loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Ezrael (BxB)

Ezrael (BxB)

MrAoiKun · 7 chapters · 10,578 words

Author’s Note

Dear Readers,

    Sa mga gustong mabasa ang Ezrael (Completed Version).. Ililipat ko na po siya sa Dreame. And if you wanna read all chapters of this story, please create a Dreame account and follow me there.

    May mga special chapters pong ipopost doon including steamy scenes sa mga bida ng kwentong ito. And again, may mga exclusive na content na para lamang sa mga Dreame Readers. So if you wanna read the full version of this story. Download the Dreame app and follow me there to get the whole story.

    Thank you again. ☺😘

Here is the link to the story in Dreame:    https://m.dreame.com/novel/Wd6G63LHG%2FzYJ4t%2BXkEWCA%3D%3D.html

Chapter 1

Naguunahan ang kaba at galit sa puso ko habang binabaybay namin ang daan patungo sa ospital. Ito ang pinakaayaw kong mangyari sa lahat. Ang malagay sa panganib ang buhay ng kahit na sinong miyembro ng aking pamilya. At heto ako, nakasakay sa ambulansya habang hawak hawak ang kamay ng aking ina na kinakapos sa paghinga. Natatakot ako at nagagalit sa aking sarili, kung hindi lang kami naging mahirap. Kung naging maginhawa lang sana ang buhay namin ay hindi ito dadanasin ng aking ina.

“Ma! Kaya mo yan. Nandito lang po ako sa tabi mo. Malalagpasan natin ito Ma! Kapit ka lang.” pagpapatibay ng loob ko sa aking ina na ngayon ay nakatingin lang sa akin at hinahabol ang kanyang hininga.

Isang linggo na siyang may matigas na ubo at hindi na ito nadadala sa ordinaryong gamot laban sa ubo. At nang malaman ko sa aking kapatid na si Ethan na nahihirapan na si Mama na huminga ay agad kong iniwan ang trabaho ko sa construction para agad na dalhin si Mama sa ospital. Nagkabangayan pa kami ni Papa dahil wala manlang itong ginawa para dalhin si Mama sa ospital. Ang dahilan niya? Wala daw kaming pera. Oo wala kaming pera pero magagawan ko naman ng paraan yun. Anong klaseng ama ba siya? Minsan naiisip ko kung bakit ko pa naging ama ang isang tulad niya.

“Ez–ra! A–nak.. Na–nahihirapan na.. Na–hihirapan na si Mama.” naghihikahos niyang sambit sakin na ikinaluha ko nang tuluyan. Hindi pwede. Hindi pwedeng mawala ang mama ko nang ganun nalang. Walang pwedeng mangyaring masama sa Mama ko. Siya lang ang nagpapatibay sa aming pamilya. Siya lang ang nagpapatatag sa aming magkakapatid. Kung mawawala siya, hindi ko alam kung anong gagawin.

“Ma.. Huwag niyo pong sabihin yan ha?! Malapit na po tayo sa ospital. Kunting kunti nalang. Kaya niyo yan Mama. Huwag kang susuko.” pagapalakas ko ulit ng loob niya.

Unti unti niyang pinipikit ang kanyang mga mata na tila ba sinasabi sakin na hanggang doon nalang siya. Pahina nang pahina narin ang kanyang paghinga. Parang ang lakas ko ay unti unting hinihigop sa sakit na na nararamdaman ko habang nakikita ko ang paghihirap ng aking ina.

“Mama! Please! Kumapit ka Mama. Kumapit ka po Ma!” pahiyaw na sabi ko sa kanya.

Pero kahit anong lakas ng boses ko na sabihin sa kanya na huwag siyang sumuko ay wala na siyang naririnig pa. Tanging luha sa kanyang mga mata ang nakita ko habang unti unti siyang nawalan ng hininga.

Tila ba huminto ang mundo ko sa mga oras na iyon. Para akong hinulugan ng isang malaking tipak ng bato sa aking mga balikat. At tinarakan ng kutsilyo ang aking puso. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya ang mamasdan ang aking ina na malagutan ng hininga.

“MAAAAAMAAAA!!”

Bumabalik lahat sa aking ala-ala ang mga sandaling napakasaya naming lahat. Ang pagkanta ni Mama habang nagluluto siya ng aming almusal. Ang pangungulit niya sakin kung marami naraw ba akong girlfriend dahil sa aking kagwapohan. Ang pag aalaga niya sakin kapag may sakit ako. Ang mga sandaling salo salo kami sa aming hapag kainan at sinasabon niya ang aking dalawa pang nakababatang kapatid na puro kabulastugan ang inaatupag. Ang pagpapalakas niya ng loob ko kapag meron akong pinagdadaanan. Ang mga sandaling nakangiti lang siya sakin habang kumakaway sakin dahil sa pag alis ko papuntang eskwelahan. Ang masakit na pagpingot niya saking tenga dahil sa napaaway nanaman ako sa mga tambay sa aming kanto.

Lahat ng iyon ay parang plaka na paulit ulit na nag plaplay saking isipin. Impit na iyak ang aking linabas habang yakap yakap ko ang aking inang hindi na humihinga.

Wala na siya. Wala na ang aking inspirasyon na magpursige sa buhay. Nawalan ako ng ilaw. Nawalan ako ng makakapitan.

“Ma–Ma! Please. Huwag mo akong iiwan..”


Madilim na langit ang sumalubong samin habang hinahatid si Mama sa kanyang huling hantungan. Hindi ko alam kung paano ako kumikilos pero ang puso at isip ko ay nakatuon lamang sa mga ala ala na iniwan sakin ni Mama. Para akong nawala narin ng gana sa buhay. Nakatingin lang ako sa kanyang kabaong na inilalagay na sa kanyang pantsyon. Ito na ang huli kong pagkakataon na makikita si Mama.

Nakita ko ang impit na pag iyak ni Ethan at Errol. Ang tulalang mukha ng aking Papa habang dahan dahang ipinapasok ng mga kapitbahay namin ang kabaong ni Mama sa loob ng pantsyon.

Pinapangako ko sayo Ma. Tutuparin ko lahat ng pangarap mo para sakin. Aahon ako sa hirap. Ibabangon ko ang aking sarili. Hahanapin ko ang kayamanang hindi mo natamasa noon. Ako ang gagawa nun para sa’yo.

Sunod sunod nang nagsisiuwian ang mga nakilibing sa amin. Lahat sila ay lumalapit sakin at tinatapik ang aking balikat, tanda ng kanilang pakikiramay sakin.

Nang kami nalang nila Papa ang naroon ay bumuhos na ang emosyong kanina ko pa pinipigilan. Nag uunahang pumatak ang mga luha saking mga mata.

"Elena!! Pa-Patawarin mo ako!! Patawarin mo ako sa lahat nang nagawa ko.." parang binibiyak ang puso ko habang nakikita ko ang ama ko na humihiyaw ang sobrang nasasaktan sa mga oras na yun.

“Patawarin mo ako.. Pa-patawarin mo ako dahil hindi ko naibigay sa’yo ang buhay na pinapangarap natin para sa mga anak natin.. Pa-patawarin mo ako.” impit ang iyak niya at hindi ko napigilang lapitan siya nang tuluyan.

Kahit na may galit ako sa aking ama, hindi ko magawang kamuhian siya. Kahit maraming sama ng loob ang binigay niya sa aking ina ay hindi ko parin magawang kamuhian siya. Siya parin ang aking ama. At ayokong pati siya ay mawala rin sa amin.

Hinaplos ko ang kanyang likuran at humagulhol siya lalo.

“T-tahan na Papa. Kailangan na nating umuwi. Kailangan nating magpahinga..” tumango nalang siya sa udyok ko at nagsimulang maglakad palayo sa pinaglibingan ni Mama.

Impit parin ang iyak ng dalawa kong nakababatang kapatid na nasa aming unahan. Hindi ko alam kung anong mangyayari samin na ngayong wala na ang aming ina.


Ilang linggo ang lumipas simula nang mawala si Mama ay unti unti naring bumabalik ang lahat sa normal. Maliban lang kay Papa na laging naglalasing at patuloy parin ang pagluluksa sa pagkawala ng aming ina. Nakakapanibago ang lahat ngayong wala na si Mama. Magkakasama kaming kumakain noon pero ngayon unahan nalang kami sa pagkain. Wala na ang dating masayang tawanan at pagkukulitan habang kumakain.

Nakakayanan ko ang sakit kahit nagpapakahirap ako sa construction dahil kailangan ko paring tumulong. Kailangan kong panatilihin ang aking pamilya at hindi kami magkawatak watak dahil nawala na ang aming reyna. Ang gabay namin sa araw araw.

Dumating ako sa bahay galing sa contruction na mabigat ang katawan. Gabi na at naabutan kong nagbabasa si Ethan ng libro. Siya ang bunso namin. Grade 9 na siya. Sa aming tatlo, siya nalang ang nag aaral. Isinuko ko ang pag aaral ko sa kolehiyo dahil kapos na si Mama at Papa sa pag papaaral sakin. Si Mama na nagtitinda lamang sa palengke ng mga gulay at si Papa naman na paminsan minsang nag boboundary ng tricycle ni Mang Kasyo, ang pinakamayaman sa aming lugar.

Si Errol naman na sumunod sakin ay nagtratrabaho sa isang factory sa Laguna. Sa weekend lang siya umuuwi dito sa bahay. Naging mas madalang na ang pag uwi niya ngayon dahil siguro sa wala na rin si Mama. Lahat kami ay nangungulila sa pagmamahal ni Mama. 

