ETERNIA (Fantasy BxB)
PoisonCaster · 10 chapters · 28,907 words
⚔️ Introduction. Disclaimer. Warning. ⚔️
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️
Introduction
Welcome readers! This is the author speaking to you. Before we start on this new and exciting adventure, heads up muna tayo ha. This story is first and foremost a BL story. So don’t expect any hetero action going on here. Like ever.
By the way, this story is written mostly in Filipino. I have to admit that using deep Filipino words can be a bit cringy sometimes, so bear with me.
But seriously, I hope you enjoy reading this story. In fact, I encourage you guys to comment on your favorite parts, even those, that you know, don’t sit well on you. Constructive criticisms are always welcome here.
🔱🔱🔱🔱🔱
Disclaimer
The story is purely fictional. The characters depicted in this story do not represent the artists’ personalities let alone their actions and gender preference/sexual orientations. Names, characters, places and incidents are mere products of my creative juices. Any resemblance to actual events or persons, living or dead, is entirely coincidental. My (the author) personal opinions and writings are not meant to defame, humiliate, and/or injure anyone should they decide to act upon or reuse any of the content disclosed in any of my published works or comments.
Most of the media I will include here are products of AI imaging and face swapping to make the universe as immersive to the readers. None of these images are real.
⚔️⚔️⚔️⚔️⚔️
Warning
This story contains mature content (specifically sexual encounters of the same sex). No minors (below the age of 18) are allowed to read this book. I (the author) will post warnings at the start of each chapter that contains mature content. Remember. You have been warned. Read at your own risk.
🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️
⚔️ Cast of Main Characters ⚔️
⚜️⚜️⚜️
Let me introduce you the most interesting students of East Valley University that you’ll both hate and love all at the same time.
⛰️⛰️⛰️⛰️⛰️
MARCO
GUMABAO
as
Ramon Luis Saavedra
a
ka RAM
A struggling student who always tries to make ends meet on a daily basis.
⛰️⛰️⛰️⛰️⛰️
⚡⚡⚡⚡⚡
GAB LAGMAN
as
Angelino Timothy Agustin
aka GINO
A troublesome student who wants to get out of his brother’s shadow.
⚡⚡⚡⚡⚡
❄️❄️❄️❄️❄️
DERRICK MONASTERIO
as
Richard Paul Borja
aka BORJ
The overconfident team captain of the university’s premiere basketball team, the Blue Centaurs.
❄️❄️❄️❄️❄️
🌪️🌪️🌪️🌪️🌪️
DAVID LICAUCO
a s
Kenjiro Nicolo Sato
aka KENJI
The favorite target of bullies and the resident science freak of the entire university.
🌪️🌪️🌪️🌪️🌪️
🔥🔥🔥🔥🔥
TONY LABRUSCA
as
Emmanuel Nolan Contreras
aka
NOLAN
The outspoken president of the East Valley Student Body Organization and the son of the university’s major stockholder.
🔥🔥🔥🔥🔥
🌿🌿🌿🌿🌿
WILL ASHLEY
as
Harper Elliot Blanco
aka HARPER
A freshman who’s unfortunate enough to be dragged into the interesting, mostly chaotic lives of Ram, Gino, Borj, Kenji and Nolan.
🌿🌿🌿🌿🌿
⚜️⚜️⚜️
⚔️ PROLOGUE ⚔️
Harper’s POV
Ang lamig ng hangin….
Ang sarap sa pakiramdam kapag tumatama ’to sa balat ko.
…..
…..
…..
Teka ano yun?
Ano yung naririnig ko???
Crickets ba yun?
Huuuuh????
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.
Ang bumungad sakin ay ang mga bituin sa langit…
Sobrang ganda ng langit….
Hindi mawala sa paningin ko rito.
Ngayon ko lang nakita na ganito ka-klaro ang night sky sa buong buhay ko.
Pero bakit parang iba ata?
Bakit may dalawang buwan? Bakit may malalapit na planeta? At bakit ibang-iba ang mga itsura nila?
Nasaan ba kasi ako?
Anong lugar ito?
Para akong nasa ibang mun….
Nawala ako sa iniisip ko nang may biglang may parang mabilis na fireball na tumawid sa kalangitan.
Nasundan ito ng marami pa. Hindi makapinawala ang mga mata ko sa nakikita ko.
Biglang bumilis ang tibok ng puso kasabay ng malakas na sigawan at mga pagsabog.
Mabilis na sinundan ng paningin ko kung saan papunta ang mga fireball.
Nanlumo ako sa nakita ko.
Isang napakalaking sunog na tumutupok sa….
Isang malaking kagubatan????
Natanaw ko rin sa malayo ang nagigibang mga pader ng isang malaking palasyo…
Hindi ko maintindihan…
That….. That palace looks so familiar to me….
Pero hindi sa ganitong paraan…….
Nasan ba talaga ako????
ANONG LUGAR TO?????!!!!!!
“Para sa Parador!!!!” sigaw ng isang maliit na boses ng babae.
Saan galing yung boses na yun?
Napalingon ako mula sa kagubatan at nakita ang napakaraming lumulutang na matitingkad na ilaw.
Napailag ako nang biglang nagliparan papunta sa sakin ang mga maiilaw na bagay.
May tumigil sa harap ko at nang nilapitan ko, maliit syang babae na may pakpak.
F-F-Fairy????? Fairy ba tong nakikita koooo????
“Evez!!!! Nandito si Harper!!!” sigaw nito bago lumipad papalayo sakin para samahan ang daan-daang kasamahan nya na tila may susugurin.
Ba-Bakit nya ako kilala????
Paano nya nalaman ang pangalan ko????
Tinanaw ko kung saan sila papunta…
……
……
……
A-A-ANO TO????!!!!
Isang malaking hukbo ng…
Ng mga halimaw????
Nakakapanlumo ang dami nila. Ang iba pa sa kanila ay kaya pang lumipad.
Napakatulin nilang tumatakbo papunta sa kinatatayuan ko.
Nagkatinginan kami ng isa sa kanila.
Ngumiti ito at mabilis na tumakbo papasugod sakin nang bigla syang pigilan ng mga diwata.
“HARPER TAKBO!!!! “ sigaw sakin ng diwata habang tulong-tulong nilang pinipigilan tong halimaw na to.
Pero hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko sa takot lalo na nang makita kong marami pa palang mga halimaw ang pasugod sa direksyon ko.
“HARPER PUMASOK KA SA LOOB NG PALASYO!!!!” bigla akong hinablot sa braso ng isa sa mga kawal mula sa palasyo.
“Si-Sino po kayo???!!!!” takot kong tanong sa lalaki.
“EVEZ!!! PAPARATING NA SILA!!!” babala ng isa sa mga kasamahan nyang kawal nang binitawan na ako ng lalaki at tumungo para harapin ang mga paparating na mga halimaw.
🛡️🛡️🛡️
JC de Vera is Evez
🛡️🛡️🛡️
“PROTEKTAHAN ANG PALASYO!!!!” malakas na utos ng lalaki sa mga kasamahan nyang kawal nang sabay-sabay nilang binaba ang mga higante nilang kalasag na nagsilbing malaking harang laban sa mga halimaw.
Mabilis akong napaurong ng hakbang dahil sa matinding takot nang makita ko kung paano unti-unting pinapatay ng mga halimaw ang mga kawal na kaninang pumoprotekta sakin.
Bigla naman akong may nabangga dahil sa pagurong ko.
Mabilis akong umikot at napatingala sa isang matipunong lalaking.
Kakaiba ang suot nya at hindi sya mukhang kawal dahil sa hawak nyang parang mahabang sandata na gawa sa ginto.
“Alexius, ako nang bahala sa kanila…..” sabi ng isang makisig na lalaki na may hawak na mga espada sa magkabila nitong kamay habang naglakad ito papalampas sa amin.
🛡️🛡️🛡️
Dingdong Dantes is Alexius
🛡️🛡️🛡️
“Ivrel……” pagtawag ng katabi kong lalaki na nilingon ng matapang na binata.
“Mag-iingat ka….” sabi ng lalaking katabi ko bago nya ako hinila para tumakbo.
Nakita ko nalang na buong tapang na sumugod ang matapang na binata sa mga halimaw kahit sya lang mag-isa. Kumpara sa mga ibang kawal, mas maliksi at mas malakas ang binatang ito.
🛡️🛡️🛡️
Alden Richards is Ivrel
🛡️🛡️🛡️
“
Bilisan mo Harper!!!“ sabi ng matikas na lalaki na hila-hila pa rin ako.
Madali nyang natalo ang lahat ng halimaw na sumalubong samin papunta sa loob ng palasyo gamit ang mahiwaga nyang tungkod.
Naabutan namin ang maraming taong takot na takot na nagtatago sa loob ng palasyo.
“Alexius! Kailangan na natin lumikas sa palasyo!” sabi ng kawal na nagbabantay sa mga tao.
Alexius???
Biglang humarap sakin ang matipunong lalaki at hinawakan ang mga braso ko ng maigi.
“Mangako ka!!!! Ililigtas mo ang Parador… Ililigtas mo ang buong Eternia!!!” pahayag ng lalaki.
A-A-Anong sinasabi nya????
Anong Parador?!!!
Anong Eternia???!!!
Malakas na sigawan ang bumalot sa palasyo nang tuluyang nagiba na ang higanteng pinto at tuluyan na ngang nakapasok ang mga halimaw.
“Sige na. Maiiwan na ako rito. Tumakbo na kayo!!!!” sabi ng lalaking Alexius ang pangalan sa mga kawal na tinulungan kaming makatakas.
Tatawid na sana kami sa isang tulay nang napaurong ako hindi lang dahil sa pagkalula kung hindi sa lakas ng apoy na nanggagaling mula sa ilalim nito.
Huminga ako ng malalim at inipon ang natitirang tapang sa dibdib ko. Kami nalang ng isang kawal ang naiwan habang ang lahat ay nakahintay sa amin mula sa kabilang dulo ng tulay.
“Kailangan na natin magmadali….” sabi sakin ng kawal nang inalalayan nya akong tumawid.
Malapit na kami sa dulo nang may biglang malakas na pagsabog ang nagpaguho sa tulay.
Napasabit ako at pilit na inaangat ang sarili ko mula sa pagkakahulog.
Nasilip ko mula sa ibabaw ang mga patay na katawan ng mga kasamahan namin.
Hindi ko mapigilang maluha sa matinding takot.
Kailangan kong makaalis rito!!!!
Kailangan!!!!
“Tulungan mo ako!!!!” sigaw ng katabi kong kawal na katulad ko, nasa bingit na rin ng pagkahulog sa dagat ng apoy na nasa baba namin.
“Ayoko pang mamatay!!! Tulu…..” sambit ng kawal nang bigla syang napatigil kasabay ng panlalaki ng mata nya sa nakita nya mula sa malayo.
Sinundan ko ang paningin nya at nakita ang rumaragasang bolang apoy na pabagsak samin.
Hindi…..
HINDI…..
“HINDIIIIIIIIII!!!!!” malakas na hiyaw ko nang biglang akong napabangon mula sa kama ko.
Mabilis kong nilibot ang aking paningin.
…..
…..
…..
…..
…..
…..
Room ko to….
I’m…I’m back in my room???
P-P-Panaginip lang ang lahat???
Napatulala ako sa kawalan. I tired catching my breath as I gathered my thoughts.
For the past few nights, I’m dreaming of the same exact place.
Kaya lang…. This time… It’s… It’s different….
It seems so vivid…. So real….
Mabilis kong pinupunasan ang butil butil na pawis sa noo ko as I still try to calm myself down dahil sobrang bilis ng heartbeat ko hanggang ngayon.
Halos napatalon naman ako sa kama dahil sa matinding gulat nang may marahas na nagbukas ng pinto ko.
“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday! Happy birthday to you!!!” masayang kantahan ang narining ko kasunod ng pagpasok ni Tita Dina at ang childhood bestfriend kong si Kieran sa kwarto ko. May dala-dalang mga balloons si Kieran at may bitbit naman na cake si Tita Dina.
“Happy birthday Harper!” ngiting pagbati sakin ni Tita Dina nang umupo sya at tumabi sakin sa kama.
“Oh anak. Bat parang balisa ka? Okay ka lang?” pag-aalala nya nang makita nya na pinagpapawisan pa rin ako.
“O-O-Okay lang po ako tita….” sagot ko pero hindi mapalagay ang mga mata ko.
🛡️🛡️🛡️
Manilyn Reynes is Tita Dina
(Pak na pak!)
🛡️🛡️🛡️
Si Tita Dina ang younger sister ni mommy. Simula nang maulila ako kay mommy at daddy a few years ago, sya na ang tumayong magulang ko.
Halos totoong anak na ang turing nya sakin. Siguro dahil na rin sa hindi na rin nakahanap ng mapapangasawa si Tita, hindi na sya naghangad pa na magkaron ng sarili nyang pamilya.
“Tita baka stressed si Harper kasi finally, eighteen na sya. Hahaha!!!” biro ni Kieran na nakatayo lang sa harap ko.
“Hoy! Bakit ka ma-sstress bata ka?! Marami kang kalokohan no???!!!” instant sermon naman ang narinig ko.
“Tita wala ano ka ba. Niloloko ka lang nyan ni Kieran….” sagot ko nang tumingin ako sa bestfriend ko na pigil na pigil ang tawa.
“Oh basta. Ang mahalaga magpakabait ka ah. Pati galingan nyo bukas ni Kieran. First day of class na bukas….” paalala samin ni Tita Dina.
“Yes po tita….” matipid na sagot ko.
“Hay. Sana nandito ang mommy at daddy mo ano. Sigurado akong sila ang magiging pinakamasaya na makita ka sa milestone na to sa buhay mo anak….” maluha-luha pa nyang sabi na sinuklian ko nalang ng ngiti.
“Nako ano ba yan! Naiyak pa ako! Hahaha! Ito na anak, hipan mo na tong birthday candles mo…. “ sab ni Tita Dina na hawak hawak pa rin ang cake sa mga kamay nya.
“Don’t forget to make a wish!” paalala sakin ni Kieran.
Napatigil ako ng sandali at napatitig sa mga kandilang may sindi….
Ano nga ba ang wish ko????
Masaya na naman ako sa kung anong meron ako, kami nila Tita Dina.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng maigi…
Sana….
Sana….
Sana maintidihan ko yung meaning sa likod ng mga panaginip ko….
Hinipan ko na ang mga birthday candles ko na sinundan ng hiyawan at palakpakan ni Tita Dina at Kieran.
Tipid akong napangiti sa kanila nang mapansin ang ilang mga ibon na nakatanaw mula sa bintana ko.
Napatingin ako ng maigi sa mga mata nila na parang kinakausap nila ako….
“Harper!!!” napataas ng boses si Tita Dina na kanina pa pala ako tinatawag.
“A-A-Ano po yun?” tanong ko sa kanya.
“Ang sabi ko mag-ayos ka na dyan. Sumunod ka na samin. Andun sa baba yung handa mo.” sabi ni Tita Dina.
“Anong sinisilip mo sa labas Harper?” tanong ni Kieran.
“W-W-Wala…..” sagot ka nang bumaling ulit ako sa bintana ngunit nawalang parang bula ang mga ibon na nakasilip.
“Oh basta sumunod ka na ah… Nagluto ako ng favorite mong red velvet cookies…” pagmamalaki ni Kieran.
“ T-Talaga??!!! Let’s go!!!“ mabilis kong pagtayo sa kama at sinabayan si Kieran pababa.
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️
Author’s Note
Well I guess if there’s one thing na hindi ko matutunan dito sa wattpad, it’s really how to make a real prologue. Like you know, a short, concise one. Lol!
Don’t forget to vote, comment on your favorite parts, and most importantly, share this story with your fellow readers.
Thank you and I’ll see you on the first official chapter of “ Eternia “. 🙂
Can’t wait to know what’s up next? Well here are your clues.
🏫👬👨🏻🏫💁🏻♂️🏀🧪⚖️⚠️🥊
Toodles!!! ✌🏻
🌏 1: MEN FROM THE EAST 🌏
Harper’s POV
10 minutes….
5 minutes…..
Last one minute….
“RIIIIIIING” malakas na alarm sa phone ko.
Dahil sa takot ko sa napapaginipan ko for the past several nights, I made this very unwise decision of staying up the entire night.
Maling mali lang kasi today is officially my first day in my new school.
Pero kasi naman….
Anong magagawa ko…. Eh the last time I remember, I died because of a freaking fireball.
I mean… Sinong may gusto ng repeat performance sa pagkamatay diba???!!
Bumangon na ako sa kama at nag-umpisa nang magprepare. Pero bago pa ako makapasok sa banyo, nakita ko sa periphery ko ang bintana ko. Bakit ang dami na namang nakadapo na ibon dito? At bakit sila nakasilip dito sa loob?? Pinapanuod ba ako nitong mga to????
Ugh. Weird.
Pero I don’t have time for that kaya mabilis na akong dumeretso sa banyo to have a quick shower and to brush my teeth.
And before I can even finish styling my hair….
“Harper anak! Nandito na si Kieran!!!” malakas na tawag sakin ni Tita Dina mula sa baba.
Ugh. Why am I even surprised?
Since magkalapit lang naman kami ng bahay nila Kieran, syempre magsasabay na kaming pumasok.
Well aside from that fact, eh mukhang sya na ata ang pinakaexcited na freshman sa tana ng lahat ng freshmen. Kaya no wonder, ang aga nya.
Nagtataka nga ako eh. Hindi ba na-aanxious to? Oh ako lang talaga yun?
Kasi naman….
New school.
New people to deal with.
A totally new life.
“Bilisan mo na dyan Harper! Ready na tong breakfast natin dito sa baba!!!” pagtawag ulit ni Tita Dina.
Nagmadali na talaga ako at sinalaksak ko nalang tong class schedule at kung anong pad paper na pwedeng magkasya dito sa bag ko, bago ako nagmadaling bumaba sa hagdan.
“Oh Harper, kumain na kayo ng breakfast. Kieran, samahan mo na si Harper.” sabi ni Tita Dina na nakaupo sa couch at tutok sa morning news.
“Kieran, sabay ka na….” yaya ko sa kanya.
“ Ay si-sige…. Tita thank you po….“ sagot ni Kieran bago sya pumwesto sa tabi ko.
“What’s with the face?” tanong ko sa kanya na ngiting-ngiti pa rin habang naglalagay ng fried rice sa plato nya.
🛡️🛡️🛡️️
A️ljon Mendoza as Kieran
The kind and compassionate best friend of Harper
🛡️🛡️🛡️
“
Hindi ka ba excited??!!“ pagtataka pa nya.
“Ikaw lang yun….” sagot ko habang nag-umpisa nang papakin tong bacon strips.
“Ah basta. Sasali tayo sa mga orgs ah.” pang 590th time nya na atang pinaalala sakin yun.
“Oo ngaaaa…. Ang kulit nito….” wala akong kagana-ganang sinagot sya.
“Hala!!! Nakakatakot naman yan!!!!” biglang nag-comment si Tita Dina sa pinapanuod nya.
Napasilip tuloy kami sa pinapanuod nya.
“Basta sir. Nakakatakot yung itsura. Mukhang halimaw na nanlilisik yung mga mata…..” sabi nung ini-interview. Dalawa silang mangingisda.
“Ano daw po yun tita?” tanong ni Kieran na napatyo sa upuan nya para samahan si Tita Dina sa pagpanuod.
“Nakakita daw yang mga mangingisda na yan ng halimaw. Sabi may nagbukas daw na parang portal ba yun, dun daw galing yung mga nakita nila… Ang nakakatakot kasi, panglimang report na nila yan. llang araw ng kalat yang mga ganyang balita. Kaya kayong dalawa, mag-ingat kayo lagi ha….” biglang kabig sa sermon na naman tong si Tita Dina.
“Ay nako Tita, for sure, fake news lang yang mga yan…. Tsk….” pagwawalang bahala ko sa sinabi nya at tinuloy nalang ang pagkain ko.
“At ayon sa cartographic sketch mula sa kanilang salaysay, ganito nila nailarawan ang wangis ng mga nasabing halimaw….” rinig kong sabi ng reporter.
For some odd reasons, nacurious ako at napasilip muli sa TV.
……
……
……
Kinilabutan ako sa nakita ko….
Isang-isa ang itusra ng halimaw sa panaginip ko doon sa sketch na pinakita sa TV.
P-P-Pano nangyari yun????
Napatayo ako sa kinauupuan ko na mabilis na napansin ni Tita Dina at Kieran.
“Uy… Harper…Okay ka lang??? “ pag-aalala ni Kieran.
“H-H-Huh? W-Wala.. Halika na… Baka… Baka malate tayo…” nagmamadali kong sabi nang inabot ko na agad ang bag ko at lumapit kay Tita Dina para magpaalam. Sumunod naman agad sakin si Kieran.
“Ayos ka lang ba talaga?” tanong ni Kieran nang umandar na yung bus na sinakyan namin papunta sa school.
“Y-yeah. Sorry may naisip lang…” sagot ko sa kanya.
“May nalimutan ka ba? Papers? Your class schedules? Snacks? Sanitizer? Wipes? Towels? Rosary?” tanong ni Kieran nang binuksan nya ang bag nya na siksik na siksik sa kung ano-anong bagay.
“Ano ba yan Kieran?! College students na tayo… Hindi ka ba nahihiya sa dami ng
dala
mo?“ reklamo ko sa kanya.
“Hmmmm? Bakit naman? What’s wrong with my stuff?” inosente nyang tanong.
“Kieran, listen. First day of school palang ngayon. Puro orientations lang tayo for sure… No need to bring all that stuff…” sabi ko sa kanya.
“Huh? Ganon ba yun? Pero okay na rin siguro yan, at least ready hehehe…” ngiting sagot lang nya sakin.
“Ugh. Whatever….” tanging nasagot ko sa kanya habang pinanuod ko nalang syang mag re-arrange ng gamit sa loob ng bag.
Bata pa lang kami, ganito na talaga si Kieran.
Lahat planado.
Lahat organized.
Actually, may goals checklist pa nga to eh. Meron sya for daily, monthly and yearly goals.
Ganon sya kalala.
Sa aming dalawa, sya lagi ang mas seryoso sa buhay. Siguro ito rin yung reason kaya academic achiever sya. Samantalang ako, basta pumasa pwede na. Hahaha!
After all these years, nagtataka pa rin nga ako kung bakit kami naging bestfriends nito. We are literally the total opposites. But despite that, hindi pa rin naman kami mapaghiwalay. Kaya hindi na rin nakakapagtaka na parehas kami ng piniling course….
…. BS Biology.
Well actually, ginaya ko lang talaga si Kieran sa choice of course nya. Kasi honestly, up until this very moment, hindi ko pa rin talaga alam ang gusto kong course. In fact, hindi lang sa choice of course ako confused, kundi sa marami pang bagay.
“We’re here!!!!” niyugyog pa ni Kieran ang braso ko dahil sa excitement nang tumigil na ang bus sa harap ng school.
Napabuntong hininga ako nang tinanaw ko ang bagong mundong haharapin namin ni Kieran.
Nagulat nalang ako nang bigla akong hinila ni Kieran para pumasok na sa loob kasabay ng iba pang mga estudyante.
Sa gitna ng paglalakad namin ni Kieran sa corridors, hindi ko maiwasang maalala ang laging kinukwento sakin ni Tita Dina….
It was my parents’ dream to see me go to East Valley University. Mga alumni kasi sila dito. And basically, dito nagstart ang love story nila.
This whole thing is definitely a bittersweet experience. I mean. Finally, I can fulfill their lifelong wish for me, but at the same time, nakakalungkot kasi wala naman sila dito to witness it all.
At dahil sa sobrang excitement nya, kami pa talaga ni Kieran ang pinakaunang nakarating sa room for our first class.
“Excited na ako!!!!” giliw na giliw nyang sinabi habang isa-isa nyang nilalabas mula sa bag nya ang kung ano-anong dala nyang libro.
Napaisip tuloy ako…
Sino kayang prof namin dito?
Feeling ko matandang dalaga, na sobrang suplada.
Hay nako. Bahala na nga. Nagcheck nalang muna ako ng phone habang isa-isang pumapasok na yung iba pa naming mga kaklase.
“Good morning class….” narinig naming pagbati ng isang lalaki.
Binalik ko na sa bulsa ko ang phone ko at tinanaw kung sino yung bumati samin.
“I’m Professor Cristoff Agustin… And I’ll handle your Biological Sciences class for the entire term…” tuloy na pagbati nya.
🛡️🛡️🛡️
AJ Dee as
Professor Cristoff Agustin
🛡️🛡️🛡️
It feels like time suddenly slowed down….
Ang….. Ang gwapo nya….
Sobrang gwapo nya……
Sya talaga yung prof namin?
Mukha syang model.
Mukha syang artista.
Mukha syang bida sa soap opera!!!
“Harper….”
“Harper!!!” malakas na pagsiko sakin ni Kieran dahil ako na pala ang next na magpapakilala.
“G-Good morning everyone, my name is Harper Elliot Blanco… So nice to meet you sir..
I mean..
everybody…
h-here….“ woooh muntik na yun.
“Nice name Mister Blanco….” sagot ni crush. I mean ni sir.
Shit! Ano bang nangyayari sakin???!!!
Hirap na hirap akong magpigil ng ngiti ko habang pabalik na ako sa seat ko.
As expected, very brief lang ang naging class namin. Puro orientation lang ang nangyari.
“I encourage all of you to check out the fair downstairs. Last year’s student body organized it for all the freshmen this school year. If you want to join the different orgs here in the university, you should definitely check it out….” paliwanag ni Sir Cristof na ikina-excite naman nitong katabi ko.
Right after the class, deretso kami sa malawak na campus ng university kung saan naroon ang fair.
Ang daming booths na nakaset-up dito sa buong campus. At mukhang lahat to, balak pa atang salihan ni Kieran. Walang syang tigil sa pagsilip sa bawat booth samantalang ako, patanaw-tanaw nalang kung saan-saan.
Natigil lang ang pagtitingin nya nang may babaeng may dalang megaphone na pumwesto sa gitna ng campus.
Anong gagawin nito?
“Attention, all freshmen, please proceed towards the stage.” halos mabingi kami ni Kieran dahil sa lapit nya sa amin.
“Let’s go!” excited na yaya sakin ni Kieran.
“To formally welcome our dear freshmen here in EVU, let’s all welcome the former president of the student body organization, Mister Nolan Contreras!!!” masayang pagpapakilala ng isang estudyante sa stage.
Tumungtong sa stage ang isang matangkad na lalaki. Napakapormal naman nitong lalaking to. Buong ngiti syang kumaway sa amin pero halos walang pumalakpak sa kanya.
Aba malay ba namin kung sino yan? Well cute sya. Lalo kapag ngumingiti sya. Ang ganda kasi ng smile nya.
Teka lang. Ano ba tong mga sinasabi ko????!!!
“Ehem!!! Ehem!!!” biglang nag-iba ang mood nya pagtungtong nya sa podium.
Bigla namang lumapit sa dulo ng stage ang mga kasamahan nya at tila sumesenyas samin na magpalakpakan para dito sa Nolan nato. Kami namang tong uto-uto na napilitang magpalakpakan para sa kanya.
“Much better….” sabi nya bago sya napangiti ulit.
Wow.
What a prick.
“ Welcome freshmen to EVU! You did the right choice of choosing this University as your gateway to your dreams.
I, with a little help from these guys, have set up this fair for you guys to have easy access to various organizations here in the university.“ sabi nya sabay senyas sa mga alipores nya na nagpapalakpak ulit samin.
Hindi talaga sya tumutuloy sa speech nya unless magpalakapakan kami.
What the hell is wrong with this guy?
“Always remember that I, the amazing Nolan Contreras is always after the well being of all of my fellow students here in EVU. And it would be my honor to extend my help even more if you elect me again for next month’s election as your returning student body president.” pagpapatuloy nya.
“Did he just call himself amazing????” ngiting bulong ko kay Kieran.
“Sssshhhh ano ka ba Harper baka marinig ka…” pagsaway sakin ni Kieran.
“Me and my allies here will be your guide in this fair for the entire morning. Just line up on this side as we also distribute our campaign brochures to each one of you lucky people.” pangbobola pa nya samin.
“Oh lika na pila na tayo….” mabilis na kinuha ni Kieran ang kamay ko kaya isa kami sa mga pinakaunang pumila.
“VCSC for next month’s election…” ngiting pag-abot samin ng brochures ng isa sa mga minions nung Nolan.
Nakita ko agad ang ibig sabihin ng VCSC
Valley Champions Student Council???
“Kieran tingnan mo dali! Ang baduy ng pangalan nila! Hahaha!” natatawang bulong ko sa best friend ko habang tinuturo yung pangalan sa brochure.
Binuklat na namin ang laman ng campaign brochure nila
OH.
MY.
GOD.
Campaign brochure ba talaga to? O magazine cover nitong Nolan nato? Halos buong mukha nya lang ang laman nitong brochure nato eh.
Unbelievable.
“Hey guys! Guess what?” biglang nag-appear naman mula sa kawalan tong Nolan nato.
“What?” iritable kong sagot.
“I’ll be your group’s companion for this morning. Isn’t it cool???!!!” tanong nya.
“Yeah!!! Excited na nga kami eh!!!” masayang sagot naman nitong forever jolly kong bestfriend bago kami naglakad sa pangunguna nitong bida-bidang si Nolan.
“So as you can see, we have several magnificent orgs here in the university. Pero if you’re gonna ask me, nothng’s better than the debate org. The organization I’m handling. The master debaters!!!!” kagat-labing ngiti pa rin nya nang dinala nya kami sa booth nila.
Pigil na pigil ako sa tawa.
Master debaters????!!! HAHAHAHA!!!
Ako yung nahihiya sa pangalan ng org nila eh.
Habang tuloy sa pagdaldal tong si Nolan sa grupo namin, napatanaw naman kami ni Kieran sa dulong booth.
Hala. Kawawa naman yung lalaking nandun.
Mag-isa lang sya at halos nakalugmok na sa table nya habang nilalampasan lang ng mga tao na parang natatawa-tawa pa sa kanya.
Ang cute pa naman nyang tingnan sa malaking eyeglasses nya.
Bakit kaya ganon sila sa kanya???
Mukha naman syang mabait.
“Wait. Don’t tell me you’re science freaks too???? Because if you are, bagay na bagay kayo dun sa Science Hub, ang walang kasing boring na org ni Kenji Sato.” natatawa-tawa pang sabi ba naman nitong Nolan nato.
“Alam mo, kung wala ka namang magandang sasabihin, it’s better if you just––…” sasagot pa sana ako ng may natanaw akong ilang estudyanteng naglalakad papunta sa likod ni Nolan.
Agaw pansin ang mga bitbit nilang placards.
“MISCELLANEOUS FEES!!!! I-ABOLISH!!!!”
“KARAPATAN NG MGA ESTUDYANTE!!! IHAYAG!!! ISULONG!!!!”
Malakas at paulit-ulit na chant ng grupo nila.
Kitang-kita ko ang pagpipigil sa inis ni Nolan bago ito humarap sa mga estudyanteng nasa likod nya.
“What do you want now Saavedra???!!!” inis na tanong ni Nolan.
“Nandito kami para ipaalam sa mga freshmen ang totoong kalagayan ng unibersidad nato!!!” matapang na sagot ng lalaking kaharap ni Nolan.
Sinilip ko kung sino yung kasagutan nya.
Parang kasing edad nya lang din. Pero kumpara kay Nolan, mas simple manamit tong kasagutan nya.
“You know what Ram. Once I get hold of the Valley Watchers, I’ll kick all of you out!!!” pagbabanta ni Nolan.
Ah so Ram naman tong isang to.
“At anong ilalagay mo sa school newspaper??? Lahat ng kabalbalan mo pati yang mga alipores mo???!!!” galit nyang sagot sabay turo samin ni Kieran.
“T-Teka lang???!!! Hindi nya kami kasama….” mabilis kong pagkontra sa kanya.
“Ang lakas din naman ng loob mong pagsalitaan ako ng ganyan ha. Let me remind. If it’s not because of my dad…..” pag-uumpisa ni Nolan.
“Ano? Na wala ako dito ngayon? Hindi ako magiging scholar? Yun ba gusto mong sabihing spoiled brat ka???!! Ha???!!! Oo sige tinanggap nyo ko dito. Pero hindi naman ako bulag at manhid para hindi ko makita at hindi ko maramdaman ang pag discriminate nyo saming mga scholars dito!!!” sagot sa kanya nung Ram.
Sobrang dignified naman nitong Ram na to. Nakakabilib.
At bago pa makasagot si Nolan, biglang nabalot ng malakas na tilian ng mga babae ang buong paligid.
“Oh boys. Chill lang kayo. Masyado kayong mainit eh….” biglang akbay kila Nolan at Ram ng isang matangkad na lalaki.
Nagtawanan naman ang mga kasamahan nyang kaparehas nya ng suot.
“Ano ba Borj! Hindi to biruan!” inis na pagtanggal ni Ram sa pagkakaakbay nung lalaki na Borj pala ang pangalan.
Napatingin tuloy ako sa suot nyang basketball jersey.
“Blue Centaurs???” napalakas ang pagbasa ko kaya biglang napabaling sakin yung lalaki.
Napatingala ako sa tangkad nya.
“Mamaya na yung selfies please….” sabi nya samin ni Kieran.
What the fuck???!!!! Ang feeling nitong lalaking to.
Porket….
Porket sobrang mestiso nya!!!
“Kami nalang Borj!!!!”
“Oo nga kami nalang!!!”
Hiyawan naman ng mga babaeng nakapaligid samin.
“WHAT IZ THE MEANING OF DIZ????!!!” malakas na sigaw na kumuha sa atensyon naming lahat.
“Tabeeee!!!!! Magsitabe kayooooo!!!!” rinig muli namin mula sa malayo.
“Paharang-harang pa to! Hindi naman kagandahan!!!! Tse!!!” pagtataray ng isang beki sa binangga nyang babae habang papalakad papunta samin.
Ay wow. Napaka-fierce naman nyang maglakad.
At ano yang suot nya??? Para syang magp-prod sa ASAP??
Tumigil sya sa harapan namin ni Kieran at tiningnan kami mula ulo hanggang paa sabay irap.
Ay???
Attitude si ate…..
🛡️🛡️🛡️
Awra is Baldo Dimaculangan
AKA Badet The Baddest
🛡️🛡️🛡️
“Who are the hellish are you????” mataray na tanong nya samin ni Kieran.
Ba-Bakit parang namimilipit yung dila nya sa pag-english???
“Uhm. Hi!!! I’m Keiran and this is my bestfri—…” ngiting sagot pa ni Kieran nang biglang sumenyas yung beki sa mismong mukha ni Kieran na tumigil na.
“I’m introduce me owkay? Are we cleeer??? Me pirst okey???” sagot nung beki na bumanat na naman ng pag-english nya.
“My name is Badet. You gets it? Baaaaadet….. The only prettiest in the iskul? Keri????!!!” patuloy na pagtataray nya samin.
A-A-ANO DAAAAW????!!!!
“ANG YABANG MO AH!!!!” sigaw naman ng isang lalaki mula sa malayo.
BAKIT PURO SIGAWAN DITO SA SCHOOL NA TO????!!!
The next thing we know, may nagsasapakan na sa isang sulok ng campus.
Sa tindi ng sapakan nila, pati yung booth nung guy sa sciene org, nadamay pa.
“Not you again!!!! UGH! This fair is so DONE!!!!” inis na sabi ni Nolan nang makita kung sino ang nagpasimuno sa bugbugan.
“No-Nolan!!! Help me!!!! Na-Nasira yung booth ko…” takot na takot na napatakbo samin yung guy from the science club.
“You really think I care about your pathetic booth Kenji????!!!” inis na sagot sa kanya ni Nolan bago ito nagwalk out habang tuloy pa rin ang rambol sa harap naming lahat.
“Ayos ka lang?” tanong ko dun sa Kenji kasi parang takot na takot sya.
“Y-Y-You’re talking to me???” tanong nya.
“Huh? Oo? A-Are you hurt???” tanong ko.
“N-N-No.. Thanks for asking…” hilaw na ngiti nya sakin.
Okay?????!!!
“Sige pa Gino! Banatan mo pa!!! HAHAHAHAHA!!!!” pagcheer pa nitong Borj pati mga kasamahan nya.
Mabuti nalang at may mga dumating nang mga guards para pigilan na yung gulo.
Mabilis nilang binitbit yung mga nagsapakan.
Napadaan sa harap namin yung Gino na bitbit pa rin ng guard.
Ang dami nyang galos pero parang wala lang sa kanya lahat ng inabot nyang sapak.
Nagkatinginan kami ng saglit.
Bakit ganon yung mga mata nya? Wala akong nakitang galit…..
Sa halip, parang ang lungkot-lungkot tingnan ng mga mata nya….
“ Ano ba yan. Baduuuy. Tapos na agad????“ reklamo pa nitong Borj nato bago ito nag-umpisang maglakad palayo katulad ng iba.
“Welcome to the real East Valley University….” biglang sabi samin nung Ram bago ito nag-umpisang maglakad palayo na rin.
Humarap ako kay Kieran at hinawakan ang mga braso nya ng maigi.
“Pwede pa bang magback-out???? Pwede pa bang i-refund yung tuition natin???!!! Please tell me pwede pa!!!!” tanging natanong ko sa bestfriend ko out of frustration sa dami nang nasaksihan namin ngayong unaga.
“Ano ka ba. All will be fine. Just think positive!!!” biglang banat na naman ng toxic positivity nitong si Kieran.
“You know what, baka gutom lang yan, let’s grab some food in the cafeteria okay?” alok nya sakin.
Alam nya kasi na stress reliever ko talagang kumain. Hahahaha!
Naglakad na kami paalis sa campus nang may natanaw ako sa malayo.
May lalaking nakatanaw samin ni Kieran.
Nakasuot sya ng cap kaya hindi ko masyadong masilayan ang itsura nya….
Pero parang….
Parang namumukhaan ko sya….
Parang nakita ko na sya dati….
“Uy! Harper! Ano bang sinisilip mo dun??? Halika na! Ang haba na nung pila sa cafeteria oh…” biglang tawag sakin ni Kieran.
“Huh? Ah? Oo sige-sige…..” sagot ko nang tumanaw ulit ako sa bintana.
Teka….
Bakit???
Bakit biglang nag-iba yung mukha nung lalaki?
Namalikmata lang ba ako???
Isa lang ang masasabi ko para sa araw nato.
……
…….
…….
…….
This first day is a complete and total mess.
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️
Author’s Note
Thank you guys for reading the first official chapter of “ Eternia“ . I hope you had quite a good grasp of the different personalities Harper will be dealing on a daily basis. I know it’s still too early to tell, but who is your favorite? And how do you relate to that character? Let me know in the comments section!
Don’t forget to vote and share this story with your fellow readers.
Here are your clues for the next chapter:
📚📝🙋🏻♂️👨🏻🏫🤝🙎🏻♂️🚗✨⚡
Toodles!!! ✌🏻
🌍 2: THE SPARK 🌍
Harper’s POV
Kahit almost one month na kami dito sa EVU, ang dami ko pa ring adjustments sa totoo lang.
Nawala nga ang nightmares ko, napalitan naman ng real-life dilemma.
Ewan ko ba.
It feels like I’ve been thrown into this wild jungle. Napaka-extreme ng mga personalities dito sa university.
And while I’m still struggling, Kieran here managed to adjust real quick.
Mabuti nalang at meron akong something to look forward to…
Ang best class in the entire world.
Biological Sciences class ni Sir Cristoff.
Kung pwede lang talagang everyday ang schedule ng classes namin sa kanya….
Eh kasi naman…. Tingnan mo nga….
The way he stands. The way he’s very sure of what he’s saying. Basta!!! Ewan ko ba. Siguro may pagka sapiosexual rin siguro ako.
“ I’ll just email you the slides for today’s discussion. I’m also expecting everyone to–…“ patuloy nyang pagsasalita sa harap ng class namin.
I mean….
Crush ko lang naman si Sir Cristoff.
Pero…
Parang hindi pa ata ako ready to have sexual attraction towards him….
“Mister Blanco….” narinig kong pagtawag sakin sa gitna ng pag-daydream ko sa kanya.
“Harpeeeeer……” madiin na tawag sakin na nagpagising sa diwa ko.
Napansin ko nalang na nakatingin sakin si Sir Cristoff.
“S-S-Sir??? Bakit po?” kabadong tanong ko.
“I’ll need your email. Sayo ko nalang i-sesend tong slides. And you’ll be the one who’ll email the rest of the class okay?” tanong nya.
“S-S-Sige sir. No worries po…” sagot ko nang napalunok ako ng laway sa kaba.
“Oh by the way class. I need to ask a favor. It’s…It’s not really part of your syllabus. But I’m very much willing to give incentives to anyone who will volunteer….” parang nahihiya pang sabi ni Sir Cristoff.
Mabilis akong nagtaas ng kamay.
“Uy…. Alam mo ba kung ano yung
hinihinging
favor ni Sir?“ pagtataka ng katabi kong si Kieran.
“H-H-Hindi… Pero… Nakakaawa kasi yung itsura ni Sir eh…” paliwanag ko.
“Huuuhhhh??” tanging nasagot ni Kieran. Kawawa naman kasi talaga si sir. Sino namang hindi maawa dyan sa mukhang yan diba?
Biglang napangiti si Sir Cristoff nang makita ang pagtataas ko ng kamay.
“R-Really Mister Blanco???” ngiting tanong nya na sinagot ko nalang ng pagtungo.
Shoot. Ang cute ng smile nya……
Wooooh!!!
Harper… Control…. Prof mo yan….
“Meet me after class okay….” sabi nya sakin bago nya sinara ang laptop nya.
“Everyone… I’ll see you next week. Please don’t forget to prepare for your practical exams….” dagdag nya sabay pag-alis isa-isa ng mga classmates namin palabas ng room.
“Hintayin nalang kita sa labas ah…” sabi sakin ni Kieran na parang na-weirduhan pa ata sakin.
Ah basta bahala sya sa buhay nya.
Pagkalabas ni Kieran ay lumapit naman sa seat ko si Sir Cristoff.
“Uhm Harper….Thanks for volunteering ah… Nahihiya nga ako talaga to ask help from anyone eh. But I guess I really don’t have a choice this time…” nakayukong pahayag nya.
“Ano po ba yun sir?” tanong ko.
Bakit ang bilis ng heartbeat ko???
Ang daming tumatakbo sa isip ko.
Anong favor hihingin nya sakin?
Kaya ko bang magkaron ng relationship sa prof ko?
Matatago ba namin to?
TEKA NGA!!!!!
Ano ba tong mga kabalbalan na naiisip ko!
HARPER STOOOOP!!!!
“It’s about my brother….” pag-uumpisa nya.
“Oh… May brother po pala kayo sir…” sagot ko sa kanya na nagpagulat sa kanya.
“W-W-Wait…. You don’t know I have a brother??? Here???” pag-usisa nya.
“Ay talaga po? Prof din po?” tanong ko na biglang ikinangisi nya.
“S-S-So you really don’t know who my brother is?” ulit na tanong nya.
Cute tong si sir pero paulit-ulit sya no?
“Hindi po sir…. Ano po bang meron sa brother nyo?” tanong ko.
“Perfect….” bulong nya.
“P-P-Perfect?” paglilinaw ko.
“Huh? I mean. Perfect timing ka. Kasi I really need help dealing with him….” pag-amin nya sakin nang bigla nya akong inakbayan at sabay na naglakad papunta sa pinto.
“I need to have someone to keep him company as he prepares for their big exam next week.” pag-uumpisa nya.
“Hindi naman po tutor sir diba?” paglilinaw ko.
“Ah no… He takes computer science. 3rd year na sya. So you really don’t need to teach him anything. He just needs company….” paliwanag nya.
“Paano po yun Sir Cristoff? Para pong chaperone ng kapatid nyo?” pagtataka ko.
“Not really… More like? Study buddy I guess?” suggestion nya.
“Ah s-s-sige po….” alangan ko pang sagot.
Pero deep inside, diba same same lang yun???
“Great!!!! Thanks a lot Mister Blanco!!!” masayang sagot nya habang hinawakan nya ng maigi yung shoulders ko.
Pere sheye sher gegewen keh.
“Pwede na ba kayong magstart later this afternoon?” tanong nya.
“Hmmm.. Sige po…. Ay Sir Cristoff… Sino po pala yung brother nyo?” tanong ko nang bigla syang natigilan.
“H-Huh? Uhmmmm…. Basta… Wait. Do you have your phone with you?” tanong nya na parang kabadong-kabado pa.
Ano ba kasing meron?
Kinuha nya ang phone ko at may dinagdag sa contacts ko.
“G.A.?” pagbasa ko sa name na nakasave. Bakit naka-initials pa?
“Sir? Ba-Bakit initials lang tong nilag—…..” tanong ko nang biglang may babaeng bumungad mula sa pintuan.
“Surprise love!!!” sambit ng babae.
“A-Avy????” pagkagulat ni sir na biglang napangiti.
🛡️🛡️🛡️
Maria Maika Maxine Medina… Philippines!!!
as Avy
🛡️🛡️🛡️
Teka teka teka teka…..
Tama ba yung rinig ko???
L-L-LOOOOVE?????
“Why are you here???” ngiting tanong ni Sir Cristoff nang lapitan nya ang babae na binigyan sya ng matamis na kiss sa cheeks.
“Maaga kaming natapos sa office eh. Eh kilala pa rin naman ako ng guards dito kaya pinapasok nalang nila ako. Hahaha! I miss you!!!” malambing na sabi nung babae.
“I see. Good thing kilala ka pa rin ng guards dito love no?” sagot sa kanya ni Sir Cristoff.
“Buti nga love eh…..” sagot nung babae.
“Oh hi…..” napansin na ako nung babae.
“Ikaw talaga! You didn’t tell me you’re still with your student…. Nakakahiya…” reklamo nya kay Sir Cristoff.
“Ah sorry love. Uhm, Harper, this is Avy, my fiance…..Avy, this is Harper, one of my students.” pagpapakilala nya samin.
F-F-Fianceeee???!!!!
Halos mapanganga ako sa gulat.
Ikakasal na sya???
Iiwan na nya akong nag-iisa???
“Hi Harper! Nice meeting you. Sorry ah. Naka-abala pa ata ako sainyo….” sabi nung babae.
“No… We just… We just finished talking right???….” parang di mapakaling tanong pa ni Sir Cristoff.
“Uhm? I guess???” tanging nasagot ko.
“So Harper, okay ka na later ah…My brother will just text you…” sabi ni Sir Cristoff na tila biglang nagmadali sa kilos.
“W-W-Wait. He’ll work with Gi–….” sasagot pa sana yung babae nang pinandilatan sya ni Sir Cristoff hanggang sa tuluyan na silang umalis.
Natulala ako nang nagsink-in na talaga yung nalaman ko.
Minsan na nga lang ako magkakaron ng crush, engaged pa!!!
“Uy Harper! Let’s go! Malalate na tayo sa next class natin….” biglang tawag sakin ni Kieran na naghihintay sa labas ng room.
Habang naglalakad, ang daming tumatakbo sa isip ko. Na engaged ma pala si sir. At napasubo ako sa favor nato, not knowing all the deets But more than anything, sino tong kapatid nya?
I guess there’s only one way to find out, kaya napagisipan kong itext na tong brother ni Sir Cristoff kung sino man to.
“Good afternoon! This is Harper Blanco. Your brother, Sir Cristoff, gave me this number. He asked me to be your study buddy for the entire week. He told me we can just meet at the library later this afternoon. Please confirm. Thank you!! “ pagtext ko sa G.A. na to kung sino man to.
Bago pa kami makapasok sa next class namin, nagreply na agad yung number.
“4PM, table 8C.” tanging sagot nya.
Wow ha.
Woooow. Wala man lang thank you.
Bwiset na to. Sya na nga sasamahan sya pa tong ma-attitude?!
Pero no. Keep your chill Harper. Baka busy lang sya kaya ganyan ang reply nya.
“Noted! May I know your name please?” reply ko habang hinihintay ang next prof namin.
“4PM, table 8C….” nireply nya ulit.
“Bwiset na to! Ikaw na nga tong—….” bubulyawan ko na tong phone ko nang bigla akong napatigil nang dumating na ang prof namin.
Hindi nagtagal at nag-uwian na rin kami.
Inexplain ko na rin kay Kieran ang favor na hiningi sakin ni Sir Cristoff. At maski tong best friend ko, walang clue kung sino tong G.A. na bwiset na to.
“Sure ka ba dyan Harper?” tanong sakin ni Kieran na pauwi na.
“Yeah. Ayoko naman mapahiya kay Sir Cristoff. Nakapag-promise na ako. And besides, dun nalang din ako magrereview and gagawa ng homeworks. Sasamahan ko lang naman sya to just make sure he studies.” pagsigurado ko kay Kieran.
“Okay. Fine. I’ll just see you tomorrow. Una na ko ah…” sabi nya bago lumisan.
“Yeah. See you tomorrow…” sagot ko sa kanya bago ako naglakad papunta sa library.
Pagdating ko sa library, marami-rami pa ring tao. Siguro busy rin for the prelims…
Mabilis kong hinanap ang table 8C.
Hmmmmm????
8A…. Ayun….
8B…. Walang tao…
8C…
8C…
8C…
Nanlaki ang mata ko nang matanaw ko kung sino ang tanging nandun sa table na yun.
Ito yun…. Ito yung resident baumbado ng EVU….
Anong pangalan nga nito?????!!!!
Ga-Gary nga ba???!!!
Gilbert????
Kapatid nya to????!!!!
Ang bait-bait nun ni Sir Cristoff.
Saang demonyo kaya pinaglihi ng mommy nila tong lalaking to???
Sa gitna ng pag-iisip ko, bigla syang napatingin sa direction ko.
Hala!!! Anong gagawin ko???!!!
Ang sama ng tingin nya!!!!
Ayokong mabugbog dito!!!!!
Wait???!!! Tumayo sya!!!
Lumalapit sya sakin????!!!!
A-Anong gagawin ko???!!!
Wait… May oras pa…
Sasabihin ko nalang kay Sir Cristoff na…. Na… Ah basta!!!
Mabilis akong tumalikod at akmang alis na nang biglang nag-ring ang phone ko.
Nagtinginan sakin ng masama ang lahat ng tao sa library kaya madali kong kinuha ang phone ko.
Hindi ako makagalaw sa pagkagulat.
“Hey you….” narinig kong pagtawag sakin mula sa likod ko.
“Ikaw yung study buddy ko no?” tanong ng boses mula sa likod ko.
Dahan-dahan akong umikot paharap sa kanya.
Napatingala ako sa tangkad nya.
Abala pa syang ngumuya ng gum nya habang tinitingnan ako ng maigi. Hawak nya ang phone nya kaya wala n talaga akong takas. Busted!!!
“Uh? Y-Y-Yeaaah….Hehehe…” kabadong sagot ko habang hindi mapinta ang ngiti ko.
“Eh bakit parang aalis ka na ata?” tanong nya habang walang tigil sya sa pagnguya.
“May… May tumawag kasi s-s-sakin….” sagot ko habang napalunok ako ng laway.
“You really think I’ll believe that?” pagsmirk pa nya.
“Eh ayun naman pala eh. Tatanong-tanong ka pa…” bulong ko.
“What did you say???” iritableng tanong nya.
“H-H-Huh???!!! W-Wala. I said let’s go….” sabi ko nang mauna na akong naglakad papunta sa table na pinanggalingan nya.
Napansin ko na bakante ang mga tables na nakapaligid samin.
So hindi lang pala ako nag-iisa na takot dito sa lalaking to.
“Gino nga pala…. Gino Agustin….” he coldly said as he reached for a handshake.
Ayuuun!!! Ginooo!!!
Alangan pa akong makipagkamay sa kanya nang nakita ko ang puro galos nyang kamao.
Tinapangan ko nalang talaga at inabot na rin ang kamay nya.
“H-H-Harper…. Harper Blanco….” pagpapakilala ko na
“Ang lambot naman ng kamay mo…. Parang hindi nakakaranas ng hirap ah….” sabi nya nang nakipagkamay na ako sa kanya.
Mabilis kong binawi ang kamay ko at umupo na sa chair.
I don’t know why pero hindi ako makatingin sa kanya
But from my periphery, I’m a hundred percent sure that he’s staring at me.
And when I say stare, as in DEEEEP stare.
Napapahimas nalang ako sa arms ko dahil sa sobrang kaba.
Nababalisa na ako at hindi pa nakatulong na nakatingin samin lahat ng tao dito.
“Ano quit ka na?” he asked out of nowhere.
Bigla nyang kinuha ang gum mula sa bibig nya at dinikit sa ilalim ng table habang todo titig pa rin sakin.
Finally, napatingin na ako sa kanya ng mas matagal.
Duon ko napansin na may band aid pala sya sa cheek nya at may maliit na pasa malapit sa lips nya.
Pero binawi ko rin ang tingin ko sa kanya.
Sobrang intimidating nitong guy na to.
“W-W-What do you mean quit?” tanong ko sa kanya habang busy-busyhan akong maglabas ng gamit sa bag ko.
Napapasilip din ako sa dala nyang gamit na walang iba kundi tong black hoodie jacket nya at maliit na bag na wala pa atang kalaman-laman.
“Hmmmm… If my memory serves me right, you’re like the 7th person my bro sent….” sabi nya habang sumandal nang prenteng-prente sa upuan at nilaro sa kamay ang pen nya.
“Se-Seventh???? Anong nangyari sa iba???” kabadong tanong ko.
“Let’s just say that they quit the moment they saw me waiting here on this very table. Kaya nung nakita kita kanina at tumalikod ka bigla, it’s a no brainer, you’re my bros newest pawn.” paliwanag ni Gino.
Well, hindi ko naman masisisi yung mga yun…
Sikat kasi tong Gino…..
FOR ALL THE WRONG REASONS.
“So ano? I don’t wanna waste your time here…..” he asked.
“N-N-No… I made a promise to Sir Cristoff….” I stood my ground.
Napapansin kong natatawa-tawa sya.
Pinagtitripan lang ba ako nitong tukmol nato?????!!!!
“You know what. I’m starting to like you…. You really try so hard to look like a brave little pus—… Kitten… A brave little kitten…” pang-aasar nya.
Aba loko to ah.
Hindi ako magpapabully sa bwiset na lalaking to.
Kahit kabang kaba ako, I gathered up the little courage left in me.
“So sa tingin mo naman masisindak mo sa mga paganyan-ganyan mo??? Mag-aral ka na nga dyan…” pagsusungit ko pero sa totoo lang parang sasabog na sa kaba tong dibdib ko. Tinakpan ko nalang yung mukha ko gamit tong malaki kong book.
“Nice…. Fiestyyyy….. I like that….” sabi nya while licking his lips.
“Ew. Perv….” bulong ko nang kinuha ko ang isa sa mga books sa bag ko.
Tinakpan ko ang mukha ko using my book kasi hanggang ngayon nakatingin lang sya sakin.
Sa sobrang kaba ko, hindi ko magawang mag-focus sa binabasa ko.
Pero after a few minutes, sa sobrang curiosity ko, sumilip na rin ako from my book kung ano nang ginagawa nitong lalaking to.
What the hell???
He’s just lying around on his chair, not minding a thing.
What is this guy really up to???!!!
“Aren’t you like? Gonna study?” hindi ko na natiis magtanong.
“Nah…..” sagot nya sabay initsa-itsa sa ere ang pen nya.
“Huh? Seriously? Eh bakit ka pa nandito sa library?” tanong ko.
“Just following my brother’s request…..” simpleng sagot nya.
“What do you mean? Hindi ko maintindihan…” litong tanong ko.
“Kapag hindi daw kita susundin, wala akong makukuhang allowance.” pag-amin nya sakin.
Waaaiiit? So I call the shots here???
Tama ba yung pagkakaintindi ko sa sinabi nya?!
So there’s clearly no reason to be afraid of this guy.
Teka nga…
Matesting nga… Kung tama ako sa hinala ko, eh di good.
Kung mali naman, mabilis naman akong tumakbo.
“So gusto mong sabihin ko sa kuya mo na wala kang ibang ginagawa dito sa library kundi tumambay? Ganun ba?” pagbabanta ko sa kanya.
Ready na yung mga paa kong tumakbo kung sugurin man ako nito….
……
……
……
“I said I’m good. Okay???” inis na sagot nya sakin. Pero walang sapak, walang tadyak, walang kahit ano.
So tuloy ang plano, kailangan kong mapag-aral tong lalaking to.
At kahit anong sabihin ko dito, safe ako.
Muhehehehe!!!!
Ginoogle ko nalang ang subjects nila for this term.
“Kung hindi ko lang crush tong kuya mo… Tapos malam-laman ko engaged na pala. Pasalamat ka nga sinipot pa kita dito eh….” inis kong bulong nang tumayo ako at kinuha sa bag ko ang library card ko.
“Can you speak louder???” iritableng sagot nya.
“Wala. Ang sabi ko, ako na po ang kukuha ng books para sainyo….” sabi ko nang tumayo ako at papunta sa mga shelves.
“Tsk. Bahala ka nga….” I heard him complain from the back.
“Oh basahin mo lahat yan….” nilapag ko lahat ng textbooks ng subjects nya sa table namin.
“Hindi ko babasahin yan….” pagmamatigas nya.
“Exucse me? Ang bigat-bigat nito tapos ni isa wala kang babasahin dito???!!!” reklamo ko.
“Alam ko na kasi lahat yan….” pagyayabang pa nito.
“To be honest, if you’re gonna ask me, ang feeling ko lang na alam mo eh makipagsapakan….” matapang kong sagot na nagpangisi sa kanya.
“Ayaw mong maniwala? Sige. Try me….” umayos sya ng upo sabay titig sakin.
“So kapag mali ka, you’ll study everything here… Okay???” warning ko sa kanya.
“At pag tama?” seryosong tanong nya.
“Dinner is on me…” confident kong sabi.
“Kiss nalang kaya kita?” nagpipigil pa syang ngumiti.
“Ang daming alam! Sagutin mo nalang to okay???” sambit ko nang inis kong kinuha ang book nila sa programming languages.
“Fine! Let me hear it….” sagot nya.
“Okay. Here’s your question….The functions used in programs that are defined by the programmers is called?…” tanong ko.
“User-defined function… Tsk. Wala na bang mas madali dyan???” pagyayabang nya.
“Tsk. Chamba…. Oh next question….” sabi ko nang nagbuklat pa ako ng ilang pages.
“When the variable used in program is whole number, the variable is stored as?” tanong ko.
“Integers booooy….” pagyayabang nya.
“Ano? Tama diba???” mayabang na ngiti nya.
“Beginners luck…” inis kong sabi.
“Last question, kapag namali mo to, mag-aaral ka na ah….” pag-remind ko sa kanya.
“And if I get this correct, alis na tayo dito okay?? Kanina ko pa gustong umalis dito eh…” confident pa nyang sabi.
I took a deep breath habang nakatingin lang sya sakin with that annoying smirk on his face.
“The programming language which is used for scientific purposes and the work is to be done in batches is called…..” tanong ko.
“FOR…..TRAAAAAN…..” malutong nyang sagot nang tumayo na sya at binitbit ang mga libro na nilapag ko.
“ Where do you think you’re bringing those books?“ tanong ko sa kanya.
“We’re returning it…. Why? Am I not correct?” pilyong ngiti nya.
UGH!!! BWISET!!!!
“A deal is a deal….” sabi nya nang nauna na syang maglakad papunta sa librarian. Inis akong sumunod ako bitbit ang library card ko.
“So? San tayo?” ngiting tanong nya habang naghihintay kami na maentertain.
“Basta….” inis na sagot ko nang kinuha na samin ang books. Naglakad na kami pabalik sa table para bitbitin ang gamit namin.
Nakakainis!!!!!!
Nagtitinginan ang lahat nang makita nila kami ni Gino na sabay maglakad sa corridor.
“Parang gusto ko ng pizza?????” bulong nya sakin habang patuloy kaming naglalakad sa corridor.
“Or…. Kahit siguro pasta pwede na???” tuloy pa rin sya sa pagbulong pero hindi ko sya pinapansin.
End of Harper’s POV
Gino’s POV
After walking a few blocks, tumigil nang maglakad tong freshy na to na sinusundan ko lang.
Hindi ko man ipahalata, pero I’m surprised dito sa pinadala ni kuya. He’s quite a character for someone who’s only role is to be my study buddy.
Actually, hindi ko naman talaga kailangan ng study buddy eh….
I’m very much interested in computers kaya halos lahat na ng tinuturo sa classes ko, halos alam ko na lahat.
What I’m really doing is that I’m purposely trying to screw up my grades, kasi once I graduate here in EVU, kukunin na agad ako ni Dad sa States to live with him there together with his new wife. Hell no.
“Ano tara na?” yaya ni Harper sakin papasok sa carinderia malapit sa school.
Sinundan ko sya sa loob. Natatawa ako dito kay Harper sa totoo lang.
Kanina takot na takot pa sakin to, pero ngayon parang wala na lang.
Kung hindi ko sinabing naka-asa ako sa approval nya, kanina pa rin siguro to nangangatog sa takot.
Pero mas ayos na din to. He has been perhaps the only person who is able to tolerate me ng ganito katagal. And I’m not complaining at all. I miss someone else’s company. Kahit halatang iritang-irita sya sa pangungulit ko.
“Ano ba yan. Kala ko pa naman sa restaurant.” bulong ko sa kanya as we went inside.
Somehow, naeenjoy ko tong pangungulit sa kanya.
“Asa. Feeling mo talaga paggagastusan kita?! Hahaha!!!” biro nya.
“Kasi kung ako…Oo….” I whispered to him before he gave me this ridiculed look.
“Yeah right. Hahaha! O sige na. Mamili ka na dyan…” sabi nya sakin.
Shortly, we are on our way to our table with our food.
“So tell me more about you?” tanong ko sa kanya.
“Seryoso ka dyan sa tanong na yan? Hahaha!!!” pagtawa nya habang nag-umpisa na kaming kumain.
“Bakit? Masama bang magtanong?” I told him.
“Hindi naman. Nagulat lang ako…..” he answered.
“Oh so ano nga? Anong mga hobbies mo?” I asked.
“Hmmmm… I collect caps and perfumes? Okay na ba yun? Hahahaha!” he answered with that big smile on his face. I can’t almost see his eyes anymore with how wide his grin is.
Bakit nahahawa ako sa ngiti nitong freshy nato????
“Paamoy nga…..” I asked as I tried moving closer to him.
“Huy anong ginagawa mo???” napaurong sya sa ginawa ko.
“Hmmmm… Amoy Caldereta….” I joked.
“HOY ANG KAPAAAAL!!! HAHAHA!!!” he laughed so hard.
Fuck. Why can’t I keep my eyes away from that smile?????
“Oh ikaw naman? Tell me something about yourself, aside from the usual brawls ha. Hahahaha!!!” pang-aasar pa sakin nito.
“Uy grabe….” the only thing I was able to answer.
“Pero ano nga ba? Hmmm… I like listening to music? Pwede na ba yun?” I said.
“Sino bang favorite artists mo?” he asked.
“Madami eh. The Weeknd, Childish Gambino, Frank Ocea––….” I was about to continue when his eyes widened.
“Favorite ko rin yung The Weeknd!!!” masayang sabi nya.
“Cool. Anong favorite mong song nya?” I asked him.
“Madami eh. Pero siguro After Ho—….” he’s about to say it.
“AFTER HOURS???!!!” I guessed.
“Hahaha! Yup. Galing ah! Fan na fan ka nga… No doubt….” he said as we’re almost done with our food.
Where are you now when I need you most?
I started singing the chorus of the song.
I’d give it all just to hold you close
Then Harper continued singing.
Sorry that I broke your heart, your heart
I continued….
I said, baby
I’ll treat you better than I did before
I’ll hold you down and not let you go
This time, I won’t break your heart, your heart, yeah
We ended up singing together.
“Yun oh… Galing naman pala….” I teased him.
“Hahaha! Ewan ko sayo….” sabi nya nang finally natapos na rin kaming kumain.
“Thanks sa treat Harper ah…. Tanong ka ulit bukas ah….” pagbiro ko sa kanya.
“Hahaha! Hindi mo na ko maloloko!!!” he laughed.
“Hindi naman kita lolokohin eh.” I answered with a straight face that totally caught him off guard.
“P-P-Pinagsasabi mo???” I can feel the tension on his voice.
“UUUUYYYY BRO SI GINO OH HAHAHAHA!!!!” biglang may narinig kami mula sa malayo.
Ah shit. Tong mga siraulong crim na to.
Kitang kita ko mula sa malayo tong ulol na si Theo kasama ng mga lampa nyang tropa.
Naglakad pa sila papalapit samin.
Mabilis akong tumayo at hinarap sila.
🛡️🛡️🛡️
John Lucas is Theo
🛡️🛡️🛡️
“Hindi pa ba kayo nadala????” pagbungad ko sa kanila.
“Angas mo talaga eh no????!!!” inis na sagot sakin ni Theo.
“Ano Theo? Upakan na natin to ano???!!!” pagbabanta pa nitong butiking tropa nya.
“Kulang pa ba yung pagbugbog ko sainyo nung isang linggo??? Ha???” paghamon ko sa kanila.
Lalakas ng loob ng mg to, eh wala namang mga binatbat. Ang hihinang sumapak.
“G-Gino.. Uuuy….” I heard Harper calling me from the back.
“Ay pare. Kaya naman pala! May ka-date…. HAHAHAHAHA!!!!” pang-aasar ng isa sa mga kasamahan nila.
“Nakakaistorbo ba kami sa date mo???? HAHAHA!!!!” pang-aasar
“EH PANO KUNG SABIHIN KONG OO? MAY MAGAGAWA KA?????!!!” galit kong sabi.
“Gino….. Wag na…..” I heard Harper getting worried already.
Fuck. Kung wala lang dito si Harper, baka kanina pa humahalik sa lapag tong mga kumag na to.
For the first time, I turned back from a fight.
“OOOOOHHHH SHIIIIT!!!!! SOMEONE’S AFRAID!!!!! HAHAHAHA!!!!” Theo laughed so hard together with his friends as we walked away.
“Wag mo nalang pansinin…..” Harper whispered to me.
Nakalayo na kami ng kaunti kaya sa tingin ko okay na kami.
“ANO DUWAG KA PALA EH!!!! HAHAHA!!!! DUN KA NALANG MAGSUMBONG SA KUYA MO UGOK!!!!! HAHAHAHA!!!!” malakas na tawanan nila.
Napatigil ako ng lakad.
“DON’T FUCKING COMPARE ME TO MY BROTHEEEEER!!!!” I screamed as I turned back running towards them.
“GINOOOOO!!!!” malakas na tawag sakin ni Harper pero kanina pa talaga ako nagtitimpi dito sa mga gagong to eh.
Mabilis kong sinalubong ng sapak si Theo na mabilis na nagpatumba sa kanya.
At tulad ng dati, madali ko lang napabagsak tong mga tukmol na tropa nya.
Pero hindi ko inasahan na may mga iba pa pala syang kasamahan na nagsidatingan.
Masama to.
“Sa tingin mo hindi na ka namin tutuluyan ngayon Agustin????? Haaaa????!!!” galit na sigaw ni Theo habang bumabangon mula sa pagkakabagsak nya.
Pinalibutan na ako ng mga kasamahan nya.
“Hawakan nyo yang gagong yan!!!” utos ni Theo sa mga kasamahan nya.
At duon ako binanatan ng matindi ni Theo.
FUCK!!!! Nakakarami na ng sapak tong gagong to!!!
Palabo na ng palabo ang paningin ko nang makaramdam na ako ng pagkahilo sa malalakas na sapak ni Theo sakin.
May napansin akong lalaki mula sa malayo na nakatayo lang at nakatingin lang sakin.
Hindi sya familiar sakin pero parang may gusto syang sabihin sakin…
“LET HIM GO!!!!” sigaw ni Harper na pumukaw ng atensyon ko.
“Ito pre yung kasama ni Gino….” sabi nung isang kasamahan nila.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong papunta na ang iba sa kanila kay Harper.
“WAG KA NANG MAGPUMILIT!!!!” mas mahigpit na hawak sakin ng mga alipores ni Theo.
“WAG NYO SYANG ISAMA DITO!!!!” sigaw ko sa kanila.
Nakita kong hinablot nila sa braso si Harper at binitbit palayo.
Lumingon sya sakin at kitang-kita kong paiyak na sya sa takot.
“Gino……” bulong ni Harper sakin.
Wag sya….
WAG SI HARPER!!!!!!!!!!
Suddenly, I felt a rush of energy inside my body.
Kasabay nun ang biglang pagdilim ng langit. The darker it becomes, the stronger I feel.
Parang may sasabog na energy sa katawan ko.
“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!” I screamed then a strong lightning came out of nowhere.
That made everyone scream in total panic including Theo and his friends. They all started running away leaving us.
They left me lying on the floor when I saw Harper running towards me.
I looked farther and saw the same mysterious guy still standing on his post just watching us.
“Ginooooo!!!!” he quickly helped me get up.
Mangiyak-ngiyak sya habang tinutulungan nya ako.
I know na napuruhan ako.
“Dadalin kita sa clinic….” mangiyak-ngiyak na sabi sakin ni Harper.
“Wag na… Kaya ko….” I told him.
“Gino ano ba!!! Ang dami mong tama oh!!!” sabi nya sakin habang inalalayan nya na akong maglakad.
“My apartment… Bring me to my apartment. It’s just a few blocks away from here. May first-aid ako dun….” sagot ko.
“At hindi ako pwede sa clinic. Kuya will surely know about this. Ayoko na syang bigyan ng sakit sa ulo….” sabi ko sa kanya.
“Sigurado ka????” pag-aalala nya.
“Yeah. Basta samahan mo ko….” I asked him.
“Oo naman! Hindi kita iiwan….” he said as we slowly walked in the middle of the street.
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️
Author’s Note
Thank you guys for reading this chapter!
Don’t forget to vote and comment on your favorite parts on this chapter. Please do share this story with your fellow readers as well. Thanks guys! See you on the next chapter!
Here are the clues for the next chapter…
🏠🤕👨❤️👨🧪🧫🌪️
Toodles!!! ✌🏻
🌎 3: THE GUST 🌎
Harper’s POV
“Kapit ka lang Gino ha…. “ bulong ko sa kanya habang pinagtitinginan kami ng mga tao habang inaalalayan ko syang makauwi sa apartment nya.
“Malapit na ba tayo?” tanong ko.
“Just a few blocks away….” hirap na hirap nyang sabi nang biglang nahulog sa lapag ang bag ko dahil mas inaalalayan ko si Gino.
Aabutin ko na sana ang bag ko nang may lumapit na stray dog at pinulot ’to gamit ang bibig nya. Nagulat kaming dalawa ni Gino dahil naka-abang lang samin ang aso na tila ready kaming tulungan.
Kaya naglakad na kami at sumunod lang samin ang maamong aso na bitbit ang bag ko.
Sobrang weird kaya pinagtitinginan na rin kami ng mga tao. Pero hindi ko na rin masyadong inisip yun dahil kailangan kong maiuwi tong si Gino na mukhang napuruhan talaga ng malala.
Pagkatapos ng ilang minutong struggle sa paglalakad, nakarating na rin kami sa apartment ni nya. Inabot nya sakin ang susi para ako na ang magbukas.
“Thanks
buddy
…“ bulong nya sa aso na nakatingala lang samin.
“Pumasok ka na sa loob Gino… Ako na magsasara nito…” bilin ko sa kanya na sinunod naman nya.
Bumaba ako kasabay ng pagbitaw ng aso sa bag ko.
“Thank you….” ngiti kong sabi sa aso habang hinimas ang ulunan nya.
Tumakbo na rin agad sya palayo.
Sobrang unbelievable nung nangyari na napailing nalang ako bago ako pumasok sa loob ng apartment ni Gino.
Pero bago ko pa ma-process ang nangyari, nagulat ako sa dinatnan ko. Napakagulo pala sa loob ng apartment ni Gino. Kung saan saan nakalagay yung mga gamit nya. Sobrang gulo. As in.
Nakita ko syang hinang-hina na nakaupo sa couch.
“Nasan yung first aid mo?” tanong ko kaagad.
“Nasa room ko… “ simpleng sagot nya.
Pagpasok ko sa room, as expected, magulo talaga. Pero merong kumuha ng attention ko. Yung bedside table nya. May picture nya, kasama si Sir Cristoff at yung fiancee ni sir na si Avy. Kinuha ko ang picture para mas matingnan ito ng maayos.
Bakit? Bakit parang nakatingin si Gino kay…
“Harper… Nakita mo na?” napakahinang tanong ni Gino na nagpabalik sa focus ko.
“Nasa counter lang yun…” dagdag nya.
Mabuti at nakita ko rin kaagad. Dumerecho ako sa tabi nya at nilatag agad yung med kit nya.
End of Harper’s POV
Gino’s POV
He seems so tense as he took a ball of cotton, dipped it in some antiseptic before he carefully started cleaning those small scratches and wounds on my face. I can’t help but notice his worried eyes.
“Hey. Just relax okay? Ako yung natetense sayo eh…” I reminded him.
“Kasalanan ko kasi talaga to Gino. Sorry talaga…” he said as he started cleaning the other side of my face.
“What are you saying?” saan naman nya nakuha yun?
“Kung hindi sana kita tinipid dun sa deal, hindi tayo mapupunta dun sa carenderia na yun. Eh di hindi ka sana makikita nung mga bwisit na yun….” he then went cleaning the small scratch on my forehead. I then held his hands to make him stop.
“Listen. It’s not your fault okay? It’s all mine. Kung nakinig lang sana ako sayo. Ako lang talaga tong takaw gulo eh. Pasensya na. Na-hassle ka pa sa nangyari.” I told him.
“Ah basta, ang mahalaga, malinis muna natin tong mga sugat mo.” he said as he took a clean cloth as he wiped off some blood out near my lips.
“Dito pa…” I told him which made him move closer to me.
Good.
“Huh? Saan banda pa ba?” he asked with his worried eyes.
“Dito pa sa lips ko. Lapit ka pa please…” I begged him with my puppy eyes.
I hope this works.
“Saan ba kasi? Andito nga ako sa lips mo na oh. Okay naman na ah?” pagtataka nya.
“Move closer. Makikita mo yan…” I told him and when he moved closer like we’re just a few inches apart, I pouted my lips.
“Gino naman eh!!!” he quickly backed away giving me this annoyed face which I still find adorable to look at.
“Oh bakiiiit?” I forced a smile despite the pain.
“Ano ka ba?! Tingnan mo yang itsura mo. Nabugbog ka na tapos nagjojoke ka pa ng ganyan…” inis na sagot nya.
“Eh kasi ikaw eh. Sobrang tense mo kasi. Haha– Ouch!!!” when I felt a sharp pain on my body. Napahawak tuloy ako sa ribs ko.
“Saan masakit?!” pag-aalala na naman nya.
“Nah. I got this….” sagot ko nalang pero iniinda ko nalang yung mga tama ko dito sa katawan ko.
“Tinamaan ka rin ba sa katawan?” tanong nya.
“Wala to. Sige na, tuloy mo nalang yang sa right cheek ko.” sabi ko nalang sa kanya.
“I need to see it. Baka mamaya kung ano na yan!” he insisted.
“I’m fine.. Just go ahead with what you’re doing….” pagsisinungaling ko.
“Hay nako Gino, kapag may nangyari pa sayo baka ano pang sab––….” ang daldal nya kaya to shut him up, hinubad ko nalang yung shirt ko.
Oh? Ba’t natahimik to bigla?
I’m waiting for him to check this nasty bruise on my body.
Pero nakatulala lang sya….
Wait….
Is he?
Is he checking me out????
I can’t keep this smile from forming on my lips.
“Whut?” I asked him as he seems to be starring at my chest.
So I tried bouncing my pecs so he can feast on it more.
I’m in pain but I don’t giving him a show.
“Uhm. May ano kasi… May konting bruises ka dun sa ano… Dyan sa ano…. “ he can’t find the words so he just started pointing at it.
“Here?” I took his hand so he can reach the bruise. He pulled it away quickly.
“W-W-What are you doing???!!!” gulat na gulat sya.
“Hindi mo kasi maturo eh.” I smiled at him.
“Ano kasi.. B-Basta….” he said as he stared at my body again.
“Ano ba? Gagamutin mo ba to o titingnan mo lang tong katawan ko?” I called him back to his senses.
“H-H-Huh???!!! Anong tititngnan?!!! Feeling ka naman dyan….” he said with his shaky voice.
He took a deep sigh and looked at my bruise again.
I felt him concentrate. But I know I got his attention.
“Wait pano kaya to? Parang ayoko syang galawin Gino. Baka may fractured rib ka na eh…” Harper said.
“Think Harper… THINK!!!” he closed his eyes and all of a sudden started talking to himself. I can clearly see how hard he’s thinking. Kunot na kunot yung kilay eh.
Shortly after, he opened his eyes. The worry on his face, all gone. Pero bakit parang may nagbago sa demeanor nya.
“Uy… San ka pupunta?” I asked when he suddenly stood up from the couch and went outside.
“Harper?! Anong ginagawa mo dyan?” I called him again but he’s not answering.
After a couple of minutes, he went back holding a few leaves.
Where the fuck did he get those?
He went straight to the kitchen. He took the mortar and pestle and started crushing those leaves.
“Heeeyyy??? Harper???” malakas na tawag ko sa kanya, but his eyes are starring blankly at space while his hands are still crushing those leaves.
What the fuck? Is he fucking possessed?
He went back to me holding the paste he formed out of those leaves. He carefully placed his hands on top of this bruise.
“Harper? Are you okay?” I asked again but he still didn’t respond.
He’s not even looking at me. Man, he’s starting to freak me out.
I was about to stand up and get away from him when I started feeling warmth from his hands. I closed my eyes as I felt his warm hand on my skin. Anong nangyayari? Out of nowhere, a rush of energy surged through my body. It felt warm. It felt like a warm hug. After that, I opened my eyes nang maramdaman kong he slowly lifted his hand from me.
I quickly looked down to see what the hell happened.
I can’t believe my eyes. Biglang nawala yung injury ko.
What in the actual fuck was that? I looked at Harper again. Nakapikit pa rin sya bago sya dumilat ulit.
“W-W-What happened?” I heard Harper finally started talking again.
“Anong what just happened?!” sagot ko.
“Y-You just… Put that… That thing!!” I said in disbelief.
Napatingin sya sa kamay nya na may mga dahon pa.
“G-Ginawa ko to?” he answered while looking all confused.
I don’t know kung dahil sa sapak lang yun but man, I think that was a full-on hallucination that we’ve experienced.
This is a strangest day of my life.
It’s so fucked up na wala na kaming ibang masabi. I know Harper’s feeling the same dahil maski syang napakaingay, napatulala nalang sa nangyari.
“Gino… Sorry, but I have to go…” he stood up and took his bag. I know he’s mind fucked the same way that I am right now and the only thing left for him to do is fucking get home and sleep.
“I’m good… Okay na ko…” I was able to stand up from the couch. Felt no pain as if nothing happened.
“Magpahinga ka pa… Para sure na nakarecover ka… If ever you need help, text mo lang ako ah…” he said.
“Bakit? Pupuntahan mo ko dito?” I asked. Just wanted to lighten up the mood.
“Malamang…” supladong sagot pa nya.
“Sweet naman….” I joked.
“Ewan ko sayo. Sige na…” he said as he walked towards the gate.
“Harper….” I called him.
“Hatid na kita sainyo….” I asked him that made him giggle.
“Tapos makikipagsapakan ka na naman kapag may nakasalubong kang kaaway mo? No thanks. “ he said before he walked towards me. He placed both of his hands over my shoulder.
“Ang gawin mo. Magpahinga ka okaaaay???” bilin nya sakin.
I took a deep sigh and just looked deep into his eyes.
“Fine… Just text me if you’re home okay?” I reminded him.
“Okay poooo…” he said before he finally heads out.
“Harper….” I called him one last time with that undeniable warm smile of him.
Fuck. Why is my heart beating this fast?!
“T-T-Thanks….” I stuttered.
I don’t fucking stutter.
End of Gino’s POV
Harper’s POV
The next day, konti lang ang classes namin ni Kieran so early dismissal kami today. I need more time to sleep. Anong oras na rin kasi ako nakauwi from last night with Gino…
Wait… Parang ang off ata pakinggan nun.
Buti nalang at nakita ko sa hallway si Kieran. Sheeet! Antok na antok na ako. Gusto ko nang umuwiiii!!!
“Kieran let’s go….” pagyaya ko kay Kieran nang mapansin kong may tinatanaw sya mula sa malayo.
“Harper, yung– Yung guy dun sa fair….” takot na takot na sabi nya nang tinanaw ko kung saan sya tumitingin.
Nanlaki sa gulat ang mata ko at natanggal ang antok nang makita ko sa kabilang hallway yung isang lalaking nasa lapag na pinagsisipa ng mga lalaki. Tiningnan kong mabuti kung sino yung lalaki.
Sya yung…. Sya yung nerd dun sa fair!!!
Si Kenji!!!!
Hindi man lang sya tinutulungan ng mga nandun at pinapanuod lang sya.
Hindi na ako nag-isip at tumakbo na ako papunta sa kanila.
“Harper wait!!!!” pagtawag sakin ni Kieran pero derecho pa rin ako.
Hinawi ko lahat ng mga walang kwentang to na nanunuod lang.
“HOY! ANONG GINAGAWA NYO!!!” sigaw ko na nagpatigil sa kanila.
Pag harap nila, bigla akong napaurong sa takot.
Ba-Bakit parang nasabugan naman tong mga mukha nito?!!! Bakit ang sabog ng buhok?? Bakit ang itim ng mukha???!!!
“BAKIT???!!! IPAGTATANGGOL MO TONG UNGAS NA TO???!!! TINGNAN MO NGA GINAWA SAMIN???!!!” galit na sigaw sakin nung isa sa kanila.
🛡️🛡️🛡️
Vin Abrenica is Troy
🛡️🛡️🛡️
“Ginulo nyo kasi ex-experiment ko….” pilit na pagsasalita ni Kenji na namimilipit pa rin sa sakit habang nakahiga sa lapag.
“Oh eh ginulo nyo naman pala eh! Kayo naman pala nag-umpisa eh!” pagsisi ko sa mga bully na to na ang papangit naman.
“Don’t you fucking say a word!!!” malakas na tadyak ng isa sa kanila kay Kenji.
“ANO BA!!! STOP IT!!!!” sinugod ko na sila nang tinulak ako ng malakas nung Troy kaya napahampas ako sa isang sulok.
Tatayo na sana ako nang matanaw ko sa malayo yung lalaking nakita ko nuon sa fair. Prof ba to dito? Bakit hindi man lang sya umaawat at nakatayo lang?
Napakafamiliar talaga ng mukha nya. Hindi ko lang maalala kung saan ko sya nakita before.
“Next time, matuto kang lumugar!!!” biglang nagsalita ang isa sa mga pangit na bullies nato.
Papalapit sya sakin at hinahanda na ang kamao. Hindi na ako makagalaw sa takot kaya pinikit ko nalang ng mabuti ang mata ko.
“Get. Away. From. Him….” rinig ko ang gigil na boses ni Kenji na pumwesto pala sa harap ko.
Kitang-kita ang hingal nya at ang weakness nya just from his stance.
Oh my God wala ba talagang tutulong samin dito???!!!
“Ah gusto mo pa ng isa ah!!!!” sumugod si Troy sa kanya.
“KENJIIIII!!!!” sigaw ko nang may biglang isang malakas na hangin ang nanggaling mula sa buong katawan ni Kenji.
Sobrang lakas nito na napipigilan pa nito ang kamao ni Troy na tumama sa kanya.
Nagumpisa na ring magliparan ang lahat ng bagay sa harap ni Kenji. Maski akong nasa likod nya, napakapit nalang ng malakas sa locker na malapit sakin.
Nakita kong mas humigpit ang mga kamao ni Kenji kasabay ng mas malakas na bugso ng hangin.
Hanggang sa sobrang lakas na maski mga tao eh lumipad na hanggang dulo ng mahabang corridor, lalong-lalo na si Troy at ang mga kasama nya.
Matapos nun, bigla nalang napaluhod si Kenji sa pagod.
Hingal na hingal sya at tila biglang bigla sa lahat ng nangyari.
Paglibot ko sa paligid, halos nagliparan na pala ang lahat ng gamit dito. Parang may malakas na hurricane ang dumaan samin.
“Ayos ka lang Kenji?” pag-alalay ko sa kanya.
“Ayos lang ako…” sagot nya habang pinapagpag ko ang dumi sa shirt nya.
“Nasaktan ka ba???” tanong nya sakin.
“Ikaw dapat tinatanong ko nyan….” sagot ko sa kanya.
“A-A-Ano yung nangyari kanina????” litong tanong ko.
“H-Hindi ko rin alam…” kung confused ako, mas confused tong si Kenji.
“Ayos lang ba kayo???!!!” nakita kong tumatakbo papunta samin si Kieran .
“Bakit ba kasi sumugod sila sayo kanina?” tanong ko.
“Eh kasi ginulo nila yung chemicals ko. Hindi ko naman kasalanan na pinagsama nila yung Propylene Glycol Dinitrate pati hexamethylene tripe––….” magsasalita pa sya.
“Tama na. Kenji, ikaw lang dapat ang nabugbog, sa mga sinabi mo pati utak ko parang nabugbog na rin. “ sabi ko sa kanila.
“Wala ka bang ibang kasama?” tanong naman ni Kieran.
“W-W-Wala eh…” napayuko si Kenji.
“Dadalhin ka namin sa clinic ha. And we will file a complaint!” matapang na sabi ko nang naglakad kami paalis.
Ayoko mang aminin pero common knowledge na sa buong East Valley na loner talaga tong si Kenji. Masyado kasi syang matalino na walang makarelate sa kanya. Maski kami ni Keran hindi makasabay sa mga sinasabi nya.
“In fact, since umpisa ng school year, kayo pa lang kumausap sakin…” nahihiyang sabi nya.
Kawawa naman tong si Kenji.
“Don’t worry. Kapag free tayo, hangout tayo. Kahit hindi dito sa school. Kahit sa mall siguro? Okay sayo yun?” tanong ko sa kanya.
T-T-Talaga?????“ parang hindi pa sya makapaniwala sa narinig nya.
“Hahaha! Oo nga! Basta give us your number para we can text you.” sabi naman ni Kieran.
Biglang nag lighten up yung mukha nya when he realized we’re not joking.
“So f-f-friends na tayo?” hindi matago yung ngiti nya.
“Bakit? Ayaw mo ba?” tanong ko.
“Syempre gusto ko!!!” masiglang sabi nya.
Ang cute ngumiti nitong si Kenji, halos mawala na yung mata nya. Hahaha!
“Oh nandito na tayo…” sabi ko nang dumating kami sa school clinic.
“Ako nang bahala dito.. Madalas naman ako dito…” kita ko sa mata nya ang hiya at lungkot.
Nung oras na yun, gusto kong i-channel ang inner Gino ko at pinagsasapak nalang yung mga bullies na yun.
Syempre hindi kami pumayag na mag-isa si Kenji sa clinic. Kaya sinamahan na rin namin sya. Nakwento pa samin ng nurse na sya nga talaga ang suki ng clinic dahil sa pangbubully na inaabot nya sa mga pangit na yun.
At wala rin daw silang magawang way to end his bullying dahil apparently, share holder rin ng school ang parents nitong si Troy. He’s basically untouchable.
End of Harper’s POV
Kenji’s POV
“HINDI PA TAYO TAPOS KENJI!!!! MAY ARAW KA RIN!!!” narinig naman from afar as we walked out from the clinic. We saw Troy and his friends walking in pain as they leave the corridor.
I can’t help but feel nervous all of a sudden.
Hindi lang para sakin. Kundi para kay Harper at Kieran.
“Oh bakit?” Harper asked quickly.
“Baka kasi idamay pa kayo nun nila Troy. Kilala ko yung mga yun for years now.” I told them.
“You mean? This has been going on for years?????” tanong ni Kieran.
“Kenji, we need to know. We’re your friends now…” Harper held my hand.
Why does it feel so soft and warm. Nahihiya pa akong tumingin sa kanya sa totoo lang.
“S-S-Since we’re ten. Troy’s been… Troy’s been bullying me….” I whispered out of embarrassment.
“Whaaat???!!!” Harper’s raised his voice suddenly.
“Hindi ko rin alam kung bakit eh…” I told them.
“Pwes, it’s all gonna change now.” Harper said.
“W-What do you mean?” I asked him.
“It’s time for those baboon to have a taste of their own medicine….” sabi ni Harper.
“Wait. What do you have in mind? Alam mong hindi ko naman matatalo sa fist fight yung mga yun….” I reminded him.
“Who told you about a fist fight? We will use your greatest gift against those guys.” he said as he walked back inside the lab.
“We have some planning to do….” he said as he went straight to my chemicals.
End of Kenji’s POV
Kinabukasan, tila isang tipikal na araw lang din ito sa EVU. Masaya ang lahat na kumakain sa cafeteria.
Tulad ng dati, mag-isang kumakain sa sulok si Kenji, malayo sa ibang estudyante na hindi man lang sya magawang tingnan.
Hindi nagtagal at dumating na rin sila Troy kasama ang iba pang mga bullies ni Kenji. Ngingiti-ngiti sila lumapit kay Kenji.
“Oh. Mukhang iniwan ka na agad nung mga kasama mo ah. Ano naduwag din? Hahahaha!!!” preskong umupo si Troy sa mesa ni Kenji sabay hablot ng iniinom nitong juice.
“Mamaya ka saking gago ka…” pagbabanta ni Troy nang tuluyan na itong bumaba mula sa mesa ni Kenji.
“Kunin nyo na yan….” utos ni Troy sa mga kasamahan nya na kinuha pa ang ilang pagkain na kakain pa sana ni Kenji.
Pumwesto na sila sa bandang gitna ng cafeteria kung saan naroon ang ilan sa mga pinopormahan nilang cheerleaders ng EVU.
Tumayo na sila at nagtungo na sa store para bumili ng pagkain.
May tinanaw naman mula sa malayo si Kenji at tumungo na tila nagbigay ng senyales.
Lumapit ng kaunti sa mga binata si Harper na pilit tinatago ang mukha gamit ang isang malaking libro.
“Three cheeseburgers pati three large fries na rin.” order ni Troy na tumuloy na sa pakikipagusap sa mga kasamahan habang hinihintay ang order nila.
Dahan-dahang naglakad papunta sa loob ng tindahan si Harper at nakita na ginagawa na ng isang staff ang order nila Troy. Habang lumayo ito para kumuha ng iba pang sangkap ay pumuslit si Harper sa kusina. Maingat nyang kinuha ang vials na naglalaman ng concoction na gawa ni Kenji.
Maingat nyang pinatakan ang loob ng bawat burgers nila Troy. Paalala ni Kenji na isang patak lang ay sapat na para sa plano nila. Bigla namang narinig ni Harper na nag-uusap ang mga binata mula sa labas.
“Anong plano natin dun sa gagong Kenji na yun?” tanong ng isa sa kanila
“Gusto kong basagin yung mukha nun mamaya eh.” inis na sabi ni Troy.
“Ah ganon ah…..” gigil na tinaktak at inubos ni Harper ang laman ng vial sa bawat burger na inorder nila.
Matapos nito ay mabilis na naghanap ng matataguan si Harper. Kinuha nya agad ang phone nya at may tinawagan.
“Hello Kieran?! Ano tapos ka na dyan????” bulong nya.
“Sure ka ba dito Harper? Hindi ba pwedeng kausapin nalang natin sila?” pagdadalawang isip ni Kieran habang ingat na ingat na naglalagay ng pop-its sa ilalim ng mga toliet seat.
“Kieran, utang na loob naman, yang pagiging santo mo, walang lugar yan dito sa EVU.” prangkang sagot ni Harper.
“Alam mo bang tutuluyan na nila si Kenji mamaya?! Yan ang plano nila! Kakarinig ko lang!” babala ni Harper.
“Grabe naman sila kay Kenji! Wala namang ginagawa sa kanila yung tao ah?!” sa wakas ay nainis na rin ng tuluyan ang laging mahinahong si Kieran.
“Kaya nga bilisan mo na dyan?! Yung last surprise ba nakaset-up na?” tanong ni Harper.
“Yup. Naka mount na. Yun ang inuna ko eh.” sagot ni Kieran.
“Sige sige. Ayan na, pabalik na sila sa table nila. Umalis ka na dyan agad ah.” bulong ni Harper sa best friend.
“San nyo pala gustong pumunta this weekend girls?” mayabang na yaya ni Troy sabay kagat sa burger nya. Nagumpisa na ring kumain ang mga kasamahan nya.
“Uhm? Seen be? Uhm. Wait. Kehet seen nemen ekey leng……” kairitang sagot ng isa sa mga pabebe cheerleaders na kasama nila.
“Sige. Dun nalang tayo sa resto bar nam—…..” sasagot pa sana si Troy nang biglang kumulo ang tiyan nya. Nanlaki ang mata nya sa tindi ng nararamdaman.
“Ekey ke leeeng?” pagtataka ng nakakandong sa kanyang babae.
Nagkatinginan silang mga lalaki na pare-parehas pala ng nararamdaman.
“Eneng negyeye––EMEGEEED!!!” hiyaw ng babae nang tumalsik sya dahil sa mabilis na pagtayo ni Troy at mga kasamahan nya.
Kumaripas sila ng takbo na pumukaw sa atensyon ng lahat.
Umalis ang lahat mula sa cafeteria para sundan ang mga sikat na varsity players ng bansa.
Halos mamaluktot na ang katawan nila sa hirap sa pagpipigil nang makarating sila sa banyo.
Nakatago naman sa isang sulok si Kieran na may hawak hawak na lubid.
Nagmamadaling pumasok sa kanya-kanyang cubicle ang mga binata at naghubad na ng pantalon at mabilis na umupo sa toilet.
At bago pa man sila makapagparaos, narinig sa loob ng banyo ang malalakas na paputok kasabay ng matinis na tilian ng mga binata.
Hindi nagtagal at nakita ng lahat na halos hindi sila magkandaugaga sa pagsuot muli ng mga pantalon habang papalabas ng banyo.
Yun ang naging hudyat ni Kieran para hilahin ang lubid.
“OH MY GOD!!!!” sigaw ng lahat ng biglang bumuhos kila Troy ang isang balde ng green slime na nagmula sa taas.
Malakas na tawanan ang narinig sa buong campus nang makita ng lahat ang kalagayan ngayon ng mga dating sikat na bully. Pinalibutan sila ng mga tao at sinimulang kuhanan ng video habang walang humpay pa rin ang tawanan nila. Namimilipit pa rin kasi sa sakit ang tiyan ng mga bullies ni Kenji at taeng taeng taeng tae na sila like explosive diarrhea levels.
Mula sa kaguluhan ng mga tao ay lumapit sa kanila si Harper, Kieran at Kenji.
“Anong pakiramdam na kayo naman ang pinagtatawanan ngayon????” tanong ni Kieran.
“Pano kung sabihin namin na si Kenji lang ang makakatulong sainyo???” tanong naman ni Harper.
“Totoo ba????” hindi makapaniwala si Troy.
“Kenji…. Tu-Tulungan mo kami…” pagmamakaawa ni Troy.
“Promise me first Troy. Na hindi nyo na ako guguluhin….” pakiusap ni Kenji.
“Oo Kenji. Hindi na talaga…..” pangako ni Troy.
“Magsorry muna kayo sa lahat ng ginawa nyo kay Kenji.” sagot ni Harper.
“Sorry Kenji….” hiyang hiya nilang sinabi sa gitna ng lahat ng tao.
Kinuha na ni Kenji ang mga vials ng gamot mula sa bulsa nya at binigay ito kila Troy. Mabilis nila itong ininom at halos napahiga sa ginhawang naramdaman nila.
Hindi nagtagal at biglang lumapit kila Troy si Badet.
“You boyz are zoooo dizguzting. Pleaze get away from meeeh. Zooo dizguzting!!!” panglalait ni Badet na ikinatawa naman nila Harper, Kenji at Kieran.
Habang naglalakad paalis ang bagong magkakaibigan, hindi mapakali si Kenji.
“Uhm Kieran? Harper? Salamat sa pagtulong sakin ah.” pag-uumpisa ni Kenji
“Ano ka ba wala yun!” ngiting sagot sa kanya ni Kieran.
“Oo nga. For sure hindi ka na guguluhin ng mga tukmol na yun…” sagot naman ni Harper.
“Uhm.. Guys??? P-Pwede kayo bukas? L-L-Labas tayo?” tanong ng kabadong si Kenji.
“Hmmm? S-Sige. Sure…” sagot ni Harper.
“Nako, hindi ako pwede tomorrow guys eh. May pupuntahan kami ni mommy. Kayo nalang bukas. Bawi nalang ako next time…” sabi ni Kieran.
“S-S-So? Tayo nalang Harper?” tanong ni Kenji.
“Pwede naman Kenji.” ngiting sagot ni Harper.
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️
Author’s Note
Don’t forget to vote and comment on your favorite parts as well as share this story with your fellow readers! See you on the next chapter!
Here are the clues for the next session: 👬🎡🚲📜⚖️🔥
Toodles!!! ✌🏻
🌏 4: THE FLARE 🌏
Kenji’s POV
3….
2….
1….
I’m here on my bed just staring at the last few seconds before my alarm rings. Maaga akong nagising and I wasn’t able to get back to sleep dahil na rin siguro sa sobrang excitment for today. I think this is the only time I really got excited on a weekend. Mas excited kasi talaga ako kapag schooldays. Mas busy kasi ako dun sa school kasi syempre, nandun yung lab.
But this time is different. I’m actually going out of the house on weekend. Puro school-house lang din kasi routine ko for the longest time. Pero aside sa excitement, it kinda feels nerve wracking for me too. This is really a big change for me.
Bumangon na agad ako sa bed ko and grabbed my phone and texted my lab… I mean… Harper…
“ Good morning Harper! I’ll see you later! Just text me your address, I’ll pick you up there from your place. 😊“ I texted.
“ Good morning Kenjjjj!!! No need to pick me up. Kita nalang tayo sa plaza. 😁“ he replied.
“I insist. I’m the one who asked you out right? Kaya I should be the one picking you up. Just give me your address para madaanan kita dyan sa house mo ha.” I said.
“Fine. If you insist. Pero wait? Saan ba tayo pupunta?” he asked. Shoot! I’m getting so giddy.
“Hindi ko pa alam eh. I’m still thinking about you pa nga eh.” I click sent right away.
Wait no!
NO….
NOOOOO!!!!
Alam mo yung feeling na gusto mong kunin with your hand yung message from the screen!!!
I panicked and tried to remove the message but it was too late, he saw it already.
He then sent me this funny gif. Buti hindi nagalit.
“I was about to text na I’m still thinking about “IT”. 🙈 Pero don’t worry, no nerdy labs this time. “ I promised.
“ Sabi mo yan ah. So I’ll see you in an hour? Here’s my address by the way. 😬“ he asked as I finally saw his address. It’s not that far from here pala.
“ Yup yup. See you Harper… ☺️“ I replied.
“ See you Kenjjjj!!! 💛“ he replied.
Mapupunit na ata tong mukha ko sa sobrang ngiti. I never felt this happy. The last time I felt this kind of excitement ay nung nafigure out ko na ang Sodium Borohydride ang mildest reducing agent sa isang carbonyl group na may nitro, carboxyl, double bond pati ester groups.
Teka teka teka…. I should control myself from thinking about those stuff.
Kenji…
Inhaaaale….
Exhaaaale.
Control the nerdiness. You got this.
I quickly took a shower and went straight to my closet.
Hmmm??? I think it’s time to change up my look a lil bit.
After getting dressed, I grabbed this little gift I have for Harper.
“Kenji?! Son?! Where are you going?” my mom asked as I went down the stairs.
“Uhm? Just gonna go out with a friend….” I nervously smiled.
“A friend??? You have a friend????” she can’t believe what she heard.
“Got no time to explain. I’m in a hurry. Bye mom. Love you.” I gave her a quick kiss on the cheek before I went to our garage.
After a few minutes of driving, I think I’m finally here.
I took my phone and called Harper’s number. But when I was about to finish dialing, I already saw him waiting on their doorstep, looking at my direction with a squint. I removed my helmet and smiled at him.
“Ke-Kenji???” he asked habang naglakad sya papunta sakin.
“Hi Harper…” I greeted him. Ang bagal pa nyang maglakad papunta sakin.
“Wow! You look different!!! And….N-Nice ride!!!” he said.
I ditched my glasses for today. Meron naman akong contacts, bihira ko lang talagang gamitin to kasi mas sanay ako talaga sa eyeglasses.
Oh and I brought with me my dad’s scooter.
“Uhm. Harper… For you nga pala. Thanks for helping me out with Troy yesterday ah… Sorry di ko na nabalot…. Sana magustuhan mo….” I gave him one of my favorites. My sasuke funko pop.
“ Uy
grabe!!!! Ang ganda!!!! Teka… Gift mo talaga to?“ he said as he held it. Ang sarap nyang makitang masaya.
“Yup. Consider it my thank you gift to you. Yung kay Kieran aabot ko nalang sa kanya on Monday…” sabi ko sa kanya while he’s still looking at it with a big smile on his face.
“Ano ka ba wala yun. Pero…salamat ah…” sagot nya.
“Buti nagustuhan mo…” I said.
“Oo naman….Pero uy ah! Ang pogi natin ah!!! Naks!!!” he never fails to make me feel appreciated.
“Ah? Hehehehe….” napakamot nalang ako ng ulo.
“Basta wag lang tayong mabubunggo ah. Hahahaha!!!” biro nya.
“May contacts ako don’t worry… So shall we?” I told him as I gave him his own helmet.
He put it on and sat right behind me.
“Uhm? P-P-Pano ba?” tanong ni Harper as he seems confused on how to hold onto me.
“Hands here….” I took his hands so he can hold on to me. Bakit ang lamig ng kamay nya?
“Uhm Harper…. Tighter please…. Para… Para safe ka…” I told him which he obliged.
Finally, we were on our way.
“Kenj? San na tayo pupunta?” he asked.
“Actually we’re here….” I said as I made the last turn.
“Sa fair? I didn’t know na nandito na sila.” sagot nya habang naghanap na kami ng parking.
“C’mon! Let’s go!” he quickly grabbed my hand waking me back to my senses.
We’re… We’re holding hands…. At kahit medyo crowded yung place, I can’t get my eyes off Harper and our hands together.
We went straight to the shooting game. Since marami kaming kasabay na kids, we opted to just talk turns. I had my first turn. Wala. Bokya. Hahaha!
“Nice try Kenj!!” he tapped my back.
Kung ibang tao, pinagtawanan na ako nun for sure.
“Harper. It’s you turn…” pagtawag ko sa kanya. He is all smiles as he tried aiming.
Nagstart na syang magshoot pero wala pa rin eh. May isang chance nalang sya.
“Wait. You have to—…” I told him as I guided his hands and to relax it.
We’re so damn close, I can already smell his perfume.
I felt him took a deep breath before firing.
“YAAAAAY!!!!” we both screamed when he finally hit a reward. Wait? Did he just?
“For you Kenj!” sabi nya sabay abot ng cap na kanina ko pa ina-aim kanina.
“W-What’s this?” tanong ko.
“Nakita kita kanina. You were aiming for that. Consider that my thank you gift to your thank you gift earlier. If that even makes sense? Hahahaha!” biro nya.
“Suot mo na dali!” he said as he helped me adjust it on my head.
“Naks! Ampogi talaga!!!! Hahahaha!!!!” sabi nya. He never fails to hype me up.
Naglakad-lakad pa kami sa place. We tried out all the rides there except for one.
“W-Where are we going?” I asked.
“Huh? Sa ferris wheel syempre. Yun nalang hindi pa natin nasasakyan eh.” sabi nya nang hinila nya ulit ang kamay ko.
Malas pa kasi walang pila kaya maaga kaming nakasakay. Magkaharap kami kaya hirap na hirap akong itago sa kanya na I’m actually terrified of heights. Nakakahiya kay Harper.
“Kenj. Okay ka lang?” tanong nya nang napakapit ako ng maigi nung nagumpisa nang umandar yung ferris wheel.
I just looked at him. Hindi ako makatingin sa kahit saan kasi kahit saan ako tumingin, it’s just glass. And if I looked outside. I’m dead sure I’ll pass out.
“Are you afraid?” tanong nya pero di ko sya nasagot.
Feeling ko namumutla na ako.
I can’t feel my legs anymore!
“Kenj!!! Dapat sinabi mo sakin agad!” he rushed towards my side and held my hand so tightly.
“I’m here okay….. “ he said while he’s rubbing my arms to calm me down.
“Safe tayo dito Kenj. No reason to get worried.” sabi nya nang sumilip sya sa window. I tried doing the same pero nung nakita ko talaga na sobrang taas na namin, napaurong talaga ako.
“It’s okay! At least you’re trying.” dagdag nya. I’m not letting go of his hands and I might squeezed it a bit too much.
“Sorry…” I whispered to him.
“It’s okay…” he just gave me that very assuring smile.
Finally the pod opened and we’re finally free.
“That was quite a ride. Hahaha!” he said.
“Remind me next time to not go back here again.” I said that made him laugh.
Medyo pa-gabi na and ang paalam lang namin hanggang 6pm lang kami today. Hinatid ko na sya pauwi sa kanila. Ayokong ma-bad shot sa tita nya.
Even the ride home was fun as I was able to learn more about Harper.
Finally, we’re back in his home.
“Thanks for today Kenj ah…Nag-enjoy ako… Thank din pala ulit dito ah.” he said as he looked at my gift to him.
“I had fun too. Sorry naduwag ako kanina… Nakakahiya….” I shyly smiled.
“The important thing is you tried.” he simply said. Hay ang sarap titigan ng ngiti nya.
“Uhm Harper, sana makalabas ulit tayo….” tanong ko.
Sana pumayag. Sana pumayag. Sana pumayag.
“Of course! After ng exams. Try naman natin sa escape rooms. Kasi kami ni Kieran hindi kami makalabas dun. We will need your brains there. Hahahaha!” biro nya.
“That sounds perfect!” sobrang laki ng ngiti ko na I know weird looking na pero sobrang saya ko lang na I’ll get the chance to hang with him again.
After a while, nakita ko na sumisilip na sa window nila yung tita nya.
“O sige na Harper. Hinihintay ka na ata nung tita mo.” I said.
“Ingat ka pauwi Kenj! See you on Monday!” he said then he hugged me.
I was totally caught off guard. Sobrang init yumakap ni Harper. Kung hindi lang siguro nakasilip tita nya, baka hindi ko pa to pakawalan eh.
End of Kenji’s POV
Harper’s POV
It was a busy Monday for all of us. Lahat abala sa pagrereview since exam week na next week. It’s my first ever exam week in EVU kaya todo effort ako na sumabay kay Kieran sa pagrereview kahit sobrang hirap dahil napakabrainy ni besty. Hindi naman ako matalino tulad nya, cute lang naman ako.
We continued walking sa hallway nang napansin namin na may group of students na may sinisilip sa bulletin board. Nakisiksik kami ni Kieran at nakita ang pagkalaki-laking announcement sa gitna.
Binasa namin ni Kieran nang maingat ang announcement at halos napanganga kami sa nakalagay dun.
“W-Why do we have to watch that?” tanong ko kay Kieran.
“Tapos hindi tayo bibigyan ng exams unless we show our ticket na nanood tayo ng play na yan?” pagtataka rin ni Kieran.
“Teka teka. Sino bang may pakana nyan?” sagot ko kay Kieran nang nakita ko ang bwiset na pangalan ni Nolan “Pabida” Contreras sa baba.
“Ugh. Why are we even surprised?” reklamo ko.
“Any problems here?” mayabang na ngiti ni Nolan na naglakad papunta samin.
“Ayun oh.” iritableng sagot ko.
“Whut?” he coldly replied.
“That! That pathetic rule you set…” tinuro ko yung bulletin board.
“OOOOOOHHHHHH…” malokong asaran ng mga students sa paligid namin.
“What’s wrong about it? I don’t see anything wrong with that?” sagot nya na may nakakainis na acting pa.
“Why are we all being forced to watch a stage play para lang makapag test? That’s what’s wrong with it. In case you didn’t notice.” matapang kong sagot.
“Harper….” bulong ni Kieran na takot na takot makakita ng confrontations.
“It’s exam week. Students are all panicking. Kailangan nila ng something that can lighten up their moods.” nakakabobong sagot ni Nolan.
“Nolan. Listen. People review in preparation for an exam. They study. They don’t sit around and laugh while watching a stage play. And you’re asking us to pay for the tickets? If hindi kami bumili then we won’t be able to take the exam? Sorry ah. But that’s BS.” sagot ko sa kanya.
“WOOOOOOAAAAHHHH!!!!” hiyawan ng mga students na nakapaligid samin.
Sa sobrang lakas ng hiyawan nila, naglabasan pa ang ibang mga students mula sa classrooms nila pati na rin ang faculty area. Huling lumabas sa office nya si Chancellor Velasco.
“Sana pala hindi nalang namin pinagbayad ang mga families namin ng tuition fee kung isang stage play ticket lang pala ang halaga ng exams namin.” dagdag ko.
Kitang kita ko na nababalisa na si Nolan sa pwesto nya dahil lahat ng mata ay nakatutok sa kanya at wala syang maisagot sakin.
“You know what. Okay naman actually yang idea mo eh. Only if you’ll do it right after the exam week. And you don’t force us to watch something. Kung maganda talaga yang stage play na yan, kami mismo ang pupunta sa theater para panuorin yan. You don’t need to force us.” paliwanag ko sa kanya habang ramdam ko na nakahawak na sa arm ko si Kieran.
“Tama!!!!” biglang sagot nung isang studyante. Sinundan sya ng iba pang students.
“So you’re saying that I’m wrong???” galit na bulong ni Nolan.
“YES YOU ARE WRONG. IN CASE YOU’RE WONDERING.” madiin na sagot ko na sinundan ng malakas na pangaalaska ng mga nasa paligid namin.
“Chancellor Velasco!!” biglang tawag nitong Nolan nato kay Chancellor Velasco na nakatanaw samin mula sa malayo.
“Do something about this!” inis na bulong nya kay Chancellor Velasco na lumapit samin.
He looked around and saw how intent the rest of the students look at him.
🛡️🛡️🛡️
Albert Martinez is
Chancellor Velasco
🛡️🛡️🛡️
“Uhm…. Mister Blanco has a point….” biglang sabi nya.
“WHAAAAT????!!!” inis na sagot ni Nolan.
“We can have the stage play after the exam. Please remove this announcement from the board…” utos ni Principal Velasco na ikinasaya ng mga students.
“Chancellor Velasco, you can’t do this to me… Let me remind you..I’m —….” sasabat pa sana si Nolan nang pigilan sya ni Principal Velasco.
“Trust me Nolan. Your dad will say the same thing…” sagot agad ni Chancellor Velasco sa kanya.
“This can’t be happening….” inis na bulong ni Nolan nang makita na tinatanggal na ng mga alipores nya ang announcement mula sa bulletin board.
“OKAY! NOW I WANT EVERYBODY BACK TO YOUR ROOMS!” malakas na bilin ni Chancellor Velasco. Unti-unti ay nagpulasan na ang lahat pabalik sa classrooms nila.
“I will tell this to my dad….” gigil na bulong ni Nolan habang kinuha ang phone nya.
“Dad! I have to tell you something…..” pag-uumpisa ni Nolan habang ang sama ng tingin sakin.
“Tsk. This spoiled brat.” rinig kong sabi ni Chancellor Velasco na napakamot nalang ng ulo.
Lumapit ako kay Chancellor Velasco.
“Sir? Bakit nya tinatawagan dad nya? Ganun ba kaduwag yun?” tanong ko.
“His father is one of the major stakeholders here in EVU.” simpleng bulong ni Chancellor Velasco.
“He didn’t even asked for an approval on this stage play you’re arguing about.” pag-amin ni Chancellor Velasco na ikinagulat namin ni Kieran.
“So basically, kahit anong gusto nya ginagawa nya dito sa EVU cause he feels privileged and all?” pagconfirm ko.
“Mukhang ganon na nga….” bulong ni Kieran sakin habang tinatanaw namin na galit na galit na nagsusumbong tong si Nolan sa dad nya. Laki-laking bulas sumbungero naman.
“BUT DAAAAD????!!!” inis na sigaw ni Tony sa kausap nya.
Binaba nya na ang phone at halos mawasak nato sa sobrang gigil nya.
“What did I tell you Mister Contreras?” tanong ni Chancellor Velasco nang nilagpasan lang sya ng bastos na si Nolan.
“This boy is really insufferable.” nauna na ring bumalik si Chancellor Velasco sa office nya.
“Hindi pa tayo tapos Blanco.” pagbabanta nya sakin bago sya tuluyang umalis.
Muntik ko nang ibato sa ulo nya tong libro ko, buti nalang hinawakan agad ako ni Kieran.
“HARPER ANO KA BA IKAW TALAGA!” pinandilatan ako ni Kieran habang kinuha nya ang book sa kamay ko.
“Siraulo eh! Ako pa hahamunin nya! Sumbungerong yun.” inis kong sagot
Bandang uwian na at naglalakad na kami ni Kieran dito sa may bandang garden ng school.
“Ay wait! Naiwan ko yung handout ko sa room!” biglang naalala ni Kieran.
“O sige bilisan mo. Baka
i-lock
na ni manong janitor yung room. Hintayin kita dito.“ bilin ko sa kanya bago napatakbo palayo i Kieran.
Kinuha ko muna ang phone ko para i-check. Nagulat ako sa dalawang texts. Isa galing kay Gino. Tapos may isa naman galing kay Kenji. Sino bang rereplyan ko muna dito sa mga to? Napaisip ako nang biglang may natanaw akong lalaki sa malayo na nakatingin sakin. Ito yung lagi kong nakikita. Teka nga, mapunta–…
“Blanco!” malakas na tawag sakin mula sa likod ko.
Kilalang kilala ko yang boses na yan. Humarap ako at di nga ako nagkamali. Si Nolan.
“Akala mo palalampasin ko yung pamamahiya na ginawa mo sakin kanina???!!” pagbabanta nya.
“Wow. So much for somebody who want to be re-elected as student body president no???” pang-iinis ko pa sa kanya.
“I’ll make sure you’re gonna have a hard time here in EVU. Tandaan mo yan!” pananakot pa nya.
“Huy sumbungero, akala mo matatakot ako sayo? Eh pano kung sabihin kong gusto ko ring tumakbo as student body president????? Hmmmmm??? May magagawa ka???” pananakot ko sa kanya kahit wala naman talaga akong balak gawin yun. Sobrang effective kasi kitang kita ko yung pagngingitngit nya.
“Sa dami ng naging kakampi ko kanina, for sure, malakas ang laban ko sa yo. At pag natalo na kita. Lahaaaaat ng kabalbalan mo at ng grupo mo, BUBURAHIN KO…..” madiin kong sabi.
Nanlilisik na ang mga mata nya sakin nang may bigla akong naamoy. Parang? Parang may nasusunog??? Napatingala ako sa taas at nakita ang maitim na usok. Nanlaki ang mga mata ko sa takot at napaurong sa kanya.
Pero pagkaurong ko, napaiwas ako sa lumalaking sunog sa likod ko. Unti-unting nasusunog na pala ang mga halaman sa garden. Nagsisigawan na ang mga tao at nagsitakbuhan dahil sa matinding takot. Napansin ko rin na naglakad na palayo yung misteryosong lalaking yun.
S-S-San galing tong apoy na to???
Napatingin ako kay Nolan na tila ang sama pa rin ng titig sakin. Hindi ba nya napapansin na may sunog????
Lumapit ako sa kanya.
N-Nolan….“
“Nolan!”
“NOLAAAAAN!!!!” malakas na sigaw ko kasabay ng pagyugyog ko sa mga braso nya.
“W-W-What’s happening?” sagot nya sakin.
Ano????!!! Hindi nya alam ang nangyayari??!!
“Nasusunog yung garden ano ka ba!!!” sigaw ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata nya sa takot nang makita ang apoy sa paligid namin.
Nakita namin na papalapit na ang sunog sa food court. Hindi pwedeng makarating yun sa food court tong apoy. May mga LPG dun.
“Nolan tulungan mo ko dali!!!” mabilis kong tawag sa kanya nang naghanap ako ng malapit na fire extinguisher. Binuksan ko agad ito pero palaki na talaga ng palaki ang apoy.
Hindi na namin to ma-sasave!
We need to leave!!!
I ran back to Nolan.
“NOLAAAN!!!” malakas kong tawag sa kanya dahil nakatayo lang sya.
Niyugyog ko lang sya pero hindi nya ako pinapansin.
Biglang pumikit sya at huminga ng malalim.
Ano to??? Matutulog ba to???!!!
Bahala na, I tried grabbing his entire arm. Kung kailangan ko syang i-drag paalis dito, gagawin ko to. I was about to move when I noticed something around us.
Unti-unti, naglalaho ang apoy.
Pero wala namang pumapatay? It’s just us here.
I looked up and saw him with his eyes still closed.
Wait.
He did this????
P-Pano nya nagawa yun????!!!
Dumilat sya kasabay nang pagdating nila Chancellor Velasco.
“WHAT HAPPENED HERE???!!!” galit na sigaw nya samin. Nakita kong tumatakbo rin papunta samin si Kieran.
Nakita ko na nasunog lahat ng halaman dito sa garden.
“WHO DID THIS????!!!” tanong ng kasamahan nyang faculty member.
“Him!” sabay naming sagot ni Nolan. Nakaturo ako sa kanya, at nakaturo naman sya sakin.
Walangyang to???!!! I-seset up pa ako.
“Sir, sya po may gawa nyan!” pag-giit ko.
“Why would I do that? I love this school. And destroying school property is the last thing I’ll do here in EVU.” pagdepensa ni Nolan.
“Mas lalo naman ako! Nananahimik ako dito. Ikaw tong lumapit sakin tapos biglang nagkaron nalang ng —–…” magsasalita pa sana ako.
“ENOUGH!!!” malakas na sigaw ni Chancellor Velasco.
“Magpasalamat kayo at
walang
nasaktan dito. But you have to pay for what you did.“ inis na sermon samin ni Chancellor Velasco.
“Fine. Let me just call my dad so we can get this over with.” sagot ni Nolan na kukunin na ang phone mula sa bulsa nya.
“Through community service.” sabi ni Chancellor Velasco.
“Kailangan maayos ang garden na to before the month ends.” striktong sermon ni Chancellor Velasco.
“Huh. Good luck nalang sayo…” pagmamayabang ko.
“Oh so you really think hindi ikaw ang paparusahan?! So much for wishful thinking Blanco.” sagot sakin ni Nolan.
“Teka sir, sino po bang gagawa sa kanila?” tanong ng kasama yang faculty member.
“Both of them.” simpleng sagot ni Chancellor Velasco.
“WHAAAAAAT????!!!!” sabay na sigaw namin ni Nolan.
End of Harper’s POV
⚜️⚜️⚜️⚜️
Author’s Note
Hi guys! Thanks for reading this chapter! Don’t forget to vote, comment on your favorite parts as well as share this story with your fellow readers! Maraming salamat!
Here are the clues for the next chapter: 🌱😏🕵🏻♂️💊💰🚓⛰️👵🏻
Toodles!!! ✌🏻
🌍 5: THE TREMBLE 🌍
Kahit walang pasok si Harper sa araw na to, inis syang bumangon mula sa kanyang kama. Hindi man lang mawala ang pagkayamot sa mukha nya. Nakasimangot syang nagsipilyo, naligo at nagbihis sa harap ng salamin.
“Oh Harper? Saan ang punta mo nak? Diba wala kang pasok ngayon?” tanong ni Tita Dina na nagdidilig ng mga halaman sa harapan ng bahay nila.
“May project lang tita.” walang kagana-ganang sagot ni Harper.
“Eh bat ganyan ang suot mo?” pagpuna ni Tita Dina na hawak pa ang water hose.
“Saglit lang po yun tita. Uwi rin ako mamaya.” tanging nasagot nalang ni Harper bago tuluyang umalis.
Nakapangbahay lang halos ang suot ni Harper dahil alam nyang mapapasabak sila sa dumi sa community service na ipinataw sa kanya at sa kinaiinisan nyang lalaki ngayon.
Pagdating nya sa magulong garden, nilibot nya ang paningin nya at kahit anino ni Nolan ay hindi nya nakita.
“Bahala ka dyan…” yamot na nagwalis si Harper ng mga nasunog na dahon. Sa dami ng nasunog ay halos abutin na sya ng dalawang oras sa paglilinis pa lang.
“Good job Blanco…” biglang rinig ng pawis na si Harper na hawak hawak na ang pala.
Lumingon ito at nakita ang posturang-postura na si Nolan. Nakasuot ito ng sunglasses at pormadong pormado sa suot nitong sylish na shirt at pants. Nagmukha tuloy basahan si Harper kung ihahambing rito.
“AY WOOOOW! May plano ka pa palang magpakita ano??!!” inis na bungad ni Harper.
“Well it seems like you’re already doing a great job here. Daan muna ako ng cafeteria ah. Hindi pa ako nagb-breakfast eh.” simpleng paalam ni Nolan.
“Hiyang hiya naman ako sayo! Ikaw na nga tong late dumating, ikaw pa tong may ganang kumain muna?! Sa tingin mo ako nagbreakfast?!” reklamo ni Harper.
“Sinabi ko bang wag kang magbreakfast???” mapang-inis na tanong ni Nolan bago nito nilayasan si Harper.
Nakakailang ulit na rin si Harper sa pagbubungkal nang bumalik na si Nolan na sarap na sarap sa soda-in-can na iniinom nya.
“Tulungan mo na kaya ako?!” bulyaw ni Harper sa kanya.
“Fine….” pag-irap ni Nolan sabay icha ng can sa basurahan.
Lumapit sya kay Harper at tiningnan ang ginagawa nito.
“Ikaw magbungkal dun sa kabilang side okay?! Ito yung pala.” galit na inabot ni Harper ang pala sa chest ni Nolan.
Matapos lang ang ilang saglit….
“UGH FUCK! Teka lang. This is so exhausting!” reklamo na agad ni Nolan.
“Oh ngayon alam mo na kung gaano kahirap? Bwiset nato.” inis na sambit ni Harper.
“Sobrang init rin kasi…” sambit ni Nolan nang bigla nitong binaon ng malalim sa lupa ang pala at naghubad ng shirt.
“Huy wait lang…. A-Anong ginagawa mo???!!!” pagkagulat ni Harper.
“What now?! Alam mo, kung naiinitan ka, just take off your clothes too. Daming reklamo nito….” inis na sagot ni Nolan na bumalik na sa pagbubungkal ng lupa.
Hindi makagalaw si Harper sa pwesto nya nang hindi nya maalis sa paningin nya ang nangingintab na pawis sa maskuladong katawan ni Nolan. Parang bumagal ang takbo ng oras habang pinapanuod nya ang makisig na binata na buong lakas na nagpapala ng lupa.
Napapanganga nalang sya sa mapang-akit nitong paraan ng pagpunas ng butil butil na pawis sa noo at leeg nito. Mas lalong nakadagdag sa kanyang kakisigan ang kaunting dumi sa balat nito dulot ng lupa.
“Uy tingnan mo dali! Hihihihi!” biglang narinig ni Harper ang mga nagtatagong mga babae na pinapanuod ang hubad na si Nolan.
“Mga malalanding to….” gigil na sinulyapan ni Harper ang mga babae nang may isang buong swarm ng bubuyog ang biglang bumulaga sa kanila at hinabol sila.
Napalingon si Nolan sa mga nagtitiliang mga babae sabay tanaw kay Harper na ang sama ng tingin sa mga babae.
“Harper! Huy Harper!!!” malakas na tawag ni Nolan na nagpagising sa diwa ni Harper.
“H-Huh? A-Ano yun?” tanong ni Harper habang litong lito naman ang tingin ni Nolan rito.
“What the hell is wrong with you? “ tanong ni Nolan.
“
W-Wala… Bakit?“ pagdeny ni Harper.
“Whatever. Can you just hand me over that bucket.” pakiusap ni Nolan.
“Tsk. Tamad tamad…” inis na sagot ni Harper pero sinunod pa rin ang pakiusap ni Nolan.
Habang naglalakad ito dala ang bucket ng fresh soil ay napatid ito sa nakausling bato sa lapag.
“HAHAHAHAHAHAHA!!!!!” malakas na tawa ni Nolan nang lumanding ng face first si Harper sa tumpok ng lupa.
Bigla namang naputol ang tawa ni Nolan nang tumilapon sa mukha nya ang lahat ng laman na lupa ng bucket na dala ni Harper.
Kahit inis sila sa isa’t-isa, hindi nila maiwasan matawa sa kamalasang sinapit nilang dalawa.
Simula noong sandaling iyon, kahit hindi pa rin sila magpansinan, nabawasan na rin kahit kaunti ang pagkamuhi nila sa isa’t-isa. Hindi na rin mawala ang ngiti sa mga labi nila habang tuloy sila sa kanya-kanyang trabaho.
Sa wakas, matapos ang ilang oras ng hirap ay nagbunga na rin ng kaunti ang ginagawa nila. May mga ilang maliliit na halaman na ang natamnan nila na kapalit sa lahat ng mga natupok ng apoy.
“Good job, Blanco…” sambit ni Nolan na nakatayo sa harap ng natapos nila.
“Ikaw rin, Contreras…” sagot ni Harper na katabi nyang nakatayo sa harap ng garden bago sila nag high-five sa isa’t-isa.
At doon na nga nagtapos ang unang araw ng hard labor ng dalawang frenemies.
Nolan’s POV
The next day came at nagkasalubong agad kami ni Harper on our way to the garden to resume our tasks.
For some odd reasons, I somehow learned how to tolerate him. And I know the feeling’s mutual. Kahit hindi namin sabihin.
“Sana matapos na natin today no…” he said as we walked side by side.
Okay naman pala tong si Harper kapag hindi galit eh. ’Cause every time I encounter him, he’s always annoyed, sounds sarcastic, or sometimes straight up rude.
“Yeah. Konti nalang naman yun. I can’t stay long doing this. Kapag nalaman ni dad to, deads ako dun.” I admitted.
“Bakit ba lagi mong bukambibig yang dad mo? Why does it seem like it’s always a big deal kapag nasa usapan na ang dad mo?” he asked out of curiosity.
“You have no idea…” I answered then I took a deep sigh.
If there’s one person I shouldn’t disappoint, that’s dad. He always puts so much pressure on me. I can’t blame him since I’m the only child nila ni mom. Kaya I’m always doing my best, always running for student body president to practice my leadership skills, kasi in the near future, sakin rin naman ipagkakatiwala ni dad lahat ng businesses nya. Kaya I can’t screw up. That’s not an option for me.
🛡️🛡️🛡
Tirso Cruz III is
Don
Napoleon Contreras
🛡️🛡️🛡️
“Oh basta dun nalang ulit ako sa part sa entrance ah.” sagot nalang sakin ni Harper.
“Sige sige no prob–….” sagot ko nang may nakita ako from afar.
Shit!!! Yung garden!!!
“HEEEEEY!!!!” I screamed before I started sprinting towards those fucking stupid ballers!!!
They were able to run away from us. I can still hear their loud laughs as they ran away after messing up our garden.
These fucking psychos!!!!
I glared at them until one of them started screaming. Next thing I know, the jacket he’s wearing is now on fire! His friends panicked as they tried putting it off.
D-D-Did I? Did I do that???
But before I can process what happened, I suddenly heard Harper from afar.
“Nolan…. Yung plants natin….” napaupo nalang sya sa lapag as he got overwhelmed with frustration. I walked towards him and saw how much of a damage those jerks caused.
“Kids. I thought you already started yesterday?” Chancellor Velasco came out of nowhere.
“Yes, but those players messed it all up.” I explained while trying to keep my cool. It’s extra hard as I feel like a volcano that’s about to erupt in anger.
“Well… I’m afraid I have to extend the time of your community service….” he said before he took off.
What the fuck???!!! You mean all those hard work we put on yesterday, all gone to waste? I still have a ton of things to finish and I can’t manage to ––
Wait…
From my periphery, I noticed that Harper stood up. His head bowing and his eyes closed.
All of a sudden, all the damaged plants started to move and came back to life. The flowers suddenly bloomed fully.
W-W-W-What the fuck???!!!!!
Within a matter of seconds, the garden looked better than ever. Like a million times better than it ever was.
The big tree seemed to have bright green leaves again.
I think I noticed strange-looking but stunning flowers as well.
Basta… Everything looks perfect. So serene.
“Chancellor!” Harper called him and the moment Chancellor Velasco turned to us, his jaw dropped seeing all this life in full bloom.
“H-H-How… W-W-What is this???“H-H-How did you do it???” he cannot believe his eyes.
Maski ako, I can’t help but look at how beautiful all the flowers are.
“So are we done here?” Harper asked habang titig na titig pa sa butterfly na lumilipad sa taas nya si Chancellor Velasco.
“This is .. This is amazing…. Y-Y-Yes…. You guys are done here…” he said as he kept staring at the butterfly.
He then walked away, like in a trance. That’s when I hurried towards Harper.
“What the fuck happened Harper??? What in the magical shit did you do???!!!” I whispered to him intently.
“H-Hindi ko rin alam… Hindi ko ma-explain… Basta mahalaga ngayon we’re done with this.” he answered.
How can he say all that after what just happened???
It took me a few couple of minutes to process all that crazy shit that happened. I was on the bench trying my best to make sense of things .
Pero kahit anong isip ko, I still can’t figure out how I somehow burn the garden, burn that guy’s jacket, and Harper’s botanical freak show earlier.
….
….
….
Fuck, I give up.
“Harper, suko na ko. Hindi ko talaga magets pano mo ginawa yung kanina… I’ll better get going. I might find the sanity to make sense of what happened on my way out…” I told him as I picked up my bag.
“Ako rin… May class pa nga ako mamaya eh…” he said as he grabbed his bag too.
For a short while, there was a dead silence between us.
Ang cute pala nitong si Blanco kapag tinitigan…
“Nolan… Huy!! Bye na…” narinig ko nalang na sabi nya.
Did I seriously zone out? Nakakahiya…
“B-B-Bye…” I stuttered before I started walking.
“Bye Nolan. Ingat ka, or should I say, mag-ingat sila sayo… Hahaha!” he even joked before he started walking to the opposite direction.
“Blanco!” I called him from afar before I smiled at him for the last time.
He turned back, gave me a nod and smiled.
Deep inside, I know. We’re now okay.
End of Nolan’s POV
Harper’s POV
Hindi ko inexpect yun ah. Never kong inakala na magiging okay kami nun ni Nolan.
Hay, anyways, ang dami ko pang kailangang isipin. At isa na rito ang big exams namin na malapit na talaga! Sobrang nakakastress na talaga!
“Harper!” biglang sulpot ni Kieran na nagpagulat sakin.
“Kieran sa susunod please wag mo kong gugulatin ng ganon…” sabi ko habang himas himas tong dibdib ko.
“Ay sorry! Hahaha! So? Anong dadalhin mong food pala tomorrow night?” excited na tanong nya.
“H-Huh? Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Ano ka ba?! First Friday of the month na bukas! Remembeeer???!!!” reminder nya sakin.
Ugh! How can I forget???!!!
Since mga bata kami, lagi kaming pinagcocompare nito ni Harper. Kesyo ang laki daw ng differences namin, bakit daw kami naging mag bestfriends. Well totoo naman yun, we may be different in so many ways, pero if there’s one thing na pinagkakasunduan namin, yun ang fascination namin sa LOTR franchise. From books, to movies, to merch, meron kami nyan ni Kieran. Sa sobrang pakafanatic namin, we promised to each other that every first friday of the month, mag mo-movie marathon kami sa kanila. We’ve been doing that for more than ten years now.
“Sooooo????” he smiled as he asked me.
“Kieran… Ano kasi…. Mag-aaral kami ni Gino sa cafe tomorrow after class. Naka oo na kasi ako.” sabi ko nang biglang nawala ang smile nya.
“Ah ganon ba….” he said with a more serious tone.
“Pero… Pwede pa naman natin ituloy yun… Uhm, right after exams pwe—….” magsasalita pa sana ako ng bigla syang lumayo at bumalik na sa seat nya.
I know I messed up… Pero kasi… Ugggghhh!!!
Ilang beses akong bumulong kay Kieran para kausapin sya pero hindi man lang nya ako nililingon.
And for the first time in a long time, hindi nya ako sinabayan umuwi.
Hindi na rin sya nagrereply sa texts ko sa kanya pagkauwi ko.
Bukas nalang siguro. Sana okay na syang makausap bukas.
The next day came…
At may ten minutes na akong naghihintay dito sa waiting shed at ilang buses na rin ang pinalagpas ko pero hindi pa rin dumadating si Kieran. Sabay kasi kami lagi nito bumabyahe papuntang school. Hindi pa rin nagrereply sa texts, at hindi rin sumasagot sa calls ko.
Ano na kayang nangyari dun?
May 1 hour pa naman, bahala na.
Ngdecide akong daanan sya sa house nila to check on him.
“Hi tita! Andyan po si Kieran?” pagtawag ko sa mom nya na natanaw ko mula sa window nila sa kitchen.
“Wala. Umalis na. Ang aga aga nga eh. Akala ko dinaanan ka pa…” sagot ng mommy nya.
“Ah s-s-sige po tita. Baka po nagkasali-sihan kami…” excuse ko nalang kay tita.
Pagcheck ko sa watch ko, 30 minutes nalang, first period ko na.
Hindi ako aabot kung babalik pa ako sa waiting shed.
Kailangan ko ng shortcut.
Kaya lang kasi…..
Ilang beses akong sinabihan ni Tita Dina na wag dumaan dun, nakakatakot daw kasi dun sa eskinita na yun.
Pero….
Umaga pa naman.
Wala naman sigurong sketchy na nandun.
Kaya nagdecide na rin ako to go ahead. Basta alam kong mabilis naman akong tumakbo, okay na yan.
Nang makarating na ako sa alley, wala namang tao.
Very narrow nga lang talaga as tita described it pero mukhang safe nam—
Wait…..
Parang…
Parang kilala ko yun ah? I tried to squint my eyes more…
At lumapit pa ako ng konti….
Sino nga ba to? Yung… Yung sa Valley Watchers nga ba to???
Tama! Sya nga yun!
Ram ata pangalan nya..
Teka, bakit sya nandito?
Tatawagin ko na sana sya nang may biglang dumating na dalawang lalaki.
Hindi ko marinig ang usapan nila.
Parang nagbubulungan pa nga ata tong mga to eh.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagtago dito sa likod ng garbage container habang pasilip-silip ako sa ginagawa nila.
Nakita ko nalang na may kinuha sa bag nya si Ram…
Teka? Bag ng babae yun ah?
Binuksan nya ito at sumilip din ang dalawang lalaki sa loob ng pulang bag ng babae.
Wait. Don’t tell me….
Napalakad ako pa-atras sa takot pero may nahakbangan akong empty water bottle.
Gumawa ito ng ingay at mabilis akong nakita ni Ram at ng mga kasama nya.
Pinandilatan ako ng mga kasama ni Ram na dahan-dahang naglakad papunta sakin.
Shit!
Shiiiit!!!
“Ah mga kuya…. N-N-Napadaan lang po ako…..” sagot ko nang tumingin ako kung klaro ba ang tatakbuhan ko.
Natanaw ko sa dulo ang misteryosong lalaki na ilang araw ko nang nakikita. Sya rin yung lalaki na nakikita ko sa tuwing may kabulastugang nangyayari sa buhay ko.
Bakit nandito na naman sya? Bakit lagi nalang syang sumusulpot kapag may mga ganito??
“HOY! WAG KANG TATAKBO!!!!” pagbabanta sakin ng isa sa mga lalaki.
“T-T-Teka pre… Kilala ko yan. Schoolmate ko yan…” pagpigil ni Ram pero nagpumiglas pa rin ang lalaki at naglakad papunta sakin.
Dahil sa sobrang takot ay napatakbo na talaga ako.
Pero mabilis nila akong naabutan.
“SAAN KA PUPUNTA??!!” mahigpit na hawak sa braso ko ng isa sa kanila.
“Baldo ano ba! Bitawan nyo nga sya!!!” inis na sita samin ni Ram na papunta na samin.
Pero bago pa sya makaabot sa amin ay may biglang dumating na mga pulis.
“TAAS ANG MGA KAMAY!” pagtutok ng baril nya samin.
Nangangatog na ako sa takot.
“SIR! HINDI PO AKO KASAMA NG MGA YAN!!! MANIWALA PO KAYO!!!” pagmamakaawa ko sa isa sa mga pulis.
“Sa presinto ka nalang magpaliwanag.” sagot sakin ng isang pulis na naposasan na ang dalawang lalaking humabol sakin.
Halos mangiyak-ngiyak na ako sa kaba.
Hinila ng pulis pababa ang mga kamay ko at handa na akong posasan nang bigla kaming napatigil sa pagyanig ng malalaking pader na nakapaligid samin.
“A-A-Ano yun???” napabitaw ang pulis sa kamay ko na na-alerto sa pagyanig.
Napatingin ako kay Ram na nakalapat ang kamay sa pader.
S-S-Sya may gawa nito??
Bago pa ako makapagisip pa lalo ay bigla nang yumanig ang lapag na kinatatayuan namin. Sumunod ang pagyanig ng mga pader sa paligid namin.
Sobrang lakas na lindol ang nagpabagsak saming lahat sa lapag habang unti-unting nalalaglag ang mga parte ng pader at nagumpisang mabasag ang mga salamin sa bintana pabagsak sa pwesto namin.
“TAKBOOOO!!!!” sigaw sakin ni Ram.
Pinilit kong tumayo at tumakbo papunta sa kanya habang walang tigil pa rin ang pagyanig ng lupa.
Napalanding nalang ako sa chest ni Ram. Mabuti nalang at nasalo nya ako.
“TIGIIIIL!!!!” sigaw samin ng pulis na akmang babarilin na kami.
“RAAAAM!!!” sigaw ko nang may biglang umangat na malaking tipak ng lupa na humarang samin mula sa mga pulis.
“HALIKA NA!!!” sabi nya sakin nang alalayan nya akong tumayo para makatakbo na papalayo sa mga pulis.
Pagkatapos ng ilang minuto ng walang tigil na pagtakbo ay tuluyan na kaming napahinto sa sobrang hingal. Nakarating kami sa ilalim ng tulay.
“Ayos ka lang ba?” tanong nya habang naghahabol ng hininga.
“Oo…. Ikaw?” tanong ko sa kanya. Hapong hapo ako hindi lang dahil sa pagtakbo kundi na rin sa kaba.
“Bakit may mga dumating na pulis????!!!”
“Bakit ako kukunin ng mga kasama mo kanina???!!!”
“Ano bang ginawa nyo????!!!”
“Tapatin mo ako kasi kung hindi ako mismo ang maghahanap ng pulis!” sunod-sunod kong bulyaw sa kanya.
“Okay sasabihin ko na sayo. Pero please. Pwedeng hinaan mo muna yang boses mo?” reklamo nya.
“Paano ako kakalma ha? Muntik na kong kunin kanina ng mga kasama mo! Muntik na kong hulihin ng mga pulis. Muntik na akong barilin kanina! Ah! Meron pa pala! Muntik na akong mabagsakan ng gumuhong pader. So sige, sabihin mo ulit sakin na kumalma. Sige.” sarcastic kong sagot.
Napahinga sya ng malalim sa sinabi ko.
“Ano??? Sabihin mo?!!!” galit kong sigaw sa kanya.
“Mas maganda siguro kung ipakita ko nalang sayo.” sagot ni Ram sakin nang naglakad sya papunta sa isang nangangalawang na gate.
Laging sinasabi ni Tita Dina na wag na wag daw akong dadaan sa lugar nato.
“R-R-Ram teka…. H-Hindi ba delikado dyan?” tanong ko sa kanya.
“Dito ako nakatira.” sagot nya na ikinagulat ko.
Kabang kaba akong sumunod sa kanya. First time ko sa lugar nato.
For a lack of better term, napunta kami dito sa lugar ng mga informal settlers sa town namin.
Nakakatakot makatingin ang mga tao habang naglalakad kami ni Ram.
“Totoo yung hinala mo…. Nagsnatch kami ng bag….” pag-amin nya habang derecho ang tingin sa kalsada.
“Unang beses kong sumama sa mga lokong yun…. Hindi ko naman talaga ginagawa yun….” dagdag nya.
“Ram??? Seryoso ka ba??” hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi nya ako matingnan habang derecho pa rin sya sa paglalakad.
“Sobrang gipit nalang talaga ngayong panahon nato kaya wala akong choice….” sabi nya nang may binuksan syang maliit na gate. Tulad ng mga kapitbahay nila, payak lang ang bahay nila Ram.
“Ma…. “ bungad nya nang makita ko ang isang babae na nakaratay sa higaan.
Wala akong masabi sa nakita ko. Kitang kita ko ang kalunos-lunos na lagay ng mama ni Ram.
“Ma! Ba’t nandito pa yung gamot mo….” reklamo ni Ram nang lumapit sya sa mama nya. Maingat nya itong tinulungan uminom ng gamot.
“Oh Ram. May bisita pala. Sana nakapaghanda ako ng pagkain…” sabi ng babae bago ito nagpumilit bumangon.
“Ma wag na… Magpahinga ka na dyan sa kama.” sagot ni Ram.
“Bumili ka ng kahit tinapay dun kela Mang Carding….” utos ng mama nya kay Ram.
Bumunot ng barya mula sa kanyang lumang pitaka ang mama ni Ram at binigay ito kay Ram.
“Ay. W-W-Wag na po. Okay lang po ako…” pagsabi ko pero nagpumilit pa rin sya.
“Okay lang, Harper. Saglit lang…” sabi ni Ram nang naglakad ito papunta sa tindahan sa tapat nila.
Naiwan kami ng mama nya. Kahit hirap sya ay pinilit pa rin nya akong nginitian.
I felt something… The same feeling I experienced nung nasa place ako ni Gino, taking care of his injuries. It felt like a part of me took control of my body. I’m still conscious and know what’s happening pero I felt like my body is moving on its own.
Umupo ako sa hnihigaan nya at pinitas ang mga sariwang dahon na nakadungaw mula sa kanilang maliit na bintana.
“Anak. Anong ginagawa mo?” mahina nyang tanong pero hindi ko sya masagot.
Dinurog ko sa mga kamay ko ang mga dahon at maingat na nilapat ito sa kamay ng mama ni Ram.
Kitang kita ng mga mata namin na nagliwanag ang mga dahon sa kamay namin.
“A-A-Ano to?” pagtataka nya pero napako lang ang mga mata ko sa luntiang liwanag mula sa mga kamay ko at sa mga dahon na hawak namin.
End of Harper’s POV
⚜️⚜️⚜️⚜️
Author’s Note
Thank you for reading this chapter! Don’t forget to vote, comment on your favorite parts as well as share this story with your fellow readers!
Here are the clues for the next chapter:
💁🏻♂️💅🏻🐟🎉🏀🍻❌❄️🎂😢🐎
Toodles!!! ✌🏻
🌎 6: THE FRIGID 🌎
Ram’s POV
“Sorry medyo nataga—” sabi ko nang makabalik na ko sa bahay.
Nakita kong maingat na hinihimas ni Harper ang buhok ni mama.
Lumapit ako sa kanila at napansin ko ang mga dahon na nasa lapag.
Anong nangyari dito???
Nang mas nakalapit pa ako, nagulat ako sa nakita ko.
Kasi after a long time, ngayon ko lang ulit nakita si mama na ganito ka-aliwalas ang mukha.
Nawala ang pagkaputla ng balat nya. At ngayon ko lang ulit sya nakitang ngumiti. Dahil maski pag-ngiti ay hirap na rin syang gawin.
“Ram…” biglang sabi ni mama na kumuha ng atensyon ko.
“Ma… A-Anong nangyari sayo?” hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang lumapit sa kanya. I know something has changed in her.
“Hindi ko rin alam anak… Basta ang alam ko, mas gumaan ang pakiramdam ko…” sambit nya sabay tingin kay Harper. Bumaling agad ako kay Harper.
“Ma, saglit lang ha…” ngiti kong sagot kay mama bago ko niyaya si Harper na lumabas muna ng kwarto.
“Anong ginawa mo?” bulong ko kay Harper na tumingala sakin.
“H-H-Huh??? H-Hindi ko rin alam….” sagot nya sakin na parang malalim rin ang iniisip.
“Panong hindi mo alam?” litong tanong ko.
“Hindi ko talaga alam Ram, promise.” malabong sagot nya habang napatitig na lang sa kawalan.
“Eh bakit may mga dahon dun sa lapag? San galing yun?” tanong ko kay Harper na parang wala pa rin sa sarili. Doon ko biglang narinig ang pagkulo ng tiyan nya.
“Hay nako…Kumain ka nga muna. Baka masagot mo na ako kapag may laman na yang tyan mo. Dinalhan nalang kita ng lutong ulam. Ayos lang ba to sayo?” tanong ko.
“Oo naman. Ay wait. Ito pala…” inabutan nya ko ng pera.
“Wag na. Okay lang…” pagtanggi ko.
“Ram, sige na. Kunin mo na.” pagpilit nya sakin.
“Ano ka ba. Ayos lang. Consider this my way of saying sorry sa abala ko kanina sayo.” sabi ko habang naglakad na kami papunta sa lamesa.
“Wala naman may gusto nung nangyari kanina.” paliwanag sakin ni Harper.
“Ah basta. Just keep that money with you. Hindi ko matatanggap yan.” sambit ko.
Napahinga nalang sya ng malalim dahil alam nyang wala na syang magagawa.
Tinulungan nalang nya akong maghain.
“Hindi ka na ba tutuloy sa class mo?” tanong ko habang nilalagyan ng bagong lutong kaldereta ni Mang Carding ang plato ni Harper.
“Hindi na rin naman ako aabot. Mamaya pa after lunch ang next class ko…” sabi nya bago sya sumubo.
“Ah ganon ba. Parehas pala tayo. Sabay na tayo pumunta dun.” sabi ko .
“Sure sure…” sagot nya habang sarap na sarap sya sa pagnguya.
“Hmmmm… Ang sarap nito ah???” ngiting dagdag ni Harper.
“Buti nagustuhan mo. Kain ka lang dyan…” sagot ko habang pasulyap-sulyap ako sa kanya.

