ERASED.
deuceiv · 3 chapters · 5,434 words
ERASED.
ERASED
ㅤㅤㅤㅤThere were moments where fantastic ideas couldn’t survive revisions, hence pages were torn from where it used to belong. This book shall contain what was previously erased— memories of the first pages refused to get consigned to the grave, after all.
Just be mindful . Updates are sporadic and previously deleted scenarios were carefully filtered. The chapters would come from various deuceiv books and were not rewritten for I wish to keep the imperfections these once had.
**
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story. Please obtain permission.
DANGEROUS ADDICTION: HOT SEAT
KABANATA 69 — TAKE NOTE THAT THIS IS A DELETED CHAPTER FROM DANGEROUS ADDICTION.
Isasama
ko dapat ‘to sa 2022 revision pero
tinamad
ako i-edit. Again, this is an old draft.
“BAKIT ka nakasimangot? You saw this coming, you were with Zachariel, idiot,” ani Zamiel bago siya tinapunan ng masamang tingin. Ipinagkrus ng binata ang mga braso bago sumandal sa back rest ng sofa habang buhat pa rin ang bigat na ipinasa sa kanya ni Ridge, “you knew that we’ll come and ask for an explanation because man, we all thought you’re getting married with your girlfriend?”
Halos mahila ni Leon ang sariling buhok nang i-emphasize ni Zamiel ang salitang girlfriend. Hindi niya gustong mag-cringe pero mali nang ganyan ang gamitin nilang titulo para kay Elisa dahil ex-girlfriend na niya ito! Kaka-break na nilang dalawa kanina at nasampal pa siya! Hindi ba nga at tinatawanan pa ng mga may sa demonyong ito ang bakat ng palad ni Elisa sa pisngi niya?
“Supposedly,” Leon tried to reply as calm as he possibly could which only made Ridge snort. Of course that one will react! He knows that he is in love with someone else, he just did not know that it was Keith! “Bumili na nga ‘ko ng singsing, ‘di ba?”
“O nasa’n na ‘yong singsing?”
Sasagot pa lamang sana si Leon noong umismid sa tabi niya si Keith kaya pinasadahan niya ito ng masamang tingin. E, ito kasi talaga ang may pinaka kasalanan. Hindi niya na makita iyong singsing. Ewan ni Leon, ulyanin ba siya para makalimutang itinapon iyon? O kinuha ni Keith ang singsing tapos ito ang nagtapon? $4,500 ‘yon, king ina niya.
“Hindi ko alam. Basta, kalimutan niyo na ‘yong singsing dahil break na rin kami ni Eli.”
“Better,” Ridge replied before he chuckled, “you were never into her, anyway. It’s just so surprising that in the end, you’d still go back to kuya Keith.”
“Ngina ka, anong sinasabi mong in the end, dito pa rin balik ko? Ba’t mo alam?”
“May gusto ka naman daw talaga kay doc dati pa ‘di ba?” Si Gian ang sumagot sa kanya imbes na si Ridge, hindi tuloy siya makapaniwalang napalingon sa kaibigan. Nang makita ang gulat na rumehistro sa mukha niya, nagulat din si Gian at napaatras, “s-sabi kasi nila! Sabi nila Zach sa ‘kin noon, may gusto ka naman daw talaga kay kuya Keith!”
“Wow, that’s interesting,” komento naman nitong nasa tabi niya. Sisikuhin niya sana si Keith pero nasalag nito ang pag-atake niya, “o, ba’t ka guilty?”
“Oo nga! Ba’t ka guilty e totoo naman?!” Sabad ni Zachariel bago imprentang umupo, ginagaya iyong kakambal, “halatang-halata naman! Lagi ka kayang excited umuwi no’ng high school pa tayo ‘pag alam mong pupunta si kuya Keith sa inyo!”
“Malay mo, maglalaro lang kami ng PS4 noon?”
“Pakyu, wala kang maloloko rito! Nyay! Ikaw na bahala, Zam! Pasa ko na ang baton!”
Tatapikin sana ni Zachariel ang kakambal ngunit iniiwas nito ang balikat, dahilan para namamanghang pagmasdan ni Zachariel si Zamiel na umismid lamang.
“Arte naman nito, ganda ka ghorl?!”
Imbes na sagutin siya ay inirapan lamang siya ng nakababatang kakambal. Mas lalo tuloy mukhang nao-offend itong si Zachariel kay Zamiel pero hindi siya nito pinansin. Medyo naligaw na rin sandali ang usapan at ang inisip ni Leon, makakalimutan na sana nila ang totoong agenda ngunit tumikhim si Ridge.
Punyeta, nakalimutan niyang ito ang pinaka malakas sa tsismis, pag-iimbestiga, at kung anu-ano pa. Ang lakas ng radar sa kalokohan! Hindi mapakawalan itong hotseat nila dahil maraming gustong malaman!
