Fall At First Sight
Tamadins · 4 chapters · 5,319 words
Prologue
August 19.
Maganda ang klima ngayon, sumakto sa first day of school. Maganda ang sikat ng araw, hindi mainit sa balat. Masarap at nakakapresko ang ihip ng hangin.
Kinuha ko ang earphones ko sa bag at agad na isinaksak sa aking phone. Namili ako nang kantang papakinggan, sinakto ko ang kanta sa ganda ng panahon. Habang naghihintay ay muli kong kinuha ang aking phone at tinignan ang messenger nang marinig itong tumunog. Binuksan ko ang message na galing kay Ella. Si Ella ay kaklase ko simula grade 9 kami at hanggang sa lumipat na ako ng school and hindi ko rin alam na same school din pala kami ng pinag enrollan ngayong senior high school. Kaya unexpected din na magkaklase ulit kami ngayon.
Binasa ko ang message niya at agad ding nireplayan siya. Matapos din non ay inilagay ko na ang phone ko sa aking bulsa at nag-abang na ng Jeep papuntang school.
Ilang minuto ang naging biyahe at pagkarating ko ng school ay masyado parin pala akong maaga. Ni hindi ko parin nakikita si Ella kaya naman ay hinanap ko muna ang pangalan ko sa mga pangalan na nakapaskil sa harapan ng pinto.
Nang makita ko na ay dahan dahan kong binuksan ang pinto ng room. Nakaramdam pa ako ng hiya nang maramdaman ang tingin nila sa akin. Ang kaninang maingay ay biglang tumahimik ng ako ay pumasok.
Medyo kinakabahan ako dahil wala pa akong kilala sa mga bago kong kaklase pero kung mag-usap sila ngayon akala mo ay ilang taon na silang magkakakilala. Pero base sa nakikita ko ay, halos ang iba sa mga kaklase ko ay magkakakilala, ang iba namam ay sadyang friendly lang talaga.
Hindi ko na pinansin pa ang mga matang nakatingin sa akin dahil muli kong inilibot ang aking mga mata upang maghanap ng mauupuan.
Dahan dahan akong naglakad papuntang row 5 dahil doon na lamang ang wala pang tao. Umupo ako sa pangalawang upuan dahil baka hindi ko na makita pa ang sulat sa board kung magkataong sa pinakadulo ako ng row umupo.
Ilang minutong paghihintay ay muli akong nakatanggap ng message mula kay Ella. Kakarating niya lang din kaya gusto niyang sunduin ko siya sa harap ng gate.
Muli kong kinuha ang bag ko at nakatungong lumabas ng classroom. Ramdam ko parin ang mga mata ng mga kaklase ko pero di ko na iyon pinansin pa.
Nang makababa na ng building ay agad din akong nagtungo ng gate. Nakita ko naman si Ella na nakangiting kumakaway sa akin.
Hindi kami masyadong close ni Ella noong gr. 9 pero nung grade 10 na ay naging close na rin kami. Kaya nagpapasalamat narin ako dahil naging kaklase ko siya dahil kahit papaano ay may makakausap parin ako sa room.
“Tagal mo naman.” bugnot kunyaring sambit ko, natawa lang siya at saka ako niyakap.
“Alam mo namang laging traffic jan aa Paco. Di kana nasanay. Btw uwu!! Sobrang saya ko kasi magkaklase ulit tayo!” halata nga sa kaniya na tuwang tuwa siya.
“Di naman halata noh?” nakangiwing sambit ko at sinabayan siyang maglakad.
“Nakita mo na ba ang classroom natin?” tanong niya habang nililibot ang mata sa paligid ng school.
“Yes yes… Actually kanina pa ako nandon kaya buti na lang din nag chat ka na sunduin kita kasi ayokong mapag-isa don haha. Nahihiya ako.”
“Aysus nahihiya… Meron kapa pala non?” biro niya at sabay naman kaming natawa.
“Grabe seryoso kaba talaga? Fourth floor pa ang classroom natin? Jusko naman mukhang papayat na ako nito.” angil niya pa at natawa naman ako nang makita kung gaano kabigat ang bag na dala nya.
Hindi na kami nakapag usap pa dahil maraming estudyante narin ang kasabayan naming umakyat.