Napaka-ayos nyang kumain. Halatang lumaki sa maginhawang buhay tong si Harper.
“Uhm Ram? Pwedeng magtanong? Anong nangyari sa mama mo?” tanong nya.
“Ah si mama. Na-aksidente kasi sya last year sa pinapasukan nyang factory. Naging baldado sya at napalala pa ng ibang mga complications.” paliwanag ko.
“I’m so sorry to hear that.” sambit nya.
“Hindi okay lang. Kung alam mo lang kung ilang trabaho na ang sinubukan ko para ma-shoulder yung expenses dito sa bahay since kami lang dalawa ni mama dito.” pag-uumpisa ko.
“Sabi ko nga kay mama, magstop muna ako ng school para makapagwork fulltime kasi sobrang gipit kami kung part time lang talaga ako. Eh ayaw naman ni mama kasi nasasayangan sya dun sa scholarship grant.” dagdag ko.
“I can’t imagine being in your place.” tanging nasabi nya habang tumitig sya sakin.
Ang amo pala tingnan ng mga mata nya, ngayon ko lang napansin.
“Don’t worry Ram. I’ll help you out. Kayo ng mama mo. Mag-iisip tayo ng ways para makahanap pa ng extra funds.” sabi nya sakin nang inabot nya ang kamay ko.
Hindi ko maprocess ng husto yung sinabi nya. Ang lambot lambot kasi ng balat nya. Ang sarap sa pakiramdam hawakan.
Matapos kumain, nagdecide kami na umalis na papuntang school.
“Hawakan mo lang ng maigi bag mo ah.” biro ko sa kanya na pinaniwalaan naman nya.
Hindi mapakali ang mata nya kakalibot sa paligid.
“Joke lang. Hahahaha!” sabi ko.
For sure, takaw tingin ang postura nya. Lutang na lutang naman kasi talaga sya dito sa lugar namin.
“Hindi makakalusot yang mga yan sayo hangga’t nandito ako.” pagmamalaki ko sa kanya.
“Wow? Siga? Hahaha!” biro nya