Magkakaiba ang ugali naming tatlo. Ako ang basag ulo sa aming magkakapatid. Lahat na siguro ng gulo ay napasok ko na. Muntik pa nga akong makulong dahil sa daming gulong aking nasangkutan. Kadalasan ng gulong aking nasasangkutan ay ang mga maling akala ng mga kalalakihan na sinusulot ko ang kanilang mga nobya. Hindi ko man sadya, pero dahil sa angkin kong magandang panlabas na anyo ay maraming nahuhumaling sakin.

Pinagkikibit balikat ko nalang ang mga yun. Alam kong nandoon ang aking kagwapohan pero hindi ko naman ipinagyayabang. Dahil kahit gwapo ako ay marunong parin akong pumili ng taong pag aalayan ko ng puso ko.

"Kuya! Si Aling Betchay, tinatanong kung kelan tayo magbibigay sa kanya." salubong agad sakin ni Ethan. Napainat ako nang ilapag ko ang aking bag at pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig.

“Wala pa akong maibibigay sa kanya.. Si Errol ba nagpadala na sa’yo?” walang buhay kong sagot sa kapatid ko na nakakunot parin ang noo.

“Ewan ko sa paasang yun.. Pangako nang pangako, hindi naman tinutupad. Kung hindi siya magpapadala, sana sabihin nalang niya. Nakakairita na ang boses ni Aling Betchay. Parang laging nasa gyera.”

Napailing nalang ako sa sinabi ng kapatid ko. Hindi titigil ang matandang yun hanggang hindi naibibigay ang kabayaran sa utang namin sa kanya sa pagpapalibing namin kay Mama.

"Ako nang gagawa ng paraan. Kumain ka na ba?" sambit ko nalang at agad na inusisa ang nakatakip sa mesa. Isang pritong galunggong at kapiranggot na adobong sitaw ang natirang ulam.

"Tapos na akong kumain.. Si Papa ayun tulog na. Lasing nanaman." sagot nalang ni Ethan na patuloy parin sa pagbabasa ng kanyang libro.

  Kumain na ako dahil may natira pa namang kanin sa kaldero. Tinitiis ko ang kaunting pagkain dahil walang wala kami. Sagad na sagad ang aking sweldo at napupunta lang sa lahat ng bayarin sa bahay. Halos kanin at itlog na nilaga nalang din ang kinakain ko sa construction dahil yun lang ang kaya ko.

  Nakakapagod din ang ganitong buhay sa totoo lang. Kayod ako ng kayod pero wala namang napupuntahan. Hanggang pag coconstruction nalang ba ang kaya ko?

Pagkatapos kong kumain ay agad akong pumunta sa aming kwarto ni Errol at inabot ang aking tuwalya. Kailangan kong maligo at matulog ng maaga dahil maaga pa akong pupunta sa construction site. Dadating ang may ari ng building na tinatayo namin doon at kailangang maayos ang trabaho namin dahil kung hindi ay maaring paalisin ang contractor namin at mawalan kaming lahat ng trabaho at ayaw kong mangyari yun. Hindi ko alam kung ano pang gagawin kung mawalan pa ako ng trabaho.


Nagbihis na ako ng aking sweatshirt at nagsuot narin ako ng helmet dahil magsisimula na ang trabaho. Walong oras nanaman na pag hahalo ng semento at pagbubuhat ng mga materyales na gagamit sa paghahalo nito. Walong oras na pagbanat ng buto para may maibigay na ako kahit papano kay Aling Betchay.

 "Ezra!! Tawag ka ni Bossing!" tawag sakin ni Dindo na humihingos sa pagtakbo. Bakit? Anong kailangan sakin ni Boss.

 "Ano daw ang kailangan niya?! Tsaka teka, bakit ka humihingos diyan?" pagusisa ko naman sa kanya. Biglaan nalang kasi na tatawagin ako ng foreman namin.

"Basta! Pumunta ka na doon sa main building. Nandoon siya naghihintay sa'yo." 

Hindi maganda ang pakiramdam ko. May nagawa ba akong mali?

Habang binabagtas ko ang daan papuntang main building ay hindi ko napansin ang isang lalaking palapit sa akin at nagkabungguan kami. Napatigil kaming dalawa at nakakunot ang noo niya nang magtagpo na ang aming mga tingin.

“Hey?! Are you blind? Ang luwag luwag ng daan at binungo mo pa talaga ako?!” mayabang na singhal sakin nang nakabunggoan ko. Napatiim bagang naman ako. Napansin kong bihis mayaman siya. Nakaputing long sleeved polo siya at mga necktie na suot at nakaslacks pa at boots. Mayaman nga talaga. At bukod pa doon ay magaspang ang ugali.

"Pasensiya na po S-sir! Hindi ko po napansin. Nagmamadali po kasi ako." paghingi ko nalang ng paumanhin sa kanya.

"Sa susunod. Titingnan mo ang dinadaanan mo!! You just ruined my day!" singhal ulit nito sa kanya bago tuluyang tumalikod sakin. Nakakabwesit! Minsan, iniisip ko kung mayaman lang ako, hahampasin ko pa siya ng hawak kong pala ngayon.

 Wala naman akong naging kasalanan sa kanya eh! Aksidente ang nangyari sa amin.

Muli siyang bumaling ng tingin sakin. Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya. Makapal ang kilay niya, maninipis ang mga labi. Maganda ang hulma ng mukha. At maliit ang mga mata. Makinis ang kutis.

Mayaman at gwapo. Ito ang mga uri ng taong kaya kang tapak tapakan dahil sa alam nilang mahirap ka lang at wala kang kwenta sa kanilang mga mata.

“Hey you! Anong pangalan mo?” lukot ang noo niyang tanong sakin. Parang masama na talaga ang pakiramdam ko sa mga oras na yun.

Paano kung siya pala ang may ari ng building na aming ginagawa? Patay ako nito!!

 "Ezrael po.. Ezrael Alzan." mahinahong sagot ko nalang sa kanya.

At sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

°°°°°°°°°

Chapter 2

Agad na tumalikod sakin ang lalaking nakabanggaan ko na ubod ng yabang. Oo nga’t mayaman siya, gwapo siya. Pero wala siyang karapatan na maging mapangmata sa ibang tao. Ganun nga siguro ang mayayaman, kadalasan matapobre. Kaunti lang ang marunong magpakita na pagmamalasakit sa kapwa nila.

Umiling nalang ako habang patuloy kong tinatahak ang daanan papuntang main building. Nakita ko naman si Boss Jeric, ang foreman namin. Siya ang namamahala saming mga workers ng Carkos Construction. Medyo may edad narin si Boss Jeric pero sa apat na taon kong pagseserbisyo sa Carkos ay wala akong naging problema sa kanya.

Napansin niya ang pagdating ko at agad na kinumpas amg kamay na lumapit ako sa kanyang kinatatayuan. Kausap niya siguro ang isang Civil Engineer. Isa sa mga pangarap kong gawin sa buhay. Ang maging kilalang enhinyero. Pero hanggang pangarap nalang siguro yun ngayon. Wala na akong panahon pa para sa pag aaral. Biente kwatro na ako at nakakahiya nang pumasok pang muli sa kolehiyo sa unang pagkakataon.

Nang makalapit na ako sa kanya ng tuluyan ay isang malapad na ngiti ang ginawad niya sakin.

"Boss, sabi ni Dindo may kailangan daw po kayo sakin?" magiliw kong tanong sa kanya. Tumango lang siya at sinagot ang tanong ko.

 "Ah-- Ano kasi, mamayang gabi pa dadating si Mr. Figueroa. Ang may ari ng tinatayo nating building. Gusto kong may tumao dito mamaya dahil sa gusto niyang may madatnan siyang galing sa Carkos. Ako sana ang maghihintay dito mamayang gabi pero hindi ako pwede dahil may importanteng lalakarin kami ni Misis. 

  Malaki ang tiwala ko sa'yo Ezra, kaya ikaw ang itotoka ko mamaya. Sasamahan ka ni Oka at Dindo para mapanatag ang loob ko na walang masamang mangyayari sa'yo." 

Napatango nalang ako. Hindi ko pa naranasan ang manatili sa construction site buong magdamag, pero sana nga ay maagang dumating ang sinasabi niyang Mr. Figueroa para makauwi din ako ng maaga. Hanggang maari ay ayaw kong hindi nakakauwi sa bahay dahil nag aalala ako kay Papa at kay Ethan. Gusto ko gabi gabi akong nasa bahay upang mabantayan ko silang dalawa.

Pero wala akong choice sa pagkakataon na ito. Kailangan kong sundin si Boss Jeric dahil minsan lang naman siyang humingi ng pabor sakin.

"Sige po Boss, ako na pong bahala na maghintay kay Mr. Figueroa." tugon ko nalang sa kanya at ikinatango niya bago tumalikod.

"Sinabihan ko na si Dindo at Oka na samahan ka mamaya. Sige, pwede ka nang bumalik sa trabaho." pagpapaalam niya sakin at umalis na ng tuluyan sa aking harapan.

Pabalik na ako sa annex building nang mamataan ko nanaman ang hambog na lalaking nakabanggaan ko kanina. Naglalakad siya papunta sa mga nakaparadang sasakyan sa may parking area. Tinungo niya ang isang magarang pulang kotse. Nakakasilaw ang kintab nito na tila ba bagong bili lang. Napasulyap pa siya sa aking kinatatayuan at kumindat pa sakin. Napalukot nalang ang aking noo.

