Falling for Angels (BL Fantasy)
MrAoiKun · 19 chapters · 37,613 words
Author’s Note
Hi Guys!
Nandito nanaman ako para maghatid ng isang kwentong may halong religious theme pero sana sa mga relihiyoso diyan, don’t take this seriously as I just want something to have inspiration. I believe in angels and especially to Archangel Michael. He is a protector and strength of the defiled. Siya ang pinakamalakas na anghel ni God. Kaya mataas ang aking respeto sa kanya bilang isang religious figure.
Ngunit gagawan ko lamang siya ng kwento at sana ay hindi ito makaapekto sa anumang pagtingin niyo sa kanya kung naniniwala man kayo sa kanya.
Anyway this story will be another fantasy romantic comedy. Sana ay magustuhan niyo rin ito gaya na pagkagusto niyo sa iba ko pang ginagawang kwento. Marami lang talaga akong panahon ngayon para magsulat pero kapag talagang natamad na ako, which I hope hindi mangyari ay hindi ko mapapangako na magtutuloy tuloy ang updates nito.
Pero sana, tangkilikin niyo parin ito. Ito ay gawa ng akong malikot na imahinasyon ngunit magbibigay ito sa inyo ng kakaibang kilig, saya at lungkot narin. Pero higit sa lahat, aral na makukuha mula sa kwento.
Tunghayan natin ang kwento ng pinakamalakas na anghel na pinababa sa lupa upang hanapin ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Ang pagmamahal ng tao na hindi niya maunawaan.
Enjoy Reading!! ❤❤❤
Disclaimer: This story is a work of fiction. Any names of person, place or event found in the story with resemblances to any other work real or fiction is purely coincidental. The author holds copyright to this work and any form of reproduction is not allowed without written permission from the author itself.
Prologue
“
Ahhhh!!!“
napaigtad ako bigla sa aking kinauupuan nang may marinig akong matinis na boses na humihiyaw. Kulang nalang ay matanggal na ang vocal chords nito sa kanyang lalamunan. Napasinghap ako ng hangin at napaikot ang aking mata. Heto nanaman..
“Sancho!!! Natanggap na ako!!!”
hiyaw nanaman ng babaeng papalapit sakin dito sa aking maliit na sala sa aking munting tahanan.
“Grabe beks?! Pwede hinaan mo ang volume ng lalamunan mo. Kunti nalang lalaslasin ko yang leeg mo. Pwede naman kasi maexcite na hindi exxagerated?” irap ko sa aking bestfriend. Si Jamila Tingzon.
“Bakla ka! Eh sino ba kasi hindi magsisigaw eh natanggap na ako sa audition na aking ginawa kanina. Beks eto na! Magiging ganap na artista na talaga ako. I will have my first ever movie role!” hiyaw pa niya na kinaismid ko lang.
“Gaga! Taas ng lipad mo agad. Commercial po ang pinagauditionan mo ’te. Hindi movie role.” binalik ko nalang ang atensiyon ko sa tv habang sinasamsam ang skyflakes na aking binili sa tindahan ni Aling Emily sa tapat ng aking bahay.
“Eh beks. Ganun narin yun. Kapag nagsunod sunod na ang grasya.. Papunta na rin yun dun.” kalamado na ang boses niya sabay tabi sakin sa sofa.
“Sawa na akong maniwala sa mga grasya na yan. Kung malas ka talaga, malas ka. At ikaw Jam, galingan mo na yan ha? Baka naman may idahilan ka nanaman kapag magbackout ka diyan.” sabi ko sa kanya na kinatango lang niya.
“Beks.. Thank you ha? Hindi mo ako binibitawan hanggang ngayon. Ikaw nalang talaga ang naniniwala sa talent ko. Sorry kung pati ang career mo ay nadudumihan na kasi sa kaartehan ko.” sinserong saad ni Jamila sakin na kinangiti ko namam.
“Hoy! Drama drama mo. Okay na nga yun. Matitiis ba kita? Eh halos pati dulo ng mga buhok natin magbuhol-buhol na sa sobrang close natin. Wag mo nang isipin yun.” napangiti naman ang bruha sa aking sinabi.
“Ikaw ba magdidirect ng commercial na yun? Or may Fafa na aasistehan mo?” nagsimula nanaman siya sa kalandian niya.
“Ayan tayo eh.. Lumalabas din ang tunay na dahilan bakit mo gustong gusto na makuha ang commercial stint na yun. Lalandi ka pala sa direktor. Well pasensiya ka dahil ako ang mag didirect ng shooting mo.” dismayado ang gaga sa kanyang narinig.
“Nu ba yan! Bakit hindi pa ibigay sa mga baguhan? Ang gahaman mo beks!” saad niya pa na kinatawa ko lang.
“Eh sa magaling talaga ako eh? Sancho Villacorte. Sino pa ba ang hahanapin nila?” saad ko sa kanya.
“Sancho Villacorte.. Virgin. NBSB. Kuripot. Career Driven. Tatandang Dalaga. Philippines!” tumayo siya bigla ay kumawaykaway na pa bang sumasali sa beauty pageant.
Nang makita niya ang pagpula ng aking mukha ay agad niya akong binelatan sabay takbo papalabas ng aking bahay.
“
Jamila!!!“
hiyaw ko sa kanya pero hindi na ito sumagot pa at nagpatuloy lang sa pagtakbo pauwi na sa kanilang bahay.
Napasinghap ako ng hangin at bahagyang napatawa sa kagagawan ni Jamila. Muli akong bumalik sa pagkakaupo sa sofa at nagpatuloy sa aking panonood ng paborito kong Series.
Ilang oras pa ang nagdaan at nakita kong malalim na masiyado ang gabinkaya naman naisip ko naring magpahinga. Sinara ko na ang tv at chineck ang mga pintuan kung nakasara na ng maayos. Mahirap na. Ang daming magnanakaw ngayon.
Hindi lang ng pera ari-arian. Pati narin ng puso.
Napatawa ako ng pagak sa aking nasabi. Bigla nanaman kasi akong may naalala. Umiling nalang ako at nagpatuloy na sa pag akyat papunta sa ikalawang palapag ng aking maliit na tahanan. Pagpasok ko ng aking kwarto ay agad kong hinubad ang aking suot na tshirt at boxers at nagtungo agad sa banyo upang maligo.
Ito ang panahon kung kelan naiisip ko ang mga taon na nagdaan sa buhay ko. Ang mga mapapait at masasayang alaala na unti-unting nabubuhay sa aking isipan.
Ang aking mga magulang. Ang aking nag-iisang kapatid. At ang aking pinakamamahal.
Isang malagim na trahedya ang bumawi sa kanila mula sa akin. Wala manlang akong nagawa kundi tawagin nalang ang kanyang pangalan upang bigyan ako ng lakas ng loob upang iligtas sila. Pero wala. Nakatitig lang ako sa kanila habang nawawalan sila ng buhay.
At siya ang sinisisi ko kung bakit naging miserable ako.
Nawalan na ako ng paniniwala na didinggin niya pa ang aking mga panalangin dahil sa mga oras na iyon, hindi siya nakinig sakin. Araw-araw akong nagdadasal sa kanya. Ipinakita ko sa kanya na isa akong mabuting tao. Sumunod ako sa lahat ng kanyang utos.
Ngunit bakit? Bakit ang mga taong tanging minamahal ko ay siya pang nawala sakin. Bakit sila pa ang kinuha niya mula sakin? Unti-unting pumapatak ang aking luha kasabay nang pagdaloy ng tubig mula sa shower. Ang masasakit na ala-alang ayaw ko nang balikan pa pero pilit na bumabalik.
Ang araw na nawalan na ako ng paniniwala na mayroong makapangyarihang nilalang na nagbabantay at dinidinig ang aking mga panalangin.
Angel of God my guardian dear. To whom this love commits me here. Ever this day be at my side. To light and guide. To rule and guard . Amen.
Matapos kong sambitin ang panalangin na paborito ko noong bata pa ako ay nayanig bigla ang aking paligid. May kung anong takot akong naramdaman. Agad kong pinatay ang shower at agad na lumabas ng banyo. Bigla namang tumigil ang pagyanig.
“Lakas naman ng lindol na yun.. Galit ka ba sakin Mother Earth? Sige lang magalit ka. Total mag-isa nalang naman ako. Pwede lamunin mo nalang din ako para finish na?” sambit ko sa aking isipan.
Agad ko namang tinuyo ang aking katawan at may kung anong malakas na liwanag ang aking naaninag sa baba ng aking bintana. Nagbihis ako at tumakbo ako papalapit sa bintana upang alamin kung ano ang liwanag na yun.
Nanlaki ang mata ko dahil isang tao ang nakadapa doon ay walang malay. Ang pinagtataka ko lang, bakit ito nagliliwanag? Bakit ito walang saplot? Shocks! Alien Invasion?! Apocalypse na ba? Nangyayari na ba ang sinasabi ni John sa Revelations?
Agad akong bumaba sa aking kwarto upang puntahan sa likod bahay ang lalaking bigla nalang bumulagta sa aking bakuran.
Nang makalabas ako at makaikot papuntang bakuran ay nawala na ang liwanag nito sa katawan. At gumalaw galaw na ito at pilit na tumatayo mula sa pagkakadapa.
Napapanganga nalang ako dahil sa higante pala ang bumagsak na lalaki. Nasa 6’5 to 6’8 ang height nito. Kulot at kulay blond ang kanyang buhok at nang humarap siya sakin. Pak!! Immortal Beauty..
Talagang tutulo ang laway mo sa kanyang kagwapohan. Words can’t define his divine aura. Hindi ko mapigilang mapalunok nalang ng laway.
Ang ganda naman ng Alien Invasion o Apocalypse na ito. Kung ganito kagagwapo ang maghahasik ng lagim sa entire human race, wapakels na ako. Take me Romeo! Take me!
Napatigil nalang ako sa aking kalokohan nang nagsimula na siyang maglakad papalapit sa akin. Para akong natatameme sa kanyang presensiya. At sana manlang nung bumagsak siya ay mag underwear siya. Bakit ganun naman kadakila si Kuya? Nakakatukso.
Binuka niya ang kanyang bibig ngunit wala manlang akong naintindihan kahit anong salita.
Tumikhim naman siya at naging seryoso ang titig sakin.
“Pilipinas ang kinaroroonan ko ngayon, tama ba?” malalim at commanding ang voice ni Kuya Alien. Hindi ako makapagsalita. His presence is making me look at him and nothing else matters.
“Teka? Bingi ba’to? Bakit hindi ata maintindihan ang sinasabi ko eh wikang Filipino naman ang gamit ko?” sabi pa niya na nagpabalik na sakin sa wisyo ko.
“Hindi ako bingi Kuya! Grabe ka ah? At sino ka ba kasi?Alam mo bang pwede kang makasuhan sa pinag gagawa mo dito sa aking property? Trespassing ka at ano— yang ano– Ah basta! Ipapapulis talaga kita. Corrupting Minors ka!” hiyaw ko sa kanya na kinalukot naman ng noo nito.
“Matindi talaga ang mga tao. Kaya nga ayaw na ayaw kong nakikisalamuha kami sa inyo. Dahil sa ang tataas ng tingin niyo sa mga sarili niyo. Hindi niyo alam kung sino ang dapat inuuna niyo higit sa lahat.” sabi pa niya.
“Ala? Anong drama mo Kuya? Pwede umalis ka na dito sa aking bahay! Nakakaistorbo ka sa aking pagtulog.”
“Hindi ako aalis dito dahil simula ngayon, dito na ako maninirahan sa iyong tirahan. At wala kang magagawa dun. Naiintindihan mo ba, tao?”
Ano daw? Aba! Ang kapal ng mukha ng bakulaw na’to ah!
Hindi paman ako nakakapagsalita ay naglalakad na siya papasok sa aking bahay.
“Hoy!! Teka teka! Hindi ka pwede dito sa bahay ko!!”
Hiyaw ko sa kanya. Feeling close talaga ang damuhong!
Ano ba kasing nangyayari? What is happening?
😇😇😇😇
We fall for angels. Because there are angels in every one of us. Angels that will always help us through the day. Angels that will show us the right way. Angels that will make everything feel alright. Angels that will make us happy. Angels that will make us fall in love.
Capitùlo Uńo
Mabilis at maagap na tinungo ng pinakamalakas na anghel ng Diyos ang dambana ng kalangitan at humarap ito sa kataas-taasang nilalang. Habang ang anghel naman ay nakakaramdam na ng hindi dapat niya maramdamam habang kaharap ang kanyang tagapaglikha. Ang kanyang ama. Ang kanyang Diyos.
“Patawad aking Panginoon. Hindi ako naging maagap agad sa aking pagpunta dito sa dambana.” mahinahong bungad ng anghel sa Diyos.
“Hindi mo dapat sinuway ang aking kagustuhan Michael. Ako ay lubhang nababagabag sa iyong mga kinikilos. Bakit mo pinigilan na mangyari ang trahedyang dapat mangyari? Alam mo na nakatadhana na ang mga bagay bagay sa mundo.”
Hindi mapigilan ni Michael na lumuhod sa harapan ng kanyang tagalikha at humandang tanggapin ang kaparusahan sa kanyang ginawa.
“Nais ko lamang na pigilan ang trahedyang iyon dahil sa kung hahayaan ko iyon ay isusumpa nanaman ng mga taong iyon ang iyong pangalan. Hindi ko na kinakaya ang mga daing nila. Ang mga pagtawag nila sa’yong pangalan. Sa araw-araw at sa bawat oras na pinakikinggan ko ang bawat hinaing nila, iilan lamang ang naririnig kong nagpapasalamat sa iyong mga nagawang kabutihan sa kanilang buhay. Ang karamihan sa kanila ay sinusumpa ka at sinasabing ikaw ay isang pabayang Diyos. Ako po ang nasasaktan para sa inyo.”
Nababanaag naman ng Diyos sa mukha ng kanyang magiting na anghel ang labis na paggalang at pagpapahalaga nito sa kanya. Hindi siya nagkamaling igawad kay Michael ang pinakamataas na katayuan bilang kanyang arkanghel. Kasama ang mga kapatid nito. Ngunit hindi parin nito maintindihan na kailangan nitong hayaang mangyari ang mga bagay na iyon dahil parte ito ng kanyang mga plano.
“Kinakalimutan ka na ng mga tao Panginoon ko. Lahat sila ay sinasamba na ang makamundong bagay. Hindi na nila iniisip ang kabutihang dapat ginagawa nila sa araw-araw. Ang pasalamatan ka sa buhay na iyong ibinigay sa kanila. Ang unahin ka sa lahat ng pagkakataon. Ang mahalin ka na higit pa sa kanilang mga sarili.” madiin na saad ni Michael habang patuloy na nakayuko ang ulo sa harapan ng kanyang tagapaglikha.
Suot ang kanyang baluti na kasing kinang ng araw. Ang ginintuan niyang pakpak na nagbibigay sa kanya ng ibayong bilis na walang nakakapantay. Ang kanyang espadang winawaksi lahat ng kasamaan sa isang wasiwas niya lamang dito. At ang kanyang matinding pagnanais na magbalik loob ang tao sa kanyang Panginoon. Ang Diyos ng lahat.
“Ang mga tao ay nakalimutan ka na. Kung maaari lamang na ilayo ko na ang sarili ko sa kanila ay ginawa ko na, ngunit ako ay sumusunod lamang sa inyong mga kautusan. Ayokong magwagi si Lucifer sa kanyang mga binabalak na lukubin ang sangkatauhan ng kanyang kasamaan.” patuloy pa ng anghel.
“Ngunit ngayong sinuway mo ang isa kong kautusan, handa ka bang tanggapin ang aking kaparusahan aking mahal na Michael?” sambit ng Diyos na kinaangat ng tingin ng anghel sa kanyang tagalikha.
“Nakahanda ako sa lahat ng parusang igagawad mo sa akin Panginoon. Hindi ko ginawa iyon upang suwayin ka kundi malaman ng mga tao na pinapanood mo sila at hindi lahat ng panahon ay didinggin mo ang kanilang panalangin dahil nakatakda na ang lahat na mangyari.” mahinahon ngunit kinakabahang saad ng anghel.
“Ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa pagaunod lamang nila sa aking mga kautusan. Iyon ang ang mahanap nila ang tunay na pagmamahal sa mga taong nakapalibot sa kanila. Ang pagmamahal na siyang nagpapabuo sa kanilang pagkatao. Ang hindi makasariling pagmamahal. Iyon ang gusto kong maintindihan mo Michael. Nagdududa ka ba sa kakayanan ng mga taong magmahal nang walang hinihintay na kapalit? Ang mahalin nila ako kahit alam nilang hindi nila ako makikita?” hayag ng Diyos sa kanyang anghel na patuloy lamang sa pagtitig sa kanyang maningning at walang kapantay na liwanag.
“Kahit kailan, simula nang magkasala ang mga tao ay naging makasarili na sila. Hinayaan mo silang umalis sa iyong paraisong ginawa mo para sa kanila ngunit habang lumalayo sila sa’yo.. Mas lalo din silang nalukob sa kamundohan at kapabayaan nila sa kanilang mga responsibilidad at obligasyon bilang iyong nilikha. Ipinadala mo na ang iyong sarili at nakisalamuha ka sa kanila ngunit kahit iniligtas mo sila sa napakarami nilang kasalanan, wala paring pinagbago ang mga tao. Nasa maling gawin parin sila. Nasa kamalian parin sila napupunta.”
“Michael, siguro nga ay panahon na upang maranasan mo naring maging isang tao. Habang hindi mo sila nauunawaan, dahil alam kong nilikha ko kayong magkakaiba. Kayo ay nilikha ko upang gabayan sila sa tamang landas. Ngunit sa pagkakataong ito, ikaw ang bababa sa lupa upang hanapin ang kasagutan sa iyong tanong. Kung bakit patuloy ko silang binibiyayaan at pinapatawad. Gusto kong maranasan mo kung paano ba maging isang tao.” hayag ng Diyos kay Michael na hinahanda narin ang kanyang sarili sa gagawin ng Diyos sa kanya.
“Kapag nahanap mo na ang totoong ibig sabihin ng walang hanggan at walang kapantay na pag-ibig, doon mo lamang mababawi ang iyong katayuan bilang aking anghel. Bilang pinakadakila at pinakamagiting na sundalo ng kalangitan.” at nawala na sa kanyang paningin ang Diyos at hindi niya mapigilang kabahan sa maaring mangyari sa kanya.
Kasama na niya ang Diyos sa simula palang ng panahon. Kasama ang kanyang mga kapatid na anghel. At sa tagal ng panahon na niyang namamasdan ang pagbabago ng mga tao mula kay Adan at Eba, hindi niya mapigilang mapagod naring umasa na babalik pa sa dati ang lahat. Kung minsan nga ay hinihintay nalang niya ang tuluyang paghuhukom ng Diyos sa sangkatauhan. Ngunit iniisip niya parin na responsibilidad niyang protektahan ang mga tao mula sa kasamaang patuloy ring ginagawa ng kanyang kapatid na tumalima sa katwiran niya at nadala sa labis na bilib sa sarili nito. Ayaw niyang tuluyang mapasailalim sa kasamaan lahat ng tao kaya linalabanan nila kasama ng lupon ng mga anghel ang mga demonyong patuloy na kinakalat at linalason sa kasamaan ang mga tao.
Si Lucifer na kanyang kapatid na ngayon ay nananahan na sa impyerno bilang matinding kaparusahan sa kanyang pagkaganid noon sa kapangyarihan. Gusto nitong sambahin din siya at puruhin katulad ng pagpuri ng mga nilalang ng Diyos sa kanya. Ngunit hindi iti pinayagan ng Diyos at nang magkaroon nga ng malaking digmaan, si Lucifer kasama ang mga anghel na nag aklas labang sa Diyos ay natalo nila at tuluyan ngang pinadala ng Diyos sa kailaliman ng impyerno, ang lugar ng walang hanggang pagdurusa.
“Malugod kong tatanggapin aking ama ang magiging kaparusahan ng aking nagawang pagsuway. Ngunit nagawa ko lamang iyon dahil sa nawawalan na ako ng pag-asang babalik pa sa’yo ang kalooban ng mga tao. Nalunod na sila sa kamundohan at kahit anong gawin naming pagligtas at pag-papaalala sa kanila ng iyong kabutihan at kapangyarihan ay sadyang tumatalima parin sila at hindi sila sumusunod sa iyo.” pagtatanggol pa ni Michael sa kanyang paninindigan.
Alam niyang naririnig siya ngayon ng Diyos ngunit hindi na nito muling kinausap.
Mabilis niyang tinungo ang bulwagan kung saan sila nagkikita kita ng kanyang mga kapatid na anghel at kailangan niyang ipaalam sa mga ito ang naging parusa sa kanya ng Diyos.
Naabutan niya si Raphael, Uriel, Gabriel, Azrael na nag uusap usap. Ang mga kerubin naman ay masayang naglalaro sa labas ng bulwagan na natatanaw ang napakalawak na hardin ng kalangitan. Ang mga serafin na masayang nag-aawitan at nagbibigay ng masayang pakiramdam sa buong paligid at ang mga hukbo ng sundalong anghel na patuloy na nagsasanay sa pakikipaglaban sa mga demonyong gawa ni Lucifer.
“Maari ko ba kayong makausap mga kapatid ko.” agad namang nagsilungunan sa kanya ang kanyang mga kapatid na anghel na naguguluhan sa kanyang inaasal.
“Ano ang nais mong pag-usapan Michael?” tanong ni Gabriel sa kanyang kapatid na anghel.
“Nalaman ng Diyos ang aking ginawang pagpigil sa trahedyang dapat na mangyari. Dahil iyon ay nasa talaan ng mga pangyayari.”
Nagulat ang kanyang mg kapatid na anghel lalo na si Gabriel na lumapit sa kanya.
“Tiyak na paparusahan ka niya sa iyong ginawa! Bakit mo pinigilan ang isang trahedya na nakatakdang mangyari? Alam mong pagsuway yun sa kagustuhan ng Diyos!” hindi makapaniwalang usal ni Gabriel.
“Dahil napapagod na ako sa paulit-ulit na pagsumpa ng mga tao sa pangalan ng ating tagapaglikha dahil lamang sa hindi nakaligtas sa isang masamang pangyayari ang mga taong malalapit sa kanila. Ang mga taong minamahal nila. Hindi nila maunawaan na nakatakda na lahat ng mangyayari. Ako ay lubos na nasasaktan pasa sa ating Panginoon.” pagtatanggol ulit ni Michael sa kanyang sarili.
“Matagal na tayong nabubuhay. Mas matagal pa sa mga tao kaya tayo ang mas dapat umunawa sa kanila. Hindi tayo ginawa ng Diyos upang bigyan ang mga tao ng dahilan upang mas lalong mawalan sila ng paniniwala sa kanya. Ginawa tayo ng Diyos upang gabayan lahat ng nilalang sa tamang landas. Alam mo naman ang sinapit ni Lucifer dahil sa pagsuway niya sa Diyos?” paglahad naman ni Raphael ng kanyang hinaing. Hindi niya parin akalain na susuway ang kanilang kapatid sa Diyos.
“Ano ang ginawad niyang parusa sa’yo? Ako ay nababahala sa maaaring mangyari sa’yo.” usal naman ni Uriel na nakalapit narin sa magiting na anghel.
“Siya ay ginawaran ng parusang maging isang tao. Maging mortal. At hanapin sa mundo ang tunay na kahulugan ng wagas na pagmamahal. Pagmamahal na walang hinihintay na kapalit.” sambit ni Azrael na sadyang malayo ang loob sa kanyang mga kapatid.
Siya ang anghel ng kamatayan kaya iba ang ugali niya kumpara sa kanyang magigiting na mga kapatid.
“Azrael, sigurado ka ba diyan sa iyong tinuran? Baka naman mali ang iyong nakita sa pag-uusap ni Michael at ng Panginoon?” tanong ni Gabriel sa anghel na nakatungo lamang ang ulo at hindi tinitingnan ang kapatid na anghel.
“Tama si Azrael sa kanyang sinabi. Ako ay pinarusahang maging mortal. At hanggang hindi ko nahahanap ang tunay na pag-ibig na nais ipaalam sakin ng Diyos ay hindi ko mababalik ang aking katuyuan bilang anghel.”
“Ngunit paano na ang hukbo ng tagapagtanggol na mga anghel? Sino ang mamumuno sa kanila? Ano ang mangyayari kung mawawala ka? Alam mong ikaw ang pinakamalakas sa aming lahat at kung wala ka, madaling magagawa ni Lucifer lahat ng gusto niya sa mga tao dahil tanging ikaw lang naman ang susundin ng iyong mga hukbo.”
Napasinghap si Michael at inisa-isang tingnan ang kanyang mga kapatid na nakatayo lamang sa bulwagan. Hindi niya rin alam kung ano ang mangyayari sa kanyang mga hukbo. Ngunit may tiwala naman siya sa Panginoon. Alam niyang hindi siya nito pababayaan. Alam niyang ito ay parte lamang ng isang pagsubok sa kanyang katatagan at pagbabalik sa kanyang tiwala sa mga tao.
“Walang mangyayaring masama. Alam kong makakaya niyong gampanan ang aking katayuan bilang pangunahing anghel ng Diyos. Alam niyong pantay pantay niya tayong linikha. Kaya nagtitiwala ako sa inyong kakayanan.” magiliw naman na sagot ni Michael sa mga ito na halatang hindi parin makapaniwala na ang kanilang kapatid na anghel na tinitingala at hinahangaan nila sa napakatagal na panahon silang nabubuhay ay magiging isang tao.
“Sana sa bandang huli, piliin mo parin ang dapat at sana nga magtagumpay ka sa iyong misyon. Marami kaming aasa na mapagtatagumpayan mo iyon. Kung ang gyera nga natin laban sa hukbo ni Lucifer ay napagtagumpayan natin, paano pa kaya ang pagiging tao mo lang.” masayang saad ni Uriel sa kanyang kapatid na anghel.
“Hindi natin alam kung ano ang maghihintay sakin sa aking pagbaba sa lupa bilang isang mortal, ngunit sana ay huwag kayong sumuway pa sa kautusan ng Diyos. Walang makikialam at walang susulpot nalang bigla sa aking harapan upang alamin ang aking kalagayan.” tanging nasabi ni Michael at tumalikod na siya sa kanyang mga kapatid upang harapin naman ang hukbo ng mandirigma ng kalangitan.
“Patuloy niyong gabayan ang mga tao at ipagtanggol sila laban sa mga demonyong gustong maghatid ng kaguluhan sa kanilang mga buhay. Iyon ang ating panata bilang mga anghel, ang protektahan ang mga tao laban sa kasamaan.”
Hindi naman naintindihan ng mga sundalong anghel kung bakit bigla nalang tumalikod ang kanilang magiting na hepe at naglaho sa isang kisapmata.
Ang kalangitan ay nagkulay pula na hudyat na ng papalapit na pagdilim. At kasabay noon ay ang tuluyang pagbaba sa lupa ng magiting na si Michael. Ang arkanghel na sinumpang maging isang tao.
😇😇😇😇😇
“Blessings. Always count them. And be thankful that they were given to you. Because it only means, God knows you deserve them.”
Capitùlo Dòs
“CUT!!” sigaw ko. Siguro ay tama na muna ang scene na aming nakunan ngayon. Nakakaimbyerna na kasi ang itsura ng aking leading lady. Mukhang ilang libong linya ang sinabi niya eh apat na salita lang naman ang sasabihin niya sa kanyang kaeksena.
“Direk! What do you think? Okay ba yung take ko?” malanding tanong sakin ni Emma. Emma Laputa. Diba? Pangalan palang alam na alam mo na kung anong klase ang pagkatao. May pa “It’s Lapyùta!” siyang nalalaman eh ang spelling naman.. Hays.. Stressful talaga ang babaeng ito. Kung di lang para sa malaking sweldo na nakukuha ko sa pagdidirek ng pelikulang ito ay titigilan ko na ito.
“Okay na Emma.. Yun lang naman ang sequence ngayon. Nakunan na yung karugtong na scenes nun tapos yung susunod naman ay kailangan mo ng double para sa stunts.” propesiyonal parin akong nakipag usap sa aking artista kahit nakakaloka minsan ang attitude nito ay magaling naman umarte.
“Direk Sancho! Tawag ka ni Sir Marky..” tawag ng atensiyon sakin ni Minnie, assistant director ko sa pelikulang ginagawa ko.
Matutusta nanaman ata ako sa dada ni Sir Marky. The ever maraming reklamong executive producer ng pelikula.
Agad akong nagtungo sa van nito at naabutan kong nakatakit ang mukha nito ng bandana niya at tila tulog na tulog.
Bakit ba kasi siya nandito? Para siyang tanga kakasunod sa bawat shooting location na pupuntahan namin. Para namang hindi documented lahat ng gagawin namin. Nananadya na rin minsan ang kumag na’to.
“Marky? Gising!” tapik ko dito at napabalikwas ito at umarteng kung fu master. Napailing nalang ako sa kalokohan nito.
“Ba’t ka ba nanggugulat Sancho?!” bulyaw niya sakin na kinataas lang ng kilay ko.
“Eh kamahalan! Pinatawag mo lang naman ako dito? Ano may alzhiemer’s ka na ba lolo Marky.” sarkastikong saad ko sa kanya.
“Bwesit ka talaga minsan..” inis niya saad sabay hablot ng isang folder sa kanyang inuupuan.
“The feeling is mutual.” saad ko naman sa kanya. At inabot ang folder na kanyang linahad sakin.
“We need to finish shooting by next week, masiyado nang matagal ang period ng shooting ng mga scenes ni Emma. Kailangang makapag post production na tayo. Baka hindi iyan umabot sa press release at showing date natin.” seryosong tono ni Marky sakin.
“Kasalanan ng Casting natin kung bakit si Emma ang kinuhang leading lady eh alam niyo naman ang reputation ng bruhang yun? Nagtitimpi na nga lang ako kapag late yan palagi sa call time niya. Kapag talagang nainis ako sa babaeng yan, makakatikim yan sakin.” inis na saad ko naman kay Marky na nakahilig lang sa upuan.
“She is good. Kaya siya ang pinili ni Onse para maging lead actress. Ikaw kasi minsa bawas bawasan mo yang pagiging iritable mo. Hanggang ngayon ba hindi mo parin mapatawad ang sarili mo sa nangyari 5 years ago?”
Bigla nanaman akong nakaramdam ng lungkot at nakipagtitigan nalang ako kay Marky. Naalala ko nanaman lahat ng nangyari nung araw na yun. That darkest day of my entire existence.
“I need to go back. May mga scenes pa akong kukunan. Maiwan na kita. Tsaka, please lang, stop reminding me of what should I do. Alam ko ang ginagawa ko. This is out of my personal life.” inis kong saad kay Marky bago ako tumalikod at bumalik na sa tent ko at rineview ang mga scenes na nakunan namin ngayong araw.
——————
Ahhhh!!!“
napaigtad ako bigla sa aking kinauupuan nang may marinig akong matinis na boses na humihiyaw. Kulang nalang ay matanggal na ang vocal chords nito sa kanyang lalamunan. Napasinghap ako ng hangin at napaikot ang aking mata. Heto nanaman..
“Sancho!!! Natanggap na ako!!!”
hiyaw nanaman ng babaeng papalapit sakin dito sa aking maliit na sala sa aking munting tahanan.
“Grabe beks?! Pwede hinaan mo ang volume ng lalamunan mo. Kunti nalang lalaslasin ko yang leeg mo. Pwede naman kasi maexcite na hindi exxagerated?” irap ko sa aking bestfriend. Si Jamila Tingzon.
“Bakla ka! Eh sino ba kasi hindi magsisigaw eh natanggap na ako sa audition na aking ginawa kanina. Beks eto na! Magiging ganap na artista na talaga ako. I will have my first ever movie role!” hiyaw pa niya na kinaismid ko lang.
“Gaga! Taas ng lipad mo agad. Commercial po ang pinagauditionan mo ’te. Hindi movie role.” binalik ko nalang ang atensiyon ko sa tv habang sinasamsam ang skyflakes na aking binili sa tindahan ni Aling Emily sa tapat ng aking bahay.
“Eh beks. Ganun narin yun. Kapag nagsunod sunod na ang grasya.. Papunta na rin yun dun.” kalamado na ang boses niya sabay tabi sakin sa sofa.
“Sawa na akong maniwala sa mga grasya na yan. Kung malas ka talaga, malas ka. At ikaw Jam, galingan mo na yan ha? Baka naman may idahilan ka nanaman kapag magbackout ka diyan.” sabi ko sa kanya na kinatango lang niya.
“Beks.. Thank you ha? Hindi mo ako binibitawan hanggang ngayon. Ikaw nalang talaga ang naniniwala sa talent ko. Sorry kung pati ang career mo ay nadudumihan na kasi sa kaartehan ko.” sinserong saad ni Jamila sakin na kinangiti ko namam.
