DUDE
JamesNoe · 9 chapters · 6,856 words
Chapter 1
CHAPTER 1
SAM
“’Dude, ano na? Hinihintay ka na ni Bebang.” walang kagalang galang kong sambit nung sagutin ni Aries ang kanyang phone.
“Saglit lang ’Dude hintayin ko lang kapalit ko sa stall. Derecho na ko dyan.” sagot naman ni Aries na agad pinutol ang ang aking tawag.
Si Aries ang pinakaclose kong kababata. Halos kapatid na turing ko sa kanya dahil sa dami na rin naming pinagsamahan na kahit nga sa subdivision namin dito sa San Rosa Laguna ay kilala kami bilang magkapatid. Sandalan namin ang isa’t isa sa lahat ng bagay pera, pamilya at eskwela.
Magkaramay kami sa lahat ng dagok ng buhay lalo na nung mambabae at iwan siya at ang kayang nanay ng kanyang ama. Awang awa ako nun kay Aries kasi nakikitulog lang sa bahay para umiyak dahil ayaw daw niyang makita ang nanay niyang na siya ay malungkot.
Parang anak rin ang turing ng nanay at tatay ko si Aries. Laging kasama si Aries sa pasalubong ni Mama. Pag may bago akong damit meron din si Aries na kinaiinisan ko minsan dahil para kaming kambal sa aming mga suot. Mas tinuturing ni Aries na kapatid ang aking mga kapatid na sila Bebang at Bitoy kaysa sa half-brothers niya sa father side niya, kaya kahit ngayong may duty siya ay nagpapalit siya ng schedule para makarating sa kaarawan ni Bebang.
Alas 3 na dumating si Aries dala ang kanyang regalo kay Bebang na talaga nga namang giliw na giliw kay Aries. BAta pa lang si Bebang ay parang princesa siyang ituring ni Aries na lagi siyang sinasayaw at iniikot. Naiingit nga ako sa bonding nilang dalawa na tila mas close pa kaysa sa akin.
Ang saya ng birthday dahil narin sa dami ng pagkain. Hindi magkanda mayaw magpakitang gilas si Aries sa kanyang magic tricks na nagpasaya sa mga batang nakapalibot sa kanya. Kahit si Bitoy na limang taong gulang pa lang ay parang Hero kung ituring si Aries.
Matapos na ang party ay nagimpukan kaming magkakapatid kasama si Aries sa sala. Isa isang binuksan ni Bebang ang kanyang regalo. Paimportante naman si Aries na nagsabing sa huli na ni Bebang buksan ang gift niya. Hindi naman maalis ni Bebang ang tingin niya sa nareceive niyang regalo na isinalansan malapit sa sofa.
Iniabot ni Aries ang kanyang gift na parang kahon ng sapatos.
“Hulaan mo nga yan Bebang.” paghahamon ni Aries.
“Sapatos?” unang hula ni Bebang na sinagot naman ng maganang pag-iling ni Aries kaya mabilis na pinunit ni Bebang ang wrapper.
“Kuya Ariesssssss…” sigaw ni Bebang na agad tumakbo at yumakap kay Aries.
Nagulat si Mama at Papa sa sigaw ni Bebang kaya pumunta rin sila sa sala para maki isyoso. Sinilip ko kung ano ang nasa loob ng kahon at may nakita akong kulay pink na parang camera.
“Ano ba yan?” tanong ni Mama
“Insta Max Camera pang selfie mommy. Kuya, san mo nabili yan? Wala naman dito yan?” maligalig na sambit ni Bebang.
“Eh di sa kaibigan kong nasa states.” mayabang na sagot ni Aries.
HIgpit ng pagkakayakap ni Bebang kay Aries na pagkayabang yabang.
“’Dude, paano mo naman nalaman yan ang gusto niyang gift?” tanong ko gamit ang braso pangpukaw atensyon kay Aries.
“Diba last week kinuwento niya na yan ang kinaiinggitan niya kay Daphne, yung classmate niya?” paliwanag niya. “Dude presence of mind naman ’Dude!” sundot na pangaasar nito.
Hindi na pinansin ni Bebang ang ibang gift at nagsimula ng gawin ang kanyang mga photo pose. Tawa naman ako ng tawa kila Aries habang kinakaladkad niya si Bitoy sa sofa na halos magkantulo ang laway sa saya.
Maya maya pa ay dumating ang nanay ni Aries na si Aling Miding. May dalang cake at agad na tumungo sa kusina para makipagkwentuhan kay Mama habang silang dalawa ay magkatulong na nagiimis.
Tumungo kami ni Aries sa aking kwarto para maglaro sa aking playstation. Assassin’s Creed naman ang aming kinahuhumalingan namin ngayon. Hinahanda ko ang gadget nang mapansin kong busy na naman si Aries kakatext.
“Hoy, sino na naman yan?” tanong ko.
“Si Miriam dude, Nilalandi ako?” sagot niya na di man lang nagabala tingnan ako.
Sabay pinakita sa akin ang half nude photo ng aming common friend na si Miriam kaya napakunot at napasingkit ang aking mata.
“’Dude, alam mo namang natikman na lahat ng lalaki ng subdivision natin si Miriam, diba?” pang-iinsulto ko.
“Eh ano naman? Inggit ka? Patikim ka rin.” pambabasag nito sabay tawa at take ng selfie niya na nakakagat labi at nakadakot ang kamay sa kanyang burat.
Napayuko ako sa hiya at itinuloy na ikonek ang mga gadget para simulang makipaglaro.
“Sam, bukas na lang ako makikipaglaro. Puntahan ko lang si Miriam.” pagpapaalam nito.
“Sige.” sagot ko nang di nalingon habang nakatitig sa pag boot ng game.
“Wag kang maingay sa mama ko ha? Kutos ka sa akin.” pagbabanta niya.
“Kung kaya mo?” sagot ko habang pinapainit ang controller sa aking mga daliri.
“A ganon?” paghahamon nito.
Nagulat ako ng bigla akong daganan ni Aries at iangat ang aking mga binti. Nagbuno na naman kami na parang mga bata. Malakas talaga si Aries kaya lagi akong talunan sa wrestling buti na lang at tumunog uli ang phone niya. Saglit siyang sumulyap sa phone niya malapit sa kanyang tanaw.
