loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Ethereal Beauty

Ethereal Beauty

Esmeray Auster · 8 chapters · 15,475 words

Note

Disclaimer

: This story is a work of fiction. All names, chararcters, locations, and incidents are products of the author’s imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events in entirely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted in any plot forms or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the writer.

And it also contains strong language, sexual scenes and references from the outset and throughout. This story isn’t for homophobic persons. If you read grammatical and missed spelled words, beart it please I’m not really good writter but trying my best to be good.

Read at your own risk

PLAGIARISM IS A CRIME

Simula

“Junie! Pre! Asan kana?” Malakas ang boses ni Ethan ng sagutin ko ang kaniyang tawag. Bahagya ko pang nilayo ang aking cellphone sa aking tainga. “Championship ngayon, Pre! Ano ka ba naman?”

Pumupungas-pungas pa ang aking mata ng tignan ang oras ng aking cellphone. Anong oras ba ako nakauwi? Halos hindi ko na namalayan dahil sa matinding panunuyo ang ginawa ko sa aking current girlfriend ngayon na si Sophia.

“Tang ina! Ilang minuto na lang magsisimula na ang championship.” Dinig kong sabi pa ng katabi siguro ni Ethan ngayon sa kabilang linya.

“Nasan na ba si Junie, Pre?”

Halos mapabalikwas ako ng bangon ng makita ang oras. Tama nga at kalahating oras na lang magsisimula na ang championship game namin ngayon.

“Maliligo lang ako sandali.” Nagmamadali kong kilos ngayon.

“Santos! Asan na?” Dinig ko ang boses ni Coach na nagagalit sa kabilang linya.

“Opo ito, Coach. Kausap ko na po—Pre! Dalian mo!” Mahina na lang ang boses ni Ethan ng magsalita siya sa cellphone niya.

“Tang ina! Ito na.” Mas mabilis ko pang kilos.

Hindi ko alam kung napatay ko pa ang tawag dahil sa pagmamadali kong kilos. Mabilis akong pumasok ng banyo para maglinis ng katawan. Nagsabon na lang ako at sinabay ang pagshashampoo sa aking buhok. Bawat galaw ko ay nagiging doble dahil sa matinding pagmamadali.

Wala pang sampong minuto noong lumabas ako ng banyo at salubungin ako ni Sophia. Halatang antok pa ito dahil sa bagsak pa ang kaniyang balikat. Pero nang makita ako ay mabilis siyang umayos ng tayo at matamis na ngumiti sa’kin.

Halos hindi ko na siya na pansin kanina sa sobrang pagmamadali. Nakalimutan ko na matapos ko pala itong suyuin at paamuhin muli sa’kin ay dinala ko siya dito sa aking condo. Pahirapan pa ako suyuin ito dahil sa matinding pagtatampo niya sa’kin kagabi.

“Goodmorning, Babe”  she greeted me and raised both of her hands para yakapin ako.

“Morning, Babe.” Nagmamadali ko ring bati sakaniya.  “I’m sorry, Sophia. Nagmamadali ako. You know it’s the championship today” sabay halik sa kaniyang nuo.

Nag-pout ito ng kaniyang labi habang nakatingin sa’kin ngayon na nagsasapatos matapos kong suotin ang aking jersey short at white t-shirt muna sa aking pang itaas.

“Ako nga ’yung napagod kagabi, pero ikaw itong tinanghali ng gising.” She said playfully.

Kinuha ko ang isang kapares ng aking sapatos malapit sa kaniyang gilid. Pero bago iyon ay hinalikan ko muna ang kaniyang labi at saka umupo muli.

“You know nagluto ako ng maaga kahit masakit pa ang aking katawan para may laman ang tiyan mo sa paglalaro ngayon.” Malungkot niyang sinabi dahil mukang alam niyang hindi rin ako makakain dahil sa kailangan ko na umalis.

“I’ll eat everything you cook next time, I promise.” Umayos ako ng tayo para halikan muli siya sa kaniyang labi.

Ngumiti ito ng matamis muli at saka ngumuso senyales para sa isa pang halik. Humalik muli ako sakanya bago nagmamadaling kinuha ang aking mga gamit.

“Susunod ako sayo sa game later. Mag aayos lang ako, babe. You know my family is also there for my kuya.”

Kateam ko kasi ang kuya niya sa basketball at manonood ang kaniyang pamilya para dito. We already talk about this last night. Ayaw niyang sabay kaming pupunta doon or makikita kami ng kahit sino sa pamilya niya na magkasama dahil sa malalagot siya sa mga ito.

Istrikto ang family niya pagdating sa pakikipagrelasyon. Ayoko rin masira ang pagkakaibigan namin ng kuya niya na si Jason ng dahil lang sa malalaman nito na ginawa kong Girlfriend ang kaniyang kapatid.

“Pre!”

“Junie.”

Ang mga kateammates ko ng makarating ako ng pagdadausan ng championship game namin. Agad akong sinalubong ng iba ang iba naman ay nagpatuloy sakanilang ginagawang stretching.

Nilapag ko ang aking mga gamit para makapag simula na rin. Isang sermon na mainit-init pa muna ang natanggap ko kay coach bago tuluyang nakapag simula. Pero sanay na rin naman na ako dito dahil sa madalas naman talaga akong mapagalitan.

Naalala ko pa noong nasuspend niya ako sa paglalaro ng basketball dahil sa ganito ko ngang gawain. Hindi ko alam kung nasanay na lang din siya, pero madalas niya akong parusahan kapag nasa training kami.

“Marasigan, dito tumira—basket”

Halos dikit lang ang laban ng magsimula ang game. Hindi nagkakalayo ang puntos namin. Lamang ng limang puntos ang kalaban. Pero dalawa na lang ngayon ng pumasok ang tatlong puntos sa aking pagtira.

Matinding hiyawan ang nangyari.  Kunyari kong binaril ang captain ng kalaban dahilan para mas lalong manggigil ito sa aming team.  Naging dahilan din iyon para mapansin ko ang physical na pakikipaglaro na ng mga kalaban.

Naging masyadong mainit ang laban. Limang minuto na lang ang natitira bago tanghalin ang aming team na champion nang sakto naman na grumaduate na ang captain ng aming kalaban sa pagiging foul sa laro.

Nagtawanan pa kami habang napapailing na lang ang team ng aming kalaban.

“Tang ina.” Mura pa nito bago lumabas. Parang gustong gusto pa nito manakit dahil sa matinding inis na nararamdaman.

“Bawi next time.” Pang aasar ni Jason na kapatid ni Sophia.

Tumingin ako sa pwesto nila Sophia at saktong nakita ang nursing nitong kaibigan si Kath. Ngumiti ako dito at kumindat. Kita ko ang pamumula ng muka ni Sophia na nagpailing sa’kin. Para kay Kath iyon.

Ngumiti ako at kumaway sa mga nonood nang tanghalin kaming champion.

“Ang galing mo, Junie.” Bati ng isang babae sa’kin.

Proud akong ngumiti sa kaniya at kumindat. Agad naman akong inasar ng mga kaibigan ko ng tumili ang babae na bumati sa’kin.

“Coach, pano ba iyan? Champion?” Bati ng captain namin kay Coach.

“Sabi ko naman sainyo, kaya ito team.” Sabi pa nito bago lumabas Coach at kinuha ang trophy. “Magaling pinakita niyo—lalo kana Junie” sabay baling pa sa’kin ni coach

“Tignan mo kanina. Sinisisi ka pa niyan noong wala ka dito kanina na baka raw matalo tayo dahil sa mga pinaggagawa mo.” Bulong ni Ethan sa’kin.

“Ikaw nga ang pinaka may malaking puntos.” Bulong pa ni Matt.

Umiling ako sa mga ito habang natatawa. Hindi rin na bilang ang mga taong nagpapicture sa’kin. Ang daming nalapit sa’kin kaya nahirapan na rin ako, unti unti ko rin naramdaman ang matinding pagod.

Sophia:

Congratulations, babe. Ang galing galing mo kanina. What gift do you want?

Basa ko sa mensahe na natanggap ko kay Sophia. Mabilis akong nagtipa ng mensahe sakaniya.

Ako:

Ikaw.

Mabilis kong hinanap ng ang direksyon niya kanina. Inaalog niya na ngayon si Kath habang nakatingin sa cellphone niya. Si kath naman ay nakatingin sa direksyon ko. I winked at her.

Ngumiti siya at tumingin kay Sophia. Napailing ako. I know I can easily get this girl also.

Pinaalam ko kay Sophia na pagkatapos ng party ngayong gabi saka na lang kami magkita sa condo ko. Kaya after ng short party namin mula sa pagkakapanalo agad akong umuwi.

Pero na surpresa ako ng makita ko si Kath sa tapat ng labas ng condo ko. Agad nitong pinaalam na maraming message na iniwan si Sophia sa’kin. Hindi ito makakapunta dahil sa ayaw siyang paalisin ng magulang niya para i-celebrate ang pagkakapanalo ni Jason.

“Pero bakit pumunta ka pa rito?” I asked her.

“Uhm— I personally came here—para i-congrats ka.” Napansin ko na medyo kunakapa siya sa words na gusto niya sabihin. “Ang galing mo kanina.” She added.

“Thank you.”

Medyo nagtagal pa kaming nakatayo sa labas bago ko siya niyaya sa loob. Hindi ko matatanggap ang regalo ko kay Sophia pero nan dito naman ang best friend niya. Champion nga talaga.

Nagsimula muna kaming magkwentuhan sandali. Napansin ko ang pagiging malandi ng kaniyang personality. Kung saan saan kagad dumadapo ang kaniyang kamay habang umiinom ng alak.

“You know parang medyo mainit… ’no?”

Napailing ako sa sinabi niya habang pilit niyang idinidikit sa aking katawan ang kaniyang malalaking dibdib. I bit my lower lip habang mariin na nakatitig sakanya.

“Do you want me to take your clothes off?”

Tumango siya. A devilish smile curved on my lips and the next thing is we are both naked. As in walang saplot ang natira saaming dalawa.

“Your thing is so big—ah” ungol niya sa dulo.

Sinubukan niya akong halikan.  Hindi ko alam kung gaano kami nagtagal, hanggang siya na lang mismo rin ang mapagod. Dinig ko ang mabilis na paghabol niya sa kaniyang hininga habang nakatingin ngayon sa’kin. Pawis na pawis kami parehas.

“After class, saan niyo gusto kumain?”

Dinig kong tanong ng isa kong kaibigan. Hindi ako sumagot hinayaan ko lang sila magdisisyon dahil sa antok pa rin ako ngayon. Anong oras na ako nakatulog dahil sa kinailangan ko pa ihatid si Kath sakanila.

“Pagod na pagod ka, Junie? Maaga naman na tapos ang party kagabi? May chix kaba kagabi?” Pang aasar ng isa kong kaibigan.

“Anong pangalan, pre?” Tanong ni Ethan.

Hindi ako sumagot. Mas pinili ko pang itulog muna ang natitira kong pahinga.

“May bagong bukas na coffee shop dito.” Si Matt habang naglalakad sa bagong bukas na coffee shop na tinutukoy niya. “I’ve been here twice already, masarap ang iba nilang menu dito.”

“Bakit kasi dito tayo. Pwede naman sa bar?” Reklamo ng isa naming kasama.

“Shut up, I need real food puro.”  Si Ethan.

Pagpasok palang namin rinig na namin kagad ang bulungan at pagsulyap ng ibang tao sa loob samin.  Ngumiti ako sa mga nakakasalubong namin bago na upo.

“Ako na ang oorder.” Prisinta ni Jason. Alam niya rin naman kung ano ang order namin.

May madalas kasi kami dati pagtambayan na coffee shop dati, lalo na noong mga senior high school palang kami.

“Ang gwapo talaga niya.”

Dinig kong bulong ng sumunod na table samin. Lumingon ako sa kasunod na table kung saan ko na rinig ang boses na iyon saka ngumiti sakanila.

“Hi, girls.” Nakangiti ko pang bati sakanila.

Nawala ang kanilang kinikilig na itsura. I noticed the two girls furrrow their brows before rolling their eyes at me. Muling kinilig ang mga ito ng tumingin sa bandang harap nitong coffee shop.

Tumingin din ako doon at nakita si Jason at kausap nitong lalaki. Sandali rin akong natigilan sa muka ng lalaki, tinitigan ko pa ito para kumpirmahin kung lalaki nga.

He had soft features that could easily make anyone mistake him for a girl at first glance. He had reddish lips that looked like a strawberry. His skin was smooth and fair, almost as pale as milk.

Tumingin ito sa direksyon namin noong ituro ni Jason. Sandaling nagkasalubong ang aming tingin.

“Ichan?” Bulong ko.

“Pre?” Singit ni Ethan. Habang nakatingin na sa’kin ngayon.

Hindi na wala ang tingin ko sa taong tinitignan ko ngayon.

“Ang gwapo talaga.” Muli kong na dinig na boses  ng dalawang babae sa sumunod na table samin.

Nang maupo si Jason sa table namin hindi mawala ang ngiti nito nang magsimula siyang makipag kwentuhan sa mga kasama namin.

Panay ang sulyap ko sa counter. Hindi ako pwede magkamali. Si Ichan ang lalaking kumuha ng order namin. Malaki man ang pinagbago ng kaniyang itsura patuloy pa rin tumatatak sa’kin ang features na kabisado ko mula sa kaniya mula noong bata kami.

Dumating ang aming order at siya mismo ang naghatid samin. Pero may kasunod itong isa pang lalaki na katulong niya sa iba pa naming order.