“Hoy! Drama drama mo. Okay na nga yun. Matitiis ba kita? Eh halos pati dulo ng mga buhok natin magbuhol-buhol na sa sobrang close natin. Wag mo nang isipin yun.” napangiti naman ang bruha sa aking sinabi.
“Ikaw ba magdidirect ng commercial na yun? Or may Fafa na aasistehan mo?” nagsimula nanaman siya sa kalandian niya.
“Ayan tayo eh.. Lumalabas din ang tunay na dahilan bakit mo gustong gusto na makuha ang commercial stint na yun. Lalandi ka pala sa direktor. Well pasensiya ka dahil ako ang mag didirect ng shooting mo.” dismayado ang gaga sa kanyang narinig.
“Nu ba yan! Bakit hindi pa ibigay sa mga baguhan? Ang gahaman mo beks!” saad niya pa na kinatawa ko lang.
“Eh sa magaling talaga ako eh? Sancho Villacorte. Sino pa ba ang hahanapin nila?” saad ko sa kanya.
“Sancho Villacorte.. Virgin. NBSB. Kuripot. Career Driven. Tatandang Dalaga. Philippines!” tumayo siya bigla ay kumawaykaway na pa bang sumasali sa beauty pageant.
Nang makita niya ang pagpula ng aking mukha ay agad niya akong binelatan sabay takbo papalabas ng aking bahay.
“
Jamila!!!“
hiyaw ko sa kanya pero hindi na ito sumagot pa at nagpatuloy lang sa pagtakbo pauwi na sa kanilang bahay.
Napasinghap ako ng hangin at bahagyang napatawa sa kagagawan ni Jamila. Muli akong bumalik sa pagkakaupo sa sofa at nagpatuloy sa aking panonood ng paborito kong Series.
Ilang oras pa ang nagdaan at nakita kong malalim na masiyado ang gabinkaya naman naisip ko naring magpahinga. Sinara ko na ang tv at chineck ang mga pintuan kung nakasara na ng maayos. Mahirap na. Ang daming magnanakaw ngayon.
Hindi lang ng pera ari-arian. Pati narin ng puso.
Napatawa ako ng pagak sa aking nasabi. Bigla nanaman kasi akong may naalala. Umiling nalang ako at nagpatuloy na sa pag akyat papunta sa ikalawang palapag ng aking maliit na tahanan. Pagpasok ko ng aking kwarto ay agad kong hinubad ang aking suot na tshirt at boxers at nagtungo agad sa banyo upang maligo.
Ito ang panahon kung kelan naiisip ko ang mga taon na nagdaan sa buhay ko. Ang mga mapapait at masasayang alaala na unti-unting nabubuhay sa aking isipan.
Ang aking mga magulang. Ang aking nag-iisang kapatid. At ang aking pinakamamahal.
Isang malagim na trahedya ang bumawi sa kanila mula sa akin. Wala manlang akong nagawa kundi tawagin nalang ang kanyang pangalan upang bigyan ako ng lakas ng loob upang iligtas sila. Pero wala. Nakatitig lang ako sa kanila habang nawawalan sila ng buhay.
At siya ang sinisisi ko kung bakit naging miserable ako.
Nawalan na ako ng paniniwala na didinggin niya pa ang aking mga panalangin dahil sa mga oras na iyon, hindi siya nakinig sakin. Araw-araw akong nagdadasal sa kanya. Ipinakita ko sa kanya na isa akong mabuting tao. Sumunod ako sa lahat ng kanyang utos.
Ngunit bakit? Bakit ang mga taong tanging minamahal ko ay siya pang nawala sakin. Bakit sila pa ang kinuha niya mula sakin? Unti-unting pumapatak ang aking luha kasabay nang pagdaloy ng tubig mula sa shower. Ang masasakit na ala-alang ayaw ko nang balikan pa pero pilit na bumabalik.
Ang araw na nawalan na ako ng paniniwala na mayroong makapangyarihang nilalang na nagbabantay at dinidinig ang aking mga panalangin.
Angel of God my guardian dear. To whom this love commits me here. Ever this day be at my side. To light and guide. To rule and guard . Amen.
Matapos kong sambitin ang panalangin na paborito ko noong bata pa ako ay nayanig bigla ang aking paligid. May kung anong takot akong naramdaman. Agad kong pinatay ang shower at agad na lumabas ng banyo. Bigla namang tumigil ang pagyanig.
“Lakas naman ng lindol na yun.. Galit ka ba sakin Mother Earth? Sige lang magalit ka. Total mag-isa nalang naman ako. Pwede lamunin mo nalang din ako para finish na?” sambit ko sa aking isipan.
Agad ko namang tinuyo ang aking katawan at may kung anong malakas na liwanag ang aking naaninag sa baba ng aking bintana. Nagbihis ako at tumakbo ako papalapit sa bintana upang alamin kung ano ang liwanag na yun.
Nanlaki ang mata ko dahil isang tao ang nakadapa doon ay walang malay. Ang pinagtataka ko lang, bakit ito nagliliwanag? Bakit ito walang saplot? Shocks! Alien Invasion?! Apocalypse na ba? Nangyayari na ba ang sinasabi ni John sa Revelations?
Agad akong bumaba sa aking kwarto upang puntahan sa likod bahay ang lalaking bigla nalang bumulagta sa aking bakuran.
Nang makalabas ako at makaikot papuntang bakuran ay nawala na ang liwanag nito sa katawan. At gumalaw galaw na ito at pilit na tumatayo mula sa pagkakadapa.
Napapanganga nalang ako dahil sa higante pala ang bumagsak na lalaki. Nasa 6’5 to 6’8 ang height nito. Kulot at kulay blond ang kanyang buhok at nang humarap siya sakin. Pak!! Immortal Beauty..
Talagang tutulo ang laway mo sa kanyang kagwapohan. Words can’t define his divine aura. Hindi ko mapigilang mapalunok nalang ng laway.
Ang ganda naman ng Alien Invasion o Apocalypse na ito. Kung ganito kagagwapo ang maghahasik ng lagim sa entire human race, wapakels na ako. Take me Romeo! Take me!
Napatigil nalang ako sa aking kalokohan nang nagsimula na siyang maglakad papalapit sa akin. Para akong natatameme sa kanyang presensiya. At sana manlang nung bumagsak siya ay mag underwear siya. Bakit ganun naman kadakila si Kuya? Nakakatukso.
Binuka niya ang kanyang bibig ngunit wala manlang akong naintindihan kahit anong salita.
Tumikhim naman siya at naging seryoso ang titig sakin.
“Pilipinas ang kinaroroonan ko ngayon, tama ba?” malalim at commanding ang voice ni Kuya Alien. Hindi ako makapagsalita. His presence is making me look at him and nothing else matters.
“Teka? Bingi ba’to? Bakit hindi ata maintindihan ang sinasabi ko eh wikang Filipino naman ang gamit ko?” sabi pa niya na nagpabalik na sakin sa wisyo ko.
“Hindi ako bingi Kuya! Grabe ka ah? At sino ka ba kasi?Alam mo bang pwede kang makasuhan sa pinag gagawa mo dito sa aking property? Trespassing ka at ano— yang ano– Ah basta! Ipapapulis talaga kita. Corrupting Minors ka!” hiyaw ko sa kanya na kinalukot naman ng noo nito.
“Matindi talaga ang mga tao. Kaya nga ayaw na ayaw kong nakikisalamuha kami sa inyo. Dahil sa ang tataas ng tingin niyo sa mga sarili niyo. Hindi niyo alam kung sino ang dapat inuuna niyo higit sa lahat.” sabi pa niya.
“Ala? Anong drama mo Kuya? Pwede umalis ka na dito sa aking bahay! Nakakaistorbo ka sa aking pagtulog.”
“Hindi ako aalis dito dahil simula ngayon, dito na ako maninirahan sa iyong tirahan. At wala kang magagawa dun. Naiintindihan mo ba, tao?”
Ano daw? Aba! Ang kapal ng mukha ng bakulaw na’to ah!
Hindi paman ako nakakapagsalita ay naglalakad na siya papasok sa aking bahay.
“Hoy!! Teka teka! Hindi ka pwede dito sa bahay ko!!”
Hiyaw ko sa kanya. Feeling close talaga ang damuhong!
Ano ba kasing nangyayari? What is happening?
😇😇😇😇😇
Magsisimula na ang kulitan ng ating bidang anghel at ng ating bidang director na sobrang bitter sa kanyang buhay.
Saan kaya sila dadalhin ng kanilang roller coaster na samahan?
Capitùlo Treś
Mabilis kong sinundan si Kuyang Alien na ewan ko kung saang planeta galing. Rinig na rinig ko kasing tao ang tawag niya sakin. So tama akong hindi siya tao. Kalokohan!
Naabutan ko siyang tinitingnan ang loob ng aking ref at muntik pa akong matawa dahil itinapis niya sa kanyang bewang ang kumot na bagong laba lang. Hindi ko alam kung saan niya yun nakuha. Teka nga! Namumuro na sakin ang hinayupak na’to ah? Saan ba kasi siya galing at bigla nalang sumulpot?
“Aba! Ang galing? Bigla ka nalang papasok sa loob ng bahay ko at pakikialaman ang mga bagay dito? Kapal mo rin noh? Tatawag na talaga ako ng pulis kapag hindi ka tumigil sa ginagawa mo!” bulyaw ko sa kanya at parang wala naman itong narinig. Patuloy lang siya sa pagtingin sa kung ano ang meron sa ref ko.
Lumapit ako sa kanya at kinalabit ko siya sa kanyang likod pero ang mokong, manhid manhiran ang drama. Nakakakulo na talaga ng dugo. Bwesit na’to! Babatukan ko na sana siya pero bigla siyang humarap sakin at nawalan nanaman ako ng kakayanang huminga dahil sumilay nanaman sakin ang kanyang “immortal beauty”. Tulo laway talaga. Literal na tumutulo ang laway ko habang nakatitig ako sa kanya.
“Wala palang pagkain dito sa ref mo. Pwede bang bilihan mo ako ng pagkain sa malapit na convenience store?”
Napatigil ako sa pagnganga at pinahid ko ang aking mala falls nang laway dahil nabadtrip ako agad sa kanyang sinabi. Ano? Ako pa talaga ang uutusan niyang bumili ng pagkain sa convenience store?
“Alam mo ah.. Feeling close ka masiyado! Sino ka ba kasi? Wala naman akong kamag anak na Caucasian! Obvious naman diba? Asian ako! Pag talagang di ka nagpakilala sakin ngayon ipapapulis na kita. You are threatening my safety!” bulyaw ko dito pero si mokong ay straight face lang at parang wapakels kahit ngumawa pa ako hanggang umaga.
“Kahit naman kasi magpakilala ako sa’yo ngayon.. Hindi ka maniniwala. Hindi ba? Wala ka nang tiwala sa mga bagay na hindi naman totoo?” lalim niya mga bes. Ang lalim magsalita ni Kuyang Alien na minsan ay napapatigil ang ikot ng aking mundo.
“Try mo rin kasing magpakilala? Malay mo naman naniniwala talaga ako pero hindi mo malalaman kasi hinusgahan mo na ako agad. Kaloka ka alam mo yun?” sagot ko sa kanya at napangiti naman siya sakin.
Okay! Qouta na ako! Sobrang gwapo niya na talaga. Wala na. Finish na ako. Warak na ang aking virgin na butas ng ilong.
“Ako si Michael. Isa akong anghel.” tipid na saad niya sakin. Tumitig pa ako sa kanya ng mas matagal at hinihintay ko ang punchline niya.
“Hindi nakakatawa Kuya.” pagak kong sagot sa kanya sabay talikod at binuksan ang pinto ng aking munting tahanan.
“Pwede ba? Umalis ka na at wala akong oras para sa mga kalokohan mo. Kung magnanakaw ka, pwede sa ibang bahay ka nalang magnakaw? Nakasangla na kasi lahat ng gamit dito, iniwan lang ng pinagsanglaan ko dahil useless naman ang mga yan sa kanya.”
Natawa naman ito ng mahina sabay lapit sakin at isinara ang pinto.
“Kung ayaw mong maniwalang isa akong anghel.. Bahala ka na. Basta dito na ako titira dahil alam kong may dahilan kung bakit dito ako pinadala ng Diyos.”
“Hindi Ka Pwede Dito! Gets mo kuya?” madiin kong sambit sa kanya habang linalapit ko ang aking mukha sa kanya kahit ang tangkad tangkad niya kumpara sakin.
“Sa ayaw at sa gusto mo, dito na ako maninirahan. At sana ay hindi ka na maging matigas pa sakin Sancho. Isa akong anghel at kung ayaw mong maniwala, hindi ko na ipipilit yun.” sabi pa niya na nagpalaki ng aking mga mata. Paano niya nalaman ang pangalan ko?
“Hoy! Teka lang ha? Bakit mo alam ang pangalan ko? Stalker ka ba? Siguro isa ka ngang Alien at balak mong sakupin ang aming mundo!?” bulyaw ko dito na ikinatawa nalang niya.
“Paano ko ba nalaman ang pangalan mo? May nagsabi sakin na iyon ang pangalan mo. At kung hindi ka parin talaga naniniwala, papatunayan ko sayo na isa akong anghel.” sambit pa niya at ako naman ay naghanda nang tumakbo dahil baka hindi ito magtransform bilang anghel kundi isang demonyong mahaba ang sungay. Nakakaloka.. Ayoko pang mamatay dahil sa sobrang takot.
Para siyang natatae na ewan sa ginagawa niya. Nagfleflex ang muscles niya pero wala namang nangyayari. At bigla nalang may malakas na tunog akong narinig mula sa kanya.
Hindi ko naman mapigilang humagalpak ng tawa. Paano ba naman.. Napakalakas ng utot ng mokong.
“Hahaha! Ano ba yan.. Ibang klase pala ang transformation mo, nagiging Utot Man ka pala. Bagay na bagay kang ilagay sa bagong Avengers na movie.” hindi ko talaga mapigilang tumawa sa ginawa niya.
“Ano? Wala kang patunay na isa kang anghel diba? Sinasayang mo ang oras ko. Ang kapal ng mukha mong pumasok dito at guluhin ang pananahimik ko tapos sasabihin mong isa kang anghel? Nababaliw ka ba?” singhal ko sa kanya. Para bang nakita ko sa kanya ang kabiguan at tila ba may realizations siya na ngayon palang nag sink-in sa kanya.
Dahan dahan siyang lumapit sakin at nakipagtitigan ulit ako sa kanya. Shete talaga! Bakit ganito kadivine ang itsura niya. Bigla nalang akong naaawa na hindi ko maintindihan.
“Patawad sa aking inasal. Nakalimutan kong hindi pala kayo basta basta nagtitiwala sa mga taong hindi niyo kilala. Nakalimutan ko na. Sige, aalis na ako. Patawad ulit.” may kung anong lungkot akong naramdaman sa kanyang boses. Bakit naman nakakakonsensiya siya magsalita?
“Mabuti naman at naintindihan mo na.. Sige makakaalis ka na. Hindi na ako magrereklamo sa mga Pulis. Basta umalis ka na dito sa aking pamamahay.” mahinahon na ako ngayon pero nakakaloka talaga ang kanyang titig. Parang ayaw ko nalang siyang paalisin dahil ang lungkot lungkot niya.
Mabilis niya namang hinubad ang nakatapis na kumot sa kanyang bewang at unti unti siyang tumalikod sakin. Nakakaloka. Tumambad nanaman sa aking makasalanang mga mata ang kanyang kadakilaan. At nang tumalikod naman siya ay ang perfect sculpted na pwetan naman ang sumilay sakin kaya hindi ko mapigilang mapanganga nalang sa kanyang perfect physical features.
Bumukas ang pinto at tuluyan na nga siyang lumabas ng aking bahay. Agad ko naman iton isinara at pinakalma ko ang aking naaabnormal nang pintig ng puso. Mukhang may heart disease na ata ako dahil sa sobrang lakas ng pintig nito.
Hindi ko parin inaasahan ang mga nangyari ngayong gabi. Isang napakagandang lalaki na bigla nalang lumitaw sa aking bakuran at ginulo ang aking sistema. Hindi maalis sa isip ko ang huling titig niya sakin.
“Paano kung totoo naman ang sinabi niyang isa siyang anghel?” sambit ko sa aking sarili. Pero ang imposible naman nun? Isan siyang anghel pero wala naman siyang pakpak at yung halo sa taas ng kanyang ulo? Diba ganun ang angel? Eh bakit parang ordinaryong tao lang naman siya?
Napailing nalang ako at sinubukang kalimutan ang lalaking inakala ko pang Alien. Agad akong umakyat sa aking kwarto at tumingin ulit sa aking bintana. Hindi ko na nakita doon ang lalaki at tila ba umalis na ito doon.
Rumagasa bigla ang konsensiya saking katawan. Paano kung mapagtripan yun ng mga gago sa kanto? Paano kung igang rape siya ng mga paminta na nag-aabang lagi ng mga machong lalaki doon sa bar malapit dito sa aming barangay? Paano kung mapagkamalan itong adik at itumba ng mga pulis.
Walang ano ano ay bumaba agad ako ng aking kwarto at tinungo ang pintuan. Nang mabuksan ko ito ay nakita ko siyang nakaupo sa steps ng aking pintuan. Nandoon siya. Hindi siya umalis at pakiramdam ko ay down na down siya sa nangyayari sa kanya. Nakatungo lang kasi ang ulo niya sa lupa at para bang ang lalim ng kanyang paghinga.
Tumabi ako sa kanya sabay abot sa kanyang ng kumot na kanina’y pinangtapis niya sa kanyang kaselanan na nakabuyangyang lang. Hindi manlang siya pinadalhan ni God ng brief namanlang nung pinababa niya ito sa lupa.
“Nakokonsensiya akong paalisin ka dito sa aking bahay. Pasensiya ka na sa aking mga sinabi. Natakot lang talaga ako sayo dahil baka nga isa kang masamang tao o isa kang alien na balak akong i-abduct at pagekspirementohan?” mahinahon ang boses ko at napatingin nanaman siya sakin at sa kakaunting liwanag lang na nanggagaling sa poste ng Meralco ay aninag ko ang napakagwapo niyang mukha at sumisilay na ngiti mula sa kanyang labi.
“Kung ganun, pumapayag ka nang dito ako manirahan sa’yong bahay? Alam ko namang mahirap ipaliwanag ang aking sarili pero maiintindihan mo rin ang totoo sa tamang panahon.” sabi pa niya sakin. Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya.
“Hindi ako ganun kasama para hayaan ka nalang na maggagala sa daan na wala manlang saplot sa katawan. Ayokong may mawala nanaman ng dahil sakin.” may kirot akong naramdaman na hindi ko akalaing hahaplusin bigla ng isang nakakagaang pakiramdam.
“Salamat at pinakita mo parin ang kabutihan mo sa akin. Alam kong hindi naging maganda ang pagpapakilala ko sa iyo kanina. Pero hayaan mo akong magpakilalang muli, ako si Michael. At totoo ang sinasabi ko sayong isa akong anghel.”
Hindi parin talaga niya aalisin yung anghel theory niya? Baka kasi nakatakas din ito sa mental kaya kung ano-ano ang sinasabi? Pero hindi naman siya mukhang baliw?
Hays! Ako ang mababaliw sa kanya. Hindi ko kasi mapigilang titigan lang siya at makaramdam ng tuwa kapag sinusuri ko ang kabuuan niya.
“Tara na sa loob at ng makapagbihis ka. May mga malalaki namang akong damit doon. At ipaghahanda narin kita ng makakain mo. Baka magalit pa sakin si God na pinabayaan ko ang kanyang anghel.” sabi ko pa na ikinangiti nalang niya. Nakakaamaze lang. Ang galing! Ang bilis nanamang ng pintig ng heart ko.
“Nginingiti mo diyan?! Pasok na. Makakaubo ka pa niyan. Mahal na magkasakit ngayon.” nangingiti narin ako sa aking sarili kong kaengengan.
Tumayo na siya at nauna nang pumasok ng bahay. Kita ko nanaman ang matambok niyang pwetan na di ko talaga maiwasang hindi mapansin. Sobra na ang kasalanan ko. Pero hayaan na. Hindi ko naman din gagawin ang mga nasa isip ko.
––––––––––
“Dito ka na sa kama matulog. Doon na ako sa baba. Mag aairbed nalang ako.” saad ko kay Michael na nakaupo na sa aking kama suot ang hapit na hapit sa kanyang katawan na tshirt at jersey na nagmukhang pekpek shorts dahil sa iksi nito sa kanya. Bakit na kasi malahigante naman ang height niya.
“Ayaw mo bang magkatabi nalamang tayo? Malaki naman itong kama mo.” inosenteng tugon niya sakin. Baliw ba siya? Baka kung anong magawa ko sa kanya kapag nagtabi kami.
“Baka pag nagising ako bukas bali bali na buto ko. Ang laki laki mo kaya. Kaya diyan ka na. Ako na doon sa baba. Final na yan.” saad ko nalang na kinatango niya.
“Sancho.. Salamat at pinatuloy mo ako dito. Hayaan mo at gagawa ako ng paraan upang magkaroon ako ng hanapbuhay upang makatulong sa’yo.”
Hala ka! Makikipag live-in na ba siya sakin? Talagang inunahan na niya ako. Advance mag-isip itong “angel” na’to ah?
“Huwag mo na munang isipin yun. Matulog ka na muna. Baka kasi pagod na pagod ka sa iyong trip pababa dito sa lupa.” sakay ko parin sa kalokohan niya. Ayaw ko parin talagang maniwala sa mga sinasabi nitong isa siyang anghel.
Hindi ko namalayan na bagsak na pala sa higaan si mokong at tulog na tulog na. Agad naman akong lumapit sa kanya. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang natutulog niyang anyo.
“Kung saan kaman galing, siguro ang gagaling ng mga dermatologist niyo doon. Wala ka manlang kapores pores. Ang linis linis ng mukha mo. Hindi nakakasawang titigan.”
Napailing nalang ako sa aking nasabi. Ano bang nangyayari sakin? Ginulo talaga ng lalaking ito lahat ng aking nalalaman sa buhay.
Bigla namang natawag ang aking atensyon nang may napansin akong nagliwanag na bagay mula sa labas ng bintana. Ano nanaman? May bumagsak nanamang hubad na lalaki sa aking bakuran? Bagsakan na ba ako ng mga nilalang mula sa kalangitan?
Agad akong kumilos palapit sa aking bintana at nakita ko nga sa labas ang isang nilalang na may pakpak.
What is the meaning of this? May bago bang sequel ang Mulawin?
😇😇😇😇😇😇
Naloloka ako sa kwentong ito. Hahaha.
Capitùlo Cuatro
Naalimpungatan ako sa isang ingay na nanggagaling sa taas ng bahay. Ang aga-aga maglandian ng mga kalapati ni Mang Temiong, aking kapitbahay na tumandang binata. Hindi na daw kasi siya naniniwala sa pag-ibig. Ubos na ubos na siya. Pati savings niya naubos na. Kakaawa nga eh.. Ang hirap din mag-invest ng feelings sa isang tao. Mahuhurt ka lang sa huli.
Nu bayan! Aga ko pang humugot ah? At dahil nga di na ako nakabalik sa pagtulog ay agad kong inakyat sa kwarto ang aking bisitang “anghel” daw. Hindi pa siya nagigising sa ganitong oras? Buhay señorito ba ang mga anghel sa langit? Kain tulog lang din ang ginagawa nila?
Akala ko kasi nandiyan sila para pangalagaan ang mga tao pero parang iba at ang nararamdaman ko kay Michael. Naku naku! Baka nga nagpapanggap lang ’tong angel tapos malademonyo pala ang ugali.
Bubuksan ko na san ang pinto ng kwarto ko nang bigla nalang itong bumukas at linuwa nun si Michael na grabe ang freshness. Shet! Bakit ganito siya? Nakakapanghina ng tuhod. Ang gwapo gwapo niya kahit parang bagong gising lang talaga siya.
“Ah-Eh.. Hi Michael! Good Morning sa’yo.” bati ko sa kanya ng mahinhin. Nababaliw na talaga ako. Bakit ako nagiging ganito kahinhin sa pakikipag-usap sa kanya?
Isang matamis na ngiti naman ang binagay sakin ng kumag na naghatid sakin sa ikalimang palapag ng aking bahay. Syempre mema lang. I mean, para akong nasa langit sa kanyang mga ngiti. Heavenly talaga. Maniniwala na talaga akong galing siya sa kalangitan. Kunting push nalang.
“Magandang umaga din sa’yo Sancho.. May pagkain na ba? Nagugutom na kasi ako. Grabe pala maging tao. Laging gutom.” ngisi niya na ikinairap ko lang. Ang galing! Gumising lang talaga ang kumag para maghanap ng pagkain.
“Wala pa pong pagkain kamahalan.. Kaya kung ako sa’yo samahan mo ako at mamalengke tayo. Wala nang stock sa aking ref.” inis kong sabi sa kanya na kinakamot lang niya sa kanyang ulo.
“Eh teka nga Michael? Ikaw ha.. Baka miyembro ka ng budol-budol gang at kunwari paawa effect ka tapos pag nahulog na ako sa bitag mo, nanakawin mo na lahat ng nakasanlang gamit dito sa bahay ko?!” seryosong saad ko sa kanya na kinatawa lang niya.
“ Napakamapanghusga niyo talaga. Hindi ba pwedeng pagkatiwalaan niyo ang isang tao kapag nagsasabi sila na mabuti ang kanipang hangarin at walang halong pagpapanggap?“ sabi niya sakin. Grabe naman mga ’te.. Ang bango ng morning breath niya. Bakita ganun? Wala ba siyang kahit anong kapintasan sa katawan? Lahat perfect!
“Syempre naninigurado lang ako.. Ang dami na kasing ganyan ngayon. Kesyo ganito, kesyo ganyan.. Kaya kailangang siguraduhin ko na hindi ka nandito upang ipahamak ako.” madiin kong sabi sa kanya na nagpangiti pa lalo sa kanya. Ang heart ko naman ay ayaw din magpapigil. Grabe ang pintig. Mukhang lalagpas na sa BPM meter ang pintig nito.
“Huwag kang mag-alala. Ipapaliwanag ko rin sa’yo lahat. Kailangan ko rin makuha ang iyong tiwala. Dahil kung hindi mo ako pinagkakatiwalaan, hindi rin ako magtatagumpay sa misyon ng Diyos para sa akin.”
Umirap nalang ako sa kanya at tumalikod ngunit humarap ulit ako at muntikan na talaga mga besh! Muntikan na akong matumba dahil may balat ng saging pala sa sahig na hindi ko alam kung saan galing at parang in a split second, nag slow-mo lahat ng bagay.
Salong salo ako ni Michael at magkalapit talaga ang aming mga mukha at nakangiti pa siya na muntik nang magpawala ng aking kamalayan. Kinokontrol ko ang aking sarili ng todo upang wala akong gawing kahalayan sa lalaking aking kaharap ngayon pero may tinig sa isip ko na sinasabing gawin ko iyon. Pero hindi!! Hindi pwede.. Bakit ba kasi nakakaramdam ako ng ganito? He is a stranger.. Hindi ako basta basta dapat magtiwala.
“Minsan kailangan mo ding isipin na lahat ng ginagawa mo ay may masama at mabuting kapalit. Kapag nag-iisip ka ng masama, masama din ang mangyayari sayo. At kapag nag-iisip ka ng mabubuting bagay, asahan mong mabuti din ang mangyayari sa’yo.”
Tinabig ko ang kamay niya at binitawan niya naman ako. Nakakailang pero masaya parin ako sa nangyari. Mababaliw narin siguro ako sa lalaking ito. Ang lambing niyang magsalita at ang heaven talaga ng kanyang mga tingin.
“Dami mong alam ah! Bakit di mo palitan si Kuya Kim sa TV Patrol.” ismid ko sa kanya sabay talikod. Naglakad na ako at alam kong nakangiti siyang sumusunod sakin.
At ito na nga mga bes. Dahil nga sa angking perfectness nitong si Michael ay lahat ng taong aming nadadaanan nang makalabas na kami, ay todo ang titig sa aming dalawa. Ay mali.. Sa kanya lang pala. Bakit naman kasi hindi? Eh ang suot lang naman niyang puting tshirt ay hapit na hapit sa kanyang bato batong katawan at ang kanyang shorts naman ay nagmukhang trunks dahil sa ang laking lalaki nga niya.
Napapatingin naman siya sa paligid niya at ngumingiti din sa mga tumitingin sa gawi namin. Wow! Mr. Congeniality ang lolo mo.
“Hoy! Huwag ka ngang parang engot. Bakit ka ngiti ng ngiti sa mga yan? Di ba napapagod yang bibig mo kakaunat pataas?” inis kong sambit kay Michael na napatingin naman sakin at hindi nawawala ang ngiti.
“Sancho.. Dapat lagi mong pinapakita ang kabutihang asal na meron ka sa mga taong nakapalibot sa’yo dahil hindi mo alam kung anong kasiyahan ang idudulot ng iyong mga ngiti sa ibang tao.” ang dami talagang alam. Nakakaurat na. Kaya mabilis akong naglakad na para bang hindi ko siya kasama. Bahala siya sa buhay niya. Drama pala niya ang magbigay ng libreng ngiti sa mga tao dito sa aming barangay.
Hindi ko namalayan na nasa palengke na pala ako at wala na sa aking tabi si Michael. Saan naman napunta yun? Ngayong wala na siya hinahanap ko naman? Nakakasira din ng bait ang lalaking yun talaga oo..
Binalikan ko ang aking dinaanan at hindi ko napigilang mapangiti sa ginawa ni Michael.
May isang matanda na gusto tumawid patungon dito sa kinatatayuan ko at maingat siyang inaalalayan ni Michael at tuwang tuwa din naman sa kanya ang mga taong nakakamasid sa kanyang ginagawa. Ibang klase talaga siya. Ngayon mas lalo na akong naniniwala na isa nga talaga siyang anghel.
“Naku talaga.. Maraming salamat iho! Napakagwapong bata mo at napakabait pa.. Pagpapalain ka ng Diyos sa iyong ginawang kabutihan. Sana ay maging kasing bait mo rin ang aking mga apo.” magiliw na pasasalamat ni lola kay Michael.
“Walang anuman Artemia. Hayaan mo at patuloy na gagabayan ng mga anghel nila ang iyong mga apo. Mag-iingat ka na sa susunod.” usap niya kay Lola na para bang kaedad niya lang ito. Si lola naman ay nashock ng bongga.
“Pa-papaano mo nalaman ang pangalan ko iho?” nakakapit si lola sa bisig ni Michael at naloloka siya sa mga sinabi nito sa kanya.
“Naku lola.. May pagkamanghuhula po kasi nitong aking kasama. Pagpasensiyahan niyo na. Marami pa po kaming gagawin kaya kung maari po ay kukunin ko na siya sa inyo.” paghila ko naman kay Michael papalayo kay lola na shocked parin.
Wala namang imik si Michael at patuloy lang siya sa pagsunod sakin. Hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng palengke at parang artista siyang pinagkaguluhan ng mga tindira pati narin ng mga mamimili doon. Nakakaimbiyerna na talaga! Sana ay iniwan ko nalang ang kumag na’to sa bahay.
“Nagkamali akong isama ka pa dito. Mababaliw na talaga ako ng tuluyan sa’yo!” singhal ko sa kanya. Hindi naman na niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagsunod sakin habang iniisa-isa niyang ngitian ang bawat tumatawag sa kanya. Feel na feel niya naman na pogi siya. Lakas ng hangin.
———————–
Habang kumakain kami sa mesa ay minamasdan ko lang siya. Nagluto ako ng pritong itlog, hotdog, bacon at may pandesal din. Nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa.
“Hindi ko akalain na ganito pala ang lasa ng mga pagkain ninyo. Masarap din naman pala. Kaya ang daming gustong gusto kainin ang mga ito kahit masama sa kanilang kalusugan.” sambit ni Michael bigla na kinagulat ko naman.
“Kung ganun, ano ang kinakain mo sa langit? Diba anghel ka? Ano ang kinakain niyo doon? Bakit parang manghang mangha ka sa mga bagay na ginagawa mo?”
Tumingin siya sakin at doon na siya naging seryoso. Siguro nga panahon narin naman upang sabihin niya sakin ang truth. And nothing but the truth. Baka kasi mamaya bigla nalang sumulpot dito si Jamila na may kasamang mga staff na mula sa mental institution at sabihing nababaliw na ako.
“Ako ay isang Arkanghel. Bago paman isilang ang mundong iyong ginagalawan, kasama ko na ang Diyos. Nakita ko lahat ng bagay mula ng likhain niya ang daigdig, ang pagkakasala ni Adan at Eba, ang pagpatay ni Cain kay Abel, ang pagsisimula ng pagkakahati hati ng mundo. Ang masasama at mabubuting bagay na nagsimulang magpainog dito. Lahat yun ay nasaksihan ko. At kung tinatanong mo kung ano ang pagkain namin doon sa langit? Walang pagkain doon dahil hindi kami kailanman nakakaranas ng pagkagutom at pagkauhaw. Pinuno kami ng Diyos ng kanyang pagmamahal at naguumapaw na pagkalinga kaya hindi kami nakakaranas ng kakulangan.”