“Sige na, bukas na lang.” muling pagpapaalam nito.
“Ingat ka supot.” pangaasar ko.
Muli na namang lumingon si Aries para ibigay ang grand FUCK YOU finger.
Ngumiti ako at kumindat sa kanya bago siya lumabas ng pinto. Ramdam ko ang pangungulila ng isara niya ang pinto. Ramdam ko ring tumingin at ngumiti siya sa akin bago siya umalis.
Leche ka Miriam! Sagabal ka.
Chapter 2
CHAPTER 2
ARIES
Sarap talaga chumupa ni Miriam. Kung di lang talaga pokpokin tong si Miriam nakantot ko na to.
Iba rin trip nito ni Miriam gusto gusto niyang ilagay sa gitna ng kanyang dibdib ang burat ko tapos duduraan ko para pampadulas. Sabog na sabog ako pag ganun ginagawa ni Miriam. Nawawala rin stress ko kapag nagpapafinger si Miriam. Sarap pakinggan ng ungol niya tsaka sarap tingnan ng nanginginig niyang katawan. Iba ang pleasure na binibigay sa akin pag nakikita ko ang pwedeng gawin ng mga daliri ko sa kanya.
Madali lang naman pasayahin si Miriam. Bilhan mo lang ng oreo ice cream yan, naku! iikot na dila niya sa ulo ng burat mo agad agad. Yan tuloy na adik na akong magpachupa sa kanya. Minsan nga gusto kong isama si Sam kaso di trip ni Miriam si Sam dahil mukha daw pari ito.
Baka nga magpapari si Sam. Naku wag naman sana. Mukhang angel si Sam at sa totoo lang siya ang angel ng buhay ko. Siya lang ang nakakaintindi at nakakakilala sa akin. Wala ni isang taong nakakapagpakalma ng galit ko bukod kay Sam. Di siya napipikon except kapag natatalo ko siya sa playstation kaya minsan hinahayaan ko na lang siyang manalo. Hindi rin tsismoso si Sam na kahit ilang beses niya akong nakitang nagjajakol sa CR nila ay ni minsan niya akong tinukso tungkol dito.
Napaka supportive din niyang kaibigan na kapag nalalasing ako ay sinusundo niya ako at dinadala sa bahay nila para dun matulog kaysa mabugbog ako ng tatay ko noon kaya ganun din ako ka-protective sa kanya. Lagi ako napi-principal’s office dahil sa pakikipag-away ko sa mga bully ni Sam na inggit na inggit sa kanya dahil marami sa mga crush nilang babae ay may crush kay Sam.
Subok na ang kapatiran namin ni Sam. Hindi pwedeng wala siya sa mahahalagang araw ko at ako sa mahahalagang araw niya at nang kanyang pamilya. Mula ng iwan ako ng aking ama ay tinuring akong parte ng pamilya ni Sam. Napakabait ni Ate Lita at Kuya Kule sa akin at sa aking nanay. Sila ang nagpautang sa nanay ko para masimulan ang loading station business na siya namang napalago niya in-time kaya malaki ang utang na loob ko sa pamilya ni Sam.
Hindi na rin bago sa nanay ko na tumatakas ako ng gabi para makitulog kila Sam lalo na pag dinadala niya sa bahay ang kanyang boyfriend. Lagi kong ginagamit ang lubid na niladlad namin sa labas ng kwarto para may daanan kami ni Sam sa tuwing nala-lock niya ang kanyang kwarto sa ikalawang palapag.
Mas madalas pa nga akong makitulog kila Sam kaysa sa bahay buti na lang kamo at di rin malisyoso si Sam na kahit dumampi ang matigas kong burat sa kanyang pwet ay di siya nagagalit. Papagitnaan lang niya ng unan ang aming katawan na siya rin namang nawawala kinagabihan dahil napakalikot matulog ni Sam. Minsan nga muntik ko nang masapak ang gago dahil nasipa niya betlog ko buti na lang at naalala kong nakikitulog lang ako.
“Ano naman iniisip mo?” tanong ni Miriam habang pinpunasan ang nagkalat na tamod sa kanyang suso at leeg.
“Wala. Ayaw mo ba talagang tikman si Sam?” tanong ko.
“Teka nga. Ano ba? Binebenta mo ba ko kay Sam?” naiinis na tanong ni Mirriam.
“Hindi. Naawa lang ako dun kasi virgin pa.” malumanay na pagpapaliwanag ko sa mukhang di maipinta ni Miriam.
“Eh di ikaw chumupa!” naasar na mungkahi nito.
“Tarantado.” sagot ko.
“Di ko trip si Sam. Masyadong mabait baka mamaya basahan pa ko ng bibliya nun.” paliwanag habang hinihimas himas ang betlog ko.
“So ako hindi mabait?” sumbat ko sabay titig. Dinakot di Miriam ang aking aring pagod na pagod.
“Gusto mo talaga masaktan sa sagot ko Aries.” sundot niya.
Dinakot ko ang suso ni Miriam sabay kurot sa kanyang utong.
“Ako naman. Ayoko ng finger ngayon magpraktis ka namang kumain ng kabibe.” pag-uutos nito na tila normal na normal lang ang aming ginagawa.
“My pleasure Miriam.” malandi kong sagot sabay dungaw sa kanyang binti.
Agad na ibinukaka ni Miriam ang kanyang binti at bumungad ang basang kabibe. Ginagahan ako ng himasin ni Miriam ang kanyang magkabilang suso kaya yumuko ako at sinumulan ang tongue exercise.
Chapter 3
CHAPTER 3
SAM
Next week na graduation namin sa Senior High School. Nagplan akong kumuha ng Computer Science major in Programming since mabilis naman akong magtype at mahilig sa design and games bakit di ko i- pursue ang career na yan. Nagaalala naman ako para kay Aries na walang ka plano plano sa buhay. Sabagay, noon pa man ay ayaw naman nya talagang magaral kaya nagpart-time siya sa Minute Burger. Di ko alam kung joke yun pero sabi niya mag aaral na lang daw siya sa TESDA ng pagmamasahe tutal mahilig naman daw siyang manlamas.
