Engagement Chaos
HiroYuu101 · 49 chapters · 26,847 words
Announcement - Wattpad Originals
Hello, Hiroes and readers!
This year hasn’t been good to us. But everyday is a new opportunity and that alone is an achievement ’cause we were given another chance to have a better day. Let’s all celebrate all the good things, even the simple ones, to lighten our day.
That’s why I’m here. I want to celebrate this another achievement with you as I wouldn’t be here without your support.
Engagement Chaos was chosen to be included under Wattpad Originals. It is such an honor as it means that they saw potential in my stories. I never even thought that such a great opportunity would come in my way.
Starting November 18 , Engagement Chaos will be under Wattpad Originals. I would like to ask for your support again and to celebrate this new blessing with me.
I can’t express how much I am thankful to all of you. Rest assured that I will learn everything I need to learn to improve my writing skills and to give you more stories that you will enjoy.
You can read more about the Wattpad Originals here: https://www.wattpad.com
Always remember to spread kindness. I love you all million, million, and gazillion times.
Stay safe.
Sincerely, Commander
Engagement Chaos
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Please avoid mentioning other author’s names or works in my story ’cause it is very rude on my part. Kung may pagkakapareho man sa pangalan ng mga characters ng ibang author’s, then it is just purely coincidental. Hindi din naman sila ang gumawa ng mga pangalang ’yon at hindi lang sila ang may karapatang gumamit ng mga pangalang ’yon.
“
Sometimes hearing the truth takes more courage than speaking the truth.“
Prologue
Napamura ako nang makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril. Mabilis ang kilos ko na tumakbo ng walang ingay ang mga yabag para makapagtago. Hinahabol ko ang hininga ko nang makakita ng isang pintuan. Pumwesto muna ako sa gilid at inihanda ang baril bago ko dahan dahan na binuksan ang pintuan.
Kaagad kong itinutok ang baril sa harapan ko nang makapasok ako sa loob ng kwarto. Napahinga ako ng maluwag nang makita na walang ibang tao ang nandoon. Isinarado ko ang pintuan at agad na nagtago sa likod ng malalaking box na nandoon nang may marinig akong boses mula sa labas.
“Find her! Find that bitch! Dead or alive!”
Napahinga ako ng malalim. Mukhang nagalit ko yata ang panget nilang boss.
“Hey, V. Still alive?”
Napataas ang kilay ko at inayos ang earpiece bago sumagot. “Alive and kicking, Archer.”
Narinig ko ang tawa nya at napairap na lang ako. Pasalamat sya at wala sya sa loob ng mansyon na ’to kung hindi ay sya ang gagawin kong shield sa mga kalaban.
“Ilan pa ang natitira?” I asked.
“Five goons plus the ugly lord so six.”
I cursed. I only have three bullets left and a hunting knife. I shouldn’t miss my shots. Para dalawa na lang ang problema ko at kakalabanin gamit ang kutsilyo.
“You know, Archer. Why don’t you come down here and help me? Para may silbi ka naman.” sabi ko habang inaayos ang pagkakatali ng panyo sa sugatan kong braso. The bleeding stopped and the pain is bearable so I know that I can still do it even without his help. Naiinis lang ako na wala syang ginagawa habang pinapanood ako sa scope ng sniper nya.
“I helped you already, V. I already killed five people for you.”
“And I killed thirty so thanks a lot.” sabi kong puno ng sarkasmo sa kanya. He chuckled.
“I saw you rolling your eyes.” sabi nya kaya napatingin ako sa bintana ng kwartong iyon. I raised my middle finger and that earned a laugh from him.
“Tracer, where are they?” tanong ko sa isa ko pang partner para sa misyon na iyon dahil hindi matinong kausap si Archer.
“Three are on that floor and the other two are with the boss on the third floor.”
I nodded kahit na hindi nya naman ako nakikita. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas sa kwartong pinagtataguan ko.
Magaan ang pagtakbong ginawa ko para hindi ako makalikha ng anumang tunog. Tinahak ko ang daan papuntang hagdan para sana unahin ang drug lord pero bago pa ako makarating ng hagdan ay nakita ko ang isang lalaki na pababa doon. Mukhang nagulat din sya nang makita ako at bubunot na sana ng baril pero mas mabilis ang kilos ko at naunahan ko sya. Binaril ko ang ulo nya para siguradong patay na agad ito.
Mukhang nakaramdam ang dalawang lalaki sa kumusyon na ginawa ko dahil nakita ko silang papalapit sa akin. Kaagad silang nagpaputok ng baril kaya mabilis akong nagtago sa likod ng hagdan. I waited till they run out of bullets bago ako lumabas at mabilis na nagpaputok ng magkasunod.
And boom. Just like that, three men were already dead. And I’m out of bullets kaya kinuha ko ang baril ng lalaking nasa hagdan. Napangiti ako. Five bullets. Cool.
Mabilis akong umakyat ng hagdan at pumunta sa office ng drug lord sa mansyon na ito. Siguradong dito nagtatago ang hinayupak na yon. At alam ko din na kapag binuksan ko ang pinto na ito ay papaulanan ako ng bala ng dalawang tauhan nya.
But oh well. Fuck it. Let’s do this. Head-on!
Buong lakas kong sinipa ang pinto para bumukas iyon. At hindi nga ako nagkamali. Kaagad nila akong pinaulanan ng bala kaya nagtago muna ako sa likod ng pader na nandoon. For sure they’ll run out of bullets very soon.
Nang tumigil ang tunog ng mga putok ng baril ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Nakita ko ang dalawang tauhan ng drug lord na mukhang papalitan ang magazine ng baril nila pero hindi ko sila hinayaan at kaagad silang binaril sa mga ulo nila.
Boom. Headshot. Patay.
The ugly lord tried to point his gun at me but I shoot his hand kaya nabitiwan nya ang baril. He tried to run away but I shoot his leg this time. Napaluhod sya at napatingin sa akin sa nagmamakaawang mga mata.
“No, please. S—spare me.” he begged. Napatawa na lang ako.
“I heard you calling me a bitch earlier and you will not get away easily because of that.” I said at kaagad kong itinarak sa binti nyang walang tama ang hunting knife na meron ako. He groaned in pain and started to call me by names again.
“You bitch! I will fucking kill you!” galit na galit na sabi nya sa akin. Sa sobrang inis ko ay binunot ko ang kutsilyo sa binti nya at muli sanang itatarak iyon nang marinig ko ang boses ni Tracer.
“The El Ordre wanted him alive, V.” sabi nya na ikinatigil ko. I tsked before I cleaned my knife with the ugly lord’s shirt.
“Clean up this mess. I’ll see you in our place.” sabi ko kina Tracer at Archer bago ako lumabas ng mansyon at sumakay sa MV Agusta ko. Narinig ko ang sipol ni Archer sa earpiece ko.
“Damn that sexy motorcycle.” sabi nya nang makita akong sumasakay sa MV Agusta. Napatawa na lang ako at sinuot ang helmet bago nag drive paalis ng mansyon na iyon.
Nang makarating ako sa condo na tinutuluyan namin para sa misyong iyon ay kaagad na sumalubong sa akin si Violet para linisin ang sugat ko sa braso.
“You’re here so I’m guessing that the mission was a success.” she said at tumawa lang ako. Mukhang hindi naman sya nangaingailangan ng sagot.
Half an hour had passed and Violet already finished dressing my wound nang dumating sila Tracer at Archer. Kaagad silang tumabi sa akin sa sofang inuupuan ko. Si Tracer ay binuksan agad ang laptop nya habang si Archer ay inilabas ang sniper sa bag para linisin iyon.
“How’s your wound?” Archer asked.
“Malayo sa bituka.” I said. Nakita kong napataas ang kilay ni Violet dahil hindi nya naintindihan ang sinabi ko pero hindi na rin naman sya nagtanong.
“They already wired the money to our account.” sabi ni Tracer na nakatutok pa din ang mukha sa laptop pero binalingan na din ako. “The mission is a success.”
Napansin ko kaagad ang mga mata ni Tracer na kulay abo. His stare was so intense and brooding kaya hindi na ako magtataka kung maraming babae ang naghahabol dito. Ayun nga lang. Mukhang naghahabol din si Tracer sa isang babae.
“Alright. I’ll go home now.” sabi ko bago ako tumayo. Tinanguan lang nila ako kaya mabilis na din akong lumabas ng kwartong ’yon.
Madilim na sa mansyon pagkadating ko. Ano pa bang ineexpect ko eh alas tres na ng madaling araw. Bwisit naman kasi ang ugly lord na iyon. Ang daming tauhan kaya medyo natagalan kami sa misyon.
Kaagad akong naligo para maalis ang amoy ng dugo at gun powder sa katawan ko. Pinatuyo ko muna ang buhok ko bago ako nagbihis ng underwear at nahiga sa kama. Sanay na akong naka bra at panty lang kapag natutulog. Maginhawa at walang sagabal sa katawan.
Nang magising ako ay sabi ng maid ay pinapatawag daw ako ni Papà sa office nya. Kahit na alam kong importante iyon ay nagawa ko pang maligo at kumain ng almusal bago sya puntahan sa office nya sa mansyon namin.
“You want to talk to me, Papà?” I asked. Itinuro nya ang upuan sa harap ng table nya kaya umupo ako doon. He sighed. Itinukod nya ang dalawang siko nya sa table at seryoso akong tinitigan.
“Vexen, you know that I love you and I want the best of you, right?” he said. Nagtataka man sa inaakto nya ay tumango ako. “You’re already twenty-five and not getting any younger. And I’m old too. So I want to see you getting married before I die.”
Napalunok ako. Mukhang hindi ko yata magugustuhan ang sasabihin sa akin ni Papà. “And?”
“I want you to marry the second son of the Mancini.” sabi nya na ikinalaki ng mga mata ko.
“I’m sorry, Papà. I must have heard wrong. Potrebbe ripetere per favore? “ Can you please say that again?
“ V
oglio che tu sposi il secondogenito dei Mancini. “ ulit nya sa sinabi nya kaya napatayo na talaga ako.
“No! No, Papà. I won’t marry him!”
“Vexen! I already made a promise from Mr. Mancini that you will marry his second son!”
Napailing ako. Ano na naman bang pakulo ’to? Ang payatot na lalaking anak ng mga Mancini ang pakakasalan ko? Baka imbes na sya ang magprotekta sa akin ay ako pa ang magprotekta sa kanya!
“No, Papà! I will not marry him!”
“You will not embarass me from the Mancini, Vexen!”
Napatawa ako. Kung bakit ba naman kasi nakikipagkasundo ’to eh hindi naman sya ang magpapakasal!
“All my life I’ve been following your orders, Papà! Even if it’s dangerous for me! I followed your orders with no complaints so please, just this once. Spare me just this once, Papà!”
“No, Vexen! If you will not marry the second son of Mancini, then forget that you have a father! And I will forget you and treat you as a dead person if you say no again!”
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa ama ko. Gusto kong umiyak pero masyado akong nagulat na kaya nyang sabihin sa akin ang bagay na iyon. Dahil lang sa hindi ako magpapakasal sa mga Mancini ay kakalimutan na nyang anak nya ako? Napatawa ako at sunod sunod na umiling.
“No. I will not marry the Mancini. And if that’s what you want, then I will forget that I have a father, too.” I said bago ako lumabas ng office nya at pumunta sa kwarto ko.
Inilabas ko ang maleta ko at nagsimulang mag empake. Alam ko na pipilitin pa din ako ni Papà na mgpakasal hanggang nandito ako sa pamamahay nya kaya mas mabuti pang umalis ako. Mas mabuti pang hindi nya ako mahanap. Alam kong gagawa sya ng paraan para matuloy ang kasal.
I know my father too well. He’s cunning and manipulative. At hindi ko hahayaan na habang buhay nya akong kokontrolin.
“Tracer, make me a fake passport and book me a flight to Philippines.”
“Give me an hour.” he said bago ako pinatayan ng tawag.
Mabilis kong tinapos ang pag eempake at umalis ng mansyon na kinalakihan ko. Nakaramdam ako ng lungkot pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na makalaya ako. Kung pati ang pag aasawa ko ay kokontrolin ni Papà, alam kong hindi na ako makakalaya kailanman.
Sumakay ako ng taxi at kaagad na nagpahatid sa mental institution doon. Sinabi ko sa nurse ang pangalan ng taong bibisitahin ko at kaagad nya naman akong dinala sa kung nasaan sya. Nakita ko sya na mag isang nakaupo sa garden at nakatingala. Lumapit ako at umupo sa tabi nya.
“I’m leaving.” I said. I looked at him and felt hurt when he remained that way. “I’m so sorry. I just don’t want Papà to control me anymore.”
Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Hindi ko na talaga kaya ang pagkontrol ni Papà sa buhay ko. All my life, I did everything that he told me to do. Para maging proud sya. Para ipagmalaki nya ako pero mukhang kulang pa din.
“I promised that I’ll stay by your side but it seems that I can’t do it anymore. I want to be free. Hindi ko na kasi talaga kaya. Nasasakal na talaga ako.”
Napaawang ang labi ko nang unti unti syang magbaba ng tingin sa akin. I immediately noticed the scar beneath his left eye down to his jaw. Pero kahit ganoon ay gwapo pa rin sya para sa akin. At first, his eyes have no emotions. Pero maya maya ay ngumiti din sya sa akin. Isang malungkot na ngiti.
“I’m sorry, Vexen. Ako dapat ang nag aalaga sayo pero hindi ko magawa dahil nandito ako. Wala akong kwentang kapatid.” sabi nya na mas nagpaiyak sa akin. Umiling iling ako. Hinawakan nya ang dalawang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.
“Don’t say that. You’re the best big brother for me.” nakita kong napangiti sya sa sinabi ko at niyakap ako ng mahigpit.
“Just go, Vexen. Be free. Gagaling ako at makakalabas din dito para alagaan ka. Pangako yan.”
Niyakap ko din sya at umiyak sa mga balikat nya. Nang kumalma ako ay kumalas ako sa yakap nya at nginitian sya.
“ Guarisci presto. Till we meet again, Kuya Vander.“
Pagkalabas ko ng hospital ay kaagad kong nakita si Tracer na nag aabang sa akin doon. Inabot nya sa akin ang envelope na naglalaman ng fake passport, fake id’s at pati na rin ang plane ticket ko.
“You have two hours left before your flight. Are you really sure about this?” tanong nya at tumango ako.
“Ayokong habang buhay makulong, Tracer. This is for my freedom.”
Tinitigan nya ako. Siguro ay para hanapin ang kasiguraduhan sa mukha ko. Nang makita nya iyon ay tumango sya.
“Susunod ako. Besides, my goddess is in the Philippines.” sabi nya na ikinatawa ko.
“Sigurado ka bang safe na sabihin mo sa akin yan?” tanong ko. He just gave me his smirked bago ako pinasakay sa kotse nya at sya na ang naghatid sa akin papuntang airport.
Nang makasakay ako sa eroplano ay nakahinga ako ng maluwag. Gumaan ang pakiramdam ko at napangiti ako. Para bang nararamdaman ko nang malapit na akong maging malaya.
Alam ko na hindi papasok sa isip ni Papà na magtatago ako sa Pilipinas. Alam ko na iisipin nyang hindi ko ipapahamak ang sarili kong buhay. Dahil doon ay marami akong kalaban. Maraming gustong pumatay sa akin sa bansang iyon.
Pero mas gugustuhin ko nang mamatay nang lumalaban sa mga kalaban kaysa sa makulong sa isang buhay na hindi alam kong hindi ako magiging masaya.
Chapter 1
“Vexen, I understand your situation pero sana intindihin mo din naman ang sitwasyon namin.”
I sighed. Siniguro kong maririnig nya ang buntong hininga kong iyon na hindi naman mahirap gawin dahil magkatawagan kami sa cellphone.
Umalis ako sa harap ng laptop ko at pumuntang kusina. Inipit ko muna ang cellphone sa tenga at balikat ko para makausap ko sya habang sinusubukan kong magtimpla ng kape.
“Sorry talaga, Lindsay. I’m having a writer’s block.” sabi ko sa kanya habang nilalagyan ng creamer ang kape ko pagkatapos ay binuhusan ko na iyon ng mainit na tubig at hinalo.
“I understand, Vexen. Naiintindihan ko na may ganyang mga phase talaga ang mga writers. But it’s been one week since your last update! Nagdedemand na ang mga readers!”
Kinuha ko ang coffee mug ko at dinala sa kwarto ko. Muli akong umupo sa harap ng laptop ko at humigop ng kape. Hindi na ko nag abalang buksan ang ilaw kahit madilim na sa labas.
Yeah. Now this is life.
“Okay. I’m sorry, Lindsay. I’ll try to send the update on Saturday.” that will be three days from now.
“No! I want you to send the update tomorrow night!”
Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Napaalis pa ako mula sa pagkakasandal ko sa upuan at kamuntikan pang matapon ang kape ko.
“Shit!” I cursed.
“What? Minumura mo ba ako?” hindi makapaniwalang tanong ni Lindsay sa kabilang linya. Agad akong napailing kahit hindi nya naman ako nakikita.
“No, no. Of course not. Pero tomorrow night talaga? Di ba pwedeng sa Saturday na lang?” pinalambing ko pa ang boses ko. Baka sakaling gumana ulit.
“No, Vexen. Tomorrow night. Or else hindi namin ipa-publish ang book na ’to.”
Napabuntong hininga ako. Ang totoo hindi naman talaga kawalan sa akin kung hindi maging libro ang mga sinusulat ko. Writing is just my hobby. Kapag wala akong ginagawang misyon ay nagsusulat ako. Ayun nga lang. Hindi ko inakala na mapapansin ang mga gawa ko at may nag alok sa akin na publication company na i-published ang mga storya ko. I said yes, pangdagdag gastusin man lang. Pero kung alam ko lang na ganito silang mangulit sa update ay hindi na sana ako pumayag.
“Alright. I’ll send the update tomorrow night.” sabi ko bago muling bumuntong hininga.
“Promise?” sabi pa nya na parang isa akong bata.
“Yeah, yeah. I have to think for the scenes, now. Bye.” hindi ko na hinintay na makapagsalita pa sya at agad na pinatay ang tawag.
Napatitig ako sa draft na nasa laptop ko. Nakaka five hundred words pa lang ako at kailangan ay nasa mga three thousand words ang mapasa ko. Halos wala pa ako sa kalahati. At hindi ko alam kung saan kukuha ng mga ideya dahil wala talagang pumapasok sa utak ko.