Ilang minuto din ang inabot namin sa pag-akyat dahil panay ang tigil ni Ella dahil napapagod na raw siya. Sino ba naman kasi ang hindi mapapagod eh dinaig niya pa ang girl scout sa bigat ng bag niya. Tsk…
Nang marating na namin ang classroom ay dahan dahan kong pinihit ang doorknob hanggang sa tuluyan na itong mabuksan. Muli na naman silang natahimik muling tumingin sa akin. Nakaramdam na naman tuloy ako ng pressure dahil sa mga titig na iyon.
Hindi ko na pinansin pa iyon dahil muli kong inilibot ang aking mata upang tignan ang inupuan ko kanina.. Napakunot na lamang ako nang may makitang nakaupo na doon.
Hindi ko pa maaninag ang mukha nito dahil nagtatanggal pa ito ng kaniyang sombrero.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang napako ang tingin ko sa kaniya, lalo na nung tanggalin na niya ang kaniyang sombrero dahilan upang makita ko ang mukha niya.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba, bumilis ang tibok ng puso ko sa mga oras na ito. Bumalik lang ako sa wisyo nang tapikin ako ni Ella sa braso ko.
“Huh?” lutang na sambit ko, napairap naman siya.
“Diba sabi mo kanina may upuan na tayo? Saan ba yon? Gusto ko nang umupo. Ang bigat nitong dala ko.” reklamo niya, napabuntong hininga na lamang ako at saka muling naghanap ng mauupuan.
“May nakaupo na tsk. Bagal mo kasi eh.” sambit ko at napakamot na lamang siyang sumunod sa akin. Doon na kami umupo sa row 6 dahil iyon na lamang ang pinaka bakanteng upuan. May iba namang bakante pero mas ayos narin iyon dahil kaming dalawa na lang ang uupo doon. Nakakahiya din naman kasing paalisin ung lalaking nakaupo na ngayon sa pwesto ko kanina.
Nang makaupo na ay muli akong napatingin sa lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang naging pakiramdam ko nang makita ko siya. Kakaiba ang naging dating non sa akin, may parte sa katawan ko ang tinamaan bigla. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon kaya laking palaisipan parin sa akin kung ano nga ba ang tawag sa pakiramdam na iyon.
Ito naba ang sinasabi nilang
‘Fall at first sight?’
impossible…
~
This is a work of fiction, any names, characters, places, incidents, are either the product of authors imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Any organisations, events in this story is unrelated to historical events.
Do not distribute, publish, transmit, modify, or create derivative works from or exploit the content of this story in any way. Please obtain permission from the author.
~
Chapter 1
“Dito ba tayo dapat nakaupo?” muling pang-uusisa niya kaya naman ay buntong hininga akong umiling.
“Ay weh? So saan pala dapat tayo?” muling tanong niya, itinuro ko naman sa kaniya ang row 5 na kung saan inuupuan ng lalaking iyon ngayon. Iniiwasan ko ring magsalita dahil baka kapag nagsalita ako ay marinig niya, mahirap na.
“Nakakahiya naman kung papaalisin ko pa diba? Mukhang nag-eenjoy naman na siya sa kausap niya.”
“Sabagay,”
tatango
tangong sambit niya pa.
“Pero
inpernes
gwapo siya ah.“ sa sinabi niyang iyon ay bigla akong natigilan, nagugulat akong tinignan siya.
“N-Nakita mo mukha niya?” di makapaniwalang tanong ko, iniiwasang hindi nila marinig ang usapan namin ni Ella.
“Oo naman, curious ako kung ano ang tinitingnan mo eh kaya tinignan ko na rin. Shshs ikaw ah may target ka ka agad.”
“Sira! ’di ah,” tutol ko, pero sa totoo lang talaga, totoong gwapo ang lalaking iyon pero hindi ibig sabihin non eh target ko na siya. Kaya rin ako napatingin sa kaniya dahil naalala ko ang mukha niya nung isearch ko sa fb ang pangalan ng mga kaklase ko. “N-Napatingin ako sa kaniya kanina dahil doon ako nakaupo kanina. Sira ka talaga.”
“Eysus… Wag ako Niel.” hindi na kami nakapag usap pa dahil pumasok na ang adviser namin. Halos lahat kami ay napatayo at nagulat nang bigla itong umupo sa bakanteng upuan sa first row.
“Gagi haha akala ko teacher.”
“Akala ko rin nga eh haha. Gago ampt.” Rini g ko pang pag-uusap ng dalawa kong kaklase sa likuran. Halos ang lahat din ay nagulat sa eksenang iyon. May ilan pang humahagikgik at tumatawa. Maging ako rin ay nagulat dahil akala ko siya na ang adviser namin.