“Thanks, Ichan.” Sabi ni Jason.

Natuon ang atensyon ko sakaniya lalo at kay Jason. Alam ni Jason ang pangalan nito.

“Kilala mo, Jason, Pre?” Tanong ng kasama namin.

Umiling siya. “Ngayon lang habang um-order ako kanina. Nasa name plate niya rin.” Nakangiting sabi ni Jason.

“ Walang iwanan? “ Maligayang boses pang tanong ni Ichan sa aking harapan. Napailing ako ng maalala ko ang imahe niya sa aking utak.

“ Pangako, Ichan .“ Sagot naman ng batang ako sakaniya.

We made a pinky promise before.

KABANATA 1

“Ayos ka lang, pre?”

Napabaling ako kay Ethan ng bigla nitong tapikin ang balikat ko mula sa pagkakatulala.

“Malalim iniisip mo?” Tanong niya pa ulit.

Umiling ako sakaniya. Hindi lang mawala sa isip ko si Ichan lalo pa at ngayon ko lang ulit ito nakita. He looks so different now. And besides, we were still too young when we made that promise. Wala nga man lang siyang reaksyon ng makita ako, hindi ko alam kung naaalala niya pa ako.

“I have a feeling that she really has a boyfriend.”

Lumagok ako sa iniinom ko ngayon na alak, habang nakatingin at nakikinig ngayon sa kaibigan na si Jason. Ako si Ethan at si Jason lang ngayon ang magkakasama. Dahil sa nag-aya bigla uminom si Jason.

“Bro, natural lang na magkakaboyfriend ang kapatid mo. Don’t be too protective of your sister. That’s pretty normal for someone her age.”

“I know, pero hindi ba pwedeng ipakilala niya muna samin ito? Para makilatis namin kung matino bang tao ang boyfriend niya ngayon?” Reklamo pa ni Jason sa kapatid “baka mamaya saktan lang sya nito.”

I let out a small cough.

“Ayaw mo gawin ng ibang lalaki ang ginagawa mo sa ibang mga babae mo Jason, masyado ka lang nag oover think dahil gawain mo rin.” Sigurado Ethan habang natatawa.

Sinuntok ito ni Jason sa balikat dahilan para mas matawa si Ethan. Alam kong magagalit ng husto si Jason kapag nalaman niyang ako rin ang tinutukoy niyang boyfriend ng kapatid niya. Sigurado akong masisira ang pagkakaibigan namin kapag nalaman niya ang totoo.

Sophia:

Kasama mo si Kuya, ngayon?

Basa ko ngayon sa message ni Sophia. Mabilis akong nagreply sakaniya.

Sophia:

Okay, Don’t drink too much, please… I worry about you.

Nawala ang atensyon ko sa cellphone ko.

“Sino na naman iyang kausap mo Junie? Hindi mo pa rin pinapakilala samin iyang bago mo?” Pang aasar ni Jason bigla sa’kin.

Umiling ako sa kaniya saka bahagyang natawa at uminom.  Magugulat ka kapag nalaman mo.

“Kausap ko si Kuya. Maaga ako pinapauwi dahil may family dinner kami ngayon.”

Palusot ko lang din sakaniya. Totoo rin naman na may family dinner din kami ngayon. Kaya maaga kaming naghiwahiwalay at umuwi. Hindi ko lang alam kung saan pupunta si Jason dahil may dadaanan pa raw ito na kainan.

“How are your studies going, Junie?” Mom asked. “I hope na hindi mo na papabayaan ang pag aaral ko.”

“Hindi, mom. Napagsasabay ko pa rin ang pagaaral and sports.”

Tumango siya at kinamusta rin ang iba kong kapatid lalo na si Kuya at ang pamilya nito ngayon. Kasama ni Kuya ang asawa niya ngayon na si Ate Mae. Buntis ito sa unang anak nila ngayon ni Kuya.

Pinag uusapan nila ang tungkol sa paparating na kasal at kung anong plano nila ngayon. Kinamusta rin ni Mom ang isa ko pang nakakatanda kong kapatid na kagagaling lang sa pakikipag hiwalay.

“Mom, it’s normal. We just don’t understand each other sometimes, and I don’t think we’re really compatible.” Kuya Henry said.

“You know, son. I like her. She’s very smart and kind.”

“Yeah, I know, Mom” pagsang ayon din naman ni Kuya Henry. Pero tingin ko hindi na rin talaga sila magkakabalikan ng Girlfriend niya dahil madalas talaga silang on off nito.

Sandali pang nagtanong si Mommy kay Dad. Hindi ko rin masyadong naintindihan ang pinag uusapan nila dahil nakafocus ang atensyon ko sa pagkain.

“Mom, by the way… I saw Ichan earlier. Kasama ang lola niya.” Kuya James, my older brother.

Napunta ang atensyon ko sakanila.

“Really? Wala na akong balita sakanila after nilang umalis mag lola.”

“Yuh. I saw him. Sa isang pharmacy kami nagkita, bibili kasi ako kanina ng vitamins. Eh, sakto nakita ko naman syang namimili rin.”

“Does he still remember you?” Mom asked.

““He still remembers me. He even called me Kuya James’ earlier, kinamusta niya rin ako.”

“Really? Kailangan ko siya makita. Namiss ko tuloy bigla ang Mama niya.”

So that means he remembers me too? Then why didn’t he even react when he saw me?

“Naalala ko pa, palaging magkasama si Junie at si Ichan nong mga bata pa sila. Hindi sila mapaghiwalay non… Palagi ka pang nakasunod sa kanya Junie kung saan man siya pumunta. Para kang tuta niya kung bumuntot sa kanya.” Si Dad.

Nagsalubong konti ang kilay ko.

Matalik na magkaibigan si Mommy at ang magulang ni Ichan, ayon sa kwento ni Mommy dati samin ni Ichan. Madalas kami pumupunta sa bahay nila dahil madalas kamustahin ni Mommy si Ichan.

I think kung hindi lang maaga nawala ang magulang ni Ichan… Magkaibigan pa rin siguro kami. Siya ata ang pinaka close ko ngayon at hindi siguro ako nagtitiis sa gunggong na si Ethan ngayon.

“Yes, Mom. Kailangan mo talaga siya makita. Kahit ang asawa ko ngayon gusto siya paglihian.” Pang aasar pa ni Kuya sa asawa niya na si Ate Mae.

Hindi ko man lang maisingit na nakita ko rin ang tinutukoy nilang tao. Wala rin naman akong makita na dahilan para ikwento sakanila iyon.

Wala nga siyang reaksyon ng makita ako.

“Why not? Nakita ko siya kanina parang hindi siya totoo. He’s perfect.” Papuri ni Ate kay Ichan.

Nagsalubong ng bahagya ang kilay ko don.

“Bakit ako? Akala ko ba, Ate mae. Gusto mo mag magmana sa kagwapuhan ko ang anak mo?”

“Tumigil ka, Junie. Mamaya makuha pa ng anak namin ang pagiging babaero mo.” Singit ni Kuya. Natawa sila.

“Proof iyon na gwapo talaga ako.” Depensa ko sa sarili.

“Okay na nakamuka mo lang, Junie.” Pagbibiro ni Ate Mae.

“Ayaw namin maging babaero rin ang anak namin paglabas. Kung lalake paglabas.” Sabi pa ni Kuya James.

“But you know, Junie. May balik iyang ginagawa mo sa mga babae mo.” Singit bigla ni Kuya Henry. “Dadating din karma mo. Ang dami mong babae na niloloko.”

Sumimangot ako sa sinabi nito. Para kasing sinusumpa ako nito. Hindi rin naman ako naniniwala sa ganon. Dahil kung totoo iyon dapat dati pa since matagal ko na rin itong ginagawa.

Hindi ko pa nakikita rin ang sarili ko na nagseseryoso sa pagibig since wala pa akong nakikita na para talaga sa’kin. Kusa ko naman siguro mararamdaman iyon kapag sigurado na ako sa tao na iyon.

Pero sa ngayon wala pa naman talaga.

“Nakita niyo ’yung pogi na nag eenroll?” Dinig kong bulungan ng tatlong babae sa gilid ko habang naglalakad papasok ng room namin.

“Nakita ko rin, gagi! Ang gwapo niya.” Papuri pa noong isang babae.

Tumingin ako sa mga ito at ngumiti. I know they weren’t talking about me. Pero nasanay ako na ako ang cino-compliment ng ganyan kapag nakikita nila ako.

Pero natigilan ako ng lampasan lang ako ng mga ito at magpatuloy sa pinag uusapan nila. I clenched my jaw, trying to hide the irritation creeping through me.

Sophia:

Goodmoring, babe. Are you okay?

Tumingin kagad ako sapaligid at hinanap ng paningin ko si Sophia. Nakita ko ito sa building ng nursing kasama ulit si Kath at dalawa pa nitong kaklase.  This time kausap ni Kath ang dalawa pa nilang kasama. Naghahagikgik-an ang mga ito.

Ako:

I’m okay now. Seeing you was enough to make everything better.

Nakita ko kung pano siya ngumiti sa direksyon ko.

Akala ko magiging ayos na ang araw ko. Pero patuloy ko pa rin naririnig ang kwentuhan ng ibang tao sa paligid ko tungkol sa taong nakita nila na nag enroll dito sa university namin.

“First year siya ngayong darating na pasukan. Sabi ni  Collet, kapit bahay daw nila ngayon… bagong lipat sakanila.”

Hanggang dito sa cafeteria.

“Ayos ka lang, Pre?” Tapik ni Ethan sa’kin.

“Do I even look okay to you?”  Balik ko sakaniya.

“Kanina ka pa nakabusangot.” Si Matt.

Hindi ko naman masabi sakanila na naiinis ako sa mga naririnig ko sa mga tao ngayon na pinag uusapan nila.  Baka isipin nila na naiinis ako dahil halos wala na sa’kin ang atensyon ng mga tao ngayon.

“Hi, Junie.” Napunta ang atensyon ko sa dumaang babae sa gilid ng table namin.

I gave her a sweet smile. Mas lalo itong kinilig.

“Kanina nakabusangot ka, pre. May bumati lang sayo ngayon biglang ngumingiti ka?”

Wala, eh. May nakapansin ulit ng kagwapuhan ko.  Hindi ko sinabi sakanya iyon at uminom lang ng tubig na nasa harapan ko.

“Ayan iyung tinukoy ko, te!” Biglang parang bulating inasinan bigla yung katabing table namin.

Tumingin ang mga kasama ko rin sa direksyon na tinutukoy ng mga ito. I stopped for a second when I realized they were talking about Ichan. Si Ichan lang naman ang kakapasok lang ngayon dito sa cafeteria.

Nakasuot ito ng reading glass ngayon habang may hawak na envelope na tingin ko naglalaman ng documents. May nasakbit din sa kanya na bag. Nakatingin ito sa menu dito sa cafeteria habang hindi niya alintana ang mga taong nakatingin sa kanya.

Kung tignan ito ng ibang tao para itong isang painting sa isang museum. All I could hear was them gushing over him.

Hindi ko alam kung napapansin ni Ichan ang mga papuri sa kaniya o talagang feeling lang din ang isang ito at kunyari walang pakialam. Papansin!

Saktong tumabi si Kath sa kanya at Sophia na tumitingin din ng menu dito sa cafeteria.  The two of them looked at him. Ngumiti ito at sumenyas na mauna na silang dalawa sa pila. Kita ko pa kung pano hinampas ni Kath si Sophia sa balikat habang kinikilig.

What? Really, Kath? As far as I remember, she even went to my condo so I could fuck her, tapos ngayon kinikilig siya sa ibang lalaki?

Talagang isipin mo rin talaga ang bagay na iyan Junie? Ngayong magkasama si Sophia at Kath. Napapikit ako sandali sa naisip.

“Ano kayang pangalan niya?” Dinig ko muling usapan doon sa kabila pang table.

“Ang dami kagad chix ng lalaking iyan, ah?” Si Ethan habang nakatingin din pala ngayon kay Ichan.

Hindi ko alam kung ba’t ako nakakaramdam ng matinding galit ngayon kay Ichan. Sa taong nakabili ngayon dito sa cafeteria. Siguro dahil sa nakukuha nito ang atensyon na dating ibinibigay sa’kin ng mga tao sa paligid.

Hindi naman siya gwapo. Walang wala siya sa kalingkingan ko. Kumparahin mo ang katawan niya sa katawan ko. Matigas ang braso ko habang ang kaniya ay halos walang laman. Malaki ang katawan ko kumpara sa katawan niya. Parang katawan ng babae ang katawan niya kumpara sa katawan na meron ako.

Kaya bakit mapupunta ang atensyon nila sa tao na ’to?

“Tsk.” Hindi ko tuloy napigilan. “Feeling ang puta. May pagngiti pa.”

Napansin ko na biglang pagtingin ng mga kasama ko sa’kin habang nakakunot ang nuo.

“Inis ka, pre?” Tanong ni Matt.

Umiling ako sakaniya. Saka kunyaring itunuon ang pansin ko sa pagkain sa harapan ko. Pero pasimple pa akong tumingin sa direksyo ni Ichan at nakita na nakikipag usap ngayon kina Sophia.

Mas lalong kumalat ang matinding iritasyon sa’kin. Nakakainis kung paano siya ngumiti. Pati ang mata niya ay nakakainis din.

