loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Enigma (BL)

Enigma (BL)

Eisenchan · 14 chapters · 72,437 words

Characters

Xiao Zhan

as

J

une

Ynarez

/

Long

Yijun

/ Long

Xinyi

  • panganay sa tatlong magkakapatid na mag-isang nagtataguyod upang mapag-aral at mapakain ang buong pamilya sa pamamagitan ng pagpasok sa iba’t ibang trabaho. Masiyahin at palabiro na madalas ikinapipikon ng kaniyang mga kapatid at maging ang kaniyang mga kabarkada. Malambing at mapagmahal na apo sa kaniyang lola. Madalas nasasangkot sa gulo na siya mismo ang may pasimuno. Biglang nagbago ang takbo ng kaniyang buhay nang mapunta siya sa isang misteryosong mundo na kung saan itinuturing siyang instrumento ng malaalamat na gintong dragon.

Wang Yibo

as

Wu Jun

Xiang

/ Wu

Shufen

  • ang ikatlong prinsipe sa kaharian ng Tianmen na magmamana ng trono bilang hari. Ang bawat hari ay nagtataglay ng marka ng asul na dragon sa kanilang katawan na siya lamang ang mayroon sa kanilang magkakapatid. Tahimik, seryoso at bihirang makihalubilo sa kaniyang mga kauri. Malaki ang kaniyang potensyal sa paggamit ng salamangka at magaling din siya pagdating sa mga bagay na mag kaugnayan sa pakikipagdigmaan. Kung sa karamihan ay biyaya ang marka ng asul na dragon sa kaniyang braso. Sumpa naman ang turing niya sa pagkakaroon nito, dahil pinalaki siya sa paraang naaayon bilang isang tagapagmana ng trono.

Xu

Kai

as

Wu Da Hai/ Wu

Li

Qiang

  • ang panganay sa tatlong magkakapatid na prinsepe. Siya ang lubos na pinagkakatiwalaan ng mahal na hari kaya nagagawa niyang maglabas-masok sa kaharian nang hindi hindi hinihingi ang pahintulot nito. Kilala siya bilang pilyo at palabiro na mas tanyag sa mga kababaihang nakasalamuha nito. Lahat ng pabor na hinihiling sa kaniya ay laging may kaakibat na kapalit.

Chapter 1: Dying wish

Xioa

Zhan as June

Ynarez

CHAPTER 1

“Nandito siya sa loob!” sigaw ng isang sundalo.

“Nandito siya sa taas!” tugon naman ng isa pa.

Hindi malaman ng bawat isa kung saan sila tutungo. Lahat ay nagmamadali upang sila ang makapatay sa natatanging may tatak ng gintong dragon sa kaniyang batok na si Long Yi Jun. Sumisimbulo ito ng kapangyarihan na kinakatakutan ng bawat angkan. Naniniwala sila na kung hindi nila ito makukuha ay mas mabuting paslangin na lang ito bago pa maghasik ng kapahamakan.

Ilang palapag ang inakyat ni Long Yi Jun para lang matakasan ang mga sundalong humahabol sa kaniya. Gumamit siya ng

Fulu

upang lumikha ng mga imahe niya para malito ang mga sundalong humahabol sa kaniya. Nais siyang patayin ng mga ito hindi lang dahil sa natutulog na kapangyarihan sa kaniyang katawan kundi dahil rin sa mga bintang sa kaniya na hindi naman niya ginawa. Sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa ay tila mauunang malagutan siya ng hininga sa kakatakbo bago pa siya maabutan ng mga sundalo.

Nang marating niya ang pinakatuktok nito ay wala na siyang mapuntahan. Sa pinakamataas na tore ng

Tianmen

ay tanaw na tanaw ni YiJun ang buong kaharian kung saan naging tahanan na niya sa loob ng higit isang taon. Pumikit siya habang ninanamnam ang hangin na dumadampi sa kaniyang balat dahil alam niyang ito na ang huling sandali na mararamdaman niya ito. Hindi niya magawang tumakas gamit ang kaniyang espada para paliparin ito sa himpapawid dahil kasalukuyang kinumpiska ito ng hari. Hawak-hawak niya sa kanang kamay niya ang isang Kristal na kulay lila na mas lalong nagiging kulay itim habang tumatagal na hawak-hawak niya ito. Hindi naging madali sa kaniya para makuha ang bagay na to kaya gagawin niya ang lahat para lang maprotektahan ito. Habang pinagmamasdan niya ang Kristal ay naramdaman niya na may tao sa kaniyang likuran. Mabilis ang naging reaksyon niya ay napaatras siya mula sa taong iyon.

“Yijun!” sambit ng lalaking nakasuot ng puting chang pao na may nakaburdang kulay asul na dragon sa likuran ng kaniyang kasuotan na sumisimbulo ng kaniyang pagiging maharlika. Ngumiti ang binata nang makilala niya ang lalaking tumawag sa kaniya.

“Nandito ka rin ba para patayin ako?” tanong niya at nagbigay siya ng hilaw na tawa.

“Hindi mo kailangang gawin ito” tugon ng lalaki sa kaniya na lalong kinainis niya pero imbes na magpakita ng galit ay tumawa siyang muli.

“Pare-pareho lang kayo! Alam ko naman na ang kapangyarihan ko lang ang gusto nyo sa akin. Ngayon na hindi nyo na ako mapapakinabangan ay basta-basta nyo na lang akong papatayin?” tuluyang sumabog ang galit sa damdamin ni Yijun habang binabanggit ang mga salitang iyon. Habang tumatagal ay lalong nagdidilim ang kulay ng Kristal at unti-unting nagkakaroon ito ng bitak.

“Yijun makinig ka sa akin!” sigaw ng lalaki upang maagaw ang pansin nito na kasalukuyang nakatitig sa Kristal na malapit ng mabasag. Pinangangambahan niya na maaaring ikamatay ni Yijun ang pagsabog ng Kristal na kaniyang hawak-hawak kaya ginagawa niya ang lahat para mapigilan siya sa kaniyang binabalak.

“Kung wala kang balak na paslangin ako, bakit hindi mo magawang bitawan yang sandata mo?” tanong ni Yi Jun at ang lalaki naman ay napatingin sa kaniyang hawak-hawak na sandata.

“Nagkakamali ka dahil ka-” natigilan sa pagsasalita ang binata nang marinig niya ang sigaw ng isang sundalo.

“Nandito siya sa itaas!” sigaw nito. Nawala ang atensyon ng binata kay Yijun kaya naman sa huling lakas na meron si Yijun ay ginamit niya ang natitira niyang Fulu para manipulahin ang sandata ng lalaking nasa harapan niya. Nagulat na lang ang binata nang hatakin siya mismo ng kaniyang sandata palapit kay Yijun at huli na nang mapagtanto niya ang nangyari. Kasalukuyang nakasaksak ang kaniyang sandata sa dibdib ni Yijun.

“Hindi, hindi, hindi ito maaari” sambit ng binate na hindi alam kung anong gagawin lalong lalo na nang makita niya ang pagdaloy ng dugo mula sa dibdib ni Yijun patungo sa kaniyang sandata.

“Ngayon….masaya akong mamamatay dahil sayo” pinilit niyang ngumiti habang dumadaloy ang dugo mula sa kaniyang bibig at pinagmamasdan ang mukha ng binatang nasa harapan niya. Sa unang pagkakataon ay nakita niya itong lumuha. Ilang beses na niya itong nakitang magalit at matawa sa kaniya pero ang pagluha nito ay nasilayan niya sa unang pagkakataon. Nanginginig man ang kaniyang kamay ay nagawa niyang haplusin ang mukha nito at sa kaniyang huling hininga ay nasabi niya ang salitang.

“Salamat”

Nagising si June sa kakaibang panaginip na paulit-ulit niyang nararanasan. Simula nang sumapit ang kaniyang ikadalawampu’t isang kaarawan ay halos lagi na niya itong napapanaginipan. Paulit-ulit niyang nararanasan ang pagsaksak ng mahabang sandata sa kaniyang dibdib at tila laging niyang nalalasahan ang dugo na dumadaloy mula sa kaniyang bibig sa tuwing siya ay gigising.

“Na naman?” ang nasabi niya sa sarili nang bumangon siya mula sa kama. Nagawa niya pang mag-unat ng katawan bago niya napansin ang oras. Halos mapatalon siya mula sa kaniyang kama nang makita niyang alas otso pasado na at hindi pa rin siya nakakapaghanda. Mabilis niyang kinuha ang tuwalya na nakasabit lang sa upuan. Hindi na niya tanda kung kelan siya nakapagpalit ng tuwalya o kung kelan pa siya huling nakapaglinis ng kaniyang kwarto. Pagpasok niya sa banyo ay kaagad niyang binuksan ang gripo para bumuhos ang tubig sa timba kung saan siya sasalok ng ipanliligo niya. Nang masigurong sakto na ang tubig ay kaagad niyang sinara ang gripo upang makatipid sa tubig. Tansyado niya ang bawat paggamit sa kaniyang ipinaliligo dahil sobrang masinop siya at maingat dahil sa taas ng mga bilihin ngayon. Matapos siyang makapaglinis ng katawan ay kaagad siyang nagsuot ng salawal at lumabas ng banyo habang nagpupunas ng katawan.

“Ilang beses ko bang sinabi sayo na kumatok ka kapag papasok ka sa kwarto ko Jerod!” reklamo ni June nang makita niya ang kaniyang kapatid na naglalaro sa cellphone habang nakaupo sa kaniyang kama.

“Kanina pa nga kita kinakatok para magising pero ayaw mong gumising” sagot naman nito habang nakatuon pa rin ang atensyon sa kaniyang nilalaro.

“Eh papano na lang kung may babae akong kasama dito sa kwarto?” dugtong niya habang nagsusuot ng pantalon.

“Malabo yun kuya dahil wala ka namang girlfriend” pangangatiyaw ng kaniyang kapatid at sa kaniyang pagkainis ay pinagpapalo niya ito ng kaniyang basang tuwalya.

“Tama na kuya, Tama na!” sabi ng kaniyang kapatid habang sinasalag ang bawat hampas nito. Taliwas sa kaniyang sinasabi ang kaniyang reaksyon dahil panay pa rin ang pagtawa niya kaya hindi niya tinigilan ang paghataw dito. Biglang inabot sa kaniya ng kaniyang kapatid ang cellphone nito.

“Anong gagawin ko dito?” tanong niya habang ang kaniyang kapatid ay nanakbo sa loob ng banyo.

“Laruin mo muna kuya, natatae na talaga ako” tugon ng kaniyang kapatid. Hindi pa man siya nakakatanggi ay sinara na kaagad nito ang pinto ng banyo.

“Loko ka aalis na ako” sigaw niya pero wala siyang narinig na sagot mula sa kaniyang kapatid. Paglingon niya sa pinto ay naabutan niya ang kaniyang lola na may bitbit na baso. Napangiti siya habang pinagmamasdan niya ang pinakamamahal niyang Lola Catalina. Lumapit siya dito at hinalikan niya ang kaniyang lola sa noo.

“Alam kong hindi ka na naman kakain ng almusal kaya pinagdala kita ng kape at pandesal” sambit ng kaniyang lola at kinuha niya kaagad ang hawak nitong kape.

“San po yung pandesal lola?” tanong niya matapos niyang humigop ng kape.

“Ay sus maryusep..nakalimutan ko sa baba. Teka lang ha” sagot ng kaniyang lola ngunit bago pa man ito makaalis ay pinigilan niya ito.

“Huwag na po lola mapapagod lang kayo. Ayos na tong kapeng tinimpla nyo” ngumiti siya at niyakap ang kaniyang lola.

“Siguraduhin mo lang na kakain ka matapos mong ihatid yung package kay Mr. Lim” pagpapaalala ng kaniyang lola habang marahang hinahaplos ang mukha nito.

“Nangangayayat ka na sa sobrang pagtatrabaho mo” pagsuway nito nang mapansin niya ang pagbabago sa mukha ng kaniyang apo.

“Opo lola, pagnagka free time ako maggigym pa ako” natatawa niyang sabi at sa huling higop ay inubos niya ang kape at nilapag ito sa may maliit na mesa. Kinuha niya ang kaniyang jacket bago umalis pero naalala niyang nasa bulsa niya pa rin ang cellphone ng kaniyang kapatid.

“Lola ikaw na pong bahala dito” sabay abot niya sa cellphone ng kaniyang kapatid at tumalikod pababa ng hagdan.

“Anong gagawin ko dito? Wala akong alam dito” sambit ng kaniyang lola na walang kaalam-alam sa paggamit ng cellphone.

‘You have been slain’ napangisi si June nang marinig niya yun mula sa cellphone ng kaniyang kapatid.

“Kuya bat mo binigay kay lola!!” narinig niyang sigaw ng kaniyang kapatid kaya naman kumaripas siya ng takbo pababa sa hagdan habang pigil na pigil ang pagtawa.

Pagkababa niya ay nagmamadali siyang kunin ang kaniyang sapatos at mabilis niyang sinuot ito. Bago pa man siya makalabas ng gate ay naalala niya na hindi niya pa pala bitbit ang kaniyang helmet. Sa kaniyang pagkakatanda ay nailapag niya ito sa ibabaw ng upuan sa may kusina. Sa araw-araw na pagod niya ay kung saan-saan niya na lang nailalapag ang mga gamit niya at minsan ay nakakalimutan niya pa ito kung saan niya nailagay. Pagpasok niya sa kusina ay naabutan niya ang kaniyang bunsong kapatid na babae na hindi mapakali sa upuan habang kinikilig sa palabas na kaniyang pinapanood.

“Nakita mo ba yung helmet ko Jessa?” tanong niya sa kapatid at bigla na lang inabot sa kaniya ang hinanap niya pero nanatili pa rin ang kaniyang paningin sa hawak na cellphone.

“Kilig na kilig ka naman sa lalaki sa lalaki na palabas na yan ahhh… nakapagreview ka na ba para sa exams mo?” tanong niya sa kapatid na hindi pa rin natitinag sa kakapanood mula sa kaniyang cellphone.

“FYI kuya it’s BL as in Boy’s Love. Hindi lalaki sa lalaki and yes nakapagreview na ako!” mataray na sagot nito pero mabilis nagbago ang mukha niya nang muling kiligin sa kaniyang pinapanood.

“Parehas lang naman, inenglish mo lang!” sabat niya at saka sinuot ang helmet kahit nasa loob pa siya ng kusina.

“Ewan ko sayo kuya umalis ka na nga at nawawala yung kilig ko sa pang-aasar mo” reklamo ng kapatid niya at siya naman ay natawa. Bago pa man siya umalis ng kusina ay ginulo niya muna ang buhok ng kaniyang bunsong kapatid bago nanakbo palabas ng bahay kung saan nakaparada ang kaniyang motor. Masaya siyang makita na nakatali na ang kahon sa kaniyang motor na dapat niyang ideliver sa binondo. Naisip niya na hinanda na ng kaniyang kapatid ang kahon dahil alam niyang magmamadali na ito.

Bago ma pan siya makaalis ay narinig niya ang kaniyang lola na nagbilin na mag-iingat siya. Tanging pagkaway na lang ang kaniyang naging tugon habang pinaandar ang motor. Dahan-dahan siya sa pagpapatakbo nito dahil medyo makipot ang daan at maraming tambay sa dadaanan niya. Hindi na bago dito sa tondo ang gawing almusal ang inuman lalong lalo na kapag linggo. Ang malala pa ay halos kakilala niya ang mga taong nakapwesto sa dadaanan niya. Bawat madaanan niya kaniya kaniyang alok ng alak sa kaniya pero mariiin niyang natatanggihan ang bawat isa dahil ang kaniyang dahilan ay magmamaneho siya ng malayo.

Ikatlong taon lang sa high school ang natapos ni June. Buhat ng mamatay ang kaniyang ama ay siya na mismo ang tumayong padre de pamilya sa kaniyang mga kapatid. Ang kaniyang lola ay nagagawa pa dating magluto ng almusal para pandagdag gastusin pero ngayon ay masyado nang mahina ang pangangatawan para gawin yun. Kinakailangang magdoble kayod si June para may ipangtustos sa pamilya niya lalong lalo na’t tutungtong na sa kolehiyo sa susunod na taon ang kaniyang kapatid na lalaki at sa kasunod na taon naman ang kanilang bunso. Kasama rin sa kaniyang gastusin ay ang mga gamot ng kaniyang lola na minsan ay nakakalimutang inumin dala na rin ng katandaan kaya nagiging ulyanin.

Sa araw na linggo ay hindi magawang magpahinga ni June dahil alam niyang hindi siya patutulugin ng kaniyang konsensya kapag alam niyang wala siyang mapagkukunan ng pera. Regular siyang nagdadala ng mga gulay kay Mr. Lim tuwing umaga. Dati kasing cook ang kaniyang lola sa pamilya nila at ang kaniyang lola ang namamalengke para sa kanila. Sa ngayon ay tanging pagpili ng mga sariling sangkap at pagpapadala na lang nito sa kanilang bahay ang nagagampanan ng kaniyang lola. Kayang kaya naman ng kanilang katulong na gampanan ang trabaho ng kaniyang lola pero mas gusto ni Mr. Lim na ang kaniyang Lola Catalina mismo ang mamili ng mga sariwang gulay para sa kanilang pamilya. Ang perang pinapasweldo niya kay lola ay malaking tulong pandagdag sa mga gamot nito.

Kabisadong kabisado na niya ang daan patungo sa condo nila Mr. Lim. Pagkaparada ng kaniyang motor ay kinuha na niya kaagad ang karton na naglalaman ng mga sariwang gulay. Nagkangitian lang sila ng gwardiya at hindi na siya inusisa pa dahil kilalang kilala na siya ng mga gwardiya dito dahil sa araw-araw niyang pagdedeliver. Naglakad siya sa loob at nagtungo sa elevator para pindutin ang pindutan paakyat. Bago pa man niya mapindot ito ay may nauna na sa kaniya. Nilingon niya ito para magpasalamat at laking gulat nya nang makita niya ang babaeng gumawa nito.

“Ni hao” pagbati sa kaniya ng magandang babae.

“Ni..Ni hao” nahihiya niyang tugon. Ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay si Yanyi, ang babaeng hinahangaan niya sa condo unit nato. Maliban sa maganda siya ay ubod pa ng bait nito. Nais niya sanang kausapin ito pero lagi na lang siyang napapatigil dahil sa.

“Nin!” turo sa kaniya ni Madam Chen na kilalang terror sa condo nato. Sobrang matapobre nito at mababa ang tingin niya sa mga pilipinong kagaya ni June na hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Walang nagawa si June kundi mag-antay ng panibagong elevator dahil mukhang walang balak magpasabay si Madam Chen sa elevator. Kahit na hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi nila ay mukhang nagtatalo ang dalawa at pinapapagalitan ni Madam Chen si Yanyi.

Bago magsara ang elevator ay tiningnan pa siya ng masama ni Madam Chen habang si Yanyi ay nakayuko lamang. Habang nag-aantay siya ng panibagong elevator ay hindi niya mapigilang mapaisip na kung mayaman lang siya ay malamang iba ang magiging trato sa kaniya ni Madam Chen. Marahil sa ngayon ay nagagawa na niyang dumiskarte kay Yanyi na walang pumipigil o kumukutya sa kanya. Alam niya sa sarili niya na suntok sa buwan ang maging sila ni Yanyi pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na baka sa isang iglap ay magbago ang buhay nya. Madalas siyang tumataya sa lotto at nagbabakasakaling makuha ang jackpot na magpapabago ng kaniyang buhay pero hanggang ngayon ay hanggang balik taya lang ang napapanalunan niya.

Nang bumukas ang kasunod na elevator ay nag-antay muna siyang makababa ang mga pasahero nito bago pumasok sa loob. Pagkapasok niya ay dahan-dahan niyang pinindot ang pindutan patungo sa ikalabing apat na palapag ng gusali. Iilang palapag lang ang dinaanan nito kaya hindi nagtagal ang pamamalagi niya sa elevator. Pagkarating niya sa ikalabing apat na palapag ay kaagad siyang bumaba ng elevator. Pagkalabas niya ay nagtungo siya kaagad sa kanang bahagi ng gusali kung nasaan ang condo unit nila Mr. Lim. Nasa dulong bahagi ito kaya may mga nadaanan pa siyang mga pinto kung saan may naririnig siyang nagtatawanan at ang madalas ay ang mag-asawang Chinese na halos araw-araw nag-aaway. Pagkarating niya sa tapat ng pintuan ay kaagad siyang pumindot sa door bell upang ipaalam na nasa labas na siya.

“Ni shi shui?” rinig niyang sabi ng isang babae sa kabilang pinto.

“Ni hao Madam Lim” tugon ni June at mabilis siyang nakilala ng matandang dalaga.

“A-Jun..come come come!” masayang pagbati sa kaniya habang pinapapasok siya sa loob. Ngumiti siya sa matanda bago pumasok sa loob. Ilang beses na siyang nakapasok sa loob ng kanilang unit pero sa tuwing papasok siya dito ay kakaiba ang nararamdaman niya. Maraming mga statwa ng Buddha at ilang mga kagamitan sa Feng Shui. Kilalang Feng Shui experts ang pamilya nila Mr. Lim at namana pa nila ang kakayahang ito mula sa kanilang ninuno. Madalas nababago ang ayos ng kwarto dahil may sinusunod silang bagay sa Feng Shui kung saan nagpapalit sila ng direksyon ng mga kagamitan kung saan mas malakas ang pasok ng swerte. Kagaya ng dati ay ginagabay siya ni Madam Lim sa kusina kung saan pinapadala ang mga gulay na pinamili ng kaniyang lola.

Nag-iisang anak ni Mr. Lim si Xinyi or mas kilala bilang Miss Yi or Ms. Lim. Nanggaling pa sa mainland china ang pamilya nila Mr. Lim, kahit na eksperto ang pamilya nila sa Feng shui ay naging mahirap sa kanila ang makaahon lalong lalo na nang magkasakit ang asawa ni Mr. Lim. Halos mabaon sila sa utang dahil sa naging gastos nila sa ospital. Nang mamatay ang kaniyang asawa ay naisipan ni Mr. Lim na makipagsapalaran sa pilipinas upang magnegosyo gamit ang maliit na kapital habang tinataguyod na mag-isa ang kaniyang pamilya. Dahil sa hirap na dinanas nila ay naging masinop sa pera at naging subsob sa trabaho si Ms. Yi. Napag-iwanan na siya ng panahon kaya hindi na nagawang makapag-asawa. Habang nag-aasikaso sa kanilang negosyo ay personal niya ring inaalagaan ang kaniyang ama na meron ng dementia.

“Xie xie A-Jun” masayang sambit ni Ms. Yi nang mailapag niya ang kahon sa lamesa.

“Ahh wala po yun. Ako nga po ang dapat magpasalamat dahil binigyan nyo po kami ng mapagkakakitaan” tugon niya at umiling naman ang matandang dalaga. Marahan siyang tinapik sa braso ng matanda at sinandal ang ulo nito sa kaniyang balikat.

“Wag ka alala, pala nalin kita anak” tugon sa kaniya nang matanda sabay pisil sa kaniyang braso. Matagal na niyang napapansin na tila may lihim na pagnanasa sa kaniya ang matanda pero binabalewala niya lang ito dahil kinakailangan niyang kumita. Madalas nga siyang tinutukso ng kaniyang kapatid na si Jerod na patulan na ang matanda para yumaman ang kanilang pamilya pero hinding hindi niya kayang gawin ang pagsamantalahan ang pamilyang tumutulong sa kaniya at hindi niya masikmura ang pumatol sa babaeng mas matanda pa sa kaniya ng apatnapung taon. Sampung taon lang ang agwat nila ng kaniyang Lola Catalina.

Matapos maiabot ni Ms. Yi ang bayad sa paghatid at pagbili ng gulay ay muli siyang ginabayan nito patungo sa pinto. Naiilang man siya sa pagkakayapos nito sa kaniyang braso ay tiniis na lamang niya ito at pinilit ngumiti habang kasama ang matandang dalaga. Bago pagbuksan ng matandang babae ang pinto ay laking gulat nila nang makita nila ang ama nitong si Mr. Lim na nakaupo sa kaniyang wheel chair. Kanina lang ay walang tao sa may sala nila ngunit sa sandaling iyon ay hindi nila inaasahan na magpupunta sa sala ang matanda.

“Ba!” tawag sa kaniya ni Ms. Yi ngunit ang paningin ng matanda ay napako sa binatang nasa harap niya.

“Magandang araw po Mr. Lim” pagbati ni June sa matanda. Hindi ito ang unang pagkakikita nilang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit ganun na lang makatingin sa kaniya ang matanda. Marahil sa katandaan nito ay hindi na siya maalala ng matanda kahit halos araw-araw siyang nakikita nito. Naiilang man siya sa uri ng pagtitig sa kaniya ng matanda ay sinuklian niya pa rin ito ng matamis na ngiti subalit nang siya ay ngumiti ay bigla na lang nagbago ang reaksyon ng matanda.

“Nin, nin, nin!” paulit-ulit na sinabi ng matanda habang tinuturo si June. Hindi malaman ni June ang gagawin sa sandaling iyon dahil pati mismo si Ms. Yi ay natataranta sa kinikilos ng kaniyang ama. Mas ikinagulat nila nang pilitin nitong tumayo at lumapit kay June.

“Ba!” muling pagtawag niya sa kaniyang ama habang inaalalayan ito pero bigla na lang niyang tinulak ang kaniyang anak palayo. Natumba ang matandang babae sa sahig. Tutulungan sana ni June kaso mas inuna niyang sapuhin ang si Mr. Lim na nawalan ng balanse sa paglapit sa kaniya. Bigla na lang itong yumakap sa kaniyang paanan habang umiiyak.

Duibuqi, dianxia! Duibuqi, Dianxia

!“ paulit-ulit nitong sinasabi sa kaniya habang nakakayap sa kaniyang mga tuhod.

Isa-isa namang lumapit ang mga katulong ni Ms. Yi para alalayan ang kaniyang ama na makatayo. Kahit na anong gawin nila ay ayaw nitong bumitaw sa pagkakayap sa binata at patuloy sa pag-iyak. Walang maisip na paraan si June kundi ang hawakan ang ulo nito para marahang haplusin na madalas ginagawa sa pagpapatahan ng mga bata. Hindi niya inaasahan na magiging epektibo ito dahil biglang tumigil ang matanda sa pag-iyak. Tumingala ito sa kaniya at saka ngumiti. Napilitang ngumiti si June dahil hanggang ngayon ay hindi niya malaman kung anong gagawin kapag muling umiyak ang matanda. Bigla na lang may dinukot ito sa kaniyang bulsa at inabot kay June.

“Ano po ito?” tanong niya nang pagmasdan niya ang bagay na inabot sa kaniya ng matanda. Isa itong Fulu na kulay ginto. Ang buong akala niya ay isa itong angpao dahil sa hugis nito. Hindi siya Chinese kaya hindi niya mabasa ang nakasulat dito. Tumingin siya kay Ms. Yi dahil nagdadalawang isip pa siya kung tatanggapin niya ito. Tumango sa kaniya ang matandang dalaga bilang pagsang-ayon na kunin niya ang binigay ng kaniyang ama. Pumalakpak ang matanda at mukhang masayang masaya nang tanggapin ito ni June. Kahit na hindi makatayo ng maayos ay nagawa pa nitong igalaw-galaw ang katawan na para bang pinipilit magsayaw. Habang wala kay June ang atensyon ng ama ni Ms. Yi ay sinenyasan kaagad siya ng matandang dalaga na magtungo na sa pinto.

“A-June, pasensya” ang tanging nasabi ni Ms. Yi. Hindi pa man nakakapagsalita si June ay kaagad na nitong sinara ang pinto. Sobrang naninibago siya sa nangyari dahil hindi naman ganun dati si Mr. Lim. Madalas pa nga itong walang imik at laging nasa malayo ang tingin na para bang napakalalim ng iniisip. Nang marinig niya ang malakas na hiyaw ni Mr. Lim ay kumaripas siya ng takbo. Ayaw na niya kasing madawit sa nangyayari sa pamilya nila. Hindi naman sa ayaw niyang tulungan si Ms. Yi pero kinikilabutan siya kapag naririnig niya ang boses ni Mr. Lim na para bang may panganib sa mga salitang binibigkas niya. Kung may mangyari mang masama ay nandun naman ang mga katulong nila para alalayan sila at alam niya sa sarili niya na si Ms. Yi mismo ang nagpalabas sa kaniya sa kanilang condo unit. Bago siya sumakay sa kaniyang motor ay muli niyang tiningnan ang kulay ginto na Fulu bago ito ipasok sa panloob na bulsa ng kaniyang jacket.

Pagkatapos maghatid ni June ng pinamili ng kaniyang lola sa pamilya ni Mr. Lim ay sisimulan naman niya ang kaniyang pangalawang trabaho. Gamit ang kaniyang motor ay naghahatid siya ng mga pagkain na inoorder ng kaniyang mga customer sa application ng Grab. Nag-aantay siya ng mga request at kapag malapit lang ang store sa kaniyang location ay hindi siya nagdadalawang isip na gawin kaagad ang request. Iaabot niya lang ang phone niya sa cashier kung saan naglalaman ng mga orders ng kaniyang customer at saka niya to babayaran. Kahit papano ay nagagawa niyang kumita ng maayos sa pamamagitan ng paghatid ng mga pagkain sa kaniyang mga nagiging customer. Madalas siyang malipasan ng gutom dahil sa sunod-sunod na order na nakukuha niya. Mas iniisip niya kasi ang kikitain niya para sa kaniyang pamilya bago unahin ang pangangalam ng sikmura.

Maghapon niyang ginagawa ang paghahatid ng kung ano-anong klaseng pagkain at inumin sa kaniyang mga customer. May mga pagkakataon na nabibiyayaan siya ng pagkaing inorder niya dahil hindi niya magawang tanggihan o kaya naman naabutan siya ng tip dahil sa maayos nyang serbisyo. Hindi lalagpas sa alas singko ang kaniyang pagiging Grab food driver dahil may isa pa siyang trabaho na kailangan niyang gampanan. Tuwing alas sais ng gabi hanggang hating gabi ay nagbabantay siya sa computer shop ng kaniyang tropa. Kaya bago tumungtong ang alasais ay dapat nakabalik na siya ng tondo. Kahit na traffic ay nagagawa niyang makalusot dahil sa motor ang kaniyang sinasakyan. Naghanap siya ng alternatibong ruta para makauwi dahil kahit na makakalusot siya sa mga sasakyan ay mahuhuli pa rin siya kapag sobrang bagal ng usad ng mga sasakyan.

(Note: Can’t live without you - Chapter 24)

Nakahinga siya ng maluwag ng makalusot siya sa traffic. Nagtataka siya kung bakit sa highway na to ay wala masyadon sasakyan na dumadaan samantalang rush hour ngayon. Masaya niyang binaybay ang daan habang iniisip na biyaya sa kaniya ang maluwag na daan upang mabilis makauwi. Habang patuloy siya sa pagmamaneho ay hindi niya napansin ang mga sasakyang pilit na naghahabulan mula sa kaniyang likuran. Nagulat na lang siya nang makarinig siya ng putok ng baril. Hindi niya napigilang mapalingon dahil sa sunod-sunod na pagputok nito. Minabuti niyang bilisan ang pagpatakbo ng kaniyang motor para hindi madawit sa gulo. Tila bumagal ang oras nang makita niya ang isang sasakyan na nakabukas ang pinto. Sa loob nito ay may isang lalaking nakadapa sa upuan ng sasakyan at ang isang kasama niyang babae ay nakikipagbarilan sa mga lalaking nakamotor. Sandali lang nawala ang kaniyang paningin sa daan at nang ibalik niya ang kaniyang atensyon ay may gumugulong na motor patungo sa kaniyang direksyon. Nagawa niyang iwasan ito pero nabitawan niya ang manibela nang tamaan siya ng ligaw na bala sa kaniyang kaliwang braso na naging dahilan para mawalan siya ng balanse at magpagulong gulong sa daan. Ramdam niya ang pamamanhid ng kaniyang katawan. Wala siyang maramdamang sakit ngunit hindi niya magalaw ang kaniyang katawan. Ramdam niya rin ang panlalamig ng kaniyang batok at pag-agos ng dugo mula sa kaniyang ulo at braso. Sa huling sandali ng kaniyang kamalayan ay naisip niya ang kaniyang pamilya na maiiwan niya kung saka-sakali mang siya ay mamatay.

Mabilis na kumalat sa balita ang nangyaring engkwentro kanina kung saan may mga nadamay na sibilyan at nagawa ring mahuli ang mga nagtangka sa buhay ng kilalang businessman na si Hyacinth Lau. Ayun sa naging report ng pulis ay hindi baba sa sampu ang mga inosenteng nadamay sa engkwentro. Wala namang nasawi sa nasabing engwentro at inako naman ng kampo ni Mr. Lau ang lahat ng gastusin sa mga nadamay na sibilyan. Ang balitang ito ay mabilis nakarating sa pamilya ni June kung saan hinimatay pa ang kaniyang lola nang mabalitaan ito. Hindi biro ang naging kalagayan ni June dahil nagtamo siya ng tama ng bala sa kaniyang kaliwang braso at tama rin ng bala sa kaniyang ulo. Mahigpit na binabantayan ang kalagayan ngayon ni June dahil sa kritikal niyang kondisyon.

Nagising si June nang makaramdam siya ng pagyanig sa kaniyang paligid. Ramdam niya ang malakas na hangin na humahaplos sa kaniyang balat. May kakaiba sa kaniyang hinihigaan dahil tila hindi nakahiga sa kama na punong puno ng mga balahibo. Marahan niya itong hinaplos at naramdaman niya ang lambot nito. Napatingin siya sa kaniyang kamay at nakita niya ang isang balahibo na kulay kahel na may halong pula at dilaw. Napabalikwas siya sa kaniyang hinihigaan at muntik nang mapasigaw nang mapansin niyang nasa himpapawid siya. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na mapasigaw dahil sa takot na nadarama dahil sa pangamba na mahulog siya. Nakita niya sa kaniyang harapan ang ulo ng isang malaking ibon na tila nagbabaga ang balahibo nito. Sa takot niyang mapaso ay umatras siya at sa di inaasahang pagkakataon ay biglang tumagilid ang malaking ibon na kaniyang sinasakyan. Kumapit siya nang mahigpit dahil maaari siyang mahulog kapag hindi niya ginawa ito. Sa pagkakataong ito ay mas nasilayan niya ang malaking pakpak nito na tila nag-aapoy rin sa bawat paghampas nito sa himpapawid. Hindi nagtagal ay umayos rin ito sa paglipad pero hindi pa rin naging kalmado si June dahil hindi nya alam ang gagawin sa sandaling iyon. Wala siyang ideya kung papano siya makakababa sa taas ng nilipad ng malaking ibon na to.

Mahigit sampung minuto na nasa ibabaw sila ng kalangitan at puro alapaap lang ang nakikita ni June. Ilang sandali pa nang mapansin niya ang isang malaking bundok na nakalutang sa himpapawid. Hindi niya mawari kung isa ba itong bulkan dahil may malaking awang sa gitna nito. Nang unti-unting makalapit ang ibon sa bundok ay napansin niya na may kaharian pala sa gitna nito. Nagawa niyang sampalin ang sarili ng paulit-ulit at umaasang magising siya sa nakakahibang na panaginip na to pero nang maramdaman niya ang sakit ay tumigil siya kaagad. Ilang beses nagpaikot-ikot sa ibabaw ng bundok ang malaking ibon bago ito lumipad paibabaw. Muling napasigaw si June dahil sa biglaang pagtaas ng ibon at bago pa man maabot nito ang mga alapaap ay bigla na lang nag-apoy ang buong katawan nito. Napapikit si June sa takot na masunog siya pero laking gulat niya nang idilat niya ang kaniyang mata at unti-unting naglaho ang ibon na kinakapitan niya.

Sumigaw siya nang malakas habang siya ay nalalaglag mula sa himpapawid. Hindi niya makita ang babagsakan niya dahil pahiga siya nang mahulog mula sa malaking ibon. Alam niyang ikamamatay niya ang pagbagsak mula sa mataas na lugar kaya nang kaniyang mapagtanto ay pumikit na lamang siya habang inaantay ang huling sandali ng kaniyang buhay.

Isang malakas na ingay ang nalikha sa pagkakalaglag ni June mula sa himpapawid. Rinig niya ang iilang hiyawan ng mga taong nasa paligid niya. Hindi niya agad namulat ang kaniyang mata dahil sa inindang sakit ng likod. Pakiramdam niya ay nalaglag siya mula sa kamang hinihigaan niya. Napahawak siya sa kaniyang likod habang dahan-dahang kumilos at sa pagmulat ng kaniyang mata ay sumalubong sa kaniyang mga mata ang mga nakapalibot na sundalong may hawak na sandata at nakatutok ito sa kaniya. Sa gulat niya ay napaatras siya ngunit tumigil din siya nang maramdaman niya ang matigas na bagay na tumutusok sa kaniyang likod. Nang lingunin niya ito ay nakita niya na wala siyang matatakasan sa mga nakapalibot sa kaniyang sundalo.

“Sinong taksil ang gumambala sa kasal ng aking anak?” narinig niyang sigaw ng isang matandang lalaki. Pagtingin niya sa kaniyang paligid ay napapalibutan siya ng mga taong may mahahabang kasuotan na mukhang yari sa kulay ng ginto. Pumasok sa kaniyang isipan na nasa lahing intsik ang mga taong nasa harapan niya. Madalas niya kasing makita sa mga palabas ng mga intsik ang ganitong kasuotan. Pero ang pinagtataka niya ay kung papano niya naiintindihan ang mga usapan at bulong bulungan sa kaniyang paligid dahil hindi naman siya nakakaintindi at nakakapagsalita ng instik.

“Dalhin nyo dito ang tampalasan na yan!” muling sambit ng matandang lalaki na tila galit na galit sa biglang pagsulpot ni June. Hawak-hawak siya sa buhok habang pilit siyang pinapalakad ng isang sundalo palapit sa trono kung nasan ang matandang lalaki. Sa tono ng pananalita nito ay inaasahan niyang siya ang pinuno ng mga taong nasa paligid niya. Tanging paglunok ng laway ang nagawa niya sa sandaling iyon. May lalaking lumapit sa kaniya na may hawak na gintong pamaypay. Hinawakan ang kaniyang noo at napasigaw siya sa sakit at init na nagmumula sa hintuturo nito. Hindi niya magawang makapalag dahil sa mga sundalong nakahawak sa kaniya.

“Isa siyang mortal, kamahalan” sambit ng lalaking may hawak ng pamaypay. Saka lang natigil ang sakit na naramdaman niya nang tigilan ng lalaki ang kung ano mang ginawa sa kaniyang noo. Ang buong akala niya ay mawawala na siya sa katinuan sa sandaling iyon.

“Ano???” sigaw ng matandang tinawag na kamahalan ng lalaking may kagagawan sa sakit na kaniyang nararamdaman.

“Sino ka? Sinong nag-utos sayo na gambalain ang kasal ng aking anak?” tanong sa kaniya ng kanilang pinuno. Ramdam niya pa ang sakit kaya tila umiikot pa ang kaniyang paningin sa sandaling iyon kaya hindi niya nagawang sumagot. Muling hinila ang kaniyang buhok upang magtagpo ang paningin nila ng taong nagtatanong sa kaniya.

“Ju-June!” ang tanging nasambit niya.

“Jun? Sino ang nag-utos sayo na gambalain ang kasal ng aking anak at papano na ang isang mortal na kagaya mo ay nakapasok dito sa Tianmen?” napatayo ang pinuno sa kaniyang kinauupuan habang inaantay ang magiging sagot ni June. Ang binata ay gulong gulo sa sandaling iyon at hindi malaman ang kaniyang sasabihin. Sa bawat sandali ng kaniyang pananahimik ay lalong nagpapainit sa ulo ng matandang lalaki na hindi niya pa rin mawari na isang hari ang kumikilatis sa kaniya. Nag-isip ng mabuti si June kung anong isasagot niya dahil nakasasalay dito ang magiging kapalaran niya hanggang sa maalala niya ang ibon na nagdala sa kaniya sa lugar na kinalalagyan niya ngayon.

“Pu-pulang ibon?” ang kaniyang nasabi. Mukhang lumala ang galit ng hari sa kaniya dahil lingid sa kaalaman ni June na ang pulang ibon ay sagisag ng kalaban ng kanilang kaharian.

“Ang aking sandata!!!!” malakas na sigaw ng hari dahil inakala niyang espiya si June mula sa kalaban nilang kaharian.

“Mahal na hari, hindi mo kailangang dungisan ang silid ng trono gamit ang dugo ng isang mortal. Maaaring ipaubaya mo na to kay Wei Qui” sambit ng reyna na nasa kanang tabi ng hari. Kahit na kinakabahan siya ay nagawa niya paring maging kalmado sa sandaling ito na nararapat lang bilang sa titulo niya. Nang marinig ito ng lalaking may hawak na gintong pamaypay na si Wei Qui ay kaagad itong tumango bilang pagsang-ayon.

“Walang dadanak na tugo dito sa silid ng trono dahil maging ang kaniyang kaluluwa ay maglalaho!!!” ang pagsigaw ng hari ay nagbigay takot sa bawat isang nasa loob ng silid kung saan dinaraos ang mga mahahalagang bagay kagaya ng kasal na ginambala ni June. Labis ang takot ni June sa sandaling iyon at kulang na lang ay maihi siya sa kaniyang salawal sa tindi ng galit ng hari sa kaniya. Hindi na niya magawang magsalita sa labis na pagkatakot na para bang isang diyos ang nasa harapan niya at handa siyang hatulan sa kaniyang kasalanan.

“Wei Qui!” pagtawag nito at kaagad nakuha ng lalaking may hawak ng gintong pamaypay ang nais mangyari ng hari. Muli siyang lumapit kay June at pandaliang tinapik ang likuran nito. Laking gulat ni June nang hindi na niya magawang magalaw ang kaniyang katawan. Tila naging estatwa siya na nag-aantay ng kaniyang katapusan. Bigla na lang naglaho sa paningin ni June ang hari at sa isang iglap ay nasa harapan na niya ito. Dahil sa sobrang galit ng hari sa kaniya ay hindi na ito nagpigil at kaniyang hinugot ang kaniyang sandata na tinatawag na “

Sword of divinity“

na may kakayahang burahin ang pisikal na kaanyuan ng isang tao at maging ang kaluluwa nito.

Habang nasa ere ang sandata ng hari na handang pugutan siya ng ulo sa harap ng marami ay tila bumagal ang oras. May naramdaman siyang malambot na bagay mula sa kaniyang kamay. Hindi niya magawang makita kung ano ito dahil sa hindi niya magalaw ang kaniyang katawan. May kakaibang init na nagmumula dito na labis nyang ipinagtataka. Habang papalapit sa kaniyang leeg ang sandata ay napilitan siyang pumikit at nagdasal.

“Ayoko pang mamatay, ayoko pang mamatay!!!” sabi niya sa kaniyang sarili. Sa sandaling tumama sa kaniyang leeg ang tanyag na sandata ng mahal na hari ay bigla na lang itong nagkapira-piraso na para bang isang babasagin na kagamitan. Nagulat ang lahat ng mga taong nakasaksi sa pangyayari dahil walang bagay sa mundong ito ang makakasira ng sandata ng hari dahil nilikha ito gamit ang kuko ng asul na dragon na tinuturing na banal na kagamitan.

“Papanong?” hindi nagawang matuloy ng hari ang kaniyang nais sabihin nang makita niyang nakayuko na sa harapan niya ang mortal na binata.

“Arrrrgghhh!!” patuloy na pagsigaw ni June habang hawak-hawak ang kaniyang batok. Labis ang sakit na kaniyang nadarama dahil tila may inuukit sa kaniyang batok gamit ang isang bagay na nilagay sa apoy.

“Hawakan nyo siya!” utos ng hari habang patuloy na pinagmamasdan ang nangyayari kay June. Hinawakan siya ng mga sundalo sa magkabilang kamay at paa. Nakasayad na sa gintong sahig ang mukha ni June habang lumuluha sa labis na sakit na nadarama.

“Wei Qui!!!” muling sambit ng mahal na hari at kaagad umiling ito.

“Paumanhin mahal na hari ngunit hindi gumagana ang aking kapangyarihan sa mortal na ito” tugon ni Wei Qui na lalong kinagalit ng hari. Ilang beses niyang ginamit ang kaniyang salamangka upang patigilin ang pagkilos ni June ngunit hindi talaga ito gumagana sa kaniya. Nagawa pang sumigaw nang malakas ni June bago siya mawalan nang malay.

“Mahal na hari ito ay” halos hindi masambit ni Wei Qui ang kaniyang nakita at maging ang hari ay halos matumba sa kaniyang kinatatayuan. Bago siya matumba ay nagawa siyang saluhin ng ibang sundalo at pinaupo.

“Yan ay….Yan ang marka ng malaamat na gintong dragon!!!” nauutal na sambit ng hari na ikinagulat ng bawat isa sa loob ng silid. Alam ng bawat isa na ang pinakamakapangyarihang nilalang sa mundong ito ay ang malaalamat na gintong dragon. Ito ang gumagabay sa mga immortal patungo sa

Nirvana

.

Hindi malaman ng hari kung anong gagawin niya sa binatang may marka ng gintong dragon. Ang mga nilalang na may marka ng gintong dragon ay natatanging nilalang na magdadala ng kapangyarihan at kapayapaan sa mundo. Gumagamit ng instrumento ang gintong dragon upang mamagitan sa gulo o kapahamakan na mangyayari sa mundo. Iisa pa lamang ang nilalang na nagkaroon ng ganitong marka na nangyari pa noong nakalipas na sampung libong taon. Malaking kasalanan ang nagawa ng hari sa pagtangka niyang pagkitil sa buhay nito dahil maaari siyang hindi makapasok sa nirvana dahil sa kaniyang ginawa.

“Mahal na hari” biglang nagsalita ang ikatlong prinsipe na nakatakdang ikasal ngayon.

“Kung inyong marapatin ay kinakailangan na naming magpahinga ni Xiao Fei. Mukhang malabo rin namang matuloy ang aming pag-iisang dibdib” tugon ni Jun Xiang na kalmado pa rin ang kaniyang hitsura ngunit bakas sa kaniyang tono ang pagkadismaya sa nangyari. Walang nagawa ang hari kundi sumang-ayon sa sinabi ng kaniyang anak dahil hindi magandang ipagpatuloy ang kasal sa ganitong pagkakataon. Nang makita ni Jun Xiang ang pagsang-ayon ng kaniyang ama ay kaagad itong tumalikod upang lisanin ang lugar ngunit napahinto siya sa kaniyang paglalakad nang maramdaman niya ang paghila sa kaniyang kanang kamay. Paglingon ni Jun Xiang ay nakita niya ang tila sinulid na gawa sa ginto na nakapulupot sa kaniyang palapulsuhan. Nagliliwanag ito at hindi maalis sa kaniyang kamay. Nang kaniyang sundan kung saan nagmumula ang sinulid ay laking gulat niya nang makita niya na nakadugtong ito sa palapulsuhan ng mortal na binata na sa kasalukuyang walang malay.

Sa bawat paghila ng kaniyang kamay ay nahahatak niya rin ang kamay ng walang malay na binata. Gumamit siya ng salamangka upang maputol ang mahiwagang sinulid ngunit nabigo lamang siya. Nagawa niyang utusan ang mga kawal na gumawa ng paraan ngunit nang lapitan nila ang walang malay na si June ay bigla na lang itong napalibutan ng kakaibang enerhiya na nagiging hadlang upang hawakan siya. Walang makalapit sa kaniya kahit sino. Mas lalong nawala sa sarili ang hari dahil iniisip niya na nagsisimula nang magparusa ang malaalamat na gintong dragon. Mataas ang pasensya ni Jun Xiang ngunit sa sandaling ito ay nawalan na siya ng kontrol sa sarili kaya siya na mismo ang lumapit sa binata. Nagulat ang lahat nang mahawakan niya ang binata na walang kahirap-hirap. Sa sandaling mahawakan niya ang walang kamalay-malay na si June ay bigla na lang nagliwanag ang kaniyang marka sa kanang braso. Kasabay nito ang pagliwanag din ng marka sa batok ni June na ikinamangha ng bawat isa.

Shufen!!!

Ikaw ang napiling kabiyak ng gintong dragon!!“ sigaw ng hari na tila nawawala sa kaniyang katinuan dahil sa hindi malaman kung natutuwa ba o natatakot. Bakas sa mukha ng Jun Xiang ang pagkagulat dahil hindi niya inaasahang darating sa punto na kailangan niyang ikasal sa isang mortal na lalaki.

Itutuloy…..

A/N: Debut ng Enigma Yaayy!!!

First time ko magproof-read sa story ko bago ko ipublish. Kung may typo man ay dedma nyo na lang muna. Next year ko pa dapat irerelease to kaso hindi talaga mawala sa isipan ko ang story na to after ko mapanood ang The Untamed. Tumatakbo sa isipan ko palagi ang story kaya kinakailangan ko siyang isulat. May mga bagay na hindi pa ako sigurado sa story dahil hindi ako bihasa sa mandarin o pinyin. Yung mga nakabold at italicized words ay maaaring mabago kapag nakahanap ako ng bagay na salita para dun. For the first time nakapagsulat ako ng 6.5K sa unang chapter pa lang ng story. Hoping na magustuhan niyo siya at alam kong maninibago kayo sa way ng pagsusulat ko dahil walang POVs dito. Lahat ng story ay manggagaling sa narrator o sakin LOL!

Eto yung mga meaning ng Italicized words:

Fulu/Fu

  • Taoist talisman, uri ng papel na may nakasulat na titik na nagsisilbing proteksyon sa gumagamit nito.

Tianmen

  • Heavens Gate ang kahulugan sa chinese. Ito ang pangalan ng kaharian sa pagitan ng malaking bundok na lumulutang sa himpapawid.

Chang

pao

tradisyonal na kasuotan ng mga sinaunang tsino.

Sword of divinity

  • (wala pa akong mahanap na akmang chinese words para dito kaya babaguhin ko rin to)

Nirvana

  • lugar kung saan walang paghihirap at walang hanggang kapayapaan.

Please don’t forget to

VOTE

!

Chapter 2: The instrument of the golden dragon

Yibo

as

Shufen

CHAPTER 2 -

The instrument of the golden dragon

Makalipas ang tatlong araw ay muling nagkaroon ng malay ang binatang si June sa kakaibang amoy sa kaniyang paligid. Hindi nakatakas sa kaniyang sensitibong pang-amoy ang matapang na amoy na nagmumula sa usok na para bang amoy ng insenso. Habang minumulat niya ang kaniyang mata ay ramdam na ramdam niya pa rin ang matinding pananakit ng kaniyang ulo. Napahawak siya sa kaniyang ulo habang unti-unting inaangat ang kaniyang katawan mula sa pagkakahiga. Habang hawak-hawak niya ang kaniyang ulo ay bigla niyang naramdaman na may kakaiba sa kaniyang buhok. Sa kaniyang paghaplos ay napansin niya na tila humaba ang kaniyang buhok. Kinuskos niya ang kaniyang mga mata habang nakapikit gamit ang kaniyang mga daliri upang mas malinawan siya sa kaniyang nakikita. Sa muli niyang pagdilat ay saka niya napagtanto na humaba ng husto ang kaniyang buhok na halos umabot hanggang sa kaniyang bewang.

“Sa wakas nagising na po kayo dakilang instrumento ng gintong dragon” nagulat si June nang may biglang magsalita sa harapan niya. Sa kaniyang pagharap ay may nakita siyang bata na nakasuot ng kulay asul na mahabang kasuotan na madalas niyang nakikitang tradisyunal na kasuotan ng mga intsek. Hindi siya kaagad nakasagot dahil nagtataka pa rin siya kung papano niya naiintindihan ang linggwahe nito sapagkat ingles lamang ang naiintindihan niyang salitang banyaga.

“Nasakop na ba ng china ang pilipinas?” hindi niya napigilang masabi habang nakatingin sa batang nakangiti sa kaniya. Habang pinagmamasdan niya ito ay bigla na lang niyang napansin na lumulutang pala ang katawan nito sa ere. Napaatras siya sa kaniyang kinauupuan dahil sa kaniyang natuklasan. Sa bawat pag-atras niya ay siya namang paglapit ng bata sa kaniya habang nakangiti ito.

“Multo!!!!” sigaw niya sa labis na takot. Nagawa niya pa itong batuhin ng unan para lumayo ito sa kaniya.

“Lolaaaaa tulong!!” sigaw niya habang ang bata naman ay hindi alam ang gagawin sa sandaling iyon. Ang binatang si June ay nagtalukbong gamit ang kumot na nakapatong sa ibabaw ng kama. Para sa binatang si June ay tatlong bagay lang ang kaniyang kinatatakutan. Una ang maubusan ng pera na ipangtutustos sa kaniyang pamilya. Pangalawa ay ang manatili sa isang lugar na walang liwanag dahil natatakot siya na baka makakita siya ng multo na siyang pangatlong kinakatakutan niya.

“Anong kaguluhan ito?” narinig niyang may nagsalitang lalaki na sa tono ng pananalita ay mukhang nasa kaedaran niya lamang ito dahil hindi naman ganun kalaki ang boses ng batang inakala niyang multo. Dahan-dahan siyang sumilip mula sa loob ng kumot upang makita niya kung sino ang nagsalita. Sa kaniyang pagsilip ay nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng puting kasuotan na nahahaluan ng kulay ng ginto. Muli siyang nagtago sa kumot dahil inakala niyang isa rin itong multo. Hindi nagtagal ay bigla na lang siyang nahatak palabas sa kumot. Sa biglaang paghatak ay napadapa siya sa ibabaw ng kama habang ang kaniyang kanang kamay ay lumalampas sa kama at nakaangat sa ere. Nang kaniyang pagmasdan ang kaniyang kamay ay saka niya nakita ang kulay ginto na taling nakapulupot sa kaniyang palapulsuhan. Laking gulat niya nang makita niyang nakakabit ang karugtong nito sa kamay ng lalaking nagsalita kanina. Nang magtagpo ang kanilang paningin ay tila hindi maipaliwanag ni June ang kaniyang nararamdaman dahil pakiramdam niya ay may isang diyos na nakatingin sa kaniya. Namangha kaagad sya sa kakaibang kakisigan na taglay nito. Sa kutis niya na tila dinaig pa ang isang dilag dahil sa sobrang kinis at puti nito. Kabaligtaran naman ang pinapahiwatig ng noo at kilay nito na tila hindi natutuwang makita ang binatang si June.

“Li, tulungan mo na siyang maghanda upang humarap sa mahal na hari” sambit ng lalaking kaharap ni June. Binitawan nito ang mahiwagang tali na nakagapos sa kanilang mga kamay kaya napada ng husto si June. Tumama ang noo niya sa kama at napangiwi siya sa sakit. Dahil sa hindi niya nagustuhan ang ginawa sa kaniya ay hindi niya napigilan ang sarili na sigawan ito.

“Hoyyy sino ka ba sa akala mo?” tanong ni June at lalong sumama ang mukha ng lalaking kaharap niya. Walang kaalam-alam si June na ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang ikalawang prisepe ng kaharian ng Tianmen na magmamana ng trono. Labis ang paggalang na natatanggap niya sa buong kaharian dahil sa lakas at galing nito sa iba’t ibang bagay. Inaasahan pa nga ng mga nakakatanda na mas mahihigitan nito ang kasalukuyang hari. Ang pangalan ng prinsipeng nasa harapan ni June ay Jun Xiang na mas kilala sa bansag na Shufen.

“Masusunod po kamahalan!” biglang tugon ng batang si Li. Alam ng bata na nasa sukdulan na ang pasensya ng ikalawang prinsipe. Sa loob ng tatlong araw na walang malay si June ay hindi nagawang makalayo ng prinsipe dahil sa mahiwagang tali na hindi maalis-alis sa kaniyang kamay. Saksi ang batang si Li sa paghihirap ng prinsipe dahil maging sa pagpunta sa palikuran o sa paggamit ng paliguan ay kailangan niyang buhatin ang katawan ni June para magawa ang mga ito. Wala siyang maatasang ibang tao na gumawa nito dahil sa enerhiyang promoprotekta kay June habang siya ay natutulog. Tanging siya lamang ang nakakalapit at nakakahawak sa katawan ni June.

Muling tumingin ng masama ang prinsipe kay June habang nakakuyom ang kamao sa pagpipigil. Hindi nakatakas sa mapanuring mata ni June ang naging reaksyon ng prinsipe. Magsasalita pa sana siya para pagsabihan ito ngunit hindi naging matagumpay ang kaniyang balak dahil sa paghawak ng batang si Li sa kanyang bibig. Tumalikod ang prinsipe at naglakad papalayo sa kinaroroonan ng kama. Huminto lamang siya nang maramdaman niya na parang naghihilaan na sila ni June sa tali. May kahabaan ang tali na nagdudugtong sa kanilang dalawa kaya naman nagagawa pa rin nilang makakilos ng maayos.

“Ikaw batang multo ka bakit mo tinakpan ang bibig ko? Hindi mo ba nakita ang ginawa ng lalaking yun sa akin? Tingnan mo may bukol na ang noo ko!” sunod-sunod na bulyaw ni June sa batang kaharap niya. Ang batang si Li ay hindi malaman kung papano patatahimikin si June dahil alam niyang narinig ng prinsipe ang mga sinabi ni June.

“Ssshhh…wag kang maingay, maririnig ka ng mahal na prinsipe!” sambit ni Li at muling tinakpan ang kaniyang bibig. Naging makulit si June at inalis kaagad ang kamay ng bata dahil hindi niya pa rin matanggap ang paraan ng pagtrato sa kaniya ni Shufen.

“Ano siya prinsipe? Haaa pakisabi sa kaniya sakin pinasa ni Asiong ang tondo at ako ang bagong hari ng tondo!” pagmamayabang ni June. Hindi man maintindihan ni Shufen ang ilan sa mga sinasabi ni June ay nagawa pa ring mainis ng prinsipe dahil sa pagkakabanggit ni June ng “ako ang bagong hari” na para sa kaniya ay paglapastangan sa kasalukyang hari ng Tianmen. Sa inis niya ay muli niyang hinatak ang mahiwagang tali na humila kay June patungo sa kaniyang direksyon. Nagmistulang saranggola si June dahil parang papel lamang siya kagaan sa pagkakahatak sa kaniya ni Shufen. Sa bilis ng pagkakahatak sa kaniya ay muntikan ng tumama sa pader ang mukha ni June pero hindi ituloy natuloy dahil nagawang hawakan ni Shufen ang kaniyang kamay. Kasalukuyang magkatalikuran ang dalawa kung saan ang mukha ni June ay halos dumikit na sa pader. Ang kaniyang mga paa ay unti-unting bumibigay at nawawalan siya ng balanse. Bahagyang inangat ni Shufen ang kaniyang sandata mula sa

kaluban

at sa isang iglap ay napunit ang pang-itaas na kasuotan ni June. Muli niyang hinila si June hanggang sa magkarap silang dalawa.

“Kapag hindi kapa nakaayos sa loob ng limang minuto ay kakaladkarin kita sa harap ng maraming tao na walang saplot sa katawan!” sambit ni Shufen pero imbes na matakot ay hindi mapigilan ng binata na mapangisi habang pinipigilan ang matawa dahil sa tono ng pananalita ni Shufen.

“ Parang robot magsalita“ ang sabi niya sa kaniyang sarili. Napansin ng prinsepe na tila hindi natatakot sa kaniya ang binata kaya muli niyang hinawakan ang kaniyang sandata.

“Wait lang! Wait lang! Opo gagawin ko na po” pakiusap ni June dahil sa takot niya na baka tuluyan na siya ng prinsepe dahil sa kaniyang inasal. Tiningnan siya ng masama ng prinsepe na nagdala ng kakaibang takot sa kaniyang katawan at tanging paglunok laway lang ang kaniyang nagawa. Halos pigilin ni June ang kaniyang paghinga sa takot niya kay Shufen. Nakahinga lamang siya ng maayos nang bitawan siya nito.

“Li, simulan mo na dahil nag-aantay ang mahal na hari” utos ni Shufen sa bata habang siya ay nakatalikod.

“Masusunod po, kamahalan” tugon ng bata at bahagyang yumuko para magbigay galang.

Nang marinig ni Shufen ang tugon ng batang tagapaglingkod ay kaagad siyang naglakad sa labas ng kwarto. Dahil sa taling nagdudugtong sa kanila ni June ay hanggang sa labas ng kwarto na lamang ang layo na kaniyang mararating. Mas pinili niyang lumabas sa kwarto kaysa makasama ang estranghero na si June. Kahit na inatasan siya ng mahal na hari na maging mabuti at ayusin ang pakikitungo kay June ay tila hindi niya magawa dahil sa tingin niya ay hinding hindi magkakasundo ang kanilang ugali.

Habang nasa labas ng kwarto ang mahal na prinsepe ay naging abala naman si Li sa pagpili ng kasuotang ibibigay kay June. Kabilin-bilinan ng hari na ipaalam sa kaniya kapag nagkaroon na ng malay ang pinaniniwalaan nilang instrumento ng gintong dragon dahil nais nitong makausap ang binatang si June. Kahit na walang okasyon ay naging maingat si sa pagpili ang batang si Li sa pagpili ng ipapasuot kay June dahil ayaw niyang makagalitan ng hari kapag hindi nito nagustuhan ang ayos ng instrumento ng gintong dragon.

Habang tumatagal ay unti-unting nawawala ang takot at pangamba ni June sa batang kasama niya. Nang kaniyang pagmasdan ng mabuti ang bata ay hindi naman talaga ito katakot-takot bagkus sobrang amo ng mukha nito na tila batang anghel. Sa kaniyang pagtitig ay naaaliw siya sa paglutang nito sa ere. Habang pinipili ni Li ang mga kasuotan ay hindi mapigilan ng binatang si June na magtaka kung bakit lumulutang ang batang si Li. Nagawa niyang kalabitin ang talampakan nito pero hindi man lang nagpakita ng reaksyon ang batang si Li. Hindi nakontento si June kaya naman kinalabit niya ang talampakan nito ng paulit-ulit hanggang sa magsalita ang bata.

“Kung maaari po sana ay tigilan nyo na po ang ginagawa nyo sa akin dahil kinakailangan na po nating makahanap ng kasuotan para sa inyo” magalang na pagsabi ng batang si Li. Nakaramdam naman ng kahihiyan si June kaya tinigil na niya ang kaniyang ginagawa. Saka lang napansin ni June na puro pala tela ang kasalukutang nasa ibabaw ng kaniyang kama. Mula sa matitingkad na kulay hanggang sa kulay na madilim ang nakalatag sa ibabaw ng kaniyang kama. Hindi niya maaala kung kelan pa nagkaroon ng mga telang ito sa ibabaw ng kaniyang hinigaan.

“ Limang minuto lang para magbihis pero mukhang tatahiin pa ang mga to“ reklamo ni J une sa kaniyang sarili dahil wala siyag ideya sa paraan ng pagpili at paggamit ng mga kasuotan sa kaharian ng Tianmen.

“Maaari po ba kayong tumalikod” pakiusap ng batang si Li. Natigilan pa si June dahil hindi niya kaagad nakuha ang nais ipagawa sa kaniya ng bata. Tumalikod naman sya kaagad nang mapagtanto niya ang nais nitong ipagawa sa kaniya. Sa kaniyang pagtalikod ay kaniyang naramdaman ang paglapat ng tela sa kaniyang katawan. Napatingin siya sa kulay puting tela na nagmistulang kapa sa kaniyang likuran.

“Kung maaari po ay umikot kayo ng tatlong beses” muling utos ng batang si Li. Napaturo naman si June sa kaniyang sarili na para tila tinatanong sa bata kung siya ba ang kausap nito. Hindi niya kasi malaman kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit niya kailangang gawin ito. Tumango sa kaniya ang bata at siya naman ay napabuntong hininga bago gawin ang nais ipagawa sa kaniya. Pumikit siya dahil sa isipan niya ay walang kakwenta kwenta ang bagay na to at malalaglag ang tela mula sa likod niya kapag siya ay umikot. Nang simulan niya ang pag-ikot ay kataka-takang hindi nahulog ang tela mula sa kaniyang likod kaya inaasahan niyang malalaglag ito sa pangalawang ikot pero nanatili pa rin ito at sa huling ikot niya ay hindi na niya naramdaman ang tela sa kaniyang likuran. Dinilat niya ang kaniyang mata at namangha siya nang makitang nagkaroon na siya ng pang-itaas na kasuotan at maging ang kaniyang pang-ibabang kasuotan at nagbago rin.

“Mukhang may kulang pa” sambit ng batang si Li. Kumuha siya ng panibagong tela na kakulay ng asul na kalangitan. Habang si June ay manghang-mangha sa kakaibang kasuotan niya ay siya namang paghagis ni Li ng panibagong tela sa likuran ni June ng tumalikod ito sa kaniya. Nagtaka si June nang maramdaman niya ang paglapat nito sa kaniyang likuran kaya muli siyang humarap sa bata. Gamit ang kaniyang daliri ay sumenyas si Li upang umikot muli si June nang makaharap niya ito. Hindi na nagdalawang isip pa ang binata at ginawa na niya ang nais nitong gawin. Sa kaniyang pag-ikot ay unti-unting nawawala ang tela sa kaiyang likuran at tila napapalitan ito ng kulay asul na usok na pumapalibot sa kaniyang katawan. Sa ikatlong pag-ikot niya ay nawala ang usok at nagbago ang anyo ng kaniyang kasuotan.

Masusing pinagmasdan ni June ang kaniyang kasuotan dahil sa labis ang kaniyang pagkamangha dito. Knaina lang ay pawang walang kabuhay-buhay ang kaniyang kasuotan dahil sa simpleng kulay puti lamang ito at walang desenyo. Ngayon ay nahahaluan na ito ng kulay asul na may desensyong tila alapaap na nakakalat sa buong kasuoatan niya. Lumapit siya sa isang malaking salamin na yari sa ginto upang lubusang makita ang sarili. Hindi niya masyadong maaninag sa malayo ang kaniyang sarili dahil iba pa rin ang salamin kapag gawa ito sa babasagin o baso. Lumapit siya ng husto para makita niya ang sarili niya sa salamin ngunit bago pa siya makalapit ng husto ay biglang umilaw ang mahiwang tali sa kaniyang kanang kamay at napigilan siya sa paglapit. Hindi na siya nagpumilit na lumapit pa dahil alam niyang mahahatak niya lamang si Shufen papasok ng kwarto kapag lumapit pa siya sa salamin. Tumalikod na lamang siya upang makita ang hitsura ng kaniyang kasuotan sa likuran.

