loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Falling For Ms. Model [Published]

Falling For Ms. Model [Published]

CeCeLib · 15 chapters · 30,718 words

Falling For Ms. Model

Kilala si Eizel Nicole San Diego bilang isa sa mga sikat na modelo sa buong mundo. Naparangalan na siya bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa bansa at ipinagmamalaki niya ‘yon. Halos nasa kanya na ang lahat. Mapagmahal na mga magulang. Mababait na mga kapatid at mga kamag-anak niya na walang sawang sumusuporta sa lahat ng gawin niya.

Maganda. Matalino. Mataray.

Sanay siya na nasa kanya ang atensiyon ng lahat. Kaya naman ng makabungguan niya ng sasakyan ang antipatikong si Lancelott Storm, isang hilaw na amerikano na hindi kilala ang pagmumukha niya, halos sumabog siya sa sobrang  galit.

Sino ba ang lalaking ito na binangga na siya at lahat-lahat, hindi man lang sinambit ang salitang ‘sorry’ at wala pang kaabog-abog na iniwan siya ng dumuho sa gitna ng kalsada.

At ang hindi niya matanggap ay sa dinami-dami ng photographer sa mundo, ito pa ang kinuha ng Fashion Magazine para kunan siya ng larawan.

Nasaan ang katarungan?

Chapter 1

CHAPTER 1

HALOS lumipad na ang sasakyan ni Eizel sa sobrang bilis para hindi siya ma-late sa photo shoot niya. Dahil sa birthday party ng kambal niyang pamangkin na sina Ramzee at Yannah, ang anak ng kuya Ramm niya, kaya siya napuyat. Ang kukulit kasi ng dalawang ‘yon. Kailangan present ang lahat sa pagbukas ng mga regalo. At ang magaling naman niyang kuya e masyadong ini-spoiled ang mga anak.

Hindi niya ikakaila, spoiled din niya ang kanyang taltlong pamangkin. Ang cu-cute kasi e. Lalo na kapag nangungulit ang mga ito. Palagi siyang wala sa bansa dahil sa uri ng trabaho niya, kaya naman sa tuwing umuuwi siya, sinisigurado niyang may oras siya sa pamilya niya.

Napabuga ng hangin si Eizel ng makitang traffic sa unahan niya. Buwesit naman oh! Late na talaga siya! Trenta minuto na siyang late!

Tamang-tama naman na nag-ring ang cell phone niya. Agad niyang sinagot ‘yon.

“Hello, Eizel speaking.” Aniya sa kabilang linya.

“Eizel! Asan ka na bang babae ka?! Nawi-windang na ang kagandahan ko rito.” Sigaw ni Pedro sa kabilang linya. Ang baklita niyang manager.

“Hush, Pedro. I’m on my way.”

“Kanina pa ako naiinis, huwag mo ng dagdagan sa pagtawag mo sa karumaldumal na pangalang iyan! Pea ang pangalan ko! Pea!”

“Whatever, Pedro.” Tinapos niya ang tawag at itinigil ang sasakyan.

“Shit! Bakit ba ngayon pa nagka-traffic?” Galit na hinampas niya ang monabela.

Kinuha niya ang cellphone na tinapon niya sa dashboard at tinawagan si Pedro.

“Pedro, I think I’ll be late for two hours.” Balita niya dito.

Inilayo niya ang cell phone sa tenga ng tumili ito sa sobrang galit!

“Pea ang pangalan ko! At bakit ka mala-late ng ganoong katagal?”

“Traffic.”

“So? Wala akong pakialam. Basta dapat dumating ka dito after thirty minutes.”

“Thirty minutes? I can’t make it!”

“Problema mo na ‘yon! Saka wala pa naman ang photographer dito e. Kaya naman bilisan mo.” Siya naman ang pinatayan nito ng tawag.

Humugot siya ng malalim na hininga at pinaatras ang sasakyan niya. Ganoon na lamang ang gulat niya ng bahagyang nayanig ang sasakyan niya.

Anong nangyari?

Mabilis siyang lumabas ng kotse at tiningnan ang likod ng sasakyan. Napanganga siya ng makitang medyo yupi ‘yon at nakadikit dito ang isang kulay itim na kotse na medyo yupi rin ang unahan.

Pero wala siyang pakialam kung ma-chop chop man ang sasakyan na ‘yon. Walang puwedeng sumira sa Porsche niya! Galit niyang dinabog ang bintana ng kotse na sumira sa mahal niyang sasakyan.

“Get out!” Aniya na nanggigigil.

Ilang minuto na niyang dinadabog ang bintana ng kotse pero hindi pa rin bumubukas kaya naman sinipa niya ang pintuan ng sasakyan.

“Get out!” She shrieked.

Eizel knew that she’s making a scene but she doesn’t care! Patuloy niyang dinabog ang bintana ng kotse. Napasigaw siya ng biglang bumukas ang driver’s seat at lumabas ang isang mukhang amerikanong lalaki.

“You, prick! Look at what you did to my car!” Aniya sabay turo sa sasakyan niya na nayupi ang likod.

“Okay bye, I’ll wait for you.” Anito sa cell phone na nasa tenga nito at binalingan siya. “What the hell is your problem?!”

Napanganga siya ng makita ang kabuunan ng lalaki. He stood 6’2. Aqua blue eyes. His messy shaggy brown hair with blonde streaks. His inviting lips. His stubborn jaw line. His aristocrat nose. A body that was made for sin. He’s just so perfect in looks department. Marami na siyang lalaki na nakita pero ito na yata ang pinakaguwapo.

Tiningnan siya nito ng masama. “Late na ako sa appointment ko! At saka ikaw ang may kasalanan kasi nanahimik ang sasakyan ko sa likuran, bigla ka nalang umatras ng hindi tumitingin! You don’t have the right to shout and be mad at me! It was your freaking fault!”

Nanliit ang mata niya sa sobrang galit na nararamdaman. Isinantabi niya ang paghanggang naramdaman para dito at gulat na marunong itong magtagalog.

Dinuro niya ito. “Don’t shout at me you bastard! It wasn’t my fault, you ass! Malay ko ba na nasa likod ka. Don’t you know who I am?”

“You have a very dirty mouth, miss. Better wash it with soup.” Tinabig nito ang kamay niya. “And it was your fault. Kasalanan mo kung bakita nayupi ang sasakyan ko! It’s a freaking Ferrari—”

“Huwag kang magmalaki.”

“Hindi ako nagmamalaki, nagpapaliwanang lang ako at sinisisi ka.”

“Nagmamalaki ka pa rin. And my car is Porsche.”

“Sino sa atin ngayon ang nagmamalaki?”

Dinuro niya ulit ito. “Kasalanan mo ang lahat ng ‘to.”

“Bulag ka ba o bobo ka lang talaga? Alam kong alam mo na ikaw ang may kasalanan ng lahat, so shut the hell up!”

“You shut up! Don’t you know who you’re shouting at? I am Eizel Nicole San Diego—”

“I don’t care who you are. I don’t give a shit. Aminin mo nalang kasi na kasalanan mo para matapos na tayo rito.”

She huffed in so much anger. “Everyone gives a shit about me! At saka wala akong aaminin dahil hindi ko naman talaga kasalanan.”

“Kasalanan mo nga e! Bakit ba ang kulit mo? Nasa likuran ako ng sasakyan mo at nanahimik dahil nakita kung traffic. Ikaw naman ‘tong nangangarap yata mapasali sa fast and furious, bigla nalang umatras ng walang sere-seremonya. Nayupi pareho ang sasakyan natin. Ikaw na ang may kasalanan, ikaw pa ang may ganang sigawan ako? Wow! Iba na talaga ngayon ang mundo.”

Napatingin siya sa paligid at nakitang maraming tao ang nakapalibot sa kanila. Agad niyang kinalma ang sarili. Siguradong mababalita siya nito. Wala namang bago doon e. Lahat ng galaw niya, palaging naka-report sa media. Para siyang celebrity na ewan samantalang model siya.

Kalmadong tinawid niya ang pagitan nilang dalawa.

Inilapit niya ang mukha sa mukha nito. “It’s not my fault.” Aniya saka sinipa niya ito sa parte ng katawan nito na hindi nasisikatan ng araw.

“Fuck!” Sigaw nito at sinapo ang alaga. “You bitch!”

She smirked at him. “Aww… masakita ba? Ayos ka lang?”

If looks could kill, kanina pa siya binuburol sa klase ng tingin nito sa kanya. Halata sa mukha nito ang sakit na iniinda dahil sa ginawa niya.

“You’re such a bitch!”

Her smirked widen. “Yes. Yes, I am.”

May narinig siyang busina ng isang motorsiklo.

“Kuya, halika na.” Wika ng babaeng nagmamaneho ng motorsiklo.

“May araw ka rin sa aking babae ka!” Paika-ika ito habang naglalakad patungo sa nakaparadang motorsiklo. Nang makitang sumakay ang lalaki doon at umalis ang motorsiklo, nagpapadyak siya sa galit.

Buwesit! Nanggigigil niyang sinipa ang sasakyan ng walang hiyang lalaking ‘yon.

TWO HOURS. Two hours siyang late. Pagkadating niya sa set, naloloka na si Pedro. Para itong aso na manganganak na hindi mapakali.

“Pedro. Nandito na ako.” Aniya na hinihingal.

“Argh!” Pabirong sinabunutan siya nito. “Bruha ka! Alam mo bang kanina ka pa hinihintay ng photographer?”

Tinapik niya ang kamay nito at inayos ang buhok. “Huwag mo ngang sirain ang buhok ko. Amoy alikabok na nga yan e. Alam mo bang ang layo ng nilakad ko bago ako nakatakas sa traffic at nakasakay ng taxi?”

Inirapan siya ni Pedro. “Wala akong paki sa adventure mo papunta rito.” Binalingan nito ang mga stylist na naghihintay lang sa utos nito. “Sige, ayusan niyo na si Eizel.”

Dinala siya ng mga stylist sa loob ng dressing room. Nakatayo lang siya habang abala ang mga tao sa paligid niya. May nagaayos ng buhok niya. May nag mi-make up sa kanya. May nagsusuot sa kanya ng sapatos at may nagsusuot sa kanya ng damit. Sanay na siya sa ganito. Mas malala pa nga sa fashion show dahil kailangan mabilis ang bawat galaw.

Pagkatapos siyang ayusan, agad siyang lumabas ng dressing room at nakita si Pedro na naghihintay sa kanya sa labas.

“Pedro—”

“Pea.”  Pagtatama nito. ”Pea ang pangalan ko. Maganda ka na. Halika na at nang maumpisahan na ang photo shoot na ito. Kanina pa kami naghihintay sayo. Mabuti nalang at mabait si fafa Lance.”

“Sino naman itong bago mong fafa?”

“Ang photographer. Sobrang guwapo niya, girl! Nalaglag ang panty ko ng makita ko siya.”

“Gaga! Brief ang gamit mo.”

“Shh! Huwag ka ngang maingay diyan.” Saway nito at iginiya siya palapit sa isang lalaki na nakatalikod at nakaupo sa isang stool.

“Mr. Storm.” Maarteng tawag ni Pedro sa lalaking nakatalikod. “Nandito na ang model para sa front cover ng Fashion Magazine.”

Mabilis na lumingon ang lalaki.

“You?” Hindi makapaniwalang turo niya sa lalaki.

The guy smirked at her. “Yes, me. I’m Lancelott Storm. The photographer for Fashion Magazine. So, ikaw pala ang cover model?” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Hindi halata.”

“Jerk.”

He tsked. “You really have a bad mouth.”

“Yes, I have. And I’m proud of it, bastard .”

He stared at her mouth. “Stop that. Kailangan mo ng sabon para linisin yang bibig mo.”

She titled her chin up. “Wala kang pakialam sa akin.”

Pinagpalit-palit ni Pedro ang tingin sa kanila ni Lancelott. “Magkakilala kayo?”

“Hindi.”

“Oo.”

Tiningnan niya ang lalaki ng masama. “Hindi kita kilala.”

“I just told you my name, of course magkakilala tayo. Ikaw si Eizel Nicole San Diego diba?”

Binalingan niya si Pedro. “Sinabi mo sa kanya?”

“No, sister. Wala akong sinabi sa kanya.”

“Nakalimutan mo na? Sinabi mo sa akin ang buong pangalan mo kanina.” Anito.

Oo, naaalala niya. “Hindi ‘yon basihan para maging magkakilala tayo. Kaya huwag kang felling close.”

Umiling-iling si Lancelott. “Pagkatapong mong banggain ang sasakyan ko, saktan ang alaga ko, tatarayan mo pa ako? Iba ka rin.”

Inirapan niya ni Lancelott. “Magumpisa na tayo.”

Naglakad siya papunta sa isang puting platform na napapaligiran ng lighting umbrella. Inilagay niya ang kamay sa bewang at nakataas ang kilay na tiningnan si Lancelott. “Anong tinitingin-tingin mo diyan? Let’s begin.” Sikmat niya kay Lancelott na nakatingin lang sa kanya.

“Lancelott!” Sigaw niya sa pangalan nito ng hindi ito gumalaw sa kinatatayuan at nakatingin lang sa kanya.

Napakurap-kurap ito at ipinilig ang ulo. “Sure. Let’s begin. And it’s Lance.”

“Whatever you say…” She smirked. “Lancelott.”

He shook his head. “It’s Lance.”

Her smirk widens. “Keep correcting me and I’ll keep on calling you Lancelott.”

“Mataray na nga, makulit pa. What a woman.” Puno ng kasarkastikuhan ang boses nito.

“Maganda naman at matalino.” Puri niya sa sarili.

“Mahangin din.”

She rolled her eyes. “Hindi ‘yon kahanginan. I’m telling the truth. And I have like, millions of fans to prove it.”

Lancelott tsked. “I don’t care about your fans. Dahil sa mga mata ko, isa kang mataray, makulit at bitch na babae.”

Pinandilatan niya ito. “Huwag ka ngang makikipag-usap sa akin.”

“It’s you who’s talking to me.”

Inirapan niya si Lancelott at tumingin sa kulay asul na kalangitan na kakulay ng mata ng dumuhong lalaking ‘yon. Nakalugay ang buhok niya kaya naman nadadala ‘yon ng ihip ng hangin. Nag-i-enjoy siya sa kulay asul na kalangitan ng makarinig siya ng click ng camera.

Mabilis niyang tiningnan ang pinanggalingan ‘non. Nakita niyang hawah-hawak ni Lancelott ang camera nito.

“Did you take a picture of me?” Tanung niya.

“Yeah.” Sagot nito at ibinalik ang camera sa lalagyan.

“Bakit mo binalik? Hindi pa ba tayo mag-uumpisa?”

“Mag-uumpisa na tayo.” Naglakad si Lancelott papunta sa camera na nakalagay sa tripod.

Kumunot ang nuo niya. “Yan ang gagamitin nating camera? Hindi ‘yon?” Sabay turo sa camera nito na ginamit sa pagkuha ng larawan niya.

“We’re not using that. Personal camera ko ‘yon.”

“E bakit ‘yon ang ginamit mo kanina?”

He shrugged. “None of your business. Now, let’s start.”

“Bakit nga?”

“Wala ka na roon. Mag-umpisa na tayo.”

“Lancelott! Tell me why?”

“None of your goddamn business!”

She pouted. “I-delete mo ang picture ko roon sa camera mo. Hindi naman pala ‘yon ang gagamiting camera.”

“Bakit ba big deal sayo ang picture mo sa camerang ‘yon.”

Nginisihan niya ito. “Duh! My picture is worth a million.”

“Grabe! Ikaw na ang babaeng masyadong bilib sa sarili.”

“I’m telling the truth.”

“Oo na. Ikaw na. Huwag kang mag-alala. Buburahin ko talaga ‘yon picture mo, baka ma-virus-san pa ang camera ko.”

She rolled her eyes at him and posed. Nang mag flash ang camera nito, nag-pose naman siya ng ibang anggulo. She was changing posses for ten minutes then he stops taking pictures.

“Can you give me a seductive look?” Tanung nito na parang hinahamon siya kung kaya niyang gawin.

“Of course.”

Matiim niyang tinitigan si Lancelott na hindi nag-iwas nang tingin. Bahagya niyang iniawang ang mga labi. Ang mata niya ay nangungusap… nangaakit. 

 “Are you gonna take a picture of me or what?” Mataray niyang tanung ng ilang minuto na siyang naka-pose ng nang-aakit at hindi pa siya kinukunan ng literato nito dahil nakatayo lang ang lalaki at nakatingin sa kanya.

Nakita niyang umiling-iling ito at parang may sinusupil na ngiti sa mga labi.

“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?”

Kinindatan siya nito. “Ang pangit mo.”

Chapter 2

CHAPTER 2

DALAWANG oras na puno ng inis at pagkairita ang naranasan ni Eizel habang nagpo-photo shoot sila para sa cover ng Fashion Magazine. Nakakainis ang Lancelott na ‘yon. Palagi nitong sinasabi na pangit ang pose niya tapos kukunan naman pala ng larawan. Lahat nalang nang pose niya e pangit! Wala pang nanlait ng pose niya! Wala pa!

“Eiz, tilt your head a little to the left.” Utos ni Lancelott sa kanya.

Tumaas ang kilay niya. “Anong tawag mo sa akin?” Mataray niyang tanung dito.

“Eiz.” He said with a shrugged.

“Bakit close ba tayo para tawagin mo akong Eiz?”

“Well, you’re calling me Lancelott. Tama lang siguro na tawagin din kitang Eiz. Do you like, Eiz? Parang yelo lang. Katulad mo, magyeyelo ang mundo kapag hindi pinuri ang sarili.”

Inirapan niya ang lalaki na nakangisi sa kanya.

“Tilt your head to the left.” Lancelott demanded again.

At dahil nga naiinis siya rito, she tilted her head to the right. His jaw tightened at what she did.

She smirked at him. “Sorry. Pagod na kasi ako e. Hindi ko alam kung alin ang right at left.” Pang-aasar niya rito.

Bakas sa mukha nito ang frustration habang naglalakad ito palapit sa kanya.

Tumigil si Lancelott sa harapan niya. “Ito ang left.” Hinawakan nito ang ulo niya ng walang pasabi at ipinihit iyon sa left.

“Aray!” Tinabig niya ang kamay nito.

“Ang arte mo naman. Huwag mong sabihing milyon din ang ibabayad sayo mahawakan ka lang?”

She glared at him. “Are you insulting me?”

“I’m just asking.”

“Asking you bastar—”

Tinakpan nito ang bibig niya para hindi niya matuloy ang sasabihin. “Stop that. Hindi bagay sa isang babae ang mga salitang ‘yan.”

Tinabig niya ang kamay nito at pinagsawalang bahala ang kakaibang kuryenteng naramdaman ng makadikit ang balat nila.

“Ano namang pakialam mo?” Sikmat niya rito. “Kumuha ka na nga lang ng pictures at nang matapos na tayo rito. Ayoko ng makita iyang pagmumukha mo.”

“Sa guwapo kong ito? Ayaw mo ‘tong makita?”

“Hmp! Hindi ka kaguwapuhan—”

“Come on Eiz, stop lying to your self. Napanganga ka nga sa kaguwapuhan ko kanina e. I saw it.”

Namula siya sa sinabi nito. Totoo naman kasi ‘yon. Talaga namang naguwapuhan siya rito pero nunkang aaminin niya ‘yon.

“Pangit ka.” Aniya niya at sinalubong ang tingin nito.

Hindi niya hahayaan na ma-intimidate siya nito. Matagal siya nitong tiningnan bago ito bumalik sa dating puwesto.

“Pose!” Sigaw nito sa kanya.

Nag-pose siya ng nag-pose. Hindi alintana kung kinukunan ba siya nito nang litrato o hindi. Ang gusto lang niya mangyari ngayon ay matapos na itong photo shoot na ito.

“We’re done.”

Nakahinga ng maluwang si Eizel nang marinig niya ang sinabi ni Lancelott. Mabilis siyang bumaba sa platform at tinungo ang dressing room. Pagkatapos magbihis at tanggalin ang lahat ng make-up sa mukha, lumabas siya at hinanap si Pedro.

Nakita niya itong nakikipag-usap na naman kay Lancelott.

“Pedro, tayo na.” Aya niya rito. “Makikisabay nalang ako sayo pabalik sa manila. Wala akong masasakyan e. Ayokong mag-commute.”

“Girl, hindi pa ako uuwi.” Maarteng sagot nito. “Marami pa akong gagawin.”

“What? Why? Anong sasakyan ko pabalik? Nasa kalsada ang sasakyan ko.” She glared at Lancelott.

“What?” He asked innocently. “Bakit ang sama ng tingin mo sa akin? Sisisihin mo na naman ako? When it was you who bumped my car?”

Hindi nalang siya nagsalit baka ano na naman ang masabi niya.

“Halika, sabay na kita. Babalik na rin kami sa Manila.” Ani ni Lancelott na ikinalaki ng mata niya.

“What? Balak mo akong i-salvage ano?”

He tsked. “Ano naman ang makukuha ko kong papatayin kita?”

Inirapan niya ito dahil wala siyang maisagot sa tanung nito.

“Girl, kay fafa Lance ka na sumama. Safe ka naman sa kanya.”

“Pedro, wala akong tiwala sa lalaking yan. Hindi ko nga siya kilala. I just met him hours ago.”

“Same here.” Singit ni Lancelott sa usapan nila.

Pinanlakihan niya ito ng mata. “I’m not talking to you, jerk.”

“Stop saying those words.” Saway na naman nito sa kanya.

Inirapan lang niya ito bilang kasagutan.

“Tara na.” Aya sa kanya ni Lancelott.

“Feeling mo naman sasama ako sayo.”

“Wala kang sasakyang iba maliban sa sasakyan na nagdala ng photo shoot equipments ko rito. Kung gusto mong maghintay kay Pedr— I mean, Pea, bahala ka.” Anito at naglakad palayo sa kanila.

“Girl, if I were you, sasakay nalang ako kina fafa Lance. Gagabihin pa ako rito e. You know naman ang kagandahan ko. Hahalughugin ko pa ang buong lugar para makahanap ng fafa.”

Napailing siya sa sinabi ni Pedro. “Bahala ka na nga riyan. Just give me a call if you need me.” Kahit labag sa kalooban, sinundan niya si Lancelott.

“Hoy! Lancelott! Hintayin mo ako!” Sigaw niya. Feeling close lang ang drama niya.

Tumigil ito sa paglalakad at nilingon siya. “Ikaw lang ang nagpapahintay na ala-model kung maglakad.”

She rolled her eyes. “Duh, I’m a model. Anong gusto mo? Tumakbo ako? Ayoko nga! Masisira ang damit ko no.”

“Stop being so… so… maarte!” Nanggigigil na sabi nito.

Tinawanan niya lang ang lalaki. “Lancelott, hindi ako maarte. Ganito talaga ako. At isa pa, bakit naman ako magmamadali? It’s not like—”

Paunti-unting pumatak ang ulan. Napatili si Eizel. “Oh my god! My dress! My lotion! My hair! My shoes!”

Tinakbo ni Lancelott ang pagitan nila. Mabilis nitong hinubad ang jacket at ipinulupot ‘yon sa katawan niya. “I told you so! Diba sinabi ko na sayo na magmadali ka. Ang arte mo kasi e!”

“Argh! My hair! It’s getting wet! Oh my god!”

“Shit! Why the hell am I doing this?” Tanung nito sa kalangitan at mabilis na hinubad nito ang t-shirt na suot.

“Bakit ka nagboborles?”

He glared at her. “What do you think?”

Inilagay nito ang t-shirt sa ulo niya. “Hayan, para hindi mabasa yang buhok mo. Halika na nga!”

Napatanga lang si Eizel sa kinatatayuan. Palakas na nang palakas ang ulan pero hindi niya iyon alintana. Naka-focus ang utak niya sa lalaking naghubas ng pang-itaas para lang hindi siya mabasa.

Why did he do it?

“Tatanga ka nalang ba riyan? O baka naman gusto mo pang hubarin ko ang pantalon ko para takpan yang sapatos mo nang hindi mabasa.” Sarkastikong wika nito.

Nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan, hinawakan siya nito sa braso at hinatak siya papunta sa isang kulay puting van. Mabilis nitong binuksan ang van at pinapasok siya. Nang nakaupo na siya, pumasok na ito at umupo sa tabi niya.

Agad niyang tinanggal ang basang jacket na nakapulupot sa katawan niya at ang t-shirt nito na nasa ulo niya.

“Hayan.” Inabot niya dito ang mga basang damit nito. “Huwag mo akong sisihin kung bakit nabasa ‘yan.”

She heard him chuckled. “Grabe ka talagang babae ka. Pati ba naman ang pagka-basa ng damit ko, sisihin mo pa ako samantalang ikaw naman ang dahilan kung bakit nabasa iyan?”

Pinagpag niya ang medyo basang pantalon. “E kasalanan mo naman talaga. It was your idea to take off your clothes and—”

“Oo na! Ako na ang may kasalanan. Okay na ‘yon sa halip na magtitili ka. Sakit pa naman sa tenga ng boses mo.”

Sinuntok niya ito sa braso. “FYI, maganda ang boses ko!”

“Wala naman yatang pangit sayo e.” Bulong nito.

“Anong sabi mo?” Hindi siya sigurado kung tama ang narinig niya.

“Wala.” Sumandal ito sa likuran ng upuan.

Inungusan niya ito at ipinalibot ang paningin sa kabuunan ng van. Puno ‘yon nang mga equipment na ginagamit sa mga photo shoot. Mga malalaking umbrella lights. Camera tripod. At ngayon lang niya napansin ang may edad na lalaki na nasa driver seat.

“Iyan si Manong Jayme, driver ko at tagadala ng mga equipments.” Pagpapakilala ni Lancelott sa lalaki.

“Diba kayo po ‘yong sikat na model na si Eizel San Diego.” Tanung ni manong Jayme na nakangiti.

“Kilala niyo po ako?” Magalang niyang tanung.

“Oo naman. Sikat ho kayo at idolo kayo ng anak ko.” Sagot nito na ikinataba ng puso niya.

‘Yon ang mga gusto niyang marinig. Na may umi-idolong kabataan sa kanya.

“Aww. Thank you po.” Mabait niyang nginitian ang mga ‘to. “Nice meeting you at pakisabi po sa anak niyo na sana makilala ko siya balang araw.” Aniya sa mala-anghel na boses.

“Sige po, ma’am Eizel, sasabihin ko sa anak ko.” Anito at binuhay ang makina nang sasakyan.

“Okay po.” Aniya habang nakangiti.

Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Lancelott. “Nasaan ang sungay mo? Ang bait mo yata.” Kinapa nito ang ulo niya.

Tinabig niya ang kamay nito palayo sa buhok niya. “Lumalabas lang ang sungay ko pagdating sa’yo.”

