EIKO : BitterSweet Love - COMPLETED
YorTzekai · 24 chapters · 25,523 words
PROLOGUE
PROLOGUE
Sa mundong hinuhusgahan ang ikatlong lahi at inaapi ang mga mahihirap. May isang batang mangangarap na maiahon ang sarili at pamilya sa dusa at putik.
Nangakong hindi na magpapa api sa kahit sino,dahil ayaw na nyang maranasan ang dating buhay kung saan walang nagpapahalaga sa kanya at sa pamilya nya.
Sa murang edad ay naranasan ang lahat ng dagok ng kapalaran.
Sa kanyang paglaki at kanyang pagbangon,nangako syang babalikan at ipapakita nya sa mga taong nang alipusta sa kanyang pamilya na hindi sya titigil hanggat hindi nararanasan ng mga ito ang mga naranasan nya at ng pamilya nya noon.
Ngunit gayunpaman,kahit may kinikimkim sya at nabubuong plano ay nanatili syang masayahin,isang bagay na nagpapatunay kung gaano sya katatag.
Pero paano kung muling maglaro ang tadhana? Na ang taong mamahalin nya ay may kinalaman o may koneksyon sa kanyang nakaraan? Mapaghandaan nya kaya ito?
Subaybayin natin ang buhay at buhay pag-ibig ni EiKO :]
Sweet#1 >
Bata pa lang ako,siguro mga limang taong gulang ay alam ko ng kakaiba ako sa mga kapwa ko batang lalaki. Maaga ko yon tinanggap,hindi ko naman kasi mapipili kung anong buhay ang gusto ko,kusa lang ito. Nagsimula yon ng mga panahong binibilhan ako nina Inay at Itay ng laruang mumurahin na sasakyan,hindi ako nagka interes,bagkus naiinggit ako sa mga batang babae naming kapitbahay na naglalaro ng mga manika.
Mahirap lang kami,si Inay ay gumagawa ng mga basahan gamit ang luma naming makina,si Itay naman ay nagtitinda ng streetfoods,ang kuya ko naman sa palengke nagtatrabaho bilang isang boy. Maaga din ako tinanggap ng pamilya ko,wala ako narinig na pangungutya mula sa kanila.
Sa squatter area kami nakatira,masikip,mabaho,pero ganun talaga,akala ko ang normal at mahirap naming buhay ay mananatiling ganun hanggang sa sunod sunod na dumating ang dagok ng tadhana sa amin na syang nagbago sa buhay ko.
Ako si Eiko Bermudez,samahan nyo akong balikan ang aking nakaraan hanggang sa makarating tayo sa aking kasalukuyan.
“Hoy! Anong tinitingin tingin mo dyan ah?” pasigaw na sabi sa akin ng kapitbahay naming bata,naglalaro kasi sila at naiinggit ako.
“Wala lang,pwede ba ako sumali?” sabi ko pa,umaasa na isali nila ako sa laro nilang patentero.
“Bawal ang bakla dito! Hindi ka pwede!” sigaw naman nung isang batang babae,halos magkaka edad lang kami,hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kanila at ganyan sila kagalit,gusto ko lang naman ng kalaro.
“Sige na,pasali ako” pagpupumilit ko pa.
“Ang kulit mo! Sabing hindi pwede ang bakla! Saka ang payat mo! Baka mabali buto mo samin!” sabi naman ng ikatlong bata at tinulak pa ako dahilan para matumba at mapasadsad ako sa lapag. Masama ang loob ko,ilang beses na nila ginawa sakin ito pero hindi ako sumuko,gusto ko kasi ng kaibigan.
Kahit naninikip na ang dibdib ko at gusto ko na umiyak ay pinigilan ko na lamang,lalo lang nila ako aasarin at aawayin.
Tumayo ako at pinagpag ang sarili at nagmadaling tumalikod,tumutulo na kasi ang luha ko.
Ano bang mali sa akin at ayaw nila ako kalaro? Hindi ko naman ginusto na maging ganito.
Tumatak sa akin ang pangyayaring iyon,hindi na muli ako nagtangka lumapit o kausapin sila para isali ako sa kanilang laro,sa mura kong isip nagkimkim na ako ng sama ng loob sa kanila.
Lumipas ang panahon,grade 6 na ako sa isang pang publikong paaralan,si Kuya hindi na nag aral,ako na lang daw ang mag aral at sila ang maghahanap buhay, third year high school na dapat sya,gwapo si kuya,madami nagkakagusto sa kanya,pero pag nalalaman nilang isang boy sa palengke si kuya ay parang nandidiri sila,hindi naman yon pinapansin ni Kuya dahil mas importante daw kami sa kanya.
At ako naman habang lumalaki ay mas nagiging mabibigat ang mga pangungutyang nararanasan ko dahil sa aking sekswalidad at estado sa buhay. Kumbaga sa school,loner ako,Im nobody ika nga,pero hindi ko ininda yon,hindi ko na din hinangad na magkaroon ng kaibigan.
Dahil sa tuwing uuwi ako sa bahay,sa aming maliit at tagpi tagping bahay ay dun ako nakakaramdam ng ibayong saya, dun ako nakakatawa at nakakangiti ng totoo. Dahil kahit kapos kami ay masaya kami,lagi nagbibiro sina Itay at kuya na talagang ikinakatawa namin ni Inay.
Isang hapon,practice yon ng graduation,umuwi akong excited kahit pagod sa paglalakad papunta at pauwi ay excited ko sanang ibabalita kina Inay,Itay at kuya na nagsimula na ang practice at gusto ko sila isurprise.
Ngunit ako pala ang masosorpresa sa naabutan ko. Nanginig ako,nanlambot at nag iiyak.
AN ~ MUSTA? Ano masasabi nyo? Comments and Votes po :)
Sweet#2 >
Isang hapon,practice yon ng graduation,umuwi akong excited kahit pagod sa paglalakad papunta at pauwi ay excited ko sanang ibabalita kina Inay,Itay at kuya na nagsimula na ang practice at gusto ko sila isurprise.
Ngunit ako pala ang masosorpresa sa naabutan ko. Nanginig ako,nanlambot at nag iiyak.
Nasusunog ang lugar namin,malaking malaki ang apoy,madaming tao ang nagkakagulo may mga bumbero na din ngunit hindi masyadong makapasok dahil sa masisikip na daanan.
Gumapang ang kilabot sa katawan ko,kailangan ko makita sina Inay! Agad akong tumakbo papunta sa lugar namin.Hindi ko alintana ang mainit na temperatura, malapit na sana ako sa eskinita namin ng may pumigil sa akin.
“INAY! ITAY! KUYAAA!!”
Marahas kong nilingon ang kung sino mang pumigil sa akin.
Si kuya pala,ang dungis na din nya at halatang kakagaling lang sa pag iyak.
“Bakit mo ako pinigilan kuya? Iligtas na natin sina Inay at Itay!” umiiyak kong sabi habang hinihila sya. Wala ako pakialam sa init,ang tanging gusto ko lang ay mailigtas ang mga magulang namin.
“Eiko wala na sina Inay at Itay!” bulyaw sa akin ni kuya,hindi kasi ako tumigil sa kakahila sa kanya eh.
Ng marinig ko yon,para akong biglang nanlamig,nawalan ako ng lakas,maagap akong nasalo ni Kuya na ngayon ay umiiyak na rin.
“Pano nangyari yon kuya? Hindi yon pwede! Hindi totoong patay sina Inay at Itay! Aattend pa sila sa graduation ko!” humahagulhol kong sabi,niyakap ako ni kuya ng mahigpit,ramdam ko din ang bawat paghikbi nya,hudyat na nagpipigil syang ilabas ang matindi nyang emosyon.
“Tahan na Eiko,tanggapin na lang natin na wala na sila” pag aalo pa din sa akin ni kuya.
“Kuya bakit naman ganun?” patuloy ko pa ding pag iyak. Ang hirap kasi tanggapin eh, sila na nga lang ang katuwang namin ni Kuya nawala pa sila. Mahal na mahal ko sina Inay at Itay,at ganun din naman si kuya.
Hinila ako ni Kuya palayo sa lugar ng sunog. Ng makalayo na kami ay saka sya humarap sa akin.
“Makinig kang mabuti Eiko” ani kuya,tango ang sagot ko habang nagpipigil ng mga hikbi.
“Ngayon,dalawa na lang tayo,gusto ko lalo mong pagbutihin ang pag aaral mo,hindi ka titigil,tutuloy ka sa high school at ako naman ay magtatrabaho,magtulungan tayong dalawa,wala na tayo ibang aasahan,alam kong ito din ang gusto nina Inay at Itay,magsisimula tayo ng panibagong buhay” mahabang sabi ni Kuya.
Pilit kong itinatak sa aking puso at isipan ang kanyang mga sinabi,tama si kuya.
“Dapat maging matatag at matapang ka Eiko” dagdag pa ni Kuya.
“Pero kuya,paano yon? Wala na tayong damit at bahay,san tayo? Graduation ko na sa isang linggo kuya,Valedictorian po ako” nag aalala ko pa ding sabi.
Nagliwanag ang mukha ni kuya at nagningning ang kanyang mga mata sa sinabi ko.
“Talaga? Ang galing naman ng baby sister ko! Mana kay kuya!” naka ngiti pa nyang sabi at ginulo ang buhok ko,napangiti na din ako dahil dun.
“Opo kuya”
“Huwag kang mag alala bunso,may pera pa tayo,yun agad ang pinakuha nina Itay sa akin kanina ng nagsisimula pa lang ang sunog,ipon nila para sayo,parang alam na nila ang mangyayari,may mga damit din na nailigtas ko pa,ngunit ng bumalik ako tinutupok na ang bahay natin ng malalaking apoy” paliwanag ni Kuya at niyakap ako. Muli umiyak kaming dalawa sa pagkawala ng mga minamahal naming magulang.
“Eron,Eiko!” may tumawag sa amin kaya nilingon namin ito ni Kuya.
AN ~ MUSTA Po? Magandang gabi din! =D COMMENTS naman dyan :3
Sweet#3 >
“Eron! Eiko” tawag sa amin kaya nilingon namin ni kuya.
“Enzo? Pano mo nalaman?” takang tanong ni Kuya. Sya si Enzo kaibigan ni Kuya,nakilala nya daw noon sa labas ng isang university, gwapo sya at mayaman, isang beses pa lang sya nagpunta sa bahay dati. Third year o fourth year high school ata to o first year college,hindi lang ako sigurado.
(AN/ Kung matatandaan nyo si Enzo, sya yung sa book2 at book3)
“Napadaan kasi ako at nakita kong nasusunog dito,kinabahan ako kasi alam ko sa inyo yon. Buti ligtas kayo? Nasan sina Tito at Tita?” nag aalala pa nitong sabi. Hindi kami agad naka sagot ni Kuya.
“Im sorry” sabi pa nya ng marealize nya siguro ang sitwasyon.
“Tol pwede mo ba kami tulungang humanap ng matutuluyan ng kapatid ko? Kahit isang linggo lang habang naghahanap ako ng bagong trabaho,graduating kasi si Eiko at valedictorian sya” pakiusap ni kuya, maging ako ganun din ang gusto sabihin pero nahihiya ako.
“Talaga? Ang talino talaga ni Eiko! Sige tol, sa bahay muna kayo tumuloy,tiyak naman na maiintindihan kayo nina Mama at Papa dahil minsan ko na kayong naikwento sa kanila” sagot nito, agad akong nakaramdam ng ginhawa,si kuya naman ay napangiti. Napaka baet pala talaga ni kuya Enzo.
“Talaga tol? Salamat ng marami ah? Pasensya na din” ani kuya.
“Wala yon,ganyan naman talaga magkakaibigan saka sukli ko ito sa kabaitan sa akin nina Tito at Tita, at yung sa trabaho? Tulungan kita makapasok sa P2 restaurant,alam mo naman diba na working student ako” mahaba pang sabi ni kuya Enzo.
Laking pasalamat ko sa panginoon na may taong handa kami tulungan ng bukal sa dibdib. Hindi ko alam ha,pero unti unti ko na syang nagugustuhan.
Bitbit ang kaunting damit ay sinama nya kami sa kotse nya, habang nasa byahe ay pinag uusapan ni kuya Enzo at kuya ang mga nangyari. Nakakalungkot lang,na ni bangkay ng mga magulang namin ay hindi namin makuha dahil walang natira maging abo. Pero bukas na bukas magpapasama ako kay kuya para balikan ang lugar na yon.
Pumikit ako dahil nakaramdam na ako ng antok at ngayon lang din ako ginupo ng pagod.
Ng makarating kami sa bahay ni Enzo ay halos lumuwa naman ang mga mata namin ni kuya, napaka rangya pala ng buhay nya eh,bakit kailangan nyang magtrabaho pa?
Ilang saglit pa pinakilala nya kami sa mga magulang nya na tinanggap naman kami ng buong puso,napaka bait nila,hindi ko tuloy maiwasang maiyak na naman.
Bago kami kumain ay dinala kami ni kuya Enzo sa isang silid na walang gumagamit, kami daw muna gagamit noon habang nandito kami sa kanya. Pinaligo na nya kami dahil nga ang dungis na namin ni Kuya at amoy pinaghalong usok at kahoy na sunog kami.
Matapos namin maligo ay tinawag na kami ni kuya Enzo,handa na daw ang hapunan. Pakiramdam ko sya ang anghel namin ni kuya,napaka perpekto nya sa paningin ko,napaka gwapo,napaka baet, dati naman hindi ko sya binibigyang pansin, pero ngayon,sa mura kong edad,alam ko,gusto ko na sya. Biglaan pero yon talaga ang naramdaman ko.
Ng nasa hapag na kami ay halos hindi naman ako makakilos kahit gutom na gutom na ako at mukhang masasarap ang mga nakahandang pagkain. Pano ba naman hindi ko alam kung pano kakain, sanay ako magkamay kahit pa sabihing marunong naman ako gumamit ng kutsara at tinidor.
“Ija,kumain ka na,wag ka na mahiya” naka ngiting sabi ng mama ni kuya Enzo. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kuya ko na nakangiti naman.
“Ma,lalaki po yang si Eiko” sabi ni kuya Enzo.
“Oh,Im sorry Eiko” paumanhin nito at ngumiti naman ako.
“Pero mukha syang babae ah, Eiko ijo, are you a?” nag aalangang sabi naman ng Papa ni kuya Enzo,hindi ko alam kung sasagot ako o hindi,kaya nilingon ko si kuya Eron para humingi ng saklolo na agad naman nitong na gets.
“Tito,tita,opo dalaginding ang kapatid ko” sabi ni kuya na ang lapad pa ng ngiti. Gusto ko tuloy bigla na lang maglaho. Hindi naman ako nahihiya sa sekswalidad ko,diba nga maaga ko itong tinanggap,kaya lang nakakahiya pag matanda na ang nagtatanong.
Ngumiti ang mag asawa at si kuya Enzo sa sinabi ni Kuya.
Ang gwapo ni Enzo lalo na pag naka ngiti! Hayup lang,biglang bumilis tibok ng puso ko!
“Pero kahit ganyan po si Eiko,mahal na mahal ko yang kapatid ko,pati sina Inay at Itay mahal na mahal sya,Valedictorian nga po yan sa school nila ngayong graduation nila” buong proud na pagmamayabang ni kuya sa mga ito na kumikinang pa ang mga mata,para naman silang namangha sa mga narinig nila kay kuya kaya nabaling ang atensyon nila sa akin. Bago ako sumagot ay nagpaalam muna ako kung pwede ba magkamay sa pagkain? Pumayag naman sila, kahit naman kase nagkakamay ako sa pagkain ay masinop ako at hindi balahura noh!
Matapos ng hapunan ay kinausap ako ng mga magulang ni kuya Enzo habang si kuya naman ay nasa kwarto ni kuya Enzo,binibigyan kasi sya ng damit.
“San ka nag aaral Eiko?” ani Tita.
“Sa Poblacion Elementary po” magalang kong sagot.
“Ikinalulungkot namin ang nangyari sa inyo, at saka nga pala may mga polo pa dyan na luma ang kuya Enzo mo,yun ang gamitin mo,pati sapatos,mabuti na lang hindi namin itinapon” sabi pa nito.
“May short ka pa bang gagamitin sa school?” tanong naman ni Tito.
“Meron po,dalawang piraso nailigtas ni kuya” magalang ko ulit na sagot.
Bago matulog ay inayos namin ni kuya ang silid na gagamitin namin at ang mga bago naming damit. Pagkatapos non ay nagdasal kami. Isang dasal na alay sa aming mga magulang.
Hiniling ko sa Diyos na patnubayan kami ni Kuya,ipinagdasal ko rin na kung nasaan man sina Inay at Itay ay sana nasa maayos sila,at ang huli ay ipinagpasalamat ko sa kanila ang pagiging mabaet at pagtanggap sa amin ni kuya Enzo at ng pamilya nya.
Bago ako pumikit ay inisip ko ang mga bagay at hakbang na dapat ko gawin hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
AN ~ Musta? Maikli ba? Bawi na lang ako sa next UD :]
VOTES AND COMMENTS ARE VERY MUCH WELCOME :D
Sweet#4 >
Dumating ang araw ng graduation ko, si kuya ang nagsabit ng mga medalya sa akin. Noong oras na ng valedictorian speech ko,hindi ko na napigilan ang pagluha,sana nandito sina Inay at Itay para masaksihan nila ang isa sa mga tagumpay ko sa buhay. Ang lahat ng ito ay para sa kanila.
Habang sinasabi ko ang aking speech ay hinayaan kong tumulo ang aking mga luha,hinihiling ko na sana maging inspirasyon ito sa mga tulad ko.
Karamihan sa mga magulang ay nakita kong umiiyak dahil sa mga sinabi ko. Si kuya Eron ganun din,nakangiti habang tumutulo ang luha. At ng bumaba ako sa stage,sinalubong ako ni kuya ng mahigpit na yakap. Ramdam ko ang pagmamahal sa akin ni kuya.
“Sobrang proud ako sayo Eiko,at alam ko ganun din sina Inay at Itay, mahal na mahal kita kapatid ko” sa sinabing iyon ni Kuya ay lalo ako napaiyak.
“Salamat po kuya,mahal din po kita” humihikbing sagot ko.
“Eiko,huwag mong hayaang ma api ka ulit tulad nung bata ka pa,lumaban ka, ipakita mo sa lahat na hindi porket ganyan ang iyong sekswalidad ay magpapatalo ka na,ipakita mo na iba ka okay?”
“Opo kuya”
Pag uwi namin sa bahay nina kuya Enzo ay may maliit na salo salo. Naiyak ako dahil kahit hindi ko sila kadugo ay itinuring din nila akong anak,nagpasalamat kami ni kuya Eron sa kanila at ipinaalam ni kuya Eron ang pag alis namin kinabukasan
Nalungkot sila,maging ako nalungkot din,minahal ko na sila,lalo na si kuya Enzo na malaki na ang nasakop sa puso ko. Walang nakaalam nun,hindi naman ako naghangad ng kapalit,besides bata pa ako at kuntento na ako sa kung anong trato sa akin ni kuya Enzo,yun ang mahalaga.
Kinabukasan ay maaga kaming umalis ni kuya Eron,naging emosyonal ako,lalo na at sa kanila naramdaman naming magkaroon ulit ng pamilya.
Niyakap ako ni tito at tita,tapos si kuya Enzo niyakap din ako ng mahigpit.
Ang sarap ng pakiramdam ko nun,pero ang mas lalong parang nagpalutang sa akin sa alapaap ay ang ibinulong nya.
“Mag iingat at lalo ka magpaka baet Eiko ah? Hihintayin kita, pag nasa tamang edad ka na ako na bahala sayo,mamimiss kita” ani kuya Enzo at hinalikan ako sa noo.
Parang lumundag ang puso ko sa mga sinabi nya. Itinatak ko yon sa isip at puso ko. Naintindihan ko yon,ibig sabihin gusto din ako ni kuya Enzo. Hihintayin daw nya ako! Tatlo o apat na taon lang naman agwat ng edad namin,pero sige,ipinapangako ko,babalik ako sa kanya.
“Tol eto nga pala address ng lilipatan namin,dalawin mo kami ah?” ani kuya kay kuya Enzo.
“Baliw! Parang hindi naman tayo magkatrabaho sa P2,o sige,pupunta ako senyo pag wala ka,para kami lang ni Eiko ang mamamasyal” pabirong sagot ni kuya Enzo. Agad naman ako namula dahil dun.
Pagod na inihiga ko ang katawan sa kama, katatapos lang namin mag ayos ng gamit ni kuya dito sa bago naming nilipatan. Isang maliit na apartment lang naman.
Dalawang kwarto na magkatapat, isang banyo malapit sa kusina at malinis na sala, may pinto papaunta sa likod kung san pwede pala maglaba dahil may gripo at pwede din dun mag sampay.
Wala pa masyadong gamit,sabi ni kuya ay uunti untiin na lang namin ang paglalagay ng mga gamit,mura din ang upa dito. Nahiya ako kay kuya kaya sinabi ko na maghanap din ako ng trabaho ngunit hindi sya pumayag. Unahin ko daw ang pag aaral.
Mabilis na lumipas ang panahon ng hindi ko namamalayan. Hindi ko lubos maisip na 4th year college na pala ako. Ang dating batang baklang gusgusin ay ngayon hinahangaan na sa ganda at talino, pero kahit ganun pa man, wala akong naging kaibigan dahil ayaw ko din.
Marami nagkakagusto sa aking lalaki,hindi sa pagmamayabang pero kailangan ko sila iturn down,dahil si Enzo lang ang naglalaman ng puso ko. Sa mga dumaang panahon natuto ako mag ayos, yung uri ng pag aayos na walang ginagamit na make up, dahil alam kong natural na ang ganda ko. Kadalasan lagi ako napapa away sa mga babae at kapwa bakla dahil mataray daw ako o inagawan ko daw sila ng lalaki, pero hindi ako nagpapatalo. Ako si Eiko at hindi ako marunong magpatalo at sumuko.
Dun pa din kami ni Kuya nakatira sa apartment,sobrang tagal na nga,kaya yung landlord eh napalapit na sa amin. Si kuya swerte talaga,bukod sa may maganda at mabaet na girlfriend na si ate Farrah, ngayon naman ay Branch manager na sya ng isang kilalang fast food chain. Oh diba? Hindi pa nakapag aral ang kuya ko sa lagay na yan kaya nga idol na idol ko yan eh.