Merda!
Hindi pa nakikisama ang pasaway kong utak. Imbes na mag isip para sa mga susunod na eksena ng storya ko ay naglakbay ang isip ko. Two years ago. Magaling diba?!
Naalala ko ang dahilan kaya ako nandito ngayon. My father wanted me to marry the second son of the Mancini. But I declined. He already controlled my life and now he even wanted to control my marriage life? No way. Hindi ako papayag. Sawang sawa na akong makulong sa buhay na hindi ako masaya.
Idagdag pa na payatot ang mapapangasawa ko. Nakita ko na kasi sya noong minsan na magkaroon ng salo-salo at imbitado din ang pamilya nila. Gwapo pero ayun nga lang. Payat.
Noong una ay natakot akong mamuhay ng mag isa. Nasanay na din kasi ako na palaging nakasuporta sa akin si Papà. Palagi nyang binibigay ang luho ko kapalit ng mga bagay na pinapagawa nya sa akin. At hindi naman ako makatanggi. Kahit na manganib ang buhay ko dahil sa kagustuhan nya ay ginawa ko dahil takot pa ako noon. Wala pa akong pera at hindi ko pa kayang tumayong mag isa.
Pero ngayong nakaipon na ako dahil sa mga misyon na ginagawa ko ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. Lalo pa at nakakilala ako ng mga taong, sabihin na nating hindi ordinaryong tao dahil iba sila sa pagiging normal. Tinulungan nila ako sa pagtatago mula sa ama ko. Kahit na hindi ko kilala kung ano talaga ang totoo nilang mga pangalan.
Si Tracer ay ang gumawa ng pekeng katauhan ko pati na rin ang naging mata ko sa mga ginagawa ng ama ko. Of course with the approval of El Ordre, a secret organization that we’re working for. Mabuti na lang at pinayagan nila ako sa request kong ito. Kung hindi ay hindi ko na talaga alam kung saan ako pupulutin.
Archer is the one who helped me find a house. Sya na rin ang nakikipag usap sa El Ordre tungkol sa mga misyon ko para hindi ako mahanap ng ama ko dahil may koneksyon din sya sa organisasyon na iyon. Kaya si Archer ang nakikipag usap para sa akin.
And Violet. She’s always checking on me. Talagang nag aral pa syang magsalita ng tagalog para lang masamahan nya ako dito sa Pilipinas. Kahit na mas maraming assignment syang natatanggap mula sa El Ordre ay hindi nya talaga nakakalimutang kamustahin ako.
Napatigil ako sa pag iisip nang may marinig na tunog mula sa balkonahe ng kwarto ko. Someone tried to pick the lock of the sliding door. Tahimik akong umalis ng pwesto ko at kinuha ang baril na nasa ilalim ng unan ko. Mabilis akong pumunta sa gilid ng sliding door at inabangan ang pagpasok nya. And when the intruder went in, I immediately grabbed her arm and slammed her into the wall. I put her hand on her back and pointed my gun in her head.
Wait. Her?
“Woah! Easy there, V! It’s me! The other V!”
Binitawan ko kaagad sya nang mabosesan ko sya at mabilis na binuksan ang ilaw. And there I saw Violet massaging her left shoulder. Mukhang napuruhan ko pa ata.
“Geez. Don’t try to kill me next time, will you?” naiinis na sabi nya sa akin kaya inirapan ko sya.
“Geez, try to use the front door next time, will you?” panggagaya ko sa kanya. “Bakit kasi dyan ka dumadaan eh may pinto at doorbell naman ang bahay ko?” tanong ko at itinago ang baril sa ilalim ng unan ko.
Pabagsak na umupo si Violet sa kama ko. Hinubad nya ang boots nya at pagkatapos ay humiga na ng tuluyan.
“I can’t find my keys, eh. Nahulog yata.” tatawanan ko na sana sya dahil narinig ko na naman ang weirdong accent nya pero hindi ko nagawa dahil sa sinabi nya.
“What?! Are you fucking kidding me, Violet?! You lost your spare key?! Paano kung may ibang makakuha and worse ay kalaban pa?! Mawawalan ng saysay ang pag iingat ko!”
“Geez, you’re so noisy!” inis na sabi nya kaya kinuha ko ang unan at binato sya. Binato nya ako pabalik. “I’ll tell Shielder to change your locks, okay?! If you want high-tech pa!”
Inirapan ko lang sya at muling umupo sa harap ng laptop ko. Mukhang mas hindi ako makakapag update nito dahil kay Violet.
“Ano bang ginagawa mo dito?” I asked.
“I was nearby and nitatamad akong umuwi so I decided to sleep here.” sabi nya at hinampas ko sya ng unan.
“No way, Violet! Baka may nakasunod na kalaban sayo! And it’s ‘tinatamad’ not nitatamad!”
Hindi nya ako sinagot at umayos na lang ng higa. Hinampas ko sya ng unan para magising sya pero hindi na sya gumalaw. Bumuntong hininga ako at muling tinitigan ang laptop ko. Nasa ganoon kaming pwesto nang makarinig ako ng yabag sa hagdan. Ang akala kong tulog na si Violet ay mabilis na bumangon at naglabas ng baril. Ako naman ay muli kong kinuha ang baril ko sa ilalim ng unan at pumwesto sa tabi ng pinto.
Nang bumukas ang pinto ay kaagad kong itinutok ang baril sa kanya at handa na sanang kalabitin ang gatilyo nang mamukhaan ko sya. I tsked when I saw the smirked on his lips.
“Take it easy, girls. It’s me.” sabi nya pa na itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis. Naiinis na ibinalik ko ang baril sa ilalim ng unan ko at muling umupo.
“What are you doing here?” tanong ni Violet na dapat ay ako ang nagtatanong dahil bahay ko ito.
“I just want to check on V if she’s still alive.” umupo pa sya sa sofa na nandoon. “Kamusta ang ikakasal?”
Binigyan ko sya ng masamang tingin. “Tigilan mo ko, Archer.” I said and he just chuckled.
“Kamakha mo tagala si Jensen Ackles.” sabi ni Violet habang nakatitig kay Archer. Napakunot noo naman ang lalaki.
“What?”
“You look like Dean Winchester daw from Supernatural.” pagtranslate ko sa sinabi ni Violet at tinignan sya. “It’s should be ‘kamukha mo talaga’, Violet.” nagkibit balikat lang sya at muling humiga sa kama.
“Gwapo ba yun?” tanong sa akin ni Archer.
“Super.” napangisi naman ang loko.
“Edi gwapo ako?”
“Hindi.” nawala ang ngisi nya. Seryoso ko syang tinignan. “Bakit ka nandito?” I asked. Alam ko kasing hindi pupunta dito si Archer ng wala lang. And I was right dahil sumeryoso ang mukha nya.
“Heard from Tracer that your father is looking for you in Albania now.”
Napabuntong hininga ako. Sa loob ng dalawang taon ay hindi tumigil si Papà na ipahanap ako. Mukhang hindi talaga sya titigil hangga’t hindi ako nagpapakasal sa anak ng mga Mancini. Mabuti na lang talaga at hindi nya naiisipan na sa Pilipinas ako nagtatago.
“I’m sure your father will eventually find out that you’re hiding here in the Philippines. Hindi nya lang naiisip ngayon dahil marami kayong kalaban dito. Pero paano kung mahanap ka nya? Anong gagawin mo?”
Hindi agad ako nakapagsalita. Ang plano ko sana ay maghanap ng lalaking mamahalin ko at yayain agad na magpakasal. O kaya kahit sino na lang basta papayag na makipaghiwalay sa akin pagkatapos. Pero sa trabahong meron ako ay hindi madaling magtiwala sa ibang tao.
“Kailangan makahanap na agad ako ng lalaking papayag magpakasal at makipaghiwalay sa akin pagkatapos.” tinignan ko si Archer. “Ikaw na lang kaya?” natawa ako ng tinignan nya ako na parang nandidiri sya sa akin.
“I’d rather die! Spare me! Ayokong magpakasal!”
Tawa lang ako ng tawa sa naging reaksiyon nya. Ang alam ko kasi ay hindi naniniwala ang isang ’to sa salitang ‘love’. Hinihintay ko nga na panain sya ni Kupido para makita ko kung paano sya ma-inlove at mapagtawanan ko man lang. Pero napatigil ang pagtawa ko nang makita kung anong oras na.
“ Merda! It’s one in the morning na!“
Mabilis kong hinila patayo si Violet na mukhang nakatulog na talaga. Hinila ko din si Archer bago binuksan ang pinto ng kwarto ko at pinagtulakan sila palabas.
“Umuwi na kayo! Kailangan ko pang makapagsulat ng update sa story ko!” sabi ko habang pinagtutulakan sila.
Nakahinga ako ng maluwag nang makarating kami sa labas ng bahay ko. Kaagad na sumakay si Violet sa Triumph Daytona nya at nagdrive paalis nang hindi man lang nagpapaalam.
“V.” napatingin ako kay Archer na seryoso ang mga mata. “Your brother got out from the hospital.”
Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko inaaasahan iyon. Mukhang ito talaga ang dahilan kung bakit sya pumunta sa bahay ko. Hindi nya lang masabi kanina dahil nandoon si Violet.
“Magaling na sya?” tanong kong hindi maitago ang kasiyahan. Salungat sa madilim na mukha ni Archer.
“I don’t know. But remember this, V. Kapag ipinahamak nya ulit ang pamilya ng kaibigan ko o ang mismong kaibigan ko, kakalimutan ko na kapatid mo sya.”
Tumango ako sa kanya. Alam ko naman ang ginawa nila ni Tracer para sa pabor na hiningi ko sa kanila. Kahit na malaki ang kasalanan ni Kuya Vander sa pamilya ng kaibigan nya ay ginawa pa rin nila ang hiningi kong pabor. Kaya dapat ay magpasalamat pa ako sa kanila.
“Naiintindihan ko.” I said. Ilang sandali syang tumitig sa akin bago bumuntong hininga at unti unti ding ngumiti.
“Wala ka pa ring kapitbahay, huh? Makakaungol ka ng malakas.”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya at pinagsusuntok ang braso nya. Aba’t ang gago ay dinamay pa ako sa kahalayan nya at nakalimutan pa yatang babae ako!
Pero sanay na rin naman ako. Especially kapag mga lalaki ang nakakapartner ko sa assignment na binibigay sa amin ng El Ordre at ako lang ang nag iisang babae. Puro kahalayan ang lumalabas sa mga bibig nila. Pero kahit ganoon ay alam nila kung hanggang saan ang pwede nilang gawing biro. At alam ko na sinabi lang iyon ni Archer para mawala sa isip ko ang sinabi niya tungkol kay Kuya Vander.
“ Tu piezza di merda! “ mura ko sa kanya pero tumawa lang sya.
“I love you too!” sabi nya kaya binigyan ko sya ng isang malakas na suntok na nasalag nya naman. Inirapan ko sya at pumasok na ng bahay. Kapag nagbibiro na si Archer ay wala ng katapusan.
Nang marinig ko ang kotse nyang umalis ay nakahinga ako ng maluwag. Agad na bumalot sa paligid ko ang katahimikan. Kaya ito rin ang pinili kong bahay dahil ito ang pinakadulo at wala pang nakatira sa katabing bahay ko. Kailangan ko ng katahimikan para makapag isip ng eksena sa ginagawa kong istorya.
Agad din akong napabuntong hininga nang maalala ang sinabi ni Archer kanina. Alam ko ang galit nilang magkakaibigan para sa Kuya Vander ko. At natatakot ako dahil alam ko ang magagawa nila sa susunod na mapahamak ang kaibigan nila.
I just wish that Kuya Vander is really okay now. Nang huli ko syang nakausap ay dalawang taon na ang nakakalipas at nagawa naman naming mag usap ng matino. Ibig sabihin ay may improvement na noon. Sana lang talaga ay galing na sya. I want to see him but I can’t ’cause he’s in Italy where my Papà is.
I just really miss my Kuya Vander so bad.
Chapter 2
Bumalik ulit ako sa kwarto ko at umupo na naman sa harap ng laptop. Pinakatitigan ko iyon. Ilang sandali akong nasa ganoong pwesto bago ko sinubukang magtipa ng mga salita. Luckily, words started flooding my mind.
“She found
out
that he is actually the devil that she’s been hunting for all her life. The one who killed her family. The one who made her feel like a living corpse. And the one whom she loves the most.“
Napatigil ako sa pagtitipa at humigop ng kape. Medyo malamig na at dapat na akong magtimpla ng panibago pero hindi dapat ako tumayo o maistorbo dahil mawawala ang momentum ko. Ngayon pa na pumapasok na ang mga salita sa utak ko.
“ Why?“ she asked him. Looking straight in his eyes that captured her heart. “Why did you lie to me? Why did you pretend that you’re a hunter and helped me find the devil which was actually you?! Was it fun playing with me like that?!”
Tears started rolling down her cheeks. She wanted to stop it. She wanted to stop crying and show the devil that she is a strong woman. But her heart is betraying her. Especially that she’s looking at the man whom she thought that she’ll spend her remaining time with.
Huminga ako ng malalim at inimagine ko ang sarili ko na ako yung babae para mas ma-express ko ang saloobin nya. Napangiti ako nang mas marami pang salita ang pumasok sa isip ko.
This place is really good for a writer like me. Tahimik at mapayapa.
Pero ang katahimikan at kapayapaan ko na iyon ay tumagal lamang ng isang minuto dahil narinig ko ang ingay mula sa kabilang bahay. Parang galing yata sa isang electric guitar. Sinundan pa iyon ng isang tunog na nanggagaling sa isang drum set.
Naiinis na tumayo ako at sinilip ang katabing bahay. Baka kasi hallucination ko lang pala. Pero nang makita na maliwanag ang loob ng bahay ay napagtanto kong totoo ang naririnig ko. Ibig sabihin ay may nakatira na sa katabing bahay ko? May kapitbahay na ako?
Bumalik ako sa harap ng laptop ko at sinubukan ulit magtipa pero hindi ko magawa dahil sobrang ingay talaga! Madaling araw na at ngayon pa nila naisipang mag band practice! Obvious naman na isang banda sila dahil hindi lang isang gitara ang naririnig ko! Idagdag pa na may drummer pa sila!
Merda! Balak ko sanang kalahatiin ngayon ang story ko at matulog mamayang umaga para maituloy ko pagkagising ko at maipasa ko kaagad! Pero nasira ang plano dahil sa letseng ingay ng kapitbahay!
Kung sino man sila ay paniguradong mga wala silang utak! Hindi ba nila naisip na tulog na ang mga tao at nakakabulahaw sila?!
Nakakainis! Kung kailan nagsisimula na akong magsulat ay may nang istorbo pa!
Sa sobrang inis ko ay inubos ko ang kape at daladala ko ang mug palabas ng bahay. Balak kong ibato sa bungo nila ang mug ko na iyon. Baka gumana na ang utak nila at maisip na nakakaistorbo sila.
Padabog pa akong naglakad dahil sa inis na nararamdaman ko. Naku talaga! Ang bilis mawala ng kapayapaan na nadama ko kanina dahil sa mga hinayupak na ’to!
Nakarating ako sa harap ng pintuan nila. Mas lalong naging malakas ang tunog at sobrang ingay ngayong malapit na ako sa kanila. Sunod sunod kong pinindot ang doorbell. Natigil ang tunog pero hindi ako tumigil sa pagpindot ng doorbell nila. Hanggang walang nabubukas ng pinto ay hindi ako titigil dito!
Handa ko na sanang ibato ang coffee mug na hawak ko sa taong nagbukas ng pinto pero napatigil ako. Napaawang ang mga labi ko nang makita ang kulay ng mga mata nya.
His left eye is gray in color while his right eye is light green. At hindi lang ’yon. Nakabalandra pa sa harap ko ang katawan ng lalaki dahil tanging pantalon lang ang suot nya at wala syang damit pang itaas. Kitang kita ko ang mga muscles nya sa braso at ang six pack abs nya. Pinagpawisan ako nang mapadako ang tingin ko sa v-line nya.
Eyes up, Vexen!
“Anong kailangan mo?”
Napalunok ako nang marinig ko ang boses nya. Para bang ang sarap sarap sa pakiramdam na pakinggan iyon. Pinilit ko ang sarili na mag angat ng tingin sa mukha nya. And I stared with the most handsome man that I’ve ever met.
Bukod sa kahanga hanga nyang mga mata ay napansin ko din kaagad ang makapal nyang kilay. His nose is perfect and his lips looks so red na parang kakatapos lang nitong makipaghalikan. His face looks so fierce and serious. Yung tipong manlilit ka kaagad kapag tinignan ka lang nya.
“Miss? Tutunganga ka lang ba dyan? Nakakaistorbo ka kasi.”
Natauhan ako dahil sa sinabi nya pero nakalimutan ko naman kung anong ginagawa ko dito sa harap ng bahay nila. Bakit nga ba ako nagpunta dito?
Sakto naman na bumaba ang tingin ko sa mug na hawak ko.
“Uhm… May kape ba kayo?” Merda! That was the most dumbest thing that I’ve said in my entire life.
Nakita kong kumunot ang gwapong mukha ng lalaki at tinitigan ako. My breathing hitched and my heart started to beat fast for an unknown reason.
“Death! Sino ba yan? Dito mo na lang gawin yan sa loob at huwag sa pinto.” dinig kong tanong ng isang lalaki sa loob at kasunod noon ay ang tawanan ng mga nasa tatlong lalaki.
But wait. His name is Death? Did I heard it right?
“Kape ba talaga ang gusto mo?” tanong ng lalaki sa harap ko na hindi pinansin ang kaibigan nya sa loob.
Nagulat ako nang humakbang sya palapit sa akin. Humakbang ako paatras pero pinulupot nya ang isang kamay nya sa bewang ko at hinapit ako palapit sa katawan nya. I panicked ’cause I can literally feel his body heat dahil wala syang pang itaas na damit. I can free myself from his grip easily if I try but there’s something in his mismatched eyes that I can’t even tell. At ang traydor kong katawan ay parang nagustuhan pa ang pakiramdam ng magkalapit naming mga katawan.
Inilapit nya ang bibig nya sa may tenga ko at bumulong.