“Lakas ng amats mo boy haha.” muling sigaw ng kaklase kong lalaki sa likuran dahilan upang ang lahat ay muling matawa.
Hindi na kami nag-usap pa ni Ella dahil pareho na kaming busy sa aming cellphone hanggang sa lumipas ang ilang minuto at umabot na sa alas dose.
Muli na naman kaming napatingin sa harap ng may biglang tumikhim. Halos ang lahat ay muling nagulat at ang iba naman ay nagbulong bulungan pa.
“So since mukhang wala na atang dadating, I would like to introduce myself. I’m Larry Leal, you can call me Sir Lar.” pagpapakilala pa nito at halos lahat kami sa loob ng classroom na ito ay nakaramdam ng hiya dahil sa mga kinikilos ng iba.
“That guy at the back, you may lead the prayer.” hindi ko alam kung bakit bigla na lamang kaming natawa sa biglaang pagtawag ni Sir Lar sa kaklase kong lalaki na sumigaw kanina. Halos ang lahat din ay nakatutok ang mata sa kaniya kaya naman kitang kita sa kilos nito ang pagkapahiya.
“I called you not because I want you to embarrass. Wala namang masama kung ikaw ang mag lead ng prayer hindi ba?”
“Y-Yes po sir.” mabilis namang tugon nito, halata parin ang pagkapahiya.
“Ok, you may start now.”
“Y-Yes po.” muling tugon pa nito at saka bumuntong hininga bago magsimulang magdasal. “L-Lord salamat po sa pftt…”
Hindi pa naman siya nakakapag-umpisa sa pagdadasal ay bigla na lamang itong natawa.
“Sorry po ser si Christian po kasi nagpapatawa eh.” paninisi pa nito sa kaklase kong nasa likuran din namin na kadaldalan niya kanina.
“Ulol ka Clyde!” depensa naman ni Christian
“Boys watch your words ok?”
“Yes po ser. Sorry po!” sabay pa ng dalawa.
“You may now continue.” nagpatuloy na si Clyde sa pagdadasal nguni’t hindi parin nito mapigilan ang pagtawa. Nang matapos siya ay pinaupo na siya sa upuan niya kanina. Muling pumunta sa unahan si Sir Lar dahilan upang lahat kami ay tumutok sa kaniya.
“So since this ito ang unang klase niyo for the whole year, gusto ko lang sabihin na alam ko namang ang iba sainyo may mga ugali talaga and gusto ko lang sanang sabihin na, sana subukan niyong baguhin ang sarili niyo kahit dito lang sa loob ng classroom na ito. Kahit paglabas niyo lang ng school balik na ulit kayo sa dati. Pero sana kung kaya namang magbago, magbago ok? Hindi naman para sa akin ito, para rin sainyo ito. Nagkakaintindihan ba tayo?”
“Yes po serrr,” sabay sabay na tugon ng lahat.
“Pero bago yon syempre hindi mawawala sa first day of class ang INTRODUCE YOUR SELF DIBA? Alam ko namang ang iba sainyo nagsasawa na dahil every year at kada umpisa ng klase ay isa isa kayong nagpapakilala. Dapat masanay narin kayo dahil every year yan ang ginagawa niyo. So before tayo magpakilala sa isa’t-isa, maaari bang punan niyo ang mga bakanteng upuan?”
“Yes po! “ muling tugon ng lahat at saka kami tumayo at lumipat sa bakanteng upuan sa fifth row.
Tumayo na kami ni Ella at gustuhin ko mang unahan siya sa tabi nung lalaking nakaupo ngayon sa inupuan ko kanina ay baka mahalata niya ako kaya kahit sa anong kagustuhan ko ay hindi ko na iyon ginawa pa. Tahimik ko na lamang na inilagay ang aking bag sa upuan na nasa harap ko. Sa kabilang banda ay bigla akong nagsisi kanina kung bakit dito ako sa pinaka dulo umupo.
“So since we do not have time na, ipgpatuloy na lang natin bukas. Bukas rin ay mag eelect na tayo ng class officers at sitting arrangement. That’s all for today. See you later class.” yon lang at nagpaalam na si Sir Larry.
Ang kaninang tahimik na classroom ay bigla na lamang nag-ingay matapos umalis ni Sir Larry. Hindi na rin iyon bago pa sa estudyante dahil kahit saang paaralan ay hindi na mawawala sa estudyante ang pagiging maingay.