At si Enzo? Ayon, magmula ng mag college ako hindi na sya pumunta sa bahay,ayaw ko naman na ako ang pupunta sa kanila,though pwede din yon para madalaw ko sina Tito at Tita. Dati naman dumadalaw dalaw sa apartment si kuya Enzo, minsan dalawa pa nga kami namamasyal kaya lalo ko syang minahal. Siguro sobrang busy na yon ngayon,balita ko kay kuya Manager na daw ng P2 yon.
Hayst,namimiss kaya nya ako tulad ng pagka miss ko sa kanya? Iniisip din kaya nya ako tulad ng minuminuto at oras oras kong pag iisip sa kanya?
Isang beses katatapos ko lang maligo at kalalabas ko lang ng banyo ng marinig ko si kuya na may kausap sa phone nya.
“Sigurado ka ba dyan tol? Mga villamor ang nagpasunog sa squatters area na tinitirhan namin noon? Oh sige! Gago! Huwag ka mag alala! Wala akong balak patayin sila! Hindi ko kaya yon, bukas titingnan ko lugar nila,para may idea ako pano makakabawi ng walang sakitang nangyayari,sige tol,salamat sa information”
Yon ang narinig ko,lumakas ang kabog ng dibdib ko sa nalaman. Sinadya pala sunugin ang lugar namin noon? Pagbabayaran ng mga Villamor na yan ang ginawa nila,dahil sa kanila madaming nawalang buhay,kasama na dun sina Inay at Itay. All these years pala ay lihim na inalam ni kuya ang puno’t dulo ng sunog na yon? At ngayon,heto na nga ang kasagutan.
Lintik lang ang walang ganti! Kung si kuya may sariling plano,may sarili din akong plano,at sisiguraduhin kong magtatagumpay ako at doble ng sakit na naramdaman namin ni kuya ang ipaparanas ko sa kanila.
Agad ko binuksan ang laptap ko at nag internet. Sinerch ko ang pamilyang Villamor. Swerte namang agad ako nakakuha ng mga impormasyon, iba nga naman pag sikat at mayaman, nakalantad kahit sa internet ang buong buhay.
Napangiti ako ng makita ang mga larawan nila, mag asawang mukhang garapal talaga sa yaman at mga pera,at mga anak na parang walang kamuwang muwang sa kademonyohan ng mga magulang nila.
Hindi ko alam kung ano ang unang hakbang ko kaya kailangan, pag isipan ko itong mabuti.
Pagkatapos ng mahabang panahon,sa wakas, magkakaroon na ng katarungan ang pagkamatay nina Inay at Itay.
AN ~ MUSTA PO? Ayan lang muna mga frnds :) VOTE and COMMENT po ^__^
Sweet#5 >
Kailangan ko sinupin ang aking plano. May dalawang anak ang mag asawang Villamor, si Bubbles na parang ka edad ko,maganda pero mukhang maldita, at si Brayden,na mas matanda ata sa akin ng isa o dalawang taon. Gwapo ito.
Ngayon,iniisip ko pano ang gagawin ko at pano ako magsisimula? Tulad ni Kuya Eron,gusto ko walang pisikalan, kahit maldita ako ay mabaet pa din naman ako. Pano ako magsisimula kung wala ako katulong? Kailangan ko ng malaking pera. Tama! Sa ganun ko sila pababagsakin! Pero san ako kukuha ng milyon milyong salapi? Kailangan ko dumiskarte at magkapera,o di kaya ay Raket. Dapat bago mag isang taon ay maisakatuparan ko na ang plano ko. At dapat hindi din ito malaman ni Kuya Eron.
That night dala ang kaonting pera ay nagpaalam ako kay kuya na magliliwaliw muna ako mag isa. Pumayag naman ang mabaet kong kuya dahil malamang papupuntahin na naman nya si ate Farah xD
Kung saan saan ako napunta,napagod ako kakalakad,nananakit na din ang paa ko,sakto napadaan ako sa baywalk,may nakita akong bakanteng bench at naupo.
Nagmuni muni saglit,napaisip ako,sobrang tagal na din pala ng panahon na solo lang ako, walang kaibigan. Kahit sabihin kong sanay ako ay nakakalungkot parin pala talaga. Does it because maldita ako? Maldita ako pero hindi masama ugali ko,at ang pagiging maldita ko ay may pinagdaanan. Kahit man lang isang kaibigan sana meron ako. Hayst.
“Hi! Are you alone?” napalingon ako sa nagsalita. Agaw eksena naman to oh, nag mo-moment pa ako.
“Yup, why?” sagot at tanong ko then pinagmasdan ko ang kabuuan ng lalaking gumambala sa pagmumuni muni ko.
Parang fil-am, gwapo kahit mukhang nasa late 30’s o early 40’s na. Pagtingin ko sa mukha nya naka ngiti pa ng ubod tamis.
“Me too, can I join you?” sabi pa nito,hindi ako sumagot bagkus tumingin ulit ako sa madilim na dagat,tumabi sya sa akin.
“It seems that you have a problem,me too,maybe we can help each other” sabi pa nito na ikinalingon ko. Ano ba gusto ng isang to?
“Youre a beautiful gay,you can use that” dagdag pa nito.
“And what do you mean by that? Look Mister–”
“Clawford,my name is Clawford” singit nito sa sasabihin ko sana. “and you?” dagdag nito.
“Eiko,Im Eiko, as what I was saying, I dont know what are you talking about,Im beautiful,yes Im aware of it,but how can I use it huh? And what do you mean by we can help each other? I need money,a big amount of money,that was what Im thinking all the while,I dont have because I dont have work,Im still studying” mahaba kong sagot. Gosh?! Pahingi tissue! Parang nagdugo ilong ko! Sa dinami dami ng pwede makilala eh kanong hilaw pa! Syet naman.
“You want work and money? I’ll give you both” seryoso nitong sabi. Literal na napanganga ako. Seriously? Ano ba tong taong to at ganito na lang sa akin? My Jelly! Baka may masama syang balak sa akin? No way!
“Are you serious? Why are you saying this? Why me?” taka kong tanong. Jusme naman kahit sino walang mag iinteres na magbigay ng pera at trabaho sa isang taong hindi naman lubos na kilala diba? Pero ang isang to, parang wala lang sa kanya at talagang napaka seryoso pa nya.
Gulat na lang ako ng pumitik ito at may lumapit na unipormadong lalake at may ini abot sa kanya. Alam ko iyon kung ano. CHEKE!
Nagsulat sya sa cheke at maya maya ay iniabot sa akin,ng kunin ko ito ay halos lumuwa ang mga mata ko at malaglag sa lupa ang panga ko.
2 Million pesos ang nakalagay at may pirma na nya!
Hala?! Hala?! Ano nangyayari?
“Its all yours,for free and after that, Ill give you a job” amazed nitong sabi. Natutuwa siguro sa itsura ko na parang tangang nakatulala sa cheke.
Napakurap pa ako ng ilang beses bago ko sya kinausap ulit. Hindi talaga ako makapaniwala.
“Why are you doing this?” tanong ko.
“Simple,its because I like you very much” naka ngiti nitong sabi. Ganun pa man,wala naman ako nararamdamang bakas ng pagiging masamang tao sa kanya. Napapaisip lang talaga ako.
“B-but Im not a girl and you know that!” sagot ko naman. Gusto ko kasi malinawan sya.
“Its not a problem at all sweetie. I can love you who you are and what you are,come with me tonight,Ill tell you everything” malumanay nyang sabi.
Is this really happening? I cant believe this! Lord kung grasya po ito maraming maraming salamat! Thank you Po!
Pero teka? Gusto nya ako? Hmmn.. I think kailangan ko nga sumama para mas malinawan nga ako. Baka isa na din itong unang hakbang para sa paghihiganti ko.
Limousine ang sasakyan nya,at talagang mayamang mayaman pala ito. Habang nasa byahe nagkekwento itong si Clawford, marami silang bussiness,family bussiness na nag branch out around the Philippines, mag isa na lang daw sya ngayon sa buhay,ang huling karelasyon nya,pinerahan lang sya at pinagpalit sa mas bata sa kanya kaya parang na trauma na daw sya sa mga batang babaeng magaganda.
Sa bagay,looks can be decieving diba? Maraming ganyan,akala mo anghel,yun pala demonyo.
Nakaramdam ako ng matinding awa sa kanya,mayaman nga sya pero salat naman pala sya sa pagmamahal,minsan talaga may mga bagay na hindi kayang tumbasan ng pera,yan ang pawang katotohanan.
May isang negosyo daw sya na hindi nya mabitiwan,pamana ng tita nya,isang club,kung saan dinudumog daw ng mga mayayamang parokyano pati ng mga pulitiko at artista. Tinanong ko kung anung uri ng club at kung anung nangyayari at bakit kailangan nya pa ng tulong ko kung dinudumog naman pala ito.
Pinaliwanag nya sa akin kung anung klaseng club ito, kung alam nyo yung sikat na CLUB MWA ay ganun din ito,puro magaganda at profesional gay ang mga performers, at hindi din syempre nawawala dun ang under the table dirty deeds,bentahan ng laman. Malalaki daw talaga kinikita ng mga nagtatrabaho dun. Kaso mula ng mamatay ang tita ni Clawford ay nalugi daw ito at umalis ang pinaka star ng club nila na talagang nakakahatak daw ng costumer,at ng makita daw nya ako parang nagkaroon daw sya ng pag asa. Maging ako ay bigla naging interesado.
“In that way sweetie, I can help you financially plus you have a stable work and you can help me also to bring back my club,I know you can do it,you will be our new star there” pagtatapos ni Clawford sa lahat ng sinasabi nya.
Napaisip ako ng mabuti,tama nga sya,matutulungan nya ako sa pera at may stable pa akong trabaho, matutulungan ko naman sya maiangat ang club nya at matutulungan ko sya na kumita ulit ng malaki.
“Okay Clawford,Im in” final na sabi ko. Sa sobrang tuwa niya ay niyakap ako at hinalikan sa labi. Natameme ako. Its my first kiss!
“Im sorry” sabi nya.
“No,its okay” sagot ko at ngumiti ng ubod tamis.
“Lets celebrate” aniya at pumayag ako. At ang pag celebrate na iyon ay napunta sa isang mainit na pagtatalik. And again,its my first time. Pero bukal naman yon sa loob ko,ewan kung bakit? Basta,siguro kasi dahil gusto ko din.
At dun nagsimula ang relasyon namin ni Ford(clawford),dun din magsisimula ang bagong kabanata ng buhay ko.
NA/ Musta po kayo? Votes and Comments if you like :3
Sweet#6 >
Kinabukasan ay maaga ako gumising,hindi naman maaga klase ko ngayon, pupunta pa kasi ako sa banko para ideposit yung binigay ni Clawford na 2million pesos.
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na may ganun kalaki na akong pera. Hindi ko muna ito sinabi kay Kuya Eron,malamang kasi magtataka ng bongga yon >_
Nagtext si Clawford na susunduin nya ako after school para dumeretso sa CLUB FORD at makapag simula na daw ako. Naisip ko parang ang bilis ng pangyayari,nagkaroon ako ng pera,instant boyfriend at kung sakali,stable job.
Napaka bait ni Clawford,hindi malayong mahulog ang loob ko sa kanya kahit pa isang dekada ang agwat ng edad namin. At yung nangyari sa amin kagabi,bukal sa aking loob,it was my first time. At totoo nga mga naririnig ko na sobrang sakit,lalo pa at may lahi ito,gusto ko na nga humagulhol kagabe ngunit tiniis ko para hindi madisapoint si Clawford.
I know,cheap ang dating dahil una pa lang namin magkita pero may nangyari na,I dont have to explain myself. Call me whore,bitch,slut, I dont give a damn!
Pagkagaling ko sa banko ay bumiyahe naman ako papuntang school. Isa ito sa mga hindi ko pwedeng bitiwan,ang pag aaral,alay ko ito kina Inay at Itay, sana nandito sila.
Habang sakay ng jeep at dahil trapik,tiningnan ko ang katabi naming sasakyan.
O.O
My gulay! Porket trapik maghahalikan na sila sa daan? Pero inferness,gwapo ang lalaki, at ang babae naman maganda,kahit puti na ang buhok,sa bagay kanya kanyang fashion statement yan, pero teka? Bakit wala atang boobs? My Gawd! Beki pala!
(AN/ Si Argel at Yuweh ang nakita nya =D)
Nakakaloka yung magjowang yun ah? Hindi ba sila aware na hindi naman tinted ang salamin ng kotseng gamit nila? Shocks! Ang PDA ng mga yon ah? Buti na lang umusad na at nawala na sila sa paningin ko.
Nakakainis! Nainggit ako bigla! Naalala ko si Enzo eh,hayst,mukhang wala na talaga balak magpakita ang isang yon,baka may girlfriend na? Para namang kumirot ang dibdib ko sa naisip kong yon.
Mabilis na lumipad ang oras,tulad ng inaasahan,paglabas ko ng gate ng campus,hinihintay nga ako ni Clawford at naka ngiti ng ubod tamis,sinalubong ako at hinalikan sa pisngi,alam ko maraming mata ang nakatutok samin, I can feel it.
“Hows school?” magiliw nitong sabi at pinagbugsan ako ng pinto sa backseat.
“Just like before,tiring and full of stress” nakangiti kong sagot at pumasok,umikot naman sya sa kabila at pumasok dun at tumabi na sa akin.
Agad kong tinawagan si kuya para sabihing madaling araw na ako makakauwi dahil sa trabaho,nagtaka naman agad sya at nangulit,sinabi ko na lang ipapaliwanag ko na lang sa kanya ang lahat pag nakauwi na ako.
Ng makarating sa Club Ford ay na amazed ako,maganda ang mga disensyo,malawak ang lugar,may second floor at may malaki at malapad na stage sa harap. Nandun na din ang ibang crew at performer, ang iba ay tinaasan ako ng kilay ng makitang kaholding hands ko ang boss nila,may ibang nagbigay ng ngiti,ang ilan ay blangko ang expression.
Oh well,iba’t ibang uri ng mga ka uri ko ang mga makakasalamuha ko dito. Kailangan ko maghanda,tulad ng sinabi sa akin noon ni Clawford,matataas na uri ng mga prostitute ang mga ito,at kung ako nga ang gagawing big star ni Clawford,malamang,marami ang magagalit at aalma,at dapat ako maging handa dun.
But Im sorry darlings,hindi ako pinatatag ng panahon para lang sa wala, hindi ako si Eiko kung hindi ako ang mananalo.
Pumasok kami sa opisina ng club,at may parang may edad ng babae ang nakaupo sa swivel chair at may lamesa sa harap nya, yung parang opisina talaga.
“Oh Ford,youre back, is he what youre talking about?” naka ngiti nitong salubong sa amin.
“Yes Ororo,he is Eiko,my partner,and he will be working here as our big star” sagot nito Clawford.
“Hi po,Im Eiko” pakilala ko at nagulat naman ako at bineso pa talaga ako.
“Nice to finally meet you Eiko,tawagin mo na lang akong Tita Oro” naka ngiti pa nitong sabi.
“Salamat po tita Oro” sabi ko.
“Sweetie, Ororo is my long time friend,when my auntie died Oro replaced her as new manager of Club ford,sya na bahala sayo,Id better be going,hinahanap na ako panigurado sa kumpanya” sabi ni Clawford at agad ako hinalikan sa labi.
“Oro,you take care of sweetie,just like what weve talked earlier on the phone, bawal sya itable,and if someone insist, you know the prize” pahuling sabi ni Clawford at umalis na.
Napaisip naman ako. Ganito siguro talaga ang kalakaran,grabe bawal ako itable? At pag may nagpumilit may malaking presyong nakalaan? Ganoon kataas ang talent fee ko? Kaya siguro ang iba dito eh talagang pinapatos pati ang pagbenta ng laman,malaking pera nga naman talaga ang makukuha.
“Mabaet si Clawford no?” nakangiting sabi ni tita Oro,buong giliw akong nag agree.
“Huwag mo yan sasaktan,tapat magmahal yang kanong hilaw na yan haha! Ive seen him go to hell at hindi naging maganda ang resulta,kaya sana mahalin at alagaan mo sya,masaya ako na finally,after blank years,may bago na syang pag ibig ,at ikaw yon,kaso masyado ka pang bata,but that doesnt matter” sabi pa nito. Siguro nung kabataan nito maganda talaga to? Hanggang ngayon naman,parang hindi nakatulong ang pagkaka edad nya para mawala ang ganda nya.
“Makaka asa po kayo,kahit na isang dekada ang pagitan ng edad namin” sabi ko na tinawanan nya.
“Hahaha I like you! First time mo sa ganito diba?”
“Opo”
“At naintindihan mo naman siguro kung anong klaseng kalakaran under the table ang nagaganap dito,gusto namin mapigilan pero talamak talaga,pero ipinagpapasalamat namin na tahimik itong nagaganap,anyways,dahil bago ka,Ill give you a tip, okay lang makisama at makipag kaibigan sa mga makakatrabaho mo,though I like them,but I dont trust some of them,piliin mo pagkakatiwalaan mo,ngayon palang marami ng nakataas ang kilay sayo at tinitingnan ka ng pailalim,so be aware” mahaba nitong sabi, natuwa naman ako sa tip nya,malaking tulong iyon para sa akin.
“I know tita Oro,at hindi naman po ako basta basta nag papa api” sagot ko naman,ngumiti sya.
“Good! Tawagan ko lang ang isa sa pinaka pinagtitiwalaan ko dito,sya mag assist at magturo sayo ng lahat” anito at nagpipindot sa phone then may tinawagan na . “Go here at the office,now”
Ilang saglit pa may dumating ng isa pang bakla,maganda sya,mukhang mabaet naman, pero mas maganda pa din ako haha! >:D
“Reggie Ebreo,meet Eiko Bermudez,your boss’s partner,at sya ang bago nating Star dito, gusto kong tulungan at turuan mo sya, Eiko sya si Reggie,sya na bahalo sayo” pagpapakilala sa amin ni tita Oro.
“Hello teh! Regz na lang for short, stay in ka ba dito?” tanong agad nito sa akin.
“Ay hindi,uwian din ako,kasi nag aaral pa ako” sagot ko naman.
“Ay ganun ba?”
“If youll excuse me gays,madame pa ako gagawin” singit ni tita Oro,hudyat ng simple nyang pagpapalayas sa amin, nagpaalam na ako at nagpasalamat bago lumabas sa opisina.
AN ~ MUSTASA KALABASA? April 22 is my bday! Pwahaha! Regalo nyo na sa akin ang Comments and Votes,thank you po! :)
Sweet#7 >
Madaling araw na ako umuwi,ipinahatid ako ni Tita Oro sa driver nya. Wala naman ako ginawa,hindi pa ako makapag start,mamaya pa daw,may rehearsal kaya mag start na ako since wala akong class today,isa lang.
Pag pasok ko sa bahay at pagbukas ng ilaw nagulat pa ako na nasa sala si Kuya Eron at nagkakape? Ang aga naman? Alas tres pasado pa lang ah?
“kuya” sabi ko,ni hindi man lang nya ako nilingon at saka humigop ng kape.
“ano ba bago mong trabaho Eiko? May nakita din akong cheke sa drawer mo kaninang umaga na nagkakahalagang dalawang milyon, anong pinag gagawa mo?” seryosong sabi ni kuya. Biglang nawala ang antok ko.Kung may tao mang higit na makakaintindi sa akin ay si Kuya yon,kaya sasabihin ko na sa kanya lahat.
Tumabi ako sa kanya sa sofa,ni hindi sya nag abalang lingunin ako,ganyan sya pag naiinis sa akin.
“Kuya nadinig ko nung nakaraan na may kausap ka at ang mga Villamor ang nagpasunog sa lugar natin noon,gaganti ako kuya,alam kong yon din ang gusto mo,pero ang pag ganti ko kuya walang pisikalan,ipaparanas ko sa kanila kung paano mawalan ng lahat lahat ng pinaghirapan” mahaba kong panimula.
“Ano? Nababaliw ka na ba? At pano mo gagawin yon? Matindi kalaban ang mga Villamor Eiko! Mag isip ka!” sagot ni kuya.
“Kuya sa mga anak ako mag sisimula,kakaibiganin ko si Bubbles at kung posible paibigin si Brayden” sagot ko.
“Youre crazy! Hindi mo yan magagawa mag isa!”
“Yung 2M kuya,yon ang panimula ko,mag iipon ako,malaki ang magiging sahod ko sa bago kong trabaho,bukod pa din ang tip,pag table at pagsama sa labas” direderetso kong sabi.
“Tip? Pag table? Pagsama sa labas? Anong trabaho yan? G.R.O.?” inis na sabi ni kuya at tumayo,inilagay sa lababo ang baso nya at hinugusan,sumunod ako.
“Sa club ako magtatrabaho kuya,mga gay performer,tulad lang sa Japan if pamilyar ka,malaki ang kikitain dun” sabi ko at kumuha ng mug saka nagtimpla ng sariling kape.
“Malaki nga kita mo,magkakasakit ka naman! Huwag mo ng ituloy yan at ang plano mo, intindihin mo ang pag aaral mo! At yung 2M San galing yon?” sabi ni kuya,tapos na sya maghugas ng mug nya at ako naman pumwesto sa kainan.
“Malaki talent fee ko dun kuya,ako ang bago nilang big star,hindi ako pwede ilabas o makipagsex,malaking halaga ang babayaran nila pag nagkataon” sagot ko. Biglang nanlaki ang mata ni kuya pero hindi sya nagsalita.
“Yung 2M galing sa boyfriend kong FilAm,sya may ari ng Club Ford kuya,hindi ko din papabayaan pag aaral ko,hindi ko iyon magagawa,at saka isang taon lang kailangan ko kuya para makaipon at masimulan ko ang pagbili sa lahat ng ari arian ng mga Villamor hanggang sa wala ng matira sa kanila”
“I cant believe this!” bulalas ni Kuya na napasabunot pa sa sarili. Napabuntong hininga ako,mukhang hindi ko makukuha pag sang ayon ni kuya. “Sino boyfriend mo?” maya maya ay dugtong nya.
“Si Clawford kuya” sagot ko.
“Gusto ko sya makilala,sige na,matulog ka na”
Muli bumuntong hininga ako at tahimik na pumasok sa kwarto ko.
“Uy teh! Buti dumating ka na? Ang aga mo ah, 1hour pa bago mag start ang rehearsal” salubong sakin ni Reggie ng dumating ako sa Club, 1:30pm pa nga lang naman.
“Tinawagan ako ni Ford,kailangan daw maaga ako,for profesionalism’s sake,nasan ang iba? Pakilala mo ako” sagot ko naman.