Nang matapos ang pasok ko dumiretso na ako sa condo dahil pakiramdam ko matinding pagod pa rin ang nararamdaman ko. Siguro ay dahil hindi pa rin ako nakakakuha ng mahabang pahinga simula noong matapos ang championship game.

Nadagdagan pa siguro dahil sa matinding inis na nararamdaman ko ngayon simula nong makita ko ulit ang Ichan na iyon. Nagpapansin siguro ito sa mga tao sa paligid niya. Kaya ngayon pati kina Sophia at Kath ginagawa niya.

Hindi naman siya uubra sa’kin dahil sa’kin pa rin uuwi ang dalawa na yon.

Kaya sa mga sumunod na araw bumalik ang atensyon na binibigay sa’kin ng mga tao. Hindi ko rin nakita ang Ichan na iyon after nong unang punta niya dito sa University. I hope na hindi na rin talaga sya magpakita dito. Maghanap na lang siya ng ibang university marami naman dyan.

“Junie, can I ask for your help?” Napatingin ako sakaniya babae na classmate ko. ““Can you check my solution? I think I messed up the formula.”

Ngumiti ako dahilan para makita ang pamumula ng pisngi niya. Nang icheck ko tama naman ang ginagawa niya.

“Feeling ko kasi medyo nalilito ako.” Maliit na boses niya.

“Ayos lang ang ginagawa mo. Tama naman.” Mahinahon na sabi ko sakanya.

Nawala ang atensyon ko sa kaniya ng maramdaman ko sandali na magvibrate ang cellphone ko. Saglit akong muling ngumiti sa kanya. Muka naman na gets niya ako dahil nahihiya itong umalis kagad.

“I’m sorry sa istorbo, Junie. Dito na ako. Thanks for the help.” Maliit ang boses niya.

Saka ko tinignan ang cellphone ko. Missed call na lang ang nangyari dahil sa medyo natagalan ako sumagot.

Ako:

Kuya Henrey, bakit?

Tanong ko sa message. Wala pang ilang minuto nagreply kagad ito.

Kuya Henry:

Pwede bang dumiretso ka muna ng bahay mamayang uwian niyo. Nagmessage sa’kin si Mommy, mukang dapat. Junie ang binanggit na pangalan mukang wrong send lang siya.

Ako:

Bakit daw?

Finorward nito ang message ni Mommy.

Mommy:

Junie, can you come home later after your classes? Ichan and his grandmother will be having dinner here. I invite them, and I just want you to be around here since magkaibigan  kayo ni Ichan. Matagal kayong hindi nagkita. Matutuwa ka kapag nakita mo sya. Ang gwapong bata, mas magkakasundo kayo ngayon kumpara dati.

Ang basa ko sa message ni Mommy. Mabilis na nagsalubong ang kilay ko.

KABANATA 2

Mga ilang messages pa ang natanggap ko kay Mommy. Sinabihan rin ako nito na hindi makakauwi si Dad, dahil sa trabaho. Kaya pinipilit ako nitong umuwi. Hindi ko rin pinansin ang pagtawag niya sa cellphone ko.

“Really? Talagang sa bar? Ngayon, Junie?” Reklamo ni Ethan. “May kailangan ako puntahan ngayon. Subukan mo ayain sina Matt.”

“How about… sumama ako sayo?” Tanong ko sakanya.

“No, bro. I will meet, Danica.” Pagtaboy niya pa sa’kin.

Bumuga ako ng malalim na buntong hininga. Tama si Sophia ang aayain ko. Pwede kami sa condo. We can stay all night there.

Ako:

Babe, are you busy? Can we meet up at my condo?

Matagal bago siya nagreply, halos ilang minuto ako nagreply.

Sophia:

I’m sorry, babe. But I’m busy. I’m with my classmates right now. We’re having a group study, nag skip na ako dito noong nakaraan nong magkita tayo. Kaya hindi ako pwede.

May pahabol pa itong message.

Sophia:

I’m really sorry, babe. Babawi ako next time promise. I miss you.

Bumagsak lalo ang balikat ko. Naisip ko si Kath naayain kaya lang wala akong number nito. Friend ko siya sa socials ko pero baka mapahamak ako kung imemessage ko siya sa socials ko.

Muling tumunog ang phone ko at muling nabasa ang pangungulit ni Mommy. Actually, pwede ako mag stay sa condo mag isa ng buong gabi at araw. Pero pano kapag na boring ako? Manonood lang ako tapos gagamitin ang kamay ko? No way. Mas masaya kapag may kapartner ka.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa’kin para tuluyang umuwi sa bahay nila Mommy. Kung saan agad kong nakita sila Mommy at bisita nitong nakain sa hapag.

“Busy siguro si Junie. Kaya hindi masagot ang tawag.” Natatawang sabi ni Mommy.

Sakto naman na napadako ang tingin sa’kin ni Ichan. Busy ang lola nito makipag kwentuhan kay Mommy kaya siguro si Ichan lang ang napatingin sa’kin.

Dahil siguro sa katandaan ng lola nito hindi ko na maalala ang itsura niyA. Puro puti na ang buhok nito at halos wala ng itim na natitira. Her face was already lined with wrinkles. Pero pamilyar ang ngiti ng matanda… katulad nito ngumiti si Ichan.

“So same school kayo ng anak kong si Junie, Ichan? Alam niya ba ito? Nakita na kayo sa university?” She asked excitedly.

Pero agad din nawala ang atensyon nila Mommy kay Ichan ng mapatingin din ito sa direksyon na tinitignan ni Ichan.

“Son, Junie.” Mom greeted me. She stood up too, walked over to me, and kissed my forehead.

“Mom.” Saway ko sakanya. Kahit na palagi naman talaga itong ginagawa sa’kin ni Mommy.

“Why? Are you shy?” Pang aasar niya pa sa’kin sa harap ng ibang tao.

I quietly rolled my eyes at her. Tumawa siya at inaya ako sumabay sakanila kumain. Habang naglalakad ngayon papalapit tuluyan sa lamesa, muling nagtagpo ang mata namin ni Ichan.

He had a serious look on his face, but the moment his eyes landed on Mom, he suddenly smiled.

“Kamusta, Junie?” Biglang kamusta ng lola ni Ichan sa’kin. “Ang laki laki mo ngayon, dati ang liit liit mo lang.” tumatawa nitong sinabi. “Naalala mo pa ba itong apo ko na si Chanchan?”

Biglang tanong nito sa’kin. Kita kung panong hawakan ni Ichan ang matanda sa balikat.

“La.”

Bumaling ang matanda sa kanya. “Oh? Bakit naman? Nahihiya ka ba kay Junie? Palagi naman kayo magkasama dati noong mga bata pa kayo.”

Tumingin sa’kin si Ichan. “Dati iyon, La. Matanda na po kami at matagal po kami hindi nagkita.”

“You two can still continue your friendship,” si Mommy. “Right, Junie?” Baling ni Mommy sa’kin.

Of course not. There’s no way we could be friends. Inaagaw niya ang atensyon ng mga tao.

Sasagot na sana ako nang bigla naman umubo ang matanda. Mabilis na kumilos si Ichan at pumunta sa likod ng kaniyang lola. Mukang nahihirapan ang matanda huminga.

Halos tumagal ng ilang minuto na nahihirapan ang matanda huminga. I could still hear Mom saying that the old woman needed to be taken to the hospital. Pero sumenyas ang matanda na ayos lang siya.

“I’ll just get the car.”

“H—Hindi na kailangan.” Ang matanda saka umayos ng pagkakaupo.

“La,” si Ichan. Pansin ko ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ng matanda.

“Kailangan ko lang mahiga.” She said. “Napagod lang ako husto dahil hindi ako sanay sa mga byahe-byahe.”

May tinuro na kwarto si Mommy at kasama si Ichan na dinala ang matanda doon. Mag isa lang din tuloy ako kumain dahil sa hindi na bumalik sina Mommy sa hapag. Ipanaligpit ko na rin ang pinagkainan pagkatapos.

Dahil sa kailangan ko ng pahinga dumiretso muna ako sa kwarto ko dito sa bahay para doon magpahinga. Noong huli kong tignan ang 4pm palang pero nang magising ako ay 7pm na ng gabi.

Bumangon ako. Akala ko ay nakauwi na ang maglola, pero saktong pagbaba ko ay nakita ko si Ichan na nilalaro si Asher na pusa ko.

“Asher.” I called my cat. Mabilis na napunta ang atensyon sa’kin ng pusa at mabilis na lumapit sa’kin.

“Lumapit siya sa’kin. Pusa mo pala iyan.” Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa lapag kanina.

I looked at him coldly. I didn’t want to talk to him, and I didn’t want him here right now either.

“Hindi pa ba kayo uuwi ng lalo mo?” I asked him, pagkatapos ko buhatin si Asher at umayos ng tayo.

I caught the flicker of surprise in his eyes after hearing my question. Hindi ko alam kung nangangapa siya ng salita. I know I sounded really rude.

“U—Uuwi rin kami pagkatapos ni lola magpahinga.” Kita kong humagod ang lalamunan niya.

“Great, ayoko na rin makikita kang pupunta dito sa bahay. I don’t like your here.” I said it in a cold voice, as if he didn’t have any feelings.

“Ichan, gising na ang lola mo.” Sigaw ni Mommy mula sa taas. Tumingin ako sa direksyon nito. Nakadungaw si Mommy habang nakatingin samin.    

Muka naman na hindi niya na rinig ang mga sinabi ko kay Ichan.

“Are you two trying to get close again?” Tanong ni mom ng makababa ito ng tuluyan sa hagdan.

“Yes, Mom.”

“Hindi, po.”

Magkasabay namin na sagot. Tumingin siya sa’kin pero agad rin na umiwas ng tingin. Nakakunot naman ang nuo ni Mommy saaming dalawa. Mukang nalito sa magkaibang sagot namin ni Ichan.

“Tungkol sa sinabi ko, Ichan. Hindi sanay ang lola mo dito sa buhay sa maynila. Kailangan niyang bumalik probinsya. Nahihirapan mag adjust ang lola mo sa buhay dito. Magulo dito at hindi maayos ang kalusugan ng lola mo.” Si Mommy.

“Opo, naiintindihan ko po.”

“Dito ka tumira sa’kin, habang ang lola mo ay nasa probinsya. Mas makakabuti rin sayo iyon, dahil hindi mo masyadong iisipin ang kalusugan ng lola mo doon, may kasama siya doon may magbabantay ng maayos, habang ikaw nag aaral.”

“What, Mom?” Salubong ngayon ang kilay ko.

“I offered na dito tumira si Ichan sa bahay, his grandmother was planning to move back to the province because her health had been getting weaker. Nag simula rin na magkasakit ang lola niya ng lumipat sila dito sa manila.” Bumaling si Mom kay Ichan. 

Kakasabi ko lang na ayoko ng makikita ang pagmumuka niya dito sa bahay. Ngayon ay may plano pala silang ganito? At talagang titira pa siya dito sa bahay.

“Puntahan ko lang po si Lola.”

Tumingin ako sa kanya ng masama, pero hindi siya tumingin sa direksyon ko kaya hindi niya nakita ang itsura ko. Sumunod si Mommy sakanya.

Hindi ko alam kung gano ako nagtagal na tumayo doon bago sumunod sakanila sa taas. Tumapat ako sa pinto na nakauwang kung saan nasa loob sila.

“Dito sa puder ko, mas magiging maayos ka. Hindi magaalala ang lola mo kung dito ka sa’kin titira.” Dinig ko si Mommy.

Nakatingin naman ang matanda sa kaniyang apo na si Ichan. Kumuyom ang kamao ko.

“Ito mismo ang magiging silid mo. Kung dito ka titira sa’kin. Magiging komportabe ka.” Pamimilit pa ni Mommy dito.

Huwag kang pumayag. Boses ko sa aking utak.

“Sige po.” Mahinang boses niya.

Halos padabog kong isara ang pinto sa aking kwarto ng madinig ko ang sagot niya. Hindi pwedeng titira siya dito sa bahay. Ayokong nakikita ang pagmumuka niya.

“Bakit ka naman nakabusangot diyan, Junie pre?” Si Ethan habang nagsusuot ng sapatos panglaro. “Ang aga aga nakabusangot ka?” Umayos siya ng tayo ng tuluyan niyang masuot ang sapatos niya.

“Hindi ka ba masaya na malapit na ang bakasyon?” Tanong ni Matt.

Patapos na ang school year namin.  Sa pasukan ay 3rd year na kami. Dapat ay masaya ako at walang isipin.

“I’ll make sure living in our house becomes a living hell for him.” Hindi ko mapigilang bulaslas sakanila.

Kanina habang papunta dito naikwento ko sakanila ang tungkol sa planong pagtira ni Ichan sa bahay.

“Grabe, wala namang ginagawa sayo iyung tao. Pero galit na galit ka sa kanya. Ni hindi pa kita nakikitang makipag away sa ibang tao, pre.” Dinig kong boses ni Ethan.

“Nang dahil lang sa pakiramdam mo inaagaw niya ang atensyon ng mga tao?” Natatawang sabi ni Matt.

“Siya ang kusang aalis sa bahay.” Sabi ko saka nagsimulang maglaro. Kita ko pang nagkatinginan ang dalawa bago umiling.

“Parang bata.” Si Matt. Pabato kong pinasa sakaniya ang bola dahilan para hindi niya masalo.

“Pre, hindi siya ang kinaiinisan mo.” Natatawang sabi ni Ethan.

Nagsimula kaming maglaro. Madalas namin itong ginagawa tuwing umaga.

