Emong Alembong
vincentmanrique · 38 chapters · 44,121 words
Emong Alembong
Hindi siya nagbibinata.
Hindi rin nagdadalaga.
NAGBIBINAKLA!
Rank 228 in General Fiction - December 19, 2016
Acknowledgment
The author would like to acknowledge James Bragais for the cover of this book.
Chapter One
NAGKAKAGULO na ang mga tao sa plaza. Ang daming may gustong mapanood ang taunang paligsahan ng naggagandahang mga bakla sa bayan ng Buenavista. Tuwing fiesta sa bayang iyon ay hindi nawawala ang Search for Miss Gay-Buenavista. Ito na ang culminating activity ng pagdiriwang ng fiesta at ginagawa sa mismong gabi ng kapistahan. Pero kung dati ay 18 to 30 years old ang mga puwedeng sumali, ngayon ay ginawa nilang 13 to 17 years old na lang para bagong mukha naman ang makasali at mapanood ng mga tagaroon. Napansin kasi ng organizers na taon-taon ay pare-pareho lang ang grupo ng mga sumasali kaya naisipan nilang lagyan ng konting twist ang paligsahan. Noong una ay tumanggi pa nga ang ilang miyembro ng komite. Hindi nila maisip kung may sasali bang ganoon kababata na mga bakla. Pero sa huli ay nakumbinse rin sila na ibaba ang edad ng mga puwedeng sumali sa paligsahan. Sa aminin man kasi o hindi, walang matris ang mga bakla pero taon-taon ay nadaragdagan ang kanilang populasyon. ’Di na nila kailangang manganak dahil kusang dumadami ang kanilang lahi.
Sa stage ay naroon na ang dalawang hosts na kabilang rin sa ikatlong kasarian. Nagkukulitan ang dalawa para aliwin at ’di mainip ang mga manonood na naghihintay sa announcement ng top three ng paligsahan.
“Sa ilang saglit lang po ay malalaman na natin ang top three. Excited na ba kayo?” masayang tanong ng host na sa tantiya ay lagpas bente na ang edad.
“Oo!!!” Hiyawan ang mga manonood.
Bumaling ang host sa kasama niya, “Mother, na-experience mo na bang sumali sa mga beauty contest no’ng kabataan mo?”
“Gaga! Bata pa ako, ’noh?!”
“Bakit, ilang taon ka na ba mother para sabihin mong bata ka pa?”
“Thirty!” nagmamalaking sagot ng bakla.
“Thirty?! Mother, huwag kang magbiro ng ganyan.”
“Hindi ako nagbibiro. Thirty years old na talaga ako. Hindi ba halata? Sabagay, marami talagang nagsasabing hindi ako mukhang trenta.”
“Mother, hindi ka talaga mukhang trenta. Mukha kang singkuwenta! Ano bang ginawa mo sa fez mo? Ba’t wala ka nang face value?”
Tawanan ang mga manonood.
“Natatakot ako, mother. Twenty-five na ako ngayon. Ibig bang sabihin, ganyan na rin itsura ko ’pag trenta na ako? Juice colored!!!”
“Bakit, choosy ka pa? Oy, for your information suki ako ng mga beauty contest at madalas akong nananalo.”
“Weh, eh ’di ba last year, Miss Friendship lang napanalunan mo?”
“O, eh panalo pa rin ’di ba? At least, hindi ako umuwing luhaan.”
“Ano pa bang award ang napanalunan mo na, mother?”
“Darling of the Crowd.”
Tawanan na naman ang mga tao.
“Mother, ’di ba usually ang nananalo ng Darling of the Crowd ay ’yung mga mukhang pinabili lang ng patis eh, nag-join na ng beauty contest.”
“Hindi naman! Grabe ka sa akin. Nananalo rin ng Darling of the Crowd award ’yung mga nagiging paborito ng audience kasi maganda, o sexy, o talented at magaling sumagot sa question and answer portion.”
“So, alin ka roon, mother?”
“Siyempre lahat! Hindi naman ako maglalakas-loob sumali ng beauty contest kung ’di ako maganda. Kailangan maganda, beauty contest, eh. At saka dapat may talent din. Ikaw ba, nanalo ka na ba sa beauty contest?”
“Oo naman, mother. Childhood dream ko ’yan at natupad ko naman.”
Tumayo ang isa sa mga hurado na nakaupo sa harapan ng stage. Umakyat ito sa entablado at ibinigay sa host ang isang papel.
“Ladies and gentlemen, hawak ko na ang mga pangalan ng top three sa search for Ms. Gay-Buenavista 2015!”
Tumugtog ang isang mabagal ang tiyempong musika. Lumabas mula sa back stage ang sampung contestants suot pa rin ang gown na ginamit nila sa long gown competition. Bawat isa ay nakangiti. Hindi mo mababakas ang nararamdaman nilang kaba. Lahat ay umaasang sana ay kasama sila sa tatlong maswerteng pasok sa top three.
Ang contestant number 8 na si Guillermo Flores ay excited rin. Emong kung tawagin siya ng kanyang mga kaibigan. Nang malaman niyang ibinaba ang edad ng mga pwedeng sumali ay agad niyang pinaghandaan ang kompetisyong ito. Tiwala siya na kayang-kaya niyang sungkitin ang korona ng Ms. Gay-Buenavista 2015. Bakit ba hindi? Sa edad niyang disisais ay 5’7“ ang kanyang height. Sakto lang ang kanyang pangangatawan. Hindi siya mataba. Ang kanyang mukha ay maamo at binagayan ng mapungay na mga mata at manipis na labi. At higit sa lahat naniniwala si Emong na loaded siya with talents na magiging dahilan para manalo siya sa paligsahan.
Bata pa lang ay alam na ni Emong na hindi siya katulad ng ibang mga batang lalaki sa lugar nila. Hindi siya mahilig tumambay o makipaglaro sa ibang mga batang lalaki. Ayaw niya rin ng mga panlalaking laruan. Mas gusto niyang nasa bahay lang. Nasanay na siyang tumutulong sa nanay niya sa mga gawaing bahay. Sabagay, sino pa ba naman ang magdadamayan kundi silang dalawa ng nanay niya. Mula nang mamatay ang tatay niya apat na taon na ang nakalilipas ay siya na ang naging gabay sa buhay ng kanyang ina. Pero bilang isang batang alam at tanggap ang kanyang kakaibang kasarian, si Emong ay may itinatago ring kalandian sa katawan. Mahilig siyang magsuot ng mga damit na pambabae. Madalas ay pinagbabawalan siya ng nanay niya lalo na sa tuwing nahuhuli siya nito. Pero paglipas ng ilang araw ay balik na naman siya sa nakagawian. Walang masyadong kaibigan si Emong. Pero balewala lang iyon sa kanya. Kuntento na siya na mayroon siyang bestfriend, si Maya. Kababata niya ito, kapitbahay rin kaya madalas na silang dalawa ang magkasama. Minsan ay pumupunta sa bahay nila si Maya. O kaya naman ay siya ang pumupunta sa bahay ng matalik niyang kaibigan. Talagang magkasundo silang dalawa at handang damayan ang isa’t-isa sa oras ng problema.
Umalingawngaw ang boses ng host. “The first to enter top three is contestant number…,” binitin nito ang pag-aanunsyo. “contestant number 7! Kathryn Bernardo!”
Naglakad papuntang harapan ng stage ang tinawag na contestant. Nag-pose ito at muling lumakad patungo sa kaliwang gilid ng stage. Sabay pose muli.
“O, mother basahin mo ang isa pang pasok sa top three,” inabot nito sa kasamang host ang papel.
“Okay, let’s say congratulations to contestant number 4, Nadine Lustre!” Talagang pinanindigan na ng mga kalahok ang paggamit ng pangalan ng mga sikat na artista.
Katulad ng naunang tinawag, naglakad din papuntang harapan ng stage si contestant number 4 at nag-pose. Tapos ay naglakad ito papunta naman sa kinatatayuan ni contestant number 7 at nag-pose sa tabi nito.
“And last but not the least… to complete our top three, we have contestant number…” Huminto ang host at nagtanong sa audience. “Sino? Sino ang gusto n’yo?”
Kanya-kanya namang sagot ang mga manonood pero dahil sa sigawan ay hindi naman maintindihan ang kanilang sinasabi.
“O, mother sabay tayong mag-announce… One… Two… Three… Contestant number 8! Maine Mendoza!”
Halos mapatalon na tuwa si Emong pero pinigilan niya ang sarili. Sa pagmamadaling maglakad patungo sa harap ng stage ay muntik pa siyang matapilok. Pero tulad ng isang reyna, aral na aral siya sa tinatawag na grace under pressure kaya keri niya pa ring ilutang sa lahat ang kanyang poise and bearing.
Tila prinsesa si Emong na mabining naglakad at ipinarada sa mga manonood ang kanyang ganda at porma. Masigabong palakpakan ang ibinigay sa kanya ng mga tao sa plasa.
Nang sa wakas ay kahilera na si Emong ng dalawang naunang tinawag, nagpasalamat sa mga naiwang kalahok ang dalawang hosts at pinabalik na nila ang mga ito sa back stage upang maisagawa na ang question and answer portion.
“Let’s call on candidate number 7, hello Kathryn!”
Lumapit si candidate number 7 sa dalawang hosts at bumati. “Hello!”
“Kinakabahan ka ba?” tanong ng host. “Konti lang. Mas lamang ang excitement,” pa-tweetums na sagot ni Kathryn.
“Para mawala na ang konting kaba mo, kumuha ka na ng question dito sa bowl.”
Dumukot ng isang nakabilot na papel sa bowl si Kathryn at ibinigay iyon kay mother host.
“O, mother ikaw na ang bumasa ng question.”
“Eto ang tanong mo, Kathryn. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong makapunta sa isang bansa na hindi mo pa nararating, saang bansa ito at bakit?”
Saglit na nag-isip si Kathryn pagkatapos ay puno ng kumpiyansang sumagot. “Pipiliin kong makapunta sa Vatican sa Rome, Italy dahil gusto kong bisitahin ang Santo Papa at personal kong maitanong sa kanya ang kanyang buong saloobin at pananaw sa mga taong nabibilang sa third sex. Gusto ko ring basbasan ako ng Papa sa Roma hindi dahil ako’y isang makasalanan kundi dahil ako’y isang tao na naniniwala sa kahalagahan niya bilang tagapagpalaganap ng mga salita ng Diyos. Iyon lang po at maraming salamat.”
Nagpalakpakan ang mga manonood. Iyong iba ay sinabayan pa ng sigaw ang mga palakpak.
“Ang taray! Narinig mo ’yun, mother? Gusto niyang makipag-eyeball kay Pope. Thank you, Kathryn.”
Naglakad na si Kathryn pabalik sa dati niyang puwesto katabi ng dalawa pang pasok sa top three.
Nagsalita naman si mother. “Tawagin naman natin si candidate number 4, Nadine Lustre.”
Lumapit sa dalawa si Nadine. Maganda ito at medyo hawig nga kay Nadine Lustre ang itsura nito. Mas lalo pa itong gumaganda pag ngumingiti dahil lumalabas ang dimples nito.
“Bumunot ka ng tanong…”
Dumukot ng isang papel si Nadine at ibinigay sa host.
“Eto ang tanong mo, candidate number 4… Ano ang isang bagay na gusto mong ibigay bilang regalo sa lahat ng tao sa buong mundo at bakit?”
Agad na sumagot si Nadine. “Isa lang ang gusto kong ibigay na regalo sa lahat ng tao sa buong mundo, ito ay world peace! Bakit? Dahil marami na ang mga bansang hindi nagkakasundo, may giyera sa iba’t-ibang panig ng mundo at tanging world peace lang ang makapagpapabalik ng totoong kaligayahan at kapayapaan sa bawat isa sa atin. Thank you po.” Ang ganda ng ngiti nito pagkatapos sagutin ang tanong.
Hiyawan ang mga tao sa plasa. Tila kumbinsido sila sa sagot ni Nadine.
“Thank you, Nadine. So, huwag na nating patagalin. Tawagin na natin si candidate number 8, Maine Mendoza!”
Full of confidence na rumampa si Emong patungo sa dalawang hosts.
“Kumusta ka, Maine?” tanong ni mother host.
“Mabuti naman po. Masaya ako na nakarating ako sa top three.”
“Bumunot ka na ng question dito sa bowl,” sabi naman ng isa pang host.
Agad na ginawa ni Emong ang dapat gawin. Tapos ay iniabot niya sa host ang nabunot na papel.
“Here’s your question. “Aling pagmamahal ang mas pahahalagahan mo, pagmamahal sa bayan o pagmamahal sa sarili at bakit?”
Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Emong bago nagsalita. “Para sa akin, mas pahahalagahan ko ang pagmamahal sa sarili dahil paano ko pa magagawang magmahal ng iba kung sarili ko mismo ay hindi ko kayang mahalin? Kung mamahalin ko ang sarili ko, madali na para sa akin ang magbigay ng pagmamahal din sa iba maging sa bayan dahil naiintindihan ko na ang tunay na konsepto ng pagmamahal.”
Sigawan na naman ang mga manonood. Halos pareho lang sa impact ng sigawan sa dalawang nauna kay Emong.
Nag-pose muli si Emong pagkabalik niya sa tabi ng dalawa pang kandidata.
“At habang hinihintay natin ang resulta, eto muna ang isang dance number mula sa sa Danz Mix Troupe!!!”
Lumabas mula sa backstage ang grupo ng limang kabataang lalaki na puro gwapo at sumayaw sa tugtog ng Talk Dirty. Hiyawan ang mga manonood dahil sa husay na ipinakita ng all male dancers. Ang mga kababaihan ay kinilig, maging ang mga miyembro ng third sex. Aliw na aliw sila sa bawat paggiling ng bewang ng mga kalalakihang nasa entablado.
Nang matapos ang sayaw ay muling bumalik sa stage ang dalawang hosts. Dala na ng mga ito ang resulta ng patimpalak.
“Eto na, mother! Excited na ako. Hawak ko na ang resulta!!!”
“Ano pa ang hinihintay natin? Lumalalim ang gabi, i-announce na natin kung sino ang nanalo.”
Nakapuwesto na sa gitna ng stage ang tatlong natitirang kandidata. Bawat isa sa kanila ay tila pigil ang paghinga. Lihim na nagdarasal na sana ay pumabor sa kanila ang resulta.
“Our second runner-up, to receive five thousand pesos plus a trophy is candidate number 7, Kathryn Bernardo.”
Kumaway sa audience si Kathryn.
“Dalawa na lang sila, mother kaya ang tatawagin nating pangalan ay ’yung grand winner ng titulong Ms. Gay-Buenavista 2015. Sino kaya kina Nadine Lustre at Yaya Dub Maine Mendoza ang nanalo?”
Sumagot si mother host. “Eto na, Ms. Gay-Buenavista 2015 to receive ten thousand pesos and a trophy is no other than candidate number…”
Halos hindi na humihinga si Emong. Dama na niya, siya ang tatanghaling pinakamagandang beki ngayong gabi!!!
“…candidate number 4 Nadine Lustre!!! It means that Maine Mendoza is the first runner-up and will receive seven thousand pesos and a trophy.”
Hindi na naintindihan ni Emong ang iba pang sinasabi ng host. Nangilid na ang luha sa kanyang mga mata sa nadamang pagkabigo sa patimpalak na pinaghandaan niya nang husto.
Chapter Two
“LETSENG judges ’yun! Hindi marunong mag-judge!” Si Maya ang mas apektado na hindi nakuha ni Emong ang korona sa katatapos lang na Ms. Gay-Buenavista 2015. Eto nga at naglalakad na sila ng matalik niyang kaibigang si Emong papauwi pero panay pa rin ang daldal niya ng ’di pagsang-ayon sa resulta ng paligsahan. “Ano ba naman ang magaling sa sagot na world peace? Eh nagamit na ’yon noon pa sa pelikula ni Sandra Bullock. ’Yung Ms. Congeniality, ’di ba? Baka nga do’n niya lang nakuha ’yong sagot niya. Tapos, mananalo siya dahil sa gano’n ding sagot? Nasaan naman ang hustisya?!” over acting na sabi ng hitad na si Maya.
“Pabayaan na natin ’yon, bespren. ’Di naman ako totally natalo. First runner-up naman ako, ’di ba?” Iwinagayway pa ni Emong ang hawak na trophy patunay ng kanyang pagkapanalo. Sakbit naman niya ang bag na puno ng damit na ginamit niya sa kontes. Nandun na rin ang sobreng naglalaman ng seven thousand pesos na premyo niya bilang first runner-up.
“Iyon na nga! Dapat hindi ka first runner-up lang. Dapat sa’yo ang korona. Para next year ikaw ang maglilipat ng korona sa mananalo. At saka, parang inagawan ka ng karangalan dahil sa nangyari. Mas deserving kang manalo kesa dun sa Ms. World Peace na ’yun.”
“Haay, bestfriend nga kita. Hindi naman ikaw ang natalo pero parang ikaw ang nalugi diyan. Maganda rin naman ’yung nanalo. Okay naman iyong sagot niya, kung ibabase sa naging tanong sa kanya. Ako naman, naniniwala rin ako na maganda ako at okay din ’yung sagot ko sa question kanina. Pero may judges nga. At iba-iba naman ang opinyon nila sa mga ganda at talino ng bawat kasali sa kontes. Kaya in the end, may isang aangat talaga sa scoring nila. Malas ko lang na hindi ako ’yun. Pero at least, first runner-up naman. Malungkot ako na di ko nakuha ang titulo at korona pero dapat ko pa ring ipagpasalamat ang naiuwi kong karangalan,” mahabang paliwanag ni Emong.
“Ah, basta! Kapag may nakita ulit tayong Ms. Gay contest sa ibang barangay sumali ka ulit. Hindi tayo titigil hanggang hindi ka nagkakaroon ng korona,” ayaw talagang paawat ni Maya.
“Oo na. First time ko pa lang naman sumali. Marami pang chances at darating na opportunity.”
“O, bespren andito na tayo sa inyo. Umuwi ka na at matulog. May pasok pa tayo sa school bukas. Uuwi na rin ako.”
“Sige, bespren. Salamat. Ingat ka pag-uwi,” paalala ni Emong kay Maya.
Tumango lang si Maya. “Parang ang layo naman ng uuwian ko. Dito lang naman ako sa kabila. Kita na lang ba tayo sa school bukas? O sabay na tayong papasok?”
“Daanan mo ako dito sa bahay, sabay na lang tayo,” sagot ni Emong.
“Okay, sige.” Ipinagpatuloy na ni Maya ang paglalakad. Si Emong naman ay pumasok na sa loob ng kanilang bahay.
Dumiretso na sa kanyang silid si Emong. Tulog na marahil ang nanay niya, si Aling Rosita, kaya hindi na niya ito inabala pa. Ipinatong na lang niya sa mesa ang bitbit niyang trophy at bag. Tapos ay nagpalit na siya ng damit at muling lumabas ng silid para maghilamos at burahin ang kolorete sa kanyang mukha. Nagsepilyo na rin siya at naglinis ng katawan. Nang matapos ay bumalik na si Emong sa kuwarto at tila pagod na pagod na ibinagsak ang sarili sa kama. Hindi na alam ni Emong ang mga sumunod na nangyari dahil umaga na nang siya ay magising.
Napamulagat si Emong nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kanyang silid.
“Emong, bangon na! Baka mahuli ka sa klase mo,” boses iyon ng nanay niya.
“Opo, gising na ako ’nay.” Kahit tinatamad ay bumangon na siya.
“Lumabas ka na diyan para makapag-almusal ka na.”
Binuksan ni Emong ang bintana ng kanyang silid. Saglit niyang pinagmasdan ang paligid sa labas ng bahay na abot ng kanyang tanaw.
Isang tricycle ang pumara sa tapat ng magandang bahay na nasa harapan ng kanilang bahay. Magandang bahay ang tawag nila sa bahay ni Mrs. Amelia Torres. Kongkreto ang bahay na iyon at maganda naman talaga ang pagkakagawa. Sa lugar nila, pag sinabing magandang bahay alam na ng mga tagaroon na iyong bahay ni Mrs. Torres ang tinutukoy.
Nakita ni Emong na isang lalaking siguro’y nasa edad 25 ang bumaba sa tricycle. Namangha si Emong sa itsura ng lalaki. Napakagwapo ng mukha nito. Iyong tipong boy next door ang itsura. Ang katawan ay sakto lang, hindi payat pero hindi rin mataba. Hindi ito ’yung tipong nagbababad sa gym, pero alam mong walang ano mang sobrang taba sa tiyan nito. May dalang travelling bag ang lalaki at pagkatapos magbayad sa drayber ay nag-doorbell ito sa bahay ni Mrs. Torres.
Hindi maalis ang tingin ni Emong sa lalaki. Gosh! Ang gwapo naman kasi! At mukha pang ang linis-linis. “Sino ba ang lalaking ito at ngayon ko lang nakita rito?” kinikilig na sabi ni Emong. Sa isipan ay agad niyang pinantasya ang gwapong lalaking nasa harapan ng gate ng bahay ni Mrs. Torres.
Muntik nang mapatili si Emong nang biglang magawi sa kanya ang tingin ng lalaki. At hindi siya puwedeng magkamali, kitang-kita niyang ngumiti ito sa kanya na lalong nagpadagdag sa pinipigil niyang kilig. Aayyyy! Kung puwede lang sana siyang magsisigaw sa sobrang tuwa ngayon din, baka ginawa na niya!
“Emong! Sabi ko lumabas ka na riyan! Six-thirty na!” Narinig ni Emong ang sigaw ng nanay niya.
Saglit na ginantihan ni Emong ng ngiti ang lalaki tapos ay tila si Yaya Dub siyang nag-pabebe wave dito. Hindi na niya nakita ang reaksyon ng gwapong lalaki dahil nagmamadali na siyang lumabas ng silid.
Nakapaghain na ng almusal ang nanay niya. Mabilis na kumain si Emong. Mabilis din niyang tinapos ang paliligo at agad na nagbihis. Alam niya, ilang saglit lang ay dadating na si Maya. Mabuti na lang at malapit lang din sa bahay nila ang eskuwelahan. Aabot pa naman sila sa flag ceremony. Minsan nga sinasadya na nilang magpa-late para hindi na makapag-flag ceremony.
“Emong, andito na si Maya!” narinig niyang pagtawag na naman sa kanya ng nanay niya.
Saglit na inayos ni Emong ang suot na uniporme, pinagmasdan sa salamin ang mukha at bahagyang inayos ang buhok at dinampot ang bag niyang pang-eskuwela. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto.
“Bilisan mo, late na tayo!” bungad ni Maya kay Emong.
“Halika na. ’Nay, papasok na po kami,” paalam ni Emong sa nanay niya.
“Sige, mag-iingat kayo. Mag-aral kayong mabuti. Huwag puro lakwatsa,” paalala pa ni Aling Rosita.
Paglabas nila ng bahay, nanlaki ang mga mata ni Emong nang makitang papalabas din ng gate ang guwapong lalaking nakita niya sa bintana kanina. Agad niyang siniko si Maya.
“Bespren, nakikita mo ba ang nakikita ko?”
“Asan?”
“Ayan, ’yung guwapo sa gate,” hindi maitago sa boses ni Emong ang kilig.
“Ah, siya ba?” kaswal lang na tanong ni Maya.
“Ang taray mo, ’teh! Ganyan lang ang reaksyon mo eh, halos mamatay na ako sa kilig dito?”
“Ano ba dapat ang reaksyon ko, bespren? ’Di ko naman siya type.”
“Ang taas ng standard mo sa lalaki, ’teh! Ang ganda mo!”
Tinawanan lang ni Maya ang kanyang matalik na kaibigan. “Timang! Di ko siya type kasi bawal.”
“At bakit bawal? May asawa na ba siya?”
“Wala,” pabitin na sagot ni Maya.
“Eh, bakit nga?”
“Kasi nag-aaral ’yan sa Maynila. Nag-aaral para maging pari!”
Napanganga si Emong. “Seminarista siya?!”
“Mismo! Kaya huwag mo na siyang pagpantasyahan. Ayaw ni God.”
Tuluyan nang nalaglag ang panga ni Emong.
At nadagdagan pa ng panlulumo nang muling magtama ang mga mata nila ng guwapong lalaki at buong tamis itong muling ngumiti sa kanya.
“Para saan pa ang matatamis na mga ngiti kung hindi kita malalandi?” bulong ng isip ni Emong.
Chapter Three
NASA loob na ng klase ay hindi pa rin nawawala sa isip ni Emong ang gwapong lalaking nakita niya sa tapat ng kanilang bahay. Anak daw ni Mrs. Torres ang lalaking iyon. Ano’t hindi man lang niya nalaman? E di sana ay nakapagtanong siya sa nanay niya na dating katiwala sa bahay ng mga Torres. Dapat ay nalaman niya na may ganun kaguwapo siyang kapitbahay!
Sayang naman. Imposibleng hindi umuuwi dito sa kanilang lugar ang lalaking iyon para magbakasyon. Pero sabagay, kung sa Maynila nga naman ito nag-aaral, malamang na wala na rin itong oras para umuwi pa dito sa Buenavista. At saka, nasa Maynila rin naman ang mga magulang nito kaya wala itong dahilan para umuwi nang madalas dito.
Paano nga niya ito makikita sa lugar nila kung ganoon pala ang sitwasyon? Haay, sayang talaga. Sana noon pa niya nakilala ang napakaguwapong nilalang na ito.
Hindi talaga maaalis sa isip ni Emong ang guwapong lalaking iyon. Kakaiba ang dating nito sa kanya. Crush na ba ito? Parang gustong kumanta ni Emong sa tono ng kanta ni Kim Chiu na “Mr. Right”.
Ikaw
nga
ba
si
Mr. Right?
Ikaw
nga
ba
love of my life?
Ikaw
nga
ba
ang
icing sa ibabaw ng cupcake ko? Kinikilig si Emong habang naglalaro sa isip niya ang lyrics ng kanta.
Ano kaya ang pangalan ng lalaking iyon? Bakit hindi man lang niya ito nakilala?
Naku, kailangang makilala niya ang lalaking ito bago pa ito bumalik sa Maynila. Hindi puwedeng hindi sila magkakilala at maging magkaibigan. Promise! Gagawin niya ang lahat para mapalapit sa guwapong lalaking anak ni Mrs. Amelia Torres
“Guillermo Flores, saan na naman lumilipad ang isip mo?” malakas ang tinig na nagmula kay Mrs. Alimorong, ang guro ni Emong.
“Ma’am?” nagtatanong ang mga mata ni Emong.
“Sabi ko, hindi ka na naman nakikinig. Wala sa loob ng klase ko ang utak mo.”
“Nakikinig po ako, ma’am,” palusot ni Emong.
Tila hindi kumbinsido ang guro. “Sige, kung talagang nakikinig ka sagutin mo ang tanong ko.”
Patay! sabi ng isip ni Emong. “A-ano po ’yung tanong, ma’am?” Sinulyapan ni Emong ang katabing si Maya na tila nagpapasaklolo. Dedma naman si Maya sa takot na baka siya pa ang mapansin ng guro at biglang siya ang pasagutin sa tanong nito.
Biglang tumunog ang bell bago pa nakapagtanong ang guro.
“Whew! Saved by the bell ako. Yes!!!” Nagsisisigaw ang utak ni Emong. Mabuti na lang at nag-bell. Kung nagkataon, mapapahiya siya sa buong klase. Bakit? Eh totoo namang hindi siya nakikinig. At hindi rin naman siya nakapag-aral ng lessons kagabi dahil busy siya sa Ms. Gay.
“Okay, class you are now dismissed. We’ll continue with our lessons next meeting.”
“Thank you, ma’am!” nag-chorus sa pagsagot ang mga estudyante.
Lumabas na ng classroom ang guro. Naiwan ang mga estudyante para hintayin ang guro nila sa susunod na subject.
MAGKASABAY pa rin sina Emong at Maya pauwi pagkatapos ng klase. Katulad kaninang umaga, naglakad na lang sila pauwi.
“Nakakapagod,” reklamo ni Maya.
“Alin?”
“Pumasok.”
“Hindi ka pa nasanay…”
“Biruin mo, araw-araw gigising nang maaga. Makikinig sa teacher, sasagot sa recitation. Magbabasa, magsusulat. Araw-araw ’yun, ha? Paulit-ulit.”
“Napakareklamador mo naman. Eh ’di huwag ka nang mag-aral kung ayaw mo ng ganun. Mag-drop ka, teh!”
“Shunga! So, ano’ng mangyayari sa akin ’pag hindi ako mag-aaral? Tambay forever, bespren? Hanggang dito na lang ako? Ganito na lang buhay ko habang buhay?”
“O, alam mo naman pala eh. Ba’t may pa-emote-emote ka pa diyan? Emotera ng taon!”
“Masama bang maglabas ng hinaing?”
“Teh! Sana ’yung may sense na hinaing ang ilabas mo, ’noh? Hindi ’yung parang feeling mo ikaw lang ang ganyan. Ilan ba ang estudyante sa buong mundo? Lahat ng estudyante nararanasan ang ganyan. Kaya ’wag kang paawa effect, bespren.”
Hindi na sumagot si Maya. Kapag ganun, tanggap na niyang di patatalo sa argumento si Emong kaya tumatahimik na lang siya.
“Teka, maiba ako,” biglang sabi ni Emong.
“Ano ’yun?”
“Di ba sabi mo seminarista ’yung gwapong anak ni Mrs. Torres?”
“Oo.”
“Alam mo rin ba kung ano’ng pangalan niya?”
“Hindi…”
Nanlumo si Emong. “Sayang naman. Dapat alamin mo.”
“Bakit aalamin ko? Hindi naman ako interesado sa kanya.”
“Alamin mo para sa akin.”
“Tse! Ikaw ang may gusto, e di ikaw ang gumawa ng paraan para makilala siya. At di ba sabi ko nga, bawal! Gusto mo bang magalit ang Diyos sa’yo?”
“Ang sungit naman nito. Ang OA pa,” pagmamaktol ni Emong. “Anong masama kung gusto ko siyang makilala?”
“Bespren, may hidden agenda ka. Alam mo ’yan. Huwag kang plastic.”
Itinirik ni Emong ang kanyang mga mata.
“Ang landi-landi mo, bespren. Alembong ka! Bagay sa’yong tawaging Emong Alembong.”
“Hay naku, bilisan na natin ang paglalakad. Malapit na tayo sa bahay. Baka andun ulit sa labas ng bahay nila yung guwapong seminarista.”
“Sus, alembong talaga,” napapailing na komento ni Maya.
“Eh, ano naman kung alembong. Keri ko naman!”
“O, paano daanan na lang kita bukas. Pumasok ka na diyan sa inyo. Malas ka ngayon, wala sa labas ng bahay nila ’yung crush mo.”
“Oo nga, wala siya. ’Di ko man lang siya nakita. Miss ko na ang ngiti niya,” matamlay sa sabi ni Emong.
“Baliw talaga,” bulong ni Maya. “See you tomorrow, bespren.” Kumaway pa si Maya habang naglalakad papunta naman sa bahay nila.
Tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng kanilang bahay si Emong. Pagbukas niya ng pinto laking gulat niya nang muntik na siyang mabangga sa lalaking papalabas naman sana ng kanilang pintuan. At halos panawan siya ng ulirat nang makilala niya ang lalaking muntik na niyang mabangga.
“Ikaw?” Nanlalaki ang mga mata ni Emong. Titig na titig siya sa guwapong lalaking kapitbahay nila.
“Sorry, I didn’t expect you’re coming in,” paghingi ng dispensa ng lalaki.
Hindi makasagot si Emong. Titig na titig pa rin ito sa guwapong lalaking nakatayo sa kanyang harapan.
“Hey, are you okay?” Ikinaway-kaway ng lalaki ang kamay sa harap ng mukha ni Emong.
“O, anak andyan ka na pala.” Lumapit si Aling Rosita sa dalawa. “Pumasok ka na rito para makadaan si Altaire.”
Parang biglang nahimasmasan si Emong. Agad itong nagbigay daan kay Altaire. Pero hindi nito inaalis ang tingin sa guwapong binata.
Ngumiti si Altaire kay Emong. Hindi nakaligtas kay Emong ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Ganun din ang mapula nitong labi na bigla’y pinangarap ni Emong na mahalikan.
“Sige po, Aling Rosita. Aalis na po ako.”
“Sige, iho. Salamat.”
Muling ngumiti si Altaire kay Emong bago ito tuluyang umalis. Walang nagawa si Emong kundi sundan na lang ng tanaw ang guwapong seminarista. Nang mawala na si Altaire sa kanyang paningin ay agad itong bumaling sa kanyang ina.
’Nay! Ba’t andito ’yun? Ano’ng ginawa niya rito?“
“Pinapunta siya rito ng mommy niya, ni Mrs. Torres.”
“Bakit po?”
“Pinakikiusapan akong mamasukan sa kanila sa Maynila bilang kusinera.”
“Ha?!” Muling nanlaki ang mga mata ni Emong.
Chapter Four
“MAGTATRABAHO kayo sa pamilya ni Mrs. Torres?” halata ang pagkataranta sa boses ni Emong.
“Oo, iyon ang pakiusap sana ni Mrs. Torres kaya nandito kanina si Altaire ipaalam sa akin at malaman na rin ang sagot ko.”
“Ano’ng sinagot mo, ’nay? Pumayag ka po ba?”
Huminga ng malalim si Aling Rosita. “Iniisip kasi kita. Sabi ko kay Altaire, nag-aaral ka dito at wala kang makakasama kung luluwas ako ng Maynila para magtrabaho sa kanila.”
“E ’nay, malapit nang matapos ang school year. Isang buwan na lang bakasyon na.”
“Kahit na. Hindi naman kita puwedeng iwanang mag-isa rito.”
“Kaya ko naman pangalagaan ang sarili ko, ’nay. Sixteen na ako. Mabubuhay na akong mag-isa.”
“Tigilan mo nga ako, Guillermo! Bakit ba parang gustong-gusto mo na magtrabaho ako sa Maynila? Ayaw mo ba na naririto ako at nasusubaybayan kita?”
“Hindi naman sa ganoon, ’nay.”
“Kumikita naman ako ng sapat sa mga ulam na inilalako ko sa mga kapitbahay. Hindi ko kailangang pumunta ng Maynila para magtrabaho.”
“Naisip ko lang po kasi, ’nay na magandang oportunidad rin sa’yo ’yun. At least siguradong may regular na kita ka buwan-buwan. Hindi ka na mahihirapang maglako ng ulam. Ipagluluto mo lang sina Mrs. Torres. Eh mabait naman ang pamilya nila, di po ba? Kaya kampante ako na magtrabaho ka po doon sa kanila.”
“Kung sabagay…”
Medyo nagliwanag ang mukha ni Emong. Sana pumayag ang nanay niya na magtrabaho sa pamilya ni Mrs. Torres. At bakit nga ba niya gusto na manilbihan sa Maynila ang nanay niya? Kasi pag nangyari iyon, magkakaroon siya ng dahilan na pumunta sa Maynila at bisitahin ang nanay niya. May tsansang makita niya si Altaire sa bahay nito sa Maynila. Para-paraan na lang talaga. Pero ganoon kasidhi ang pagnanais ni Emong na mapalapit sa guwapong binatang pumukaw sa pihikan niyang puso!
Eh ano ba kung seminarista ito? Hindi pa naman ganap na pari. At saka kasalanan ba niya kung crush niya ang lalaking ito na napakaguwapo naman talaga?
“Paano, ’nay? Sasabihin ko na ba kay Altaire na pumapayag ka na sa alok niya?”
“Teka nga, nakakahalata na ako sa’yo, eh. Bakit ba ipinagtutulakan mo yata akong magtrabaho sa Maynila?” pag-iimbestiga ni Aling Rosita.
“Nanay, gusto ko lang naman po na ma-enjoy mo rin ang buhay. Pangit naman kung andito ka lang sa probinsiya natin buong buhay mo. Eh meron namang chance na makita mo ang Maynila, bakit di mo po sunggaban ang oportunidad?” palusot ni Emong.
“Saka ko na iisipin ’yan.”
Nanlumo si Emong. “Haay, pera na naging bato pa.”
“Anong sabi mo?”
“Ang sabi ko po, may pera po ako dito, napanalunan ko kagabi sa Ms. Gay.” Binuksan ni Emong ang bag niya at kinuha ang sobreng may lamang pera. “Eto po ’nay. Seven thousand po ’yan, pandagdag po sa panggastos natin.” Iniabot ni Emong sa kanyang ina ang sobreng may pera.
“Sumali ka sa Ms. Gay? Akala ko nanood lang kayo ni Maya.”
“Opo, sumali ako. Hindi ko lang po ipinaalam sa inyo kasi baka matalo ako. Galit ka po ba na sumali ako?”
“Hindi. Hindi naman, anak. Tanggap ko naman kung ano man ang pagkatao mo. Anak kita at alam kong mabuti kang tao. Hindi basehan ang kasarian para sukatin ang pagkatao ng bawat nilalang.”
“Ang lalim mo, ’nay. Sana pala ikaw ang pinasagot ko sa question and answer portion para nakuha ko sana ang grand prize.”
“Buang ka talaga! Hindi naman ako bakla,” sagot ng nanay ni Emong. “Pero proud ako sa’yo, anak. Dahil kahit minsan hindi mo ako binigyan ng problema.”
Ngumiti si Emong. “Siyempre naman, ’nay. Mahal na mahal yata kita kaya never kitang bibigyan ng problema. Malandi lang ako pero di ako problem
child .“
Pinaalalahanan ni Aling Rosita ang anak. “Basta, mag-aral kang mabuti. Lalo na malapit na ang final exams n’yo.”
“Opo naman, ’nay. Lagi ko namang inuuna ang pag-aaral ko kesa sa ano pa mang bagay. Siyempre, gusto ko namang bigyan ka ng matataas na marka para mapasaya kita.”
Ginulo ni Aling Rosita ang buhok ng anak. “Ikaw talaga, kaya naman mahal na mahal kita. At igagapang ko talaga para lang mapagtapos kita sa pag-aaral.”
“E di tatanggapin n’yo na, ’nay ’yung inaalok na trabaho ni Mrs. Torres?” biglang lumiwanag ang mukha ni Emong.
Bigla rin namang nagbago ang tono ni Aling Rosita. “Guillermo! Bakit mo ba talaga ako itinutulak sa pagtatrabaho sa Maynila?”
“Si nanay talaga. Itinutulak? Hindi naman, ah. Masama bang maging excited ako para sa nanay ko na trabaho na mismo ang lumalapit sa inyo? Aba, ibig sabihin lang noon na mahusay talaga kayo kaya kinukuha kayo ni Mrs. Torres kahit hindi naman kayo nag-apply sa kanya bilang kusinera. At ako mismo ang makapagpapatunay na magaling kayo sa kusina at napakasarap n’yong magluto,” mahaba ang paliwanag ni Emong. Desidido talaga siyang makumbinse ang ina sa kanyang mga palusot.
“Ewan ko sa’yong bata ka. Halatang-halata na may pinaplano ka.” Napapailing na lang si Aling Rosita. “Sige na, magbihis ka na at lalamig itong niluto ko. Sumunod ka na agad dito sa kusina at sabay na tayong kakain.”
“Opo,” sagot ni Emong at dumiretso na ito sa kanyang silid upang magbihis.
Pagpasok niya ng kuwarto ay agad niyang binuksan ang bintana at nahagip kaagad ng mga mata niya si Altaire na nasa gawing bintana rin ng bahay nito at tumutugtog ng gitara.
Namangha si Emong sa binatang seminarista na tila noon lang ito nakakita ng lalaking marunong tumugtog ng gitara. Hindi man niya naririnig ang tinutugtog nito, alam ni Emong na kumakanta si Altaire habang tumutugtog dahil bumubuka nitong bibig habang tinitipa ang gitara.
Bigla’y pakiramdam ni Emong na hinaharana siya ni Altaire kaya naman nangalumbaba siya sa pasamano ng bintana habang nakatanglaw sa guwapong lalaking naggigitara sa kabilang bahay.
Napansin naman yata ni Altaire na may nanonood sa kanya kaya napagawi ang tingin nito kay Emong. Huling-huli nito si Emong na tila nananaginip habang nakamasid sa kanyang ginagawa. Nginitian ni Altaire si Emong.
Hindi nagpatalo si Emong. Ginantihan niya nang mas matamis na ngiti si Altaire na sinabayan pa niya ng isang flying kiss.
Nagulat pa si Emong nang biglang sumenyas si Altaire. Itinaas nito ang isang kamay at nagmuwestra na tila tinatawag siya at pinapupunta sa bahay nito. Bumuka pa ang bibig nito at tila may sinasabi at nang sikapin niyang basahin kung ano ang sinasabi.
“Halika! Pumunta ka rito!”
Natulala si Emong.
Chapter Five
BUMILIS bigla ang pagtibok ng puso ni Emong. Tumalikod siya sa bintana at tila baliw na kilig na kilig sa paanyaya ni Altaire.
