eXchange
kabrobars · 14 chapters · 40,662 words
KARUGTONG
May 29,2020
Hey yoow mga ka brobars magandang araw sa lahat. Sa mga nagbibisita sa page ko maraming salamat. Anyway mga ka brobars sa muli sundan niyo ang bawat yugto ng life story ko na somehow nangyari na o nangyayari na sa inyo o baka naman ma e-experience niyo pa lang.
Kung matagal na kayo sa page, Kilala niyo na siguro ako. Ako si Ramzky, Ram ang madalas na tawag ng mga kaibigan ko maging dito sa Facebook. Yours truly, ang author niyo.
Par sa mga kabataan diyan, I’m in my late 30’s na kaya kung sa mga sexperience at experience lang talaga count me in, napadaan ko na lahat ng happiness, at heartaches. At thinking and hoping to inspire you mga kabrobars, allow me to share with you mine,my own BL stories.
Napakilala ko na sa inyo si Joey (Hard locked down episodes) ang dati ko ng kasabayan sa tagayan at tambayan. Isang food delivery driver na minsan ko nang naka kama. At si Marlou (Short Cut )ang almost 2 years ko nang kasama sa pag ra ride na nitong May lang naging kami.
Halos mag ka edad lang kami ni Joey samantala si Marlou ,8 years ang tanda ko sa kanya. Parehas kaming single dad ni Joey, at si Marlou naman bagito pa pag dating sa relasyon, sabi ko nga virgin pa sa pag harap sa mga responsibilidad. Pareho ko silang nagugustuhan sa magkakaibang paraan. Gusto ko si Joey kasi matagal ko nang pantasya ang katangian nito physically. Si Marlou gusto ko kasi wala itong pag aalinlangan tungkol sa akin,tanggap ako at subrang malambing. Sa ugali parehas ang dalawang mabait at marespeto. Na kahit may nangyari na pagitan namin hindi man lang nag bago ang tingin at pakikitungo nila sa akin.
Dalawang rider, isa taga hatid ng serbisyo, at ang isa nagbibigay ng serbisyo. Alin man sa kanila…sana tama ako.
By the way mga ka brobars sa muli ako si Ramboi, maskilala sa tawag na Ram…nasa mid 30’s na discrete bi. Marupok at mapag bigay. Nagmamahal kahit nasasaktan.
May 29,2020 alas dos ng madaling araw nang bumangon ako para umihi. Agad ko tinungo ang banyo. Pagkatapos humarap ako sa salamin ng banyo.
“Hindi ka na bumabata, sana magising kana sa katotohanang tapos na ang kabanata mo para lumandi”_sabi ko sa aking sarili at nag hilamos.
Bumalik ako sa pagkakahiga, pinilit ang sarili para makatulog muli ngunit lumipas na ang antok ko. Sa dami ng mga bagay na tumatakbo sa isipan ko parang gusto ko na lang e advance ang oras para maging busy na muli ako sa trabaho at makalimutan pansamantala ang mga iniisip ko.
Nakaramdam ako ng gutom kaya bangon uli at nag bukas ng slice bread saka nag timpla ng gatas.
Napansin ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesita na naka ilaw. Hindi ko pa pala na off ang data ko mula kanina bago ako natulog. Ang dami kong message mula kay Marlou.
Laman ng message:
“Gha ayos ka lang? Reply naman diyan please nag alala na ako.”_Ram❤maR
“Kung may problema ka andito lang ako gha”_Ram❤maR
“Miss na kita, kelan ka ba uli uuwi dito ng Bacolod? O baka gusto mo dadalawin kita diyan? Gha?”_Ram❤maR
“Nandito lang ako gha para sa iyo,I love you gha❤”_Ram❤maR
Napa ngiti na lang ako sa mga mensahe nito sa akin. Alam ni Marlou ang pinagdadaanan ko ngayon emotionally kaya after ng last ride namin naki usap ako sa kanya na kung pwedi hayaan niya muna ako pansamantala. Labag man sa kalooban niya pumayag siya. Tinamaan lang siguro ako sa mga negative comments na nabasa ko noon sa tag post sa akin ni Marlou.
Pasalamat na lang ako dahil dito sa social distancing,hindi ko makakasama ng harap harapan ang ilan sa mga kasamahan ko sa trabaho na nag post din ng ilang below the belt comment. Alam kong pinag uusapan nila ako, pero at least hindi ko nakikita at naririnig. Gayon pa man nangangamba ako baka mag iba ang pakikitungo nila sa akin at bumaba ang pagkakakilala nila sa akin.
Nang biglang may tumawag sa messenger ko. Si Joey
“Good morning brad, open mo cam mo video call tayo”_sabi ni Joey
“Ayan na…magandang umaga din sayo brad napatawag ka?”_sagot ko
“Na miss lang kita brad…kamusta na?hindi kana nadalaw sa bahay ah?”_tanong nito
“Busy lang brad, isa pa mukhang busy karin yata sa kaka deliver mo.last time dumaan ako diyan pero sabi ni mama wala ka daw.”_sabi ko naman
“Ganon ba, brad libre ka ba next week punta ka sa bahay, birthday ko.”_pag invite nito
“Sige ba, anong araw kaya yan brad pra ma set ko schedule ko. Miss ko na din makasabay kang uminom.”_sabi ko
“ alin na miss mo brad iyong inuman natin o ang kainan natin hahahaha“_tawanan kami pareho.
Napahaba ang kwentuhan namin ni Joey hindi ko na malayan na mag aalas tres na ng umaga.
“Brad mukhang pinapatulog na ako ng mga manok alas tres na,tulog na ako may pasok pa ako mamaya.”_sabi ko
“Ayos lang brad,kita kits na lang tayo dito. Tawag ako uli sa iyo bukas vidjakol na naman tayo brad hahaha”_dagdag pa niya.
“Loko ,..sige brad salamat sa tawag good mornite na lang”_at nag paalam nakami sa isat isa.
Nakatulog ako ng may ngiti sa labi pagkatapos ng video call namin ni Joey.
May 30,2020 alas siete ng umaga:
Ilang oras lang ako na tulog pero parang mahabang mahaba ang pahinga ko. Ang gaan ng gising ko.excited ako pumasok.
Mag aalas dose na ng tanghali ng tinawag ako ng isang tao ko sa loob ng aking opisina.
“ sir may nag hahanap sa iyo sa labas, kapatid mo siguro iyon sir…nasa labas lang po siya. Nahihiya daw po siyang pumasok.“_sabi ni Tina
Agad ko iniwanan saglit ang aking trabaho at lumabas para kitain ang aking bisita. At nagulat ako ng makita kung sino. Kahit naka talikod alam ko kung sino iyon.
Si Marlou…
TWIST
May 30,2020 wednesday…
Hindi ko inasahan ang pag dalaw sa akin ni Marlou.
“Ay sir hindi ba siya yong kasama mo sa facebook…ang fresh pa pala ni boylet sir”_sabi ni Nikki na kasamahan ko.
“Naniwala ka naman don sa post…barkada ko lang yan . Ewan ko ba bakit pumunta yan dito.”_pagtanggi ko.
“Ganun ba sir pero in fairness may chemistry kayo.”_dugtong pa ni Nikki at bumalik na ito sa trabaho niya.
Open naman ako regarding sa preference ko sa mga katrabaho ko pero iilan lang nakakaintindi sa akin. Agad ko nilabas si Marlou.
“Napasugod ka man Marl, ano atin?”_sabi ko
“Marl?…nasaan na si gha? …siya nga pala gha dinalhan kita ng buko pie. Mukhang busy ka yata sorry na disturbo pa kita…alis na ako.”_kita ko ang lungkot sa mga mata ni Marlou.
“Teka lang …halika kumain muna tayo sa labas.”_at niyaya ko si Marlou sa kalapit na coffee shop.
Nakarating kaming dalawa sa coffee shop na walang imikan. Alam ko naman kung bakit. Ako na ang umorder para sa aming dalawa.
“Kinahihiya mo ba ako gha?”_agad nitong tanong
“Please lang Marl wag mo akong tawaging gha pag nasa labas tayo ok? Ok lang sa akin pag solo natin ang paligid, kapag tayo lang.”_sabi ko.
“So , kinahihiya mo nga ako gha…ayos lang sa akin, na intindihan kita gha i mean Ram. Promise mag bi-behave ako.”_sabi nito may lungkot ang boses.
“Salamat at na intindihan mo ako. Siya nga pala bakit ka napasadya dito? Nag rides ba kayo?”_tanong ko.
“ dadalawin lang sana kita, na miss lang kasi kita…pero mukhang hindi ka naman masaya sa pag punta ko dito.“_sabi pa niya.
“ hindi naman sa ganun..masaya naman ako kasi nandito ka. Pero kuwan lang kasi, maraming trabaho lang sa loob. Hindi kita ma aasikaso nang maayos.“_sabi ko.
“Pasensiya na gha…Ay Ram pala…pasensiya na, hindi na ako mag tatagal baka gabihin ako pabalik ng Bacolod.”_at tumayo ito para umalis.
“Sige Marl…salamat dito sa buko pie. Kita na lang tayo pag nakabalik na ako ng Bacolod”_sabay tapik sa kamay nito na nakapatong sa mesa.
Napaka insensitive ko sa ginawang effort ni Marlou. Alam kong may mali ako. Pero hindi naman talaga iyon ang intensiyon ko. Hindi ko lang ma feel ang excitement sa presence ni Marlou. I mean ang feeling na parang hindi ka ganoon ka saya kasi hindi mo naman talaga in expect ang ganun. Naawa ako kay Marlou. At sa isang banda hindi ko naman maintindihan ang sarili ko.
Tama si Marlou after ng pangyayari sa aming dalawa ako ang magbabago. Nawala ang dating galak ko na makasama siya araw araw. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko gusto na magkaroon ng ka something sa mga ka close ko. Lalo na sa mga kaibigan ko. Pag barkada lang barkada lang talaga. Nakaramdam na ako nang ilang sa pagsasama namin ni Marlou. Feeling ko lahat ng mga matang makakakita sa amin,hinuhusgahan kami. Iyon siguro ang dahilan kung bakit dumidistansiya ako sa kanya.
Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Hindi sa hindi ko gusto si Marlou , takot lang ako ilabas at ipakilala sa lahat kung ano na kami ni Marlou.
6pm …isang private message galing kay Chelsea ang aking na tanggap.
“Anong score niyo ngayon ni Marlou?…umiiyak siya ngayon dito?”_laman sa message ni Chelsea
Nagtaka naman ako kung bakit ganun ang message sa akin ni Chelsea at bakit naroon si Marlou sa kanya. Agad ko tiningnan ang aking facebook. Napa dako ako sa my story post ni Marlou. Alam kong patungkol sa akin ang mga cryptic posts nito.
Tinatawagan ko si Marlou kaso hindi niya sinasagot ang mga tawag ko maging ang aking mga text. Kaya tinawagan ko na lang si Chelsea.
“Hay naku Ram ,ano ba ang nangyari sa inyo nitong si Marlou bakit narito ito dito kanina pa itong nandito at nag lalasing.”_sabi ni Chelsea
“Wala,…hindi ko alam, at ano ba yang pinagsasabi mo, walang kami ni Marlou. Saan mo naman hinugot ang issue na iyan? At hindi ko alam kong ano yang dahilan ni Marlou,kaya nag lasing.”_pagtanggi ko uli kay Marlou.
Matagal ko nang alam na crush ni Chelsea noon pa man si Marlou. At vocal talaga si Chelsea sa nararamdaman nito sa kanya. Kagrupo din nila Marlou si Chelsea sa riding club
“ hmmm eh ano iyong post niyo nang mag ride-ride kayo?“_paglinaw ni Chelsea.
“Wala yon, alam mo namang kalokuhan lang namin ni Marlou iyon…teka lang nandiyan paba siya?”_sabi ko.
“Ok at least clear may chance na uli ako kay daddy Marlou. Nasa loob siya nakiki pag inuman sa.kuya ko”_sagot niya.
“Ganun ba…sige wag mo na lang sabihin na tumawag ako baka may problema lang ang tao. Salamat sa pag-inform sa akin. Ikaw na muna bahala sa kanya. Ok bye”_pagputol ko.
Pinutol ko na ang usapan namin ni Chelsea, dahil na guilty na ako sa ilang ulit ng pag tanggi ko sa relasyon namin ni Marlou.
Lasing si Marlou at nasa kina Chelsea. May hinanakit si Marlou sa akin. Lahat ng pweding mangyari sa mga sandaling iyon posibleng mangyari. Tanggap ko naman kung sakali man. Pero may kunting selos sa puso ko akong naramdaman.
Lumalim pa ang gabi pero walang reply o tawag mula kay Marlou. Marahil natauhan din siya na hindi talaga mag wo work ang relasyon naming dalawa.
After ko gumawa ng kuwento para sa aking facebook page, tumunog ang cellphone ko… si Marlou.
“Hey gha magandang gabi…buti gising kapa. Sorry talaga kanina”_halatang lasing si Marlou.
“Lasing ka yata…at para saan yang sorry? Ako dapat ang magsabi niyan sayo after ng hindi ko pag welcome sa iyo kanina ng maayos sa trabaho.”_sabi ko.
“No, ako itong nag trespass sa privacy mo gha, nakalimutan kong may private life ka…sorry”_paghingi nito uli ng sorry.
“Wala kang kasalanan,alam kong gusto mo lang mag reach out at ipakita sa akin kung gaano ako kahalaga sa iyo. At sorry kung hindi ko na susuklian ng ganun ka expressive ang mga effort mo. Pero tandaan mo na a appreciate ko iyon”_sabi pero may guilt sa puso ko. Guilt dahil sa pagtanggi ko ng tungkol sa amin.
“I love you gha…”_tugon nito.
Matagal akong na natahimik ng marinig ko iyon kay Marlou. Hindi ko ma bigkas ang salitang “mahal din kita”. Hindi sa hindi ko mahal si Marlou kundi nahihiya ako sa sarili ko na hanggang sa salita lang ako at wala sa gawa.
Muli inulit ni Marlou ang kanyang sinabi.
“Mahal kita gha…at kahit hindi ko man marinig mula sa iyo ang mga salitang yan ngayon alam kong in time.”_malungkot nitong sabi.
“Mahal din kita Marl pero sorry kung hindi ko kayang e express yan in public. Maaring hindi talaga ako ang nararapat sa pagibig mo Marl sorry.”_sagot ko.
“Naintindihan ko gha….at naintindihan kita.”_maikli nitong sagot.
Si Marlou na ang unang nag tapos ng aming usapan. Alam kong hindi kami ok ni Marlou at mas lalong hindi ok si Marlou.
Bago matulog nag post ako sa aking facebook…“whats on your mind?” Simple lang isang malaking question mark at tanong na BAKIT BA?
Biglang post din sa my day story si Chelsea….
Naka higa ito at katabi ang tulog na si Marlou. At may caption na “ tonight with daddy“. Sinundan pa ito ng kanyang facebook post na “And the winner is Me,not you Barbie.”
Iba ang naramdaman ko nang mabasa ko iyon. Patama ba iyon sa akin. Hindi ko alam.
After 1 minute nag post uli ito at naka tag pa kami ni Marlou.
“Option and choices,magkaiba iyon.”_feeling happy with @Ramboi and @Marlouboro
Laman pa ng post niya.
Hindi ko alam bakit ito ang mga post ni Chelsea. Ilang minuto palang ang post pero tagaktak na ang mga reaksiyon at comments. Ayuko nang makabasa pa ng mga comments kaya i nantag ko ang sarili ko.
Nakatulog ako ng hindi at ease ang iniisip ko.
Kinabukasan din noon kinausap ako ni Marlou. Sabi ko wala siyang dapat ika bahala kasi ok lang ako.
Araw ng aking day off…oras at araw na naman ng pagbabalik ko ng Bacolod. Maaga pa lamang ng mag ayos na ako para makasakay ng first trip sa bus.
Nasa bus ako on the way pa Bacolod ng tumawag si Joey.
JUNE 6, 2020 @ 5:30 AM
CROSSING BOARDERS
JUNE 5,2020 My day off, maaga palang nag ayos na ako para maka pag firstrip ng bus pa uwi ng Bacolod. Tumatakbo na ang bus ng may tumawag sa akin, si Joey.
“Hey pre go mowning, ang aga natin ah…bukas pa ang birthday ko.”_agad nitong pagbati pag ka sagot ko.
“Ano ang aga, at paano mo nalaman na uuwi ako ngayon?”_tanong ko.
“Sa IG story mo,nakita ko…ang aga mo naman?”_sagot nito.
“Ah ok…hindi mo man lang ako ininform ,stalker pala kita pre,…day off ko ngayon inagahan ko na para mahaba habang oras din ang pag stay ko sa amin diyan.”_sabi ko.
“Ganun ba. Akala ko inagahan mo kasi excited ka makasama ako sa birthday ko bukas. Hihihi pre bukas ha sa bahay punta ka.”_tugon ni Joey.
“Oo nga pala kaarawan mo na pala bukas muntik ko na makalimutan pre, nawala sa isip ko buti pinaalala mo. Sige punta na lang ako bukas sa inyo.”_nawala talaga sa isip ko ang birthday ni Joey.
“Ayos lang yan pre ,makalimutan mo man ako,hinding hindi ako makakalimot sa iyo. Na miss na kita pre, miss ko na yong kwan natin hihihi”_hirit nito.
“Past na iyon pre, at dala lang iyon nangg pagka uhaw natin sa alak hahaha. Tingnan na lang natin kung mauulit bukas pre hahaha…humanda ka ng case ng red horse bukas. Baka mabitin tayo .”_sabi ko
Parang ok lang sa amin ni Joey na pag usapan ang mga past namin. Subrang komportable na ginagawa na lang naming biro ang mga nangyari sa amin. Di tulad sa amin ni Marlou, naiilang akong mag open topic ng tungkol sa sex.
“ sige na pre nawawalan na ako ng signal dito…kita na lang tayo diyan.“_pag putol ko sa usapan namin ni Joey.
“Ok pre…ingat diyan hintayin kita dito gha.”_natigilan ako sa huling salita ni Joey.
Tinawag niya akong gha, tila iba ang dulot sa akin ng salitang iyon pag galing kay Joey. Parang kinikiliti ang tenga ko. Hindi ko iyon naramdaman kay Marlou kapag tinatawag niya ako ng ganun.
Agad binawi ni Joey ang salitang iyon at nagsabi ng joke. Kahit na biro lang iyon pero iyon na ang pinaka sweet na salitang narinig ko ng mga oras na iyon. Huli kong naramdaman ang ganitong pakiramdam noong kami pa ni pareng Renzy, kapag tinatawag din niya akong gha.
8am ng araw ding iyon…
Malapit na ako sa terminal ng Bacolod. At pag kaparada ng bus,bumaba agad ako. Agad ko tinungo ang exit ng terminal at nag hanap ng bakanteng taxi ng may pumaradang motor sa harapan ko. Si Marlou.
“Good morning gha, sakay na ihahatid na kita.”_agad na pag bati ni Marlou.
“Paano mo nalaman?”_tanong ko.
“Sa IG story mo,…kaya nag abang na ako dito,actually kaninang 6 pa ako dito. Medyo gutom na nga eh…tara na gha kain muna tayo.”_payaya nito
“Ok lang ba? Hindi ba bawal ang angkas dito? Social distancing diba?”_pag alinlangan ko.
“Bawal pag hindi kasal, eh kasal kana sa akin kaya walang bawal ako bahala sa iyo gha, heto dinalhan kita ng extrang helmet.”_at inabot sa akin ang dala nito.
Ewan ko ba sa sarili ko ,dapat masaya ako kasi nag effort si Marlou na sunduin ako, pero nang time na iyon wala akong naramdamang kilig at spark. Hindi tulad noong hindi pa kami. Umangkas na ako sa motor ni Marlou.
“Usog kapa sa akin gha,idikit mo sa likod ko katawan mo baka mahulog ka…sa iba, i mean sa motor ko.”_may laman ang huling salita ni Marlou.
Naghanap ng daang walang checkpoint si Marlou…patuloy lang ito sa pg mamaneho ng kanyang motor. Napadpad kami sa isang kainan malapit lang sa highway. Nag milk tea kami at nag silog.
“Buti naisipan mo akong sunduin naka tipid ako ng pang taxi. Wala kabang trabaho ngayon?”_tanong ko kay Marlou na simula pa kanina ang tahimik na.
“Baka kasi may sumundo pa sa iyong iba, kaya inunahan ko na, Next time kasi dalhin mo na lang ang motor mo ng may service ka gha.”_payo nito at tila malaman ang bawat hirit nito sa akin.
“Sino naman ang susundo sa akin wala naman kaming wheels at ang motor ko ginagamit ng kapatid ko mas need niya iyon sa trabaho niya.”_sagot ko.
“Gha…”_si Marlou
“Hmmm bakit?”_ako habang nag si sip ng milk tea
“Ka ano ano mo si Mark Joel Capuno(ibang apelyedo for privacy)?”_bigla nitong tanong
Muntik na ako mabulunan sa tanong ni Marlou.
“Relax lang gha hinay hinay lang, nagtatanong lang naman ako.”_sabi pa ni Marlou.
“Ah si pareng Joel, kapit bahay ko iyan doon sa amin. Bakit mo naman na itanong?”_usisa ko kay Marlou
“Ganun ba, …wala naman gha, nakita ko lang nang mag comment siya sa profile pic mo. Gha din pala tawagan niyo ng kumpare mo?.”_sabi pa nito.
Agad ko tiningnan ang FB ko. Nag update pala ako two days ago ng aking profile picture…pero hindi ko pinansin ang mga comments.
Hinanap ko ang sinasabi ni Marlou na comment.
“Fresh naman gha, mukhang di halatang stress😄”_ito ang laman ng comment ni Joey sa profile post ko.
“Wala iyan, ganyan lang yan sa akin…wag mo siyang pansinin. May asawa na iyan”_paliwanag ko kay Marlou.
“May asawa pero hiwalay, may isang anak na babae at nag dedelivery service siya ngayon.”_dugtong ni Marlou.
“ iba ka din pala mag stalk ,detalyado talaga…alam mo ,dont mind him ,he is nothing. Close lang kami niyan kaya ganyan lang iyan sa akin. Biruan lang iyan. Walang ibig sabihin ang comment niyang yan“_paliwanag ko pa.
“Kaya siguro hindi mo makuhang tawagin akong gha in public kasi iyan ang tawagan niyong dalawa,tama ba ako? Ha,gha?”_sabi pa nito.
Alam ko ang pinanggagalingan ng selos ni Marlou. Habang tumatagal ang usapan namin ,lalong umiiba ang templa ng mode nito kaya pinutol ko na ang usapan.
“Hindi tayo matatapos dito,at hindi ito ang tamang lugar para pag usapan mga bagay na wala naman dapat pag usapan. Uuwi na ako. Mag tataxi na lang ako.”_sabi ko
“Sorry…nag wo worry lang ako baka may iba kana gha”_at hinawakan ni Marlou ang kamay ko nang akma na akong tatayo.
“Napag usapan na natin ito. Wag kang mag aalala wala kaming ugnayan ni Joey. Hayaan mo minsan ipapakilala kita sa kanya.”_sabi ko.
Bumalik ako sa pagkakaupo at tinapos ang aming kinakain. At may kung anong demonyo ang humila sa dila ko at na open topic ko ang last post ni Chelsea.
“Kamusta na nga pala kayo ni Chelsea? Alam mo bagay kayong dalawa. Nakita ko sa post niya kahit tulog ka ang sweet niyo.”_pag open ko.
“So ako na naman ngayon…?akala ko wala lang sa iyo,at sinabi ko na diba sa iyo wala akong malay sa pinag gagawa ng babaeng iyon. Akala ko ba hindi issue yon sa iyo.”_kumunot ang noo ni Marlou na irita sa tanong ko.
“Kaya nga ok lang sa akin. Diba dati pa man, buto na ako kay Chelsea para sa iyo. Ang sa akin lang naman, eh…in case na maging kayo, para sa akin bagay kayo.”_dagdag ko pa.
“Fuck….gha …boyfriend mo ako tapos e rereto mo ako sa iba? Ang labo mo naman…ano ba itong ginagawa mo sa akin? Tayo ang nandito bakit sinisingit mo ang iba?.“pigil ang galit sa boses ni Marlou. Ayaw niyang mapahiya.
“Ang sa akin lang naman…baka…baka sakaling mag sawa ka sa akin. Si Chelsea na lang ,kasi mahal ka niya. At ok ako kung maging kayo.“sabi ko.
“Ang babaw talaga ng tingin mo sa pag ibig ko sa iyo. Kulang pa ba ang pinapakita ko sa iyo?ha gha?hindi pa ba sapat ang mag mamahal ko sa iyo.“si Marlou.
“Kayong lahat makinig kayo!Mahal ko ito Mahal na Mahal ko ito!“bigla nitong sigaw habang tinuturo, at pinakikilala Ako sa lahat na naroon sa kainan.
Buti na lang iilan lang ang nandoon…pinigil ko si Marlou at niyaya na umalis na. Nag pahatid na ako sa kanya sa bahay.
Pero ibang daanan ang binabagtas ng kanyang motor. Nagtaka ako. Dinala ako ni Marlou sa bahay nila.
“Nay siya nga pala si Ram boyfriend ko.”_pakilala sa akin ni Marlou sa nanay niya. Nagtaka ako bakit ok lang sa nanay nito na ipakilala akong boyfriend niya.
“Magandang umaga iho…tuloy kayo. Marlou ipaghain mo yang boypren mo sa loob. May binili lang ang tatay mo saglit. Pasok ka nak, feel at home.”_pag welcome ng ina nito sa akin.
“Pumasok kana gha…aayusin ko lang itong motor ko.”_sabi ni Marlou.
Solong anak lang pala si Marlou. At may edad na ang mga magulang nito.
“ ok lang sa parents mo na boyfriend mo ako?“_tanong ko kay Marlou
“Sobrang ok, matagal ka na nilang gusto makilala. Tanggap ka nila at tanggap nila ang relasyon natin. Mahal na mahal kita gha.Gusto ko ipakita sa iyo na maging sa mga magulang ko kaya kong ipagsigawang mahal kita.”_sabi pa nito.
“ ikaw lang nagpatino diyan sa anak namin,kaya malaki ang pasasalamat namin na dahil sa iyo naging responsable na iyan ngayon. Hindi naman ganyan yan dati. Pero nang makilala ka niya umayos yan. Nag iisang anak lang namin si Marlou at kung ano ang makakabuti sa kanya handa kaming sumuporta. Matanda na kami ng ama niya. Gusto namin na magkaroon ng dereksiyon ang buhay niya…at sa iyo lang yan tumino alam mo ba? Salitan ang girlfriend niyan dati, lahat hindi nakatiis sa ugali niya. Kaya madalas siyang iniiwan. Salamat sa iyo iho at napagtiyagaan mo si Marlou.“_kuwento ng kanyang ina.
Lulong daw dati sa grupo at bisyo itong si Marlou. Pero dahil daw sa akin at sa grupo nitong riders umayos daw ang pananaw nito sa buhay.
Nakakalambot ng puso. Nakaka inggit si Marlou, kung pwedi ko lang din sana ipag sigawan sa pamilya ko kung ano ako mas magiging buo siguro ang pagkatao ko.
Inabutan na ako ng tanghali kina Marlou. Noong time na iyon mas lalo ko pa nakilala ang personalidad ni Marlou. Pagkatapos naming kumain ng pananghalian nagpahatid na ako kay Marlou sa bahay.
2 pm ng makarating kami sa amin. Gusto ko man embitahin si Marlou sa loob ng bahay, nagdadalawang isip ako baka mag taka sila kung sino ang kasama ko at ma hot seat pa ako sa kanilang mga tanong ng wala sa oras. Kaya sa labasan na lang ako binaba ni Marlou. Ilang lakaran lang naman at amin na.
Pagkapasok ko ng bahay pumasok ako ng kuwarto at natulog…hindi na ako nagpagising sa pagod.
6 pm na nang ma alimpungatan ako sa tunog ng aking cellphone…
REWINDING
JUNE 5,2020… 6 pm nang magising ako sa tunog ng cellphone ko. Hindi pamilyar sa akin ang number, iilan lang ang nakakaalam ng numero ko ,kung hindi mga katrabaho, close relatives ko, o di naman kaya mga kaibigan ko. I was expecting na isa kina Joey o Marlou ang tumatawag.
“Hello…sino to?”_tanong ko.
“Bud kamusta…si Webster ito, kamusta na?tagal walang paramdam ah?“si web ang nasa linya, ang dating guard namin sa store na pinag tatrabahuan ko dati. Si Web na minsan din naging parte ng kuwento ko,.
Isa si Web sa mga na kagaanan ko ng loob noon, at naging past ko din somehow. Pangalawang guard si Webster sa buhay ko. Una si Macoy na umabot din ng ilang buwan bago kami nag hiwalay. At itong si Webster na naging sandalan ko noong depress ako sa hiwalayan namin ni pareng Renzy. Mutual understanding lang ang namagitan sa amin ni Web. Hindi rin ganoon ka lalim ang naging relasyon naming dalawa, best pards nga lang tawagan namin sa isat isa. Hindi mahirap mahalin si Web,malambing,mabait at higit sa lahat hindi malibog. Tumagal din kami ng 4 months nang mag decide akong mag resigned sa trabaho. Sa subrang miss ko sa pinaka mamahal kong kumpare na si Renzy naging unproductive na ako sa trabaho ko. Kaya bago pa ako magkaroon ng bad records umalis na ako. 5 days matapos ako mag resigned lumipat ng agency si Webster, at na assigned ng Ilo-ilo. Mula noon hindi na naging madalas ang kumunikasyon namin. At nang makapasok ako sa pinagtatrabahuan ko ngayon nag change ako ng social media accounts ko. Bagong Instagram,facebook at twitter maging ang cell number ko pinalitan ko din. Para kasi sa akin new start new memories na naman.
Pero tila tama din talaga ang kasabihan na magkadugtong talaga ang nakaraan sa hinaharap. At kahit narito na ako sa panibagong kuwento ng buhay ko. Binabalikan parin ako ako ng mga nakaraan ko.
Nagulat ako ng malaman ko na si Web pala ang nasa kabilang linya.
“Uy bud, …ok lang…ikaw kamusta man?, …pero teka lang saan mo nahagilap ang number ko,?_na curious ako.
“ nakuha ko kay Joey, Magkakilala pala kayo…ang liit talaga ng mundo buddy hahaha“_sagot nito
“Kilala mo si Joey bud?,paano?”_usisa ko.
“Pinsan ko si Joey,…ang mama niya at ang mama ko mag pinsan. Na gulat nga din ako ng mag comment ka sa post niya, kaya tinanong ko siya kung kilala kaba niya. Hindi na kasi tayo nag ka usap masyado simula noong nag resign ka.”_sabi pa nito.
“Nag palit din kasi agad ako ng account kelangan kasi medyo pa private ako ngayon ,need kasi sa bago kong work. …pero grabe, hindi ko lubos ma isip na mag pinsan kayo ni Joey.”_sabi ko naman.
“Hindi ba halata sa mukha, lahing masasarap kaya kami. Hahaha,…kaya nga bud akala ko lang din noong una ibang Ramboi pero nang tiningnan ko mga mutual friends natin ,yon na, ikaw talaga kaya kinuha ko kay Joey number mo. Pati nga iyon nagulat na magkakilala pala tayo. Sabi ko nga sa kanya ako ang nauna saiyo bago siya hahaha.”_kuwento pa ni Web.
Alam kong biro lang iyon ,pero kinabahan ako ng slight. Baka pinag uusapan nilang dalawa ang mga moments namin sa dilim.
“Nag research kapa talaga bud ha hihihi, pero bakit ka napatawag, sana nag pm kana lang sa messenger. Buti sinagot ko ang tawag,…hindi pa naman ako sumasagot ng tawag ng basta basta pag bago sa akin ang number.”_tugon ko
“Eh sa subrang excite ko at miss ko sa iyo. Kaya tumawag na ako, pero teka lang kung hindi mo sinasagot ang mga bagong number, Bakit nang tumawag ako sinagot mo agad bud? Bakit kaya?”_tanong nito.
“Akala ko nga kasi importante, at malay ko ba baka sa trabaho galing ang tawag kaya sinagot ko.”_ sagot ko.
“Tawag diyan bud lukso ng dugo”_ dugtonh nito
“Hala ,…relatives lang ?…anyway bud saan ka ngayon?”_muli kong tanong
“Malapit lang sa puso mo bud,miss you na talaga bud.”_sagot niya
“Haha ,patawa ka talaga bud…nasa Ilo-ilo kapa ba?naku ingat ka diyan…mukhang maraming case narin ng COVID diyan.”_ako
“Ayeee concern siya oh,…salamat sa care bud,.pero wala na ako sa Ilo-ilo buti na lang naka uwi ako agad bago pa nagka locked down.”_siya
“Buti naman, so nasa Murcia ka pala ngayon bud?”_tanong ko.
“Wala…nandito lang talaga ako malapit sa iyo.”_sabi nito
Hindi ko na rinig ng malinaw ang iba pang sabi ni Web sa kabilang linya, nang tinawag ako ni mama. Kaya pinutol ko ang usapan namin ni Web at nagpaalam dito.
“Chat chat nalang tayo bud…mukhang may problema,sumisigaw na si mama. Bye bud.”_at pinatay ang linya.
“Ma bakit?”_sigaw kong tanong mula sa loob ng kwarto.
“Lumabas ka muna saglit dito may delivery ka, pagkain siguro…labasin mo muna doon sa gate, may ginagawa pa kasi ako “_si mama.
Agad akong lumabas ng kuwarto…nasa sala sina papa at kuya umiinom ng beer.
“Toy nagpadeliver kaba nang pangpulutan?…tamang tama pa ubos na ang kropek namin ni papa.”_sabi ng kuya ko. Hay sa tagal ng panahon at last naging ok narin kami ni kuya.
“Anong order?…kakagising ko nga lang, baka nagkamali lang ng hatid…sige toy titingnan ko na muna, baka kulang pa yang beer niyo ni papa?, bibili ako sa labas.”_sabi ko.
“Tama na ito nak salamat,may tatlong litro pa doon sa ref baka gusto mo sumabay samin ng kuya mo, meron pa doon. “_pag alok naman ni papa.
After ilang years sa wakas naging ok na rin kami sa bahay,ibang iba sa noon…kung dati hirap at hikahos kami, ngayon subra subrang blessing ang meron ako at ang pamilya ko.
Lumabas ako para tingnan ang taga deliver sa labas.
“Magandang gabi sayo pre,…special delivery with love.”_si Joey ,sabay abot sa akin ng tatlong box na family size pizza.
“Pre ikaw pala,…ano ito? Hindi kaya ako umurder nito. At family size pa talaga tsaka tatlo?, “_pagtataka ko.
“Order ko yan para sa iyo alam ko namang paburito mo talaga ang pizza bukod sa akin. Share mo na din sa family mo. “_naka smile na sabi nito
“Sure ka pre,dami naman…tama na itong isa, dalhin mo na itong natira sa inyo.”_nahihiya kong sabi.
“Sa iyo yan pre…meron din ako para kina nanay, baka gusto mo sumabay sa bahay sasalubungin natin birthday ko”_sabi pa nito.
