loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
ELIAS (Book 1)

ELIAS (Book 1)

Jose Nhickolas · 41 chapters · 63,971 words

PAUNAWA / DISCLAIMER

PAUNAWA / DISCLAIMER

Ang nobelang ito ay isang gawang piksyon. Ang mga pangalan, karakter, lugar, at pangyayari ay produkto ng imahinasyon ng may-akda at anumang pagkakahawig sa tunay na buhay o aktuwal na kaganapan ay nagkataon lamang.

BABALA: R-18 at MATURE THEMES. Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang tema na hindi angkop sa mga mambabasang wala pang labing-walong taong gulang. Inaasahan ang pag-unawa at bukas na isipan dahil sa pagtalakay sa eksplisitong pagnanasa, obsesyon, mapanganib na ugnayan, at masidhing pananalita.

TRIGGER WARNING: Bukod sa madilim na romansa, ang nobelang ito ay naglalaman din ng mga eksenang may kinalaman sa karahasan, pagpatay, pagdanak ng dugo, at matinding sikolohikal na manipulasyon. Ang mga desisyon at pag-uugali ng mga karakter, partikular ang ugnayan nina Roman at Elias, ay bahagi lamang ng madilim na naratibo at hindi dapat tularan o gawing basehan sa tunay na relasyon. Read at your own risk.

Copyright © 2026 by Jose Nhickolas. All Rights Reserved.

PROLOGUE

Sabi nila ay hindi lang basta lupa ang meron sa San Roque. Ito ay isang libingang gising.

Sa gitna ng nakakasakal na init ng bakasyon kung saan ang singaw ng lupa ay tila humahalik sa iyong balat, may mga sikretong pilit na ibinabaon pero laging humahanap ng paraan para lumitaw. Ang tunog ng lumang poso sa kabilang bakod ay hindi lang isang ingay. Ito ay isang ritwal. Isang paalala na sa bawat pagbuhos ng malamig na tubig sa mainit na katawan, may mga bahid ng nakaraan na pilit nililinis pero hindi mabura nang tuluyan.

Ako si Elias. Anak ng isang pokpok. Lumaki ako sa anino ng panghuhusga habang bitbit ang hitsurang hindi kailanman naging sapat para sa nayong ito. Akala ko ay ang tanging panganib na kailangan kong harapin ay ang malalagkit na tingin ng mga lalaki sa terminal o ang mapang-angking mga kamay ng mga tambay sa kanto.

Hindi ko alam na ang totoong halimaw ay mas malapit pa pala kaysa sa inaakala ko. Nakatayo siya sa sikat ng araw habang may hawak na itak at tahimik na naghihintay sa bawat pagkakamali ko.

Sabi nila ay madaling mawala ang mga naliligaw sa San Roque. Pero paano kung ang mismong taong pinagnanasaan mong umangkin sa iyo sa dilim ang siya rin palang naghuhukay ng susunod mong paglilibingan?

Dito nagsisimula ang kwento ng mga hukay na walang laman at ng mga kwintas na may bahid ng dugo. Ito ang kwento ng isang pagnanasang mas matindi pa sa apoy ng impyerno.

Maligayang pagdating sa San Roque. Siguraduhin mong nakakandado ang iyong mga pinto dahil sa gabing ito ay walang sinuman ang ligtas.

KABANATA 1

Nakakasakal ang init dito sa San Roque. Bakasyon ngayon at walang klase, kaya matapos kong isara ang maliit kong sari-sari store sa harap ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto. Kahit palubog na ang araw ay tila nakadikit pa rin sa balat ko ang singaw ng lupa at ang init ng hangin. Nakahiga lang ako sa papag, suot ang isang manipis na v-neck t-shirt at maiksing shorts, habang pinapaypayan ang sarili gamit ang isang lumang dyaryo. Pero wala yata itong epekto dahil ang totoo ay hindi naman ang panahon ang nagpapainit sa akin.

Kundi ang tunog na nagmumula sa labas ng bintana ko.

Krrrrk. Kshhh. Krrrrk. Kshhh.

Ang pamilyar na tunog ng lumang poso.

Kusa nang gumalaw ang mga paa ko. Parang may sariling isip ang katawan ko habang dahan-dahan akong bumangon at naglakad palapit sa bintana. Masyadong magkalapit ang mga bahay namin. Isang mababang bakod na kawayan lang ang namamagitan sa aming dalawa at halos tatlong metro lang ang layo ng poso nila mula sa mismong bintana ng kwarto ko. Kaya naman kahit madilim ay sobrang linaw sa paningin ko ng lahat. Kaunting awang lang ang ginawa ko na sapat na para makasilip ako nang hindi napapansin. Huminga ako nang malalim at pilit pinapakalma ang biglang pagwawala ng dibdib ko.

Sa ibaba sa kabilang bakod kung saan naroon ang poso ay naroon siya.

Si Roman.

Nasa apatnapung taong gulang na siya. Isa siyang biyudo na halos tatlong taon nang namumuhay mag-isa matapos mamatay ang kaniyang asawa. Kung titingnan mo siya ay aakalain mong pinaglipasan na siya ng panahon dahil sa mga linya ng karanasan sa kaniyang mukha. Pero para sa akin ay lalo lang siyang naging perpekto. Ang mga linyang iyon ay nagbibigay sa kaniya ng isang matapang at barakong aura na hindi mo makikita sa mga kaedad kong lalaki.

Kasalukuyan siyang nagbobomba ng tubig mula sa poso. Wala siyang suot na pang-itaas. Bawat pagdiin niya sa hawakan ng poso ay nagpapalitaw sa mga batak na masel sa kaniyang likod at malalapad na balikat. Kulay tanso ang balat niya na sunog sa araw dahil sa maghapong pagtatrabaho sa bukid. Ibang-iba ito sa maputi kong balat, matangos na ilong, at diretso kong buhok na namana ko sa hindi ko kilalang banyagang ama. Ang kayumangging balat ni Roman ay kumikinang ngayon dahil sa pawis na humahalo sa tumatalsik na malamig na tubig.

Napalunok ako nang buo nang humarap siya sa direksyon ng bintana ko. Nakapikit siya dahil nagbubuhos siya ng malamig na tubig sa kaniyang ulo gamit ang isang lumang tabo.

Diyos ko. Ang katawan niya.

Hindi siya mukhang nasa kwarenta kung ang pag-uusapan ay ang pangangatawan. Walang bilbil ang tiyan niya. Sa halip ay matigas ito at may bakas ng matitipunong abs na hinubog ng purong pisikal na trabaho at hindi ng gym. Tumulo ang tubig mula sa kaniyang makapal at magulong buhok pababa sa matangos niyang ilong. Dumaloy ang tubig sa ibabaw ng makapal niyang bigote na lalong nagpapabagsik sa hitsura niya.

Nag-shampoo siya at nang itaas niya ang parehong braso para kuskusin ang kaniyang ulo ay tumambad sa paningin ko ang makapal at basang buhok sa kaniyang mga kilikili. Isang napakamaskulinong tanawin na nagpabilis lalo sa tibok ng puso ko. Biglang naglakbay ang imahinasyon ko. Gusto kong tumalon mula sa bintana ko at tumakbo palapit sa kaniya. Sa isip ko ay gusto kong idikit ang mukha ko sa basang balat niya. Gustong-gusto kong dilaan ang kaniyang kilikili at lasapin ang bawat patak ng tubig na nakahalo sa kaniyang pawis. Gusto kong matikman ang maaskad at natural na amoy ng isang tunay na lalaki. Pakiramdam ko ay malalasing ako sa sarap kung mangyayari iyon.

Bumaba ang tingin ko. Hindi ko mapigilan.

Naka-faded na basketball shorts lang siya na manipis ang tela. Dahil basang-basa na siya ay tuluyan nang kumapit ang manipis na tela sa kaniyang pang-ibabang katawan. Walang suot na brief si Roman ngayon. At dahil sa lapit ng poso sa bintana ko ay kitang-kita ko ang mabigat at napakalaking umbok sa gitna ng kaniyang mga hita. Kahit hindi nakatayo ay halatang-halata ang siksik at nakakatakot nitong laki na bumabakat sa basang tela. Bawat paggalaw niya at bawat pagbuhos niya ng tubig ay tila ipinagmamalaki ng kalikasan ang taglay niyang pagkalalaki.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang buong mukha ko at nagsimula na ring manigas ang aking pagkatao sa loob ng sarili kong shorts. Lalo pang naging malikhain ang malalanding isip ko. Paano kaya kung lumuhod ako sa basang semento sa mismong harapan niya. Naiimagine ko kung paano ko dahan-dahang ibababa ang basang shorts niya hanggang sa bumungad sa akin ang napakalaking talong niya. Gustong-gusto kong isipin kung ano ang pakiramdam na hawakan iyon habang mainit-init pa. Gusto kong isubo ang buong pagkalalaki niya at maramdaman ang sobrang init at tigas nito sa loob ng bibig ko. Naiimagine ko kung paano siya uungol sa sarap habang nakatingala ako sa matapang niyang mukha at patuloy na nilalasap ang matagal ko nang pinapangarap.

Ilang minuto pa siyang naligo. Bawat sabon niya sa kaniyang mga braso at hita ay parang pinapanood ko ang isang eksena sa isang bawal na pelikula. Nang matapos siya ay kinuha niya ang isang manipis na tuwalya na nakasampay sa yero at basta na lang ipinunas sa kaniyang buhok. Huminto siya sa pagpupunas. Unti-unti niyang ibinaba ang tuwalya at tumingala.

Direkta sa bintana ko.

Napatigil ako sa paghinga. Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong napaatras ng isang hakbang. Dahil sa gulat ay aksidente kong nasagi ang isang baso sa maliit na lamesa sa tabi ng bintana.

Clack.

Nakita ko kung paano huminto si Roman. Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay niya. Tinitigan niya lang ang bintana ko habang dahan-dahang pinupunasan ang kaniyang matipunong dibdib bago tuluyang lumitaw ang isang pilyo at nakakakilabot na ngisi sa likod ng kaniyang bigote.

Alam niya. Alam niyang nanonood ako.

Napasandal ako sa pader habang mabilis at mabigat ang aking paghinga. Hawak ko ang dibdib kong parang sasabog na. Sanay akong makuha ang atensyon ng mga lalaki sa San Isidro, pero sa halip na matakot o mahiya na nahuli ako ng isang barako ay mas lalong nagliyab ang buong katawan ko. Ang pilyong ngisi niya ay parang apoy na tumupok sa natitira kong katinuan.

Dahan-dahan akong napadausdos pababa sa sahig. Hindi ko na kaya. Nanginginig ang kamay ko nang abutin ko ang sarili kong shorts. Ibinaba ko ito at ipinasok ang kamay ko para hawakan ang sarili kong nag-aapoy at naninigas na pagkalalaki. Pumikit ako nang mariin. Ang tanging nakikita ko lang sa dilim ng pagpikit ko ay ang basang katawan ni Roman.

Inisip ko ang malapad niyang dibdib, ang makapal niyang bigote, at ang napakalaking umbok niya sa ilalim ng basang shorts. Bawat hagod at pagpapasarap ko sa sarili ko ay sinasabayan ko ng pagtawag sa pangalan niya sa isip ko. Kinagat ko nang madiin ang sarili kong labi para hindi lumabas ang mga ungol ko. Binilisan ko ang bawat galaw habang pinagpapantasyahan na ang magaspang at malaking kamay ni Roman ang humahawak sa akin ngayon. Na siya ang gumagawa nito sa akin.

“Roman,” mahinang daing ko sa hangin.

Hanggang sa hindi ko na kinaya. Sumabog ang matinding init sa buong katawan ko na nagpaiyak sa akin sa sobrang sarap. Naiwan akong nakasandal sa pader, humihingal, pawisan, at tuluyang nalulunod sa sarili kong pantasya. Hinding-hindi na yata ako makakatulog ngayong gabi dahil alam kong alam na ng biyudong kapitbahay ko ang mga lihim kong pagnanasa.

KABANATA 2

Buong maghapon akong lutang. Wala akong ibang ginawa kundi isipin ang nangyari kagabi. Ang pilyong ngisi ni Roman at ang ginawa kong pagpaparaos sa sarili ko sa dilim ay nakatatak na sa utak ko. Sa tuwing nagwawalis ako sa bakuran o nagpapakain ng mga manok ay pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin mula sa kabilang bakod. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa bahay niya pero ang totoo ay sabik na sabik na akong makita muli ang malaki at matigas niyang katawan.

Pagsapit ng dapithapon habang naglilinis ako sa kusina ay bigla kong narinig ang pamilyar na ingay mula sa labas. Ang tunog ng poso. Kusa akong lumapit sa bintana para sumilip. Dahil halos tatlong metro lang ang layo ng poso nila sa bintana ko ay kitang-kita ko ang lahat. Sanay akong nakikita siyang naliligo nang nakasuot ng lumang basketball shorts. Pero ngayon ay halos mabitawan ko ang hawak kong basahan sa matinding gulat.

Unang pagkakataon ito. Naliligo si Roman nang nakasuot ng manipis, luma, at kupas na puting brief lang. Ang puting kulay nito ay lalong nagpatingkad sa kulay tanso niyang balat.

Bawat buhos niya ng tubig ay parang isinumpa para lalong pahirapan ang isip ko. Napahawak ako nang mahigpit sa hamba ng bintana. Nanunuyo ang lalamunan ko habang pinapanood ko kung paano niya kinuha ang sabon at ikinuskos iyon sa malapad niyang dibdib. Ang magagaspang at malalaking kamay niya ay bumaba sa kaniyang matipunong tiyan hanggang sa malalim niyang V-line.

Lalo lang nagliyab ang katawan ko nang sabunin niya ang mismong labas ng kaniyang kupas na brief. Bawat paghagod ng malaki niyang palad sa pagitan ng kaniyang mga hita ay nagpapabaliw sa akin. Sa sobrang nipis at dulas ng basang tela ay kitang-kita kung paano niya inaayos at kinakapa ang sarili niyang kargada para sabunin. Napakagat ako nang madiin sa ibabang labi ko. Gustong-gusto kong ipalit ang mga kamay ko sa mga kamay niya. Naiimagine ko na ako ang humahagod doon. Naiimagine ko kung gaano kainit at kasing siksik ang malaking talong na iyon sa ilalim ng aking mga palad.

Halos malaglag na ang lumang brief mula sa bewang niya dahil sa bigat ng tubig at kalumaan ng tela. Kitang-kita na ang maluwag nitong garter na nakapatong sa mismong V-line niya at ang makapal na bulbol na sumisilip dito. Siksik na siksik ang malaking kargada niya sa loob. Bakat na bakat ang buong hugis nito. Dahil sobrang manipis at basang-basa na ang kupas na puting tela ay halos maaninag ko na ang balat na natatakpan nito. Nakaturo ito pababa pero kitang-kita ko ang maitim na anino ng hugis ng mismong ulo nito na tila pilit kumakawala. Nahihirapan ang lumang brief na ikulong ang ganoon kalaking kayamanan.

Sobrang sarap ni Roman. Gusto kong umiyak sa matinding libog na nararamdaman ko. Unti-unti na ring tumigas ang aking pagkatao sa loob ng sarili kong shorts. Gustong-gusto kong tumakbo palabas at lumuhod sa basang semento sa mismong harapan niya. Naiimagine ko kung paano ko gagamitin ang mga ngipin ko para hilahin pababa ang maluwag na garter ng brief niya. Gusto kong isalampak ang mukha ko sa basang kargada niya at lasapin ang lasa ng sabon na humalo sa maaskad at natural na amoy ng kaniyang pagkalalaki.

Dahil sa mga tumatakbo sa isip ko ay pakiramdam ko sasabog na ang utak ko. Hindi ko na kaya. Kailangan kong makapunta sa bahay niya ngayong gabi. Luminga-linga ako sa kusina para maghanap ng palusot. Nakita ko ang isang buong kalabasa sa ibabaw ng lamesa. Tama. Magluluto ako ng ginataan. Ito ang gagamitin kong dahilan para makatawid sa kabilang bakod at makalapit sa kaniya nang hindi nagmumukhang masyadong halata.

Agad akong naghiwa at nagluto. Habang hinahalo ko ang gata sa palayok ay panay ang kagat ko sa labi ko dahil sa pinaghalong kaba at pananabik. Sa loob ng dalawampu’t dalawang taong pamumuhay ko rito sa San Roque ay sanay na akong mahusgahan bilang anak ng isang bayarang babae. Wala akong pakialam sa sasabihin nila at lalong wala akong balak magpaka-santo. Palagi kong nakukuha ang lalaking gusto ko. Pero iba ang epekto ng biyudong kapitbahay ko. Ngayong gabi ay handa na akong ibigay ang sarili ko para maangkin ang matagal ko nang pinapanood sa dilim.

Nang tuluyang dumilim ang paligid at maluto ang ginataan ay kinuha ko ang isang malaking mangkok. Nilagyan ko ito at huminga nang malalim bago ako lumabas ng bahay. Tahimik na tahimik sa labas at tanging ang huni lang ng mga kuliglig ang naririnig ko.

Pagtawid ko sa mababang bakod na kawayan nila ay napansin kong basa pa ang lupa sa paligid ng poso. Dahan-dahan akong naglakad paakyat sa maliit nilang beranda na gawa sa kawayan. Rinig ko ang sarili kong paghinga habang nakatayo sa tapat ng pinto niya.

Kumatok ako nang tatlong beses.

“Roman,” mahinang tawag ko. Sinasadya kong palambingin ang boses ko para maitago ang panginginig ng aking mga tuhod.

Narinig ko ang mabibigat na yabag mula sa loob. Bumukas ang kahoy na pinto. Halos mabitawan ko ang mangkok ng ginataan nang tuluyang tumambad siya sa paningin ko.

Wala siyang suot na pang-itaas at tumutulo pa ang tubig mula sa makapal niyang buhok pababa sa kaniyang matangos na ilong at malapad na dibdib. Ang mga patak ng tubig ay kumikinang sa ilalim ng dilaw na ilaw ng kanilang kusina.

Pero ang mas nagpatigil sa paghinga ko ay ang suot niya sa ibaba.

Suot niya pa rin ang luma at kupas na puting brief na nakita ko kanina. At dahil basang-basa ito ay tuluyan nang bumakat ang buong hugis ng kaniyang pagkalalaki. Dahil sa luwag ng garter ay nakababa ito nang kaunti kaya nakalantad ang kaniyang V-line pati na ang sumisilip na makapal na bulbol. Halos maaninag na rin ang balat niya at ang maitim na anino ng buhok sa ilalim ng manipis at puting tela. Nakaturo ito pababa pero halatang-halata ang kapal at bigat nito. Wala akong dudang ang malaking kayamanan na pinagpapantasyahan ko mula sa bintana ay nasa mismong harapan ko na ngayon.

Napalunok ako nang malakas. Hindi ko na maitago ang paglaway ko sa nakikita ko.Ang pamilyar na barakong amoy niya ay agad na sumalubong sa akin mula sa nakabukas na pinto. Halo ng pampaligong sabon at matapang na amoy ng tunay na lalaki. Tiningnan niya ang mangkok na hawak ko bago niya ibinalik ang tingin sa mga mata ko. Ang pilyong ngisi niya kagabi ay muling lumitaw sa likod ng kaniyang makapal na bigote.

“Ginataan po,” sagot ko. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang paningin ko. Gusto kong tumingin sa mukha niya pero kusang bumababa ang mga mata ko sa basang umbok sa kaniyang kupas na puting brief. “Sobra po kasi ang luto ko kaya naisipan kong bigyan kayo para may hapunan kayo.”

“Tuloy ka Elias,” malalim na sagot niya. Ang boses niya ay parang kumikiliti sa kaibuturan ng tiyan ko. Nagbigay siya ng espasyo para makapasok ako.

Pumasok ako sa loob ng maliit at malinis niyang bahay. Inilapag ko ang mangkok sa lamesa sa gitna ng kusina. Nang lumingon ako ay halos mapatalon ako sa gulat dahil nasa likuran ko na pala siya. Napakalapit niya. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang katawan na nagmumula sa kaniyang basang dibdib.

“Salamat dito,” bulong niya. Ang mga mata niya ay madilim at nag-aapoy sa pagnanasa. “Pero alam nating pareho na hindi ginataan ang tunay na ipinunta mo rito.”

Napalunok ako. Hindi ako nakasagot agad dahil ang titig niya ay parang hinuhubaran na ako sa kinatatayuan ko. Imbes na matakot dahil banyaga ako sa loob ng bahay niya, mas lalo lang akong nanabik.

“Nakahanda na ang hapunan ko, Elias, kaya pagbibigyan kita kung tatanggapin mo ang alok ko,” pagpapatuloy niya. Ang kaniyang malalim na boses ay puno ng awtoridad. “Pero tandaan mo, oras na hawakan mo ako, hindi ka na makakalabas ng pinto na ikaw pa rin ang dating Elias na nakasilip lang sa bintana. Sa akin ka na. Sa akin lang ang bawat ungol mo ngayong gabi. Papayag ka ba?”

Walang pag-aalinlangan akong tumango. “Opo, Roman. Sayo lang.”

Bago pa ako makahinga nang malalim ay itinaas niya ang isa niyang malaki at magaspang na kamay. Hinawakan niya ang kanan kong kamay. Nanigas ang buong katawan ko sa gulat.

Napakainit ng palad niya.

Dahan-dahan niyang hinila ang kamay ko pababa sa kaniyang katawan. Dumaan ang mga daliri ko sa kaniyang matigas na tiyan at sa kaniyang V-line hanggang sa marating namin ang laylayan ng garter ng kaniyang basang brief kung saan nasagi ng mga daliri ko ang magaspang at makapal niyang bulbol.

Hindi siya tumigil. Ipinatong niya ang mismong palad ko sa ibabaw ng malaki at basang umbok sa gitna ng kaniyang mga hita.

Napasinghap ako nang malakas. Parang napaso ang kamay ko sa sobrang init at tigas ng nararamdaman ko sa ilalim ng luma at manipis na tela. Tila tumitibok ito laban sa aking palad. Gusto kong manghina at mapaluhod sa harapan niya dahil unti-unti nang nagkakatotoo ang mga pinantasya ko kanina.

“Matagal mo na itong tinitingnan mula sa bintana mo,” paos na ungol ni Roman habang idinidiin ang kamay ko sa kaniyang kargada. Tinitigan niya ako sa mga mata nang may matinding pag-angkin. “Hawakan mo Elias. Hawakan mo nang mabuti at alamin mo kung anong pinalampas mo sa loob ng mahabang panahon. Dahil simula ngayon, sa akin ka na.”

KABANATA 3

Nanginginig ang buong pagkatao ko habang nakadiin ang aking palad sa ibabaw ng kaniyang basang brief. Tila may sariling buhay ang nag-aapoy at tumitibok na umbok sa ilalim ng manipis na tela. Tinitigan ko si Roman sa mga mata. Walang halong biro ang nagliliyab niyang paningin. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng kaniyang pagnanasa. Wala siyang sinabing matatamis na salita, at mas lalong wala rin akong hinihintay.

Libog ang nagtulak sa akin papasok sa bahay na ito, at libog din ang nakikita ko sa mga mata ng biyudo.

Bago pa ako makabawi ng hininga ay bigla niyang hinigit ang batok ko.Sinalubong niya ang bibig ko ng isang napakadiin at mapusok na halik. Napasinghap ako sa gulat ngunit kusa ring napapikit nang maramdaman ko ang magaspang niyang bigote na kumukuskos sa aking balat. Sanay akong hinahalikan ng mga lalaki sa mga tagong sulok ng San Roque, pero iba ang init na dala ni Roman. Ibinuka niya ang mga labi ko gamit ang kaniyang dila at walang-pasabing inangkin ang loob ng aking bibig. Tila ba tatlong taon siyang hindi nakatikim ng laman.

Umatras kami hanggang sa tumama ang likod ko sa lababo ng kaniyang kusina. Walang pag-aalinlangang ibinaba ni Roman ang kaniyang kupas at basang puting brief. Wala na itong suot ngayon.

Tumambad sa aking paningin ang matagal ko nang pinagpapantasyahan sa likod ng bintana. Malaki, maugat, at galit na galit ang buong siyam na pulgada nitong titi. Siksik ito at kumikinang dahil sa paunang katas na dahan-dahang tumutulo mula sa mismong ulo nito.

Kusa akong napaluhod sa malamig na semento. Tumingala ako sa barakong mukha niya at nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Hinawakan ko ang kaniyang matitigas na hita at dahan-dahang sinalsal ang nag-aapoy niyang kargada. Alam ko ang ginagawa ko. Alam ko kung paano paligayahin ang isang lalaki.

“Ughhhh, Elias…” malalim na ungol ni Roman habang napapasabunot siya sa sarili niyang basang buhok.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Ibinuka ko ang aking bibig at buong-pusong tsinupa ang biyudo. Nilalasap ko ang bawat patak, ang maaskad at natural na amoy ng isang tunay na lalaki. Sinagad ko sa loob ng lalamunan ko ang malaking kayamanan niya, pinaparamdam sa kaniya ang uhaw na matagal kong itinago. Bawat labas at pasok ay sinasabayan niya ng malulutong na ungol.

Nang hindi na niya makaya ay hinatak niya ako patayo. Binuhat niya ang aking baywang at isinalampak ako sa ibabaw ng malamig na lababo. Walang pakundangan niyang hinigit at ibinaba ang suot kong shorts.

Bago niya ako tuluyang angkinin, inilapit ko ang mukha ko sa malapad at basang dibdib niya. Sinupsop ko nang madiin ang kaniyang mga utong hanggang sa mapadaing siya sa sarap. Inabot ko ang kaniyang basang kilikili at dinilaan ang maalat na pawis doon.

Pumwesto siya sa pagitan ng aking mga binti. Tinitigan niya ako gamit ang mga matang nagugutom, bago niya dahan-dahang ibinaon nang buo at sagad ang malaki at maugat niyang titi sa aking pagkatao.

Napaluha ako sa pinaghalong sakit at napakatinding sarap. Napakagat ako sa kaniyang matipunong balikat nang simulan niyang bayuhin ang aking katawan nang mabilis at malakas. Bawat pagdiin niya ay umaalingawngaw sa tahimik na kusina. Walang “mahal kita,” walang mga pangako. Purong pagnanasa lamang ng dalawang taong nagkasundo sa dilim.

“Ang sarap mo,” paos na ungol ni Roman habang walang-awa niyang sinasagad ang aking pagkatao. Ramadan ko ang kahabaan ng kaniyang titi sa loob ko. “Fuck me harder, isagad mo pa Roman”, nababaliw na ako sa sobrang sarap ng pagkantot niya.

Sumabog ang matinding init sa pagitan namin. Sabay naming pinakawalan ang isang mahabang hininga habang tuluyang ibinuhos ni Roman ang kaniyang sarili sa loob ko. Bumagsak ang mabigat at pawisan niyang katawan sa ibabaw ko. Tanging ang malalakas na kabog ng aming mga dibdib at ang mabibigat naming paghinga ang naririnig sa madilim na kusina.

Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang sandali. Wala siyang sinabing matatamis na salita pagkatapos, at hindi ko rin naman iyon kailangan. Dahan-dahan siyang humiwalay sa akin. Iniwan niya akong nakasandal sa malamig na lababo habang nanginginig ang aking mga binti. Pinulot ko ang aking shorts at mabilis na isinuot iyon. Bago ako tuluyang lumabas ng pinto pabalik sa aking bahay ay nilingon ko siya. Nakatayo lang siya sa dilim at tahimik na pinapanood ang bawat galaw ko.

Pagdating ko sa sarili kong kwarto ay pabagsak akong nahiga sa kama. Amoy na amoy ko pa rin ang barakong halimuyak niya na nakadikit sa aking balat hanggang sa tuluyan akong lamunin ng antok.

Masakit ang ibabang bahagi ng aking katawan, ngunit may malanding ngiti sa aking mga labi nang bumangon ako kinabukasan.

Kailangan kong bumalik sa reyalidad.

Alas sais pa lang ng umaga ay binuksan ko na ang maliit na bintana ng aking sari-sari store na nakadikit mismo sa harap ng bahay ko. Nagsimula akong magpunas ng mga garapon ng kendi. Hindi ko na pinroblema ang mga pulang marka sa aking leeg na gawa ng mga labi ni Roman. Sanay na rin naman ang mga tao rito sa San Roque na makita akong may ganoon.

“Aga natin, Elias, ah! Gusto mo ba ng byahe? O gusto mo sa likod ulit tayo ng tindahan?”

Napangisi ako habang pinagmamasdan siya. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Naging magkaklase lang kami noon dahil huminto siya sa pag aaral para mamasada ng tricycle. Dahil maagang nagbanat ng buto, hubog na hubog na ang kaniyang katawan kahit binata pa siya. Matangkad siya at halata ang mga matitigas na masel sa kaniyang braso at dibdib na bumabakat sa suot niyang manipis at hapit na t-shirt.

Ibinaling ko ang tingin ko sa ibaba. Nakasuot siya ng kulay abong jogging pants at bakat na bakat doon ang kaniyang malaking umbok. Walong inch ang haba ng titi ng lalakero ng San Roque, bukod pa sa napakakapal nito. Kaya pala hindi na ako masyadong nahirapan nang ibaon ni Roman ang kaniyang sariling higanteng kargada kagabi, dahil matagal na akong sanay sa laki at kapal ng alaga ni Jomari. Paboritong paborito kong paglaruan ang binata dahil alam ko kung gaano siya kasarap kapag kaming dalawa na lang sa loob ng kwarto.

“Ang aga aga, Jomari, pero gising na gising na iyang alaga mo,” panunukso ko sabay nguso sa harapan niya.

Nawala ang pilyong ngiti niya at biglang kumunot ang kaniyang noo. Tinitigan niya ang leeg ko kaya bigla kong naalala ang sariwang marka na ginawa ni Roman kagabi.“Ano iyan sa leeg mo, Elias? Kagat ba iyan?” nagtatakang tanong ng binata, may bahagyang selos sa kaniyang boses.

Hindi ako nagpahalata ng kaba. Umayos ako ng tayo at kaswal na hinaplos ang aking leeg. “Kagat lang ng malaking lamok kagabi. Nakalimutan kong isara ang bintana ko dahil sa sobrang init.”

Napakamot siya sa kaniyang batok. Tila hindi siya buong naniniwala pero hindi na niya kinontra ang palusot ko. Sa halip ay muli siyang ngumiti nang pilyo at inilapit ang katawan sa bintana para ipagmalaki ang pamamaga sa kaniyang jogging pants.

“Kung ganoon, baka pwede akong pumasok mamayang gabi para bantayan ka at pumatay ng lamok?” malanding alok niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago ako sumagot nang may mapanuksong ngiti.

“Tingnan natin. Kung sisipagin ako,” sagot ko sabay kindat sa kaniya.

Saktong pagtawa ni Jomari ay narinig ko ang pamilyar na kaluskos mula sa kabilang bakod.Nanigas ang buong katawan ko. Dahan-dahan akong lumingon sa gawi ng kawayang bakod na naghihiwalay sa bahay ko at sa bahay ni Roman.

Doon, nakatayo ang biyudo.

Suot niya ang kaniyang maduming bota, pira-pirasong pantalon, at manipis na sando na nakadikit sa matipuno niyang dibdib. May bitbit siyang matalim na itak dahil papunta na sana siya sa sakahan.

Paglabas niya ng gate ay napatigil siya. Narinig niya ang tawanan namin ni Jomari. Nakita niya ang paghaplos ng tricycle driver sa kamay ko.

Ang kanang kamay niya na nakakapit sa puluhan ng itak ay nanatiling nakababa. Walang bakas ng paninigas o tensyon sa kaniyang braso. Pinunasan niya ang pawis sa kaniyang panga gamit ang likod ng kaniyang kamay, habang ang madilim at mabibigat niyang mata ay kalmadong nagpalipat-lipat sa aming dalawa. Tinitigan niya si Jomari mula ulo hanggang paa. Isa itong malamig na pag-usisa ng isang barako na sumusukat sa kapwa niya lalaki.

Pagkatapos ay dahan-dahang umangat ang paningin niya, diretso sa aking mga mata.Tinusok ng kaniyang titig ang kaluluwa ko. May naglalaro sa likod ng kaniyang mga mata. Nakita ko ang tahimik na kayabangan ng isang lalaking nakakaalam kung paano ako umiyak at umungol sa ilalim niya ilang oras pa lang ang nakalipas. Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa pulang marka sa aking leeg. Tinitigan niya iyon nang matagal, bago sumilay ang isang tipid at palihim na ngisi sa likod ng kaniyang makapal na bigote.

“Oh, Kuya Roman. Papuntang bukid?” bati ni Jomari na walang kaalam-alam sa mensahe sa likod ng tingin ng magsasaka.

“Oo, Jomari,” kalmadong sagot ni Roman gamit ang kaniyang malalim na boses. Tumingin siyang muli sa akin at pinasadahan ng dila ang kaniyang ibabang labi. “Mag-iingat ka sa mga pinapapasok mo sa tindahan, Elias. Iba ang lagkit ng init ngayon.”

Bago pa ako makasagot ay tinalikuran na kami ni Roman at naglakad palayo.

KABANATA 4

Bago ninyo ako tuluyang husgahan sa mga bawal na ginagawa ko sa kabilang bakod, at bago ninyo isipin na isa akong inosenteng biktima ng pagnanasa, magpakilala muna ako nang maayos.

Ako si Elias. Dalawampu’t dalawang taong gulang. Dito na ako ipinanganak at lumaki sa San Roque, kaya kilala ako ng bawat tsismosa sa nayong ito.

Halos alam ng buong San Roque na bakla ako. Pero hindi ako yung tipong nagmemake-up o nagdadamit babae. Isa akong pretty boy, o mas kilalang twink sa mundo ng mga bakla. Maputi, makinis ang balat, at may mukhang hindi pinagsasawaan ng mga barako. Alam kong maganda ako kaya ginagamit ko ito para makuha ang atensyon ng mga lalaking gusto ko. At alam din nilang anak ako ng isang bayarang babae. Isang pokpok na matapos makipagkalakalan ng laman sa iba’t ibang dayo ay nabuntis ng isang foreigner, at kalaunan ay tuluyan nang sumama sa ibang lalaki. Labing anim na taong gulang lang ako nang iwan niya ako rito sa lumang bahay na ito para mabuhay nang mag isa. Ang maliit na sari-sari store na idinugtong ko sa harap ang bumubuhay sa akin.

Wala akong balak magpaka-santo. Payat ako pero matigas ang katawan dahil sa mga gawaing bahay at kitang-kita ang bakas ng banyagang dugo sa aking hitsura. May malalantik akong pilik-mata, at sabi nila, namana ko raw sa nanay ko ang mga matang marunong mang-akit kahit walang sinasabi. Sanay akong pinag-uusapan. Sanay akong minamaliit. Kaya siguro ginawa ko na ring sandata ang pagiging malandi para hindi ako tuluyang tapakan ng mga tao rito.Kagaya na lang ni Jomari.

Akala niyo ba ay inosenteng panliligaw lang ang namamagitan sa amin ng tricycle driver na iyon? Hindi. Wala kaming label. Walang ligawan. Mabait si Jomari, maingay, at laging nagpapapansin sa tindahan, pero ang totoo niyan ay nagkakaintindihan lang kaming dalawa. Paminsan-minsan, kapag madaling araw at wala siyang pasada, pinapapasok ko siya sa likod ng tindahan. Pinaparaos namin ang isa’t isa sa ibabaw ng mga sako ng bigas. Mabilis, mainit, tapos kinabukasan ay magpapanggap kami sa harap ng mga tambay na magkaibigan lang. Laro lang ang sa amin, walang halong seryosohan.

Pero iba si Roman.

Kagabi lang nangyari ang unang beses namin ng biyudong magsasaka. Hindi ako magpapanggap na mahal na namin agad ang isa’t isa. Walang ganoon. Purong libog lang at pagkauhaw ang namagitan sa amin sa madilim niyang kusina. Tatlong taon siyang walang babae, at matagal ko na siyang pinagpapantasyahan. Nangyari ang dapat mangyari. At kahit na ramdam ko ang angkinin at seryosong aura niya kaninang umaga, alam kong hindi pa siya buong-buong nahuhulog sa akin, at hindi rin ako sa kaniya. Isa lamang itong makamundong engkwentro na pareho naming nilasap.

“Hoy, Elias! Ang lalim ng iniisip mo ah! Baka malunod ako!”

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang matinis na boses na iyon mula sa labas ng tindahan. Napairap ako nang makita ko si Lester.

Meet my BBF, si Lester ang kaisa-isa kong kaibigan dito sa San Roque, well… may mga kaibigan naman ako, pero si Lester kasi ang pinaka close friend ko, halos kapatid na ang turing ko sakanya. Sabay kaming lumaki ni Lester at dito na kami sabay na namulat sa San Roque, kababata ko siya at halos magka-edad lang kami.

Baklang-bakla, naka-fitted na sando at maong shorts, at walang pakialam kung anong isipin ng mga tao sa paggiling ng balakang niya habang naglalakad. Pareho kaming hinuhusgahan sa nayong ito, kaya kami ang nagkasundo.

“Bumili ka, huwag puro utang, Lester,” bungad ko agad sa kaniya habang inaayos ang mga de-lata.

“Ang aga-aga, ang sungit ng anak ni Aling Susan!” pang-aasar niya, ginagamit pa talaga ang pangalan ng nanay kong umalis. Sumandal siya sa bintana ng tindahan at kumuha ng kendi. Tinitigan niya ako nang maigi. Biglang kumunot ang noo niya at ngumisi nang nakakaloko.

Dumukwang siya at pinitik ang leeg ko. “Aray!” reklamo ko, napahawak agad sa balat kong namumula.

“Pulang-pula ah! Sino ’yan? Si Jomari na naman? Grabe ka talaga, teh. Dinaig mo pa nanay mo sa kalandian. Sa sari-sari store ba o sa loob ng tricycle nangyari kagabi?” humahagikhik na tanong ni Lester. Alam niya ang sikreto namin ni Jomari. Siya lang ang nakakaalam kung gaano ako kalandi pagdating sa tricycle driver.

“Hindi si Jomari ’to,” sagot ko. Pilit kong itinaas ang kwelyo ng t-shirt ko para takpan ang markang iniwan ni Roman nang sipsipin niya ako sa kusina.

Nanlaki ang mga mata ni Lester. “Ay wow! May pa-reserba? Sino ’yan, aber? Yung anak ni Kapitan? O baka naman nakabingwit ka ng dayo?”

“Wala kang pakialam. At tumigil ka nga, baka may makarinig sa iyo,” saway ko. Hinding-hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya na ang seryoso at barakong biyudo sa kabilang bakod ang bumasag sa katawan ko kagabi.

Inirapan ako ni Lester. “Sige, maglihim ka, malandi ka. Anyway, bukas ay Linggo. Pupunta ako sa sentro para mamili ng mga gagamitin sa parlor ni Madam. Ubos na rin ang mga stocks mo ng bigas, kape, at asukal dito sa tindahan. Sumama ka na sa akin. Gabi na tayo umuwi, dumaan muna tayo sa peryahan sa kabilang bayan.”

Tiningnan ko ang mga bakanteng estante ko. Tama siya. Kailangan kong lumuwas bukas para mamili ng paninda.

“Sige. Maaga tayong aalis bukas,” sagot ko.

“Dapat lang! Kailangan mong lumabas sa San Roque paminsan-minsan, Elias. Masyado kang nakukulong dito, lalo na’t puro lalaki lang inaasikaso mo,” pang-aasar niyang muli bago naglakad palayo at kumaway.

Lumipas ang maghapon nang walang ibang kakaibang nangyari. Pagsapit ng gabi, matapos kong tuluyang isara ang mga bintana ng tindahan, binalot ng nakakabinging katahimikan ang loob ng aking bahay. Naghanda ako ng isang maliit na bag at inilagay roon ang listahan ng mga bibilhin ko bukas.

Nasa gitna ako ng pagbibilang ng natitira kong pera nang biglang namatay ang ilaw sa buong San Roque.

Brownout. Isang pangkaraniwang senaryo rito sa probinsya kapag umiinit ang panahon. Tumayo ako at kinapa ang posporo sa ibabaw ng mesa. Saktong pagsindi ko ng gasera ay nakita ko ang isang malaking anino na nakatayo sa tapat ng pintuan ko sa likod.Halos malaglag ang gasera mula sa nanginginig kong mga kamay.

Dahan-dahang bumukas ang pinto, at iniluwal nito si Roman. Wala na naman siyang suot na pang-itaas at nakapantalon lang. Sa ilalim ng aandap-andap na liwanag ng gasera, nakita ko ang pawis na kumikinang sa matipuno niyang dibdib.

“Roman,” mahinang sambit ko. “A-Anong ginagawa mo rito?”

Hindi siya sumagot agad. Isinara niya ang pinto sa likuran niya at lumapit sa akin nang walang ingay. Amoy na amoy ko ang lupa, ang araw, at ang purong pawis ng isang lalaking nagpakapagod sa ilalim ng init.

“Narinig ko ang maingay mong kaibigan kanina,” mababa at garalgal na simula niya, nakatitig sa aking mga labi. “Aalis ka bukas.”

“O-Opo. Ubos na kasi ang mga paninda ko, Roman. Kailangan kong pumunta sa sentro para mamili…”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang higitin niya ang baywang ko. Idinikit niya nang sagad ang katawan ko sa kaniya. Naramdaman ko agad ang matigas at malaking umbok sa likod ng kaniyang pantalon. Hindi siya galit o baliw na baliw. Sa halip, may isang malaking kayabangan sa mga mata niya. Ito ang kayabangan ng isang lalaking alam na nakapatikim siya ng matinding sarap.

Itinaas niya ang kaniyang magaspang na kamay at hinawakan ang aking leeg ko. Ang hinlalaki niya ay direktang idiniin sa eksaktong lugar kung saan niya iniwan ang madilim na marka kaninang madaling araw.

Ibinaba niya ang kaniyang mukha at kinagat ang aking leeg, eksakto sa lumang marka. Napadaing ako sa sakit at sarap nang supsupin niya iyon nang mas malakas kaysa kanina. Sinadya niyang mag-iwan ng bago at mas madilim na pasa.

Habang sinisipsip niya ang aking leeg, ginapang ng malaki niyang kamay ang ibaba ng aking shorts. Walang pakundangan niyang ipinasok ang kaniyang mga daliri sa loob ng aking underwear at hinawakan ang aking titi na kanina pa tumitigas at naglalabas ng katas.Napasinghap ako at napakapit sa kaniyang malalapad na balikat. “Ahhh… Roman…“Pinisil niya iyon nang mahigpit, pinaglalaruan ang mismong dulo gamit ang kaniyang magaspang na palad hanggang sa manghina ang aking mga tuhod.

“Huwag mong tatakpan ang leeg mo bukas,” utos niya sa gitna ng paghalik at pagdila sa aking balat. Ang kaniyang boses ay puno ng mapang-angking libog. “Gusto kong makita iyan ng lahat ng lalaki sa bayan bukas.”

Bumilis ang galaw ng kaniyang kamay, sinasagad ang bawat paghagod hanggang sa mapaluha ako sa matinding libog na bumabalot sa aking katawan.

“Para kapag tiningnan ka nila…” paos na bulong niya sa mismong tainga ko, “…alam nilang may barakong nakikinabang sa katawan mo.”

Napasigaw ako nang tuluyan akong labasan, nagkalat ang mainit kong katas sa kaniyang magaspang na palad. Humihingal at nanghihina, napasandal ako sa dibdib niya habang pinupunasan niya ang kaniyang kamay sa mismong damit ko. Isang pilyo at mayabang na ngisi ang sumilay sa labi ng biyudo bago niya ako bitawan at tahimik na lisanin ang bahay ko pabalik sa kabilang bakod.

Naiwan akong nanginginig sa dilim, batid na ang pagluwas ko bukas sa sentro ay may dalang matinding marka ng magsasakang kapitbahay ko.

KABANATA 5

Kinabukasan, napatitig ako sa lumang salamin sa loob ng aking kwarto. Madilim at halos kulay itim na ang pasa sa kanang bahagi ng aking leeg. Sinadya talaga ni Roman na diinan ang pagsipsip at pagkagat doon kagabi para siguraduhing hindi ito mabubura ng ilang araw. Hinawakan ko ang markang iyon. Sariwa pa ang sakit, pero sa tuwing naiisip ko ang mayabang na ngisi ng biyudong magsasaka habang ginagawa niya ito sa akin sa dilim, hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding init sa pagitan ng aking mga hita.

Kinuha ko ang isang manipis at maluwag na v-neck t-shirt mula sa aparador. Pwede ko sana itong takpan ng panyo o gumamit ng t-shirt na may mataas na kwelyo. Pwede kong iwasan ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao sa bayan. Pero naisip ko, bakit ko tatakpan? Anak ako ng isang bayarang babae at isang banyagang hindi ko na nakilala. Bata pa lang ako ay sanay na akong pinagtitinginan dahil sa maputi kong balat, matangos na ilong, at diretso kong buhok na halatang hindi galing sa dugong purong Pilipino. Sanay na akong husgahan. At higit sa lahat, gusto kong sundin ang marka ni Roman. Gusto kong makita kung hanggang saan aabot ang pagnanasa ng mga lalaki sa sentro kapag nalaman nilang may barakong umangkin na sa akin.

“Elias! Ano ba, aabutin na tayo ng tanghali!” Sigaw iyon ni Lester mula sa labas ng tindahan. Mabilis kong isinuot ang v-neck t-shirt na mas lalong naglantad sa aking maputlang dibdib at sa madilim na pasa sa aking leeg, kapares ang isang maiksing maong shorts. Kinuha ko ang aking bag at lumabas ng bahay.

Pagkakita pa lang sa akin ni Lester ay halos mabitawan niya ang hawak niyang pamaypay. Nakabuka ang bibig niyang nakatitig sa leeg ko. “Dios mio marimar, Elias! Kahapon pulang-pula lang iyan ah, bakit ngayon kulay talong na at muntik nang mabulok?” tili niya habang pilit na inilalapit ang mukha sa leeg ko. “At talagang ipinagmamalaki mo pa ha? Naka-v-neck ka pa talaga, baklang malandi ka! Sino ba talagang bumasag sa iyo?”

“Sabi ko naman sa iyo, aksidente lang ito,” kaswal na palusot ko, sabay tulak nang bahagya sa mukha niya. “Huwag ka ngang maingay. Tara na sa kanto at mag-abang na tayo ng masasakyan papuntang sentro.”

Umirap si Lester habang naglalakad kami sa maalikabok na kalsada ng San Roque. “Aksidente raw. Eh halos matanggal na ang balat mo sa tindi ng pagkakakagat. Siguro balak mong mang-akit ng mga lalaki sa palengke kaya hindi mo tinakpan ano?”

Napangisi lang ako at hindi na sumagot. Saktong pagdating namin sa kanto ay isang pamilyar na pulang tricycle ang huminto sa aming harapan.Si Jomari. Kumislap agad ang mga mata ng tricycle driver nang makita ako. Ngunit ganoon na lang kabilis nawala ang ngiti niya nang dumapo ang paningin niya sa aking leeg. Humigpit ang hawak niya sa manibela ng tricycle.

“Ang aga-aga, may umaariba na pala,” medyo seryoso at may bahid ng inis na sabi ni Jomari. Tinitigan niya ako sa mga mata. “Sino ang gumawa niyan, Elias? Hindi naman ako pumunta sa likod ng tindahan mo kagabi ah.”

“Ay, excuse me! Hindi lang ikaw ang customer ng baklang ito!” sabat agad ni Lester sabay tawa nang malakas, pilit na isinisiksik ang sarili sa loob ng tricycle.

“Huwag ka ngang maingay diyan, Jomari,” malanding sagot ko sabay sakay sa likuran niya. Pinasadahan ko ng daliri ang sarili kong leeg para mas lalo niyang mapansin. “Iba ang lagkit ng nakakuha nito. Kaya magmaneho ka na lang papuntang sentro. Babayaran ka namin.”

Habang nasa byahe, ramdam ko ang bigat ng tensyon. Sa tuwing titingin ako sa maliit na salamin sa loob ng tricycle, nakikita ko ang madalas na pagsulyap ni Jomari sa leeg ko. Kumukuyom ang panga niya at halatang nagseselos siya sa hindi kilalang lalaking umangkin sa akin. Mukhang epektibo ang marka ni Roman. Kahit wala siya rito ay nagagawa niyang iparamdam sa ibang lalaki na nagmarka na siya sa akin.

Magulo, maingay, at mainit ang sentro. Amoy sariwang isda, usok ng mga sasakyan, at pawis ng mga taong nagmamadali ang sumalubong sa amin nang bumaba kami sa palengke. Inuna namin ang pagbili ng mga paninda ko para sa sari-sari store. Habang nagtuturo ako ng mga sako ng bigas at mga kape sa isang malaking bilihan, napansin ko ang isang kargador. Matangkad, pawisan, at nakasando lang. Binuhat niya ang sako ng bigas na binili ko. Nang magtama ang aming paningin, nakita ko ang pagbaba ng mata niya sa leeg ko. Nakita ko ang paglunok niya at ang bahagyang pag-igting ng kaniyang panga.

May kakaibang kapangyarihan pala ang markang ito. Sa tuwing may lalaking tumitingin sa akin nang may pagnanasa dito sa bayan, agad nagbabago ang timpla ng kanilang mga mata kapag nakita nila ang madilim na kagat. Tila ba naiintindihan nila ang mensahe. Alam nilang may isang barakong lalaki na nagmamay-ari sa katawan ko. At sa halip na mahiya, mas lalo pa akong nakaramdam ng kalandian dahil sa atensyon.

“Teh, natutunaw ka na sa tingin ng mga lalaki rito,” bulong ni Lester habang nag-aabot ng bayad sa tindera ng asukal. “Iyang leeg mo kasi, nakakaakit ng mga uhaw.”

“Hayaan mo sila,” sagot ko sabay kindat sa isang lalaking nagtitinda ng yelo na kanina pa nakatitig sa akin. “Hanggang tingin lang naman sila.”

Matapos ang halos limang oras na pamimili, dinala namin ang mga pinamili namin sa isang terminal para ipatago muna sa isang kakilala ni Lester. Kumagat na ang hapon. Nagsimula nang magkulay kahel ang kalangitan at unti-unti nang lumalamig ang hangin.

“Oh, tapos na ang misyon natin sa palengke,” masayang idineklara ni Lester habang nagpapagpag ng pawis niya. Tumingin siya sa gawing silangan kung saan nagsisimula nang umilaw ang mga malalaking bombilya. “Perya na tayo, Elias. Maraming dayo ngayon. Malay mo, makahanap ka ng bago mong kalaro bukod diyan sa aksidente sa leeg mo.”

Maingay, makulay, at amoy langis ng makina na humalo sa amoy ng popcorn at asukal ang peryahan. Ang mga ilaw na pula, asul, at dilaw ay tila sumasayaw sa pawisan kong balat. Hindi ko na mabilang kung ilang lalaki na ang bumangga sa balikat ko habang binabaybay namin ni Lester ang masikip na hilera ng mga laro.

Nanatili lang akong nakatayo sa tabi ni Lester habang tumataya siya. Hinayaan ko ang mga malalagkit na tingin ng mga lalaking dumadaan. Isang grupo ng mga kargador na tila galing sa kabilang bayan ang huminto sa hindi kalayuan. Pinapanood nila ang bawat galaw ko. Ang isa sa kanila, na may hawak na bote ng beer, ay hindi inalis ang tingin sa v-neck ng t-shirt ko. Bahagya niyang itinuro ang leeg ko sa mga kasama niya, at sabay-sabay silang nagbulungan habang nagpapalitan ng malalaswang ngiti.

Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at hinaplos ang madilim na pasa. Nararamdaman ko ang tibok ng dugo sa ilalim ng balat na iyon. Ang bawat sulyap nila ay tila nagpapasiklab sa kalandian ko. Hindi ako lumayo. Sa halip ay mas lalo kong itiningala ang aking ulo, hinahayaan ang makukulay na ilaw ng perya na maglaro sa aking maputi at banyagang hitsura. Gusto kong makita nila. Gusto kong pag-usapan nila kung gaano katindi ang pagkakadiin ng labi ng lalaking gumawa nito sa akin.

“Teh, huwag iyang mga iyan. Mukhang mga gulo ang dala niyan,” bulong ni Lester nang mapansin ang mga lalaking nakatitig sa akin. “Tara na sa Ferris wheel, doon tayo sa mataas para mahanginan iyang utak mong puro libog.”

Sumunod ako sa kaniya, pero sinadya kong bagalan ang lakad at igiling nang bahagya ang aking balakang. Pagsakay namin sa Ferris wheel, unti-unti kaming iniangat ng kalawanging makina. Habang lumalayo kami sa lupa, napahawak ako sa bakal na harang ng aming upuan. Ang hangin sa itaas ay malamig, humahaplos sa pasa sa aking leeg na tila ba may humihingal na labi na nakadikit doon. Naalala ko ang titig ni Roman bago ako lumuwas. Imbes na kaba, naramdaman ko ang muling pagtigas ng aking pagkatao sa loob ng aking shorts. Gusto ko ang panganib. Gusto ko ang ideya na may naghihintay sa akin sa gitna ng dilim.

Nang bumaba kami, saktong tumunog ang malaking kampana sa simbahan sa kabilang kanto. Oras na para magligpit ang ilang tindera. Ang ingay ng perya ay nagsisimula nang humupa, at ang mga lalaking kanina pa sumusulyap ay mas lalo pang naging matapang.Isang lalaki ang biglang humarang sa dinadaanan namin ni Lester. May amoy ito ng alak at sigarilyo. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa bago huminto ang mga mata niya sa aking leeg.

“Mukhang masarap ang nagmarka sa iyo ah,” bulong ng lalaki habang hinahawakan ang kaniyang ari mula sa labas ng pantalon. “Baka gusto mong dagdagan natin iyan?”

Hindi ako umatras. Ngumisi ako sa kaniya at pinasadahan ng dila ang aking ibabang labi. Hinayaan ko siyang pagmasdan ang madilim na kagat sa leeg ko.

“Kaya mo ba?” hamon ko sa kaniya sa isang mababang tinig.

Hinigit ni Lester ang braso ko, ang kaniyang masayang aura ay napalitan ng kaba dahil sa tensyong namumuo. “Tara na, Elias! Gabi na talaga, baka wala na tayong masakyan papuntang San Roque!”

Naglakad kami nang mabilis patungo sa terminal. Ang bawat kanto na dinadaanan namin ay tila mas lalong dumidilim, pero ang isip ko ay naiwan sa hamon ng lalaki sa perya. Ang San Roque ay malayo pa, at habang lumalalim ang gabi, mas lalo pang nag-iinit ang pakiramdam ko.

Pero sa pagkakataong ito, hindi ko na hinahanap ang init ng kahit na sinong dayo o tambay sa sentro. Nakangisi ako habang pinapasadahan ng daliri ang sariwang pasa sa aking leeg. Sabik na sabik na akong makauwi. Dahil sa kabila ng lahat ng atensyong nakukuha ko rito, alam kong may isang seryosong barako na naghihintay sa akin sa dilim ng kabilang bakod.

KABANATA 6

Alas-onse na ng gabi nang tuluyang pumasok sa malubak na kalsada ng San Roque ang inarkila naming jeep. Tahimik na ang buong nayon at tanging ang mga asong kumakahol sa di-kalayuan ang bumasag sa gabi. Basag na basag ang katawan namin ni Lester sa pagod, pero kakaiba ang gising ng diwa ko.

Nang makababa kami sa tapat ng tindahan ko ay nagmamadaling nagpaalam si Lester.“Teh, bukas ko na kukunin yung ibang pinamili natin. Sakit na ng balakang ko,” reklamo ng kaibigan ko habang kinakamot ang kaniyang hita. “Sige na, pumasok ka na. Baka may sumunggab pa sa iyo diyan sa dilim.”

“Sige. Mag-iingat ka,” kaswal na sagot ko sabay kaway sa kaniya.

Nang tuluyang mawala sa paningin ko si Lester ay binuhat ko ang ilang kahon ng kape at de-lata papasok sa likod ng tindahan. Madilim sa loob ng bahay, wala pa ring kuryente. Hindi ko na binuhay ang gasera dahil kabisado ko na ang bawat sulok ng lugar na ito. Ibinaba ko ang mga pinamili ko sa ibabaw ng maliit na mesa sa kusina.