“I saw you eye raping my body earlier. We can have sex but not today since we’re having a band practice. So see you tomorrow instead, coffee girl.” sabi nya bago ako pinakawalan at tinalikuran. Pumasok sya sa loob ng bahay nya at isinarado sa mukha ko ang pinto. Naiwan akong nakatulala at pinoproseso ang mga nangyari.
Halos isang minuto din akong nakatayo lang doon bago pumasok sa isip ko ang mga nangyari. Kaagad na umakyat ang dugo ko sa mukha ko dahil sa kahihiyan at galit sa lalaki.
The nerve! Who does he think he is?! Akala nya ba ay kumatok ako dahil gusto ko syang alukin ng sex! At ako pa ang sasabihan nya ng istorbo?! Sa sobrang inis ko ay sunod sunod na pinindot ko ulit ang doorbell nila pero mukhang wala na syang balak na labasin ako dahil nagsimula na silang tumutugtog ulit.
“Hoy! Bastos na lalaki ka lumabas ka dito!” sigaw ko at pinasisipa ang pinto nila. “For your information kayo ’tong nakakaistorbo at hindi ako! Ang ingay ingay nyo!”
Nagwawala na ako sa labas ng bahay nila pero duda akong naririnig nila iyon sa lakas ng tugtog nila. Ako lang kasi ang katabing bahay nito at ang sumunod ay mga tatlong bahay na ang layo kaya ako talaga ang pinaka naaapektuhan sa ingay nila.
“Nagtatrabaho ako! Huwag kayong maingay!” sigaw ko ulit pero parang wala pa ring kwenta.
At sa sobrang galit ko ay hindi na ako nakapag isip. Binato ko ng malakas ang mug ko sa may pinto nila. Nabasag iyon pero hindi tumigil ang pagtugtog nila.
“
Ma’ va te ne a fanculo. Mafankulo!“ mura ko sa kanila at nagmartsa pabalik sa bahay ko. Mukhang wala na din naman silang balak na labasin ako doon kahit pa magwala ako ng magwala.
Bumalik ako ng kwarto at umupo sa harap ng laptop ko. Sinubukan kong mag isip pero walang pumapasok sa isip ko dahil sa ingay na galing sa kapitbahay ko!
So much for katahimikan at kapayapaan! Ang akala ko ay hindi na ako magkakaroon ng kapitbahay!
Naalala ko ang mukha ng lalaki kanina. Hindi ko talaga nakakalimutan ang mga mata nya na magkaiba ang kulay. Narinig ko na ang tungkol sa kondisyon na iyon pero ngayon lang ako nakakita ng ganoon sa personal. Napakaganda pala.
Pero agad ding natigil ang paghanga ko nang maalala ang nangyari. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon para akalain na gusto kong makipag-sex sa kanya! Kung hindi lang ako kukwestyunin ng El Ordre ay pinatay ko na ang lalaking iyon kanina pa!
Tinawagan ko si Violet para makasigurado. Nakakainis kasi talaga at parang wala silang pakialam kung may kapitbahay sila sa lakas ng tugtog nila.
“Hello, V? Why?” sagot ni Violet sa tawag ko. Napangiwi ako nang maalala na paniguradong natutulog na nga pala ’to.
“Did I wake you up?” nag aalangan kong tanong.
“No, it’s okay. I just had a bad dream— wait. What’s that noise?”
Agad na bumalik ang inis ko dahil sa tanong nya. O diba maingay talaga? Umabot kay Violet eh.
“It’s my asshole neighbor. They’re having a band practice at this hour!” may lahi yatang multo ang kapitbahay ko.
“What? You have a neighbor now?”
“Yes! And I tried to talk with him about the noise because I’m still writing my story but that guy was a total jerk!” Merda! Naiinis talaga ako kapag naaalala ko ang nangyari kanina!
“A guy? OMG is he gwapo?”
Natigilan ako sa tinanong nya. Ayun talaga ang inuna nyang tanungin? Di man lang nya kinamusta kung tapos na ba ang story ko at kung nakakapag isip pa ba ako ng matino dahil sa ingay na ’to.
“He’s gwapo but he’s also so bastos!” pag amin ko. Lolokohin ko lang ang sarili ko kapag nagsinungaling ako kay Violet eh natulala pa nga ako sa kagwapuhan ng lalaki kanina.
“Gosh! I should go there tomorrow and see it for myself!” kinikilig na sabi nya at napabuntong hininga na lang ako.
“Alam mo ikaw, Violet. Para kang mauubusan ng lalaki kung umasta. Magpakipot ka naman kahit kaonti!” sabi ko na ikinatawa nya.
Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan ni Violet bago kami nagpaalam sa isa’t isa. With her promise that she’ll visit me if she’s not busy to see the my “gwapong kabithapay”. Natawa na lang ako. Dalawang taon na syang nag aaral ng tagalog pero hindi pa rin nya makuha ang ibang mga salita. Idagdag pa ang weird na accent nya kapag nagtatagalog.
My Mom was a Filipino. At kahit na sa Italy kami nakatira ay tinuruan nya ako kung paano magtagalog. Para daw kapag bumisita ako sa Pilipinas ay hindi ako mahirapan. Ayun nga lang ay hindi ako makabisita dahil sa dami ng kalaban naming mga Bellucci dito.
She died when I was only eight years old. At mas dumoble ang pagkontrol ni Papà sa buhay ko nang mawala si Mamà. Hanggang sa muli syang nag asawa nang mag sampung taong gulang ako.
I was against it. Para kasi sakin ay hindi nya nirespeto ang mga alala ni Mamà sa akin. He even tried to live with them in the Philippines together with my step-mom’s son. Na nakilala ko bilang si Kuya Vander.
Nang malaman ni Kuya Vander ang tungkol sa akin ay pinuntahan nya agad ako sa Italy. Noong una ay sobrang ilag ako sa kanya. Lalo pa at may napapansin akong kakaiba sa pag uugali nya. He’s violent. Lalo na kapag nagagalit sya. Pero hindi nya ako sinaktan kailanman. He even treated me as her real sister instead. Kaya hindi ko maiwasan na mapalapit ang loob ko sa kanya.
And when the tragedy about him happened, pakiramdam ko ay nawalan ako ng kakampi. Nawala ang Kuya ko sa akin dahil lang sa pagmamahal nya sa maling babae. Kaya ginawa ko ang lahat para mailagtas sya. Grabe ang ginawa kong pagmamakaawa kina Tracer at Archer para lang ipaubaya nila sa akin ang Kuya Vander ko.
At ngayong nakalabas na sya ng hospital ay gustong gusto ko na syang makita pero hindi pwede. Dahil sa oras na umapak akong muli sa Italy o kaya ay mahanap ako ni Papà ay kokontrolin nya na naman ang buhay ko. At hindi sya titigil hangga’t hindi nya ako naipapakasal sa mga Mancini.
What day is it?
And in what month?
This clock never seemed so alive
I can’t keep up
Napatigil ako sa pag iisip nang marinig ko ang pagkanta na iyon mula sa kapitbahay ko. Nagulat ako dahil hindi ko alam na ganung kaganda ang boses ng lalaking iyon! And I’m sure that it was him dahil kaboses nya ang lalaking nakausap ko kanina!
And it’s you and me
and all of the people
And I don’t know why,
I can’t keep my eyes off of you
Napangiti ako sa ganda ng boses nya. Malamig din iyon sa pandinig. Sabi na eh. Masarap pakinggan ang boses nya. Sa pagkanta nga lang. Dahil kapag nagsasalita sya ay kung ano anong kayabangan at kabastusan ang lumalabas sa bibig nya!
Gwapo nga pero bastos naman! Merda!
Chapter 3
Nagising ako dahil sa sunod sunod na pagtunog ng doorbell ng bahay ko. Naiinis na itinakip ko ang unan sa tenga ko at hindi iyon pinansin. Kulang na kulang kasi talaga ako sa tulog! Hindi ako tumigil hanggang hindi ko natatapos ang chapter na ipapasa ko kay Lindsay kaya sumikat na si haring araw bago ko natapos ang sinusulat ko. Kaagad ko iyong ipinasa sa kanya para dire-diretso na ang tulog ko.
I remember the reason why I am suffering with no sleep. It was all because of those jerks that had their band practice at three fucking a.m. I mean, sino ba ang may matinong pag iisip na tutugtog ng malakas ng ganoong oras? Balak ba nilang magpa-party sa mga multo?!
Nagtagal pa ng isang oras ang practice nila bago nila ibinalik ang kapayapaan at katahimikan ko. Mabuti na lang at gumana pa ang utak ko kahit na pinapatay ko na ang lalaking may magkaibang kulay ang mga mata sa isip ko habang nagsusulat ako.
“ Merda!!“ sigaw ko na ng hindi tumigil sa pagpapatunog ng doorbell ang tao sa labas. Tinignan ko kung anong oras na. I cursed when I saw that it was just nine in the morning. Isang oras lang akong nakatulog! Kaya pala masakit ang ulo ko!
Naiinis na bumangon ako dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko sa sunod sunod na tunog ng doorbell. Mukhang wala yatang balak tigilan ng kung sino man ang pagpapatunog noon hanggang hindi ako bumaba. I took my gun and put it in the back pocket of my shorts. I am planning to kill the bastard who dared to disturb my sleep.
“ Merda! Merda! Merda!“ nanggigigil na mura ko habang pababa ng hagdan. Ang ayoko sa lahat ay iniistorbo ang tulog ko!
Oh boy. Whoever they are, they are definitely asking me to kill them if they don’t freaking stop ringing my doorbell!
I reached for my gun using my left hand in my back pocket. Gamit ang kanang kamay ay hinawakan ko ang doorknob ng pinto. My head was throbbing because of the noise. I was gritting my teeth to suppress my anger.
Merda! Ang sakit talaga ng ulo ko!
I counted one to three before I finally opened the door.
“Ano bang—” sisinghalan ko na sana kung sino ang hinayupak na nasa pinto. But when I saw who it was, I froze.
It was the jerk who has a different eye color.
“Hi.” he greeted me with an awkward smile on his face.
I sighed. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa baril na nasa likuran ko at humalukipkip. Sumandal ako sa hamba ng pinto and raised an eyebrow at him.
“May plano ka bang sirain ang doorbell ko?” pagalit kong sabi sa kanya.
I tried to stay calm dahil mas sumasakit lang lalo ang ulo ko. Pero kapag naaalala ko ang mga sinabi at ginawa nya kanina ay sobrang hirap para sa akinang kumalma. Idagdag pa na inistorbo nya ang pagtulog ko!
Hanggang kailan nya ba planong istorbohin ang kapayapaan at katahimikan ng buhay ko?!
Sinubukan nyang ngumiti pero nauwi iyon sa pagngiwi.
“Wala naman.” he said. Nakita kong pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Kagigising mo lang?” tanong nya pa at umirap na ako.
Alam kong hindi maayos ang itsura ko ngayon. Gulo ang buhok at nakasuot ng tshirt na malaki at naka shorts. Ni hindi na ako nakapag ayos kanina dahil sa sobrang antok ko kahit na sanay ako na naka-underwear lang kapag natutulog. At iyon ay dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon.
“Actually, wala pa akong tulog. Thanks to you.” I said sarcastically. “Anong kailangan mo? Nakakaistorbo ka kasi.” sabi ko na ginaya ang sinabi nya sa akin kanina.
Merda! Bawat minutong lumilipas ay mas sumasakit yata ang ulo ko.
“Uhm.” pinakita nya sa akin ang isang jar na punong puno ng coffee beans. Napakunot ang noo ko. “Nanghihingi ka kasi ng kape kanina so eto.” iniabot nya sa akin iyon pero tinitigan ko lang ang hawak nya.
I don’t really need coffee earlier. Marami akong kape sa bahay dahil kailangan ko iyon kapag nagsusulat ako. Hindi ko nga lang alam kung bakit iyon ang nasabi ko kanina.
“I don’t need coffee.” sabi ko at isinarado ang pinto pero nanlamig ang buong katawan ko nang tumalbog iyon kasabay ng pagmumura ng lalaki sa labas.
“Fuck!” dinig kong mura nya habang hawak ang kamay na naipit sa pinto. Naestatwa ako habang nakatingin sa kanya na namimilipit sa sakit.
“A-are you okay?” kinakabahan kong tanong. Nakita kong namumula ang mga daliri nya sa kamay at napangiwi na lang ako. I’m pretty that it hurts.
“Tinatanong mo pa talaga yan?!” sigaw nya sa akin at napaigtad ako. At dahil kulang ako sa tulog at masakit ang ulo ko ay mabilis akong nagalit sa inakto nya.
“Why are you getting mad at me?! It’s your fault! Sino ba kasi ang may sabing iharang mo ang kamay mo sa pintuan ko?”
He glared at me and I did the same. Sya na nga ’tong pumupunta ng bahay ng may bahay tapos ihaharang ang kamay sa pinto at pag naipit ay magagalit?! Kagaya ng mga mata nya ay weird din yata ang lalaking ito!
Ilang minuto kaming napagtagisan ng titig. Even if I’m mesmerized by his eyes, I did my best to ignore the feeling and glared at him. But it seems like my body is betraying me.
Merda! Those mismatched eyes are so beautiful!
After what it seems like an hour, I heard him sighed and dropped his gaze. He had a gentle eyes when he looked at me again. Napaatras ako dahil hindi ko inaaasahan ang tingin nya na iyon.
“Okay, I’m sorry.” he said using a gentle tone. I gulped when I heard his soothing voice again. Naaalala ko tuloy ang ganda ng boses nya noong kumakanta sya.
At kahit na naiinis ako kanina dahil naistorbo nila ang pagsusulat ko ay hindi ko naman napigilan ang sarili ko na humanga sa boses nya. Buong practice nila ay nakikinig lang ako. His singing voice was really good that it made my anger disappeared. And I don’t want to admit but I want to hear him sing again. Pero magkamatayan na muna kami bago ko iyon aminin sa kanya.
“I just want to give you some coffee.” sabi nya at iniabot ulit sa akin ang coffee beans.
Hindi ko alam kung tatanggapin ko ang binibigay nya o hindi. Marami pa kasi talaga akong coffee beans sa loob. Siguro ay mga tatlong buwan na kapehan ko pa iyon. But here is a man in front of me offering some coffee beans for me.
Napabuntong hininga ako at sa huli ay tinanggap na din ang jar sa kanya. He smiled and my breathing hitched. He looked so handsome, holy shit!
“Death Ferrante.” pagpapakilala nya at inilahad pa ang isang kamay sa akin. “I’ll be your neighbor from now on.”
“Vexen Moreno.” I introduced myself using the fake name that Tracer gave me. Simula nang tumapak ako dito sa Pilipinas ay itong pangalan na ang ginamit mo. Tracer made me use the surname of my Kuya Vander.
I felt something like a spark when I accepted his hand but I decided to ignore it. Mukhang ako lang naman ang nakaramdam noon kaya hindi ko na lang pinansin kahit na bumilis din ang tibok ng puso ko.
Nakita kong tumaas ang kilay ni Death nang tanggapin ko ang kamay nya pero agad ding ngumiti. He has a weird name, alright. But I don’t know. Pakiramdam ko ay bagay na bagay sa kanya ang ganoong pangalan.
Weird name plus weird eyes plus weird personality equals Death Ferrante.
“I know you’re thinking that I have a wierd name.” sabi nya nang pinakawalan ang kamay ko. Inilagay nya ang mga kamay nya sa magkabilang bulsa ng pantalon nya.
“Yeah.” pag amin ko. Kakaiba naman kasi talaga ang pangalan nya at base sa sinabi nya ay mukhang hindi lang ako ang nag isip ng ganoon.
He shrugged. “My Mom gave it to me. I have no choice but to use it, right?” nakangiting sabi nya.
I nodded absentmindedly. There’s that smile again. Mas lalo syang gumagwapo kapag ngumingiti sya. He looked intimidating kasi if he has a serious face. Parang ang hirap lapitan.
I’m sure that Violet will have a huge crush on him kapag nakita nya si Death. Swerte ko na lang dahil kapitbahay ko sya at makikita ko sya araw araw.
No, no. Stop that thought, Vexen. Baka nakakalimutan mo na wala kang tulog dahil sa kanila?
“I should continue my sleep now. Masakit na ang ulo ko.” I said. Nakita kong napatayo sya ng diretso.
“Oh. Masakit ang ulo mo? I have medicine—”
“No, no.” putol ko sa anumang sasabihin nya. “Mawawala din ’to kapag itinulog ko.” nakita kong tumango tango sya.
“Alright. Uhm, goodnight then?” nag aalangang sabi nya at napatawa na lang ako.
“Yeah. Nice to meet you by the way.” I said at tumingin sa kamay nyang nawawala na ang pagkapula. “And I’m sorry about your hand.”
He nodded and wave goodbye at me. Isinarado ko na ang pinto nang tumalikod na sya sa akin.
Napasandal ako sa likod ng pinto pagkasara ko noon. Hindi pa rin kasi nawawala ang mabilis na tibok ng puso ko na naramdaman ko nang maghawak kamay kami. I know what it is and I know that I’m crushing on him too. Gwapo naman kasi talaga sya. Idagdag pa ang yummy nyang katawan na nakita ko kahapon. Agad akong pinamulahan ng mukha nang maalala iyon.
Those abs and vline. I want to see it again.
Malakas na sinampal ko ang sarili ko dahil sa naisip ko. Che diavolo, Vexen! Nahahawa ka na sa kahalayan ni Archer!
Naiiling na umakyat ako ng hagdan at pumasok na ng kwarto ko para ituloy ang pagtulog ko na naistorbo kanina. Pero nahirapan akong makatulog ulit dahil sumasagi sa isip ko ang mukha ni Death.
Especially his mismatched eyes.
I groaned and forced myself to sleep to get rid of my throbbing headache. And eventually, I fell asleep while still thinking of my neighbor with a weird eyes and weird name.
Chapter 4
Madilim na nang magising ako. I looked around but I can’t see anything. Patay pa kasi ang ilaw sa kwarto ko at nakasara pa ang mga blinds sa bintana. Bumangon ako para buksan ang ilaw at narinig ko kaagad na kumalam ang sikmura ko.
Ugh. I haven’t eaten anything since yesterday. I’m so hungry.
I glanced at the wall clock and saw that it was already seven in the evening. Kaya naman pala nagugutom na ako. Kahapong dinnertime pa ako kumain. Isang araw ng walang laman ang tyan ko.