Pinakilala nga nya ako,tulad ng inaasahan ko,some or good,and some are bad >:) lalo na yung isa na parang drag Queen,si Goddiva,well honey,kung mataray ka,mas mataray ako.
And so we started the rehearsal,mahihirap yung steps and stunts,dahil ako ang new star,ako nasa gitna,hindi naman nahirapan samin ang aming choreographer. Magagaling na din kasi ang mga ito.
Nagkaroon kami ng 1hour break,and so, I and Regz/Reggie decided na sa labas magbreak at mag meryenda,may sumama samin,sina Pupu at Kookai, ang weird ng pangalan ng mga beki na to.
Palabas pa lang kami ng club ng may humintong kotse, kotse ni Ford,at lumabas nga sya dito.
“Lets go! My treat” nakangiti nitong sabi matapos ako halikan.
“I thought youre at the office?” taka kong tanong,tiningnan ko mga kasama ko,parang nag aalangan silang makasama ang boss nila.
“I just finished closing a deal,and I want to celebrate sweetie” sagot nito sakin at hinawakan ang bewang ko at giniya sa kotse nya,nilingon nya ang tatlo ko pang kasama. “C’mon GIRLS lets go,dont be shy” tawag nya sa mga ito
Ng marating namin ang resto ay mukhang sosyalin ito,sina Regz,Pupu at Kookai parang mga hindi matae na ewan haha!
Iginiya kami ng waiter sa isang table for six, abala silang pumipili ng order habang ako naman ay si Clawford na din ang pinapili,Im not familiar with the foods.
Ng biglang madako ang tingin ko sa entrance ng Resto,bumilis tibok ng puso ko,para akong na estatwa.
Si Enzo! Pagkatapos ng mahabang panahon ay nakita ko na muli sya,gusto ko sya lapitan at kamustahin pero nahihiya ako kay Clawford kaya pinigilan ko ang sarili ko.
Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa igiya sya ng waiter sa isang table for two.
“C’mon sweetie,the order is here,lets eat” naka ngiting pukaw sakin ni Clawford,sinuklian ko din sya ng ngiti at nagsimula na kami kumain,pero maya’t maya ko pa din sinusulyapan si Enzo.
Busy si Clawford sa pakikipagdaldalan sa tatlo naming kasama ng mapansin kong may magandang babae ang dumating,lumapit sa table ni Enzo at hinalikan ito ni Enzo sa labi bago inalalayang maupo.
That very moment parang nagunaw ang mundo ko,parang pinunit ang puso ko,nawalan ako ng gana kumain. Parang gusto ko na umalis dun dahil ramdam kong maiiyak na ako.
Kaya pala hindi sya nagpapakita? May girlfriend na sya? Ang tanga ko talaga para umasa. Ang sakit naman,all these years sya lang minahal ko pero ito lang pala mapapala ko? Shit naman!
Huwag kang iiyak Eiko,pigilan mo, diba isa kang matapang at matatag na tao? Hindi ang isang Enzo lang ang makakasakit ng damdamin mo.
Nagpaalam ako na magsi CR muna,kailangan ko ayusin ang sarili ko,kailangan matatag ako,kailangan walang makapansin na nasasaktan ako ngayon.
Ng matapos mag CR ay bumalik na ako sa mga kasama ko at sinadya ko na daanan ang pwesto nina Enzo,at alam kong nabigla sya ng makita ako.
Agad ko ng niyaya ang mga kasama ko na bumalik sa Club,kailangan na din kasi ni Clawford bumalik sa opisina nila,being the CEO syempre,sya ang inaasahan ng lahat pati ng mga subordinates nya. Hinatid nya kaming apat sa club at sinabing manonood sya mamaya sa show.
Papasok pa lang kami sa Club ng harangin kami ni Goddiva at ng lima nyang alipores.
“Enjoying the break? Late kayo ng 20minutes sa rehearsal” mataray na salubong nito.
“Pero teh,si Boss Clawford ang nagsama samin” sagot ni Regz.
“Wala akong pakialam, Gosh! Yan bang Eiko na yan ang bagong Star? Sya ang ipapalit kay Mimi? Walang bakas ng pagka star,napaka unprofesional” taas kilay na sagot nito.
Nagpanting ang aking tenga,tumaas ang aking kanang kilay,at sa isang iglap bumagsak si Goddiva sa lapag at hindi sya nasalo ng mga alipores nya.
AN ~ MUSTA POWSS? Haha! VOTE and COMMENT naman dyan :3
Sweet#8 >
“Walangya kang bakla ka!” sigaw ni Goddiva at agad tumayo,galit na galit sya,pero Im sorry,hindi nya ako nasindak kahit katiting.
“Oh bakit ikaw? Hindi ka ba bakla? Mag ingat ka sa mga salitang binibitawan mo,dahil hindi ako basta basta Goddiva” taas kilay kong sabi sa kanya,tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha nyang mukhang paa,sinigurado kong maiintimidate sya sa ginawa ko.
“Pagbabayaran mo to! Malakas loob mo dahil kay Boss! Pero sisiguraduhin ko sayong hindi magiging maganda ang pananatili mo dito!” matapang naman nitong sabi. Napapalibutan na kami ngayon ng mga kasamahan namin.
“Oh really? I cant wait for that,pakibilisan lang,madali ako mainip,at pag nainip ako,uunahan kita,and let me have this last words with you, kahit hindi kami ni Clawford kayang kaya kita patumbahin,sa tingin mo ikamamatay ko ang pagkawala ko dito sa Club Ford if ever? No darling, may pinag aralan ako at may utak ako,kaya ko humanap ng ibang trabaho,hindi katulad mo na tatadtadin ng foundation ang mukha at katawan para maging maganda sa paningin ng mga tao, alam mo kung anong wala ka? GANDA,at yon ang meron ako” mahaba at kalmado kong sabi saka sya tinalikuran at lumabas ng Club,dinig ko pang nagpalakpakan ang mga bakla at ang pagsuway nya sa mga ito
“Taray mo teh! Sa unang pagkakataon mula ng mawala si Mimi sa wakas may bumara din kay Goddiva” tuwang tuwang sabi ni Regz na nakasunod pala sila sa akin.
.“Serves him right,napaka bossy nya kaya” segunda ni Kookai.
“Matagal na ako nagtitimpi dun pati sa mga alipores nya,kung hindi lang ako mawawalan ng trabaho matagal ko na pinatulan ang halimaw na yon” dagdag pa ni Pupu,napapangiti na lang ako sa sentemyento ng mga ito.
“Now alam nyo na,walang mawawala kung lalabanan nyo sya,ano sya? Anak ng Diyos para katakutan? Duh!” sabat ko sa usapan nila.
“Guys pasok,tuloy ang rehearsal” tawag sa amin ng choreo. Ewan sadyang wala na din ako sa mood ng bumalik kami at mag rehearse ulit,hindi mawala sa isip ko si Enzo at yung babae.
Napaka tanga ko kase,masyado ako nag assue,sino nga bang lalaki ang papatol sa bading? Nakakainis lang kase,sana hindi na nya ako sinanay. Eto tuloy napala ko,ang saklap ng lagapak,tagal kong iningatan ng pagmamahal ko sa kanya,mapupunta lang din pala sa wala :(
Sumapit na ang oras ng show, unang beses ko to,kahit papano kinakabahan ako,talaga palang bigtime ang mga costumer dito? May mga upper class din palang mga lalaki na mahilig sa ganito at sa mga bakla?
Karamihan mga DOM,mga bussinessman. Pero ang pinaka kumuha ng atensyon ko ay ang dalawang gwapong binata na kakapasok lang. Agad na nag init ang ulo ko ng mamukhaan ko ang isa dito.
Si Brayden Villamor!
Mukhang tadhana na ang naglalapit sa amin ah? Pero hindi pa ako magsisimula sa plano ko,masyado pa maaga,kailangan ko muna makipag kaibigan,diba nga sabi ko kay kuya Eron eh bigyan ako ng isang taon? Kailangan ko muna makuha ang loob nito kung kinakailangan,saka ko isusunod ang kapatid nyang babae.
Nag simula na ang unang batch ng performers,and I must say,napahanga ako,pang world class,para kang nasa Las Vegas.
“Pwede mo pa sila mahigitan kung gugustuhin mo” napatingin ako sa nagsalita,si Tita Oro.
“Tita Oro,hindi ba kalabisan na ako agad ang Main star nyo? I mean baguhan pa lang ako,ngayon pa nga lang ako magsisimula diba?” medyo nahihiya kong sabi.
“No darling,thats not true,nakitaan ka ng potensyal ni Ford,and I trust his instinct,and I also trust you” naka ngiti nitong sabi. Laking pasalamat ko na lang at mabaet ito. Hindi nagkamali si Clawford na sya ang gawing bagong manager ng Club Ford.
Pinanood namin ang mga performers,hindi mo iisiping mga bakla ito,ang gagaling,parang Moulin Rouge lang.
Ng matapos sila ay sinalubong sila ng masigabong palakpakan. Dumeretso na ako sa back stage dahil ang batch na namin nina Goddiva ang susunod. Ng makita ko sya ay binigyan nya ako ng masamang tingin na sinalubong ko naman ng isang ngisi.
Hindi mo ako masisindak,witch!
Namatay na lahat ng ilaw,pumailanlang na ang tugtog,sina Goddiva unang lumabas then kami nina Regz. Kahit kinakabahan ay nagconcentrate ako. Inisip ko na this will be my final and I have to give my best.
While doing the performance ilang beses ako pinatid ni Goddiva,mabuti at hindi nahahalata at hindi naman ako tumutumba. Nananadya talaga ang mangkukulam na to! Humanda ka sa akin mamaya.
At the last part of the performance binuhat nila ako at iniangat sa ere. Todo ang ngiti ko,at napansin kong nakatitig sa akin si Brayden at ang kasama nito. Palakpakan ang mga tao.
Nakaramdam ako ng kakaibang tuwa. Pagkapunta pa lang sa back stage ay lumapit na sa akin agad si Tita Oro.
“Ang swerte mo Eiko,ikaw agad ang napansin ng dalawang batang bussinessman,table number 45,go,puntahan mo na,hindi biro ang halagang binayad nila para sayo” naka ngiting sabi ni Tita Oro. Nagtinginan ang mga bakla,lalo na si Goddiva na nginisihan ko pa.
Mamatay ka sa inggit! Bruha!
“Sige po,eh si Ford? Sabi nya manonood sya?”
Saglit na tumahimik si Tita Oro na pinagtaka ko,binasa ko ang mga mata nya ngunit wala ako makita.
“Tumawag sya,he’s tired,hintayin mo na lang daw na puntahan ka nya sa inyo,for the meantime,naghihintay mga costumer mo,go! Break a leg Eiko” sagot nito. Hindi man ako kumbinsido ay tinungo ko na ang table number 45.
Habang papalapit tinitigan ko ang dalawang lalaki. At ng tumingin sa akin ang kasama ni Brayden parang bigla akong kinabahan na ewan? Bumilis tibok ng puso ko.
Anong nangyayari? Huwag naman ako ngayon dagain please!
“Hi!” naka ngiti kong bati ng makalapit. At ng mapatingin ulit ako sa kasama ni Brayden lalo bumilis kabog ng dibdib ko.
Baka may gawin syang masama kaya siguro kinakabahan ako? Nasabi ko na lamang sa aking sarili.
“Hi! Please have a seat” naka ngiting sabi ni Brayden at umupo nga ako.
“Ang galing nyo ah? Pang world class,lalo ka na,napabilib mo kami,first time namin dito” sabi pa nito na nakangiti.
Ganyan nga,magpa Cute ka lang para hindi ako mahirapan.
“Thank you,bago lang din naman ako dito,actually ito una kong performance” magiliw kong sagot saka kinuha ang baso ng Iced tea at nag sip dito.
“Talaga? Well,hindi halata,ano nga palang pangalan mo?” si Brayden pa din. Ang tahimik ng kasama nya. Para akong sinusuri na ewan
“Eiko Bermudez”
“Nice meeting you Eiko,Im Brayden Will Villamor and this is my bussiness colleuge Kurt Lyndon Montenegro” naka ngiti nitong pagpapakilala.
AN ~ HAHAHA natutuyo utak ko. COMMENTS and VOTES po kung nagustuhan nyo :3 arigato guzaimasu!
Sweet#9 >
“Ow,nice meeting you Brayden and Kurt,and its an honor talking to the two of you,naririnig ko na names nyo before, two of the most successful bachelors and at the same time young and rich bussinessman” naka ngiti kong sabi at muling uminum ng iced tea.
“Yeah,thanks for the compliment,ikaw what do you do for a living buko dito sa club?” ubod ng ngiting sabi ni Brayden,ganito rin siguro to makipag flirt sa mga babae,at itong Kurt naman,tahimik lang din na umiinum,hindi ko tuloy maiwasang isipin na pipi sya.
“Im a fourth year college student and running for suma cum laude” sagot ko naman.
“Wow! Thats good to know,pagka graduate mo pwede ka mag apply sa company ko and I would gladly accept you kahit walang requirements” sabi naman ni Brayden at tumawa pa.
Tumawa ka lang Brayden,hindi lang ako mag a-apply,kundi kukunin ko yan sa inyo balang araw.
“Haha! Grabe ka naman, anyway ang tahimik pala nito ni Kurt?” sabi ko naman at nilingon ako ni Kurt.
“Ganyan talaga yan,mailap sa mga tulad mo,may naging ex kasi yang gaya mo na minahal nya ng sobra at hindi pa ata yan maka move on” sagot nito at humagalpak pa ng tawa at binatukan naman sya ni Kurt.
Ah.. Nabigo pala sya.Kaya naman pala ganon na lang ako kung titigan. May galit naman pala sa mga bakla.
Maya maya pa ay nagpaalam na ako sa dalawa dahil magsisimula na ang closing performance naming lahat. Inaya pa nila ako na gumimik daw minsan at ibinigay pa ng dalawa contact number nila,hindi ko lang lubos maisip na pati si Kurt eh ibibigay ang contact number nya.
Pero ang lahat ng yan ay ikokunsulta ko kay Ford,Im his partner,kailangan ko maging honest sa kanya.
And again,hinatid ulet ako ng driver sa bahay,ewan ang uneasy lang kase,masyado nila kinakarir pagiging new star ko sa Club ford,kaya tuloy hindi maiwasang may magalit talaga sa akin,hindi ko naman pwede kontrahin si Ford,masyado syang mabaet.
Bago umuwi kinausap ako ni Tita Oro.Naihulog na daw nya sa bank account ko yung talent fee ko for tonight,yung tip,at yung bayad sa pag table sa akin ni Brayden at Kurt,and I ask her kung kasama na ba nyang kinuha sa magiging pera ko yung para sa Club, sabi nya hindi daw pwede kaltasan ang pera ko,mahigpit na pinag utos ni Ford.
Sa totoo lang hanggang ngayon nahihiwagaan ako sa tulong na ginagawa sa akin ni Ford,parang napaka layo sa reyalidad ang nangyayari,kung baga,its too good to be true. Naging boyfriend ko pa sya, I like him…Pero not romantically.
Dahil sa sunday na,makakapag pahinga ako ng maayos,hindi na ako makapaghintay na makahiga sa higaan ko.
Tahimik na sa bahay ng dumating ako,nagpasalamat na ako sa driver at pumasok na sa bahay,diretso sa kama at humiga.
Hayst! Ang sarap talaga humiga!
Nakatulala lang ako sa kisame for about a minute ng pumasok bigla sa isipan ko ang imahe ni Enzo, tapos naging si Kurt!
Ugh! Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko na dapat isipin si Enzo, masaya na sya, at dapat ako din,dahil may Clawford na ako, at lalong dapat hindi ko isipin yung piping si Kurt!
Nagising ako sa ingay na nadidinig ko,mga tawanan,and Im sure galing yon sa sala.
Hindi pa ako nagsusuklay ay agad akong bumangon at lumabas, kita kasi agad ang sala paglabas pa lang ng kwarto,at ayon, si kuya Eron at Ford nagtatawanan kasama si Ate Farah.
Ford? Teka? Anong ginagawa nya dito? Na concious tuloy ako bigla sa itsura ko.
“Gising ka na pala Eiko,nakakatuwa din tong si kuya Ford eh,boto kami na Farah sa kanya,diba mahal?” ang lawak ng ngiti ni kuya ng sinabi nya yan,tumango si ate Farah at si Ford naka ngiting nakatingin sa akin.
Nanatili lang akong nakatayo.
“Sweetie,what are you doing here? Its sunday,you should be resting” sabi ko at tinungo ang kusina na divider lang ang naghahati.
Naghilamos ako at nag toothbrush.
“Im from the bank,naghulog ako sa account mo and we have a meeting in Club ford so I decided to fetch you up” dinig kong sagot nito.
Parang nakikita ko na reaction ni kuya Eron at Ate Farah dun sa sinabi ni Ford na naghulog sya sa account ko.
“ah ganon ba? Kumain ka na ba? Kain ka muna at maliligo lang ako” sagot ko ng matapos sa pagsisipilyo,lumapit na ako sa kanila.
“No,sa resto na lang tayo kumain,I know a place and huwag ka na maligo,pwede ka maligo sa pupuntahan natin after we have finished our meeting,besides you smells great for me anyway” sagot ni Ford. At wala ako masabi kundi ang mag blush. Kita ko na abot tenga ang ngiti nina kuya.
Si Ford kasi ang kauna unahang lalaking nagpakita sa akin ng affection sa harap ni kuya. Ford is 33 years old,pero hindi halata at hindi din dapat sya ikahiya.
“Ikaw talaga,ang dami mong alam”
“No sweetie,Im just stating the fact,anyway I already talked to Eron bout the two of you moving in my house” sabi nito na talagang ikinagulat ko,pakiramdam ko bumara ang sarili kong laway sa lalamunan ko.
“What?” react ko,saka tiningnan si kuya.
“Nasayo pa din naman ang desisyon Eiko” sabi ni kuya.
“Look sweetie,this place is too small for the both of you,and Im so lonely living alone in that Big Mansion,I want to be with you everyday and I have an offer to Eron too” casual na sabi ni Ford. Para akong nalulula,sobra sobra na to sa mga gusto ko.
Matapos akong mapapayag ay nagbihis na ako at umalis na kami ni Ford. Sobra sobra na ang ginagawa ni Ford at natatakot akong hindi ko ito masuklian. Kaya tahimik lang ako sa byahe.
Kumain kami sa Chansu Resto Bar,and I must say,the food was excellent,nameet din namin ni Ford yung mga owner,and it shocks the hell out of me ng malamang mag asawa ito,at bading yung isa. Parang pamilyar nga sila sa akin lalo na baklang puti buhok.
Napansin ko din ang mga posters and tarpolin. May banda palang nagpeperform dito pag gabi.
After that,dumeretso na kami sa club,nandun na lahat kahit ang mga crew. Taas kilay na naman si Goddiva and I just give him a smirk!
Envy me till you die! Witch!
Diniscuss ni Ford ang pagbabago,Monday,Wednesday,Friday na lang ang show at Saturday ang big night.Tinaasan din nya ang magiging sweldo ng lahat.
After sa Club,namasyal kami,aaminin ko masaya at masarap kasama si Ford,nakakalimutan ko ang mga problema at alalahanin ko,sana mahulog na ako sa kanya para hindi na ako napapa praning kakaisip kay Enzo.
And later on,I just found myself making love to him here in a jacusi (sorry for the spelling), talagang dito pa kami sa five star hotel nag check in. Damang dama ko ang pagmamahal at care kay Clawford. Sana lang talaga mahalin ko na sya.
After two days lumipat na nga kami kina Ford tulad ng kagustuhan nya,binigyan nya si kuya ng dalawang kotse na talagang nagpalaglag sa panga nameng magkapatid. Pinag resign nya si kuya sa dati nitong trabaho bilang isang Manager ng resto, hindi daw bagay si kuya don,sayang daw ang talino ni kuya sabi ni Ford,kayang kaya pa daw ni kuya umangat,on which tinanggap ni kuya ang offer ni Ford na maging isa sa executive.
On the other hand panay naman ang pangangamusta ni Brayden at minsan si Kurt,na sinasabi ko kay Ford,ang tangi lang nyang sinasabi ay:
“You can have friends as many as what you want,pwede ka ding itable pero hindi pwedeng ilabas,pwede ka gumala kasama mga bago mong kakilala,Brayden and Kurt are good guys,just dont please go with those dirty old men’s” naka ngiti nitong sabi na sasagutin ko naman ng:
“Ofcourse I wont! Ayaw ko ng amoy lupa” at talagang hahagalpak na sya ng tawa na talagang gustong gusto ko.
For almost one month naging ganun ang buhay ko,wala ako masyadong inaalala,naging masaya ako,pinabayaan kong maging normal ang takbo ng buhay ko. Aaminin ko sobrang naging masaya ako sa mga nangyayari.
May isang beses pag check ko ng bank account ko,sinadya ko talaga pumunta sa banko. Nalula ako ng malamang umabot na ng bilyon ang pera ko. Agad kong kinomprota si Ford dahil hindi naman ata magandang sa kanya galing ang lahat,oo nga at pangarap ko dumami ang pera para sa aking plano,pero gusto ko pinahihirapan,kaya nga ako nagtatrabaho at kaya ako nag aaral ng mabuti. Ngunit ngiti lang ang isasagot sa akin ni Ford. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na iniisip na ng iba na gold digger ako.
Second week ng ikalawang buwan ko sa trabaho,medyo napapansin ko na din na halos hindi na umuuwi si Ford na syang sobrang pinag aalala ko. Tinanong ko si Tita Oro pero sabi nya may emergency daw sa isang company branch sa America kaya hindi nakakauwi si Ford. Nagduda na ako,pakiramdam ko ay may mali.
Agad akong umuwi,naabutan ko sina kuya Eron at Ate Farah sa may lanai,nginitian ko lang sila at agad ako pumunta sa kwarto namin ni Ford.
Ewan,kung anong pumasok sa isip ko at kinalkal ko ang personal drawer nya. At talagang nanginig at nasindak ako sa mga nakita ko.
Mga papeles,testimonya na nagsasabing sa akin na ang lahat ng ari arian nya pati ang maiiwan nyang position sa kumpanya,naguguluhan ako,hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganito. Nagkalkal pa ako,may nakita akong maliit na notebook,pag buklat ko pa lang sa unang pahina nakita ko ang contact number ng abogado nya,agad ko itong tinawagan. At ang mga nalaman ko ang syang tuluyang nagpaiyak sa akin ng lubusan.
AN/ pasensya na po kung late hehe! Ayan na po,comments and votes po :)
Sweet#10 >
“Hello? Attorney! Anong ibig sabihin ng mga papeles na to?” agad kong bungad ng sagutin ang tawag ko.