“Bakit may tatak ng dragon sa likuran ko?” tanong ni June kay Li nang mapansin niya ang nakaburdang kulay asul na dragon sa likuran ng kaniyang kasuotan.

“Ang asul na dragon ay ang sagisag ng kaharian ng Tianmen. Ang asul na dragon ang nagbigay ng kapangyarihan at kaayusan sa kaharian ng Tianmen kaya sinasamba namin ito” magalang na sabi ng batang si Li. Muli pa sanang magtatanong si June sa batang lalaki ngunit muling nagsalita si Li.

“Paumanhin dakilang instrumento ng gintong dragon, kailangan na po nating umalis dahil nag-aantay na po ang ikatlong prinsepe at ang mahal na hari” dugtong ng batang si Li. Walang nagawa si June kundi ang sumimangot at tumango bilang pagsang-ayon sa batang lalaki. Ginabayan siya nito sa daan palabas ng kwarto.

Naaliw si June habang nakikitang lumulutang ang batang lalaki. Nagawa niiyang hawakan ang tali na nakasabit sa bewang ng batang si Li. Sa isip-isip ni June ay para siyang may hawak na saranggola habang naglalakad palabas ng kwarto. Sa isang kumpas ng batang si Li ay kaagad nagbukas ng pinto. Sa kanilang paglabas ay kaagad nagsalubong ang tingin ni June at Shufen. Bakas sa mukha ng ikatlong prinsepe ang hindi pagkagalak nang makita niya si June na hawak-hawak ang kasuotan ng batang tagapagsilbi. Kaagad tinanggal ni June ang pagkakahawak sa tali sa takot niyang makagalitan ng prinsepe.

“Handa na po siya mahal na prinsepe” sambit ni Li. Tumango lang ang prinsepe at saka tumalikod. Hindi mapigilan ni June ang sarili na magtaka sa mahiwagang tali na nagdudugtong sa kanila ng prinsepe. May pagkakataong nawawala ito at may pagkakataong bigla na lang itong lumalabas. Napahawak siya sa kaniyang palapulsuhan at laking gulat niya nang muling lumabas ang mahiwagang tali. Hindi nakalampas ito sa prinsepe kaya bahagya siyang napalingon kay June nang mapansin niya ang paglitaw nito. Pilit na ngiti ang sinukli ni June sa prinsepe nang muli siyang tingnan ng masama nito. Hindi niya malaman kung ano ba ang nagawa niyang masama kung bakit labis na lang ang pagkainis sa kaniya ng prinsepe.

Nagsimula silang maglakad nang kumilos ang prinsepe. Mula sa likuran ay hindi pa rin maalis sa isipan ni June ang tungkol sa mahiwang tali na nagdurugtong sa kanila ni Shufen. Lingid sa kaalaman ni June na ang tali ay nagsisilbing hadlang upang hindi sila magkalayo sa isa’t isa. Kusang nawawala ang tali kapag hindi nila hinahawakan ang kanilang palapulsuhan. Kusa ring lumalabas ito kapag naabot na nila ang limistasyon ng kahabaan ng tali. Kapag kusang lumabas ito ay ibig sabihin naabot na nila ang hangganan ng tali.

Nabaling ang atensyon ni June nang mapansin niya ang kaniyang kapaligiran. Para siyang nasa kaharian ng mga sinaunang tsino dahil sa magarang desenyo na meron ito. Sobra siyang natuwa kaya nang tumawid sila sa isang maliit na tulay ay hindi niya napigilan ang sarili na huminto upang pagmasdan ang mga batang tagapaglingkod na lumilipad. Bawat isa sa mga batang tagapaglingkod ng Tianmen ay may natatanging kakayahan at katungkulan na dapat gampanan sa palasyo. Ang mga naglilingkod sa palasyo ay sinasanay na simula sa kanilang pagkabata. Hindi sila maaaring tumungtong sa sahig ng palasyo hanggang hindi nila nararating ang sapat na edad bilang ganap na tagapaglingkod. Kaya naman lahat ng mga batang naglilingkod sa palasyo ay nakalutang sa ere gamit ang kanilang mahika. Isang malaking kasalanan ang pagtungtong sa palasyo kapag walang pahintulot ng hari, kapag hindi ka kasama sa angkan ng maharlika o walang katungkulan sa palasyo. Tinuturing nilang banal ang bawat haligi ng palasyo kaya naman malaking kasalanan ang pagpasok ng walang pahintulot sa loob nito.

Muling naglakad si June nang mapansin niya ang paglitaw ng gintong tali. Bago pa man siya mahatak nito ay naglakad na siya sa takot niyang makagalitan muli ng prinsepe. Bago makarating sa silid ng trono ay may madaraanan silang magandang hardin na punong puno ng magagandang bulaklak. Hindi mapigilan ng binata ang mapamangha habang iniikot niya ang kaniyang paningin sa paligid. Lalo siyang namangha nang makita niya ang isang puno na namumulaklak ng kulay rosas at ang mga talutot nito ay nahuhulog sa daan at mga damo.

“Sinong mag-aakala na may cherry blossom pala sa langit” masayang sabi ni June habang sinasalo niya ang mga talutot na nalalaglag mula sa puno.

Pagkalagpas nila sa magandang hardin ay kapansin-pansin kaagad ang sa kanilang kaliwa ang malaking hagdan kung saan sa itaas nito naroroon ang silid ng trono ng kaharian ng Tianmen. Bago pa man sila makarating sa hagdan ay may nakasalubong silang grupo ng mga dilag na may magagarang kasuotan. Kapansin-pansin ang isang dilag na nasa gitna dahil sa angking ganda nito na nangingibaw sa kanilang gurpo. Siya rin ang naiibang sa kasuotan sa kaniyang mga kasama dahil ang mga ito ay iisa lamang ng desenyo sa kanilang sauotan. Lahat ng mga dilag na ito ay may angking ganda na maikukumpara mo sa ganda ng isang dyosa kaya halos maglaway ang bibig ni June habang pinagmamasdan niya ang mga ito.

“Sinong mag-aakala na may Chinese counter part ang Girls’ Generation sa langit” hindi mapigilang masabi ni June sa labis na pagkamangha sa mga dilag.

“Magandang araw mahal na prinsepe” pagbati ng pinakamagandang dilag sa grupo ng mga babae na sinundan naman ng pagbati ng mga kasama niyang babae. Ang babaeng ito ay si

Xiao Fei,

ang nag-iisang anak ng natatanging imortal na ahas na si

Xiao Lin

. Ang mga dilag na kaniyang kasama ay hindi mapagkakamalang mga alalay lamang dahil malaki ang pagpapahalaga ng imortal na ahas sa kagandahan kaya lahat ng kaniyang mga tagpagsilbi ay may mga angking kagandahan at kagwapuhan.

“Magandang araw sayo Xiao Fei” mahinahong tugon ni Shufen na ikinagulat ni June. Iniisip niya na maaaring may gusto ang prinsepe kay Xiao Fei kaya ganun na lang ang pagtrato niya sa dilag.

“Nais ko sanang imbitahin ang mahal na prinsepe na uminom ng tsa’a sa aking palasyo habang naglalaro ng

Go

“ malambing na pag-aya ng binibini.

“Paumanhin ngunit may importanteng bagay akong dapat asikasuhin ngayon” pagtanggi ni Shufen sa dilag.

“ Seryoso Pre? Tatanggihan mo ang isang dyosa na ganyan kaganda?“ sabi ni June sa kaniyang sarili. Tila siya pa ang nakaramdam ng panghihinayang sa ginawang pagtanggi ng prinsepe. Nagulat na lang siya nang lumingon sa kaniya si Shufen. Isang tingin lang ay tila tinamaan siya ng kidlat sa masamang tingin nito sa kaniya. Tumango ang dilag sa prinsepe at nagpaalam bago nagsimulang maglakad.

Hindi napigilan ni June na mapatigil sa kaniyang kinatatayuan habang papalapit sa kaniya ang mga dilag. Pakiramdam niya ay nagsibabaan ang mga dyosa sa langit upang biyaan ang kaniyang mata gamit ang kanilang taglay na kagandahan. Abot tenga ang kaniyang pagngiti nang makalapit ito sa kaniya ngunit nawala ang kaniyang ngiti nang bigla siyang irapan ng binibining si Xiao Fei. Ang mga dilag na kasama nito ay nagbubulong-bulungan habang nakatingin sa kaniya.

“Siguro poging pogi sila sa akin kaya nila ako pinag-uusapan” di mapigilang sabihin ni June nang makalampas ang mga dilag sa kaniya. Wala siyang kaalam-alam na kaya ganun ang turing sa kaniya ng binibini dahil sinisisi siya nito sa naudlot na pag-iisang dibdib nila ng ikatlong prinsepe. Ang pangarap ng dalaga na mapangasawa ang pinakamamahal niyang lalaki sa mundo ay malabo ng mangyari dahil sa pagdating niya. Hindi nila maaaring labanan ang tinakda ng tadhana dahil malaki ang magiging kabayaran nito hindi lamng sa kanila kundi maging sa buong kaharian.

Kahit na sa malayo na ang mga dilag ay hindi pa rin maalis ni June ang kaniyang paningin. Tila sa sandaling iyon ay nakalimutan niyang may iba siyang kasama. Nabalik lamang ang kaniyang atensyon nang muli siyang mahila ng mahiwagang tali na halos ikadapa niya sa sahig. Labis ang kaniyang pagkainis sa pagtrato sa kaniya ng prinsepe at hindi man lang siya magawang lingunin nito kahit na muntikan na siyang madapa. Labag man sa kaniyang loob ay sumunod pa rin siya prinsepe. Pagkarating nila sa tapat ng mahabang hagdan ay napaluhod si June nang makita niya kung gaano kataas ito.

“Aakyatin ba talaga natin to?” sabi niya habang nakaluhod. Halos isang daang hakbang ang kailangang gawin bago marating ang pinakataas ng hagdan. Napatingin si June sa kaniyang likuran at bigla siyang nakaramdam ng paglula nang makita niya ang karugtong ng hagdan. Ang palasyo nakatayo sa pinakamataas na bahagi ng bundok. Simula sa paanan ng bundok patungo sa silid ng trono ay mayroong tinatanyang 500 daang hagdan na kailangang hakbangin bago marating ang itaas.

Malalaman ang antas ng katungkulan ng isang imortal depende sa lapit ng kaniyang palasyo sa silid ng trono. Ang pinakamalapit na palasyo ay palasyo ng

Shen Sheng

na pagmamay-ari ng mahal na hari na nakapwesto sa silangang bahagi ng bundok at ang nasa kanluran naman ay ang palasyo ng mahal na reyna ang tinatawag na palasyo ng

Xiangqi

. Mula sa itaas ay magbibilang ka ng halos isang daang hakbang bago mo marating ang pangatlo sa may pinakamataas na katungkulan sa palasyo yun ay ang prinsepe na nakatakdang magmana ng trono. Ang kaniyang palasyo ay tinatawag na

Rennai

kung saan namalagi si June ng ilang araw.

Tila walang nagawa si June kundi ang umakyat sa hagdan dahil nag-umpisa na ang paghakbang ni Shufen. Nais kumapit ni June sa batang si Li para hindi siya mapagod pero hindi niya magawa dahil laging nakabantay ang prinsepe sa kanyang bawat galaw. Ramdam na kaagad ni June ang pagod nang marating niya nag ikatatlumpong hakbang sa hagdan. Nang kaniyang tingnan ang prinsepe ay hindi inaasahang makita na para bang hindi ito nakakaramdam ng pagod. Inisip na lang niya na hindi lang to nagpapakita ng kahinaan kaya aantayin niyang makita itong mapagod kapag naabot nila ang kalahati ng dapat nilang akyatin.

Sa ikalimampung hakbang ay labis na ang pagtagaktak ng pawis ni June. Ngumisi siya bago lumingon sa prinsepe dahil pakiramdam niya ay pagod na rin ito dahil bigla na lang itong huminto. Pagkatingin niya sa prinsepe ay laking gulat niya nang makita itong nakatingin sa kaniya. Takang taka siya dahil wala man lang siyang makita ni butil ng pawis na namuo sa noo ng prinsepe. Ganun pa man ay ngumiti pa rin siya dahil alam niyang sinusubukan nito ang kaniyang kakayahan kaya naman nagpatuloy siya sa paghakbang.

Nang marating nila ang ikawalumpong hakbang ay halos gumapang na paakyat si June sa hagdan. Hindi niya malaman kung papano nagagawa ni Shufen ang umakyat sa maraming hagdan ng hindi man lang napapagod o pinagpapawisan. Labis ang kaniyang pagkainggit sa batang si Li dahil nakalutang lang ito sa ere kaya hindi makaramdam ng pagod.

“ Konting konti na lang sasampa na talaga ako sa batang to“ sabi ni June sa sarili. Hinahabol na niya ang kaniyang paghinga habang ang mga kasama niya ay tila walang pakialam sa kaniyang paghihirap. Huminga siya ng malalim bago siya muling nagsimula sa paghakbang at sa di inaasahang pangyayari ay bigla siyang nakaramdam ng matinding pagkahilo kaya nawalan siya ng balanse. Bago pa man siya mahulog ay nagawa siyang hawakan sa kamay ni Shufen. Tila bumagal ang sandali nang mahawakan ng prinsipe ang kamay ng binatang si June. Hindi niya maipaliwang sa sarili ang kakaibang nararamdaman niya nang maglapat ang kanilang mga kamay. May kakaibang init na nagmumula sa kamay ni Shufen na hindi maipaliwang ni June. Sa sandaling iyon ay para bang tumigil ang oras habang ang kanilang mga mata ay nagkatagpo. Sa pagkakataong ito ay muli niyang napagtanto kung gaano kakisig ang prinsepe sa tuwing pinapakita nito ang maamo niyang mukha. Para bang bigla na lang bumalik ang oras nang hatakin ni Shufen palapit sa kaniya ang binata. Ngayon ay sobrang lapit na ng mukha nila sa isa’t isa at nananatili pa ring hawak ni Shufen ang kamay ni June.

“Sa susunod ay mag-iingat ka sa paghakbang mo” mahinahong sambit ni Shufen na kaagad pinagdudahan ni June dahil biglang nagbago ang trato sa kaniya ng prinsepe.

“ Marunong ka rin pa lang magmalasakit“ sabi ni June sa kaniyang sarili habang nakatingin sa prinsepe.

“Dahil wala akong mukhang maihaharap sa mahal na hari kapag may nangyaring masama sayo” dugtong nito at muling nanumbalik ang pagtrato nito sa kaniya. Bumitaw sa pagkakahawak ang prinsepe sa kamay ng binata at tumalikod ito para muling maglakad. Napakamot na lang sa ulo si June dahil para sa kaniya ay parang babae ang prinsepe dahil nalalabuan siya sa kinilos nito na para bang babae na pabago-bago ng ugali.

Labis ang pagtataka ni June nang maramdaman niyang bumuti ang kaniyang kalagayan. Tila nawala ang pagod at hilo niya sa isang iglap. Ipinasawalang bahala na lang niya ito at nagpatuloy sa pag-akyat sa mga natitirang baitang ng hagdan. Halos sumigaw sa sobrang galak si June nang marating niya ang tuktok. Muli siyang tumingin sa ibaba upang tingnan ang pinanggalingan nila. Nagawa niya ring pagmasdan ang kahabaan ng hagdan. Kahit na may mga hamog o alapaap sa paligid ng hagdan ay naaninag niya pa rin na may mga bahay sa ilalim at sa kaniyang tantiya ay isang syudad ang meron sa paanan ng bundok.

Paglingon niya sa kaniyang likuran ay nakita na lang niya na naglalakad na ang prinsepe habang nakabuntot pa rin dito ang batang si Li. Namangha siya nang makita niya ang silid ng trono na tila gawa sa ginto ang pagkakayari dito. Bago pa man siya makaladkad ng mahiwagang tali ay kaagad siyang nanakbo para mahabol ang kinaroroonan ng mga ito. Saka lang niya binagalan ang paglalakad nang mapansin niya ang paghinto ni Shufen sa tapat ng malaking gintong pintuan.

“Narito na ang ikatlong prinsepe!!” sigaw ng isa mga gwardiya ng gintong pintuan. Hindi nagtagal at nagbukas ang pinto para papasukin silang tatlo. Kaagad sumunod si June sa pagpasok ng prinsepe sa loob.

Naging pamilyar si June sa kaniyang paligid dahil nakapasok na siya rito. Ito yung lugar kung saan siya bumagsak nang mahulog siya mula sa malaking ibon. May iilang imortal sa loob ng silid ng trono na madalas kasama sa mga importanteng pagpupulong. Kaagad napansin ni June ang kakaibang kasuotan ng mga ito dahil sa pagiging magarbo at kakaiba. Nang tumingin siya sa kaniyang harapan ay nakita niya ang hari na muntik nang kumitil sa kaniyang buhay. Kasalukuyan itong nakatingin sa kaniya na may mag ngiti sa labi. Kahit nakangiti ito ay hindi niya mapigilang makaramdam ng takot dahil noong nakaraang araw lang ay balak nitong pugatan ang kaniyang ulo. Pagkarating nila sa altar ay bigla na lang lumuhod si Shufen. Ang batang si Li ay bahagyang bumaba sa kaniyang pagkakalutang at lumuhod habang nasa ere. Dahil siya na lang ang natitirang nakatayo ay ginaya na rin niya ang ginawa ng dalawa niyang kasama.

“Mahal na hari, sa inyong kahilingan na makausap ang dakilang instrumento ng gintong dragon ay narito ako ngayon upang dalhin siya sa inyo” magalang na pagsabi ng prinsepe habang nakapatong ang kanang kamay niya sa ibabaw ng kaniyang kaliwang kamay bilang pagbigay ng galang.

“Nagagalak akong nasa mabuting kalagayan ang dakilang instrumento ng gintong dragon kaya maaari na kayong tumayo” masayang sambit ng hari.

“Maraming salamat mahal na hari” ang tugon ni Shufen bago siya tumayo. Sa kanilang pagtayo ay siya ring pagtayo ng mahal na hari mula sa kaniyang kinauupuan upang lumapit sa kanilang kinaroroonan.

“Lumapit ka sa akin dakilang instrumento ng gintong dragon” sabi ng mahal na hari habang nakaangat ang mga kamay na para bang nag-aabang na yakapin sya. Hindi kaagad nakakilos si June dahil natatakot siya kaya naman nang lumingon siya kay Shufen ay kaagad itong sumenyas na lumapit sa hari. Napalunok laway siya habang naglalakad papalapit sa hari na para unti-unti siyang papalapit sa kaniyang kamatayan. Sa kaniyang paglapit sa hari ay kaagad nitong hinawakan ang magkabilang braso ng binata.

“Maaari ko bang malaman ang pangalan ng dakilang instrumento ng gintong dragon?” tanong sa kaniya ng hari. Hindi kaagad makapagsalita si June dahil sa takot na baka mapugutan siya ng ulo kapag hindi niya masagot ito ng maayos.

“Ju-June po” nauutal na sagot ng binata habang naiilang sa presensya ng hari sa kaniyang harapan.

“Jun? Saang angkan ka nagmula?” dugtong ng hari. Naisip niya kaagaad na tinatanong ng hari ang apelyido niya kaya kaagad siyang sumagot ng.

“June Ynarez po mula sa tondo” tugon ni June at napaisip bigla ang hari nang marinig niya ang mga iyon.

“Junyi? Hmmm…..” sambit ng hari. Nais sanang itama ni June ang hari mula sa kaniyang pagkakarinig sa kaniyang pangalan ngunit natatakot siya na baka magalit ito kaya nanatili na lamang siyang tahimik.

“Simula ngayon ay kakalimutan mo na ang pangalang Junyi dahil simula ngayon ang kikilalanin kana ng buong kaharian bilang dakilang instrumento ng gintong dragon na si Long YiJun” buong pagmamalaking inihayag ng mahal na hari.

“Mabuhay ang dakilang instrumento ng gintong dragon na si Long Yijun!” sigaw ni Wei Qui na isa sa mga imortal na pinagkakatiwalaan ng mahal na hari.

“Mabuhay!” sabay sabay na sigaw ng mga imortal sa loob ng silid ng trono. Hindi naman malaman ni June kung ano ang gagawin niya dahil nagdesisyon na mismo ang hari sa pangalang itatawag sa kaniya. Matapos ang ilang beses na paghayag sa kaniyang pangalan na binanggit ng mahal na hari ay nanumbalik sa katahimikan ang silid habang nag-aantay sa susunod na ipapahayag ng hari.

“Wei Qui” ang tanging sinambit ng hari at kaagad nitong nakuha ang nais ipahiwatig ng mahal na hari.

Lumapit ang imortal na may dalang malaking kahon na yari sa ginto. Inabot nito ang kahon sa ikatlong prinsepe. Kaagad binuksan ito ni Shufen upang makita ang laman ng nasa kahon. Pagkabukas niya ng kahon ay napagmasdan niya na naglalaman ito ng isang malaking puting perlas. Ang paligid nito ay lumilikha ng liwanag na magkahalong kulay na makikita mo sa isang aurora. Kaagad nabighani si June sa taglay nitong ganda na para bang ito ang pinakamagandang kayamanan na matatagpuan sa mundo.

“Gamitin mo yan upang mapabilis ang pagbukas ng kaniyang kaibuturan. Kailangang dumaloy ang enerhiya ng isang imortal sa kaniyang katawan bago niya harapin ang Dakiang guro na si Master Bai” sambit ng hari at kasabay nito ang pagsara ni Shufen sa kahon.

“Masusunod mahal na hari” mabilis na tugon ni Shufen.

Muling lumapit ang hari kay June na kinikilala na ngayon bilang Yijun upang magbigay ng isa pang mensahe.

“Alam kong marami kang katanungan ngayon. Nangangako akong bibigyan ko ng kasagutan lahat ng iyong katanungan kapag natapos ninyo ni Shufen ang ritwal” mahinahong sambit ng hari kay Yijun.

“Ano pong ritwal?” hindi mapigilang itanong ni Yijun ngunit imbes na sagutin niya ang katanungan ng binata ay tumingin ito sa prinsepe. Tumango ang prinsepe bilang pagsang-ayon dahil kaagad nitong nakuha ang nais ipahiwatig ng kamahalan.

“Maaari nyo ng lisanin ang silid” sambit ng hari habang nakangiti sa kaniyang anak at kay Yijun.

Punong puno man ng pagdududa ay walang nagawa si Yijun kundi ang sumama sa prinsepe upang sundin ang inutos ng mahal na hari. Nang sila ay makalabas ay kaagad naglakad ang prinsepe at may kinausap na mga tagapaglingkod. Dahil may distansya ang kanilang kinatatayuan kaya hindi marinig ng husto ni Yijun ang pinag-uusapan nila. Ang kaniyang naintindihan na salita ay ang pagkakasabi ng prinsepe na ihanda na ang mga kagamitan.

“ Pucha baka paghahandaan na nila ang pagpugot sa ulo ko?“ sambit ni Yijun sa sarili at kaagad siyang napailing dahil wala namang ritwal na kailangang pugutan ng ulo ang isang tao.

“ Baka naman papatayin nila ako at iaalay ang kaluluwa ko sa dyablo?“ ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Nag-isip kaagad siya kung papano sya makakatakas dahil nangangamba siya na hindi na siya mabubuhay kapag natapos ang ritwal.

Sa tuwing babalakin ni Yijun na tumakas ay palagi na lamang siyang nahahatak ng mahiwang tali. Ilang beses niyang ginawa ito pero siya na rin ang sumuko dahil imposibleng matakasan niya ang isang katulad ni Shufen na para bang alam niya ang bawat kinikilos ng binata. Bagot na bagot siya sa maghapon na pananatili niya sa loob ng kwarto ng prinsepe. Hindi niya magawang gumala sa palasyo dahil limitado ang kaniyang kinikilos. Ayaw ding magpa-istorbo ng prinsepe na ilang oras ng nakapikit sa upuan na para bang nag-iipon ng lakas dahil kapansin-pansin ang puting enerhiya na kanina pa namumuo sa kaniyang kamay.

“Oras na” ang salitang pumukaw sa atensyon ni Yijun na nagmula sa bibig ng prinsepe.

“Oras na para kumain?” masayang tanong ng binata pero tiningnan lamang siya ng masama ng prinsepe.

“Napakasungit” hindi napigilang sabihin ni Yijun kagaad niyang tinakpan ang kaniyang bibig dahil nagbabakasakali siyang hindi ito marinig ng prinsepe. Mukhang nagtagumpay naman siya dahil hindi na ito lumingon sa kaniya at nagsimila nang maglakad.

Hindi na nangulit pa ang binatang si Yijun dahil sumunod lamang siya sa kung saan patungo ang prinsepe. Nakarating sila sa bandang likuran ng palasyo ng Rennai at kapansin-pansin kaagad ang tubig na dumadaloy mula sa bundok patungo sa munting paliguan na maaaring magkasiya ang sampung katao sa loob nito.

“Maghubad kana!” Ang utos nito sa kaniya pero hindi niya kaagad ginawa. Sa isang kumpas ng kamay ng prinsepe ay bigla na lang napalibutan ng makapal na hamog ang katawan ng prinsepe. Kaya nang bigla itong maghubad sa kaniyang harapan ay nagawang takpan ng makapal na hamog ang pribadong parte ng katawan nito. Muling napalunok laway si Yijun dahil nangangamba siya sa kahihinatnan ng gagawin nila.

“Maliligo lang naman tayo di ba?” tanong ni Yijun na may halong pag-alinlangan. Imbes na sagutin siya ng prinsepe ay binaling nito ang paningin sa madilim na kalangitan. Labag man sa kaniyang kalooban ay nagpasiya siyang hubarin lahat ng kaniyang kasuotan bago lumusong sa pinaliliguan ng prinsepe. Pagkalusong niya sa paliguan ay kaagad niyang naramdaman ang matinding lamig na para bang nagyeyelo ang tubig. Tiniis niya muna ang pagkakakbabad ng kaniyang katawan para pagbigyan ang utos ng prinsepe. Ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang labis na lamig at bakas yun sa panginginig ng kaniyang buong katawan.

“ Pucha ang lamig! Daig ko pa ang nag-ice bucket challenge dito“ sabi ng binata sa kaniyang sarili. Hindi niya malaman kung ano ba ang nais gawin ng prinsepe at bakit pa siya nadamay sa bagay na ito.

“Pwede ho ba akong lumipat diyan? Malamig kasi sa pwesto ko eh” hindi pa man naririnig ni Yijun ang tugon ng prinsepe ay kaagad siyang naglakad palapit kay Shufen. Napatigil siya sa paglapit nang makita niyang hinawakan ni Shufen ang kaniyang sandata.

“Sa-sabi ko nga dito na ako hehe” nauutal na sagot ni Yijun habang pinipilit niyang matawa. Nais na niya talagang umahon dahil sa sobrang panlalamig na nararamdaman niya.

Naghintay pa siya ng ilang sandali at kung hindi pa siya pinayagan ay kusa siyang lalabas sa tubig kahit na buhay niya ang maging kapalit. Muli sa isang kumpas ng kamay ng prinsepe ay biglang lumabas ang isang gintong kahon. Ang kahon na ito ay ang kahon na binigay ng mahal na hari kanina. Mabilis na kinuha ni Shufen ang perlas at dahan-dahan nitong nilublob sa tubig ang natatanging kayamanan. Biglang nagliwanag ang ilalim ng tubig nang malulob dito ang perlas. Napahawak kaagad siya sa kaniyang hinaharap dahil baka makita ito ni Shufen pero malaking tulong ang hamog kaya hindi pa rin sila makikitaan.

Lumikha ng kakaibang liwanag sa ibabaw ng tubig ang perlas. Para bang nasa lugar na may nyebe nang may lumabas na aurora sa ibabaw ng tubig. Malilit lamang ito ngunit sapat na para mabusog ang mata ni Yijun sa labis na pagkamangha. Ang kaninang malamig na tubig ay biglang nawala at naging normal ang temperatura nito. At sa isang iglap ay tila hinatak si Yijun patungo sa himpapawid hanggang sa marating niya ang kalawakan. Ang kalawakan na nagkakaroon ng liwanag na nagmumula sa mga bituin. Nang ikutin niya ang kaniyang paningin ay may nakita siyang iba’t ibang imahe na para bang pangitain mula sa hinaharap. Sa dami ng pinapakita nito ay hindi na niya maintindihan ang mga nagaganap hanggang sa.

“Gumising ka Yijun!” nagising siya sa pagtapik ng prinsepe sa kaniyang pisngi. Hindi niya malaman kung anong nangyari kanina at kung papano siya nawalan ng malay.

Umahon na sila mula sa kanilang pinaliliguan dahil kailangan na raw nilang ituloy ang huling hakbang sa ritwal. Wala siyang kaalam-alam na nagsimula na pala ang sinasabi nilang ritwal na dapat isagawa. Wala sa sariling nagbihis ang binata ng kaniyang kasuotan. Gulong gulo pa rin si Yijun sa mga bagay na kaniyang nasaksihan habang siya ay nasa kalawakan. Hindi niya alam kung ang mga bagay na yun ay magkakatotoo o pawang gawa gawa lamang ng kaniyang malikot na imahinasyon.

Sunod sunuran ang binatang si Yijun sa kung saan man magtungo ang prinsepe. Wala siya sa sariling pumasok sa isang kwarto na may kakaibang marka sa sahig. May malaking bilog sa sahig ng kwarto na sumisimbolo sa yin at yang. Inutusan siya nang mahal na prinsepe na maupo silang dalawa sa gitna nito na kaagad niyang ginawa ng walang pag-alinlangan. Tumatakbo pa rin sa kaniyang isipan ang mga nakita niya kanina na hindi lubusang mapaniwalaan. Napukaw lamang ang kaniyang atensyon ng sabihin ng prinsepe na.

“Hubarin mo na ang iyong kasuotan” utos nito at siya nama’y biglang napahawak sa kaniyang katawan dahil sa hindi niya inaasahang iuutos ng prinsepe. Tumingin siya sa prinsepe at dun niya napagtanto na hindi ito nagbibiro dahil walang bahid ng panloloko ang makikita mo sa kaniyang mukha kaya labis siyang nabahala.

Itutuloy…..

A/N: Maraming salamat sa 200 reads kahit na isang chapter pa lang nalalagay ko. Grabe napakademanding ng story na to sa word count at inabot na naman ako ng 6.5k na words sa dami ng gusto kong ikwento sa buong story.

Alam kong nagtataka kayo kung papano nahawakan ni Li ang bibig ni Yijun eh kung may barrier sa paligid ni Yijun at si Shufen lang ang nakakalapit sa kaniya. May explanation yun sa next chapter uunahan ko na kaagad kayo. LOL!

At yung part na hinawakan ni Shufen ang kaniyang sandata ay literal na sandata yun baka iba naiisip nyo.

Definitions/Characters

:

Xiao

Fei

nag- iisang anak na babae ng natatanging imortal na ahas na si Xiao Lin. Siya ang napagkasunduang mapapangasawa dapat ni Shufen ngunit sa di inaasahang kaganapan ay hindi na matutuloy ang pangarap niyang pakikipag-isang dibdib sa taong mahal niya.

Xiao Lin

  • isa sa mga tanyag na tagapangalaga ng kaayusan at katahimikan sa buong kaharian. Isa siya sa labing dalawang imortal na may natatanging kapangyarihan kung saan ang ahas ang kaniyang sinisimbolo.

Kaluban

  • lagayan ng sandata o sheath sa ingles.

Shen

Sheng

  • banal o divine sa ingles.

Xiangqi

  • bango o aroma sa ingles.

Rennai

  • patience sa ingles.

Please don’t forget to

VOTE!

Chapter 3: The legend of the four beasts

Yibo

as Shufen and Zhan as Yijun

Nag-aalangan man si Yijun ay ginawa niya pa rin ang nais ng prinsepe. Habang siya ay naghuhubad ng kaniyang pang-itaas na kasuotan ay hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang magandang kutis ng prinsepe nang masilayan niya ang pangangatawan nito. Kagaya niya ay naghuhubad na rin ito ng kaniyang pang-itaas na kasuotan. Sobrang kinis ng kaniyang balat na akala mo ay isang dilag na hindi nakakaranas ng anumang galos sa buong buhay nito. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatitig dito at nagulat na lang siya nang tumingin ng masama sa kaniya ang prinsepe. Hilaw na tawa na lang ang kaniyang naging tugon.

Nang maupo ang prinsepe sa sahig ay sinunod niya rin ito. Kasalukuyang magkaharap sila at kapwa walang saplot ang pang-itaas na katawan. Pinalapit pa siya ng husto ng prinsepe hanggang sa magdikit na ang kanilang mga tuhod sa kanilang pagkakaupo. Pumikit ang prinsepe at nagkumpas gamit ang dalawang kamay upang simulan ang seremonyas. Tahimik lang na nagmamasid ang binatang si Yijun habang manghang mangha siya sa bilis ng kamay ng mahal na prinsepe.

“ Wow anong

ninjustu

kaya ang gagawin nito?“ hindi niya mapigilang itanong sa sarili dahil may pagkakahalintulad ang pagkumpas ng prinsepe sa paborito niyang palabas kaya akala niya ay ganun din ang ginagawa ng mahal na prinsepe.

Ilang sandali pa ay bigla na lang nagliwanag ang paligid nila dahil sa kakaibang enerhiya. Ang enerhiyang ito ay pumalibot sa bilog na kainauupuan nila kung saan nahahati ang kulay nito sa dalawa. Ang nasa kanang bahagi ng bilog kung saan nakaupo si Shufen ay may enerhiyang kulay puti na kumakawatan sa konsepto ng

Yang

at sa kaliwang bahagi kung saan nakaupo si Yijun ay may enerhiyang kulay itim naman na kumakatawan sa konsepto ng

Yin

.

Kinuha ng prinsepe ang kanang kamay ni Yijun at gamit kaniyang daliri ay gumuhit siya ng mga titik sa palad ng binata. Napangiwi sa hapdi si Yijun habang ginuguhit ni Shufen ang mga titik sa kaniyang palad. Para bang pinaso ng apoy ang kaniyang palad sa bawat pagghuit ni Shufen dito. Matapos gawin ni Shufen ang paglikha ng titik ay binitawan niya kaagad kamay nito. Napahawak si Yijun sa kaniyang kamay dahil sa labis na panghahapdi nito. Kagaya ng ginawa ni Shufen sa binata ay gumuhit rin siya ng titik sa kaniyang kanang palad. Hindi napigilang mapatingin ni Yijun sa kaniyang kamay kung saan may nakasulat dito na salitang intsik. Ang nakakapagtaka ay nagagawa nyang basahin ang nakasulat dito. Bago pa man niya mabanggit ang salitang nakasulat sa kaniyang palad ay kinuha kaagad ni Shufen ang kaniyang kanang kamay at nilagay ito sa kaniyang kaliwang dibdib. Nagulat si Yijun sa pagkakalagay ng kaniyang kamay sa dibidb ng prinsepe at ninais niya pang tanggalin ito pero hindi niya magawa dahil tila nakadikit ng husto ang kamay niya dito. Tila may kakaibang enerhiya na nagmumula sa katawan ng prinsepe at dumadaloy ito papunta sa kaniyang kamay hanggang sa kaniyang buong katawan.

Labis ang init na nararamdaman ngayon ni Yijun at lalo pa itong nadagdagan nang ilapat ng prinsepe ang kaniyang kanang kamay sa dibdib ng binata. Hindi malaman ni Yijun kung anong gagawin dahil tila sasabog ang kaniyang katawan sa sobrang init nito. Tanging pag-iling ng kaniyang ulo ang kaniyang nagagawa habang nakapikit ang mga mata. Habang tumatagal ay pakiramdam niya ay nasusunog na ang kaniyang dibdib dahil parang may nagbabagang apoy sa loob nito. Unti-unti siyang nanghihina habang hawak ang kaniyang paningin ay nagpapaikot-ikot. Habang tumatagal silang nakaupo ni Shufen ay lalo siyang nanghihina. Nang mapatingin siya sa ibaba ay tila nilamon siya nang labis na pagkaantok at muntikan nang masubsob pero bumalik nagulat na lang siya nang may tumama sa kaniyang ulo.

“Aray!” napahiyaw siya sa labis na sakit nang may tumama sa ulo niya. Kasalukuyang nakapikit pa rin ang binata at laking gulat niya nang makita niyang magkalapit ang mukha nila ng prinsepe. Kasalukuyang magdikit ang kanilang mga noo at kung saan ramdam na ramdam ng bawat isa ang malalim nilang paghinga.

“Anong ginagawa mo?” hindi mapigilang itanong ni Yijun dahil sa labis na pagkailang nang magkalapit ang mukha nila ng prinsepe.

“Huwag na huwag kang pipikit at huwag na huwag kang yoyoko!” mariing sabi nito. Walang kaalam-alam si Yijun na ginagamit ng prinsepe ang kaniyang noo upang alalayan ang ulo ni Yijun na hindi mapayuko at mapapikit dahil sa oras na pumikit siya ay mawawalan siya ng malay. Ilang sandali pa ang nagtagal at nanatiling magkalapit pa rin ang mga mukha nila. Patuloy pa rin sa pag-inda ng sakit ang binatang si Yijun hanggang sa muling magkumpas ang prinsepe gamit ang kaniyang kaliwang kamay.

“Arrggh!!” hindi mapigilang mapasigaw ni Yijun dahil sa labis na sakit na kaniyang nadarama at sa isang iglap ay parang may sumabog mula sa kaniyang katawan. Kasabay nito ang pagkakabitaw ng mga kamay mula sa dibdib ng isa’t isa.

Napayuko si Yijun habang hawak-hawak niya ang kaniyang dibdib. Hindi niya mawari ang sakit na nadarama dahil para bang ang kaniyang puso ay tila natutunaw sa labis na init na nadarama. Hinahabol niya rin ang kaniyang paghinga na para bang lumangoy siya mula sa pinakailalim ng karagatan. Hindi nagtagal at dumaloy sa buong katawan niya ang init na nagmumula sa kaniyang dibdib patungo sa kaniyang buong katawan. Napatingin siya sa kaniyang mga palad na tila nagliliwanag dahil sa enerhiyang nakapalibot dito.

“A-anong nangyayari sa akin?” natataranta niyang tanong dahil sa hindi kakaibang karanasan na iyon.

“Nabuksan na ang iyong

kaibuturan

“ tugon ng prinsepe habang tumatayo.

“Kaibuturan?” muling tanong ng binata.

“Ang kaibuturan ay ang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ng bawat imortal. Ang enerhiyang nagmumula rito ay ang ginagamit namin sa pagmanipula ng mga bagay at paggamit ng salamangka. Kapag nasira o nawala ang iyong kaibuturan ay magiging isang mortal ka na lamang” pagpapaliwanag ng prinsepe habang inaayos niya ang kaniyang kasuotan. Nabaling naman sa iba ang tingin ni Yijun dahil hindi niya namalayan na nakatingin pala siya sa prinsepe habang nagbibihis ito ng pang-itaas niyang damit.

“Ahhhh…Ang ibig mong sabihin ay isa na akong imortal?” tanong ng binata habang nakatalikod ang prinsepe sa kaniya. Ang kaliwang kamay nito ay kasalukuyang nakalagay sa kaniyang likuran na para bang isang mandirigmang nakatayo upang magbantay.

“Hindi pa” tugon nito sa kaniya habang nanatiling nakatalikod.

“Anong hindi pa?” napatayo ang binatang si Yijun mula sa kaniyang kinauupuan. Bahagyang napalingon ang prinsepe sa kinaroroonan ng binata at muling iniwas ang kaniyang tingin. Saka lang napansin ni Yijun na ang kasuotan niya ay halos bumagsak na sa kaniyang tuhod. Dali-dali siyang hinatak ito pataas at inayos ang kaniyang kasuotan. Sa sandaling naayos na ni Yijun ang kaniyang kasuotan ay kaagad humarap sa kaniya ang prinsepe.

“Hindi ka pa ganap na imortal dahil marami ka pang hindi kayang gawin na nagagawa naming mga imortal. Kinakailangan mong mag-insayo sa paggamit ng iyong enerhiya sa pagmanipula ng mga bagay-bagay at paggamit ng salamangka” pagpapaliwanag ng prinsepe sa kaniya. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa pananabik na magawa ang mga bagay na binanggit sa kaniya.

“Teka lang, ano bang gusto mong gawin kong magic ha? Yung kagaya ba ng sa Harry Potter?” masaya niyang tanong habang ang prinsepe ay nakatingin sa kaniya na para bang walang naiintindihan sa kaniyang mga sinasabi.

“Oohhh… Oo nga pala, Chinese nga pala. Alam ko na Ice Fantasy? Ashes of Love?” tanong niya at kagaya kanina ay hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ng prinsepe.

“Masyadong bago pala yun…Alam ko na, The Legend? Once upon a time in china? Fist of Fury? Drunken Master?” dugtong pa niya at wala pa rin naging reaksyon ang prinsepe sa kaniyang mga sinasabi. Hindi siya sumuko at nagbanggit pa ng kung ano-anong pangalan.

“Hiyaaa…ya,ya ya yaahh!!! Jackie Chan? Wachaaaa..taratatatataaa!! Bruce Lee? Jet Li?” sunod-sunod niyang tanong habang ginagaya ang mga sikat na galaw ng mga artistang kaniyang nabaggit.

“Magsisimula tayo sa pag-iensayo bukas ng umaga” biglang sabi ng prinsepe at muling tumalikod at naglakad upang lisanin ang lugar.

“May hindi pa ako nabanggit ehhh.. sino nga yung nasa IP Man?” sambit ni Yijun sa sarili habang nakabuntot siya sa prinsepe. Tumigil lamang siya sa pagsasalita nang lingunin siya nito at tanging pagngiti ang kaniyang nagiging tugon sa prinsepe.

Malayo-layo rin ang pinanggalingan nila bago sila makarating sa palasyo ng prinsepe. Hindi niya pa rin lubos akalain na makakapunta siya isang klaseng lugar na ito na punong puno ng mahika. Mula sa nakakaaliw na mga batang tagapagsilbi sa palasyo na lumulutang sa ere hanggang sa mga guwardiyang nakabantay sa bawat pinto ng palasyo. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng pelikulang napapanood nya dahil sa kagamitan at kasuotan na meron ang mga ito.

Pagpasok nila sa palasyo ay masaya silang binati ng mga lalaking tagapagsilbi sa palasyo ng prinsepe. Isa lang sa mga ito ang kaniyang nakilala at yun ang batang si Li. Masayang kumaway ang binatang si Yijun nang makita niya ang batang tagapagsilbi. Ngumiti ito sa kaniya at yumuko bilang paggalang. Natigil lang sya sa pagkaway nang tumingin sa kaniya ang prinsepe.

“Kamahalan, Nakahanda na po ang inyong kwarto” sambit ng isa sa mga tagapagsilbi ng prinsepe. Nag-iisa lamang si Li na batang tagapagsilbi ng prinsepe at ang karamihan sa mga ito ay pawang nasa hustong taon na upang maglingkod sa kamahalan.

“Nailagay nyo na ba ang hinihingi ko?” tanong ng prinsepe sa tagapagsilbi. Hindi ito makatingin sa prinsepe at lumingon pa ito sa batang tagapagsilbi upang humingi ng tulong.

“Paumanhin kamahalan ngunit ipinagbilin ng mahal na hari na nararapat raw kayong magtabi ng instrumento ng gintong dragon sa iisang kama bilang paghahanda sa inyong pag-iisang-” hindi na natapos ni Li ang kaniyang nais sabihin dahil tiningnan siya ng masama ng prinsepe na naging dahilan upang itigil niya ang pagsasalita.

“Maaari na kayong umalis” sambit ng prinsepe habang bahagyang nakataas ang kaniyang kanang kamay bilang pagtanda ng pagpapaalis sa mga tagapasilbi.

“Masusunod kamahalan” sabay-sabay na tugon ng mga tagapagsilbi.

Naunang pumasok ang prinsepe sa loob ng kaniyang palasyo habang nakasunod sa kaniya ang binagtang si Yijun. Walang kaalam-alam si Yijun na sangkot siya sa kaninang usapan ng prinsepe at ni Li. Ngayon ay masaya siyang lumapit sa munting mesa kung saan nakahain ang iba’t ibang klase ng pagkain.

“Wow, mukhang mapaparami ang makakain ko” di mapigilang sabihin ng binata habang kinikiskis ang kaniyang mga kamay at nakatingin sa masasarap na putaheng nasa harap niya. Kukuha na sana siya ng isa sa mga pagkaing nakahain nang mapansin niyang naupo ang prinsepe sa kaniyang higaan.

“Hindi ka man lang ba kakain?” mabilis na tanong ng binata sa prinsepe.

“Wala na akong gana” ang naging tugon ng prinsepe sa kaniya. Hindi talaga natutuwa si Shufen sa paraan ng pananalita sa kaniya ni Yijun. Sobrang kaswal kasi nito magsalita na para bang pantay sila ng antas ng katungkulan sa kaharian.

“Wag mo akong sisisihin kong maubusan ka ng pagkain” sagot ni Yijun na tila nang-aasar. Walang panahon ang prinsepe na makipagtalo sa binata dahil nais niyang magpahinga.

Hindi naging madali sa kaniya ang magbukas ng kaibuturan ng isang mortal. Kinakailangan nito ng mahigit limang daang taong enerhiya mula sa paglilinang upang mabuksan ang kaibuturan nito at maipasa ito sa kaniyang katawan. Ang lakas ng isang imortal ay hindi lang nakasalalay sa kaniyang katungkulan sa kaharian sapagkat nasusukat din ito sa tagal ng kaniyang

paglilinang

. Ang enerhiyang nalilikom niya sa taon ng kaniyang paglilinang ang nagiging batayan kung gaano kalakas bilang isang imortal. Maaari ring ipasa ang enerhiya mula sa paglilinang upang mapalakas ang isang imortal ngunit dapat angkop ang pangunahing elemento ng isang imortal na siyang magpapasa ng kaniyang enerhiya sa imortal na kaniyang papasahan.

Mayroong limang pangunahing elemento ang mga imortal yun ay ang apoy, tubig, lupa, kahoy at bakal. Ang limang ikalawang uri naman ng mga elemento ay ang hangin, kidlat, yelo, liwanag at kadiliman. Ang pangunahing elemento ni Shufen ay kahoy na siyang kumakatawan sa elemento ng Dakilang Asul na dragon ng silangan na siyang sinasamba ng buong kaharian bilang tagapangalaga nito. Bilang instrumento ng gintong dragon, ang pangunahing elemento ni Yijun ay ang lupa ngunit natuklasan ni Shufen na kayang magpalit ng elemento ni Yijun nang mawalan ito ng malay. Isa sa plano ng hari ang gawing imortal si Yijun upang maipakasal sa prinsepe ngunit naging hadlang ang pagkakaiba ng kanilang elementong taglay. Dahil sa enerhiyang pumoprotekta sa binata ay walang sino mang imortal na may taglay ng elementong lupa ang nakakalapit sa binata. Natuklasan lang nila na kayang magpalit ni Yijun ng elemento nang pasahan ni Shufen ng enerhiya si Yijun upang mapabilis ang paggising nito. Di pa naitatala sa kasaysayan ang ganitong klaseng uri ng nilalang na kayang magpalit ng elemento. Sa kakayahan ni Yijun na magpalit-palit ng elemento kaya naging matagumpay ang pagbukas ng kaniyang kaibuturan at pagpasa ng enerhiya sa kaniya ng prinsepe.

Patuloy sa pagkain ang binatang si Yijun habang si Shufen naman ay nagpasiyang matulog. Ramdam na ramdam ni Yijun ang labis na pagkagutom at halos lahat ng mga putahing nakahain sa kaniyang harapan ay nagawa niyang kainin. Ang pagkaing nakahain ay para sa apat hanggang sa limang katao pero sa kaniyang pagkain ay parang tatlong tao ang kumakain ng sabay-sabay dahil sa dami ng kaniyang nakakain. Hindi siya tumigil sa pagkain hanggang sa maramdaman niya ang pananakit ng tiyan sa labis na kabusugan. Halos hindi na siya makatayo mula sa kaniyang kinauupuan dahil sa labis na kabusugan. Dahan-dahan siyang tumayo upang hindi makagawa ng ingay dahil alam niyang mahimbing na ang tulog ng prinsepe. Naupo siya sa gilid ng kama at naupo saglit upang bumaba ang kaniyang kinain.

Mahigit sampung minuto na siyang nakaupo sa tabi ng kama ngunit ang pananakit ng kaniyang tiyan ay hindi pa rin humuhupa. Napapangiwi ang binata habang marahan niyang hinihimas ang kaniyang tiyan. Sa sandaling iyon ay nagsisisi na siya dahil sa kaniyang pagkain ng marami. Kumapit siya sa gilid ng kama upang alalayan ang sarili sa pagtayo. Sa ngayon ay gusto niyang pumunta sa isang palikuran upang makapagbawas dahil ramdam niyang malapit na itong lumabas. Habang tinatahak niya ang daan patungo sa labas ng kwarto ay bigla siyang napatigil nang mapagtanto niya na naabot na niya ang hangganan ng mahiwagang tali na nagdurugtong sa kanila ng prinsepe. Takot man siyang gisingin ito pero wala siyang magagawa kundi ang humingi ng pabor dahil maaaring abutan siya nang hindi nakakarating sa palikuran. Hawak-hawak niya ang kaniyang tiyan at halos takbuhin na niya ang kinaroroonan ng prinsepe upang gisingin ito.

“Mahal-ahhh” sambit niya nang makarating siya sa tapat ng kama. Hindi niya natuloy ang kaniyang dapat sabihin dahil sa biglang pagkirot ng kaniyang tiyan at pagpigil sa kaniyang sarili na huwag mapadumi. Mabilis na nagising ang prinsepe sa sandaling marinig niya ang boses ni Yijun. Tumingin ito ng masama sa binata dahil iniisip niya na may kalokohan na naman itong gagawin dahil sa uri ng pananalita nito.

“Ah ang ibig ko pong sabihin ay mahal na prinsepe…hehe” sambit niya habang pinipigilan ang pangiwi habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan. Napaupo naman ang prinsepe mula sa kaniyang higaan at nagsalita.

“Anong kailangan mo sa akin?” tanong niya habang hindi pa rin nagbabago ang reaksyon nito.

“Ehh kasi..hindi ko na talaga kayang pigilan. Kung pwede sana samahan niyo ako sa banyo?” sambit niya habang pinipilit ang pagngiti. Napapahawak na rin ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang pang-upo dahil ramdam nya na malapit na itong lumabas. Tinaasan lamang siya ng kilay nito bilang tugon.

“Parang awa niyo na po. Hindi ko na kayang tiisin to dahil mukhang lala-” natatarantang sabi ni Yijun at bago pa man niya matapos ang kaniyang dapat sabihin ay bigla na lamang siya nagpakawala ng masamang hangin. Rinig na rinig ang lakas nito sa buong kwarto at sa sandaling naamoy ng prinsepe ang masamang hangin na ito ay kaagad siyang tumayo.

“Ikaw!!” sambit niya sabay bunot ng kaniyang sandata at tinutok ito kay Yijun.

“Lolaaaa!!” sigaw ni Yijun habang nakasalag ang kaniyang kanang kamay at nakapikit ang mga mata. Labis man ang kahihiyang nararamdaman ngayon ng prinsepe ay hindi niya nagawang tapusin ang buhay ng binatang si Yijun. Binalik kaagad ng prinsepe ang kaniyang sandata sa loob ng kaluban nito at nagsimulang maglakad habang binabanggit ang mga salitang.

“Pasalamat ka at nasayo ang pabor ng mahal na hari dahil kung hindi ay kanina pa kita pinugutan ng ulo” galit na sambit ng prinsepe habang naglalakad palayo sa binata.

“Haaa? May sinasabi ka?” tanong ni Yijun habang naglalakad na nakahawak sa kaniyang tiyan at pang-upo.

Mabuti na lang at gabi na dahil iilang sundalo na lamang ang makakakita sa kanilang dalawa. Malaking kahihiyan ang bagay na to para sa mahal na prinsepe kaya ginawa niya lahat ng paraan para makaiwas sa mga bantay patungo sa palikuran. Pagkarating nila sa palikuran ay kaagad pumasok sa loob ang binatang si Yijun habang nakaabang ang prinsepe sa may pinto. Hawak-hawak niya ang kaniyang noo sa labis na kahihiyan na nadarama. Sa sampung libong taon ng kaniyang pamumuhay ay hindi niya pa naranasan ang labis na kahihiyan na nararanasan niya ngayon. Wala siyang magawa kundi ang maging mabuti sa binata dahil sa katungkulan niya bilang susunod na hari ang pangalagaan ang instrumento ng gintong dragon.

Napapailing na lang ang mahal na prinsepe sa tuwing maririnig niya ang hindi kaaya-ayang tunog na nililikha ng pagdumi ng binata. Kahit na nasa labas na siya ng palikuran ay nagagawa niya pa ring maamoy ang hindi kanais-nais na amoy na nagmumula sa loob ng palikuran. Tiniis niya ang bawat sandaling nakatayo sa labas dahil sa tuwing susubukan niyang lumayo ay nahahatak siya pabalik ng mahiwang tali na nagdudugtong sa kanilang dalawa. Sa sandaling matapos ang binata at nakalabas siya ng palikuran ay kaagad naglakad ang prinsepe palayo sa lugar na yun.

“Sandali lang naman” reklamo ni Yijun habang naglalakad dahil nahahatak siya ng tali kapag nahuhuli siya sa paglalakad. Tumigil na ang kaniyang pagdumi ngunit hindi pa rin nawawala ang pananakit ng kaniyang tiyan kaya hindi niya magawang makasabay sa bilis ng paglakad ng prinsepe. Tila walang naririnig ang prinsepe dahil patuloy siya sa paglakad patungo sa kaniyang kwarto.

Nang makapasok sila sa loob ay walang ng inintindi ang prinsepe kundi ang makapagpahinga. Bago pa man siya makahiga sa kaniyang kama ay nagawa niyang magkumpas ng kamay at sa isang iglap ay nag-amoy rosas ang paligid. Ginawa niya yun para mawala ang hindi kanais-nais niyang naamoy. Nahiga siya sa kaniyang kama at pilit iniiwasan ang tingin sa kaniya ni Yijun. Ang binata naman ay hindi makapagsalita. Nais niya sanang magpasalamat sa prinsepe kaso natatakot siyang magalit ito ng husto sa kaniya kaya nanatili na lang siyang tahimik.

Ilang sandali mula nang mahiga ang prinsepe ay nahiga na rin si Yijun sa kaliwang bahagi ng kama. Malaki ang kama ng prinsepe pero natatakot siyang baka magambala niya ang pagpapahinga nito dahil malikot siyang matulog. Kaya naman nahiga siya sa pinakagilid ng kama, mas gugustuhin niyang mahulog sa kama kaysa maistorbo ang kamahalan sa kaniyang pagpapahinga. Habang nakahiga siya ay hawak-hawak niya ang kaniyang tiyan at pinilit na makatulog kahit na masakit ang kaniyang tiyan. Ano mang gawin niya ay hindi pa rin naiibsan ang pananakit ng kaniyang tiyan. Pagkasilip niya sa prinsepe ay mahimbing na itong natutulog. Ang kaniyang kamay ay magkapatong sa ibabaw ng kaniyang dibdib na para bang bangkay na nasa kabaong kung siya ay matulog. Muling tumagilid si Yijun upang iwasang mapatingin sa prinsepe at sa sandaling pagtalikod niya ay may kung anong bagay na tumama sa kaniyang batok at bigla siyang nawalan ng malay.

Kanina pa hindi makatulog ang prinsepe dahil sa init na nagmumula sa kaniyang kanang braso kung saan nakalagay ang tatak ng gintong dragon. Pansin niya na kanina pa hindi mapalagay ang binata dahil kanina pa ito palipat-lipat ng paghiga. Hindi niya kinakailangang idilat ang mata para makita ang nangyayari dahil ramdam na ramdam niya ang bawat paggalaw nito. Ang tatak sa kaniyang braso ay nagbibigay babala na hindi maganda ang kalagayan ng binata kaya naman sa sandaling tumalikod ito sa kaniya ay kaagad siyang pumitik sa ere at naglabas ito ng maliit na bola na gawa sa sariling enerhiya na tumama sa batok ni Yijun upang mawalan siya ng malay.

Nang masiguro niyang wala na itong malay ay kaagad siyang lumapit dito upang tanggalin ang kaniyang pang-itaas na kasuotan. Mabilis niyang isinagawa ang pagbigay ng paunang lunas para mawala ang pananalit ng tiya nito. Hinipan niya ang dalawa niyang daliri bago siya nagsulat ng mga titik sa ibabaw ng kaniyang tiyan upang mabawasan ang pananakit nito. Matapos niyang gawin iyon ay kumuha siya ng tsaa at tinunaw niya muna ang gamot doon bago bumalik sa kama. Sinandal niya ang ulo ni Yijun sa kaniyang dibdib upang mapainom ito ng tsaa na may halong gamot. Hindi nagtagal at humupa na ang pag-init ng braso ng prinsepe bilang tanda na bumubuti na ang pakiramdam ng binata. Inayos niya ang kasuotan ni Yijun bago niya ito ipinahiga sa kaniyang kama at muli siyang tumingin sa binata bago siya muling natulog.

Kinabukasan ay nagising si Yijun dahil sa marahang pag-uga sa kaniyang katawan. Pagmulat ng kaniyang mata ay sumalubong kaagad sa kaniya ang maamong mukha ng batang si Li. Tila hindi pa rin siya nasanay sa mukha nito kaya naman muli siyang napaatras sa kama nang makita niya ang mukha ng batang si Li. Napapikit siya habang hawak-hawak niya ang kaniyang dibdib dahil sa labis na pagkagulat. Sa isipan niya ay tila matatagalan bago siya masanay na makakita ng batang lumulutang sa era sa tuwing siya ay gigising sa umaga.

“Paumanhin sa inyo instrumento ng gintong dragon ngunit kinakailangan nyo na pong bumangon upang maghanda sa muli niyong pagharap sa mahal na hari” sambit ng batang si Li at napakamot naman sa ulo si Yijun sa paraan ng pagtawag sa kaniya ng bata.

“Pwede bang tawagin mo na lang akong Jun?” naiilang na tugon ng binata at saka siya nagpakawala ng mahabang paghikab. Natigil lamang ito nang marinig niya ang pag-ubo ng prinsepe na kasalukuyang nasa maliit na mesa na may hawak na maliit na tasa na may lamang tsaa. Napalunok laway bigla sa takot ang binata nang makita niya ang prinsepe.

“Masusunod po Master Yijun” tugon ng batang si Li. Pinilit na lang ng binata ang pagngiti dahil mukhang hindi niya makukumbinse ang mga imortal na kilalanin siya sa totoo niyang pangalan.

“Bilisan nyo na ang pagkilos dahil hindi dapat pinag-aantay ang mahal na hari” sambit ng mahal na prinsepe bago siya humigop ng tsaa.

“Masusunod kamahalan” tugin naman ni Li at kaagad niyang inabot sa binata ang maliit na lagayan ng tubig na may puting tela na magagamit nito upang mapunasan ang mukha. Kumilos kaagad si Yijun at pinigaan ang puting tela para ipunas sa kaniyang mukha. Nagawa niya ring punasan ang kaniyang leeg bago ito ibalik sa maliit na lagayan. Kinuha niya ang maliit na baso na hawak-hawak nito at ginamit niya ang tubig na laman nito para ipangmumog.

“Tapos na ako” nakangiting sabi ng binata habang hindi naman makapaniwala si Li sa ginawa ni Yijun. Nagtataka siya kung bakit parang ininom ni Yijun ang tubig mula sa baso at muling binalik ang laman nito. Bago pa man makapaglakad ang binata ay nagawa siyang pigilan ng batang tagapaglingkod. Pinatong sa kaniyang likuran ang kulay berde na tela. Kaagad nakuha ni Yijun ang dapat niyang gawin kaya umikot siya kaagad upang makapagpalit ng kasuotan. Nang makapagpalit siya kasuotan ay saka lang tumayo ang prinsepe at bago siya maglakad ay bahagya siyang tumingin sa kinaroroonan ni Yijun. Nakuha naman kaagad ng binata ang nais ipahiwatig ng prinsepe kaya nagsimula na rin siyang maglakad.

Muli nilang tinahak ang daan patungo sa silid ng trono kung saan nag-aantay ang mahal na hari. Muling nanumbalik ang alaala ni Yijun sa mahirap niyang karanasan sa pag-akyat sa hadgan patungo sa silid ng trono. Alam niya sa sariling mapapasabak na naman siya sa matinding akyatan kaya hinanda na niya ang sarili sa muling pag-akyat. Habang inaakyat nila ang daan-daang bilang ng hagdan ay biglang nagtaka ang binata dahil hindi man lang siya nakakaramdam ng labis na pagod kahit na maraming hakbang na ang ginawa nila. Nang marating nila ang tuktok ay saka lang siya nakaramdam ng pagod pero iba ito sa pagod na naramdaman niya noong una niyang akyatin ito. Saglit na tumingin sa kaniya ang prinsepe at saka muling naglakad.

“Problema nun?” tanong niya sa kaniyang sarili dahil sa hindi niya inaasahang pagtingin sa kaniya ng prinsepe. Ganun pa man ay sumunod pa rin siya sa prinsepe nang malakad ito patungo sa harap ng pintuan ng silid ng trono.

“Narito na ang ikatlong prinsepe kasama ang instrumento ng gintong dragon!” sigaw ng isa sa mga kawal na nagbabantay sa pinto. Napakamot na lamang si Yijun nang muli niyang marinig ang uri ng pagtawag sa kaniya.

Sa sandaling bumukas ang pinto ay kaagad pumasok ang dalawa. Napansin kaagad ng binata na wala masyadong tao sa loob ng silid ng trono. Tanging ang hari at iilang kawal at tagapaglingkod lamang ang nasa loob. Nang makarating sila malapit sa trono ng hari ay isa-isang nagsi-alisan ang mga ito at naiwan silang tatlo sa loob ng silid. Kaagad lumuhod ang prinsepe upang magbigay galang sa mahal na hari. Sumunod rin ang binatang si Yijun upang magbigay galang sa hari.

“Maaari na kayong tumayo” masayang sambit ng hari habang pumapalakpak ng dalawang beses.

“Lubos kong ikinagagalak na ibalita sa inyo na naging matagumpay ang pagbukas ng kaibuturan ng insturmento ng gintong dragon na si Yijun” magalang na sambit ng mahal na prinsepe.

“Mabuti! Mabuti! Mabuti!” napatayo sa kaniyang kinauupuan ang mahal na hari habang pumapalakpak.

“Natutuwa akong marinig yan Shufen” dugtong ng hari habang naglalakad ngunit ang kaniyang paningin ay nakatuon kay Yijun. Muling nakaramdam ng pagkailang si Yijun sa paraan ng pagtingin sa kaniya ng mahal na hari. Tanging pagngiti na lamang ang kaniyang ginawa habang papalapit sa kanila ang mahal na hari. Pagkalapit ng mahal na hari sa kinaroroonan nilang dalawa ay kaagad niyang tinapik ang balikat ng binata.

“Alam kong marami kang katanungan sa mga nangyayari sayo. Nararapat lang na ipaliwanag ko sa iyo ang mga bagay na ito” sambit ng hari habang hindi pa rin inaalis ang kaniyang kamay sa balikat ng binata. Lumingon ito sa prinsepe at tumango kaagad ang kaniyang anak bilang tanda na nakuha nito ang nais niyang iparating.

Naglakad ang hari sa gitna ng silid ng trono kung saan may malaking bilog at sa gitna nito ay may nakaukit na kulay asul na dragon. Nang makapasok ang tatlo sa loob ng bilog ay tila nagbukas ang dingding mula sa kanilang kinatatayuan. Namangha ang binata nang makita niya ang kalawakan na punong puno ng bituin. Sa pagkakaalam niya ay umaga pa sa sandaling iyon pero hindi niya inaasahang makikita niya ang magandang kalawakan sa sandaling iyon. Nagulat siya sa sandaling nagbagsakan ang mga bituin mula sa kalawakan patungo sa kanilang kinatatayuan. Napapapikit siya dahil akala niya ay tatama sa kaniya ang mga bituin at sa kaniyang pagdilat ay nag-iba ang kaniyang paligid. Kanina lang ay nasa silid ng trono sila pero sa ngayon ay tila lumulutang na sila sa kalawakan. Pakiramdam niya ay lumaki siya ng husto dahil ang mga planeta at bituin ay naging maliit para sa kaniya kung saan magagawa niyang hawakan ito isa-isa.

“Wow, parang hologram” sambit ni Yijun na may matinding pananabik sa kaniyang tono. Sa sobrang tuwa niya ay nagawa niyang hawakan ang araw at sa sandaling dumikit ang kaniyang kamay ay kaagad siyang napaso sa init nito. Kaagad niyang hinipan ang kaniyang kamay dahil sobrang makatotohanan ang mga nakikita niya dahil totoo rin ang pagkapaso niya. Muli niyang nahuli nakatingin sa kaniya ang prinsepe na kaagad naman nitong binawi ang pagtingin. Ang mahal na hari naman ay marahang natawa sa pagiging mausisa ng binata.

“Maaari na ba akong magsimula?” tanong ng mahal na hari kay Yijun. Tumango naman ang binata bilang pagsang-ayon habang hinihipan ang kamay na napaso. Sa sandaling nagkumpas ng kamay ang hari ay biglang nagbago ang kanilang paligid kung saan pinappakita nito ang pamumuhay ng mga sinaunang tao at nagsimulang magkwento ang mahal na hari.