“Kailan ba balak tumira sainyo noong tinutukoy mo?” Tanong ni Ethan ng maupo kami dahil sa matinding pagod.

“From what I heard, he’ll be moving in next week. He was the one who personally accompanied his grandmother back to their province.”

“Bakasyon natin iyon, di ba? Balak mo rin umuwi sainyo ngayong bakasyon di ba? Edi mas mapapadalas kayo magkita niyan?“Si Ethan.

Tumango ako sa kanya. I will make sure na bago magsimula muli ang pasukan siya mismo ang kusang aalis ng bahay.

Akala ko pagtapos agad ng pasukan agad na titira si Ichan sa bahay. Pero umabot ang isang linggo na wala pa rin siya dito sa bahay. Na dinig ko si Mommy na nag stay pa pala ng isang linggo si Ichan sa probinsya nila.

I got a little too excited about my plans to drive him out of the house. Ilang araw ko na rin itong iniisip.

“Naayos niyo na ba ang kuwarto na pinapaayos ko, Manang?” Tanong ni Mommy habang nasa hapagkainan.

“Tapos na po, pinapasok ko na rin po ang bagong cabinet kay Tado kanina.”

Tumango si Mommy.

“Hindi pa ba siya uuwi dito?” Tanong ni Dad kay Mommy.

“Bukas ng madaling araw nan dito na sya. Mamayang hapon siya babyahe.”

I couldn’t help but smirk when I heard it.

“Kaibiganin mo si Ichan, Junie. Mabait na bata iyon.” Ani ni Dad. “Siguraduhin mong magiging komportable ang pagtira niya dito sa bahay.”

Tumango ako sa kaniya. “Don’t worry, Dad. I’ll make sure of it”

“Kahit magsimula na ang pasukan. Make sure na hindi mo siya papabayaan. Please guide him while he’s adjusting here.”

Tumango ako. Nang matapos kami kumain pumasok ako sa kwarto kung saan mananatili si Ichan. Masyadong pinaghandaan nila Mommy ang pagtira ni Ichan dito sa bahay. May maliit na bookshelves din dito sa loob ng kwarto niya, sa tabi ng kama niya may maliit na study table.

Ang pinagkaiba lang ng kwarto na ito, ito lang ang kwarto na walang cr sa loob. Nilibot ko pa ang aking paningin, puti ang mga kurtina na ginamit sa bintana. Kahit ang pader bagong pintura.

“Aalis kana?” Tanong ni Sophia, nang makita niya akong dinadampot ang mga damit kong nagkalat sa sahig. “It’s still early. We can sleep a bit more.”

“May laro din kami mamaya nila Ethan. You can still sleep here.” Sagot ko kaniya.

Kita ko ang disappointment sa kaniyang muka. Hinalikan ko ang kaniyang nuo.

“Hindi na nga tayo madalas magkita. Nakikipag kita ka lang sa’kin kapag gusto mo may mangyari satin… please, babe.” She even gave me those irresistible puppy eyes, as if that would change my mind.

“Babawi ako next time.” Muli siyang hinalikan sa nuo. Kita kong bumuntong hininga siya, bago ako tuluyang lumabas.

Nang makating ako sa bahay nakita ko pa sina, Mommy na maingay na nagkukwentuhan sa lamesa ng hapagkainan. Pero hindi sakanila natuon ang atensyon ko, kundi doon sa taong komportableng nakikipagtawanan sakanila si Ichan.

Kasama nila sa hapag sina Mommy at Dad, kasama rin ang dalawa kong kapatid at asawa ni kuya James na si Ate Mae.

Mabilis na nagsalubong ang kilay ko sa matinding inis na nararamdaman. Pati ang pamilya ko balak niyang kuhanin ang atensyon? My jaw clenched.

KABANATA 3

“Junie? Sumabay kana samin kumain.” Nang makita ako ni Mommy.

Ayoko maging parte ng umagahan nila lalo pa at nan doon ang taong kinaiinisan ko. Mas lalo lang akong makakaramdam ng inis kapag sumabay ako sakanila sa pagkain.

“Nan dito na si Ichan.”

Hindi ko alam kung anong oras siya dumating dito sa bahay.

Umiling ako.

“Hindi ka sasabay?” Sigaw ni Kuya Henry ng makita niyang lumampas ako. “Kakauwi mo lang, hindi ka pa kumakain?”

“Doon na lang ako kina, Ethan. Kakain.” I answered. “Maglalaro kami.”

Tuluyan akong nakaakyat sa itaas at saka dumiretso sa loob ng kwarto para maligo at magpalit. Nang lumabas ako ng kwarto nakita ko pang bukas ang pinto ng kwarto ni Ichan.

Dumungaw ako sakanila sa baba, at nakita na nasa sala na sila at nanonood habang nagkukwentuhan. Mas lalo akong nakaramdam ng inis ng makita na tuwang tuwa si Ichan habang nakikipag kwentuhan sa magulang ko.

Mang aagaw ng atensyon. Lahat ba aagawin niya?

Luminga ako sa kwarto niya at pumasok doon. Nakita ko ang maleta niyang nakabukas sa malaking higaan. Ang ilang damit ay nakalabas na sa maleta, katulad ng mga damit niya at iba pa nakailangan niya.

Nang luminga ako sa study table dito sa loob, may nakita akong isang necklace kung saan ang pinaka pendant ay heart. Nabubuksan iyon, sa loob ay may dalawang maliit na picture.

Halos hindi na malinaw ang unang picture pero dalawang tao iyon at parehong dalawa na nakatingin sa isa’t isa. Ang pangalawa naman sa kabilang side ng heart ay larawan ng isang babae.

Luma na rin, at halos pabura na rin ang tao sa larawan. I took it and slipped it into my pocket. Mabilis akong lumabas ng kwarto niya at dirediretsong bumaba.

“Anong oras ka uuwi, Junie?” Rinig kong tanong ni Kuya James, katabi niya si Ate Mae habang nakaakbay dito.

Lumingon ako sa kanya.

“Umuwi ka kagad, makipagkwentuhan ka naman kay, Ichan.” Ani n’ya pa.

Tumingin ako sakanila, nakatingin sila lahat sa’kin ngayon at nag aantay ng sagot ko. Nakita kong umiwas pa ng tingin si Ichan.

“Hindi ko alam kung anong oras kami matatapos maglaro.” Sagot ko saka lumabas ng bahay. Hindi ko na inantay na makapag salita ulit si Kuya, baka mamaya ay pilitin ako nito umuwi ng maaga.

Buong umaga inubos ko ang oras sa bahay kina, Ethan. Wala akong balita sa bahay.

“Hindi ka pa ba uuwi, pre? Dito kana naligo pinahiram pa kita ng damit ko.” Sabi niya habang nakatingin sa kaniyang cellphone bago bumaling sa’kin.

Hindi ako sumagot sa kaniya, at nanatili ang aking tingin sa pinapanood. Nakita ko na lang na tumatayo ito at tinulak ang paa kong nakapatong sa lamesa nila.

“Umuwi kana, Pre. Baka hinahanap kana sainyo.” Pagtaboy pa nito sa’kin at tinulak ako papatayo.

“Ayoko pa umuwi.” Babalik sana ako ng pagkakaupo sa sofa nila nang mas marahan niya ako itulak at dalhin papunta sa pinto nila. Wala ang mga magulang niya kaya hindi ako makapag sumbong.

Nang buksan niya ang pinto para palabasin ako, nagulat ako ng makita ang isang babae sa tapat ng pinto nila. I had a feeling she was about to knock, judging by the way her left hand was raised. Tumingin ako sa kaibigan.

“Pre?”

“Umuwi kana, sa susunod na lang tayo mag usap. Nakita mo naman may bisita ako.” Saka ako tinulak papalabas.

Tumingin ako sa kaniya ng masama ng papasukin niya ang babae. Kumaway naman sa’kin ang babae dahil sa kilala ako nito.

“Nakabukas kasi ang gate niyo, kaya dumiretso na ako ng pasok.” Ani ng babae.

“Nan dito pala si Junie, sabi mo mag isa ka lang?” Tanong pa nito.

“Oo nga, ngayon mag isa na lang ako dahil uuwi na siya… I mean dalawa na lang tayo.” Muling bumaling sa’kin si Ethan. “Umuwi kana, Pre. Hinahanap kana sainyo.” Isinarado niya ang pinto.

Tang ina talaga ng lalaki na ito. Kaya niya ipagpalit ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa babae. Tumingin ako sa tsinelas na suot ko, sa susunod ko na lang kukuhanin ang jersey ko at sapatos na naiwan sa kanila.

Ako never akong nagdala ng babae sa bahay ng parents ko, dinadala ko sila sa sarili kong condo. Pero itong lalaki na ito. Sinasamantala ang pagkawala ng kaniyang magulang at talagang pinagpalit ang pagkakaibigan namin.

Alam naman niya kung bakit ayaw ko pa umuwi. Naikwento ko kasi sakaniya nang pumunta ako dito.

Nagdrive ako papunta sa subdivision namin papauwi. Wala ang kotse na ginagamit nila, Dad at Mommy. Wala na rin ang kotse ni Kuya James at asawa nito, kaya madali akong nakapag park sa garahe. Kasya ang limang kotse dito sa garahe.

“Manang, sina mommy?” Tanong ko ng pagpasok ko. Walang sumagot sa’kin kaya dumiretso ako sa taas para tignan ang kwarto nila Mommy. Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumagot.

Kaya binuksan ko ang pinto at sumilip sa loob, sarado ang ilaw. Ibig sabihin wala sina Mommy. Dumiretso ako sa silid ni Kuya Henry nakalock rin ang pinto. Kumatok ako pero walang na sagot.

Tumingin ako sa pinto ng kwarto ni Ichan, naka bukas pa rin ang pinto. Nang silipin ko ang loob wala na ang maleta niya na nakapatong kaninang umaga sa kama niya. Mukang nag ayos na ito ng gamit.

Dumiretso ako ng baba at saka muling tinawag muli si Manang at ibang kasambahay para hanapin si Mommy. Nakita ko ang mga ito sa kitchen habang nagkukumpulan.

“Ito ka noong bata?” Tanong ni Manang habang nakatingin sa cellphone ngayon ni Ichan.

“Opo, ito naman po noong nagtapos ako ng elementary.”

“Mahaba pa ang buhok mo dito, muka ka tuloy babae.” Sabi pa noong isang kasambahay.

“Si Mommy, Manang?” Tanong ko dito nang lumapit ako sakanila ng bahagya.

“Sir Junie.” Umalis sa pagkakakumpol ang mga ito at bumalik sa kani-kanilang gawin. Ang iba lumabas na ng kitchen.

“Kanina pa wala ang mga magulang mo, Junie. Sina Kuya James mo halos kasunod lang ng magulang mo umalis, si Henry kakaalis lang dahil tumawag ang boss niya.”

“Saan daw pupunta sina, Mommy?”

“Hindi ko alam, pero nagbilin na gagabihin sila ng uwi.” Sagot nito. “Osiya, may gagawin muna ako naiwan ko ang iba kong gawain sa likod. Tatapusin ko muna yon.” Saka ito umalis.

Kami ngayon ang naiwan ni Ichan. Kita kong humagod ang kaniyang lalamunan at tumingin sa kaniyang cellphone sandali.

“Tataas muna ako, may mga hindi pa ata ako na ayos na gamit.” Sabi niya habang hindi tumitingin sa’kin.

“Maraming ginagawa ang mga katulong dito. Ginugulo mo ang trabaho nila sa ginagawa mong pagkuha sa atensyon nila.” Dahilan para mapatigil siya.

“Sandali lang naman iyon, nang dumating ka wala pa kaming kalahating oras nagkukwentuhan.” Nakatingin siya ngayon sa’kin.

“Kahit na. Ginugulo mo ang trabaho nila.” Kita ko kung pano nagsalubong ang kilay niya. Umigting naman ang panga ko.

“Im sorry.” Mahina niyang sinabi na halos muntikan ko pa hindi madinig.

Matagal akong nakatingin sa kanya, nakabaling ang atensyon niya sa kung saan at halatang umiiwas ang tingin sa’kin.

“Didn’t I already tell you? I don’t want to see your face in this house again. Bakit ka pumayag sa alok siyo ni Mommy?”

“Pinilit ako ng mommy mo.”

I heard every word, nong pinilit siya ni mommy. But he still had the option to say no, even if Mom was practically forcing him.

“Gusto mo lang din dito.” Sabi ko. “Kasi alam mong makakalibre ka, ano? Gusto mong samatalahin ang kabaitan ni Mommy?” Diin ko pa.

Kita ko kung paano sumama ang tingin niya sa’kin na para bang naghahamon na siya ng away. Hindi ako nagpatalo at lumapit pa sa kanya para banggain siya gamit ang dibdib ko.

“Bakit? Papalag ka?” Hamon ko sa kanya.

I noticed him taking a step backward. Kita ko rin kung pano niya ikinalma ang kaniyang sarili. A smirk tugged at my lips as I continued to look at him.

“Wala akong balak makipag away sayo.” Sabi niya. “Wala rin akong balak na samatalahin ang kabaitan ng parents mo sa’kin o kahit sino dito sa bahay niyo.”

“Kung ganon umalis ka dito.” Agad kong sagot sakaniya.

“Aalis lang ako, kapag sa mismong mga magulang mo manggaling iyan.” Mabilis siyang umalis sa harapan ko. Palabas na sana siya ng kitchen ng magsalita pa ako.

“You’re really staying? Then don’t blame me for what’s coming. I’ll make every single day here miserable for you until you wish you’d never stepped foot in this house.”