Weird ngayon araw na ito dahil wala si Aries during dinner. Normally, dito siya nakikikain sa amin tuwing sabado at lingo pati tuloy si mama ay nagaalala nang makitang walang Aries sa mesa.
“Nak! tawagan mo nga si Aries baka ano na nangyari dun.” utos nito.
Paakyat na ako ng kwarto para kunin ang aking phone ng narinig kong sumigaw si Bebang at Bitoy. Hindi ko alam bakit bigla akong sumaya at napakaripas ng takbo palabas ng kwarto. Nakita ko si Aries na may dalang pizza at coke. Kinindatan naman niya ako ng makita niya ako sa gitna hagdan.
“Anong meron kuya Aries.” tanong ni Bebang.
“Wala. Pinadala lang ni Mama sa akin para pagsaluhan dahil lagi daw ako dito nakain.” sagot niya sabay taas sa mga bitbit niya.
“Nag abala ka pa.” nakangiting sambit ng aking ina.
“Ay naku Kuya Aries! buti nagdala ka niyan di ko gusto niluto ni Mama ngayon.” singit ni Bebang.
“Ano ba niluto ni Tita?” tanong niya.
“Carbonara, kuya.” mataray na sagot ni Bebang.
“Naku tita mas gusto ko naman carbonara mo kaysa sa pizza.” pambobola ni Aries na gustong gusto naman ng nanay ko.
“Buti nandito ka Aries. Ikaw Bebang lalasunin na kita. Ang arte mo.” pangaasar ni Nanay
Napuno ng tawanan ang buong kusina habang pinagsasaluhan namin ang pizza at niluto ni Mama dahil narin sa mga kwentong barbero ni Aries. Naputol na lang ang tawanan ng magtanong si tatay, “Aries, Anong kukunin mong course after graduation?”
“Baka TECH VOC kunin ko tito. Wala talaga akong hilig sa pagaaral tito. Ang sakit sa ulo.” eksaheradong sagot ni Aries na may pagsabunot sa kanyang buhok. Nagtawanan naman sila Bebang at Bitoy.
“Okey naman yun. Marami nga dyan tapos ng college wala namang trabaho.” pagsuporta ni mama kay Aries.
“Eh, ikaw Sam?” batong tanong sa akin ni Aries.
“Magaaral ako ng Computer Programming sa Maynila.” mahina kong sagot.
“Mag bo-board ka dun?” mabilis niyang tanong.
“Makikitira ako sa Tita ko.” sagot ko habang abala sa pagkain ng pinya ng pizza.
Naramdaman kong bumigat ang paligid. Lalo na si Aries na tila nawalan ng ganang kumain. Matapos ang hapunan ay niyaya ko si Aries na pumunta ng kwarto para maglaro. Hindi mo makitaan ng gana si Aries habang kami’y naglalakad patungo sa aking kwarto.
“Nag-away ba kayo ni Miriam?” nagaalala kong tanong habang patuloy sa paglalakad. Nagitla naman ako ng biglang niyang hatakin ang aking damit.
“Wala bang school na malapit dito na nag offer ng course na gusto mo?” naiinis nitong pagbulong.
“Meron naman pero di daw maganda ang syllabus.” sagot ko namang di komportable.
“Paano mga kapatid mo tsaka pamilya mo?” naiinis niyang tanong ulit.
“Galit ka ba?” naiinis ko ring tanong.
“Hindi naman Sam pero dapat pinag iisipan mo yung mga ganyang bagay. Mahirap malayo sa pamilya.” panenermon ni Father Aries.
“Para sa kanila rin naman to.Ano bang problema, ’Dude?” naguguluhan kong tanong.
“Wala akong ganang maglaro ngayon Sam! Una na ko. Kakantot na lang ako kay Miriam.” pabalabag na sagot nito.
Mabilis na bumaba si Aries. Nagpaalam siya sa aking mga kapatid at mga magulang. Gusto ko pa naman sanang magpaalam rin sa kanya ngayong gabi pero iba talaga ang tadhana, mapangasar.
Chapter 4
CHAPTER 4
ARIES
Dalawang araw bago kami makapagtapos ay nagyaya ng inuman si Miriam sa bahay nila . Niyaya ko si Sam para maging guide ko kung sakaling malasing ako. Ang daming chicks at fuckboi sa bahay ni Miriam. Light lang ang inom ni Sam at tila abala pakikipaglandian sa mga nag gagandahang chicks. Tingnan mo nga naman kung sino pa malapit sa chicks ay siya pang virgin.
Hindi maalis ang tingin ko kay Sam lalo na nang makita kong panay ang himas ng babaeng kausap niya sa legs niya na hindi naman pinapansin ni Sam.
“Hoy, Trip mo yung girl na katabi ni Sam. Nag gu-group sex yan. Malibog pa sa akin yang girl na yan.” sambit ni Miriam na nakapansing panay ang tingin ko sa babaeng nanlalandi kay Sam.
“Wag na magkasakit pa tayo.” sagot ko.
“Malay mo naman yan ang trip ng Best friend mo?” mapangasar na sambit ni Miriam na ramdam kong nanlalandi.
“Ano ka ba? First experience niya orgy? Nakita mo namang napaka mahinhin.” sagot ko na parang lalaki rin ang kausap ko.
“Hoy, FYI, karamihan ng mahihinhin ay mahihindutin.“hirit ni Miriam sabay suntok sa aking balikat na para ring lalaki.
Sumirit ang beer na iniinom ko sa aking ilong dahil sa gulat ko sa punchline ni Miriam. Natawa si Miriam at napatitig sa aking side si Sam na napatayo sa pagaalala. Itinaas ko ang aking kamay para sabihing okey lang ako kaya bumalik si Sam sa kanyang pagkakaupo.
Minarapat kong iwan si Sam sa kanyang mga bagong kaibigan at i-enjoy ang gabi kasama si Miriam. Maaga ring natapos ang party kaya maaga rin kaming nakauwi ni Sam. Wala masyadong tama ang ininum namin pero binigyan ako nito ng sapat ng lakas ng loob para kausapin si Sam.
“Talaga bang tutuloy ka dun sa plan mo Sam?” tanong ko habang naglalakad.