“Is this Eiko?”
“Yes,paki sagot ang tanong ko,ano ibig sabihin ng mga ito na lahat ng ari arian at pera ni Ford ay nailipat na sa pangalan ko? What happened? What’s going on?” nanginginig kong ulit,umupo ako sa kama at sinubukang pakalmahin ang aking sarili.
Matagal sumagot si Attorney,waring nag iisip kung sasabihin ba sa akin ang nalalaman nya o hindi.
“Lahat ng yan ay mga photo copy,I have the original copy of that documents,basically the last and will testament of Clawford”
Bigla ako inatake ng kaba. Last and will testament?!
“What do you mean?!”
“Alam kong darating sa ganitong punto ang lahat,ayaw ko sanang sa akin ito manggaling,but I guess I have no choice…
Clawford is dying, matagal na,may sakit sya,lung cancer and he is on the final stage,no medicine nor surgery can heal him, nung araw na makilala ka nya,kinabukasan inayos nya ang lahat,nagtaka ako pero wala ako sa posisyon magtanong, nag paimbistiga din sya at inalam ang background mo at ng kapatid mo,inayos at inihanda nya ang lahat para sayo,wala syang ibang inisip na deserving para dito kundi ikaw…At bilang malapit na kaibigan ni Ford,I know he is only doing this because he loves you,sayo nya natagpuan at naramdaman ang lahat“ mahabang sabi ni Attorney,lalo ako nanginig. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ganon ako kamahal ni Ford? He loves me that much kahit alam nyang hindi ko ito masusuklian ng buo? Nakaramdam ako ng matinding hiya at awa sa kanya.
“You said he’s dying,nasan sya attorney? I want to see him,I want to talk to him,I want to be with him” naramdaman kong namuo na ang mga luha sa magkabilang gilid ng aking mga mata.
Hindi ko lubos maisip na may isang taong kayang gawin ang lahat para sa akin,to think na inayos nya ang lahat,inayos nya ang buhay ko.
“Sa isang pribadong ospital,doon na daw nya gugugulin ang mga natitirang sandali ng kanyang buhay,ayaw nya itong malaman mo dahil ayaw nyang mag alala ka,naka plano na ang lahat,but I think I ruined his plans” bakas sa boses ni Attorney ang matinding lungkot.
Right there and then,tears started rolling down my face. Umiyak lang ako ng umiyak,ni hindi ko namalayang wala na ako kausap,I cried for I dont know how long.
Nasasaktan ako sa dinadanas ni Ford. Iyon pala ang dahilan kung minsan wala sya at magtatanong ako kay tita Oro at sasabihin busy lang daw si Ford. Itinago nila sa akin ang lahat.
Hindi ko man minahal si Ford tulad ng pagmamahal nya sa akin ngunit minahal ko sya bilang isang mabuting tao at malaking bahagi sya ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang sya pa ang dumanas ng ganon,napaka bait nyang tao.
Ng sa tingin ko ay naiiyak ko na lahat. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng kwarto,nakasalubong ko si kuya Eron.
“Eiko? Umiyak ka ba? Anong nangyari?” takang tanong ni kuya,hindi ko magawang sumagot,parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko,nag unahan na namang tumulo ang mga luha ko.
Agad lumapit si Kuya at niyakap ako,napahagulhol na ako,akala ko naiiyak ko na ang lahat.
“Anong nangyari?” nag aalalang tanong ni kuya habang pinupunasan ang aking mga luha. Lalo ako naiyak kasi bigla kong naisip na pati si kuya mahal na mahal pa din ako,kahit sa ganitong edad na kami hindi sya nagbago sa akin.
“k-kuya… F-ford is d-dying,punta-han natin sya s-sa o-spital” sa wakas ay nasabi ko din sa pagitan ng aking paghikbi.
“W-what? Papanong? Tara na,lets not waste our time standing here, he needs you” sabi ni Kuya at sya na ang humila sa akin. Sumakay kami sa kotse nyang bigay ni Ford, sya nagmaneho at pinuntahan namin ang ospital na sinabi ni Attorney.
Ng makarating kami sa ospital ay agad naming tinanong sa information desk kung saan ang private room ni Ford. Sinamahan kami ng isang nurse. Habang papalapit kami ng papalapit sa private room ni Ford ay palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib at pinagpapawisan ako ng malamig. Kinakabahan at natatakot ako sa maaaring makita kay Ford.
“C’mon Eiko,just calm down,baka bigla ka na lang mag breakdown dyan” ani kuya ng tumigil kami sa tapat ng room. Binuksan ito ng nurse at pumasok,sumunod kami.
Parang gusto ko mawalan ng malay ng makita ko si Ford,2 weeks mahigit ko lang syang hindi nakita pero ang laki na ng pinagbago nya. Para na syang buhay na bangkay,nawala na ang taglay nyang kakisigan.
Agad ko syang nilapitan at hinawakan ang mga kamay at doon umiyak,natutulog sya pero naramdaman nya siguro na may tao kaya nagising sya.
“Sweetie,what are you doing here? Eron?”
“Napaka selfish mo! Why didnt you tell me everything about this? Bakit sinolo mo? At bakit ginawa mo ang mga bagay na iyon” umiiyak kong sabi. Pakiramdam ko I dont think I can handle loosing another loved one.
Inimwestro ni Ford ang kamay nya na pinapalapit si Kuya na sinunod naman ni Kuya.
“Eron bro,you take care of him okay? I’ll haunt you if not” at ngumiti si Ford,hindi ako natuwa sa sinabi nya kay kuya,tango lamang ang sagot ni kuya.
“Sweetie,theres nothing we can do about this,we cant undo whats already been done,this is my fate,I fixed everything for you and for Eron,I want you to have a good future without me,thats the greatest thing I think Ive done” nakangiti pa rin nyang sabi. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang lumuluha. He gapped my hands.
“I know everything about you..From the very first time I laid my eyes on you,I felt love..I know it was love…I love you then,I love you today and I will love you forever Eiko,my precious,my sweetie” mahina nyang sabi. Dun na ako hindi nakapag pigil,niyakap ko sya ng mahigpit,pinaramdam ko sa kanyang nandito lang ako.
Tumalikod si Kuya,I know umiiyak sya.
Ilang saglit pa nakatulog ulit si Ford,ako naman matyaga ko syang binantayan,umalis muna si kuya para umuwi sa bahay at kumuha ng damit.
Naisip kong ipaalam kay tita Oro at sa mga empleyado sa Club ang nangyayari ngayon,ngunit masyado na akong antok,hawak ang kamay ni Ford ay nakatulog ako.
Nagising ako na parang may humahaplos sa buhok ko.
“I love you Eiko,I love you sweetie,I already gave you Everything I have” dinig ko pang bulong nya.
Nag angat ako ng ulo at nakita kong tumulo ang kanyang mga luha,kinabahan ako.
“I love you sweetie” halos pabulong nyang sabi,hinigpitan nya ang hawak sa aking mga kamay.
“Ford? Anong nangyayari? May masakit ba?” taranta kong tanong,ngumiti sya at pumikit,huminga ng malalim at hindi na kumilos,lumuwag ang pagkakapit nya sa aking kamay hanggang tuluyan itong bumitaw.
“FOOORRRRDDDDD!! Noooo!! Hindi ka pwedeng mamatay!!” sigaw ko habang patuloy na nag uunahan ang aking mga luha,inalog alog ko pa sya ngunit wala na talaga. Para akong pinag sakluban ng langit at lupa,napakasakit,napaka bigat sa dibdib.
Tulalang pinindot ko ang intercom para tawagin ang duktor at nurse, kasabay nilang pumasok si kuya Eron. Naabutan nila akong tulala habang lumuluha.
“Eiko?”
“Wala na sya kuya” wala sa sariling sagot ko,napatingin si kuya sa walang buhay nang si Ford na chinecheck ng duktor.
Niyakap ako ni kuya,at muli doon ako umiyak ng umiyak.
AN/ Magandang hapon po! Vote and comment if you like! Thanks po :)
Sweet#11 >
Halos gumuho ang buong mundo ko ng mamatay si Clawford. Hindi ako makapag isip ng matino,mabuti at nandito si Kuya Eron pati ate Farah para alalayan ako.
Mga kasamahan at empleyado nya sa sariling company ang mga nakiramay pati mga empleyado sa Club kasama si Tita Oro at Attorney.
Walang kamag anak ang dumating para makiramay,totoo nga ang sinabi noon ni tita Oro,wala na syang pamilya. Hindi ko man alam ang buong kwento pero mas ikinalungkot ko iyon.
Limang araw lamang ang itinagal ng kanyang burial,at nung necrological mass na ay sadyang bumuhos ang luha. Doon ko nalaman kung gaano kabait na tao talaga ni Ford at kung gaano karami ang nagmamahal sa kanya.
Tulad ng kahilingan ni Ford sa sulat nya na natagpuan ko sa ilalim ng unan nya sa ospital ay pina crimate namin sya para maiuwi sa bahay ang kanyang mga abo.
Ng matapos ang lahat,mabigat man ang aking kalooban ay napagpasyahan kong umalis na sa Club at pabayaang si Tita Oro ang mamahala dito. Ang pinag iisipan ko ng lubos ay kung titigil na ako sa pag aaral para hawakan ang company ni Ford o pabayaan kong yung mga empleyado na lamang nya at si kuya na ngayon nga ay isa na sa may mataas na posisyon duon ang mamahala o sundin ko ang sinasabi ni Attorney na pamahalaan ko na iyon?
Magulo ang pag iisip ko,masyado akong nabibigla sa mga pangyayari,parang kidlat na dumaan lang. Ito talaga ang pinaka ayaw ko,ang iniiwan ng mga mahal ko at alam kong hindi na sila babalik,tulad nina Inay at Itay.
Isang linggo pa ang nakalipas at nakatanggap ako ng tawag mula kay Attorney na dapat na daw ako magsimulang hawakan ang company dahil magsisimula na daw na kumilos ang mga rival companies.
Sa unang araw ng pagpasok ko bilang CEO ay tinour ako ni kuya Eron at Attorney sa buong kumpanya at ipinakilala,masasabi kong mababaet ang mga empleyado at mukhang mga kasundo ni kuya,sabagay ma PR si kuya,at sa tingin ko makakasundo ko lahat at wala akong nakitang panghuhusga,bagkus ngiti at pagtanggap ang binigay nila,karamihan mga nakita at nakausap ko na nung wake ni Ford.
Masusi akong tinuruan ni Attorney na mga dapat at hindi dapat samantalang si kuya ay bumalik na sa private office nya.
Nakakapanibago. Ang lahat ng ito ay akin na. Nasa kamay ko na ang lahat. Panahon na para lalo ako mag sumikap at maisakatuparan ko na ang pag ganti ko sa mga villamor.
Second week ko sa trabaho,at talagang tumigil na ako sa pag aaral kasalukuyan kong pinag aaralan ang mga papeles na binigay ng aking secretary ng mag ring ang phone.
“Hello Maam,you have a call from Mr.Brayden Villamor of Villamor enterprise” sabi ng secretary kong si Ami. Mabaet,maganda,magalang at matalino ito,kasing edad ko lamang.
“Thanks Ami” sagot ko at sinagot ko ang kabilang linya.
“Hello?” bungad ko.
“Hello there Eiko” masiglang bati ni Brayden,ewan ko ba parang nawawala na ang inis ko sa kanya.
“Hello too,napatawag ka? Whats poppin?” sagot ko sa masigla ding tono.
“Hahaha! I just want to congratulate you for being the new CEO of Clawfords company and sorry din sa nangyari,I was too busy kasi kaya hindi ko man lang sya nadalaw” sagot nito. Somehow naramdaman ko ang kanyang sinseridad,ngayon nagtataka na ako kung bakit iba sya sa mga magulang nya.
“Oh,thanks,and about that,naiintindihan kita”
“At saka napatawag din ako para yayain ka sanang lumabas later tonight? Wala ka na naman sa bar at wala ng bawal” maya maya ay sabi nito.
“Im sorry if I have to decline your invitation Brayden,gusto ko sanang after ng 40days ni Clawford saka na ako tatanggap ng mga invitation,alam mo na,respeto sa kanya” sagot ko. Totoo naman eh,ayoko naman maging bastos na tatanggap agad ng mga ganyang imbitasyon porket wala na si Ford.
“I understand,so just call me if ready ka na,Ill be waiting,bye Eiko” malungkot nitong sabi at ibinaba na ang tawag.
Tama ba ang pagkaka intindi ko? Nalungkot sya? Pero hindi pwede,dapat hindi ako magpadala sa mga ganun,kailangan maisakatuparan ko ang plano ko.
Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa naudlot kong gawain ng muling tumunog ang intercom,sinagot ko ulit.
“Mam,Im sorry to interrupt you again but theres another call from Mr.Kurt Lyndon Montenegro of Montenegro Group of company” ani Ami.
“Thanks again Ami” at sinagot ko ulit yung kabilang linya.
“Hello?” bungad ko.
“Is this you Eiko?” Sabi ng boses sa kabilang linya. Shit! Hindi ako makahinga ng maayos,ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ganon boses nun? Napaka swabe, parang nang aakit! Damn!
AN / MUSTASA KALABASA? POST KO MUNA TO KAHIT BITIN,PARA MATULOY KO NA YUNG PAG DRAFT SA FIRST CHAPTER NG THE RIGHT TIME :)
VOTES AND COMMENTS PO HEHE XD
Sweet#12 >
“Hello?” bungad ko.
“Is this you Eiko?” Sabi ng boses sa kabilang linya. Shit! Hindi ako makahinga ng maayos,ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ganon boses nun? Napaka swabe, parang nang aakit! Damn!
Bakit ganito epekto sa akin ng Kurt na to? Napakapit ako sa dibdib ko na sobrang lakas ng kabog.
Shit lang! Boses pa lang pero nagkakaganito ako? Anyare sakin? O.o
“Eiko? Are you still there?” pagkuway sabi nito. Kinalma ko ang sarili ko.
“Yup,Im still here,pasensya na,uminom lang ako ng tubig,so.. Napatawag ka?” sabi ko na lang,and thank God nakipag cooperate naman ang boses ko.
“Ah.. Gusto sana kita yayaing lumabas to talk some important matters” sabi nya,pero tulad kay Brayden,I have to decline his invitation.
“Pero Kurt,pwedeng next time na lang kasi—”
“Its about YOU and sa plano mo sa mga Villamor” pagputol ni Kurt sa sasabihin ko sana. Napanganga ako at lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko,at talagang binigyang diin nya ang YOU
How does he know? Pano nangyari yon? Walang ibang nakakaalam nun maliban sa aming dalawa ni kuya at alam kong hindi ako tatraydurin ni Kuya.
“Natigilan ka” maya maya ay sabi ni Kurt.
“Kelan mo gustong mag usap tayo?” nasabi ko na lang,wala na eh,nasukol na ako,ako pa naman ang uri ng tao na kahit gaano katapang ay hindi nakakatanggi at nakakapag deny lalo pa at alam kong natumbok ako.
“Now,Im waiting outside your company building,pero papasok ako sa lobby para hintayin ka. See you” and he hunged up.
Saglit pa akong natulala at napaisip. Kung alam na nya? Ano motibo nya? Sasabihin ba nya kay Brayden.
Ugh! Ayoko na masyado mag isip,nakakahiya man sa mga empleyado pero kailangan ko muna umalis sa oras ng trabaho, lalo na kay Ami na iniisip siguro na tungkol sa trabaho ang itinawag ng dalawa.
“Ami,please do cancel all my appointments today,bukas ko sila haharapin,at pag may naghanap,tell them na may aasikasuhin lang akong importante outside the office” bilin ko dito ng madaanan ko. Magalang naman itong sumagot.
Pasakay na ako sa elevator ng sakto naman humabol si kuya.
Pagpasok namin sa elevator binati kami ng mga empleyado at tinugon namin.
“San lakad mo” - kuya Eron.
“Dyan lang sa labas kuya,may kailangan lang imeet,kamusta trabaho?” tanong ko sa kanya.
“Eto gamay ko na,mababaet naman ang mga empleyado,hindi lang ako sanay na tinatawag na Sir” naka ngiting sabi ni kuya kaya napangiti ako.
“Dapat ka ng masanay kuya,isa ka na sa mga stock holder dito at mataas ang position mo,hindi nagkamali si Ford sayo” sagot ko naman. Ang mga kasama namin ay nakikinig lang samin.
Sasagot na sana si kuya pero bumukas na ang elevator at kailangan na nyang lumabas,nag wave lang sya sa akin then sumara na ulit ang pinto.
TING!
Agad na ako lumabas sa elevator at nagpalinga linga sa paligid. Hinahanap ng paningin ko si Kurt.
And there he was,masayang nakikipag kwentuhan kay Manong Guard! Agad din akong lumapit sa mga ito.
“Magandang hapon Mam” bati ng Gwardya at nginitian ko lang,bumaling ako kay Kurt at ayon na naman,kumabog na naman dibdib ko ng napakalakas.
Medyo lumayo ako,natakot kasi akong marinig nya yung pagtambol ng puso ko. Napaka familiar sa akin ng pakiramdam.
“So tara na?” sabi ko na lang para hindi mahalatang uneasy na ang pakiramdam ko.
“Yep,tara na” anito at nagpatiuna na,sinundan ko na lamang sya. Napaka ungentleman nya! Pero sabagay hindi naman ako babae para alalayan nya.
Binuksan nya ang passengers seat at pumasok na ako then umikot sya at pumasok na din at yun lumarga na.
Wala namang masyadong nangyaring usapan sa kotse dahil wala naman talaga. Maya maya ay tumigil kami sa tapat ng isang restaurant.
Nang mabasa ko ang pangalan ng restaurant ay parang ayoko na bumaba.
Nananadya ba tong Kurt na to? Bwisit ah?! Sa dinami dami ng pwedeng kainan eh sa P2 RESTAURANT pa! Eh si Enzo ang manager dyan eh! Psh!
“May problema ba?” sabi ni Kurt ng mapansin nya sigurong parang wala ako balak bumaba.
“Ha? W-wala naman.Tara!” at nagpatiuna na akong lumabas. Pag pasok palang namin sa resto ay tinalasan ko na ang paningin ko.
“I have a reservation for two,Kurt Montenegro” ani Kurt sa waiter na lumapit.
“This way sir” at iginiya kami nito dun sa naka reserved na table.
Nakapag pa reserved sya agad? Plinano nya ba to?
“Kaibigan ng kuya ko may ari nito,sina Pipay at Prinz,at ang manager nila dito ay close friend din namin,si Enzo” sabi ni Kurt ng maka upo kami.
Magkakilala sila?
“Oh bakit natigilan ka?”
“Wala.. Kilala ko din si Enzo, bestfriend sya ni kuya” sagot ko na lang. Dumating ang waiter at kinuha ang order namin,si Kurt na pinag order ko since sya naman ang nagbitbit sa akin dito.
Namayani ang mahabang katahimikan sa aming dalawa. Awkward? Sobrang awkward ng pakiramdam ko. Totoo ngang mapag masid ang lalaking to kahit nung una pa lang naming pagkikita.
Dumating ang order na sadyang ikinagulat ko sa dami,since hindi naman ako malakas kumain dahil nga concious ako sa figure ko >_<
“Ang dami naman ng in-order mo” puna ko dito.
“Para mahaba ang time natin mag usap” sabi nito. Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o ano,pero the mere fact na gusto nya ako makausap ng matagal ay nagdulot ng mumunting kiliti sa akin.
Shit! Kinikilig nga ako! Ggrr! Para akong bumalik sa pagka teenager!
“At para madagdagan ang taba mo” pagkuway dagdag nito na may kasamang ngiti. Ngiti ba yon talaga? Wow!
“Hindi ako patay gutom” sabi ko at lalo sya napangiti.
King inang lalaki to! Lord! Help me na magpigil! Baka makalimutan kong hindi pa nakaka 40 days ang pagkamatay ni Ford =__=
“Mas okay yung ganito Eiko,kesa naman parang nagpapakiramdaman tayo” sabi nito at nagsimula ng kumain.
“On that,I have to agree” sagot ko then kumain na din. I must say masarap nga ang luto dito,parang sa may Chansu Resto Bar lang.
Aaminin ko,unti unti napalagay ang loob ko kay Kurt,napapatawa nga namin ang isa’t isa,nakakatuwa na ito ang unang beses na lumabas ako na iba kasama,halos nakalimutan ko na nga ang agenda ng pagkikita naming ito.
Marami kami nalaman sa isa’t isa lalo na sa kanya. Madaldal din pala sya sa kabila ng itsura nyang parang suplado.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain sa mga desserts ng sumeryoso sya.
“I like you Eiko”
O_O
Nabulunan ako!! Masyado ako nabigla sa sinabi nya. Agad nyang naiabot sa akin ang Icedtea at ininom ko ito.
“Huwag ka ngang nang gugulat” pagkuway sabi ko.
“Hindi ako nanggugulat at seryoso ako dun”
Natigilan ako. Ano ba dapat ko isagot? Ano ba dapat kong sabihin?
“Kurt.. Akala ko ba may pag uusapan tayo?” paglilihis ko ng usapan. Naisip ko kasi hindi ako dapat magpadala,baka magaya lang tong pagkagusto ko sa kanya kay Enzo,mabalewala.
“May kinalaman ito don” seryoso pa din nyang sabi.
“Gusto kita,at ayokong mapahamak ka,alam ko ang plano mo sa mga Villamor,hindi sila simpleng kalaban Eiko”
“Pano mo nalaman?” taka kong tanong.
“Kay Enzo,nung tumawag daw sya sa kuya mo para ipaalam na ang mga Villamor ang may pakana ng sunog sa lugar nyo,wag mo na sana ituloy,lalo na at kaibigan ko din naman si Brayden,pero ang mga magulang nila at si Bubbles,iba ang takbo ng pag iisip”
“How did you know all of this?”
“Nakita ko kung paano mo titigan si Brayden,may nakita akong naglulumiyab na poot sa mga mata mo kaya kinutuban ako at pina imbistigahan ang back ground mo,Im sorry if I had to do that” mahaba nyang sagot.
I was impressed and amazed! Nakita nya yon sa mga mata ko? Ganon na ba ka obvious ang galit ko?
Sasagot na sana ulit ako ng may magsalita.
“Its nice to have tha two of you as our costumer”
Nilingon ko ito.
Si Enzo.
Hindi ko alam kung anong dapat ko maramdaman at kung anong dapat ko maging reaksyon ngayong nakita ko na ulit sya. Parang natuwa ako at nainis. Hindi ko maipaliwanag.