Naligo ako at nagbihis ng pambahay lang para sana makakakain na. Bumaba ako sa kitchen at binuksan ang ref pero napamura ako nang makitang walang laman iyon. Puro tubig at alak lang at walang kahit anong pwedeng makain.
Naghalungkat pa ako sa kusina. May kanin nga pero wala namang pwedeng maiulam!
Merda! I’m really hungry!
Kinuha ko ang car keys ko at nagdesisyon na mag order na lang sa pinakamalapit na drive-thru na madadaanan ko. I’m so hungry at wala na akong panahong mag inarte. Basta ang gusto ko lang ay ang magkaroon ng laman ang tyan ko at ang makakain ako.
I opened the front door and I was shocked to see my neighbor with a weird name and weird eyes standing in front of me. Nakaangat ang isang kamay nya at nasa aktong parang pipindutin and doorbell ng bahay ko. Nabigla din sya nang makita ako pero mabilis syang nakabawi at ibinaba ang kamay nya bago ngumiti sa akin.
“Good evening!” he greeted with his radiant smile. Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay nagliwanag yata ang paligid ko sa simpleng ngiti nyang iyon.
“Good evening.” ganting bati ko sa kanya habang pilit pinapakalma ang sarili ko. I never thought that this guy has this kind of effect on me. “Do you need something?”
“Ah.. Nagluto kasi ako. Napasobra kaya naisip kong bigyan ka.” itinaas nya ang tupperware na hawak nya at kahit hindi ko pa nakikita kung anong laman noon ay narinig ko na tumunog ang tyan ko.
Death chuckled upon hearing the grumbling of my stomach. Napangiwi ako at pasimpleng nag iwas ng tingin dahil sa kahihiyan na naramdaman ko. I can’t believe that I am this hungry! Pati yung tyan ko ay nagrereklamo na at pinahiya pa ako! Merda!
“Mukhang sakto lang ang dating ko.” sabi pa nyang natatawa. Inirapan ko sya. Humalukipkip ako at sumandal sa hamba ng pintuan.
“Hindi ako basta bastang tumatanggap ng kahit ano mula sa ibang tao. Tell me, why are you doing this? Hindi mo pwedeng idahilan na sumobra lang ang luto mo.” mataray na sabi ko sa kanya pero gusto ko ng batukan ang sarili ko.
Here is a man in front of me offering me a free food and yet I had the audacity to act like this. Mamamatay yata ako sa gutom dahil sa kaartehan ko.
“Then treat this as my apology for what happened this morning.” he said.
Naalala ko na naman tuloy ang dalawang beses na pang iistorbo nya sa akin ngayong araw. Ang una ay noong madaling araw na sobrang tahimik at tulog na ang lahat at ang pangalawa ay noong kakatulog ko pa lang. Wala sa sariling napairap ako.
“And besides,” Death continued. “mukhang gustong gusto nang matikman ng tyan mo ang niluto ko.”
And right after he said that, my stomach grumbled again. Narinig ko ulit ang pagtawa nya at gustong gusto ko nang lamunin ako ng lupa sa mga oras na iyon. Ang galing din ng timing ng tyan ko. Nakakainis! Nag iinarte pa ako, eh!
Nakita ko ang pagngisi sa akin ni Death nang kunin ko sa kanya ang tupperware na hawak nya. Inirapan ko sya. Iniwan kong bukas ang pinto at pumasok sa loob para isalin sa ibang lalagyan ang dala nya at nang maibalik ko ang tupperware nya.
Suddenly, I remember my Mom. Pinapabaunan nya ako dati sa school at galit na galit sya kapag nawawala ko ang tupperware na lunch box ko. I chuckled at the memories.
I miss my Mom.
Nakita kong menudo ang niluto nya at kaagad akong naglaway nang maamoy ko ang pagkain. Maging ang tyan ko ay sunod sunod na tumunog na parang nagwawala at gustong gusto na talagang malagyan ng laman.
“You have a nice house.”
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ko ang boses ni Death sa likuran ko. Lumingon ako at napatitig sa kanya. Nililibot nya ng tingin ang buong sala ko at nang makuntento ay pumasok na din sya sa kusina kung nasaan ako. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa makalapit sya sa akin.
“What?” he asked when he saw me staring at him. I frowned and shooked my head.
Hindi ko man lang narinig ang pagpasok nya.
I was trained to have a good hearing. I can even hear as far as fifty meters. Pero hindi ako makapaniwalang hindi ko narinig ang mga yabag ni Death na pumasok ng bahay ko. Pumapalya na ba ako dahil hindi na ako ganoong kadalas makatanggap ng misyon o ganoon lang talaga maglakad ang lalaki?
Naputol ang pag iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. I glanced at Death and I caught him staring at me. Natitigan ko tuloy ang mga mata nya. They are really beautiful. Hinding hindi ako magsasawang titigan iyon.
Naputol ang pagtunog ng cellphone ko pero wala pang ilang segundo ay tumunog ulit iyon. It seems like the caller was persistent. Pinutol ko ang titigan namin ni Death at kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Nakita kong si Archer ang tumatawag kaya mabilis ko iyong sinagot.
“New assignment, V. Meet us at the usual place.” sabi nya at napangisi ako.
“Roger that. I’ll be there in ten.” I said at mabilis na ibinaba ang tawag.
Nasalubong ko ang titig sa akin ni Death. Tinitigan ko din sya para sana basahin ang iniisip nya pero wala akong mabasang kahit ano sa mga mata nya. And there were only two reasons why I can’t read him. One is because he’s not really thinking anything at the moment or two, because he knows how to hide his emotions too well.
“Aalis ka?” tanong nya.
“Oo.” sagot kong hindi pa rin inaalis ang titig ko sa kanya.
Bumaba ang tingin nya sa tupperware nyang tapos ko nang hugasan. Pinunasan ko muna iyon bago ko ibinalik sa kanya at tinignan ulit sya sa mga mata.
Merda! I can’t get enough of those mismatched eyes!
“You’re not going to eat first?” he asked. Pinutol ko na ang pagtitig ko sa kanya dahil wala talaga akong makuhang kahit ano sa mga mata nya. Umiling ako at kumuha na ng plato para kumain.
“I’ll eat first. Gutom na talaga ako. Thank you for this, by the way.” sabi ko at mukhang nakaramdam sya na pinapaalis ko sya dahil mabilis syang tumango.
“Okay. Eat well.” he said and smiled at me. I smiled back at him.
Tumalikod sya at naglakad palabas ng bahay ko. I looked at his feet. Wala talagang tunog ang paglalakad nya kaya mas lalo akong napaisip. I have learned that people who walk silently are the dangerous ones. They can easily sneak behind you and kill you instantly. And it takes a lot of time to learn how to walk silently.
What’s more. Death definitely knows how to hide his emotions too well. At ang dalawang dahilan na iyon ang nagbigay sa akin ng pagdududa. I shouldn’t trust him. I shouldn’t trust anyone. Lalo pa at nandito ako sa bansa kung saan marami ang gustong pumatay sa akin.
Ibinalik ko ang plato sa lalagyan at kinuha ang bowl na pinaglagyan ko ng menudo na binigay ni Death. Hindi na ako nagdalawang isip at mabilis na itinapon ko ang menudo sa basurahan at hinugasan ang bowl.
Yeah. That’s right. I shouldn’t trust anyone. And there is definitely something off about the guy named Death Ferrante.
Chapter 5
Violet opened the door for me after I’ve rung the doorbell for so many times. Hindi na sya nagsalita nang mabilis akong pumasok. Siguro ay nakita nya na hindi maganda ang timpla ng mood ko ngayon. Hindi pa rin kasi ako nakakakain at umiinit ang ulo ko kapag walang laman ang tyan ko.
I saw Archer sitting comfortably on the sofa while watching tv. Nakapatong pa ang dalawang paa nya sa center table sa harapan nya. Napatingin ako sa tabi nya at nakitang may isang box ng pizza ang nandoon at isang slice pa lang ang nababawas. Umupo ako sa sofa at kumuha ng isang slice ng pizza.
“Hey!” saway sa akin ni Archer nang makita ang ginawa ko. Hindi ko sya pinansin at kinuha pa ang remote ng tv para maghanap ng ibang panonoorin. “V! I’m watching!” reklamo ni Archer na hinablot pa ang remote at inilayo ang box ng pizza mula sa akin.
“I’m hungry, Archer.” I said and glared at him. Pero hindi nya ako pinansin at ibinalik pa sa dating palabas ang tv. “Archer!” sigaw ko na. Tinignan nya ako at mas sinamaan ko sya ng tingin. “I’m hungry!”
Pero mas pinili pa nya ang mang-asar kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Inosente ang mukha nya habang nakatingin sa akin at malaking kumagat sa slice ng pizza na hawak nya.
“Hi, Hungry! I’m Archer.”
“What?” inis na tanong ko pero ibinalik nya ang tingin sa tv. Sa sobrang pagkabuwisit ko ay lumapit ako sa kanya at kinagat ng madiin ang parte ng braso nya na nakalabas sa sleeves ng polo shirt nya.
Wala talaga akong ideya kung bakit ganito ako kapag nagugutom. Mabilis akong mainis at umiinit talaga ang ulo ko. Kahit paghinga ng tao ay kinaiinisan ko kapag walang laman ang tyan ko. Violet and Tracer know this side of me. Kaya kapag alam nilang gutom ako ay nananahimik sila.
Unfortunately, Archer didn’t know about this.
“Fuck, V! Let go of my arm!” narinig kong daing nya habang sinusubukang ilayo ang ulo ko mula sa braso nya. I know that he’s not using all his strength so he wouldn’t hurt me at medyo naawa naman ako. Tinigilan ko ang braso nya nang alam kong malalim nang bumaon ang mga ngipin ko doon.
Pinaulanan ako ng mura ni Archer pagkatapos pero hindi ko sya pinansin. I took the box of pizza from him and continued eating to satisfy my hunger. Si Violet ay natatawang umupo sa tabi ko at inilapag ang laptop sa center table.
“Fuck! It fucking hurts! May lahi ka bang zombie?” Archer cursed while glaring at me.
“Violet is always like that whenever she gets hungry.” natatawang sabi ni Violet habang inaayos ang laptop.
I didn’t pay them any of my attention. Kinuha ko pa ang remote kay Archer at muling ibinalik ang tv sa palabas na gusto ko while Archer was still murmuring something. Probably some curse for me.
Gutom na gutom kasi talaga ako! Isang araw na akong walang kinakain dahil umaga na ako nakatulog kanina at ang huling kain ko ay kagabi pa. And it was all because of my neighbor! Kakalipat pa lang nya pero grabe na ang perwisyo na ibinigay nya sa akin!
I remember the menudo that Death gave me. It looked tasty and delicious. My mouth watered by just remembering it and I figured now this pizza can’t satisfy my hunger! Gusto ko ng menudo ni Death! Bakit ba kasi nag inarte pa ako at tinapon ko ang binigay nya? Ngayon ko lang naramdaman ang panghihinayang.
“Sigurado ka bang stepbrother mo lang si Vander? Nakikita ko na kasi ang pagkakapareho nyo.” Archer said while still giving me a death glare. “Pareho kayong baliw.”
Sa sobrang inis ko ay pinagsisipa ko sya hanggang sa mahulog sya mula sa sofa. Lumikha iyon ng malakas na tunog at pagkatapos ay ang pagdaing nya. I didn’t laugh and just tried to calm myself down. Archer’s jokes are funny but there are times that his jokes were out of line.
Mabilis syang tumayo at sisinghalan na sana ako kung hindi lang tumunog ang laptop para sa isang video call. I answered it immediately and we saw Tracer on the screen. There was a bookshelves on his background and I figured that he’s on his study room on Italy. Tahimik na umupo si Archer sa tabi ko para makita kaming lahat sa camera.
“What happened to your arm?” Tracer frowned while looking at Archer. He glared at me again and I just rolled my eyes.
“Some psycho bit me just because she’s hungry.” he sarcastically answered. Tumingin pa sya akin kaya napatitig din sa akin si Tracer bago malakas na tumawa.
“Man, now you know how a vixen gets hungry.”
“I didn’t know that she’s gonna bit me! Fuck! I thought that she turned into a zombie for a minute. My arm was nearly torn apart!”
“That’s V for you.” natatawa pa ring sabi ni Tracer. He’s the only one who knows my real name kaya alam nya kung saan nagmula ang pangalan ko. Magaling kasi talaga syang kumuha ng mga impormasyon. With just one click of his laptop, he will know all information about you.
Inirapan ko silang dalawa bago kumuha ng panibagong slice ng pizza at muling nanghinayang sa menudo ni Death.
But I still can’t trust that man just because he gave me a mouth-watering food. Baka kapag kinain ko ang luto nya ay bigla na lang akong bumulagta pagkatapos. So I guess it was only right that I throw away the food?
Pero mukhang hindi sumang ayon ang tyan ko dahil tumunog iyon kahit na kumakain pa ako ng pizza.
Merda!
“I can hear you, you know.” sabi ko kina Archer at Tracer na binabalewala ang pagrereklamo ng tyan ko dahil sa sinayang kong pagkain.
Letsugas na tyan na ’to! Dahil lang gwapo at may abs ang nagbigay ng pagkain ay wala na yatang pakialam kung malason ako o ano! Mas malandi pa kaysa akin!
“V. I sent the information that you need for this mission through your email. Have you checked it?”
Dahil sa tinanong ni Tracer ay ibinaba ko ang slice ng pizza na hawak sa box at pinagpag ang kamay ko bago kinalikot ang laptop. Binuksan ko email at binasa ang bagong message doon na alam kong galing kay Tracer.
“I’m looking at it now.” I said while scanning the contents of the files that he sent. Tahimik na nakikitingin sina Archer at Violet sa tabi ko.
The files was full of informations about a man named Henry Chang, a chinese man, forty-five years old. Nakalagay din doon na bumibili sya ng mga batang may edad mula thirteen hanggang seventeen para isama sa isang auction at ipagbenta sa mga negosyanteng halang ang mga bituka. My face was getting darker and darker as I’ve read the informations of this demon.
“Anong ginagawa ng mga negosyante sa bata if they won the bidding?” I asked Tracer. He just shrugged his shoulders.
“Adopting them? Giving them a new shelter? Or forcing them as their sex slave.”
Walang nagsalita sa aming tatlo nina Violet at Archer. We all know the answer to my question. And those were the last words that Tarcer had just said.
Ang sabi sa impormasyon ay may isang sindikato ang kumukuha ng mga batang babae. Looks like this syndicate was just kidnapping the teenage girls that fits on their category. Slim and pretty. Pagkatapos ay ibinebenta nila iyon kay Henry Chang. Pero bago bilhin ni Chang, those girls will undergo some sort of medical tests.
“Anong medical tests ang binibigay sa kanila?” tanong ko kay Tracer dahil wala naman ibang nakalagay doon.
“If the girl is healthy. Dapat ay walang kahit na anong sakit na magiging problema nila. Plus, if the girl is a virgin. Mas malaki ang nagiging bid sa mga batang wala pang karanasan.”
Napasabunot ako sa sarili kong buhok, nakalimutan ang sariling gutom. Nawalan ako ng gana dahil sa magiging misyon ko. Kahit pa siguro ihain sa harapan ko ang menudo ni Death ay hindi ko magagawang kumain.
“That is so sickening.” isinatinig ni Violet ang naiisip ko.
Marami na akong naging misyon na ganito. Human trafficking, sex slavery, drug syndicate. Pero kapag may mga batang nadadamay ay hindi ko mapigilan ang emosyon ko.
Namulat ako sa mundo ng karahasan. With my father forcing me to use a gun and accepting a life threatening mission from him. Natuto ako ng mga bagay na hindi dapat na matutunan ng isang bata. Imbes na mga laruan ay mga baril at mga kutsilyo ang pinaglalaruan ko noon.
“In this world, you have to choose if you should be the one who will be killed or the one who will kill.”
Those were my father’s words while I was staring at my pet dog that he killed in front of me. Walang luhang lumabas mula sa mga mata ko habang nakatitig sa aso kong tatlong taon kong inalagaan. I was just ten years old that time. Mahigit isang dekada na ang lumipas pero malinaw pa rin sa akin ang lahat. Ang lakas ng tunog na nagmula sa baril. Ang aso ko na punong puno ng dugo.
But I didn’t shed any tears. I was numb. And when the light on my dog’s eyes died while staring at me, something inside me had vanished too.
“V? Are you okay?”
Wala sa sariling napatingin ako kay Archer. Nakita ko ang nag-aalala nyang mukha dahil sa akin. Alam kong hindi maganda ang ekspresiyon na pinapakita ko ngayon dahil ramdam ko ang titig ng tatlong tao na nasa harapan ko. Mabilis kong inirapan si Archer at kumain na lang ulit ng pizza.
“What do I have to do?” tanong ko nang muling ibinalik ang tingin kay Tracer. His stare remained on me kaya mabilis kong inalis ang anumang emosyon na maaari nyang mabasa sa mukha ko.
“Assassinate Henry Chang.”
Mabilis akong tumango sa sinabi ni Tracer para ipakita sa kanya na tinatanggap ko ang misyon. Assassinate? That’s easy for me.
“How about the syndicate?” It was Archer who asked.
“Ikaw na ang bahala sa sindikato. The El Ordre wants them all dead. Putulin nyo ang mga sanga ng puno.”
“And the children?” Napabaling si Tracer sa tanong ni Violet sa kanya.
“Ang El Ordre na ang bahala sa kanila. They will return them to their families at yung ibang mga walang pamilya, ibibigay nila sa pwedeng mag-alaga sa kanila.”
Pareh-pareho kaming tumango sa sinabi ni Tracer pero nanatiling tikom ang bibig ko. Something is still missing and I’m waiting for him to say anything. Kulang pa ang mga utos na ibinigay nya.
Tracer said that all the guns or weapons that we will need will be given to us immediately. Basta sabihin lang daw namin kung ano pang mga kailangan namin. I said that I’m all set. I have my Glock 43 and my MV Agusta with me.
“V, Violet will help you gather more information about Henry Chang and that syndicate. From what I’ve heard, Chang will go to Philippines next week and he set a meeting with the leader of the syndicate. They will meet at the bar named Inferno.”