“Aayyyy! Pinapupunta niya ako sa kanila. Alam na this! Crush talaga ako ng Altaire na ’to.” kinikilig na sabi ni Emong. Imagine, nung unang araw pa lang niya rito, ilang beses na niya akong nginitian. Hindi pa kami magkakilala nu’n. Tapos ngayon, sinenyasan niya ako para pumunta sa kanila. Hmm… anong akala niya sa akin easy to get? Dalagang probinsiyana ito, oy! Paghirapan niya kung gusto niya ako.“
Muling dumungaw sa bintana si Emong pero hindi na niya nakita roon si Altaire.
“Ha? Nasaan na siya? Umalis na agad? Nakakainis naman!” nagmamaktol na sabi ni Emong. Hindi niya inaasahan na biglang aalis ang guwapong binata. “Sayang naman. Pagkakataon na sana para magkausap kami.” Nalungkot si Emong sa panghihinayang. Pero bigla ring nagliwanang ang kanyang mukha. “Tama! Pupuntahan ko siya sa bahay nila. Pinapupunta naman niya ako, ’di ba?”
Mabilis na lumabas sa silid niya si Emong at patakbong tinungo ang pintuan ng bahay nila. Nadaanan pa niya si Aling Rosita sa salas.
“O, saan ka pupunta?” tanong ng ina ni Emong.
“Dito lang ako sa labas, ’nay! Babalik din po ako kaagad.” Tuluy-tuloy na lumabas ng pinto si Emong.
Napailing na lang si Aling Rosita. “Batang ito, bumalik ka agad at maghahapunan na tayo!”
Hindi na sumagot si Emong. Mabilis nitong narating ang gate ng bahay ng mga Torres at agad siyang nag-doorbell. Hindi naman nagtagal at may nagbukas ng gate.
Nanlaki ang mga mata ni Emong. Nasa harapan niya ngayon si Altaire na guwapong-guwapo sa suot nitong puting sando at pambahay na shorts. Litaw na litaw ang mahahabang hita ng binata.
Napalunok si Emong. Grabe! Parang diyos sa Mt. Olympus ang lalaking ito. Napakaguwapo! At ang katawan, siyet na malagkit! Nakaka-wet!!!
“Pasok ka,” ang cute ng pagkakangiti ni Altaire.
Nagtatanong ang mga mata ni Emong. Hindi pa rin siya makapaniwalang inaanyayahan siya ni Altaire na pumasok sa loob ng bahay. “Sigurado ka?”
Natawa ang binatang seminarista. “Oo naman. Mukha ba akong nagbibiro lang?”
“Ha? A-e, h-hindi naman.”
Diyos
ko!
Kelan
pa
ba
ako
naging
utal
?
Bakit
ganito
ang
nararamdaman
ko
gayong
kaharap
ko
lang
naman
ang
guwapong
guwapo
lalaking
ito
?
“ Halika na, tikman mo ’yung nilutong biko ni Aling Nida kanina.“ Si Aling Nida ang caretaker ng bahay ng mga Torres. Dinadalaw nito ang bahay tuwing umaga, tapos ay umuuwi na rin kaagad pagkatapos maglinis ng bakuran at ng buong kabahayan.
Pumasok na si Emong at sinundan sa paglalakad si Altaire.
“Maraming nilutong biko si Aling Nida kaya pinauwi ko na sa kanya ’yung iba. Pero may natira pa riyan.” Nagkuwento na si Altaire habang papasok sila sa bahay.
Namangha si Emong pagpasok sa loob ng bahay. Hindi niya inaasahan na ang tila lumang bahay sa harapan ng bahay nila ay napakaganda pala sa loob. Lutang na lutang ang estado ng pamumuhay ng may-ari nito. Mula sa mga gamit na makikita sa loob hanggang sa interior design ng bahay ay hindi maikakailang may sinasabi sa buhay ang pamilya ni Altaire.
“Magtatagal ka ba rito?” biglang naitanong ni Emong.
“Isang buwan lang. Babalik din ako agad sa Maynila pagkatapos ng isang buwan,” sagot ni Altaire habang kinukuha sa ref ang biko. Naglagay siya ng dalawang hiwa nito sa platito.
“Seminarista ka raw?” gustong kumpirmahin ni Emong ang detalyeng nauna na niyang nalaman kay Maya.
“Oo,” maikling tugon ni Altaire.
Parang nalugi sa negosyo ang itsura ni Emong. Kahit alam na niyang totoong seminarista si Altaire, hindi pa rin niya naiwasang malungkot nang marinig mismo kay Altaire ang kumpirmasyon.
“Eto o, tikman mo itong biko.” Inilagay ni Altaire sa mesa ang platito.
Hindi tuminag sa kinatatayuan niya si Emong.
“Uy!”
“Ha?” tila naalimpungatan si Emong mula sa isang mahimbing na tulog.
“Sabi ko kumain ka muna.”
“S-sige… salamat.” Umupo si Emong at sinimulang kainin ang biko.
Nakangiti si Altaire habang pinanonod si Emong sa pagkain ng kakaning niluto ni Aling Nida.
“Masarap, ah.” Totoo ang pagpuri ni Emong sa kinakain.
“Oo, kaya nga pinatikim ko sa’yo kasi alam kong hindi ako mapapahiya.”
“Bakit ka umuwi rito sa probinsiya?” pag-iiba ni Emong sa usapan.
“Nakabakasyon kasi ako ng isang taon sa seminaryo. Kaya naisipan kong umuwi rito kahit isang buwan lang.”
“Isang taong bakasyon? Ang tagal naman. Baka hindi mo na maisipang bumalik doon.”
“Isa ’yun sa purpose ng bakasyon. Para bigyan ako ng sapat na panahong makapag-isip kung gusto ko ba talagang pasukin ang bokasyon ng pagpapari.”
“At ’pag bumalik ka sa seminaryo pagkalipas ng isang taon?”
“Ibig sabihin, buo na talaga ang loob ko sa napili kong bakasyon. ’Yung pagpapari nga.”
“Ano ba sa tingin mo ang isang mabigat na dahilan na pwedeng magpabago sa isip mo na talikuran ang seminaryo?”
Napaisip si Altaire. Matagal bago siya sumagot. “Ewan ko. Wala akong maisip sa ngayon. Buong-buo ang loob ko na gusto kong maging pari at paglingkuran ang Diyos.”
Isinubo ni Emong ang huling piraso ng biko saka muling nagsalita. “Puwede pa rin namang maglingkod sa Diyos kahit hindi ka maging pari.”
Tumango si Altaire. “Oo, tama iyon. Pero iba siyempre kung pari ako. Dahil paglilingkod sa Diyos ang magiging trabaho ko habang buhay.”
“Ako, puwede ba akong maging pari?” walang kaabog-abog na tanong ni Emong.
Bago pa nakasagot si Altaire ay nakapagsalita nang muli si Emong.
“O madre? Mas bagay yata sa akin na maging madre.”
Nanlaki ang mga mata ni Altaire. Tila gusto nitong natawa pero pinipigilan lang nito ang sarili. “Gusto mong maging madre?”
“Joke lang. Gusto ko lang makita ang magiging reaksyon mo.”
“Palabiro ka pala,” tanging nasabi ni Altaire.
Pero
’
yung
pagtibok
ng
puso
ko
sa’yo
,
iyon
ang
hindi
biro
. “Paminsan-minsan lang, sa mga ka-close ko lang.”
“So, close na pala tayo.”
“Ayaw mo ba akong maging ka-close? Sa ganda kong ’to?”
“Ops, wala akong sinabing ayaw ko.”
“Ibig sabihin, gusto mo ako?” pabiting tanong ni Emong. “…na maging ka-close?”
Malapad ang ngiting pinakawalan ni Altaire. “Bakit naman hindi? Mabait ka naman. May respeto sa magulang. At masipag mag-aral.”
“At maganda,” dugtong ni Emong. Naging
first runner up
kaya
ako
sa
Ms. Gay.
“Sa bagay…”
“Anong sa bagay?”
“Na maganda ka.”
“Weh? Palabiro ka rin pala.”
“Maganda ka naman talaga, ah. Totoong napakaganda mo.”
Muntik nang mahulog si Emong sa kanyang kinauupan. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Naririnig na nga niya ang pagtibok ng puso niya. Totoo ba ang narinig niyang sinabi ng guwapong seminarista? Nagagandahan sa kanya si Altaire?
Si Altaire na crush na crush niya?
Sorry
na
, Lord!
Patawad
po
.
Pero
pagbigyan
mo
na
ako
.
Lalandiin
ko
na
talaga
ng
bonggang
bongga
ang
Altaire
na
’to!
Chapter Six
“May naging girlfriend ka na ba?” biglang tanong ni Emong kay Altaire.
“Oo, noong high school ako,” seryosong sagot ni Altaire.
“Anong nangyari? Bakit kayo nagkahiwalay?” curious na tanong ni Emong. Sa mga isasagot ni Altaire, doon siya kukuha ng tips kung paano niya makukuha ang loob ng binata.
“Pagka-graduate ng high school, pumasok na kasi ako sa seminaryo. Kaya kinailangan kong makipag-break sa kanya. Unfair naman kasi kung magpapatuloy ang relasyon namin. Unfair sa kanya, unfair din sa Diyos.”
“Hindi mo ba siya nami-miss? Kasi di ba, naging kayo. It means, minahal mo siya. Hindi ka nanghinayang?”
Mapait na ngumiti si Altaire. “Iniyakan ko ang paghihiwalay namin. Sobrang minahal ko si Grace.”
“Ah, Grace ang name niya. Hiniwalayan mo siya para sa ibang grace din naman.”
Napakunot noo si Altaire. Hindi niya agad nakuha ang gustong sabihin ni Emong.
“Divine Grace,” bulalas ni Emong. “Hindi ba maituturing na divine grace ang pagpapari? Ibang level ng grace pala ang gusto mo.”
“Wow, naisip mo ’yun? Pinabibilib mo ako, Emong.”
“Eh ’di nga ba, first runner-up ako sa Ms. Gay. Ibig sabihin, beauty and brains ako,” nagbibiro pero confident na sagot ni Emong.
Mahinang tawa ang isinukli ni Altaire. “Nakakaaliw kang kausap. Parang walang dull moment kapag ikaw ang kasama.”
“O, beware baka ma-in love ka sa akin!”
Napalakas ang pagtawa ni Altaire.
Umikot ang mga mata ni Emong. “Pinagtawanan lang talaga ako?”
“Hindi naman. Natutuwa lang talaga ako sa’yo. I’m glad na umuwi ako rito sa bayan natin. Dahil doon nakilala kita.”
Oh
my
God
! Bumilis ang tibok ng puso ni Emong. Ayaw niya ng mga ganitong eksena. Gusto lang niya na siya ang nagpaparamdam sa lalaki. Natutuliro na siya kapag tila sinasakyan na ng lalaki ang pagpaparamdam niya.
“Seryoso?” pagkukumpirma ni Emong.
“Seryoso! Masaya ako na nakilala kita.”
This
is
it
pancit
!
Hulog
ka
na
sa
charm
ko
,
Altaire
Torres
! Tila gustong maglulundag sa tuwa ni Emong. Kung hindi lang nakakahiya, gusto rin niya sanang yakapin ang binatang seminarista.
“O, ba’t parang naiihi ka diyan?” natatawang tanong ni Altaire.
“Naiihi talaga? Hindi ba puwedeng kinikilig lang?”
“Eh bakit ka kinikilig?” Nakatitig si Altaire kay Emong habang nagtatanong.
Hindi agad nakasagot si Emong. Pero likas siyang malakas ang loob… at pasaway!
“Eh kasi gusto kita. Crush na crush kita!” Sinalubong ni Emong ang pagtitig ni Altaire.
Hindi siguro inasahan ni Altaire ang kaprangkahan ni Emong kaya ito naman ang tila nakalunok ng kanyang dila. Hindi niya yata alam kung paano sasagutin ang sinabi ni Emong. Pero nanaig sa kanya ang pagiging seminarista. “Alam mong hindi puwede.”
“Kasi seminarista ka?”
“Maliban doon, kasi lalaki ka rin.”
“So kung babae ako, pupuwede kahit seminarista ka?”
“Hindi pa rin. Nakipaghiwalay nga ako kay Grace, ’di ba?”
“Ahhh…” Nawalan ng sasabihin si Emong. Parang ang lahat ng magagandang ilusyon niya kanina ay biglang naglahong lahat.
“It’s time for my daily prayer. Gusto mo bang sabayan akong magdasal?” tanong ni Altaire.
“Ha? A-e hindi na lang. Uuwi na lang ako. Maaga pa ang klase ko bukas.”
“Sige, ikaw ang bahala. Isara mo na lang ang gate paglabas mo.”
Hindi
mo
ba
ako
ihahatid
hanggang gate? gusto sanang itanong ni Emong pero iba ang lumabas sa kanyang bibig. “Sige, salamat. Tutuloy na ako.”
Bumaba na si Emong. Sinundan na lang siya ng tanaw ni Altaire. Hindi hiniwalayan ng tanaw ni Altaire si Emong hanggang tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin.
“O, saan ka ba nanggaling? Kumain ka na. May pagkain diyan sa mesa.”
“Diyan lang po sa labas, ’nay. Mamaya na lang po ako kakain, busog pa po ako eh.”
“Ikaw ang bahala. Papasok na ako sa kuwarto. Ikaw na lang ang mag-lock ng pinto. Huwag mong kalilimutan.”
“Opo, ’nay. Matulog na po kayo. Ako na ang bahala rito.”
Nagpasya si Emong na manatili muna sa salas. Binuksan niya ang tv at naghanap ng mapapanood. Nang walang magustuhan ay pinatay na niya ito at nagtungo sa pinto para i-lock ito. Nagpasya siyang huwag nang maghapunan. Nabusog naman siya sa biko na bigay ni Altaire.
Nag-toothbrush na lang si Emong at naglinis ng katawan upang makatulog na rin siya.
Pero hindi siya agad dinalaw ng antok. Kung ganitong excited siya ay hindi naman talaga siya kaagad nakakatulog.
At bakit ba siya excited?
Siyempre dahil matagal silang nagkausap ni Altaire. Ang saya-saya niya. Up close and personal ang usapan nila kanina. Para silang matagal nang magkakilala, komportable na sa isa’t-isa.
Sabi ni Altaire nakakatuwa raw siya. Parang wala raw dull moment kapag siya ang kasama. Totoo naman iyon. Kahit sa school nga, siya ang nagpapasaya sa mga kaklase nila. Hindi dahil mukha siyang clown na katawa-tawa kundi dahil likas talaga siyang masayahin at puno ng nakaaaliw na anekdota tungkol sa kung anu-anong aspeto ng buhay.
Pero naisip ni Emong, mukhang wala naman siyang pag-asang masungkit si Altaire. Straight
pa
sa
ruler
ang
lolo
mo
, seminarista
pa
!
Anong
milagro
ang
gagawin
ko
para
maakit
siya
sa
taglay
kong
ganda
?
Haay
,
nawawalan
na
ako
ng
pag-asa
.
Minsan
lang
ako
magkagusto
sa
isang
lalaki
,
napurnada
pa
.
Bakit
kasi
seminarista
pa
ang
nagustuhan
ko
?
My
God
!
Ang
daming
puwedeng
maging
karibal
.
Bakit
ang
Diyos
pa
ang
karibal
ko
?
Makukuntento
na
lang
ba
ako
na
friends
lang
kami
?
Sabagay
,
mabuti
na
’
yung
friends
kami
kesa
naman
wala
kaming
relasyon
.
Relasyon
,
daw
oh
!
At
least
,
may
relasyon
kami
as
friends
.
Biglang naisip ni Emong, kailangan talagang makumbinse niya ang nanay niya na magtrabaho sa Maynila sa bahay nina Mrs. Torres. Kapag nangyari iyon, magkakaroon pa rin siya ng balita kay Altaire. May chance na hindi maputol ang communications nila.
Communications ?
Kailangan
ko
ng
cellphone
!
Dapat
pala
hindi
ko
muna
ibinigay
lahat
kay
nanay
’
yung
premyo
ko
sa
Ms
.
Gay
.
Sana
pala
bumili
ako
kahit
mumurahing
cellphone
lang
.
Sigurado
may
cellphone
si
Altaire
.
Di
bale
,
hihingin
ko
na
lang
ang
number
niya
tapos
mag-iipon
ako
ng
pambili
ng
cellphone
.
Saan
pa
ba
may
Ms
.
Gay
contest
?
Makasali
nga
ulit
.
Si
Maya
,
may
cellphone
’
yun
.
Matagal
na
niya
akong
pinipilit
na
bumili
rin
ng
cellphone
para
daw
makapag-text
kami
pero
ako
lang
’
yung
ayaw
.
Sana
pala
sinunod
ko
ang
sinabi
niya
.
Eh
,
malay
ko
ba
na
bigla
kong
kakailanganin
ang
cellphone
.
Eh
,
dati
naman
wala
talaga
akong
pakialam
sa
mga
ganyang
gadget
.
Pero
iba
na
ang
sitwasyon
ngayon
.
Kaya
dapat
akong
mag-adjust
.
Kung
cellphone
ang
kailangan
para
may
komunikasyon
pa
rin
kami
ni
Altaire
kahit
bumalik
na
siya
sa
Maynila
,
puwes
bibili
ako
ng
cellphone
!
Chapter Seven
“O, bakit parang puyat ka? Hindi ka ba nakatulog kagabi?” nagtatakang tanong ni Maya kay Emong. Nasa isang waiting shed sila sa loob ng campus. Mamaya pa ang next class nila kaya nagpapalipas-oras muna sila rito. Nagyayaya sa library si Maya kanina, pero nakiusap si Emong na tumambay na lang muna sila sa waiting shed. Maaliwalas dito dahil napapalibutan ng mga puno ang lugar na iyon. Pero hindi nila solo ang lugar dahil andun din ang isa nilang kaklaseng si Aldrin.
“Madaling araw na kasi ako nakatulog, bespren,” sagot ni Emong.
“Bakit naman?”
“Iniisip ko kasi paano ako makakabili ng cellphone.”
Napakunot-noo si Maya. “Bakit, bespren? Aanhin mo ang cellphone?”
“Puro ka naman bakit. Kanina ka pa tanong ng tanong ng bakit. Eh, ano ba ang ginagawa sa cellphone?”
“Siyempre, alam ko kung ano’ng gamit ng cellphone. Ang gusto kong malaman eh kung bakit bigla na lang gusto mo nang magka-cellphone? Hindi ba noon pa kita sinasabihan na bumili ka ng cellphone pero mega-tanggi ka. Sabi mo, wala ka namang paggagamitan ng cellphone. Anyare, bespren? Bakit all of a sudden eh parang it’s a matter of life and death na magkaroon ka ng cellphone?” mahabang litanya ni Maya.
“Haay…” Malungkot na bumuntong-hininga si Emong. “Bespren, ’yun lang ang way para magkaroon pa rin kami ng communication ni Altaire kapag bumalik na siya sa Manila. Isang buwan lang siya rito. After no’n, back to Manila na siya.”
“Hala, in love na talaga ang bespren ko.”
“Tulungan mo naman ako.” Nagpaawa ang itsura niya.
“Paano? Eh, wala naman akong pera.”
“Naibigay ko na kasi lahat kay nanay ’yung premyo ko sa Ms. Gay. Alangan namang bawiin ko pa ’yun. At saka, panggastos namin ’yun sa araw-araw.”
“Anong problema mo, miss beautiful?” biglang sumingit sa usapan nina Emong at Maya si Aldrin. May pagka-maangas kung pumorma ang binatilyo pero hindi maikakailang may itsura ito. Madalas na si Emong ang pinagtritripan nito sa klase nila dahilan para tuksuhin sila ng kanilang mga kaklase, bagay na tila sinasakyan naman ni Aldrin. Kung minsan nga ay naiinis na si Emong sa kakulitan ni Aldrin pero wala naman siyang magawa para iwasan ito dahil nga araw-araw silang magkasama sa loob ng klase.
“Wala!” pagtataray niya sa kaklase. “Huwag ka munang mangulit ngayon, wala ako sa mood.”
“Ang sungit naman nito. Nagtatanong lang naman ako kung ano ang problema mo. Malay mo, makatulong ako.”
Lumabi lang si Emong. Nakamasid lang sa dalawa si Maya.
“Ano? Sabihin mo na,” pangungulit ni Aldrin.
“Wala nga. At kung meron man, hindi ako hihingi ng tulong sa’yo.”
“Aba, ang yabang mo naman. Porke alam mong crush na crush kita, ginaganito mo na ako.” Nagmukhang malungkot ang binatilyo.
“Whatever!”
“Haay, para kayong mga sira. Bangayan kayo ng bangayan eh obvious namang mahal n’yo ang isa’t-isa,” sermon ni Maya.
Ngumiti si Aldrin. “Totoo ’yun!” pagsang-ayon nito sa sinabi ni Maya.
“Excuse me! Isa lang ang mahal ko, at si Altaire lang ’yun.”
“Sino naman ang Altaire na ’yan? Babasagin ko’ng mukha niyan!”
“Wow, ha? Kung magsalita ka parang plato lang ang babasagin mo, ah. Hoy, bawas-bawasan mo ang kayabangan mo para mabawasan din ang mga taong nate-turn off sa’yo!”
“Hindi ako mayabang. Marunong lang akong ipaglaban ang taong alam kong akin.”
“Anong pinagsasasabi mo diyan?”
“Akin ka lang. Hindi ka puwedeng agawin sa akin ng Altaire na ’yan!”
“Spell ASA? Hindi mo ako pag-aari. Kaya ’wag kang feeling diyan!”
“Ang arte naman nito. Pasalamat ka nga at gusto kita.” Inilapit pa niya ang sariling mukha sa mukha ni Emong.
“Bakit, sinabi ko bang gustuhin mo ako?”
“Eh, gusto nga kita. Matagal na. Kaya hindi ka na dapat umaalembong sa iba,” giit ni Aldrin.
“Hoy, tumigil na nga kayong dalawa!” saway ni Maya. “Para kayong aso’t pusa. Hindi na kayo nagkasundo.”
Pinaikot lang ni Emong ang kanyang mga mata. Si Aldrin naman ay hindi na nagsalita.
“Bakit mo ba nagustuhan si Emong, ha Aldrin? Hindi ka naman bading. Ang dami ring babae dito sa school ang may crush sa’yo. Pero bakit si Emong ang sinasabi mong gusto mo?”
“Eh, siya ang gusto ko. Mapipigilan ko ba ang pagtibok ng puso ko?”
“Paano kung malaman sa inyo na bading ang gusto mo?”
“Sa tingin mo ba hindi alam ng magulang ko? Alam nila. Ikinukuwento ko sa kanila si Emong. Ipinagmamalaki ko sa kanila.”
Napamulagat sina Maya at Emong. “Anong sabi ng tatay at nanay mo?” halos sabay ding tanong ng dalawa.
“Wala. Basta huwag ko raw pababayaan ang pag-aaral ko.”
“Okay lang sa kanila?” tanong ni Maya na hindi pa rin makapaniwala.
“Oo naman. Napaka-supportive sa akin ng parents ko. At hindi sila tumitingin sa kasarian ng isang tao. Sabi ng tatay ko, ang pagmamahal ay walang kinikilalang kasarian. Ito ay mararamdaman natin sa tamang oras at wala tayong magagawa kanino man natin ito maramdaman.”
“Ang cool naman pala ng parents mo,” sabi ni Maya sabay baling kay Emong. “O, bespren huwag ka nang magpakipot. Boto naman pala sa’yo ang mga biyenan mo. Huwag mo nang pahirapan si Aldrin.”
Hinarap ni Emong ang matalik na kaibigan at sinabing, “Bespren, kung gusto mo si Aldrin eh, ’di kayong dalawa ang magsama. Gawin mo siyang boyfriend.”
“Lukaret!”
Mahinahong nagsalita si Aldrin, wala ang nakasanayang angas nito. “Basta ako, mamahalin ko lang lagi si Emong. Kahit hindi niya ako mahalin, hindi ako titigil sa pagmamahal ko sa kanya.”
Parang nalunok ni Emong ang dila niya dahil wala siyang naisagot sa sinabi ni Aldrin. Bigla ay parang nag-iba ang tingin niya sa binatilyong kaklase.
“Ang ganda mo, bespren. Kapag ’yan pinakawalan mo pa, it’s your loss not his. Hindi ka na makakakita ng katulad ni Aldrin.”
“Salamat, Maya. Sana, bumait na sa akin itong best friend mo. Akala niya kasi nanloloko lang ako. Hindi niya alam, seryoso ako.” Nakatitig si Aldrin kay Emong habang nagsasalita. Si Emong naman ay walang lakas ng loob na salubungin ang tila nang-uusig na mga mata ni Aldrin.
ABALA SA pagtutupi ng mga damit si Aling Rosita nang may kumatok sa pinto.
Agad na tinungo ng nanay ni Emong ang pinto at pinagbuksan ang kumakatok.
“O, Altaire napasugod ka? Pumasok ka muna.”
“Huwag na po, hindi naman po ako magtatagal. Eh, kasi po katatawag lang ng mommy ko. Tinatanong po niya kung pumayag na ba kayo sa alok niyang trabaho sa inyo.”
“Alam mo, gusto ko sana. Pero iniisip ko si Emong. Kawawa naman ang anak ko kung maiiwan siyang mag-isa rito.”
“Iyon nga rin po ang iniisip kong posibleng dahilan kung bakit tatanggi kayo sa alok ni mommy. Ano kaya kung isama mo na lang po sa Manila si Emong? Kakausapin ko po si mommy. Papayag ’yun sigurado.”
“Aling Rosita! Aling Rosita!” Isang bata ang tumatakbo sa daan habang tinatawag ang nanay ni Emong. Tuloy-tuloy ito hanggang makarating sa bahay nina Emong.
Nagtatakang nagtanong si Aling Rosita. “Bakit para kang hinahabol ng nagwawalang baka? Anong nangyari?”
“Aling Rosita, si Emong po…”
“Anong nangyari kay Emong?” awtomatikong naitanong ni Altaire.
“Si Emong po…”
“Ano nga?” tanong ni Aling Rosita.
“Naaksidente!”
Chapter Eight
BINALOT ng hilakbot ang buong pagkatao ni Aling Rosita. “Ang anak ko! Anong nangyari sa anak ko?”
“Nabundol siya ng traysikel, Aling Rosita. Nasa ospital na po si Emong ngayon,” sagot ng bata.
Napatingin si Aling Rosita kay Altaire na tila nagpapasaklolo. Agad namang nag-alok ng tulong ang seminarista. “Puntahan na po natin siya sa ospital.” Bakas sa mukha ni Altaire ang pag-aalala. Sa maikling panahon ng pagkakakilala nila ni Emong ay kaibigan na ang turing niya rito.
“Salamat, Altaire. Teka lang at kukunin ko ang pitaka ko sa kuwarto.” Nagmamadaling pumasok ang ina ni Emong sa loob ng bahay.
“Aalis na ako, kuya.” Nagpaalam na ang bata kay Altaire.
“Sige, salamat sa’yo. Mag-iingat ka.”
“Opo.” At tumakbo na papalayo ang batang lalaki.
Hindi naman nagtagal at lumabas din kaagad si Aling Rosita.
“Nanginginig po kayo, Aling Rosita. Okay lang po ba kayo?” tanong ni Altaire.
Tumango ang ina ni Emong. “Oo, okay lang ako. Kinakabahan lang ako ng sobra.”
“Huwag po kayong masyadong mag-alala. Magiging maayos rin ang lahat,” pagpapakalma ng binata sa kausap.
“Sana nga maayos ang lagay ng anak ko.”
“Tayo na po.” Si Altaire. Pinara niya ang unang traysikel na dumaan at sumakay silang dalawa. “Sa ospital po tayo.”
SA INFORMATION desk agad na nagtungo sina Altaire at Aling Rosita.
“Nasaan po si Guillermo Flores, ’yung nabundol ng traysikel? tanong ni Aling Rosita sa receptionist.
“Nasa operating room pa siya. Hintayin n’yo na lang po na lumabas sa operating room ang doktor.”
“Diyos ko, ’wag mong pababayaan ang anak ko,” naiiyak na usal ng ina ni Emong.
“Gusto mo po bang pumunta muna tayo sa chapel? Magdasal tayo doon,” alok ni Altaire.
“Oo sige,” pagsang-ayon ni Aling Rosita.
Habang papunta sa chapel ay nakasalubong ng dalawa sina Maya at Aldrin.
“Aling Rosita!”
“Maya! Anong nangyari? Paanong nabundol ng traysikel si Emong?”
“Naglalakad po kami pauwi. Hindi po namin namalayan nang bigla na lang dumating ’yong rumaragasang traysikel. Nawalan po yata ng preno, nahagip si Emong,” mangiyak-ngiyak na kuwento ni Maya. “Sorry po, Aling Rosita. Wala po kaming nagawa para maiwasan ni Emong ’yong traysikel.”
“Huwag mong sisihin ang sarili n’yo. Aksidente ang nangyari. Wala namang may gusto na mapahamak ang anak ko. Nag-aalala lang talaga ako sa kalagayan n’ya.”
“Nasa operating room pa po siya. Napuruhan po ang paa niya,” sabi ni Aldrin. “Pero hindi pa po tayo sigurado kung paa lang niya ang apektado. May sugat din po siya sa ulo.”
“Pupunta kami sa chapel. Kayo ba?” tanong ni Aling Rosita.
“Uuwi po sana muna kami,” maikling sagot ni Maya. “Pero babalik po kami mamaya.”
“Ganun ba? O, sige mag-iingat kayo, ha?”
“Balik na lang po kami mamaya, Aling Rosita,” sabi ni Aldrin.
Tumango ang matandang babae. “Salamat sa inyong dalawa.”
Ngumiti sina Aldrin at Maya sa nanay ni Emong bago tuluyang naglakad papalabas ng ospital.
“Sana walang grabeng pinsalang tinamo si Emong,” nag-aalalang sabi ni Aldrin habang naglalakad sila ni Maya. “Naiinis ako sa sarili ko, wala man lang akong nagawa para hindi siya nasagasaan nung tricycle.”
“Aksidente ’yon. Hindi naman natin ginustong mangyari. At saka nahuli naman ng mga pulis ’yong tricycle driver. Sana nga, gumaling agad si Emong. Malapit pa naman ang graduation, baka ’di siya maka-attend kung hindi siya kaagad makalalabas ng ospital,” malungkot na sabi ni Maya.
“Alam mo bang hindi pa rin maalis sa utak ko ang nangyari?” tanong ni Aldrin. “Masaya lang tayong naglalakad pauwi habang nagkukuwentuhan. Tapos ganoon…”
“
O
,
bespren
kelan
mo
ba
talaga
sasagutin
itong
si
Aldrin
?“
nangungulit
na
tanong
ni
Maya
kay
Emong
.
Pauwi
na
sila
noon
at
gaya
ng
nakagawian
,
mas
pinili
na
lang
nilang
maglakad
kesa
sumakay
ng
tricycle
.
“
Hay
,
naku
!
Ba’t
’
di
na
lang
kaya
ikaw
ang
sumagot
sa
kanya
.
Mukha
namang
botong-boto
ka
r
iyan
kay
Aldrin
kaya
siguradong
magkakasundo
kayo
.“
“Ano ba ang ayaw mo sa akin? Guwapo naman ako, mabait pa. Ang dami ngang girls ang may crush sa akin sa school. Pero ayaw ko sa kanila kasi nga ikaw ang gusto
ko
,“
tila
nagtatampong
sabi
ni
Aldrin
. “
Kita
mo
naman
,
kahit
malayo
sa
inyo
ang
bahay
ko
,
eto
sumabay
pa
ako
sa
inyo
para
maihatid
ka
.“
“
Utang
na
loob
ko
ba
?“
taas-kilay
na
tanong
ni
Emong
.
Ewan
pero
mula
nang
makilala
niya
si
Altaire
,
bigla
na
lang
siyang
naging
masungit
kay
Aldrin
.
Dati
naman
ay
pinababayaan
niya
lang
ito
kahit
na
madalas
siyang
kulitin
.
Ngayon
,
binabara
na
niya
ang
binatilyong
kaklase
.
“
Wala
naman
akong
sinasabing
ganun
,
ah
.
Ang
sinasabi
ko
lang
,
sana
mapansin
mo
naman
’
yong
effort
ko
para
mapalapit
sa’yo
,“
paliwanag
ni
Aldrin
. “
Hindi
ko
alam
kung
anong
nangyari
at
bigla
ka
na
lang
naging
masungit
sa
akin
.
Dahil
ba
may
iba
ka
na
?“
Hindi
na
sumagot
si
Emong
.
Noon
sila
nakarinig
ng
mga
sigawan
.
Kasabay
ang
pagdating
ng
isang
traysikel
na
tila
nawalan
ng
preno
at
patungo
sa
gawi
nilang
tatlo
.
Agad na nakatakbo si Maya at Aldrin para hindi sila mahagip ng rumaragasang traysikel. Ngunit huli
na
para
makaiwas
pa
si
Emong
.
Ang
huling
namalayan
na
lang
niya
ay
ang
imahe
ni
Maya
na
nagsisisigaw
sa
takot
at
si
Aldrin
na
agad
na
bumuhat
sa
kanya
.
“Text mo ako ’pag pupunta ka na sa ospital, ha?” sabi ni Maya. “Sabay na lang tayong pumunta.”
Tumango si Aldrin. “Maliligo lang ako, tapos babalik na rin ako kaagad do’n.”
“DOKTOR…”
Agad na napatayo si Aling Rosita para salubungin ang doktor na lumabas mula sa operating room.
“Kayo po ang nanay ng pasyente?” magalang sa tanong ng manggagamot.
“Ako nga po,” sagot ni Aling Rosita kasabay ang mabilis na pagtango. Si Altaire ay nakamasid lang sa dalawa. Hinihintay rin niya ang sasabihin ng doktor.
“Okay na ang pasyente. Nabugbog ang kanyang kaliwang binti kaya kailangan pa niyang manatili rito sa ospital ng mga ilang araw. At para na rin maobserbahan ang sugat niya sa ulo. Medyo malalim kasi ang naging sugat niya. Pero huwag na po kayong mag-alala, ligtas na sa panganib ang anak n’yo.”
“Salamat sa Diyos, at sa inyo rin po, Doc.” Umaliwalas ang mukha ng nanay ni Emong.
“Sige po, may pupuntahan pa akong pasyente. Hintayin n’yo na lang po siya sa kuwarto.”
“Salamat po ulit,” pahabol ni Aling Rosita.
“Mauna na po kayo sa kuwarto. Pupunta lang muna ako sa nurse station para tingnan kung may mga gamot na kailangang bilhin para kay Emong,” mahabang sabi ni Altaire.
Agad na kumuha ng pera sa kanyang pitaka si Aling Rosita. “Altaire, iho eto ang pera. Pasensya ka na at naabala ka nang masyado.”
Tinanggihan ni Altaire ang iniaabot na pera ng ina ni Emong. “Huwag na po, ako na ang bahala. Hindi naman po ito abala. Malapit kayo sa pamilya namin at kaibigan ko na rin si Emong.”
Wala nang nagawa si Aling Rosita nang lumakad si Altaire patungo sa nurse station. Nang bumalik ito ay nasa kuwarto na si Emong pero tulog pa ito.
“Eto po ’yung mga gamot ni Emong.” Iniabot ni Altaire ang mga gamot kay Aling Rosita.
“Magkano ito, Altaire? Baka mabaon ako sa utang sa’yo,” nag-aalalang sabi ng nanay ni Emong.
“Huwag n’yo pong isipin ’yan. Bigay ko lang ’yan kay Emong.”
“Napakabait mong bata, Altaire. Bagay ka ngang maging pari.”
Malapad ang ngiting isinagot ni Altaire.
“Baka may gagawin ka sa bahay, iwan mo na lang kami rito. Ako na ang bahala kay Emong,” sabi ni Aling Rosita. “Hindi kita itinataboy, ha? Gusto ko lang na makapagpahinga ka rin.”
“Sige po, mamayang konti uuwi na rin ako. Pero babalik po ako bukas,” sagot ng binatang seminarista.
“Nay…”
Sabay na napalingon sina Altaire at Aling Rosita kay Emong.
“Emong, salamat sa Diyos at gising ka na.”
“Ang sakit ng ulo ko, ’nay. Pati ang binti ko.”
“May sugat ka kasi sa ulo. Malalim daw sabi ng doktor. Tapos ’yung binti mo, nabugbog. Gagaling ka rin kaagad, anak. May awa ang Diyos.”
“Altaire…” Kahit may nararamdamang sakit ay binalot ng tuwa ang puso ni Emong nang makita ang binatang seminarista.
Chapter Nine
“HUWAG KANG masyadong magsalita. Magpahinga ka na lang muna,” paalala ni Altaire kay Emong.
Lihim siyang kinilig. Bakit ba pakiramdam niya ay concerned na concerned sa kanya ang binatang seminarista?
“Mukhang okay naman na ako. Masakit lang itong mga sugat ko, pero ayos na ayos na ako. Salamat, Altaire ha?” pa-cute na sabi ni Emong.
“Dapat ka talagang magpasalamat kay Altaire. Alam mo bang siya pa ang bumili ng mga gamot mo? Ang dami na tuloy nating utang sa kanya,” biglang sabi ni Aling Rosita.
Napamulagat si Emong. Ginawa ’yun ni Altaire para sa kanya? OMG! Special siya para kay Altaire!
“Sabi ko naman po sa inyo, bigay ko ’yun. Hindi po ’yun utang. Wala po kayong pagkakautang sa akin kaya huwag po kayong mag-alala,” maagap sa sagot ni Altaire sa ina ni Emong.
“O, ’yon naman pala ’nay eh. Mabait po talaga si Altaire. Nagbigay lang po siya ng tulong, hindi nagpautang.”
“Kahit na. Nakakahiya pa rin. Pati tuloy si Altaire naabala natin.”
Napapangiti lang ang binata. “Wala po ’yun. Magkapitbahay po tayo. At saka kaibigan ko si Emong kaya natural lang po na tumulong ako kung ano man po ang makakaya ko,” sabi nito sa malumanay na boses. Bumaling ito kay Emong. “Ikaw, magpahinga ka. Para gumaling ka kaagad.”
“Opo,” nag-beautiful eyes pa si Emong kay Altaire.
“Paano? Aling Rosita, uuwi po muna ako.”
Nakaramdam ng lungkot si Emong. Feeling niya ay mas mabilis siyang gagaling kung nandito lang si Altaire at nakikita niya.
“Sige, Altaire. Mag-iingat ka. At saka maraming salamat ulit sa’yo sa lahat ng naitulong mo,” bukal sa loob na sabi ng nanay ni Emong.
“Emong, babalik na lang ako bukas.”
Malungkot na nagsalita si Emong, “Salamat, Altaire.”
Kumaway pa ang binata kina Emong at Aling Rosita bago ito tuluyang lumabas ng silid.
“Kelan po ako pwedeng lumabas, ’nay?
“Hindi ko pa alam. Wala pang sinasabi ang doktor.”
“Sana makalabas na ako bukas. Ang dami ko pang school projects na kailangang gawin. Alam n’yo namang malapit na ang graduation.”
“Sa susunod, mag-iingat ka kasi sa daan. Para iwas disgrasya.”
“Nanay, aksidente ’yon. Hindi ko naman po ginustong mangyari iyon. Asan na nga po pala ’yong tricycle driver na nakadisgrasya sa ’kin?”
“Hindi ko na naitanong kay Maya. Nataranta na kasi ako. Pagpunta niya rito, tatanungin ko siya. Kailangang managot ang driver na ’yon sa nangyari sa’yo.”
“Dapat lang. Paano pa ako mananalo sa mga beauty contest kung ganitong may peklat na ako sa binti at baka pipilay-pilay na akong maglakad?”
“May sugat ka kasi sa binti kaya posible ngang iika-ika kang maglakad. Pero kapag gumaling na ’yan, babalik lahat sa normal. Huwag mong isipin na magkakadiprensya ka sa paglalakad. May awa ang Diyos, anak.”
“Good evening po, Aling Rosita.” sabi ng tinig na galing sa may pinto ng silid.
Sabay na napalingon doon ang mag-ina.
“Maya, nandito ka na ulit? Sinong kasama mo?” tanong ni Aling Rosita.
“Bespren…” Si Emong. Bakas sa mukha niya ang saya na makita ang matalik na kaibigan.
“Kasama ko po si Aldrin. Nauna lang po akong pumasok. Bumili pa po kasi siya ng dalandan dun sa labas ng ospital.” Bumaling ito sa matalik na kaibigan. “Bespren, kumusta na ang pakiramdam mo?”
“Masakit lang itong sugat sa binti ko at sa ulo pero okay na ako, bespren. Nothing to worry anymore. Gusto ko na ngang lumabas ng ospital dahil marami pa tayong gagawing school projects.”
“At saka mo na problemahin ’yun, bespren. Magpagaling ka na lang munang mabuti. Aba, halos mamatay ako sa nerbiyos nung makita kong dumudugo ang ulo mo.”
“Maya, nahuli ba ’yung driver na nakasagasa sa anak ko?” tanong ni Aling Rosita sa kaibigan ng anak.
“Ay, opo. Nahuli po siya. Dapat po kasuhan n’yo ’yun. Grabe ang ginawa niya kay bespren.” Napatingin ito sa pintuan. “Eto na pala si Aldrin.”
“Magandang gabi po, Aling Rosita. Emong, kumusta ka na? Bumili ako ng prutas para sa’yo.” Iniabot niya kay Aling Rosita ang plastic bag na may lamang dalandan.