“Noong unang panahon nahahati ang mga uri ng tao ayon sa kanilang mga paniniwala at diyos na sinasamba. May mga angkan na nagsumikap na magtayo ng kanilang kaharian ayon sa kanilang batas at paniniwala. Hindi ito naging hadlang upang kamuhian ng bawat isa ang kanilang pagkakaiba. Sa bawat pangkat ay mayroong namumuno na siyang nagpapanatili ng katahimikan ng buong daigdig. Ang kapayapaan sa daigdig ay nasira nang matotong mainggit, manira, manakit at pumatay ang mga tao. Sa kanilang mga naging kasalanan ay isinilang ang isang nilalang na may walong ulo ng dragon at mayroon ring walong buntot” pagsalaysay ng mahal na hari at sa sandaling lumabas ang nilalang na may walong ulo ay biglang napaatras ang binatang si Yijun sa labis na takot na naramdaman. Ganun pa man ay nagpatuloy sa pagkwento ang mahal na hari.

“Tanging kasamaan at kaguluhan ang naging dala ng nilalang na ito. Ang mga kaharian ng binuo ng iba’t ibang angkan ay isa-isa nitong sinira. Ginamit niya rin ang inggit ng bawat isa upang makontrol niya ang mga emosyon nito sa pagkitil sa buhay ng isa’t isa. Ilang taon ang lumipas na napapalibutan ng matinding takot at kasamaan ang daigdig simula nang maghasik ng lagim ang masamang nilalang na ito” patuloy na pagsalay ng mahal na hari habang nakatakip ang kamay ni Yijun sa kaniyang bibig habang pinanonood niya ang pagkitil ng mga tao sa isa’t isa.

“Ngunit dumating ang araw na dininig ng mga diyos ang kahilingan ng mga tao. Bumaba mula sa kalangitan ang apat na malaamat na hayop. Mula sa hilaga ay bumaba ang malaamat na hayop. Isa itong malaking kulay itim na pagong na may mahabang buntot na nakapulupot sa kaniyang katawan at sa dulo ng buntot nito ay ulo ng isang ahas. Sa silangan naman ay bumaba ang kulay asul na dragon na may mahabang pangangatawan at mahabang buntot. Mula sa timog bumaba ang malaking kulay pulang ibon na kung saan ang buong pangangatawan nito ay nagliliyab sa apoy. Ang pinakahuling bumaba ay nagmula sa kanluran na isang malaking puting tigre” patuloy na pagsasalaysalay ng mahal na hari habang manghang mangha naman binatang si Yijun sa kaniyang nakikita. Tila nanonood siya ng isang palabas kung saan naroon rin siya sa mismong pelikulang pinanonood niya.

“Nagawang palibutan ng apat na malaamat na hayop ang masamang nilalang upang paslangin ito. Kahit na iisa lamang ang kanilang kalaban ay hindi naging madali sa kanilang talunin ang nilalang na ito. Matindi ang nangyaring labanan kung saan may mga bundok na nawasak, lawing natuyo at mga kagubatang nasunog sa tindi ng kanilang sagupaan. Hindi naging sapat ang kakayahan ng apat na hayop na ito upang talunin ang masamang nilalang kaya inalay nila ang kanilang buhay upang magapi ang masamang nilalang. Kapalit ng kanilang buhay ay katumbas ng kapayapaan sa daigdig dahil sa wakas ay natalo rin ang masamang nilalang. Kahit na natalo na ang masamang nilalang ay hindi lubusang nakapagbunyi ang mga tao dahil sa pagkakasawi ng apat na hayop tagapangalaga ng daigdig. Mula sa kalangitan ay bumaba ang dilaw na dragon o mas tinatawag na gintong dragon upang buhayin ang mga nasawing tagapangalaga. Sa kanilang muling pagkabuhay ay nagbunyi ang mga tao habang sila ay bumabalik sa kalangitan” kagaya ng mga taong nakikita ni Yijun ay hindi niya rin napigilan ang sarili na mapapalakpak sa sobrang pagkatuwa sa nangyari. Ngunit hindi pa don natatapos ang kwento ng mahal na hari.

“Ngunit makalipas ang limang daang taon ay may nagbabadiya na muling pagkabuhay ng masamang nilalang na ito. Upang hindi maulit ang trahedya at maiwasan ang pagbuwis ng buhay ng apat na tagapangalaga ng daigdig ay pumili sila ng mga dilag na magiging instrumento ng kanilang kapangyarihan sa daigdig. Ang bawat kaharian ay may ipinanganganak na babaeng magiging instrumento ng malaalamat na hayop upang ipagpatuloy ang pangangalaga ng katahimikan sa daigdig. Mula sa kaharian ng

Hun tian hei di

nagmula ang instrumento ng itim na pagong. Ang kanilang kaharian ay naitayo sa kanluran kung saan bumaba ang malaalamat na pagong na tinatawag nilang si

Xuanwu

. Kilala ang kanilang kaharian sa madalas na pag-ulan at maitim na kalangitan. Sa silangan naman nakatayo ang kaharian ng Tianmen kung saan bumaba malaalamat na dragon na kinakilala namin sa pangalang

Qinglong

. Ang kaharian ng Tianmen ay napapalibutan ng malawak na kagubatan at malalaking bundok. Ang kaharian sa timog kung saan napapalibutan ng maraming bulkan at naglalagablab na apoy ay ang kaharian ng

Gaochang

. Nakatayo ang kanilang kaharian kung saan bumaba ang malaalamat na pulang ibon na tinatawag nilang si

Zhuque

. At ang huling instrumento ay nagmula sa kanlurang kaharian ng

Tudi Jinshu.

Ang kanilang kaharian ay nasa kapatagan at kilala sila sa husay nila sa pagmimina. Nakatayo ang kanilang kaharian kung saan bumaba ang malaalamat na hayop na puting tigre na tinatawag nilang si

Baihu

.“ Muling nagkumpas ang hari gamit ang kaniyang kamay at nagbago ang kanilang paligid upang ipakita ang mga naggagandahang dilag na naging instrumento ng apat na hayop na tagapangalaga ng daigdig.

“Sila ang mga kauna-unahang instrumento ng mga dakilang tagapangalaga ng daigdig. Sila ay nagtataglay ng kapangyarihan na katumbas ng mga malaalamat na hayop. Tungkulin nilang maipasa ang kapangyarihang taglay na ipinagkaloob sa kanila sa napiling hari ng mga dakilang hayop. Ipinag-iisang dibdib ang napiling hari at ang instrumento ng mga dakilang tagapangalaga ng daigdig upang pagtibayin ang kanilang lakas. Nalalaman ang mga napipiling hari sa pamamagitan ng mga marka na lumalabas sa kanilang katawan na sumisimbolo sa mga dakilang hayop at ganun din sa mga napipiling instrumento. Naging matugumpay ang ganitong sistema sa loob ng maraming taon. Ilang beses natalo ng aming mga ninuno ang mga masasamang loob na gustong buhayin ang masamang nilalang na sumira sa katahikan ng daigdig. Subalit hindi nagtagal ang kapayapaan sa apat na kaharian nang magsimulang mauhaw sa kapangyarihan ang ika-siyam na hari ng Gaochang. Nais niyang mamuno sa buong daigdig kaya sinimulan niyang sakupin ang kaharian ng Tudi Jinshu at gawing pangalawang asawa ang instrumento ng kanilang kaharian. Nang malaman niyang hindi mapapasakaniya ang kapangyarihan ng Dakilang Baihu ay kaagad niyang pinaslang ang instrumento ng kaharian ng Tudi Jinshu. Upang mapigilan ang muling pagsilang ng panibagong instrumento ay kaniyang pinatay ang huling naging hari ng Tudi Jinshu” malungkot na pagsasalaysay ng mahal na hari. Hindi naman napigilang magtanong ng binatang si Yijun kaya nagtaas siya ng kamay bago ipagpatuloy ng hari ang kaniyang kwento.

“Papano po napigilan ang pagpanganak ng bagong instrumento ng Tudi Jin-shu ba yun?” tanong ni Yijun habang nagkakamot ng ulo.

“Ayun sa alamat ay hindi maaaring maunang mamatay ang isang instrumento dahil siya ang pinaggalingan ng lakas ng hari. Kapag nauna itong mamatay bago ang hari ay mapuputol ang ugnayan ng kaharian mula sa dakilang tagapangalaga na kanilang sinasamba. Kaya matindi ang pangangalaga ng mga kaharian sa kanilang nagiging instrumento” tugon naman ng mahal na hari. Tanging pagtango lang ang naging sagot ni Yijun dahil nalalabuan pa rin siya sa sagot ng hari sa kaniya. Dahil wala ng katanungan mula sa binata ay muling nagpatuloy sa pagkwento ang mahal na hari.

“Ang pagkamatay ng hari ng Tudi Jinshu ang naging dahilan sa tuluyang pagbagsak ng kanilang kaharian. Hanggang sa ngayon ay nasa pamamahala pa rin ng kaharian ng Gaochang ang kaharian ng Tudi Jinshu. Nakarating sa kaharian ng Hun tian Hei di at sa kaharian ng Tianmen ang balitang pagbagsak ng kaharian ng Tudi Jinshu sa pagsakop ng Gaochang. Bago pa man mapabagsak ng Gaochang ang natitirang kaharian ay bumuo ng alyansa ang dalawang kaharian upang matigil ang kasamaan ng hari ng Gaochang. Nagkaroon ng matinding digmaan na nangyari sa loob ng limang araw. Hindi nagawang talunin ng dalawang kaharian ang lakas ng kaharian ng Gaochang sa kadahilanang gumamit ito ng lakas mula sa masamang enerhiya na pinaniniwalaang nagmula pa sa masamamang nilalang na may walong ulo ng dragon. Sa tindi ng kapangyarihang taglay ng hari ay nagawa niyang talunin ang mga sundalo ng pinagsamang lakas ng dalawang kaharian. Bago niya masakop ang aming kaharian ay nagawa naming palutangin sa himpapawid ang kaharian ng Tianmen sa pamamagitan ng pinagsamang lakas ng mga sinaunang imortal ng kaharian. Pinalutang nila ito sa karagatan kung saan mahihirapan salakayin ng kaharian ng Gaochang. Ilang libong taon na ang nakakalipas at wala patuloy pa rin kaming nagtatago dahil sa takot na mapaslang ang buong kaharian sa lupit ng masamang hari ng Zhuque” nang tumigil sa pagsalaysay ang hari ay unti-unting nagbago ang kanilang paligid hanggang sa mabalik ito sa kaayusan ng silid ng trono kung saan sila talaga nakatayo.

“Ikaw Yijun ang pag-asa ng daigdig dahil ikaw ang kauna-unahang instrumento ng dakilang gintong dragon. Sa tulong mo ay maaaring maibalik ang kaayusan sa daigdig” nakangiti ang hari habang sinasambit ang mga saitang ito ngunit ang kaniyang mga mata ay tila naluluha. Ilang beses na tumago si Yijun bilang pagsang-ayon sa sinabi ng mahal na hari. Sa sandaling iyon ay hindi niya pa lubusang nauunawaan ang kaniyang magiging tungkulin kaya tanging pagtango na lang ang naging tugon niya upang mapakalma ang hari. Tumingin siya sa prinsepe at kagaya kanina ay nanatili itong parang istatwa na walang emosyon. Habang naglalakad sila pabalik sa altar ay saka niya lang napagtanto ang mga bagay-bagay.

“Ang ibig nyo pong sabihin ay ako ang instrumento ng malaamat na gintong dragon?” biglang tanong ni Yijun at tanging pagtango ang naging sagot ng hari sa kaniya.

“Eh di ba po babae ang nagiging instrumento ng mga dakilang hayop na tagapangalaga ng daigdig? Papano kayo nakakasiguro na ako nga ang instrumento ng gintong dragon?” kasunod ng tanong ng binata at lumapit sa kaniya ang mahal na hari at muling pinatong sa kaniyang balikat ang kamay nito bago sumagot.

“Ang marka ng gintong dragon sa iyong batok ang nagsisilbing palatandaan na ikaw ang napili bilang instumento nito. Sa kasaysayan ng pagpili ng mga instrumento ay ikaw pa lang ang kauna-unahang naging instrumento ng gintong dragon at sa pagkakataong ito ay lalaki ang napili niyang tumupad ng kaniyang katungkulan” sagot ng mahal na hari ngunit hindi pa rin natigil sa pagtatanong ang binata.

“Kung ako ang napiling instrumento sinong babae na magiging reyna ang kailangan kong pakasalan?” tanong ng binata at muli syang tinapik sa balikat ng hari.

“Hari, hari ang iyong pakakasalan” sa pagkakasabi ng hari ay tila tumayo lahat ng balahibo niya sa katawan dahil inakala niyang ikakasal siya sa hari.

“Sa-sa inyo po?” naiilang na tanong ng binata at siya namang nagpatawa ng malakas sa hari. Muli lamang itong nagsalita nang huminahon siya mula sa pagtawa ng malakas.

“Ang ikatlong anak ko na si Shufen, sa kaniya ka ipapakasal” tila mas lalong nangamba ang binata nang marinig niya ang pangalan ng prinsepe na ayon sa hari ay dapat niyang pakasalan.

“Papano po kayo nakakasiguro na siya po yung napili ng gintong dragon?” naglakas loob na nagtanong ang binata.

“Shufen!” ang tanging sinambit ng hari at kaagad pinunit ng mahal na prinsepe ang kaniyang damit sa bandang kanang braso upang maipakita sa binata ang tatak na sumisimbolo sa gintong dragon. Hindi niya alam kung anong gagawin dahil tila pinaglalaruan siya ng tadhana. Sa kaniyang isipan ay hindi parin siya makapaniwala na nangyayari itong lahat.

“Nice, nangyayari din pala sa sinaunang panahon ang same sex marriage” di mapigilang masabi ng binata habang tahimik lang na nagmamasid sa kaniya ang hari at ang prinsepe na hindi mapagtanto ang kaniyang mga sinabi. Pilit siyang ngumingiti habang nakatingin sa prinsepe dahil hindi niya alam kung papano niya pakikisamahan ang kagaya ni Shufen kapag naging ganap na silang mag-asawa. Pinikit niya ang kaniyang mata at nag-isip bago magsalita dahil baka may mabanggit siya na hindi magugustuhan ng hari.

“Tanong ko lang po” sambit ng binata at huminga ng malalim bago pinagpatuloy ang kaniyang nais sabihin.

“Upang magawa ko ang aking katungkulan bilang instrumento ng gintong dragon ay kailangan kong ikasal sa susunod na hari at ipasa sa kaniya ang kapangyarihang taglay ko. Tama po ba?” tanong ng binata at masayang tumango bago tumugon ang hari ng salitang.

“Tama” nang marinig niya ang sagot ng hari ay muli siyang naglakas ng loob na muling magtanong.

“Sa paanong paraan ko po ba maipapasa ang kapangyarihan ko? Kailangan po ng ritwal o sakripisyo? Kailangan ko po bang mag-ensayo sa pakikipagdigma?” sunod-sunod na tanong ng binata dahil desidido siyang mapagtagumpayan ang tungkulin niya at makalaya na sa kahariang ito kapag naipasa na niya ang kapangyarihan sa prinsepe.

“Sa pamamagitan ng pakikipagtalik” masayang tugon ng hari at siya naman ay tila hindi maipinta ang naging reaksyon niya sa kasagutan ng hari.

“Kaming dalawa magtatalik?” paglinaw ni Yijun at sa sandaling ito ay mas naging malakas ang kaniyang boses. Napatingin pa sya sa prinsepe na sa ngayon ay nakayuko habang nakapikit ang mga mata. Labis ang kahihiyan na nararamdaman ng prinsepe sa sandaling iyon dahil sa malakas na pagbanggit ng binata sa salitang pagtatalik sa harap mismo na kaniyang ama na siyang hari ng kanilang kaharian.

Itutuloy……………

A/N: Another 6.7k.words… Hindi ko alam kung mapapanindigan ka ang story na to. JK! Sa totoo lang ay kacareerin ko ang story na to at tantiya ko ay aabutin ako ng hundred chapters sa story na to.

Sa bawat chapter ay hirap akong pagkasiyahin lahat ng ideas na gusto kong ikwento sa dami ng nagpapop-up sa utak.

Uunahan ko na kayo hindi ito kagaya ng Fushigi Yuugi dahil ang pagkakaparehas lang nila dito ay ang mga ancient guardian beasts sa chinese folklore. Walang mga tagapagtanggol na mangyayari dito. Yun lang talaga ang similarity nila.

Nagawa ko rin magsulat 3 days after kong mag undergo ng surgery. Maliban sa pabalik-balik na hilo ay okay naman na ang pakiramdam ko at sana magtuloy tuloy na ito para makapag-update ako sa ibang stories.

Meaning of italicized/bold words

Ninjutsu

  • strategy and tactics of unconventional warfares. Technique used by ninjas. Madalas tong nababanggit sa naruto. LOL!

*Yin Yang

  • concept of dualism in ancient chinese. (Dark-bright, Negative-positive, female-male etc.)

Kaibuturan

  • sa ingles ay

Core

na kung saan pinagmunulan ng enerhiya nga mga imortal.

Paglilinang

  • sa ingles ay tinatawag na

cultivation

. Paraan upang mapalakas ang pisikal, mentalidad at espiritual na kakayahan ng isang imortal.

Hun Tian hei di

  • mula sa chinese idioms na ang ibig sabihin ay dark sky and black earth.

Xuanwu

  • sa ingles ay Black tortoise.

Qinglong

  • sa ingles ay Azure dragon

Gaochang

  • sa ingles ay flaming.

Zhuque

  • sa ingles ay Vermilion bird

Tudi

Jinshu

  • sa ingles ay Land of metal

Baihu

  • sa ingles ay white tiger

(Again maaring mabago pa ang mga salitang yan)

Please show your support by giving VOTES to this chapter. Thank you so much!!!!!!

Chapter 4: Bond & Bind

Yibo

as Shufen

Hindi mapigilan ng binatang si Yijun na mapatingin muli sa hari na para bang inaatay niya na sabihing biro lamang ang kaniyang mga narinig. Ngunit taliwas sa inaasahan niyang tugon dahil tumango lamang ito bilang pagsang-ayon. Muli niyang tiningnan ang prinsepe na sa ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya. Hindi niya mawari kung ano ang iniisip nito pero ang pinagtataka niya ay kung bakit hindi man lang ito tumututol.

“Sigurado po ba kayo? Baka naman po may iba pang paraan?” pagbabaka sakali ni Yijun dahil hindi niya kayang tanggapin na ang isang lalaki ang aangkin ng kaniyang pagkabirhen.

May mga naging kasintahan si Yijun noong siya’y nag-aaral pa lang. Hanggang yakap, hawak sa kamay at halik sa pisngi pa lamang ang kaniyang nararanasan dahil mataas ang paggalang niya sa mga kababaihan. Simula nang mamatay ang kaniyang ama ay hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong magkaroon muli ng kasintahan dahil alam niyang mahihirapan lamang siyang hatiin ang kaniyang oras mula sa kaniyang mga trabaho. Ngayon ay tila binagsakan siya ng langit at lupa nang malaman niyang isang lalaki ang siyang aangkin ng kaniyang puri.

“Nakakasigurado ako dahil sa loob ng libo-libong taon ay tanging sa pamamaraan ng pakikipagtalik naipapasa ang kapangyarihan na ipinagkaloob ng mga dakilang tagapangalaga ng daigdig. Kaya naman mas mainam na magkaroon ng kasalan upang mas mapatibay ang kanilang pagsasama” tugon ng hari na tila hindi nakatulong sa binata dahil lalo lamang siyang nabalisa. Magsasalita pa sana siya upang magbigay ng kaniyang opinion ngunit naunahan siya ng prinsepe.

“Halikan na at kinakailangan na nating magsimula” sambit ng prinsepe. Yumuko ito at nagbigay galang sa mahal na hari bilang tanda na rin na lilisanin na nila ang silid ng trono.

“Haa? Ngayon na agad?” mabilis na tugon ng binata.

“Oo, kaya kailangan na nating lisanin ang silid ng trono para makapagsimula at mabigyan ng katahimikan ang kamahalan” tugon ng prinsepe at saka naman tumango sa kaniya ang hari bilang tanda na pinahihintulutan na silang umalis.

“Pero di ba kasal muna bago mag?” hindi niya naituloy ang kaniyang dapat sambitin dahil ngayon ay nakaramdam siya ng labis na pagkailang. Napaatras pa siya ng bahagya habang nakahawak siya sa kaniyang mga braso.

“Ang ibig kong sabihin ay kailangan na nating simulan ang iyong pag-iensayo” mahinahong sagot ng prinsepe ngunit ramdam ni Yijun na para bang sinusunog siya ng mahal na prinsepe sa pamamagitan ng pagtitig nito sa kaniya. Pumukaw sa atensyon ng dalawa ang pagtawa ang biglang pagtawa ng mahal na hari. Nanibago ang prinsepe dahil sa mga nagdaang taon ay bibihira na lamang niyang marinig na tumatawa ang mahal na hari dahil madalas ay galit ito o kaya naman nanatiling tahimik. Naisip niya na marahil ay aliw na aliw ang mahal na hari sa pagdating ni Yijun at mukhang makakabuti ito sa kalagayan ng kamahalan dahil nanunumbalik ang nawala nitong sigla.

“Mukhang hindi na makapag-antay ang ating dakilang instrumento” makahulugang sambit ng hari habang pinipigilan ang sariling huwag matawa.

“Hayaan mo at darating din kayo diyan” dugtong pa nito. Matinding kilabot ang dala nito sa kaniyang katawan ngunit hindi niya ito pinahalata sa mahal na hari. Yumuko siya at nagbigay galang sa hari bago niya ito talikuran. Nauna siyang maglakad ng mabilis habang nasa likuran niya ang prinsepe.

Kahit kailan ay hindi niya naiisip na magkaroon ng relasyon sa isang lalaki dahil alam niyang sa babae lang siya nagkakagusto kaya ang pakikipagtalik sa kapwa niya ay lalong hinding hindi niya magagawa. Habang naglalakad siya ay hindi maalis sa isipan niya ang mga mangyayari kapag ikinasal na siya sa mahal na prinsepe. Sa dinamirami ng kababalaghan sa mundong ito ay hindi nakatakas sa kaniyang isipan ang posibilidad na baka magdalang tao siya kapag naganap na ang bagay na ayaw niyang mangyari. Napahawak siya sa kaniyang tiyan at muling kinilabutan nang matanaw niya ang prinsepe.

“Magsisimula tayo dito” sambit ng prinsepe nang marating nila ang hagdan. Ang binatang si Yijun ay napapikit habang iniisip kung dapat bang tapusin na lang niya ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng paghulog sa sarili sa daang-daang hagdan na nasa kaniyang harapan.

“Walang magbabago sa iyong tungkulin kahit na tumalon ka pa sa hagdan na to” napadilat siya dahil sa di inaasahang pagsabi sa kaniya ng mahal na prinsepe. Tila ba may kakayahan itong basahin ang kaniyang isipan.

Pinaliwanag sa kaniya ng mahal na prinsepe na hindi madaling kitilin ang kaniyang buhay dahil walang sino man sa kahariang ito ang may kakayahang saktan siya gamit ang kanilang salamangka at maging sa paglapit sa kaniya ay mahihirapan ang mga ito dahil sa harang na nagbibigay sa kaniya ng proteksyon mula sa ibang nilalang. Kung may nilalang man namakakakitil ng kaniyang buhay ay walang iba kundi ang mahal na prinsepe.

“Bakit hindi mo na lang ako patayin para pareho tayong makawala sa sumpang to?” matapang na tugon ni Yijun at kaagad naman siyang tinitigan ng masama ng prinsepe.

“Kung maaari lang ay bakit hindi? Dahil noong unang pagkikita natin ay nagawa ko na sana ito” sagot ng prinsepe habang nasa malayo ang tingin nito na para bang iniiwasan na magtagpo ang kanilang paningin. Napalunok laway naman ang binata sa sinabi ng prinsepe. Alam niyang kinamumuhian siya ng prinsepe pero hindi niya inaasahang ganun katindi ang pagkamuhi sa kaniya nito.

“Kapag tinapos ko ang buhay mo ay para na ring pinatay ko ang aking sarili” dugtong pa nito at nanatiling nakatingin sa malayo na mas lalong ipinagtaka ng binata.

“Pa-pano mo naman nasabi?” hindi niya mapigilang itanong at sa sandaling ito ay tumingin sa kaniya ang mahal na prinsepe.

“Nasa braso ko na ang tatak na sumisimbolo sa pagpili ng dakilang gintong dragon. Sa sandaling iyon ay pinagkaisa na ng dakilang dragon ang ating mga katawan. Kapag dumating ang panahon na isa sa atin ang masasawi ay kalahati ng ating pagkatao ang mamamatay. Ang kapangyarihan nating taglay ay unti-unting manghihina at ang ating paglilinang ay mawawala hanggang sa tayo ay tumanda” sa pagpapaliwanag ng mahal na prinsepe ay saka lang napagtanto ng binatang si Yijun kung gaano kahalaga ang kaniyang buhay sa mahal na prinsepe dahil tila magkarugtong na ang kanilang buhay na dapat pangalagaan ng isa’t isa.

Labag man sa kaniyang kalooban ay sinunod niya pa rin ang nais mangyari ng prinsepe. Nagsimula sila pagbaba mula sa pinakatuktok ng hagdan hanggang sa marating nila ang ika-isang daang hagdanan. Paharap sa silangan ay makikita kaagad ang palasyo ng Rennai sa kanilang kanan. Para bang gusto na lang bumalik ni Yijun sa loob ng palasyo upang magpahinga ngunit hindi niya magawang makatakas bukod sa higpit na pagbabantay ng prinsepe sa kaniya at dahil na rin sa mahigawang taling nagbubuklod sa kanila. Ipinagdarasal na lamang niya na mawalan siya ng malay sa pangalawang beses na pag-akyat baba niya sa isang daang hagdanan. Nais ng prinsepe na akyatin niya ito ng sampung beses na walang pahinga. Labag man sa kaniyang kalooban ay ginawa niya ang nais nitong mangyari.

Sa unang beses niyang pag-akyat ay tila wala siyang naramdamang pagod di tulad nang una niya itong akyatin na halos mabali ang kaniyang mga binti sa pag-akyat. Syempre naging maingat din siya sa pag-akyat-baba dahil na nakasunod lamang sa kaniya ang mahal na prinsepe. Lihim siyang napangiti nang mapagtanto niya na hindi lamang siya ang mapapagod sa pag-eensayo na to.

Sa ikalimang beses na pag-akyat niya ay unti-unti niyang nararamdaman ang pagod. Ang akala niya ay hindi na siya aabot sa pagkakataong ito ngunit tila may himalang nangyayaring sa kaniyang katawan na nagbibigay sa kaniya ng kakaibang lakas. Saka lamang niya naramdaman ang pagtulo ng kaniyang pawis mula sa kaniyang noo nang tangkain niyang umakyat sa ikawalong pagkakataon. Hindi niya mapigilang mapatingin sa prinsepe dahil nakakasigurado siyang parehas na sila ng kalagayan ngayon. Ngunit laking gulat niya nang makita niya itong maayos pa rin ang kalagayan. Kahit pamumuo ng pawis ay wala siyang nakitang bakas. Parehas naman ng kapal ang kanilang mga kasuotan ngunit tila siya lamang ang nakakaramdam ng init sa kanilang dalawa. Matapos niyang punasan ang pawis sa kaniyang noo ay nagpatuloy na siya sa pag-akyat sa hagdan habang patuloy pa rin ang pagsunod sa kaniya ng prinsepe.

Napagtagumpayan ng binata ang binigay na pagsubok sa kaniya ng prinsepe bilang pag-eensayo sa kaniya. Halos habulin niya ang kaniyang paghinga nang makababa silang dalawa. Muli niyang nilingon ang prinsepe na kung saan wala pa ring pagbabago sa kaniyang ayos. Hindi niya mapigilang mapailing dahil inaasahan niyang kahit pawis man lang ay magkakaroon ito dahil sa paulit-ulit nilang pag-aakyat baba.

“Bakit?” tanong ng prinsepe. Hindi namalayan nang binata na matagal na siyang nakatitig sa prinsepe habang nagpapahinga.

“Papano mo nagagawa yan?” habol hininga niyang pagsambit.

“Ang alin?” tanong nito habang nakakunot ang noo.

“Ang umakyat ng sampung beses sa isang daang hagdan na hindi man lang napapagod o pinagpapawisan?” tanong niya habang hinihingal pa rin sa pagsasalita. Nakaupo siya sa pinakahuling baitang ng hagdan at nakatingala sa prinsepe na nanatiling nakatayo pa rin.

“Bunga ito ng daan-daang taong pag-eensayo at paglilinang” tugon niya at iniwas ang pagtingin sa binata. Hindi nakaligtas ang bagay na ito sa pagiging mausisa ng binata kaya naman tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at inakbayan ang mahal na prinsepe.

“Daan-daang taong pag-eensayo? Ilang taon ka na ba?” tanong ni binata habang nakangisi na tila nang-aasar. Bago pa man sumagot ang prinsepe ay napatingin muna ito sa kamay na nakapatong sa kaniyang balikat at saka siya tumingin kay Yijun. Mabilis nakuha ni Yijun ang ibig ipahiwatig ng prinsepe kaya naman tinaggal niya ang kaniyang kamay na nakapatong sa balikat nito.

“Marami ka pang dapat matutunan pero nararapat lang na unahin mong matutunan kung papano mo kakausapin ang mga taong mas nakakataas sayo. Marahil magiging ganap na mag-asawa tayo sa takdang panahon pero hindi ibig sabihin ay pakikitunguhan mo ako nang walang paggalang” inis na sambit ng prinsepe.

Tumalikod ito at nagsimulang maglakad patungo sa palasyo ng Rennai. Saka lang sumunod ang binata nang maramdaman niya ang paghatak ng mahiwagang tali sa kaniyang kamay. Hindi niya pa rin mapagtanto kung may mali ba sa uri ng pakikitungo niya sa prinsepe. Para sa kaniya ay mas maayos pa nga ang pakikitungo niya kaysa pagtrato nito sa kaniya. Ganun pa man ay tinanggap na niya na hindi na siya magiging maligaya sa tinuturing niyang ikalawang buhay na ito.

Bago pa man sila makapasok sa loob ng palasyo ay naamoy na kaagad ni Yijun ang mabangong pagkain na nagmumula sa loob ng palasyo. Kasabay nito ang pagkalam ng kaniyang sikmura at saka lang niya naalala na hindi pa pala siya nakakakain simula nang umalis sila ng palasyo upang makipagkita sa mahal na hari. Mananakbo sana siya papasok ng palasyo ngunit natigilan siya dahil sa isang tingin ng prinsepe kaya nanatili siya sa paglalakad ng marahan.

Sa kanilang pagpasok sa loob ay nakahain ang maraming pagkain na hihigit na naman para sa dalawang taong magsasalo. Pinigilan niya ang kaniyang sarili at hinayaan muna ang prinsepe na maunang maupo. Sunod siyang pumuwesto sa kabilang bahagi ng mesa kung saan nakaharap siya ngayon sa mahal na prinsepe. Tumingin pa siya sa prinsepe upang mag-antay ng pahintulot nito kung maaari na siyang magsimula sa pagkain. Hindi man ito nagpahiwatig ng pagsang-ayon pero nagsimula lang kumuha ng chopsticks ang binata nang magsimula na sa pagkain ang prinsepe. Nang magsimula siya sa pagkain ay hindi na niya napigilan ang sarili at halos nagawa niyang tikman ang lahat ng mga nakahain sa mesa.

“Siguraduhin mo lang na makakatayo ka pagkatapos mong kainin ang lahat ng mga iyan dahil muli tayong mag-eensayo pagkatapos nito” biglang sambit ni Shufen. Muntikan nang mabulunan si Yijun nang marinig niya ang mga sinabi ng prinsepe.

“Kung hindi man ako mamatay sa pagod dito, mukha namang mamatay ako dahil sa appendicitis” sabi ni Yijun sa sarili habang kumakain. Kanina lang ay ganadong ganado siya sa pagkain ngunit nang mabanggit ni Shufen ang tungkol sa kanilang pag-eensayo ay tila nawalan na siya ng ganang kumain.

Kagaya nga ng sinabi ni Shufen ay nagpatuloy sila sa pag-eensayo ilang minuto lang ang lumipas matapos silang kumain. Sa pagkakataong ito ay kinakailangang umakyat-baba ni Yijun ng sampung beses simula sa tuktok pababa sa ikadalawang daang baitang ng hagdan. Mabuti na lang at nagawa niyang makapagpahinga bago nila simulan ang pag-eensayo na to. Nagsimula siya sa pag-uunat ng kaniyang mga kamay at paa. Nagawa niya ring tumakbo nang hindi umaalis sa kaniyang kinatatayuan bago siya nagsimulang bumaba sa hagdan.

Mula sa tuktok ay naglakad sila pababa sa hagdan. Kagaya ng nauna nilang pag-eensayo ay naging tahimik lamang ang binata. Iniiwasan niyang magalit ang prinsepe sa takot niyang madagdagan ang kaniyang paghihirap sa kanilang pag-eensayo. Wala siyang kaalam-alam kung bakit ganito ang pamamaraan ng prinsepe sa kanilang pag-eensayo pero nagagawa niya pa ring sundin ito. Kanina pa niya nais tanungin ang prinsepe tungkol dito pero hindi siya makakuha ng lakas ng loob para gawin ito.

Nang marating nila ang ikadalawang daang baitang ay biglang napatigil si Yijun sa paghakbang dahil sa ingay na kaniyang naririnig. Kaagad niyang natanaw ang isang palasyo sa kaniyang kanan. Mula sa kanilang kinatatayuan ay kitang kita ang mga sundalong nag-eensayo gamit ang kanilang mga sandata. Ang bawat pagkilos ng mga ito ay may kasabay na pagsigaw na sabay-sabay nilang nalilikha. Sa bawat pagtama ng kanilang mga sandata ay tila kakaibang tunog na nagbibigay ng kakaibang kasabikan kay Yijun. Manghang mangha siya sa husay ng mga ito at habang tumatagal ang kanilang galaw ay nagmumukhang galaw sa pagsasayaw dahil sa sabay-sabay na reaksyon at kilos na kanilang ginagawa.

Hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang isang lalaking may puting kasuotan na maihahalintulad sa suot ng ikatlong prinsepe. Nangingibabaw ang boses nito sa lahat dahil sa kaniya nagmumula ang kautusan na mabilis tinutugon ng mga sundalo. Mabilis napagtanto ng binata na ang lalaking nasa gitna ay ang kanilang pinuno. Kaniya namang ikinagulat nang bigla itong lumingon sa kaniyang kinaroroonan. Hindi niya alam kung papano siya napansin nito mula sa malayo at ang kaniyang pinagtataka ay ang biglang pangngiti nito sa kinaroroonan niya. Tumingin siya sa prinsepe na kasalukuyang nakatalikod ngayon kaya imposibleng sa kaniya ito ngumiti. Nang ibalik niya ang paningin niya sa palasyo ay mabilis nawala na parang bula ang lalaking nakangiti sa kanya. Nais pa sanang saksihan ni Yijun ang pag-eensayo ng mga sundalo ngunit nagsabi na kaagad ang prinsepe na ipagpatuloy na nila ang pag-eensayo.

Naunang maglakad ang prinsepe at siya naman ay sumunod habang nakasimangot dahil dismayadong aalis na kaagad sila. Unang beses pa lang niya sa pag-akyat mula sa baitang na ito ngunit tila nakaramdam siya agad ng pagod pero sa katunayan ay tinatamad lang talaga siya. May mga pagkakataong nahihila na siya ng tali dahil sa bagal ng kaniyang pagkilos. Sa tuwing mangyayari ito ay humihinto sa paglalakad ang prinsepe ngunit hindi siya nililingon nito at inaantay lang na ipagpatuloy ang pagkilos. Para siyang asong may tali na pilit hinahatak ng kaniyang amo patungo sa lugar na ayaw naman niyang puntahan.

Pagkarating nila sa tuktok ay kaagad namang bumaba ang prinsepe na hindi man lang nagsasalita. Napabuntong hininga na lang ang binatang si Yijun dahil sa bagay na ito. Para sa kaniya ay pag-aaksaya lamang ito ng oras at pinapagod lang nila ang kanilang sarili sa pag-aakyat-panaog sa hagdan na para sa kaniya ay walang kabuluhan. Sa kanilang pagbaba ay patuloy na naging sunod-sunuran ang binata sa nais ipagawa sa kaniyang ng prinsepe. Habang papalapit na sila sa ikadalawang daang baitang ay muling narinig ni Yijun ang ingay na nililikha ng mga sundalong nag-eensayo.

“Bakit ba hindi na lang kagaya niyan ang ipagawa mo sa akin bilang pag-eensayo?” hindi mapigilang sambitin ni Yijun dala ng pananabik sa paghawak ng sandata.

“Dahil hindi ka pa handa” maikling tugon ng prinsepe at patuloy na naglakad pababa ng hagdan. Binilisan ni Yijun ang kaniyang pagkilos upang maunahan niya ang prinsepe at sa harap nito siya huminto para maharangan ang prinsepe at tumigil ito sa paglalakad.

“Pano mo naman nasabing hindi pa ako handa? Tingnan mo nga nagagawa ko na yung pag-akyat baba hindi masyadong napapagod” pangangatwiran ng binata ngunit nakahanap ng paraan ang prinsepe upang malagpasan niya ang binata. Nagmistulang patentero ang hadgan sa kanilang ginawa. Sa sandaling malagpasan nito ang binata ay saka niya ito hinarap.

“Mahina pa ang iyong katawan kaya dapat mong palakasin ang iyong resistensya dahil habang tumatagal ay lumalakas ang kapangyarihan mong taglay” tugon ng prinsepe na ayaw paniwalaan ni Yijun. Para sa kaniya ay kasinungalingan lamang ang kaniyang kapangyarihang taglay dahil sa hindi niya naman ito maramdaman.

“Kayang-kaya ko na nga ba’t ba ayaw mong magtiwala sa akin?” tanong niya at bigla na lang siyang tinitigan ng masama ni Shufen. Muli na namang nakalimutan ni Yijun ang gumalang sa prinsepe dahil habang tumatagal ay nagiging komportable na siyang kausapin ito kaya nakakalimutan niyang isang maharlika ang nasa harapan niya. Biglang tumalikod si Shufen at nagpagtuloy sa paglalakad habang ang binatang si Yijun ay padabog na sumunod sa kaniya. Nang marating nila ang ikadalawang daang baitang ay kaagad humarap sa kaniya ang prinsepe.

“Patunayan mo sa akin na kaya mo nga” paghamon ni Shufen kay Yijun na kaagad namang ikinatuwa ng binata.

“Sige ba, ano bang gusto mong gawin ko?” lakas loob niyang tanong. Nang magtagpo ang kanilang paningin ay nanatili pa rin sa mukha ng prinsepe ang pagkainis dahil sa paraan ng pakikiusap sa kaniya ng binata.

“mahal na prinsepe” dugtong ni Yijun nang mapagtanto niya na nakalimutan niyang magbigay galang.

“Subukan mong bunutin ang sandata ko mula sa kaluban nito” utos ng prinsepe at kasabay nito ang pag-abot niya ng kaniyang sandata.

“Yun lang ba? Sige!” masiglang tugon ng binata. Kasalukuyang nakahawak ngayon ang prinsepe sa gitnang bahagi ng kaluban upang magawang hawakan ni Yijun ang hawakan ng sandata para mabunot ito mula sa kaluban.

Pinagmasdan muna ni Yijun ang kabuoan ng sandata. Namangha siya sa kulay puting kaluban na may kakaibang desenyo, ang gitnang hawakan nito ay tila gawa pa sa kulay puting bato na pinagpatibay ng dulong hawakan na yari sa pilak. Dala ng kaniyang kasabikan ay kaagad niyang hinawakan ang sandata at biglang hinila ito. Hindi niya inaasahang mahihirapan siyang bunutin ito sa unang pagkakataon.

“Teka lang ahh” sambit ni Yijun at pinatunog ang kaniyang mga kamao. Pinagkiskis niya ang kaniyang mga palad bago muling sinubukan ang paghugot ng sandata sa kaluban nito. Sa ikalawang pagkakataon ay bigo pa rin ang binata kaya naman ginamit na niya ang kaniyang dalawang kamay upang hatakin ito ng buong lakas. Halos pumutok na ang mga ugat niya sa kaniyang braso at sa leeg sa pwersa na ginagamit niya sa paghila ng sandata.

Sa mundo ng paglilinang ay may mga bagay na hindi mo magagawa kahit na daan-daang taon na ang iyong pagsasanay at mataas na ang antas ng iyong salamangka. Isa rito ay ang paghugot ng sandata mula sa kaluban. Ang bawat imortal na naglilinang ay may kaniya-kaniyang sandata. Mayroong espada, pana, sibat, latigo, pamaypay at marami pang iba. Karaniwan sa mga sandatang ginagamit ng mga imortal ay espada. Sa sandaling tatahakin nila ang landas ng paglilinang ay kinakailangan nilang pumili ng sandata na gagamitin nila na aangkop sa kanilang lakas at kakayahan. Kapag ang isang imortal ay piniling gumamit ng espada bilang kaniyang sandata ay nararapat lang na bigyan niya ito ng pangalan bilang paggalang dahil ito ang magiging kasangga niya hanggang sa kaniyang huling hininga.

Maaaring gumamit ng higit pa sa isang sandata ang isang imortal at yun ay nakadepende sa antas ng kaniyang paglilinang. Sa sandaling makapili ang isang imortal ng kaniyang sandata at mabigyan niya ito ng pangalan ay tanging ang nagmamay-ari sa sandatang ito ang kaniyang kikilalanin. Sino man ang magtangka sa paggamit ng sandata ng iba ay hindi magtatagumpay dahil hindi siya susundin nito o hindi niya magagamit ang buong potensyal nito. Kung espada ang pangunahing sandata ng isang imortal at may ibang imortal na nais gamitin ang kaniyang sandata ay mabibigo dahil hindi niya ito magagawang bunutin mula sa kaluban nito. Ngunit ang mga nagiging instrumento ng mga dakilang tagapagtanggol ng daigdig ay may kakayahang gumamit ng sandata ng ibang imortal. Ang kanilang kalayaan sa paggamit ng sandata ng iba ay may limitasyon na naaayon sa lakas, taon ng paglilinang at ang kanilang kakayahan sa paggamit ng naturang sandata.

Kaya sa sandaling ito ay kampante ang prinsepe na hindi magagawang hugutin ni Yijun ang kaniyang sandata dahil alam niyang hindi pa sapat ang kakayahan nito para magawa iyon. Halos mapaliyad na mula sa kaniyang kinatatayuan si Yijun dahil hindi niya pa rin sinusukuan ang paghugot sa sandata ni Shufen. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nahugot ni Yijun ang sandata at natanaw niya ang talim nito. Hindi pa tuluyang nahuhugot ang espada mula sa kaluban dahil bungad pa lang ng patalim ang nakakalabas mula rito. Hindi pa nakontento ang binata at hinatak niya pa ng husto ang sandata para tuluyan na niyang makuha ito mula sa prinsepe.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napilitan ang prinsepe na hatakin pabalik sa loob ng kaluban ang kaniyang sandata gamit ang kaniyang kapangyarihan. Mabilis na pumasok ang sandata sa loob ng kaluban na naging dahilan para mahatak palapit si Yijun sa prinsepe. Sa kadahilanan na halos mapaliyad na siya sa paghatak ng sandata at sa biglaang paghatak sa kaniya ng sandata ay nawalan siya ng balanse. Sa biglaang paghatak sa kaniya ay napahak siya sa dibdib ng prinsepe upang mapigilan ang tuluyang pagtama ng kanilang mukha.

Sa sandaling ito ay sobrang lapit na nilang dalawa sa isa’t isa. Halos magtama na ang kanilang ilong at ang kanilang mga mata ay nagtagpo na sa pagkakataong ito ay sobrang lapit. Hindi nakakilos ang dalawa sa mabilis na pangyayari kaya nagmistulang mga istatwa sila habang nakatingin sa isa’t isa. Hindi nila namalayan na may ibang tao na lumapit sa kanilang kinaroroonan at nasaksihan ang kasalukuyang ayos nila.

“Paumanhin, mukhang nakakaabala ako” halos mapatalon mula sa kaniyang kinatatayuan ang binatang si Yijun hindi lang dahil sa pagkagulat sa biglaang pagsalita nito ngunit pati na rin sa naging ayos nila ng prinsepe na nasaksihan nito. Mabilis siyang lumingon upang harapin ang taong nagsalita. Laking gulat niya nang makita niya ang hitsura nito. Kung hindi siya nagkakamali ay ito yung lalaking nasa gitna ng mga sundalong nag-eensayo na may puting kasuotan na kagaya ng sa prinsepe. Napansin na lang niya na yumuko ang prinsepe at nagbigay galang sa lalaking nasa harapan nila.

“Ikinagagalak ko na makita ka prinsepe Jun Xiang” sambit ng lalaking nasa harapan nila at nagbigay rin ito ng kaniyang paggalang.

“At sa inyo rin dakilang instrumento ng gintong dragon” dugtong nito at yumuko upang magbigay galang sa kaniya. Mabilis siyang yumuko at nagbigay galang sa lalaking nasa harap niya dahil ramdam niya ang masamang tingin sa kaniya ng prinsepe.

“Paumanhin dahil nagambala ko kayo ng mahal na prinsepe” muli nitong sambit. Hindi alam ni Yijun ang kaniyang sasabihin dahil nang lumingon siya sa prinsepe ay nanatiling tikom ang bibig nito.

“Ahhh wala yun…. wala naman kaming ginagawang masama, di ba Shufen?” natatarantag sambit ng binata.

“Shufen?” tanong ng lalaki habang nakangiti.

Nakaugalian na nilang magkaroon ng dalawang pangalan simula pa noong unang panahon. Ang binibigay na pangalan sa isang sanggol nang ito ay isilang ay ang pangalan na itatawag sa kaniya na magbibigay ng karangalan sa kaniyang pagkatao. Ang kaniyang ikalawang pangalan ay ang itatawag sa kaniya ng mga taong malalapit sa kaniya lalong lalo na ang mga mahal nito sa buhay. May mga pagkakataong iilang tao lamang ang pinahihintulutan sa pagtawag ng ibang tao ikalawang pangalan nila. Kagaya ng sa ikatlong prinsepe, ang kaniyang pangalan sa kaniyang kapangakan ay Jun Xiang. Ang ibig sabihin ng Jun ay hari o pinuno. Ang ibig sabihin naman ng Xiang ay lumipad ng mataas. Bilang pagbigay galang sa kaniyang estado at pagkatao ay tinatawag siya sa pangalang Jun Xiang.

Ang mga taong malalapit sa kaniya o ang mga taong pinahihintulutan niyang tawagin siya sa pangalang Shufen ay nabibilang lamang sa daliri ng kaniyang mga kamay. Ang madalas tumawag sa kaniya sa pangalang ito ay ang kaniyang mga magulang at ang kaniyang naging kasintahan na si Xiao Fei. Ang ibig sabihin ng kaniyang pangalan ay mabuti o kaakit-akit na amoy. Dahil sa kahulugang ito ay iilan lamang ang hinahayaan niyang tawagin siya sa pangalang Shufen. Kaya naman labis ang pagtataka ni lalaking nasa harapan nila na siyang kapatid ni Shufen na isang ring prinsepe.

“Ang ibig kong sabihin ay mahal na prinsepe” mabilis na sambit ni Yijun ngunit huli na para bawiin ang kaniyang nasabi dahil bakas sa mukha ng prinsepe na hindi niya nagustuhan ang kaniyang narinig.

“Paumanhin at hindi ko pa pala naipapakilala ang aking sarili” biglang sambit ng ikalawang prinsepe upang mabawasan ang tensyon.

“Ako ang ikalawang prinsepe ng kaharian ng Tianmen, ako nga pala si Zhen Zheng pero maari mo akong tawagin bilang Zhihao” masayang sambit ng ikalawang prinsepe. Nagawa pang-iabot ni Yijun ang kaniyang kamay upang makipagkamay siya dito ngunit tiningnan lamang ito ng ikalawang prinsepe sa kadahilahang hindi niya alam kung ano ang nais mangyari ng binata.

“Ako nga pala si June este Yijun, masaya akong makilala ka Jihao? Prinsepe Jihao?” nag-aalangan siyang batiin ito dahil hindi pa siya ganun kasanay sa mga pangalan nito. Imbes na iwasto ay tumango at ngumiti lamang ang ikalawang prinsepe. Muling nilingon ni Yijun ang ikatlong prinsepe ngunit nanatiling tahimik pa rin ito habang iniiwas ang paningin sa kaniya.

“Nga pala nakita kita kanina at mukhang napakagaling mo sa paggamit ng espada dahil lahat ng mga sundalo ay sumusunod sayo” masayang sambit ni Yijun na ikinatawa naman ng ikalawang prinsepe.

“Ginagawa ko lang naman ang tungkulin ko bilang pinuno ng mga sundalo” ngumiti ito sa binata na kaagad rin niyang sinuklian.

“Pagnagawa ko ang mga pagsubok ng mahal na prinsepe ay kung pwede sana turuam mo din akong gumamit ng espada?” masayang sambit ni Yijun at halata sa kaniyang kinikilos ang matinding pananabik.

“Isang karangalan para sa akin ang turuan ang dakilang instrumento ng gintong dragon” lalong nagliwanag ang mukha ng binata nang marinig niya ang pagtugon ng ikalawang prinsepe na si Zhihao.

“Talaga?” muli niyang pagkompirma at tumango lamang si Zhihao bilang pagtugon ngunit ang kaniyang mga mata ay napapatingin sa kinatatayuan ni Shufen.

“Hindi pwede!” mabilis napalingon si Yijun nang biglang magsalita si Shufen.

“Bakit hindi?” mabilis niyang tugon habang ang ikalawang prinsepe ay tahimik lang ngunit gumuguhit ang ngiti nito sa kaniyang labi.

“Dahil sa akin ka lang dapat” tugon ng prinsepe habang iniiwas ang kaniyang paningin sa binata.

“Haaa?” ang tanging nasabi ni Yijun dahil hindi malinaw sa kaniya ang ibig sabihin ng mahal na prinsepe.

“Sa akin ka lang dapat matuto hanggang sa mawala na ang bagay na to” matapos magsalita ni Shufen ay kaagad niyang hinawakan ang palapulusuhan ng kaniyang kanang kamay at biglang nagliwanag ang mahiwagang tali na nagbubuklod sa kanila ni Yijun.

Matapos lumabas ang mahiwagang tali ay siya namang tumalikod si Shufen at nagsimulang maglakad. Napakamot na lang sa ulo ang binatang si Yijun at humingi ng paumanhin sa ikalawang prinsepe sa pamamagitan ng pagyuko. Ngumiti lamang ito sa kaniya bilang tugon at saka siya sumunod sa pag-akyat ng hagdan. Habang nakasunod siya sa ikalawang prinsepe ay hindi maalis sa kaniyang isipan kung bakit ang lamig ng trato ni Shufen sa kaniyang nakakatandang kapatid na si Zhihao. Naiintindihan niya kung bakit hindi maganda ang turing sa kaniya ni Shufen ngunit hindi siya makapaniwala na ganun ang ituturing nito sa sarili niyang kapatid na para sa kaniya ay mukhang mabuting tao naman.

Halos malumpo ang binatang si Yijun sa maghapong pag-eensayo. Ramdam niyang may pagbabago sa kaniyang katawan at habang tumatagal ay tila lumalakas ang pangangatawan niya. Ngunit kahit na lumalakas ang pangangatawan niya ay hindi pa rin nawawala ang pagod na kasalukuyan niyang nadarama. Kagaya ng mga nauna nilang pag-eensayo ay wala pa ring kapaguran ang mahal na prinsepe. Isang beses lang niya itong nakitang pinagpawisan pero walang bakas sa kaniyang mukha at kilos na siya ay napapagod. Napapaisip tuloy siya na kakaibang nilalang ang mahal na prinsepe dahil hindi ito nakakaramdam ng pagod at sa kakaibang istilo nito ng pananalita na para sa kaniya ay parang robot. Matipid at walang halong emosyon.

Sa mga sumunod na araw ay patindi ng patindi ang kanilang nagiging ensayo. Mula sa dalawang daang hagdan ay umabot ito sa tatlong daan hanggang sa apat na raan. Kapansin-pansin rin ang mabilis napag-ikli ng mahiwagang tali na nagbubuklod sa kanilang dalawa. Pinasuri nila ito sa mahal na hari kung bakit nangyayari iyon. Ayon sa mahal na hari ay tanda raw iyon ng paglakas ng kapangyarihan ng binatang si Yijun at kapag pinagpatuloy pa nila ang pag-eensayo ay darating ang araw na makakalaya na sila sa taling nagbubuklod sa kanila.

Mas naging desidido ang mahal na prinsepe na pag-igihan ang pagpapalakas ng tibay ng katawan ni Yijun sa pamamagitan ng pag-akyat-baba sa daan-daang hagdan. Kahit nahihirapan sa ganitong pagsubok ay naging tikom ang bibig ng binata at ginawa ang mga nais ipagawa sa kaniya ng prinsepe dahil nais niya ring mapalaya sa taling nagbubuklod sa kanila sa mas madaling panahon. Sa bawat araw na lumilipas ay lalong umiikli ang mahiwagang tali na nagbubuklod sa kanilang dalawa. May mga pagkakataong kinakailangan nilang pumasok sa palikuran ng sabay dahil sobrang ikli na nito. Malaking pagbabago rin ang naganap sa kanilang pagtulog dahil nahahatak nila ang isa’t isa kapag pinipilit nilang lumayo.

Isang umaga nang magising ang prinsepe dahil sa kamay na nakapatong sa kaniyang dibdib. Nakaugalian niyang matulog na nakapatong sa kaniyang dibdib ang kaniyang mga kamay. Lihim na tinatawanan siya ng binatang si Yijun sa tuwing makikita niya ito sa ganitong ayos dahil mukha raw siyang laging ibuburol. Sa pagkakataong ito ay alam niyang hindi lang niya kamay ang nakapatok sa kaniyang dibdib. Gusto niyang idilat ang mata upang malaman kung sino ang tampalasang humahawak sa kaniyang dibdib ngunit matindi ang antok na kaniyang nadarama dahil sa nahuli na siyang makatulog kagabi. Nagulat na lang siya nang biglang pumasok ang kamay na ito sa kaniyang kasuotan at biglang kinamot ang kaniyang dibdib. Labis man ang antok na kaniyang nadarama ngunit nagising siya dahil tila kinuryente ang kaniyang katawan lalo na nang tumama ang ilang daliri sa kaniyang utong. Mabilis niyang dinilat ang kaniyang mga mata at saka niya nasaksihan na ang kamay na kumakamot sa kaniyang dibdib ay pagmamay-ari ni Yijun. Paharap sa kaniya itong matulog habang nakatagilid. Ang kaniyang kanang kamay ay malayang nakapasok sa loob ng manipis na kasuotan ni Shufen.

“Ikaw!!” sigaw ng prinsepe sabay hugot ng kaniyang espada mula sa kaluban at tinutok ang kaniyang patalim sa binatang natutulog. Ilang segundo lang ang lumipas nang magising si Yijun at gulat na gulat ang binata nang makita niya ang patalim na nakatutok sa kaniyang mukha.

“Bakit na naman?” sigaw niya habang pilit na tinatakpan ang mukha gamit ang kaniyang mga kamay. Sa pagtakip niya ng kaniyang kamay ay nahatak niya rin ang kanang kamay ng prinsepe. Kapwa silang nagulat nang makita nilang magkadikit na ang kanilang mga kamay dahil sobrang ikli na ng tali. Nagawa pa nilang maghatakan ng kanilang kamay para bawiin ito isa’t isa. Walang nagpatalo sa kanilang paghihilaan hanggang sa maubos ang pasensya ng prinsepe at buong lakas niya itong hinatak na naging sanhi upang mapalapit ang kanilang mga mukha. Kapwa silang nagulat dahil sa hindi inaasahang pangyayaring ito kung saan ramdam ng isa’t isa ang kanilang mainit na paghinga. Hindi mapigilan ni Yijun na mapalunok laway dahil sa nakakaasiwang pangyayaring ito at lalo siyang kinabahan nang mapansin niyang nakatitig ang mahal na prinsepe sa kaniyang mga labi. Gusto niiyang ikilos ang kaniyang katawan ngunit hindi niya magawa dahil pagkumilos siya ay mawawalan siya ng balanse at tuluyan siyang masusubsob sa papalapit sa prinsepe.

Itutuloy….

A/N: Finally nagawa ko ring matapos ang chapter na to. Sobrang challenging talaga sa akin ang magsulat ngayon dahil madalas akong mahilo gawa ng nangyaring surgery sa akin. Pagbumuti na ang lagay ko ay papaspasan ko ang update dahil sa mga stories ko ngayon ay ito yung favorite ko ngayon. Sana matulungan niyo akong makalikom ng marami pang readers sa pamamagitan ng patuloy na pagpindot sa

VOTE

button.

Chapter 5: Into the unknown

Zhan as Yijun

Walang nagawa ang binatang si Yijun kundi ang ipikit ang kaniyang mga mata at hiniling na sana’y panaginip lamang ang sandaling ito. Saka lang bumalik sa katinuan ang prinsepe nang makita niyang nakapikit na ang binata. Gamit ang kaniyang lakas ay nagawa niyang ilayo ang kanilang mga katawan sa isa’t isa ngunit nanatiling magkadikit ang kanilang kanang kamay dahil sa pagbubuklod sa kanila ng mahiwagang tali.

Muntikan

na yun“ sambit ni Yijun sa sarili habang inaayos ang sarili. Nanatili namang nakaiwas ang paningin sa kaniya ng prinsepe na umaayon sa kaniyang kagustuhan. Bigla na lang siyang nahatak nito nang tumayo ang prinsepe. Tila nakalimutan ng prinsepe na nakabuklod pa rin ang kanilang mga kamay kaya muli siyang napalingon kay Yijun na kasalukuyang nakatagilid sa kama na para bang kinakaladkad niya sa kasalukuyang posisyon nito.

“Tumayo ka na kinakailangan na nating maghanda para sa panibagong araw ng pag-eensayo!” utos ng prinsepe na nagpadaing sa binata.

Sa araw na ito ay kinakailangan nang bumaba mula sa pinakailalim ng hagdan hanggang sa marating niya ang pinakatuktok. Kahit papano ay nakakagaan ng loob para kay Yijun ang pagkain ng almusal bago magsimula ang kanilang pag-eensayo. Noong mga nauna kasi nilang pag-eensayo ay lagi na lang silang nagsisimula nang hindi pa nakakain kaya naman nauunahan siya ng panlalambot sa gutom na labis nakakaapekto sa kaniyang pag-eensayo. Nang malaman niyang baba sila ni Yijun sa pinakadulo ng daan-daang hagdan ay kumain na siya nang sapat na pagkain na sa tingin niya ay makakatulong upang malampasan niya ang hamon na to.

Nabigyan ng halos kalahating oras si Yijun upang magpahinga dahil may kinakailangang asikasuhin ang prinsepe na dapat niyang maisagawa sa madaling panahon. Naging sagabal pa ang pagkakabuklod ng kanilang kamay dahil kinakailangang magsulat ng prinsepe. Bago niya simulan ang pagsusulat ay pinalabas niya muna lahat ng mga naglilingkod sa loob ng kaniyang palasyo sa kadahilanang ayaw niyang may makakita sa nakakailang na posisyon nila ni Yijun. Para makapagsulat ang mahal na prinsepe ay kinakailangang pumuwesto ni Yijun sa kaniyang likuran na tila ba tinuturuan siya nitong magsulat. Sa ganoong paraan kasi mas mapapadali ang pagsusulat ng prinsepe. Nagawa naman niyang makapagsulat kahit na sumasabay sa paggalaw ng kaniyang kamay ang kamay ng binata. Nagawa niyang tiisin ang labis na pagkailang dahil sa hindi kaaya-ayang posisyon nila ng binata.

Matapos magawa ng prinsepe ang liham na kaniyang isinulat ay kaagad niya itong pinaabot sa kaniyang mensahero. Kahit na iilan lang ang maaaring pumasok sa kaniyang palasyo ay hindi pa rin mawala sa kaniya ang pagkailang sa tuwing may nakakakita sa kanila ni Yijun. Lalong lalo na ngayon na magkadikit ang kanilang kamay na nagmumukhang hawak-hawak niya ito. Ang liham na ginawa ng prinsepe ay para sa mahal na hari kung saan humihingi siya ng pabor na atasan ang lahat ng imortal na lumayo o maaaring huwag gamitin ang daan-daang hagdan sa sandaling magsimula ang kanilang pag-eensayo. Ang dahilang binigay niya sa mahal na hari ay para daw lubusang makapag-ensayo at walang gumambala sa dakilang instrumento ng gintong dragon. Ngunit ang totoong dahilan ng prinsepe ay ayaw niyang may makakitang ibang imortal ng kaharian o mga kawal sa ganong ayos nila ng binata.

Sa sandaling makarating sa prinsepe ang pagsang-ayon ng hari sa kaniyang hiling ay kaagad silang nagsimula nang ipatupad ng hari ang kaatusan na pansamantalang pinagbabawalan ang ibang imortal at mga tagapalingkod ng palasyo na gamitin ang daan-daang hagdan sa oras ng pag-eensayo ng prinsepe kay Yijun. Ang sino mang lumabag sa kautusang ito ay may kaukulang parusa na mismo ang hari ang maghahatol sa kanila.

Alam ng binatang si Yijun na mahihirapan siya sa pagsubok na ito ngunit hindi mawala sa kaniya ang makaramdam ng pananabik dahil makikita na niya ang lugar sa ilalim paanan ng daan daang hagdan. Mula sa palasyo ni Rennai ay nagagawa lamang matanaw ni Yijun ang maliliit na gusali at tahanan. Minsan ay hindi niya pa ito lubusang makita dahil sa makapal na hamog at ulap na madalas na tumatakip. Hindi nakaligtas sa mapagmasid na paningin ng prinsepe ang kakaibang reaksyon ni Yijun sa hamon na ito. Inaasahan niyang magrereklamo ito o kaya sasama ang loob dahil sa pagsubok na binigay niya ngunit tila kabaliktaran ito sa pinapakita ng kaniyang mukha. Hindi man nakangiti ay bakas pa rin sa mga mata ng binatang si Yijun ang pagkasabik na marating ang pinakababang bahagi ng daan daang hagdan.

Kagaya ng inaasahan ng prinsepe ay walang sino man ang nagtangkang gumamit ng daan daang hagdan sa sandali ng kanilang pag-eensayo. Napapalibutan rin ng hadlang ang bawat daanan ng hagdan na haharang sa sino mang magtatangkang pumasok. Kaya nang marating nila ang pinakadulo ng hadgan ay bigla na lang nakaramdam ng pagkadismaya ang binata dahil sa harang na nakapalibot sa dulo nito. Wala siyang makita kundi makapal na usok na kahit anong kapa niya ay tila walang hangganan ang usok na ito.

Mismo ang hari ang naglagay ng mga hadlang sa bawat lagusan dahil ayaw niyang may makakita sa pagmumukha ni Yijun dahil maaaring manganib ang buhay nito lalo na’t hindi pa siya handa. Pinili ng hari na gawing sekreto sa buong kaharian ang pagiging instrumento ng dakilang gintong dragon ni Yijun hanggang hindi pa natatanggal ang taling nagbubuklod sa kanila ng prinsepe. Isa rin sa kadalihan ay kapag nalaman ng mga kalaban nila na hindi pa kayang kontrolin ni Yijun ang kaniyang kapangyarihan ay maaaring pagtangkaan ang kaniyang buhay. Kaya naman iilan lang sa mga tagapaglingkod ng palasyo ang nakakaalam sa kaniyang tunay na katauhan. Maging ang mga imortal na naging saksi sa kaniyang pagbagsak sa silid ng trono sa araw ng pag-iisang dibdib ng prinsepe ay naging tikom ang mga bibig dahil sa kautusan ng mahal na hari.

“Magsimula na tayo!” utos ng prinsepe nang mapansin niya na para bang ayaw tigilan ni Yijun ang pagkapa mula sa makapal na usok.

“Masusunod” malumanay niyang tugon. Ang kaniyang pananabik ay tila naglaho dahil kahit sandali man lang ay hindi niya nagawang masilip ang lugar sa pinakadulo ng hagdan.

Nagpatuloy sila sa pag-akyat sa hagdan na para bang magkasintahang magkahawak ang mga kamay. Nasa kanang bahagi si Yijun at nasa kaliwa naman si Shufen. Dahil sa taling nagbubuklod sa kanila ay para bang inaabot ni Yijun ang kanang kamay ni Shufen gamit ang kaniyang kanang kamay habang sila ay naglalakad. Mahirap para sa kanilang dalawa ang ganitong ayos ngunit wala silang magawa kundi indahin ang paghihirap na ito. Kakasimula pa lang ng kanilang pag-akyat ay nakaramdam na kaagad ng pagod si Yijun. Kasabay ng kaniyang pagkadismaya ay ang pagdalaw ng katamaran sa kaniyang sarili. Kaagad napansin ito ni Shufen dahil may mga pagkakataong nauuna siya sa paghakbang at bahagya niyang nahihila ang binata ngunit nanatili siyang tikom ang bibig. Pinilit na lamang ng prinsepe na magawang maitawid ang pagsubok na ito sa pagkumbinse sa sarili na mapapadali ang pagkakahiwalay nila ni Shufen kapag nalampasan niya ang pagsubok na ito.

Pagkarating nila sa pinakatuktok ay halos habulin niya ang paghinga dahil sa labis na pagod. Ganitong ganito ang pakiramdam niya nang akyatin niya ang tuktok ng daan daang hagdan sa unang pagkakataon. Ilang beses na niyang pinunasan ang kaniyang noo na para bang gripo na walang katapusan sa pagtulo ng pawis. Ramdam na ramdam niya ang pamamasa ng kaniyang likuran dahil sa labis na pawis. Kasalukuyan silang nakatayo habang nakatalikod sa isa’t isa. Gamit ang kaniyang kaliwang kamay ay pinagpatuloy ni Yijun ang pagpunas ng kaniyang pawis samantalang ang prinsepe ay nanatiling nakatayo na kahit bakas ng butil ng pawis sa noo nito ay wala kang makikita.