Naghintay pa ako sa iba pa nyang sasabihin pero hindi na dumating ang mga gusto ko pang marinig.
“That’s all the information that you need. Just send me an email if you need anything.” pamamaalam nya pero bago nya pa mapatay ang tawag ay pinigilan ko na sya.
“Wait, Tracer.” I said. Nakita kong tumigil sya sa pagkalikot ng laptop nya. “Something’s missing. Ang sabi mo ay ino-auction ang mga babaeng nabibili ni Chang, right?” he nodded at my question so I continued. “How about the auction house? I’m sure na hindi lang si Chang ang humahawak noon. Someone who’s higher to him must’ve organized that auction.”
Mabilis na napalingon sa akin sina Archer at Violet dahil sa sinabi ko. Mukhang hindi nila naisip ang tungkol doon. Or wala lang talaga silang balak magtanong. Sila kasi yung tumatanggap na lang ng misyon basta-basta na hindi na nagtatanong pa ng ibang impormasyon.
Si Tracer ay tahimik na nakatitig sa akin mula sa screen ng laptop nya. I know that he’s studying my face. I know that look. I’ve read that eyes so many times. Kaya inalis ko ulit ang anumang emosyon sa mukha ko.
I’ve been receiving missions from my father before. Kung mayroon mang aral ang naibigay sa akin sa pagtanggap ko sa mga misyon nya ay iyon ay ang pagtatanong. Marami akong naging kaaway ngayon na gustong pumatay sa akin dahil sa padalos-dalos kong pagtanggap sa misyong ibinigay nya noon.
My father was the one who’s under the skirt of El Ordre before. Ako ang gumawa ng misyon nya. Lahat. Sinanay nya ako bago ako pumalit sa pwesto nya nang umalis sya ng organisasyong iyon.
“Don’t mind about them, V. Just focus on your mission.” sabi ni Tracer na mas nagpakunot ng noo ko.
“What? You know that this is the reason why I have so many enemies right now. Why there’s so many people wanting my blood on their own hands. Dahil nag-focus ako sa misyon ko at hindi inalala ang mga natirang maaring maghiganti sa mga ginawa ko.”
“V.” pigil ni Archer sa akin pero nagpatuloy ako.
“You said that we should cut off the tree’s branches right? Then how about tree itself? And the roots? Sinong puputol noon?”
Tracer pursed his lips before answering me. “I don’t know, V. Iyon lang ang utos na ibinigay sa akin ng El Ordre.”
“That’s bullshit, Tracer!” hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. “Kung puputulin lang namin ang mga sanga, maaaring may iba pang tumubo! The one who built the auction house will just find another one who’ll do Chang’s work after I’ve killed him!”
“I’m sure that the El Ordre already given that mission on somebody else. Just focus on your own mission, V.”
Hindi makapaniwalang napatitig ako kay Tracer. He’s sure? Is he really? Paano kung wala na namang gawin ang El Ordre sa mga natira? Ano na namang mangyayari sa akin? Mas lalong dadami ang gustong pumatay sa akin! And if worse, I have to leave this country again at mabilis akong mahahanap ni Papà!
“Don’t worry, V. We’re here. We will protect you.” sabi ni Archer at hinawakan pa ang kamay ko para pisilin. I know he knows what’s bothering me right now.
Naramdaman ko rin ang bahagyang pagyakap sa akin ni Violet kaya medyo kumalma na ako. Pero hindi pa rin nawawala ang pangamba sa dibdib ko.
I can kill. I can easily protect myself. Pero kung marami na ang gustong pumatay sa akin ay hindi ko na alam kung kaya ko pa.
“I’m sorry, V.” Tracer said looking so devastated. “As much as I want to, you know that I can’t ask.”
Natahimik ako sa sinasabi nya. Kung hindi lang ako nagtatago sa ama ko ay ako dapat ang direktang tatanggap ng misyon na iyon at hindi si Tracer. Mabuti nga at pumayag pa ang El Ordre na ilihim kung nasaan ako mula kay Papà.
“It’s okay, Tracer. I’m sorry too.” I said.
Umaga na nang mabalik ako sa bahay ko. Doon na rin kasi ako nagpalipas ng gabi at nag isip sa kung anong pwedeng mangyari sa akin pagkatapos ng misyong ito. I am hundred percent sure na madadagdagan ang magiging mga kaaway ko.
I frowned when I saw someone outside of my house’s door like he’s waiting for me. Nang ipinarada ko sa loob ng maliit na gate ang kotse ko ay mabilis na dumiretso ng tayo ang lalaking nakilala ko kaagad at ngumiti nang bumaba ako ng sasakyan.
“Hey, where have you been? I’ve been waiting for you.” tanong nya nang makalapit ako.
Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking nasa harap ko. He’s wearing a tank top and a jeans at napapalunok ako sa tuwing humahagod ang tingin ko sa mga braso nyang nakalabas. Merda! Those biceps looked so hard and I want to feel them wrapping around my body!
Mabilis akong tumikhim para pigilan ang mahalay kong pag iisip. Merda! I felt like I’ve turned into a pervert ever since I met this man with mismatched eyes!
“Death? Anong ginagawa mo dito?” tanong kong hindi sinasagot ang tanong nya.
“I was waiting for you. Kumain ka na ba?” he asked.
Bago pa ako makasagot ay nauna nang sumagot ang tyan kong hindi pa rin yata maka-get over sa menudong tinapon ko lang.
Death chuckled when he heard the grumbling of my stomach. Nakatitig lang ako sa kanya habang pinapakinggan ang pagtawa nyang masarap sa pandinig.
“I’ll cook lunch for us. Anong ulam ang gusto mo?”
“Nilagang baka.” wala sa sarili kong sagot. How can this man be so perfect with those imperfect eyes of his? Hindi ko maiiwas ang paningin ko sa mga mata nya.
Mukhang nasa mood ang Diyos nang nilikha Nya ang lalaking ito na nasa harapan ko.
When Death smiled at me, my heart just skipped a beat. Natigilan ako. Teka. Ano ’yon? Bakit tumigil sandali sa pagtibok ang puso ko?
“Great! I know how to cook that. Just wait for me inside your house. Magluluto lang ako pero dyan na tayo kakain sa bahay mo.”
Nakatango na ako bago ko pa ma-realize ang sinabi nya. Napakurap-kurap ako sa nagbalik na wisyo ko pero tumalikod na sa akin si Death at naglakad papasok ng bahay nito.
Okay. What just happened? Talaga bang pumayag akong ipagluto ni Death at kumain sya sa loob ng bahay ko? At bakit nya naman ako ipagluluto? At hinintay nya ba talaga ako para lang dito?
Ngayong wala na sya sa harapan ko at hindi na ako nakatitig sa mga mata nya ay saka lang ako natauhan. Merda! I just agreed for him to cook for me! After what I’ve done to the dish that he gave me, ngayon ay pumayag na lang ako ng basta-basta? At mukhang masaya ang tyan ko dahil walang tigil sa pagtunong ito ngayon!
I am sure that those mismatched eyes just did something to me! And it’s not good. Not really good.
Chapter 6
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at nagsaing pa talaga ako ng bigas na mas marami para sa akin. Dahil ba ’to sa sinabi ni Death na magluluto sya ng ulam para sa aming dalawa? Why is he doing this by the way? I should decline his offer about this right? Dahil hindi pa ako nagtitiwala sa kanya?
’Di bale, sa susunod tatanggihan ko na talaga sya.
Pero paano kung wala ng susunod dahil ito na pala ang huling hapunan ko? What if Death is really one of my enemies?
Pero paano naman pala kung hindi?
I don’t want to judge him this easily but knowing that there are so many people wanting me dead, I can’t help it. Hindi talaga ako nagtitiwala kahit kanino ng basta-basta. Lalo pa sa isang kapitbahay na bagong lipat lang.
Pumunta nga si Death sa bahay ko para dito na mag-lunch. May dala syang isang caldero na sa tingin ko ay nilagang baka ang laman. He’s smiling widely when I let him in that made me wonder if he put something again on the food.
Sabay naman kaming kakain kaya kung malason man ako, sya naman ang susunod.
“Ako na.” I offered when he was about to go to the kitchen. Ayos, ah. Feel at home lang sya at talagang dederetso sana sya sa kusina kung hindi ko pa pinigilan.
Nakakahiya naman sa may ari ng bahay.
Bukod sa hindi ako sanay na may ibang taong nangingialam sa kusina ko, gusto ko din makasigurong wala talagang gagawin na masama sa akin si Death. Paano kung hindi pala ang ulam ang nilagyan nya ng lason kundi ang plato o kutsara o ang baso na gagamitin ko? I had to make sure that I am safe.
Merda! I feel like I’m going crazy with all this thoughts that’s going on in my head. Here is the man in front of me that looked like he just went down from Mount Olympus yet I had the nerve to think ill of him. Kung siguro ay makikita sya ni Violet at malalaman ang iniisip ko ay baka mapagkamalan akong baliw.
Death really looks so hot. Mukha syang modelo o artista o prinsipe o greek god o kung ano pa man. Hindi talaga sya mukhang masamang tao. Kaya nga noong pinagbuksan nya ako ng pintuan nya ay napatulala talaga ako. That was a first for me. Unang beses kong humanga sa itsura ng isang lalaki that I even let my guard down. Lalo na nang tumambad pa sa akin ang hubo’t baro nyang katawan.
Naalala ko na naman tuloy ang abs at v-line nyang mukhang inukit para maging perpekto.
Merda! I really felt like a pervert!
“Let’s eat?” he asked nang matapos ako sa paghahain. Makatapat kami ngayon sa dining table ko. Ako na rin mismo ang naglagay ng ulam at kanin sa mga plato namin. I made sure na kung anong inilagay ko sa akin ay ganoon din ang inilagay ko sa kanya.
“Hm.” I answered.
Nagsimula syang kumilos at ako ay binabagalan ko lang. Gusto ko ay sya ang maunang makakain. Saka lang ako makakampante kapag nailagay na nya sa bibig nya ang niluto nya.
Nakamasid lang ako sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi sya mapagmasdan. His hair was damp making it obvious that he took a bath before he went here. Kaya naman amoy na amoy ko ang pinaghalong shower gel at pabango nya dito sa buong bahay ko. It’s suffocating me yet there’s something inside me that wants his smell.
When I saw him chewing down the food, that’s when I started to eat. Maliit lang parte ng ulam ang kinuha ko maging ang kanin. Napatitig pa ako sa kutsara ko bago kumain.
At nang matikman ko na ang niluto nya, halos manlaki ang mga mata ko sa sobrang sarap noon!
“Well?” tanong ni Death na parang nag aabang sa opinyon ko doon sa niluto nya.
“Shit! Ang sarap!”
Napatawa sya dahil sa naging reaksiyon ko at agad naman nag akyatan ang dugo sa mukha ko. Bakit parang mali yata sa pandinig ang sinabi ko?
“I’m glad.” sabi ni Death at buti na lang ay hindi na nya binigyan ng iba pang pakahulugan ang sinabi ko. Unlike me. “Sinarapan ko talaga ang luto dyan.”
“Masarap talaga.” sabi ko pa at napangiti na naman sya. Pakiramdam ko tuloy ay nagbukas ang langit dahil sa ngiti nya.
“How about the menudo?”
Napatigil ako ng bahagya pero nagpatuloy lang ulit sa pagkain. “Uhm,” Hayun. Yung basurahan ang nakinabang. “Masarap din.”
Mas lalo akong na-guilty nang ngumiti na naman sya na para bang tuwang tuwa dahil nagustuhan ko ang mga niluto nya. Merda! Please, remind me again why did I throw away his menudo!
Baka nga talagang isa lang syang mabuting kapitbahay?
Hindi na tuloy ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pagkain. I am so freaking guilty! Nagsayang pa ako ng pagkaing sigurado akong sobrang sarap! Kaya pala ganoon na lang ang pagrereklamo ng tyan ko. Mukhang nakakutob na masarap talaga ang menudo ni Death.
I heard Death cleared his throat so I looked at him.
“I’m really sorry for the other night. Did we really disturb you?.”
Ilang segundong nag-process ang utak ko. Hindi ko kasi alam kung para saan ang pagso-sorry nya. Hanggang sa naalala ko kung bakit ako hindi nakakain kahapon kaya sobra ang inis ko. Naalala ko na nambulabog sila ng alas tres ng madaling araw.
“Ah, medyo.” sagot ko kahit na oo naman talaga. Sobra ang perwisyo nila sa akin. The sun was already up that time when I finished writing the update for my novel. At dahil sa sobrang pagod at antok ko ay agad akong natulog kaya hindi ako nakakain. At tinapon ko nga ang menudo nya kasi pinagdudahan ko pa sya noon. “Pero okay na. Nakabawi ka na naman.”
“I saw the broken mug when I opened the door in the morning. That’s when I figured that we’ve really disturbed you that night. Hindi ka naman magbabasag ng mug kung hindi ka galit.” he sighed. “Naistorbo ba naman ang tulog mo?”
“Ah, hindi. I was writing.”
“Writing?”
Tumango ako. “Yes. Nanghihingi na kasi yung publisher ko ng update for my novel that day. At hindi ako makapag-concentrate dahil sa ingay nyo kaya ayun. Napasugod ako.”
“You’re an author?” hindi makapaniwalang tanong nya. I nodded. “The hell! Kaya pala galit na galit ka noon! Good thing I closed the door before you can even throw the mug at me!”
I can’t help but to smile. He looked so cute when he said that. Siguro ay ini-imagine nya ang sarili nyang tinamaan ng mug na ibinato ko noon.
“It’s fine, now. Bawing bawi ka na sa kape, menudo at nilagang baka na bigay mo.” I assured him.
I stared at him and tried to read his face again. He looked so genuine. Mukha kasi syang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko. Maybe he was really sorry, afterall.
Natahimik kami at nagpatuloy sa pagkain. Mas mukha syang ginanahan ngayon kaysa kanina. Pasimple ko kasi syang pinapanood sa bawat galaw na ginagawa nya. I don’t even know myself. I feel like my eyes were already drawn to him.
This is not really good. He’s still a stranger. Wala pa rin akong alam kahit na ano tungkol sa kanya. Maliban sa pangalan nya.
“How did you learn how to cook?” pasimple kong tanong. I want to know him more so I can fully trust him.
Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Death nang tinignan ako. “Hmm. I live alone so I must learn how to cook. Wala namang magpapakain sa akin kundi ako lang.”
I was shocked because of that. “You live alone?”
“’Yup.” he said popping the ‘p’. “Umalis ako ng bahay when my Mom got married again. Ayoko nang makigulo sa pamilyang binubuo nya.”
I stared at him. Parang wala lang sa kanya na ikwento ang mga bagay na ito sa akin. I tried to find the lie on his face but there was none. Nagsasabi talaga sya ng totoo.
Why does he looks so comfortable while telling this to me? This is a part of his personal life and I’m just a mere stranger
“So that’s when I learned everything by myself.” he continued. “At first it was hard living on your own. Pero nasanay na rin ako, eventually.”
“Why are you telling me this?” hindi na nakatiis na tanong ko.
Inubos nya muna ang natitirang pagkain sa plato nya at uminom ng tubig bago muling nag angat ang tingin sa kanya. Sinalubong ko ang mga mata nyang magkaiba ng kulay. I want to know what he’s thinking. I want to find something. But all I can see was honestly in those mismatched eyes.
“I want you to feel comfortable around me, Vexen. I’m your only neighbor.”
He’s right about that. Ang bahay ko kasi ang pinakahuli sa street namin. Kay Death ang sumunod. At ang bahay naman na katabi ng sa kanya ay medyo may kalayuan kaya ang mga bahay lang talaga namin ang magkadikit. Medyo parehas din ng itsura sa labas ang bahay namin.
“What about you? May kasama ka ba dito?”
I glanced at him before my eyes went down on my empty plate. Pinag iisipan ko kung sasagutin ko ba ang tanong nya. Kanina lang ay pinagdududahan ko pa sya. Pero matapos nyang magsabi ng tungkol sa buhay nya ay hindi ko na alam.
Just a little bit of information would be fine, right?
“I live alone, too.” I answered and looked at him. I saw amusement on his eyes. “I want to become independent.”
“I guess we’re on the same page then.” sabi pa nya na nagpipigil ng ngiti. Hindi ko naman alam kung anong kinatutuwa nya.
Hindi ko na napigilan si Death nang pinilit nyang tulungan ako sa pagliligpit at paghuhugas ng mga pinagkain namin. And that’s totally fine with me. Washing the dishes is my most hated household chores kaya madalas ay sa mga restaurant ako kumakain makaiwas lang sa paghuhugas ng plato. Ayoko kasing nababasa ng matagal ang mga kamay ko.
And while we’re here in the kitchen, I noticed something about him. His stance was unguarded for someone who can walk silently. Nasa itsura nya ang pagiging komportable habang nandito sa loob ng bahay ko.
But he knew stealth walking. At hindi mga ordinaryong tao ang nag aaral noon. But why does he looks so unguarded if he’s really a bad guy? Ganoon lang ba talaga sya maglakad?
“What should I cook for our dinner?” tanong ni Death nang magpaalam na babalik na sa bahay nya at hinatid ko sya sa may pinto.
Napakunoot naman ang noo ko dahil doon. “Dinner?”
“Yeah. I’ll cook for our dinner, too.”
Parang gustong mangiti ng mga labi ko kaya pinigilan ko.
“Pasta. Ikaw na bahala basta pasta.”
He smiled again and knees almost buckled by the sight of it. Why does he have this kind of effect on me? Am I really that attracted to him?
“Okay. Pasta.”
He waved goodbye bago ko sya pinagsarhan ng pinto. Ilang segundo akong nakatayo sa harapan noon na parang baliw na may malawak na ngiti sa mga labi.
Merda! I am really attracted to him! There’s no doubt about it!
Nang pumihit ako patalikod ay agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko at napalitan ng pagsimangot.
“Anong ginagawa mo dito?” I asked to the man who was sitting comfortably on my sofa. I heard him chuckled by my reaction.
“Nice to see you too, V.”
I rolled my eyes because of his sarcasm. I walked past through him and went to the kitchen. Seconds later, I felt his presence behind me.
“Who’s that guy? Your new toy?”
Napairap ako bago humarap sa kanya. Matalim ang mga matang tinignan ko sya habang sya ay may mapaglarong ngisi sa mga labi.
