loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Fierce Love: Aivan Vallente

Fierce Love: Aivan Vallente

elyjindria · 24 chapters · 43,607 words

Fierce Love: Aivan Vallente

“Love can’t cure a psychopath…”

Aivan Vallente is a psychopath. He lacks emotions and conscience, he enjoys tormenting and killing people, and he’s the worst man to love. Cheryl Miranda kept in mind that he’s the kind of man that a woman like her should not love. She knew he would just ruin her. She knew she would just end up brokenhearted, rather, dead. But in the end, she couldn’t stop herself from loving a man who’s not even capable of loving someone.

WARNING

READ THIS FIRST BEFORE PROCEEDING!

Writing this story doesn’t mean I romanticize or justify Aivan’s actions. Pwede niyo namang hindi basahin ito kung hindi n’yo talaga siya gusto at kung hindi n’yo talaga kaya. But if you still chose to continue, please know that I do not justify Aivan’s actions. H’wag n’yo po husgahan agad without reading the whole story. Hindi ko ito sinulat para ma-in love kayo sa kan’ya or ano man. I wrote this because I want to write his story, I want you to know his story. I already planned his story noong nangangalahati pa lang ako sa Kept and Wrecked, and here it is. 

Another thing, this is a stand-alone story and can be read without reading Kept and Wrecked (SERIE FEROCI 7)

TRIGGER WARNING:

This story contains kidnapping, brutality/violence, murder, depression, self-harm, suicide, and some intense traumatic experiences that might be disturbing for some readers. If you can’t handle the issues mentioned, please don’t read this story.

CHAPTER I

TRIGGER WARNING: 

This story contains kidnapping, brutality/violence, murder, depression, self-harm, suicide, and some intense traumatic experiences that might be disturbing for some readers. If you can’t handle the issues mentioned, please don’t read this story.


Cheryl Miranda 

“Kaloka kayo, Lolo ha. Sabi ko no smoke smoke na, e,” napapailing na sabi ko sa pasyente habang pinapainom siya ng gamot. 

“Sorry, nurse ganda. Hindi mapigilan,” pagdadahilan na lang nito. 

“Ay nako, Lolo. Kapag gan’yan kayo nang gan’yan, maaga ka mate-tegi tapos–”

“Nurse Cheryl!” pananaway sa akin ng head nurse namin na nasa likod ko lang. 

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at nag-peace sign sa kan’ya. Kaloka ha. Hindi n’ya kasi alam na close naman talaga kami ni Lolo. Kapit-bahay kaya namin ’to sa Batangas. 

“Charot lang po ’yon, nurse. Pang-ano lang po, motivation,” sabi ko saka nag-fighting sign kagaya sa mga Korean drama. Cute ko raw pag na-gano’n… Well, aware naman ako na cute ako at maganda. 

“Nurse Cheryl, tigilan mo ang pakikipagbiruan sa mga pasyente ng gan’yan. Baka marinig ka pa ng mga doktor at masermunan,” pananaway n’ya. 

Napanguso na lang ako at tumango. Oo nga pala, walang sense of humor ang mga doktor dito. Hindi ba nila alam ang kasabihan na “laughter is the best medicine”? 

Charot! Siyempre money is the best medicine, ’no. No money, no life… Motto ’yan ng mga mukhang pera gaya ko. 

“Nurse Lily, let her be…”

Natigilan ako nang may marinig na baritonong boses. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking nakangiti habang papalapit sa amin, naka-uniporme ito ng pang-doktor at pogi… Charot! Pero pogi talaga siya… at kilala ko siya. 

Tumingin siya sa akin at ngumiti. “I didn’t know you’re a nurse here, Cheryl,” nakangiting sabi n’ya. 

Napasinghap ako at itinuro siya. “Hindi ko alam na doktor ka pala rito, Aivan.” 