“Pa advance blow out pala ito pre…salamat ha, sige magpapa alam lang ako sa loob. Hmmm pumasok ka na lang kaya para naman may back up ako. At least kilala kana dito nila mama. Tara sa loob pre. Mag bibihis na lang din ako.”_sabi ko kay Joey
Nakilala na nila sa bahay si Joey at kampante naman sila na mabait ito. Siyempre, kasi nga, iisang lugar lang kami.
Nasa loob na kami ng iniwan ko sa sala si Joey kasama ang kuya at papa ko.
“Part salamat sa pa pizza sakto ang pagdalaw mo sa inuman namin”_sabi ni kuya kay Joey.
“Pa advance lang po, birthday ko kasi bukas at si Ramboi lang din ang medyo ka close ko dito sa atin.”_tugon namam ni Joey kay kuya.
“Birthday mo pala bukas… happy birthday noy, inday ikuha mo nga ng isang stallon itong bisita ng kuya ramboi mo.”_alok naman ni papa.
“Wag na pa ,uuwi na din si Joey …”_pag putol ko.
“Sige ok lang pre…dito na lang tayo sa inyo. Mukhang ok naman dito”_pagsang ayon naman ni Joey.
“Good, tama yan noy dito na lang kayo…baka ma sita pa kayo sa labas. Dito na lang kayo uminum safe pa dito.”_ pangumbinse naman ni papa
“Ayos lang yan toy dito na kayo,mag celebrate…masaya pag marami, at subra subra itong pizza na dala ng kaibigan mo. Kaya umupo ka na rin diyan at kukuha lang ako ng dagdag na beer.”_ dagdag pa ni kuya.
“Hoy pre paano na ang pizza na dala mo pra sa inyo?”_pasempleng sabi ko kay Joey.
“Naka insulator naman ang lalagyan ko doon,ok pa iyon mamaya, …pagbibigyan ko lang ang utol mo at si papa mo, nakakahiya naman kung tatanggihan ko sila.”_bulong sa akin ni Joey.
9 pm na pero nandoon parin si Joey at mukhang nag eenjoy naman sa company nila papa at kuya. Maaga palang nag iinuman na sila papa, kaya halata na ang kalasingan nila. Nag paalam na si papa para matulog. Si kuya na lang ang natira. Wala ako sa mode uminom that time kaya naka tatlong stallion pa lang ako. Bigla na lang ako pinawisan ng husto nang mag open topic si kuya about sa akin at sa kay Anton.
Sa mga naka basa na ng kwento namin ni Aton,marahil ma re recall niyo ang hirap na pinagdaan ko sa buhay pag ibig noong first time ako natutong magmahal sa piling ni Anton. ( try niyo basahin ang episodes ng“ Ulan “).
“Alam mo parts, tutol talaga ako noon sa mga aktibidad nitong kapatid ko. Ayaw ko lang kasi na gamitin lang siya at saktan nino man. Kaya galit ako dito kay Ram noon.”_panimula ni kuya.
“Tama na iyan kuya…gabi na uuwi pa yan si Joey. Hindi iyan mahilig sa history.”_pagbasag ko sa usapin
“Maaga pa naman pre…mga 10 uuwi na din ako.”_at tila may balak pa talagang makinig si Joey.
“Buti nalang nag bago ito,…akala ko dati lalamunin na ng kabaklaan ang kapatid kong ito. Pero matagal na iyon, At bahala na siya ngayon kung ano ang gusto niya sa buhay. Kung saan siya happy suporta lang ako. Nang dahil sa lalaki nito…matagal din kami hindi nag babatian nitong si Ram. Pero alam mo pards nang lumayas ito. Saka ko na realized na mali pala ako. Na hinusgahan ko ito. Buti na lang mabait talaga itong kapatid ko. Ngayon ok na kami …maayos na buhay namin dahil sa kapatid kong ito. Kaya ingatan mo utoy ko ha? Ha…part? Wag mong papaiyakin .pangit kasi pag umiyak ito.”_ilan lang sa kuwento galing kay kuya.
Halos lahat na ikuwento na ni kuya kay Joey,. Nakikinig lang ako sa tabi, pigil ang luha at emosyon. Sa bawat detalye ng kuwento ni kuya ,bumabalik sa akin ang hirap, ang sakit at ang mga struggle ko noon hanggang sa nakilala ko ang sarili ko ngayon.
Ang nangyari sa amin ni kuya ang nagbukas ng aking limitasyon sa buhay. Malaki din ang naging impact ni kuya sa pagkatao ko kung bakit ngayon ganito ako. Ang mga takot ko sa buhay unti unting nababawasan habang nakikinig sa mga pag sorry at pag mamalaki ni kuya sa akin sa harap ni Joey.
Malamya talaga ako noon pa, pero sa takot ko sa kuya ko, sa kanila ni papa, binago ko ang sarili ko, ang kilos ko ,ang ugali ko. Matagal na panahon akong nag tatago sa anino na nilkha ko para ikubli ang totoong ako.
Pero.nang marinig ko ang lahat ng iyon mula sa isang taong kinatatakutan ko minsan. Isa iyong malaking himala para sa akin. Nasabi ko sa sarili ko, sa mga Oras na iyon. Finally I’m free.
Hindi ako naka tagal sa kina uupuan ko at tumayo ako. Nag paalam ako kina kuya at Joey na iihi lang sana. Nang niyakap ako ni kuya.
“ toy sorry ha…mahal ka namin at mahal lang kita kaya nagawa ko iyon sa iyo noon…mukhang malalim na ang gabi hatid mo na sa kanila ang kaibigan mo,ako na ang tatapos ng kalat dito“_sabi ni kuya.
“Sige part, uuwi na ako salamat uli dito”_at nag paalam din si Joey.
Nasa gate na kami ng mapansin ni Joey na nag pupunas ako ng mata.
“ umiiyak ka ba pre?“_puna nito
“Wala na puwing lang ako , tara hatid na kita sa inyo.”_sabi ko.
“Sige hatid mo ako sa amin,tapos hahatid kita dito pabalik.”_biro nito
“Gagi, ano kaya yon?”_reaksyon ko natawa
“ yan smile, saka kapa iiyak eh ang ganda ganda ng build up ng kuya mo sa iyo sa akin. With consent pa iyon ha.“_sabi ni Joey.
“Anong consent ka diyan, ano ba tayo?…nagpapaniwala ka naman sa kuya ko eh lasing lang iyon bukas makakalimutan na non lahat.”_pag kontra ko.
“Walang tayo,pero may ikaw at ako.”_hirit nito.
“Lasing ka rin siguro pre…mga hirit mo ang luma. Umuwi ka na nga lang baka mapanis na yang dala mo diyan.”_ako.
“Alam mo pre, ako yata tinamaan sa kuwento ng kuya mo, hayaan mo pre hindi ka na iiyak sa akin, tatawa ka lang.”_si Joey.
“Sus estoryahe pre…narinig ko rin yan minsan. Sige pre …isasara ko na ang gate.
“Good night pre, aagahan mo pa bukas, leave muna ako sa delivery bukas. Dadaan kita dito mga 7 am, sasamahan mo ako mamalengke para sa birthday ko.”_bilin ni Joey.
“Ayos pre, gisingin mo lang ako…good night din ingat.
“Wala bang pa good night kiss diyan?” Hirit pa ni Joey.
“Bukas na, sige pre salamat uli sa pa pizza. Ingat.”
Buong gabi ako nag moment,. Sa kung anong mga dahilan?..ang dami. Ngayong bukas na ako sa pamilya ko,kaya ko na ba ipakilala si Marlou?…ano ba kami ni Joey bakit mas masaya ako pag kasama siya. Ngayong nag paramdam na muli si Webster magbabago kaya ang lahat?
ICE BREAKER
June 6, 2020 saturday at birthday na ni Joey. Maaga akong nagising ,hindi naman sa excited pero sadyang napa aga lang talaga ang gising ko. 4:30 pa lang ng umaga. Agad na ako nag tungo ng kusina at nag handa para sa almusal namin. Ang ikli lang ng tulog ko pero ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Parang bagong laya ako. Ang dami kong hinanda para sa almusal namin, mukhang ako yata ang may birthday ng araw na iyon.
Nagising si mama sa ingay na dulot ko sa kusina.
“Hmmm ang aga mo naman ,hindi kaba na tulog?”_nang pinuntahan ako ni mama sa kusina.
“ nakatulog naman ma, pero nawala na lang bigla ang antok ko ng nagising ako, kaya nagluto na lang ako para sa almusal natin mamaya.“_sabi ko.
“ Dami naman yan,…ano ang okasyon? Baka gusto mo nang tulong diyan?, nawala narin kasi ang antok ko. Ako na diyan“_ani ni mama.
“Ayos lang ako dito ma, pahinga ka lang diyan…treat ko to sa inyo.”_sabi ko,
“Oh sige,…maglalaba na lang ako para maaga akong matapos, mukhang masarap yang luto mo,paborito yan ng papa at kuya mo.”_sabi ni mama.
Ang totoo para talaga ito kina kuya ko at kay papa ,para na din sa lahat. Isang pasasalamat sa nararanasan ko ngayon.
Habang hinihintay kong maluto ang ulam, binuksan ko ang laman ng wall post sa facebook ko. Unang bukas ko pa lang post na ni Chelsea ang nakita ko. Photo nila ni Marlou noong nakipag inuman si Marlou sa kuya nito. Pero ang umagaw sa atensiyon ko ang selfie nilang dalawa habang naka nguso si Marlou na akmang hahalikan si Chelsea sa bibig at ang caption na “I miss you na daddy”.
Hindi ko nakita ang photo na ito sa my day noon ni chelsea. Hindi ko alam kung selos ba or what,bigla na lang ako nainis…agad ako nag screen shot at finorward kay Marlou, walang comment o anong text na kasama. Hinintay ko ang reply nito, pero wala.
Wala naman akong issue kay Chelsea,sa katunayan gusto ko si Chelsea para kay Marlou. Pero ewan bakit ganun ang naging reaction ko. At hindi ko din maintindihan ang sarili ko bakit ko nagawang e screen shot ang photo na iyon at pinasa kay Marlou.
Bandang 6 am nang mag almusal na kaming lahat. Pagkatapos naligo na ako, at nag bihis kasi ilang minuto nalang darating na si Joey para sunduin ako. Saktong 7:30 am nang may tumigil na motor sa labas ng gate. Hindi si Joey ang nasa labas.
Naka jacket ito at naka shade…at sa kanyang tindig hindi talaga si Joey,. Mula sa kinatatayuan ko hindi klaro kung sino ang nasa labas ng gate. Kaya nilapitan ko na.
“Hi bud good morning sa wakas na tunton ko rin ang mansyon mo.surprise hahahaha”_si Webster
“Gagi …ikaw? Paanong ?…teka lang tama ba ito. Ikaw na ito bud?”_pagkagulat ko.
“Meron pa bang mas macho at mas gwapo sa akin bud,hihihi syempre ako ito.”_tinanggal nito ang shades. Si buddy nga.
“Paano ka nakapunta dito?”_tanong ko.
“Malamang nag motor,…ikaw talaga bud. Tulad ka parin ng dati ang daming tanong.”_ika pa ni Webster.
“I mean ,sino nag turo sa iyo nitong sa amin…e maging sa Google map hirap itong ma locate?”_tanong ko uli
“Si Joey, sinundan ko lang ang sinabi niyang direksyon.inutusan niya akong sunduin ka,…umo o naman ako. Alam mo naman na miss na kita bud.”_si Web
“ kahit kailan palabiro ka talaga. …bakit nasaan si Joey?“_sabi ko
“ andoon walang balak bumangon na hang over yata. Pumuti na ang mga mata namin sa kakahintay ng pizza niya kagabi. Nakatulog na kami ng umiwi ,naka inom…buti na ka uwi pa.“_kuwento ni Web.
“So meaning kahapon kapa naroon sa kanila?”_tanong ko uli
“Oo bud hindi mo ba na gets ang sabi ko sa iyo kahapon sa telepono, malapit lang ako sa iyo. Actually mag dadalawang araw na akong nariyan kina insan. Nakaka bagot din kasi doon sa amin kaya gumala muna ako dito noong nalaman kong magkakilala pala kayo. At iisang lugar pa.”_dagdag pa nito.
“Bakit di mo sinabi kagabi sana pumunta nalang kami…i mean ako sa inyo kagabi.”_sabi ko na muntik na madulas ang dila na magkasama kami ni Joey kagabi.
“Sinabi ko kaya, kaso ,dali dali mo pinatay ang linya…pero teka lang bud, mabuti pa umangkas kana at doon na lang tayo kina Joey mag kuwentuhan,…ano ba kasi ang plano niyong dalawa at pinapasundo ka non sa akin.”_at umayos na sa kanyang motor si Web.
“Ha eh…ewan ko bud…tanungin na lang natin ang pinsan mo.”_sabi ko at pumwesto na rin sa likod ni Webster.
Malaki ang pinagbago ng katawan ni Web,mula noong huli naming pagkikita mas lumapad pa lalo ang katawan nito .nagkalaman na rin ang dati nitong abs , lumapad din ang likod nito at ang mga braso niya mas lalong lumaki. Na te temp akong yakapin siya mula sa likod pero nag pipigil ako.
“ bud hawak lang sa beywang ko bud baka mahulog ka.“_paalala ni Web
“Ayos lang bud, dapat daw may social distancing kahit half inch lang hihihi”_sabi ko.
Nang makarating kami kina Joey. Agad akong bumaba at hinanap sa bahay nila si Joey.
“Oy pre mabuti at natunton ka ni insan…pasensiya na, tinamad kasi ako kanina.”_si Joey ng sinalubong kami
“Insan ano na ang plano?”_sabat ni Web
“Mamalengke sana kami ni Ramboi, kaso mukhang tinatamad ako.”_sagot ni Joey
“Siya nga pala pre happy new year sa iyo, congrats at umabot kapa sa araw na ito na walang covid hahaha joke lang…pero happy birthday”_pag bati ko.
“Salamat pre…”_si Joey.
“Kami na lang ni bud Ram ang mamalengke insan mag je jeep lang kami.”_suggestion ni Web
“Ha?…kami na lang, diyan na lang kami bibili sa malapit na satelite market.”_pag tutol ni Joey.
“Sige pre diyan na lang lalakarin lang naman. Makakatipid tayo diyan kasi malapit lang. So tara na pre”_pag sang ayon ko.
“Sige sama na lang ako sa inyo bud. May bibilhin lang din ako pang dagdag”_si Web.
“Asus, touch naman ako niyan insan…salamat. wait lang mag papalit lang ako ng t shirt hintayin niyo lang ako.
Ok dito sa amin ,accessible sa lahat may market, malapit sa mall,simbahan at paaralan elementary ,highschool at college. Nasa sentro ang lagar namin . Kaming tatlo ang namalengke, May kunting ilang sa aking part. Nasa gitna ako ng dalawang mag pipinsan. Kapwa kong close at lahat sila nagkaroon na ako ng karanasan. Kung sino sa kanila ang masarap sa akin na lang iyon. Pero 100% mga Daks ang ka date ko sa araw na iyon.
Ang daming pinamili ng dalawa. Nang matapos kami, kaming tatlo rin ang nag tulong tulong para lutuin iyon lahat siyempre sa tulong din ni nanay Nida na mama ni Joey. Ako ang ang nag presenta para mag ihaw ng manok. Kaya habang nag papalingas ako ng uling. Nag cellphone muna ako.
Ang daming miss calls at texts galing kay Marlou.
“Shit na e silent ko pala ang phone ko.”_bulong ko sa sarili
“Gha saan ka? Puntahan kita ,magkita tayo…kailangan kita makausap”_galing sa text ni Marlou.
Mag rereply na sana ako ng ,bigla ulit pumasok ang text ni Marlou.
“ Gha nandito ako sa inyong labasan, saan ba banda ang sa inyo?“_ang laman ng text.
Nataranta naman ako bigla…paano ito , saan ako? Ano ang uunahin ko si Marlou o ang iniihaw kong manok?
Napansin ni Joey na balisa ako. Kaya lumapit ito sa akin.
“Pre may problema?”_panimula nito
“ kuwan kasi pre…may emergency lang sa bahay,…pupuntahan ko muna. Kaso hindi pa ako nakapag umpisa ng ihaw.“_alibi ko
“ ok lang pre ako na diyan…papahatid na lang kita kay Web sa inyo para maka balik ka kaagad.“_alok ni Joey
“Ha?…wag na pre mukhang marami pang gagawin dito si Buddy…ako na lang…babalik lang din ako kaagad pre,saglit lang ito.”_sabi ko
“Balik ka agad pre,tapos sama mo na rin kuya mo dito at si papa mo,para marami tayo dito mamaya.”_si Joey
Agad din akong nag para ng pedicab para puntahan ang kinaroroonan ni Marlou. Panay ang text ko sa kanya kung nasaan na siya. Hindi naman nito sinasagot ang tawag ko.
Nang makadaan kami sa Barangay hall,..
“Boy,boy, saglit lang”_si Madel na nag tatrabaho sa barangay, kumakaway itong tinatawag ako.
“Bakit Del?”_tanong ko
“May naghahanap sa iyo dito kanina naka motor, baka collector mo, o baka may delivery galing shopee o lazada”_sagot ni Madel
“Nasaan na? I mean saan patungo?”_ako
“Hinatid ng tanod sa inyo. Baka nandon na iyon, naku iba na talaga ang umaasenso padeliver deliver na lang.”_si Madel
Dali dali akong umuwi ng bahay. Tanaw ko na ang gate pero wala naman akong nakitang motor o tao na nag momotor,at kung si Marlou man iyon kilala ko ang motor non.
Lumapit ako ng gate para pumasok ng…
“Gha”…si Marlou
Napalingon ako, at nakita si Marlou na papalapit sa akin.
“Oh bakit ka napasugod? Nasaan na ang motor mo?”_agad kong usisa sa kanya.
“Nasa kabilang kalsada,iniwan ko saglit sa may tindahan gha.”_mahina nitong tugon.
“Ano pag uusapan natin, mukhang mahalaga siguro…tintunton mo pa kasi talaga ang sa amin.”_sabi ko
“Sorry, hindi ka kasi sumasagot sa tawag ko kaya naisipan kong puntahan ka. Gha”_halos pabulong na ang mga salita ni Marlou.
“Ok lang, doon tayo sa plasa mag usap ,wag dito.”_sabi ko.
“Tara gha umangkas ka na lang sa motor ko.”_alok ni Marlou
Tinungo namin ni Marlou ang tindahan kung saan naroon ang motor nito. May ilang naka tambay doon sa may tindahan. Mga kapit bahay ko. Naka puwesto na ako sa likod ni Marlou ng may pumuna sa akin.
“Bigtime kana talaga boi, kaninang umaga sniper, ngayon naman raider ang sumusundo sa iyo baka mamaya niyan may four wheels ng paparada diyan sa inyo”_ galing sa isa sa mga tumatambay.
Hindi ko na iyon pinansin at sinagot ,pero pasimpleng lumingon sa akin si Marlou. Alam ko ang itatanong niya kahit hindi ito nag salita.
Lumarga na kami ni Marlou papunta sa park na sinabi ko.
FIRE INSIDE
Nasa maliit na plasa kami ni Marlou na malapit lang din sa amin. Nag hanap kami ng pweding maupuan .
“Sino ang sumundo sa iyo kanina?”_tanong agad ni Marlou sa akin.
“Wala kasamahan ko lang din sa club,members din”_sabi ko.
“Sino nga? Kung rider din ng club mo sa malamang kilala ko rin iyon.”_pangungulit pa ni Marlou
“Hindi mo iyon kilala, bagung member pa lang iyon …at bakit ako ang topic natin.? Ano ba ang pag uusapan natin at kailangan mo pa akong puntahan dito?”_sabi ko
“Grabe ka naman gha sa tuno ng pananalita mo mukhang ayaw mo akong papuntahin sa inyo ah?,may tinatago ka ba sa akin?ha gha?”_ulit pa ni Marlou.
“Anong itatago ko sa iyo?…hindi naman sa hindi ko gusto,nagtataka lang ako bakit biglaan naman ang pag sulpot mo sa lugar ko, bakit ba?”_explain ko.
“Galit kaba sa akin?”_tanong niya
“Galit? …saan at bakit naman ako magagalit?”_pag mamaang maangan ko.
“Bakit mo pinasa sa akin ang screen shot photo namin ni Chelsea?…maniwala kaman o hindi walang malesya yon,nag bibiruan lang kami at lasing na ako noon.”_paliwanag niya.
“Ok, “_ang tangi ko lang na isagot
“Ok? Gayan lang? Hindi ka ba galit o magseselos man lang?”_reaksiyon ni Marlou na tila nag taka din kung tila parang ok lang sa akin.
“Bakit naman ako magagalit doon,at hindi mo naman kailangan pa e explain lahat. Naiintindihan kita, kaya ko lang iyon pinasa sa iyo kasi ,baka hindi ka aware na may photo kayong ganun, kasi wala naman iyon dati sa pinost ni Chelsea. Nothing to worry with that at magseselos lang siguro ako pag lalaki o bakla ang kahalikan mo. Pero kung babae ,lalo na pag si Chelsea,…go , susuportahan kita.”_sagot ko sa kanya.
Akala ko ok lang kay Marlou ang paliwanag ko,pero tila uminit pa yata ulo nito sa sinabi ko about kay Chelsea.
“Bakit mo ba pinag didiinan sa akin si Chelsea, ikaw lang ang gusto ko,…kaya please lang,for once sarili mo naman ang i barter mo sa akin gha…sa tuwing tinutulak mo ako kay Chelsea parang sinasabi mo sa akin na lalayuan na rin kita.”_tumaas bigla ang boses nito. Buti nalang kami lang ang naroon.
“Hindi ko lang kasi lubos na maisip kung bakit ako ang pinagtutuonan mo ng pansin. Bukod sa agwat ng edad natin, panget ako at walang pera. Natatakot akong baka hindi ko kayang ibigay sa iyo ang lahat ng expectation mo. Ang bata mo pa gha, wag mong sayangin ang oras mo sakin.”_paglalahad ko.
“Hindi pa ba tapos sa iyo ang issue na yan?…akala ko ba ok na tayo sa set up na ito. Hindi mahalaga sa akin kung ano ka. Di ko naman kailangan ng pera,kasi may trabaho naman ako. At wala akong eni expect na something sa iyo kundi ang mahalin mo rin ako at hayaan akong mahalin ka gha. At hindi pag sasayang ng oras ko ang pakikipag relasyon ko sa iyo. Gago na sa gago, kung iyan ang tingin ng iba sa akin. Pero kita mo naman pati magulang ko gha gusto ka nila para sa akin. Mahirap ba akong mahalin gha?”_natameme ako sa mga sinabi ni Marlou.
Ako pa itong aayaw eh lalaki na ang namimilit ng sarili niya sa akin. Hindi mahirap mahalin si Marlou, wala lang talaga akong nararamdamang kilig sa kanya. Masasabing maswerte ako dahil si Marlou ang nanliligaw sa akin, pero ang takot ko na mahusgahan ng mga tao ang siyang nag bibigay sa akin ng rason para ilayo ang sarili ko sa kanya. Noon pa man bunsong kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya.
Naawa ako kay Marlou,pero iba pag pumili ang puso…kung sa libog lang kahit aaraw arawin ko pa si Marlou hindi ako magsasawa sa katawan niya. Pero kasi seryusohang commitment na ito. Kapag tinuloy ko pa,wala ng kawalaan ito. At baka may masaktan pa isa sa amin.
Nahihirapan din akong tanggapin sa sarili ko na makisakay na lang sa gusto ni Marlou. Hindi ko kayang plastikin ang taong napamahal na din sa akin. Kaya gusto kong maging mag barkada na lang kami,at least noon ang sweet pa namin kapag nag bibiruan.
balik ala-ala
(Moments noong nag trekking kami at nag camp) Ako: “I love you Marl,tabi tayo mamaya sa tent ha? Daming lamok sa labas…doon tayo sa loob tapos ako ang lamok mo” Marlou: “bakit ikaw ang lamok?ano iyon?” Ako: “ako ang sisipsip ng duga mo hahaha” Narlou: “ hindi mo yata kayang ubusin ang dagta ko ,daming reserve nito at naka reserve lang ito saiyo.
(Noong nag outing kami sa isang sand bar sa Dumaguete)
Marlou: “ hawakan mo kamay ko dali“ Ako: “ ang huling humawak ng kamay ko na inlove sa akin,hindi ka takot?“ Marlou: “sa pating lang ako takot ,hindi ang ibigin ka”. Ako: “ hmmm maniwala ako. ayan naka hawak na,tapos?“ Marlou: “ grabe ang kapal, …ang kapal ng kupal mo ,halatang araw araw ka nag jajakol Ako: “ ay gago, puro ka talaga kalukuhan Marlou,kainis ka.“ Marlou: “ops wait,ang last na na inis sa akin binuntis ko patalikod.” Ako: “ eh di try natin.“
(At noong christmas party ng grupo)
Ako: “ hala ang daya ni Marlou, bakit wala kang gift? Binunot bunot mo pangalan ko tapos wala kang dala. Puwedi mag palit ng kapartner?“ Marlou: “ kaya nga wala akong dala kasi ikaw ang nabunot ko. Ako: “ hoy hindi pwedi yan nuh…convert to cash mo na lang ako na bibili ng para sa akin. Marlou: “ ok ,pero dukutin mo muna dito sa harapan ko. Ako: “ ay iba din may pakulo, ako pa…dudukutin ko talaga yan. Dito malalaman ng lahat kung daks ba o juts si Marlou Marlou: “sige dukot na.” Ako: ano ito bakit may box na maliit, hmmm pa surprise si mayor Marlou: kunin mo at buksan mo. Ako: key chain? Marlou: “ will you marry me, asawa ko?“.
Ganoon lang kami ni Marlou noon,masayang harutan lang pero walang dibdiban. Pero sa halip na ako ang tatamaan mukhang si Marlou ang napuruhan sa mga biru biruan namin noon.
Naawa ako kay Marlou, pero hindi ko rin gusto na paglaruan ang emosyon niya.hinawakan ko sa kamay si Marlou.
“Mahal din kita gha pero sana maging bukas parin ang isip at puso mo sa maraming posibilidad na puwede mangyayari sa relasyon natin. Hindi ako nangangako na kaya kong tugunan ng buo ang nararamdaman mo sa akin,pero sisikapin ko. Pero ipangako mo rin sa akin na, sakaling hindi tayo mag work,aayusin mo parin ang buhay mo ,ituloy mo ang nasimulan mo para sa mga magulang mo.”_sabi ko.
“Mahal kita gha,at hindi ko alam kung ano ang mangyayari pag iniwan mo ako.”_si Marlou
“Hindi kita iiwanan gha, nandito lang ako gaya ng dati”_at niyakap ko di Marlou.
May mga napag kuwentuhan pa kami ni Marlou,hanggang sa nag paalam na rin ito. Nag hiwalay kami ng landas,. Nauna na ako at nagpara ng pedicab. Nagpaalam kami sa isat isa at pina adar na nito ang motor…na una na ako sakay ng pedicab
Tumonog ang cp ko habang sakay sa pedicab
“Bud,saan kana daw ba? Dumaan si Insan kanina sa inyo wala ka naman daw doon” si Web.
“Going na ako diyan bud sige bye.”_tugon ko
Agad na lang ako nagpahatid kina Joey….
Past 12 noon habang nag vi videoke kami sa bahay nila Joey.. lumapit sa amin ang nanay ni Joey.
“Oy Joey, labasin niyo muna doon sa gate, may nag hahanap sa kaibigan niyo roon sa labas.
“Ha ? Sa akin nay? Sino daw?”_pagtataka ko
“Hindi ko kilala ,puntahan niyo na lang sa labas.
Kinabahan ako ang lakas ng kabog ng dibdib ko… bakit kaya?
SHATTERED
Natigilan ako ng makitang si Marlou ang nasa labas ng bakuran nila Joey. Hindi ma ipinta ang mukha nitong naka titig sa nakapark na motor. Agad kong nilapitan si Marlou.
“Akala ko doon ang sa inyo?, bakit ka nandito?…yang motor ba yan ang naghatid sa iyo kanina? “_salubong na tanong nito.
“Bakit ka nandito? Akala ko umuwi kana?”_tanong ko din sa kanya.
“Bakit bawal ba ako dito? “_galit ang tuno ng boses ni Marlou.
Nakaramdam ako ng takot at hiya baka ano gawin nito kina Joey, at baka ma eskandalo kami.
“Halika,wag dito…please”_pakiusap ko.
“Hindi mo man lang ba ako ipapakila sa bagong member ng club?”_hindi ko na gusto ang tuno ng pananalita ni Marlou.
“Please lang wag ka gumawa ng eksena dito. Mag usap tayo ng tayo lang. “_pakiusap ko pa.
“Anong pag uusapan natin ?meron ba, ha gha?…at hindi ako gagawa ng eksena,nererespeto kita. Kaya lang kita sinundan kasi iba ang kutob ko sa kinikilos mo kanina. Magkasama tayo pero alam ko iba ang tumatakbo sa isipan mo. Well it turned out na tama ako. Ka ano ano mo ba ang nakatira diyan ? Kamag anak mo ba ang kamember ng club?”_pagsumbat ni nito sa akin.
“Kung ano man ito, nakikiusap ako sa iyo…umalis na tayo, hindi ito ang tamang lugar para sa atin nakaka disturbo tayo sa may bahay. So please umalis tayo dito.”_pakiusap ko ulit.
Pero tila walang balak si Marlou na umalis, nasa labas lang kami ng bakuran nina Joey. Sa gilid ng kalsada. Pinakakalma ko ang aking sarili at emosiyon para di halatang nagtatalo kami ni Marlou.
“Nag tanong na ako kanina diyan sa tapat kung kaninong bahay ito, sabi noong ale kina Joel ito, kina Mark Joel Capuno, sa kumpare mo. Tama ba gha?…So magkakapit bahay lang din pala kayo, malamang halos araw araw magkasama kayo ng kumpare mo. Buti pa siya, nakakasama mo bawat oras na gusto mo. Ako kaya…kailan kaya kita masosolo?”_dugtong pa ni Marlou.
“Hindi na ako natutuwa sa iyo Marl,…hindi na tama itong ginagawa mo.”_sabi ko
“ sabi ko naman sa iyo diba, iba ako pag nag selos ang akin ,akin lang.“_sabi nito at sumakay na ng kanyang motor, akmang susuot na ito ng helmet ng lumabas naman si Joey.
“Pre anong problema, brad magandang tanghali”_at binati ni Joey si Marlou.
“Ah eh …wala naman pre may pinag uusapan lang kami…si kuwan pala pre…”_ipapakilala ko sana si Marlou kay Joey nang …
“Marlou brad, boy friend ni gha Rhamboi…”_inabot ang kamay nito kay Joey para mag shake hands.
Nagulat naman ako nang sabihin iyon ni Marlou. Nakita nito ang reaksiyon ng mukha ko.
“Ano brad?,boyfriend ka nito.?”_nagulat ding tanong ni Joey.
“ hahaha joke lang brad,…kaibigan ko lang itong si Ram,diba Ram? As in close kami parang ganito,kaya parang mag nobyo na kami niyan. Gha na nga tawag ko dito minsan eh…diba gha Ram.?“_alam kong iba ang pinupunto ng mga pananalitang iyon ni Marlou. Patango tango lang ako.hindi ko alam ang i sasagot ko.
“Bait din naman kasi nitong si Ram, kaya nga mahal ko itong kaibigan mo brad, Subrang bait “_sagot naman ni Joey kay Marlou.
“Ganun bah brad,swerte naman nitong kaibigan ko daladalawa ang nag mamahal. Sige brad…mauna na ako,may sinabi lang ako dito kay Ram,kaya hiniram ko muna saglit. Sa iyo na sya ulit brad”_at nag suot na ng helmet si Marlou.
“Pre Ram pasabayin mo na dito ang kaibigan mo,wala naman akong masyadong bisita. Brad baka gusto mo pumasok saglit…may kunting salo salo lang sa loob,birthday ko kasi ngayon…”_pag alok ni Joey kay Marlou.
“Happy birthday na lang pre,.salamat, ayokong masira ang araw ng pinakamamahal kong kaibigan. Mauna na ako gha Ram,mag enjoy ka lang dito.brad Joey,ganda ng sniper mo ah,”_pahabol pa ni Marlou.
“Hindi akin yan sa pinsan ko yan, nasa loob, kaibigan din nitong si Ram. Dating kasamahan din niya sa travaho, pinsan ko…tama ba pre?”_at napa oo na lang ako.
“Palakaibigan talaga nitong si Ram, …sige brad enjoy lang sa birthday mo, kayo na bahala sa kaibigan natin.”_at pina harurot na nito ang dalang motor, ni hindi man lang nag paalam sa akin.
Napipi ako sa mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba enjoyin ang araw na iyon. Gisang gisa na ako sa aking mantika. Na guilty ako sa mga pinag sasabi ni Marlou. Napansin ni Joey ang pananahimik ko.
“Hoy, anong nangyari sa iyo diyan…halika na sa loob pre..mamaya lang mag sisidatingan na mga kasamahan ko sa panda grab, sulitin natin ang videoke habang wala pa sila.”_sabay tapik sa akin ni Joey.
Wala na ako sa mode makipag sabayan sa mga kantahan ng mag pinsan. Hindi ko namalayang naka ilang bote na pala ako ng beer. Tumaas pa ang amats ko ng mag hard drinks pa sila ni Joey at Web kasama ang dalawa pang kasamahan ni Joey. Nakalimutan ko na si Marlou, nakalimutan ko na itong kamustahin o tanongin tungkol sa pangyayari kaninang tanghali.
6 pm na at halos lasing na kaming lahat. Nagpa alam na ako kay Joey para umuwi.
“Bukas kana umuwi sa inyo. Dito ka na lang matulog, mukhang lasing kana din, baka mapag tripan kapa diyan sa labas”_pagpigil ni Joey sa akin.
“Meron pa namang pedikab, kaya ko pa naman pre…mukhang ang pinsan mo ang napa subra,ayon kanina pa nag tatawag ng uwak”_sabi ko.
“Ayaw mo ba akong makatabi mamaya,gha?”_biglang bulong nito sa akin.
“Hoy umayos ka diyan baka marinig tayo ng mga kasama mo”_sabi ko.
“Oh ano na? dumito ka na muna…mamaya rin lang uuwi na rin ang mga iyan”_pamimilit pa ni Joey.
“Mukhang may sekreto yata kayong dalawa diyan ah, halos mag kapalit na kayo ng mukha ah.ano ba ang pinag bubulungan niyo diyan ha insan?”_biglang sulpot ni Web
“Ayos kana?…mukhang sinayang mo lang ang beer ah,inubos mo lahat sa mga tanim ni nanay”_sabi ni Joey kay Web
“Akala ko Master,at tumador….hahaha panay naman pala ang tawag ng uwak”_sabi ko kay Web.
“Binawasan ko lang para ,makapag refill agad bud,…bakit bud ayaw mo nang uminom?”_si Web.
“Nagpapaalam na nga ako dito sa pinsan mo bud,mukhang di na kaya ng atay ko”_sabi ko.