“Hahaha! Hindi. Matagal na kasi kami dito nakatira. Nauna pa kami nila mama dyan sa mga yan. Kaya nirerespeto kami nila mama dito.” sambit ko.
“Syempre hindi lang naman yun yung iniisip ko no. Paano kung natandaan nung mga pulis yung mga mukha natin. Fugitives kaya tayo…” madiing bulong ni Harper.
“Hindi ko nga rin alam eh. Pero bago tayo tumakbo, may nakita akong isang lalaki na lumapit sa mga pulis. Kinausap nya bigla yung mga pulis. Di ko maexplain eh. Para silang nawala sa sarili at bumalik nalang sa sasakyan nila. Iniwan pa nga nila sila Baldo eh.” pag-alala ko.
Nakita ko naman sa mga mata ni Harper na malalim ang iniisip nya.
“Uy. Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya nang may bigla syang natanaw mula sa malayo.
“Ram… Diba si––” sambit ni Harper habang nakatingin sa may bandang palengke.
“Si Badet? Sya yun. Taga-dito lang din yan.” sagot ko sa kanya habang nakatingin din kay Badet na may bitbit na tindang gulay.
“Parehas lang kami nyan. Lahat ng pwedeng pagkakitaan susubukan. Kilala mo si Mighty Centaur?” tanong ko sa kanya.
“ Hmmm? Y-Yung official mascot ng EVU? Bakit? Anong meron?“ tanong nya.
“Sya yun. Hahahaha!” pagbisto ko.
“Di ngaaa????!!!! Si Badet yun????” gulat na gulat sya.