Sweet#13 >
“Its nice to have tha two of you as our costumer”
Nilingon ko ito.
Si Enzo.
Hindi ko alam kung anong dapat ko maramdaman at kung anong dapat ko maging reaksyon ngayong nakita ko na ulit sya. Parang natuwa ako at nainis. Hindi ko maipaliwanag.
“Uy pare,kamusta?” casual na bati ni Kurt dito.
“Ayos lang naman,youre dating Eiko?” nakangising sagot ni Enzo at tiningnan pa ako. Gagong to! Ano gusto nyang palabasin?
“Sort of,pero were talking bout bussiness too” nakangiting sagot ni Kurt tiningnan ako at kumindat.
What was that for? Bigla na naman bumilis tibok ng puso ko,shit naman!
“Ah I see,kamusta Eiko? Laki ng pinagbago mo ah?” baling sa akin ni Enzo,may nakikita ako sa mga mata nya ngunit hindi ko iyon mabigyan ng pangalan,was it jealous?
“Im doing good kuya Enzo,walang nagbago sa akin maliban sa estado ng buhay ko” sagot ko. Hindi ko kasi alam kung paano pa sya papakisamahan pagkatapos ng kabiguan ko sa kanya.
“Hmmn… O sige,maiwan ko muna kayo,enjoy your lunch date” bago tumalikod ay tinitigan ako ni Enzo.
Nakakainis! Hindi pa nga ako nakaka get over sa pagsasabi ni Kurt na gusto nya ako at heto’t nagulo na naman ni Enzo ang damdamin ko.
“He likes you”
“Ha?”
“Gusto ka ni pareng Enzo” seryosong sabi ni Kurt.
Natawa ako ng pagak. Noon siguro ganon ang iniisip ko,pero ngayon hindi na. Naiinis ako sa pinapakita ni Enzo kanina.
“I dont want to talk about it Kurt,kanina lang sinasabi mo na gusto mo ako at ngayon sasabihin mong gusto din ako ni Enzo? Thats too much,hindi ako babae para gustuhin ng katulad nyo,kaya hindi ko makuha ang pinupunto mo” sagot ko sa kanya.
“Sinasabi ko iyon dahil yon ang nararamdaman ko para sayo at yun ang tingin kong nararamdaman din ni Enzo sayo,I can tell by the way he looks at you,alam na alam ko yon dahil 8 years ago naranasan ko yon at ngayon lang ulit ako nagkaganito,though hindi ko inaasahan na sa kagaya ulit ni Yuri ako magkakagusto,life is so ironic,pero this time,hindi ako basta susuko,not again” seryoso nyang sabi.
I was dumbfounded sa mga sinabi nya. Sya lang ang pangalawang lalaki na nagpakita sa akin ng interes maliban kay Ford.
“At hindi ako papayag na mapahamak ka,hindi ka pa nga nagiging akin ay mawawala ka na agad? Kaya itigil mo na din ang plano mo sa mga Villamor” dagdag pa niya.
“Walang patutunguhan ang usapan nating ito Kurt,buo na desisyon ko. Ipaparanas ko sa kanila ang mawalan ng lahat lahat” matigas kong sabi at saka tumayo’t dumeretso palabas sa P2 Restaurant.
Hindi ko gusto ang nangyayari,nakakagulo ng damdamin at pag iisip, one moment I was overwhelmed sa pagsabi ni Kurt na gusto nya ako,then biglang pinapatigil nya ako? Walang sino o ano mang pwede pumigil sa akin. Ipapalasap ko sa mga villamor ang sakit na mawalan ng lahat lahat.
Pumara ako ng Taxi,tinawagan ko si Brayden at sinabi kong puntahan nya ako sa Club ford. Hindi na ako makakapag hintay,kailangan ko ng kumilos.
Pagdating ko sa Club ay nagrerehears ang mga bakla,ng makita ako ni Reggie ay agad itong lumapit kasunod sina Pupu at Kookai,kita ko kung paano tumaas ng limang pulgada ang kilay ni Goddiva na iginuhit lamang sa eyeliner.
Insecure as always. Sabi ko sa aking isip.
“Madam! Namiss ka namin!” yakap sa akin ng mga bakla.
“Ang OA nyo ah,maka madam kayo dyan,ako pa rin to mga bruha”
“Syempre teh dapat madam,ikaw na ang amo namin eh” sagot ni Regz.
“Oo nga,at ang taray ng damit mo ah? Office girl ang peg!” segunda ni Pupu.
“Hindi lang yon,ang simple ni bakla,walang muk up at mukha na talagang GIRL” dagdag ni Kookai na nilingon pa si Goddiva.
“Mga baliw,hanggang ngayon ba hindi nyo pa din sya kasundo? Nasan si Tita Oro?” ang nasabi ko na lang,hanep din kasi ang mga baklang to eh,walang pagbabago.
“Wit!” sabay nilang tatlo sinabi yan kaya natawa ako.
“Hindi dapat inaabala ang rehearsal namin,si Mamita Oro ang sadya mo diba? Puntahan mo sya sa private office nya” biglang singit ni Goddiva sa usapan.
“Oh,nandyan ka pala,thanks for the information,uhm by the way,iwas iwasan mo ang pagtaas ng kilay,nahahalatang drawing lang eh” naka ngisi kong sagot saka bumaling kina Reggie. “I’ll be watching the show,so see ya later beks!” sabi ko sabay talikod at tinungo ang private office.
Maghapon lang ako sa private office ni tita Oro,kwentuhan lang kami ng kwentuhan,ang dami kong nalaman sa kanya at sa pagkakaibigan nila ni Ford,how I wish na matulad ako sa kanila,kahit tumanda ay hindi iniwanan ng mga kaibigan. Sa totoo lang ngayon palang ako nagkakaroon ng mga masasabing kaibigan.
Night comes,swerte dahil Saturday,ngayon ang big night,dinudumog na ng mga parokyano ang club,kanya kanya na ng pwesto ng mesa ang mga DOM,ang mga naghahanap ng paglalabasan ng init ng katawan at ang mga gusto lumimot at makahanap ng kaibigan.
By 8pm ay dumating si Brayden,gwapong gwapo ang mokong sa office attire,hindi na siguro nakapag palit,ng makapwesto kami sa VIP room sa taas kung saan tanaw na tanaw ang stage at mga performer ay umorder na ako ng alak.
“I thought hindi ka pwede nung tinawagan kita dahil wala pang 40days since nung–” nakangiti nyang sabi but I cut it off.
“I have a change of mind,gusto ko magliwaliw Brayden” nakangiti kong sagot.
“Okay,sabi mo eh,edi magsaya tayo” sabi na lang nito,maya maya dumating na ang alak.
We started drinking and chitchating while watching the performers,ang weird nga at parang matagal na din kami magkakilala. Hard ang alak na in-order ko. Pansin kong pareho na din kaming may tama.
“You know what? Its funny na sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagka interes sa tulad mo” sa kalagitnaan ng pag inom ay sinabi ni Brayden. Kahit kasama sa plano ko na maging malapit sa kanya ay hindi ko naman iniexpect na ganyan ang sasabihin nya.
Dahil din siguro sa tama ng alak ay sinakyan ko ang sinabi nya.
“Really? Prove it then!” naghahamon kong sabi.
“Huwag kang ganyan Eiko,baka hindi ako makapag pigil at saka nandito tayo sa Club mo” sabi ni Brayden.
Tumayo ako,nilock ang pinto,then isinara ang mga kurtina at lumapit sa isang pinto kung saan pwede magpahinga,matulog,kumbaga private room.
Tumayo si Brayden,lumapit sa akin,pumasok ako sa kwarto at sumunod sya then I locked the door.
“I said,prove it” ulit ko,and before I knew it,magkahinang na ang aming mga labi.
Sweet#14 >
I was drowned by Brayden’s burning passion and lust,every kiss were burning me. Dala na din siguro ng alak ay tumugon ako sa mapusok nyang pagnanasa. Ive never done this to someone else,except Ford.
Ford.
At para akong biglang natauhan,suddenly nakita ko ang mukha ni Ford sa aking isipan na sinundan ng imahe ni Kurt.
Kurt? Bakit sya?
I stopped Brayden,itinulak ko sya ng marahan
“Why?” takang tanong ni Brayden at halatang nabitin,bumangon ako sa kama,mabuti na lang at hindi pa kami nakakapag hubad.
“Im sorry Brayden,I cant do this” nahihiya kong sagot. I heard him sigh in dispair.
I know that I shoudnt do this, this is not the way it should be done,may ibang paraan para makaganti ako. At hindi ko din kayang lapastanganin ang alaala ni Ford at the same time pakiramdam ko pinagtataksilan ko si Kurt, but why him? Pwede namang si Ford o Enzo dahil minahal ko sila,at yun ang hindi ko maintindihan.
“I understand,nagpadala din ako sa bugso ng damdamin,Im sorry Eiko” ani Brayden,tumayo na din at inayos ang sarili.
“Its okay,pareho lang tayong nasa ilalim ng espiritu ng alak,you should get going,its late” sabi ko naman at binuksan na ang pinto,ngumiti sya at sumunod,then lumabas na din kami sa ViP room at sa back door kami dumaan so that no one would noticed us.
Dumaan pa ang mga araw naging busy ako sa kumpanya but hindi ko kinalimutan ang misyon ko. I dont know,may part sa akin na nagsasabi na I should stop,pero may part din na nagsasabi na I need to do it. Magulo,but at the end of it,ginawa ko pa din.
It was a very fine day,hindi ako pumasok sa work,bakit? Mag start na muna ako mag imbistiga sa mga Villamor, I drove fast to their mansion pero medyo dumistansya ako.
Habang pinagmamasdan at minamanmanan ko ang mansyon may napansin ako Taxi na nagpark sa di kalayuan,mula dito sa kotse ko ay tanaw ko ito,pero walang pasaherong bumaba,then bumukas ang malaking gate ng mansion at lumabas ang isang kotse,I can say na kay Bubbles iyon dahil masyadong girly, sinundan ito ng taxi at sinundan ko naman ang taxi.
Suddenly nawala sa paningin ko ang kotse ni Bubbles,tumigil ang taxi at may bumaba.
Dalawang teen ager na mga ka uri ko.
What the? Anong iniisip gawin ng dalawang to? Pinagmasdan ko lang sila mula sa malayo and to my surprise may tumigil na Van sa harap nila,nagulat ako sa pangyayari, pinilit silang isakay dito,and when they did,agad itong humarurot paalis.
Natameme ako,ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ganyan ba talaga ang mga Villamor?
Anong gagawin ko? Ayokong may madamay at ayokong pumalpak ang mga plano ko dahil lang dun sa dalawang yon.
Ililigtas ko ba sila? I should think of an alternate way para mas mapalapit pa sa Villamor,I may have Brayden,pero ang kapatid nya? Hindi. At kailangan mapalapit dun ako sa bruhang yon, mukhang sya may kagagawan nung pandurukot,malakas ang pakiramdam din pala ng isang yon.
Agad ko na din sinundan at hinanap kung saan nagsuot ang Van na yon. Dahil medyo may mga alam na din ako sa property ng mga Villamor,naisip kong dinala sila ng mga tauhan ni Bubbles sa isa sa mga pabrika ng mga ito na hindi na ginagamit,at sa pagkaka alam ko,ang pinaka malapit ay yung nasa labas ng syudad.
Halos abutin na ako ng hapon ng marating yon,ngunit mukhang huli na ako dahil nakita ko ang dalawa na naglalakad at sira ang mga damit.
Nakaramdam ako ng matinding awa at kilabot. Grabe ang kademonyohan ng Bubbles na yon!
Tinigil ko ang kotse sa tapat ng dalawa,medyo nagulat pa sila,inalok ko silang sumakay,nung una nag alangan pa sila,pero hindi uubra sakin yon kaya tinarayan ko sila,effective naman dahil agad sila sumakay.
Hindi ko maisip ang sarili ko kung ako nasa lugar ng dalawang baklang ito. Napaka miserable,lalo ako nagngitngit sa galit.
I talked to them,sinabi kong ayaw ko makasagabal sila sa plano ko. But they refused,lalo na yung Page, napahanga ako sa kanya at sa pinaglalaban nya,ang pagbawi sa minamahal nya na inagaw ni Bubbles. Nakaramdam ako ng inggit dahil sa tapang nya at sa pagmamahal nya sa lalaking iyon.
Pero bata pa sya,ayoko madamay sya, ako na ang bahala sa Bubbles na yon.
Ng makarating ako sa bahay agad ko tinawagan si Attorney Nicolai,yung kaibigan ni Ford. Tinanong ko sya kung paano ba ang proseso sa pagbili ng share sa ibang kumpanya or ng isang buong kumpanya. Matyaga nya itong pinaliwanag pero sa bandang huli he keeps on asking why, I just told him na may napupusuan akong bilhin. Ang tanging problema ko kung paano nila kusang ibenta iyon sa akin,kailangan magipit muna sila.
Hindi ko na kayang patagalin ang nangyayari,pakiramdam ko pag tumagal mas lalala,at malakas din ang pakiramdam ko na may iba pang na aagrabyado ang mga ito. So after calling Attorney Nicolai, may tinawagan akong private Investigator para alamin ang iba pang mga ginagawa ng Villamor,hindi ako pwedeng sumugod ng walang ebidensya.
Kung noon gusto ko ito gawin para maipaghiganti ang mga magulang ko at ang lahat ng nasunugan sa squatters area,ngayon mas tumibay ang kagustuhan kong mapabagsak sila,ramdam kong Im doing this for good,that Im on the right side,I guess.
Another week has passed, I recieved a call from Kurt inviting me to have a lunch date with him again. Hindi na ako tumanggi,mabuti na lang at kakatapos lang ng meeting sa conference room.
I exited our building,headed straight to my car at pinuntahan yung restaurant na sinasabi ni Kurt.
Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko,noon kay Enzo ako nagkakaganito,pero ngayon? Kay Kurt na? Hindi ko din maintindihan kung bakit wala na akong makapang damdamin para sa kanya. I guess I grew tired of it,for waiting for him to reciprocate the feelings. I guess tama it was meant that way.
Ford,forgive me for doing this :/
Finally narating ko din ang lugar na pakay ko,pagkapasok ko palang sa entrance ay nakita ko na agad si Kurt. He’s so dashingly handsome sa suot nyang office attire. Napalunok pa ako ng ilang beses bago nagtuloy tuloy sa table nya,tumayo sya at sinalubong ako,and to my surprise.
Hinalikan nya ako sa lips.
Saglit lang yon but I felt my heaqt stop beating for a while. Para akong nadala sa kung saang mapayapang lugar.
What’s this?
“Im glad pinaunlakan mo ako Eiko,have a seat” naka ngiti nyang sabi at doon lang ako natauhan.
Umupo na ako at binigyan sya ng ngiti.
“Matatanggihan ba kita? Malakas ka sa akin eh” sagot ko naman,he just chucked and oh! It melt me.
Ano bang meron sa lalaking to? Lahat na lang sa kanya ay ang lakas ng dating sa akin.
“I like the way you say it” then he smiled again. Im mesmirize,damn!
“Umorder kana nga,gutom lang yan” birong ganti ko,and then lumapit na nga ang waiter at kinuha ang order namin.
Nang dumating ang order namin at nagpatuloy kami sa pagkekwentuhan,I cant deny it,ang gaan na talaga ng loob ko sa kanya,he kept me company.
Hanggang nadako ang usapan namin sa nawawala daw nilang pinaka batang pinsang lalaki,nataranta na daw ang buong angkan nila,even their grandfather freaked out. Sinong hindi? Syempre bata yung nawawala. Sinabi din yang nagsisimula na sila sa paghahanap,and I promised Kurt na if I have more time,tutulong ako.
As soon as we finished eating our lunch lumabas na kami sa restaurant,he keeps on throwing jokes kaya hindi ko maiwasang tumawa ng tumawa.
(AN/ Yan yung eksenang nakita ni Page nung papunta sya sa Chansu,nakita nya si Eiko at Kurt palabas ng resto na nagtatawanan)
We parted ways na,ng bumyahe na ako pabalik sana sa kumpanya,I recieved a text from Brayden na nasa Mall daw sya kasama ang kapatid nya,and he wants me to meet her sister.
Napangiti ako. It seems that ang tadhana na ang gumagawa ng paraan para sa akin.
I-meet ko daw sila sa Starbucks, nagpunta agad ako sa Mall at madali ko lang nakita ang Starbacks,habang papalapit ako hindi ko talaga maiwasang mag isip patungkol sa kapritso ng mga mayayaman at nagpifeeling mayaman.
I just dont get it na gagastos sila para lamang sa kape? Iba’t ibang uri at flavor ng kape,which is infact pwede namang gawin sa bahay. Mga mapera nga naman,hindi nila nakikita ang value ng bawat bagay,you cant blame me,lumaki kami ni Kuya Eron sa hirap,.
Ng makalapit ako ay agad na humalik si Brayden sa lips ko. Hindi naman ako nakaiwas,pakiramdam ko may mga nakakita,hindi ba sya nahiya? The fact that Im a gay and I almost crossed dress? I have a long hair pa. Kaya lang hindi ako naglalagay ng boobs and I dont even wear bra,hindi din OA ang pananamit ko kahit pambabae,pwera lang nung nasa Club ford pa ako because its necessary.
Kita ko naman kung paano magulat ang kasama nyang babae. Si Bubbles! I cant forget that face! Nung una ko makita ito sa internet ay kumulo na dugo ko.
“Eiko I want you to meet my sister Bubbles,Sis this is Eiko yung sinasabi ko sayo” introduced sa amin ni Brayden,I think kailangan ko na magpaka plastic.
Kinekwento? Hmmn..
“Its nice to finally meet you” anito at bineso beso ako.
Witchy Bitch!
“Ako din,kinekwento pala ako ni Brayden,I hope hindi pangit yon” naka ngiti kong sabi. Ngiting plastik. Nanginginig kalamnan ko so I have to control it.
“Oh no darling,totoo nga ang sabi ni Kuya,youre a beautiful gay,hindi katulad nung isang kilala ko” anito.
“Oh why thank you then” sabi ko naman. “Ikaw Brayden ah? Youre talking behind my back” pasweet kong sabi. I have to play this game safely.
“Im sorry,I cant help it,kita mo naman my sister also appreciates your beauty” malapad ang ngiting sabi ni Brayden,ewan bigla kong naramdamang nag init ang mukha ko,kita ko kasi ang sinseridad nung sinabi nya yon. Now Im confused.
“Baliw ka,uhm Bubbles pwede ko bang malaman kung sino yung tinutukoy mo?” baling ko naman sa demonyita.
“Oh no darling,he’s not that important,that Page Fag is such a low profile trying hard wannabe for me” nakangiti nitong sagot.
Confirmed! Impaktang to,matalas din ang dila eh,ingudngod ko sya sa frappuccino nya! She’s really getting into my nerves now.
“Ah.. So anong agenda for today?” pag iiba ko ng usapan,baka mahalata ako eh.
“Ewan ko dito kay kuya pwede namang sya magsabi” ani Bubbles.
“Sissy” suway ni Brayden. Is he blushing? Hindi ko tuloy mapaniwalaan na gusto ako ng gagong to and we almost made it.
“Okay kuya! Well Eiko,we want to invite you for a dinner tomorrow if its okay with you,and konting inom na din” sabi ni Bubbles na bait baitan.
“Uhm,tingnan ko ang schedule ko and I’ll give you a call tom ng umaga Brayden” sagot ko naman.
“Great!” ani Brayden.
So,Im meeting the Roots of evil,how exciting. I should prepare myself.
VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED :)
Sweet#15 >
After meeting up Brayden and Bubbles the Witch,I called Ami at sinabing ayusin ang schedule ko tom at huwag dapat umabot ng 6pm,dahil nga diba papaunlakan ko ang dinner invitation ng magkapatid.
Ng makarating sa bahay at mapark sa garahe ang kotse ko ay nagtaka pa ako dahil may isa pang kotse.
May bisita ba kami? Sino?
Dumiretso na ako sa front door,binuksan ito at pumasok,and to my surprise nakarinig ako ng tawanan. Hinanap ko ito only to find out na si kuya may kainuman sa mini bar.
“Eiko! Andyan ka na pala,may bisita tayo” pagpansin sa akin ni Kuya. Lumingon sa akin ang bisita na ikinabigla ko.
Si Enzo.
Seriously? Anong meron sa araw na ito? Lunch date kanina with Kurt, meet up with Brayden,ngayon naman si Enzo?
Lord ano bang plano nyo sa akin?
“Hi there Eiko” naka ngiting bati ni Enzo. Weird talaga wala na ako nararamdaman sa kanya.
“Hello din kuya! Kamusta ka na? Bakit hindi mo sinama ang girlfriend mo?” ganting bati ko ng makalapit sa kanila sa mini bar.
“Tarantado ka!? May gf ka pala? Bakit hindi ko alam? Pakilala mo samin ni Farrah” singit ni kuya Eron.
“Hahaha! Hindi ko naman alam kung interesado ka,kasi hindi ako naging interesado nung nagka gf ka” sagot ni Enzo.
“Ulul!” natatawang sagot ni kuya saka nito ininom ang alak nya.
“Ang aga nyo naman ata uminum kuya? Alas sais pa lang,kumain na ba kayo?” tanong ko sa kanila.
“Hindi pa nga,gugutumin ako nitong kuya mo eh” sagot ni Enzo na humawak pa sa tyan,binalingan ko si kuya.
“Oh wag mo ako tingnan ng ganyan Eiko,tandaan mo day off ng mga katulong mo at tinamad na din ako magluto” nakangiting depensa ni kuya hindi pa man ako nakakapagsalita.
“Hayst,napaka mo kuya,nga pala bukas yung meeting ah?” sabi ko na lang at kinuha ang cellphone ko at hinanap sa contacts yung name ng tatawagan ko.
“Oo naman! Grabe kasi yang iniwan sa atin ni Clawford,pero nag eenjoy naman ako dahil nadadagdagan ang kaalaman ko” sagot ni Kuya. “Teka sinong tatawagan mo?” dagdag pa nito.
“Magpapa deliver lang” simple kong sagot. Agad ko itong tinawagan,swerte naman at sumagot agad.
“Hello Eiko? Napatawag ka?” agad na sagot nito.
“Ahm,Argel pwede ba mag pa deliver? Yung specialty sana ni Yuweh,wag mo ng samahan ng kanin” sabi ko naman.
“Okay sabihin ko kay wifey,by the way sorry sa nangyari kay kuya Clawford hindi kami nakapunta” anito.