“Uuwi kana bud?,…dumito ka na lang hatid na lang kita bukas.”_pagpigil ni Web sa akin
“Iyan din ang sabi ko sa kanya insan…”_sabat ni Joey
“Tabi ka na lang sa akin mamaya bud, malapad ang kama ko doon sa kuwarto na pinahiram nitong si Joey.”_pag alok ni Web
“Doon na lang sa kuwarto ko insan, tapos si Jake mukhang dito narin yan matutulog,kayo na doon sa kuwarto.”_sabi ni Joey
“Si insan ipapatabi mo ako sa mga kasamahan mo? di na oy. Doon na lang sila sa kuwarto mo tapos si bud Ram sa kuwarto. Mas kampante naman akong katabi si bud Ram,noon pa diba bud?”_pamimilit ni Web.
“Sige doon nalang tayong tatlo sa kuwarto ko ,para dito ko na rin papatulugin si Romeo,mukhang hindi narin aabot yan ng kanyang motor.”_sabi ni Joey.
Naghanap ako ng charger para sa cellphone ko, subrang low bat na ng phone ko at namatay na.Sakto namang may extra si Joey. Mag katabi kaming tatlo ni Web ,ako at Joey sa kama. Lupaypay ang katawan namin sa subrang kalasingan kaya pag bagsak tulog kami agad.
Malalim na ang gabi ng magising akong may kumikiskis sa kanang hita ko. Si Joey, marahan niyang kinikiskis ang ari nito sa hita ko.Ramdam ko ang init at tigas ng ari nito sa balat ko. Hindi ako kumibo ,nakiramdam pa ako ng biglang yapusin naman ako ng yakap ni Web sa kaliwa ko. Tulad ng ginagawa ni Joey kumakadyot din si Web sa hita ko. Para akong na sandwich ng hotdog.
At ang mararahang pag kiskis na iyon ay mas naging agresibo at mapangahas,dahilan para matauhan ang dalawa. Nagulat ang dalawa sa ginagawa nila sa akin. At doon na nagka alaman ang lahat. Hindi na kailangan e kuwento pa nina Joey at Web sa isat ang tungkol sa akin dahil alams na. Bumangon kaming tatlo. Nagtitigan lang silang magpinsan. Ako naman nahihiya na naiilang. Ang baboy ko pala. Lumabas ng kuwarto si Web. Naiwan kami ni Joey.
Tahimik lang kami pareho. Bumalik sa pag kakahiga si Joey…kinuha ko ang naka charge na cellphone. 12:45 am na pala. Agad ko in on ang cellphone ko. Nag facebook at nawala ang antok ko. Ilang minuto lang nang pag open ko ,ang dami ng notification na nag pop up. Maging sa messenger ko …maraming message galing sa mga kamembers naming rider.
Agad akong kinabahan. Pumasok bigla sa isip ko si Marlou. Hindi ko na napansin ang laman ng ibang mga messages ,Ang message ni Marlou ang hinanap ko.
“Bale wala lang pala ako sa iyo,kasi marami kami sa buhay mo😡”. “Mahal na mahal kita pero pinabayaan mo ako😥” “Ang sakit na parang pinag sisiksikan ko ang sarili ko sa iyo😫” “Tandaan mo gha,ipagtabuyan mo man ako,mahal kita”.
Hanggang doon lang ang messages ni Marlou. Agad ko din itong nireplyan. Hindi ito online, at out of coverage area na nang aking tinawagan. Hindi ko ma explain ang kaba ko. Nang biglang nag pop up ang message ni Chris.
“Besh, gising kapa? Alert na diyan si Marlou nasa hospital”.
STUPID MISTAKE
BAYLO(KAPALIT)8 STUPID MISTAKE
Mabilis pa sa alas kwatro,agad ako kumilos para puntahan ang hospital na kinaroroonan ni Marlou, napansin ni Joey na natataranta ako.
“Bakit pre?…anong nangyari?”_napabangon ito ng kama.
“Aalis na ako ,paki sabi na lang sa nanay mo na salamat,..at salamat din pre. Aalis na ako.”_palabas na ako ng kuwarto.
Sumunod si Joey sa akin, na nag aalala din sa kinikilos ko.
“Ok ka lang pre,?…umiiyak kaba?…hatid na kita wala ng pumapasada sa labas mag aala una na ng umaga”_napansin nito ang panay pag punas ng kamay ko sa luha ko.
Ewan ko ,matik na tumulo na lang bigla ang mga luha sa mga mata ko,at ang kabog ng dib dib ko hindi ko ma explain. Kinakabahan ako. Wala akong ka ideya kung na pano si Marlou at kung bakit siya na hospital. Ibat ibang scenario ang nasa isip ko.
“Si Marlou…nasa hospital ngayon. Kailangan ko siyang puntahan pre”_sabi ko.
“Iyong lalaking kausap mo sa labas ng gate? Siya ba?…bakit? Ano daw ang nangyari?”_usisa ni Joey
“Hindi ko alam pero kinakabahan ako.”_sabi ko.
Narinig ni Web ang usapan namin ni Joey at lumapit ito.
“Sinong na hospital insan?”_tanong ni Web
“Ang kaibigan nito, ang pumunta dito kaninang tanghali…na hospital daw? _sabi ni Joey.
“Saang hospital ba bud, hatid na kita. Mag bibihis lang ako.”_alok ni Web.
“Mag pahinga kana dito insan ako na sasama kay Ram. Pre tayo na.”_alok din ni Joey
“Ako na lang pre, bud…may kasama ako,susunduin ako dito ng kaibigan ko. Hihintayin ko na lang siya sa labas,salamat na lang at pasensiya sa estorbo. Bud salamat…pre Joey thank you.”_lumabas ako at nag hintay kay Chris sa daan.
“Hello Chris, nasaan kana ,nasa labas na ako…sa bandang kaliwa sa may waiting shed malapit sa bakery.”_ako habang kausap si Chris sa cellphone.
“Nakita na kita besh, “_si Chris
At pag para ng taxi agad na akong sumakay,…ng biglang tawag ng mag pinsan. Sinundan pala nila ako sa labas.
“Pre susunod kami ni insan.”_si Joey habang nag aayos ng motor nito at naka helmet na.
Napatango na lang ako at umandar na ang taxi.
“Sino mga iyon beshewap? In fairness mukhang mga daks…ikaw ha dami mong sekretong malandi ka.”_pag aasar ni Chris.
“Ano ba besh,wala ako sa mode makipag biruan ngayon. Kinakabahan na ako para kay Marlou.”_sabi ko kay Chris
“Ok fine…Manong paki fast forward ng taxi, worried na worried na kasi itong kasama ko.”_pag iinis pa ni Chris.
“Alam mo beshewap, na ko curious na ako sa iyo, I mean sa inyo ni Marlou, mag ano ba kayo at super taranta ka diyan? Nag aalala din ako for Him, pero hello beshe naman 12:45 in the morning pinahanap mo ako ng taxi para puntahan lang siya? Omg beshewap I smell something fishy.”_pagtataka ni Chris.
“Ikaw na man kasi…sabi mo beshewap alert na diyan kasi nasa hospital si Marlou. Nataranta tuloy ako.”_paliwanag ko.
“ so ganun, so ako ang concern at dinamay lang kita? Ganun?…parang hindi mo pa ako kilala…beshewap tayo diba, for sure naman knows muna man the ako mag chat or text. Unless may gusto kang aminin sa akin. Meron ba beshewap?“_sa sitwasyon ngayon at sa nararamdaman kong takot at pangamba for Marlou. Kailangan ko ng isang balikat na puwede kong masandalan.
Matagal ko nang kakilala si Chris, way back collage days. After noon wala na kaming contact sa isat isa ,hanggang sa nakapangasawa ito ng Koreano. Hindi rin sila tumagal ng koreano at naghiwalay din. Nang mag resigned ako sa dati kong trabaho. Si Chris ang nag pasok sa akin sa trabaho ko ngayon. Single mom si Chris at bukod sa online selling at pag be bake , hilig din nito ang pag momotor, At noong nag join ride for a cause ang club ko at club nila doon kami mas nagig close. At siyempre …si Chris ang unang nag pakilala sa akin kay Markou.
“So ano besh, meron ba akong dapat malaman na scandal? Issues? O chizmiz about you and Marlou baby?”_pangungulit ni Chris
“Mag boyfriend kami ni Marlou.”_ang nasabi ko.
“Anong sabi, paki ulit beshe…ang lakas ng sounds ni manong driver hindi kita marinig ,choppy ka. Paki ulit lang please.”_
“Boyfriend ko si Marlou…besh”
“My gulay beshewap…luma lablayf kana hindi mo man lang ako ina update kaloka, kaya pala super intense ang reaction mo diyan. May something na pala kayo..”
Malapit na kami sa hospital kung saan dinala si Marlou. Pagdating namin sa emergency area…may mga ka member ng club nina Marlou na nasa labas lang at nag hihintay. Nang makita nila kami ni Chris, isang matabang mama na kasamahan din nila ang lumapit sa amin.
“Chris good morning,nandito karin pala”_pag bati ng lalaki.
“Master,good morning din, si Ram rider din. kaibigan ni Marlou. Bakit ano ba ang nangyari kay Marlou?”_tanong ni Chris
“Sumalpok ang minamanehong motor ni Marlou sa isa pang motor, pauwi na raw sana. At subrang lasing, nang agaw ng lane kaya sumalpok sa kasalubong na motor.”_sabi ng lalaki.
“Kamusta na si Marlou boss,?ok lang ba siya.?”_tanong ko.
“Iyan din ang hinihintay namin dito sa labas…restricted masyado sa loob isang person lang ang pedi sa loob. Nasa loob naman ang tatay nì Marlou.”_sabi niya pa.
Hindi ako mapakali sa puwesto ko. Palipat lipat ako ,lakad ng lakad kinakabahan ako sa kalagayan ni Marlou.
“Easy lang bud, pagdasal mo na lang na maging ok siya.”_si Web pala ,sumunod talaga sila ni Joey.
“Sumunod pa talaga kayo bud,salamat ha…si Joey?”_pansin kong wala si Joey.
“Bumili lang ng balut sa tapat. Halika bud…doon tayo…umupo muna tayo doon ,para kumalma ka, magiging ok din ang kaibigan mo.”_at naupo kami sa isang bench.
2 am na pero wala parin update sa kalagayan ni Marlou. Kung ano ano na ang pumapasok sa utak ko. Sising sisi ako sa mga nagawa ko kay Marlou. Sinisisi ko ang sarili ko sa aksidenteng nangyari sa kanya. Ako ang dahilan kung bakit nag lasing ito. Pinakakalma lang ako ng mag pinsan.
Lumapit sa amin si Chris kasama ang tatay ni Marlou.
“Kamusta na siya Chris?”_agad kong tanong.
“Stable na siya, himalang mga galos lang at pasa ang inabot nila nang kasemplangan niya. Pero na fracture yata ang kanang braso niya kailangan ng e preserve I mean e semento para umayos. So happy na? Happy na beshewap?”_balita ni Chris.
“Good morning po tito Puwedi na ho bang maka usap si Marlou?”_tanong ko.
“Atat lang besh?…hindi kaba nahihiya diyan sa mga menso mong kasama,baka mag selos ang mga yan sa subrang concern mo kay Marlou”_bulong sa akin ni Chris.
“Bawal kausapin ang mga pasyente sa loob,tanging immediate family lang ang pwedi sa loob at isa lang. Nailipat na rin si Marlou sa ward, pag nagising na siya pwedi na siyang e release agad.”_sabi ng tatay ni Marlou.
Salamat at safe na si Marlou, kung may masamang nangyari sa kanya habang buhay ko talagang sisisihin ang sarili ko. Salamat sa Diyos at ligtas si Marlou.
“Hindi pa ba kayo uuwi bud Web,pre Joey?, kaya ko na dito…salamat ha,babawi na lang ako sa inyo pagka uwi ko.
“Beshey, papauwiin mo na sila ni hindi mo man lang ako pinakilala sa kanila? Naman beshewap pa share naman diyan”_pasempleng bulong uli ni Chris.
“Siya nga pala bud,pre…si…”_
“Hi by the way Im Christina Payermo, Chris for short, tinapay kong like niyo akong kainin. Single mom pero hot padin parang pandesal ..”_
“Hoy umayos ka nga, ang landi landi mo ,hindi bagay sayo oy.”_
“Sa iyo bagay? Ka yuck ka besh”_
“Kulit naman nitong kaibigan mo pre, Joey miss solong ama din.”_nagkamayan ang dalawa.
“Oh see matche matche kami beshewap…ang yummy mo naman sir Joey”_
“Wag niyo nang pansinin ang kasama kong ito pre…may pagkabaliw din to minsan.”
Umuwi na sina Web, nagsi uwian narin ang ilan pang mga kasama nila Chris. At umuwi na rin si Chris…ako at ang tatay na lang ni Marlou ang naiwan. 4 am nang na discharge si Marlou, ang ama nito ang sumundo sa kanya sa loob. Habang nag hihintay ako sa labas.
Akala ni Marlou ang tatay niya lang ang kasama niya. At nakita ko sa reaksiyon niya ang gulat ng makita ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bigla nalang ako napaluha ng makita si Marlou. Isang ngiti lang ang ginanti nito sa akin. Saka lumapit. Gamit ang kaliwang kamay niya niyakap ako ni Marlou.Ganun din ako sa kanya. Hindi ko alintana ang mga nakamasid na mga tao sa paligid.
Nagpara ako ng taxi at hinatid sila Marlou sa kanila. Doon na ako nag paumaga sa kanila.
LET IT FLOW
Mahigit tatlong linggo din akong absent sa trabaho dahil sa pag babantay kay Marlo, siguro dala ng pagka guilty sa mga inasal ko sa kanya ,kaya na isipan kong alagaan ito pansamantala habang hindi pa nito naigagalaw ng maayos ang kanang braso at kamay. Para ma alagaan mabuti si Marlou, doon ako sa kanila nakikituloy.
Lahat ng pedi kung itulong kay Marlou ginawa ko. Maging ang pagpapaligo dito dalawang beses kada araw, gumagamot sa mga sugat nito…in short nag volunteer akong maging care giver ni Marlou.
Sa ilang araw na kasama ko si Marlou, natutunan ng sarili ko na pagbigyan si Marlou sa nararamdaman niya sa akin. Sa ikli ng mga araw na nakakasama ko si Marlou ginampanan ko ang pagiging asawa sa kanya. Para talaga kaming mag asawa ni Marlou. At sa unti unti tinatanggap na ng sestema ko ang set up naming dalawa.
“Mukhang ok kana , nagagalaw mo na ng kaunti ang mga daliri mo at braso. Puwedi na kitang iwan kina mama at papa mo.”_habang pinapalitan ko ng bindahe ang bali nitong braso.
“Aalis kana gha? Iiwan mo na ako?”_malungkot ang mga mata nito na nakatitig sa akin.
“Pansamantala lang naman ilang linggo na din akong leave sa trabaho, wala na akong pera, kailangan ko ng bumalik ng trabaho gha. Pero dadalawin naman kita pag day off ko.”_sabi ko.
“Salamat sapag alaga sa akin gha, at hindi mo ako pinabayaan…i love you gha.”_isang masuyong halik sa labi ko mula sa kanya.
“I love you too,…gha, at sorry sa mga pagkakamali at pagkukulang ko. Hahayaan mo babawi ako sa iyo. Mula ngayon iyong iyo na ang puso ko. Pagaling kana mag ra ride pa tayo.”_at hinalikan ko sa noo si Marlou.
June 29,2020 maaga akong nag tungo ng terminal pabalik ng San Carlos. Nasa loob na ako ng bus ng may kumalabit sa akin , si Web.
“Bud, saan ka?”_tanong nito.
“Oy bud,hindi kapa pala naka uwi ng Murcia?”_tanong ko din sa kanya.
Nasalikurang banda si Web naka upo…dahil sa social distancing one seat apart lang dapat. Kaya lumipat ito sa katabi kong seats.
“Akala ko naka balik ka na ng San Carlos?…dumaan kami ni insan sa inyo sabi ng kapatid mo bumalik na ng San Carlos. Last week pa. “_usisa ni Web
“Ah eh oo bud ,kakabalik ko nga lang din kahapon may meeting kasi…pero heto balik agad. Nakakapagod nga mag byahe. …ikaw bud ngayon ka palang uuwi sa inyo?”_pag divert ko ng kuwento.
“May kukunin lang akong manok sa bahay bud ,ibibigay ko kay insan. Doon muna ako sa kanya…Bacolod na kasi ang next ko na duty”_sabi ni Web.
“Ganun bah, sayang baka hindi na tayo mag kakakitaan nito next bud. Tayming sana kasi Bacolod kana ma aasign.”_sabi ko.
“Bakit naman bud?, hindi kana uuwi ng Bacolod?”_si Web
“Hindi na muna siguro…risky na masyado ang mag travel sa dami na ng case ng covid sa Bacolod. AT isa pa tipid tipid muna bud times two na ang pamasahe ng bus. Doon na muna ako sa San Carlos.”_ang nasabi ko lang dahilan kay Web. Pero ang totoo niyan susubukan ko munang umiwas sa tukso para kay Marlou.
Hindi ko maibibigay ang buo kong atensiyon kay Marlou kung nakikita ng mga mata ko sina Joey at Web.
“Saan kaba sa San Carlos nakatira bud? Para madalaw ka naman namin ni insan.”_tanong ni Web
“Sa proper lang bud,…siya nga pala bakit ka nag bus, diba may motor ka naman? Sana nag motor ka na lang para makabalik ka agad”_pansin ko
“Iniwan ko kay Joey, mukhang nasira kasi ang kanya. Pinagamit ko muna ang sa akin.”_sagot nito.
Mahigit 3 hrs din ang byahe at nakatulog ako…nagising na lang ako ng makarating kami sa boarders ng San Carlos at pinababa kami for temperature checking at mag log ng pangalan.
Pagkatapos bumalik na ako sa aking upuan.
“Bud tingnan mo ito?grabe ang himbing ng tulog mo tulo laway pa,”_si Web habang pinapakita sa akin ang larawan ko sa phone niya na naka nganga ako habang tulog.
Nagulat ako bakit naroon parin ito sa bus.
“Bud hindi ka bumaba ng Murcia? San Carlos na ito..at langya ka buddy pinagtripan mo pa ako ha,burahin mo na yan.”_sabi ko.
“Sasabay ako sa iyo bud…at sorry na e post ko na sa facebook hahaha at saka na ako babalik pag naihatid na kita,para naman alam ko kung saan kita pupuntahan dito bud.”_sabi niya.
Wala na akong magawa,hindi naman puweding ipagtabuyan ko si Web. Gumastos ang tao para lang makasabay ako. Pag dating ng San Carlos niyaya ko si Web na kumain muna. At tumuloy na kami sa aking boarding house.
May kaliitan lang ang boarding house ko pero ok naman . Pagkapasok pa lang ng kuwarto ko agad na humilata sa kama si Web. Ako naman nag tanggal na ng sapatos para makapag bihis na. Naka upo ako sa edge ng aking kama habang hinuhubad ang aking pantalon nang bigla akong hinablot ni Web pahiga sa kanya.
“Tuloy natin ang na udlot nating labingan noong birthday ni insan bud,…mis na mis na kita eh”_sabay kagat sa tenga ko.
“Ikaw ha, kaya ka siguro hindi bumaba sa inyo kasi ito yong binabalak mo sa akin.nuh?”_sabi ko.
“Ganun talaga, pag gusto may paraan ,at pag may chance sunggaban agad…baka makawala pa.”_muli nitong kinagat ang tenga ko at pinaliguan ng laway habang dinidilaan ang butas nito.
Natangay ako sa ginagawang pangingiliti ni Web sa akin. Bumigay ako at nagpa ubaya sa gusto niyang mangyari nakalimutan ko ang pangako ko kay Marlou. Heto at nag paanod na naman ako sa tukso.
Aaminin ko pinanabikan ko din ang mga bisig at katawan ni Web. At mas lalo pa akong nanabik sa kanyang kakisigan. Ang sarap ng mga halik at yakap ni Web sa akin. Sa mga sandaling yon gusto ko madurog ng husto ni Web ang buo kong katawan.
At napapikit nalang ako sa sarap ng sinubukan akong subuin ni Web. Ang sarap sa pakiramdam na kinakain at hinihigop ka ng lalaking na miss mo.
Magkasabay kaming nilabasan ng init sa katawan. Pawisan kaming pareho. Hingal at pagod.
“ namis ko ito bud,…na miss kita. Salamat at pinag bigyan mo ako.“_sabi ni Web.
“ wag na sana itong makarating kay Joey, bud. Sekreto na lang natin itong nangyari ngayon.“_paki usap ko.
“Kailan ba ako nag kuwento ng tungkol sa atin?…makakaasa ka bud, sa ating dalawa lang ito. At kung ano man ang meron kayo ni insan. Labas na ako roon. Handa naman ako lagi mag paraya bud para sa kaligayahan mo.tulad noong nagparaya ako dahil mas nauna si Renzy kesa sa akin.”_tugon nito.
“Salamat bud…”_ang nasambit ko.
“Dadalawin kita dito pag may time ako. Ako na lang ang pupunta sa iyo dito bud.”_sabi ni Web
“Ayos lang sa akin. Text mo lang ako bud. …bukas kana umuwi sa inyo dito kana mag palipas ng gabi.”_sabi ko.
“Hmmmm gusto mo lang yata ng isang round pa bud”___buong araw ang harutan namin ni Web, at naulit pa ng ilang ulit ang pagtatalik namin ng araw na iyon.
“Bahala na kung saan ako dadalhin ng kuwento ko,“ang tanging naibulong ko sa sarili ko. Susunod na lang ako sa agos ng mga pangyayari. Mahina ako,marupok…sinungaling. Nilihim ko kay Marlou ang tungkol sa amin ni Web, sa amin ni Joey. Ganun din kina Web at Joey hindi ko binanggit ang tunay na ugnayan ko kay Marlou.
Ang pamilya ko buong akala nila si Joey ang special na lalaki sa buhay ko. Pero para sa amin ni Joey libog lang talaga ang connection namin sa isat isa. Kung ano man ang meron kami ni Joey hanggang kuwarto lang iyon. Sa labas magkumpare parin kami.
Si Web ,noon pa man pang seconds best lang talaga, at kung ano man ang ugnayan namin ,alam ni Web hanggang doon lang iyon no strings attached pero mahal namin ang isat isa .
para kay Marlou, siya lang ang lalaki sa buhay ko. Isang malaking kasinungalingan na kinatatakutan kong malaman niya. May suicidal instinct si Marlou kaya hanggang sa kaya ko. Ipaparamdam ko sa kanya ang gusto niyang maramdaman. Hindi ko na hahayaang may masama pang mangyari sa kanya at ako ang maging dahilan.
Sa ngayon nasa kay Marlou muna ang focus ko. Paminsan minsan napupunta dito si Web sa akin. Hindi na rin ako masyado nag lalagi sa bahay kapag umuuwi ako ng Bacolod. Para iwasan ang pizza ni Joey. Magaling na rin ang bali ni Marlou pero hindi pa ito nakakabalik ng trabaho.
Hanggat makakaya ko itatago ko ang lahat . Hanggat kaya ko pang takpan ang butas sisikapin ko hindi masilipan. At kung saan man ako aanurin ng estoryang ito… At kung hanggang kelan pa kami mag kikita ni Web,magsasama ni Joey at kung tatagal pa ba kami ni Marlou…
Panahon lang ang makapag sabi. Thankful lang ako dahil maraming nag mamahal sa akin. Maaring mali ang pagtanggap ng pagmamahal ng sabay. Pero ito ang buhay na meron ako. Tatanggi pa ba ako?
Don’t judge me unless you read my whole stories.
Ang buhay Lalo na Ang lahat tungkol sa relasyon, mabilis nag babago. Mga bagay na hindi maiiwasang mangyari pero nakatakdang maranasan.
And that’s how life works. At parte ng buhay natin ang umibig, mag mahal masaktan at manakit minsan. Dahil sa mga bagay na iyon tayo tumatanda at nahahasa.
LIES
______🖤
Mahigit two months na din akong hindi naka uwi ng Bacolod, bukod sa mahirap mag travel sa dami ng restriction at requirements para makadaan sa borders, gusto ko rin bigyan ng quality time ang sarili ko, alone, na mag karoon ng realization sa mga bagabagay. Lalo about sa amin ni Marlou, kung tutuloy ko pa ba ang relasyon namin? o dapat ba na itigil ko na, bago pa niya malaman ang lahat na niluloko ko siya.
Naging mas madalas ang pag bisita ni Web sa akin dito sa San Carlos, bawat linggo dalawang beses ito kung pumunta sa akin. Nakikitulog at nakikisalo sa akin. Walang kami ni Web, at alam niya iyon at alam namin pareho iyon. Pero meron sa pagitan namin ni Web na kami lang ang nakakaramdam. Mahirap e explain pero kapag tumawag siya sa akin para ipa alam na pupunta siya na e excite ako, nasasabik ako sa kanya. At kapag magkasama kami parang ang saya ko lang. Mag kasing edad lang kami ni Web pero kapag nasa isang kuwarto lang kami, daig pa namin ang mga kabataan ngayon kung mag harutan. Hindi naman namin pinag uusapan ang labelling namin. Para sa amin sapat na, na masaya kami sa isa’t isa. Kinikilig parin ako sa mga hirit ni Web, nagugustuhan ko ang pang aamo niya sa akin. Na hindi ko naman nararamdaman sa tuwing kasama ko si Marlou.
May dating si Marlou, mga tipong habulin ng mga bakla at kung ebebenta mo online, dudumugin talaga ng mine. Sa profile palang ni Marlou, makakabuntis na ito, titig pa lang. Pero ewan ko ba sa sarili ko bakit wala akong nararamdamang spark sa tuwing mag kasama kami. Bukod kasi sa age gap namin na mas bata siya kumpara sa akin, eh takot din ako mahusgahan kami ng iba, o ng mga nakakilala sa amin.
Ayuko ko lang kasi makarinig ng something na piniperahan lang ako ni Marlou, well sorry sila kung iyan ang iniisip nila kasi hindi din naman ako mayaman at hindi din naman ako piniperahan ni Marlou. Pinipilit ko naman ang sarili ko na suklian ang pagtingin sa akin ni Marlou pero subrang dry na dry talaga ang pakikitungo ko sa kanya. Kahit kasi na dina down ko na ang sarili ko para ayawan niya ako. Mas lalo pa yata pinu push ng bata ang pagmamahal niya sa akin.
Sa tawag at video call lang kami nag uusap ni Marlou, kasi sabi ko bawal mag ride ngayon papunta dito sa akin, kasi sa dami parin ng covid cases sa Bacolod, health muna namin ang priority. Sabi ko pa, na mahihirapan siya mag travel kahit mag motor pa siya sa dami ng travel requirements. Iyon ang alibi ko lagi kay Marlou para hindi niya maisipang puntahan ako dito. Lingid sa kanya kaalaman, ang madalas naming pagtatagpo dito ni Webster.
______🖤
August 17, lunes ng umaga nang makatanggap ako ng tawag mula kay Marlou.
“Yes gha ,napatawag ka?…ang aga mo naman mang gising. Buti na lang day off ko today.”_pagkasagot ko.
“Good morning gha, sorry na gising ba kita? Excited lang kasi ako .”_halata naman sa boses ni Marlou ang galak.
“Morning din, ok lang gha mag a alas sais na rin naman sakto lang paggising mo..bakit ka ba excited, anong meron?”_tanong ko
“Back to work na ako gha, pero hindi pa rin ganun ka stable ang operation, skeletal parin kaya trice a week lang ang pasok ko. Tapos pag walang trabaho nag de deliver ako ng mga kung ano ano para sa mga customer na takot lumabas. Ikaw gha, baka gusto mo akong orderin, edi- deliver ko diyan sa iyo katawan ko. I miss you na gha, subra.”_bigla akong kinabahan .
“Miss you too gha, I’m happy for you may work kana ulit, mag ingat ka lagi sa pag dediliver. At naku gha…bawal parin mag travel dito, wag ka mag alala ok lang ako dito. “_sabi ko.
“ meron na akong essential travel pass id gha, kinuha ko sa barangay at nagpa rapid test narin ako para maka kuha ng health clearance, para maka travel na diyan. Puwede na akong mag cross ng border gha, madadalaw na kita diyan. I really miss you.“_sabi pa ni Marlou.
“Miss din kita gha, pero mas safe ka diyan. Iwasan mo muna mag byahe byahe, ako nga tini tiis ko dito kahit gustong gusto ko nang umuwi diyan. Alam mo naman ang virus, gha safety first. Don’t mind me here.”_mga dahilan ko para lang pigilan si Marlou sa balak niya.
“Mukhang hindi mo naman ako na mi-miss gha, sa mga sinasabi mukhang ayaw mo talaga akong papuntahin diyan…pero, basta pupuntahan kita diyan ,tapos bumalik tayo ng DSB, ulitin natin ang first date natin noong nag simula tayo gha.”_seryoso talaga si Marlou. Kilala ko nasiya kapag gusto niya gagawin talaga niya.
“Sige gha, gusto ko iyan…tawagan mo ako kung kelan ka darating o pupunta ng makapaghanda ako…ibig kong sabihin ma ihanda ko agad mga gamit ko para deretso na tayo ng DSB.”_wala na akong choice, pigilan ko man si Marlou pag gusto niya gagawin niya
“Hindi na surprise pag pina alam ko pa sa iyo. Basta gha dadalawin na kita diyan.”_huling sabi pa nito.
______🖤
Higit pa sa kaba, ang takot kong malaman ni Marlou ang kalukohan ko. Ano kaya ang maaring gawin ni Marlou kung sakali man. Agad din ako gumawa ng alibi for Web para hindi muna ito pupunta sa akin. Nag PM ako kay Web para mag dahilan na uuwi muna ako ng Bacolod ng ilang buwan at mag li-leave muna ako sa trabaho para maka pag pahinga. Ngunit seen mode lang ang tugon sa akin ni Web.
Gabi na ng makatanggap ako ng reply galing kay Web ,thumbs up lang. At least alam kong naniwala siya.
Matutulog na ako ng mag call bigla sa akin si Web.
“Talaga bang uuwi ka muna dito bud?”_agad nitong tanong.
“Oo nga bud, kaya wag ka na pumunta dito, magkikita din naman tayo diyan.”
“Sa bahay kana lang namin sa Murcia mag stay bud, doon maka pag relax ka ng husto. Ipapasyal kita sa ilog, tapos i aakyat kita ng mga buko, diba gusto mo iyon. Doon ka na lang sa amin…kami lang ni nanay nandoon.”_excited na alok ni Web. Nakapunta na nga ako noon sa kanila at maganda ang lugar nila ni Web tahimik malapit sa ilog, at kung pag rerelax lang din talaga, marerelax ka talaga sa lugar nila.
“Paano naman ang trabaho mo bud, at baka magtaka si Joey. Sa Bacolod na lang tayo magkita bud.”_sabi ko.
“Mag li -leave din ako para sabay na tayo….pero teka lang bud, mukhang kay insan Joey ka yata na e excite. Paano naman ako?”_tanong pa nito.
“Sira, akala mo talaga sakin ganun na kababoy, kung kani kanino lang mag papakuwan. Siyempre miss ko na rin si Joey , masarap kaya pizza ng pinsan mo. Pero siyempre naman miss din kita, halos kada linggo ka kaya nandito. Malamang ma mimiss talaga kita bud.”_sabi ko.
“Kailan kaba uuwi bud, susunduin na kita diyan para maka tipid ka sa pamasahe.?”_alok ni Web sa akin.
“Not sure pa,baka itong week. …at hoy, bawal angkas ngayon. May pandemic , mag ba-bus na lang ako di kaya vhire.” Tutol ko
Tumagal pa ang pag uusap namin ni Web sa linya, hanggang sa dinatnan na kami ng libog at natuloy kami sa phone sex. Kakatapos lang ng call namin ni Web at siya namang ring uli ng phone ko, si Marlou. Antok na ako sa oras na iyon at nangangalay na ang kamay, mahina na ang boses ko habang sinasagot si Marlou.
“Gha ,nakatulog kana ba, sorry nagising ba kita?…mag go goodnight lang naman sana ako sa iyo gha.”_ang lambing talaga ni Marlou kabaliktaran sa ma angas niyang mukha.
“Kakaidlip lang gha…sorry ha kanina kapa ba tumatawag?”_
“Kanina pa nga gha, pero busy yata kanina. May tinatawagan ka pa bang iba?”_sabi nito.
“Ah oo gha, tumawag kasi ang boss ko…after zoom naka tulog na ako.”_pagsisinungaling ko.
“Ok gha,pahinga kana diyan. I love you gha, miss na kita. Goodnight. “_huling salita pa ni Marlou.
Natagalan ako sa pag sagot kay Marlou…na guilty na naman ako sa mga kagaguhan ko.
“Ah I love you too gha and goodnight din. Miss you more.”_ang kaplastikan kong sagot.
Sa totoo lang hindi ako nakatulog ng time na iyon inabutan na ako ng pag sikat ng araw kinabukasan pero hindi talaga ako nakatulog. Sa kakaisip sa mga pinag gagawa ko sa relasyon namin ni Marlou, sa mga kasinungalingan ko sa kanya ang pagtataksil ko sa kabutihan niya sa akin. Galit ako sa sarili ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang pigilan ang kalandian ko kay Web at mag focus na lang sa relasyon namin ni Marlou.
Mga ka brobars, alam kong mali ako, pero ano ba ang tama?
_____🖤sundan
CONFESSION
Muli magandang araw mga ka brobars, salamat sa pag share ng time ninyo sa aking page. Medyo mahaba haba pa ang pakikipag laban natin dito sa covid na ito. Marahil matatapos lang itong taon na ito, still nariyan parin ang nakakatakot na variant ng COVID. Pero hindi sa kaso namin ni Marlou, hindi pa man nag sisimula ang December ,patapos na kami.
Karma na siguro sa akin ito, ang walang permamenting relasyon. Kung ang sitwasyon ang huhusga ako ang may problema. Hindi ko naman sinasadyang mangloko ng damdamin, hinahanap ko lang naman ang nagpapasaya sa akin.
Kaya nga takot ako sa commitment. Baka hindi ko kayang panindigan. Simula’t sapol wala na talaga akong lakas na ipagsigawan ang sarili ko kung ano nga ba talaga ako. Nakakainggit ang iba na may lakas at tapang na ipakita sa lahat ang totoong sila. Hanggang ngayon may takot parin ako sa riyalidad ,takot parin akong mahusgahan. Takot mawalan sa akin ng respeto ang mga taong naniniwala sa akin
Oo bukas naman ako sa pamilya ko pero ayukong makarinig ng kung anong reaksiyon sa paligid ko lalo na sa mga tao na malalapit sa akin. Lalo pa sa edad ko ngayon na hindi na nakaka aliw ang paglalandi. Salamat nalang sa Alter ego ko at sa alter world dito sa social media kasi nakakabuo ako dito ng sarili kong mundo.
Kung saan dito kaya kong pag sigawan ang tunay na ako at ang nararamdaman ko na walang takot at pangamba. Maswerte ang iilan na kayang ipag sigawan ang kanilang kulay sa harapan ng lahat. Sana kaya ko rin yon. Sana may tapang din akong gawin iyon. Sana bukas makalawa magagawa ko din ipakilala sa lahat na may boyfriend din ako. Hindi sana ako nagtatago sa anino ng aking damit. Hindi sana ako ganito sa amin ni Marlou.
