy na anak ni aling Ising ng makalapit na ako sa Rescue. agad niyang kinuha ang dala kong bag at si Choki at agad niyang inabot sa mga rescuer.
hala! bakit ang gwagwapo ng mga rescuer na militar.
pero bahagya din akong nagulat ng humawak si jepoy sa bewang ko na siyang ikinatingin ko sa kanya. kita ko pa ang pagngiti niya at pag kindat sa akin na siya namang ikinapula ng pisnge ko.
alam kong gwapo siya pero hindi ko siya type. dahil parang nakakaramdam ako ng takot pag napapalapit ako sa ibang lalaki, para bang may nagmamay ari na sa akin na hindi ko alam. haysss basta ganun.
matagal ng nanliligaw sa akin tong lalaki na to kaso pag tuwing bubwelo akong bastedin siya agad siyang tatakbo na akala mong gagu.
ilang sandali pa ay Inangat niya na ako pataas ng at inalalayan din ako ng mga rescuers para makasampa bago siya sumunod sa aking sumampa at tumabi sa tabi ko.
ramdam ko din ang pag pagpulupot niya ng makapal na tela sa balikat ko at pag tabi sa akin ng alaga kong si Choki.
Nilalamig kapa ba ? -dinig kong tanong niya kaya naman umiling na lang ako bilang sagot sa kanya at ngumiti.
Salamat! -bulong ko.
ramdam ko na ang pag andar ng sinasakyan namin na siyang ikinahinga ko ng maluwag, dahil para akong napanatag na. akala ko kasi malulubog na kami kasama ng barong barong na yun dahil tatlong oras din ang hinitay naman sa pag dating nila dahil alam ko naman na maraming lugar ang mas nangangailangan ng tulong hindi lang kami.
ipinikit ko na ang aking mga mata dahil nakakaramdam na ako ng antok dahil sa pagod sa pagkakataranta kanina.
—————————————— mga ilang sandali bahagya akong napamulat sa pagkakapikit ng may naramdaman akong yumuyogyog sa balikat ko at kita ko si Jepoy.
Neil andito na tayo sa Evacuation center bumaba na tayo, nauna na sila mama doon para humanap ng pwesto natin. -saad niya at agad na isinukbit ang bag ko sa balikat niya at binuhat si choki kita ko din na kaming dalawa na lang pala ang tao dito sa sasakyan.
bahagya akong nahiya dahil mukhang pinag antay ko pa ata siya.
kaya naman naginat inat pa muna ako at saka bumaba, inalalayan niya pa ako dahil siya ang naunang bumaba sa amin.
malakas pa rin ang buhos ng ulan at hangin kaya naman hindi ko maiwasang lamigin dahil basang basa na ako ng ulan kagaya niya pero parang siya sanay na sanay na.
kung sa bagay, nag trabaho nga pala siya dati sa ibang bansa.
habang papasok kami ng evacuation area kita ko agad ang mga tao na nakahiga sa sahig at may mga iba naman ay nag aaway pa dahil sa pwesto gusto nilang tulugan..
ang iba naman ay nag aagawan pa dahil sa pila ng relief good na meron na atang nagbigay ngayon, napangiti naman akong bahagya.
may mga tao talagang handang tumulong agad sa mga taong nangangailangan tulad ngayon.
sa ganito ang lahat.
kita ko pa ang tarpulin na nakalagay sa taas “Villamore Corporation”
mukhang sa kanila ata nang galing ang mga relief na ibinibigay ngayon.
kilala ang apelyidong Villamore dahil sa sobrang yaman na mga ito at sa dami ng negosyo nila, sila ata ang nangunguna na pinaka mayaman sa buong asya na hindi ko alam kung sa buong mundo din.
pero ang pamilyang din nila ang masyado pribado kaya hindi gaanong naisasa publiko ngayon, minsan ko na kasing nakita ang larawan ng nag mamay ari ng Villamore Corporation kasama ang pamilya niya.
medyo nagulat din ako ng malaman ko na lalaki pala ang asawa nito na may ganda tulad ng isang magandang babae at may kakayahang mabuntis. na siyang mas lalo kong ikinagulat.