“Oo nga. Mga 3 years na rin. Eh may kinikita rin syang pera dun eh. Kung hindi lang nauna sakin yun, baka sakin rin napunta yung trabaho na yun eh.” dagdag ko.
“Grabe pala si Badet no. Pero tingnan mo sya, parang walang malaking problema…” sabi nya nang nilapat ko ang mga kamay ko sa magkabilang balikat nya.
“Halika na?” yaya ko sa kanya.
Buti nalang at hindi sya nagreklamo. Kaya tuloy ako sa pagakbay sa kanya habang naglalakad kami papunta sa school.
Sana hindi nya ko napapansin. Kanina pa kasi ako napapatingin sa kanya habang naglalakad kami.
Ang cute pala kasi nitong si Harper. Bakit ngayon ko lang narealize?
End of Ram’s POV
Harper’s POV
“Uh Ram…. Una na ko ah….” nahihiya kong sabi.
Finally bumitiw na yung akbay nya sakin.
Kanina pa kaya ako na-coconscious.
Pinagtitinginan na kaya kami dito pagpasok na pagpasok namin sa school.
Tapos kanina pa sya tingin ng tingin sakin.
Alam kong mabait naman tong si Ram pero ewan, siguro hindi lang talaga ako sanay.
“Pasensya na ulit kanina ah.” sabi nya.
“Ako nga dapat magsorry sayo eh. Napagtaasan kita ng boses.” sagot ko sa kanya.
“Wala yun. Wag mo nang isipin yun…” sagot nya.
“Oh basta ah. Promise ko sayo. Magraraise tayo ng funds para sa mama mo. Kausapin kita kapag may naisip na ko.” ngiti kong sagot sa kanya na nagpangiti na rin sa kanya.
Ang cute pala ngumiti nitong si Ram. Parang nawawala na yung mata. Hahahaha!
“B-Bye….” alanganin kong pagwave.
“Bye Harper….” sabi nya.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero bigla ko nalang syang niyakap.
Alam kong nagulat sya sa ginawa ko. Hindi ako makatingala sa kanya sa sobrang hiya kaya ibubulong ko nalang.
“Thanks for saving me….” bulong ko sa kanya.
Narinig na namin yung bell kaya bumitaw na ko.
“Ram… Ram…..” pagtawag ko sa kanya kasi ayaw pa nyang bumitaw sa yakap.
“Uy….” napalakas ang tulak ko sa kanya para mabitawan na nya ko ng tuluyan.
“S-Sorry… “ tanging sagot nya na parang hindi na mapakali.
“Oh Ram nandito ka pala…” biglang dating ng iba pang mga students.
“Sasabay na ko sa kanila Harper…S-S-Sige…” sambit nya na sinagot ko nalang ng pagtango.
Tumuloy na rin ako sa class ko.
Pagdating ko sa room, nakita ko agad si Kieran pero cold treatment pa rin ang inabot ko mula sa kanya.
“Uy Kieran… Pansinin mo na ko please…..” bulong ko sa kanya na katabi ko.
“Sige na. Mamaya nalang after class…. “ sagot nya na busy sa kinokopya sa board.
“YES!!!!” napalakas na bulong ko na pumukaw sa lahat.
Pagtapos na pagtapos ng class ay hinabol ko sa hallway si Kieran.
“Uy Kieran. Next Friday gusto mo tuloy na natin yung overnight?” bungad na tanong ko sa kanya.
“Alam mo kahit wag na. Bawi ka nalang ulit sa next month.” sagot nya sakin.
“Sure ka?” paninigurado ko.
Baka naman kasi mabad shot na naman ako dito.
“Yeah. Basta wag kang mawawala tomo—…” may sasabihin pa sya nang biglang may malaking aninong bumungad sa harap namin.
Sabay kaming napatingala ni Kieran at nakita ang pinakasikat na lalaki dito sa EVU.
Ang walang kasing preskong si Richard Paul Borja.
Wala ni isang student dito sa EVU ang hindi nakakakilala sa lalaking to.
Ewan ko ba kung bakit halos sambahin natong mokong nato sa bawat sulok ng school.
“Hi guys…” ngiting pagbati nya samin.