Naghubad ako ng t-shirt. Basang-basa ng pawis ang manipis na v-neck na suot ko buong maghapon. Pinunasan ko ang aking leeg gamit ang aking palad, at muli kong nakapa ang matigas at masakit na pasa roon. Napangiti ako sa dilim habang inaalala ang mga tingin ng lalaki sa bayan.

“Marami bang tumingin?”

Halos tumalon ang puso ko palabas ng aking dibdib. Mabilis akong lumingon sa madilim na pasilyo patungo sa aking kwarto.

Mula sa anino ay dahan-dahang humakbang palabas si Roman. Alam na alam talaga ng biyudong ito na madaling sungkitin ang lumang trangka ng pinto ko sa likuran, kaya hindi na ako nagtaka kung paano siya nakapasok habang wala ako. Tulad ng inaasahan ko, wala na naman siyang suot na pang-itaas at nakapantalon lang. Ang balat niya ay amoy sariwang tubig mula sa poso at sabong panligo. Mukhang kakatapos niya lang maligo, pero sa halip na sa bahay niya pumasok ay dito siya dumiretso sa loob ng bahay ko.

“Roman,” humihingal na sagot ko. “Kanina ka pa ba riyan?”

Hindi niya pinansin ang tanong ko. Lumapit siya hanggang sa maamoy ko ang matapang at barako niyang halimuyak. Tinitigan niya ang leeg ko kahit madilim ang paligid. Hinaplos ng kaniyang magaspang na hinlalaki ang markang ginawa niya kagabi.

“Tinanong kita, Elias. Marami bang tumingin sa leeg mo noong nasa sentro ka?” mababa, seryoso, at puno ng awtoridad na tanong ng biyudo.

Hindi ako nagpatinag. Pinasadahan ko ng dila ang aking labi at tinitigan siya pabalik gamit ang malalantik kong pilik-mata. “Opo. Marami. May mga kargador, mga dayo sa perya, at mga tambay sa terminal. Lahat sila nakatitig dito.” Hinawakan ko ang sarili kong leeg at ibinaba ang boses ko. “Gusto nilang dagdagan. Gusto nilang alamin kung sino ang lalaking nagmamay-ari nito.”

Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Umapoy ang madilim niyang mga mata. Isang malakas na paghigit sa aking baywang ang ginawa niya at isinalampak niya ako sa pader ng aking kusina.

“At anong ginawa mo?” madiing bulong niya malapit sa labi ko.

“Hinayaan ko silang manood,” malanding sagot ko, sinadyang ikiskis ang aking maputlang dibdib sa kaniyang matigas at maugat na katawan. “Pero hindi ko sila hinayaang lumapit. Dahil alam kong may magagalit na magsasaka rito sa San Roque.”

Isang malalim na ungol ang pinakawalan ni Roman bago niya sinakop ang aking mga labi. Walang pag-iingat at walang lambing. Isang marahas na halik ng lalaking nag-aangkin ng kaniyang teritoryo. Nalasahan ko ang pamilyar na init ng kaniyang dila. Napakapit ako nang mahigpit sa kaniyang makapal na buhok habang walang awang kinakagat ng kaniyang mga ngipin ang aking ibabang labi.

Bumaba ang halik niya sa aking leeg, eksakto sa pasa. Napatili ako nang sipsipin niya itong muli nang ubod ng lakas, tila pinaparusahan ako sa pagpapalandi ko sa mga lalaki sa bayan.

“Akin ito. Ako lang ang pwedeng gumawa nito sa iyo,” paos na utos niya sa pagitan ng mga halik at pagkagat sa balat ko.

Ibinaba ng kaniyang malalaking kamay ang suot kong maiksing shorts kasama ang aking underwear. Wala siyang inaksayang oras. Binuhat niya ang aking baywang at isinalampak ako sa ibabaw ng mesa sa kusina, sa tabi ng mga bagong bili kong paninda. Ramdam na ramdam ko agad ang mainit at tumitibok na dulo ng kaniyang napakalaking kargada na nakadiin na sa aking pagkatao.

“Ipasok mo na, Roman,” hamon ko sa kaniya, tila nawawala na sa sariling katinuan dahil sa matinding libog na umaapaw sa sistema ko.

Tinitigan niya ako sa mga mata, ang pilyong ngisi niya ay muling lumitaw sa likod ng kaniyang bigote. “Gusto mong malaman kung anong ginagawa ko sa mga naghahanap ng atensyon ng ibang lalaki?”

Bago pa ako makasagot ay ibinaon niya nang buo, sagad, at walang babala ang kaniyang malaking titi sa loob ko. Napasigaw ako nang malakas sa pinaghalong sakit at napakatinding sarap. Wala siyang awa. Binayo niya ako nang mabilis at malakas. Bawat pagdiin niya ay nagpapaungol sa akin nang malakas, hindi alintana kung may makarinig mang chismosa sa labas.

Pagkatapos ng matinding engkwentro sa kusina ay binuhat niya ako patungo sa aking kwarto. Ibinagsak niya ako sa kama at muli akong inangkin sa ilalim ng liwanag ng buwan. Sa pagkakataong ito, mas naging mabagal ang bawat galaw. Mas damang-dama. Tinitigan niya ako sa mga mata habang dahan-dahan pumapasok at lumalabas sa loob ko.

“Akala mo ba ay matatapos tayo sa kusina lang?” tanong niya, ang kaniyang boses ay mas malalim pa sa normal.

“Akala ko ay pagod na ang matandang magsasaka,” pilyong sagot ko, pilit na ibinabalik ang aking kalandian kahit nanginginig pa ang aking mga binti.

Isang mabilis na pag-abot ang ginawa niya at hinawakan ang aking magkabilang kamay, itinaas iyon sa ibabaw ng aking ulo. “Huwag mo akong susubukan, Elias. Kahit magdamag kitang bayuhin ay hindi ako mauubusan ng lakas.”

Muli niyang ibinaba ang kaniyang mukha at hinalikan ang aking dibdib, pababa sa aking tiyan. Bawat dila niya ay tila nag-iiwan ng apoy sa aking maputing balat. Nararamdam ko ang kaniyang makapal na bigote na kumikiliti sa aking singit, isang sensasyon na nagpabaliw sa akin.

“Ang sarap mo, Elias,” umuungol na sambit ng biyudo, ang pawis niya ay tumutulo sa aking mukha. “Ikaw lang ang nakakabusog sa akin nang ganito.”

“Roman, sige pa,” malanding daing ko, isinasagad ko ang sarili ko sa bawat galaw niya at lalong idinidikit ang aking katawan sa kaniya. Nanatiling gising ang bawat himaymay ng aking laman, handang makipagsabayan sa init na ibinibigay ng barakong kapitbahay ko.

Nagpatuloy ang pag-ikot ng mundo ko sa loob ng madilim na kwarto. Bawat bayo ni Roman ay tila tumatagos sa kaluluwa ko. Napakapit ako sa malapad niyang likod, nararamdaman ang mga peklat at magaspang na balat ng isang magsasaka. Halos magwala ang isip ko nang tuluyan siyang bumuhos nang mainit sa loob ko, kasabay ng aking sariling paglabas na nagmantsa sa aking tiyan.

Humihingal siyang napadapa sa ibabaw ko. Ang mabigat niyang katawan ay tila isang kumot na pumoprotekta sa akin mula sa lamig ng gabi. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng kaniyang puso na dumidiin sa aking dibdib. Wala kaming imikan. Tanging ang tunog ng aming paghinga ang maririnig sa buong kwarto, sabay ng paghuni ng mga kuliglig sa labas ng bintana.

Dahan-dahan siyang umangat at tinitigan ang aking mukha. Basang-basa ng pawis ang kaniyang noo at buhok. Ibinaba niya ang kaniyang tingin sa leeg ko na may panibago at mas malaking pasa. Hinaplos niya ito nang marahan, pero sa pagkakataong ito, may diin ang kaniyang magaspang na hinlalaki. Hindi masakit, pero sapat para iparamdam ang bigat ng kaniyang presensya.

“Gusto mo ba talagang ipagmalaki ko itong ginawa mo?” malanding bulong ko, sinusubukan siyang basahin sa dilim.

Tinitigan niya ako sa mga mata. Walang galit, pero may tahimik na anino na nagtatago roon. “Ipakita mo kung gusto mo,” mababang sagot niya, ang boses ay pino ngunit may dalang kakaibang bigat. “Hayaan mo silang manood. Hayaan mo silang maglaway.”

Yumuko siya at inilapit ang kaniyang labi sa mismong tainga ko, kaya naramdaman ko ang mainit niyang hininga na nagpatayo sa aking mga balahibo.

“Pero siguraduhin mong hanggang tingin lang sila, Elias,” paos at seryosong babala ng biyudo. “Dahil baka makalimutan kong tahimik akong tao kapag may ibang sumubok na humawak sa pag-aari ko.”

Tumayo siya mula sa kama bago pa ako makasagot. Tahimik niyang pinulot ang kaniyang pantalon sa sahig at isinuot iyon. Bago siya tuluyang lumabas ng kwarto, sinulyapan niya ako nang isang beses, isang titig na tumagos hanggang sa buto ko, bago siya naglaho sa dilim pabalik sa kabilang bakod.Naiwan akong nakahiga, humihingal at nakangisi sa dilim. Akala ko ay simpleng laro lang ito. Pero base sa tahimik na pag-aangkin ng biyudong iyon, mukhang may nagtatagong halimaw sa loob ng tahimik na magsasaka. At sa totoo lang? Mas lalo akong nasasabik na pukawin iyon.

KABANATA 7

Hindi agad dinalaw ng antok ang mga mata ko matapos maglaho si Roman sa dilim. Nanatili akong nakahiga habang dinaramdam ang pangangawit ng aking balakang at ang pamamanhid ng aking mga hita. Sa tuwing pipikit ako, naaamoy ko pa rin sa mga unan ko ang matapang na amoy ng pawis at barakong sabon ng biyudo. Napangiti ako habang yakap ang kumot. May halimaw nga sa loob ng tahimik na magsasakang iyon, at mukhang ako pa lang ang nakakapagpalabas nito.

Nang tuluyan akong dalawin ng antok, pakiramdam ko ay saglit lang akong pumikit dahil nagising agad ako sa ingay ng San Roque.

Alas-sais pa lang ng umaga pero buhay na buhay na ang nayon. Rinig na rinig ko mula sa kwarto ang tilaok ng mga manok, ang lagitgit ng mga kawayan sa likod-bahay, at ang malalakas na tawanan ng mga tambay sa waiting shed malapit sa kanto.

Bumangon ako at nag-inat. Masakit pa rin ang ibabang bahagi ng katawan ko, pero mas kapansin-pansin ang kirot sa aking leeg. Humarap ako sa maliit na salamin. Mas lalong umitim at lumaki ang pasa na ginawa ni Roman kagabi sa kusina. Imbes na itago, sinadya kong magsuot ng isang manipis at puting sando na malalim ang tabas, ipinares sa isang kupasing maong shorts. Gusto kong makita kung gaano kaepektibo ang banta ng magsasaka.

Pagkabukas ko ng mga kahoy na bintana ng aking sari-sari store, sumalubong agad sa akin ang amoy ng alikabok at sinangag mula sa mga kapitbahay.

Sa kanto, nakita ko ang grupo nina Mang Tonio at ilang mga tambay na binata na nag-iinuman na ng kape. Nang bumukas ang tindahan ko, sabay-sabay silang napalingon. Nakita ko ang pagbaba ng mga mata ng ilang tambay sa aking leeg at sa puting sando kong suot. May nagbulungan, may mga lihim na ngumisi, pero walang naglakas-loob na lumapit. Hanggang tingin lang sila, eksakto sa gusto ni Roman.

“Ay, bukas na pala ang paborito kong tindahan!”

Napabuntong-hininga ako nang marinig ko ang matinis na boses mula sa kalsada. Si Lester. Ilang bahay lang ang layo ng inuuwian niya mula rito kaya madalas siyang nakatambay sa akin. Naglalakad ito papalapit, kumekembot habang may kagat-kagat na pandesal. Kukunin niya ang mga pinamili namin sa sentro kagabi.

“Ang aga-aga, ang ingay mo,” nakangising bati ko sa kaniya habang nag-aayos ng mga garapon ng kendi sa estante.

Nang makalapit si Lester sa rehas ng tindahan, nanlaki ang mga mata niya. Muntik na niyang mabitawan ang hawak na pandesal nang makita niya nang malapitan ang leeg ko.

“Jusko po, Elias! Anong nangyari diyan?” pabulong ngunit eksaheradang tili niya. “Kahapon, kulay talong lang iyan. Bakit ngayon, parang kinagat ka na ng asong ulol? Dumayo ba ulit kagabi yung sinasabi mong aksidente?”

“Aksidente nga,” malanding palusot ko, sinadyang haplusin ang leeg ko. “Nadapa ulit ako sa dilim eh.”

Inirapan ako ni Lester. “Ewan ko sa iyong bakla ka. Pero infairness, mukhang dambuhala at mabangis ang nakadapaan mo kagabi. Sayang at hindi natin alam kung sino…”

Naputol ang sasabihin ni Lester nang biglang pumara ang isang pamilyar na pulang tricycle sa mismong tapat ng tindahan ko. Nag-alisan ang alikabok sa kalsada.

Bumaba si Jomari. Magulo ang buhok nito at madilim ang timpla ng mukha. Wala ang pamilyar niyang mapang-asar na ngiti. Lumapit siya sa rehas, saktong napatabi si Lester.

“Pabili nga ng yosi, Elias. Dalawa,” medyo paos na utos niya.

Nakangiti akong lumapit at nag-abot ng sigarilyo. Nang magtama ang paningin namin, agad na bumaba ang mga mata niya sa leeg ko. Nakita ko ang biglaang pagtalim ng tingin niya. Mas madilim, mas malaki, at halatang bago ang marka.

“Sino na naman iyan?” madiing tanong ni Jomari, itinuro ang leeg ko gamit ang biniling sigarilyo. “Sabi mo kahapon aksidente. Ngayon, halos balatan ka na nang buhay. Sino ang gumagawa niyan sa iyo?”

“Bakit, Jomari? Boyfriend ba kita para magalit ka nang ganyan?” malanding tanong ko, ipinatong ang mga braso ko sa ibabaw ng estante para mas lalong lumapit sa kaniya. “Customer kita sa tindahan. Customer din sa likod ng tindahan. Wala tayong usapan na ikaw lang.”

Umigting ang panga ni Jomari. Akmang isusuot niya ang kamay niya sa loob ng rehas para hawakan sana ako sa braso nang biglang may tumunog na malakas mula sa kabilang bakod.

Paaak!

Tunog iyon ng bakal na bumaon sa matigas na kahoy. Sabay kaming napalingon ni Jomari. Pati si Lester ay napatalon sa gulat.

Sa kabilang bakod, ilang metro lang ang layo mula sa tindahan ko, nakatayo si Roman. Wala itong suot na pantaas. Pawisan ang kaniyang dibdib at matitigas na braso sa ilalim ng araw habang may hawak na malaking palakol. Tahimik siyang nagsisibak ng kahoy. Pero ang madilim niyang mga mata ay hindi nakatingin sa sinisibak niya. Nakapako ito sa amin. Nakapako kay Jomari.

Walang emosyon ang mukha ng biyudong magsasaka, pero ang higpit ng hawak niya sa palakol ay sapat na para magpadala ng tahimik na banta.

Bumaba ang tingin ni Jomari sa hawak na palakol ni Roman, bago muling tumitig sa madilim na mata ng biyudo. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan nilang dalawa. Walang gustong magpatalo sa titigan. Isang tahimik na pagkasuklam ang namuo sa mukha ni Jomari, ngunit alam niyang wala siya sa posisyon para gumawa ng eksena sa gitna ng kalsada lalo na at sikat ang araw.

Dahan-dahang ibinaba ni Jomari ang kaniyang kamay na akmang ipapasok sana sa rehas ng tindahan ko. Kumuha siya ng barya sa kaniyang bulsa at padabog na ibinagsak iyon sa ibabaw ng estante.

“Pagsabihan mo iyang matandang kapitbahay mo, Elias,” may halong inis na bulong ni Jomari, hindi inaalis ang masamang tingin kay Roman. “Baka nakakalimutan niya kung saan ang hangganan ng bakod niya.”

Hindi ako sumagot. Napangisi lang ako. Muling binalingan ni Jomari ang leeg ko bago siya tumalikod at sumakay sa kaniyang tricycle. Pinarutrot niya ang makina nito nang mas malakas kaysa sa normal, nagpaikot ng makapal na alikabok sa kalsada, bago tuluyang umarangkada palayo.

Nang mawala ang ugong ng tricycle, muling umangat ang palakol sa kabilang bakod.

Paaak!

Nagpatuloy si Roman sa pagsibak ng kahoy na parang walang nangyari. Ang kaniyang malalapad na balikat ay gumagalaw kasabay ng bawat paghataw niya sa kahoy, ang kaniyang pawis ay kumikinang sa ilalim ng araw ng umaga. Hindi na siya muling tumingin sa gawi ko.

“Teh…” basag ni Lester sa katahimikan, nakahawak sa kaniyang dibdib at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. “Ano iyon? Bakit pakiramdam ko ay may dumaang anghel ng kamatayan? At bakit ganoon makatitig ang biyudong iyan kay Jomari?”

Kinuha ko ang barya sa estante at inihulog sa aking lagayan. “Sira. Nagsisibak lang ng panggatong yung tao. Nagkataon lang na napatingin dito.”

Pinaningkitan ako ng mata ni Lester. Tiningnan niya ang leeg ko, tapos ay tiningnan ang direksyon ni Roman, hanggang sa unti-unting gumuhit ang isang mapanuksong ngiti sa kaniyang labi. “Huwag mo nga akong pinagloloko, Elias. Kilala kita. Huwag mong sabihing… yung aksidente sa leeg mo ay…”

“Kukunin mo ba yung mga pinamili natin o hindi?” putol ko sa kaniya, itinaas ang isang kilay. Alam kong matalino si Lester pagdating sa mga kalandian ko, pero mas magandang hayaan ko siyang manghula.

Bumuntong-hininga ang kaibigan ko at umikot papasok sa likod ng tindahan para kunin ang mga sako at kahon na ibinaba ko kagabi sa kusina. Habang nagbubuhat siya, sinimulan ko namang ayusin ang mga paninda ko sa harap. Nakita ko ang ilang mga pamilyar na mukha na dumadaan. Nariyan si Aling Nena na may bitbit na balde ng labahin, at ang grupo nina Kiko na nakatambay pa rin sa kanto, pilit na sumisilip sa gawi ng tindahan ko.

“Nga pala, teh,” hingal na sabi ni Lester nang maipasok na niya ang huling kahon sa maliit niyang kariton. “Nagyayaya si Kiko mamayang gabi. Day off daw ng mga tambay sa kanto kaya may maliit na inuman sa likod ng basketball court. Huwag kang mag-alala, puro mga nasa dalawampu pataas ang pupunta, walang menor de edad na iiyak kapag nalasing.”

Napalingon ako sa kaniya. “Inuman?”

“Oo! At balita ko, nandoon daw yung bagong salta rito sa San Roque. Yung pinsan ni Kiko? Sabi nila ay napakagwapo raw at naghahanap ng makakakwentuhan. Pupunta ako mamaya para umariba. Sumama ka ah?” pilit ni Lester, kinikilig habang nagpapagpag ng alikabok sa kaniyang kamay.

Naisip ko ang imbitasyon. Matagal na rin akong hindi nakikipag-inuman sa mga tambay rito sa nayon. At higit sa lahat, napakagandang pagkakataon nito.

Napasulyap ako nang palihim sa kabilang bakod. Patuloy pa rin sa pagsibak ng kahoy si Roman, pero alam kong nakikinig siya. Ramdam ko ang presensya niya. Kung talagang mapang-angkin ang barakong ito, gusto kong makita kung ano ang gagawin niya kapag nalaman niyang makikipag-inuman ako sa mga tambay at sa isang dayong binata.

“Sige,” nakangising sagot ko kay Lester, nilalakasan ang boses ko para siguraduhing aabot ito sa pandinig ng kabilang bakod. “Susunod ako mamayang gabi pagkasara ko ng tindahan. Gusto ko ring makilala iyang bagong binata na iyan.”

Napatigil sa ere ang palakol ni Roman. Isang segundo. Dalawang segundo. Bago ito muling bumagsak sa kahoy nang may mas matinding lakas.

Paaaaak!

Ngumisi ako nang palihim. Mukhang magiging mahaba ang gabi ko.

Mabilis na lumipas ang maghapon. Pagsapit ng alas-sais ng gabi, nagsimula na akong magpasok ng mga paninda at isara ang mga kahoy na bintana ng aking tindahan. Ang mainit na singaw ng kalsada ay napalitan ng malamig na ihip ng hangin na pamilyar sa bawat gabi sa San Roque. Amoy tuyong dahon na sinusunog sa gilid ng kalsada at amoy ng sinaing mula sa mga kalapit na bahay.

Pumasok ako sa kwarto para mag-ayos. Naghilamos ako at nagpalit ng damit. Pinili ko ang isang itim na t-shirt na sadyang maluwag ang butas sa leeg. Hindi nito tuluyang itinatago ang madilim na pasa na ginawa ni Roman, ngunit sapat na para magmukhang sumisilip lang ito sa tuwing gagalaw ako. Nagpahid din ako ng kaunting pabango, sapat lang para may maiwang amoy kapag may lumapit sa akin.

Nang lumabas ako ng bahay, halos madilim na ang buong paligid. Tanging ang mga posteng may pundidong ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa malubak na kalsada. Bago ako tuluyang maglakad palayo, hindi ko napigilang sumulyap sa kabilang bakod.

Nakatayo si Roman sa beranda ng kaniyang bahay. Madilim ang bahaging iyon, pero kitang-kita ang baga ng hawak niyang sigarilyo na nagliliyab sa bawat paghithit niya. Nakasandal siya sa haligi, wala pa ring suot na pang-itaas, at tahimik na pinapanood ang bawat galaw ko. Hindi siya nagsalita. Wala siyang ginawang senyas. Pero sa talim ng kaniyang tingin na tumatagos sa dilim, pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ako at sinusundan ng tingin hanggang sa kaibuturan ng aking kaluluwa.

Nginitian ko siya nang matamis bago ako tuluyang tumalikod at naglakad patungo sa basketball court.

Maingay at puno ng tawanan ang likod ng court nang dumating ako. May isang maliit na lamesa sa gitna kung saan nakapatong ang ilang bote ng gin, pomelo juice, at isang platito ng chicharon na ginawang pulutan. Nakapalibot ang mga pamilyar na tambay ng San Roque. Nandoon si Kiko na laging maingay, ilang mga binata na madalas bumili sa tindahan ko, at siyempre, ang kaisa-isa kong kaibigan na si Lester na kanina pa kumekembot sa inuupuan niya.

“Ayan na ang reyna ng San Roque!” malakas na sigaw ni Lester nang makita niya ako. Sabay-sabay na napalingon ang mga tambay.

Lumapit ako at nakipag-apir sa ibang mga binata. Ngunit agad na napako ang atensyon ko sa isang lalaking nakaupo sa dulo ng lamesa. Hindi siya pamilyar. Maputi, makinis ang mukha, may manipis na bigote, at nakangiting nakatingin sa akin. Suot niya ay isang simpleng polo shirt, pero halatang hindi siya sanay sa ganitong klaseng inuman.

“Elias, upo ka rito,” yaya ni Kiko, ang anak ni Kapitan, sabay usog ng isang monobloc chair malapit sa bagong mukha. “Nga pala, si Rafael. Pinsan ko. Dayo rito at kakarating lang kahapon galing Maynila para magbakasyon.”

Inilahad ni Rafael ang kaniyang kamay sa akin. Ang kaniyang ngiti ay inosente pero may halong kuryosidad. “Rafael,” pagpapakilala niya sa isang pormal na tono. “Kinukwento ka na nila kanina pa. Ikaw pala yung sikat na may-ari ng tindahan.”

Tinanggap ko ang kamay niya. Malambot ito, malayong-malayo sa magaspang at matigas na kamay ng biyudong nag-aari sa akin kagabi. “Elias,” malanding sagot ko, sinadyang bagalan ang pagbitaw sa kamay niya.

Saktong pagbitaw ko ay napansin ko ang pagbaba ng tingin ni Rafael. Unti-unting nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka nang dumapo ang mga mata niya sa malaking pasa na sumisilip sa leeg ng suot kong itim na t-shirt.

Nagsisimula pa lang ang gabi, pero mukhang magiging masaya ang inuman na ito.

KABANATA 8

Napatitig si Rafael sa aking leeg. Nakita ko kung paano dumaan ang pagkalito sa kaniyang inosenteng mga mata nang mapansin niya ang napakalaki at madilim na pasa na sumisilip sa butas ng aking itim na t-shirt. Dahan-dahan niyang binawi ang kaniyang kamay, tila ba biglang napaso sa init ng aking balat.

Ngumisi ako nang palihim at naupo sa monobloc chair na inilaan ni Kiko para sa akin, eksakto sa tabi ng bagong salta. Pinasadahan ko ng tingin ang lamesa sa gitna. May dalawang bote na ng gin na nakalahati at ilang balot ng chicharon, halatang kanina pa sila nagsisimula at naghihintay na lang sa pagdating ko.

“Oh, tagay mo na, reyna,” natatawang utos ni Kiko sabay abot sa akin ng isang basong plastik na may halong gin at pomelo juice.

“Huwag mong masyadong titigan itong pinsan ko, baka matunaw. Kakarating lang niyan kahapon kaya isinama ko para makilala kayo.”

Kinuha ko ang baso. “Salamat,” malambing na sagot ko. Bago ko ininom ay tiningnan ko si Rafael sa ibabaw ng baso. “Huwag kang mag-alala, Kiko. Mabait naman ako sa mga dayo.”

Isang lagok ay inubos ko ang alak. Gumuhit ang pamilyar at nakakapasong init sa aking lalamunan pababa sa aking tiyan. Naghiyawan ang mga tambay, lalo na si Lester na pumalakpak pa.

“Ayan ang gusto ko sa iyo, teh! Walang paligoy-ligoy!” tili ni Lester habang kumukuha ng chicharon at panay ang sulyap sa katabi kong binata.

Pinunasan ko ang aking labi gamit ang hinlalaki. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Rafael. Tinitigan ko ang kaniyang mukha. Napakakinis nito. Walang bakas ng pagbibilad sa araw. Ang kaniyang polo shirt ay amoy mamahaling pabango, malayong-malayo sa amoy ng lupa, poso, at pawis na nakasanayan ko sa magsasakang kapitbahay ko.

“Kaya pala sikat ka rito,” biglang basag ni Rafael sa katahimikan namin. Ang boses niya ay pino, hindi garalgal at hindi nakakatakot pakinggan.

“Ibang-iba ang hitsura mo sa mga tao rito sa San Roque. May lahi ka ba?”

“Amerikano ang tatay ko,” kaswal na sagot ko. “Pero huwag mo na itanong kung nasaan siya dahil hindi ko rin alam.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Rafael at napayuko. “Pasensya na. Hindi ko sinasadya.”

Tumawa ako nang mahina at isinandal ang braso ko sa sandalan ng upuan ko, dahilan para mas lalong lumantad ang malaking pasa sa aking leeg. “Wala iyon. Sanay na ako.”

Muling bumaba ang tingin ni Rafael sa marka. Sa pagkakataong ito, hindi na niya napigilan ang kaniyang kuryosidad. Huminga siya nang malalim, inilalapit nang bahagya ang kaniyang upuan.

“Yung nasa leeg mo… ayos ka lang ba? Parang ang sakit niyan. Naaksidente ka ba?”

Biglang nabilaukan si Lester sa kinakain niyang pulutan at pilit na tinakpan ang malakas na tawa niya. Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko rin ang biglaang paghigpit ng hawak ni Kiko sa baso niya. Tila tumalim ang paningin ng anak ni Kapitan habang nakatingin sa leeg ko, pero nanatili siyang tahimik at hindi nakisali sa asaran.

Inilapit ko ang mukha ko nang kaunti kay Rafael. Naamoy ko ang sariwang mint sa kaniyang hininga na humalo sa amoy ng alak.

“Nadapa ako kagabi sa madilim,” malanding sagot ko, sinadyang ibaba ang boses ko para kaming dalawa lang halos ang makarinig. “Medyo mabigat at matigas yung nabagsakan ko. Kaya ayan, nagmarka nang malala.”

Hindi nakasagot agad si Rafael. Tila pilit niyang pinoproseso ang sinabi ko, o baka naman naiintindihan niya ngunit hindi lang siya makapaniwala sa harap-harapang kalandian ko. Napalunok siya at nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa aking mga labi.

Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap, umihip ang malamig na hangin ng gabi. Agad na nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok. Hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa isang pamilyar na pakiramdam. Kahit medyo malayo na ako sa tindahan ko at nakatalikod sa direksyon ng aking bahay, ramdam na ramdam ng buong sistema ko na may isang pares ng madilim na mata ang patuloy na nakabantay at nagliliyab sa selos mula sa malayo.

Kinuha ni Kiko ang bote ng gin at muling nag-salin sa baso, pilit na binabasag ang namumuong tensyon sa pagitan namin ni Rafael.

“Tama na iyan. Baka mamaya ay matakot itong pinsan ko sa inyo. Tagay pa!”

Lumipas ang isa pang oras. Ang malamig na simoy ng hangin ay pilit na nilalabanan ng init ng alak na patuloy na dumadaloy sa aming mga lalamunan. Tatlong bote na ng gin ang nakatumba sa gitna ng maliit naming lamesa. Maingay na ang mga tambay. May mga nagkakantahan sa gilid kahit walang gitara, at si Lester naman ay panay ang tawa habang nakikipag-asaran sa kabilang dulo ng upuan.

Pero dito sa pwesto namin, iba ang takbo ng mundo.Napansin ko ang unti-unting pamumula ng mga pisngi ni Rafael. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng inuman. Sa tuwing iinumin niya ang alak ay napapakunot ang kaniyang makinis na noo, kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

“Masyado bang matapang?” pabulong na tanong ko sa kaniya. Inilapit ko ang aking mukha kaya naamoy ko lalo ang kaniyang mamahaling pabango na nahaluan ng amoy ng pomelo juice at alak.

Lumingon siya sa akin. Dahil sa lapit namin ay halos magdikit na ang aming mga balikat. “Medyo,” nakangiting sagot niya, ang kaniyang boses ay may bahagyang pag-utal dahil sa tama ng alak. “Pero masasanay rin siguro ako. Lalo na kung ganito ang mga kasama ko gabi-gabi.”

Tinitigan niya ako sa mga mata. May kislap na roon na wala kanina. Ang inosenteng dayo ay nagsisimula nang magpakita ng interes. Sinadya kong idikit ang tuhod ko sa tuhod niya sa ilalim ng lamesa. Hindi siya umiwas. Sa halip, napalunok siya at muling bumaba ang tingin niya sa leeg ko. Parang may sariling magnet ang madilim na pasa na ginawa ni Roman na pilit humahatak sa atensyon niya.

“Rafael, tagay mo na,” biglang sabat ni Kiko.

Isang malakas na kalabog ng baso sa ibabaw ng lamesa ang naghiwalay sa atensyon namin ni Rafael. Nakatayo si Kiko sa mismong harapan namin, hawak ang pang-apat na bote ng gin. Madilim ang kaniyang mukha at diretso ang tingin sa aming dalawa. Ang panga ng anak ni Kapitan ay umigting habang isinasalin ang alak sa plastik na baso nang medyo punong-puno kaysa sa normal.

“Inumin mo nang buo iyan, pinsan. Bawal ang mahina rito sa San Roque,” medyo madiing utos ni Kiko.

Tipid na ngumiti si Rafael at kinuha ang baso. “Sige. Walang aatras.”

Habang umiinom si Rafael, nagtama ang paningin namin ni Kiko. Hindi ko na kailangang manghula. Ang mga mata niya ay puno ng tahimik na inis at babala. Parang gusto niyang sabihin na huwag kong paglaruan ang pinsan niya. O baka naman… ayaw niyang may ibang lalaking nakakakuha ng atensyon ko ngayon? Napangisi ako nang palihim. Ang sarap talagang pagmasdan ng mga lalaki sa nayong ito kapag hindi nila makuha ang gusto nila.

Nang maubos ni Rafael ang alak ay naghiyawan ulit ang mga tambay. Pinalakpakan siya ni Kiko, pero mabilis niyang inilayo ang baso at inilipat iyon sa ibang tambay sa kabilang dulo.

“Punta muna ako sa madilim, naiihi na ako,” paalam ni Kiko. Bago siya tuluyang tumalikod ay sinadya niyang sagiin nang bahagya ang balikat ko. Isang maliit ngunit mabigat na paalala ng kaniyang presensya.

Nang mawala si Kiko ay naiwan kaming muli ni Rafael na magkatabi. Nagkatinginan kami.“Pasensya ka na sa pinsan ko. Medyo seryoso lang iyon kapag nalalasing,” mahinang paliwanag ni Rafael.

“Sanay na ako kay Kiko,” malanding sagot ko, ipinatong ko ang aking siko sa lamesa at hinawakan ang aking baba, nakatitig nang diretso sa kaniyang mapupungay na mata. “Pero ikaw, hanggang kailan ka ba rito sa San Roque? Baka mainip ka, walang mga mall o malalaking pasyalan dito.”

“Hindi naman,” sagot niya habang dahan-dahang inilalapit ang kaniyang sarili sa akin. Ang kaniyang boses ay naging mas malalim at pumipiyok nang kaunti. “Depende kung may magtuturo sa akin ng mga magagandang lugar. Baka pwede mo akong ipasyal bukas sa tindahan mo?”

Bago pa ako makasagot sa pambabakod ng dayo, isang kakaibang kilabot ang gumapang mula sa aking batok pababa sa aking gulugod.

Biglang umihip ang malamig na hangin na may dalang kakaibang amoy mula sa likuran ng basketball court. Amoy ng sariwang lupa, matapang na usok ng sigarilyo, at pamilyar na barakong sabon.

Napalingon ako sa madilim na kalsada na papunta sa direksyon ng aking bahay. Wala akong makitang tao. Walang anino sa ilalim ng mga pundidong ilaw. Pero alam ko. Alam ng mismong kaluluwa ko na naroon siya. Nararamdaman ko ang mabibigat niyang titig na tila sumunod sa akin. Sigurado akong nasa malapit lang si Roman, nakamasid sa dilim, tahimik na pinapanood kung paano ako lumandi sa dayong ito.

Imbes na matakot, mas lalong nag-init ang aking pagkatao sa ilalim ng aking shorts. Ang halimaw sa kabilang bakod ay tahimik na nagbabantay, at gustong-gusto kong subukan kung hanggang saan ang kayang tiisin ng pagtitimpi niya.

“Tingnan natin kung kaya mong gumising nang maaga, Rafael,” mapanuksong sagot ko. Ibinalik ko ang atensyon ko sa kaniya at pinasadahan ng tingin ang kaniyang maamong mukha. “Hindi libre ang oras ko. Baka matunaw ka lang sa init kapag isinama kita sa mga ginagawa ko.”

Tumawa nang mahina ang dayo. Hindi siya umatras sa kalandian ko. Sa halip ay dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang kanang kamay at ipinatong iyon sa ibabaw ng kamay kong nakapatong sa lamesa.

Napakalambot ng kaniyang palad. Wala itong kalyo at halatang hindi nakahawak ng kahit anong mabigat na kasangkapan. Malayong-malayo ito sa magaspang, malaki, at mainit na kamay na sumakal at umangkin sa akin kagabi. At habang nakapatong ang kamay ni Rafael sa akin, mas lalong lumakas ang pakiramdam ko na may nagbabagang mga mata mula sa madilim na kalsada.

Pinasadahan ko ng tingin ang dilim sa likuran ni Rafael. Doon, sa ilalim ng anino ng isang malaking puno ng mangga na hindi naaabot ng ilaw ng poste, nakita ko ang isang maliit na baga ng sigarilyo. Namula ito nang matindi, tanda na may humithit nang malalim. Wala akong makitang mukha, pero alam na alam ko kung kaninong barakong baga iyon.

Ngumisi ako. Sinadya kong hindi bawiin ang kamay ko mula kay Rafael para mas lalong inisin ang halimaw sa dilim.

“Mukhang nagkakasundo na agad kayo ah.”

Sabay kaming napalingon ni Rafael. Nandoon na pala sa likuran namin si Kiko. Ang kaniyang boses ay malamig at may halong pait na pilit niyang itinatago sa likod ng pekeng ngiti. Wala na siyang dalang alak, pero ang kaniyang mga mata ay dumapo agad sa magkapatong naming mga kamay sa ibabaw ng lamesa.

Agad na binawi ni Rafael ang kaniyang kamay at umayos ng upo. “Nagkukwentuhan lang kami ni Elias tungkol sa San Roque, Kiko.”

“Talaga ba?” madiing tanong ni Kiko. Kumuha siya ng isa pang monobloc chair at walang pasabing isiniksik iyon sa gitna naming dalawa. Kinailangan pa naming umurong ni Rafael para magkasya siya. “Sabi ko naman sa iyo, pinsan, marami akong ituturo sa iyong magaganda rito. Huwag mo nang abalahin si Elias. Baka may iba na iyang inaasikaso.”

Tinitigan ako ni Kiko nang tuwid sa mga mata. May tahimik na panunumbat at matinding selos na nakatago roon. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito ngayong gabi, pero wala akong planong ipaliwanag ang sarili ko sa kaniya.

Tumayo ako mula sa aking upuan at pinagpagan ang likod ng aking shorts. “Gabi na. Kailangan ko nang isara ang tindahan ko nang maaga bukas para makapagpahinga.”

“Ay, aalis ka na teh? Ang aga pa ah!” reklamo ni Lester mula sa kabilang dulo ng lamesa, lasing na lasing na at halos nakasandal na sa katabi niyang tambay.

“Ikaw na ang bahala rito, Lester. Huwag kang magpapagapang diyan sa kalsada,” natatawang bilin ko sa kaibigan ko.

Lumingon ako kay Rafael at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. “Nice meeting you, Rafael. Mag-ingat ka rito sa San Roque. Maraming asong ulol na pagala-gala kapag gabi.”

“Nice meeting you rin, Elias,” nakangiting sagot ng dayo. “Sana magkita ulit tayo bukas.”

Hindi na ako sumagot. Tinalikuran ko na sila. Naramdaman ko ang pagtayo ni Kiko, marahil ay susundan sana ako para ihatid, ngunit mabilis na akong naglakad palayo sa maingay na court bago pa siya makapagsalita.

Habang naglalakad ako sa malubak at madilim na kalsada pabalik sa aking bahay, unti-unting nawala ang ingay ng inuman. Napalitan ito ng huni ng mga kuliglig at ng kaluskos ng mga tuyong dahon na natatapakan ko. Bawat hakbang ko ay sinasabayan ng malakas na kabog ng aking dibdib.

Wala akong nakikitang sumusunod sa akin, pero alam kong hindi ako nag-iisa. Ramdam ko ang pamilyar at nakakakilabot na presensya na umaaligid sa mga anino.

Nang makarating ako sa tapat ng aking bahay, napansin kong patay ang lahat ng ilaw sa kabilang bakod. Tulog na kaya si Roman? O baka naman mali ang hinala ko at wala talaga siya sa ilalim ng puno ng mangga kanina?

Kinuha ko ang susi mula sa aking bulsa at binuksan ang lumang padlock ng aking pinto. Pagkapasok ko sa loob ng madilim na bahay, ibinaba ko ang aking bag sa ibabaw ng lamesa sa kusina.

Saktong pagtalikod ko para kapain sana ang switch ng ilaw ay nanigas ang buong katawan ko.May isang napakalaki at matigas na katawan ang nakatayo sa mismong likuran ko. Bago pa ako makasigaw ay isang magaspang at malaking kamay ang mabilis na tumakip sa aking bibig, habang ang isa namang braso ay mahigpit na pumulupot sa aking baywang. Idinikit niya nang sagad ang aking likod sa kaniyang matigas na dibdib.

Amoy na amoy ko ang usok ng sigarilyo na humalo sa matapang na amoy ng barakong sabon at pawis.

“Sinabi ko sa iyo na hanggang tingin lang sila, Elias,” isang mababa, garalgal, at mapanganib na bulong ang naramdaman ko sa mismong tainga ko. Ang mainit niyang hininga ay nagpatayo sa lahat ng balahibo sa aking katawan. “Pero bakit nagpapahawak ka sa dayong iyon?”

KABANATA 9

Hindi ako makasagot. Ang magaspang at malaking palad ni Roman ay mariing nakadiin sa aking bibig, pinipigilan ang anumang salita na nais kong bitawan. Ramdam na ramdam ko ang matigas niyang dibdib na nakalapat sa aking likuran, at ang mabigat niyang hininga na tumatama sa aking batok. Sa ilalim ng aking manipis na shorts, naramdaman ko agad ang paninigas ng kaniyang kargada na nakadiin sa aking balakang.

Gusto niyang manakot, pero ang totoo ay mas lalo lang nag-aapoy ang buong pagkatao ko dahil sa matinding selos na ipinapakita niya.

Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakabusal ng kaniyang kamay sa aking bibig, ngunit nanatili ang mahigpit niyang pagkakapulupot sa aking baywang. Hinarap niya ako sa kaniya. Sa ilalim ng malamlam na liwanag ng buwan na tumatagos mula sa bintana ng kusina, nakita ko ang nag-aalab na pagnanasa at galit sa kaniyang madilim na mga mata.

“Bakit hindi ka makasagot?” madiing tanong ng biyudo, ang kaniyang hinlalaki ay walang-awang idiniin ang sariwang pasa sa aking leeg. “Gusto mo bang subukan kung hanggang saan ang pasensya ko, Elias?”

Napangiwi ako nang bahagya sa sakit, pero mabilis itong napalitan ng isang mapanuksong ngisi. Ipinatong ko ang aking mga kamay sa kaniyang malalapad na balikat. “Nagseselos ka ba, Roman? Isang inosenteng dayo lang iyon. Wala kaming ginagawang masama.”

“Wala kayong ginagawang masama, pero hinayaan mong ipatong niya ang kamay niya sa pag-aari ko,” paos na sagot niya. Pinasadahan niya ng halik ang aking panga pababa sa aking leeg, ang kaniyang bigote ay kumukuskos sa aking balat. “Kailangan mong matutunan kung sino ang sinusunod mo.”

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata para salubungin ang kaniyang mabangis na halik nang biglang may nahagip ang aking paningin.

Nanigas ako. Sa labas ng nakabukas na kahoy na bintana ng aking kusina, sa kabilang panig ng kalsada, may isang anino.

Nakatayo ito sa mismong tapat ng lumang bahay na matagal nang inabandona. Hindi ko maaninag ang buong mukha ng lalaki dahil nakatago siya sa ilalim ng malagong puno ng acacia, ngunit kitang-kita ko ang maliit na baga ng sigarilyo na nagliliyab sa gitna ng dilim. Nakaharap siya nang diretso sa bintana ko. Tahimik siyang nanonood sa aming dalawa. Hindi siya gumagalaw, tila isang estatwang nagmamasid sa aming bawat galaw.

“Roman…” mahinang bulong ko, pilit na itinutulak nang bahagya ang dibdib ng magsasaka. “May tao sa labas.”

Natigil si Roman sa paghalik sa aking leeg. Dahan-dahan niyang nilingon ang direksyon na tinitingnan ko. Nang magtama ang paningin niya at ng lalaking nasa labas, naramdaman ko ang biglaang pagtigas ng mga masel ni Roman. Umigting ang kaniyang panga at lalong humigpit ang hawak niya sa aking baywang.

Nanatili ang lalaki sa labas ng ilang segundo, humithit ng sigarilyo nang huling beses, bago ito dahan-dahang tumalikod at pumasok sa loob ng bakanteng bahay.

“Sino iyon?” kinakabahang tanong ko, hindi inaalis ang tingin sa madilim na kalsada. “Bakit siya pumasok sa abandonadong bahay?”

“Si Gabriel,” malamig at matigas na sagot ni Roman. Ang boses niya ay walang bahid ng takot, ngunit may kakaibang pait at babala na nakatago roon.

“Ang bagong nangungupahan rito sa San Roque. Kararating niya lang kanina habang nag-iinuman kayo sa court.”

“Bakit siya nakatingin dito sa atin?” untag ko muli, ang aking isip ay puno ng mga katanungan tungkol sa misteryosong dayo.

Hindi sumagot si Roman. Sa halip ay humakbang siya palapit sa bintana at marahas na isinara ang mga kahoy na harang nito. Isang malakas na kalabog ang umalingawngaw sa kusina, tuluyang pinuputol ang paningin namin mula sa labas. Binalot kami ng matinding kadiliman.

Bumalik si Roman sa aking harapan. Nawala ang atensyon niya sa bagong nangungupahan at mas nanaig ang nakakabaliw niyang pag-aangkin sa akin. Sa dilim, kinapa ng kaniyang magagaspang na kamay ang aking baywang pababa sa laylayan ng aking shorts.“

Huwag mong intindihin ang dayong iyon, Elias,“ utos niya, ang boses ay mas malalim at mas mapanganib kaysa kanina. Idinikit niyang muli ang kaniyang katawan sa akin, mas mariin at mas agresibo. “Ako ang kaharap mo ngayon. At kailangan mong pagbayaran ang pagpapalandi mo sa harap ng maraming tao kanina.”

Bago pa ako makapagsalita o makapag-isip tungkol kay Gabriel, sinakop na niya ang aking mga labi. Isang marahas, maparusang halik na punong-puno ng pagnanasa. Napasinghap ako nang buong-lakas niyang buhatin ang aking katawan at isinalampak ako sa ibabaw ng mesa.

Ang malamig na kahoy nito ay tumama sa aking likuran, isang matinding contrast sa nagbabagang init ng katawan ng biyudong nakadagan sa akin.

Wala siyang sinasayang na oras. Ang kaniyang magaspang na kamay ay walang-awang hinigit ang itim kong t-shirt pataas, tuluyang inilalantad ang aking maputlang dibdib sa dilim. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga binti nang ipasok niya ang kaniyang tuhod sa pagitan ng aking mga hita, sapilitang ibinubuka ang mga ito para bigyan ng espasyo ang kaniyang sarili.

“Roman…” humihingal na daing ko nang bahagya siyang humiwalay para kumuha ng hangin.

Bumaba ang kaniyang mukha sa aking leeg. Sa halip na halikan ang madilim na pasa na ginawa niya kagabi, walang pakundangan niyang kinagat ang sariwang marka nang may mas matinding diin.

Napaluha ako sa pinaghalong sakit at napakatinding sarap. Napasabunot ako sa makapal at pawisang buhok ng magsasaka. Gusto kong pumalag, pero ang totoo ay sabik na sabik ang buong sistema ko sa ganitong klaseng pag-aangkin. Alam ng halimaw kung paano ako baliwin.

“Akin ka lang, Elias,” madiing bulong niya sa aking balat. “Ipaparamdam ko sa iyo ngayong gabi kung bakit hindi ka na dapat lumingon sa iba.”

Walang pasabing hinawakan ng malaki niyang palad ang butones ng aking kupasing maong shorts. Sa isang mabilis na galaw, narinig ko ang pagbukas nito, kasunod ng walang-awang paghila niya pababa sa aking saplot kasama ng aking underwear.

Napasigaw ako nang tuluyang maramdaman ng aking balat ang malamig na hangin ng kusina, ngunit agad din itong napalitan ng matinding init nang hawakan ng magaspang niyang kamay ang aking tumitibok na pagkatao. Pinisil niya ito nang mahigpit, sinadyang bagalan ang bawat paghagod para pahirapan ako.

“Malambot ba ang kamay niya, Elias?” madilim na tanong niya, ibinabalik ang usapan sa paghawak sa akin ni Rafael kanina. Bawat salita niya ay sinasabayan niya ng mariin na pagpisil sa akin. “Mas gusto mo ba ang malambot na kamay ng dayong iyon kaysa sa kamay ng isang magsasaka?”

“Hindi… ahhh… Roman, sige pa…” nagmamakaawang ungol ko, tuluyan nang nawawala sa katinuan dahil sa pinaghalong takot at sarap. Hindi siya nakinig. Sa halip na bilisan ay bigla niyang binitawan ang aking pagkalalaki. Umungol ako sa pagkadismaya. Iniwan niya akong bitin na bitin. Mabilis niyang ibinaba ang zipper ng kaniyang sariling pantalon at inilabas ang kaniyang galit na galit at maugat na kargada. Kahit sa dilim ay kitang-kita ko ang kinang nito.

Tinitigan niya ako gamit ang mga matang uhaw na uhaw. “Kung ganoon, patunayan mo.”

Bago ko pa maintindihan ang gusto niyang mangyari ay hinawakan niya ang aking magkabilang binti at itinaas iyon nang sagad hanggang sa aking dibdib. Walang anumang paunang babala, ibinaon ni Roman nang buo ang kaniyang sarili sa aking pagkatao sa iisang malakas na bayo.

Isang malakas na tili ang kumawala sa aking lalamunan na agad niyang sinalo ng kaniyang bibig. Napaluha ako sa sakit na unti-unting napapalitan ng nakakapasong sarap. Bawat paggalaw niya sa ibabaw ko ay puno ng galit, selos, at isang nakakabaliw na pagnanasa na tanging kaming dalawa lang ang nakakaintindi. Ang halimaw ng San Roque ay tuluyan nang nagising, at handa akong lunukin nang buo ang parusang ibinibigay niya.

Mabilis at walang-awa ang bawat bayo ni Roman. Ang malamig na kahoy ng mesa ay tila umaangal sa bawat pagdiin ng kaniyang mabigat na katawan sa akin. Ramdam na ramdam ko ang bawat pulgada ng kaniyang nag-aapoy na pagkalalaki na sumasagad sa aking pagkatao, isang marahas na paalala kung sino ang tunay na nagmamay-ari sa akin.

“Sabihin mo sa akin kung kanino ka,” paos at madiing utos niya sa pagitan ng kaniyang malalakas na paghinga. Ang kaniyang magaspang na kamay ay gumapang paakyat para hawakan nang mahigpit ang aking leeg, hindi para sakalin ako, kundi para iparamdam ang kaniyang buong kontrol. “Sabihin mo, Elias.”

“Sayo… ahhh… kay Roman…” umiiyak na ungol ko, nakakapit nang mahigpit sa kaniyang malalapad na balikat. Ibinabaon ko ang aking mga kuko sa kaniyang pawisang likod dahil sa sobrang sarap na nagpapamanhid sa aking utak.

Tila mas lalong nag-init ang halimaw nang marinig niya ang pangalan niya mula sa aking mga labi. Mas lalong bumilis at lumakas ang kaniyang galaw. Wala siyang pakialam kung may makarinig man sa amin mula sa labas. Ang tanging mahalaga sa kaniya ngayon ay ang burahin ang anumang bakas ng dayong humawak sa akin kanina.

Ibinaba niya ang kaniyang mukha at sinipsip ang aking dibdib, nag-iiwan ng mga bagong madilim na marka na paniguradong hindi mabubura ng ilang araw. Bawat pagkagat niya ay sinasabayan niya ng malalim na pag-ungol na parang isang gutom na hayop. Wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya at sumabay sa ritmo ng kaniyang marahas na pag-angkin.

Hindi ko na mabilang kung gaano katagal kaming naglaban sa ibabaw ng mesa. Bawat ungol ko ay sinasalo ng kaniyang mga labi, pinipigilang umalingawngaw ang kalandian ko sa labas ng bahay. Umabot sa puntong halos mawalan na ako ng hininga dahil sa tindi ng init na bumabalot sa aming dalawa. Nang maramdaman ko ang panginginig ng kaniyang matitigas na hita at ang pagdiin ng kaniyang mga kuko sa aking baywang, alam kong malapit na siya.

“Roman…” umiiyak na tawag ko, ramdam ang pamamanhid ng aking buong katawan.

“Elias!” isang napakalakas at garalgal na ungol ang kumawala sa kaniya.

Isinagad niya nang buong lakas ang kaniyang sarili sa akin at tuluyang ibinuhos ang kaniyang mainit na katas sa loob ko. Sabay kaming nakaramdam ng matinding pagsabog. Napasandal ako nang mariin sa mesa habang tuluyan na ring lumabas ang sarili kong katas, nabasa ang aking tiyan at ang mismong kamay ni Roman na nakahawak sa akin.

Bumagsak ang mabigat at pawisang katawan ng magsasaka sa ibabaw ko. Ang malakas na kabog ng kaniyang dibdib ay ramdam na ramdam ko sa aking sariling balat. Tanging ang mabibigat naming paghinga ang bumabasag sa katahimikan ng kusina.

Dahan-dahan siyang umangat at tinitigan ang aking namumula at pawisang mukha. Ang kaniyang madilim na mga mata ay kalmado na ngayon, ngunit naroon pa rin ang malalim na anino ng pagiging territorial. Pinunasan niya ang pawis sa aking noo gamit ang likod ng kaniyang magaspang na kamay bago muling idiniin ang kaniyang labi sa aking pasa sa leeg.

“Huwag na huwag ka nang lalapit sa dayong iyon, Elias,” malamig ngunit seryosong babala niya. “At huwag mo ring lalapitan ang bagong nangungupahan sa tapat. Ako lang ang lalaking pwede mong tingnan dito sa San Roque. Naintindihan mo ba?”

Wala akong ibang nagawa kundi ang dahan-dahang tumango habang nakatitig sa mga mata ng halimaw. Nararamdaman ko ang pagtatapos ng gabi, ngunit alam kong simula pa lamang ito ng mas malaking gulo.

KABANATA 10

Kinabukasan, nagising ako na parang binugbog ang buong katawan ko. Masakit ang aking balakang at may manhid na pakiramdam sa pagitan ng aking mga hita. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, napapangiwi sa bawat paggalaw.

Amoy na amoy ko pa rin sa mga unan at sa mismong balat ko ang matapang na amoy ng barakong sabon at pawis ni Roman.

Humarap ako sa lumang salamin sa aking kwarto. Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang sarili ko. Kung kahapon ay madilim na ang pasa sa aking leeg, ngayon ay mas lalo itong nangingitim at tila ba nagliliyab ang pagka-lila nito. Nadagdagan pa ito ng dalawang bagong marka sa aking dibdib na kasing-itim din ng nasa leeg ko. Sinadya talaga ng biyudo na diinan ang pag-angkin sa akin kagabi para siguraduhing hindi ako makakalimot.

Pumasok sa isip ko ang babala niya bago siya umalis sa madilim na kusina. Binalaan niya akong huwag lumapit kay Rafael at sa bagong nangungupahan na si Gabriel.

Ngumisi ako. Kumuha ako ng isang simpleng puting t-shirt na may medyo maluwag na butas sa leeg at isinuot iyon kasama ng aking maong shorts. Wala akong balak magtago.

Pagbukas ko ng mga kahoy na bintana ng aking sari-sari store, sumalubong agad sa akin ang mainit na singaw ng umaga sa San Roque. Maingay na ang mga manok at nagwawalis na ang mga kapitbahay. Sa kabilang bakod, nakita ko si Roman. Nakasuot siya ng maduming bota at kupasing pantalon, wala na namang pang-itaas. Tahimik siyang naghahasa ng kaniyang malaking itak sa ibabaw ng isang lapad na bato.

Shhhk. Shhhk. Shhhk.

Ang tunog ng bakal na kumikiskis sa bato ay umaalingawngaw sa tahimik na bakuran. Hindi siya lumingon sa gawi ko, pero alam kong alam niyang gising na ako.

Sinimulan kong ayusin ang mga paninda ko sa harap ng estante. Ilang minuto lang ang lumipas ay may narinig akong mga yabag na papalapit sa kalsada.

“Magandang umaga, Elias.”

Napalingon ako. Nakatayo sa tapat ng rehas ng tindahan ko si Rafael. Napakaaliwalas ng mukha ng dayo, suot ang isang malinis at puting polo shirt na amoy mamahaling pabango. May dala siyang isang maliit na brown paper bag.

“Rafael,” nakangiting bati ko, lumapit sa rehas at ipinatong ang aking mga siko sa ibabaw ng estante. “Napakaaga mo naman yata para mamasyal. Wala pa sa sarili ang mga tambay rito kapag ganitong oras.”

Tumawa siya nang mahina at inabot sa akin ang paper bag mula sa siwang ng rehas. “Bumili ako ng pandesal sa sentro kaninang madaling araw. Naisip ko lang na dumaan dito para bigyan ka. Baka kasi hindi ka pa nag-aalmusal.”