_____🖤
Kinabukasan agad ko tinawagan si Marlou, sinabi ko na mag papasundo ako ng terminal at uuwi ako. Wala sa plano , bigla ko na lang na isip. Gusto kong unahan si Marlou bago niya pa malaman ang pangloloko ko. Subrang saya ni Marlou ng sabihin kong uuwi ako ng Bacolod. Sa araw ding iyon agad ako nag byahe sakay ng vhire. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pero buo na sa loob ko ang kausapin si Marlou at ipag tapat ang totoo.
Nakatulog ako sa byahe, malapit na ako sa Murcia ng magising ako. Pumarada sa tapat ng simbahan ang sinasakyan kong vhire dahil sa may bumabang pasahero, nang may nakita ako. Si Webster naka tayo sa tapat ng plaza na tila nag aabang ng masasakyan. Agad ko siya tinawagan.
“Bud saan ka?”
“Nag aabang ng ceres pa San Carlos day off ko ngayon, naki pag swap ako para makasama ka bud, diba day off mo rin ngayon? Abang abang ka lang diyan bud mag mu-mikbang uli tayo. Miss you.”_ang sagot sa akin ni Web. Natahimik ako sa sinabi ni Web sa akin. Muling umandar ang sinasakyan ko. Kakalapas lang namin sa 7eleven ng mag para ako. Ayukong gawing tanga si Web na hayaang pupuntahan ako, kahit wala ako doon. Bumaba ako ng sasakyan. Nag pa iwan ako sa Murcia. Tinawagan ko muli si Web.
“Bud wag ka nang tumuloy, wala ako sa San Carlos.”
“Ha? Umuwi ka na ng Bacolod? Akala ko next week pa…daya mo naman bud. Buti hindi pa ako nakasakay ng ceres. Kakadaan nga lang dito ng isa. Saan kaba, nasa inyo kana ba bud?”_kita ko lahat ng reaksiyon ni Web habang kinakausap niya ako sa phone. Iba din sa effort itong si Web.
“Wala ako doon…kasi nandto lang ako sa tapat mo…nasa waiting shed lang ako.”_kumaway ako.
Kita ko ang ngiti ni Web nang makita niya na ako sa kinatatayuan kong waiting shed. Ganun din naman ako, may kung anong galak din akong na feel ng makita si Web. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko rin naman kasi naramdaman ito dati, noong kami pa ni pareng Renz ganitong ganito din ang feeling.
Noong nagkahiwalay kami ni pareng Renzy, doon na kami nagsimulang naging mag close nitong si Web, way back 2018 pa hanggang sa nagkaroon kami ng mabuting ugnayan. Pero hindi naging magka relasyon . Literal na fuck buddy lang talaga. Naging ka anohan ko si buddy noon. Fetish ko kasi ang mga men in uniform, eh nagkataong security guard si Webster.
Naputol lng kami ng mag resign na ako sa work ko kung saan guard si Web, at noong nag trabaho din ito ng ilo ilo. Nitong quarantine period lang kami muli nagkita ni Web na nagkataon ding pinsan din pala nitong kapit-tagay kong si Joey na minsan ko na ring naka anohan nitong locked down.
Small world sabi nga. Ewan ko ba bakit ganito sa akin ang tadhana nilalagay ako sa lugar kung saan halos magkakalapit ang mga taong malalapit sa puso ko.
Itong si Web ka lugar din ng misis ng kumpare kong si Renzy.
_____🖤
Niyaya agad ako ni Web sa kanila. Tanghali na noon at sakto ang pag punta ko kasi nag ihaw ng bisayang manok ang nanay ni Web. Isang mainit na tinolang manok ang inihain sa akin ni Web tudo ito asikaso sa akin. Para akong dalaga na pinag sisilbihan ng binata. Nahuhuli ko ang mga tingin ng nanay ni Web kaya na ilang ako. Kaya ako na lang ang kumilos para ipag hain ang sarili ko. Hindi ako maka kilos ng maayos, pansin ko talaga ang kakaibang titig sa akin ng nanay ni Web. Kumalma na lang ako nang mag paalam ang nanay nito na pumunta ng Lopez Jaena. Nang maka alis ,saka lang ako nag tanong kay Web.
“Galit ba ang nanay mo sa akin bud, iba kasi kung maka tingin sating dalawa habang kumakain tayo”_pansin ko
Nanahimik bigla si Web, ramdam ko ang bigat ng kanyang buntong hininga. Alam kong may problema. Hindi ko na pinilit pa si Web na mag kuwento. Pero bigla na lang itong nag kuwento.
“Ipinagtapat ko kasi sa kanyang bi ako bud. Sumama siguro ang loob niya sa akin. Siyempre dalawa na lang kami at gusto niya na mag karoon na ako ng sarili kong pamilya. Kaya nang minsan tinatong niya ako kung kelan ako mag aasawa, doon na ako nag tapat sa kanya. Nabigla ko yata si nanay. “
Nalungkot ako sa sinabi ni Web, naintindihan ko siya tulad niya ganun din ang problema ko sa pamilya ko. Wala din namang silbi ang payo ko,kasi maging ako hindi ko parin kaya ilabas ng buo ang kulay na meron ako. Buti pa si Web malaya na.
“Straight ka rin naman diba? Naka ilang girl friend ka na nga noon, may matrona ka pang financier noong nag guard kapa dati sa pinagtatrabahuan natin. Pero bakit mo nasabing Bi ka? Di kaya confuse ka lang bud? …at isa pa kaya mo namang magkaroon ng pamilya kahit ganyan ka. Sa tindig mong iyan kahit sinong babae, magpapalahi agad sa iyo. Mag request ka lang. Ako nga naka buo pa ng panganay. Ikaw pa kaya. Pero teka lang bud…ano naman nag tulak sa iyo na isipin mong bi ka?_tanong ko.
“Ikaw bud, dahil saiyo. Sa nararamdaman ko sa tuwing magkasama tayo. Mahal na yata kita bud”.pagtatapat ni Web
Hindi ko inasahan ang sagot ni Web sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Matutuwa ba ako kasi dahil sa akin napa amin ko si Web? O magalit sa sarili ko kasi ako pala ang dahilan ng samaan ng loob nilang mag ina. Pero masaya ako sa narinig ko. Ang linaw, mahal ako ni Web.
“Bakit ako bud? So kasalanan ko pala na naging ganyan ka?parang sinasabi mo namang hinawaan kita nang pagiging bi ko?.”
“Hindi sa ganun , hindi ko naman sinabing kasalanan mo. Ibig ko sabihin dahil sà iyo sigurado na ako sa sarili ko na mas mahal ko pala ang kapwa ko kesa sa mga babaeng kinakantot ko. Alam mo iyon. At hindi lang libog ang nararamdaman ko sa tuwing magkasama tayo bud. Unti unting nabago mo ang nararamdaman ko sa iyo. Akala ko noon pang experience lang ito , ang makipag sex sa kapwa ko lalaki. Para lang makapag explore. Pero ng makilala kita higit pa roon ang naramdaman ko sa sarili ko. At pinadama mo sa akin ang kakaibang kaligayahan na hindi ko nahanap sa mga babae ko noon. Mas masaya ako bud sa piling mo.”
Napaluha na lang si Web habang nag sasalita. Niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko ang pinagdadaanan ni Web. Ito rin iyong feelings ko noong makilala ko si Anton ang unang lalaki na nagparanas sa akin na pedi pala mag mahal ng kapwa mo lalaki. At mahalin karin nito.
Nasa ganon kaming ayos ng mag ring ang cp ko, tumatawag sa akin si Marlou. Nakalimutan ko na pinahintay ko pala ito sa terminal. Iniwanan ko saglit si Web at sinagot ang tawag ni Marlou.
“Hello gha, nasaan kana nandito na ako sa terminal, kakarating lang din ng vhire. Pero tatlo lang ang sakay, hindi kaba umabot gha?”_pag aalala nito
“Sorry gha, nag ceres na lang ako kasi hindi na nga ako naka abot ng vhire, sorry talaga gha , kung ok lang sa iyo . Umuwi ka na lang tapos doon mo na lang ako hintayin sa inyo, Sorry talaga.”
Hindi talaga ako maubusan ng kasinungalingan pag dating kay Marlou. Wala naman akong balak na paglaruan siya. Pero wala din naman akong magawa. Malandi ako.
“ ok lang ako gha, hihintayin parin kita dito. Hindi na muna ako papasok ngayong hapon.“ Sabi ni Marlou, ako naman ang na guilty dahil sa akin hindi naka pasok sa trabaho si Marlou.
“May trabaho kapa pala gha, sige wag mo na akong hintayin diyan. Pumasok kana. Sayang naman ang oras mo. Kakabalik mo pa lang din sa trabaho. Wag kang mag alala diretso na ako sa inyo mammaya” sabi ko
“Ayos lang gha, anong oras ba dating mo dito.maghihintay ako para sabay na tayo sa amin.”
Ito naman ang katangian ni Marlou na hindi ko kayang tapatan. Nagpa alam ako kay Web. Ngunit maging dito nahirapan din ako magpaalam.
“Sabay na tayo bud, doon din naman ako matutulog ngayon kina insan” sabi ni Web
“Hindi ,huwag na bud susunduin ako ni papa sa terminal. Samahan mo na lng ako sa sakayan.” Alibi ko.
_____🖤
Madalas ang tataas ng ating mga pangarap. At kadalasan nauuwing lang ito sa isang napakahabang panaginip. Panaginip na kung minsan hindi natin namamalayan na ang nililikha pala nating mundo ay maaring maging bangungot din na siyang papaptay sa ating pangarap
Nangarap ako na magkaroon ng isang taong mag mamahal sa akin,. Ngayong meron ng taong handang tuparin ang pangarap ko. Ako naman ang siyang tumatanggi.
Kahit na pinagtapat na sa akin ni Web ang nararamdaman niya sa akin, hindi ko naman alam ang sagot.
USER
Pag ka alis ko kina Web, agad ako nag tungo ng terminal , at alam ko naka abang na roon si Marlou, para hindi mahalata, malayo pa lang sa terminal bumaba na ako ng jeep. At nag text kay Marlou.
“Hello gha, bumaba muna ako dito malapit sa bangko. Dadaan muna ako ng palengke may pinapabili sa akin si papa. Kung gusto mo daanan mo na lang ako dito.”_pagsinungaling ko.
“Ok gha saan ka ba banda, sasamahan na kita diyan?.”_si Marlou.
Alam kong mali itong ginagawa ko sa kanya. At wala na akong balak na dag dagan pa ang mga pangluloko ko sa kanya, kaya kailangan ko na sabihin sa kanya ang lahat. Tatapusin ko na ang kawalanghiyaan kong ito.
Kina Marlou ako nag palipas ng buong araw at gabi. At kitang kita ko sa kilos ni Marlou ang tuwa at saya na sa wakas magkasama kaming muli at magkatabi sa iisang higaan.
Tahimik na ang buong paligid dahil sa maagang curfew. Tulog na rin ang mga magulang ni Marlou. Lumabas ako ng bahay nila para magpahangin saglit bago matulog. Sa totoo lang, nag iisip ako kung saan at paano ako magsisimula. Naaawa na ako kay Marlou. Hindi niya deserve ang mga pagsisinungaling at ang kalokuhan ko.
“Smoke?…”_alok ni Marlou nang lumapit ito sa akin.
“Salamat gha, hindi na ako naninigarilyo, sinusubukan ko na kasing itigil ang mga bisyo ko dahil dito sa covid, “_pag tanggi ko.
“Paano yan mamaya gha? Hindi kana pala naninigarilyo. Sabik pa naman sa iyo itong sigarily ko”_biro nito.
“Baliw,..”_at tawanan kaming dalawa.
“Mukhang malalim ang iniisip mo kanina pa gha ah, may problema ba? Sabihin mo makikinig ako.”_umupo si Marlou sa tabi ko at kinabig ang ulo ko at pinasandal sa kanyang dibdib.
Ang mga panlalambing ni Marlou ang mas lalong nag papa bigat sa damdamin ko. Mas lalo akong na guilty.
“Wala naman, na miss ko lang ang dati…bago pa nag ka covid. Ang dami na talaga nag bago. Marami nang naiba, nawala, naglaho. “_sabi ko.
“Tama ka gha,pero alam mo kabaliktaran yan sa akin…kasi dahil sa covid na ito naging tayo. Nawala man ang mga dati kong libangan at layaw dahil sa mga locked down. Dumating ka naman sa puso ko. Kaya hindi ko masyadong ramdam si covid. Hindi ko na pansin ang mga pagbabago. Mas napansin ko ang buhay ko na kasama ka.”_at sabay halik ni Marlou sa aking ulo.
“Hindi mo ba na mimiss sina Nica, si Jane wala kana ba balita sa kanila? Siya nga pala si Chelsea nag te text pa ba kayo?”_sabi ko.
“Bakit naman napasok dito ang mga pangalan nila? Saan na naman ba papunta itong topic na ito gha? Diba sinabi ko na sa iyo, kuntento na akong meron ikaw sa puso ko. At sila, mga trophy lang iyan. At hindi ko need ang trophy. Dahil ang mahalin mo lang ako. Panalo na para sa akin.”_at isa pang halik sa pisngi ko galing sa kanya.
“ wala lang , wala na kasi akong balita sa kanila…hindi ba at may GC naman kayo? Nakikibalita lang. “_sabi ko
“Wala na ako sa gc na iyon nag leave na ako. At wala naman rason para maki balita ka pa sa kanila. Para ano pa?”_sagot nito.
“Grabe siya, mukhang wala kayong pinag samahan ni Nica, hindi ba sabi mo siya ang ultimate crush mo since college? Si Jane diba x mo iyon pero nang magkasama kayo sa isang trabaho naging mag bestfriend na kayo. Si Chelsea …alam mo gha kung naging kayo talaga, bagay na bagay kayo.”_dagdag ko pa. Na sinasadya talagang asarin si Marlou
“Tang ina naman gha, ano na naman ba ang pinupunto mo? Hindi ba napag usapan na natin ito? Hindi ko gusto ang direksiyon ng usapan nating ito gha. Kung ano man ang punto mo dito ayukong makinig. Ayukong pagtalunan na naman natin ito.”_tumayo si Marlou at pumasok sa loob.
Naiwan ako sa labas, Hindi ko alam kung paano ba ipaliwanag kay Marlou ang lahat. Tumunog ang cellphone ko. Si Web.
“Bud, saan ka ba? Dumaan kami ni insan sa inyo kanina wala ka naman doon, maging si kuya mo hindi alam na naka uwi kana, saan ka ba ngayon? Ikaw bud ha…may sinesekreto ka ba ha?”_pagkasabi ni Web pagkasagot ko sa kanyang tawag.
“Nakikitulog muna ako sa ka workmate ko dito, inabutan kasi ng curfew…napasarap kasi ang usapan kanina. Alam mo na bago lang ulit nagkita. Bukas din uwi na ako diyan…kita na lang tayo bud.”_alibi ko.
“Sino yan?”_tanong ni Marlou nasa likod ko lang pala.
“Bud? Si Webster?”_tanong niya muli.
“Sige bud bye na ,bukas na lang.”_pag putol ko sa usapan namin ni Web.
“S-si Web nga gha, nangangamusta lang…tara pumasok na tayo.”_pag yaya ko kay Marlou sa loob.
“Sweet din naman pala ng bud mo ano, madalas ba siya nangangamusta sa iyo gha?”_mabigat ang bagsak ng boses ni Marlou.
“Hindi naman madalas gha, minsan lang naman at nalaman niya kasing umuwi ako.”_sabi ko.
“Wow, close talaga kayo ng bud mo nuh?…ano naman ang usapan niyo, mag ba bonding kayo pag ka uwi mo? Sorry na lang siya na una ako sa kanya.”_at naunang pumasok sa kuwarto si Marlou.
Sumunod ako sa kanya.
“Nag seselos kaba gha?”_tanong ko.
Nakahanap ako ng daan para simulan ang pag aamin ko kay Marlou.
“Selos? may dapat ba akong pag selosan?…hindi ba at bud lang naman kayo. Subrang mahal kita gha, at hindi ko hahayaang masira lang tayo sa mga walang kwentang selos na yan. Tara ma tulog na tayo.”_at niyakap na lang ako ni Marlou. Pero poker face lang ito. Hindi ko alam kong galit o hindi.
Nauwi din kaming dalawa sa pagtatalik. Binuhos sa akin ni Marlou ang naipon niyang pangungulila sa akin. Buong buo. Naka ilang ulit din kaming dalawa.
Hapong hapo at pawisan kaming bumagsak sa kama. Pinagod ako ni Marlou. Nakatingin lang ako sa kanya. Wala parin itong reaksiyon. At tumalikod si Marlou sa akin.
Nakaramdam ako nang pandidiri sa sarili matapos ang sex namin ni Marlou. Para akong parausan na matapos gamitin bigla na lang tatalikuran. Nakatulog si Marlou na wala kaming imikan.
BREAKING FREE
“Ang aga mo nag bihis ah, excited ka na ba sa ka bud mo gha?”_nang mapalingon si Marlou, at napansin ns nakapag ayos na ako.
“10 am na gha…bumangon kana diyan at nagluto ako ng laswa, masarap iyon pag ma init. Tamang tama sa pritong tilapia ni tatay mo.”_sabi ko.
“Aalis kana ba pagkatapos?”_nanong nito
“Alam na nila sa bahay na umuwi ako, baka mag alala ang mga iyon kung hindi pa ako uuwi. Kaya bumangon kana diyan at kakain na tayo.”_naka upo ako sa gilid ng kanyang kama.
Yinapos ako ni Marlou sa beywang at hinila palapit sa kanya. Napahiga akong naka sandal sa kanyang katawan.
“Mamaya kana umuwi, ihahatid na lang kita sa inyo. Gusto ko pang makasama ka dito. Kahit ilang minuto lang” malungkot ang tuno nang pananalita ni Marlou.
“Magkikita pa naman tayo gha, pero kasi, dumaan doon si Web, hinahanap na ako doon sa bahay.”_sabi ko.
Biglang bumitaw si Marlou at tumalikod ito sa akin.
“Si Web? Kagabi pa ang pangalan na iyan ah, sa bahay niyo ba talaga o sa Web na yan ka pupunta”_sabi pa nito na galit
“Akala ko ba hindi ka nagseselos? Si bud kaibigan ko lang iyan.kasamahan sa trabaho noon. Huwag mo nang pag isipan nang kung ano. Alam mo ang aga pa nito para pagtalunan natin iyan. Bumangon kana diyan, gutom lang yan gah.” At hinila si Marlou palabas ng silid niya. Ngunit na natili itong naka higa.
Lumabas na ako ng silid niya at tinungo ang kusina. Naabutan ko ang mga magulang ni Marlou na kumakain na.
“Si Marlou…bumangon na ba? Halika ka na rito sabayan mo na kami rito bago ka umalis.”_pagbati ng ina ni Marilou.
“Mukhang ayaw pa yatang bumangon ni Marlou nay. Mamaya pa daw siya.”_sabi ko
“Oh siya umupo kana diyan Ram, at samahan mo na kami dito…masarap itong laswa na niluto mo tamang tama sa tilapia ko.”_pag alok naman ng ama nito.
Umupo ako sa mesa kaharap ang mga magulang ni Marlou, hindi ko alam pero tila naiilang ako na kaharap ko sila. Tanggap ako ng mga magulang ni Marlou at ramdam ko kung gaano nila ako pakisamahan ng maganda. Mahal nila ang nagiisa nilang anak at sinusuportahan nila ng buong puso si Marlou. At alam kong mas masasaktan sila pag nasaktan si Marlou. Kita ko iyon ng maaksidente ang kanilang anak. Paano ko pa ipagtatapat kay Marlou ang lahat?.
Nasa kalagitnaan na ako nang aking pagkain ng lumapit si Marlou. Naka labas na pala ito ng silid. Inabot sa akin ang cellphone ko. Naiwan ko pala sa unan ko kanina.
“Cellphone mo,…”_sabay abot sa akin ng cellphone at bumalik ito ng silid.
“Hoy Marlou hindi ka pa ba mag aalmusal?…tanghalian na mamaya. Samahan mo na si Ram dito.”_pagtawag ng ina nito nang tumalikod ito at bumalik sa kanyang silid.
“Busog pa ako nay,…”_sagot nito.
“Nag away ba kayo?”_tanong ng ina nito sa akin.
“W-wala po, ayaw lang kasi niya ako umulis muna dito sa inyo. Pero kasi, baka hinihintay na ako sa bahay eh.”_sagot ko.
“Ganyan lang talaga yan,…bilisan mo na pagkain at sumabay kana sa akin, pupunta ako ng libertad “_sabi ng tatay ni Marlou.
Pagkatapos kong kumain bumalik ako sa silid ni Marlou para kunin ang aking bag at magpaalam na sana sa kanya. Ngunit na gulat ako nang ma datnan ko itong umiiyak.
“Anong nanyari sa iyo ,bakit ka umiiyak?”_tanong ko
Umupo ako sa tabi niya.
“Kailan pa? Kailan mo pa ako pina iikot?”_tanong nito
“Anong pina paikot? Ano na naman ba ito gha?”_pagtataka ko.
“Gha?…ghago iyan ba ang ibig sabihin non? Gago.kasi ginagago mo lang ako. Tiwalang tiwala pa naman ako na ok tayo. Na mahal mo din ako. Iyon naman pala mga kadramahan mo lang ito lahat? Sana naman sinabihan mo ako nang hindi ako nag mumukhang extra lang sa palabas mo.”_may pag titimping galit sa mga binibitawang salita ni Marlou.
Natahimik ako. Hindi ko alam kung saan ako papasok. Hindi ko alam kung saan humugot ng ganon si Marlou. Nagulat ako.
Naiisip ko lang bigla ang cellphone ko na inabot niya kanina. Kailan man hindi ako nag lalagay ng ano mang password sa phone ko kasi madalas nakakalimot ako.
Si Marlou na mismo ang nag detalye kung paano niya natuklasan lahat.
“Hindi ko ugali ang mangialam ng gamit mo,pero tila may nag utos sa akin na galawin ang phone mo. At kaya naman pala subrang busy mo kapag tumatawag ako o makikipag chat sa iyo, at halos nagmamadali ka sa tuwing nag vivideo call tayo,iyon naman pala mas tutok ka sa iba. Bud? Tindi rin ng bud mo subrang espesyal mo naman sa kanya. Halos oras oras pala kayo nag babatian tapos may pa i love you pa. Ano iyon? Wala lang?…at kaya kaya atat ka na umuwi kasi miss mo na siya. Iyon ang totoo! Tama ba?! Bawal ako dumalaw sa iyo, putang Ina! Pero siya halos linggo linggo kasama mo! Tang Ina Ram, buong pagkatao ko nilaan ko na sa iyo. Ginawa ko naman ang lahat para mahalin mo rin ako diba? Bakit ginawa mo akong Tanga?! Ha?!”_umiiyak si Marlou,ramdam ko ang galit sa kanyang mga salita. Pigil at nagtitimpi.
Nabasa ni Marlou ang ilan sa mga convo namin ni Web na hindi ko naman binubura sa messenger. Pati ang ilang mga text namin sa isa’t isa. Wala akong naisagot kay Marlou. Napayuko na lang ako. At wala din naman akong dapat e depinsa sa sarili dahil tama naman siya. Ginagago ko lang siya sa kabila ng pag mamahal niya sa akin.
“So ngayong alam mo na ang lahat, wala na akong mukhang ihaharap pa sa iyo. Patawad kasi hindi ko sinuklian nang buo ang pagmanahal mo sakin. Pinilit ko din naman na maging tapat sa iyo. Pero hindi ako naging tapat sa relasyon natin. Ito ang totoong dahilan bakit ako umuwi…para sabihin na sa iyo ang lahat, na unahan mo lang ako.”_sabi ko.
“Grabe ka rin mag pa ikot, pinaramdam mo muna sa akin ang saya tapos ibabagsak mo ako bigla nang hindi man lang ako nakapaghanda? Ang sakit nitong pinaramdam mo sa akin. Hindi mo lang alam kung gaano ako kagalit sa iyo ngayon. Gusto rin kitang saktan. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya kasi sa kabila ng lahat Mahal parin kita. At lalong hindi ko kayang saktan ka.”_pagkasabi iyon ni Marlou sa akin bigla na lang bumagsak ang luha ko.
“Sige saktan mo ako Marl, deserve ko iyon. Huwag mong pigilan ang galit mo sa akin. Sige suntukin mo ako. Saktan mo ako. Matumbasan man lang kahit ng kaunting sakit ang pananakit ko sa iyo. Saktan mo ako, please.” Napaluhod akong nagmamaka awa kay Marlou. Humagulgol ako. Ang sama sama ko. Napakawalang hiya ko.
Ipinamukha sa akin ni Marlou kung gaano ako ka sama, karumi, ka walang hiya. Ako pa mismo ang may ganang mangaliwa sa aming relasyon. Ang selfish ko. Puro sarili ko lang lagi ang inisip ko. Nakalimutan kong may nasasaktan din akong iba.
Hindi ako makatingin ng deritso sa mata kay Marlou. Hiyang hiya ako sa mga nagawa ko sa kanya. Tumayo ako at nag punas ng luha, kinuha ang bag ko at lumabas na ng silid ni Marlou. Nag paalam na lang ako sa mga magulang nito. At mabilis na nilisan ang bahay nila.
🖤🤍🖤
Kakauwi ko lang ng bahay, tahimik lang ako buong araw. Napansin iyon ng kapatid kong babae.
“Daw na matyan ka ba la, ano may problema ba Nong?”_tanong nito
“Wala trabaho lang, may na iwan lang kasing trabaho. Bukas ba ang barabgay hall pa sabado?”_tanong ko.
“Half day lang yata,bakit ba?”_kapatid ko
“Kukuha ako ng travel pass at barangay clearance,para sa 23,pag balik ko ng San Carlos.”_sabi ko.
“Babalik ka agad? Akala ko ba isang linggo ang day off mo kuya?…maghahanda pa naman si kuya sa birthday niya sa lunes.”_nakalimutan ko na tuloy ang kaarawan ng kuya ko.
“Mag aadvance celebration na lang tayo bukas, kailangan ko na kasi talagang bumalik agad. Mag be ber month na kasi kailangan ko matapos mga reports bago matapos itong August.”_sabi ko.
8/20/20 Huebes.
Mag aalas sais na nang gabi pero wala parin akong natatanggap na any signs galing kay Marlou. Walang text, tawag o chat man lang. Kinakabahan ako. Kilala ko Marlou at alam ko na subra ko siyang nasaktan. Gusto ko siyang tawagan o e text man lang pero naduduwag ako. Nag aalangan ako. Kada tunog ng notification ko inaasahan kong si Marlou. Pero wala. Gabing gabi na pero wala parin. nang biglang nag si tahulan ang mga aso namin.
Abala ang mga tao sa bahay, at ako lang ang nasa labas ng time na iyon naka upo sa papag na nasa bakuran. Tinungo ko ang gate nang may napansin akong tao sa labas. Lumapit ako.
Nagulat ako nang makita ko si Marlou,lasing. Wala na akong nagawa kundi papasukin siya, at isa pa malapit na ang oras ng curfew. Pinapasok ko siya sa bahay. Sakto namang nakahanda na ang hapunan kaya niyaya ko siya kumain. Hindi naman ito tumanggi at kalmado lang ito na tila walang may nangyari sa amin kaninang umaga lang.
“Ma, pa,…si Marlou nga pala kaibigan ko.”_sabi ko
“Sige nak, umupo na kayo dito, ikuha mo na lang ng plato iyang kaibigan mo.”_pag alok ni mama.
Halos hindi ko magalaw-galaw ang aking pagkain, nakatingin lang ako kay Marlou na feeling at home at ganadong ganadong kumain at nakikipag kuwentuhan pa kina mama at papa, maging sa mga kapatid ko.
Nauna akong tumayo sa mesa pagkatapos kumain. Sumunod sa akin sa lababo si Marlou.
“Doon tayo sa labas, mag usap tayo…”_bulong ko sa kanya.
🖤🤍🖤
Naka upo ako sa papag sa ilalim ng puno ng mangga sa aming bakuran. At lumapit si Marlou.
“Ayos din naman pala ang pamilya mo gha, kung noon mo pa sana ako dinala dito, eh di ok na sa atin ang lahat.”_biglang sabi ni Marlou.
“Bakit ka kasi nandito ano ba binabalak mo? Balak mo ba akong pahiyain sa pamilya ko para makaganti ka sa akin sa ginawa ko sa iyo? Alam ko malaki ang atraso ko sa iyo Marl, pero please wag mo na man isali dito ang pamilya ko.”_pagmamaka awa ko.
“Teka lang,…ganun ba talaga pakakakilala mo sa akin?. Na kaya kong hiyain ka sa pamilya mo dahil lang don. Talagang hindi mo talaga ako kilala gha”_sabi nito.
“Bakit ka nga ba nandito? Ano ang balak mo. May ginawa ako sa iyo. Niloko kita, ginago kita. Dapat galit ka sa akin. Bakit parang ok lang sa iyo?.”_ako na nagtataka sa kinikilos ni Marlou.
“Nandito ako kasi na miss lang kita iyon lang iyon. Hindi ka nag text o tumawag man lang kaya nag alala ako. Siniguro ko lang na ok ka dito. At dito ka talaga sa bahay niyo umuwi.”_at tumabi sa akin si Marlou.
“Alam ko galit ka sa akin. At walang kapatawaran ang nagawa ko sa iyong panloloko. At kung ano man iyang binabalak mo. Nakikiusap ako sa iyo wag dito. Wag sa harap ng pamilya ko.”_sabi ko pa,
“Oo galit…galit na galit ako sa iyo hanggang ngayon. Aaminin ko na sana sa pamilya mo ang relasyon natin kaya lang nakita ko kung gaano kabuti ang pamilyang meron ka. Ginawa ko rin lang ang ginawa mong pakikitungo sa magulang ko. Ewan ko ba…sa kabila ng galit ko sa iyo dahil sa ginawa mo ,hindi parin nabubura sa puso ko ang pagmamahal ko sa iyo.”_sabi ni Marlou, at napaluha na ito.
“Hindi ako karapatdapat sa pagmamahal mo. Hindi ang katulad ko ang nangangailangan ng ganyan ka tapat na pag ibig galing sa iyo. Wala akong kuwentang tao. Hindi ko deserve ang katapatan mo Marl. Hindi katanggap tanggap ang ginawa ko iyo.”_umiiyak na rin ako.
“At hindi ko rin naman deserve na saktan mo diba? Pero nasaktan mo parin ako. Hindi mo deserve ang mahalin pero mahal kita. At naintindihan ko kung bakit , sa simula pa lang ako lang naman talaga ang lumalapit sa iyo kahit sa simula pa lang lumalayo kana. Hindi rin naging matatag ang simula natin kaya siguro natibag din tayo agad. Napag isip-isip ko din baka hindi sapat lang na minahal kita para mahalin mo rin ako. Siguro binulag lang ako nang pagiging makasarili ko at hindi ko nakita ang pag pupumiglas mo. “_sabi pa ni Marlou.
“Mahal din naman kita eh,…pinipilit ko. Pero may mga bagay lang kasi na hindi tayo tumutugma. Hindi ko naman sinadyang umabot tayo sa ganito. Natakot lang ako sa maaring mangyari pag nalaman mo kaya naglihim ako. Bata ka pa at marami kapang makikitang iba na mas deserve ng love mo. Sorry kasi pinaglaruan ko lang ang nararamdaman mo sa akin. Pero maniwala kaman o sa hindi nahulog narin ang loob ko sa iyo, at sa unti unti napa mahal kana rin sa akin.”_sabi ko.
“Ano ba kayo ni Web?”_tanong niya
“Walang kami ni Web…oo madalas kami nagkikita, nag uusap pero walang kami. May nangyayari sa min pero hanggang doon lang iyon. Kung subrang close man kami, dahil sa matagal din kami nagkasama noon ni Web. “_at kinuwento ko kay Marlou ang lahat tungkol sa kung paano kami nagkakilala ni Web.
Lahat ng tunkol sa akin kinuwento ko na kay Marlou. Maging ang pakikipagrelasyon ko sa kumpare kong si Renz.
“Kung ganun wala talagang makakapantay sa pagtingin mo kay Renzy kahit na may asawa na iyon. Swerte naman niya kung ganun. Sana ako na lang siya. “_sabi ni Marlou.
“Hindi ko rin alam bakit ganun na lang ako sa kumpare kong iyon. Siya ang batayan ko ng pagmamahal ko. Hanggat hindi ko natatagpuan ang tulad niya. Hindi ako magmamahal.”_sabi ko.
“Puwede naman sigurong makihingi ng kapiraso man lang diyan sa puso mo,.malay mo baka darating ang araw na mapapantayan ko rin si Renzy”_sagot ni Marlou.
“Meron kanang parte dito sa puso ko. At hindi na iyon mabubura kahit mag asawa kapa. Mahal din naman kita, iba lang sa pagmamahal ko sa kumpare kong iyon. Hindi rin naman tayo maghihiwalay diba?solid parin tayo? Kahit wala na ang ikaw at ako.”_sabi ko
“Sakit naman non,tinatapos mo na talaga ang ugnayan natin sa isa’t isa. Pero masakit man tatanggapin ko. Iintindihin ko dahil mahal kita. Ayuko namang ikulong ka sa pagmamahal ko habang nasasakal ka na. Kaya malaya kana mula ngayon. Pero promise mo, walang mag babago tayo parin kahit walang ikaw at ako.”_at niyakap ko si Marlou.
Ang bait subra ni Marlou, hindi ko lang alam bakit hindi ko makuhang mahalin ito ng buo. Mapalad ang sino mang mamahalin ni Marlou. Magkayakap lang kami ni Marlou. Salamat at pinalaya niya ang nararamdaman kong guilt sa sarili.
“Magsisimula tayo sa umpisa, tulad ng dati. Mahaba pa naman ang panahon. Hihintayin ko parin ang pag ibig mo gha, i mean koys Ram. Sakaling wala kang mahanap na katulad ni Renz nandito parin ako para sa iyo. Mahal kita koys. At mag hihintay ako hanggang sa puntong ako na lang ang pipiliin mo. Kasi wala ka ng choice.”_at ngumiti si Marlou tanda na ok na sa amin lahat.
“Salamat koys, hayaan mo e re reserve kita ng space dito. Love you koys”_at nag yakap kami ulit.
Doon na natulog sa amin si Marlou, ang gaan sa pakiramdam na wala ka ng tinatago, na wala ka ng tinatakpan. Ang pag palaya sa akin ni Marlou ay tulad ng pag palaya sa akin ni kuya nang natanggap niya na ang pagkatao ko. Ang sarap ng tulog ko. Naging mas kumportable ako lalo na katabi si Marlou sa pagtulog. Mag ka cuddle parin naman kami habang natutulog.
“Walang may magbabago kahit walang tayo”
Parang ilog na umaagos, tuloy lang ito. Bumangga man sa mga malalaking bato. Hanggat kaya mo mag Mahal, sige lang. Kahit masaktan, dahil iyon ang reyalidad. Walang happy ending ,wala rin namang sad ending. Sabi pa nga just go with the flow. Tuloy lang Ang buhay.