Lumipas ang ilang oras na paghihintay ay hindi dumating ang dalawang teacher namin. Hindi na rin iyon kata taka pa dahil sadya namang marami talaga silang ginagawa ngayon lalo na ngayong first day of class.
“Tara baba tayo nagugutom na ako.” nakabusangot na sambit ni Ella. Medyo nakakaramdam narin ako ng gutom kaya naman ay pumayag narin ako na bumaba kami.
Pinauna ko nang tumayo si Ella at sakto namang pagtayo ko ay tumayo rin ang kaklase kong lalaki na siyang nasa upuan ko kanina. Hindi ko alam kung mauuna ba ako sa kaniya o papaunahin ko na lang siya. Napatingin naman ako sa gawi ni Ella, nababagot siyang nakatayo sa dulo ng row namin, napabuntong hininga na lamang akong dumaan nguni’t sa hindi inaasahan ay nagsabay kami dahilan upang mahkabungguan kami papalabas ng row.
“S-Sorry,” utal na paghingi ko ng sorry, ngumiti lamang ito at saka humingi rin ng sorry. Hindi ko alam bakit ganito na lang kabilis ang tibok ng puso ko nang makita ang ngiti niyang iyon. Ang boses niya ay nagpa-ulit ulit sa isipan ko dahilan upang mawala ako sa wisyo.
“Woi! Hay nako beshie yan pala ang sira ah.” makahulugang pang-aasar pa ni Ella sa akin. Hindi ko na iyon inintindi pa at agad ko siyang hinila pababa ng building na ito.
Chapter 2
Natapos ang buong araw nang puro kami introduce yourself kaya halos kalahati na ng mga kaklase ko ay kilala ko na ang pangalan maging sa mukha. And speaking of names ng mga kaklase ko, naalala ko na ang pangalan niya. Ngayon ay kilala ko na siya at alam ko na rin ang pangalan niya.
Siya si Earl John Bianizon, hindi ko matandaan kung bakit ang pangalan niya ang una kong nakita kesa kay Amor. Siguro marahil ay magkasunod kami sa hanay ng mga pangalan kaya siya agad ang nakita ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata, sa hindi inaasahan ay mukha niya ang aking nakita. Muling nanumbalik sa aking ala-ala ang mukha niya. Sa di malamang dahilan ay bigla na lamang akong napangiti nang bigla kong marinig ang paghingi niya ng sorry.
Hindi ko alam kung ano ang tawag sa pakiramdam na ito. Ako ba ay nagkagusto na sa lalaking iyon?
Imposible, isang beses ko pa lamang siyang nakita, ni hindi ko pa nga siya nakakausap ng matagal kaya imposibleng magustuhan ko siya ng ganon ka bilis.
’Pero maaari ring maging posible kung naniniwala ka aa ‘Fall at first sight,’
Napabuntong hininga na lamang ako. Nababaliw na ako sa mga oras na ito kaya pati ang dalawang konsensya ko ay nagtatalo na.
Muli kong iminulat ang aking mga mata at dahan dahang tumayo. Nag-unat unat ng mga braso at saka uminom ng tubig. Binuksan ko ang speacker ko at ikinonek iyon sa cellphone ko.
Gusto kong mag refresh ng utak sa mga oras na ito. Ayokong lamunin nito sa kakaisip sa mukha ni Earl. Mahirap na.
Muli kong ipinikit ang aking mga mata at nakisabay sa indayog ng kanta. Unti unti ay gumagaan na ang aking pakiramdam hanggang sa hindi ko na namalayan na dinalaw na pala ako ng antok.
August 20.
Iminulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ang init ng araw sa aking mga paa. Agad kong kinapa ang aking cellphone at kukurap kurap na tinignan ang oras.
Alas nuebe na ng umaga kaya naman ay tumayo na ako at saka inayos ang higaan ko. Bumaba na ako at nagtungo sa kusina. Sakto namang nandon si mama na nagluluto na ng pagkain kaya naman, kumilos na ako. Kinuha ko ang mga pinggan at baso at inilagay iyon sa lamesa.
“Tinanghali ka ata ng gising.” napatingin naman ako kay mama nang magsalita ito.
“Di lang po nakatulog ng maayos kagabi ma.” tugon ko kay mama, pilit na hindi inaalala ang nangyari kagabi kung bakit ako tinanghali ng gising ngayon.
“Oh siya kumain kana tatawagin ko lang ang mga kapatid mo dahil may pasok din ang mga iyon.” tumango na lamang ako at saka nag-umpisang maglagay ng pagkain sa aking plato. Hindi pa man din ako nakakasubo ay bigla na lamang sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi.