“Ano naman tingin mo sa akin, summoner nang mga demonyo?”

Sinuntok niya ulit ito sa balikat. “How dare you call me a demon?!”

“Ikaw ang nagsabi ‘non, hindi ako.”

Akmang hahampasin niya ito nang purse na dala nang umuklo ito at itinaas ang paa niya.

“Still.” Anito ng akmang igagalaw niya ang paa.

Kinuha nito ang basang jacket at ginamit ‘yon panlinis sa sapatos niya na naputikan.

She gasped. “No! Your jacket! It’s Lacoste!”

He rolled his eyes at her. “Your shoes, its Prada!” Anito na ginaya ang tinis ng boses niya.

“Lancelott!”

“Eiz!”

“Argh! Stop calling me that!”

“Then stop calling me Lancelott. It sounds old.”

“Ay, feeling mo naman teenager ka pa.”

Huminga ito nang malalim na parang kinakalma ang sarili. Inilapag nito ang paa niya at itinaas naman ang isa. Katulad nang ginawa nito sa kaliwang sapatos niya, nilinis nito ang kanang sapatos niya gamit ang jacket nito.

“Bakit mo ba ito ginagawa?” Usisa niya habang tinitingnan ang paglilinis nito ng sapatos niya.

Lancelott shrugged. “Baka ako na naman ang sisihin mo kung bakit maputik itong sapatos mo.”

“Ikaw talaga ang sisisihin ko.” Aniya na nakangiting binibiro ito.

Binalingan siya nito. “See, sabi ko na e—” He stops talking and just stared at her.

“Hello… earth and mars to Lancelott!” She snaps her finger in front of his face.

Napakurap-kurap ito  at parang mahimasmasan. Then he stared at her again like he can’t believe what he’s seeing. “You smiled.”

“Malamang. Kasi tao ako. Sino ba ang tao na hindi ngumingiti?”

“No, I mean, you smile genuinely this time. Not teasing, or smug nor smirking.”

Nginitian niya ito nang bonggang-bongga. “Sige, titigan mo lang ako. Minsan mo lang makita ang kagandahan nang ngiti ko.”

Itinirik nito ang mata at sumandal muli sa likod ng upuan. “Stop smiling fakely at me.”

Agad na nawala ang ngiti niya. “H-How did you know?”

Sanay na siya na ngumiti nang peke sa camera. Bitirano na siya pagdating sa mga iba’tibang uri ng ngiti. Sa tanang buhay niya, ngayon lang may nakaalam na peke ang ngiti niya. Maliban sa pamilya niya, wala nang may nakakaalam kung kailan siya ngumingiti ng totoo o pilit.

Lancelott lazily looked at her. “Eiz, I’m a photographer. I can see past your smile. I know when its fake and when it’s genuine.”

Napipilan siya sa sinabi nito. Hindi niya alam ang isasagot dito. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili. Gusto niyang sabihin na hindi ‘yon fake na ngiti pero hindi niya mabuka ang bibig para magsalita. Basta sinalubong lang niya ang kulay asul nitong mata na nakatitig sa kanya.

“Don’t smile at me fakely.” Anito at nagbawi ng tingin.

Nakita niyang ipinikit nito ang mga mata. Pasimple niyang tiningnan ang mukha ni Lancelott. Talagang napaka-guwapo nito. Kung hindi lang siguro niya alam ang uglai nito, baka nagkagusto na siya rito.

“Stop staring at me, Eiz.”

Namula siya bigla sa sinabi nito. “I-I’m not looking.” Aniya na hindi naman matanggal ang mata sa mukha ni Lancelott.

“Really?” His eyes popped open. “I saw you staring at me.”

“I’m not.”

“You’re staring at me.”

“I’m not.”

“Then why are you looking at me?”

“I’m not staring… I’m just looking at you.”

“See. Why?”

“Because you’re ha—” Shit! Muntik na ‘yon.

Lancelott grinned cockily. “You’re saying?”

Sinuntok niya angn lalaki sa balikat. “Screw you!”

“Stop cursing. It’s bad for your mouth.”

“At paano naman ‘yon naging bad para sa bibig ko?” Usisa niya.

He leaned in closer to her and whispered. “Because if you don’t stop cursing, I’m going to kiss you.”

Chapter 3

CHAPTER 3

HINDI naman sa natatakot siyang halikan ni Lancelott, ayaw lang talaga niya na mahawa siya sa germs ng bunganga nito kaya naman nanahimik na siya at pinigilan ang sarili na mag curse.

Ayaw niyang mahawa sa virus nito. Para libangin ang sarili, binilang nalang niya ang bawat puno na nadadaanan. Nasa ika-dalawampung puno na siya nang magsalita ulit si Lancelott.

“Gusto mo ng kopya nang pictures mo kanina?” Tanung nito.

Hindi niya ito nilingon at pinagpatuloy lang ang pagbibilang ng puno.

“Eiz, come on. Kausapin mo ako.”

“Ayoko, Lancelott.”

“Come on, Eiz. Don’t be such a bitch and talk to me.”

“Ayoko nga sabi. Baka kapag may nasabi na naman akong bad words e bigla mo nalang akong halikan. OMG! Mahahawa ako sa virus mo.” Maarte niyang wika.

Narinig niyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Lancelott.

“Ang pangit mo sa pose na ito.” Anito na natatawa.

Mabilis niyang nilingon ang lalaki at inagaw ang hawak-hawak nitong camera. Nang makita na ang picture, natigilan siya.

Ito ‘yong kinunan siya nito ng larawan na wala siyang kaalam-alam habang nakatingin sa kalangitan. Hindi naman siya pangit dito ah! Mukha nga siyang dyosa ng kagandahan!

Tiningnan niya ng masama si Lancelott. “Ikaw na lalaki ka, bago ka manlait, siguraduhin mong totoo. Anong pangit ang sinasabi mo? Tingnan mo nga! Ang ganda ko rito.”

Nakatitig lang sa kanya si Lancelott habang nagsasalita siya. May sinusupil itong ngiti sa mga labi.

“Anong nginingiti-ngiti mo riyan?” Sikmat niya.

“Ikaw. Masyado kang bilib sa sarili mo.”

She glared at him. “Eh sa talaga namang maganda ako!”

“Sino ba may sabing pangit ka?”

“Ikaw!”

Pinalawalan nito ang ngiting sinusupil. “Naniwala ka naman na pangit ka? Akala ko ba maganda ka?”

Akmang susuntukin niya ito sa braso ng pigilan nito ang kamay niya. “Kapag sinuntok mo pa ako, hahalikan kita.” Pananakot na naman ng dumuho.

Agad niyang binawi ang kamay na hawak nito at iningusan ang lalaki. Hawak-hawak pa rin niya ang camera nito. Hindi naman nito inagawa iyon kaya naman tiningnan niya ang ibang mga larawan doon.

Kumunot ang nuo niya. “Lancelott, wala bang ibang lamang tao itong camera mo? Kung hindi halaman, mga hayop ang nakikita ko.”

“Siyempre may tao riyan.” Anito.

“Talaga? Asan? Sino? Babae? Lalaki?” Excited niyang tanung. Sa sampung minuto ba naman niyang pag-isaisa sa mga larawan at wala siyang makitang tao, ma-i-excite ka talaga.

“Akin na.” Kinuha nito ang camera sa kanya at may pinindot-pindot. Pagkatapos ay ibinalik iyon sa kanya. “Siya ang tinutukoy kong tao. Siya lang ang nag-iisang tao riyan sa camera ko.”

Inirapan niya ito. “Ano naman tingin mo sa picture ko, hay—” Napatigil siya sa pagsasalita ng makita kung sino ang nasa larawan. “I-It’s me.”

“Yeah. Ikaw ang pinaka-unang tao na kinuhanan ko ng larawan gamit ang personal camera ko.”

Binalingan niya ang lalaki. “Talaga?” She’s flattered.

“Yeah. Mukha ka kasing bulaklak—”

Malakas niyang sinuntok si Lancelott sa braso. “Hindi ako bulaklak. Tao ako, tao!”

Nakangising bumaling ito sa kanya. “What did I tell you about punching me?”

“Na bawal manakit ng tao?” Aniya habang paunti-unting sumisiksik sa upuan niya.

Natatakot siya sa banta nito kanina. Unti-unting lumalapit ang katawan nito sa kanya at sobrang kaba ang nararamdaman niya.

“Lancelott! Lumayo ka nga sa akin!”

“Ayoko. Binalaan na kita kanina, pero hindi ka nakinig.”

“It was an impulse punch!”

“Uh-huh.”

“Uh-huh naman kasi talaga e.”

Tumigil ito sa paglapit sa kanya at humagalpak ng tawa. “I was just kidding you.” Umayos ito ng upo. “Para namang hahalikan ko ang isang pangit na katulad mo.”

Naghihimutok ang kalooban niya sinabi nito. Ang sarap nitong suntukin ulit pero ayaw niyang takutin na naman siya nito. Pinaggigilan nalang niya ang camera nito.

“Kapag nasira mo yang camera ko, babayaran mo yan.”

Itinapon niya ang camera nito sa sahig. “Oh, nasira kaya?”

Mabilis pa sa kidlat na pinulot ni Lancelott ang camera nito. Parang nag-aapoy ang mga mata nito ng lumingon sa kanya.

“What?” She smirked at him. “Kaya ko namang bayaran ‘yan.”

Hindi siya nito sinagot at tiningnan ang camera nito kung gumagana pa. Nang makitang okay naman, napasimangot siya.

“Akala ko naman masisira na.” Bulong niya sa sarili na puno nang panhihinayang.

“Pasalamat ka at okay pa ang camera ko, kung nasira ito itinapon na kita sa labas ng sasakyan.”

“You wouldn’t.”

“Wanna bet?”

Natahimik siya sa klase ng boses nito. Alam niyang seryoso ito, itatapon talaga siya nito palabas. Nakita niyang ibinalik nito sa lalagyan ang camera. Sa halip na subaybayan ang bawat galaw ni Lancelott, bumalik nalang siya sa pagbibilang sa bawat nadadaanang mga puno.

Hindi niya alam kung ilan na ang nabilang niyang puno nang bumigat ang talukap ng mga mata niya. Hindi niya nilabanan ang antok na nararamdaman at hinayaan ang sarili na matulog.

NAGISING si Eizel sa mahinang tapik sa mukha niya. Iminulat niya ang mga mata at napatitig sa kulay asul na mata ni Lancelott. Napamulagat siya at agad-agad na umayos nang upo.

Gosh! Nakahilig siya sa balikat nito habang natutulog siya?! My god! Sana hindi siya mukhang ewan habang natutulog. Natigilan siya sa naiisip. So what kung mukha siyang ewan habang tulog? Pakialam naman niya? Maganda siya!

“Hindi ko akalain na ang sikat na modelong tulad mo e naglalaway habang tulog.” Anito na may nakakalokong ngiti.

 Inirapan niya ito. “Ano naman ngayon. I’m sure maganda pa rin ako habang naglalaway.”

Umiling-iling si Lancelott. “Masyado ka talagang bilib sa sarili mo.”

“Nakakabilib naman talaga ang sarili ko.”

“Whatever. Salamat naman at nasa maynila na tayo, sa wakas hindi ko na makikita ang pangit mong mukha.”

Pinanlakihan niya si Lancelott ng mata. “Heh!” Tinabig niya ito sa kinauupuan nito at binalingan ni Manong driver. “Manong, alam niyo po na kung nasaan ang Leisure Hotel?”

“Nandito na ho tayo, ma’am Eizel.” Ani ni Manong.

“Ano?!” Malalaki ang matang tumingin siya sa labas ng bintana. At tama nga ang sinabi ni manong, nakaparada ang sasakyan sa labas ng Leisure Hotel.

“Paano niyo po nalaman—”

“Hindi ko alam kung nasaan ang bahay niyo, kaya naman dito na kita inihatid. Hindi ba kapatid mo naman ang may-ari ng hotel na ‘to.” Imporman ni Lancelott sa kanya.

Napatingin siya kay Lancelott. “Paano mo nalaman ‘yon?”

Sa halip na sagutin, binuksan nito ang van at hinawakan siya sa braso.

“Bitawan mo ako, Lancelott!”

“Be quit. Hindi ka naman inaano gabe ka kung makatili!”

Hinatak siya nito palabas ng van. “There. Ayoko ng makita ang pangit mong mukha, okay?”

She glared at him and marched away. Hindi pa siya nakakalayo nang tawagin nito ang pangalan niya.

“Eiz!”

Hindi niya ito nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.

“Eiz!” Tawag nito ulit sa pangalan niya.

“Eiz! Eiz! Eiz! Eiz—”

Naiiritang nilingon niya si Lancelott. “Bakit ba?! Ano bang probleman mo?! Akala ko ba ayaw mo ng makita ang mukha ko?”

Matagal na tinitigan ni Lancelott ang mukha niya at ngumiti. “I’m good.” Anito at pumasok sa van.

Napatingin nalang siya sa papalayong van. Anong problema na lalaking ‘yon. Tinitigan lang siya tapos umalis? Baliw na talaga. 

NAPANGITI si Eizel ng makita ang mga pamangkin na naglalaro sa lobby ng hotel.

“Tita Eizel!” Sabay sabay na sigaw ng tatlo niyang pamangkit ng makita siya.

Isa-isa niyang niyakap ang mga ito.

“May pasalubong ka, Tita Eizel?” Tanung ni Shanon, anak ng kuya Rann niya.

Tiningnan niya ang nakabukas nitong palad. “Sorry, Shan, hindi ako nakabili.”

Humikbi ito. “Tita Eizel, bakit? You promised!”

“Yeah I did, pero may pinuntahang importante si Tita e, kaya naman hindi ako nakabili ng toy na gusto mo.”

Mas lalo pang lumakas ang hikbi ni Shanon. “Isusumbong kita kay Daddy!”

Mabilis itong tumakbo papunta sa Kuya Rann niya na kausap ang asawa. Nakita niyang itinuro siya ni Shanon at napailing-iling ang kapatid niya at kinarga ang anak.

“Tita Eizel…” Ibinuka ni Yannah ang palad. “Asan ang make-up kit na promise mo sa akin?”

Lumuhod siya para magpantay sila ng pamangkin. “Yannah, bata ka pa. Bawal pa ‘yon sayo.”

“But Tita, I saw some kids on television putting make-up on their faces.”

“No, Yannah, bata ka pa. Gusto mo magka-wrinkles ka?”

“Pero wala naman wrinkles ‘yong mga bata doon sa TV.” Nakasimangot na sagot nito.

“Yannah, kapag nag make-up ka, magiging kamukha si Bakekang. You like?” Singit ni Ramzee sa usapan nila.

Nanlaki ang mga mata ni Yannah at tinakpan ang mukha. “No way! I’m too beautiful to be bakekang!”

Tumawa si Ramzee na parang nang-iinis. “You will look like her, Yannah. And anyway, your face is not a coloring book.”

Napailing-iling nalang siya nang kindatan siya ni Ramzee. Ang batang ito talaga, ang hilig lukuhin ang kapatid. Ito namang si Yannah, ang daling maniwala kay Ramzee.

“Ramzee, pinaiyak mo na naman ang kakambal mo?” Boses iyon ng kuya Ramm niya.

Agad nitong binuhat si Yannah, at inalo. Ang asawa naman nito na si Ate Yanzee ay pinapangaralan si Ramzee.

“Tahan na, baby. Gusto mo bili tayo ng make up?” Pag-aalo ng kuya Ramm niya sa anak.

Humikbi si Yannah. “Ayoko na Daddy. Ayoko maging bakekang.”

Pinigilan niyang hindi tumawa sa narinig.

“Ramzee, ano sabi sayo ni Mommy? Diba sabi ko behave?” Ani ng Ate Yanzee niya.

Tumango si Ramzee. “Behave naman po ako mommy. Talaga naman na magiging bakekang si Yannah kapag nag make-up siya.”

Ginulo ng kuya Ramm niya ang buhok ni Ramzee. “Oo na. Totoo na. Basta behave.”

“Opo, daddy.” Nakangiting wika ni Ramzee at tumakbo papunta kay Shannon.

Napailing-iling nalang si Ate Yanzee. “’Yang anak mo Ramm, manang-mana sayo. Sinungaling.”

“At kailan naman ako nagsinungaling sayo?”

“Sinungaling ka Daddy?” Tanung ni Yannah sa ama.

“What? No! Si mommy mo ang—”

“Sige, ituloy mo yan Ramm. At wala ka mamayang gabi.”

“Walang ano mommy?” Inosenteng usisa ni Yannah.

“Adult talk ito, baby. Huwag kang makinig. Takpan mo ang tenga mo para masagot ni Daddy si Mommy.”

Inirapan ni Ate Yanzee ang Kuya Ramm niya at naglakad palapit kay Ate Shay na nilalaro si Shannon at Ramzee. Napailing-iling nalang si Eizel sa nakita at narinig. Ang pamilya talaga niya.

“Eiz, sino ‘yong lalaking sinisigaw ang pangalan mo?” Nakangising tanung ng kapatid.

 Tinitigan niya ng masama ang kuya Ramm niya. “Don’t call me that! Eizel ang pangalan ko at hindi Eiz!” Nagdadabog na umalis siya sa Leisure Hotel. Nakakainis naman e! Kung nandito lang sana ngayon ang sasakyan niya, e di sana puwede siyang pumunta kahit saan!

Pagkalabas ni Eizel sa Leisure Hotel, napakunot ang nuo niya ng makita ang pamilyar na sasakyan. Kung hindi siya nagkakamali, kamukha iyon ng sasakyan niya. Mabilis niyang tiningnan ang plate number, at ganoon na lamang ang lapad ng ngiti niya ng makitang na sa kanya nga ang sasakyan.

Malapad ang ngiting lumapit siya sa sasakyan niya. Kumunot ang nuo niya ng may mapansing nakatuping papel na naka-ipit sa windshield. Kinuha niya iyon at binasa.

‘Eiz, here’s your car. Stop blaming me. Pero hindi pa rin maayos ang likuran nito. That would be too much. Kasi hindi ko naman talaga kasalanan — Lancelott.’

Napangiti siya sa ginamit nitong pangalan. Kapagkuwan ay napaisip siya. Kung nandito ngayon ang sasakyan niya, ibig bang sabihin pina-tow ni Lancelott ang sasakyan niya at inihatid dito? Tinupi niya ang papel at inilagay sa purse. Sumakay siya sa mahal niyang Porsche at pinaharurot iyon papuntang auto shop.

Itinigil niya ang sasakyan sa unang malaking auto repair shop na nakita niya. Lumabas siya ng sasakyan at pumasok sa shop.

“Hello! Is anybody here?” Malakas ang boses na tanung niya ng wala siyang makitang tao sa loob ng shop. Napakalaki ng shop na iyon para mawalan ng tao. “Hello! Hel— Shit!” She cursed when she almost trip on her knees.

“Don’t you know that cursing is bad for women?”

She stilled when she heard that voice. It can’t be! Umayos siya ng tayo at nilingon ang nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Lancelott.

“Really? May auto shop ka naman pala, hindi mo nalang inaayos ang sasakyan ko.” Mataray niyang sabi kay Lancelott habang nakapamaywang.

Tumingin-tingin ang lalaki sa paligid at sa likuran nito bago siya sinagot. “Are you… talking to me?”

She rolled her eyes. “Yes.”

“Ahm… I don’t want to be rude but I don’t know you.”

“What? At ngayon ide-deny mo ako? My god, Lancelott, hindi ako magpapalibre sayo!”

“Come again?”

Itinirik niya ang mga mata. “Bingi ka pala hindi ko alam.

“No, you called me Lancelott.”

“Duh! Malamang kasi ‘yon ang pangalan mo. O baka naman nagpa-change ka ng pangalan sa NSO.”

“No—”

“Puwede ba Lancelott, tigilan mo nga yang arte mo. Naiirita na ako.”

“I’m n—”

“I just want to say thank you. Kasi pina-tow mo ang sasakyan ko. Thanks.”

He chuckled. “I think you are thanking a wrong person. I’m not Lancelott; I’m his twin brother, Lander.”

“Lander?” She rolled her eyes. “Hahaha. Jokes over. Now, say you’re welcome para makaalis na ako kasi mukha namang ayaw mong dito ako magpaayos ng sasakyan.”

“Really. I am Lander—”

“Hey, Landz, did you fix my car already? I need it for tonight. I have a hot date.”

Napalingon siya sa nagsalita at napanganga sa nakita. “Lancelott?”

Natigilan ito ng makita siya. “Eiz?”

Pinagpalit-palit niya ang tingin kay Lancelott at sa lalaking nagpakilalang Lander. “Kambal kayo?”

Lancelott nodded. “Yeah.”

Eizel looked at Lancelott then to Lander. She pointed Lander. “Mas guwapo ka.”

“What the hell?! Lander, get out of here!”

Nakakalokong tumingin siya kay Lancelott na may pilyang ngiti sa mga labi. “What Lancelott? Jealous?”

Chapter 4

CHAPTER 4

INIWAN ni Eizel ang sasakyan niya sa auto repair shop ni Lander at napilitang sumakay sa kotse ni Lancelott.

“Bakit ka ba sumakay dito sa kotse ko?” Inis na tanung ni Lancelott sa kanya.

“Duh! Lancelott, you offered.”

“I just did it para mailayo ka sa kapatid ko.” Anito.

“Mailayo?” Napapantastikuhang tanung niya.

“Yeah. Bad influence ka sa kapatid ko.”

Itinuro niya ang sarili. “Ako? Bad influence sa kapatid mo?” Napatawa siya. “Lancelott, damulag na ang kakambal mo. At sa tingin ko naman alam niya ang tama sa mali.”

“Tingin mo lang ‘yon.”

“Bakit ba over protective ka sa kapatid mo? Hindi mo ba nakikita na lalaki ang kapatid mo at kaya na niya ang sarili niya?”

Ilang minuto na walang imik si Lancelott. “My brother has heart sickness, bawal siyang ma-stress o masaktan.”

“Oh.” Nakaramdam siya ng awa para kay Lander. “He’s too young to have that kind of sickness.”

“Yeah. Kaya ayokong maglalalapit ka sa kanya. Ayokong masaktan siya.”

“Bakit naman siya masasaktan. Hindi naman ako nangangagat.” Biro niya.

“Eiz, don’t you see yourself? You’re too beautiful. Only an insane man can’t see that. At hindi baliw ang kapatid ko.”

Nanunudyong tiningnan niya ito. “I thought pangit ako.”

He sighed. “Eiz, hindi ako bulag. You are beautiful.”

Nag-iwas siya ng tingin dahil naramdaman niyang nag-iinit ang pisngi niya. Alam niyang namumula siya.

“Alam ko namang maganda ako.” Aniya habang nakatingin sa labas ng bintana.

“Kaya nga. So please, don’t let my brother fall for you.”

Ibinalik niya ang tingin kay Lancelott. “Bakit ba kung sabihin mo yan parang alam mo nang magkakagusto siya sa akin. Manghuhula ka?”

Tiningna siya ni Lancelott sa review mirror. “I just know. Kakambal ko siya kaya nararamdaman ko ‘yon.”

“Oh. May sensor ka pala. Hanep din kayong magkambal. Hanga ako.” Aniya habang sarkastikong pumapalakpak.

Bumuntong-hininga ito ng malalim. “Basta. Huwag ka lang lalapit sa kapatid ko. ‘Yong sasakyan mo, ako na maghahatid sa bahay niyo.”

Hindi siya nagsalita at tumingin lang sa labas ng sasakyan. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang pilit nito sa kanya na hindi magpakita sa kapatid. Magkakagusto sa kanya si Lander? Gusto niyang matawa sa pinagsasasabi ni Lancelott!

At ang malaking katanungan… bakit naman sa kanya magkakagusto si Lander? Yeah, she knew that she’s beautiful pero sapat na ba iyon?

“Don’t worry about Lander. I’m leaving the country in two days. Hindi niya ako makikita.” Aniya.

“Good.” Anito at hindi na nagsalita.

Katahimikan ang nangyari sa kanila hanggang sa makarating sila sa bahay niya.

“Well… thanks for driving me home.” Akmang lalabas na siya ng sasakyan nito ng marinig niyang magsalita si Lancelott.

“Saang bansa ka pupunta?” Tanung nito na ikinalingon niya.

“Cambodia. My fashion show akong puputahan doon.” Sagot niya. “Bakit pupunta ka?”

He rolled his eyes. “Bakit naman ako pupunta. It’s not like you’re interesting to watch.”

“I’m gonna wear a two piece bikini.” She said grinning.

Nakita niyang natigilan si Lancelott. “Okay. Wala naman interesante sayo kahit maghubad ka pa sa harapan ko.”

Naningkit ang mata niya sa sinabi nito. Na-insulto siya! What is he implying? Na walang dating dito ang hubad niyang katawan?

Sinungaling!

“So, sinasabi mo na kahit maghubad ako sa harapan mo, walang epekto?”

Tumitig si Lancelott sa mga mata niya. “Yes.”

Hinahamon talaga siya ng lalaking ‘to! “Hindi ko matatanggap ang sinabi mo.”

He smirked. “Masyado ka kasing bilib sa sarili mo kaya hindi mo matanggap na may lalaking hindi magkakagusto sayo.”

She glared at him. If looks could kill! “That’s it! You’re coming with me to Cambodia! Dapat makita mo doon ang mala diyosa kong katawan!” Hindi niya matatanggap ang sinabi nito.

Hindi! She had a face of a goddess. Everyone likes her. All men love her body… well, except for this one.

Lancelott Storm!

Tinitigan niya ito ng matagal. “Kakainin mo yang sinabi mo.” Pagbabanta niya.

Nginisihan lang siya nito. “I don’t think so, Eiz. I don’t think so.”

“Kakainin mo yan. I’ll make sure of it.” She promised.

“Whatever you say, Eiz. Just stay away from my brother.”

Inirapan niya ito at lumabas nang sasakyan nito. Humanda ka Lancelott! Makikita mo! After ko sa Cambodia, uuwi ako para lang ipakain sayo ang mga sinabi mo!

HINDI siya nakinig kay Lancelott at bumalik sa auto shop ni Lander.

“Hello.” Bati niya sa lalaki na may inaayos na sasakyan. Napangiti siya ng makitang sasakyan niya ang inaayos nito.

“Oh, hi Zel.” Anito sabay ngiti sa kanya ng malapad.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. “What’s with you and your brother?”

His forehead creased. “Huh?”

“Tawag sa akin ni Lancelott, Eiz. Ikaw naman Zel. My name is Eizel.”

“Well, you call him Lancelott. That is something too.”

Interesadong tiningnan niya si Lander. “What do you mean?”