Bakla ba siya? Bakit bigla nalang niya akong kinindatan?

At sabay na ngumiti at pumasok sa kanyang sasakyan. Nakatayo parin ako at hindi muna naglakad dahil sinundan ko ng tingin ang kanyang sasakyan. Lokong lalaki, kung makatingin sakin kaninang nagkabunggoan kami ay halos patayin na niya ako sa galit, tapos ngayon ngayon lang kikindatan naman ako na parang wala lang nangyari? Ano kayang nahithit nun? Napakamot nalang ako sa ulo ko. Mga mayayaman nga naman.

 "Oh! Ayan na ah! Sasahod ka na.. Manglibre ka ng toma mamaya!" bulyaw sakin ni Tristan, kasamahan ko. Inaabot kasi sakin ni Along ang aking sahod sa aming "paluwagan".

 "Kahit kailan talaga itong si Tristan, puro toma nalang ang inaautupag. Nagtratrabaho tayo dito sa construction para mapakain natin ang mga pamilya natin, hindi para magkaron ng pambili ng inuming nakakalasing." saway naman ni Oka kay Tristan.

"Napaka KJ mo talaga Oka! Kaya di ka pa nagkaka girlfriend eh sa sobrang kabaitan mo sa mga magulang mo! Eh, paano ka nalang kung mawala na sila? Habang buhay mo silang aalagaan? Eh, paano ang sarili mong kaligayahan?" banat ulit ni Tristan.

Naramdaman ko naman ang pagbigat ng paligid. Kapag nagkakaganito, alam kong magkakaron nanaman ng sapakan sa pagitan ng dalawa. Si Tristan kasi ay alaskador at mahilig mangpuna ng buhay ng iba. Si Oka naman ay mabilis mapikon.

"Tama na nga yan! Tumigil kayong dalawa ah?! Magkakasakitan nanaman kayo dahil lang sa pagsahod ko!" saway ko naman sa kanilang dalawa.

“Tsaka hindi ako sumali sa paluwagan natin para lang ipang inom ang perang sasahurin ko, kailangan ko pang bayaran ang utang namin sa pagpapalibing kay Mama. At isa pa, magbabantay kaming tatlo ni Dindo at Oka dito mamayang gabi. Dahil dadating daw dito si Mr. Figueroa.”

 Tumahimik naman ang paligid. Tumahimik sa loob ng barong barong na ginagawa naming pahingahan kapag break time namin. 

"Hala! Maiiwan kayo dito?! Hindi niyo ba alam na pinagbabahayan daw ang construction site na ito ng mga maligno at multo?" pananakot naman ni Kiko sa amin. Si Kiko, Dindo, Oka, Tristan, Along at ako ay ang naging magkakaibigan dito sa Carkos. Silang lima ang tinuring kong mga tunay na kaibigan. Walang lihiman sa amin. Lahat ng bagay tungkol sa mga buhay namin ay alam ng bawat isa.

" 'Namo ka talaga Kiko! Alam mong takot ako sa mga ganyang kwento!" biglang sinuntok ng mahina ni Dindo si Kiko.

“Bakla ka lang talaga! Naalala niyo? Nung nagpunta tayo sa likod ng main building. Napagtripan lang natin tingnan kung anong meron dun sa warehouse at bigla nalang nagtitili ’tong si Dindo.”

"Nakakita lang pala ng dagang kasing laki na ng pusa. Parang babae kung tumili. Grabe ka talaga pre!" dagdag pa ni Along.

At nagtawanan na kaming lahat maliban lang kay Dindo na hindi parin nakakalimutan ang araw na yun. Sobrang matatakutin. Lalaking lalaki naman tingnan.

"Gago talaga kayo! Kumain na nga tayo! Ihawin ko pa yung dagang yun at ipakain ko sa inyong lahat!" singhal pa niya samin sa sobrang pagkapikon.

“Pikon si Bebegirl!” pang aalaska nanaman ni Tristan.


 Dumidilim na at nagsisimula na kaming maglinis ng mga ginamit namin sa paghahalo ng sementong pang pundasyon. Masakit man ang aking katawan ay hindi ko na ito ininda. Mahaba haba pa ang pananatili ko dito sa construction site dahil hihintayin ko pa si Mr. Figueroa. 

Natatakot ako dahil baka kung may mga itatanong siya sakin ay hindi ko ito masasagot. Pero siniguro naman sakin ni Boss Jeric na hindi ito magtatanong ng kung ano ano, titingnan niya lang ang kabuuan nito. Nagtataka ako dahil kung gusto niya itong makita, dapat sa umaga siya pumunta dito. Pero wala akong karapatan magtanong. Isa lang akong hamak na construction worker.

Alas otso ng gabi na at wala paring pumapasok sa temporary gate na sasakyan. Bumibigat na ang aking mata. Kaya tinampal ko ang aking sarili dahil kailangan ko pang maghintay. Hindi ko akalain na magtatagal pa pala ang pagdating ni Mr. Figueroa. At hindi nga nagtagal ay may bumusinang sasakyan.

Napaigtad kaming tatlo. Nakita ko ang pagkagulat ni Dindo dahil nakatulog na pala ito sa hamba ng hagdanan papasok sa main building. 80% nang tapos ang buong construction site kaya maganda narin ang kinalabasan ng main building. Kulang nalang ito ng lightings at mga fixtures pa para tuluyan nang maging fully functional. Napa English tuloy ako.

 Pumarada ang sasakyan sa parking lot at may lumabas na isang matangkad na lalaki dito. Madilim ang kinatatayuan niya kaya hindi ko masipat ang itsura niya pero unti unti siyang napalapit sa liwanag at kitang kita ko ang isang maamong mukha. Nakasuot siya ng salamin. Makakapal na mga kilay. Matangos na ilong. Magandang hugis ng mukha. Mapanga. May kaunting balbas. At talaga ngang isang makapangyarihang tao ang naglalakad palapit samin dahil maganda ang tindig niya. Parang pinagsisigawan ng katauhan niya na isa siyang hari at kami ay mga utusan lamang niya.

Hindi ko siya nagawang titigan pa ng matagal dahil nagtagpo ang aming mga mata. Nakakapanindig balahibo ang kanyang tingin.

"Good evening boys." bati niya saamin. Pati ang boses niya ay para kang ineenganyo na pakinggan siya at hindi makinig sa iba. Sa kanya lang dapat ang pakikinggan mo.

"Ma-magandang gabi po Mr. Figueroa." nakayuko parin ako nang ibalik ko ang pagbati sa kanya.

 "Are you okay? Bakit nakayuko ka?" tanong niya pa sakin pero para akong nahipnotismo at napaangat ako ng aking tingin.

"Pa-pasensya na ho Sir. Ayos lang po ako." malumanay na sagot ko naman sa kanya.

"Jeric told me that you will be the one to tour me around the main building?" tanong niya naman sakin.

Parang nawawala ako sa sarili ko habang nagsasalita siya. Nakakapanibago. Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Nandoon pa ang pagtitig ko sa kanya habang nagsasalita. Ano bang nangyayari sakin?

"Ah- Ano. Opo sir! Kami po yun. Kami ng mga kasamahan ko." sagot ko nalang sa kanya.

"No, I want you to come with me yourself. You two, you can go home now." maotoridad ang boses niya. Napalingon ako kay Oka at Dindo na nakatayo lang din at naghihintay sa sasabihin ni Mr. Figueroa.

"A-ako lang ho?" wala sa sariling sagot ko naman sa kanya.

“Yes. And I am not a very patient man. I am busy to be patient. So come on. Follow me.” sagot niya nalang at agad na umakyat sa hagdan papasok sa main building.

"Pre.. Una na kami ha? Goodluck. Mukhang masungit ang may ari ng building." pananakot naman sakin ni Oka. 

"Mga ungas talaga kayo. Sige na. Uwi na kayo. Ako nang bahala dito." 

Naglakad na sila palayo sakin at agad ko namang sinundan sa hagdanan si Mr. Figueroa. Baka masesante pa ako kung kukupad kupad ako. Mukhang masungit pa naman. Lahat ba talaga ng mayayaman at makapangyarihan ay kailangang masungit? 

Naabutan ko siyang linilibot ang tingin sa lobby area ng building. Tumatango lang siya at para sinasabing satisfied siya sa aming trabaho.

 "Take me to the second floor. I wanna see the operations office." utos niya sakin. Nagkatitigan ulit kami at hindi ako nakasagot agad sa kanya. 

“Hey?! Did you hear what I said? Samahan mo ako sa second floor. Gusto kong makita ang operations office.” paguulit pa niya sa sarili at parang automatic na naglakad ako papunta sa kanyang kinatatayuan.

Pinaunan niya akong maglakad at tinahak namin ang hagdan papunta sa ikalawang palapag ng building. Nakakailang ang sobrang paglalapit namin. Para akong naiihi na natatae dahil sa takot siguro? Ang lalim kasi ng boses niya na parang anumang sandali ay bubugbugin niya nalang ako dito dahil sa hindi ko agad nagagawa ang inuutos niya.

“What’s your name?” biglang tanong sa akin ni Mr. Figueroa. Napaurong naman ang dila ko. Parang ayokong magsalita. Natatakot kasi akong magbitaw pa ng salita habang kasama ko siya. Lalaki naman ako, at kayang kaya ko ang bulto niya. Pero parang napapasailalim niya ako sa lakas ng kanyang dating.