FLASHBACK..
Muli kong iminulat ang aking mga mata nang muli kong makita ang mukha ni Earl. Napabuntong hininga na lamang ako at saka kinuha ang aking cellphone. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napunta sa fb at biglang nag automatiko ang aking daliri ang i-type ang pangalan niya.
Nang maisearch ko na ay hindi ko naman alam kung saan o alin ang main acc niya rito kasi ang pangalang nakita ko ay mukha niya noong grade 7 pa siya. Kaya hindi ako sure kung ito parin ba ang ginagamit niya.
Dahil sa kuryusidad ay pinindot ko ang profile niya at saka siya inistalk. Ilang sandali pa ang lumipas ay hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi matawa sa mga nakikita ko.
Mukha siyang tukho noong bata bata pa siya kaya hindi ko tuloy maiwasang hindi maikumpara ang mukha niya noon sa mukha niya ngayon.
May malaki namang pinagbago, naging kamukha niya na ung nasa ice age. Hahaha
End of flashbacks….
Sa ala-alang iyon ay muli na naman akong natawa dahilan upang bigla akong mabilaukan.
‘Napakabilis nga naman ng Karma.’
Dali dali akong uminom ng tubig at nang mahimasmasan na ay halos mailuwa ko na ang aking dindib dahil sa labis na pagkaubo.
Muli akong uminom ng tubig at nang medyo maayos ayos na ay doon na ako nakahinga ng maluwag. Mabuti na lang din na ako lang mag-isa dito at umalis si mama dahil panigurado na kung nandito siya ay baka siya ang unang atakihin dahil sa niyerbiyos.
Tinapos ko na ang pagkain at nang matapos ay nagtungo na ako ng banyo upang maligo.
Lumipas ang isang oras ay natapos na akong maligo. Kasalukuyan ako ngayong nasa harapan ng salamin. Pinupunasan ang basang buhok.
Nang matapos na akong mag prepared ay nagtungo na ako sa drawer ko at doon ay naghanap ng maaaring suotin.
Ito ang pangalawang araw ng klase. Hindi pa kami required mag suot ng uniform dahil alam naman daw ng iba na hindi pa lahat ng studyante rito ay hindi pa nabibigyan ng uniform.
11:30 ng tanghali ako umalis ng bahay. Chinat ko na rin si Ella kung pumasok na ba siya nguni’t hanggang ngayon ay wala pa akong natatanggap na reply mula sa kaniya.
Ilang minuto ang itinagal ng biyahe saktong 11:50 ay narating ko na ang labas ng aming room. Huminga pa ako ng maluwag at dahan dahang binuksan ang pinto.
Ilang segundo ang lumipas ay hindi na ako nakaramdam pa ng pressure ngayon dahil kaunti na lamang ang tumingin sa akin pagkapasok ko ng room hindi katulad kahapon na kailangan kong huwag makagawa ng ingay dahil paniguradong mapupunta nila iyon. Mabuti na lamang ay hindi na sila katulad kahapon dahil may mga sariling mundo na sila ngayon. Halos ang iba nga ay magkakakilala at magkakasama sa kanilang previous school habang ang iba naman ay magkaklase noong jhs habang ang iba naman ay walang kausap at tahimik lamang sa sulok.
Agad na hinanap ng mata ko si Ella, naroon na siya sa upuan namin kahapon. Katabi na niya si Earl na mukhang wala ngayon sa upuan niya.
“Tagal mo naman.” aniya matapos kong umupo sa bakanteng upuan na nasa kaliwang bahagi niya.
“Maaga ka lang kasi.” pabalang na sambit ko sa kaniya at natawa naman siya.
“Alam ko na name ng katabi ko gusto mong malaman?” bigla ay nahimigan ko na may ibang kahulugan ang tanong nito. Natawa naman ako sa kaabnuan ng babaeng ito.
‘Hindi na, kilala ko na rin naman siya, bago pa mag start ang klase.’ saisip ko na lamang iyon naisatinig. Dahil baka kapag sinabi ko iyan ay paniguradong mag-uusisa na naman siya at hahaba ang talakayan naming dalawa.
“’Di na, tinatamad ako.” kunyaring tanggi ko dahil alam ko na rin naman ang pangalan niya. Halos paulit ulit rin kami kahapon kaya imposibleng hindi ko malaman ang pangalan niya.