“I’ve always been curious about this Le, but is kuya Keith the one you’ve been hiding from us back then?” Tanong ni Ridge na siyang bigla na lamang nakapagpatahimik sa buong paligid.
Muntik masamid sa sariling laway. Matik din ang pagtatago niya sa likuran ni Keith ngunit tinawanan lamang siya ng isa at saka itinulak para harapin saka sagutin ang tanong ng kaibigan.
“I thought you’re prepared for this?” Keith asked while letting out a snicker.
Leon hissed. “I am but this is too early. King ina, anong sasabihin ko?”
“Edi umamin ka. Totoo namang ako ‘yong tinatago mo sa kanila dati, ‘di ba?”
“Ngina ka, ikaw na sumagot tapos ipapasa mo pa sa ‘kin!”
Dahil abala silang dalawa sa pagtatalo, nawala na sa isip nila na nakikinig pala ang mga kabarkada niya. Nabigla na nga lamang si Leon noong biglang mag-standing ovation si Zachariel at sinamahan pa iyon ni Gian, pareho silang namamangha sa wala! Kumikibot tuloy ang isang mata niyang hinarap ang dalawa bago pinasadahan ng tingin si Ridge at Zamiel na nakamasid din sa kanilang dalawa.
“What?” Hindi niya maintindihan kung anong komosyon ito at malapit na yatang magpa-party ang barkada niya. “Napa’no kayo ba’t kayo naggaganyan?”
“Naaalala ko lang ‘yong mga panahong may dalawang kotse rito sa garahe mo. Tapos ngayon, iyong kotse na ‘yon, kamukha ng kay kuya Keith. Hanep ka Leon! Ang tindi mo! Naitago mo sa ‘min ng matagal ‘yan!” Manghang sabi ni Zachariel na napapailing-iling pa sa labis na ‘pagkabilib’.
Saka naman suminghot si Gian. “Grabe ka na talaga Leon, mula no’ng high school hindi ka na nagbago.”
“Punyeta kayo, anong ibig niyong sabihin?”
“Na mahilig kang magtago!” Zachariel replied before he took a glance over Keith, “ano na kuya Keith?! Jackpot na ‘yan, ang tagal mo ring sinuyo! Kumusta sa feels? Para ka bang naging instant milyonaryo sa lotto?”
“Oo,” mabilis na sagot ni Keith.
“Siguro naman, ‘di na ‘ko asungot sa paningin mo ‘no?! Iyong-iyo na si Leon, ‘di ko naman ‘yan type simula’t sapul!”
“Pag-isipan natin.” Ipinilig ni Keith ang ulo bago ipinagkrus ang mga braso. “May ligtas points kang kaunti pero ewan ko na lang ngayon.”
“Wow, grabe! Inatras ‘yong naipon kong ligtas points!”
“Anyway! Um, nalilihis na kasi tayo sa usapan!” Sabad ni Gian bago muling inokupa ang kanina pang inuupuan, “Leon, baka gusto mong magkwento? Mukhang ‘di naman kasi kami magtatanong, e.”
“Ano bang itatanong natin?” Natatawang sabi ni Ridge bago nagkibit balikat, “but yeah. It’s just better if we let Leon explain things becsuse we did expect that he’d end up with Elisa.”
“No shit,” ani Zamiel bago marahas na bumuga ng hangin, “he’s been blabbering about getting married and now he’s here. Just look at this guy, let’s smack him on the face.”
“Huwag naman gano’n, nasampal pa lang ‘yan ng ex niya e. Tamo, bakat pa rin sa pisngi! Well deserved nga!” Ani Zachariel.
Tinapunan niya ng masamang tingin ang mga kaibigang muli lamang natawa noong maalala na kasasampal nga lang pala kay Leon ngayon. Palibhasa, aliw ang mga ito na kahit kailan e hindi niya naranasang masampal. Ayaw niyang pag-usapan ang nakaraan ngunit ito talaga ang unang beses na masaktan siya ng pisikal dahil sa kagaguhan niya. Totoo naman ding well-deserved kaya hindi siya pumapalag. Nakaiinis lang na paulit-ulit.
“Saya niyo, a. Pwede na ba tayong mag-move on sa topic? Ano ba ang gusto niyong unang marinig?”
“Mula simula,” sabay-sabay na sabi ng mga ito. At habang napanganga si Leon nang marinig ang suhestiyon ng mga kaibigan, humalakhak naman si Keith at tila ba inasahan na na ganito ang magiging takbo ng mga pangyayari.
Kumibot ang isang kilay ni Leon bago niya pinasadahan ng mabilis na tingin si Keith. Noong magkibit balikat lamang ang binata at muwestrahan siyang magsimula na nang sa ganoon, maaga silang matapos.