"Ahm-- Ezra po Sir. Ezrael." matipid kong sagot sa kanya.

Hindi na muli siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa second floor. Nawili siya sa mga glass windows na naglalakihan at magandang pagkakadesinyo ng second floor.

At biglang nagdilim ang paligid. Brownout. Natigilan ako dahil hindi pa pala nalalagay ang generator sa generator room. Hindi ko maintindihan pero bigla akong nakaramdam ng malakas na paghawak sakin.

Maligno? Multo? Pero diba sabi nila malamig daw ang mga kamay neto? Bakit ang init ng kamay na nakahawak sa aking bisig?

“Nooo!!! Nooo!! Let me out of here!! Please.. Stop it! Let me out of here.”

Si Mr. Figueroa. Umiiyak. Nanginginig. Anong nangyayari sa kanya?

Agad kong hinanap ang cellphone ko at binuksan ang flashlight nito.

Kita ko ang takot sa kanyang mga mata nang tumama ang liwanag sa kanyang mukha. Namumutla siya na para bang aatakihin sa puso.

"Si-sir?! Ano pong nangyayari sa inyo? Ayos lang po ba kayo?" nag aalala ako sa kanya. Takot ba siya sa dilim? Anong gagawin ko?

“G-get me.. Ge-ge get me out of here please!” singhal niya na mas lalong kinatakot ko.

Agad ko siyang pinatayo dahil nakasalampak siya sa sahig at tinulungan ko siyang bumaba sa second floor. Nanginginig parin siya at domudoble din ang kaba kong nararamdaman.

At bumukas ang mga ilaw. 

Napayapos siya sakin at humagulhol sa pag iyak.

Anong nangyayari sa kanya?

°°°°°°°°

Chapter 3

Hinintay kong huminahon si Mr. Figueroa bago ko siya tuluyang ilayo saking mga bisig. Nanginginig parin siya habang patuloy na humihikbi. Para siyang may matinding pinagdaanan na may kinalaman sa dilim. Ano bang klaseng takot ang hatid sa kanya ng dilim?

 "Si-Sir? Ayos lang ho ba kayo? Gusto niyo po bang dalhin ko kayo sa ospital? Nanginginig po kasi kayo?" takot na pagtatanong ko parin sa kanya. Wala kasi akong ibang maisip na paraan para pakalmahin siya.

 Nakatitig lang siya sa sahig at nangingintab ang kanyang pisngi dahil sa luhang kanina pa dumadaloy sa kanyang mga mata.

 Ilang saglit pa ay huminahon na siya. Hindi ko na inalala na nakakapit parin siya sakin na parang takot na takot siyang iwanan ko.

"A-ayos na po ba ang pakiramdam niyo Sir?" muli kong tanong sa kanya. Tumango lang siya at agad na dumistansya sakin. 

  "I'm sorry. Hindi ko sinasadya na makita mo ako sa ganung kalagayan. But, thank you for staying with me."

Napatango lang ako at pinilit na ngumiti sa kanya. Pakiramdam ko nakita ko siya sa pinakamahinang pagkakataon sa buhay niya. Hindi ko na gustong malaman pa kung bakit siya natatakot sa dilim. Dahil hindi ko naman siya kilala. Ayokong makialam sa buhay niya.

 Pero sa mga oras na yun, parang pinagtagpo talaga kami ng pagkakataon. Hindi ko alam ang tawag sa pakiramdam na yun. Parang responsable ako sa nangyari sa kanya.

 "Eh Sir.. Wala hong kaso yun sakin. Hindi ko lang po inaasahan na natatakot po pala kayo sa dilim." mahinahon kong tugon sa kanya.

Napatungo nalang siya at parang nag iipon ulit ng lakas para tuluyan nang lisanin ang lugar. Pero muli siyang nag angat ng tingin at tiningnan niya ako ng deritso sa aking mata. Para akong namamagnet sa paraan ng pagtitig niya sakin. Anong nangyayari sakin?

 "I had  a bad experience with the darkness. And I should not be telling that to you. We barely know each other." 

Naintindihan ko siya. Ako rin naman, hindi ko magagawang magkwento ng nakaraan ko ng basta basta nalang.

"Thank you again for doing that Ezra. But, we should get out of here. Malalim na ang gabi. Alam kong maaga pa ang trabaho niyo bukas." napalitan na ng magaan na tono ang boses niya. Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"Wala po yun Sir.. Nagkataon lang po talaga na nangyari yun." 

Gusto ko pa sana dagdagan ang sasabihin ko sa kanya pero parang masiyado na akong nakikialam sa kanya. Isang hamak na katulad ko ay hindi dapat makipagkaibigan sa tulad niyang mayaman. Isang imposibleng bagay. 

Naglakad na siya palabas ng lobby ng building at tinahak ang hagdan pababa. Sinundan ko naman siya. Napahinto naman siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Napahinto din naman ako sa aking kinatatayuan.

“Ihahatid na kita pauwi.” usal niya na kinagulat ko. Ano daw? Ihahatid niya ako? Seryoso siya? Hindi ba siya natatakot na baka may masamang balak ako sa kanya?

“Ah–eh Sir.. Nakakahiya po. Hayaan niyo na, malapit lang naman po ang aking inuuwian. Kaya ko na pong maglakad pauwi sa amin.” pagdadahilan ko nalang dahil ayoko talagang magkaron nang anumang kaugnayan sa kanya. Hindi ako nababagay makisalamuha sa mga tulad niyang nasa alta sociedad. Mayayaman. Mapera.

“I insist. I should return the favor for what you did to me earlier. Kulang pa nga ito. So come on now, sumakay ka na sa kotse.” pamimilit pa niya. Binuksan niya ang pinto ng driver’s seat at naghintay siya sakin.

Hindi parin ako makapaniwala na ang isang tulad ni Mr. Figueroa ay magmamagandang loob sa isang katulad ko. 

Ibinaba niya ang salamin ng bintana ng kotse at hinarap niya ako.

“Sabi ko sayo kanina, I am busy to be patient. Kaya sumabay ka na sakin, or I will talk to Jeric at sasabihin ko sa kanya na hindi kita nakita dito ngayong gabi.” binantaan ba naman ako? Ibang klase din ’tong taong ito.

“Huwag naman po kayong magbiro ng ganyan Sir. Eto na po, sasakay na po ako.”

Wala na akong nagawa. Ayoko mang sundin si Mr. Figueroa ay ginawa ko narin ang gusto niya. Kesa naman matanggal ako sa trabaho ko.

“Saan ka ba umuuwi? Ihahatid na kita doon.” tanong niya nang nasa loob na ako ng kanyang magarang sasakyan. Hindi pa ako nakasakay sa ganito kagarang kotse sa tanang buhay ko. Nalula ako sa ganda ng loob nito.

"Ah, sa may Sta. Maria lang po ako Sir. Malapit lang po dito. Ituturo ko nalang po ang daan. Nakakahiya lang po talaga na makisakay pa ako sa inyo Sir." 

“Please.. Huwag ka nang mahiya. I really am thankful na nandoon ka kasama ko kanina. This is only my way of thanking you. You deserve more than this actually.” mahinahon nalang niyang tugon sakin. Tinitingnan ko naman ang kanyang ekspresyon. Napakaseryoso niyang tao. Ibang iba ang kanyang pagkatao kompara sa nakita ko kaninang takot na takot sa dilim.

Tahimik lang kaming dalawa habang binabaybay ang daanan papunta sa aming maliit na bahay papasok sa isang makipot na daan. Agaw pansin ang kotse ni Mr. Figueroa dahil nakikita ko ang pagtanaw ng mga tambay na nag iinuman sa aming pagtigil sa tapat ng aming bahay. Nahiya tuloy ako. Para akong babaeng hinatid ng kanyang manliligaw mula sa pamamasyal. Nakakaewan talaga.

“Maraming salamat po ulit Mr. Figueroa. Hindi niyo naman po talaga kailangang gawin ito, pero salamat parin.” masayang sambit ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin at ngumiti. Lumilitaw ang kanyang kagwapohan kapag ngumingiti siya. Hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya.

Ano ba ’tong nangyayari sakin. Kanina pa ako parang kinakabahan kapag nakikita kong nakatitig si Mr. Figueroa sakin. At mas lalo akong kinakabahan kapag ngumingiti na siya. Ano bang tawag sa ganitong pakiramdam?

“Walang anuman Ezra.. And just call me Robert. Robert Figueroa.” sagot naman niya sakin. Robert ang pangalan niya. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya.

 "Hindi ko po kayo kayang tawagin sa pangalan lang, Sir Robert po ang dapat." tugon ko naman sa kanya.

Napangisi lang siya lalo. Para na akong timang kasi. Hindi ako makapagsalita ng maayos sa kanyang harapan. Nakakagapi siya ng kompiyansa sa sarili. Tinatakasan ako ng aking tapang.

 "You're really funny Ezra. Sige na at uuwi pa ako sa condo unit ko. Thanks again. Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mo para sakin." masayang saad niya na kinangiti ko narin.

"Sige po Sir Robert. Magandang gabi po ulit." paalam ko sa kanya. At tuluyan na akong bumaba sa kanyang sasakyan.

 Nagbacking naman ito para makaliko sa kabilang deriksyon at agad naring nawala sa paningin ko ang kanyang sasakyan.