“Aysus style mo bulok. Wag ako Niel,” sasagot na sana ako nguni’t hindi ko na nagawa pa dahil saktong dumating sina Earl at ang kaklase kong lalaki na hindi matandaan ang pangalan. Natahimik na lamang kaming dalawa ni Ella at tahimik na naghintay sa aming adviser.
Saktong alas dose ay pumasok na si Sir Larry kaya automatiko na kaming tumayo at bumati.
“Good afternoon Sir Larry, “ matamlay na bati ng lahat. Natawa na lang si sir Larry dahil sa sobrang energetic naming bati.
“Good afternoon class, so ayon na nga. Na sa akin na ang list of names niyo kaya tumayo na kayo. Ang girls at boys ay separated bawal kayong magtabi dahil isa yon sa rules ng school since this is Christian school.” panimula ni Sir at nagsitayuan naman ang iba. Lumikod na lang kami ni Ella at doon ay nag-usap.
“Beshieee so sas ’di na tayo magkatabi.” malungkot kunyaring sambit niya. Natawa naman ako dahil di naman yon bigdeal dahil nasa iisang room lang naman kami.
“Parang hiwalay lang naman tayo ng upuan di naman tayo lilipat ng ibang section.” Nakangiwing sambit ko, hinampas niya naman ako sa braso dahil sa inis.
“So unahin narin ang girls, girls dito kayo aa kanan and boys don aa kaliwa.” turo niya sa mga upuang nakahanay na lima bawat row. Gaya nga ng sinabi ni Sir ay nasa kanan ang girls at kami naman ang nasa kaliwa.
Natapos nang tawagin ang lahat ng babae, nasa pang apat na row si Ella medyo malayo layo sa maging pwesto ko sa unahan if ever na nasa unahan ako.
“So sa boys naman tayo, where’s Amor?” pagtawag ni Sir kay Amor Nguni’t mukhang wala pa siya rito.
“So since mukhang wala si Amor dito proceed tayo kay Belguio. Paano to i pronounce?
Beljiy
o
o Belgiyo? “
pagtawag ni sir sa epelyido ko.
“
Belgiyo po sir.“
tugon ko naman at tumango naman siya.
“Okay thank you Belguio, you can take a seat now. Just leave a space for Amor. “ gaya nga ng sinabi ni Sir ay umupo na ako at iniwang bakante ang naunang upuan. Nang makaupo ay agad akong napatingin kay Ella na naka fighting hand.
“Where’s Mr. Bianizon? Paano rin ’to bigkasin?
Bayanizon o Biyazon?
“ bigla namang kumabog ang dibdib ko nang marinig ang pangalang iyon. Hindi ko expected na magiging katabi ko siya.
“Nandito po sir.
Biyanizon
po sir! “ tugon niya at nakangiting kumaway kay Sir.
“Doon ka umupo sa tabi ni Mr. Belguio.” hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko lalo na nung marinig ang mga yapak niya na papunta na sa gawi ko. Napatingin naman ako sa kaniya at sa hindi inaasahan ay tila bumagal ang kaniyang paglalakad. Halos ang mukha niya lang din ang nakikita ko kaya naman bago pa ito mauwi sa iba ay agad kong natampal ang aking pisngi dahilan upang bumalik ako sa wisyo.
Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang nangyayari sa akin. Ngayon ko lamang ito naranasan kaya hindi ako sanay sa ganito. Kaya hanggang’t maaga pa at hindi pa malala ay titigilan ko na.
Chapter 3.
Hindi parin ako umiimik at halos limitado ang aking galaw sa mga oras na ito. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
Dahan dahan akong tumingin kay Ella na ngayon ay nakatingin na din pala sa gawi ko. Makahulugang tingin ang iginawad niya sa akin nang magtama ang aming mga mata. Nginiwian ko na lamang siya at umayos na ng tingin.
Natapos na ang sitting arrangement namin at hinintay na lamang na matapos ang oras. Ilang minuto ang lumipas ay pumasok ang dalawang kaklase ko. Babae at lalaki. Ang lahat ay nakatutok sa dalawa na ngayon ay nasa harapan.
“Good morning po sir!” bati naman ng kaklase kong babae. Napahagikgik naman ang kasama nitong lalaki.
“Tanga anong good morning?” bulong nito dahilan upang matawa kaming mga nasa unahan, ay hindi pala sila lang pala ang natawa dahil sa mga oras na ito ay kinakabahan at napepressure ako sa katabi ko kahit wala pa naman itong ginagawa.