matagal na din yun. siguro nasa sampong taon pa lang ako noon nong nakita ang magasin na yun sa Opisina ng lolo ko. malaki na siguro ang mga anak nila lalo na ang panganay nila na laging seryoso ang mukha na mukhang may galit sa mundo.
muli kong iginala ang paningin ko.
pero bahagyang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan ng mapatingin ako sa lalaking nasa gitna ng lamesa na seryoso ang mukha habang nag aabot ng mga relief goods sa taong nakapila.
kita ko din ang mga kababaihan at kabaklaan na halos himatayin sa kilig habang kinukuhanan siyang palihim ng litrato.
masasabi kong sobrang gwapo niya kahit simple lang ang suot niyang damit. bagay din ang manipis niyang bigote niya na mas lalong nag palakas ng appeal niya. pero nakakatakot ang katawan niya dahil sa sobrang laki ng mga braso niya para bang pag sinapak niya ang makakaaway niya durog agad ang mukha nito.
hindi ko alam na matagal na pala ang pagkakatitig ko dito, kaya nagulat na lang ako ng bigla siyang tumingin sa gawi ko. at tinignan ako ng seryoso pero ilang sandali din bahagya siyang ngumise at kita ko ang pag alis niya sa kinaroroonan niya at may kinuhang malalaking reliefs good sa likod niya na mukhang tutungo din ata sa akin.
hindi ko maigalaw ang paa ko para umalis, para bang napako ako dito sa kinatatayuan ko. hindi ko din matanggal ang pag kakatitig ko sa kanya ganun din siya habang nakangise parin ang mukha niya.
para bang tuwang tuwa sa nakikita niya ngayon.
malapit na siya!
Here ! -saad niya ng makalapit na siya sa kinakatayuan ko at saka inabot ang dala niyang naglalakihang relief goods sa akin na naiiba sa lahat.
hindi ko alam kung aabutin ko ba yun, nakakaramdam ako ng kaba ngayon dahil sa lalim ng pagkaka titig niya sa akin na para bang kilalang kilala niya ang buong pagkatao ko.
na para bang ang mata niyang itim ay dama mo ang pangungulila, at pagkasabik nito.
Aabutin mo ba? o gusto mong iuwi na kita? ngayon din! - madiing utos niya na nagpagising ng diwa ko kaya naman nanginig pa ang kamay kong kinuha ito sa mga kamay niya.
pero nagitla ako ng bigla niyang hatakin ang kamay ko kaya naman napasubsob ako malaking katawan niya. dinig ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya na nakatapat sa tenga ko. at ramdam ko din ang braso niyang unti unting pumupulupot sa buong katawan ko.
nagtaasan din ang mga munting balahibo ko sa katawan, ng dumampi ang labi niya sa leeg ko at inaamoy pataas sa tenga ko.
Malapit na tayong magsama mahal ko, konting tiis na lang, at sisiguraduhin kong hindi ka na makakawala pa sa akin, dahil aangkinin na kita. - bulong niya.
at saka tinanggal ang pag kakayakap sa akin at muling inabot ang hawak niyang reliefs sa kamay ko.
Mag Ingat ka Mahal ko! hanggat hindi pa kita nakukuha. -huling saad niya at hinalikan ako sa noo.
at saka ako tinalikuran at naglakad paglabas ng gusaling ito na sumulyap pa ng isang beses sa akin at habang nakangisi.
natulala lang ako sa ginawa at sinabi niya sa akin.
Neil tara na! nahanap ko na si mama . -tapik at saad ni jepoy na nagpagising ng diwa ko, at saka niya kinuha ang mga dala ko na ibinigay ng lalaki kanina.
wow! mga imported saan nang galing to Neil? - tanong sa akin ni jepoy na hindi ko sinagot.
dama ko pa! na para bang may nakamasid sa likod ko na nagpaparamdam sa akin kaba at takot.
umiling na lang ako at sumunod kay Jepoy sa paglalakad.
Hello Guys! sana magustuhan niyo ang kwentong ito at sana masarap din and handa niyo bukas para sa paparating na pasko hahaha.