“Are you seriously…” Leon trailed off before he shook his head and hissed, “are we seriously doing this?”
“I just don’t want your friends to cry,” ani Keith.
Namamangha namang napatitig si Zamiel sa binata at mukhang dapat e re-rebutt pa kung hindi lamang tinakpan ni Ridge ang bibig. Porket kailangan daw nitong manahimik dahil mas importante ang kasal kaysa sa nasaktan nitong pride—savage rin talaga iyang kaibigan nila, e ‘no? Mabuti natagalan ni Zamiel.
“Simulan mo na,” pag-uudyok pa ni Keith.
Leon only scoffed. “Ang lakas ng loob mo porket ako lang ‘tong magpapaliwanag, a.”
“It wasn’t my fault that you wanted to keep me as your dirty little secret back then.”
Inirapan ni Leon ang binata noong mag-“oh” ang mga kaibigan, tanda na wala na siyang maire-rebutt sa sinabi nito. Syempre, si Zachariel at Gian lang naman talaga ang nag-ingay dahil bumulahaw ng pagtawa si Zamiel at Ridge porket wala raw siyang laban. They also pointed out how he sounded so sarcastic, fierce, and sassy around Keith which he is not around his friends since they know him to be as loud and energetic as Zachariel.
“Simulan na! Dami pang ads e,” reklamo pa ni Zachariel noong mahimasmasan na, “nag-LQ pa kayo sa harap namin! Le, mukhang susunod ka sa yabag no’ng mag-asawa sa tabi?!”
“Wala akong balak!”
“Mabuti. Wala kang pag-asa kung sa ‘min ka ni Ridge makikipagkumpitensya,” pairap namang sabi ni Zamiel na ikinatawa lamang ni Ridge.
IN THE end, Leon had no other choice but to tell his friends how he and Keith got together. All of them sounded so interested that during certain times that he raised a point, one of them would reminisce a thing he did during those moments and they would make fun of him. These reaction were something he had been anticipating. After all, explaining his relationship with Keith was not that easy, especially if they started at the bottom.
“Alam naming matagal mo nang crush si kuya Keith, e. No’ng high school pa lang tayo,” ani Zachariel bago pumikit, tumango-tango, at mahinang humimig, “pero par, ang kapal ng mukha mo sa parteng ginamit mo si kuya Keith, a. Kulang ka ba sa aruga?”
Kumibot ang isang kilay ni Leon. “Tang ina mo, a. Ako na nga naagrabyado pagkatapos kong gawin ‘yon, ‘di mo pa pinatawad.”
“Dapat lang maagrabyado ka! Damay-damay ‘to! Tagal kang sinusuyo ni kuya Keith, ang init ko na sa mga mata niyan! ‘Wag ka nang didikit sa ‘kin, a. Baka sa susunod, batuhin na kamo ako ng scalpel!”
Leon let out an exasperated sigh before he took a short glance on Keith whose eyes seemed to almost sparkle as he found a ‘frienemy’ through Zachariel. Pakiramdam nga niya, iniisip nito na sa wakas e may nakakaintindi sa kanya. Kaya lalong humaba ang mukha ni Leon at hindi na maipinta dala ng ngiwi niya. Batukan niya itong isang ito, e. Inabandona na nga siya ngayon sa pagpapaliwanag, dinagdagan pa ang ligtas points ni Zachariel. But seriously, this man really has to help him out!
“Pero nakakagulat pa rin,” komento ni Gian na siyang pumukaw sa atensyon nilang lahat. Nahiya ito noong naramdaman ang mga mata nilang napukol sa kanya, ang mga atensyong biglaang naituon sa kanya. Halos takpan nga ng binata ang mukha dala ng hiya ngunit pinigil nito na gawin iyon. Sa halip, lumunok si Gian at tumikhim para magpatuloy, “a-alam niyo na? Kasi ang tagal ding naging babaero ni Leon sa mga mata natin. Siya kaya ‘yong pinakamatagal tumambay sa bar.”
“Ako rin kamo ‘yong pinakamalas sa babae. Ewan ko, may balat yata ako sa pwet, e.”
“Nah, your butt’s cute,” sabad ni Keith na siyang nakapagpatahimik sa lahat.
Pekeng tumikhim ang mga kaibigan niya. Kahit siya, nasamid sa sariling laway noong sumabad si Keith at ganoon ang sabihin. Hindi siya makapaniwalang napatitig sa binata. Tignan mo ito, wala na ngang maitulong sa kanya sa pagkukwento—walang kontribusyon! Tapos ganyan pa ang sasabihin! Kokonyatan niya talaga si Keith!
At kinonyatan nga talaga niya kasi bwisit, e!
“Wala ka na ngang kontribusyon dito, puro ka pa kalokohan. Ipatapon na kaya kita?!”