🖤🤍🖤
Hindi natatapos ang kuwento sa totoong buhay. Araw araw binubuno natin ang bawat pahina ng ating mga karanasan. Saka lang ito matatapos kapag nakatiklop na ang ating aklat. At hanggat kaya pang magmahal, mag mahal tayo. Walang mukha ang pag ibig. Subukan niyo lang pumikit at hayaan ang puso na makita ang tunay at karapatdapat para sa iyo.
Ingat mga kabrobars.
Kumparelasyon
“Kung saan nag simula ang wakas”
#AngAkingKumparelasyon
Naging magkalaban kami sa posisyon. Naging magkaaway sa lahat ng bagay. Mortal enemy kong naituring….di kami halos magkasundo lagi. Naging magkasama sa iisang trabaho…dumaan sa ilang tampuhan at di pag uunawaan. Hanggang sa nagsama sa iisang tropa. Naging magka ibigan… Na nauwi sa tuksuhan. Naging close…naging best friend…naging ka bromance ko sa trabaho at nag turingang magasawa….naging kumpare ko at ngayon naging lihim kong karelasyon.
Ang bawal na pagsasamahan namin ng kumpare kong si Renzy ang isa sa masasabi kong pinaka masayang parte ng pagiging ako.
[]pare mahal mo raw ako?[]…
Nang marinig ko ang kantang …pare mahal mo raw ako. Di ko maiwasang mapangiti. Tingin ko ginawa ang kantang yon pra sa amin ng kumpare kong si renzy…di nya tunay na pangalan pero sounds like. Pero pag nabasa niya ito alam niyang siya ito.
Matagal na kaming magkasama sa trabaho nitong kumpare kong si renzy. Dati kaming magkatunggali sa mga achievments sa trabaho…kung ano rewards natatanggap ko dapat meron din ito. Ayaw ni renzy na malamangan ko siya sa performance. Kaya minsan nakakarinig ako ng mga backfight galing sa kanya. Dahilan kong kaya di kami magsundo ng kumpare kong ito. Isang station lng kami. Nang ako ang inatasang maging team leader at naging assistant ko lng siya…mas lalong lumaki ang gap namin sa isat isa. Plastikan kami kapag magkaharap.
2010,december 07,. Isang memo ang natanggap ko. Ililipat ako ng bagong bukas na branch malapit sa downtown area. Natuwa ako dahil sa wakas di na kami magkasama ni renzy. At mas malapit lng ngayon ang branch na lilipatan ko sa inuuwian ko.
Kasabay ng memong yon ang list ng mga mag e end ang contract. At kasama sa listahan si renzy. Di ko alam bakit nalungkot ako. May panghihinayang akong naramdaman…kaya kina usap ko ang oic manager.
“sir final na po ba ang nakasaad sa memo?,”…tanong ko.
“di pa nman official, depende yon sa performance apraisal…lahat ng naka lista don…mga weakest sa team.pero di ibig sabihin wala ng chance.”,…pag explain ng manager.
Nabuhayan ako ng pag asa…alam kong may magagawa ako. Di ko lubos mawari sa isipan ko kung bakit lumambot ang puso ko kay renzy. Tinaas ko ang ratings niya…average. May kung anong fullfillment akong na feel ng ginawa ko yon. Masaya ako at pinasa ko si renzy. Madalas kaming magbangayan ng kumpare kong ito…pero di ko makuhang magtanim ng sama ng loob sa kanya.
Isang araw bago ang last day ko sa branch na yon bago ako ililipat. Habang breaktime ko.
Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran ko.
“tol, kumain kana?,…sinama na kita dito, tara kain tayo.”..___si renzy may dalang tray ng pagkain.
Dalawang pares ng fried chicken, isang bowl ng chopsuey…apat na rice at may dalawang baso na may ice at isang litro ng coke. Pangdalawahan ang bitbit ni renzy.
“sino ka date mo tol?,dami ah…”_pagpuna ko sa kanya.
“para sayo to tol…kaw ka date ko ngayon. Kaya wag kana umarte dyan at kakain na tayo.”,___habang isa isa nitong nilatag ang laman ng tray.
Naku himala.,anung hangin kaya ang pumasok sa tenga nito at ang bait nito. At usually iba ang trip nitong kasama pag break time.
“salamat dito tol, yaan mo later libre kita ng smoke…at angels.”___sabi ko at nagsimulang kumain
“sus wag na tol, akala ko ba ayaw mong nag yu yusi ako tapos hayan elilibre mo ako. Wag na oi”___sabat ni renzy
Napangiti ako…naalala pala nito ang pangaral ko sa kanya ng minsan mag absent ito dahil sa tindi ng ubo. Sinabihan ko kasi siya minsan na tigilan niya ang sigarilyo kung nais pa nitong huminga. Tumatak rin pala yon sa kanya.
“so ano nga tol…bakit nilibre mo ako at himala ako kasama mo ngayong break…wala kayong bilyar?,”___pagtataka ko.
“di ko nga rin alam ei…basta kagabi naalala lng kita. Lilipat kana nga pala bukas…baka yon. Namimis lang kita siguro.”….malungkot ang boses nito.
“laka tol baka anu na yan ha. Magsabi ka lang yes agad sagot ko hahaha.”,…pabiro ko.
At nagtawanan kaming pareho. Parang ang lahat ng di namin paguunawaan at bangayan namin noon. Nawala lahat sa mga oras nayon. Last day of duty sa lugar na yon at sa mga huling oras ko ron. Nagkaayos kami ni renzy. Buong breaktime makasama kaming dalawa kwentuhan at kulitan lang kami…3hrs lang ang breaktime pero parang isang buong araw na ang pinagsaluhan namin.
Sa maikling sandali nakilala ko si renzy…at mas naunawaan ko siya. Kung bakit ganun siya sa akin noon at kung bakit bigdeal lagi sa kanya ang kompitisyon. Nagustuhan ko ang pag open up ni renzy sa akin. Ganun din ako sa kanya. Sayang at huling araw ko na lng siya makakasama. Pero ok lang at least kahit papano iiwanan ko ang lugar na yon na may ngiti at walang sama ng loob. Ang bilis ko naka gaanan ng loob si renzy. Malambing din pala ito…makulit na pilyo…pero mayabang talaga. (tikalon gid yah)😃.
Clossing kami pareho, last minute ko na at ibang mga tao nanaman ang pakikitunguhan ko bukas. Nag bigay ako ng kunting pasasalamat sa mga kasamahan ko.for almost a year and a half makakahiwalay na kami. Teary eyed na ako kaya. Tinapos ko na lang sa isang group hug ang lahat. Nagiwan din ako ng ilang notes sa mga ka team mates kong wala don.
Sabay kaming umuwi lahat…at siempre last day ko kaya padespedida muna. Nagyaya ako mag fudpark…kunting inuman tapos party party sa mo2 ice.
Sumama lahat, maliban kay renzy.
“ayaw mo bah tol.,sige na last day ko na lang to oh.”__pagpilit ko sa kanya.
“sige kayo nalang tol….enjoy.,”,___sabay tapik sa balikat ko. At ngumiti.
Lumakad na kami at nagpa iwan si renzy. Naka ilang dipa na ang layo namin kay renzy ng sumigaw ito ng …TOL!
Lumingon ako at kita ko si renz na patakbong lumalapit sa amin.
Akala namin nagbago isip nito at gustong sumama. Ngunit ng nasaharap ko na ito…walang savi sabing niyakap ako ni renzy. Napayakap na rin ako.
Nagtawanan ang mga kasamahan namin tinutukso kami….ngunit tila balewala samin yon. Iwan ko kung bakit di ko napigalan ang pagbagsak ng mga luha ko. Ni hindi ko alam kung bakit at ano ang dahilan…basta lumuha na lang akong nakayakap kay renzy.
“mag moment muna kayo diyan…oi lovebirds…kita na lng tayo sa foodpark21 ,”____pagbasag ni michael…isa sa mga kasamahan namin.
Naiwan kami ni renzy….nagtitigan lng kami pareho…
“tol sorry,”____
“sorry para saan tol? wala ka namang kasalanan ah.,ang mabuti pa sumabay kana sa amin at e inum mo yan.kabag lng yan tol. At isa pa di bagay sayo.”___napangiti na lng ako sa eksena naming yon.
Inakbayan ko si renzy…di ko alam bakit ganun ang feelings ko kay renzy sa mga oras na yon. Parang kinikilig ako na ewan. Basta yon di ko ma explain…so yon at nag foodpark na kami…….
[]pare mahal mo raw ako?[]…2
Inabot na kami ng madaling araw ng mga kasamahan ko…halos lahat lasing na lasing…na tila ayaw namin paawat sa kakalaklak ng mga sandaling yon. Nakakalungkot kasi mahihiwalay na ako sa mga kasamahan ko na naging mga katropa kot kaibagan ng halos isang taon. Pero sa kabilang banda may kakaibang ngiti at saya sa puso ko. Dahil na kasama ko si renzy for the first and the last time. Kasi sa loob ng isang taong pagsasama namin sa trabaho…hindi man lang ito kahit minsan sumama sa mga nightout namin kapag kasama ako. Salamat sa mga huling sandali ko sa kanila…at napa payag ko si renzy na sumama sakin.
Walang pagsidlan ng tuwa at kasiyahan ang nararamdaman ko. Kumpleto ang barkada. Tawanan asaran at biruan lang ang trip namin. Isang di makakalimutang pagsasama na baba unin ko sa lilipatan kong branch.
Unti unti na kaming nababawasan…dahil sa kalasingan at may trabaho pa kinabukasan isa isa ng nagpaalam ang mga kasamahan ko. At walo na lang kaming na tira…si shiela at jomz…si chin at michael…madel at romar…siempre ako at si renzy.
Nag yayaan na ang lahat umuwi…tawanan kami habang naglalakad sa kahabaan ng lacson street. Tila amin ang buong kalsada. Kulitan harutan kaming walo sa kalye…ng may napuna si jomz.
“teka lang mga pre…ngayon ko lang napansin kayo lng ni renzy ang walang partner sir ah?”,___pahpansin nitong may nakakalokong ngiti.
“sir dito banda sa tabi ni renzy para balance tayo.”….sabat naman ni chin.
“kayo ha pinagtritripan nyo naman ako ha…umayos nga kayo,baka isipin ni renzy easy to get ako.”____sinakyan ko ang mga hirit nila…kaya tawanan na naman kami.
Sa gitna ng kulitan namin hinalikan ni romar si madel. At na kita yon ni chin.
“hoy ano yon…kaw romar ha atat ka masyado. Di ka man lang nkapaghintay. Naku isusumbong kita sa asawa mo.”….parinig nito kay romar.
May mga asawat nobya na ang mga ksamahan kong ito…at kung ano mang trip na lapilyuhang ginagawa namin. Sekreto namin yon. At no string attached ang motto namin. Para sa amin trip lang lahat.
“sus papansin ka lang chin,inggit ka moh. Tol mike bigyan mo nga ng 1/4, nagseselos ata.”___pagbaling ni romar
Di pa man nakapagsalita si chin. Isang panakaw na halik ang binigay ni michael. Namula si chin….normal lng samin yon kaya sa halip na magalit nagharutan pa kami lalo sa daan.
Tahimik ang daan dahil sa kunting sasakyang dumadaan at tanging mga tawanan lang namin ang bumabasag sa katahimikan.
“sir mag dare tayo…kung kaya mo libre ka namin ng balut. Kung ayaw mo…ikaw ang man libre sa amin ok bah?,” pagputol ni jomz.
“ok game.,”…sagot ko.
“kiss mo nga si renzy, kung ok na talaga kayo.”…
Nabigla ako sa sinabi ni jomz…pero since ok na nga kami at sa tulong ng alak sa katawan ko. Wala ng paligoy ligoy pa at hinalikan ko sa labi si renzy. Ramdam ko ang pagkabigla nito. Pero naramdaman ko ring ang marahang pagtanggap nito sa halik ko. Segundo lng yon pero alam kong lumaban din ng halik si renzy. Palakpakan ang mga mokong….napukol na naman kami ng asaran. Ng napansin ko ang biglang pananahimik ni renzy. Di mawari kung galit o ano.
“kayo talaga kung di lang ako inilipat…bibigyan ko lahat kayo ng letter of explination. Ang kukulit niyo…tol ren galit ka?”___tanong ko
Ngumiti lang ito ng bahagya at nagpaalam umihi.
Pumara ang jeep sa harapan namin…isang babaan lang silang lahat kaya sumampa na lahat sila sa jeep. Ibang jeep ang sinasakyan ko kaya nag pa iwan ako.
Di ko alam kong nagpaiwan si renzy…dahil nung maka alis na ang jeep saka bumalik si renzy.
“oi tol nakaalis na sila…kala ko ba isang babaan lang kayo ni jomz.?”___tanong ko
“pinapaalis mo na ba ako tol?”. Sagot niya.
“di naman….nagtatanong lang. Siya nga pala tol sorry kanina. Nagpagtripan ka pa…galit kaba dahil hinalikan kita?”. Paglilinaw ko
“ok nga eh…nagustuhan ko tol.”….
Rinig ko yon. Pero nagbingibingihan ako. Lihim akong napangiti…sa kung anong rason ewan.
“uuwi kana ba talaga tol?,lakad muna tayo. Punta tayo ng lagoon. Gusto ko lang mawala ang amats ko.”___pagyaya ni renzy
Di naman ako tumanggi at sinabayan ko si renzy. May tama na kami pareho kaya medyo pa ekis na rin mga lakad namin…para iwas tumba…magka akbay kaming dalawa. Sa subrang dikit namin ramdam ko ang init ng katawan ni renzy.
1:45 am….
Ramdam ko na simoy ng pasko. Ang lamig na ng hangin. Samahan pa ng mga nakaka aliw na tanawin sa daan. Mga palamuting nakasabit sa bawat gusali at poste…mga makukulay na ilaw na tila mga bituing nag hahabulan sa daan.
“december na pala tol nuh. Sayang at di na tayo makasama sa christmas party.”,….sabi ko
“di bale kasama mo naman ako ngayon….”, malamang sagot ni renzy…at napatahimik ako. Di ko ma gets ang ibig nito.
Nasa lagoon na kami. Napaka ganda ng settings…romantic…mga punong lumiliwanag sa mga nakasabit na christmas lights…isang tahimik na lugar…sinasabayan ng mga tugtuging pamasko…na tila hinaharanahan ang mga pusong nagiibigan. Perfect para sa magkasintahan. Sabi ko sa isip ko.
Naghanap kami ng mauupuan ni renzy. At don kami na upo sa isang bench na nasa ilalim ng punong….may kulay blue na ilaw. Ini imagine ko sarili kong nakaupo ron at kasama ang taong mahal ko. Gumagala ang sarili ko sa imahinasyon ko.kaya di ko man lang napasin na kinakausap na pala ako ni renzy.
“ tol nananagip ka yata ng gising diyan ah. Sino ba yang iniisip mo?,“…tanong nito
“wala tol, napakaromantic lang kasi ng lugar…sakto kung may kasama kang girlfriend.” Sagot ko.
Tumahimik si renzy…may guhit ng kalungkutan sa mga mata nito.
“nalungkot ka yata tol, may problema?,” tanong ko
“bakit kung kelan huli na saka pa tayo naging ganito ka close….nakakabadtrip.” ….yumuko si renzy na ang mga palad nito nkatakip sa mukha niya.
“ok ka lang bah tol…di kita ma gets eh…bakit may masama ba akong nagawa?”….habang tina tapik tapik ko ang balikat nito.
.“ Ewan ko bah tol…bakit tila ayukong mawala ka sa tabi ko. Di ko alam kong ano tong naramdaman ko.“,…. Sa puntong yon mas lalo akong naguluhan sa mga sinabing yon ni renzy. Di ko alam kong matuwa ako…o mainis dahil sa sinabi niyang yon.
Tumalikod na lang ako sa kanya at tumingala sa puno. Na para bang naghihintay ng sagot sa mga ilaw na nakasabit don.
Isang yakap ang bumalot sakin galing sa likuran ko…mga bisig ni renzy na bumalot sa nagaalangan kong damdamin. Bumaon sa pagkatao ko ang mahigpit na yakap ni renzy. Isang yakap na nagbigay sagot sa mga tanong ko. “kailangan ko si renzy”.
Nanatili akong ganun…habang yakap ako ni renzy. Hinawakan ko ang mga kamay nito upang buwagin mula sa pagkayap nito.
“kalukohan lang ito tol. At di pedi ang nararamdaman nating to.”….sabi ko.
“di ko rin alam tol bakit ganito ang nararamdaman ko sayo. Na dati naman hindi.”….basa na ng luha ang mga mata ni renzy.
Di ako sumasagot sa mga tanong nito. Dahil maging ako man sa sarili ko di ko alam kong ano ang isasagot ko. Basta ang alam ko…hindi maaari. At lalong huli na kung saka sakali.
“kung ano man itong nararamdaman natin tol.ngayon palang kelangan ng matigil. Habang tumatagal mas nagugustuhan na kita. Pero alam kong mali.”,….napaluha na rin ako.
Hinintay ko ang susunod na sasabihin ni renzy ngunit nanahimik na itong tumitingin sakin at hawak hawak ang mga kamay ko.
“ikaw kasi nakipag ayos kapa. Aalis kana nga lang may pabaon kapa.”,….pinunasan ng palad ni renzy ang luha ko.
“mamimis kita tol…sa mga huling sandali…salamat at pinadama mo saking may halaga din ako.”,….at ngumiti ako kay renzy
Walang tugon si renzy….kundi isang masusong halik ang sinagot niya sa mga sinabi ko. Ramdam ko ang pagmamahal sa mga halik niyang yon. At gumanti ako…nawala kami sa sarili namin at nakalimutang nasa park kami. Buti na lng madaling araw palng at kunti ang tao.
Nagtagal ang halikan namin ni renzy. Alam kong first time yon ni renzy makipaghalikan sa kapwa nito lalaki. Kaya ako na ang umalalay sa kanya.
“mamimis din kita tol…at para bang ayaw na kitang pakawalan. Kaya pedi tol…samahan mo ako hanggang abutin tayo ng liwanag..? Gusto kong sulitin ang mga oras na nandito ka.”,….sabi ni renzy
Masaya ako sa mga sandaling yon. Para kaming mag nobya ni renzy sa mga oras na yon. Wala kaming ginawa kundi maglambingan.
“gah…pedi bang humiga sayo.”,….at hinayaan kong humiga si renzy sa lap ko. Nabigla ako ng tinawag niya akong gah pina ikling palangga na ang ibig sabihin “mahal”,.
Parang ayukong tapusin ang mga oras na yon…gusto ko pigilan ang araw na wag ng lumitaw. Sayang…bakit ngayon lang kung kelan huli na.
6 am …kasabay ng pag dami ng tao sa park….tuluyan narin natapos ang panandaliang pagsasama namin ni renzy. Isang mulungkot na ngiti ang ginawad namin sa isat isa.
Paalam tol hanggang sa huling pagkikita.
[]pare mahal mo raw ako[]…3
Isang buwan mula ng malipat ako ng branch…bagong kasama panibagong pakikisama…naging busy ako sa mga trabaho. Wala akong iniisip pang iba kundi trabaho. Naging strekto din ako sa mga bago kung kasamahan. Kung noong una open ako sa lahat…ngayon naglagay na ako ng gap. Kung dati mas close ako sa mga ka workmate ko. Ngayon ayukong ma attach masyado sa kanila. Kaya may mga ilan akong naririnig na di magandang feedback mula sa kanila.
Naging issue yon sa akin. At naramdaman kong hindi ganon ka vocal sa akin. Until one day dumalaw si jomz.
“oi sir pre…musta hows hows de carabao? Di kana nagpaparamdam ah.”… Pagbati ni jomz
“heto busy masyado…naninibago.”___sagot ko.
“busy? O nag busy bisihan lang?… Naninibago o nagbago?”____malamang tanong nito.
“anong ibig mong sabihin pre?…”___ako.
“umabot naron sa amin ang pagtransform mo…bakit pre, di ka naman ganyan ah. Ilang baguhan na ang nagrereklamo dahil sa mga paninita mo.”….sumbong ni jomz
Nagulat ako sa sinabi nito…sa isang buwan ng paglipat ko…ganun na pala ka laki ang adjustment na nagawa ko. I thought may maitutulong ito sa akin. Na akala ko pag naging mas mahigpit ako. I can still gain respect. But i have nothing, kundi galit at inis mula sa mga bago kong kasama.
“think of it pre,…alam ko di ka ganyan…kung san kaman humuhugot bakit ka nagkakaganyan, sana pre maalala mo yong dati. Yong tayo noon. Walang label…walang ranking. Naging mag kumpare tayo naging magbarkada. Dahil iba ka sa iba. Sana don man lang,…pre bumalik ka kung san ka noon ng umiba ang tingin nila sa iyo.”…..paalala ni jomz.
Buong gabi di ako naka tulog…inisip ko lahat ng mga sinabi ni jomz. Tama siya, umiba ako…at pinilit kong magbago di lang para sarili kung di para wag na maulit ang nararamdaman ko noon kay renzy. Tama dahil kay renzy…ayuko kung may isang panibagong renzy na namang gigising sa natutulog kong pagkatao.
Kamusta na kaya yon.
Natauhan ako sa mga sinabi ni jomz. Kaya sinimulan kung ibalik ang dating ako.
Feb 3 2011…birthday ng isang trainee namin. Noon kasi sa dati kong tinatrabahu an, sa tuwing may bday sa mga kasamahan ko…binibilhan ko sila ng mini cake tas nilalagyan ko ng kandila… At may bday notes sa gilid…tapos iniiwan ko sa station kong san sila na aasign. Birthday ng isang trainee namin…kakatapos lang nito mag time in ng lumapit ako sa kanya at binigyan ng binili kong mini cake mas sindi itong kandila….
“happy birthday”….pagbati ko
Nakita ko sa reaksiyon nito ang pagkabigla at paninibago sa kinilos ko. Maging ang mga kasamahan namin nakita ko ang pagkataka bakit ginawa ko yon.
“birthday ngayon ni tef…kaya kantahan natin siya.”…
Sinimulan kong kumanta ng happy birthday…at sa di inexpect sumabay din ang iba.
Narinig ng manager namin ang ingay dulot ng pagkanta namin kaya lumabas ito at tiningnan kami…akala ko nga baka magalit..di naman.
“mukhang special ka kay sir mo tef ah may pa cake kapa”,…nakangiting sabi ng babae naming manager.
“oo nga mam, na touch tuloy ako. Thanks dito sir ha…sana next tym goldelocks naman o di kaya red ribbon,..hehehe biro lang sir. Pero salamat talaga.”,…..sabi naman ni tef.
Tila gumaan ang bigat ng puso ko ng marinig kong mag thank you si tef. At may lalo akong napangiti ng makita ko sa mga mata ng mga kasamahan ko ang kunting saya dahil maliit na paingay kong yon.
7pm na at out ko na…naka sabayan ko sa pag out ang isa sa mga bago kong ka workmate. Si francis… Palabas na ako ng tawagin niya ako.
“sir wait…sandali lang”.,,pagtawag nito.
“franz ikaw pala…pauwi kana rin”,___paglingon ko kay francis.
“sabay na tayo sir…ikaw ba sir pauwi na rin?,”___tanong nito.
“hindi pa siguro parang tinatamad pa akong umuwi…gala muna siguro ako…ang aga pa naman.”___sabi ko.
“parehas tayo sir…ako lang naman kasi magisa sa boarding haus…ano kaya sir kung samahan na lang kita.”,….pag offer nito
“sasamahan sure ka?, boring akong kasama baka ma bore ka lang. Ang gawin mo umuwi ka taz magpahinga mas ok yon”,….tugon ko.
“umiinom kaba sir…siguradong oo. Tara sir one bottle tayo.”
…matagal din akong di naka nightout…at na mis ko rin ang lasa ng beer kaya. Ng mag yaya si franz di na ako nagdalawang isip at sinabayan siya…
Nag mo2 wave kami.
Nabitin kami sa isang bote kaya ang isa naging isang bucket na. Una tahimik lng kami…kanya kanyang diskarte si franz nag lalaro sa fon niya ako naman fb.
Ngunit ng tumaas na ang epekto ng beer. Nag umpisa ng bumuka ang mga bibig ni franz. Nakuwento ito masalita madaldal.
“ayos karin palang kasama sir cool lang. “___pasimula nito
“di pa ako ganito franz…hindi niyo pa ako kilala. Marunong ako humawak ng tao…pero alam ko rin kung kelan ko bibitiwan ito.”____paseryusong sagot ko.
“kaya nga gusto kita samahan sir, i want to know you more.”. Napahawak na sa isang kamay ko si franz….ops i smell something nice…pero bago pa gapangan ng kuryente mga daliri dahil sa paghawak ni franz dito. Dumistansya na ako. Kinuha ko kamay ko sabay hawak sa bote ng beer at tungga.
“mahirap akong makilala franz…and i warn you wag mo na akong kilalanin baka mandiri ka pa.”___pag putol ko sa sinabi nya.
“i see something in you sir…oo suplado ka i guess, pero parang hindi ei. Hard ka masyado sa amin. Pero noong binigyan mo ng cupcake si tef…i see the softness in you.”,____paliwanag ni franz
Di ko alam kung bakit yon ang mga pinagsasabi ng lalaking ito. Sa umpisa balewala lng sa akin pero sa katagalan ng usapan namin natatamaan na ako. Di man ako ofended pero tila may laman ang mga salita ni franz.
“alam mo sir sa tuwing nagagalit ka…naawa ako sayo. Kasi wala sa puso mo ang galit kundi nasa mga salita mo lang…at nakikita ko yon sa mga mata mo. Alam ko mabait ka sir ayaw mo lang ipakita. Kaya sabi ko sa sarili ko minsan makakasama rin kita…and here we are im with you. Salamat sa time sir.”….ngumiti ito.
“franz kung ano ako sa inyo yon ako. At wag mo ng pag aksayahan pa ang tulad ko kung mabait ba ako o hindi. Just do your move. Mag focus ka sa work…at kung nagagalit man ako sa inyo. Make it as a challenge para mag improve kayo at maging effective.”___paliwanag ko kay franz
“kaya nga na cha challenge ako sayo sir.” Isang malaking smile ang binato sakin
“alam mo lasing kana…kaya kung ano ano nayang iniisip mo. Bilisan mo na diyan. At uuwi na tayo. Mag si cr lang ako.”____at agad akong nagbanyo para mag bawas.
Sa kalagitnaan ako ng pag iihi ng may tumabi sa akin…si franz. Di pa ako tapos kaya nakita ko ang kahabaan nito na inilabas niya para umihi….may kung anong demonyo ang nag udyok sakin na tingnan ang kung ano mag dinukot ni franz.
Sa nakita ko…unti inting umangat titi ko na sige parin sa pag ihi…unti unti itong nanigas. Kaya bago pa mapansin ni franz…pinagpag ko na lang ito at nag zipper agad…bumalik sa upuan namin.
“sir tila may iniisip ka kanina ah…kita kong nag streching si kwan eh.”…..bulong ni franz mula sa likuran ko..sumunod rin pala ito.
“puro ka kalukohn franz…ubusin mo na tong laman at umuwi na tayo.lasing kana.” Sabi ko
Nagsinyas na ako para mag bill out.
“ sir ako na…akin to lahat ako bahala…“
At dumukot ito mula sa wallet.
Palabas na kami ng wave…nag dumiga na naman uli tong si franz.
“sir malapit lang dito boarding haus ko walking distance lang…baka gusto mong sumama. Mag nonodles tayo.”____hirit nito.
“gabi na franz… Umuwi kana. Malapit lang din yong akin.”….sabi ko
“ikaw bahala sir ingat na lang…san ba sa inyo sir?,”__pahabol pa nito
“sa barangay 14 lang malapit sa kalsada.”….sagot ko.
“sa barangay 14 din boarding haus ko. Isang way lang pala tayo sir….sabay na tayo.”
At magkasama kaming pasuray suray na naglalakad sa daan…
[]pare mahal mo raw ako?[]…4
“bago kapa lang sa boarding haus mo franz?”….tanong ko
“mag one week na ako dito. Maingay kasi don sa dati…palagi pang baha.”….si franz
Malamit na kami sa boarding haus nito. At nagyaya na naman ito.
“hayon ang boarding haus ko, kita mi yong may kawayan na gate.”….pagturo nito “tara sir pasok ka muna…kahit sandali lang.”…pamimilit nito.
“salamat na lang franz…malapit lang naman ang sa amin. At isa pa tila nahihilo na ako.”…
Nasa tapat kami ng gate nila ng di ko mapigilang masuka…tila nataranta si franz sa dami ng sinuka ko. Hinahaplos ni franz likod…naramdaman kong inalalayan ako ni franz. Tindi ng concern. Pero masama na talaga pakiramdam ko. Tila umiikot ang buong paligid. Naramdaman kong napasubsob ako sa gatter. Buti nalang agad akong sinalo ni franz at pina angkla ang kamay ko sa balikat nito at ilalayan papasok sa boarding haus nito. Di na ako tumutol…sa tindi ng hilong naramdaman ko.
“sir humiga ka muna mag iinit lng ako ng tubig.”__nilapag ako ni francis sa kama nito at tinungo ang maliit na rice cooker pra uminit ng tubig.
Nakahiga lang ako…nagpapahingang pinagmasdan ang mga kilos ni francis. Inayos nito ang gamit na dala…habang inaantay kumulo ang tubig. Nagsimula ng magbihis si francis. Isa isa nitong hinubad ang suot nito…habang naghuhubad si franz…isang imahe ang nakita ko…di ko alam kong bunga lang ng kalasingan ko o sa kakaisip sa isang tao. Hindi na si francis ang nakikita ko. Si renzy…
Kinusot ko ang mga mata ko ng luminaw ang paningin ko. Pagtanggal ko ng mga kamay ko. Si francis nasa paanan ko na pala…naka boxer shorts lang. Isang nakatuping damit at shorts ang inabot nito sa akin.
“ sir dito kana mag pahinga bukas kana umuwi baka mapano kapa…heto sir magpalit ka muna. Tila na tapunan ata ng suka mo ang damit mo.“,___at inabot nito ang bigay niya.
Napangiti ako sa concern ni francis. Marahan akong umupo. At nagsimula na ring magbihis…nahirapan akong maghubad. Para bang binawian ako ng lakas. Napansin ako ni francis at tinulungan niya ako.
“pasensya na franz ha inabala pa kita. Yaan mo pag ok na ako. Uuwi na agad ako ng makapagpahinga ka.”…sabi ko
“ayos lang yon sir…kahit kelan mo gusto bukas tong kwarto ko para sayo.”__napangiti ito.
Walang damit pantaas si francis kaya habang tinutulongan niya akong magbihis…nararamdaman ko ang minsang pagsagi ng balat nito sa balat ko…ang init ni franz naka pang init ng laman.
Kumulo na ang tubig…nagbukas ng pakete ng noodles si francis at niluto ito. Isa lang si francis sa kwarto nito kaya pang isahan lang talaga gamit nito maging kutsara at bowl.
“sir kain tayo kaso isa lang tong gamit ko…wala akong extra. Kung gusto mo share na tayo.😉”___nag smile ito at kumindat sakin.
Napasmile din ako…“ Sige lang franz mauna kana, sunod na ako tapos mo.“.
“sayang naman ang init nito sir…mainam ito ng mainitan sikmura mo.”,….sabi ni franz
“eh anong gagawin natin dyan eh pang isahan lang tong mga gamit mo.(alangan naman maghungitay tah),”….sabi ko naman
“good idea sir…pedi para mas maging close tayo.”,…nakangiting aso na naman ito.
Di paman ako nakapag react sa sinabing yon ni francis…dumabi na ito sa akin at sinubuan ako ng noodles. Di ko alam sa sarili bakit tila naging kumportable ako bigla kay francis. Agad ko naman tinanggap ang pagsubo na yon ni francis. Salitan kaming kumain ng hinanda niyang noodles gamit ang isang kutsara. At ng maubos…
“simot lahat sir ah…ok bah?”😊….ang ganda ng ngiti nito.
“salamat franz hah…pero sa susunod bumili ka naman kahit pang reserve lang sa bisita. Hindi tong iisa lang.”…sabi ko.
“kung dadalasan mo ba dito sir eh bibilhan kita exclusive lang para sayo.”….at humirit pa
“kamusta naman ang laway ko franz, ok bah. Buti nabusog ka.”__dugtong ko
“eh yong kaway ko sir nalasahan mo bah…makamandag yon.”____panay pa cute nito, di naman ako interesado.
.“ Yong sa akin rabis, kaya bukas din magpatingin kana…baka magbu ang ka.“. sagot ko.
“hintayin mong mabaliw ako sir…nanganga gat ako hehehe”,
Tawanan at batuhan lang kami ng mga salita…na feel kong naging open si francis sa akin. Aaminin kung may kung anong kiliti akong naramdaman sa mga pa empress nito sa akin. Pero gaya nga ng pinangako ko sa sarili ko. Tama na yong minsan. Kaya pinaliwanag ko yon kay francis.
“alam ko franz na mabuti ang hangarin sa pakikitungo sa akin. At napakalaking plus factor para sa akin. At salamat don.”___sabi ko.
“naintindihan kita sir, pero hayaan mo na lang ako sa mga ginagawa ko. Gusto kitang mas makasama pa. Kaya sir…sana hindi to ang huli natin. Hayaan mo sir pagbubutihan ko trabaho ko.”____sagot ni franz
“mabuti yanh ganyan franz…pagtuonan mo yan trabaho mo wag ako. Dahil di ako sumusweldo sa iyo. At wala akong pang sweldo sayo kapag mag absent ka. Kaya matulog na tayo.”….pagputol ko sabay higa na sa kama nito.
“di ako aabsent bukas sir…inspired yata ito.”….at humiga narin ito sa tabi ko.
Ang bilis naka tulog ni francis…kakahiga palang namin humihilik na ito. Maliit lang ang kama nito…pang isahan nga lang…kaya nahirapan ako sa king pwesto. Hindi ako sanay na may katabi at mas di ako sanay na sa isang posisyon lang ang ayos ko sa pag tulog. Talikuran kami ni francis…nakatagilid ako ng nakatalikod sa kanya…isang maling galaw lng ni francis sa sahig ang bagsak ko.
Natagalan bago mag adjust ang katawan ko sa ganoong pwesto. Maiinit ang kuwarto ni francis kahit may maliit itong desk fan di yon kayang pawiin ang init. Kaya naman naghubad ako ng pantaas at humiga balik. Nang humiga na ako nagdikit ang mga balikat at likod namin ni francis…nakalimutan kong nakahubad rin pala ito.
Panay ang kilos ko kaya ramdam ko ang pag dampi ng likod ko sa likod ni francis…maslalong naginit ang pakiramdam ko. Tila nasa isang oven ako at di ko matiis ang init.
Sa pagod siguro at kunting amats nakatulog din ako.
Madaling araw ng makaramdam ako ng ginaw…ganito talaga pag gabi subrang init pero pag madaling araw ang lamig.
Antok pa ako kaya noong una ok pa ang lamig. Ngunit ng tumagal na lalo na at wala akong damit….napabaluktot na lang ako sa ginaw.
Nakapikit ang mga mata ko pero naramdaman kong gumalaw si franz.
“giniginaw kaba sir…?”….tanong nito at nakaharap na siya sa likod ko.
Di ako sumagot at gumalaw. Napan sin niya siguro ang pamamaluktot ko ng bigla niya akong….