Kinuha ko ang paper bag. “Salamat. Ang bait naman pala talaga ng pinsan ni Kiko.”

Tinitigan niya ako sa mga mata, at tulad ng inaasahan ko, dahan-dahan bumaba ang kaniyang paningin sa aking leeg. Nakita ko ang paglunok niya nang mapansin niya ang nangingitim na marka na sumisilip sa kwelyo ng t-shirt ko. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo, tila ba may gustong itanong ngunit nahihiya lang siyang magsalita.

“Tuloy ba tayo ngayon?” tanong ni Rafael, pilit na ibinabalik ang tingin sa aking mga mata. “Sabi mo kagabi, baka pwede mo akong ipasyal dito sa San Roque kung magigising ako nang maaga.”

Bago pa ako makasagot, biglang huminto ang tunog ng hinahasang itak sa kabilang bakod.

Nanigas ang mga balahibo ko sa batok. Dahan-dahan akong sumulyap sa labas. Nakita ko kung paano tumayo si Roman mula sa kaniyang inuupuan. Hawak niya ang matalim at kumikinang na itak sa kaniyang kanang kamay. Ang kaniyang madilim na mga mata ay nakapako sa aming dalawa ni Rafael. Walang emosyon ang kaniyang barakong mukha, pero ang bigat ng kaniyang presensya ay tila sumakal sa hangin sa paligid namin.

Naglakad siya papalapit sa mababang bakod na kawayan, hindi inaalis ang tingin sa dayong kausap ko.

“May problema ba, Elias?” nagtatakang tanong ni Rafael nang mapansin niya ang biglaang pagtahimik ko. Lumingon din siya sa direksyon na tinitingnan ko.

Nang makita ni Rafael si Roman, bahagyang napaatras ang dayo. Hindi mo masisisi ang sinuman kung matatakot sila sa hitsura ng biyudo. Malaki, matipuno, pawisan, at may hawak na mahaba at matalim na itak habang nakatitig nang masama.

Lumabas si Roman sa kaniyang gate at naglakad patungo sa tapat ng tindahan ko. Bawat hakbang niya ay mabigat. Huminto siya sa mismong tabi ni Rafael. Sadyang idinikit ng magsasaka ang kaniyang malapad at pawisang balikat sa malinis na damit ng dayo.

“Pabili ng kape, Elias,” mababa at garalgal na utos ni Roman. Ang boses niya ay walang halong sigaw, ngunit sapat na para magpayanig sa mga tuhod ko.

Kumuha ako ng isang sachet ng kape na nanginginig ang mga daliri. Inabot ko ito sa kaniya. Imbes na kunin agad ang kape, ipinatong ni Roman ang kaniyang malaki at magaspang na kamay sa ibabaw ng kamay ko. Sadyang binagalan niya ang pagkuha.

Pagkatapos ay dahan-dahan niyang binalingan si Rafael. Tinitigan niya ang dayo mula ulo hanggang paa, isang malamig at mapanuring tingin na sumusukat sa kahinaan ng kaharap niya.

“Dayo ka lang dito, bata,” malamig na banta ni Roman kay Rafael. Inangat niya nang bahagya ang hawak niyang itak at pinasadahan ng hinlalaki ang matalim na talim nito. “Ang mga asong dayo na hindi marunong makiramdam, madalas ay naliligaw sa bakuran ng iba. At dito sa San Roque, madaling mawala ang mga naliligaw.

“Namutla si Rafael. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng mga tao. Pilit siya ngumiti ngunit halata ang kaba sa kaniyang mga mata. “N-Nag-uusap lang po kami ni Elias. Aalis na rin po ako.”

Tumalikod agad si Rafael at naglakad nang mabilis palayo, ni hindi na lumingon pabalik sa tindahan ko.

Nang tuluyang mawala sa paningin namin ang dayo, ibinalik ni Roman ang kaniyang madilim na tingin sa akin. Pinunasan niya ang pawis sa kaniyang panga gamit ang likod ng kaniyang kamay, ang pilyong ngisi niya ay dahan-dahang lumitaw sa likod ng kaniyang makapal na bigote.

“Mabuti at nanahimik ka,” paos na bulong niya, inilalapit ang kaniyang mukha sa rehas ng tindahan. Ang kaniyang mga mata ay nagliliyab sa panalo at matinding pag-aangkin.

“Dahil kung sumama ka sa dayong iyon, sa likod ng tindahan kita mismo paluluhurin ngayon din.”

Bago pa ako makasagot ay tumalikod na ang biyudo. Pinanood ko siyang maglakad pabalik sa kaniyang bakuran, ang malalapad niyang balikat ay gumagalaw sa bawat hakbang. Napakagat ako sa aking ibabang labi, ramdam na ramdam ang mainit na likido na unti-unting namumuo sa pagitan ng aking mga hita dahil sa ginawa niyang pagbabakod sa mismong sikat ng araw.

“Huy! Bakit nakatulala ka riyan at parang kamatis iyang mukha mo?”

Gulat akong napalingon nang marinig ko ang matinis na boses mula sa kalsada. Si Lester. Naglalakad ito papalapit sa tindahan ko habang hawak ang kaniyang sintido, halatang may matinding hangover pa mula sa inuman namin kagabi.

“Wala. Mainit lang,” palusot ko sabay pasok sa loob ng tindahan para kumuha ng pamaypay.

Sumandal si Lester sa rehas at pilit na tiningnan ang kalsada kung saan nagmamadaling tumakbo si Rafael kanina.

“Nasalubong ko yung pinsan ni Kiko ah. Yung dayong si Rafael. Namumutla at parang nakakita ng aswang habang naglalakad pabalik sa bahay ni Kapitan. Inano mo iyon? Akala ko ba lalandiin mo?

“Napangisi ako nang palihim habang kumukuha ng dalawang tableta ng paracetamol na paniguradong bibilhin niya para sa sakit ng ulo.

“Hindi ko na kailangang landiin. May asong ulol na nagtaboy sa kaniya palayo sa tindahan ko.

“Pinaningkitan ako ng mata ni Lester. Ibinaba niya ang tingin niya sa leeg ko, kung saan nangingitim ang pasa sa ilalim ng liwanag ng araw. “Asong ulol ba, Elias? O baka naman isang barakong aso na handang mangagat ng kahit na sinong lumapit sa iyo?

“Hindi ako sumagot. Ipinatong ko ang mga gamot sa ibabaw ng estante at inirapan siya.

“Iinumin mo ba itong gamot o titingnan mo lang iyang leeg ko?”

“Ito naman, hindi na mabiro!” natatawang kinuha ni Lester ang gamot at nag-abot ng barya.

“Pero seryoso, teh. Iba ang aura mo ngayon. Mukhang nasasagad ka gabi-gabi ah. Sige na, uuwi na muna ako para matulog ulit. Baka may sumunggab pa sa akin dito.”

Nang tuluyang umalis si Lester, isinara ko nang bahagya ang ilang bintana ng tindahan at pumasok sa loob ng aking kusina para uminom ng tubig. Hindi pa rin nawawala ang pag-iinit ng buong katawan ko mula nang ibulong ni Roman ang babala niya kanina.Saktong pag-angat ko ng baso sa aking bibig ay napatingin ako sa labas ng bintana.

Bumalik na si Roman sa tapat ng kaniyang poso. Hawak niya muli ang matalim na itak at pinupunasan ito ng isang lumang basahan. Ngunit hindi sa itak nakatuon ang kaniyang atensyon. Ang kaniyang madilim na mga mata ay direktang nakatitig sa bintana ng kusina ko, eksakto sa kinatatayuan ko.

Walang emosyon ang kaniyang mukha, pero alam na alam ko ang ibig sabihin ng mabibigat na titig na iyon. Hindi lang siya nagbabantay. Naghihintay siya sa paglubog ng araw.

Lumipas ang maghapon nang may mabigat na pakiramdam sa hangin ng San Roque. Matindi ang alinsangan, ngunit may kakaibang lamig na sumuot sa aking mga buto habang unti-unting kumukulay kahel ang kalangitan.

Bago tuluyang lumubog ang araw, lumabas ako para walisan ang natuyong mga dahon sa tapat ng aking sari-sari store. Tahimik ang kalsada. Masyadong tahimik. Wala ang karaniwang ingay ng mga nag-iinuman o nagtatawanan sa kanto.

Habang pinapagpag ko ang walis tingting, kusang napadako ang paningin ko sa lumang bahay sa kabilang kalsada. Ang bahay na matagal nang walang nakatira hanggang sa dumating ang bagong nangungupahan.

Nakatayo si Gabriel sa madilim na bahagi ng kaniyang beranda. Nakasuot pa rin siya ng itim na leather jacket. Tulad kagabi, may hawak siyang sigarilyo. Ngunit hindi sa akin o sa kabilang bakod nakatuon ang kaniyang atensyon. Nakatitig siya sa dulo ng kalsada, eksakto sa direksyon kung saan nagmamadaling tumakbo si Rafael kaninang umaga.

Walang emosyon ang mukha ng dayo, ngunit ang kaniyang mga mata ay tila nagkukuwenta. Tahimik at mapanganib. Nang ibaba niya ang kaniyang kamay para itapon ang upos ng sigarilyo, napansin ko ang madilim na mantsa sa laylayan ng kaniyang manggas. Hindi ko matukoy kung putik ba iyon, grasa, o kulay kalawang na likido na natuyo sa tela.

Tila naramdaman ni Gabriel na pinapanood ko siya. Dahan-dahan niyang inilipat ang kaniyang malamig na paningin sa akin. Isang maliit at nakakakilabot na ngisi ang gumuhit sa kaniyang mga labi. Walang anumang salitang namagitan sa amin, ngunit sa isang sulyap na iyon, tila may ibinubulong na babala ang hangin.

Tumalikod siya at pumasok sa loob ng kaniyang madilim na bahay. Narinig ko ang mabigat na tunog ng pag-kandado ng kaniyang pinto.

Isang malakas na ihip ng hangin ang nagpatayo sa mga balahibo ko sa batok. Napahawak ako sa aking braso. Biglang pumasok sa isip ko ang banta ni Roman kay Rafael kanina. Sa San Roque, madaling mawala ang mga naliligaw.

Hindi ko alam kung bakit, ngunit habang pinagmamasdan ko ang papadilim na kalangitan, isang matinding kaba ang gumapang sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay may mangyayaring masama ngayong gabi. Isang sikreto ang mababaon sa lupa, at ang halimaw na gumising sa aking katawan ay hindi lang nag-iisang naglalakad sa dilim.

KABANATA 11

Tuluyan nang nilamon ng dilim ang San Roque. Tanging ang mga lumang poste ng ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa malubak at tahimik na kalsada. Kanina ko pa isinara ang mga bintana ng aking tindahan, ngunit hindi pa rin nawawala ang mabigat na kaba sa aking dibdib.

Ang imahe ng madilim na mantsa sa manggas ni Gabriel ay patuloy na naglalaro sa aking isipan. Naalala ko rin ang nakita ko kaninang dapit-hapon nang magtama ang aming paningin.

Nakatayo siya sa kaniyang madilim na beranda, dahan-dahang hinahasa ang isang mahabang kutsilyo sa isang bato. Ang talim nito ay kumikinang sa tuwing tinatamaan ng huling sinag ng araw. Ang banta ni Roman kaninang umaga at ang patalim ni Gabriel ay tila dalawang panig ng isang gunting na unti-unting pumuputol sa aking katahimikan.

Naghuhugas ako ng mga plato sa kusina nang biglang may kumatok nang malakas sa aking pintuan sa harap. Napatalon ako sa gulat. Nabitawan ko ang basong hawak ko at muntik na itong mabasag sa lababo.

“Elias! Elias, gising ka pa ba?”

Ang matinis at natatarantang boses ni Lester ang narinig ko. Mabilis kong pinunasan ang aking mga kamay at naglakad patungo sa sala. Pagbukas ko ng pinto, bumulaga sa akin ang namumutlang mukha ng kaibigan ko. Sa likuran niya ay nakatayo si Kiko at ang dalawa pang tanod ng barangay. May mga hawak silang flashlight.

“Anong problema, Lester? Bakit may mga tanod?” kinakabahang tanong ko, pilit na itinatago ang panginginig ng aking boses.

Sumingit si Kiko, ang mukha ay puno ng pag-aalala at bakas ang kawalan ng tulog. “Elias,pasensya na sa panggagambala. Nakita mo ba si Rafael? Yung pinsan ko.”

Napakunot ang noo ko. “Kaninang umaga ko pa siya huling nakita. Pumunta siya rito para magbigay ng pandesal, tapos umalis din agad. Bakit?”

“Hindi siya umuwi simula kaninang umaga,” garalgal na sagot ni Kiko. Napasabunot ito sa kaniyang buhok. “Iniwan niya yung cellphone niya sa kwarto kaya hindi namin siya matawagan. Inikot na namin ang buong sentro, pati ang basketball court. Walang nakakita sa kaniya pagkatapos niyang maglakad pabalik galing dito sa tindahan mo.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko. Bumilis ang kabog ng aking puso. Pumasok sa isip ko ang matatalim na salita ni Roman. Sa San Roque, madaling mawala ang mga naliligaw.

“Baka naman nagpunta lang sa kabilang bayan?” palusot ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko kahit alam kong may mali na. “Baka may nakilala siyang ibang tao?”

“Hindi gawain ni Rafael iyon,” sagot ni Kiko na umiiling. “Hindi siya sanay sa probinsya at hindi iyon aalis nang hindi nagpapaalam o nagdadala ng cellphone.”

Tumingin sa akin nang makahulugan si Lester. Alam kong naalala niya ang kinwento ko kaninang umaga tungkol sa pagtataboy ng isang asong ulol kay Rafael. Ngunit mabuti na lang at nanahimik ang kaibigan ko at hindi binanggit ang pangalan ni Roman sa mga tanod.

“Sige na, Elias. Mag-iikot pa kami sa gawing bukid,” paalam ni Kiko. “Mag-ingat ka rito. I-lock mo ang mga pinto mo.”

Pag-alis nila ay mabilis kong isinara ang pinto at ibinaba ang tatlong matitibay na kandado nito. Nanginginig ang aking mga kamay. Nawawala si Rafael. At ang dalawang lalaking nagbigay sa akin ng matinding kaba ngayong araw ay si Gabriel na nakita kong may mantsa ng dugo sa damit at hawak na kutsilyo, at si Roman na may bitbit na itak kaninang umaga. Pareho silang may kakayahang gumawa ng masama.

Pagbalik ko sa kusina, isang malaking palad ang biglang tumakip sa aking bibig.Napasinghap ako nang malakas ngunit walang tunog na lumabas. Isang matigas at mainit na braso ang pumulupot sa aking baywang, hinahatak ang aking likuran papunta sa isang malapad at batong dibdib. Amoy na amoy ko agad ang barakong pabango, pawis, at matapang na amoy ng lupa.

Dumaan siya sa likod ng bahay.

“Sino ang hinahanap nila sa labas, Elias?” mababa at garalgal na bulong ni Roman sa mismong tainga ko. Ang kaniyang balbas ay kumuskos sa aking leeg, eksakto sa ibabaw ng nangingitim na pasang ginawa niya.

“Si… si Rafael,” nahihirapang sagot ko nang dahan-dahan niyang alisin ang kamay niya sa aking bibig. Hinarap ko siya. Sa ilalim ng nag-iisang dilaw na bumbilya ng kusina, nakita ko ang madilim at walang emosyong mga mata ng halimaw.

“Nawawala raw siya,” dagdag ko, pinapanood ang bawat reaksyon sa kaniyang mukha. “Hindi siya nakauwi simula kaninang umaga matapos mo siyang pagbantaan. Anong ginawa mo sa kaniya, Roman?”

Sa halip na sumagot o magalit, isang mapanuksong ngisi ang dumaan sa mga labi ng magsasaka. Idinikit niya nang buo ang kaniyang katawan sa akin, ipinararamdam ang tumitigas niyang pagkatao sa likod ng kaniyang kupasing maong.

“Binalaan ko na siya,” malamig na sagot niya. Ang kaniyang magaspang na kamay ay gumapang papasok sa ilalim ng aking t-shirt, mainit at naghahanap ng balat. “Sinabi ko na sa kaniya na madaling mawala ang mga asong hindi marunong makiramdam sa teritoryo ng iba. Bakit mo siya iniisip? Ako ang kaharap mo ngayon.”

“Roman, seryoso ako,” pilit kong itinutulak ang kaniyang dibdib pero parang akong tumutulak sa pader. “Kung may nangyaring masama sa kaniya, ikaw ang unang paghihinalaan ng mga tanod.”

Biglang nagdilim ang paningin ng biyudo. Binuhat niya ako nang walang kahirap-hirap at marahas na isinandal ang aking likod sa malamig na pader ng kusina. Ang kaniyang malaking palad ay pumulupot sa aking leeg, hindi para sakalin ako nang tuluyan, kundi para iparamdam ang bigat ng kaniyang awtoridad.

“Huwag mong banggitin ang pangalan ng ibang lalaki habang nasa ilalim ka ng mga kamay ko, Elias,” nagbabagang utos niya. Bawat salita ay may diin. “Wala akong pakialam sa dayong iyon. Ang tanging pakialam ko ay kung paano kita paparusahan dahil hinayaan mong hawakan niya ang kamay mo kaninang umaga.”

Bago pa ako makapagsalita, sinakop na niya ang aking mga labi. Isa itong mapang-angkin at uhaw na halik. Lasa siyang alak at panganib. Kahit na natatakot ako sa posibilidad na isa siyang mamamatay-tao, hindi ko mapigilan ang pag-init ng aking katawan. Ang takot na nararamdaman ko ay siya ring mismong nagpapabaliw sa aking sistema. Ginising talaga niya ang pinakamadilim na parte ng pagkatao ko.

Walang pag-aalinlangang pinunit ni Roman ang suot kong manipis na t-shirt. Narinig ko ang pagsirit ng tela. Wala siyang pasensya. Ibinaba niya ang kaniyang mukha sa aking dibdib, walang-awang kinakagat at sinisipsip ang aking balat habang ang isa niyang kamay ay mabilis na nagbukas sa zipper ng aking shorts.

Napasabunot ako sa kaniyang makapal na buhok. Napadaing ako sa pinaghalong sakit at napakatinding sarap.

“Sabihin mo kung sino ang nagmamay-ari sa iyo,” paos na utos niya sa pagitan ng kaniyang mabibigat na paghalik. Ipinasok niya ang dalawa niyang magaspang na daliri sa aking likuran, sapilitang inihahanda ang aking katawan nang walang anumang pampadulas.

Naluha ako sa sakit ngunit mabilis itong napalitan ng uhaw na pagnanasa. “Ikaw… Roman, ikaw lang…”

Hindi na siya naghintay. Inilabas niya ang kaniyang galit at maugat na kargada. Hawak ang aking magkabilang hita na nakapulupot ngayon sa kaniyang baywang, isinagad niya ang kaniyang sarili sa akin sa iisang malakas na bayo.

Isang malakas na ungol ang kumawala sa aking lalamunan. Pilit kong ibinaon ang aking mukha sa kaniyang pawisang balikat para pigilan ang aking boses. Bawat paggalaw niya ay mabigat, marahas, at puno ng teritoryal na galit. Tila ba pinapatunayan niya sa lahat ng demonyo sa San Roque na ako ay kaniya lang at walang sinuman ang pwedeng umagaw sa akin.

“Akin ka,” ungol ng halimaw habang walang-awang binabayo ang aking pagkatao. Ang pader sa aking likuran ay nayayanig sa bawat pagdiin ng kaniyang katawan. “Akin ka lang, Elias.”

Hindi ko na alam kung ilang minuto o oras kaming naglaban sa gilid ng madilim na kusina. Nang sabay naming marating ang sukdulan, bumagsak ang mabigat niyang ulo sa aking balikat, ang kaniyang mainit na hininga ay tumatama sa aking leeg. Tuluyan niyang ibinuhos ang kaniyang katas sa loob ko, nag-iiwan ng matinding pamamanhid sa aking mga binti.

Dahan-dahan niya akong ibinaba sa sahig, ang kaniyang mga mata ay nanatiling madilim at uhaw kahit na nakuha na niya ang gusto niya. Inayos niya ang kaniyang pantalon bago lumapit sa lababo para maghugas ng kamay.

Habang nakasandal ako sa pader at pilit na kinukuha ang aking hininga, nakarinig ako ng isang pamilyar na tunog.

Kaluskos. Nagmula ito sa kabilang bahagi ng kahoy na pinto ng aking kusina na nakaharap sa kalsada.

Natigilan si Roman sa paghuhugas. Dahan-dahan niyang inabot ang itak na nakapatong sa ibabaw ng aking refrigerator. Ang kaniyang mga mata ay biglang naging mapagmatyag, parang isang mabangis na hayop na nakaramdam ng presensya ng isa pang halimaw.

Sumenyas siya sa akin na huwag gumawa ng ingay. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at tahimik na binuksan ito. Wala nang tao sa labas. Tanging ang ihip ng malamig na hangin ang sumalubong sa kaniya.

Ngunit nang ibaba ko ang aking paningin sa mismong lapag sa tapat ng pintuan, nanigas ang buong katawan ko.

May isang maliit na bagay na iniwan sa mismong hakbangan ng aking bahay. Isang kumikinang at mamahaling relos na kulay pilak.

Kahit madilim ay kilalang-kilala ko iyon. Iyon ang relos na suot ni Rafael kaninang umaga nang iabot niya sa akin ang brown paper bag. Ngunit ang nagpakilabot sa akin nang tuluyan ay ang madilim at malapot na likido na nakapahid sa salamin ng relos. Natuyong dugo.

Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Roman. Walang gulat sa mukha ng biyudo, tanging isang malamig at matigas na pagmamasid.

Akma ko sanang pupulutin ang relos ngunit mabilis na hinawakan ni Roman ang aking pulso. Napasinghap ako sa higpit ng kaniyang hawak.

“Huwag mong hawakan,” madiing babala niya. Ang kaniyang boses ay kasinglamig ng yelo. “Kapag dumikit ang balat mo diyan, ikaw ang hahanapin ng mga aso sa labas.”

Mabilis siyang kumuha ng isang lumang basahan mula sa gilid ng lababo. Balot ng basahan ang kaniyang malaking kamay nang pulutin niya ang duguang relos ni Rafael. Ibinulsa niya ito nang walang anumang pag-aalinlangan.

“Anong ginagawa mo?” nanginginig na tanong ko. “Ebidensya iyan, Roman. Kailangan natin iyang ibigay sa mga tanod o kay Kapitan.”

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Ang kaniyang mga hinlalaki ay marahas na pumunas sa mga luha ng kaba na namumuo sa aking mga mata. “Kung ibibigay natin ito, tatanungin nila kung bakit sa tapat ng pinto mo iniwan. Gusto mo bang isipin nilang ikaw ang may gawa nito, Elias? O gusto mong isipin nilang tinutulungan kita?”

Natigilan ako. Walang butas ang lohika ng biyudo. Kung sino man ang nag-iwan ng relos sa pintuan ko ay sadyang gusto akong idamay sa pagkawala ni Rafael.

“Walang makakaalam nito,” mariing bulong ni Roman bago niya ako hinalikan sa noo, isang halik na hindi nagbigay ng ginhawa kundi matinding takot. “Ako na ang bahala rito. Magkandado ka ng pinto.”

Lumabas siya sa likod ng bahay at tuluyan nang nilamon ng dilim ang kaniyang malaking bulto. Naiwan akong mag-isa sa loob ng kusina, nanginginig at pilit na pinoproseso ang sunod-sunod na pangyayari. May mamamatay-tao sa San Roque, at hawak na ngayon ni Roman ang ebidensya.

Kinabukasan, hindi ako nakatulog. Namamaga ang aking mga mata nang buksan ko ang unang bintana ng aking sari-sari store. Sumalubong sa akin ang napakabigat na hangin ng umaga. Parang nagluluksa ang buong paligid.

Hindi pa man ako nakakapag-ayos ng paninda ay nakita ko na ang nagmamadaling bulto ni Lester mula sa kanto. Wala na ang hangover nito kahapon. Sa halip, ang mukha ng kaibigan ko ay namumutla, pinagpapawisan, at parang nakakita talaga ng totoong demonyo.

“Elias!” sigaw niya, halos madapa sa pagtakbo palapit sa rehas ng tindahan. Humawak siya nang mahigpit sa bakal, nanginginig ang buong katawan.

“Ano na namang nangyari?” kinakabahang tanong ko, pilit na pinapakalma ang boses ko kahit na alam ko na ang posibleng ibalita niya.

“Yung… yung tsinelas ni Rafael,” humihingal na sabi ni Lester, nanlalaki ang mga mata sa takot.

“Nakita nila kaninang madaling araw sa gilid ng sapa sa dulo ng palayan. Elias, may mga patak ng dugo sa damuhan.”

Napasandal ako sa estante. Kahit inaasahan ko na ang balita dahil sa relos na nakita ko kagabi, iba pa rin pala kapag narinig mo na mula sa ibang tao.

“Nasaan na siya? May nakita ba silang… katawan?” tanong ko.

Umiling si Lester nang mabilis, halos maiyak. “Wala! Tsinelas lang at dugo. Elias, natatakot ako. Paano kung may baliw na nakapasok dito sa atin?”

Bago pa ako makasagot, pasimpleng lumingon si Lester sa kabilang kalsada. Itinuro niya ng kaniyang nguso ang lumang bahay na tapat ko. Ibinaba niya ang kaniyang boses na parang may malaking sikretong ibinubunyag.

“Dumaan ako kanina diyan sa tapat mo bago pumunta rito,” pabulong na dagdag ni Lester, ang kaniyang tono ay punong-puno ng pagdududa.

“Nakabukas nang kaunti yung bintana. Nakita ko yung bagong nangungupahan, si Gabriel ba iyon? Nakatitig siya sa akin nang masama habang nagpupunas ng kutsilyo. Elias… hindi kaya…”

Hindi itinuloy ni Lester ang sasabihin niya, pero naitanim na niya ang binhi ng paghihinala sa aking utak. Si Gabriel. Ang dayong may mantsa ng dugo sa manggas kahapon at naglilinis ng kutsilyo ngayon.

Napatingin din ako sa lumang bahay sa tapat. Nakasara na ang mga bintana nito, tahimik at misteryoso. Alam kong hindi nagbibiro si Lester dahil nakita ko na rin ang mantsa ng dugo at ang talim na iyon kaninang dapit-hapon pa lang habang nagmamasid siya sa akin. Isang bagay ang naging malinaw sa akin ngayong gabi, walang sinuman ang ligtas sa San Roque. Bawat taong nakapaligid sa akin ay may itinatagong patalim, at hindi ko na alam kung sino sa kanila ang unang gagamit nito.

KABANATA 12

Hindi ako mapakali sa loob ng aking tindahan. Ang bawat kaluskos ng tuyong dahon sa labas ay tila yabag ng kung sinong nagmamasid. Ang imahe ni Gabriel na may mantsa ng dugo sa damit at ang paghasa niya ng kutsilyo kahapon ay hindi na nawala sa aking isipan. Kung totoo ang aking hinala, maaaring nasa panganib kaming lahat, at ang relo na kinuha ni Roman kagabi ay ang mitsa ng isang mas malaking sunog.

Alas diyes na ng umaga. Tirik na ang araw pero ang pakiramdam ko ay parang laging may aninong nakasunod sa akin. Sinilip ko ang bahay ni Roman. Nakita ko siyang papalabas ng kaniyang bakod, bitbit ang kaniyang mga kagamitan sa bukid. Lumingon siya sa gawi ko at tumango nang bahagya, isang tahimik na utos na manatili lang ako sa loob.

Ngunit ang kuryosidad ay mas matimbang kaysa sa takot.

Nang masiguro kong malayo na si Roman at abala ang mga kapitbahay sa kani-kanilang mga gawain, dahan-dahan akong lumabas ng aking tindahan. Tuyo ang aking lalamunan habang naglalakad ako patawid sa kalsada. Ang bawat hakbang ko ay tila bumibigat habang papalapit ako sa lumang bahay na inuupahan ni Gabriel.

Ang bahay na ito ay matagal nang inabandona bago siya dumating. Ang mga kahoy na dingding ay maitim na dahil sa luma, at ang mga bintana ay tila mga matang walang buhay na nakatingin sa akin. Huminto ako sa tapat ng kaniyang maliit na gate na gawa sa kinakalawang na bakal.

Dahan-dahan kong itinulak ang gate. Humalinghing ito nang mahina, sapat na para magpabilis ng tibok ng puso ko. Pumasok ako sa kaniyang bakuran na puno ng matataas na damo. Walang kahit anong palatandaan ng buhay, maliban sa amoy ng sigarilyo na tila nakadikit na sa paligid.

Umakyat ako sa tatlong baitang na hagdan patungo sa beranda. Doon ko nakita ang isang lumang upuan at ang isang basyong lata na puno ng upos ng sigarilyo. Sa gilid nito ay may mga bakas ng sapatos na may halong putik. Sariwa pa ang putik, parang galing sa pampang ng sapa kung saan natagpuan ang tsinelas ni Rafael.

Lumingon ako sa paligid bago ko inilapat ang aking tainga sa pintuan. Tahimik sa loob. Sinubukan kong pihitin ang seradura. Nagulat ako nang dahan-dahan itong bumukas. Hindi naka-lock ang pinto.

Pumasok ako sa loob. Madilim at malamig ang hangin sa loob ng bahay. Amoy alikabok, lumang papel, at isang pamilyar na amoy na hindi ko agad matukoy. Isang maliit na sala ang sumalubong sa akin. May iilang gamit lang doon. Isang backpack, ilang piraso ng damit na nakasampay sa sandalan ng silya, at isang maliit na mesa sa gitna.

Lumapit ako sa mesa. Doon ko nakita ang mga bagay na nagpatigil sa paghinga ko. May mga litrato na nakakalat sa ibabaw ng mesa. Hindi ito mga karaniwang litrato. Mga kuha ito sa iba’t ibang sulok ng San Roque. May litrato ng simbahan, ng palengke, at ng bahay ni Roman. Ngunit ang mas nakakakilabot ay ang mga litratong kuha sa gabi. Malalabo ang mga ito pero malinaw kung sino ang paksa.

Litrato ko.

May mga kuha habang nagtitinda ako sa gabi. May mga kuha habang nagsasara ako ng bintana. At may isang litrato na kuha sa likod ng bahay ko, ang mismong kusina kung saan kami laging nagtatagpo ni Roman. Ang amoy na hindi ko matukoy kanina ay amoy ng kemikal na ginagamit sa pagbuo ng litrato.

Naramdaman ko ang paglamig ng aking mga kamay. Sino ba talaga si Gabriel? At bakit niya ako sinusubaybayan?

Mabilis kong hinalughog ang kaniyang backpack. Sa loob nito ay may isang itim na notebook. Binuksan ko ang unang pahina. Puno ito ng mga petsa at oras. Nakasulat doon ang bawat kilos ni Roman. Kung anong oras ito umaalis, kung kailan ito bumabalik, at kung gaano katagal ito nananatili sa loob ng bahay ko.

May isang pangalan na nakasulat nang malaki sa huling pahina ng notebook…

Isabela

Sino si Isabela? At anong kinalaman niya sa aming lahat sa San Roque?

Bago ko pa mabuklat ang susunod na pahina, narinig ko ang mahinang pag-ingit ng sahig sa likuran ko. Isang mabigat na presensya ang biglang bumalot sa silid. Hindi ako nakagalaw. Ramdam ko ang pagtayo ng bawat balahibo sa aking katawan.

“Masyadong mapangahas ang mga mata mo, Elias,” isang malamig at baritono na boses ang bumasag sa katahimikan.

Dahan-dahan akong lumingon. Nakatayo sa may pintuan si Gabriel. Nakasuot siya ng kaniyang itim na jacket, at ang kaniyang mga mata ay tila dalawang talim na nakatarak sa akin. Wala siyang dalang kutsilyo, pero ang kaniyang tindig ay sapat na para malaman kong hindi siya isang ordinaryong tao.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya, habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa akin. Bawat hakbang niya ay tahimik.

Huminto siya sa harap ko. Mas matangkad siya sa akin nang kaunti, at ang amoy ng sigarilyo at matapang na amoy ng kemikal ay lalong tumapang. Sa tantya ko ay nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang tatlumpu, nasa edad tatlumpu’t lima o higit pa. Hindi siya tulad ni Roman na barako ang laki, ngunit si Gabriel ay may siksik at matigas na build na tila sanay sa bakbakan. Ang kaniyang panga ay matigas at ang kaniyang mga mata ay may mga maliliit na gatla sa gilid, tanda ng mga karanasan at puyat na hindi niya ipinapaliwanag. Isang maliit at mapanganib na ngisi ang gumuhit sa kaniyang mga labi.

“Sino ka ba talaga?” nanginginig ang boses ko habang hawak ko pa rin ang notebook. “Bakit mo kami pinapanood? Bakit mo ako kinukunan ng litrato?”

“Hindi ako ang dapat mong katakutan, Elias,” bulong niya, inilalapit ang kaniyang mukha sa akin. “Ang taong pinapapasok mo sa iyong higaan gabi-gabi ang tunay na may itinatago. Hindi mo ba naisip kung bakit walang gustong lumapit sa kaniya? May mga aninong nakabuntot sa likuran ni Roman na hindi mo nakikita dahil nakapikit ka sa sarap.”

“Nagsisinungaling ka,” sagot ko, pilit na pinapatatag ang aking sarili. “Pinapaalis mo lang ang hinala ko sa iyo dahil nakita kita kahapon. Nakita ko ang mantsa ng dugo sa damit mo at ang paghasa mo ng kutsilyo sa beranda mo. Alam kong may kinalaman ka sa pagkawala ni Rafael!”

Tumawa nang mahina si Gabriel. Isang tawang walang halong saya, kundi puno ng pangungutya. “Ang dugo sa damit ko ay hindi galing sa pinsan ni Kiko. Galing iyon sa isang hayop na nabulok na sa dulo ng palayan. Nakakatawa kung paano tayo nadadaya ng mga bagay na akala natin ay nakita natin nang malinaw.”

Kinuha niya nang marahas ang notebook mula sa kamay ko. “Umalis ka na rito, Elias. Bumalik ka na sa iyong tindahan at magpanggap na wala kang nalaman. Pero tandaan mo, ang taong kinatatakutan mo ang siyang dapat mong pakinggan, at ang taong pinagkakatiwalaan mo ang siyang dapat mong pag-ingatan.”

Hindi na ako sumagot. Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay, hindi pinapansin ang panghihina ng aking mga tuhod. Nang makabalik ako sa aking tindahan, agad kong isinara ang pinto at napasandal ako sa dingding. Ang puso ko ay parang gustong kumawala sa aking dibdib.

Pagsapit ng hapon, habang abala ako sa pag-aayos ng mga de-lata, isang humihingal na Jomari ang lumapit sa aking tindahan. Halatang galing siya sa malayong lakad at puno ng putik ang kaniyang mga bota.

“Elias! Narinig mo na ba?” bungad ni Jomari. Hinawakan niya ang rehas ng tindahan at tumitig sa akin. Hindi katulad ni Lester na madaldal, ang tingin ni Jomari ay laging may halong pagnanasa na hindi ko mapaliwanag. Matagal niyang tiningnan ang mga labi ko bago siya muling nagsalita.

“Alin, Jomari? Tungkol ba kay Rafael?” tanong ko, bahagyang umaatras dahil sa lapit ng kaniyang mukha.

“Hindi lang iyon,” sagot niya, habang hinahawakan nang dahan-dahan ang kamay ko sa ibabaw ng estante. Hinayaan ko lang siya dahil natatakot akong may makapansin. “Inakyat nina Kiko ang dulo ng sapa kanina. May nakita silang hukay, Elias. Mukhang bago lang ang pagkakahukay pero walang bangkay. Mag-ingat ka rito sa tindahan mo, ha? Kung natatakot ka, pwede akong tumabi sa iyo rito mamayang gabi.”

Pinisil niya nang bahagya ang kamay ko bago bumitaw. “Ayokong may mangyaring masama sa iyo. Masyado kang maganda para madamay sa gulong ito.”

Nang umalis si Jomari, lalong bumigat ang pakiramdam ko. Ang hukay na walang laman ay parang isang paanyaya. Isang paalala na may naghihintay sa dilim para punan ang espasyong iyon.

Bago lumubog ang araw, dinalaw ako ni Roman. Nakatayo lang siya sa kabilang bakod, hawak ang kaniyang itak.

“Elias,” tawag niya, ang boses ay seryoso at malamig. Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Alam kong nakita niya ang pakikipag-usap ko kay Jomari kanina.

“Bakit, Roman?” tanong ko.

“May nakita akong mga bakas ng sapatos sa harap ng bahay ng dayo kanina,” sabi niya, habang nakatitig nang diretso sa aking mga mata. “Sana ay hindi mo kinalimutan ang babala ko sa iyo. At huwag mong hahayaan ang sinuman na hawakan ang kamay mo sa harap ng tindahang ito kung ayaw mong putulin ko ang mga daliri niya.”

Tumalikod siya at naglakad pabalik sa kaniyang bahay. Alam niya. Alam ni Roman na pumasok ako sa bahay ni Gabriel, at masama ang loob niya sa paglapit ni Jomari sa akin.

Sa gabing iyon, habang nakahiga ako sa aking kama, narinig ko ang mahinang tiktik sa aking bintana. Isang pirasong papel ang isiningit sa siwang. Dahan-dahan ko itong kinuha at binuksan sa ilalim ng liwanag ng buwan.

Huwag kang titingin sa likod, Elias. Doon laging nagsisimula ang katapusan.

Hindi ako nakasagot sa mensaheng iyon. Nanatili akong nakatitig sa kawalan habang hawak ang maliit na papel. Sino ang nag-iwan nito? Si Gabriel ba na tila alam ang lahat ng aninong nakapaligid sa akin? O si Roman na mas lalong nagiging mapanganib ang pagbabantay? O baka naman si Jomari na biglang nagpakita ng sobrang pag-aalala?

Lumabas ako ng kwarto at naglakad patungo sa kusina para uminom ng tubig. Ngunit bago ko pa mahawakan ang pitsel, napansin ko ang isang bagay sa sahig, malapit sa pintuan sa likod na ginamit ni Roman kagabi. May mga bahid ng tuyong putik.

Sinundan ko ang mga bakas na iyon. Hindi ito galing sa sapatos ni Roman na laging malinis ang pagkaka-iwan sa labas. Ang mga bakas na ito ay maliliit, pamilyar, at tila nagmamadali. Huminto ang mga bakas sa tapat ng aking lababo, kung saan nakapatong ang isang basong hindi ko matandaang ginamit ko kanina.

Isang matinding kilabot ang gumapang sa aking gulugod. Hindi lang si Roman ang nakakapasok sa bahay na ito nang hindi ko nalalaman. May iba pang may hawak ng susi, o baka naman may ibang nakakaalam kung paano buksan ang mga luma at kinakalawang na trangka ng aking pintuan.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Ang San Roque ay balot na balot na ng kadiliman. Wala nang kahit isang ilaw sa mga bahay ng aking mga kapitbahay. Tanging ang bahay lang ni Gabriel sa tapat ang may nag-iisang bumbilyang nakasindi, tila isang mata na nagmamasid sa gitna ng gabi.

Sa kabilang dako, ang bakod ni Roman ay tahimik. Ngunit alam kong naroon siya. Nararamdaman ko ang bigat ng kaniyang presensya kahit hindi ko siya nakikita. Para akong isang ibon na nakakulong sa isang hawla na may dalawang halimaw sa labas na naghihintay lang kung sino ang unang makakakuha sa akin.

At sa gitna ng lahat ng ito, ang pangalang Isabela na nakita ko sa notebook ay patuloy na umaalingawngaw sa aking isipan. Sino siya? At ano ang mga madilim na aninong binanggit ni Gabriel na nakabuntot daw sa lalaking gabi-gabi ay umaangkin sa akin?

Kinuha ko ang aking kumot at nagtalukbong sa gitna ng sala. Hindi ako bumalik sa aking kwarto. Sa gabing ito, mas pinili kong manatiling gising. Dahil sa San Roque, ang pinakamapanganib na oras ay hindi kapag nakapikit ka sa sarap, kundi kapag nakapikit ka sa takot at hindi mo na alam kung sino sa mga aninong nakapaligid sa iyo ang totoong halimaw.

Narinig ko ang muling pagtiktik sa aking bintana. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi lang ito isang papel. Isang mahaba at dahan-dahan na pagkamot ng kuko sa kahoy ang narinig ko, tila ba may gustong pumasok at hindi na makapaghintay sa pagdating ng umaga.

KABANATA 13

Napatigil ako sa paghinga. Ang tunog ng kuko na kumakamot sa kahoy na bintana ay tila gumagapang sa aking balat. Mahaba, mabagal, at sinadya.

Nakabalot pa rin ako sa aking kumot sa gitna ng sala. Hindi ako gumalaw at hindi ako gumawa ng anumang ingay. Nakapako ang aking paningin sa bintanang hindi ko mabuksan dahil sa tindi ng takot. Pagkatapos ng ilang minutong parang isang buong taon, tumigil ang pagkamot. Narinig ko ang mahihinang yabag na palayo sa aking bahay, kasabay ng pamilyar na tahol ng mga aso sa kabilang kanto.

Nananatili akong dilat hanggang sa sumikat ang unang liwanag ng araw. Nang maramdaman ko ang init ng umaga na tumatagos sa siwang ng bintana, dahan-dahan akong tumayo. Nanlalamig pa rin ang aking mga kamay.

Dumiretso ako sa kusina. Nandoon pa rin ang mga bakas ng tuyong putik na nakita ko kagabi. Sinuri ko itong mabuti. Ang sukat ng sapatos ay hindi kasinglaki ng bota ni Roman, at mas maliit din ito kumpara sa malapad na paa ni Gabriel. Isang ordinaryong sukat ng sapatos ng isang lalaki. Ang mas nakakapagpatindig ng balahibo ay ang katotohanang nakarating ang bakas na ito hanggang sa tapat ng aking lababo bago ito bumalik palabas. Ibig sabihin ay nakapasok ang taong ito sa aking bahay kahapon nang hindi ko namamalayan, marahil noong abala ako sa pagbabantay sa tindahan.

Kumuha ako ng basahan at mabilis na nilinis ang sahig. Binura ko ang anumang ebidensya ng mga bakas. Sapat na ang galit ni Roman kina Rafael at Jomari; ayokong magbigay ng panibagong dahilan para magwala ang biyudo sa loob ng bahay ko.

Kakasimula ko pa lang magbukas ng mga bintana ng aking sari-sari store nang marinig ko agad ang matinis na boses ni Lester. Naglalakad siya palapit, may kagat-kagat na pandesal at bitbit na maliit na plastic bag. Napakaaliwalas ng mukha niya at parang walang anumang problema sa mundo.

“Elias! Magandang umaga, teh!” bati niya sabay lapag ng plastic bag sa ibabaw ng estante. “Bumili ako ng mainit na taho diyan sa kanto. Sabay na tayong mag-almusal. Naku, balita ko may mga tanod na naman daw na nag-ikot kagabi sa bukid ah? Kaloka talaga rito! Pero teka, bakit parang nakakita ka ng multo at ang lalim ng itim sa ilalim ng mata mo?”

Napangiti ako nang bahagya. Sa gitna ng lahat ng kabaliwang nangyayari, nakakagaan ng loob ang pagiging madaldal ng matalik kong kaibigan. Kumuha ako ng dalawang baso para sa taho at sadyang hindi na binanggit ang tungkol sa mga bakas ng putik para hindi na siya matakot.

“Wala. Hindi lang ako nakatulog nang maayos,” tipid kong sagot, pilit na pinasasigla ang aking boses. “Iniisip ko pa rin yung balita tungkol sa hukay na nakita nina Kiko kahapon.”

Sumimsim si Lester sa kaniyang taho at napabuntong-hininga. “Huwag mo na ngang isipin iyon. Sabi ni Kapitan ay baka raw mga magnanakaw lang ng kalabaw ang humukay doon. Ang mahalaga ay ligtas tayo rito sa sentro. Basta huwag ka lang lalabas kapag gabi na.”

Nagkwento pa siya tungkol sa mga bagong tsismis sa palengke hanggang sa magpaalam na siyang uuwi para tulungan ang kaniyang nanay sa paglalaba.

Pagsapit ng tanghali, saktong nag-aayos ako ng mga barya sa aking kaha nang may isang matangkad na bulto ang tumambad sa rehas ng aking tindahan. Si Jomari.

Nakatitig siya sa akin. Wala siyang dalang pambili at hindi rin siya nagsasalita. Nakasandal lang siya sa bakal habang pinapanood ang bawat kilos ko. Ang kaniyang mga mata ay may halong lagkit at kakaibang tapang na hindi ko nakikita sa kaniya noon.

“May kailangan ka ba, Jomari?” tanong ko, pilit na nilalabanan ang pagka-ilang.

Luminga-linga siya sa paligid para siguraduhing walang nakatingin sa amin. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa rehas, sapat na para maamoy ko ang matapang na pabango na ginamit niya.

“Nakita ko ang anino mo kagabi, Elias,” pabulong na sabi niya, ang boses ay mababa at tila nagmamalaki. “Gising ka pa nang alanganing oras at nakabalot ka ng kumot sa sala.”

Nanlamig ang buong katawan ko. Napaatras ako nang isang hakbang. “A-Anong ginagawa mo sa labas ng bahay ko kagabi?”

Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ni Jomari. Ipinasok niya ang kaniyang kamay sa siwang ng rehas at pilit na inabot ang daliri ko, ngunit mabilis ko itong iniwas.

“Binabantayan kita,” sagot niya, tila ba isa itong napakagandang pabor na ginawa niya para sa akin. “Alam kong natatakot ka dahil sa mga nangyayari sa San Roque. Kaya nag-ikot ako sa bakuran mo. Sinubukan ko pa ngang buksan ang pinto mo sa likod at kinamot ko ang bintana mo para malaman mo na naroon ako, kaso hindi mo binuksan. Gusto ko lang namang samahan ka.”

Halos masuka ako sa takot at pandidiri. Ang kaluskos kagabi. Ang taong sumusubok buksan ang pinto ko sa dilim. Si Jomari iyon. Akala niya ay nagiging bayani siya, ngunit hindi niya alam kung gaano kalaking takot ang ibinigay niya sa akin. At ang mas nakakakilabot, nangangahulugan itong hindi sa kaniya galing ang mga bakas ng putik sa loob ng kusina ko dahil hindi siya nakapasok.

“Huwag mo nang uulitin iyon, Jomari,” madiing banta ko, ang boses ko ay nanginginig sa pinaghalong galit at kaba. “Wala kang karapatang pumasok sa bakuran ko sa gabi.”

“Gusto ko lang namang protektahan ka,” sagot niyang nagmamaktol, ngunit bago pa siya makadagdag ng salita ay biglang may isang malaking kamay na sumunggab sa kaniyang balikat mula sa likuran.

Parang isang basahan na hinablot patalikod si Jomari. Napadaing siya sa sakit nang marahas siyang isandal ni Roman sa poste ng kuryente sa gilid ng tindahan. Ang barakong magsasaka ay humihinga nang malalim, ang kaniyang mga mata ay nanlilisik sa matinding galit, at ang malalaking ugat sa kaniyang leeg ay litaw na litaw. Wala siyang suot na pang-itaas at nakasabit sa kaniyang baywang ang kaniyang paboritong itak.

“Anong ginagawa mo sa bakuran niya kagabi?” maugong at nakakakilabot na tanong ni Roman. Bawat salita ay tila ungol ng isang leon na handang pumatay.

“W-Wala, Kuya Roman! Naglalakad lang po ako!” palusot ni Jomari, namumutla at nanginginig ang buong katawan sa takot.

Hinawakan ni Roman ang leeg ni Jomari gamit ang isang kamay at bahagyang iniangat ang binata mula sa lupa. “Kapag nakita ko pa ang anino mo malapit sa tindahan na ito, o kapag nalaman kong sinubukan mong hawakan si Elias, hindi na mga aso ang makakahanap sa katawan mo kundi mga uod. Maliwanag ba?”

Tumango nang mabilis si Jomari, halos umiyak na sa kakapusan ng hininga. Nang bitawan siya ni Roman, mabilis siyang tumakbo palayo na parang isang duwag na aso, ni hindi na lumingon pabalik.

Nang makalayo si Jomari, pumasok si Roman sa mismong loob ng aking tindahan sa pamamagitan ng maliit na pinto sa gilid. Hindi siya nagsalita. Hinawakan niya ang aking baywang at marahas na hinatak ang aking katawan papunta sa kaniya. Isinandal niya ako sa pader sa isang madilim na sulok ng tindahan kung saan hindi kami makikita mula sa kalsada.

Ang kaniyang mabigat na hininga ay tumama sa aking mukha. Amoy pawis, lupa, at matinding selos ang lalaking kaharap ko.

“Sinabi ko na sa iyo, Elias,” paos at nagbabantang bulong niya habang idinidiin ang kaniyang matigas na katawan sa akin. “Huwag kang magpapalapit sa ibang mga lalaki. Nakakapasok sila sa bakuran mo nang hindi ko nakikita dahil hinahayaan mo silang isipin na pwede silang lumapit sa iyo.”

“Hindi ko siya inimbita, Roman,” sagot ko, pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng aking puso. “Nagulat din ako nang sabihin niyang nasa labas siya kagabi.”

Walang pakialam si Roman sa paliwanag ko. Ibinaba niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at kinagat nang madiin ang mismong pasa na ginawa niya kagabi. Napasinghap ako sa sakit at sarap na dumaoy sa aking gulugod. Ipinapaalala niya sa akin, sa mismong gitna ng araw at habang gising ang buong San Roque, kung sino ang nagmamay-ari sa aking katawan.

“Walang ibang pwedeng pumasok sa bahay na ito kundi ako lang,” madiing utos niya, ang kaniyang mga magaspang na kamay ay marahas na pumupisil sa aking likuran. “Akin ang mga pintuan mo. Akin ang mga bintana mo. At sa akin ka lang.”

Pagkatapos niya akong markahan muli, umalis si Roman nang walang anumang paalam, nag-iiwan sa akin ng namamanhid na mga binti at magulong isipan.

Pagsapit ng gabi, maaga kong isinara ang tindahan. Wala akong ganang kumain kaya dumiretso ako sa kusina para itapon ang mga naipong basura sa ilalim ng lababo.

Habang kinukuha ko ang plastic ng basura sa mismong sulok kung saan ko nilinis ang mga bakas ng putik kaninang umaga, napansin ko na medyo umangat ang isang piraso ng lumang linoleum sa sahig. Bahagya itong napunit. Nang iangat ko ang linoleum para ibalik sa ayos, nakita ko na ang kahoy na tabla sa ilalim nito ay maluwag.

Kumunot ang aking noo. Dahan-dahan kong inilapag ang basura at ginamit ang aking mga kuko para iangat ang maluwag na tabla. Madali itong natanggal, tila ba sinadyang luwagan para gawing taguan.

Sa loob ng madilim na butas sa ilalim ng sahig ay may isang maliit at kalawangin na latang lalagyan ng biskwit.

Kinuha ko ito. Mabigat ang lata. Nanginginig ang aking mga kamay nang dahan-dahan kong buksan ang takip nito. Bumulaga sa akin ang isang lumang kwintas na gawa sa kumikinang na pilak. Sa ilalim ng kwintas ay may isang nakatupi na piraso ng papel. Binuksan ko ang papel, at ang tumambad sa akin ay isang lumang litrato.

Isang litrato ng isang napakagandang babae na nakangiti, suot ang mismong pilak na kwintas na hawak ko ngayon. Nakatayo siya sa harap ng mismong poso ni Roman. Sa likod ng litrato, nakasulat ang isang pangalan gamit ang kumupas na tinta ng itim na ballpen.

Isabela

Binitawan ko ang litrato na parang napaso ang aking mga daliri. Bumilis ang pagkabog ng aking dibdib. Ito ang mismong pangalang nakasulat sa huling pahina ng notebook ni Gabriel. Sino ang babaeng ito na nakatayo sa bakuran ni Roman?

Bakit may nakatagong litrato at gamit sa ilalim ng sahig ng mismong kusina ko? At ang pinakanakakakilabot na tanong ay unti-unting nabuo sa aking isipan: ang taong nag-iwan ng mga bakas ng putik kagabi ay sadyang ibinaon ang litratong ito nang palihim.

Gusto ba niyang makita ito ni Roman para isipin ng biyudo na nagnanakaw ako? O isa ba itong babala para pilitin akong alamin ang mga sikretong itinatago ng lalaking umaangkin sa akin gabi-gabi? Hawak ko ang litrato ng isang estranghera, at isang bagay ang malinaw, mas madilim at mas malalim pa sa pagkawala ni Rafael ang mga lihim na umiikot sa San Roque.

KABANATA 14

Hindi ako mapakali sa loob ng aking tindahan. Ang bawat kaluskos ng tuyong dahon sa labas ay tila yabag ng kung sinong nagmamasid. Ang imahe ni Gabriel na may mantsa ng dugo sa damit at ang paghasa niya ng kutsilyo nang araw na mawala ang dayo ay hindi pa rin nawawala sa aking isipan. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang mawala ang dayong si Rafael na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan. Pero ang tensyon sa San Roque ay tila mas lalo pang umiinit imbes na lumamig.

Alas diyes na ng umaga. Sinilip ko ang bahay ni Roman at nakita ko siyang papalabas, bitbit ang kaniyang mga kagamitan sa bukid. Tumango siya sa akin, isang tahimik na utos na manatili lang ako sa loob. Pero sa pagkakataong ito, hindi ako susunod. Kinapa ko ang bulsa ng aking suot na pantalon. Naroon ang lumang litrato ni Isabela at ang pilak na kwintas na nahanap ko sa ilalim ng sahig ng aking kusina kagabi. Kailangan kong bumalik sa bahay ni Gabriel. Kailangan kong malaman kung bakit nakatago ang mga ito sa bahay ko at kung bakit nakasulat ang pangalang Isabela sa kaniyang notebook.

Nang masiguro kong malayo na si Roman, dahan dahan akong lumabas at tumawid papunta sa inuupahan ni Gabriel. Humalinghing ang kinakalawang na gate. Umakyat ako sa beranda at muling pumasok sa loob. Gaya ng dati, hindi naka lock ang pinto. Dumiretso ako sa mesa kung saan nakakalat ang mga litrato ko, pero ang pakay ko ay ang backpack na nasa silya.

Mabilis kong hinalughog ang loob nito hanggang sa mahanap ko ang itim na notebook. Binuksan ko ito sa huling pahina kung nasaan ang pangalan ni Isabela. Inilabas ko ang litratong dala ko at ikinumpara ito sa mga sulat sa notebook. Eksaktong eksakto ang pagkakalarawan sa kaniya sa mga nota ni Gabriel.

“Bumalik ka para sa karugtong ng kwento, Elias?”

Napatalon ako sa gulat. Mabilis kong isinilid pabalik sa aking bulsa ang litrato at kwintas. Nakatayo si Gabriel sa may pintuan, nakasandal habang naglalaro ang isang maliit na ngisi sa kaniyang labi. Tila ba inaasahan niya talaga ang pagbabalik ko.

“Sino ka ba talaga?” nanginginig ang boses ko habang pilit na ibinabalik ang notebook sa mesa.

“Bakit mo ako kinukunan ng litrato? Bakit mo pinapanood ang bawat kilos ni Roman?”

Naglakad siya papalapit sa akin, dahan dahan, tila isang pusang pinaglalaruan ang kaniyang nahuling daga. “Ang tanong, Elias, ay kung hanggang kailan mo gustong magbulag bulagan?” Inagaw niya ang notebook mula sa mesa. “Huwag kang tumingin sa akin na parang ako ang pumatay kay Rafael. Mas matakot ka sa lalaking humahalik sa iyo gabi gabi.”

“Anong alam mo kay Roman?” bulyaw ko sa kaniya. “Nakita kita noong araw na iyon! May dugo ang damit mo!”

Tumawa nang mahina si Gabriel, isang baritonong tunog na puno ng pangungutya. “Dugo ng hayop iyon, Elias. Masyado kang madaling mapraning. Pero heto ang isang payo na libre, ang nakikita mo ay hindi laging totoo. Ang taong pinagkakatiwalaan mo, siya ang dapat mong pag iingatan. At ang taong kinatatakutan mo? Baka siya lang ang tanging makakapagsabi sa iyo kung sino talaga si Isabela.”