Ngumuso si Keith at sinalo ang parte ng ulo na nabatukan niya. “I’m just saying, though.”
“Punyeta, tahimik! Bibigwasan na kita!” Gigil niyang pinakyuhan ang binata bago binalikan ang mga kaibigang nakangisi na siya ngayong pinagmamasdan. Pinakyuhan niya rin sila, syempre. Lintik lang talaga. “Ayusin niyo nga! Seryosong usapan e. Sinasabayan niyo pa si Keith!”
“Parang mas gusto ko ‘yong tsaa tungkol sa likuran ni Leon,” ani Ridge bago bumaling kay Keith, “kwento ka nga, kuya.”
“Punyeta ka, Ridge!”
Mahina siyang sumagitsit bago binalikan ang sinabi ni Gian kanina. Halos makalimutan niya na iyon kaya ngumiwi siya at naniningkit ang mga matang yumuko habang pinapalagatik ang mga daliri hanggang sa wakas e maalala na niyanang ipinupunto ng kabarkada.
“Mabalik. Gets ko ‘yang si Gian kasi unexpected ngang sa lalaki rin uwi ko.”
“Ulul, matagal na naming expected na merong chance. Dinelay mo lang,” bulong ni Zamiel pero rinig pa rin naman nila.
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. “Awit sa ‘yo, bumulong ka pa e rinig din naman namin?”
“Edi narinig niyong lahat.”
Bwisit naman itong mga kaibigan niya, e. Hindi na sila makapag-focus sa usapan! Pero kung sa bagay, hindi nga alam ni Leon kung mayroon pa ba talaga silang pinag-uusapan e. Kanina pa siya tapos na magpaliwanag sa mga kaibigan. Kinwento niya na lahat mula noong araw na nakuryoso siya kay Keith hanggang sa kung anong meron sa kanila ngayon. Ano pa bang kailangang malaman ng mga ito at hindi pa umaalis?
“Okay na ba tayong lahat?” Basag ni Zachariel sa namumutawing katahimikan, “pwede na ba tayong mag-move on sa last question?”
“Dalian mo,” iritang sabi ni Zamiel bago ito minuwestrahang gawin na ang dapat gawin, “nang matapos na lahat at makapagpahinga na tayo.”
“Oo nga, pupuntahan ko rin si Lyle. Susunduin ko dahil gusto niya raw humabol dito,” sabi naman ni Gian.
Humikab si Ridge bago humiga sa mga hita ni Zamiel. “Kayo ang bumili, a. Tinatamad ako kasi may trabaho pa ‘ko bukas.”
Nagtataka silang nagtitigan ni Keith habang pareho nilang tahimik na pinakikinggan ang mga kabarkada niya. Pareho silang naguluhan dahil ang akala nila, matapos nito e aalis na ang mga kaibigan. Ngunit mukhang may iba pang balak dahil nag-uusap ng para sa kung saan?
“Anong meron?” Si Keith na ang nagtanong.
Umangat ang mga kilay ni Zachariel bago ito ngumisi. “Wala, tatanong lang namin kung okay na ba kayong dalawa?”
“Okay? In what sense? We are.”
“No! We mean, kayo na ba talaga? Wala nang side barge na kung sino, ‘no? Malinis na pareho record niyo!”
Kumunot ang noo nilang dalawa ni Keith at lalo silang naguluhan. Hindi nila maintindihan kung anong gustong ipahiwatig ni Zachariel at kung hindi pa sumabad si Ridge, hindi na siguro sila nakahabol sa pahinang kinaroronan ng barkada niya.
“What we mean is that you’d be settling down with each other now, won’t you?”
Oh. Oh. The realization kind of hit Leon hard and all he can do that time was to slowly tilt his head to see Keith who was also staring at him from the corner of his eyes. Matagal-tagal din silang nagtitigan, parehong hinahanap pa ang mga salitang nais nilang sabihin samantalang iisa lang naman ang lumalabas sa mga isipan nila. It was then when both of them chuckled heartily nodded at each other.
Of course they are now contented with each other! They are still feeling bad that they used somebody else to attempt to forget about their feelings but it was something that taught them great lessons, to be honest. They can never erase the anger their ex lovers are harboring against them, especially when in the end, they chose to saunter a thorn-filled path just to be together. But it is alright. They know their faults and they will atone for that together while they wish for Samara and Elisa’s happiness. Going back, they are now prepared to settle down more than ever. There is no going back.
Napapitlag silang dalawa noong bigla na lang may mag-pop ng confetti at sinabayan iyon ng malakas na sigaw ni Zachariel at ang pagtawa ni Gian. Nang lingunin niya ang mga kaibigan, lahat pala sila e pinanonood silang dalawa at natutuwang makita ang kasiyahan sa mga mata nila.