“Nothing. It’s not for me to tell.” Anito at bumalik sa pagaayos ng sasakyan niya. “I heard your going to Cambodia.” Ani ni Lander pagkalipas ng ilang sandali.

“Yeah. I am. Fashion show.”

Tumango-tango ito. “Lance would be there too.”

Natigilan siya. “Really?”

“Yeah. Next week. May pupuntahan siyang photo exhibit sa Cambodia. Must be fate that you two are going there.”

She narrowed her eyes on Lander. “Are you trying to match make me and Lancelott?”

Lander grinned and shrugged. “Worth to try.”

She huffed. “Trust me. Hindi ka magtatagumpay. And I like you more that your brother.”

Lander stilled and turned to her. “You what?”

“I like you more that you brother. You’re so much nicer.”

Matagal siyang tinitigan ni Lander. Kapagkuwan ay lumapit ito sa kanya. Nasa loob ng bulsa ng pantalon nito ang kamay na puno ng grasa. “Want to go on a date with me?”

She smiled. “Sure. That would be lovely.” Walang pag-aalinlangang payag  niya.

“Great. I’ll pick you up at eight?”

She nodded. “Yeah, sure.”

Lander grinned and went back to what his doing. Si Eizel naman ay hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi. She have a date with Lander. A handsome and nice guy. Hindi katulad ng kapatid nito na masungit na nga, wagas pa kung makapanlait. Okay lang sana kung totoo.

Pero siya? Tinawag na pangit at walang epekto kahit maghubad sa harapan nito? Oh, you’re going to pay for that, Lancelott!

EIZEL laughed at what Lander said. Hindi niya akalain na masaya palang kasama ang binata. Madami itong kuwento tungkol sa mga kapilyuhang pinaggagagawa nito. So far, their date was awesome and she’s enjoying her self.

“Grabe.” She sobered up. “Hindi ko akalain na ganoon ka kapilyo nuong bata ka pa.”

Lander grinned. “That’s me. How about you?”

Sasagot na sana si Eizel ng may mahagip ang mata niya na papasok sa restaurant. “Is that Lancelott?” Kunot-nuong tanung niya.

Sinundan ni Lander ang tinitingnan niya.

“What’s he doing with that fucking woman?” Lander hissed under his breath.

She gaped at him. “I thought cursing is bad for your mouth.”

Ibinalik nito ang atensiyon sa kanya. “Not if you’re cursing a bad woman. She deserved it more than anyone in this freaking world.”

Okay. Now, she’s really curious. “Sino siya?”

“Trust me, you don’t want to know.”

“I want to.”

Tinitigan siya sa mata ni Lander. “He’s Lance’s ex. But looking at them now…” He trailed while looking at the happy couple chatting. “I guess she’s not his ex anymore. I can’t believe that guy.”

Tinitigan niya si Lancelott na masayang nakikipagusap sa isang magandang babae. Pero mas maganda pa rin naman siya. May kung anung pagkairita siyang naramdaman ng makitang masaya si Lancelott sa piling ng ibang babae.

Mukhang naramdaman nito ang titig niya dahil tumingin si Lancelott sa direksiyon niya. Nakitang niyang nanlaki ang mga mata nito ng makita siya na kasama ang kapatid nito. May kung anong ibinulong si Lancelott sa kasamang babae at naglakad ito palapit sa mesa nila ni Lander. 

“What are you two doing here?” Tanung nito sa kanila pero sa kanya ito nakatingin na parang kakainin siya ng buhay.

She smiled sweetly at Lander, irritating Lancelott more. “Oh, we’re on a date, right Lander?”

“Yep. And it was the best date of my life.” Nakangiting sagot ni Lander na agad namang nawala ng tumingin kay Lancelott. “How about you Lance. What are you doing with that woman?”

Matagal bago nakasagot si Lancelott. “I’m just being polite. We bumped into each other and we kind of want to talk over dinner.”

Lander snorted. “I thought you’re over her.”

Tumingin sa kanya si Lancelott. “Yeah, I am.”

“I don’t believe you.” Ani ni Lander na tumayo at binalingan siya. “Let’s go, Zel. Doon nalang natin ituloy ang date natin sa auto shop ko. Is it okay with you? Ipagluluto kita kung hindi ka pa nabusog sa kinain natin dito.”

She smiled at Lander. “It’s cool.” Kinuha niya ang purse at ipinalibot ang braso sa braso ni Lander.

“We’re leaving.” Paalam ni Lander sa kakambal.

Tiningnan niya si Lancelott na masama ang tingin kay Lander.

“I thought you knew.” Ani ni Lancelott sa kapatid.

Tinignan ni Lander ng matiim si Lancelott. “I do bro. And I thought you knew too. Who can resist such beauty?”

Iginiya siya paalis ni Lander sa Restaurant. Nararamdaman pa rin niya ang titig sa kanya ni Lancelott kahit nasa labas na sila ng restaurant.

“Don’t mind him.” Ani ni Lander. “Hindi lang niya matanggap na naunahan ko siya.”

Tiningala niya ang lalaki. “What do you mean?”

Lander chucked. “Nothing.”

“Lander, hindi ‘yon nothing. Just tell me what it is.” Pangungulit niya rito.

“Someday I will.”

Kinurot niya ang tagiliran nito, agad naman itong umiwas habang tawa ng tawa.

“WOW! I can’t believe you’re here.” Eizel exclaimed when she saw Lander walking towards her.

He grinned. “Well, I want to wish you a happy trip.”

Eizel smiled. “Thanks.”

Agad na nawala ang ngiti niya ng makita ang kakambal nito na si Lancelott.

“Anong ginagawa mo rito?” Tanung niya.

He stilled then looked at her. “Pag-aari mo ba ang airport? Kung makatanung ka parang sayo e.”

Inirapan niya ito at bumaling kay Lander na nakatingin lang sa pagbabangayan nila ni Lancelott. May munting ngiti ito na sinusupil sa mga labi.

Inangkla niya ang braso sa braso ni Lander. “Mami-miss kita.” She smiled. “Mami-miss ko ang mga date natin sa auto shop mo. Ang saya-saya kaya ‘non—Ay! Ano ba, Lancelott! Bitawan mo nga ako!”

Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ni Lancelott sa pulsuhan niya. “Get off me!”

“Shut up! Halika na. Bawal makipag-flirt sa kapatid ko.” 

“Hindi ako nakikipag-flirt. I don’t even know what flirting is.”

He snake his arms around her waist and pulled her closer to him. She gasped and put her hands against his hard chest. Magkadikit na magkadikit ang mga katawan nila. Ramdam niya ang mainit nitong dibdib na naghahatid sa kanya ng kakaibang pakiramdam.

“Lancelott…”

“I don’t care if you don’t know a thing about flirting. Just stay the hell away from my brother.” Mariin nitong sabi habang nakatingin sa mata niya. Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya na nakaawang sa pagkabigla.

She saw his face moved closer to his. Nang isang dangkal nalang ang layo ng mukha nito sa mukha niya, bigla siya nitong binitawan.

“No, Lance. Get a hold of yourself!” Narinig niyang bulong nito sa sarili.

He heard Lander chuckled. “Good luck, brother. Just remember, ang sa akin ay sa akin, ang sayo ay sayo. Okay?” Kinindatan siya nito at iniwan sila ni Lancelott.

Nagkatinginan sila ni Lancelott at sabay din silang nag-iwas ng tingin.

“Saan ka sa Cambodia?” Tanung nito kapagkuwan habang naghihintay silang tawagin ang flight nila.

“Pakialam mo naman.”

“I’m just asking.” Sumandal ito sa likod ng kinauupuan. “Sa Phnom Penh ang destinasyon ko. Ikaw?”

At dahil sa bored na siya sa paghihintay, sinagot niya ang lalaki ng maayos. “Sa Phnom Penh din ang punta ko. Sa Phnom Penh gaganapin ang fashion show namin.”

“May gagawin ka ba after the fashion show?”

“Nope. Resting maybe.”

“Saang Hotel ka mamamalagi?”

“Royal Residence Hotel sa Phnom Penh”

“Ilang araw ka ba sa Cambodia?”

“One week. I want to explore the beauty of Cambodia. I heard marami silang magagandang temples.” Nakangiting wika niya.

Bumaling ito sa kanya. “Yeah, marami nga. Ang Bayon temple ang pinaka-sikat na temple sa Cambodia. It was built in the center of the former royal city called Angkor Thum.”

She looked at Lancelott with amazement on her eyes. “Wow… how did you know those things?”

He shrugged. “I’m a photographer. I capture beautiful memories and sceneries. At ugali ko nang alamin ang history nang mga kinukunan ko ng litrato.”

She pouted. “Nai-excite tuloy akong pumunta sa Bayon temple na sinasabi mo.”

Natigilan si Eizel nang marinig ang boses ng isang babae sa speaker.

‘Calling all the passengers of Cambodia flight 107. Please proceed to gate seven.’

Sabay silang tumayo ni Lancelott mula sa pagkakaupo.

“You’re in the same flight with me?” Kunot nuong tanung niya rito.

He looked at her. “Why? May masama ba kung pareho tayo ng sasakyang plane papuntang Cambodia?”

Inirapan niya ito. “Ayoko lang sayo kaya ayokong makasabay ka.”

He sighed. “I like you better when you’re talking to me nicely.”

Nginisihan niya ito. “Hindi na mauulit ‘yon.” Iniwan niya ito at tinungo ang gate seven.

Chapter 5

CHAPTER 5

Cambodia.

Eizel took a deep breath before stepping out from the plane. She was about to smile and admire the scenery when she saw Lancelott.

Agad na nasira ang scenery sa nakita. Ewan ba niya kung bakit siya naiinis sa lalaking ‘to. At mas lalo pang nadadagdagan ‘yon kapag naaalala niya ang masaya nitong mukha nuong kasama nito ‘yong magandang babae sa restaurant.

“May sasakyan ka na papunta sa Hotel mo?” Tanung ni Lancelott na para bang nag-aalala sa kanya.

But she knew better! Pagtatawanan lang siya nito kapag sinabi niyang wala. “Mayroon na.” Mataray niyang sagot.

Lancelott tsked. “Napaka-simpli lang ng tanung ko, nagtataray ka pa. Hindi ka ba napapagud?”

“Hindi.” Aniya at nauna nang naglakad palabas ng airport.

Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Lancelott sa pangalan niya. Nagmamadaling siyang naglakad at nagpasalamat ng makita ang isang limousine na may nakatayong lalaki sa tabi at may dala-dalang placard na may nakasulat na ‘Eizel Nicole San Diego.’

“Hello, Ricafort.” Bati niya sa lalaking nagbukas sa kanya ng pintuan ng sasakyan.

Kilala niya ito dahil ito palagi ang driver niya sa iba’t ibang bansa na pinupuntahan niya.

“Hello, Miss Eizel. Miss Pea already gave me your schedule. I’m going to take you to Royal Residence Hotel.”

Tango lang ang sinagot niya at isinara na nito ang pintuan ng sasakyan. Isinandal niya ang likod sa malambot na likuran ng inuupuan. Habang nasa biyahe, tumitingin siya sa mga dinadaanan nilang gusali. Naaliw siya sa mga dinadaanan kaya naman hindi niya alintana na dumating na pala sila sa destinasyon.

Pinagbuksan siya ng pintuan ni Ricafort.

May iniabot ito sa kanyang susi. “This is your room key. Miss Pea wants me to give it to you. He said to tell you that he’s busy catching water lilies and to inform you that you have a party to attend tonight. Please wear a very glamorous dress.”

Napailing-iling nalang siya sa pinapasabi ni Pedro. Ang baklang ‘yon talaga. Hindi man lang siya hinintay bago manlalaki. Napatingin siya sa susi na hawak. Well, kahit naman manlalaki ito, hindi naman siya nito pinabayaan.

Nang makapasok na siya sa kuwartong pansamantala niyang tutuluyan, agad na nahiga si Eizel sa kama at nagpahinga. Mamayang gabi, may party siyang pupuntahan.

CLAD with a Versace beige one strap gown with a slit on her left leg up to her lower thigh, Eizel paired it with Prada stiletto that glisten against the darkness; she walks to the party with her head held high. When Eizel enter the room where the party is being held, all eyes were on her. Their eyes are full of admiration as they looked at her walk towards the table where her colleagues were sitting.

Hindi na siya nailang sa klase ng mga titig na binibigay sa kanya ng bawat kalalakihan sa party, sanay na siya.

“What took you so long?” Tanung sa kanya ni Pedro sabay halik sa pisngi niya.

“I have to make myself beautiful.” Aniya na nakangiti.

“You’re too beautiful. Feeling ko naging lalaki ako ng makita kita.”

Tumawa siya ng mahina sa sinabi nito. “Liar.”

Ngumisi si Pedro sa kanya. “You know me well.”

Umupo siya at nginitian ang kasamahan sa mesa. Most of them are models from different part of the world.

“You’re dress is beautiful, Eizel.” Lydea, a half-Russia half-Filipino model complemented her dress.

She smiled at her. “Thanks. So is yours.”

Eizel was sipping a wine with sophistication when Pedro taps her shoulder.

Binalingan niya ito. “Yes?”

“Three o’clock. A super duper hottie!” Mahinang tili nito.

Pasimple niyang tiningnan ang tinutukoy nito. Halos lumawa ang mata niya ng makilala kung sino iyon.

“Lancelott?” Tanung niya sa sarili.

He was wearing a very expensive looking tuxedo paired with black shiny expensive shoes. His always shaggy messy hair was now tamed and comb neatly. His aqua blue eyes are so stunning to look at.

Hindi niya alam na nakatitig lang siya sa binata at nakatanga sa kaguwapuhan nito. Kung hindi pa siya tinapik sa braso ni Pedro, hindi siya mahihimasmasan.

“Ang guwapo talaga ni fafa Lance.” Kinikilig na sabi ni Pedro.

“Anong ginagawa niya rito?” Ususi niya habang nakatitig na naman sa mukha ng lalaki.

“Well, he’s a famous photographer. Malamang imbitado siya sa party.” Sagot ni Pedro.

With a glass of wine on her hand, she stands up and walks towards Lancelott.

When their eyes met, Eizel saw admiration on his stunning aqua blues eyes. Pero agad din naman ‘yong nawala ng malapit na siya rito.

“Eiz?” Parang hindi makapaniwalang sambit nito sa pangalan niya.

“Yes. This goddess in front of you right now is none other than Eizel Nicole San Diego.” Eizel grinned at Lancelott.

Lancelott shook his head. “Yeah, it’s you. Sa kahanginan mong ‘yan, imposibling hindi kita makilala kahit itago mo ang mukha mo.”

Eizel chuckled and look at him from the top of his head to the tip of his toe.

“You look handsome tonight.” She said honestly. Wala siya sa mood makipagbangayan na naman dito.

Halatang nagulat si Lancelott sa papuri niya pero agad din naman itong nakabawi.

Tumikhim muna ito bago nagsalita. “Ahm… you look … ahm… you ahm—”

“Ugly?” Pagtatapos niya sa sasabihin nito.

“What?” Tumingin si Lancelott sa mga mata niya. “No. That not what I was going to say. I ahm… I was thinking of a word to describe how beautiful you are tonight.”

Lihim siya napalunok at nag-iwas ng tingin. Naramdaman niyang nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito.

Ito ang pangalawang beses na pinuri nito ang kagadahan niya. Una, nuong pagbawalan siya nito na makipagkita kay Lander, pangalawa ngayon. Pero nuong una, binawi naman kaagad nito iyon at sinabihan siyang walang epekto ang hubad niyang katawan dito.

Kaya naman ngayon, hinihintay nalang niya na bawiin nito ang sinabi at tawagin na naman siya nitong pangit.

Not that she’s affected or anything. Wala naman siyang pakialam kung anu ang tingin nito sa kanta. Alam niya sa sarili niya na maganda siya.

“You look freaking stunningly beautiful tonight.”

Nadagdagan pa ang pamumula ng pisngi niya at naiinis siya dahil hindi niya mapigilan iyon.

“Thanks.” Aniya sa mahinang boses.

“Want to dance?” Tanung ni Lancelott na ikinataas niya ng tingin.

“Dance?”

He chuckled lightly. “Yes. Do you?” He offered his hand and waits for her to accept it.

Inilapag niya sa malapit na mesa ang hawak-hawak na glass of wine. Hindi niya alam kung anong nakain niya ng tanggapin niya ang kamay nito at hayaan itong igiya siya sa dance floor na walang sigawan na nagyayari.

Her lips parted when Lancelott snake his arm around her waist and pulled her closer to his body. Nagaalangan na ipinalibot niya ang braso sa leeg nito. Ang mas nakakaalang ay hindi naman sila nagsasayaw. They are just standing there, in the middle of the dance floor, almost hugging.

Almost ka diyan! He’s freaking hugging you! Hindi na iyan almost! Sigaw ng isang bahagi ng isip niya.

“Eiz?” Pukaw ni Lancelott sa kanya.

“Hmm?”

“Are you really going to wear just a pair of bikini tomorrow? Sa fashion show?” Naiilang na tanung nito.

She nodded. “Yeah. It would be my first time. Kasi dati ang sinusuot ko sa mga fashion show ay mostly long gowns and expensive dresses. First time kung magsusuot ng bikini sa fashion show.”

“Puwede ka namang mag-back out diba? I mean, ibibilad mo ang katawan mo sa maraming kalalakihan. Hindi ka ba nahihiya?”

She pulled away from him. “Anong ibig mong sabihin? Sasabihin mo na naman na pangit ako? Lalaitin ang hubog ng katawan ko? Lancelott, hindi ka pa ba napapagod magsinungaling? We both know that I’m beautiful and sexy. Kung iyan na naman ang issue mo, naguumpisa na akon mairita—”

“That’s not what I’m trying to say!” Mahina pero mariin nitong sabi.

“Ano ba kasing ibig mong sabihin. Diretsahin mo kaya ako para matapos na ito at nang makapagsayaw na tayo.”

Muli siyang hinapit nito palapit dito. Dalawang braso na ang nakapalibot sa bewang niya.

Tumikhim siya at tinanggal ang braso nito na nakapulupot sa bewang niya. Nag-iiba na kasi ang pakiramdaman niya.

“Ahm… Hindi naman tayo sumasayaw.” Nauna na siyang maglakad paalis ng dance floor at tinungo ang teresa na nakaharap sa napakalawak na kabundukan.

Naramdaman niyang may tumabi sa kanya. Hindi na niya kailangan pang tingnan para malaman kung sino iyon. Naamoy niya ang mabangong pabango ni Lancelott.

“The night is beautiful and… ahm… the weather is nice—”

“Really Lancelott? You want to talk about the weather?” Sansala niya sa iba pa nitong sasabihin. “Idi-discuss ko sayo lahat ng klase ng weather sa iba’t ibang bahagi ng mundo.”

Natahimik si Lancelott, kapagkuwan ay tumikhim ito. “Kumusta naman ang date niyo ng kakambal ko?”

She grinned happily. “Oh, it was awesome. Tawa lang kami ng tawa. I never thought na magi-enjoy ako sa date namin. Lander is so charming and funny.”

He grimaced. “You do know na may sakit siya. Do you want to be with a man who’s sick?”

Tiningnan niya si Lancelott. “Bakit mo ba sinisiraan ang kapatid mo? I like Lander, ano naman ngayon kung may sakit siya.”

Natahimik ang binata sa tabi niya. Nakatingin lang ito sa malayo at parang may malalim na inisip. Ibinalik niya ang paningin sa magandang tanawin na nasa harapan nila.

“Eiz?” Tawag nito sa pangalan niya makalipas ang ilang minuto.

“Yes?”

“Anong pipiliin mo? Ang lalaking may sakit o wala?”

Napapantastikuhang tiningnan niya ang binata. “Ano naman klaseng tanung yan?”

“Just answer it.”

“Ahm… syempre ‘yong walang sakit.”

Nagpakawa ito ng malalim na buntong hininga na parang nabunutan ito ng tinik sa lalamunan.

“I thought pipiliin mo ‘yong may sakit—”

“Pipilion ko ‘yong may sakit kung siya ang tinitibok ng puso ko.”

Mabilis itong tumingin sa kanya. “What? Siya ang pipiliin mo?”

“Yes… kung mahal ko siya.”

“Pero hindi mo naman mahal si Lander diba?”

Her forehead knotted. “Bakit naman napasok sa usapan natin si Lander?”

Nagiwas ito ng tingin. “Nothing.”

She rolled her eyes. “I like, Lander. Pero hindi ko pa naman siya mahal.”

Lancelott face brightened when he turned to her. “Talaga? Hindi mo siya mahal?”

“Yes. Huwag kang mag-alala hindi ko sasaktan yang kapatid mo kung yan ang inaalala mo. Dahil kapag mahal ko ang isang tao, sasabihin ko ‘yon sa kanya ng deretsahan.”

“Sasabihin mo sa taong mahal mo na mahal mo siya?”

“Oo. Hindi ako mahihiya tulad ng iba. Kung mahal ko ipagsisigawan ko yon sa buong mundo.”

Mataman siya nitong tinitigan. “Kawawa naman pala ang lalaking magmamahal sayo.”

“Magmamahal sa akin, Bakit naman?” Tumawa siya ng mahina. “Well, para hindi siya maging kawawa kailangan may maipagmamalaki siya sa akin bago ko siya magustuhan. Ayoko sa mga lalaking walang ginawa kung hindi magliwaliw. Gusto ko kapag ipinakilala ko siya sa mga magulang ko, may masasabi ako tungkol sa kanya na maipagmamalaki ko.”

“Anong gusto mo? Local or International award?”

She chuckled. “Well, I prefer International award. Para naman sikat.”

Tumango-tango ito na para bang iniintindi nito ang sinabi niya.

“International award it is.” Anito habang nakatingin sa malayo at nakapamulsa.

“Ikaw, ano nang mga award ang natanggap mo bilang isang photographer. Sikat ka sa larangang ‘yon diba?”

“Not really. Mga local awards lang ang natanggap ko. But because I found my inspiration, namo-motivate ako na manalo ng isang international award.” Anito na may munting ngiti sa mga labi.

Siya naman, napuno ng inis ang kaloob-looban niya. Sa isiping ang inspirasyon na tinutukoy nito ay ang babaeng kasama nito sa restaurant. Hindi niya alam king bakit siya naiirita sa isiping ‘yon.

“Good luck sayo.” Aniya na mabigat ang dibdib.

Akmang iiwan niya ito sa teresa ng pigilan siya nito sa pulsuhan.

“The day after tomorrow, pupunta ako sa Bayon Temple to take some pictures. Sama ka?”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit naman ako sasama sayo?”

He looked at her; frustration was visible on his eyes. “Can we please have a truce while we’re here in Cambodia? Nakakapagud makipagsagutan sayo.”

Nakataas ang kilay na tiningnan niya ito sa mata. Hinintay niyang mag-iwas ito ng tingin pero sa halip ay sinalubong nito ang titig niya.

“Bakit naman ako makikipag-truce sayo? Ano ba ang makukuha ko kung hindi na kita tatarayan?”

“Eiz, wala naman ‘yon sa makukuha mo.”

“Lancelott, ayokong makipag-truce sayo. Ano naman ang silbi ‘non? Pagbalik natin sa Pilipinas, magbabangayan na naman tayo. At saka—”

“Just for a day. Let’s have a truce. Let’s stop annoying ang irritating each other just for a day. I want to go to Bayon temple with you.”

She took a deep breath. “Fine. Kailangan ko rin naman ng tour guide papunta roon.”

Lancelott smiled, his aqua blue eyes were twinkling. “Mabuti naman. I’ll pick you up around eight in the morning.”

“Okay. Alam mo ba kung saang hotel ako namamalagi?”

Lancelott chuckled deeply. “Hon, we are in the same Hotel.”

Chapter 6

CHAPTER 6

EZIEL took a deep breath when it was her turn to enter the catwalk. Inayos niya ang bikini na suot at taas ang nuong naglakad. Hindi man lang siya kumurap ng pumasok siya at agad na nagkislapan ang mga camera mula sa iba’t-ibang nahagi ng pinagdadausan ng Fashion show.

Stomach in. Back straight. Chip un. Serious face. Then she walked. Tinanggal niya ang hiya na nararamdaman sa isiping nakikita ng maraming kalalakihan ang katawan niya. She’s a professional model. She had to act professional. Her eyes were secretly roaming around the place, looking for certain someone.  

Muntik nang masira ang blangkong expresyon nang mukha niya ng magtama ang mata nila ni Lancelott. Shit! He’s here? Agad siyang nag-iwas ng tingin at nag-focus nalang sa paglalakad sa catwalk. Ramdam niya ang mga mata sa kanya ni Lancelott. She wanted to smirk because she knew that he’s admiring her very amazing body but she can’t. Mamaya nalang. Aasarin niya ito ng bonggang-bongga.

NAKAHINGA si Eizel nang maluwang nang matapos ang fashion show. Hindi na niya kaya ang mga mata ng mga kalalakihan sa kanya. Mabilis siyang nagpalit ng damit. She wore leather short, a simple white tube top, and a black leather jacket. She paired it with black high heeled knee boots that complements her beautiful legs.

Nang makalabas siya sa venue ng Fashion show, nakita niya si Lancelott na nakatayo sa labas na parang may hinihintay.

She cleared her throat. “Waiting for me?” She teased.

Mabilis siya nitong nilingon at pinasadahan siya ng tingin. “You change clothes.”

Eizel rolled her eyes. “Lancelott, ano namang tingin mo sa akin. Maglalakad ng naka-bikini sa labas? I’m not that kind of woman.”

He shrugged. “Okay. Whatever you say.”

Nginitian niya ang binata ng nakakaloko. “Asus! Puwede ba Lancelott, huwag kang umaktong hindi mo nagustuhan ang nakita mo sa loob. I know I have a great body.”

“I’m not there to admire your— Ahm… your horrible body.” Nag-iwas ito ng tingin.

Tumawa siya ng malakas. “God, Lancelott. Are you blushing?” She poked his slightly red cheek while giggling. “Lancelott, I didn’t know I could make you blush.”

Tinabig nito ang kamay niya. “Don’t poke me.”

She chuckled. “Okay. Pero nag-blush ka pa rin.”

“Shut up. And anyway nandoon ako para kumuha ng litrato.”

She gave him an arched look. “Really? Wala ka yatang dalang camera.” She sighed and twirled her fingers on his necktie. “Why don’t you admit that you were there to see me and my amazing body? Lancelott, stop lying to yourself.”

His aqua blue eyes settled on her chocolate colored eyes. “Hindi lang naman ikaw ang babaeng nakita ko doon na naka-bikini. So how can you say na pumunta ako para makita ka?”

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya kahit pa nga napahiya siya sa sinabi nito. “Lancelott, you can deny it all you want but you know that truth.” She let go of his tie. “Bye.”

Nakakailang hakbang palang siya palayo rito ng magsalita ang binata. 