Lumingon si Gabriel sa bulsa ko kung saan bakas ang hugis ng latang pinagkunan ko ng kwintas. “At kung ano man ang nahanap mo sa ilalim ng sahig mo, huwag mong hahayaang makita iyon ni Roman kung ayaw mong sumunod sa pinanggalingan ng mga gamit na iyan.”

Itinulak niya ako palabas ng pinto bago pa ako makasagot. “Umalis ka na bago ka pa maabutan ni Roman na nandito. Ayokong maghukay ng bagong paglilibingan sa bakuran ko.”

Nagmadali akong bumalik sa tindahan, hingal na hingal. Pagsapit ng tanghali, pansamantala kong isinara ang tindahan para mananghalian. Subalit imbes na kumain, dumiretso ako sa likod ng aking bahay. Binuksan ko nang bahagya ang siwang ng bintana sa kusina na nakaharap sa bakuran ni Roman.

Naroon ang lumang poso. Inilabas ko ang litrato mula sa aking bulsa at dahan dahang ikinumpara. Eksaktong eksakto ang anggulo. Tumayo si Isabela sa mismong tabi ng posong iyon habang suot ang pilak na kwintas. Nang ilipat ko ang aking paningin sa likuran ng bakuran ni Roman, nakita ko ang masukal na talahiban na pababa patungo sa sapa. Sobrang lapit lang nito. Ilang hakbang lang mula sa bahay ng biyudo at bahay ko, naroon na ang malamig at maputik na sapa. Parang umiikot ang aking sikmura sa ideyang baka sa mismong lupang kinatatayuan ko siya huling humingi ng saklolo bago siya tuluyang malunod.

Pagsapit ng hapon, habang abala ako sa pag aayos ng mga de lata, isang humihingal na Jomari ang lumapit sa aking tindahan. Halatang galing siya sa malayo at puno ng putik ang kaniyang mga bota.

“Elias! Buti na lang at nandito ka,” bungad ni Jomari. Hinawakan niya ang kamay ko sa ibabaw ng estante at pinisil ito. Napansin ko ang panginginig ng kaniyang mga daliri. “May balita na naman sa sapa, Elias. Pangalawang hukay na ang nahanap nina Kiko kanina lang. Bago na naman, at gaya ng nauna, wala pa ring laman. Parang may sadyang naghahanda para sa susunod na biktima.”

Nanlamig ang buong katawan ko. Lumingon ako sa kanto ng daan, tila inaasahan na anumang oras ay lilitaw si Roman mula sa kaniyang pagtatrabaho. “Huwag mo akong hawakan, Jomari. Baka makita tayo ni Roman,” bulong ko habang pilit na binabawi ang aking kamay.

“Huwag kang matakot sa kaniya,” pagpilit ni Jomari, lalong hinigpitan ang hawak sa akin. “Kung natatakot ka, pwede akong tumabi sa iyo rito mamaya. Hindi kita pababayaan.”

“Umalis ka na, Jomari! Parang awa mo na,” sabi ko nang makita ang isang matangkad na bulto sa dulo ng kalsada.

Nang umalis si Jomari, dinalaw ako ni Roman bago lumubog ang araw. Nakatayo lang siya sa kabilang bakod, mahigpit ang hawak sa kaniyang itak na tila ba anumang oras ay handa siyang manabas. Hindi siya tumitingin sa akin, nakapako ang kaniyang tingin sa lupang kinatatayuan ni Jomari kanina.

“Masyadong malikot ang mga paa ni Jomari,” madiing sabi ni Roman, ang boses niya ay tila galing sa ilalim ng lupa. “Hindi niya alam kung saan siya pwedeng lumugar.”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. “Nagtatanong lang siya tungkol sa pangalawang hukay sa sapa, Roman. Wala kaming ibang pinag-uusapan.”

Dahan dahang itinaas ni Roman ang kaniyang paningin sa akin. Nanlisik ang kaniyang mga mata. “Nakita ko ang kamay niya, Elias. Nakita ko kung paano ka niya hinawakan.” Humakbang siya nang isa papalapit sa bakod, sapat na para maamoy ko ang lupang nakakapit sa kaniyang balat. “Sana ay hindi mo kinakalimutan na ang bakurang ito ay akin. At ang lahat ng nasa loob nito, kabilang ka, ay akin din. Huwag mong hayaang putulin ko ang mga kamay na hahawak sa iyo nang walang pahintulot ko.”

Hindi na niya ako hinintay na makasagot. Tumalikod siya at naglakad pabalik sa kaniyang madilim na bahay, bitbit ang kaniyang matalim na itak.

Kinagabihan, pagkatapos kong maligo, pumasok si Roman sa kusina nang hindi kumatok. Agad niyang ipinulupot ang kaniyang mga braso sa baywang ko habang naghuhugas ako ng plato.

“Bakit malamig ang mga kamay mo, Elias?” paos na bulong niya sa leeg ko.

Humarap ako sa kaniya, pilit na kumakawala sa kaniyang mahigpit na hawak. “Roman, kailangan nating mag-usap. Sino si Isabela?”

Naramdaman ko ang biglang pagtigas ng kaniyang katawan. Ang kaniyang mga kamay sa mukha ko ay naging mabigat. “Sino ang nagsabi sa iyo ng pangalang iyan? Si Gabriel ba?”

“Bakit ka natatakot sa pangalang iyan?” hamon ko. “Totoo ba ang sabi nila? Na pinatay mo ang asawa mo dahil gusto niyang tumakas sa iyo? Na ikinulong mo siya tulad ng ginagawa mo sa akin ngayon?”

Isang malakas na blag! ang yumanig sa kusina nang suntukin ni Roman ang pader sa tabi ng ulo ko. Hinawakan niya ang leeg ko, hindi para masakal, kundi para maramdaman ko ang kaniyang lakas.

“Huwag mong kalkalin ang mga bagay na wala ka nang kinalaman, Elias,” ang kaniyang boses ay tila ungol ng isang nasugatang hayop. “Ang nakabaon sa lupa, dapat nananatiling nakabaon. Huwag kang maghahanap ng multo kung ayaw mong ikaw ang maging isa sa kanila.”

Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin, ang hininga ay mainit at mapanganib. “Ikaw ang buhay ko ngayon. Akin ka lang. At hindi ko hahayaang may makialam doon, patay man o buhay. Hindi mo alam kung anong ginagawa ko para lang manatili kang ligtas,” madiin na sabi niya bago ako marahas na halikan. Isa itong halik na puno ng pait at pagnanasa, tila ba gusto niyang burahin ang lahat ng tanong sa isip ko.

Nang sa wakas ay pakawalan niya ako, iniwan niya akong nanginginig sa dilim ng kusina. Rinig ko ang kaniyang mabibigat na hakbang paakyat ng hagdan. Agad kong hinawakan ang aking leeg habang pilit na pinapakalma ang aking sarili. Tumingin ako sa bintana, sa labas ay tanging kadiliman lamang ang bumubulaga sa akin. Ang San Roque ay tila lalamunin na ako nang buo, at wala akong makitang kahit anong liwanag na pwedeng kapitan.

KABANATA 15

Apat na araw na ang nakalilipas mula nang mawala si Rafael. Kahit tirik ang sikat ng araw at kalagitnaan na ng bakasyon sa buong San Roque, ang hangin ay nananatiling malapot sa takot. Pagkatapos ng gabi ng marahas na pagbabanta ni Roman tungkol sa paghuhukay ng mga patay, tila mas lalo pang sumikip ang mundo ko. Ang bawat sulok ng bahay ay nagpapaalala sa akin ng litrato ni Isabela na nakatago pa rin sa aking bulsa.

“Elias! Bakla, lumabas ka na diyan! Aanayin na tayo rito sa kakahintay, teh! Maiiwan tayo ng biyahe!” palahaw ni Lester mula sa labas ng aking gate, pilit na ginigising ang tahimik na kalsada.

Dahil bakasyon at ramdam ni Lester ang tensyon ko, pinilit niya akong mag-outing sa bayan.

“Ayoko ng ganyang mukha, ha,” bungad agad sa akin ni Lester nang makalapit ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pilit na pinangiti. “Para kang pinagsakluban ng langit at lupa. I-awra natin ’yan! Masyado kang nagkukulong, baka maging multo ka na rin diyan sa tindahan mo.”

“Salamat at naisipan mong ayain ako, Lester,” buntong-hininga ko habang naglalakad kami patungo sa terminal ng jeep.

“Naku, ano ka ba! Best friend tayo, hindi ba? Hindi kita pwedeng hayaang matuyo ang ganda rito sa San Roque habang puro thriller ang nangyayari sa paligid mo,” masayang sagot ni Lester habang nakakawit sa braso ko. “Kailangan mo ng sibilisasyon! Libre ko ang sine at ice cream ngayon, walang hihindi, bawal ang KJ!”

Pagdating namin sa bayan, dinala ako ni Lester sa gitna ng mataong palengke at perya. Maingay, makulay, at maraming tao. Para sa isang sandali, nakalimutan ko ang nakakangilong katahimikan ng kusina ko. Naglakad-lakad kami at namili siya ng mga bagong damit sa ukay-ukay. Hindi naubusan ng kwento si Lester. Panay ang tawa niya habang pinipintasan ang mga baduy na damit at kinukwento ang mga tsismis tungkol sa mga kapitbahay naming laging nag-aaway.

“Elias, try mo nga itong kulay dilaw na polo,” natatawang utos ni Lester habang inilalapat ang damit sa aking dibdib. “Kailangan mong magsuot ng masisiglang kulay para lapitan ka ng swerte. Puro ka kasi itim at puti, mukha ka nang lalakad sa sementeryo. Gusto kong makita yung ngiti mo na pang-commercial, yung walang halong kaba. Deserve mo maging masaya, teh.”

Napangiti ako nang bahagya sa kakulitan niya. Iyon ang unang beses sa loob ng maraming araw na gumaan ang pakiramdam ko. Hinila pa niya ako sa tindahan ng mga sapatos at pinasuot sa akin ang isang napakatingkad na pulang sapatos na ginawa lang naming katatawanan dahil mukha raw akong payaso. Sa mga sandaling iyon, si Lester lang ang kaisa-isang taong nagpapaalala sa akin na may normal pang buhay sa labas ng San Roque.

Habang abala si Lester sa pagtingin ng mga makukulay na pantalon sa kabilang estante, may narinig akong pamilyar na boses.

“Akala ko ba ay hindi ka na pwedeng lumabas ng kanto niyo, Elias?”

Napalingon ako. Nakatayo sa gilid namin si Jomari. Mukhang galing siya sa malayong lakad dahil puno pa rin ng tuyong putik ang kaniyang bota, pero malapad ang ngiti niya nang makita ako. Agad siyang lumapit at walang pasabing kinuha ang aking kamay para pisilin ito.

“Mabuti naman at nakalabas ka. Heto, binilhan kita ng paborito mong kakanin mula sa terminal,” sabi ni Jomari habang iniabot ang isang maliit na supot.

Binitawan ni Lester ang hawak niyang damit at mabilis na pumagitna sa amin. “Aba, aba, aba! Ano itong nakikita ko? May pa-holding hands in public ang mga lolo niyo!” natatawang tili ni Lester habang pabirong hinampas ang braso ni Jomari. “Jomari, baka naman matunaw itong best friend ko sa kakatitig mo. Kalmahan mo lang, hindi naman ’yan tatakbo. At tsaka bawal mang-agaw ng date, ako ang kasama niya ngayon!”

“Salamat, Jomari,” sagot ko. Ngunit bago ko pa mabawi ang kamay ko, naramdaman ko ang pamilyar na paglamig ng aking batok.

Lumingon ako sa kabilang kalsada. Doon sa ilalim ng isang malaking puno ng akasya ay nakatayo ang isang pamilyar na bulto. Si Roman. Nakasuot siya ng kaniyang kupas na polo at nakasukbit sa kaniyang baywang ang kaniyang itak. Hindi siya kumikilos. Nakatitig lang siya sa amin, lalo na sa kamay ni Jomari na nakahawak pa rin sa akin.

“Elias, ayos ka lang ba? Bigla kang namutla,” tanong ni Jomari. Hindi niya alintana ang panganib.

“Nandiyan si Roman, Jomari. Bitawan mo ako,” pabulong kong utos.

Hinanap ni Lester ang tinitignan ko at napasinghap nang makita ang biyudo. “Ay, teh, andiyan ang asawa mo. Nakakatakot naman ang tingin niya, parang papatay ng tao,” bulong ni Lester habang nagtatago nang bahagya sa likuran ko.

“Hayaan mo siya,” madiing sagot ni Jomari, ang kaniyang boses ay punong-puno ng tapang. “Hindi ka niya pag-aari. May karapatan kang makasama kung sino ang gusto mo.”

Humarap muli sa akin si Jomari at bahagyang ibinaba ang kaniyang boses para hindi marinig ng mga tao sa paligid. “Magkita tayo mamayang gabi sa likod ng tindahan mo, Elias. May mahalaga akong sasabihin sa iyo tungkol sa nakita ko sa sapa kagabi. Hindi lang hukay ang nandoon, may nakita akong gamit na pamilyar sa akin. Sigurado akong kay Rafael iyon.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Anong gamit?”

“Itinago ko muna sa ilalim ng sahig ng kubo ko. Kailangan ko nang bumalik ngayon din sa sakahan para masigurong walang makakakuha roon. Dadalhin ko sa iyo mamaya,” mabilis na paliwanag ni Jomari bago nagmamadaling nagpaalam. “Mauuna na ako. Ingat kayo sa pag-uwi.”

Tuluyan nang naglakad palayo si Jomari. Naiwan kaming dalawa ni Lester. Pagtingin ko muli sa puno ng akasya, naglalakad na rin palayo si Roman at tuluyan nang naglaho sa karamihan.

“Hoo! Kaloka ang tensyon na iyon, bakla! Muntik nang malaglag ang beauty ko,” bungad ni Lester habang nagpapaypay gamit ang kaniyang kamay. “Oh siya, tara na nga at kumain ng halo-halo para lumamig naman ang ulo natin. Gutom lang iyan!”

Sa biyahe pauwi, walang tigil sa pagkukwento si Lester tungkol sa mga nabili niyang damit at sa sarap ng kinain naming halo-halo. Masaya siya at tila walang anumang mabigat na iniisip. Subalit ako ay nananatiling tahimik. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng jeep habang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang matalim na titig ni Roman kanina.

Pilit kong iniintindi ang bilis ng pagkabog ng aking dibdib. Ang simpleng outing na dapat sana ay magbibigay sa akin ng kapayapaan ay naging panibagong mitsa ng takot. Bawat anino na nadadaanan ng sinasakyan naming jeep ay tila nagiging kahawig ni Roman. Nakita niya kung paano ako hinawakan ni Jomari. Nakita niya ang pag-uusap namin. Alam kong hindi niya palalampasin ang nangyari ngayong araw.

Pagbaba namin sa tapat ng aking tindahan, sinalubong kami ng malamig na hangin ng San Roque. Nakita ko si Roman na nakatayo sa tapat ng kaniyang gate. Wala siyang suot na pang-itaas at ang kaniyang mga mata ay nananatiling nakapako sa akin, puno ng nagbabagang selos at galit.

“Gabi na,” maikling sabi ni Roman nang makalapit kami. Hinawakan niya ang braso ko. Isang mahigpit at masakit na hawak na tila ba gusto niyang baliin ang aking buto.

“Ay, andiyan na pala siya. Sige, Elias, uwi na ako bago pa ako masungitan,” mabilis na paalam ni Lester habang mahigpit na hawak ang mga supot niya. “Ingat ka! Salamat sa pagsama sa akin ngayon.”

Dahan-dahang naglakad si Lester patungo sa dilim ng kalsada. Naiwan akong nakakulong sa mahigpit na hawak ni Roman. Bago pa ako makapagsalita ay hinila na niya ako papasok sa bakuran. Ang kaniyang mga kuko ay halos bumaon na sa aking balat. Naramdaman ko ang init ng kaniyang hininga nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tainga. Binalaan niya akong huwag nang uulitin ang pagpapalapit kay Jomari, isang babala na umalingawngaw sa aking isipan hanggang sa tuluyan niya akong iwan sa loob ng aking bahay.

Kinagabihan, hindi ako makatulog. Binabagabag ako ng mga huling salita ni Jomari tungkol sa ebidensya sa sapa. Pakiramdam ko ay lumutang ang isip ko habang nakatitig sa kawalan. Hindi ko na namalayan kung gaano katagal akong nakatayo sa madilim na kusina. Bandang ala-una ng madaling araw, narinig ko ang mahinang katok sa aking bintana…

Ang tanging naroon sa pasimano ay ang relo ni Rafael na may sariwang dugo, at sa tabi nito ay isang piraso ng papel na may sulat na halatang minadali, Alam ko ang ginawa mo kay Isabela .

At sa dulo ng palayan, malapit sa sapa, narinig ko ang isang malakas na sigaw ng lalaki na tila pinutol sa gitna. Isang sigaw na punong-puno ng sakit at takot. Ang sigaw ni Jomari. Napatingin ako sa bahay ni Roman. Madilim ito, pero nakita ko ang dahan-dahang pagbukas at pagsara ng kaniyang pinto sa likod.

Hindi nagtagal ay isa-isang nagbukasan ang mga ilaw sa mga kalapit na bahay. Nabulabog ang tahimik na magdamag ng San Roque. Sunod-sunod ang pagtahol ng mga aso at umalingawngaw ang mga nag-aalalang boses ng mga kapitbahay na pilit inaaninag ang dilim.

Nanginginig akong napasandal sa lababo. Ang hangin sa San Roque ay muling nabahiran ng dugo, at sa pagkakataong ito, alam kong wala nang makakaligtas sa susunod na hukay.

KABANATA 16

Hindi pa man tuluyang nawawala ang nakakatakot na sigaw ni Jomari sa hangin ay pakiramdam ko bumagsak na ang buong mundo ko sa loob ng madilim na kusina. Nanginginig ang mga tuhod ko habang nakasandal sa malamig na semento ng lababo. Mabilis ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ko, pilit akong humahabol ng hininga na parang hinigop na ng buong San Roque ang hangin.

Sa nanginginig kong kanang kamay ay hawak ko ang mamahaling relo ni Rafael na punong puno ng tuyong dugo. Sa kaliwa naman ay ang isang gusot na papel. Sa ilalim ng mahinang liwanag ng buwan na pumapasok sa bintana ay muli kong binasa ang mga letrang nakasulat doon.

Alam ko ang ginawa mo kay Isabela .

Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak sa pinaghalong galit at sobrang pagkalito. Anong ginawa ko? Wala akong ginagawang masama kay Isabela! Ang tanging alam ko lang ay ang litrato niya at ang kwintas na nahanap ko sa ilalim ng mismong sahig ko. Paano ako nasali sa madilim na kwentong ito? May isang taong naglalaro sa isip ko. May isang taong gustong isisi sa akin ang lahat ng mga namamatay dito sa nayon. Idinadamay nila ako sa isang kasalanang hindi ko naman ginawa.

Bago pa ako makapag isip ng susunod na gagawin ay isang malakas at sunod sunod na kalampag ang yumanig sa pintuan ko sa harap.

“Elias! Elias! Buksan mo ito! Si Jomari! Sa sapa!”

Boses iyon ni Lester. Basag na basag ang boses niya sa sobrang takot at pagpapanic. Halos tumalon ang puso ko palabas ng dibdib ko. Sa sobrang taranta ay hindi ko na nagawang mag isip nang maayos. Mabilis kong isinuksok ang duguang relo at ang papel sa pinakaloob na bahagi ng ilalim ng aking lababo. Kailangan kong itago ang mga ito. Kung makikita ito ng mga tao, siguradong ako ang pagbibintangan nila lalo na at ako ang laging huling nakakasama ng mga nawawala.

Tumakbo ako papunta sa pintuan. Dahil sa dilim at pagmamadali ay naapakan ko ang sarili kong tsinelas at muntik na akong masubsob sa sahig. Naiwan ang kabilang tsinelas ko sa loob pero hindi ko na ito binalikan. Nanginginig ang mga daliri ko nang tanggalin ko ang mga kandado at buksan ang pinto.

Pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang namumutlang mukha ni Lester. Magulo ang buhok niya, nanlalaki ang mga mata, at hingal na hingal. Agad niyang hinawakan ang braso ko at mahigpit na hinila palabas ng gate.

“Dali! Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya! Narinig mo ba yung sigaw? Si Jomari iyon, sigurado ako!” tili ni Lester habang halos madapa dapa kami sa pagtakbo sa kalsada.

Pagdating namin sa labas ay parang may lamay sa San Roque. Nabasag ang tahimik na gabi dahil sa sunod sunod na tahol ng mga aso at ingay ng mga taong nagising sa nangyari. Naglalaro sa dilim ang liwanag ng mga flashlight na gumagawa ng nakakatakot na mga anino sa puno ng kawayan at mangga.

Nariyan si Aling Nena na nakatalukbong ng kumot at may hawak na maliit na gasera. Nariyan din ang grupo nina Kiko na may bitbit na mga itak at mabibigat na pamalo. Ang lahat ay nakatingin sa dulo ng palayan kung saan nandun ang sapa.

“Narinig niyo ba iyon? Parang boses nga ni Jomari iyon ah!” malakas na sabi ni Aling Marites habang naglalakad nang mabilis sa tabi namin. Huminto siya sandali at pinasadahan ako ng tingin. “Sinasabi ko na nga ba at may masamang mangyayari! Elias, bakit ganyan ang itsura mo? Mukhang nakakita ka ng multo! Bakit iisang tsinelas lang ang suot mo at puro alikabok pa ang paa mo?”

Hindi ko siya masagot. Ang bawat tingin ng mga tsismosa sa akin ay parang iniimbestigahan na ako. Kahit naiwan ko ang duguang relo sa pinakailalim ng lababo, pakiramdam ko ay nakadikit pa rin ang dugo nito sa aking mga kamay at nag iwan ng mabigat na takot sa dibdib ko. Gusto kong takpan ang sarili ko. Gusto kong magtago.

“Tabi! Tumabi kayo! Dadaan ang mga tanod!” isang malakas na sigaw mula sa likuran ang nagpatahimik sa mga chismosa.

Dumating si Kapitan kasama ang apat na tanod na may mga dalang mahahabang batuta at malalakas na flashlight. Nakabuntot sa kaniya ang anak niyang si Kiko na mahigpit ang hawak sa isang itak. Salubong ang kilay ni Kapitan at halatang ubos na ang pasensya dahil sa sunod sunod na nawawala sa barangay niya. Nang madaanan nila kami ay biglang tumigil si Kiko at nanlaki ang mga mata nang makita ako.

“Pa, teka lang!” malakas at natatarantang bulyaw ni Kiko. Ang boses niya ay basag at halatang ubos na ang lakas sa ilang araw na paghahanap kay Rafael. “Elias… may mga nakakita sa inyo ni Jomari na magkausap sa palengke kaninang hapon! Tapos, sa tindahan mo rin huling pumunta si Rafael bago nawala! Elias, may kinalaman ka ba rito?!”

“Hoy, Kiko! Baka nakakalimutan mong ako ang kasama ni Elias buong hapon hanggang pag uwi?!” matapang na sabat ni Lester, pumagitna pa talaga sa amin para ipagtanggol ako. “Nauna nang umuwi si Jomari mula sa palengke at kaming dalawa ang magkasabay sa jeep pauwi! Kaya huwag mong ibibintang sa best friend ko ’yan!”

Diretsong tumingin si Kapitan sa aking mga mata. Kahit na ipinagtanggol ako ni Lester, parang may malamig na kamay pa rin na sumakal sa lalamunan ko dahil sa talim ng titig niya. Alam kong hindi sapat ang mga salita ng kaibigan ko para tuluyang burahin ang bigat ng pagdududa sa kaniyang mga tingin.

“Mamaya na natin pag usapan ’yan,” mabigat na saway ni Kapitan, pinipigilan ang namumuong gulo ng kaniyang anak dahil sa mas malaking problema sa sapa. “Tumabi muna kayo at huwag kayong haharang sa daan! Kiko, kumalma ka at unahan niyo na sa talahiban!”

Sumunod kaming lahat. Ang bawat hakbang ko sa gilid ng palayan patungo sa sapa ay lalong nagpabaon sa nakayapak kong paa sa malamig na putik. Malamig ang hangin pero pinagpapawisan ako nang malapot. Napatingin ako sa bahay ni Roman habang dumadaan kami. Tahimik ito. Nakasara ang pinto sa likod na nakita kong bumukas kanina bago pa man marinig ang sigaw. Nasaan siya? Bakit hindi siya lumalabas para makiusyoso tulad ng iba?

Nang makarating kami sa gilid ng sapa ay tumigil ang lahat. Ang paligid ay amoy bulok na dahon, lumot, at malansang tubig. Sabay-sabay na itinutok ng mga tao ang flashlight nila sa isang bahagi ng matataas na talahib malapit sa pangalawang hukay na kinwento sa akin ni Jomari.

Doon ay nakita namin ang isang pamilyar na bagay na nakabaon sa putik. Isang malaking bota. Kilalang kilala ko iyon dahil iyon ang suot ni Jomari nang magkita kami sa bayan.

“Jomari! Nasaan ka! Sumagot ka!” sigaw ni Kiko habang matapang na hinahawi ang mga matataas na damo gamit ang itak niya.

“Hala! Dugo iyon oh! Sa mga dahon!” tili ng isang babae sa likuran.

Nagkagulo ang lahat. Nagtulakan ang mga tao para makakita hanggang sa sumigaw si Kapitan at hinarangan sila ng mga tanod para hindi masira ang mga ebidensya. Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko ang mga sariwang patak ng dugo na nakapahid sa mga dahon ng talahib at umaagos pababa sa maputik na lupa papunta sa sapa.

Sa gitna ng ingay at gulo ay naramdaman ko ang pagtabi ni Lester sa akin.

“Teh, sabi ko naman sa iyo eh,” nanginginig na bulong ni Lester habang lalong humihigpit ang kuko niya sa braso ko. Nanlalaki ang mga mata niya at halatang takot na takot sa nakikita, pero may kakaiba sa tono niya, parang matagal na siyang may masamang kutob na hindi niya lang sinasabi sa akin. “Masyado kasing pakialamero si Jomari. Hindi niya alam kung anong klaseng mga demonyo ang gising tuwing gabi rito sa San Roque. Tara na, Elias, umuwi na tayo baka ikaw pa ang mapag initan.”

Napaatras ako at napahawak sa sarili kong dibdib. Tama ang kaibigan ko. May halimaw sa San Roque at isa isa nitong kinukuha ang mga taong lumalapit sa akin. Hinanap ng mga mata ko si Roman pero wala siya sa mga taong naghahanap. Sa bawat pagtingin ko sa dilim, parang nagiging kamukha ni Roman ang mga anino sa puno ng kawayan. Paano kung nandito lang siya sa paligid at tahimik na pinapanood ang takot sa mga mata namin?

Nagpatuloy ang paghahanap hanggang sa unti unti nang lumiwanag ang langit dahil malapit na ang madaling araw. Walang Jomari na nahanap. Tanging ang madugong bota at ang mga bakas ng pagkaladkad papunta sa ilog ang naiwang ebidensya.

Pinauwi na kami ni Kapitan. Habang naglalakad kami pabalik sa kalsada, isang pamilyar na lalaki ang nakita ko sa dulo ng daan.

Nakatayo si Roman sa tapat ng gate niya. Wala siyang suot na pang itaas. Basang basa ng pawis ang malalapad niyang balikat at puro makapal na putik ang mga bota niya. Hingal na hingal siya na parang galing sa isang mabigat na trabaho sa dilim. Pilit kong inalala na kanina lang ay nakita kong bumukas at sumara ang pinto niya. Paano siya nagkaputik nang ganito kung nasa loob lang siya ng bahay niya?

Tinitigan niya ako nang matagal. Habang dumadaan kami sa tapat niya, tumingin muna siya sa mga taong naglalakad palayo bago ibinalik sa akin ang madilim niyang tingin. Wala siyang sinabi pero ang mga mata niya ay sapat na para magbigay ng babala. Isang babalang bumaon hanggang sa buto ko.

“Umuwi ka na Elias,” malamig at paos na utos ni Roman nang tuluyan na kaming makalapit ni Lester. “Huwag na huwag kang lalabas ng bahay hangga’t hindi ko sinasabi.”

Hindi na ako sumagot. Pagdating namin sa bahay ko ay nagpaalam na rin agad si Lester na halatang balisa at takot na takot sa mga nangyari. Pumasok ako sa tindahan ko at isinara ang pinto nang mahigpit. Ni lock ko ang lahat ng kandado at isinandal ang buong bigat ko sa kahoy na pintuan.

Bumalik ako sa kusina, kinuha ang gusot na papel mula sa pinagtaguan ko sa ilalim ng lababo, at muling binasa ang sulat sa ilalim ng liwanag ng umaga. Alam ko ang ginawa mo kay Isabela .

Sino ang gumagawa nito sa akin? Si Gabriel ba na laging ang talim makatingin at may dugo sa damit? O si Roman na pilit akong ikinukulong sa sarili kong bahay at nilalayo sa lahat ng lalaking sumusubok lumapit sa akin? Pilit kong piniga ang utak ko pero wala akong maisip. Ang bawat letra sa papel ay parang nang aasar.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Wala akong kinalaman kay Isabela. Ako ang biktima rito. Ako ang tinatakot at idinadamay nila. May mga matang nakabantay sa akin mula sa dilim ng San Roque at hindi ko alam kung sino ang totoong kalaban. Sisiguraduhin kong hindi ako ang susunod na mawawala. Kailangan kong malaman kung sino talaga ang halimaw na pilit isinisisi sa akin ang mga kasalanang hindi ko naman ginawa.

KABANATA 17

Hindi na sumikat ang araw sa San Roque, o ganoon lang ang pakiramdam ko dahil sa makapal na ulap na bumalot sa buong nayon kinabukasan.

Wala akong tulog. Magdamag akong nakaupo sa malamig na sahig ng aking kusina, nakatitig sa ilalim ng lababo kung saan ko itinago ang duguang relo ni Rafael at ang nakakakilabot na papel na nagbabanggit sa pangalang Isabela. Bawat kaluskos mula sa labas ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, naririnig ko ang huling naputol na sigaw ni Jomari mula sa sapa.

Pagsapit ng alas-siyete ng umaga, napilitan akong tumayo. Manhid na ang aking mga binti at mabigat ang aking ulo. Binuksan ko ang isa sa mga bintana ng aking sari-sari store. Wala ang karaniwang ingay ng mga nagtatawanang tambay. Sa halip, ang kalsada ay puno ng mga nag-uusap nang pabulong na mga kapitbahay.

Hindi nagtagal, isang grupo ng mga lalaki ang naglakad papalapit sa tindahan ko. Si Kapitan, kasama ang tatlong tanod, at si Kiko. Madilim ang ilalim ng mga mata ni Kiko at magulo ang kaniyang buhok. Nang magtama ang paningin namin, nakita ko ang nag-aalab na galit at paghihinala sa kaniyang mukha.

“Elias,” panimula ni Kapitan, ang boses ay pormal at mabigat. “Pasensya na sa abala nang ganito kaaga. Gusto lang sana naming magtanong ulit.”

“Tungkol po saan, Kapitan?” pilit kong pinapatatag ang boses ko kahit nanlalamig ang mga kamay ko sa ilalim ng estante.

Kumalabog ang kamao ni Kiko sa rehas ng tindahan. “Tungkol kay Jomari! Nakita nila ang tricycle niya na inabandona sa likod ng basketball court kagabi. At bago siya nawala, may nakakita sa inyo sa sentro kahapon! Nag-uusap kayo. Hinahawakan ka pa niya!”

“Kiko, kumalma ka,” saway ni Kapitan sa anak bago bumaling sa akin. “Totoo ba iyon, Elias? Nag-usap ba kayo ni Jomari kahapon?”

Napalunok ako. Sumulyap ako saglit sa labas bago sumagot. “Opo, Kapitan. Nagkasalubong kami ni Jomari sa bayan kahapon habang magkasama kami ni Lester. Inabutan niya lang ako ng kakanin na binili niya sa terminal.”

Huminga ako nang malalim, pinipili nang maingat ang mga salita ko. “Bago siya umalis, may ibinulong siya sa akin. Nabanggit niya na may nakita raw siyang gamit sa sapa na sigurado siyang kay Rafael. Itinago raw muna niya iyon sa ilalim ng sahig ng kubo niya, kaya magmamadali siyang bumalik sa sakahan para masigurong walang ibang makakakuha.”

Mas lalong nagdilim ang mukha ni Kiko, umigting ang panga nito habang mahigpit na nakahawak sa rehas ng tindahan ko. “Anong gamit? Bakit hindi niya agad sinabi sa amin?”

“Hindi niya sinabi kung ano,” sagot ko, pilit na itinatago ang panginginig ng boses ko dahil ayokong malaman nilang pupunta sana si Jomari sa likod ng bahay ko nang gabi ring iyon.

“Nagmamadali siyang umalis. Pagkatapos noon, kasama ko pa rin si Lester buong hapon hanggang sa magpaalam na ito pag-uwi namin dito sa San Roque. Wala na po akong naging balita kay Jomari pagkatapos.”

Tinitigan ako ni Kiko mula ulo hanggang paa. Ang kaniyang paningin ay huminto sa aking leeg kung saan namumurok pa rin ang nangingitim na pasang ginawa ni Roman.

“Pangalawa na ito, Elias,” madiing bulong ni Kiko, ang boses niya ay nanginginig sa galit at pagkabigo. “Una ang pinsan ko na huling nakita rito sa tindahan mo. Ngayon si Jomari. Hindi kaya may nagbabantay sa iyo? May umaaligid ba sa bahay mo na hindi mo sinasabi sa amin?”

Mayroon , gusto ko sanang isigaw. May isang halimaw sa kabilang bakod . Ngunit bago ko maibuka ang aking bibig, nahagip ng aking paningin ang isang bulto sa kabilang kalsada.

Nakatayo si Gabriel sa beranda ng kaniyang inuupahang bahay. Suot niya ang kaniyang pamilyar na itim na jacket. Tahimik siyang humihithit ng sigarilyo habang nakatitig nang diretso sa akin, tila ba pinapanood ang isang nakakaaliw na palabas. Ngumisi siya nang palihim, isang ngising nagpatayo ng mga balahibo ko sa batok.

“Wala akong alam, Kiko,” mariing sagot ko, pilit na inaalis ang tingin kay Gabriel. “Natatakot din ako sa mga nangyayari.”

Bumuntong-hininga si Kapitan. “Sige, Elias. Mag-ingat ka. I-lock mo ang mga pinto mo dahil hanggang ngayon, wala pa rin kaming nahahanap na bangkay. Puro mga bakas lang ng dugo sa sapa.”

Nang umalis ang grupo nina Kapitan, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga tuhod ko. Pumasok ako sa loob para kumuha ng maiinom, ngunit saktong pagtalikod ko ay may kumatok sa maliit na pinto sa gilid ng tindahan.

Napasinghap ako. Si Gabriel.

Pumasok siya nang walang pasabi, inilalapag ang isang barya sa ibabaw ng kaha. “Isang kape, Elias.”

Nanginginig ang mga kamay ko nang kunin ko ang sachet ng kape. Inabot ko ito sa kaniya, ngunit sa halip na kunin ang kape, hinawakan ni Gabriel ang pulso ko. Malamig ang kaniyang mga daliri, ngunit ang higpit nito ay tila bakal.

“Naitago mo ba nang maayos?” pabulong at malamig na tanong niya.Nanlaki ang mga mata ko. “A-Anong ibig mong sabihin?”

“Yung relos, Elias. At yung papel,” patuloy niya, hindi inaalis ang mapanuring tingin sa aking mga mata. “Sana ay hindi mo hinawakan iyon nang walang basahan. Matalino ang mga aso ng barangay, madali nilang maaamoy ang takot at dugo.”

“Ikaw!” galit na bulong ko, pilit na binabawi ang kamay ko pero hindi niya ito binitawan. “Ikaw ang nag-iwan noon sa pinto ko kagabi! Anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ako idinadamay kay Isabela?!”

Tumawa nang mahina si Gabriel. Binitawan niya ang pulso ko at kinuha ang kape. “Hindi ako ang nag-iwan noon, Elias. Pero nakita ko kung sino. Sabi ko naman sa iyo, maling halimaw ang kinatatakutan mo. Naghahanap ka ng multo sa malayo, hindi mo alam, gabi-gabi mo na palang katabi.”

Tumalikod si Gabriel at naglakad palabas ng tindahan, iniiwan akong hindi makahinga sa tindi ng pagkalito at takot. Kung hindi si Gabriel ang nag-iwan ng relo at papel, sino? Si Roman ba mismo para subukan ang katapatan ko?

Lumipas ang buong maghapon na parang akong lumulutang. Isinara ko ang tindahan nang maaga. Ayokong makakita ng kahit sino. Ngunit ang gabi sa San Roque ay walang awa, at ang dilim ay laging nagdadala ng mga panauhing hindi inaasahan.

Bandang alas-otso ng gabi, umulan nang malakas. Ang tunog ng ulan sa yero ng aking bahay ay nakakabingi. Nakaupo ako sa sala nang biglang bumukas ang pintuan sa likod ng kusina.Napatayo ako. Mula sa dilim ng pasilyo, lumitaw ang malaking bulto ni Roman.

Basang-basa siya ng ulan. Wala siyang suot na pang-itaas at nakadikit sa kaniyang matipuno at maugat na dibdib ang mga patak ng tubig. Ngunit hindi ang ulan ang nagpakilabot sa akin.

Ang kaniyang mga bota, pati na ang laylayan ng kaniyang kupas na maong, ay balot ng makapal at itim na putik. Ang kaniyang mga magagaspang na kamay ay may mga bahid ng lupa, tila ba galing siya sa isang malalim na paghuhukay sa dulo ng sapa.

“Roman…” nanginginig na tawag ko.

Hindi siya nagsalita. Humakbang siya palapit sa akin, mabibigat at mababagal. Amoy na amoy ko ang pinaghalong amoy ng ulan, ng basang lupa, at ng isang matapang, kalawanging amoy na nagpabaliktad sa aking sikmura. Amoy ng sariwang dugo.

Huminto siya sa mismong harapan ko. Tinitigan niya ang aking mukha. Ang kaniyang mga mata ay madilim, walang emosyon, ngunit may isang nagbabagang kayabangan na nakatago sa likod nito.

Itinaas niya ang kaniyang maruming kamay at dahan-dahang hinaplos ang aking pisngi. Naramdaman ko ang magaspang na lupa na kumuskos sa aking balat. Nag-iwan ito ng mamula-mulang mantsa sa aking mukha.

“Sinabi ko na sa iyo, Elias,” mababa at paos na bulong niya, ang boses ay nakikipagpaligsahan sa ingay ng ulan sa bubong. “Ayokong may ibang humahawak sa iyo.”

“A-Anong ginawa mo kay Jomari?” garalgal na tanong ko, hindi ko na mapigilan ang mga luha na namumuo sa aking mga mata.

Isang pilyo at nakakakilabot na ngisi ang sumilay sa likod ng kaniyang makapal na bigote.

Ibinaba niya ang kaniyang kamay mula sa aking pisngi patungo sa aking leeg, eksakto sa pasang ginawa niya. Pinisil niya ito nang mahigpit, pinipilit akong tumingala sa kaniya.

“Wala nang mangungulit sa iyo, Elias,” mariing sagot ng biyudo, ang bawat salita ay may diin ng isang taong tuluyan nang inangkin ang lahat sa akin. “Wala nang tricycle driver na magyayaya sa iyo sa dilim. Wala nang dayong bibili ng kape. Nilinis ko na ang bakuran ko.”

Nanlamig ang buong katawan ko. Siya nga. Ang lalaking nasa harapan ko, ang lalaking pinapapasok ko sa aking katawan gabi-gabi, ang siyang nagbabaon sa kanila sa sapa.

Bago pa ako makasigaw, sinakop na ni Roman ang aking mga labi. Isa itong marahas, maparusang halik na may lasa ng ulan, kalawang, at panganib. Naramdaman ko ang lamig ng kaniyang putikang pantalon na dumikit sa aking hubad na mga binti nang buhatin niya ako at isalampak sa ibabaw ng lababo.

Sa mismong ilalim ng lababong inuupuan ko, nakatago ang duguang relo at ang papel na may pangalan ng babaeng hinihinala kong kong pinatay niyang asawa, si Isabela. Habang walang-awang kinakagat ni Roman ang aking balat at inihahanda ang aking katawan para sa isa na namang mapusok na pag-aangkin, pumasok ang matinding takot sa aking isipan.

“Linisin mo ako, Elias,” utos ni Roman habang humihiwalay sa aking mga labi. Ang kaniyang mga mata ay nag-aapoy. Itinaas niya ang kaniyang malalaking kamay na balot ng putik at dugo, ipinapakita ito sa akin na tila isang tropeo. “Linisin mo ang mga kamay na pumatay para sa iyo.“Nanginginig akong bumaba mula sa lababo. Parang may sariling isip ang katawan ko. Binuksan ko ang gripo at hinayaan ang tubig na umagos. Hinawakan ko ang mabibigat at magagaspang niyang kamay at itinapat iyon sa umaagos na tubig.

Kulay kape na may halong mapupulang hibla ang dumaloy pababa sa drain. Habang kinukuskos ko ang dumi mula sa kaniyang mga kuko at palad, nakita ko ang ilang sariwang kalmot sa kaniyang braso. Lumaban si Jomari. Lumaban ang tricycle driver bago siya tuluyang pinatahimik ng halimaw na kaharap ko ngayon.

“Natatakot ka ba sa akin?” tanong ni Roman, ang boses niya ay bumaba sa isang mapanganib na bulong. Idinikit niya ang kaniyang basang dibdib sa aking likuran habang hinuhugasan ko ang kaniyang mga kamay, ipinaparada ang matigas at malaking umbok sa likod ng aking shorts.

“Hindi…” umiiyak na pagsisinungaling ko, ngunit ang pagtigas ng aking sariling pagkatao ay nagpapatunay na ang takot at pagnanasa ko ay iisang bagay na lang pagdating sa kaniya.

“Mabuti,” ungol ni Roman. Walang babalang inipit niya ako sa pagitan ng lababo at ng kaniyang katawan. Marahas niyang ibinaba ang shorts ko, hindi na inalintana ang lamig ng kaniyang putikang pantalon na kumikiskis sa aking mga hita.

Isinagad niya ang kaniyang sarili sa akin nang walang pag-aalinlangan. Napasigaw ako at napakapit nang mahigpit sa gilid ng lababo, ang kaniyang dugo at putik ay kumakalat na rin sa aking sariling balat. Bawat bayo niya ay tila nagpapayanig sa pundasyon ng bahay, isang mapusok at nakakabaliw na pag-angkin na pumawi sa anumang rasyonal kong pag-iisip.

Nang matapos ang marahas na gabing iyon, iniwan niya akong nanghihina, manhid, at nakasandal sa sahig ng kusina. Umalis siyang muli sa dilim at ulan, bumalik sa kabilang bakod na parang walang nangyari.

Kinaumagahan, ginising ako ng malakas at nagkukumahog na katok.

“Elias! Elias, buksan mo ang pinto!”

Si Lester. Binuksan ko ang pinto na hirap na hirap pa ring igalaw ang aking katawan. Bumungad sa akin ang kaibigan kong hagulgol nang hagulgol, namumula ang mukha at halos hindi makahinga.

“Teh… si Jomari…” humihikbi at nanginginig na sabi ni Lester. “Nakita nila ang tsinelas at yung kwintas niya sa ikatlong hukay sa sapa. Puno ng dugo, Elias! Walang katawan pero sa dami ng dugo roon, sigurado silang wala na siya… pinatay na siya!”

Napatakip ako ng bibig, umaatras palayo kay Lester. Ikatlong hukay.Rafael. Jomari.

Sino ang para sa unang hukay? O para kanino ang pangatlo?

Tumingin ako sa kabilang kalsada at nakita ko si Gabriel, nakasandal sa kaniyang gate at malamig na nakatitig sa akin. Pagkatapos ay lumingon ako sa kabilang bakod. Nakatayo si Roman sa kaniyang beranda, umiinom ng kape, kalmado, habang pinapanood ang pag-iyak ni Lester sa harap ko.

Isang malinaw at nakakakilabot na katotohanan ang tumama sa akin. Ang unang hukay ay para kay Isabela. Ang pangalawa at pangatlo ay para sa mga lalaking lumapit sa akin.

At kung malalaman ni Roman na hawak ko ang litrato ni Isabela, ang babaeng hinihinala kong pinatay niyang asawa, paniguradong may ika-apat na hukay na naghihintay para sa akin sa dulo ng sapa. Kailangan kong yakapin ang halimaw, at sundan ang laro niya, kung gusto ko pang makita ang sikat ng araw bukas.

KABANATA 18

“Wala na siya, Elias!” patuloy na hagulgol ni Lester habang nakasubsob sa aking balikat.

Hinagod ko ang likod niya kahit nanginginig ang sarili kong mga kamay. Ipinasok ko siya sa loob ng tindahan at isinara ang maliit na pinto para hindi kami makita ng mga dumadaang tsismosa at lalong pagdudahan.

“Lester, huminahon ka,” pabulong kong utos. “Sigurado ba sila? Walang katawan na nakita sa sapa, hindi ba?”

Umiling siya nang mabilis habang patuloy na humihikbi. “Walang bangkay pero yung kwintas na kahoy na bigay ng tatay ni Jomari ay nabaon sa putik. At yung tsinelas niya ay puro dugo. Sabi ni Kiko ay imposibleng mabuhay pa ang sinumang nawalan ng ganoon karaming dugo at hinihinala nilang inagos na ang katawan sa dulo ng ilog.”

Napalunok ako. Ramdam ko ang malamig na pawis na tumutulo sa aking batok. Ikatlong hukay. Tatlong buhay na ang kinuha ng halimaw na katabi ko gabi-gabi.

Pinaupo ko si Lester sa isang lumang silya sa gilid at kumuha ng isang basong tubig mula sa kusina para pakalmahin siya. Nanginginig ang kamay ko nang iabot ko ito sa kaniya.

“Heto, uminom ka muna,” nanginginig na sabi ko habang inaabot ang baso.

Habang umiinom si Lester ay napasulyap ako sa labas ng bintana. Nakatayo pa rin si Gabriel sa tapat ng inuupahan niyang bahay. Tahimik lang siyang naninigarilyo habang nakatitig nang diretso sa akin. Ang pamilyar na mapanuksong ngisi ay nakapaskil na naman sa kaniyang mukha kaya mabilis kong iniwas ang aking paningin.

Nang magpaalam si Lester para umuwi at magpahinga ay naiwan akong mag-isa sa tindahan.

Dumiretso ako sa lababo sa kusina. Binuksan ko ang gripo at naghilamos ng malamig na tubig. Pilit kong inaalis sa isip ko ang imahe ng duguang tsinelas ni Jomari. Wala akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko. Kung hindi sana siya lumapit sa akin ay buhay pa sana siya ngayon. Kung hindi ko sana hinayaang makalapit at magparamdam ang lalaking iyon ay hindi sana siya napag-initan.

Kinagabihan ay maaga kong isinara ang tindahan. Wala akong ganang kumain kaya dumiretso ako sa aking kwarto para magkulong. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama habang yakap ang sarili kong mga tuhod.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakatayo sa hamba si Roman. Wala siyang dalang itak ngayon pero ang kaniyang presensya ay kasing bigat pa rin ng dati. Amoy lupa at pawis ang kaniyang katawan.

Humakbang siya palapit sa akin at umupo sa gilid ng kama. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Ang kaniyang mga mata ay puno ng isang malalim at nakakabaliw na debosyon.

“Sinabi ko sa iyo na ako na ang bahala sa lahat, Elias,” malambot at paos na bulong ng biyudo. “Wala nang manggugulo sa iyo. Nilinis ko na ang sapa.”

Napaatras ako at napailing. Hindi ko maintindihan kung paano siya nakakatulog nang mahimbing sa gabi. “Roman, bakit mo ginagawa ito? Wala silang kasalanan. Paano kung mahuli ka ng mga tanod?”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Roman. Hinawakan niya ang aking braso at pilit akong inilapit sa kaniya. Ang kaniyang mainit na hininga ay tumama sa aking leeg.

“Masyadong maraming aso ang umaaligid sa iyo. Masyadong maraming gustong umangkin sa pag-aari ko. Kaya hayaan mo na lang na ako ang magdala ng bigat ng mga kamay mo,” mariing utos niya. “Walang tanod na makakahuli sa akin dahil hindi nila alam kung saan sila titingin.”

Binuhat niya ako nang walang kahirap-hirap at inihiga sa kama. Kinuha niya ang kumot at ibinalot iyon sa aking nanginginig na katawan.

“Matulog ka na. Ako ang magbabantay sa iyo ngayong gabi,” seryosong banta niya sa sinumang susubok na lumapit. “At bukas ay magpapanggap tayong walang nangyari. Dahil hangga’t nasa tabi mo ako ay walang sinuman ang makakahuli sa atin.”

Kinabukasan ay nagising ako na tila may nakadagan sa aking dibdib. Wala na si Roman sa tabi ko at tahimik ang buong bahay.

Bumangon ako at pilit na inihanda ang sarili ko para magbukas ng tindahan. Kailangan kong magpanggap na normal ang lahat tulad ng utos niya. Ngunit pagkabukas ko ng bintana ay bumungad agad sa akin ang isang presensya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Nakatayo sa tapat ng rehas ko si Kiko. Hindi niya kasama ang kaniyang ama o ang ibang mga tanod. Mag-isa lang siya. Mapula ang kaniyang mga mata at halatang walang tulog ang anak ng Kapitan.

“Pabili ng sigarilyo Elias,” malamig na utos niya.

Kumuha ako ng isang kaha at inabot ito sa kaniya. Nang mag-abot siya ng bayad ay sinadya niyang idikit ang kaniyang mga daliri sa kamay ko. Ngunit hindi ang init ng kamay niya ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang isang mahaba at sariwang kalmot sa kaniyang braso. Apat na guhit na nagdurugo pa nang kaunti.

“Saan mo nakuha iyan Kiko?” maingat na tanong ko habang nakatingin sa kaniyang sugat.

Mabilis niyang binawi ang kamay niya at itinago iyon sa kaniyang likuran. Umigting ang kaniyang panga. “Wala ito. Nasagi lang sa mga matatalas na talahib sa sapa kagabi habang naghahanap kami ng mga ebidensya.”

Pero alam ko ang hitsura ng sugat mula sa talahib. Ang kalmot sa braso niya ay malinaw na gawa ng mga kuko ng isang taong pilit na lumalaban para sa kaniyang buhay.

Tinitigan ako ni Kiko gamit ang kaniyang madidilim na mata. “Masyado kang mapagmasid Elias. Kung ako sa iyo ay hindi ko na papansinin ang mga bagay na hindi ko naman dapat inaalala. Ang dami nang nawawala rito sa San Roque kaya mag-iingat ka sa mga taong pinagkakatiwalaan mo.”

Humakbang siya papalapit sa rehas hanggang sa halos magdikit na ang aming mga mukha. Amoy alak at usok ang kaniyang hininga.

“Si Rafael at si Jomari ay parehong nagpakita ng interes sa iyo,” patuloy ni Kiko habang pinasadahan ng tingin ang aking leeg. “Hindi kaya ikaw talaga ang dahilan ng lahat ng ito? Baka may taong gustong solohin ka kaya niya nililigpit ang lahat ng umaaligid sa iyo. O baka naman ako na lang ang hinihintay ng lalaking iyon na lumapit sa iyo para ako naman ang isunod niya.”

Nanlamig ang buong katawan ko. Alam ba ni Kiko ang tungkol sa amin ni Roman? O siya mismo ang may gustong sumolo sa akin kaya niya ginagawa ang mga patayan para isisi sa iba? Biglang bumalik sa isip ko ang lahat ng pagkakataong nagalit siya kapag may lumalapit sa aking ibang lalaki. Siya rin ang laging nangunguna sa paghahanap sa sapa. Bilang anak ng Kapitan ay napakadali para sa kaniya na maglinis ng ebidensya o magtago ng mga bangkay nang walang nagdududa.

Nang tumalikod si Kiko para umalis ay naiwan akong nakahawak nang mahigpit sa estante. Ang halimaw ba na pumapatay ay si Roman na nagliligpit ng mga lalaking lumalapit sa akin? O ang anak ng Kapitan na tahimik na nagbabantay at sumisira sa sinumang humadlang sa kaniya?

Hindi ako pwedeng maupo na lang at maghintay kung sino ang susunod na kakatok sa pinto ko. Nang sumapit ang hapon ay nagpasya akong isara ang tindahan nang maaga. Isinuot ko ang isang itim na jacket at hinintay ang paglubog ng araw. Kailangan kong malaman kung saan pumupunta si Kiko kapag gabi. Kung siya ang nagtatago ng mga bangkay ay siguradong babalik siya sa basketball court kung saan huling nakita ang tricycle ni Jomari. Dito magsisimula ang paghahanap ko sa sarili kong katotohanan.

KABANATA 19

Binalot ng makapal na ulap ang buwan kaya walang anumang liwanag na tumatanglaw sa mga kalsada ng San Roque. Malamig ang ihip ng hangin pero pinagpapawisan ako sa loob ng aking itim na jacket. Habang nakasara ang tindahan ko ay palihim akong dumaan sa maliit na eskinita sa likod ng bahay para hindi ako mapansin ni Roman mula sa kabilang bakod.

Nitong mga nakaraang araw ay hinayaan kong lamunin ako ng takot. Hinayaan kong itrato nila akong isang mahinang biktima na nagtatago sa sarili niyang kwarto. Ngunit hindi ako pinalaki ng isang bayarang babae para lang maging sunud-sunuran. Sanay akong makipaglaro sa apoy at alam kong palagi kong nakukuha ang lalaking gusto ko. Hindi na ako pwedeng maghintay lang sa loob para maging susunod na biktima. Ako naman ang maghahanap sa kanila.

Maingat kong tinahak ang masukal na daan papunta sa lumang basketball court. Dito huling nakita ang inabandonang tricycle ni Jomari. Bawat hakbang ko ay sinamahan ko ng matinding pag-iingat upang hindi lumikha ng ingay ang mga tuyong dahon sa ilalim ng aking mga sapatos.

Nang makarating ako sa likod ng mga sirang bleachers ay nagtago ako sa likod ng isang malaking puno ng acacia. Mula rito ay tanaw ko ang kabuuan ng madilim na court. Walang tao at tanging ang huni lang ng mga insekto ang naririnig ko. Aalis na sana ako dahil pakiramdam ko ay nag-aaksaya lang ako ng oras nang biglang may kumalabog mula sa madilim na bahagi malapit sa lumang bodega ng barangay.

Pinigilan ko ang aking paghinga. May isang bulto ng lalaki na pilit binubuksan ang kinakalawang na pinto ng bodega. Nang makuha niya itong mabuksan ay pumasok siya sa loob at nagsindi ng isang maliit na flashlight. Sa nipis ng pader na yero ay nakita ko ang anino niyang gumagalaw sa loob.

Dahan-dahan akong lumapit at sumilip sa mga awang ng sirang pader.

Nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ko kung sino ang nasa loob. Si Kiko. May hawak siyang isang malaking itim na garbage bag at pilit na isinisiksik doon ang ilang mga lumang damit. Nang itapat niya ang ilaw sa mga damit ay nakita ko ang mga malalaking mantsa ng natuyong dugo.

Kumabog nang mabilis ang dibdib ko hanggang sa umabot sa aking lalamunan. Kay Jomari ba ang mga damit na iyon? O kay Rafael? Pilit na nagliligpit si Kiko ng mga ebidensya sa mismong lugar kung saan nawala ang tricycle ni Jomari. Ang lahat ng pagdududa ko ay tila unti-unting nagiging malinaw na katotohanan. Si Kiko ang gumagawa ng mga pagpatay at ginagamit niya ang posisyon niya bilang anak ng Kapitan para hindi siya paghinalaan at para malinis niya ang sarili niyang mga kalat.

Inilabas ni Kiko ang isang maliit na bote ng gaas mula sa kaniyang bulsa. Ibubuhos na sana niya ito sa mga duguang damit nang biglang may tumawag sa kaniyang pangalan mula sa labas ng court.