“Syempre, malaki pa rin kasalanan niyo dahil ginawa niyong kumplikado ang buhay! At medyo disrespectful ito dahil kaka-break mo lang kay Elisa, Le, pero bumili nga pala kami ng beer kina nang Gilda! Kukunin lang namin, a! Ciao! Inuman, witwew!”
Namilog ang mga mata ni Leon ngunit kalaunan e halos kuminang nang rumehistro ang ideyang iinom sila! Awit! Hindi niya na-enjoy noong New Year dahil kausap pa niya noon ang kuya niya! Nagpapaliwanag tungkol sa mga balak niyanaa buhay at ipinagtanggol ang sarili dahil gustong piliin si Keith!
“Iinom? Iinom?! Libre niyo ba ‘to?!”
“Oo naman, pero ngayon lang ‘to. Ano ka, hilo? Bawal abusado sa pamamahay na ‘to,” si Zamiel ang sumagot sa kanya bago siya nito ismiran.
Isang malawak na ngisi ang kumurba sa mga labi ni Leon. Mukhang mapapasarap ang inom niya, a. Iba pa naman ang lasa ng beer kapag libre! Makikihalubilo na sana siya noon sa mga kabarkada noong pasimple siyang sikuhin ni Keith. Noong pasadahan niya ito ng tingin, naabutan niya itong nagbababalang nakatitig sa kanya.
“‘Wag maglalasing,” paalala nito sa kanya na siyang nakapagpaismid sa kanya.
Itinuro niya ang sarili at nginisian ito. “Ako pa ba, malalasing? ‘Wag mo nga ‘kong itulad sa ‘yo na mabilis bumigay sa alak!”
“Alright, pero maawa ka naman sa atay mo.”
Napahalakhak siya. “Opo, ‘tay!”
ALL lof them knew that they only had to drink the day away. Noong matapos ang inuman session nila, halos hindi na rin mabuhat ni Leon ang katawan. Tamad na tamad siyang nakahilata sa sahig at pinanonood ang mga kaibigang umalis na. Natatawa pa nga siya dahil reklamo ng reklamo si Ridge dahil nalasing nga si Zamiel, naparami ang inom. Si Zachariel, hindi nalasing pero kung umasta e daig pa ang lasing. Si Gian naman na sinundo pa kanina si Lyle para pumunta rito, kausap ang asawa tungkol sa kung anong gusto nitong kainin pagkauwi nila.
“Are you still alive?” Was what Keith asked before he crouched onto the floor to look at him properly as soon as his friends left, “you look wasted.”
“I’m sober,” Leon almost slurred on his words but he managed to speak properly, “nahihilo lang ako. Naparami inom ko, e.”
“Kaya mo pa bang tumayo?”
“Medyo. Buhatin mo na lang ako para dumali buhay ko, though.”
Nakangiwi siyang pinagmasdan ng binata bago ito mahinang humalakhak. Itinaas din ni Leon ang mga braso para mabuhat na siya ng binata ngunit inapiran lang siya nito kaya pilit niyang sinipa si Keith! Punyeta, hanggang ngayon ba naman e puro kalokohan! Kung hindi lang siya nahihilo ngayon, e.
“Aray, aray!” Ani Keith noong masipa niya ito ng dalawang beses, “joke lang naman, Le. ‘Wag ka nang magalit.”
“Ang sarap mong itapon sa Bermuda triangle, e. Buhatin mo na ‘ko.”
“Demanding, but no. Pumunta ka na muna sa may sofa, ro’n ka humiga. Maglilinis pa ‘ko.”
Ngumuso siya. “Pero bubuhatin mo ba ‘ko ‘pag pupunta na tayo sa kwarto?”
“I’ll see.”
Humaba ang pagkakanguso ni Leon ngunit bago pa siya makapagreklamo, humiga si Keith sa tabi niya at ipinulupot ang braso sa beywang niya. Hinalikan din nito ang sentido niya kung kaya umusog si Leon palapit dito bago gumilid ng pagkakahiga para maharap ang binata.
Magtatampo sana siya, kaso tumabi sa kanya.
Kumunot ang noo ni Leon noong rumehistro sa kanya kung paano siyang titigan ni Keith. Tipo bang sa kanya lang talaga umiikot ang mundo nito, nagpapasalamat na bumalik siya sa binata, at iniisip na mahal na mahal siya nito. Doon pa lang, para nang hinaplos ang puso niya. Nilukob ng kasiyahan bago siya ngumisi at mahinang tumawa.
“In love ka sa ‘kin ulit?” Pang-aasar niya.
Humimig si Keith at masuyo siyang hinalikan sa mga labi niya kaya tinangay ng hangin ang mga halakhak niya.
“Oo. Mahal na mahal kita,” anito.