Mahabang kwento niya na tila ba nagpaguilty bigla sakin. Kung ganun, totoo nga ang mga sinasabi niya.
“Pero anong nangyari? Bakit ka naging tao? Nasan ang mga pakpak mo? Nasaan yung halo mo? Yung espada mo na ginamit mo laban kay Satanas?” sunod sunod kong tanong sa kanya na nagpangiti naman dito.
“Isang trahedya ang hindi ko hinayaang mangyari. Isang barkong papalubog na may lulan na isang libong tao.” sambit niya na hindi ko namang nagets agad.
“O? Tapos anong konek nun sa pagiging tao mo?”
“Dahil hindi ko dapat yun pinigilan. Nakatakdang mangyari iyon ngunit dahil sa nakialam ako ay nabago ang takbo ng mga pangyayari sa buhay ng mga taong lulan ng barkong iyon.” sagot naman niya na mas lalo lang nagpagulo sa isip ko.
“Ayaw ko na kasing hinahamak ng mga tao ang Diyos. Ang tagalikha nating lahat. Kapag may trahedyang nagaganap sa mga tao ay agad nilang sinisisi ang Diyos dahil pinabayaan niya na mangyari ang trahedyang iyon. Hindi namin kinakaya ang mga panghahamak ng tao sa aking Diyos kaya sinuway ko siya upang hindi na madagdagan pa ang mga taong namumuhi sa kanya.” sumilay sa mata niya ang lungkot at wala naman din akong magawa kasi hanggang ngayon processing parin lahat ng mga nangyayari sa isipan ko.
Tila ba all of a sudden, nabago ang tingin ko kay Michael. At may guilt narin akong nararamdaman ngayon. Dahil sa malaki ang galit ko sa Diyos. Dahil sa nangyari sakin at sa mga taong minamahal ko ilang taon na ang nakakaraan.
“Kaya binigyan niya ako ng parusa. Gusto niyang maranasan ko ang maging isang tao at hanapin ang pag-ibig na walang hinihintay na kapalit. Dahil iyon ang pagmamahal na binibigay niya sa ating lahat. Hindi makasarili. Hindi naghihintay ng kapalit. Walang dahilan. Yun ang pag-ibig na gusto niyang mahanap ko.” dagdag pa niya na kinatitig ko lang dito. Para ba siyang isang story teller na ramdam na ramdam mo lahat ng sinasabi niya.
“At kung mahanap mo ang pag-ibig na yun bilang isang tao? Babalik ka na sa langit?”
Tumango naman siya at para naman akong nalungkot sa sinabi niya. That will be unfair. Sa side ng taong magmamahal sa kanya ng totoo at walang hinihintay na kapalit. Para lang siyang nagmahal sa wala. Dahil ang inibig niya ay isang anghel na kailanman ay hindi pwedeng umibig sa isang tao.
“Eh di parang useless din ang gagawin mong misyon. Maghahanap ka pala ng selfless love, eh bakit ka ginawang tao ni God? Sa tingin mo ba kapag mahanap mo ang pag-ibig na yun at ibalik ka na ni God bilang isang anghel matutuwa ang taong iiwanan mo dito sa lupa?”
Hindi ko mapigilang magdamdam. Para bang ang pangit lang tignan.
“Iyon ang pagsubok sa misyong ibinigay sakin ng Diyos. Ang manatili sa taong minahal ako ng walang hinihintay na kapalit.. O ang piliing muling bumalik sa langit at magampanan kong muki ang aking tungkulin sa Diyos.”
Hindi ko alam pero naging emotional ako bigla sa mga sinabi ni Michael. Heartfelt. Dinaig pa niya si Charo Santos sa pagkukwento ng kanyang buhay.
😇😇😇😇😇😇😇
Capitùlo Cinco
Hindi pa man ako nakakamove on sa mga sinabi ni Michael ay bigla nanaman akong nagulantang sa isang boses na daig pa ang sirena mg mga bombero kung makatili. Masasampal ko na talaga ang babaeng ’to.
“
Sanchooo!!! Ayyy!“
natigil ang bruha sa paghiyaw nang madatnan niya kami ni Michael sa hapag kainan. Titig na titig ang merlat sa aking kasama.
“Ano? Nganga ka nanaman? Basta gwapong lalaki talaga ang nakikita mo bumibigay agad matres mo!” usal ko sa bergahitang dumating na kala mo hinahabol ng mga adik sa labas.
“Hi!! I’m Jamila. I quiet haven’t seen you around here. It’s nice to meet you!” ang bruha pa British accent pa mali mali naman. Natatawa nalang si Michael sa kagagahan ng aking kaibigan.
“Kinagagalak kitang makilala Jamila. Ako nga pala si Michael. Mukhang masayang masaya ka sa araw na’to.” masayang tugon naman ni Michael na lalong nagpapula kay Jamila.
“Ah-eh.. Ang gwapo mo kasi kyah!” nyeta naging pabebe naman. Jusko. Malapit ko nang ibitin patiwarik ang babaeng ito. Hindi na nadala sa mga gwapong lalaki.
“Salamat naman. Pero sa akin ay hindi ko linalagyan ng anumang lebel ang aking aking kagandahan. Lahat tayo ay ginawa ng Diyos ayun sa kanyang wangis kaya naniniwala akong pantay pantay tayo sa paningin niya.” lalim ng hugot ni Michael ah? Napanganga naman si bruha at napatingin nalang sakin.
“Friend? Di ko naman alam na may nagpapari palang nakituloy sayo dito? Irarape ko nalang ito para di na matuloy sa kanyang ordinasyon.”
Tumayo ako sa mesa at agad siyang hinapit palapit sakin. Ngumiti muna ako kay Michael bago ko kaladkarin ang babaeng higad na ito sa aking sala.
“Tumigil ka sa kalandian mo ha! Hindi yan magpapari at mas lalong huwag na huwag mong gagawin yun kung ayaw mong matunaw ang matres mo!” giit ko kay Jamila na nalukot lang ang noo. Tinabig niya ang kamay ko tsaka nag cross arms na kinikilatis ang aking kinikilos.
“Ikaw Sancho ha! Kailan ka pa naging desperada? Pati magpapari pinatos mo narin? Huwag mong ideny! Alam kong alagad yan ng simbahan sa dating palang ng pagsasalita.” napaikot nalang ako ng aking mata sa sinabi ng bruha.
“Hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin yun.. At mas lalong mahirap ipaliwanag kung bakit siya nandito. Kaya manahimik ka nalang at huwag kang gumawa ng gulo okay?” banta ko sa kanya na napaismid lang.
“Bahala ka diyan basta ako, aakitin ko si Michael. At kapag nahulog na siya sakin, magpapabuntis na ako sa kanya. And we will live happily ever after. Ganern!” hampas pa niya sakin sabay talikod at bumalik sa kusina.
Sinundan ko naman siya dahil natatakot talaga ako sa gagawin ng kaibigan ko kay Michael. Baka kasi matukso ang kumag at ayon maging dalawa na sila ni Satanas na mamumuno sa impiyerno dahil sa kapabayaan ko. Kailangan kong pigilan ang bruhang iyon sa kanyang binabalak. Hindi sa tototohanin niya iyon pero malay mo may mga demonyo na umaaligid sa kanya at inuudyok na gawan niya ng kahalayan si Michael. Naku talaga!
Nakaupo si Jamila sa tabi ni Michael at titig na titig ito sa mukha ni Michael habang ang isa naman ay busy kakanguya ng jumbo hotdog. Isang buong balot ang ilinuto ko at halos lahat siya lang ang kumain? Grabe.. Mamumulubi ako nito sa lakas kumain ng anghel na’to.
“Sancho.. Ako nga pala ay hihingi ng tulong sa iyo. Kung maari ay mairekomenda mo ako sa kahit anong trabaho na mapagkakakitaan ko.” sambit ni Michael nang makaupo na ako ulit sa mesa.
“Bakit di ka maging commercial model o mag artista? Ang gwapo mo kaya Michael. Pag-aagawan ka ng mga talent manager dahil mukha mo palang ulam na.”
“Tigilan mo nga si Michael pwede? At bakit ka ba kasi sabat ng sabat ako yung kinakausap ng tao?” pagtataray ko kay Jamila na nagsisimula nanaman sa kalokohan niya.
“Ano ba ang gusto mong trabaho?” saad ko naman kay Michael na nakangiti parin sakin. Ewan ko na talaga. Kapag nakikita ko ang mga ngiti niya, kinukuryenta pati ang kailaliman ng mga buto ko. Sagad na sagad mga bes.
“Kahit anong trabaho basta marangal at sapat ang kita upang makatulong ako sayo sa mga gastusin sa bahay.” Napatingin naman si Jamila sakin at naningkit ang mga mata. Inismiran ko lang siya at binalik ko ang tingin ko kay Michael.
“Sige.. Kakausapin ko ang agency ni Bonna. Aalamin ko kung hiring sila ng mga window cleaners. Malaki ang kita dun.” pangiting saad ko naman kay Michael na tumango lang din sa suggestion ko. As much as possible gusto ko malayo siya sa maraming tao.
Nagiging possesive na ako mg beks. Eh kasi naman hindi na talaga normal ang andar ng sistema ko. Bawat minuto na kasama ko si Michael ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Pero bawal diba? Isa siyang anghel na may misyon na hanapin ang tunay na pag-ibig dito sa lupa. Hindi ko naman mabibigay yun. Assumera lang naman ako.
“At ikaw Jamila.. Wala ka bang gagawin? Magrehearse ka kaya ng mga linya mo dun sa commercial. Baka nakakalimutan mo, ako ang magdidirek nun?” taas kilay naman akong tinugon ni Jamila.
“Gusto mo lang talaga masolo itong si Papa Michael.. Ang gahaman mo talaga beks. Sige na.. Aalis na ako. Kapag nalaman kong may ginawa kang masama dito kay Michael, kakalimutan kong magkaibigan tayo.” tapos nagbanta pa sakin na lulugatin niya mata ko. Kaloka si merlat. Ang possesive rin. Akala niya girlfriend siya.
Umalis na si Jamila and finally muling natahimik ang buhay ko. Tahimik naming tinapos ni Michael ang aming almusal.
—————–
“Kuya.. Kuya.. Maawa na po kayo. Bigyan niyo po ako ng pagkain. Dalawang araw na po akong walang kain.” pagmamakaawa ng isang bata na nadaanan namin ni Michael habang papunta kami sa mall. Kailangan kong ibili ang higanteng ito ng mga damit niya dahil wala namang nagkakasyang damit ko para sa kanya.
Imagine, 6’8“ siya tapos ako 5’6“ lang? Unano ako kapag naglalakad kami ng magkasama. At ngayon nga ay walang tigil parin ang mga tao sa pagtitinginan samin dahil sa hapit na hapit na kasuotan ni Michael kasama ako. At hindi lang din dahil dun, pati narin sa walang sawa niyang pagbibigay ngiti at pagbati sa bawat nadaraanan namin. At ito na nga ang mga batang lansangan na kinahabagan niya ng sobra.
Lumapit naman ako kay Michael na tangan tangan ang bata na halatang ilang araw nang walang paligo. Tumingin siya sakin at sinasabi ng mata niya na tulungan ko ang bagets. Eh ako naman ay nagpapakabusilak ang puso, agad ko namang sinama ang tatlo pang batang lansangan at sinabi ko sa kanilang kakain kami sa Jollibee. Tuwang tuwa naman ang mga bata. Ngayon ko lang din naramdaman ang ganito kabigat na nararamdaman.
“Kapag nagpatuloy ’to.. Magpapatayo nalang talaga ako ng shelter para sa mga bagets na’to.” sabi ko saking sarili. Hindi ko alam pero nagiging malambot narin ang puso ko pagdating sa mga taong noon ay wala lang akong pakialam. At dahil yun kay Michael. Hindi siya nandidiri. Wala siyang pakialam kung madumihan siya. Ang mahalaga sa kanya ay matulungan ang mga taong nangangailangan ng tulong niya
“Mga bata.. Magpasalamat tayo sa Kuya Sancho ninyo. Pasalamatan natin siya sa kanyang kabutihan.” utos ni Michael sa mga batang giliw na giliw na kumakain. Parang ngayon lang sila nakatikim ng ganitong pagkain.
“Thank you po Kuya Sancho!” sabay sabay na hiyaw nila na kinalingon naman ng mga tao sa aming mesa.
Ang iba ay nandidiri sa itsura ng mga batang kasama namin ni Michael. Ang iba ay natutuwa din. At kadalasan ay kay Michael nakatingin. Mga makasalanan! Kapag gwapo talaga at malaking bulas, takaw tingin sa mga malalanding isda.
“Walang anuman mga bata. Saka wag kayong mag-alala. Tinawagan ko na ang mga taga DSWD. Pupuntahan nila kayo at doon na muna kayo sa Boystown nila. Para hindi na kayo pakalat kalat sa daan. Kasalanan ito ng mga magulang ninyo. Kundi sila pabaya eh di sana nasa maayos kayong kalagayan.” mahaba kong kuda sa kanila na kinatitig lang ni Michael sakin habang nakangiti.
“Bakit ka nakangiti diyan? Bakit ba kasi sobrang bait mo? Lahat ba kayo sa langit dapat mabait?” irap ko kay Michael na kinatawa niya lang ng mahina.
“Dahil iyon ang binigay sa amin ng Diyos. Ang kabutihan. Ang pagsunod sa kanyang mga utos. Dahil kapag sumuway kami sa kanya tulad ng ginawa ni Lucifer, ay mapuputol na ang kaugnayan namin sa langit. At sa impiyerno na kami mananahan. Sa lugar na puno ng dalamhati, pasakit at walang hanggang pagdurusa.” paliwanag ni Michael na ikinatango ko nalang.
“Ang mga tao naman.. May sariling batas. Kung mabait ka ng sobra, aabusuhin ka. Kapag masiyado kang masama, kakamuhian ka naman. Kaya dapat alam mo lang kung hanggang kelan ka lang mabait.” pagtatanggol ko naman sa aking opinion.
“Dahil nabuksan na ang isip niyo sa mabubuti at masasamang bagay nang suwayin ni Eba ang utos sa kanila ng Diyos na huwag kakainin ang pinagbabawal prutas sa punong nasa gitna ng hardin ng Eden.” sambit ni Michael na alam ko naman. Nasa bible yun.
“Hay naku.. Kailangan na nating magmadali upang makabili na tayo ng iyong mga damit. Nakakaloka na ang atensiyon na nakukuha natin dito sa mga tao. Mukhang kinakain ka na nila sa kanilang mga isipan.” sambit ko kay Michael na hindi naman niya pinansin.
Ang mga batang lansangan ay iniwanan namin sa mga dumating na taga DSWD na tinawagan ko. Sa tingin ko naman ay mapupunta sila sa mabuting kamay dahil si Michael na mismo ang nagsabi sakin na mabuting mga tao ang dumating para kunin ang mga bata.
Naghanap na agad kami ni Michael ng isang boutique sa loob ng mall na nagbebenta ng mga malalaking size ng damit at pantalon at shorts na pwedeng gamitin niya. Pati narin brief na malaki. Para sa ay naku! Nagkakasala nanaman ako kapag naaalala ko kung gaano kalaki ang kanyang espada.
Pumasok kami sa isang sikat na clothing brand na alam kong nagcacater ng malalaking sizes ng damit. At nang makita na kami ng mga saleslady doon ay naglakihan agad ang mga mata ng mga higad. Isa isa silang nagsilapitan kay Michael upang ientertain ito.
Ang inyong lingkod naman ay backstage.. Mga walang modo. Ako ang may pera dito tapos ako ang etsapwera? Ang galing! Lumapit naman ako kay Michael at pinandilatan ko ang mga bruha na tinarayan lang din ako.
“Hi Sir. How can we help you?” malanding wika ng isang higad na ang kapal kapal ng make up. Akala naman niya kagandahan siya.
Di naman sa pagmamayabang pero maipagmamalaki ko ang aking mukha. Ligawin ata ’tong mukhang ito. Cute ko kaya. Apple cut na hair. Pale complexion. Maninipis na labi. Malalagong pilik mata. Perfectly lined eyebrows. Kaya sino ba ang hindi maaakit sakin?
Pero overshadowed talaga ang beauty ko ni Michael. Mas maganda siyang lalaki. Ako magandang bakla.
“Miss. Bigyan niyo itong asawa ko ng pinakamalaking size ninyo ng pantalon, t-shirt, polo shirt, shorts at underwear.”
Naloka naman ang mga babaita sa aking sinabi. Napahiya siguro sila sa sinabi ko. Kailangan kong protektahan si Michael sa mga kampon ni Lucifer. Kaya kung kailangan kong ipamukha sa kanila na jowa ko si Michael ay gagawin ko. Lumingkis pa ako sa kanya na mas lalong kinasingkit ng mga mata nila.
Umalis na ang dalawang higad at nagtungo sa mga rack ng damit upang kumuha ng mga damit. Napatingin naman ako kay Michael na nakangiting nakatitig din sakin.
“Nararamdaman mo rin pala ang pagnanasa nila sakin. Akala ko ako lang ang nakakaramdam ng masamang enerhiya mula sa kanila.” natatawang saad sakin ni Michael.
Eh kasi naman wapakels lang siya kahit rinirape na siya ng mga babae sa isipan nila.
“Basta mga gwapong nilalang, madaling bumigay ang mga babaeng yan. Ang ending, sila ang nasasaktan dahil kadalasan sa mga gwapo, mga gago at walang pakialam sa feelings ng taong walang ibang ginawa kundi mahalin sila.” drama ko naman na kinatawa ulit ng kumag.
“Eh ikaw? Hindi ka ba naaakit sa akin? Hindi ba at lalaki din ang iyong gusto?” shocked! Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa tanong niya. Mga bes naman. Alam niyo ang sagot diyan. Pero ang hirap sagutin pag si Michael na mismo ang nagtanong. Deny nalang. Ayokong umasa.
Umiling ako at tumingin nalang sa mga higad na busy sa pag aagawan ng mga damit na ipapatry nila kay Michael.
“Mas gusto kong protektahan ka nalang. Para makabawi naman ako kay God sa mga kasalanan ko sa kanya. Kahit lalaki ang gusto ko, alam ko naman kung hanggang saan lang ako. Alam kong pinadala ka ni God dito sa mundo para sa isang misyon. At kung hindi kita tutulungan para matupad ang misyon na yun, hindi ka makakabalik sa langit. Paano na ang mga naniniwala na may isang Archangel Michael na prinoprotektahan sila mula sa mga kampon ni Satanas? Paano ang mga batang naniniwala sa kabutihan na bigay ng mga anghel?” hindi ko alam kung saan ko hinugot yun pero naging dahilan yun upang mapangiti ako at mapagaan ang loob ko.
“Ngayon ko lang narinig sa isang tao ang mga katagang yan. Ngayon alam ko na kung bakit sayo ako pinagkatiwala ng Diyos. Ngayon alam ko na kung bakot dito niya ako pinadala. Dahil may isang taong nagngangalang Sancho na naniniwala parin sa kabutihan at naninindigan parin sa paggawa ng mabuti sa kanyang kapwa.” pangiting tugon naman ni Michael.
Napangiti kaming pareho at ewan ko ba. Simula ng dumating ang anghel na ito sa buhay ko, unti-unti naring nagbabago ang pananaw ko sa masalimuot kong buhay. Buhay na binalak ko ring wakasan na.
Ngayon, may dahilan na akong lumaban sa buhay. Dahil may pinadala si God saking espesyal na tao o anghel wala na akong pakialam. Basta ang iniisip ko nalang, kailangan kong pangalagaan ang nilalang na’to.
Kahit pa lumuluwag ang garter ng panty este brief ko sa bawat ngiting binibigay niya sakin.
😇😇😇😇😇😇😇
Kinikilig ako sa kwentong ’to. Mukha akong tanga kakatawa sa mga pinagsusulat ko. Hahaha.
Lord patawad. Mahal ko na ata si San Miguel. Hahaha.
Capitulò Seis
Pakiramdam ko ay hindi na ako makakatulog pa ng maayos knowing na nasa lapag lang ng aking kama si Michael at walang ibang suot kundi ang XXL na briefs na binili namin kanina sa Mall. Noong una ay ayaw niya pa itong isuot dahil hindi naman daw na kailangan.
Hello? Eh kung maiipit ang totoot niya sa zipper ng pantalon? Sayang naman ang binigay sa kanya ni God kung hindi ko lang mapapakinabangan.. Charot! Anyway.. Hindi daw kasi siya sanay na may ganun..
Kaya pinilit ko siya ng pinilit dahil nakakahiya naman na iihi siya sa public CR tapos labas ang pwet niya baka maechos pa siya ng mga baklang wapakels kahit nasa public pa tumorjak.
“Michael.. Gising ka pa ba?” tanong ko sa kanya ng mahina. Syempre di niya pwedeng malaman na may balak akong masama.. Charot lang! “Bakit Sancho? Hindi ka rin ba makatulog?” tanong din niya sakin pabalik. Ang galing. Ako ang unang nagtanong eh tinanong din pala ako.
“Ay.. Akala ko tulog ka na. Sige Goodnight na!” sayang.. Mapagmamasdan ko na sana ulit ang kanyang perfect body. Mahahawakan ko rin sana yun pero syempre hindi ko itutuloy yun.
Kahit anong gawin ko, isa siyang anghel at alam kong ang puso at isip niya ay nasa paglilingkod lang kay God ang gusto. Hindi ko nga alam kung bakit pa siya binigyan ng ganitong parusa?
“Nangungulila ako sa aking mga kapatid.. Mula ng maging tao ako ay wala na akong nagawang paraan upang makausap ko manlang sila. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ng malayo ka sa mga bagay na nakasanayan mong gawin. Yung hindi ka nagugutom. Hindi ka napapagod. Hindi ka nakakaramdam ng antok. Hindi ka nakakaramdam ng mga makamundong bagay.” sambit niya na may kapaklahan sa boses. Napabaling ako sa kisame ng aking kwarto at tinitigan ang mga glow in the dark stars na linagay ko dun.
“Alam kong namimiss karin nila. Ikaw kaya ang pinakamalakas na angel ni God. Syempre mararamdaman nila ang kakulangan kaya alam kong kahit hindi mo sila maramdaman ngayon ay sigurado akong binabantayan ka nila. Alam kong ilalayo ka nila sa kapahamakan at hindi nilala hahayaang may mangyaring masama sayo.” saad ko nalang din sa kanya.
“Kung sakali mang matagpuan ko na ang kasagutan sa mga katanungan ko at kung sakaling matupad ko man ang misyon na binigay sakin ng Diyos dito sa mundo, mahihirapan na akong mamili kung gusto ko pa bang maging si Michael na isang Arkanghel na tagapagligtas ng mga naaapi at nasasadlak sa kasamaang bunga ni Satanas. O maging si Michael na isang ordinaryong tao na nagsisimula nang maunawaan ang pakiramdam ng pagiging tao.” usal pa niya na ikinalingon ko na sa kanyang kinahihigaan.
“Bakit ka naman mahihirapan? Di mo na ba gustong bumalik sa langit?” tanong ko sa kanya.
Napatayo siya sa kanyang pagkakahiga at ngayon ay magkaharap na kami sa aking kama. Parang may kuryenteng bumalot sa aking katawan ng magkatitigan kaming dalawa sa mga mata. Kahit dim light lang ang nagpapaliwanag sa buong kwarto ay ramdam na ramdam ko ang nakakabaliw niyang aura.
“Dahil pakiramdam ko, sa napakahabang panahong nabubuhay ako, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya. Saya na kasama ang isang tao na naniniwala parin sa kabutihan. At nanaisin kong maging tao nalang din kung ikaw naman ang makakasama ko.” nakangiti niyang sabi na nagpaluwang ng tuluyan sa panty ko.
OMG! Tama ba ang narinig ko? Gusto niya akong makasama? Gusto niyang tumira sa isang bubong kasama ko? Gusto niya akong pakasalan at magkaroon ng labindalawang supling?
Teka teka! Naloloka ako.. Gusto kong malusaw nalang ng tuluyan dahil speechless talaga ako. Does it mean na crush din ako ni Michael? Pero diba straight siya?
“Naku naku! Talaga lang ha? Wag mo ang pinaglololokong anghel ka ha! You belong up above okay? Dapat bumalik ka sa langit dahil wala nang magtatanggol samin labang kay Satanas. Paano nalang ang mga tao na naniniwala parin na may Archangel Michael silang tatawagin upang tulungan sila?” usal ko na ikinangiti lang din niya.
“Pakiramdam ko lang kasi na kapag kasama kita.. Nakakalimutan kong isa pala akong anghel na may misyon dito sa mundo. Parang gusto kong ikaw nalang ang ipagtanggol ko sa mga masasamang bagay na maaring mangyari sayo.” matamis niyang sabi na hindi ko alam kung ano pa ang magiging reaksiyon ko.
“Ewan ko sayo Michael.. Tigilan mo ako ah! Wala akong barya para bigyan ka sa pambobola mo sakin.” tanging nasabi ko nalang bago ako tumalikod ng tuluyan sa kanya at narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.
“Sige matutulog na ako.. Masayang panaginip Sancho.” pabebe niyang sabi na kinakilig naman ng aking betlog.. Ahh!! Ayoko na talaga.. Aapela na ako kay God na pabalikin na niya sa langit itong anghel niya. Mababaliw na ako ng tuluyan kapag nagtagal pa siya sa tabi ko. Baka di ko na makaya ang feelings ko para sa kanya.
Naghahanda ako ng almusal namin ni Michael nang may biglang kumatok sa pinto. Mukhang may Jamila nanamang gustong masabunutan sa araw na’to. Itry niya lang talagang landiin ang jowa ko. Charot!
Napabukas naman ako ng pinto at naglaban laban lahat ng hormones ko sa aking katawan nang makita ko ang isang napakagwapong nilalang na kulang nalang ang kanin upang mabusog ako ng bongga.
Shet! Bakit may isa nanamang gwapong lalaking bigla bigla nalang sumusulpot sa kung saan. Ano ba kasing ginawa ko para biyayaan ako ng ganito kagwagwapo at kakikisig na kalalakihan.
“Ah.. Sino po sila?” nauutal ko pang tanong sa lalaking nakapatong ang mga bisig gilid ng aking pintuan at nakangiti lamang sakin ng nakakaloko. Napakabadboy ng dating niya at sobrang gwapo niya.
Makakapal ang kilay niya. Ang buhok niya ay millenial na millenial ang style. Kpop fan pa ata ang loko dahil ang kapal ng eyeliner. Ang lips niya naman mga besh.. Pulang pula na parang sa strawberry ang kulay. Ang ilong niya, perfect and noseline at ang panga niya, walang sinabi ang kay Liza Soberano. Panga kung panga talaga. At ang mga mata niya, itim na itim ito pero nakakaakit pagmasdan.
“Ako nga pala si Kiefer. Bagong lipat lang ako dito sa katabing bahay. I just thought I pay my neighbors a visit para naman magkakilala tayo. Sana hindi kita naabala.” nakangiti niyang saad sakin.
“Oh! Ikaw ba ang nakabili ng bahay nila Mrs. Fernandez? Sorry.. I’m Sancho. Welcome to the neighborhood.” pagpapakilala ko naman sa kanya. Linahad ko sa kanya ang kamay ko at tinanggap niya naman ito.
Parang sinilaban ang katawan ko ng kung ano ng dumampi ang palad niya sa palad ko. At ang mga ngiti niya ay hindi mawala wala. Para bang kilalang kilala niya ako at hinihintay niya ang araw na ito upang magpakita siya sakin. Somehow, natakot ako bigla sa kanyang ginagawa.
“Ahh.. Gusto mo bang magbreakfast? Nagluluto kasi ako. Baka napagod ka sa paglilipat ng mga gamit mo mula sa dati mong bahay?” pag aya ko naman kay Kiefer pero umiling lang siya.
“No need. Busog pa ako. I just wanted to know kung sino ang nakatira sa katabing bahay. And I must say that you are a nice neighbor Sancho. Sana mas magkakilala pa tayo.” at kumindat pa ang loko na mas lalo lang nagpakaba sakin.
Baka psycho ang isang ito dahil kakaiba talaga ang kanyang paraan ng pagtingin sakin. Para bang inaakit niya ako.
“Sancho.” tawag bigla ng isang pamilyar na boses. Bumababa pala ng hagdanan si Michael na hanggang ngayon ay suot parin ang briefs niyang pinababakat ang kanya napakalaking sandata. Napapalunok nalang ako dahil sa tanawing aking nakikita.
“Oh.. Gising ka na pala.. Siya nga pala Michael nandito ang bago kong kapitbahay..” nang bumaling na ako sa pintuan ay wala na si Kiefer dun. Bigla itong naglahong parang bula.
“Sinong kapitbahay Sancho? Wala namang tao sa labas?” pagtataka niya na kinakamot ko nalang ng ulo.
“Wala wag mo nang isipin yun.. At pwede ba? Magdamit ka naman. Bakit nakakalimutan mo palaging magdamit? Hindi ka na anghel ngayon at kung okay lang sayo na nakahubad kang ganyan.. Sakin hindi.” may inis kong saad kay Michael na nakatitig lang din sakin habang naguguluhan sa kinikilos ko.
“Saglit lang babalik ako sa kwarto para kumuha ng pantalon mo. Bakit ba kasi lagi mong nakakalimutan yun. Sinabi ko na sayo na lagi kang magdadamit dahil kapag ganya ka lang lagi na lalabas ng bahay, pagpiyepiyestahan ka ng mga higad at baka hindi pa ako makapagpigil.” dagdag ko pa na ikinakamot niya nalang sa kanyang ulo.
Umakyat ako sa kwarto at agad naman akong napadungaw sa bintana ko na nakatutok rin sa bintana ng itaas na kwarto nila Mrs. Fernandez at kitang kita ng dalawa kong mga mata ang paghuhubad ni Kiefer na sinadya talagang nakabukas ang kurtina ng bintana niya. Pakiramdam ko ay inaakit ako nito na hindi ko maintindihan. At paunti unti naman akong nakakaramdam ng init habang hinahaplos niya ang kanyang dibdib at ang mga bisig niyang malalaki at talagang sumasabog sa kasexyhan.
Uhhh!! Hindi pwede ito.. Bakit ako nakakaramdam ng init na hindi ko kailanman naramdaman pa sa tanang buhay ko..
“Sancho!! Anong nangyayari sayo?” pukaw sakin ng isang malaking boses at nang mapalingon ako ay kitang kita ko ang panlalaki ng mata ni Michael.
Napababa ako ng tingin dahil dun din siya nakatingin. Wala na pala akong suot pang ibaba at tirik na tirik ang aking sandata na kinagulat ko rin.
“Hi-hindi ko alam Michael.. Nakita ko lang si Kiefer na naghuhubad sa kwarto niya at nakaramdam na ako ng sobrang pag iinit na hindi ko pa naramdamaman sa tanang buhay ko.” nahihiyang saad ko kay Michael.
Lumapit siya sakin at tinanaw niya ang bintana na aking tinitingnan kanina pa at alam kong ngayon ay nakikita niya narin ang ginagawang pang aakit ni Kiefer sa akin.
“Isang incubus pala ang kapitbahay mo.. Ngayon alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan.. Nagkatotoo nga ang aking hinala tungkol dito.” madiin at seryoso ang tono ni Michael. Patuloy ang pagtitig niya sa ginagawa ni Kiefer na tila ba walang epekto sa kanya.
“Incubus? Ano ang incubus?” pagtatanong ko. Kahit kasi anong gawin ko ay hindi humuhupa ang nararamdaman ko.
“Sila ay mga demonyong kumukuha ng enerhiya mula sa mga tao sa pamamagitan ng pakikipagtalik at pagnanasa. Ang mga taong nilulukuban ng incubus ay nagiging hayok sa pakikipagtalik at ito ang tanging paraan ng incubus upang mabuhay.” pagpapaliwanag sakin ni Michael sa nangyayari.
“Eh.. Anong gagawin ko? Bakit ganito? Bakit ayaw mawala. Ang init init ng pakiramdam ko Michael.. Anong gagawin ko?”
Lumapit si Michael sakin at bigla niyang hinaplos ang aking mukha at doon lang tumigil ang lahat. Sa isang iglap ay nalimutan ko ang mga pagnanasang nararamdaman ko hindi lang para kay Kiefer kundi para narin sa kanya.
Gumaan bigla ang pakiramdaman ko dahil sa haplis niya na yun.
“Kailangan kong makipag usap sa aking mga kapatid. Dalhin mo ako ngayon sa pinakamalapit na simbahan dito. May kailangan akong gawin. Hindi man ako anghel pero alam ko kung may demonyo bang nakapaligid sa akin. At ang kapitbahay mo na yan ay isang demonyo na dapat mawala at hindi na makapinsala pa ng mga inosenteng buhay.” madiin niyang saad na kinatango ko lang.