Napangiti ako sa aking sarili. Ano bang meron sa kanya na bigla nalang ganito ang naramdaman ko? Bakit masaya ako?

“Aba! Ibang klase ka Ezra ah? Sino yung naghatid sayo? Ang gara ng kotse ah..” usyoso agad ng isang tambay na kanina pa nakatitig sa sasakyan ni Sir Robert.

Napalingon ako sa kanya at nalukot ang noo ko. Mga chismoso at chismosa talaga ang mga kapitbahay namin kahit kailan.

Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na ako papunta sa aming bahay.

 Nabungaran ko agad si Ethan na nagbabasa ng libro. Kahit papano, pinagpapasalamat ko sa taas na pursigidong mag aral ang bunso naming kapatid. Gusto niyang makatapos hanggang kolehiyo. At yun ang dahilan din kung bakit nagsisikap ako. Kahit wala na sa akin basta sa kapatid ko ay maibigay ko ang magandang kinabukasan.

 "Tan, asan si Papa?" tanong ko sa kapatid ko nang hindi ko mabungaran si Papa sa kanyang kwarto.

 "Sabi sakin pupunta daw kina Mang Kasyo. Susubukan niyang kausapin. Gusto daw niyang magboundry ulit ng isa sa mga tricycle unit nila." paliwanag naman sakin ni Ethan. 

Binaba niya ang libro at nakita ko ang pasa sa gilid ng kanyang labi. Agad na nag init ang aking pakiramdam. Sumilay ang galit sa aking mukha.

"Anong nangyari diyan? Nakipag away ka nanaman ba?" inis kong tanong sa kanya.

"Wala 'to Kuya. Huwag mo nang pansinin." pagwalang pansin niya lang sa galit ko. 

 "Sino nanaman bang nang aaway sayo sa eskwelahan? Gagayahin mo rin ba ako na puro rambolan lang ang naging buhay sa eskwelahan?" galit parin ako sa pag uusisa sa kanya. Hindi ko kasi kayang nakikita ang kahit na sino sa mga kapatid ko na may sugat o galos manlang sa kahit na anong parte ng katawan.

"Ang OA mo Kuya! Sinabing wala 'to. Nagkaron lang kami ng konting away ng barkada." pagpapakalma niya sakin.

“Tigil tigilan mo ang pagbabarkada sa mga ungas na kaibigan mo ha? Makita pa kitang may pasa sa mukha, bubugbugin ko silang lahat. Makikita nila.” singhal ko pa sa kapatid ko na ngayon ay tumatawa na.

“Ang sweet mo talaga Kuya. Oo na po! Hindi na ho mauulit.” natatawa parin niyang sagot sakin.

Agad ko namang tinungo ang aking kwarto at inabot ang aking tuwalya at nagpunta ng banyo upang maligo. Natanggal naman ng medyo malamig na tubig ang bigat na nararamdaman ko kanina pa.

Pero mas tumatatak parin sa isip ko ang nangyari kanina kay Sir Robert. Ang kanyang pagkatakot sa dilim. Ang kakaibang ugali niya. Ang mga ngiti niya. Ang pagtawa niya.

Ano bang nangyayari sakin? Bakit siya lagi ang naiisip ko? Bakit magmula nang mangyari ang tagpong iyon kanina ay parang hindi na siya naalis sa isipan ko?

“KUYA! Si Aling Betchay nandito!” nawala ang aking pagbabalik tanaw nang marinig ko ang hiyaw ng kapatid ko.

Tinapos ko na agad ang pagligo at agad nagpunas bago itapis ang puting tuwalya sa aking bewang. Lumabas naman ako ng aming banyo at nabungaran ko agad ang nakaawang na bibig ni Aling Betchay habang papalapit ako sa sala ng aming bahay.

"Magbibihis lang po ako Aling Betchay.. At may maabot na po ako sa inyo, kukunin ko lang sa kwarto."

Hindi parin maalis ang tingin ng matanda sakin. Nakakatindig balahibo ang nagnanasang tingin niya sakin. Kung bakit ba kasi naging ganito ang aking anyo? Hindi sa nagrereklamo ako pero naaalibadbaran ako sa atensyon ng tao na ibinibigay sakin. 

 "Eto na po.. Limang libo lang po muna. Pasensiya na po at paunti unti lang ang nabibigay ko. Alam niyo naman na sa construction lang po ako nagtratrabaho." abot ko ng pera kay Aling Betchay. Dahil sa hindi pa ako nagsuot ng damit pang itaas, huli ko ang pagtitig ng matanda sa dibdib at tiyan ko. Para atang kinakain niya ako sa kanyang isipin.

“Aling Betchay?!” tawag ko ulit sa kanya at bumalik na siya sa kanyang wisyo. Napatawa nalang ako nang mahina. Ang tanda na pero daig pa ang matrona makatitig sa katawan ko.

"Ah-- Eh oo sige iho.. Ayos lang yun sakin." matinis ang boses ni Aling Betchay na mas lalong nakakairita pakinggan. Natanaw ko ang kapatid ko na humahagikgik sa tawa.

"Ahh-- Aalis na ako. Sabihin mo lang sakin kung kelan ka ulit sasahod iho. Huwag kang mag alala, hindi ko kayo minamadaling mabayaran ang utang ninyo." usal pa ng matanda bago tuluyang umalis sa aming bahay.

Napakamot nalang ako ng ulo ko at pumunta ng kusina para kumain.


    Sinalubong agad ako ng mga matang nagtatanong nang makarating na ako sa site. Tila ba mga pulis ang aking mga kaibigan. Nakatitig lang sila sakin at parang hinihintay nila ang aking sasabihin.

  "Anyari sa inyo dyan? Bakit nakatitig kayo sakin?" tanong ko sa kanila. Sabay sabay naman silang nagiwas ng tingin sakin.

 "Akala kasi namin, pinaulanan ka ng chikinini ni Mr. Figueroa." untad sakin ni Tristan na nakangiti pa sa kanyang tinuran.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Anong chikinini? G*g* ka ba?" pag usig ko sa kanya na kinatawa naman nilang lahat.

 "Balibalita kasi, berde daw ang dugo ng may ari ng building na ito. At si Mr. Figueroa yun diba?" saad naman ni Along. Napatiim bagang nalang ako. 

Ano bang pinagsasabi ng mga ulopong na ’to?

"Huwag nga kayong magpapaniwala sa mga kwento. Eh mas lalaki pa sakin ang taong yun." pagtatanggol ko kay Sir Robert.

 "Ahay! Baka kamo, nainlove ka na sa kanya kaya pinagtatanggol mo siya? Tama ako diba?" pang aasar naman ni Kiko sakin.

Hinampas ko siya ng aking sweatshirt at patuloy lang ang kanilang tawanan.

 "Kapag narinig kayo ni Boss Jeric na sinisiraan si Sir Robert, ewan ko nalang sa inyo."

  "Kita mo na, pati pangalan ni Mr. Figueroa alam eh!"

Bigla naman akong nagitla nang may pamilyar na mukha na papalapit sa aming direksyon. At napansin din ng mga kasama ko ang pagdating niya.

Ang lakas ng pormahan niya. Normal na pang opisina iyon pero ibang iba ang dating kapag siya ang nagdadala.

Napatigil siya at napangiti ng mahanap ng kanyang mata ang aking kinatatayuan.

"Ezra." tawag niya sa akin.

 At nagkatinginan namang ang mga sira ulo kong kaibigan.

°°°°°°°°°°°°

Chapter 4

Disclaimer: I do not own the photos on the media section. Ezrael on the media section. (😍)

            Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti nang sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni Sir Robert. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla nalang akong naaapektuhan sa mga ginagawa niya.

      Lumapit ako sa kanya dahil alam kong may kailangan siya. Pero nakakapagtaka din, bakit siya nandito? Anong kailangan niya?

     “I did not finished checking everything last night kaya bumalik ako dito ngayong araw. And I want you to come with me, let us tour the site together.” usal naman niya na kinagulat ko. Anong ibig sabihin niya?

    “Eh– Sir, ang mga site engineer po ang dapat sumama sa inyo maglibot sa buong lugar. Hindi ko po pwedeng gawin yun. Construction worker lang po ako dito.” pagdadahilan ko pa. Kahit saang anggulo tingnan, wala akong karapatan.

     “Tinatanggihan mo ba ako?” may halong pagkadismaya sa boses niya. Nakalukot ang noo niya . Nakakatakot siya kapag ganun ang kanyang itsura.

    “Naku, Sir Robert hindi sa ganun.. Nag aalala lang po ako. Baka anong isipin ng mga kasamahan ko at ng iba pang tao na dapat ginagawa ang trabaho na yun sa halip na ako po.” mahabang paliwanag ko naman sa kanya.

   Napangiti nalang siya bigla. Pabago bago ang kanyang emosyon.

       “Wala silang pakialam kung sino ang gusto kong isama, o kung sino ang kasama ko. I am the boss here.” madiin niyang sabi sa huling binitawan niya. Napatungo nalang ako. Wala na talaga akong magagawa.

      “So, shall we Ezra? I told you, I am not patient.” dagdag pa niya at wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.

   Napatingin ako sa mga kaibigan ko at naririnig ko parin ang tawanan nila. Humanda sila sakin mamaya.

     Nahiya pa ako lalo dahil, sweatshirts na may kalumaan na ang suot ko at nakapantalon lang ako na may mga mumunting punit. Napapalingon ako sa mga taong kanina pa nakatingin sa aming direksyon. Iba iba ang naaninag kong reaksiyon.