“Kiko! Anong ginagawa mo riyan sa loob nang ganitong oras?”

Boses iyon ni Kapitan. Mabilis na pinatay ni Kiko ang kaniyang flashlight.

“Wala ho Pa! Sinusuri ko lang kung may mga gamit pang naiwan dito ang mga nawawala na pwede nating gamiting ebidensya!” sigaw ni Kiko bilang tugon kahit ramdam ang kaba sa boses nito.

Nataranta ako. Kung papasok si Kapitan at ang iba pang mga tanod ay tiyak na makikita nila akong nagtatago rito sa likod ng bodega. Kailangan ko nang umalis bago pa nila ako maabutan at isipin nilang kasabwat ako.

Umatras ako ngunit sa matinding kamalasan ko ay natapakan ko ang isang tuyong sanga. Isang malakas na lagutok ang umalingawngaw sa tahimik na gabi. Putangina.

Bumukas nang malakas ang pinto ng bodega at mabilis na lumabas si Kiko. Itinapat niya ang kaniyang flashlight sa mismong direksyon ko.

“Sino iyan?!” galit na sigaw niya. Ang boses niya ay puno ng banta at hindi maitatagong panganib.

Tumalikod ako at mabilis na tumakbo palayo. Narinig ko ang mabibigat na yabag ni Kiko na humahabol sa akin. Mas mabilis siya at kabisado niya ang lugar kaya hindi ako pwedeng dumaan sa malaking kalsada. Lumiko ako papunta sa makapal na talahiban na nagdudugtong sa court at sa likod ng mga kabahayan.

Sumasabit ang mga tinik sa aking jacket at marahas na humahampas ang mga dahon sa aking mukha. Rinig na rinig ko ang pagmumura ni Kiko sa likuran ko at ang palapit nang palapit niyang mga hakbang. Ramdam ko ang mainit na luhang tumutulo sa aking mga mata dahil sa tindi ng kaba ngunit hindi ko hahayaang mahuli niya ako.

“Huwag kang magtago! Lalabasin din kita riyan at sisiguraduhin kong hindi ka na makakapagsalita!” banta ni Kiko habang patuloy niyang hinahawi ang mga matataas na damo.

Nadapa ako nang sumabit ang paa ko sa isang makapal na baging. Napakagat ako sa aking labi hanggang sa malasahan ko ang sarili kong dugo para lang hindi ako sumigaw sa sakit. Pilit akong gumapang papunta sa ilalim ng mga matataas na talahib. Nakita ko ang sinag ng flashlight ni Kiko na naghahanap sa paligid. Ilang metro na lang ang layo niya sa akin. Kung makikita niya ako rito ay siguradong ako na ang isusunod niyang ibabaon sa sapa.

Pumikit ako at naghintay nang biglang may isang malamig na kamay na mabilis na tumakip sa aking bibig.

Bago pa ako makapanlaban ay marahas akong hinila ng isang matipunong bisig papasok sa isang mas madilim na siwang sa pagitan ng dalawang lumang pader na bato. Mahigpit ang yakap sa akin ng bultong ito at ang kaniyang kamay ay nakadiin pa rin sa aking bibig para pigilan ang anumang tunog na lalabas mula sa akin.

Dumaan si Kiko sa mismong harapan ng pinagtataguan namin. Halos isang dangkal lang ang layo niya sa akin. Itinapat niya ang ilaw sa mga damo at marahas na nagmura nang makitang wala na ako roon. Pagkaraan ng ilang nakakakilabot na minuto ng paghihintay ay sumuko rin siya at naglakad pabalik sa bodega.

Nang makalayo na ang mga yabag ni Kiko ay dahan-dahang inalis ng lalaki ang kamay niya sa aking bibig. Humarap ako sa kaniya at sa kaunting liwanag na tumagos mula sa mga ulap ay nakita ko ang kaniyang mukha.

Si Gabriel.

Nakasuot siya ng pamilyar na itim na jacket at gaya ng dati ay may nakapaskil na malamig at mapanuksong ngisi sa kaniyang labi.

“Ang hilig mong maghanap ng sakit ng ulo Elias,” mahinang bulong niya habang nakatingin sa mga gasgas ko sa mukha. “Muntik ka na naman mapahamak dahil sa pakikialam mo.”

“Huwag mo akong pakialaman Gabriel,” matapang na sagot ko sabay tulak nang bahagya sa kaniyang dibdib habang pilit na inaayos ang sarili ko. “Ano bang alam mo sa nangyayari rito? Pare-pareho lang naman tayong may tinatago. Putangina pati ikaw ay umaaligid sa dilim.”

Tinitigan niya ako nang mariin. “Nakita mo ba kung paano protektahan ng anak ng Kapitan ang mga sikreto niya? Pero huwag kang magpapalinlang sa mga nakikita mo Elias. Minsan ang mga asong tahol nang tahol ay nagliligpit lang ng mga tira-tira ng tunay na halimaw.”

Umatras ako palayo kay Gabriel. Wala akong tiwala sa lalaking ito. Bakit palagi na lang siyang nasa tamang lugar at tamang oras?

“Umuwi ka na,” dagdag niya. “At sana ay handa ka sa sasalubong sa iyo sa pag-uwi mo.”

Hindi na ako sumagot. Tumalikod ako at mabilis na naglakad palayo sa kaniya. Pilit kong tinahak ang madilim na daan pabalik sa aking bahay. Wala akong nakasalubong sa kalsada kaya ligtas akong nakarating sa aming bakuran. Nang makapasok ako sa loob ng kusina ay mabilis kong inilock ang pinto at napasandal doon habang hinahabol ang aking hininga. Totoo ang hinala ko na may itinatago si Kiko pero may mali rin sa mga sinasabi ni Gabriel.

Pero ang lahat ng katanungan sa isip ko ay biglang naglaho.

Pagbukas ko ng ilaw sa sala ay nanigas ang buong katawan ko. Nakaupo sa aking lumang sofa si Roman. Madilim ang kaniyang mukha at ang kaniyang mga mata ay nagbabaga sa tindi ng galit. Wala siyang suot na pang-itaas at kitang-kita ko ang panginginig ng kaniyang mga maugat na kalamnan dahil sa pinipigilan niyang emosyon.

Ngunit hindi ang presensya niya ang nagpahinto sa pagtibok ng puso ko.

Sa kaniyang harapan at nakapatong sa maliit na lamesa ay ang duguang relo ni Rafael at ang gusot na papel na may pangalan ni Isabela na itinago ko sa ilalim ng lababo.

Nahalungkat niya ang mga itinatago ko.

Tumayo si Roman mula sa sofa. Bawat hakbang niya palapit sa akin ay tila pagyanig ng lupa. Wala siyang dalang itak pero ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom nang mahigpit. Pilit akong umatras hanggang sa tumama ang likod ko sa saradong pinto.

“Saan ka galing Elias?” mababa at nakakakilabot na tanong ng biyudo. Bawat salita niya ay tila malamig na patalim na nakatutok sa aking lalamunan.

Tinitigan ko ang relo at ang papel. Pagkatapos ay inangat ko ang aking paningin para salubungin ang nag-aalab na mga mata ng lalaking umangkin sa akin. Sa halip na magmakaawa at umiyak ay nakaramdam ako ng isang kakaibang init sa aking sikmura. Ang takot na bumabalot sa akin kanina ay biglang napalitan ng isang mapanganib na pananabik.

Hindi ako magpapaamo sa kaniya.

“Bakit?” matapang na sagot ko habang dahan-dahang inaalis ang aking itim na jacket at inilalapag iyon sa sahig. Ipinakita ko sa kaniya ang leeg kong puno ng kaniyang mga marka. “Kailangan ko na bang magpaalam sa iyo tuwing lalabas ako ng sarili kong bahay? Putangina Roman, hindi mo ako aso na pwede mong ikulong dito.”

Lalong umigting ang panga ni Roman. Humakbang siya palapit hanggang sa maamoy ko ang pinaghalong lupa at pawis sa kaniyang matipunong dibdib. Ikinulong niya ako sa pagitan ng kaniyang malalaking braso at ng pinto.

“Huwag mo akong subukan Elias,” galit na bulong niya. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking leeg kung nasaan ang mga nangingitim na markang ginawa niya. “Alam mo kung anong kaya kong gawin sa mga taong hindi sumusunod sa akin. Kanino galing ang mga gamit na iyan?”

Imbes na umiwas ay itinaas ko ang aking mga kamay at matapang na ipinulupot iyon sa kaniyang batok. Naramdaman ko ang pagkabigla sa kaniyang maugat na katawan nang isiksik ko ang aking sarili sa kaniya.

“Kay Isabela,” mapanuksong bulong ko malapit sa kaniyang tainga habang pinaglalaruan ang kaniyang buhok. Ipinaparamdam ko kung paano ako tumutugon sa init niya sa kabila ng panganib. “Ang babaeng pinatay mo bago mo ako inangkin. Ano Roman? Paparusahan mo rin ba ako tulad ng ginawa mo sa kaniya? Patayin mo ako kung kaya mo, gago.”

Isang nakakabaliw na katahimikan ang bumalot sa buong sala. Nakita ko kung paano nagdilim nang husto ang mga mata ng barako. Ang mga sikretong pilit kong ibinaon sa aking bahay ay tuluyan na niyang nahukay ngunit ngayon ay handa na akong makipaglaro sa totoong halimaw ng San Roque at wala akong balak magpatalo.

KABANATA 20

Tinitigan ko si Roman nang mata sa mata. Ang kaniyang malalaking kamay na nakapulupot sa magkabila kong braso ay nanginginig sa tindi ng pinipigilang emosyon. Rinig na rinig ko ang kaniyang mabigat na paghinga na tila isang bulkang nagbabadya nang sumabog.

Imbes na matakot ay mas lalo kong idinikit ang aking katawan sa kaniya. Hinaplos ko ang kaniyang batok at pinasadahan ng aking mga kuko ang kaniyang pawisang likod.

“Ano Roman?” muling hamon ko, ang boses ko ay puno ng kalandian at lason. “Hindi ka makasagot dahil totoo? Pinatay mo siya dahil gusto niyang kumawala sa iyo? Kaya ba ganyan ka rin kahigpit sa akin? Dahil natatakot kang gawin ko rin ang ginawa niya?”

Isang mababang ungol ang kumawala sa lalamunan ng biyudo. Isang ungol na punong puno ng galit na hindi ko pa narinig mula sa kaniya.

Sa isang iglap ay marahas niyang hinawakan ang aking leeg. Hindi niya ako sinakal upang patayin ngunit sapat ang higpit noon para mapatingala ako at maramdaman ang buong lakas niya. Binuhat niya ako nang walang kahirap hirap na parang isa lamang akong magaan na sako.

“Gusto mong malaman kung paano ako pumatay?” nagbabagang bulong niya sa mismong mukha ko. Ang kaniyang hininga ay amoy alak at sigarilyo. “Ipapakita ko sa iyo kung paano ko patayin ang kalandian mo.”

Inihagis niya ako sa ibabaw ng lumang sofa. Napadaing ako nang tumama ang aking likod sa matigas na kutson ngunit bago pa ako makabangon ay nakadagan na ang kaniyang mabigat na katawan sa ibabaw ko.

Wala nang natitirang pasensya sa mga mata niya. Hinawakan niya ang kwelyo ng aking itim na t-shirt at sa iisang malakas na hatak ay pinunit niya ito hanggang sa aking tiyan. Narinig ko ang malakas na pagkapunit ng tela. Wala akong pakialam. Mas lalo lang nag init ang aking sikmura.

“Sige Roman,” tumatawang hamon ko kahit na nararamdaman ko na ang hapdi ng aking balat. “Saktan mo ako. Ipakita mo sa akin kung gaano ka kahayop.”

Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at walang awang kinagat ang aking balat. Hindi na ito isang simpleng marka. Isa itong parusa. Napatili ako sa sakit ngunit mabilis itong napalitan ng isang malakas at malanding ungol nang gumapang ang kaniyang magaspang na dila sa mismong sugat na ginawa niya.

Ang kaniyang malalaking kamay ay marahas na nagbaba sa aking pantalon kasama ng aking underwear. Hindi na siya nag abalang hubarin ito nang buo. Hinatak niya lang ito pababa sa aking mga tuhod para tuluyang ilantad ang aking pagkatao.

Ikinulong niya ang aking dalawang pulso sa itaas ng aking ulo gamit ang isang kamay. Ang isa niyang kamay ay mabilis na nagbukas ng sarili niyang pantalon. Inilabas niya ang kaniyang galit at nag aapoy na kargada. Kahit sa dilim ng sala ay ramdam na ramdam ko ang init at tigas nito na nakadiin na sa aking singit.

“Putangina Roman, ipasok mo na,” nanginginig na utos ko, hindi na itinatago ang desperasyon ng aking katawan. “Gusto ko nang maramdaman ang halimaw mo.”

Tinitigan niya ako gamit ang mga matang uhaw na uhaw. “Akin ka Elias. At hanggang sa huling hininga mo ay ipapaalala ko sa iyo iyan.”

Ibinaon niya nang buo at sagad ang kaniyang sarili sa akin. Isang napakalakas na sigaw ang kumawala sa aking bibig na agad niyang sinalo ng kaniyang marahas na halik. Lasa kaming pawis at dugo. Bawat bayo niya ay napakalakas, tila gusto niyang basagin ang mismong sofa na inuupuan namin.

Nilabanan ko ang lakas niya. Iniangat ko ang aking balakang para salubungin ang bawat pagdiin niya. Ibinabaon ko ang aking mga kuko sa kaniyang matipunong balikat hanggang sa mag iwan ako ng mga kalmot na magpapadugo sa kaniyang balat. Kung gusto niya ng sakit ay bibigyan ko siya ng sakit.

“Ahhh! Putangina ang sarap mo Roman!” umiiyak na ungol ko habang walang tigil ang marahas niyang pagbayo.

Parang may lindol sa loob ng aking bahay. Ang bawat kalabog ng sofa sa sahig ay umaalingawngaw sa tahimik na gabi ng San Roque. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa amin. Gusto kong malaman ng buong nayon na ang kinatatakutan nilang magsasaka ay nababaliw sa pagitan ng aking mga hita.

Habang mas lalong bumibilis ang kaniyang galaw ay nakita ko ang pagtulo ng kaniyang pawis sa aking dibdib. Ang kaniyang panga ay umigting nang husto. Pinipilit niyang angkinin ang isip ko pero alam kong ako ang may hawak ng kontrol. Ako ang nagtutulak sa kaniya sa hangganan ng kaniyang katinuan.

“Sabihin mo,” paos na utos niya, ang kaniyang boses ay tila napupunit. “Sabihin mo kung sino ang nagmamay ari sa iyo.”

Ngumisi ako nang malandi sa gitna ng aking pag ungol. “Sayo ako Roman… sayong sayo lang ako kaya wasakin mo ako.”

Mas lalo siyang nagwala. Ang huling mga bayo niya ay nagpalimot sa akin sa aking sariling pangalan. Sumabog ang napakatinding init sa aking sistema. Napasigaw ako nang malakas nang sabay kaming labasan, ang kaniyang mainit na katas ay pumuno sa loob ng aking pagkatao.

Bumagsak si Roman sa ibabaw ko. Humihingal kaming dalawa habang ang aming mga dibdib ay mabilis na tumataas at bumababa. Amoy na amoy sa buong sala ang pinaghalong amoy ng aming pawis at makamundong pagnanasa.

Pagkaraan ng ilang sandali ay dahan dahang tumayo si Roman. Inayos niya ang kaniyang pantalon ngunit hindi niya ako tinitingnan. Ang kaniyang madilim na aura ay muling bumalik. Naglakad siya palapit sa maliit na lamesa kung saan nakapatong ang duguang relo at ang gusot na papel.

Pinanood ko siya habang nanginginig pa rin ang aking mga binti. Hinugot niya ang isang posporo mula sa kaniyang bulsa.

“Anong ginagawa mo?” hingal na tanong ko habang pilit na inaayos ang punit kong damit.

Hindi siya sumagot. Kinuha niya ang papel na may pangalan ni Isabela at sinindihan ito. Pinanood namin kung paano lamunin ng apoy ang mga letra hanggang sa maging abo ito at tuluyang bumagsak sa sahig.

Pagkatapos ay kinuha niya ang duguang relo ni Rafael. Ibinulsa niya ito at saka siya lumingon sa akin. Ang kaniyang mga mata ay walang halong lambing na tila hindi kami naghati sa isang napakainit na sandali kanina.

“Maswerte ka at ako ang nakakita nito Elias,” malamig na sabi ng biyudo. “Ngunit huwag mong isipin na nanalo ka ngayong gabi. Wala kang alam sa mga ginagawa mo.”

Humakbang siya palapit sa pintuan. Bago niya tuluyang buksan iyon ay lumingon siyang muli sa akin. Ang kaniyang titig ay may dalang isang seryoso at nakakakilabot na babala.

“Huwag mong gamitin ang pangalan ni Isabela para galitin ako,” garalgal na dagdag niya. “Dahil hindi mo alam ang buong kwento. At baka hindi kayanin ng sikmura mo kapag nalaman mo kung anong klaseng mga demonyo ang naglalakad dito sa San Roque. Matulog ka na. Bukas ay sisiguraduhin kong wala nang asong umaaligid sa bakuran natin.”

Umalis siya at iniwan akong nakaupo sa sira sirang sofa. Ang amoy ng sunog na papel ay nanatili sa hangin. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng matinding kilabot na hindi galing sa takot kundi sa isang kakaibang pananabik.

Tumayo ako at naglakad patungo sa salamin sa aking kwarto. Tinitigan ko ang sarili ko. Puro pasa ang aking leeg at dibdib. Magulo ang aking buhok at namamaga ang aking mga labi na may bakas pa ng natuyong dugo mula sa pagkakadapa ko sa talahiban. Ang katawan ko ay puno ng mga gasgas at marka ng isang halimaw. Ngunit sa halip na umiyak sa takot ay isang mapanuksong ngisi ang gumuhit sa aking labi. Hindi ko na alam kung sino sa aming dalawa ang mas mapanganib pagdating sa larong ito.

KABANATA 21

Ang bawat sinag ng araw ay tila tumutusok sa aking balat nang buksan ko ang mga bintana ng aking sari-sari store kinabukasan. Mainit at malapot ang hangin ng San Roque pero hindi nito kayang pantayan ang init na naiwan sa aking katawan mula sa marahas na pag-angkin ni Roman kagabi.

Masakit pa rin ang aking balakang at ang bawat paghakbang ko ay may kasamang kirot. Ngunit habang tinitingnan ko ang mga madilim na pasa sa aking mga braso at leeg ay hindi na takot ang nararamdaman ko. Isang malalim at madilim na pananabik ang unti-unting gumagapang sa aking dibdib. Ako ang sentro ng kabaliwan sa nayong ito. Nagpapatayan sila nang dahil sa akin at sa halip na tumakbo palayo ay gusto kong makita kung hanggang saan aabot ang duguang larong ito.

Tahimik ang labas pero ramdam ang tensyon sa bawat taong dumadaan. Wala nang mga nagtatawanan sa kanto. Ang mga nanay ay mahigpit na nakahawak sa mga kamay ng kanilang mga anak habang naglalakad. Nakapaskil na sa isang poste ng kuryente ang mga mukha nina Rafael at Jomari. Nawawala. Hinihinalang patay na.

“Elias,” isang panginginig na boses ang tumawag sa akin mula sa labas.

Napalingon ako at nakita si Lester. Wala na ang masigla niyang aura. Mugto pa rin ang kaniyang mga mata at panay ang linga niya sa paligid na tila may nagtatago sa mga anino. Pumasok siya nang mabilis sa maliit na pinto ng tindahan ko at mahigpit na humawak sa aking braso.

“Natatakot na ako teh,” pabulong na iyak ni Lester habang nanginginig ang kaniyang mga balikat. “Nakatulog lang ako nang kaunti tapos nagising ako sa ingay. S-Si Kiko… nagwala raw kagabi sa bahay nina Kapitan! Rinig na rinig ng mga kapitbahay ang sigawan nilang mag-ama. Hinahalughog daw ni Kiko ang buong bahay nila at may desperadong hinahanap na itim na plastic bag. Nang hindi niya makita ay nagbasag siya ng mga gamit. Parang sinasapian daw si Kiko teh!”

Napahinto ako. Itim na plastic bag. Biglang bumalik sa isip ko ang eksena sa lumang bodega malapit sa basketball court. Ang duguang mga damit na itinatago ni Kiko sa loob ng itim na garbage bag. Nawawala ang ebidensya na pilit niyang tinatakpan.

Bigla kong naalala ang huling sinabi ni Roman kagabi bago siya umalis. Sisiguraduhin daw niyang wala nang asong umaaligid sa bakuran namin. Si Roman ba ang lihim na kumuha ng bag mula sa bodega para tuluyang idiin ang anak ng Kapitan at paglaruan ang utak nito?

“Hayaan mo sila Lester,” kalmadong sagot ko habang dahan-dahang tinatanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Umuwi ka na muna sa inyo at i-lock mo ang pinto mo. Huwag kang lalabas kapag hindi kailangan.”

“Naku teh hindi lang iyon. Balita ko ay magtatawag na ng mga pulis mula sa bayan si Kapitan dahil sa inasal ng anak niya. Baka magdala raw ng mga asong pang-amoy para halughugin ang buong sapa at ang mga lumang bodega rito. Natataranta na ang buong barangay.”

Nang tuluyang umuwi si Lester ay may panibagong anino ang tumama sa aking tindahan. Nakatayo roon si Gabriel. May hawak siyang isang pirasong tinapay at tahimik na kumakain habang nakatitig sa akin.

“Ang saya mo yata ngayon Elias,” seryosong puna ng dayo habang inilalapit ang mukha sa rehas. Pinasadahan niya ng tingin ang mga pasa sa aking leeg na pilit kong tinatakpan ng kwelyo. “Mukhang masarap ang naging tulog mo kahit may isang asong nababaliw na naghahanap ng nawawala niyang ebidensya.”

Kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang tungkol sa bag? Wala siyang alam noong nagkita kami sa talahiban. O baka naman sinusubukan niya lang akong paaminin?

“Wala akong pakialam sa mga asong ulol Gabriel,” mataray na sagot ko habang nagpapanggap na nagpupunas ng estante. “Kung ako sa iyo ay aayusin ko na ang mga gamit ko at aalis na rito sa San Roque bago ka pa isunod ng kung sino mang halimaw ang pumapatay rito.”

Ngumisi si Gabriel ngunit walang saya sa kaniyang mga mata. “Baka nga umalis na ako Elias. Masyado nang maraming asong ulol sa nayong ito. Mag-iingat ka sa mga pinapapasok mo sa bahay mo.”

Tumalikod siya at naglakad palayo pabalik sa kaniyang inuupahang bahay. Naiwan akong nakakuyom ang mga kamao. May alam ba talaga si Gabriel sa mga ginagawa ni Roman o isa rin siyang asong tahol nang tahol?

Hindi nagtagal ang katahimikan ng aking umaga. Pagsapit ng alas-diyes ay may isang pamilyar at matangkad na bulto ang huminto sa tapat ng aking tindahan.

Si Kiko.

Kahit nasa labas siya ay amoy na amoy ko ang alak at sigarilyo na nakakapit sa kaniyang damit. Gusot-gusot ang kaniyang t-shirt at ang kaniyang mga mata ay mapupula at nanlalalim dahil sa kakulangan ng tulog. Malayong-malayo ito sa mayabang at maingay na anak ng Kapitan. Mukha siyang isang asong ulol na nawawalan na ng katinuan.

“Pabili ng tubig,” paos at nanginginig na utos niya.

Kumuha ako ng isang malamig na bote ng tubig at inabot iyon sa kaniya mula sa siwang ng rehas. Tinitigan ko siya nang tuwid sa mga mata.

Kinuha niya ang bote ngunit hindi niya inalis ang paningin sa akin. Ang kaniyang nanlilisik na mga mata ay bumaba sa aking leeg na may mga pasa at sa aking pisngi na may manipis na gasgas mula sa pagkakadapa ko sa talahib.

“Saan mo nakuha ang mga gasgas na iyan Elias?” malamig at nagdududang tanong niya. “Lumabas ka ba noong isang gabi?”

Hindi ako nagpahalata ng kaba. “Nadapa ako sa likod ng bahay ko,” kalmadong palusot ko. “Bakit Kiko? May problema ba? Rinig ko sa mga tsismosa ay nagwawala ka raw sa inyo kagabi dahil may hinahanap kang nawawalang bag.”

Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Lumapit siya nang husto sa rehas at bumulong. “May nakapasok sa lumang bodega Elias. May nagmamasid sa akin sa dilim. Baka kilala mo kung sino ang hayop na iyon.”

Ngumisi ako nang patago. Hindi niya alam na ako iyon. Nangangapa lang siya ng impormasyon. Ipinatong ko ang aking mga braso sa rehas at tinitigan ang mga sariwang kalmot sa kaniyang braso na namumula pa sa ilalim ng araw.

“Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi mo Kiko,” malambing na sagot ko ngunit puno ng lason ang aking tono. “Pero kung ako sa iyo ay mag-iingat ako. Lalo na kapag dumating na ang mga pulis at nakita nila iyang mga kalmot sa braso mo.”

Namutla siya at mabilis na itinago ang kaniyang braso sa likuran. “Nasugatan ako sa mga matatalas na talahib sa sapa kakahanap ng ebidensya sa mga nawawala! Huwag mo akong gawan ng kwento Elias!”

“Talaga ba?” nakangising hamon ko sa kaniya. Pinagmasdan ko kung paano siya lamunin ng sarili niyang paranoia. “Kasi kung titingnan nang maigi ay hindi iyan gawa ng talahib. Mukhang kalmot iyan ng isang taong pilit na lumalaban bago mo siya tuluyang patayin sa sapa.”

“Bakit hindi mo ako maintindihan Elias?! Wala kang alam!” desperadong bulyaw niya hindi alintana kung may makarinig sa amin. Hinampas niya nang malakas ang rehas ng tindahan. “Hindi ako ang pumapatay! Nakita ko lang ang bag na iyon sa sapa kaya ko itinago para ako mismo ang makahuli sa hayop na umaaligid sa iyo! Gusto ko siyang patayin para sa iyo! Kaya ibalik mo na sa akin ang bag na iyon dahil alam kong ikaw ang kumuha sa bodega kagabi! Bakit mo ba siya pinoprotektahan?!”

Bago ko pa siya masagot ay nakaramdam ako ng isang malamig na ihip ng hangin na nagmula sa aking likuran. Hindi sa labas ng kalsada kundi mula mismo sa maliit na eskinita sa gilid ng aking tindahan na nagdudugtong sa bakuran ni Roman.

Narinig namin pareho ang isang mabigat na yabag.

Dahan dahang humakbang palabas mula sa anino si Roman. Wala siyang suot na pang itaas at kumikinang ang pawis sa kaniyang matipunong dibdib. Hawak niya ang kaniyang paboritong itak sa kanang kamay habang ang kaliwang kamay niya ay may bitbit na isang malaking itim na garbage bag.

Nanigas si Kiko sa kaniyang kinatatayuan. Ang kaniyang mga mata ay literal na nakapako sa itim na bag na hawak ng biyudo. Namutla ang kaniyang labi at tila umurong ang kaniyang dila pabalik sa kaniyang lalamunan. Hindi niya alam kung ang bag ba na iyon ay basurahan lang o ang mismong bag na naglalaman ng mga duguang damit mula sa bodega.

Walang emosyon ang mukha ni Roman. Kalmado lang siyang naglakad palapit sa amin. Bawat hakbang niya ay tila nagpapabigat sa hangin. Huminto siya sa mismong gilid ni Kiko.

“Masyadong maingay ang aso sa labas ng tindahan mo Elias,” mababa at garalgal na sabi ni Roman. Inangat niya nang bahagya ang itim na plastic bag at narinig namin ang kaluskos sa loob nito. “Gusto mo bang iligpit ko na kasama ng mga basurang ito?”

Hindi nakapagsalita si Kiko. Ang kaniyang mga tuhod ay halatang nanginginig habang nakatingin sa malaking itak na hawak ng magsasaka at sa bag na pilit niyang tinititigan. Napagtanto niyang ang tunay na halimaw ng San Roque ay ang barakong nakatayo sa kaniyang harapan na handang pumatay para sa akin.

“A-Aalis na ako,” utal at basag na paalam ni Kiko. Ang kaniyang yabang ay tuluyang naglaho dahil sa tindi ng takot.

Tumalikod ang anak ng Kapitan at halos madapa-dapa sa pagtakbo palayo sa aking tindahan. Ni hindi na niya nakuha ang binili niyang tubig. Pinanood ko siyang tumakas na parang isang duwag hanggang sa lumiko siya sa kanto.

Nang tuluyang mawala sa paningin namin si Kiko ay ibinaling ko ang aking atensyon kay Roman. Tinitigan ko ang biyudong handang gawin ang lahat para sa akin. Ibinaba niya ang itak at ang itim na bag sa lupa ngunit hindi niya inaalis ang kaniyang paningin sa akin.

Isang mapanuksong ngisi ang gumuhit sa aking mga labi. Hindi ko na kailangang matakot at magtago sa sarili kong kwarto. Hahayaan ko silang magkagulo sa labas, dahil alam kong ang pinakamapanganib na halimaw ng San Roque ay nakatayo sa aking harapan at handang gawin ang lahat para lang masigurong sa kaniya lang ako.

KABANATA 22

Hindi ko binuksan ang aking tindahan ngayong araw. Sa halip na magkulong sa loob ng maliit na bahay ay pinili kong lumabas at maglakad sa maalikabok na kalsada ng San Roque. Kailangan kong makita kung gaano kalala ang takot na kumakalat sa aming nayon. Rinig na rinig ko ang tahol ng mga aso at ang pabulong na usapan ng mga tsismosa sa bawat kantong madaanan ko. Bawat pintuan ay nakasara. Ang mga bata ay hindi pinapayagang maglaro sa labas. Ngunit sa kabila ng tensyon sa paligid ay may mas malakas na presensya akong nararamdaman. Isang mabigat na titig na nakasunod sa bawat hakbang ko. Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino iyon. Alam kong nasa likod ko lang siya. Tahimik at nagmamasid na parang isang aninong nagbabantay sa kaniyang pag aari. Kahit nasa labas ako ay ramdam ko ang mahigpit na hawak ni Roman sa aking kalayaan.

Dumiretso ako sa bahay nina Lester. Tatlong beses akong kumatok bago dahan dahang bumukas ang siwang ng bintana. Nang makita niya ako ay mabilis niya akong pinapasok at agad na ibinalik ang mga kandado ng pinto.

“Anong ginagawa mo sa labas teh?” nanginginig na tanong ng kaibigan ko. Mugto pa rin ang kaniyang mga mata at halatang hindi nakatulog. Nakabalot siya sa isang makapal na kumot kahit mainit ang panahon. “Balita ko ay bukas na raw darating ang mga pulis mula sa bayan. Kakatok daw sila sa bawat bahay para maghanap ng ebidensya. Paano kung pumasok sila rito Elias? Natatakot ako na baka may itanim ang tunay na killer sa bakuran namin para kami ang madiin.”

Umupo ako sa kaniyang tabi at marahang hinaplos ang kaniyang likod para pakalmahin siya. “Walang mangyayari sa iyo Lester. Walang rason ang halimaw na iyan para saktan ka dahil wala ka namang ginagawang masama. Huwag kang magpahalata na natatakot ka dahil baka ikaw pa ang paghinalaan nila.”

“Eh paano si Kiko?” umiiyak na sagot niya habang mahigpit na nakahawak sa aking braso. “Baliw na ang anak ng Kapitan. Paano kung magwala ulit siya at kung sino sino ang pagbintangan niya? Sabi ng mga tanod ay nagpupumilit daw itong bumalik sa sapa para maghanap ng nawawala niyang itim na bag. Baka pati tayo ay idamay ng lalakeng iyon Elias.”

Hindi ako sumagot. Mas lalo lang nakumpirma ang hinala ko na tuluyan nang nawawalan ng katinuan si Kiko dahil sa garbage bag na nakuha ni Roman. Matapos kong siguraduhin na maayos na si Lester ay nagpaalam na rin ako. Kailangan ko nang umuwi bago pa tuluyang magdilim ang kalangitan na nagbabadya ng isang malakas na bagyo.

Sa aking paglalakad pabalik ay pinili kong dumaan sa likurang bahagi ng covered court para umiwas sa mga nagpapatrolyang tanod. Tahimik at walang tao roon. Ang tanging maririnig ay ang kaluskos ng mga tuyong dahon sa bawat paghakbang ko. Ngunit nang mapatapat ako sa madilim na eskinita sa likod ng mga sirang bleachers ay biglang bumalik sa aking isipan ang isang alaala. Apat na araw na ang nakalilipas. Ang gabi ng inuman kung kailan dumating si Rafael at ang gabi kung kailan tuluyang nagdilim ang isip ni Kiko.

Maingay ang tagayan noon at lahat ay nakatuon ang atensyon sa dayong pinsan ni Kiko. Naalala ko kung paano biglang isiniksik ni Kiko ang kaniyang upuan sa gitna namin ni Rafael para basagin ang aming usapan. Dahil sa bigat ng hangin ay nagpaalam akong uuwi na para magpahinga. Habang naglalakad ako sa dilim pauwi ay naramdaman ko ang pamilyar at nakakakilabot na presensyang sumusunod sa akin.

Pagliko ko sa madilim na sulok patungo sa aking eskinita ay biglang may isang malaking kamay na humigit sa aking braso. Marahas akong isinalampak sa malamig na pader. Agad na sumalubong sa akin ang amoy ng alak at sigarilyo ni Kiko. Hindi siya nagsalita. Mabilis at mapusok niyang sinakop ang aking mga labi. Pilit niyang isinisiksik ang kaniyang matigas na katawan sa akin na tila ba uhaw na uhaw siyang angkinin ako.

Hinayaan ko siyang halikan ako nang ilang segundo bago ko mariing itinulak ang kaniyang dibdib. “Tama na Kiko,” pabulong na saway ko habang pinupunasan ang aking labi. “Masyadong malapit ang mga kasama mo. Baka may makakita sa atin.”

“Wala akong pakialam,” humihingal na sagot niya. Ang kaniyang mga mata ay nanlilisik sa pinaghalong libog at matinding selos. Inilapit niya muli ang kaniyang mukha at ipinatong ang kaniyang noo sa aking balikat. “Bakit ka nagpapalandi sa pinsan ko Elias? Nakikita ko kung paano mo siya titigan. Ako ang kasama mo rito. Alam mong matagal na kitang gusto. Huwag mo siyang landiin dahil kaya kong ibigay sa iyo ang lahat.”

Isang mapanuksong tawa ang kumawala sa aking bibig. Tinitigan ko siya sa mga mata at dahan dahang inilapat ang aking palad sa kaniyang pisngi. “Kiko,” malambing ngunit malamig na tawag ko sa kaniya. “Huwag mo akong angkinin. Alam mo kung saan lang tayo. Nilinaw ko na sa iyo noon pa man na laro lang ang maibibigay ko. Wala tayong label at wala kang karapatang magalit kung may ibang lalaking lumalapit sa akin.”

“Laro?” nanginginig ang boses niya. Nakita ko ang mabilis na pagguhit ng sakit at pagkadurog sa kaniyang mukha. Umigting ang kaniyang panga at dahan dahang naikuyom ang kaniyang mga kamao. “Ganoon na lang ba iyon Elias? Ginagamit mo lang ba ako? Papayag ka lang na hawakan kita sa dilim kapag may kailangan ka pero sa paningin ng iba ay itinataboy mo ako? Mas matapang ako sa mga lalaking iyan! Ako ang nararapat sa iyo!”

Tinanggal ko ang kaniyang kamay mula sa aking baywang at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Wala kang mapapatunayan sa pagiging duwag mo Kiko. Hanggang salita ka lang.”

“Ipapakita ko sa iyo na ako lang ang karapat dapat na magprotekta sa iyo!” basag na bulyaw niya habang pilit na inaabot muli ang aking braso. “Kahit pumatay ako Elias ay gagawin ko! Para lang makita mo na ako lang ang kailangan mo!”

“Patunayan mo muna bago ka tahol nang tahol,” huling hamon ko bago ko siya tinalikuran at iniwan mag isa sa dilim.

Bumalik ako sa kasalukuyan nang biglang tumulo ang unang patak ng ulan sa aking pisngi. Ang alaalang iyon ang nagkumpirma sa lahat ng hinala ko. Ako ang sumira sa bilib sa sarili ni Kiko. Ang pagtanggi ko sa kaniya ang nagtulak sa kaniya para maging desperado. Kaya nang makita niya ang mga duguang damit sa bodega ay pilit niya itong inililigpit at itinatago. Gusto niyang siya mismo ang makahuli sa kung sino man ang tunay na halimaw ng San Roque para patunayan sa akin na siya ang bayaning magliligtas sa akin.

Mabilis akong naglakad pauwi habang palakas nang palakas ang buhos ng ulan. Pagpasok ko sa aking bahay ay mabilis kong isinara ang lahat ng bintana. Ang malamig na hangin ay pumapasok sa mga siwang ng aking bubong na nagdadala ng nakakakilabot na katahimikan.

Naghahanda na sana akong magpalit ng tuyong damit nang biglang may kumatok nang mabilis at malakas sa pintuan ko sa likod. Napasinghap ako. Hindi iyon ang istilo ni Roman. Ang biyudo ay pumapasok nang walang ingay at walang katok.

Dahan dahan akong lumapit sa pinto. “Sino iyan?” nanginginig na tanong ko.

“Elias buksan mo! Ako ito! Si Kiko!”

Ang boses niya ay basag na basag at punong puno ng matinding takot. Binuksan ko ang mga kandado at dahan dahang hinila ang pinto. Bumulaga sa akin ang anak ng Kapitan. Basang basa siya ng ulan at puno ng putik ang kaniyang mga bota at pantalon. Ang kaniyang mga mata ay nanlalaki at panay ang linga niya sa madilim na kalsada na tila may demonyong humahabol sa kaniya.

Pumasok siya nang mabilis at siya mismo ang nag lock ng pintuan ko. Ang kaniyang buong katawan ay nanginginig hindi dahil sa lamig kundi dahil sa matinding gulat at kaba.

“Anong ginagawa mo rito Kiko?” kinakabahang tanong ko habang umaatras palayo sa kaniya. “Paano kung makita ka ni Roman? Papatayin ka niya kapag nalaman niyang pumasok ka sa bahay ko lalo na ngayon.”

“Wala akong pakialam sa matandang iyon!” umiiyak na sagot ni Kiko. Napaluhod siya sa malamig na sahig ng aking kusina habang mahigpit na nakahawak sa kaniyang sariling dibdib na parang kinakapos sa hininga. “Kailangan mong maniwala sa akin Elias. Nagpunta ako sa sapa kanina bago bumuhos ang ulan para maghanap ng ebidensya na magpapatunay na hindi ako ang pumatay!”

“Umuwi ka na Kiko,” matigas na utos ko. “Ayokong madamay sa mga kabaliwan mo.”

“Nakita ko siya Elias!” malakas at desperadong sigaw niya habang gumagapang palapit sa aking mga paa. Hinawakan niya ang aking mga binti nang mahigpit. “Nakita ko kung sino ang pumapatay! Nakita ko ang totoong halimaw sa sapa kanina! Naghuhukay siya ng panibagong butas sa ilalim ng ulan Elias!”

Nanigas ang buong katawan ko. Parang binuhusan ng yelo ang aking gulugod. “Anong nakita mo? Sino ang nandoon?!”

Humikbi nang malakas si Kiko at tumingala sa akin. Punong puno ng luha at putik ang kaniyang mukha. “Hindi mo naiintindihan Elias. Ang taong pumapatay sa mga lumalapit sa iyo… ang taong naglilibing ng mga gamit nila sa sapa…”

Bago pa niya matapos ang kaniyang sasabihin ay isang nakakabinging kalabog ang yumanig sa buong kusina. May sumipa sa pintuan ko sa likod nang ubod ng lakas na halos masira ang mga bisagra nito.

Napatalon kaming pareho ni Kiko. Nanlaki ang mga mata ng anak ng Kapitan at ang kaniyang mukha ay tuluyang nawalan ng kulay.

Isang mabigat at nakakakilabot na yabag ang narinig namin mula sa labas ng pinto. At mula sa mga siwang ng kahoy ay naamoy ko ang pamilyar at matapang na amoy ng basa at maputik na lupa na may halong barakong sabon.

Nanigas si Kiko. Nakatingin lamang siya sa gumagalaw na seradura ng pinto habang tuluyang nilalamon ng takot ang kaniyang buong pagkatao. “Nandito na siya,” nanginginig na bulong niya. “Nahanap niya ako.”

KABANATA 23

Isang nakakabinging pagwasak ng kahoy ang sumunod. Tuluyang bumigay ang seradura ng aking pintuan sa likod dahil sa isang napakalakas na sipa mula sa labas. Tumalsik ang mga sirang bisagra sa malamig na sahig ng aking kusina kasabay ng malakas na paghampas ng hangin at ulan.

Bumulaga sa amin ang malaking bulto ni Roman. Basang basa siya ng ulan at puno ng putik ang kaniyang mga bota. Wala siyang suot na pang itaas. Ang kaniyang matipunong dibdib ay kumikinang sa ilalim ng kidlat habang ang kaniyang itak ay mahigpit na nakasukbit sa kaniyang baywang. Ang kaniyang mga mata ay madilim at walang kahit anong emosyon habang nakatingin kay Kiko na nakaluhod sa aking sahig.

“Roman,” nanginginig na tawag ko. Umatras ako hanggang sa dumikit ang aking likod sa malamig na lababo. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na kailangang magpanggap. Totoong kaba ang mabilis na bumalot sa aking dibdib. Palaban ako at alam kong kaya kong paglaruan ang mga lalaking ito ngunit iba ang makita ang mismong kamatayan na nakatayo sa loob ng aking bahay. Ayokong may mamatay rito. Ayokong may dumanak na dugo sa mismong harapan ko.

Ngunit sa kabila ng takot na iyon ay may isang pamilyar at nakakabaliw na init ang gumapang sa aking tiyan. Tiningnan ko sila. Tiningnan ko ang dalawang lalaking nasa harapan ko. Isang nagmamakaawa at isang handang pumatay. Pareho silang baliw sa akin. Handa nilang isugal ang lahat para lang maangkin ako at hindi ko maitanggi na may bahagi ng aking isipan na nasisiyahan sa nakikita ko.

Tiningnan ako ni Roman. Isang mabilis at malalim na sulyap bago niya ibinalik ang kaniyang atensyon sa anak ng Kapitan. Humakbang siya papasok sa aking bahay. Ang bawat patak ng ulan mula sa kaniyang katawan ay nagmamarka sa aking malinis na sahig. Ang amoy ng basang lupa at barakong pawis ay mabilis na pumuno sa buong kusina.

“Anong ginagawa ng isang aso sa loob ng bahay mo Elias?” mababa at garalgal na tanong ni Roman. Ang kaniyang boses ay tila kulog na mas malakas pa sa bagyo sa labas.

Nanlaki ang mga mata ni Kiko. Sinubukan niyang tumayo pero nanghina ang kaniyang mga tuhod. Ang tanging nagawa niya ay gumapang paatras palayo sa naglalakad na kapahamakan.

“Huwag kang lalapit! Alam ko ang ginagawa mo!” tili ni Kiko habang patuloy na umiiyak. “Nakita kita sa sapa kanina! Nakita kong may kinakaladkad ka! Ikaw ang naglilibing sa kanila!”

Hindi sumagot si Roman. Lumapit siya kay Kiko at sa isang iglap ay marahas niyang hinawakan ang kwelyo ng basang t shirt nito. Binuhat niya si Kiko nang walang kahirap hirap na parang isang magaang sako ng bigas. Ang mga paa ng anak ni Kapitan ay tuluyang nawalan ng sayad sa lupa.

“Bitiwan mo ako! Tulong!” nagpupumiglas na sigaw ni Kiko. Sinubukan niyang suntukin ang matigas na dibdib ni Roman pero hindi man lang natinag ang magsasaka. Parang isang matibay na pader ang binabangga ng isang maliit na ibon.

“Masyadong madumi ang bibig mo,” malamig na bulong ni Roman. Tinitigan niya si Kiko nang malapitan. “Kung may nakita ka sa sapa bakit nandito ka sa bahay ni Elias? Bakit hindi ka tumakbo sa tatay mong Kapitan? Dahil alam mong ikaw ang may kasalanan sa mga duguang damit na tinatago mo sa bodega.”

Nanlaki ang mga mata ni Kiko sa matinding gulat. Umiling siya nang mabilis. Tumingin siya sa akin na parang nagmamakaawa. Punong puno ng luha at sipon ang kaniyang mukha. “Elias maniwala ka sa akin! Siya ang halimaw! Siya ang pumapatay sa lahat ng lumalapit sa iyo! Kapag sumama ka sa kaniya ay ikaw ang isusunod niya!”

Hindi ko na kaya ang tensyon. “Roman tama na!” nanginginig na sigaw ko habang pilit na humahakbang palapit sa kanila. Pilit kong inabot ang matigas na braso ng biyudo para pigilan siya. “Bitiwan mo siya Roman! Nakikiusap ako. Baka mapatay mo siya rito sa loob ng bahay ko! Hayaan mo na lang siyang umuwi at huwag na nating palakihin ang gulong ito!”

Gusto kong matapos ang lahat. Gusto kong umalis sila dahil hindi na kinakaya ng utak ko ang mga nangyayari. Ngunit isang matalim at madilim na tingin lang ang isinagot sa akin ng magsasaka. Isang tingin na nagpatigil sa aking mga paa at nagpatahimik sa aking bibig.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok. “Mabaliw na kayo! Mabaliw na kayong lahat!” humihikbi at basag na sigaw ko habang paatras na lumalayo sa kanila. “Wala na akong pakialam sa inyo! Umalis na kayo sa bahay ko!”

Pilit kong ipinapakita na suko na ako. Na ubos na ubos na ang lakas ko sa pag intindi sa kabaliwan nila. Wala akong nagawa kundi ang mapaupo sa gilid habang patuloy na umiiyak si Kiko. Sa paningin ng magsasaka at ng anak ng Kapitan ay isa lamang akong mahina at kaawa awang biktima na tuluyan nang nabaliw sa takot dahil sa kanilang laro.

Kinaladkad ni Roman si Kiko palabas ng pintuan ko. Walang nagawa ang anak ng Kapitan laban sa sobrang lakas ng biyudo. Rinig na rinig ko ang pagkaladkad ng mga bota ni Kiko sa aking sahig habang pilit siyang nagpupumiglas patungo sa malakas na ulan.

Bago tuluyang isara ni Roman ang pinto ay lumingon siya sa akin. Ang kaniyang mga mata ay puno ng pagmamay ari at isang tahimik na pangako na hindi ko makakalimutan.

“Isara mo ang pinto Elias. Wala kang narinig at wala kang nakita. Ako na ang bahala sa asong ito. Sisiguraduhin kong hindi na siya makakahol pa.”

Pagsara ng pinto ay mabilis akong kumuha ng isang mabigat na silya at iniharang iyon sa pinto dahil sira na ang seradura nito. Napasandal ako sa malamig na kahoy. Ang ingay ng bagyo ay nagpatuloy sa labas ngunit sa loob ng aking bahay ay tanging ang mabilis na paghinga ko lang ang naririnig.

Ngunit bago ko pa lubusang maproseso ang lahat ng nangyari ay isang matinding kirot ang naramdaman ko sa aking sintido.

Napahawak ako nang mahigpit sa aking ulo. Biglang umikot ang aking paningin at parang nawalan ako ng balanse. Napaluhod ako sa malamig na sahig habang pilit na kinukuha ang aking hininga. Ang sobrang pagod at matinding takot sa mga nangyayari ay tila sabay sabay na naningil sa aking katawan. Ang magdamag na tensyon ay tuluyan nang umubos sa aking lakas.

Pilit kong inabot ang gilid ng mesa para tumayo pero nanghina ang aking mga tuhod. Halos hindi ko na marinig ang hampas ng ulan dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

“Hindi ko na kaya,” humihingal na bulong ko habang unti unting bumibigat ang aking talukap.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng aking katawan sa malamig na sahig. Ang huling narinig ko ay isang mahinang ugong sa aking tainga bago tuluyang nagdilim ang buong paligid at nawalan ako ng malay.

Malamig. Basa.

Iyon ang una kong naramdaman nang dahan dahan kong imulat ang aking mga mata. Nakahiga pa rin ako sa sahig ng aking kusina. Wala na ang ingay ng bagyo. Tanging ang sikat ng araw na tumatagos sa siwang ng bintana ang nagbibigay liwanag sa paligid. Umaga na.

Bumangon ako habang hawak ang aking ulo na kumikirot pa rin nang kaunti. Ang buong katawan ko ay tila binugbog dahil sa magdamag na pagkakahiga sa matigas na sahig.

Nang tumayo ako para kumuha ng tubig sa lababo ay napako ang paningin ko sa isang bagay sa gilid ng pinto. Isang pares ng tsinelas na puno ng sariwang putik at may bahid ng kulay kalawang na mantsa. Ang mismong tsinelas na suot ko araw-araw sa tindahan.

Kumunot ang noo ko. Wala akong maalala na lumabas ako ng bahay kagabi. Ang huling natatandaan ko ay ang pagbagsak ko rito sa sahig matapos kaladkarin ni Roman si Kiko.

Hinawakan ko ang tsinelas. Sariwa pa ang putik at amoy malansa ang mantsa. Mabilis na nanlamig ang buong katawan ko. May pumasok sa loob ng bahay ko kagabi habang wala akong malay. May ibang taong nagsuot ng tsinelas ko at naglakad sa putikan.

Biglang umalingawngaw ang malakas na tahol ng mga aso mula sa kalsada. Kasunod nito ay ang pamilyar na boses ni Kapitan na sumisigaw at ang wangwang ng sasakyan ng mga pulis mula sa bayan.

Nanlaki ang mga mata ko at halos tumalon ang puso ko palabas ng aking dibdib. Ang mga asong tagahanap. Hinahanap na nila si Kiko. Kung maamoy ng mga aso ang putik at dugo sa tsinelas ko ay tiyak na sa akin ang bagsak ng imbestigasyon. Ako ang makukulong sa krimeng hindi ko ginawa!

Mabilis kong kinuha ang tsinelas at marahas na kinuskos iyon sa ilalim ng gripo gamit ang isang makapal na basahan. Nanginginig ang buong katawan ko sa pinaghalong matinding takot at nag aapoy na galit.

Hindi ito gawain ni Roman. Kung pumatay man siya kagabi ay siya ang maglilinis ng lahat ng ebidensya tulad ng nakasanayan niya. Hindi niya isusuot ang tsinelas ko para idiin ako. At lalong hindi ito magagawa ni Gabriel dahil nasa kabilang kalsada lang ang dayong iyon at walang susi sa likod ng bahay ko.

May ibang tao. May ibang halimaw na naglalaro sa San Roque na nakakaalam ng bawat galaw ko. Isang taong malapit sa akin na pilit akong idinidiin at ginagawang pain sa mga patayan.

“Putangina,” nanggigil at humihikbing bulong ko habang patuloy na kinukuskos ang mantsa ng dugo sa goma. “Kung sino man ang naglagay ng tsinelas na ito para i-frame up ako, sinisigurado kong magbabayad ka.”

Wala akong ideya kung sino ang nagtatangkang sirain ang buhay ko pero isang bagay ang malinaw sa akin ngayon. Hindi lang si Roman o si Kiko ang dapat kong katakutan. May isang anino na malayang nakakapasok sa bahay ko kapag nakapikit ako at kailangan ko itong mahanap bago pa ako tuluyang mabulok sa kulungan.

KABANATA 24

Wala pang isang minuto matapos kong itago ang malinis na tsinelas sa ilalim ng lababo ay narinig ko ang malalakas at nagmamadaling kalabog mula sa harap ng aking tindahan.

“Elias! Buksan mo ito!”

Boses iyon ni Lester. Halos gibain niya ang kahoy na pinto ng aking sari-sari store sa lakas ng kaniyang pagkatok. Huminga ako nang malalim at pilit na ibinalik ang mukha ng isang inosenteng biktima na bagong-gising lang bago ko tinanggal ang trangka ng pinto.

Bumulaga sa akin si Lester na namumutla at basang-basa ng pawis. Magulo ang kaniyang buhok at nanginginig ang buong katawan niya. Ang kaniyang mga mata ay malikot na nakatingin sa kalsada na tila may nagbabadyang panganib na paparating.

“Lester, anong nangyayari?” nagkukunwaring naguguluhang tanong ko. Pinunasan ko pa ang aking mga mata para magmukhang naalimpungatan.

“Wala si Kiko!” humahangos at nanginginig na balita niya habang nakakapit nang mahigpit sa aking braso. Pumasok siya sa loob at mabilis na isinara ang pinto sa kaniyang likuran. “Hindi siya umuwi kagabi at dumating na ang mga pulis mula sa bayan! Kasama nila si Kapitan at may mga dalang malalaking aso! Papunta sila rito sa bahay mo, Elias, dahil ikaw daw ang huling pinuntahan ni Kiko kagabi bago lumakas ang ulan!”

Bago ko pa masagot si Lester ay narinig ko ang malakas na alulong ng mga aso at ang mabibigat na yabag ng mga botas na huminto sa mismong tapat ng aking tindahan. Kasunod nito ay ang marahas na pagkalampag sa aking rehas.

“Elias! Buksan mo ang tindahan mo!”

Ang umuugong na boses ni Kapitan ay tila kulog na nagpayanig sa maliit kong bahay. Nagkatinginan kami ni Lester. Nakita ko ang purong takot sa kaniyang mga mata at mabilis na bumalot sa akin ang pag-aalala para sa matalik kong kaibigan.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Biglang pumasok ang apat na pulis kasama ang nagngangalit na si Kapitan. Ang dalawa sa mga opisyal ay may hawak na malalaking asong tagahanap. Ang mga aso ay panay ang tahol at mabilis na sinisinghot ang sahig ng aking tindahan. Ang amoy ng basang aso at putik ay mabilis na pumuno sa hangin.

“Nasaan ang anak ko?!” nanginginig na bulyaw ni Kapitan. Ang kaniyang mga mata ay namumula at ang kaniyang mukha ay madilim dahil sa matinding galit.

Napaatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa estante ng mga delata. “Kapitan, hindi ko po alam. Wala po rito si Kiko.”

“Huwag kang magsinungaling sa akin, Elias!” dinuro ako ng matanda habang pilit siyang pinipigilan ng dalawang pulis. “May nakakita sa kaniya na naglalakad papunta rito sa bahay mo kagabi bago lumakas ang bagyo! Ikaw ang huling pinuntahan niya kaya sabihin mo sa akin kung nasaan siya!”

“Wala po talaga siyang pinupuntahan dito,” umiiyak na sagot ko. Pilit kong pinalabas ang mga luha sa aking mga mata at pinanginig ang aking mga labi. “Maaga po akong natulog kagabi dahil sa lakas ng ulan at sa takot ko sa kulog. Wala po akong narinig na kumatok sa pinto ko buong gabi.”

Tiningnan ng isang pulis ang buong paligid. Ang aso ay nag-umpisa nang maglakad papasok sa aking maliit na sala. Bawat singhot nito ay tila isang patalim na unti-unting ibinabaon sa aking dibdib. Paano kung dumiretso sila sa kusina at maamoy ang tsinelas na pilit itinanim sa akin ng kung sino mang halimaw?

“Ihalughog niyo ang buong bahay,” utos ng hepe ng mga pulis.

Habang naglalakad ang mga opisyal ay biglang napansin ng hepe si Lester na nakatayo sa sulok. Nakayuko ang kaibigan ko at nanginginig ang kaniyang mga balikat. Tumaas ang kilay ng opisyal habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.

“Eh, bakit nandito ang isang ito nang napakaaga?” malamig na tanong ng pulis habang nakaturo kay Lester. “Kasama mo ba siyang natulog kagabi?”

Lahat ng atensyon ay mabilis na lumipat kay Lester. Awang-awa ako sa kaibigan ko. Alam kong nerbiyoso talaga si Lester at takot na takot siya sa mga pulis kaya kailangan ko siyang ipagtanggol. Hindi ko hahayaang idamay nila ang isang inosenteng tulad niya sa madugong gulo ng San Roque.