“Let’s have dinner.” Anito.

Eizel chuckled and put her hands on her waist then turn around to Lancelott. “Sure. Pero sa isang kondisyon.”

He frowned. “What?”

She grinned mischievously. “Aminin mo muna na pumunta ka sa fashion show para makita ako.”

“Over my dead body.”

Eizel shrugged. “Looks like you’ll be dinning… alone.”

Lancelott dramatically sighed. “Fine! Pumunta ako dahil sayo. Happy?”

She jump and fist pumped in the air. “Yes! Sabi ko na e!” She grinned at Lancelott. “Oh, diba? Mahirap bang aminin ‘yon?”

“Ewan ko sayo. Halika na, kumain na tayo. Kanina pa nagaalburuto ang tiyan ko.” Anito at nagumpisa ng maglakad.

Hinabol niya ito ang tumigil ng magkatabi na sila. “Lancelott?”

“Hmm?”

“Nagustuhan mo ba ang nakita mo sa Fashion show?” Puno ng panunudyo ang boses niya.

He glared at her. “Hindi ka ba talaga titigil?”

Ngumisi siya. “Tinatanung lang naman kita. Anong masama roon?”

Tumigil ito sa paglalakad at walang sere-seremonyang hinapit siya palapit sa katawan nito. Automatikong inilagay niya ang kamay sa dibdib nito para itulak ito.

“Look at me, Eiz.” Anito.

Hindi siya nakinig at tumingin siya sa buhok nito habang tinutulak ito para pakawalan siya. “Let me go, Lancelott!”

“Don’t shout. Look at me and stop pushing me away.” Anito sa matigas na boses.

Napatigil siya sa pagpupumiglas at tumingin sa mga mata nito. “Bitiwan mo nga ako. Puwede mo naman yata akong kausapin na may distansiya ang katawan natin.”

Nahigit niya ang hininga ng inilapit nito ang mukha sa mukha niya. “Lancelott! Ano ba! Huwag mong ilapit ang mukha mo sa mukha ko. Isang dangkal nalang lalapat na ang labi mo sa labi ko! Let go of me!”

His eyes darken with unknown emotion. “Ano naman ngayon kung maghalikan tayo? Would that be so abhorrent for you?”

Sa sobrang kaba na nararamdaman dahil sa pagkakalapit nila ni Lancelott. Tinarayan niya ito at kung ano-ano ang lumabas sa bibig niya. “You’re not Lander. Kaya ayokong makahalikan ka. Duh!”

Mabilis siya nitong binatawan at napasigaw siya ng muntik na siyang mabuwal sa pagkakatayo.

“Huwag kang magkakamali na makipaghalikan kay Lander.” Anito.

Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit naman? Wala siyang virus, hindi gaya mo na contagious ang virus na dala-dala.”

“Because Lander have a sickness and—”

“And blah, blah, blah! I don’t care. Matanda na si Lander para malaman ang tama sa mali. And about his sickness, I’m sure he can handle himself.”

Matagal siya nitong tinitigan at kapagkuwan ay lumambot ang mukha. “Halika na. Mag-dinner na tayo.”

Kinunutan niya ito ng nuo. “Ewan ko sayo, Lancelott. Bipolar ka ba? Kanina lang galit ka tapos ngayon kalmado ka na naman. Ikaw yata itong may sakit e.”

Nag-iwas ang binata ng tingin. “Wala akong sakit. Let’s go.”

Sumimangot siya. “Bipolar ka nga.”

“I’m not Bipolar.”

“Whatever you say.” Tahimik siyang naglakad sa tabi nito.

Hindi niya alam kung saan sila magtatanghalian. Basta sinundan lang niya si Lancelott kung saan man ito pupunta. Tumigil sila ni Lancelott sa labas ng Friend Restaurant. Napataas ang kilay niya sa pangalan ng Restaurant.

“Friend Restaurant?”

“The service and food here is very nice. It’s also cheap.” Sabi ni Lancelott. “All of the staff here are street children’s who were trained to be waitress or waiter.”

“Woah.” She was amazed. “That’s amazing. May ganoon pala. Bakit alam mo ‘yon?”

He shrugged. “I read it in Google.”

Inirapan niya nito. “Akala ko naman ikaw itong matalino, si Google pala.”

“What? At least nagbasa ako. Ikaw, ano ba ang alam mo?”

Inungusan niya ito at naunang pumasok sa Restaurant. Tama nga si Lancelott, pagkapasok palang niya napansin kaagad niya na may friendly environment ang restaurant. At lahat ng staff ay nakangiti. No wonder Friend Restaurant ang pangalan niyon.

“Table for two.” Wika ni Lancelott na hindi niya napansing nasa tabi na pala niya.

Nang makaupo sila, agad na kinuha ng waiter ang order nila. She ordered Chicken with mango and Lancelott ordered beef steak.

“Nag-date ba kayo ulit ni Lander?” Tanung ni Lancelott na ikinagulat niya.

Bigla-bigla nalang itong nagtatanung ng kung ano-ano. “Oo. Pero mostly sa auto-shop niya lang kami. We talked and laughed and it was amazing.”

“Diba sinabihan na kitang lumayo sa kapatid ko?”

She rolled her eyes. “Lancelott, diba sinabi ko rin sayo na hindi na bata si Lander para mag-alala ka. At saka sinong may sabing sasaktan ko siya?”

Tintigan siya nito ng matiim. “Hindi mo siya sasaktan? Paano ka nakakasigurado?”

“Kasi wala naman akong balak na saktan siya.” Hinawi niya ang ilang buhok na tumabing sa mukha niya. “And yeah I like Lander but … I don’t know.”

Tumango-tango ang binata. “Still, stay away from my brother.”

She huffed. “Ay, ewan. Ang kulit mo e. Iba nalang pag-usapan natin. Naiinis ako sa topic natin e. Baka mabato lang kita ng boots ko.”

Sumandal ito sa likod ng upuan. “Ano naman ang pag-uusapan natin?”

Eizel shrugged her shoulder. “Anything under the sun.”

“Well… the weather is nice.”

Napangiti siya. “Yeah, it is. Ang sarap sigurong pumunta sa Bayon temple ngayon.” Exited na wika niya.

“Bukas pa tayo pupunta kaya huwag kang masyadong excited.”

Inirapan niya ito. “Way to kill my excitement. Ewan ko talaga sayo, Lancelott, ang boring mo.”

“Boring ako?” Anito sabay turo sa sarili.

She nodded. “Yes, you’re boring. Very boring. You kill the fun in everything.”

“Sorry if I kill the fun in everything. I don’t have the reason to be happy.”

Natanga siya sa sinabi nito. “No reason to be happy?” Ulit niya sa sinabi nito. “Bakit naman? Everyone has a reason to be happy. Family. Friends. Love ones. Anong drama mo?”

Humugot ito ng malalim na hininga at tumingin sa labas ng restaurant. “What will you do if one day, you got into accident? Nabuhay ka pero hindi ang mga magulang mo? And then because of that, nagka-brain hemorrhage ka at hinihintay mo nalang na mag-bleeding ka at mamatay. Sa kaalamang yon, magiging masaya ka pa ba?”

Eizel lips parted in shock. Iyon ba ang nangyari rito? “Is that… you?”

Ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Yes, that’s me.”

“Kailan ‘yon nangyari? Okay ka lang ba?” Nag-alala siya para kay Lancelott. Hindi niya alam na may pinagdaanan itong ganoon.

“Two years ago. I was a fast driver. And then out from no where, a truck came crushing towards our car. It was my fault. Kung hindi dahil sa akin buhay pa sana ngayon ang mga magulang ko. Kung nakinig lang ako sa mga magulang ko e di sana buhay pa sila ngayon at sana hindi ko hinihintay ang araw na mamamatay ako.”

Eizel reached for his hand and squeezed it lightly. “Lancelott, hindi mo kasalanan ‘yon.”

“Paanong hindi ko kasalanan? I’m driving the car, it was my fault.” He holds her hand tightly. “Kasalanan ko ‘yon, Eiz. Ako ang pumatay sa kanila.”

“Lancelott…”

Bigla nitong binitawan ang kamay niya. “I don’t need your pity.”

“Pity is normal for human, Lancelott. I pity you because I cared.”

“You cared?” Tumawa ito ng pagak. “Kanina lang sinasabi mo na may gusto mo si Lander kaysa sa akin.”

Natahimik siya sa sinabi nito. Bakit ba kasi sinabi niya iyon. Hindi naman kasi niya alam na may ganoon palang pinagdaanan ang binata. Talagang naniniwala siya sa kasabihang ‘there’s more to see than meet the eye’. Nagpapasalamat siya na dumating na ang order nila.

Namayani ang katahikan sa kanilang dalawa habang kumakain. They’re lost in their own thoughts. Iniisip ni Eizel kung ano ang magadang gawin para kahit papaano maging masaya si Lancelott. Kumunot ang nuo niya ng maalala na ngumiti na ito minsan.

Tiningnan niya si Lancelott na kunot ang nuo habang kumakain. “Lancelott?”

“Yeah?” Anito na hindi manlang siya tinitingnan.

“Nakita na kitang ngumit, kaya naman hindi ako naniniwala na hindi ka masaya. Kahit papaano alam kong masaya ka.”

“Hindi ako masaya.” Anito sa walang buhay na boses.

“Kung ganoon, bakit ngumiti ka nuong nasa ball tayo. Doon sa may terrace. Nuong hingin mo na mag-truce tayo. Ano ba iniisip mo sa panahong ‘yon at ngumiti ka.”

Lancelott frowned like he’s thinking of something, and then slowly, a smile appeared on his lips. His eyes were twinkling like he’s the happiest man alive.

“See!” Eizel grinned. “You smiled! What are you thinking?”

He looked at her and his smile widen. “Oh nothing.”

She pouted. “Come on, Lancelott. Tell me.” Pamimilit niya rito. “Ano ba ang iniisip mo nuong ngumiti ka?”

Nawala ang ngiti sa mga labi nito at matiim na tinitigan siya. “You.”

“Huh?”

“I was thinking of you.”

Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. Siya? Ako ang iniisip niya? Pasimpli niyang hinawakan ang pisngi at marahang tinampal-tampal iyon. Sheyt! Ayaw niyang mag-blush.

“Stop that.” Anito at tinanggal ang kamay niya na nasa pisngi niya. “Mas magba-blush ka lang lalo sa ginagawa mo.”

Natigilan siya sa sinabi nito. “Heh! Hindi ako nagba-blush noh!”

“Yeah, and pigs can fly.” He pinched her cheek. “Ang ganda mo.”

“Ano?”

“Wala.” He smiled again. “Thanks for making me smile.”

Her cheeks heat up again. “N-No problem.”

Lancelott resumed eating while she can’t even look at her food. Nakatitig lang siya sa mukha ng binata. Bakit ba niya hindi napansin ‘yon dati? Every time she looked at Lancelott, her heart beat quicken.

Shit! What the hell is this?

Chapter 7

CHAPTER 7

NAPAIGTAD si Eizel ng may kumatok sa labas ng pintuan ng banyo. Parang may ideya na siya kung sino ang kumakatok. Pinatay niya ang shower at kinuha ang tuwalya para tuyuin ang katawan.

“Ano ba naman, Lancelott, naliligo ako. Puwede maya ka na man abala.” Aniya sa loob ng banyo.

“Eiz, dalawang oras ka na sa loob. Kapag hindi ka pa lumabas diyan iiwan na kita. Mag-isa akong pupunta sa Bayon temple.” Sagot ni Lancelott mula sa labas.

She rolled her eyes. “Bakit ba nagmamadali ka?”

“Nagmamadali? I knocked on your hotel room door at exactly six AM, now, it’s already eight AM and you’re not even finish bathing! For crying out loud, can you please get out of there?!”

Ipinalibot niya ang tuwalya sa katawan niya at binuksan ang pintuan ng banyo. Nakita niya kaagad si Lancelott na hindi maipinta ang mukha.

She put her hands on her waist and looked at Lancelott with annoyed expression on her face. “Lumabas na ako. Happy?”

Ilang segundo itong natigilan at nakatingin lang sa katawan niya na tanging tuwalya lang ang takip. Itinirik niya ang mga mata. Mga lalaki nga naman. Walang pakialam na naglakad siya papunta sa closet at kumuha roon ng pair of underwear. Akmang isusuot na niya ‘yon ng maalala niya na nasa likod pala niya si Lancelott. Hinarap niya ang binata.

“What? Are you gonna watch me put my undies on?” Aniya at dahan-dahang isinuot ang panty niya.

Mabilis na tumalikod si Lancelott na ikinatawa niya. Hay naku! Mabilis niyang sinuot ang bra at panty pagkatapos ay kumuha ng denim short at simpling hanging sleeveless mula sa closet. Pinarisan niya iyon ng isang kulay black na running shoes.

“You can look now.” Aniya.

Humarap sa kanya si Lancelott at pinasadahan siya ng tingin.

“Do I look okay?” Tanung niya rito.

“You look good.” Anito at iniwan siya sa kuwarto niya.

Nagmamadaling sinundan niya ito. “Wait up, Lancelott! Ano ba ang dadalhin ko? Water? Food? Handkerchief? Sanitary napkin? Make up? Dresses? Shoes? Boots? Undies? Lipstick—”

“Ano naman ang tingin mo sa Bayon temple, isang catwalk?” Sansala nito sa iba pa niyang sasabihin.

Sinimangutan niya ito. “What? I’m just asking. Hindi ko alam ang dadalhin ko.”

“Everything you need is in there.” Anito at tinuro ang isang malaking sports bag.

Tinitigan niya ang bag at bumaling kay Lancelott. “Does it have a retouch kit?”

He exhaled loudly. “No. It has food, and things that will help us live and not die in hunger. Because I’m pretty sure we can’t eat a lipstick or make up whatever.”

“Cut the sarcasm.” She pouted. “I was just asking.”

Isinukbit nito ang bag sa balikat at hinawakan ang kamay niya. “Halika na. Ayokong gabihin sa daan.”

Hindi siya nakagalaw at napatingin siya sa magkahawak nilang kamay. Napansin ni Lancelott na nakatingin siya roon.

“Don’t worry, wala akong virus.” He said then intertwined their hands.

Agad na nag-ingay ang puso niya sa ginawa nito pero umakto siyang hindi siya apektado.

“Lancelott, bitawan mo ang kamay ko.” Aniya sa kalmadong boses.

“Ayoko. Halika na.” Hinila siya nito palabas ng hotel room niya.

Pingilan niya ang kamay nito. “Lancelott, hindi pa ako nakakapagsuklay. Hindi pa nga ako nakakapaglagay ng powder sa mukha o kaya naman lipstick—”

He covers her mouth with his hand, silencing her. “Eiz, you’re beautiful even with a messy hair. Kahit nga siguro puno ng grasa iyang buhok mo, maganda ka pa rin. So stop fussing over your looks. You are beautiful in my eyes even without make up on. Kahit pa maging oily iyang pisngi mo, so what? Ikaw pa rin naman si Eiz, ang pinakamaganda, pinakamataray at pinakasarkastikong babae na nakilala ko.”

She gave him a small smile, her cheeks reddening. “Thanks, Lance.”

He smiled back. “You’re welcome, pero may bayad ‘yon.”

She frowned. “Bayad? Anong bayad?”

“Call me Lancelott. I like it better when you call me by my full name.”

She chuckled. “Whatever you say, Lancelott.”

“Lancelott…” He intertwined their hands again. “Sound freaking good to me.”

Umiling-iling nalang siya at hinila ang binata patungo elevator. This is going to be a good day. Makakapunta siya sa Bayon Temple kasama si Lancelott, ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso niya. On second thought, this is going to be a bad day. Sana lang walang mangyaring kakaiba sa templo.

EIZEL exhaled loudly when they reach Siem Reap City. The city is the gate way to Angkor Archeological Park where the Bayon temple and Angkor Wat are located. Excited na siyang makita ang mga nasabing templo.

“So, ahm, saan na tayo?” Tanung niya kay Lancelott na abala sa pagbabasa ng mapa.

Tinupi nito ang mapa at binalingan siya. “Well, obviously we’re in Siem Reap City. We’re three kilometers away from the Angkor Archeologist Park entrance. It’s in the north part of the town, so yeah.”

“Paano ba tayo makakapunta sa Bayon temple?”

“Well, I already purchase an admission pass yesterday after we left the restaurant, I already arrange transportation to the temple and I already bought a guide book. Ang gagawin nalang natin ay hintayin ang sasakyan natin papunta roon. Dito ang napagusapan namin lugar kung saan niya tayo susunduin.”

Wala sa sariling humilig siya sa balikat nito. “Ano ba ang sasakyan natin papunta roon?”

Ilang minuto ang lumipas bago sumagot si Lancelott. “That thing.” Itinuro nito ang papalapit na isang kakaibang sasakyan. Para iyong kalesa pero sa halip na kabayo, isang motorsiklo ang nasa unahan non. “That’s called ‘tuk-tuk’. Yan ang sasakyan natin papunta sa Angkor Park.”

Napangiwi siya ng tumigil ang tuk-tuk sa harapan nila. “Are you sure this is safe?”

Lancelott grinned and carry her bridal style. “Of course, hahayaan ba kitang mapahamak?”

Isinakay siya nito sa tuk-tuk pagkatapos ay ito naman ang sumakay. Pagkatapos ng ilang minuto na pakikipagusap nito sa driver, umalis na sila. Humilig siya sa likod ng upuan at tumingin sa dinadaanan nila. What a beautiful scenery. Kahit mukhang uugod-ugod na ang mga nadadaanan nilang mga gusali, napakaganda pa rin ng mga iyon.

Hindi niya alam kung ilang minuto ang lumipas bago sila nakarating sa Angkor Park. Bago sila makapasok, hinarang sila sa entrance at humingi ang guard ng passes. May ipinakita si Lancelott na parang ticket na may nakasulat na one day pass, nang makita iyon kaagad silang pinapasok.

Nang makapasok ang tuk-tuk na sinasakyan nila, napanganga siya ng makita ang naggagandahang templo. Magkakadikit-dikit ang mga iyon mula sa malayo. Sa unahan ay may makikita kang malapad na parang swimming pool at napapalibutan iyon ng mga puno at mga halaman. Napaka-berde ng kapaligiran at sa unang pagkakataon nakaramdam siya ng kapayapaan na nararamdaman lang niya kapag nakatingin siya sa dagat.

She inhaled the musky smell of the green grass surrounding the whole place.

“It’s beautiful.” She said in amazement.

“Yeah. It is.”

Tiningnan niya ito para makita ang reaksiyon nito pero nahuli niya itong nakatingin sa kanya at nakaharap sa kanya ang camera na nakasabit sa leeg nito.

“Are you talking pictures of me?” Tanong niya.

Lancelott smiled and click the camera. “Yeah.”

She smiled at the camera. “Maganda na ba ang kuha ko?”

He chuckled. “Maganda ka naman kahit saang anggulo.”

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin para itago ang pamumula ng pisngi niya. Sheyte naman! Bakit ba siya nagba-blush? Mas okay pa nuong pangit siya sa paningin nito. Hindi siya namumula.

“Stop here.” Ani ni Lancelott sa driver.

Tumigil ang sinasakyan nila at tinulungan siya ni Lancelott na makababa. Hinayaan niya itong makipagusap ulit sa driver. Siya naman ay nakatingin sa may kalayuang templo. Bakit ba sila tumigil dito? Paano ba sila makakapunta roon sa templo. She wanted to see the temple up close!

“The driver will wait for us.” Wika ni Lancelott ng matapos itong makipag-usap sa driver at nilapitan siya.

“Hindi ba mahal ang bayad kung magpapahintay tayo?” Kunot ang nuong tanong niya.

“It’s fine. Kaysa naman wala tayong masakyan mamaya pag-uwi natin. Mabuti na ‘yon kahit mahal.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Want to see the Angkor Wat and Bayon temple up close?”

She nodded with a big smile on her face. “Yes!”

“Great.”

“Pero paano tayo makakapinta roon? Ang layo pa kaya natin. Bakit mo kasi pinatigil?” Nakasimangot sa sabi niya. “Aabutin tayo ng gabi kung lalakarin natin mula rito hanggang doon.”

Lancelott pointed something behind her. “Well, I was thinking of riding that… or that?”

Sinundan niya ang tinuturo nito. Ganoon na lamang ang saya niya ng makakakita ng isang malaking elepante.

“Wow! Sasakay tayo sa elepante?”

“There’s two ways to tour around the temples. Either Elephant ride or Hot air balloon. Ikaw, anong gusto mo?”

She grinned happily at him. “Both! Can I ride both?” She asked excitedly.

Lancelott chuckled and pulled her towards the elephant ride. “Let’s take this ride first. Then maybe later, Hot air balloon naman ang sakyan natin.”

She was jumping up and down in so much excitement. She’s been to Paris, New York, Las Vegas and many countries that offer more that what Columbia has to offer, pero masasabi niyang mas nag-i-enjoy siya sa bansang ito. Is it because she’s alone in those countries and now she has Lancelott to tour her around? Dahil ba iyon sa lalaki na kahawak-kamay niya ngayon?

Tiningnan niya si Lancelott at nakita niyang nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.

“Why are you staring at me?” Tanung niya rito.

He shrugged. “I’m just looking.”

“Ows? Bakit hindi mo nalang kasi aminin na nagagandahan ka sa akin kaya hindi maalis ang tingin mo sa mukha ko.” Tudyo niya rito.

“You’re so beautiful; I can’t seem to look away.” He said in a very serious voice while looking deep into her eyes.

“Lancelott…”

He smiled at her. “Very beautiful. Wanna ride with me in the elephant ride?” Anito at tumingin sa elepante na nasa harap nila.

She nodded eagerly. “Yes, I would love to!”

Tinulungan siya ni Lancelott na makasakay sa likod ng elepante. Nang makaupo siya sa ginawang upuan sa likod ng elepante, sumakay din ito at tumabi ng upo sa kanya. Hinawakan na naman nito ang kamay niya.

“Mukha yatang feel na feel mo ang kamay ko.” Aniya sa nanunudyong boses.

He turns to her and smiled cheekily. “Ngayon mo lang ako hindi tinarayan kaya lulubos-lubusin ko na. Tomorrow, you’ll be back to being… you. And anyway, I like holding your hand. It feels good.”

Pinisil niya ang kamay nito. “Fine. You can hold my hand all day as long as you keep on smiling.”

“I’m smiling.” Anito na malapad ang ngiti sa mga labi.

Eizel chuckled. “Yes, you are. And it’s an amazing sight. Gusto ko palagi kang nakangiti. Nababawasan ang evil mong aura.”

Humalkhak ito at pabirong kinurot ang ilong niya. “Ang ganda mo.”

“Alam ko.” Puno ng pagmamalaki ang boses niya. Alam naman kasi niya na maganda siya. No need to complement her.

“And you’re so full of yourself.”

“Wala akong alam diyan sa sinasabi mo.” Pagkakaila niya.

Tumawa ito ng malakas at inakbayan siya. “I’m happy. For once, I’m actually happy, genuine happy.”

Tiningnan niya ang mukha ng binata at natama ang mga mata nila. “Yeah, me too.”

“Good.”

Nag-umpisa ng maglakad ang elepante. Kahit mabagal ang paglalakad, malalaki naman ang hakbang nito. Medyo natagalan din bago sila nakarating sa Angkor Wat. Nakanganga siya habang nakatingin sa napakagandang tanawin ng Angkot Wat. Iyon ang ganda na mahirap ipaliwanag. Nakanganga lang siya habang nakatingin doon. Hindi siya makapaniwala na kaya itong gawin ng mga tao, pero nagawa na. It’s very amazing ang stunning work of art.

“Maganda diba?”

“I hope you’re not looking at me this time.” Tudyo niya habang nakatingin pa rin sa Angkor Wat.

“Nah. Not this time. I’m taking pictures.”

Mabilis na binitawan niya ang kamay nito. Kunot na kunot ang nuong tiningnan siya nito.

“Why did you let go of my hand?” Tanong nito.

“Because you’re taking pictures. Ayokong maka-isturbo sayo.” Sagot niya.

Hinawakan nitong muli ang kamay niya. “I can take a picture with only one hand. At saka mas importante ang kamay mo kaysa sa mga larawan.”

She smiled and hides her face. “Is that so?”

“Yeah.” He put his arms over her shoulder. “Sana pati bukas truce pa rin tayo.”

She chuckled. “Sa tingin mo, magus-survive tayong dalawa na walang sagutan o away na nangyayari? Parang hindi yata.”

Inakbayan siya ni Lancelott at hinawi ang ilang hibla ng buhok niya na nakatabing sa mukha niya.

“I’ll worry about our truce tomorrow. Sana nga truce pa tayo hanggang bukas at sa makalawa.”

“Sana nga.” Aniya at humilig sa dibdib nito.

Chapter 8

CHAPTER 8

NAKAHILIG si Eizel sa dibdib ni Lancelott habang nililibot ng sinasakyan nilang elepante ang buong templo. Lancelott would take pictures here and there then he would return on her side. Masaya si Eizel habang nakasakay sa likod ng elepante. Tawa siya ng tawa at panay ang tudyo niya kay Lancelott na sa kasamaang palad ay hindi naaasar sa kanya.

“That was fun.” Aniya ng makababa na sila sa likod ng elepante.

“Yeah.” Sang ayon ng binata sa kanya at inakbayan siya. “Gusto mo nang sumakay sa Hot Air Balloon?”

“Ahm…” Tiningala niya si Haring araw. “Mamaya na. Ang init pa e.”

“Okay.” Iginiya siya nito paupo sa ilalim nang isang mayabong ng puno. “Dito muna tayo. Maya na tayo sumakay sa Hot Air Balloon kapag gusto mo na.”

She smiled at him. “Thanks.”

“You’re welcome.” Anito at umupo sa damuhan.

Ginaya niya ang ginawa nito at umupo sa tabi nito. Humilig siya sa braso nito. She was enjoying the scenery when a sandwich appeared in front of her face.

“Kumain ka muna. Hindi ka nag-breakfast diba?” Wika ni Lancelott at tinanggal ang table napkin na nakabalot sa sandwich at iniumang iyon sa bibig niya. “Bite. Masarap yan.”

“You sure?” She opened her mouth and took a big bite. After a second of chewing, she swallowed it. “Masarap nga. Saan mo yan binili?”

Lancelott smiled. “I made this. Thanks god you like it. Akala ko hindi papasa sa panlasa mo.”

She frowned. “Bakit naman hindi ko magugustuhan? Ang sarap kaya.”

“Well, you have a royal taste bud.”

“Royal taste bud? Bakit mo naman nasabi ‘yon?”

“Just a hunch. The way you talk and act, it’s like you’re saying ‘I’m a royalty and I only eat royalty kind of food’. Ganoon ang tingin ko sayo. Masyado kang mataas para abutin ng isang katulad ko na simpli lang.”