    Sino naman kasi ang hindi mapapalingon, isang mayamang lalaki kasama ang isang construction worker at sa sobrang pagkakalapit namin ay nakakaasiwa tingnan.

    “They don’t know anything. Kaya huwag mo na silang pansinin pa.” basag niya sa pananahimik ko.

    Hindi nalang din ako nagsalita at sumunod nalang sa kanya sa paglilibot. Para lang akong anino niya na nakabuntot sa kanya. Hindi ko na pinansin ang mga kasamahan ko sa construction na nag uusap habang dumadaan kami ni Sir Robert.

      “How long have you been working as a construction worker, Ezra?” tanong niya sakin pero nakatingin parin siya ng deritso. Tumungo lang ang ulo ko sa dinadaan namin dahil nahihiya parin talaga ako sa ginagawa kong pagsama sa kanya.

     “Ah– Ano Sir, apat na taon na po ako sa Carkos Construction.” sagot ko nalang sa kanya. May bahid parin ng hiya ang boses ko.

     “How much do you earn?” tanong niya pa at napatingin na ako sa kanya. Ang seryoso niyang tingnan kapag ganito ang ugali niyang pinapakita. Nakita ko na ang takot at masaya niyang pagkatao. Pero ang nakakamangha sakin ay ang pagiging seryoso niya. Pinapakita niya ang kanyang pagiging isang makapangyarihang tao. At lahat ng gusto niya ay dapat masunod.

     Ito ang gusto kong buhay. Ang buhay ni Sir Robert. Pero hindi lahat ng tao ay nabibiyayaan ng yaman. Hindi lahat ng tao ay may kakayahang maging mayaman.

     “Minimum lang po ang sweldo namin. Linggohan ang sweldo namin. Kahit papano, nakakatulong na po sa aking pamilya.”

    “You mean, you are married? May asawa ka na?” may halong pag usisa sa boses ni Sir Robert. Napatingin siya sakin at ngayon ay nasilayan ko ang lukot na noo niya. Bakit bigla siyang nagtanong kung may asawa na ako?

    “Naku! Wala pa ho Sir.. Ang ibig kong sabihin para sa Papa ko at sa aking nakababatang kapatid po. Sila po ang tinataguyod ko. Ako nalang din ang maaasahan nila.” agad ko namang pagtanggal sa kung anumang namumuong isipin niya tungkol sakin.

   Bakit bigla nalang siyang nagulat? Nakakapagtaka talaga ang kinikilos niya.

    “You’re a reliable person Ezra. I can see that in you. Iilan nalang ang taong katulad mo. Inuuna ang kapakanan ng pamilya nila kaysa sa sarili nila.”

    Nakita ko naman ang pagngiti niya. Tipid na ngiti na para bang naghatid sakin ng kakaibang tuwa. Nakakatuwa kasi siyang tingnan kapag ngumingiti.

    “I have been busy my whole life. Bata palang ako, sinanay na ako ng Daddy ko na maging tagapagmana ng lahat ng maiiwan niya.” bigla niyang binuksan ang kanyang kwento sakin.

    Bakit siya nagkwekwento sakin tungkol sa buhay niya?

    “Wala akong ginawa kundi mag aral. I never had real friends. Ayaw ni Daddy na nakikipagkaibigan ako kahit kanino. And it makes me think that I am living for only one reason, to become an heir of a multi million business. To become a successful person in the world of business.”

   Nakatingin parin ako sa kanya. Marahan lang ang paglalakad namin dahil narating na namin ang likurang bahagi ng annex building. Nasa likod ng annex ang isang  malawak na patag. At sa ginta nun at may lawa na nakakaaliw pagmasdan. Sinadya ang lokasyon ng building para magtagpo ang maingay na siyudad at ang tahimik na lugar.

     “Sorry, I just had to let it out. Simula kasi kagabi, I just realized something. Komportable ako kapag kinakausap kita. And this is something new for me.”

     Napatingin ulit ako sa kanya at napangiti naman ako. Komportable din naman ako sa kanya. Nakakaasiwa lang talaga ang aming sitwasyon. Dahil sino ba naman ako para kausapin niya? Pero ito, kaharap ko siya at para lang kaming hindi magkalayo sa maraming bagay.

     “Sir Robert.. Huwag kayong mag alala, nandito naman ako para makinig sa inyo. Hindi ko lang din po mapaniwala ang sarili ko. Nagagawa mo pong maging komportable kasama ang isang tulad ko?”

    “Bakit? Ano bang meron sayo na hindi ko dapat magustuhan? I mean, you are a good person. Natutuwa ako sayo. It’s enough for me.” magiliw naman niyang sagot sakin. Nakatingin siya sakin. Kakaiba ang mga tingin na binibigay niya sakin.

     Hindi ko talaga mabigyan ng tamang kahulugan ang kanyang mga tingin sakin. Teka? Bakit ko ba yun iniisip?

    “Ah— Ano Sir. Tara na po? Umiinit na po masiyado. Baka kailangan niyo nang bumalik sa inyong opisina?” pagbasag ko sa matagal na pananahimik niya. Kanina pa niya ako tinitingnan na para bang iniisa isa niyang kabisahin ang detalye ng aking mukha. Nahiya ako sa isiping yun. Napatungo naman ako sa ibang direksyon.

    “Okay.. Samahan mo na ako pabalik sa parking lot.” usal naman niya at mabilis ko siyang sinundan sa paglalakad. Sinubukan kong idistansya ang sarili ko sa kanya pero pinipilit niyang magpantay ang lakad namin. Ano bang nangyayari kay Sir Robert? Bakit siya ganun sakin?

   Nang marating namin ang parking lot ay agad ko naman namataan ang kanyang sasakyan. Napakagara talaga nito. Wala akong alam sa mga kotse pero sa tingin ko mamahalin ang kanyang sasakyan.

    “May cellphone ka ba Ezra?” biglang tanong niya sakin. Napahinto naman kaming dalawa sa paglalakad at humarap siya sakin.

     “Ah.. Opo Sir. Meron po.” parang alam ko na ang susunod na itatanong niya.

    “Hand it over. Ibigay mo sakin.” sabi pa niya. Nalukot ang noo ko. Kukunin niya ang cellphone ko? Bakit niya gagawin yun?

     Ilinabas ko naman sa bulsa ko ang mumurahin kong cellphone. Kunting bagsak nalang siguro ay gutay-gutay na ito. Napangiwi naman si Sir Robert nang makita niya ang cellphone ko.

   “Is this even functioning? Are you sure this is your phone?” nagtatakang tanong niya. Nahiya nalang ako sa kanyang reaksiyon.

   “Sir Robert, bakit po ba ninyo gustong kunin ang cellphone ko?”

     Humagalpak naman siya ng tawa. Napatingin ako sa paligid ko dahil nagtitinginan sa aming banda ang mga kasamahan ko pati na ang ibang taong nandoon sa parking lot. Napatigil nalang siya ng tumikhim ako.

   “Oh God.. You’re so funny Ezra. Hindi ko kukunin ang phone mo. I am giving you my number.” natatawa parin niyang saad sakin. Napakamot nalang ako ng ulo ko. Ang tanga tanga ko talaga.

   Pero bakit niya gustong makipag ugnayan sakin? Ano bang meron sa akin? Inabot niya naman sakin ang cellphone ko.

    “Anyways, I saved my number there. I also got yours. Expect me to call you one of these days. Aalis na ako.” magiliw niyang saad sakin. Nabalik nalang ako sa wisyo ko nang tumunog ang kanyang sasakyan. Hudyat na pumasok na siya sa loob nito.

   “Bye Ezra.” pagpapaalam niya sakin. Nasilayan ko pa ang kanyang ngiti bago niya isuot ang kanyang shades at pinaharurot na palayo ang kanyang sasakyan.      Nakatulala lang ako. Hindi parin kasi ako makapaniwala na ang isang tulad ni Sir Robert. Ang isang tulad niya ay nakukuha makipag usap at makasama ang isang tulad ko.

    Agad naman akong tumalima at tinungo na ang aking trabaho. Mabilis ang oras habang kasama ko si Sir Robert. Hindi ko namalayang malapit na ang break time namin.

    Naabutan kong naghahalo na ng semento si Kiko at Along. Samantalang nagsasalin naman ng nahalo nang semento si Tristan at dinadala naman ni Oka at Dindo ang mga yun sa mga nagbubuhos sa pundasyon.

    Napansin naman nila ang pagdating ko at puro ngisi lang ang aking nakita sa mga mukha nila.

    “Anong nginingisi niyo diyan? Magtrabaho na tayo.” saway ko nalang sa kanila. Nakakailang kapag ganito sila sakin.

   “Naku, huwag na po Sir Ezra. Nakakahiya naman po. Baka po madumihan ang damit ninyo, lagot kami kay Mr. Figueroa.” paandar nanaman ni Tristan. Nakakabwesit talaga kapag pinagtritripan nila ako.

    “Oo nga po, hindi na po kailangan ang tulong ninyo Sir Ezra. Doon nalang po kayo sa barong barong natin at magpahinga. Alam kong pagod po kayo sa pag aalaga kay Mr. Figueroa” dinagdagan pa ni Along at nagtawanan nanaman ang mga ulupong kong kaibigan.

    “Ano bang pinag sasasabi ninyo? Tigilan niyo ako ha? Pag uumpugin ko mga ulo ninyo.” galit na asik ko sa kanila.