“Its okay,pakamusta na lang kay Yuweh” nakangiti kong sagot kahit hindi naman ako nakikita nito.
After 30minutes ay dumating ang order namin,yung waiter nilang si Kyoji ang nagdeliver,after magbayad at magbigay ng tip ay umalis na ito dumeretso na kami nina kuya at Enzo sa dining hall.
Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain,tamang kwentuhan din,at balak namin dalawin ang mga magulang ni Enzo sa susunod na sabado.
Maaga akong nagising kinabukasan,agad kong kinuha ang phone ko sa ilalim ng aking unan at tinext si Brayden na sunduin ako sa office before 6pm.
Naligo na ako agad at umalis,dadaan na lang ako sa Mcdo para bumili ng makakain,si Kuya bilang isa na sa matataas din ang posisyon sa kumpanya ay mas maaga pumasok sa akin,ganun sya ka dedicated,kaya Im sure kung nasan man si Ford,masaya sya dahil hindi masasayang ang pinaghirapan nya.
Mabilis na lumipas ang oras,pagtingin ko sa wall clock eh 5:40pm na pala,agad ko ng inayos ang sarili at niligpit ang mga papeles na katatapos ko lang pag aralan at pirmahan.
Pagkababa ko pa lang sa lobby ay sakto papasok si Brayden,I dont know what happened pero bigla tumibok ng mabilis ang puso ko na lubos kong pinagtaka. Kay Kurt ko lang to nararanasan pero bakit biglang kay Brayden naman? No,siguro na-e-excite lang akong makita ang parents nya.
Ng mapansin ako nito ay nakangiting lumapit ito sa akin,bagay na lalo nagpabilis ng tibok ng puso ko. Shit,anong nangyayare?
“Wow,beautiful as always” bati nito kasabay ng paghalik sa pisngi ko.
“Bolero,so? Lets go?” sabi ko naman.
“Tara na,excited na sila makilala ka,nakucurious kasi sina Mom and Dad sayo”
Ganun? Curious din ako sa kanila.
Ilang saglit pa ay nasa mansyon na nila kami,hindi ko pa din mapigilang mamangha,mas malaki ito sa mansyon ni Ford,sinalubong kami ng dalawang katulong at sinabing hinihintay na daw kami sa dining room at agad kaming tumalima.
Pagdating doon tumayo si Bubbles at nagbeso beso.
“I thought youre not coming” naka ngiti nitong sabi.
“Pwede ba yon? Baka hindi ako tantanan ng kuya mo eh” pabiro kong sabi. Hayop lang talaga,ang hirap makipag plastikan.
“Have a seat” nadinig ko ang baritonong boses,paglingon ko ang Dad nila, malaking tao,bakas pa din ang gwapo nito,pero ang aura na nararamdaman ko sa kanya ay masama talaga.
Agad na kaming naupo,katabi ko si Brayden,sa harap namin si Bubbles,ang Mom nila ay katabi nito at ang Dad nila ay nasa dulo na nagpapakita kung ano ito sa kanila,isang boss.
Hindi ko maiwasang kabahan at hindi mapakali sa tingin na binibigay ng mag asawa sa akin,akala ko ba excited silang makilala ako? Pero bakit ganito?
Or baka naman ngayon lang sila nakakita ng bakla? I cant blame them.
“Mom,Dad,sya si Eiko,yung kinekwento ko sa inyo na bagong may ari ng company ni Ford,and malapit namin syang kaibigan ni Kurt” ani Brayden na nagpabalik sa akin sa realidad.
“Good evening po Maam and Sir” bati ko.
“Good evening din,its nice to finally meet you” sagot ng Dad nila.
“Weve heard a lot about you” sabi naman ng Mom nila. Hindi ko alam kung anung isasagot mabuti na lamang at nag serve na ang mga katulong at natigil saglit ang usapan.
Hindi pa man nakakapag simula kumain ay tumunog ang phone ng Dad nila at walang pakundangan nitong sinagot.
“What? No! Gawin nyo ang lahat! Idimolish nyo ang squaters area na yan! Sunugin nyo! Kailangan ko ang loteng yan para maibenta,nalulugi na ang kumpanya!” gigil nitong sabi na nakalimutan atang may ibang tao silang kasama.
Tiningnan ako ni Brayden,Bubbles at Mom nila na bakas sa mukha ang takot at gulat.
Well,Ive heard it myself,talagang demonyo nga ang mga Villamor. Pero para hindi sila mabothered ay nagkunyari akong balewala lang iyon sa akin at sinimulang kumain.
Dito magsisimula ang pag ganti ko,nalulugi na pala sila,so bibilhin ko na ito sa kanila,sa lalong madaling panahon.
Sweet#16 >
Dedic ang chapter na toh kay kuya Soju kahit wala syang hilig sa mga boyxboy hahaha! Gustong gusto ko kasi ang mga kwento nya,lalo na si Olivia Penelope at si Barbara :3
–
Matapos ng dinner ay nagpaalam ako kung pwede makigamit ng banyo,sinamahan naman ako ng isang maid. Habang nasa CR ay napaisip ako sa mga narinig ko kanina. Ang kumpanya nina Brayden ay kilala sa pagbebenta ng lupain at properties,yon pala naman talaga gawain nila,ang mang angkin na nga,pumapatay pa,at ngayon narinig ko mismo na lugi na sila I have to make my move,dapat mabili ko na agad ang pag aari nila sa lalong madaling panahon.
Palabas na sana ako ng banyo ng may marinig akong boses, si Bubbles at ang Mom nila,sure ako dun.
“Bakit dinala nyo dito yong baklang yon? May kakaiba akong nararamdaman sa kanya” sabi nung Mom nila.
“Oh c’mon Mom,lahat na lang pinag iisipan nyo,nahahawa na kayo kay Dad,edi kung may ginawang against us si Eiko papatay nyo sa mga tauhan nyo,ganun kasimple,but I doubt it,magaan ang loob ko sa kanya,unlike that Page Fag” sagot ni Bubbles.
Bumilis tibok ng puso ko,iba parin pala talaga pag ikaw mismo nakakadinig,that time parang gusto ko na sila sugurin.
“Basta,I dont like him,at isa ka pa,ang bagal mo kumilos,patay na patay ka dun sa Ian Montenegro na yon diba? Dapat magpabuntis ka na para wala na syang takas at masamsam natin kayamanan ng mga Montenegro,saka mo sila idispatsa lahat,kasama yung Eiko na yan” mataray na sabi ng Mom nila Bubbles at Brayden.
“Mom! Huwag si Ian! Si Page pwede pa,pero kung si Eiko idadamay,labas ako dyan,si kuya ang makakalaban mo”
“I dont care! Ewan ko dyan sa kuya mo,ang daming magagandang babae naghahabol sa kanya tapos sa bakla sya magkakagusto,kadiri!”
Doon na ako nagpasyang lumabas ng banyo na kunwari walang narinig at kunwari inaayos ko pa ang damit ko.
“Oh Eiko,hinihintay ka na ni Brayden,ihahatid ka daw nya” sabi nung Mom nila.
“Oo nga po,natagalan ako sa CR kasi tumawag si Kuya,salamat po sa magandang pag salubong at masarap na dinner” buong giliw kong sagot at nakipag beso beso sa mag inang demonyo.
Sinamahan ako ni Bubbles sa labas kung san naghihintay si Brayden,agad ako nitong sinalubong at inalalayan makasakay sa passenger’s seat,saka sya sumakay.
–
Masyado na ako madaming iniisip,si Kurt,si Brayden at ang paghihiganti ko,kaya naisipan kong kausapin si Kuya ng maabutan ko sila ni Ate Farrah sa living room.
“Kuya,lets talk” sabi ko at tumabi na sa mag irog,ang tagal na din ng dalawang ito,bakit kaya hindi pa sila magpakasal?
“Uhm sige sa labas muna ako” ani Ate Farrah.
“No Ate,dyan ka lang” pigil ko dito.
“Ano ba sasabihin mo Eiko?” takang tanong ni Kuya Eron
“Kuya aalis na ako sa kumpanya,mas naisip kong yung ibang bussiness na lamang ni Ford ang pagtuunan ko ng pansin” sagot ko.
“Huh? What do you mean?”
“Marami akong dapat gawin kuya na hindi ko magawa,since maganda ang performance mo,pwede bang ikaw na ang mag take over ng posisyon ko? Ikaw na ang bagong CEO,tatawagan ko si Attorney mamaya regarding this”
“Are you serious? Baka magalit yung iba” nag aalangang sabi ni Kuya.
“Hindi yan.Lahat sila bilib sayo kaya dont worry,at ikaw naman Ate Farrah mag apply ka dun para may kasama lagi si Kuya, sige na,akyat na ako,tatawagan ko pa si Atty.Nicolai” pagtatapos ko at nginitian silang dalawa.
Ng makarating sa kwarto ay agad kong tinawagan si Attorney at sinabi ang plano ko,he agreed at bukas na bukas daw ay iannounce namin iyon sa buong company.
Sinabi ko din sa kanya ang pagka lugi ng mga Villamor,aaralin daw nya kung paano namin mabibili ang property ng mga ito ng hindi nakakahalata.
Kalalapag ko lang ng Phone ko sa kama ng may tumatawag na naman,ng tingnan ko,yung private investigator na inarkila ko.
“Yes?” bungad ko agad.
“Napag alaman kong drug dealer din pala sila,nakakuha ako ng mga ebidensya na maaari nating gamitin laban sa kanila” sagot nito.
“Good,for the mean time,itago mo muna yan,unahin ko muna ang gagawin ko,maraming salamat ah?” sabi ko.
“Its my Job,sige po bye”
Napangiti ako at humiga,pero naisip ko,san ako dadalhin ng mga ginagawa ko? Makakabuti ba ito o mas magpapalala sa sitwasyon?
Kaya ko bang gawin yon sa pamilya ni Brayden? Kaya ko ba syang saktan ganitong hayagan nyang ipinapakita at sinasabing gusto nya ako? Pero pano si Kurt? Gusto ko si Kurt,sya ang nagsasabi na huwag ako tumuloy pero kahit gano ko sya kagusto,hindi ko pwedeng itigil ang nasimulan ko na. Either way,may mga matatapakan at masasaktan pa din ako. Si Kurt at si Brayden.
Aaahhhgggh! Pinapasakit ng dalawang yon ang ulo ko!
Sweet#17 >
Napangiti ako ng malaman ko kay Nicolai na successfull ang pagbili namin sa kalahati ng company ng mga Villamor,they really need money at alam kong malapit na sila lumagapak. Konti pa at mawawala na ang lahat ng ari-arian nila lalo pa at madalas na daw sa Casino ang mag asawang Villamor.
Halos magdadalawang linggo na din mula nung maganap yung dinner na yon,at si Kurt hindi pa ulit nagpaparamdam,busy siguro sa trabaho at paghahanap sa pinsan,naiintindihan ko sya dahil ang Montenegro nga naman ang isa sa pinaka mayamang pamilya dito sa bansa at kinikilala din sa Asia dahil sa bussiness.
Hinayaan kong si kuya na ang humawak sa kumpanya at ako naman sa ibang negosyo,flowershop,botique,grill house at marami pang iba pero mas tumutok ako sa Club Ford.
At sa mga panahong iyon si Brayden ang kasakasama ko,minsan hindi ko maiwasang makonsensya at matakot.
Makosensya dahil sa palihim kong pagkalaban sa pamilya nya sa kabila ng pagiging mabait nya sa akin at ang lantarang pagpapakita kung gano nya ako kagusto,sana lang pagkatapos ng lahat ng ito ay magawa pa nya akong mapatawad at sana maintindihan nya ako.
Matakot dahil sa mga araw na nagdaan na wala si Kurt at sya ang pumupuno nito ay nasasakop na nya ang puso ko,natatakot ako sa maaaring mangyari,natatakot ako sa nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Kurt.
Posible ba talaga to na dalawang tao ang mahalin ko? Ano ba dapat ang ginagawa pag ganito?
It was 11:46pm ng makatanggap ako ng tawag sa unknown number,kakagaling ko lang sa Club Ford,papunta na ako sa kotse ko,nagdalawang isip pa nga ako kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi,pero sinagot ko na din ito baka importante.
“Hello? Sino to?” agad kong bungad ng makasakay na sa kotse ko.
“Hello? Hello? Si Eiko ba to?” tarantang sabi ng nasa kabilang linya. Nakikilala ko ang boses nito.
“Yup its me.. Ikaw ba to Kooki? Anong meron at natataranta ka?!” taka kong tanong,bigla tuloy ako kinabahan at pumasok sa isipan ko ang mag inang Villamor.
“Oh God! Teh we need you! Hinahanap na namin ngayon si Page,malakas ang hinala namin na naloko sya ni Bubbles! Akala ni Page si Ian ang kakatagpuin nya” hysterical na sabi ni Kooki.
Ito na siguro yung sinasabi ng Mom nina Brayden na dispatsahin si Page. Mga demonyo talaga sila.
“Pwede ba Kooki! Kumalma ka! San ba kayo?!”
“Oh shit! Nasa rooftop si Page! At parang. Parang..Tangina si Bubbles yun ah?” sabi pa ni Kooki na parang hindi ako nadinig,nakarinig din ako ng ingay sa background,mga kasama nya siguro,sakto paliko na ako ng makita ko si Kooki na may mga kasama tumatakbo papasok sa isang four storey bldg. Agad kong inend ang call at nagpark.
Binuksan ko ang mini compartment,huminga ako ng malalim dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinuha ko ang laman sa loob,isang baril na lihim kong pinabili noon incase of emergency.
“Mukhang magagamit na kita,mukhang ito na ang simula” bulong ko at agad ding sumunod papasok sa bldg.
Naabutan ko pa sila sa hagdan na tumatakbo. Nakita ko si Kooki kaya agad kong tinawag.
“Dalian mo teh!” ani Kooki at mas lalo namin binilisan ang pag akyat,kung bakit naman kasi hinahayaang bukas ang mga ganitong abandonadong gusali?
Pagdating naming lahat sa rooftop nagimbal kami sa nakita namin,parang lantang gulay na si Page na pilit inihuhulog ni Bubbles sa railings.
Hindi ako nagdalawang isip at tinutok ko ang baril kay Bubbles,kinalabit ang gatilyo,tinamaan ito sa tagiliran at nabitawan si Page mabuti na lamang at maagap ang mga kasama ni Kooki.
Lumingon si Bubbles sapo ang tinamaan ng baril,halatang nagulat ito ng ako ang makita nya.
“Bakit Eiko? Traydor ka!” sigaw ni Bubbles sakin.
“Sorry Bubbles,the game is over” simple kong sagot. Pagkatapos nito alam ko na mga posibleng mangyari.
“God! Tulungan nyo ako dito! Masyado ng bumibigat si Page! Malalaglag sya ng tuluyan!” nadinig kong sigaw kaya napalingon ako sa gawi ni Page. At ng muli kong tingnan si Bubbles ay pasugod na ito sa akin.
“Walangya kang bakla ka! Trinaydor mo ako! Magbabayad ka!” sugod sa akin ni Bubbles napa atras ako,nasa kabilang railings na ako at pag hindi ako naka alis,tiyak malalaglag ako, ng malapit na si Bubbles sa akin ay agad akong umiwas,tumama si Bubbles sa bakod ngunit marupok na pala ito. At bago ko sya mahawakan para hindi mahulog ay huli na ang lahat. Nalaglag na sya.
Para akong na estatwa sa kinatatayuan ko,nadidinig ko sina Kooki na natataranta ngunit hindi ko iyon inintindi.
Ano na mangyayari ngayon? Kasalanan ko ito. Ginusto ko gumanti pero hindi ang pumatay ng tao.
“Its okay,hanggang dyan na lang siguro sya, youre Eiko right?” ani ng isang boses sa likuran ko.
Tango lang ang naging sagot ko.
“Im Ian Montenegro,aksidente ang lahat. May favor sana ako sayo” sabi pa nito na pinagtaka ko.
“Ako ang aako sa mga nangyari,alam kong sa akin ito isisisi ng mga Villamor,huwag mo na lang sanang ipaalam sa mga tropa namin ni Page ang usapan nating ito” paki usap pa nya.
Hindi ko maintindihan? Bakit aakuin nya ang pangyayari at kasalanang hindi sya ang may gawa?
“Para tantanan na nila si Page” biglang sabi ni Ian.
“Huh?”
“Alam ko yun ang iniisip mo,pwedeng ikaw na sumama sa kanila sa ospital at ako na ang sasama sa presinto?” dagdag pa nito.
Kahit naguguluhan pa ako ay napatango na lang din ako.
AN / MUSTA? Tagaaal kong hindi nakapag Update dito noh? Unahin ko po kasi munang tapusin ang The Right Time :3
VOTES AND COMMENTS po :) mahalaga sa akin ang mga comments nyo ^_^
Sweet#18 >
Umuwi akong disoriented,sumunod ako sa ospital kung san dinala si Page pero pinayuhan ako ni Kooki na umuwi na lamang dahil baka ako daw ang pag initan ng mga Villamor,ayaw ko man ay pumayag na din ako.
Ngayon nandito ako sa living room,naka upo sa sofa at nakasandal habang hinihimas ang magkabila kong sintido,hanggang ngayon,hindi ako makapaniwala sa mga nangyari,mag a-alas quatro na ng umaga pero hindi na ako dinalaw ng antok.
“Eiko? Bakit nandyan ka? Hindi ka pa natutulog?” napatingin ako dito,si Kuya pababa sa hagdan naka boxers lang at halatang kakagising lang.
“K-kuya…” sabi ko at hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko,pakiramdam ko isa na akong kriminal. Ito ba ang kapalit ng pag ganting ginagawa ko?
Dali dali lumapit si kuya Eron,niyakap ako at inalo.
“Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?” puno ng pag aalalang sabi ni kuya habang hinahagod ang likod ko.
“Kuya,pakiramdam ko isa na akong kriminal”
“Huh? Bakit mo naman nasabi yan?” nagtatakang sabi ni Kuya,natagpuan ko na lang ang sarili ko na ikinekwento sa kanya ang lahat lahat.
“Sshhh.. Aksidente naman pala ang nangyari,you dont have to feel guilty Eiko,baka yun na din ang bad karma ni Bubbles” ani Kuya,ramdam ko ang pagka awa nya sa akin.
“Anong dapat kong gawin kuya?” helpless kong sabi. Ngayon lang ako hindi nakapag isip ng matino,ngayon ko lang hindi naging kontrolado ang sarili ko.
“You should stop Eiko,live a normal life,aaminin ko plinano ko din gumanti sa mga Villamor pero naisip ko,hindi matutuwa sina Inay at Itay,kasi hindi naman nila tayo tinuruan ng ganun,kaya itigil mo na yan bago ka pa mapahamak,hindi ko kakayanin kung pati ikaw mawala sa akin,naiintindihan mo ba?” litanya ni kuya. Parang batang tumango ako at niyakap siya.
Napaka swerte ko sa pagkakaroon ng kapatid na tulad nya. Para sakin,perfect syang kuya,idol ko sya.
“Magpahinga ka na,tumawag kagabi si Tita Oro,magbabakasyon daw muna sya kung pwede at ikaw muna mag manage sa Club Ford” ani Kuya at tinap ang balikat ko,muli lang akong tumango at nagpasalamat saka tumuloy sa kwarto ko. Tiwala ako kay kuya kaya sa kanya na lang siguro ang kumpanya tutal wala ako alam dun.
Pagkahiga ko ay doon ko naramdaman ang pagod hindi ko na din namalayan na nakatulog na ako.
Nagising ako dahil nag iingay ang phone ko,tiningnan ko kung sino ang tumatawag at agad akong napabalikwas ng bangon.
Si Brayden.
“H-hello?” kinakabahan kong sagot,ang lakas ng kabog ng dibdib ko,inuusig na naman ako ng konsensya ko.
“Eiko…” anito kasunod ng halos isang minutong katahimikan.
“B-brayden bakit?” tanong ko kahit pa man alam ko na talaga ang rason ng pagtawag nito.
“Wala na si Bubbles,patay na sya! Pinatay sya ng walangyang Ian Montenegro na yon!” may kalakasang sabi ni Brayden,hindi ko mapigilang manginig,gusto ko na sana sabihing dahil sa akin kaya na aksidente at namatay si Bubbles but I know It wont help the situation.
“Nasan ka?” pagkuway tanong ko,ayaw kong salubungin ang galit nya,ewan ko ba,siguro tuluyan na akong nahuhulog sa kanya ng hindi ko namamalayan? Pero ganito din ang nararamdaman ko kay Kurt.
“Inaasikaso namin ang funeral nya,can you come?” mababa na ang boses na sabi nito,nakaramdam na ako ng matinding awa,alam na alam ko ang pakiramdam ng nawalan,ang sakit ng mamatayan ng minamahal.
“I can’t promise but I’ll try Brayden,marami akong pending works,but for the meantime,please be strong,Im always here for you” nasabi ko na lang,hindi ko din alam kung bakit yon ang sinabi ko.
“Thanks Eiko, o sige na,bye,I love you” end call.
What the? Tama ba narinig ko? Nag I love you sya sa akin? Gosh! Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Naligo na ako at nagbihis, nagdadrive na ako papunta sa Club Ford ng makatanggap ako ng text mula kay Kooki na inaresto na nga daw si Ian,nakonsensya ako,dapat ako yon eh,agad kong tinawagan si Atty.Nicolai para sya ang humawak sa kaso ni Ian,hindi naman sya tumanggi at alam kong magaling syang abogado,kilalang kilala nga sya eh.
Sa ganitong paraan man lang makabawi ako kay Page at Ian,ngayon patapos na ang laban nila,ang sa akin naman ay magsisimula pa lamang,aaminin ko natatakot ako sa mga magaganap,wala ito sa plano ko,hindi ko ito ginusto.
Nakarating ako sa Club,nagrerehearse ang mga bakla,hindi ko muna sila pinansin at dumeretso ako sa private office ni Tita Oro.
“Tita Oro Im here” bati ko dito,agad naman itong lumapit at binigyan ako ng yakap at beso.
“Im glad you came Eiko” anito at naupo kami sa couch nya habang nagsisindi sya ng sigarilyo.
“Ikaw pa,malakas ka sa akin,saka pabor ako na kailangan mo nga magbakasyon” nakangiti kong tugon.
“Haha thanks for understanding,medyo na i-stress ako sa mga baklang yan,hindi ko na sila maintindihan minsan,at alam kong higit sa akin ay mahahandle mo sila,at sakto ang dating mo,nakahanda na ang mga maleta ko” anito saka humitit at bumuga.