Sandali lang siyang tumigil at tinapunan din ako ng masamang tingin bago umalis. I couldn’t believe his reaction. Not even a hint of hesitation crossed his face.

I couldn’t back down after saying all that. I had to prove I meant every word.

Kaya katulad sa mga sumunod na araw…

“Where’s, Mom. Manang?” Habang nakaharap ngayon sa hapag. Tanghali na ako nang magising. Ang umagahan ko ay pangtanghalian na.

“Maaga umalis kasama ang Daddy mo.”

Tumango ako sa kaniya. “Sina, Kuya? Pumunta ba sila dito?”

“Hindi sila pumunta dito, wala rin bilin ang mommy mo na pupunta sila dito.”

Luminga linga ako sa paligid na parang may hinahanap din. Where is he?

“Hinahanap mo ba si Ichan?” Tanong ni Manang. “Wala siya, pumasok siya sa trabaho niya.” Dugtong pa niya.

Nagtatrabaho pa rin siya kahit na nandito na siya?

Nang matapos ako kumain dumiretso ako sa itaas, papasok sana ako sa kwarto ko ng mapatingin ako sa silid niya. Naglakad ako papalapit doon at sinubukang buksan ang pinto.

Luckily, it wasn’t locked. Tuluyan ko iyong binuksan at saka pumasok. Mabilis na nagsalubong ang tingin ko, pamilyar ang amoy ng kwarto katulad ng amoy niya kahapon. The whole room was filled with the sweet scent of sweet marshmallows.

Everything in his room was impeccably organized. Even the curtains hung without a single crease, and his bed was spotless. Lumapit muna ako doon at sinimulan iyon guluhin, itinapon ko kung saan ang unan niya at tinanggalan iyon ng punda.

Sinunod ko ang study table niya na may ilang libro at itinapon rin ang ibang gamit non sa sahig. It wasn’t enough. I went straight to his closet and started carelessly tossing his clothes around.

Pati ang mga kurtina ay ibinagsak ko sa sahig. A satisfied smile spread across my face as I looked at the mess I’d created in his room. Parang dinaanan ng bagyo ang loob ng kwarto niya.

Hanggang dumating ang hapon. Gusto kong makita ang reaksyon niya sa ginawa ko sa loob ng kwarto niya. Kaya buong maghapon ako sa loob ng kwarto at humiga lang.

Sophia:

It’s our monthsary today. Tell me, did you forget… or did you choose to forget?

Ako:

I’m sorry. I’ve been so busy that I forgot.

Palusot ko sa kaniya. Dahil talagang nakalimutan ko. Akala ko magrereply pa siya pero wala na siyang naging response. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae, konting pagkakamali nagagalit kagad.

Nilapag ko ang aking cellphone sa maliit na cabinet sa gilid ng aking higaan. Saka naligo sandali, nang matapos ako ay saka ako lumabas ng kwarto dahil mag aalasais na ng gabi.

Alam kong nan dito na siya sa bahay, dahil kaninang umaga pa siya wala. Tinignan ko ang kwarto niya at nakasarado pa rin. Nagsalubong ang kilay ko, wala pa siya at hindi niya pa rin nakikita ang kalat na ginawa ko sa loob ng kwarto niya.

Bumaba ako at sakto naman na papasok sina Mom and Dad. Ngumiti ako sa mga ito at sinalubong sila.

“Mukang good mood ka ngayon?” Si Mom ang unang nakapansin.

“It’s because I got a long rest, Mom. I feel really satisfied”

“Hindi ka pumunta sa mga kaibigan mo?” Tanong ni Dad.

Umiling ako sa kanya. “Tataas muna kami sandali ng Daddy mo.” Bumaling si Mommy sa hagdanan. “Ichan, dadaanan ka sana namin pero wala ka naman na doon. Anong oras ka umuwi?”

Napatingin ako sa taong kausap niya ngayon na pababa. May dala itong map. Ibig sabihin kanina pa siya sa loob ng kwarto niya? Nakita niya naman siguro ang kalat sa loob ng kwarto niya? O wala siyang nakita? May ibang naglinis bago siya dumating?

“Kanina pa po ako nakauwi.” Sagot nito ng tuluyan na siyang makababa.

Hindi niya ako tinatapunan ng tingin.

“Magpapalit lang muna kami sa taas, sabay sabay na tayo maghapunan pagkatapos.” Si Mom, saka kasamang umakyat si Dad sa taas.

Tumingin ako kay Ichan nang lampasan ako nito dala ang mga hawak niya. Hindi siya magagalit sa ginawa ko? Nakita niya ba ang kalat na ginawa ko sa kwarto niya?

“Nilinis mo na ba ang kwarto mo?” Tanong ko sa kanya bago pa sya mawala sa paningin ko.

Hindi siya lumingon at dumiretso lang talaga siya. Mas lalo akong napikon doon. Dapat ay galit siya, pero parang walang nangyari.

Sinugod ko siya at mabilis na sumunod kung saan siya papunta. Nang maabutan ko siya ay inililigpit nito ang map na hawak niya.

Lalampasan niya na sana ako ng malakas ko siyang itulak dahilan para bumangga siya sa pader at mapangiwi sa sakit.

“Ano bang problema mo?” Galit na baling niya sa’kin.

“Ikaw! Ikaw ang problema.”

“Hindi pa ba sapat sayo na ginulo mo ang mga gamit ko?” Hasik niya pabalik.

Iyon nga ang problema, hindi man lang siya nagalit kanina sa ginawa ko sa loob ng kwarto niya. Kung hindi pa ako susugod sa kaniya hindi pa siya magagalit.

“Para kang isip bata, pati gamit ko pakikialaman mo at guguluhin. Ano ka ba bata?” Umayos siya ng tayo at umalis sa pagkakasandal sa pader.

Umamba ako ng suntok sa kaniya. Kita ko ang pagpikit niya at subukang iwasan iyon.

I gave him a smile that was almost demonic. Mas lalong naging galit ang tingin niya sa’kin.

“Anong ginagawa niyo dyan?” Si Manang na nasa likod ko ngayon. Lumingon ako sa kaniya at nakitang madala siyang walis.

“Wala po, ibinalik ko lang po ’yung map na ginamit ko.” Sagot ni Ichan at lumapit kay Manang.

“Pumunta na kayo sa hapagkainan, inaantay kayo ng pagkain.” Si Manang.

Naunang umalis si Ichan nang agad ko namang sinundan. Nang makarating kami kung nasan sina Mommy. Akala ko ay magsusumbong ito sa ginawa ko sa kwarto niya at sa ginawa ko kanina.

“Galing kayo sa likod? Nag uusap na ba ulit kayo? Nakangiting tanong ni Mommy kay Ichan.

“Sakto lang po,” sagot ni Ichan.

Bumaling si Mommy sa’kin at nag aantay ng sagot.

“Yeah, Mom. I had fun talking to Ichan.”

“Really? I hope you two get your closeness back.”

“I hope so too, Mom.”

“Mabait naman itong anak ko, Ichan. Minsan nga lang ay may pagkapasaway. Naalala mo pa ba palagi siyang nakasunod sayo noong mga bata pa kayo?” Tumatawang sabi ni Mommy kay Ichan.

“Hindi ko po maalala, pero mukang sunod naman siya nang sunod sa’kin ngayon.” Tumatawang sagot ni Ichan kay Mom.

“Para talagang tuta iyan noon sayo, panay ang sunod sayo.”

Pasimple kong tinignan ng masama si Ichan. Pero hindi siya bumabaling sa’kin.

KABANATA 4

Sa mga sumunod pang araw, nahirapan akong pahirapan si Ichan, dahil sa madalas na hindi pag alis ni Mom sa bahay. Madalas siya dito at makipag kwentuhan kay Ichan, kung minsan naman wala si Mommy pero wala si Ichan at nasa trabaho.

Kaya palaging gamit nito ang pinupuntirya ko. Palagi kong ginugulo ang silid niya at sinisiguradong parang dinaanan ng magnanakaw o bagyo ang kwarto niya.

Katulad ng isang beses na umuwi ito, mukang pagod na pagod at halos walang gana.

“Hindi ka talaga titigil, ano?” Matapang niyang salubong sa’kin ng lumabas ako ng aking silid.

“What’s wrong?” I asked him with a smirk tugging at the corner of my lips. “Can’t handle what I’ve been doing? Like I warned you, living here is going to be a nightmare for you.”

Nakatingin ito sa’kin na parang naguguluhan. Ang kilay niya ay mas lalong nagsalubong.

“Ano ba talagang problema mo?” He asked, his voice laced with frustration. “Hindi ko alam kung anong ginawa ko sayo. Ni wala akong matandaan na ginawa sayo.”

Hindi ko mapigilan mas lalong mangiti ng makita ang galit na galit niyang muka. Ganiyan magalit ka, hanggang sa ikaw ang sumuko mismo.

“Ayoko kitang makita dito. Umalis ka.” Simpleng sagot ko sa kanya.

Until-unting nawala ang galit niyang muka, nakikipagtitigan ito sa aking mata at talagang halos ayaw rin magpatalo.

“Ayaw mo ako dito?” The corner of his lips lifted into a smirk. “Pwes! Manigas ka! Hinding hindi ako aalis dito, kahit anong gawin mo. Kung palagi mong gagawin ito, walang problema. Pero palagi mo akong makikita at palaging maiinis ang araw mo. Palagi kong sisirain ang araw mo hanggat sa nakikita mo ako!” halos habol hininga niyang sinabi.

Mabilis ko siyang kinuwelyuhan at idinikit sa pader. Umamba ako na susuntukin ang muka niya, pero hindi ko tinuloy nang hindi man lang siya natinag sa pagkakatitig sa’kin. Parang naghahamon pa ito na ituloy ko ang suntok sa muka niya.

“Ano? Hindi mo maituloy?” Pang aasar niya pa. “Takot! Duwag! Puro ka lang amba.” Itinulak niya ang aking kamay na nakahawak sa kaniyang kuwelyo.

Nagkuyom ang aking panga sa kaniya at mas matapang pang nakipagtitigan sa’kin. Naawat lang kami ng tawagin ni Manang ang aming pangalan.

“Junie! Ichan!” Tawag nito samin. Nakita ko kung pano ito nagmamadaling lumapit samin. “Nag aaway ba kayo?” Ipinaglayo kami nitong dalawa.

“Ano bang nangyayari sainyo?” Tanong pa nito ng walang magsalita samin. Tuloy pa rin ang masama naming titigan. “Ichan, anong nanayari? Bakit kayo nag aaway.” Baling niya kay Ichan ng wala siyang makuhang sagot sa’kin.

“Ito po kasing isip bata na ’to ginugulo palagi ang gamit ko. Hindi na tumigil, palagi kada uwi ko parang sinalanta ng bagyo ang kuwarto ko.”

“Kuwarto mo? Nakikitira ka lang dito, pinapatira ka lang ng mga magulang ko dito.” Balik ko kagad sa kanya.

“Iyon na nga, eh. Magulang mo. Hindi ikaw! Pero kung makapanira ka sa mga gamit ko akala mo ikaw ang nagpundar!” Sigaw niya.

“Tumigil na kayo. Tama na!” Saway ni Manang at mas lalo pa kaming pinaghiwalay. Kita ko ang pagbaling ni Manang sa’kin. “Junie, bakit mo ginugulo ang gamit ni Ichan? Hindi ka naman ganyan? Anong problema mo kay Ichan?” Tanong niya sa’kin.

Hindi ako nakasagot kay Manang. Nakatingin lang si Ichan na parang nag aantay ng sagot.

“Alam ba ito ng mga magulang mo Junie? Ang ginagawa mo kay Ichan?”

Hindi pa rin ako sumagot at nanatili lang ang masamang tingin kay Ichan.

“Hindi ito makakarating sa magulang mo, pero kailangan mo humingi ng tawad kay Ichan. Wala siyang ginagawang masama sayo.” Si Manang. Kita ko ang pagbaling sandali ni Ichan sakanya.

“Apologize? In your dreams.” Diretsong titig ko kay Ichan. Pumasok ako sa aking silid at padabog na sinarado ang pinto.

I ran a hand through my hair, trying to ease my frustration. Noon pinagtatanggol pa ako ni Manang kina Mommy sa tuwing napapagalitan ako ng mga ito. Palagi niya akong kinakausap sa tuwing napapagalitan ako.

Pero magkaiba ngayon, kinukuha ni Ichan pati ang loob ni Manang, na dati ay palagi akong pinagtatanggol.

Dahil sa matindi kong inis, kusang pumasok sa utak ko ang kwintas na nakuha ko sa kwarto ni Ichan. Mabilis kong kinuha iyon at tinignan. Gumuhit ang ngiti sa aking labi. Sisiguraduhin kong hindi na babalik saiyo itong kwintas.

“Sophia, I’m sorry. Please.” Kanina ko pang paghingi ng sorry kay Sophia.

“Ngayon kana lang ulit nagpakita. Wala ka pang dalang regalo para sa monthsary natin? Iyung totoo nag eeffort ka ba, Junie? Gusto mo ba itong relasyon natin?” Tumutulo ang luha niya.

“No, babe. Of course I have something special for you.” Saka nilabas ang balak kong ibigay sakaniya. Ipakita ko sa kaniya ang kwintas na kinuha ko kay Ichan.

“Wait, really?” I saw the shock in her eyes before a smile spread across her face. Mabilis niya akong niyakap.

“Come here, I’ll put it on for you.” Sabi ko sakaniya.