“Salamat, Aldrin. Nag-abala ka pa,” sabi ng nanay ni Emong.
“Wala po ’yan. Maliit na bagay lang.” At sinulyapan nito si Emong na nahuli niyang umirap sa kanya. Bakit ba inis na naman yata sa kanya ang kaklase? Wala naman siyang ginagawa para ikainis nito.
“Mahal na mahal po kasi si Aldrin si Emong, Aling Rosita. Kaya ayan at may pa-prutas pa siya,” panunukso ni Maya. Hindi siya nag-alangan na malaman ng matanda na gusto ni Aldrin si Emong dahil tanggap naman ni Aling Rosita ang pagkatao ng anak.
Tiningnan lang ni Aling Rosita si Aldrin na tila hiyang-hiya sa pambubuko ni Maya.
“Kumain na ba kayong dalawa?” maya-maya’y pag-iiba ni Aling Rosita sa usapan. “Kung hindi pa ay lalabas muna ako para makabili ng makakain n’yo.”
“Naku, huwag na po. Mamaya na lang po kami kakain pagkauwi,” maagap na pigil ni Aldrin.
“Oo nga po. Sa bahay na lang kami kakain. Busog pa naman po kami,” pagsang-ayon naman ni Maya.
“O, sige kayo ang bahala. Lalabas muna ako sandali. May bibilhin lang ako. Maiwan ko muna kayo rito.”
“Sayang, hindi n’yo naabutan si Altaire. Kaaalis lang niya,” sabi ni Emong pagkalabas ni Aling Rosita sa silid. “Sana nakilala n’yo siya.”
“Nakilala na namin siya kanina, bespren pagdating nila rito ng nanay mo,” sagot ni Maya.
“Ah, talaga?” Bumakas ang excitement sa mukha ni Emong. “Ang guwapo niya, ’di ba?”
“Hindi naman ako pahuhuli sa itsura no’n. Guwapo rin naman ako,” kompiyansang sabi ni Aldrin.
“O, ayan may nagseselos nang isang bata rito,” muling nanukso si Maya.
“Hindi ako nagseselos, ’no? Seminarista ’yun kaya imposibleng magkagusto ’yun kay Emong.”
“Eh, paano kung magkagusto pala? Alam mo bang siya ang bumili ng mga gamot ko? At alalang-alala siya sa akin. At bukas, babalik ulit siya rito para dalawin ako.”
“Bakit? Alalang-alala rin naman ako sa’yo, ah! At isa ako sa nagdala sa’yo rito sa ospital. At dumalaw na ako ngayon, at dadalaw rin ulit ako bukas pagkatapos ng klase.”
Pinaikot lang ni Emong ang kanyang mga mata. Si Maya naman ay natatawa lang sa naririnig na pag-uusap ng dalawa niyang kaibigan.
“Kaya bilisan mong magpagaling dahil ayokong nakikita kang nandito sa ospital. Mas gusto kong nakikita kang walang dinaramdam na ano mang sakit ng katawan. Iniisip ko nga na sana ako na lang ’yung nasagasaan kesa ikaw. Kasi mas gugustuhin ko nang ako ang mapahamak, huwag lang ikaw. Mas okay nang ako ang masaktan kesa makita kitang duguan at nasasaktan. Alam mo ba kung bakit?” Huminga nang malalim si Aldrin bago muling nagsalita, “Alam mo naman ang dahilan, pero binabalewala mo lang. Akala mo kasi nagbibiro lang ako. Kung naririnig mo lang kung gaano kita ipinagmamalaki sa mga magulang ko.”
Napanganga si Maya. Ngayon lang niya nakita na ganoon kaseryosong magsalita si Aldrin. Damang-dama niya ang sakit at hinanakit sa bawat salita ni Aldrin. Hindi ito basta humuhugot lang. Inilabas lang nito ang kanyang nararamdaman. Hala, totoo na ito! In love na in love na talaga si Aldrin sa bespren niyang bading!
Chapter Ten
“TIGILAN MO na nga ’yan! Akala mo naman totoo.”
“Totoo naman talaga. Ano pa bang patunay ang gusto mo?” tanong ni Aldrin. “Gusto mo bang ipagsigawan ko pa rito sa ospital na gusto kita? Na mahal kita?”
“Bespren, ’wag ka namang masyadong rude kay Aldrin. Dati naman okay kayo, ah. Parang bigla ka lang nagbago mula nung nakilala mo si Altaire,” ani Maya. Kahit siya ay lubhang nagtataka sa mga pambabara ni Emong sa kaklase.
Parang walang narinig si Emong. Ipinikit lang nito ang mg mata at nagkunwaring natutulog.
Hindi na nagsalita si Maya. Si Aldrin naman ay tumahimik na lang din. Hindi ito ang tamang pagkakataon para ipilit niya ang pagkakagusto niya kay Emong. Saka na lang. Kapag magaling na ito at nakalabas na ng ospital.
Nang dumating na si Aling Rosita ay nagpaalam na ang dalawa. “Maaga pa po kasi ang pasok bukas kaya kailangan na naming umuwi. Babalik na lang po ako bukas,” sabi ni Aldrin.
“Ako rin po, babalik ulit bukas,” pagsegunda ni Maya.
“Maraming salamat sa inyong dalawa, ha? Mag-iingat kayo sa daan.”
“Opo,” sabay na sagot nina Maya at Aldrin.
“Anak, aalis na ang mga kaibigan mo.”
Kinawayan ni Emong si Maya. “Ingat kayo, bespren. Salamat.”
“Nanay, matulog na po kayo,” sabi ni Emong nang makaalis na sina Maya at Aldrin. “Maghapon na kayo rito. Alam ko pong pagod na kayo.”
“Huwag mo akong alalahanin. Ayos lang ako. Ikaw ang magpahinga para gumaling ka kaagad.”
“Saan po tayo kukuha ng pambayad dito sa ospital? Wala po tayong pera.”
“Ako na ang bahalang mamroblema niyan. Nasa akin pa naman ’yong napanalunan mo sa Ms. Gay. Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano. Basta magpagaling ka kaagad.”
“Sorry, ’nay ha? Napagastos ka pa tuloy ngayon.”
“Ang importante buhay ka. Ang pera, kikitain pa natin ’yan. Pero ang buhay ng tao kapag nawala, the end. Hindi na maibabalik. Mas importante ka kesa sa pera anak. Mahal na mahal kita.”
Parang hinaplos ang puso ni Emong sa sinabi ng ina. Higit kailanman, ngayon niya naramdaman kung gaano siya kahalaga sa taong pinagkakautangan niya ng buhay at kung gaano rin ito kahalaga sa kanya.
“Good evening po.”
Sabay na napalingon sa pintuan ang mag-ina. Dumating ang doktor ni Emong at lumapit ito sa pasyente.
“Kumusta na ang pasyente ko?”
“Ayos na po ako, dok. Medyo masakit lang itong mga sugat ko,” pagbibigay impormasyon ni Emong.
“Titingnan natin bukas ang result ng MRI mo para masiguro natin na walang naapektuhan sa loob ng ulo mo. Pati na rin diyan sa binti mo.”
“Dok, sa tingin mo po kelan makalalabas ng ospital ang anak ko?” nag-aalangang tanong ni Aling Rosita.
“Kung okay na ang resulta ng MRI at wala namang ibang pinsala, puwede na siyang lumabas sa makalawa. Sa bahay na lang siya magpahinga,” nakangiting sabi ng doktor.
“Mabuti naman kung ganoon. Salamat, dok. Akala ko talaga eh matatagalan dito ang anak ko.”
“Kung lalabas na po ako sa makalawa, puwede na rin po ba akong pumasok sa school?” tanong ni Emong.
“Mas makabubuti kung next week ka na lang papasok. Pagalingin mo muna ang sugat mo para wala ka ng iniinda pagpasok sa klase,” payo ng doktor. Naglabas ito ng reseta at iniabot kay Aling Rosita. “Pakibili na lang po nito, mauubos na kasi ’yung dextrose niya.”
“Sige po, doktor.”
“MAHAL MO ba talaga si Emong?” tanong ni Maya kay Aldrin habang sakay sila ng tricycle.
Hindi sumagot si Aldrin.
“Sabi mo, ipinagmamalaki mo siya sa magulang mo. At sabi mo rin, hindi sila nagagalit na sa bading ka nagkagusto? Bakit?”
Hindi pa rin sumagot ang lalaki.
“Nagtataka kasi ako. Iyong mga magulang ayaw na ayaw na maging bading ang anak nila. Eh ’di mas lalong ayaw nilang ma-in love ang anak nila sa bading.”
Wala pa ring sagot.
“Pero ang parents mo, wow ang cool, ha? Sana lahat ng magulang ganoon. Marunong rumespeto sa nararamdaman ng anak nila.”
Dedma pa rin si Aldrin.
“Hoy!” Hinampas ni Maya sa balikat si Aldrin. “Para naman akong nakikipag-usap sa tuod. Sumagot ka naman, Aldrin!”
“Eh, ano bang gusto mong isagot ko? Sinabi ko na ’yun sa inyo dati pa. Baka nakalimutan mo lang. Hayan, o malapit na ang sa inyo. Bababa ka na.”
“Para mama! Dito na ako.” Huminto ang tricycle at bumaba si Maya. Bumaling ito kay Aldrin. “Kita na lang tayo bukas. Salamat…”
Tumango ang lalaki at muli nang umandar ang tricycle. Ilang minuto lang ay huminto ito sa isang ’di kalakihang bahay na yari sa semento. Nagbayad si Aldrin sa driver at pumasok na sa loob ng bahay.
“O, anak andito ka na pala. Kumusta ’yung kaklase mo?” tanong ng isang lalaking siguro ay nasa tatlumpu’t siyam ang edad. Ito ang tatay ni Aldrin na isang sundalo.
“Medyo okay na po siya, ’tay Caloy. Kailangan lang gumaling ’yung sugat niya. Pero nakakausap na po namin siya. Malakas na.”
“Ah, mabuti naman kung ganoon,” sabi ng ama niya. “Kumain ka na ba? Ipaghahain na kita. Tulog na ang nanay mo.”
“Ako na lang po, ’tay. Kaya ko na po ’to.” Dumiretso na siya sa kusina para kumuha ng makakain. Sumunod din sa kanya sa kusina ang ama niya.
Pagkatapos kumuha ng pagkain ay umupo na si Aldrin. Sa harapan naman niya nakaupo ang kanyang ama.
“Hindi ba ’yung kaklase mong nasa ospital eh ’yung kinukuwento mo sa amin na crush mo sa school? ’Yung bading?” kaswal na tanong ng ama.
“Opo, ’tay. Pero ayaw po niya sa akin.”
“Ah, kaya pala madilim ang mukha mo. Halatang ’di ka masaya kahit kagagaling ko lang sa ospital at nakita mo siya.” Napansin pa pala ’yun ng ama niya. Wala yata siyang maitatago rito. Napaka-transparent naman niya talaga kasi.
“Tay…”
Napatingin sa kanya ang ama. “Bakit?”
“Bakit po okay lang sa inyo na crush ko si Emong. Alam n’yo naman po na bading siya. Bakit po hindi kayo nagagalit? Hindi po ba dapat sa babae ako magkagusto?” Pinakawalan na ni Aldrin ang mga tanong na gusto rin niyang malaman ang sagot. Hindi lang si Maya ang nagtataka. Maging siya rin.
“Ano ang gusto mong gawin ko? Pagbawalan ka? Higpitan ka? Hanggang sa magtanim ka ng galit sa akin. Hanggang sa matuto kang paglihiman kami ng nanay mo. Gusto mo ba ang ganoon, anak?” malumanay na sabi ng ama ni Aldrin. “Ayokong matulad ka sa tito Aldrin mo.”
Si tito Aldrin niya. Sa kanya kinuha ng tatay Caloy niya ang pangalan niyang Aldrin. Kapatid siya ni tatay Caloy, nakababatang kapatid. Dalawang taon lang ang pagitan nila. Pero hindi na naabutan ni Aldrin ang tito Aldrin niya. Ang alam niya lang, patay na ito. Hindi rin naman napag-uusapan sa pamilya ang dahilan ng pagkamatay nito kaya hindi na siya nag-abalang magtanong pa noon. Pero bakit sinasabi ngayon ng tatay Caloy niya na ayaw nitong matulad siya sa tito Aldrin niya? Ano bang nangyari sa tito Aldrin niya?
“Ano po bang nangyari kay tito Aldrin?”
Huminga muna ng malalim ang tatay niya bago ito nagsalita. “Close na close kami ng kapatid kong ’yun. Lahat ng problema niya, sa akin niya sinasabi. Kapag masaya siya, ako rin ang unang nakakaalam. Nagkagusto rin siya sa isang kaklase niyang bakla. Hindi niya agad iyon ipinaalam sa mga magulang namin. Pero nagtiwala siya sa akin na ikuwento ang taong nagpapasaya sa kanya nang husto.”
“Bakla po ba si tito Aldrin? Bakit sa bakla po siya nagkagusto? Ako po, bakla ba ako, ’tay dahil nagkagusto ako kay Emong?” naguguluhang tanong niya sa ama. Hindi na niya naituloy ang pagkain dahil naging interesado na siya na ikinukuwento ng ama.
“Hindi ko masasabing bakla ang tito Aldrin mo dahil bago siya nagkagusto sa bakla ay nagkaroon na rin siya ng girlfriend. Pero nagkahiwalay sila. At dinamdam niya iyon ng sobra. Naging malungkutin siya. Bumalik ang sigla niya nung nakilala niya si Kiena, ’yung bakla niyang kaklase. Pero mahigpit namang tumutol ang tatay namin nang malaman ang tungkol sa tito Aldrin mo at kay Kiena. Hanggang sa pinagbawalan na ng lolo mo na makipagmabutihan si Aldrin kay Kiena. Inilipat din siya ng eskuwelahan. Kaya mas lalong nagulo ang mundo ng tito mo. Hanggang isang araw, nakita na lang namin siyang patay sa loob ng kuwarto niya. Naglaslas siya ng pulso,” mahabang kuwento ni tatay Caloy.
Gulat na gulat si Aldrin. Hindi niya inakala na ganoon kasalimuot ang kuwento ng tito Aldrin niya. At parang itinadhanang nangyayari sa kanya ngayon ang nangyari rin dati sa kapatid ng kanyang ama.
“Nangako ako sa bangkay ng tito mo, na kung mangyari sa mga anak ko ang katulad ng nangyari sa kanya, hinding-hindi ako tututol. Ibibigay ko ang buong pang-unawa sa aking anak. Dahil ayokong maulit muli ang nangyari sa kanya.”
“Sorry, ’tay…”
“Wala kang dapat ihingi ng tawad. Sinunod mo lang ang tibok ng puso mo. Kung saan ka masaya, anak asahan mong susuportahan kita.” Nangilid ang luha sa mga mata ni tatay Caloy.
“Salamat, ’tay.”
“Tapusin mo na ang pagkain mo at matulog ka na. Mauuna na akong pumasok sa kuwarto at kanina pa ako inaantok,” sabay tayo nito at tumalikod na sa anak pero nahagip pa rin ng mga mata ni Aldrin ang mabilisang pagpahid nito sa mga luhang nagbabanta nang tumulo.
Chapter Eleven
“GOOD MORNING!” Masaya ang mukha ng doktor nang pumasok sa silid ni Emong. Naroon din sa kuwarto si Aling Rosita.
“Good morning din po, doc.” Sinabayan ng nanay ni Emong ng ngiti ang pagbati sa manggagamot.
“May magandang balita po ako sa inyo. Nakita ko na ang resulta ng MRI at iba pang lab tests ng pasyente at maayos naman lahat. Wala na kayong dapat pang ipag-alala sa kalagayan niya. Maaari na siyang lumabas bukas at sa bahay na lang magpagaling,” pagbabalita ng doktor. “Bibigyan ko na lang siya ng reseta para sa mga gamot na iinumin niya at iba pang instruction sa paglilinis ng sugat niya sa binti.”
“Naku, maraming salamat, doc.” Bumaling si Aling Rosita sa anak. “Narinig mo iyon, anak? Makakalabas ka na bukas.”
“Opo, ’nay. Excited na rin akong lumabas. Gusto ko na nga pong pumasok sa school, eh.”
“Hindi ka pa puwedeng pumasok. Siguro, next week pupuwede na,” sabi ng doktor.
“Okay po, doc.”
“Eto po ang mga bagong reseta niya.” Iniabot ng doktor kay Aling Rosita ang kapirasong papel.
“Sige po, doc.”
“Pupuntahan ko po muna iyong iba kong pasyente. Kapag may kailangan po kayo, sabihin n’yo na lang po sa nurse.”
Tumango ang ina ni Emong.
Pagkaalis ng doktor ay kinausap ni Aling Rosita ang anak. “Lalabas lang ako sandali para bilhin itong mga gamot mo.”
“May pera ka pa po ba, ’nay? Kailangan pa natin ng pambayad sa ospital bukas.”
“Huwag n’yo na pong alalahanin iyong hospital bill, binayaran ko na po ngayon lang.”
“Altaire?” gulat na sabi ni Emong pero masaya naman ang kanyang puso.
“Naku, ang batang ito. Bakit mo naman ginawa iyon? May madedelihensyahan naman siguro ako,” nahihiyang sabi ni Aling Rosita.
“Hayaan n’yo na po, Aling Rosita. Tulong ko na lang po sa inyo ni Emong.”
KINABUKASAN nga ay nakalabas na ng ospital si Emong. Si Altaire ay nananatiling nakaalalay pa rin sa mag-ina hanggang sa makauwi ang mga ito. Hiyang-hiya man ang ina ni Emong sa binatang seminarista ay hindi naman niya ito mapigilan sa pagtulong sa kanilang mag-ina. Kaya nang araw ding iyon, habang nagpapahinga si Emong sa kuwarto ay lumabas ng bahay si Aling Rosita at nagtungo sa bahay ni Altaire.
“Aling Rosita napasugod po kayo,” sabi ng binata nang pagbuksan niya ng pinto ang kapitbahay.
“Maaari ba kitang makausap?” seryosong bungad nito.
“Sige po. Pumasok po muna kayo.”
Pumasok ang nanay ni Emong sa loob ng bahay.
“Umupo po muna kayo at maghahanda lang ako ng maiinom.”
“Huwag ka nang mag-abala, saglit lang naman ako. May sasabihin lang sana ako sa’yo.”
“Ano po ba iyon at parang napakaseryoso naman yata?” Ngumiti si Altaire sa kausap.
“Pumapayag na akong magtrabaho bilang kusinera sa bahay n’yo sa Maynila,” aniya.
Nagliwanag ang mukha ng binatang seminarista. “Talaga po? Naku, matutuwa si mommy kapag ibinalita ko ’yan sa kanya. Maraming salamat po, Aling Rosita.
Nahihiya kasi ako sa’yo. Napakalaki ng naitulong mo sa gastusin namin sa ospital. Kaya naisip kong tanggapin na iyong trabahong iniaalok ng mommy mo para naman makabayad ako ng utang na loob sa’yo.
“Naku, Aling Rosita hindi mo naman po kayo obligadong palitan ano mang naitulong ko. Ayoko naman po na magtrabaho kayo sa bahay namin dahil kailangan ninyong magbayad ng utang na loob,” matapat na sabi ni Altaire.
Nginitian ni Aling Rosita ang binata. “Hindi. Sigurado na ako sa pasya kong tanggapin ang trabaho. Iniisip ko rin na gagawin ko ito para kay Emong. Para dire-diretso ang pag-aaral niya.”
“Salamat po kung ganoon…”
“May isa lang sana akong ipapakiusap, Altaire.”
“Ano po iyon?”
“Maaari ko bang isama rin sa Maynila si Emong?” tanong ni Aling Rosita. “Wala kasi siyang makakasama rito. Gusto ko sanang isama siya sa Maynila para mabantayan ko pa rin siya. Alam mo naman, kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay.”
“Wala pong problema. Ako na po ang bahalang kumausap kay mommy. Siguradong papayag iyon.” Hindi nawawala ang maaliwalas na ngiti ng binata.
Napangiti na rin ang nanay ni Emong. “Maraming salamat, Altaire. Napakabuti mo. Napakabuti ng pamilya n’yo.”
“Kelan po kayo puwedeng lumuwas ng Maynila?”
“Puwede kayang pagtapos na lang ng klase ni Emong? Hindi ko kasi siya puwedeng iwan ngayon dahil magpapagaling pa siya.”
“Kung iyon po ang gusto n’yo, Aling Rosita. Masaya po ako na magtatrabaho kayo sa amin.”
“Salamat, Altaire.”
“Wala pong anuman. Ayaw n’yo po ba talagang ipaghanda ko kayo ng maiinom?”
“Naku, huwag na. Pauwi na rin naman ako. Tinakasan ko lang si Emong. Baka magising na iyon at hanapin ako.”
Napangiti si Altaire. “Eh, sige po. Kung ayaw n’yong magpapilit.”
“Tutuloy na ako.” Naglakad na siya papalabas ng bahay. Inihatid siya ni Altaire hanggang sa makalabas ng pinto.
“SAAN po kayo galing, ’nay?” Nadatnan niyang nakaupo sa sofa sa salas si Emong.
“Diyan lang kay Altaire. Bakit ka lumabas? Hindi ka ba nahirapang maglakad?”
“Hindi naman po. Naiinip na kasi ako sa kuwarto. Kaya lumabas muna ako,” sabi ni Emong sa ina. “Ano kaya kung pumasok na ako bukas, ’nay? Kaya ko naman po, eh. Nakakainip dito sa bahay, walang ginagawa.”
“Naku, huwag kang matigas ang ulo. Sabi ng doktor, next week ka pa puwedeng pumasok,” sagot ni Aling Rosita.
“Eh, bakit po kayo pumunta kina Altaire? Anong ginawa n’yo po roon?”
Kaswal na sumagot ang ina, “Sinabi kong tinatanggap ko na iyong alok ni Mrs. Torres na magtrabaho ako bilang kusinera sa bahay nila sa Maynila.”
Nanlaki ang mata ni Emong. “Totoo po? Iiwan n’yo po akong mag-isa rito?”
“Hindi naman. Nakiusap ako kay Altaire kung puwedeng isama kita…”
Nagliwanag kaagad ang mukha ni Emong. “Ano pong sabi ni Altaire?”
“Sasabihin daw niya sa mama niya. Sigurado raw siyang papayag si Mrs. Torres.”
Ang lawak ng pagkakangiti ni Emong. Kapag nagkataon mas mapapalapit siya kay Altaire. “Kelan po tayo pupunta sa Maynila, ’nay?”
“Aba, eh ang sabi ko kay Altaire pagkatapos na lang ng klase mo. Pumayag naman siya.”
“Excited na ako, ’nay,” kinikilig na sabi ni Emong. “Makakarating na rin ako sa Maynila. Doon na rin ako mag-aaral, ’di ba ’nay?”
“Oo, anak. Ayoko kasing maiwan kang mag-isa rito. Igagapang ko para makapag-aral ka sa Maynila.”
“Magandang hapon po!”
Kapwa napatingin sa may pinto ang mag-ina.
“O, bespren! Salamat naman at dinalaw mo ako,” masayang sabi ni Emong pagkakita kay Maya. Kasama nito si Aldrin. “Pumasok muna kayo.”
Pumasok sa loob ng bahay ang dalawa.
“Magandang hapon po, Aling Rosita.” Si Aldrin. “Kumusta ka, Emong?”
Inirapan ni Emong ang kaklase. “Okay lang.”
“Maupo muna kayo riyan at ipaghahanda ko kayo ng meryenda, sabi ni Aling Rosita.”
“Huwag na po, Aling Rosita. Hindi naman po kami magtatagal,” sambit ni Maya.
“Kinukumusta lang po namin si Emong,” segunda naman ni Aldrin.
“O, siya maiwan ko muna kayo riyan at may aasikasuhin lang ako sa kusina.” Iniwan na silang tatlo ni Aling Rosita.
“Kelan ka makakapasok?” tanong ni Maya. Ang dami mo nang na-miss na lessons.“
“Next week papasok na ako. Gusto ko nga sana bukas na, ayaw lang pumayag ni nanay. Sabi raw kasi ng doktor, next week pa ako puwedeng bumalik sa school.”
“Hiramin mo na lang ang mga notebook ko. Kumpleto ako ng notes,” pagboboluntaryo ni Aldrin.
“Kay bespren na lang ako hihiram. Huwag ka nang mag-abala,” nakasimangot na sagot niya.
“Ang hard mo talaga kay Aldrin. Ang bait-bait nung tao eh, sinosopla mo na lang lagi,” pagtatanggol ni Maya sa kaklase. “Sige ka, baka dumating ang panahong mami-miss mo rin si Aldrin.”
Pinaikot lang ni Emong ang kanyang mga mata tanda ng hindi pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan. “Baka ako pa ang ma-miss niyan kapag umalis na kami rito ni nanay. Magtatrabaho na kasi si nanay sa bahay nina Altaire sa Maynila, at pumayag na si Altaire na isama ako ni nanay sa kanila. Ibig sabihin, doon na rin ako titira at sa Maynila na ako mag-aaral.”
Kapwa napatanga sina Maya at Aldrin sa sinabi ni Emong.
Chapter Twelve
“IIWAN MO na ako, bespren?” parang nagtatampong sabi ni Maya. “Wala na pala akong makakasabay sa pagpasok sa eskuwela. Wala na rin akong mahihiraman ng notes. Ano ba naman ’to? Ba’t pabigla-bigla naman?”
Si Aldrin ay hindi nakapagsalita, pero sa mukha nito ay naroon ang hindi maipaliwanag na lungkot.
“Kailangan ko kasing samahan si nanay doon. At saka ayaw rin naman ni nanay na maiwan ako rito, dahil siyempre only child ako. Wala akong makakasama rito,” paliwanag ni Emong. “Pero huwag kang mag-alala, uuwi ako rito tuwing bakasyon, para magkasama ulit tayo.”
“Aldrin, paano ba ’yan? Iiwanan ka na pala ng mahal mo.”
Napairap si Emong sa sinabi ni Maya.
“Wala naman akong magagawa kung ganoon ang mangyayari. Hindi naman ako puwedeng tumutol.”
“Hindi talaga!” mataray sa sabi ni Emong.
“Siyempre, mas mapapabuti ka kung nasaan ang nanay mo. Kasi may mag-aalaga sa’yo.”
“Mabuti alam mo.”
“Bespren, ano ba? Huwag ka namang masungit kay Aldrin. Wala namang ginagawang masama sa’yo ’yung tao.”
Hindi na lang kumibo si Emong.
“Pabayaan mo lang siya, Maya. Hindi naman ako nagagalit kay Emong kahit lagi siyang parang galit sa akin. Naiintindihan ko siya.”
Tumaas ang kilay ni Emong. “So, utang na loob ko pa?”
“Wala naman akong sinasabing ganoon.”
“Sige na, bespren aalis na kami,” sabi ni Maya bago pa tuluyang magkasagutan sina Emong at Aldrin. “Magpagaling ka agad, ha?”
“Salamat sa pagdalaw, bespren.”
“Aling Rosita, aaalis na po kami,” paalam ni Aldrin sa nanay ni Emong.
Nagmamadaling nagtungo sa salas si Aling Rosita. “Salamat sa inyong dalawa, ha? Mag-iingat kayo sa pag-uwi.”
Tumango na may kasamang ngiti ang dalawang bisita ni Emong.
PAGKALIPAS NG ilang araw ay nakabalik na sa eskuwelahan si Emong. Kagagaling lang niya sa eskuwela noon nang mapansin niyang saradong-sarado na naman ang bahay nina Altaire.
“Bumalik na si Altaire sa Manila. Nagpaalam nga sa akin kanina?” salubong sa kanya ng nanay niya nang mapansin nitong nakatingin siya sa saradong bahay ng pamilya Torres.
“Ha?” gulat na reaksyon ni Emong. “Nay, ba’t hindi ko alam? Hindi man lang siya nagsabi sa akin.”
“Eh, bakit naman magpapaalam sa’yo ’yung tao? Kamag-anak ka ba?”
“Friend. Close friend,” maarteng sagot ni Emong. “Nakakainis naman siya. Paano na ’yan? Siguradong mami-miss ko siya.”
“Naku, Guillermo! Tigilan mo nga ’yang kaalembungan mo. Pati ba naman si Altaire na magpapari eh, ginugusto mo pa?”
“Inay, kapag tumibok ang puso, hindi naman tayo pwedeng kumontra. Ang puwede lang nating gawin ay sumunod at magpakasaya sa dala nitong ligaya.”
Nanlaki ang mga mata ni Aling Rosita. “Guillermo!!!”
“Hmp! Ewan ko sa’yo, ’nay. Mabuti nga at lumaki lang akong malandi, hindi drug addict.” Pagkasabi noon ay dali-dali nang tumakbo si Emong papasok sa loob ng kanilang bahay. Naiwang nakatulala si Aling Rosita na hindi malaman kung matatawa o mayayamot sa sinabi ng anak.
ILANG LINGGO lang ang ipinasok ni Emong dahil nagtapos na ang klase. Hindi na maitago ang excitement sa kanyang mukha. Makakapunta na sila sa Maynila. Sa wakas ay wala nang makakapigil sa kanya na muling makita si Altaire.
Maaga pa lamang ay naka-empake na si Emong. Itsura ng wala ng planong bumalik sa probinsiya, inilagay na yata niya lahat ng mga gamit sa travelling bag. Naligo na rin siya at nagbihis. Basta, handang-handa na siyang umalis sa probinsiyang kinalakhan. Handa na rin siyang suungin ang bagong buhay sa Maynila. Doon sa bahay ng mga Torres, kasama si Altaire siyempre!
“Bespren, bumili ka ng cellphone, ha? Para text-text tayo. O kaya naman, mag-online ka lagi. Chat tayo sa facebook. Basta, ’wag mo akong kalilimutan, naku sasakalin kita talaga!” Hindi matapos-tapos ang pamamaalam ni Maya sa kaibigan.
“Oo na. Ito naman, Maynila lang ang pupuntahan namin. Akala mo naman sa Amerika na kami titira.” Nagpalinga-linga si Emong. “Asan ’yong asungot na lagi mong kasama?”
“Sino? Si Aldrin?” tanong ni Maya. “Ba’t mo hinahanap? Kapag nandito naman lagi mong pinapahiya.”
“Nagtataka lang ako, ba’t wala siya. Eh, buntot mo ’yon.”
“Kunwari ka pa. Ang sabihin mo, nami-miss mo rin si Aldrin. Ang bait-bait no’ng tao, inaaway mo.”
“Mabait? Eh, kung mabait pala, sagutin mo na para magka-boyfriend ka na!”
“Baliw ka! Alam mong ikaw ang gusto no’n. At saka barkada ko ’yon. Bespren pa kita. Hindi ko aagawin sa’yo ’yon.”
“Anak, lalakad na tayo.” Lumabas ng bahay si Aling Rosita bitbit ang isang bag niyang puno ng mga damit.
“O, paano bespren? Aaalis na kami.” Niyakap ni Emong si Maya.
“Ingat kayo roon, bespren. Babay!” Kumaway pa siya sa kaibigan.
Pumara ng traysikel si Aling Rosita at sumakay na sila ni Emong. Nagpahatid sila sa terminal ng bus.
Limang oras din ang tatakbuhin ng biyahe nilang mag-ina. Alas-dose ng tanghali sila umalis sa bahay nila, sakto para sa ala-unang biyahe ng bus patungong Maynila. Hindi mailarawan ang saya sa mukha ni Emong. Nakatanaw siya sa bintana ng bus habang tumatakbo ito patungo sa lugar na kanyang pinapangarap.
“Altaire, here I come…” bulong niya sa sarili. Sinulyapan niya ang ina na nakatulog na sa biyahe.
Ang inakalang limang oras na biyahe ay hindi naman nangyari dahil sa masikip na daloy ng trapiko. Alas-siyete na ng gabi nang makarating sila sa terminal ng bus sa parteng iyon ng Cubao. Maraming tao sa terminal at nakaramdam ng pagkabagot si Emong.
“Nay, alam n’yo po ba kung saan tayo pupunta?” tanong ni Emong. “Nagugutom na ako.”
“May ibinigay na telephone number si Altaire. Tawagan daw natin ito kapag nandito na tayo sa terminal ng bus.” Hawak ni Aling Rosita ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang telephone number.
“Dapat talaga, ’nay ibili mo ako ng cellphone. Kung may cellphone lang sana ako, eh ’di wala tayong problema ngayon. Madali ang form of communication. Isang text lang, pak! Malalaman nila kaagad na nandito na tayo.”
“Magtigil ka nga. Kung anu-ano ang sinasabi mo. Eto ang numero, makitawag ka muna doon sa sa tindahan.” Iniabot ni Aling Rosita ang kapirasong papel sa anak.
Pumunta sa tindahan si Emong. “Ate, makikitawag ako sa telepono.”
“Limang piso, tatlong minuto.” Parang wala sa sariling sagot ng tindera.
Nag-dial si Emong. Narinig niyang nagri-ring ang telepono nina Altaire.
“Hello?” Bigla ang dating ng pagkabog ng dibdib ni Emong. Hindi siya maaring magkamali. Si Altaire ang nagsalita sa kabilang linya.
“Hello, si Altaire ba ’to?”
“Yes, may I know who is on the line?”
“Altaire, si Emong ito. Nandito na kami ni nanay sa terminal ng bus. Hindi namin alam kung paano pupunta diyan sa bahay n’yo.”
“Ha? Emong? Wait, ako na lang ang susundo sa inyo. Zebra Bus ba?”
“Oo, dito nga,” lalong bumilis ang pintig ng puso niya. Makikita na niya si Altaire. Susunduin pa nga sila, oh! Sosyal!
“Sige, hintayin n’yo ako diyan. Papunta na ako.” Iyon lang at nawala na sa kabilang linya ang binatang seminarista.
Parang gustong tumili ni Emong. Hindi na siya makapaghintay. Makikita na niyang muli si Altaire.
“Bayad mo!” Narinig ni Emong ang masungit na boses ng tindera.
“Ay, oo nga pala.” Dumukot ng barya sa bulsa si Emong at iniabot sa tindera. “Eto na, ’teh! Mag-smile ka naman. Iiwanan ka ng customers ’pag ganyan ka lagi.” Hindi na niya hinintay na makasagot ang tindera. Agad na siyang bumalik sa lugar kung nasaan si Aling Rosita.
Bawal siyang ma-badtrip. Bawal siyang mainis. Ayaw niyang masira ang mood niya. Ilang minuto na lang ay makikita na niya si Altaire.
Ang guwapo at simpatikong si Altaire.
Ang mahal na mahal niyang si Altaire!
Chapter Thirteen
“TULOY PO kayo,” anyaya ni Altaire kina Emong at Aling Rosita. “Maupo po muna kayo. Tatawagin ko lang si mommy.” Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay. Bakas ang karangyaan sa loob ng bahay. Ultimo ang hagdan ay alam mong mamahalin at hindi basta-basta ang ginamit na materyales.
Nanlaki ang mga mata ni Emong sa nakikita ng kanyang mga mata. Ang bahay ng mga Torres sa kanilang probinsiya ay sobrang maganda na. Ngunit ang bahay na ito dito sa Maynila ay tila ba mansyon na. Parang ang sarap-sarap tumira sa bahay na ito. Napakalaki. Napakaganda. Napakarangya. Bagay na bagay sa kanyang kagandahan.
Maya-maya pa ay nakita nilang pababa na ng hagdan si Mrs. Torres. Inaalalayan ito ni Altaire habang isa-isang binabagtas ang baitang ng hagdanan.
Napahanga si Emong sa itsura ng ina ni Altaire. Sa kabila ng edad ay bakas pa rin ang ganda nito. Sopistikada ang pananamit at kilos ng babae, but she is never intimidating as she flashes a ready smile on her face.
“Rosita, maraming salamat at pinagbigyan mo ang pakiusap ko,” masayang sabi nito nang makalapit sa mag-ina. Hindi nawawala ang ngiti na mas nagpapanatag sa pakiramdam ng ina ni Emong. Paano ka pang kakabahan kung napakamagiliw ng babaeng magiging amo na niya simula ngayon?
“Walang anuman iyon, Mrs. Torres, ma’am. Ako nga ang dapat magpasalamat sa pagbibigay mo sa akin ng trabaho rito sa bahay n’yo. Magkakaroon ako ng regular na kita. Sigurado nang mapag-aaral ko si Emong.”
Saka lang napansin ni Mrs. Torres si Emong. “Ah, siya na ba ang anak mo? Malaki na pala. Tingnan mo nga naman ang bilis ng panahon. Noong umalis kami sa bayan natin, ang liit-liit pa niya. Ngayon, aba’y matangkad pa sa’yo.”
Nginitian ni Emong si Mrs. Torres.
“Kumusta ka, iho?”
“Mabuti naman po,” magalang niyang sagot sabay sulyap kay Altaire na katabi lang ng ina nito.
“Altaire, ituro mo na muna sa kanila ang magiging kuwarto nila. Magpapahanda lang ako ng makakain.”
“Aling Rosita, sumunod po kayo sa akin.” Nauna nang lumakad ang binata at sumunod ang mag-ina.
“Ito po ang magiging kuwarto n’yo, Aling Rosita. Sa kabilang silid naman si Emong. May kabinet po rito. Dito n’yo na lang po ilagay ang mga damit ninyo.”
“May sarili akong kuwarto?” Hindi makapaniwala si Emong. Akala niya ay sa isang silid lang sila ng nanay niya.
“Oo, Emong. Sa kabila ka. Halika, sasamahan kita.” Kinilig si Emong sa sinabi ng binatang seminarista.
“Halika na, Altaire.” Hinila na niya ito papunta sa kabilang kuwarto.
Nag-umapaw ang excitement sa mukha ni Emong. Malaki ang kuwarto niya. Mas malaki ng konti sa silid ng nanay niya. Parang hindi sila katulong sa bahay na ito. Parang they are also members of the Torres family.
“Ito na ang magiging kuwarto mo mula ngayon. May study table diyan para makapag-aral ka ng lessons mo. Dito mo naman ilagay ang mga gamit mo.” Binuksan ni Altaire ang built-in cabinet at ipinakita kay Emong ang loob nito.
“Ang swerte ko naman. Ang swerte namin ni nanay dahil sa inyo. Maraming salamat, Altaire.”
“Basta, mag-aral kang mabuti,” nakangiting sabi ng guwapong binata na mas nagpatindi pa sa kilig na nararamdaman ni Emong.
PAGKATAPOS KUMAIN ay bumalik na sa kuwarto si Emong. Si Aling Rosita naman ay kinausap pa ni Mrs. Torres para i-orient ito sa magiging trabaho niya. Bukas ay umpisa na ng trabaho ni Aling Rosita bilang kusinera ng pamilya Torres. Bakasyon pa naman kaya si Emong ay puwedeng-puwedeng tumulong sa ibang gawaing bahay. Iyon ang kabilin-bilinan ni Aling Rosita sa anak. Tumbasan din ni Emong ng paglilingkod sa pamilya Torres ang pagpapaaral ng mga ito sa kanya.
Dahil sa pagod ay maagang nakatulog si Aling Rosita. Pero si Emong ay gising na gising pa. Nakahiga lang siya pero ayaw naman siyang dalawin ng antok. Paano siyang aantukin kung matindi pa rin ang excitement na nararamdaman niya?
“Saan kaya ang kuwarto ni Altaire?” bulong niya sa sarili. Ang alam lang niya ay sa ikalawang palapag ng bahay naroon ang silid ng binata pati na rin ang sa mga magulang nito. Nasa America ang ama ni Altaire na doktor sa isang kilalang ospital doon, minsan ay naikuwento kay Emong ng nanay niya. Sa US din nagtatrabaho ang kuya ni Altaire na isang medical technologist.
Napabuntung-hininga si Emong. May mga tao talaga na sobrang blessed sa buhay katulad ng pamilya ni Altaire. Hindi nila yata naranasan iyong magkaroon ng problemang pinansyal. Mabuti pa sila.
Nakaramdam ng uhaw si Emong kaya bumangon siya at lumabas ng kuwarto para kumuha ng maiinom. Nagulat pa siya pagpunta niya sa kusina dahil naabutan niya si Altaire na kumukuha rin ng tubig sa ref. Hindi na nito binuksan ang ilaw sa kusina at tanging ilaw sa loob ng ref ang nagbibigay liwanag sa kusina.
Napalunok si Emong pagkakita sa guwapong binatang kanyang itinatangi. Wala itong suot na pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang takip nito sa katawan. Sinong mag-iisip na ang ganito kaguwapong lalaki ay isang seminarista pala? Sa itsura nito ay marami itong patataubing ramp model sa bansa.
Huling-huli ni Altaire na nakatitig sa kanya si Emong. “Gising ka pa pala,” bati niya rito. “Hindi ka ba makatulog?”
“Ah, eh kukuha lang din sana ako ng tubig. Nauuhaw ako.” Muling napalunok si Emong na ewan kung dahil sa nararamdamang uhaw o dahil sa halos hubad na binatang nasa kanyang harapan. Kumuha siya ng baso para kahit saglit ay mawala sa paningin niya si Altaire.