“Oo naman.” mahina pero sigurado nitong sagot.
“Tangna naman Sam. Iniwan na ko ng tatay ko tapos ikaw naman ngayon.” pagbubuga ko ng nararamdaman ko na may pait at sakit.
“Aries, may sabado at lingo. Uuwi naman ako. Tsaka may phone naman.” pagpapamukha niyang tila naiintindihan ang naramramdaman ko .
“Sam, iba pa rin pag nandito ka. Natatakot akong mapariwara.” seryoso at sinsero kong sagot.
Inakbayan ako ni Sam para simulan ang kanyang napakahabang explanation buti na lang at nahinto ang aming kwentuhan ng dumaan ang pick up ng barkada kong nag offer na ibaba kami sa aming bahay. Agad naman kaming sumampa sa pick up. Napakasaparap ng hangin pero tila nilalamig si Sam kaya pinahiram ko ang aking jacket sa kanya.
Nang makarating kami sa bahay ni Sam ay napagpasyahan kong dun na lang sa bahay niya magpalipas ng gabi. Matapos namin magsepilyo ay agad akong humiga sa kama. Sumunod naman si Sam sa akin.
“Aries, Mamiss rin kita. Sobra. Pero alam mo naman na ito ang gusto ko dati pa, diba?” sundot nito.
“Tama na. Umiinit ulo.” naiinis kong sagot.
“Iinit pa rin ba ang ulo mo pag nalaman mong sa’yo ko ibibigay ang playstation ko at porn mags collection?” ipit at patiling pange-enganyo niya.
“Joke ba yan?” tumingin ako sa kanya para hintaying bawiin ang kanyang sinabi “Di nga?” sundot ko nang maramdamang seryoso ang gago.
“Oo,nga. Sinabi ko na kay Mama at Papa. PInayagan naman ako.” sagot niya.
Di ko napigilan ang saya lalo na sa porn mags kaya nahalikan ko ang kanyang noo. Namula si Sam dahil narin sa higpit ng yakap ko. Pabiro niyang pinahid ang kanyang noo matapos makawala sa aking mahigpit na pagkakayakap.
“Yuck pre, yan ding bibig na yan ginamit mo sa pepe ni Miriam.” sambit nito habang pinapahid ang makintab na laway.
“Kelan ka ba aalis? Bukas na ba?” excited kong tanong.
“Tingnan mo ’tong tarantadong to. Isang linggo mo ko halos di kinikibo tapos ngayon ok na dahil lang sa playstation at porn mags.” inis na wika niya.
“Ano ka ba? Iyon lang sapat na maalala kita araw araw. Basta wag mong kakalimutang mag text everyday. OK na yun ako na bahala kay Lisa at Sunny” bitaw ko na may pagpahalaga sa dalawang pinaka favorite naming pornstar.
“Bibigay ko na yun sa’yo pero please wag mong punitin para pwede pa nating ipamana kay Bitoy pag lumaki na.” natatawa niyang mungkahi.
Nagsimula na naman ang tawanan at tulakan sa kama. Ito ang isa sa mga mamiss ko kay Sam. Nawawala stress at worries ko kapag dagan dagan ko si Sam at sakal sakal siya para kasing ang sarap lang tingnan na di siya nagrereklamo kahit hirap na hirap na siya. Feeling ko ang lakas lakas ko kapag naghaharutan kami gayong sa aming dalawa di hamak na mas malakas naman talaga siya pero kontrolado niya ang sarili niya at higit sa lahat kontrolado niya ang emosyon ko dahil nagagawa niyang pahintuin ako kahit di ko pa gusto.
“Hoy, matulog na kayong dalawa para kayong mga bata!” katok sabay sigaw ng nanay ni Sam.
Pigil na pigil na naman ang tawa namin dahil talagang para kaming sira ulo ni Sam kapag walang nakakakita sa amin. Para kaming batang walang pakialam sa iba kahit 20 years old na kami.
Chapter 5
CHAPTER 5
SAM
Matapos ang graduation ceremony napagkasunduang nang pamilya na magcelebrate naman sa bahay nila Aries. Pigil na pigil sa saya ang mama at papa kaya ramdam kong na meron silang sorpresa sa amin. Maging ang nanay ni Aries ay tila walang mapaglagyan ang tuwa para sa amin.
Medyo nahihiya daw si Aries dahil madumi ang kanilang bahay kaya kahapon ay buong araw niya nilinis ang buong bahay. Hindi kami nagkita for the first time dahil sa hiya niyang makita ang bahay na madumi.
Habang kami ay nagpapicture malapit sa stage ay naimagine ko ang saya ng mama at papa pagnakitang nakatapos ako ng college. Parehong teacher is Mama at Papa. Sa High School si Mama at sa College naman si Papa kaya alam kong napakalahalaga para sa kanilang na ako ay makapagtapos.
Sumakay kami sa kotche habang nagtricyle si Aries at Nanay Miding papunta sa bahay. Napayakap ako sa kotche bago pumasok sa loob.
“Hoy, Aries ang sabi ko pagnakatapos ka ng college ko ibibigay ko tong si KELLY.” pangaasar ni papa.
Kelly ang pangalan ng red Toyota Corolia sasakyan dahil siya daw ang favorite artist ni papa noong bata pa siya. Nung niresearh namin ni Aries ay napag alaman naming isa palang famous pornstar ng 90s itong si Jill Kelly. Naalala ko nung nabanggit namin ito kay papa dahil binigyan niya kami ni Sam ng 200 para manahimik at noon din pinamana ni Papa ang mga ilan sa mga famous porn mags niya sa akin.
Dumerecho na kami agad sa bahay ni Aries. Tuwang tuwa si Bitoy na nakapasan kay Aries na pumasok sa bahay nila. Parang pangalawang tahanan na rin ni Bitoy at Bebang ang bahay dahil minsan ay iniiwan ni Mama at Papa ang dalawa kay Nanay Miding tuwing may lakad kami. Tita naman kung ituring ng mga kapatid ko si Nanay Miding.
May spaghetti at fried chicken sa mesa. Umalis naman saglit si papa para bumili ng ice cream na medyo natagalan dahil mahaba daw pila sa tindahan.