Si Aivan ay ex-boyfriend ng ate ko. Hindi ko talaga alam kung bakit sila naghiwalay dahil hindi naman nagku-kwento si Ate Cristina palagi. Nagulat na nga lang ako noong nawala siya ng tatlong taon at bumalik ng may anak na, pero hindi naman kami nagdududa sa mga desisyon ni ate, saka mahal na mahal naming magkakapatid ’yon. Siya ang tumayong nanay at tatay sa amin at nagpakahirap na i-ahon kami sa hirap. Kaya nga kami naman ang nabawi kay ate ngayon. 

“Kahapon lang ako nagsimulang magtrabaho rito,” nakangiti pang sinabi n’ya. Mabait talaga itong ex jowa ni ate. Bukod sa doktor ito at mukhang mayaman, mabait at gwapo pa. 

Bakit kaya hiniwalayan ni Ate ’to? Pero sabagay, gwapo rin naman ’yung bago ni Ate ngayon na si Kuya Eron, super yaman pa. Sana all. Pangarap ko maging sobrang yaman. 

“Sige, I’ll go ahead, Cheryl… I mean, nurse Cheryl. See you around,” sabi na lang nito bago umalis. 

Napatingin sa akin ang head nurse. “Kilala mo ’yung bagong doktor ng neurology department?” tila hindi makapaniwalang tanong n’ya. 

“Yes po!” pagyayabang ko. “Charot, ex po kasi ’yon ng ate ko.”

“Baka ikaw na ang susunod,” tila nanunuksong sabi n’ya. Wow, ayos’ ’to si nurse ah, joker na rin, nahawa yata sa akin. 

“Ano ka po ba, nurse? Halay naman no’n ’no. Saka wala po akong interes sa mga boyfriend na ’yan sa ngayon… maliban na lang kung super yaman,” napahagikhik ako. 

Handa akong lumuhod para sa pera. Yes! Purr! Queen things! Material gworl!

“Nako, siguradong mayaman ’yon si Dr. Vallente. Sobrang talino raw no’n, naging doktor pa sa ibang bansa… Kung ayaw mo, ako na lang ireto mo,” pagbibiro ni nurse. 

“Kaloka po kayo ha… pero sige, 5k na lang.” Nilahad ko ang kamay ko. 

“Tse! Puro ka talaga kalokohan. Sige na, alis na muna ako at magre-record pa ’ko,” pagpapaalam nito saka tinapik ang balikat ko bago ako iniwan sa ward. 

Napangisi na lang ako at napatingin sa mga pasyente. “Wala ng epal, party party!” 

Naghiyawan naman ang mga pasyenteng fans ko… Hindi naman sa hindi ko sineseryoso ang mga kalagayan nila. Gusto ko lang talaga na hindi sila masyadong magluksa sa mga kalagayan nila ngayon dahil may pag-asa naman silang gumaling. Kaya hangga’t maaari pinaparamdam ko sa kanila na parang nasa bahay pa rin sila kahit dito sa ospital. 


“Nagtrabaho ka ba talaga sa Canada teh? Myghad, galit na galit sa ’yo ’yung mga doktor. Naghihiyawan daw mga pasyente sa ward na naka-assign sa ’yo,” panenermon ng friend ko na nurse din na si Charlie, gay siya. Kaya magka-vibe kami kasi para din naman akong bakla. 

“Huy, legit na nagtrabaho ako sa Canada, ’no. May makaka-sex nga dapat ako na hot Canadian doon, e,” pagku-kwento ko saka kinuha ang pagkain ko sa counter. 

“Oh, anong nangyari?” tanong pa n’ya. 

“Ay, hindi natuloy. Tinakasan ko siya, e.”

Totoo ang kwentong ’yon. May nakilala akong poging foreigner sa Canada noong nagtatrabaho ako roon.

“Ang laki ng etits n’ya beh. Natakot ako kasi malaki talaga… Kaya ayun, tinakasan ko.” Napangiwi ako. 