“Pasensiya ka na talaga sa inasal ko. Hindi ko lang talaga napigilan ang mang nangyayari sakin.” nahihiya kong sabi kay Michael na kinangiti lang niya.
“Alam ko yun Sancho.. Kaya kailangan mo akong tulungan. Dapat nating mapuksa ang demonyong nakalukob sa katawan ni Kiefer.” determinado siyang gawin ang kanyang naiisip.
Mga besh.. Parang magiging demon killer na ang peg ko nito. Bakit ba kasi naging ganito ko fantasy ang buhay ko?
“May simbahan sa kabilang barangay at yun ang pinakamalapit na simbahan dito sa lugar namin.” saad ko kay Michael na kinatango naman niya.
“Kung ganun bilisan na natin at ng maisagawa ko ang pagpuksa sa incubus na yun.”
“Teka.. Paano mo naman yun mapupuksa eh diba tao ka lang?” tanong ko kay Michael at ngumiti lang siya.
“Malalaman mo rin pagdating natin sa simbahan kaya bilisan na natin.” pagmamadali niyang hatak sakin. Buti nalang at nakapagsuot muna siya ng pantalon at tshirt bago kami lumabas ng bahay ng walang kain.
Nakakaloka na.. Ang dami nang nangyayari na hindi ko maintindihan at alam kong hindi lang ito ang aking haharapin habang kasama ko si Michael.
😇😇😇😇😇😇😇😇
Sorry sa matagal na update.. Super busy talaga ako mga besh. Kaya sana pagtiyagaan niyo muna ang update na ito. Haha. Well mahaba pa naman ang kwento kaya marami pang mangyayari.
Salamat sa pag aabang at patience ninyo.. Muah!
Capitùlo Siete
“Hoy Michael!! Nababaliw ka ba? Anghel ka diba? Paano mo imamaneho yang motor eh pakpak ang gamit mo sa pagtravel..” urat kong kuda kay Michael na pinipilit na paandarin ang motor ni Mang Kiko na pinakiusapan niyang hiramin muna dahil sa nagmamadali nga kaming makapunta sa simbahan ng Sta. Ana.
“Magtiwala ka nalang sakin Sancho. Wala na tayong oras. Kapag nagtagal pa ang incubus na yan dito sa inyong lugar, madami pang klaseng demonyo ang maaring makarating dito.” sagot niya naman na kinataas lang ng kilay ko.
Nang umandar na ang motor ay hinablot naman niya ako agad. At si Mang Kiko na kanina pa aligaga na baka kung anong mangyari sa motor niya ay wala nang nagawa. Pagkasakay ko sa backseat nito ay para akong sumakay sa isang space shuttle na tila ba ihahatid na ako sa aking huling hantungan..
“MICHAEL!! Mahabaging langit.. Ilayo mo po ako sa kapahamakan na dulot ng inyong sugo!!” hiyaw ko nalang habang mahigpit na nakayakap sa bewang ni Michael at pinipilit na huwag bumitaw.
Napakabilis at para bang isang minuto lang ang dumaan at nasa tapat na kami ng simbahan ng Sta. Ana.
“Gusto mo talagang patayin na ako sa takot!! Di mo ba alam na muntik na akong atakehin sa puso..” bulyaw ko kay Michael habang bumababa kami ng motor pero parang wala lang din siyang narinig at tuloy ako ay pinagtitinginan ng mga tao.
Parang ngayon palang ay nagdududa na ako kung mabubuhay pa ako sa susunod na linggo dahil sa kagagawan ni Michael. Mas lalo atang nagiging komplikado ang buhay ko simula ng dumating siya.
“Magtiwala ka lang sakin Sancho.. Hinding hindi kita ipapahamak. Kailangan nating magmadali dahil mukhang nagkakatotoo na ang aking mga hinala.” pagpapakalma ni Michael sakin. Siyempre ang lola niyo ay hindi na nagsalita pa. Useless naman. Titig niya palang tanggal na lahat ng galit ko. Ang bilis ko talagang bumigay sa kanya.
“Sige na.. Pumasok na tayo sa simbahan at ng maikasal na ta– este makausap mo na ang sino man yang gusto mong kausapin.” kung ano anong kagagahan tuloy lumalabas sa bibig ko dahil sa kanya.
Nang makapasok kami sa loob ay nagsisilabasan palang ang mga taong nagsimba noong umaga. Nagtitinginan sa aming banda ang mga matatanda pati narin ang mga malalanding higad na kunwari mga santa pero nasa simbahan lang para makipagharutan sa mga jowa nila at tumingin sa mga mayayamang may asawa. Alam ko na yang kalakaran nila.
Bawat tumitingin kay Michael ay napapatulala dahil sa hapit na hapit niyang puting tshirt at ang pantalon niyang nagmuhang tights dahil sa hapit na hapit sa kanyang mga hita hanggang sa kanyang paa. Nakakagigil talaga ang anghel na ito. Bakit hindi ako naging katulad niya kagandang nilalang? Ang unfair talaga ni God.
“Sancho! Bilisan na natin.” tawag naman sakin ni Michael na nagpatakbo sakin palapit sa kanya.
“Beks! Panalo ah.. Kelan ang kasal?” sigaw ng isang pokpok na halatang bet na bet si Michael.
Inirapan ko lang ito tsaka bumalik na lang sa pagsunod kay Michael. Wala din naman akong alam sa kung anong gagawin niya dito sa simbahan.
Pumunta kami sa isang tagong silid na pakiwari ko ay isang silid kung saan ka nangungumpisal. Pero lumayo pa kami ng kunti at may isa pang silid na ang pinto ay kulang gold. Pumasok kaming dalawa doon at nakita namin ang isang nagliliwanag na cup na parang mag sinag ng araw na nakapalibot dito.
Linapitan ni Michael ang cup na iyon at inabot niya.
“Kailangan ko ng tulong mo.. Hawakan mo ang kapa na’to habang gagawin ko ang isang orasyon. Kahit anong makita at maramdaman mo ay huwag na huwag mong hahayaang pumasok sa isip mo. Magtiwala ka lang sakin Sancho.” utos sakin ni Michael na nagpakilabot naman sakin. Ano bang gagawin niya at may maglalabasang hindi kanais nais? Nakakaloka na talaga. What have I done to myself?
“Oo na! Sige na simulan mo na para matapos na.. Natatakot na ako sa pinag gagagawa natin.” himutok ko pero ang loko ay nagawa pang ngumiti.
“Quā deus opt! Exaudi me! Da mi voluntatem.Loqui me in virtute.” nakakakilabot ang paghahayag ni Michael sa kanyang orasyon sa hindi ko mawaring linguahe. Kung ano man ang ibig sabihin nun ay ewan ko nalang. Naloloka ako.
“Fratres. Angeli coeli! Lux vestra coram me sentire!” parang nagecho sa buong paligid ang boses ni Michael at may kung anong malakas na hangin na bigla nalang pumalibot sa aming kinatatayuan. Malamig na hangin at nakakakilabot na pakiramdam ang nagsimulang gumapang sa akin. Naririnig ko ang mga boses na humihingi ng tulong. Mga boses na galit. Mga boses na nagbibigay ng inspirasyon.
At sa isang iglap ay may liwanag na bigla nalang sumulpot sa harapan namin ni Michael at nang unti unting humina ang malakas na liwanag na iyon ay may sumulpot na isang lalaking mukhang galing sa middle age Rome ang kasuotan. At higit pa doon ay para siyang naglalagablab dahil sa nakabalot sa kanyang pulang liwanag at ang doon ko napagtanto na hindi tao ang aking nakikita kundi isang anghel. Isang totoong anghel.
Nakanganga lang ako habang minamasdan siyang lumalapit kay Michael na may guhit ng ngiti sa kanyang mga labi.
“Hindi ko inaasahan na mapapaaga ang pagtawag mo sakin kapatid. Mukhang nagkatotoo na nga ang ating mga hinala.” sambit ng anghel na nakayakap na ngayon kay Michael.
Hindi ako makapagsalita dahil sino ba naman ang makakapagsalita sa pagkamangha at overwhelming feeling na makakakita ka ng isang mythical creature sa tanang buhay mo. Isang anghel ang nakikita ko na kahit kailan ay hindi napatunayang totoo.
“Gabriel, hindi lang basta basta ang pagsubok na ginawad sakin ng Diyos. At alam kong dahil sa ginawa kong pagtawag na ito sa iyong tulong ang maaring hindi na niya muli akong pagbigyan. Ngunit kailangan ko lang talagang malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.” nag aalala ang boses ni Michael habang kausap niya ang bagong dating.
Siya pala si Archangel Gabriel. In fairness mas mukhang babae pa siya kesa sa lahat ng babaeng nandito sa mundong ito. Hindi ko akalain na lalaki pala siya. Ang laki ng katawan niya katulad din ni Michael ngunit may pagkamalambot ang kanyang facial features. Siguro dahil iyon ang character niya talaga.
“Hindi ko rin inakala na magsasama ka ng isang tao upang tawagin ako. Sigurado akong mapapagalitan ako ng Diyos dahil sa ginawa kong ito. Ngunit hindi kita matitiis. Kapatid kita at kailanman ay hindi kita pababayaan.” saad pa nito sabay tingin sakin at ngiti.
Wasak nanaman ang bahay bata ko dahil sa ngiti niyang iyon. Jusko. Lahat ba talaga ng angel ang gwagwapo. Sana isama nalang ako ni Michael pabalik sa langit para maenjoy ko naman araw-araw ang ganitong view.
“Siya si Sancho. Siya ang kumupkop sakin ng bumagsak ako dito sa lupa. At Sancho, ito si Gabriel. Siya ay isa ring mandirigmang anghel. Mas matalino at mas malakas kumpara sa akin.” nakangiting pagpapakilala ni Michael kay Gabriel na kinatuwa lang naman nung isa.
“Maraming salamat sa pagtulong mo sa aking kapatid. Noon paman ay alam kong ilalagay ng Diyos sa kamay ng isang mabuting tao ang aking kapatid.”
“Walang anuman.. Masaya din akong tulungan si Michael. Hindi lang ako makapaniwala na totoo talaga kayo. Akala ko isang kwento lamang ang mga tulad niyong nilalang.” nakangiti ko ring tugon kay Gabriel na para bang may gusto siya sakin. Charot! Ang greedy ko na.. Syempre si Michael lang talaga. Siya lang at wala ng iba.
“Ano ang maitutulong ko Michael? May nangyayari bang hindi maganda?” pag-iiba ni Gabriel ng usapan at ngayon ay serious mode na sila.
“May isang incubus na bigla nalang sumulpot sa lugar nila Sancho. At ang masama pa ay kapitbahay niya ito. Isang incubus na sa tingin ko ay pinadala ni Asmodeus. Natunugan na siguro nila na wala ang presensiya ko sa kalangitan.” pagpapaliwanag ni Michael sa sitwasyon na tinanguan lamang ni Gabriel.
“Talagang gagawin nilang lahat ang makakaya nila upang mamayani ang kasama sa sangkatauhan. Iyon ang pinipigilan naming mangyari ngunit dahil sa wala ka ay kulang kami ng pwersa. Alam mo namang hindi nakikialam ang Diyos sa mga bagay na ipinapagawa niya sa atin.” saad naman ni Gabriel. Nakakapagtaka lang. Bakit hindi nakikialam si God sa mga bagay na may kinalaman sa kanila?
“Dahil iyon ang misyon namin bilang isang anghel Sancho. Binigyan kami ng kapangyarihan ng Diyos upang ipagtanggol ang mga tao at ang aming mga sarili upang hindi kami mahulog sa kasamaan at mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan nito.” sambit ni Gabriel sakin na narinig ata ang sinasabi ng utak ko.
Nakakaloka sila. Rinig na rinig nila lahat ng nasa isipan mo. Baka yung mga pagnanasa ko rin kay Michael ay nababasa niya sa isip ko.
“May ibibigay ako sayo ngunit hindi ko masisiguradong magagawa pa natin itong muli kaya naman sa susunod na may magpakitang demonyo ay nasisiguro kong malalabanan mo na sila gamit ito.”
At biglang may lumabas na maliwanag na bagay mula sa kamay ni Gabriel at nang mawala na ang liwanag ay isa pala itong espada. At sigurado akong ang espada na yun ay ang gamit ni Michael nung kinalaban niya noon si Satanas.
“Paano? Bakit nasa iyo ang aking espada?” gulat na gulat na bulalas ni Michael na hindi makapaniwala.
“Nakita ko ang iyong mga sandatang nakalutang sa himpapawid ng silangang kalangitan. Siguro ay doon ka ibinaba ng Diyos mula sa langit at naiwan din doon ang ilan mo pang kagamitan. Ngunit alam kong ito lamang ang kailangan mo at wala ng iba. Ang espada na iyong naging sandigan ng lakas at kapangyarihan.” pagpapaliwanag ni Gabriel.
“Sana nga ay mapagtagumapayan mo ang iyong misyon at hayaan ka na ng Diyos na bumalik sa langit upang siya ay muling paglingkuran. Hindi buo ang samahan kung wala ka doon kasama namin.” pagpapatuloy pa ni Gabriel na nakakatouch talaga.
Hindi ko akalain na maging sila ay may concept ng pamilya. Itinuturing nila ang isa’t isa bilang kapatid kahit alam kong mula sa powers lang din sila ni God nabuo.
“Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang magtagumpay. At kapag dumating man ang puntong iyon, hindi ko narin alam kung babalik pa ba ako sa langit o mananatili nalamang bilang isang tao.” at napatigil ako sa aking iniisip ng tumitig sakin si Michael at sumunod naman doon ang isang malapad na ngiti.
“Alam ko ang iyong sinasabi aking kapatid. Gayunpaman, kailangan mong magingat. Hindi lang si Asmodeus ang maaring nakakaalam na isa ka nang tao ngayon. Si Lucifer mismo ang dapat mong pag ingatan. Kaya niyang manipulahin ang mga tao. Kaya magiingat ka dahil hindi kita matutulungan pa kapag dumating ang pagkakataong iyon.”
Tumango lang si Michael sa sinabi ni Gabriel bago siya nito tapikin muli sa kanyang balikat at muling sakupin ang buong katawan niya ng liwanag. At nang mawala siya ay muli din bumalik sa dati ang silid. Ang kaninang nagliliwanag na kapaligiran ay naging madilim at tangin huni nalang ng mga kulilig ang naririnig namin ni Michael mula sa labas ng silid at ang kapang hawak ko ay nakabalik na sa dati nitong linalagyan.
“Hala? Bakit gabi na? Ang tagal pala natin nakipag usap kay Gabriel?” gulat kong tanong kay Michael na ngayon ay nakatitig parin sa kanyang espada.
Hindi ko namalayan na hawak na pala ako ni Michael sa aking kamay at hinahatak na niya ako palabas ng madilim na silid na yun papalabas sa isa pang silid na pinasok din namin kanina hanggang sa tuluyan kaming mapunta sa altar ng simbahan at ita namin ang madilim at nakasinding kandila nalamang sa paligid.
“Kailangan nating magmadali. Pupuksain natin ang incubus na iyon bago pa siya makahanap ng bago niyang biktima. Malakas din ang kutob ko na inaabangan ako ni Asmodeus. Hindi siya makalapit sakin ngunit kapag may pain siya ay mas mabilis niya akong malalapitan.” determinadong saad ni Michael na tinanguan ko lang.
“Kung ganun puntahan na nating ang Kiefer na yun sa bahay nila Mrs. Fernandez. Nakakapagtaka nga kasi hindi basta basta si Mrs. Fernandez. Paano nabili ng Kiefer na yun ang bahay niya? Eh sa pagkakaalam ko ay maging yung isang congressman na gustong gusto na bilhin ang property niya ay hindi niya pinagbigyan.”
“Maaring ginamit ng incubus ang pang aakit niya upang mapasunod ng tuluyang si Mrs. Fernandez. Kaya kailangan na natin siyang wakasan. Mas malaking gulo ang mangyayari kapag isa pang demonyo ang makatunog na may demonyo din sa inyong lugar. Mahihirapan akong kalabanin sila ng sabay ngayong tao nalang ako.”
Sumangayon na ako kay Michael at mabilis kaming lumabas ng simbahan. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay at maari pang mangyayari pero parang nagdidirek na ako ng sarili kong pelikula.
Maraming mga nakakatakot at nakakasabik na eksena ang pwedeng maganap. At hindi ko alam kung kelan ako magsasabi ng CUT!
😇😇😇😇😇😇
Ayan.. Nagsimula na ang adventures ni beks. Hahaha. I hope na hindi kayo nainip sa kakahintay sa aking update.
By the way.. Ang language na ginamit ko sa orasyon ni Michael ay Latin. Ito talaga ang common language na ginagamit sa mga simbahan noon kaya I based everything on what I know about the Catholic teachings.
Marami pang nakakaexcite na pangyayari at mas lalong hahaba ang hair ni Sancho kapag nakilala na rin niya ang mahigpit na rival ni Michael, si Lucifer.
See you next update guys!! ❤
Capitùlo Ochò
Nakakakaba ang ginagawang suspense walk namin ni Michael patungo sa bahay ng mga Fernandez. Malawak ang garden nito at napapaligiran ng napakaraming bulaklak at halaman. Pati ata marijuana tumutubo na dito dahil sa di na mabilang ang tanim na matatagpuan doon.
Naninindig ang balahibo ko nang maramdaman ko nanaman ang kakaibang presence na yun. Simula nang hawakan ko ang holy cup na yun kanina ay parang may kung anong lumukob din sakin na nagpatalas ng pakiramdam ko.
“Mi-Michael.. Saglit lang!” daing ko kay Michael habang tangan tangan niya ang aking kanang kamay at napalingon naman siya.
“Bakit Sancho? Natatakot ka nanaman ba?” nakalukot ang noo niya. Eh sino ba ang hindi matatakot? Hello? Demonyo ang kakalabanin niya.. Kung siya sanay makakita ng diablo, ayokong maranasan. Baka sumanib pa sakin at tuluyan akong magmukhang si Mamshie na sikat na sikat ngayon sa Thailand. Eh di bye bye na sa beauty ko?
“Sino ba kasing hindi matatakot? Pwedeng hintayin nalang kita dito sa labas? Chukchakin mo na yang incubus na yan at umuwi tayo sa bahay.” pagpapaliwanag ko naman sa kanya.
“Hindi ka maaring maiwan dito sa labas. Sigurado akong may naghihintay na kapahamakan sayo kapag naiwan kang mag-isa. Ramdam ko na hindi lang ang incubus ang nandito sa lugar. Meron pang mas malakas na enerhiya na aking nararamdaman.”
“Akala ko ba kasi magiging tao ka lang tapos hahanapin mo ang true love echos na sinasabi ni God sayo? Oh eh bakit may mga demonic forces pang kasama? Kaloka ka ah?!” pagrereklamo ko naman na hindi niya nalang pinansin.
Hinigpitan pa niya lalo ang hawak niya sakin at hinatak niya ako papunta sa gate ng bahay ng mga Fernandez. At naramdaman ko nanaman ang kakaibang pagnanasa. Nagiinit nanaman ang katawan ko na hindi ko mapigilan.
“Uhmm.. Michael.. Ang— Ang init ng pakiramdam ko.” sambit ko na nagpalingon muli kay Michael sakin.
Kahit madilim ang paligid ay kitang kita ko ang kumikislap niyang mga mata. Ang perpekto niyang mukha ang mapupulang labi na tila ba napakasarap halikan. Parang may pwersang humihigop sakin papalapit sa kanya at gawin ang mga nais kong gawin dito.
“Sancho.. Labanan mo ang pagnanasang dulot ng incubus sayo. Kailangan mong maging matatag Sancho. Labanan mo ang kanyang masamang balak. Isipin mo ang tama.” pagpapakalma sakin ni Michael. Hinaplos niya ang aking mukha at unti unti akong natatauhan. Unti unting nawawala ang pagnanais kong gawin ang naiisip ko sa kanya.
“Ganyan nga Sancho.. Pigilan mo. Alam kong mabuti ang kalooban mo ang pipiliin mo ang tama.” sambit pa ni Michael sabay ngiti sakin.
“Mauubos na ang hininga ko kakapigil nito.. Napakahirap.” naisip ko nalang dahil talagang mahirap labanan ang tukso lalo na kung hubad na katawan ni Michael ang nakikita ko ngayon.
Naging mas mahirap pa ang mga sumunod na pangyayari. Mahirap akyatin ang gate ng mga Fernandez kaya naman nagtulungan kami ni Michael upang mabuksan ito. At ako ang naisip na papasukin ni Michael sa loob at dahil sa higante nga siya, mas madali sa kanyang buhatin ako paakyat sa bakod at tumalon naman ako papasok ng kanilang malawak na bakuran.
Mabuti nalang at hindi nakasusi ang main lock ng gate kaya mas mabilis ko itong nabuksan upang makapasok na ng tuluyan si Michael sa loob ng bahay ng mga Fernandez.
“Bilisan na natin Sancho.. Pakiramdam ko hindi lang ang incubus na yun ang nasa loob ng bahay na yan. Nakakaramdam ako ng ibang presensiya.”
Tumango lang ako kay Michael dahil maging ako ay may nararamdamang kakaiba sa loob nito. At nagmadali na nga kaming lumakad papunta sa pintuan ng malaking bahay.
“Anong plano natin? Huwag mong sabihin basta basta nalang tayong papasok diyan? Baka may mga trap na ginawa ang demonyong yun.. Goodbye na talaga para sating dalawa.” hatak ko bigla kay Michael ng tangkain niyang buksan ang malaking pinto ng bahay.
“Hindi ko naisip yun. Tama ka Sancho.. Ngunit wala nang panahon para mag-isip pa. Kailangan nating bilisan ang kilos natin ng matapos na agad ito.”
Wala na akong nagawa kundi sundin nalang siya. Mabilis niyang binuksan ang pinto at nakakasurprise talaga mga bes dahil may paconfetti pa nang makapasok na kami ng tuluyan sa loob ng bahay.
Pero syempre joke lang.. Ano? Birthday celebration? Baka mamatay na nga ako dito dahil sa kagagawan ni Michael.
Madilim ang entrance ng bahay. Walang ilaw? Naputulan ba sila ng kuryente? Di ata nakapagbayad si Mrs. Fernandez sa Meralco..
“Talasan mo ang pakiramdam mo Sancho.. Hindi totoo lahat ng nakikita mo. Isa nga itong patibong. Alam niya na nandito tayo. At may kasama siya.” mahinang saad ni Michael sakin at hinapit niya ako palapit sa kanya.
Para na akong naging si Bella sa Twiglight Saga. Si Michael naman ang Edward Cullen ko. Protektadong protektado niya ako.
At may isang manipis at matinis na tinig ang biglang umalingawngaw sa paligid namin. Parang huni ito ng isang dolphin ngunit masakit siya sa tenga.
Napasapo kaming dalawa ni Michael sa aming mga tenga at bigla nalang nagliwanag ang paligid. Ang kaninang purong kadiliman ay nababalot na sa pulang liwanag at may isang lalaking napakaganda ng katawan ang bigla nalang sumulpot sa aming harapan ni Michael.
“Hahaha! Tama nga ang hinala ko.. Ang pinakamalakas na anghel ng Diyos ay isa na ngayong mortal. Isang tao.” nakangising saad ng lalaking nakakaloka ang fez.
Guys? Diba ang mga demon or diablo kapag dinidescribe satin ng mga madre o pare o ng mga magulang natin, isang nakakatakot na nilalang na may dalawang sungay na nakasulpot sa kanilang ulo? Diba ganern yung description nila? Eh bakit itong nasa harapan namin ay sobrang gwapo? Mga beks, kamukhang kamukha siya ni Chris Hemsworth. Jusmeyo.. Ganito ba ang mga nilalang sa impyerno?
“Umalis ka na dito sa lugar na’to Asmodeus. Hindi mo nanaising makalaban ako.” malalim at nakakatindig balahibo ang boses ni Michael ng siya naman ang magsalita.
“Aalis? Ngayong alam kong wala kang kapangyarihan upang protektahan ang sangkatauhan? Bakit ko naman gagawin yun?” nakangisi parin ang kaharap naming sexy demon. Bakit ba kasi lahat sila perfect? Walang tapon mga beks.. Nagcracrave ako ng kanin ngayon.
“Kung ganun.. Mapipilitan akong ibalik kang muli sa impyerno. Naging tao man ako, taglay ko parin ang lakas ng aking pagiging mandirigma ng Diyos!” hiyaw ni Michael at agad niyang itinaas ang kanyang espada at nagapoy ito bigla.
Napatakbo ako dahil feeling ko yun ang dapat ginagawa sa mga eksenang ganito.
Nakita ko naman ang pagbabagong anyo ni Chris Hemsworth. Nagimbal ako dahil ang akala kong napakagwapong nilalang ay isa palang kambing na may bangs.. At ang sungay niya jusko, tore na ng Mobile Legends ang laki.
Sumugod agad si Michael sa kanyang kalaban at mabilis naman itong nakailag. At nagpalitan sila ng pagwasiwas ng kanilang mga sandata.
“Saan ka naman pupunta Sancho? You wanna play with me?” isang malamig at nakakatakot na boses ang bigla kong narinig at napalingon ako sa aking likuran.
Si Kiefer. Ang incubus na sinasabi ni Michael.
Isang nakakatakot na ngiti ang kanyang binigay sakin at mabilis niyang dinakma ang aking pisngi at napalapit ako sa kanya.
Para bang pinipilit niya akong tumingin sa kanyang mga mata ngunit dahil sa takot ko ay hindi ko ito itinutuon sa kanya bagkos ay pumikit ako at humugot ng lakas upang tadyakan siya sa kanyang gitna upang makalayo ako sa kanya.
Nagawa ko naman ang aking plano at napabitaw siya sakin. Humiyaw siya habang sapo sapo ang kanyang pinakakaingatang santol.
Paano ko lalabanan ang demonyong ito? Wala akong panama sa bwesit na’to dahil wala naman akong espada na parehas ng kay Michael. Hindi pwedeng iasa ko nalang din ang kaligtasan ko sa kanya lalo ngayon at kaharap niya ang kambing na yun.
“Humanda ka sakin.. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa aking pag-aari.” bulyaw sakin ni Kiefer at mabilis siyang kumilos palapit nanaman sakin.
Tumakbo ako papalabas ng malaking bahay at naghanap ako ng mapagtataguan. Nakita ko ang kumpol ng mga tanim na rosas at doon ko naisip na magtago. Kapag naswertehan pupunta ang ugok na yun dito at kapag nasa sentro na siya ng mga rosas ay itutulak ko siya upang tuluyan siyang magkasugat sugat. Iyon nalang ang tangi kong naiisip upang mapinsala manlang siya.
“Sancho.. Huwag ka nang magtago. Lumabas ka na sa iyong lungga! Hindi mo ba alam na isa akong demonyo? Ramdam ko ang bawat kilos at galaw mo.”
Ramdam niya raw? Eh bakit di niya ako mahanap.. Echosero din ang isang ’to. Pero nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ko siyang papalapit siya saking kinaroroonan. Bakit ba kasi wala akong powers? Kasi kung meron manlang, mabilis kong ibabalik sa impyerno ang diablong ’to..
At mabilis kong sinagawa ang aking plano. Habang abala siya sa paghagilap sa akin ay umiikot naman ako at walang ingay na ginagawa. Mautak din ako noh? I was born to be witty.
Napatayo naman ako at tamang tama ang posisyon ni ugok sa sentro ng mga rosas at mabilis ko siyang tinadyakan sa kanyang tagiliran dahilan para mawalan siya ng balanse at bumagsak sa nagkukumpulang rosas.
Malakas na hiyaw ang kanyang binitawan dahil siguro sa hapdi ng mga sugat na natamo niya mula sa pagkakabagsak sa mga halaman.
“Ano ka ngayon? Sino satin ang mahina? Akala mo mauutakan mo ako ah!? Diyan ka na!! Tutulungan ko pa si Michael laban sa kambing na yun.” nakangiting saad ko sa kanya at hindi ko mapigilang mapatawa dahil mukhang hybrid ata ang mga rosas ni Mrs. Fernandez at malalaki ang tinik nito na nahirapang makatayo ang diablong yun mula sa pagkakabagsak dito.
Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay nakikita ko ang habol hiningang si Michael habang sinasalag ang bawat hataw ng kambing ng tungkod niya. Parang hindi nga talaga kayang labanan ni Michael ang isang demonyo kung isang tao nalang siya ngayon.
“Napakahina mo pala kung isang tao ka lang. Ang pinakadakilang anghel na kinalaban namin at nagpabagsak samin noon ay hindi na halos malabanan ang isang tulad ko! Nakakatuwang pagmasdan ang kahinaan mo Michael!”
Hindi ko maiwasang mawalan ng loob habang nakikita ko ang unti-unting paghina ng katawan ni Michael. Nakaluhod na siya sa sahig habang sunod sunod na hampas ang ginagawa ng demonyong kanyang kalaban sa kanya.
“Michael!! Lumaban ka!! Akala ko ba ikaw ang tagapagtanggol naming lahat? Sinabi mo pa sakin na lahat ng bagay ay gagawin mo para sa kalooban ng Diyos? Bakit hindi mo magawang labanan ang diablong wala namang binatbat sayo?” sigaw ko kay Michael na nagpatigil sa kambing sa kanyang ginagawa. Napatingin silang dalawa sakin.
“Hahaha!! Akala ko ay tinapos ka na ng hangal kong kampon. Buhay ka pa pala. Pero ayos lang. Sabay ko na kayong isasama sa impyerno ni Michael at doon na tayong lahat magsasama sama sa walang hangganang pagdurusa at kasawian!” nakakatakot na bulyaw sakin ng kambing na hindi ko ikinatakot.
Para bang mas lumalakas ang loob ko habang nakikita kong nahihirapan si Michael sa ginagawa niyang pagtatanggol sakin at sa mga taong maaring mapasailalim ng tuluyan sa kasamaan.
“Hinding hindi yun mangyayari Asmodeus.. Gagawin ko ang lahat upang pangalagaan ang kabutihan at kaayusan ng mundo kahit ako ay isang tao. Ikaw lang at ang iyong mga kampon ang babalik sa impyerno!!” hiyaw ni Michael at iwinasiwas niya ang kanyang espada na tumama naman sa tagiliran ng kambing na nagpaigtad dito.
Hindi pa natapos dun ang ginawa ni Michael, muli niya itong sinugod at isinaksak ang espada niya sa may tiyan nito. Hindi ko mawari ang nangyayari ngunit biglang napasigaw ng malakas ang kambing at unti-unti itong naglalaho na parang bula.
Ang nakakatakot na pakiramdam na nakapalibot samin ay unti-unti nawawala kasabay ng unti-unting pagkawala ng diablong nakalaban ni Michael.
“Hahahaha!! Hindi pa dito nagwawakas ang lahat Michael!! Hindi pa!!!” huling hiyaw nito bago ito tuluyang nagevaporate at naging tahimik ulit ang buong paligid.
Nakita ko ang mabilisang pagbagsak ni Michael sa sahig at tuluyan siyang nawalan ng malay.
Tumakbo ako palapit sa kanya at agad ko siyang tinapik tapik upang magising.
“Michael!! Michael!? Hoy! Gumising ka diyan! Huwag ka namang basta basta mawawalan ng malay.. Akala mo ang dali dali mong buhatin? Napatay mo lang ang demonyong yun nawalan ka na ng malay? Paano pa kung gawin na natin yung ano— Hay!! Gumising ka na diyan!” walang pakundangan kong kuda sa kanya.
Natatakot ako sa totoo lang. Paano kung hindi nakayanan ng katawan niya ang lakas na pinakawalan niya kanina dahil sa kagustuhan nga niyang mapuksa ang demonyong yun? Hindi na siya anghel na kung iisipin ko ay sampung beses ang lakas kesa sa normal na tao. At may kapangyarihan siya. Ang espada niyang nag aapoy kanina ay isang sign na may taglay talaga siyang powers. Pero dahil sa tao na siya, hindi kaya ng katawan niya ang lakas ng pwersa na yun.
“Hay naku.. Ano ba kasi ’tong nangyayari sa aking buhay? Talaga bang totoo lahat ng ’to? Kasi kung panaginip lang lahat, sana magising na ako.” tangi kong nasabi bago kunin ang cellphone ko at tawagan ang mga tanod na nakaduty ngayon.
Alam kong bukas ay malaking usap-usapan nanaman ang nangyari ngayong gabi. Ireready ko na ang aking beauty para mastress.
😇😇😇😇😇😇😇
Capitùlo Nueve
Mabigat ang pakiramdam ko habang unti-unti akong nagigising sa aking pagkakatulog. Hindi ko alam kung bakit tila ba may isang malaking batong nakapatong sakin at hirap na hirap akong makagalaw. Kaya agad kong minulat ang aking mga mata at napatili ako dahil sa may isang higanteng nakadagan sakin.
“AHHHHHH!!” in style of Regine Velasquez. Yung mataas na mataas na kahit baso ay mababasag.
Napapitlag naman ang higanteng nakadagan sakin at pupungas pungas siyang tumihaya sa kabilang gilid ng kama.