Natatawa na umiling-iling siya. “Ako? Mataas? Mas mataas ka pa nga sa akin e.” Aniya na dinaan sa biro ang sinabi nito. Hindi niya akalain na ganoon pala ang tingin sa kanya ng ibang tao. Mapagmalaki ba siya? Parang hindi naman.

“Eiz, ikaw na yata ang perpektong babae na nakikilala ko.”

She snorted. “Perfect? I’m far from being perfect.”

“Yes, you are and it’s intimidating. In looks department, you are very perfect. You’re very beautiful and stunning to look at. You can buy whatever you want. You can do whatever you want. You’re amazing. You’re fun to be with even when were arguing and stuff. You’re just so amazing and perfe—”

“I’m not perfect, Lancelott. I have so many imperfections. Especially in attitude department. My attitude is not that great.”

Lancelott playfully pinched her nose. “You’re attitude is the reason why I like, Eiz.”

Natigilan siya sa sinabi nito. “What? You like me?”

“Yeah. Bakit naman kita hindi magugustuhan. You’re a great friend.”

Nag-iwas siya ng tingin sa sinabi nito. Great friend? Bakit ba parang bumigat ang dibdib niya ng sabihin ‘yon ni Lancelott? Maganda naman ang salitang friend, dapat nga maging masaya siya at kaibigan ang tingin nito sa kanya.

“Yeah. You’re a good friend too.” Aniya na hindi tumitingin sa binata.

Inilahad nito ang kamay. “Truce forever? No arguments? Friends? Kung magiging kayo ni Lander dapat magkaayos na tayo.”

Tinitigan niya ang nakalahad nitong kamay. Mabigat man sa dibdib na maging kaibigan lang nito, tinanggap niya ang friendship na inio-offer nito.

“Friends.” She looked at him. “I’ll be a good friend. Promise. At kung magiging kami man ni Lander, nangangako ako na aalagaan ko siya.” Marahan niyang inagaw ang kamay at tumingin sa malayo. 

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Bakit ba naninikip ang dibdib niya? Hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit ba ito nangyayari sa kanya? Mula ngayon, magkaibigan na sila ni Lancelott, wala namang masama roon. Dapat nga magsaya siya, pero bakit masakit sa dibdib? Huminga siya ng malalim at tumayo.

“Gusto ko ng umuwi.” Aniya at naglakad patungo sa tuk-tuk na sinakyan nila kanina.

“Eiz!” Pinigilan siya ni Lancelott sa braso. “Bakit uuwi ka na? May nasabi ba akong hindi maganda? Ahm, am I not a good company?”

Umiling siya. “It’s not that. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko ng kaunti. I’ll be fine. Kung gusto mo, maiwan ka nalang dito. Mauuna na ako. I can go back on my own. Don’t worry about me—”

“We’re friends. May karapatan akong mag-alala sayo.” Putol nito sa iba pa niyang sasabihin. “Uuwi na tayo. But before that, sumakay muna tayo sa hot air balloon. Diba, gusto mo ‘yon?”

Marahan siyang tumango.

“Good. Come on. Sasakay tayo sa hot air balloon.” Anito at hinila siya patungo sa balloon.

Pagkalipas ng ilang minuto na pakikipagusap nito sa nagko-kontrol sa balloon, tinulungan siya nitong makasakay.

“We’ll be in the air for thirty minutes.” Anito ng makasakay na. “Just the two of us and the Hot air balloon controller.”

“Okay.”

“Hey, cheer up. Magugustuhan mo ‘to.”

“Yeah, okay.”

Niyakap siya nito. “Come on, Eiz. Diba gusto mo ‘to?”

Nanigas siya sa kinatatayuan ng yakapin siya nito. Mabilis niyang binaklas ang braso nito na nakapalibot sa katawan niya. “Don’t hug me. Hindi yan ginagawa ng magkaibigan.”

Dumistansiya siya kay Lancelott at humawak sa gilid ng parang basket na sinasakyan nila. Naramdaman niyang dahan-dahang tumataas ang hot air balloon. Mas lalo pang humigpit ang hawak niya sa gilid ng basket ng gumiwang iyon.

“Oh god…” She whispered.

“Eiz, come here.” Boses iyon ni Lancelott.

“No. I can take care of myself.”

“Don’t be stubborn. Come here. Nakikita kong natatakot ka.”

“Hindi ako natatakot!” Sigaw niya.

Natahimik ang binata at hindi na nagsalita pang muli. Nasa kalagitnaan siya ng pagpapakalma sa sarili nang may yumakap mula sa likuran niya. Mabilis niyang hinarap ang nasa likuran at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya ng biglang sakupin ni Lancelott ang mga labi niya. Para siyang tinuhog sa kinatatayuan ng maramdaman niya ang labi nito sa mga labi niya. Parang may nagrarambulang paru-paru sa loob ng tiyan niya ng gumalaw ang labi nito. Wala siyang lakas na itulak o pigilan ang binata dahil parang natuturete ang utak niya sa halik nito.

When Lancelott pulled away, he looked at her. “Friends don’t kiss either.”

Parang may sariling isip ang katawan niya na tinalikuran si Lancelott. “W-Why? Why did you kiss me? Bakit mo ‘yon ginawa?”

Ilang Segundo ang lumipas bago ito sumagot. “We’re better off friends, Eiz. That kiss didn’t mean anything. It was just a simple meeting of the lips.”

Parang may kumurot sa puso niya dahil sa sinabi nito pero nunkang ipapahalata niya sa apektado siya. “Yeah, we’re better off friends. So don’t kiss me again, Lancelott. Kasi kapag hinalikan mo pa ako ulit, makakatanggap ka ng mag-asawang sampal mula sakin.”

Inabala niya ang sarili sa pagtingin sa baba. Kitang-kita niya ang kabuunan ng templo mula rito sa taas. Napakagandang tingnan niyon. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras, namalayan nalang niya, pababa na ang hot air balloon na sinasakyan nila.

Pagkalapag, agad siyang naglakad papunta sa tuk-tuk na maghahatid sa kanila pauwi. Pagdating doon, agad siyang sumakay at hinintay si Lancelott. Nang makasakay ang binata, agad na umalis ang tuk-tuk . Ipinikit niya ang mga mata it ihinilig ang katawan sa likod ng upuan. Gusto niyang tumawa ng malakas, kanina lang masaya sila ni Lancelott habang bumabiyahe patungo rito, ngayon naman na pauwi sila, hindi sila nagkikibuan. Ang buhay nga naman.

“I’m sorry, Eiz. I’m sorry I kiss you.” Narinig niyang sabi ni Lancelott.

He’s sorry huh? Hindi siya sumagot at patuloy lang na ipinikit ang mga mata niya. wala siyang pakialam sa mga sasabihin ni Lancelott. Magulo pa ngayon ang isipan niya. Hindi niya alam ang dapat isagot sa sinabi nito kaya naman nanahimik nalang siya.

Nang makarating sila sa hotel na inuukupa nila, mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tinungo ang hotel room niya. Mabilis niyang isinira ang pinto at naglakad papunta sa kuwarto niya at inilagay sa maleta ang mga gamit niya.

Kinabukasan… umuwi siya sa Pilipinas.

NAGMAMANEHO si Eizel patungo sa auto repair shop ni Lander dahil gusto niya itong makita. Pagdating doon, naabutan niya ang binata na may inaayos na sasakyan. Umupo siya sa visitor’s area at hinintay na matapos ito sa ginagawa.

Huminga siya ng malalim ng mapansing matatagalan pa si Lander. Kahit ang mga tauhan nito ay abala rin sa pagaayos ng iba’t-ibang sasakyan. Pagkalipas ng ilang minuto natapos na rin sa ginagawa si Lander.

“Lander!” Tawag niya sa binata na nakatalikod.

Humarap ang binata at ngumiti ng makita siya. Naglakad ito palapit sa kanya.

“Hey. Dumating ka na pala. Bakit hindi mo sinabi sa akin para naman nasundo kita sa Airport.”

“Nah. I’m good.”

Umupo ito sa tabi niya habang pinupunasan ang kamay na puno ng grasa. “Anong problema mo? Bakit parang ang lungkot ng aura mo ngayon?”

“Hindi ako malungkot.”

“Ayaw mo sa malungkot? Sige, sad nalang.”

Napangiti siya sa sinabi nito. “I’m not sad either. I’m not just in the mood.”

“Kunga ganoon bakit nandito ka?”

“Gusto kitang makita.” Aniya na nakatingin sa mukha nito.

Lander chuckled. “Ako ba ang gusto mong makita o si Lancelott?”

Nalukot ang mukha niya. “Bakit naman napasok sa usapan natin ang kakambal mong walang kwenta?”

Umiling-iling si Lander. “Walang kwenta, huh? Ano naman ba ang ginawa niya para tawagin mo siyang walang kuwenta?”

Nag-iwas siya ng tingin. “Wala. Wala naman talaga siyang kuwenta noon pa.”

“Okay.” Wika ni Lander na nakangisi. “Pero hindi pa rin ako naniniwala sa sinabi mo na gusto mo akong makita.”

Tiningnan niya ito ng masama. “Totoo nga. Gusto kitang makita.”

“Ows? Hindi kaya si Lancelott ang hinahanap mo at dahil wala siya ngayon at magkapareho kame ng itsura kaya ako nalang ang pinuntahan mo.”

“Magkamukha nga kayo ni Lancelott, pero alam ko namang hindi ikaw siya. I can differentiate the two of you.”

Lander nodded earnestly. “So, paano mo naman kami nadi-differentiate?”

“Well… kapag ikaw ang kasama ko, I’m at ease. I’m relax. Kapag si Lancelott naman, parang palagi akong kinakapos ng hininga at para akong aatakihin sa puso sa sobrang bilis ng tibok niyon.”

Biglang humalakhak si Lander na ikinagulat niya.

“Oh-oh. Someone is in love.” Anito sa nanunudyong boses.

“Excuse me?! I am not in love. And I’m definitely not in love with your twin brother.”

“Wala akong sinabing in-love ka sa kapatid ko. Ikaw ang nagsabi ‘non.” Lander bumped his shoulder against hers. “Alam ko naman na hindi ka aamin e. But I know. I can see it. I can feel it. In-love ka. In-love ka sa kakambal ko.”

Inirapan niya ito at tumayo mula sa pagkakaupo. “Hmp! Diyan ka na nga. Wala kang kuwentang kausap.”

Iniwan niya si Lander na nakangisi at tinungo ang sasakyan niya. Natigilan siya ng makita si Lancelott sa tabi ng kotse niya. Kailan pa ito dumating sa bansa?

“Lancelott…”

Mabilis na lumingon sa direksiyon niya ang binata. “Eiz!” Malalaki ang hakbang na nilapitan siya nito. “Bakit ka umalis sa Cambodia na hindi man lang nagsasabi sa akin?”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit? Ano ba kita?”

“Burn, brother. Burn!” Boses iyon ni Lander.

“Shut up, Lander!” Asik ni Lancelott sa kakambal.

Tiningnan niya ng masama si Lander at naglakad patungo sa nakaparada niyang sasakyan.

“Zel, dinner tomorrow night?” Anang boses ni Lander.

Napalingon siya sa sinabi nito. Nakita niya kung paano nagdilim ang mukha ni Lancelott. Now what? Halata sa mukha nito na nagseselos ito. Nagseselos nga ba ito? Sa tingin niya ‘oo’, pero malay niya kung ayaw nito na makipag-date ang kapatid nito sa kanya.

Tumingin siya kay Lander na may misteryosong ngiti sa mga labi. “Sure. Pick me up at eight PM.”

“Okay. I will. Wear something comfortable. Like denim short and plain blouse.”

Na-curious siya sa pinapasuot nito sa kanya. “Aren’t you taking me to dinner?”

Lander grinned. “Yeah. We will have dinner in my place.” He wiggled his eyebrow. “I’ll cook.”

That made her smile. “Sure. I’ll like that.”

“Great. I’ll text you tomorrow. Kung gusto mo, tulungan mo akong magluto.”

She grinned. “Talaga? Puwede akong tumulong?”

Lander nodded then turn to his brother. “You can come too.”

Masama ang ipinukol nitong tingin kay Lander. “I don’t want to be a third wheel.”

“It’s cool. Right, Zel?” Wika ni Lander na nakatingin sa kanya na parang hinihingi ang approval niya.

She shrugged. “Okay lang sa akin.”

“Great.” Lander clasped his hand gleefully. “Tomorrow then.”

Tumango siya at pumasok sa kotse niya. Pinaharurot niya ang sasakyan palayo sa auto repair shop ni Lander. Palayo kay Lancelott na madilim ang mukha habang nakatingin sa kotse niya.

If looks could kill…

Chapter 9

CHAPTER 9

ALAS-SINGKO palang ng hapon, sinundo na siya ni Lander sa bahay niya. Nagpapasalamat siya at wala doon ang mga magulang niya. Kung naroon ang mga ito, sigurado siyang dadaan si Lander sa isang seryosong question and answer portion.

Nang makarating sila sa bahay nito, humanga siya sa linis ng paligid. Parang babae ang nakatira sa sobrang ayos at linis ng condo unit nito. Hindi mo aakalain na lalaki ang nagmamay-ari ‘non.

“Very clean.” Aniya. “May mga katulong ka ba?”

“Nope. Ako ang naglilinis. Ayoko kasi ng makalat at ayokong mag hire ng katulong kasi baka mapagalitan ko lang kapag hindi nalinis ng tama ang unit ko.” Paliwanag nito.

Eizel playfully smiled at Lander. “So, may cleaning disorder ka?”

He shrugged his shoulder. “I don’t know. Maybe. Basta ayoko ng makalat.”

Napakagat labi siya. “Makalat ako lalo na sa mga damit ko. Umaasa ako palagi sa mga katulong sa bahay.”

Marahang tumawa si Lander. “Pareho kayo ni Lancelott. Bagay kayong dalawa.”

Itinirik niya ang mga mata. “Bakit na naman pumasok yang kakambal mo sa usapan natin? Tantanan mo nga ako Lander.”

“Okay…okay…” Natatawang wika nito. “Wala na akong sasabihin. But we both know the truth.”

Inirapan niya ito. “Whatever.”

Ngumisi si Lander at iginiya siya patungo sa kusina kung saan naabutan nila si Lancelott na niri-raid ang refrigerator ni Lander.

Tumikhim si Lander. “Aherm, bro.”

Mabilis na nilingon sila ni Lancelott na may hawak-hawak na platito na may lamang isang slice na strawberry cake. “Oh.” Tumingin ito sa kanya. “Hey.”

“Hi.” Aniya at nag-iwas ng tingin.

“Kumusta?” Tanong ni Lancelott.

“I’m fine.” Sagot niya.

“Okay.” Lander clasped his hands. “Let’s cook.”

Tumango siya at tinungo ang lababo at naghugas ng kamay. Tiningnan niya si Lander. “Anong gagawin ko? Should I cut the onion or the garlic?”

Kumunot ang nuo ni Lander at binuksan ang cupboard. Tiningnan nito ang loob niyon pagkatapos ay bumaling sa kanila. “Ahm… I think I’m out of ingredients.” Isinara nito ang cupboard. “I’ll just go to the grocery and buy some ingredients. Babalik ako kaagad.” 

“Wait!” Pigil niya kay Lander. “Sasama ako.”

Lander stops walking and turns to her. “Nah. Dito ka nalang. Samahan mo si Lancelott. Baka bigla yang magbigti kapag sumama ka sa akin.”

Kumunot ang nuo niya. “Ano?” Nilingon niya si Lancelott na walang imik na nakatingin sa kanila ni Lander. “Bakit ka naman magbibigti?”

“Hindi ako magbibigti. Go with him.” Sagot ni Lancelott sa walang emosyong boses.

Ibinalik niya ang tingin kay Lander. “Please, can I go with you?” Pakiusap niya kay Lander. Ayaw niyang makasama sa isang lugar si Lancelott. Baka ano na naman ang maramdaman niya.

Lander gives her a sorry smile. “Sorry, Zel. Just stay here.”

Nagmamadali si Lander na umalis ng condo unit nito. Gusto niyang habulin ito at sumama pero ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano si Lancelott.

Namayani ang katahimikan sa buong unit. Kagat-labing humarap siya kay Lancelott na nahuli niyang nakatingin ito sa kanya.

“Let’s watch TV?” She suggested.

Lancelott shrugged. “Sure.”

He walked passed her and went to the living room. Sinundan niya ito at naabutan itong binubuksan ang TV. Umupo siya sa tabi nito.

“What do you want to watch?” Tanong ni Lancelott sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. “CI, CSI or maybe Hannibal?”

He chuckled. “Parang lahat yata ng gusto mong panourin ay may patayan.”

“Ano naman ngayon? Maganda kaya ‘yon. O kung gusto mo, let’s watch America’s next top model or the fashion world. You choose.”

Umiling-iling si Lancelott. “Okay na sa akin ang may patayan kaysa naman sa mga fashion-fashion na yan.”

Binalingan niya ito. “Ayaw mo sa fashion samantalang ikaw ang photographer ng Fashion Magazine.”

Tumingin sa kanya si Lancelott. “I did it to meet the famous model.”

Napaawang siya. “Ano?”

“Tinanggap ko ang project na ‘yon para makilala ka.” Anito na titig na titig sa kanya. “And then I met you and I was a bit disappointed.”

She grimaced. “Bakit ka naman na-disappoint?”

“I picture you as a beautiful woman. And when I saw you, you’re wow— I was awed. I was disappointed with myself. ‘Yong nai-imagine ko kasi na Eizel San Diego, iba sa nakita ko. My imagination insulted you. Ibang-iba ka.”

“So na-disappoint ka dahil mas maganda ako sa personal?”

Tumango ito. “I wanted to see you and I did. Hindi ko matanggap na mali ang imagination ko sayo. Kaya naman tinawag kitang pangit. But you are far from ugly. You’re like a swan in a shining lake. Just so freaking stunning.”

Namula siya sa papuri nito. “I’ll take the swan thing as a complement.”

“It is a complement.” Lumapit ng ilang dangkal ang mukha nito sa mukha niya.

She looked deep into his eyes. “I like your eyes.”

His eyes twinkled. “Yeah? You do?”

Marahan siyang tumango. “Yeah, I do.”

Lumapit na naman ang mukha nito sa mukha niya. “Thanks, Eiz.”

She smiled. “Welcome.”

Isang dangkal nalang ang layo ng mga labi nila sa isa’t-isa. Eizel looked at his lips and swallowed. Bakit ba gusto niyang halikan si Lancelott. Ano ba ang nangyayari sa kanya? This is not her! What’s happening? Kumurap-kurap siya at lumayo sa binata. Pero bago pa siya makalayo rito ng tuluyan, tinawid ni Lancelott ang distansiya ng mga labi nila at hinalikan siya.

Nang maramdaman niya ang labi nito sa labi niya, agad niyang tinugon ang halik nito. She matched his every kiss… his every move… Their tongue battled in sync. Parang may nagliliparang paru-paru sa tiyan niya habang naghahalikan sila ni Lancelott. Ipinalibot niya ang braso sa leeg ng binata at hinalikan ito ng buong puso.

When they pulled away, they were both huffing and catching for breath. Nakapalibot pa rin ang braso niya sa leeg nito.

“Lancelott…”

“Eiz…” 

He dropped three sweet kisses on her lips and pulled away, smiling happily.

“Why did you kiss me, Lancelott?”

He shrugged his shoulder. “I’d wanted to kiss you ever since yesterday.”

“Why?”

“I miss you, that’s why.”

“Hindi kita maintindihan.” Aniya na kunot na kunot ang nuo.

He put his forehead against her. “I miss you. Nang umalis ka ng walang paalam, nag alala ako sayo alam mo ba. Kaya naman umuwi ako kahit may gagawin pa sana ako sa Cambodia. I wanted to know if you got home safely.”

“Umuwi ka para sa akin?” Hindi makapaniwalang tanong niya. “Ahm. Thanks. You’re a good friend.”

Nawala ang ngiti sa mga labi nito. “Good friend, huh?”

She nodded. “Oo. Kasi nag-alala ka para sakin. It’s sweet and I really appreciate it. Pero hindi mo namang kailangan umuwi para lang sa akin, Lancelott. I can take care of myself.”

“Hindi mo ako mapipigilang hindi mag-alala sayo. I— ahm… I care for you, Eiz. I care about you more than I should.”

“Thanks for caring.” Aniya at nag-iwas ng tingin.

Lancelott took a deep breath. “If you don’t like me back, just tell me. You’re brushing me off, Eiz. Tell me straight. I can take it.”

Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa binata. “What? Ano ba iyang pinagsasasabi mo? Of course I like you.”

He scoffed. “Yeah. You like me as a friend.” 

Eizel rolled her eyes. “Really? Is that what you think?”

“Yeah.”

Tumawa siya ng mapakla. “I don’t know if I’ll laugh or be mad at you. Lancelott, sa tingin mo ba hahayaan kitang halikan ako ulit kung kaibigan lang ang tingin ko sayo. I like you dammit. I like you as a man. I like you…a lot.”

Hindi gumalaw sa kinauupuan si Lancelott at nakatingin lang sa kanya. Ilang minuto rin ang lumipas bago ito nakabawi.

“W-What? You like me as a man?”

Itinirik niya ang mga mata. “What do you think? Sana sinampal na kita dahil sa kapangahasan mo. Pero hindi ko ginawa kasi nagustuhan ko ang halik mo.”

Paunti-unting ngumiti ito at napuno ng kasayahan ang mukha. “Talaga?”

“Oo nga.”

Biglang nawala ang ngiti nito at napalitan ng kunot nitong nuo. “Paano si Lander?”

“Anong paano siya? Lancelott, he set us up. Hindi mo ba napansin ‘yon. He had all the time in the world to buy some groceries pero bakit ngayon lang. At saka palagi niya akong pini-pair up sayo. Hindi mo lang alam.”

He nodded earnestly. “That’s good. Ayokong masaktan siya.”

She chuckled. “Hindi masasaktan si Lander. Baliw ‘yon e.”

“Hey!” Anang boses ni Lander. “Dapat kayo magpasalamat sa akin.”

Mabilis na lumingon sila ni Lancelott sa pinanggagalingan ng boses ni Lander. Nakita nilang nakatayo ito malapit sa pintuan at may dala itong tatlong box ng pizza at dalawang one-point-five na coke.

“Ano yang dala mo?” Kunot ang nuong tanong ni Lancelott sa kakambal.

Itinaas ni Lander ang dala-dala. “Ito ba? Dinner. Tinatamad akong magluto.”

“Pero sabi mo—”

Pinutol nito ang iba pang sasabihin ni Lancelott. “I set you up. Para kayong mga ewan e. Gusto naman ang isa’t-isa. Bakit niyo ba kasi pinapahirapan ang sarili niyo ha? Ikaw…” Tinuro siya nito. “Alam ko naman na gusto mo ang kakambal ko ever since. At ikaw naman.” Tinuro nito si Lancelott. “It’s time to take risk. Zel is worth risking for, bro. Kaya mo yan. Ikaw pa. Huwag mong hayaang kontolin niyang utak mo ang lahat ng galaw mo. Sometimes, you have to use your heart too.”

Naglakad si Lander palapit sa sala at inilapag ang dala nito sa center table. “Sige, mag dinner na kayong dalawa. Aalis muna ako. May importante lang akong pupuntahan.” He grinned at them. “Walang tao ang bahay ko maliban sa inyong dalawa. Gawin niyo lahat ng gusto niyo basta pagkatapos, please kang, linisin niyo ang kalat niyo.” Pagkatapos nitong sabihin iyon, naglakad ito palabas ng unit at iniwan silang dalawa.

Si Lancelott ang unang bumasag sa katahimikan. “So, ahm… is this a date?”

Tiningnan niya ang binata. “Ano ba ang gusto mo?”

“Well, I want to take you out in a very expensive restaurant, but, I guess, this will do. Pizza and coke. Okay lang ba?”

Nakangiting kinuha niya ang pizza at binuksan ang box. Naglaway siya ng maamoy ang mabangong aroma ng pizza.

“Gosh! I so love pizza!” Aniya at kumuha ng isang slice at kinagat iyon. “Hmm. Ang sarap.”

Narinig niyang mahinang tumawa si Lancelott. “Akala ko ba ang mag model dapat puro vegetable lang ang kinakain at lagging nagda-diet.”

“Gusto mo ba akong patayin?” Kumagat ulit siya ng pizza. “I hate vegetable; I’m a meat kind of woman. Sexy lang ako kasi naggi-gym ako at hindi ko pinapabayaan ang sarili ko.”

He encircled his arms around her waist and pulled her closer to him. “Ang sexy nga.”

Puno ng pagmamalaki na tumingin siya kay Lancelott. “I know, right? Ang sexy ko talaga. Walang panama sa akin ang kumakain ng vegetables.”

“Ang hangin mo talaga.” Komento ni Lancelott.

Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Anong sinabi mo?”

“Ang sabi ko, ang ganda mo.”

She instantly smiled. “Good. Akala ko kung ano na ang sinabi mo. Ayaw mo naman yatang bawiin ko ang mga sinabi ko kanina. Malay mo, nagising na pala ako at hindi na kita gusto.”

Ito naman ang tumingin sa kanya ng masama. “Really? Gagamitin mo talaga sa akin iyan? Eiz, naman. Paano nalang kung may nasabi akong offensive sayo. You know me, walang preno itong bibig ko kapag gusto kong ilabas ang opinion ko.”

Ngumisi siya. “Then you better keep your opinion to yourself.”

He sighed. “Eiz naman e!”

“What?”

“I can’t keep my opinion to myself. Hindi ako ganoon. I can’t change who I am—”

“You’re actually considering changing who you are?” She asked, frowning. “Lancelott, binibiro lang naman kita.” Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil iyon. “I like you as you. Wala akong babaguhin sayo kahit isang katiting. I like you as you are, Lancelott.”

“Really? Kahit pa offensive ako magsalita minsan, gusto mo pa rin ako?”

Tumango siya. “Oo naman. Gustong-gusto kita, Lancelott. Gustong-gusto.”

Lancelott smiled at her and captured her lips then pulled away. “I like you so much, Eiz.”

She smiled back. “Alam ko namang gusto mo ako. Bakit naman hindi mo ako magugustuhan? Sa ganda kong ito? I’m just amazing and—”

“Okay. Stop. Baka bagyuhin tayo sa kahanginan mo.”

Napasimangot siya. “Ang sama mo talaga.”

Lancelott kissed her on the lips. “Hindi ako masama. Nagsasabi lang ako ng totoo.” He kissed her again. “You taste like pizza.”

She grinned and giggled. “Malamang. Kakakain ko lang ng pizza.”