“ Bakit ba kasi kailangan ko pang magsuot ng ganito ka habang damit?“ reklamo ni Yijun sa kaniyang sarili. Nagiging iritable siya dahil sa panay na pagtagaktak ng kaniyang pawis at sa kapal ng kaniyang kasuotan. Habang pinupunasan niya ang kaniyang noo ay siya namang pagkamot niya sa kaniyang dibdib. Nakalimutan niyang nakagapos ang kaniyang kanang kamay sa kanang kamay ng prinsepe na kaniyang ginamit sa pagkamot ng kaniyang dibdib. Ramdam niya ang pagkuyom ng kamay nito habang nasa loob ng kaniyang kasuotan.

“Hehe, sorry este patawad mahal na prinsepe” sambit niya at sabay tanggal ng kanilang kamay sa loob ng kaniyang kasuotan. Alam niyang nagpipigil lang ng galit ang prinsepe dahil halata ito sa kaniyang reaksyon.

“Magsimula na tayong muli” ang tanging sinabi ni Shufen at nagsimulang humakbang. Bago pa man niya magawang humakbang sa baitang paibaba ay bigla na lang kumapit ang binatang si Yijun sa kaniyang hita na para bang bata na yumayapos sa kaniyang magulang.

“Parang awa mo na Shufen kahit kalahating oras lang o kaya 20 minutes. Pakiusap bigyan mo pa ako ng 10 minutes para makahagpahinga kasi importante sa akin ng 5 minutes dahil yung paa ako ay hanggang 1 minute na lang ang itatagal” pakiusap ni Yijun habang nakayapos pa rin sa binti ng binata na parang bata. Hindi kaagad nakapagsalita si Shufen sa pagkagulat dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may nilalang na nagtangkang gawin sa kaniya ang bagay na yun. Hindi niya rin naintindihan ang mga sinasabi ng binata dahil iba ang konsepto ng oras sa kanilang daigdig. Ganun pa man ay alam niyang humihingi ito ng dagdag na oras upang magpahinga. Ngunit kaagad nanumbalik ang kaniyang pagkainis nang muli niyang marinig ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan.

“Ikaw!” sambit niya sabay bunot ng kaniyang sandata mula sa kaniyang kaluban. Imbes na umalis ay mas pinili ni Yijun na pumikit habang nakakapit sa binti ng mahal na prinsepe habang patuloy na nagmamakaawa sa prinsepe. Ang kaniyang sandata na madalas niyang panakot sa binata ay tila hindi na tumatalab dahil hindi na nito nasisindak ang binata. Habang tumatagal ay lumalakas ang boses ni Yijun na mas lalong nagpabahala sa prinsepe sa kadahilanang baka may makakita sa kanila na ibang imortal at isiping minamaltrato niya ang instrumento ng dakilang gintong dragon.

“Maaari ka nang bumitaw!” utos nito sa binata ngunit umiling lang si Yijun bilang pagtugon. Binalik ni Shufen ang kaniyang sandata pabalik sa kaluban at huminga nang malalim bago magsalita.

“Bibigyan pa kita ng kaunting sandali para makapagpahinga kaya bitawan mo na ang binti ko” mahinahong sambit ng prinsepe. Mabilis namang kumalas mula sa pagkakapit sa binti ni Shufen ang binatang si Yijun.

Tila nakahinga siya ng maluwag dahil sa naging desisyon ng prinsepe. Nagpasiya siyang maupo sa pinakatuktok na baitang ng daan-daang hagdan habang pinagmamasdan ang tanawin paanang bahagi ng hagdan. Nagtataka siya kung bakit nakikita niya ang mga gusali at tahanan mula sa kaniyang kinauupuan ngunit hindi niya magawang mapagmasdan ito noong nasa marating nila kanina ang paanan nito. Bahagyang nakaangat ang kaniyang kanang kamay dahil nanatiling nakatayo ang prinsepe. Mas pinili niyang makaramdam ng pangangalay sa kaniyang kanang kamay kaysa ang maglakad muli. Pinikit niya ang kaniyang mga mata habang dinadama ang malamig na hangin na pumapawi sa kaniyang pagod na nadarama. Tahimik namang nagmamasid ang prinsepe sa sandaling iyon. Tila kapayapaan ang kaniyang nadarama habang nakatingin siya sa mukha ng binata na kasalukuyang nakapikit.

“Okay na ako” biglang sambit ng binata nang idilat niya ang kaniyang mga mata. Hindi niya inaasahang nakatingin pala sa kaniya si Shufen na kaagad namang binawi ng prinsepe.

“Tumayo kana upang makapagsimula na tayo” tugon ni Shufen habang nakatingin sa ibabang direksyon upang maiwasan ang tingin ng binata.

Sa sandaling makatayo ang binata ay kaagad nilang pinagpatuloy ang nasimulang pag-eensayo. Ilang beses nilang inulit ito at tanging pananghalian at iilang pagkakataon ang nagiging sandali nila upang makapagpahinga. Maghapon nilang isinagawa ang pag-eensayo kung saan halos maputulan na ng hininga ang binatang si Yijun nang matapos nila ang pag-eensayo. Habang tumatagal ay lalong tumitibay ang pangangatawan ni Yijun na maging siya ay hindi makapaniwalang nalagpasan niya ang pagsubok na iyon.

Malaking hamon pa rin sa kanila ang pagkakagapos ng kanilang kanang kamay sa isa’t isa. Kinakailangan nilang pumasok sa palikuran ng sabay. Kailangan nilang tiisin ang mga bagay-bagay kagaya ng pagdumi ng isa sa kanila. Ang madalas magtiis sa di kaaya-ayang amoy ay walang iba kundi si Shufen dahil sa tuwing mapapakain ng marami si Yijun ay nagiging katumbas nito ang pagpunta niya sa palikuran. May mga pagkakataong muntikan nang masagi ni Shufen ang ari ni Yijun dahil nakakalimutan ni Yijun na huwag gamitin ang kaniyang kanang kamay. Maging sa kanilang pagpaligo ay kinakailangan nilang magsabay dahil imposibleng hindi mabasa ang isa kapag nagpasiyang maligo ang isa sa kanila.

Sa ngayon ay kasalukuyang naliligo ang dalawa sa isang bukal na hindi kalayuan sa palasyo ng Rennai. Madalas maligo dito ang mahal na prinsepe kapag nais niyang mapag-isa at mag-isip. Ngunit sa sandaling ito ay hindi siya nag-iisa sa kadahilanang kasama niya si Yijun sa pagligo dito. Matapos ang ilang paglublob ng binata sa bukal ay nanatili na rin siyang nakasandal sa gilid kung saan kasalukuyang nakasandal din ang prinsepe. Kapwa silang hubo’t hubad kung saan ang pinagsamang usok ng bukal at hamog sa paligid ang nagiging hadlang para hindi nila makita ang kahubdan ng isa’t isa. Nakatingala si Yijun habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kalangitan dahil sa mga bituing nagniningning habang ang buwan ay nahihiyang magpakita ngayong gabi.

Ilang sandali na rin ang lumipas matapos nilang ilublob ang katawan sa bukal ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nababasa ang ulo ni Shufen. Halos isang dangkal mula sa dulo ng kaniyang mahabang buhok ang nakalublob sa bukal ngunit nanatiling tuyo ang natitirang parte ng kaniyang ulo. Mas pinili niyang magpahinga at namnamin ang init na nagmumula sa bukal kaysa maligo. Malaking bagay para sa kaniya ang pagiging tahimik ni Yijun dahil kahit na kasama niya ito ay tila pakiramdam niya ay nag-iisa pa rin siya dahil sa katahimikan ng kaniyang paligid. Kagaya ng binata ay tumingala rin siya sa kalangitan ngunit ang kaniyang mga mata at nakapikit. Sa sandaling iyon ay napalingon si Yijun sa prinsepe. Hindi niya malaman ang mararamdaman sa sandaling iyon dahil tila nakakita siya ng napakagandang nilalang sa kaniyang tabi. Halos buong araw niyang napagmamasdan ang mukha nito ngunit hindi pa rin mawala-wala ang paghanga niya sa kagandahang lalaking taglay ng prinsepe. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang siya napahanga sa pisikal na kaanyuan ng kapwa niya dahil sa babae lang siya madalas makaramdam ng paghanga dahil sa taglay nilang kagandahan.

“May nais ka bang sabihin?” biglang sambit ng prinsepe habang nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata na ikinagulat ni Yijun.

“Ahhhh..wala-wala. Nagtataka lang ako kung bakit hindi ka pa rin nakakaramdam ng pagod o kaya pagpawisan sa maghapon nating pag-eensayo” tugon ni Yijun sabay iwas ng kaniyang paningin mula sa prinsepe.

“Resulta ito ng di mabilang na taong paglilinang kaya hindi ako basta-basta nakakaramdam ng pagod” sagot ng prinsepe habang unti-unting dinidilat ang kaniyang mga mata. Muli namang nagtagpo ang kanilang mga mata nang lingunin niya ang binata.

“Malapit na rin dumating ang…” hindi niya natapos ang kaniyang dapat sabihin nang biglang makaramdam sila ng malakas na pagyanig.

Ilang segundo lang ang tinagal ng pagyanig ngunit ramdam na ramdam ito sa buong kaharian. Muling nanumbalik ang paningin ni Shufen kay Yijun nang maramdaman niya ang malakas na paghawak nito sa kaniyang kamay. Bigla namang binitawan ni Yijun ang kamay ng prinsepe nang mapagtanto niya ang kaniyang ginawa. Naiilang siyang ngumiti sa prinsepe na tila ba humihingi ng kapatawaran.

“Papanong?” ang tanging nasambit ni Shufen na hindi kaagad nakuha ni Yijun kung ano ang ibig sabihin. Bigla na lang siyang hinila nito nang buong pwersa palapit sa kinaroroonan niya. Kasabay ng matagumpay na paghila nito ay ang pagtama ng isang palaso sa bato kung saan nakapwesto kanina ang binata. Magrereklamo sana si Yijun sa biglang paghatak sa kaniya ng prinsepe ngunit nanatiling tikom ang kaniyang bibig nang makita niya ang palasong tumama sa bato. Mabilis na nasundan ang pagtama ng palaso at ang pagtama nito ay patungo sa kanilang direksyon. Naging alisto si Shufen at kaagad niyang hatiin ito sa dalawa gamit ang kaniyang sandata na mabilis na napunta sa kaniyang kamay sa sandaling utusan niya ito na tila may sariling buhay.

“Pumuwesto ka sa harapan ko!” utos ni Shufen habang ang binata ay natataranta dahil hindi niya malaman kung ano baa ng nangyayari sa kaniyang paligid.

“Ba-bakit ako? Ikaw tong may sandata” natatarantang sambit ni Yijun. Natatakot siya dahil pakiramdam niya ay gagamitin siyang pananggalang ng prinsepe. Buong lakas siyang pinuwesto sa harapan ng prinsepe. Ang kaniyang kanang kamay ay nasa ibabaw ng kaniyang kaliwang balikat kung saan nakapatong ang nakatali nilang mga kamay. Hawak-hawak ni Shufen ang kaniyang sandata gamit ang kaniyang kaliwang kamay.

“Umatras ka pa” utos niya sa binata dahil naiilang ito sa sobrang paglapit ng kanilang katawan.

“Uy saglit lang yung ano mo dumidikit na sa ano ko!!!” reklamo ng binata nang may maramdaman siyang kakaiba mula sa kaniyang pang-upo. Hindi na inintindi ito ng prinsepe dahil ang pakay niya na makaligtas sila ang pinakamahalagang mangyari ngayon. Ilang sandali lang nang biglang magpaulan nang maraming palaso sa kinaroroonan nila. Kahit na may hamog ay nagawang makita nila ang palasong paparating dahil nagmumula ito sa itaas na para bang ulan na bumubuhos. Napapikit si Yijun nang masaksihan niya ang pagbagsak ng mga palaso papunta sa kinatatayuan nila.

Sa kaniyang pagdilat ay laking gulat niya nang hindi sila nagtamo ng ano mang galos mula sa palaso. Saka lang niya napansin na gumagana pa rin pala ang hadlang gawa ng marka ng dakilang gintong dragon. Ngayon ay napapalibutan sila ng kulay gintong liwanag na nagsisilbing hadlang sa mga tumatamang palaso. Ngayon ay napagtanto rin ng binata kung bakit siya pinapalapit ni Shufen yun ay upang maprotektahan silang dalawa ng hadlang na nililikha ng marka ng gintong dragon laban sa sino mang magtangka ng masama sa instrumento nito.

Makalipas ang ilang sandali ng pagpapaulan nila ng mga palaso sa kanilang kinatatayuan ay tumigil din ito nang mapagtanto ng mga ito na walang tumatama sa kanilang pinaulan na palaso. Walang kaalam-alam si Shufen at Yijun na kasama ito sa plano upang maihanda nila ang kanilang salamangka laban sa kanilang dalawa. Dahil sa umuulang palaso ay nawala sa atensyon ng prinsepe ang kakaibang presensya gawa ng salamangka na nasa palibot nila.

“Hindi maaaring” huli na nang mapagtanto ng prinsepe ang pakay ng kanilang kalaban dahil bigla na lang lumiwanag ang kanilang paligid. Wala na silang pagkakataong tumakas at tanging pagbalik ng kaniyang kasuotan ang nagawa niya. Sa isang kisap mata ay nalaglag ang dalawa sa madilim na butas mula sa kanilang paanan. Sa kanilang pagbagsak ay napunta sila sa ibang lugar kung saan napapalibutan ng mga natuyong puno. Ang mga sanga nito ay tila hugis ng kidlat dahil sa kawalan ng dahong tumutubo dito. Ang lupa ay sobrang pino na halos kakulay na ng uling dahil sa pagkaitim nito.

“Agghh…” reklamo ng binata habang nakahawak siya sa kaniyang likuran. Sa kanilang pagbagsak ay napaupo siya sa lupa kaya labis ang sakit na kaniyang nadarama sa sandaling ito. Mabuti na lang at medyo malambot ang kanilang binagsakan.

“Bakit wala kang kasuotan?” pasigaw na sambit ng prinsepe nang makita niya ang ayos ng binata na nakaupo sa kaniyang harapan kung saan nakabuka pa ang magkabilang binti nito habang nakahawak sa kaniyang likuran. Hindi niya inaasahang makikita niya ang kahubdan nito at masisilayan niya ang pribadong parte ng kaniyang pangangatawan. Nagulat si Yijun nang banggitin iyon ng prinsepe kaya napatingin siya kaagad sa kaniyang ayos kung saan malayang nasisilayan ng prinsepe ang kaniyang kahubdan. Kaagad namang iniwas ng prinsepe ang kaniyang paningin matapos nyang sabihin ang mga salitang iyon at kaagad namang nagtakip ng kaniyang hinaharap ang binatang si Yijun.

“Bakit ikaw may suot na?” reklamo ng binata nang mapansin niyang nakabihis na ang prinsepe samantalang siya ay hubo’t hubad pa rin.

“Hindi mo ba nagawang..?” hindi na naituloy ng prinsepe ang nais niyang sabihin dahil napagtanto niya na hindi pa rin pala nakakagawa ng simpleng salamangka ang binata gaya ng pagpapalit ng kasuotan na kaniyang nagawa bago sila malaglag sa madilim na butas.

“Ang alin?” pangungulit niya ngunit hindi siya tinugon ng prinsepe at pinatahimik siya gamit ng paglapat ng hintuturo nito sa kaniyang labi. Ang masaklap ay ramdam na ramdam niya ang gaspang ng daliri nito dahil sa mga lupang kumapit sa daliri ng prinsepe.

“Pwe ang bang ginagawa mo?” pag-alis niya sa daliri ng prinsepe kasabay ang pagdura sa lupa. Bago pa man siya makapagsalitang muli ay tinakpan ng prinsepe ang kaniyang bibig gamit ang kaliwang kamay nito. Bahagyang nakabuka ang kaniyang bibig nang takpan ng prinsepe ang kaniyag bibig kaya bahagya niyang nalasahan ang lupang kumapit sa kamay nito. Pwersahan niyang inaalis ito ngunit ayaw tanggalin ng prinsepe ang kaniyang kamay. Kanina lang ay nalasahan niya ang lupang dumikit sa daliri ng prinsepe ngunit ngayon ay buong kamay na nito ang nakalapat sa kaniyang bibig na pilit niyang inaalis. Habang nagpupumiglas si Yijun ay siya namang pakikinig ni Shufen sa kanilang paligid. Ayaw niyang lumikha ito ng ingay dahil nasa paligid lang nila ang mga taong umatake sa kanila kanina.

Kinakailangang maging alisto ni Shufen sa pagkakataong ito dahil napapalibutan sila ng maraming kalaban. Gawa ng salamangkang ginamit sa kanila ay napunta sila sa lupaing di nasisinagan ng araw. Tinuturing itong lupain na sinumpa ng mga diyos dahil sa makasalanang gawain ng sinaunang angkan na nanirahan dito. Kasama ito sa nasasakupan ng kaharian ng Tiangmen ngunit walang sino man ang nagtatangkang magpunta sa lupain na to sa kadahilanang hindi gumagana ang kanilang kapangyarihan sa lupaing ito. Walang sino man ang nakakagamit ng salamangka sa sandaling makatungtong sila sa lupaing ito. Sa silangang bahagi ng kaharian ng Tiangmen ito matatagpuan na madalas puntahan ng mga tulisan upang tumakas sa kanilang paglilitis. Naging usap-usapan na ang sino mang pumasok sa lugar na ito ay hindi na muling makakalabas pa.

Sa mga kaalamang ito ay naging maingat ang prinsepe sa bawat galaw na dapat nilang gawin. Hindi siya naniniwala na walang nakakalabas sa lugar na ito dahil magiging palaisipan ang paggamit ng mga kalaban ng kanilang salamangka upang dalhin sila sa lugar na ito. Wala na ring pakinabang ang kaniyang sandata dahil hindi niya magagawang hugutin ito mula sa kaluban dahil sa pagkawalang bisa ng kaniyang kapangyarihan. Kaya naman wala siyang ibang paraan kundi ang magtago mula sa kanilang kalaban at hanapin ang daan palabas sa lupaing ito. Ang lupaing ito ay napapalibutan ng mga tuyong puno na dati ay malagong kagubatan. Isa pang hamon para sa kanila ang makapal na hamog na tila hindi nawawala.

Halos habulin ni Yijun ang kaniyang paghinga sa sandaling tanggalin ni Shufen ang kamay na nakatakip sa kaniyang bibig. Kasabay nito ang mabilis na pagpunas niya ng kaniya labi dahil sa bakas ng lupang dumikit sa kamay ng prinsepe. Panatag ang prinsepe na nakalayo na ang mga tumutugis sa kanila dahil hindi na niya maramdaman ang presensya ng mga ito.

“Sarap pala ng kamay mo no” sambit ni Yijun na ikinabigla ng prinsepe.

“Lasang lupa, pwe!” tugon niya sabay dura at punas sa kaniyang bibig. Walang kaalam-alam si Yijun na isang kasalanan ang kaniyang ginawang pagdura sa harap ng prinsepe. Kung ginawa niya ito sa loob ng palasyo ay maaari siyang makulong o kaya hatulan ng kamatayan sa pagbastos sa kamahalan sa pamamagitan ng pagdura nito. Ang pagdura ay sumisimbolo ng pagwalang bahala o pagkawalang respeto sa isang tao o imortal.

Nais parusahan ni Shufen ang pagiging bastos sa kaniya ng binata ngunit napigilan niya ang kaniyang sarili nang makita niya ang bakas ng putik sa mukha nito na alam niyang nagmula sa kaniyang kamay. Hinayaan na lang niya itong magreklamo dahil hindi rin makakatulong sa kanilang dalawa ang pagtatalo dahil nasa pugad sila ngayon ng mga tulisan.

Muling nakiramdam sa paligid ang prinsepe upang masigurado niya ang kanilang kaligtasan dahil alam niyang walang balak ang kanilang mga kalaban na gawin silang bihag dahil sa pamamaraan nila ng pag-atake sa kanila. Habang nagmamasid ay bigla na lang niyang napansin ang panginginig ng binata na walang saplot sa katawan. Hindi niya magamit ang kaniyang salamangka upang bigyan ito ng kasuotan kaya naman hinubad na lang niya ang nakapatong na kasuotan niya at inabot ito kay Yijun. Umaabot hanggang sa tatlong patong ang kasuotan ng mga imortal sa kaharian at yun ay nakaayon sa klima o okasyon na kanilang dinadaluhan. Madalas ay dalawang patong lamang ang kanilang kasuotan.

“Pano ko susuotin yan?” tanong ni Yijun habang yakap ang mga tuhod sa pangingig. Hindi na tumugon ang prinsepe at pinatong na lamang niya ito sa likuran ng binata. Nang dumampi ito sa kaniyang balat ay bigla na lang nakaramdam ng ginhawa si Yijun dahil yari sa makapal na tela ang kasuotang inabot sa kaniya. Wala sa sariling sinuot niya ito kahit na wala siyang damit panloob. Saka lang niya napagtanto na malaya na pala niyang nagagamit ang kaniyang kamay.

“Malaya na ako!” hindi niya mapigilang sabihin nang makita niyang hindi na nakagapos ang kaniyang kanang kamay sa kamay ni Shufen. Tila nakalimutan niyang nasa lungga sila ng mga tulisan at napalakas ang kaniyang boses. Huli na nang suwayin siya ng prinsepe dahil mabilis itong narinig ng mga taong tumutugis sa kanila.

Mabilis silang natunton at kaagad silang napalibutan ng higit sa sampung tauhan na may suot na maskara na may malahalimaw na hitsura. Ngayon ay magkatalikuran silang dalawa habang patuloy na lumalapit ang mga taong tumutugis sa kanila. Hindi papayag ang prinsepe na madakip sila ng mga tauhang ito kaya pinili niya ang lumaban kahit na nasa loob ng kaluban ang kaniyang sandata. Sumenyas siya kay Yijun upang yumuko at yun ang naging hudyat sa panimula ng laban. Kahit na walang patalim ang kaniyang kaluban ay nagawa niyang labanan ang mga sandatang lumalapit sa kaniyang katawan. Sa bawat pagwasiwas ng mga sandata ay siya namang pagyuko ng binata na walang magawa sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Habang abala ang prinsepe sa pakikipaglaban ay bigla na lang may humila kay Yijun papalayo sa prinsepe.

“Shuf-” hindi nagawang ituloy ng binata ang pagtawag sa prinsepe dahil sa taling nakapulupot sa kaniyang leeg. Nagawa niyang pigilan ang tali sa pagkakasakal nito sa kaniyang leeg gamit ang kaniyang mga kamay ngunit nagawa pa rin siyang kaladkarin nito papalayo sa prinsepe. Hindi magawang sundan I Shufen ang binata dahil hindi siya hinahayaang makatakas ng mga tauhang nakapalibot sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi ang labanan ang mga ito upang masagip ang binata sa lalong madaling panahon.

Habang abala ang mahal na prinsepe sa pakikipaglaban ay walang awa namang hinihila ang binata gamit ang taling nakapulupot sa kaniyang leeg. Kanina pa niya nadarama ang hapdi at kirot mula sa kaniyang likuran na kumikiskis sa lupa kung saan halos nakahiga na siya habang hinihila nito. May kakaibang amoy na nagmumula sa taling nakapulupot sa kaniyang leeg na nagpapahina sa kaniyang katawan kaya hindi niya magawang tumayo at manlaban. Habang tumatagal ay nakakaramdam siya ng panghihina na nagiging dahilan upang mawalan siya ng malay.

Napasinghap ang binata nang maramdaman niya ang malamig na tubig na tumama sa kaniyang mukha. Mabilis niyang naramdaman ang pag-ikot ng kaniyang paningin sa sandaling idilat niya ang kaniyang mga mata. Napakuyom ang kaniyang mga kamay kung saan damang dama niya ang lupa kung saan siya nakadapa habang hinahabol niya ang kaniyang paghinga. Tila nakakabingi ang mga tawanan at usap-usapan ng mga taong nasa kaniyang paligid. Nang muli niyang idilat ang kaniyang mga mata ay nasilayan niya ang lugar kung saan wala siyang kaalam-alam papano siya nakarating dito. Lumingon siya sa mga taong nakapalibot sa kaniya at nanibago siya sa mga ito. Kung sa palasyo ay madalas niyang makitang maaayos ang pananamit ng bawat imortal at sundalo ay kabaligtaran naman ito ng mga taong nakapalibot sa kaniya. Ang kasuotan nila ay tila yari pa sa mga pinatuyong balat ng hayop. Ang kanilang mga buhok ay tila matagal nang hindi nasusuklayan at para bang hindi madalas nakakaranas ng pagpaligo. Hinanap niya sa paligid kung nahuli rin ba nila ang prinsepe ngunit kahit saan siya lumingon ay bigo siyang makita ito.

“Parating na ang pinuno!” sigaw ng isang babae na ang pangangatawan ay tila pagmamay-ari ng isang mandirigmang lalaki. Mabilis natigil ang tawanan at kung ano-ano pang ingay na kanilang nililikha nang marinig nila ang pagbanggit ng babae sa pagdating ng kanilang pinuno.

Habang nasa malayo pa lang ay pilit na inaanig ni Yijun ang tinuturing nilang pinuno. Hanggang ngayon ay nanlalabo pa rin ang kaniyang mga mata at halos hindi niya maaninag ang mukha nito. Tanging ang apoy na nagmumula sa siga ang nagsisilbing liwanag sa kadiliman ng gabi. Nanatiling nakaluhod ang mga taong nasa paligid niya habang inaantay ang paglapit ng kanilang pinuno. Sa sandaling makalapit ito ay hindi rin nagawang masilayan ng binata ang pagmumukha nito dahil sa suot nitong maskara na may pagkakahalintulad sa mga maskarang sinuot ng mga taong umatake sa kanila ng prinsepe. Bigla na lang lumapit ang mandirigmang babae at hinawakan ang kaniyang buhok upang magtagpo ang paningin ng binata at ng kaniyang pinuno.

“Mahal na pinuno, aking ikinagagalak na ialay sayo ang napiling instrumento ng dakilang gintong dragon” sambit ng maskuladong babae. Napangiwi na lang sa kirot ang binata sa pagkakasabunot sa kaniyang buhok.

“Nagagalak akong makilala ka, kagalang-galang na instrumento ng gintong dragon” tugon ng kanilang pinuno habang dahan-dahang inaalis ang maskarang nagtatago sa kaniyang mukha. Laking gulat ng binata nang masilayan niya ang pagmumukha nito. Nagawa niya pang kuskusin ang kaniyang mga mata upang alamin kung nililinlang ba sya ng kaniyang paningin dahil hindi siya makapaniwala na ang pinuno ng bandido ay walang iba kundi ang.

“Ma-mahal na hari?” nauutal na sambit ng binata na siya namang nagpangiti sa pinuno ng mga bandido.

Itutuloy….

A/N : Hindi na ako maghihikayat na mag-

VOTE

dahil hahayaan ko na kayo. Ang hihilingin ko na lang siguro ay

comments

o

feedbacks

kung na-eenjoy niyo ba ang takbo ng kwento. Maraming salamat. Happy New Year!!!

Chapter 6: Bane in blood

Yibo

as Shufen

Hindi makapaniwala ang binatang si Yijun sa kaniyang natuklasan. Higit na hindi niya mapagtanto kung bakit pinuno ng mga bandido ang hari ng Tianmen. Ilang beses niyang kinuskos ang kaniyang mga mata dahil tila nililinlang siya ng kaniyang paningin ngunit saang anggulo man niya tingnan ay kamukhang kamukha nito ang hari. Matapos niyang tawagin ito ng mahal na hari ay nasundan kaagad ito ng malakas na pagtawa ng pinuno ng mga bandido. Nakisabay sa pagtawa ang kaniyang mga tauhan ngunit sabay-sabay na tumigil nang itaas ng kanilang pinuno ang kanang kamay nito bilang tanda sa paghingi ng katahimikan.

“Mahal na hari?” sambit ng kanilang pinuno habang unti-unting lumalapit sa binatang nakaluhod sa lupa. Hinawakan nito ang mukha ng binata at pinagmasdang mabuti na parang bawat detalye nito ay kaniyang kinakabisado.

“Matagal-tagal na rin nang huling may tumawag sa akin niyan” dugtong niya sabay tapik sa pisngi ng binata na tila napako pa rin sa kaniyang pwesto.

“Pero hindi ako ang hari na tinutukoy mo!” hinawakan niya ang pisngi ni Yijun na may halong panggigil at kaagad binatawan ito na para bang binigyan niya nang marahang sampal ang binata.

“Wala sana ako ngayon sa sinumpang lupain nato kung hindi dahil sa sakim na hari na kinikilala mo!” mariin niyang pagsigaw na tinugunan ng kaniyang mga kasamahan. Ramdam ang labis na galit ng mga taong nasa palibot ni Yijun sa pamamaraan nila ng pagsigaw. Halos mabingi siya sa bawat pagkalampag nila sa tambol na tila hindi nakakasabay sa tamang pagkumpas. Sa muling pagtaas ng kanang kamay ng kanilang pinuno ay kaagad nanumbalik ang katahimikan.

“Ngayong narito na sa akin ang instrumento ng gintong dragon ay mas mapapadali na para sa akin ang pagbalik sa aking trono” tila naging pista ang gabi na yun dahil sa ingay na nililikha ng mga taong nasa palibot ni Yijun. Gulong gulo siya sa sandaling ito at hindi malaman kung anong gagawin sa kasalukuyang kalagayan niya. Mukhang imposible rin para sa kaniya ang pagtakas dahil napapalibutan siya ng mga naglalakihang bandido. Ang kaniyang paa na halos hindi niya maigalaw dahil sa mabigat na kadenang nakagapos dito.

Habang bihag ng mga bandido ang instrumento ng gintong dragon na si Yijun ay siya namang pagwawala ng hari sa loob ng silid ng trono. Labis ang kaniyang galit nang malamang nawawala si Yijun at ang kaniyang bunsong anak na tagapagmana ng trono na si Shufen. Halos lahat ng mga kawani at mga sundalo ay nagtutulong tulong upang hanapin ang prinsepe at ang binatang si Yijun. Kanina pa siya balisa at hindi mapakalma dahil sa kakaisip na baka napunta na sa kaniyang mga kalaban ang kaniyang mga iniingatan.

“Mahal na hari” sambit ni Wei Qui nang makapasok siya sa loob ng silid ng trono.

“Nahanap nyo na ba ang mahal na prinsepe at ang dakilang instrumento?” natatarantang sambit ng mahal na hari.

“Huminahon kayo mahal na hari, hindi makakabuti sa inyo ang mag-alala ng labis” sambit ng mahal na reyna na siya namang minasama ng hari.

“Paano ako hihinahon kung ang aking anak at ang dakilang instrumento ay nawawala sa kaharian? Sabihin mo kung papano?” sigaw nito sa kaniyang reyna na para bang nakalimutan nito ang kaniyang katungkulan sa kaharian. Ganun pa man ay naging mapagkumbaba ang reyna at hindi na sinabayan ang init ng ulo ng hari.

“Paumanhin mahal na hari ngunit ayon sa mga nakakatandang salamangkero ay may posibilidad daw na nasa sinumapang lupain ang mahal na prinsepe at ang dakilang instrumento” sambit ni Wei Qui na lalong ikinainis ng hari.

“Papanong?” biglang napatigil ang hari sa pagsasalita ng mapagtanto niya ang mga nangyayari.

“Qiang Li!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ng mahal na hari na umalingaw ngaw sa buong kaharian. Kasabay ng kaniyang pagsigaw ay ang pagtama ng malakas na kidlat sa kaniyang katawan. Sa pagdaloy ng mga kuryente sa kaniyang katawan ay unti-unting nagbago ang kaniyang kasuotan. Mula sa magarbong kasuotang kulay ginto ay bigla na lang itong napalitan ng baluti na yari sa pilak na madalas gamitin ng hari sa digmaan. Ang baluti nito ay may angking liwanag na sumisilaw sa kaniyang mga kaaway. Ngunit sa labis na galit ng hari ay maging ang mga taong nasa paligid niya ay naapektuhan ng aking liwanag ng kaniyang baluti kung saan nahihirapan silang makakita sa tindi ng liwanag nito. Sa labis na pangamba ay sabay sabay silang lumuhod upang humingi ng pang-unawa mula sa hari.

“Huminahon po kayo mahal na hari” sabay-sabay nilang sambit.

Mula sa kinaroroonan ni Shufen ay nagawa niyang marinig ang malakas na sigaw ng kaniyang ama. Nababahala siya na baka magpadala ito sa galit at sumugod ng hindi naghahanda. Ilang beses na nilang sinubukan na lusubin ang lugar na ito ngunit lagi silang nabibigo kahit gaano pa man karami ang mga kawal na mayroon sila. Alam ng mga bandido ang bawat pasikot sikot ng sinumpang lupain na ito na kung saan nagagamit nila laban sa mga kawal na sumusugod dito. Masukal ang daan at mga bangin na natatabunan ng makakapal na hamog na maaaring ikamatay ng sino mang hindi mag-iingat. Dito rin tumutubo ang isang uri ng bulaklak na nagbubuga ng matinding lason. Kapag nagalaw ito o nahanginan ay kusa itong magbubuga ng nakakamatay na lason. Ang sino mang makalanghap ng hangin na may halong lason na nagmumula sa bulaklak na ito ay mamamatay kapag hindi nabigyan ng paunang lunas sa loob ng isang oras.

Ang bawat kilos ng prinsepe ay kaniyang pinag-iisipan ng mabuti dahil alam niya kung gaano kamapanganib ang lugar na ito. Malaking kawalan sa kaniya ang pagkawalang bisa ng kaniyang kapangyarihan na makakatulong sa kaniya upang mapabilis sa paghahanap kay Yijun. Magaling sa pagtago ng mga bakas ang mga bandido kaya hindi niya nagawang sundan ang mga tauhang nakatakas sa kaniya. Karamihan sa mga bandidong umatake sa kaniya ay nagawa niyang talunin gamit ang kaniyang sandata na nanatili sa loob ng kaluban ngunit dalawa sa mga ito ay nagawang makatakas.

Habang nag-iisip siya ng susunod niyang hakbang ay naging kapansin-pansin sa kaniya ang liwanag na nagmumula sa kamay ng isa sa mga bandidong tinalo niya na ngayon ay walang malay. Sa kaniyang paglapit ay nakita niya itong nakahawak sa kaniyang dibdib at sa ilalim nito ay ang nagliliwanag na kwentas na may batong kulay lila. Nang mahawakan niya ang kwentas ay bigla na lang nagkaroon ng mga linya na kulay lila sa lupa. Ang mga linyang ito ay may iba’t ibang direksyon na tila nagsisilbing gabay sa mga bandido upang hindi maligaw sa lupaing ito. Sa kaniyang pagtingala sa kalangitan ay naging kapansin-pansin ang liwanag na nililikha ng mga titik na kulay lila kung saan nagpapahiwatig ito ng pagsaklolo. Nang bitawan ni Shufen ang kwentas ay kaagad nawala ang mga guhit sa lupa at maging ang mga titik na nasa kalangitan. Mabilis niyang hinablot ang kwentas at ginamit ito bilang gabay sa kaniyang paghahanap kay Yijun.

Tila naging panandalian lang ang naging kasiyahan ng mga bandido nang matanaw nila ang senyales ng pagsaklolo mula sa kalagitan. Mabilis na tumugon sa pagsaklolo ng kanilang kasamahan ang mga bandido na sa ngayon ay higit na mas marami sa mga nakalaban ni Shufen. Ilang sandali lang ang lumipas nang makaalis ang ilang grupo ng mga bandido nang may dumating na isang miyembro na halos kapusin na ng hininga bago makapagsalita.

“Mahal na pinuno, ang mga kawal mula sa kaharian ay nakapasok na sa kagubatan at…” huminto muna ito bago magsalita upang habulin ang paghinga ngunit bago pa man siya makapagsalita ay nagtanong na kaagad ang kanilang pinuno.

“Kasama ba nila si Zhihao?” tanong ng kanilang pinuno na kasalukuyang may hawak ng kopa na yari sa ginto na naglalaman ng alak.

“Opo, mahal na pinuno” mabilis nitong tugon na nagpatayo mula sa kinauupuan ng kanilang pinuno. Ang gintong kopa niyang hawak na naglalaman ng alak ay dahan-dahan niyang binuhos ang laman nito sa lupa bilang pagbabasbas sa mangyayaring digmaan.

“Sa gabing ito ay maisasakatuparan ko na ang aking paghihiganti kay Zhihao at makukuha na rin natin ang trono na para sa akin” sambit ni Qiang Li na lalong nagpalakas ng loob sa mga bandido na kung saan ay buong lakas na sumisigaw habang nakataas ang kanilang mga sandata.

“Maghanda ang lahat sa pakikipagdigma!” buong lakas na pagsigaw ni Qiang Li na mabilis tinugunan ng kaniyang mga tagapagsunod. Sabay-sabay silang lumuhod at sumagot ng.

“Masusunod mahal na pinuno”

Mabilis na kumilos ang bawat isa sa paghahanda sa mangyayaring digmaan. Hindi naging mahirap sa kanila ang makapagsuot ng baluti at makakuha ng mga armas na pandigma dahil maraming taon na nila itong pinaghandaan. Ilang beses na nila itong pinaghandaan at ngayon ay maisasakatuparan na nila ang kanilang pinakaaasam na paghihiganti. Sa orihinal na plano ay nakatakda nilang dakpin ang magmamana ng trono at yun ay walang iba kundi si Shufen ngunit sa pagdating ng instrumento ng dakilang gintong dragon sa kaharian ay nagbago ang kanilang pakay. Mula kay Shufen ay nabago na ang kanilang pakay at yun ay ang dakpin si Yijun na pinaniniwalaan ng kanilang pinuno na magbibigay sa kaniya ng lakas at kapangyarihan na pamunuan ang buong kaharian ng Tianmen. Bilang kapatid ng hari ay inaasahan na ni Qiang Li ang magiging kilos ni Zhihao. Sasamantalahin niya ang pagiging padalos-dalos nito sa laban upang magapi sila sa laban at mapaslang niya ang kaniyang kapatid.

“Siguraduhin nyong hindi makakatakas ang instrumento ng gintong dragon” paalala ni Qiang Li sa mga magbabantay kay Yijun habang pinagmamasdan niya ang talim ng kaniyang sandata.

“Masusunod mahal na pinuno” sabay na tugon ng dalawang naatasang magbantay sa binata. Inalalayan nila ang binata na makatayo upang dalhin sa kulungan na matatagpuan sa pinadulong bahagi ng kweba. Ang kuta ng mga bandido ay matatagpuan sa pinakaliblib na bahagi ng kagubatan kung saan napapalibutan ng maputik na lawa na pinaninirahan ng mga mababagsik na halimaw sa kailaliman nito. Tanging ang mga bandido lang ang nakakaalam kung papano makakalabas-masok sa kanilang kuta nang hindi sila naaamoy o naatake ng mga mababagsik na hayop. Hindi kalayuan sa lagusan ng kweba kung saan nakapwesto ang trono ng pinuno ng mga bandido. Madali sa kanilang matanaw ang kalangitan dahil sa laki ng lagusan ng kweba.

Ramdam pa rin ni Yijun ang panghihina ng kaniyang katawan kung saan para siyang patay na mabilis makaladkad ng mga bandido. Bago pa man sila makalayo ay muling nagsalita ang kanilang pinuno na nagpatigil sa kanilang paglalakad. Mabilis itong lumapit sa binata at kinumpirma kung nananatili pa rin ba sa batok ng binata ang tatak ng gintong dragon. Hindi napigilan ni Qiang Li ang mapangisi nang makita niya ang tatak ng binata matapos niyang hawiin ang mahaba nitong buhok. Lumapit siya sa binata at hinawakan ang baba nito upang magtagpo ang kanilang paningin.

“Sa ngayon ay kinakailangan ko munang ipanalo ang laban na to. Kapag napaslang ko na ang aking kapatid at ang aking pamangkin na iyong mapapangasawa ay magagawa ko ng angkinin ka at ang iyong kapangyarihang taglay” napangiti si Qiang Li habang marahan niyang kinukuskos ang labi ni Yijun gamit ang kaniyang hinlalaki. Kahit nanghihina ay nagawang ibaling ni Yijun ang kaniyang ulo na naging dahilan upang mabitawan ni Qiang Li ang kaniyang pagmumukha.

“Hi-hindi ako makakapayag na” hindi na nagawang tapusin ng binata ang kaniyang nais sabihin nang makaramdam siya ng malakas na pagtama mula sa kaniyang batok. Sa mabilis na pagkawala ng kaniyang malay ay natumba siya ngunit nagawa siyang saluhin ni Qiang Li.

“Siguraduhin niyong hindi siya makakatakas mula sa kulungan” huling paalala ni Qiang Li sa dalawang bandido bago niya ibigay ang binata sa mga ito.

Matapos ang paghahanda ay sama-samang lumusob ang mga bandido kung saan naroroon ang kanilang mga kalaban. Karamihan sa kanila ay sumama sa pakikipagdigma at iilan lamang ang natitirang bandido na magbabantay sa kanilang kuta. Kabilang sa mga naiwan ay ang mga naatasang magbantay kay Yijun. Hindi bababa sa sampung katao ang nagbabantay sa loob at labas ng kanilang kuta.

Sinamantala ni Shufen ang pagkakataon upang mapasok ang loob ng kanilang kuta dahil mas naging madali sa kaniya ang magtago bago niya hatawin ang mga batok ng mga bandido upang sila ay mawalan ng malay. Bago pa man mapansin ng kaniyang mga kalaban ang kaniyang paglapit ay tiyak na nakalapat na ang kaniyang kamay sa kanilang mga batok. Hindi niya ugaling kumitil ng buhay ng isang tao lalong lalo na’t wala itong hawak na sandata o kaya naman ito ay nakatalikod sa kaniya.

Walang kahirap-hirap niyang napasok ang loob dahil sa pagkuha niya sa kamalayan ng bawat isang nagbabantay. Mas madali ito para sa kaniya kumpara sa mga pinagdaanan niya nang tahakin niya ang kagubatan. Kahit na may mga gabay na lumiliwanag sa lupa at mga daan na kaniyang sinundan ay hindi pa rin niya naiwasan ang maka-engkwentro ng mga mababagsik na hayup. Bago pa man niya marating ang kuta ng mga bandido ay napalibutan siya ng mga mababangis na lobo. Sa tindi ng naging engkwentro ay nagkanda punit ang kaniyang kasuotan. Napunit ang kaliwang mangas ng kaniyang kasuotan nang tangkaing kagatin ng isang lobo ang kaniyang braso na nagawa niyang iwasan. Upang mapadali ang pag-iwas sa mga atake ng mga mababangis na lobo ay napag-isipan niyang tanggalin na lang ang magkabilang mangas ng kaniyang kasuotan. Ang mahabang puting tela ay mabilis niyang naitali sa hawakan ng kaniyang sandata at ito ang kaniyang ginamit panlaban sa mga mababangis na hayop. Hinawakan niya ang dulong bahagi ng tela at kaniyang pinaikot-ikot ito habang nakatali ang kaniyang sandata. Unti-unting napapaatras ang mga lobo dahil kanilang iniiwasan ang pagtama ng sandata ni Shufen sa kanilang mukha. Nagawang samantalahin ni Shufen ang pagkakataon habang nalilito ang mga lobo sa kanilang gagawing hakbang ay naisakatuparan niya ang isa isang pagtama ng kaniyang sadata sa mga ulo ng mga lobo. Sa bawat pagtama ng kaniyang sandata ay isa-isang bumabagsak ang mga mababagsik na hayop.

Bago pa man siya makapasok sa loob ng kuta ay kinakailangan niyang tawirin ang maputik na lawa kung saan pinamumugaran ng mga malalaking buwaya. Isang kabaliwan ang pagtangkang paglusong sa maputik na lawa dahil ang sino mang gumawa nito ay kaagad mapapansin ng mga gutom na buwaya. Bago pa man isagawa ni Shufen ang kaniyang binabalak ay kumuha muna siya ng dahon mula sa puno. Dinampi niya muna ito sa kaniyang balat upang masubukan kung may lason ba ito. Nang masigurado niyang ligtas ang dahon na kaniyang nakuha ay kaagad siyang lumikha ng huni na nagpakalma sa mga mababangis na buwaya. Ang huni na nagmumula sa dahon ay natural na ingay na hindi kinakailangan ng salamangka upang mapakalma ang mga mababangis na buwaya. Sa sandaling tumigil sa pagkilos ang mga buwaya ay kaagad tumalon ang prinsepe sa ibabaw ng mga ito na nagsilbing tungtungan para sa kaniya.

Ngayong nasa loob na siya ng kweba ay hindi na nagsayang ng oras ang prinsepe sa paghahanap sa binata. May pagkakataong muntikan na siyang mahuli nang mapansin siya ng isang bandido na nagtangkang bumuga sa sungay upang lumikha ng ingay bilang babala ng pagpasok ng kaaway sa loob ng kanilang kuta. Mabuti na lang at nagawa niyang pigilan ito at bago pa man niya patulugin ang bandido ay nagawa niya munang tanungin ang kinaroroonan ng binatang si Yijun.

May alinlangan man sa impormasyong binigay sa kaniya ay nagpatuloy pa rin si Shufen sa pagtungo sa nasabing kinaroroonan ng binata. Naging maingat siya sa bawat hakba na kaniyang ginawa dahil maaaring patibong ang nag-aantay sa kaniya. Ngunit napagtanto niya na tama ang binigay na impormasyon sa kaniya nang marating niya ang kulungan kung nasaan nakakulong ang binata. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon ang prinsepe at mabilis niyang pinatumba ang mga bandidong nagbabantay kay Yijun. Matapos niyang masiguro na walang malay na ang mga ito ay sinunod niyang buksan ang kulungan gamit ang susi na kaniyang nakuha sa isa sa mga bantay.

“Gumising ka” utos ni Shufen sa binata habang marahang tinatapik ang mukha nito. Ilang beses niyang paulit ulit na ginawa ang paggising sa binata hanggang sa tuluyan itong magising. Tinaggal niya ang mabigat na kadena na nakakagapos sa paa ng binata at inalalayan itong makatayo.

“Kaya mo na bang tumayo?” muli niyang tanong na tinanguan naman ni Yijun. Inakay siya ng prinsepe upang makapaglakad palabas ng kulungan ngunit bago pa man sila makalayo ay namilipit na sa sakit ang binata. Saka lang napansin ni Shufen na namagaga ang kanang paa ng binata na hinala niya ay napilayan ito. Walang maisip na ibang paraan ang prinsepe kundi ang lumuhod upang makasampa sa likuran niya ang binata. Gamit ang pag-iling ay tumanggi ang binata na sumampa sa likuran ng prinsepe dahil para sa kaniya ay labis-labis na ang mga nagawa nito para lang matulungan siya. Muling tumayo ang prinsepe at hinarap ang binata.

“Gusto mo pa bang mabuhay?” tanong niya habang nakakunot ang noo na ikinasindak ng binata kaya naman napilitan itong tumango bilang tugon. Sa ikalawang pagkakataon ay bahagyang napaluhod ang prinsepe upang makasampa ang binata. Tumayo ang prinsepe nang makasampa ang binata sa kaniyang likuran. Hindi napigilan ni Yijun ang mapahiyaw nang tumama ang kaniyang paa sa hita ng prinsepe nang humawak ito sa magkabilang pang-ilalim na bahagi ng kaniyang hita upang hindi siya tuluyang malaglag habang buhat-buhat siya nito.

Hindi humingi ng pasensya ang prinsepe at nanatili lamang itong nakatayo habang iniinda ng binata ang labis na kirot na nagmumula sa kaniyang paa. Napakapit siya sa magkabilang braso ng prinsepe habang pinapakalma ang sarili. Nang maramdaman ni Shufen na kalmado na ang binata ay unti-unti siyang humakbang. Maingat ngunit mabilis ang paraan ng paglakad ng prinsepe dahil iniiwasan niyang may makalabang bandido habang buhat-buhat niya ang binata. Sa pagkakataong ito ay nagawa na niyang dumaan sa tulay na kanina lang ay iniwasan niyang daanan dahil mabilis siyang mahuhuli ng mga bandidong bantay.

Habang naging matagumpay ang pagtakas ni Shufen at Yijun mula sa kuta ng mga bandido ay siya namang pagsimula ng digmaan na pinamumunuan ng hari ng Tianmen at ang pinuno ng mga bandido na si Qiang Li. Ilang daang taon ang lumipas bago muling nagharap ang magkapatid. Sariwa pa rin sa kanilang isipan ang pagkamuhi sa isa’t isa kaya naman punong puno ng galit ang kanilang mga mukha nang magtagpo ang kanilang paninigin.

“Ikinararangal ko na ikaw mismo ang lumapit sa akin upang ikaw ay aking paslangin mahal kong kapatid” sambit ni Qiang Li na nasundan ng hilaw na pagtawa.

“Ibalik mo sa akin ang aking anak at pati na rin ang dakilang instrumento. Sisiguraduhin kong walang dadanak na dugo dito at kakalimutan ko ang ginawa mo basta maibigay mo lang ang aking gusto” tugon ng hari na hindi maikubli ang galit sa kaniyang kapatid. Muling tumawa si Qiang Li bago sumagot sa hiling ng kaniyang kapatid.

“Wala ka pa ring pinagbago Zhihao. Ano bang akala mo lahat ng gusto mo ay masusunod? Kung sa kaharian mo ay nagagawa mong makuha lahat ng gusto mo, nagkakamali ka sa pagpunta sa lugar na ito dahil ako lang masusunod dito!” tugon ni Qiang Li na mas nagpaigting sa galit ng kaniyang kapatid.

“Hindi mo ako masisindak Qiang Li dahil kahit wala akong kapangyarihan sa lugar na ito ay kayang kaya kitang paslangin gamit ang sandata ko” gigil na sambit ng hari habang nakaturo sa kaniyang kapatid ang sandatang hawak nito. Ang mga sandatang gamit ng hari at ng kaniyang mga kawal ay ang mga sandatang hindi ginagamitan ng kaluban kaya malaya nila itong magagamit sa pakikipagdigma.

“Hindi nasisindak? Ngunit nag-abala kapang isuot ang iyong tanyag na baluti na hindi gumagana ang pagliwanag nito sa aking lupain?” natatawang tanong ni Qiang Li na lalong ikinagalit ng hari. Magsasalita sana si Zhihao ngunit naunahan siyang magsalita ng kaniyang kapatid.

“Baka nakakalimutan mo na bihag ko pa rin ang anak mo at ang pinaka iniingatan mong instrumento ng gintong dragon” hindi na nakapagtimpi ang mahal na hari at hinanda na niya ang sarili sa pagsugod ngunit napatigil siya nang marinig niya ang boses ni Shufen.

“Ligtas na kami!” sambit ng prinsepe habang hinahabol ang paghinga mula sa pagtakbo ng mabilis. Ang nakapasan sa kaniyang binata ay kasalukuyang walang malay dahil pinili ng prinsepe na patulugin ito upang hindi na indahin ang sakit nang simulan niya ang pagtakbo habang pasan-pasan niya ito.

“Hindi maaari” ang tanging nasabi ni Qiang Li nang mabigo siyang gawing bihag ang dalawa laban sa kaniyang kapatid.

“Gaya ng sinabi ko ay aalis na kami at kakalimutan na natin to basta ipapangako mo na hinding hindi na mauulit ito” sambit ng hari habang papalapit sa kaniya ang prinsepe na pasan-pasan pa rin ang binata.

Pagtawa na parang nasisiraan ng bait ang naging tugon ni Qiang Li. Habang tumatagal ay palakas ito ng palakas at sa sandaling tumigil siya sa pagtawa ay nasundan ito ng pagtaas ng kaniyang kamay. Kasabay ng pag-angat ng kaniyang kamay ay ang pag-angat ng mga mamamana sa kani-kanilang pana na hawak-hawak. Ang bawat dulo ng kanilang palaso ay may dagtang nakalagay na nagmula pa sa nakakalasong bulaklak na maaaring kumitil sa isang taong masugatan nito. Sa kanilang pagkasindak ay unti-unting napaatras ang hari at ang kaniyang mga kawal. Bago pa man maisagawa ni Qiang Li ang kaniyang balak na pagpatay sa kaniyang kapatid gamit ang lason na nagmumula sa bulaklak ay naunang maghagis ng mga pampasabog ang mga kawal ng Tianmen na naglikha ng nakakasilaw na liwanag. Yun ang naging hudyat upang umatras ang hari at ang kaniyang mga kawal mula sa laban.

Panandaliang nasilaw ang pinuno ng mga bandido gawa ng mga pampasabog na hinagis ng mga kawal ngunit naging mabilis ang kaniyang pagkilos at nagawa niyang kumuha ng pana na may lason sa palaso nito. Nais niyang panain ang kaniyang kapatid ngunit naisipan niyang mas magiging kapaki-pakinabang para sa kaniya kung mapapaslang niya ang dakilang instrumento ng gintong dragon. Nang maituon niya ang pana sa direksyon ng binata ay kaagad niya itong pinakawalan. Kahit na hindi gumagana ang kapangyarihan ni Shufen ay likas sa kaniya ang pagiging alisto sa kaniyang paligid. Dahil sa kakayahang ito ay nagawa niyang maiiwas ang pana na tatama sa likuran ni Yijun ngunit nagawa pa rin nitong dumaplis sa kaniyang kaliwang braso. Hindi pa man tuluyang nakakalayo ang mga kawal nang magpaulan ng mga pana na may halong lason ang mga palaso nito na mabilis kumitil sa sino mang tamaan nito. Ang lason ay mabilis kumakalat depende sa lakas ng isang tao o imortal na mapapasok nito. Karamihan sa mga kawal na namatay ay yung mga kawal na nagtaas ng kanilang kalasag upang maprotektahan ang hari at ang prinsepe mula mga bumabagsak na palaso.

Maraming nasawi sa mga kawal bago nila mapagtagumpayang lisanin ang sinumpang lupain. Sa paglabas nila ay mabilis nanumbalik ang kaniyang kapangyarihan at salamangka na nakatulong sa kanila upang bumuti ang kanilang kalagayan. May mga karawaheng nakahanda sa pagbabalik ng hari at mayroon rin para sa prinsepe at sa binata. Kaagad na isinakay ang prinsepe sa loob ng karawahe dahil kapansin-pansin ang panghihina nito kung saan katabi niya sa loo bang binata na wala pa ring kamalay-malay.

Makalipas ang ilang sandali ay nagising si Yijun dahil sa panay na pag-uga ng karawahe dahil sa malubak na kanilang dinadaanan. Ramdam niya rin ang mainit na hininga sa kaniyang leeg. Nagulat siya nang makita niya ang prinsepe na halos isubsob ang mukha nito sa kaniyang leeg na para bang kanina pa inaamoy ang parteng iyon. Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang itim na parang ugat na unti-unting dumadaloy sa kaliwang braso ng prinsepe.

“Anong nangyari sa braso mo?” tanong niya sa prinsepe na mabilis naman nitong iniwas sa paningin ng binata. Hindi tumugon ang prinsepe bagkus muling natuon ang paningin nito sa leeg ng binata. Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa leeg nito at muling nilapit ang kaniyang mukha. Nais sanang ilayo ni Yijun ang sarili mula sa prinsepe ngunit masyadong maliit ang karawahe para gawin niya iyon. Nagulat na lang siya nang maramdaman niya ang mainit na pagdila ng prinsepe sa kaniyang leeg na nagbigay ng matinding kilabot sa kaniyang kalamnan. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang niyang naramdaman ang mga ngipin ng prinsepe na kumakagat sa kaniyang leeg. Hindi niya napigilan ang sariling mapasigaw sa pinaghalong sakit at takot lalo na nang maramdaman niya ang pagdaloy ng dugo mula sa kaniyang leeg patungo sa kaniyang katawan.

Itutuloy……..

A/N: Medyo rush ang chapter na to dahil gigil na kayo sa update kaya minadali ko na 3.8k words. Pagnagkaroon ako ng time dadagdagan ko pa ng mga detalye para mas mapalawak ang imagination niyo sa story.

Pasensya na kung natagagalan hindj dahil sa wala akong maisip yun ay kaunti lang talaga ang time ko magsulat. Kayang kaya kong gawan hanggang book 3 ang story na to sa dami kong naiisip kaso wala akong time magsulat at nakafocus ang update ko sa TCOFK na may 10 chapters na lang bago mag end.

Please give me your feedback naman sa flow ng story. Thank you

Happy 2K Reads!

Chapter 7: The cure

Xiao Zhan as Yijun

Mabilis na itinulak ni Yijun ang mahal na prinsepe nang maramdaman niya ang matinding sakit gawa ng pagkagatb nito sa kaniyang leeg. Napahawak siya sa kaliwang bahagi ng kaniyang leeg kung saan siya kinagat ng prinsepe na ngayo’y nagdurugo na. Labis ang kaniyang takot nang masilayan ang hitsura ng prinsepe dahil nagmistulang galit na leon ito at handang handa nang kainin ang kaniyang biktima.

“Shu-Shufen, hindi magandang biro to ahh!” sambit ng binata habang siya ay nakasandal sa pinto ng karawahe.

Tila nawala na sa kaniyang katinuan ang prinsepe dahil tanging pag-angkin ng dugo ng binata ang nasa isipan nito. Ang kaniyang pagkikilos ay maihahalintulad sa isang halimaw na walang alam kundi ang pumaslang. Unti-unting nasisira ang pader ng karawahe kung saan nakahawak ang kaliwang kamay ng prinsepe habang ang kanang kamay niya ay patuloy niyang dinidilaan upang masimot ang dugo ng binata. Sa sandaling maubos niya ang natitirang dugo ay muli siyang tumingin nang masama sa binata at walang awang tinalunan niya ito. Sa lakas ng pagkakatalon ng prinsepe sa binata ay nasira ang pinto na siyang naging dahilan upang bumagsak sila labas ng karawahe. Masama ang naging bagsak ni Yijun dahil ang kaniyang likod ang naunang bumagsak sa lupa habang nanatiling nasa ibabaw niya ang prinsepe. Sa tindi ng kaniyang pagbagsak ay napaubo siya na may kasamang dugo. Lalong nahibang ang prinsepe nang tumalsik sa mukha niya ang dugo kaya naman lalong humigpit ang pagkapit nito sa magkabilang braso ng binata.

“Arrgghh…tulong!” sigaw ng binata dahil sa labis na sakit na nadarama sa pagkakahawak ng prinsepe sa kaniyang mga braso.

Mabilis na rumesponde ang mga kawal na nasa paligid at kaagad inawat ang prinsepe sa kaniyang ginawa ngunit hindi sapat ang mga lakas nito upang harapin ang prinsepe. Nagagawa niyang itaboy ang bawat kawal na lumalapit sa kanilang kinaroroonan. Naalarma ang ibang kawal na nasa unahan at likuran nila na mabilis rumesponde. Ang apat sa mga ito ay may mataas na ranggo sa paggiging kawal at pakikipagdigma. Hindi sila basta-basta naitaboy ng mahal na prinsepe at nagawa pa nilang gamitan ng mahiwagang lubid ang magkabilang kamay ng prinsepe upang mapigilan ito sa pagkilos. Kahit nanghihina ay nagawang gumapang ni Yijun papalayo sa prinsepe dahil sa takot niyang paslangin siya nito. Hindi naging sapat ang pinagsamang lakas ng apat na kawal upang mapigilan sa pagkilos ang prinsepe. Buong lakas itong nagpumiglas na nasundan ng malakas na pagsigaw na siyang umalingawngaw sa buong kaharian. Kasabay ng kaniyang pagsigaw ay ang paglabas ng malakas na enerhiya sa kaniyang katawan na naging dahilan upang tumilapon papalayo ang lahat ng bagay na nasa paligid nito. Nagmistulang papel na nilipad ang mga kabayo, karawahe at mga kawal papalayo sa kinaroroonan ng prinsepe at ng binatang si Yijun. Nanginginig ang mga kamay ng binata habang patuloy sa paggapang palayo sa prinsepe ngunit sa isang iglap lang ay muli niyang naramdaman ang pagsampa nito sa kaniyang likuran.

“Wala kang mapupuntahan dahil sa akin ka lang” sambit ng prinsepe habang buong lakas niya dinadagan ang sarili sa binata upang hindi na ito makalayo pa.

Muling nanginig ang kalamnan ni Yijun nang maramdaman niya ang malalim na paghinga ng prinsepe sa kaniyang leeg. Halos hindi na niya maigalaw ang kaniyang mga katawan dahil sa labis na pananakit nito. Ang kaniyang paningin ay unti-unting nanlalabo dahil sa dami ng dugong nawala sa kaniya buhat nang kagatin ng prinsepe ang kaniyang leeg. Hindi niya lubos maisip na sa ganitong paraan siya babawian ng buhay. Alam niya sa sarili na hindi maganda ang loob ng prinsepe sa kaniya ngunit hindi niya inaakalang aabot sa ganito ang pagkamuhi sa kaniya ng prinsepe. Sa sandaling lumapat ang dila ng prinsepe sa kaniyang leeg na patuloy na nagdurugo ay muli niyang pinikit ang mga mata bilang hudyat na tinatanggap na niya ang kaniyang kamatayan. Ngunit bago pa man lumapat ang mga ngipin ng prinsepe sa leeg ng binata ay siya namang pagsikat ng araw. Mabilis napaso ng sinag ng araw ang kaliwang braso ng prinsepe nang matamaan ito ng sinag ng araw. Napahiyaw ito sa labis na sakit na tila sinusunog ang kaniyang balat kaya naman wala siyang nagawa kundi ang itago ang sarili sa nakatumbang karawahe. Ang kaninang mabagsik at walang kinakatakutan na nilalang ay bigla na lang nagbago. Nagmistula siyang paslit na takot na takot na masinagan ng araw. Ang nakatumbang karawahe ang naging pananggalang niya sa sikat ng araw.

Mabilis nakarating ang balitang ito sa mahal na hari na nakapwesto sa pinakaunahang bahagi ng mga nakaparadang karawahe. Samantalang ang kinaroroonan ng prinsepe ng dakilang instrumento ay nasa gitnang bahagi ng parada ng mga karawahe. Mabilis niyang narating ang kinaroroonan ng prinsepe gamit ang kaniyang sandata na may kakayahang lumipad sa ere. Halos hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita dahil tila dinaanan ng bagyo ang kinaroronan ng prinsepe at ng dakilang instrumento. Napansin niya agad ang binatang si Yijun na nakadapa sa lupa at tila nahihirapang huminga. Mabilis siyang bumaba mula sa kaniyang sandata at nilapitan ang binata. Kasabay ng pag-akay niya sa binata ay siya ring pagkawala ng malay nito.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napilitang isara ng mahal na hari ang buong palasyo upang itago sa mga mamamayan ang nangyaring trahedya. Nais rin niyang pagtakpan ang totoong nangyari sa ikatlong prinsepe na si Shufen. Sa ngayon ay nakatago ang prinsepe sa loob ng kaniyang palasyo na napapaligiran ng mga harang sa sino mang magtangkang pumasok dito. Mas pinaigting ang mga bantay sa palibot ng kaniyang palasyo at walang sino mang makakapasok na walang pahintulot ng mahal na hari.

Makalipas ang dalawang araw ay muling nagising si Yijun. Ang kaniyang katawan ay nakakaranas pa rin ng pananakit, lalong lalo na ang kaniyang leeg na ngayo’y nababalot ng puting tela. Unti-unti niyang inangat ang sarili upang makaupo sa kaniyang higaan ngunit hirap pa rin siyang igalaw ang kaniyang mga braso. Nagawa siyang alalayan ng batang tagapaglingkod na si Li upang maisaayos ang kaniyang pag-upo. Napahawak ang binata sa kaniyang leeg hindi dahil sa pananakit nito kundi sa labis na panunuyo ng kaniyang lalamunan. Magsasalita sana siya upang makahingi ng tubig ngunit walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig. Mabuti na lang at mabilis naunawaan ng batang si Li ang nais ni Yijun kaya naman nagawa nitong mabigyan ng tubig ang nauuhaw na binata. Nagawang ubusin ni Yijun ang apat na basong tubig na binigay sa kaniya ni Li dahil sa labis na pagkauhaw na kaniyang nadarama.

“Kamusta na po ang pakiramdam niyo?” tanong ng batang si Li. Huminga nang malalim ang binata bago siya sumagot. Sinubukan niyang magsalita ngunit hindi pa rin nanunumbalik sa dati ang kaniyang boses. Kahit na may pagkapaos ang kaniyang boses ay pinilit niya pa ring makapagsalita.

“Mabuti” ang tanging salita niyang nabanggit habang nilalabanan ang pakiramdam ng pagkaantok.

Hindi na muling nagtanong ang batang tagapanglingkod dahil alam niyang nahihirapan ang dakilang instrumento sa pagsasalita. Minabuti niya na lang na asikasuhin ang makakain nito dahil ilang araw rin itong nawalan ng malay. Kahit na dinadalaw na ng antok ang binata ay mas humigit ang pagnanais niyang makakain dahil sa panay na pagkalam ng kaniyang sikmura. Mula sa kamang kinauupuan niya ay amoy na amoy niya ang masasarap na putaheng hinahanda ng batang tagapaglingkod para sa kaniya. Sa sandaling maihain sa kaniyang harapan ang mga pagkain ay tila nanumbalik ang kaniyang lakas at mabilis niyang sinumulan ang pagkain. Kahit nananakit ang kaniyang lalamunan ay patuloy pa rin sa pagkain ang binata na para bang ilang linggong pinagkaitan ng pagkain. Matapos niyang ubusin ang mga pagkaing hinain sa kaniya ni Li ay nagawa niya pang humingi ng panibago dahil hindi pa sapat sa kaniya ang kaniyang nakain.