Fine. He’s hella cute. Pero the moment he started talking? Nako. Wala na. Puro kayabangan.
“Yes ano yun?” I coldly answered kahit sobra syang makasmile samin.
“Tomorrow night. My place. G?” tanging sabi nya samin.
“Huh????” sabay naming tanong ni Kieran na nagpatawa kay Borj.
“Fine. I’ll take in your language. I’ll be having this huge party tomorrow at my place. I’m inviting as many people as possible.” yaya ni Borj.
“Sorry pero —….” sasagot pa sana ako nang biglang dumating ang blockmates namin.
“Thanks for the invite Borj!” sabi ng isa sa kanila.
“See? Everyone’s coming.” sagot naman ni Borj.
“And besides…” napabuntong-hininga muna sya.
“A lot of people are looking forward to seeing you there. You guys have kinda been popular here in EVU, but of course not as popular as me.” paliwanag nya.
Ugh. Sobrang self-centered nakakairita.
“At bakit naman?” inis na tanong ko.
“You know, that time you guys ganged up on Troy and when you put Nolan in his place. I heard a lot about you guys.” sabi nya.
Wala naman kaming masagot ni Kieran.
“C’mon guys. It’s gonna be fun.” pagconvince nya samin.
Hmmmm…. Wala naman sigurong masama.
“Sige. We’ll be there….” sagot ko nang biglang napatingin sakin si Kieran.
“Harper!!!! For real????!!!!” inis na inis na sagot sakin ni Kieran bago sya biglang nagwalkout.