Hindi alam ni Leon. Sinapian yata siya dahil sa totoo lang, natahimik siya nang sabihin nitong mahal siya nito at tanging ang unti-unting pagbilis lamang ng tibok ng puso niya ang naririnig niya—nakabibingi nga, e. Parang may tambol sa dibdib niyang hindi matahimik.
Nang sa wakas, mabawi ni Leon ang tindig, muli siyang ngumisi at tinanguan si Keith. Ipinulupot niya ang braso sa leeg nito bago umayos ng pagkakahiga nang sa ganoon, mas maging small spoon siya.
“Mahal na mahal din kita, Keith.”
DANGEROUS ADDICTION: ANSWERS
Author’s Note: The setting would be after Dangerous Addiction’s last chapter. Leon and Keith’s relationship is already established as boyfriends.
This is just a scenario I randomly thought of while I was out for lunch. Medyo kulang kasi sa POV si Keith around this time kaya gusto ko biglang isulat. Sana mag-work? Sana bumagay sa plot bago natin lahat iniwanan ang Dangerous Addiction two years ago. Nakalimutan ko na paano itong part na ‘to dahil wala pa ako sa parteng ‘to noong nagri-reread ako.
Dito ko na lang din ilalagay para hindi na magalaw iyong book ng Dangerous Addiction.
Enjoy reading!
**
DANGEROUS ADDICTION: SPECIAL!
Answers
ㅤㅤㅤㅤEVERYTHING began with a random thought that Leon had during his and Keith’s movie night. Hindi rin dapat gagawing big deal ng binata iyon pero may kung ano sa ideya na kumikiliti sa kanya at hindi nya maiwasang makuryoso.
The problem was the timing. How should he ask Keith about this question that’s been bothering him for the last five minutes? It’s starting to become troublesome either since… His curiosity was beginning to manifest physically.
‘Nakakahiya namang
istorbohin
ang isang ‘to,’ pagkausap ni Leon sa sarili habang pinanonood ang reaksyon ni Keith sa bawat senaryo ng palabas na pinanonood nila. ‘
Bwakanang
shit na ‘yan. Immersed ang gago. Pa’no ako
bubwelo
?’
Leon couldn’t help but shift from his seat. He tried to do one position to calm down—of course, in an attempt to wait for the perfect timing to ask Keith his question. But goddamn, it did not work, so he decided to change positions again.
As mentioned, his curiosity drastically changed the way he acted. He was starting to be giddy— impatient even , that somehow and somewhat, Leon was expecting this situation to turn worse.
Alam nyang hindi magtatagal e masisiphayo na siya na hindi siya pinapansin ni Keith dahil parang pini-piece by piece na nito ang pinanonood. Hinihimay ang bawat ganap nang may mapag-usapan silang dalawa mamaya.
It wasn’t even important for Leon.
Pumayag lang naman siya sa movie night dahil nainggit ito kina Ridge at Zamiel nang malamang may nakalaan na araw ang dalawa kung saan manonood lamang ang mga ito ng lumang palabas.
‘King inang palabas ‘to, ang tagal matapos. Gets ko na kung ba’t madalas
tinutulugan
na lang ni Ridge si
Zamiel
kapag ganito iyong activity nila,’ aniya pa sa isipan bago siya pasimpleng sumagitsit nang hindi maistorbo si Keith.
Ipinagkrus nya ang mga braso habang ang binti nya, panay sa paggalaw bago nya muling tinignan si Keith na sa palabas pa rin ang atensyon.
‘Ano bang
espesyal
dito sa pinanonood namin e kanina pa ako bored na bored?’ Siguro hindi lang siya talaga mahilig sa mga movie at bilang gusto nya rin namang gawin iyong mga gusto ni Keith, hinahayaan nya ang ganito.
But that did not mean that he’d pay attention.
Kung titignan nga siya ngayon, para na siyang kiti-kiti na hindi mapakali.
‘Fine! I’ll go to the bathroom first and pray that this movie magically ends.’ Kahit alam nyang wala pa sa climax ang palabas na ‘to. Kasi umiiksi na ang pasensya nya at kating-kati na siya sa itatanong.
Marahas na bumuntong hininga si Leon bago nya pinalo ang sariling mga hita nang makondisyon siya na umahon mula sa kinauupuan para tumungo sa banyo. Ngunit bago pa man siya tumayo, natigilan siya noong bigla na lang mamatay ang telebisyon nila.
Inisip pa nya kung nag-brown out ba pero nang mag-angat siya ng tingin sa ilaw ng bahay nila, nakasindi pa rin naman.
Then it sank in.
Keith turned off the television. Alam nya dahil naramdaman nya ang pagkilos ni Keith mula sa tabi nya na para bang may inilapag ito sa maliit na lamesa sa harap ng sofa. Narinig din naman nya ang pagpatong nito ng remote roon.