“Eto, o.” Iniabot ni Altaire sa kanya ang hawak na pitsel.
Nilagyan ni Emong ng tubig ang baso at agad itong nilagok. Ubos.
“Mukhang uhaw na uhaw ka, ah,” pansin ni Altaire.
“Mainit kasi ang panahon,” kaswal niyang sagot.
“Matutulog ka na ba?” tanong nito kay Emong.
Umiling siya. “Hindi pa. Hindi pa naman ako inaantok.”
“Ako rin, hindi pa inaantok. Kung gusto mo, magkuwentuhan muna tayo doon sa kuwarto ko. O kaya naman, manood tayo ng movies. Nag-rent ako ng DVD kanina.”
Hindi makapaniwala si Emong sa narinig. Totoo bang niyayaya siya ni Altaire na pumunta sa silid nito?
“Ayaw mo ba?” tanong ni Altaire nang mapansing tila hindi interesado si Emong.
“Ha? S-sige! Okay lang ba sa’yo? Baka maistorbo kita.”
“Hindi. Ako naman ang nagyaya, eh.” Kahit madilim ay naaninag ni Emong ang pagngiti ni Altaire. “Halika ka…”
Nagulat pa si Emong nang hawakan ni Altaire ang isang kamay niya at sabay silang pumunta sa kuwarto ni Altaire.
“This is it pancit!” tili ng utak ni Emong. Parang may naramdaman siyang maliliit na boltahe ng kuryente habang hawak-hawak ni Altaire ang kanyang kamay.
Pagpasok sa kuwarto ay mas tumindi oa ang kilig na nararamdaman ni Emong. Dito ay maliwanag niyang nakita ang magandang katawan ni Altaire.
Jeskelerd!
Napakakinis ng balat ni Altaire. Maganda ang katawan nito at wala man lang umbok ang tiyan. Bakit ba nag-seminarista pa ang Altaire na ’to? Sayang naman ang pagka-yummy niya kung wala namang makikinabang.
“Uy, para kang namatanda diyan,” pansin sa kanya ng binata. “Anong movie ang gusto mo? Eto pumili ka.” Iniabot niya ang limang DVD kay Emong.
“Huwag na. Magkuwentuhan na lang tayo. Masyadong mahaba ang movie, eh. Baka ’di rin natin matapos.”
“Sabagay… Sige, usap na lang tayo. Halika, dito tayo sa kama.” Nauna nang nag-dive sa kama si Altaire na ikinagulat oa ni Emong. Kailangan din ba niyang mag-dive? Pinili niyang maupo sa gilid ng kama.
“Halika rito sa tabi ko. Mas masarap magkuwentuhan ’pag nakahiga.”
Nakahiga?
“Ha?”
“Sabi ko, humiga ka rito sa tabi ko. Para hindi natin kailangang mag-usap nang malakas. Dito ka, o…” Tinapik-tapik pa ni Altaire ang kama.
Nahihiya man ay buong ningning na humiga si Emong sa tabi ni Altaire. Ngunit nang makahiga na ay tila naging estatwa itong matigas na at hindi man lang gumalaw.
Natawa nang mahina si Altaire. “Ano bang nangyayari sa’yo? Nahihiya ka ba sa akin?”
Paulit-ulit na umiling si Emong. Iniiwasan niyang mapadikit ang katawan niya sa halos hubad na katawan ng binatang crush na crush niya. “Anong pagkukuwentuhan natin?”
“Kahit ano,” kaswal na sagot ni Altaire habang nakatitig sa kisame. “Tungkol sa’yo… tungkol sa akin. Tungkol sa ating dalawa.”
Muntik na siyang masamid nang walang dahilan. Ansabe??? Tungkol raw sa kanilang dalawa?
Pumihit si Emong paharap kay Altaire at laking gulat niya nang halos magdikit na ang mga mukha nila. Pero ang mas nagbigay ng matinding kuryente sa buo niyang katawan ay nang hindi sinasadyang maidikit niya ang kamay sa ibabaw ng boxers ni Altaire!
Chapter Fourteen
“NAKU, SORRY!!!” Hiyang-hiya si Emong sa nangyari. Bigla siyang bumalikwas nang bangon at bumaba sa kama. “Pasensya ka na, Altaire. Sa ibang araw na lang tayo magkuwentuhan. Inaantok na pala ako. At saka kailangan ko pang gumising nang maaga bukas. Sige, ha. Goodnight.” At dali-dali na siyang lumabas ng silid at nagtatakbo pabalik sa kanyang kuwarto.
Naiwang nakatanga si Altaire. “Anong nangyari doon? Akala mo may nahawakang impakto,” bulong niya sa sarili. Bumangon na lang siya at ni-lock ang pinto. Bago bumalik sa kama ay pinatay na rin niya ang ilaw.
Si Emong ay nakabalik na sa kanyang silid. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Sa maniwala kayo o hindi, talagang hindi niya sinasadya na mag-landing sa ibabaw ng boxers ni Altaire ang kamay niya. Pero ang lubos na ipinagtataka niya ay kung bakit parang balewala lang ito kay Altaire. Hindi man lang ito nag-react ng negatibo. Hindi man lang nagalit sa kanya. Sabagay, hindi naman talaga niya sinasadya.
Oww
?!! Tila kumontra ang isip niya. Hindi
raw
sinadya
?
“Hindi naman talaga. Kahit malandi ako, hindi ko kailanman inisip na manghipo. Hesusmaryosep!” depensa ni Emong sa sarili. “Sa ganda kong ’to, hindi ko na kailangang manghipo. Kusa na nilang ibibigay.”
Nakarinig ng katok sa pinto si Emong.
“Diyos ko! Si Altaire! Sinundan ako ni Altaire!” pigil na pigil niya ang pagsasalita. Ayaw niyang marinig siya ni Altaire na nasa labas lang ng silid.
Muli niyang narinig ang pagkatok sa pinto. Napatayo siya. Pagbubuksan ba niya si Altaire?
Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto. Pigil niya ang kanyang paghinga habang unti-unti niya itong binubuksan.
“Altaire, matulog—” Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang nasa labas ng pintuan. “Nay? Anong ginagawa n’yo riyan? Hindi po ba kanina pa kayo natutulog?”
“Para kasing naririnig kitang may kausap diyan sa loob. Akala ko nananaginip ka kaya bumangon ako.”
“Weh? Ganoon ba kalakas ang boses ko para marinig n’yo sa kabilang kuwarto?”
“Hindi ko naman naririnig talaga kung ano ang sinasabi mo. Para lang may mga bumubulong na ewan. Akala ko nga tulog ka na rin. Eh, bakit gising ka pa?”
“Wala po. Hindi lang kasi ako makatulog, ’nay. Namamahay siguro ako. Baka narinig n’yo lang iyong pagbabasa ko ng dyaryo. Nagbabasa kasi ako kanina, pampaantok.”
“Nasaan ang dyaryo?” tanong ng ina ni Emong na tila hindi kumbinsido sa sinabi ng anak.
“Naku, ’nay matulog na nga po tayo. Anong petsa na? Maaga ka pang gigising para magluto ng almusal ni Mrs. Torres.”
“O, siya sige babalik na ako sa kuwarto. Ikaw, matulog ka na rin,” bilin niya sa anak. “Tama na ang pagpapantasya kay Altaire!”
“Huh?! ’Nay!!!” Hindi na siya pinansin ng ina dahil diretso na itong pumasok sa silid.
Isinara ni Emong ang pinto at sinigurong naka-lock ito bago humiga sa kama. Kailangang pilitin na niya ang sarili na makatulog. Pero kahit anong posisyon pa ng paghiga ang gawin niya ay hindi talaga siya dinalaw ng antok. Mag-uumaga na nang bumigat ang kanyang mga mata at tuluyan nang makatulog.
Mga katok sa pinto ang gumising sa kanya. Akala niya ay nananaginip lang siya pero may kumakatok talaga. Antok na antok pa naman siya. Ayaw pa niyang bumangon.
Pinilit niya ang sarili na tumayo upang buksan ang pinto. Halos hindi nakadilat ang kanyang mga mata nang marinig ang boses ng ina.
“Guillermo, aba ay bumangon ka na riyan at tanghali na. Anak, nakakahiya kay Mrs. Torres at kay Altaire. Nauna pa silang magising sa’yo.” Kalmado ang pagtatalak ni Aling Rosita sa anak. Wala sila sa sarili nilang bahay. Nakakahiyang magpuputak sa kanyang normal na tono.
“Opo,” inaantok na sagot ni Emong habang nagkakamot ng ulo. “Maghihilamos lang po ako at magsesepilyo.”
“Sige, bilisan mo.”
Hindi magawang kumilos nang mabilis ni Emong dahil talaga namang inaantok pa siya. Mabuti na lang at may sariling banyo sa loob ng kanyang kuwarto, hindi na niya kailangang lumabas para maglinis ng sarili.
Nang sa wakas ay natapos na niyang gawin ang kanyang morning ritual ay nagpalit siya ng suot na damit bago siya lumabas ng silid.
“Mabuti naman at lumabas ka na. Dalhin mo itong juice kay Altaire,” utos ni Aling Rosita.
“Nasaan po siya?”
“Nandoon sa pool. Araw-araw pagkagising ay nagbababad siya sa pool. Iyon na rin ang kanyang morning exercise, ang lumangoy.”
“Wow, ha? Updated ka, ’nay. Ikaw na.”
“Nagkausap kasi kami kanina, bago siya pumunta sa pool.”
“Ahh,” tumango-tango si Emong. “Sige po, dadalhin ko na itong juice.”
Hindi pa siya gaanong nakakalapit sa pool ay nakita na siya ni Altaire at agad siyang binati nito. “Hi, Emong! Langoy tayo!”
Sumisid ito at pagkatapos ay umahon sa pool.
Nalaglag ang panga ni Emong pagkakita kay Altaire. At bakit naman hindi eh tila ito isang bathala na bumaba sa lupa. Kung kagabi ay halos lumuwa ang mata niya sa itsura ni Altaire na boxers lang ang suot, ngayon ay halos panawan na siya ng ulirat sa itsura nitong naka-skimpy blue swimming trunks lang at mamasa-masa ang katawan pag-ahon nito sa pool.
Pakiramdam ni Emong ay nanginig ang kanyang mga kamay at kung hindi niya naagapan ay baka nahulog ang basong may lamang juice.
“Ano ba naman itong si Altaire. Seminarista ito ha, pero parang isinugo ng demonyo para tuksuhin ako,” bulong niya sa sarili.
Ipinatong niya ang juice sa maliit na mesang nasa gilid ng pool.
Lumapit sa kanya ang binata. Hindi niya inaalis ang pagkakatitig dito habang naglalakad papunta sa kanya.
“Salamat sa juice, ha?” Ang tamis ng pagkakangiti ni Altaire. Ano ba? Inaakit ba siya nito?
Ambisyosa
!
Ilusyunada
!
Hindi
porke
mabait
sa’yo
ang
tao
eh
inaakit
ka
na
. Sinaway ni Emong ang sarili. Mali nga namang bigyan niya ng ibang interpretasyon ang kabaitan ni Altaire.
“Ba’t ang tahimik mo?” tanong ni Altaire habang iniinom ang juice na dala niya.
At saka lang tila nagising si Emong. “Ha? Hindi. Inaantok pa kasi ako.”
“Napuyat ka ba?”
“Hindi kasi ako makatulog.”
“Langoy na lang tayo para mawala ang antok mo.” At bago pa nakakilos si Emong ay nahila na siya ni Altaire at sabay silang nahulog sa pool.
Chapter Fifteen
SOBRANG LAKAS ng tili ni Emong na umabot sa loob ng bahay. Tumatakbong lumabas si Aling Rosita at nagtungo sa pool area. Akala yata nito ay kung ano na ang nangyari sa kanyang anak. Nawala lang ang kaba niya nang makitang masayang lumalangoy sa pool si Emong kasama si Altaire. Napailing na lang siya. Ang kanyang anak, mukhang hindi na niya talaga mapipigilan ang kaalembungan nito pagdating kay Altaire.
MALUNGKOT SI Aldrin habang nakaupo sa pasamano ng bintana ng kanilang bahay. Sa ibaba ay tanaw pa niya ang kanyang ina na nagwawalis sa bakuran. Ang kanilang bahay ay tipikal na bahay sa probinsiya na ang bintana ay may malapad na pasamano na ginagawa niyang upuan kapag nag-iisa lang siya at nag-iisip.
“Aldrin!” Narinig niyang sumigaw ang kanyang ina. Tiningnan niya ito.
“Bakit po?”
“Mahulog ka riyan! Ang laki ng kuwarto diyan mo pa naisipang umupo!” sermon sa kanya nito.
“Mas okay dito, ’nay. Presko ang hangin. Nag-iingat naman po ako.”
Ipinagpatuloy na ng nanay niya ang pagwawalis. Muli naman ay natuon siya sa pag-iisip. Kumusta na kaya si Emong? Sigurado, masayang-masaya iyon. Makasama ba naman sa bahay ang lalaking crush na crush, eh ’di malamang wala nang inatupag iyon kundi magpapansin at makipagharutan sa Altaire na iyon.
Pinakiramdaman ni Aldrin ang sarili. No, wala naman siyang nararamdamang galit kay Altaire. Wala naman itong kasalanan sa kanya. Hindi nito kasalanan kung magka-crush dito si Emong. At saka seminarista naman ito. Parang napakalayo namang mangyaring papatulan nito si Emong. Kaya kahit harap-harapan siyang pagsungitan ni Emong, hinding-hindi niya pagseselosan si Altaire dahil kumpiyansa siyang walang patutunguhan ang ilusyon nito sa guwapong seminarista. Totoo naman kasing guwapo ito. Mukhang maganda pa ang katawan. At mayaman. Pero kahit na. Guwapo rin naman siya at darating ang panahon na gaganda rin ang katawan niya. Kapag nakatapos siya ng pag-aaral, magtatrabaho siya para yumaman. Para magustuhan din siya ni Emong.
“Aldrin!”
Nagulat pa siya nang makita kung sino ang tumawag sa kanya. “Maya?! Anong ginagawa mo rito?”
“Bakit, masama na bang puntahan kita rito? Bumaba ka nga rito at may sasabihin ako sa’yo.”
“Teka lang!” Dali-daling bumaba si Aldrin para puntahan si Maya. Nadaanan pa niya ang nanay niya na nasa kusina at nagluluto na ng pananghalian.
“O, saan ka pupunta?”
“Dito lang po sa labas, ’nay. May sasabihin lang si Maya.” Tuluy-tuloy siyang lumabas ng pinto.
Nakangiti si Maya nang sa wakas ay makaharap siya.
“O, anong sasabihin mo?” tanong ni Aldrin.
“Puntahan natin si Emong sa Maynila,” diretsahang sabi nito. “Bakasyon naman. Gumala tayong tatlo.”
“Ha? Eh, kelan naman?”
“Sa Sabado. Aalis tayo nang madaling araw dito para umagang-umaga eh naroon na tayo sa Maynila.” Mukhang pinlano na ni Maya ang lahat bago pa ito pumunta kina Aldrin.
“Parang andami mong pera, ah.”
“May naipon naman akong konti. Kakasya na iyon para sa pamasahe at pambili ng makakain habang nandoon tayo.”
“Problema, wala naman akong pera. Hindi ko alam kung makakahingi ba ako sa tatay. At hindi rin ako sigurado kung papayagan ako no’n.”
“Grabe ka naman. Ako ngang babae, pinayagan. Ikaw pa kaya? Kalalake mong tao.”
“Magkaiba naman tayo ng magulang,” argumento ni Aldrin. “Hindi pa ako nakakapunta ng Maynila nang hindi kasama ang mga magulang ko, kaya hindi ko masisiguro kung papayag sila.”
“Pinayagan ako ng nanay ko kasi sinabi kong makikipagkita tayo kay Emong. Kampante si nanay na hindi ako mapapahamak kasi naroon din naman si Aling Rosita,” paliwanag pa ni Maya.
“Ah, basta! Hindi ko maipapangako. Magpapaalam muna ako sa mga magulang ko. Gusto ko mang makita si Emong, kapag hindi ako pinayagan ng mga magulang ko hindi ko sila susuwayin.”
“Haay, ano ba ’yan. Hindi mo na ba mahal si Emong?” nanlulumong reaksyon ni Maya.
“Alam mo kung ano ang sagot ko diyan. Pero hindi ko pa rin puwedeng suwayin ang mga magulang ko,” giit ni Aldrin. “Babalitaan na lang kita kung papayagan nila ako o hindi.”
“Sige… Ikaw ang bahala.”
“Iyon lang ba ang sasabihin mo? Sana nag-text ka na lang. Napagod ka pa pagpunta rito.”
“Hindi naman. Papunta kasi ako sa bayan. Naisipan ko lang na dumaan muna rito.”
“Ganoon ba? Paano? Ite-text na lang kita kapag pinayagan ako ni tatay. Sa kanya rin kasi ako hihingi ng pera sakali mang pumayag siya. Sana nga pumayag. Gusto ko rin namang makita si Emong.”
NANG DUMATING ang tatay ni Aldrin nang gabing iyon ay agad niya itong kinausap. Sinadya niyang buksan ang usapan habang naghahapunan silang pamilya.
“Tay, may sasabihin po sana ako.”
Diretso lang sa pagkain si Mang Caloy. “Ano ba ’yun? Parang importante, ah.”
“Ah, medyo po,” sagot niya. “Tay, papayagan mo po ba akong pumunta sa Maynila para makipagkita kay Emong. Plano po kasing lumuwas ni Maya sa Sabado, sasama po sana ako.”
Napatigil sa pagsubo ang kanyang ama. Maging ang kanyang ina ay natigilan din.
“Alam n’yo ba ang pupuntahan n’yo sa Maynila?” tanong ni Tatay Caloy. “Malaki ang Maynila, baka maligaw kayo.”
“Alam ni Maya ang address, ’tay.” Hindi sigurado si Aldrin kung alam nga ba ng kaklase ang address. Pero hindi naman siguro maglalakas ng loob lumuwas si Maya kung hindi nito alam ang pupuntahan. “At saka, ’tay malapit lang naman, ’di po ba? Limang oras na biyahe lang mula rito sa atin.”
“Kahit na. Ibang lugar pa rin iyon at hindi n’yo kabisado. Baka mapahamak kayo,” giit ng ama niya.
“Anak, ’di ba kaluluwas lang nina Emong. Parang napakaaga naman para dalawin n’yo siya kaagad,” sagot naman ng kanyang inang si Aling Naty.
“Siyanga pala, napag-usapan na rin lang ang Maynila meron akong ibabalita sa inyo. Simula sa isang buwan, sa Camp Crame na ako madedestino.”
Napamulagat si Aldrin. “Iiwan n’yo kami rito, ’tay?”
Si Aling Naty ay medyo nabigla rin. “Ba’t biglaan ka naman nilang inilipat?”
“Promotion iyon kaya tinanggap ko na rin. Para rin naman sa pamilya natin.”
“Ang kaso, mapapalayo ka naman sa amin,” argumento ng ina ni Aldrin.
“Puwede naman akong umuwi rito kapag walang pasok. O kaya naman, puwede kayong lumuwas para puntahan ako.”
“Talaga, ’tay? Puwede kaming lumuwas ng nanay ’pag doon ka na nakadestino sa Camp Crame?” Biglang nagkaroon ng ideya si Aldrin. Hindi pa rin pala mababalewala ang pangarap niyang makitang muli si Emong.
Tumango ang tatay niya. “Oo. Kung puwede ko nga kayong isama, gagawin ko. Kaso, sayang naman itong bahay natin dito kung iiwanan natin. At saka mas masarap ang buhay dito kesa sa siyudad. Gusto ko pa ring dito tumira kapag retired na ako.”
“Basta, mag-iingat ka roon palagi,” paalala ni Aling Naty sa asawa. “At bawal ang kalokohan.”
“Kelan ba ako nagloko? Alam mo namang stick to one lang ako. Ikaw ang nag-iisang babae sa buhay ko.” Nakangiting sabi ni Tatay Caloy.
“Waaaahhh! Ang sweet ni tatay,” panunukso ni Aldrin sa ama. “O, ’nay huwag ka na pong mag-alala. Good boy naman si tatay. Hindi niya tayo ipagpapalit sa iba.”
SA BAHAY ng mga Torres ay ipinagtimpla ni Emong ng gatas si Altaire. Dadalhin niya ito sa kuwarto nito para may dahilan siyang umakyat at makapasok sa silid ng lalaking kinababaliwan niya. Ang totoo, gusto lang naman niyang makita si Altaire bago siya matulog. Alam mo na, pampa-sweet dreams.
Dahan-dahang umakyat si Emong sa ikalawang palapag ng bahay. Kabisado na niya kung saan ang silid ni Altaire kaya hindi na niya binuksan ang ilaw. Nakita niyang bahagyang nakabukas ang pinto ng kuwarto nito. Nanlaki ang mga mata niya nang masilip niya mula sa labas ng pinto ang nakatalikod na binata na nakatapis lang ng puting tuwalya. Mukhang katatapos lang nitong maligo. Halos lumuwa ang mga mata ni Emong nang biglang tinanggal ni Altaire ang nakatapis na tuwalya at ginamit iyon para tuyuin ang buhok nito at katawan. Agad rumehistro sa utak ni Emong ang itsura ng puwet ni Altaire. Parang puwet ng baby. Napakakinis at napakatambok!
Napalunok si Emong sa tanawing walang sawa niyang pinagmamasdan. Para siyang nakakita ng isang nakatalikod na diyos mula sa Mt. Olympus. Hindi niya tuloy alam kung ibibigay pa ba niya ang tinimplang isang basong gatas o tatakbo na lang pababa.
Biglang pumihit si Altaire at nakita niya ang tila natuklaw ng ahas na si Emong. “Emong! Anong ginagawa mo riyan?” Agad niyang itinapis muli sa baywang ang tuwalya para matakpan ang kanyang hubad na katawan.
Si Emong naman ay hindi nakasagot sa sobrang kahihiyan. Huling-huli siya ni Altaire na nakatitig sa hubad nitong katawan!
Chapter Sixteen
“EMONG, anong ginagawa mo riyan?” Naglakad si Altaire papalapit kay Emong na tila natuka ng ahas sa kinatatayuan.
“Ha? Ah, eh…” Naghagilap ng sasabihin si Emong. Hindi siya handa na mahuhuli ni Altaire na titig na titig sa hubad nitong katawan. Pero bakit parang balewala lang dito na nakita niya ang kahubaran nito? “Dinalhan lang kita ng gatas. Baka kasi hindi ka dalawin ng antok. Sabi ng nanay, mahusay daw na pampaantok ang pag-inom ng gatas.” Iniabot niya kay Altaire ang basong may gatas.
Napangiti si Altaire. Wow, salamat. You’re so thoughtful. Actually, umiinom naman talaga ako ng gatas bago matulog. Hindi pa lang ako nakakapagtimpla. But since eto at dinalhan mo na ako, I’m so grateful. Iinumin ko ’to.“ Tinikman niya ang gatas. “Masarap, ah. Matutulog ka na ba? Pasok ka muna. Kuwentuhan.”
Mabilis at sunod-sunod ang pag-iling ni Emong. “Naku, hindi na. Matulog ka na lang. Gabi na rin naman. At saka, baka magising ang nanay at silipin ako sa kuwarto magtaka pa ’yun kung nasaan ako.”
Muling lumagok ng gatas si Altaire. “Well, ikaw ang bahala kung gusto mo nang matulog. Salamat dito sa gatas.”
Matamis ang ngiti ni Emong. “Walang anuman. Goodnight, Altaire.” Kinawayan niya ang binata bago tuluyang bumaba pabalik sa kanyang silid.
Hindi naman nakatulog kaagad si Emong. Ang nadatnan niyang eksena sa itaas kanina ay hindi mawala sa kanyang isipan. OMG! Hindi siya makapaniwalang makikita niya si Altaire na hubo’t hubad! Ang swerte-swerte niya!
Hanggang sa dalawin ng antok si Emong ay tanging si Altaire ang laman ng isip niya.
Mga katok sa pinto ang gumising sa kanya.
“Emong, bumangon ka na diyan. Aba, tanghali na.” Ang nanay niya ang nasa labas at kinakatok na siya para bumangon na. Nang buksan niya ang pinto ay sinalubong pa siya nito ng sermon.
“Ano ka ba namang bata ka? Lagi ka na lang tinatanghali ng gising. Hindi sa atin itong bahay. Huwag namang nauuna pang gumising sa’yo ang mga amo natin.”
“Sorry, ’nay. Hindi kasi ako nakatulog kaagad,” nagkakamot ng noo niyang sabi.
“At bakit na naman?”
“Hindi ko po alam,” pagsisinungaling niya. Siguradong makakatikim siya ng mas matinding sermon kapag nalaman ng nanay niyang kaya siya napuyat ay dahil sa pag-iisip sa hubad na katawan ng amo nilang seminarista.
“O siya, ayusin mo na ang sarili mo at tulungan mo ako roon sa kusina,” utos ng nanay niya. “Maghahanda tayo ng masarap na pananghalian dahil may bisita si Altaire.”
“Bisita?” Nanlaki ang mga mata niya sa pagtataka. Sino po ang bisita ni Altaire?“
“Hindi ko alam. Kaibigan niya siguro. Kilala rin ni Mrs. Torres, eh. Grace daw ang pangalan.”
“Grace?” Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
Napakunot-noo si Aling Rosita sa reaksyon ng anak. “Oo, bakit? Kilala mo?”
Sunod-sunod ang pag-iling ni Emong. “Hindi po.” Bakit naman niya sasabihin sa nanay niya na alam niyang ex-girlfriend ni Altaire ang Grace na ’yun?
“O, sige. Sumunod ka na agad dito sa kusina.”
“Opo, ’nay.” Agad niyang inayos ang sarili at sinigurong presentable siya bago lumabas ng kuwarto. Nagpulbos din siya sa pisngi at naglagay ng lipstick. “Kung inaakala ng Grace na ’yan na magpapakabog ako sa kanya, nagkakamali siya!”
Nagulat pa si Aling Rosita sa ayos ng anak. Naka-blouse ito at fit na maong pants na pambabae ang tabas. “Ano ba naman ang itsura mo? Umayos ka nga. Tinalo mo pa ang babae sa itsura mo.”
Iyon nga ang gusto ko, eh. Ang matalo ko ang itsura ng bisita ni Altaire. “Okay lang naman po ang suot ko, ah. Nagsusuot din naman ako ng ganito sa probinsiya,” pangangatwiran niya.
“Bahala ka na nga! Eto, dalhin mo sa may pool area itong meryenda nila,” utos nito sa anak. “Mag-ingat ka. Baka matapunan mo ng juice ang bisita ni Altaire.”
Kinuha ni Emong sa ina ang tray ng meryenda at saka parang modelo na naglakad patungo sa pool area.
Malayo pa lang ay tanaw na niya sina Altaire at Grace. Nagkakasayahan ang dalawa. Paminsan-minsan ay tinatapik pa ni Grace sa braso ang seminarista.
Mas inartehan pa ni Emong ang paglalakad. Siniguro niyang kumekembot nang todo ang kanyang balakang. At saka siya ngumiti nang pagkatamis-tamis.
“Magmeryenda muna kayo,” sabi niya sa dalawa sabay patong ng tray sa mesa.
“Oh, thank you! You’re so beautiful.” Bakit tingin niya ay mas gumanda pa ang Grace na ito nang ngumiti sa kanya? At bakit parang napaka-friendly nito? Hindi puwede! Kalaban ito, hindi kaibigan.
Pilit ang ngiting ibinigay niya kay Grace.
“Salamat, Emong.” Napakaguwapo pa rin ni Altaire, as usual. Nakapambahay lang ito pero bakit ba ang lakas ng appeal ng lalaking ito?
Pilit din ang ngiti niya kay Altaire. Saglit lang iyon, pero hindi nakaligtas sa binata.
“Maiwan ko na po kayo. Enjoy your snacks.” At tinalikuran na niya ang dalawa.
Pagbalik niya sa kusina ay napansin ni Aling Rosita ang pagbabago ng mood niya. “O, bakit sambakol ang mukha mo?”
“Wala po.” Kumuha siya ng tubig sa ref, naglagay sa baso at saka uminom.
“Imposibleng wala. Hindi naman ganyan ang itsura mo kanina,” puna ng nanay niya. “Ako nga ay huwag mong pinaglololoko, Guillermo! Kabisado na kita. Siguro, nagseselos ka sa bisita ni Altaire.”
Nanlaki ang mga mata ni Emong. “Hindi, ah! Ba’t naman ako magseselos sa babaitang ’yon? Eh, mas maganda pa nga po ako doon.” To the highest level na ang confidence niya. Buo sa loob niya na mas maganda talaga siya kay Grace. “Beauty queen ang anak n’yo, ’nay. Kahit paano may titulo ako. Eh, siya ba?”
“O, eh ’di lumabas din ang totoo. Insecure ka sa babaeng bisita ni Altaire. Nakita ko siya kanina. Pagkaganda-gandang bata. At mukhang mabait. Panay nga ang ngiti sa akin kanina.” Itong nanay niya, kumampi pa talaga sa kalaban niya.
“Iyong niluluto n’yo, ’nay. Sunog na po. Andami n’yong kuwento,” nakasimangot na sabi niya.
Natawa nang malakas ang nanay niya. Alam na alam nito kung kelan siya aalaskahin. Nagpasya siyang umalis sa kusina at magkulong na lang sa kuwarto.
“Oy, saan ka pupunta? Tulungan mo ako rito. Marami pa tayong lulutuin!”
Hindi na nilingon ni Emong ang ina.
PAGKATAPOS KUMAIN ng tanghalian ay nagpaalam si Altaire sa kay Aling Rosita.
“Lalabas lang po kami ni Grace. Tumawag na ako kay mama para magpaalam.”
“Sige, mag-iingat kayo.”
“Thank you po,” nakangiting sabi ni Grace. “Aalis na po kami.” Kumaway pa sa matanda ang babae.
Nalaman na lang ni Emong na umalis si Altaire nang lumabas ito sa kuwarto pagkatapos magmukmok.
“Ba’t ’di n’yo sinabi sa akin kaagad na aalis pala sila?” reklamo nito sa ina.
“Aba, at bakit ko sasabihin sa’yo? Ikaw ba ang ina ni Altaire?” natatawang sagot ng matanda.
“Nanay naman, eh.”
“Hay, Guillermo! Tigilan mo nga ang kaalembungan mo. Okay lang naman sa akin na maging binabae ka, pero anak huwag namang mas maarte ka pa sa babae.”
Hindi na nakipagtalo pa si Emong. Useless din naman na sumagot pa siya. Hinding-hindi siya mananalo sa nanay niya.
Nang gabing iyon, napanis sa paghihintay kay Altaire si Emong. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin umuuwi ang binata.
Chapter Seventeen
KASALUKUYANG NASA isang bar sina Grace at Altaire. Napagkasunduan nilang gumimik pagkatapos nilang manood ng sine at gumala sa mall kanina. Ayaw na sanang pumayag ni Altaire na mag-bar pa sila pero mapilit si Grace kaya wala na rin siyang nagawa. Naisip niya, minsan lang naman ito, baka hindi na nga maulit kapag naging pari na siya.
Mausok at maingay sa bar. Kaliwa’t kanan ang mga naglalakad na customers na tila mga kandidatong bawat mesa ay pinupuntahan at nakikipagtsikahan sa mga kostumer. Sina Altaire at Grace ay nasa isang sulok lang ng bar at ineenjoy ang kumakanta sa stage. Sa malas ay mukhang lasing na ang babae.
“Hindi pa ba tayo uuwi? You’re already drunk,” paalala niya sa ex-girlfriend.
“Maaga pa. Ubusin muna natin ito. Konti na lang naman, eh.” Beer lang naman ang iniinom nila at may apat na bote pa sa mesa.
“Wala ka bang pasok sa trabaho bukas? You should not stay this late sa labas.”
“Wala akong pasok, naka-VL ako. Kaya don’t worry. Let’s party!” Hindi na maikakailang tinamaan na talaga si Grace. Halatang lasing na ito kung pagbabasehan ang kilos at pananalita. Namumungay na rin ang mga mata nito na para bang ano mang oras ay handa nang matulog.
Tumayo si Altaire.
“Where are you going?”
“I’ll just go to the men’s room.”
“Okay, bumalik ka agad.” Tinanaw pa niya ang papalayong lalaki.
Nang mawala na sa paningin niya si Altaire ay agad na itinapon ni Grace ang kanyang iniinom. Hindi naman talaga siya lasing. Pangalawang bote pa lang ang iniinom niya at alam niyang hindi siya malalasing sa dalawang bote lang dahil mataas ang alcohol tolerance niya.
Ilang sandali lang ay bumalik na si Altaire. “Ubusin mo na ang beer mo. May tig-dalawang bote pa tayo. Hindi tayo uuwi hanggang hindi natin nauubos ’to,” tonong lasing pa rin si Grace. Hindi talaga iisipin ni Altaire na hindi naman pala talaga ito lasing.
Tinungga ni Altaire ang beer. Ubos!
Lihim na napangiti si Grace. “Next bottle!” Inabot niya kay Altaire ang isa pang bote ng inumin. Tinanggap naman ito ng binata. “Ubusin mo na lang kaya itong apat na bote para makauwi na tayo,” sabi ni Grace kay Altaire.
“Hindi naman natin kailangang ubusin ito kung hindi na natin kaya. Hindi ako puwedeng malasing. Magdra-drive pa ako pauwi. Ihahatid pa kita sa inyo. Kaya nga niyayaya na kitang umuwi kasi lasing ka na.”
“Okay, sige tig-isang bote na lang tapos aalis na tayo.” Isang malanding kindat ang ibinigay niya kay Altaire kasabay no’n ay binasa niya ang kanyang labi gamit ang kanyang dila.
Napalunok si Altaire sa ginawa ng dating kasintahan. Naaalala niya, ganoon ang ginagawa ni Grace kapag inaakit siya nito noong girlfriend pa niya ito. At nakakaramdam siya ng ibang init ng katawan sa tuwing ginagawa iyon ni Grace.
“O, bakit natitigilan ka diyan? Nakatitig ka pa sa akin. Siguro nagsisisi ka nang iniwan mo ako para pumasok sa seminaryo.” Kung pakikinggan si Grace ay plakadong-plakado nito ang pagsasalitang tila lasing.
“Lasing ka na talaga. Halika ka na, ihahatid na kita.” Umakma siyang tatayo pero sinaway siya ng babae.
“Huwag! Ubusin mo muna ang beer mo. Kahit isang bote na lang. Iinom pa rin ako, eh.”
“Hindi na. Lasing ka na, Grace. Iuuwi na kita.” Sinenyasan niya ang isang waiter na agad namang lumapit sa kanila.
“Bill out, sir?”
“Yes.” Hindi na niya tinanong kung magkano ang bill. Naglabas ng pera si Altaire at iniabot sa waiter. “Keep the change.”
“Thank you, sir!”
“Halika na,” yaya niya kay Grace. Walang nagawa ang babae kundi sumunod dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanang braso nito.
Sumakay sila sa kotse ni Altaire. Mabilis niyang pinatakbo ang kotse papunta sa condo unit ni Grace.
Hinatid niya si Grace hanggang sa loob ng unit nito.
“Thanks for a very wonderful time with you,” malambing na sabi ni Grace habang ang dalawang kamay nito ay nakapulupot sa leeg ni Altaire.
Inalis ni Altaire ang mga kamay ni Grace sa kanyang leeg. “Matulog ka na. Naparami yata ang nainom mo. You need to rest.”
“Ayoko pang matulog…”
“Then I need to go. It’s already late. Kailangan ko nang umuwi,” giit niya.
“Wait. Why don’t you have a cup of coffee before you go home? So you would stay awake while on the road.” Pinapungay pa ni Grace ang mga mata tapos ay ngumiti ng pagkatamis-tamis.
“Okay, sige…”
“Sit down and relax. Ipagtitimpla lang kita ng masarap na kape. Iyong masarap na masarap, hindi mo makakalimutan ang lasa.” Tinapik pa nito ang pisngi ni Altaire bago nagtungo sa kitchen.
Kinuha ni Grace sa kanyang bulsa ang isang uri ng powder na gamot at inihalo iyon sa kape ng binata. Siniguro niyang walang bakas ng gamot ang kape bago niya ito iniabot kay Altaire.
“Here, inumin mo na habang mainit.” Inilapag niya sa center table ang tasang may kape. Kinuha iyon ni Altaire at tinikman. Pagkatapos ay unti-unting hinigop hanggang sa maubos.
“Masarap, ’di ba?” Nagdiriwang ang kalooban ni Grace. Tagumpay ang plano!
“Thanks for the coffee, Grace. Uuwi na ako.” Nakaramdam siya ng pamimigat ng mga mata. Inaantok na siya. Tumayo siya ngunit kasabay niyon ay nangalog ang kanyang tuhod. Kaya muli siyang umupo.
“Altaire, are you okay?” Kunwa’y nag-aalalang tanong ni Grace.
Hindi na nakasagot si Altaire dahil napasubsob na ang mukha nito sa sofa at tuluyan nang nakatulog.
Sinikap ni Grace na dalhin sa kuwarto si Altaire. Nang maihiga niya ang binata ay hinubaran niya ito nang suot. Pinagsawa niya ang kanyang mga mata sa nakalatag na kahubdan nito. At saka siya tumayo para i-lock ang pinto at patayin ang ilaw. Sa gitna ng dilim ay hinubad ni Grace ang lahat ng kanyang suot at saka tumabi kay Altaire.
NILALAMOK NA si Emong na nag-aabang sa pag-uwi ni Altaire. Tulog na ang lahat ng tao sa bahay ng mga Torres pero heto siya at mulat na mulat ang mga mata habang naghihintay sa pagdating ng lalaking kanyang pinapangarap. Kanina nga ay pumasok na siya sa kuwarto para matulog, pero bumangon siyang muli at nagpasyang hintayin si Altaire. Pero saan na ba nagpunta ang dalawang iyon at hindi pa rin umuuwi si Altaire?
Nakaramdam ng antok si Emong. Hindi na niya kayang pigilan ang antok niya, kaya bigo siyang bumalik sa silid para matulog.
TIRIK NA ang araw nang magising si Altaire. Agad niyang napansin na nasa ibang silid siya. At katabi niya sa kama si Grace.
Napabalikwas nang bangon si Altaire. Bakit hubo’t hubad sila ni Grace na magkatabi sa kama?
May nangyari ba sa kanila?
Hindi.
Hindi puwedeng mangyari ang iniisip niya!
Chapter Eighteen
MABILIS niyang hinanap ang underwear at isinuot. Pagkatapos ay agad na ginising si Grace.
“Grace! Grace! Gising!”
“Hmm, ano ba? Inaantok pa ’ko.” Nanatiling nakapikit ang mga mata ng babae.
“Gumising ka na. Anong nangyari sa atin?” Natatarantang sabi ni Altaire. “Bumangon ka na diyan.”
Pupungas-pungas na nagmulat ng mga mata si Grace. “Ano ba? Bakit ka ba parang natataranta diyan?”
“Anong nangyari sa atin?”
Kaswal na sinilip niya ang hubad na katawan sa ilalim ng kumot. “Eh, lasing tayo pareho. Nakalimot… ganun.”
“May nangyari sa atin?” Hindi makapaniwala si Altaire.
“Ano ka ba naman, Altaire? Lasing ako pero alam ko ang nangyayari sa paligid. Alam ko kung ano ang ginawa ko, natin, kagabi. Don’t tell me hindi mo natatandaan. I won’t buy that.”
“Imposible! Wala akong maalala.” Naguguluhan siya sa takbo ng mga pangyayari.
“You kissed me so passionately, nawala ako sa sarili ko. Pinigilan kita, sinubukan ko. Kasi naalala kong magpapari ka. But you were arresting. You were so hot, hindi ko na napigilan ang sarili ko.”
“No! Hindi ito totoo!”
“Maka-no ka naman, parang diring-diring ka na may nangyari sa atin. Eh, ginusto mo rin naman.” Ibinalot niya ang kumot sa katawan at tumayo. “Asan na ba ang mga damit mo? Magbihis ka na nga. Baka hinahanap ka na sa inyo,” naiiritang sabi niya.
Walang imik na dinampot ni Altaire ang nagkalat niyang mga damit sa sahig at nagbihis. Pagkatapos ay kaagad na nagpaalam kay Grace. “Aalis na ako. Salamat…”
“Nasa parking area ’yung kotse mo,” pahabol na sabi ni Grace. Nakaramdam siya ng pagka-irita kay Altaire. Pero sa likod ng pagkainis niya ay sumilay ang isang makahulugang ngiti.
SI EMONG ang nagbukas ng gate ng dumating si Altaire sa bahay.
“Saan ka natulog kagabi,” parang asawang nagtatanong si Emong.
Umiling lang si Altaire at dire-diretsong umakyat sa kanyang silid. Sumunod naman si Emong pero hindi na siya tumuloy pa dahil narinig niya ang pagbagsak ni Altaire ng pinto.
Mainit yata ang ulo. Bakit kaya?
“Si Altaire na ba ’yung dumating?” tanong ni Aling Rosita nang lumapit ito sa anak.
“Opo, ’nay.”
“Eh, tawagin mo na at nang makakain. Baka gutom na iyon.”