“Uy Kieran wait!” pagtawag ko sa kanya pero mabilis syang naglakad palayo.
Bakit galit na naman sya???
“So I guess you’ll be going alone?” ngiting tanong nitong si Borj.
Inirapan ko lang sya.
“Don’t worry. I’ll keep you company tomorrow.” sagot nya sakin.
“Who says I need your company?” sagot ko bago ko sya nilayasan.
“Suplado naman nito…” rinig kong bulong nya pero di ko nalang din pinansin.
Hindi ko na rin naabutan si Kieran kaya mag-isa na naman akong uuwi.
The very next day, hindi pumasok si Kieran at buong araw ko syang tinatawagan pero nakaoff na ang phone nya.
Ano naman ba kasing ginawa ko???!!!
“Harper, sabay ka na samin papunta kila Borj. May dala naman akong car.” sabi sakin ng classmate ko.
“Huh? S-S-Sige…” alanganin sagot ko.
While on our way, tahimik lang ako sa loob ng car habang sobrang ingay nitong mga classmates ko.
Parang may mali eh.
“Uh guys. Pwedeng ibalik nyo nalang ako sa sch—….” magsasabi na sana ako nang biglang nagsalita yung driver nya.
“WE’RE HERE!!!” sigaw nya nang marinig namin ang malakas na music na nanggagaling sa malaking bahay.
Nakita ko ang sandamakmak na kotse na nakapark sa kahabaan ng kalye.
End of Harper’s POV
Borj’s POV
“Hey bro. They’re here.” one of my team mates said as we lounge here in the bar near the pool.
Sa totoo lang, sya lang ang hinihintay ko to show up tonight. Harper.
Ewan ko ba. For some odd reasons, naging interested ako sa kanya.
I can’t explain it. Basta. He’s definitely something else.
Sinalubong ko sya kasama ng mga kasama nya.
“Hey! I’m glad you guys made it!” I greeted them but my eyes are just on Harper.
He’s looking all over the place. Parang walang pakialam sakin.
Ito yung gusto ko eh. Yung na-chachallenge ako.