“So…?” Keith began.
“So?” nagtatakang ulit nya.
Nagbaba siya ng tingin para tignan ito nang mapagtanto nyang kuryoso na rin pala siyang pinagmamasdan ng binata.
“Kanina ka pa malikot. Nabagot ka na ba sa pinapanood natin?” tanong nito.
Putang ina. Hindi naiwasan ni Leon ang pangunutan ng noo dahil—king ina, napansin na pala nitong naglilikot siya’t hindi mapakali pero ngayon lang siya pinansin kung kailan gusto na nyang magbanyo?
Hindi naman siya naiihi. Pero wow pa rin.
“Would you get mad if I say that yes, I’m bored?” medyo naninigurong tanong nya.
Mataman siyang pinagmasdan ng kasintahan nya bago ito umismid at sumandal din sa likod ng kinauupuan nila. “Not really, but am I quite disappointed? Yes. Pero alam ko rin namang ‘di ka talaga mahilig sa palabas na ganito kaya gets ko kung sa’n ka nanggagaling.”
“Lah, tang ina.” Na-guilty naman siya kaagad. “I’m sorry. Sinubukan ko namang maging interesado pero ang boring ng plot kaya na-distract ako.”
Humimig si Keith at nag-iwas sandali ng tingin. Tila ba napaisip ito kaya kaagad siyang dumikit sa binata at hinawakan ang kamay nito.
“I’m sorry. ‘Di ko gustong ma-offend ka,” aniya.
“Ba’t naman ako mao-offend e gets ko nga?” natatawa namang sagot nito. “‘Tsaka totoo naman iyong sinabi mo na boring ang plot. Siguro maghahanap na lang ako noong magiging interesado ka sa susunod.”
E king inang buhay ‘to, nagi-guilty na siya dahil parang hindi man lang siya nag-effort na alamin kung ano bang dahilan ba’t immersed si Keith sa pinanonood nila dahil kaagad siyang may naisip.
Ibubuka sana nya ang bibig para magsalita pero inunahan na siya ng kasintahan.
“Let me just find another movie to watch later…” anito bago ito umayos sa pagkakaupo nang mayakap siya’t mahila palapit dito. “Anong bumabagabag sa ‘yo at kanina ka pa ‘di mapakali sa kinauupuan mo?”
Hindi kaagad nakapag-react si Leon. Aaminin nya, kinilig naman talaga siya noong hilain siya ni Keith palapit dito.
Bakit? Ang sarap kaya sa pakiramdam kapag malapit sa taong gusto mo tapos nararamdaman pa ni Leon iyong marahang paghinga nito. Tang ina, ang saya ng buhay nya.
“Leon, nadi-distract ka na naman,” pagpukaw ni Keith sa atensyon nya bago ito humalik sa pisngi nya.
Mariin siyang napapikit bago siya kabadong tumawa. “Ah, pasensya na. Ayun nga, may gusto sana akong malaman—noong… wait. Ang hirap sabihin.”
In actuality, the question that Leon had was one that was related to the memories he had long buried deep inside his thoughts. Ni hindi nya maalala kung bakit iyon biglang sumagi sa isip nya. Basta… wala, nandoon na.
“Remember when we were in Canada tapos ‘di pa ayos iyong relasyon nating dalawa…?” dahan-dahan nyang sabi habang pinanonood ang unti-unti ring pagkunot ng noo ni Keith. “Isn’t it that you brought me to a bar to drink and have… ‘closure’?”
“Yeah. I can still remember. What about it?” nagtataka namang pag-uusisa nito.
Nag-iwas siya sandali ng tingin mula sa binata bago siya mahinang tumawa para itago iyong hiya nya.
“How… I mean, because doing that thing on that very same night wasn’t on the plan but… how did we end up fucking again? Kasi ang alam ko, nagsi-set ka na rin ng boundaries mo pero bigla nasa ibabaw na kitang tang ina ka?”
Bagamat tila nagtataka pa rin si Keith sa tanong nya, hindi pa rin nagmintis si Leon na mapansin kung paanong sumaliw ang mga mata nito sa aliw. Parang medyo lumukot tuloy ang mukha nya dahil sa pagtataka.
“I’d like to verify—iyong tanong mo e kung ba’t kita hinalikan pagkatapos ko rin magmatigas?” paniniguro nito.
Tipid siyang tumango. “Kasi alam kong hindi ka lasing no’n. Kung tutuusin, dapat ako pa nga ang lasing dahil ako iyong nakarami ng inom.”
“Yeah.”
Pagkatapos sumagot ni Keith, namutawi ang katahimikan sa pagitan nila. ‘Tsaka naramdaman ni Leon ang braso ng binatang humapit sa beywang nya, bago nagsimulang pagtatapikin ni Keith ang balat nya gamit ang mga daliri nito na para bang may sinusundan itong ritmo.