“Michael!! Anong ginagawa mo dito sa kama ko? Hindi ko natatandaan na dito ka natulog kagabi?!” reklamo ko kay Michael na ngumiti lang sa aking talak sa kanya. Aba? Ganun na talaga kami ka close na wala na siyang hiya? Mapagsamantala din pala ’tong anghel na’to. Gusto pa ata akong gawing nanay ng mga supling niya.. Charot!
“Tatawa tawa ka diyan.. Matapos kang mawalan ng malay kagabi at manghingi ng tulong kay Mang Kiko para akayin ka dito sa bahay?”
“Pasensiya ka na.. Hindi talaga nakayanan ng katawan ko ang lakas ng enerhiyang pinakawalan ko laban kay Asmodeus. Masiyadong mahina ang katawang ito kumpara sa kakayanan ko bilang anghel.” mahinahon niya namang sagot sakin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Eh bakit ka nga kasi dito natulog? May kama ka na dun sa kabilang side diba? Bakit lumipat ka pa dito sa kama ko?” pagrereklamo ko ulit. Nakakaloka kasi. Mukhang may nangyari kasi samin sa posisyon namin kanina. Paano nalang kung may nakakita saming mga guardian angel? Nakakahiya naman. Sabihin pa nila nilalandi ko ang dakilang Michael nila.
“Hindi ko kasi maiwasang mag-alala na baka may dumating nanamang panganib habang natutulog tayong dalawa. Mas madali kung magtabi tayo sa pagtulog dahil mula nang makalaban natin si Asmodeus, dadami na ang magtatangka sa buhay mo at sa buhay ko. Mga demonyong gustong tapusin ang buhay ko.” seryoso niyang saad habang nakatitig siya sakin.
Mga bes.. Alam niyo yung pakiramdam na kinukuryente ang kalamnan niyo habang malapit na malapit sa mukha niya ang isang napakagwapong lalaki. Ganun na ganun ang nararamdaman ko. Parang hindi ako makakilos. Maski huminga nga pinipigilan ko. Baho panaman ng hininga ko sa umaga.
“Ayoko.. Hindi tayo magtatabi. Swerte mo ah? Hindi kita jowa. At mas lalong hindi ako makakatulog dahil hindi ako sanay na may katabi.” pagtataray ko sa kanya na kinatawa lang niya.
“Ano pa bang kinahihiya mo sakin Sancho? Nakita mo na ang lahat sakin. Wala namang masama na magtabi tayo dahil gusto lang naman kitang protektahan. Dahil magkarugtong na tayo mula ng pinagtagpo tayo ng pagkakataon. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, papayagan mo akong magtabi tayo sa pagtulog.”
Napalunok nalang ako ng laway ng muli siyang kumindat sakin at tumayo na upang mag unat ng kanyang bato batong katawan. Hindi ko talaga mapigilang hindi maubusan ng hininga sa bawat galaw na ginagawa ni Michael. Ilang araw palang kaming magkasama pero nababaliw na ako sa mga pinag gagawa niya.
Agad naman din akong tumayo at inayos ang aking sarili. Kahit bakla ako, ewan ko ba kung bakit maganda ang hubog ng katawan ko. Siguro dahil narin sa pagiging athletic ko nung teenage years ko. Badminton, volleyball, swimming at tennis. Lahat ng sports ay sinubukan ko kaya naman kahit nung nag aral na ako ng Film and Directing ay competitive parin ako. I need to be on top. I always wanna be on top.
Hindi ko namalayan na meron pala akong trabaho na napapabayaan ko na dahil sa pagsulpot nitong si Michael kaya kahit sumunod sunod pa siya sakin kahit saan ako pumunta, hahayaan ko na siya. I need to finish a movie that is due for post production next month. Kapag hindi ko natapos yun, hindi ako magkakaroon ng pagkakataong makapasok sa Director of the Years Awards. I want that. Yun nalang ang aking pinapangarap na matupad ko sa buhay ko.
Bumaba na ako ng aking kwarto at naabutan ko naman si Michael na sinusubukang magbiyak ng itlog pero palagi naman itong nasisira. Natatawa ako dahil sinusubukan niyang gumawa ng sunny side up.
“Ako na ang magluluto. Umupo ka na dun.” mahinahon kong saway sa kanya habang siya naman ay lukot ang noong nakatingin sa mga itlog na nagkalasog lasog sa bowl. Gagawin ko nalang na omelet ang mga ito kesa naman masayang.
“Kailangan ko rin matutong ng gawain ng mga tao. Ayokong maramdaman mo na inaasa ko sa’yo lahat ng bagay. Isa akong anghel noon pero ngayong tao na ako ay kailangan ko narin sanayin ang sarili kong mabuhay bilang tao.” sabi niya habang nakatuon ang atensiyon niya sa ginagawa ko.
Napatingin naman ako sa kanya at nginitian ko lang siya dahil nakakatuwang isipin na may ganun din pala siyang nararamdaman.
“Matututo karin naman. Pero ang tanong ko parin, gugustuhin mo bang maging tao? Maging tao na tumatanda? Nanghihina at kalaunan ay mawawala sa mundong ito?”
Nakatitig siya sakin habang tinatanong ko siya. At isang malapad na ngiti lang ang ginawad niya sakin na sapat na upang pumintig ng mabilis ang puso ko.
“Kung sa buhay na’to ay isang tulad mo ang makakasama ko, walang alinlangan kong tatanggapin ang pagiging isang tao. Alam kong magiging masaya ang buhay ko kapag alam kong kasama ko ang isang tulad mo.”
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin pa. Para bang lahat ng lumabas sa bibig ni Michael ay nagbigay sakin ng kakaibang saya. Pinapaasa ba ako ng mokong na’to? Gusto ko tuloy isipin na gusto na niya talaga ako.
“Drama mo ah?! Tumigil ka nga Michael. You belong up there. Paano si God? Paano si Gabriel at yung iba pang anghel sa langit kung walang Michael na leader nila?” pagbabago ko naman ng aura ko. Ayokong mahalata niyang kinikilig ako ng sobra sa mga sinasabi niya.
“Yun ba talaga ang gusto mo? Kung piliin ko bang maging anghel ulit, hindi ka iiyak?” nagawa pa niyang magbiro na kinairap ko lang sa kanya.
“Hala?! Ako iiyakan ka? Hindi mangyayari yun. Alam ko namang deserve mo talaga bumalik sa langit. Kaya bilisan mo na ang paghahanap sa true love na yan at ng bumalik ka na ulit sa pagiging Archangel Michael mo.”
Binaling ko na sa pagbabate ng itlog ang aking atensiyon. Ayokong isipin pa ang mga sinabi ko. Alam ko naman na hindi totoo yun. At ang totoo, hindi ko alam kung kakayanin ko bang pati si Michael ay mawala narin sakin.
–––––––
“Huwag kang lalayo sakin. Dapat nasa tabi lang kita palagi. At ito ang tatandaan mo, kapag may lumapit sayong kahit sino, mapaartista man yan o crew, huwag kang magsasalita. Or magsalita ka ng Latin para di ka nila maintindihan. Kuha mo?”
Natatawa naman si Michael habang magkatabi kami sa likod ng sinasakyan naming Grab. Sa totoo lang, gusto ko naring bumili ng kotse dahil sa nandito na nga si Michael, nakakapagod at mas mahal mag Grab kung palagi naman siyang nakaaligid sakin na parang paranoid.
“Huwag kang mag-alala Sancho. Kahit sino pang kumausap sakin, sayo lang ako makikinig at sayo ko lamg itutuon ang atensiyon ko. Alam mo namang ikaw lang din ang inaasahan ko. Kailangan natin ang isa’t isa.” nakangiti niyang saad sakin.
Napatingin naman samin ang Grab driver namin at halatang kinikilig. Amoy na amoy ko ang lansa ni beshy.
“Tumigil ka na Michael ah.. Basta sundin mo nalang ang sinabi ko. Ayoko ng gulo sa set.” pagtataray ko sa kanya na tinanguan niya lamang.
Buong biyahe namin patungo sa location ng shooting ay tahimik kaming dalawa. Isang araw nanaman ng kabwesitan at plastikan sa mga taong pinipilit kong pakisamahan.
Nang makarating na kami ay napatingin agad lahat sa akin at sa katabi kong mala Greek God ang datingan. Parang tumigil ang mundo ng mga nadadaanan namin ni Michael at ewan ko ba kung matutuwa ako o maiinis.
“Nasaan na si Emma? Sequence niya ang uunahin natin dahil mas mahirap gawin yun sa isang sequence na kasama niya si Marco at Isaac.” tanong ko sa aking assistant director na hindi parin maiwas ang titig kay Michael.
“Minnie!! Ano ba? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo at para kang nasemento?” hiyaw ko sa aking assistant na napaigtad naman sa aking malakas na boses.
“Ay! Direk sorry naman. Ang gwapo po kasi ng boyfriend niyo. Nakakagulat naman ang pagbabalik niyo. Akala ko hindi na natin tatapusin ang movie na’to. May surprise ka pala samin.” matinis at kinikilig na saad naman ni Minnie na kinailing ko nalang.
“Si Emma nasaan na? Is she ready yet? Baka nasanay na siyang ako lagi ang aaproach sa kanya para lang sabihin sa kanya na take na tayo? Attitude ng babaeng yun ah?”
Napalingalinga ako at nakita ko naman ang paglapit sa kinatatayuan ko ni Emma ngunit hindi sakin nakabaling ang tingin niya kundi kay Michael. Ewan ko ba pero mas lalo ata akong mabwebwesit na sinama ko pa sa trabaho ko si Michael.
“Hi! I’m Emma Laputa. You can call me yours.” malanding pagpapakilala ni Emma kay Michael na hindi naman nagsalita at nakatuon lang ang atensiyon sa ibang bagay.
Lihim akong napatawa sa aking isipan. Talagang hindi siya tinatablan ng kahit anong pang aakit.
“And I am your nightmare kung uunahin mo ang paglalandi mo kesa sa trabaho.. Napractice mo na ba ang lines mo?” sunggab ko kay Emma na nagtaas lang ng kanyang kilay. Kahit kailan talaga may attitude ang babaeng pugita na’to.
“Direk naman.. Minsan lang akong makakita ng ganito ka yummy na boylet. Anyway, I want to get this movie done. Para makapagdate naman ako. Nakakastress ang environment.”
“Then go to your tent and practice your lines again. Be on your character and we will start in 15 minutes!” diin kong utos kay Emma na umirap ulit at nagflying kiss pa kay Michael bago tumalikod at naglakad ng parang ahas pabalik sa kanyang tent.
Napabuntong hininga nalang ako at napatingin kay Michael. Natatawa pala ang mokong. Bet na bet niyang pinagpiyepiyestahan siya ng malalanding higad.
“Tumigil ka.” irap ko sa kanya na kinatawa niya lang bago siya sumunod sakin papasok sa tent ko at nagsimula na kaming magtrabaho.
––––––––
Habang papauwi ay huminto muna kami sa isang grocery store dahil gusto kong magluto ng masabaw na ulam. Mabuti nalang at hindi naging pasaway si Emma at natapos agad namin ang shooting na nakaschedule ngayong araw.
Pero hindi ko maiwasang hindi mainis dahil sa pang aakit nito kay Michael. Mabuti nalang at ang kasama ko ay hindi gumagawa ng kahit ano. Sanay na sanay nga talaga siyang magbantay lang at magmatyag sa paligid niya.
Pagkapasok namin sa grocery ay humanap agad ako ng basket at nang may mahanap ako ay siya rin namang pagdapo nag isang kamay sa basket na aking nakuha.
Lumapat ang kamay na yun sa kamay ko at napatingin agad ako kung kaninong kamay yun. At hindi ko mapigilang hindi mapasinghap dahil sa unang tingin ko palang sa lalaki ay isa itong napakagwapong nilalang.
Maitim at may kahabaang buhok. Maputing balat. Bilugang mga mata. Makakapal na kilay at maninipis na labi. At ang kanyang ilong ay perpekto ang pagkakahulma. Maging ang kanyang mga panga at cheekbones ay hulmang hulma into perfection.
Nakaitim na tshirt at ripped jeans and he has that intimadating aura na nagpabitaw sakin sa basket na siya naman niyang kinuha.
“Thanks! Nagmamadali ako eh.. Got a party to attend.” tanging nasabi niya with a husky deep voice. Nakatulala lang akong minamasdan siyang lumalayo at tila ba nawala ako sa sarili ko sa isang saglit.
“Sancho? Anong ginagawa mo? Hindi ka pa ba kukuha ng basket?” tanong bigla ni Michael na nagpabalik sa aking wisyo.
Napatingin ako sa kanya at kita ko ang pagtataka sa kanyang mata.
“Hindi mo ba nakita yung lalaking kumuha ng basket ko?” tanong ko kay Michael na umiling lang sa aking pagtataka.
“Wala akong nakitang lalaki. Ikaw lang ang nandiyan kanina pa. Nagtataka nga ako kung bakit di ka pa kumukuha ng basket?”
Napatingala ako kay Michael at doon niya nabasa agad ang iniisip ko.
“May demonyo dito sa loob ng grocery.” tangi kong nasabi na kinatango naman ni Michael.
“Si Belzeebub.” tugon ni Michael
At nagkatinginan lang kami ng matagal. Isa nanamang demonyo ang nagpakita sakin. Hindi maganda ang kutob ko sa isang yun. Pakiramdam ko mas malakas pa ito kesa sa unang nakalaban namin ni Michael.
😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇
Capitùlo Dies
Okay.
Sa totoo lang hindi ko alam kung saan nagsimula ang lahat. Ang alam ko, nandito na ako sa isang malaking bahay na punong puno ng tao at maingay na tugtugin. May party. Sana hindi maging coffee party ang ending nito.
At kasama ko naman ang aking dakilang guardian angel sa aking tabi at minamatyagan ang paligid. Nakasuot siya ng puting turtle neck at black ripped jeans na pinares niya sa isang red na sneakers. Pormado ang lolo niyo. Eh syempre di ako papakabog. Dapat lalaking lalaki din ang aking datingan. White tshirt na pinatungan ko ng red checkered long sleeves. Skinny jeans at blue na topsider.
“Sigurado ka bang dito mo nararamdaman ang presence ni Bielzeebub? Baka nagkakamali ka lang?” tanong ko kay Michael na umiling lang sakin.
“Nararamdaman ko ang presensiya niya dito. At alam kong sinusubukan niya akong lumapit sa kanya. Isa siyang demonyo na kumakain ng enerhiya sa mga taong hindi makuntento sa mga bagay na meron sila.” tugon ni Michael sakin na kinatango ko naman.
“Eh tamang tama pala ang lugar na pinuntahan niya. Mga mayayaman lang ang nakatira sa lugar na ito. At ang mga mayayaman, hindi marunong makuntento sa kung anong meron sila. Diba?”
Napatingin si Michael sakin na may tanong din sa kanyang mga mata.
“Ang mga tao, binigyan ng pagnanasa at kagustuhan na siyang inabuso nila noong suwayin ni Adan at Eba ang Diyos. Dahil nabuksan na ang isipan nila sa masama at mabuti, mas ninais ng Diyos na paalisin sila sa Hardin ng Eden at mamuhay sa isang tigang at walang kabuhay buhay na lugar.” pagsalaysay niya sa nakaraan na alam ko naman.
“Eh bakit niya pa hinayaan na dumami ang tao? Kung paulit-ulit naman silang gagawa ng pagkakamali? Kung hindi mapunan ang kanilang mga pagnanasa? Kung wala silang pakialam kung may masasaktan matupad lamang ang kanilang kagustuhan?” sunod-sunod kong tanong na kinailing ni Michael. Ngumiti siya sakin at hinawakan ang aking mga balikat. Nakaramdam naman ako ng kakaibang kabog sa dibdib. Nakakaloka lang kapag ganito siya kalapit sakin.
“Dahil mahal niya ang mga tao. Siya ang may lalang sa ating lahat. Kahit paulit-ulit silang nagkakasala, pinapatawad niya sila dahil iyon ang kanyang responsibilidad sa atin bilang tagalikha.”
“Minsan, hindi rin ako naniniwala na mahal niya ang mga tao. Dahil kung mahal niya ang mga tao, bakit niya hinahayaan na magkaroon ng kasamaan sa kanilang puso? Bakit hinahayaan niyang magkasala ang mga tao?”
Napabitaw si Michael sakin at tumitig siya ng matagal saking mga mata.
“Hindi ko rin alam Sancho. Hindi ko alam kung bakit nagkakasala ang mga tao. Marahil, dahil sa pagkakasala kaya nagagawang magbago ng isang tao. Nabibigyan siya ng kaliwanagan sa maraming bagay. Iyon lamang ang alam ko.” mahinahon niyang sambit na sa di ko malamang dahilan ay natouch ako bigla.
“Ngunit kailangan nating gawin ang nararapat. Kailangang ibalik ko si Bielzeebub pabalik sa impiyerno. Hindi siya dapat nandito. Hindi siya pwedeng hayaang makisalamuha sa mga tao.” mariin niya pang dagdag na kinatango ko lang.
“Paano naman natin yan tatalunin? Hirap na hirap ka na doon sa Asmodeus.. Paano pa kaya itong isang ’to na mukhang mas malakas kesa dun sa sex addict na yun.”
Hindi siya sumagot sakin. Dedma ang beauty ko. Ano pa bang magagawa ko? Napasok na ako sa kabaliwan na’to kaya enjoy the ride nalang. Death ride na hindi ko talaga pinangarap sa aking beautiful life.
Pumasok kami sa bukas na gate at nagsisimula nang lumakas ang tugtog at kitang kita ko ang mga nakaswimsuit at nakatrunks lang na mga babae sa may poolside ng bahay. At ang iba naman ay nasa isang elevated stage at sumasayaw. Typical millenial parties.
Hindi paman ako nakakalayo mula sa aking kinatatayuan ay nawala na sa paningin ko si Michael. Nakakainis na talaga ang lalaking yun..
“Hey! You’re here..” tawag sakin ng isang malalim at nakakainlove na boses. Yes! Nakakakilabot siya in a good way. Parang gugustuhin mong pakinggan palagi ang boses na yun.
“Hi! Nandito ka rin pala? A-Ahm.. Kumusta ka?”
Yung lalaki sa grocery. At sa tingin ko siya na nga ang hinahanap namin ni Michael. Si Bielzeebub. In the flesh.
“Yes.. Actually, this is my party. Come! Punta tayo doon sa penthouse ko. I am really interested in you. Since I saw you that afternoon in the grocery store.” sabi pa niya at inabot ang aking kamay na sa di ko malamang dahilan ay parang magnet na lumapat din sa kanyang kamay.
“Ah.. I am with someone actually and I was looking for him.” pag-aalinlangan kong sagot sa kanya na inilingan niya lang.
“Don’t worry. I’m sure nag-eenjoy yun ngayon. I have lots of friends here kaya siguro kasama niya ang mga celebs na nandito ngayon.” nakangiti niya namang tugon sakin. Napapayag nalang din ako. He seem so harmless. Napakagwapo niya na hindi mo matatanggihan and maybe that’s why they are demons. Nakokontrol nila ang superficial side ng mga tao. Ang kagwapohan, kayamanan, katanyagan ng isang tao. They feed on that.
“Okay.. Let’s go then. You just waken up my interest.” nakangiti ko rin saad. Kung nakikipaglaro sakin ang demonyong ito, makikipaglaro din ako sa kanya. Pero hindi sa kama, ayokong mabuntis ng isang demonyo. Magkakasequel ang “The Omen” pag nagkataon.
Hinila niya naman ako at pumasok kami sa isang maliit na pinto sa likod ng malaking bahay. Merong staircase doon at hinatid kami nun sa isang pulang pinto. At nang pumasok kami sa loob ng pintong yun ay parang nakaramdam agad ako ng takot. Itim ang buong paligid at may ilaw na nakatutok lamang sa gitna ng mesa. At hindi ko inaasahan na may tao pala sa mesang iyon at nakagapos na may piring.
Pumasok si Bielzeebub sa loob at hindi paman ako nakakatakbo paalis ng kwarto ay sumara na ito at kahit anong pihit ko upang buksan ito ay hindi ito mabuksan.
“Take it easy Sancho.. Hindi mo mabubuksan yan. You have no power to do that thing.”
Napaharap ako kay Bielzeebub at nakangisi siya sakin at alam kong hindi maganda ang lagay ko ngayon.
“Alam kong ikaw ang kasama ni Michael dito sa mundo. At hindi ako makapaniwala na tao na talaga ang dakilang anghel ng Diyos. Isang pambihirang pagkakataon na hindi ko dapat palampasin.” hindi mapawi ang ngiti niya na mas lalo ko lang kinatakot.
“Harapin mo ako ng patas Bielzeebub! Hindi ka talaga marunong lumaban ng pantay.” isang hiyaw ang aking narinig at alam kong si Michael iyon. At siya ang nakagapos na lalaki sa mesa.
“Michael!! Huwag kang mag-alala. Tatalunin ko ang kutong lupang ito. Akala niya siguro natatakot ako sa kanya!”
Humalakhak naman ang demonyo at para bang hindi siya nathreaten sa aking mga sinabi. Akala niya talaga wala akong alam sa kung fu? Subukan niya akong lapitan at makakatikim siya ng flying kick at roundhouse kick sakin.
“Nakakatawa naman itong kanang kamay mo Michael. Pipili ka nalamang ng magtatanggol sayo, isa pang bakla.” pang iinsulto sakin ng kumag na kinapantig ng tenga ko. Kapag talaga napuno ako, papatulan ko na siya.
“Hindi siya ang kalaban mo Bielzeebub! Ako ang harapin mo.” hiyaw ulit ni Michael na mas lalong kinatawa ng kutong lupa.
“Sa tingin mo ba may magagawa ka sa kalagayan mo ngayon? Nakatali ka sa mesang yan at wala na ang lakas mo bilang isang anghel.. Sa tingin mo ba mananalo ka sakin?” hambog talaga ang demonyong ’to. Ang angas kung makapagsalita.
“Ang yabang mo talagang kutong lupa ka!! Bakit hindi ako ang labanan mo? Kahit demonyo ka pa, lalabanan kita. Baka akala mo lalambot lambot ako dahil bakla ako, pwes nagkakamali ka! Baka ibaon kita sa lupa kapag natalo kita.” panghahamon ko naman sa kanya na kinangisi niya sakin.
Nag inat siya at hambog na lumapit sakin. Malakas niya akong hinablot at para ba akong lumipad patungo sa kabilang side ng kwarto at naglanding ako sa sahig.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero mga beks, sobrang sakit ng aking katawan. Akala ko biro lang ang lakas ng isang demonyo, hindi ko pala keri. Para akong malalata sa lakas ng pagkakahagis niya sakin.
Hindi paman ako nakakarecover ay may humablot na sa buhok ko na nagpahiyaw sakin sa sobrang sakit.
“Hahahaha! Ano? Nasaan na ang tapang mo Sancho?! Nasaan na ang sinasabi mong ibabaon mo ako sa lupa?!”
Mas lalo pa niyang linakasan ang pagkakahablot sa buhok ko na halos malagot na ang aking hininga sa sobrang sakit.
“AAAAAHHHHHHH!” isang malakas na hiyaw ang aking narinig at bigla naman akong nabitawan ng demonyo. Napabagsak ako sa sahig at nakita ko ang pagkakadagan ni Michael kay Bielzeebub at pinapaulanan niya ito ng suntok.
Ngunit tinadyakan siya ni Bielzeebub at malakas na tumama ang likod ni Michael sa mesa na nagpaluhod sa kanya. Mabilis naman siyang sinugod ni Bielzeebub at dinamba nito ang kanyang tiyan na kinasigaw ni Michael dahil siguro sa sobrang lakas nito.
Napayuko si Michael at siniko ang likod niya ni Bielzeebub na nagpatumba sa kanya ng tuluyan. Padapa siyang bumagsak at mabilis siyang hinawakan sa buhok ni Bielzeebub.
Nawawalan narin ako ng malay dahil sa hapdi at kirot na nararamdaman ko sa buong katawan. Linalabanan ko ang sakit na aking nararanasan dahil kailangan kong iligtas si Michael sa demonyong gusto siyang patayin. Kailangan ko siyang iligtas. Iyon ang nasa isipan ko na unti-unting nagpalakas sakin. Ang kagustuhan kong iligtas siya ang nagbibigay sakin ng kakaibang lakas na mabilis akong napatayo.
Mabilis akong tumakbo at isang malakas na sipa ang pinakawalan ko na tumama sa mukha ni Bielzeebub. Sa hindi ko malamang dahilan ay parang wala lang ang aking sipa sa kanya.
“Hahahaha. Hindi ka talaga susuko. Kahit na alam niyo nang talo na kayo, hindi parin kayo sumusuko. Kaya gustong gusto ko ang mga tao. Hindi basta basta sumusuko upang makuha ang kanilang gusto.” sambit ni Bielzeebub at napatayo siya upang muli akong harapin.
Mabilis niya akong tiniklo at ihinampas ako sa mesa na muntik nang magpawala ng aking ulirat. May dugo naring umaagos sa aking bibig at maging ang aking ulo ay may sugat narin. Hindi ko kaya ang ganitong lakas.
Muli akong tiniklo ni Bielzeebub at mabilis niya akong idiniin sa dingding ng kwartong iyon. Itinaas niya ako na parang wala lang ang bigat ko sa kanya. Unti-unti nang nawawala ang aking malay. Malabo na ang aking paligid. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng buhay.
“Hindi ang isang taong kagaya mo ang makakatalo sa isang demonyong katulad ko. Hinding hindi mangyayari ang—
Naputol ang sinabi ni Bielzeebub nang may kung anong bagay na tumaga sa kanya mula sa kanyang likuran. Nabitawan niya ako at napabagsak ako ng tuluyan sa sahig. Nakita ko naman ang nag aapoy na espada ni Michael na nasa kanyang mga kamay. Habang unti-unti nagpupumiglas si Bielzeebub sa kung ano man ang nangyayari sa kanya.
“Pa-Paanong nasayo ang espada ng kalangitan?” nanghihinang saad ni Bielzeebub habang hawak hawak ang kanyang tiyan na umaagos ang dugo.
“Dahil ako ang tagapagtanggol ng sangkatauhan Bielzeebub.. At hinding hindi kayo magwawagi laban sa Diyos. Hinding hindi magagawa ni Lucifer na makabalik sa langit. Hinding hindi ko siya hahayaan.”
Hindi ko na alam kung ano pa ang sinasabi ni Michael dahil unti-unti nang natabunan ng kadiliman ang aking paningin.
———–
Maliwanag at napakagandang paligid ang aking namulatan ng ibukas ko ang aking mga mata. Isang paligid na punong punong ng naggagandahang halaman na ngayon ko lamang nakita. Isang napakagandang tanawin. Nakahiga ako sa isang berdeng damuhan at napatingala ako sa kalangitan na hindi kulay asul kundi kulay ginto at pilak na mga ulap.
“Napakaganda dito diba Sancho?” isang boses ang aking narinig mula kung saan at nang ilibot ko pa ang aking paningin ay isang babaeng napakaganda ang aking nakita. At hindi lang yun, gusto talaga akong talbugan sa pagkadiyosa niya dahil meron siyang korona na gawa sa bulaklak na ngayon ko palang nakita. Puting robe ang nakatapis sa kanya at take note, meron siyang pakpak. Wings! Teka? Patay na ba ako? Bigla kong naalala lahat ng nangyari. Si Bielzeebub at si Michael. Ang pagkakabugbog ko ng bongga. Ito na siguro ang aking destiny. Ang mamatay sa kamay ng isang demonyo. Diba dapat nasa impyerno ako ngayon dahil siya yung nakachukchak sakin?
“Bakla! Nakikinig ka ba?” hirit ulit ng bruhang katabi ko.
“Teka teka! Bakit ako nandito? Patay na ba ako?” pagtatanong ko sa kanya sabay tayo. At napatakip agad ako sa aking betlogs dahil hubadera pala ang peg ko. Wala akong damit!
“Naku.. Huwag mo nang itago yan. May mas malalaki pa ako nakita diyan baks.” sambit ni bruha na kinataas ko ng kilay. Ano ba kasing ginagawa ko sa lugar na ito? “Anyway.. Kung tinatanong mo kunh deathsu ka na.. Hindi pa bakla. Nasa horizon ka lang. Nasa pagitan ng life and death.”
Napasinghap ako dahil 50/50 pala ang lagay ko ngayon kung ganun.
“Huwag kang magbiro ng ganyan. Ang dami ko pang dapat gawin. Paano si Michael? Yung movie ko. Yung awards. Bakit naman ngayon pa?” reklamo ko kay bruha na tumayo naman at lumapit sakin.
“Hindi ka pa mamamatay.. Marami ka pang gagawin. Itinakda ng Diyos ang lahat para sayo. May dahilan kung bakit ka nandito.. At iyon ay ang ibigay ko sayo ito.” sambit ni bruha at may ibinigay saking isang puting feather.
“Anong gagawin ko dito? Ticket ba ’to para makabalik ako sa Earth?” tanong ko naman kay bru dahil wala talaga akong idea sa lahat ng nangyayari ngayon.
“Iyan ang ugatpak ni Pagaspas.. Charot! Malalaman mo rin ang lahat sa tamang panahon. Sa ngayon kailangan mo nang bumalik. Ayokong makitang umiiyak ang kapatid ko dahil sayo beks.” sambit pa niya na kinakunot ng noo ko. Kapatid?
“Ako si Ariel. The most beautiful and gorgeous angel in the while universe. At oo, kapatid ko si Michael, si Gabriel, si Azrael.. Basta madami kamo beks. Pati si Lucifer, unfortunately kapatid ko ang halimaw na yun.” pagpapaliwanag ni bruha kung sino talaga siya.
“Nice to meet you kung ganun.. At salamat dahil hinayaan mo akong mabuhay.” ngiti lamang ang sinagot sakin ni Ariel at umiling siya.
“May misyon ka na hindi ko rin alam. Wala ka sa libro ng kamatayan ni Azrael so it means, you are indestructable! Oh diba? Lakas maka Lily Cruz.” sabay pitik niya sa kanyang kamay at bigla naman naglaho ang lahat at nawalan ulit ako ng malay.
😇😇😇😇😇😇😇😇
Capitùlo Onse
Masikip. Gosh! Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Para akong pinipiga na hindi ako makahinga.
Pero bakit ang sarap. Kahit na masakit ng kunti ay okay lang. Ginusto ko naman diba?
Hoy! Mga bakla! Huwag kayong ano! Yinayakap lang ako ni Michael kaya nasisikipan ako at nahihirapang huminga. Kung ganito ba naman kalaking tao ang yayakap sa inyo, malamang mabali pa mga buto niyo.
“Salamat sa Diyos at dininig niya ang aking pakiusap. Hindi ko alam ang gagawin ko Sancho! Hindi ko alam ang gagawin ko kung tuluyan kang nawala.” damang dama ko ang pagkatakot niya at labis na pag-aalala.
Nagising nalang kasi ako na nasa loob ng isang kwarto. Sa ospital kung hindi ako nagkakamali. At ang huli kong natatandaan ay ang bruhang anghel na kapatid ni Michael.
“Mi-Michael bitaw na.. Hin-Hindi ako makahinga.” daing ko naman sa kanya na kinabitaw niya sa pagyakap sakin.
“Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo? Tatawag ba ako ng doktor?”
Ngayon ko lang nakita ang mukha ni Michael na sobra sa pag-aalala sakin. Pakiramdam ko tuloy ay couple na kami. Charot!
“Ayos na ako Michael.. Huwag ka nang mag-alala. Ang mahalaga natalo natin ang Bielzeebub na yun. Ang galing mo talagang tumusok.”
Napatigil ako saglit sa aking huling nasabi. Kakaloka naman kasi. Sobrang hot ng katabi ko at hindi ko talaga mapigilang hindi maginit ng bongga. Patawarin niyo ako mahabaging langit.
“Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi kita nailigtas mula kay Bielzeebub. Ngayon mas lalo akong natatakot para sa kaligtasan mo. Paano kung si Lucifer na ang magpakita sa atin sa susunod?”
Titig na titig ang lolo niyo sakin at ako naman ay hindi mapigilang hindi rin makaramdam ng takot bigla. Kung si Asmodeus at Bielzeebub ay malalakas ng demonyo.. Paano pa ang prinsipe ng kadiliman? Ang tagapagbantay ng impyerno? Ano ang laban namin sa kanya kung sa mga alipores palang niya nganga na kaming dalawa.
“Nakaharap ko si Ariel. Hindi ko alam kung panaginip lamang iyon o totoo. Pero nakita ko ang kapatid mo sa gitna ng isang nakalutang na isla. Parang nasa pagitan iyon ng langit at lupa.” pagkwento ko sa kanya ng aking naranasan na kinalaki ng kanyang mga mata.