“Shut up, Shielder.” I crossed my arms over my chest and stared on his gray eyes. “What are you doing here?”
“Violet called. Told me I should replace your house locks.”
I sighed. Oo nga pala. Naiwala nga pala ni Violet ang spare key ko kaya dapat nang palitan ang lahat ng mga locks ko. She’s really careless but she’s the best when it comes to our mission.
“Main door, back door and sliding glass door na lang ang mga locks na palitan mo.”
I wanted to add that he should make a lock that only I can open. Pumapasok na lang kasi sila dito sa bahay ko nang walang pasabi. Mabuti na lang at marunong akong magkontrol ng emosyon ko kung hindi ay matagal na akong inatake sa puso sa sobrang gulat kapag lumilitaw na lang sila dito sa bahay ko.
Just like what Shielder did just now.
“Now answer my question, V. Who’s that guy?” tanong ni Shielder na hindi pa pala nakakalimutan ang tungkol kay Death.
“New neighbor.” I simply answered. I don’t want to explain anything to him. Iyon lang din naman talaga ang masasabi ko sa kanya.
“And? You trust him that easily?”
“He looks harmless, Shielder. Can you please just do your work and leave me alone?”
He tsked and I just rolled my eyes again. Baka tuluyan nang tumirik ang mga mata ko sa karorolyo nang dahil dito kay Shielder.
“Just don’t trust easily, V.” seryosong sabi nya.
“He looks more trustworthy more than you.”
Napatawa ako nang sya naman ang magrolyo ng mga mata nya. Kapag nagsusungit sya ay mas lalo kong nakikita ang pagkakahawig nilang dalawa ng kapatid nya.
“Ako pa talaga, ha? I’m the most trustworthy one, V. Kahit madalas nilang sabihin na si Tracer talaga.”
I didn’t say anything ’cause I agree with him. People say that Tracer was more trustworthy than his brother. Pero mas malaki ang tiwala ko dito kay Shielder kahit pa sobrang maloko nito kumpara sa kapatid nya.
“Tracer was loyal to El Ordre. The organization promised him that he can have his revenge.” Shielder said. Seryoso ang pagkakasabi nya habang nilalabas ang mga bagay na gagamitin nya sa pagpapalit ng mga locks sa bahay ko.
“How about you? Ayaw mo syang samahan na maghiganti?”
Napatigil sya sa ginagawa nya at tumingin sa akin. His eyes were serious. Pakiramdam ko tuloy ay kaharap ko na rin ang kapatid nya.
“No. I don’t care about revenge, V. I joined the organization just to protect him. He’s the only family that I have.”
Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang sya sa gagawin nya. Iniwan ko sya doon bago umakyat sa kwarto ko para magpahinga. Kulang pa rin kasi talaga ang tulog ko.
Shielder words linger on my mind. I know the reason why Tracer joined the El Ordre. He wanted to have his revenge. He is loyal to the organization because they promised to help him. And I am scared that someday, those loyalty and revenge might not be good for him.
Mabigat ang rason nila ni Shielder kung bakit sila sumali sa El Ordre. And I’m sure Violet and Archer, too. While me? I just wanted to make my father proud that I’m willing to risk my life for it.
I guess everyone has their own reason why they joined the El Ordre.
Chapter 7
Ang isang araw na pagsasabay namin ni Death sa pagkain ay nagtuloy-tuloy. It was confusing at first, especially when he offered that he will cook for our food. I even asked if he’ll cook for my portion when he said “our”.
Noong una ay tumanggi talaga ako. I have my money. I can’t cook but I can still eat on the restaurant. Iwas hugasin pa.
But Death insisted that I should let him cook for me. He reasoned out that since we’re neighbors and both living alone, we should help each other. Ayaw nya rin daw mag-aksaya ng gas kung sya lang din naman ang kakain. At kung minsan ay may naitatapon daw syang pagkain dahil napaparami ang luto nya.
Hindi ba sya marunong magtantyang magluto na para sa sarili nya lang?
I found myself accepting his request in the end. Nagtaka pa nga ako kung bakit ang bilis kong pumayag sa mga offer nya? Was it because of his eyes? Gustong gusto ko kasi talagang titigan ang mga mata nya. Those were the best definition of being perfectly imperfect.
I was still uncomfortable around him the second time he ate dinner in my house. Pinapanood ko pa rin ang mga kilos nya. At yung paglalakad nya, talagang walang tunog. Nagugulat na lang ako na nasa likod ko na pala sya. That was the first reason why I doubted him back then.
Whether he knows how to stealth walk or that’s how he really walks, I’m not sure. But it’s been five days already since the day he offered that he’ll cook for me. And here I am, still alive and kicking. Wala pa rin nangyayari sa aking masama.
That’s when I concluded that Death is just a friendly human. Na wala talaga syang balak na masama sa akin. Kasi kung mayroon, he can easily kill me without anyone knowing. Pero hindi nya pa din ginagawa, which made me glad.
I am starting to like Death’s company. Madali at masaya syang ka-kwentuhan. Halos hindi kami nauubusan ng mapag-uusapan. Kung dati ay umuuwi na agad sya pagkakain nya, ngayon ay nagtatagal pa sya dahil kumakain pa kami ng desert habang nanonood ng tv.
“Didn’t know you’re a fan of Supernatural?” I asked. Halos hindi na kasi sya kumukurap sa panonood.
We’re here in my living room and watching Supernatural. I like the show too pero hindi ako ganoong ka-updated sa panonood. Yung huling nood ko yata ay season nine pa lang ako. Unlike Death here, nasa season thirteen na sya. Malapit na daw kasing ilabas ang huling season kaya naghahabol sya.
“I like Dean’s personality.” sagot nya na hindi man lang inalis ang tingin sa tv. “And the show never gets boring.”
I just shrugged my shoulders and decided to refill my cup of ice cream. Naubos na kasi. Tumayo ako at pumunta kung nasaan ang ref para kumuha pa.
Pagbalik ko ay hindi na muna ako kaagad na naupo. Tumigil ako sa paglalakad ilang metro ang layo kay Death para pagmasdan sya.
He looks so comfortable while sitting on my sofa. Seryosong seryoso ang mukha nya habang nakatitig sa may tv. His brows were furrowed meaning that he’s giving his full concentration on the show. I pursed my lips to stop myself from smiling. Mukha kasi syang batang hindi mo maiistorbo sa panonood.
Pero hanggang doon lang ’yon. Everything about Death is so manly. The room even looked and felt so small with his presence. Kaya naman kapag wala sya dito sa bahay ay pansin na pansin ang pagkawala nya. Nasasanay na rin kasi ako na nandito sya.
I smiled when he looked my way. Siguro ay naramdaman nya ang titig ko sa kanya. Itinuloy ko na lang ang paglalakad ko at muling umupo sa tabi nya.
“I’m sorry. Don’t you like the show?”
I frowned when I saw uncertainty in his eyes. Iniisip nya ba na nababagot ako dahil hindi agad ako lumapit sa kanya?
“I like it. I’m a fan too.” sabi ko na lang at nagpakita na naman ang ngiti nyang nakakasilaw.
Mas lalong kumunot ang noo ko nang tumigil na naman sandali ang pagtibok ng puso ko. Ano ba talaga ’yon? Bakit tumitigil?
I stared at Death. Is he the reason why my heart’s behaving this way? Simula nang dumating sya ay kung ano-ano nang nangyari sa katawan ko. I became a pervert. Yung tyan ko mas gusto ang mga luto nya, at itong puso ko nga.
Atraksyon lang naman ’to, hindi ba?
“Who do you like more? Dean, Sam, or Castiel?” he asked. Nasa akin na ngayon ang buong atensyon nya at hinihintay talaga ang sagot ko.
“Si Cas.” I answered. Nakita kong napasimangot sya.
“Dean is better.”
Napangiti na talaga ako sa itsura nyang nakasimangot. Mukhang gusto nya yatang si Dean ang isinagot ko.
Si Dean naman talaga ang gusto ko noong una sa Supernatural. Not until Violet insisted that Dean’s actor looks like Archer. Noong una ay itinanggi ko. Hindi naman kasi talaga kamukha. Pero dahil sa kapipilit ni Violet, naging kamukha na nga ni Archer si Dean sa paningin ko.
I wonder how Death will react if he sees Archer?
Nagpaalam na rin si Death pagkatapos naming maubos ang isang gallon ng ice cream na binili nya. He said he’ll bring another sweets tomorrow. Nakangiti pa ako habang hinahatid ko sya sa may pinto pero nang maisara ko iyon ay nawala ang ngiti ko.
“What do you want, Archer?”
Mula sa dilim sa kusina ko ay nakita ko ang isang bulto doon na papalapit sa akin. But I know this presence so well. Ilang beses na kaming nagkasama sa misyon and I know that this man is Archer.
“Shielder was right. You have a new man.” inilagay nya ang dalawang kamay sa bulsa nya at mapang-inis na ngumisi sa akin.
Damn, that Shielder! Nakalimutan kong pilitin syang huwag sabihin kahit kanino ang tungkol kay Death!
“Didn’t know that you’re nosy enough to went here just because of that.” I smirked and gritted my teeth. Mukha namang tuwang-tuwa sya sa naging reaksiyon ko.
“Can’t help it. I’m too curious. Why don’t you marry him so your father would stop looking for you?”
I glared at him but he just laughed at me. Mas lalo pang sumama ang tingin ko dahil ang pesteng puso ko ay mukhang tumigil na naman sa pagtibok ng ilang segundo dahil sa sinabi ni Archer.
“If you’re here just to make fun of me, please leave. Nasa mood akong pumatay ngayon, Archer.”
Hindi man lang sya natakot sa banta ko. Pabagsak pa syang naupo sa sofang kinauupuan namin ni Death kanina. He rested his hands on the backrest.
“Who said that I’m here to make fun of you?” biglang sumeryoso ang mukha nya. “Tonight’s the meeting of Chang and the leader of the syndicate that Hunter mentioned.”
I pursed my lips. Nakalimutan ko na ang tungkol dito. And I think it was because of Death. I was happy these past few days because of his company that made me forget about my mission. About how many people that want me dead. About how dangerous my life is. And about the fact that I’m running away from my father because of that freaking engagement.
“Sasabihan ko na din si Violet.” sabi ko na lang kay Archer. Nang papaakyat na ako sa hagdan para maghanda sa misyon naming ’to ay napalingon ako sa kanya na ganoon pa rin ang pwesto. “You could’ve texted me about this. Why bother coming here?”
Sa tanong kong iyon ay ngumisi na naman sya. Wala pa man syang sinasabi ay gusto ko nang umirap.
“I wanted to make fun of you because of your new boy.” pag amin nyang nang-aasar na naman.
Binato ko sya nang unang bagay na nahawakan ko, unfortunately it was only a stuff toy and unfortunately again, he dodged it.
“Marami akong stocks ng condom. Bigyan kita ng isang box kung gusto mo.”
“Fuck you, Archer!” gigil na sabi ko pero mas lalo lang syang tumawa.
“Oh no, I can’t, V. Tell that man to do it in my place.”
Mabilis akong naglakad papunta sa may drawer kung saan nakatago ang isang baril ko. Pero mas mabilis si Archer dahil bago ko pa iyon ikasa ay nakalabas na sya ng bahay ko.
Good thing he knew that I will really shoot him if he won’t stop making fun of me.
I just wore my usual get up whenever I go to bar. Fitted black leather pants and a black tube top. Pinatungan ko iyon ng bomber jacket. I put on my smokey eye makeup and red lipstick. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang buhok ko.
I used my car instead of my MV Agusta. Agaw pansin kasi iyon at ginagamit ko lang iyon kapag gagawin ko ang misyon ko nang walang madaming tao.
I’ll use that sexy motorcycle again when it’s time to assassinate Chang.
Violet texted me that she’s already at Club Inferno pero wala pa doon ang target namin. The plan is, she will put a listening device on that syndicate’s leader to know what their plan is. Para malaman din namin kung saan itinatago ang mga batang ibebenta nila kay Chang at kung saan mangyayari ang transaksyon. Sigurado kasi akong hindi iyon dito.
I parked my car and went inside the bar. It was already packed with people at amoy na amoy na rin ang usok mula sa sigarilyo. I scanned the crowd and immediately spotted a familiar face on the bar counter kaya doon ako pumunta.
“The usual?” tanong sa akin ng bartender na nakangisi pa. Inirapan ko tuloy.
“Shut up, Shielder.”
He chuckled before he made my drink that I usually ordered. Namataan ko si Violet na may kausapa na lalaki. It was obvious that they’re flirting judging by the hands of the guy that were already on her waist.
“Call me Gray, Vexen.”
Napatingin ako kay Shielder na inaabot na pala ang inumin sa akin. Kinuha ko iyon at inisang lagok lang ang laman ng shot glass. Muli naman nyang sinalinan iyon.
“Why are you working tonight?” I asked instead.
Gray is the owner of this bar. Pina-renovate nya ang bar at iniba ang pangalan matapos itong masunog dalawang taon na ang nakalilipas. Nanghinayang daw sya kaya binili nya ang lupa sa may ari at muling inayos ang bar.
And since Gray wasn’t on the mission, he wants me to call him by his name. Lalo pa at nandito kami ngayon sa lugar na pagmamay-ari nya. Baka may makaalam na sya si Shielder ng El Ordre at magkagulo pa. I know how important this place is for him. Tinulungan din kasi sya ng kapatid nya sa pagtatayo nito.
Hindi na din ako nagtaka kung paano nya nalaman ang totoong pangalan ko. I bet he even knew my real surname. Probably he got it fron Tracer since they’re brothers.
“I’m bored. Wala akong magawa kaya nagtrabaho na lang ako.” then he flashed me his sweet smile. “Ang sipag ko, ’no?”
Hindi ko sya sinagot at inirapan na lang. Muli kong tinungga ang inumin ko at agad namang nagsalin si Gray ng panibago doon.
Nakita kong napalingon si Violet sa gawi ko. Nagtitigan lang kami at alam kong naghihintay lang din sya. Archer’s definitely somewhere high outside watching using his sniper’s scope.
Nakatingin lang ako sa dancefloor nang marinig na tumikhim si Gray. I looked at the bar’s entrance and saw our targets.
Chang is a fat chinese old man. Malinis ang mukha nya at walang kahit na anong balbas o bigote ang makikita. I frowned. Naaalibadbaran ako sa itsura nya, eh. Mukha syang golden buddha.
Sa tabi nya ang isang lalaking mukhang hindi mapagkakatiwalaan. Hindi katulad ni Chang, ito naman ay may bigote at balbas sa mukha. Naka business suit ito at nakita ko ang maraming singsing na nakasuot sa daliri ng mga kamay nito.
Bahagyang tumango sa akin si Violet na nasisiguro kong nakita na rin si Chang at ang leader ng mga sindikato. Nakita kong nagpaalam sya sa kausap nya. Nagmamadali ang kilos nya dahil papaakyat na ang dalawa papunta sa private room at mukhang doon mag uusap.
Ibinalik ko ang tingin ko sa may dancefloor. May isang lalaki ang lumapit sa akin at nagtangkang makipag-usap pero si Gray ang sumasagot sa kanya. I am sure that guy will have an idea in his dumb head that Gray is my boyfriend.
Nang muli akong tumingin sa gawi ni Violet ay papabalik na sya sa pwesto nya kanina. She glanced at me and gave me a smile. Napangisi ako.
Okay. Ako naman mamaya.
I sent a text to Archer to let him know that he can start recording.
Nakaabang ako sa pagbaba nung dalawa. I must get that listening device that Violet put on syndicate’s leader so they won’t have an idea that we already know something. Mahirap na. Baka ibahin pa nila ang lugar ng pagkikitaan nila.
Alam kong maging si Gray ay naghihintay din sa dalawa. Noong una ang kinausap pa namin sya na baka kung pwede ay kabitan na lang namin ng listening device ang bawat kwarto dahil hindi namin alam kung saang kwarto mag uusap yung dalawa pero hindi sya pumayag. Baka daw malaman ng mga customers nya at bumagsak ang negosyo nya.
Well, I can’t blame him. This is his business and I don’t have the right to ruin it just because of this simple mission.
Isang oras ang lumipas ay nakita kong pababa na ang dalawa. Chang looked tipsy. His face was all red and he’s laughing really loud. Hindi katulad ng kasama nya na mukhang hindi man lang uminom.
I wet my lips. Mas madali sana ’to kung lasing din sya.
I gulped down my own drink before I stood up and pretend that I’m drunk. I saw from my peripheral that some guys wanted to help me pero hindi natutuloy nang sinamaan ko sila ng tingin. Mas lalo pa akong umarte na lasing nang makalapit na ako sa dalawa.
And me being a vixen, I acted that I tripped. Saktong nasalo naman ako ng lider ng mga sindikato. Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Chang.
“Easy, lady.”
I smirked to myself. Well, this is easy.
Kinapa ko ang parte ng damit nya kung saan napag usapan namin ni Violet na doon ilalagay ang listening device. Pero bago ko pa makuha ay may humigit na sa akin.
My heart hammered thinking that it was the leader of the syndicate. Merda! Did I blow our mission up?
“Are you okay?” isang pamilyar na boses ang mas lalong nagpakaba sa akin.
“Death!” nanlalaki ang mga matang tawag ko sa pangalan nya. Nakalimutan ko na umaarte nga pala akong lasing kanina at nakalimutan ko din na nasa harapan namin ang mga target namin.
“Your boyfriend?” tuwang tuwang tanong pa ni Chang kaya napatingin ako sa kanya. Lumipat ang tingin ko sa katabi nya na nakakunot ang noong nakatingin sa akin.
Merda! Nakahalata ba sya?
“Are you okay, Vexen?” muling tanong sa akin ni Death kaya bumalik ang tingin ko sa kanya.
I gulped. Ngayon lang ako pumalpak ng ganito! Kung bakit kasi bigla na lang sumulpot si Death dito!
“Vexen!”
Sabay kaming napalingon kay Gray na tumawag sa akin. Pero imbes na ako ay ang lider ng mga sindikato ang nilapitan nya.
“Are you okay, sir?” tanong pa ni Gray na tinapik ang balikat noon. “I am sorry about my friend. Naparami lang ang inom nya.”
Tumingin sa akin ang lider kaya kumapit ako sa mga braso ni Death at nagkunwaring lasing. Death arms immediately wrapped around my waist. At nang maamoy ko ang pabango nya ay parang nalasing na nga talaga ako.