“payakap sir ha…wala kasi akong kumot kaya hug na lang kita. Pagdamutan mo na muna ang init ko..”____kinakausap niya akong pabulong sa tenga ko. Habang nakayakap ito sa akin. Shiitsiritsit alibangbang nakikiliti ako habang bumubulong si francis sa akin. Ang init ng hininga nito. Kasing init ng katawan niyang bumalot sa nilalamig kong puso.
Yakap yakap niya ako pero di ko siya pinigilan…di man lang ako gumalaw o sumagot sa kanya…nagtatalo na ang antok at libog ko sa katawan sa ayos naming yon.
Lalo na ng maramdaman kong may kung anong pasundot sundot na matigas na bagay at pakislot kislot sa likuran ko….
“sir gising ka ba?….”
napa ungol lang ako ng…maramdaman ko ang dila ni franz na pumasok sa tenga ko….
[]pare mahal mo raw ako?[]…5
Nadala ako sa sensasyong dulot ng pag dila at paghalik ni francis sa aking tenga…wala akong tutol nasarapan ako sa ginagawang yon ni francis.
Wala akong sinukli…kundi puro ungol sa sarap….naging abala narin ang mga kamay nito…na tila pinipinturahan ng mga palad nito ang lahat ng bahagi ng katawan ko.
Di ko alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga ginagawang yon ni francis. Sadya bang parehas lang kami ng trip. O balak niya lang gisingin ang nahihimlay kong pagkatao, upang gamitin laban sa akin…ewan kung ano ano ang tumatakbo sa isip ko.
Nakapikit parin ako at ninanamnam ang bawat hagod at pangingiliti ni francis.
Napalunok ako ng binigla niyang dukotin ang titi ko sa boxer ko. Agad niya itong hinawakan. Napa aaaaahh na lang ako.
“sir ok lang bah…?”___bulong na naman ni francis sa kin.
Iba na ang nararamdaman kong ito…nadadala na ako masyado sa mga ginagawa ni francis…hindi ito tama. …natauhan ako mula sa libog ko. Agad ko kinuha ang kamay ni francis sa loob ko…nagtaka ito.
“bakit sir, ayaw mo ba?”___tanong niya.
“mali ito franz…hindi ito dapat. Kung ano man ang iniisip mo sa akin, hindi ako ganon. Oo marahil, pero iba ako sa kanila.”___pagdepensa ko
“sir…w…wala naman tayong ginawang masama ah. Anong mali dito sir?”___tanong niya uli.
“ayukong mawala ang respeto mo sakin franz. “…paliwanag ko.
“kahit ano pa man ….di mawawala ang respeto ko sayo sir.”___at agad niya akong binigyan ng masuyong halik….para akong kandilang may sindi na unti unting nauubos nanghihina. Di ko nagawang pigilan ang biglang paghqlik ni francis sa labi ko.
“gusto ko ito sir…at kung ano man ang mamagitan satin ngayon sir. Labas na ito sa trabaho natin sir.”____at niyakap ako ni francis ng kay higpit.
Heto na naman ako…ang dali ko mapaniwala sa mga simpleng pananalita…unang beses palang pero heto parang matatangay na naman ako.
“franz…hindi ko alam kong matutuwa ba ako o mababahala sa sinasabi mo…pero ang alam ko mali ito franz. At di dapat.”,___tumayo na ako at kinuha ang aking damit at sinuot ito.
Naka upo parin si francis…nakatingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot…
“hindi pa naman ito ang huli nating pagsasama diba sir?”___tanong nito at ngumiti ng bahagya.
“oo naman, araw araw magkikita pa tayo franz…sa trabaho.”….tugon ko.
“sorry sir hah…naging bastos ako sayo…akala ko kasi…”___di pan niya natapos at sumabat na ako.
“ wag mong isipin yon. Ang totoo nagustuhan ko yon. Kaya lang iniiwasan ko. Mahirap ng masanay…“____pagputol ko sa salita niya.
“at wala kang dapat eh sorry…ako dapat kasi binitin kita…”,___at agad na akong nagpaalam para umuwi na.
Niyakap muli ako ni francis…iba ang naramdaman ko sa mga yakap na yon na para bang pag aari na niya ako. Gumanti narin ako ng yakap kay francis.
“tama na tong yakapan…magkikita pa naman tayo mamaya. Sige na franz. Salamat ha…sa noodles😁”,…at umalis na ako.
Mabait tong si francis…malambing maalaga. Sa unang araw ko sa branch na yon si francis ang unang nakipagkilala sa akin…kahit di ko siya masyadong pinapansin…siya ang gumagawa ng paraan para matawag ko ang atensiyon niya.
Minsan kapag magkasabay ang break namin nililibre nya ako ng drinks o di kaya ulam…si francis lang din ang kaisa isang kasamahan ko na lagi akong kinakamusta kung ok lang ba daw ako.
At kahit nagsusungit ako sa kanila. Si francis ang hindi nag fail na ngitian ako lagi.
Mga katangiang wala kay renzy…pero bakit si renzy lang lagi ang hinahanap ng panlasa ko.
Feb 14 2011 valentines day, isang event na balewala lng sa akin… Kasi nga wala naman akong someone to share with.
Ngunit isang text ang tila bumuhay ng aking dugo…at biglang naging special ang araw nayon sa akin.
“tol gud morning muztah, hapi heart day sayo…miz kita tol. Buti na lang may number mo si brian…kaya hiningi ko. Kaw kasi naghiwalay lang tayong di mo nabigay num mo. Kita tayo later tol free ka?,”_____isang text mula kay renzy
Sadyang di ko kinuha ang num ni renzy ng maghiwalay kami maging ang num ko di ko sa kanya binigay.
Pero ng matanggap ko ang text na yon galing kay renzy, abot hanggang tenga ang ngiti ko. Para akong ginanahang magtrabaho sa araw na yon.
“ok tol…free ako later txt me kung wat tym. …miz u too tol.”___reply ko.
Palabas ako ng banyo ng hinarang ako ni francis…
“sir may papapirmahan ako sayo…”___si franz
“para saan yan franz?”…tanong ko.
Isang nakatuping papel ang inabot sa akin ni francis…at ng binuksan ko para basahin…
“sir samahan mo ako mamaya…may ibibigay ako sayo. Pls. Happy valentines💌”, ito ang nakasulat sa papel.
Nang makita ni francis na nabasa ko na ang sulat…ngumiti ito at may pakindat pa.
What is the meaning of this. Two dates in a row…nabigyan pa tuloy ako ng multiple choice. Pano ba…sino ang uunahin ko nito?.
For renzy: TXTRENZ send to 2626 For francis: TXTFRAN send to 3369
[]pare mahal mo raw ako?[]…6 #MahalKoOMahalAko
“4pm out ko kita tayo sa SM food court tol. Text mo ako kung andon kana…”___last reply ni renzy at bumalik na ako sa trabaho.
Nag isip ako ng dahilan para makapag undertime. Nag paalam ako sa manager namin na umuwi ng maaga dahil masama ang pakiramdam ko. Palabas na ako ng mapansin ako ni francis.
“sir uuwi kana?…kala ko ba closing ka?…”….tanong nito
“masama kasi pakiramdam ko franz. Masakit ulo ko. Tila lalagnatin yata ako.”___~pagsisinungaling ko
Nakita ko sa mga mata nito na hindi ito naniniwala sa mga sinasabi ko.
“nakita kitang nakangiti kanina habang may ka text…may pupuntahan ka ano?”___ may lungkot sa tuno nito.
“ sus pati ba naman yon franz…wala masama lang talaga pakiramdam ko. Sige franz mag aalas kwatro na…aalis na ako.“___at tumalikod na ako at lumabas.
Ngunit…
“pano yon mamaya…tuloy ka ba?”___pahabol ni franz.
Dinig ko yon pero di ko na ito sinagot at nilingon. Ang tanging tumatakbo sa puso at isipan ko si renzy…makikipag kita sa akin. Mapapawi narin ang mga sandaling na mis ko si renzy. Walang pagsidlan ang galak at saya sa puso ko. Tila nakalutang ako na hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam ko dahil ito renzy.
Malapit lang sa tinatrabahuan ko ang SM kaya nilakad ko na lang ito.
Pakiramdam ko nakasakay ako ng escalator at bumibilis ang mga hakbang ko.
At heto nasa mall na nga ako…agad ko tinungo ang food court.
Maraming tao…nakakaduling sa subrang dami. Di naman ako nag taka…valentines kasi. Wala na nga akong nakitang ibang kulay kundi halos naka pula. Maging ang mga palamuti sa paligid pula.
Agad ako nag text kay renzy.
“tol san ka naron…ang daming tao. Nakapula halos ano suot mo?”__text ko
Agad namn itong nag reply.
“hahaha nasa bandang kanan ako tol kaso naka pula din ako. Stay ka lang diyan ako na lalapit sayo. Kita na kita.”____reply nito
Palingalinga ng matanaw ko na si renzy na nakapulang shirt na my naka print na ur mine…napangiti ako…na para bang para sa akin ang nakasulat sa suot niya. Lumapit narin ako sa kanya.
Niyakap agad ako ni renzy…natigilan ako para akong na freezer. Natauhan lang ako ng tinapik na nito balikat ko.
“hoy tol nakuryente ka na naman diyan ah. Di mo ba na miss hug ko.? Parang wala ka kasing reakayon dyan eh”,…..sabi ni renzy
“namiss siyempre…higit pa sa akap mo tol ang na mis ko sayo. At salamat at inimbitahan mo ako ngayon.”,____sagot ko.
Papalapit na kami sa mesang pinanggalingan niya. May napansin ako…tatlong roses na nka patong sa isang card. Dalawang order ng pagkain…may malaking kulay blue na bear sa upuan. My God ano ito?,…is this for real? Liligawan ba ako ni renzy?….mga ilusyong tumatakbo sa isipan ko. Pero sa unang pagkakita ko sa set up na yon kinilig ako. Kinokundisyon ko ang sarili ko na ang lahat ng yon para sa akin….so siyempre di rin naman ako ng pahalata…baka ano isipin ng mga nasa katabi namin.
Inalok akong maupo ni renzy.
“ sige lang tol umupo kana eh oorder lng kita.“___at umalis ito.,tinungo ang counter para mag order.
Bakit pa siya oorder eh pang dalawahan na tong nasa harapan namin. Nagtaka ako….papalapit na si renzy at may dalang pagkain.
“pasensiya na tol ha, ngayon lang kita inorderan kala ko kasi matatagalan ka eh.”____sabi ni renzy at inabot sakin ang pagkain.
“a..ah ok…so may kasama ka pa pala tol.at sa kanya to?”____sabi ko at tinuro ang isa pang serve ng pagkain….
Di pa man nakasagot si renzy…
“sorry dhe natagalan ako…dami kasing tao sa cr eh.”_____isang babae ang lumapit sa mesa namin na suot din ito ng shirt katulad ng kay renzy…at may na ka sulat…im urz. Nabasag ang kaninang ngiti sa puso ko…
“tol si maylyn pala girl friend ko. Mhe si ramboi…bestie ko.”____paki lala ni renzy.
Parang sasabog ako sa kina uupuan ko. Parang gusto kong sumigaw.Buong akala ko gusto niya rin ako….bestie lang pala ako para sa kanya. Hindi ko alam kong selos ba ito o galit lang ako sa mundo. Malamig ang buong paligid pero parang kumukulo ang damdamin ko sa galit sa sarili ko. Bwisit na damdamin ito.
Parang di na ako tatagal sa mga oras na iyon ….pero ayukong ipakita kay renzy na nasasaktan ako. Nakangiti lang ako pero parang dinudurog irong puso ko.
“first valentines date namin tol kaya gusto ikaw ang unang witness sa aming date. Special ito kay isang special din sa puso ko ang inimbitahan ko kaya pinapunta kita tol….tnx ha. So ano tol bagay ba kami?”…..habang niyayakap ni renzy ang gf niya at hinahalikan ito sa pisngi.
Nasa harapan ako nila kaya kita ko ang sweetness at lambingan nila…nakakainggit nakakasakit. Ako dapat yon eh. Kami dapat yon sabi ko sa isip ko. Plain lang ang reaksyon ko sa kanila as if di ako affected.
“oo naman tol….bagay kayo. Ang saya niyo ngang pagmasdan eh. Kelan ang kasal?,”____sabi ko.
“gusto ko nga tol bukas na eh kaso di pa ready tong si mhe. Hayaan mo tol imbitado ka. Ikaw ang bestman ko.”____at inabot ni renzy ang kamay niya para makipag shake hands. Tumugon ako. Pinisil ni renzy ang mga palad ko. Alam kong may ibig sabihin yon. May gusto siyang sabihin.
“tol mauna na ako enjoy lang kayo dito. This is your moment kaya sulitin mo. Maylyn ingatan mo tong bestie ko. Mauna ako.”….agad akong tumayo…
“aalis kana tol halos di mo pa nagagalaw ang pagkain ah.”___si renzy.
“pabalot ko na lang tol…nakalimutan ko may general meetting pala kami.”___kinuha ko ang pagkain. Napasin ko ang mga titig ni renzy. Binabasa nito ang mga kinikilos ko. Kaya bago pa ako mahalata ni renzy pumunta na ako ng counter at pinabalot ang pagkain. Di ko na inisip ang bumalik pa kina renzy. At agad ko nang nilisan ang food court.
Habang naglalakad sa lobby ng mall. Lumilipad ang isipan ko. Bakit ganon… Kung kelan ka nagmamahal…saka ka nasasaktan. Bakit pag lalo mong pipigilan mas lalo kang nasasakal at kung kelan sinubukan mong umasa ibibigay sayo luha. Bakit sila masaya…nagmahal rin ba sila? Sumisikip lalo ang dibdib ko…di maintindihan ang sarili ko kung bakit nararamdaman ko ito. Alam kong mali…pero bakit nga nangyayari ito.
Sa bawat magkaparehang nasasalubong ko…naiinggit ako. Naiinis ako.
Papalabas na ako ng mall ng may humawak sa kamay ko.
“sasamahan na kita…sir.”
Nagulat ako ng sumulpot sa tabi ko si francis. Hinawakan nito ang kamay ko.bumitaw ako. Hindi sa ayaw ko. Nailang lang ako.
Nagtaka ako bakit naron si francis at pano niya nalaman na nandon ako.
“sinundan kita…nag undertime din ako sir. Kasi alam ko nagsisinungaling ka.”___sabi nito.
Sabay kaming lumabas ng mall.
“sinundan mo ako?…bakit naman?”__tanong ko
“walang gusto ko lang…sabi mo kasi masama pakiramdam mo kaya yon…baka kasi mapano ka. Nagulat nga ako bakit kapa nag sm sir eh.” ___paliwanag pa nito.
“sama ka…baywalk tayo. Gusto ko lang ma relax. Gusto ko tingnan ang paglubog ng araw.”…sabi ko kay francis.
At tumango naman ito. Kwentuhan lang kaming naglalakad hanggang sa marating namin ang baywalk.
Eksaktong 5pm ng makapwesto na kami sa seawall. Papalubog na ang araw ng dumating kami.
“gusto mo uminom. Bili tayo ng redhorse.”___sabi ko kay francis
“sige sir ako na bibili…hintayin mo na lang ako dito.”….franz.
At naiwan akong nakatingin sa malayo. Minamasdan ang unti unting paglaho ng araw sa tubig. Tulad ng pangarap ko kay renzy…unti unting lumalabo. Di ko napansing may mga luha na palang bumabagsak sa mga mata ko.
“sir panyo….”,…..si franz nasa tabi ko na pala. Inabutan ako ng panyo. Di ko tinanggap kaya siya na nagpunas ng luha ko.
“ iminom ka muna sir….pampalakas ng sipa yan. Para may lakas kang ilabas lahat diyan sa puso mo.“___at binuksan nito ang isang beer.
“anong kulang sa akin.bakit sa tuwing magmamahal ako…iniiwan nila ako? Dahil ba ganito ako kaya wala na akong karapatang magmahal…di ba ako karapatdapat na mahalin. Dahil ba sa ganito ako kaya hanggang kaibagan lang talaga ako. Kasalanan ko ba kung naging ganito ako.?”____ang dami kong tanong. Hindi ko alam kong naiintindihan ba ako ni francis.
“di ka mahirap mahalin. Sadyang nakasara lang ang puso mo para sa kanya. Kaya hindi mo lang nakikita ang mga nagmamahal sayo.”___napaisip ako sa puntong yon ni francis.
“minsan lang akong magmahal at pagnagmahal ako isa lang at buong buo na halos wala na akong ititira sa sarili ko.”____sabi ko.
“maswerte ang taong minamahal mo. Pero kaya niya bang ipaglaban yang nararamdaman mo. Nakita kita kanina sa food court at nakita ko ang kakaibang ngiti mo ng sinalubong ka ng lalaking yon. At nakita ko rin ang pag bago ng emosyon mo ng makita mo ang babaeng kasama niya. Nasaktan ako para sayo. Naawa ako sayo.”____pag amin ni francis
“sinundan mo talaga ako…bakit franz bakit ginagawa mo ito sa akin?,”___tanong ko.
“dahil gusto kita kahit alam kong hindi mo ako gusto…ginagawa ko ito dahil masaya akong nakikita kitang masaya. Nalulungkot ako pag malungkot ka. At alam ko di mo ramdam yon.”_____nabigla ako sa pag amin na yon ni francis
“una palang nakagaanan na kita ng loob. Ganon ako sa taong gusto ko. Yon ang batayan ko ng pagkagusto sir. Kahit na alam kong mali para sa akin nagiging tama maipadama ko lang na mahal kita.”___
Di pa man ako naka get over sa nangyari sa food court. Heto na naman si francis…pinapagulo lalo ang nararamdaman ko.
Di ako makasagot sa mga pag aamin ni francis…di ko alam kung ano ang magiging sagot ko sa mga sandaling yon….
[]pare mahal mo raw ako?[]…7 #HereWithoutYou
Malamig ang hanging dumadampi sa mga pisngi ko. Na para bang pinapawi ang hapdi at sakit na dulot ng pusong nasawi.
Tahimik lang ako sa tabi ni francis. Nakatingin sa malayo…naghahanap ng masusumpungan sa malayo.
Balewala lang sa akin ang lahat ng mga pag aamin ni francis pero pilit ko man iwasan, nagdulot ng kunting ngiti sa akin ang mga sinabing yon ni francis. Kahit papano kahit ganito ako meron pa palang nagpapahalaga sa akin.
Hinawakan ni francis ang balikat ko. Hinimas ang likod ko. At dahan dahang kinabig ang ulo ko papalapit sa balikat nito.
“sumandal ka lang sir…huminga ka lang. Ilabas mo yang nasa loob mo. Sumigaw ka. Makakatulong yon. Andito lang ako. Sasabayan kita.”____malambing na sabi nito…at nakatitig sa akin.
Nagtama ang mga tinginan namin ni francis ramdam at kita ko ang pagiging totoo nito sa mga sinasabi at kinikilos niya.
Si francis ang kaharap ko pero si renzy parin ang nakikita ko…ganito rin yon kami dati. Ang mga titig ni renzy ang mga malaman niyang salita… Ang mga mainit nitong kamay na siyang unang humagod sa napapagod kong puso. Ang gumising sa natutulog kong pagkatao. Ang dahilan kung bakit umasa ako. Nasaktan, at heto umiinom sa kawalan. Kasama ang isang taong nagpapadama uli nito sa akin.
Magpapa anod na naman ako sa alon ng pagnanasa at magtitiwala na naman sa mapanlinlang mga pangako. Tama na…hindi na ito tama.
“franz, salamat. Pero alam mo namang mali di ba. Parehas tayong lalaki…oo medyo iba nga lang ako sayo. Pero kahit na. Sa simula ok tayo pero darating ang araw na magkakasawaan rin tayo.”___sabi ko.
“hindi namimili ang puso kung sino at ano ang kaya nitong mahalin. Alam ko lalaki ka lalaki din ako…kailangan ba dapat ang lalaki sa babae lang? “___sabat naman ni francis.
“di mo ako naintindihan eh. Iba ka iba ako. Ang nararamdaman mong yan hindi pag ibig…marahil may hinahanap ka lang…baka iba ang pakay mo. Sasabihin ko sayo franz wala kang makukuha sa akin.”.___pilit kong nilalayo sarili ko kay franz.
“ang sakit naman non. Hindi ko kelangan ang pera o kung ano man. Hindi ako ganun. Gusto kita kasi mahal kita. Nararamdaman kita kasi parehas lang tayo. Bi din ako.”____rebelasyon ni francis.
“…alam mo patawa ka franz. Eh di gud at least parehas tayo. Gusto mo pa uminom franz? Dagdag tayo ng isa.”,____utos ko kay francis
Ang totoo, gusto ko talaga mapag isa muna kahit saglit. Iniwan ako ni francis para bumili ng beer. Nang mapagisa na ako…doon nag sink in sa isip ko ang pag aamin ni francis. Kaya pala…
Nang bumalik si francis kinausap ko siya…alam ko na kung ano man ang mapag usapan namin ni francis…makakapagpagaan yon ng mga nararamdaman namin.
“ ano ba nakita mo sakin at nagustuhan mo.ako…pangit naman ako “,….sabi ko.
“totoo ka kasi…at isa pa di naman ako tumitingin sa mukha sa puso.”,___sagot niya.
Ngumiti lang ako.
“mahal mo ba siya?”____tanong ni franz sa akin.
“aasa ba ako kung hindi?”____sagot ko.
“ang swerte niya at minahal mo siya. Kaya lang sayang at pinakawalan ka niya .”____si francis
“akala ko kasi mahal niya rin ako…nang maghiwalay kasi kami akala ko totoo lahat yon. Ang dali ko lang kasi magtiwala…ang bilis ko magmahal. Nagkamali ako. Kasabay pala ng paghihiwalay namin matatapos narin pala ang pantasya ko. Kaya heto…malupit na sakit ang bagsak ko. Kung nakakamatay lang ang pag ibig…patay na ako ngayon.”___kwento ko.
Tumahimik si francis tumabi ito sa akin na naka upo at nakaharap sa dagat.
“ tumingin ka sa malayo….pagmasdan mo ang araw., kahit hindi sila bagay ng dagat nagkakasundo sila. Dahil kahit magkalayo sila sa umaga….darating ang dapit hapon at pagtatagpuin sila. Habang papalapit ang araw sa dagat nagiging kulay pula ito dahil sinusuyo nito ang dagat ng kanyang pag ibig. At pagmasdan mo ang dating asul na dagat….sa paghalik sa kanya ng araw. Nagiging kulay pula narin ito. Tanda na tinatanggap ng dagat ang pagibig ng araw.
At sa paglubog nito….lalamunin ng dagat ang nag aalab na pag ibig ng araw. Mawawala ang liwanag nito. Babalutin sila ng kadiliman, hahamunin sila ng panahon. Pero heto si araw sisikat muli kinabukasan. Wala na sa piling ni dagat…kundi mula sa mga bisig ng kabundukan. Panibagong pag asa. Bagong pag ibig.“____napanganga ako sa mga paghahambing ni francis.
Naintindihan ko ang ibig ipahiwatig ni francis…napaiyak na naman ako.
“bakit ka umiyak?, tandaan mo sir. Nandito lang ako. Sakaling kailangan mo ang mga balikat ko.”___at hinagkan ako ni francis
Sumikip ang dibdib ko pero pinagaan ng mga haplos ni francis…salamat ang tanging naiganti ko kay francis. Nakasandal ako sa dibdib ni francis…hinayaan kong yakap yakap ako nito. Ramdam ko ang pahalik halik ni francis sa ulo ko.
Para kaming magkasintahan ni francis sa ayos naming yon.
Bale wala sa amin ang mga katabi naming mga tao. Para sa amin…amin ang mga sandaling yon. Wala silang paki alam.
Alam kong umaasa si francis sa sagot ko sa nararamdaman niya.
Pero sabi ko…
“wag muna natin ipilit lahat. Salamat sa pagmamahal franz. Pero hindi ko pa alam kong ano ang mararamdaman ko… Salamat at nariyan kang pinapagaan ang dinadala ko…kung saan man tayo dadalhin ng nararamdaman mo. Sana masuklian ko rin yan ng pag ibig na hinihingi mo.”….
At hinalikan ko ang kamay ni francis. Unti unti ng umiilaw ang mga ilaw sa bawat poste…tanda na gabi na pala. Nanatili kami ni francis ng mga ilang oras pa ron.
Mas lalong lumalim ang aming usapan…
.“may falling star…mag wish tayo.”___sabi ni francis ng mapansin ang isang shooting star.
“anong wish mo?…”____tanong ko sa kanya.
“wish ko na maging happy ka.at di na iiyak pa.”__sagot niya.
“salamat…na touch naman ako.”__ako
“ikaw ano ba ang wish mo?”___tanong niya
“wala akong wish…dahil ayuko ng umasa pa. Kung ano man ang kapalarang naghihintay sa akin ok lang. Tatanggapin ko kahit masaktan uli ako.”___sagot ko
Past 8 na ng umuwi kami. Isang lugar lang inuuwian namin ni francis kaya sumabay na ito sakin.
Pagka uwi ko bg bahay agad ko inopen ang cellphone kong kanina pa patay.
At pag open ko. Sunod sunod na message alert ang bumungad sa akin. May mga ilang miscol na rin….at galing lahat yon kay renzy.
Naka silent ang phone ko kaya di ko ito napansin kanina. At nasa bag ko ito at lowbat pa📴….
📩 agad ko binasa ang isa sa mga text….
“tol…alam ko kung bakit ka umalis agad. Magpapaliwanag ako. San kana?…”______📶galing kay renzy.
…ok na ako eh. Kailangan ko pa bang alamin?,…mag rereply ba ako?
💔 napa isip ako……..
[]pare mahal mo raw ako?[]…8 #JustGiveMeAReason
Wala akong lakas ng loob na sagutin ang mga text at tawag ni renzy. Dahil baka kung ano pa masabi ko sa kanya at mas lalo pang lumala.
Naging tahimik ako. Ilang araw at gabi ko ring sinubukang ipa intindi sa sarili ko na walang renzy at ramboi…na hindi dapat ako magselos kasi wala namang rason….na di ko kailangang umiwas dahil wala naman kaming samaan ng loob….at lalong hindi ko pweding mahalin si renzy kasi may mahal na siya…at hindi ako yon.
Galing ako ng simbahan ng dumaan ako ng lagoon. Sa lagoon kung saan ko naranasan ang una at huling sandali namin ni renzy. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isipan kung pumunta don…parang may kung anong bagay na tumutulak sa akin na pumunta ron.
Bumili muna ako ng pagkain sa mcdo… Pagtawid ko palang ng kalsada…tila minamagnet ang mga paa ko papasok sa loob ng park .
Di ko ma explain kung bakit tila kinakabahan ako.
Agad ko hinanap ang bench kong saan kami na upo dati renzy. Isang bench sa ilalim ng puno.
Maraming tao sa park…sunday kasi. Inikot ko ang mga mata ko at nang matagpuan ko na ang hinahanap ko…agad akong lumapit.
Papalapit na ako ng mapansin kong may nakaupo na pala. Di ko yon nakita kasi natakpan siya ng puno.
Mas lumapit na ako…lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng unti unti ko ng nakikita ang mukha ng naka upong yon….
Parang pamilyar sa akin ang tindig ng taong yon. Kaya lumapit pa ako… Nagulat ako ng makita ko kung sino ang naroon. Si renzy. Naka upo ito na tila may hinihintay…
Natigilan ako. Ayaw kong makita ako ni renzy. Kaya umatras ako…pabalik na ako. Nang lumingon si renzy, nakita ako.
“tol saglit…”__agad na pagtawag nito.
Tumayo si renzy at dali daling nilapitan ako. Wala na akong magawa hinintay ko siya na lumapit sa akin.
“ oi tol nandito karin pala. Date?“____tanong ko ng naka ngiti sa kanya.
“wala tol…tara upo tayo ron.”___inakbayan ako ni renzy at tinungo namin ang bench na kina uupuan niya kanina.
“ikaw yata ang may ka date dito tol ah, hayan may pa french fries kapa oh…”___sagay turo nito sa bitbit ko.
“ kelangan ba talaga may date pag pumupunta dito? Di ba peding may naaalala lang?… Palibhasa lahat ng mga dini date mo dito mo pinapasyal…tama ba tol?“____sabi ko kay renzy sabay abot sa kanya ng dala kong french fries.
“ikaw lang ang nag iisang tao na naka date ko dito tol. Diba sinabi ko yan sayo. Naaalala mo?”_____sabi niya.
“noon yon tol ng mga lasing pa tayo. Pero ngayon alam ko may iba na.”____parinig ko.
“nakainom ako non pero di ako lasing…at natatandaan ko lahat ng mga pangyayari ng gabing yon tol. Hanggang sa inumaga tayo.”_____nag simula nang mag recall si renzy.
“isa lang ang natatandaan ko ng gabing yon tol……….ang mga halik mo.”____at tumawa ako.
“namis mo tol?….dahil ako na mis ko.”_____at tumitig nanaman si renzy sa mga mata ko.
May kung ano sa mga titig ni renzy na tila kumukontrol sa akin. Kita ko sa mga mata ni renzy na hindi siya nagsisinungaling. At yon ang kina iinisan ko. Dahil yon ang kahinaan ko.
“ di ko yon na mis tol. Kasi para sa akin ang lahat ng yon pawang mga ilosyon lang. At ang nangyaring halikan tol…eksperimento lang. Alam kong wala lang yon sayo. Isa lang yon trip.“____hindi ko na ikubli ang totoo kong emosyon kaya medyo may diin ang bawat pananalita ko. Ayaw kong mapansin yon ni renzy kaya binabawian ko ito ng malabnaw na ngiti.
“ december 23 2010,… 1:15 am… Sa loob nitong lagoon. Dito sa upuang ito, sa ilalim ng punong ito. Na noon nagliliwanag dahil sa asul na pailaw nito. Kasabay ng mga tugtuging pamasko…inamin ko sayo ang nararamdaman ko. Oo noong una na confused ako sa nararamdaman ko sayo. Nalito din ako. Pero hinayaan ko ang puso kong ipadama sayo kung ano ang nararamdaman ko. Akala ko gusto lang kita dahil mabait ka….ngunit ng mga sandaling magkasama tayo at nang oras na maghihiwalay na tayo. Doon ko na ramdaman na higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman ko…mahal na kita tol. Nagalit ako sa sarili ko bakit naramdaman ko yon sayo. Nasaktan ako ng maghiwalay tayo tol. Natakot ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam bakit naging ganun ako sayo. Walang araw na hindi kita inisip tol. At natakot ako…pilit kitang kinalimutan kaya di ako nanghingi ng number mo o binigay ang number ko. Pero hindi tol eh…hindi ka nawala sa isipan ko. Hinahanap ka ng puso ko. Ang mga pagpapahalaga mo sakin, mga paglalambing mo…ang halik mo, hinahanap ko. Don ako mas natakot tol…Tinanong ko sarili ko kung bakla narin ba ako? Kaya nag hanap ako ng peding makapagpabago ng nararamdaman ko tol. Kaya ko nakilala at naging girlfriend si maylyn. Akala ko malilimutan na kita tol. Pero nagkamali ako. Mas hinanap kita.“_____ at tumulo ang luha ni renzy.
Hindi ako nakapagsalita matapos ang paliwanag nayon ni renzy. Hindi ko malaman kung paano ako sasagot sa mga sandaling yon. Sumikip ang dibdib ko. At namalayan ko na lang na lumuluha na rin ako.
“ sorry tol kung sa akala mo pinaglaruan ko lang ang damdamin mo. Pero tandaan mo tol, minahal na rin kita. Sa bawat sandaling na aalala kita tol. Pumupunta ako rito. Umuupo rito at iniisip ka.“____dagdag pa ni renzy.
Mas na intindihan ko na si renzy. Pero alam ko wala na akong lugar sa pagmamahal na yon. May kasintahan na siyang iba. At alam kong mas karapatdapat si maylyn para kay renzy.
Ayaw ko ng makigulo pa. Tama na sa akin ang narinig ko na minahal din ako ni renzy.
Hindi ko na inopen up pa kay renzy ang nangyari sa foodcourt. Wala naring saysay para mag paliwanag pa.
“sorry din tol, at salamat salahat.”____inakap ko si renzy .
Niyakap din ako ni renzy…naglalakad kami pa ikot ng lagoon. Mas lalo pang lumalim ang pagiging magkaibigan namin ni renzy….walang ilangan walang lihiman.
At naging masaya narin ako sa pagsasama nila ni maylyn nawala na ang selos ko at inggit. Sadyang mahirap kalabanin ang babae pag puso na at relasyon ang pag uusapan. Tanging sa sex lang siguro kami magka subukan.
Samantala naging outlet ko si francis…siya ang hingahan ko ng mga problema. Si francis lang kasi anh nakakaintindi sa akin. Halos siya lang parati ang nakakasama ko. Sa trabaho….coffee break ….inuman at kung saan pa. Walang something sa amin ni francis…pero lahat ng mga kasamahan namin nagdududa na sa subrang close namin sa isat isa.
Nag birthday ang manager namin at nagyaya itong mag overnight sa twin river. At sumama lahat…
Nauna na ang ibang kasamahan namin.
Naiwan kami ni francis kaya sumunod na lang kami…
Habang nag aabang kami ni francis ng jeep. Nang makasabayan namin si renzy kasama si maylyn.
“ mukhang daming dala tol ah…san ang camping?,“____tanong ni renzy na hinahawakan ang malaki kong backpack.
“ punta kami twin river…mag oovernight.____sagot ko.
“tamang tama malapit lang bahay ko don…ano dhe sama tayo?”_____sabat ni maylyn.
[]pare mahal mo raw ako?[]…9 #Later
Nakasabayan mamin sina renzy sa sasakyan patungong murcia. Tulad namin twin river din ang distinasyon nila.
Pansin ko ang pananahimik ni francis. Di ito sumasali sa usapan namin ni renzy. Ayaw kong ma o.p. Ito kaya pinakilala ko siya kay renzy.
“ tol si francis nga pala. Kasamahan ko. Franz best friend ko si renzy. Nakwento ko na siya sayo diba?“….pakilala ko kay francis
“ musta meg, …kaw tol ha. Baka kung ano na pinagkukuwento mo sa kanya tungkol sa akin ha…“____ tugon naman ni renzy.
“ muztah rin meg. Alam tong kaibigan…walang araw na hindi ka naikwento sa akin. Minsan nga nagseselos na ako eh. Ako ang kasama pero ikaw lagi ang binibida.“___sabi ni francis, alam kong ako ang pinariringgan niya.
Tumingin ako sa kanya. At naintindihan niya ang titig ko. Kaya iniba nito ang topic. Batid ko ring nakita yon ni renzy. Magkatabi lang ang mga upuan namin. Sinulyapan ako ni renzy at ngumiti….kinuha ang celphone nag text.
Patago akong ngumiti sa kanya. Nang biglang tumunog ang celphone ko. …agad ko itong binuksan at binasa.
“salamat tol. Buong akala ko kinalimutan mo na ako. At binalewala. Salamat tol hah. Masaya ako.”______galing kay renzy ang text.