So This First Chapter din pala is Dedicated to:
JohnpaulZoleta6
addllien1992
KMBLY_05
MarkjasonEspinosa2
reedweiwei028
Relija_000
So ayun lang! Thank you all! and Advanced Merry Christmas sa lahat, sana suportahan niyo ang story ng yawang si Payter at Lisoneil na uunti untiin ko na ring iupdate. Ciao! good night ❤️
Please don’t forget to vote ⭐️ ©️WHITE JEOHANESS
EX-LOVER 2
• LISONEIL MARTENAI•
Halos manlumo at naiiyak na ako ngayon dahil sa nakikita ko. hindi ko akalain na sa isang linggong pamamalagi namin sa evacuation center ay ganito ang madadatnan ko.
at mas lalo akong nanlulumo dahil ang tanging tinitirahan ko lang. ang tanging naapektuhan sa lahat hindi tulad ng iba na puro putik lang ang kanilang nadatnan.
hindi tulad ko na halos wala ng natira, walang bubong, walang pinto at wala na rin ang mga haligi nito parang dinimolis ang naging itsura nito.
hindi ko na alam kung saan na ako titira, dahil tanging itong tinitirhan ko na lang ang afford ng budget ko, balak ko pa sanang mag aral ngayon pero mukhang malabo na namang matupad iyon.
ang pangarap na pinagpaplanuhan ko noon ay bigla na lang nabura tulad ng kalagayan ko ngayon.
Hindi ko na alam kung paano ang gagawin ko ngayon? -mahinang bulong ko sa aking sarili. saka unti unting pinakawalan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. ramdam ko pa ang pagtabi ng alaga kong aso na si Choki upang damayan ako sa pagluluksa ko ngayon dahil pareho kaming nawalan ng matitirhan ngayon.
kita ko pa ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa lasog lasog na tinitirhan namin.
tanging mga mahahalagang papeles lang ata ang naisalba namin at ilang piraso ng damit na nakuha ko. mabuti na lang talaga dahil mahalaga sa akin ang mga ito.
napakahirap talagang mabuhay sa mundo ng walang kasamang pamilya. lalo na ang mabuhay ng magisa.
mukhang mararanasan ko na naman ang tumira sa gilid ng kalsada tulad noon, nong nabubuhay pa ang mama ko.
pero mukhang ako na lang ata mag isang titira ngayon doon kasama si choki, nakakalungkot at nakakagalit isipin dahil nawala si mama dahil sa pagkakabaliw niya sa pag ibig noon sa isang lalaki.
ganun ba talaga ang magmahal? nakakabaliw! pag lubos na nasaktan.
gusto kong magalit sa lalaking yun, pero mas nagagalit ako sa lalaking nang gahasa sa kanya noon na ako ang naging bunga.
bunga kung saan? hindi ako lubos na matanggap ng iba, dahil nga isa akong pagkakamali sa tingin nila, na parang ako ang may kasalanan ng lahat dahil sa pagkamatay niya.
hindi ko namang ginustong mabuhay ng ganito na lang, gusto ko din namang maranasang kung paano ba ang mahalin at kung paano din ang magmahal.
pero ganun talaga eh! parang nabuhay ako sa mundong ito na puno ng lungkot at sakit dahil nga isa akong bunga ng pagkakamali.
gusto kong hanapin ang ama ko at tanungin sa kanya kung bakit niya nagawa yun. kung bakit wala siyang paninindigan.
pero mas gusto ko siyang hanapin para maramdaman, kung ano ba ang pakiramdam ng may amang nag mamahal, yumayakap at nag aalaga sayo araw araw.
naiinggit ako sa iba, dahil hindi ko man lang naranasan yun sa ilang taong pamumuhay ko sa mundong ito.
kahit yun man lang, maranasan ko. pero mukhang malabo.
nagugutom kana ba choki? -tanong ko sa alaga kong aso habang hinihimas ang ulo niya habang naka upo kaming pareho sa tapat ng aming lasog lasog na tinitirhan.
binuksan ko na ang bag ko at kinuha don ang isang nakabalot na pahaba na naglalaman ng mga cookies at binigyan ng ilang piraso si Choki, alam kong mamahalin ang pagkain na ito dahil minsan ko ng nakita ito sa bahay nila lolo na pinagalitan pa ako ng akmang bubuksan ko na yun.