“Ayos lang. Mag-ingat na lang sya sa susunod.”
Nakahinga ako ng maluwag nang umalis na ang dalawa. Alam kong nakuha ni Gray ang listening device mula doon sa lider ng mga sindikato. Nakita nya siguro kanina kung saan ko balak kunin iyon.
“Gray.”
Nagulat ako ng binati ni Death si Gray. Tinanguan lang sya ni Gray na parang matagal na silang magkakilala. I wanted to ask questions but no words came out from my mouth.
Shielder knows Death?
“Balik na ako sa counter.” paalam ni Gray na pasimple lang akong sinulyapan. Alam kong nakikita nya ang mga tanong sa mukha ko.
“Sige. Ako nang bahala kay Vexen.” Death announced.
Hindi na ako nakapalag nang alalayan nya ako palabas ng bar na iyon.
Chapter 8
I stayed silent the whole time Death was leading me to the parking lot. His arms were still on my waist. Inaalalayan nya rin ako sa paglalakad kahit hindi na naman kailangan. I can still walk properly even if I drank earlier. My alcohol tolerance is high.
Pero hindi naman alam ni Death na umaarte lang ako kanina so that I can get the listening device on the leader’s suit. Sakto pa talagang dumating sya pagkasambot sa akin nung lider. Mabilis nya akong nahablot kaya hindi ko na nagawang kunin ang listening device.
At para hindi magtaka si Death, tinuloy ko ang pag-arte. I still acted drunk but not too drunk unlike earlier. Para lang hindi na sya magtanong.
Napataas ang kilay ko nang tumigil kami sa harap ng isang midnight blue convertible car. Damn, this car looks so sexy. Napatingin ako kay Death nang patunugin nya ang lock ng kotseng iyon.
So this sexy car is his? Napanguso ako. Bagay na bagay. Both the car and the owner were sexy.
He opened the door on the passenger seat. Tinulungan nya pa akong makaupo. I wanted to say that I’ve brought my car but when I saw the look on his face, I chose to shut my lips. He looked so serious that his brows were even furrowed. Nang masiguro nyang maayos na ako sa pwesto ko ay isinara nya ang pinto at umikot papunta ng driver’s seat.
We were both quiet on the way home. There’s so many questions inside my head right now. What was Death doing in that bar? Palagi ba syang pumupunta doon? And how did he know Gray?
Maybe I’m just paranoid but I can’t help to doubt Death again. Ayoko na sanang pagdudahan sya ulit. But knowing that he knows someone in my life made me doubt again.
Shielder definitely saw Death that time when he changed the locks in my house. But he acted that he doesn’t know him and still gave me an advice not to trust easily.
Not an advice. A warning, rather.
Is he saying that I shouldn’t trust Death?
“What were you doing at Club Inferno?” I asked. Hindi na kasi talaga ako nakatiis.
Death glanced my way. “We finished our gig at some restobar nearby. Nagkayayaan na dumeretso na kami ng Club Inferno to have fun.”
“So you were with your bandmates?”
“Yes.” sagot nyang hindi na ako nilingon.
“How did you know Gray?”
Muli syang sumulyap sa akin sa tanong kong iyon pero wala akong mabasa sa mga mata nya. And for a moment, I got scared. This isn’t the Death that I knew when we’re sharing food inside my house. His mismatched eyes were blank.
But blinked and then smiled. Nawala ang pagiging blanko ng mukha nya at nagkaroon iyon ng emosyon. Hindi ko tuloy alam kung guni-guni ko lang ba yung kanina.
“Palagi kasi kaming nasa Club Inferno. Gray is the owner, right?”
I nodded as an answer. Mukhang totoo naman ang mga sagot nya. He even look like he’s telling the truth. His face says it all.
Maybe I was just over thinking again.
“How about you? How did you know Gray?” he asked. At dahil sanay na akong magsinungaling ay nakaisip agad ako ng isasagot sa kanya.
“You know that he’s the owner, right? He’s also acting as the bartender sometimes. Kung minsan ay nasasaktuhan kong sya ang bartender kapag pumupunta ako doon. He talked to me then we became friends.”
I was looking at Death the whole time I was telling those lies. I didn’t even blink an eye. Para mapaniwala ko syang hindi ako nagsisinungaling. Na nagsasabi ako ng totoo.
He seems convinced with my answer ’cause he nodded his head. I sighed before looking out of the window.
Hindi na kami ulit nag-usap hanggang sa makarating kami sa bahay, which was a good thing ’cause I didn’t want to lie again. Ewan ko ba. Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko sa mga nangyari kanina.
Death opened the door for me. Inalalayan nya ulit ako sa paglalakad. Hinayaan ko na, hanggang sa makarating kami sa tapat ng pinto ng bahay ko.
“Thanks.” I said softly. Nakatingin lang ako sa kanya na nakatitig sa akin. Malaya ko tuloy napagmasdan ang mukha nya.
Those thick eyebrows, that perfect nose, those lips, those mismatched eyes and that jawline.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang bumilis ang tibok ng puso ko.
“That man…”
Naghintay ako ng sunod nyang sasabihin pero hindi dumating. He looks like he’s having a second thought if he’ll say it or not. Nababasa ko kasi ang pag aalinlangan sa mukha nya.
That man? Sino?
Nakita kong umiling na lang sya. “Nevermind. Goodnight, Vexen.” he touched the ends of my hair. “I’ll cook you a hangover soup for breakfast.”
My lips automatically smiled. This is the first time that he bid me goodnight. The sensation that I felt when he touched my hair was too much that made my heart thumped more crazily.
“Goodnight, Death.”
He smiled before he slightly nodded his head. Pumasok na ako sa loob ng bahay at sinarado ang pinto.
I heaved a deep sigh before taking out my phone. I sent a text to Shielder. Sinabi kong sya na ang magdala ng kotse ko pabalik dito sa bahay. I must go to our hideout. I’m sure that Violet and Archer were already there.
Kinuha ko ang helmet at ang susi ng MV Agusta ko sa tabi lang nito. I waited for a couple of minutes before I mounted my motorcycle and drove my way to our usual hideout.
“What the hell happened back there, V?” galit na bungad sa akin ni Archer pagkapasok ko pa lang. Mabilis na rumolyo pataas ang mga mata ko at diretsong naupo sa may sofa doon.
“Nothing.” I answered. Kinuha ko ang laptop na nakapatong lang sa center table at binuksan iyon.
“Nothing?! You almost blew our mission because of your new boy! Good thing that Shielder was there to back you up!”
So I was right. Shielder got the listening device when he patted the syndicate’s leader on his shoulder. Ang bilis ng kamay nya.
“Hindi sya kasali sa misyon pero kailangan nyang umaksyon dahil sa kapalpakan mo.”
I glared at Archer and almost threw my laptop at him. Parang sya hindi nagkakamali, ah?!
“I’m sorry, okay?! It wasn’t my fault! I was taken aback when Death suddenly showed up!” gigil na sabi ko.
“Death? Is that the guy’s name?” singit ni Violet na umupo sa tabi ko at kinuha ang laptop mula sa akin. Nahalata nya sigurong gusto kong ibato iyon kay Archer.
“Her new boy and her new neighbor.” inis pa ring sabi ni Archer na kinuha naman ang laptop. Umupo sya sa pang isahang sofa at kinalikot iyon.
“He looked so hot, V!” kinurot pa ako ni Violet sa braso at sa palagay ko ay gusto nya ring tumili kung hindi lang sya tinignan ng masama ni Archer. Lumapit pa sa akin si Violet para bumulong. “You said that he has a band?”
“Yeah. His voice is really good, too.” naalala ko na naman tuloy yung gabing narinig kong kumanta sya.
I want to hear him sing again.
“Are the both of you just going to chitchat or you want to continue with our mission?”
Pareho kaming napairap ni Violet sa pagiging masungit ni Archer. Hindi ko rin naman sya masyadong masisi dahil muntik na talaga akong pumalpak kanina. Kung wala lang akong kasalanan ay kanina pa ako nakipag sagutan sa lalaking ito na menopausal na yata.
Inilapag ni Archer ang laptop sa center table at may pinindot doon. Ang sunod na narinig namin ay ang mga boses ng dalawang lalaking sa tingin ko ay pagmamay-ari nina Chang at nung leader ng mga sindikato.
We listened. At first, they were just talking about nonsense things. Nagkukwentuhan sila at doon ko napagtanto na magkaibigan din ang dalawa. Siguro ay dahil madalas silang magkita because of their work. And that work was to buy and sell teenage girls.
I gritted my teeth when I imagined those innocent girls that they used just for money. Those innocent lives that they ruined and will ruin. I must succeed on this mission to stop those monsters. No more room for another mistake.
Ilang minuto pa ay narinig na namin ang gusto naming marinig. They’ve decided that they will do their “transaction” seven days from now. Chang wants to buy fifteen girls this time. Eight girls should be virgins. All must be fair and healthy. Marami raw kasing mga negosyante ang sumali ngayon sa auction nila. Mas maraming customer, mas malaki ang kita.
Ipinikit ko ang mga mata ko ng mariin at ikinuyom ang mga kamao kong nakapatong sa mga hita ko. Pigil na pigil ang galit ko. Kung makapag usap kasi sila ay akala mo mga laruan lang ang pinagbibili at binebenta nila. And right at this moment, I wanted to assassinate that disgusting golden buddha.
But I must wait for seven days before I can do that. Iipunin ko na lang ang galit ko para mas lalo akong ganahan na ayusin ang gagawin ko.
Henry Chang will be killed by my own hands. I will definitely end his life.
Archer said that he will stop the syndicate first before he’ll let me do my work. Stopping means killing for him. He will raid the hideout of that syndicate and will rescue all those girls. He will give me a signal if his mission is a success.
Pumayag ako sa plano nya. Iyon naman ang sinabi ni Tracer. Archer will took care of that syndicate while he wants me to assassinate Chang. Alam ko namang kayang kaya ni Archer kahit marami pa ang maging kalaban nya.
Nagpaalam na ako sa dalawa matapos naming malinis ang plano. Nagtaka pa nga ang dalawa dahil alam nilang nagpapalipas ako ng gabi dito sa hideout.
“Death will cook breakfast for me.”
I heard them groaned which made me chuckled. Kailangan kong umuwi dahil baka ma-late ako ng gising at walang maabutan si Death doon. Magtataka sya kung bakit wala ako.
Isa pa, ayokong masayang ang iluluto nya. Kaya naman pumapayag talaga ako kapag sinasabi nyang ipagluluto nya ako. Gusto ko tuloy matawa. Noong una ay pinaghinalaan ko pa syang nilagyan ng lason ang menudo pero heto ako ngayon at gustong gusto ang mga niluluto nya.
His cooking is the best in the world.
Chapter 9
I woke up through sound of the doorbell which made me groaned. Have I ever mentioned that I hated if anyone disturbs my sleep? I got out of the bed feeling livid and was ready to kill the bastard behind my front door until I remember what happened last night.
Death will cook breakfast for me.
My anger quickly melted and replaced by a strange feeling. I suddenly became excited. Mabilis pa akong pumunta sa harap ng salamin para makita kung anong itsura ko. But I quickly grimaced when I saw how horrible I looked.
Muling tumunog ang doorbell at bigla akong nag-panic. Merda! I can’t let Death see me like this!
Agad akong kumuha ng twalya para sana maligo nang mapatigil ako. Why am I acting this way anyway? He already saw my morning face when he gave me the coffee beans last time. Sigurado akong mas malala pa ang itsura ko noon dahil kulang na kulang ako sa tulog noon. Mukha siguro akong sabog nung mga panahon na iyon.
I suddenly wanted to hide my face.
Tumunog ulit ang doorbell. I groaned and decided to wash my face to removed the dirt. Bakit kasi hindi ako fresh kapag nagigising? Unlike yung ibang mga babae na nakakapag-post pa ng “Woke up like this” photos nila.
I groaned again. When did I become so insecure about other girls? I hate this feeling!
Dahil naka-underwear lang ako kapag natutulog ay nagbihis na lang ako ng malaking shirt at isang shorts. I combed my hair with my fingers before finally went down to open the door.
Ang nakangiting mukha ni Death ang sumalubong sa akin. Damn, those smile! I want to take a picture of it and stare at it everytime when I’m feeling down! Nakakadala kasi ang mga ngiti nya. Awtomatikong napangiti na rin tuloy ako.
“Good morning!” he even greeted me. His mismatched eyes were twinkling with the sunlight.
Kung ganito lang ang bubungad sayo sa araw-araw ay masaya talagang gumising.
“Good morning. Pasok ka.” niluwagan ko pa ang bukas ng pinto para makapasok sya.
“I cooked hangover soup for you.” ngiting ngiting sabi nya nang makapasok at itinaas pa ang maliit na casserole na dala nya. I smiled when I smelled the food.
“Smells delicious.”
“And tastes delicious too.”
Napatawa ako at magkasabay kaming pumunta sa may dining area. Umupo ako at sya naman ay kumuha ng bowl at kutsara. Sya na rin ang naglagay ng soup doon. He put the bowl in front of me bago sya umupo sa tapat ko.
“Ikaw?” I asked dahil isang bowl lang ang kinuha nya.
“Nah. I’m good.” he said. Nagkibit balikat na lang ako kahit na alam kong maiilang lang ako nang ako lang ang kakain ngayon.
“Pinag-aralan mo bang lutuin ’to dahil madalas kang mag-lasing?” tanong ko na lang para mawala ang pagkailang ko at sumandok ng soup.
He chuckled at my question. “Hindi. But it says that it was effective against hangovers based on korean dramas.”
Napataas ang kilay ko. “Didn’t know that you’re a fan of kdrama.” sabi ko bago isubo ang kutsarang may laman ng soup na niluto nya.
The moment I tasted the soup, my mouth wanted more. Merda! Death’s cooking should be illegal! This was just a simple soup and yet he managed to cook this very well! He was right! This soup smells and tastes delicious! Nakakatanggal nga ng hangover kahit wala naman talaga akong hangover!
“Yung kaibigan ko ang fan ng kdramas. She wanted me to learn how to cook hangovers soup. Apparently, madalas daw syang maglasing noon.” tuwang tuwang kwento nya pero napakunoot naman ang noo ko.
She? Ibig sabihin ay pinagluto nya rin ng ganito ang babaeng kaibigan nya?
“Ah…” tanging nasabi ko na lang. Bakit parang biglang pumait yata ang kinakain ko?
Death smiled at me but I can’t return his smile this time.
“How’s the soup?” tanong nya na nag aabang talaga ng isasagot ko. He even leaned on the table to stare on my face.
“Masarap.” sabi ko kahit na pumapait ang lasa noon at nawawalan na ako ng gana. Bakit parang kanina ay masarap naman ’to?“
“Really? That’s great!” si Death na mukhang nakahinga ng maluwag. “This was my first time to cook hangover soup for someone. Hindi ko na kasi naipagluto yung kaibigan ko when she got married. Her husband is so possessive over her.”
Ako naman ngayon ang nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi nya. Bumalik ang nawalang gana ko at sumarap na ulit ang kinakain ko. Mabilis akong sumubo ng sunod-sunod para malaman nyang masarap talaga ang niluto nya.
Death chuckled when he saw me eating vigorously. Napatawa na rin ako sa ginagawa ko. What the hell? This is so not me.
Something’s definitely changing.
“How’s your sleep?”
“Good.” I simply answered. Ayoko kasing magsinungaling sa kanya.
The truth is, I didn’t slept well last night. I was looking forward to this morning. This is the first time that Death cooked breakfast for me. Sa lunch at dinner lang kasi kami nagsasabay. And seeing his face in the morning makes me wanna ask him to cook breakfast for me everyday.
Merda! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito para sa isang lalaki!
I never had any boyfriends or even flings. Busy kasi ako noon dahil sa training at mga misyon na pinapagawa sa akin ni Papà. I never had time for myself. All I think about was how to make my father proud.
Pero nang makilala ko sina Archer, Tracer at Shielder na madalas kong makasama sa mga misyon ay nagkaroon ako ng ideya sa mundo ng mga lalaki. Noong una ay hindi ko talaga nage-gets ang mga biro nila, na kung minsan ay bastos na pala, pero dumating si Violet at sya ang nagpapaliwanag sa akin ng mga hindi ko naiintindihan. Madalas pa akong mamula sa mga biro nila noon pero na-realize ko na ganoon talaga sila hanggang sa masanay na lang ako.
And now, this feeling is so new to me. And Death is the one who’s making me feel this way.
“That’s great! How about your hangover?”
I stares at his gray eye then at his light green eye.
“Okay na din. Nakatulong ’tong hangover soup mo.”
“Glad to hear that. Magpapasama sana ako sayong mag-grocery if that’s okay?”
“Sige.” mabilis kong sabi at nakita kong nagulat pa sya. Dapat bang nagpakipot muna ako ng kaunti?
I don’t know. I have no idea what to do. Nang yayain ako ni Death na mag-grocery at pumasok sa isip ko na mas magkakasama kami ng matagal ay hindi na ako nag-dalawang isip sa pagsagot.
I really like his company.
Iniwan din naman ako ni Death para makapag ayos bago kami mag-grocery. Wala na daw kasi syang stocks para sa lunch mamaya kaya kailangan na naming bumili. Gusto nya daw akong isama para alam nya kung anong gusto kong kainin sa mga susunod na linggo.
Nagsabi ako ng mga gusto ko at sya naman ay nililista ang mga ingredients na gagamitin para doon. I even made my own list to buy stocks for my ref. Wala na rin kasing laman iyon. Since si Death naman ang nagluluto ay hindi ko na kailangan pang lagyan ng laman ang ref ko. Siguro ay bibili na lang ako ng mga sweets para sa desserts namin.
I was smiling when we came to the grocery store. Si Death na rin ang kumuha ng push cart. Kukuha na din sana ako para sa stocks ko pero ang sabi nya ay isang cart na lang ang gamitin namin.
Mukhang sanay na sanay si Death na mag-grocery. Alam nya kung saan nakalagay ang lahat ng nasa mga listahan. Kung minsan ay sa kanya pa talaga ako nagtatanong kung nasaan ang mga hinahanap ko.
I divided the cart’s space into two para alam ko kung anong sa akin. Pero kapag may kinukuha si Death ay basta na lang nya iyong ilalagay sa cart at ako naman ay inaayos ko at nilalagay iyon sa portion nya.