“Si Ariel? Sigurado ka ba? Bakit ka naman haharapin ni Ariel? Hindi basta bastang nagpapakita si Ariel sa isang tao. Mailap siya. Kung kaming nakakatandang mga anghel ay nakikisalamuha sa mga tao, si Ariel ay hindi kailanman nagpapakita sa isang tao.” Bigla ko namang natandaan ang usapan namin ng bruha. Sabi pa niya mas marami pang totoot na mas malaki kesa sakin ang nakita niya. Echoserang bakla pala siya kung ganun?
“May ibinigay siya sakin bago mawala ang aking malay ulit at magising na ako ng tuluyan.” usal ko pa at naramdaman kong may hawak hawak ako sa aking kamay.
Binuklat ko ang aking palad at nakita ko doon ang isang nagliliwanag na balahibo na kulay ginto. Ipinakita ko ito kay Michael at nanlaki bigla ang kanyang mata.
“Si Ariel ba ang nagbigay sayo ng balahibong yan?” nanlalaki ang mata niya at napatango lang ako dahil wala talaga akong idea kung ano ang ibig sabihin ng feather na ito. Pagkiliti siguro ’to sa tenga ni Michael para mapasakin na siya ng tuluyan.. Charot!
“Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng balahibong yan Sancho?” tanong niya ulit sakin and I just shook my head. Nakakaloka talaga siya. Malay ko ba kung ano ang meaning ng mga bagay na nangyayari sa buhay ko.
“Maari mong hilingin kay Ariel ang kahit na anong gustuhin mo. At tutuparin niya ito.”
Napatigil ako at napatitig sa balahibong nasa kamay ko. Ganun kapowerful ang bruhang yun? Kaya niyang tumupad ng wishes? Fairy Godmother lang ang peg?
“Kahit anong hilingin ko ibibigay niya? Akala ko sa Cinderella lang yun nangyari.” tugon ko naman sa kanya.
Ngumiti lang siya at muli siyang tumitig sakin. Nakakaloka na talaga. Ayoko na! Suko na ako sa kagwapohan at hotness niya.
“Michael.. Kung hilingin kong ibalik na niya ang pagiging anghel mo? Matutupad ba yun?”
“Sa maniwala ka at hindi, si Ariel ang paboritong anghel ng Diyos. Dahil sa kanyang talino at walang kapantay na pagmamahal sa lahat ng nilalang ng Diyos. Kaya binigay ng Diyos sa kanya ang kapangyarihan na gumawa ng mga milagro.”
Napahanga nalang ako bigla sa aking nalaman. Hindi pala siya ang paborito ni God kung ganun? Ang alam ko talaga love na love siya ni God na binigyan siya ng ganitong pagsubok.
“Kung ganun.. Itatago ko muna ang balahibo na’to. Wala pa kasi akong maisip na wish.” pangiti kong sabi sa kanya na kinangiti niya lamang.
Hinaplos niya ang aking mukha at mabilis niya akong yinakap.
“Hindi ko na hahayaang masaktan ka pa. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito pero sa tuwing nakikita kong nahihirapan ka at nasasaktan dahil sa akin, mas lalo kong ninanais na maipagtanggol ka laban sa masasamang bagay.” magiliw niyang saad sakin.
At alam niyo mga bes.. This is the first time na para akong maiihi sa sobrang kilig at saya sa aking mga narinig kay Michael.. Totoo ba talaga ito? Kami na ba? Charot lang!! Oo na.. Ako na ang assumera!
———————
Isang araw pa akong nanatili sa ospital at pagkauwing pagkauwi ko ay may mga reporter na sa harap ng bahay ko. Naku naku!! Ang bilis talagang kumalat ng balita.
Agad namang nagsitakbuhan ang mga braguda patungo sa amin ni Michael. Pero pinigilan sila ni Michael at kitang kita ko ang overprotectiveness niya. Bodyguard na bodyguard talaga ang dating niya.
“Walang sasagutin si Sancho sa inyo.. Maari na kayong umuwi. Magandang araw!” siya narin ang nagsalita para sakin. Gandara ko talaga..
Mabilis naman kaming pumasok sa gate ng bahay at muntik pa akong mapahagalpak sa tawa dahil parang timang si Michael na iniirapan ang mga paparazzi na kuha ng kuha sa kanya ng pictures.
“Hayaan mo na sila Michael. Ganun talaga ang buhay sa showbiz.. Hindi ka makakalayo sa issue. Alam mo naman siguro yun diba?”
“Hindi ko maunawaan ang mga taong mahilig magkalat ng maling balita para lang kumita ng pera. Hindi ko maiwasang hindi magalit sa mga taong pinipiling gumawa ng masama para lang sa pera. Sinasamba nila ang pera.” galit na sagot ng lolo niyo.
Napatahimik naman ako at linapitan siya. Inabot ko ang kamay niya at binuksan ko na ng tuluyan ang pinto ng aking bahay upang makapasok na kami sa loob at magsilayas na ang mga asungot na nasa labas.
“Dahil iyon ang takbo ng mundong aking pinili. Ang gumawa ng mga kwentong walang katotohanan. Doon kumikita sila. Ngunit nagbibigay din iyon ng benipisyo sa taong sinisiraan dahil mabilis silang sumikat. Pag-uusapan. Yun nga lang, sa hindi magandang bagay sila kadalasan sumisikat.” paliwanag ko kay Michael na walang emosyon lang na pumanhik papunta sa taas.
Nagmamadali ata siya? May kukunin ba siya? Engagement ring namin? Ayyy!! Hindi pa ako prepared!
Pero alam ko nanaman na hindi yun mangyayari.. Kaya huwag na kayong magreact! Hadlang talaga kayo sa kaligayahan ko..
Binuksan ko agad ang TV dahil sa may pakiramdam akong hindi magandang nangyayari.
Balitang balita sa mga news station ang kaguluhan nga sa party ni Bielzeebub. Damay ang ilang celebrity sa bugbugang naganap doon. Hindi lang pala kami ni Michael ang nakipagbugbogan sa lecheng demonyo na yun. Marami din palang nangyari sa party. Siguro ay sinadya iyon ng demonyo para mas iparamdam sakin na kaya niyang gawin lahat ng gusto niya.
At biglang may nagflash sa screen na ibang balita. Sa isang iglap ay napatigil ako dahil hindi ko inaasahan na makikita ko muli ang taong yun..
“Nagbabalik bansa ang aktor na si Adam Garduce mula sa mahabang pananatili sa US. Ang aktor ay biglang naglaho sa showbiz ng mas piliin nitong ispursue ang kanyang studies. At ngayon ay isa na itong matagumpay na lawyer at kasalukuyang nakikipagnegosasyon para sa isang comeback movie. Nang mainterview ang naturang actor ng aming team ay iwas ito sa mga personal na tanong. At kung tatanungin kung sinong direktor ang kanyang gustong makatrabaho. Isang pangalan lang ang kanyang nasabi. Ang magaling na romantic film director na si Sancho
Villacorte.“
Hindi parin ako makapaniwala. Buong akala ko.. Buong akala ko ay hinding hindi na siya babalik. Pero bumalik siya.. Para guluhin nanaman ang buhay ko.
“Matapos mo akong iwanan sa gitna ng pagdurusa ko? Babalik ka? Ang kapal talaga ng mukha mo Adam..”
Hindi ko namalayan ang paglandas ng luha ko sa aking pisngi. Muli kong naalala ang lahat sa aking nakaraan. Ang aking mga magulang. Ang pagsuway ko sa kanila. Ang aking pagnanais na maging maligaya sa piling ng maling tao.
“Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sayo Sancho?”
Hindi ko napansin ang biglang pagsulpot ni Michael sa aking harapan. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala na hindi ko napigilang mapayakap nalang sa kanya.
“Pwede mo bang ipangako sakin na hindi mo ako iiwanan? Pwede bang ako nalang ang piliin mo Michael?” wala na sa isip ko ang mga pinagsasabi ko dahil sa matinding emosyong nararamdaman ko.
“Sancho.. Hindi kita iiwanan. Nangako akong proprotektahan kita maging sa demonyo man o sa tao. Hangga’t nasa tabi mo ako, walang sinuman ang makakapanakit sa’yo.”
Ang mga salita niya ay nagbigay ng matinding kaginhawaan sakin. Sana nga totoo lahat ng sinasabi niya. Sana nga hindi na ako mag-isa ulit. Natatakot na akong maiwan. Ayoko nang maging malungkot.
“Maaring naging masama ang nakaraan mo. Nararamdaman ko kung gaano mo gustong makalimutan ang masasamang ala-ala ng iyong nakaraan. Ngunit hindi magiging madali iyon kung patuloy mong paparusahan ang sarili mo sa pagkimkim ng galit.” dagdag pa niya na kinahigpit lang lalo ng pagkakayakap ko sa kanya.
“Bakit ba kasi kung kailan okay na ako? Kung kelan natututunan ko na ang maging masaya ulit.. Saka babalik ang taong bumitaw sa akin sa panahong kailangang kailangan ko siya. Ang sakit lang isipin na sa loob ng mahabang panahon, nagawa niya pang bumalik sa buhay ko.” naluluha kong saad kay Michael.
Hinaplos haplos niya ang likod ko at sinusubukan ko namang huminahon. Hindi kasi madali sa akin na muling balikan ang mga ala-alang pilit kong kinakalimutan.
“Magiging maayos din ang lahat Sancho. Kailangan mo lang harapin ang masasakit na ala-ala. Dahil iyon ang kailangan mo upang magpatuloy pa sa buhay. Alam kong hindi ako nasa posisyon upang pangunahan ka sa iyong mga desisyon mo, ngunit iyon ang dapat mong gawin.”
Naisip ko tuloy ang feather na binigay sakin ni Ariel. Kung gamitin ko kaya iyon upang makalimutan ko si Adam ng tuluyan. Makalimutan kong nagexist siya sa buhay ko. Pero alam kong hinding hindi yun mangyayari. Dahil kahit makalimutan ko siya. Gagawa siya ng paraan upang bumalik sa buhay ko. At muli akong paasahin na hindi na siya muling aalis sa piling ko.
Tama nga siguro si Michael. Kailangan kong harapin ang masasamang ala-ala ng aking nakaraan. Dahil kung hindi ko sisimulang kalimutan ang mapait na nakaraan, walang patutunguhan ang buhay ko.
“Tama ka.. Hindi na siguro tama na ako nalang lagi ang iiwas. Kailangan kong harapin ang aking takot. Kailangan kong harapin ang sakit upang mabuo akong muli.”
Napabitaw naman ako sa pagkakayakap kay Michael at nakita ko ang malawak na ngiti sa labi niya. Everytime na ginagawa niya iyon ay nabibigyan ako ng kakaibang saya at kaginhawaan. Parang siya ang source ko ng happiness. At ngayong bumalik si Adam, hindi ko kakayanin kapag wala sa tabi ko si Michael upang palakasin ang loob ko.
“Ganyan nga. Alam kong kakayanin mo lahat ng iyong haharapin. Si Asmodeus at Bielzeebub nga ay nagawa mong harapin. Maging si Ariel na napakahirap kausapin kahit kaming mga kapatid niya ay nagawa mo ring harapin. Itong tao pa kaya na nagbigay sayo ng dahilan upang maging malungkot? Ipakita mo sa kanya na naging mas mabuti ka noong nawala siya sa buhay mo.” pagpapalakas pa ni Michael ng loob ko.
Kunti nalang talaga hahalikan ko na ang anghel na’to.. He trully is an angel. At ngayon palang ay natatakot na ako na baka sa bandang huli, piliin niyang maging si Archangel Michael. At hindi si Michael na unti-unti nang pumapasok sa puso ko.
😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇
Ang cute ng chapter na’to.. Haha.. Ayoko na tuloy isulat ’to. Sobrang cheesy na kasi.
Capitùlo Dosè
Amoy ng itlog.. Oo, amoy ng itlog na pinirito ang aking naamoy ng ako ay magising. Umagang umaga ay masarap na ang aking pakiramdam.
Huwag kayong malisyoso ha! Maganda lang talaga ang gising ko dahil may Michael na akong kasama araw-araw. At ngayong umaga nga ay hindi ko maintindihan kung bakit nagluto siya ng almusal? Kelan pa siya natutong magluto?
Agad akong bumaba suot ang aking bikini.. Charot!
Kitang kita ko naman ang walang saplot pang-itaas na si Michael na kumekembot kembot habang nakasuot ng headphones sa kanyang tenga. At nagluluto pa siya ng aming almusal. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa kanyang ginagawa.
Pakiramdam ko tuloy ay unti-unti na niyang nagugustuhan ang pagiging isang tao. Pero ayokong ipagdamot siya kay God. Alam kong mas kailangan siya ng sanlibutan kesa sa akin na isang ordinaryong tao at wala namang alam gawin kundi gumawa ng pelikula at piliting maging masaya kahit nag-iisa. Dramatic ko talaga!! Ang ganda ng gising ko tapos ito naging emotera naman ako.
Napalingon naman sakin si Michael at agad niyang tinanggal ang headphones na nakasukbit sa tenga niya. Ngayon ko lang talaga siya nakita ng ganito kasaya.
“Magandang umaga Sancho.. Matatapos na ang pinirito kong itlog. Umupo ka na diyan sa mesa. Ihahain ko na ang almusal natin.” masayang sabi niya na ginantihan ko lang ng ngiti.
“Nakakapanibago ka ah? Hindi ko alam na nagluluto na pala ang anghel mula sa kalangitan?”
Napangiti lang siya at pinatay ang gas stove at hinaon ang sunny side up egg na linuluto niya mula sa fry pan. At take note, perfectly made ang kanyang sunny side up.. Yung dilaw ay hindi nasira. Bilib na talaga ako kay Michael.
“Aba aba! Ang galing mo palang magluto ah? Saan mo yan natutunan? Hindi naman kita tinuruang magluto?” sunod sunod na tanong ko habang kumukuha ng cup para magtimpla ng aming kape.
“Syempre sa youtube. Itong binili mong cellphone sakin eh marami palang pakinabang. Marami akong pwedeng makita at mahanap.”
Napalukot ang noo ko. Teka, baka naman may nakita narin siyang higit pa sa dapat makita niya. Lagot talaga sakin ’to. “Kung ano man iyang iniisip mo, hindi ako kailanman gagawa ng masamang bagay. Lahat ng maaasamang bagay sa mundo ay kinamumuhian ko.”
Napatango nalang ako. Ang lakas talaga ng signal niya. Hagilap agad ang naiisip ko? Kaya silent mode nalang ako at nagpatuloy sa pagtitimpla.
“Siya nga pala.. May naghatid ng mga yan dito sa bahay mo. Sabi nung lalaki, galing daw kay Adam Garduce.” sabi pa ni Michael bago ko sundan ang pagturo ng kanyang kamay sa sala at doon ko nakita ang napakaraming bulaklak.
Daig ko pa ang ikakasal mga beks.. Napatungo agad ako sa sala at mas nagulat pa ako ng may isang malaking teddy bear ang nakaupo sa sofa.
May card na nakalagay sa gitna ng teddy bear at kinuha ko iyon. Hindi ako handa sa mga nangyayari ngayon.
Binuklat ko ang card at ang handwriting ni Adam amg agad kong nakita.
Sancho,
I know that these are not enough to make up all the bad things that I have done to you. But please give me another chance. I will make things right. This time I will fight for us.
Adam.
Tiniklop ko ang card at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Para kasing may kung anong bahagi ng puso ko na muling nabubuhay. Ang bahaging matagal ko nang ibinaon sa limot.
Napalingon ako sa mesa at nakita ko ang paghahanda ni Michael na parang wala lang din sa kanya ang mga bagay na ibinigay sakin ni Adam. Sabagay, ano bang alam niya doon? Nandito nga siya sa mundo upang alamin ang totoong pagmamahal diba?
Pero hindi ako padadala. Tapos na ang panahon ng aking pagiging bulag. Alam ko na kahit kailan, hindi ako ang una sa buhay ni Adam. Ayoko nang masaktan pa. Ang pagkawala sakin ng aking pamilya. Malaking bahagi siya nun. Kaya mas may dahilan ako upang hindi na muling tanggapin pa ang kahit ano mula sa kanya.
“Mag-almusal na tayo, Sancho. Diba may final shooting ka pa ngayon dun sa pelikula mo?” biglang sabi ni Michael na nagpaalala sakin na nabubuhay pala ako sa kasalukuyan.
“At sasamahan kita doon. Hindi natin alam kung kelan ulit may magpapakitang kampon ng kadiliman. Hindi na maaring maulit sayo ang nangyari sa atin noong isang araw.” madiin na dugtong niya naman nang makaupo na ako sa mesa.
“Eh kahit naman kasi dumating ang panganib, mahirap kalabanin ang mga nilalang na yun.. Wala tayong sapat na lakas upang labanan sila.” pagdadahilan ko habang sumusubo ng hotdog ni Michael— Ayan nanaman kayo, syempre luto niya edi hotdog ni Michael.
“Alam kong mahina ang lakas ko upang labanan sila. Pero kapag magkasama tayo, may kakaibang lakas na namamayani sa akin na hindi ko maintindihan. Ayokong makikita kang nasasaktan. Ayokong mahirapan ka. Iyon ang nagbibigay sakin ng ibayong lakas.”
Oh di ako na ang energy drink! Minsan talaga hindi ko na maintindihan din kung seryoso siya o pinapakilig niya langa ako. Ako naman, assumera. Ewan ko ba, biglang sumarap ’tong hotdog ni Michael. Kaya kakain nalang ako.
“Okay and cut!” hiyaw ko kay Emma bago pa niya tuluyang tapusin ang kanyang linya.
This is the final scene and I want it to be perfect. Emma is definitely a good actress but today seems to be not one of those good times.
“Emma? That is not the line! The script has been given to you for like 3 months now.. Bago pa tayo magstart ng shoot, you have a generous amount of time to do your memorization and character research. May mali sayo eh.. Tell me what is going on?!” kuda ko kay Emma na napapahawak nalang sa sentido niya.
“Sorry Direk.. I am just distracted. Can we just take it another day?”
Lumapit ako sa kanya at tiningnan ko siya ng maiigi. I know that something is not right with her.
“Medic.. Call the medic now!!” hiyaw ko bago pa siya tuluyang nawalan ng malay. Mabuti nalang at nasalo ko siya agad at to the rescue naman ang leading man niya bago pa dumating ang site medic namin.
Dalawang oras ang hinintay ko sa tent ni Emma bago siya muling nagkamalay at paikot-ikot ang tingin sa loob ng tent.
“Direk? What happened? I can’t remember anything.” nanghihinang saad ni Emma sakin at tiningnan ko lang siya ng maigi. Meron talagang mali sa kanya. Parang ibang tao siya kanina.
“You passed out. Tell me, buntis ka ba Emma?”
Napalukot ang noo ni Emma at agad na umiling sa aking nasabi.
“No.. Hindi ako buntis! Direk, I am focused on my career. Wala akong balak magpabuntis now that I am on the top of my game.” depensa niya sa sarili na tinanguan ko naman.
“Okay.. Then why are you distracted?” tanong ko sa kanya at bigla ulit siyang natahimik.
“Look, I know we are not the best teammates here but as your director, responsibilidad ko ang malaman kung ano ang mali sayo. It will affect not just our movie but all the hardworking people behind it.” pagpapalakas ng loob ko sa kanya na i-open up sakin ang nangyayari sa kanya.
“Okay.. Last night, we went drinking with my friends. Hindi ako nagpakalasing or anything. But I went to the comfort room of that bar and I seen something unusual in the mirror. May–– may nakita kong horned being sa likuran ko.”
Nangatal si Emma nang sinabi niya ang huling part ng kanyang story. Bakit magpapakita sa kanya ang isang demonyo? Nababahala na ako sa mga nangyayari sa buhay ko simula ng dumating si Michael.
Hindi nalang ako ang apektado, maging ang mga taong nakapalibot sakin. Baka tama si Michael, mukhang kumikilos na si Lucifer. Ang kanyang mortal na kaaway.
“Baka namalikmata kalang.. That is absurd Emma.”
Alam ko naman na totoo ang mga demonyo.. Pero hindi ko lang alam kung baka nga dahil tao na si Michael ay malaya nang nagagawa ng mga demonyo na basta basta nalang magpakita sa mga tao at hindi ko alam, baka gumawa din sila ng mga bagay na ikakapahamak nila.
“Okay.. We will cancel the shoot today.. We can do it next week. May isang linggo panaman tayo para tuluyang ipost produce ang pelikula. For now, you have to rest and take a little vacation.” saad ko kay Emma na tumango lang sakin bilang tugon. Hanggang ngayon ay tulala pa rin siya at malamang ay inaalala niya ang nangyari nung isang gabi.
Naiistress na talaga ako.. Parang tumanda ako ng 30 years sa pag-aalala ko sa aking main actress. Kung nagibg babae lang talaga ako, ako nalang ang bibida sa sarili kong pelikula.
Pero hindi ito ang panahon upang magchill ako. May ibig sabihin ang pagpapakita ng demonyo kay Emma. Pakiramdam ko ay nagmamasid lang sa paligid namin ni Michael ang demonyong iyon.
Sa pagmamadali ko nga ay natabig ko bigla ang isang lalaking may dala-dalang tray ng tubig at napasalampak naman siya at napadapa ako sa ibabaw niya.
At sa kamalas malasan nga naman talaga ng lahat, hindi ko talaga inaasahan na ito pala ang araw na itinakda ng aming muling pagkikita.
Agad naman akong napatayo at inayos ang sarili ko. Gusto kong iabot ang kamay ko sa kanya ngunit hindi ko magawa. Sa halip ay may nakita akong umabot sa kamay niya. At kilalang kilala ko ang kamay na iyon.
“Ayos ka lang ba?” tanong naman ni Michael at talagang nandoon pa sa boses niya ang concern. Aba teka? Anong nangyayari dito? Bakit nakakaramdam ako ng pagkainis?
“Yeah.. I’m okay.. Thanks man!” masayang sabi ni Adam bago naman ibaling niya ang tingin sakin.
“I was going to surprise you in your house sana, pero nalaman ko na may taping ka scheduled today kaya I decided to surprise you here at work.. So, surprise!” hindi nawawala ang ngiti niya habang sinasabi sakin ang mga linyang iyon.
Wala akong kibo at nakatitig lang ako sa kanya. Si Michael naman ay nakatayo sa pagitan namin at mataman lang na pinanonood ang moment namin.
“Sancho… I—I know this is not the right way to make things okay between us. Pero wala akong maisip na paraan upang patawarin mo ako. Sa lahat ng nagawa ko.” biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ito ng naluluhang ekspresyon.
Ibinaling ko sa ibang bahagi ang aking mga tingin dahil pinipigilan ko ang sarili kong gawin ang aking naiisip.
“Pwede ba Adam.. Kung guguluhin mo lang ulit ako, huwag ka nang magpapakita pa sakin. Okay na ako. I am perfectly fine. Wala kang dapat ipag-alala sakin. If that is what you are aiming for doing this.” mahinahon kong saad pero sa isipan ko ay gustong gusto ko na siyang sigawan at sapakin kahit isang beses lang.
“I came back because I know I can’t go on with my life when a big part of it is left here. Is left in your heart.” walang pakundangan niyang saad na kinangitngit ko lang lalo.
“Sasabihin mo yan after a long time? I have been through hell when you left me. Tapos ngayon babalik ka and you want to ask for my forgiveness, and expect me to forgive you? Bakit? Gaano ba kadaling magpatawad kung ikaw ang naging dahilan ng pagkawala ng mga magulang ko!”
Hiyaw ko kay Adam. I was looking at him now at biglang nawala ang kulay sa kanyang mukha ng marinig niya ang aking huling sinabi.
“No—you are joking right? Hindi—”
“Oo Adam!! Patay na si Mommy at Daddy dahil sa pagsunod ko sayo sa states! They were casualties at that plane crash. Kung hindi sana ako nagpakatanga at sumunod sunod pa sayo sa States, buhay pa sana ang mga magulang ko!”
Hindi ko na talaga napigilan ang sarili kong mapahagulhol at mapatakbo paalis sa lugar na iyon. Narinig ko pa ang pagtawag ni Michael sa akin ngunit nagmamadali aking tumakbo papalayo at nagtungo ako sa mas masukal na bahagi ng lugar na aming tinungo. Talahiban ang aking tinahak bago ko marating ang isang bangin na makikita ang malawak na kapatagan sa baba.
Ang pakiramdam ko ay gusto ko nalang ulit pumunta sa lugar ni Ariel. Napakatahimik doon. Napakaganda. Sana hindi nalang ako bumalik at nanatili nalang doon.
Ngayong nagbalik si Adam. Parang paulit-ulit akong nasasaktan. Paulit-ulit na bumabalik ang nakaraan. At pagod na akong masaktan.
😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇
Mierde! Patawad po sa napakatagal na update. But I will do my best to update more this month. Marami lang nangyari sa akin.
Halfway na po tayo sa kwento.. Malapit nang matapos ang nakakatawa at nakakakilig na kwentong ito ni Sancho at Michael.
Capitùlo Trese
Isang malakas na hatak ang pumigil sakin sa aking ginagawang kagagahan. At napayakap nga ako ng tuluyan sa lalaking pilit akong ilinalayo sa panganib hanggang ngayon.
Alam kong napakalaking kasalanan ang naisip kong tumalon nalang sa bangin na ito na malimutan na lahat ng bagay na nagpapasikip at nagpapasakit saking mundo.
“Hindi mo na ba talaga alam kung gaano kahalaga ang buhay mo? Wala ka bang pakialam sa mararamdaman ng mga taong maiiwan mo oras na iwanan mo sila!” sigaw sakin ng isang nakakapanindig balahibong boses.
Lahat ata ng pubic hair ko naglaglagan ng sumigaw si Michael. Napayakap naman ako sa kanya. Nababaliw na kasi ako mga beks. Mula nang dumating ang bwesit na Adam na yun, nagulo nanaman ang mundo ko.
“Sorry Michael.. Wala naman akong balak na tumalon eh. Hindi ko na kasi alam kung anong mararamdaman.” naluluha kong sambit sa aking kayakap.
Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Hindi ko alam na ganito pala ang yakap ng isang anghel. Napapayapa niya ang naguguluhan mong damdamin.
“Hindi dahilan ang masasakit na pangyayari sa buhay mo para tuluyan kang mawalan ng pag-asa. Alam mong pagsubok lang lahat ito. May dahilan kung bakit ka nasasaktan. May dahilan kunh bakit tayo nakakalimot. May dahilan kung bakit dapat tayong magpatawad.” mahabang litanya ni Michael sakin at napaharap ako sa kanya.
“Ewan ko ba kung bakit ganyan ka kabait. Ganun ba talaga kayong mga anghel? Sobrang laki ng pagunawa niyo sa mga bagay.”
Nakangiti lang si Michael sakin at hinaplos niya ang mukha ko. Nakakakilig talaga kapag ganito siya kalapit sakin. Nababasa ako. Nababasa ang likod ko. Dahil sa pawis.
“Kasi iyon ang nararapat. Iyon ang dahilan kung bakit may pagmamahal. At ngayon nauunawaan ko na ito. Mahalaga ang bawat buhay. At kapag walang pagmamahal, lahat ng buhay ay nanganganib na mapunta sa kasamaan.”
Ang lalim ng mga sinabi niya pero nakangiti na ako ngayon. Nakaharap sa lalaking tanging nagpapanatag sa kalooban ko.
“Michael. Pwede bang humiling ako sa’yo?”
Napatigil naman si Michael sa ginagawa niyang paghaplos sa mukha ko. Prinoproseso ko parin kasi sa isip ko kung tama ba ang gagawin ko. Or should I say, tama ba ang aking hihilingin knowing na hindi naman dapat.
“Hindi ako ang anghel ng mga kahilingan pero para sa’yo, sabihin mo at tutuparin ko ito.” sabi pa niya nang nakangiti. Hay! Nakakahard na ewan. Ayoko na talaga. Mababaliw na ako sa lalaking ito.
“Pwede bang isama mo ako sa langit?” wala sa loob kong sabi na kinalaki naman ng mata ni Michael.
Napasapo naman ako sa bibig ko. Ano bang pinagsasabi ko? “Teka, ano bang langit ang sinasabi mo Sancho?” nakatingin lang siya sakin nang inosente. Ano ba kasing kagagahan ang lumalabas sa utak ko.
“Ah–Ano ang ibig kong sabihin, samahan mo ako sa pagkain kasi nagugutom na ako. Langit yun para sakin.”
Pagdadahilan ko nalang at napatango naman siya. Bwesit kasing bibig ’to. Kung ano anong sinasabi. Kakaloka.
“Pwede naman kitang samahan sa langit. Pero dapat sigurado kang yun talaga ang gusto mong puntahan.” nakangiti niyang saad. Aba’t anong sinasabi nito? Alagad siya ng Diyos tapos may kahalayang naiisip.
Napailing nalang ako at natawa naman siya sakin. Alam ko kasing nababasa niya ang iniisip ko.
“Tara na nga.. Wala akong balak sumama sa langit. Huwag muna ngayon.” sabi ko nalang at napatawa pa siya nang mahina bago kami magkahawak na umalis sa lugar na ’yun.
–––––––
Matapos naming kumain sa isang restaurant ay agad naman kaming pumunta sa isang lugar na gusto kong puntahan noon paman.
Alam kong naging unfair ako sa mga magulang ko ngunit sa dami nang nangyari sa buhay ko nang mawala sila, sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala nila.
At dahil dun, hindi ko nagawang dumalaw manlang sa kanila dahil sa nahihiya ako.
“Sa sementeryo ba tayo pupunta, Sancho?” basag ni Michael sa aming katahimikan sa loob ng sasakyan.
“Siguro ito na ang panahon na dapat ko silang bisitahin. Napakahabang panahon ko silang pinaghihintay. Alam kong miss na miss na nila ako.“mahinahon kong tugon kay Michael.
“Sigurado akong maiintindihan karin nila. Alam ng mga magulang mo na wala kang kasalanan sa nangyari sa kanila.”
Umiling ako at patuloy lang na nagdrive.
“Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa kanila bilang anak nila. Tanging sarili ko lang ang iniisip ko noon. At nabalewala ko ang kanilang mga pangarap para sakin. At nagpakabaliw ako sa lalaking una kong minahal.”
“Nakatakdang mangyari sa mga magulang mo ang aksidenteng iyon.”
Napatingin ako kay Michael at nakatingin din siya sakin at ramdam ko ang pagbabago ng kanyang mood.
“Hindi lahat ng pagkakataon naisasalba at naproprotektahan ko ang mga tao. Maging ang mga kasamahan ko bilang lupon ng tagapagprotekta. Ako ang pinakamalakas na anghel ng Diyos. Ngunit hindi ko pwedeng baliin ang nakatakdang mangyari. Dahil nakatadhana na ito. Ang Diyos ang may plano sa lahat ng bagay.” mahabang pagkukwento niya sakin.
Napatigil kami sa isang malawak na parke. Sa di kalayuan ay matatagpuan ang memorial park na pinaglibingin sa aking mga magulang.
“Michael.. Hindi ko sinisisi ang Diyos. Alam kong mali iyon. Ngunit kung naging mas makatwiran lang sana ako sa maraming bagay. Kung nakinig lang ako sa aking mga magulang, hindi sana nangyari yun sa kanila.” Hinawakan ni Michael ang aking kamay at nagsimula nanaman akong makaramdam ng kuryenteng nakakabaliw.
“Wala kang kasalanan. Lahat ng bagay ay may dahilan. At maging ako, iniisip kung bakit nangyayari ang mga iyon satin.”
“At ang pagiging tao mo ay may dahilan din diba?”
Napatango lang si Michael at napangiti naman ako. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag nawala narin si Michael sakin. Natatakot na ako ngayon palang.
Bumaba kami ng kotse at alam kong naramdaman din ni Michael ang aking kilabot na naramdaman pagkababa ko palang ng kotse. Nagkatinginan kami ngunit hindi siya nagagambala. Parang ayos lang sa kanya na nakaramdam siya ng kakaiba.
“Michael– Huwag mong sabihin may demonyo nanamang nakasunod satin?” sambit ko kay Michael ngunit umiling lang siya.
“Hindi demonyo ang naramdaman mo kundi mga kaluluwa.” sambit pa niya na talagang nagpatayo lahat ng balahibo ko.
Napatakbo naman ako palapit sa kanya at pumulupot ako. Alam niyo naman mga beks, pagka ganito chance na para makayakap sa aking Papa Michael. Pero talagang natatakot ako, huwag kayong ano. Mapapakapit talaga kayo sa katabi niyo kapag nagtitindigan na ang mga balahibo mo.
“Sana naman hindi sila masasamang kaluluwa.” sambit ko na kinatawa lang ni Michael. May kakayanan pa siyang tumawa sa ganitong kalagayan?
“Alam nilang may anghel na nandito kaya lumalapit sila. Nagmamaakawang dalhin sila sa kalangitan.”
Mas lalo pa akong pumulupot kay Michael at para talaga akong timang habang naglalakad kami papalapit sa puntod ng aking mga magulang. Nakakakilabot parin at mas lalo atang lumalamig ang paligid hanggang sa marating namin ang puntod ni Mama at Papa.