bahagya din akong napangiti dahil marami pa pala kaming natitirang pagkain na ibinigay ng isang stanghero noon sa akin. gusto kong magpasalamat sa kanya, dahil kahit pa paano naibsan ang gutom namin dahil sa mga ibinigay niyang ito.
na inaway pa nga ako ng ilang kababaihan at bakla sa evacuation center, dahil nilandi at inakit ko daw ang anak ng mga Villamore kaya naiiba at imported daw ang ibinigay sa akin.
nagulat pa nga ako sa sinabi nila dahil hindi ko lubos na makapaniwala na ang taong yun pala ay parte ng pamilyang lubos kong hinahangaan.
pinapangarap ko kasi noon na makapag trabaho sa isang negosyo nila at maging kasing yaman din tulad nila, taas ng pangarap ko diba?
Tara na Choki! kailangan na nating makahanap ng matutulugan habang hindi pa naggagabi. -nakangiting sabi ko at saka pinunasan ang luhang nasa pisnge ko at muling tumingin sa tinitirhan namin, bago namin lisanin ang lugar nato.
hindi na ako magpapa alam kay aling Ising at lalo na kay Jepoy dahil ayoko ng maging pabigat at alalahanin sa kanila dahil napaka dami na nilang naitulong sa akin sa loob ng ilang taong paninirahan ko sa lugar na to. tama na yung pagmamahal na naramdaman ko sa kanila dahil kahit papaano nagkaroon ako muli ng Pamilya dahil sa kanila. at lubos ko yung ipinagpapasalamat.
Ilang Oras na ang lumipas at mukhang mag gagabi na kaya Halos hingalin na ako sa pagtakbo at paglakad ngayon dahil hindi ko alam kung saan naba kaming lupalop na padpad. dahil ang nakikita na namin ngayon ay ang mga naglalakihang mga bahay at bakod.
bigla na lang kasing tumakbo si Choki papasok sa subdivision na to kaya hinabol ko ngayon, buti na lang talaga at hindi kami sinita ng mga gwardya bagkus ay sinaluduhan pa nila ako habang nakangiti.
napagkamalan siguro akong nakatira dito at ipinapasyal lang ang alaga kong aso, may itsura itong si Choki kaya nagmukha siyang sosyal na aso.
napagkamalan din siguro akong mayaman, dahil kahit papaano maayos ang suot ko na bumagay sa akin, maputi naman ako at hindi gusgusin kaya napagkakamalan talaga akong mayaman tulad noon.
naalala ko pa yung ibang mga kalalakihan noon sa baranggay namin na nanliligaw sa akin, tinatakot lang ni Jepoy na bubugbugin niya daw ang mga ito kaya hindi na sila minsan tumutuloy.
kilalang siga at basagulero kasi si Jepoy sa baranggay kaya lahat ng mga kalalakihan don ay takot at bossing ang tawag sa kanya.
kaya tuwing lalabas ako ay halos bumulagta na ako sa mga ipinupukol na tingin sa akin ng mga kababaihan at kabaklaan sa baranggay dahil ako lang kasi ang tanging pinapansin ni Jepoy.
Mag kasintahan na nga ang tingin sa amin ng iba doon eh, hindi ko lang pinapansin dahil kapatid lang ang turing ko sa kanya.
dahil kahit anong pilit ko sa sarili ko ay hanggang don lang talaga ang kaya kong ibigay, may kilig pero hindi ganun kalala.
minsan kasi pag nagsasama kami ni Jepoy ay nakakaramdam ako ng Takot para sa kanya dahil parang may taong nakamatyag sa mga ikinikilos ko.
na para bang isang maling galaw ko lang ay madadamay siya at may mangyayaring masama sa kanya, ganon ang nararamdaman ko tuwing napapalapit ako sa kanya.