“Good afternoon po pala sir, sorry we’re late.” pag-uulit pa niya at nagsabay na sila ng kaklase kong lalaki.
“So since late kayo may punishment kayo diba class? “ kahit hindi namin alam ay tumugon naman kaming lahat sa sinabing iyon ni sir Lar.
“Iyong mga na late kanina na kagaya niyo nagpakita ng talent. So since late kayo kailangan niyo ring magpakita ng talent. Unfair naman sa mga naunang late na nagpakita ng kanilang talent.”
Napatango na lang ang dalawa, halatang hindi kinakabahan. Hindi na ako magugulat pa kung may talento itong dalawang ito.
“Sino ang mauuna?”
“Ako na lang po sir! Kakanta po ako.” presinta ng babae kong kaklase. Tumango naman si Sir Larry.
“Go ahead,”
“Ehem… Shshs wait lang sir haha.
Aym nat prepared
pa eh haha.“ biro nito dahilan upang matawa ang mga kaklase ko. Hinilot hilot niya pa ang kaniyang kaniyang lalamunan bago magsimula.
{Now playing: TADHANA }
🎶 ’Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang-dama na ang ugong nito’ 🎶
Gaya nga nang sinabi ko kanina, hindi na ako magugulat pa kung may talento ang dalawang ito, o isa man sa dalawang ito. Napakaganda ng boses niya malamig sa pandinig. Hindi nakakaumay pakinggan. Hindi maarte at hindi na kailangan ng pakulot kulot.
🎶 ’Ba’t ’di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayo’y umaasang
Hilaga’t kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa’ýo.’ 🎶
Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong napatingin kay Earl sa mga oras na ito. Mas lalo pa akong nagulat nang bigla rin siyang lumingon sa akin at ngumiti.
Eto na naman ang pakiramdam na bumagal ang takbo ng oras at nawala ang lahat ng nasa paligid namin pwera lang sa aming dalawa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ito naba ang sinasabi nilang ’ TADHANA’ O baka naman nagkataon lang.
“Ok thank you, kapag may singing contest dito sa school alam na natin kung sino ang magiging representative ng class.” bumalik ako sa wisyo nang magsalita si Sir Larry. Hindi ko namalayan na natapos na pala siyang kumanta. Iniwas ko na ang tingin ko kay Earl at tinutok na lamang sa harapan ang aking atensyon.
“Ikaw na lang ang natitira, anong gagawin mo?”
“Kakanta na lang din po ser.”
“Before you start, may I ask a question? Magkaano ano kayo ni Ms.
Deguzman?“
“Magpinsan po kami ser.”
“Ahh.. Ok ok.. Proceed kana. Ano palang kakantahin mo? “
“Buko po ser.” tugon niya, wala pa man ay parang natatawa na siya.
“Go a head,” sambit ni sir Larry at hindi naman siya kumibo. Hindi ko alam kung bakit parang ang iba ay natatawa na. Hindi pa man siya nag-uumpisa ay parang maluluha na siya.
“O-One… Two… Three… Ehem…” panimula niya, hindi pa man siya nagsisimula ay parang sasabog na siya sa pagpipigil ng tawa.
“B-Bagong biyak na buko ang sarap nito nesfruta buko why not…”
Toktok mga kaklase ko
“Coconut,” halos lahat sila ay nagsabay sabay na sa dulo dahilan upang mapuno ng tawa ang loob ng buong room. Hindi ko rin naiwasang hindi matawa dahil hindi ko iyon inaasahan.
“Hahahahaha…” halos hindi makapagmove on ang karamihan sa mga kaklase ko. Maging si sir Larry din ay tawa nang tawa dahil sa kaniya.
Natapos ang oras namin kay Sir Larry nang maingay hanggang sa lumabas na siya ng classroom at ganon parin sila.
Second day palang ng klase ay parang halos lahat sila ay magkakakilala na. Bilang na lamang sa mga kaklase ko ang mga hindi pa masyadong kumikibo gaya ko. Si Ella naman ay mayroon ng kadaldalan, hindi na rin iyon kataka taka pa. Samantalang ako, ako na lamang ang hindi nagsasalita sa hanay na ito. Maging ang kumibot kibot ay limitado. Katabi ko si Amor iyong lalaking kumanta kanina ng buko nguni’t maging ang presensya niya ay hindi ko madama.