“Nandito na tayo Sancho. At tigilan mo na ang pagtingin tingin mo sa paligid dahil hindi ka sasaktan ng mga kaluluwa.” nakangiti parin si Michael at para bang wala lang sa kanya ang malalamig na pagdampi sa aming mga balat. Nakakakilabot pala maging isang kaluluwa.
“Hindi ko talaga alam kung paano mo nakakaya ang ganitong takot. Kung hindi lang kita kasama, kanina pa ako nahimatay dito sa sobrang takot.” giit ko naman at mataman kong tiningnan ang puntod ng aking mga magulang.
Alfredo Villacorte and Daniela Villacorte
Napapangiti ako and at the same time gusto ko naring lumuha nang muli kong maalala ang kanilang mga mukha. Ang masasayang sandali na nakasama ko sila at ang mga panahong hindi ko manlang sila pinakinggan ni minsan.
“Ma’ Pa’, kumusta na po kayo? Pasensiya na po ah? Kung ngayon lang ako ulit nakadalaw dito.” hindi ko na napigilang maluha. Naghahalo-halo na ang aking nararamdaman. Roller coaster na kumbaga ang aking nararamdaman.
“Wala po kasi akong lakas ng loob para puntahan kayo. Ang duwag ko kasi patuloy kong sinisisi ang sarili ko sa mga nangyari sa inyo.”
Naramdaman ko naman ang isang pagdampi sa aking pisngi. Malamig iyon pero hindi ko naiwasang mapaigtad nang malaman ko kung sino ang nakahawak sa aking pisngi.
“Ma–Mama?” para akong mawawala sa aking kamalayan nang mapagtanto ko ang nakahawak saking mukha.
“Sancho, anak ko.” nakakakilabot na sambit ni Mama. Agad akong napatingin kay Michael at nasa tabi niya naman ang isa pang taong hindi ko inaasahang makikita ko. More like kaluluwa. Hindi tao.
Tama ba ’to? Totoo ba talagang nakikita ko sila?
“Ma-Mama.. Papa?” naiiyak kong sambit at nakita ko naman ang pagngiti nilang dalawa.
“Paano po nangyari ito? Michael?” napabaling ako sa aking kasama at nakangiti lang siya sakin.
“Pagkakataon mo nang ipaliwanag sa kanila ang gusto mong sabihin.”
Napatingin ako kay Mama na parang totoong buhay siya. Ang pagkakaiba lang talaga ay para lang silang apparation. Hindi ko akalain na totoo pala talaga ang mga ganitong pangyayari. Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang mga ganito.
“ Patawarin niyo po ako Mama, Papa. Hindi ko po alam kung paano ako hihingi ng tawad sa inyo.“ umiiling ako at pinipilit kong huwag umiyak.
“Wala kang dapat ihingi ng tawad anak, alam namin na nagmamahal ka lang. At nauunawaan namin ’yun ng Papa mo.”
Napailing ako at tuluyan nang lumuha. Nakakabaliw ang ganito.
“Pero gusto kong sabihin sa inyo na mahal na mahal ko kayo. Hindi ako nabigyan ng pagkakataong sabihin iyon sa inyo. I took for granted all the things na ginagawa niyo para sakin. Nagsisisi na po ako na hindi ko iyon napahalagahan.” nauutal kong sambit at may humahagod naman sa aking likuran upang maibsan ang nararamdaman ko.
“Masaya na kami sa aming kinaroroonan anak. Kahilingan din ng dakilang anghel ng Diyos na sa kahulihulihang pagkakataon ay makita mo kami.”
Napatingin ako kay Michael at hindi ko akalain na gagawin niya ito para sakin. Nakangiti lang siya habang patuloy niyang hinahagod ang aking likuran.
“Huwag ka nang mag-alala samin, Sancho. Wala kang dapat ikatakot. Kailangan mong ipagpatuloy ang buhay mo at isipin ang makakabuti para sa’yo.“sambit pa ni Papa na lumapit sakin.
“Ma’, Pa’.. Miss na miss ko na po kayo.” gusto ko silang gagapin ngunit hindi ko naman sila mahawakan.
“Magkakasama din tayo anak. Hindi man ngayon, pero alam kong dadating ang panahong magkakasama ulit tayo. Pangalaagaan mo ang sarili mo at patuloy kang mabuhay sa paraan na alam mo. Mahal na mahal ka namin, Sancho.”
At matapos nilang sambitin iyon ay naglaho nalang silang parang bula. Napaluhod naman ako sa puntod nila at lumuluha parin.
Ang bugso ng damdamin ko ay magkahalong kasiyahan at kalungkutan. Masaya ako at nabigyan ako ng pagkakataong makita muli si Mama at Papa. At makahingi sa kanila ng tawad. At si Michael ang gumawa ng paraan para mangyari iyon.
Napayakap ako sa kanya at paulit-ulit akong nagpasalamat.
“Walang anuman, Sancho. Alam kong iyon ang magpapatahimik ng kalooban mo. Mabuti at pinagbigyan ako ni Azrael na pababain muli dito sa lupa ang iyong mga magulang. Hindi kami magkalapit ni Azrael pero pinagbigyan niya parin ako.” nakangiti niyang saad sakin at napatango naman ako sa kanyang mga rebelasyon.
“Ang dami ko nang utang sa mga kapatid mo. Baka singilin nila ako pag nandoon na ako sa langit. Mag-iipon na ako ng malaki ngayon palang.” pagpapatawa ko naman kay Michael at nagtagumpay naman akong patawanin siya.
“Hindi ka nila sisingiling ng kahit ano. Dahil alam nilang isa kang espesyal na nilalang. At para sakin, mahalaga ka at lahat ay gagawin ko upang mapasaya ka. Hindi ko maunawaan ang konsepto ng pagmamahal ngunit nararamdaman kong ikaw ang dahilan kung bakit unti-unti ko na itong naiintindihan.”
Kapag talaga hindi ako nakapagpigil hahalikan ko na ang lalaking ’to. Ang lakas magpakilig! Nababaliw na ako mga beks.
Mahal ko na nga siguro si Michael. At hindi ko alam kung may patutunguhan ba itong nararamdaman ko para sa kanya.
Isa siyang anghel at may misyon lang siya dito sa mundo. Ngunit ano naman ang gagawin ko dito sa pisteng puso ko? Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Gusto ko nang isigaw sa kanya na nahuhulog na ako sa kanya ng bongga.
“Michael– Maraming salamat sa mga ginagawa mo para sakin. At sana hindi mo narin ikagulat kung sasabihin ko ’to sa’yo. Hindi ko na kasi alam ang gagawin kong pagtatago ng nararamdaman ko.”
Ito na talaga. Aamin na ako sa kanya. Hindi ko na kaya.
“Hahaha! Napakagandang pangitain. Nakakatuwa naman at sa wakas ay nahanap narin kita, mahal kong kapatid.” isang nakakakilabot na tinig ang aking narinig. Alam kong hindi ito basta bastang enerhiyang nararamdaman ko.
Hindi ito ang unang beses kong nakaramdam ng presensiya ng demonyo pero kakaiba ang pwersang nararamdaman ko ngayon. Para akong napako sa aking kinatatayuan nang tuluyan kong masipat ang pinanggagalingan ng boses na ’yun.
“Lucifer..”
😇😇😇😇😇😇😈😈😈😈😈😈
Sorry po sa napakatagal na update sa mga tagapagbasa ng kwentong ito. Marami akong ginawa at ang isa kong kwento sa aking “Ambitious Series” ang inuuna ko ngayong tapusin.
Hindi na kinakaya ng braincells ko ang mga ginagawa kong storya kaya kailangan ko talagang magfocus sa isang bagay. Plus, marami din po akong inaasikaso sa aking personal life. But I’ll try my best na matapos narin ang kwentong ito.
Nasa build-up na tayo ng kwento. Dumating na ang main antagonist ng kwento kaya abangan pa ang mga susunod na magyayari.
Capitùlo Catorce
Ewan ko ba kung bakit sobrang naiihi na ako na natatae sa nangyayari ngayon. Imagine, ilang buwan din naisip ng bwesit na author na ito na magupdate sa aking napakagandang kwento? Kulang nalang amagin ako sa kakahintay sa susunod na mangyayari sa aking beautiful love story with the most beautiful creature that God has created.. Napakawalang puso talaga ng author na ito. Well, nasaan na nga ba tayo? Nakatayo pala ako sa ibabaw ng isang libingan at hindi ko maigalaw ng maayos ang aking mga paa.. Paano ba naman kasi? May sumulpot nanamang isang salot sa happy ending namin ni Michael..
And take note.. Hindi lang ito isang demonyo.. He is Lucifer himself.. Diba? Ang tagapagbantay ng impyerno mismo ang kaharap ko? Nakakakilabot talaga mga bakla.
“Hindi mo manlang ba ako babatiin, kapatid ko? Masiyado ka na yatang nasasanay na mabuhay bilang isang tao? Nakakalimutan mo na ata ang misyon ni Ama para sa iyo?”
“Kung ano man ang misyon ko sa lupa, wala ka nang pakialam doon, Lucifer.”
Mga teh? Alam niyo ba iyong feeling na hindi ka makagalaw dahil sa lakas ng forces na namamagitan sa kanilang dalawa? At malalaman niyo pang hindi isang halimaw si Lucifer kundi isang napakagwapong lalaki din na may itim na mahabang buhok. Talong talo niya si Kim Kardashian sa haba ng kanyang buhok at unat na unat pa. Nakakapanlaway din ang mga pandesal niya sa tiyan na mapapakape ka nalang talaga habang tinititigan ito. And to make it more kinky, nakaleather pants pa ang lolo niyo with matching spiky collar at thorned whip na hawak hawak niya. Mukha siyang may-ari ng isang BDSM club.
“Nagpapakababa ka para sa taong kasama mo? Hindi mo manlang ba naisip na nagiging mas mahirap sa akin na pamunuan ang impyerno ngayon at wala na ang tagapagtanggol ng kabutihan?”
Naglakad siya palapit sa amin at para talagang lumilindol dahil sa lakas ng dating niya. Mapapatulala ka nalang kung hindi ko lang kasama si Papa Michael ko, baka napaluhod narin ako ng Lucifer na ito. Ibang iba talaga kasi ang depiction ng mundo sa prinsipe ng kadiliman.
“Hindi ba’t iyon naman ang gusto mo? Ang mas dumami pa ang magkasala upang tuluyan ka ng makabalik sa langit?”
“Tsk.. Tsk.. Kapatid ko? Naaalala mo ba noong nagsisimula pa lang ang lahat? Kung gaano kagalit sa akin si Ama dahil sa pangingialam ko sa kanyang pamumuno? Hindi ba’t iyon din ang gusto mo? Ang hindi tayo pangunahan ng ating sariling ama sa ating mga desisyon?”
Naguguluhan man ako ay nakinig nalang ako sa chika nila. Mukhang seryosohan talaga ang dalawa dahil magkalapit na magkalapit sila habang ako ay palayo ng palayo para hindi ako madamay sa kanilang away magkapatid.
“Hindi lang natin siya ama, Lucifer.. Siya ang lumikha sa ating lahat. At ikaw ang kaunaunahang sumuway sa lahat ng nais niya.”
“Dahil gusto niya tayong maging sunod-sunuran sa kanya.. At nakita mo ang ginawa niya sa iyo? Pinarusahan ka niya dahil sa pinili mong baguhin ang isang tadhana na ayaw mong maganap.. Iyon ang gusto ni Ama para sa atin, ang patuloy tayong makinig sa gusto niya. At sawang sawa na ako na makinig sa kanya.”
Kinabig ni Michael si Lucifer sa kanyang collar at nanginginig itong tinitigan ang kanyang kapatid. Ngayon ko lang napansin na mas malaki pala talaga si Michael kaysa kay Lucifer. Grabe.. Nagpuputukan ang muscles ni Papa Michael ko. Pero bakit ko pa ba naiisip ang kaharutan? Mukhang mapapaaway nanaman ang minamahal kong archangel.
“Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganyan si Ama. Bawiin mo ngayon din ang sinabi mo!” galit na galit talaga ang lolo niyo. Makabasag eardrums ang sigaw niya.
“Kahit kailan, hinding hindi ko babawiin lahat ng nasabi ko. Siya ang dahilan kung bakit ako nagdurusa sa impyerno habang kayong lahat ay nagpapakasaya sa langit.. Sa tingin niyo ba, madali sa akin na makita ang mga kaluluwang pumapasok sa impyerno upang parusahan ng walang hanggan? Nakikita niyo ba kung paanong halos araw-araw ay nakikita mo ang pagdurusang nararanasan nila dahil sa mga kasalanang ginawa nila?!”
Napatigil si Michael sa kanyang paghablot kay Lucifer at tinulak niya ito palayo sa kanya.
“Lahat tayo ay mahal ni Ama. Ikaw ang pinili niyang ipadala sa impyerno dahil ikaw lang ang may kakayanan na kontrolin lahat ng kasamaan na meron ang tao. Iyon ang kapangyarihan mo. Iyon ang simbolo ng liwanag na minsan ay hawak mo.”
Napatawa naman ng malakas si Lucifer na para bang nakatakas siya sa mental.. Nakakatakot talaga maging manugang si God. Maliban kay Ariel na sa tingin ko ay friendship ko na, paano pa ang ibang kapatid ni Michael na angels? Ang gulo din pala ng family nila. Akala ko sa mundo lang iyon nangyayari.
“Hindi ako minahal ni Ama. Kahit kailan, hindi niya pinadama sa akin na mahal niya ako. Dahil kung mahal niya ako, hindi niya ako hahayaang manatili sa napakadilim at punong puno ng pagdurusang lugar!”
At bigla nalang naglaho si Lucifer na parang kidlat lang na tumama sa lupa. Nakatulala parin ako habang naglalakad palapit kay Michael at nanginginig din dahil kanina pa talaga ako naloloka sa mga nangyayari.
“Michael? Ayos ka lang ba?” tanong ko kay Michael na nakatingin sa akin habang pinipilit niyang huwag maiyak. Ngayon ko lang nakita na ganito kalungkot si Michael. Mas nagiging malinaw sa akin ang lahat ng nangyayari.
“Hindi ko ginusto na manatili siya sa Impiyerno. Kung maari ko lang hingin kay ama na bumalik sa langit si Lucifer at makasama namin siyang muli, matagal ko nang ginawa. Ngunit hindi ko kailanman ginusto na maparusahan siya ng walang hanggang pananatili doon. Si Ama ang nakakaalam ng lahat. At kung anuman ang nais niya ay kailangan naming sundin.”
Napatango nalang ako dahil naiintindihan ko ang sinasabi niya. Lahat naman siguro, gustong sundin ang nais ng ating mga magulang para sa atin. At siguro si Lucifer eh yung anak na gustong sundin ang nais niya kahit ayaw pa ng kanyang ama.
“So hindi pala talaga siya masama? Parang napilitan lang siyang pamunuan ang impiyerno dahil kay God?”
“Hindi ko masasabing ganun nga ang nais ni Ama para sa kanya. Walang nakakaalam kung ano ba talaga ang nais niya. Kaming lahat ay nakikinig lamang sa kanya at ang pagsuway namin ay may kapalit na napakalaking kaparusahan. Kagaya ng nangyari sa akin.”
Napakamysterious talaga ni God. Pakiramdam ko tuloy, kasama ako sa mga plans niya. Sana naman kasama doon ay pakasalan ako ni Michael one day. Siguro naman pwede iyon diba?
Daming pumapasok sa isip ko na natawa nalang bigla si Michael na para bang may nakita siya sa isipan ko.
“Bakit ka natatawa diyan? May nakakatawa ba?” nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.
“Nababasa ko ang lahat ng iniisip mo at hindi ko lang mapigilang matawa sa naisip mo. Gusto mo ba talagang mangyari iyon? Ang magpakasal tayong dalawa?”
Namula ako bigla at napaiwas ng tingin sa kanya. Ganun na ba talaga ako kabaliw? Sorry naman kasi. Gusto ko lang talaga isipin na one day, magkasama kami forever. Iyong walang hanggan na talaga. Literal.
“Eh para namang mangyayari yun? Diba nga sabi mo sa akin, isang misyon lamang ang pananatili mo dito sa mundo? Paano kung nagawa mo na ang misyon mo? Babalik ka na diba?”
“Paano kung mas piliin kong manatili nalang dito? Sa tabi mo?”
Ayan mga bakla. Iyang mga ganyang linyahan, gawain iyan ng mga paasa. Kaya kung ako sa inyo, huwag niyo nang pangarapin pang maging tulad ko. Dahil ngayon, umaasa na talaga ako ng bongga. Ang sarap naman kasing pakinggan. Parang lahat ng internal organs ko ay nagkakalasog lasog na sa sobrang kilig na nararamdaman ko.
“Alam mo.. Umalis na tayo dito. Baka bumalik nanaman iyong warfreak mong kapatid at may kasamang backup, baka makipagbugbugan nanaman tayo. Ayoko nang bumalik sa hospital.”
Natawa nalang siya sa aking mga sinabi bago siya sumunod sa akin papunta sa kotse ko dahil gumagabi narin at alam kong pagod narin ang katawan ko sa daming nangyari ngayong araw.
Nakita ko si Mama at Papa. Dahil sa powers ni Michael ay nagawa kong humingi ng tawad sa kanila at somehow napalaya ko na ang sarili ko sa bigat na nararamdaman ko. Sa guilt na dala dala ko ng mahabang panahon.
Ang presence ni Michael sa buhay ko ay isang bagay na ayaw kong mawala. Handa ko siyang samahan hanggang sa huli. Ngunit alam kong may hangganan din ang lahat ng ito. Darating ang panahon na mas pipiliin niya paring maging isang anghel kaysa maging tao kasama ko.
–––––––––––––––––––– Nagising ako kinabukasan na wala si Michael sa loob ng kwarto ko. Parang may mali sa gising ko na hindi ko maintindihan. Sobrang tahimik ng paligid at para akong nasa ibang lugar. Pero lahat ng bagay na nakikita ko ay mga gamit ko parin.
Lumabas ako ng aking kwarto at hindi ko parin maintindihan kung bakit sobrang tahimik ng lahat.
“Hindi parin siya nagbabago. Hanggang ngayon namumuhi parin siya kay ama. Kaya hinding hindi talaga sila magkakasundo kahit kailan.” sambit ng isang boses na hindi ako familiar. Pero sa dating nito ay parang hindi iyon galing sa mundong ito. Nasa isang panaginip ba ako?
Binuksan ko ang pintuan ng aking bahay at nagulat nalang ako ng makita kong isang kagubatan na makikita lang sa mga CGI effects sa pelikula ang bumulagta sa aking mata. At may dalawang nakatayong nilalang sa gitna gold na damuhan. Nasaan ba talaga ako? Pero sure akong si Michael ang isa sa mga nakatayong iyon.
“Raphael.. Mahigpit na pinagbawal ni Ama na makausap ninyo ako sa kahit na anong paraan. Mapaparusahan karin niya dahil sa ginagawa mong ito.”
Umiling-iling ang kausap ni Michael na isang anghel. Ang ganda ng pakpak niya infairnes.. Kulay blue tapos may hawak siyang isang turotot. Ang cute niya. Hindi siya kasing laki ni Michael or ng iba pa niyang kapatid. Kulot na kulot ang buhok niya na kulay gold.
“Masiyado nang matagal ang parusang ito ni Ama sa iyo, Michael. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nais niyang mangyari?”
“Raphael, kailangan mo nang umalis sa panaginip ni Sancho. Huwag mo nang alalahanin ang kalagayan ko. Nasa mabuting pangangalaga niya ako. At alam kong sa kamay ni Sancho ko mapapagtagumpayan ang misyon ko.”
Tumango naman ang anghel na kausap ni Michael bago niya pinagaspas ang blue niyang pakpak at mabilis na lumipad patungo sa gintong ulap na nakita ko narin noon.
“Sancho..” tawag sa akin ng isang malalim na boses.
“Sancho..” tawag niya ulit at bigla nalang naglaho ang lahat at namulat ang mata ko sa loob ng aking kwarto.
Napabaling ako sa pinangaggalingan ng boses at si Michael iyon na nakahubad nanaman at tila ba nasasanay ng laging nakahubad kapag natutulog. Nakakaloka talaga. Kapag ganito ba naman ang araw-araw na gigising sa iyo, gusto ko nalang palaging matulog at magising ulit na isang Michael na walang saplot ang makikita ko.
Huwag kayong manyak mga beks.. Nakacensore talaga ang shoten niya. Japanese version. Ganern. Kaya huwag kayong masiyadong umasa. Nagsinungaling ako na nakikita ko talaga ang shoten niya. Ang totoo blurred ang part na iyon. Ewan ko kung bakit blurred. Made in Japan siguro ang shoten ni Michael. Napabalikwas ako at agad ko siyang kinompronta tungkol sa panaginip ko. Nakita ko siya na nakikipag-usap sa isang angel din.
“Ginamit ni Raphael ang panaginip mo upang kausapin ako. Kaya niyang pumasok sa mga panaginip ng isang tao at iyon ang ginawa niya. Pasensiya ka na sa kanya.” nakangiti niyang saad sa akin pero umiling lang ako.
“Okay lang.. Alam ko namang gusto mo ring makausap ang mga kapatid mo. Bakit kaya hindi nalang kayo mag reunion sa panaginip ko.. Ang ganda siguro tingnan nun..” biro ko sa kanya na kinangiti lang niya.
“Hindi mo gustong makasama sa panaginip mo si Azrael.. Dahil kahit kailan, hindi iyon magsasalita. Napakatahimik ng kapatid kong iyon.”
“Anong klaseng anghel ba si Azrael. Kasi diba may mga kapangyarihan kayo, anong kaya niyang gawin?”
Tumaas ang kilay ni Michael na para bang hindi niya gugustuhing malaman ko ang powers ng kapatid niyang anghel.
“Si Azrael ay tagasundo ng mga kaluluwa. Siya ang tagahatid ng mga napariwarang kaluluwa sa impiyerno at ang mga mabubuting kaluluwa patungo sa langit.”
Kinilabutan ako ng slight sa sinabi niya. Ganun pala kahirap maging isang angel. Ako kung naging angel ako, gusto ko ako ang tagabantay sa malalanding bakla. Paparusahan ko sila sa paraang nais ko. Kaya ipropropose ko kay God iyon. Na maging isang angel din ako. Angel na tagapagbantay sa mga baklang malalandi.
Natawa naman si Michael dahil siguro narinig niya ang nasa isipan ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumayo na ako sa aking kama.
“Magluluto na ako ng almusal natin.. At ikaw, maligo ka na dahil sasama ka sakin sa last taping day ng pelikula ko. Okay?”
Tumango lang si Michael habang nakangiti. Ang gwapo niya talaga. Siguro nga inlove na talaga ako kay Michael. Nakakatakot lang isipin na baka pag dumating ang araw na matapos na niya ang misyon niya.
Iiwanan niya na rin ako.. Hindi ko yata makakaya yun?
😇😇😇😇😇😇
Capitùlo Quincè
Nagmamadaling sumampa si Lucifer sa isang upuan sa kanyang silid sa Impiyerno. Hindi niya parin makalimutan ang bangayan sa pagitan nila ni Michael. Matagal narin niyang hindi nakita ang kapatid at kailangan pa niyang ipadala ang mga alagad niya sa Impiyerno upang malaman lamang ang kinaroroonan nito. Tumayo siya at agad pumasok sa isang lihim pang silid na kinaroroonan ng isang nilalang na hindi nais ng sangkatauhan at maging ng Diyos na makawala mula sa pagkakakulong nito sa silid na iyon.
Agad na binuksan ni Lucifer ang silid na iyon at nakita niya sa loob ang isang napakagandang nilalang na nababalot ng itim na hamog sa kanyang katawan. Ang mga mata nito ay kulay lila at ang kanyang bawat yapak ay naghahatid ng nakakahindik na pakiramdam sa sinumang makakarinig o makakadama nito.
“Mukhang naligaw ka yata, Lucifer? May kailangan ka ba?” tanong sa kanya ng dilag na naroon sa silid ngunit hindi sumagot si Lucifer sa halip ay umupo siya sa higaan na nababalot sa itim na hamog at nakakasulasok na amoy.
“Ano ba talaga ang nais ni Ama? Bakit niya pinaparusahan ng ganun si Michael?” biglang lahad ni Lucifer na kinagulat naman ng dilag na kasama niya sa silid na iyon.
“Lucifer? Anong ginawa ng iyong ama sa kapatid mo?” tanong ng dilag kay Lucifer na puno ng pag-aalala. Lumapit ang dilag kay Lucifer sa higaan at umupo ito sa tabi niya.
“Nabubuhay bilang isang tao si Michael ngayon, ina. At hindi ko alam kung ano ba ang nais ni Ama para sa kanya. Hindi ko mabasa ang isipan ni Michael. Wala akong maisip na dahilan kung bakit gagawin ni ama ang bagay na iyon kay Michael.”
“Hindi na talaga siya natuto. Lagi nalang ang kagustuhan niya ang nasusunod. Ang pagpapadala niya sa iyo dito sa Impiyerno. At ang pagkulong niya rin sa akin dito dahil sa kinampihan kita, at ngayon pati ang kapatid mo dinamay niya narin sa kanyang pagiging makasarili.” may halong galit ang mga sinabi ng ina ni Lucifer sa kanya.
“Kailangan mo akong pakawalan dito sa silid na ito, Lucifer. Hindi ko mapapayagan na lahat ng iyong mga kapatid ay isa-isa niyang idamay sa kanyang galit sa akin. Hindi ko na matitiis pang may isa pa sa inyo ang mawala sa langit dahil lang sa kanyang kagustuhan.”
“Ina! Alam mong isang napakalaking gulo ang mangyayari kapag lumabas ka sa silid na ito. Alam ni ama ang bawat kilos natin. Hindi siya nakikialam kapag alam niyang kontrolado pa niya ang lahat. Ngunit kapag nalaman niya na ikaw ay nakawala sa iyong silid dito sa Impiyerno. Mas lalo tayong hindi makakabalik sa langit. Hindi natin makakasama ang mga kapatid ko.” mariing pagtutol ni Lucifer sa ninanais ng kanyang ina.
“Hindi na ako papayag na magbulagbulagan. Gusto kong malaman ng iyong ama na hindi tayo nararapat dito sa bulok na kulungang ito. Magkasama kami mula nang magsimula ang lahat, bago paman niya mas piliin ang mga nilikha niya kesa sa atin na kanyang pamilya.” may halong galit ang dilag na tinatawag ni Lucifer na kanyang ina.
Siya ang kabalintunaan ng Diyos. Siya ang kadiliman. Siya ang tagahatid ng mga sakuna at kaguluhan. Siya ang dahilan ng mga sakit at pagkamuhi at masasakit na pangyayari sa buhay ng tao. Siya si Lilith.
“Ina. Alam mong hindi ka maaring lumabas sa silid na ito hanggang nakamasid ang mga mata ni Ama sa ating dalawa. Wala siyang pinapatawad. Kapag hayaan kita sa nais mo, mas lalong hindi tayo makakabalik sa langit at maging isang buong pamilya.”
“Hindi na tayo kailanman magiging isang buong pamilya, Lucifer. Tinalikuran na ako ng iyong ama. Ikinulong niya ako sa isang lugar na kailanman ay hindi ako makakawala. Ngunit kapag nakumbinsi ko si Michael na sumama sa ating dalawa, mas lalong mapapadali ang aking paglaya dito sa Impiyerno.”
Ramdam ni Lucifer na kahit nais niyang pakawalan ang ina mula sa silid na iyon, maraming bagay ang maaring masira kapag tuluyan itong nakawala. Maghahasik ito ng kaguluhan sa mundo at ayaw niyang mangyari iyon. Hindi maaaring makalabas ang kanyang ina sa Impiyerno.
—————————––
Samantalang sa langit ay hindi mapakali si Raphael sa kanyang nararamdaman. Maging si Uriel at Aziel ay hindi narin maipaliwanag ang kaba na kanilang nararamdaman. Tila ba may isang kaguluhan ang nakatakdang maganap.
“Kailangan na nating kausapin si Ama, mga kapatid ko. Hindi na maganda na nananatiling tao si Michael gayong nakakaramdam tayo ng ganitong klaseng pangamba.” saad ni Uriel sa kanyang dalawang kapatid habang nasa pulungan silang lahat.
“Ngunit alam nating lahat na ayaw ni Ama na nakakaramdam tayo ng takot at pangamba dahil alam niya ang kanyang ginagawa. Lahat ng bagay ay nakatakdang maganap at siya lamang ang nakakalam kung ano ang kahihinatnan ng lahat.” tugon naman ni Raphael sa kanyang mga kapatid.
“Raphael! Hindi mo ba nakikita? Nagkakagulo na ang lahat. Ang mga hukbo ni Michael ay hindi sumusunod sa mga dapat nilang gawin dahil wala ang kanilang pinuno. Nawawalan na ng saysay ang ating pagiging anghel dahil wala si Michael. Wala ang nagpapatatag sa ating lahat.”
“Naririnig ni Ama lahat ng ating sinasabi. At sa tingin niyo ba hindi siya nasasaktan sa ating ginagawang pagdududa sa kanyang mga ninanais mangyari.” lahad naman ni Aziel na higit na maunawain at malawak ang pagintindi sa maraming bagay kaysa sa kanyang mga kapatid na anghel.
“At ano ang iyong nais na mangyari, Aziel? Pabayaan na lamang na wala sa ayos ang lahat? Kailan tayo kikilos? Kapag nawala na ng tuluyan sa kanyang katungkulan ang ating kapatid? Matulad din siya ni Lucifer?” may hinanakit na saad ni Raphael na malaki ang paghanga at pagmamahal para sa lahat ng kanyang kapatid.
“Wala tayong magagawa kundi ang maghintay, Raphael. Wala tayong gagawin. Hihintayin natin kung saan patutungo ang lahat ng ito. Alam ni Ama ang kanyang ginagawa kaya magtiwala tayo sa kanya.”
Natahimik ang magkakapatid na anghel sa mga sinabi ni Aziel. At habang sila ay tahimik sa pulungan ay pinagmamasdan lamang sila ni Azrael.
“Kailangang malaman ni Michael ang mga mangyayari kapag hindi pa niya tinapos ang kanyang misyon sa lupa. Hindi na maganda ang nagiging epekto ng kanyang pagiging isang tao.”
———————————
“Kuya Michael, salamat po ulit dito sa burger ah? Matutuwa po ang mga kapatid ko nito. Ang bait niyo po talaga at ang gwapo gwapo pa.” masayang saad ng isang batang babae na tinutulungan ni Michael. Isa itong ulila kasama ang mga kapatid at umaasa na lamang sa mga taong magbibigay ng tulong sa kanila.
“Walang anuman, Angel. Basta’t patuloy kang maging mabuti sa iyong mga kapatid at mahalin mo sila. Bibiyayaan ka pa ng Diyos ng napakaraming magagandang bagay.” tugon naman ni Michael sa batang babae at agad naman siyang umalis sa tulay na ginawa na nilang tahanan.
Nahahabag man si Michael ngunit ito ang katotohanan sa mundo. Habang papalapit siya sa isang tindahan ay nakita niya ang isang pigura na alam niyang hindi siya pwedeng magkamali. Nagmadali siyang pumasok sa loob nito at hinarap niya ang lalaking nakadungaw mula sa bintana ng tindahan na iyon. Sumunod siya sa lalaking mabilis na kumikilos at dinala siya nito sa isang maliit na silid na pinaglalagyan ng mga supply ng tindahan.
“Azrael? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nagpakita sakin? Alam mong pinagbabawal ni Ama na makita niyo ako. Kahit isa sa inyo, sa kahit na anong paraan.” may pag-aalalang giit ni Michael sa kanyang kapatid na nagpanggap bilang isang tao na kaya nitong gawin. Iyon ang kapangyarihan ni Azrael. Ang bumaba sa lupa at mag anyong tao.
“Kinakailangan mo nang bumalik sa langit, Michael. Hindi na maganda ang mga nangyayari.” maikling sagot naman ni Azrael sa kanyang kapatid.
“Ngunit hindi pa nakatakda ang aking pagbalik sa langit at hindi ko pa nagagampanan ang tungkulin ko dito sa lupa, Azrael. Kaya hindi pa ako maaring bumalik.”
“Nahuhulog na ba ang loob mo sa taong iyon? Kaya ba nagdadalawang isip ka na muling kunin ang iyong katungkulan bilang pinuno ng mga anghel? Hindi mo ba talaga nauunawaan ang nais mangyari ni Ama?”
Naguguluhan man si Michael ay pinilit niyang huwag sagutin ang kanyang kapatid. Alam niya na mayroon naring nagbago sa kanyang paningin sa napakaraming bagay simula nang manirahan siya sa mundo bilang isang mortal. Ang mga kasamaang nasasaksihan niya araw-araw at wala siyang magawa. Ang mga pighati ng mga tao na kahit saan man siya bumaling ay nakikita at nararamdaman niya. Ang bawat masasayang sandali sa buhay ng tao na kanya naring nasilayan sa mga mukha nito.