Choki huminto ka naman na sa pagtakbo, parang awa muna. -hingal na hingal na sigaw ko habang patuloy ang paghabol ko sa kanya, natitingin pa ang mga nadadaanan kong mga tao na bising busy pa sa pag didilig ng mga alagang halaman sa nagtataasang bakuran nila.
pero bigla akong nataranta ng bilang pumasok si Choki sa nakabukas na gate sa isang napaka laking bahay na masasabi kong mansyon na talaga.
siya lang kasi ang nag iisang nakatayo doon sa isang napaka lawak na lupain, ni wala man siyang kapitbahay tulad ng iba.
siya din ata ang pinaka malaking bahay na nakatayo dito at napaka ganda dahil halos ng disenyo sa harap ng bahay at bakuran nito ay mukhang pinagkagastusan at sobrang lawak pa.
halos manginig at makaramdam pa ako ng takot at kaba sa paghakbang papasok sa gate ng mansyon na ito.
Bumuntong hininga muna ako ako at saka iginala ang paningin ko upang hanapin ang makulit na alaga ko.
nakita ko siya ko sa harap ng pinto ng mansyon na naka uwang pa ng bahagya. kita po ang pagtalon talon niya habang tumatahol ay kumukumpas ang buntot niya na parang inaanyayahan akong pumasok sa loob ng mansyon at sumunod sa kanya.
Choki! halika nga dito aalis na tayo gabi na. - halos mangiyak ngiyak na sabi ko, hindi ko alam parang nakakaramdam ako ng takot at kaba ngayon sa mansyon na to na para bang may nakatingin sa gawi ko. na para bang pinag aaralan kung ano ang susunod na gagawin ko.
Aww awww awww ! -sunod sunod na tahol ni choki habang nakatingin sa pinto, kita ko pa ang paghakbang ng paa niya para pumasok sa nakauwang na pinto ng mansyon.
huwag please! umalis na tayo dito choki. -nanginginig na sabi ko habang umiiling at paunti unti ding lumapit sa kanya.
pero bigla akong nanlumo ng bigla siyang tumakbo papasok ng mansyon kita ko pa ang bahagyang pag bukas ng pinto, madilim ang nakikita ko sa loob ng mansyon na hindi ko alam kung may tao ba.
hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi? bumibilis ang tibok ng puso ko habang unti unti kong inihahakbang ang paa ko papalapit sa pinto.
kita ko pa si Choki sa gitna ng dilim malapit sa hagdan na parang may kinakain sa isang mangkok.
halos kapusin na ako ng hininga ng makapasok na ako sa loob ng mansyon, dama ko pa ang lamig na nang gagaling sa loob. tumakbo na ako at hinuli si Choki gamit ang mga kamay ko at binuhat siya.
pero akmang ihahakbang ko pa lang sana muli ang mga paa ko palabas ay biglang sumara ang pinto at biglang ng dumilim ang paligid.
dama ko na ngayon ang mas matinding kaba at takot at ang pamumuo ng butil na pawis ko sa noo sabayan pa ng panginginig ng mga tuhod ko.
parang may nakatingin sa gawi ko, at parang may papalapit sa kinakatayuan ko dahil rinig ko ang sunod sunod na tunog at hakbang na nagmumula sa likod ko.
napapikit ako ng tumigil ang hakbang na naririnig ko, dahil ramdam kong nasa likod ko na siya.
radam ko ding ang biglang pagtaasan ng mga balahibo ko, dahil sa biglang pagpulupot ng dalawang kamay sa bewang ko, hindi ako makasigaw at makahingi ng tulong dahil parang umatras ang dila ko, parang napako ang tuhod ko sa kinakatayuan ko, dinig ko pa sa tenga ko ang bahagyang pag singhot niya sa leeg ko.
mukhang hindi na pala ako mahihirapang kunin ka mahal ko! dahil ikaw na mismo ang nagkusang pumunta dito sa pamamahay ko, para magkasama tayo. - bulong niya at bigla akong pinihit paharap at sinunggaban ang labi ko.
Hello Guys! sana magustuhan niyo ang UD ito, Sorry ngayon lang nag UD nag ayos kasi ako ng requirements for my Shift Course.
So This Chapter din pala is Dedicated to:
walangforevermar
JohnpaulZoleta6
Nhiankent16
jssh23
So ayun lang! Thank you all! good night! Ciao! see you sa next UD kay Heneral Jr.❤️
Please don’t forget to vote ⭐️ ©️WHITE JEOHANESS