Umismid si Emong. “Kayo na lang po ang tumawag, ’nay. May sumpong yata, eh. Tinanong ko kung saan natulog kagabi, dinedma lang ako at nag-lock pa ng pinto.”
“Ganoon ba? Baka pagod lang. Sige, mamaya ko na lang siya tatawagin kapag hindi pa siya bumaba.”
“Papasok na lang po muna ako sa kuwarto. Tawagin n’yo na lang po ako kung may ipagagawa kayo.” Hindi na niya hinintay na sumagot ang kanyang ina. Lumakad na siya patungo sa kanyang silid.
Ano nga kaya ang nangyari sa lalaking iyon at mukhang bad trip? Ngayon lang niya nakitang ganoon ang mood ni Altaire. Madalas ay masaya ang palangiti ang binatang seminarista. Pero kanina, hindi maipinta ang itsura nito. Parang nalugi ng isang kilong galunggong.
Humiga si Emong sa kama at tumingin sa kisame. Naghahanap siya ng butiki na makakausap. Baka sakaling alam ng butiki ang sagot sa mga tanong niya. Kaso wala. Tuwing hapon lang yata lumalabas ang mga butiki. Nakakainip rin pala rito sa Maynila. Mabuti pa sa probinsiya, kapag naiinip siya pupunta lang siya kina Maya o kaya naman ay si Maya ang pupunta sa kanila. Lilipas na ang buong maghapon nang hindi nila namamalayan dahil abala sila sa pagkukuwentuhan. Eh, kung kasama pa si Aldrin, eh ’di mas masaya. Kalog kasi itong si Aldrin at lagi siyang pinatatawa.
Si Aldrin… Kumusta na kaya siya?
Nakaka-miss rin pala ang kakulitan ng mokong na iyon.
“Kelan kaya ako makakabili ng cellphone?” tanong niya sa sarili. Gusto niyang i-text si Maya kaso paano? Wala naman siyang cellphone.
Kahit internet man lang sana. May facebook account naman siya. Puwede naman sana siyang makigamit ng laptop ni Altaire, kaso malabong makahiram siya ng laptop ngayong may sumpong si Altaire.
Napahinto sa pag-iisip si Emong nang may kumatok sa pinto.
“Bakit po, ’nay?” tanong niya nang hindi man lang bumabangon mula sa pagkakahiga sa kama. Nilakasan na lang niya ang boses para marinig siya ng tao sa labas ng pinto.
Kumatok ulit.
“Bakit nga po, ’nay?”
At katok pa ulit.
“Hay, naku!” Bumangon na siya at binuksan ang pinto. “Bakit nga po— Altaire?!”
“Puwede ba kitang makausap? Puwede ba akong pumasok?” Nakita niya ang panlulumo ng mukha ni Altaire. Iyong lungkot na parang may halong pagsisisi.
Pagsisisi?
Bakit?
“Hindi ba puwede?” tanong muli ni Altaire.
“Ha? Naku, puwede naman. Halika, pumasok ka.”
Pumasok si Altaire.
“Maupo ka… Dito na lang sa kama kasi wala akong upuan dito.”
Parang batang sumunod naman ito kay Emong.
“Ano ang gusto mong pag-usapan?
“Hinanap ba ako ni mama kagabi?”
“Oo, hindi ka raw kasi makontak sa cellphone mo. Sabi ni nanay kasama mo si Grace,” sagot niya. “Saan ba kayo nanggaling? Bakit hindi ka nakauwi? Saan ka natulog?” Sunod-sunod ang tanong ni Emong na tila ba imbestigador.
“Kasama ko si Grace…”
“O… tapos?”
“Nanood kami ng sine.”
“Buong magdamag?”
“Nag-bar kami pagkatapos manood.”
“Inubos n’yo ang alak sa bar kaya hindi ka nakauwi?”
Mapait na ngiti ang isinagot ni Altaire. “Nalasing ako…”
“Saan ka natulog? Buti nakapag-drive ka pa.”
Tumango siya. “Si condo ni Grace. Ewan ko ba, hindi naman ako lasing, pero bigla yatang umepekto ang ininom ko no’ng nandoon na ako sa condo niya.”
Namilog ang mga mata ni Emong. “Hindi siya nalasing, pero ikaw nalasing?”
“Hindi ko nga maintindihan. Sa bar naman bago kami umuwi, siya ’yung lasing na talaga. Pero bakit ako itong hindi nakakaalam kung ano ang mga nangyari?”
“Ano ba ang mga nangyari?”
Umiling si Altaire. “Wala naman. Nakatulog na ako at umaga na nagising.” Hindi na niya sinabi ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Grace. Bata pa itong si Emong at hindi pa dapat namumulat sa mga usaping sekswal.
“Eh, bakit mainit ang ulo mo pagdating mo kanina rito?”
“Wala…”
“Ahh…” Hindi na pinilit ni Emong na sumagot ang binata. “Sabi nga pala ni nanay, kumain ka na raw. Baka raw hindi ka pa kumakain.”
“Sabay tayong kumain…”
“Nakakahiya naman…”
“Sige na… Malungkot kumain kapag mag-isa.”
Pinaikot ni Emong ang kanyang mga mata. “Okay, sabi mo, eh.” Tumayo na siya para lumabas sa silid. “Halika na, maghahain na ako ng kakainin natin.” Hinawakan niya sa kamay ang binata at hinila na papalabas ng kuwarto.
“ANONG SABI ng tatay mo?” tanong ni Maya kay Aldrin.
“Hindi pumayag, eh. Kaaalis lang naman daw nina Emong dito, bakit daw dadalawin natin kaagad.”
“Kelan ka raw puwedeng dumalaw?”
“Wala namang sinabi. Pero next month kasi, sa Maynila na madedestino si tatay. Kaya sabi ko sa kanya, kung puwede ba akong lumuwas ’pag weekends. Ayun, pumayag naman. Kaya hintayin na lang natin na madestino sa Maynila si tatay, at saka na lang tayo lumuwas para dalawin si Emong,” suhestiyon niya.
Agad namang sumang-ayon si Maya. “Wala naman tayong magagawa kung ayaw ng tatay mo. Kakainis kasi itong si Emong. Sabi ko nang mag-message sa akin sa facebook, hindi naman ginagawa. Hindi ko rin naman ma-text kasi wala naman siyang cellphone.”
“Kumusta na kaya siya?” malungkot na tanong ni Aldrin. Nami-miss ko na siya. Kahit lagi niya akong binabara. Kahit lagi siyang galit sa akin, nami-miss ko pa rin siya.“
“Sana, ’pag dinalaw natin siya hindi na siya galit sa’yo. Ewan ko ba naman kasi sa bespren kong ’yon. Nakilala lang si Altaire, kinalimutan ka na…”
“Hindi naman siya papatulan ng Altaire na ’yon. Magpapari ’yon, ’di ba? Kaya malabo siyang pansinin no’n. Malabong-malabo…”
Chapter Nineteen
“HINDI TALAGA. Hindi siya papatulan ni Altaire,” kampanteng sabi ni Aldrin.
“Iyan ang gusto ko sa’yo, eh. Ang lakas ng fighting spirit mo. Kaya nga bini-build up kita kay bespren Emong. Mas gusto kita para sa kanya kaysa kay Altaire. Naniniwala rin kasi ako na hindi papatol sa kanya ’yon. Sa babae nga hindi makikipagrelasyon si Altaire kasi nga magpapari. Sa bading pa kaya?” pag-aanalisa pa ni Maya. “Ewan ko ba naman kasi kay bespren, alam na nga niyang seminarista iyon pero tuloy pa rin siya sa gusto niya.”
“Basta ako, chill lang. Kung ayaw niya sa akin, puwede naman kaming maging magkaibigan na lang.”
“Hindi mo ipaglalaban ang pag-ibig mo sa kanya? Akala ko ba mahal mo siya?”
“Maya, minsan ang pagsuko ay katumbas din ng pagwawagi. Kasi kung susuko ka, maaari kang sumubok ng ibang bagay at gumawa ng ibang dapat gawin. Accepting defeat and moving on to start a new beginning…” seryosong pahayag ni Aldrin.
“Ano raw? Nosebleed, Aldrin! Nosebleed!” Umarte pa si Maya ng parang nagdurugo ang ilong. “Saan mo ba pinagkukuha ’yan? Epekto ba ’yan ng pagmamahal mo sa bespren ko?”
Napailing lang ang binatilyo. “Wala naman akong magagawa kung ayaw sa akin ni Emong. Kaya makuntento na lang ako na maging kaibigan ko siya.”
“Ang bilis mo namang sumuko. Akala ko ba kampante kang ’di siya papansinin ni Altaire?”
“Oo, pero kahit hindi maging sila ni Altaire kung ayaw rin sa akin ni Emong, hindi rin magiging kami.” Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri tapos ay huminga nang malalim. “Tama na nga ang usapang ito, baka maiyak na ako.”
NAOBSERBAHAN ni Emong ang pagiging tahimik ni Altaire mula noong araw na nag-usap sila sa kuwarto niya. Hindi naman iyong tipong tahimik na halos hindi na nagsasalita. Para lang may nabago sa ugali ng binata. Kung dati ay lagi itong masaya at nakikipagbiruan, ngayon naman ay madalas itong seryoso at nagkukulong lang sa kuwarto. Hindi na nga rin sila nagkakausap nang madalas. Hindi tulad ng dati na close sila at madalas na nagtatawanan.
Pati ang nanay Rosita niya ay napansin din ang pagbabago sa ugali ni Altaire. Akala nga ng nanay niya ay magkagalit sila ng binata. Inisip nito na baka sumobra na siya sa pakikipagharutan dito at baka raw na-offend na niya ang binatang amo. Paanong mangyayari iyon eh, halos hindi na nga siya nakakapasok sa kuwarto nito dahil lagi na lang naka-lock. Hindi rin ito nagbubukas ng pinto sa tuwing tinatawag niya para kumain. Hindi rin ito kumakain sa oras. Lumalabas lang ito para kumain kapag nakaramdam na ng gutom.
HINDI PA rin mawala sa isip ni Altaire ang nangyari sa kanila ni Grace. Sobrang guilt ang kanyang nararamdaman. Karapat-dapat pa ba siyang bumalik sa seminaryo kung ganitong nadumihan na niya ang kanyang pagkatao? Nandito siya sa labas ng seminaryo para subukang lumayo sa lahat ng tukso. At hindi siya nakapasa. Naging mahina siya. Hindi na siya karapat-dapat sa bokasyon ng pagpapari. At nagdadalawang-isip na siya ngayon kung babalik pa ba siya sa seminaryo o hindi.
Mahal na mahal niya si Grace… noon. Iniyakan pa nga niya ang pakikipag-break dito. Pero ngayon, kung meron man siyang ipinagpapasalamat, iyon ay ang hindi na pagpaparamdam ni Grace pagkatapos ng nangyari sa kanila. Hindi na ulit ito tumawag o nag-text man lang sa kanya. Mahigit isang buwan na mula noong lumabas sila. Wala na siyang balita sa ex-girlfriend. Hindi rin naman siya nag-effort na tawagan ito para kumustahin man lang. Pero mabuti na rin ang ganoon. Para sa kanya, awkward na ang makasama niya palagi si Grace.
MASAYA SI Emong nang makatanggap ng text message mula kay Maya. Isang linggo na ang nakararaan mula nang ibili siya ng nanay niya ng isang mumurahing celfone mula sa suweldo nito sa unang buwan ng pagtatrabaho sa pamilya Torres. Naalala pa niya nang unang beses niyang i-text si Maya, tuwang-tuwa ang bespren niya dahil sa wakas ay may cellphone na siya. Sabi nito, makakapag-usap na sila nang madalas, sa text man o sa facebook.
Binasa niya ang mensahe ng matalik na kaibigan. “Bespren, luluwas kami ni Aldrin sa Sabado! Pupuntahan ka ba namin o magkikita na lang tayo sa mall?”
Hindi maitago ang tuwa ni Emong. Agad siyang sumagot sa mensahe ni Maya. “
Sa
mall
na
lang
,
para
puwede
tayong
gumala
.
Excited
na
ako
,
bespren
.
Sana
Sabado
na
.“
Maya: Sige, sige text na lang kita ulit kung saan tayo magkikita at anong oras.
Emong: Teka, bespren! Mabuti pinayagan kang lumuwas.
Maya: Sinabi kong kasama ko si Aldrin. At saka ’yung tatay ni Aldrin kasama rin namin.
Emong: Ha? Bakit kasama n’yo si Mang Celso?
Maya: Ay! Hindi ko pa pala nasabi sa’yo. Diyan na kasi siya madedestino. Kaya pinakiusapan ni Aldrin na ihahatid niya ang tatay niya sa titirhan nito.
Emong: Ah, ganoon ba? Sige, bespren basta i-text mo lang ako. See you soon! Excited na talaga ako, sobra!“
Maya: Excited ka ba dahil magkikita tayo o dahil makikita mo na ulit si Aldrin?
Emong: Tse! Don’t say bad words. Alam mo namang allergic ako sa kanya.
Maya: Naku, ha? Sinasabi mo ’yan ngayon. Baka kapag nakita mo si Aldrin, kainin mo lahat ng sinabi mo.
Na-curious siya.
Emong: Bakit? Anong meron?
Maya: Malalaman mo sa Sabado, bespren.
“Ano kaya ’yon?” bulong niya sa sarili. “Baka nagpa-plastic surgery si Aldrin para maging kamukha ni Altaire.” Siya rin ang natawa sa kalokohang naisip niya. Kahit maging kahawig pa ni Aldrin si Altaire, kay Altaire pa rin siya. Nothing beats the original, ika nga. Bakit siya magse-settle sa piniratang Altaire kung meron namang authentic at real na real?
Pinuntahan niya sa kusina ang ina.
“Nay, may pupuntahan po ako sa Sabado, ha?” paalam niya kay Aling Rosita.
“Saan ang punta mo?” sagot-tanong ng matandang babae na abala sa niluluto niyang ulam. Hindi man lang nga nito nilingon ang anak. Tuloy lang ito sa paghahalo ng putaheng nasa kaldero.
“Luluwas po kasi sina Maya at Aldrin. Magkikita po kami sa mall. Sige na, ’nay. Pumayag ka na po. Isipin mo naman bumiyahe pa sila nang malayo para lang puntahan ako.”
Pinatay ni Aling Rosita ang kalan at hinarap ang anak. “Sige, papayagan kita basta siguruhin mong mag-iingat kayo at uuwi ka rin kaagad.
“Aling Rosita, luto na po ba ang ulam? Kakain na po sana ako…”
Pakiramdam ni Emong ay pumitlag ang kanyang puso nang marinig ang boses ni Altaire. Agad siyang lumingon sa kanyang likuran para makita ang binatang lagi na lang nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.
Halos nanibago siya sa itsura ni Altaire. Magulo ang buhok na para bang kagigising lang. May manipis na rin itong balbas at bigote dahil sa ilang araw na hindi pag-aahit. Pero isa lang ang nakumpirma ni Emong, ang guwapo-guwapo pa rin ni Altaire at kinikilig pa rin siya makita lang ang lalaking ito.
Chapter Twenty
NAPATINGIN KAY Emong si Altaire at bahagya itong ngumiti sa kanya. Nag-aalangan man ay ginantihan rin niya ng ngiti ang guwapong seminarista.
“Oo, luto na ang ulam. Umupo ka na riyan at ipaghahain na kita,” nakangiting sabi ni Aling Rosita na agad kumuha ng plato at kubyertos para kay Altaire.
Walang imik na umupo ang binata.
Nang makapaghain si Aling Rosita ay muling nagsalita si Altaire. “Sabayan n’yo na po ako. Malungkot kumain nang nag-iisa.”
“Emong, sabayan mong kumain si Altaire,” utos nito sa anak. “Tanghali na rin naman. Oras na talaga para mananghalian.”
“Eh, ikaw po, ’nay?”
“Mamaya na ako. Kumain na kayo ni Altaire.” Bumaling siya sa binata. “Kumain ka nang marami, ha? Hindi ka pa nag-aalmusal.”
Nahihiyang ngumiti sa kanya ang binata.
“Emong, ikaw na ang bahala rito. Magtutupi lang ako ng mga damit sa kuwarto.” Lumakad na siya papunta sa silid.
“Opo, ’nay.” Sinundan pa niya ng tingin ang ina. Nang wala na ito sa kusina ay saka niya kinausap si Altaire. “Kumusta?” Parang gusto niyang matawa sa kanyang sinabi. Kinukumusta niya ang isang taong kasama naman niya sa bahay araw-araw. Isn’t it amazing? No, mas bagay ang isn’t it crazy?
Tinitigan siya ni Altaire at bigla ay parang nahiya siya rito. Hindi niya alam ang sasabihin. “Okay lang, hindi mo kailangang sumagot.” Asiwa siyang ngumiti rito.
“I’m good.” Sa pandinig ni Emong ay parang hindi naman talaga good si Altaire. Baka iyon lang ang sinabi nito para tapos na ang usapan.
“Sige kain ka na muna. At kumain ka nang marami, sabi ni nanay.”
“Kumain ka rin…”
“Oo…” matipid niyang sagot. At wala na silang imikan habang kumakain. Pero paminsan-minsan ay nagnanakaw siya ng tingin sa guwapong seminarista. Crush na crush pa rin niya si Altaire kahit na mukhang napabayaan na nito ang sarili. Napakaguwapo pa rin talaga nito. Ruggedly handsome!
“Ako na ang bahala rito,” sabi niya kay Altaire nang makita niyang tapos na itong kumain. “Kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako.”
“Salamat…” Pagkasabi niyon ay umalis na si Altaire at muling bumalik sa kanyang silid.
“Ano kayang problema no’n?” bulong niya sa sarili. “Ayaw namang magkuwento.” Nagkibit-balikat na lang siya at sinimulan nang iligpit ang pinagkainan nila ni Altaire. Hindi pa siya natatapos maghugas ng mga plato at kubyertos nang tumunog ang doorbell. Isinara niya ang gripo at nagmamadaling nagtungo sa gate.
Pagbukas niya ng gate ay ang masayang mukha ni Grace ang sumalubong sa kanya.
Nandito
na
naman
ito
, bulong
niya
sa
sarili
.
Nagsimulang
magbago
si
Altaire
mula
noong
pumunta ito
rito
.
“Si Altaire?” tanong nito nang hindi inaalis ang pagkakangiti. Ewan pero napaplastikan si Emong sa kilos ng bisita.
“Nasa loob. Pumasok ka muna,” anyaya niya rito. Agad namang pumasok si Grace. Dire-diretso itong naglakad patungo sa salas.
“Maupo ka muna. Tatawagin ko lang si Altaire…”
“Altaire? You don’t call him sir?”
Ano ba naman ang babaeng ito at pati tawag niya kay Altaire ay pinakikialaman? “Iyon na kasi ang nakasanayan kong itawag sa kanya.” Sinamahan niya ng ngiti ang sagot kay Grace.
“Kahit na. Bilang kasambahay, you should give him due respect.” Bahagyang umarko ang kilay ng babae. Kitang-kita iyon ni Emong at umakyat ang dugo sa ulo niya.
“Hindi lang naman sa pagtawag ng sir maipapakita ang respeto. Ikaw, puwede kitang tawaging ma’am, senyora o senyorita pero hindi ibig sabihin no’n ay nirerespeto kita,” mataray na pahayag ni Emong. Bahala nang mapagalitan siya ng nanay niya pero hindi niya palalampasin ang kamalditahan ng Grace na ito.
“So, that’s how you treat your master’s guest? So disrespetcful!” Kulang na lang ay mangalmot ang babae.
“Ano bang ipinaglalaban mo, ’teh? Si Altaire nga hindi nagde-demand na tawagin ko siyang sir. Ang gawin mo, maupo ka diyan at tatawagin ko si Sir Altaire,” ipinagdiinan niya ang salitang sir. Iniwan niya ang babae at umakyat ng hagdan papunta sa silid ni Altaire.
Kumatok siya ng tatlong beses sa pinto. “Altaire… May bisita ka.”
Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto.
“Nandiyan si Grace. Hinahanap ka,” sabi niya kay Altaire.
“Ha?” Hindi alam ni Emong kung nabingi na ba ang kausap niya.
“Sabi ko, nasa salas si Grace.”
At saka lang parang natauhan si Altaire. “Sige, bababa na ako…”
Umalis kaagad si Emong at nagkulong sa kanyang kuwarto. Siguradong magsusumbong ang Grace na ’yon kay Altaire. At hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito. Magagalit ba si Altaire sa kanya? Ang alam niya, mahal na mahal ni Altaire si Grace at umiyak ito noong mag-break sila. Kaya malamang na kay Grace kakampi si Altaire kapag isinumbong siya nito sa binata.
“Ah, bahala sila!”
Malawak ang matamis na ngiti ni Grace nang makita si Altaire. Lumapit pa siya rito para humalik sana sa pisngi pero umiwas ang binata.
“What brought you here?” tanong ni Altaire sa parang tinatamad na boses.
Sumimangot si Grace. “Para namang hindi ka masaya na nagpunta ako rito. Na-miss kasi kita, masama ba ’yon? Hindi ba dati naman, ikaw ang laging nagsasabi sa akin na sobrang miss mo na ako?”
“Grace, let’s set this straight. Wala na tayo. Matagal na. At alam mo ang rason kung bakit. In few months time, babalik na ako sa seminaryo para ituloy ang pagpapari ko,” diretsahang sabi niya sa ex-girlfriend. “Huwag nating gawing mahirap ang sitwasyon.”
“Babalik ka pa sa seminaryo? My God, Altaire! Kung noon pumayag akong makipag-break ka sa akin kahit ayaw ko, puwes hindi na ngayon. Pumayag ako noon dahil girlfriend mo lang ako. Wala kang mabigat na obligasyon sa akin. But now? Altaire, hinding-hindi ako papayag na lumabas sa mundong ito ang anak ko nang walang kikilalaning ama!”
Parang binagsakan ng langit si Altaire. Pakiramdam niya ay biglang lumaki ang ulo niya. Ang mga mata niya’y nanlalaki na tila nakakita ng multo. Gusto niyang isigaw na nagbibiro lang si Grace. This is just a joke.
“You heard it right, Altaire. I’m pregnant and you are the father of this child. At nandito ako para ipaalam sa’yo na kailangan mong panagutan ang dinadala ko or else ipalalaglag ko ito! Hindi ako nagbibiro, Altaire I’m going to abort this child!”
Chapter Twenty-one
MATALIM ANG tinging ibinigay ni Grace kay Altaire. “Hindi ako nagbibiro, Altaire. Ipalalaglag ko ang batang ito kapag hindi mo ako pinanagutan.”
“Jesus! Grace, naririnig mo ba ang sarili mo? Papatay ka ng inosenteng sanggol?” Hindi makapaniwala si Altaire sa sinabi ng kausap. “Alam mo pa ba ang tama at mali?”
“Ang alam ko ay kung ano ang kahihinatnan ng buhay ko kapag ipinanganak ko ito nang walang kinikilalang ama. Hindi kakayanin ng magulang ko ang kahihiyan. Baka nga mapatay pa nila ako kapag nalaman nilang buntis ako. Kaya bago pa mangyari iyon, aalisin ko muna sa landas ko ang batang ito.”
“Hindi mo gagawin ’yan, Grace.” Tinitigan niya sa mata ang babae.
“Try me…” Sinalubong niya ang titig ni Altaire.
“Grace, ano bang—” Hindi na niya natapos ang sasabihin.
“One week, Altaire. I am giving you one week to decide. Kapag hindi mo ako tinawagan pagkatapos ng isang linggo, ibig sabihin na wala kang intensyong panagutan ito. Puwes, it means that you are giving me the rights to decide for this child’s fate.” Tinalikuran na ni Grace ang natigilang si Altaire. Diretso siyang naglakad papunta sa gate at dali-daling nilisan ang tahanan ng pamilya Torres.
Naiwang nakatanga si Altaire. Maya-maya ay dinaklot niya ang sariling buhok at parang sira-ulong nagsisisigaw habang sinasabunutan ang sarili.
Napalabas tuloy sa silid nila sina Aling Rosita at Emong.
“Altaire, anong nangyari?” nahihintakutang sabi ng matandang babae.
Si Emong ay hindi rin alam kung ano ang gagawin. Noon lamang niya nakitang ganoon ang asta ni Altaire. Nagagalit din pala ang seminaristang ito. Gusto niya itong awatin dahil sinasaktan nito ang sarili pero nagdadalawang-isip siya.
Tuloy lang sa pagwawala si Altaire. Sigaw pa rin ito ng sigaw. Daklot pa rin nito ang sariling buhok. Sa isang hindi inaasahang pagkilos ito ay iniuntog ng binata ang kanyang ulo sa pader.
Napasigaw sa takot si Emong. “Altaire, ’wag!!!” Tinakbo niya ang nagwawalang binata.
“Tama na, Altaire. Huwag mong saktan ang sarili mo,” sigaw rin ni Aling Rosita.
Niyakap ni Emong si Altaire para hindi na nito muling maiuntog ang ulo sa pader.
“Bitiwan mo ako!” pagpupumiglas ng binata. “Huwag mo akong pakialaman!”
“Altaire, tama na ’yan! Ano ka ba namang bata ka? Bakit ka ba nagkakaganyan?” Ang tindi ng kabang nararamdaman ni Aling Rosita.
Halos maitapon ni Altaire si Emong sa tindi ng pagpupumiglas nito. Ngunit hinigpitan ni Emong ang pagyakap sa binata para hindi ito makahulagpos.
Nang mapagod ay napaupo si Altaire sa marmol na sahig. Maging si Emong na mahigpit pa ring nakayakap ay napasalampak na rin.
Awang-awa si Emong sa itsura ni Altaire. Luhaan ito at magulong-magulo ang buhok na parang dinumog ang isanlibong maligno. Ngayon lang niya ito nakitang galit at depressed. Nakakatakot din palang magalit ang mga seminarista. Samantalang kapag nasa normal state naman ay napakaamo at napakabait nito na para bang hindi man lang makabasag ng itlog.
“S-sorry…” Nagulat pa si Emong nang magsalita si Altaire. Nanginginig ang boses nito na halatang galing sa pag-iyak.
“Ano ba ang nangyari? Bakit ka nagkakaganyan?” tanong niya sa binata.
Si Aling Rosita ay nahimasmasan na rin. “Altaire, tumayo ka na diyan. Halika rito sa kusina at ipaghahanda kita ng meryenda.”
Umiling-iling lang ito.
“Ano ang gusto mo?” tanong ng nanay ni Emong.
“Wala po. Okay na po ako. Huwag n’yo po akong alalahanin.”
“Tumayo ka na,” sabi ni Emong. “Halika na, ihahatid na kita sa kuwarto mo. Gusto ko ba ng makakausap?”
“Hindi, okay lang ako. Okay na ako.” Tumayo na ito at naglakad papunta sa kanyang silid. Naiwan sa salas ang mag-ina.
“Sige na po, ’nay. Bumalik ka na po sa kuwarto mo. Ila-lock ko lang ang gate.” Tumayo siya at inayos ang sarili at saka nagtungo sa gate para siguruhing naka-lock ito. Pagkatapos ay muli siyang pumasok sa kanyang kuwarto na baon pa rin ang malaking pagtataka sa ginawa ni Altaire kanina. Ano nga ba ang nangyari at biglang nagwala ang lalaking iyon? Kung sana’y narinig niya ang pinag-usapan ng dalawa. Kaso, hindi. Pero sigurado siyang may kinalaman ang pagdalaw ni Grace sa biglang pagwawala ni Altaire.
Hanggang sa sumapit ang gabi ay nagkulong lang sa silid si Altaire. Kahit nang dumating ang mama nito ay hindi ito lumabas ng silid. Kaya naman minabuti na ni Mrs. Torres na puntahan ang anak at kausapin.
Mararahang pagkatok sa pinto ng silid ni Altaire ang ginawa ni Mrs. Torres. “Altaire, buksan mo ’to. I want to talk to you.”
Nang bumukas ang pinto ay nakita niya ang anak. Sa isang tingin pa lang, alam niyang may problema ito. “Tell me, what’s bothering you?”
Hindi sumagot si Altaire. Naglakad ito pabalik sa kama at umupo roon. Sumunod naman si Mrs. Torres sa anak.
“May problema ka, alam ko. Kahit hindi mo sabihin, nararamdaman ko ’yon kasi anak kita,” deretsahang sabi niya habang hindi inaalis ang tingin kay Altaire.
Hindi kumibo si Altaire pero napasinghot ito.
“You can tell me your problems. I’m your mother.”
Napahagulgol na si Altaire. Nakayuko itong nagsalita. “I failed you, mom…”
“What do you mean?” malumanay na tanong ng ina.
“I can no longer go back to the seminary. I’m a failure, mom. I did not resist temptation.” Wala siyang tigil sa paghagulgol. Ngayon niya lubos na nadama ang napakalaking epekto sa kanya ng nangyari. Paano pa niya mapagbibigyan ang hiling ng kanyang ina na magpari siya kung ganitong magiging ama na siya?
“Linawin mo nga ang sinasabi mo…” Umupo siya sa tabi ng anak.
“Mom, Grace is pregnant and I am the father. I am sorry. I’m so sorry, mom.” Hindi niya matingnan ang kanyang ina. Nanatili lang siyang nakayuko.
Napaluha si Mrs. Torres. Hindi niya inaasahan ang sinabi ni Altaire. Bakit ngayon pa nangyari ang ganito? Konting panahon na lang at magiging pari na ang kanyang anak. Pero sa isang iglap, gumuho lahat ng pangarap niya para rito.
“Sorry, ’ma…” Mas lumakas pa ang hagulgol ni Altaire. Halatang hindi rin ito handa sa biglaang pagbabago ng mga pangyayari.
Niyakap ni Mrs. Torres si Altaire. Iyon lang ang alam niyang makapagpapaluwag sa dibdib nito. Iyong ibigay rito ang kanyang buong suporta at pagdamay bilang isang ina. Hinding-hindi niya tatalikuran ang kanyang anak lalo na sa ganitong pagkakataon.
SABADO
Maagang nagpaalam si Emong sa kanyang nanay para puntahan sina Maya at Aldrin. Naibigay na sa kanya ni Maya ang kumpletong address kung saan titira ang tatay ni Aldrin habang dito naka-assign sa Camp Crame. Doon lang din iyon sa loob ng kampo, sa village na nakalaan para tirhan ng mga sundalo. Madali nang magtanong ’pag naroon na siya. Pati kung paano pumunta ng kampo ay naituro na rin sa kanya ni Maya. Iyon daw ang itinuro ng tatay ni Aldrin. Isang sakay lang ng bus pagkatapos ay bababa siya sa kampo na mismo. Madali lang talaga. Kahit hindi pa niya napupuntahan ang lugar, alam niyang hindi siya maliligaw.
Ka-text niya si Maya habang nasa bus siya papuntang Crame kaya mas kampante siyang mahahanap niya ang address nang walang problema. Pagbaba niya sa kampo ay pumasok siya sa loob. Sa gate pa lang ay nagtanong na siya kung saan ang address na hinahanap niya.
“Sir, saan po itong address na ito?” Iniabot niya sa sundalong nasa gate ang kapirasong papel na pinagsulatan niya ng address.
Binasa ng sundalo ang address. “#14 Sgt. Tecson St.” Itinuro nito ang isang mahabang kalye sa bandang kanan mula sa gate. “Nakikita mo ’yong kalyeng iyan? Diretsuhin mo ’yan. Pagdating mo sa unang kanto, kumaliwa ka. Iyon ang Sgt. Tecson St. Hanapin mo na lang doon ang number 14. Sinong pupuntahan mo roon?”
“Susunduin ko lang po ang mga kaibigan ko kasi mamamasyal kami sa mall.”
“Sige, basta sundin mo lang ’yong itinuro kong direksyon.”
“Maraming salamat po, sir.”
Hindi nahirapan si Emong na makita ang bahay na may numerong katorse. Excited siyang pinindot ang doorbell.
Inaasahan niyang si Maya ang magbubukas ng pinto. Nakaplano na siyang tumili sa oras na makita niya ang matalik na kaibigan. Miss na miss na niya ito.
Dahan-dahang bumukas ang pinto. Pero napigil ang kanyang gagawing pagtili dahil iniluwa nito ang isang pamilyar na mukha lamang ay mas matangkad na ito ngayon. At mas gumuwapo!
Napanganga na lang si Emong.
“Pasok ka, Emong. Kanina ka pa namin hinihintay.” Parang gusto niyang mahimatay nang marinig ang baritonong boses ni Aldrin. Nagbago na rin ang boses nito. Boses binata na.
Ano ba? Bakit parang bigla siyang nakaramdam ng hiya kay Aldrin?
At saka, bakit parang gusto niyang kiligin sa harap nito?
“Hoy! Sabi ko, pumasok ka muna.”
At saka lang parang nagising sa mahimbing na pagtulog si Emong. “Ha? Ah… oo, sige. Salamat.”
“Ano bang nangyayari sa’yo? Parang ngayon ka lang nakakita ng guwapo.” Pangiti-ngiti si Aldrin habang sinasabi iyon.
Nakita ni Emong ang pagngiti ni Aldrin at ewan niya ngunit lalo siyang nakaramdam ng hiya sa binatang kaklase. At kahit hindi niya nakikita, alam niyang namumula na ang pisngi niya nang mga sandaling iyon.
“Owmayghad!!! Aldrin is life!” tili niya sa kanyang kanyang isip.
Chapter Twenty-two
“BESPREN!!!” Ang lakas ng tili ni Maya nang makita si Emong. Kaagad siyang lumapit sa matalik na kaibigan at niyakap ito nang mahigpit. “Miss na miss na kita, bespren. Kumusta ka na?”
“Okay naman ako rito. Tingnan mo naman ang ganda-ganda ko.” Parang modelo itong nagpaikot-ikot sa harap ni Maya.
“Lalakad na ba tayo?” tanong ni Aldrin kaya bigla ay muling napunta sa guwapong binata ang tingin ni Emong.Napansin ni Maya ang pagkakatitig ng kaibigan kay Aldrin.
“Ayan! Siya ang sinasabi ko sa’yong sorpresa. Hindi ba ang laki agad ng ipinagbago niya? Tumangkad at lumalim ang boses. Binatang-binata na si Aldrin, bespren!” kinikilig na sabi ni Maya. “At aminin mo, mas lalo siyang gumuwapo, ’di ba?”
Kunwari ay naghikab si Emong. “Haay, sakto lang naman. OA ka naman mag-describe.”
“Aba! Don’t tell me na hindi ka naguguwapuhan kay Aldrin. Kaloka ka, teh! Ang taas ng standard mo.” Ikinumpas-kumpas pa niya ang kanang kamay paitaas.
“Eh, ganoon talaga. Ang kagandahan ko ay dapat lang na tapatan ng talagang guwapo rin. Hindi puwede sa akin ang puwede na. Dapat, ’yong kayang makipagsabayan sa ganda ko.”
“Bakit? Kayang-kaya naman ni Aldrin na pantayan ang kagandahan mo,” pagdedepensa ni Maya sa kaklase. “Alam mo, bespren ikaw ang OA. Pasalamat ka nga at sa dinami-dami ng babaeng nagkakandarapa kay Aldrin eh, ikaw pa ang hinahabol-habol niya.”
“Kasama ka ba sa mga naghahabol na ’yon?”
“Shunga! Ang sinasabi ko, ’wag kang masyadong choosy kasi si Aldrin naman is a good choice.” Ayaw magpatalo ni Maya.
“Tama na nga ’yan, Maya. Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko kay Emong kung ayaw niya sa akin. Sabi mo nga, marami naman ang naghahabol. Eh, ’di pipili na lang ako ng isa sa kanila. Huwag mo nang pilitin si Emong na magustuhan ako.”
Natahimik sina Maya at Emong pagkatapos magsalita ni Aldrin. Ramdam ni Maya ang pait sa boses ng binata. Si Emong naman ay tila nahiya sa mga kaklase. Bakit hindi siya mahihiya eh, kanina lang ay halos gusto na niyang yakapin ang binatang kaklase. Ano ba? Aldrin is life! Totoo naman kasing mas gumuwapo ito sa paningin niya.
Pero bakit kung makapagsalita siya ay parang diring-diri siya kay Aldrin? Ano ba ang nangyayari sa kanya?
“Gumala na tayo. Baka mamaya kung saan pa mapunta ang usapan natin.” Pinilit ni Emong na huwag maging asiwa ang pakikiharap niya sa dalawang kaibigan. “Lumuwas kayo rito para mag-bonding tayo, hindi para mag-away.”
SA ISANG mall sa Pasay City sila pumunta. Nag-MRT lang sila at bumaba sa pinakahuling istasyon para makarating sa mall na iyon na kilalang pinakamalaki sa buong Pilipinas.
Habang naglalakad ay panay ang panakaw na sulyap ni Emong kay Aldrin. Hindi niya maitanggi sa sarili na iba ang dating sa kanya ng binatang kaklase. Kahit na nga ba palagi niyang sinusupalpal ito at hinihiya sa harap ni Maya, alam niyang sa loob ng kanyang puso ay may nararamdaman din siyang kilig para rito. Gustong-gusto niya ’yong tipong hinahabol-habol siya nito. Pakiramdam niya ay ang ganda-ganda niya para habulin ni Aldrin. Totoo naman kasi ang sinabi ni Maya na maraming babae ang nagkakandarapa rito. Ang iba pa nga ay lantaran nang nagtatapat kay Aldrin pero hindi sila pinapansin nito. At iyon ay dahil sa kanya. Alam niyang siya lang ang pinagtutuunan ng pansin ng guwapong binatang ito.
Ang ganda kasi niya! Sobrang ganda!
Biglang binawi ni Emong ang kanyang tingin nang lumingon si Aldrin sa gawi niya. Pero huli na. Kitang-kita ni Adrin na nakatingin siya rito.
Hinila niya si Maya. “Dito tayo, bespren! Kain muna tayo para mas masarap mamasyal.” Napasunod na lang sa kanilang dalawa ni Aldrin.
Pumasok sina Maya at Emong sa isang sikat na fast food restaurant.
“Humanap na kayo ng mauupuan. Ako na lang ang oorder,” pagboboluntaryo ni Emong. “Bespren, anong gusto mong kainin?” Ikaw, Aldrin anong sa’yo?“
“Chicken with rice sa akin,” sagot ni Maya. “Iced tea ang drinks.”
“Ganoon na lang din sa akin,” sabi naman ni Aldrin. At saka tatlong halo-halo.“ Kumuha siya ng pera sa wallet. “Eto ang bayad.”
“Huwag na. Ako na lang. Basta, humanap na kayo nang upuan diyan.”
Hindi na nakasagot si Aldrin nang tumalikod na si Emong para pumunta sa counter.
Napatingin sa kanya si Maya. “Mayaman si Emong, ha? Nanlilibre!”
Nagkibit-balikat na lang ang binata. “Doon na lang tayo sa may sulok. Para malapit sa aircon.”
Nang makaupo si Maya ay nagpaalam si Aldrin. “Pupuntahan ko lang si Emong, baka di niya mabuhat yung mga pagkain.”
Namilog ang mga mata ni May. “Para-paraan! Pa-gentleman!”
Natatawang sumagot ang binata. “Hindi, ah. Marami rin kasi ’yon. Baka mabigat. Diyan ka lang muna.” At nagtungo na ito sa counter kung saan naroon si Emong.
Nagulat pa si Emong nang makita siya. “Ba’t pumunta ka pa rito? Kaya ko na ito.”
“Wala namang masama kung tulungan kita.”
Hindi na sumagot si Emong.
“Total is four hundred sixty-five pesos, sir.” Narinig niyang sabi ng cashier.
Iniabot niya ang bayad.
“I received five hundred pesos.” Binuksan ng kahera ang cash register at kumuha ng pangsukli kay Emong. “Here’s your change, sir. Thirty-five pesos. Thank you.”
Binuhat ni Aldrin ang tray na may lamang pagkain at dinala sa table kung saan naghihintay si Maya. Dala naman ni Emong ang isang tray kung saan naroon ang juice nilang tatlo.
“Kain na tayo. Para marami tayong mapuntahan,” sabi ni Emong sa dalawang kasama pagkatapos maibaba ang tray sa mesa.
Maganang kumain silang tatlo. paminsan-minsan ay nag-uusap rin sila pero mas pinagtuunan nila ng pansin ang pagkain. Hanggang matawag ang pansin ni Emong sa isang pares ng lalaki at babae na naglalakad sa labas ng restaurant. Hindi siya maaaring magkamali. Si Grace ’yong babae. Pero bakit nakaakbay rito ’yong lalaki? At parang ang sweet nila.
Napansin ni Maya na tila natigilan siya. “Bakit, bespren?” Lumingon din ito sa gawin kung saan nakatingin si Emong. “Kilala mo?”
“Ha?”
“Tinatanong ko kung kilala mo ’yong tinitingnan mo.”
“Ex ni Altaire,” wala sa loob na nasabi niya.
“Ha?! Nasaan?” Nagkandahaba-haba ang leeg ni Maya sa pagtanaw sa gawing tinitingnan ng kanyang kaibigan.
“Alam mo, hindi ka rin talaga tsismosa.”