“Sana nga tita Oro,gaano ka katagal mawawala? Para masanay ko din ang sarili ko sa paghawak ng Club,hindi ko gamay ang kumpanya kaya si Kuya ang inassign kong CEO” Sabi ko naman.
“Thats good to know,mabaet at matalino ang kuya mo,Ive heard so much from him galing sa pamangkin kong nagtatrabaho din dun”anito at napangiti ako,pero hindi umabot sa aking mga mata. “May problema ba? Your eyes tells it” dagdag pa nito. Medyo nagulat ako, ang galing naman nya,napansin nya agad yon o sadyang ganun na ako ka obvious?
“Tita Oro may pinagdadaanan ako,Ill tell you the whole details when you get back” seryoso ko ng sabi. Tinitigan naman ako nito na parang binabasa kung ano man ang iniisip ko.
“Okay if thats what you want,I should get going na,alam mo na naman ang lahat lahat dito so wala na akong aalahanin pa” anito at pinatay ang sigarilyo at tumayo na. “Magpapaalam na din ako sa mga kabadingan” dagdag nito.
“Samahan na po kita”. At lumabas na kami sa opisina at tinungo ang mga nagrerehearse.
“Mga bakla,aalis na ako, si Eiko na muna mamahala sa Club since sya naman ang may ari nito” pag papaalam ni Tita Oro,isa isa syang niyakap ng mga ito, si Kookai,Pupu at Reggie naman ay lumapit sa akin. Si Goddiva tinaasan na naman ako ng kilay.
Ipagpatuloy mo yan Goddiva,wala kang sasahurin haha!
Ng maka alis si Tita Oro ay sinabihan ko ang taga luto na huwag na magluto ng meryenda ng mga performer,nag order na lang ako ng Pizza,burger at fries para sa lahat pati mga crew,waiters at cook, kumbaga para yun sa pagbalik ko,treat ko sa kanilang lahat.
“Anyare teh? Para kang may problema?” pagpansin ni Reggie sa akin,nandito na kami ngayon sa private office,katatapos lang ng meryenda.
“Meron nga,at kailangan ko makapag relax kaya nandito ako” sagot ko naman at nilibot ang tingin sa buong kwarto.
“Care to share?” halos sabay pang sabi ni Kookai at Pupu.
“Saka na,kailangan maayos ko muna iyon” naka ngiti kong sabi sa mga ito.
“Nga pala teh? Kamusta kayo ni Fafa Brayden?” ani Kookai
“Gaga! Ang tanga mo talaga! Diba nga si fafa Kurt ang dyowa nya?!” pambabara ni Pupu kay Kookai
“Huli ka sa tsismis teh? Si Brayden na lagi nyang kasama! Mahina na radar mo! Aminin mo na kasi tumatanda kana” sabi naman ni Kookai.
“At kelan pa nadamay dito ang aking radar?! Hoy for your infameysyon si Kurt ang nagpapasaya kay Eiko! Mali mali ka ng nasasagap na tsismis!” sagot pa ni Pupu.
Ha? Ganun sila ka updated sa nangyayari sa akin? Mga bruhang to ah?
Sabay na hinablot ni Reggie ang buhok ng dalawa.
“Mga gaga! Ayan na naman kayo eh,si Enzo ang first lab ni Eiko! Mga tanga!” sabi ni Reggie,literal na napanganga at napatingin ako dito.
Panung?
Magsasalita na sana ako ng tumunog ang phone ko,may tumatawag, tiningnan ko kung sino ito.
Si Kurt.
Sweet#19 >
“Hello Kurt? Napatawag ka?” pagsagot ko sa tawag.
O_O <- Kookai,Reggie at Pupu.
“Are you free today? Gusto kita makita at makausap” anito,tumambol na naman ang dibdib ko,after ilang weeks na hindi sya nagparamdam,madinig lang ang boses nya parang nakontento na ako. Bakit ganun? Posible ba to? Dalawa ang mahal ko?
“Nandito ako sa Club Ford,kung gusto mo pumunta ka dito” sabi ko habang pinandidilatan ang tatlong bakla,para kasing mga timang,sila ang kinikilig,naghahablutan pa ng mga buhok >_<
“Okay,I’ll be there in no time,see you and I love you” anito at inendcall na,natulala ako,wala na akong kausap pero nasa tenga ko pa din ang phone. Lumakas na naman kabog ng dibdib ko.
Sinabihan akong I Love you ni Kurt? P-pero sinabihan din ako ni Brayden! Ano ba tong nangyayari? Pakisampal nga ako?!
PAK!!
“Aray! Sinong sumampal sa akin? Bakit mo ako sinampal?” baling ko sa tatlo,sabay na tinuro nina Pupu at Kookai si Reggie.
“Eh kasi naman teh,kinakausap ka namin natulala ka na,ni hindi mo namalayan na nakuha ko na phone mo oh?” sagot ni Reggie,inirapan ko sya at hinablot ang phone ko at napangiti ako.
Natulala pala ako? Grabe ah hindi ko na tuloy alam kung anong dapat gawin,ang gulo na ng isip ko.
Lumabas ako ng opisina para hintayin sa labas si Kurt,sumunod pa din ang tatlong bruha.
Ng nasa labas na ako ng Club ay saktong pumarada ang kotse ni Kurt,ng bumaba sya ay napasinghap ako,napaka gwapo talaga nya sa office attire nya,gusto ko syang yakapin dahil sobrang namiss ko sya.
“Hi!” naka ngiti nitong bati ng palapit na,naisip ko bigla yung pag i love you nya kanina,sasagot na sana ako ng may magsalita.
“Hello Kurt!” ang tatlong bakla. Nilingon ko sila at pinanlakihan ng mata. Na gets naman siguro nila dahil nagmamadali silang bumalik sa loob ng Club.
“Hi,tara dun sa Vip room,dun tayo mag usap” naka ngiti kong paanyaya,alam ko na kung anong pag uusapan namin.
“Eiko,gusto kong tigilan mo na ang paghihiganti sa mga Villamor,alam mo kung gano kita kamahal at ayokong mapahamak ka. Nabalitaan ko sa mga kaibigan ni Ian ang nangyari,nakulong ang pinsan ko at na comatose si Page,and worse,namatay si Bubbles,tinawagan ako ni Brayden,he is my friend,naaawa ako sa kanya” diretsahang sabi ni Kurt habang hawak ang dalawa kong mga kamay.
Napayuko ako,nakaramdam ng matinding hiya at pang uusig ng konsensya.
“Kasalanan ko kung bakit namatay si Bubbles,kung hindi sana ako umiwas edi sana hindi sya nahulog sa building” sabi ko at tuluyan ng napaiyak.
“Sshh tahan na,nandito lang ako,hindi kita papabayaan,ang laban mo ay laban ko na rin,at saka wala kang kasalanan,alam kong alam mo yan,ang tanging inaalala ko lang ay ikaw,maaaring makahanap sila ng butas para masisi ka,I know them,at hindi sila papayag na ang pinsan ko lang ang magdusa” aniya habang nakayakap sa akin,Somehow I felt secured sa yakap nya.
“Tatanggapin ko kung anong mangyayari,at titigilan ko na ang paghihiganti” sabi ko at lalong idiniin ang aking ulo sa kanyang dibdib,dinig at ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso nya,katulad sa akin,at ang lalaking lalaki nyang amoy na nanunuyot sa aking kaibuturan,nakakahumaling,nakakabaliw.
“We have to be extra careful Eiko,ang pamilyang Villamor ay may record ng pagkabaliw pag hindi na nila nakocontrol ang mga emosyon nila,at nakita mo yun kay Bubbles” sabi pa ni Kurt,napahiwalay ako ng yakap at nanlalaki ang matang napatingin sa kanya.
“Pati si Brayden?” tanong ko,at tango ang sagot nya sa akin,kinilabutan ako sa nalaman.
“Pupunta tayo dun mamaa sa funeral,do you trust me?” aniya habang hawak nya ang baba ko. Tumango ako,unti unti nyang nilapit ang kanyang mukha.
Pumikit ako,naaamoy ko ang mabangong hininga ni Kurt,nakaramdam ako ng kakaibang init,ng maglapat ang aming mga labi ay nakaramdam ako ng kakaiba,napaka enchanting,napaka magical. Iginalaw nya ang kanyang labi at pilit ipinapasok ang kanyang dila sa aking bibig,ibinuka ko ng bahagya ang aking bibig para magawa nya ang gusto nya.
Mapusok ngunit may pagmamahal ang halik nya na walang pag aalinlangan ko namang tinutugon. Bahala na,susundin ko na lang ang itinitibok ng puso ko.
Hindi ko man lang namalayang pareho na kaming walang saplot,ramdam ko ang naglulumiyab naming pagnanasa,nakapatong sya sa akin habang nagpapalitan kami ng maalab na halik.
Tumayo ako at pinulot ang mga damit namin,napakanot noo sya,sinenyasan ko syang sumunod sa akin,tumayo na din sya at hindi ko mapigilang mamangha sa buhay na bagay na nasa pagitan ng kanyang mga hita.
Binuksan ko ang secret door kung san din kami montik na may mangyari ni Brayden. Napa buntong hininga ako. Ngunit pagpasok pa lang ni Kurt ay muli nyang inangkin ang aking labi.
Its 10pm,usapan namin ni Kurt na babalik sya mamaya at susunduin ako. After may mangyari sa amin,nagkasundo na ang mga puso namin,sinagot ko na sya. At eto nga ngayon,napag usapan din namin na aayusin namin ang lahat lahat.
Masaya ako,sobra, alam ko na ngayon na mahal ko sya,at kung ano man ang nararamdaman ko kay Brayden ay pagmamahal din pero mas matimbang si Kurt.
Nandito ako ngayon sa gilid ng stage,nakaupo at umiinum ng juice habang pinapanood ang mga bakla na magperform,nakakatuwa na habang tumatagal ay lalo silang gumagaling,hindi kami lugi,marami paring mga parokyano,mga DOM at yung iba,gaya ng dati ay gusto lang makapanood ng magandang show ala Las Vegas.
“Pwede ka bang itable?” narinig kong sabi sa akin,handa na sana akong singhalan ito at sabihing hindi ako performer dito (dati lang) ng mapatigil ako. Si Kurt pala,nakapakagwapo talaga ng isang to,nakapag palit na din sya ng damit.
Nginitian ko sya ng ubod tamis at sinabing
“Sure,for you Im free,no expenses,no charges”
at humagikgik lang sya. Ngayon ko lang sya nakitang ganun,nakaka amaze.
By 12 midnight ay gumayak na kami ni Kurt,sinabihan ko na lang ang cashier na itago yung kikitain pa dahil kinuha ko na ang kita ng buong gabi at itinago sa secret volt na tinuro sa akin ni Tita Oro noon.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang kabahan sa pagpunta dun at sa magiging reaksyon ni Brayden pag nalaman nyang kami na ni Kurt.
Ng makarating sa funeral ay tahimik kaming pumasok ni Kurt habang magkahawak kamay,inaalis ko nga pero ayaw nya. Sinalubong kami ng mag asawang Villamor. Binati nila si Kurt pero ako ay hindi,masamang tingin ang binigay nila sa akin,tanging si Brayden lang ang pumansin sa akin. Napatingin sya sa magkahawak naming kamay ni Kurt. Napayuko ako,eto na naman ang guilt. Pakiramdam ko talaga sobrang laki ng kasalanan ko kay Brayden.
Ng makaupo na kami ay halos si Brayden at Kurt lang ang nag uusap,hindi din ako mapakali dahil sa masamang tinging ipinipukol parin sa akin ng mag asawa.
Nabaling lang ang atensyon ko pabalik sa dalawa ng marinig kong sinabi ni Kurt na kami na.
Napatingin sa akin si Brayden,nagtatanong ang mga mata pero hindi nito maitago ang sakit.
Hindi ko alam ang sasabihin ko,lalo bumigat ang pakiramdam ko. Ilang beses ko na bang sinabi na hindi ko ito ginusto?
Sweet#20 >
Isang linggo na ang nakakalipas mula ng pumunta kami ni Kurt sa funeral ni Bubbles. Isang linggo din na parang mababaliw na ako,hindi ako makatulog ng maayos,at kung makakatulog naman ako ay nagigising ako dahil sa bangungot.
Lagi ko nakikita sa isipan ko si Bubbles,pumikit man ako o dumilat,inuusig nya ako,kahit si Brayden ay nakikita ko sa aking isipan na nasasaktan,galit sa akin. Para na akong masisiraan ng baet.
Mabuti na lamang at hindi ako iniwan ni Kurt,pinanindigan nya ang sinabi nya na lagi syang nandyan para sa akin. Nabalitaan ko din na ngayon ang araw ng libing ni Bubbles,nagmukmok ako dito sa loob ng private office. Palinga linga dahil pakiramdam ko nakikita ko si Bubbles sa bawat parte ng silid na to.
“Eiko? Teh?” dinig kong tawag sa akin,napakislot ako,parang boses ni Bubbles ang narinig ko.
Hindi ako sumagot,nanginig ako. Paulit ulit nilang tinatawag ang pangalan ko. Sumiksik ako sa isang sulok at tinakpan ang aking mukha. Hindi ko na kaya para na talaga akong masisiraan ng bait.
Napasigaw ako ng marinig ko ang malakas na pagbalibag,sinira na pala nila ang pinto,nagmamadali si Kurt na lapitan ako at niyakap. Kasunod nya sina Reggie,Kookai at Pupu na kita ko din ang pag aalala nila para sa akin.
“K-kurt,hindi ko na kaya. Para na akong mababaliw” sabi ko na nanginginig na hinigpitan ang yakap sa kanya.
“Sshhh…Everything will be okay,you just need to relax my love.” pag alo sakin ni Kurt. Somehow napanatag ako. Ito ang isa sa mga kayang gawin sa akin ni Kurt,ang pakalmahin ako.
“Gusto mo pumunta tayo sa Doctor mhie?” tanong nya sa akin,mariin akong tumango. Ayoko,wala akong sakit,sobrang stress lang siguro ako at sobrang nababagabag.
“Reggie,pakisabi sa mga kasamahan nyo na iuuwi ko muna ang boss nyo,he needs a rest” utos ni Kurt,tumalima naman ang mga bakla.
Hinatid ako ni Kurt sa bahay,naabutan namin sina Kuya at Farah na masayang nag uusap sa may lanai. Lumapit kami at nagbatian ang tatlo,magkasundo na din si kuya at Kurt,infact botong boto si kuya.
Mga bandang alas otso ng gabi ng makauwi si Kurt,dito ko na din kasi sya pinag dinner. Walang ganang nagpunta ako sa living room,sinundan ako ni Kuya at ni Farah,naramdaman siguro nila na may mali sa akin.
“Sis may problema ba?” nag aalalang tanong ni Ate Farah.
“Isang linggo ko ng napapansin na wala ka sa sarili mula ng mag usap tayo” segunda ni Kuya. No choice ako kundi sabihin kung anong nangyayari sa akin and they suggested also na magpatingin na ako baka nagka trauma daw na mariin ko ulit inayawan.
“So I guess,imoved muna namin ng kuya mo ang kasal namin,hintayin naming maging okay ka” nakangiting sabi ni Ate Farah,nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanila.
“Magpapakasal na kayo?” hindi ko maiwasang mapangiti. Matagal na din silang magkasintahan at alam ko kung gano nila kamahal ang isa’t isa,at hindi naman ako papayag na ma move ang date nito dahil sa akin.
Sabay silang tumango,napayakap ako sa kanilang dalawa sa tuwa. “Im so happy for the both of you,wag nyo imove,kelan ba?” sabi ko.
“Ang totoo nyan kapatid,tapos na lahat ng preparations,at yung petsa na lang talaga,dapat next week na ito” sagot ni Kuya Eron.
“Wow! Congratulations!” sabi ko.
“Salamat Eiko,actually napamigay na namin ang invitation,yung para sayo nasa kwarto pa,tinago ko talaga” ani Kuya.
“Hmmm.. Ikaw kuya ah? Naka buo na ba?” biro ko pa. Halos nakalimutan ko na ang problema ko.
“Eiko!!” bulalas ni Ate Farah na namumula kaya napatawa kami ni kuya Eron.
Maaga akong nagising,tumawag ako sa Club na hindi ako makakapunta,gusto ko muna magpahinga kahit dalawang araw.
Wala si kuya nasa opisina na siguro, ang mga kasambahay naman ay kanya kanya na ng gawain. Papunta na sana ako sa pool para magtampisaw sana ng may marinig akong bumusina ng maraming beses.
Hinayaan ko lang ito,ang mga katulong naman ang magbubukas nito. Ilang saglit pa nakarinig na ako ng sigaw,pag lingon ko si Brayden,galit ang mukha nya pero umiiyak sya. Natakot ako.
“B-brayden?!”
“Totoo ba ito ha?! Totoo ba yan?!” at inihampas nya sa akin ang mga papel na dala nya,nanginginig na binasa ko ang mga ito. Mga papeles na nagsasabing sa akin na ang lahat ng ari arian ng mga Villamor.
“Niloko mo ako! Nagtiwala ako sayo! Yon pala inaahas mo na ang pamilya ko! Unti unti mo kaming nilubog sa putik! Hindi ka pa nakontento?!! Nakipag sabwatan ka pa kay Ian para mapatay ang kapatid ko?! Demonyo ka! Sinayang mo ang lahat! Sinayang mo ang pagmamahal at tiwala ko!” galit at lumuluhang bulyaw sa akin ni Brayden. Natakot ako,parang mga palasak na tumutusok sa akin ang bawat salitang binibitawan nya
“Brayden magpapaliwanag ako” umiiyak kong sabi at hinawakan sya sa braso ngunit pumiksi sya kaya napabitaw ako.
“Para saan pa? Dinurog mo na ang puso ko ng sagutin mo si Kurt! Na pinsan din pala ng Ian na yon!! Dinagdagan mo pa! Nagplano ka pa ng masama sa pamilya ko! Minahal kita Eiko! Lahat ng ipinakita at mga sinabi ko sayo totoo! Pero anong ginanti mo? Ginago mo ako! Sana hindi na lang ako nagtiwala sayo! Sana hindi na lang kita minahal! Nagkamali ako ng tingin ko sayo! Mukha kang pera! Sayo na lahat yan! Sana huwag kang karmahin!!” sabi pa ni Brayden na patuloy sa pag iyak,namumula na ang mga mata nya,marahas nyang pinahid ang kanyang mga luha at tumalikod at tuluyan ng umalis.
Naiwan akong umiiyak,mabigat na mabigat ang pakiramdam parang sasabog ang dibdib ko,pero alam ko na kung ano ang sakit na nararamdaman ko ay mas triple pa ang nararamdaman ni Brayden,napakasama kong tao.
Sa sobrang pagdamdam ko sa problema ay hindi ko nasabi kay Atty.Nicolai na itigil na ang pagbili sa mga pag aari ng mga Villamor,pero wala na,nangyari na at hindi na ako mapapatawad ni Brayden.
Tulalang lumuluha ay naupo ako sa gilid ng pool,napatingin ako sa tubig.
Sweet#21 >
Nagising ako na nasa isang silid na ako,kung hindi ako nagkakamali ay nasa ospital ako.
Pero bakit ako nandito?
Oo nga pala,nagpaka lunod ako,tumalon ako sa pool at pinigil ko ang aking paghinga hanggang sa mawalan na ako ng malay. Pero bakit pa ako nabuhay? Sana natuluyan na lang akong namatay para mapagbayaran ko na ang mga kasalanan ko.
Bumukas ang pinto ng private room,pumasok sina Kuya Eron,Farah at Kurt may mga dalang prutas.
“Mabuti at gising ka na” ani Kuya at hinaplos ang ulo ko.
“Binilhan ka namin ng mga prutas para maibalik yung resistensya mo” dagdag ni ate Farah. Ngunit nanatili akong tahimik.
“Mhie…” tawag ni Kurt,lumingon ako sa kanya,at nag unahan na naman tumulo ang mga luha. Ewan ko ba,hindi naman ako ganito dati,hindi ako basta basta umiiyak o nawawalan ng pag asa,tanging yung insedente na yon ang nag paiba sa akin.
Nawala na ang dating Eiko,ang Eiko na Fearless,fierce at fighter. Naglaho na sya.
“Mhie,napag usapan namin ni Eron na kailangan muna kitang ilayo dito” ani Kurt habang hawak ang kamay ko,napatingin ako kay Kuya.
“No, Dhie,Kuya,Ate I want to be in your wedding,dont treat me na parang may sakit ako” pakiusap ko sa kanilang tatlo.
“Damn it Eiko! Dont be stupid! You almost killed yourself! Sa tingin mo makakapag pakasal kami ng ate mo kung ikaw ang inaalala namin! Mag isip ka nga! Shit! Montik na ako mawalan ng kapatid! What were you thinking huh?” galit na sabi ni Kuya,natakot ako,sa tanang buhay ko ngayon lang nya ako sinigawan.
“Hon” pag awat ni Ate Farah kay Kuya,kita kong naglandas ang luha ni kuya maging si ate Farah.
Great! Ng dahil sa akin pati sila nahihirapan na. Napaiyak ulit ako,tahimik na inisandig ni Kurt ang ulo ko sa dibdib nya.
“You listen to me Eiko! Aalis kayo ni Kurt,ako na ang bahala sa mga Villamor na yan,lahat ng ari ariang nakuha mo sa kanila ay ibabalik natin para matahimik sila. And the wedding,pwede namang next year na lang” sabi pa ni Kuya. Napatingin ako kay Ate Farah,I can see disappointment in her eyes.
“Kuya.. Payag na akong umalis,but please,ituloy nyo ang kasal,alam kong matagal nyo na itong pangarap ni Ate” sabi ko na lang at inisip kung ano ang mga susunod na mangyayari. Kung maibalik nga ba ang mga ari arian ng mga Villamor ay matatahimik sila? I doubt. Buhay ang nawala at buhay din ang sisingilin nila. Kung yon ang tanging paraan para makabayad ako,ay handa na akong mamatay sa mga kamay ng mga Villamor.
Matagal akong tinitigan ni Kuya bago bumuntong hininga.
“Okay, Kurt ikaw na bahala sa kapatid ko,malaki ang tiwala ko sayo” ani Kuya.
“Makaka asa ka bro,dadalhin ko muna sya sa Montenegro Mannor,walang mag iisip na nandun sya” sagot ni Kurt. Pagkatapos ng usapang iyon,muli akong nakatulog habang hawak ni Kurt ang kanan kong kamay.