“Bagay ba?” She asked, tumango ako sakaniya. Muli niya akong niyakap.

“Thank you, babe.” She whispered.

May pakinabang din naman pala ang kinuha kong kwintas. Nang umuwi ako sa bahay, wala na naman sina Mom and Dad. Ang nakita ko lang ay si Kuya James at si Ate Mae na nasa sofa.

“Saan ka galing, Junie?” Tanong ni Kuya, sa’kin.

Pasalampak akong naupo sa sofa katapat nila. I settled my back against the sofa before tilting my head up and closing my eyes.

“I went on a date.” Sagot ko habang nanatili sa ganong posisyon.

““Who’s that girl… the unlucky one?” Si Kuya James.

Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya. Umikot ang mata ko sakaniya, saka umayos ng upo.

“So, when are you finally going to introduce her to us, Junie?” Tanong nilabas Ate Mae.

Bumuntong hininga ako. Wala akong balak ipakilala si Sophia sakanila. Just as I was about to respond, Ichan appeared. May dala itong easel at mga pangpina.

“Tapos kana sa ginagawa mo, Ichan?” Tanong ni Kuya James dito.

Umiling si Ichan. “Hindi pa, Kuya James. Balak ko sana tapusin sa pool sa likod.”

“Can I watch you while you paint, Ichan?” Ate Mae asked.

Sandali siyang nag isip at saka tumango. Agad na sumunod si Ate Mae dito papunta sa pool area. Mabilis na nagset up si Ichan doon. Sumunod ako sakanila at naupo sa gilid.

Nang mapatingin si Ichan sa direksyon ko agad na nagsalubong ang kilay nito at tumitig sa’kin.

“What?” I asked sounding innocent.

He rolled his eyes before focusing again on what he was doing. Nakita ko ang pinipinta niya ng tuluyan niyang maayos ang kaniyang mga gamit.

Honestly, maganda ang kaniyang pinipinta. Isang malaking puno kung nasaan ang dalawang ibon. Sa likod ng mga ibon ay ang papalubog na araw, tanaw din sa kaniyang pinipinta ang ilog. May dalawang taong namamangka at tila pinpanood ang papalubog na araw.

Pinanood ko kung paano niya ipagpatuloy ang pagpinta. Nakatalikod siya sa direksyon ko habang si Ate Mae lang ang malapit.

Every stroke was slow, careful, almost reverent. Like if he rushed it, masisira lahat ng pinaghirapan niya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nanonood sa kaniyang ginagawa.

“Tapos kana?” Tanong ni Ate Mae sa kaniya ng tuluyang ilapag ni Ichan ang brush na kaniyang ginamit.

Tumango si Ichan, saka bahagyang tinagilid ang ulo para pagmasdan ang kaniyang ginawa. He smiled proudly, as if admiring his own creation.

“Kailan mo balak ibigay iyan sa nagpagawa sayo?” Tanong ni ate Mae.

“Bukas po, may pasok naman ako bukas sa work.”

“Gusto ko rin magpagawa sayo para i-design sa bahay. Kahit na isang araw mo lang ginawa iyan sobrang ganda.” Papuri ni Ate Mae sa kaniya.

Ngumiti si Ichan, at pinunasan ang kaniyang pisngi na may pawis. Pero agad na natawa si Ate Mae ng may kumalat na pintura sa muka ni Ichan. Tinuro ni ate Mae ang pintura sa kaniyang muka. Muling pinunasan ni Ichan iyon pero mas nadagdagan lang ang pintura dahil sa kamay niya.

“Go ahead and wash your face.” Si Ate Mae. Nagmamadaling umalis si Ichan kasama si Ate Mae, mukang hindi pa nila ako na pansin.

Tumayo ako para lumapit sa ginawa ni Ichan. Pinagmasdan ko ang gawa niya, mas lalo kong nakita ang kagandahan nito. Mas lalong naging malinaw sa’kin ang dalawang tao na pininta niya. Isang bata at isang matandang babae. Pareho nga nilang pinagmamasdan ang langit habang nakaturo ang bata sa papalubog na araw.

Kinuha ko ang isang boteng pintura na itim at dahan dahan iyong tinapon sa ipininta niya.

“Anong ginagawa mo?” Sigaw ni Ichan, may dala itong tuwalya na nakadampi sa kaniyang muka, habang gulat na gulat na nakatingin sa’kin at sa hawak kong bote ng pintura.

Mabilis siyang lumapit at itunulak ako, napaatras ako ng bahagya at nabitawan ang bote.

“Anong nangyari?” Si Kuya James at Ate Mae na nagmamadaling lumabas papunta samin. “Ichan?”

Parehong nakatingin ngayon ang dalawa sa pinipinta niya. Napatakip ng bibig si Ate Mae.

“Hindi ko sinasadya, tinitignan ko lang ’yung ginamit niyang pintura pero na dulas sa kamay ko at natapon sa ginagawa niya.” Dipensa ko.

“Sinungaling! Kitang kita ko kung pano mo itapon iyan sa ginagawa ko,” sigaw ni Ichan.

Mabilis akong tumingin kina Kuya para kuhanin ang panig nila at para magmukang nagsasabi ako ng totoo.

“I’m telling the truth. I was just watching his work when the paint he used slipped onto my hand and spilled.” Sabi ko habang um-action pa sa nangyari.

Napunta ang tingin nila Kuya kay Ichan, I couldn’t help but smirk at him. Mas lalong tumalim ang tingin niya sa’kin na halos patayin niya na ako sa mga tingin niya.

“Aksidente lang daw, Ichan. Hindi naman sinasadya ni Junie.” Si Ate Mae.

“I’m sorry, papalitan ko na lang.” sabi ko, pero hindi na wawala ang mapang asar na ngiti sa labi.

“Babayaran ko na lang ang ginawa ni Junie, Ichan.” Si Kuya James.

“Kuya ako ang may kasalanan.” Sabi ko pa dito.

Ichan shut his eyes like he had already given up, and released a heavy sigh. “Ayos lang po, uulitin ko na lang.” sagot nito.

“Babayaran ko ang nasira ni Junie,” sabi Kuya James.

“Ayos lang po talaga, katulad ng sinabi ni Junie. Hindi niya daw sinasadya.” He said, the last part laced with sarcasm. “Doon ko na lang din sa kwarto po tatapusin ito.” Baling niya kay Kuya.

Nang mag-alisan ang mga ito at tulungan ni Kuya James i-akyat ang mga gamit ni Ichan, naiwan akong mag isa. Tumingin ako sa ibang gamit at isinunod iyon sakanila.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Ichan, kita kong kakatapos lang nila ni Kuya James mag-set up.

“Lalabas na kami, Ichan.” Si Kuya James at niyaya si ate Mae na lumabas. “Magsorry ka.” Bulong ni Kuya James ng madaanan ako ng mga ito bago lumabas.

Magsasalita na sana ako ng mabilis lumapit sa’kin si Ichat at kuhanin ang mga brush na hawak ko.

“Lumabas kana, baka kung ano pa ulit kasinungalingan at paninira ang gawin mo!” Malakas niya akong tinulak papalabas. Hindi ko alam kung dahil sa laki ko sa kanya makailang beses niya pa akong pwersahan tinulak bago niya ako mapalabas sa pinto.

“Ito na lalabas na, baka sa matinding galit mo kulamin mo pa ako.” Sabi ko.

“Talagang kukulamin kita! Napakasama ng ugali mo!” Akmang isasarado niya ang pinto ng pigilan ko siya.

“Wait, do you know witchcraft?” Sabi ko habang nakapigil ang kanan kong kamay mula sa pagsarado niya ng pinto.

Hindi makapaniwala ang tingin niya sa’kin.

“Mangkukulam ka talaga?” Tanong ko pa.

“Oo, kaya umalis kana dyan para masimulan ko na!” At mas pinuwersa ang pagkakasarado ng pinto. Naiwan akong nakatingin sa sarado niyang pinto. Dinig ko pa kung pano mabilisan niyang ni-lock ang pinto.

Bumababa ako at muling nakita sina Ate Mae at Kuya James.

“Sinadya mo ba talaga ang ginawa mo, Junie?” Tanong ni Kuya.

Mabilis akong umiling at tumanggi. “Promise, tinignan ko lang ang ginagawa niya at ang ginamit niya ng aksidento kong matapon iyon.”

Kita ko ang panunukat ng tingin niya sa’kin.

“Siya nga, binantaan ako na kukulamin niya ako.” Sumbong ko kay Kuya.

“What?” Tanong ni Kuya James na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Naniniwala ka sa kulam? Ano ka ba? Sinaunang tao?”

“He said he knew witchcraft, and honestly, I couldn’t tell if he was joking. Seryoso ang muka niya kanina at galit na galit.”

Umiling si Kuya James at tinuon ang pansin niya sa kaniyang asawa.

KABANATA 5

“Ops… sorry,” hingi ng pasensya ng babaeng nakabangga sa’kin dito sa bar.

“It’s okay.” Sagot ko dito.

Bumaling ito sa’kin at sandaling natigilan. I know this girl, madalas ko ito makita sa university. Member ito ng cheerdance sa university. She’s also quite famous for being part of the cheer dance team.

“Junie, right?” She asked.

I nodded in response. When she offered me her hand, I reached out and shook it.

“I’m Cristela,” pakilala niya.

“I know your name.” I answered. A flicker of surprise crossed her face.

“You know my name.”

“Of course. Who doesn’t know your name? You’re the campus-famous cheer dancer.”

“Wow. “ reaksyon niya. “You really know me.” Dugtong niya pa. Tumingin siya sa paligid. “By the way, who’s with you? Your girlfriend?”

“I don’t have a girlfriend,” I denied, shaking my head.

Mas lalong lumawak ang ngiti nito. “Sino pala ang kasama mo?”

“I’m with my friends,”

“Really? Nasan sila? Mga kabasketball team mo?” She asked.

I gave her a nod. ““Do you want to come with us? I was actually about to head back to them.”

“I came here with my friends as well,” she said, akala ko tatanggi na sya. “pero pwede ako kahit saglit lang.”

Ngumiti ako sa kanya at isinama niya sa table ng mga kaibigan ko. Lahat ng mga ka-team ko sa basketball ay kasama, pati ang captain namin. Nag aya kasi ang mga ito uminom sa malapit na bar.

Hindi naman ako tumanggi dahil matagal rin kami hindi nagkita kita, ang madalas ko lang makita ay sina Ethan, Jason at Matt. Dahil sila lang naman ang madalas ko talagang kasama.

Pinakilala ko sa mga ito ang kasama ko, agad akong inasar ng mga ito. Naging maingay ang lamesa namin lalo. Kasama rin nila ang kanilang mga girlfriend, si Jason lang ang walang kasama na babae.

“Si Jason lang ang walang babae dito, baka naman Jason pre, may bigla ka samin ipakilala niyan, ah.” Pang aasar ni Matt dito.

“Gago.” Tumatawang sagot ni Jason. “Wala.”

“Anong wala? Ano nga ulit iyung sinasabi mo sa’kin kapag niyaya kitang lumabas at gumala?” Pang aasar ng isa naming kateam mates kay Jason.

“Busy daw siya, madalas idahilan ang family. Pero kapag hinahanap ko kay Sophia, wala naman pala sa bahay nila.” Panggagatong pa ng isa. Mas lalong nagtawanan sa lamesa namin.

Umiling si Jason habang mas lalong nangingiti.

“Ipakilala mo samin iyan, Pre, huh?” Si Matt.

“Magkaibigan palang kami.” Sagot ni Jason.

“Doon naman talaga nagsisimula.” Sabi ni Captain dito. “Papunta rin iyon doon.”

“Ano iyan, pre? Maganda ba?” Tanong ni Ethan.

“Sobra.” Walang pagdadalawang isip na sagot ni Jason. Mas lalong nagkaingay.

“Seryoso na ba iyan? Mukang seryoso ka diyan, ah?” Si Ethan habang inaasar pa ito lalo. Katabi ni Ethan ang babaeng pumunta sakanila noong pinalayas niya ako sakanila.

“Gago! kayo lang naman itong babaero, “ sagot ni Jason at tinulak ang nakadantay na kamay ni Matt sa kanya.

Inasar pa ng mga kasama ko si Jason lalo, nawala naman ang atensyon ko sakanila dahil sa babaeng katabi ko. She was tracing circles on my palm with her index finger.

“So last year mo na sa pasukan?” She asked me habang kanina pa kami nagkukwentuhan.

May kanya-kanya ng mundo ang mga kasama ko. Habang si Jason lang ang nakatutok sa kaniyang cellphone at mukang may kachat.

“Maglalaro ka pa rin?”

Tumango ako sa kanya.

“Buti kaya mo pagsabayin ang pag-aaral at sports?”

“I can handle it, actually. Even if I had a girlfriend, it wouldn’t be an issue. Do you want to try?”

Her lips parted into a small ‘o’ of surprise.

“I promise, I can handle it.” I added.

Nilapit ko ang aking muka sa kaniya. I stopped thinking about the people around us, hinalikan ko siya sa kaniyang labi. Hindi ko alam kung gano kami nagtagal sa ganong posisyon pero parehas kaming hinihingal ng maghiwalay.

““I didn’t know you were this good at kissing.” Sabi ko sa kaniya. “Muntikan ko na makalimutan na may tao pa sa paligid natin.”

“Mas magaling ka humalik.” Sabi niya.

“Cristela!” Tawag ng mga kaibigan niya sakaniya. Bumaling siya sa mga ito at sumenyas ng sandali.