Hinawakan nya ang kamay ni Keith para itigil ang ginagawa nito. “Nakikiliti ako, tol.”
“Baby,” kaagad namang pagtatama nito sa kanya. Ngumuso ito na parang nagtatampo. “Anyway, sorry. Nag-iisip kasi ako.”
“Take your time.”
Hindi nagtagal, ipinatong din ng kasintahan ang siko nito sa hita bago nito tinakpan ang kalahati ng mukha. Bagamat ganoon ang posisyon ni Keith, mabilis pa rin nyang napansin ang ngiting naglalaro sa mga labi nito.
It looked like Keith figured out what happened that night and was just thinking of a way to explain it to Leon.
“As far as I remember, I wasn’t really looking for a closure,” panimula nito bago ito napailing. “Noon kasing nakita kita sa Canada, parang lahat ng rationality ko, naitapon ko. Ewan ko. Para ka kasing buhawi, nagulo lahat ng plano ko no’ng masilayan kita.”
Fair—gusto sanang sabihin iyan ni Leon pero nanatili siyang tahimik. Noong maisip na nya kung paano mas magandang i-approach ang sinabi ni Keith, ‘tsaka siya nagsalita.
“Pero nagmamatigas ka rin no’n, ‘di ba? Like noong nagkita tayo sa bahay ni kuya, casual lang talaga na nangumusta ka at no strings attached?” aniya. Iyon kasi ang naramdaman nya noong panahon na iyon.
Umismid lamang si Keith at nag-iwas ng tingin. “‘Di ko alam. I think I did try to be casual and fight my feelings somehow because I already had plans on getting married.”
Bumuntong hininga si Keith. Medyo matagal din itong tahimik bago nagkibit balikat ito at umayos sa pagkakaupo.
“Noong inaya kita ng ‘closure’, hindi naman yata talaga iyon ang pakay ko—what I wanted was to see if you’d give in to me as I’d take it as a sign that I still stood a chance. All because I was ready to throw it all for you again even though it’s wrong,” anito pa bago ito natawa. “Then you confessed. That threw me off but I thought I could never let you go if the feelings were mutual all along.”
Hindi naiwasan ni Leon ang mapaismid. “Pero kinaumagahan, nag-I love you ka sa ex mo?”
“Kasi napilitan ako. Ayaw akong tigilan ni Samara no’n kakatanong kung ba’t ‘di ako umuwi, sinong kasama ko, tapos bigla nyang binanggit pangalan mo at kung ikaw ba dahilan ba’t ako hindi sumasagot ng direkta—I… I panicked.”
“O talaga? Tapos ‘di mo pa alam na gising na pala ako no’n.”
Pagak itong tumawa. “Mas lalong naging kumplikado buhay ko no’n e.”
“Tang ina, ipaparinig mo pa sa ‘kin e.”
“Pero kung ‘di mo narinig ‘yon at inaya kitang magtanan, sasama ka ba sa ‘kin?”
“Oo,” walang anu-anong aniya. Pakiramdam nya kasi, wala na rin siyang pakialam kay Elisa noon at kung inaya siya ni Keith na magtago’t magpakalayu-layo, sasama siya. “Noong mga panahon na ‘yon, pakiramdam ko bibigay na lang ako sa mga gusto mo kung ‘di pa sana nangyari ‘yon.”
“Really now, e ma-pride ka nga,” pagpupunto ni Keith bago ito napailing. “Dumating na ako sa punto ng buhay ko no’n na inis na inis na ako tapos gusto kitang sukuan pero… ‘di ko magawa kasi sa ‘yo lang naman tama lahat.”
“Huh?”
Anong ibig nitong sabihin? Bangag na ba siya at hindi nya naintindihan iyong huling sinabi ni Keith?
“It’s still better to phrase it in english, huh.” Bumuntong hininga si Keith bago tumikhim para linawin ang sinabi. “ Everything with you feels right —is what I meant. Kahit pa na nakakainis ka, kahit pa na ang taas ng pride mo, kahit pa na nakakagago ugali mo; you’re what I’ve been longing for.”
King ina. Mali bang kiligin siya? Syempre hindi. Boyfriend nya rin naman nagsasabi nito kaya sino bang makikialam sa kung anong magiging reaksyon nya?
Sobrang pigil na pigil na nga siya ngumiti dahil hindi kagat na nya ang pang-ibabang labi nya. Napansin din naman ni Keith kaya hinawakan nito ang baba nya ‘tsaka ito naglapat ng halik sa mga labi nya.
“In short, you’re a very dangerous addiction of mine—that’s why it was easy to ditch all my plans and ruin my life just so I could be with you.”