Hinalikan siya ulit nito at pinahiga sa sofa habang ito ay nakakubabaw sa kanya.

“Want to be my girlfriend?” He asked her.

She chuckled and encircled her arms around his neck. “Sure. I want to be your girlfriend. Kailan ba ako magsisimula maging girlfriend mo?”

“Now. Right now.”

Their lips met and they kissed like there’s no tomorrow.

Chapter 10

CHAPTER 10

MAGKAHAWAK kamay si Lancelott at Eizel habang naglalakad sa Mall. Gustong mag-shopping ni Eizel at sinamahan naman siya ni Lancelott. Ayaw niyang sumama ito baka ma-bored lang ito, pero mapilit talaga ang binata na samahan siya.

“Anong bibilhin mo?” Tanong sa kanya ni Lancelott.

Tumingin siya rito at nagkibit-balikat. “I have no specific dress to buy. Basta kung ano ang magustuhan ko. I can shop for a whole day. Pero ikaw kaya mo ba? Men hate shopping, Lancelott, kaya nga ayokong sumama ka sa akin.”

Tinitiga siya nito. “Eiz, if this is what you like to do then sasamahan kita kahit ma bored pa ako. I’m your boyfriend.”

Nginitian niya ito. “Thanks, boyfriend.”

He smiled back. “Anytime, girlfriend.”

She chuckled and pulled him to a boutique. Agad na ipinalibot niya ang paningin para tingnan kung ano ang mga paninda. Napangiti siya ng makakita ng magandang bag. Kulay itim iyon at napakaganda sa paningin niya. Naglakad siya patungo sa estante kung saan naroon ang Bag habang hila-hila pa rin si Lancelott.

“This is beautiful.” Aniya.

“Wanna buy it?” Tanong sa kanya ni Lancelott sabay akbay sa kanya.

Tinitigan niya ang bag habang nag-iisip kung bibilhin o hindi. “Ahm… I don’t know.”

“Bakit naman? Kasasabi mo palang na maganda ang bag.”

“Yeah, sinabi ko nga. But something is stopping me from buying it.”

“Ano naman?”

She shrugged. “Hindi ko alam.” Tumalikod siya sa bag. “Ayoko nang bilhin.”

Nakita niya napailing-iling si Lancelott.

“Ganito ka ba mag-shopping? Lalapitan kasi nagandahan ka tapos hindi bibilhin?” Naguguluhang tanong nito na kunot na kunot ang nuo.

“What? Ganoon kaming mga babae. Deal with it.” Aniya at hinila na naman ito sa isa pang estante na may iba’t-ibang klaseng bags. “Nice bags.”

“Nice tapos hindi bibilhin.” Komento ni Lancelott.

Tiningnan niya ito ng masama. “Hindi ka nalang sana sumama sa akin.”

Huminga ng malalim si Lancelott at niyakap siya mula sa likod. “Sorry na. Hindi ko lang napigilang magkomento. This is my first time shopping with a woman.”

Hindi siya makapaniwalang tumingin dito. “Seriously?”

Tumango-tango ito. “Yeah.”

“How about your mom? Hindi mo ba siya sinamahang mag-shopping?”

Biglang bumakas ang lungkot sa mukha nito. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa tanong niya. Kahit kailan napaka insensitive talaga niya.

Niyakap niya ito. “Sorry, Lancelott. I shouldn’t have mentioned her.”

He hugged her back. “Its okay, Eiz.”

“No it’s not and I’m very sorry.”

He kissed her forehead. “Forgiven. Kalimutan mo na yon.”

“Okay.” She pulled away and looked at Lancelott. “Thanks for accompanying me by the way.”

“You’re very much welcome. At saka gusto naman talaga kitang samahan. I want to be with you—”

“Lance?” Anang boses sa likod nila.

Mabilis silang tumingin ni Lancelott sa pinaggalingan ng boses. Kumunot ang nuo niya ng maalala kung sino ang nasa harap nila. Ito yong babaeng kasama ni Lancelott doon sa restaurant kung saan sila kumain ni Lander. Sino ba ang babaeng ‘to?

“Holly. What are you doing here?” Kunot ang nuong tanong dito ni Lancelott.

“Oh, just shopping.” Nakangiting sagot nito. “How about you?”

Lancelott pulled her closer. “Sinasamahan ko lang ang girlfriend ko mag-shopping.”

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Holly ng marinig ang sinabi ni Lancelott at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nainsulto siya sa klase ng tingin nito kaya ibinalik niya ang tingin nito sa kanya. Pinasahan din niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa at sinigurado niyang makikita nito sa mga mata niya ang pagkadisguto niya.

“Girlfriend mo siya?” Tanong nito kay Lancelott na hindi tinatanggal ang mata sa kanya. Puno ng selos ang boses nito.

“Yes, I’m his girlfriend.” Inunahan niyang makasagot si Lancelott. “Is there something wrong with that?” She asked in a polite voice.

Holly smiled fakely at her. “No, not really. Hindi lang kasi ang mga katulad mo ang tipo niyang babae.”

Okay. I’m freaking insulted!

“Is that so?” Nakataas ang kilay na tanong niya. “How did you know that I’m not his kind of girl?”

Holly giggled irritably while smiling flirty at Lancelott. “I would know. I’m his ex girlfriend.”

“Oh.” She said in a haughty voice. “Well, people change. And in Lancelott case, he evolved. Mukhang hindi na ‘yong mga katulad mo ang tipo niya. It’s been what, Lancelott? Ilang taon na ba mula ng maghiwalay kayo?” Tumingin siya kay Lancelott at alam niyang nahalata nito ang pagkairita na nararamdaman niya.

“Two years.” Sagot nito sa kanya at mas humigpit pa ang pagkakapulupot ng braso nito sa bewang niya.

Ibinalik niya ang tingin kay Holly. “Two years na pala kayong hiwalay. Well, tulad nga ng sinabi ko kanina, nagbabago ang isang tao. Hindi porke’t adobo ang gusto niya noon, hindi ibig sabihin na iyon pa rin ang gusto niya ngayon. Malay mo gusto naman niyang makatikim ng isang masarap at mamahaling steak.” Tinagggal niya ang braso ni Lancelott na nakapalibot sa bewang niya at binalingan ang binata. “Iiwan na kita. You two catch up. Baka marami pa kayong paguusapan. Hindi naman ako madamot.” She leaned in and kissed him on the lips. “I’ll call you when I get home.”

Taas nuong lumabas siya ng boutique at naglakad patungo sa iba pang boutique. Nagpupuyos ang kalooban niya. Kinakain ng selos ang puso niya at naiinis siya. Ganoon na ba talaga niya kagusto si Lancelott at sobra kung magselos siya? 

Napaigtad siya ng biglang may yumakap mula sa likuran niya. Tutuhurin sana niya ang pangahas ng maamoy niya ang pabango ni Lancelott.

“Bakit mo ako iniwan kay Holly?” Tanong nito na parang nagtatampo.

Hinarap niya ito at tiningnan sa mga mata. “Hindi ka naman umalma ng iwan kita.”

“Kasi nagulat ako sa ginawa mo. Walang girlfriend na iiwan ang boyfriend niya sa ibang babae lalo na kung alam niyang may something ang babaeng ‘yon sa boyfriend niya.”

She scoffed. “Lancelott, hindi ko ang hawak yang isip mo.” Pinagkrus niya ang braso sa harap ng dibdib. “And so inaamin mo na may something kayo ni Holly?”

Lancelott took a deep breath. “No. Wala kaming something. Siya lang ang may something at hindi ako. Please, Eiz.”

“Please what?”

“Please, don’t be jealous.”

“I’m not jealous.”

“Yeah, right. I can see it written all over your face.” He touched her check. “Eiz, matagal nang wala kami ni Holly. Nuong nakita mo kami na magkasama sa Restaurant, we just bumped into each other. After dinner we part ways. You’re my girlfriend at wala akong balak na lukohin ka.”

Tiningnan niya ito ng masama. “Siguraduhin mo lang. Kasi kapag niloko mo ako, sasagasaan kita. I’m not kidding.”

He chuckled. “I know.” He leaned in and kissed her fully in the mouth. “Ituloy na natin ang pagsa-shopping?”

“Okay—”

“Lance!”

Mariin siyang napapikit at kinalma ang sarili ng marinig ang nakakairitang boses ni Holly. Nilingon ito ni Lancelott.

“Yes, Holly?”

“Samahan mo naman ako mag-shopping oh.” Anito at humawak pa sa braso ni Lancelott na parang naglalambing.

Marahang tinanggal ni Lancelott ang kamay ni Holly na nakahawak sa braso nito. “Sorry, Holly. May kasama na ako. I’m with my girlfriend.”

Tiningnan siya ng masama ni Holly. “E di iwan mo siya! Sa akin ka nalang sumama!”

“No.” Lumayo rito si Lancelott at ipinulupot ang braso sa bewang niya. “Si Eiz ang kasama ko. Maghanap ka ng ibang kasama. I’m sorry.”

Nakatalikod na sila ni Lancelott at akmang maglalakad na palayo rito ng magsalita ito.

“Mahal pa rin kita, Lancelott. Sa dalawang taon na nagkahiwalat tayo ikaw pa rin ang laman ng isip at puso ko.”

Pareho silang natigilan ni Lancelott. Nagulat siya sa narinig, nang tingnan niya ang binata walang bakas ng pagkagulat sa mukha nito. Parang sanay na itong marinig ang salitang iyon mula rito.

“Stop, Holly. Alam mo na ang sagot ko riyan.” Ani ni Lancelott na nakatalikod dito.

“Hindi ko naman kasalanan ‘yon. Mahal na mahal kita kaya ko nagawa ‘yon. Kukunin ka nila sa akin. Hindi ako makakapayag!” Humihikbing sabi ni Holly.

Napailing-iling si Lancelott at nilingon si Holly. “Go and see a psychiatrist. Makakatulong yon sayo.” Tapos binalingan siya. “Nagugutom ka na? Halika, kumain tayo.”

Iginiya siya ni Lancelott sa Greenwich at umorder ito ng super-thin pizza at dalawang basong ice tea. Pagkatapos at umupo sila sa pandalawahang mesa at pinagsaluhan ang inorder nito. Wala silang imik pareho.

Hinihintay lang niya na magsalita ito kahit gustong-gusto na niyang itanong kung ano ang pinagsasabi ng Holly na ‘yon.

“I’m sorry about Holly. Pasensiya na at narinig mo ang sinabi niya.” Hingi ng tawad ni Lancelott at tumingin sa mga mata niya. “Kalimutan mo nalang ‘yon.”

Ginagap niya ang kamay nito na nasa ibabaw ng mesa. “Lancelott, hindi ako magsisinungaling sayo. Gustong-gusto kong malaman kung ano yong pinagsasabi niya. Pero kung hindi ka pa handa para sabihin yon sa akin, sige okay lang. Basta tandaan mo. Nandito lang ako, okay?” Pinisil niya ang kamay nito.

He squeezed her hands back. “I’m sorry.”

“It’s okay.”

Kinuha niya ang kamay na hawak nito at nagumpisa ng kumain. Ilang minutong katahimikan ang lumipas ng magsalitang muli ang binata.

“Holly was my on and off girlfriend for three years.”

Gulat siyang nagtaas ng tingin. “Lancelott, hindi mo naman kailangang i-kwento sa akin ‘yon. It’s okay.”

“No, it’s not. Gusto kong malaman mo ang nakaraan ko.” Huminga ito ng malalim. “I was a happy-go-lucky kind of guy before and Holly was my girlfriend. We fight and make up all the time. I cheated on her and she cheated on me and that’s okay because at the end of the day, we still go back to each other. Then I realize that I want to settle down and change my happy-go-lucky life, I propose to her, well siya lang naman ang babae sa buhay ko na masasabi kong may nararamdaman ako. Well, that was my biggest mistake. She became really clingy and demanding. Okay lang sa akin yon, pilit kong iniintindi ang ugali niyang yon. Pero sumobra na e. One day she asked me to live in with her and I said yes. Gusto ko siyang makasama. And then she started telling me what to do and not to do and it’s suffocating me. But because I wanted to change and settle down and I want our relationship to work, I endure it. Akala ko magiging okay na ang lahat kapag sinunod ko ang gusto niya, tapos nagkasakit si mommy. So, kailangan ni Mommy ng atensiyon ko kasi ako yong paborito niyang anak. Pero ayaw akong payagan ni Holly na makipagkita sa mga magulang ko. She has this idea on her head na kukunin ako ni mommy sa kanya at iiwan ko siya. I tried to explain to her that it was ridiculous. My mother likes Holly. Ang may ayaw lang naman kay Holly ay si Lander. Si Lander yong palagi kong hinihingan ng advice kapag nagkakagulo kami ni Holly.”

Pinisil nito ang kamay niya at nagpatuloy sa pagsasalita. “And then that day when we got into accident, dapat si Lander ang magmamaneho ‘non pero dahil may ginawa siya ako nalang. I should’ve slow down pero nagmamadali ako kasi text ng text at tawag ng tawag si Holly sa akin. I read some of her texts. Magpapakamaty daw siya kapag hindi pa ako umuwi. It’s freaking me out! Then boom! Na-aksidente kami and well, ako lang yong nabuhay. While I was in the Hospital, walang Holly na dumating para kumustahin ang lagay ko. It’s okay with me. Nang makalabas ako, I already decided to finish my relationship with Holly. Ayoko na. Syempre, hindi siya pumayag. Nagwala siya. Pero wala naman nagawa ang pagwawala niya. Ayoko na, sawang-sawa na ako. May parte sa akin na sinisisi siya sa pagkamatay ng mga magulang ko pero alam ko namang kasalanan ko ‘yon. And then my parents funeral, doon ako nagalit kay Holly ng sobra. Bago ang libing, tinawagan niya ako na huwag akong pumunta kasi maguusap daw kami.” Tumawa ito ng mapakla. “That’s my parents funeral for crying out loud. Hinintay pa na gumaling ako bago sila ilibing tapos hindi ako pupunta? Sinabihan ko siyang tapos na ang lahat sa amin at wala na kaming dapat pagusapan. Hindi ko alam kong may sayad ba siya o ano, dahil pumunta siya sa sementeryo at sinagasaan ang ataul ng mga magulang ko habang nagmimisa ang pari. I was shocked when I saw her come out from the car and demanded for me to get in the car so we could talk.” Napailing-iling ito. “The nerve of that woman. Baliw na siya. Ininsulto niya ang libing ng parents ko and I hated her for that.”

Ilang minutong katahimikan ang naghari bago siya nagsalita.

“Kung galit ka sa kanya, bakit nakita namin kayo sa restaurant na magkasama at mukhang masayang naguusap?”

Binitawan nito ang kamay niya at sumadal sa likod ng upuan at tumingin sa kanya ng matiim. “We bumped into each other. When she smiled at me and asked if I’m still mad at her, na-realize ko na dapat na akong mag-move on sa nangyari kasi mukha namang masaya na siya at masaya na rin ako, dapat mapatawad ko na si Holly. That day, pinatawad ko siya. Hindi ko naman alam na may iba pala iyong ibig sabihin sa kanya.”

“Masaya ka na?” Gagad niya.

He smiled at her. “Yeah, masaya na ako. Nakilala na kita e. Because of you, ngumiti ulit ako at gusto ko ng mag-move on. When I’m with you, lumalabas ‘yong dating Lancelott na matagal ko ng inilibing. Nang tawagin mo akong Lancelott, parang bumalik yong mga alaala ko kay mommy. Siya lang at si daddy ang tumatawag sa akin ng Lancelott. Gusto kong sabihin na hindi ko nagustuhan ang pagtawag mo sa akin ng ganoon pero ayokong magsinungaling sa sarili ko. I like it when you called me Lancelott. It makes me feel warm inside. Thank you, Eiz.”

She smile back. “Lancelott, about Holly. Sa tingin mo, makakapag-move on na siya? Kasi hinding-hindi kita ibibigay sa kanya. Akin ka lang.”

He leaned in and holds her hand. “Akin ka lang din at wala akong balak na bumalik kay Holly. Wala akong pakialam sa kanya. Ikaw ang gusto kong makasama.” Tumayo ito at inilahad ang palad sa kanya. “Ayoko ng mag-shopping. Nakakatamad. Halika na. Uwi na tayo.”

Napapailing na tinanggap  niya ang kamay nito. “Ihahatid mo ba ako sa bahay?”

Nakangiting tiningnan siya nito. “Hindi pa kita ihahatid sa inyo. I want to show you my house. Kung okay lang sayo. Promise, wala akong gagawin sayo na hindi mo magugustuhan.”

Inirapan niya ito. “Baliw.” Ipinalibot niya ang braso sa braso nito. “Sasama ako sa bahay mo, pero sa isang kondisyon.”

“Ano?”

“Sasamahan mo akong mag-shopping bukas.”

Napanganga ito sa sinabi niya. “Magsa-shopping ka na naman bukas?” Hindi makapaniwalang tanong nito.

She nodded while grinning. “Yes. Deal?”

He took a deep breath. “Deal basta may kiss ako mamaya.”

“Kiss lang? Ayaw mong romansahin kita?”

Napatigil ito sa paglalakad at malaki ang matang binalingan siya. “Talaga?”

Tumawa siya ng malakas. “Naniwala ka naman. Bastos ka rin e.”

He resumed walking. “Wala naman yatang lalaki na hindi bastos.”

“Si Lander, hindi siya bastos.”

Tumawa ito. “Naku, kung alam mo lang. At teka nga muna, bakit siya nasali sa usapan natin. Ako ang boyfriend mo, ayokong binabanggit mo ang pangalan ng kakambal ko.”

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Bakit? Nagseselos ka?”

Matiim nitong sinalubong ang titig niya. “Oo, nagseselos ako.”

“Bakit ka naman nagseselos?”

“Well, maliban sa girlfriend kita, siguro naman sapat na ang dahilan na mahal kita kaya nagseselos ako.”

Muntik nang mahulog ang panga niya sa narinig. “A-Ano?”

“Mahal kita. Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi ba halata?”

Dahan-dahang siyang umiling. “H-hindi. Sabi mo g-gusto mo lang ko…”

Marahang tumawa si Lancelott at inakbayan siya. “Halika na nga. Kalimutan mo nalang ang sinabi ko. Para kang tinuklaw ng ahas. Nakakatakot ba ang ideyang mahal kita?”

Hindi niya ito sinagot dahil hindi niya alam ang sasabihin niya. Hinayaan niya lang ito na igiya siya sa kung saan man sila pupunta.

Hindi naman nakakatakot ang ideyang mahal mo ako, natatakot ako sa ideyang mukhang mahal din kita. Iyon ang gusto niyang sabihin pero hindi niya kayang sabihin iyon sa binata.

Chapter 11

CHAPTER 11

NANG pumasok ang sasakyan ni Lancelott sa gate ng isang magandang bahay, napakunot ang nuo niya. Ito ba ang bahay ni Lancelott? Napakalaki naman niyon para sa isang binata.

“This is my parents’ house. Ayaw tumira rito ni Lander. Tanging ako lang ang nakatira rito at mga katulong. Yong kapatid kong babae na si Louie ay may sariling bahay naman, ayaw niya rin dito. Ewan ko ba, ako lang yata ang may gustong tumira rito e.” Paliwanag ni Lancelott sa kanya bago lumabas ng kotse nito.

Hindi niya hinintay na pagbuksa siya nito, lumabas siya ng sasakyan at ipinalibot ang tingin sa labas ng bahay. Napakalaki niyon. Ang pintuan palang papasok sa bahay, mukhang kahit isang higante kasya. Sa isang mansiyon siya nakatira pero mas malaki ang bahay na ito kaysa sa bahay nila.

“You like the house or you find it creepy?”

She shrugged. “Hindi ko pa naman nakikita ang loob kaya naman ayokong manghusga.”

Hinawakan siya nito sa siko at iginiya siya papasok sa loob ng bahay. “Welcome to my simple abode.”

Napangiti siya sa sinabi nito. “Walang simpli sa bahay na ito.”

Ang gagara ng mga kagamitan sa bahay na ito. Mula sa sahig hanggang sa furniture’s, lahat iyon ay dekalidad at talaga namang mamahalin. Napakaganda ng bahay. Lalo na ang grand staircase na pumapaikot ang hugis na komokonekta sa second floor. Ang malalaking bintana na may takip na malalaking kurtina. Ang set of sofa na nasa sala na kahit sa malayuan masasabi niyang may kalidad dahil hindi iyon pangkaraniwang leather. Iyon ang primira klase na leather sa mundo. Ang center table na gawa sa isang mamahaling crytal. Ang chandelier na nakasabit sa kisame. Puno iyon ng iba’t-ibang uri ng bato at napakaganda niyon tingnan.

“Gusto mo i-tour kita sa kabunan ng bahay?” Tanong sa kanya ni Lancelott.

She grinned at him. “Talaga? Ito-tour mo ako? Yes. Sure.”

Pinagsiklop ni Lancelott ang kamay nila ay hinila siya patungo sa grand staircase, papunta sa second floor. May isang pintuan itong binuksan at pinapasok siya.

“This is my room.” Anito at binitawan ang kamay niya at naglakad patungo sa kama at umupo roon. “Wanna sit here beside me?”

“Akala ko ba ito-tour mo ako?” Sumimangot siya. “Anong ginagawa natin dito sa silid mo?”

“May sasabihin ako sayong importante.”

“Ano naman ‘yon?”

He patted the space beside him on the bed. “Upo ka muna rito sa tabi ko.”

Dahan-dahan siyang naglakad patungo rito at umupo sa tabi nito. Kapagkuwan at tumingin dito.

“Anong sasabihin mo sa akin.” Tanong niya.

“Gusto kong ipagpatuloy yong topic natin kanina. ‘Yong hindi mo sinagot.”

“Ano ‘yon?” Naguguluhang tanong niya.

“’Yong tanong ko na nakakatakot ba ang ideyang mahal kita? Hindi mo pa iyon sinasagot. Bakit? Hindi ba halata na mahal kita? Sa tingin mo ba simpling pagkagusto lang ang nararamdaman ko para sayo?”

Nag-iwas siya ng tingin. “Hindi ko alam.”

Inilagay ni Lancelott ang kamay sa pinsgi niya at pinilit siya na tumingin dito. “Bakit hindi mo alam?” Tanong nito ng magtama ang paningin nila. “Sagutin mo ako, Eiz.”

“Hindi ko alam na mahal mo ako—”

“Well, not you know. What are you going to do about it? You’re my girlfriend. And you said you like me. Ano na ngayon ang gagawin mo?”

“Don’t pressure me, Lancelott.”

“Okay. But I have one question. Nakadepende sa sagot mo ang mangyayari sa ating dalawa.” Tinitigan siya nito sa mga mata. “Eiz, mahal mo ba ako?”

Nanigas ang panga niya sa tanong nito. Bumuka ang bibig niya pero wala namang lumalabas na salita roon.

Nagbawi ng tingin si Lancelott at tumayo. “It’s okay. You don’t have to answer it now. Mukhang hindi mo pa kayang sagutin ang tanong ko.” Naglakad ito papunta sa pintuan ng silid. “Dito ka lang muna. Ikukuha lang kita ng meryenda.” Hindi nito hinintay ang sagot niya at umalis.

Naiwan siyang nanghihina. Parang walang buhay na bumagsak ang katawan niya sa kama. Ano ba ang dapat niyang sabihin? Ano ang dapat niyang isagot sa tanong nito. Kinapa niya ag dibdib kung nasaan ang puso niya at naramdaman niya ang mabilis na pagtibok niyon.

My heart is beating so fast. Ano ba ang nararamdaman ko para kay Lancelott. Gusto ko lang ba siya o mahal ko na? Naguguluhan siya sa nararamdaman.

Ipinikit niya ang mata at hinayaan ang sarili na magpahinga. Magulo ang isip niya at kailangan niyang magpahinga para mawala na ang agiw ng utak niya para alam na niya ang isasagot sa binata. Sana nga. 

EIZEL was resting her eyes when the space next to her dipped. Alam niyang si Lancelott ang nasa tabi niya, hindi na niya kailangang imulat ang mga mata para malaman ‘yon. Amoy palang, alam na niya. A hand touched her cheek and caress it softly.

“It hurts, you know.” Anito sa mahinang boses. “Pero sino ba ako para pilitin kang mahalin ako? Dapat nga magpasalamat ako dahil gusto mo ako. Dapat makontento na ako roon. Pero itong baliw kong puso, ayaw pang tumigil. I told my heart to stop because you won’t love me back but my heart is so stubborn. Patuloy ka paring minamahal. Mula noon hanggang ngayon. Dapat na akong tumigil pero ayoko. I won’t stop loving you, Eiz. I won’t. Gagawin ko ang lahat mahalin mo rin ako. Just say the word and I’ll do it.” Tumawa ito ng pagak. “Malakas lang ang loob ko dahil tulog ka. Ang ewan ko talaga.”

Naramdaman niyang tumabi ito sa kanya at niyakap siya. His head was resting on her shoulder and she can’t breath. Napakalapit nito sa kanya. Hindi siya makahinga ng mabuti. Nagmulat siya ng mga mata at tiningnan ang binata na nakapikit ang mga mata, mukhang nakatulog ito. Tumagilid siya ng higa at tiningnan ng maigi ang mukha ng binata.

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Hinaplos niya ang pisngi nito. “Ang guwapo mo. Nuong una kitang makita, natulala ako alam mo ba? Your blue eyes captured something inside of me. Nuong sinigaw-sigawan mo ako, nagalit ako pero kahit ganoon, gusto parin kita. Ewan ko ba, kahit palagi tayong nagsisigawan o nag-aaway, nag-i-enjoy akong kasama ka. Hindi ko man aminin sa sarili ko, alam kong kapag nakatingin ako kay Lander, ikaw ang nakikita ko.”

“Alam ko namang guwapo ako.” Biglang nagmulat ng mata si Lancelott na ikinagulat niya. “Nuong una kitang makita sa personal, kahit sinigawan kita, alam mo ba kung anong gusto mong gawin sa mga oras na yon? Gusto kitang halikan. Pero siyempre, hindi ko ginawa iyon. Kaya naman sinigawan nalang kita. And for the record, nakakainis ka talaga nang araw na ‘yon.”

She chuckled. “Nakakainis ka rin nang araw na iyon.”

Lancelott smiled. “Yeah. Pareho tayong nakakainis.”

Bumangon siya at ipinalibot ang tingin sa kabuunan ng silid nito. Tumigil ang mga mata niya sa stack of magazine na nakalagay sa gilid ng silid nito. Naglakad siya patungo sa mga magazine at kumuha ng isa. Napamulagat siya sa nakita. Inisa-isa niya ang pahina ng magazine. Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Lancelott. “What’s this?”

“It’s a magazine, obviously.”