“Palusot ka pa, nakipagkita ka sa kabit mo kaya ka natagalan.“pangaasar ni mama sabay kurot sa utong ni papa.
Nagtawanan kami ng kumislot si papa at napa aray. Pulang pula naman si Bebang sa hiya dahil nasa ibang bahay kami samantalang walang mapaglagyan ang kilig ni Nanay Miding sa ginawa ni mama.
“Ma, punta muna ako ng bahay kukunin ko lang gift ko para kay Aries.” pagpapaalam ko mama.
“Walang aalis sabay sabay na lang tayo pumunta dun. Dun muna patulugin si Aries. Wag ka na pumunta dun. Kumain muna tapos uwi na tayo.” sambit nito.
Napahiya naman ako pero okey lang may point naman ang nanay walang reason para magmadali dahil dun naman matutulog si Aries sa bahay. Sa buong oras ay sinubukan kong hindi ma-open ang pagalis ko papuntang maynila next week pero di talaga maiwasan kaya minarapat namin ni Aries na pumunta na lang ng kusina at kumain ng kumain habang abala sa paglalaro si Bebang at Bitoy sa sala kasama sila mama at papa.
Maya maya pa ay tumayo si papa at nauna nang umalis.
“Ma, sabay na ako kay papa.” pagpapaalam ko.
“Wag na na. Sabay na tayo maglakad pauwi. Wala akong katulong sa dalawa mong kapatid.“mariing pagtutol ni mama.
Bigo na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Ang oras ay mabilis na lumipad dahil narin sa mga nakakatuwang video na pinanonood namin ni Aries kaya ako naman ang nainis ng biglang magyaya si mama na umuwi.
Gusto sana magpaiwan ni Aries pero sinabihan siya ng mama niyang sasama rin sila sa aming bahay. Nagtaka ako kung bakit pero nung makita ko ang samut saring tupperware na bitbit ni Aling Miding ay naintindihan ko nang gusto lang nitong isauli ang mga hiniram niya.
Ito na yata ang pinakamasayang paglalakad pauwi dahil nagpapalakasan kami ni Aries. Nakasampa sa akin si Bebang at sa kanya naman si Bitoy. Lugi ako dahil mas mabigat si Bebang pero tiniis ko ito wag lang matalo kay Aries. Tanaw tanaw ko ang aming bahay nang napansin kong may dalawang motor na nakaparada sa harapan ng bahay at may lobo nakasabit rito.
Nagkatitigan kami ni Aries at sabay naming binaba ang aking kapatid.
“SHIT!” sabay naming sigaw ni Aries.
“Shhhh. May mga bata.” pagsasaway ni Nanay Miding.
Nagpaunahan kami ni Aries patungo sa motor at agad itong hinawak hawakan. Para kaming mga babaeng tili ng tili sa saya. Halos maiyak naman ang aking nanay sa saya ng makita ang labis naming ligaya. Walang mapaglagyan ang tuwa namin ni Aries kaya nagyakapan kami habang natalon.
Lalo kaming naging maligalig ng iwagayway ni Papa ang dalawang susi ng motor. Nanginginig naming inabot ito pero agad din tinago ni papa.
“Mga totoy, Happy graduation gift namin yan sa inyo. Ingatan niyo yan. Wala pa kayong lisensiya kaya dito lang yan sa loob ng subdivision pwede gamitin. Next week samahan ko kayong kumuha ng lisensiya ok?”
Panay panay ang pagtango namin na para kaming mga kuting. Ibinigay ni papa ang susi at tinitigan ko siya para magpaalam kung pwede namin paandarin ito.
Tumango ang tatay pero ng may pagbabanta.
“Mag-iingat kayo. Dahan dahan ang pagpapatakbo. Kokontrolin ninyo ang bilis lalo na ngayon excited kayo. Pag-aralan kontrolin ang emosyon, Nak. Nakakamatay yan.” pagpapaalala nito.
Huminga kami ni Aries ng malalim para pakalmahin ang aming mga sarrili. Sabay naming pinatakbo ang motor at pinaikot ikot ang motor sa subdivision na parang mga tanod na nagroronda. Nakailang ikot rin kami hanggang sa napagkasunduang naming umuwi na bahay.
Pagpasok sa sala ay agad na bumungad si Bitoy para magpakarga kay Aries pero sinaway ko ito dahil alam kong pagod na rin si Aries. Nagsimula namang maginarte si Bitoy kaya nilambing naman siya ni Aries.
“Nak, may pizza diyan kumain muna kayo bago matulog. Maligo narin kayo. Ang babaho ninyo.” nangaasar na tono ni mama.
Agad kong inamoy ang aking sarili at di na ko tumutol pa sa pangaasar ni nanay. Dumaan kami sa kusina at saglit para kumurot ng pizza at uminom. Di namin ramdam ang gutom dahil na rin sa saya na aming nadarama.
Nauna na akong tumungo sa kwarto at naligo. Maya maya pa ay sumunod na rin si Aries.
Nakahilata na ako sa kama ng tumabi si Aries.
“Sunny ang pangalan ng motor ko, Anong sa’yo?” pagod pero natatawang pagkakasabi nito dahil sa pinangalanan niya rin sa sikat na pornstar ang kanyang motor.
“Eh di Lisa.” pagod ko ring sagot.
SAbay kaming hikbi sa aming kagaguhan. Antok na antok na ako ng sabunutan ako bigla ni Aries.
“Aray, puta!” napamura kong sagot sa kanyang panghaharot.
“Hala grabe!… Salamat ang saya saya ko ngayon” sambit niya sa tonong nagbigay antok sa akin.
“Bakit sa akin ka nagpapasalamat?” tanong kong sabay hikab.
“Dahil ikaw at ang pamilya mo ang kumumpleto ng araw ko” sundot niya.
Napalunok ako sa napakasentimental na pagkakabigkas ni Aries na nakatitig sa ceiling fan.
Lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya at nilagay ang kanyang ulo sa aking dibdib. Nilagay ko naman ang aking baba sa ibabaw ng kanyang ulo.
“Sam, bakit wala kang suso?” natatawang sambit nito.
“Puro ka talkshit Aries. Tulog na, antok na ako.” inaantok kong sagot.