“Tawag na ako ng mga kaibigan ko,” sabi nito saka nagpaalam rin sa mga kasama ko.

Sayang, susubukan ko pa sana siya pigilan.

“May next time pa naman, I followed you on my socials. You can check. We can also talk there.”

“Sure, I will check later.” Sagot ko sa kanya.

Muli itong nagpaalam sa amin.

Maya-maya pa ay nagkayayaan na umuwi, sakto naman na nakatanggap ako ng message mula kay Mommy.

Mom:

Where are you, son?

Ako:

I’m on my way home, Mom.

Mom:

Did you drink?

Ako:

Just a few drinks, Mom.

Wala pang ilang segundo ng tumawag ito. I answered her call.

“Hello, Mom.” Agad kong bungad sakaniya. Pero iba ang bunga niya sa’kin.

“I’m sending Henry to get you. He’s on his way there now, so stay where you are.”

Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan ko na ang gustong mangyari niya. Nag antay ako ng halos ilang minuto, ang mga kateam mates ko ay nauna na rin. Si Ethan na lang ang kasama ko at si Matt.

Ang plano ni Ethan ay dalhin na lang si Matt sakanila dahil lasing na lasing ito at halos hindi na matayo. Saamin siya talaga ang mahina pagdating sa alak, madalas talaga siya ang tumba.

“Nan diyan na ba, Pre?” Inaantok na natanong ni Ethan.

Sakto naman na may pumarada sa harap namin na kotse, pamilyar sa’kin iyon at kilala ko kagad ang kotse kung kanino ito. Lumabas si Kuya Henry kasama si Ichan.

Agad na nagsalubong ang kilay ko. What is he doing here? I asked myself.

“Nan diyan na ang mga sundo mo, Pre.” Si Matt na nagawa pang tumingin sa mga susundo sa’kin.

“Damn. What a pretty boy.” Dinig kong sinabi ni Matt, habang nakatingin kay Ichan.

Hindi niya siguro naalala na ito rin si Ichan ang nasa Cafeteria noon, hindi ko rin kasi na banggit sakanila na ang tinutukoy kong nakikituloy samin ay itong lalaki na ito.

Sandali kong siniko si Matt.

“Where’s your car?” Tanong ni Kuya Henry.

I pointed in the direction of my car, but I kept my eyes on the person accompanying him. Bumaling si Kuya Henry sa mga kasama ko.

Tinanong niya ang mga ito kung may susundo sakanila pauwi.

“Kaya na naman namin, Kuya Henry. Hindi naman ako masyado uminom.” Si Ethan.

“How about, Matt?” Kuya Henry asked.

“Matutulog si Matt kina Ethan.” Ako na ang sumagot. Tumango naman si Kuya at pinauna ang dalawa makaalis.

“Babalikan ko na lang mamaya ang kotse mo, umuwi muna tayo.” Si Kuya Henry at sumakay na sa kotse niya.

Sumunod naman si Ichan dito, pero agad ko siyang pinigilan nang bubuksan nito ang pinto ng kotse.

“Doon ka sa likod, I will  sit here.”

Masama ang tingin na ipinukol niya sa’kin. Kita ko pa kung pani bumababa ang bintana ng kotse.

“Ichan, sumakay na kayo.” Si Kuya Henry.

Pumunta si Ichan sa back seat at binuksan ang pinto.

“Bakit diyan ka? Junie doon ka sa likod si Ichan dito sa harap.” Pigil ni Kuya.

“Gusto niya daw diyan sa harap, Kuya Henry.”

Sinamaan naman ako ng tingin ni Kuya.

“Doon ka sa likod Junie, mamaya masuka ka pa dito sa harap kakapalinis ko lang ng kotse kaninang umaga.” Naiinis na sinabi ni Kuya.

“Hindi ako magsusuka, hindi naman ako lasing na lasing.”

“Kahit na..” bumaling siya kay Ichan. “Ichan, dito ka. Hayaan mo si Junie, dyan.”

Bumaling si Ichan sa’kin at mapang asar na ngumiti. Nilabas niya pa ang dila niya para mas lalo akong asarin, masama ko siyang tinignan at binangga ang kaniyang balikat.

“Pikon!” Bulong niya. Hindi na ako nakaganti dahil sa mabilis siyang nakasakay.

Nang sumakay ako ay sinipa ko ang upuan ni Ichan. Kita ko na umangat siya konti dahil sa pagkakasipa ko, masama niya akong tinignan nang dumungaw siya kagad.

“Magdahan dahan ka naman, Junie!” Si Kuya Henry.

Sinimulan niya patakbuhin ang kotse.

“Kaya ikaw, Ichan. Huwag ka gagaya dito kay Junie na puro barkada.” Si Kuya Henry, habang nagmamaneho.

“Why me? Excuse me! Just because I’m always out with my friends doesn’t mean I don’t get good grades.” Depensa ko kagad sa sarili ko. “Kaya ko rin isabay ang sports ko at sa pag aaral, unlike you noong nag aaral ka, you need to stop your sport.”

“Bluh. Bluh. You don’t know anything, I had to quit my sport back then because my girlfriend didn’t like it.”

“And where’s that girlfriend of yours now?” I asked, raising an eyebrow.

Mukang nainis ito dahil sa sinabi ko.

“At least, Kuya Henry, doesn’t go around flirting with every girl he meets.” Biglang sawsaw ni Ichan.

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kaniya.

“As if you really know Kuya Henry.”

“I know him. Kuya Henry is a good man. Unlike some people who are apparently training to be Satan’s replacement.”

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Fuck this pretty boy!

“You’re right, Ichan.” Tumatawa ngayong sabi ni Kuya Henry. “Hindi ako babaero noong college ako, dalawa lang ang naging girlfriend ko noon, at lahat iyon seryoso at tumagal ng ilang taon.”

“Kasali ka ba sa usapan?” Matapang kong tinignan si Ichan.

“Bakit? Babaero ka ba talaga kaya ka nagagalit? O masama talaga ugali mo? Alin don sa dalawa ang kinagagalit mo?” Matapang niya rin na sabi.

“Fag!”

“Tsk… womanizer.” Bulong niya.

“Anong sabi mo?” Tinulak ko ang upuan niya na parang naghahamon ng away.

“Junie! Ano ka ba? Pikon?” Saway ni Kuya Henry. “Nag aasaran lang tayo.”

Sumandal ako sa upuan at tumingin sa labas habang magkasalubong ang kilay. I folded my arms across my chest as well, hanggang sa makarating kami sa bahay.

“Bakit nakatira siya sa inyo kung ganon?” Tanong ni Matt.

Tatlong araw na noong makita niya si Ichan na sinundo ako kasama si Kuya Henry. Ikinuwento ko rin kung bakit nakikitira ngayon samin ang tao na iyon, tumango naman ito.

“Manang, pwede doon na lang sa pool area mo dalhin ang tanghalian ng mga kaibigan ko?” Baling ko kay Manang.

Tumango naman si Manang, dito kasi ngayon tumambay ang mga kaibigan ko sa bahay.

“Nasan siya ngayon?” Tanong pa ni Matt.

“He’s not here. He’s at work, may part time job siya.”

“Anong oras ang uwi niya?”

Kumunot na ang nuo kay Matt. “Are you interested in him?” I asked, raising an eyebrow.

“Not really, but he’s a pretty.”

Hindi niya talaga tinanggi ang bagay na iyon. Nawala lang ang tingin ko kay Matt nang dumating si Manang dala ang pagkain namin.

“Thanks, Manang.” Si Ethan.

Madalas din sina, Ethan dito kaya kilalang kilala nila si Manang.

“Sandali lang ang iba, kulang pa ito, dinadala na ni Ichan.” Bago umayos ng tayo si Manang nang mailapag niya ng maayos ang mga pagkain.

Sabay sabay kaming na patingin sa taong paparating habang dala ang ibang pagkain sa isang malaking tray. Naramdaman ko ang paggalaw ni Matt sa tabi ko.

Carrying a tray filled with food, the pretty boy walked toward our table with unhurried steps. He wore nothing but an oversized white sando and a pair of black shorts, yet somehow, he looked like he had stepped straight out of a magazine. The loose fabric slipped slightly against one shoulder, revealing smooth, fair skin and delicate collarbones.

By the time he reached our table, nearly everyone’s eyes had followed him.

“Hi, Ichan.” Bati ni Matt dito.

Tumingin si Ichan sa kanya habang nakakunot ang nuo. Siguro ay nagtataka pano nalaman nito ang pangalan niya.

“Sorry, I’m Matt, kaibigan ni Junie.” Nilahad niya ang kamay niya.

Tumango si Ichan at nakipag kamay dito.

“Salamat, Ichan, sa tulong.” Si Manang.

“May kailangan pa po kayo na tulong?” Tanong nito.

“Wala naman na, nan dito naman na lahat ng pagkain nila.” Bumaling si Manang sa’min. “Tawagin niyo na lang ako kapag may kailangan pa kayo, Junie.” Umalis si Manang.

Susunod na sana si Ichan. “Gusto mo ba sumama dito samin, Ichan?” Tanong nito Matt.

Dahil doon na patingin sa’kin si Ichan, wala man lang reaksyon ang muka niya. Pero agad din siyang tumanggi.

“May kailangan pa ako gawin.” Tanggi niya.

Tama, dahil naiirita ako kapag nakikita ko siya lalo na ngayon sa suot niya.

“Nahihiya ka lang siguro dahil hindi kayo magkasundo nitong kaibigan ko na si Junie.” Banggit ni Matt sa pangalan ko dahilan para tadyakan ang upuan niya.

“Bakit? Kayo naman talaga ang magkaaway? Dapat ba kaaway din namin siya kapag magkaaway kayo?” Tanong ni Matt.

Ganon naman talaga dapat, kaibigan nila ako dapat ang kaaway ko ay kaaway din nila. Iyon ang paniniwala ko.

“Gusto mo batukan kita?” Tanong ko sa kanya. Bumaling ako kay Ichan, nakakunot ang nuo na pinapanood kami.   “Doon kana, tatawagin kana lang namin kapag kailangan na namin ng katulong.”

Nanlaki ang mata nito, kitang kita ko kagad ang inis niya sa pagmumuka.  Sa huli ay napairap na lang siya dahil sa matinding pagkairita saka umalis.

KABANATA 6

“Pupunta daw si Jason, ngayon dito.”

“Akala ko ba busy siya?” Tanong ni Matt kay Ethan.

“May pinopormahan lang na chix iyan, kaya hindi nagsasama satin.” Sagot ni Ethan kay Matt.

Nagpaalam ako sandali sa mga ito para umakyat sa kwarto. Hindi pa sila tapos kumain ng iwan ko sila. Mas marami pa kasi ang kwentuhan namin kesa sa pagkain namin.

Sandali kong naalala si Asher, hindi ko pa pala ito napapakain. Kaya dumiretso kagad ako sa kwarto ko para hanapin siya doon. Pero wala siya doon, kaya dumiretso naman ako kay sa baba para tignan sya doon.

“Manang, nakita mo si Asher?” Tanong ko kay Manang nang makarating ako ng kitchen kakahanap sa pusa ko.

Bumaling si Manang sa’kin habang naghihiwa ng mga rekados na gagamitin niya sa kaniyang lulutuin.

“Hindi ko nakita, baka nasa pool area, madalas ko siya makita nong mga nakaraan doon.” Sagot ni Manang.

Tumango ako sa kaniya, saka nagtungo sa pool area, nakita ko pa ang mga kaibigan ko na nagtatawanan.

“Anong hinahanap mo, pre?” Tanong ni Ethan.

“Si Asher, kaninang umaga ko pa hindi nakikita.” Sagot ko sa mga ito.

“Ah, iyung pusa mo? Nakita ko na kinuha kanina dyan ni Pretty boy, habang nagkukwentuhan tayo.” Si Matt.

Agad akong umakyat sa taas para pumunta sa kwarto ni Ichan, nakasarado iyon at nakalock. Kaya malakas akong kumatok. Agad bumukas ang pinto.

“Where’s Asher?” Bungad ko sa kaniya.

Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Ichan, halatang ayaw pa nito gumalaw sa pwesto niya. Nakaharang siya sa pinto habang konti lang ang pagkakabukas non.

“Nasan?” Inis na tanong ko ulit sa kaniya.

Umikot ang mata niya, saka binuksan lalo ang pinto. Kung saan nakita ko si Asher sa kaniyang higaan na may nilalarong pulang bola na maliit.

“Muka bang papatayin ko ang pusa mo? Kung makahanap ka.” Nagtaas siya ng kilay sa’kin.

Hindi ako nagsalita at binangga lang siya para makapasok sa loob ng kuwarto niya. Dahil sa liit ng kaniyang katawan kumpara sa’kin, napaatras siya ng bahagya sa pagkakabangga ko sa kaniya.

Dumiretso ako sa higaan niya at kuhanin si Asher, tinawag ko ito pero parang walang naririnig. Sandali lang bumaling sa’kin si Asher at nagpatuloy sa paglalaro ng maliit na bola.

Muli ko siyang tinawag pero hindi man lang ako nilungon nito, bahagya pa siyang lumayo dala ang bola niya. Unang beses gawin sa’kin ito ni Asher.

Kaya umakyat ako para makuha si Asher, kakatungtong palang ng isa kong paa nang maramdaman ko ang malakas na pagkakatulak sa’kin ni Ichan.

“Ang dumi ng paa mo!” Inis na sabi nito.