“Alam kong magazine ito, pero bakit mayroon ka nito? This is the first magazine that I was featured in. The Elite’s Fashion. Ito ang magazine na nagpasikat sa akin. Dito ako nakilala.”

“Yeah, I know.”

“Yeah… either you’re a fashion fan or you’re my fan. Sige, pili ka sa dalawa.”

Nag-iwas ito ng tingin. Medyo namumula ang pisngi nito. “K-Kasi… Ano, ahm, I don’t consider myself a fan. Gusto lang kita noon pa.”

“Gusto mo ako pero sinigawan mo ako nuong una tayong magkita. Ang gulo mo.”

Mahina itong tumawa at ibinalik ang tingin sa kanya. “Ang ganda mo kasi, natuliro ako. I mean, I—Ahm… Okay, I’m lost. I have nothing to say.”

Tumawa siya ng malakas. “I can’t believe fan kita. Tinawag mo pa akong pangit.”

He glared at her. “Hindi ako fan!”

She chuckled at looked at him, teasingly. “U-huh. Hindi daw fan.” Inisa-isa niyang tingnan ang mga magazine at lahat iyon ay naroon siya. Kung hindi siya ang cover, may interview naman siya. Nagulat siya ng makakita ng European Magazines. “So, pati pala yong mga magazine sa ibang bansa na featured ako mayroon ka?”

He nodded while looking away. “Yeah.”

Ibinalik niya ang mga magazine sa lalagyan at naglakad pabalik sa kama at umupo sa tabi nito.

Eizel looked at Lancelott. “Honestly, Lancelott, the magazines are creeping me out.”

“I know. Sana tinago ko  muna ang mga iyon bago kita pinapasok sa kuwarto ko.”

Napangiti siya. “But I find it cute.”

Umiling-iling ito. “It’s not cute, it’s creepy. Hindi ko alam kung bakit. Kapag nakakakita ako ng magazine na naroon ka, binibili ko kaagad.” Tumawa ito ng mahina. “Alam mo bang ikaw ang palaging pinagaawayan namin dati ni Holly? I keep telling her that you’re just a model that I adore and that’s all, pero ewan ko ba. Hindi siya naniniwala. Actually, marami na akong magazine na naroon ka pero tinapon niya iyong iba. Iyon lang ang naisalba ko.”

Pabiro niyang kinapa ang dibdib na parang nasasaktan. “You wounded me! Hinayaan mong itapon ng babaeng ‘yon ang mga magazine na na-featured ako. I feel insulted.”

Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. “Nandito ka pa rin naman.” Anito na itinuro ang puso. “Nandito ka sa puso ko, Eiz.”

Natigilan siya at tinitigan ang binata kapag kuwan ay inabot niya ang kamay nito at pinisil iyon. “Lancelott, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sayo. Ayokong magsinungaling at sabihin mahal kita samantalang hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. I don’t want to hurt you. Oo gusto kita. Gustong-gusto kita. Hindi ko alam kong lalalim pa ang nararamdaman ko para sayo pero isa lang ang alam ko, hinding-hindi iyon basta mawawala. Lancelott, it maybe too much or not right for you, but I’m asking you to wait for a little bit. Pangako, ikaw ang unang makakaalam kapag sigurado na ako sa nararamdaman ko para sayo.”

Lancelott smiled sadly. “Ayoko ring magsinungaling at sabihing okay lang sa akin na maghintay kasi nakakapagod maghintay. Nasaktan ako sa mga sinabi mo pero nagpapasalamat ako at hindi ka nagsisinungaling sa akin. Gusto kong sabihin sayo na ayokong maghintay pero hindi ko kaya. Kasi alam ko sa sarili ko, na kahit anong gawin kong pagtanggi, maghihintay ang puso ko hanggang sa sabihin mo sa akin na mahal mo rin ako.”

Napakagat labi siya at niyakap ang binata. “I thought you were a jerk and an a-hole. Nagkamali ako. You’re the sweetest guy on earth and I’m lucky to have you as my boyfriend.”

He pulled away from her embrace and cupped her face. “I love you, Eiz.”

She smiled and kissed him on the lips. Wala pa siyang maisasagot dito sa ngayon. Sana sapat na ang halik niya para maramdaman nito na kahit papaano, nakapasok na ito sa puso niya. At alam niyang hindi magtatagal, mamahalin din niya ito. Mahal ko na nga yata niya e.

NATATAWA si Eizel habang nakatingin sa magkambal na si Lancelott at Lander. Nag-aaway ang dalawa at namamagitan naman ang babaeng kapatid ng mga ito na si Louie. Nakilala niya ang dalaga nuong ikatlong beses siyang pumunta sa bahay ni Lancelott. Naroon ito at nagkaroon siya ng instant best friend. Kakaiba and trip ni Louie, para itong tibo na hindi naman. With her Pixie style hair and boyish outfit, mapagkakamalan mo itong lalaki na parang binabae na ewan.

“Ano ba kayong dalawa! Tumigil na nga kayo. Sasapakin ko kayo e!” Sigaw ni Louie na ikinatigil naman ng dalawa.

“Louie, refrain saying those manly words.” Wika ni Lander a parang nangangaral. “Hindi iyon maganda para sa isang babae na katulad mo.”

“Ano naman ang gusto mong sabihin ni Louie, flirty words?” Sabad ni Lancelott at naglakad palapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

Lancer glared at Lancelott. “Hindi ikaw ang kinakausap ko. Manahimik ka riyan.”

Lancelott just chuckled. “Bakit? Masama ba ang sinabi ko?”

“Oo nga naman kuya Lander. Ano ba ang masama roon? Saka ganito na ako noon pa. Deal with it.”

“Yes, Lander, deal with it.” Segunda ni Lancelott.

“Ewan ko sa inyong dalawa. Magsama kayo.” Ani ni Lander at nag-walk out.

Nag high-five si Lancelott and Louie nang umalis si Lander. Kawawang Lander, pinagtulungan. Nasa kalagitnaan ng pagkukulitan ang magkapatid ng may nagsalita sa likuran nila.

“Hi, Lance!”

Napalingon silang tatlo sa nagsalita. Agad na nag alburoto ang kalooban niya ng makilala kung sino iyon. Ano ba ang ginagawa ng babaeng ito rito sa bahay ni Lancelott?

“Holly, anong ginagawa mo rito?” Tanong ni Lancelott na kunot ang nuo.

Ipinalibot niya ang braso sa bewang ni Lancelott at humilig sa dibdib ng binata para ipakita rito na off limit na si Lancelott. Nakita niyang naningkit ang mata nito sa selos habang nakatingin sa kanya.

Hmp! Ganyan nga. Magselos ka! Wala kang magagawa. Aniya sa isip.

“Kasi birthday na ni Mommy bukas. Iimbitahan sana kita.” Anito sa malumanay na boses.

“Para ano?” Sikmat ni Louie kay Holly habang nakapamaywang. “Para akitin ang kapatid ko? Tumigil ka na nga. Kailan ka ba gigising sa katutuhanang hindi ka mahal ni Kuya Lance.”

Masama ang tingin na ipinukol ni Holly kay Louie. “Ano bang pakialam mo ha? Sino ka ba? Usapan namin ito ni Lance at hindi ka kasali.”

Tumawa ng malakas si Louie at itinuro siya. “See this girl? Siya ang bagong girlfriend ni Kuya Lance at masaya silang dalawa. Kaya umalis ka hindi ka welcome sa pamamahay na ito.”

“Umalis ka na, Holly. Pakisabi nalang sa mommy mo na hindi ako makakapunta.” Wika ni Lancelott. “May lakad kami bukas ni Eiz e.”

Tiningnan siya ni Holly ng masama pero nanatili lang siyang kalmado. “Saan naman kayo pupunta bukas? Puwede ba akong sumama. Double date tayo.”

“Holly—”

“Ayoko.” Putol niya sa iba pang sasabihin ni Lancelott. “Hindi ka puwedeng sumama.” Kanina pa siya nagtitimpi. “Para lang sa amin ni Lancelott ang lakad na iyon. Bawal makisali.” Hinawakan niya si Lancelott sa kamay at hinila ito papasok sa loob ng kabahayan.

Pagkapasok nila agad niyang sinakop ang mga labi ni Lancelott. Agad namang tinugon iyon ng binata. She pulled away from the kissed and hugged him tight.

“Natatakot ako, Lancelott.”

“Ha? Bakit naman?”

“I have a feeling na kukunin ka niya sa akin. Hindi ko yon mapapayagan.”

Lancelott pulled away from her embrace and smiled at her. “Natatakot ka na mawala ako sayo?”

She glared at him. “Anong nginingiti-ngiti mo riyan?”

“Natatakot ka na mawala ako. Ibig bang sabihin, mahal mo na ako?”

Inirapan niya ito. “Baliw. Tigilan mo nga ako!”

“Asus.” Naglalambing na niyakap siya nito. “Mahal mo na ako. Aminin mo na kasi. Mahal naman kita e.”

Pabiro niyang tinampal ito sa braso. “Oo, mahal kita. Masaya ka na?”

Dahan-dahang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya si Lancelott at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. “Totoo? Walang halong biro?”

She rolled her eyes. “Sa tingin mo matatakot ako na mawala ka kung hindi kita mahal? Ano ‘yon, trip-trip lang?”

Isang malapad na ngiti ang kumawala sa mga labi ni Lancelott. “I love you so much.”

“I love you, Lancelott. So much. Kaya huwag kang gumawa ng kalokohan dahil talagang sasagasaan kita at iiwan sa isang tabi.”

“Hindi po kita lolokohin. Pangako iyon.”

Sinakop nito ang mga labi niya na agad naman niyang tinugon.

Chapter 12

CHAPTER 12

NAKANGITING pumasok si Eizel sa loob ng bahay ni Lancelott. Ngayon ang araw na pupunta sila sa semeteryo para bisitahin ang puntod ng mga magulang nito. Nagising siya ng maaga para rito. Natutuwa siya at paunti-unti nagmo-move na ang kasintahan.

Kumakanta siya habang inaakyat ang hagdan patungong second floor. This past few days was the happiest days of her life. Hindi niya akalain na makakaramdam siya ng ganoong kasayahan sa piling ni Lancelott. Yes, palagi pa rin silang nagtatalo sa mga bagay-bagay pero nagkakabati rin naman kaagad sila.

Malapad ang ngiti na pumasok si Eizel sa silid na Lancelott. Nakita niya ang kasintahan na mahimbing na natutulog. Napailing-iling siya. Akamang gigisingin niya ito ng mapansin ang nagkalat na damit sa sahig. Pambabaeng damit ang mga iyon. Bigla siyang kinabahan sa nakita.

“It can’t be.” She whispered to herself. “Hindi ito puwede…”

Malakas niyang niyogyog ang binata hanggang sa magising ito.

“Wake up!” Nanginginig ag labi na sigaw niya.

Mabilis na bumangon si Lancelott at tumingin sa kanya. “Eiz, nandito ka na pala. Sorry, napuyat ako kagabi.”

Nanginginig na tinuro niya ang nagkalat na damit. “Can you explain this? Please, tell me na mali ang hinala ko.”

Sinundan nito ng tingin ang tinuro niya. Bakas sa mukha nito ang gulat at kaenosintihan.

“H-Hindi ko alam…” Anito na nagmamakaawang tumingin sa kanya. “Eiz, wala akong alam dito. Hindi ko alam—”

“Anong hindi mo alam? Anong mga iyan?” Turo niya sa panty at bra sa sahig. “Bakit nagsusuot ka ba niyan?! Tell me, Lancelott!”

“No!” Nagmamadaling nilapitan siya nito. “Please, Eiz, I don’t know what happened.”

Pinigilan niya ang sarili na hindi maluha. “Bakit naman hindi mo alam ang nangyari?” Nagaakusang tinitigan niya ito. “Hindi ako bulag o bobo, Lancelott! Alam ko kung ano yan! Sabihin mo nalang sa akin kung ayaw mo na at may iba ka nang babae kasi ayos lang naman sa akin. Hindi na malalaman ko sa ganitong paraan.”

“Eiz, wala akong babae!”

“Lance, pakipulot naman ng mga damit ko oh.” Anang boses galing sa labas ng banyo.

Maang na tumingin siya sa nagsalita. Pinaglipat-lipat niya ang tingin kay Holly at Lancelott. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na hindi umiyak.

Walang emosyong binalingan niya si Lancelott. “Walang babae? Ano naman ang tawag mo sa baliw na yan? Magsama kayong dalawa.”

Nagmamadaling tumakbo siya palabas ng kuwarto ni Lancelott. Isa-isang pumapatak ang luha sa mga mata niya. Palakas ng palakas ang hikbi niya. Nang makarating siya sa pintuan ng bahay may pumigil sa braso niya.

“Eiz, please, don’t leave. I can explain.”

Hinarap niya ito at sinampal ng malakas. “Nangako ka na hindi mo ako lolokohin. Damn you, Lancelott! Sana hindi nalang kita nakilala! Sana hindi nalang kita minahal na hayop ka!” Dinuro-duro niya ito. “Walang hiya ka! Bakit ang babaeng yon pa! Bakit? Hindi mo ba naalala ang ginawa niya sa mga magulang mo? Punyeta!” Sinampal niya ulit ito.

“Eiz, please, magpapaliwanag ako—”

“Magpapaliwanag ka? Fuck you, you bastard! Ako pa talaga ng niloko mo.” Pinahid niya ang luha na nagkalat sa pisngi niya. “Magsama kayo ng baliw na babaeng yon! Gagawin ko ang lahat para kalimutan ka. You’re not worth my tears, Dammit!” Piniksi niya ang braso niya na hawak nito. “Mahal na mahal kita, Lancelott. Pero sinayang mo lang yon. Dahil sa babaeng ‘yon. Sige, ayos lang sa akin. Magsama kayong dalawa. Pareho kayong baliw!”

“Eiz… please…” Pagmamakaawa nito habang pilit siyang niyayakap.

Nagpupumiglas siya habang pilit siya nitong niyayakap. Hindi niya kayang sikmurain na niyayakap siya nito pagkatapos ng ginawa nito at ng baliw na babaeng ‘yon! Malakas niya itong tinulak palayo sa kanya.

“Don’t touch me!” She shrieked. Tears are flowing from her eyes. The pain was suffocating her. “Ano pa ba ang ipapaliwanag mo ha? Nakita ko na, nakita ko na! Hindi ako bobo! I can read between the lines! May babae sa kuwarto mo na nakahubad at tanging tuwalya lang ang takip sa katawan, ano ba ang gusto mong isipin ko sa nakita ko?! Huwag mong sabihin sa akin na ang babaeng yon ang dahilan kung bakit ka napuyat kagabi?”

“Eiz, ‘yon ba ang tingin mo sa akin? Hindi ako ganoon kababaw. Walang nangyari sa amin ni Holly. Hindi ko nga alam na—”

“Na ano? Paano naman siya nakapasok dito sa bahay mo? Lumipad? Ako ba talaga itong ginagago mo?”

“Eiz, bakit hindi mo intindihan ang sitwasyon?”

“I’m trying you jerk! Pero masakit! Masakit na masakit!”

“Ang kitid kasi ng utak mo! Mag-isip ka kasi!”

Tinuro niya ang sarili. “Ako? Makitid ang utak ko?” Pagak siyang tumawa. “Sa tingin ko, may karapatan akong maging makitid ang utak, Lancelott. I just saw my boyfriend in his room with a woman on his bathroom. Ano yon, magic kaya siya napunta roon? Kung magsisinungaling ka, galinga mo!”

“Lance, halika na sa kuwarto.” Anang boses ni Holly na nanggaling sa itaas ng hagdan.

Tiningnan niya ang babae at binalingan si Lancelott. “Fuck you! Jerk!”

Nagmamadli siyang lumabas ng bahay at sumakay sa kotse niya. Mabilis niyang pinaharurot iyon palayo sa bahay ni Lancelott.

Bakit ba nangyari ito sa kanya. Ang masayang araw sana ay nasira dahil sa babaeng yon. Hindi niya akalain na magagawa iyon ni Lancelott sa kanya. Tears were flowing from her cheek because of the pain she’s feeling inside.

Damn, it hurts like hell!

LALAG ang balikat na naglakad si Lance pabalik sa silid niya. Naabutan niya si Holly na nagbibihis. Hindi niya ito pinansin at umupo sa ibabaw ng kama niya. Tanging si Eiz lang ang laman ng isip niya. Hindi niya alam ang gagawin para maniwala ito sa kanya.

Naramdaman niyang may humaplos sa balikat niya. “Lance, nandito naman ako.”

Walang buhay na tiningala niya si Holly. “Lumayo ka sa akin, Holly. Baka kung ano ang magawa ko sayo.”

“Lance naman. Iniwan ka ni Eizel. Nandito naman ako. Mamahalin kita na mas higit pa sa pagmamahal ni Eizel sayo.”

Nanlilisik ang matang tinitigan niya si Holly. “Hindi mo ba talaga naiintindihan! Hindi kita mahal! Si Eizel ang mahal ko at hindi ikaw! Umalis ka na! Umalis ka sa pamamahay ko!”

Holly took a step back in shocked. “Lance, mahal kita—”

“Wala akong pakialam. Umalis ka na.”

“Lance—”

“Sabi ko umalis ka na! Lumayas ka sa bahay ko! Kung ayaw mong hilahin kita palabas ng bahay ko!”

“Lance, magpapaliwanag ako—”

“Umalis ka na. Hangga’t kaya ko pang kontrolin ang sarili ko, Holly. Dahil kapag narinig ko pa ang boses mo, sasabog na ako at hinding-hindi mo iyon magugustuhan. Kaya umalis ka na.”

Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng marinig niyang bumukas at sumara ang pintuan ng kuwarto niya. Sinapo niya ang ulo na nag-uumpisa na namang sumakit.

‘I don’t know what to say Lance other than be careful and always pray. Hindi ko alam kung kailan ka magsi-seizure. Mahirap kalabanin ang sakit mo. It’s a brain hemorrhage; you need a miracle to survive. Pasalamat ka nga at dalawang taon kang nabuhay. Just pray to god.’

“Shit!” Mura niya ng maalala ang sinabi ng Doctor sa kanya nang huli siyang nagpa-check up.

Inipit niya ang ulo gamit ang dalawa niyang kamay. Para iyong binibiyak at minamartilyo sa sakit. Nang imulat niya ang mga mata, nagdidilim na ang paningin niya. Ipinik niya ulit ang mga mata at sinapo ang ulo na sobrang sakit pa rin.

Paano ko mapupuntahan si Eiz kung masakit ang ulo ko? Oh, Eiz, mahal na mahal kita.

 

KINAGAT ni Eizil ang pang-ibabang labi para pigilan ang hikbi na gustong kumawala sa mga labi niya. Halos isang linggo na siyang umiiyak at hindi kumakain ng tama, ayaw niyang marinig ng mga magulang niya na umiiyak siya. Sinabi niya sa mga ito na masama ang pakiramdam niya para hindi ang mga ito magalala sa kanya ng sobra.

Huminga siya ng malalim at sinapo ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Napakasakit parin niyon. Bawat tibok ng puso niya para iyong nadudurog. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang eksena sa loob ng silid ni Lancelott, kinakapos siya ng hininga at hindi niya mapigilang humagulhol.

“Eizel, may naghahanap sayo.” Anang boses ng ina niya sa labas ng pintuan ng kuwarto niya.

Tinuyo niya ang luha na nagkalat sa pisngi niya at huminga siya ng malalim. Kinalma niya ang sarili at tiningnan ang itsura sa salamin. She’s a mess. God!

“Sino po?” Tanong niya mula sa loob ng kuwarto.

Hindi niya pinagbuksan ang ina. Ayaw niyang makita nito ang itsura niya.

“Sabi niya kaibigan mo daw. Lander ang pangalan.”

Natigilan siya at napatingin sa pintuan. “Si Lander? Sige, papasukin niyo po. Puwede po bang dito lang kami sa silid ko mag-usap? Medyo masama kasi ang pakiramdam ko. I won’t lock the door.”

“Okay. Paaakyatin ko nalang dito si Lander.”

“Thanks mom.”

Hinintay niya na kumatok si Lander. Habang hinihintay ang lalaki, inayos niya ang sarili. Tinuyo niya ang luha at nagsuklay. Nagpalit din siya ng damit. Nang nagmukhang tao na siya, tamang-tama naman na may kumatok sa pintuan ng kuwarto niya.

“Hey, Zel, it’s me Lander. Can I come in?” Anang boses ni Lander mula sa labas ng pintuan.

Pinabuksan niya ito at nagtama ang mga mata nila. Napailing-iling si Lander.

“You like shit, Zel.”

Nag-iwas siya ng tingin. “Maganda ako.”

“Yes, that was before. Pero ngayon? Mukha kang sinagasaan ng sampung truck. Look at you, kahit siguro magbihis ka, mukha ka paring ewan.”

Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto. “Pumasok ka.”

Pumasok ito at kumunot ang nuo niya ng mapansing may dala itong tray na puno ng iba’t-ibang uri ng pagkain.

“Pinadala ng mommy mo, hindi ka pa raw kasi kumakain.” Anito at inilapag ang tray sa study table niya.

Isinara niya ang pinto at naglakad patungo sa mahabang sofa na nasa gilid ng bintana at nakaharap sa garden nila na puno ng iba’t-ibang uri ng bulaklak. Napakaganda niyon pero hindi niya ma-appreciate ang kagandahan niyon ngayon.

She felt empty inside.

Umupo siya sa mahabang sofa. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya kay Lander. “Anong kailangan mo?”

Tumabi ito ng upo sa kanya. “I can see that you’ve been crying. Why?”

“Kailangan mo pa bang itanong yan? Hindi ba nasabi ng hayop mong kakambal ang ginawa niyang panloloko sa akin?”

“Well, sinabi niya pero wala namang panloloko na naganap doon sa kwento niya sa akin.”

“Naniwala ka naman?” Walang buhay siyang tumawa. “Nakita mismo ng mga mata ko, Lander. Ang sakit.”

“Ano ba ang nakita mo?”

“Yong mga damit na nagkalat sa sahig. Tapos lumabas sa banyo si Holly na tuwalya lang ang takip sa katawan—”

“And then you assumed that they did something.”

Tumango siya. “Oo. Ano naman ang iisipin ko sa nakita ko? Alang naman isipin ko na nakikiligo lang siya?”

“Hindi ko sinabing iyon ang isipin mo. Dapat nag-isip ka muna at iniwasan mong maging makitid yang utak mo. Lance loves you, you know. Why do you think I set you two up huh? Kasi mahal ka niya. Kung papakinggan mo lang si Lance, maiintindihan mo ang mga nangyari.”

She glared at him. “Pakikinggan ko siya? Ayoko! He spent all night with that slut—”

“Wait, whole night? That couldn’t be. Magkasama kami ng gabing iyon ni Lance. Inaya niya akong uminom sa unit ko kasi hihingin sana niya ang tulong ko tungkol sa isang bagay na gagawin niya ngayong linggo. Umuwi siya kinaumagahan na. Kung hindi ka naniniwala sa akin, puwede mong tanungin ang security guard sa Lou condominium. Kilala niya si Lance at sigurado akong alam niya kung anong oras pumasok at lumabas si Lance.”

“A-Ano? Magkasama kayo buong gabi? Pero p-paanong…”

“Kung hindi ka naniniwala sa akin, may CCTV sa Lou Condominium. You can see that I’m not lying. Oo kapatid ko si Lance pero hindi ko siya kokonsintihin kung talagang niloko ka niya.”

Sinapo niya ang ulo. “Naguguluhan ako.”

Hinawakan ni Lander ang kamay niya at pinisil iyon. “Kausapin mo si Lance para magkaliwanagan kayo. Talk to him, please. He’s a mess. Pareho lang kayo.”

Umiling siya. “No, ayoko. Masakit pa.”

“Kung wala namang kasalanan si Lance at hindi ka naman talaga niya niloko, hahayaan mo ba na masira kayo ng dahil lang kay Holly? Huwag mong hayaan ang babaeng yon na sirain ang mayroon kayo ni Lance.” Mataman siya nitong tinitigan. “Mahal mo ba si Lance?”

Tumango siya. “Oo.”

“Kung ganoon ipaglaban mo iyang nararamdaman mo. Oo, alam kong nasasaktan ka pero kailangan mong makausap si Lance. Hear his explanation at kapag hindi mo nagustuhan o hindi ka naniwala sa paliwanag niya, then leave him. Tapusin mo ang lahat at iwan mo siya. But please, Zel, kausapin mo ang kapatid ko. Hindi ko siya mapalabas sa kuwarto niya. Kahit si Louie ayaw niyang pakinggan. Hindi pa rin siya kumakain. Please, please, Zel. Maawa ka naman sa kapatid ko. Halos isang linggo na siyang hindi lumalabas sa silid niya. Hindi ko nga alam kung yong pagkain na hinahatid namin sa kuwarto niya e kinakain niya.”

Huminga siya ng malalim at kinalma ang puso niya na tumitibok pa rin para kay Lancelott. “Ihatid mo ako sa bahay ni Lancelott. Kakausapin ko siya at kapag hindi ko nagustuhan ang paliwanag niya, kahit masakit, iiwan ko siya.”

Chapter 13

CHAPTER 13

PINAGMANEHO siya ni Lander papunta sa bahay ni Lancelott. What happened on Lancelott’s room keeps on popping into her mind. Gusto niyang bumalik sa bahay niya at magtago sa silid niya, ayaw niyang makita si Lancelott pero nilalabanan niya ang sarili. Mahal niya si Lancelott, at kung itong nangyayari sa kanila ngayon ay kagagawan ng baliw na babaeng iyon, hindi niya hahayaang masira ang pagmamahalan nila ni Lancelott.

Tama si Lander, dapat niyang ipaglaban ang nararamdaman. Sa kanya si Lancelott, at wala siyang balak na mapunta ang binata sa baliw na babaeng yon.

Nang makarating sila, mabilis na lumabas sila ng sasakyan at pumasok sa bahay.

“Dito lang ako sa sala.” Wika ni Lander. “Mag-usap kayo ng masinsinan. Hindi kita pauuwin kung hindi kayo magusap ng mabuti.”

She gave Lander a soft small smile. “Thanks, Lander.”

“No problem. Now go to his room.”

Tumango siya at tinungo ang silid ni Lancelott. Binuksan niya ang pintuan at pumasok siya sa loob, wala ang binata sa kama nito.

“Lancelott.” Tawag niya sa pangalan nito. “It’s me, Eizel. Please, magusap tayo. Asan ka ba?”

Walang sumagot sa kanya.

“Lancelott. Lancelott!” Tawag niya ulit sa pangalan nito.

“Lancelott! Nasaan ka ba? Let’s talk.”