Umalog alog ang katawan ni Aries kakatawa. Ang kanyang tawa ay lalong nagpa-antok sa akin. Unti unti kong pinikit ang aking mga mata hanggang sa tanging dilim na lang ang yumakap sa buo kong paningin.
Chapter 6
CHAPTER 6
ARIES
Maaga akong nagising dahil biglang sumampal sa aking mukha ang kamay ni Sam. Iba talaga to si Sam, sa wrestling siya talo pero sa tulog siya lagi nakakaganti dahil kundi sipa ay sampal ang binibigay sa akin. Nahiya naman ako ng naramdaman kong nakadikit ang kanyang binti sa aking burat na tirik na tirik kaya maramhan inangat ang kanyang binti para ako ay makatalikod.
Saglit akong nakaidlip muli at sa pangalawang pagbangon ko ay naramdaman kong nakayakap si Sam sa akin at nakatutok ang kanyang burat sa aking pwet. Napakislot at napapikit ako sa takot. Puta! Baka magahasa ako ni Sam. Maraman na naman akong lumayo pero hinatak ako ni Sam papalapit.
“Dito ka lang dude. Re-rape in kita.“malalim na tila malaking mama na pagkakasambit nito.
“Tangna mo. Manyak.” sambit ko sabay tulak kay Sam.
“Joke lang ito naman!“pabirong sagot ni Sam. “Aries, nasa tabi ng kabinet yung box na naglalaman ng mga pamana ko sa’yo. Ingatan mo yon!”
Muli ko na namang naalala ang nalalapit na pag-alis ni Sam kaya sinalubong ang aking umaga ng lungkot. Nawalan ako ng ganang matulog pa muli kaya nang makaidlip si Sam ay agad na rin akong umalis. Iniwan ko na muna ang box para may dahilan ako mamayang bumalik at kunin ito.
Nagpunta ako sa kusina at nakita ko ang mama ni Sam na naghahanda ng almusal.
“Hindi ka ba dito mag-aalmusal nak?” tanong nito.
“Di na tita. Tita, Salamat sa gift ninyo ni Tito.” malungkot kong sagot.
“ ’No ka ba? Para ka namang others tsaka hati kami ng nanay mo diyan sa motor mo.“ pag-babalita nito na ikinatuwa ng aking puso.
“Kahit pa tita. Salamat talaga.” walang katapusan kong pagpapasalamat.
“Walang ano man nak. Hoy! Baka naman di ka na dumalaw sa bahay kapag umalis na si Sam? Malilintikan ka talaga sa akin” pagbabanta nito na lalong nagpalambot ng aking puso.
Di ko namalayang pumatak na pala ang luha ko ng mabanggit ni tita na aalis si Sam. Lumapit si tita at niyakap ako, “Wag ka nang malungkot. Naku, kung alam mo lang. Mas nalulungkot si Sam kasi wala siyang kilala dun.”
Suminghot ako para pigilin ang paglabas ng aking sipon. Nagmano kay tita at nagpaalam. SAkay sa aking bagong motor ay naisipan kong dumaan muna sa plaza para makapagisip-isip. Gusto kong sundan si Sam pero gusto ko muna bigyan ng konting panahon ang sarili ko para makapag-ipon para naman pag-nagsimula ako dun ay di ako maghirap. Alam kong mas malungkot si Sam kaya dapat akong maging mas matatag at supportive sa kanya. Malay mo naman yumaman siya sa career na pinili niya eh di matutulungan din niya ako in the near future. Suportahan lang. Ganyan naman kaming dalawa. Lagi. Lagi lagi.
Umuwi ako ng bahay ng may bagong positibong pananaw sa buhay. Susuportahan ko si Sam sa pangarap niya at susubukang ding magpatuloy sa laban ng buhay ng wala si Sam. Nakakalungkot lang baka mamaya baguhin ng panahon ang aming pagsasama. Makalimutan niya ako. Makalimutan niya lahat.
Chapter 7
CHAPTER 7
SAM
Ngayong araw din ang alis ko patungo sa bahay ng Tita ko. Napansin ko na nakalimutan ni Aries dalhin ang gift ko sa kanya kaya idadaan ko na lang sa bahay niya ito mamaya. Hindi ko na sinabi sa kanya na ngayon ang alis ko dahil baka lalo lang siyang maging sentimental at tsaka babalik naman ako agad matapos kong makapagenroll kaya minarapat kong manahimik.
Hapon na nang umalis kami ng bahay saglit ako tumungo sa bahay ni Aries para idaan ang gift at makapagpaalam. Sinalubong naman ako ng nanay ni Aries para kunin ang kahon at sinabing may date daw si Aries at Miriam.
Nalungkot akong natutuwa dahil di ko nakita si Aries at dahil hindi na kailangang magpaalam pa. Anyway, magkikita rin naman kami agad agad dahil kailangan ko lang mag-enroll at dito na muna ako sa bahay mag-stay hanggang magsimula na ang pasukan.
Halos tatlong oras din ang biyahe papuntang Quezon City kung saan nakatira si Tita Inday na bunsong kapatid ni Mama. Excited si Tita Inday dahil magkakaroon na siya ng kasama sa bahay. Lahat ng anak niya ay nasa ibang bansa kaya medyo nangungulila siya. Inilibot ako ni Tita sa buong bahay at natuwa ako ng makita ang aking kwarto. Apakalaki!
May mesa para sa aking pagaaral at kabinet para sa aking mga damit. Tinulungan ako ni Bebang at Bitoy na tangalin sa maleta ang aking mga damit kahit halos magkandagusot ang damit sa hampasan at hatakan nilang dalawa. Mamiss ko tong dalawang to. Dito na napagpasyahang matulog ng aking mga magulang para samahan ako sa unang gabi ko sa bahay ni Tita. Ang daming pagkaing ipinahanda ni Tita Inday sa katulong pero wala talaga akong ganang kumain lalo nga ngayon lingo na sanay akong kasama si Aries sa hapag kainan.
Matapos naming kumain ay agad naman akong tumuloy sa aking kwarto kasama si Bitoy at Bebang para manood ng Peppa Pig habang patuloy sa kwentuhan sila papa, mama at tita. Nagtatawanan na kami ng biglang nag text si Aries.