“What are you doing?” he asked when he saw the space in the middle of the cart.
“Dividing our groceries. Para madali nang mapaghiwalay kapag nasa counter na tayo.”
Nakasimangot lang syang tumitig sa akin. Napatingin tuloy ako sa cart. May nasama ba akong dapat sa akin sa portion nya?
Death didn’t say anything and continued pushing the cart. Nakasunod lang ako sa kanya. Nakita ko tuloy na napapatigil ang mga babae kapag nakikita sya. I saw the awe in their eyes while looking at Death.
I knew it. He can easily make girls swoon over him. His looks is no joke.
Kung nakita lang siguro nila ang abs at v-line nya ay baka dumugo na ang mga ilong nila.
I smiled when I remembered that day. Galit na galit ako kay Death noon sa pang iistorbo sa pagsusulat ko. Pero sino bang mag aakala na isang araw ay magkasama kaming mamimili ng groceries para sa pagkain namin?
“Bakit nandyan ka sa likod ko?” si Death na tumigil pa sa paglalakad para tignan ako. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin na rin sa akin ang mga babaeng nakatitig lang sa kanya kanina.
I almost smirked to myself. I know that these girls are getting jealous of me. Na-realize ko tuloy ang pagiging swerte ko dahil naging kapitbahay ko si Death.
Nang matapos kami sa pamimili ay pumila na kami sa counter. Nagulat pa nga ako dahil pinauna si Death ng babaeng nakapila sa unahan namin. And when Death smiled at her when he thanked her, the girl blushed from head to toe.
I just rolled my eyes at the sight.
“Ako na muna ang magbabayad.” sabi ko nang makarating kami sa cashier. Nakita ko na naman ang titig sa kanya ng babaeng nasa tapat ng cash register. Ewan ko ba pero naiinis ako.
“No, Vexen. Babayaran ko na rin ang mga pinamili mo.”
Napatingin na tuloy ako kay Death dahil sa sinabi nya. Wala naman syang sinabing ganoon nang yayain nya akong mag-grocery at wala din sa plano kong pagbayarin sya sa mga pangangailangan ko. He’s already cooking for my food everyday.
“No, Death. I’ll pay for these.” sinimulan ko nang ilagay isa isa ang mga pinamili ko sa harap ng cashier pero pinigilan ako ni Death. Hinawakan nya pa ako sa braso at hindi ko alam kung naramdaman nya rin ba ang kuryenteng dumaloy doon.
“Vexen, please. Let me pay. Pasasalamat ko na lang sa pagsama mo sa akin ngayon.”
Pumayag na ako at mabilis na tinanggal ang kamay nyang nakakapit sa braso ko. What was that electricity?
Hanggang sa makalabas kami sa grocery store ay iniisip ko kung ano ang kuryenteng naramdaman ko mula sa kamay ni Death kanina. Is that what they call sparks?
“Sabi ko sayo ako na ang magbubuhat, eh.” I insisted. Nakita ko kasi kung gaano sya nahihirapan sa dami ng dala nya habang papunta kami kung saan naka-park ang kotse nya.
“I told you, Vexen. It’s okay. Kaya ko naman.”
Napanguso ako nang buksan nya ang compartment ng sasakyan nya sa likod gamit ang remote ng car keys nya. Even the way how the compartment opened was so sexy. Damn. I want this kind of convertible car too.
Nilagay nya ang mga pinamili namin sa loob ng compartment. He smiled again when he looked at me. Bubuksan na nya sana ang pinto sa may passenger seat nang may tumawag sa kanya.
“Death?”
Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kanya. Nakita ko ang isang lalaking may itim na buhok at itim na mga mata. He had a playful smile on his lips. He looked handsome but Death is way more handsome than him.
Napatingin ako sa babaeng kaakbay nya. She looked pale. Walang kahit na anong makeup ang mukha nya kaya mas lalo syang naging maputla. Itim na itim pa ang buhok nya kaya litaw talaga ang pagiging maputi nya. Palipat lipat ang tingin nya sa amin ni Death.
“Yuriel.” Death greeted and the both of them made a weird fistbump. Pareho kami ng babaeng kasama ni Yuriel na nakatingin lang sa kanilang dalawa.
“What are you doing here?” Yuriel asked and stole a glance at me.
“I heard that there’s a free vaccination for dengue here.” weirdong sabi ni Death kaya napatingin ako sa kanya hanggang sa tumawa silang dalawa ni Yuriel. “Buying groceries, of course.”
Yuriel laughed and then shamelessly stared at me. Napatingin na tuloy si Death sa akin at hinila ako palapit sa kanya. Napasinghap pa ako nang bahagyang tumama ang katawan ko sa kanya.
“This is Vexen. Vexen, meet Yuriel and her fiancee, Natalie.”
Yuriel just nodded at me while the girl named Natalie smiled.
“And she’s your?” Yuriel asked with a silly smile on his lips. Halatang inaasar si Death. Alam ko naman kung anong iniisip nya.
Death chuckled before he answered. “She’s a friend. And my neighbor.”
Gustong gusto kong sumimangot sa isinagot nya kahit iyon naman ang totoo. The hell! Why am I acting this way? It is true that we’re friends and neighbors! Ano bang inaasahan ko?
“Oh! Yung neighbor mong galit na galit at nambato ng mug sa pinto nyo nung minsang nag band practice tayo sa bahay nyo?”
Tuwang tuwa naman si Death dahil sa sinabing iyon ni Yuriel. He laughed again when he saw me frowning and then he winked at me.
“Sya nga ’yun.”
Nahihiyang napakamot si Yuriel sa batok nya. “Sorry. Akala kasi namin ay walang tao sa kabilang bahay kaya nag-practice kami hanggang ganoong oras. I’m the drummer by the way.”
I smiled. Napatawad ko na rin naman si Death tungkol dito.
“It’s okay. Saan na pala kayo nagpa-practice? Hindi ko na kasi kayo narinig ulit?”
“Sa bahay na nila Yuriel.” it was Death who answered. “Gusto mo bang manood minsan?”
Mabilis na nanlaki ang mga mata ko sa alok ni Death. I really want to hear him sing again! I can’t get enough of his soothing voice the first time that I heard him sing.
Mabilis akong tumango ng sunod sunod sa offer nya. Napatawa si Death dahil sa naging reaksiyon ko.
“Gusto ko!”
“Okay.” si Death na ngiting ngiti. He then looked at Yuriel. “Is it okay if I bring her next time?”
“Of course. Para may kasama na si Natalie sa panonood.”
I made a small smile kahit na gusto kong ngumiti ng malaki. Ngayon pa lang ay excited na kong marinig na kumanta ulit si Death. I will record it this time!
“Is it alright if I take an instax picture of you two before we go?” mahinhin na sabi ni Natalie. Kung hindi pa tahimik dito sa parking lot ay hindi ko sya maririnig.
“She always takes pictures if she met someone new. Makakalimutin kasi sya.” paliwang ni Yuriel na palagay ko ay para sa akin. Mukha kasing hindi na nabigla si Death doon.
“Oh. Okay.”
“With Death sana so I’ll know that I met you through him.” muling sabi ni Natalie at inilabas na nya ang instax sa shoulder bag nya.
I stood beside Death. Medyo malayo ang distansya naming dalawa kaya hinigit nya pa ako palapit sa kanya. I held my breath when I smelled his cologne.
Bakit ang bango ng lalaking ’to?
“One… Two… Three…” Natalie counted and then I heard a click. Kinuha nya ang film na lumabas sa instax at bahagyang pinagpag iyon.
“Can you take another picture of us again? I’ll pay for the film.” Death asked that made me confused. Tumawa ng malakas si Yuriel at napangiti naman si Natalie.
“No need to pay me.” she said before she gave the film to Death. Unti unti nang nagpapakita ang picture namin doon.
We made another post before they finally bid us goodbye. Yuriel said that he’ll just text Death kung kailan ulit sila magkakaroon ng band practice habang si Natalie naman ay nahihiyang kumaway sa akin.
When they left, Death looked at the instax film.
“You look cute here.” sabi pa nya kaya napatingin din ako roon.
No. We look cute. Magkadikit na magkadikit kasi kami ni Death doon. Kaya pala amoy na amoy ko ang pabango nya. I hid my smile when a silly thought came into my mind.
We look like a couple in the picture
“Buti na lang pala at naisip kong hingin ’to. This is our picture together.” he said and touched the ends of my hair again.
Indeed. That was our first picture together. Nanghinayang tuloy ako na sya lang ang mayroong kopya noon. I wanted to take a picture of it too on my phone pero ayoko namang isipin nya na gustong gusto ko ang picture na kasama sya.
I just hope that we can have a picture together again in the future.
Chapter 10
Done. Your turn.
That was the message that I received from Archer. Three words and yet I already know what he meant.
He’s done “taking care” of our target syndicate. And he wants me to do my part tonight.
Archer is really reliable when it comes with any mission. He does his job perfectly. At alam kong maraming myembro ang sindikatong napatumba nya ngayon. His close combat skills were good but he excells the most on long range fights.
He uses sniper rifles as his weapon. He said that sniper rifles are the modern day bow and arrow. That’s why he is called Archer. Bow and arrows were used as a long range weapons back then. So he chose “Archer” as his codename.
Archer:
My gun is on the rooftop. Third box on the left side.
Mabilis kong binura ang text nya pagkatapos kong mabasa at tinandaan iyon. I don’t have my own sniper ’cause unlike him, I excell in close combat fights. Alam kong madali at mabilis ko ding magagawa ang trabaho nya kanina. Archer is the long range fighter while I am the close combat fighter.
But El Ordre switched our job this time. This mission was given to me and they only let Archer and Violet in to help me. So I should be the one to assassinate Henry Chang.
Muling tumunog ang cellphone ko sa text na dumating. It was a text from Tracer with the details of the place where Chang and the leader of the syndicate were supposed to meet. But this time, only Chang will be there.
Binura ko rin naman agad ang text nya na iyon at napabuntong hininga. I stared at my laptop. I was in the middle of writing the next chapter for my novel. Tumawag na naman kasi si Lindsay at sinabing dapat kong ipasa ang next chapter three days from now but I got distracted by Archer and Tracer’s text. I know that I should finished my mission tonight. Sana lang ay hindi ako atakihin ng writer’s block pagkatapos nito.
“I’m sorry. Naiistorbo ka ba ng tunog?”
Napatingin ako sa tabi ko at nakita ang nag-aalangang mukha ni Death. Magkatabi kasi kami ulit ngayon dito sa sofa. He’s watching Supernatural again while I’m writing my novel.
I should be disturbed by the sound on the TV but the odd thing was… It never did. Halos hindi ko na nga naririnig iyon kahit na may kalakasan. I was too engrossed in writing my novel that I didn’t even hear the sounds on the TV. Ganito siguro kapag maraming pumapasok sa isip ko.
Or maybe because I have an inspiration here beside me.
“Ah, hindi. May natanggap lang akong text.” I said and I saw the worry on his face.
“Did something happened? Are you okay?”
I stared at him. One thing that I’ve noticed about Death was that he is a very caring person. Para bang palagi syang nag aalala sa mga taong nasa paligid nya. He tends to take care of those people too. Para ring sanay na sanay syang mag alaga ng isang tao. Alam nya kung anong kailangan ko bago pa ako magkapagsabi sa kanya.
“Wala naman. Kinukulit lang kasi ako ni Lindsay about my update.” palusot ko na lang. Kung minsan ay bilib din talaga ako sa sarili ko dahil mabilis akong makapag isip ng mga palusot.
I was trained how to lie after all.
Death snorted. “Tell her to wait.” sabi nya. Naikwento ko na din kasi sa kanya si Lindsay kanina. “They have no right to force the idea out of you. Kung tatanggalin ka man nila, it will be their loss. Just take your time, Vexen.”
I smiled. He also knows what the right thing to say.
Ngumiti sya pabalik sa akin pero pareho kaming napatingin sa cellphone nyang tumunog. Kinuha nya iyon at binasa ang text na dumating.
I saw his face darkened for awhile before he looked at me and smiled. Hindi ko tuloy alam kung namamalik-mata lang ba ako kanina. This happened before too. He showed emotions that I’ve never thought he would show. Para kasing ibang Death ang nakikita ko kapag nangyayari iyon.
Alam kong dapat ay paghinalaan ko na ulit sya but he seemed like a sincere person. Marunong akong bumasa ng tao. I was trained how to read people’s emotions. And I read that Death was being honest the whole time that he’s with me.
Hinintay ko syang magsalita pero hindi dumating. Nanatili lang syang nakangiti sa akin. I remember what I should do tonight. And doing this mission means no dinner with Death. I should tell that to him, right?
“Uhm…”
“Hey…”
Nagkasabay kami sa pagsasalita at parehong napatawa.
“Ikaw na.” sabi pa nya.
“No, ikaw na.” I said ’cause I know that it has something to do with the text that he received. “Really, Death. Ikaw na. Makakapaghintay ang sasabihin ko.” pilit ko nang makitang aangal pa sana sya. He chuckled before he scratched the side of his left brow.
“I can’t cook dinner for you.” he said and I saw the apologetic look on his face. “There’s something that I must do tonight.”
“Oh…” I bit my lower lip to stop myself from asking questions. Nasanay na akong madalas na kasama si Death kaya nakalimutan kong may personal din naman syang buhay.
A part of his life that I can’t touch.
“It’s okay. Actually, sasabihin ko din sanang huwag mo na akong ipagluto ng dinner. My friend invited me over. Baka doon na din ako matulog.” iyon na lang ang sinabi kong palusot.
He became uneasy all of a sudden. “Babae?”
“Yeah.” sabi ko na may halong pagtango pa. Pilit akong itago ang mga ngiti ko.
He sighed like a weight has been lifted off his shoulders. “Okay, that’s good. See you tomorrow, I guess?”
“See you tomorrow.”
Nang makaalis si Death ay agad na akong nag ayos para sa gagawing misyon. Kaswal na damit lang ang isinuot ko but I’ve brought a duffle bag with me. Laman noon ang black suit na susuotin ko para mamaya. I got the keys of my MV Agusta that I promised to use on this mission and mounted it before I drove my way to the place that Tracer gave me.
The first thing that I did when I came to the place was to find the tallest building near the area. Hindi din naman kasi sinabi sa akin ni Archer kung anong rooftop ang sinasabi nya. Ayoko syang tawagan dahil alam kong sinadya nyang hindi ipaalam iyon. Just to test me.
When I found it, I immediately droved my way there. It was a hotel. Nag-park ako at binibit ang duffle bag. Good thing that I have it with me. Mas magmumukhang magpapalipas ako ng gabi doon.
The guard greeted me and I just smiled at him. Dumiretso na rin naman agad ako sa elevator at pinindot ang pinakahuling floor. When the elevator reaches it, lumabas na ako. I checked the place and there were two CCTVs on the floor. I contacted Tracer and waited for a few minutes before I received a go signal from him.
Binuksan ko ang pinto sa emergency stairs at doon na nagbihis. I removed my top and my pants before I took out my black body suit on the duffle bag. I put it on. Ipinusod ko na rin ang buhok ko paitaas para hindi maging sagabal mamaya. Inayos ko ang mga hinubad kong damit at inilagay iyon sa loob ng duffle bag bago umakyat ng hagdan na papuntang rooftop.
As expected, the rooftop’s door wasn’t locked when I opened it. Kahit na alam kong ngayon lang ito hindi naka-lock. Kaagad akong pumunta sa kaliwa at hinahanap ang box na sinasabi ni Archer.
Mabilis ko rin namang nakita iyon at natagpuan ang drag bag ng sniper ni Archer sa loob. I even found a note saying that I should take care of it or else he will use it against me. I chuckled. Archer and his obsession with sniper rifles.
I checked the time on my wristwatch. Ten minutes before Chang will arrive the place.
I took the sniper rifle out from the bag before I assembled it and find a good position after. Nang makakita ay dumapa ako at sumilip sa scope para makita ng malapitan ang mga mangyayari.
Few minutes later, I saw a black SUV arrived on the place. Sigurado akong pagmamay-ari iyon ni Chang. Dalawang tauhan ang bumaba at ang isa ay pinagbuksan sya ng pintuan sa loob. Hindi bumaba si Chang at nanatili lang sa loob.
I cursed. Please, don’t stay inside the van. Please, come out, you filthy golden buddha.
Nanatili lang akong nakasilip sa scope. Inis na inis ako dahil hindi talaga bumababa si Chang. I am getting frustrated while waiting for him to come out.
Merda!
Lumipas ang tatlumpung minuto at hindi pa rin bumababa si Chang. Napapagod na din ako sa pwesto ko dahil sa matagal na pagkakadapa. Gusto ko na nga sanang pagbabarilin ang kotse nya at baka sakaling mataaman ko pa sya but I can’t risk it. The car was heavily tinted that I can’t even see inside of it.
Ilang sandali pa ay nakita kong bumaba na din si Chang na may hindi magandang ekspresiyon sa mukha. Mukhang naiinip na sya sa paghihintay sa lider ng mga sindikatong alam kong hindi na dadating.
Chang took out his phone, probably to call the syndicate’s leader. I smirked.
Oh, no, ugly golden buddha. He will never ever answer your calls again.
I focused the scope on his head. My heart beats faster and adrenaline came rushing in when I aimed the point right on his temple. Unti unti kong hinihigpitan ang pagkakahawak ko sa trigger.
I smirked. Goodbye, Henry Chang.
Then slowly, I pulled the trigger.
Seconds later, I saw the body of Henry Chang lying on the stone pavement, bathing with his own blood.
Well, that was easy. Wala man lang thrill unlike when I’m fighting. Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ni Archer ang pagiging sniper nya.
Tumayo na ako at nag-stretching na muna dahil pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko sa matagal na pagkakadapa. I picked up the drag bag and put the riffle back in. Pinulot ko din ang duffle bag ko bago umalis ng rooftop.
I guess this mission is a success.
Chapter 11
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 12
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 13
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 14
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 15
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 16
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 17
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 18
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 19
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 20
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 21
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 22
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 23
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 24
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 25
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 26
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 27
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 28
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 29
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 30
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 31
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 32
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 33
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 34
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 35
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 36
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 37
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 38
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 39
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 40
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 41
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 42
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 43
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 44
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 45
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Epilogue
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.