Tinungo niya ang walk-in closet nito pero wala roon ang binata. Binuksan niya ang banyo para tingnan kung naroon ang binata pero wala roon. Sinunod naman niya ang isang pintuan na pinagbabawalan siyang pumasok. Huminga siya ng malalim at binuksan iyon. Bahala na.

Parang tumigil ang hininga niya ng makita ang laman ng silid na iyon. Tumambad sa kanya si Lancelott na nakahiga sa sahig at napapalibutan ng dugo. She gasped at the sight to Lancelott. His node is bleeding. Even his ears and mouth are bleeding! What’s happening?

“Oh my god.” Mariin niyang ipinikit ang mga mata at inisip na imahinsyon lang niya ang nasa harapan pero nang imulat niya iyon, naroon pa rin ang binata. Nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo.

“Help! Lander! Lander!”

‘What will you do if one day, you got into accident? Nabuhay ka pero hindi ang mga magulang mo?’

‘And then because of that, nagka-brain hemorrhage ka at hinihintay mo nalang na mag-bleeding ka at mamatay.’

‘Sa kaalamang yon, magiging masaya ka pa ba?’

Oh god! Ito ba ang araw na yon na hinihintay ni Lancelott? No way! Hindi makapaniwalang umiiling siya. “No. It can’t be. Hindi ka puwedeng mawala ng ganito Lancelott! Hindi ako papayag. You can fight this Lancelott.”

Dali-daling nilapitan niya ito at hinawakan ang ulo at ipinatong iyon sa hita niya. Marahan niyang tinampal ang pisngi nito. “Lancelott, Lancelott! Gumising ka! Gising. Hindi mo ako puweding iwan. Hindi.” Namamalisbis ang luha sa mga mata niya habang pinipilit na ginigising si Lancelott. “Please, gumising ka na. Please. Kakalimutan ko na ang lahat nang nangyari. Magsisimula tayong muli, please, parang-awa mo na Lancelott! Please! Gumising ka na!”

“Lander! Help! Please!” Niyogyog niya ang katawan nito pero hindi pa rin ito nagigising. “Lancelott, parang awa mo na. Hindi ko kayang mawala ka. I was a bitch for not listening to your explanation. I was stupid. I was just jealous. Ang sakit-sakit na isiping pinagpalit mo ako sa iba. Lancelott, please, open your eyes. I’m here. I’m sorry. Please, I can’t live without you. Please. Please.”

Tumingala siya sa langit. “God, please, huwag niyong kunin si Lancelott. Ako nalang please. Please. Parang awa niyo na po. Please, hindi ko po kakayanin.” Ibinalik niya ang tingin kay Landelott. “Hindi mo ako iiwan, mabubuhay ka. I just have to bring you to the Hospital and then you’ll be fine.”

Nagmamdaling tumayo siya at tumakbo papunta sa sala kung saan naabutan niya si Lander na nanunuod ng TV at nakatalikod sa kanya.

“Lander!”

“What?” Lumingon ito. “Nagusap na ba kay— Oh shit! What the fuck happened? Bakit puno ng dugo yang damit mo?”

“S-Si… L-Lancelott kasi… handusay… s-sahig… d-dugo. M-Maraming dugo. T-Tulungan mo ako Lander.” Nanginginig ang boses na sabi niya. “Hindi puwedeng mamatay ang lalaking mahal ko!”

Mabilis na tumakbo si Lander papunta sa silid ni Lancelott. Nasa likuran siya nito.

“Nasaan siya?” Nagpa-panic na tanong ni Lander sa kanya.

“Sa opisina niya. Doon.” Aniya sabay turo sa silid kung nasaan si Lancelott.

Lumuhod sa tabi ni Lancelott si Lander at pinulsuhan ang binata. Nakapikit ang mga mata niya habang nananalangin sa panginoon na sana iligtas si Lancelott habang walang patid na namamalisbis ang mga luha niya.

“Please, god, hear my prayer. Iligtas niyo po si Lancelott. Please, gagawin ko ang lahat.” Tiningnan niya ang binata na pinupulsuhan pa rin ni Lander. “Lander? Tumawag na tayo ng ambulance. Maliligtas pa naman siya diba? Kapag nadala siya sa hospital magiging okay na siya diba? Lander, tell me. Please, magiging okay na siya. Please, Lander!”

Tiningala siya ni Lander, puno ng kalungkutan ang mga mukha nito. Nangingilid ang luha sa mga mata nito. “Mukhang nag-seizure siya at nag-bleeding. Matagal na namin hinihintay na mangyari ito. Bakit ngayon pa kung kailan natagpuan ka na niya?”

Humikbi siya. “Okay lang ba si Lancelott?”

“Zel, masyadong mahina ang pulso si Lance.”

Hindi naniniwalang umiling siya. “No. Lalakas iyan!” Lumuhod siya sa tabi ni Lancelott at hinawakan ang pulso nito. Nang maramdaman niya ang mahinang pulso nito, humagulhul siya sa iyak.

“Hindi!” Umuklo siya at niyakap ang binata. “Hindi mo ako puwedeng iwan!”

“Zel, pahina ng pahina ang pulso ni Lance. Mawawala na siya sa’tin.”

Nang marinig niya iyon, malakas na humagulhol siya ng iyak. Wala na. Wala na ang lalaking mahal niya. Hindi man lang siya nakapagpaalam rito. Hindi man lang niya nakasama si Lancelott. Kasalanan niya ito. Kasalanan niyang lahat.

Mas humigpit pa ang yakap niya sa binata. “Mahal na mahal kita, Lancelott. Tandaan mo yan. Mahal na mahal kita at alam kong mahal na mahal mo rin ako.”

EPILOGUE

EPILOGUE

NAKAUPO si Eizel sa mahabang sofa ng silid niya habang nakaharap sa TV at pinapanuod ang video na ibinigay sa kanya ni Louie nang araw na nag-seizure si Lancelott. Pinapabigay daw yon ni Lancelott sa kanya kapag nangyari ang kinatatakutan nito. Hindi pa rin mawala sa isip niyang ang eksenang iyon. It was a horrifying scene and she can’t forget it even after death.

Even since that day, araw-araw niyang pinapanuod ang video na ito. She always wanted to see his face, to see him smile, to hear his voice.

Nakangiti si Lancelott habang nakaharap sa Video Camera. Kinagat niya ang labi para pigilan ang luhang gustong pumatak mula sa mga mata niya.

Hey, Eiz. I made this video for you. Kapag napanuod mo ito, ibig sabihin wala na ako. Patay na ako. Una sa lahat, gusto kong humingi nang tawad sayo kasi iniwan kita. If I’m alive now, siguro nakapulupot na ang braso ko sa bewang mo at nilalambing ka o hinahalikan ka. Mahal na mahal kita, Eiz. Sobra kitang mahal. Nuong una kitang nakita sa personal, parang nakakita ako ng isang anghel. Napakaganda mo. At nalulungkot ako kasi may magmamay-ari na sayong iba kapag namatay ako. Ngayon palang, nagseselos na ako. Pero wala naman akong karapatang magselos, diba? Kasi ngayon, wala na ako riyan sa tabi mo para takutin ang lahat ng lalaking magkakagusto sayo. Wala na ako para angkinin yang puso mo. I will miss you so much, Eiz. Ikaw lang ang babeng minahal ko ng ganito.

I want to be selfish and tell you to not love any man other than me, pero ayoko namang ikulong ka sa alaala ko. Gusto kong sabihin sayo na maghanap ka ng iba, magmahal ka ng iba, pero masakit. Masakit isiping papalitan mo ako sa puso mo. Masakit isipin na hindi na ako ang lalaking mahal mo. Masakit isipin na hindi na ako ang lalaking makakasama mo habang buhay. Eiz, palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita hanggang sa kabilang buhay mamahalin kita. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko iiwan ang babaeng mahal ko pero mukhang hindi ko na matutupad iyon.

Eiz, masakit man para sa akin, I want you to continue with your life. Find someone that can make you happy. Find someone who loves you as much as you love him. Find someone that will protect you and will never hurt you. Find someone who can make you smile everyday. Find someone that is not me. Kasi nag-iisa lang ako. At saka may sakit ako, kung maghahanap ka lang naman ng iba dapat yong healthy at aalagaan ka at mamahalin ka.

Parang ang haba na yata nitong speech ko. Isa lang naman ang gusto kong iparating sayo kaya ginawa ko ang video na ito. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Yon lang naman. Sana hindi mo iyon makalimutan. Sana hindi mo ako makalimutan. Tumawa ito ng mahina. See? Ang gulo ko. Pinamimigay kita tapos babawiin din. Multuhin kaya kita? Kaya mo pa kaya akong mahalin kung multo na ako? Hahayaan mo ba akong yakapin ka kahit multo na ako? Tinakpan nito ang mata gamit ang braso nito. Don’t mind me. Medyo naiiyak lang ako. Kasi sino ba naman ang gustong mamatay? Kung kailan ko nakilala ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, saka naman ito mangyayari.

Nang malaman ko mula sa Doctor na one of these days puwede akong mag seizure at mag-bleeding, ikaw kaagad ang pumasok sa isip ko. Kung ano ang magiging reaksiyon mo. Kung iiyak ka ba sa burol ko. Basta, maraming ‘kung’ ang utak ko ngayon. Kinagat nito ang pang-ibabang labi. I wanted to be strong. I wanted to survive this and be with you. Pero hindi naman ’yon nakadepende sa akin. Nagdadasal ako gabi-gabi na sana hindi pa mangyari ang kinakatakutan ko. Kasi gusto pa kitang makasama. Sana nga, Eiz, sana nga makasama pa kita ng matagal-tagal.

Kapag namatay ako, ayokong makita mo ako. Ayokong makita mo ako habang nakahandusay ako sa sahig. Gusto ko ang huling ala-ala mo sa akin ay ’yong nakangiting ako. ’Yong naglalambing na ako.

While doing this video, isa lang ang nasa isip ko. Sana nandito ka ngayon sa harap ko at personal ko itong sinasabi sayo. Pero wala akong lakas ng loob na ipaalam sayo na malala na ang sakit ko. Ganoon ako ka-duwag pagdating sayo. Sana buhay pa ako kapag pinanuod mo ito para pagtawanan kita pero alam kong patay na ako kaya hindi na kita mapagtatawanan. Alam mo, Eiz, may narinig akong kanta ngayon. Maganda siya. It describes you and I. Gusto mo ba kantahin ko? Pagpasensiyahan mo na kasi boses palaka ako. Gusto ko lang na i-share ang kantang ito sayo. It’s titled ‘All of me’ by John Legend.

What would I do without your small mouth?

Drawing me in, kicking me out.

Got my head spinning, no kidding

I can’t bring you down

What’s going on in that beautiful mind?

I’m in your magical, mystery ride

And I’m so dizzy, don’t know what hit me

But I’ll be alright

My head under water but I’m breathing fine

You’re crazy nah, out of my mind

 

’Coz all of me, loves all of you

Love your curb and all your edges

All your perfect imperfection

Give it all to me

I give my all to you

You’re my end and my beginning

Even when I lose I’m still winning

’Coz I give you all of me

And you give me all of you.

Tumigil na ito sa pagkanta at tumawa ng mahina. Yeah. Hanggang diyan nalang ako. Ayokong sirain ang magandang kanta ni John Legend. Baka kasuhan ako. Maganda yong kanta diba? Para ’yon sayo.  Because of all me, loves all of you. Kahit pa nga pangit ang ugali mo minsan. May kinuha ito mula sa bulsa at ipinakita sa camera. I bought this ring because I wanted to propose to you. Pero siyempe ako pa na isang duwag, hindi ko masabi-sabi. Tapos nalaman ko pa ’yong sakit ko kaya hindi nalang ako magpo-propose. Ayokong saktan ka at paasahin na magkikita pa tayo sa harap ng altar kasi alam kong hindi na mangyayari ’yon. Inabot nito ang singsing sa camera na para bang ibinibigay iyon sa kung sino man na nanunuod. Mahal na mahal kita, Eiz, kahit man lang dito, masabi ko sayo ito. Will you marry me? Yeah, I know, not romantic at all pero ito lang ang kaya ko sa ngayon. So, will you marry me? Sumagot ka ng yes ha? Puwede ring no. Pero mas maganda kong yes. Ibinaba nito ang kamay na may hawak na singsing. Natatakot ako, Eiz, natatakot akong mamatay. Pero kaya ko ito. Basta tandaan mo, mahal kita. Mahal na mahal at alam ko ring mahal na mahal mo rin ako. Paalam na mahal kong, Eiz. Sana magkita tayong muli. Sana mahalin mo akong muli pagkatapos nito. Sana mahalikan kitang muli. Sana mayakap kitang muli. Sana … napakaraming sana ang gusto kong sabihin. Pero hanggang dito nalang ’to. Bye, Eiz. I love you so much. Sana kahit may mahal ka ng iba, hindi mo ako makalimutan. Paalam mahal ko.

Ilang minuto nang tapos ang video pero nakatingin pa rin si Eizel sa TV at walang imik na umiiyak. Kahit pitong taon na ang nakakaraan mula nang mangyari ang insedenteng iyon, umiiyak pa rin siya kapag napapanuod niya ang video na ito. Nasa kalagitnaan siya ng pagiyak nang may maliit na braso na yumakap sa braso niya.

“Mommy, why are you crying?” Tanong ng limang taong gulang niyang anak na lalaki.

Niyakap niya ito. “Hindi umiiyak sa mommy. Napuwing lang ako.”

Kumawala ito mula sa pagkakayakap niya. “Mommy, pinapanuod mo na naman ba ’yong video na ’yon? Dad will be mad at you. You know how he is when it comes to that video. He’s going to be mad, mommy.”

Ginulo niya ang buhok nito. “Nah. Dad will not be mad. Nag-breakfast ka na ba?”

Umiling ito. “Nope. That’s why I’m here. Pinapasabi ni dad na breakfast is ready.”

She smiled at the thought of her husband. Mahal na mahal niya ang asawa niya. “Where’s your dad?”

“In the kitchen.”

Hinawakan niya ang kamay nito. “Come on. Punta tayo sa kitchen. I’m sure naghihintay na ang daddy mo.”

Itinago niya ang DVD sa closet niya at naglakad sila ng anak niya papuntang kusina. Naabutan niya ang asawa na abalang nagluluto at nakatalikod sa kanya. She signals her son to be silent, he grinned mischievously. Dahan-dahan siyang lumapit sa asawa at ipinulupot ang braso sa bewang nito.

“Boo!” Sigaw niya.

“Hindi man lang ako nagulat.” Anito at humarap sa kanya na nakangiti. “Happy birth day, Eiz.”

She smiled at her husband. “Thanks Lancelott, bakita ang dami yata ng niluluto mo? May pupunta ba?”

Binuhat siya nito ay pinaupo sa island counter. “Of course, pupunta mamaya ang mga kapatid mo. And your parents called, they can’t make it. Nasa Singapore daw sila at na-delay ang flight nila.”

“It’s okay. Nandito ka naman.”

“Daddy! Buhatin mo rin ako!” Nakangusong sabi ni Zelott, ang anak nilang lalaki.

 “Of course, baby. Come to daddy!” Binuhat ito ni Lancelott at masayang nagkulitan ang dalawa.

Nakangiti siya habang nakatingin sa mag-ama niya. Siya na yata ang pinakamasayang babae sa buong mundo ng maghimala at nabuhay si Lancelott. Nang dalhin nila ito sa Hospital, masyado ng mahina ang pulso nito pero hindi sila sumuko ni Lander. Ilang linggong tanging makina lang dito ang bumubuhay. Araw-araw nagdarasal siya na sana gumising na ito at maging okay na. Dumalaw si Holly pero pinagtabuyan niya ito. Ang walang hiyang babae! Hanggang ngayon kapag naalala niya ito, tumataas ang dugo niya. Humingi ito ng tawad sa kanya pero hindi niya ito kayang patawarin. Umalis ito ng bansa at hindi na bumalik pa.

And after three weeks, thanks to god, he woke up. Alam niyang sinagot ng panginuon ang mga panalangin niya. Hindi niya ito iniwan. Nag-retero siya sa pagiging modelo para bantayan ito at suportado siya ng pamilya niya. When her parents found out about Lancelott, tumulong ito sa pagdarasal na magising na si Lancelott. Two weeks after he woke up, nakalabas na sila sa Hospital. A month after that, he proposed and after two months, they got married. Mabilis ang naging proseso ng kasal nila, ayaw na nilang patagalin pa.

Dahil sa nangyari, may natutunan sila. Kung gusto mong gawin, gawin mo. Kung mahal mo, ipagsigawan mo. Life is short, hindi mo alam kung kailan iyon matatapos o kung kailan iyong kukunin ni lord. Dapat araw-araw magpasalamat tayo na buhay tayo at nakakasama pa natin ang mga mahal natin sa buhay. Siya, nagpapasalamat siya palagi sa panginoon sa pagbibigay ng ikalawang pagkakataon kay Lancelott. Hinding-hindi niya iyong mababayaran kahit magsimba pa siya sa lahat ng simbahan sa buong mundo.

“Eiz, bakit ka umiiyak?” Anang boses ni Lancelott na pumukaw sa kanya mula sa malalim na pagiisip.

“Ha? Hindi naman.” Aniya at hinawakan ang pisngi. Totoo nga ang sinabi ni Lancelott, basa nag pisngi niya.

He tsked. “Zelott, tuyuin mo ang luha ni mommy. Birth day mo ngayon Eiz, you should be happy and not crying.”

Tinuyo naman ng anak niya ang mga luha niya at bumaling sa ama. “Daddy, maybe mommy’s tears had something to do with video that she always watch everyday. Nahuli ko siyang nanunuod kanina and she was crying.” Sumbong nito sa ama.

Inilapag nito si Zelott. “Doon ka muna sa sala, anak. Naroon na ang tita Louie mo. May toys siya para sayo.”

“Yehey!” Masayang iniwan sila ng anak nila sa kusina.

Masama ang tingi na ipinukol sa kanya ni Lancelott ng makaalis ang anak nila. “How many times do I have to tell you to throw that video away?”

“How many times ko rin bang sasabihin sayo na ayoko. That’s mine.”

“Galing ’yon sa akin.”

Napasimangot siya. “So? Ibinigay mo ’yon sa akin. Kaya akin yon. At desisyon ko kung itatapon ko yon o hindi.”

Huminga ito ng malalim at niyakap siya. “Ayoko lang naman na makita kang umiiyak. Marami na ang luhang lumabas diyan sa mata mo ng dahil sa akin. Ayokong dagdagan ’yon, Eiz. Sa araw-araw na pinapanuod mo ang video na ’yon, umiiyak ka. Didn’t I promise to not make you cry every again, pero araw-araw umiiyak ka dahil sa akin. Itapon mo na ang video na ’yon, please?”

Mabilis siyang umiling. “No. Hindi ko yon itatapon kasi isa iyon sa mga naging lakas ko nuong comatose ka pa. Dahil sa video na ’yon, naririnig ko ang boses mo, nakikita ko ang ngiti mo. Can’t you understand, Lancelott, that video is a part of me. Hinding-hindi mo ako mapipilit na itapon ’yon.”

He sighed. “Kahit pa mag-borles ako sa harapan mo?”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Gabi-gabi kang palaging borles. Nakakasawa na rin minsan,”

Sumimangot ito. “Ang sama mo talagang babae ka. Bakit ba ikaw ang pinakasalan ko?”

“Kasi mahal mo ako.” She answered while grinning, and then she leaned in ang kissed him fully in the mouth. “Happy birth day to me.”

Lancelott smiled hugged her tightly. “I love you, Eiz.”

“I love you too, Lancelott.”

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa ng bigla nalang iyong basagin ng isang boses na kilalang-kilala niya.

“Happy birth day sister dear!” Anang boses ng magkamabal niyang kuya.

Umirap siya sa hangin. “God! Bakit mo ba sila inimbitahan?”

“Oh, come on, sister dear. We know that you miss us?”

“Miss you, my as—”

Tinakpan ni Lancelott ang bibig niya. “Shh! No cursing. Ang daming bata. Kadenahan mo iyang bibig mo.”

“Happy birth day, Zel!” Boses iyon ni Lander.

“Thanks Lander.”

Niyakap siya nito at binigyan siya ng regalo. “Para sayo.”

“Thank you.”

Lander grinned mischievously. “Magugustuhan niyo iyang mag-asawa.”

Nagkatinginan silang mag-asawa sa sinabi ni Lander. Parang alam na niya kung ano ang laman niyon.

“Okay. Kumain muna tayo.” Ani ni Lancelott.

“What? Pero ang aga pa para kumain.” Kontra ng kuya niya na si Ramm.

“E di isipin niyo nalang na breakfast birthday ito.” Nakangising wika ni Lancelott. “Pagkatapos niyong kumain, magselayas na kayo ha? Gusto kong masulo ang asawa ko.”

Nagtawanan ang mga ito sa sinabi ni Lancelott at isa-isang kumuha ng pinggan at kumain ng agahan. Napangiti nalang siya at niyakap ang asawa na nasa tabi niya.

“Teka, nasaan si Zelott?” Tanong niya sa asawa ng hinding niya makita ang anak.

Lancelott chuckled. “Kinuha ni Lander. Hindi mo ba nakita? Alam mo naman iyon, masyadong spoiled si Zelott sa kakambal kong iyon.”

Napangiti siya at mahigpit itong niyakap. “I love you, Lancelott.”

“I love you too, Eiz. And happy birth day.”

“SAAN ba tayo pupunta?” Tanong niya kay Lancelott habang hinihila siya papuntang second floor. Nang magsialisan na ang mga nakikain, hiniram ni Lander si Zelott at dinala sa bahay nito. Kaya naman ngayon, solong-solo nila ang bahay.

“Basta.”

Pumasok sila sa silid nila at agad na tinakpan ang mata niya gamit ang kamay nito.

“Lancelott, ano ba?! Huwag mo ngang takpan ang mata ko. I can’t see a thing!”

“May sorpresa ako sayo kaya kailangan kong takpan ang mata mo.” Anito at iginiya siya sa kung saan.

Humawak siya sa braso nito at dahan-dahang naglakad kung saan man siya nito iginigiya. Nang tumigil ito sa paglalakad, umalis ito sa tabi niya.

“Close your eyes.” Anito na ginawa naman niya.

She heard a click and then someone hugged her from behind.

“Now, open your eyes.”

Ginawa niya ang sinabi nito at nangilid ang luha niya sa nakita. “This is amazing.”

“I know. Alam kong tumigil ka sa pagmo-model dahil sa amin ni Zelott, and I know how much you love modeling. So, ginawa ko ito. Happy birth day, Eiz.” Wika nito na iminuwestra ang mga larawan na naka-dikit sa mga pader at nakasabit sa nylon.

Namalisbis ang luha niya habang isa-isang tinitingnan ang mga larawan niya. May nakangiti. Mayroon nakasimangot. May nakatawa. May umiiyak. May kunot ang nuo. Lahat ng kalse ng emosyon, mayroon siyang litrato. Pero ang nakakuha talaga ng atensiyon niya ay ang life size na picture niya na naka-frame.

If she’s not mistaken, yon ang picture niya nuong una silang nagkakilala ni Lancelott. Yong nakatingala siya sa langit at kinuhanan siya ng larawan nito.

“Bakit ang laki niyan?” Natatawa niyang tanong habang nakatingin sa naka-frame niyang picture.

He kissed her cheek. “Bakit? Ayaw mo? I like that picture. Kasi iyan ang una kong picture sayo. At saka gamit ko pa ang personal camera ko kaya naman iyan ang pinakamalaki.”

Hinarap niya ang asawa at hinalikan ito. “Thank you. But you don’t have to do all these, sapat na sa akin na buhay ka at mahal mo ako. Sobra-sobra na iyong regalo para sa akin.”

He cupped her face. “Hindi lang naman para sayo ito, para rin sa akin. You know how much I love to see you smile. Napangiti kita at para na akong nanalo sa luto kasi ako ang dahilan ng ngiti mo.”

She smiled lovingly at him. “I’m so lucky to be your wife.”

“Nah. I’m the lucky one. Kasi may asawa akong hindi ako iniwan kahit nuong wala na ako. Mahal na mahal kita, Eiz.”

He captured her lips and kissed her softly. Ipinalibot niya ang braso sa leeg nito at pinalalim pa ang halik. Naramdaman niyang naglulumikot ang kamay ni Lancelott at akmang tatanggalin nito ang bra niya ng marinig nila ang boses ni Zelott.

“Mommy! Daddy!” Tawag nito sa kanila habang masayang humahalakhak. “Si Tito Lander! Kinikiliti ako!”

Tumatakbong lumapit ito sa kanila na agad namang kinarga ni Lancelott. Sunod na pumasok sa kuwarto nila ay si Lander na nakangisi. Nang makita nito ang itsura ni Lancelott tumawa ito ng malakas.

“Damn!” Ang lakas ng tawa nito. “Bakit hindi niyo sinabi? Come on, Zelott. Mukhang may gagawin ang mommy at daddy mo.”

She rolled her eyes. “Umalis ka na nga, Lander.”

Ngumisi ito. “Sure, pero isasama ko si Zelott.” Naglakad ito palapit sa kanila at kinuha si Zelott kay Lancelott. “Sige, continue niyo na. Don’t forget to wear my gift.” Anito at lumabas na ng kuwarto nila habang karga-karga si Zelott.

Kunot ang nuong binuksan niya ang regalo sa kaniya ni Lander. Napailing-iling siya ng makita ang regalo nito. Naramdaman niyang nag-init ang pisngi niya. “Si Lander talaga.”

“Bakit?” Tanong ni Lancelott na sinilip ang regalo ni Lander. Kinuha nito ang lingerie na regalo ni Lander at ibinigay sa kanya. “Isinuot mo na. I would love to see this on you.”

Pinandilatan niya ito. “Ayoko nga! I rather be nude than wear that! I can imagine Lander buying that thing. Eww! Hinawakan niya yan. Ayoko nga.”

“Oo nga no?” Tinapon nito ang lingerie at ibinalik sa kanya ang tingin. “Sige na, maghubad ka na.”

Lumapit siya rito. “Ayoko. Hubarin mo ang damit ko. Diba gusto mo ’yon?” Nang-aakit na tiningnan niya ito. “Hubaran mo na ako, Lancelott.”

Lancelott swallowed hard and started undressing her. Nang wala na siyang saplot, binuhat siya nito at ihiniga sa kama nila.

“I’m going to make you scream.” Anito na matiim na nakatitig sa kanya.

She wrapped her legs around his waist and pulled him closer to her. “You made me scream every night. I’m pretty you’ll make me scream for more tonight. It’s my birthday after all.”

“Yeah. Happy birth day, Eiz.” Then he plunge himself inside her.   

I hope you enjoy reading Lancelott and Eizel’s love story. Thanks for reading. Lots of love.  – C.C.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.