“Bro, can you lead them inside? You guys can grab a bite inside okay? Just don’t go to my parents’ room, it’s off limits.” I told my them before they left.
“Uhm hey?” I called him out since he still looks around the house.
“Okay I get it. I have a cool place.” I said just so he can stop marveling around.
Napatingin naman sya sakin with a ridiculed look on his face.
That’s what I’m waiting for. Yang mga ganyang tingin.
“Feeling…” he whispered.
“So as promised. I’ll be your handsome date the entire evening.” I said.
“Huh? I didn’t ask for one. And if I need one, you’re definitely at the bottom of the list.” he talked back.
“Why are you always like that? Can you cool down. Just be chill okay? You wanna grab some drinks or snacks?” I told him bago ko sya inakbayan.
“Tanggalin mo nga yan! And no, I’m not hungry and I don’t drink.” he tried taking out my hand but he’s so freaking weak he cannot even move it an inch. Hahahaha!
“So what can you say? Isn’t it dope?” tanong ko sa kanya.
“Ang ingay.” the only thing he said as we passed by the pool full of our schoolmates having the time of their lives.
“Whaaaat? Ang ganda kaya. You can have all the food and drinks you want. This is practically the best party of the year and guess what? All thanks to me….” I told him.
“Wala bang tahimik na lugar dito sa bahay nyo????” reklamo nya.
“Hmmmm… I think I know just the place…” sagot ko bago kami naglakad papunta sa other side ng house na off limits sa lahat. Good thing we have another pool here completely unoccupied.
“Ano boss? Okay na ba?” I asked him.
“Ewan ko sayo.” he said.
“Alam mo Borj, you don’t need to do this. Mamaya-maya aalis na rin naman ako. You go back to your friends. I can handle myself here.” he added.
“What if I say no? May magagawa ka?” I told him as I sat down at the edge of the pool. Ang lamig ng tubig. Lumapit din sya sakin. He took off his shoes and cuffed up his pants bago sya tumabi sakin.
For a brief moment, we’re just looking at the lights underwater and how it changes colors from time to time.
“I must admit it. Mukhang nagugustuhan ko na tong peace and quiet thing you’re saying ah.” pag-amin ko.
“Pero medyo boring pa rin eh. What’s a fun thing to do? Wala kong maisip eh.” I asked him.
“Ako meron…” he said nang bigla nya kong itulak sa pool.
“AH GANON AH???? HAHAHAHAHAHA!!!!!” I warned him as I moved closer to him.
“Huy wait!!!! Borj!!!! Wala akong pangpalit!!!” he panicked but guess what, I don’t care.
“Dapat naisip mo yan before pushing me down here…” I gave him a sinister smile kaya mas nagpanic pa sya.
“Hindi ako marunong lumangoy Borj sira!” reklamo nya as I finally reached him.

Mabilis nyang tinanggal sa pocket nya ang phone nya bago ko sya hilahin sa pool.
Ayos pala to eh.
Hindi nga marunong lumangoy to.
He can’t get his hands off me eh.
“Relaaax….I got you….
Just
put your hands here….“ I said as I guided his hands on my shoulder.
I supported his back with both my hands.
Our faces are close to each other.
Ngayon ko lang sya natingnan ng malapitan.
And I’m sure it’s not just because of alcohol but I really find him cute.
Halikan ko na kaya to?
“See what happens when you play with me?” I teased him.
“So pano ako uuwi nyan? Basa yung damit ko?!” he whined.
“I have clothes in my room. I’ll bring you there later don’t worry.” sagot ko sa kanya.
“For now, enjoy muna tayo dito sa pool….” sabi ko nang hinila ko sya kasabay ko sa we can go underwater.
And so we had a great time swimming here for a few minutes before we decided to go upstairs in my room.
“Infairness, ang daming trophies…” the first thing he noticed as we got into my room.
I hand him over a clean towel so he can start drying his hair.
“Puro basketball. Wala namang acads dyan… Hahahaha!” sagot ko as I dry my hair as well.
“Here are my clothes pala. I think they’re two sizes larger than yours. Pero ayos na yan.” sabi ko.
“Thanks. I’ll just return these next week…” he said.
“Kahit wag na….” I answered as I took off my shirt in front of him.
His eyes can’t lie. I know he’s stealing glances at me.
“Hey… What’s wrong???” I walked closer to him dripping wet.
I can see how his cheeks turned instantly red.
“W-W-Wala….” he suddenly turned back at me.
“You sure you don’t wanna look?” I asked as I took of my shorts.
“Bilisan mo na dyan ang dami pang sinasabi eh.” reklamo nya.
Iba talaga sya. Kung iba to, baka nasa kama na kami ngayon.
“San ba yung bathroom mo? Para dun nalang ako magpalit.” he asked.
W-W-Wait… I have an idea.
“Under renovation eh…” sagot ko.
“H-Huh? S-Sige dito nalang din… Pero labas ka muna saglit….” he suggested.
“Ano kasi. Baka makita ako ng team mates ko sa labas… “ I replied.
“Oh ano naman? Eh bahay mo naman to?” reklamo nya.
“B-Bastaaaa. Ano nalang. Talikod nalang ako.” sagot ko nang hinanap ko agad yung small mirror sa harap ko.
“Wag kang sisilip kundi tatadyakan talaga kita!!!” he warned me as I finally saw the mirror.

“WAIT! Wait lang… There!” sabi ko once I was able to adjust the angle of the mirror so I can see his reflection.
Tumalikod rin pala sya. Pero okay na yan. Kesa naman sa wala.
He then started taking off his shirt.
I can’t help but bite my lip in excitement as I saw his smooth back.
I think he has this fit built. Tamang tama lang yung katawan. Best for cuddles. Nice.
Shit! He’s gonna take off his shorts!
This is it!!!!
Knock knock
A knocking at my door caught me off guard.
“Bro
you
there? “ I heard one of my team mates.
“Yeah asshole. What about it???!!!!” I screamed.
🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️

Albie Casino is Greg
🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️
“Bro, Greg crashed your party! He’s here with the other Silver Hawks!” he alarmed me.
FUCK! These losers from North Field College just don’t know when to quit!
I looked again to see Harper only to find out na tapos na pala sya.
TANGINA!!!!! Kung hindi lang dumating tong sila Greg , nakita ko na dapat kanina yun eh!!!
“Uy? Okay ka lang?” paglapit nya sakin all dressed in my clothes.
“There are just some stupid gate crashers. I’ll be right back.” I said I stormed out of my room.
“Huy! Wait lang!!!” I heard him following me.
“Borjaaaaa!!!!” Greg gave me this lame ass greeting.
“You fuckers better leave now or I’m calling the police!” I warned them.
“I just wanna see your faces before I crush them on the game this weekend… Hahahaha!!!” he laughed kasama ng mga bano nyang team mates.
Sasagot pa sana ako when I saw a guy whose part of the crowd.
I have never seen his face in EVU.

He’s clearly not a student so what is he doing here?
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero the way he gaze at me intently, it’s like telling me to do something.
“ANO BORJA????!!! NADUWAG KA NA? HA????!!!!” he started.
“Get out….” I calmly warned him.
“Don’t tell me you went dumb even in basketball. Kala ko sa acads ka lang bobo pre. Hahahaha!!!!” Greg continued.
“This is the last time I’ll ever ask you. Leave now….” gigil kong sabi.
“What? What are you gonna do? What do you have in mind? Oh wait. Nothing! CAUSE YOU’RE A STUPID ASS MONK—….” he was about to push me.
“I SAID GET OOOOUUUUTTTTT!!!!” I screamed at the top of my lungs.
The next thing I know, I hear people screaming in the pool. Then some people near us too!!!
“FUCK!!!! IT’S COLD!!!”
“WHAT THE FUCK!!!!”
They all dropped their drinks to the floor.
It all became….. Solid ice…
What the…
“GRAB MY HAND!!!!!”
“GET OUT OF THE WATER NOW!!!!”
We saw people from our pool started screaming as they make their way out of the water.
Kitang kita namin how a thick sheet of ice started to spread from the middle of the pool.
People started running and screaming all over the place.
It’s a complete chaos.

“Borj!!! Okay ka lang???” I heard a familiar voice that grabbed my arm.
“H-Harper…..” I only said before his classmates pulled him away from me as they all ran back to their cars.
I was just standing there in my spot in the middle of all these mess.
Not knowing what to do.
How to react.
D-D-Did I do all these????
End of Borj’s POV
“What the hell was that???!!!” sigaw ng driver ng sasakyan nila Harper habang papalabas sila ng village nila Borj.
“Hindi ko rin alam. I just wanna go home!!!” sabi naman ng takot na takot nilang kasamahan.
“I’ll call my aunt…” sabi ni Harper nang binuksan nya ang phone nya.
Tatawag na sana sya nang nakita nya ang date sa phone nya.
Nanlumo sya nang ma-realize nya ang malaking pagkakasala nya.
Nakalimutan nya na birthday pala ng kanyang best friend na si Kieran.
Kaya pala ganon nalang ang inis ni Kieran sa kanya nang maalamang sa party ni Borj sya nagpunta at hindi sa mismong birthday ng best friend nya.
“Harper, san ka pala nakatira?” tanong ng driver.
“Uhmmm… S-S-Sige wait…” sinet ni Harper sa bahay ni Kieran ang waze.
Gusto nyang puntahan at magsorry sa kaibigan.
Pagbaba ni Harper sa sasakyan, patay na ang lahat ng ilaw sa bahay maliban sa kwarto ni Kieran.

Sumilip si Kieran sa bintana at nakita kaagad si Harper na kumaway sa kanya.
Tumawag si Harper sa phone ni Kieran pero mabilis rin naman nitong nireject ang call.
Walang ano-ano ay tinakpan agad ni Kieran ng kurtina ang bintana at tuluyan nang pinatay ang ilaw.
“Shit!!! Ang stupid mo talaga Harper kahit kailaaaan!!!!” inis na bulong ni Harper sa sarili bago ito naglakad pauwi sa kanila.
Habang naglalakad ay nakasalubong nya sa kanto si Badet na parang balisa.
“B-B-Badet???” pagtawag ni Harper.
“A-Anong nangyari???” tanong ni Harper dahil kanina pa palakad-lakad si Badet na tila malalim ang iniisip.
“My fader. He’s in dangers!” pagpanic ni Badet
“H-Huh? Anong nangyari????” pag-aalala ni Harper.
“Morning right? You know. He-He-He was arrestful because of fighting cocks. You know sabong sabong!” mangiyak-ngiyak na paliwanag ni Badet.
“Hala! Oh eh bat nandito ka???” tanong muli ni Harper kahit hilong-hilo na ito sa english ni Badet.
“Patring? You know Patring???!!” paguumpisa ni Badet na sinagot lang ng pagtango ni Harper kahit hindi naman talaga nya kilala ito.
“I giving her this. The costume.
Patring is my substitution.
But she’s invisible to me!“ maluha-luhang sagot ni Badet.

“I can’t mascot on Saturday! No mascot dancing, I’m dead. You know like my God! Super headache!” sabi nito sabay masahe sa sintido nya.
“Gurl same…” bulong ni Harper na ang sakit na rin ng ulo sa english ni Badet.
“Wachu say?” tanong ni Badet.
“Wala. So kailangan talagang may ganyan sa game?” litong tanong ni Harper.
“Of courze! It lucky charms the gamez.” giit ni Badet.
“Grabe naman.” tanging nasagot ni Harper.
Napatigil si Badet at napatingin sa hawak nitong costume, sabay balik ng tingin kay Harper.
“Hmmmm? I thinks I have an excellentful idea in my brain right now….” bulong ni Badet sa sarili.
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️
Author’s Note
Thank you for the reading this chapter! Don’t forget to vote, comment and share this story with your fellow readers.
Now that we have met all five guys and got a taste of their special skill, what do you think is in store for them? One thing’s for sure. It’s gonna be big.
Can’t wait? Here are the clues for the next chapter: 🏆💢⏳✨😵🏞️
Toodles!!! ✌🏻
🌏 7: A GLOWING ORB 🌏
“Excuse me!!! Wait!!!! Padaan!!!” pilit na lumulusot si Harper sa napakaraming taong mabagal na naglalakad papunta sa EVU Gymnasium.
May dala-dala syang napakalaking bag. At hindi tulad ng iba ay hindi ito dumerecho sa entrance ng gymnasium, kundi sa isang tagong lugar.
“I can’t believe I’m doing this!!!!” reklamo ni Harper habang nagmamadaling nagtanggal ng sapatos at binuksan agad ang dalang bag habang rinig na rinig naman nya ang tilian mula sa loob ng gymnasium.
“GOOD MORNING AND WELCOME TO THE FINAL GAME OF THE 34TH DISTRICT MEET!!!!” masiglang bati ng isa sa mga announcer na nagpadagungdong sa napakalaking crowd na pumuno sa EVU Gymnasium.
“We are here at the home of the Centaurs who are going head to head with their long time rivals, the Silver Hawks of North Field College. Are you guys ready for the game????!!!!” hiyaw ng isa pang announcer na sinagot naman ng nagpapalakasang hiyaw ng magkabilang sides.