“Titingnan lang naman,” reklamo ni Maya. Si Aldrin ay nakikinig lang. Ang pagkain ang mas pinagkaabalahan nito.
Nang matapos kumain ay nag-ikot sila sa mall. Hanggang sa magkayayaan silang mag-videoke. Habang nakapila si Aldrin para bumili ng token ay niyaya ni Maya si Emong na samahan siya sa public toilet.
“Naiihi na ako,” sabi ni Maya na tila pinipigil na huwag maihi.
“Halika na. Bilisan natin kasi malapit na sa counter si Aldrin. At saka excited na akong kumanta.”
Pagliko nila sa kaliwa kung saan naroon ang toilet ay nabangga si Maya sa isang babaeng naglalakad. Kasunod nito ang isang lalaki.
“I’m sorry, miss. Hindi ko sinasadya,” paghingi ng paumanhin ni Maya.
Napansin ni Maya na nakasimangot ang babae. Salubong ang kilay nito. Sayang, maganda pa naman. “Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan.”
May sasabihin pa sana ang babae ngunit napako ang tingin nito kay Emong.
“Anong nangyari, babe?” tanong ng lalaking kasama ng babae.
“Wala. Halika na.” Hinila nito ang lalaki at mabilis na naglakad papalayo kina Maya at Emong.
“Anong nangyari doon? Parang weird lang,” puna ni Maya.
“Si Grace ’yun. Siya ’yong ex-girlfriend ni Altaire.”
Chapter Twenty-three
“Ha? Ang taray naman! Paano naging girlfriend ni Altaire ang ganoon kataray na babae?” nagmamalditang pahayag ni Maya.
Nagkibit-balikat si Emong. “Malay ko. Halika na, pumasok ka na sa toilet at baka hinihintay na tayo ni Aldrin.”
“Uuyyy! Miss na niya si Aldrin,” panunukso ni Maya sa kaibigan.
Napaismid si Emong. “Umihi ka na! Kung anu-ano pa ang sinasabi mo.”
“Oo, na. Hintayin mo ako riyan. Sungit!” Mabilis itong pumasok sa toilet.
Hindi naman nagtagal at lumabas ng toilet si Maya.
“Halika na,” yaya nito sa kaibigan. “Baka naiinip na si Aldrin doon.”
Nakita nila ang kaklase na matiyagang naghihintay sa kanila. Nasa videoke booth na ito at kumaway pa nga nang makita sila.
“Kanta na tayo,” masayang sabi ni Maya na agad umupo sa tabi ni Aldrin. Inabot rin nito ang songbook at nagsimulang maghanap ng mga kakantahin niya. Si Emong naman ay umupo sa kabilang bahagi, kaharap si Aldrin. Kinuha rin niya ang isa pang songbook at binuklat-buklat.
“Salamat, Aldrin. Inilibre mo pa talaga kami rito sa videoke.” Ang ngiti ni Maya ay umabot hanggang tenga. “Limang kanta sa akin, ha?”
“Thank you, Aldrin,” sabi rin ni Emong. Nahihiyang sinulyapan niya ang kaklase at nahuli niyang nakatingin ito sa kanya. Nagtama ang kanilang paningin. Jusko! Ang
guwapo
na
niya
talaga!
Muntik na siyang masamid nang ngumiti sa kanya si Aldrin. “Kanta na,” yaya nito na hindi nawawala ang matamis na ngiti. “Nakapili ka na ba ng kakantahin?”
“H-ha? Ah, eh oo. I-ikaw, k-kumanta ka na. Mauna na kayo ni Maya.” Hindi siya magkandatuto sa sasabihin. Napatingin tuloy sa kanya si Maya.
“Anyare, bespren? Ba’t nauutal-utal ka riyan?”
“W-wala. Maglagay na kayo ng token at kumanta na tayo.”
Nauna nang kumanta si Maya. Isang kanta ng Aegis ang binanatan nito. In fairness, may boses ito at kayang-kayang ibirit ang matataas na nota ng kanta. Sumunod si Aldrin. Isang love song ang kinanta nito. Malungkot ang mensahe ng kanta at hindi nakaligtas sa mga mata ni Emong ang katumbas na kalungkutan sa mukha ni Aldrin habang umaawit. Nang matapos ay si Emong naman ang kumanta. Isang masayang awitin ang kinanta niya na sinabayan pa niya ng pagsayaw. Silang dalawa ni Maya ay sobrang nag-enjoy habang sumasayaw kasabay ng pagkanta ni Emong. Tinupad ni Maya ang sinabi niyang limang kanta ang kakantahin niya, samantalang sina Emong at Aldrin ay nakuntento na sa tig-dalawang kanta.
Pagkatapos mag-videoke ay nagpasya silang manood na lang ng sine.
Malamig sa loob ng sinehan. Pinagitnaan nina Maya at Aldrin sa upuan si Emong. Tahimik sila habang nanonood pero sa kalagitnaan ng palabas ay nakaramdam ng antok si Emong. Hindi niya namalayang nakasandal na pala ang ulo niya sa balikat ni Aldrin.
Hindi naman nagdamot si Aldrin. Hinayaan lang niyang makatulog si Emong sa balikat niya.
Lihim na natatawa si Maya. Kung hindi lang nakakahiya sa ibang mga manonood ay gusto sana niyang kunan ng litrato ang dalawang kaibigan.
“Emong, gising na. Tapos na ang palabas.” Marahan niyang tinapik ang balikat nito para magising.
Agad namang naalimpungatan si Emong at halos hindi ito makapagsalita nang makitang nakahilig ang ulo niya sa balikat ni Aldrin.
“Sorry, nakatulog pala ako,” paghingi niya ng paumanhin. “Hindi ko namalayan…”
“Okay lang ’yon,” nakangiting sagot ni Aldrin.
“Ang sweet n’yo nga, eh,” panunukso naman ni Maya.
“Halika na, labas na tayo.” Agad na tumayo si Emong.
“Saan pa tayo pupunta?” Tumayo na rin si Maya at sumunod sa kaibigan. Si Aldrin ay ganoon din.
“Okay lang ba kung bumalik na lang tayo doon sa kampo? Magkuwentuhan na lang tayo doon.”
“Oo nga, Maya. Doon na lang tayo sa bahay,” pagsang-ayon ni Aldrin.
“O, siya. Tara na!”
Pagdating sa bahay ay nagbukas ng telebisyon si Aldrin. Okay itong tirahan ng tatay niya. May telebisyon, may ref din at sofa. Maayos din ang kuwartong tulugan.
Inilabas ni Aldrin ang electric fan na nasa kuwarto. Dito na muna ito sa salas para may magamit sila.
Bandang alas-sais ng gabi nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sa malas ay mukhang hindi ito kaagad na hihinto.
“Nag-text si tatay,” sabi ni Aldrin. “Hindi raw siya makakauwi ngayong gabi. Magluto na lang daw tayo ng makakain.”
“Bespren, dito ka na lang matulog. Ang lakas ng ulan, o. Bukas pa yata ’yan titila.” Si Maya ay dumungaw pa sa bintana para tanawin ang malakas na buhos ng ulan.
“Oo nga, Emong. Para tatlo tayo rito sa bahay. At saka, baka mahirapan kang makasakay,” segunda ni Aldrin.
“Baka mapagalitan ako ni nanay ’pag ’di ako umuwi.”
“Eh, ’di magpaalam ka. Anong ginagawa ng cellphone mo?” Gagawin ni Maya ang lahat makumbinsi lang ang kaibigan.
“Teka, tatawagan ko si nanay.” Nag-dial siya sa cellphone at naghintay na sumagot ang kanyang ina.
“Anak, napatawag ka?” narinig niyang sabi ng boses sa kabilang linya.
“Opo, ’nay. Umuulan po ba diyan?”
“Oo, ang lakas nga, eh.”
“Dito rin kasi, ’nay ang lakas ng ulan. Baka po ’di ako makauwi, lalo na kapag bumaha na sa labas.”
“Paano ’yan? Saan ka matutulog?”
“Okay lang po ba na dito na lang ako magpalipas ng magdamag? Kasama ko naman po si Maya… at si Aldrin. Hindi rin po kasi makauuwi ngayong gabi ang tatay ni Aldrin.”
“Ganoon ba? O, sige basta mag-iingat kayong tatlo riyan,” paalala ni Aling Rosita.
“Opo, ’nay. Huwag po kayong mag-alala, nasa loob ng kampo itong bahay kaya safe naman kami rito. Salamat po, ’nay.”
Nakamasid sa kanya si Maya.
“Okay na. Dito na ako matutulog.” Nginitian niya ang kaibigan. “Pumayag na si nanay.”
“Yes!” Hindi maitago ni Maya ang kasiyahan.
“Manood muna kayo ng tv diyan. Magluluto lang ako ng hapunan,” paalam ni Aldrin.
“Tulungan na kita,” alok ni Maya.
“Huwag na. Kaya ko na ito. Samahan mo na lang dito sa salas si Emong.” Hindi na niya hinintay na sumagot si Maya. Naglakad na siya patungong kusina.
Bumaling si Maya kay Emong. “Nakita mo ’yon? Guwapo na, marunong pang magluto. At higit sa lahat, mahal na mahal ka.”
Huminga nang malalim si Emong at saka ibinuga ang hangin.
“Ang ganda mo, ha? Pa-girl pa rin? Aba, kelan mo mapapansin si Aldrin kapag may nakita na siyang iba?”
Umismid si Emong.
“Ano ba kasi ang ayaw mo kay Aldrin? Hanggang ngayon ba ay umaasa ka pa ring magugustuhan ka ng mahal mong seminarista? Teh, gumising ka. Umpisa pa lang, alam mong walang pupuntahan ang pagkakagusto mo kay Altaire. Ayan si Aldrin, o naghihintay lang na mapansin mo.”
“Ewan ko sa’yo. Wala ka nang ginawa kundi ibugaw sa akin si Aldrin.”
“Kaibigan kasi kita. Gusto ko, kung magkakadyowa ka eh doon na sa lalaking alam kong mahal ka talaga.”
Hindi nakasagot si Emong.
PAGKATAPOS maghapunan ay naghanda na silang matulog. Malakas pa rin ang ulan at mas masarap matulog kapag umuulan.
“Doon na lang kayo ni Emong sa kuwarto. Dito na lang ako sa salas,” ani Aldrin kay Maya.
“Okay ka lang ba dito sa salas? Nakakahiya naman sa’yo.”
“Mas mapapanatag ako kung naroon kayo sa kuwarto. Don’t worry, okay lang ako.”
“Sabi mo ’yan, ha?”
Nakangiting tumango ang binata.
Nang nasa kuwarto na ang dalawa ay saka pumasok sa banyo si Aldrin para maligo. Sanay na siyang maligo muna kung gabi bago matulog. Nang matapos ay lumabas siya ng banyo na tanging tuwalya lang ang nakatapis sa kanyang baywang. Litaw ang matikas na didbib ng binata habang tumutulo pa ng ilang patak ng tubig na nagmumula sa basa nitong buhok.
Pagdating sa salas ay kaswal na tinanggal ni Aldrin ang tuwalyang nakatapis sa kanya at ginamit iyon para tuyuin ang kanyang buhok.
Noon naman lumabas ng kuwarto si Emong para kumuha ng tubig sa ref. Napahinto siya sa kanyang kinatatayuan at nanuyo ang kanyang lalamunan nang makita si Aldrin na tanging itim na briefs lang ang suot.
Announcement
Hello,
Gusto ko lang i-promote sa inyo ang isang magandang bxb story na nanalo sa Wattys2018, titled Ich Liebe Dich (I Love You in German language). Ito ay isinulat ni magbmara at sana ay mabasa n’yo kapag may extra time kayo.
Puntahan n’yo lang ’yung Wattpad profile ni magbmara at makikita ninyo sa works niya ’yung story.
Eto po ’yung book cover ng Ich Liebe Dich.
Suportahan n’yo po sana ang kuwentong ito at ang iba pa niyang stories dito sa Wattpad.
Maraming salamat!
Chapter Twenty-four
BIGLANG NATAKAM si Emong sa tila masarap na pagkaing nasa kanyang harapan. Hindi niya inasahang ganito pala kaganda ang katawan ni Aldrin. Gusto sana niyang bumalik sa loob ng kuwarto pero huli na. Nakita na siya ng kanyang kaklase.
Nagulat si Aldrin nang makita si Emong na nakatingin sa halos hubad niyang katawan. Agad niyang ipinulupot ang tuwalyang hawak sa kanyang baywang.
“Sorry, akala ko kasi tulog na kayo,” paghingi niya ng paumanhin. Pakiramdam niya ay pulang-pula ang kanyang mukha.
“W-wala ’yon. Kukuha lang sana ako ng tubig. Hindi ko alam na gising ka pa… rin.” Lumakad na siya patungo sa ref.
“Ah, Emong…”
Napahinto sa paglalakad si Emong. Nanuyo bigla ang kanyang lalamunan. “Ano iyon?”
“Itatanong ko lang kung inaantok ka na ba?”
“Ahm, hindi pa naman.” Hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan. “Bakit?”
“Yayayain sana kitang magkwentuhan muna. Pero pumunta ka na muna sa ref at kumuha ng tubig. Napako ka na riyan sa kinatatayuan mo, eh.” Sinundan niya iyon ng mahinang tawa.
“Ah, oo nga pala…” Nagmamadali siyang kumuha ng tubig sa ref at agad na uminom. Hawak pa rin niya ang basong may lamang tubig nang muling magsalita si Aldrin.
“Ano, puwede ba tayong mag-usap?”
“A-ano ba ang pag-uusapan natin?” Sumagot siya nang hindi nililingon ang kausap.
“Kahit ano. Tungkol sa’yo… tungkol sa akin. Sa atin.”
Humarap siya kay Aldrin at pilyong ngumiti. “Sige, pero magbihis ka muna.” Inginuso pa niya ang bahagi ng katawan ni Aldrin na natatakpan ng tuwalya.
“Naku po! Oo nga pala. Nakalimutan ko nang magbihis.” Dali-dali siyang tumakbo pabalik sa salas at kinuha ang kanyang damit at mabilis na isinuot. “Ayan, okay na ako.” Tabingi ang pagkakangiti niya kay Emong. Halatang nahihiya siya rito.
Umupo si Emong sa sofa. Tumabi sa kanya si Aldrin.
“Anong gusto mong pag-usapan?” magkasabay nilang sabi tapos ay sabay din silang natawa.
“Sige na, mauna ka nang sumagot,” pagbabaubaya ni Emong.
“Kahit ano lang. Ang totoo, gusto lang naman kitang makasama…” Nahihiya pa rin si Aldrin. Alam niyang hindi pa rin naaalis ang pamumula ng mukha niya mula sa nakahihiyang itsura niya kanina na nakita ni Emong.
Bago pa nakapagtanong si Emong ay nagsalita na ulit si Aldrin. “Alam mo naman kung bakit, ’di ba?”
“Ha?” Napailing-iling siya. “Hindi…”
“Alam mo ’yun. Ayaw mo lang aminin kasi hindi mo ’ko gusto.” Napayuko siya pagkasabi noon. Hindi niya kayang tingnan nang diretso si Emong. “Si Altaire ang gusto mo. Kahit malabo na maging kayo.”
Nakikinig lang si Emong.
“Suwerte nga ni Altaire. Hindi niya kailangang mag-effort. In an instant gusto mo na siya,” malungkot sa sabi ni Aldrin.
“Crush ko lang naman si Altaire…”
“Ako, hindi.”
“Mabait siya at masayang kausap…”
“Ako ba hindi?”
“Hindi ko naman sinabing hindi ka ganoon.”
“Pero hindi mo pa rin ako nagustuhan…” Nag-angat siya ng mukha at kitang-kita niya si Emong na nakatingin sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. “Hindi mo ba talaga ako magugustuhan?”
Matagal bago sumagot si Emong. “H-hindi…”
Nanlumo ang itsura ni Aldrin.
“Hindi siguro ito ng tamang oras para sagutin ko ang tanong mo. Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan natin ito. Malalim na ang gabi, matulog na tayo, Drin.” Agad na siyang tumayo pero maagap na hinawakan ni Aldrin ang kanyang kamay.
“Emong…” Mas hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay nito.
Nanlalaki ang mga mata ni Emong. Hiindi niya inaasahang gagawin iyon ni Aldrin.
“Tulog na tayo, Drin…” Binawi niya ang kamay kay Aldrin at agad na tumakbo papasok sa kuwarto. Naiwan si Aldrin na walang nagawa kundi sundan na lang ng tingin ang kaklaseng may malaking bahagi sa kanyang puso.
Napasandal sa pinto si Emong nang makapasok sa loob ng silid. Kumakabog ang dibdib niya. Iba… Iba ang tibok ng puso niya. Kumakalabog. Nadidinig na nga yata niya sa sobrang lakas, eh.
“Bespren, anong ginagawa mo riyan?” tanong ng naalimpungatan na si Maya.
“Ay, ulo mong malaki!” tili niya sa pagkagulat. “Ano ka ba naman, bespren? Nakakagulat ka. Bigla-bigla ka na lang nagsasalita sa gitna ng dilim.”
“Ano nga ang ginagawa mo riyan?”
“Uminom lang ako ng tubig, nauhaw ako. Pabalik na nga ako riyan sa kama nang bigla kang nagsalita.” Lumapit na siya sa kaibigan at humiga sa tabi nito. “Matulog ka na ulit. Inaantok na ako,” sabi na lang niya sa kaibigan.
Hindi na sumagot si Maya. Nagtalukbong na lang ito ng kumot.
Si Emong ay pumikit at nagpumilit na makatulog, ngunit hindi siya makaramdam ng antok. Laman pa rin ng isip niya si Aldrin. Gusto niya itong yakapin kanina habang nag-uusap sila dahil ramdam niya ang lungkot sa tinig nito.
Bakit?
Gusto na ba niya ulit si Aldrin?
Pero hindi puwede. Paano na si Altaire?
Hindi na niya nasagot ang sariling tanong dahil hindi rin niya alam kung paano ito sasagutin. Naguguluhan siya. Gusto niya si Altaire pero ayaw na niyang masaktan si Aldrin. Tama naman kasi ito. Mabait din ito at masayang kausap. Wala nga itong iniisip kundi ang ikabubuti niya. Kahit na noong pinakikitaan niya ito ng hindi maganda, nanatili itong maayos sa pakikitungo sa kanya. Kahit minsan, hindi na nagpakita si Aldrin ng kagaspangan ng ugali sa kanya.
Kinaumagahan ay nagising sina Maya at Emong ng mga katok sa pinto.
“Maya! Emong! Bangon na kayo. Kakain na tayo.
Si Emong ang unang bumangon para buksan ang pinto. Nabungaran niya si Aldrin na preskong-presko ang itsura dahil bagong ligo ito. Naamoy pa nga niya ang bango ng sabon na ginamit nito.
“Good morning! Kain na tayo. Si Maya, gising na ba?” Tingin ni Emong ay mas lalong gumuwapo si Aldrin dahil sa matamis na pagkakangiti nito.
Nginitian din niya ang kaklase. “Ako na ang bahala, gigisingin ko na.”
“Sige, sumunod na kayo kaagad dito, ha?” Kumindat pa ito kay Emong bago tumalikod at naglakad pabalik sa kusina.
Napalunok si Emong habang sinusundan ng tingin si Aldrin. At muli ay naramdaman niya ang kakaibang pintig ng kanyang puso, katulad ng pagtibok na naramdaman niya kagabi pagkatapos nilang mag-usap ni Aldrin.
PAGKATAPOS KUMAIN ay nagpaalam na si Emong sa dalawang kaibigan.
“Hindi mo na ba kami ihahahid sa bus terminal, bespren?” tanong ni Maya. “Hinihintay lang namin si Mang Caloy tapos uuwi na rin kami.”
“Ihahatid naman kayo ni Mang Caloy, imposibleng hindi,” sagot niya. “At saka hinihintay na ako ni nanay. Nakakahiya naman kay Mrs. Torres, baka isipin inuna ko pang maglakwatsa kesa gawin ang mga trabaho doon sa bahay nila.”
“Sige na nga, andami mo na agad sinabi. Naglalambing lang naman ako sa’yo,” kunwari’y nagtatampong sabi ni Maya. “Ingat ka lagi, bespren.”
“Kayo rin. Ingat kayo sa biyahe pauwi sa atin. Ikumusta mo na lang ako sa nanay at tatay mo. Sa’yo rin, Aldrin. Pakisabi na lang sa nanay mo na kinukumusta ko siya. At kay Mang Caloy, salamat kamo.”
“Makakarating, Emong.” Muli niyang nasulyapan ang matamis na ngiti nito. Bakit ba mas gumuguwapo ito kapag ngumingiti?
Hanggang sa makauwi ay si Aldrin pa rin ang nasa isip niya. Ang mga ngiti nito. Ang guwapo at maamong mukha. Ano ba? Nami-miss na niya kaagad si Aldrin!
Bukas ang gate ng bahay nina Altaire kaya diretso na lang siyang pumasok sa loob. Pero natigilan siya nang marinig ang isang pamilyar na boses.
“Kailangang pakasalan mo ako, Altaire! Nalaman na ng parents ko na buntis ako and they want to talk with you today. Hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama, Altaire. You are going with me. Right now!”
Chapter Twenty-five
NAPABILIS ANG lakad ni Emong papasok sa loob ng bahay. Naabutan niyang nagtatalo sa salas sina Altaire at Grace.
Saglit na napahinto sa pagtungayaw si Grace pagkakita nito sa kanya. Si Altaire naman ay napako rin ang tingin sa kanya.
“E-excuse me…” Tahimik siyang naglakad papunta sa kanyang silid. Nang makapasok na siya ay saka niya muling narinig ang nagwawalang boses ng ex-girlfriend ni Altaire.
“You are going to marry me. Whether you like it or not!”
Sumilip siya sa pinto pero hindi niya makita ang dalawang nagtatalo. Nagtiyaga na lang siya sa pakikinig sa pinag-uusapan ng mga ito.
“Okay, stop shouting. Nabibingi na ako sa’yo. You stay here. Magbibihis lang ako.”
Nagmamadaling isinara ni Emong ang pinto sa takot na makita siya ni Altaire.
Ilang sandali pa ay narinig niyang muling nagsalita si Grace. “Bilisan mo, kanina pa tayo hinihintay ng parents ko.”
Muli niyang binuksan nang konti ang pinto at dahan-dahan siyang sumilip. Nakita niyang naglalakad na ang dalawa papunta sa gate. Nakita rin niya ang nanay niya na nakasunod sa dalawa.
Narinig niya nang mag-start ang kotse ni Altaire. Pati ang pagharurot nito papalayo sa bahay na iyon.
Sinalubong niya ang ina na nagbukas at nagsara ng gate ng garahe.
“O, nandyan ka na palang bata ka. Kumain ka na ba?”
“Hindi pa po ako nagugutom,” magalang niyang sagot sa ina. “Ano pong nangyari sa dalawang iyon, ’nay?”
Nagkibit-balikat si Aling Rosita. “Ayun, nagtatalo. Buntis si Grace at pinipilit niya si Altaire na pakasalan siya.”
Nanlaki ang mga mata ni Emong. Tapos ay napailing siya. “Hindi puwede… Hindi siya puwedeng pakasalan ni Altaire.”
“Ha? Anong pinagsasasabi mo riyan? Hayun nga at pupunta na sila sa bahay ni Grace dahil gustong makausap si Altaire ng mga magulang nito.”
“Hindi puwede, ’nay. Hindi po sila puwedeng magpakasal.”
“Naku, ipipilit mo na naman ang pagkakagusto mo kay Altaire. Hindi nga kayo puwede.”
“Hindi po ’yun, ’nay. Hindi po puwedeng magpakasal si Altaire kay Grace kasi may boyfriend si Grace,” natatarantang sabi niya.
“Ano kamo? May boyfriend si Grace? Saan mo naman napulot ang balitang ’yan?” Ayaw paniwalaan ni Aling Rosita ang sinabi ng anak.
“Nakita ko si Grace kahapon habang nasa mall kami nina Maya at Aldrin. May kasama siyang lalaki. Sweet sila at babe ang tawagan nila. Hindi po ba boyfriend ’yung ganoon?”
“Eh, baka naman close friend lang,” naiiling na sabi ng matandang babae. “Ikaw, ha ’wag kang makigulo sa kanila. Baka lalo lang gumulo ang sitwasyon ikaw pa ang maipit sa huli,” paalala nito sa anak. “Buntis si Grace. Si Altaire ang ama. Dapat lang na magpakasal sila.”
“Pero, ’nay magpapari si Altaire.”
“Oo, pero nakabuntis siya. Kaya huwag ka nang umapela. Hay, naku! Kumain ka na at ako ay magpapahinga lang sandali. Katatapos ko lang mamalansta.” Iniwan na nito si Emong na naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.
Nagkulong na lang sa kuwarto si Emong. Paano siya kakain kung ganitong inaalala niya si Altaire? Napakabungangera pala talaga ng Grace na ’yon. Kawawa lang si Altaire kapag pinakasalan niya iyon.“
Tumunog ang cellphone niya. May nag-text.
Nasa bus na kami, byahe na pabalik ng province.
Napangiti siya pagkakitang kay Aldrin galing ang mensahe. Agad siyang sumagot.
Ingat kayo, Aldrin. Nasa bahay na ako, nagpapahinga lang. Salamat nga pala sa pag-treat sa amin kahapon…
Nagulat siya nang makatanggap ng sagot.
Bespren, ako ito. Ako ’yung nag-text sa’yo, hindi naman si Aldrin. Naki-text lang ako kasi wala akong load.
Nanlaki ang mga mata niya. Pahiya siya!
Malay ko ba? Eh, number ni Aldrin ’yung lumabas sa phone ko. Sige na, ingat kayo sa biyahe. Matutulog muna ako.
Tinapos na niya kaagad ang usapan dahil sigurado siyang katakot-takot na panunukso na naman ang aabutin niya kay Maya.
Ikaw, bespren may tinatago ka sa akin, ’no? Kuwento ka naman.
Sabi na nga ba.
Ano naman ang itatago ko sa’yo? Inaantok lang ako. Saka na ako magkukuwento.
Promise?
Hindi na siya sumagot para tumigil na si Maya.
Hindi na rin niya namalayan ang oras dahil nakatulog na siya. Nagising na lang siya sa mga katok sa pinto ng kanyang silid.
“Emong, anak! Bumangon ka na at nang makakain.”
Nagkakamot ng ulo siyang bumangon para buksan ang pinto.
“Nay…”
“Gabi na. Napasarap ang tulog mo. Nagpuyat ka ba kagabi?
“Hindi naman po. Napagod lang siguro.”
“Kumain ka na sa kusina, ha? Nakakain na kami ni Mrs. Torres. Kayo na lang ni Altaire ang hindi pa kumakain.”
“Nakauwi na po ba si Altaire?”
“Hindi pa. Tinawagan na nga ng mama niya kanina. Siguro pauwi na ’yon ngayon.”
“Nasaan na po si Mrs. Torres?”
“Naroon sa kuwarto niya.”
“Sige na po, ’nay. Kakain na ako. Magpahinga ka na rin po. Ako na lang ang maghahain kay Altaire pagdating niya.”
“O, siya sige. Huwag kang mag-iiwan ng maruming plato sa lababo.” Iniwan na siya ng nanay niya at pumasok na ito sa silid.
Kasalukuyan siyang kumakain nang marinig niya ang ugong ng kotse sa labas ng bahay. Si Altaire na siguro ’yon!
Nagmamadali siyang lumabas. Nang makita niya ang kotse ni Altaire ay kaagad niyang binuksan ang gate ng garahe para makapasok ang sasakyan.
Nang maiparada ang kotse ay pinatay ni Altaire ang makina at saka lumabas ng kotse.
Muntik pang masubsob ang binata paglabas nito ng sasakyan. Mabuti na lamang at maagap itong naalalayan ni Emong.
Nalanghap niya ang hininga ni Altaire. Napansin din niya ang namumungay nitong mga mata.
“Lasing ka?”
Ngumisi ito sa kanya. “Hindi. Nakainom lang.”
“Bakit ka uminom? Tapos nagmaneho ka pa. Eh, kung naaksidente ka kaya?”
“Kapag naaksidente ako, parusa sa akin iyon ng Diyos. Kasi, nagpatalo ako sa tukso. Hindi ko inisip na nakatakda akong maglingkod sa Kanya.” Dama ni Emong ang lungkot sa boses ni Altaire.
“Kumain ka na ba? Halika, sabay na tayong kumain.”
Umiling ang binata. “Ayoko, ikaw na lang. Gusto ko nang matulog.”
“Kaya mo bang umakyat sa kuwarto?”
“Oo…” Humakbang na si Altaire pero pagkatapos ng tatlong hakbang ay bigla na lang itong nabuwal.
“Altaire! Diyos ko!” Hindi malaman ni Emong kung paano itatayo ang binata.
Pilit niyang ibinangon si Altaire. Isinampay niya sa kanyang balikat ang isang braso nito at dahan-dahan nilang inakyat ang hagdan papunta sa kuwarto nito.
Nang makapasok sa kuwarto ay maingat niyang inihiga ito sa kama. Sa malas ay mukhang bukas na ito babangon.
Pinagmasdan ni Emong ang maamong mukha ni Altaire. Hanggang ngayon ay gustong-gusto pa rin niya ang kaguwapuhan nito. Sayang at mag-aasawa na ito. Noon, nanghihinayang siya dahil seminarista ito. Ngayon naman, ikakasal na ito dahil nakabuntis daw. Ang sama no’ng Grace na ’yon. May boyfriend pero nagpabuntis kay Altaire eh, ex na nga siya. Dapat doon siya nagpabuntis sa bagong boyfriend niya. Buwisit siya!
Buwist talaga siya!
Chapter Twenty-six
UMAGA na nang magising si Altaire. Masakit ang ulo niya dahil sa hangover. Bumangon siya sa kama at nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape.
Abala sa paghuhugas ng plato si Emong nang bumungad sa kusina si Altaire. Agad niya itong binati.
“Good morning, Altaire. Kakain ka na ba?” tanong niya rito kasunod ang isang masayang ngiti.
“Magkakape lang. Sakit ng ulo ko, eh.” Kumuha ito ng isang mug. “Nasa opisina na ba si mama?”
“Oo, kanina pa siya umalis. Umupo ka na lang do’n at ako na ang magtitimpla ng kape mo.” Kinuha niya ang mug sa binata.
“Salamat, ha?” sabi ni Altaire sa kanya.
Ngumiti lang siya at ipinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape. Nang matapos ay ibinigay iyon kay Altaire na naghihintay na sa mesa. “Eto na ang kape mo.” Umupo siya sa tabi nito.
Humigop ng kape si Altaire. Pinagmamasdan lang siya ni Emong. Tila ba may hinihintay ito mula sa kanya.
“Ano ’yon?” tanong niya kay Emong.
“Ha? Ah, eh… Wala. Wala naman,” tanggi niya.
“May gusto kang itanong?”
Umiling siya sabay ang isang kiming ngiti.
Tumayo si Altaire hawak ang mug ng kape. “Sa kuwarto ko na lang uubusin itong kape.” Humakbang na siya paalis sa kusina.
“A-altaire…”
Lumingon ang binata. “Bakit?”
“May sasabihin sana ako.” May pag-aalangan sa tinig niya.
“Ano ’yon?”
“Tungkol kay Grace…”
Kumunot ang noo ni Altaire. “Bakit?”
“Huwag mong iisipin na sinisiraan ko siya, ha?” paunang sabi ni Emong. “Noong isang araw kasi, nakita ko siya sa mall. May kasama siyang lalaki.”
“Tapos?”
“Sweet kasi sila no’ng guy. Para silang magdyowa. Babe ang tawagan nila.”
Napanganga si Altaire.
“Eh, ’di ba buntis si Grace at magpapakasal kayo? Sorry, narinig ko sa usapan n’yo kahapon. Ang lakas kasi ng boses niya, dinig sa kuwarto.”
“Totoo ba ang sinasabi mo, Emong?”
“Oo, totoo. Wala namang dahilan para gumawa ako ng kuwento. Iniisip ko lang kasi kung bakit nakikipag-boyfriend pa siya sa iba kung buntis na siya at magpapakasal kayo. Iniisip ko tuloy kung buntis ba talaga siya… O, kung ikaw ba talaga ang nakabuntis sa kanya,” tuloy-tuloy niyang pahayag.
Nagliwanag ang mukha ni Altaire. “Emong! That could be a possibility. I need to talk to Grace.”
NANG mga oras na iyon ay kausap ni Grace ang lalaking tinutukoy ni Emong. Sinadya niya ito sa apartment nito para pag-usapan ang isang mahalagang bagay. Pagkatapos mag-usap nina Altaire at ng mga magulang niya kahapon sa bahay nila sa Bulacan, napagdesisyunan na niyang tapusin ang anumang namamagitan sa kanila ng boyfriend niya para wala nang maging problema sa kanyang mga plano.
“Babe, you must be kidding. Tell me this is just a joke,” bulalas ng lalaki.
“Neiji, it’s over. I’m sorry but I just don’t love you anymore,” Pinalungkot ni Grace ang kanyang tinig.
“But why? What happened?” naguguluhang tanong ng lalaki. We were even together the other day. We had fun. There was no problem at all. We also talked yesterday at around midnight, and we were still okay. How come you’re breaking up with me now?“
“I said I don’t love you anymore.”
“No! I don’t believe you!” Napapitlag si Grace sa lakas ng sigaw ni Neiji. Gumapang ang takot sa kanyang katawan nang lumapit pa ito sa kanya at mariin siyang hinawakan sa panga. “Hindi mo ako puwedeng iwan, naiintindihan mo? Hindi mo ako puwedeng iwan!” Mas humigpit pa ang pagkakapisil nito sa kanyang panga.
“Aray! Neiji, nasasaktan ako. Bitiwan mo ’ko!” Buong lakas niyang itinulak ang lalaki pero hindi sapat ang lakas niya para maalis ang mariing pagkakahawak nito sa kanyang panga.
“Promise me you’ll stay or else hindi ka na makakalabas dito.” Kung nakakahiwa lang ang talim ng mata, kanina pa sana duguan si Grace dahil sa matalas na titig ni Neiji.
Hindi inaasahan ni Grace na magiging ganoon ang reaksyon ni Neiji. Pero ramdam niyang nasa panganib na siya. Kailangan niyang makalabas kaagad sa tinitirhan ni Neiji.
Kumilos ang isang paa niya. Isang malakas na sipa ang ibinigay niya sa lalaki. Sapul ang pribadong bahagi ng katawan nito kaya agad itong namilipit sa sakit at nabitawan siya.
Iyon ang sinamantala ni Grace. Mabilis siyang tumakbo papalabas ng apartment. Agad siyang pumara ng taksi at sumakay.
“Mama, paandarin n’yo na agad. Bilis!”
“Saan po tayo, ma’am?”
“Kahit saan!” mangiyak-ngiyak na sigaw niya.
Nakahinga siya nang maluwag nang umandar na ang taksi. Ilang minuto na rin itong tumatakbo sa kalye nang muling magtanong ang drayber. “Saan kita ihahatid, miss.”
“Sa Sta. Mesa…”
NAKAKAILANG doorbell na si Altaire pero walang Grace na lumalabas para pagbuksan siya ng pinto. Tinatawagan naman niya ito sa cellphone pero cannot be reached ito. Tulog pa kaya si Grace? Imposible naman. Halos tanghali na, ah!
Sinubukan niya ulit na mag-doorbell. Wala pa rin. Nasaan ba ang babaing iyon?
Noon pumara sa tapat niya ang isang taksi at pagkatapos ay bumaba roon si Grace.
“Altaire! Anong ginagawa mo rito?”
“May kailangan tayong pag-usapan. May kailangan kang aminin sa akin,” Nagpipigil sa galit si Altaire.
“Pumasok ka muna. Doon tayo sa loob mag-usap.”
“Hindi! May gusto lang akong malaman at sana sabihin mo sa akin ang totoo.”
“Ano ba ’yon? Eh, kung pumapasok ba tayo sa loob mas makapag-uusap tayo nang mabuti.”
“Sagutin mo ang tanong ko.” Tinitigan niya sa mata ang babae. “Sino ang totoong ama ng ipinagbubuntis mo?”
“Ikaw!” mabilis na sagot ni Grace. “Sino pa ba sa akala mo?”
“Huwag mo akong gaguhin, Grace! Magsabi ka nang totoo! Huwag mong hintaying maubos ang bait ko, baka kung anong magawa ko sa’yo.”
“Ano ba kasing pinagsasasabi mo? Ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ko. Siraulo ba ako na ipaaako ’to sa’yo kung hindi naman sa’yo?” Si Grace ang tipo na hinding-hindi aamin.
“May boyfriend ka, Grace. May nakakita sa’yo sa mall, kasama mo ang boyfriend mo. Umamin ka na, Grace. Bakit mo ginagawa ito?”
“Wala akong ginagawa. Iyong baklang katulong n’yo na ang nagsumbong sa’yo? Talagang ginawan niya agad ng kuwento. Naging boyfriend ko na agad ’yong pinsan ko na sinamahan lang ako sa mall?” Kailangang mapaniwala niya si Altaire or else masisira lahat ng plano niya.
Nagsalubong ang mga kilay ni Altaire. “Pinsan? Babe ba ang tawag mo sa pinsan mong lalaki?” Nang-uusig ang kanyang tinig.
Isang motor ang pumarada sa tapat nila. Nag-alis ng helmet ang lalaking sakay ng motor. Si Neiji. Bakas ang matinding galit sa mga mata nito.
“Siya ba?! Siya ba ang dahilan kaya gusto mo nang makipaghiwalay sa akin?”
Bago pa nakasagot si Grace ay sinugod na ni Neiji si Altaire at nang makalapit rito ay biglang binunot ang patalim na nasa likurang bulsa ng pantalon nito at mabilis na inundayan ng saksak si Altaire.
Hindi inaasahan ni Altaire ang gagawin ni Neiji kaya hindi niya naiwasan ang saksak na bumaon sa kanyang tiyan.
“Huwaaag!” hilakbot na sigaw ni Grace. Nakita niya nang bumagsak ang duguang si Altaire.
“Isa ka pa! Wala kang kuwentang babae!” Wala nang nagawa si Grace nang saksakin din siya ni Neiji. Bumaon ang patalim sa tagiliran niya.
Parang kandilang naupos si Grace na bumagsak sa semento habang nakabaon pa rin sa tagiliran niya ang patalim.
Chapter Twenty-seven
TILA biglang natauhan si Neiji nang makita ang duguang katawan ni Grace. “H-hindi ko sinasadya…” nanginginig ang boses nitong sabi habang walang tigil sa pag-iling. “Hindi ko sinasadya, babe. Hindi ko sinasadya. Sorry, babe…”
Bigla ay tumakbo si Neiji papunta sa kanyang motor at kaagad na sumakay rito. Nakita pa niya ang mga tao sa paligid na ang ilan ay tumatakbo papunta sa gawi niya. Pinaharurot niya ang motor upang agad na makaalis sa lugar na iyon. Hindi na nga siya nakapagsuot ng helmet.
Balisang-balisa si Neiji habang pinatatakbo ang motor. Magkahalong kaba at takot ang mababakas sa kanyang mukha.
Pagliko niya sa kanto ay hindi niya napansin ang isang humaharurot na kotse. Mabilis ang mga naging pangyayari. Sumalpok ang kotse sa motor ni Neiji.
Tumilapon sa ere si Neiji at saka bumagsak sa kalye. Huminto ang kotseng nakabangga sa motor at agad na bumaba ang driver nito para saklolohan ang kanyang naaksidente.
SINA Altaire at Grace ay tinulungan din ng mga kapitbahay. Isang lalaki ang tumawag ng taksi at kaagad na isinugod sa pagamutan ang dalawang biktima ng pananaksak. Walang malay si Grace at ang patalim ay nakasaksak pa rin sa tagiliran nito. Si Altaire naman ay may malay pero nanghihina na dahil sa dami ng dugong tumagas sa katawan nito.
Nang makarating sa ospital ay mabilis na kumilos ang mga doktor upang isalba ang buhay nina Altaire at Grace.
KANINA pa nagri-ring ang telepono sa bahay ng pamilya Torres. Nagmamadaling tumakbo sa salas si Emong para sagutin ang tumatawag.
“Hello, sino po sila?” malambing na tanong niya. Saglit niyang pinakinggan ang sagot ng tumatawag.
“Opo, dito nga po. Ano po ang nangyari sa kanya?” Bigla ang dating ng kaba sa kanyang dibdib sa sinabi mg kausap. “Sige po, pupunta na kami kaagad diyan.” Parang nanghihinang ibinaba niya ang telepono at ubod lakas na tumili. “Nanay, si Altaire!!!”
Hangos na napalabas ng silid si Aling Rosita. “Anong nangyari? Bakit ka tumili?”
“May tumawag, ’nay. Nurse daw siya sa… ano nga bang ospital ’yon? Andoon daw si Altaire, nasaksak daw!”
“Ha? Mahabaging Diyos!”
“Anong gagawin natin, ’nay? Baka mamatay si Altaire.”
“Huwag ka ngang nag-iisip ng ganyan,” saway niya sa anak “Teka, tatawagan ko si Mrs. Torres. Kailangang maipaalam natin kaagad sa kanya ito.”