   Nagtatawanan parin sila. Hindi ko na sila ulit pinagtuonan pa ng pansin. Lalo lang akong maiinis sa kanilang lahat. Talo ako pagdating sa mga pag aasar nila, lalo na si Tristan.

  ————

       Dumating ang oras ng uwian at patuloy parin ang pag uusap usap ng mga kaibigan ko tungkol sa nangyari kaninang pagsama ko kay Sir Robert.

    Hanggang sa tuluyan na kaming nagkahiwalay at umuwi narin ako sa amin. Si Sir Robert parin ang umookopa sa utak ko buong araw. Ang kanyang mga siniwalat sakin tungkol sa buhay niya. Para siyang nakakulong sa isang mundo na naghahanap siya ng paraan para makalabas doon.

    Pero bakit? Mayaman siya at kung tutuosin ay kaya niyang maging masaya. Pero mukhang kahit na mayaman ka, hindi parin iyon sapat na dahilan para maging totoong masaya.

   “Ezra!!!” isang matinis na tili ang aking narinig mula sa aking likuran. Papunta na ako sa aming bahay ng mapalingon ako sa likod ko at nakita ko ang pinanggagalingan ng boses na yun.

   Natigilan ako. Parang slow motion lahat. Parang nagrigodon ang aking dibdib. May kung anong sayang sumilay sa aking mukha. Habang papalapit sa akin ang taong sinigaw ang pangalan ko ay hindi ko naman napigilang hindi mapangiti.

   “Cassandra.” tawag ko sa kanya na kinaluwag pa ng kanyang ngiti. Ang ganda parin ni Cassandra. Ilang taon din siyang nawala at ngayon, bumalik na siya. Hindi ko mapigilang hindi maging masaya. Ang tagal ko ring hinintay ang pagbabalik niya.

    “Kumusta ka na? Ang pogi pogi mo na ngayon ah? Grabe ang bansot mo pa nung umalis ako dito satin, ngayon, para ka nang model. Ang laki na ng pinagbago mo!” masaya niyang salubong sakin. Napatawa nalang ako ng mahina.

    “Ayos lang ako.. Salamat sa mga papuri mo sakin. Ikaw nga diyan eh sobrang ganda mo na. Hindi na kita halos nakilala.” nahihiyang saad ko sa kanya. Nakakamiss ang kanyang mga ngiti.

   Naaalala ko pa tuloy kung gaano ako kapatay na patay sa kanya noong highschool palang kami.

     “Ah— Ano, sorry pala sa pagkawala ni Tita Elena. Alam kong pati si Tito Sahid ay apektado din sa pagkawala niya.” biglang nalungkot ang boses niya. Nalaman narin pala niya na wala na si Mama.

     “Kinakaya namin. Mahirap na walang babae sa bahay. Siya lang naman inaasahan namin sa mga gawaing bahay. Pero nakakaya naman. Salamat pala sa tulong mo.”

     “Walang anuman. Para namang hindi kita malapit na kaibigan. Tutulong ako kung kinakailangan.” masaya niyang saad sakin.

   Nagkangitian nalang kaming dalawa. Hindi parin ako makapaniwala na babalik pa siya dito. Hindi nakakasawang pagmasdan ang kagandahan niya.

    “Siya nga pala, ikakasal na ako sa susunod na buwan. Umuwi lang talaga ako dito sa Pilipinas para dalhin sa Canada sila Papa at Mama.”

    Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko. Ang pag asa kong maibalik muli ang aming nasimulan noon, ay naglahong parang isang bula. Nakatulala lang ako habang nagsasalita siya.

    Umuwi siya para ipabatid sakin na ikakasal na siya.

   Ang babaeng tanging pinangarap ko. Ikakasal na sa iba.

  °°°°°°°°°°°°

Chapter 5

Robert Figueroa on the Media Section. What do you think? 😍

   Natapos ang masayang usapan namin ni Cassandra nang magpasya siyang umuwi na sa kanilang bahay. Siguro ay hindi ko narin dapat pang asahan na hanggang ngayon, kahit papano, ay may pagtingin parin siya sakin.

 Nanligaw ako sa kanya noong second year highschool palang kami. Pero dahil narin sa lapitin talaga ako ng away at mga maling paratang dahil narin sa aking itsura, ay naging malabo para sa akin ang makuha ang kanyang matamis na "oo". Hanggang natapos nalang kami ng highschool ay wala na akong napala sa pagpupursige kong maging magkasintahan kami.

Napabuntong hininga nalang ako. Ano ba naman ang mapapala niya sa isang katulad ko? Isang hamak na trabahador na kumikita lamang ng sapat para sa isang araw. Hindi niya nanaisin ang ganung buhay. Pero ang mapapangasawa niya, kayang ibigay sa kanya ang lahat ng nanaisin niya.

 Napansin ko na wala pang ilaw sa aming bahay pagdating ko. Wala akong natatandaang hindi kami nakapagbayad ng ilaw namin. Pinihit ko ang pinto at bumukas naman ito, nakapagtataka talaga. Binuksan ko ang switch ng ilaw sa gilid ng aming pintuan at wala akong naabutan na kahit sino. Nasaan sila? Si Ethan at Papa?

Hinanap ko ang aking nagkukumahog na cellphone at nadismaya ako dahil wala na pala itong baterya. Agad kong hinanap ang aking charger at nang bumukas ito ay sandamakmak na message ang aking nakuha.

“Kuya.. Si Papa inatake ng altapresiyon niya. Kuya dinala ko po siya sa ospital. Puntahan mo kami dito. Nag aalala ako kay Papa.”

“Kuya, asan ka na?”

“Kuya, kailangan kita dito. Mukhang nagstroke si Papa.”

Nanginig ang buong katawan ko sa mga nabasa kong mensahe mula sa kapatid ko. Wala sa sarili akong tumakbo palabas ng bahay at agad na nagpara ng tricycle patungo sa pinakamalapit na ospital sa amin. Alam kong doon dinala ni Ethan si Papa.

Sana naman walang masamang nangyari kay Papa. Hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawala pa samin. 

 Nakarating ako sa ospital. Matapos magbayad ay agad kong tinungo ang emergency room at hinanap ko kaagad ang kapatid ko.

 Nakita ko siyang tulala habang hawak hawak ang kanyang cellphone. Kita sa mukha niya ang pag aalala.

“Bunso! Asan si Papa?” taranta kong tanong sa kanya nang makalapit na ako sa kanya.

Hinila niya ako papalapit sa isang nakatabing na hospital bed. Nandoon si Papa at walang malay. Tiningnan ko ang kanyang mukha. Nakangiwi siya at para akong naubusan ng dugo sa aking katawan. Hindi ko inaasahan na magiging ganito katindi ang tama ng altapresyon niya.

"Sabi ng doktor nagstroke daw si Papa. Mabuti nalang daw at nadala ko kaagad sa ospital. Maaring namatay si Papa dahil 210/100 ang kanyang blood pressure."

 Napahawak ako sa kamay ni Papa. Napapikit naman ako at isang parte ng isip ko ay sinisisi ko. Bakit napabayaan ko si Papa? Akala ko maayos lang lahat sa kanya. Hindi ko akalain na magkakaganito siya. May edad na si Papa. At alam kong mas mahirap magkaroon ng ganitong kalagayan dahil hindi alam kung ano ang tinamaan sa kanyang katawan. Maaring hindi siya makalakad na. O maaring hindi na siya makabalik pa sa dati.

"Kasalanan ko 'to. Hindi ko namanlang napansin na may karamdaman na pala si Papa. Kasalanan ko 'to" may himutok na saad ko sa kapatid ko.

Hinaplos niya ang likod ko. Alam kong pati siya ay nag aalala sa kalagayan ng aming ama.

 "Kuya.. Wala kang kasalanan. Hindi naman natin ginusto na mangyari lahat ng ito. Hindi natin ginustong magkaganyan si Papa." pag alo sa akin ng kapatid ko. Malapit na kasi akong bumigay.

Isang buwan palang na nawawala si Mama ay nagkaganito naman si Papa. Mababaliw ata ako sa kakaisip dahil maliban sa takot ay namomroblema ako kung saan ako kukuha ng pera kung sakaling may mga komplikasyong mangyari kay Papa.

Sakto naman ang pagdating ng doktor at lumapit agad ito sa aming dalawa ni Ethan. Napahigpit ako ng hawak sa kamay ni Papa.

"Are you the relatives of the patient?" tanong sa amin ng maliit na babaeng doktor. Nakatingin lang siya sakin na para bang nahahabag siya sa aming kalagayan.

 "Oho. Kami po yun dok.. Kumusta po ang kalagayan ng Papa namin dok?" 

 "Well, I run a series of tests at kumuha na kami ng kanyang brain scan kanina. He has a minor brain damage due to the attack of his hypertension. Maaring nagkaroon siya ng damaged nerves sa kanyang utak na may kinalaman sa kanyang locomotive skills and maybe naapektuhan din ang kanyang pagsasalita. So expect niyo na pag gising niya ay hindi niyo siya makakausap ng maayos. I am sorry to say this but, muntik nang mawalan ng buhay ang Papa niyo. Mabuti nalang at nadala kaagad siya dito sa ospital." mahabang paliwanag sa amin ng doktor na mas lalo ko pang ikinahina.

  Para akong unti unting ginugupo ng mga problemang dinanadas ng aking pamilya. 