Matapos kumain ng binata ng pagkaing ihinanda para sa tatlong katao ay hindi niya napigilang magpakawala ng malakas na dighay. Mabilis napalingon ang batang tagapaglingkod dahil sa ginawa ng binata. Maituturing na masamang kaugalian ang pagdighay nang malakas sa tuwing matatapos sa pagkain kaya naman nabigla ang batang tagapaglingkod sa inasal ng binata. Winagayway ni Yijun ang kaniyang hintuturo at gitnang daliri nang sabay habang nakangiti bilang paghingi ng paumanhin sa kaniyang inasal. Nagpatuloy sa pagliligpit ang batang tagapaglingkod habang iniikot ng binata ang kaniyang paningin sa silid na kaniyang kinaroroonan. Nagtataka siya kung binago ba ang ayos ng silid ng mahal na prinsepe dahil halos lahat ng kagamitan sa loob ng silid ay napalitan. Nagtataka rin siya kung bakit si Li ang nag-aasikaso sa kaniya ngayon sapagkat pangunahing alalay siya ng mahal na prinsepe.

“May kailangan po kayo?” tanong ni Li nang makita niya ang pagsenyas ng binata sa kaniya upang lumapit ito. Pinalapit talaga ni Yijun si Li dahil hindi niya magawang lakasan ang kaniyang boses sa pagsasalita.

“Na-nasaan si Shufen?” kaswal na tanong ng binata.

“Wala po ba kayong maalala sa nangyari?” tugon ng batang tagapaglingkod na nagpakamot sa ulo ng binata. Pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Sinimulan niya sa pagkakadukot sa kanila ng mga bandido hanggang sa pag-alaala niya sa pagtangkang pagpaslang sa kaniya ng mahal na prinsepe. Tila binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ni Yijun nang manumbalik sa kaniyang alaala ang pangyayaring iyon.

“Kailangan kong magtago!” natataranta niyang sabi habang pilit na tinatago ang sarili sa loob ng kumot.

“Ano pong nangayayri sa inyo?” tanong ng batang tagapalingkod na tila nahawa na rin sa pagtataranta ng binata. Habang nasa loob ng kumot ay napagtanto ni Yijun na ano mang oras ay maaari siyang puntahan ng prinsepe dahil sa pagkakaalam niya ay nasa silid siya ngayon ng kamahalan.

“Kailangan ko nang umalis” napabalikwas siya sa kama at hindi alintana ang sakit na nararamdaman ng kaniyang pangangatawan.

Nagmadaling kumilos ang binata upang makalabas ng silid. Sinubukan namang gamitan ng salamangka si Yijun ng batang tagapaglingkod upang makatulog ito ngunit hindi ito tumalab dahil sa proteksyong binibigay ng gintong dragon. Tanging ang ikatlong prinsepe lang ang makakagawang makapanakit sa dakilang instrumento na napiling maging kabiak nito.

Nagpatuloy sa paglalakad ang binata kahit na ilang beses na siyang binalaan ng batang tagapaglingkod. Matinding takot ang nadarama ngayon ni Yijun at tanging kaligtasan niya ang nasa isip kaya naman ipinawalang bahala niya ang mga babala sa kaniya ng batang tagapaglingkod. Hindi niya matukoy ang palasyong kaniyang kinalalagyan pero alam niya sa sarili niyang hindi ito ang palasyo ng prinsepe. Patuloy siya sa paglalakad habang nakasunod sa kaniya ang batang tagapaglingkod. Maging ang mga kawal ay walang nagawa dahil hindi nila mapigilan ang binata. Hindi nila magawang hawakan ang binata dahil sa kulay gintong harang na pumapalibot sa katawan nito. Ang sino mang humarang sa kaniyang daraanan ay tiyak na matutumba o titilapon palayo sa kaniya.

Habang naglalakad ay napagtanto ni Yijun na tanging ang mahal na hari lang ang may kakayahang promotekta sa kaniya laban sa mahal na prinsepe. Ang mahal na hari ang maituturing na pinakamalakas na nilalang sa buong kaharian kaya walang sino man ang hahamon o magtatangkang kalabanin siya. Alam ni Yijun sa sarili na walang silbi ang proteksyon ng gintong dragon pagdating kay Shufen kaya naman kinakailangan niyang makahingi ng tulong sa nilalang na mas hihigit pa sa lakas ng ikatlong prinsepe.

Hindi niya alintana ang pagod at hirap sa pag-akyat sa daan-daang hagdan patungo sa palasyo ng mahal na hari. Ang kaligtasan niya ang namumutawi sa kaniyang isipan. Nagmistulang bubuyog naman ang batang tagapaglingkod na lumulutang habang nakasunod ito sa kaniya at patuloy na nagbibigay ng babala. At nang marating nila ang tuktok ay kaagad silang hinarang ng mga kawal upang pagbawalan sa pagpasok sa silid ng trono na kasalukuyang naroon ang mahal na hari.

“Paumanhin dakilang instrumento ng gintong dragon ngunit hanggang dito na lang po kayo. Mahigpit na pinagbabawal ng mahal na hari ang pagpapasok ng sino mang nilalang na walang pahintulot mula sa kaniya” sambit ng babaeng kawal. Kahit na pinag-igting ang pagbabantay sa palasyo ay tanging dalawang kawal lang ang nilagay ng mahal na hari na siyang magbabantay sa pinto ng silid ng trono sa kadahilanang matataas ang ranggo ng mga ito sa pakikipaglaban.

“Pwedeng pakisabi na narito ako para makipag-usap” pagpupumilit ng binata at sinubukang humakbang ngunit na harang siya ng dalawang sibat na yari sa pilak. Hawak-hawak ito ng dalawang kawal na nakabantay sa pinto.

“Paumanhin dakilang instrumento ngunit hindi tumatanggap ng panauhin ang mahal na hari ngayon” sabi ng lalaking kawal. Naubos ang pasensya ng binata at nagpatuloy siya sa paglalakad kahit nakaharang ang mga sibat. Muling nanumbalik ang proteksyon ng gintong dragon na nagsisilbing harang upang maprotektahan ang kaniyang katawan sa pagtama sa nakaharang na sibat. Ngunit hindi inaasahan ng binata na hindi basta-bastang kawala ang nasa harapan niya dahil sa pinagsama nilang lakas ay marahan nilang nagagawang itulak palayo sa pinto ang binata. Hindi man siya nasasaktan sa pagtulak ay bigo naman siyang makalapit sa pinto.

Sinubukan ng binatang sumigaw-sigaw upang makuha ang atensyon ng mahal na hari ngunit bigo hindi nakakalampas ang kaniyang boses dahil sa mahikang humaharang sa palibot ng silid ng trono. Ilang beses siyang nagpalakad-lakad sa harap ng pinto ng silid ng trono upang makapag-isip ng paraan kung papano siya makakapasok. Kung ano-anong pakulo at kalokohan ang ginawa niya para linlangin ang mga kawal na nakabantay ngunit bigo pa rin siyang makapasok sa loob. Halos maubusan na siya ng ideya kung papano makakapasok hanggang sa maisipan niyang itaya ang kaniyang buhay upang makuha ang atensyon ng hari.

“Sige pag hindi niyo ako pinapasok at hindi ko nakausap ang mahal na hari…ay…” hindi muna tinuloy ni Yijun ang kaniyang dapat na sasabihin at masusi niyang kinilatis ang magiging reaksyon ng dalawang kawal sa kaniyang pagbabanta ngunit tila walang takot sa mga mukha nito na makikita.

“ay tatapusin ko mismo ang buhay ko” dugtong niya ngunit wala pa ring reaksyon ang mga kawal na nakabantay.

“Ahh ganun? Sige tatalon ako sa hagdan na to” matapos niyang banggitin ang mga salitang iyon ay siya namang pagtakbo niya patungo sa hagdan. Wala talaga siyang balak na tumalon at nais niya lang na takutin ang mga kawal. Bago pa man siya makalapit sa hagdan ay mabilis na nakaharang ang batang tagapaglingkod upang pigilan siya.

“Maghunos dili ka dakilang instrumento! Maaari pa nating pag-usapan ito” natatarantang sabi ng batang si Li. Napalingon naman ang binata sa kinaroroonan ng mga kawal na ngayo’y nabahala na sa kinikilos ng binata. Palihim na ngumiti ang binata dahil napagtagumpayan niyang masindak ang mga kawal.

“Maaaring huminahon kayo dakilang instrumento. Susubukan kong kausapin ang mahal na hari upang hingin ang permiso sa inyong pagpasok sa silid ng trono” sabi ng babaeng kawal na tinanguan naman ni Yijun. Sa panlabas ng kaniyang mukha ay makikita ang pagiging mahinahon ng binata ngunit sa loob-loob nito ay tuwang tuwa siya na napagtagumpayan niya ang panloloko sa mga kawal. Hindi na niya napigilang mapangiti nang makita niya ang pagpasok ng babaeng kawal sa loob ng silid ng trono. Ilang sandali pa ang lumipas nang lumubas ang babaeng kawal mula sa silid ng trono. “Maaari na po kayong pumasok sa loob” malugod na sabi ng babaeng kawal. Pangisi-ngisi naman ang binata habang naglalakad papasok sa loob ng silid ng trono.

Nanatili sa labas ng silid ng trono ang batang tagapaglingkod dahil tanging ang binata lang ang pinahihintulutan ng mahal na hari na makapasok sa loob ng silid ng trono. Sa pagpasok niya sa loob ng silid ay mabilis niyang natanaw ang mahal na hari. Kasama nito ang mahal na reyna na tila may pinag-uusapang importanteng bagay. Kapansin-pansin sa kilos ng mahal na reyna ang pagmamakaawa na mabigyang katuparan ang kaniyang kahilingan ngunit tila ayaw itong isakatuparan ng mahal na hari. Naputol ang kanilang usapan nang mapansin ng hari ang pagdating ng binata.

“Kinagagalak kong makita kang muli na ligtas dakilang instrumento” masayang pagbati ng mahal na hari. Bahagya nitong niyuko ang ulo upang magbigay galang sa binata.

“Kinagagalak ko ring makita kayo mahal na hari at mahal na reyna” tugon ni Yijun at yumuko rin bilang paggalang sa dalawang nilalang na may mataas na katungkulan sa kaharian.

“Maaari bang malaman ang iyong pakay sa pagpunta sa silid ng trono ngayong gabi?” tanong ng mahal na hari nang siya’y maupo sa kaniyang trono na sinundan rin ng mahal na reyna.

“Hihingin ko po sana ang inyong proteksyon” walang pag-alinlangang sabi ng binata na ipinagtaka ng mahal na hari.

“Huwag kang mabahala at sinisigurado kong hindi na mauulit ang nangyaring pagdukot sa iyo” tugon ng mahal na hari at mabilis napailing ang binata.

“Ang ibig ko pong sabihin ay proteksyon mula kay Shufen. Hindi naman po lingid sa kaalaman niyo ang nangyaring gulo sa aming karawahe…” hindi na naituloy ni Yijun ang nais niyang sabihin dahil muli siyang nakaramdam ng takot nang manumbalik sa kaniyang alaala ang sandaling pagtangkang pagpaslang sa kaniya ng prinsepe.

“Huwag kang mabahala dahil nakausap ko na si Shufen at nabigyan na siya ng kaparusahan sa kaniyang inasal” mabilis nagbago ang reaksyon ng mahal na hari dahil mula sa pagiging masiyahin ay bigla na lang itong naging seryoso.

“Maraming salalamat, mahal na hari” tugon ni Yijun. Kahit na nangako na ang hari sa kaniya ay hindi niya pa ring magawang mapanatag.

Sa kaniyang paglabas mula sa silid ng trono ay hindi pa rin mawala sa kaniya ang pangamba na nadarama. Walang nabanggit ang mahal na hari tungkol sa parusang pinataw kay Shufen at wala rin siyang alam kong nasaan ang kinaroroonan nito. Hindi niya mapigilang mangamba sa kadahilanang baka siya ay muling pagtangkaan ng masama ng ikatlong prinsepe na haggang ngayon ay hindi niya malaman kung ano ang motibo nito. Kagaya ng binatang si Yijun ay hindi rin mapalagay ang batang tagapaglingkod na si Li. Ayaw niya sanang makialam sa nangyayari ngunit nilalamon siya ng kaniyang konsensya lalong lalo na’t nakataya ang buhay ng ikatlong prinsepe. Nang makabalik sila sa palasyong nakalaan para sa dakilang instrumento ng gintong dragon ay kaniyang nilahad ang lahat ng kaniyang nalalaman sa binata. Samantala habang naglalahad ng kaniyang mga nalalaman ang batang si Li ay siya namang pagtatalo ng reyna at hari sa loob ng silid ng trono.

“Hindi mo ba naiisip na nakasalalay dito ang buhay ni Shufen?” maluha-luhang sambit ng reyna habang nakasunod sa hari.

“Anak ko rin si Shufen kaya alam ko ang nararamdaman mo!” pasigaw na tugon ng hari na nagpatigil sa reyna sa paglalakad. Hindi na niya napigilan ang sarili at napaluhod siya sa harap ng hari at nagmakaawa.

“Nakikiusap ako sayo, kahit kaunting dugo man lang ay maibigayan mo sana ang ating anak” pagsusumamo ng reyna na mas lalong nagpapahirap sa damdamin ng hari.

“Anong gusto mong gawin ko? Saktan natin ang dakilang instrumento upang makakuha ng dugo ngayong kagagaling pa lang niya?” tanong ng mahal na hari habang nanginginig ang kaniyang mga kamay dahil hindi niya matanggap na wala siyang magawang paraan para sa karamdaman ng kaniyang anak.

“Ano bang mas mahalaga sayo ang buhay niya o ang buhay ng ating anak?” tanong ng reyna na labis na ikinagalit ng hari ngunit pinili nitong maging mahinahon.

“Hahanap ako ng paraan, hahanap ako ng lunas” mahinahong tugon ng hari ngunit sa loob-loob nito’y nais na niyang magwala sa labis na galit.

“Lunas? Baka nakakalimutan mong namatay ang dating hari dahil sa karamdam-” hindi na naituloy nang reyna ang nais niyang sabihin nang dumapo ang palad ng hari sa kaniyang mukha.

“Huwag na huwag mong pangungunahan ang desisyon ko! At huwag na huwag mong pinaaalala sa akin ang nakaraan!” galit na sambit ng hari bago niya lisanin ang silid ng trono at iniwan ang reyna na umiiyak.

Takot at galit ang nadarama ng hari sa mga nangyayari. Natatakot siyang sapitin ng kaniyang anak ang nangyari sa kaniyang ama. Yumao ang dating hari dahil sa karamdaman na walang lunas. Nagsimula ang kakaibang karamdaman nito nang tangkain siyang patayin gamit ang lason na nagmula sa nakakalasong bulaklak na tumutubo lamang sa sinumpang lupain. Ang sino mang nilalang na malason nito’y mabilis na mamatay ngunit taliwas ito sa nangyari sa dating hari. Ang lason na dumadaloy sa kaniyang katawan ay unti-unting sumisira sa pagkatao nito na nagiging dahilan upang mawala ito sa katinuan. Nabago nito ang asal ng dating hari kung saan nagmistulang mabangis na hayop na labis ang pagnanasa sa dugo ng tao. Ang dugo ng kauna-unahang biktima nito ay naging pansamantalang lunas sa kaniyang karamdaman. Ang naging biktima ng dating hari ay ang kaniyang ikalawang asawa. Sa tuwing makakainom siya ng dugo ay pansamantalang nanumnumbalik sa dati ang kaniyang katinuan ngunit habang tumatagal ay mas nagiging mabagsik ito at mas nagiging gahaman sa pagkuha ng dugo.

Pumanaw ang ikalawang asawa ng dating hari dahil sa labis na pagkaubos ng dugo nito. Ang dugo ng kaniyang pangalawang asawa ang tanging gamot at pinagkukunan niya ng lakas. Sinubukan nilang hanapan ng lunas ang dating hari ngunit ni isa sa mga ritwal at gamot na kanilang ginawa ay hindi napagtagumpayan ang bagsik ng nakakalasong bulaklak. Sinubukan nilang painumin ng iba’t ibang dugo na nagmumula sa mahaharlikang imortal ngunit hindi ito magawang inumin ng dating hari. Unti-unting inubos ng lason ang lakas at kapangyarihan ng dating hari hanggang sa ito ay pumanaw.

Halos hindi makapaniwala ang binata nang malaman niya ang tungkol sa naging karamdaman ng dating hari na ngayo’y nararanasan ng ikatlong prinsepe. Malinaw na sa kaniya ngayon kung bakit ganun na lang ang kinilos ng prinsepe. Hindi niya mapigilang sisihin ang sarili dahil naisip niyang marahil nalason ang prinsepe dahil sa pagsagip nito sa kaniya. Kanina lang ay halos manginig ang kaniyang buong katawan sa takot na baka balikan siya ng prinsepe ngunit ngayon ay nananaig ang kaniyang konsensya na muling makita ito upang kamustahin ang kaniyang kalagayan.

“Mahigpit ang bantay sa palasyo ng mahal na prinsepe at hindi rin po magandang ideya ang pagdalaw sa kaniya kapag sumapit ang dilim dahil mas nagiging agresibo ang kamahalan” sambit ng batang tagapaglingkod nang tangkain niyang magtungo sa palasyo ng ikatlong prinsepe.

Wala siyang nagawa kundi ang maghintay na sumapit ang umaga bago niya makitang muli ang prinsepe. Hindi na niya nagawang kumain ng agahan dahil mas inaalala niya ang kalagayan ng taong nagligtas sa kaniya. Kagaya ng inaasahan nila ay naging mahigpit ang mga kawal sa mga nilalang napapasok sa palasyo. Isa sa kautusan ng hari ang ilayo ang binata sa palasyo ng prinsepe. Gaano man kahigpit ang pagpapasok sa palasyo ay nagawa nilang malusutan ito nang magpaggap si Yijun bilang babaeng tagapaglingkod ng palasyo.

Sa muling pagpasok niya sa loob ng silid ng prinsepe ay halos hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan. Sapagkat nawala sa dating kaayusan ang silid nito na para bang dinaanan nang matinding bagyo. Labis na nahabag ang kaniyang damdamin nang makita niya ang prinsepe na nakagapos sa sarili nitong kama. Ang kaniyang mga kamay ay puno ng pasa dahil sa matinding pagpupumiglas sa bakal na nakagapos sa kaniya. Ang kaniyang buhok ay tila napabayaan na para bang hindi nasusuklayan ng ilang linggo. Ang kaniyang mga mata ay namumula at ang pang-ilalim na bahagi nito’y nangingitim dahil sa kakulangan sa pagtulog. Bakas sa labi nito ang panunuyo dahil sa kakulangan nang pagkain at pag-inom ng tubig. Ang kaniyang katawan ay mabilis na nangangayayat dahil sa patuloy na pagdaloy ng lason sa kaniyang katawan. Makikita sa kaniyang mukha ang kulay itim na ugat na nagmumula sa kaniyang kaliwang braso patungo sa leeg hanggang sa kaniyang pisngi. Napapalibutan ng harang na yari sa mataas na antas ng salamangka ang kaniyang kama. Nagsisilbi itong proteksyon mula sa taong nasa labas ng harang at nagsisilbi ring hadlang sa pagtakas ng prinsepe.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ng prinsepe nang masilayan niya ang mukha ng binata. Hindi magawang makapagsalita ni Yijun dahil sa labis na awang kaniyang nadarama. Kapalit ng kaligtasana niya ay siya namang kapahamakan ang dinulot sa prinsepe. Walang kahirap-hirap na nakapasok siya sa loob ng harang dahil walang salamangka ang tumatalab laban sa kaniya.

“Lumayo ka sa akin!” nanggagalaiting sambit ng prinsepe. Pinipigilan niya ang sarili na huwag maakit sa amoy ng natuyong dugo sa leeg ng binatang si Yijun. Simula nang maglakbay ang lason sa kaniyang katawan ay naging sensitibo ang kaniyang paningin, pang-amoy at pandinig.

“Kinakailangan mong kumain” malumanay na tugon ng binata.

“Lumabas ka na dito! Li, tumawag ka ng ka-” hindi naituloy ni Shufen ang kaniyang dapat na sabihin nang tanggalin ni Yijun ang nakabalot na tela sa leeg nito. Mabilis na humilab ang kaniyang sikmura at labis na natakam nang masilayan niya ang sariwang sugat sa leeg ng binata na siya rin ang may gawa.

“Luma-yo ka” hingal na sambit ng prinsepe dahil sa labis na pagpipigil niya sa kaniyang sarili. Ngunit naging taliwas sa sinabi ng prinsepe ang kinilos ng binata. Mas lalo pa niyang nilapit ang sarili sa kinaroroonan ng prinsepe. Hinawi niya ang kaniyang buhok upang maging malaya ang prinsepe sa pagkuha ng dugo mula sa kaniyang leeg. Nang makalapit ng husto ang binata sa prinsepe ay mabilis siyang hinawakan sa magkabilang balikat ng prinsepe. Balak sanang itulak ng prinsepe ang binata ngunit tila ayaw sumunod ng kaniyang katawan sa nais niyang mangyari. Imbes na itulak ay hinila nito ang katawan ng binata upang tuluyang maangkin ang dugo nito mula sa kaniyang leeg.

Hindi maipinta ang naging hitsura ng binatang nang simulant ng prinsepe ang pagsipsip sa kaniyang dugo. Hindi niya mapigilang mapaluha sa labis na sakit na nadarama dahil sa matinding pagkakakagat sa kaniyang leeg. Habang patuloy sa pagsipsip sa dugo ng binata ay siya namang pagkawala ng mga itim na ugat sa mukha ng prinsepe hanggang sa manumbalik ito sa kaniyang braso. Bago pa man mawalan ng malay ang binata ay kaagad na tinigilan ni Shufen ang pagsipsip sa dugo nito. Pandaliang pumikit ang binata dahil sa naramdamang hilo at muling nakapagsalita nang bumuti ang kaniyang pakiramdam.

“Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong ng binata habang nakahawak sa kaniyang leeg na ngayo’y kumikirot pa rin.

“Mabuti” ang tanging naisagot ng prinsepe matapos niyang punasan ang natitirang dugo sa kaniyang mga labi.

Kasabay ng pagbuti ng kaniyang pakiramdam ay ang pagkaramdam niya ng labis na pagkaantok na ilang araw niyang hinihiling. Ilang araw siyang balisa at hindi makatulog dahil sa labis na pagkauhaw sa dugo na siyang sumisira sa kaniyang katinuan. Bago pa man niya tuluyang maipikit ang kaniyang mga mata ay ang ngiti ng binata ang kaniyang huling nasilayan. 

Alam ni Yijun na pansamantalang lunas lang ang kaniyang dugo sa malubhang karamdaman ng prinsepe. Tinanong niya ang batang tagapaglingkod sa posibleng paraan upang mailigtas ang buhay ng prinsepe ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring lunas ang lason na nagmumula sa bulaklak. Ngunit may nabanggit ang batang tagapaglingkod na maaaring gawing paraan ngunit masyado itong delikado na maaari nilang ikasawi. Hindi nagpasindak si Yijun sa mga sinabi ng batang tagapaglingkod at desidido siyang makahanap ng lunas para sa prinsepe. Kaya naman nang maipaliwanag ni Li ang paraang ito sa kaniya ay hindi siya nagdalawang isip na magtungo sa palasyo ng unang prinsepe upang hingin ang tulong nito.

Malaking bagay ang maitutulong ng unang prinsepe sa misyong sisimulan ng binata ngunit binalaan siya ng batang tagapaglingkod na kilala ang unang prinsepe sa paghingi ng kabayaran sa sino mang humihingi ng kaniyang tulong. Maging sa kaniyang mga kapatid o sa hari ay humihingi siya ng pabuya sa mga bagay na ipinag-uutos nito. Masasabing laki sa layaw ang unang prinsepe at kilala ring babaero. Ang mga katangiang ito ay hindi na bago sa binata kaya naman gagawin niya ang lahat at kung ano man ang magiging kapalit, matulangan lang siya ng ikalawang prinsepe sa paghahanap ng lunas sa karamdaman ni Shufen.

“Ano ang maipaglilingkod ko sa dakilang instrumento ng gintong dragon?” nakangising sambit ng unang prinsepe nang makapasok ang binata sa kaniyang silid bilang panauhin.

“Alam kong nabalitaan mo ang nangyari sa iyong kapatid na si Shufen. Nais ko sanang hilingin ang iyong tulong upang mapagaling siya” buong galang na pakikiusap ng binata.

“Alam mo namang walang lunas ang lason ng bulaklak, bakit ka pa mag-aabalang hanapin ito?” tanong ng unang prinsepe habang nagsasalin ito ng alak sa maliit na baso.

“Wala pang lunas ngunit may paraan upang siya ay maisalba” pagmamatigas ng binata na siyang pumukaw sa buong atensyon ng unang prinsepe.

“Sabihin nating may paraan para maisalba ang aking kapatid, ano naman ang magiging kapalit ng aking pagtulong sa iyo?” tanong ng unang prinsepe bago siya uminom ng alak mula sa maliit na baso.

“Kahit ano ay gagawin ko basta makuha ko lang ang inyong tulong” buong tapang na tugon ng binata na mabilis hinangaan ng unang prinsepe.

“Kahit ano?” paglilinaw nito sa binata na mabilis sinang-ayunan ni Yijun.

“Papayag akong tulungan ka yun ay kung papayag kang maging kabiak ko?” nakangiting sambit ng unang prinsepe.

“Haaaaa?”

Itutuloy…..

A/N

: Maraming salamat sa pagsubaybay sa istorya ni Yijun at Shufen. Humihingi rin ako ng paumanhin sa matagal na paglahad ng panibagong kabata sa istoryang ito.  Muli ay hinihingi ko ang inyong pang-unawa dahil inuuna kong tapusin ang librong TCOFK dahil malapit na itong matapos. Huwag kayong mabahala dahil sisiguraduhin kong ipagpapatuloy ko pa rin ang pagsusulat nito.

Medyo bumawi ako dito ahh.. 4.8k words to para hindi naman kayo masyadong mabitin.

Gusto ko ring magpasalamat sa taong ito. Wala mang shares at retweet ay sobra akong natuwa sa ginawa mo. Please message me para malaman ko kung sino ka sa mga readers ko, thank you.

Chapter 8: The golden seashell

Xiu Kai as WuDa Hai/ Wu Li Qiang

  ![](https://img.wattpad.com/64c1d7e72e6b9027bb69f04cb5c932e05938fedf/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f696a4a737132424e6b657a7a4e513d3d2d3932393137323638312e313632366137616266633339396135393636353439353739363538362e6a7067)

Ayon sa kwento ng batang si Li ay maaaring mailigtas ang prinsepe mula sa karamdaman na kaniyang dinaranas sa pamamagitan ng muling pagkakatawang-tao o pagkabuhay muli. Ang bawat isang imortal ay may isang pagkakataong mabuhay muli na siyang madalas ginagawa kapag narating na nila ang pinakamataas na antas ng paglilinang. Hindi pa man nararating ng prinsepe ang pinakamataas na antas ng kaniyang paglilinang ay kinakailangang maisagawa ito sa kaniya upang maisalba ang kaniyang buhay. Komplikado ang kalagayan ng prinsepe at hindi lang basta simpleng paraan ng pagkabuhay muli ang kailangang gawin. Kinakailangang maihiwalay ang kaniyang kaluluwa mula sa katawan nito bago pa man siya bawian ng buhay dahil sa labis na pagka-uhaw sa dugo na gawa ng lasong sumisira sa kaniyang pagkatao.

Ang paraan ng paghiwalay ng kaluluwa ng isang imortal sa kaniyang katawan ay isa sa pinakamahirap na salamangka na iilan lamang ang nakakagawa. Sinubukan na itong gawin sa dating hari na may katulad na karamdaman ng prinsepe, ngunit hindi ito naging matagumpay. Sobrang delikado ng uri ng salamangka na ito dahil sa oras na hindi mapagtagumpayan ang paggamit ng salamangkang ito ay parehong kikitilin nito ang buhay ng taong gumamit ng salamangkang ito at gayon din sa ginamitan nito. Simula nang pumanaw ang dating hari ay ipinagbabawal na ang paggamit ng salamangkang ito.

“Edi papano natin matutulungan ang prinsepe kung ang tanging paraan ay pinagbabawal nang gamitin?” Tanong ng binatang si Yijun sa batang tagapaglingkod.

“May isa pang paraan na maaaring gawin upang maihiwalay ang kaluluwa ng prinsepe mula sa kaniyang katawan. Ang instrumentong ito ay ating magagamit na kung saan ay magiging matagumpay at walang kikitiling buhay. Ngunit…” Natigilan ang batang tapaglingkod sa kaniyang pagsasalaysay dahil nagdadalawang isip pa siya kung dapat nga ba niyang ilahad ito sa dakilang instrumento.

“Ngunit… ano?” Naiinip na tanong ng binata.

“Wala pang sino man ang nagtagumpay na makuha ang instrumentong ito, dahil lahat ng mga nagtangkang mapasakamay nila ang instrumentong ito ay hindi na muling nakabalik pa” Malungkot na saad ng batang tagapaglingkod.

“Anong ibig mong sabihin? Anong instrumento ba ang tinutukoy mo?”

“Ang gintong kabibe na nakasabit sa leeg ng pinuno ng mga sirena”

Matapos banggitin ng batang tagapaglingkod ang mga salitang iyon ay bigla na lang natawa ang binata na tila isang biro lamang ang sinambit ng batang si Li. Patuloy siya sa pagpigil ng tawa habang ang batang tagapaglingkod ay nakatingin lamang sa kaniya at nagtataka kung bakit ito tumatawa.

“Sorry… pasensya na. Se-seryoso itong gintong kabi-” Hindi naituloy ng binata ang nais niyang sabihin dahil muli itong natawa. Matapos siyang matawa ng ilang minuto ay marahan niyang pinagsasampal ang pisngi upang mapigilan ang sarili sa kaniyang pagtawa.

“Ahem.. Seryoso naman itong gintong kabibe, di ba?” Nakabungisngis na tanong ni Yijun sa batang tagapaglingkod at tanging pagtango lang ang naging tugon ni Li. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit natatawa ang dakilang instrumento.

“Kung ganun ay, papaano ito makakatulong sa prinsepe?”

“Bawat pangkat ng mga sirena ay mayroong pinuno na may gintong kabibe na pagmamay-ari. Ito ang nagsisilbing proteksyon at armas nila laban sa sino mang may masamang loob laban sa kanilang pangkat. Ang gintong kabibe ay may kakayahang higupin ang kaluluwa ng sino mang nilalang sa daigdig, kapag narinig nito ang pagkanta ng sirena na nagmamay-ari nito. Marami na ang nagtangkang agawin ito sa mga pinuno ng sirena ngunit walang sino man ang nakauwing ligtas” Paglalahad ng batang tagapaglingkod na kung saan ay hindi naman ikinatakot ng binata.

“Ang ibig mo bang sabihin ay gagamitin natin ang kabibe upang maihiwalay ang kaluluwa ni Shufen sa kaniyang katawan, ngunit ang problema lang ay kung papano natin makukuha ito?”

“Tama po kayo”

“Mukhang magtatagumpay tayo sa pagkakataong ito dahil narito na ang dakilang instrumento ng gintong dragon” Lakas-loob na sa sambit ng binata na ipinagtataka ng batang tagapaglingkod.

“Taglay ko ang proteksyon ng gintong dragon kaya maliban sa ikatlong prinsepe ay wala nang makakapanakit sa akin. Maging ang salamangka nila ay walang bisa sa akin” Dugtong ng binata na nagpatanto sa batang tagapaglingkod. Tunay nga naman ang nilahad nito dahil walang sino man sa daigdig na ito ang makakapanakit sa kaniya hanggang nananatili ang proteksyon ng gintong dragon sa kaniya.

“Ngunit may isa pa po tayong problema”

“Ano yun?”

“Ang mga sirena ay makikita lamang sa karagatan, abandonadong isla at iilang kweba na matatagpuan sa labas ng kaharian”

Saka lang naaalala ng binata na ang kaharian ng Tianmen ay lumulutang sa ere. Mahigpit na pinagbabawal ang pagliban sa kaharian ng walang pahintulot mula sa mahal na hari. Alam ni Yijun na malabo siyang payagan ng mahal na hari na lumabas ng kaharian, kaya kahit na taglay niya ang proteksyon ng gintong dragon ay mawawalan pa rin ito ng silbi. Hindi napigilan ng binata na mapaupo sa isang tabi habang napapabuntong hininga dahil sa kawalan ng pag-asa.

“Mayroon po akong kilala na maaaring makatulong sa atin, ngunit…”

Hindi pa man nababanggit ng batang tagapaglingkod ang kabuoan ng kaniyang dapat sabihin ay kaagad nagliwanag ang mukha ng dakilang instrumento. Hindi pa man niya lubusang alam kung ano ang magiging kapalit nito ay kaagad nilang tinahak ang kinaroroonan ng unang prinsepe.

Sa kasalukuyan ay hindi mapagtanto ni Yijun kung papano siya makikipagkasundo sa unang prinsipe dahil sa hinihinging kapalit nito sa kaniya. Halos hindi pa rin niya matanggap na magiging kabiak niya ang ikatlong prinsepe na may basbas ng dakilang gintong dragon at ngayon ay hinihinging kapalit ng unang prinsepe ang kaniyang kamay bilang kabiak nito.

Hindi napigilan ng dakilang instrumento na tingnan ang kabuoang ayos ng unang prinsepe. Masasabi niya sa sarili na nagtataglay ito ng angking kakisigan at pagiging magandang lalaki. Hindi malabong marami na itong napaibig at napaiyak na mga binibini kaya labis ang pagtataka niya kung bakit sinasayang nito ang biyayang taglay upang maging kabiak lang siya nito.

“Ano bang mapapala niyo kapag naging kabiak niyo ako?” Kaswal na tanong ng binata na tila hindi nagmumula sa mataas na katungkulan ang kaniyang kausap.

“Marahil ay nabasbasan na kayo ng gintong dragon bilang kabiak ng isa’t isa. Ngunit maaaring magbago ang takbo ng tadhana kapag ako ang pinili mo”

“Anong ibig mong sabihin?” Mabilis na tugon ni Yijun na kung saan ay tuluyang nawala ang kaniyang paggalang. Nagtaas lamang ng kilay ang unang prinsepe bago siya nagpatuloy sa pagsasalita.

“Sa libo-libong taon ay isang beses lamang pumipili ang mga tagapangalaga ng daigdig bilang kanilang instrumento. Ang mortal o imortal na kanilang pinili ay hindi magbabago hanggang sa huling hininga nito. Ngunit ang mga nagiging kabiak ng mga instrumento ay kalauna’y napapalitan dahil sa hindi nila pagtugon sa pangangailangan ng kanilang kabiak”

Natigil ang pagkukwento ng unang prinsepe dahil sa muli niyang paglagok ng alak. Sa pagkakataong ito ay tahimik na nag-aabang ang binata sa susunod na napayahag ng unang prinsepe. Matapos punasan ng prinsepe ang tumulong alak sa kaniyang baba ay muli itong nagsalita.

“Bilang kabiak ng dakilang instrumento ay kinakailangan mo itong mapaibig upang mas magiging madali ang pagsalin ng lakas nito sa kaniyang kabiak. Kaya may pagkakataong nauulit ang ritwal ng gabi ng pulot gata dahil sa hindi lubusang makuha ng isang hari o prinsepe ang loob ng kaniyang kabiak na siyang nagiging hadlang upang maisalin ang taglay nitong kapangyarihan”

Natulala ang binata nang marinig niya ang mga salitang iyon mula sa unang prinsepe. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ba ito ngunit wala bahid ng pagsisinungaling ang mukha ng taong kaharap niya. Hindi niya lubos maisip ang sarili na paulit-ulit na gagawin ang pakikipagtalik sa kapwa niya lalaki upang maisalin ang kapangyarihang taglay niya. Bukod pa rito ang ideya na paiibigin siya ng ikatlong prinsepe upang tuluyang makuha ang kaniyang damdamin. Hindi niya mapigilang kilabutan habang iniisip niya ang sarili na iibiig ng kagaya ng ikatlong prinsepe.

“Marahil ay hindi ito nabanggit sa iyo ng aking ama dahil bakas na bakas sa iyong pagmumukha ang labis na pag-aalala” Natatawang sambit ng unang prinsepe na siyang ikinatango naman ng binata.

“Yun ay dahil nais niyang magkamabutihan kayo nang mabilis ni Shufen. Nais niyang mapagtagumpayan ni Shufen ang pagmana sa kaniyang trono”

“Pero hindi mo pa nasasagot ang tanong ko”

“Hindi pa ba halata? Nais kong maging hari ng Tianmen kaya nais kong piliin mo ako bilang kabiak mo!” Halos pasigaw na sambit ng unang prinsepe na bahagyang nagpa-atras sa binata.

“Hindi ka ba natatakot sa iyong ama? Wala ka bang pakialam sa iisipin sayo ng ibang tao?” Tugon ng binata na ikinangisi ng unang prinsepe. Namumula na ang pisngi nito na tanda ng kaniyang kalasinan ngunit hindi parin nawawala ang pagiging magandang lalaki nito kahit na wala na sa ayos ang kaniyang kasuotan at magulo na ang pagkakatali ng kaniyang buhok.

“Ba-kit ako matatakot sa aking ama kung nariyan ka sa aking ta-bi? Mataa-gal na silang maraming sinasabi tungkol sa akin, sa tingin mo ngayon pa ba ako magkakaroon ng paki-alam?” Nauutal na tugon prinsepe. Pilit nitong ginigising ang sarili sa pamamagitan ng pag-iling ng kaniyang ulo.

“Hindi ka ba nababahala na hindi ka magkakaroon ng anak kapag ako ang naging kabiak mo?”

Hindi malaman ni Yijun sa kaniyang sarili kung bakit niya ito tinatanong sa unang prinsepe. Alam niya sa sarili na wala siyang nararamdaman para sa ikatlong prinsipe, ngunit sa paraan ng kaniyang pananalita ay tila mas nais niyang makasama bilang kabiak ang ikatlong prinsepe kaysa sa unang prinsepe na kaniyang kinahaharap.

“Papano mo naman nasabing hindi ako magkakaroon ng anak sa’yo….kung hindi pa naman natin nasusubukan?”

Marahang lumapit ang unang prinsepe sa kinaroroonan ng binata na kasalukuyang nakaupo sa kaniyang harapan. Nabahala naman si Yijun sa kinilos ng prinsepe kaya dali-dali siyang napaatras habang nakatukod ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likuran. Dahil sa kalasingan ay nawalan ng balanse ang unang prinsepe at tuluyan itong nadapa sa ibabaw ng binata. Kahit na matindi ang kaniyang kalasingan ay nagawa niya pa ring itukod ang kaniyang mga kamay sa ibabaw ng mga kamay ni Yijun upang mapigilan ang paglapat ng kanilang mukha.

Mabilis namula ang pisngi ng binatang si Yijun nang mapagtanto niya ang kasalukuyang ayos nila ng unang prinsepe. Ang mga kamay ng unang prinsepe ay nakalapat sa magkabila niyang kamay na siyang nagiging hadlang sa kaniyang pagkilos. Ang mga tuhod nito ay nasa bawat gilid ng kaniyang mga hita upang hindi siya tuluyang makawala. Ramdam na ramdam niya ang mainit na paghinga nito dahil halos magtama na ang kanilang mga ilong. Amoy na amoy niya rin ang alak na ininom nito na kaniyang pinagtataka dahil hindi masangsang ang amoy nito. Bigla naman nagtayuan ang mga balahibo sa kaniyang batok nang haplusin ng unang prinsepe ang buhok niya mula sa likurang bahagi ng kaniyang ulo patungo sa batok nito. Marahan nitong inabot ang mahabang buhok ng binata at inamoy. Sa kaniyang paglanghap sa mabangong buhok ng binata ay kaagad itong napangiti bago tuluyang magsalitang muli.

“Huwag kang mag-alala dahil ipapangako ko na magiging maingat ako” Sambit ng unang prinsepe na tila ba’y nang-aakit ngunit taliwas ito sa nadarama ng binata. Ang mga salitang ito ay panganib ang hatid sa kaniyang pandinig, kaya naman iniwas niya ang kaniyang sarili nang tangkaing ilapit ng prinsepe ang mukha nito sa kaniyang leeg. Hindi nagpatinag ang prinsepe sa pag-iwas ng binata at pilit pa rin nitong nilalapit ang mukha sa leeg ng binata. Sa pagkakataong ito ay tuluyang nawalan ng balanse ang binata at napahiga siya sa sahig. Ito rin ang naging sanhi upang tuluyang tumama ang mukha ng prinsepe sa leeg ng binata.

“Liiiiiii!!!!”

Sigaw ni Yijun na nagmistulang boses ng babae sa nipis ng kaniyang boses. Dali-dali namang pumasok ang batang tagapaglingkod sa silid na kinaroroonan ng unang prinsepe at dakilang instrumento kahit na wala itong pahintulot. Sa lakas ng sigaw ng binata ay nangamba siya na baka may nangyaring masama sa kaniya. Ngunit sa sandaling makapasok siya sa loob ng silid ay naabutan niya ang binata na nakahiga sa sahig habang ang unang prinsepe ay nakapatong sa ibabaw niya.

“Tulungan mo ako dito” Utos ng binata sa batang tagapaglingkod ngunit mas inuna nitong lapitan ang nasubsob na prinsepe sa kaniyang leeg. Kahit hindi pa niya tuluyang nakikita ang pagmumukha nito ay napagtanto niya kaagad na mahimbing na ang pagkakatulog ng unang prinsepe.

“Anong ginagawa mo, bakit hindi mo ako tinutulungan?” Reklamo ng binata nang makita ang batang tagapaglingkod na patuloy sa paglutang sa ere habang nakatitig sa kanilang ayos.

“Paumanhin dakilang instrumento, ngunit sa tingin ko ay kailangan niyong manatali dito ngayong gabi” Saad ng batang tagapaglingkod na labis na ikinabahala ng binata.

“Haa? Anong ibig mong sabihin?” Natataranta niyang sabi habang tinutulak niya ang katawan ng unang prinsepe palayo sa kaniya ngunit hindi niya ito magawang alisin.

“Kilala ang unang prinsepe sa pangalang Da Hai na ang ibig sabihin ay malawak na karagatan. Ngunit mas madalas siyang tawagin ng mahal na hari bilang Li Qiang dahil sa pagiging magandang lalaki nito at malakas”

“Bakit mo sakin kailangang ikwento yan?” Muling reklamo ng binata na siyang nagpatigil sa pagkwento ng batang tagapaglingkod.

“Dahil nabiyayaan ang unang prinsepe ng pisikal na lakas na katumbas ng isang daang imortal. Kahit saan abutin ng pagkahimbing ang unang prinsepe ay walang sino man ang nakakagawang gambalain ito. Kakailanganin ang lakas ng isang daang imortal upang mahila ang unang prinsepe mula sa kinalalagyan nito dahil sa natatanging bigat ng kaniyang katawan” Pagpapatuloy na paglahad ng batang tagapaglingkod. Marahan namang tinulak ni Yijun ang prinsepe ngunit hindi niya ito mapagtagumpayang alisin mula sa pagkakapatong sa kaniya.

“Kung may kakaiba siyang pisikal na lakas ay bakit hindi ko man lang maramdaman ang bigat niya?”

“Yun ay dahil sa proteksyon na ipinagkaloob sayo ng gintong dragon. Kung wala ito ay marahil nadurog na ang iyong mga buto”

Saka lang napansin ng binata ang mumuting liwanag na kaniyang nakikita sa iilang parte ng kaniyang katawan na nagsisilbing proteksyon mula sa bigat ng unang prinsepe. Ngayon niya napagtanto na may limitasyon ang kakayahang gawin ng proteksyon ng gintong dragon sa kaniya. Ang kakaibang bigat ni Da Hai ay hindi gawa ng salamangka dahil ito ay natural na biyaya sa kaniya. Kaya naman ang pagprotekta mula sa bigat ng prinsepe ang tanging nagagawa ng proteksyon ng gintong dragon.

“Wala na bang ibang paraan para makaalis dito?” Tanong ng binata sa batang tagalingkod, dahil habang tumatagal ay lalo siyang kinikilabutan sa malalim na paghinga ng unang prinsepe na si Da Hai.

“Kakailanganin natin ang tulong mula sa lakas ng isang daang imortal upang maalis ang katawan ng unang prinsepe sa ibabaw ninyo. Ngunit magkakaroon ng malaking iskandalo kapag kumalat sa palasyo ang impormasyon ng pagpunta niyo rito sa palasyo ng unang prinsepe sa ganitong oras. Lalong lalo na’t hindi maganda ang kalagayan ngayon ng ikatlong prinsepe”

“Bakit naman magiging iskandalo? Eh magkapatid naman sila at saka pareho naman kaming lalak-”

Natigilan ang binata sa kaniyang pagdadahilan nang mapagtanto niya ang ibig sabihin ng batang tagapaglingkod. Kahit na pareho silang lalaki ay alam niyang nakatakda na siyang makipag-isang dibdib sa ikatlong prinsepe na siyang magmamana ng trono ng kaharian. Alam niyang iisipin ng mga tao sa palasyo na gagamitin niya ang pagkakataon upang makahanap ng bagong kabiak kapag tuluyan na mabawian ng buhay ang ikatlong prinsepe.

“Hay, ganito pala ang pakiramdam ng mga babaeng napagtsitsimisan kapag nagpunta sa bahay ng isang lalaki nang dis-oras ng gabi”

Ang tanging nasabi ng binata sa sarili dahil sa kawalan ng pag-asang makawala siya mula sa unang prinsepe. Pinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata matapos magpaalam ni Li sa kaniya. Kinakailangan pa ring masubaybayan ng batang tagapaglingkod ang kalagayan ng kaniyang pangunahing amo. Bago pa man nito tuluyang lisanin ang palasyo ng unang prinsepe ay nagawa nitong pagsabihan ang punong tagapaglingkod ng palasyo tungkol sa kalagayan ng unang prinsepe. Kasama sa tungkulin nila ang mapangalagaan ang pangalan ng unang prinsepe at palasyong tinutuluyan nito. Gaya ng nabanggit ng batang tagapaglingkod ay hinigpitan ng mga gwardiya ang pagbabantay sa palibot ng palasyo. Tanging mga matataas na tagapaglingkod lamang ang nakakalapit sa silid ng unang prinsepe upang mailihim ang kalagayan ng dalawa.

Halos isang oras na mula nang lisanin ni Li ang palasyo ng unang prinsepe, ngunit hindi pa rin magawang makatulog ng binata. Maraming tumatakbo sa kaniyang isipan na hindi niya maiwaksi. Hindi rin niya magawang mahimbing dahil hindi siya sanay na may nilalang nakapatong sa ibabaw niya. At ilang sandali pa ang lumipas nang maramdaman niyang kumilos ito paibaba. Nangamba siya sa ginagawang pagkapkap sa kaniya ng prinsepe na tila ba’y may hinahanap na kung ano sa kaniyang katawan habang nanatiling nakapikit ang mata nito. Hindi rin nagtagal nang tumigil ang prinsepe sa pagkilos at tuluyan nitong hiniga ang ulo sa ibabaw ng dibdib ng binata. Nagmistulang bata ang ayos ng unang prinsepe na kung saan ay kulang na lang ay yakapin niya ang binata habang ito ay mahimbing na natutulog. Walang nagawa ang binata kundi tiisin ang hirap na kaniyang kinalalagyan sa ngayon hanggang sa tuluyan siyang dalawin ng antok.

Kinabukasan ay nagising ang binata sa kakaibang halimuyak na kaniyang naamoy. Sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay tila nanibago siya sa lugar na kaniyang kinalalagyan. Kasalukuyan siyang nakahiga sa isang malaking kama na napapalibutan ng maninipis na tela na kulay asul sa bawat gilid nito na nagsisilbing panakip. Dawalang beses siyang napahikab bago pa niya tuluyang binangon ang sarili mula sa pagkakahiga. Marahan niyang hinawi ang manipis na tela bago siya tuluyang nakababa sa kama. Wala sa sarili na binaybay niya ang loob ng silid hanggang sa makasalubong niya ang isang pamilyar na mukha.

“Kamusta ang iyong pagkakahimbing?” Tanong ng isang lalaki nan aka hubo sa kaniyang harapan. Nagawa pa niyang kusutin ang mga mata upang alamin kung namamalik mata lamang ba siya. Ngunit sa pagkakataong masilayan niyang muli ang kahubdan nito ay mabilis niyang inangat ang pagtingin sa mukha nito na kasalukuyang nakangiti sa kaniya.

“Ba-bakit ka nakahubad?” Natatarantang sambit ng binata habang iniiwas ang pagtingin sa unang prinsepe.

“Ah, Kakatapos ko lang kasing maglinis ng katawan. Masyado akong maraming nainom kagabi kaya nais kong bumaba ng husto ang tama ng alak sa aking katawan” Tugon ni Da Hai na tila walang pakialam sa kasalukuyang ayos nito.

“Hindi mo man lang nagawang magbihis bago pumasok dito?” Reklamo ng binata na kung saan ay tinawanan lamang ng unang prinsepe.

“Ako ang nagmamay-ari ng palasyo na ’to, kaya pwede kong gawin ang lahat ng gusto ko” Tugon ng prinsepe at unti-unting lumapit sa kinaroroonan ng binata na patuloy pa ring iniiwas ang paningin sa kaniya.

“Bakit ba hindi ka makatingin ng derecho sa akin? Pareho naman tayong lalaki, bakit ka pa naiilang makakita ito kung gayong meron ka rin naman nito?”

“Hindi naman dahil sa parehas tayong lalaki ay kailangan na nating magpakitaan sa isa’t isa” Tugon ng binata habang iniiwas ang paningin na tila diring diri sa ayos ng unang prinsepe. Lalo lang lumakas ang pagtawa ng unang prinsepe dahil sa naging reaksyon ng binata. Ngunit habang patuloy sa pag-iwas ang binata ay ito naman ang naging pagkakataon ng unang prinsepe upang maakbayan si Yijun. Laking gulat ni Yijun nang maramdaman niya ang pag-akbay sa kaniya ng prinsepe at saka ito bumulong.

“Hayaan mo, sa sandaling pumayag ka sa ating kasunduan ay matitiyak kong masasanay ka na sa ganitong tanawin”

Daig pa ng binata ang pakiramdam ng nadudumi sa tindi ng pagtaas ng kaniyang mga balahibo dahil sa mga sinambit ni Da Hai. Napako siya sa kaniyang kinatatayuan habang ang pilyong prinsepe ay nagpipigil ng pagtawa habang papalayo sa kinaroroonan ng binata.

“Kung ako sayo ay babalik na ako sa palasyo ng ikatlong prinsepe, dahil baka hinahanap ka na ng mahal na hari” Dugtong ni Da Hai na siyang nagpabalik sa katinuan ni Yijun. Walang binitiwang salita at nagmamadali itong lisanin ang silid ng unang prinsepe.

“Mabuti na lang at dumating ka sa kaharian. Tiyak na hindi na magiging malumbay ang mga araw ko”

Natatawang sabi ng unang prinsepe sa kaniyang sarili. Sa unang pagkakataong makita niya ang binata sa silid ng trono ay hindi siya kaagad nagkaroon ng interes na kilalanin ito. Sa kadahilanang mapapangasawa ito ng kaniyang kapatid at ito’y isang lalaki. Hindi na bago sa kanilang kaharian ang pagkakaroon ng mga mag-asawa o magkasintahang may pareho ng kasarian. Sapagkat sa loob at labas ng kaharian ay nangyayari ito. Minsan ay pinag-iisang dibdib ang dalawang lalaki o dalawang babae ng kani-kanilang pamilya upang palakasin ng husto ang kanilang impluwensiya at kapangyarihan sa lipunan. Nagagawa silang mabiyayaan ng isang supling sa pamamagitan ng isang ritwal na kung saan ay kakailanganin ang dugo ng bawat isa.

Ganun pa man ay hindi pa rin ninais ni Da Hai na magkaroon ng kabiak na lalaki. Ilang beses na siyang nais ipakasal ng hari sa mga imortal na may matataas na katungkulan sa palasyo, ngunit mariin niya itong tinatanggihan. Nais niya pa ring magkaroon ng kapareha na tunay niyang minamahal at nais niya itong mangyari sa isang babae. Sa kakahanap niya sa babaeng kaniyang iibigin ay nagawa niyang makipagrelasyon sa di mabilang na dami ng kababaihan sa kanilang kaharian. Alam niya sa sarili niya na wala siyang interes sa kapwa niya lalaki ngunit kakaiba ang hatid na saya sa kaniya ng dakilang instrumento. Labis siyang naaaliw sa nakakatuwang reaksyon nito sa mga pagkakataong binibiro niya ito. Magaan rin ang pakikitungo niya rito dahil sa uri ng pakikipag-usap nito sa kaniya. Karamihan sa mga imortal at tagapaglingkod ng palasyo ay nahihiya o natatakot na makipag-usap sa kaniya na taliwas sa inasal ng binata.

Isa pa sa mga katangiang kinagigiliwan niya sa binata ay ang pagkakaroon nito ng resistensya laban sa kaniyang natural na pang-akit. Kahit na hindi siya gumamit ng salamangka ay nagagawa niyang paibigin ang sino mang nais niyang mapaibig, mapalalaki man ito o babae. Alam niyang walang kinalaman ang proteksyon ng gintong dragon dito kaya naman labis niyang pinagtataka kung bakit hindi niya magawang maakit o mapaibig ang binata sa kaniya. Tila isang hamon sa kaniya ang mapaibig ang binata ngunit ito ay mas lalong nagbibigay ng pananabik sa kaniya.

Sumapit na ang dapit-hapon ngunit nag-aalangan pa rin ang binata sa kaniyang magiging desisyon. Kanina lang ay nagawa siyang kausapin ng mahal na hari tungkol sa kalagayan ng ikatlong prinsepe. Sinabihan siya na bubuti rin ang lagay ng prinsepe at kinakailangan lang raw niyang manalig sa mga dakilang manggagamot ng palasyo. Alam ng binata na nagsisinungaling ang hari sa tunay na kalagayan ng prinsepe at sinasabi niya lamang ito upang mapalagay ang loob ng binata. Nais niyang tulungan si Shufen ngunit hindi pa lubusang buo ang kaniyang loob na tanggapin ang hinihinging kapalit ni Da Hai. Sa katunayan ay hirap pa rin siyang tanggapin na magiging kabiak niya sa mundong ito ang magiging tagapagmana ng trono ng kaharian ng Tianmen. At sa ngayon ay ninanais rin siyang maging kabiak ng unang prinsepe bilang kapalit ng pagtulong nito.

Gulong gulo ang isip ng binata. Naisin man niyang manahimik na lamang sa isang tabi ngunit hindi maalis-alis sa kaniyang isipan ang imahe ni Shufen na labis na naghihirap. Ilang araw pa lamang ang lumilipas ngunit malaki na ang pinagbago ng hitsura nito. Ang kaniyang pisngi ay tuluyang lumubog na para bang ilang linggong hindi nakakakain. Ang lason ay unti-unting kumakalat sa buong katawan niya na nagbibigay lalo ng matinding pananakit sa kaniyang katawan. Hinding hindi niya magawang alisin sa isipan ang sandali nang masilayan niya ang pagluha ng ikatlong prinsepe dahil sa labis na pananakit ng kaniyang katawan.

Sa lalim ng pag-iisip ng binata ay hindi na niya namalayang nadala na siya ng kaniyang mga paa sa harap ng palasyo ng unang prinsepe. Nang mapansin siya ng mga kawal ay kaagad siyang pinaanyayahang pumasok dahil kanina pa raw siya inaantay ng prinsepe. Bago pa man niya tuluyang pasukin ang palasyo ay huminga muna ito ng malalim. Paulit-ulit na kinukumbinse ang sarili na gagawin niya lamang ito upang maisalba ang buhay ni Shufen. Ano man ang mangyari matapos ang misyong ito ay ang mahalaga ay naisalba nila ang buhay ng ikatlong prinsepe. At sa sandaling pumasok siya sa loob ng palasyo ay kaagad niyang natanaw ang unang prinsepe na nakatayo sa may maliit na tulay. Mabilis nitong napansin ang pagdating ng binata kaya kaagad itong ngumiti habang papalapit ang binata sa kinaroroonan niya.

“Ang ibig bang sabihin nito ay pumapayag ka na bilang kabiak ko?” Nakangising sambit ni Da Hai.

“Hindi pa natin naisasagawa ang misyon kaya wala pang kasiguraduhan yang sinasabi mo” Malumanay na tugon ng binata. Naninibago pa rin ang prinsepe sa uri ng pakikipag-usap sa kaniya ni Yijun, ngunit para sa kaniya ay mas nakakagaan ng loob ang ganitong uri ng pakikitungo sa kaniya ng binata. Nakatukod ang mga kamay ni Yijun sa hawakan ng tulay habang pinagmamasdan ang mga isdang lumalangoy sa tubig.

“Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin kong magtatagumpay tayo” Masayang tugon ng prinsepe na pumukaw sa atensyon ng binata.

“Papano mo naman nasabi? Hindi mo pa nga alam kung ano ang gagawin at kukunin natin?” Tanong ng binata na siyang nagpailing sa prinsepe.

“Nabanggit na sa akin lahat ni Li. Mayroon na rin akong nabuong plano kung papano natin makukuha ang gintong kabibe. Sasabihin ko ang kabuoang plano kapag narating na natin ang abandonadong isla”

Hindi nakaimik ang binata sa pahayag ng prinsepe kaya nanatili lamang siyang nakatitig dito. Hindi niya malaman kung papano nagagawang kampante ng prinsepe kung gayong mababa ang pagkakataong makabalik sila ng buhay.

“Malapit nang kumagat ang dilim. Kung tititigan mo lang ako ng ganiyan ay bakit hindi mo na lang kaagad tanggapin ang alok ko sayo?” Malokong tanong ng prinsepe na siyang nagpailing sa binata.

“Aalis na kaagad tayo? Wala man lang tayong dadalhing gamit?” Matapos magsalita ng binata ay kaagad naghagis ng maliit na lagayan ang prinsepe na kaniya namang nasalo. Ito ay kulay asul na lalagyan na may kulay pulang tali sa pinakapuno na nagsisilbing pangsara. May mga nakaguhit na kulay gintong dragon sa kabuoan ng tela ng lalagyan.

“Ito lang ang dadalhin natin?” Reklamo ng binata habang inaalog ang lalagyan na tila para sa kaniya ay mga barya ang laman.

“Subukan mong hipan ang bukasan nito”

Nagtataka man sa naging utos ng prinsepe ay kaagad naman itong sinunod ni Yijun. Nilapit niya ang bibig sa pinakabungad ng bukasan ng lalagyang hawak-hawak niya at saka niya ito hinipan. Laking gulat niya nang biglang lumaki ito at halos maibagsak niya dahil sa kabigatan nito. Ang maliit na lalagyan ay naging kasing laki ng kalahating sako.

“Nariyan na lahat ng dadalhin natin” Nakangiting sambit ng unang prinsepe na tila’y nang-iinis sa pagkabigla ng binata.

Inatasan siya nito na muling hipan ang bukasan ng lalagyan upang bumalik ito sa dati nitong laki. Matapos manumbalik sa dati nitong laki ay kaagad namang sumunod ang binata sa prinsepe sa pagpasok nito sa isang silid ng palasyo. Sa kaniyang pagpasok ay kaagad niyang napansin ang iba’t ibang uri ng armas na nakasabit sa dingding. Kapansin-pansin din ang kumikinang na mga kristal na nakahanay base sa kanilang kulay. May apat na uri ang kulay ng kristal, yun ay ang kulay pula, berde, asul at puti. Nais pa sanang libutin ni Yijun ang kabuoan ng silid ngunit inaantay na siya ng prinsepe. Kasalukuyang nakatayo ito sa gitna ng isang bilog na nakaukit sa sahig. Sa loob ng bilog ay may mga kakaibang hulma at letra na hindi niya magawang basahin. Sa pagkakataong ito ay may nakasabit na sandata na sa kaniyang likuran ang unang prinsepe. At sa sandaling makapasok sa bilog ang binata ay kaagad lumiwanag ang paibot nito na base sa kulay ng kristal na hawak ng prinsepe.

“Para saan yang kristal na yan?” Hindi mapigilang itanong ng binata.

“Bawat kristal na nasilayan mo kanina ay may kaakibat na kakayahan, gaya ng kristal na ito. Ang kulay berde na kristal ay may kakayahang dalhin ang mga nilalang na gagamit nito sa paglabas ng kaharian nang hindi dumadaan sa pintuang-bayan”

“Papano naisasagawa ang ganitong uri ng salamangka kung mahigpit na pinagbabawal ng hari ang paglabas-masok ng kaharian kapag walang basbas mula sa kaniya?”

“Dahil ako ang naatasan niyang magbantay sa mga taong lalabas at papasok ng kaharian. Sa simpleng salita ay maliban sa hari ay ako lamang sa kahariang ito ang maaaring lumabas at pumasok ng kaharian nang hindi humihingi ng pahintulot mula sa hari”

Biglang naalala ng binata ang dahilan kung bakit siya ang tinutukoy ni Li na tanging makakatulong sa kaniya upang maisagawa ang misyon. Malabong mapagbigyan ang kaniyang kahilingan kapag sa hari siya mismo hihingi ng pahintulot, kaya mas mabuti ngang humingi ng pabor sa unang prinsepe. Ngayon niya napagtanto kung gaano katalino ang batang tagapaglingkod.

“Lumapit kana sa akin nang mabuhat na kita” Utos nang prinsepe na sadyang ikinagulat ng binata.

“Buhat-pangkasal?” Mabilis niyang tugon na siyang ikinatango naman ng prinsepe.

“Dahil hindi ka pa marunong sumakay sa lumilipad na sandata kaya kailangan kitang buhatin hanggang sa makarating tayo sa isla”

“Hindi ba pwedeng sumampa na lang ako sa likuran mo?”

“Hindi maaari dahil mahihirapan akong magbalanse sa ibabaw ng sandata”

“Hahawak na lang ako sa braso mo”

Bigla na lang nagbago ang paligid matapos kumapit ni Yijun sa braso ng prinsepe. Ang paligid ng silid ay unti-unting nagbabago na tila balat na unti-unting natutuklap. Sa sandaling mabasag ang kristal ay tuluyan na silang nailabas nito sa kaharian. Ang bilog na kanilang tinutungtungan ay biglang naglaho. Kasalukuyang nasa himpapawid sila nang maihatid sila sa labas ng kaharian. Mabilis na nakasakay sa lumilipad na sandata ang unang prinsepe ngunit ang binatang si Yijun ay nakabitaw mula sa pagkakapit niya sa braso nito. Mabilis bumagsak pailalim ang binata na kaagad namang sinundan ng prinsepe.

“DAAAA HAIIII!!!!”

Sigaw ng binata habang papalapit ang kaniyang pagbagsak sa dagat. Unang una ang kaniyang ulo sa pagbagsak niya mula sa himpapawid, kaya naman tanaw na tanaw niya ang kaniyang babagsakan. Dumagdag pa sa kaniyang takot nang makita niya ang isang malaking pating na nakabantay sa kababagsakan niya. Nang tuluyang lumapit ang agwat nila ay bigla na lang itong tumalon mula sa tubig upang abutin ang binata. Walang nagawa ang binata kundi ipikit ang kaniyang mga mata bilang pagtanggap sa kaniyang katapusan. Bago pa man tuluyang maabot ng malaking pating ang binata ay nagawa siyang hawakan sa kamay ng prinsepe at buong pwersang hinagis paitaas sa himpapawid.

Sa sandaling maihagis ni Da Hai ang dakilang instrumento ay siya namang pagtalon niya ng malakas mula sa sandata patungo sa kinaroroonan ng binata. Ang tanging nakain ng malaking pating ay ang lumilipad na sandata ng unang prinsepe na siyang naging dahilan upang ikamatay nito. Saktong sakto ang patalim ng sandata na tumagos sa ulo ng pating nang sandaling isara nito ang kaniyang bunganga.

Tila huminto naman ang oras para sa binata nang maihagis siya ng prinsepe sa himpapawid. Mula sa kaniyang kinaroroonan ay tanaw na tanaw niya ang buong kaharian ng Tianmen. Labis siyang namangha sa nakakabighaning tanawin. Ang kaharian ay sadyang lumulutang sa himpapawid na kung saan ay tanaw na tanaw ang dalawang naglalakihang mga bundok. Manghang mangha rin siya nang makita niya ang pag-agos ng ilog mula sa kanluran at silangang bahagi ng kaharian patungo sa karagatan. Nagmistulang gumagalaw na talon ang bumubuhos na tubig mula sa kaharian. Mabilis na napukaw mula sa magandang tanawin ang binata nang maramdaman niyang muli ang pagbagsak ng kaniyang katawan. Sisigaw sana siyang muli upang humingi ng saklolo ngunit sa pagkakataong ito ay nasalo na siya ng prinsepe sa ayos na hindi niya gusto. Kasalukyang buhat-buhat siya ng prinsepe sa ayos na pangkasal na siyang ikinailang niya.

“Bakit bumabagsak tayo? Asan ang sandata mo?” Natatarantang tanong ng binata habang nililipad ang kanilang mga buhok paitaas bilang tanda ng mabilis nilang pagbagsak.

“Kinain na ng malaking pating” Kalmado nitong tugon na lalong ikinabahala ni Yijun kaya lalo siyang nataranta.

“Mamatay na tayo! Mamatay na tayo!”

Paulit-ulit ang pagsigaw ng binata na natigil lamang nang maramdaman niya ang paglundag ng prinsepe. Sa pagkakataong ito ay tumigil na ang kanilang pagbagsak at mabilis hinawi ng binata ang mga buhok na tumakip sa kaniyang mukha.

“Hindi ko hahayaang mamatay tayo hanggang hindi mo natutupad ang kasunduan nating dalawa” Sambit ng unang prinsepe na nasundan ng pagkindat. Muli nakaramdam ng kilabot ang binata sa mga sinambit ng unang prinsepe. Sadyang hindi siya sanay na may lalaking nagpapakita sa kaniya ng interes.

Nagptuloy ang paglalakbay ng dalawa habang nakasakay sa ibabaw ng lumilipad na sandata. Nanatiling buhat-buhat ng prinsepe ang binata sa ayos na pangkasal. Labag man sa loob nito ay wala siyang magawa dahil ito lang ang tanging paraan upang makarating sila sa isla. Bahagyang binaba ng prinsepe ang direksyon ng espada upang tumama ito sa tubig dagat. Nais niya kasing mabanlawan ang natitirang dugo mula sa pating na pinaslang nito. Kakailanganin nilang magbalat kayo at hindi dapat makaamoy ng ano mang dugo ang mga sirena maliban sa dugo ng isang mortal o imortal.