Kaagad na nag-dial sa landline si Aling Rosita para tawagan ang ina ni Altaire.
“Hello, Ma’am! Si Rosita po ito,” pagpapakilala niya nang marinig niya ang boses ng amo. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang nagsasalita.
“O, bakit ka napatawag? May problema ba?”
“Si Altaire po, ma’am nasa ospital, nasaksak po siya sabi noong nurse na tumawag dito,” mangiyak-ngiyak ang ina ni Emong.
“Ano? Saang ospital?” Bagamat nagulat sa sinabi ng kausap ay pinilit nitong pakalmahin ang sarili.
Napatingin si Aling Rosita sa anak. “Saang ospital dinala si Altaire?”
“Ano, ’nay, sa St. Pancratius Medical Center daw.”
“Sa St. Pancratius Medical Center po, ma’am.”
“Sige, pupunta na ako. Ikaw na muna ang bahala diyan sa bahay,” bilin sa kanya ni Mrs. Torres.
“Opo, ma’am.” Ibinaba na niya ang telepono.
“Gusto kong pumunta sa ospital, ’nay. Gusto ko pong makita kung ano na ang kalagayan ni Altaire,” humihikbi niyang sabi. “Kasalanan ko ito, eh. Kung hindi ko sinabi sa kanya, hindi sana siya aalis ng bahay. Hindi sana siya nasaksak.”
“Anong sinasabi mo, Emong?”
“Nay, kasi sinabi ko kay Altaire na may ibang boyfriend si Grace. Kaya nagmamadali siyang umalis para puntahan ang babaing iyon. Kung hindi ko iyon sinabi sa kanya, eh ’di sana nandito lang siya sa bahay at kasama natin.” Tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya. “Diyos ko, sana makaligtas si Altaire. Kasalanan ko talaga ito.”
Niyakap ni Aling Rosita ang umiiyak na anak. “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ginawa mo lang ang alam mong tama.”
“NASAAN ’yong lalaking nasaksak na dinala rito?” tanong ni Mrs. Torres sa information desk sa reception area ng ospital. Pagkatapos nilang mag-usap ni Aling Rosita ay kaagad siyang umalis ss opisina para puntahan ang anak.
“Si Altaire Torres po ba? Nasa room 350 po sa third floor.”
“Oo, siya nga. Kumusta na siya?”
“Okay na po siya. Iyong kasama niyang babae ang nasa ang nasa operating room pa,” pahayag ng babaeng kausap niya.
“Babae?”
“Opo, dalawa po silang dinala rito. Pareho po silang may saksak sa katawan.”
“Sige, pupuntahan ko na lang ang anak ko. Salamat.” Nagmamadali siyang nagtungo sa elevator para mapuntahan ang silid ng anak sa ikatlong palapag ng ospital na iyon.
Nang buksan ni Mrs. Torres ang silid ay naabutan niya roon ang isang nurse at isang doktor. Tulog naman si Altaire.
“Doc, anak ko ang pasyente.”
Ngumiti sa kanya ang lalaking doktor. “Ligtas na po siya, misis. Wala na po kayong dapat na alalahanin.”
“May kasama raw siyang babae na nasa operating room pa?”
“Opo misis. Medyo delikado ang tama no’ng babae. Natamaan kasi ng saksak ang kidney nito.”
Napahawak sa dibdib niya ang ina ni Altaire.
“Sige po, misis. Babalik na lang ako to monitor the patient.” Naglakad na papalabas ng silid sang doktor kasunod ang nurse.
Pinagmasdan ni Mrs. Torres si Altaire. Awang-awa siya sa anak. Sino ang posibleng gumawa nito kay Altaire? Napakabait ng anak niya.
Kinuha niya sa bag ang cellphone at tumawag sa bahay nila.
“Hello, Aling Rosita?”
“Ma’am, kumusta na po si Altaire?”
“Ligtas na siya,” sagot niya sa kausap. “Maaari mo bang papuntahin si Emong dito para magdala ng mga damit ni Altaire. T-shirt, shorts, underwear.”
“Sige po, papupuntahin ko na siya diyan.”
Nakaabang na si Emong sa sasabihin ng ina.
“Pinapupunta ka ni Mrs. Torres sa ospital. Teka lang at ihahanda ko ang mga dadalhin mo.” Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay para pumunta sa silid ni Altaire. Nang maihanda ang mga dadalhin ni Emong ay nagbilin siya sa anak. “Magtaksi ka na lang. Magpahatid ka roon sa ospital para hindi ka maligaw. Eto ang pera, pamasahe mo.” Inabutan niya ito ng pera.
“Opo, ’nay. Salamat. Aalis na po ako.”
“Mag-ingat ka.”
SA OSPITAL ay kausap ni Mrs. Torres ang nurse ni Altaire na pumunta sa silid nito para i-check ang vital signs ng binata.
“Okay naman po ang BP niya, normal. Pati heart rate, maayos din,” nakangiting sabi ng nurse.
“Maraming salamat, hija.”
“Babalik na lang po ako ulit mamaya. Kung may kailangan po kayo, nasa nurse station lang ako.”
“Sige…” Sinundan pa niya ng tingin ang nurse hanggang sa makalabas na ito ng kuwarto.
“Ma…”
Napalingon si Mrs. Torres sa anak. Nagmulat na ito ng mga mata.
“Salamat sa Diyos at gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?” Magkahalong saya at pag-aalala ang nararamdaman niya ngayon.
“Don’t worry, ’ma. Okay na ako. Masakit lang itong sugat ko.” Ipinatong pa niya ang kamay sa parteng nasaksak.
“Sinong gumawa sa’yo niyan? Bakit ka sinaksak?
“I don’t know him personally, pero boyfriend yata ’yon ni Grace.”
“Si Grace ang kasama mong nasaksak?”
Hindi na siya nakasagot dahil bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng doktor.
“Misis, nasa kabilang kuwarto na iyong babaeng nasaksak na kasama ng iyong anak. Wala na po tayong dapat ipag-alala, she’ll be fine. Tulog pa lang siya dahil sa epekto ng anaesthesia,” dire-diretsong pahayag ng manggagamot.
“Salamat po, Doktora. Pupuntahan ko na lang siya mamaya.”
“Doc, kumusta ang baby. Na-save n’yo ba ang baby niya?” maagap na tanong ni Altaire.
“Baby?” Nagtataka ang mukha ng doktora. “Walang baby. Hindi naman siya buntis.”
Napanganga si Altaire sa sinabi ng doktora.
Chapter Twenty-eight
HINDI makapaniwala si Altaire sa sinabi ng doktor. “Sigurado po kayo?”
“Yes. She is not pregnant. I am sure of that,” kampanteng sagot ng manggagamot.
“Pero, pinakitaan niya ako ng pregnancy test result,” naguguluhang sabi ni Altaire. “Kung hindi siya buntis, niloko lang niya ako para pakasalan ko siya.”
“Lalabas na muna ako,” sabi ng doktor. “Babalik ako from time to time para i-check ang progress ng condition n’yo.”
“Maraming salamat, Doktora,” ani Mrs. Torres.
“Bakit ginawa ni Grace iyon, ’ma?” tanong ni Altaire sa ina pagkalabas ng doktora. “Alam niyang magpapari ako. Bakit kailangan niya akong lokohin para lang mapilitan akong pakasalan siya?”
“Mas makabubuting mag-usap kayo pagkalabas n’yo ng ospital. Huwag mo muna siyang kakausapin habang nandito pa kayo,” payo ng kanyang ina.
Noon bumukas ang pinto at pumasok si Emong. “Mrs. Torres, dala ko na po itong mga gamit ni Altaire.”
“Emong…” tawag ni Altaire sa kanya.
“Kumusta ka na, Altaire? Ayos ka na ba?”
“Dito muna kayo at sisilipin ko lang si Grace sa kabilang kuwarto,” paalam sa kanila ni Mrs. Torres at lumabas na ito ng silid.
Lumapit si Emong sa kama ni Altaire. “Kumusta ang pakiramdam mo? Saan ka nasaksak? Sino ang sumaksak sa’yo?” sunod-sunod niyang tanong. Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin siya para sa binatang seminarista.
“Eto, o…” Ipinakita ni Altaire ang bahagi niyang nasaksak. “Boyfriend ni Grace ang sumaksak sa amin. Nagselos no’ng makita niya kami ni Grace.”
“Sorry, ha? Kung hindi ko sinabi sa’yo ang nalalaman ko, hindi ka sana sumugod doon. Hindi ka sana nasaksak,” malungkot niyang pahayag.
“Hindi mo naman kasalanan ang nangyari.”
“Sobrang na-guilty ako…”
“Okay na ako, Emong. You don’t have to feel any guilt. Everything happens for a reason. Kung hindi nangyari ito, hindi ko sana malalaman na hindi pala buntis si Grace.”
Nanlaki ang mga mata ni Emong. “Hindi buntis si Grace? Bakit?”
“Iyon ang sabi ng doktor. Baka sinabi lang ni Grace na buntis siya para mapilitan akong pakasalan siya. Akala ko, okay na ang lahat no’ng naghiwalay kami. Hindi ko inisip na aabot sa ganito. Muntik nang hindi ako makabalik sa seminaryo.” Medyo ngumiwi si Altaire na para bang nakaramdam ng sakit.
“Bakit?”
“Sumakit ’yong sugat ko. Ang hapdi.”
“Tatawagin ko ba ang doktor?” nag-aalalang sabi niya.
Umiling si Altaire. “Hindi na. Okay lang ito. Salamat, Emong.”
Isang kiming ngiti ang isinagot niya kay Altaire.
TAHIMIK na nakaupo sa pasamano ng bintana ng kaniyang silid si Aldrin. Tila wala itong pakialam sa paligid. Ang mga mata nito ay nakatuon sa malayo.
Nakapasok si Aling Naty sa silid ng anak nang hindi nito namamalayan.
“Baka mahulog ka riyan,” pansin niya sa anak.
Nilingon siya ni Aldrin. “Kayo po pala, ’nay. May iuutos po ba kayo sa akin?”
“Wala naman. Napansin ko lang na bukas ang pinto ng silid mo kaya pumasok ako. Ano ba ang iniisip mo at parang ang lungkot-lungkot mo?”
“Iniisip ko po kasi si Emong,” umpisa niya na halos pumiyok ang boses. “Mag-uumpisa na ang klase. Hindi ko na siya makikita nang madalas. Hindi ko alam kung kelan ko siya makikitang muli.”
“Pinapayagan ka naman ng tatay mo na dalawin siya sa Maynila, ’di ba?”
“Pero, ’nay iba pa rin ’yong nakakasama ko siya nang madalas. Gusto kong nakikita ko siya araw-araw.”
“Anak, sigurado ka na ba talaga sa nararamdaman mo? Alam mong wala kaming tutol kung si Emong ang gusto mo. Pero, isipin mo rin sana na bata ka pa. Maaari pang magbago ang damdamin mo sa pagdaan ng panahon.”
“Hindi ko po alam, ’nay. Basta ang alam ko po, mahal ko si Emong at nagpapasalamat ako sa inyo ni tatay dahil nauunawaan ninyo ang nararamdaman ko. Maswerte ako dahil nagkaroon ako ng magulang na bukas ang isipan sa ganitong klase ng pagmamahal. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung naging iba ang reaksyon ninyo. Baka mas lalo akong naguguluhan ngayon.”
“Naiintindihan kita, anak. At patuloy ka naming iintindihin ng tatay mo, dahil mahal na mahal ka namin,” madamdaming sabi ni Aling Naty.
Bumaba sa bintana si Aldrin at buong pagmamahal na niyakap ang kanyang ina. “Maraming salamat, ’nay.”
KINABUKASAN ay nagising si Aldrin sa mga katok ni Aling Naty sa kanyang silid.
“Anak, bumangon ka na. Nasa ibaba si Maya hinahanap ka.”
“Bakit daw po?” inaantok pa niyang tanong habang kinukusot ang mga mata.
“Aba, ewan ko. Babain mo na siya at kausapin mo.”
“Opo, babangon na ako.”
“Bilisan mo riyan!”
Bumangon na si Aldrin at mabilis na nagsuklay ng buhok gamit ang kanyang kamay. Kasunod noon ay agad siyang nagtungo sa ibaba ng kanilang bahay.
Naabutan niya sa salas si Maya. “O, ang aga mo namang sumugod dito para makipagtsismisan,” sita niya rito.
“Hindi tsismis ang sasabihin ko sa’yo. Totoong balita ito.”
“Anong balita?”
“Nagkausap kami ni bespren kagabi. Nasa ospital siya…”
“Ha?! Anong nangyari sa kanya?” nag-aalalang tanong ni Aldrin. Agad na nawala ang natitira niyang antok.
“Uuyyy, affected siya kaagad. Mahal na mahal niya talaga…” Nakuha pang magbiro ni Maya.
“Ano nga, Maya?!” Hindi mapakali si Aldrin.
“Eto naman! Hindi si Aldrin ang naospital. Pero nandoon siya para magbantay. Nasaksak si Altaire kaya siya ang nagbantay doon kagabi.”
“Sinong sumaksak kay Altaire?”
“Boyfriend daw noong ex ni Altaire. Ewan! Iyon daw ’yong nakita namin ni bespren sa mall no’ng nagpunta kami sa cr ,” kuwento pa ni Maya. “Pati nga raw ’yong ex-girlfriend ni Altaire, sinaksak rin. Mas malala nga raw ang tama noong ex-gf.”
“Mabuti naman at nadala agad sila sa ospital. Magulo talaga sa Maynila, ano? Paano pa kapag nagsimula na ang klase, lagi nang nasa labas si Emong. Baka maholdap siya. Baka mapagtripan ng mga tambay sa kalye.”
“Grabe ka namang mag-isip. Siyempre mag-iingat naman si bespren. Kahit naman nasaan tayo, kung mapapahamak ka, mapapahamak ka,” argumento pa ni Maya. “Kaya dapat, dobleng ingat na lang.”
Umiling si Aldrin. “Hindi… Dapat talaga nakikita ko si Emong araw-araw, para sigurado akong ligtas siya. Para panatag ang loob ko.”
“Imposible ’yon! Paano mo magagawa iyon, eh ang layo nitong probinsiya natin sa Maynila?”
Hindi nakasagot si Aldrin dahil alam niyang tama naman ang sinabi ng kanyang kaibigan.
“NAKAUSAP ko ang doktor. Puwede ka na raw lumabas bukas. Hindi na ako pumasok sa trabaho ngayon para ako naman ang magbantay sa’yo rito,” sabi ni Mrs. Torres kay Altaire. Pagkatapos ay bumaling ito kay Emong. “Emong umuwi ka na muna para makatulog ka naman nang maayos. Maraming salamat sa pagbabantay mo sa anak ko.”
“Wala pong anuman, madam,” magalang niyang sagot.
“Tatawag na lang ako kapag may kailangan kang dalhin dito.” Kumuha ng pera sa wallet ang ginang. “Eto ang pera. Mag-almusal ka na muna sa labas bago ka umuwi.”
“Naku, huwag na po,” tanggi niya. “May pera pa ako rito galing po kay nanay. Sobra pa ito.”
“Tanggapin mo na ito. Ibili mo mg kahit ano. Itabi mo para pandagdag sa baon mo sa pasukan,” giit ng ginang at inilagay sa kamay niya ang pera.
Wala na siyang nagawa kundi kunin ang pera. “Salamat po, madam.”
“Mag-iingat ka.”
“Opo,” tugon niya kasabay ng marahang pagtango. “Altaire, uuwi na muna ako. Pagaling ka agad.”
“Salamat, Emong.”
Isang matamis na ngiti ang isinagot niya kay Altaire at lumabas na siya sa silid.
“Kumusta na si Grace, ’ma?”
“Ligtas na rin si Grace pero baka magtagal pa siya rito ng ilang araw. Nandiyan na ang mga magulang niya. Kakausapin ko nga mamaya para masabi ko na wala kang pananagutan kay Grace. Kailangan ko ring malaman kung magsasampa sila ng kaso sa sumaksak sa inyo. Basta ako, itutuloy ko ang demanda sa lalaking iyon,” seryosong sabi ni Mrs. Torres.
Noon may kumatok sa pinto kasunod ang pagpasok ng dalawang pulis.
“Magandang umaga po, misis. Kami po ang nag-iimbestiga sa pagkakasaksak sa anak n’yo.”
“May balita na ba kayo sa lalaking sumaksak sa anak ko?”
“Base sa aming imbestigasyon, ang lalaking sumaksak sa anak n’yo ay si Neiji Ricohermoso. Comatose siya ngayon sa De Dios Memorial Hospital pagkatapos niyang maaksidente habang tumatakas sa pinangyarihan ng insidente,” pagbabalita ng pulis.
Parehong nabigla sa balita sina Altaire at ang kanyang ina. Hindi malaman ni Mrs. Torres kung matutuwa o malulungkot sa ibinalita ng pulis. Hindi niya gustong maging ganoon ang sitwasyon ng lalaking muntik nang pumatay sa kanyang anak.
Chapter Twenty-nine
NANG magkamalay na si Grace ay pinuntahan ito ni Altaire sa silid nito kahit pinipigilan siya ng mama niya. Pagpasok niya sa silid ay nakita niyang bahagya pang nagulat si Grace habang nakahiga ito sa hospital bed. Hindi siguro nito inaasahan na pupunta siya roon.
“Kumusta ka?” matamlay niyang tanong.
“A-altaire…”
“Nagpunta lang ako rito para tingnan ang kalagayan mo. Nandoon lang ako sa kabilang kuwarto. Hindi pa rin ako lumalabas ng ospital.”
“Sorry… Sana mapatawad mo pa ako.”
“Para saan?” Alam niya kung ano ang sinasabi nito pero gusto pa rin niyang dito mismo manggaling ang kasalanang inihihingi nito ng kapatawaran.
“Mahal kasi kita… Kaya ko nagawa iyon. Hindi ko sinasadyang lokohin ka. Ayoko lang na tuluyan kang mawala sa akin,” malungkot niyang pahayag. “Noong nagkahiwalay tayo, akala ko okay lang. Akala ko, kaya ko. Inilagay ko sa isip ko na wala naman akong magagawa, Diyos ang karibal ko sa’yo. Kaya madali mo akong napapayag nang mag-break tayo. Pero noong dumami na ang mga araw na hindi na kita nakikita, saka ako nakaramdam ng kalungkutan. At saka kita na-miss nang sobra. Ilang taon na rin ang lumipas mula noon alam ko ’yon, pero kahit minsan ay hindi ka nawala sa puso at isip ko. Kahit noong naging boyfriend ko si Neiji, ikaw pa rin ang mahal ko. Aaminin ko, ginamit ko lang si Neiji para kumbinsihin ang sarili ko na tanggap ko nang wala na tayo. Pero niloko ko lang ang sarili ko at patuloy na niloloko hanggang ngayon.” Hindi na niya napigilan ang umiyak.
Umiral ang mabuting puso ni Altaire. Nakadama siya ng awa para sa dating nobya. Hindi niya inakalang sobra itong naapektuhan ng kanilang paghihiwalay.
“Nang mabalitaan kong lumabas ka ng seminaryo, inisip ko na baka makumbinsi kitang huwag nang ituloy ang pagpapari at magpakasal na lang tayo. Pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataong gawin iyon dahil ipinaramdam mo sa akin na desidido ka na talaga sa bokasyong pinasok mo.” Saglit na huminto si Grace at huminga nang malalim. “Kaya naisipan kong gumawa ng kasinungalingan para mapilitan kang pakasalan ako…” Nabasag na ang boses niya at nagsimulang gumaralgal. “Nagawa ko lang iyon dahil mahal kita. Sobrang mahal kita, Altaire.”
Tinapunan siya ni Altaire ng malungkot na tingin. “Gusto kitang intindihin, Grace. Pero hindi kaya naging maramot naman ang pagmamahal mo? Sarili mo lang ang inisip mo. You didn’t even consider how your actions would affect my family and the people who love me. Hindi mo man lang inisip na masisira mo ang pangarap ko, ang bokasyong pinasok ko nang dahil sa ginawa mo. Akala ko okay naman tayo noong bago tayo maghiwalay. Nagkaroon ka pa nga ng bagong boyfriend, ’di ba? Pero bakit kailangang lokohin mo hindi lang ako kundi pati ang boyfriend mo, ang mga magulang mo pati na rin ang iba pang naapektuhan sa ginawa mong pagsisinungaling? Nakita mo ngayon ang naging resulta ng ginawa mo. Muntik na tayong mamatay. Iyong boyfriend mo, comatose hanggang ngayon. Ganoon ba ang gusto mong mangyari?” Ayaw niyang sumbatan si Grace pero gusto niyang ipaintindi rito na hindi tama ang ginawa nito.
“H-hindi, Altaire. Mali nga ako. Ang inisip ko lang ay mapipigilan kitang bumalik sa seminaryo… at ikakasal tayo. Hindi ko na naisip na aabot sa ganito ang ginawa ko. Patawarin mo ako, Altaire,” sa pagitan ng mga hikbi at sinok ay sinabi ni Grace.
“Nasaktan ako sa ginawa mo, Grace. Pero hindi ako nagalit sa’yo. Kaya madali sa akin ang patawarin ka. Pinatawad na kita. Hindi mo na kailangang ulit-ulitin ang paghingi ng tawad sa akin. Pero sana, humingi ka rin ng tawad sa mga magulang mo dahil pinaniwala mo sila sa isang malaking kasinungalingan.” Iyon lang at iniwan na niya si Grace na patuloy lang sa tahimik nitong pagluha.
HALOS magkasunod na lumabas ng ospital sina Altaire at Grace. Nauna lang ng dalawang araw ang binata. Hindi na kinontak ni Altaire ang dating girlfriend. Mas pinagtuunan na niya ng pansin ang pagbabalik niya sa seminaryo. Buo na talaga sa loob niya na pagsilbihan nang lubos ang Diyos sa loob ng simbahan.
“Altaire… Puwede ba kitang makausap?” narinig niya ang boses ni Emong mula sa likuran. Nasa salas siya noon at nanonood ng palabas sa telebisyon.
Nginitian niya si Emong. “Oo, naman. Halika, umupo ka rito sa tabi ko.”
“Sabi ni nanay, babalik ka na raw sa seminaryo. Totoo ba iyon?” Pinipigilan niya ang maging emosyonal. Isipin pa lang niya na hindi na niya makikita si Altaire ay nalulungkot na siya. Sanay na siyang nakikita rito sa bahay ang lalaking nagsisibling inspirasyon niya sa lahat ng kanyang ginagawa. Paano na lang siya ngayong babalik na pala ito sa seminaryo? Magiging pari na talaga si Altaire at wala siyang magagawa kundi magpaalam dito.
“Oo, three weeks from now. Na-miss ko na ang seminaryo. Habang nandito ako, mas na-realize kong ang pagpapari ang bokasyon ko at gusto kong gawin habang buhay.”
“Ako ba, hindi mo mami-miss?” nangingilid ang luhang sabi niya. Ang hirap palang magpigil ng emosyon kung ganito ang mga eksena.
“Siyempre, mami-miss kita. Maliban sa mama ko, ikaw ang isa sa pinakamami-miss ko. Kayo ng nanay mo. Ang masarap niyang luto… ang kakulitan at kabaitan mo. Ikaw ang nagpatotoo sa akin na wala namang pagkakaiba ang kasarian ng mga tao. Na hindi naman malaking issue ano man ang sexual preference ng kahit na sino. Dahil hindi naman iyon ang bubuo sa ating pagkatao. Kung hindi ang kapasidad ng bawat isa na maging isang mabuting halimbawa sa iba pa. Kung may magagawa ka para magpasaya ng iba, kung magagawa mong pagaanin ang mga dinadala nilang problema sa buhay, iyon ang magtatakda kung paano ka matatandaan ng isang tao. Hindi kung ano ang kasarian mo o kung ano ang pagkatao mo. Ganoon ka para sa akin, Emong. Sa lahat ng problemang pinagdaanan ko habang nasa labas ako ng seminaryo, ikaw ang nagpasaya sa akin. Ikaw ang dumamay sa akin. Ikaw ang napagsasabihan ko ng mga problema ko, at hindi ka nagdamot ng oras mo. Nakinig ka sa akin, nagbigay ng payo. To think na napakabata mo pa at mas matanda pa ako sa’yo. Pero tinuruan mo ako kung paano maging masaya. Tinuruan mo akong tumawa na para bang wala nang darating pang mga problema.”
Mas lalo pang naluha si Emong.
“Maraming salamat, Emong. Hindi naman ako mawawala. Nasa seminaryo lang naman ako. Paglabas ko, magiging pari ako. Andyan pa rin ako. At mananatili ang pagkakaibigan natin ano man ang mangyari.” Mahigpit niyang niyakap si Emong. Mahigpit na mahigpit habang patuloy lang ito sa pag-iyak. “Huwag ka nang umiyak. Gusto ko, habang nasa seminaryo ako alagaan mo ang mama ko katulad ng pag-aalaga mo sa nanay mo.”
Tumango-tango si Emong pero hindi pa rin mapigil ang pag-iyak niya.
“Huwag ka na nga kasing umiyak,” malambing na sabi ni Altaire kay Emong. “Kelan ang simula ng pasok mo sa school?”
“Sa lunes na…” sumisinghot na sagot niya.
“May mga gamit ka na ba? Notebooks, ballpen?”
“Wala pa,” sagot niya kasabay ang pag-iling. “Sabi ni nanay, sa Sabado na lang daw kami bibili.” Nagpunas siya ng luha gamit ang kanyang kamay.
“Ganito na lang… Magbihis ka at pupunta tayo sa mall. Manonood tayo ng sine at ibibili na rin kita ng gamit sa eskwela.”
“Huwag na. Ibibili naman ako ni nanay sa Sabado,” tanggi niya.
“Ano ka ba? Ayaw mo ba akong makasama?”
“Siyempre gusto…”
“Eh, ’di magbihis ka na,” pilit niya kay Emong. “Bilis! Baka magbago pa ang isip ko. Magbibihis na rin ako.” Dinampot niya ang remote control ng tv at in-off ito, at saka siya tumayo.
Tumakbo si Emong papunta sa kanyang silid para magpalit ng suot na damit. Nasalubong pa niya si Aling Rosita na nasa mukha ang pagtataka. “Pupunta lang po kami sa mall ni Altaire, ’nay! Babalik po kami kaagad.”
Sinundan na lang nito ng tingin ang anak. Sa salas ay nakita niyang nakangiti sa kanya si Altaire.
DINALAW ni Grace sa ospital si Neiji. Naabutan niya roon ang ina ng nobyo.
“Grace, pasensya na kung hindi ako nakadalaw sa’yo sa ospital. Wala kasing magbabantay kay Neiji.” Napaka-soft spoken ng matandang babae. Mababakas sa mukha nito ang kabaitan. “At gusto kong humingi ng paumanhin sa ginawa ng anak ko. Hindi ko alam kung ano ang buong pangyayari, pero nakapanakit ang anak ko at maiintindihan ko kung itutuloy ninyo ang demanda sa kanya.”
“Hindi po ako magdedemanda, Tita. Nag-usap na rin po kami ng parents ko, sinabi ko na sa kanila na hindi ko idedemanda si Neiji.”
“Maraming salamat…”
“Kumusta na po si Neiji?”
“Walang improvement. Comatose pa rin siya. Hindi ko alam kung kelan siya magigising. Pero stable naman ang vital signs niya. Umaasa ako na magigising na siya. Siya lang ang anak ko. Kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay. Hindi ko alam kung makakaya ko pa kapag nawala pa siya,” naiiyak na sabi ng ina ni Neiji.
“Sorry po, Tita. Kasalanan ko rin kung bakit nagawa ni Neiji ang ganoon. Minahal lang niya ako nang sobra. Sana malagpasan niya ang pagsubok na ito dahil gusto ko siyang makausap at humingi ng tawad sa kanya.” Pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. Ngayon niya nakita kung gaano kalaki ang pinsalang nagawa niya sa buhay ni Neiji. Sana nga ay mabuhay pa ito. Sana…
Chapter Thirty
NASA isang park sina Altaire at Grace. Nakaupo sila sa bench habang nakaharap sa isang malawak na fish pond. Seryoso silang nag-uusap. Kagabi ay tinawagan ni Grace si Altaire at nakiusap ito sa kanya na magkita sila at mag-usap for the last time. Ayaw na sana niyang makipag-usap pa rito pero matindi ang pakiusap nito at umiyak pa nga habang nag-uusap sila sa telepono. Sa huli ay pumayag na rin siya sa hinihiling ng babaeng minsan rin niyang minahal.
“Ano ang pag-uusapan natin?” matamlay na tanong ni Altaire habang nakatingin sa malawak na paligid ng parkeng iyon. Sinadya niyang huwag tingnan ang kausap.
“Masama pa ba ang loob mo sa akin?” tanong niya kay Altaire. “Kahit sinabi mong pinatawad mo na ako, alam kong may kahit konting tampo riyan sa puso mo. Hindi maliit na pagsisinungaling ang ginawa ko. Muntik nang mabuwis ang buhay natin dahil doon. At si Neiji, wala pang kasiguruhan kung kailan siya magkakamalay.”
Nanatiling nakatingin lang sa kawalan si Altaire. Wala ito kahit kaunti mang reaksyon sa sinasabi ni Grace.
“Dumalaw ako kay Neiji sa ospital. Kinausap ko ang mama niya. Sinabi kong hindi ako magsasampa ng kaso laban kay Neiji. Doon man lang ay makabawi ako sa panlolokong ginawa ko sa kanya,” malungkot niyang sabi kasunod ang isang malalim na paghinga.
Nilingon siya ni Altaire at tinitigan. “Plano ko ring kausapin si mama para iurong na ang kaso kay Neiji. Gusto kong pagbalik ko ng seminaryo ay walang bakas ng galit o anumang negatibong emosyon sa puso ko. Pinatawad ko na ang lahat ng mga taong nagkaroon ng atraso sa akin. Gusto kong magsimulang maglingkod sa Diyos na kabutihan ang laman ng puso ko.” Hindi niya namalayan na umaagos na ang mga luha sa kanyang pisngi. “I’m sorry, Grace. Nasaktan pala kita nang makipag-break ako sa’yo. Mali ako nang inakala kong okay lang sa’yo. Sorry…”
“Wala na ’yon, Altaire. Tapos na iyon. Ang mahalaga ay naayos natin ang mga gusot. Makapag-uumpisa na ako ng bagong buhay. Can we still be friends?” Inilahad niya ang kanang kamay. Umaasa siyang aabutin iyon ni Altaire.
“Friends!” Inabot ni Altaire ang kamay ni Grace at hinawakan nang mahigpit kasabay ang isang sinserong ngiti.
“ANAK! May bisita ka,” masayang pagbabalita ni Aling Rosita kay Emong.
Mula sa pagkakahiga ay bumangon si Emong. “Sino po?” nagtatakang tanong niya. “Wala naman akong ini-expect na bisita.”
“Puntahan mo na lang sa salas. Hinihintay ka niya roon.” Hindi nawawala ang ngiti sa labi ng kanyang ina.
Nagkakamot ng ulong lumabas siya ng kuwarto para puntahan sa salas ang bisita raw niya.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang dumating. Nakatayo ito at nakatalikod sa kanya pero nakilala pa rin niya ito.
“Aldrin?! Anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo? Nasaan si Maya?” sunod-sunod niyang tanong.
Nilingon ni Aldrin si Emong at saka nagsalita. “Nakakasama ka naman ng loob,” kunwari ay nagtatampong sabi niya. “Ako ang nandito pero si Maya ang hinahanap mo.”
“Eh, hindi naman sa ganoon. Nagulat lang ako. Hindi ba magkasama naman kayo kapag lumuluwas dito?”
“Hindi ko siya kasama. Ako lang ang lumuwas at saka si nanay. Nami-miss na namin si tatay, eh.” Titig na titig si Aldrin sa kanya. Kung ice cream lang siya, baka kanina pa siya natunaw.
“May pasok na bukas sa eskuwela, ah. Dapat hindi ka na lumuwas. Unang araw ng klase aabsent ka.”
Nagkibit-balikat lang ito. “Kumusta ka na? Hindi ka man lang nagte-text sa akin. Kung hindi pa ako makibalita kay Maya, hindi ko malalaman kung ano na ang nangyayari sa’yo.”
“Okay lang naman ako. Wala naman kasi akong ikukuwento kaya hindi ako nagte-text sa’yo,” pagdadahilan pa niya.
“Eh, bakit kay Maya ang dami mong kinukuwento?”
“Siyempre, bespren ko ’yon.”
“Sige na nga! Wala naman akong magagawa kung ayaw mo akong kausapin.”
“Kinakausap naman kita, ah! Teka, bakit ka ba nagpunta rito?”
“Dinadalaw ka. Gusto kitang makita… Kasi nami-miss na kita.” Nagtama ang kanilang mga mata pero agad na nagbawi ng tingin si Emong.
“Ayan ka na naman, Aldrin.”
“Bakit ba ayaw mo sa akin? Pogi naman ako? Eto, tumangkad na ako. Boses binata na ako. Ano pa ba ang hinahanap mo? Kailangan bang pumasok muna ako sa seminaryo para magustuhan mo?” Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba si Aldrin sa huling sinabi nito.
“Hindi naman sa ganoon… Bata pa naman tayo. Dapat pag-aaral ang inuuna natin,” sabi ni Emong.
“Ganoon din naman ang gusto ko. Ikaw nga ang ginagawa kong inspirasyon sa pag-aaral ko. Ako ba, ayaw mo ba akong maging inspirasyon sa pag-aaral mo?”
Hindi siya nakasagot.
“Kitam! Wala talaga akong pag-asa sa’yo. Pero hindi pa rin ako susuko. Nandidito lang ako lagi para sa’yo.”
“Owws, talaga? Paano mangyayari iyon kung nasa probinsiya ka at ako naman ay narito sa Maynila.”
“Basta. Magtiwala ka lang sa akin…”
“Anak, bakit hindi mo pinauupo ang bisita mo?” puna ni Aling Rosita na lumapit sa kanila para dalhan ng meryenda si Adlrin. “Eto, Aldrin magmeryenda ka munang bata ka.” Inilapag nito sa mesita ang dalang tray na may lamang sandwich at isang basong lemon iced tea.
“Naku, maraming salamat po Aling Rosita. Ang bait n’yo po. Sana maging kasingbait n’yo si Emong,” nakangiting sabi ni Aldrin.
“Uuwi na ’yan, ’nay. Nanggugulo lang dito.” Inirapan ni Emong ang bisita.
“Hindi ako nanggugulo, ah. Huwag kang ganyan. Baka maniwala ang nanay mo, hindi na ako papasukin kapag pumunta ulit ako rito.”
“At may balak ka pa talagang bumalik, ha?”
Natatawa lang si Aling Rosita sa naririnig na pag-uusap ng dalawa. “Aldrin, kumain ka na. Huwag mong iniintindi ang sinasabi niyang anak ko. Nalipasan lang ng gutom ’yan.”
“Nanay!” Itong nanay niya talaga, may favoritism. Kung hindi si Maya, si Aldrin!
MAAGANG dumating sa eskuwelahan si Emong sa unang araw ng klase. Iilan pa lang ang mga estudyante sa classroom nang dumating siya. Dahil transferee, wala pa siyang kilala sa mga kaklase niya. Pero dahil likas naman siyang friendly, bago pa mag-ring ang bell ay may mga bagong kaibigan na siya sa school.
Pagkatapos ng flag ceremony ay bumalik sila sa classroom para sa kanilang unang subject sa umagang iyon. Wala pa ang kanilang class adviser na siya ring guro nila sa World Literature. Hindi naman nagtagal at dumating ang kanilang guro. Pero ikinalaki ng mata ni Emong ang estudyanteng kasama ng guro na agad nitong ipinakilala sa kanila.
“Good morning, class. I am Mrs. Eva Carpio, your class adviser. With me is your new classmate. Transferee siya at ngayong umaga lang siya nag-enrol kaya medyo na-late kami ng dating.” Ngumiti nang pagkatamis-tamis sng guro bago muling nagsalita, “Class, I want all of you to welcome Aldrin Galvez.”
Hindi inaalis ni Emong ang tingin niya kay Aldrin at bahagya itong ngumiti sa kanya nang magtama ang kanilang mga mata.
Chapter Thirty-one
“YOU may now take a seat, Mr. Galvez,” sabi ng guro kay Aldrin matapos nitong magpakilala.
Lumakad si Aldrin papunta sa kinauupuan ni Emong. Mabuti na lang at bakante ang silyang katabi ng inuupuan nito.
Nakangiti siya kay Emong habang umuupo. Kitang-kita niya sa mukha nito ang hindi maitagong pagtataka.
“Bakit ka nandito?” bulong sa kanya ni Emong.
“Siyempre, dito ako nag-enrol kaya andito ako,” nakangising sagot ni Aldrin. Umiral na naman ang pagkapilosopo nito.
“Ewan ko sa’yo. Nasa bahay ka lang kahapon, hindi mo naman nasabi na mag-eenrol ka rito.” Medyo napalakas ang boses niya.
“Class, keep quiet,” sabi ng guro. “Get one whole sheet of paper and make an essay on what you did last summer.”
Kanya-kanyang kuhaan ng papel ang mga estudyante. Si Emong man ay kumuha na rin.
“Pahingi naman ng papel,” sabi ni Aldrin.
Pumilas ng isa si Emong mula sa dala niyang isang pad at iniabot dito. “O, ang ingay-ingay mo kasi ayan tuloy binigyan tayo ng seat work.”
Hindi nito pinansin ang sinabi niya. “Sabay tayong umuwi mamaya, ha?”
“Ha? Dadaanan daw ako ni Altaire mamaya, eh. Nagpunta kasi siya sa seminaryo. Bago raw siya umuwi, dadaanan niya ako rito sa school.” Nakita niyang nagusot ang mukha ni Aldrin. Tapos ay tumahimik na ito at hindi na siya muling kinausap.
Hanggang matapos ang klase nila sa araw na iyon ay hindi na siya pinansin ni Aldrin. Hinabol pa nga niya ito nang papalabas na ng campus.
“Aldrin, ano ba?! Bakit mo ba ako dinededma?” Mas binilisan pa niya ang paglalakad para maabutan ang kaklase.
Naabutan niya si Aldrin at hinablot sa balikat. “Ano ba sabi?” sigaw niya.
Hinarap siya ni Aldrin. “Ano ba ang kailangan mo? Hindi ba susunduin ka no’ng Altaire mo? Eh, ’di hintayin mo siya! Hintayin mong mag-isa dahil uuwi na ako,” masama ang loob na sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ni Emong. “Ayun naman pala ang ipinagpuputok ng butse mo. Masama ang loob mo dahil susunduin ako ni Altaire. Bakit? Gusto mo bang ikaw ang sunduin niya?” natatawa niyang sabi.
“Tingnan mo itong taong ’to,” iiling-iling na sabi ni Aldrin. “Ginagawa mo namang katatawanan, eh. Nakakatawa ba na nagseselos ako sa Altaire na ’yun? Bakit ba gustong-gusto mong ipamukha sa akin na mas importante sa’yo si Altaire kaysa sa akin? Torturer!”
“Anong torturer? Magtatanong ka, kapag sinagot kita torturer na agad ako? Eh, anong magagawa ko kung gusto niya akong sunduin?”
“Eh, ba’t ka magpapasundo nandito naman ako? Ihahatid nga kita, ’di ba? Porke ba wala akong kotse mas siya ang pipiliin mo?” katwiran ni Aldrin.
“Bakit? Alam ko ba na kaklase pala kita? Eh, kung sinabi mo ba naman sa akin kahapon na magkaklase tayo at ihahatid mo ako pauwi, eh ’di sana tinanggihan ko si Altaire.” Ayaw namang magpatalo ni Emong.
“Makapagsalita ka. Akala mo naman tatanggihan mo talaga ang Altaire mo. Eh, kulang na lang mangisay ka sa kilig kapag kasama mo ’yon. Habang ako, binabalewala mo,” nagseselos na sabi nito. Pagdating kay Altaire, ang laki talaga ng insecurity niya. Bakit hindi eh nabalewala na siya kay Emong mula nang lumitaw sa eksena ang Altaire na ’yon?
Nagpatuloy sa paglalakad si Aldrin. Si Emong naman ay bumuntot na lang sa kanya.
“Kung binabalewala kita ’di sana hindi kita kinakausap…”
“Pakonswelo de bobo. Utang na loob ko pa yata na kinakausap mo ako,” masama ang loob na sagot nito at mas binilisan pa ang paglalakad.
Paglabas nila ng gate ay nakita pa nila ang mga magulang na nagsusundo sa kani-kanilang mga anak na nasa Grade 1 at 2. Hindi pinalalabas ng school ang mga bata hanggang hindi dumadating ang sundo ng mga ito. Eksakto namang dumating si Altaire sakay ng kotse nito. Ipinarada nito ang sasakyan sa tapat nilang dalawa.
Ibinaba ni Altaire ang bintana at nagulat pa ito nang makita si Aldrin. Hindi niya inaasahang dito rin ito nag-aaral. Tinawag ang dalawa. “Emong! Aldrin! Sakay na kayo!”
“Ano? Sumakay na raw tayo,” yaya niya kay Aldrin.
“Ikaw na lang. Magko-commute na lang ako.