 "Maiiwan ko na kayo. Inadvise ko na ang mga nurses na itransfer na siya sa isang private room. May mga test pa akong titingnan to make sure na walang malalang problema ang Papa niyo." dagdag pa niya bago siya tumalikod at iniwan na kami ni Ethan.

"Diyos ko! Ano banaman 'tong nangyayari satin." napabulalas nalang ako at impit akong napaluha.

 "Kuya.. Kakayanin natin 'to. Huwag kang mag alala. Pasensiya ka na kuya ah? Wala manlang akong magawa para tulungan ka." naramdaman kong naiiyak narin ang kapatid ko.

Ginagap ko ang kanyang kamay at yinapos ko siya. Napayakap naman siya sakin at humagulhol na nang tuluyan.

Hanggang kelan ba kami susubukin ng tadhana? Ito ba talaga ang buhay na dapat naming danasin? Napakadaya ng buhay. Napakadaya ng mundo.

"Hahanap ako ng paraan. Dapat makalabas tayo kaagad dito sa ospital. Alam kong malaki ang gagastusin natin sakaling makalabas na si Papa." pagpapatahan ko nalang sa kapatid ko.

"Tinawagan ko si Kuya Errol pero hindi manlang sinasagot ang mga tawag ko. Wala na talaga siyang pakialam satin. Kinalimutan na niyang may Papa pa siya. May mga kapatid pa siya." may galit sa boses ni Ethan nang banggitin niya si Errol.

Napakuyom nalang ako ng aking palad. Hindi naman talaga ako umaasa na tutulong pa samin si Errol. Sa aming tatlo, siya ang makasarili. Nakatungtong siya ng kolehiyo pero wala din, nasangkot sa gulo. Hindi na nagpatuloy sa pag aaral niya hanggang sa tuluyang bumukod samin at namuhay nang walang iniisip kundi ang sarili niya. Umuuwi sa amin sa araw ng Sabado at umaalis ng linggo. Parang wala nalang din sa kanya ang pamilya niya. Hindi ko alam kung ano pa bang kulang? Sawa narin siguro siya sa buhay naming sapat lang ang kinikita upang makakain. Walang luhong nasusunod. Walang magagandang bagay na nakukuha.

 "Hayaan mo na siya.. Ako ang gagawa ng paraan. Mangungutang ulit ako kung kinakailangan." baling ko nalang sa kapatid ko na nakatingin kay Papa. Wala parin siyang malay.

Dinala siya sa isang silid na pang mayaman lang talaga. Para akong nagaalinlangan pumasok sa loob nito. Pero wala akong choice, dito dinala ng kapatid ko ang Papa namin. Wala na sakin kahit ilang libo pa ang bayarin namin. Ang mahalaga ay maging maayos ang kalagayan ni Papa.

Nakamasid lang ako sa kanya habang nakakabit sa kanyang pulsuhan ang dextrose at may nakakabit na tubo sa kanyang ilong para makahinga siya ng maayos.

Nalangiwi parin ang kanyang bibig. Natatakot ako na kapag magising si Papa at dumaing siya ng kung anuman, ay hindi niya yun magagawa ng maayos. Sabi nga ng doktor, baka hindi na siya makapagsalita pa ng maayos.

Ihinilamos ko nalang ang aking mga kamay sa aking mukha. Sana isang panaginip nalang lahat ng nangyayari. Hindi ko alam kung saan pa kukuha ng lakas ng loob. Parang kontra na sa akin ang agos ng buhay.


Apat na araw na nanatili si Papa sa ospital. Nang magising siya ay hindi nga nagkamali ang aking hinala. Hindi siya nakakapagsalita ng maayos. Nakangiwi ang bibig niya at hindi namin maintindihan ang mga sinasabi niya.

Naluluha nalang si Papa dahil sa hindi niya alam kung paano ipapahiwatig sa amin ang gusto niyang sabihin. Nalaman din namin na paralisado ang kanyang kalahating katawan. Kaya hindi siya makakapaglakad. Makakapaglakad siya kung dadaan siya sa therapy pero sabi pa ng doktor ay magastos ito at medyo matagal bago magkaron ng pagbabago sa kanyang kondisyon.

At mas lalo pa akong nanlumo nang makita ko ang bayarin namin nang magtungo ako sa billing section ng ospital. Linahad sakin ng matandang babae ang papel na naglalaman ng aming babayaran at tumambad sakin ang napakalaking halaga.

“P75,000? Saan tayo kukuha ng ganito kalaking halaga Kuya?” natatarantang tanong sa akin ng kapatid ko. Wala ako sa sarili ko. Pati ako ay nag iisip kung saan ako kukuha ng ganun kalaking halaga. Parang mawawala na ako sa katinuan ko.

“Huwag kang mag alala Papa.. Lalabas tayo dito. Hahanap ako ng paraan para makuha ang halagang yan.” nakatingin lang sakin si Papa na may pangamba sa kanyang mga mata.

"H-anak..H--ana 'di niyo na hako h--indala tito.. Hi-hinayaan niyo na aho ma--mamatay." hirap na usal ni Papa na nagpalapit sakin sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay at mahigpit kong pinisil yun.

Naglandas naman ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata na mas lalo lang nagdagdag sa sakit na nararamdaman ko. Sinusubukan kong magpakatatag para sa kanya. Ayokong magpakita ng kahinaan. Ayokong makita niya na pati ako ay halos sumuko narin.

“Pa?! Huwag niyo pong sabihin yan! Hindi ko pa kakayanin na pati kayo mawala samin. Gagawa po ako ng paraan Papa.” pinisil ko lalo ang kanyang kamay. “Makakalabas kayo dito ngayon. Ako po ang bahala.”

Bumitaw ako at agad na lumabas ng silid na yun. Nanlalambot ang mga paa ko habang humahakbang sa hagdanan pababa ng ospital. Wala na akong makapitan pa sa pagkakataon na ito. Wala na akong ibang maisip na gawin. Saan ako kukuha ng ganun kalaking pera? Paano ko gagawin yun?

 Namalayan ko nalang na may tumatawag saking cellphone. Wala sa loob kong kinuha sa aking bulsa ang cellphone ko at nakita ko kung sino ang tumatawag doon.

Si Sir Robert. Napaawang ang bibig ko. Nabuo sa isip ko ang pagkadesperado. Kailangang kailangan ko ng pera ngayon. At alam kong matutulungan ako ni Sir Robert. Siya na lang ang pag asa kong makuha ang pera na yun para makalabas na si Papa dito sa ospital.

Kakapalan ko nalang ang mukha ko. Bahala na.

“H-ello?” pagsagot ko sa tawag ni Sir Robert.

“Ezra? Where are you? Andito ako sa site and Jeric told me that you have not reported since for three days now? Anong nangyayari sayo?” malalim ang boses ni Sir Robert at may halong pag aalala dito.

“Ah– Ano Sir.. Andito po ako sa ospital.” sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano bubuksan sa kanya ang paghingi ko ng tulong.

"W-wait.. Hospital? Bakit? Anong nangyari sayo?" nandoon ang pagkataranta sa boses niya. Bakit ganoon ang reaksiyon niya? Nag aalala ba siya para sakin?

"Saang hospital ka ba? I will go there now." dagdag tanong pa niya sakin.

“Sa Eduardo Lorenzo Medical Center po Sir.” sagot ko naman sa kanya.

 Biglang namatay ang kabilang linya at alam kong papunta na siya dito. Hindi ko parin alam kung ano ang gagawin ko. Siguro magmamakaawa nalang ako sa kanya na tulungan ako upang makalabas si Papa dito sa ospital.

Kahit may kapalit pa ang tulong na ibibigay niya. Wala na akong pakialam. Bahala na. Basta maiuwi ko si Papa.

Tatlumpong minuto akong naghintay sa labas ng ospital at nahagip na ng mga mata ko ang kumikinang na sasakyan ni Sir Robert. Ipinarada niya ito sa parking lot at nagkasalubong agad ang aming mga tingin.

Patakbo ang paglapit niya sakin at agad nalukot ang kanyang noo nang maabutan niya ako na nasa labas ng ospital.

“What on earth happened? Akala ko ikaw ang dinala dito sa ospital? Okay ka lang ba?” bakas parin sa mukha niya ang pagkalito. Siguro inaakala niya na ako ang dinala sa hospital.

 "Hindi ho ako ang may sakit.. Si Papa po." sagot ko nalang sa kanya.

"Why? What happened to your Dad?" tanong niya ulit.

"Nastroke po siya, apat na araw na ang nakakaraan. Dinala siya ng kapatid ko dito. Apat na araw na kaminv nandito. Hindi kami makalabas dahil.." hindi ko na madugtungan ang aking sasabihin pa. Nahihiya ako.

 "Because you cannot pay his bills?" walang emosyon niyang tanong sakin.

  "Sir-- Ano.. Hindi ko po alam kung paano ko ito sasabihin pero.." naputol ulit ang sasabihin ko dahil siya na ang nagpatuloy.

  "I will pay for his bills. Huwag ka nang mag alala. Take me to his room. I want to meet your Dad." 

 Napatulala nalang ako sa kanyang huling sinabi. Hindi manlang siya nagdalawang isip?

°°°°°°°°°°°°°°°°°

Author’s Note

Ezrael can be read in full version in Dreame. Please download the app and follow this link to the complete version of this story..

                  https://m.dreame.com/novel/Wd6G63LHG%2FzYJ4t%2BXkEWCA%3D%3D.html

   Thank you so much for you support!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.