“Hindi po,” mabilis na sagot ko para iligtas siya. Humakbang ako palapit kay Lester at hinawakan ang kaniyang nanginginig na braso. “Ngayon lang po siya dumating para kumustahin ako. Sobrang nag-aalala lang po siya sa akin kaya tumakbo siya rito mula sa bahay nila. Tingnan niyo po ang sapatos niya, hepe, puro putik dahil sa pagmamadali niya sa kalsada kanina para lang ibalita sa akin na nawawala si Kiko.”

Akala ko ay makakatulong ang sinabi ko pero lalong nanliit ang mga mata ng pulis at bumaling sa paanan ng kaibigan ko.

“Putik?” mapanuksong tanong ng hepe. Humakbang siya palapit sa amin. “Umaga na at tuyo na ang mga daan sa bayan, ah. Wala ka pang ligo at basang-basa ng pawis ang damit mo. Bakit parang galing ka sa labas magdamag? Saan ka ba talaga nanggaling kagabi, bata?”

Nanlaki ang mga mata ni Lester. Umatras siya hanggang sa sumandal siya sa rehas ng tindahan. Napatingin siya sa akin na parang hindi niya inaasahan ang nangyayari. Kahit ako ay nagulat. Gusto ko lang ipaliwanag kung bakit marumi ang sapatos niya pero parang iba ang naging dating sa mga pulis.

“S-sa bahay lang po ako!” pautal-utal at desperadong sagot ni Lester. “Huwag niyo po akong pagbintangan! Natulog lang po ako kagabi!”

“Wala pa naman kaming sinasabing pinagbibintangan ka namin,” matigas na sagot ng Kapitan. “Pero bakit ganiyan ang reaksyon mo? May alam ka ba sa pagkawala ng anak ko?”

Biglang lumapit ang isang aso kay Lester at inamoy ang dulo ng kaniyang pantalon. Rinig na rinig ko ang mabilis na paghigop ng hininga ni Lester dahil sa matinding kaba. Pilit niyang inilayo ang kaniyang binti sa aso na mas lalong nagpamukha sa kaniyang kahina-hinala sa paningin ng mga pulis.

“Wala po akong alam! Maawa po kayo!” umiiyak na sigaw ni Lester.

“Kapitan, wala po talagang alam ang kaibigan ko,” pagmamakaawa ko habang pilit na humaharang sa pagitan ni Lester at ng mga pulis. “Mabuti po siyang tao. Hindi po siya lalabas ng bahay habang may bagyo.”

Bago pa makasagot ang hepe ay biglang tumahol nang malakas ang asong nasa kusina. Mabilis na tumakbo ang hepe at si Kapitan patungo sa likod ng bahay ko. Sumunod ako habang patuloy na binabantayan ng isa pang pulis ang umiiyak na si Lester sa sala.

Pagdating namin sa kusina ay pinagpawisan ako nang malamig. Nakita ko ang aso na panay ang kalmot at singhot sa ilalim ng siwang ng aking pintuan sa likod. Ang pintuang hinarangan ko ng silya kagabi. Ang pintuan kung saan kinaladkad ni Roman si Kiko palabas.

Nakahinga ako nang maluwag nang mapansin kong hindi pinansin ng aso ang ilalim ng lababo kung saan nakatago ang aking tsinelas. Mas lalong malakas ang amoy ng putik at dugo na naiwan sa sahig at sa kahoy ng pintuan dahil sa sapatos ni Kiko at bota ni Roman.

“May naamoy siya rito,” seryosong sabi ng hepe. Tumingin siya sa akin. “Bakit may nakaharang na silya sa pinto mo?”

“Sira po kasi ang seradura niyan simula pa noong isang linggo,” mabilis na palusot ko. “Kaya po silya ang inilalagay ko tuwing gabi para hindi bumukas kapag malakas ang hanging-bagyo.”

Tinanggal ng pulis ang silya at binuksan ang pinto. Agad na sumalubong sa amin ang malamig na hangin at ang tanawin ng maputik na daan patungo sa palayan. Mas lalong nagwala ang aso at pilit na hinihila ang hawak ng pulis patungo sa labas.

“Nasundan na niya ang amoy,” balita ng pulis kay Kapitan. “Papunta ang direksyon sa sapa.”

Namutla ang Kapitan ngunit tumango siya. “Sundan niyo ang aso. Hanapin niyo ang anak ko.” Bago siya lumabas ay lumingon muli ang matanda sa akin at pagkatapos ay tumingin kay Lester na nakayuko at humihikbi sa sala. “Huwag na huwag kayong aalis ng San Roque. Nakita kong may mali sa ikinikilos ng kaibigan mong iyan, Elias. Kapag napatunayan kong may kinalaman siya sa pagkawala ng anak ko ay sisiguraduhin kong sa kulungan ang bagsak niyong dalawa.”

Nang tuluyan silang makalabas at sundan ang tahol ng aso patungo sa sapa ay naiwan kaming dalawa ni Lester sa loob ng tindahan. Mabilis akong lumapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap.

“Lester, tahan na,” bulong ko habang pinupunasan ang kaniyang mga luha. “Umalis na sila. Nandito na ako.”

Umiyak pa rin si Lester sa aking balikat habang nanginginig ang kaniyang buong katawan. Awang-awa ako sa kaibigan ko.

Napakawalang-hiya ng halimaw na naglalaro sa San Roque. Dahil sa ginawa nito sa aking tsinelas ay muntik na akong makulong at ngayon ay si Lester naman ang pinag-isipan ng masama ng mga pulis dahil lang sa nerbiyos nito. Hindi ko hahayaang mapahamak ang nag-iisa kong kaibigan dahil sa kabaliwan ng ibang tao.

KABANATA 25

(Ilang oras bago ang kasalukuyan)

Malakas ang buhos ng ulan ngunit hindi nito nagawang hugasan ang matapang na amoy ng putik at takot sa sapa.

Isang malakas na daing ang kumawala sa bibig ni Kiko nang marahas siyang isalampak ni Roman sa lupa. Tumama ang kaniyang mukha sa malamig at matulis na bato. Lasang kalawang at putik ang pumasok sa kaniyang bibig. Sinubukan niyang gumapang palayo ngunit isang mabigat na bota ang tumapak sa kaniyang likod na naging dahilan para muli siyang bumagsak sa putikan.

“Putangina mo Roman! Maawa ka!” basag na sigaw ni Kiko habang pilit na kumakawala mula sa pagkakadiin ng magsasaka. “Wala akong pagsasabihan! Magbabayad ang pamilya ko! Ibibigay ko sa iyo lahat ng gusto mo huwag mo lang akong patayin!”

Hindi sumagot si Roman. Tahimik lamang itong nakatayo sa ilalim ng ulan habang ang kidlat ay paminsan-minsang nagpapaliwanag sa kaniyang madilim at walang emosyong mukha. Wala siyang suot na pang-itaas at ang ulan ay malayang dumadaloy sa kaniyang matipunong katawan.

Nanlaki ang mga mata ni Kiko nang makita niyang dahan-dahang hinugot ng biyudo ang mahaba at matalim na itak mula sa kaniyang baywang.

“Gago ka! Papatayin kita kapag nakawala ako rito!” nagwawalang bulyaw ni Kiko habang nanginginig ang kaniyang buong pagkatao. “Kapitan ang tatay ko! Dudurugin ka niya Roman!”

Isang malamig at mapanuksong ngisi ang gumuhit sa mga labi ng biyudo. “Masyadong maingay ang aso. Ngunit hindi ako ang magpapatahimik sa iyo.”

Kumunot ang noo ni Kiko. Bago pa siya makapagtanong ay may narinig siyang mga yabag mula sa madilim na bahagi ng kawayanan. Mga yabag na banayad at tila sumasayaw sa gitna ng bagyo.

Lumingon si Kiko. Mula sa dilim ay may isang aninong naglalakad palapit sa kanila. Dahil sa lakas ng ulan at dilim ng gabi ay hindi niya maaninag ang mukha nito. Nakasuot ito ng isang malaking kapote na nagtatago sa kabuuan ng katawan nito.

“S-sino iyan?!” kinakabahang tanong ni Kiko. Umasa ang kaniyang isip na baka mga tanod iyon na nagpapatrolya o baka may taong makapagliligtas sa kaniya. “Tulong! Tulungan mo ako!”

Ngunit hindi tumakbo ang pigura para iligtas siya. Sa halip ay tuloy-tuloy itong naglakad hanggang sa tumabi ito kay Roman. Dahan-dahang hinawakan ni Roman ang baywang ng dumating at ipinatong ang kaniyang baba sa balikat nito na tila isang naglalambing na asawa.

““Heto na ang asong pilit kumakahol sa bakuran natin mahal,” malambing na bulong ni Roman habang iniaabot ang hawak na itak sa taong nakakapote. “Parusahan mo na.”

Nanigas ang buong katawan ni Kiko nang abutin ng isang manipis na kamay ang itak. At kasabay ng isang malakas na kulog ay biglang kumawala ang isang tawa mula sa taong nasa harapan niya.

Hindi iyon boses ng isang lalaki. Isa itong matinis at malanding halakhak ng isang babae na tuwang-tuwa sa kaniyang nakikita.

Dahan-dahang ibinaba ng pigura ang hood ng kaniyang kapote. At nang masinagan ng kidlat ang mukha ng taong nasa harapan niya ay halos lumuwa ang mga mata ni Kiko sa matinding gulat at kilabot.

“Ikaw…” nanginginig at umiiyak na bulong ni Kiko. Halos hindi niya maramdaman ang sarili niyang katawan. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. “Putangina… P-paanong… Sino ka?!”

Mas lalong lumapad ang nakakabaliw na ngiti ng taong nasa harapan niya. Tumingala ito sa langit at sinalo ang patak ng ulan bago muling tumitig kay Kiko nang may nag-aapoy na galit at uhaw sa dugo.

“Nakakaawa ka naman bata,” malambing ngunit nakakalasong boses ang lumabas mula sa bibig nito habang dahan-dahang inihahagod ang daliri sa matalim na talim ng itak. “Masyado kang naging usisero. Ako si Isabela. At ayoko sa mga asong maingay.”

Bago pa makasigaw si Kiko para humingi ng saklolo ay mabilis na itinaas ni Isabela ang itak at buong lakas na ibinaon iyon sa leeg ng biktima. Sumambulat ang mainit at malapot na dugo. Napahawak si Kiko sa kaniyang leeg habang umuubo ng dugo. Pilit siyang sumisigaw ngunit tanging garalgal na tunog lang ang lumalabas sa kaniyang lalamunan.

Tumayo si Isabela at tumawa nang malakas habang pinapanood ang pangingisay ng anak ng Kapitan. Walang tigil ang kaniyang halakhak sa ilalim ng ulan na tila ba isa itong napakagandang musika. Tinabihan siya ni Roman at tahimik nilang pinanood na malagutan ng hininga si Kiko sa paanan nila. Sila ang tunay na halimaw ng San Roque.

(Kasalukuyan)

“Lester tahan na,” bulong ko habang pinupunasan ang kaniyang mga luha sa loob ng aking tindahan. “Umalis na sila. Nandito na ako.”

Umiyak nang umiyak si Lester sa aking balikat habang nanginginig ang kaniyang buong katawan. Pilit ko siyang kinakalma nang biglang mabasag ang katahimikan ng umaga.

Isang malakas at makadurog-pusong palahaw ang umalingawngaw mula sa direksyon ng sapa. Boses iyon ng Kapitan. Punong-puno ito ng sakit at paghihinagpis na tila ba pinupunit ang kaniyang kaluluwa.

“Diyos ko!” sigaw ni Lester. Mabilis siyang bumitaw sa akin at nanlalaki ang mga matang tumingin sa labas ng bintana. “Elias narinig mo ba iyon? Nahanap na nila!”

Dumagsa ang mga tao mula sa kani-kanilang bahay. Ang mga kapitbahay naming kanina ay nagkukulong dahil sa takot ay biglang nagtakbuhan palabas papunta sa palayan. Kahit nanginginig ang aking mga tuhod ay hinila ko si Lester at sumunod kami sa agos ng mga tao. Kailangan kong makita. Kailangan kong malaman kung gaano kalinis gumawa ng krimen ang halimaw na naglalaro dito sa San Roque.

Pagdating namin sa sapa ay halos hindi kami makapasok dahil sa dami ng mga usyosero. May mga pulis na pilit itinataboy ang mga tao palayo ngunit nangingibabaw ang pagwawala ng Kapitan.

Sumiksik ako sa gitna ng umpukan hanggang sa makarating ako sa unahan. At doon ay tumambad sa akin ang isang karumal-dumal na eksena.

Nakaluhod ang Kapitan sa gitna ng putikan habang yakap-yakap ang walang buhay na katawan ng kaniyang anak. Basang-basa ng putik at dugo ang damit ni Kiko. Ang kaniyang leeg ay may malaking hiwa na halos maghiwalay sa kaniyang ulo at katawan. Ang kaniyang mga mata ay mulat na mulat na nagpapakita ng sukdulang takot bago siya tuluyang mamatay.

Napasigaw ang mga babae sa paligid. May mga umiyak at may mga nagsuka dahil sa tindi ng hitsura ng bangkay.

Napahawak ako nang mahigpit sa braso ni Lester. Ang dibdib ko ay parang puputok sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pilit kong tiningnan nang maigi ang bangkay ni Kiko ngunit sa halip na awa ay isang matinding kirot ang biglang sumaksak sa aking sintido.

Napapikit ako nang mariin habang pilit na pinipigilan ang pag-akyatan ng aking sikmura. Ang sobrang pagod at matinding takot mula kagabi ay tila bumabalik para singilin ang aking katawan. Isang nakakabinging ugong ang pumuno sa aking mga tainga kasabay ng matinding pag-ikot ng aking paningin. Pakiramdam ko ay may isang mabigat na martilyo na pilit binabasag ang aking bungo mula sa loob.

Napadilat ako nang mabilis. Naghahabol ako ng hininga at pilit na kinakapa ang sarili kong katinuan. Nababaliw na siguro ako sa stress. Masyado nang marami ang namamatay sa paligid ko.

“Elias namumutla ka,” nag-aalalang bulong ni Lester habang inaalalayan ako dahil halos bumagsak na ako sa putikan. “Umuwi na tayo teh. Hindi mo kaya ang nakikita mo.”

Hindi ako makasagot. Pilit kong nilalabanan ang pagkahilo ko. Luminga-linga ako sa paligid para maghanap ng hangin ngunit sa halip na tulong ay iba ang tumambad sa aking paningin.

Sa kabilang dulo ng sapa sa itaas ng mabatong bahagi ay nakatayo si Roman.

Wala siyang pakialam sa mga pulis o sa nagwawalang Kapitan. Nakapamulsa lamang siya habang diretso at walang kurap na nakatingin sa akin. Ang kaniyang mga mata ay madilim at punong-puno ng isang malagim na sikreto. At habang nagkakatitigan kami sa gitna ng nagkakagulong mga tao ay dahan-dahan siyang ngumiti. Isang malamig na ngiti na nagpatindig ng lahat ng balahibo ko sa katawan.

Bumigkas siya ng tatlong salita na kahit walang tunog ay malinaw kong nabasa mula sa kaniyang mga labi.

Para sa iyo.

Nanlamig ang buong katawan ko. Para sa akin? Pinatay niya si Kiko para sa akin?

Mabilis na nagdugtong ang mga pangyayari sa aking utak. Nakita ni Roman si Kiko na pumasok sa bahay ko kagabi kaya niya ito kinaladkad palabas sa gitna ng bagyo. Pinatay niya ang anak ng Kapitan hindi lang dahil sa galit kundi dahil gusto niyang patunayan na walang sinuman ang pwedeng lumapit sa akin nang buhay.

Isang bagay ang naging malinaw sa akin habang nakatitig sa nakangiting demonyo sa kabilang sapa. Hindi lang ito isang simpleng patayan sa San Roque. Ang magsasakang ito ay isang halimaw na handang magpaulan ng dugo para lang tuluyan akong maangkin. At habang buhay ako ay wala nang sinuman ang magiging ligtas sa paligid ko.

KABANATA 26

(Bago mawala si Rafael)

Ang malamig na hangin sa sapa ay nagdadala ng amoy ng tuyong dahon at lumang putik. Ito ang paboritong tambayan ni Isabela tuwing gabi. Tahimik at walang nakakakita sa mga madidilim na lihim na pilit itinatago sa ilalim ng lupa.

Ngunit nang gabing iyon ay hindi siya nag-iisa.

“Matagal ko nang alam ang ginagawa mo Isabela,” matigas at galit na bulyaw ni Rafael habang nakatayo ilang hakbang mula sa kaniya. “Akala mo ba ay nakalimutan ko na ang mga nakita ko tatlong taon na ang nakalilipas? Nakita ko kung anong ginawa niyo ni Roman sa asawa niya. Nakita ko kung paano niyo siya pinatay.”

Ngumiti lamang si Isabela. Isang malandi at nakakakilabot na ngiti na hindi umaabot sa kaniyang mga mata. Humakbang siya palapit sa binata habang dahan-dahang pinaglalaruan ang isang malaking bato sa kaniyang manipis na kamay.

“Nagseselos ka ba Rafael?” malambing na pang-aasar ni Isabela. “Bumalik ka ba rito sa San Roque matapos ang tatlong taon dahil hindi mo matanggap na mas pinili ko ang isang magsasaka kaysa sa iyo?”

“Baliw ka!” sigaw ni Rafael habang nakakuyom ang mga kamao. Ang kaniyang mga mata ay puno ng pinaghalong takot at desperasyon. “Gusto lang kitang iligtas mula sa hayop na iyan! Sumama ka na sa akin pabalik ng Maynila. Iiwan natin ang lugar na ito. Dahil kung hindi ka sasama ay isusumbong ko kayo kay Kapitan. Sasabihin ko sa lahat kung anong klaseng mga demonyo kayo!”

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Isabela. Hindi na nakasagot si Rafael dahil mabilis na umikot si Isabela at buong lakas na inihampas ang hawak na bato sa gilid ng ulo ng binata.

Tunog ng nabasag na buto ang umalingawngaw sa tahimik na sapa. Napadaing si Rafael at bumagsak sa maputik na lupa habang umaagos ang masaganang dugo mula sa kaniyang ulo.

Susubukan pa sanang gumapang ni Rafael ngunit biglang lumabas mula sa dilim ng kawayanan si Roman. Walang pag-aalinlangang tinapakan ng magsasaka ang likod ni Rafael para tuluyan itong isalampak sa putikan.

“Tapusin mo na mahal,” malambing na utos ni Isabela habang nakatingin sa naghihingalong biktima. Ang kaniyang mga mata ay kumikislap sa matinding tuwa.

Walang imik na hinugot ni Roman ang kaniyang matalim na itak at tinapos ang ingay ni Rafael. Tumalsik ang mainit na dugo sa mga dahon ng halaman at sa putikan.

“Itago mo ang lahat ng gamit at ang katawan niya sa pinakamalalim na bahagi ng kakahuyan,” nakangiting utos ni Isabela habang pinupunasan ang tumalsik na dugo sa kaniyang makinis na pisngi. “Ibaon mo nang maayos. Walang sinuman ang maghahanap sa kaniya roon. Walang bangkay na lilitaw kaya walang pruweba ang mga pulis para magduda.”

Tumango si Roman at sinimulang kaladkarin ang walang buhay na katawan ni Rafael papasok sa masukal at madilim na gubat ng San Roque.

(Kasalukuyan)

“Elias umuwi na tayo teh,” nanginginig na bulong ni Lester habang pilit akong hinihila palayo sa nagkakagulong mga tao sa sapa. “Hindi mo kaya ang nakikita mo.”

Hindi ako makasagot. Ang paningin ko ay nakapako pa rin sa kabilang dulo ng sapa kung saan kanina ay nakatayo si Roman. Ang kaniyang mga labi ay nag-iwan ng isang mensahe na hindi ko matanggal sa aking isipan.

Para sa iyo.

Pinatay niya si Kiko para sa akin. Pumatay siya ng tao para patunayan ang kaniyang pag-angkin sa aking buhay.

Halos kaladkarin na ako ni Lester pabalik sa aming kalsada dahil sa panghihina ng aking mga tuhod. Habang naglalakad kami palayo sa sapa ay parang sasabog na ang utak ko sa dami ng tumatakbo rito.

Mga baliw na kayo, umiiyak na bulong ko sa aking sarili habang pilit na humahabol sa lakad ng kaibigan ko. Putangina. Bakit niya kailangang gawin ito? Bakit kailangang may mamatay para lang sa akin? Alam kong may gusto siya sa akin at alam kong inangkin na ako ng lalaking iyon pero hindi ko inakalang aabot sa ganitong kabaliwan ang lahat. Handa siyang magpaulan ng dugo huwag lamang akong mahawakan ng iba.

Nang makarating kami sa tapat ng aming mga bahay ay doon ko lang muling naramdaman ang pagbalik ng aking lakas. Humiwalay ako sa pagkakakapit kay Lester at mabilis ko siyang itinulak papasok sa kaniyang sariling bakuran.

“Pumasok ka na Lester at i-lock mo ang lahat ng pinto niyo,” humahangos na utos ko. “Huwag kang lalabas at huwag kang magsasalita sa mga pulis kapag may nagtanong. Naiintindihan mo ba?”

Tumango si Lester habang umiiyak bago tuluyang nagtago sa loob ng kanilang bahay.

Pagpasok ko sa aking sariling tahanan ay mabilis kong isinara at kinandado ang mga pinto at bintana sa unahan. Pilit kong kinakalma ang aking sarili ngunit ang tibok ng aking puso ay sobrang bilis. Kailangan ko ng tubig. Nauuhaw ako at pakiramdam ko ay sinusunog ang aking lalamunan sa sobrang kaba.

Pumunta ako sa sala at napadausdos pababa sa sahig. Isinandal ko ang aking likod sa malamig na pader at ipinikit ang aking mga mata. Kailangan kong magpahinga. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko at kumbinsihin ang aking isip na manatiling tahimik para hindi ako madamay sa anumang imbestigasyon ng mga pulis mamaya.

Krrrrk. Kshhh. Krrrrk. Kshhh.

Napamulat ako. Ang pamilyar na tunog ng lumang poso.

Kusa nang gumalaw ang mga paa ko. Kahit gaano pa ako kapagod ay parang may sariling isip ang katawan ko habang dahan-dahan akong tumayo at naglakad palapit sa bintana ng aking kwarto. Masyadong magkalapit ang mga bahay namin. Isang mababang bakod na kawayan lang ang namamagitan sa aming dalawa at halos tatlong metro lang ang layo ng poso nila mula sa mismong bintana ng kwarto ko. Kaya naman kahit medyo madilim pa ang umaga ay sobrang linaw sa paningin ko ng lahat.

Kaunting awang lang ang ginawa ko sa bintana na sapat na para makasilip ako nang hindi napapansin.

Sa ibaba sa kabilang bakod kung saan naroon ang poso ay naroon siya.

Naliligo si Roman. Ngunit hindi tulad ng ordinaryong araw ay wala siyang kahit anong suot. Hubad na hubad ang biyudo. Wala siyang brief o kahit anong nakatakip sa kaniyang ibaba. Ang malamig na tubig mula sa poso ay masaganang dumadaloy sa kaniyang malalapad na balikat pababa sa kaniyang matipunong dibdib at sa kaniyang matitigas na abs.

Dahil sobrang lapit lang ng poso ay kitang-kita ko ang bawat kurba at ang nag-uumapaw na maskulinidad ng magsasaka. Ang tubig ay kumikislap sa kaniyang kayumangging balat habang dahan-dahan niyang isinasabon ang kaniyang matitigas na braso at malalaking hita. Ang kaniyang pagkalalaki ay mabigat at nakabalandra sa hangin. Ang bawat galaw ng kaniyang mga kalamnan ay tila sumasayaw habang nagbuhos siya ng malamig na tubig sa kaniyang ulo gamit ang isang lumang tabo.

Alam kong dapat akong matakot. Alam kong dapat akong umiwas ng tingin at tumakbo palayo dahil ang lalaking ito ang pumatay sa anak ng Kapitan ilang oras pa lamang ang nakalilipas. Siya ay isang demonyong may bahid ng sariwang dugo ang mga kamay.

Ngunit hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata.

Sa halip na matinding takot ay isang kakaiba at nag-aapoy na init ang biglang gumapang sa aking ibaba. Isang matinding pagnanasa na pilit kong itinatago ay biglang kumawala at sumabog sa aking sistema. Pinanood ko kung paano niya haplusin ang sarili niyang katawan. Napakagat ako sa aking ibabang labi habang pinagmamasdan ang kaniyang kabuuan. Ang aking hininga ay naging mabigat at ang aking isip ay tuluyang nilamon ng isang malandi at maruming pantasya.

Napasandal ako sa gilid ng bintana habang dahan-dahang ibinababa ang isa kong kamay patungo sa aking sariling ibaba. Pinisil ko ang aking sarili sa ibabaw ng aking pantalon. Wala na akong pakialam sa mga pulis o sa bangkay sa sapa. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay maramdaman ang init at bigat ng kaniyang katawan sa ibabaw ko. Gusto kong matikman ang maaskad at natural na amoy ng isang tunay na lalaki.

Biglang tumigil si Roman sa pagsasabon. Lumingon siya nang diretso sa aking bintana.

Nahuli niya akong nakatitig sa kaniyang hubad na katawan. Ngunit sa halip na magulat o magtago ay unti-unting gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi. Alam niyang nakatingin ako. Alam niyang pinagnanasaan ko ang kaniyang katawan sa kabila ng pagiging halimaw niya.

Mas lalo niyang inilantad ang kaniyang sarili sa aking paningin. Itinaas niya ang kaniyang kamay at dahan-dahang pinadaanan ng kaniyang mga daliri ang kaniyang basang buhok. Ibinaba niya ang isa niyang kamay sa kaniyang pagkalalaki at dahan-dahan itong hinaplos habang hindi inaalis ang madilim at mapang-akit niyang titig sa akin.

Napasinghap ako at napapikit sa sobrang kalibugan na umaapaw sa aking katawan. Ang takot na naramdaman ko kanina sa sapa ay tuluyan nang napalitan ng isang mapanganib at nakakabaliw na pagnanasa. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Ang utak ko ay sumisigaw ng panganib ngunit ang buong katawan ko ay kusang nag-iinit at bumibigay para sa isang demonyo.

Patuloy ko siyang pinanood habang nilalaro niya ang kaniyang sarili sa ilalim ng poso. Bawat hagod niya ay parang kuryenteng tumatagos sa aking kalamnan hanggang sa pareho naming marating ang sukdulan ng aming mga pantasya. Napakagat ako nang mariin sa aking daliri para lamang pigilan ang ungol na pilit kumakawala sa aking lalamunan.

Nang matapos siya ay binigyan niya ako ng isang huling mapanuksong ngiti bago siya tumalikod para magbihis.

Napadausdos ako pababa sa sahig ng aking kwarto. Naghahabol ako ng hininga habang nanginginig ang buong katawan ko. Basang-basa ako ng sarili kong pawis at pagnanasa. Paano ko nagawang masarapan habang pinapanood ang lalaking pumatay kay Kiko? Nababaliw na ba talaga ako? Kinakain na ba ng San Roque ang aking matinong isipan?

Bago pa ako makabawi mula sa matinding kalibugan ay narinig ko ang malalakas at mararahas na katok sa pintuan sa harap ng aking tindahan.

“Elias! Lumabas ka riyan!”

Isang malaking boses ang umalingawngaw. Hindi iyon si Gabriel o si Lester. Boses iyon ng mga barangay tanod.

Mabilis akong tumayo at pinunasan ang pawis sa aking mukha. Inayos ko ang aking damit at pilit na itinago ang katotohanang katatapos ko lamang pagpantasyaan ang demonyo ng aming nayon. Huminga ako nang malalim at naglakad patungo sa tindahan para tanggalin ang trangka ng pinto.

Bumulaga sa akin ang tatlong tanod na may mga hawak na batuta. Seryoso at madilim ang kanilang mga mukha.

“Sumama ka sa amin sa bahay ni Kapitan,” matigas na utos ng pinuno ng mga tanod. “Ipinapatawag niya ang lahat ng mga taong huling nakakita kay Kiko bago ito pinatay. Nandoon na rin ang kaibigan mong si Lester.”

Nanlamig ang buong katawan ko. Kinuha na nila si Lester.

Ang init ng pagnanasa ko kanina ay biglang naglaho at napalitan ng matinding takot. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila. Ang araw ng paniningil ay nagsisimula na at hindi ko alam kung paano ko ililigtas ang aking sarili nang hindi ibinubunyag ang mga lihim na itinatago ng aking sirang isipan.

KABANATA 27

Mabigat ang bawat hakbang ko habang naglalakad kami sa gitna ng kalsada ng San Roque. Pinalilibutan ako ng tatlong barangay tanod na may mga hawak na batuta. Ramdam na ramdam ko ang mga mapanuring tingin ng mga kapitbahay mula sa kani-kanilang mga bintana at pintuan. Ang mga taong dati ay bumibili lang ng kendi at kape sa aking tindahan ay ngayon nakatitig sa akin na parang isang mamamatay-tao.

Ang nayon na dati ay tahimik ay naging isang malaking kulungan na nag-aabang kung sino ang isusunod na isasakripisyo.

Pagdating namin sa malaking bahay ni Kapitan ay bumungad sa akin ang isang napakagulong eksena. Umiiyak nang malakas ang asawa ni Kapitan sa isang sulok ng malawak na sala habang inaalalayan ng ilang mga kamag-anak. Sa kabilang gilid ay nakayuko at nanginginig ang buong katawan ni Lester. Namumutla ang matalik kong kaibigan at halatang kanina pa pinaiyak ng matinding takot.

Ngunit ang mas nakapagpatindig ng aking balahibo ay ang taong nakasandal sa hamba ng pintuan malapit sa kusina ng Kapitan.

Si Gabriel.

Tahimik lamang siyang nakamasid sa lahat habang pinaglalalaruan ang kaniyang silver na lighter. Nang magtama ang aming mga paningin ay isang tipid at mapanuksong ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. Alam niya na nagsisimula na ang kalbaryo ko at mukhang tuwang-tuwa siyang manood mula sa gilid.

“Ikaw!” galit na bulyaw ni Kapitan nang makita niya akong pumasok.

Mabilis siyang lumapit at dinuro ang aking mukha. Ang kaniyang mga mata ay namumula sa matinding paghihinagpis at nag-aapoy na galit. Kung wala lang sanang mga pulis na nakaharang ay malamang sinakal na niya ako.

“Sa bahay mo huling nakita ang anak ko Elias! At sa bahay mo rin huling nakita ang nawawala kong pamangkin na si Rafael! Kasabwat ka ba ng hayop na pumapatay sa nayong ito?!”

“Wala po akong alam Kapitan,” umiiyak na sagot ko habang dahan-dahang umaatras. Pilit kong itinatago ang matinding kaba na bumabalot sa aking dibdib. “Natutulog po ako kagabi nang bumagyo. Wala po akong nakita o narinig na kahit na anong kaguluhan!”

“Sinungaling!”

Isang malakas na boses ang sumabat mula sa gilid ng sala. Napalingon kaming lahat. Mula sa anino ay lumabas ang hepe ng mga pulis mula sa bayan. May inilapag siyang isang pamilyar na bagay sa ibabaw ng malaking lamesa ni Kapitan.

Isang pirasong tsinelas. Ang malinis kong tsinelas na pilit itinanim sa ilalim ng aking lababo kagabi.

“Nakuha namin iyan sa ilalim ng lababo ng kusina mo Elias,” malamig na balita ng hepe habang tinuturo ang ebidensya. “May nagbigay sa amin ng tip kanina na halughugin ang mga nakatagong gamit sa bahay mo. Nilinis mo iyan pero malinaw na amoy putik at may bakas pa rin ng dugo ang swelas. Bakit mo itinatago iyan kung wala kang kinalaman sa krimen?”

Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Tiningnan ko ang tsinelas at pagkatapos ay nilingon ko si Gabriel. Nandoon pa rin ang mapanuksong ngiti sa kaniyang mga labi. Siya ang nagbigay ng tip sa mga pulis. Siya ang nagturo sa tsinelas na sadyang itinanim para idawit ako sa madugong gulo ng San Roque.

Sa paningin ng lahat ay ako ang nagtatago ng ebidensya. Umiyak nang malakas si Lester at mabilis na lumuhod sa harapan ng hepe.

“Wala po kaming alam diyan! Maawa po kayo hepe hindi po magagawa ni Elias iyan! Baka po may ibang taong naglagay niyan sa bahay niya!” nagmamakaawang sigaw ng kaibigan ko.

“Kung hindi siya ang pumatay ay malamang pinagtatakpan niya ang totoong halimaw!” sigaw ni Kapitan habang pilit na inaabot ang kwelyo ko. “Sabihin mo sa akin kung sino ang pumapatay sa San Roque Elias! Sabihin mo kung nasaan ang mga katawan nila!”

Kailangan kong mag isip nang mabilis. Kung ituturo ko si Roman ay paniguradong papatayin ako ng magsasaka bago pa man ako makarating sa kulungan. Kung si Gabriel naman ang pagbibintangan ko na nagtanim ng ebidensya ay alam kong mas lalo lamang niya akong idiin. Kaya niyang baliktarin ang kwento. Kung aakuin ko naman ang kasalanan ay mabubulok ako sa presinto habang malayang naglalakad ang mga totoong demonyo.

“Hindi sa akin iyan,” nanginginig na tanggi ko habang pilit na umaatras. Pinalabas ko ang pinakakaawa-awang iyak na kaya kong gawin. “May pumasok sa bahay ko kagabi habang wala akong malay. May ibang taong nagsuot niyan para idiin ako! Biktima lang din po ako rito!”

Tumawa nang mapakla ang hepe ng mga pulis. Hindi siya naniniwala sa mga luha ko. “Palusot ng mga kriminal. Matagal na kaming nakakahuli ng mga taong tulad mo na magaling magkunwaring inosente. Posasasan niyo na ang dalawang iyan at dalhin na sa presinto sa bayan para maimbestigahan nang maayos.”

Akmang lalapitan na kami ng dalawang pulis na may hawak na posas. Sumigaw si Lester at nagpupumiglas habang pilit akong niyayakap para protektahan ako. Napapikit ako nang mariin. Ito na ba ang katapusan ko? Makukulong ba ako nang dahil sa kabaliwan ng magsasakang iyon?

Ngunit bago pa man dumampi ang malamig na bakal sa aking mga pulso ay nakarinig kami ng isang napakalakas na kalabog mula sa labas ng malaking gate ni Kapitan.

Isang nakakabinging katahimikan ang biglang bumalot sa buong sala. Huminto ang mga pulis. Tumigil sa pag-iyak ang asawa ni Kapitan. Lahat ay napalingon sa direksyon ng kalsada.

Bumukas ang pinto ng sala at pumasok ang isang barangay tanod na namumutla at nanginginig ang mga tuhod. Halos hindi makapagsalita ang lalaki sa matinding takot.

“Kapitan… si Roman po. Nasa labas ng gate natin.”

Nanlamig ang buong katawan ko. Pati ang hepe ng mga pulis ay napatigil. Kilala ng buong bayan ang magsasakang biyudo at alam nilang hindi ito basta-basta umaalis sa kaniyang bakuran lalo na sa ganitong oras ng umaga.

“Anong kailangan niya?” matigas na tanong ni Kapitan bagaman halata ang kaba sa kaniyang boses.

“May hawak po siyang itak Kapitan. Hinahanap niya si Elias.”

Nagkatinginan ang mga pulis. Mabilis nilang inilabas ang kanilang mga baril mula sa baywang. Lumabas si Kapitan patungo sa beranda at sumunod kaming lahat. Kahit nanginginig ang aking mga binti ay sumilip ako mula sa likuran ng hepe.

Nakatayo si Roman sa gitna ng maputik na kalsada sa mismong tapat ng malaking gate.

Wala siyang pakialam sa dami ng mga pulis at tanod na may nakatutok na baril sa kaniya. Wala siyang suot na pang-itaas at ang kaniyang matipunong dibdib ay kumikinang sa ilalim ng araw. Ang kaniyang mga mata ay madilim, walang emosyon, at nakapako lamang sa akin. Hawak niya ang kaniyang mahaba at matalim na itak sa kaniyang kanang kamay habang ang mga patak ng putik ay nakadikit sa kaniyang pantalon.

“Ibalik niyo sa akin ang tao ko,” malamig at garalgal na utos ni Roman. Ang bawat salita niya ay tila nagpapayanig sa hangin at nagpapatigil sa paghinga ng lahat ng nakakarinig.

“Wala kang karapatang manghimasok dito Roman!” matapang na sigaw ng hepe habang nakatutok ang baril sa dibdib ng magsasaka. “Suspek siya sa pagpatay sa anak ng Kapitan at sa pagkawala ng dalawang binata! Wala kang magagawa para iligtas siya!”

Dahan-dahang itinaas ni Roman ang kaniyang itak at itinuro ito nang diretso sa hepe. Isang mapanganib at pilyong ngisi ang gumuhit sa kaniyang mga labi.

“Wala kayong warrant of arrest,” kalmadong sagot ng biyudo. Ang kaniyang boses ay tila isang nakakalasong musika sa gitna ng tensyon. “Hindi niyo pwedeng ikulong ang isang tao dahil lang sa isang lumang tsinelas na pinulot niyo mula sa ilalim ng lababo. Circumstantial evidence ang tawag diyan hepe. Walang kwenta sa korte.”

Nagulat ang lahat. Hindi nila inaasahan na alam ng isang simpleng magsasaka ang batas. Kahit ako ay napanganga.

“At paano mo nalaman ang tungkol sa ebidensya?” nanginginig na tanong ni Kapitan.

“Dahil kasama ko siya buong gabi,” malamig na pag-amin ni Roman. Ang kaniyang mga mata ay hindi inaalis sa akin. “Natutulog siya sa tabi ko sa loob ng kwarto ko noong kasagsagan ng bagyo hanggang kaninang umaga. Kaya imposibleng lumabas siya para pumatay ng tao. Kung may pumatay man ay sadyang nagtanim lang sila ng ebidensya sa bahay niya para iligaw kayo.”

Nag-umpisang magbulungan ang mga tanod. Namutla si Lester sa tabi ko. Alam ng lahat ng tao sa paligid na umaako ng alibi si Roman para iligtas ako. Isang alibi na hinding-hindi mababasag ng mga pulis dahil walang sinuman ang nakakita sa akin sa labas kagabi.

Ibinaba ng hepe ang kaniyang baril. Pilit niyang pinipigilan ang inis dahil alam niyang tama ang batas na sinabi ng magsasaka. Wala silang sapat na hawak para tuluyan akong ikulong lalo na at may isang taong nagpapatunay na hindi ako lumabas ng bahay.

“Pakawalan niyo siya,” utos ng hepe sa mga pulis na nakahawak sa akin.

Dahan-dahan akong naglakad palabas ng gate kasunod si Lester na patuloy parin sa paghikbi. Nanginginig ang aking mga tuhod habang papalapit ako sa lalaking pumatay sa mga tao sa nayon na ngayon ay siya ring mismong nagligtas sa akin mula sa kulungan.

Nang makalapit ako ay marahas niyang hinawakan ang aking baywang at inilapit ako sa kaniyang matigas na katawan. Naamoy ko ang sariwa at malamig na tubig mula sa poso na humalo sa matapang na amoy ng kaniyang panligong sabon… ngunit hindi nito nabawasan ang nakakakilabot at barako niyang presenya.

Tiningnan ni Roman si Lester nang matalim kaya napaatras ang kaibigan ko sa sobrang takot.

“Umuwi na tayo,” pabulong na utos niya bago niya ako inalalayan maglakad palayo sa bahay ni Kapitan.

Habang naglalakad kami sa kalsada pabalik sa aming bakuran ay ramdam ko pa rin ang mga mata ng lahat ng tao na nakatitig sa aming likuran. Tahimik kaming dalawa ngunit bago pa kami makarating sa tapat ng aking tindahan ay inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga.

“Iniligtas kita ngayon Elias,” garalgal at malamig na bulong ni Roman na nagpatayo sa lahat ng aking balahibo. “Ngunit sana ay alam mo na ang buhay mo ngayon ay utang mo na sa akin. At sisingilin ko iyan gabi-gabi hanggang sa huling patak ng hininga mo.”

KABANATA 28

Ang malamig na bulong ni Roman sa aking tainga ay nag-iwan ng matinding panginginig sa buong sistema ko. Hindi iyon isang simpleng banta. Isa itong pangako mula sa isang demonyong handang maningil ng utang.

Pagpasok namin sa aming kalsada ay inasahan kong dadalhin niya ako pabalik sa aking tindahan para makapagpahinga. Ngunit humigpit ang hawak niya sa aking baywang at marahas niya akong iniliko patungo sa direksyon ng kaniyang sariling bahay.

“Roman,” kinakabahang tawag ko habang pilit na humahabol sa malalaki niyang hakbang. “Uuwi na ako sa bahay ko. Tanghali na at kailangan kong magbukas ng tindahan.”

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nang makarating kami sa tapat ng kaniyang pinto ay binuksan niya ito gamit ang isang kamay habang ang isa niyang braso ay mahigpit na nakapulupot sa akin. Pagkapasok namin sa loob ng kaniyang sala ay mabilis niyang isinara ang pinto at ibinaba ang isang malaking bakal na trangka. Isang malakas na tunog ng bakal ang umalingawngaw sa tahimik na bahay na tila nagsasabing wala na akong kawala.

Ito ang pangalawang beses na pumasok ako sa bahay ng biyudo. Ang una ay noong nagdala ako ng ginataan sa kaniyang kusina ngunit ngayon ay tuluyan na niya akong dinala sa pinakaloob ng kaniyang teritoryo. Amoy na amoy ko ang pinaghalong usok ng tabako, lumang kahoy, at matapang na amoy ng lalaki sa loob ng kaniyang sala. Nakasara ang lahat ng bintana kaya madilim ang paligid at tanging ang sikat ng araw mula sa maliliit na siwang ng dingding ang nagbibigay ng liwanag sa aming dalawa.

“Sabi ko uuwi na ako,” nanginginig na pag-uulit ko. Pilit kong itinulak ang kaniyang matigas na dibdib ngunit hindi man lang siya natinag.

Humarap siya sa akin. Ang kaniyang mga mata ay nagbabaga sa kabila ng madilim na silid.

“Nakalimutan mo na ba agad ang sinabi ko Elias?” mababa at paos na tanong niya. Hinawakan niya ang aking baba at pilit na iniangat ang aking mukha para salubungin ang kaniyang mga mata. “Iniligtas kita mula sa mga pulis at sa batas ng mga tao sa labas. Kung hindi dahil sa akin ay nakaposas ka na ngayon at nabubulok sa selda. Utang mo sa akin ang kalayaan mo. Utang mo sa akin ang buhay mo.”

Bago pa ako makasagot ay isinubsob niya ang kaniyang mukha sa aking leeg. Walang lambing at walang pag-iingat. Kinagat niya nang madiin ang aking balat eksakto sa lumang pasa na ginawa niya ilang araw na ang nakalilipas. Napasigaw ako sa sakit ngunit mabilis niyang sinalo ang aking mga labi ng isang marahas at maparusang halik.

Nalasahan ko ang kaniyang kalibugan at ang kaniyang matinding pag-aangkin. Ang kaniyang dila ay sapilitang pumasok sa aking bibig na tila ba hinuhukay ang lahat ng hininga ko. Napakapit ako nang mahigpit sa kaniyang malalapad na balikat. Gusto kong pumalag ngunit ang totoo ay sabik na sabik din ang katawan ko sa init ng magsasakang ito.

Walang-awang pinunit ni Roman ang suot kong manipis na t-shirt. Narinig ko ang malakas na pagwasak ng tela. Inihagis niya iyon sa sahig at mabilis na kinapa ng kaniyang magagaspang na kamay ang aking dibdib. Bawat haplos niya ay nag-iiwan ng apoy sa aking balat.

Binuhat niya ako nang walang kahirap-hirap at dinala papasok sa kaniyang kwarto. Ibinagsak niya ako sa ibabaw ng kaniyang malaking kawayang papag. Matigas ito at walang kutson, tanging isang makapal na banig lamang ang nakalatag, ngunit ang mga unan at kumot ay amoy na amoy ang kaniyang barakong pabango.

Hubad na ang itaas ni Roman at sa isang mabilis na galaw ay tinanggal niya ang kaniyang sinturon at ibinaba ang kaniyang pantalon. Tumambad sa akin ang kaniyang galit na galit at maugat na kargada. Kumikinang ito sa mainit na singaw ng tanghali dahil sa pamamasa at sa tindi ng kaniyang pagnanasa.

Hinatak niya ang aking mga binti at marahas na hinubad ang aking pantalon kasama ng aking underwear. Wala na siyang sinayang na oras. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong maghanda.

Hawak ang aking magkabilang hita ay ibinaon ni Roman ang kaniyang sarili nang sagad at buo sa aking pagkatao sa iisang malakas na bayo.

“Ahhh! Roman!” umiiyak na sigaw ko. Napaarko ang aking likod sa pinaghalong matinding sakit at nakakapasong sarap.

“Umiyak ka,” garalgal na utos niya habang sinisimulang bayuhin ang aking katawan nang mabilis at malakas. “Ipakita mo sa akin kung gaano ka kasabik. Ipakita mo sa akin na ako lang ang kayang bumasag sa iyo nang ganito. Sabihin mo kung sino ang nagmamay-ari sa iyo.”

Ang kawayang papag ay malakas na lumalagitgit sa bawat pagdiin ng kaniyang mabigat na katawan. Pinupuno niya ako nang sagad na sagad. Ang kaniyang mga kamay ay gumapang papunta sa aking leeg at mahigpit itong hinawakan habang patuloy siya sa pag-angkin sa akin. Hindi siya nananakal ngunit ang bigat ng kaniyang palad ay nagpaparamdam sa akin ng buong kontrol niya.

Napaluha ako sa sobrang sarap. Bawat hagod niya ay tumatagos hanggang sa aking utak. Nawala ang takot ko sa kulungan at ang malaking banta kina Kapitan. Ang tanging alam ko lang sa mga sandaling ito ay ang demonyong nasa ibabaw ko na walang-awang winawasak ang aking katinuan.

“Roman… isagad mo pa… akin ka,” malanding ungol ko sa pagitan ng paghahabol ko ng hininga.

Tila mas lalong nag-init ang dugo ng magsasaka nang marinig ang pangalan niya. Mas binilisan niya ang pagbayo hanggang sa maramdaman ko ang matinding panginginig ng kaniyang mga kalamnan. Isang napakalakas at paos na ungol ang kumawala sa kaniyang lalamunan nang tuluyan niyang ibuhos ang kaniyang sarili sa loob ko.

Sumabog din ang aking katawan sa matinding sarap at nabasa ang aking tiyan ng sarili kong katas. Bumagsak si Roman sa ibabaw ko habang pareho kaming naghahabol ng hininga sa loob ng mainit na kwarto.

(Makalipas ang ilang oras)

Nagising ako dahil sa malamig na hangin na pumapasok mula sa awang ng bintana. Ang buong katawan ko ay manhid at masakit. Kinapa ko ang kabilang gilid ng papag ngunit wala na doon si Roman. Tanging ang mainit na unan na lang ang naiwan.

Madilim na ang kalangitan sa labas at mukhang palubog na ang araw. Narinig ko ang mahinang pag-uusap mula sa labas ng bahay. Malamang ay kausap niya ang ilang tanod o mga kapitbahay na nag-uusisa sa mga nangyari kaninang umaga.

Dahan-dahan akong bumangon at binalot ng kumot ang aking hubad na katawan. Naglakad ako papunta sa maliit na lamesa sa sulok ng kaniyang silid para sana maghanap ng posporo at sindihan ang gasera niya.

Ngunit nang buksan ko ang unang drawer ng lamesa ay may napansin akong isang lumang kahoy na kahon.

Dala ng kuryosidad ay dahan-dahan kong kinuha ang kahon. Walang kandado ito kaya madali ko itong nabuksan. Nanlaki ang aking mga mata at halos matigil ang pagtibok ng aking puso sa mga nakita ko sa loob.

Puno ito ng mga gamit na pamilyar sa akin.

Nandoon ang isang butones mula sa paborito kong polo shirt na nawala dalawang taon na ang nakalilipas. Nandoon ang isang pares ng lumang medyas ko na akala ko ay tinangay ng hangin mula sa sampayan noong isang taon. At sa pinakailalim ng kahon ay may isang kalipunan ng mga nakaw na litrato ko.

Mga litrato kong nagwawalis sa bakuran. Mga litrato kong natutulog na kuha mula sa labas ng aking bintana. At may isang litrato na nakatutok mismo sa aking leeg noong wala pang pasa ito.

Matagal na siyang nanonood. Matagal na siyang nagnanakaw ng mga gamit ko bago pa man kami mag-usap at bago ko pa man siya pagpantasyahan. Hindi ito isang simpleng pagkagusto ng isang biyudo. Isa itong malalim at matagal nang obsesyon. Si Roman ang tunay na baliw sa San Roque.

Mabilis kong ibinalik ang mga gamit sa loob ng kahon nang makarinig ako ng mabibigat na yabag papalapit sa pinto ng bahay. Dali-dali kong isinara ang drawer at mabilis na naghanap ng damit sa sahig. Isinuot ko ang aking pantalon at pinulot ang punit kong t-shirt.

Saktong pagbukas ng pinto ng kwarto ay nakatayo na ako sa gilid ng higaan niya.

Nakatitig sa akin si Roman. Wala siyang dalang itak ngunit ang kaniyang mga mata ay mapagmatyag. Tiningnan niya ang lamesa sa sulok bago ibinalik ang tingin sa aking namumutlang mukha.

“Anong ginagawa mo Elias?” seryosong tanong niya.

“Uuwi na ako,” nanginginig na sagot ko. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa drawer. “Gabi na. Kailangan kong umuwi sa bahay ko para hindi maghinala ang mga tao sa labas.”

Hindi siya sumagot agad. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking baywang. Pinasadahan niya ng halik ang aking noo bago siya tumango.

“Sige. Umuwi ka na. At huwag mong kalimutan ang utang mo.”

Mabilis akong lumabas ng kaniyang bahay at patakbong tinawid ang aming bakuran. Pagpasok ko sa sarili kong kusina ay mabilis kong isinara ang lahat ng kandado ng aking pinto. Sumandal ako sa kahoy na dingding at napahawak sa aking dibdib. Dahil sa matinding pagod at pinaghalong takot ay dumiretso ako sa aking kama at tuluyang nakatulog.

(Kinabukasan)

Nagising ako na mabigat pa rin ang katawan. Naghilamos ako at pilit na inayos ang aking sarili. Kailangan kong magpanggap na normal ang lahat. Binuksan ko ang isang kahoy na bintana ng aking sari-sari store para magpaingit ng hangin at maghintay ng mga bibili.

Wala pang limang minuto matapos kong magbukas ay nakita ko na ang pamilyar na bulto ni Lester na naglalakad palapit sa kalsada.

Ngunit may kakaiba sa kaibigan ko ngayon. Kung kahapon sa bahay ni Kapitan ay halos himatayin siya sa takot habang kinakausap ang mga pulis ay mukhang napakakalmado niya ngayon. Hawak niya ang isang maliit na plastic bag na may lamang mainit na pandesal at ang kaniyang mukha ay aliwalas.

“Magandang umaga teh,” masiglang bati ni Lester sabay lapag ng plastic bag sa ibabaw ng aking estante. “Kumain ka na muna. Alam kong pagod na pagod ka sa dami ng nangyari kahapon.”

Tinitigan ko siya nang maigi. “Salamat Lester. Pero bakit parang ang saya mo yata ngayon? Muntik na tayong makulong kahapon ah.”

Nagkibit-balikat ang kaibigan ko at kumuha ng isang pandesal. Kinagat niya ito bago ngumiti sa akin. “Wala teh. Naisip ko lang na mabuti na lang at wala nang asong umaaligid sa iyo. Ligtas na tayo.”

Nanlamig ang buong katawan ko. Mabuti na lang at wala nang asong umaaligid sa iyo . Iyon mismo ang mga salitang ginagamit ni Roman sa tuwing may pinagbabantaan siyang lalaki. Bakit ganoon ang lumabas sa bibig ni Lester?

“Anong ibig mong sabihin?” maingat na tanong ko habang pinagmamasdan ang kaniyang mga mata.

“Wala,” natatawang palusot niya. “Ang ibig kong sabihin ay buti na lang at hindi na tayo ginugulo ng mga pulis. Grabe ang ginawa ng pumatay kay Kiko ano? Alam mo ba teh na saktong-sakto at malinis ang hiwa sa kaniyang leeg? Walang atubili. Parang sanay na sanay pumatay ng hayop ang gumawa noon.”

Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Tiningnan ko si Lester mula ulo hanggang paa. Kababata ko siya at sabay kaming lumaki. Kilalang-kilala ko ang bawat reaksyon niya at alam ko kung kailan siya nag-iimbento ng kwento.

“Paano mo nalaman Lester?” nanginginig na tanong ko. Ang boses ko ay halos isang bulong na lamang. “Nandoon tayo pareho kahapon pero malayo tayo sa bangkay dahil nakaharang ang mga tao at puro dugo ang sapa. Pilit mo pa nga akong hinihila pauwi agad dahil nanginginig ka sa takot. Paano mo nakita nang malapitan na malinis at saktong-sakto ang hiwa sa leeg niya?”

Napatigil si Lester sa pagnguya. Nakita ko ang isang mabilis na pagbabago sa kaniyang mga mata. Isang malamig na kaba ang dumaan sa kaniyang mukha bago niya mabilis na ibinalik ang kaniyang pamilyar at maingay na ngiti.

“Narinig ko lang sa mga tsismosa sa labas kanina,” mabilis na palusot niya. “Alam mo naman ang balita rito sa San Roque mabilis kumalat. Ikinukwento ni Aling Nena sa kanto kanina kaya nalaman ko.”

Pero alam kong nagsisinungaling siya. Nakita ko si Aling Nena kahapon sa sapa. Nagsuka ang matanda sa gilid at halos himatayin kaya hindi nito nagawang lapitan ang bangkay. Walang sinuman mula sa mga tsismosa ang nakakita nang malapitan sa leeg ni Kiko maliban sa Kapitan at sa mga pulis.

Bumaba ang paningin ko sa paanan ni Lester. Nakasuot siya ng lumang maong pants at sa pinakalaylayan nito ay may mga natuyong mantsa ng putik. Isang maitim na pulang putik. Ang parehong kulay ng putik na matatagpuan lamang sa mismong gilid ng sapa.

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng aking tindahan at hinila ko si Lester papasok sa loob. Isinara ko iyon agad at ibinaba ang trangka bago ko siya hinarap nang seryoso.

“Elias anong problema?” kinakabahang tanong niya habang hawak pa rin ang plastic ng pandesal.

Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata. Matagal na kaming magkaibigan kaya alam kong wala akong mapapala kung magpapaligoy-ligoy pa ako.

“Bakit may putik iyang pantalon mo Lester?” matigas at prangkang tanong ko sabay turo sa laylayan ng kaniyang maong. “Kahapon noong dumating ang mga pulis dito sa bahay para imbestigahan ako ay napansin kong may putik ka rin. Diba hindi ka naman lumabas ng bahay habang may bagyo bago tayo pumunta kay Kapitan?”

Tiningnan ni Lester ang kaniyang pantalon at mabilis niyang inurong ang kaniyang paa para itago ito.

“Ah ito ba?” natatawang sagot niya ngunit halata ang kaba sa kaniyang boses. “Nadulas ako sa likod ng bahay namin kaninang madaling araw nanguha kasi ako ng talbos ng kamote. Maputik pa ang lupa dahil sa ulan kagabi.”

“Huwag mo akong pinaglololoko Lester,” matapang na putol ko habang humahakbang palapit sa kaniya. “Matalik kitang kaibigan at kilalang-kilala kita. Alam ko kung nagsisinungaling ka. Kaya umamin ka sa akin ngayon din. May alam ka ba sa mga nangyayari rito sa San Roque? May alam ka ba kung sino ang pumatay kay Kiko?”

Napatigil si Lester. Nawala ang pilit niyang ngiti at napalitan ito ng matinding paglunok. Umiwas siya ng tingin at hindi makasagot nang diretso. Nakita ko kung paano manginig ang kaniyang mga kamay na may hawak ng pandesal.