Nang marating ng dalawa ang abandonadong isla ay kaagad nilang isinagawa ang plano. May sapat silang oras upang ayusin ang plano dahil hating gabi pa magpapakita ang mga ito. Naaakit ang mga sirena sa liwanag ng buwan kaya karamihan sa mga ito ay lumalabas kapag nasa hating gabi na, na kung saan ay mas maliwanag itong tingnan. Base sa kanilang plano ay magpapanggap na nakaligtas mula sa isang trahedya si Yijun. Gamit ang dugo ng prinsepe na pinahid sa katawan ng binata bilang pagbabalat kayo ang siyang aakit sa mga sirena. Hindi magagawang saktan ng binata ang sarili dahil sa proteksyon ng gintong dragon kaya naman dugo na lang ni Da Hai ang kanilang ginamit. Ang binata ang pinakamagandang pain dahil hindi siya matatablan ng salamangka nito at maging ang pag-awit nila ay mababale wala. Ang kailangan lang gawin ng binata ay ang magpanggap na tinatablan siya ng salamangka ng pinuno ng mga sirena gamit ang pag-awit nito at sa sandaling makalapit siya dito ay kaagad niyang aagawin ang gintong kabibe na nakasabit sa leeg nito. Sa pagkakataong maagaw ng binata ang gintong kabibe ay siya namang pagpasok ng prinsepe upang maghagis ng nakakasilaw na liwanag na siyang magtataboy sa mga ito.

Nang sumapit na ang sandali ng kanilang misyon ay hindi pa rin mawala sa binata ang pangamba na pumalpak ang kanilang plano. Kasalukuyan siyang nakaupo sa dalampasigan habang nakaharap sa amoy na kanilang ginawa. Ang kinaroroonan naman ng prinsepe ay nasa damuhan na may kalayuan sa kinaroroonan ng binata. Pinahid niya ang mga katas ng dahon sa kaniyang balat upang hindi siya maamoy ng mga sirena. Sa sandaling tumapat na sa pinakatuktok ang liwanag ng buwan ay siya namang paglapit ng mga sirena sa dalampasigan. Isa-isa nilang inaakit ang binata na sumama sa kanila ngunit hindi ito sumama. Gaya sa plano nila ay hindi kaagad nagpapakita ang pinuno ng mga sirena. Hindi nila magawang lapitan ang binata sa kinaroroonan nito, kaya nanatili sila sa tubig na malapit sa dalampasigan at patuloy na inaakit ang binata.

Ilang sandali pa ay narinig na nila ang boses ng pinuno ng mga sirena. Kaagad nagtakip ng tenga ang prinsepe upang malabanan ang salamangkang hatid ng boses ng pinuno ng mga sirena. Kasalukuyang nakaupo ito sa pinaka malaking bato na malapit sa dalampasigan na may kalayuan sa kinaroroonan ng binata. At tulad ng nasa plano ay nagpanggap ang binata na naaakit ito sa boses ng sirena. Ang may matataas na ranggo sa paglilinang lamang ang makakakita sa anyo ng harang ng proteksyon ng gintong dragon. Sa tuwing umaawit ang sirena ay kitang kita ng prinsepe ang pagliwanag ng kulay gintong harang sa palibot ng katawan ng binata bilang tanda ng pagprotekta nito mula sa salamangka. Ngunit habang papalapit ito sa sirena ay unti-unting nawawala ang liwanag ng proteksyon ng gintong dragon sa kaniyang katawan na labis na ikinabahala ng prinsepe. Sa sandaling makalapit ito sa pinuno ng mga sirena ay tuluyang nawala ang proteksyon na siyang naging dahilan upang mapasailalim ang binata sa salamangka ng sirena. Mabilis na inakap ng sirena ang binata at humiga ito upang bumagsak sa tubig kasama ang binata.

“Yijun!!”

Tanging pagsigaw sa pangalan ng binata ang nagawa ng prinsepe sa sandaling bumagsak ang katawan ng sirena at ng binata sa tubig dagat.

Itutuloy…

A/N: Ayan ah, tinupad ko ang pangako ko na mag-aupdate sa JULY. July 31, 2020 pa lang kaya pasok na pasok pa LOL.

Bilang pagbawawi ay nakasulat ako ng 5,894 words at sana ay lubusang nagustuhan ninyo. Susubukan kong makapagsulat ulit kapag hindi na ako masyadong busy. Please magcomment kayo kung anong nararamdaman niyo sa istorya. Boring ba? Magulo ba? Basta let me know your thoughts sa comment section. 

P.S. Direcho ang pagcopy+paste ko ng story mula sa word doc papuntang wattpad.com kaya sa mga mobile users sabihan niyo ako kapag may issue sa spacing para maedit ko kaagad. 

Ganito nga pala yung hitsura ng  lalagyan o pouch na binigay ni Da Hai kay Yijun bilang lagayan ng kanilang mga kagamitan.

  ![](https://img.wattpad.com/cc4dff29f05afda33a1fdacd96e50919fde42c29/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f545263386c732d356236556d50413d3d2d3932393137323638312e3136323661376363616534383936636539353539323330363433362e6a7067)

Keep safe <3

Chapter 9: The golden seashell part 2

Xiao Zhan as Yijun

  ![](https://img.wattpad.com/9dff176f0505040200b798a78687a5b0a0340867/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f524161324a5856447634747757513d3d2d3933343138363737322e313632393964313666623031663436373134363435333736363433302e6a7067)

Pagkarating ni Yijun at Da Hai sa abandonadong isla ay kaagad nilang isinagawa ang kanilang plano. Sa kautusan ng prinsepe ay nagpalit kaagad ng kasuotan ang dakilang instrumento. Wari isang basahan ang naging kasuotan ng binata dahil sa pinagtagpi-tagping tela at may mga punit sa iilang bahagi nito.

“Anong gagawin ko sa mga sirena, mamalimos?” Tanong ng binata habang pinagmamasdan ang sarili sa hindi kaaya-ayang kasuotan.

“Dahil pinagkalooban ka ng proteksyon mula sa gintong dragon ay ikaw ang magiging pain sa mga sirena. Walang bisa ang salamangka na nagmumula sa kanilang tinig sa’yo, kaya nararapat lang na ikaw ang magiging pain. Kinakailangan mo lang na magpanggap na nakaligtas mula sa trahedya ng karagatan at napadpad ka rito sa isla kaya ganiyan ang inyong kasuotan” Nakangiting tugon ng prinsepe habang pinipigilan ang sarili sa pagtawa.

“Pucha, parang hindi naman trahedya ang pinagdaanan ko sa ayos na to. Tinalo ko pa yung mga namamalimos sa quiapo”
Sambit ng binata sa sarili habang dismayadong tinititigan ang sarili.

“Huwag mo nang isipin yan, ang mahalaga ay matutulungan mo si Shufen” Sambit ng prinsepe na kung saan ay dinugtungan niya pa ng pagkindat. Napailing na lang ang binata sa kadahilanang wala rin siyang ibang magagawa kundi sundin ang plano ni Da Hai.

“O, sige ganito na ang ayos ko. Anong sunod kong gagawin?” Tanong ng binata at kaagad namang lumapit ang prinsepe upang akbayan ito.

“Kinakailangan mo lang manatili malapit sa dalampasigan hanggang sa sumapit ang hating gabi na kung saan ay sila mismo ang lalapit sayo”

“Hindi ba nila ako hahatakin sa tubig kapag nakita nila ako?”

“Nakakasiguro akong hindi nila gagawin iyon dahil alam nilang ikaw mismo ang lalapit sa kanila. Kinakailangan mo lang tumingin sa kanila habang sila ay umaawit at saka ka lamang lalapit kapag nakita mo na ang tanging sirena na may suot na gintong kabibe sa kaniyang leeg”

Tumango ang binata habang iniisip niya ang bawat mangyayari hanggang sa muli itong magtanong.

“Ngunit hindi ba nila ako mahahalata kapag hindi ako naakit sa mga tinig ng iba pang sirena?” Tanong ng binata at ito naman ay tinugunan ng prinsepe sa pamamagitan ng pagbulong.

“Hindi, dahil alam kong sila mismo ang maaakit sa’yo” Matapos bitawan ang mga salitang iyon ay kaagad namang hinipan ng prinsepe tenga ng binata. Mabilis na nakaramdam ng pangingilabot sa kaniyang katawan ang binata, kaya naman ay kaagad itong kumawala mula sa pagkakaakbay sa kaniya ng prinsepe.

“Buhay ng kapatid mo ang pinag-uusapan na’tin. Maging seryoso ka naman!” Naiinis na sambit ni Yijun na siyang ikinagulat ng prinsepe. Sadyang naninibago pa rin siya sa pakikitungo sa kaniya ng binata. Ngunit imbes na ito’y kaniyang kainisan ay mas lalo pa niya itong ikinatuwa.

“Hindi ka nila magagawang lapitan dahil mabagal ang pagkilos ng mga sirena sa sandaling mahiwalay ang kanilang katawan mula sa tubig. Kung sakali mang tangkain nilang hatakin ka ay magagawa mo pa ring makatakbo dahil magiging mabagal ang paglapit nila sa’yo. Hindi mo kinakailangang ikabahala na mabisto nila ang iyong pagpapanggap dahil maraming imortal ang may kakayahang labanan ang salamangka na nagmumula sa mga tinig ng mga ordinaryong sirena. Lalabas lamang ang pinunong sirena sa sandaling malaman nito na hindi ka tinatablan ng salamangka ng kaniyang mga kasama. At sa pagkakataong iyon ay magpapanggap ka na naaakit sa kaniyang tinig at unti-unti sa kaniya’y ikaw lalapit upang agawin ang gintong kabibe”

Mabilis nagbago ang hitsura at pananalita ng prinsepe. Kanina lang ay tatawa-tawa ngunit ngayon ay bigla na lang naging seryoso. Muling napatango ang binata bilang pagsang-ayon sa plano ng prinsepe ngunit nag-aalangan pa rin siya kung magiging matagumpay ba ang kanila ng plano.

“Eh ikaw, Anong gagawin mo?”

“Kakailanganin kong magpahid ng mga katas ng halaman sa aking katawan upang hindi ako maamoy ng mga sirena. Sa pagkakataong maagaw mo ang gintong kabibe ay kaagad ko silang bubugawin gamit ang bagay na’to”

Pinakita ng prinsepe sa binata ang isang bagay na hugis bilog at kulay lila. May kakaibang ukit ang kabuoan ng bagay na ito na siyang nagmulat sa pagiging mausisa ng binata.

“Devil fruit ba ’to?” Masayang tanong ng binata sa prinsepe.

“Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhang tugon ng prinsepe habang nakatitig sa binata.

“ Sa japan nga pala gawa ang one piece, malamang hindi niya ito alam dahil isa siyang Chinese“ Sambit ng binata sa sarili habang sinusuri ng mabuti ang bagay na hawak-hawak ng prinsepe.

“Ang ibig kong sabihin ay ano ba ang maitutulong nito? Hahaba ba ang mga kamay mo at pagsusuntukin mo sila?” Tugon ng binata habang sumusuntok sa ere na siyang nagpailing sa prinsepe.

“Hindi, dahil ang kakayahan nito ay lumalabas lamang kapag ito’y nababad sa tubig. Sa sandaling mabasa ito ay naglalabas ito ng malakas na kuryente na magbibigay ng matinding sakit sa mga sirena. Walang sirena ang nakakagawang tiisin ang kuryenteng dumadaloy rito at kung pipiliin nilang manatili ay tiyak babawian sila ng kamalayan”

“Ang boring naman pala” Hindi mapigilang sambitin ng binata dahil sa kaniyang pagkadismaya.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ng prinsepe.

“Ahhh ang ibig kong sabihin ay, ayos!” Tugon ng binata habang pinapakita ang kaniyang hinlalaki bilang tanda ng kaniyang pagsang-ayon.

“Ito naman ay para sa’yo” Mabilis na kinuha ng prinsepe ang kanang kamay ng binata at inabot ang isang maliit na batong kulay puti.

“Ha…Para saan naman ’to? Huwag mong sabihin na lulunukin ko ito at sisigaw ng” Natigilan ang binata sa pagsasalita nang idampi ng prinsepe ang kaniyang hintuturo sa kaniyang labi upang mapigilan siya sa pagsasalita.

“Hawakan mo na lang nang mabuti yang puting bato at magtungo sa dalampasigan upang masimulan na ang ating misyon”

Nais pa sanang magsalita ng binata kaya hinawi niya ang daliri ng prinsepe upang makapagsalita ngunit mabilis naman itong napalitan ng kaniyang buong kamay kaya hindi na tuluyang nakapagsalita ang binata.

“Isang pang salita mo ay sisiguraduhin kong hahalikan na kita” Pagbabanta ni Da Hai kay Yijun na siyang ikinatango ng binata.

Nagmistulang batang masunurin si Yijun at dahan-dahang naglakad palayo sa kinaroroonan ng prinsepe. Bago pa man makalapit sa dalampasigan ang binata ay kaagad nakagawa ng siga ang prinsepe sa pamamagitan ng pagkumpas ng kaniyang mga kamay. Hindi na ito bago sa binata kaya hindi na niya ikinabigla ang pagsulpot ng siga sa may dalampasigan. Bitbit ang puting bato na binigay sa kaniya ng prinsepe ay tuluyang lumapit at naupo ang binata sa harap ng siga.

Matapos makalayo ng binata ay sinamantala naman ni Da Hai ang pagkakataon upang lumikom ng mga dahon ng halaman na kaniyang gagamitin. Likas na matatagpuan ang halamang ito sa palibot ng isla na kung saan ay nagtataglay ng matapang na amoy. Madalas itong ginagamit bilang panlunas sa iba’t ibang uri ng karamdaman ngunit ito ngayo’y ginagamit ng prinsepe upang magbalat kayo.

Ilang oras na ang lumipas buhat nang marating nila ang isla ngunit hindi pa rin sila nakakapaghapunan. Kanina pa kumakalam ang sikmura ni Yijun ngunit kinakailangan niyang magtiis upang maging makatotohanan ang kanilang pagpapanggap. Maliban sa mga halamang gamot ay wala ng ibang kapaki-pakinabang sa loob ng islang ito. Salat na salat sa magpakukunan ng makakain dahil maging ang mga niyog ay walang bunga. Magiging kahina-hinala sa mga sirena kapag may nakita o may maamoy silang bakas ng pagkain sa sandaling lumapit sila sa dalampasigan. Kaya naman pinili ng prinsepe na magpalipas muna sila ng hapunan hanggang hindi nila napagtatagumpayan ang kanilang misyon.

Sumapit ang sandali na kanilang pinakahihintay, yun ay ang hating gabi na kung saan mas maliwanag ang sinag ng buwan. Malaki ang tiwala ni Yijun sa prinsepe na mapagtatagumpayan nila ang planong ito. Alam niyang walang sino mang nilalang sa mundong ito ang makakapanakit sa kaniya maliban kay Shufen dahil sa proteksyon sa kaniya ng gintong dragon. Ganun pa man ay hindi mawala sa kaniyang dibdib ang kaba na nadarama.

Ilang sandali pa ay narinig na ng binata ang magandang himig. Hindi niya inakala na labis ang kagandahang taglay ng mga sirena na siyang nagpamangha sa kaniya habang ang mga ito ay umaawit. Ang ilan sa kanila ay unti-unting lumapit sa dalampasigan ngunit nanatiling nakalublob ang mga buntot sa tubig dagat. Manghang mangha ang binata sa unang pagkakataon niyang makakita ng mga sirena. Kahit na hindi gumamit ng salamangka ang mga ito ay tila naaakit na siya sa angking ganda ng mga ’to. Muntikan na niyang abutin ang kamay ng isang sirena na nag-aalok ng kamay niya ngunit bigla na lang pumasok sa kaniyang isipan ang mukha ng ikatlong prinsepe. Mabilis napailing ang binata sa imahe ng ikatlong prinsepe na nakatingin sa kaniya ng masama.

“Hindi pa naman kami ikinakasal at hindi pa naman niya ako asawa ah” Sambit ng binata sa kaniyang sarili habang iniiling ang kaniyang ulo. Hindi niya mawari kung bakit pakiramdam niya ay nagtataksil siya sa kaniyang asawa. Nawala ang atensyon ng binata sa mga sirena dahil sa pag-iisip niya sa ikatlong prinsepe at dahil dito ay sinamantala ng sirena na abutin ang kamay ng binata na kanina’y gagamitin niya sa pag-abot sa kamay nito. Wala sa sariling binawi ng binata ang kaniyang kamay upang hawakan ang kaniyang ulo kaya naman hindi nagtagumpay ang balak ng sirena.

“Ahhh… Shufen, umalis ka na sa isipan ko. Ginagawa ko naman ang lahat ng ’to para sa’yo” Banggit ng binata na tila tuluyan nang nakalimutan ang presensya ng mga sirena.

Kanina pa nais lumabas ni Da Hai mula sa kaniyang pinagtataguan dahil akala niya ay tuluyan nang nahulog sa ilalim ng salamangka ang dakilang instrumento. Labis siyang naguguluhan sa kinikilos nito gayong hindi naman nawawala ang proteksyon sa kaniya ng gintong dragon. Gaya ng kaniyang hinala ay hindi nakikita ng mga sirena ang gintong proteksyon na bumabalot sa katawan ng binata kaya kahit papano ay alam niyang gagana ang kanilang plano. Tuluyang lumuwag ang kaniyang pakiramdam nang makita niya ang pag-atras ng binata mula sa mga sirena.

Dahil hindi lubusang makumbinsi ng mga sirena na sumama ang binata sa kanila ay tuluyan nang sumulpot sa hindi kalayuan ang pinuno ng mga sirena. Buong puso itong umaawit habang nakaupo sa isang malaking bato. Kapansin-pansin ang umiilaw na bagay na nakasabit sa kaniyang leeg at ito ay ang gintong kabibe. Mabilis itong napansin ni Yijun, kaya naman bilang pagsunod sa kanilang plano ay kaagad siyang tumayo at dahan dahang lumapit sa kinaroroonan ng pinuno ng mga sirena. Hindi nawala ang pangingin ni Da Hai sa dakilang instrumento habang ito ay patuloy na naglalakad patungo sa kinaroroonan ng sirena. Gaya ng inaasahan niya ay hindi rin tinatablan ng salamangka mula sa pinuno ng mga sirena ang binata dahil patuloy itong hinaharang ng gintong proteksyon.

Patuloy na naglakad ang binata at tinuon ang kaniyang paningin sa gintong kabibe na nakasabit sa leeg ng pinuno ng mga sirena. Iniwas niya ang pagtingin sa mukha ng sirena dahil natatakot siyang muling mabighani sa angking ganda nito gaya ng mga kasama niya. Iilang hakbang na lang ang pagitan nila nang bigla na lang umikot ang paningin ni Yijun at hanggang sa magtama ang paningin nila ng pinuno ng mga sirena. Kasabay ng pagngiti ng pinuno ng mga sirena ay tuluyan nang nawalan ng kontrol sa sarili si Yijun. Saksi ang unang prinsepe sa unti-unting pagkawala ng bisa ng proteksyon hanggang sa tuluyan itong mawala. Mabilis na inakap ng sirena ang katawan ni Yijun nang tuluyang makalapit ito sa kaniya upang maidala ito sa tubig dagat.

“Yijun!” Sigaw ni Da Hai habang tumatakbo sa kinaroroonan ng binata at kabasay ng pagbagsak nito sa tubig ay bigla na lang lumiwanag ang paligid.

Mabilis nakawala ang binata mula sa salamangka ng pinuno ng mga sirena nang lumiwag ang puting batong hawak niya. Ang puting bato na binigay sa kaniya ng prinsepe ay may kakayahang maglabas ng nakakasilaw na liwanag sa sandaling malublob ito sa tubig. Pansamantalang bubulagin nito ang sino mang mahagip ng liwanag maliban sa may hawak nito. Kaya naman labis ang pagkagulat ng binata nang makita niya na napupuno ng kulay puting ilaw ang mata ng sirena at hindi ito gumagalaw. Sinamantala niya ang pagkakataong ito upang hablutin ang gintong kabibe na nakasabit sa leeg ng sirena at sa sandaling mapasakamay niya ang gintong kabibe ay kaagad siyang lumangoy patungo sa dalampasigan.

“Da Hai!” Masayang pagtawag ng binata sa prinsepeng tumatakbo papalapit sa kaniya. Lakas loob niyang itinaas ang gintong kabibe bilang pagmamalaki na napagtagumpayan niyang agawin ito mula sa pinuno ng mga sirena. Ngunit lingid sa kaalaman ng binata na nanumbalik na sa katinuan ang mga sirena dahil sa pagkawala ng liwanag. Kaya bago pa man makalapit ang binata sa prinsepe ay kaagad hinatak ng alon ng tubig si Yijun pabalik sa kinaroroonan ng pinuno ng mga sirena. Nakalutang sa ere ang binata habang napapalibutan ng tubig na tila ipo-ipo. Walang nagawa ang prinsepe kundi gamitin ang huli niyang sandata sa mga sirena upang mapagtagumpayan nila ang kanilang misyon. Alam niyang lubhang masasaktan si Yijun sa kaniyang gagawin ngunit wala na siyang maisip na paraan pa. Kaya bago pa man lamunin ng tubig ang binata ay nagawang ihagis ng prinsepe ang bagay na hugis bilog na kulay pula sa kinaroroonan ng mga sirena. Mabilis itong naglabas ng malakas na uri ng kuryente na mabilis nagpangisay sa mga sirena na kalaunan ay nagpataboy sa kanila.

Apat na kumpas ang ginawa ng prinsepe upang makagamit ng salamangka na makakatulong sa kaniya upang mabigyan siya ng proteksyon mula sa kuryenteng nagmumula sa bilog na bagay na kaniyang hinagis. Kaagad siyang sumisid sa tubig upang iligtas ang binata na kasalukuyang nawalan ng malay. Nadamay ang binata dahil sa mabilis na pagdaloy ng kuryente mula sa karagatan patungo sa tubig na bumabalot sa kaniya. Sa pagbagsak ng binata sa ilalim ng dagat ay kaagad siyang natunton ng prinsepe kahit na madilim ang karagatan dahil sa hawak nitong gintong kabibe.

Nang mailigtas ng prinsepe ang binata ay kaagad nitong dinala ang katawan niya sa may pampang. Mabilis siyang nagkumpas ng kaniyang mga kamay upang gamitin ang kaniyang salamangka sa pagtanggal ng nakabarang tubig sa lalamunan ng binata. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nanumbalik ang proteksyon ng gintong dragon sa katawan ni Yijun na naging hadlang upang magamit ng prinsepe ang kaniyang salamangka. Wala siyang nagawa kaya naman sinubukan niya na lang gawin ito sa mano-manong paraan. Inayos niya ang pagkakahiga ng binata at marahang binuka ang bibig upang alamin ang paghinga nito. Gamit ang kaniyang mga kamay ay maayos niyang diniinan ang dibdib ng binata. Paulit-ulit niya itong ginawa ngunit hindi pa rin naaalis ang tubig na bumabara sa daan ng paghinga ng binata. Naisipan niyang bugahan ng kaniyang hininga ang bibig nito kaya niya hinawakan ang ilong ng binata. Ngunit bago pa man maglapat ang kanilang mga labi ay kaagad lumabas ang tubig sa bibig ng binata na naging dahilan upang maibuga niya ito sa mukha ng prisepe.

Tumagilid ang binata habang hinahabol ang kaniyang paghinga habang ang prinsepe naman ay natulala sa kaniyang kinauupuan. Nanatili pa rin ang bakas ng tubig na binuga ni Yijun sa kaniyang mukha. Hindi siya makapaniwala na may taong makakagawa nito sa kaniya, kahit na ito pa ay hindi sinasadya.

“Anong nangya-ri sa’yo?” Nauutal na sambit ng binata habang nakatingin sa tulirong pagmumukha ng prinsepe. Mabilis na pinunasan ng prinsepe ang kaniyang mukha at umiling bago magsalita.

“Ah wala, mabuti na lang at ligtas ka na” Malumanay na tugon ng prinsepe.

“Oo nga eh, buti na lang at hinagis mo yung devil fruit no?” Sarkastikong sambit ng binata.

“Kung hindi ako mamatay sa kamay ng sirena ay mukhang mas mamatay ako sa taong ’to” Dugtong pa niya sa kaniyang sarili. Tumango lang si Da Hai at naglakad patungo sa siga upang itago ang gintong kabibe sa mahiwagang sisidlan.

“Anong ginagawa mo?”

“Naghahanda sa paglisan natin dito sa isla, o baka naman gusto mong magpalipas pa ng gabi na kasama ako?” Pilyong tanong ni Da Hai na mabilis na inilingan ng binata bilang pagtanggi. Natawa na lang nang mahina ang prinsepe habang nakatingin sa naging reaksyon ni Yijun. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit pakiramdam niya ay hindi nauubos ang pagkawili niya sa binata.

Kinabukasan ay maagang nagtungo sa silid ng trono ang reyna upang hikayatin ang hari na gumawa ng paraan para sa lumalalang karamdaman ng ikatlong prinsepe. Halos lumuhod na ang inang reyna upang mapagbigyan ang kaniyang kahilingan dahil unti-unting nawawala sa kaniyang katinuan ang ikatlong prinsepe.

“Anong akala mo sa akin, walang pakialam? Baka nakakalimutan mong anak ko rin ang pinag-uusapan natin!” Bulyaw ng mahal na hari na siyang umalingaw-ngaw sa loob ng silid.

“Alam ko, alam ko… pero kapag hindi ka pa gumawa ng paraan ay tuluyan nang mapapahamak ang ating anak” Tugon ng reyna bago humagulgol ng pag-iyak.

“Hindi ko maaaring gamitin ang

Tiāntáng shěnpàn

upang makamit ang gintong kabibe mula sa pinuno ng mga sirena, Dahil mahahanap tayo ng ating mga kaaway sa sandaling gumamit ako ng mataas na uri ng salamangka“ Tugon ng hari habang nakakuyom ang mga kamao bilang pagpigil sa kaniyang galit na nadarama.

“Ngunit ang pagkakataong ito ay naiiba. Buhay ng anak mo ang nakasalalay dito”

“Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Buong kaharian ang manganganib sa sandaling mahanap tayo ng ating mga kaaway”

Hindi na muling nakasagot ang reyna dahil alam niyang pawang katotohanan ang sinasambit ng hari. Sadyang hindi niya lang matanggap na walang magagawa ang hari sa karamdaman na dinaranas ng kanilang anak.

“Wei Qui, ipasa mo ang kautusan ko sa ikalawang prinsepe. Siya ang mamumuno ng misyon sa pagkuha ng gintong kabibe”

“Masusunod mahal na hari”

Bago pa man tuluyang makaalis ang kanang kamay ng hari ay kaagad itong hinarang ng reyna.

“Hindi ako makakapayag na ilagay mo sa kapahamakan ang buhay ni Jia Hao” Mariing pagtutulo ng reyna na ikinataas ng kilay ng hari.

“Di ba ang layunin natin ay ang makuha ang gintong kabibe upang mailigtas si Shufen?” Inis na sambit ng hari.

“At bakit si Jia Hao? Bakit hindi mo na lang ipagawa ito kay Li Qiang? Tutal mas marami siyang nalalaman tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa tubig at karagatan” Tugon ng reyna habang pinupunasan ang kaniyang mga luha.

“May misyon pa akong pinapagawa sa unang prinsepe kaya hindi maaaring siya ang mamuno dito”

“Abala rin ang ikalawang prinsepe sa pagsasanay sa ating mga sundalo para sa pakikipagdigma. Mas marami pang oras sa pag-iinom at pambabae ang unang prinsepe kaysa kay Jia Hao”

“Ang bibig mo!” Sigaw ng hari na siyang nagpatigil sa reyna. Bigla na lang nabaling ang atensyon nila nang marinig nila ang mahinang palakpak na nagmumula sa pinto ng silid ng trono. Marahang naglakad si Da Hai habang nakangiti sa hari at reyna.

“Ngayon ko napagtanto na kahit hindi ako anak ng reyna ay masasabi kong ako ang paborito niya sa aming mga prinsepe. Hindi ko akalain na magagawa niyang pagkaabalahan na alamin ang mga bagay na aking ginagawa” Sarkastikong sambit ni Da Hai na labis na ikinainis ng reyna.

“Bakit ka naparito?” Tanong ng hari na siyang ikinayuko ng prinsepe bilang tanda ng kaniyang paggalang. Matapos niyang magbigay ng paggalang ay kaagad niyang kinuha mula sa sisidlan ang gintong kabibe.

“Nagawa ko na ang nais niyong ipagawa sa akin”

Labis na namangha ang hari nang makita niya sa unang pagkakataon nang malapitan ang gintong kabibe. Hindi niya inaasahan na magagawa ito ng kaniyang anak dahil alam niya kung gaano kahirap makuha ito.

“Kahit kailan ay hindi mo ako binigo, Da Hai” Pagpuri ng hari sa nagawa ng prinsepe. Lubos ang tuwa na nadarama niya kaya naman panay ang pagpalakpak niya at pagtawa.

“Paumanhin mahal na hari ngunit alam niyo namang ginagawa ko ang lahat ng bagay na may kaakibat na kabayaran” Nakangiting sambit ng prinsepe na siyang ikinataas ng kilay ng reyna. Muling tumawa ang hari sa sinabi ng prinsepe.

“Inaasahan kong sasabihin mo ito, kaya sige sambitin mo ang iyong nais at titiyakin kong maisasakatuparan ito”

“Bukas na bukas rin ay hinihiling ko na maikasal sa dakilang instrumento”

“ANO?” Sabay na sambit ng hari at reyna sa pagkabigla sa hinihiling ng unang prinsepe.

“Siraulo! Wala sa usapan yun ah!” Inis na sambit ni Yijun na kasalukuyang nakikinig mula sa gilid ng pinto ng silid ng trono. Hindi na napigilan ng binata ang kaniyang sarili kaya pinasok na niya mismo ang silid upang pigilan ang prinsepe sa kaniyang binabalak.

Itutuloy…

A/N:

Maraming Salamat sa pagtangkilik sa istoryang ito at sana’y dumami pa kayo. Susubukan kong makapag-update at least once a week. Sana huwang niyong kalimutan mag VOTE. Need kong maipromote ang story na to sa pamamagitan ng pagvote para dumami pa ang mga readers nito.

Tiāntáng shěnpàn –

(Heaven’s Judgment) isang uri ng mataas na salamangka na kayang sirain ang ano mang bagay o paslangin ang sino mang nilalang kahit saan man siya naroroon.

Note: Gumamit lang ako ng google translate para sa chinese word na yan at kung alam niyo ang tamang translation, please let me know.

Thank you <3

Chapter 10: Rebirth

Wang Yibo as Shufen

  ![](https://img.wattpad.com/89d5e8feaa3c6f8c02d1fd869d3aa1496f36e7c4/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f713545434654727a7a51564475773d3d2d3933363639303630322e313632626363303537383334646163363636303334383633373331392e6a7067)

Nang marinig ni Yijun ang sinambit ng unang prinsepe ay hindi siya nagdalawang isip na pumasok sa loob ng silid ng trono. Sinabihan na siya ng prinsepe na ipaubaya sa kaniya ang pakikipag-usap sa mahal na hari ngunit hindi niya inaasahan na ganun ang kaniyang maririnig.

“Hindi maaari!” Mariing pagtutol ng hari sa hinihinging kapalit ng unang prinsepe. Naputol ang muling pagsasalita ng hari nang makalapit sa kanilang kinaroroonan ang dakilang instrumento.

“Mahal na hari, mahal na reyna” Isa isang hinarap at nagbigay galang ang binata sa hari at reyna na ikinagulat ni Da Hai. 

“Paumanhin sa biglaang pagpasok ko rito sa silid ng trono. Naparito lamang po ako upang kausapin ang unang prinsepe” Magalang na sambit ng binata na ikinailing ng prinsepe.

“Si Da Hai?” Paglilinaw ng hari dahil wala siyang ideya na may pinagsamahan na ang kaniyang anak at ang dakilang instrumento. Sa pagkakaalam niya ay hindi pa nila nakikilala ang isa’t isa. Tumango naman ang binata sa tanong ng hari bilang tugon. Walang pasabi na bigla na lang hinatak ng binata ang kasuotan ng prinsepe upang tumalikod ito sa hari at reyna. Inakbayan niya ang unang prinsepe at saka niya ito binulungan.

“Anong pinagsasabi mo? Wala sa usapan natin ang magpakasal kinabukasan. Hindi pa nga natin naliligtas si Shufen” 

Hindi nagawang sagutin ni Da Hai ang mga tanong ni Yijun, sapagkat mas inalala nito ang mga bagay na nilabag ng binata sa harap ng hari at reyna. Isang malaking kalapastangang maituturing ang pagtalikod sa hari’t reyna nang hindi nagbibigay ng huling pagbati o pagpaalam. Pangalawa ay ang kaswal niyang pagakbay sa prinsepe na hindi dapat ginagawa ng sino mang imortal lalong lalo na sa kalagayan niya na nakatakdang ikasal sa ikatlong prinsepe. Magsasalita na sana ang reyna upang sawayin ang binata sa kawalan niya ng paggalang ngunit mabilis itong napigilan ng hari gamit ang bahagyang pagtaas niya ng kamay.

“May kailangan ba akong malaman sa nangyayari?” Tanong ng mahal na hari na mabilis na nagpaharap sa unang prinsepe. Kasabay ng pagharap niya sa hari ay ang pagkabitaw rin ng kamay ni Yijun sa kaniyang balikat.

“Inaasahan ko na hindi ninyo pahihintulutan ang aking kahilingan kaya ito’y aking babaguhin. Hinihiling ko na maging malaya sa pakikipagkita sa dakilang instrumento sa ano mang oras na aking naisin habang ang aking kapatid ay nagpapagaling” Lakas-loob na sinambit ng unang prinsepe na siyang nagpatindi ng galit ng reyna.

“Laspatangan! Hindi ka na ba nahihiya? Ang dakilang instrumento ay nakatakdang ikasal sa iyong kapatid at nais mong makipagkita sa kaniya sa ano mang oras mong naisin? Ano na lang ang masasabi ng mga imortal sa iyong nais gawin? Sa tingin mo ay makakatakas ito sa paningin ng mga nakakatanda?” 

Bulyaw ng reyna na hindi na nagawang pigilin ng hari. Nais man niyang ipagtanggol ang kaniyang anak ngunit alam niyang maling mali ang hinihinging kahilingan nito. Sandaling nagkatinginan ang hari at reyna na tila nag-uusap gamit ang kanilang isipan. Sinamantala naman ito ni Da Hai upang bumulong kay Yijun.

“Subukan mong magsalita at tumutol. Sisiguraduhin kong hahalikan kita sa harap ng hari at reyna nang lalong gumulo ang sitwasyon” Bulong ng prinsepe na kung saan ay tinitigan siya ng masama ng binata bilang tugon. Hindi na siya lubusang natatakot sa mga banta ng prinsepe ngunit ang kinakatakot niya ay ang gulong magagawa nito. Ikinababahala niya na baka maaepektuhan ang pagpapagaling ni Shufen kaya wala siyang nagawa kundi sumang-ayon sa nais nito.

“Pumapayag na ako” Biglang sambit ng hari.

“Mahal na hari!” Sambit ng reyna bilang pagtutol.

“Ako ang bahalang kumausap sa mga nakakatanda sa kalagayang ito. Ang pinakamahalaga ay ang kaligtasan ni Shufen, kaya kung maaari ay ibigay mo na sa akin ang gintong kabibe” Tugon ng hari ngunit umiling ang prinsepe.

“Ibibigay ko lamang ito kapag naitala niyo na ito sa gintong kasulatan”

  “Ikaw!” Galit na sambit ng reyna dahil malaking usapin ang tinutukoy kapag nilagay ito sa gintong kasulatan. Madalas gamitin ito ng mga imortal na may matataas na antas ng paglilinang. Ginagamit nila ang pagtala ng kasunduan sa loob ng gintong kasulatan upang makasiguro na ang bawat isa ay tutupad sa kanilang napagkasunduan. Ang sino mang lumabag sa kasunduan ay unti-unting magiging ginto ang buong katawan. Ang salamangkang ito ay walang lunas o panlaban kaya nararapat lang na sundin ng bawat isa ang kanilang kasunduan.

Hindi nagdalawang isip ang hari na iwagayway ng isang beses ang kaniyang kamay sa ere upang ilabas ang gintong kasulatan. Nilagay niya ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang sintido na kung saan nakadikit ang kaniyang hintuturo at hinalalato dito. Gamit ang kaniyang kanang kamay ay dahan-dahan niyang kinumpas ang kaniyang mga daliri upang simulan ang pagsusulat ng kanilang kasunduan. Nakalutang sa ere ang gintong kasulatan at ang enerhiyang nagmumula sa mga daliri ng kanang kamay ng hari ang nagsisilbing tinta sa pagsulat nito. Matapos niyang maisulat ang kanilang kasunduan ay bumunot siya ng hibla ng kaniyang buhok at hinagis sa gintong kasulatan upang gamitin sa pagselyo ng kasunduan. Bumunot rin ng hibla ng buhok ang unang prinsepe bilang pagselyo ng kanilang kasunduan. 

Sa sandaling bawiin ng hari ang kanilang kasunduan ay tuluyang magiging ginto ang buong katawan nito. At kung ang gintong kabibe na binigay ni Da Hai ay isang pekeng bagay ay ganun rin ang kaniyang sasapitin. Malaki ang tiwala ng hari sa unang prinsepe at alam niyang alam nito ang kaniyang ginagawa. Hindi man siya ang magmamana ng kaniyang trono ay malaki pa rin ang pagpabor niya sa kaniyang panganay kumpara sa mga sumunod niyang anak. Alam niyang hindi maganda ang relasyon ng reyna at ng kaniyang panganay na anak, dahil anak ito ng unang reyna na hanggang ngayon ay labis na pinagseselosan ng kasalukuyang reyna. Upang hindi na tumagal pa ang tensyon sa loob ng silid ng trono ay kaniyang pinagbigyan ang kahilingan ng prinsepe.

Matapos maselyohan ng bawat panig ang gintong kasulatan ay kaagad itong nadurog na para bang gintong buhangin hanggang sa tuluyan itong maglaho. Marahang lumapit ang prinsepe upang iabot sa hari ang gintong kabibe bilang pagtugon sa kaniyang kahilingan. Malugod itong tinanggap ng hari at nagawang magpasalamat. Bahagyang itinaas ng hari ang gintong kabibe upang suriin ito.

“Wei Qui, Iparating mo ang mensahe ko sa ikalawang prinsepe. Nais kong dalhin niya ang mga magigiting niyang sundalo upang paigtingin ang pagbabantay sa palibot ng altar dahil ngayong gabi mismo isasagawa ang muling pagkabuhay ni Shufen” 

“Masusunod mahal na hari”

Matapos magbigay ng kautusan ang mahal na hari ay inabot nito ang selyo na magbibigay ng pahintulot kay Yijun at Da Hai na dalawin ang palasyo ng ikatlong prinsepe. Matapos matanggap ng prinsepe  ang selyo ay  kaagad naman nilang nilisan ang silid ng trono. Hindi lubusang magawang maging masaya ng reyna kahit na alam niyang malalagay na sa mabuti ang kakagayan ni Shufen. Nahihiwagaan siya sa mga kinikilos ni Da Hai at iniisip niyang may balak itong agawin ang trono mula sa kaniyang bunsong anak. Nang lisanin niya ang silid ng trono ay kaagad siyang nagpadala ng espiya upang malaman niya ang bawat gagawing hakbang ng prinsepe.

Habang naglalakad patungo sa palasyo ng Rennai ay hindi mawala sa isipan ng binata ang motibo ni Da Hai sa hiningi nitong kapalit para sa pagbigay niya ng gintong kabibe. Hindi lingid sa kaalaman ni Yijun na nais maging hari ni Da Hai ngunit ang malayang makasama siya ang pinili nitong maging kapalit.

“Matanong ko lang bakit yun ang hiningi mong kapalit at bakit parang malaking bagay ito para sa hari at reyna?” Hindi mapigilang itanong ng binata na siyang nagpatigil sa prinsepe sa pagsipol.

“Bakit mas gusto mo bang ikasal na lang tayong dalawa?” Tugon nito na siyang nagpaatras sa binata dahil sa biglang paglapit ng mukha nito sa kaniya.

“Hindi… nagtataka lang ako kung bakit” Sagot ng binata habang iniiwas ang pagtingin sa nakakalokong tingin sa kaniya ng prinsepe.

“Madali lang… dahil sa pagkakataong gamitin nila kay Shufen ang salamangka ng muling pagkabuhay ay maaaring mawala sa kaniya ang marka ng gintong dragon. Kapag nangyari iyon ay muling mamimili ang gintong dragon ng bagong magiging kabiak ng dakilang instrumento. Mas malaki ang magiging tsansa ko na mapili lalong lalo na kung tuluyang mahulog ang damdamin mo para sa akin” Sambit ng prinsepe na siyang nagpailing sa binata.

“Asa!” Ang tanging naisagot niya habang nakangiti. 

“Matanong ko lang, kung ang damdamin naming mga dakilang instrumento ay nakakatulong sa pagpili ng aming magiging kabiak. Sa tingin mo, bakit si Shufen ang napili eh wala naman akong nararamdaman para sa kaniya?” 

Huminto ang prinsepe sa paglalakad at sumandal sa pader na malapit sa pintong bayan ng palasyo ng Rennai. Tumingin siya sa alapaap na tila ba may nakikita na kung ano at muling binaling ang pagtingin kay Yijun.

“Hanggang sa ngayon ay nahihiwagaan parin kami sa pagpili ng mga dakilang tagapangalaga ng daigdig. Sa ngayon ang tanging napatunayan lang namin ay nakakaapekto ang damdamin ng instrumento sa pagpili ng magiging kabiak nito.  Ang pag-iisang dibdib ng napiling hari ng dakilang tagapangalaga at ng dakilang instrumento ay hindi lamang binuo upang maipasa ang kapangyarihan nito. Sapagkat napili rin sila upang bumuo ng samahan na mangangalaga sa kapakanan ng buong kaharian at sa ikabubuti ng buong daigdig” 

“Papano kung ayaw ikasal ng dakilang instrumento o kaya siya yung sumira sa kasunduan? Pipili ba ng bagong instrumento ang dakilang tagapangalaga?” Biglang naging seryoso ang mukha ng prinsepe at hindi kaagad nakasagot sa tanong ng binata. Tila may nais itong sabihin ngunit hindi niya masabi.

“Sa pagkakaalam ko ay wala pang naitalang pagpapalit ng dakilang instrumento. Lahat sila ay bukal sa loob na tinanggap ang kanilang tungkulin. May kakaiba rin silang katangian na wala ang mga ordinaryong nilalang. Isang misteryo pa rin sa amin ang kanilang pinagmulan, dahil lahat ng mga nagiging instrumento ay walang alaala sa kanilang pagkatao at pinagmulan na para bang nagmula sila sa ibang daigdig”

Tutugon na sana ang binata upang sabihin ang tungkol sa pinanggalingan niya ngunit naantala ito nang magsalitang muli ang prinsepe.

“Nakakapagtaka rin kung bakit si Shufen ang napili niya bilang kabiak mo. Isipin mo, di hamak na mas magaling ako kay Shufen sa larangan ng paggamit ng salamangka. Mas kabigha-bighani ang aking pangangatawan at hitsura kumpara sa kaniya. Hindi ko talaga maintindihan k-” Habang nagsasalita ang prinsepe ay lumapit ang binata upang tapikin ang balikat nito habang umiiling. Alam niyang magandang lalaki ang unang prinsepe ngunit sadyang punong puno ito ng kayabangan sa sarili na siyang kinakantyawan ng binata.

“Teka saan ka pupunta?” Mabilis na hiniwakan ng prinsepe ang braso ng binata nang ito ay tumalikod sa kaniya. Bago tumugon ay bigla na lang inakbayan ng binata ang prinsepe at may tinuro sa likurang bahagi nito.

“Tingnan mo nga naman nariyan na yung mga magagandang babae na naghahanap sa’yo” Sambit ng binata na siyang nagpatalikod sa prinsepe upang hanapin ang mga dilag na tinutukoy nito. Habang nakatalikod ang prinsepe ay sinamantala naman ni Yijun ang pagkakataon upang kunin ang selyo na nakasabit sa tagiliran ng unang prinsepe. Ang selyo na ito ay binigay ng hari upang magbigyan ng permiso ang unang prinsepe na dalawin ang kaniyang kapatid na si Shufen. Malubha ang kalagayan ng ikatlong prinsepe kaya mahigpit ang pagbabantay sa loob at labas ng kaniyang palasyo. Kaya naman kapag walang selyo o pahintulot mula sa hari ay hindi nila maaaring pasukin ang palasyo nito.

Sa sandaling napasakamay ni Yijun ang selyo ay kaagad itong nanakbo sa pintuang bayan ng palasyo at ipinakita ang selyo bilang patunay na may pahintulot siya mula sa hari na pasukin ang palasyo. Matapos madismaya ng prinsepe sa pagbibiro nito ay kaagad nitong hinarap ang binata ngunit sa sandaling harapin na niya ito ay wala na ito sa kaniyang kinatatayuan. 

“Pagbati mahal na prinsepe Da Hai” Sabay na sambit ng dalawang gwardiya na nakatayo sa bawat gilid ng pintuang bayan. 

“Napansin niyo ba ang dakilang instrumento?” 

“Nasa loob na po siya ng palasyo kamahalan” Mabilis na tugon ng gwardiya na nasa kanang bahagi ng pintuang bayan.

“Hindi man lang ako hinintay” Napapailing na sambit ng prinsepe at tuluyang lumapit sa pintuang bayan ng palasyo. Bago pa man siya makalampas sa pintuang bayan ay kaagad siyang hinarang ng dalawang pinagdikit na sibat ng magkabilang gwardiya.

“Paumanhin mahal na prinsepe ngunit ipinagbabawal ng mahal na hari ang pagpapasok ng kahit sino na walang pahintulot mula sa kaniya” Sambit ng gwardiyang nakatayo sa kaliwang bahagi ng pintuang bayan.

“Hindi niyo ba nakikita ang selyong nakasabit sa tagiliran ko?” Mariing tugon ng unang prinsepe habang nakatingin ng derecho sa loob ng palasyo. Masusing pinagmasdan ng dalawang gwardiya ang kasuotan ng prinsepe ngunit wala silang makitang selyo na nagpapatunay na may pahintulot siya mula sa hari. Nagkatinginan muna ang dalawang gwardiya na tila nagtutulakan pa kung sino ang tutugon sa tanong ng prinsepe.

“Paumanhin kamahalan ngunit wala po kayong dalang selyo” Lakas-loob ng tugon ng gwardiyang nasa kaliwang bahagi. Kaagad itong hinarap ng prinsepe at binigyan ng masamang tingin.

“Sinasabi mo bang.. isa akong sinunga-” Natigilan ang prinsepe sa pagsasalita nang hindi niya makapa sa kaniyang tagiliran ang selyo na binigay sa kaniya ng hari. 

“Na saan na?….. Yijuuuuuuuuuuun!!”

Umalingawngaw ang sigaw ng unang prinsepe sa labas ng palasyo ng Rennai nang mapagtanto niya na kinuha ni Yijun mula sa kaniya ang selyo. Halos hikain naman sa kakapigil ng tawa ang binata nang marinig niya ang malakas na sigaw ng prinsepe. Wala tuloy nagawa ang prinsepe kundi ang bumalik sa kaniyang palasyo dahil alam niyang hindi siya makakapasok sa loob dahil hawak ni Yijun ang selyo na ipinagkaloob sa kaniya ng hari.

Nang makapagpahinga ang binata mula sa kaniyang pagtawa ay kaagad niyang tinungo ang silid ng ikatlong prinsepe upang dalawin ito. Kahit papano ay bumuti ang kalagayan nito nang huli niyang dalawin ang prinsepe. Inaasahan niya na kahit papano ay makakausap niya ito ngayon upang maihatid ang magandang balita. Bago pa man tuluyang makarating ang binata sa harap ng silid ng ikatlong prinsepe ay bigla na lang nagbukas ang pinto nito. Magkasabay niluwa ng pinto ang dalawang nilalang na bumagsak sa sahig. Napatakbo ang binata sa kinaroroonan ng dalawang nakahandusay sa sahig upang alamin kung ano ang nangyayari. Hirap man ay nagawa pang makaupo ng isang manggagamot ngunit tila napuruhan ang isa niyang kasama na ngayon ay sumusuka ng dugo.

“Anong nangyayari dito?” Tanong ng binata sa dalawang manggagamot.

“Lumalala na ho ang kalagayan ng ikatlong prinsepe. Kakailanganin na ang tulong ng punong manggagamot at ang paggabay ng hari upang mapakalma ang prinsepe” Tugon ng isang manggagamot habang inaalalayan ang kasama niya.

Napalingon ang binata sa loob ng kwarto nang maamoy niya ang di kaaya-ayang amoy na nagmumula rito. Tila ba may nasusunog na laman na hindi niya mawari. Hindi niya makita ang kalooban ng kwarto mula sa labas dahil sa makapal na itim na usok na pumapalibot sa loob ng silid. Dahil nanatiling nakabukas ang pinto ay unti unting tumatakas ang maitim na usok. Mabilis na napaatras ang manggagamot habang hinihila ang kaniyang kasamahan upang hindi maabot ng itim na usok. Binalaan niya ang binata na huwag dumikit sa itim na usok ngunit nang tatama ito sa balat ng prinsepe ay kaagad gumana ang gintong proteksyon ng gintong dragon sa katawan ng binata. Ito ang naging dahilan upang hindi masaktan si Yijun sa masamang dinudulot ng itim na usok. Naglakas-loob itong pasukin ang silid ng prinsepe kahit na binalaan na siya ng isang manggagamot.

Sa pagpasok ng binata ay halos hindi niya maaninag ang palibot ng kwarto dahil sa makapal na itim na usok. Nagawa niya pang tawagin ang pangalan ng ikatlong prinsepe ngunit hindi ito tumutugon sa kaniyang pagtawag. Nagatuloy siya sa paglalakad hanggang sa tumama ang kaniyang katawan sa kama. Napangiwi pa siya sa lakas nagpapakatama ng kaniyang tuhod. Ganun pa man ay patuloy siya sa pagkapkap sa kama upang alamin ang kinaroroonan ni Shufen. Sa pagkapa niya sa kama ay tuluyan niyang nahawakan ang paa ng prinsepe. Ilang beses niya itong inuga habang tinatawag ang kaniyang pangalan ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Hindi niya maaninag ang mukha nito kaya ginamit niya ang pagkapa sa binti ng prinsepe upang maging gabay patungo sa mukha ng prinsepe. Sa kaniyang pagkapkap ay hindi inaasahang may mahawakan siyang bagay na hindi niya dapat nahawakan. Laking gulat niya nang muntikang maglapit ang mukha nila ng prinsepe.

“Bakit ka nandito?” Nanghihinang tanong ng prinsepe na siyang nagpaatras sa binata. Sa kasalukuyang kalagayan ng prinsepe ay tila isa na siyang multo dahil sa labis na pamumutla ng mukha nito. Ang itim na ugat ay muling umaakyat patungo sa kaniyang mukha na siyang ikinabahala ni Yijun.

“Kamusta ang pakiramdam mo?” Tanong ng binata at bigla na lang niyang hinawakan ang pisngi ni Shufen. Kapwa silang nagulat sa ginawa ni Yijun ngunit walang lakas ang prinsepe upang alisin ang kamay nito. Ang kamay at paa niya ay nanatiling nakagapos na lalong nagpahirap sa kaniyang kumilos. 

“Mabuti, kaya iwan mo na ako” Hinihingal na tugon ng prinsepe na nasundan ng pag-ubo.

“Mukhang kailangan mo ang dugo ko, heto” Inalok ng binata ang kaniyang palad sa prinsepe upang makakuha ito ng dugo ngunit umiwas lang ng tingin si Shufen.

“Sige na, kailangan mong maging malakas dahil mamayang gabi na raw isasagawa ang ritwal sa muli mong pagkabuhay” Nakangiting sambit ni Yijun habang patuloy na kinukumbinsi ang prinsepe na kagatin na ang kaniyang palad. 

“Imposible!” Ang tanging tugon ni Shufen habang tinititigan ang binata na may pagdududa.

“Totoo nga. Hawak na ng hari ngayon ang gintong kabibe at may sasabihin ako sa’yong sekreto” Nilapit ng binata ang kaniyang mukha sa kaliwang tenga ng prinsepe at saka bumulong.

“Ako mismo ang umagaw ng gintong kabibe mula sa leeg ng pinuno ng mga sirena” Buong tapang na sinabi ng binata at sa sandaling magtagpo ang paningin nila ni Shufen ay nagulat na lang siya dahil sa naging reaksyon nito. 

“Ngayon pa lang ay sabihin mo na sa akin ang katotohanan, ayoko sa lahat ay…. pinagsisinungalingan ako” 

Hirap mang magsalita ay ramdam ng binata ang galit ng prinsepe. Ngunit imbes na masindak ay mas nanaig ang pagkainsulto na kaniyang nadarama sa sinambit ng prinsepe. 

“Grabe ka naman! Wala ka bang tiwala sa mapapangasawa mo?” Dala ng kaniyang emosyon ay wala sa sariling nasabi iyon ng binata na kaagad naman niyang pinagsisihan. 

Hindi malaman ni Yijun kung saan niya ibabaling ang kaniyang paningin dahil sa labis na kahihiyan. Una ay nahawakan niya ang parte ng katawan ng prinsepe nang hindi niya sinasadya at ngayon naman ay lakas loob niyang binanggit ang tungkol sa kanilang pagiging mag-asawa.

“Sana lamunin na lang ako ng makapal na usok na ’to” Sambit ng binata sa sarili dahil sa labis na kahihiyan. 

Nais man niyang lisanin ang silid ngunit hindi niya magawang iwanan ang prinsepe sa ganitong kalagayan. Kaya naman sa ikatlong pagkakataon ay muli niyang inalok ang kaniyang palad upang makakuha na ang prinsepe ng dugo mula sa kaniya. Wala siyang narinig na sagot mula sa prinsepe kaya muli niyang binaling ang kaniyang paningin dito. Kasalukuyang nakatingin ito sa kaniya ngunit tila labis itong hinihingal. Muling nataranta ang binata at hindi malaman kung anong gagawin. Hindi niya magawang saktan ang sarili dahil sa proteksyon ng gintong dragon ngunit may naisip siyang ideya na maaaring mangyari. Buong lakas niyang kinagat ang kaniyang labi hanggang sa tuluyang dumugo ito. 

Ang prinsepe na kanina lang ay labis na nanghihina ay bigla na lang lumiksi. Nagulat na lang ang binata nang magkatapat ang mukha nila ng prinsepe. Kung hindi nakagapos ang mga kamay nito ay tiyak na maglalapat ang kanilang mga labi dahil sa kasabikan ng prinsepe sa kaniyang dugo. Ang prinsepe ngayon ay kasalukuyang nakatitig sa labi ng binata na para bang sabik na sabik sa kaniyang paboritong putahe. Natauhan lang ang binata sa kasalukuyan nilang ayos nang makita niya ang paglabas ng dila ng prinsepe upang abutin ang dugo sa kaniyang labi.

“Ahhhh… Hindi mo diyan kukunin” Sambit ni Yijun matapos siyang lumayo ng bahagya sa prinsepe. Nagmistulang batang nagtatampo naman ang naging reaksyon ng prinsepe nang lumayo sa kaniya ang binata. Mabilis na pinahid ni Yijun ang dugo mula sa kaniyang labi patungo sa kaniyang kaliwang palad bago ito ialok sa prinsepe.

Nang muling ilapit sa mukha ni Shufen ang palad ni Yijun na may bakas ng dugo mula sa kaniyang labi ay hindi na nagdalawang isip pa ang prinsepe na kagatin ito. Inaasahan na ng binata ang kapaganapang ito ngunit nabigla pa rin siya sa mabilis na pagkagat sa kaniya ng prinsepe. Napapikit ang binata sa labis na sakit na nadarama sa paraan ng pagsipsip ng prinsepe sa kaniyang dugo.

“Ahhhh.. dahan-dahan lang Shufen” 

Pakiusap ng binata at napakapit na sa kasuotan ng prinsepe. Unti-unting nakaramdam ng panghihina ang binata dahil sa patuloy na pagsipsip ng prinsepe sa kaniyang dugo. Mula sa pagkakakapit niya ay dumulas ang kaniyang kamay na naging sanhi upang maibaba ang kasuotan ng prinsepe na siyang naging dahilan upang mailantad ang kaliwang braso nito na pinagmumulan ng itim na ugat. Sa bawat sandaling tumatagal ay unti-unting nawawala ang mga itim na ugat sa mukha ni Shufen at nanunumbalik ang mga ito sa sugat na kanilang pinagmumulan. Ang makapal na itim na usok ay unti-unting naglaho hanggang sa bumalik sa normal ang silid ng prinsepe. Kapalit ng pagbuti ng kalagayan ni Shufen ay unti-unting pagkalabo ng paningin si Yijun. Tila sa bawat pagsipsip ni Shufen ng kaniyang dugo ay unti-unti siyang tinatakasan ng kaniyang kamalayan.

“Tumigil ka na Shufen!” Mariing sambit ng hari matapos niyang hatakin ang kamay ni Yijun mula sa bibig ni Shufen.

Kasamang dumating ng hari ang punong manggagamot na titingin sa kalagayan ni Shufen na ngayo’y naabutan nilang sumisipsip sa dugo ng dakilang instrumento. Lingid sa kaalaman ng hari na ito na ang ikalawang beses na pag-inom ni Shufen sa dugo ng binata kaya bakas sa mukha nito ang pagkabigla. Ang mga mata ni Shufen ay nanlilisik sa galit sa kaniyang ama dahil sa pagbawi nito sa kamay ng binata. 

“Shufen” 

Mabilis umamo ang mukha ng ikatlong prinsepe nang marinig niya ang pagtawag ng kaniyang pangalan ni Yijun bago pa man ito mawalan ng malay. Kaagad pumasok ang iba pang tagapaglingkod upang alalayan ang dakilang instrumento patungo sa ibang kwarto upang gamutin ang sugat nito sa kaniyang palad. Naiwan naman sa silid ng prinsepe ang kaniyang amang hari at ang punong manggagamot.

Sumapit ang hating gabi nang magising ang binata mula sa kaniyang mahabang pagtulog. Nais pa sana niyang matulog muli ngunit napabalikwas siya nang maalala niya na sa sandaling ito gaganapin ang muling pagkabuhay ni Shufen. Bago pa man siya tuluyang makalabas ng kaniyang silid ay may nakabantay na kaagad na kawal sa labas ng pinto ng kaniyang silid. Upang makatakas sa dalawang kawal ay nagpanggap ang binata na gagamit lamang ng palikuran upang makapagbawas ngunit sa higpit ng pagbabantay ay sinamahan siya ng mga ito patungo sa palikuran. 

Matagal nang plano ng binata ang takasan ang ikatlong prinsepe kaya marami na rin siyang alam na pwedeng daanan kung sakali mang ituloy niya ito. Ang tanging humahadlang lang sa kaniya noon ay ang gintong lubid na bumubuklod sa kanilang dalawa. Ngayong wala na ito ay magagawa na niya lahat ng nais niyang gawin. Malaya niyang naakayat ang bakuran mula sa likurang bahagi ng palikuran. Dahan-dahan siyang umakyat sa bubong ng palasyo na tila ba isang magnanakaw. Nagawa niyang magpalipat-lipat sa bawat bubong ng hindi napapansin ng mga kawal dahil kakaunti lamang ang mga nagbabantay sa palasyo dahil karamihan sa mga ito ay nakabantay sa palibot ng altar na kung saan ginaganap ang seremonya.

Laking pasasalamat ng binata dahil nagawa niyang marating ang palasyo kung saan ginaganap ang ritwal nang hindi nakikita. Kapansin-pansin ang makapal na harang sa palibot ng palasyo na nagsisilbing proteksyon laban sa hindi inaasahang nilalang na dadalo sa ritwal. Gaano man kataas ang antas ng salamangkang ginamit sa pagbuo ng harang na ito ay walang kahirap-hirap na napasok ito ni Yijun. Laking gulat pa niya nang makasalubong niya kaagad ang isang matipunong kawal ngunit sa kaniyang pagtataka ay hindi siya nakikita nito. Nagawa niya pang iwagayway ang kaniyang kamay upang kunin ang atensyon nito ngunit hindi man lang siya nito napapansin.

“Kaya ko na rin ba maging invincible?”  Nakangising tanong ng binata sa sarili. Pakiramdam niya ay tila habang tumatagal ay lalo siyang lumalakas. Ngunit hindi ito ang panahon upang siya ay magbunyi dahil kailangan niya pang tulungan ang prinsepe, kaya minabuti niyang pasukin ang loob ng palasyo kung saan ginaganap ang ritwal.

Kalahating oras na ang lumilipas nang simulan ang ritwal sa muling pagkabuhay ni Shufen ngunit hindi nila magawang mapakalma ang prinsepe. Ang pagiging mabangis nito ang nagiging hadlang upang makompleto nila ang unang hakbang sa ritwal. Kinakailangan niyang maging mahinahon upang mapagtagumpayan ang pagsalin ng kaniyang kaluluwa sa loob ng gintong kabibe. Walang bisa ang tulong ng limang imortal na magaling sa larangan ng paggamit ng kanilang tinig sa bitaw ng kanilang salamangka. Buong pwersa nilang pinagsama ang kanilang tinig upang mapakalma ito, ngunit nanatili paring mabangis ang prinsepe. 

Nakapwesto sa gitna ng altar ang ikatlong prinsepe na kung saan ay napapaloob siya sa hugis bilog na nakaukit sa sahig. Mula sa hilaga at timog na bahagi ng bilog ay magkatapat ang hari at reyna bilang paggabay sa muling pagkabuhay ng prinsepe. At sa tulong ng mataas na antas na salamangka ni Da Hai ay nagagawa niyang maikulong sa loob ng  bilog na harang ang ikatlong prinsepe. Gaano man sila kahanda sa pangyayaring ito ay hindi pa rin nila magawang mapakalma ang ikatlong prinsepe. Ang kanilang lakas at paghahanda ay mapupunta sa wala kung mananatiling mabangis ang prinsepe. 

Ilang sandali pa ay bigla na lang itong tumigil sa pagwawala. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at nagmistulang aso sa uri ng kaniyang pag-amoy sa hangin. Magkahalong pananabik at pagkalito ang inasal ng prinsepe na tila ba tuluyang nawala sa kaniyang katinuan nang maamoy niya ang pamilyar na halimuyak sa kaniyang ilong. 

“Ito ba ang hinahanap mo?” Tanong ng Yijun sa ikatlong prinsepe na kung saan ay nagmadali pa itong lumapit sa binata ngunit hindi niya ito nagawang hawakan dahil sa harang na pumipigil sa prinsepe na lumabas sa bilog.

“Anong ginagawa mo dito Yijun?” Gulat na tanong ni Dahai. Walang sino man sa mga imortal ang nakapansin o nakadama ng kaniyang presensya sa pagpasok niya sa loob ng altar. 

“Dakilang instrumento, Kung ano man ang naiisip mo ay huwag mo na itong ituloy. Sa sandaling pasukin mo ang bilog na-” Hindi na nagawang tapusin ng hari ang kaniyang babala dahil tuluyang pinasok ni Yijun ang loob ng bilog. Ramdam ng binata ang panganib sa pagpasok niya sa loob ngunit sinugal niya pa rin ang kaniyang buhay para sa ikatlong prinsepe. 

Hindi pa tuluyang magaling ang kaniyang kamay kaya na kinagatan ni Shufen, kaya nagawa niya itong paduguin nang buong pwersa niyang tinukom ito. Sa pagkapasok ng binata sa loob ng bilog ay tila isang gutom na tigre ang dumamba sa kaniya. Napahiga ang binata sa lakas ng pagkakadamba sa kaniya ng prinsepe. Nakatukod ang magkabilang tuhod ni Shufen sa tagiliran  ng binata upang mapigilan ito sa pagtakas mula sa kaniya. Hinila ni Shufen ang nagdudugong kamay ni Yijun at marahas namang tinulak ang kanang dibdib nito upang mapanatiling nakahiga ang binata habang kagat-kagat niya ang kamay nito.

“Shufen!!” Sabay na sigaw ng hari at ng unang prinsepe. Kapwa silang nabahala sa inasal ni Shufen sa dakilang instrumento. 

Ninais ni Da Hai na itigil na ang ritwal dahil maaaring mapahawak si Yijun sa kamay ng ikatlong prinsepe ngunit bago pa man niya tanggalin ang harang ay nagawa siyang pigilan ng isa sa mga nakakatandang imortal. Maaaring bawian ng buhay si Shufen at Yijun kapag hininto nila ang ritwal. Dahil ang paggamit ng ritwal sa muling pagbuhay ng isang imortal ay nangangailangan ng mataas na antas ng paglilinang gaya ng sa hari at reyna upang maisagawa ito. Sa sandaling umalis ang isa mula sa kanilang pwesto ay tuluyang babawian ng buhay ang sino mang nilalang na binabalak nilang bigyan ng muling pagkabuhay. 

Patuloy sa pagsipsip ang prinsepe sa dugo ng binata hanggang sa tuluyang kumalma ang kaniyang katawan at isipan. Ilang sandali pa ay bigla na lang nitong binitawan ang kamay ni Yijun dahil sa pagkabigla. Wala siya sa sariling katinuan nang atakahin niya ang binata kaya naman labis ang pagkagulat niya nang makita niya itong nanghihina sa kaniyang harapan. Dali-dali niya itong inayos at pinaupo. Marahan niyang inalalayan ito upang makasandal ang ulo ng binata sa kaniyang dibdib.

“Bakit? Bakit mo ginagawa ito?” Tanong ng prinsepe habang pinagmamasdan ang namumutlang mukha ng binata. Pinilit na imulat ni Yijun ang kaniyang mga mata upang mapagmasdan niya ang mukha ng prinsepe. Bakas sa labi ni Shufen ang dugong ininom nito na mula sa palad ng binata. Labis ang panghihina ni Yijun at para bang lumulutang na ang kaniyang pag-iisip kaya kung ano-ano na ang kaniyang sinasambit. 