Napatitig ako kay renzy….nakangiti lang ito sa akin. Parang nabuhayan ang puso sa mga ngiti niyang yon. Kinilig ako sa simpleng message niyang yon. Parang gusto kong pababain si maylyn para ako ang pumalit sa kanya sa tabi ni renzy. Ang swerte ni maylyn at kahit anong oras na gusto niyang yakapin si renzy magagawa niya. Hay …puso subrang napamahal na ako kay renzy. Yon nga lang hanggang pangarap na lang.
Natauhan ako sa aking ilusyon ng siniko ako ni francis.
“grabe ang ngiti mo sir ah, kunti na lang mag la lock jaw kana.”___ biglang bulong ni francis sa tenga ko.
“ alam mo ikaw basag trip. Nanaginip ang tao eh…“___ saway ko.
“ tol malapit na tayo sa twin river…mauna na kami ni maylyn , uuwi na raw muna siya…sunod na kami. Kita na lang tayo ron tol.“____ paalam ni renzy at pumara na ito para bumaba.
Narating narin namin ni francis ang resort. Pag baba palang namin ni francis humirit na ito.
“akala ko ba tapos na kayo?”____pasimpleng tanong nito
“ano ang ibig mong sabihin…alam mo kanina ko pa nahalatang tila may tinitimpi kang galit?”____tanong ko.
“galit wala naman akong ikagagalit ah. Nagtatanong lang naman.”___si franz. Ramdam ko ang bigat sa tuno ng boses nito. Pero binalewala ko lang ito, kasi parang wala lang yon sa akin.
Nagtaka lang ako ng bigla na lang umiwas si francis sa akin… Nauna na siyang pumasok sa loob ng resort. Naiwan ako…nagtaka akong hindi man lang ako hinintay ni francis.
Pilit kong binabalewala yon. Pero ramdam ko sa loob ko may hindi tama…parang may mali.
Tumuloy ako sa cottage na nirintahan ng aming manager…naron na ang mga kasamahan naming na una.eksaktong alas dose ng makarating kami. Kaya kumakain na lahat ng dumating kami.
“akala ko kasabay mo si francis. Bat nauna yan rito?”____naitanong ni irish ng mapansing nauna na ai francis.
“magkasama nga kami…pero pinauna ko na siya rito…saktong sakto ah…kainan agad ah.”____sagot ko.
“hoy franz ipaghain mo naman si sir, solong solo. Ka diyan ah…parang di kayo nagsama kanina.”___sabi ni irish kay francis.
Nang nilingon ko si francis nakakain na ito. Napansin ko ang paiwas na tingin nito sa akin…ni hindi man lang ako niyayang kumain. Alam kong walang balak ito na sundin ang utos ni irish. Kaya ako na ang lumapit sa lamesa at kumuha ng makakain.
Kanya kanyang puwesto ang lahat habang kumakain. Samantala si francis…kinasya ang sarili na makipag siksikan sa mga naka tambak na bag. Wala ng space sa cottage. Kaya lumabas ako at samabay sa mga kasamahan kong naglatag ng banig sa damuhan.
Di paman ako nagsisimulang sumubo…napuna na ng ilan ang paghiwalay ko kay francis.
“sir parang nakakapanibago yata ah. Nandon si franz ikaw nandito kasama namin. May LQ?”_____puna ni berwin. At kasabay non ang nakakapikong tuksuhan at tawanan.
Parang mapipikon na ako. Pero di ko pinahalata. Ayaw kong sabihin nilang apektado ako.
Maging ako man. Nagtataka sa kinikilos ni francis. Kanina lang ok kami. Tapos ngayon di na namamansin. Sinakyan ko ang mga panunokso nila para tumahimik na.
Padilim na… Hindi parin ako kinakausap ni francis. Ma pride din akong tao. Kung alam kong wala akong kasalanan at hindi ko alam ang rason. Hindi rin kita sasagutin.
Pero sa puntong ito parang hindi ko matiis na hindi kausapin si francis.
Nasa pool kami ng mga kasama ko ng marinig kong pumunta raw si francis sa ilog. Agad akong umahon sa pool at nagtapis ng tuwalya. Agad ko tinungo ang ilog nagbabakasakaling nandon nga si francis.
Pagkababa ko ng ilog walang francis akong nakita…hapon na at medyo padilim na. Paakyat na ako para bumalik sana ng masalubong ko si francis.
Iiwas pa sana ito pero pinigilan ko.
“ anong problema franz….? May kasalanan ba ako.? Bat mo ako iniiwasan.?“_____tanong ko.
“nagseselos ako…oh ano ok na?!”___pasigaw na sagot nito.
“selos?…para saan?…dahil ba kanina? Dahil nag uusap kami ni renzy?…dahil ninigitian ko siya …yon bah?”____tanong ko balik sa kanya.
“ dahil mahal kita. Kaya nagseselos ako sa tuwing umiiksena yang renzy mo!“___tumaas ang tuno ng boses nito.
Napatameme ako sa sinabing yon ni francis. Para akong binuhusan ng yelo…tumalikod si francis at naiwan ako.
Mahal ako francis…
Nanatili ako sa mga batuhan sa ilog. Nag muni muni. Iniisip ang ang mga sinabi ni francis. Nakita ko sa kanya ang sarili ko. Naintindihan ko siya dahil yon din ang nararamdaman ko kay renzy.
Nakaramdam ako ng ginaw. Kaya bumalik na ako sa cottage.
6pm na…at nag hahanda na kami ng makakain para sa hapunan. Gabi na pero wala parin kaming kibuan ni francis. Inaaliw nito ang sarili sa pagligo sa pool.
Hinayaan ko na lang si francis…
Habang nag iihaw ako ng isda. May pamilyar na boses akong narinig mula sa malayo. At agad din naman akong lumingon.
“toooool! Tol!!!!”____si renzy., pakaway kaway itong lumalapit sa akin…kasama si maylyn.
Kumaway ako kay renzy ang nginitian ito.
Paglapit ni renzy….kinamayan ko agad ito at inalok ng iniihaw kong isda. Nang lumingon ako para kumuha ng lalagyan nakita ko si francis…nakatayo sa likod ko at nakatingin sa amin ni renzy. Naka ahon na pala ito mula sa pool.
“oi meg franz… Mukhang enjoy sa paliligo ah.”_____pagbati ni renzy kay francis.
Tumango lang ito at tinungo ang dala niyang bag.
“sige tol…hanap muna kami ng cottage. Usap tayo mamaya. Inom tayo tol ha. Mis ko na ang inuman bonding natin.”____paalam ni renzy .
Nakita ko ang paglingon ni francis ng marinig nitong nagpaalam si renzy at nagyaya itong uminom.
Nagpatuloy ako sa pagiihaw. At ng matapos kumain na kami…
Di kumain ang iba…dahil kanya kanya ng bitbit ng alak ang mga kasamahan ko.
Inuman time na…at pinang pulutan na ang inihaw kong isda.
Di ako sumama sa kanila kasi inaantay ko si renzy. Tumabi ako ng pang pulutan namin ni renzy. Ng….
“tara inom tayo…samahan mo ako.”____pagyaya ni francis.
Nagulat ako sa alok ni francis.
Hindi pa naman ako nakapag oo kay francis. Dumating naman si renzy sa cottage namin….
“tol may dala akong redhorse dito. Don tayo sa videokehan tol kantahan tayo.”____pag alok naman ni renzy.
Heto na naman ako napagitna sa dalawang taong bumibida sa puso ko. Ang taong mahal ko na inaming minahal din ako pero may mahal na ngayong iba. At ang taong mahal ako at umaasa na mamahalin ko.
“sabay kana sa amin franz…parinig mo naman ang golden voice mo. Videoke tayo ni tol renzy.”____ang tanging naisagot ko. Nahirapan din akong pumili kung kanino ba ako sasama.
“sige meg…sabay kana. Marami akong dalang redhorse dito.”____pag alok din ni renzy ky francis.
“ kayo na lang meg…di ako umiinom ng beer. Sige dito na muna kayo dadalhin ko lang to sa kanila.“____at umalis itong bitbit ang dalang empe lights na kanina lang inalok sa akin.
Tampuhang purorot na naman ito…🙁
[]pare mahal mo raw ako?[]…10 #Unwell
Walang pagsidlan ang ligayang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Kasama ko buong magdamag ang lalaking minamahal ko. Hindi ko man madampian ang kanyang labi ng mga halik at mahagkan ang kanyang bisig…kuntento na akong ngumingiti siya at masayang kasama ako. Gusto ko mang maranasan ang nakaraan namin muli. Alam kong hanggang don lang yon. Mahirap ng makipagkumpetinsya…na alam ko sa bandang huli ako rin naman ang iiyak. Sa mga sandaling yon, Ang buong atensiyon at oras ko ay nakalaan lang kay renzy. Kantahan lang kami kulitan at tawanan ni renzy. Kahit na nariyan si maylyn feeling ko solong solo ko si renzy…parang wala ng peding makita ang mga mata kundi siya lang. Hindi paman ako lasing pero parang nakalutang na ako sa ere…lalo na kung aakbayan niya ako habang kumakanta ito.
Nawala sa isipan ko si francis.
1:00am na…
“tol mag aala una na, may naalala kaba?”…______biglang naitanong ni renzy.
Alam ko ang gustong ipaalala ni renzy…
“wala tol…at kung may maalala man ako. Iniisip kong panaginip na lang lahat. Bakit tol ano bang naalala mo ngayon?”____sagot ko.
Unti unting nilalapit ni renzy ang mukha nito sa akin. Ilang inch pa at magtatama na ang aming ilong.
Ang bilis ng panyayari….bigla nalang siniil ni renzy ng halik ang mga labi ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at kinabig ang ulo ni renzy at lumaban ng halikan sa kanya. Ang init parin ng mga halik ni renzy. Muli kong nalasahan ang tamis ng kanyang mga labi. Naramdaman kong nadadala na si renzy sa halikan namin. Nakayapos na sa baywang ko ang mga kamay niya. Nakapikit ako at ninanamnam ang mga labi ni renzy.
Bumitaw ako sa mga labi ni renzy. Nakaramdam ako ng kung ano. Kasama ni renzy si maylyn at mali ang ginagawa namin. Unti unti akong kumalas sa pagkakayakap kay renzy. Naramdaman ako ni renzy at umayos ito ng upo.
“ na mis kita tol. Namis ko ang ganito.“____sabi ni renzy at huminga ito ng malalim.
“subrang na mis kita tol. At higit pa sa pagkamis. Gusto kong oras oras kasama ka. Kayakap. Pero tol…tama naman diba? Mali na itong ginagawa na tin. Paano kong malaman to ni maylyn. Mahal parin kita tol pero…hidi ko kayang siraiin ang pagmamahalan niyo ni maylyn.”_____at tumayo ako pra iligpit ang mga subrang pulutan.
“ sige tol puntahan ko na muna sa cottage si maylyn. Salamat uli tol. Na enjoy ko ang pag overnight dito.“____tinapik ni renzy ang balikat ko, ngumiti at bumalik na sa cottage nila.
Naiwan akong nagliligpit ng mga bote at kalat namin ni renzy.
Pagbalik ko sa cottage namin halos lasing na lahat. Nakaupo na lang sa sulok ang iba kanya kanyang hanap ng pwestong matutulogan.
Hinanap ko si francis. Pero di ko man lang ito na kita.
Nakarinig ako ng mga timpasaw sa pool. Di pa ako dinadalaw ng antok kaya naisipan kong pumaron sa pool upang maligo.
Nag brief lang ako kasi gabi naman. Bitbit ang tuwalya. Pumunta ako ng pool.
Si francis naka floating sa tubig. Nakapikit ang mata. Ako naman ay lumusong na sa pool malamig ang tubig tamang tama pang tanggal ng amats. Lumangoy ako papunta kay francis…ngunit ng mapansin nitong papalapit ako…lumangoy din ito para umahon.
“franz sandali…”___tawag ko
At tumigil ito. Sumandal ito sa gilid ng pool. Hinihintay ako.
At ng makalapit na ako.
“ mukhang mis niyo talaga ang isat isa ah. Ni hindi niyo napansin kung may makakakita sa inyo.“____biglang bungad nito sa akin.
“nakita mo kami?”____tanong ko.
“ harapharapan…akala ko pinakawalan mo na siya? Sabi mo tapos kana. Wala na kayo…pero bakit ganun…sige ka pa rin. Masasaktan ka lang niyan.“,___ galit ito.
“alam mo franz hindi ko alam kung san nanggagaling yang galit at selos mo. Wala kang pakialam kong masaktan man ako uli. Gusto ko ito at masaya ako kahit ilang ulit pa akong iiyak.”____sagot ko .
Walang tanong tanong at hinalikan ako ni francis sa labi. Mariin na halos di ako nakahinga. Agad kong naitulak si francis.
“ yan ba ang gusto mo?!…kaya ko ring gawin yan. At higit pariyan ang kaya kong gawin sayo. Bakit mo pa pinagdidiinan ang sarili mo sa renzing yan.!“____at umiyak ito….
“bakit ka umiiyak?…akala mo ganun lang ka dali pigilan ang nararamdaman ko. Kung gaano ka hirap matutunan ang pag ibig. Mas mahirap matutuhan ang kalimutan ang pagmamahal.”____paliwanag ko. Sumampa ako sa gilid ng pool…tumabi kay francis habang naka lublob ito sa tubig at nakasandal sa gilid ng pool.
“hindi ko alam kung bakit ganun mo na lang ako ka gusto…pangit ako…gwapo ka. Di ko naman kayang ibigay sayo lahat. Alam ko subrang subra ang pagpapahalaga mo sakin. Lahat na halos ng katangiang magugustuhan ng iba. Nasa sa iyo na. Mabait ka, maalaga.. At iba ka kung magmahal. At salamat at isa ako sa nakaranas nun.”____sabi ko sa kanya.
“pero ikaw lang minahal ko ng ganito. Hindi ako tumitingin sa panlabas lang. Mas matimbang sakin ang buo mong pagkatao. Minahal dahil sa alam ko parehas tayo. Nagustuhan kita kasi alam ko iisa lang ang gusto natin. Pero bakit hindi mo makuha akong mahalin. May kulang ba sakin?”____napabuntong hininga ito at hinugasan ng tubig ang mga mata nito upang pawiin ang luha.
“ walang kulang sayo franz…hindi ka mahirap mahalin. Kaso iba ang sinasambit ng puso ko. Si renzy lang at alam mo yon. Ilang ulit kong sinubukan ang sarili ko na magustuhan ko…oo ipokreto ako kung sasabihin kong hindi. Nagustuhan din kita sa ibang paraan. Pero sadyang ibang hinahanap ng puso ko…at natagpuan ko yon kay renzy. Hindi ko alam kung bakit. Ako man franz hindi ko alam kong bakit pagdating kay renzy nagkakaron ng kulay ang mundo ko. At kahit nasasaktan ako dahil may mahal na siya. Ok lang sa aking mahalin siya sa paraang alam ko. Handa akong lumuha ng paulit ulit. At walang sino mang peding pumalit don. Sabihan mo na akong gago…pero yon ang totoo franz. Baliw ako pag dating kay renzy.“______paliwanag ko kay franz.
Nanlamig ako ng may lumapat na kamay sa balikat ko.
“salamat tol…”_____si renzy
Hindi namin namalayan ni francis….na nasa likod na namin si renzy. At kanina niya pa pala naririnig ang usapan namin ni francis.
Lumingon si francis…nakita ko sa reaksiyon ni francis ang pagkabigla at hiya. Hindi ito naka pag salita at yumuko na lang ito at nakikiramdam sa mga susunod na mangyayari.
“nakatulog na si maylyn. At nang makita kitang papasok dito sa pool sinundan kita tol…narinig ko lahat. At meg wag mo naman sanang bastosin si ramboi.hindi sa ganong paraan pinapakita ang pagmamahal. Mahal mo siya diba meg. ? Sana matuto kang rumespeto.”______biglang bungad ni renzy at umupo ito sa tabi ko.
Nasa kaliwa ko si francis na nakalublob sa pool. Sa kanan ko naman si renzy na nakaupo sa tabi ko at nakalubog ang mga paa sa tubig.
Lasing na si renzy…at mabigat na ang mga binibitiwan nitong mga salita. May pinaghuhugutan naman si francis…kinakabahan ako baka magpang abot ang dalawa…buti na lang nasa gitna ako.
Dalawang tao….may naghahangad ng puso ko. At may inaaalayan ang puso ko.
“hindi ko binabastos si ramboi. Malaki ang respeto ko sa kanya. …”____sabat ni francis at lumangoy ito palayo sa amin. Tinungo ang kabilang bahagi at umahon na ito. Hindi na lumingon pa si francis at tuloy tuloy itong lumabas sa pool area. Naiwan kami ni renzy…. Hindi ko alam kung saan ako papasok sa sinabing yon ni renzy. Feeling ko ipinaglaban ako ni renzy.
“sorry tol…alam kong nahihirapan kana. Sorry kasi ginulo ko ang nararamdaman mo. Mahal rin kita tol…bilang isang espesyal na kaibigan. Malaki ang parte mo dito sa puso ko tol. At kahit may ibang laman na ito. Hinding hindi kana mabubura dito. Gusto kita kasi totoo ka. Galit ako sa mga bakla tol. Pero ng makilala kita binago mo ang pananaw ko. First time ko nakipag halikan sa lalaki tol. At sayo ko lang yon ginawa. Hindi dahil trip ko kundi gusto ko at gusto kita.”____sabay hinawakan ni renzy ang kamay ko.
Sumikip ang dibdib ko parang gusto kong humiyaw ng di ko alam kung bakit. Nabasa ko sa mga linya ni renzy na wala na talagang chance pa na maging kami. At tanging kaibigan na lang ang kaya nitong ibigay.
No string attached ika nga ng iba.
Hinayaan ko lang na magsalita si renzy. Kinabig ni renzy ang balikat ko at pinasandal ako sa dibdib niya. Pinawi ni renzy ang ginaw ko sa gitna ng malamig na gabi…ang init ng katawan ni renzy. Kuntento na ako sa simpleng pagdampi lang ng balat ni renzy sa balat ko.
“tol masasanay ako ng ganito. Mamimis ko na naman ito tol. Bakit mo ba pinararanas sakin lahat to tol?…sa tuwing ginaganito mo ako mas lalo kitang nagugustuhan. Gusto kong pigilan to…dahil mas napapamahal kana sa akin tol.”____sabi ko.
“ hindi kita sina sanay tol…binibigay ko lang sayo ang sagot sa mga tanong mo. At hindi kailangang pigilan yang nararamdaman mo dahil alam ko diyan ka masaya. At isang karangalan na minahal mo ako. Hindi ko man kayang ibigay ang relasyon na pangarap mo. Maramdaman mo man lang na mahalaga ka rin sa puso ko.“_____at hinalikan ako ni renzy sa ulo.
Gusto ko pa sanang sulitin ang mga sandaling yon kasama si renzy. Ngunit para sa akin sapat na ang mga salitang yon ni renzy.
Nauna ng lumabas ng pool si renzy para tingnan si maylyn. …
Patapos na ang mga oras na makikita ko si renzy…sa pangalawang pagkakataon muli na naman kami magkakahiwalay ni renzy. Nakakalungkot pero di na ganun kasakit. Magkawalay man kami…magkarugtong naman ang mga puso namin.
May sama ng loob si francis. At bago pa man kami bumalik ng bacolod. Dapat wala na ang gap sa pagitan namin.
Hinanap ko si francis. Nakatalikod itong nakahiga sa isang bangko. Lumapit ako sa kanya.
Naging maayos na sa amin ni francis ang lahat. At tinanggap na nito kung hanggang saan lang kaya kong ibigay sa kanya. Hindi parin bumibitaw si francis sa nararamdaman niya sa akin. Naging mas malalim narin ang pagiging magkaibigan naming dalawa.
Pilitin ko mang ibaling kay francis ang lahat…mas nangingibabaw parin sa puso ko si renzy.
At naintindihan yon ni francis. Mas pinili naming magpakatotoo sa mga nararamdaman namin ke sa sundin ang mga libog namin.
Hanggang ngayon magkaibigan parin kami ni francis. Araw araw magkasama kaming lumalabas…umiinom. Bless ako sa pagkakaroon ng mga taong nagmamahal sa akin. At isa na rito si franz. Di ko man buong na susuklian ang kanyang pagmamahal sa akin. Pinaramdam ko na man sa kanya na hindi siya mahirap ibigin. Sadyang na una lang sa puso ko si renzy.
Ngayon magkakasama na kaming tatlo sa iisang trabaho. Kung may nag bago. Oo marami. Si francis naging bestfriend ko narin…si renzy kumpare ko na. At naging ninong sa anak nila ni maylyn. Tanggap ko na kung ano ang kapalaran ko sa pag ibig. Magmamahal masasaktan. Masasanay, naiiwan. At lahat na halos ng minahal ko kasama na si renzy ay pag aari na ng iba. Pangit mang sabihing nakikihati ako. Pero yon talaga ang buhay pag ibig ko.
Sa pagsara ko ng pahinang ito. Sana nagustuhan niyo. Hindi ko matapos tapos itong kwento…dahil wala namang wakas sa tunay na estorya ng buhay. Bawat araw na kasama natin ang mga taong mahal natin…bumubuo tayo ng kwento…kwentong tanging tadhana lang siyang makakapag bigay ng tamang ending sa takdang panahon.
#BawalNaMgaSandali Ito ay karugtong ng mga pangyayari sa amin ng kumpare ko. Ang mga araw at oras na kung pwede lang sanang balikan at baguhin. Sisimulan ko ito noong November 30, 2015.
#NeonLights
Nagplano kami ng mga ka work mate ko na mag murcia kasi nga upining ng fiesta nila. So yon early palang nag undertime na kami and then go off to murcia na. Niyaya ko nong maaga pa si pareng renzy…pero sabi niya di raw siya pedi kasi may lakad sila ni maylyn, asawa niya. So di na ako nag pumilit pa. Bale lima kaming nandon…si bestpren franz si marc ang bago naming guard na si webster, ako at si irish.
Itong si bestpren ko panay ang tukso sakin kay webster. Ewan ko ba pero malakas ang hatak ko sa mga guard. Magaling sumakay sa mga biruan at tuksohan tong si webs. Kaya habang nag hihintay kami ng jeep pa murcia. Naghoholding hands kami ni web na para bang mag partner bah. Slight kilig pero friendz lng talaga kami nito…walang halong malisya…libog lang.
Di gaanong punuan ang jeep kaya harutan kaming tatlo.
“ bud…pano ba yan akin kana.“__sabi ko habang nakahawak sa palad nito.
“ basta ba wag mo akong ubusin…ok lang.“____sagot naman ni webster.
Tawanan kami parang solo namin ang jeep. Pero pansin din namin na napapatawa rin namin ang mga pasahero.
“ bestpren…selos ako alam mo ba. Harap harapan pa talaga ha.“___sabat naman ni francis.
“ yaan mo na si ram franz…pahiram mo naman siya kay web“___dugtong pa ni irish.
Wala basta harutan lang kaming lima. Malapit na kami sa murcia kaya tinanong ko si webster kong san ba ang kanila. Kina webster kasi ang punta namin.
Malapit lang pala…ang kanila sa plasa. Pero bago pa kami pumunta sa kanila nag batchoy muna kami.
Nang matapos naglakad lakad muna kami ng plasa…abala pa ang lahat sa pagaayos ng mga puno pra sa opening lights later ng gabi.
Bumili kami ng ilang tshirts sa ukay ukay. Tapos sumakay na kami ng tricycle papunta kina webster.
Bandang 3pm na kami nakarating sa kanila.
May kalakihan din ang bahay nila webs…gawa sa semento kaso di ganon ka tapos. Napag alaman ko kay webster na only child pala ito kaya naghahanap ng brotherly love…so yon nag offer naman ako.
“ nay mga kasamahan ko nga pala. Si mark si irish si frans at si ram…“____pakilala ni web sa min sa nanay nito.
“ kayo na muna dito doy(palayaw ni web)…may parada kasi kami mamaya.____sabi ng nanay nito.
So yon naiwan kami.
“ feel at home lang kayo mga pards ha. May mga cd diyan baka gusto niyo mag movie. Bibili lng ako ng ulam at makain natin.“____sabi ni web
“ ako na bud…taga murcia din tp kaya ako na bibili…kaw na bahala sa kanila.“___presenta naman ni mark.
Hindi naman nag pahuli tong si franz at sumama kay mark palibhasa may crush at gusto pa masolo si mark….ayaw naman ma leftover tong si irish kaya kumabit din. Kaya ayon tatlo silang naglakad…
“ tamang tama bud tulungan mo ako don sa likod bahay. Kukuha ako ng buko.“____at yon tinungo namin ang bukol…i mean ang buko nila webs.
Pagdating namin sa likod bahay. Agad naghanap ng peding ma sungkit na buko si web. Kaso walang pedi sa mga mabababa…kaya tinungo nito ang matataas at sakto may na silat siya.
“ mahirap hirap tong akyatin bud….anu kaya mo?“___tanong niya.
“ dito na lang ako sa baba bud. Isa lang kasi ang kaya ko.“____sabi ko.
“ ang ano bud?“____may pilyong ngiti itong nakatitig sa akin.
“ ….kaya ko lang…ang mahalin ka bud.“_____pasempling hirit ko kay web.
Kita kong namula ito….
“ oi kinilig siya….pa kiss nga bud“____at walang malisyang hinalikan ko si web sa pisngi.
“ sabad simo ram ah…masaka na lang ko gani basi ako pa karun sakaan mo.“_____at tumawa ito.
Hindi paman naka akyat si web…naghubad ito ng tshirt…. At ng makita ko ang katawan nito napa lagok ako ng laway….pang kama ang kurte ng katawan nito….putok ang dibdib nito na parang batak sa gym…paksit may abs pa….parang hunk si webs sa ayos nito…topless at naka maong pants …..nakakawala ng katinuan.
Napansin ako ni web.
“ bud laway mo abot na sa lupa. …hintayin mo ako dito ako bahala sayo mamaya.“_____sabay pwesto sa harap ng niyog at umakyat na.
Bandang 6 pm ng bumLik kami ng plasa manood kmi ng sabayang pa ilaw sa puno. Sakto pa kasi my torch parade.
Parang ayaw ako pakawalan ni web…nalaging naka akbay sa akin. Gusto ko rin naman yon. Pero para kasing naiilang ako.
“ ahai la ko ya pair bah…mapuli na lang ko ah.“____biglang pasok ni irish.
Napalingon ako.natawa na lang kami ng mapansin naming si irish lng pala ang walang ka pares…si mark at franz kasi magka akbay rin.
Kaya para di naman ma o.p. Tong si irish kimalas ako kay web…at umakbay ako kay irish.
Malalim na ang gabi at hudyat na ng sabayang pagpapailaw sa plasa. Nasa bandang palaruan kaming lima. Ng biglang namatay lahat ng ilaw….akala namin nag brown out.
At ilang sandali pa sabay na nagliwanag ang mga christmas lights sa mga puno. …kasabay ng paliwanag ng paligid….isang lalaki ang saktong tumapat sa mga mata ko. Pagka ilaw si pareng renzy agad ang unang nahagip ng paningin ko…nakatitig ito sa akin na may di mapaliwanag na ngiti…
Lumapit si renzy sa amin.
“ grabe pre ah…ikaw agad ang nakita ko pagbukas ng ilaw…ah.“____sabi ni renzy at yumakap sa akin.
“ akala ko nga kamukha mo lang pre…oh kala ko ba may lakad kayo ni asawahon mo. Bat nandito ka?“____tanong ko.
“ pre lipat ka?…taga murcia din kaya si kumare mo, diba?“___sabi pa ni renzy.
“ hahaha nakalimutan ko pre…oh san na siya?“___tanong ko.
“ nasa loob sinamahan ang kapatid nito na nag majoret kanina“___sabi ni renzy.
Napasarap ang usapan namin ni pareng renzy na para bang kakakita lang namin sa isat isa.
Nakalimutan ko na sila web. Kaya nong nagpaalam na si renzy.nilingon ko sila web.
“ sige pre kita na lang tayo mamaya…inuman tayo. Balik kana kina irish. MukhAng iniwan kana nila oh.“____turo ni renzy salikod ko
At ng lumingon ako wala na sila….
Walang alam ang mga bago kung kasamahan about sa amin ni pareng renzy bukod kay francis….kasi nga secret lang ang namamagitan sa amin ni renzy. Tanging ang alam nila magkumpare lang talaga kami nito.
Kaya maging si webster walang kaalam alam. So yon nga paglingon ko wala na sila irish at webster.
“ oh sige pre hanapin mo na sila…kita nalang tayo mamaya gah.ingat“____sabay tapik sa balikat ko at umalis na nga si pareng renzy.
Marami rami narin ang tao non sa plasa kaya nahirapan akong hanapin sila irish…ei tetxt ko na sana si francis ng bigla namang pumasok ang text mula kay webs.
“ bud nandito lang kami sa tapat ng municipal hall. Punta ka dito…“____sabi sa text ni webs
Hinanap ko ang kinaroroonan nila web. At yon nakita ko rin sila.
“ akala ko ba, hindi pupunta dito si renzy…buti nag kita kayo ram. Kumpleto na gabi mo.“____biglang lapit ni franz at bumulong sakin.
“ nakalimutan kong taga rito nga pala ang asawa niya…mamaya inum tayo sa loob hanap tayo ng kiosk.“____sabi ko.
“ bud…samahan mo muna ako sa bahay. May kukunin lang ako.“____sabi ni web.
“ samahan mo siya mark …kami na lang ang maghihintay sa inyo dito.“____sabi ko.
Ang totoo ayaw ko talagang sumama kay webster kasi ang nasa isip ko si renzy…kung pano kami magkikita mamaya.
“ ikaw na tol…punta pa kami nitong si irish sa peryahan. Sama kaba franz.?“_____sabi naman ni mark
“ sige na bestpren…samahan mo na si webster.para makabalik kayo kaagad.“____sabi pa ni francis at kinindatan pa ako.
Magkatabi kami ni webs sa tricycle papunta sa kanila.
“ pedi lang naman lakarin ang sa inyo bud bakit nag trike pa tayo?“____tanong ko.
“ para madali tayong makabalik.“___sabi niya.
“ siya nga pala bud…magkumpare lang ba talaga kayo ni renzy?,…sa mga lambingan niyo kasi sa trabaho at sa mga titigan niyo. Parang may something kayo ei. Minsan pa nga napansin ko…sabay kayo lagi kumain. Nag aantayan kayo. Tapos madalas ang lapit niyo sa isat isa pag nag uusap. “____naisingit pa ni webs
“ teka nga lang bud…binabantayan mo ba kami ni pareng webs?,…naku bud walang ganun. Magkumpare lang talaga kami. At kung subrang close man kami kasi nga matagal na kaming magkaibigan. Ganun lang talaga ako sa mga kaibigan ko malambing.“_____at pasemple kong pinatong ang ulo ko sa balikat ni webs.
“ pssst nasa labas tayo bud umayos ka. “____sinaway ako ni web….at umayos din naman ako.
Narating na namin ang kanila.
“ pasok ka muna bud. Magpapalit lang ako ng damit. At kukuha na rin ako ng bala.naiwan ko kasi pitaka ko.“____at pumasok na ito.
Nakaramdam ako ng di maganda sa tiyan ko kaya naghanap ako ng cr. Hindi na ako nag paalam pa kay web at tinungo ang banyo para makapagbawas.
Narinig mula sa loob ng banyo ang pagtawag sakin ni web…kaya nagmadali ako at lumabas.
“ oh akala ko ba magbibihis ka bud. Bat naka hubad kapa niyan. Bilisan mo na baka hinihintay na nila tayo.“____sabi ko kay web nang makita ko itong nakaupo sa tapat ng electricfan na naka boxer lang.
May balak pa atang akitin ako ng loko. Akala niya trip ko.
“ saglit lang kita mo nagpapahangin ang init kaya.“___sabi niya
“hala…ang lamig kaya sa labas. Kung ayaw mo pa…mauna na ako sa labas bud. Mag aabang na muna ako ng tricycle…taz ikaw bilisan mo na.”____sabi ko.
Akmang palabas na ako ng tumayo mula sa pagkakaupo si web…at hinarang ako. Nagulat naman ako sa ikinilos ni web. Nakatingin lang ito sa akin…as in eye to eye…kaya medyo na ilang ako. Nagtaka…kinabahan. Hindi ko mabasa ang nasa isip ni web…pero nakatunog ako.
“ oi bud kung ano man yang binabalak mo…bawal ngayon. Naka red alert ako.“____biro ko para pakalmahin ang nararamdaman kong kaba.
“ bud gusto mo ba ako?,…“____unti unti na itong lumapit sa akin.
“ yugz bud…tarung balah…daw ginakulbaan ko simu., mapuli nalang ko karun.“____sabi ko.
“ gusto mo ba ako bud?,…“_____ulit pa niya.
Halos magkatapat na ang mga mukha namin…pinagpawisan na ako sa mga kinikilos ni web. Di ko alam kung seni seduce niya ako o pinagtritripan lang.
Sanay ako sa mga biruan…pero pag naunahan ako ng kaba…para akong malulunod sa tensiyon.
“ sagot bud…gusto mo bah akooh?“____isang ulit niya pa.
Half inch nalang yata ang pagitan ng mga mukha namin ni web…ramdam ko na ang mga buga ng hininga nito. Lapit na lapit.
Gusto kong itulak palayo si web pero parang nacorner ako na hindi….pedi naman akong umatras o umiwas…pero parang pinako ako sa kinatatayuan ko at tila hinihintay pa nga ang paglapit pa ni web.
“umayos ka bud…baka hindi kita matantsa at mahalikan kita.”___sabi ko…para mata uhan siya at lumayo.
Akala ko lalayo siya dahil sa sinabi ko. Pero mas na gulat ako ng inilapat niya ng tuluyan ang mga labi nito sa mga labi ko. Hinalikan ako ni web…hindi lang basta smak…feel na feel na halik. Turid kiss. At sino ba ako para tumanggi sa digmaan….nakipagbakbakan din ako ng halik kay webs. Grabe ang lambot ng mga labi niya. At ang galing niyang humalik…halos mawalan kami pareho ng hangin sa tindi ng halikan namin.
Sa subrang entense ng laplapan namin ni web…napayakap na kami sa isat isa. Ang init ni web. Nakakapaso ang kainitan niya.
Muntik na kami madala sa isat isa ng…may tumawag mula sa labas…
Ang nanay ni web. Kakarating lang.
Nagayos kami pareho ni web. Nagkailangan.
Naunang lumabas si web pra sunduin ang nanay nito. Ako naman sumunod at lumabas ng kalsada para mag abang ng tricycle.
Wala kaming kibuan ni webster sa tricycle hanggang sa pagbaba namin. Napansin nila francis ang biglang pananahimik namin ni webster.
“ oi anung meron bat parang naka mute kayo pareho?“___puna rin ni irish
“ ano ba kasi ang kinuha niyo buddy…bakit tahimik kayo.“___sabi pa ni mark
“alam ko na…uminom tayo don sa loob…maya maya lang magsisilabasan rin yang mga dila niyo.”___sabay hatak sa akin ni francis sa loob ng plasa.
Puno ang mga mesa sa bawat kiosk …kaya nag hanap pa kami ng mas maluwang. Ng may umakbay sa akin…
“ pre ram kala ko umuwi kana. “___si pareng renzy at tila may kunting amatz na.