“Hindi ito ang nararapat mong kalagyan, Michael. Ikaw ang pinuno ng mga anghel. Ikaw ang tagapangalaga ng kalangitan. Ikaw ang lakas naming lahat. At dahil wala ka, maraming bagay na ang hindi nagkakatugma. Kailangan mo nang hilingin kay Ama na bumalik sa langit. Dahil hindi mo gugustuhin ang mga mangyayari sakaling manatili ka pa dito sa mundo.” mariin na saad ni Azrael bago siya biglang naglaho sa harapan ni Michael at agad namang lumabas sa silid na iyon si Michael upang hanapin si Sancho.
Nagkawalay sila dahil meron din itong mga kailangang bilhin para sa bahay. Hindi naman siya nahirapang hanapin ito dahil kanina pa ito naiinip na naghihintay sa kanya sa labas ng tindahan.
Sa tuwing nakikita niya ang mukha ni Sancho, hindi niya maiwasang hindi ito bigyan ng ngiti. Si Sancho ay isang nilalang na kayang magbago at kayang tanggapin ang mga bagay sa kanyang buhay na hindi nagdadalawang isip.
Siguro nga ay naging isang mahalagang tao na si Sancho para sa kanya. Dahil hindi na niya ito magawang iwanan. Natatakot siya na kapag umalis siya ay may masamang mangyari dito at hindi niya gustong mangyari iyon. Naroon ang kaba at takot sa kanya kapag naiisip niya na posibleng mangyari ang hindi dapat mangyari kay Sancho.
“Saan ka ba nanggaling, Sir? Kanina pa ako ikot ng ikot dito sa mall hindi kita mahagilap. Akala ko talaga tuluyan ka nang kinidnap ng mga masasamang loob. Napagkamalang gold yang buhok mo.” saad ni Sancho sa kanya na kinatawa niya naman.
“Huwag mo akong tatawanan ng ganyan, Michael. Alam ko malakas ka pero tao ka na ngayon, hindi mo na palaging nagagamit yung powers na meron ka. Dapat mag-ingat ka parin lalo na ngayon yung brother mo na demonyo eh parang naghihintay lang ng pagkakataon na maagaw ako mula sayo.. Charot lang!” dugtong pa nito na kinangiti lang lalo ni Michael.
“Wala ka parin bang tiwala sakin? At tsaka ililigtas mo naman ako kapag napahamak ako diba?”
“Swerte mo ah.. Di kita ililigtas. Hahayaan kita. Laki laki mong tao tapos ako magliligtas sa’yo? Hindi bagay noh!” at nagtaas kilay pa ito sa kanya.
“Halika na nga.. Magluluto pa tayo ng dinner natin. Masiyado pa namang traffic ngayon, kailangan nating magmadali.” hinawakan siya nito sa kamay sa unang pagkakataon. Hindi niya naisip na may kung ano siyang mararamdaman sa mga sandaling iyon.
Paano niya iiwanan ang taong pinahalagahan siya sa kabila ng totoong katauhan. Hindi siya nito kinatakutan bagkus ay inalagaan siya nito at binigyan ng tirahan kahit na hindi siya nito kilala. Ang puso ni Sancho ay busilak pa sa isang lupon ng ginto at ang pagmamahal nito ay naguumapaw.
Ngunit natatakot din siya na habang tumatagal siya sa mundo, lalong nagiging magulo ang lahat at nawawala na sa kanya ang kagustuhan na maging isang anghel. Ang kanyang katungkulan na dapat niyang unahin. Ito ba ang pagsubok na binigay sa kanya ng kanyang ama? Ang pumili siya sa pagitan ng pagpapahalaga sa isang tao o ang huwag kalimutan kung sino talaga siya.
Marami siyang katanungan ngunit wala din siyang makuhang sagot. Tanging kutob niya lamang ang kanyang hinahayaan na magpasya. Dahil sa ito nalamang ang kanyang mapagkakatiwalaan sa mga sandaling iyon.
Habang minamasdan niya ang masayang mukha ni Sancho na nagmamaneho ay iniisip niya rin kung paano ang mangyayari kapag humantong na siya sa oras ng kanyang pagdedesisyon.
Dahil sa isipan niya, buo na ang kanyang pasya. Panahon na lamang ang kanyang hinihintay.
At sa mga gagawin niyang desisyon, may malaking kapalit din na naghihintay.
😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇
Capitùlo Diecisèis
Pakiramdam ko mga bakla, may tinatago talaga sakin ’tong si Papa Michael ko. Ramdam na ramdam ko na may tinatago siya sakin.
Matapos kasi nung araw na nahanap ko siya sa harap ng tindahan ng Guess, parang nag-iba na ang kanyang pakikitungo sakin. Nanlalamig na ba siya sakin? Hindi niya na ba ramdam ang init ng sabaw ng tinolang manok na aking niluluto para sa kanya? He is being unfair to me lately. Kaya naman hindi na talaga ako nakatiis na tanungin siya habang nasa CR siya at naliligo.
As if naman gagawin ko yun? Di ako ganun ka manyak noh? May class parin ako kahit papano. Pero hinintay ko talaga siya na matapos sa kanyang pagligo. May kung ano kasi akong nararamdaman na kakaiba. Parang may gagawin siya na hindi ko nalalaman.
Papasok palang ako sa kwarto ko nang biglang lumabas si Michael ng CR na walang kahit na anong saplot. At kahit ilang beses ko na siyang nakitang hubad, hindi ko parin mapigilang mapaluwa ang mata. Hindi naman kasi talaga pang tao ang figure ng katawan niya. Talagang imposible yung maachieve ng isang normal na tao lang. Baka nalibot na niya lahat ng gym sa mundo di pa niya maaachieve ang katawan ni Papa Michael.
Ang ang Japanese Version na sandata niya na kahit anong gawin kong pag adjust sa mata ko ay di ko talaga makita. Pero alam ko talaga daks siya mga beks.. Daks siya!
Tama na nga. Hindi naman iyon ang aking sinadya. Kailangan ko talaga siyang makausap dahil pakiramdam ko ay may tinatago siya na hindi ko alam.
“Michael.. May hindi ka ba sinasabi sakin?” bigla ko nalang nasabi na kinabaling niya sa akin habang nagbibihis siya ng damit pantulog.
“Wala naman Sancho. Lahat naman ng nais kong sabihin ay sinasabi ko sa iyo.” nakangiti niyang sagot sakin pero hindi ko talaga mapigilang mag-usisa. Para kasing may nangyayari na wala akong alam.
“Pwede mo naman kasi sabihin sa akin, nakahanda naman ako kung ano man ang dapat mong sabihin.” pangungulit ko pa pero ngiti lang ang tinugon niya sakin.
Siguro nga nagiging masiyado lang akong emotional these days. Matapos kasi magtagumpay ng pelikula ko sa mga sinehan, may nakaline up nanaman na mga projects para sa akin. Pero dahil naman doon, nawawalan na ako ng oras na tulungan si Michael para sa kanyang misyon na hanggang ngayon ay hindi parin malinaw sa kanya.
“Sancho.. May nais lang akong malaman.” bigla naman siyang nagsalita at doon na ako nakaramdam ng kakaibang kaba. Ito na ba. Ito na ba ang hinihintay ko. Magpropropose na ba siya sakin? Charot!
Kinakabahan talaga ako na hindi ko maintindihan. Ayoko talaga ng ganitong pakiramdam kasi kadalasan ay masakit ang kinahihinatnan nito.
“Kung ano man ’yan.. Sabihin mo na. Nakikinig ako.” sagot ko na lang sa kanya at lumapit siya sakin at hinawakan niya ang kamay ko. “Kapag bumalik ba ako sa langit.. Malulungkot ka ba?”
Tila tumigil ang lahat ng aking nakikita nang marinig ko iyon sa kanya. So gusto na pala niyang bumalik sa langit? Iyon pala ang tinatago niya sa akin simula nang maramdaman ko na may inililihim siya sa akin.
“Anong babalik sa langit? Eh hindi ba, hindi mo pa natatapos ang misyon mo dito sa lupa?” tanong ko sa kanya ngunit ngumiti lamang siya.
“Nagampanan ko na ang ninanais ni Ama. Nabago ko na ang buhay ng isang tao. Napagtanto ko na iyon ang tunay na pagmamahal, ang isipin ang kapakanan ng ibang nilalang bago ang mga sarili kong kagustuhan. At dahil nabago ko ang buhay mo, natutunan ko na kung ano ba talaga ang tunay na pag-ibig.”
Hindi ko siya maintindihan. Para bang ang sweet ng dating ng mga salita niya sa akin pero ang sakit ng pasok nito sa kalamnan ko. Parang namamaalam na siya sa akin na hindi ko matake. Humigpit pa lalo ang paghawak ko sa kamay niya.
Nasanay na ako na kasama ko siya. Siya na lamang ang tanging nakakapagbigay sa akin ng lakas upang lampasan ng lahat ng nangyayari sa buhay ko. Tapos ngayon, iiwanan na niya ako? Bakit naman bigla bigla?
“Wala naman akong magagawa kung iyon ang desisyon mo. Alam ko naman na hindi dito ang buhay mo. Pero– Pero bakit naman biglaan?” hindi ko napigilang mapaluha. Para kasing ang sikip sa dibdib.
Ang isipin na tuluyan na siyang babalik sa langit at hindi ko na siya makikita pa kahit kailan? Parang hindi ko kakayanin iyon. Hindi ako handa na umalis si Michael ng tuluyan.
“Nakatakdang mangyari ang lahat. Wala akong kontrol sa mga mangyayari dahil tangin si Ama lamang ang nakakaalam nito. Ang pananatili ko dito sa mundo ay naging masaya at makahulugan dahil ikaw ang nakasama ko. Ikaw ang napili ng Diyos na makasama ko. At hindi ko itatanggi na nahulog narin ang loob ko sa iyo, Sancho.”
Doon ako napabitaw sa kanya at tumitig talaga ako sa kanya ng bonggang bongga. Para kasing di ko narinig ng maayos ang sinabi niya sa last part. Parang nabingi ako dahil alam kong iyon ang gusto kong marinig noon pa man.
“Anong sinabi mo ulit? Yung last part lang, Michael. Hindi ko kasi narinig.” pagmamaang maangan ko pa pero alam kong narinig ko iyon. Hindi ko lang makeri ang mga nangyayari.
“Nahulog na ang loob ko sa iyo, Sancho. Ngunit alam mong hindi ko mapaninindigan ang damdaming iyon dahil magkaiba tayo.” “Bakit? Sinabi din ba ni God na hindi ka pwedeng magmahal ng tao? Ganun ba ang rules sa langit?” di ko napigilang mainis sa kanyang sinagot sa akin. Ang ganda na kasi mga beks, tapos biglang ganun? “Ako ang tagapangalaga ng kalangitan, Sancho. Ako ang pinunong anghel. Ako ang tagasupil ng kahit na anong kasamaan na maaring manaig sa mundong ito. At walang katapusan ang buhay ko. Ngayon, nanaisin mo bang makasama ang katulad ko?”
“Eh mag-aapply akong assistant mo. Sabihin mo lang kay God. Sabihin mo sa tatay mo na sasamahan kita kahit saan ka pumunta. Basta makasama lang kita. Pwede naman yun diba?”
Natawa nalang siya bigla sa sinabi ko. Ang ganda na ng mga tapon ko ng kadramahan tapos tatawanan lang ako ng mokong na’to. Grabe talaga siya.
“Alam mo ba ang hinihiling mo, Sancho? Hindi saklaw ng kapangyarihan ko o ng kahit na sinuman sa langit ang gawin kang isang anghel dahil isa kang tao. Tanging kaluluwa mo lamang ang maaring makaakyat sa langit kapag natapos mo na ang iyong tungkulin dito sa mundo.”
“Eh di hihilingin ko kay God na gawin niya akong anghel. Hindi ba siya naman ang gumawa sa ating lahat. Walang imposible sa kanya. Kaya sasama ako sa’yo sa langit at hihiling ako sa kanya na maging angel din ako katulad mo.”
Yumakap si Michael sa akin at kahit na isa siyang higante ay nagawa ko paring makayakap sa kanya. Hindi ko na talaga mapigilang umiyak dahil alam ko namang imposible talaga na magkasama kaming dalawa.
“Sancho.. Tandaan mo lang parati na hinding hindi ako mawawala sa tabi mo. Palagi kitang babantayan mula sa langit. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa iyo. Dahil hindi ko kakayanin na makita kang nahihirapan.” sabi pa niya na mas lalo lang nagpaluha sakin. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit na marinig sa kanya ang mga bagay na iyon.
Nakaramdam nalang ako ng pagkahilo at ang huli kong natandaan ay may malalaking bras ang bumuhat sakin patungo sa kung saan.
—————————
“SAAAAANNNNCCCHHHHOOOO!!” napabalikwas ako bigla sa aking kama ng marinig ko ang napakalakas na tili ng isang babae mula sa labas ng aking bahay.
Natataranta naman akong nagsuot ng sando at sinuot ang tsinelas ko upang alamin kung anong nangyayari sa baba. Nang mabuksan ko ang pinto ay isang nakapusturang Jamila ang nakita ko at tila excited na excited ito sa mga nangyayari.
Pero bakit ganito? Ang wierd sa pakiramdam. Bakit tila may nangyari sa akin na hindi naman nangyari?
“Pwede ba Jamila? Ang aga-aga pa at ngala-ngala mo na ang naririnig ko! Ano bang nangyari at para kang nanganak ng sampung biik?” inis kong saad sa aking kaibigan na maaga pa akong binebwesit.
“Ayy grabe siya? Biik talaga? Di ba pwede puppies? Ganern?” pagpapahalaw pa niya pero tinarayan ko lang siya.
“Ano ba kasing kailangan mo? Ang aga pa at bakit ganyan ang ayos mo? Sumali ka ba sa Miss Gay?”
“Baklang ’to.. Mukha na ba talaga akong bakla? Anyway, ganito kasi. Natanggap ako sa audition ko sa isang role sa isang mini series sa TV!!”
Napangiwi nalang ako at tinalikuran siya. Parang ngayon pa lamang siya natanggap sa isang project tapos pag nandoon na siya ay bigla siyang magbaback-out.
“Ganun talaga bakla? Di manlang ako icocongratulate?”
“Jamila.. Ilang project na ba ang napunta sa’yo tapos bigla ka namang nagbaback-out pag nandun ka na. Masasayang lang ang oras ng mga crew sa’yo pati na ng producers at direktor.” puna ko sa kanya tapos sumunod naman siya sa akin sa loob ng bahay.
“Eh naman! Ikaw naman ang magdidirek ng mini series na yun kaya ko tinanggap ang role. Komportable kasi ako kapag ikaw ang direktor.” saad pa niya sa akin kaya naman napasinghap nalang ako.
Bigla nanaman akong may naramdaman na parang kulang ang bahay. Pero hindi naman talaga ito kulang kasi matagal naman na akong nakatira dito na mag-isa lang.
“Jamila? Anong petsa ba ngayon?” tanong ko kay Jamila at napaturo naman siya sa malaking wall clock ko sa sala na may digital calendar.
July 28, 2019
“Bakit Sancho? Ano bang meron sa petsa? May nakaschedule ka ba ngayon na taping?” tanong ni Jamila sakin pero nagkibit balikat lang ako.
Pakiramdam ko talaga ay may mali sa mga nangyayari. Para akong nagising sa isang napakahabang panaginip.
“May pakiramdam kasi ako na nangyari ang ang lahat ng ito? Parang dejavu siya ganun?” saad ko nalang sa matalik kong kaibigan.
“Sus.. Isip mo lang yan. May nagtatanong pala kanina sa labas kung nandito ka raw ba?” sagot naman sakin ni Jamila na kinabaling ko sa kanya.
“Sino naman daw siya?”
“Michael daw ang pangalan niya.”
Nang marinig ko ang pangalan na iyon ay bigla akong nakarinig ng paninindig ng balahibo. Pero bakit? Ano bang nangyayari sa akin.
“May mensahe daw siya para sa’yo. Nakamotor siya ng black at talagang bad boy ang dating niya. Pero infairness ang gwapo niya bakla. Manliligaw mo ba yun?”
Napataas nalang ang kilay ko sa sinabi niya. Manliligaw? Wala sa isip ko ang magka lovelife kahit kailan. Matapos akong lokohin ni Adam noon na kinasawi ng buhay ng mga magulang ko, hinding hindi na ako magmamahal pa ng kahit na sino.
“Tumigil ka nga Jamila. Sige na umalis ka na at maglilinis pa ako ng bahay.” pagtataboy ko sa kanya at naiwan nanaman ako sa loob ng bahay na nag-iisip ng maraming bagay.
Umakyat ako sa aking kwarto at mula sa aking bintana ay may nakita akong isang lalaking nakasakay sa kanyang motor at may suot na helmet na itim. Tinanggal niya iyon at tumambad sa akin ang isang napakagwapong nilalang na hindi ko alam kung bakit sobrang pamilyar ng mukha niya.
Nagkatinginan kaming dalawa at nakaramdam ako ng kakaibang kilabot.
Nagmamadali kong sinara ang bintana at inabala nalang ang sarili ko sa paglilinis hanggang sa may pumindot ng doorbell ko sa labas.
Hindi naman ako nag-atubiling babain ito at tingnan kung sino ang nandoon.
Nang mabuksan ko ang pinto ay napatili pa ako sa sobrang gulat.
Siya yung lalaking nakamotor kanina. At siya marahil ang sinasabi sa akin ni Jamila na hinahanap ako kanina pa.
“Sino ka? Anong kailangan mo?” tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya at ang napakarami niyang piercings sa tenga at sa kanyang kilay ay hindi ko mapigilang mapansin.
“Nakalimutan mo na nga talaga siguro siya. Hindi mo na ba siya maalala?”
Nawiwierdohan man ako sa kanya ay hinarap ko parin siya ng maayos.
“Kung sino ka man.. Umalis ka na at hindi kita kilala.”
“Ako si Lucifer.. At kailangan kong malaman kung nasaan ang kapatid ko!”
Nanlaki ang mata ko nang unti-unting naging malinaw sa akin ang lahat..
😇😇😇😇😇😇😇😇😇
Capitùlo Deciesiete
Kung nakakamatay talaga ang mga titig ng kahit na sinuman, kanina pa ako natsugi. Ewan ko ba kung ano ang nangyayari at bigla nalang ako nalagay sa ganitong sitwasyon.
“Kung hindi mo sasabihin sakin kung nasaan si Michael, katapusan na nating lahat. Kailangan ko siyang makausap sa lalong madaling panahon.” pagbabanta sakin ni Papa Lucifer. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ang gwapo gwapo niya kahit na isa siya ang sinasabi nilang Satanas. Siguro sagana siya sa plastic surgery sa impiyerno kaya di masiyadong halata na chaka talaga siya.
“Sabi ko nga, hindi ko alam kung nasaan siya. Bigla niya nalang akong iniwan. Wala siyang pasabi. Binura pa nga niya ang ala-ala ko ng pansamantala. Wala naman akong idea kung saan siya pupunta. For sure sa langit ang punta niya.”
Napailing si Michael at lumapit sakin upang hawaka ang aking kamay. Ang lamig ng kamay niya mga bakla.. Parang ice na nakakapanindig balahibo talaga.
“Sasamahan mo ako na hanapin si Michael. Sa ayaw at sa gusto mo.” sabi naman niya at biglang naging kulay itim ang mga mata niya na kinatakot ko pa lalo.
“Eh teka naman.. Kahit samahan pa kita, hindi naman natin alam kung saan siya hahanapin? Wala naman yung cellphone. Tsaka ewan. Nakakaloka talaga kayong magkakapatid. Bakit ba kasi di nalang kayo magkasundo lahat para tapos na ang away. Happy lahat.”
“Hindi mangyayari iyon. Kailangan ko lang ang tulong ni Michael pero ang makipagkasundo sa kanila ng mga kapatid ko, hinding hindi yun mangyayari. At huwag mo nang problemahin kung paano natin siya mahahanap. May naisip na akong paraan.” sabay ngiti niya na para bang hahalayin niya ako..
Diyos ko! Gagawin pa niya siguro akong hostage para lang magpakita ulit si Michael. Hindi ko naman gustong pagbigyan si Lucifer sa mga binabalak niya dahil baka linoloko niya lang ako at may masama talaga siyang motibo.
“Hindi ako nandito para gawin kang hostage kung ’yan man ang nasa isip mo. Ang kailangan ko ay tulong ni Michael. Siya lamang ang may kakayanan na kumbinsihin ang aming ina na huwag nang naisin pang umalis sa Impiyerno.”
Nawiwindang ako sa mga revelations na aking naririnig. So talaga palang may mudrabels sila?
“Ibig sabihin may mother nature talaga kayo? Like nanay? Akalak ko ba si Papa God lang ang gumawa sa inyo?”
Napailing si Lucifer at agad na kinuha ang aking kamay at naramdaman ko ang sobrang lamig na sensasyon sa aking katawan. Ganun siya kalamig na parang pinasok ka talaga sa loob ng freezer.
“Lahat ng alam mo tungkol sa relihiyon at paniniwala mo ay iba sa kung ano talaga ang nangyayari. Sa tingin ko hindi mo rin maiintindihan ang mga bagay kung ipapaliwanag ko man sa iyo lahat. Ang mahalaga ngayon ay makausap ko si Michael at umasa na magiging maayos ang lahat.”
Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha ni Lucifer. Maitim ang buhok niya na may kahabaan. Mas maliit ang katawan niya kumpara kay Michael ngunit parehas lang ang tangkad nila. Mga higante talaga sila. Hindi ko pa nga alam kung ito ba talaga ang totoo nilang anyo. Paano pa kaya kung makita ko na ang true form nila di’ba? Baka matanggal ang pempem ko at humiwalay na sakin ng tuluyan ang kaluluwa ko.
“Eh paano nga kita matutulungan na mapabalik si Michael dito? Wala akong idea kung saan siya nagpunta. Basta niya nalang akong iniwanan at ano pa bang magagawa ko kung wala na siyang balak na bumalik dito?”
Nakaramdam ako ng kalungkutan habang naiisip ang mga huling sinabi ni Michael sa akin. Ang mga bagay na akala ko ay magiging totoo. Ang pag-asa na pipiliin niyang manatili at mabuhay bilang isang tao at kalimutan na ang tungkol sa pagiging isang anghel niya. Ngunit paano nga ba tatalikuran ang isang napakalaki at napakabigat na tungkulin?
“Pupunta tayo sa Agartha.” tugon lang sakin ni Lucifer at sa isang iglap ay parang akong hinihigop ng isang napakalakas na hangin. Napapasigaw na ako sa takot ngunit nakangisi lang si Lucifer sa’kin. Baliw nga talaga siya. No wonder siya ang naging hari ng Impiyerno. Wala manlang warning signal?
Ang paghigop ng hangin na aking nararamdaman ay napalitan ng malamig na buga ng hangin at nakikita ko ang pagikot ng aking paligid. Teleportation technique ba ito? Nakakaloka talaga. Parang hindi ko pa rin mapaniwala ang sarili ko na nangyayari lahat ng ito. May ganito siyang powers na parang sa mga CGI ng pelikula ko lang nakikita. Pero ngayon, nangyayari na talaga sa akin. Wala manlang warning? Di manlang ako nakapag lagay ng kunting foundation para fresh akong haharap kay Michael kung sakali?
Bigla nalang akong nawalan ng paningin. Lahat ay madilim at doon na ako nagpanic. Bakit madilim? Nasa impiyerno ba ako?
“Relax ka lang. Masiyado kang tensiyonado, Sancho. Nandito na tayo sa Agartha.” rinig kong sabi Lucifer at nang sabihin niya iyon biglang nagliwanag ang paligid. Parang nasa isa nanaman akong scene ng pelikula dahil lahat ng nakikita ko ay hindi parin kapanipaniwala.
Nakita ko na ang lugar na ito noon. At kung di ako nagkakamali, ito ang panaginip ko noon na nakita ko si Michael na kausap ang isa pa niyang kapatid na archangel din.
“Wait lang.. So hindi talaga panaginip ang pagkikita ni Michael at ni Raphael noon?” sabi ko nalang sa sarili ko.
“Dito kami nagkikita ng mga kapatid noong nasa langit pa ako. Madalas kaming maglaro dito. Hindi ko alam na pinanatili pala ni ama ang kagandahan ng lugar na ito. Ngayon lang ulit ako nakapunta dito.” sabi ni Lucifer na kinatingin ko sa kanyang kinatatayuan. Nasa harap siya ng isang malaking puno. Isang puno na gawa sa ginto. At may mga prutas na ngayon ko lang nakita na nakabitin sa mahahabang sanga nito. At marami itong dahon na kulay ginto din.
Pumitas siya ng isang prutas at ibinigay niya sa akin yun. Nagdalawang isip pa akong tanggapin iyon pero hindi niya ito inaalis sakin hanggang di ko tinatanggap.
Kaya tinanggap ko iyon at nakaramdam ako ng gutom. Parang gustong gusto kong kainin ang prutas na iyon.
“Ganyan din ang naramdaman ni Eva noong ibigay ko sa kanya ang prutas na iyan. Hindi ba at napakarupok ng isang tao. Hindi napapatid ang inyong gutom. Hindi napapatid ang inyong uhaw. Hindi kayo nakukuntento sa kung ano ang dapat ay para lamang sa inyo. Iyon ang kaparusahan sa inyo. Dahil sinuway ni Eva ang kagustuhan ni Ama. Ako ay inatasan lamang ni ama upang malaman kung ang mga taong nilikha niya ay hindi siya tatalikuran. At nagkamali nga siya.”
Napatingin ako sa kanya habang nagkwekwento siya. Yun ba talaga ang nangyari? Ganun ba talaga ang gustong mangyari ng Diyos?
“Walang may nakakaalam kung bakit ba ginawa ni Ama ang mga tao. Kagaya ng pagkakalikha naming mga anghel. Ang pagsasama ng liwanag at dilim na nagbunga ng napakaraming bagay. Masama at mabuti. Lahat ng nilalang ay may nakakubling kabutihan at kasamaan. Sa tingin mo ba Sancho, ako ang pinakasamang nilalang? Dahil ako ang namumuno ng impiyerno?”
Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya habang pansin ko na nasasaktan siya sa mga sinasabi niya. Buong buhay ko, ang paniniwala ko ay masama lahat ng nasa impiyerno. Dahil lugar iyon ng kaparusahan sa mga taong gumagawa ng kasamaan at mga kasalanan na hindi kailanman mapapatawad.
“Wala akong alam na sagot. Dahil lahat ng nangyayari sa akin ngayon ay hindi ko rin maintindihan. Bakit ako ang pinili upang makasalamuha ko ang mga anghel at mga demonyo? Kaya hindi ko masasagot ang iyong tanong, Lucifer.”
Napangiti naman siya at hinarap niya ako. Biglang nagbagong anyo siya at naging isa siyang dambuhalang halimaw. Nanindig ang balahibo ko nang maging isa siyang dragon na nagaapoy ang buong katawan. At bigla nanaman siyang nagbagong anyo, isang napakacute na bata na kumakain ng lollipop. Nakangiti pa siya at bago paman ako makalapit sa kanya ay nagbalik siya sa dati niyang anyo pero ngayon, nakanganga na ako sa pagkamangha.
Biglang may lumabas na pakpak sa kanyang likuran na hindi ko inaakalang makikita ko talaga ng totohanan. Isang pares ng malalaking pakpak na nangingintab sa sobrang liwanag.
Ito na siguro ang pinakamagandang bagay na nakita ko sa buong buhay ko. Panis lahat ng artista at gwapong lalaking nakita ko sa buong buhay ko. Except lang kay Michael ha? Loyal tayo syempre mga cyst! Pero iba talaga si Lucifer. Kaya pala sinabing siya ang pinakamagandang nilalang na ginawa ni God. Kasi totoong totoo talaga.
“Ang pagiging isang anghel ay hindi lamang pagiging isang mabuti at tagasunod ng kabutihan. Ang pagiging isang anghel ay ang pagsunod sa kung anong tamang gawin, at iyon ang hindi maintindihan ni Ama. Kayong mga tao, makasalanan at wala nang ibang ginawa kundi sisihin ang isa’t-isa dahil sa mga kasamaang inyong ginagawa sa kapwa. At hindi ko kasalanan na kayo ay likas na makasalanan dahil nang kayo ay ginawa, nasa inyo na ang pagiging mabuti at masama.”
Napakahaba ng kanyang speech na hindi ko namalayan na may nakahawak na pala sa aking palad. Kinabahan ako bigla dahil ngayon ko lang ulit naramdaman ang kamay na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.
“Tama na ang iyong mga pangaral, Lucifer. Kailanman ay hindi maiintindihan ni Sancho ang katotohanan.”
Napatingin ako sa aking tabi at nang iangat ko ang aking ulo ay nakita ko ang pamilyar na bulto ng katawan. Pero ibang-iba na ang kanyang itsura ngayon. Nagliliwanag siya at ang kanyang katawan ay nababalot ng golden armor na napakaganda ng pagkakadesign. Maluhaluha akong napayakap sa kanya.
Hindi ko akalain na magkikita ulit kaming dalawa. Matapos niya akong iwanan na walang idea kung bakit, pero siguro hindi na mahalaga ’yun. Ang importante ay nakita ko na ulit siya.
“Mi-Michael? Ikaw ba talaga ’to? Hindi ba ako nananaginip?” ewan ko ba at hindi ko na napigil na umiyak. Namiss ko siya ng sobra at para bang hindi ko kaya na hindi nararamdaman ang presence niya sa tabi ko.
“Tahan na Sancho.. Hindi ka nananaginip. Totoong kasama mo ako ngayon.” malambing niyang sagot sa’kin at hindi ko na talaga napigilang umiyak.
“Bakit–Bakit ba kasi bigla ka nalang nawala? At binura mo pa ang ala-ala ko sa’yo? Bakit mo ginawa ’yun?” sunod sunod kong tanong sa kanya.
Hindi siya agad nakasagot at inilayo niya ako upang makausap niya ako ng maayos. Pinahid niya ang luha ko at kita ko ang pagngiti niya.
“Alam kong nagkamali ako na iwanan ka. Hindi ko gustong mabura ang ala-ala mo sa akin ngunit wala akong ibang maisip para tuluyan mong ipagpatuloy ang buhay mo. Alam kong mahihirapan ka kapag umalis ako at hindi mo na ako makikita pa. Ngunit hindi ko iyon sinadya. Akala ko kakayanin ko rin na hindi ka makakasama.”
Niyakap ko siya ulit at naramdaman ko ang saya niya sa pagyakap niya rin sa akin.
“Siguro naman sapat nang dahilan ang pagdala ko kay Sancho dito upang tulungan mo akong kumbinsihin si Ina na huwag lisanin ang kulungan niya sa impiyerno?” biglang nagsalita si Lucifer at doon na kami naghiwalay ng yakap ni Michael.
“Alam mong hindi ko kayang harapin si Ina. Ako ang dahilan kung bakit siya nakakulong sa impiyerno. Ang kagustuhan niyang wasakin ang mundo na ginawa ni Ama para sa mga niliha niya. Iyon ang naging dahilan upang ikulong ko siya sa impiyerno.”
“At ikaw lang ang tanging makakagawa nun sakaling magtagumpay siya na makalaya sa impiyerno. At hindi natin alam kung ano ang pwede niyang gawin. Sa mundo. Sa ating lahat.” galit na saad ni Lucifer at napahinga nalang ng malalim si Michael.
Wala akong idea sa mga nangyayari pero isa ang malinaw sa akin, ang mother dear nila ay isang monster mom. Nakakatakot siya maging biyenan. Babalatan ako ng buhay siguro kapag nalaman niya na ako ang mapapangasawa ng anak niya. Charot!
“Ano ang balak mong gawin ngayon, Michael? Potens es Fratrem.” sabi ni Lucifer. Di ko naintindihan ang last part. Nagsasalitang alien nanaman sila.
“Kailangan kong kausapin si Ama tungkol sa bagay na ito, Lucifer.”
Pero bigla nalang nasa harapan na namin si Lucifer at kinabig niya si Michael sa kanyang mga braso. Kakaloka. Ang laki talaga nilang dalawa. Ang true form nila ay hindi kakayanin ng isang normal na tao. Mabuti nalang talaga kaya nilang magbago ng anyo.
“Hindi dapat malaman ni Ama ang binabalak ni Ina. Alam mo kung ano ang mangyayari kapag nalaman niya ang lahat ng ito. Kaguluhan ang naghihintay sa ating lahat. At maiipit tayong lahat kapag nakawala si Ina sa impiyerno.”
Nagkatitigan nalang silang dalawa at parang nang-uusap sila sa kanilang mga isipan. Seryos ba talaga ang nangyayari? Parang end of the world ata ang mangyayari kapang nakalabas si Mother Monster sa impiyerno.
Kailangan ko narin siguro maghanda. All hell is breaking loose na talaga. Kaya pa ba ito ng powers ko?
————The Last Four Chapters———