Dahilan para maibaba ko ang isa kong paa mula sa kaniyang higaan. Muli niya akong itinulak ng subukan ko muling itungtong ang paa ko para kuhanin si Asher.

“Madumi nga sinabi ang paa mo.”

“Then just wash it.”

Mabilis akong tumungtong sa kaniyang higaan para wala na rin syang magawa, agad kong kinuha si Asher at saka bumaba sa kaniyang higaan. Kitang kita ko ang matalim na tingin niya sa’kin.

Tumingin ako sa higaan niya na may bakat na nga ng paa ko.

“Labahan mo na lang kung gusto mo alisin ang dumi.” Sabi ko dito.

Lalabas na sana ako ng harangin ako nito. Bahagya akong nakayuko habang nakatingin sa kanya. Dinuro niya ang kaniyang higaan habang hindi inaalis ang matalim na tingin sa’kin.

“Labahan mo iyan!” Nanggigigil niyang utos.

“It’s not even that dirty. You’re seriously overreacting.” Sandali ko rin binalingan ang higaan niya.

“Overreacting?” Hindi makapaniwalang sabi nito. “Dinumihan mo ang higaan ko.” Habang hindi pa rin inaalis ang pagkakaturo sa kaniyang higaan.

Aalis na sana ako sa harapan niya ng itulak niya ako pabalik. Tumalon pa tuloy si Asher pababa mula sa bisig ko. Nakipag pantayan ng tingin si Ichan at animoy naghahamon din ng away sa kaniyang mga tingin.

“Ano bang gusto mo, huh?” Balik ko rito at tinulak din siya.

Agad naman itong gumanti ng tulak at buong pwersa akong tinulak dahilan para mahiga ako sa kaniyang higaan. I was about to protest when he suddenly plopped himself onto my stomach.

Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniyang ginawa. Hindi ako makapag react sa kaniyang ginagawa habang nakaupo sa tiyan ko.

“Hindi ikaw ang naglalaba niyan, ni hindi ko pinapakialaman ang gamit mo! Kaya wala kang karapatan dumihan ang mga gamit ko!”

I stared at his face, unable to react to what he had just done or to the words coming out of his mouth. My breath hitched when he moved even closer, his anger evident in every sharp line of his face.

His brows were slightly furrowed, clearly annoyed, yet somehow it only made him look even more unfairly attractive. His soft features contrasted with the irritation written all over his face, and those expressive eyes—bright and full of emotion—were fixed on me with a glare that should’ve been intimidating.

His dark hair fell messily over his forehead, framing a face that looked almost too perfect to be real. Even with his lips pressed into a stubborn pout, there was something ridiculously endearing about him.

“Nakikinig ka ba?” Galit na galit niya pa rin na tanong.

I blinked.

Malakas ang pwersa kong tinulak siya dahilan para mapalit kami ng posisyon. He was the one underneath now, while I was on top of him. I smirked at him as I finally snapped back to my senses.

“Labahan mo mag isa mo. Higaan mo iyan!” Mabilis akong umalis sa kaniyang ibabaw. Siya naman ngayon ang nakatulala at hindi makapaniwala sa nangyari.

Muli kong kinuha si Asher at lumabas ng kwarto niya. I nervously bit my lower lip, bumalik ako sa mga kaibigan.

“Ang tagal mo naman, Pre?” Salubong ni Ethan sa’kin.

Nakita ko kagad si Jason na kakwentuhan na rin ng mga ito. Nilapag ko si Asher at binigyan ito ng pagkain. Hindi ko man lang na pansin na hindi ko pala na sagot ang kaibigan.

“Okay ka lang?” Tanong ni Matt.

Tumango ako sa kaniya habang pinapakain pa rin ang pusa.

“Mukang badtrip na badtrip ka, nag away na naman ba kayo ni—” hindi na tapos ni Ethan ang sa sabihin ng makita namin si Ichan na dumaan dala ang makapal na sapin ng kaniyang higaan.

Dahil sa laki ng sapin muntikan pa siyang matakpan non, habang dala dala iyon. Bumaling si Ichan samin habang masama pa rin ang tingin sa’kin.

“Nakatira siya dito?”

Napatingin ako kay Jason nang magsalita ito, nakatingin ito kay Ichan.

“Is he related to you?”

Biglang usisa ngayon ni Jason, madami itong naging tanong kay Ichan. Sinabi kong nakikitira ito dito at kinuwento kung bakit. Nakakunot ang nuo ko kay Jason, habang hindi nito inaalis ang tingin kung san namin na kita si Ichan.

“Why don’t you stay for dinner?” Offer ni Mom sa mga ito.

Kakarating lang nila, Mommy. Kasama sina Kuya James at asawa nito. Wala si Kuya Henry dahil mamayang hating gabi pa daw ito makakauwi, kasama nito ang mga katrabaho niya dahil nagkaayaan sila uminom sa labas.

Tumanggi sina, Ethan sa offer ni Mom, pero namilit si Mommy kaya pumayag din ang mga ito. Alam ko naman ang gusto nito, magtatanong nang magtatanong ito sa mga kaibigan ko tungkol sa mga pinaggagawa ko.

Halata naman na gustong gusto nito Jason, ang offer ni Mom na dito maghapunan dahil pumayag ito kagad. Nakakunot ang nuo ko kay Jason.

“Where’s, Ichan?” Hanap ni Dad dito.

“Nasa likod po kanina naglalaba. Pero mukang tapos na rin naman po dahil isa lang naman nilabahan niya.” Sagot ng isang kasambahay.

Magsasalita na sana si Mom ng siya naman ang sulpot ng taong hinahanap.

“Ichan, halikana dito.” Tawag ni Mom dito.

Mukang na gulat pa si Ichan sa mga tao sa hapag. I also noticed Jason straightening up in his seat. Dahil sa ang katabing upuan na lang ni Jason ang bakante doon na upo si Ichan.

“Since this is your final year, what are your plans after college?” Tanong ni Mom sa mga ito.

“After I pass the board exam, I plan to work first. Then, I’ll pursue my master’s degree in another country.” Sagot ni Matt.

“Eh, hindi ka biglang nakapasa.” Pang aasar ni Ethan dito.

“Makakapasa ako.”

Tumawa si Mom sa mga ito. “Iyon din sana ang gusto naming plano para kay Junie, pero siya pa rin ang magdidisisyon for his future.”

Aksidente akong na patingin kay Ichan, nag uusap ang dalawa si Jason. Pero dahil sa bulungan lang ang pag uusap ng dalawa hindi ko ito madinig masyado. Bahagya kong inusog ang upuan ko papunta sakanila.

“Maaga pala ang uwi mo ngayon? Pumunta ako kanina doon, pero wala ka kaya dumiretso ako dito. Of all places, I didn’t expect you na dito ka nakatira.”

“Ako rin, hindi ko alam na kaibigan mo pala si Junie.” Mahinang sagot ni Ichan.

Tumawa ng mahina si Jason. Mahinang nag uusap ang dalawa, habang hindi ata na papansin ng ibang kasama namin sa hapag ang closeness ng dalawa.

“Salamat, Tita, Tito sa hapunan.” Pasasalamat ni Jason kina Mom.  “Dadalasan ko po ang pagdalaw sainyo dito ngayon.” He said, without taking his eyes off Ichan.

“Mag iingat kayo sa paguwi.” Bilin ni Mom sa mga ito habang dinudungaw ang mga kaibigan ko.

Nang makaalis ang mga kaibigan ko, naunang umakyat sina Mom and Dad sa itaas. Nagbilin muna ang mga ito kina Manang. Sina kuya James naman umakyat na rin sa taas dahil dito sila matutulog ngayon mag-asawa.

Bumaling ako kay Ichan, hindi ko alam kung saan siya pupunta pero agad ko siyang sinundan.

“How do you know Jason?” Mabilis na tanong ko sa kanya dahilan ng pagbaling nya sa’kin. Mukang hindi pa niya ako na pansin na sinundan ko siya dahil sa nagulat pa ito.

Pero mabilis rin naman nakabawi, at kumunot ang nuo. “Anong pakialam mo?” Mataray na pagsagot nito sa’kin.

“Pakialam ko? Jason’s my friend, so of course I need to know how you two met.”

“Bakit hindi siya ang tanungin mo? Kaibigan mo pala siya.”  With an irritated eye roll, he continued walking.

My jaw nearly dropped at how bitchy his tone was. Mabilis ko siyang pinigilan at hinarap sa’kin. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya at sinubukan alisin ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa kaniya.

“I know Jason. He’s straight, he’d never go for someone like you. And besides, maraming babae ang loko loko na iyon.”

Tinignan ako nito na parang nakakainsulto. Malakas nitong inalis ang kamay kong nakawak sa kaniya.

“Ano bang pakialam mo?”

Tuluyan itong umalis sa harapan ko at pumunta sa likod ng bahay, naiwan ako doon at naupo sa sofa. Wala pang ilang minuto ng bumalik siya at dala dala ang malaking sapin ng kaniyang higaan. Umirap pa siya sa’kin ng matanaw ako.

“Junie, bumangon kana tanghali na.” Kumakatok sa sigaw ni Mommy sa labas.

Bumangon ako para pagbuksan siya ng pinto, bumungad ito sa’kin na tila ayos na ayos at malinis ang pagkakatali ng kaniyang buhok. Kapag ganito ang ayos niya ay madalas malayo at importante ang pinupuntahan niya kasama si Dad. Madalas isang linggo silang dalawa ni Dad wala dito.

“Junie, could you do the grocery  for now? Ngayon lang naman, dahil wala si Manang umuwi sa kanilang probinsya kaninang madaling araw. Pinasama ko iyung isa, yung isa naman nakaday off ngayon. Hindi ko na sabihan.” Problemadong sinabi nito.

“How about you, Mom?” Inaantok na tanong ko pa dito, at pinasadahan ang suot niya na ayos na ayos.

Malakas akong hinampas nito dahilan para mas magising pa ako. “May kailangan kami puntahan ng daddy mo, kung hindi lang ako busy ay ako na lang ang gagawa.”

“Mom, relax. I was just messing around. I’ll do the grocery.”

“Inabot ko na kay Ichan ang mga kailangan bilihin, nasa kanya na rin ang pera. Sasama siya sayo.” Deklara niya.

Sakto naman na lumabas si Ichan sa kaniyang kwarto at sabay kaming napatingin ni Mom dito. Mukang tapos na ito maligo dahil sa basa pa ang kaniyang buhok.

“Maligo kana at umagahan sa baba, nakaayos na si Ichan.”

Mabilis na bumaba ito ng tawagin ni Dad, humalik pa ito sa nuo bago nagmamadaling umalis at nagpapaalam din kay Ichan. Napabaling naman ako kay ichan ng hindi ko na matanaw si Mommy.

“Mag ayos kana, mag aantay ako sa baba.” Sabi nito saka naglakad pababa ng hagdan.

Umigting ang panga ko, at pumasok na lang sa kwarto para maligo at makapag handa na. Tinagalan ko talaga ang pagkilos para matagal siyang mag aantay sa’kin.

Nang bumaba ako, nakita ko siyang nilalaro si Asher sa sofa.  Napabaling ito sa’kin at nagsalubong ang kilay.

“Ang tagal mo, babae ka ba?” Iritadong tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at naglakad lang. Umayos naman ito ng tayo at naglakad. Dumiretso ako ng kitchen.

“Saan ka pupunta? Doon ang papunta palabas.” Tinuro niya ang daan papalabas.

“I know,” sabi ko  sa kanya. Dito ako nakatira kaya alam ko kung saan ang papalabas.

Nakakunot ang nuo niya sa’kin.

“Kakain muna ako, hindi pa ako nag uumagahan.” Sabi ko sa kanya. Hindi makapaniwala ang tingin nito sa’kin. Tinignan niya pa ang oras ng kaniyang cellphone.

“Mag aalauna.” Reklamo nito.

“Alam ko, kaya nga ako kakain nagugutom ako. Hindi pa ako nag uumagahan.” Dumiretso ako ng kitchen.

Nagdadabog itong sumunod sa’kin. The corner of my lips curled up in a smug grin.

“Bilisan mo kumain.” Naiinis nitong utos. Nakacross arm pa ito habang nakaupo sa high chair.

“Bakit mo ako pabibisin? Gusto mo mabulunan ako at mamatay?” Sabi ko sa kanya. Naupo ako sa katapat nito.

“Ang OA mo, pinagmamadali ka lang.” umirap ito sa hangin.

“Kumain kana?” Tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at tinignan lang ako kumain. Bawat subo ko at pagnguya ko ay binabagalan ko para mas lalo siyang mainis.

Kitang kita ko pa ang galaiti niyang tingin lalo sa’kin, nang inggitin ko siya sa kinakain ko. Sumubo ako na parang nasa commercial sa tv at ngumuya na parang sarap na sarap.

“Alam mo, kaya ko naman gawin mag isa to, eh!” Sabi niya saka tumayo at akmang aalis.

“Hep. Hep. Hep.” Pigil ko sa kaniya at pinilit lunukin ang kinakain. “Hindi mo alam kung saan naggo-grocery sina Mom, kung saan gusto niyang grocery kapag namimili.”

Mas lalong nanggalaiti ang muka nito sa’kin. Tumawa ako at tinapik ang lamesa sign na pinapaupo ko ulit siya.

“Bilisan mo na kasi!”  Iritado nitong sinabi sa’kin.

Mas lalo ko itong inasar at um-act na parang slow motion ang bawat galaw ko. He rolled his eyes again.

Damn, he’s cute.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.