Supot: Tangna mo! Di ka man lang nagsabi.
Nabasa ni Bebang ang text.
“Who’s supot kuya?” tanong ni Bebang
“Si Bitoy.” sagot ko kaya sinuntok ako ni Bitoy sa braso.
“Joke lang. Hiram ka muna ng cellphone kay mama text ko lang si Aries.” pagmumungkahi ko.
“O.M.G. Supot si Kuya Aries.” gulat na reaksyon ni Bebang
Natawa ako kaya tinulak ko na silang dalawa at nang lubayan nila ako.
Me: Dumaan ako kanina sa bahay ninyo.
Supot: Kagabi diyan ako natulog. Ba’t di ka nagsabi?
Me: Tapos ano? Mag iinarte ka?
Supot: Hindi. Ready na nga ako eh. Pero sana nagpaalam ka man lang.
Me: Sorry na ’Dude. Balik naman din ako agad. Enroll lang ako
Supot: Kelan?
Me: Soon.
Supot: Leche, Kelan nga?
Me: Baka sa ikatlong lingo.
Supot: Text mo ko ha.
Me: Oo. Musta date ninyo ni Miriam?
Supot: Nagbreak na kami.
Me: Bakit?
Supot: Hindi naman ako masaya dun
Me: Chinupa ka na nakantot mo na, di ka pa masaya?
Supot: Tsaka ko na lang kwento sa’yo pag di kana virgin. Hahaha
Me: Maglaro ka na lang muna diyan. Nilagay ko sa box yung playstation.
Supot: Ayoko. Wala ka naman.
Me: Magjakol ka lang andyan din yung mga mags.
Supot: Mamaya pag ginanahan ako.
Me: Sige chat later. Nanonood kami ng Peppa pig..
Supot: Peppa o Pepe?
Me: Ulol. Libog mo.
Supot: Sorry po Father. Sige bye. Ingats. Mamiss kita ’Dude! Kaya mag text ka. Lagi. Okey?
“Hala kuya may sira na ulo mo. Nangiti ka mag-isa.” pangaasar ni Bebang.
“Halika nood na tayo.” pang-iimbita ko.
“Wag na kuya. Tulog na daw kami sabi ni Mama. Goodnight.” pagpapaalam nito.
“Dito na kayo matulog sa kama ko. Ang laki kaya nito.” pamimilit ko na may pagpalo sa kama.
“Ayoko nga! ang baho mo. Amoy putok ka kaya.“pangaasar ni Bebang
“Ang arte mo. Masanay ka sa amoy ng lalaki kundi hindi ka magkakaboyfriend.” pangiinis ko.
“Wag na kuya. Magtotomboy na lang ako.” nakangising sagot nito.
Natawa ako sa napaka-casual na sagot ng kapatid ko. Iba na talaga mga kabataan ngayon. Muli kong binalikan ang convo namin ni Aries at naramdaman kong naiinis na namiss niya ako. Nireview ko ang aking gallery at doon ay nanumbalik ang isang libong alaala ng kagaguhan namin ni Supot hanggang sa balutin ako ng antok.
Chapter 8
Isang buwan ang lumipas…
CHAPTER 8
ARIES
Ngayon ang unang balik ni Sam sa bahay nila kaya excited akong bumangon at nagmotor papuntang palengke para bumili ng sariwang tulingan na iihaw namin at pagsasalu-saluhan. Alas 9 palang ay nagpunta na ako sa bahay nila tita at katulad ko ay excited din si Bebang at Bitoy na makita ang kuya nila. Sabay sabay naming pinagsaluhan ang nilutong spaghetti ni Tita habang abala si tito sa pagchecheck ng sasakayan.
Nagpapabaga na ako ng mga bandang 10 ng uling ng iwanan sa akin ni Tita si Bebang at Bitoy para sunduin si Sam sa terminal. Inutusan ni tita si Bebang na linisin ang kwarto ni Sam. Habang abala naman si Bitoy sa paglalaro sa cellphone ko. Sana lang ay wag makita ni Bitoy ang mga porn video ko na nakalagay sa isang folder. Sabagay ano ba naman ang kayang gawin ng six years old sa phone.
Naalala ko kagabing halos alas 11 na akong nakatulog kakatext kay Sam. Meron daw siyang dalawang bagong porn mags para sa akin na featuring daw si Jenna Jameson. Ang bagong pantasya naming mga bagets dahil na rin sa Double Penetration skills niya.
Mga dalawang buwan daw siyang magstay dito sa kanilang habang naghihintay ng official klase kaya natuwa naman at nagplano ako ng isang linggong tour ng nakamotor papuntang Batangas. Talagang doble kayod ko para makaipon at mailibre si Sam. Blessing in disguise na rin ang pagkakahiwalay namin ni Miriam na agad rin namang nagkaroon ng boyfriend dalawang araw matapos naming maghiwalay.
May nakapagsabi kasi sa aking nakikita daw si Miriam madalas kasama ang isang lalaking pamilyado na pumapasok sa Hotel. Hindi naman sana ako maniniwala kung hindi sana pinakita sa akin ang photo ni Miriam na naka palupot ang kamay sa bisig ng lalaki malapit sa receiving desk ng hotel. Hindi ko na binaggit kay Miriam ang dahilan dahil it doesn’t worth the effort. Hindi ko naman talaga mahal si Miriam. Masarap lang talagang na may pinagbabaunan ang burat dahil gusto rin naman niya. Ayoko lang masira ko diskarte ni Miriam sa buhay sa tingin ko sa mga bagong damit at pabango ni Miriam ay may dahilan siya kung bakit siya kumakabit sa may asawa. I won’t judge. Sino ba naman ako?
Luto na at handa na ang hapag kainan ay wala pa ring Sam na dumarating. Kaya tumungo ako sa kwarto ni Bebang para kunin ang phone kay Bitoy.
“Kuya, nakacharge yung phone mo kasi nalowbat kanina nung naglalaro ako.” sagot ni Bitoy habang gumagawa ng eroplanong papel.
“Kuya, Malapit na ba sila Kuya Sam?” tanong naman ni Bebang na halatang naiinip na kakahintay.