“Sakay ka na rin, Aldrin. Idadaan na kita sa inyo,” alok ni Altaire.
“Okay lang ako,” tanggi niya. “Mapapalayo kayo masyado.”
“Walang problema. Maaga pa naman,” sagot ni Altaire.
“Sumakay ka na kasi, ang arte mo!” singhal sa kanya ni Emong na bigla siyang hinawakan sa braso at hinila pasakay sa kotse.
Hindi na nakatanggi si Aldrin nang ipagtulakan siya ni Emong papasok sa loob ng sasakyan. Nang nasa loob na siya ay mabilis na isinara ni Emong ang pinto at saka binuksan ang pinto sa front passenger seat at doon sumakay.
Pinaandar na ni Altaire ang kotse habang sa gilid ng isang kanto ay may tatlong tambay na kanina pa sinisipat ang sasakyan niya. Bihirang may maligaw na de kotse sa eskwelahang ito para magsundo ng estudyante. Halos karamihan ng nag-aaral sa pampublikong eskuwelahang ito ay puro mula sa mahihirap na residente ng siyudad na iyon. Bigtime na ang isang estudyanteng nag-aaral dito kung may sumusundong de kotse.
“Ang arte-arte nito, sasakay din naman,” pasaring ni Emong sa kaklase.
Nakakatuwa kayong dalawa,“ natatawang komento ni Altaire. “Saan ka umuuwi, Aldrin?”
“Sa Camp Crame po…”
“Nagulat ako no’ng makita kita. Akala ko sa probinsiya ka pumapasok.” Nanatiling nakatingin sa kalsada si Altaire habang nakikipag-usap.
“Ako nga rin, eh. Hindi man lang nagsabi na mag-eenrol din siya sa school na papasukan ko, samantalang nagpunta pa ’yan sa bahay kahapon,” kuwento pa niya.
“Ah ganoon ba? Hindi ko na siya naabutan. Sayang…”
“Oo, wala ka na sa bahay no’ng dumating siya. Tapos kaaalis lang niya no’ng dumating ka.” Walang tigil sa kakukuwento si Emong habang tahimik lang sa likuran si Aldrin.
“Sino na ang nakatira sa bahay n’yo sa probinsiya, Aldrin?” tanong ni Altaire.
“Wala pa po. Pinabantayan lang ni nanay sa isang kamag-anak namin. Pero kapag may nahanap na gustong tumira doon, parerentahan siguro,” kaswal niyang sagot.
“Biglaan naman kasi ang desisyon n’yong lumipat na rin dito,” sabad ni Emong sa usapan.
“Desisyon nina tatay at nanay. Anak lang ako, alangan namang kontrahin ko.” At saka desisyon ko na rin para hindi ako mapalayo sa’yo, gusto niya sanang idagdag pero hindi niya nasabi.
Sagot ni Altaire, “Pero okay nga na magkaklase pa rin kayo ni Emong. At least alam ko na may kaibigan siyang magbabantay sa kanya sa eskuwelahan.” Nakita ni Aldrin na umismid si Emong pero hindi na lang niya ito pinansin. Lagi naman itong ganoon sa kanya. Sanay na siya.
Hindi naman sila inabutan ng matinding traffic kaya mabilis nilang narating ang Camp Crame.
“Diyan na lang po ako sa tapat ng gate,” magalang sa sabi ni Aldrin.
Ipinarada ni Altaire ang sasakyan sa gilid para makababa ito.
“Salamat po,” Matipid ang ngiting ibinigay niya kay Altaire. “Emong, mauna na ako…”
“Sige, see you tomorrow. Huwag kang aabsent,” bilin pa ni Emong.
Hindi na sumagot si Aldrin dahil naisara na niya ang pinto ng kotse. Kinawayan na lang niya ang mga ito habang umaandar ang sasakyan.
Pagdating nila sa bahay ay masayang sinalubong ni Aling Rosita ang anak. “Kumusta ang unang araw sa eskwela?”
“Wala naman pong pinagkaiba sa probinsiya. Si Aldrin po pala, kaklase ko. Nag-transfer din doon kasi dito na pala sila titira.”
“Ha? Aba’y bakit?” tanong ng kanyang ina.
“Naku, ’nay mamaya na lang po tayo magkuwentuhan. Magbibihis po muna ako.” Lumakad na ito papunta sa kanyang silid.
“Ah, sige.” Bumaling ito kay Altaire. “Gusto mo na bang kumain?”
“Mamaya na lang po,” magalang nitong sagot. “Magpapahinga po muna ako.”
Tumunog ang cellphone ni Altaire. May nag-text. Galing kay Grace ang mensahe at ikinalungkot niya ang kanyang nabasa.
Wala na si Neiji…
Chapter Thirty-two
KAHIT na ginawan siya ng hindi maganda ni Neiji ay ikinalungkot pa rin ni Altaire ang pagpanaw nito. Alam niyang nagawa lang ni Neiji na pagtangkaan ang buhay nila ni Grace dahil sa matinding pagmamahal nito sa dalagang inakala nito ay nanloko sa kanya. Kung sabagay may kaunting katotohanan naman na niloko nga ito ni Grace. At maging siya na biktima rin ng panlolokong iyon ay nanganib rin ang buhay. Pero ganoon talaga, sadyang hanggang doon na lang siguro ang buhay ni Neiji. Ipagdarasal na lang niya na matahimik na ang kaluluwa nito at magkaroon ng maluwalhating kapayapaan.
ANG pagsundo ni Altaire kay Emong sa eskuwela ay nasundan pa, at nasundan pang muli. Minsan nga, hinahatid na rin niya ito kapag nagigising siya nang maaga. Si Aldrin naman ay sumasabay pa rin sa dalawa dahil na rin sa pakiusap ni Altaire, at sa pamimilit ni Emong. Pero may mga araw na sinasadya niyang huwag sumabay kay Emong sa paglabas ng gate dahil nahihiya na rin siyang makisakay sa kotse ng seminaristang itinuturing niyang karibal.
MABILIS na lumipas ang tatlong linggo. Dumating na ang araw ng pagbabalik ni Altaire sa seminaryo.
“Aling Rosita, kayo na po ni Emong ang bahala sa mommy ko, ha?” bilin niya rito. “Tawagan n’yo po ako kaagad ’pag may problema.”
“Huwag kang mag-alala. Hindi ko pababayaan ang mommy mo.”
Hinawakan niya ang kamay ng nanay ni Emong. “Maraming salamat po… Nasaan po si Emong?”
“Eh, naroon sa kuwarto niya. Ayaw lumabas,” nahihiyang sagot ni Aling Rosita.
“Pupuntahan ko na lang po.” Malalaki ang hakbang niya papunta sa silid ni Emong.
Kumatok siya ng tatlong beses sa pinto. “Emong, buksan mo itong pinto.”
Nang bumukas ang pinto ay nakita niya si Emong na ang mga mata ay halatang galing sa matinding pag-iyak. “Anong kailangan mo?”
“Aalis na ako. Babalik na ako sa seminaryo. Kalungkutan ba ang ipababaon mo sa akin?” tanong niya rito.
“Mapipigilan ko ba ang pag-iyak? Mapipigilan ko ba ang malungkot?” tanong rin ang isinagot niya kay Altaire.
“Nasa seminaryo lang naman ako. Hindi naman ako mawawala.”
“Kahit na. Iba pa rin siyempre ’yong nandito ka at nakikita kita,” naiiyak niyang sabi. “Wala na akong crush.”
Napangiti si Altaire. “Alagaan mo ang mommy ko, ha?”
“Paglabas mo ng seminaryo, pari ka na. Waaaaah! I cannot!!!” Umatungal na parang kinakatay na baka si Emong.
“Tahan na.” Niyakap siya ni Altaire at hinaplos-haplos sa likod. “Basta, we will always be friends. Malay mo, ako pa ang magkasal sa’yo ’pag ikinasal ka.”
Naitulak ni Emong ang seminarista. “Tse! Hindi ako mag-aasawa, ’noh!” Pinandilatan niya ito. Natawa lang si Altaire sa kanyang reaksyon.
“O, paano? Seryoso na… See you soon. Kailangan ko na talagang bumalik doon, eh. Iyon ang calling ko. I can’t imagine my future na hindi ako pari.”
Marahang napatango na lang si Emong. “Mag-iingat ka lagi…”
“Oo naman.” Matamis na matamis ang ngiti ni Altaire na mas lalong nagpaguwapo rito. “Halika na. Ihatid mo naman ako kahit hanggang sa kotse lang. Ihahatid daw ako ni mommy, eh. Sabi ko nga magtataksi na lang ako. Ayaw pumayag.”
“Puwede ba akong sumama hanggang seminaryo?”
“Gusto mo?”
Sunod-sunod ang tango niya. “Oo… Oo!”
“Hmm… Sige. Halika na, para ’di kayo gabihin ni mommy pag-uwi.”
NANG makabalik na si Altaire sa seminaryo ay nagbago na naman ang pakikitungo ni Emong kay Aldrin. Lagi na lang itong mag-isa sa school at hindi nakikihalubilo sa kanya o maging sa iba pa nilang mga kaklase. Lagi itong humihiwalay sa kanila at kung saan tumatambay nang mag-isa. Katulad ngayon, nakita niya itong nasa isang waiting shed sa gilid ng school gymnasium.
Nilapitan niya ito at kinausap. “Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala. Bakit nag-iisa ka rito?”
“Kanina mag-isa ako rito. Ngayon, dalawa na tayo,” mataray nitong sagot kay Aldrin.
“Eto naman… Nag-aalala lang ako sa’yo, sinusungitan mo na kaagad ako.”
“Sino ba ang nagsabi sa’yo na mag-alala ka sa akin? Kaya kong pangalagaan ang sarili ko. Hindi mo kailangang buntutan ako.” Tumayo si Emong at dinampot ang kanyang mga gamit. Handa na itong umalis pero hinawakan siya ni Aldrin sa braso.
“Teka, sandali!” Hindi niya binitawan ang braso ni Emong.
“Bakit na naman ba?” asik nito sa kanya.
“Ano ba kasi ang problema mo sa akin?” tanong ni Aldrin na puno ng hinanakit ang tinig. “Dati sa province, okay naman tayo, ah. Dumating lang si Altaire, bigla ka na lang nagbago. Noong lumuwas kami ni Maya para makita ka, mukhang okay na ulit tayo. Nagkuwentuhan pa nga tayo noong gabi. Akala ko talaga ayos na, wala nang problema,” mapait siyang ngumiti. “Tapos ngayon, bumalik na si Altaire sa seminaryo, biglang nagbago ka na naman. Galit ka na naman sa akin. Hindi ko na alam kung ano na naman ang nagawa ko.” Mas lumapit pa siya kay Emong. Halos magdikit na ang mga mukha nila. “Lagi bang nakadepende kay Altaire ang mood mo sa akin? Tapatin mo nga ako. Gusto mo ba ako o hindi? Iyong totoo. Ayoko ng kabaklaang sagot. Sabihin mo na ngayon kung ayaw mo sa akin para kusa na akong iiwas sa’yo,” malungkot niyang sabi. Tinitigan niya si Emong nang buong pagmamahal.
Hindi nakasagot si Emong. Ano ba ang isasagot niya ganoong gulong-gulo rin siya sa nararamdaman? Gusto niya si Altaire, kahit umpisa pa lang alam niyang hindi puwede. Kaya ayaw niyang may papasok na iba na mas magpapakomplikado pa sa sitwasyon. Kaya initsapuwera niya si Aldrin. Dahil tingin niya, pampagulo lang ito.
Pero alam niya sa sarili na gusto rin niya si Aldrin. Totoo naman ang sinabi nito na okay sila bago dumating si Altaire sa probinsiya. Nagbago lang talaga siya nang makita niya si Altaire. Bakit ba kasi ang landi-landi niya? Bagay na bagay talaga ang tawag sa kanya ni Maya na Emong Alembong.
“S-sorry, Aldrin…” Hinila niya ang braso niya para mabitawan ni Aldrin at saka siya nagtatakbong palayo rito. Naiwang nakatanga si Aldrin. Tama ba ang narinig niyang sinabi ni Emong? Nag-sorry ito sa kanya.
Isa lang ang ibig sabihin.
Ayaw sa kanya ni Emong. Kahit wala na sa eksena si Altaire ay hindi pa rin siya magustuhan ni Emong.
Nakadama siya ng awa sa sarili. Matagal na niyang tinitiis ang pambabalewala sa kanya ni Emong. Kumbaga, handa na siyang mabasted. Pero hindi niya inaasahang makararamdam pa rin siya ng grabeng sakit sa deretsahan nitong pagtanggi sa kanya.
Hindi namalayan ni Aldrin na dumadaloy na ang luha mula sa kanyang mga mata. Nag-uunahan ang mga ito na makapaglandas sa kanyang pisngi. Hanggang hindi na niya makayanan ang pinipigil na emosyon at tuluyan na siyang napahagulgol.
Chapter Thirty-three
NANG sumunod na mga araw ay tila ba nag-iba na si Aldrin ng pakikitungo kay Emong. Kung dati ay magkatabi sila ng upuan sa classroom, ngayon ay sa tabi ni Trina na ito umuupo. Si Trina ang muse ng klase nila. Maganda ito at tisay na tisay ang itsura. Hindi mo nga iisiping anak-mahirap ang dalagang ito dahil napakapino ng maputi nitong balat. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ni Emong si Aldrin at nakikita niyang nakikipagbiruan ito kay Trina. Ang dali nilang nagkasundo. Parang bigla ay close na agad sina Trina at Aldrin.
Sa isang pagkakataon na sinulyapan niya si Aldrin ay nahuli siya nito at nagtama ang kanilang mga paningin. Pero agad ding nagbaba ng tingin si Aldrin at ibinaling ang pansin kay Trina. Sa paglipas ng mga araw ay mas lalo pang nagkakalapit ang dalawa. Maging sa pagkain ay magkasabay na ito. Silang dalawa lang. Parang solo nila ang mundo. Noon lang din niya nakitang sobrang saya ni Aldrin. Kahit noong magkakasama silang tatlo nina Maya sa probinsiya ay hindi niya nakitang ganoon kasaya ang kaklase. Siguro nga ay nagbago na talaga si Aldrin. Iba na ito. Ibang-iba. At nagbago ito dahil sa kanya. Siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit ito nagbago at umiwas sa kanya. Itinaboy niya ito… papalayo sa kanya.
“Aldrin! Pakopya naman ng notes natin sa English. Hindi ko kasi natapos, eh.” Bakit ba sa pandinig niya ay parang ang landi-landi ng boses ng Trina na ’to? At sa totoo lang, mukha talaga itong malandi lalo na kapag nakapulupot na ang dalawang braso nito sa isang braso ni Aldrin. Feeling close ang loka-loka. Akala mo naman, jowa siya ni Aldrin.
“Eto, o,” Nakita niyang iniabot ni Aldrin kay Trina ang notebook nito.
“Salamat, Aldrin. Ang bait-bait mo talaga!” kinikilig na sabi ni Trina na ikinataas ng kilay ni Emong. Nagpupuyos ang kalooban niya. Kapag hindi siya nakapagpigil, hihilahin niya ang mahabang buhok ng babaeng ito!
Inis na inis si Emong habang pinanonood ang pagkukulitan ng dalawa. Ewan, pero hindi siya komportable na makita si Aldrin na nakikipagharutan sa mga kaklase nilang babae, lalo na sa Trina na ’yan na ubod ng ganda.
Hanggang sa pag-uusap nila ni Maya sa telepono ay si Aldrin at Trina ang topic nila.
“Hay naku, napakalandi ng babaeng iyon. Feeling yata niya, boyfriend niya si Aldrin,” sumbong niya kay Maya.
“Eh, baka nga naman boyfriend na niya’” panunulsol pa ni Maya. “Ikaw na rin ang nagsabi na umiiwas na sa’yo si Aldrin. Baka kaya umiiwas dahil may nililigawan na ngang iba, o baka nga may girlfriend na siya.”
“Hindi, ah! Kelan lang naman ako iniwasan ni Aldrin. Ewan ko nga ba do’n sa Aldrin na iyon kung ano ang drama sa buhay. Basta na lang akong iniwasan. Dati naman, kahit dinededma ko siya ay nandiyan pa rin siya lagi.”
“Baka nagsawa na, bespren. Ikaw naman kasi, hindi ka marunong mag-appreciate ng effort no’ng tao. Imagine, pinilit pa niya ang nanay niya na diyan na lang sila tumira kasama ng tatay niya para lang makita at makasama ka niya nang madalas. Alam mo bang halos nawawalan na siya ng pag-asa na mapapapayag niya ang nanay niya. Mabuti na lang at sa wakas ay na-convince niya na rin na diyan na nga sila tumira. Tapos, ganyan lang pala ang gagawin mo. Akala ko pa naman, okay na kayo,” mahabang pahayag ni Maya. “Alam mo, bespren kaibigan kita at madalas kampi ako sa’yo. Pero pagdating kay Aldrin, naiisip kong nasa ’yo talaga ang problema. Huwag mong mamasamain ang sasabihin ko, ha? Pero sana gumising ka sa katotohanan na baliktarin man ang mundo, bakla ka at napakaswerte mo na may isang guwapong binata na nagkakandarapa sa’yo. Iyong ibang mga bakla, todo effort para magkaroon ng lalaki. Samantalang ikaw, hinahabol na nag-iinarte pa. Eh, kung tinatadyakan kaya kita sa bayag para ma-realize mo na wala kang matres, gaga!” Sinermunan niya si Emong sa tonong nagbibiro. “Hindi ka na basta-basta makakakita ng lalaking katulad ni Aldrin. Huwag ka ring umasang matutupad ang ilusyon mo kay Altaire dahil simula pa lang, alam mo nang hindi iyon magkakatotoo. Sinabihan na kita noon pa, ’di ba? Mangilabot ka dahil Diyos ang karibal mo.”
Napaisip si Emong. Si Aldrin pala ang pumilit sa nanay nito para dito na sila tumira. At nag-effort din itong mag-enrol sa eskuwelahang pinapasukan niya kahit may kalayuan ito sa bahay na inuuwian nito sa Camp Crame.
“Hello, bespren nakikinig ka ba sa akin?” tili ni Maya sa kabilang linya.
“N-nandito pa ako,” mahina niyang sagot.
“As I was saying…”
“Huwag mo nang ituloy,” putol ni Emong sa sinasabi ni Maya. “Maglilitanya ka na naman. Pinagagalitan mo lang naman ako, eh.”
“Hindi kita pinagagalitan, bespren. Ang gusto ko lang, sana makita mo naman si Aldrin kahit konti. Matagal na siyang nag-e-exist sa buhay mo. Anong nangyari at bigla siyang naisantabi?”
Hindi siya nakasagot.
“Ano? Napipi ka na ba?”
“Ewan ko sa’yo,” paiwas niyang sagot. “Matutulog na ako. Bukas na lang ulit tayo mag-usap.”
“Bespren, hindi pa ako tapos. Marami pa akong gustong sabihin sa’yo. Huwag mo akong bababaan ng telepono,” protesta pa ni Maya.
“Bukas na nga lang, bespren. Goodnight…”
“Aba, teka sabi… Te—” Naputol na ang linya. “Hello? Bespren… Emong!!!”
HINDI makatulog si Emong nang gabing iyon. Nasa isipan pa rin niya ang mga sinabi ni Maya. Minsan lang kumontra sa kanya ang kaibigan niyang iyon at aaminin niyang nasapol siya talaga. Pero ano ang dapat niyang gawin? Habulin si Aldrin? No, hindi niya kayang gawin iyon. Si Aldrin ang kusang umiwas sa kanya. Ayaw niyang magmukhang tanga na ipipilit ang sarili sa taong ayaw na sa kanya.
Dahil napuyat, pumasok si Emong kinabukasan na inaantok pa. Halata rin ang naglalakihan niyang eyebags. Pero lahat ng antok niya ay nawala nang makita niyang magkasabay na pumasok sa classroom sina Trina at Aldrin. Magkahawak kamay na pumasok sa classrom ang dalawa at naglakad papunta sa kanilang mga upuan. Sa hitsura ng mga ito ay mukhang may mas malalim nang relasyong namamagitan sa kanila.
Umpisa pa lang, sira na agad ang araw niya!
Walang aralin na pumasok sa utak niya buong maghapon. Paano ba naman, wala rin siyang ginawa kundi palihim na obserbahan sina Aldrin at Trina. Hanggang sa uwian ay palihim niyang sinundan ang dalawa. Nakita niya nang magkasabay itong lumabas ng campus at naglakad papunta sa gawi ng eskenita. Naalala niya na malapit nga lang pala roon ang bahay nina Trina. Ihahatid siguro ni Aldrin sa bahay ang malantod na babaeng iyon.
Palihim niyang sinundan sina Aldrin at Trina. Wala siyang kamalay-malay na may dalawang tambay sa lugar na iyon na palihim ding sumusunod sa kanya.
Nagkindatan ang dalawang tambay nang dumaan sa harap nila si Emong.
“Hindi ba iyon ’yong baklang sinusundo ng de kotse?” sabi ng isa na mataba at kulot ang buhok.
“Iyan nga,” sagot naman ng isa pa na katamtaman lang ang katawan pero may katangkaran. “Ayos, natiyempuhan din natin. Siya pa ang pumasok sa teritoryo natin. Hindi na tayo mahihirapan.” Ngumisi ito sa kasama at pagkatapos ay sabay na nilang binuntutan si Emong.
Author’s Note:
Dalawang chapters na lang.
Chapter Thirty-four
BINILISAN ni Emong ang paglalakad dahil lumalayo ang agwat ng distansya niya kina Aldrin at Trina. Bumilis din ang lakad ng dalawang lalaking sumusunod sa kanya.
Nang matapat sila sa isang walang taong bahagi ng kalye ay kaagad dumikit ang dalawang lalaki kay Emong at nagdeklara ng holdap.
“Holdap ito. Ibigay mo sa amin ang cellphone at walllet mo,” madiing sabi ng matabang holdaper
Hindi agad nakakilos ang nabiglang si Emong.
“Bilis!” sabi naman ng isa pa na medyo idiniin pa sa kanyang baywang ang matalas na balisong na hawak nito.
Takot na takot si Emong. Katapusan na yata niya. Pakiramdam niya’y nawala ang lahat ng dugo sa kanyang mukha. Nakita niyang ilang metro rin ang layo nina Aldrin at Trina sa kanila. Pero maririnig siya nito kung sisigaw siya nang malakas.
“Ano? Akin na nga ang bag mo!” Biglang hinila ng matangkad na holdaper ang bag ni Emong ngunit hindi siya pumayag na maagaw iyon sa kanya. Nakipaghilahan si Emong sa kanya at nang mabitawan ng lalaki ang bag ay mabilis niyang tinapakan ang paa ng kasama nitong matabang holdaper sabay nagtatakbo siya at nagsisigaw upang makatawag ng atensyon.
“Saklolo! Tulong! Hinoholdap ako!” sigaw niya habang tumatakbo.
“Hoy! Bumalik ka rito!” Agad ding humabol ang mga holdaper. Hindi puwedeng mapurnada ang pakay nila sa baklang ito.
“Tulong! Tulungan n’yo ako!” Walang tigil sa pagsigaw si Emong.
Napalingon si Aldrin sa likuran niya at nagulat pa siya nang makita ang tumatakbong si Emong habang hinahabol ng dalawang lalaki. “Si Emong!”
Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Kailangan ni Emong ang tulong niya!
“Dito ka lang, Trina,” bilin niya sa kaklase na nakaramdam din ng takot para kay Emong.
Mabilis na tumakbo si Aldrin sa direksyon ni Emong. Ngunit bago pa siya tuluyang nakalapit ay naabutan na ng matangkad na holdaper si Emong.
Napatili nang malakas si Emong nang mahawakan siya ng holdaper sa buhok. Sa lakas ng pagkakahila ay ininda niya ang sakit na naramdaman sa bahagi ng kanyang leeg. Parang nabali yata ang mga buto niya sa leeg.
Itinulak ng holdaper si Emong na siya nitong ikinasubsob sa kalye. Pero kahit na nasaktan ay nagpumilit pa rin itong bumangon para bigyang babala si Aldrin. “Aldrin, holdaper sila! May dalang kutsilyo ’yong isa. Mag-iingat ka!”
Sinalubong ng isang holdaper si Aldrin. Agad nitong inilabas ang hawak na patalim. “Pakialamero ka!”
Bahagyang napaurong si Aldrin. Kailangang mag-ingat siya sa lalaking ito. Isang maling kilos ay puwedeng maging kapalit ng buhay niya.
Pumorma ang holdaper na may hawak na patalim. Ang matabang holdaper naman ay pumorma na rin para sugurin si Aldrin anumang oras.
Nakabangon na si Emong pero iniinda pa rin nito ang masakit na leeg.
Sumugod kay Aldrin ang matabang holdaper at binanatan siya ng suntok pero nailagan niya ito. Sinamantala ng holdaper na may hawak na patalim ang pagkakalingat niya at agad din itong kumilos. Iwinasiwas nito ang hawak na patalim at tumama sa braso ni Aldrin.
“Aldrin!” Napatili si Emong nang makita ang dugo sa braso ng kaklase.
Si Trina ay nanghilakbot din at ’di na nakagalaw sa kinatatayuan. Napaiyak na lang ang kawawang babae. “Aldrin…”
Muling sumugod ang matabang holdaper pero maagap na nahawakan ni Emong ang likuran ng damit nito.
Kahit hirap ay pinilit ni Emong na mahila ang lalaking mataba. Siya tuloy ang napagbuntunan nito.
Hinarap si Emong ng matabang holdaper. Napalunok siya. Paano niya matatalo ang matabang lalaking ito?
Pagsugod sa kanya ng matabang holdaper ay itinapon niya ang kanyang bag sa mukha nito pero wala itong epekto dahil hindi man lang ito ininda ng lalaki. Tuluyan itong nakalapit sa kanya at inupakan siya ng isang suntok sa mukha.
Putok ang labi ni Emong at muli itong tumilapon sa kalye.
Napatili si Trina.
“Hayup ka!” Mabilis na bumangon si Emong at dinamba ang matabang holdaper na hindi agad nakaiwas at nabuwal sa kalsada. Pinuntirya niya ang kulot nitong buhok at buong panggigigil na sinabunutan ito.
Gigil na gigil si Emong na ibinuhos ang natitira niyang lakas sa buhok ng holdaper. Hindi pa siya nakuntento, pikit mata niyang kinagat ang tenga nito nang madiin na madiin.
Nagsisigaw sa sakit ang matabang lalaki at lalo pa itong pumalahaw sa sakit nang pigain ni Emong ang pribado nitong pag-aari.
Si Aldrin naman ay muling sinugod ng saksak ng isa pang holdaper at sa ginawa niyang pag-iwas ay nalantad ang kanyang kaliwang pisngi at doon humiwa nang mahaba at malalim ang matalas na patalim.
Sumargo ang sariwang dugo na nagmula sa nahiwang pisngi ni Aldrin. “Aaahhh!!!” sigaw niya nang dahil sa hindi maipaliwanag na sakit.
Sinamantala ng holdaper ang sitwasyon. Isang saksak pa ang pinakawalan nito at bumaon ang patalim sa sikmura ni Aldrin.
“Huwaaaag!!!” magkasabay na sigaw nina Trina at Emong.
Dahan-dahang nabuwal sa kalye si Aldrin. Muling kumilos ang holdaper para tapusin na ang para sa kanya’y pakialamerong lalaki.
Mabilis na tinakbo ni Emong ang nakaluhod na kaklase at agad na niyakap. Ang saksak na dapat sana’y para kay Aldrin ay matapang niyang sinalo. Bumaon sa kanyang likod ang patalim ng holdaper.
Iyak lang nang iyak si Trina na sa labis na takot ay hindi na alam kung ano ang gagawin. Basta na lang ito nag-iiyak nang nag-iiyak.
“Pare, iwan na natin ito. Baka may makakita pa sa ’tin!” mungkahi ng matabang holdaper na hawak-hawak ang masakit pa ring maselang bahagi.
“Tena! Bilis!” Nagsitakbuhan na ang dalawa at dumaan pa sa harapan ni Trina.
Saka pa lamang lumapit ang dalaga sa kanyang dalawang kaklase na pareho na ngayong naliligo sa sariling dugo.
Sumigaw siya para humingi ng tulong. “Saklolo! Tulungan n’yo kami! Tulungan n’yo kami!
NANG magkamalay si Emong ay nasa isang kuwarto na siya ng ospital. Nagising siyang umiiyak ang nanay niyang si Aling Rosita. Iyak nang iyak ang matandang babae sa takot sa maaaring mangyari sa kanyang anak. Napakalapit naman yata ni Emong sa disgrasya. Hindi nga ba’t naospital na ito dati nang mahagip ng tricycle sa probinsiya?
“N-nanay… nasaan po si Aldrin? Kumusta po siya?” sabi niya sa mahinang boses. May nararamdaman pa rin siyang kirot sa bandang likuran niya.
“Anak, mabuti naman at gising ka na. Nasa kabilang kuwarto si Aldrin. Under observation pa siya dahil malalim ang tinamo niyang saksak sa sikmura. Napinsala rin ang kanyang mukha dahil sa malalim at mahabang hiwa sa kanyang pisngi,” sabi ng ina niya sa pagitan ng mahinang pag-iyak nito.
Napaluha na rin si Emong. “Kasalanan ko ’to, ’nay. Kung hindi dahil sa akin, hindi sana napahamak si Aldrin.”
“Huwag mong sisihin ang sarili mo, anak. Pareho lang kayong biktima ng mga halang ang kaluluwang iyon.”
“Puwede ko ba siyang puntahan sa kuwarto niya, ’nay?” tanong pa niya.
“Wala pa siyang malay. At saka mas makabubuti rin sa’yo na magpahinga na muna. Nariyan lang naman siya sa kabilang kuwarto kasama ang nanay niya,” tugon ni Aling Rosita.
“Kahit silip lang, ’nay…”
“Guillermo, huwag matigas ang ulo,” paalala ng nanay niya. Hindi na siya nagpumilit. Kapag ganitong tinatawag na siya ng nanay niya sa kanyang tunay na pangalan, ibig sabihin ay umayos na siya kung ayaw niyang tamaan.
DALAWANG araw lang na-confine sa ospital si Emong. Pumayag ang doktor na sa bahay na lang siya magpagaling dahil hindi naman gaanong malalim ang tinamo niyang saksak. Bago lumabas ng ospital ay dumaan siya sa kuwarto ni Aldrin pero tulog ito kaya hindi niya rin nakausap. Ganoon pa man, maluwag sa dibdib niyang malaman mula kay Aling Naty na bumubuti na ang lagay nito. Iniiwasan lang na magkaroon ng impeksyon para hindi na muling manganib ang buhay nito.
HINDI na muling nakabalik nang ospital si Emong para dalawin si Aldrin. Hanggang sa makabalik na siya sa eskuwela ay hindi pa rin niya nakikita ang kaklase. Sabi ng nanay niya ay nakalabas na raw ng ospital si Aldrin pero nagtataka siya dahil hindi na ito muling nagpakita sa eskuwelahan. Kapag nakakausap naman niya si Maya sa telepono ay wala rin itong maikuwento sa kanya dahil hindi rin daw nito nakakausap sa telepono o nakaka-text man lang kaya.
Hanggang isang hapon ay naisipan niyang puntahan ito sa tinitirhan ng pamilya nito.
Nang bumukas ang pinto pagkatapos niyang kumatok nang apat na beses ay bumungad sa kanya si Aling Naty.
“Emong, napadalaw ka. Pumasok ka muna. Kumusta ka na?” magiliw na tanong nito sa kanya. “Okay ka na ba?”
Pumasok siya sa loob ng bahay. “Maayos na po ako, Aling Naty. Napadalaw lang po ako para kumustahin si Aldrin. Hinahanap na po kasi siya ng teachers namin sa school. Kinukumusta po sa akin kung okay na siya at kung kailan siya papasok,” magalang niyang sabi rito.
Saglit na natigilan ang ina ni Aldrin. Sa mata nito’y hindi maitago ang kalungkutan.
“Aling Naty…”
“Hindi na siya papasok,” malungkot nitong sabi.
“Po?”
“Emong, wala na si Aldrin…”
Chapter Thirty-five
NANLAMIG ang buong katawan ni Emong sa sinabi ng ina ni Aldrin. Parang bigla siyang nahilo. “Ano pong wala na si Aldrin? Ano pong nangyari sa kanya?” Agad nangilid ang kanyang luha at anumang oras ay alam niyang maglalandas ito sa kanyang mga pisngi.
“Wala na si Aldrin, Emong. Wala na siya rito. Nakiusap siya sa amin ng tatay niya na kung puwedeng umuwi na lang muna siya sa mga lola niya sa Mindoro para doon magpagaling. Pupunta pa lang ako dapat sa school n’yo bukas para i-drop siya. Sa susunod na semestre na lang daw siya mag-aaral. ’Pag hilom na ang mga sugat…”
May naramdamang kurot sa puso si Emong. Ang huling sinabi ng ina ni Aldrin ay dalawa ang puwedeng ipakahulugan. Una ay ang literal na sugat na natamo nito sa holdaper. Ikalawa ay ang sugat na ibinigay niya sa puso ni Aldrin.
Nahihiya siyang tumingin kay Aling Naty. “I’m sorry po… Hindi naman mangyayari ito kung hindi dahil sa akin. Napahamak si Aldrin dahil sa akin. Kasalanan ko po ito. Sana ibinigay ko na lang ang hinihingi ng mga holdaper para hindi na umabot sa ganito.” Hindi na niya napigilan ang mapaiyak dahil sa labis na pagsisisi.
“Wala kaming sinisisi sa nangyari. Alam naming hindi mo naman iyon ginusto. At walang sinumang gugustuhing mangyari ang ganoon,” malumanay na pahayag ng ginang. “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Kahit kailan, hindi ka sinisi ni Aldrin.”
Mas lalo na siyang napahagulgol.
“Puwede ko po bang malaman ang address ni Aldrin sa Mindoro? Gusto ko po sana siyang puntahan.”
“Huwag na muna ngayon. Hayaan muna natin siyang mapag-isa,” sabi ni Aling Naty. “Nag-aaral ka, iyon na lang muna ang bigyan mo ng atensyon. Maayos ang lagay ni Aldrin sa Mindoro. Hindi siya pababayaan doon ng lola niya.”
ANG abuhing himpapawid ay unti-unti nang nangingitim tanda na malapit nang bumagsak ang naipong ulan sa ulap. Ang kanina’y mainit na haplos ng hangin ay napalitan ng simoy na banayad ang lamig.
Nang magsimulang pumatak ang ulan ay nagpasya si Aldrin na tumayo mula sa pagkakaupo niya sa tuktok ng burol na iyon na naging tambayan na niya kapag gusto niyang mapag-isa at magmuni-muni ng mga magagandang pangyayari sa kanyang buhay. At sa lahat ng magagandang pangyayaring iyon, ang mga pagkakataong kasama si Emong ang para sa kanya ay pinakamemorable at pinakamasaya. Kapag gusto niyang ngumiti, iniisip lang niya si Emong. Si Emong lang ang bukod tanging nakapagbibigay ng ngiti sa kanyang labi. Lalo na ngayon na halos gumuho na sa kanya ang mundo.
Ilang buwan na rin ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidenteng iyon na halos kumitil sa buhay niya at nagbigay sa kanya ng panghabangbuhay na tatak ng kapangitan. Kasabay ng paglabas niya sa ospital ay nag-iba na ang kanyang mga prayoridad. Una nang nawala ay ang gana niyang mag-aral. Kung hindi nga lang dahil sa matinding pakiusap ng kanyang mga magulang, hinding-hindi na rin siya tatapak sa paaralan at magtatrabaho na lang sa bukid o kaya naman ay pangingisda sa dagat. Sa tuwing tumitingin siya sa salamin ay nakikita niya ang malalim at malaking pilat sa kanyang mukha na dala ng pagkakahiwa noong makaengkwentro niya ang dalawang lalaking humoldap kay Emong. Hanggang sa huli, wala siyang inisip kundi ang maipagtanggol at maprotektahan si Emong, ang alembong na tangi niyang minahal. Na kahit na nagbago ang kanyang mga prayoridad, si Emong ay mananatiling mayroong puwang sa kanyang puso.
Humarap si Aldrin sa malawak na kapaligiran at idinipa ang kanyang dalawang kamay. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at saka ubod-lakas siyang sumigaw.
“Emong!!!”
Narinig niya ang alingawngaw ng kanyang pagsigaw. Sumigaw siya ulit.
“Mahal na mahal kita!!!”
At isa pa…
“Mahal na mahal kita, Emong!!!”
“Mahal din naman kita, Aldrin! Kaya hindi mo kailangang lumayo sa akin!”
Nagmulat siya ng mga mata. Tama ba ang narinig niya?
Boses ni Emong iyon. Hindi siya nananaginip. Hindi siya maaaring magkamali.
Dahan-dahan siyang lumingon sa likuran at nakita niya si Emong.
Kinusot niya ang kanyang mga mata. Baka nililinlang lang siya ng kanyang paningin… pero ganoon pa rin.
Si Emong nga! Nandito si Emong!
At papalapit ito sa kanya!
Bigla ay na-conscious siya. Makikita ni Emong ang malaking pilat sa kanyang mukha na isa sa mga dahilan kung bakit ayaw na niyang magpakita rito. Makikita ni Emong ang kanyang kapangitan at ayaw niyang mangyari iyon.
“Ang daya mo!” sigaw sa kanya ni Emong nang makalapit na sa kanya. Magkahalo na sa mukha nito ang pawis at luha. “Bakit mo ako iniwang mag-isa?”
“Hindi ko gustong iwan ka, Emong,” mabilis niyang tanggi. “Ayoko lang na makita mo ako sa ganitong itsura.” Nangilid ang kanyang mga luha. Nanumbalik ang pagkaawa niya sa sarili. “Ang pangit ko na. Paano pa ako lalapit sa’yo? Paano mo pa ako magugustuhan? Kung noon nga na walang mantsa ang mukha ko hindi mo ako nagustuhan, paano pa ngayon?”
“Aldrin, hindi ka pangit. Nagkaroon ka lang ng pilat sa mukha, pero hindi sapat ’yon para ikahiya mo ang itsura mo. Guwapo ka, Aldrin. Guwapo ka noon. Guwapo ka ngayon. At mananatili kang guwapo sa paningin ko,” Nabasag ang boses niya.
Hindi nakapagsalita si Aldrin.
“I’m sorry… Patawarin mo ako kung nabalewala kita. Patawarin mo ako kung hindi ko nakita ang pagbibigay mo ng importansya sa akin. Patawarin mo ako kung inilagay kita sa dulo kahit na ako lagi ang una sa’yo.” Ang masaganang luha ni Emong sy mas lalo pang bumukal sa sobrang pagsisisi. Paano nga ba niya nagawang isaisantabi ang taong walang ginawa kundi mahalin lang siya at protektahan? “Tama si Maya. Wala na akong makikitang lalaki na magmamahal sa akin ng katulad ng pagmamahal na ibinibigay mo. Sorry, kasi hindi ko agad na-realize iyon.”
“Mahal kita, Emong! Kahit kailan ay hindi magbabago ang pagmamahal ko sa’yo…”
“Mahal din kita, Aldrin,” madamdamin niyang sagot. “Napatingin lang sa iba ang mata ko. Naligaw lang siguro ang puso ko. Pero sa huli, alam nito kung para kanino lang ito titibok at kung saang puso patungo.”
Niyakap siya ni Aldrin nang mahigpit at masuyong hinalikan ang buhok niyang nililipad ng hangin at nabasa na ng ambon.
Mamaya pa ay kumalas siya sa pagkakayakap ni Aldrin at masayang tinitigan ito. “May dala akong magandang balita sa’yo…”
“Ano iyon?” Nagtatanong ang mukha ni Aldrin.
“Kinausap ni Mrs. Torres ang plastic surgeon na ninong ni Altaire. Napapayag niya ang doktor na operahan ka para maibalik sa dati ang itsura mo. Para mawala na ang malaking pilat sa iyong pisngi,” pagbabalita niya rito.
Parang batang namilog ang mga mata ni Aldrin. “Totoo?!” Hindi siya makapaniwala. Siya naman ngayon ang naiiyak, pero sa labis na kasiyahan.
“Totoong-totoo! Sabi ni Mrs. Torres, madali lang daw ’yan lalo na at ’di pa naman gaanong nagtatagal. At saka magaling ang doktor na iyon,” pagmamalaki pa ni Emong.
“Nag-iipon din si tatay ng pera para maipaopera ito. Alam kong matatagalan bago siya magkaroon ng sapat na halaga para sa operasyon…”
“Wala kang gagastusin. Sagot na raw no’ng doktor ang lahat,” nakangiting pahayag niya.
Hindi pa rin makapaniwala si Aldrin. Ang akala niya’y habang buhay na niyang dadalhin ang pilat na iyon sa kanyang mukha. Hindi pala.
Sa sobrang kasiyahan ay niyakap niya si Emong nang mahigpit na mahigpit. Masaya siya dahil makikita niyang muli sa salamin ang dati niyang itsura. Pero ang mas nagpapasaya sa kanya ay ang katotohanang mahal siya ni Emong Alembong.
THE END