“Wala akong alam Elias,” mahinang sagot niya habang nakatingin sa sahig. “Basta ang gusto ko lang ay maging ligtas ka. Gusto ko lang na layuan ka ng mga asong iyon.”

“Lester hindi iyan ang tinatanong ko…”

“Kainin mo na iyang pandesal teh,” mabilis na pag-iwas niya sabay talikod at nagmamadaling tinanggal ang trangka ng pinto. “Aalis na ako. Mag-ingat ka palagi at huwag kang lalabas.”

Bago pa ako makapagsalita muli ay mabilis na siyang nakalabas at naglakad palayo sa aking tindahan. Hindi na ako nakasunod. Pilit kong binabasa ang mukha at ang naging reaksyon ng matalik kong kaibigan.

Alam kong nandoon siya. Nakita niya ang bangkay bago pa man ito makita ng Kapitan o kaya naman ay may alam siya sa kung sino ang totoong gumawa ng krimen.

KABANATA 29

(Maynila. Isang buwan bago ang kasalukuyan)

Madilim ang maliit na kwarto. Tanging ang liwanag mula sa isang lumang lampara ang nagbibigay ng anino sa mga pader. Nakaupo si Gabriel sa harap ng isang maalikabok na mesa. Nakasuot siya ng kaniyang paboritong itim na leather jacket at tahimik na humihithit ng sigarilyo. Ang usok nito ay dahan-dahang pumupuno sa kulob na silid.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking may hawak na isang manipis na brown envelope. Inilapag ng lalaki ang envelope sa ibabaw ng mesa.

“Nahanap ko na kung saan nagtatago ang hayop na hinahanap mo Gabriel,” seryosong balita ng lalaki. “Nasa isang liblib na probinsya sa Quezon. Sa isang maliit na nayon na tinatawag nilang San Roque. Walang sinuman ang nakakaalam sa tunay na pagkatao niya roon.”

Kinuha ni Gabriel ang envelope at dahan-dahang binuksan iyon. Kinuha niya ang isang bagay mula sa loob. Isa itong lumang pilak na kwintas na may bahid ng natuyong dugo.

“Tatlong taon,” mababa at malamig na bulong ni Gabriel. Pinasadahan niya ng kaniyang magaspang na hinlalaki ang duguang kwintas. “Tatlong taon kong hinanap ang halimaw na sumira sa buhay ko.”

“Sigurado ka bang pupunta ka roon nang mag-isa?” nag-aalalang tanong ng kaniyang kasama. “Balita ko ay may isang matapang at barakong magsasaka na laging umaaligid sa kaniya. Mapanganib ang lugar na iyon.”

Ngumisi si Gabriel. Isang ngiti na walang halong saya kundi purong uhaw sa paghihiganti. Kinuha niya ang isang matalim na kutsilyo mula sa kaniyang baywang at itinarak iyon nang madiin sa mismong gitna ng mesa.

“Wala akong pakialam kung ilang aso pa ang nakabantay sa kaniya,” matigas na sagot niya. “Aalis ako bukas. At sisiguraduhin kong sa pag-uwi ko ay dala ko na ang ulo ng mga demonyong nagtatago sa San Roque.”

(Kasalukuyan)

Tuluyan nang nagbago ang anyo ng San Roque. Ang nayon na dating puno ng ingay ng mga nagtatawanang tambay at mga naglalarong bata ay naging isang malaking sementeryo ng mga buhay na tao.

Apat na araw na ang nakalipas mula nang matagpuan ang bangkay ni Kiko sa sapa. Apat na araw na rin mula nang iuwi ako ni Roman galing sa bahay ni Kapitan. Simula noon ay hindi na tumigil ang ulan at ang pagdating ng mga pulis mula sa kabilang bayan.

Nakadungaw ako sa bintana ng aking sari-sari store. Wala akong paninda na nakalabas dahil wala rin namang lumalabas ng bahay para bumili. Ang malubak na kalsada ay napuno ng makapal na putik. Sa kanto ay nakaparada ang dalawang sasakyan ng mga pulis. Rinig na rinig ko ang tahol ng mga asong tagahanap na pilit inaamoy ang bawat sulok ng palayan at sapa.

“Ibalik niyo ang anak ko! Ibalik niyo si Kiko!”

Napalingon ako sa gitna ng kalsada. Isang malakas at basag na bulyaw ang umalingawngaw sa tahimik na umaga. Ang asawa ni Kapitan.

Basang-basa siya ng ulan at nagwawala sa gitna ng kalsada habang pilit siyang pinipigilan ng dalawang pulis at ng sarili niyang asawa. Ang kaniyang mga mata ay nanlalaki sa matinding paghihinagpis at ang kaniyang buhok ay sabog-sabog. Ang nasa harapan namin ngayon ay isang ina na tuluyan nang nabaliw sa matinding sakit ng pagkawala ng kaniyang anak.

“Paniwalaan niyo ako!” umiiyak na sigaw ng ginang habang nagpupumiglas. “May halimaw na nakatira rito sa atin at lahat ng anak natin ay isusunod niya!”

“Tumahimik ka na at pumasok na tayo sa loob,” umiiyak na pakiusap ni Kapitan habang pilit na niyayakap ang nagwawalang asawa.

“Wala kayong kwenta! Lahat kayo bulag!” sigaw muli ng ginang. Bago siya tuluyang maipasok sa kanilang malaking gate ay lumingon siya sa direksyon ng aking tindahan. Nagtama ang aming mga paningin.

Puno ng pagkamuhi at matinding galit ang kaniyang mga mata. Itinuro niya ako gamit ang kaniyang nanginginig na kamay. “Ikaw! Lahat ng lumapit sa iyo ay nawawala Elias! Sa bahay mo huling nakita ang anak ko! Sumpa ka! Mamamatay-tao ka!”

Mabilis akong umatras at isinara ang kahoy na bintana ng aking tindahan. Nanginginig ang aking mga tuhod at napasandal ako sa dingding.

Nagsisimula nang maniwala ang lahat na ako ang may kasalanan. Sa sobrang desperasyon ng pamilya ng Kapitan ay pilit nilang ibinabaling ang atensyon ng mga tao sa akin. Kailangan kong mag-ingat dahil oras na mapaniwala niya ang mga pulis ay paniguradong ako ang susunod na pupulutin sa kulungan.

Habang pinapakalma ko ang aking sarili ay nakarinig ako ng tatlong mabilis na katok mula sa pintuan sa likod ng aking tindahan.

Napatigil ako sa paghinga. Kumuha ako ng isang maliit na patalim mula sa ilalim ng kaha at dahan-dahang lumapit sa pinto.

“Elias buksan mo teh. Ako ito si Lester.”

Nakahinga ako nang maluwag. Mabilis kong tinanggal ang mga kandado at pinapasok ang matalik kong kaibigan. Ngunit pagkakita ko sa kaniya ay isang matinding pagtataka ang mabilis na pumalit sa aking kaba.

Kabaligtaran ng mapanglaw at nakakatakot na sitwasyon sa labas ay nakangiti nang malapad si Lester. Nakasuot siya ng isang makulay na kapote at may bitbit na isang mainit na palayok ng lugaw. Ang kaniyang mukha ay napakaaliwalas at tila walang pakialam sa nagwawalang asawa ni Kapitan kanina.

“Ang aga-aga ay nakasimangot ka na naman teh,” masiglang bati ni Lester sabay lapag ng palayok sa mesa ko. “Heto nagluto ang nanay ko ng mainit na lugaw. Kumain ka na para naman mainitan iyang sikmura mo. Grabe ang ulan ano?”

Tinitigan ko si Lester. “Hindi mo ba narinig ang sumisigaw sa labas kanina Lester? Nagwawala ang asawa ni Kapitan. Itinuturo niya ako sa mga pulis. At ikaw nakangiti ka pa talaga habang nagdadala ng lugaw?”

Nagkibit-balikat si Lester at kumuha ng dalawang mangkok. Dahan-dahan siyang nag-sandok ng lugaw at inabot ang isa sa akin.

“Hayaan mo ang baliw na iyon,” kalmadong sagot ng kaibigan ko habang humihihip sa kaniyang mainit na pagkain. “Sira na ang ulo nila dahil hindi nila matanggap ang nangyari kay Kiko. Ang mahalaga ay nandito tayo sa loob at ligtas tayo.”

“Paano mo nasabing ligtas tayo?” maingat na tanong ko. Pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya. “Paano kung isusunod tayo ng halimaw na iyon?”

Tumigil sa pagsubo si Lester. Lumingon siya sa akin at sa isang iglap ay nagbago ang timpla ng kaniyang mga mata. Nawala ang masiglang Lester at napalitan ito ng isang malamig at seryosong tingin na hindi ako pamilyar.

“Dahil alam kong hindi tayo sasaktan ng halimaw na iyon Elias,” pabulong na sagot niya. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. “Tayo lang ang magkakampi rito. Tayo lang ang nakakaintindi sa isa’t isa simula pa noong mga bata tayo. Ako lang ang hindi nang-iiwan sa iyo kaya bakit ka matatakot?”

Napalunok ako. May kakaiba sa tono niya. Tila ba may ipinapahiwatig siya na hindi ko lubusang maintindihan ngunit sapat para magpatindig ng aking mga balahibo.

Bumaba ang paningin ko sa kaniyang kaliwang braso nang iabot niya sa akin ang baso ng tubig. Nanlaki ang aking mga mata. May isang mahaba at sariwang galos sa kaniyang braso. Isang galos na tila gawa ng isang matalim na dahon ng talahib o kawayan.

“Saan galing iyang sugat mo Lester?” nanginginig na tanong ko habang umaatras nang kaunti palayo sa kaniya.

Mabilis na itinago ni Lester ang kaniyang braso sa likuran niya at ibinalik ang kaniyang masiglang ngiti. “Ah ito ba? Nadaplisan lang ako ng yero sa likod ng bahay namin kahapon habang nagsasampay. Huwag mo nang pansinin iyon teh. Kainin mo na iyang lugaw bago pa lumamig.”

Kahit anong pilit niya ay hindi ko magawang kumain. Alam kong hindi galing sa yero ang sugat na iyon. Ang mga ganitong klaseng galos ay nakukuha lamang kapag tumakbo ka nang mabilis sa gitna ng makapal na talahiban sa dulo ng palayan papunta sa sapa.

Matapos magpaalam ni Lester ay naiwan akong nakaupo sa kusina. Balot na balot ako ng matinding kalituhan. Unti-unti nang lumalabo sa aking isipan kung alin ang totoo at kung alin ang kasinungalingan sa mga nangyayari. Ano ba talaga ang madilim na sikretong pilit itinatago ng matalik kong kaibigan?

Pagsapit ng gabi ay mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Pinatay ko ang lahat ng ilaw sa aking bahay para hindi ako mapansin ng sinuman. Nakaupo ako sa madilim na sala at nakabalot ng kumot nang makarinig ako ng pamilyar na kaluskos mula sa pinto ng aking kusina.

Hindi na ako nagulat nang bumukas ito at iniluwal ang malaking bulto ni Roman.

Basang-basa siya ng ulan at ang kaniyang mga bota ay puno ng putik. Wala na naman siyang suot na pang-itaas at ang kaniyang matipunong dibdib na basang-basa ng ulan ay kumikinang sa gitna ng madilim kong sala. Tahimik niyang isinara ang pinto at ibinaba ang trangka bago siya naglakad papalapit sa akin.

“Bakit malamig ang mga kamay mo Elias?” mababa at paos na tanong ni Roman habang inuupuan ang espasyo sa tabi ko sa sofa.

Hinawakan niya ang aking nanginginig na mga kamay at inilagay iyon sa kaniyang mainit na dibdib. Amoy na amoy ko ang pinaghalong amoy ng lupa, ulan, at ng kaniyang barakong sabon.

“Natatakot ako Roman,” humihikbing pag-amin ko. “Nagwawala ang asawa ni Kapitan kanina sa kalsada. Itinuturo niya ako sa mga pulis. At si Lester… may kakaiba kay Lester ngayon. Parang hindi ko na kilala ang kaibigan ko.”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng biyudo. Hinapit niya ang aking baywang at isinandal ang aking ulo sa kaniyang matigas na balikat. Ang kaniyang magaspang na kamay ay dahan-dahang humagod sa aking buhok. Isang pambihirang lambing na bihira kong maramdaman mula sa isang halimaw na tulad niya.

KABANATA 30

(Bago mawala si Jomari)

Ilang gabi na ang nakalilipas mula nang magsimula ang kaniyang kalbaryo.

Tahimik at walang ulan noong madaling araw na iyon. Sadyang iniwan ni Jomari ang kaniyang tricycle sa likod ng lumang basketball court. Ayaw niyang makuha ang atensyon ng mga nagrorondang tanod kaya mas pinili niyang maglakad na lamang. Maingat niyang tinahak ang madilim na pasikot-sikot ng palayan patungo sa likod ng tindahan ni Elias. Sariwa pa sa kaniyang isipan ang naging pag-uusap nilang dalawa sa palengke kaninang hapon.

“Magkita tayo mamayang gabi sa likod ng tindahan mo Elias,” seryosong bulong niya noon kay Elias. “May mahalaga akong sasabihin sa iyo tungkol sa nakita ko sa sapa kagabi. Hindi lang hukay ang nandoon, may nakita akong gamit na pamilyar sa akin. Sigurado akong kay Rafael iyon.”

Hindi niya makalimutan kung paano napatigil si Elias at mababakas ang purong pag-aalala sa mukha nito para sa kaniyang kaligtasan.

“Itinago ko muna sa ilalim ng sahig ng kubo ko,” mabilis na paliwanag ni Jomari bago siya nagpaalam. “Kailangan ko nang bumalik ngayon din sa sakahan para masigurong walang makakakuha roon. Dadalhin ko sa iyo mamaya.”

At iyon nga ang ginawa niya. Mahigpit ang hawak ni Jomari sa isang maduming pitaka na nakuha niya sa putikan ng sapa. Pitaka iyon ni Rafael at bukod sa mga ID ay may nakasuksok na isang lumang litrato sa loob nito. Litrato iyon ng isang napakagandang babae. Hindi man kilala ni Jomari kung sino ang nasa larawan ay alam niyang ito ang matibay na patunay na may malalim at madilim na sikreto ang dayong pinsan ni Kiko.

Nang makalapit siya sa likod ng bahay ni Elias ay bigla siyang napatago sa isang malaking puno ng mangga.

May nakita siyang isang lalaking nakasuot ng itim na leather jacket. Isang estrangherong hindi niya kilala at hindi pamilyar ang mukha sa San Roque. Nakita ni Jomari kung paano mabilis na inilapag ng dayong iyon ang isang duguang relo at isang piraso ng papel sa pasimano ng bintana ng kusina ni Elias bago ito mabilis na naglaho sa dilim ng kalsada.

Bago pa man makalapit si Jomari sa bintana para kunin ang mga iniwan ng estranghero ay isang malaking anino ang biglang sumulpot mula sa kaniyang likuran.

Isang napakalaking kamay ang marahas na tumakip sa kaniyang bibig. Napa-ingik si Jomari at pilit na nagpumiglas. Nang magtama ang kanilang mga paningin sa gitna ng dilim ay tila nanigas ang buong katawan niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata at binalot siya ng matinding takot nang makilala niya ang malaking bulto ni Roman. Bago pa man higpitan ng magsasaka ang hawak sa kaniya ay ibinuhos ni Jomari ang lahat ng kaniyang lakas upang masiko ang sikmura nito. Sa isang iglap ay nagawa niyang makawala at mabilis na tumakbo patungo sa madilim at masukal na bahagi ng palayan.

Dinig na dinig niya ang mabibigat na yabag ni Roman na tila sumisira sa mga pananim habang humahabol sa kaniya sa gitna ng kadiliman. Halos kapusin ng hininga si Jomari ngunit hindi siya huminto. Naghabulan sila hanggang sa maabutan siya nito malapit sa maputik na pampang ng sapa. Buong lakas na hinaltak ni Roman ang kaniyang balikat dahilan para kapwa sila bumagsak at gumulong sa malamig na putikan.

Nagpumiglas si Jomari at pilit na sinuntok ang panga ng magsasaka ngunit parang matigas na bato ang kaniyang tinatamaan. Marahas siyang dinaganan ni Roman na tila isang halimaw na walang balak magpakawala ng biktima. Tinitigan siya nito gamit ang mga matang nanlilisik sa galit nang makita ang litrato ng babaeng nakasilip mula sa pitaka ni Rafael na hawak pa rin niya.

Walang kahirap-hirap na inagaw ni Roman ang pitaka mula sa nanginginig na kamay ni Jomari. Lalo pang nagdilim ang anyo ng magsasaka at tila naging purong demonyo ang kaniyang mga mata nang makumpirma kung sino ang nasa larawan. Mabilis niyang ibinulsa ang pitaka para itago ang sikreto ng babaeng pinoprotektahan niya.

“Masyado kang maraming alam,” madiin at garalgal na bulong ni Roman habang idinidiin ang mukha ni Jomari sa putikan hanggang sa halos hindi na ito makahinga. “At ang mga asong nangingialam sa teritoryo ko ay hindi na nakakauwi nang buhay.”

Sa isang mabilis at walang-awang galaw ay hinawakan ni Roman ang kanang braso ni Jomari at buong lakas itong binali.

Isang napakalakas at nakakabinging sigaw ang kumawala sa lalamunan ni Jomari. Isang palahaw ng matinding kirot na bumasag sa tahimik na madaling araw ng San Roque at umalingawngaw hanggang sa pandinig ni Elias mula sa malayo.

Namimilipit sa matinding sakit si Jomari at halos mabuwal sa lupa habang mahigpit pa ring hawak ni Roman ang kaniyang leeg. Nakita niya ang nakakakilabot na pagngisi ng magsasaka sa gitna ng dilim bago siya nito hinampas ng isang matigas na kahoy sa likod ng ulo. Tuluyang nagdilim ang paningin niya.

(Dalawang araw nang mawala si Jomari)

Dalawang araw mula nang mahuli siya. Dalawang buong araw na nabubulok si Jomari sa ilalim ng lupa.

Malamig. Mabaho. Nakakasakal ang amoy ng kinakalawang na bakal, nabubulok na lupa, at sariling dugo.

Kada imulat niya ang kaniyang mga mata ay purong kadiliman lamang ang kaniyang nakikita. Isang malakas na kalansing ng mabigat na kadena ang umaalingawngaw sa tuwing susubukan niyang igalaw ang kaniyang kanang paa. Mahigpit na nakapulupot ang malamig na bakal sa kaniyang bukong-bukong.

Nang sumapit ang gabi ng ikalawang araw na iyon ay naramdaman niya ang panginginig ng lupa sa itaas. Dinig na dinig niya ang malakas na pagkulog at ang mabigat na pagbagsak ng ulan na humahagupit sa San Roque.

Lagitgit ng lumang kahoy. Isang malakas na kalampag ng bakal.

Dahan-dahang bumukas ang isang parisukat na pinto sa itaas. Isang nakakabulag na liwanag mula sa gasera ang pumasok sa madilim na kulungan. Mula sa itaas ay dahan-dahang bumaba ang malaking bulto ni Roman. Wala siyang suot na pang-itaas at basang-basa siya ng ulan.

“Oras na para patayin ka sa paningin nila,” malamig na bati ni Roman.

Lumapit ang magsasaka at naglabas ng isang malamig at matalim na kutsilyo. Walang-awang hiniwa ni Roman ang braso at binti ni Jomari. Sumigaw sa matinding sakit ang bihag habang pinapanood ang pag-agos ng kaniyang sariling dugo na tumatagas sa malamig na sahig. Kinuha ni Roman ang tsinelas at ang kahoy na kwintas ni Jomari at sadyang iminudmod ang mga ito sa sariwang dugo hanggang sa mabalot ang mga ebidensya ng malapot at mapulang likido.

“Iiiwan ko ang mga ito sa sapa,” pabulong na sabi ni Roman habang pinagmamasdan ang duguang kwintas. “Sa dami ng dugong iiwan ko sa talahiban ay isisigaw ng lupa na wala ka na. Pagkatapos ng malakas na ulan na ito ay iisipin ng buong nayon na patay ka na at inanod na ng tubig.”

Pagkatapos makuha ang mga duguang ebidensya na itatanim niya sa sapa ay walang-awang iniwan muli ni Roman si Jomari sa purong dilim at lamig.

(Kasalukuyan)

Halos isang linggo na ang lumipas mula nang mahuli siya.

Sa kabila ng lumilipas na mga araw sa loob ng kulungan ay unti-unti nang nabubura ang kaniyang katinuan. Akala siguro ng buong San Roque ay matagal na siyang patay. Siguradong nahanap na ng mga pulis ang mga gamit niyang sadyang binalot ni Roman sa dugo sa kalagitnaan ng malakas na ulan. Ngunit ang kalunos-lunos na totoo ay inilibing siya nang buhay sa ilalim ng lupa.

Napaiyak si Jomari sa pinaghalong takot at matinding desperasyon. Pilit niyang hinila ang kadena sa kaniyang paa ngunit lalo lamang itong bumaon sa kaniyang laman na tila pinipilas ang kaniyang balat. Kahit sumigaw siya nang sumigaw hanggang sa mapunit ang kaniyang lalamunan ay walang makakarinig sa kaniya sa itaas.

Makalipas ang ilang oras sa purong kadiliman ay muling bumukas ang bakal na pinto sa itaas.

Muling bumaba si Roman. Hawak niya ang gasera sa isang kamay at may bitbit siyang isang maliit na balde ng tubig at isang piraso ng matigas na tinapay sa kabila. Inilapag ni Roman ang gasera sa isang lumang mesa sa sulok.

“K-kuya Roman maawa po kayo,” umiiyak na pagmamakaawa ni Jomari habang pilit na lumalapit sa magsasaka ngunit pinipigilan siya ng maikling kadena. “Huwag niyo po akong patayin. Wala po akong pagsasabihan. Aalis po ako sa San Roque ngayon din at hindi na ako babalik kailanman. Iiwan ko na po si Elias sa inyo.”

Tumawa nang mapakla si Roman. Isang tawa na walang halong saya kundi purong pang-iinsulto.

“Hindi kita papatayin Jomari,” kalmadong sagot niya habang inihahagis ang isang piraso ng matigas na tinapay sa mismong putikan sa harapan ni Jomari. “Maswerte ka at may pakinabang pa ang buhay mo.”

Nanginginig na kinuha ni Jomari ang maruming tinapay at mabilis na kinagat ito dahil sa matinding gutom. “A-ano pong pakinabang? Bakit niyo po ako ikinulong dito nang ganito katagal?”

Lumapit si Roman at yumuko sa harapan niya. Ang madilim na mga mata ng biyudo ay tumagos sa takot na kaluluwa ni Jomari.

“Dahil gusto kong malaman mo kung gaano ka kawalang-kwenta,” pabulong na sagot ni Roman na nagpatindig sa lahat ng balahibo ni Jomari. “Pinangarap mong iligtas siya pero tingnan mo ang sarili mo ngayon. Dito ka lang sa ilalim. Makikinig ka gabi-gabi sa mga ungol ni Elias habang pinag-aari ko ang taong pinapangarap mo sa ibabaw ng lupang ito.”

Tumalikod na si Roman ngunit nagmakaawa muli si Jomari. Gumapang siya at pilit na inabot ang paa ng magsasaka.

“Parang awa niyo na po,” humahagulgol na pakiusap niya. “Mamamatay ako rito.”

Sinipa nang malakas ni Roman ang kamay ni Jomari. Isang malamig na tingin ang ipinukol niya bago siya tuluyang umakyat sa lumang hagdan.

“Iyon ang gusto ko,” huling salita ni Roman. “Ang mamatay ka nang dahan-dahan habang alam mong hindi ka kailanman magiging sapat para iligtas ang sarili mo o ang taong gusto mo.”

Iniwan ni Roman ang balde ng tubig at dahan-dahang umakyat pabalik sa itaas. Nang isara niya ang parisukat na pinto ng silong ay muling binalot ng matinding kadiliman ang buong paligid. Ang malakas na kalampag ng kandado ang huling narinig ni Jomari.

Naiwan si Jomari na umiiyak at naghihintay sa kamatayang tila ayaw pa siyang kunin sa gitna ng kadiliman.

KABANATA 31

Bumibiyak ang aking bungo. Iyon ang una kong naramdaman nang imulat ko ang aking mga mata. Isang matinding kirot na tila may pumupukpok ng martilyo sa loob ng aking utak. Napadaing ako at napahawak sa aking sintido. Nakahiga ako sa aking sariling kama. Paano ako napunta rito? Ang huling natatandaan ko ay yakap-yakap ako ni Roman sa madilim na sala. Umiiyak ako noon dahil sa matinding takot sa asawa ni Kapitan at sa lumalaking pagdududa ko sa matalik kong kaibigan na si Lester. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig ni Roman habang dinidinig ko ang malakas na pagbagsak ng ulan sa aming bubong.

Nakatulog ba ako sa pag-iyak? Binuhat ba niya ako papunta rito sa kwarto? Pilit kong inaalala kung ano ang sumunod na nangyari ngunit wala akong makita kundi purong kadiliman. Isang blangkong espasyo sa aking isipan na hindi ko mapunan. Bumangon ako nang dahan-dahan ngunit halos mapadaing ako nang maramdaman ko ang matinding ngalay sa aking mga binti. Parang binugbog ang buong katawan ko. Tila ba tumakbo ako nang ilang kilometro sa gitna ng gabi pabalik-balik sa isang madilim at maputik na lugar.

Nang ibaba ko ang aking paningin sa aking mga kamay ay nanigas ang buong katawan ko. May mga itim na lupa at tuyong putik sa ilalim ng aking mga kuko. Tiningnan ko ang aking braso. May bago at sariwang kalmot doon. Nanlamig ang aking sikmura. Ang mga kalmot na ito ay eksaktong-eksakto sa mga galos na nakita ko sa braso ni Lester noong dinalhan niya ako ng lugaw. Mga galos na nakukuha lamang kapag tumakbo ka nang mabilis sa gitna ng makapal na talahiban sa dulo ng palayan papunta sa sapa.

Imposibleng makuha ko ito sa loob ng aking sala.

Wala na si Roman sa loob ng bahay. Tahimik ang buong paligid pero ang ingay sa loob ng utak ko ay nakakabingi. Bumaba ako sa kama at naglakad palabas ng kwarto. Kailangan kong maghilamos. Dumiretso ako sa kusina patungo sa pinto sa likod ngunit bago ko pa man mabuksan ang gripo ay may narinig akong mahinang kaluskos mula sa labas.

Sumilip ako sa siwang ng bintana at nanlaki ang mga mata ko. Madaling araw pa lang at wala pang sikat ng araw pero naroon na si Lester sa mismong tapat ng aking pinto sa likod. May hawak siyang isang matigas na brush at isang timba ng tubig. Mabilis at madiin niyang kinukuskos ang semento. Maitim at malapot ang tubig na umaagos papunta sa lupa. Putik.

Mabilis kong binuksan ang pinto. Nagulat si Lester at muntik na niyang mabitawan ang brush. Namutla siya nang makita ako.

“Anong ginagawa mo rito Lester?” nanginginig at malamig na tanong ko. Tinitigan ko ang maitim na tubig sa semento. “Sabi ko na nga ba. Tama ang hinala ko sa iyo mula pa kahapon. Bakit ka naglilinis ng ganyan kakapal na putik sa tapat ng pintuan ko? Ikaw ba ang gumagawa nito Lester? Ikaw ba ang pumapatay sa kanila?”

Mabilis na umiling si Lester. Halata ang matinding kaba at pagod sa kaniyang mukha. Ang lalim ng itim sa ilalim ng kaniyang mga mata ay tila nagsasabing buong gabi siyang gising.

“Baliw ka ba teh?” malambing ngunit nanginginig na sagot niya habang mabilis na ibinuhos ang natitirang tubig sa semento para hugasan ang makapal na putik. “Ako pa talaga ang paghihinalaan mo? May dumaan kasing mga asong ulol kagabi tapos nag-iwan ng mga putikang bakas rito sa tapat ng pinto mo. Ang dumi teh kaya nilinis ko na bago pa matuyo at kumapit sa semento mo.”

“Mga asong ulol?” matigas na ulit ko. “Umuulan nang malakas kagabi Lester. At bakit kailangang ikaw ang maglinis ng bakuran ko sa ganitong oras? At huwag mong sabihing galing sa yero ang mga galos mo dahil may ganoon din ako ngayon.”

Umiwas ng tingin si Lester. Kinuha niya ang timba at ang brush. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking malamig na kamay. Ang kaniyang mga daliri ay nanginginig ngunit ang kaniyang hawak ay napakahigpit na tila ba may pinipigilan siyang emosyon.

“Kahit anong mangyari Elias ay ako ang best friend mo,” bulong ni Lester. Ang kaniyang boses ay basag at puno ng isang malalim na lungkot na hindi ko maintindihan. “Ako na ang bahala sa mga kalat rito. Magpahinga ka na lang. Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano at huwag ka nang lalabas pag gabi. Poprotektahan kita kahit anong mangyari. Pangako iyan.”

Bago pa ako makapagtanong muli ay mabilis na siyang tumalikod at naglakad palayo dala ang kaniyang mga panlinis. Naiwan akong nakatayo sa malamig na hangin. Bakit niya ako kailangang protektahan? Anong mga kalat ang tinutukoy niya? Pinagtatakpan ba niya si Roman o may iba siyang madilim na sikretong itinatago?

Pagsapit ng umaga ay pinilit kong buksan ang aking tindahan. Kailangan kong magpanggap na normal ang lahat kahit na unti-unti nang nadudurog ang aking katinuan. Mainit ang sikat ng araw ngunit ang buong San Roque ay nananatiling balot sa takot.

Hindi nagtagal ay may isang pamilyar na bulto ang huminto sa tapat ng aking rehas. Si Gabriel. Suot pa rin niya ang kaniyang itim na leather jacket at may malamig na ngisi sa kaniyang mga labi. Alam kong may malagim siyang hinuhukay na sikreto rito sa San Roque at alam kong palagi siyang nakatingin sa akin na tila nag-aabang ng pagkakamali ko.

“Pabili ng sigarilyo Elias,” utos niya.

Kumuha ako ng isang kaha at inabot ito sa kaniya. Iningatan kong hindi magdikit ang aming mga balat ngunit sadyang inilapit ni Gabriel ang kaniyang mukha sa rehas. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa na tila binabasa ang laman ng aking naguguluhang isip.

“Mukhang masama ang pakiramdam mo,” mapanuksong pansin ni Gabriel. “Ang lalim ng mga itim sa ilalim ng mata mo. Sumasakit ba ang ulo mo? Nakakapagod sigurong magpanggap na inosente sa umaga habang ang mga paa mo ay patuloy sa paghahanap ng putik tuwing gabi.”

Nanigas ang buong katawan ko. Paano niya nalaman ang tungkol sa matinding kirot sa ulo ko at lalo na ang tungkol sa putik? May nakita ba siya kagabi o siya mismo ang nagtatanim ng mga ebidensya para paglaruan ang isip ko at idiin ako sa mga nangyayari?

“Wala kang pakialam Gabriel,” mataray na sagot ko ngunit nanginginig ang aking boses. “Kung wala ka nang bibilhin ay umalis ka na.”

Hindi siya gumalaw. Nagsindi siya ng sigarilyo at humithit nang malalim bago ibinuga ang usok sa hangin. Ang kaniyang matatalim na mata ay nakatutok pa rin sa akin.

“Ang hirap hanapin ng mamamatay-tao sa dilim Elias,” malamig at mabagal na sabi niya. “Lalo na kung hindi mo alam kung anong ginagawa mo habang nakapikit ang mga mata mo.”

Napakunot ang aking noo. “Anong ibig mong sabihin? Tinatakot mo ba ako?”

Ngumisi siya at humakbang paatras. “Alam kong takot na takot ka sa mga nangyayari rito sa San Roque. Takot ka kay Roman at lalong takot ka sa mga kinikilos ni Lester. Naghahanap ka ng halimaw sa labas ng bahay mo para may masisi ka sa lahat ng mga patayan. Pero tiningnan mo na ba nang maigi ang sarili mo Elias? Tiningnan mo ba kung anong kulay ng putik ang nasa ilalim ng mga kuko mo paggising mo kaninang umaga?”

Parang may yelong itinusok sa aking dibdib. Ikinuyom ko ang aking mga kamay nang mahigpit sa ilalim ng counter para itago ang lupang nakasiksik sa aking mga kuko. Umawang ang aking mga labi ngunit walang lumabas na boses. Nababasa ba niya ang laman ng utak ko?

“Baliw ka,” galit na bulyaw ko matapos ang ilang segundong pananahimik. “Umalis ka na rito bago pa ako tumawag ng mga tanod!”

Tumawa nang mahina si Gabriel. “Mag-iingat ka Elias. Ang mga multo ng nakaraan ay hindi marunong manahimik hangga’t hindi nila nakukuha ang hustisya. Baka isang araw magising ka na lang na ikaw na mismo ang multong kinatatakutan mo.”

Tumalikod na siya at naglakad pabalik sa kaniyang inuupahang bahay. Naiwan akong humihingal sa tindi ng kaba at pagkalito. Mabilis kong isinara ang mga bintana ng aking tindahan at ini-lock ang pinto. Ayoko nang makakita ng kahit na sino. Ayoko nang makarinig ng mga salitang pilit na binabasag ang aking utak.

Pumasok ako sa aking kwarto at ini-lock din ang pinto nito. Basang-basa ako ng malamig na pawis at pabilis nang pabilis ang tibok ng aking puso. Binuksan ko ang aking lumang aparador para maghanap ng malinis na damit ngunit patuloy na umaalingawngaw sa aking tainga ang mga banta ni Gabriel at ang kaduda-dudang kilos ni Lester. Pinaglalaruan ba nila ako?

Naghahanap ako ng t-shirt sa pinakailalim ng salansan nang may makapa akong isang matigas na bagay na nakabalot sa plastik. Kumunot ang aking noo. Dahan-dahan kong hinila ang nakusot na itim na plastik mula sa ilalim ng mga damit at nanginginig na binuksan ito.

Tumigil ang pagtibok ng puso ko at nawalan ng hangin ang aking mga baga.

Sa loob ng plastik ay bumungad sa akin ang isang pamilyar na kwintas na gawa sa kahoy. Ang kwintas ni Jomari. At sa ilalim nito ay nakapatong ang isang pares ng lumang tsinelas na balot na balot ng natuyong dugo at sariwang putik. Ito ang mga mismong gamit ni Jomari na ibinalita sa akin ni Lester na natagpuan daw sa gilid ng sapa.

Ngunit hindi lang iyon ang laman ng plastik.

Sa ibabaw ng mga maputik na tsinelas ay may isang nakatuping piraso ng papel. Nanginginig ang mga daliri ko nang kunin ko ito at basahin ang nakasulat. Isang pamilyar na pulang tinta.

Alam ko ang ginawa mo kay Isabela .

Nabitawan ko ang papel. Bumagsak ang itim na plastik pati na rin ang kwintas at ang mga maputik na tsinelas ni Jomari sa sahig.

Napahawak ako sa aking bibig para pigilan ang isang malakas na sigaw. Nanginginig ang aking mga tuhod hanggang sa tuluyan akong mapaluhod sa sahig. Paano napunta rito ito? Nakasara ang bahay ko kagabi. Nakakandado ang lahat ng pinto at bintana mula sa loob. Si Roman lang ang kasama ko ngunit imposibleng gawin niya ito sa akin. Si Lester ba na palaging pabalik-balik sa likod ng bahay ko ang nagpasok nito? O may ibang taong nakapasok nang hindi ko nalalaman?

Tinitigan ko ang papel na nasa sahig. Biglang may sumagi sa aking isipan. Pamilyar na pamilyar ang mensaheng ito.

Alam ko ang ginawa mo kay Isabela .

Nanlamig ang buong katawan ko nang tuluyan kong maalala. Ito ang mismong mga salitang nakasulat sa papel na iniwan kasama ng duguang relo ni Rafael noong mga nakaraang araw. Ang papel na pilit sinunog ni Roman hanggang sa maging abo sa mismong harapan ko para ibaon ang katotohanan.

Ang pulang tinta na ginamit. Ang diin ng bawat letra. Ang tamang pagkakakurba ng letrang S sa pangalang Isabela. Parehong-pareho sila. Iisang tao lang ang nag-iwan ng unang mensahe at ang nagtanim ng mga gamit ni Jomari sa loob ng aking aparador.

Mabilis akong lumuhod sa gilid ng aking lababo at hinila ang dulo ng lumang linoleum. Nanginginig ang aking mga daliri nang iangat ko ang maluwag na tabla at kunin ang kalawanging latang biskwit na itinago ko roon. Binuksan ko ang lata at inilabas ang pilak na kwintas at ang lumang litrato. Tinitigan ko ang mukha ng babaeng nakangiti sa harap ng poso ni Roman. Isabela.

Ang pangalang nabasa ko rin sa notebook ni Gabriel. Bakit nakadirekta sa akin ang mensaheng ito? Anong ginawa ko sa kaniya? Wala akong kilalang Isabela pero bakit pakiramdam ko ay siya ang sentro ng lahat ng patayan at kabaliwang nangyayari rito sa San Roque? Paanong konektado ang pagkawala nina Rafael at Jomari sa pangalang ito?

Kailangan kong malaman kung sino siya. Kailangan kong alamin ang totoo at ang koneksyon ni Isabela sa mga nangyayari bago pa ako tuluyang mabaliw at makulong sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

Tiningnan ko ang nanginginig kong mga kamay. Tiningnan ko ang mga itim na lupa sa ilalim ng aking mga kuko at ang mga sariwang kalmot sa aking braso. Ang matinding sakit sa aking ulo. Ang mga oras na nawawala sa aking alaala tuwing gabi. Ang patagong paglilinis ni Lester ng makapal na putik sa aking pintuan. At ang mensahe sa ibabaw ng aking sahig na kaparehong-kapareho ng sinunog na sulat.

Dahan-dahan akong tumingin sa lumang salamin sa gilid ng aking kwarto. Ang taong nakatingin sa akin ay maputla, takot na takot, at may mga matang nanlalalim sa tindi ng puyat. Ibinaba ko ang aking paningin at tinitigan ang repleksyon ng mga itim na lupa sa aking mga kuko pati na ang mga kalmot sa aking braso.

Mukha akong isang kriminal. Mukha akong isang taong buong gabi naghukay sa putikan ng sapa para magtago ng ebidensya.

May isang taong sadyang ginagawa ito para paglaruan ang aking katinuan. May isang taong nagtatanim ng mga ebidensya sa loob ng sarili kong kwarto at sinusugatan ang aking katawan habang natutulog ako para idikdik sa utak ko na ako ang may kasalanan ng lahat.

Pumikit ako nang mariin at napasabunot sa aking buhok habang tahimik na humihikbi. Si Roman ba na gustong ikulong ako nang tuluyan sa kaniyang mundo para wala na akong kawala? Si Gabriel ba na gustong ipaghiganti ang babaeng nasa litrato? O si Lester na pilit naglilinis ng mga bakas para itago ang kanyang mga sikreto?

Nababaliw na ba ako? Tuluyan na bang nabiyak ang aking isip dahil sa takot sa halimaw ng San Roque o may isang demonyong sadyang nagmamanipula sa bawat galaw ko para ako ang sumalo sa lahat ng kasalanan nila?

KABANATA 32

Buong maghapon akong naghintay sa loob ng aking bahay. Hindi ko binuksan ang aking tindahan at hindi ako nagpakita sa kahit na sinong dumadaan sa kalsada. Nakadungaw lang ako sa siwang ng aking bintana habang pinagmamasdan ang araw na unti-unting bumababa sa kalangitan. Alam ko kung saan ako magsisimula. Kay Roman.

Dati ay nanginginig ako sa takot tuwing naiisip ko ang mga ginawa niyang pagpatay ngunit ngayon ay gagamitin ko ang kahinaan niya sa akin para makapasok sa kaniyang mundo. Naalala ko ang lumang drawer sa kaniyang kwarto kung saan ko nakita ang kahoy na kahon na puno ng mga palihim na litrato ko noong mga nakaraang araw. Sigurado akong may iba pa siyang itinatago roon na magdudugtong sa kaniya kay Isabela.

Nang marinig ko ang pamilyar na ingay ng lumang poso mula sa kabilang bakod ay napangisi ako. Hapon na at naliligo na ang biyudo bago tuluyang magdilim ang paligid.

Lumabas ako ng bahay at hindi na nag-alinlangang akyatin ang mababang kawayang bakod na naghihiwalay sa aming dalawa. Tumapak ang aking mga paa sa basang lupa ng kaniyang bakuran.

Nakatayo si Roman sa harap ng poso. Basang-basa ang kaniyang matipunong dibdib at malalapad na balikat. Suot niya ang paborito niyang luma at puting basketball shorts na ngayon ay nakadikit na nang husto sa kaniyang katawan. Nakita niya ang paglapit ko. Napatigil siya sa pagbubuhos ng tubig at ang kaniyang madilim na mga mata ay nag-aapoy sa pinaghalong gulat at pagnanasa.

Hindi ako nagsalita. Lumapit ako hanggang sa magdikit ang aming mga katawan. Inagaw ko ang sabon mula sa kaniyang magaspang at malaking kamay.

“Ako na,” malanding bulong ko habang nakatitig nang diretso sa kaniyang mga mata.

Dahan-dahan kong ipinahid ang sabon sa kaniyang matigas na dibdib. Pinasadahan ko ang bawat kurba ng kaniyang mga kalamnan pababa sa kaniyang tiyan. Ramdam na ramdam ko ang pag-igting ng kaniyang panga at ang mabilis na pagtaas at pagbaba ng kaniyang hininga.

“Anong ginagawa mo Elias?” garalgal na tanong niya na tila ba nahihirapang magsalita.

Hindi ako sumagot. Ibinaba ko ang aking mga kamay sa garter ng kaniyang basang shorts. Walang pag-aalinlangang hinila ko ito pababa hanggang sa tuluyang bumagsak ang tela sa maputik na semento. Tumambad sa akin ang kaniyang galit na galit at maugat na pagkalalaki. Buong tapang kong sinabunan iyon at pinaglaruan sa aking mga palad hanggang sa mapadaing ang barakong magsasaka.

Pagkatapos ko siyang paliguan ay kumuha siya ng tubig para banlawan ang kaniyang sarili. Akmang aabutin na niya ang manipis na tuwalya na nakasampay sa yero ngunit mabilis ko itong inagaw. Itinapon ko ang tuwalya sa maduming lupa.

Kumunot ang kaniyang noo ngunit bago pa siya makapagtanong ay lumuhod ako sa basang semento sa mismong harapan niya.

“Hindi mo kailangan niyan,” nakangising sabi ko. “Ako ang magtutuyo sa iyo.”

Inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang matigas na hita at dahan-dahang inilabas ang aking dila. Dinilaan ko ang bawat patak ng malamig na tubig sa kaniyang balat. Tinuyo ko ang kaniyang katawan gamit ang aking bibig habang unti-unti akong umaakyat pabalik sa kaniyang singit. Nang tuluyan kong isubo ang kaniyang nag-aapoy na kargada ay isang malakas at paos na ungol ang kumawala sa kaniyang lalamunan.

Napasabunot siya sa aking buhok. Nababaliw siya sa sarap at iyon eksakto ang plano ko.

Marahas niyang hinigit ang aking braso at itinayo ako. Binuhat niya ako nang walang kahirap-hirap at nagmamadaling pumasok sa loob ng kaniyang bahay. Wala na kaming oras para makarating sa kaniyang kwarto. Ibinagsak niya ako sa matigas at malamig na sahig ng kaniyang sala.

Pinunit niya ang suot kong damit na parang isang gutom na hayop. Wala nang mga salita at wala nang mga babala. Ibinaon niya nang sagad ang kaniyang sarili sa akin na nagpasigaw sa akin sa matinding sarap at sakit. Ang bawat bayo niya ay napakalakas na tila ba nayayanig ang buong pundasyon ng kaniyang bahay. Nakipagsabayan ako sa kaniya at ibinigay ko ang lahat ng kalandian at pagnanasa na kaya kong ibuhos para tuluyan siyang malunod sa akin.

Pagkatapos ng matinding engkwentro ay pareho kaming humihingal na nakahiga sa sahig. Ipinulupot niya ang kaniyang mabigat na braso sa aking baywang at idinikit ang aking likod sa kaniyang dibdib. Hindi na ako umuwi. Doon na ako nakatulog sa malamig na sahig ng sala habang yakap ng lalaking kinatatakutan ng buong San Roque.

Kinaumagahan ay nagising ako na tila naninigas ang aking buong katawan dahil sa tigas ng sahig. Kinapa ko ang aking tabi ngunit wala na ang magsasaka. Nakapasok na ang sikat ng araw sa mga awang ng bintana. Sigurado akong nasa sakahan na si Roman at nagtatrabaho.

Ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon.

Mabilis akong tumayo at isinuot ang aking damit. Tiningnan ko ang buong paligid para makasigurong nag-iisa na lang ako. Tahimik ang buong bahay. Naglakad ako nang mabilis patungo sa kaniyang kwarto. Tumambad sa akin ang maayos at malinis na kawayang papag. Dumiretso ako sa maliit na lamesa sa sulok kung nasaan ang lumang drawer.

Pilit kong kinapa ang pinakaloob at pinakailalim na bahagi ng lumang drawer ni Roman. Ang aking mga daliri ay nagmamadaling naghahanap ng anumang bagay na magdudugtong sa kaniya at sa babaeng nagngangalang Isabela.

Nang marating ng aking mga kuko ang pinakasulok na kahoy ay may nakapa akong isang matigas na bagay na nakadikit doon. Dahan-dahan ko itong hinila. Isang maliit at kinakalawang na susi na nakabalot sa lumang tape.

Kumunot ang aking noo. Luminga-linga ako sa buong kwarto para hanapin kung saan ito pwedeng gamitin. Walang ibang aparador maliban sa malaking kabinet ng mga damit niya. Ibinaba ko ang aking paningin at sinilip ang ilalim ng kaniyang kawayang papag.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang malaking baul na gawa sa maitim na kahoy. May nakakabit itong maliit na tanso na padlock.

Mabilis akong lumuhod sa malamig na semento at pilit na hinila ang baul palabas. Mabigat ito at puno ng alikabok na tila ba matagal nang hindi nabubuksan. Nanginginig ang aking mga kamay nang ipasok ko ang maliit na susi sa siwang ng padlock. Umikot ito nang maayos at narinig ko ang isang mahinang lagutok. Bumukas ang kandado.

Huminga ako nang malalim bago ko iangat ang mabigat na takip ng baul.

Bumulaga sa akin ang isang tumpok ng mga pambabaeng damit. Mga lumang bistida na may disenyong mabulaklak at mga kupas na blusa. Amoy na amoy ko ang pinaghalong alikabok at pinatuyong bulaklak. Dahan-dahan ko itong hinawi. Sa ilalim ng mga damit ay may isang maliit na kahon ng sapatos.

Binuksan ko ang kahon at tumigil ang pagtibok ng aking puso.

Nakatago roon ang isang lumang marriage certificate at ang pilak na relo ni Rafael na may mga bahid pa ng natuyong dugo. Kinuha ko ang papel at binasa ang mga pangalan. Roman Mendoza at Isabela Mendoza.

Tama ang hinala ko. Si Isabela ang asawa ni Roman. Ang babaeng nasa litrato sa ilalim ng aking sahig ay ang mismong babaeng pinakasalan ng lalaking umaangkin sa akin.

Bago ko pa masagot ang sarili kong mga tanong ay isang malakas na kaluskos ang narinig ko mula sa labas ng bahay.

Humalinghing ang bakod na kawayan. May naglalakad sa bakuran.

Nanlamig ang buong katawan ko at nawalan ng hangin ang aking mga baga. Bumalik si Roman. Imposibleng matapos niya agad ang trabaho sa bukid. Bakit siya bumalik nang ganito kaaga?

Narinig ko ang pagpasok ng susi sa seradura ng pintuan sa harap.

Sa sobrang taranta ay mabilis kong isinara ang kahon at ibinalik ang mga damit sa loob ng baul. Ibinaba ko ang takip at itinulak ito pabalik sa ilalim ng kama. Wala na akong oras para ibalik ang padlock kaya isinuksok ko na lang iyon sa aking bulsa kasama ng maliit na susi.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa sala at ang mabibigat na yabag ng kaniyang bota sa semento.

Papunta siya sa kwarto. Luminga-linga ako para maghanap ng matataguan. Napakaliit ng kwarto niya. Umatras ako nang umatras hanggang sa sumabit ang aking paa sa gilid ng isang makapal na basahan na nakalatag malapit sa paanan ng kama.

Nang magusot ang tela ay tumambad sa akin ang isang parisukat na hiwa sa sahig na gawa sa kahoy. May nakakabit itong kalawanging singsing na bakal. Isang tagong lagusan. Wala na akong ibang pagpipilian.

Laking gulat ko nang makita kong hindi nakakabit nang maayos ang kalawanging kandado nito, marahil ay naiwan itong bukas ni Roman sa kaniyang pagmamadali pag-alis kaninang umaga.

Pumasok ako sa butas at dahan-dahang ibinaba ang takip na kahoy sa mismong oras na bumukas ang pinto ng kwarto sa itaas.

Nanigas ang buong katawan ko sa hagdan. Dahan-dahan akong bumaba hanggang sa tumapak ang aking mga paa sa malamig at mamasamasang lupa ng isang madilim na silong. Sobrang dilim ng paligid. Amoy na amoy ko ang pinaghalong kalawang at lumang dugo.

Tinakpan ko ng magkabilang kamay ang aking bibig para pigilan ang aking malakas na paghinga. Rinig na rinig ko ang paglangitngit ng sahig na kahoy sa mismong itaas ko. Naglalakad si Roman sa loob ng kwarto.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang kaniyang mga yabag na palabas ng kwarto hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa likod ng bahay niya. Umalis siyang muli.

Nakahinga ako nang maluwag. Ligtas ako.

Akmang aakyat na sana ako pabalik sa hagdan nang biglang may marinig akong kaluskos mula sa pinakasulok ng madilim na silong.

Huminto ang pagtibok ng puso ko.

Tunog ng mabibigat na kadenang bakal na kumikiskis sa bato. May tao sa ibaba. Hindi ako nag-iisa sa loob ng malamig na lungga na ito.

Pilit kong inaaninag ang paligid sa tulong ng kaunting liwanag na pumapasok mula sa mga siwang ng sahig sa itaas. Nanlaki ang mga mata ko. May isang bulto ng tao na nakasandal sa maduming pader. Puno ng hiwa ang kaniyang mga braso at binti at nakakabit sa kaniyang paa ang isang maikling kadena na nakatali sa isang haligi.

Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin sa akin. Basag ang kaniyang mukha at namamaga ang mga mata ngunit kilalang-kilala ko kung sino siya.

“Elias,” isang paos at nanghihinang boses ang tumawag sa pangalan ko.

Napasandal ako sa pader sa tindi ng gulat. Umawang ang aking mga labi ngunit walang lumabas na boses. Pakiramdam ko ay tuluyang gumuho ang buong mundo ko sa aking harapan.

Buhay si Jomari. Nakakulong siya sa ilalim ng sahig kung saan kami nagtalik ni Roman kagabi.

“Jomari,” umiiyak na bulong ko habang nakaluhod sa maputik na lupa sa kaniyang harapan. “A-anong ginawa niya sa iyo? Tatanggalin ko ang kadena mo. Aalis tayo rito.”

Ngunit umiling si Jomari. Ang kaniyang mga luha ay humalo sa putik sa kaniyang pisngi. “H-hindi mo kaya Elias. Napakatibay ng kandado at siguradong dala ni Roman ang susi nito.”

Umubo siya nang mahina at tinitigan ako gamit ang mga matang puno ng matinding sakit at kawalan ng pag-asa. “Narinig ko kayo Elias.”

Nanigas ang buong katawan ko.

“Dito sa mismong ilalim,” patuloy ng binata. “ Nakikinig sa mga ungol mo. Naririnig ko kung paano ka niya angkinin sa ibabaw ng lupang ito. Ginawa niya ito para parusahan ako nang dahan-dahan.“

Napatakip ako ng bibig. Gusto kong sumuka sa tindi ng pandidiri sa sarili ko at kay Roman. Pinaglaruan kami ng halimaw. Habang nagpapakasarap ako sa ibabaw ay unti-unting namamatay ang lalaking nagtangkang iligtas ako.

“Kailangan nating humingi ng tulong,” nanginginig na sabi ko. “Pupunta ako sa mga pulis.”

“Huwag,” mabilis at takot na takot na pigil ni Jomari habang mahigpit na nakahawak sa aking kamay. “Papatayin niya tayong dalawa oras na malaman niyang nakita mo ako. At may nakita ako Elias. Noong gabing mahuli ako ni Roman sa labas ng bintana mo ay may nakita ako. May isang lalaking nag-iwan ng duguang relo at papel sa pasimano mo bago dumating si Roman. Nakasuot siya ng itim na leather jacket.”

Si Gabriel. Tama ang hinala ko mula pa noong una. Si Gabriel ang nagtatanim ng ebidensya para idiin ako at paglaruan ang utak ko.

Bago pa man ako makapagtanong muli ay biglang yumanig ang sahig sa itaas. May mabibigat na yabag na pumasok muli sa loob ng bahay.

Bumalik na si Roman.

“Magtago ka na,” nagmamakaawang bulong ni Jomari habang tinutulak ako palayo patungo sa isang tumpok ng mga lumang sako sa sulok ng silong. “Magtago ka na Elias. Paparating na ang halimaw.”

KABANATA 33

Mabilis akong gumapang patungo sa madilim na sulok kung saan nakasalansan ang mga lumang sako at sirang kagamitan. Nagsiksik ako sa pinakagilid at pilit na pinaliit ang aking katawan. Binalot ako ng matinding kaba at panginginig habang pinapakinggan ang bawat yabag mula sa itaas. Ang amoy ng nabubulok na kahoy at basang lupa ay sumuot sa aking ilong ngunit mas nakakasulasok ang takot na namumuo sa aking sikmura.

Bumukas ang parisukat na kahoy sa kisame. Pumasok ang kaunting liwanag mula sa kwarto kasunod ang malalaki at mabibigat na bota ng magsasaka. Dahan-dahang bumaba si Roman bitbit ang isang lumang lampara at isang piraso ng matigas na tinapay. Napatakip ako sa aking bibig gamit ang magkabilang kamay. Pinigilan ko ang aking paghinga dahil alam kong kapag lumingon siya sa aking gawi ay pareho kami ni Jomari na mamamatay ngayong araw.

“Buhay ka pa pala aso,” malamig at mayabang na bati ni Roman pagkatapak niya sa maputik na lupa ng silong.

Inihagis niya nang ubod ng lakas ang matigas na tinapay sa mukha ni Jomari. Napadaing ang binata ngunit hindi siya lumaban. Nanatili siyang nakasandal sa malamig na pader habang matalim na nakatitig sa magsasaka. Ang kaniyang mukha ay puno ng pasa at ang kaniyang damit ay punit-punit.

“Bakit ganyan ka makatingin?” mapanuksong tanong ni Roman habang mabagal na naglalakad papalapit sa kaniya. “Nagagalit ka ba dahil narinig mo kung paano ko inangkin si Elias kagabi? Napakasarap niya Jomari. At ang pinakamaganda roon ay siya pa mismo ang lumapit sa akin at naghubad sa aking harapan. Ginusto niya iyon.”

Pumikit nang mariin si Jomari. Sa liwanag ng lampara ay nakita ko ang pagbagsak ng kaniyang mga luha ngunit kinagat niya ang kaniyang labi para pigilan ang anumang tunog. Pinoprotektahan niya ako. Pilit niyang inililihis ang atensyon ni Roman para hindi nito mapansin ang pagbabago sa paligid at ang mabilis kong paghinga sa kabilang sulok.

“Wala kang kwenta,” garalgal ngunit matapang na sagot ni Jomari. “Darating ang araw na makukulong ka rin. Mabubulok ka sa impyerno Roman.”

Isang malakas at malutong na sampal ang pinakawalan ni Roman. Umalingawngaw ang tunog sa buong silong at napabagsak si Jomari sa lupa. Tumulo ang sariwang dugo mula sa kaniyang pumutok na labi patungo sa kaniyang leeg. Gusto kong sumigaw at saksakin si Roman mula sa likuran ngunit alam kong mas lalo ko lang ilalagay sa panganib ang buhay naming dalawa kung magpapadalos-dalos ako.