“Atsaka hindi pa tayo kinakasal… ayoko naman kaagad na maging byudo kapag hindi mo napagtagumpayan ang ritwal na ito” 

Sa dami ng mga sinambit ng binata ay ito ang mga salitang tanging tumatak sa isipan ni Shufen. Labis na naantig ang kaniyang damdamin sa ginawa ni Yijun kaya ipinangako nito sa sarili  na hindi niya sasayangin ang paghihirap ng dakilang instrumento. Matapos tuluyang mawalan ng malay si Yijun ay kaagad namang hiniga ni Shufen ang katawan ng binata sa pinakagitnang bahagi ng bilog at naupo sa tabi ng dakilang instrumento.

“Mahal na hari, simulan niyo na!” Sigaw ni Shufen at nagkumas ng kaniyang kamay upang makagawa ng salamangkang pipigil sa pagdaloy ng itim na ugat patungo sa kaniyang ulo. 

“Ngunit maaaring mahigop ng gintong kabibe ang kaluluwa ng dakilang instrumento!” Pagkontra ng hari sa nais mangyari ng prinsepe.

“Magtiwala ho kayo sa akin!” Muling sigaw ni Shufen mula sa loob ng bilog. Minamadali na niya ang hari sa paglabas ng gintong kabibe dahil muling lumalakbay ang itim na ugat patungo sa kaniyang ulo. Kakaunti na lang ang lakas ng prinsepe upang labanan ang tuluyang pagkalat ng itim na ugat patungo sa kaniyang ulo. Sa sandaling umakyat ito sa kaniyang utak ay muling mawawalan ng kontrol ang ikatlong prinsepe sa kaniyang pag-iisip at ikinababahala niya na mapaslang niya ang binata sa pagkakataong iyon. 

“Zhi Hao!” Pagtawag ng reyna sa pangalan ng hari na naging dahilan upang mahimasmasan ito mula sa labis na pag-iisip. 

Hindi na nagdalawang isip ang hari at kaagad siyang nagkumpas upang maipalabas ang gintong kabibe sa ibabaw na bahagi ng ikatlong prinsepe. Mabilis na hinigop ng gintong kabibe ang kaluluwa ng prinsepe na naging dahilan upang bumagsak ang katawan nito sa sahig. Nanatiling ligtas ang katawan ng binata dahil sa proteksyon ng gintong dragon. Matapos mapagtagumpayan ang hakbang na ito ay kaagad nilang sinunod ang pagsunog sa katawan ng prinsepe. Mabilis na nagkumpas ang reyna upang maisambit niya ang salitang gagamitin sa banal na apoy na kanilang gagamitin.

“Mula sa langit patungo sa lupa. O, banal na ibong nag-aapoy bigyang dingnin ang aking panalangin. Ipagkaloob mo sa akin ang iyong banal na apoy na muling bubuhay sa nilalang na yumao” 

Matapos sambitin ng reyna ang mga katagang iyon ay kaagad dumaloy ang apoy mula sa kaniyang kamay patungo sa katawan ng ikatlong prinsepe. Labis ang init na nililikha ng apoy na ito kaya sa loob lamang ng isang minuto ay naging abo kaagad ang katawan ng prinsepe. Sumunod namang nagkumpas ng kamay ang hari upang isagawa ang susunod na hakbang.

“Amihan, dyosa ng hangin. Ang aking kahilingan sana’y iyong dingin. Likumin mo ang mga natitirang abo at maging gabay sa muling pagkabuhay nito” 

Kasabay ng pagbanggit ng hari sa mga salitang iyon ay unti- unting nilipad sa ere ang mga abo ni Shufen. Nagsilbi itong ipo-ipo sa himpapawid na nagdadala ng mga abo ng prinsepe. Sabay na nagkatinginan ang hari at reyna upang maisagawa ang huling hakbang ng ritwal at yun ay ang pag-alay nila ng kanilang mga kuko mula sa kanilang hinliliit. Wala silang sinayang na sandali at kaagad nilang hinugot ang mga kuko sa kanilang hinliliit at magkasabay itong hinagis sa ipo-ipong nagdadala ng abo ng prinsepe. Magkasabay na nagkumpas ang hari at reyna upang makompleto ang ritwal at sa sandaling lumiwanag ang loob ng bilog ay kaagad hinagis ng hari ang gintong kabibe sa loob ng bilog upang palayain ang kaluluwa ng ikatlong prinsepe.

Nang makompleto nila ang ritwal ay mas lalong nagliwanag ang palibot ng bilog na unti-unting sumilaw sa lahat ng mga nilalang sa loob ng altar. Walang nangyaring pagsabog ngunit nasundan ito ng malakas na pag-ugong na yumanig sa buong kaharian. Ilang sandali pa ay nagising si Yijun mula sa mahinang paggalaw sa ibabaw ng kaniyang tiyan at laking gulat niya nang makakita siya ng sanggol na umiiyak.

Itutuloy…

A/N: Napahaba na naman ang pagsusulat ko sa chapter na ’to kaya ngayon lang nakapag-update. Sana patuloy niyo pa ring subaybayan ang kwento dahil gagawin kong mas kapana-panabik ang bawat kabanata ng istoryang ito. Malapit ng umabot ng 7K reads kaya huwag kalimutang mag VOTE !

Note:

Pintuang bayan - Gate (sa Ingles)

Chapter 11: Marks of the Golden Dragon

Deng Lun as Jia Hao

  ![](https://img.wattpad.com/6192aaf8c17da801e24a3d74315259b3842df4d0/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6749755259795735766b56686e773d3d2d3934393038313132392e313633343534383065643666343238653533373737383434313035372e6a7067)

Matapos mawalan ng malay ni Yijun ay pinukaw siya ng mahinang pagkilos at pag-iyak ng isang mumunting nilalang sa ibabaw ng kaniyang tiyan. Labis ang kaniyang pagkagulat kaya nanatili siyang nakatitig dito habang pinagmamasdan ang pag-iyak nito. Sadyang naging malikot ang munting nilalang sa ibabaw ng kaniyang tiyan at muntikan na itong malaglag. Mabuti na lang at naging mabilis ang pagkilos ng binata at kaagad niyang nasapo ang sanggol. Sa sandaling iyon ay nagkaroon ng pagkakataon ang binata na masilayan ng husto ang pagmumukha ng sanggol.

“Teka, parang may kamukha itong batang ’to” Sambit ng binata sa sarili habang pinagmamasdan niya ang mukha ng hawak na sanggol. Mabilis tumahan ang sanggol nang makarga niya nang maayos ito, na tila ba’y nakakakita na ito at masayang pinagmamasdan ang binatang may hawak sa kaniya. 

Masyadong naaliw ang binata sa mga mumunting ngiti ng sanggol na kaniyang hawak at hindi niya namalayan na nakapalibot na pala sa kaniya ang mga imortal na nasa loob ng silid ng pagriritwal.

“Ahh.. pasensya na.. Nasaan na po pala si Shufen? Ligtas na po ba siya?” Tanong ni Yijun nang magtagpo ang kanilang paningin ng hari. Matamis na ngiti ang sinukli nito bago sinagot ang katanungan ng binata.

“Karga-karga mo na ang susunod na hari ng Tianmen” Masayang tugon ng hari na sadyang ikinagulat ng binata. Nang muli niyang tingnan ang sanggol na kaniyang hawak-hawak ay saka niya lang napansin ang mumunting liwanag na nagmumula sa kanang braso nito. Ngayon niya lang napansin ang markang lumiliwanag sa braso nito na sumisimbolo sa isa sa mga apat na dakilang tagapangalaga ng daigdig, ito ay ang kulay asul na dragon na si Qinglong. 

“Isa lamang itong patunay na si Shufen pa rin ang pinili ng dakilang tagapangala na si Qinglong na maging hari ng Tianmen” Nagagalak na sambit ng reyna habang nakakuyom ang mga kamay dahil sa labis na tuwa.

“Ngunit nawala na ang taglay niyang gintong marka na ipinagkaloob ng dakilang gintong dragon” Sambit ng punong manggagamot. Nabigla naman ang binata nang maramdaman niya ang biglang paghawi ng kaniyang mga buhok mula sa kaniyang batok. 

“Nasa kaniya pa rin ang marka ng gintong dragon bilang instrumento nito” Tugon ni Da Hai matapos niyang makita na naroon pa rin ang gintong marka sa batok ni Yijun.

“Ang ibig kong sabihin ay ang marka ng ikatlong prinsepe” Paglilinaw ng punong manggagamot. Bahagyang napayuko si Da Hai upang maakbayan si Yijun. Nabigla si Yijun sa inasal ni Da Hai sa harapan ng hari at reyna ngunit hindi niya magawang alisin ang kamay nito mula sa kaniyang balikat dahil karga-karga niya pa rin ang sanggol na si Shufen.

“Sa makatuwid ay isa sa aming mga prinsepe ang maaaring piliin ng dakilang gintong dragon” Tugon ni Da Hai habang nakatitig sa mukha ni Yijun na tinapos niya sa pamamagitan ng pagkindat sa binata. 

“Papaano kung hindi si Shufen ang piliin ng gintong dragon?”

“Ngunit siya pa rin ang pinili ng asul na dragon upang maghari sa Tianmen”

“Ayon sa kasaysayan ay mas makapangyarihan ang gintong dragon kaysa sa asul na dragon kaya natural lang na mas nakakataas ito”

“Nag-iisa lamang kaharian ng Tianmen at iisang hari lamang ang maaaring mamuno rito”

“Hindi maaaring dalawa ang mamuno sa iisang kaharian!”

Nagkaroon ng alitan ng mga imortal sa loob ng silid ng pagriritwal dahil sa pagbawi ng gintong dragon sa kaniyang basbas sa ikatlong prinsepe. Noong una’y hindi naging problema ito dahil parehong pinili ng asul at gintong dragon si Shufen bilang hari ng Tianmen. Ngayong nawala na ang marka sa kaniyang braso ay tila nagdulot ito ng kaguluhan sa mga imortal na may matataas na antas. Para sa kanila ay nagbibigay ito ng pahiwatig ng pagkawasak ng kaharian kapag nagkaroon ng dalawang hari ang Tianmen. Bago pa man lumala ang alitan sa pagitan ng mga matataas na antas na imortal ay kaagad na itong tinigilan ng hari.

“Tahimik!” Malakas na sigaw ng hari na umalingaw-ngaw sa buong palasyo. Sa pagkakataong ito ay alam ng bawat isa na galit na ang hari  kaya walang sino man ang nagtangkang magbitaw ng salita matapos sumigaw ng hari. Sadyang kinakatakutan  ng bawat isa kapag galit na ang hari. Kahit gaano pa kataas ang antas ng isang imortal ay kayang kaya itong gawing abo ng hari sa loob ng isang minuto kapag labis ang galit na nararamdaman nito.

“May panahon upang pag-usapan natin ang politika at may panahon din para sa pagdiriwang. Ngayon, ngayon ang pagkakataon sa pagdiriwang. Nais kong pasalamatan ang bawat isa na naririto na tumulong sa  aking anak na si Shufen na maisakatuparan ang muli niyang pagkabuhay. Hinihiling ko na isang tabi muna natin ang lahat ng may kaugnayan sa politika sapagkat nais kong magkaroon ng maayos na pagdiriwang sa muling pagkabuhay ng ikatlong prinsepe” Buong tapang na inihayag ng hari ang kaniyang tunay na saloobin. Alam niyang magiging problema niya ito sa darating na panahon ngunit nais niya munang pagtuunan ng pansin ang pagdiwang sa muling pagkabuhay ng kaniyang anak na si Shufen.

“Labis naming ikinagagalak ang muling pagkabuhay ng ikatlong prinsepe” Sambit ni Da Hai habang nakayuko at nakakuyom ang kaniyang kanang kamay habang sapo naman ito ng kaniyang kaliwang kamay bilang tanda ng paggalang sa sinabit ng hari.

“Labis naming ikinagagalak ang muling pagkabuhay ng ikatlong prinsepe!” Sabay-sabay na binigkas ng mga imortal sa loob ng silid ng pagriritwal bilang pagbigay rin nila ng galang sa sinambit ng hari.

Nang opisyal na ipahiwatig ng hari ang pagkakaroon ng pagdiriwang mamayang gabi ay isa-isa namang nagpaalam ang mga imortal upang paghandaan ito. Sa pamumuno ng reyna ay sa kaniya muna mananatili ang sanggol na si Shufen hanggang sa lumaki ito. Nais niyang siya mismo ang personal na mag-aalaga sa ikatlong prinsepe dahil ikinatatakot niya na may magtangka sa buhay nito lalo na’t hindi malabong magkaroon ng dalawang hari sa loob ng kaharian ng Tianmen. Nais niyang masiguro ang kaligtasan nito hanggang sa dumating ang sandali na kaya na nitong protektahan ang kaniyang sarili.

Pansamantalang pinaubaya kay Yijun ang pamamahala sa palasyo ng ikatlong prinsepe dahil mananatili ang sanggol na si Shufen sa palasyo ng hari at reyna. Magkahalong lungkot at saya ang nadarama ng binata sa sandaling iyon. Masaya siya dahil nakalaya siya mula sa pagkakatali niya kay Shufen at magagawa na niyang lubusan ang mga nais niyang gawin. Ngunit hindi niya pa rin tuluyang magawang maging masaya dahil sa muling pagpili ng gintong dragon sa nais nitong maging hari na maaaring magdulot ng kaguluhan sa kaharian. 

Magkahalong pagod at antok ang nadarama ni Yijun ngunit hindi niya magawang makatulog. Natugunan na niya ang pangangailangan ng kaniyang tiyan ngunit hindi pa rin siya makatulog. Nais niyang magpahinga dahil alam niyang maraming dadalo sa pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Shufen ngunit sadyang maraming gumugulo sa kaniyang isipan. 

“Inumin mo ’to” Nagulat siya nang biglang may magsalita mula sa kaniyang likuran.

“Nakakagulat ka naman!” Reklamo ni Yijun nang makita niya si Da Hai na nakaupo sa gilid ng kaniyang kama. Takang taka siya kung bakit hindi niya napansin ang pagdating nito gayong may ingay nanililikha ang pagbukas ng pinto sa kaniyang silid. Sa kaniyang pagtingin ay nakabukas na nga ang pinto ngunit hindi niya malaman kung bakit hindi niya narinig ang pagpasok nito.

“Masyadong malalim ang iniisip mo kaya hindi mo man lang napansin ang pagdating ng isang gwapong prinsepe” Sambit ni Da Hai na nagpaikot sa mata ng binata dahil sa pagyayabang nito.

“Anong ginagawa mo rito?” Kaswal na tanong ni Yijun habang nakatingin sa maliit na mesa sa tabi ng kaniyang kama na kung saan nakapatong ang maliit na sisidlan na dala ng unang prinsepe.

“Dinalhan kita ng tsaa upang makatulong sa’yo na makatulog. Alam kong marami kang iniisip kaya hindi ka makatulog. Kailangan mong magpahinga dahil mahalaga ang pagdiriwang na gaganapin mamayang gabi” Tugon ni Da Hai at kaagad sinalin sa maliit na tasa ang tsaa na kaniyang dala at binigay ito kay Yijun upang mainom ng binata. Napangiwi si Yijun sa mapait na lasa na kaniyang ininom ngunit nagawa niya pa rin itong ubusin bilang tanda ng kaniyang pasasalamat sa unang prinsepe.

“Gaano ba ka importante ang pagdiriwang ng muling pagkabuhay ng isang imortal?” Tanong ni Yijun matapos niyang maubos ang laman ng nasa tasa.

“Gaya rin sa unang kaarawan ng isang prinsepe ay mahalaga rin ang muling pagkabuhay nito. Dadaluhan ito ng mga imortal na may matataas na antas sa paglilinang, lalong lalo na ang mga miyembro ng labing dalawang  magigiting na imortal upang magbigay ng kanilang basbas sa prinsepe” 

“Basbas? Para saan ang basbas? Parang binyag?” 

Panandaliang natigilan ang unang prinsepe dahil hindi niya mawari ang nais ipahiwatig ng dakilang instrumento sa kaniya.

“Ang basbas ng labing dalawang magigiting na imortal ay siyang magbibigay ng proteksyon sa prinsepe laban sa mga nilalang na magtatangka sa kaniyang buhay. Mananatili ang proteksyon na ito hanggang hindi pa kayang ipagtanggol ng prinsepe ang kaniyang sarili”

“Ang hari ang pinakamalakas na imortal na narito sa kaharian. Bakit pa kailangan ng tulong ng mga magigiting na imortal kung magiging sapat na ang basbas ng hari?” 

Tumango ang unang prinsepe bilang pagsang-ayon sa punto ng tanong ni Yijun. Tumikhim muna si Da Hai bago niya nagawang sagutin ang katanungan ng binata.

“Iyon ay dahil may iba’t ibang uri ng paglilinang ang bawat isang imortal. Nakabase ito sa kanilang angkan na pinagmulan, o kaya angking talento at galing sa larangang ito. Ang aking amang hari ay dalubhasa sa banal na paglilinang. Sa kaniyang kapangyarihan ay magagawa niyang ipagkaloob kay Shufen ang proteksyon laban sa mga

Yumad

. Sila ang mga nilalang na namatay na ngunit ang kanilang mga katawan ay muling bumangon mula sa hukay upang maghasik ng lagim“ 

“ZOMBIE?” Malakas na tugon ni Yijun na siyang nagpahinto sa prinsepe sa pagsasalita. Mabilis namang umiling at ngumiti ang binata bilang tanda ng kaniyang paghingi ng paumanhin sa prinsepe upang maipagpatuloy nito ang kaniyang kwento.

“Tanging ang mga banal na salamangka lamang ang may kakayahang sugpuin ang mga Yumad. May mga matataas na uri ng Yumad na may kakayahang magbigay ng sumpa sa sino mang nabubuhay kaya rito magiging mabisa ang proteksyon ng aking ama. Ngunit hindi lamang ang mga Yumad ang magiging banta sa buhay ng aking kapatid. Dahil nariyan ang lason, patalim, takot at iba-iba pang uri ng salamangka na maaaring gamitin laban sa kaniya. Kaya naman inimbitahan ng aking ama ang mga miyembro ng labing dalawang magigiting na imortal upang magbigay basbas kay Shufen dahil sila ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng paglilinang”

“Kung may iba’t ibang uri ng paglilinang, anong klaseng paglilinang ang sa’yo?” Tanong ni Yijun at kaagad namang tumabi ng husto si Da Hai sa kaniya upang maakbayan siya.

“Dalubhasa ako sa paglilinang ng pang-aakit” Tugon ng prinsepe gamit ang kaniyang nang-aakit na boses. Nagawa niya pang ilapit ang kaniyang mukha sa binata na tila may binabalak na masama. Kaagad namang iniwas ni Yijun ang kaniyang mukha at tumingala sa kisame. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at saka huminga ng malalim. 

“Ikaw na ang may sabi na bawal itong pag-akbay mo sa akin di ba?” Sambit ni Yijun at kaagad na inalis ang kamay ng prinsepe.

“May sinabi ba akong gano’n?” Pagmamaang-maangan ng prinsepe at marahang tumayo mula sa kama ni Yijun.

“Ahh… ’yun ay dahil nakatakda kang ikasal sa aking kapatid? Huwag kang mag-alala dahil maaari na nating gawin ang lahat ng bagay na higit pa sa pag-akbay gayong wala na kay Shufen ang marka ng gintong dragon” Tugon nito at muling bumitaw ng pagkindat sa binata at saka naglakad patungo sa pinto. Bago pa man siya makalapit dito ay muling nagtanong si Yijun.

“Umamin ka nga sa akin. ’Yung totoo, ginagawa mo ba ang lahat ng ’to upang makuha ang loob ko dahil nais mong mapili ng gintong dragon bilang kabiak ko?” Mapangahas na tanong ng binata ngunit ito’y nagdala ng ngiti sa mga labi ng prinsepe.

“Marahil gano’n na nga” Malokong tugon nito bago tuluyang lisanin ang silid ng dakilang instrumento. 

Muli ay huminga ng malalim ang binata bago tinakpan ang mukha ng makapal na kumot. Kahit na mataas na ang sikat ng araw sa labas ay nanatili pa ring malamig ang palibot ng palasyo kaya nagagawang magtalukbong ng binata ng makapal na kumot nang hindi pinagpapawisan. 

Sa paglabas ng prinsepe sa silid ng dakilang instrumento ay hindi niya mapigilang mapangiti habang iniisip ang naging tanong sa kaniya ng binata. Noong una ay nais niya lang talagang mapalapit dito dahil umaasa siya na magbabago pa ang desisyon ng gintong dragon sa pagpili ng magiging hari nito. Pero ngayon ay tila unti unting binabago ni Yijun ang kaniyang pananaw at nagsisimulang lumambot ang kaniyang damdamin para sa binata.

Makalipas ang anim na oras ay ginising si Yijun ng kaniyang sikmura na umaalma na sa labis na pagkagutom. Sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay halos wala siyang makita dahil sa kadiliman ng kaniyang silid. Kinapa-kapa niya pa ang kaniyang kama upang makababa rito ngunit sa sandaling paghakbang niya palabas ng kama ay natalisod siya sa kaniyang kumot na naging sanhi upang siya ay masubsob sa sahig. 

“Ahhh… Nasaan ba kasi ’yung switch ng ilaw?” Tanong niya sa sarili habang hinihimas ang kaniyang mukha na patuloy na kumikirot. Ilang sandali pa ay nakarinig na lang siya ng tunog ng pagpitik at bigla na lang lumiwanag ang silid ng binata.

“Li!” Malakas na sambit ng binata nang makita niya ang lumulutang na katawan nito sa kaniyang harapan.

“Narito po ako upang pagsilbihan kayo sa inyong pagdalo sa pagdiriwang ng muling pagkabuhay ng ikatlong prinsepe” Tugon ng batang tagapalingkod habang nakayuko ang ulo.

“Nasaan ka kahapon, parang hindi kita masyadong napansin?” Tanong ng binata habang dahan dahang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan.

“Paumanhin kung hindi ko kayo napagsilbihan. Isa ako sa mga naatasan ng hari na umasikaso sa paghahanda ng ritwal para sa muling pagkabuhay ng ikatlong prinsepe” Magalang na tugon ng batang tagapaglingkod.

“Ahh wala ’yun. Namimiss ko lang siguro ’yung presensya mo na madalas na nakabuntot sa akin” Panandaliang natahimik ang batang tagapaglingkod dahil hindi niya mawari ang ibig sabihin ng sinambit ng dakilang instrumento. Bago pa man ito muling makapagsalita ay kaagad namang nagtanong ang binata.

“Wala ka bang pagkaing dala? Nagugutom na kasi talaga ako eh” Reklamo ni Yijun habang hinihimas niya ang kumakalam na sikmura.

“Paumanhin dakilang instrumento ngunit mariing pinagbabawal ang pagkain ng ano mang pagkain bago magsimula ang pagdiriwang” 

Nagmistulang batang inagawan ng kendi ang naging hitsura ni Yijun nang marinig niya ang pahayag ng batang tagapaglingkod. Labis na ang gutom na kaniyang nadarama ngunit hindi man lang niya magawang pawiin ito dahil mariing ipinagbabawal ang pagkain bago magsimula ang pagdiriwang.

“Pahingi na lang ng tubig” Labag sa loob niyang sambit na para bang nanlilimos siya ng awa dahil sa gutom na nadarama.

“Masusunod po” 

Matapos makainom ng isang buong sisidlan ng tubig ang binata ay hindi pa rin napawi ang kaniyang gutom na nadarama. Panay pa rin ang pagkalam ng kaniyang sikmura ngunit wala siyang magagawa kundi ang sumunod sa alituntunin ng kaharian. Makalipas ang ilang sandali ay pumasok na rin ang apat pang mga tagapaglingkod sa loob ng silid ni Yijun dala-dala ang mga palamuti sa katawan at ang kasuotang kaniyang gagamitin sa pagdalo ng pagdiriwang. Ngunit bago pa man siya ayusan ng mga tagapaglingkod ay hinayaan muna nilang makaligo ang dakilang instrumento upang malinisan ng husto nito ang sariling katawan. At sa sandaling natapos siyang makaligo ay kaagad din namang siyang bumalik sa kaniyang silid upang maayusan.

“May blower ba kayo riyan?” Wala sa sariling naitanong ng binata sa mga tagapaglingkod. Natigilan naman ang dalawang tagapaglingkod na kasama ni Li at kapwang nagtanong sa isa’t isa kung ano ang ibig sabihin ni Yijun. 

“Ahh ang ibig kong sabihin ay kung meron ba kayong bagay na makakatulong sa pagpapatuyo ng aking buhok” Paglilinaw ng binata nang mapansin niya ang pagkalito ng mga tagapaglingkod.

“Huwag po kayong mag-alala dahil mayroon kaming solusyon diyan” Masayang tugon ng isa sa mga lalaking tagapaglingkod na tumutulong kay Li. 

“Maaaring maupo muna kayo sa silyang ito, aming dakilang instrumento” Pag-anyaya ng isa pang tagapaglingkod sa binata na kaniya namang sinunod.

Matapos niyang maupo sa upuan ay kaagad namang naglagay ng timba sa gilid ng binata ang isang tagapaglingkod na kaniyang ipinagtaka. Ilang sandali pa ay pumuwesto na sa kaniyang likuran ang isang tagapaglingkod at marahan nitong hinimas ang kaniyang buhok. Ang akala ni Yijun ay minamasahe lamang ng tagapaglingkod ang kaniyang buhok ngunit nabigla na lang siya nang marahang hatakin nito ang kaniyang buhok. Labis niyang ikinabigla ang sumunod niyang nasaksihan dahil nang lingunin niya ang tagapaglingkod ay may hawak na itong bula na naglalaman ng tubig sa loob. 

“Marunong kang mag water bend!?” Pasigaw nitong tanong dahil sa labis na kasabikan. Nagawa niya pang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan na nagbigay gulat sa tagapanglingkod na may hawak ng tubig na nagmula sa kaniyang buhok. Sa pagkagulat ng tagapaglingkod ay nawala ang tuon niya sa hawak nitong bula na naging dahilan upang mabitawan niya ito. Mabuti na lang at naging mabilis ang pagkilos ng batang tagapaglingkod na si Li at sa isang kumpas niya ay lumapit sa paanan ng tagapaglingkod ang timba na kung saan bumuhos ang tubig na kaniyang hawak.

“Wata Ben?” Tanging nasambit ng tagapanglingkod sa naging tanong sa kaniya ng binata. Humingi naman kaagad ito ng paumanhin dahil sa kaniyang naging inasal na siyang hindi pinagtuunan ng pansin ng binata. 

“Ito na nga siguro ang tinutukoy ni Da Hai na iba’t ibang uri ng paglilinang. Kailangan kong aralin ang apat na elementong ito para ako ang maging kauna-unahang Avatar sa mundong ito”  Nakangising sambit ng binata sa sarili na siyang ipinagtaka ng mga tagapaglingkod. Nang mapansin ito ni Yijun ay kaagad siyang naupo sa silyang nasa tabi niya.

“Pwede na ba tayong magpatuloy?” Tanong ng binata matapos niyang maupong muli sa silya. kaagad namang pumuwesto sa kaniyang likuran ang isa pang tagapaglingkod at gaya rin ng nauna ay marahan nitong hinimas ang kaniyang buhok. Matapos himas himasin ng tagapaglingkod ang kaniyang buhok ay bigla na lang nitong hinagis paitaas ang buhok ng binata at mabilisang nilagay ang magkabilang palad sa ibabaw ng mga tenga ni Yijun. Ramdam ni Yijun ang kakaibang init at hangin na nagmumula sa mga palad ng tagapaglingkod kaya naman marahan siyang tumingala upang makita ang ginagawa nito sa kaniyang buhok. Laking gulat niya nang makita niya na nakaangat sa ere ang kaniyang mahabang buhok na labis na nagpamangha sa kaniya. 

“Wow!! Isa na akong ganap na Super Saiyan!!” Hindi mapigilang sambitin ng binata habang aliw na aliw siya sa kaniyang nakikita. 

Masyadong naaliw si Yijun kaya humingi siya ng pabor na muling gawin ito sa kaniya ng tagapaglingkod ngunit sa pagkakataong ito ay isasagawa ito nang nakatayo ang binata. Bahagyang binuka niya ang kaniyang mga binti habang nakapwesto ang kaniyang mga siko sa kaniyang tagiliran. Ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom na tila labis ang panggigil. Ang kaniyang pagtango ang naging hudyat upang simulan ng tagapaglingkod ang muling pagtaas ng kaniyang buhok sa ere.

“Ako na ang pinakamalakas na Saiyan sa buong kalawakan!!!” Masayang sambit ni Yijun habang patuloy na umaangat ang kaniyang mahabang buhok sa ere. Hindi naman napigilan ng mga tagpalingkod na mapabungisngis sa kalokohang ginagawa ni Yijun. Hindi man nila lubusang naiitindihan ang pinagsasabi nito ay sadyang nakakatawa para sa kanila ang postura nito habang nililipad pataas ang buhok ng binata. Mabilis naman nawala ang mga ngiti sa kanilang labi nang marinig nila ang pagtikhim ng batang tagapaglingkod na si Li.

“Malapit na pong magsimula ang pagdiriwang kaya kinakailangan na po nating magmadali, dakilang instrumento” Sambit ni Li at kaagad namang tinaas ni Yijun ang kaniyang kaliwang kamay upang itigil ng tagapaglingkod ang pagpapalipad sa kaniyang buhok sa ere.

“Kabata-bata ay napaka KJ!” Hindi mapigilang sambitin ni Yijun nang maupo siya sa silya. 

Dahil natuyo na ang buhok ng binata ay kaagad naman nilang inalalayan itong makapagpalit ng pangloob na kasuotan. Yari ito sa sutlang kulay puti na may desensyo na yari sa kulay ng ginto sa bawat dulo ng kaniyang kasuotan. Matapos nitong makapagpalit ng panloob ay naghati naman sa gawain ang mga tagapaglingkod. Ang ilan sa kanila ay nagtutulong-tulong sa pag-aayos ng buhok ng binata habang may naglalagay ng kolorete sa mukha nito. Ang bawat kilos ng mga tagapaglingkod ay nakaayon sa kautusan ni Li na kanilang sinusunod. Nang matapos nila ang pag-ayos sa buhok ng binata at paglagay ng kolorete sa mukha nito ay kaagad naman nilang pinagbihis ng panlabas na kasuotan nito. Gaya ng panloob niyang kasuotan ay yari rin ito sa kulay puting sutla na may mas magagarbong desensyo na yari sa kulay ng ginto. Sa likurang bahagi ng kaniyang kasuotan ay may malaking desenyo ng gintong dragon na kaniyang sinisimbolo. 

“Kailangan ba talaga ’to?” Reklamo ng binata habang hinahawakan ang gintong bagay na nakapatong sa kaniyang buhok. Ramdam niya ang kabigatan nito kaya hindi niya maiwasang mabahala dahil maaari itong malaglag. Imbes na tumugon sa katanungan ng binata ay inanyayahan ni Li na lumapit ang binata sa harap ng gintong salamin upang mapagmasdan niya ang kaniyang sarili. 

“Wow! Sinong mag-aakala na magiging ganito ako kagwapo kapag naayusan?” Masayang sambit ng binata habang pinagmamasdan niya ang sarili sa gintong salamin. Hindi siya makapaniwala na may igagandang lalaki pa siya kapag naayusan siya ng husto.

Matapos ang pag-aayos ay kaagad naghanda  ang mga tagapaglingkod upang alalayan sa daan ang dakilang instrumento patungo sa daan daang hagdan na kung saan daraan ang mga imortal na dadalo sa pagdiriwang. May mga kawal na nakabantay sa gilid bago makaakyat sa hagdan. Sila ang nagsisilbing gabay ng mga imortal  sa pagkakasunod-sunod ng mga dadalong papasok sa silid ng trono. 

Unang nasilayan ni Yijun na naglalakad sa hagdan ay ang isang magandang lalaki na may mahabang buhok na kulay puti. Nakasuot ito ng kulay puting kasuotan na mas lalong nagpaliwanag sa kaniyang maamong mukha. May hawak itong tungkod na yari sa kahoy na mayroong kulay berdeng bato sa pinakapuno. Nakasunod dito ang dalawang babaeng tagapaglingkod na may angking kagandahan kahit na mga mata lang nila ang nakikita dahil sa manipis na telang nakatakip mula sa kanilang ilong patungo sa kanilang baba.

“Si-sino ang lalaking iyon?” Hindi mapigilang itanong ni Yijun sa batang tagapaglingkod na si Li. 

“Marahil ito ang tamang pagkakataon upang makilala mo na ang mga miyembro ng labing dalawang magigiting na imortal ng Tianmen. Ang lalaking umakyat ay si Master Huang Jia, siya ang kumakatawan sa dagang kahoy sa labing dalawang magigiting na imortal. Nagtataglay siya ng mataas na paglilinang sa paggamit ng salamangka sa mga kahoy at halaman. Siya ang nagsanay sa ikatlong prinsepe sa paggamit ng salamangka nito” 

Itatanong pa sana ni Yijun ang tungkol sa dalawang babaeng tagapaglingkod ngunit nasindak siya sa sumunod na nilalang na kaniyang nakita. Isa itong malaking lalaki na nakasuot ng makapal na baluti. May makakapal itong balbas mula sa kaniyang panga patungo sa kaniyang baba. Nagtataglay rin ito ng makakapal na kilay na nagbibigay sa kaniya ng matapang na hitsura na tila laging galit. Nakasunod naman dito ang anim na sundalong may suot ding makapal na baluti habang may bitbit na mga sibat.

“Siya naman ay ang pinakapinuno ng mga sundalong pandigma, si Henaral Gang Jin. Siya ang kumakatawan sa bakal na toro sa labing dalawang magiging na imortal. Siya ang pinakabihasa sa paggamit ng iba’t ibang sandata sa buong kaharian at sa taas ng antas ng kaniyang paglilinang ay may kakayahan siyang kontrolin ang isang daang sandata ng sabay-sabay. Siya ang pinakamagaling na mandirigma sa kanilang lahat kaya siya ang napili ng hari na maging pinuno ng mga sundalo” Sambit ni Li na siyang ikinamangha ng labis ni Yijun.

“Erza Scarlet sa lalaking katauhan!” Nakangiting sambit nito habang pinagmamasdan ang imortal. 

“Sandali lang. Ang akala ko ba ay ang pangalawang prinsepe ang naatasan upang mamuno sa mga sundalo?” 

“Hindi ka nagkakamali riyan ngunit ang totoong pinuno ng mga sundalong pandigma ay si Heneral Gang Jin. Dahil sa abilidad nito at bilang magaling na mag-aaral ng Heneral ay ang ikalawang prinsepe ang humalili sa pamumuno ng mga sundalo nang maatasan si Gang Jin ng hari sa isang mahalagang misyon. Sa katunayan niyan ay kababalik lang ngayon ni Gang Jin mula sa kaniyang misyon” 

“Anong misyon?” Pangungulit pa ng binata ngunit hindi ito masagot ng batang tagapaglingkod. Hindi dahil sa nais niyang paglihiman ang binata, ’yun ay dahil walang sino man ang nakakaalam sa misyong binigay sa heneral. 

Naging tahimik sa pakikinig si Yijun habang pinapakilala sa kaniya ang pagkakakilanlan ng bawat isang imortal na dumaraan sa kanilang harapan. Labis na napahanga si Yijun sa mga nagdaang imortal sa kaniyang harap at lalong lalo na ang mga kasapi ng labing dalawang magigiting na imortal. Sa labing dalawang magigiting na imortal ng Tianmen ay sampu lamang ang naipakilala ng batang tagapaglingkod na si Li. Ang dalawang nawawalang kasamahan nito ay ang isa ay nasa loob na ng silid ng trono at ang isa naman ay huling makakadalo dahil sa importanteng bagay na inaasikaso nito. 

Matapos makadaan ng ilang imortal ay pinahintulan nang kawal ang dakilang instrumento na maglakad sa daan daang hagdan upang dumalo sa pagdiriwang ng muling pagkabuhay ng ikatlong prinsepe. Sa bawat paghakbang niya sa hagdan ay tila may kakaibang kabog sa kaniyang dibdib na hindi niya maintindihan. Hindi naman siya nakakaramdam ng takot o kaba ngunit ang lakas ng pagpintig ng kaniyang puso. Gano’n pa man ang kaniyang nararamdaman ay minabuti niyang hindi ipahalata ito. 

Sa muli niyang pagpasok sa loob ng silid ng trono ay tila nanumbalik ang kaniyang alaala nang siya ay mahulog mula sa himpapawid at bumagsak sa loob. Maraming imortal ang dumalo sa bihirang pagtitipong ito kaya naman biglang nakaramdam ng pagkailang ang binata. Karamihan sa mga taong naririto ay sa unang pagkakataon niya pa lamang nakita. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang mga nakaw na tingin na binibigay sa kaniya ng mga taong naririto. Hindi siya mahiyaing tao ngunit ramdam niya ang panliliit dahil sa dami ng mga matang nakatingin sa kaniya. Hindi niya malaman kung saan siya mauupo dahil hindi niya pa lubusang kilala ang mga taong naririto. Tanging ang mga matataas na imortal lamang ang maaaring tumuloy sa loob ng silid ng trono at ang mga tagapaglingkod ay kinakailangan manatili sa labas. Kaya ang inaasahan niyang mapagtatanungan na si Li ay tuluyang naiwan sa labas. 

“Pagbati sa’yo dakilang instrumento” Sambit ng isang pamilyar na boses na siyang nagpalingon sa kaniya. Sa kaniyang pagtalikod ay kaniyang nasilayan ang mukha ng isang makisig na prinsepe na siyang nagbigay ng kaunting ingay sa paligid. Sadyang kapansin-pansin ang aking kagandahang lalaki nito lalong lalo na sa mga babaeng imortal na dumalo.

“At sumainyo rin” Natatarantang tugon ni Yijun na ipinagtaka ng prinsepe.

“Ahh ang ibig kong sabihin ay binabati ko rin kayo mahal na prinsepe Jia Hao” Mabilis niyang tugon na siyang nagpangiti sa ikalawang prinsepe.

“Sa pagkakaalam ko ay ito ang unang pagkakataong dumalo ka sa pagtitipon ng mga imortal kaya naman bakas sa iyong mukha ang pagkailang” Sambit ng ikalawang prinsepe na tanging pagngiti lamang ang naisagot ng binata. 

“Kung iyong mararapatin ay nais ko sanang dalhin ka sa iyong upuan dahil ilang sandali na lamang ay darating na ang hari upang umpisahan ang pagdiriwang” 

“Salamat” Ang tanging naitugon ng binata at kaagad namang sumunod sa pag-anyaya sa kaniya ng prinsepe. 

Tahimik niya itong sinundan habang tumutugon ang prinsepe sa pagbati ng iilang imortal na nakakasalubong nila. Hindi naman kalayuan mula sa kinatatayuan kanina ng binata ang pwesto na kaniyang uupuan kaya mabilis nila itong narating. Nang maituro ng prinsepe ang pwesto ng binata ay kaagad naman itong naupo ngunit dahil sa haba ng kaniyang kasuotan ay nawalan ng balanse si Yijun at muntikan nang tumama ang kaniyang ulo sa maliit na mesang nasa kaniyang likuran. Mabuti na lang at naging maliksi ang pagkilos ng ikalawang prinsepe at kaagad niyang nasapo ang ulo nito. 

Muling nanumbalik ang kaba sa dibdib ng binata nang mapansin niya ang pagkakalapit ng mukha nila ng ikalawang prinsepe. Bahagya itong napaluhod upang maalalayan ang kaniyang bigat mula sa pagkakasapo nito sa kaniyang ulo. Matagal siyang napatitig sa mukha nito at hindi niya namalayan na kanina pa pala siya nito kinakausap.

“Ahh…Oo ayos lang ako” Mabilis na tugon ni Yijun at kaagad na inayos ang kaniyang postura bago maingat na naupo. 

“Kung may kailangan ka ay huwag kang mahiyang magsabi dahil sa kaliwang bahagi mo lamang ako mauupo” Sambit pa ng prinsepe na kaniyang tinanguan bilang tugon. Hindi niya malaman kung bakit siya natataranta kapag kausap niya ang ikalawang prinsepe. Hindi naman ganito ang kaniyang pakiramdam nang una silang magkita nito.

Matapos maupo ng ikalawang prinsepe sa sarili nitong pwesto ay kaagad naman nilibot ni Yijun ang kaniyang paningin sa loob ng silid ng trono. Ang bawat imortal na dumalo sa loob ng silid ng trono ay may kaniya-kaniyang mumunting lamesa na kung saan ihahain ang mga inumin at pagkain. Nahahati sa dalawang pangkat ang pwesto ng mga imortal. Ang unang hanay ay nasa kanang pwesto ng silid na kung saan nakaupo si Yijun at ang kaliwang hanay naman ay nasa kaliwang bahagi ng silid. Malaki ang espasyo sa gitnang bahagi ng silid ng trono na kung saan gaganapin ang pagtatanghal. 

Patuloy siya sa pagmamasid sa paligid hanggang sa tumama ang kaniyang paningin sa isang pamilyar na mukha. Nakita niya ang unang prinsepe na nakasuot ng matingkad na kulay asul na kasuotan na siyang nagpaangat sa kagandahang lalaki nito. Nagawa nitong kumindat sa kaniya nang magtama  ang tingin nila sa isa’t isa. Hindi napigilan ni Yijun ang mapangiti at ’yun ay hindi dahil sa pagkindat ng unang prinsepe at ’yun ay dahil kahit papano ay nakaramdam siya ng kaginhawaan sa kaniyang dibdib. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya nararapat sa lugar na ito kaya naman malaking bagay ang presensiya ng unang prinsepe para sa kaniyang pagdalo rito. 

Biglang nakaramdamn ng muling paninikip ng dibdib si Yijun na siyang ikinabahala ng ikalawang prinsepe. Ninais ni Da Hai na lapitan ang binata ngunit natigilan ito nang ipaalam ng kanang kamay ng hari ang pagdating ng hari at reyna sa loob ng silid ng trono. Tumugon kaagad sa tanong ang binata upang hindi na siya kulitin ng prinsepe at tinuon ang paningin sa trono ng hari. Mabilis na kumilos ang mga imortal upang magtungo sa kani-kanilang pwesto at tahimik na tumayo habang pinagmamasdan ang paglakad ng hari at reyna. Masayang inalalayan ng hari ang reyna habang karga-karga nito ang ikatlong prinsepe na mahimbing na natutulog. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay muling nanikip ang dibdib ni Yijun na patuloy niyang iniinda habang nagsasalita ang mahal na hari.

Kinalma ni Yijun ang kaniyang sarili upang pagaanin ang nararamdaman habang tinutuon ang atensyon sa hari na masayang nagbibigay ng kaniyang talumpati. Nasundan ng malakas na palakpak nang matapos ng hari ang kaniyang talumpati na naging hudyat sa opisyal na pagsisimula ng pagdiriwang. Sa isang iglap lang ay biglang napuno ng iba’t ibang pagkain at inumin ang bawat mesa ng mga imortal na dumalo sa loob ng silid na siyang ikinabigla ng binata. Labis rin siyang namangha sa pagpasok ng walong puting ibon na mabilis na nagpalit anyo bilang mga babaeng mananayaw. Gamit ang hawak nilang mga puting balahibo ay sumayaw sila sa ginta ng silid na siyang nagpagaan sa damdamin ng bawat isang dumalo. Sadyang kaayaaya ang kanilang pagtatanghal na umagaw sa atensyon ng lahat. 

Matapos ang pagtatanghal ay siya namang paglapit sa gitna ng hari upang opisyal na ipakilala sa mga imortal na dumalo ang pagkatao ng dakilang instrumento ng gintong dragon. Kaagad na hiningi ng hari ang presensya ng binata sa gitna ngunit nagdalawang isip pa ito bago lumapit. Hindi siya sanay sa ganitong uri ng pagtitipon at lalong lalo na ang ipakilala ang sarili sa harap ng maraming tao. 

“Ngayon ay nasa inyong harapan ang dakilang instrumento ng gintong dragon. Ating ipagbunyi ang presensya ng dakilang instrumento na si Loong Yijun” Masayang pagpapakilala ng hari kay Yijun sa harap ng mga imortal. 

“Ikinagagalak naming makilala ang dakilang instrumento ng gintong dragon” Sabay-sabay na sambit ng bawat isang dumalo sa loob ng silid ng trono.

Bago pa man tuluyang makapagsalitang muli ang hari ay muling nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang binata. Kasabay ng paninikip ng kaniyang dibdib ay ang pagkirot ng kaniyang batok na kung saan nakalagay ang marka ng gintong dragon. Kaagad siyang tinanong ng hari sa kaniyang kalagayan ngunit bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang sumigaw ang reyna.

“Muling nanumbalik ang gintong marka sa kanang braso ni Shufen!” 

Labis na natuwa ang hari nang marinig niya ang balita kaya nakalimutan niya ang kalagayan ng binata. Marahang nilingon ni Yijun ang kaniyang ulo upang makita ang kinaroroonan ni Shufen at saka niya nakompirma ang panunumbalik ng marka sa kanang braso nito. 

“May gintong marka rin ang ikalawang prinsepe sa kaniyang dibdib!” 

Labis na nabigla ang lahat nang marinig nila ang sigaw ng isang imortal na katabi ni Jia Hao. Ninais na itago ito ng ikalawang prinsepe ngunit sa isang tingin lamang ng hari ay kaagad niya itong pinakita upang makompirma ang sinabi ng imortal. Lahat ay nabigla nang makita ang gintong marka na lumiliwanag sa dibdib ng ikalawang prinsepe na kagaya rin mismo ng sa kaniyang kapatid. Hindi pa lubusang matanggap ng binata ang nangyayari nang marinig niyang magsalita si Da Hai.

“Ako rin ay may marka ng gintong dragon”

Lalong nanikip ang dibdib ni Yijun nang masilayan niya ang lumiliwanag na marka sa kanang leeg ng unang prinsepe na bilang tanda sa pagpili ng gintong dragon. Matapos itong sambitin ni Da Hai ay may dalawa pang imortal na tumayo mula sa kanilang kinauupuan upang ipahayag na mayroon din silang marka ng gintong dragon. 

Hindi mawari ni Yijun ang mga nangyayari. Dumagdag pa sa kaniyang pagkalito ang paninikip ng kaniyang dibdib at unti-unting panlalabo ng kaniyang paningin. Bago pa man ito bumagsak sa sahig ay mabilis siyang naalalayan ng hari gamit ang salamangka nito. Mula sa dating kinatatayuan nito ay mabilis itong nakalipat sa likuran ng binata. Patuloy na nandilim ang kaniyang paningin ngunit bago pa man siya takasan ng kaniyang kamalayan ay nagawa niya pang makapagbitiw ng salita sa hari.

“Mahal na hari… huwag niyo pong sabihin na kailangan ko silang pakasalang lahat” 

Itutuloy…

A/N:

I’m back!!!!! Dahil medyo natagalan ang update kaya medyo hinabaan ko ang chapter na ’to para sa inyo. Sobrang busy ko sa work at wala ako masyadong time magsulat. Naging abala rin ako sa pag-edit ng LWMSB dahil dumarami na ’yung readers ko at dumarami na rin ang pumupuna sa typos ko kaya ako nag-eedit. Hindi talaga ako mahilig mag proof read pero ngayon at simula sa chapter na ’to ay nagpoproof read muna ako bago mag-update. Nakakahiya naman kasi atang magkamali sa mga readers ko, LOL!!!

Anyway, ang term na Yumad ay gawa-gawa ko lang dahil wala akong mahanap na tumpak na salitang babagay sa zombie. 

Maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay sa istoryang ito at nawa’y  mabigyan ako ng maraming panahon para makapagsulat ulit. Sobrang naappreciate ko ang mga feed backs niyo kaya ’wag kayong mahiyang magcomment!

Chapter 12: The Twelve Great Immortals

Ang masayang pagtitipon ay mabilis napalitan ng kaguluhan matapos mawalan ng malay ang dakilang instrumento. Iba’t ibang opinyon ang lumalabas sa bibig ng bawat imortal sa kakaibang kaganapang nangyayari sa sandaling iyon. Labis na ikinagulat ng bawat isa na malaman na may limang taong nagtataglay ng marka ng gintong dragon. Karamihan ay labis na nababahala sa kinabukasan ng kaharian dahil hindi malabong magkaroon ng dalawang hari ang kaharian. 

Maliban kay Yijun at sa punong manggagamot ay naiwan ang lahat ng mga dumalo sa loob ng silid ng trono. Mabilis na dinala ang binata sa palasyo ng ikatlong prinsepe upang masuri ng husto ang kalagayan nito. Habang ginagamot ang binata ay naging mainit ang talakayan sa loob ng silid ng trono dahil sa hindi inaasahang kaganapang ito. Kasalukuyang nakaupo sa kaniyang trono ang hari habang hawak-hawak ang kaniyang noo. Nasa kaniyang kaliwa naman nakapwesto ang reyna na karga ang sanggol na si Shufen. Hindi malaman ng hari ang kaniyang sasabihin sa mga imortal gayong sa pagkakaalam niya ay hindi pa nagkaroon ng pagkakataong pumili ng higit sa isa pang nilalang ang mga dakilang tagapagtanggol ng daigdig. Alam niya sa sarili na si Yijun ang kauna-unahang napiling instrumento ng gintong dragon kaya nananatiling misteryo ang bawat desisyon ng dakilang tagapagtanggol. Sa lalim ng kaniyang pag-iisip ay hindi niya napansin ang paglapit ng kinatawan ng makahoy na daga na si Huang Jia.

“Mahal na hari, kung inyong mararapatin ay nais kong magsalita” Hawak ang kaliwang kamao sa kaniyang kanang kamay habang nakayuko ang ulo nang siya ay magsalita.

“Ituloy mo ang nais mong sambitin” Tugon ng hari at kaagad namang inangat ni Huang Jia ang kaniyang ulo upang makaharap ang hari. 

“Marahil ay nababahala kayo sa pangyayaring ito ngunit nais ko lamang sambitin na ang kalagayan ng dakilang instrumento ay nangyari na sa instrumento ng dakilang tagapagtanggol ng daigdig na si Zhuque, ang maalamat na pulang ibon”  

“Nakakasiguro ka ba sa iyong sinasabi?” Napatayo ang hari mula sa kaniyang trono nang marinig ang pahayag ni Huang Jia.

“Siguradong sigurado mahal na hari dahil nasaksihan ko mismo ang pagpili ng maalamat na pulang ibon sa tatlong nilalang bilang hari nito. Naroon ako sa kaharian ng Gaochang bago pa man sumapit ang matinding digmaan ng mga kaharian. Naroon ako upang maghatid ng regalo sa kautusan ng dating hari” 

Nanatiling tahimik ang hari dahil nais niyang mapakinggan ang buong salaysay ng kinatawan ng makahoy na daga.

“Kabilang sa napiling magiging hari ng Gaochang ang kasalukuyang ikasiyam na hari nito. Ang pagpili ng higit sa isang magiging hari ng Gaochang ay paraan ng dakilang pulang ibon upang magsilbing pagsubok sa tatlo kung sino ba talaga ang nararapat na maging hari”

“Bakit ito nangyayari, ano ang dahilan?”

“Sa aking pagsasaliksik ay nangyari ito nang mapaslang ang napiling hari ng maalamat na pulang ibon para sa kasalukuyang instrumento ng kaharian ng Gaochang. Makalipas ang ilang araw ay dumulog sa silid ng trono ng ang tatlong nilalang na nagtataglay ng pulang marka ng dakilang ibon bilang kandidato sa pagiging hari. Marahil ito ang paraan ng dakilang instrumento upang mapigilan ang pagkamatay ng susunod na hari. Ngunit sa halip na makatulong ay nagdulot ito ng kaguluhan sa kanilang kaharian. Ang bawat kandidato ay naging banta sa isa’t isa at doon nagsimula ang labanan ng mga kandidato hanggang sa iisa na lang ang natitira” 

“Anong ibig mong sabihin, kailangang magpatayan ng mga anak ko para maging susunod na hari?” Galit na tugon ng hari na siyang ikinabahala ng karamihan. Bago pa man tumugon si Huang Jia ay muli niyang hinawi ang kaniyang kasuotan upang maipakita sa hari ang marka ng gintong dragon sa kaniyang binti.

“Nais ko lamang pong ipaalala na kabilang ako sa mga napili ng gintong dragon bilang susunod na hari. Wala akong intensyong labanan ang sino man sa mga napili ng gintong dragon dahil wala akong intensyong maupo sa trono” 

Samot-sari ang naging opinyong ng mga imortal nang marinig nila ang pahayag ni Huang Jia. Ang iba sa kanila ay hindi makapaniwala sa kaniyang naging pahayag. Habang ang iba naman ay pinupuri siya sa kaniyang katapangan sa paglabas ng kaniyang saloobin sa harap ng hari. 

“Ipaliwanag mo ang iyong sarili” Mahinahong sambit ng hari matapos ang ilang sandaling katahimikan.

“Narito ako upang maging gabay sa apat na kandidato sa pagiging hari. Hindi na nila kailangang sapitin ang nangyari sa mga kandidato ng kaharian ng Gaochang, sapagkat may paraan pa upang mapili ang susunod na hari nang hindi sila gumagamit ng dahas sa isa’t isa. Maaari nilang gamitin ang paraan sa pagsuyo sa damdamin ng dakilang instrumento, kailangan nilang ligawan ito”

Muling naglikha ng ingay ang pahayag ni Huang Jia sa loob ng silid ng trono. Ngunit mabilis itong natigil nang muling magsalita ang hari.

“Hindi lingid sa aking kaalaman ang tungkol sa pagkuha ng damdamin ng dakilang instrumento upang mapili ng dakilang tagapangalaga ng daigdig bilang hari. Ngunit papano mo masusolusyunan ang pagkakaroon ng apat na tagasuyo ang dakilang instrumento?”

“Maaari po nating simulan ito sa darating na buwan..” Hindi pa man tuluyang natatapos ang nais sambitin ni Huang Jia nang sumagot ang reyna.

“Hindi magiging makatarungan ito para kay Shufen! Papano niyo sisimulan ang panunuyo sa dakilang instrumento kung nananatiling sanggol pa rin ang aking anak sa araw na iyon?” Galit na tanong ng reyna ngunit ito lamang ay tinanguan ni Huang Jia bago muling nagsalita.

“Sa tulong ninyo ng mahal na hari at sa basbas ng labing dalawang imortal ay magagawang mapabilis ang panunumbalik sa dating anyo ni Shufen. Imbes na anim na taon ang kaniyang gugugulin sa paglilinang upang makabalik sa dati niyang anyo ay magagawa niya na ito sa loob ng anim buwan. Kung masisimulan kaagad ang pagtulong sa ikatlong prinsepe ay magiging apat na taon na ito sa darating na buwan” 

Mabilis na sumang-ayon ang hari sa ideya na binanggit ni Huang Jia ngunit hindi pa rin kumbinsido ang reyna sa mga pahayag nito.

“Nais mong manuyo ng pag-ibig ang isang apat na taong gulang na bata?” Inis na sambit ng reyna. Nais sanang magpaliwanag ng kinatawan ng makahoy na daga ngunit natigil ito nang ang hari mismo ang tumugon sa katanungan ng reyna.

“Anim na taong gulang nang maibigay ang titulo sa pagiging hari ng Tianmen ang aking ama. Wala pa siyang kamuwang-muwang sa pamamahala ng kaharian ngunit naisakatuparan ito sa tulong ng mga taong nagtitiwala sa kaniya. Gaya ng aking ama ay magiging pagsubok din ito para kay Shufen kaya dapat lagi tayong nariyan para sa kaniya ay gumabay” 

Hindi na tumutol sa ideya ni Huang Jia ang reyna dahil alam niyang hindi na ito mababali kapag nakapagdesisyon na ang hari na suportahan ito. 

“Maaari mo nang ipagpatuloy ang nais mong sambitin” Dugtong ng hari at malugod na sinang-ayunan ito ng imortal.

“Magsisimula kinabukasan ang paghahanda sa panunuyo ng apat sa mga napiling kandidato ng pagiging hari ng gintong dragon. Ang bawat isa ay hindi maaaring makipagkita sa dakilang instrumento hanggang hindi sumasapit ang sandali ng kanilang pagkikipagkita dito. Sa darating na buwan ay may nakatalang araw napaghahatian ang bawat isa upang makasama ang dakilang instrumento. Ang pagkikitang ito ay hindi lamang titigil sa panunuyo dahil gagawin natin itong makabuluhan. Ang unang prinsepe ay may nakatalagang araw upang turuan ang dakilang instrumento sa paggamit ng salamangka. Ang ikalawang prinsepe naman ay nakatalagang magturo sa dakilang instrumento sa paggamit nito ng sandata. Ang ikatlong prinsepe naman ay nakatalaga bilang gabay ng dakilang instrumento sa pag-aaral nito sa kahariang nasasakupan at iba’t ibang kaalaman sa ating daigdig. Ang kinatawan ng bakal na toro na si Gang Jin ay nakatalagang magturo sa pisikal na pakikipaglaban. Ang bawat isa ay magkakaroon ng sapat na oras upang masuyo ang damdamin ng dakilang instrumento at magagawa nilang matulungan ito na mapataas ang antas ng kaniyang paglilinang na magiging kapaki-pakinabang bago mangyari ang pag-iisang dibdib” 

Ang kaninang tahimik na silid ay bigla na lang nagkaroon ng ingay dahil sa pagpalakpak ng mga imortal. Labis silang humanga sa katalinuhan ni Huang Jia na nagpapatunay lang na nararapat sa kaniya ang titulo na ‘Utak ng labing dalawang imortal’. Pagdating sa kritikal na pag-iisip ay nangunguna siya sa lahat na kahit sa kakaunting panahon ay nagagawan niya ng solusyon ang isang bagay gaya ng kaniyang solusyong binigay sa hari.

“Lumipas man ang ilang taon ay hindi pa rin nagbabago ang pagiging maagap na iyong isipan. Sadyang nararapat sa iyo ang tilulo na utak ng labing dalawang imortal” Masayang papuri ng hari kay Huang Jia. Mabilis naman itong nginitian ng imortal at marahang yumuko bilang pagtugon.

“Ngayong may solusyon na tayo sa ating ikinahaharap na problema ay maaari na nating ituloy ang kasiyahang ito” Dugtong ng hari na siyang nagbigay liwanag sa mga mukha ng mga imortal na dumalo.

Walang sino man ang naglakas ng loob upang tanungin ang hari sa magiging solusyon niya kapag naging dalawa ang hari sa loob ng kaharian ng Tianmen. Alam nilang pilit na iniiwasan ito ng hari kaya naman isinantabi na lamang nila ito. Nagpatuloy ang kasiyahan  sa loob ng silid ng trono. Nag-alay ang bawat isa ng kani-kanilang regalo sa muling pagkabuhay ng ikatlong prinsepe na tila ba’y ito ang kaniyang kauna-unahang kaarawan. At sa pagsapit ng hating gabi ay isa-isang lumapit ang mga miyembro ng labing dalawang magigiting na imortal upang magbigay ng kanilang basbas sa ikatlong prinsepe na natutulog sa loob ng kuna.

Sa pagbibigay ng kaniyang basbas ay unang lumapit ang tinaguriang utak ng labing dalawang magigiting na imortal, ang kinatawan ng Makahoy na Daga na si Huang Jia. Siya ang dating guro ni Shufen sa pagsasanay nito sa paggamit ng salamangka. Sa lahat ng mga imortal sa buong kaharian ay siya lamang ang nakakaalam sa kahinaan ng ikatlong prinsepe pagdating sa pakikipaglaban. Kaya naman maituturing na siya ang pinakamalapit sa ikatlong prinsepe. 

Sa unang pagkakataong nagbigay ng basbas si Huang Jia ay noong kapanganakan ni Shufen. Ginawaran niya ito ng basbas na magkaroon ng malawak na kaisipan at magkaroon ng maliksing pangangatawan. Lahat ng ito ay nagkaroon ng katuparan sa paglaki ng ikatlong prinsepe at ngayon sa ikalawang pagkakataon ay panibagong basbas ang ginawad ng imortal sa sanggol na prinsepe.

“Sa pagkakataong ito ay binabasbasan kita na bumilis ang iyong paglaki hanggang sa maibalik mo ang dating pangangatawan at isipan” 

Matapos magbitaw ng kaniyang basbas ay hinawakan niya ang kaniyang tungkod at marahang dinikit sa sahig ang puno nito na kung saan nakalagay ang berdeng bato. Marahan niyang inangat ang tungkod na tila ba’y may hinihila mula sa ilalim ng sahig. Sa pag-angat ng kaniyang tungkod ay siya ring pagsibol ng maliit na halaman mula sa sahig. Ang halamang ito ay unti-unting lumaki hanggang sa magkaroon ito ng malaking bulaklak na nanatiling nakasara. Ilang sandali pa ay nagliwanag ang bulaklak at may tumulong dagta mula rito na siyang tumama sa noo ng sanggol na si Shufen. At matapos maisalin sa sanggol ang dagta ay kaagad nalanta ang halaman hanggang sa ito ay maglaho.

Ang sumunod na imortal na magbibigay ng kaniyang basbas ay ang kinatawan ng Bakal na Toro na si Gang Jin . Siya ang tunay na punong tagapamahala sa mga sundalong pandigma ng kaharian na kasalukuyang hinahalili ng ikalawang prinsepe. Siya ang tinuturing na pinakamagaling na mandirigma sa labing dalawang magigiting na imortal. Kilala siya sa husay sa paggamit ng iba’t ibang uri ng sandata at may kakayahang gumamit ng hanggang sa isang daang sandata ng sabay-sabay. Pero ang pinakatanyag sa mga sandata na kaniyang ginagamit ay ang kaniyang sibat na yari saa ginto. May kakayahan itong wasakin ang tatlong patong na harang na siyang kinakatakutan sa pakikipagdigma. 

“Narito ako upang igawad ang basbas na kung saan ay walang ano mang sandata sa buong daigdig ang makakakitil sa buhay ng ikatlong prinsepe”

Matapos magbitiw ng kaniyang basbas ay kaagad naghagis ng gintong barya ang imortal patungo sa kinaroroonan ng prinsepe. Bago pa man ito tumama sa mukha ng prinsepe ay kaagad itong sinalo ng imortal at sa pagbukas ng kaniyang kamay ay naging pulbos na yari sa ginto ang kaninang hawak niyang barya. Ang gintong pulbos na ito ay kaniyang binudbod sa kasuotan ng ikatlong prinsepe hanggang sa ito ay unti unting maglaho.

Nang lisanin ni Gang Jin ang kinaroroonan ng sanggol ay kaagad naman itong sinundan ng kinatawan ng Tigreng Pandaigdig na si Qiang Shi . May angking kakisigan at malaking pangangatawan. Ang kaniyang morenong balat ay buhat ng matinding pag-eensayo sa kasikatan ng araw. Mahilig siyang magsuot ng kasuotang nakalantad ang kaniyang mga braso na may bakas ng mga pilat mula sa ’di mabilang na pakikipaglaban. May kakayahan siyang manipulahin ang lupa at bato na siyang ginagamit niya sa pakikipagdigma. Walang siyang sandata na ginagamit sa pakikipagdigma dahil ang kaniyang matitibay na kamao ang kaniyang tinuturing na sandata.

“Binabasbasan kita na magkaroon ng malakas na pangangatawan upang hindi ka tablan ng ano mang sakit na dumapo sa iyong katawan”

Matapos nitong banggitin ang mga salitang iyon ay kaagad niyang pinagdikit ang kaniyang mga palad at bahagyang yumuko. Pinikit nito ang kaniyang mga mata at mahinang nagsalita na tila ba’y nananalangin. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay kaagad niyang pinagkiskis ang kaniyang mga palad hanggang sa ito ay uminit. Nang maisakatuparan ang hustong init ay bigla na lang lumiwanag ang kaniyang palad at ito ay hinarap sa kinaroroonan ng sanggol. Nagmistulan itong munting sinag ng araw na tumatama sa katawan ng natutulog na sanggol.

Isang nakakabighaning babae ang sumunod sa kinatawan ng Tigreng Pandaigdig. Ang babaeng ito ay may angking ganda na bumihag sa damdamin ng maraming kalalakihan. Nagtataglay siya ng kutis na kasing puti ng nyebe at mapupulang labi na maihahalintulad sa mahalimuyak na rosas. Ngunit sa kabila ng nakakabighani niyang kagandahan ay hindi maitatago ang kaniyang pagiging mapagbiro at madalas gumawa ng mga kalokohang ikinasisira ng kaniyang imahe. Nagtataglay siya ng ’di mapantayang bilis sa pagtakbo at may kakayahang pahintuhin ang isang pangyayari sa isang maikling sandali. Siya si Bai Na Lin ang kinatawan ng
Konehong Pandaigdig. 

“Hmmm.. sa totoo lang ay hindi pa rin ako desidido sa ibibigay kong basbas. Ngunit sa tingin ko ay labis itong makakatulong sa iyo sa pagdating ng panahon, kaya naman binabasbasan kita na magkaroon ng angking kagwapuhan na bibihag sa damdamin ng iyong tunay na minamahal” 

Mabilis na kumumpas ang imortal upang maipalabas niya ang kaniyang bolang kristal na kaniyang pangunahing sandata. Sa paglabas nito mula sa kaniyang kamay ay mabilis itong napunta sa uluhang bahagi ng sanggol na si Shufen. Marahang humalik ang imortal sa kaniyang palad at kaagad na bumuga sa hangin patungo sa kinaroroonan ng sanggol. Ilang sandali lang ay naglabas ng mumunting nyebe mula sa bolang kristal patungo sa noo ng natutulog na sanggol bilang tanda ng pagbigay nito ng kaniyang basbas.

“Anong kalokohan na naman ’to Na Lin?” Singhal ng isang babaeng imortal mula sa kaniyang likuran. Marahang hinarap ito ng imortal at tumingin sa babae na tila ba’y walang alam sa sinasambit nito.