“pre parang nakarami na tayo ah. Kaya mo pa ba? Hinay hinay lang pre ha. Nakamotor kapa namn.”___sabi ko.
“ don tayo pre…kami lang naman ng pinsan ni kumare mo ang nandon. Join na kayo ron para safe kayo.“____sabi ni renzy na tuloy parin sa pag akbay sa akin.
Hindi ko alam kong sumunod sila francis. Tatlo lang sila renzy ang nasa mesa. Marami na rin talaga angbnainum nila kasi halos patulog na rin ang isa pa nitong kasama.
“ si maylyn pre…nasan?,kala ko ba magkasama kayo?“___tanong ko.
“ umuwi na pre…sinamahan ang anak namin. Siya nga pala pre mga pinsan ni misis…cas si pareng ram nga pala..kasamahan ko sa trabaho.“____pakilala ni renzy.
“oi ram bat ka nang iiwan?…hi renz gandang gabi. Mukhang gudz na ata ah. Walang pasok bukas?”____pasok ni irish.
“mga cas si irish…si franz…si mark…at si webster guard namin. Absent ako bukas rish…may lakad kami ni partner ei”____sabi ni renzy.
So yon simula na ang tagay…pero tahimik parin kami ni webster sa isat isa. Nanuyo na ang mga laway nila franz sa kakakwento pero di parin kami nag kikibuan ni webs…kung bakit di ko rin alam. Halos lasing na lahat.
“cas maiwan kana namin…pahiram na lang ng motor mo hatid ko lang tong pinsan natin. Mag tricycle kana lang pag uwi mo.”____pagpaalam ng mga kasama ni renzy.
Malalim na ang gabi…naparami narin ang inom namin kaya nagkayayaan ng umuwi.
“ pre don kana sa bahay matulog…closing ka naman bukas .hatid na lang kita bukas.“___pag alok ni pre renzy.
“bud…ako na bahala kay ram sa bahay na sila matulog hatid kana lang namin sa sakayan”_____si webster.
Aba at nagsalita rin.
Pero siyempre i choose my love kaya kay pareng renzy na ako sumama.
Nakita ko ang pagkunot noo ni webster pero binalewala ko lang yon. At ang nangyari sa amin. Malamang may kasunod yon….at ei update ko kayo mga pre.
Don ako matutulog kina pareng renzy…Medyo badtrip nga lang kasi hindi kami magkatabi ng kumpare ko. Haist …sana ako na lang ang asawa😏
#SurpriseInABox Baw budlai man gid kung buot ah…
Gandang gabi mga pre…kakauwi lang from work and guess what libre hatid ako ni bud webster…kahit alang duty. Pumunta pa ng trabaho para sunduin ako. At nagdala pa ng raider niya. Gusto rin mag pa empress.
“ bagong wheels natin bud ah. May ka date?“____sabi ni pareng renzy.
“ susunduin ko lang si bud ram,.“____sabi ba naman ni web kay renzy….nagpaparinig
“ san ang plano? Mukhang may lakad kayo ah…pedi maki sabay?“___tanong ni renzy.
Nakikinig lang ako sa usapan nila. Di ko alam kong nagbibiro lang tong web na to.
At nang isa isa ng nagsi uwian ang mga kasamahan namin. Nagpaalam narin ako.
“ pre mauna na ako ingat sa pagmomotor ha, uwi agad baka dumaan kapa sa mga kiosk don“.___sabi ko kay pre renzy.
“ hatid na kita pre…malapit lang naman ang sa inyo. Angkas na.“___alok ni pre renzy.
Aangkas na ako ng mag alok din si web.
“ dito kana bud…ako na maghahatid sayo. Bud ren ako na bahala sa kumpare mo safe siya.“____ alok din ni web.
Napaisip naman ako. Buti na lang si pareng renzy na ang nagparaya. Hirap pumili.
“ ok pre…sumabay kana sa kanya. Parang uulan pa naman. Baka maabutan pa ako sa daan. Next time ako naman hahatid sayo.“___sabi ni pre renzy.
“ sige pre ingat na lang text mo ako pag nakauwi kana. Ingat sa daan pre.“___sabi ko.
At yon umalis na nga si pre renzy pero malaman ang iniwan nyang ngiti… Selos?
Naiwan kami ni web.
“ so bud…tara uwi na tayo“____at sumampa na ako ng motor niya.
Kinakausap ko si web habang naka angkas ako pero di man lang ito sumasagot….nagtaka ako parang hindi papunta sa amin ang takbo namin. Umikot ito at tinatahak namin ang lacson street.
“ bud anong gagawin natin sa lacson. Kala ko ba hatid mo ako.?“____sabi ko.
“ basta ako bahala sayo bud. Salig lang balah“___sagot niya.
Lumiko kami bandang mcdo…at pumarada sa tapat ng grenos.
“ anong gagawin natin dito bud?“___tanong ko.
“ ma check in…syempre kakain…diba pizza bar ito?kaya tara na sa loob bud. Gutom na ako.“____sabi nya at pimasok na kami.
“kaya nga bud…pizza bar nga to. Pero di mo ako sinabihan wala akong dalang bala ngayon.”____sabi ko.
“ ako nga bahala. Steady ka lang akin to. Gawin mo lang samahan ako at kumain kasama ako. Gets?“___at pumasok na kami.
Naghanap kami ng pwesto at sa bandang gilid kami nakahanap medyo kunti lang ang tao kaya…parang nasa private place kami.
Saka umorder na si web.
“ bud family talaga?, dalawa lang tayo…maubos kaya natin yon?“___sabi ko.
“ eh di pulutan natin ang iba. Wait lang bud kuha tayo ng bucket.“___at omorder pa ng isang bucket.
“ ano ba meron bud?“___tanong ko.
“aniversary natin hehehe…birthday ko bud…wala naman akong gaanong ka close na kaibigan dito.kaya ikaw ang naisipan kong isama ok bah?”_____sabi pa niya.
“birthday mo pala bud.happy birthday…di kaman lang nag pa abiso sana napagbalot man lang kita.”___sabi ko.
“ greet lang bud…walang kiss?“___hirit ni web at itinapat ang nguso nito sa akin.
“ umayos ka bud… Baka may makakita. Mainggit pa sa atin…mahirap na. Alam mo naman ako mapagbigay“____sagot ko.
Tawanan kaming dalawa. At heto na nakahain na nga ang inorder nitong family size pizza at isang bucket ng redhorse.
“ grabe bud feeling special pala ako ngayong gabi. Biro mo birthday mo tapos ako lang ang inimbita mo. Alam mo kung babae lang ako at boypren kita….kinilig na ako. Kaso ibang kilig ang nararamdaman ko ngayon eh…“____sabi ko
“ bakit anong kilig yan bud?“___tanong niya.
“ kinikilig ako dahil parang ihing ihi na ako kanina pa…san ba dito cr nila bud?“____biro ko
“ kaw talaga bud walang klaro. Don ka sa may labas daming poste don.“_____nakangiting sabi ni web.
Di naman gwapo si web…pero malakas ang hatak ng mga mata niya at pulang labi. Wala naman sa standards ko ang mukha. Kundi nasa puso. Kaya nga magaan ang loob ko kay web.
Kumportable akong binibiro siya…at kahit madalas nachachansingan ko siya eh parang ok na rin lang sa kanya. Kahit nga niyayakap ko siya madalas pag breaktime. Ok lang. Kampante naman si web sa akin. Malambing lang talaga ako sa lahat…kaya mas naging open ako sa pagiging bi ko.
Pero ganon parin i set my limits. Para naman di mawala ang respeto nila sa akin.
Biglang na open up ni web ang nangyaring halikan namin ng sabado sa kanila. Akala ko wala lng yon…na trip lang…pero binigyan niya pala yon ng malalim na kahulugan.
“ wala naman bud. Nagulat nga ako ng hinalikan mo ako bigla. Dahil sa magaling ka kaya lumaban din ako. Pero para sa akin trip lang yon. Tama ba?“___sabi ko.
“ akala ko gusto mo ako bud?,..kaya hinalikan kita. Di karin tumutol kaya akala ko tayo na“___nabulunan ako ng marinig ko yon kay web. Ganun kami na agad. Wala akong naramdaman na something kay web. Friends lang talaga kung nilalambing ko siya…at masyado akong close sa kanya. Dahil lang yon sa mabait siya at magaan ang loob ko sa kanya.
“alam mo bud…gusto lang kita kasi kaibigan kita…mabait ka…masaya kang kasama.magaan ang loob ko sayo. Higit pa ron…ayaw ko muna bud.”____sumeryuso na ang usapan namin.
“ bakit ayaw mo?,…pano kung gusto ko?,pano kung gusto rin kita?“____sabi pa ni web.
“ kaya nga paano bud…di ka sure. Nakailang relasyon na ako….mapa lalaki o babae walang tumatagal. Daan lang ang maikling sandali ng kaligayahan…tapos iiwanan karin lang sa kalungkutan.kaya malabo yan bud“_____sabi ko.
Mukhang nalasing ako hindi dahil sa beer kundi sa usapan namin ni web…sumakit ulo ko.nanikip pa dibdib ko…flashback mode..kainis.
“hindi na ako bago sa relasyong ganito bud. Nagkarelasyon narin ako sa mga katulad mo. Pero lahat ng yon dahil sa pera. Kaya sabi ko subukan ko rin kayang magmahal ng puro puso lang at walang bayad.”___pag open pa ni web.
“ pang tester lang pala ako ganun bud. Pano pag di mag work…wala? Luhaan na naman ako? Naku bud hanggat maaga gumising kana. Walang tayo walang ako…maghanap ka ng bagay sayo.“____sabi ko.
“ baka nga ikaw ang hanap ko bud. Hindi mo ba halatang nagugustuhan ko lahat ng mga ginagawa mo sa akin. Kung mga iba lang ang nanghihipo sa akin malamang nasapak ko na. Ewan ko nga rin ba bud pero parang magaan din ang loob ko sayo. At mas lumalim yon ng hinalikan mo rin ako. Iba ang nararamdaman kong yon.“____sabi pa niya.
Di ako mapakali sa kinauupuan ko. Parang pinagpapawisan ako sa mga pinagsasabi ni web…hindi ako naka paghanda. Ako yata na surprise ng birthday niya.
“ web bud…lasing ka lang siguro. Tandaan mo lalaki parin ako at lalaki karin. Kahit anong pilit man nating maging tayo. Darating ang araw na may iiyak parin. Maaring ako o ikaw. Tandaan mo bud kailan man ay di kayang pagdikitin ang negative at negative ng magnet. Babaliktad din ito kung saan naron ang negative upang itoy kakapit.“____sabi ko.
Ikweninto ni web sa akin ang mga past sexperience niya sa mga bakla. At ganun rin ako…nag share ako ng mga karanasan ko rin. Maging ang minsang nakarelasyon ko ring guard na si macoi. Syempre di ko na denitalye ang about sa amin ni pareng renzy.
Sa totoo lang gago talaga pag dating kay renzy…ngayon meron ng single na willing maki pag jingle sa akin sige parin ako sa kumpare kong si renzy. Na alam ko namang lugi rin naman talaga ako. Naku puso nga naman. Ang hirap turuan.
Pagkatapos namin ni web…hinatid niya na ako sa amin.
“ pano yan bud…salamat sa time ha. Alam ko hindi man sa ngayon malay mo bukas. Kaya bago ka matulog isipin mo ako bud. Kita tayo bukas duty na ako.“____sabi ni web
“ salamat din sa pakain bud. friends na muna tayo bud…hayaan nating ang panahon ang mag pasya.. Sige bud ingat sa pagmomotor naka inum kapa naman. Kitakits bukas bud.nyte.“___sabi ko
“ nyte din bud.salamat“____at umandar na rin ito palayo.
Papasok na ako sa amin ng maaalala ko ang cp ko. At ng buksan ko. Anim na miscol galing kay pareng renzy at limang text galing sa kanya.
“pre gah…nkauwi na ako.kaw naka uwi na bah?”_____unang text.
“ pre tumatawag ako. Grabe busy lang?…san ba kayo nagpunta?“____ikalawang text
“pre….walang reply? Sagutin mo naman tawag ko?”_____pangatlong text.
“ sige pre enjoy mabuti…sana happy ka ngayon. Absent ako bukas…“_____pang apat na text.
“ walang reply …hindi man lang sumasagot. Iba na talaga pag may nilalaro ng iba.enjoy pre!“___panglimang text.
Agad din nman akong nagreply….putcha expired na pala ako. Pano to?
Alam kong galit sa akin ang kumpare ko,. Bagamat nag aalala ako,.binalewala ko iyon at pinilit na makatulog. Iniisip ko ang maaring mangyari kinabukasan.
Sunggod gid kumpare ko ba.
Bored wednesday. Ang tamlay ng araw ko. Natapos ang shift ko na parang wala lang nangyari. Kulang ang araw ko. Wala si palalabs ko. Nag absent nga ang pareng renzy ko. Di ko maintindihan pero parang na guilty ako.
Maaga palang punta agad ako kanina sa malapit na tindahan para magpaload at ma text si pareng renzy.
Di pa man ako nakapag text heto inunahan na ako ni renzy.
“pre gud morning. Muztah ang date enjoy bah. Absent ako ngayon masama ang pakiramdam ko. Kaw na bahala pre. Kumain kana bah?”____ text ni renzy.
Agad din naman ang reply ko.
“ pre gud aga din. Sorry di ko na sagot tawag mo naka silent kasi…di rin kita na reply kasi ala akong load…sorry talaga pre…sige pahinga ka lang diyan. Kain mabuti pre.“____reply ko.
“ asus salamat sa concern pre. Masama lang talaga pakiramdam ko. Yaan mo bawi ako sunod. Pacencia di kita mahahatid mamaya.“_____sagot niya.
“ ok lng pre. Basta pagaling ka lang diyan. Sayo ako babawi pag balik mo. Sige pre magaayos muna ako…baka ma late pa ako. Tawagan kita later. Ma mis ko nanAman kumpare ko bah.“____text ko.
“ gudz na pre salamat. Ingat dyan pre. Mis u too pre. Halong permi.“___last reply niya.
Alam ko kahit yon ang text ni renzy na parang ok lang. Ramdam ko na hindi ok si renzy. 5 years na kaming magkasama at kilala ko na tong kumpare ko.
Maaga akong pumasok. At pagbungad palang sa entrance…nakangiti na si webster sa akin. Siya ang naka duty na guard sa araw na ito.
“ gud morning bud.muzta ang morning?“____pagbati nito sa akin
“ gudz lang bud. Nandiyan na ba si maam?“___sabi ko.
“kanina pa bud. Nasa loob na. Wat tym break mo bud sabay na tayo mamaya.”___sabi ni web.
Tumango lang ako at tumuloy na sa loob.
#Dec022015
#FoodForTheHeart
After ng christmas party namin tuloy uli ang kwento ko.
So yon na nga naging mas close pa kami nitong si webster. Pero wala naman akong na feel na ibang spark sa pagitan namin. Pero ewan ko kay web parang unti unti niyang nilalagyan ng kulay ang mga pagbibiro at paglalambing ko sa kanya. At hindi naman pinalampas ni pareng renzy. Kahapon nga nagkasamaan kami ng loob ng kumpare kong ito. Si webster kasi ang sinamahan ko ng mag break kami. Hindi ko alam kong nagselos si pareng renzy. Di naman kasi ganon ka vocal ang kumpare kong ito sa nararamdaman niya. Kahit kasi masakit ang tiyan nito naka tawa parin.
Bale magkasabay dapat ang break time namin ni pareng renzy kahapon. Kaso may pinagawa si maam sa akin kaya naunang mag break si pareng renzy.
Dati naman kasi pag nauna siyang mag break ito palagi ang linya niya.
“ pre sabay na tayo kakain ha?,hihintayin kita…“____at ito rin ang ine expect ko sa kanya kahapon. Kaso wala eh… Di man lang niya ako pinuntahan at niyaya na magsabay kami. Kaya yon sabi ko baka kumain na yon at iba ang kasama.
Nang makapag break na ako.. Hinanap ko si pareng renzy. “ nakita mo ba si pareng renzy koyz?“___tanong ko kay mark. “ nasa kapehan ni melai …kasama si bol jun.puntahan mo na lang sila ram.”___sabi ni mark.
Di na ako pumunta sa kanila kasi nga gutom narin ako. Mag isa akong nagpunta ng foodcourt ng mall para bumili ng ulam. Ng naroon na ako. Kasi nga naman ako lang naman mag isa…naisipan kong don na kumain.
Pa umpisa palang ako ng kain ko ng may humawak sa balikat ko. At nang liningon ko…si webster pala. Dayoff nya kahapon.
“oi bud, ikaw pala?…ayos ng porma ah…san gala natin?”____tanong ko at siya namang upo ni web sa tapat ko. “ wala lang bud…dayoff kasi kaya.nagpapa aircon lang dito. Buti nakita kita. Out mo na?“____sabi niya. “breaktime pa lang bud…pero parang balak kong mag undertime. Na badtrip ako ei”___sagot ko.
Sa totoo lang naiinis ako kay pareng renzy…hindi man lang ako hinintay. Ako pa yata tong nagselos.
“teka lang bud oorder lang ako. Sasabayan na kita kumain.”____at yon nga nag order na si web.
Narito naman si web may kasama na akong kumain pero nasa kay pareng renzy ang isip ko.
Hindi kami masyadong nag uusap ni web habang kumakain. Hindi ko naman kasi hilig makipagkwentuhan pag may laman ang bibig ko lalo na di ko feel ang kausap ko. Sa totoo lang ok naman si web. Kaso meron kay pareng renzy na wala kay web kYa…hanggang kaibigan at barkada lang ang pinapakita ko kay web.
Kunting oras na lang ang natitira at papasok na ako uli. Patayo na ako ng mag tunog cp ko.si renzy nag text.
“ kaya pala di kita nakita…iba na pala ang gusto mong makasama. Sana nabusog ka. Nag mall pa talaga kayo pre. Di ka man lang nag yaya.“____text mula kay renzy. “ diba kaw ang naunang mag break…di mo nga ako hinintay eh. Buti na lang sinamahan ako ni web. Di sana namutla na ako sa gutom. Alam ko pre…sawa kanang sumama sa akin kaya iba na kasama mo.”____reply ko.
Di na sumagot pa si pareng renzy sa text. Pano niya nalamang kasama ko si web. Palinga linga ako sa paligid baka nasa paligid lang si pareng renzy.
“ may hinahanap ka bud?“___tanong ni web ng mapansing humahaba ang leeg ko na mayhinahanap. “ wala bud …sige mauna na ako bud baka ma late ako.”____at umalis na ako. Pero hinatid parin ako ni web sa pinagtratrabahu an namin.
Pagdating ko nasa loob na si renzy. Umiwas ako ng tingin sa kanya…at di siya kinibo. Na badtrip talaga ako. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos magkasama kami ni pareng renzy pero di kami nag uusap. Kaya nag paalam akong mag undertime. “ mag a undertime ka? Bakit?…dahil di kita hinintay at niyaya kanina?…ha pre?“_____hinarap ako ni pareng renzy at pinilit na kausapin. Pero di parin ako sumasagot. “ yan ang hirap sayo pre…ang bilis mo mag tampo. Kunting bagay pinag iisipan mo ng di maganda. Ano ba pre sagutin mo naman ako. Ano nanaman ba kasalanan ko?”___tanong niya pa uli pinipigil niya ang boses baka may makapansin sa pagtatalo namin. “ bukas na pre…hayaan mo hindi na ako sasama sayo.alam kong sawa kana sa mga kakulitan ko.last na to. Bahala kana kung sino gusto mo samahan.“sabi ko. “ ang labo mo pre…anong drama na naman ito. At anong bahala ako sa mga sasamahan ko?,…selos na naman ba?,pre mga kasama natin ang sinasamahan ko…pati ba naman sila pinagseselosan mo?” alam kong may pigil na galit si renzy. “ selos?, alam mo namang wala akong right na mag selos pre…ang sa akin lang naman sana sinabihan mo akong iba ang sasamahan mo.hindi yong pinapaasa mo akong pagkasama tayong kakain. Pinasanay mo ako pre. Kaya hinanap ko lang. “___sabi ko…gusto ko ng umiyak.pero pinigil ko. “ hinintay kita pre…pero wala kana. Hindi ako nag yaya sayo ng mg break ako kasi nakita kong may ginagawa ka at abala ka. Ayukong madisturbo ka. Hinintay kita…kaya nag kape na muna ako at hindi kumain. Kasi sabi ko saka na ako kakain pag break mo na . Para sabay tayo. Bumalik ako para puntahan ka. Pero sabi ni mark nag foodcourt ka. Kaya sinundan kita. Pero kumakain kana pala…kasama si web….pre hanggang ngayon kape lang ang laman ng tiyan ko. Dahil hinintay kita. Tapos ito pa…ako pa?”___sabi ni pareng renzy.
Para akong binuhusan ng yelo sa sinabing yon ni renzy. Nagkamali na naman ako. Gusto ko mag sorry kay pareng renzy pero nilamon ako ang pride ko.at nag undertime parin ako. Tahimik lng ako na inaayos ang mga gamit ko. “ yan ang problema sayo pre. Advance palagi ang iniisip mo. Tatalikuran mo lang ako ng ganun na lang. Hindi ako sanay na ganito tayo pre. Pero naintindihan kita. Tandaan mo pre hindi ko ipagpapalit kahit kanino ang mga pinagsamahan natin pre…ingat ka.“____at iniwanan na ako ni pareng renzy sa locker room. At bumalik na ito sa trabaho.
Mabigat ang buong araw ko kahapon. Ganun naman kami lagi ni pareng renzy…tampuhan bati.. At kadalasan si pareng renzy ang nag sosorry lagi.
Magtatapos na ang buong araw. Malalim na ang gabi…pero walang text mula kay renzy. Hindi ko na pinabukas pa ang tampuhan namin ni pareng renzy. Kaya nag text na ako.
“ pre gud eve…gising kapa bah?“____text ko.
Mga 20mins na wala paring reply. Nakahiga akong iniisip si pareng renzy ang kamali an ko at ang mga sinabi nito. Hindi ko napansin na may luha na pala ang gilid ng mata ko. Ang tanga ko ang sama ko. Di ako makatulog ng maayos kagabi…kaya nag text pa ako uli…pero ganun parin walang reply. Past 12 na. Kaya pinilit ko na lang matulog. Habang nakapikit ako… Narinig kong tumutunog cp ko. Akala ko guni guni ko lang pero ng kinapa ko at tiningnan…si pareng renzy. Agad ko siyang sinagot. “ pre gudmorning pasensiya na ha. Di ko na reply agad text mo nakatulog na kasi ako. Galit kapa ba sa akin?“____sabi ni renzy…at siya pa mismo nagtanong sakin non. “ pre sorry…sorry at pinag isipan na naman kita. Nanibago lang kasi ako kanina. Dahil di mo ako niyaya. Sorry talaga pre. Alam kong galit kananamn sa akin. Ok lng. Kasalanan ko naman eh. Sorry talaga pre.”____panay ang sorry ko kay pre renz. “ok na pre…di naman kita matiis eh…at kailan man di ako magagalit sayo pre. Gaya nga ng sinabi ko sayo. Hindi ko pagpapalit ang mga nabuo nating samahan kahit kanino man. Pre sana last na tong tampuhan natin ha. Di kasi ako sanay nanagkakaganito tayo pre.”___sabi ni renzy “ oo pre last na to sorry talaga.“___sabi ko. “ sige pre…pahinga kana diyan may pasok pa tayo bukas. Sorry din pre ha. Yaan mo bukas libre kita. Mornyte pre.”___sabi ni renzy.
At yon nga hanggang sa nakatulog na ako.
Maaga palang kanina…agad ko na tenext si pareng renzy pra daanan niya ako at para sabay na kaming pumasok.
At di naman ako binigo ng kumpare ko sinundo niya ako sa boarding haus… At sabay na kami pumasok kanina. Masaya ang araw ko ngayon…salamat kay pre renzy. Iba talaga ang happiness na dulot ng kumpare kong ito sa akin. Kaya nga mahal ko ang pare kong to. #Dec5-6,2015
#EndOfContract
Pero Gaya ng isang ordenaryong kuwento, dumating kami sa tagpo ng pahina namin na kahit hanggang sa ngayon pinagsisihan ko. Na kahit alam ko namang mali pero kjng kaya lang talagang balikan ang nakaraan at mapipigilan ko ang tagpong ito gagawin ko.
Renzy and I is over…hiwalay na kami ng kumpare kong pinakamamahal ko. And I guess ito na siguro ang sinasabi nilang forever. Forever na naming Hindi magkikita.
And I admit kasalanan ko. Kasalanan ko kasi nag mahal ako ng subra.
January 15 2016…ang simula ng bangungot na ako mismo ang lumikha.
Gabi nun pay night…kaya oras yun para sa inuman session ng mga kasamahan ko sa trabaho. Pero bago nun…umaga pa lang niyaya ko na so pareng renzy na mag iinuman kami mamayang gabi.
“Pre…payday today so tuloy ang plano mamaya ha…shot tayo.”___sabi ko.
“ sige bah …basta treat no ako pre ha?…trabaho mode muna tayo. Pero pre…sigurado kang mag iinuman lang tayo?…“___pilyong tanong ni parent renzy sabay kindat sa akin.
“Paalam ka muna Kay Kumare pre…hihiramin muna kita…ng isang gabi.”___sabi ko.
“Yaan mo na yon pre…sayo ako mamaya…sisiguraduhin ko lang and diaper at gatas ng inaanak no tapos go agad tayo.”___sabay tapik sa balikat ko at iniwan na ako para bumalik sa ginagawa niya.
Walang pagsidlan ang galak ko sa mga araw na yon. Masosolo ko na naman ang kumpare ko.
Pero di pa man nangangalahati ang araw. Parang inudyukan na ng dimonyo ang araw ko.
Kakarating lang ng bakla naming kasamahan si cutie…malandi talaga ang higad na ito. Walang ligtas ang mga kasamahan naming lalaki sa panghihipo nito. Minsan ko narin itong nahuling chinuchupa ang isa sa mga kasamahan namin sa locker room. Balewala sa akin kahit ubusin niya pa lahat sa pinagtratrabahu an namin wag lang ang kumpare ko.
“ pang kagwapo saton subong bah…ang fresh ng fes mo pang…hamot gid ni siguro mo.“___sabay hipo sa harapan ni pareng renzy.
Nakita kong umiwas si renzy…at tila nagalit ito sa ginawa ni cutie. Pero iba ang epekto sa akin…naiinis ako na tila nagselos ng di ko mawari.
Di ako umimik. Pero napansin ni pareng renzy ang pagkunot ng nuo ko. Di halos dumidikit si pareng renzy Kay cutie. Dahil Alam niyang magseselos ako. Sa tuwing nakikita Kong nakikipag usap nga ito sa kanya. Di ko na pinapansin si renzy…dahilan lagi ng samaan naming ng loob.
Alam ni pareng renzy ang ayaw ko. At Alam niyang galit ako.
Agad ako nilapitan ni renzy pero umiwas ako. Alam ni renzy ang kahinaan ko. Kaya naman agad itong lumapit sa akin at niyakap ako sa mula sa likod ko. Bigla niya kinagat ang likod ko at hinalikan ako sa batok. Kahit may roon pa kaming kasama. OK lng naman sa amin kasi Alam na man nila na ganun kami ni pareng renzy.
“Ayan kana naman pre…Maya niyan aawayin mo na naman ako. Pre and bah…humarap ka naman oh…sige ka kakagatin kita uli.”____panunuyo ni renzy.
“Bakit di mo kagatin ang higad na yon. Pang? At pang pa ang tawag sayo…so ano tawag mo sa kanya mang?.”___sabi ko.
“ heto na naman tayo pre…diba napag usapan na natin to pre?…wala akong interes sa kanya. Sayo lang ako diba? Kaw lang palanggah ko pre. AnG nag iisang gah ng puso ko.“____sabi niya
“Wala daw?…pero sarap na sarap ka naman sa panghihipo niya. Bakit gusto mo nang ibang palad na naman?, kaya naman pala ayaw mo na sa akin kasi….bakit mas masarap bah…mas magaling ba siya. O Baka naman pinakain mo na rin yan sa kanya?”____sabi ko…medyo nanginginig na ako. At di ko na mapigil pa ang mga bibig ko.
“Pre ano bah…subra nayan ha. Tama na yan. Di ko na gusto yang lumalabas sa mga bibig mo. Bahala ka kung ang iisipin mo basta nasabi ko na ang totoo. Di kita niluloko pre.”__sabi niya pa.
“Sinungaling ka pre …OK lng sakin kung babae yan…pero pre…Alam ko kung gaano ka takaw yan.”___sabi ko.
“ so ano gusto mo sasaktan ko yong tao…para tumahimik ka?“___at umalis ito .
Di ko pinansin ang sinabing yon ni renzy…at hinayaan itong umalis sa harapan ko.
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. At sa isang saglit nakarinig na ako ng bulyawan at sigawan sa labas.
“Ano yon bro?”__tanong ko.
“Ang palalabz mo si renzy…sinuntok si cutie nagalit siguro sa panghihipo nito sa palalabz mo. Kasi tong si cutie kasi ang hilig manguot”___sabi ni arjay sa akin.
Nagulat ako sa ginawa ni renzy. Ginawa niya yon para sa akin?
Pinatawag si renzy at cutie sa opisina. Dahil sa nangyari gusto mag under time ni renzy…Pero d siya pinayagan.
Buong araw wala kaming kibuan ni renzy. Alam Kong galit siya sa akin.
Gabi na at pauwi na lahat.
“San tayo mga tol?…videoke o party?”___sabi ng isa naming kasamahan.
“Sige kayo na lang pass na muna ako ngayon…wala ako sa mode. Sige una na ako.”___pag paalam ko sa kanila.
Hindi ko na hinintay si pare renzy para makapagpa alam. Umalis ako at iniwan ang mga kasamahan kong ng hintayan.
Di pa man ako nakakalayo ng may narinig akong motor…
“Sakay na…”____si pareng renzy.
“Umuwi kana …uuwi na rin ako.”___sabi ko.
“Pag di ka sumakay ibabangga ko ito.”___galit ang tuno ng Bose’s nito.
Sa takot ko na totohanin nito ang sinabi. Umangkas ako. At agad niya pinatakbo ang motor…subrang bilis…
“San tayo…di ito ang papunta sa amin ah?”___sabi ko.
“ mag iinuman tayo…diba ito ang gusto mo ang masolo ako. Pagbibigyan kita.“___sabi niya.
Naghanap kami ng peding mapag pwestuhan. Pero medyo ginutom si renzy kaya kumain muna kami sa taste station…at don na rin uminom.
Natapos ang kinakain naming at nka tig iisang bote na kami pero wala kaming imikan ni renzy.
“ umuwi na tayo…ayukong ubusin ang having to na napipilitan ka lang. Umuwi ka na…wag mo na akong ihatid mag jejeep na lng ako.“____sabi ko.
“Hahatid na kita…”____sabi niya.
At hinatid niya nga ako.
Tatlong araw kaming walang imikan ni pareng renzy…sinusubukan niya akong lambingin pero umiiwas ako. Gusto ko siyang akapin pero ma pride ako.
Jan 19…dayoff niya. Namiss ko bigla ang presence ng kumpare ko. Di ako makapag concentrate sa ginagawa ko. So pareng renzy ang tumatakbo sa isipan ko. Kinakabahan ako. At napuna yon ng mga kasamahan ko.
Hapon nun ng makatanggap ako ng text mula Kay pareng renzy.
“Pre gud pm…wag mo na ako bigyan ng schedule bukas. Di na ako babalik diyan mag reresign na ako.”
Parang pinagsukluban ako ng langit ng mabasa ko yon. Parang nakarinig ako ng mga nababasag na salamin. At tila gumuho ang lahat. Napaluha na lng ako sa isang sulok.
Agad ko siyang ni replyan.
“ pre bakit naman?…biglaan ganon? Ano ba pre joke ba to?“____text ko.
“Mahirap gawing joke ang reyalidad pre. “___reply niya.
“Ako bah ang dahilan…ano? Sabihin mo pre ako bah…sorry na”___maiyak iyak na ako.
Agad tumawag si pareng renzy sa akin. At ito ang tila pumilas ng puso ko.
“Pre…for six years naging bukas tayo sa mga nararamdaman natin sa isat isa. Minahal mo ako ng higit pa sa naibibigay ko. Alam ko di sapat ang binibigay Kong atensiyon sayo kumpara sa pag ibig na binibigay mo. Kaya patawad pre. Naging mahirap man para sa atin ang pagsasama nating dalawa. Pero andiyan ka para maging maayos ang lahat. Pre saludo ako sa pagmamahal mo.iba ka pre…kaya nga kahit may asawa na ako…minahal parin kita. Pre sa totoo lang kung di dahil sayo…matagal na ako nag resign. Ikaw ang dahilan kung bakit tumagal pa ako ng ilang taon. Ikaw at ang pagmamahal mo. Naka ilang away at tampuhan na tayo diba pre…at kahit anong tampuhan pa yan…di ko makuhang magalit sayo. Si misis nga nasasampal ko pa nga minsan…Pero ikaw Hindi ko yon magawa sayo. Ganun ka kalakas sa akin pre…pag ayaw mo umiiwas ako. Dahil ayukong saktan ka. Mahal kita pre…at alam ko labis na kitang nasasaktan. Kaya heto pre…pra wala ka nang pagseselosan pa…at wala ng mananakit ng damdamin mo . eexit na ako pre. Mahal kita.at salamat sa lahat. Magkikita pa naman tayo pre…pro di na dyan.I love you pre…mamimiss kita at salamat sa ilang taong ala ala…..”_______marami pang sinabi si renzy….di na ako naka sagot pa sa kanya….tanging iyak lang ang naitugon ko sa kanya.
I love you goodbye na nga talaga….wala na. Game over na. Dito na magwawakas ang chapter ng kwento namin ng kumpare ko. Ang bigat sa damdamin pilit akong nagpapalakas pero mas humihina ako. Para akong nawalan ng pakpak at tamad ng lumipad.
Nagmahal ako…pero di ko alam may nasasakal na pala ako. Ang damot ko. Nagmahal ako pero naging makasarili ako.
Ako ang sumira ng aklat na binubuo ko. Dahil sa maling pagmamahal na into.
Pre…Alam mo marami akong pagkakamali sayo.minahal lng kita.kaya sorry dahil alam kong naikulong pala kita.
I love you renz….at paalam.
After ilang months ng pag resigned ng kumpare, nawalan na rin ako ng ganang magtrababo. Apat na buwan matapos mag resigned si Renzy nag resigned din ako. Hindi ako makapag move on kung araw araw nakikita ko ang bawat sulok ng pinag tatarabahuan ko. Mga sulok na saksi sa nabuo naming samahan at pagmamahalan ng kumpare ko. Sa ngayon maingat na ako sa mga nararamdaman ko. At dahil sa takot na akong masaktan at magkamali muli. Hanggang ngayon single pa rin ako. Naging sandigan ko sa kalungkutan si Webster, pero panibagong kwento na iyon.
Ang nabuo naming relasyon ni Renzy ang nag turo sa akin na mayhangganan din ang pagmamhal kung ito ay nakakasakal na. At ang kawalan ng tiwala sa isang relasyon ay hindi nag bubunga ng maganda.
#Endo