Five days na ako dito sa Montenegro Mannor,so far so good ay ayos naman ako dito,naging maganda ang kalagayan ko,tinanggap ako ng Lolo ni Kurt at ng mga pinsan nya.
Naalala ko tuloy si Ian,kamusta na kaya sya? Sana matapos na din ang paghihirap nya,wala naman sya kasalanan,at saka tiwala ako sa kakayahan ni Atty.Nicolai.
Pero sa loob ng limang araw na yon,napansin ko ang pagiging balisa ni Kurt,alam mo yung pakiramdam na para syang may tinatago? Ramdam na ramdam ko iyon. Na bothered tuloy ako lalo na at sa Wednesday na ang kasal ni kuya.
Kaya naman ngayong nasa trabaho si Kurt ay pumasok ako sa kwarto nya na kwarto na namin,naghalungkat ako ng pwede nyang maitago sa akin,malakas ang kutob ko na may mali.
Wala akong makita,ang hindi ko na lang nahahalungkat ay ang closet nya. Huminga ako ng malalim at hinalungkat ko na ito hanggang sa may makita akong dyaryo.
Ang petsa ay noong isang araw,at ang nakapag panginig sa akin ay ang headline.
“BRAYDEN VILLAMOR COMMITTED SUICIDE AFTER THE DEATH OF HER SISTER”
Napaluha ako,nanginginig na binasa ko ang buong detalye, naka saad dito na pagkatapos daw ng libing ni Bubbles at ng malamang wala ng ari arian ang kanyang pamilya ay nagtangka itong magpakamatay ngunit naagapan. Ng magising daw ay wala na ito sa katinuan,dahilan para dalhin ito sa isang mental hospital.
Napatutop ako sa aking bibig,hindi ko mapigilan ang mapaiyak,makonsensya at ang magsisi.
Alam kong higit pa doon ang rason kaya ginawa ito ni Brayden,naalala ko ang sinabi ni Kurt na may pagka baliw nga daw ang mga ito pag hindi na nakakayanan ang emosyon.
What have I done?!
Buong araw akong hindi lumabas sa silid,nakaupo lang ako sa kama habang hawak ang dyaryo at tulala.
Bumukas ang kwarto at pumasok si Kurt. Nakita nya ako sa ganung kalagayan,napatingin sya sa hawak ko.
“Shit!” aniya at agad akong niyakap. Nakakakita at nakakarinig ako pero pakiramdam ko ay patay ako.
“B-bakit hindi mo sinabi sa akin to?” tanong ko kay Kurt.
Hinawakan nya ng dalawa nyang palad ang aking mukha.
“Dahil alam kong ganito ang mangyayari. Pasensya ka na at inilihim ko,mahal na mahal kita at nasasaktan akong makita na unti unti kang nilalamon ng guilt at kalungkutan” sagot ni Kurt habang nakatitig pa rin sa akin.
“Ayoko na Dhie,pagod na ako sa larong inumpisahan ko,gusto ko ng matapos to at makapag pahinga” lumuluha ko pa ding sabi at yumakap sa kanya.
“Sshh.. Inaayos na namin ang lahat,everything will be okay Mhie,nandito lang kami,nandito lang ako at hindi kita iiwanan hanggang sa huli” aniya at niyakap na din ako.
Kahit papaano ay nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng pagka miserable ng buhay ko ay hindi ako iniwan at binitawan ng taong mahal ko. Ipinaparamdam nya talaga sa akin ang kanyang pagmamahal at suporta. Hindi ako nagsisisi na sinagot ko sya.
“Salamat Dhie,mahal na mahal kita”
“Mahal na mahal din kita Mhie,please tulungan mo ang sarili mo,huwag kang magpatalo,huwag mong akuin ang lahat,nandito ako para dumamay,diba nga? Ikaw at ako ay iisa na lamang?” aniya at tumango ako.
Tama sya. Hindi ako nag iisa sa labang ito. Haharapin namin ito ng magkasama,pagod na din ako eh,kung kailangan ko magmakaawa ay gagawin ko,matapos lang ang lahat ng ito.
Sweet#22 >
Dumating ang araw ng kasal nina Kuya Eron at Ate Farah. Napaka gwapo at napaka ganda nila,siguro talagang sinadya ng tadhana na maging sila. Marami din silang pagsubok na dinaanan noon,at ngayon eto sila,mag iisang dibdib na. Masaya ako para sa kanila. Si Enzo ang Bestman ni Kuya. Damang dama mo talaga ang kasal dahil Church wedding,ang mga bisita ay ang mga empleyado namin sa kumpanya. Sina Tito at Tita (parents ni Enzo) ang tumayong parents ni Kuya.
Nakangiti ako habang ginaganap ang seremonyas,katabi ko si Kurt at magkahawak pa din kami ng kamay. Ginawa ko ang sinabi ni Kurt,hindi na ako nagpadala sa mga negative feelings. Kung noon matapang akong humaharap sa mga problema bakit hindi ko din gawin ngayon? Lalo pa at may kasangga na ako.
“Gusto mo pakasal din tayo?” bulong ni Kurt.
“Baliw,kahit hindi na,basta mahal natin ang isa’t isa yon ang mahalaga” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Eh? Bakit sina Argel at Yuweh nagpakasal,it means tayo din pwede” pangungulit nito.
“Ang ligalig mo dhie,makinig at manood ka na nga lang sa kasal” sabi ko,ngumiti naman sya at mabilisan akong hinalikan sa labi saka sya naka ngiting nanahimik. Namula ako at hindi ko maigalaw ang ulo ko,alam kong nakita iyon ng mga nasa likuran ko,para tuloy akong may stiff neck! Grabe kasi magpakilig ang lalaking ito eh. Sa bawat araw na dumaan lalo ko sya minahal ng lubusan.
Ng matapos ang kasal ay agad kaming nagpalakpakan,lumapit kami ni Kurt at naki sama sa picture taking. Napatingin sa amin si Enzo,nginitian ko na lang sya,sana masaya na sya ngayon.
Sa isang gazebo ginanap ang reception, ang P2 Resto ang nag cater as usual.
Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla ako kinabahan,lalo na ng mapansin kong may mga lalaking umaaligid,hindi ko matandaang bisita din sila.
Masyado ako talagang nabagabag,sasabihin ko pa lang ito kay Kurt ng makarinig kami ng sunod sunod na putok ng mga baril. Nagkagulo na ang mga tao kanya kanyang takbo at tago,ako naman ay hinila padapa ni Kurt at itinago sa ilalim ng mesa,napatingin ako sa paligid,mukhang wala naman nasaktan,nakita ko pa sina Kuya at Farah na nakapag tago din.
“Kurt” pagtawag pansin ko dito na patingin tingin sa paligid. Nilingon nya ako.
“Dito ka lang mhie,titingnan ko lang ang paligid” anito,marahan akong tumango at umalis sya.
Ito na to,ramdam kong ako ang habol ng mga yon,gumaganti na ang mga Villamor,kailangan ko ng harapin ang huli kong laban.
Lalabas na sana ako sa ilalim ng lamesa ng biglang umangat ito.
“Nandito ka lang pala nagtatago” sabi ng lalaking may hawak na baril.
Natigilan ako. Huminga ng malalim,tumayo at hinarap ito.
“Ako ang kailangan nyo diba? Heto na ako,patayin nyo na ako”
“Darating tayo dyan, hawakan nyo yan at dalhin na sa sasakyan” sagot at utos nito sa mga kasamahan.
“Mhie!! Eiko!! Hindi!” narinig kong sigaw ni Kurt,nilingon ko sya at nginitian bilang huling pamamaalam. Hinabol nya kami ngunit mabilis akong naisakay sa sasakyan ng mga ito,isang Van, mabilis itong humarurot,tinalian nila ako,tinakpan ang bibig,nilingon ko ang pinang galingan namin,nanakbong humahabol sina Kurt,Enzo at Kuya Eron, pumatak ang mga luha ko. Ito na siguro ang katapusan ko.
May naglagay ng panyo sa ilong ko na may kakaibang amoy at nakaramdam ako ng matinding antok.
- next update Final chapter :D
Sweet#23 > Finale
Nagising ako na nasa isang malaki at magandang kwarto ako. Nakakarinig din ako ng mga hampas ng alon.
Nasan ako?
Agad akong tumayo,nakakita ako ng bintana,pag silip ko sumalubong sa akin ang karagatan. Napalingon ako sa paligid. At don ko napagtanto na para kaming nasa isla at nasa isang tabing bahagi itong kinatatayuan ng bahay kung nasan ako. Hindi din ako makakatakas dahil panigurado ang malalaking bato sa ibaba ang babagsakan ko,kung hindi man malulunod naman ako.
Bakit nila ako dinala dito? Bakit hindi na lamang nila ako pinatay para natapos na ang lahat?
Narinig kong bumukas ang pinto kaya napalingon ako. Pumasok ang Mom ni Brayden,at ang ikinabigla ko ay tulak tulak nito si Brayden sa wheelchair at nakatulala ito.
“My son wants to see you bago ka man lang mamamatay,dapat matuwa ka dahil sa magandang lugar ka mamamatay” nakangiting sabi nito,kinilabutan ako bigla,napatingin ako kay Brayden na parang walang nakikita at parang walang naririnig.
Agad akong tumayo,lumapit kay Brayden at lumuhod sa harap nya,hindi ko na naman mapigilang mapaiyak,dahil sa akin kaya sya nagkaganito.
“B-brayden,patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko,alam kong malaki ang naging kasalanan ko,dahil sa akin nagkaganito ka” umiiyak kong sabi,ngunit nanatili lamang tulala si Brayden.
Bigla akong sinipa ng kanyang ina kaya sumalampak ako sa sahig,namilipit ako at hindi makahinga,nanigas ang sikmura ko.
Ngunit bumangon pa din ako at paluhod na naglakad palapit kay Brayden.
“Patawarin mo sana ako Brayden,minahal din kita pero mas mahal ko si Kurt,naging napaka halaga mo sa akin,nabulag ako sa kagustuhan kong makaganti sa pamilya mo pero before I could stop it,huli na ang lahat,ang,ang nangyari kay Bubbles ay aksidente,kung hindi ako iiwas,ako ang mahuhulog at mam—”
Muli sinipa ako ng ina ni Brayden,this time sa mukha na kaya napa atras ako,nakita kong tumutulo ang mga luha ni Brayden. Naririnig nya ako!
“Stupid! Sana ikaw na lang ang namatay! Sabi ko na nga ba at malas ang dala mo sa pamilya ko!! At anong pag ganti ang sinasabi mo?! At mahal? Mahal mo ang anak ko kaya pinabayaan mo syang magka ganyan? Ikaw pa ang nagtulak sa kanya sa kamiserablehan!” galit na galit na sabi nito habang lumuluha. Naiintindihan ko sya,isa syang magulang at masakit para sa kanya ang nangyari sa mga anak.
“Isa ang pamilya ko sa namatayan ng pinasunog nyo ang squatters area namin noon kaya gusto kong gumanti,pero hindi sa ganung paraan” umiiyak at nakayuko kong sabi. Pagtingala ko nakita ko ang pagkabigla sa mukha ng ina ni Brayden,at si Brayden naman ay nakatitig sa akin.
“Well kahit ano pang sabihin mo,hindi na nun mababago ang pangyayari,bilang pagbabayad mo,face your death” anito,hinila ang wheelchair at lumabas sila at sinara ang pinto. Sinubukan kong buksan ulit ang pinto ngunit naka lock na ito mula sa labas.
Lumuluhang bumalik ako ng upo sa kama.
“Wala na akong magagawa,ito na ang kabayaran sa mga nagawa ko,hanggang dito na lang siguro ako”
Ilang saglit pa at bumukas ang pinto,pumasok ang dalawang lalaki at marahas akong hinawakan sa magkabilang braso,hindi na ako pumalag,ano pang silbi? Sa kamatayan din naman ang punta ko.
Naglakad kami pababa ng mansyon,lumabas kami ng bahay at naglakad pa. Tumingin ako sa paligid,nagkamali ako,wala pala kami sa isla kundi nasa isang tagong lugar sa tabi ng dagat.
Huminto kami sa tapat ng isang parang lumang bodega.Binuksan ng isang lalaking makapal ang balbas ang pinto at ang isa ay itinulak ako sa loob at muling sumara ang pinto.
Kadiliman,madilim ang buong paligid,hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko habang patuloy ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.
Biglang lumiwanag ang paligid kaya napapikit ako dahil sa pagkakasilaw.
Ng muli ko imulat ang mata ko,may nakita akong lalaking nakatayo sa harap ko at may nakatutok na baril sa noo ko, kinilabutan ako at nanginig.
“Kamusta Eiko?” anito. Namukhaan ko ito, si Mr.Villamor!
Hindi ako makapag salita,ang tanging iniisip ko na lamang ay ang nalalapit kong kamatayan.
“Masyado kang nagmatapang,nakialam ka sa amin,binili mo mga ari arian namin para maghirap kami? Eh tanga din ang kapatid mo,ibinalik pa,nagkaroon tuloy ng katuparan ang pag ganti ko sayo” naka ngising sabi nito,nanatili akong tahimik at nakikinig.
“Hindi ka pa nakuntento,dinamay mo pa dalawa kong anak! Dahil dyan ay dapat magdusa ka!” gigil na idiniin nito ang nguso ng baril sa aking noo,napapikit ako ng mariin,hinintay kong iputok nya iyon.
Malakas na pagtawa ang sumunod kong narinig,umalingawngaw ito sa buong paligid.
Laking gulat ko na lang ng ibaba nito ang zipper at ilabas ang naghuhumindig na pagkalalaki. Parang alam ko na ang gustong mangyari ng matandang ito.
Muli itinutok nya sa akin ang baril “Natikman mo na ang anak ko diba? Dapat matikman mo din ang ama! Isubo mo! Sarapan mo! Huwag mo subukang gumawa ng masama kundi sabog ang bunbunan mo!!” anito.
Wala akong nagawa kundi gawin iyon,habang labas pasok ang pagkalalaki nya sa bibig ko ay nakatutok padin sa ulo ko ang baril. Napaluha ako,nandiri ako sa sarili ko,naisip ko si Kurt,pag nalaman nya to baka magalit sya.
“Ayan! Ganyan nga aaaahhh malapit na akoo.. Isagaad moo at lunukin mooo!!..” anito at ilang saglit pa naramdaman kong pumilandit ang katas nito sa aking lalamunan,wala ako nagawa kundi lunukin ito.
Ng matapos ay inayos nito ang sarili,humakbang palayo,samantalang ako ay umiiyak at nandidiri sa sarili. Ama ng kaibigan ko yon! Nakakadiri ako! Masahol pa ako sa puta! Dapat na akong mamatay!
“At dahil nasarapan ako sa ginawa mo bakla ay maglalaro tayo ng taguan” anito na ikinalaki ng mga mata ko.
“Pwede kang magtago pero hindi ka makakatakas,pag bilang ko ng lima dapat nakatago ka na” naka ngising sabi nito.
“Isa…” sabay paputok ng baril,agad akong tumayo at tumakbo,swerteng bukas na ang pinto,takbo lang ako ng takbo. May kakahuyan akong nakita,pumasok ako doon,sa bandang dulo pala ang high way ngunit naka bantay dun ang mga tauhan ng mga Villamor.
Shit! Talagang hindi ako makakatakas dito! Hingal na hingal na ako!
Bumalik ako sa kakahuyan ng biglang may humila sakin,kinabahan ako.
Si Enzo.
“Enzo!” bulalas ko sa tuwa at gulat.
“Sshh! Padating na ang kuya mo may kasamang mga pulis,si Kurt naman ay naghiwalay kami,baka nasa loob sya” anito habang lumilinga linga.
“Puntahan natin si Kurt! Baka mapahamak sya!” nag aalala kong sabi. Ayoko mapahamak si Kurt,hindi ko kakayanin pag nawala sya sa akin.
“Hindi na kailangan” at naramdaman naming may mga tumutok sa aming baril at si Kurt ay hawak nila na nakatali sa likod ang mga kamay.
“Shit!” ani Enzo. Wala kaming nagawa kundi ang sumama sa kanila pabalik sa bodegang pinanggalingan ko kanina,nakatali na din sa likod ang mga kamay namin ni Enzo.
“Oh,I see,hindi nakapag tago ng maayos si Eiko at may bitbit pa pabalik” naka ngisi nitong sabi.
“Tito! Itigil nyo na to please” ani Kurt. Sa kanya bumaling si Mr.Villamor. “Manahimik ka Kurt! Isa ka ding traydor! No wonder kung bakit kinampihan mo ang bading na yan,magaling syang sumuso” anito at dinugtungan ng halakhak. Napatingin sa akin si Enzo at Kurt na nagtatanong ang mga mata. Napayuko ako.
“Tito!” ani Kurt at tumayo ngunit binaril ni Mr.Villamor ang kanan nyang paa.
“Ooppps! Hanggang dyan ka lang!”
“Kurt!” sabay na sabi namin ni Enzo,kitang kita ko ang pagdurugo ng paa ni Kurt,kailangan kong gumawa ng paraan! Naging malikot ang aking mga mata. Napansin kong natatanggal na ang tali ni Enzo at laking gulat ko ng bigla nyang sugurin si Mr.Villamor ngunit agad sya nitong nabaril sa tagiliran,bumagsak si Enzo sa lapag.
“Enzo!” sigaw ko,nakalapit na ako kay Kurt na walang tigil pa din ang pagdurugo ng paa.
“Matapang din ang isang to” ani Mr.Villamor.
“Lumaban ka ng patas tanda!” sigaw ni Enzo,tawa lang ang sinagot nito,parang nawawala na sa sarili.
“Mhie,kahit anong mangyari kailangan mabuhay at makatakas ka,plinano na namin ito ni Enzo,pag sinugod ko si Mr.Villamor tumakbo ka na” pabulong na sabi sa akin ni Kurt.
“Bawal ang bulungan!” ani Mr.Villamor at malakas akong sinipa. Tumilapon talaga ako at nanigas ang sikmura ko,hindi ako makahinga ng maayos.
Laking gulat ko ng sunod na barilin ni Mr.Villamor si Kurt sa kabilang paa at si Enzo sa hita. Pinilit kong tumayo.
Nagtayuan balahibo ko ng makita kong may papalapit kay Mr.Villamor! Si Mrs.Villamor!
Bigla nitong pilit inaagaw ang baril sa asawa.
“Hon tumigil ka na!” ani Mrs.Villamor habang nakikipag agawan ng baril.
“Hindi! Huwag kang makialam! Papatayin ko silaaa!!” sigaw nito.
BANG! BANG!
Napapikit ako. At pagdilat ko nakita kong nakabulagta sa sahig si Mrs.Villamor,naliligo sa sariling dugo. Gumapang ang kilabot sa aking katawan,tiningnan ko sina Kurt at Enzo na hirap na hirap na din.
Pare pareho kaming mamamatay dito!
Bumaling ang tingin sa akin ni Mr.Villamor. Nakakatakot sya,parang hindi na sya tao. Nanlilisik ang mga mata nya.
Tinutok nya sa akin ang baril habang naglalakad palapit sa akin.
Ito na ang katapusan ko,ang pagbabayad ko sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Pumikit ako ng mariin.
BANG!
Ang unang putok ay tumama sa tagiliran ko.
“Mhieee!!” dinig kong sigaw ni Kurt.
BANG BANG!
At bumagsak ako sa sahig,pagdilat ko nakayakap sa akin si Brayden at nakangiti.
“Mahal na mahal kita Eiko” aniya at pumikit. Shit! Sya ang tinamaan! Sinalag nya ang bala na sana ay para sa akin.
Magsasalita na sana ako pero parang bigla akong inantok.
Bago ako tuluyang lamunin ng dilim ay nakita kong pumasok si Kuya kasama ang mga pulis at binaril si Mr.Villamor.
Malungkot kong tiningnan ang mga lapida. I never thought na ang lahat ay hahantong sa ganito. Matapos mag alay ng dasal ay tumayo ako at inalalayan ni Kurt.
“Tara na mhie,huwag ka ng malungkot,everything is okay now” ani Kurt at inakbayan ako. Napangiti ako,laking pasalamat ko sa lalaking ito at hindi ako iniwan,mahal na mahal ko sya,dahil sa kanya ay nalampasan ko lahat ng pagsubok,nakabangon ako.
“Salamat Dhie,mahal na mahal kita” sabi ko at inilapag ang ulo ko sa dibdib nya. Nadidinig ko ang malakas na pintig ng puso nya.
“Tapos na ang mapapait na karanasan mo sa buhay Mhie,your bittersweet life has finally come to an end,at ngayon ang simula ng panibago mong buhay,a new life full of Love” aniya, tumingkayad ako at ako na mismo ang humalik sa kanya.
“Mahiya naman kayo sa puntod ng mga magulang ko”
Napatigil kami ni Kurt sa paghahalikan at napahagikgik,nakangiti sa amin si Brayden,wala na ang bakas ng masalimuot na kahapon,naka recover na sya at naka move on,besides,limang buwan na simula ng mangyari iyon.
“Sa bahay nyo na ituloy yan” halos sabay na sabi ni Kuya Eron at ate Farah.
“Sayang naman ang pina cater ko,dalian nyo” ani Enzo na nakapamulsa pa.
“Ganda moo tiihh!” sabay sabay na sabi nina Kookai,Pupu at Reggie. Halos sabay kaming nagtawanan lahat.
Tama si Kurt,my bittersweet life has finally come to an end,and my new life with him,had just begun.
Nauna maglakad sa amin ang mga mokong,masaya akong makita silang ganyan,nakabuo kami ng isang solid na samahan. Alam kong si Brayden ay dadating din ang taong para sa kanya,hindi ko man nasuklian ang pagmamahal nya,ngunit mananatili sya sa puso ko.
Si Enzo na nagturo sa akin kung paano magmahal,ang unang lalaking minahal ko,nabigo man ako sa kanya ay naging magkaibigan naman kami.
Si Kurt,ang lalaking sobrang mahal ko,ang gusto kong makasama hanggang pagtanda ko,ang gusto kong makatabi kung darating ang araw na singilin na ako ng pagkakataon. Napaka swerte ko at minahal ng tulad nya ang isang tulad ko. Wala na akong iisipin ngayon kundi tanging sya lamang. Sya ang buhay ko.
“I love you Mhie,sobra” bulong ni Kurt.
Tumigil kami sa pagsunod kina kuya at hinarap ko sya.
“Mahal na mahal din kita Dhie” sagot ko. At muli naramdaman ko ang labi nya sa labi ko.
“Pambihira! Mamaya na sabi yan eh!” boses ni Brayden at muli kaming natawa.
–
WAKAS