“Narito tayo upang magbigay ng basbas sa ikatlong prinsepe na makakatulong sa kaniyang kapakanan at higit sa lahat ay para sa kaniyang kaligtasan!” Inis na sambit nito na siyang ikinakunot ng noo ng kinatawan ng konehong pandaigdig.

“Hindi ba sa kapakanan ng prinsepe ang ginawad kong basbas?” Tugon ng imortal na lalong nagpainis sa kausap nito.

“Papano makikinabang ang prinsepe sa paggawad mo ng isang bagay na may kinalaman sa pag-ibig gayong isa pa lamang siyang sanggol?” 

“Hindi ka lang kasi nakikinig! Kaya nga sinabi kong mapakikinabangan niya ito sa pagdating ng panahon” 

“Ikaw ang hindi nakikinig! Narito tayo upang-”

“Tama na!”

Parehong natigilan ang dalawang babaeng imortal nang marinig nila ang boses ng hari. Kalmado lamang ang tono ng pananalita nito ngunit kapwa silang nakaramdam ng takot sa uri ng pananalita nito.

“Walang kailangang pagtalunan sa pagkakataong ito. Narito tayo upang magbigay ng basbas sa ikatlong prinsepe na siyang napili ng asul na dragon bilang susunod na hari ng Tianmen. Gawin sana nating makabuluhan ang pagbigay ng basbas upang matulungan ang prinsepe na siyang magpapatuloy ng kinabukasan ng ating kaharian”

Matapos niyang sambitin ang mga salitang ito ay marahan niyang tiningnan ang dalawang imortal upang alamin ang mga saloobin nito sa kaniyang mga binitawang salita. 

“Masusunod mahal na hari” Sabay nilang tugon at kaagad naglakad palayo sa kuna ang imortal na kumakatawan sa konehong pandaigid na si Bai Na Lin. Nagawa niya pang hawiin ang kaniyang buhok matapos niyang malampasan ang babaeng imortal na kaniyang nakaalitan. Bilang ganti ay ginawaran siya nito ng matatalim na tingin na kaniyang ikinangisi.

Matapos makabalik ni Bai Na Lin sa kaniyang pwesto ay sumunod namang magbibigay ng kaniyang basbas ang kinatawan ng Tubig na Dragon , siya ay walang iba kundi ang kasalukuyang hari ng Tianmen na si Wu Zi Hao .  Bago pa man siya mapili ng dakilang asul na dragon ay naging kasapi siya ng labing dalawang magigiting na imortal bilang kinatawan ng tubig na dragon. Ang kaniyang husay sa paggamit ng banal na paglilinang ay sadyang kinakatakutan ng mga Yumad. Ngunit ang pinakahigit na kinakatakutan ng kaniyang mga kalaban ay ang sandata nito na may kakayahang gawing abo ang kalaban. Sa kasamaang palad ay nasira ito nang tangkain niyang paslangin si Yijun sa unang pagkakataon nilang magkita.

“Labis kong ikinagagalak ang iyong muling pagkabuhay. Ikaw ang natatangi sa aking mga anak na napiling susunod sa aking yapak na maging hari ng Tianmen. Sa pagkakataong ito ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang masiguro ang iyong kaligtasan. Ngayon ay binabasbasan kita na walang makakapanakit sa’yo mula sa mga uri ng Yumad. Ang kanilang mga sumpa ay mapapawalang bisa kapag ito’y ginamit laban sa iyo. At ang pinakahigit sa lahat ay gagawaran kita ng isang libong taong halaga ng enerhiya mula sa paglilinang na labis na makakatulong sa iyo” 

Labis na ikinagulat ng lahat ang pagbitaw ng hari sa mga salitang ito. Hindi biro ang paggawad ng isang libong taong halaga ng enerhiya mula sa paglilinang dahil halos katumbas ito ng kahalati ng kabuuang enerhiya ng hari. 

“Huwag sana ho kayong padalos dalos mahal na hari” Sambit ng kinatawan ng makahoy na daga na si Huang Jia. Itinaas lamang ng hari ang kaniyang kanang kamay bilang tugon sa sinambit nito. Ito ay bilang tanda na nais niyang hayaan siya nito sa kaniyang desisyon. 

Ang hari ay nagkumpas ng kaniyang kamay na tila may sinusulat sa ere hanggang sa makabuo ito ng salita na ang ibig sabihin ay banal na proteksyon. Ang salitang ito ay unti-unting napunta sa katawan ni Shufen hanggang sa tuluyang itong maglaho. Matapos niyang maibigay ang banal na proteksyon ay kaagad namang sinunod ng hari ang pagbigay nito ng  isang libong taong halaga ng enerhiya mula sa paglilinang. Pinagdikit niya ang kaniyang mga kamay na tila nananalangin. Unti-unti niya itong pinaghiwalay mula sa kaniyang hinliit hanggang sa ang kaniyang mga hintuturo at hinlalaki na lang ang magkadikit na kung saan ay nakabuo siya ng simbolo ng isang tatsulok. Ang tatsulok na kaniyang binuo ay kaniyang binaliktad at tinapat ito sa gitnang bahagi ng kaniyang dibdib. Huminga siya ng malalim bago niya pinikit ang kaniyang mga mata. Ngayong nakapikit na ang kaniyang mga mata ay siya namang pagliwanag ng kaniyang kamay na tumutugma sa hugis ng baliktad na tatsulok. 

Ilang sandali pa ay dahan-dahan niyang nilalayo mula sa kaniyang dibdib ang kaniyang mga kamay na bumubuo ng hugis ng tatsulok. Marahan ang kaniyang paglayo nito mula sa kaniyang dibdib na tila ba’y may hinihila sa loob. Makalipas ang ilang sandali ay may hugis bilog na enerhiyang lumabas mula sa dibdib ng hari na kaniyang sinalo gamit ang kaniyang mga kamay. Maingat niya itong dinala sa kinaroroonan ng ikatlong prinsepe at marahang pinatong sa dibdib nito hanggang sa tuluyang pumasok ito sa katawan ng sanggol.

Matapos maibigay ng hari ang isang libong taong halaga ng enerhiya mula sa paglilinang ay kaagad nitong nilingon ang susunod na imortal na magbibigay ng basbas sa kaniyang anak. Malugod namang tinanggap ng imortal ang pag-anyaya ng hari sa kaniya kaya kaagad itong lumapit. Hindi mapigilan ng kinatawan ng konehong pandaigdig na mapailing sa imortal na kaniyang nakaalitan. Madalas sila nitong magtalo dahil sa maraming bagay na pinagkaiba nila sa isa’t isa. Ang imortal na tinuturing na katunggali ni Bai Na Lin ay walang iba kundi ang kinatawan ng Tubig na Ahas na si Xiao Lin. 

Si Xiao Lin ang natatanging ina ni Xiao Fei na dapat na pakakasalan ni Shufen. Nang dahil sa biglang pagsulpot ng dakilang instrumento sa kaharian ay nahinto ang kasalanang nagaganap sa loob ng silid ng trono. Kahit na hindi natuloy ang kasal ng kaniyang anak sa ikatlong prinsepe ay hindi ito nagtanim ng galit dahil alam niyang kagustuhan ito ng mga banal na tagapangalaga ng daigdig. Ang tanging ikinalulungkot niya lamang bilang ina ay ang makita ang pagdurusa ng kaniyang anak dahil sa naudlot na pag-iisang dibdib nito. 

Ang imortal na kinatawan ng tubig na ahas ay kilala sa pagiging bihasa sa iba’t ibang uri ng lason. May kakayahan rin siyang gamutin ang mga nilalang na nalason maliban na lang sa lason na nagmumula sa bulaklak na matatagpuan sa  sinumpang lupain. May kakayahan rin siyang magmanipula ng tubig na naaayon sa kaniyang kagustuhan. Sadyang kamangha-mangha ang kaniyang pangunahing sandata na isang latigo. Ang latigo na ito ay nagbabago ng anyo depende sa elementong nailalapat dito. Kapag ang kaniyang latigo ay nilublob sa tubig ay mag-aanyong tubig ang tali nito, gano’n din kapag apoy at iba pang elemento ang gagamitin dito.

“Nawa’y makatulong ng labis itong aking basbas na ipagkakaloob. Nais kong igawad sa’yo ang basbas na magkaroon ng pangangatawan na kayang labanan ang alin mang lason na abot ng aking kakayahan at kaalaman” 

Matapos niyang sambitin ang mga salitang ito ay kaagad siyang nagkumpas sa kaniyang mga kamay upang magpalabas ng isang sawa na nagmula sa kaniyang mahabang kasuotan. Ang sawa na ito ay mabilis na gumapang sa sahig patungo sa kuna na hinihigaan ng prinsepe. Labis na nabahala ang reyna sa paglapit ng sawa sa kaniyang anak kaya hindi nito napigilang magsalita.

“Anong ginagawa mo sa anak ko?”

Bago pa man makalapit sa prinsepe ang reyna ay kaagad itong hinarang ng hari. Malaki ang tiwala niya sa kinatawan ng tubig na ahas kaya alam niyang hindi nito ipapahamak ang kaniyang anak. 

Sa sandaling makapasok sa kuna ang sawa ay bigla na lang itong nagbago ng anyo at naging sawa na yari sa tubig. Unti-unting naglalaho ang sawa na yari sa tubig dahil hinihigop ito ng katawan ng sanggol na si Shufen. Nang tuluyang maglaho ang sawa na yari sa tubig ay kaagad na humarap ang imortal sa hari at reyna upang magbigay galang at bilang tanda na naigawad na niya ang kaniyang basbas.

“Nais ko lang sanang tanungin kung mapapawalang bisa ba ng iyong basbas ang lason ng bulaklak na nagmumula sa sinumpang lupain?” Tanong ng hari kay Xiao Lin.

“Paumanhin mahal na hari ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang hanapan ng lunas ang lason na ito”

Tanging pagtango ang naging tugon ng hari dahil inaasahan niya nang ganito ang maririnig niyang kasagutan. Nananatiling misteryoso pa rin ang lason na nagmumula sa bulaklak na tumutubo sa sinumpang lupain. Ilang libong taon na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay bigo pa rin sila sa paghahanap ng magiging lunas nito. Matapos marinig ni Bai Na Lin ang tugon ng imortal sa hari ay hindi niya mapigilang makapagbitaw ng pigil na pagtawa. Hindi ito nakalampas sa mga nilalang na nakapaligid sa kaniya kaya naagaw nito ang kanilang atensyon.

“Paumanhin… makati lamang ang aking lalamunan” Tugon ng kinatawan ng kunehong pandaigdig at kaagad na tinakpan ang bibig gamit ang mahabang tela mula sa kaniyang kasuotan. 

Nagpatuloy ang pagbigay ng basbas ang mga sumunod na imortal. Ang imortal na sumunod sa kinatawan ng tubig na ahas ay isang babaeng tanyag sa pagkakaroon ng magandang hubog ng pangangatawan. Siya ang pinakamadaling pakisamahan sa lahat ng mga miyembro ng labing dalawang magigiting na imortal dahil sa kabutihang asal nito at pagiging masiyahin. May kakayahan siyang gumamit ng berdeng apoy na sumusunog sa kalaban at nagpapagaling naman sa kaniyang mga kakampi. Mahalaga ang kaniyang tungkulin dahil siya ang gumagamot sa kaniyang mga kasamahan sa panahon ng digmaan. Malimit siyang nakikipaglaban ngunit kung hindi ito maiiwasan ay ginagamit niya ang kaniyang espada at malaking kalasag sa pakikipagdigma. Siya ang kinatawan ng Apoy na Kabayo  na si Xiu Mei.

“Ipinagkakaloob ko sa’yo ang basbas na kung saan ay makakatulong sa’yo ang apoy bilang iyong gabay kapag ikaw ay naligaw ng landas at hindi malaman ang patutunguhan. Ang apoy ay siyang magtuturo sa’yo sa tamang daan na magsisiguro sa iyong kaligtasan” 

Hindi lubos na naintindihan ng ilang imortal ang mga salitang sinambit ng kinatawan ng apoy na kabayo. Hindi nila mabatid kung may lihim bang kahulugan ang kaniyang sinambit na siya lamang ang nakakaintindi. Ganoon pa man ay walang sino man ang nangahas na magtanong sa kaniyang binitawang salita. Tinapos niya ang kaniyang pagbasbas sa pagdami sa pisngi ng prinsepe gamit ang kaniyang kamay na nagliliyab sa kulay berdeng apoy.

Sumunod na nagbigay ng kaniyang basbas ay ang kinatawan ng Makahoy na Tupa na si Ya Xiulan. Siya ang pinakatahimik na miyembro ng grupo. Malimit lang itong magsalita at madalas na sumasagot lamang kapag kinakailangan. Madalas itong magsuot ng maskara na tumatakip sa pang-itaas na bahagi ng kaniyang mukha. Madalas din siyang napagkakamalang nasisiraan ng bait dahil sa kakayahan nitong makipag-usap sa mga hayop, kaluluwa at mga espirito ng kalikasan. May kakayahan siyang magpaamo sa ano mang hayop na kaniyang nahahawakan. Palagi niyang kasama ang kaniyang alagang panda at agila na kaniyang katuwang sa pakikipagdigma. Ang pangunahing sandata na kaniyang ginagamit sa pakikipagdigma ay pana at palaso, siya ang tinaguriang pinakamagaling na mamamana sa buong kaharian.

Nang tuluyang makalapit ang kinatawan ng makahoy na tupa sa kinaroroonan ng sanggol ay bigla na lang itong nagsalita na tila may kinakausap sa kaniyang paligid.

“Hindi ko alam kung bakit lagi na lang akong kinikilabutan sa tuwing gagawin niya iyan” Sambit ng isang imortal sa kaniyang katabi.

Alam ng karamihan na may kakayahan itong makipag-usap sa mga kaluluwa at mga espirito ng kalikasan kaya minsan ay nagmumukha itong nagsasalita ng mag-isa. Palingon-lingon sa kaniyang kaliwa at kanan ang kinatawan ng makahoy na tupa dahil kasalukuyan niyang kausap ang dalawang espirito ng kalikasan na madalas niyang hinihingan ng opinyon. Matapos ang ilang sandali nang pakikipag-usap sa mga ito ay nabuo na ang desisyon ng imortal sa basbas na kaniyang igagawad.

“Ipinagkakaloob ko sa’yo ang kakayahang makipag-usap sa mga espirto ng kalikasan, mga hayop at maging sa mga kaluluwa” 

Tatlong beses nitong pinagdikit ang mga palad na lumikha ng tunog na tila pumapalakpak ng mabagal. Sa sandaling matapos niya ito ay kaagad siyang yumuko upang magbigay galang sa prinsepe bago niya ito talikuran. 

“Tapos na?” Nagtatakang tanong ng isang imortal na susunod sa kaniya. Tanging pagtango ang tinugon nito sa imortal na siyang nagpakamot sa ulo nito. Walang nakakaalam sa basbas na kaniyang ginawad dahil halos hindi nila marinig ang tinig nito nang siya ay nagsasalita sa harap ng kuna na tinutulugan ng ikatlong prinsepe. 

Nag-aalangan man ay sumunod na lumapit ang imortal na kinatawan ng Bakal na Unggoy na si Wu Jin Kong sa kinaroroonan ng ikatlong prinsepe. Nang tuluyang makalapit ang imortal sa harapan ng natutulog na sanggol ay bigla na lang itong napahawak sa kaniyang balbas upang mag-isip. 

Ang imortal na si Wu Jin Kong ay madalas na nakikita sa mga pagtitipon at pagdiriwang. Hindi dahil sa nais niyang makihalobilo sa maraming nilalang, bagkus nais niyang makalibre sa mga inuming kaniyang naiinom. Kilala siya bilang dakilang manginginom sa loob at labas ng palasyo. Wala pang nakakapantay sa tibay niya pagdating sa inuman kaya halos lahat ng mga pagtitipon na kaniyang dinadaluhan ay mabilis nauubusan ng alak nang dahil sa kaniya.

Madalas siyang tawagin na Dakilang Manlilinlang dahil sa kakayahan niyang linlangin ang kaniyang kalaban. May kakayahan siyang paramihin ang sarili na siyang nagpapalito sa kaniyang mga kalaban. May kakayahan rin siyang magpalit ng anyo kagaya ng pagpapalit anyo bilang agila o kaya naman isang bubuyog sa maikling panahon. Masiyahing nilalang si Wu Jin Kong at may pagkapilyo kapag nalalasing na. Napakabihira ng pagkakataong makikita mo siyang galit o nakasimangot dahil lagi itong masaya lalo na’t kapiling nito ang kaniyang pinakamamahal na inumin. Saan man magtungo ay lagi nitong bitbit ang kaniyang tungkod na yari sa ginto na siyang ring pangunahing sandata niya sa pakikipagdigma.

“Hmm… wala na akong masyadong maisip, igagawad ko na lang sa’yo ang kakayahang makita ang katotohanan mula sa panlilinlang ng iyong kalaban” 

Matapos niyang sambitin ito ay kaagad niyang dinikit sa kaniyang labi ang kaniyang kamao. Ang kaniyang kamao ay kasalukuyang nakakuyom ngunit may kaunting espasyo siyang tinira na kung saan sa maliit na butas na ito siya umihip. Sa pag-ihip niya sa butas ay siya namang paglabas ng gintong pulbos sa kabilang dulo nito na siyang dumapo sa ulo ng natutulog na sanggol. 

Matapos magbigay ng kaniyang basbas ay kaagad na bumalik si Wu Jin Kong sa kaniyang pwesto. Magkasabay namang lumapit ang tatlong natitirang kasapi ng labing dalawang magigiting na imortal. 

“Halos naibigay na nila ang lahat ng basbas na makakatulong sa ikatlong prinsepe kaya naman napagdesisyunan naming tatlo na magbantay sa kaligtasan ng ikatlong prinsepe sa loob ng anim na buwan”

Sambit ng kinatawan ng Apoy na Tandang na si Dong Bei Chi. Ikinagulat ng karamihan ang kaniyang nilahad dahil mataas ang antas ng mga magigiting na imortal sa buong kaharian para maging bantay sa kaligtasan ni Shufen.

Si Dong Bei Chi ay nagtataglay ng kagandahan at maalindog na pangangatawan. Madalas siyang magpakita ng motibo sa mga lalaking naaakit sa kaniyang pisikal na kaanyuan. Mahilig rin siyang magsuot ng mga kasuotang masisikip na halos magpaluwa na sa kaniyang malalaking dibdib. Pangunahing sandata niya ay ang kaniyang mga pamaypay na naglalabas ng apoy. May kakayahan rin siyang higupin ang apoy sa pamamagitan ng kaniyang bibig. Kahit ano mang klaseng apoy ay hindi siya kayang sunugin nito dahil hindi ito tumatalab sa kaniya. 

“Nakakasiguro ba kayo sa inyong nais na gawin?” Tanong ng hari sa tatlong imortal na nasa kaniyang harapan.

“Nakakasiguro po kami  mahal na hari. Sa katunayan ay napag-usapan na namin ang hatian sa pagbabantay sa kaligtasan ng ikatlong prinsepe. Sa unang buwan ay si Bei Chi at sa susunod na buwan ay ako  naman at sa susunod na buwan ay si Ju Lan hanggang  sa matapos namin ang anim na buwan” Tugon ng kinatawan ng Bakal na Aso na si Huan Chun Ying. 

  Si Huan Chun Ying ang pinaka masiyahin at maingay sa lahat ng mga miyembro. Mahilig itong magbitaw ng mga biro na siya lamang ang natatawa. Dahil sa isang sumpa na pinataw sa kaniya  ay nanatili ang kaniyang pisikil na kaanyuan na maihahalintulad sa isang dose anyos na bata. Ang pangunahing sandata niya ay isang boomerang na may kakayahang magpalit ng laki na naaayon sa kaniyang kagustuhan. Ang boomerang na ito ay kayang lumaki sa sukat na kagaya ng isang bundok.

“At alam po naming mas mapapanatag ang kalooban ng mahal na hari kapag kami mismo ang nagbantay sa kaligtasan ng ikatlong prinsepe” Sambit ng kinatawan ng Baboy na Pandaigdig na si Tai Ju Lan . 

Hinahangaan siya sa pagkakaroon  ng lakas ng loob sa lahat ng bagay. Bukod sa malusog nitong pangangatawan ay masiyahin ito at may positibong pananaw sa buhay. May kakayahan siyang palutangin ang kaniyang sarili at ang mga bagay na kaniyang nahahawakan. Madalas siyang napagkakamalang lalaki dahil sa lagi itong nakasuot ng baluti na kaniyang ginagamit sa pakikipagdigmaan. 

Dahil desidido na ang tatlong magigiting na imortal na magbantay sa kaligtasan ng prinsepe kaya naman hindi na ito tinutulan ng hari. Ang tanging hangad lamang niya ay matulungan siya sa pagbasbas sa kaligtasan ng kaniyang anak na magiging hari ng Tianmen. Ngunit hindi niya inaasahan na bibiyayaan nila ito ng mga kakayahang lubos na makakatulong kay Shufen. Hindi mapigilan ng hari na sariwain ang nakaraan noong siya ay isa pa lamang prinsepe ng kaharian at isa sa mga napiling miyembro ng labing dalawang magigiting na imortal. Marami siyang naging masasayang alaala kasama ang kaniyang mga kaibigan mula sa pakikipagdigma at pagprotekta sa isa’t isa.

Makalipas ang isang buwan ay halos masiraan na ng bait ang dakilang instrumento na si Yijun. Buong buwan kasi siyang nakakulong sa palasyo ng ikatlong prinsepe dahil sa kautusan ng hari. Walang sino man sa mga napiling maging susunod na hari ang pwedeng dumalaw sa kaniya nitong nakaraang buwan dahil sa kasunduang nabuo sa pagsusuyo sa kaniyang damdamin. Isang buwan pa lamang ang lumilipas ngunit tila isang taon na ang nagdaan para sa binata. Tanging ang mga tagapaglingkod lamang ang kaniyang nakikita na naglalabas masok sa kaniyang silid upang maghatid ng kaniyang makakain at ilan pang pangangailangan.

Habang nakahiga sa kaniyang kama ay nabuo ang desisyon ng binata na tumakas sa palasyo upang makalanghap ng sariwang hangin. Masyado na siyang nalulungkot sa loob ng kaniyang kwarto kaya desidido na siyang tumakas dito kahit na ano pa ang parusa na kaniyang sasapitin kapag siya ay nahuli. Bago pa man siya tuluyang makalapit sa pinto ay bigla na lang itong bumukas na siyang ikinagulat ng husto ng binata.

“Li???” Pasigaw na tanong ng binata dahil sa pinaghalong gulat at pagkasabik nang makita niya ang batang tagapaglingkod. Bago pa man makatugon ang batang tagapaglingkod ay napansin ng binata ang kasama nitong bata na nakasuot ng magarang kasuotan.

“Sino ’tong kasama mo? Ang cute -cute niya!” Mabilis na sambit ng binata at kaagad na pinisil ang mukha ng apat na taong gulang na bata na nasa harapan niya. Labis ang kasabikan ng binata na muling makakita ng bagong nilalang dahil laging mga tagapaglingkod ang kaniyang nakakasalamuha. Sa kaniyang kasabikan ay nagawa niya itong halikan sa pisngi at mahigpit na niyakap. Mabilis niyang naalala ang kaniyang bunsong kapatid noong apat na taong gulang pa ito. Matapos niyang gawin ito ay muli niyang hinarap ang batang niyakap niya.

“Anong pangalan mo? Narito ka ba upang makipaglaro sa akin?” Masayang tanong ni Yijun sa batang namumula ang pisngi dahil sa kahihiyang nadarama. Bago pa man ito makasagot ay bigla na lang tumikhim ang batang tagapaglingkod na si Li at nagsimulang ipakilala ang batang kaniyang kasama.

“Dakilang instrumento hayaan niyo po akong ipakilala sa inyo ang ikatlong prinsepe ng kaharian ng Tianmen si Wu Jun Xiang o mas kilala bilang Shufen” Tugon ng batang tagapaglingkod na sadyang ikinagulat ni Yijun.

“Shu-shufen?” Muling tanong niya at magalang na tumango ang batang si Shufen bilang pagsang-ayon sa katanungan ng dakilang instrumento.

Itutuloy…

 

A/N:  Syempre hindi ko hahayaang matapos ang buwan na ’to nang hindi nakakapag-update. Pasensya na at medyo mabagal dahil mahirap para sa akin ang pagsulat nito dahil masyadong malawak ang aking kaisipan at marami akong naidadagdag sa kwento kaya mas lalong humahaba ang word count ng bawat chapter. Malapit na malapit na malapit na magsimula ang pag-iibigan nila kaya kapit lang!

Ang labing dalawang magigiting na imortal ay hango sa 12 chinese zodiac. 

(E.g. Makahoy na daga - Wooden Rat, Bakal na Toro - Metal Ox)

Tinagalog ko lang talaga sila. LOL!

Nagpapasalamat din ako sa aking kaibigan na si @Hemori na tumulong sa akin upang mabigyan ng magandang abilidad ang ilan sa mga miyembro ng labing dalawang magigiting na imortal. 

 Sana ay patuloy niyong suportahan at subaybayan ang aking kwento. Maraming salamat!!

Chapter 13: Wangxian Inn

Yibo as Shufen

  ![](https://img.wattpad.com/9a527199df56da64e163df37fe9c06243a8fcd39/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f34733875344155756a7972656a673d3d2d3936383234353236372e313636316230326530646462363266383939383938343037303535342e706e67)

Hindi makapaniwala ang binata nang malaman niya na ang batang kaharap niya ngayon ay ang ikatlong prinsepe sa batang kaanyuan nito. Magkahalong emosyon ang kaniyang nadarama nang muli niyang masilayan ang mukha ni Shufen. Sa nakalipas na buwan ay hindi niya man lang nagawang dalawin ito dahil sa kautusan ng hari. Ngayong nasa harapan na niya itong muli ay hindi napigilan ng binata ang sarili na yakapin ang ikatlong prinsepe.

“Shufen, ligtas ka!” Sambit niya habang yakap-yakap ng binata ang prinsepe. Nabigla ang batang prinsepe sa pagyakap ng dakilang instrumento ngunit tinikom lang nito ang kaniyang bibig at hinayaan ang binata sa kaniyang ginagawa.

“Kamusta ka na? Mabuti na ba ang ’yung kalagayan? Wala na bang masakit sa’yo?” Sunod-sunod na tanong ng binata habang kinakapa nito ang pisngi ng batang prinsepe patungo sa balikat hanggang sa mga tagiliran nito.

“Wala ka nang dapat pang ipag-alala dakilang instrumento dahil mabuti na  ang aking kalagayan” Magalang na tugon ng ikatlong prinsepe. Ikinagulat naman ni Yijun ang naging tugon nito. Alam niyang magalang at maingat sa pagbitaw ng mga salita si Shufen ngunit tila ba ay sobrang galang nito sa kaniya. Mas lalo niyang ikinabigla ang pangiti nito sa kaniya na kailan man ay hindi niya pa nakikita. Nabahala ang binata sa mabuting inaasal ng prinsepe sa kaniya kaya hindi niya maiwasang magduda sa kinikilos nito. Mabilis siyang kumilos papalayo rito at kinuyom ang mga kamao na tila ba’y makikipagsuntukan sa batang prinsepe.

“Isa kang impostor! Hindi ikaw si Shufen!” Pangahas na sambit ng binata na sadyang ikinagulat ng batang tagapaglingkod na si Li. Mabilis na lumapit ang batang tagapaglingkod na si Li upang magsilbing harang sa pagitan ng dalawa dahil natatakot siya na baka saktan ni Yijun ang batang prinsepe. Ilang sandali pa ay marahang tinapik ng batang prinsepe ang likuran ni Li upang ipaalam na hindi na niya kailangang gawin ito.

“Paumanhin kung naninibago ka sa aking inaasal at kinikilos. Marahil ay iba ang pakikitungo ko sa’yo noon. Maging sa sarili ko ay hindi ko alam kung anong klaseng tao ako bago isagawa ang muling pagkabuhay sa aking katawan. Ngayong hindi pa nanunumbalik ang lahat ng aking mga alaala at kung iyong mararapatin ay nais kong makilala ka nang lubusan” 

Hindi mapigilan ng binata na makaramdam ng kakaibang kilabot sa kaniyang katawan nang marinig niya ang mga salitang ito na nagmumula sa isang apat na taong gulang na bata. Maaaring nagsasabi ito ng katotohanan ngunit nag-aalangan pa rin siya dahil sa uri ng pananalita nito na tila ba isang ganap na lalaki. Nilihis niya ang kaniyang paningin sa batang tagapaglingkod na tila nagtatanong ng kasagutan mula rito. Tanging pagtango ang naging tugon sa kaniya ng batang tagapaglingkod na kaniyang sinimangutan. Walang nagawa ang binata kundi ang maniwala na ang dati niyang mapapangasawa ay naging isang apat na taong gulang na bata. Ang kaninang masiyahing pagtanggap niya sa kaniyang panauhin ay mabilis napalitan ng pagiging malamig nito.

“Bakit ka nga pala naririto?” Malumanay na tanong ng binata. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit ganito ang kaniyang inaasta gayong masaya naman siya kanina nang malaman niyang nasa maayos na kalagayan si Shufen.

“Ngayon ang unang araw ng pagsuyo sa damdamin ng dakilang instrumento at ang ikatlong prinsepe ang iyong makakapiling sa buong araw na ito” 

Biglang napaisip ang binata sa sinambit ng batang tagapaglingkod. Noong nakalipas na linggo ay nakatanggap siya ng liham mula sa utak ng labing dalawang magigiting na imortal na si Master Huang Jia. Hindi lingid sa kaalaman ng dakilang imortal na hindi nakakabasa ang dakilang instrumento kaya naman ginamitan niya ng kaniyang salamangka ang liham na kaniyang pinadala. 

Ngayon ay lubos siyang naiilang sa ideyang pagsuyo sa kaniya ng isang batang paslit na isa ring lalaki kagaya niya. Hindi niya alam kung ano ang itutugon sa pagngiti sa kaniya ng batang prinsepe. Naiilang man siya ay pinilit niya pa rin ang sarili na ngumiti para sa batang prinsepe.

“Paumanhin dakilang instrumento ng gintong dragon ngunit nais ko sanang malaman kung ikaw ba ay lubos na handa sa ating pag-alis?” Magalang na tanong ng batang prinsepe na ikinabigla ng binata.

“Aalis? Hindi ba tayo mananatili ditong dalawa, ’yung tayo lang tapos magsasabi ka ng mga magagandang salita para makuha ang loob ko?” Palinga-linga ang ulo ng binata habang binabangit ang mga salitang ito bilang tanda na hindi niya nagugustuhan ang mga salitang kaniyang binibigkas.

Matapos sambitin ito ni Yijun ay panandaliang nagkatinginan ang  batang tagapaglingkod na si Li at ang batang prinsepe na si Shufen. May mga salitang binulong ang batang tagapaglingkod sa batang prinsepe na tinatanguan nito na hindi magawang marinig ni Yijun. Nais man niyang alamin ay tila ni huni ay wala siyang marinig sa binubulong nito sa batang prinsepe.

“Iyon ba ang nais ng dakilang instrumento? Ang makasama ako nang mag-isa at makarinig ng mga magagandang salita mula sa akin?” Masayang tanong ng batang prinsepe na walang halong malisya dala ng kaniyang kamusmusan. Nanlaki naman ang mata ni Yijun nang marinig ito mula sa batang prinsepe. Halos hindi niya lubos maisip na makasama nang mag-isa ang batang prinsepe at makarinig ng mga magagandang salita mula rito. Sadyang para sa kaniya ay tila malaking kasalanan ito na hinding hindi dapat mangyari.

“Child Abuse! Child Abuse! Hindi ’to pu-pwede!” 

Paulit-ulit na binanggit ni Yijun sa kaniyang sa sarili na tila ba’y isa siyang salarin sa isang kasalanan na hindi niya matanggap na kaniyang nagawa. 

“HINDI!” Mariing sambit ni Yijun na ikinagulat ng batang prinsepe. Tila nasaktan ang batang prinsepe sa mariing pagtangi sa kaniya ng dakilang instrumento.  Kaya mabilis nangilid ang luha sa mga mata ng batang prinsepe na ikinabahala ng binata. 

“Ahh ang ibig kong sabihin ay hindi muna sa ngayon… dahil mas….. nais kong makilala ang cute na batang prinsepe bago humantong sa bagay na iyon” Ang tanging naisip ni Yijun na sabihin upang mapagaan ang loob ng batang prinsepe na sinabayan pa niya ng pagngiti at kindat.

“Ko-kyot?” Buong pagtatakang tanong ng batang prinsepe.

“Ahh ang ibig sabihin non ay magandang lalaking kagaya mo” Tugon ni Yijun na sinabayan pa ng pagturo sa prinsepe habang nakaangat ang kaniyang hinlalaki na nagmimistulang binabaril niya ito habang nakangiti. 

Mabilis na nanumbalik ang ngiti sa mga labi ng batang prinsepe nang marinig niya ang papuri mula sa dakilang instrumento. Bahagya itong napatalikod upang punasan ang namuong luha sa kaniyang mga mata at muling hinarap ang dakilang instrumento nang nakangiti. Hindi mapigilan ni Yijun na ikumpara ang batang prinsepeng nasa harapan niya sa ikatlong prinsepeng nakilala niya. Sadyang tumatak sa kaniyang isipan ang pagiging strikto at malamig na pakikitungo nito sa kaniya. Kailan man ay hindi niya pa ito nakitang ngumiti sa kaniya kaya naman naninibago siya sa pagngiti ng batang anyo nito.

Nanumbalik siya sa kaniyang katinuan nang makita niya ang pag-alay ng kanang kamay ng batang prinsepe sa kaniya. Hindi niya lubos maintindihan ang ibig sabihin nito pero nagawa niya pa ring iabot ang kaniyang kamay. Marahang naglakad ang batang prinsepe na sinundan naman ng binata habang hawak-hawak nito ang kaniyang kamay. Naglakad sila palabas ng silid hanggang sa makarating sila harap ng pintuang bayan ng palasyo ng ikatlong prinsepe na kasalukuyang tinitirhan ng dakilang instrumento.

Namangha siya nang makita niya ang mga kawal sa labas ng palasyo. Sa  dami nito ay halos hindi na niya masundan ang kaniyang pagbilang sa mga ito gamit ang kaniyang paningin. Takang taka siya kung ano ang okasyon at napakaraming kawal ang nag-aantay sa kanilang paglabas.

“Ah anong meron? Makikipagdigma ba tayo?” Hindi mapigilang itanong ni Yijun sa labis na pagkailang sa dami ng kawal na nakapalibot sa kanila. 

“Lilibutin natin ngayon ang buong kaharian” Masayang tugon ni Shufen na mabilis namang dinugtungan ng batang tagapaglingkod na si Li.

“Bukod sa pagsuyo sa inyong damdamin ay naatasan rin ang ikatlong prinsepe na tulungan kayong mabigyan ng kaalaman sa kahariang nasasakupan ng Tianmen. Lubos na makatutulong ang mga kaalamang ibabahagi ng ikatlong prinsepe sa inyo bilang susunod na mamumuno sa kaharian” 

Matapos sambitin ito ng batang tagapaglingkod ay hindi napigilan ni Yijun na mapatingin sa batang prinsepe na nakahawak sa kaniyang kamay.

“Ahhh… ang ibig niyang sabihin ay makikinig ako sa ituturo sa akin ng batang ito” Sambit ni Yijun sa kaniyang isipan habang marahang tinatango ang kaniyang ulo.

Nagsimula silang lisanin ang palasyo upang magtungo sa pintong bayan na nagsisilbing harang sa pagitan ng mga mortal at imortal.  Sa kabilang bahagi nito matatagpuan ang isang lungsod na tinatawag nilang Qiqi. Pinangalan ang lungsod na ito mula sa isang magiting na imortal na naging katuwang ng kauna-unahang hari na buuin ang kaharian ng Tianmen. Sa lugar na ito madalas nakikihalubilo ang mga imortal sa mga mortal na mamamayan ng Tianmen. Ito ang pinakasentro ng kaharian kung saan makikita ang iba’t ibang uri ng pamilihan, kainan at iba pang bagay na may kinalaman na nagbibigay aliw sa mga mamamayan.

Nahahati sa tatlong uri ng mga nilalang ang naninirahan sa loob ng kaharian. Una ay ang mga imortal na patuloy na nagbibigay lakas at proteksyon sa kaharian mula sa ano mang panganib o banta sa buhay ng mga mamamayan nito. Maituturing na sila ang may pinakamataas na antas na katayuan sa kaharian dahil sa pambihira nilang lakas at kakayahan. Pangalawa sa mga ito ay ang mga mortal na may katungkulan sa kaharian. Sila ang namumuno sa mga pangkat ng mga mortal na siya ring naghahatid ng kautusan mula sa hari patungo sa nasasakupan nito. Ang ilan sa kanila ay may mga malalaking negosyo o mga ari-arian sa loob ng kaharian na nag-aangat sa kanilang katayuan sa buhay. Ang iba naman ay pinalad na mapili bilang kawal na siyang nagpapanatili ng kaayusan sa mga mortal. Ang panghuli ay ang mga ordinaryong mortal na mamamayan ng Tianmen. Ang pagsasaka at pangangalaga ng mga hayop ang kanilang panganuhing katungkulan sa kaharian. Sa kanila nagmumula ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat mamamayan ng kaharian, iyon ay ang pagkain. Maliban sa mga bandidong naninirahan sa sinumpang lupain ay namumuhay ng mapayapa ang bawat isa sa pamumuno ng isang haring imortal. Ginagawa ng bawat isa ang kanilang tungkulin upang mapanatili ang kaayusan sa kanilang kaharian. 

Bago pa man tuluyang lumabas ang prinsepe at ang binata sa pintuang bayan ay nagawa munang magkumpas ng batang prinsepe na tila may isinasagawang mahika bago nila tawirin ang pintuang bayan na magdadala sa kanila sa lungsod ng Qiqi. 

“Anong ginagawa mo?” Hindi mapigilang itanong ni Yijun.

“Kailangan nating magbalat kayo kaya dapat hindi nila tayo makilala” Masayang tugon ng batang prinsepe at muling hinawakan ang kamay ng dakilang instrumento upang gabayan ang binata sa pagtawid sa pintuang bayan. 

Sa sandaling tawirin nila ang pintuang bayan ay panandaliang napapikit si Yijun dahil sa nakakasilaw na liwanag. Sa sandaling idinilat niya ang kaniyang mga mata ay labis siyang namangha nangmakita niya ang kagandahan ng lungsod. Pamilyar sa kaniya ang mga desenyo ng mga gusali dahil maihahalintulad ito sa mga gusaling nakikita niya sa binondo. Kahit papano ay nakaramdam siya ng kaginhawaan nang makita niya ang mga ito na para bang hindi nalalayo sa mundong kaniyang kinagisnan. 

Normal ang lahat para sa kaniyang paningin dahil ang lahat ng tao ay naglalakad sa daan. Wala siyang nakikitang lumulutang o may kakaibang ginagawa gamit ang salamangka. Labis ang kaniyang tuwa nang marinig ang normal na ingay ng pamilihan na kung saan ay may mga nag-aalok ng kanilang paninda at kung ano-ano pa. Nais niya sanang lapitan ang isang tindahan dahil sa pamilyar na amoy na hatid nito sa kaniyang ilong na siyang nagbibigay ng pagkulog sa kaniyang tiyan ngunit hindi siya kaagad makaalis sa kaniyang kinatatayuan. Ngayon niya lang muling naramdaman ang kamay na nakahawak sa kaniya kaya naman muli niya itong nilingon. Laking gulat niya nang makita niya ang kasalukuyang hitsura ng batang may hawak sa kaniya. 

“Shu-Shufen?!”

Sadyang ikinabigla ni Yijun nang makita niyang muli ang dating anyo ni Shufen. Hindi siya lubos na makapaniwala na sa isang iglap lang ay muli niyang makikita ang dating kaanyuan nito. Sa kaniyang pagkabigla ay hindi niya sinasadyang mapalakas ang pwersa sa pagbitaw ng kaniyang kamay mula sa pagkakahawak sa kaniya ni Shufen.

“May problema ba?” Tanong ng prinsepe na nabigla sa inasta ng dakilang instrumento.

“Bu-bumalik ka na sa dati mong anyo?” Nauutal na tugon ng binata habang pinagmamasdan ang buong pagkatao ng ikatlong prinsepe.

“May mga lugar kasi rito sa Qiqi na hindi pinahihintulutan ang mga bata kaya kailangan kong magbalat kayo sa dati kong anyo upang masamahan kita” 

Hindi magawang tingnan ng prinsepe ang dakilang instrumento dahil sa kaunting kahihiyan na kaniyang nadarama. Ang kasalukuyang pangangatawan niya ay nasa hustong edad na ngunit ang kaniyang damdamin ay nabibilang pa rin sa isang bata. Tila tumigil ang sandali nang masilayan ni Yijun ang pangiti ng ikatlong prinsepe habang nagkakamot ito ng ulo at nakatuon sa lupa ang kaniyang paningin. Hindi lubusang maipaliwanag ni Yijun ang kaniyang nadarama dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso at para bang may mga bagay na nais kumawala mula sa kaniyang tiyan. 

“Hindi ito maaari!” Wala sa sariling naisambit ng binata. Biglang nawala ang mga ngiti sa labi ng prinsepe nang marinig niya ang mga salitang iyon. Samantalang ang dakilang instrumento ay palinga-linga sa kung saan hanggang sa makakita siya ng isang paninda na makakatulong sa kaniya. Lumapit siya sa isang tindahan ng mga maskara at mabilis na kumuha ng isa. Sa kaniyang pagmamadali ay nakalimutan niyang magbayad kaya naman mabilis siyang hinabol ng tindero.

“Sino ka sa akala mo at basta-basta mo na lang kukunin ang paninda ko?” Inis na sambit ng tindero at tinangkang hablutin ang buhok ng binata ngunit bago pa man niya mahawakan ito ay mabilis siyang nasaktan sa proteksyong hadlang na ginawad ng gintong dragon. Napadaing sa sakit ang tindero dahil tila napaso ang kaniyang kamay sa pagdampi nito sa proteksyong hadlang. 

“Ninakawan mo na ako at gumamit ka pa ng salamangka!” Galit na sambit ng tindero na hindi na narinig ng binata dahil nakalapit na itong muli sa prinsepe. 

Ang lungsod ng Qiqi ay ang pinakaabalang lugar sa buong kaharian kaya naman ang bawat isa ay abala sa kani-kanilang gawain, kaya ni isa sa mga ordinaryong mamamayan ay hindi napansin ang nangyaring pagdampi ng kamay ng tindero sa proteksyong hadlang na pumapalibot sa katawan ng dakilang instrumento. Mariing ipinagbabawal ang paggamit ng mahika sa loob ng lungsod bilang pagbibigay galang sa kasunduan bilang pagkakaisa ng mga mortal at imortal. Ang sino mang mahuling lumabag sa kasunduang ito ay mapapatawan ng malaking kaparusahan mula mismo sa hari dahil tanging mga imortal lamang ang nakakagamit ng salamangka sa loob ng kaharian.

“Mga kawal! May imortal na guma-” 

Bago pa man tuluyang makuha ng tindero ang atensyon ng mga kawal ay kaagad itong natigilan sa pagsasalita nang may tumama sa kaniyang noo na matigas na bagay. Ang bagay na ito ay bumagsak sa pagitan ng kaniyang mga hita. Mabilis na bumuhos napakaraming pilak na nagmula sa sisidlan nito. Ang pilak ay isa sa mga pangunahing salaping ginagamit na pambayad sa mga pangunahing pangangailangan sa kaharian. Magkahalong tuwa at takot ang naramdaman ng tindero nang makita niya ang dami ng pilak na nakuha niya mula sa taong nagbato nito sa kaniya. Mabilis niyang dinampot ang mga pilak na bumuhos mula sa sisidlan nito at saka tumayo. Hindi na siya muling gumawa ng ingay dahil sa takot niya sa taong nagbigay sa kaniya ng pilak. Kilabot ang hatid sa kaniya sa uri ng pagtingin nito, tila ba isa siyang nilalang na walang emosyon ngunit may kakaibang kilabot ang hatid ng kaniyang paningin na sumindak ng husto sa tindero.

“Suotin mo ’to” 

Sambit ng binata matapos niyang iabot ang maskarang napili niya para sa prinsepe. Naguguluhan man ay inabot ito ng prinsepe at muling tumingin sa binata upang alamin ang dahilan nito sa pagpapasuot niya ng maskara. 

“Maraming makakakilala sa’yo kapag pinakita mo ang mukha mo sa marami” 

“Huwag kang mag-alala dahil ikaw lang ang makakakilala sa aking pagmumukha. Ang aking salamangka na isinagawa kanina bago tumawid sa pintong bayan ay para sa pagbabalatkayo” 

Hindi na natapos sa pagsasalita ang prinsepe nang idikit mismo ni Yijun ang maskara sa mukha ng prinsepe upang takpan ang pang-itaas na mukha nito. Ang napiling maskara ng binata ay isang uri ng maskara na hanggang ilong lang ang natatakpan. Nanatiling nakalantad ang mga labi nito upang hindi ito mailang o mahirapan sa pagsasalita. Sa musmos na damdamin ng prinsepe ay labis siyang nagagalak sa atensyon na binibigay sa kaniya ng dakilang instrumento kaya hinayaan niya na lang itong gawin ang nais nitong pagpapasuot ng maskara. Mismong si Yijun pa ang nagtali ng kaniyang maskara na kaniyang ikinatutuwa. Para sa prinsepe ay paraan ito ng dakilang instrumento upang protektahan ang kaniyang pagkakakilanlan mula sa ibang tao. Ngunit lingid sa kaalaman ng prinsepe na ito’y paraan ng binata upang maiwasang makita ang kabuoang gandang tangi ng kaniyang pagmumukha.

“Ayan mukha kanang payasong kuneho” Sambit ng binata sa kaniyang isipan habang nakatingin sa kasalukuyang ayos ng prinsepe.

Ang maskarang napili niya ay isang uri ng maskara na may maliit na tenga na maihahalintulad sa isang kuneho. Sa bawat gilid ng butas ng maskara na kung saan nakadungaw ang mga mata ng prinsepe ay napapalibutan ng kulay pulang pintura at sa gitnang bahagi na kung saan nakatapat sa kaniyang ilong ay may malaking bilog na kulay pula na sumisimbolo sa ilong ng isang kuneho. Hindi na nababahala ang binata sa pangiti ng ikatlong prinsepe dahil nagiging katawa-tawa na ito para sa kaniyang paningin.

“Saan nga pala tayo unang pupunta? At nasaan na nga pala si Li?” Sunod-sunod na tanong ni Yijun habang nakatingala sa itaas upang hanapin ang batang tagapaglingkod.

“Inatasan ko siyang hayaan tayong mapag-isa sa paglibot dito sa loob ng Qiqi” 

“Hindi ba delikado sa’yo ang walang kasama? Nasaan na rin ang mga kawal mo?” Hindi mapigilang itanong ng binata na siyang nagpangiti sa prinsepe dahil sa pag-aalala nito sa kaniyang kapakanan.

“Huwag kang mabahala dakilang instrumento dahil isa sa pinakaligtas na lugar sa kaharian ang lungsod ng Qiqi” 

“Ah kaya pala nakidnap tayo kahit na nasa loob na tayo ng palasyo” Wala sa sariling tugon ni Yijun na hindi masyadong naintindihan ng prinsepe.

“Ahh ang ibig kong sabihin ay dapat na nating simulan ang paglilibot” Mabilis na dugtong ni Yijun habang paulit-ulit na inaangat ang dalawang kilay ng sabay.

“Sa gano’n ay dapat nating simulan sa pinakasentro ng lungsod at ’yun ay ang tuluyan ng Wangxian” 

“Wangxian?” Paglilinaw ng binata dahil tila pamilyar sa kaniya ang pangalang ito.

Tanging pagtango habang nakangiti  ang naging tugon ni Shufen at unti-unti niyang inaabot ang kaniyang kanang kamay upang ayain ang dakilang instrumento patungo sa tuluyan ng Wangxian. Kahit na nakasuot na ng katawa-tawang maskara ay hindi pa rin nito tuluyang naitatago ang gandang tanging taglay ng prinsepe na nagbigay ng kakaibang kilabot sa binata. 

“Ahh… mauna ka na lang at susunod ako” Nakangiting tugon ng binata ngunit hindi niya inaasahang bigla na lang nitong kukunin ang kaniyang kamay at hinila.

Nagpatianod na lamang si Yijun sa paghila sa kaniya ng prinsepe dahil sa kakaibang kasiyahang pinapakita nito. Saka lang niya napagtanto na bata pa rin ang damdamin ng prinsepe na taliwas sa anyong pinapakita nito. Ngayon ay lubos niyang naiintindihan ang nararamdamang kasabikan nito na maihahalintulad sa mga batang lalabas ng tahanan upang mamasyal. 

Habang patungo ang ikatlong prinsepe at ang binata sa tuluyan ng Wangxian ay masugid silang binabantayan ng kinatawan ng apoy na tandang na si Dong Bei Chi. Alinsunod sa sinumpaang tungkulin nila sa hari ay sa unang buwan ng pagkuha ng damdamin ng dakilang instrumento ay sila mismo ang magbabantay sa kaligtasan ng prinsepe at ng dakilang instrumento. 

“Mabuti na lang at mabilis ang pag-aksyon ni Li, kamuntikan ko ng gamitin ang aking salamangka. Sadyang kakaiba nga ang dakilang instrumento…. kalalabas pa lamang sa pintuang bayan ay nilalapitan na kaagad ng gulo. Mukhang masusubok nito ang pasensya ko” Mahinang sambit ni Bei Chi sa kaniyang sarili na sinundan ng pagkagat sa kaniyang pang-ibabang labi.

“Nakapili na ho ba kayo ng nais niyong pamaypay magandang binibini?” Tanong ng lalaking may-ari ng paninda ng mga pamaypay na kung saan nagpapanggap siya bilang isang mamimili habang nagmamasid sa bawat galaw ng dalawang kaniyang sinusundan. 

“Paumanhin ngunit hindi na pala ako bibili…. ngunit babalik ako” 

Nalungkot ang tindero sa naging tugon ng imortal sa kaniya ngunit mabilis rin itong napalitan ng pagngiti nang marinig niyang magbabalik ito sa kaniyang tindahan. Labis pa niyang ikinatuwa nang kindatan siya nito bago tuluyan nitong lisanin ang kaniyang tindahan.

“Maghihintay ako sa iyong pagbabalik!” Masayang isinigaw ng tindero na siyang nagpailing sa babaeng imortal.

Kahit na ang kasalukuyang kasuotan niya ay nalalayo sa madalas niyang suot ay hindi pa rin maikukubli ang angking ganda at alindog ng kaniyang pangangatawan na hindi nakakaligtas sa mapanuring paningin ng mga kalalakihan na naaakit sa kaniyang kagandahan. Hindi rin ito nakaligtas sa matatalas na paningin ng mga kababaihan na kinamumuhian ang kaniyang presensya. 

“Haay, kahit siguro sako ang isuot ko ay tiyak na ako pa rin ang magiging pinakamagandang dilag dito sa kaharian” Sambit ni Bei Chi nang mapadaan siya sa grupo ng mga babaeng nagbibigay ng matatalim na paningin sa kaniya. Nagawa niya pang hawiin ang kaniyang buhok sa harap na kanina’y nagsisilbing panakip sa kaniyang naglalakihang dibdib na siyang nagpaluwa sa mga mata ng mga kalalakihang nakakakita sa kaniya.

 Habang nagagalak ang kinatawan ng apoy na tandang sa atensyong kaniyang nakukuha mula sa mga babae’t lalaking nasa kaniyang paligid ay natigilan naman sa harap ng tuluyan ng Wangxian ang prinsepe at ang dakilang instrumento. Hindi mapigilan na mamangha ni Yijun nang makita niya sa malapitan kung gaano kataas ang gusali ng Wangxian. Ito ang pinakamataas na gusali sa buong kaharian na siyang nakatayo sa pinakasentrong bahagi ng buong kaharian. Ang pinakatuktok na bahagi nito ang pinakaespesyal na parte ng gusali dahil doon mo matatanaw ang buong palibot ng kaharian ng Tianmen. 

Bago tuluyang makapasok ang dalawa ay kaagad silang hinarang ng dalawang gwardiya na nagbabantay sa labas ng gusali ng tuluyan. Mahigpit ang seguridad sa gusaling ito at hindi basta-basta nakakapasok ang sino mang may nais sa tuluyang ito. Ang isang mortal o imortal ay kinakailangang magpakita ng imbitasyon mula sa may-ari o pamunuan ng gusaling ito. Maaari rin siyang tumuloy kapag nakakuha ito ng reserbasyon dahil ’di biro ang pagkuha nito sa dami ng mga imortal at mortal na nais makapasok dito. 

“Paumanhin ngunit maaari ho bang makita ang inyong imbitasyon o reserbasyon?” Sambit ng isang gwardiya at mabilis na dinukot ng prinsepe ang kaniyang imbitasyon mula sa kaniyang kasuotan at kaagad na inabot sa gwardiyang humihingi nito. 

“Huang Jinyi at Huang Zhanzhan” Sambit ng gwardiya habang binabasa ang mga pangalang nakatala mula sa imbitasyon. Kaagad naman itong kinompirma ng isang gwardiya mula sa listahan ng mga taong may imbitasyon at reserbasyon. Tanging pagtango lang at nakuha kaagad ng isang gwardiya na nakasaad nga ang mga pangalang ito sa imbitasyon. Kahit na mayroon silang imbitasyon ay hindi pa rin nakaligtas sa mapang-usisang gwardiya ang pagkatao ng dalawa kaya bago pa man sila papasukin nito ay muli itong nagtanong.

“Parehas kayo ng apelyido, maaari bang makompirma ang inyong relasyon sa isa’t isa?” 

“Malamang magkapatid, ano pa ba? Alangan naman mag-”  Hindi mapigilang sambitin ng binata sa kaniyang sarili na naantala rin nang marinig niya ang tugon ng prinsepe.

“Kami ay mag-asawa” Masayang tugon ng prinsepe habang ipinapakita ang kanilang kamay na nanatiling magkahawak pa rin. Nabigla ang binata sa sinambit ng prinsepe ngunit mabilis niyang iniba ang kaniyang hitsura nang tingnan siya ng gwardiya upang kumpirmahin ang sinaad ng prinsepe. 

“Aaa…aaa, mag-asawa kami” Pagkompirma ng binata habang nanginginig ang kaniyang pisngi dahil sa sapilitang pagngiti. Nagpoprotesta ang kaniyang damdamin sa kaniyang sinambit ngunit nanaig pa rin ang kaniyang desisyon na tulungan ang prinsepe sa pagsisinungaling nito dahil mas magiging magulo ang pagkakataon kapag nalaman nila na isa itong prinsepe.

“Gaya ng nakasaad sa imbitasyon” Pagsang-ayon ng gwardiya na may hawak ng listahan ng may tunay na imbitasyon. Sinusubukan lamang nila ito kung sila ba talaga ang nagmamay-ari ng imbitasyon at hindi ito nagmula sa nakaw. Sadyang malaking bagay ang pagpasok sa loob ng tuluyan na nagagawang nakawin ng iba ang imbitasyon sa tunay na may-ari at ito’y binibenta sa malaking halaga ng salapi. 

“Buneng gaibian” Ang sinambit ng prinsepe nang sumenyas ang isang gwardiya na hubarin ang kaniyang maskara bago pumasok sa loob ng tuluyan. Nang banggitin niya ito ay tuluyan na silang pinapasok sa loob. 

May mga imortal na ipinanganak na may kakaibang hitsura at pangangatawan, ang ilan sa kanila ay pinanganak na may buntot, may tenga na kagaya sa pusa, kaliskis sa pisngi at iba pa na minsa’y hindi naikukubli gamit ang salamangka. Sila ay  nabibilang sa mga tinatawag na ‘Buneng gaibian’ na ang kahulugan ay hindi nababago. Pinahihintulutan silang magsuot ng mga maskara, gwantes at mahahabang kasuotan upang maitago nila ang mga ito sa harap ng mga mortal bilang pakikisalamuha sa kanila. 

Hindi man nabibilang sa uri ng mga Buneng gaibian ay pinili pa rin ng prinsepe na magsinungaling upang sundin ang kagustuhan ng dakilang instrumento na isuot ang maskarang binigay nito sa kaniya. Sa ’di niya malamang dahilan ay tila nagagalak ang dakilang instrumento sa tuwing nakikita niyang suot-suot ito ng prinsepe kaya mas pinili niyang isuot ito. 

Matapos nilang makapasok sa loob ng tuluyan ay nais sanang tapatin ni Yijun ang prinsepe tungkol sa sinambit nito kanina ngunit hindi niya ito nagawa dahil labis siyang namangha nang makita niya ang loob ng tuluyan. Sa pinakaunang palapag ng gusali ay nakapwesto ang pinakatanyag na kainan sa buong kaharian na siyang nagpatakam nang husto sa kumakalam na sikmura ng dakilang instrumento. Halos magtatanghalian na rin nang lisanin nila ang palasyo kaya naman ramdam na ramdam na ng binata ang matinding gutom. 

Nang sambitin nang prinsepe ang pangalang nakasaad sa kanilang imbitasyon ay kaagad silang hinatid ng tagapagsilbi sa nakareserbang mesa na kanilang kakainan. Tuwang tuwa ang binata nang libutin niya ang kaniyang paningin sa loob ng magarang kainan. Tila normal ang lahat para sa kaniyang paningin na tila ba’y mortal ang lahat nang naririto. Ang kaninang inis na kaniyang nadarama ay mabilis naglaho dahil sa pinaghalong kasabikan at gutom ng kaniyang tiyan.

“Maaari ko po bang makuha ang inyong kakainin mga ginoo” Magalang na sambit ng babaeng tagapagsilbi ng kainan. Marahan niyang inabot ang dalawang makapal na papel na kung saan nakatala ang lahat ng mga pagkaing mayroon sa kanilang kainan. Mabilis na binanggit ng ikatlong prinsepe ang mga pagkaing nais niyang kainin nang hindi tumitingin sa listahan habang ang binata naman ay hindi magawang mabasa ang mga nakasulat rito.

“Tulad pa rin ng dati” Lakas loob na sambit ng binata sa tagapagsilbi. Hindi mapigilan ng prinsepe at nang tagapagsilbi na tumingin sa isa’t isa dahil wala silang kaalam-alam sa ibig nitong sabihin. Mas lalong naguluhan ang prinsepe dahil sa kaniyang pagkakaalam ay ngayon pa lang nakapunta ang binata sa lugar na ito.

“Ang ibig kong sabihin ay gaya na rin ng sa kaniya” Dugtong ng binata na siyang nagpawala sa kaba ng tagapagsilbi. Matapos makaalis ng tagapagsilbi ay muling inungkat ni Yijun ang mga nangyari kanina.

“Bakit mo sinabing mag-asawa tayo? Pwede namang magkapatid ah!” 

“Sinunod ko lamang ang payo ni Li. Kapag sinabi kong magkapatid tayo ay mas lalo silang maghihinala sa pagkatao nating dalawa, lalo na’t hindi naman magkawangis ang ating mukha”

“Eh di sasabihin kong ampon ka!” Mapangahas na tugon ng binata na siyang nagpailing sa prinsepe.

“Karamihan sa mga nilalaman ng gusaling ito ay para sa mag-asawa, hindi ba’t mas kaduda-duda na papasok ang magkapatid sa isang lugar na pinupuntahan ng mag-asawa?” 

“Hindi.. mas nagdududa ako sa inaasal mo. Sigurado ka bang hindi pa tuluyang nanunumbalik ang alaala mo? Mukhang mas matanda ka pa sa akin kung mag-isip eh” Tanong ng binata habang nilalapit ang mukha sa prinsepe upang alamin kung magsisinungaling ito sa kaniya. Tanging pag-iling at pangiti na lamang ang naging tugon sa kaniya ng prinsepe at bago pa man tuluyang magsalitang muli ang binata ay bigla na lang dumating ang mga pagkaing napili nila.

“Wow, nasa fast food ba tayo? Mas mabilis pa kayo magserve sa chowking ah” Ang nasambit ng binata habang isa-isang nilalapag sa kanilang lamesa ang mga pagkaing kanilang napili.

Tahimik na kumain ang dalawa nang mailapag na ang lahat ng mga ito sa kanilang harapan. Karamihan sa mga hinain ay hindi pamilyar sa binata kaya naman ginagaya niya na lamang ang uri ng pagkuha at pagkain ng prinsepe sa mga putaheng ito. Karamihan sa mga nakahain ay hindi niya nagustuhan dahil sa kakaibang tamis na taglay nito. Masasabi niyang masarap ang lahat ng mga hinain ngunit hindi niya lang masyadong tipo na kumain ng matatamis ngayon. Mas nauna siyang natapos sa pagkain at pinagmasdan niya ang prinsepe na tila sarap na sarap sa mga pagkaing nakahain sa harap niya. Ngayon niya lang napagtanto na halos karamihan sa mga pagkaing nasa hapag ay mga pagkaing kinagigiliwan ng mga kabataan. 

Matapos makapagpahinga at makapagbayad ay sinunod nilang akyatin ang pangalawang palapag ng gusali na kung saan matatagpuan ang iba’t ibang paninda ng mga pasalubong mula sa mga minatamis na pagkain hanggang sa mga mumunting laruan. Hindi masyadong inusisa ni Yijun ang paligid dahil hindi ito nagbibigay ng interes sa kaniya na taliwas naman sa kaniyang kasama. Kahit ikubli man ng prinsepe ay halata sa kaniyang mga ngiti ang pagkasabik na makakita ng iba’t ibang uri ng minatamis at mga laruan. Bago pa man nila lisanin ang palapag na ito ay nagawang bumili ng dalawang minatamis ang prinsepe para sa kanilang dalawa. Kahit ayaw nang kumain ng matamis ni Yijun ay hindi niya nagawang matanggihan ang taos-pusong pag-alok sa kaniya nito.

Sa sumunod na palapag makikita ang iba’t ibang uri ng mga kasuotan na hindi nagbigay ng interes sa dalawa kaya naman mabilis nilang nilampasan ito. Sa ikaapat na palapag makikita ang iba’t ibang uri ng legal na pasugalan na siyang kinawiwilihan ng karamihan sa mga nagpupunta rito. Walang hilig sa pagsusugal ang dakilang instrumento at ang prinsepe naman ay masyadong bata ang pag-iisip upang mahumaling rito kay naman nagpatuloy silang umakyat hanggang sa marating nila ang ikapitong palapag ng gusali.

“Magandang hapon mga ginoo, nais ko sanang malaman ang inyong mga pangalan” Masayang pagbati ng isang babaeng nagsisilbi sa ikapitong palapag. Mabilis na tumugon ang prinsepe na ipinakilala ang isa’t isa gamit ang pekeng pangalang nakasaad sa imbitasyon.

“Ang inyo pong silid ay matatagpuan sa pinakadulong silid sa kanang bahagi ng palapag na ito” 

“Si-silid? Para saan ang silid?” Nagtatakang tanong ng binata.

“Huwag kang mag-alala, alam kong mawawala ang pagod at tiyak na masasarapan ka rito” Masayang tugon ng prinsepe at muling hinawakan ang kamay ng binata patungo sa kanilang silid.

Bago pa man tuluyang makarating sa kanilang silid ay bigla na lang silang nakarinig ng isang ’di kaaya-ayang tunog mula sa isang babae. Mabilis na tinakpan ni Yijun ang magkabilang tenga ng prinsepe dahil para sa kaniya ay masyado pa itong bata upang marinig ang kakaibang ingay na ito.

“Ayan nga….ahhhhh diinan mo pa… Sige idiin mo pa nang husto… Ahh ayan ang sarap niyan!” Hiyaw ng isang babae na mas lalong nagpamula sa mukha ni Yijun.

“Mukhang labis na naliligayahan ang binibining iyon” Derechong sambit ni Shufen na ikinagulat ng binata. Hindi namalayan ni Yijun na nasa harap na pala sila ng kanilang silid dahil masyado siyang nagambala sa kakaibang huni na nililikha ng babae sa isang silid. Mabilis na nakaramdam ng kaba ang binata nang ayain siya ng prinsepe na pumasok sa loob ng silid. 

“Maghunos-dili ka Shufen, masyado ka pang bata para sa bagay na ito!”

“Huwag kang mag-alala, walang makakaalam sa totoo kong edad”

“Hindi, hindi maaari ito!”

“Huwag ka nang mahiya, halika na” Pagpupumilit ni Shufen at muli niyang kinuha ang kamay ng binata at hinila papasok sa loob ng kanilang silid.

“Tulong ayokong pumatol sa bataaa!!!!!!!!!!!!”

Itutuloy…..

A/N: 

Finally, I’m back!!!!! 

I just wanna say thank you sa patuloy na pagsuporta kahit na nasa hiatus ako nitong mga nakaraang buwan. Sa totoo lang ay nawalan talaga ako ng gana sa pagsusulat. Naroon pa rin ’yung mga ideas and stories pero nawala ’yung will ko na magsulat. Pinag-ipan ko nga nang mabuti kung itutuloy ko pa itong istorya na ito pero nagdesisyon akong tatapusin ko ’to kahit matagalan ako sa pag-aupdate para lang sa mga taong patuloy na tumatangkilik sa istoryang ito. 

Gagawin ko na rin ’yung dati kong technique upang maging mas productive ako sa pagsusulat. Bale dala-dalawang on-going stories ang gagawin ko para kapag gusto kong magbreak sa isang story ay makakapag-update pa rin ako sa iba. I finally decided na magsulat ng Non-BL story para maiba naman. Siguro late Feb or Mid March ko siya marerelease dahil sa ngayon ay nais ko muna makabawi sa mga readers nito.

Some of you may find it cringy pero MNL48 saved me and inspired me to write again. Lalo na ’yung kanta nila na ‘Ikaw ang Melody’. The lyrics remind me sa part ng story na hindi ko pa pwedeng ispoil. Every time na pinakikinggan ang kanta ay mas lalo ako nagiging eager na magsulat para marating ko na ’yung part na ’yon. 

P.S. kagabi ko pa tapos itong isulat ngunit ngayon lang ako nakapagproofread  

Iyon lang at maraming salamat <3


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.