“Teka, tawagan ko.” sagot ko naman para ibsan ang pagaalala ni Bebang.
Kinuha ko ang phone at binuksan ito. 7 Missed Calls mula kay Sam ang agad na bumungad sa akin kaya nag call back agad ako. Dalawang beses akong tumawag pero di sinasagot ni Sam hanggang sa ikatlong tawag. Mumurahin ko sana si Sam pero napatahimik ng marining kong umiiyak si Sam sa kabilang linya.
“Ar…Aries…” paputol putol nitong sagot, “Patay na sila mama at papa.” sabay iyak ng malakas ni Sam.
Hindi ako nakagalaw. Hindi ako nakahinga dahil ramdam ko ang mabigat na pag-guho ng mundo ni Sam.
Chapter 9
CHAPTER 9
SAM
Hindi ko lubos maisip ang biro ng tadhana. Kani-kanina lang ay excited akong naghihintay sa terminal sa pagdating ni mama at papa nang bigla akong nakareceive ng tawag mula sa hospital. Nabangga ng isang truck na nawalan ng preno ang sasakayan nila papa. Napisat ito sa may dingding malapit sa poste ng Meralco. Awang-awa ako sa duguan at lasog lasog na katawan ng aking mga magulang nang ipa-identify sila sa akin sa morgue. Dead on arrival ang aking mga magulang. Galit na galit ako sa driver na kasalukuyang ginagamot din sa mismong hospital. Susugurin ko na sana siya nang makita ko ang tatlong maliliit na batang nagiiyakan dahil sa pagaalala sa kanilang Ama. Naalala ko si Bebang at Bitoy. Pare-pareho kaming nawalan.
Huminga ako ng malalim. Babaliktad ang mundo ko. Sana kayanin ko sa mura kong edad ang aking kakaharapin. Maraming tagubilin ang sinabi ng doctor sa akin pero minarapat kong umupo at bigyan ang aking sarili ng space at panahon para makapag-isip.
Tinawagan ko si Aries nang makailang ulit pero di ito sumasagot. Tumawag din ako sa aking tita na nahigh-blood sa balitang aking ipinaalam buti na lang at nandun ang katulong para alagaan siya.
Wala akong magawa. Wala rin akong maisip. Di ko alam kung ano ang uunahin ang magluksa para kay mama at papa o ang magalala para kay Bebang at Bitoy. Maya maya pa ay tumawag si Aries. Hindi ko na napigilan ang aking lungkot ibinalita ko agad na patay na si Mama at papa.
“Shhh… Focus… Nasan ka?” tanong ni Aries na alam kong sinusubukang maging mahinahon.
“Dito ako sa hospital. Di ko alam gagawin ko Aries.“tulala kong sagot.
“Shhhh.. Tahan na.. Tahan na… Pupunta na ako diyan. Iiwan ko lang si Bebang at Bitoy kay Mama. Ok?” mabilis pero malinaw na sambit nito.
“Aries, Bilisan mo.” utos ko sabay hinga ng malalim.
“Oo. Basta dyan ka lang. Umupo ka at hintayin mo lang ako.” utos din niya.
“Magiingat ka sa daan. Please.” pakikiusap ko.
“Oo. promise yan” sagot niya na may paninigurado.
Halos mag-iisang oras na nang makarating si Aries sa hospital. Basang basa ko ang matinding lungkot at pag-aala ni Aries para sa akin kaya agad niya akong nilapitan at niyakap. Hindi ko na na-kontrol ang paglulupasay. Sinalo niya ako at hinigpitan ang kanyang pagkakayakap habang halik halik ang aking ulo kasabay ng mahahaba at paulit ulit na “shh… Tahan na… Andito na ko… Kaya natin to.”
Lumapit ang attendant sa akin at agad namang sinalo ni Aries ang atensyon para kunin rin ang mga tagubilin at instruction para sa sabay na pagrelease ng mga bangkay.
Iba talagang kaming magkaibigan ni Aries. Ako ngayon ang taya sa laro ng buhay kaya siya ang sasalo sa akin. Nanghiram si Aries ng papel at lapis sa nurse para isulat lahat ng instructions and procedures na ipinag utos ng attendant. Maya maya pa ay lumapit siya sa akin.
“Ganito gawin natin Sam. Uuwi tayo ng bahay tapos iiwan ko sayo yung mga kapatid mo habang ako at si mama ang magaasikaso nito.” pagpapaliwanag niya.
“Alam na ba ng mga kapatid ko?” tanong ko.
“Hindi pa… kaya please magpakatatag ka.” direktong sagot nito na nagpabigat sa akin dibdib.
“Sam? Focus… Katulad ng sinasabi mo sa akin nung iniwan ako ni papa.. Move forward tayo. OK?” sambit niya habang hawak hawak niya ang aking mukha para tumitig ako sa kanya. “Walang kakapitan si BEbang at Bitoy bukod sayo. Kaya kapag ready ka na ay agad tayong aalis dito papunta sa bahay. Sabihin mo lang kung handa ka na.”
“Dapat nandun ka kapag sinabi ko sa kanila.” naluluhang sambit nito.
“Kung yan ang gusto mo sige! Andun ako. Pero ngayon hinga ng malalim at kumalma ka at sabay nating harapin ito.” pamimilit niya para bitbitin ko ang aking sarili.
Umalis siya saglit para bumili ng tubig sa canteen. Mga ilang ilang minuto ang nakalipas ay nagyaya na rin akong umuwi.
Apakahigpit ng pagkakayakap ko kay Aries habang binabaybay namin ang kalsada patungo sa kanilang bahay. Ito na yata ang biyahe na gusto kong tumagal dahil hindi ako handang ibalita ang isang bagay na ikaguguho ng mundo sa murang edad ni Bebang at Bitoy.
Nang makarating kami sa entrada ng subdivision ay saglit kong pinahinto si Aries para bigyan ako ng konting panahon para maihanda ang aking sarili para sa aking mga kapatid. Buong tiyaga naman akong hinintay ni Aries na nakatayo malapit sa akin.
Mula sa gabing ito ako ang magiging ilaw at haligi ng tahanan. Kaya ko ba? Kaya ko ba talaga?