“So what are we waiting for you! Time to introduce the first team!!!” pag-uumpisa ng isang announcer.
“EVERYBODY! GIVE IT UP FOR NORTH FIELD COLLEGE’S SILVER HAAAAWKS!!!” masiglang pagpapakilala ng partner nya na sinagot ng malakas na hiyawan ng crowd ng team nila.
Nangunguna sa team si Greg na abot tenga ang ngiti.
Hindi rin nagpahuli ang kanilang maliksing-maliksing mascot, ang Fearsome Hawk na nagpakitang gilas sa pagsasayaw! Masayang nagcheer sa kanya ang fans ng Silver Hawks.
“There you are!!!” reklamo ni Borj nang dumating na ang mascot ng mga team nila.
“Ba’t ang tagal mo Badet? Tumae ka pa no? HAHAHAHAHA!!!!” pagbibiro ni Troy na malokong pinalo ang pwetan ng mascot.
“OH TEKA LANG!!! RELAX LANG!!! Tangina….” takot na pag-iwas ni Troy nang bigla syang inambangan ng suntok ng mascot.
“Dati dati gustong gustong nya yan….” bulong ni Troy sa team mate nila.
“And of course, malilimutan ba natin ang last year’s district champion natin!” pag-uumpisa ng isang announcer.
“THE TEAM TO BEAT!!!! THE EVU BLUE CENTAAAAAAUUUURS!!!!” masiglang pagpapakilala ng kasamahan nito na sinuklian ng hiyawan ng fans kasabay ng malakas na pagtugtog ng drumline ng EVU.
Nanguna sa team ang kumakaway at sikat na sikat na si Borj na sinundan naman ng mascot nila na tila di alam kung saan pupunta.
Nagtaka ang mascot ng Blue Centaurs na naiwan ito sa gitna ng court habang lumakad naman sa kabilang dako ang mascot ng Silver Hawks na sumenyas ng masama sa katapat nyang mascot.

“Partner! Alam naman natin na tradisyon na to na everytime magkakaron ng match ang dalawang teams na to, hindi mawawala ang dance showdown ng Fearsome Hawk at Mighty Centaur diba!!!” masayang pag-announce ng isang announcer.
“So what are we waiting for???!!! Let’s see what these great dancers have in store for us this year!!!!!” sagot sa kanya ng partner nya nang tumugtog na ang music kasunod ng hiyawan ng fans.
Naunang humataw sa sayaw ang mascot ng Silver Hawks na walang tigil sa pag cartwheel at pagpapasiklab sa mga dance moves nito.
Nang mascot na ng Blue Centaurs ang sumayaw, biglang naglaho ang ngiti ng lahat dahil sa luma ng dance steps na pinapamalas nito.
“Badet!!! Ano ba!!! Lampasuhin mo yan!!!” utos ni Borj dahil nag-umpisa nang magtawanan ang kalabang team kasama ng mga fans nito.
Pero walang pinagbago at mas lalong naging mas naging nakakaasiwa ang dance steps nito kaya mas lumakas ang tawanan ng lahat.
Natapos ang music at nakayukong naglakad pabalik sa bleachers ng Blue Centaurs ang kanilang mascot.
“What the hell Badet? Ano yun? Dati dati nilalampaso mo lang yan ah??!!!” inis na sermon ni Borj na sinundan ng malakas na tunog ng buzzer na hudyat na umpisa na ng game.

Mainit agad ang laro sa pagitan ng dalawang team.
Kitang-kita ang agresibong pamamaraan ng paglalaro ni Greg na naging sanhi ng injury sa karamihan sa mga team mates ni Borj.
Unti-unti ay lumalaki na ang lamang ng Silver Hawks at hindi nakakatulong sa pagpapasigla ng crowd ang parang walang kamuwang na muwang na mascot nila.
Malapit nang mag halftime at napakatindi ng kompetisyon sa pagitan ni Borj at Greg.
Naghahabulan sila sa bola nang biglang dumaan sa gilid ng court si Kenji na nakayuko at may dalang sandamakmak na libro. Dahil sa mabilis na pagdaan ni Kenji ay nawala sa focus si Greg at mabilis na naagaw ni Borj ang bola at mabilis na nakashoot kaya nahabol ng Blue Centaurs ang lamang.
Sa gitna ng malakas na hiyawan ng fans ng Blue Centaurs ay nagpupuyos na sa galit si Greg at bigla nalang binato ng bola si Kenji na naging sanhi ng pagbagsak nito pati na rin ang mga dala nitong libro.
“HARANG-HARANG KA KASI!!!!!” galit na sigaw ni Greg kay Kenji na nagpatahimik sa buong crowd.
“WHAAAAT???!!!! ANO PAPALAG KAYOOOO????!!!!” sigaw ni Greg sa harap ng tahimik na crowd ng Blue Centaurs habang mabilis na nagpulot ng gamit si Kenji. Nilapitan sya agad ni Kieran at tinulungan ang kanyang kaibigan.

“That’s what I thought….” mayabang na sabi ni Greg nang biglang binato ito ng buong lakas ng higanteng ulo ng mascot.
“HOY!!!!! SIRAULONG TO!!!!!” malakas na sigaw mula sa kabilang dulo ng court.
“Ha-Harpeeeeer?????” nanlaki ang mata ni Kieran nang makita ang best friend sa loob ng higanteng mascot ng school nila.
“YOU FUCKING DID THAT???!!!!!” galit na pagyabag ng mga hakbang ni Greg papasugod kay Harper nang biglang may malaking aninong humarang sa daraanan ni Greg.
“May problema ba tayo dito???” maangas na tanong ni Gino na biglang lumabas mula sa kawalan.

“Oh so you think I’m getting scared???” nakangising sagot ni Greg bago itulak nang buong pwersa si Gino pero hindi man lang nya ito naitulak ng kahit kaunti.
“Go pick someone your own size…” tanging sagot ni Gino nang itulak si Greg na nagpaurong rito ng malala. Nagbulyawan ang mga tao sa inabot na pamamahiya ni Greg.
“Gino, umalis ka dyan bibigyan ko lang ng isang solid yang gagong yan!!!!” gigil na inaabot ni Harper si Greg pero hindi nito magawa dahil sa malaking harang ni Gino.
Hindi nagtagal at nagsilapitan na ang mga team mates ni Greg na sabay na tinapatan ng mga Blue Centaurs na pinamumunuan naman ni Borj.
“Sa dinami-dami talaga ng lugar na gagawa kayo ng gulo Greg, dito pa talaga ha…” natatawang sagot ni Borj.
“DAMI PANG SALITA EH!!! ANO???!!! C’MON LET’S SQUARE UP BORJA!!! KUNG MATAPANG KA!!!” hamon ni Greg pero hindi sya pinapatulan ni Borj.
“OOOOOOHHHHHH!!!!!” hiyaw nang lahat nang sinapak bigla ni Greg si Borj na nagpaumpisa ng matinding sapakan sa pagitan ng mga players.
Mabilis na nilayo ni Gino si Harper na gigil na gigil pa rin at nagpupumilit na sumama sa rambulan.
Pero hindi rin nakaligtas si Gino sa mga Silver Hawks kaya napasama na rin ito sa suntukan.
“Hoy! San ka pupunta!!!!” sigaw ng beking nasa loob ng Fearsome Hawk mascot na hinila si Harper pabalik.
“Ah gusto mo ah!!!!” sagot ni Harper kaya sila napasama na rin sila sa malawakang rambulan sa gitna ng court.
“Halika dito!!!” matapang na sinugod ni Harper ang kalaban.
“Gusto mo yan ha???!!! Gusto mo yan???!!!!” gigil na nginungudngod ni Harper ang mukha ng kalabang mascot sa mismong sahig ng court.
Mula sa labas ng gymnasium ay naglalakad si Nolan kasama ang mga alipores nya ng makarinig sila ng tila kaguluhan sa loob kaya tumakbo sila papunta rito. Nabitawan ni Nolan ang hawak-hawak nitong clipboard nang bumungad sa kanya ang malalang gulo.
“WHY IS NO ONE STOPPING THIS????!!!!” reklamo ni Nolan sa mga kasamahan kaya nauna na itong tumakbo sa gitna para isa-isang pigilan ang mga nag-aaway.
“Babaw ng mga to. Parang yan lang, nagsasapakan na kayo….” bulong ni Ram na tanging taong kalmado sa loob ng gymnasium. Inabot na nya ang soda na iniinom nya nang biglang may naitulak sa kanyang player ng Blue Centaur na naging sanhi ng pagkatapon nito sa sahig.

Nanlaki ang mata sa takot ng Silver Hawk na may sala nito nang inis na tumayo si Ram at tuluyan na ring sumama sa gulo.
“THIS IS ALL YOUR FAULT!!! I’M GONNA KILL YOU! YOU FUCKING NERD!!!” galit na pagsugod ni Greg patungo kay Kenji.
“Kenji! Run!” mabilis na sabi ni Kieran na humarang sa daraanan ni Greg.
“GET OUT OF MY WAY!!!” walang kahirap-hirap na tinulak ni Greg si Kieran.
At kahit takot na takot, inipon ni Kenji ang tapang para harapin si Greg.
“Kieran??? No!!! No!!!!” biglang lingon ni Harper nang makita mula sa malayo ang best friend nya na iniinda ang pagkakatulak sa kanya.
“STOOOOOOP!!!!” pinakamalakas na sigaw ni Harper nang biglang namatay ang lahat ng ilaw mula sa gymnasium. Napatigil ang lahat sa gulat at nabalot ng katahimikan ang buong lugar. Unti-unti, may naririnig silang papalakas ng papalakas na ingay nang biglang nabasagag ang malalaking bintana ng gymnasium at pumasok ang napakaraming ibon na nagpabulabog sa lahat.

Nang makita ni Harper na maski mga kaibigan nya ay sinugod na rin ng mga ibon, pumikit sya at huminga ng malalim at sabay-sabay nagsiliparan papalayo ang mga ibon.
Pagdating na pagdating naman ni Chancellor Velasco kasama ng mga guards ay nasalubong nila ang sandamakmak na ibon.
“WHAT! IS! THIS! MESS!!!!” sigaw nya habang nagtatanggal ng mga balahibo ng ibon sa damit nya. Natigilan ang lahat at namukod tangi ang anim na estudyanteng naiwang nakatayo sa gitna ng court. Sila Gino, Borj, Kenji, Ram, Nolan at Harper.
“ALL YOU SIX!! TO MY OFFICE!!!! NOOOOW!!!” malakas na sigaw sa kanila ni Chancellor Velasco.
“But I’m here trying to ––….” pagdepensa pa sana ni Nolan pero matalim na titig lang ang isinukli sa kanya ni Chancellor Velasco.
Tahimik na naglakad papalabas ng gymnasium ang anim habang ilang professors naman ang nagcontrol sa mga naiwang estudyante sa loob. Lutang na lutang sa anim si Harper na hindi pa rin natatanggal ang higanteng mascot costume na suot nito.
Habang naglalakad sila sa empty hallway papunta sa office ni Chancellor Velasco ay walang tigil ang sisihan ng anim sa isa’t-isa. Hindi pansin ang misteryosong lalaking sumusunod sa kanila mula sa malayo.

Ang sasama ng tinginan nila sa isa’t isa nang kanya kanya silang pwesto sa iba’t ibang parte ng office ni Chancellor.
“So…. Who wants to be the first to tell me what happened earlier???” matalim na titig ni Chancellor Velasco sa bawat isa sa mga pinatawag nya. Sabay-sabay at walang tigil na nagsalita ang lahat na mas ikinainis ni Chancellor Velasco.
“You know what. Just save your explanations when you’re parents get here later.” anunsyo ni Chancellor Velasco na ikina-panic ng lahat.
“I’ll go back to the gym to see what happened to our guests. No one leaves this room until I get back okay? Are we clear?!” huling sermon ni Chancellor Velasco bago nito iniwan ang anim sa loob.
“Sino ba kasing may kasalanan talaga?!” inis na pag-uumpisa ni Nolan.
“Oh ba’t kayo nakatingin sakin?!” reklamo ni Harper na hindi mapakali sa upuan nya.
Tumunog ang phone nya at sa nagulat sya nang makitang tumatawag si Kieran sa kanya. Hirap na hirap pa syang kunin ang phone dahil sa suot nitong mascot costume.
“Where are you? Are you okay?”
bungad na tanong ni Kieran nang masagot ni Harper ang call.
“Nandito ako sa office nila Chancellor. I’m okay. Ikaw ayos ka lang ba?”
sagot ni Harper.
“Yeah. I’ll wait for on the gate okay? Yung mga taga North Field pinauwi na ni Chancellor. Forfeited yung game.”
paliwanag ni Kieran.
“Ah ganon ba. Sige. Wait mo ko dyan. Kieran. Sorry nga pala about last ni—…”
naputol ang sasabihin pa sana ni Harper nang narinig nyang bumukas ang pinto.
Parang nakakita ng multo ang anim na estudyante sa kung sinong pumasok sa kwarto.
“I-I-Ikaw???” sabi ni Harper.
“Teka. Kilala nyo sya??” tanong ni Nolan.
“P-P-Pano ka nakapasok dito???” kabadong tanong ni Kenji.
“Ikay yung… Yung…” litong tanong ni Gino.
“Wait. You’re the guy last night!” sabi ni Borj.
“Harper, sya yung sinasabi ko sayong lalaki na nakita ko sa alley…” sumbong naman ni Ram.
Ngunit imbes na sagutin sila ng lalaki ay may nilapag lang itong orb sa ibabaw ng lamesa ni Chancellor Velasco. Pinihit nya ito at may biglang maliwanag na ilaw na lumabas mula sa loob.
Via temporis, iam clamo ad te via spatti
Te ubio, aperire…Aperi!
Via concurssus, tempos spatium admi ut imperio!“
“Teka teka!!! Anong sinasabi mo???!!!” pagpapanic ni Ram nang mas lumiwanag ang ilaw na nagmumula sa maliit na puwang mula sa gitna ng orb. Nagumpisa na rin itong lumutang na mas nagpakaba sa lahat.

Hindi nagtagal at biglang nayanig ang mga gamit sa loob na mas lalong nagpataas sa kaba ng anim.
Nanginig sila sa takot nang hinigop ng liwanag mula sa orb ang misteryosong lalaki. Walang kabakas-bakas ng takot mula sa mukha nito.
“M-M-MY HAAANDS!!!!!” sambit ni Kneji nang buong takot nyang nakikita kung paano unti-unting napupulbos ang mga daliri pababa sa kamay nya at nahihigop ito ng liwanag mula sa orb.
“WHAT IS HAPPENING???!!!!” takot na sigaw ni Nolan na unti-unti na ring nahihigop ng orb.
Malakas na sigawan mula sa natira ang bumalot sa buong silid. Mabilis na tumakbo papalabas ng pinto ang lahat.
“TULOOOOONG!!!!!” sigaw nila Ram na biglang napahinto sa pagtakbo palayo nang naramdaman nilang napupulbos na rin at unti-unting nahihiop ng orb ang mga binti nila.
“OH MY GOD!!!! OH MY GOD!!!!” mabilis na nabuksan ni Harper ang pintuan sa kabilang dulo ng kwarto. Napalingon sya sa magkabilang dulo ng halllway pero ni isang tao ay wala syang makita. Napatakbo sya sa kahabaan ng hallway.
Nakakailang minuto na rin ng pagtakbo si Harper pero wala syang makasalubong ni isang tao sa university.
Hindi pa sya nakakalayo nang may malakas na pwersang tila humihigop sa kanya. Mangiyak-ngiyak syang lumingon sa likod nya at nakita na lumulutang na ang orb ng kusa at papalapit sa kanya.
Nakita nya mula sa malayo si Kieran na walang kamalay-malay na naglalakad mula sa malayo na tila papunta na sa building nila.
“TULONG!!!! KIERAAAAAA—–” huling sigaw ni Harper nang tuluyan na rin syang nahigop ng liwanag.
…….
…….
…….
…….
……..
…….
Pilit dinilat ni Harper ang mata nya.
Napapailing sya sa nararamdaman ng katawan nya at ang nakakabinging tunog na dulot ng malakas na hangin.
Nagising ang buong diwa nya nang mapansin nyang nakabaliktad sya.
At nahuhulog mula sa kalangitan.
Umalingawngaw ang sigaw nya sa himpapawid.
Napatingin sya sa baba at nakita ang malawak na kagubatan.
Palakas ng palakas ang pagsigaw nya habang papalapit na sya kalupaan.
Pumikit sya ng maigi at inihanda ang sarili sa kanyang pagbagsak na tiyak na kikitil sa buhay nya.
Buong bilis syang bumagsak sa mga puno na ikinasira ng ilan sa mga matitibay nitong mga sanga. Pero kataka-taka na walang nararamdamang sakit si Harper kahit ilang beses syang tumama sa mga higanteng sanga ng mga punong pinagbagsakan nya. Kasabay nito ang paglabas ng mga nagliparang mga maliliit na nilalang na nabulabog sa di inaasahang pagbagsak ni Harper.
Dahan-dahan nyang idinilat ang mga mata nya.
“Asan ako???!!!”
“Anong lugar to????!!!”
“Kieran???!!!”
“Tulungan nyo ko!!!”
Mahihinang sambit ni Harper na nililibot ang paningin nya sa malawak na kagubatan.
Kung gaano kataimtim ang kagubatan, ganon naman kagulo ang takbo ng isip nya.
Magulo pa ang isip nya nang pinalibutan sya ng mga lumilipad na nilalalang na may taglay na matitingkad na ilaw. Napansin din nya na nagkanda sira-sira na ang costume na suot nya.
Hinawi-hawi ni Harper ang mga ilaw na lumalapit sa kanya pero natigilan sya nang may biglang umusbong na kahindik-hindik na halimaw mula sa malayo. Matalim ang titig nito kay Harper habang nilalabas nito ang mahaba nitong dila.
Sigurado syang hindi pa nya nakikita sa tana ng buhay nya ang nilalang na ito.

Hindi magawang maigalaw ni Harper ang katawan nya dahil sa matinding hakot.
Tanging maliliit na pagurong lang mula sa lupang kinauupuan nya ang kaya nyang magawa.
Walang ano-ano ay biglang sumigaw ang halimaw bago nito sinugod si Harper.
“NO! NO! NOOOOOO!!!!!” mabilis na napatayo si Harper at napatakbo.
Buong sikap na tumakbo si Harper papatakas sa halimaw.
Hindi nagtagal at nawala na sa landas nya ang halimaw.
Pero hindi pa rin sya tumitigil sa pagtakbo lalo na nang mapansin nya ang kakaibang bilis nya ngayon sa pagtakbo.
“A-Anong nangyayari???” bulong nya sa sarili nang tuluyan na nyang maramdaman na mas magaan ngayon ang pakiramdam nya at walang syang bakas ng pagod kahit kanina pa sya tumatakbo.
Bumalik sya ng tingin sa tinatakbuhan nya at nagulat nangtila biglang tumulis ang paningin nya at nakita mula sa napakalayong distansya ang isang binatang may hila-hilang kariton.
Agad syang tumakbo ng buong tulin at nang napahinto ito, napaupo ang binata sa shockwave na nabuo mula sa bilis ni Harper.
“SIR!!! HELP ME!!!! I GOT LOST!!!!” pagmamakaawa ni Harper sa lalaking nasa lapag at gulat na gulat pa.
Pero imbis na sagutin sya ng binata ay tiningnan lang sya nito mula ulo hanggang paa. Hindi sya makapaniwala sa nasa harap nya at kung paano nya nagawa ang ginawa nito kanina.
Malayong malayo ang suot ni Harper kumpara sa payak na suot ng binata.
“KUYA ANO BA! I’M LOST!!! I DON’T KNOW WHAT HAPPENED! LAST THING I CAN REMEMBER, THERE’S THIS ORB THAT CAME OUT OF NOWHERE. TAPOS THE NEXT THING I KNEW, I WAS LIKE FREEEE FALLING FROM THE FREAKING SKY!!!! YES!!!! THAT SKY!!! RIGHT ABOVE US!!!! “ dere-derechong sumbong ni Harper.
“L-L-Lost? Hindi kita maintindihan…” sagot ng binata.
“At? Ano yang suot mo? Galing ka ba ng Edonia? Azmar?” tanong ng binata.
“Huh???!! Edonia? Azmar? Anong sinasabi mo kuya???…” litong tanong ni Harper nang biglang may kumaluskos sa malayo.
Natanaw ni Harper ang paparating na halimaw na natunton sya.
“OH MY GOD! WE NEED TO GET OUT OF HERE!!!!” pagpapanic ni Harper pero walang takot na sinilip ng binata ang paparating na halimaw.
“KUYA DALIIII!!! IT’S COMING!!!!!!” sigaw ni Harper sa binata pero hindi sya pinakinggan nito.
“OH MY GOOOOOD!!!!” sigaw ni Harper nang papalapit na ng papalapit ang halimaw.
……
……
……
……
“Gusto mo ng kalaro?” narinig ni Harper ang boses ng binata.
Unti-unti nyang idinilat ang kanyang mata at nakitang walang katakot-takot na inaamo ng binata ang malaking halimaw.
Napaupo sya sa kinatatayuan nya dahil sa pagkagimbal.
“Ah. Alam ko na! Kaya ka nya hinahabol dahil kawangis ng baluti mo ang paborito nilang laruan. Hahahaha!!!” natatawang sabi ng binata.
“Anong klaseng nilalang yan???” takot na tanong ni Harper.
“Huh? Ito? Isa tong Zarobil… Teka? Hindi mo alam to??” tanong ng binata kay Harper.
“Kuya I swear to God, kahit anong zoology book ang buklatin natin, wala tayong makikitang ganyang creature!!” pagpapatuloy ni Harper nang bigla syang lapitan ng nilalang at inumpisahang dilaan ang suot-suot nyang costume.
Natarantang hinubad ni Harper ang gutay-gutay nang mascot costume na suot nya. Tuloy naman sa paglalaro nito ang nasabing halimaw.
“Wag kang mag-alala. Mababait ang mga Zarobil… Mukhang ngang gustong-gusto ka nya eh…” sambit ng binata habang nagtago si Harper sa likod nya.
“Ako nga pala si Eyo…. “ ngiting pagbati ng binata nang humarap ito sa takot pa ring si Harper.
“H-Harper….” alanganing pagpapakilala ni Harper.
🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️

Donny Pangilinan is Eyo
🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️
“Teka nga lang. Nasan na ba kasi talaga ako???” tanong ni Harper.
“Paanong hindi
mo
alam???“ litong tanong ni Eyo.
“Hindi ka ba nakinig sa lahat ng sinabi ko kanina?!” inis na sagot ni Harper.
“Galing ako dun oh!” pagturo ng takot paring si Harper dahil nasa malapit lang din ang Zarobil sa kanya.
“Sa kalangitan? Paanong nangyari yun?? At bakit nabubuhay ka pa rin kung bumagsak ka mula sa kalangitan??” litong tanong ni Eyo nang bigla itong sumilip sa likod ni Harper at inabot ang mga braso nito.
“Wala ka namang pakpak… Wala ka rin namang galos…” komento ni Eyo.
“I’m as clueless as you are kuya, promise. So ano nga? Nasan tayo ngayon?” sobrang frustrated na ni Harper.
“Parador…..” tanging sagot ni Eyo.
“P-Parador? Saan yun? Malapit ba to sa Manila?!” nababahalang tanong ni Harper.
Bigla syang inakbayan ni Eyo at naglakad pa ng kaunti hanggang marating nila ang dulo ng mataas na bangin.
“Parador….” madiing sagot ni Eyo nang tumambad na ang malawak na kagubatan, mga lumulutang na lupain at iba’t-ibang mahiwagang nilalang. Isa rito ang ang dumapo sa dulo ng ilong ni Harper at kumaway rito na naging dahilan ng di inaasahang pagkahimatay ni Harper.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️
Author’s Note
Thank you for reading the chapter! Now that we entered a new world, what kind of challenges will Harper face? It’s gonna be a wild ride from now on!
Don’t forget to vote, comment on your favorite parts as well as share this story with your fellow readers.
If may nakita kayong typographical/grammatical error, please go easy on me. Hindi ko kasi talaga hobby mag proof read. Siguro gagawin ko lang yan pag binabayaran na ako dito. Joke!
Here are the clues for the next chapter: 🏡🧚🏻♀️🙎🏻♀️🌳✨🙌🏻👑
Toodles!!! ✌🏻