Kinuha ni Roman ang maliit na balde sa ibabaw ng lumang mesa.

“Dinalhan na kita ng tubig,” nakangising sabi niya habang walang-awang ibinabagsak ang balde sa paanan ng binata. Tumalsik ang kaunting tubig sa sugatang mukha ni Jomari. “Inumin mo iyan para humaba pa ang buhay mo. Gusto ko pang marinig ang pagmamakaawa mo araw-araw.”

Tumalikod si Roman at naglakad pabalik sa hagdan. Umakyat siya at narinig ko ang mabigat na pagbagsak ng parisukat na kahoy. Isinara niya ang lagusan. Ilang sandali pa ay narinig ko ang kaniyang mga yabag na palabas ng kwarto hanggang sa tuluyang sumara ang pinto sa harap ng kaniyang bahay. Umalis na siya patungo sa sakahan.

Nabalot muli ng nakabibinging katahimikan ang silong maliban sa mabigat na paghinga ni Jomari.

“Elias tumakbo ka na,” nagmamadaling bulong ni Jomari habang pilit na inaangat ang kaniyang sarili mula sa putik. “Umalis ka na habang wala siya. Baka may makakita sa iyo.”

Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko at tumango habang patuloy na umaagos ang aking mga luha. “Babalik ako Jomari. Pangako ililigtas kita rito. Kukuha ako ng tulong.”

Mabilis at tahimik akong gumapang palabas ng mga sako. Inakyat ko ang hagdan nang walang anumang ingay. Pilit kong itinulak pataas ang parisukat na kahoy at dahan-dahang umahon pabalik sa kwarto ni Roman. Ibinalik ko ang basahan sa ibabaw ng tagong pinto para walang makahalata na ginalaw ito. Mabilis akong tumakbo patungo sa sala at lumusot sa isang maliit na kahoy na bintana na nakaharap sa kabilang gilid ng bahay. Tumalon ako sa masukal na damuhan at tumakbo nang mabilis patungo sa bakod hanggang sa makarating ako sa sarili kong likod-bahay.

Pagpasok ko sa aking kusina ay napasandal ako sa malamig na pader. Humihingal ako at basang-basa ng malamig na pawis ang aking damit. Ligtas ako ngunit ang aking isip ay patuloy na sumisigaw. Ang daming nangyari sa loob lamang ng isang umaga na tila sumira sa buong pagkatao ko. Nakita kong buhay si Jomari at pinaparusahan sa ilalim ng lupa. Nalaman kong nagtatago si Roman ng katibayan ng kasal nila ni Isabela at ng duguang relo ni Rafael.

At higit sa lahat ay ang huling isiniwalat ni Jomari bago kami bumaba. Si Gabriel. Si Gabriel ang nagtatanim ng ebidensya sa loob ng bahay ko.

Kailangan kong makakuha ng mga sagot. Kailangan kong malaman ang buong katotohanan bago tuluyang mamatay si Jomari sa silong ng halimaw. Hindi lang ako pinaglalaruan ni Gabriel ginagamit niya ang mga ebidensyang iyon para ikonekta ang lahat sa iisang pangalan. Isabela. Pinipilit niyang isiksik sa utak ko ang babaeng ito para wasakin ang mga sikretong matagal nang ibinabaon ni Roman.

Hindi ko pwedeng harapin si Gabriel nang ganito ang itsura ko. Basang-basa ako ng pawis at puno ng putik ang aking mga tuhod mula sa paggapang sa silong. Mabilis akong nagtungo sa banyo at binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan. Pilit kong hinugasan ang dumi sa aking balat pati na rin ang naiiwan pang pakiramdam ng takot na kumakapit sa aking diwa.

Pagkatapos magbihis ng malinis na t-shirt at pantalon ay pumunta ako sa aking kwarto. Kinuha ko ang litrato ni Isabela, ang pilak na kwintas, at ang nakatuping papel. Ibinulsa ko ang mga ito. Bago ako lumabas ng kusina ay kumuha ako ng isang matalim na kutsilyo at itinago iyon sa likod ng aking pantalon. Hindi ko kilala kung sino ba talaga si Gabriel kaya kailangan kong mag-ingat.

Akmang bubuksan ko na ang pintuan palabas nang sumilip ako sa siwang ng bintana. Nakita ko si Lester na naglalakad sa kalsada hindi kalayuan. Nakayuko ito at tila malalim ang iniisip. Hindi ko siya tinawag. Mabilis akong umatras at nagtago sa likod ng kurtina. Matapos ang mga kaduda-dudang kilos niya nitong mga nakaraang araw at ang palihim niyang paglilinis ng putik sa aking pintuan ay hindi ko na alam kung mapagkakatiwalaan ko pa ang matalik kong kaibigan. Mas mabuting hindi niya alam kung saan ako pupunta.

Nang masiguro kong tuluyan nang nakalayo si Lester ay saka ako huminga nang malalim at lumabas ng bahay. Tirik na tirik ang araw. Tahimik ang buong San Roque dahil halos lahat ay nagpapahinga tuwing tanghaling tapat. Tinahak ko ang maalikabok na kalsada patawid sa kabilang bakuran kung saan nakatayo ang inuupahang bahay ni Gabriel.

Huminto ako sa tapat ng kaniyang maliit na gate na gawa sa kinakalawang na bakal. Dahan-dahan ko itong itinulak at humalinghing ito nang mahina. Pumasok ako sa kaniyang bakuran na puno ng matataas na damo at umakyat sa tatlong baitang na hagdan patungo sa beranda. Doon ay nakita ko muli ang lumang upuan at ang basyong lata na puno ng upos ng sigarilyo.

Pinihit ko ang seradura ng pintuang gawa sa kahoy. Gaya ng inaasahan ko ay hindi ito nakakandado. Bumukas ito nang may kasamang matinis na tunog na yumanig sa tahimik na paligid. Madilim sa loob dahil nakasara ang lahat ng bintana. Pumasok ako at sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Sininghap ko ang amoy ng alikabok, lumang papel, at ang matapang na amoy ng kemikal at sigarilyo na nakakapit na sa buong silid.

Pagpasok ko sa pinakasala ay natigilan ako.

Sa gitna ng dilim ay nakaupo si Gabriel sa isang lumang silya. Nakasuot siya ng kaniyang paboritong leather jacket at marahang humihithit ng sigarilyo. Tumingin siya sa akin at ngumiti nang tipid. Halatang hinihintay niya ako.

“Akala ko ay bukas ka pa pupunta rito,” malamig at kalmadong bungad ni Gabriel habang ibinubuga ang usok sa hangin. “Umupo ka Elias dahil mahaba-haba ang pag-uusapan natin tungkol kay Isabela.”

Hindi ako umupo. Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto at tahimik na inilabas ang mga ebidensyang ninakaw niya. Ibinato ko sa ibabaw ng kaniyang mesa ang litrato ni Isabela, ang kwintas, at ang papel.

“Tama na ang laro Gabriel,” nanginginig ngunit matapang na sabi ko. Inilagay ko ang aking kanang kamay sa likod ng aking pantalon kung saan nakasukbit ang kutsilyo. “Alam kong pumapasok ka sa bahay ni Roman. Alam kong ikaw ang kumukuha ng mga ebidensya ng pagpatay niya para itanim sa bahay ko. Anong kailangan mo sa akin?”

Tumayo si Gabriel. Ang kaniyang siksik at matipunong katawan ay tila sumakop sa liwanag sa loob ng silid. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin. Walang bakas ng takot sa kaniyang mga mata kundi isang matinding poot.

“Hindi ko tinatanim ang mga ebidensya sa bahay mo Elias. Ibinabalik ko lang ang mga ito sa tunay na nagmamay-ari,” malamig na sagot niya. Huminto siya ilang pulgada mula sa akin. Ang amoy ng kemikal ay lalong tumapang na nagpapasakit sa aking ulo. “Ang kapatid kong si Isabela. Ang dayong si Rafael. Si Kiko. Gusto kong malaman ni Roman na hindi niya kayang ibaon ang katotohanan.”

“Wala akong kinalaman sa mga pinatay niya!” sigaw ko. Akmang bubunutin ko na ang kutsilyo sa aking likuran nang mabilis na umaksyon si Gabriel.

Hindi ko nakita ang paggalaw ng kaniyang kamay. Sobrang bilis at lakas ng kaniyang atake. Bago ko pa mahawakan ang patalim ay isang matigas na kamao ang sumalpok sa aking sikmura na nagpatumba sa akin. Napaluhod ako sa sahig habang habol ang aking hininga.

“Hindi kita sasaktan nang tuluyan Elias,” rinig kong sabi ni Gabriel habang nakatayo sa aking harapan. Hinawakan niya ang aking buhok at sapilitang inangat ang aking mukha. “Pero kailangan kong matapos ang sinimulan ko. Kailangan kong lumabas ang halimaw sa kaniyang lungga. At ikaw ang gagamitin ko para pumunta si Roman sa sapa.”

Nakita ko ang pag-angat ng kaniyang kabilang kamay na may hawak na isang mabigat na piraso ng kahoy.

“Matulog ka muna.”

Isang napakalakas na paghampas sa gilid ng aking ulo ang bumasag sa aking pandinig. Nakakabinging ugong ang pumuno sa aking isipan. Naramdaman ko ang pagbagsak ng aking katawan sa malamig na sahig. Unti-unting lumabo ang paligid hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

KABANATA 34

Madilim. Walang ibang kulay kundi ang isang malalim at nakakasakal na itim na tila umaalon sa aking paningin.

Hindi ko maramdaman ang sarili kong mga kamay. Ang tanging rumehistro sa aking utak ay ang malansang lasa ng dugo sa loob ng aking bibig at ang nakakabinging kirot na pumipitik sa kanang bahagi ng aking ulo. Gusto kong sumigaw ngunit tila may bumara sa aking lalamunan. Gusto kong imulat ang aking mga mata ngunit napakabigat ng aking mga talukap.

Naramdaman ko ang malamig at matalim na paghampas ng hangin sa aking balat. Kasunod nito ay ang sunod-sunod na pagpatak ng malamig na ulan sa aking mukha.

Buhay pa ako.

Pilit kong binuksan nang bahagya ang aking kanang mata. Malabo ang buong paligid at nahihilo ako sa bawat paggalaw ngunit sapat na ang kaunting liwanag mula sa mga poste ng kalsada para maintindihan ko ang nangyayari. Hinihila ako.

Naramdaman ko ang magaspang na damo at matigas na lupa na humahagod sa aking likuran at mga binti. Basang-basa na ng ulan at putik ang aking damit. Sa aking paanan ay nakita ko ang malalaking bota ni Gabriel at ang laylayan ng kaniyang itim na leather jacket. Hawak niya ang magkabila kong braso at walang awa niya akong kinakaladkad sa gitna ng madilim at maputik na kakahuyan palayo sa kaniyang bahay.

“Konting tiis na lang,” rinig kong bulong ni Gabriel sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Ang kaniyang boses ay puno ng panggigigil at matinding kalungkutan. “Malapit na. Makikita ko rin kung sino ang halimaw na pumatay sa iyo. Huhukayin ko sila mula sa lungga nila.”

Kahit naguguluhan ang aking isip dahil sa pagkakapukpok sa aking ulo ay pilit kong pinagdugtong ang kaniyang mga salita. Bakit niya kinakausap ang patay na asawa ni Roman? Bakit ganoon na lamang ang galit niya?

Isang biglaang paglubak sa lupa ang nagpabagsak sa aking balakang. Nakagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang isang malakas na daing. Sa mismong pagbagsak na iyon ay naramdaman ko ang pagbaon ng isang matigas at malamig na bagay sa aking baywang.

Ang kutsilyo.

Nandoon pa rin ang matalim na kutsilyong isinuksok ko sa likuran ng aking pantalon bago ako pumunta sa bahay niya kanina. Dahil sa bilis ng mga pangyayari at sa biglaang pag-atake niya ay hindi niya napansin na armado ako.

Kailangan kong protektahan ang patalim na ito. Ito na lamang ang tanging pag-asa ko para mabuhay.

Ibinalik ko ang pagpikit ng aking mga mata. Ibinagsak ko nang tuluyan ang bigat ng aking katawan at ginawa kong malambot ang aking leeg para isipin niyang wala pa rin akong malay. Hinayaan ko siyang kaladkarin ako kahit pa nararamdaman ko ang pagkapunit ng aking damit at ang pagkakagasgas ng aking balat sa mga bato. Bawat paghila niya ay isang parusa ngunit mas pinili kong manatiling tahimik sa gitna ng ulan.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko narinig ang malakas na paglangitngit ng isang kinakalawang na bakal. Huminto kami.

“Dito,” humihingal na sabi ni Gabriel. “Dito tayo maghihintay.”

Naramdaman ko ang pag-angat ng aking katawan. Binuhat niya ako nang mataas. Napadaing ako sa aking isipan nang maramdaman ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa aking baywang ngunit pinilit kong huwag gumalaw. Laking pasasalamat ko na ang posisyon ng kaniyang mga kamay ay malayo sa nakasukbit na kutsilyo sa aking likuran.

Ibinagsak niya ako sa isang matigas na kahoy. Ang amoy ng lumang gaas, nabubulok na kahoy, at kalawang ay mabilis na sumuot sa aking ilong. Base sa amoy at sa tunog ng ulan na tumatama sa yero ay alam ko kung nasaan kami. Dinala niya ako sa lumang bodega ng barangay. Ang mismong lugar na matagal nang inabandona ng mga tao.

Narinig ko ang pagkalampag ng mga lumang silya at paghila ng mga sako.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang magaspang na hibla ng lubid na pumulupot sa aking mga pulso. Iginapos niya ang dalawa kong kamay sa likuran ng silyang kahoy na aking inuupuan. Mahigpit. Bumaon ang lubid sa aking balat at pinigilan ang pagdaloy ng aking dugo. Sumunod niyang itinali ang aking mga paa sa dalawang paa ng silya.

Habang ginagawa niya iyon ay nanatili akong walang imik. Ginamit ko ang lahat ng lakas ko para panatilihing mabagal at malalim ang aking paghinga. Kung malalaman niyang gising na ako ay baka kapkapan niya ang buong katawan ko at mahanap niya ang kutsilyo. Kailangan kong maghintay ng tamang pagkakataon.

Matapos niyang higpitan ang huling buhol ay narinig ko ang kaniyang mabibigat na hakbang palayo sa akin.

“Matulog ka muna, Elias,” malamig na banta niya mula sa kabilang dulo ng silid. “Dahil kapag nagising ka ay sisiguraduhin kong iiyak ka ng dugo kasama ng mga halimaw na sumira sa pamilya ko.”

Ang kirot sa aking ulo ay tila naging isang malakas na tambol na pilit binabasag ang aking bungo. Ang lamig ng aking basang damit ay nanunuot hanggang sa aking mga buto. Hindi ko na kinaya ang tindi ng sakit at pagod. Tuluyan nang bumigay ang aking katawan.

Ang amoy ng kalawang at ang tunog ng malakas na ulan ang huli kong naramdaman bago ako muling nilamon ng nakakabinging kadiliman.

KABANATA 35

Malamig na tubig ang sumampal sa aking mukha.

Napasinghap ako nang malakas, pilit na humahabol ng hininga habang inuubo ang tubig na pumasok sa aking ilong. Unti-unting luminaw ang aking paningin. Madilim ang buong paligid at inilawan lamang ng isang lumang gasera na nakapatong sa isang kinakalawang na drum sa aking harapan. Ang amoy ng alikabok, nabubulok na kahoy, at gaas ay sumiksik sa aking baga.

Nasa loob ako ng lumang at abandonadong bodega ng barangay. Ang ulan ay patuloy na humahagupit sa yero ng bubong. Pilit kong iginalaw ang aking mga kamay ngunit bumaon lamang ang magaspang na lubid sa aking mga pulso. Nakatali ako sa isang silyang kahoy at wala na sa aking likuran ang patalim na itinago ko.

“Gising na pala ang pain.”

Mula sa dilim ay lumabas si Gabriel. Suot pa rin niya ang kaniyang itim na leather jacket na basang-basa ng ulan. Sa kanang kamay niya ay pinaglalaruan niya ang mismong kutsilyo ko. Walang bakas ng awa sa kaniyang mga mata at tanging isang malalim at nag-aapoy na poot ang nakatitig sa akin.

“Pakawalan mo ako, Gabriel!” nanginginig ngunit palaban na bulyaw ko. Pilit kong hinatak ang aking mga braso hanggang sa bumaon ang lubid sa aking laman. “Wala akong kinalaman sa kapatid mong si Isabela! Biktima lang din ako rito!”

Isang mapaklang tawa ang pinakawalan ng dayo. Lumapit siya at marahas na hinawakan ang aking panga, pilit na inilalapit ang aking mukha sa liwanag ng gasera.

“Biktima?” bulong niya at ang kaniyang hininga ay amoy alak at sigarilyo. “Kaya ko itinatanim sa bahay mo ang mga ebidensya, Elias, ay para magising ka sa katangahan mo. Tatlong taon kong hinanap ang mga hayop na pumatay sa kapatid ko. Ang totoong Isabela. Ang totoong asawa ni Roman.”

Kumunot ang noo ko. “Hindi kita maintindihan. Sino ang pumatay sa kaniya?”

“Ang demonyong tinatawag mong matalik na kaibigan,” malamig na sagot ni Gabriel na tila isang patalim na sumaksak sa aking utak.

Tumigil ang pagtibok ng puso ko. “Si Lester?”

“Hindi mo ba alam?” natatawang patuloy ni Gabriel. Binitawan niya ang aking mukha at naglakad paikot sa akin. “Ang Isabela na pumapatay sa San Roque, ang babaeng kasabwat ni Roman sa pagpatay sa kapatid ko, ay isang ilusyon. Kinuha niya ang pangalan ng kapatid ko para insultuhin ang alaala nito. Si Lester ang totoong halimaw, Elias. Magaling siyang magtago sa likod ng makeup at peluka tuwing gabi. Siya si Isabela.”

Nanlamig ang buong katawan ko. Bumalik sa isip ko ang lahat ng mga detalyeng pilit ibinabaon ng aking takot. Ang sariwang kalmot sa braso ni Lester. Ang putik sa kaniyang pantalon noong gabi ng bagyo. Ang palihim niyang paghuhugas ng putik sa pintuan ng aking kusina.

“Paano,” umiiyak na bulong ko dahil hindi matanggap ng aking sistema ang katotohanan. “Si Rafael… si Lester ba ang pumatay… bakit niya pinatay si Rafael?!”

Diniinan ni Gabriel ang hawak na kutsilyo. “Dahil naging magkasintahan sina Rafael at Lester bago pa man umalis si Rafael pa-Maynila. Bumalik si Rafael hindi lang para magbakasyon! Bumalik siya para iligtas si Lester! Tatlong taon na ang nakalilipas, nakita ni Rafael kung paano pinatay nina Roman at Lester ang kapatid ko. Sinubukan niyang isama si Lester paalis ng San Roque, ngunit mas pinili ng baliw mong kaibigan ang magsasakang iyon. At nang makita ni Lester na lumalandi sa iyo si Rafael? Pinatay niya ang lalaking nagmahal sa kaniya para lang protektahan ang sikreto nila.”

Nanikip ang aking dibdib. Wala akong ibang nagawa kundi ang humikbi. Ginamit nila ako. Nililigpit ni Lester ang sinumang lumapit sa akin para masigurong kay Roman lang ako babagsak, habang pinapanood niya kaming dalawa mula sa dilim.

“Ginawa ka nilang pain, Elias,” galit na bulyaw ni Gabriel. “At ngayon, gagamitin kita para palabasin silang dalawa. Papatayin ko ang halimaw na iyon.”

Bago pa man ako makasagot, isang napakalakas na kalabog ang yumanig sa buong bodega.

Ang malaking kinakalawang na bakal na pinto ay marahas na nawasak at tumalsik ang mga turnilyo nito sa lakas ng sipa. Humampas ang malakas na hangin at ulan papasok sa madilim na silid at pinatay nito ang nag-iisang gasera. Tanging ang paminsan-minsang kidlat lamang ang nagbibigay ng liwanag.

Sa gitna ng nawasak na pintuan, nakatayo ang isang higanteng anino. Wala siyang suot na pang-itaas, basang-basa ng ulan at putik, at hawak ang kaniyang kumikinang na itak. Si Roman.

Dahan-dahan siyang humakbang papasok. Bawat yabag ng kaniyang bota ay tila paghukay ng libingan sa malamig na semento.

“Bitawan mo ang pag-aari ko,” garalgal, malamig, at nag-aapoy na utos ni Roman. Ang kaniyang boses ay mas nakakakilabot pa kaysa sa kulog sa labas.

“Nandito na ang mga baliw ng San Roque at halimaw,” ngisi ni Gabriel. Walang atubiling sumugod ang dayo palapit sa magsasaka.

Nag-abot ang dalawa sa gitna ng madilim na bodega. Nagtama ang kutsilyo at itak na lumikha ng mga lagitik ng bakal na umaalingawngaw sa ingay ng malakas na ulan. Mas mabilis at mas sanay sa bakbakan si Gabriel. Mabilis siyang umiwas sa isang malakas na taga ni Roman at walang-awang ibinaon ang kaniyang kutsilyo sa mismong tagiliran ng magsasaka.

Napadaing si Roman at napaluhod sa semento. Umagos ang madilim na dugo mula sa kaniyang matipunong katawan. Akmang itatarak na muli ni Gabriel ang kaniyang patalim sa leeg ng biyudo nang biglang may isang matinis at malakas na tawa ang umalingawngaw mula sa madilim na sulok ng bodega.

Isang tawang hindi pamilyar, ngunit nakakapanindig-balahibo sa sobrang landi at lamig.

Dahan-dahang humakbang palabas mula sa mga anino ang isang pigura na nakasuot ng matingkad na dilaw na kapote. Napatigil si Gabriel at dahan-dahang lumingon.

Ibinaba ng pigura ang hood ng kaniyang kapote sa ilalim ng liwanag ng kidlat.

Tumambad sa akin ang mukha na matagal ko nang kilala, ngunit ngayon ay tila pag-aari na ng isang demonyo. Makapal ang kaniyang pulang lipstick. Mahaba at kulot ang pelukang nakapatong sa kaniyang ulo na basang-basa ng ulan, at ang kaniyang mga mata ay puno ng isang nakakabaliw na kadiliman na malayong-malayo sa inosente at maingay kong kaibigan.

“Surprise, teh,” malandi at malamig na bati ni Lester. Hawak niya sa kaniyang kanang kamay ang isang mahaba at matalim na itak.

“Lester,” umiiyak at basag na tawag ko.

Nilingon niya ako at binigyan ng isang nakakakilabot na ngiti. “Oh, Elias. Sabi ko naman sa iyo diba? Ako ang best friend mo. Ako na ang bahala sa mga kalat rito.”

“Hayop ka! Pinatay mo ang kapatid ko!” nagngangalit na sigaw ni Gabriel.

Binitawan ni Gabriel si Roman at buong bilis na sumugod kay Lester. Ngunit hindi na siya isang simpleng si Lester na madaling matakot. Isang napakabilis at maliksing pag-iwas ang ginawa ni Lester na sinabayan ng isang malakas at walang-awang paghampas ng itak sa ere.

Isang malakas na lagutok ng buto ang umalingawngaw. Napatumba si Gabriel at napahawak siya sa kaniyang binti na ngayon ay may malalim at nagdurugong hiwa.

Naglakad si Lester palapit kay Gabriel. Ang kaniyang bawat galaw ay puno ng kumpiyansa at pagiging malupit. Tumingala si Gabriel at umubo ng dugo ngunit puno ng poot ang kaniyang mga mata.

“Gusto mong makita ang tunay na Isabela?” bulong ni Lester habang inilalapit ang kaniyang mukha na puno ng makeup kay Gabriel. “Mas maganda at mas malakas ako kaysa sa mahinang kapatid mo. Ako ang tunay na reyna ng San Roque.”

At sa isang mabilis na galaw, walang-awang ibinaon ni Lester ang itak sa mismong dibdib ni Gabriel. Nanlaki ang mga mata ng dayo bago tuluyang nawalan ng buhay at bumagsak sa malamig na semento.

Napasigaw ako sa matinding takot at pandidiri habang pinapanood na dumanak ang dugo sa aking harapan. Ang matalik kong kaibigan, ang taong kasabay kong lumaki at nagpatawa sa akin sa tuwing nalulungkot ako, ay isang baliw na halimaw na nakatago sa simpleng maskara.

Hinugot ni Lester ang itak at pinunasan ang tumalsik na dugo sa kaniyang pisngi gamit ang kaniyang daliri. Dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Roman na nakaluhod pa rin at hawak ang kaniyang nagdurugong tagiliran. Dito ko nakita ang nakakabaliw na katotohanan. Ang magsasakang kinatatakutan ng lahat, ang barakong umaangkin sa akin gabi-gabi na parang isang halimaw, ay tila isang maamong aso sa harapan ng kaibigan ko.

“Ayos ka lang ba, mahal?” malambing na tanong ni Lester. Ibinaba niya ang kaniyang boses sa isang perpektong pambabaeng tono habang hinahaplos ang pawisang buhok ng magsasaka.

Tumingala si Roman at binalewala niya ang saksak sa kaniyang tagiliran. Tinitigan niya si Lester nang may matinding pagmamahal at pagsamba. “Masyado siyang naging maingay, Isabela.”

Humarap si Lester sa akin. Ang kaniyang pulang-pula na mga labi ay nakangisi habang pinapanood ang mga luha na walang-tigil na umaagos sa aking mukha. Naglakad siya palapit sa akin at hawak pa rin niya ang duguang itak.

“Huwag kang umiyak, Elias,” malambing na bulong ni Lester habang ginagamit ang malinis na bahagi ng kaniyang kamay para punasan ang aking luha. “Tingnan mo kung anong kaya kong gawin para sa ating tatlo. Tayo ang bubuo ng perpektong pamilya rito sa San Roque. Wala nang asong manggugulo sa iyo. Wala nang kukuha kay Roman sa akin.”

Tinitigan ko ang mga mata ng kaibigan ko. Nakita ko roon ang matagal at malalim na kabaliwan na nabuo sa mga anino. Dalawang baliw at halimaw ang nasa aking harapan, isang uhaw sa dugo at isang uhaw sa kontrol, at sa mga sandaling ito, alam kong tuluyan na akong nahulog sa impyernong ginawa nilang dalawa.

KABANATA 36

Walang anumang tunog ang lumabas sa aking bibig. Tila natuyo ang aking lalamunan habang nakatitig sa walang buhay na katawan ni Gabriel sa malamig na semento. Ang kaniyang dugo ay mabilis na humalo sa tubig-ulan na pumapasok mula sa sirang pinto ng bodega, gumagapang patungo sa aking mga paa na nakagapos pa rin sa silya.

“Ayan, tahimik na,” masiglang sabi ni Lester. Iwinasiwas niya ang duguang itak para ipagpag ang dugo nito bago niya marahang inayos ang kaniyang basang-basang peluka.

Humarap siya sa akin, ang kaniyang pulang-pulang labi ay nakangiti ng napakalapad. Ang matalik kong kaibigan, ang taong nagpapatawa sa akin, ang umuupo sa tindahan ko araw-araw para makipagtsismisan, ay ang mismong demonyong pumatay sa lahat ng taong nagtangkang iligtas ako.

“Bakit, Lester?” basag at paos na tanong ko. Ang mga luha ko ay nag-unahang pumatak. “Lahat ng iyak mo, lahat ng takot mo noong kaharap natin ang mga pulis, gawa-gawa mo lang?”

Tumawa nang malakas si Lester. Isang matinis at nakakakilabot na halakhak na umalingawngaw sa buong bodega. Naglakad siya papalapit sa akin, kumekembot na parang rumarampa sa isang entablado ng patayan.

“Syempre, teh!” sagot niya, biglang ibinalik ang pamilyar at maingay niyang boses. “Ang galing ko bang umarte? Deserve ko ng award, diba? Kung nakita mo lang sana ang sarili mo, Elias. Awang-awa ka sa akin habang pinoprotektahan mo ako sa mga pulis. Ang sarap mong panoorin. Ang inosente, ang bait-bait ng best friend ko.”

Bumaba ang kaniyang boses, naging malamig at seryoso. “Pero nakakapagod din magpanggap na mahina. Lalo na kung ang totoo ay ako ang may hawak ng lahat ng laro rito sa San Roque.”

Lumingon si Lester kay Roman. Nakaluhod pa rin ang magsasaka, mahigpit na nakahawak sa kaniyang nagdurugong tagiliran kung saan siya sinaksak ni Gabriel. Walang reaksyon ng sakit sa mukha ng biyudo. Nakatitig lamang siya kay Lester na parang isang maamong asong naghihintay ng utos.

Lumapit si Lester kay Roman at lumuhod sa putikan. Gamit ang kaniyang duguang mga daliri, marahan niyang hinaplos ang magaspang na pisngi ng magsasaka.

“Masakit ba, mahal?” malambing na tanong ni Lester, ang boses ay muling nagbago sa isang perpektong pambabaeng tono.

“Hindi. Ayos lang ako, Isabela,” garalgal na sagot ni Roman. Inabot ng kaniyang malaking kamay ang baywang ni Lester at hinalikan ang duguang braso nito.

Napapikit ako sa tindi ng pandidiri at pagkalito. “Mga baliw kayo… mga baliw kayo… pinatay niyo ang totoong Isabela. At ngayon inaangkin mo ang pangalan niya, Lester?”

Lumingon sa akin si Lester, ang kaniyang mga mata ay nanlilisik sa galit. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. Itinapat niya ang dulo ng kaniyang itak sa aking lalamunan. Napatigil ako sa paghinga.

“Huwag mong babanggitin ang babaeng iyon!” madiing bulyaw ni Lester. “Walang kwentang asawa ang totoong Isabela! Gusto niyang iwan si Roman. Gusto niyang saktan ang lalaking pinakamamahal ko! Kaya tinulungan ko siyang iligpit ang basurang iyon. Ako ang naging reyna niya, Elias. Ako ang gumanap sa papel na hindi kayang panindigan ng babaeng iyon!”

“At ako?” umiiyak na tanong ko. “Bakit niyo ako idinadamay? Bakit mo nilagyan ng putik ang tsinelas ko para pagbintangan ako ng mga pulis?!”

Ngumisi si Lester at mas lalong inilapit ang mukha sa akin. “Akala mo ba malas ka lang kaya nagkaputik ang tsinelas mo noong gabing patayin ko si Kiko? Ako ang nagsuot niyan, Elias! At habang tulog ka dahil sa pampatulog na palihim kong inihahalo sa mga pagkain mo? Kinukuskos ko ang putik sa mga kuko mo at kinakalmot ko ang braso mo gamit ang talahib kahit pa yakap-yakap ka ni Roman. Kailangan kong isipin mong ikaw ang pumapatay habang tulog ka, para tuluyan kang mabaliw at sa amin ka lang tumakbo! Ginawa ko iyon para makulong ka sa amin. Para makumpleto ang pamilya natin.”

“Tama na,” awat ni Roman. Dahan-dahang tumayo ang magsasaka sa kabila ng kaniyang sugat. Naglakad siya palapit sa amin at marahang ibinaba ang kamay ni Lester na may hawak na itak. “Huwag mong sasaktan si Elias. Napag-usapan na natin ito.”

Nilingon ni Lester si Roman at ngumiti nang malambing. “Syempre naman, mahal. Hindi ko sasaktan ang paborito nating laruan.”

Gumapang ang matinding kilabot sa aking gulugod nang dumapo ang malaking kamay ni Roman sa aking pisngi. Ang kaniyang mga mata ay puno ng isang nakakabaliw na debosyon at pag-aari.

“Nakita mo na kung paano kami maglinis ng bakuran, Elias,” paos na bulong ni Roman, ang kaniyang hininga ay mainit at amoy dugo. “Lahat ng asong kumahol at sumubok na umagaw sa iyo, pinatahimik na namin. Si Rafael na sumubok balikan si Lester. Si Kiko na nagtangkang angkinin ka. At ngayon si Gabriel… wala nang matitira. Wala nang ibang hahawak sa iyo kundi ako lang.”

Kinuha ni Roman ang kutsilyo ni Gabriel mula sa sahig. Akala ko ay isasaksak niya ito sa akin, ngunit sa halip, pinutol niya ang magaspang na lubid na nakapulupot sa aking mga pulso at paa.

Nang malaglag ang mga lubid, nanghina ang aking mga binti at napabagsak ako sa semento. Nanginginig ang aking buong katawan. Malaya na ang aking mga kamay, ngunit ramdam ko ang mas mahigpit na kadenang nakapulupot ngayon sa aking kaluluwa.

“Tumayo ka, teh,” utos ni Lester habang inaayos ang kaniyang kapote. “Marami pa tayong gagawin. Kailangan nating ibaon ang dayong ito sa dulo ng kakahuyan bago pa sumikat ang araw.”

“Hindi ako sasama sa inyo,” nanginginig na sagot ko, pilit na umaatras palayo. “Mga baliw kayo, mga demonyo kayo.”

Isang mabilis na hakbang ang ginawa ni Roman at marahas niyang hinigit ang aking braso. Itinayo niya ako nang pilit hanggang sa magdikit ang aming mga dibdib.

“Wala kang pagpipilian, Elias,” matigas na banta ng magsasaka, idinidiin ang kaniyang sarili sa akin. “O baka gusto mong puntahan ko ang nanay ni Lester na natutulog ngayon sa kabilang kanto at gisingin ko siya gamit ang itak na ito? Kung hindi ka susunod sa amin, mas marami pang madadamay sa kabaliwan ng San Roque.”

Nanlaki ang mga mata ko. Gagamitin nila ang mga inosenteng tao para kontrolin ako. Nakita ko ang ngisi ni Lester sa likuran ni Roman. Wala na siyang pakialam kahit sarili pa niyang ina ang pinagbabantaan ng lalaking kinababaliwan niya. Ganito kalala ang sira sa utak ng matalik kong kaibigan.

Napatungo ako. Umiyak ako nang tahimik. Wala na akong lusot. Ang mga lalaking nagtangkang iligtas ako ay mga patay na. Ngunit pumasok sa aking isipan ang isang pangalan. Si Jomari. Buhay pa si Jomari at naghihingalo sa madilim na silong sa ilalim ng bahay ni Roman. Kung tatakbo ako ngayon, papatayin ako ni Roman. Kung lalaban ako, papatayin ako ni Lester. At kung mamatay ako, walang magliligtas kay Jomari.

Unti-unti, isang kakaibang pakiramdam ang pumasok sa aking dibdib. Ang matinding takot at panginginig ng aking mga kamay ay dahan-dahang nawala. Ang mga luha ko ay natuyo.

Kung hindi ako makakatakas sa mga demonyong ito, kailangan kong maging isa sa kanila. Kailangan kong matutong makipaglaro sa loob ng sarili nilang impyerno hanggang sa mahanap ko ang kahinaan nila. At alam ko na kung ano ang kahinaan nila.

Ang isa’t isa.

Dahan-dahan kong iniangat ang aking mukha at tinitigan si Roman sa mga mata. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang matipunong dibdib at ang kaniyang sugat na patuloy sa pagdurugo. Ibinuka ko ang aking mga labi at dahan-dahang ipinatong ang aking nanginginig na palad sa kaniyang nag-aapoy na pisngi.

“Gagamutin natin ang sugat mo, Roman,” malambot at sadyang pinalanding bulong ko sa kaniya. “Ayokong mamatay ka. Kailangan pa kita.”

Naramdaman ko ang matinding pagkabigla at pag-alab ng pagnanasa sa buong katawan ng magsasaka. Ang kaniyang mga mata ay tila lumamon sa aking kaluluwa. Mahigpit niya akong niyakap at ibinaon ang kaniyang mukha sa aking leeg.

Sa likuran ng kaniyang balikat, nagtama ang paningin namin ni Lester.

Ang ngisi sa mga pulang labi ng matalik kong kaibigan ay dahan-dahang nawala. Nakita ko ang mabilis na pagkislap ng matinding selos at galit sa kaniyang mga mata nang makita niya kung paano ako hawakan ng lalaking pinapangarap niya. Ang puppet master na nagmamanipula sa aming lahat ay nakaramdam ng pagkabanta.

Ngumisi ako nang palihim kay Lester, isang ngising puno ng hamon.

Lalaruin ko ang laro nila. At sisiguraduhin kong sa huli, silang dalawa ang magpapatayan.

KABANATA 37

Tahimik at walang imik akong sumunod sa kanila habang kinakaladkad nila ang walang-buhay na katawan ni Gabriel palabas ng bodega at patungo sa masukal na bahagi ng kakahuyan. Sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan, napanood ko kung paano nila ibaon ang dayo sa malamig na putik. Hinimok ko ang aking sarili na lunukin ang anumang natitirang takot sa aking sistema. Wala na akong luhang iluluha.

Nang matapos ang kanilang madugong gawain, sabay-sabay kaming bumalik sa bahay ni Roman. Basang-basa kami ng ulan at dugo. Pagpasok namin sa sala, agad na napahawak si Roman sa kaniyang tagiliran. Ang saksak ni Gabriel ay malalim at patuloy itong nagdurugo na bumabakat ang madilim na mantsa sa kaniyang pantalon.

“Maupo ka, mahal,” nag-aalalang utos ni Lester habang pilit na inaalalayan ang malaking bulto ng magsasaka. Nakasuot pa rin ang kaibigan ko ng basang peluka at makapal na makeup na ngayon ay kalat-kalat na dahil sa ulan. “Kukuha ako ng malinis na tela at mainit na tubig para linisin iyan.”

Naglakad si Lester patungo sa kusina, ngunit bago pa siya makalayo ay mabilis akong kumilos. Lumapit ako kay Roman at dahan-dahang inilapat ang aking malamig na palad sa kaniyang pawisang dibdib.

“Ako na, Roman,” malambing na bulong ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang mga mata na agad nag-alab nang maramdaman ang aking paghawak. “Pinrotektahan mo ako kanina. Hayaan mong bumawi ako sa iyo.”

Napatigil si Lester sa kaniyang paglalakad. Lumingon siya sa amin. Nakita ko ang pagtaas ng kaniyang kilay at ang mabilis na pagkuyom ng kaniyang mga kamao na may bahid pa ng dugo.

Ngumisi si Roman. Isang pagod ngunit mayabang na ngisi. Hinawakan niya ang aking kamay na nakapatong sa kaniyang dibdib at hinalikan ang aking mga daliri. “Sige, Elias. Ikaw ang gumamot sa akin.”

Nilingon ni Roman si Lester. “Isabela, ihanda mo ang mga gagamitin niya.”

Umawang ang mga labi ni Lester na pinintahan ng pulang lipstick. Pilit niyang itinago ang kaniyang panginginig ngunit ang kaniyang mga mata ay sumisigaw ng matinding selos. “Oo. Sige.”

Nang dumating si Lester dala ang palanggana ng mainit na tubig at malinis na tela, sadyang umupo ako sa pagitan ng mga hita ni Roman. Idinikit ko ang aking likod sa kaniyang matigas na tiyan. Bawat dampi ko ng mainit na tela sa kaniyang nagdurugong tagiliran ay sinasabayan ko ng malambing na pag-ihip.

“Masakit ba?” pabulong na tanong ko habang tumitingala sa kaniya.

“Nawawala ang sakit kapag ikaw ang humahawak,” paos na sagot ni Roman. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking leeg para langhapin ang aking amoy at tuluyang binalewala ang presensya ni Lester sa aming harapan.

Tiningnan ko si Lester sa gilid ng aking mga mata. Nakatayo lamang siya roon at hawak nang mahigpit ang duguang kapote habang pinapanood kung paano ako sambahin ng lalaking pumatay para sa kaniya. Ngumisi ako nang palihim. Tingnan mo, Lester. Tingnan mo kung sino ang tunay na reyna sa paningin niya.

Habang binabalutan ko ng malinis na tela ang sugat ng magsasaka, sinamantala ko ang pagkakataon. Kinapa ng aking kaliwang kamay ang bulsa ng kaniyang basang pantalon. Nandoon iyon. Ang maliit at malamig na bakal. Ang susi ng silong kung saan nakakulong si Jomari. Dahan-dahan ko itong hinugot at itinago sa loob ng aking sariling bulsa nang walang nakakapansin.

Matapos ang panggagamot ay nakatulog si Roman dahil sa matinding pagod at pagkawala ng dugo. Mahimbing ang kaniyang paghinga sa ibabaw ng kawayang papag.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para maghugas ng kamay. Sumunod sa akin si Lester. Wala na siyang suot na peluka. Burado na ang kaniyang makeup at ibinalik na niya ang kaniyang orihinal na boses, ngunit ang kaniyang aura ay mapanganib pa rin.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Elias?” madiing bulong ni Lester at pilit na inilalapit ang kaniyang mukha sa akin para hindi kami marinig ng natutulog na magsasaka.

Hinarap ko siya. Tinitigan ko ang matalik kong kaibigan mula ulo hanggang paa at punong-puno ng pag-insulto ang aking paningin.

“Ginagawa ko ang sinabi mo, Lester. Sumasabay ako sa laro niyo,” malamig na sagot ko. Pinasadahan ko ng daliri ang aking leeg kung saan idinikit ni Roman ang kaniyang mga labi kanina. “Bakit? Nagseselos ka ba? Nakita mo naman siguro kung sino ang mas gusto niyang hawakan.”

Marahas na hinawakan ni Lester ang aking kwelyo at isinalampak ako sa pader ng kusina. “Huwag mo akong subukan, Elias! Ako ang pinili niya! Ako ang naging kakampi niya nang patayin namin ang asawa niya! Ako si Isabela!”

Tumawa ako nang mahina. Isang tawa na puno ng pangungutya na lalong nagpaapoy sa galit ng kaibigan ko.

“Ikaw nga si Isabela,” bulong ko habang direktang nakatitig sa kaniyang nanlilisik na mga mata. “Pero isang anino ka lang, Lester. Isang ilusyon. Kahit anong gawin mong pagpapanggap, kahit ilang patong ng kolorete ang ilagay mo sa mukha mo, kapag nakapikit siya sa gabi at nararamdaman ang init ko, alam nating pareho na hindi ikaw ang hinahanap niya. Isa ka lang basurang ginagamit niya para maglinis ng mga kalat niya.”

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Lester na nagpatabingi sa aking mukha. Nalalasahan ko ang dugo sa aking labi ngunit hindi ko inalis ang aking mapanuksong ngiti.

“Papatayin kita!” nanggigil na banta niya habang nakakuyom ang mga kamao.

“Subukan mo,” hamon ko pabalik. “Sige, Lester, patayin mo ako. Tingnan natin kung ano ang gagawin sa iyo ni Roman kapag nalaman niyang pinatay mo ang paborito niyang laruan.”

Nanlaki ang mga mata ni Lester at tila natauhan. Alam niyang tama ako. Baliw si Roman sa akin, at oras na may mangyaring masama sa akin na kagagawan niya, papatayin siya ng mismong lalaking pinapangarap niya. Umatras si Lester, nanginginig ang buong katawan sa pinaghalong poot at kawalan ng kapangyarihan, bago siya padabog na lumabas ng kusina at umuwi sa kabilang kanto.

Nang masiguro kong tuluyan nang umalis si Lester at malalim na ang tulog ni Roman, mabilis akong naglakad pabalik sa kwarto. Maingat kong iniwasan ang natutulog na magsasaka at gumapang patungo sa dulo ng kaniyang kama. Hinawi ko ang makapal na basahan at tumambad sa akin ang tagong lagusan.

Hawak ko ang susi, at ngayon na ang pagkakataon ko para iligtas si Jomari.

KABANATA 38

Narinig ko ang mahinang pag-click ng kandado. Dahan-dahan kong binuksan ang parisukat na kahoy sa sahig at nag-iingat na hindi lumikha ng anumang langitngit na maaaring magpagising sa natutulog na halimaw ilang talampakan lamang ang layo mula sa akin.

Isang malamig at maamoy-lupang hangin ang sumalubong sa akin mula sa silong. Ito na ang aking paghakbang, ang tuluyang pagharap sa mga anino ng aking sarili at ng bahay na ito. Maingat akong bumaba sa madilim na hagdan. Kinapa-kapa ko ang dilim hanggang sa makita ko ang kaunting liwanag ng nag-aagaw-buhay na gasera sa sulok. Sa ilalim nito ay nakasandal sa malamig na pader ang duguang katawan ni Jomari. Puno ng sugat at pasa ang kaniyang mukha, at halos buto’t balat na siya sa matinding gutom at pagod.

“Elias,” nanghihinang bulong niya at hindi makapaniwala sa nakikita.

“Nandito na ako. Aalis na tayo,” nanginginig na bulong ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya at ginamit ang parehong susi para buksan ang kadena sa kaniyang madugong bukong-bukong.

Nang malaglag ang mabigat na bakal ay napahikbi si Jomari at mahigpit na yumakap sa akin. Inalalayan ko siyang tumayo. Hilong-hilo siya at hindi makalakad nang maayos. Inilagay ko ang kaniyang braso sa aking balikat at pinilit naming dahan-dahang umakyat sa madilim na hagdan. Kailangan kong tanggapin ang sarili kong kadiliman para makaligtas kami sa impyernong ito.

Kailangan naming lumabas sa maliit na pinto sa kusina para hindi kami dumaan sa sala. Tahimik kaming gumapang papalabas ng kwarto at nag-iingat sa bawat hakbang. Ilang hakbang na lang at makakalabas na kami.

Ngunit bago ko pa mahawakan ang seradura ng pinto palabas ay bumukas ito mula sa labas.

Napatigil ako sa paghinga.

Nakatayo roon si Lester. Nakasuot muli siya ng kaniyang dilaw na kapote at mahabang peluka. Hawak niya sa kaniyang kanang kamay ang duguang itak. Nakita ko ang nakakabaliw na galit sa kaniyang mga mata nang makita kaming dalawa ni Jomari na nagtatangkang tumakas.

“Saan kayo pupunta?” malamig at nakakakilabot na tanong ni Lester. Isang demonyong ngiti ang unti-unting gumuhit sa kaniyang mga labi. “Huwag mong sabihing tatakas ka kasama ang asong iyan, Elias?”

“Hayaan mo na kami, Lester! Umalis ka na sa daan!” nagmamakaawa ngunit galit na sigaw ko habang pilit na itinatago si Jomari sa aking likuran.

“Hindi maaari,” matigas na sagot niya sabay angat ng itak. “Ako na ang tatapos sa inyong dalawa para hindi na kayo maging sagabal sa amin ni Roman.”

Sumugod si Lester. Wala akong patalim at mabigat ang katawan ni Jomari na inaalalayan ko. Pilit akong umiwas, ngunit naiwasiwas ni Lester ang itak at nahiwa ang aking braso. Napasigaw ako sa sakit at pareho kaming bumagsak ni Jomari sa malamig na sahig ng kusina.

Tumawa nang malakas si Lester. Nakataas ang patalim na handang itarak sa aking dibdib. “Paalam, best friend. Sisiguraduhin kong iiyakan kita sa harap ni Roman.”

Bago pa man bumagsak ang itak ay isang nakakabinging at parang kulog na sigaw ang nagpayanig sa buong bahay.

Isang malaking bulto ang mabilis na sumugod mula sa dilim ng pasilyo. Si Roman. Basang-basa ng pawis at nagdurugo muli ang kaniyang tagiliran, ngunit ang kaniyang mga mata ay nanlilisik sa purong galit at kabaliwan.

Sinalpok niya nang buong lakas si Lester. Tumalsik ang matalik kong kaibigan sa kabilang sulok ng kusina at nabitawan ang itak.

“Roman! Ako ito! Si Isabela!” tili ni Lester habang pilit na bumabangon at inaayos ang kaniyang nagulong peluka.

Ngunit hindi nakinig ang magsasaka. Nakita ni Roman ang nagdurugo kong braso at tuluyan nang nawala ang kaniyang katinuan. Ang nag-iisang laruan na kinababaliwan niya ay sinaktan ng mismong kasabwat niya.

“Sinabi ko sa iyong huwag mo siyang hahawakan!” umuungol na bulyaw ni Roman.

Kinuha ng magsasaka ang nahulog na itak at walang-atubiling sumugod kay Lester. Nagwala si Lester at pilit na lumaban. Nagsabunutan at nag-agawan sila sa patalim sa gitna ng semento. Tila dalawang halimaw na nagpapatayan para sa kanilang sariling ilusyon.

“Roman, mahal mo ako! Tayo ang magkasama mula pa noon!” umiiyak na sigaw ni Lester habang pilit na pinipigilan ang kamay ni Roman na may hawak ng patalim. “Bakit mas pinipili mo ang basurang iyan?!”

“Dahil siya ang gusto ko!” sigaw pabalik ni Roman at walang bahid ng awa ang kaniyang mga mata.

Nang marinig iyon ni Lester ay nakita ko kung paano tuluyan mabasag ang kaniyang puso at katinuan. Ang lahat ng sakripisyo niya, ang lahat ng taong pinatay niya, at ang mismong pagkatao na inagaw niya ay walang kwenta para sa lalaking pinakamamahal niya.

Sa isang desperadong galaw ay hindi na umiwas si Lester. Hinayaan niyang bumaon ang itak sa kaniyang mismong dibdib. Napadaing si Roman sa gulat. Ngunit ginamit ni Lester ang huling natitirang lakas niya. Habang nakabaon ang itak sa kaniyang katawan ay marahas niyang hinawakan ang ulo ni Roman at buong lakas na isinubsob ang nagdurugong tagiliran ng magsasaka sa kaniyang hawak na maliit na kutsilyo.

Isang sabay na ungol ng matinding sakit ang pinakawalan ng dalawang halimaw.

Bumagsak si Roman sa sahig. Ang kaniyang mga mata ay nanlalaki habang mabilis na umaagos ang dugo mula sa kaniyang katawan. Sa kaniyang tabi ay napaluhod si Lester na humihikbi hindi dahil sa sakit ng hiwa kundi sa pagkawasak ng kaniyang madilim na pag-ibig. Dahan-dahang bumagsak ang walang-buhay na katawan ng matalik kong kaibigan sa ibabaw ng malamig na semento.

Tahimik. Tanging ang ulan at ang pag-ubo ng dugo ni Roman ang maririnig.

Pilit na gumapang si Roman palapit sa akin. Inabot ng kaniyang duguan at nanginginig na kamay ang aking paa. Ang kaniyang mga mata ay pilit na naghahanap ng pagmamahal na kailanman ay hindi ko ibinigay.

“Akin. Akin ka lang,” huling garalgal na bulong ng magsasaka bago tuluyang nawalan ng liwanag ang kaniyang mga mata at inilugmok ang kaniyang ulo sa sahig.

Tinitigan ko ang dalawang bangkay na nakahandusay sa sarili nilang dugo.

“Elias,” tawag ni Jomari at pilit na tumatayo habang nakahawak sa pader. “Tara na. Ligtas na tayo.”

Inalalayan ko si Jomari palabas ng madugong bahay. Habang naglalakad kami sa gitna ng ulan palayo sa impyernong iyon ay alam kong tapos na ang bangungot. Ngunit sa pagtingin ko sa madilim na bahay na pilit naming iniiwan, alam kong kailangan kong lumayo. Kailangan kong tumakas at iwan ang San Roque bago pa tuluyang lamunin ng mga aninong ito ang natitira kong katinuan.

KABANATA 39

Isang buwan ang lumipas.

Ang araw sa San Roque ay kasing-init pa rin noong araw na una kong marinig ang tunog ng lumang poso. Ngunit hindi tulad noon, iba na ang pakiramdam ng hangin. Wala na ang mabigat na tensyon at takot na bumabalot sa bawat kanto.

Tuluyan nang pinatag ng mga awtoridad ang bahay ni Roman. Ang dating kawayang bakod na naghihiwalay sa aming dalawa ay tinanggal na. Ang poso na naging saksi sa lahat ng kasalanan at kalibugan sa nayong ito ay binuwag at binuhusan ng semento.

Matapos ang madugong gabi, at base sa mga ibinigay kong ebidensya, pinagkaguluhan ng buong bansa ang nangyari sa aming maliit na nayon. Natagpuan ng mga pulis ang naaagnas na bangkay ni Rafael at ni Gabriel sa masukal na gubat, eksakto sa lugar kung nasaan ang mga hukay. Dahil sa testimonya namin ni Jomari, tuluyang nalinis ang pangalan ko. Napatunayan na isa lamang akong biktima na ginamit bilang pain ng matalik kong kaibigan na may malalang sakit sa pag-iisip.

Narekober na ng mga imbestigador ang labi nina Lester, Roman, at ng isang hindi makilalang babae na kalaunan ay kinumpirma ng DNA bilang ang matagal nang inaakalang patay na si Isabela. Isinara na ng pulisya ang kaso laban sa kanila.

Nakaupo ako sa tapat ng aking sari-sari store. Wala na akong paninda. Nakaimpake na ang lahat ng aking mga gamit sa loob ng tatlong malalaking kahon na nakapatong sa likod ng isang nirentahang jeep.

Bumukas ang pinto ng isang tricycle at bumaba ang isang lalaking may nakabenda pang braso.

“Sigurado ka na ba talagang aalis ka, Elias?”

Humarap ako kay Jomari. Maaliwalas na ang kaniyang mukha kumpara sa noong iligtas ko siya mula sa silong. Tumango ako. Kinuha ko ang huling maleta mula sa aking sala. “Wala na akong babalikan dito, Jomari. Bawat kanto, bawat bintana, nagpapaalala sa akin ng mga taong nawala. At ng taong nagtaksil sa akin.”

“Saan ka pupunta?” tanong niya, may bakas ng panghihinayang. “Pwede ka namang magsimula rito ulit. Andito naman ako.”

Ngumiti ako nang tipid. Hinawakan ko ang kaniyang balikat. “Sa Bicol. Gusto kong makalimot.”

Umusad ang jeep palayo sa bakuran ko. Lumingon ako sa huling pagkakataon sa bakanteng lote kung saan dating nakatayo ang kawayang bakod. Wala na ang poso. Wala na si Roman. Sa paningin ng buong mundo, isa akong kaawa-awa at inosenteng biktima na nakaligtas sa matinding trahedya.

Ngunit habang tinitigan ko ang aking repleksyon sa salamin ng jeep, isang pamilyar at malamig na ngisi ang dahan-dahang gumuhit sa aking mga labi. Hindi ko na makilala ang sarili ko. Ang Elias na takot at nanginginig ay naiwan na sa ilalim ng sapa. Tinuruan ako ng San Roque kung paano yakapin ang sarili kong kadiliman, at sa bawat pag-ikot ng gulong palayo, alam kong dala-dala ko ang halimaw.

Makalipas ang ilang araw, tuluyan akong nakalipat sa bago kong inuupahang apartment sa Bicol. Malayong-malayo sa San Roque. Dito, walang nakakakilala sa akin. Walang tsismosa. Walang nakakaalam ng nakaraan ko.

Malakas ang buhos ng ulan nang gabing iyon. Tahimik akong nakaupo sa gilid ng aking kama, nagtitimpla ng kape habang pinapakinggan ang paghampas ng kulog sa labas.

Hanggang sa narinig ko ito…

Krrrrk. Kshhh. Krrrrk. Kshhh.

Nanigas ang buong katawan ko. Ang tunog, ang pamilyar na tunog ng isang lumang poso na binobomba. Ngunit wala namang poso sa lugar na ito. Nasa ikatlong palapag ako ng isang apartment building.

Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong tasa. Ang aking puso ay nagsimulang kumabog nang napakabilis, tila gustong wasakin ang aking tadyang. Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan ng aking kwarto. Saktong pagbukas ko ng ilaw, natigilan ako.

Sa mismong sahig ng aking malinis na apartment, mula sa pintuan hanggang sa paanan ng aking kama, may mga bakas ng sapatos. Malalaking bota. Puno ng makapal, maitim, at sariwang putik. At bago pa ako makasigaw o makalingon pabalik, isang napakalaki at magaspang na palad ang mabilis na tumakip sa aking bibig mula sa likuran. Isang matigas, maugat, at basang katawan ang mariing idinikit sa aking likuran. Amoy na amoy ko ang pamilyar na pinaghalong amoy ng usok, basang lupa, at barakong sabon.

Isang mainit na hininga ang tumama sa aking batok, bago bumulong ang isang paos at nakakakilabot na boses na inaakala ng buong mundo na naging abo na.

“Akala mo ba talaga hahayaan kitang umalis nang mag-isa, Elias?”

– WAKAS NG UNANG LIBRO –