Si Earl naman ay hindi na lumingon pa sa gawi ko matapos niyang makipag apir kay Amor, madalas niyang kakwentuhan si Del Rosario, medyo naiinggit din ako dahil gusto ko rin siyang makausap pero kahit ang kagustuhan kong iyon ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako at wala akong lakas ng loob na mag first move sa kaniya.
Dahil sa inip na nararamdaman ko sa mga oras na ito, inilabas ko na lamang ang aking earphones at ang aking cellphone dahil mukhang wala namang gustong makipag usap sa akin. Di narin naman ako nag eexpect pa na may magiging ka close ako this week dahil alam ko namang sa una lang naman magiging ganito ang pakiramdam.
Ilang sandali pa ang lumipas ng may maramdaman akong kumakalabit sa akin kaya naman ay agad kong tinanggal ang earphones sa tenga ko at agad ding tinignan ang pinanggalingan ng kuwit na iyon.
Halos kumabog ang dibdib ko nang makita ang nakangiting mukha ng katabi ko. Halos di na makita ang mata nito dahil maging ang mga ito ay nakangiti rin.
“Ano Tol ayos ka lang ba jan?”
’Ayos na sana kung hindi ‘TOL’ ang tawag mo sakin.
“A-Ayos lang naman.” eto ang kinaiinisan ko. Eto na ang pagkakataon na makakausap ko siya pero wala akong maisip na magiging topic naming dalawa. Hindi naman ako madaldal kaya siya na lang ang inaasahan kong kakausap sa akin.
“Nga pala, ano nga ulit pangalan mo?” muling tanong niya. Halos hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Masyadong nakakaakit ang mga ngiti niya sinabayan pa ng mga singkit niyang mga mata kaya hirap akong tignan siya.
“D-Daniel.” utal na tugon ko, muli na naman siyang ngumiti. Nagulat pa ako sa ginawa niya nang bigla niyang punasan ang kamay niya at iniabot sa akin iyon.
“Earl nga pala, it’s nice to meet you Daniel.” formal na sambit niya dahilan upang lalo akong mailang.
“S-Salamat, nice to meet you rin Earl.” muling utal na sambit ko. Masyado akong kinakabahan sa presensya ng lalaking ito. Parang sa kung anong oras ay parang malalaglag ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito lalo na nang madampian at mahawakan ko ang kamay niya.
Kaya pala pinunasan niya ang kamay niya dahil isa pala siya sa ’ ‘Water bender’
Hindi na nasundan pa ang pag-uusap naming iyon ni Earl pero kahit ganon ay malaking epekto ang nagawa non sa loob ko. Sobra akong natutuwa dahil siya mismo ang unang nagpakilala. Hindi ko rin alam kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko nang makausap siya.
Lumipas ang ilang oras hanggang sa mag time na para sa aming break. Nauna nang tumayo si Earl kasabay niya si Del Rosario. Sa hindi inaasahan ay bigla na naman akong nagulat nang bigla siyang humarap sa akin at ngumiti.
“Niel sabay na tayo bababa kaba?” alok niya bigla naman akong nakaramdam ng kilig, at tuwa nguni’t agad ding napawi iyon nang maalala si Ella. Bigla tuloy akong nakaramdam ng panghihinayang dahil don.
“A-Ah sige mauna kana doon sa baba. May kasabay rin kasi ako eh.”
’
Gustuhin ko mang samahan ka pero nahihiya parin ako kapag nasa tabi kita.’
Gustuhin ko mang sabihin ang katagang iyan ay hindi ko rin magawa. Ang hirap tumayo sa harap niya lalo na kapag ganito ang nararamdaman mo.
“Ano yan ah?” bumalik ako sa wisyo nang marinig kong magsalita si Ella. Hindi ko namalayan na katabi ko na pala siya.
“Anong pinag-usapan niyo? Ikaw ahh… Ayaw ko na lang talaga mag talk nako.” pang-uusisa niya pa habang marahang binubunggo ang aking braso.
“Tara na nga bumaba na tayo. Dami mong alam.” natatawang pag-aya ko sa kaniya. Binigyan niya lamang ako ng mapang-asar na ngisi.
“Eysusss gusto mo lang makita si Earl eh. Wag nga ako DANIEL BELGUIO. H’wag ka nang maatat jan dahil makakatabi mo rin naman siya mamaya.” bulong niya at parang kinikilig pa. Sarap sanang bigwasan ng isang to. Kung hindi lang siguro ’to babae at kung di ko lang siguro siya kaibigan ay baka nabigwasan ko na siya.