Napahagalpak ng tawa si lokang Charlie. Inismiran ko na lang siya… Naalala ko na naman tuloy bigla ang alaalang ’yon. Isusuko ko na sana ang virginity ko noon sa poging Canadian kaso natakot talaga ako sa laki ng sandata n’ya. Hindi kakayanan ng vajeyjey ko ang ganoong panlaban.

“Kaloka ka, teh. Sana binigay mo na lang sa akin,” maharot na sabi ni Charlie at hinampas pa ang braso ko. 

“Harot nito,” bulong ko na lang at napailing. Binatukan n’ya ako dahil malamang narinig n’ya iyon.

“Teka pala, iwan muna kita teh ha. Pinapatawag ako ni Doc Santos,” pagpapaalam ni Charlie saka iniwan ako sa cafeteria. 

Napakibit-balikat na lang ako at umupo sa palagi naming pinu-pwestuhan ni Charlie. Susubo na sana ako ng kanin ngunit natigilan ako nang mapansing may umupo sa tapat ko. Agad akong napaangat ng tingin at napangiti. 

“Uy, bilis mo naman yata teh–Aivan?” Napakurap ako nang mapatingin sa kan’ya. 

Ngumiti na lang siya sa akin saka inilapag ang tray n’ya sa mesa. “Can I sit here?”

“Oo naman, Aiv–Doc Aivan,” sabi ko na lang saka ngumiti sa kan’ya. 

Myghad. Hindi ako pwedeng makipag-feeling close sa kan’ya basta. Mahalaga pa rin ang professionalism sa ospital, right?

Charot, ’di pala bagay sa akin. 

Napatingin na lang ako sa paligid, halos lahat napapatingin sa amin. Hirap ng may kasamang famous… Kahapon lang daw siya nagsimulang magtrabaho rito pero heartthrob siya agad. Hindi ko naman sila masisi, gwapo naman talaga itong si Aivan. Noong una ko nga siyang nakita noong pinakilala siya ni ate, nagulat ako kasi ang gwapo n’ya talaga… pero ang tanong sa isip ko noon, e, kung mataba ba ang wallet n’ya. 

Talo ng mayaman ang pogi… Yes! Purr!

“You can just call me Aivan… kung saan ka komportable,” sabi na lang n’ya saka sumubo rin ng kanin n’ya. 

“Ah, ganoon ba? Okay, Aivan,” sabi ko na lang… Actually, Kuya Aivan ang tawag ko sa kan’ya noon, e, hiwalay na sila ni Ate, kaya hindi ko na siya kuya. Duh! Mindset ba, mindset. 

Sa pagkakatanda ko nasa mid-30s na yata siya. Nasa 30 lang naman ako, pero sa sobrang gwapo n’ya, nagmumukha yata akong nanay n’ya… Nasaan ba ang hustisya sa mundong ’to? 

“Aivan… Hindi nagku-kwento sa akin si Ate… pero pwede ko bang itanong kung bakit kayo naghiwalay?” tanong ko saka kumagat sa chicken. 

Sabi nila kapag health worker, healthy raw ang mga kinakain… Well, ako yata ang naiiba. Ayoko ng gulay. 

Napahawak na lang si Aivan sa batok n’ya. Gusto kong sampalin ang sarili ko nang mapansin na parang nalungkot siya at lumamlam ang mga mata n’ya… Myghad. Bakit ko ba ’yon tinanong? Malamang masakit pa rin sa kan’ya ’yon. 

“Ay… sorry, h’wag mo na lang sagutin,” hinging paumanhin ko. 

Tumingin sa akin si Aivan saka tipid na ngumiti… “Well… It’s just that, your sister couldn’t take me. I guess I’m too much for her.”

Lihim akong napasinghap… Malaki rin ang etits n’ya? OMG, parehas pala kami ni ate na takot sa malalaking sandata. 

“Ah, gano’n ba?” napapatangong sabi ko na lang. 

Natahimik na lang kaming pareho. Hindi na ’ko nagtanong pa ulit dahil delikado kapag binubuka ko ’tong madaldal kong bibig. Baka may maitanong na naman akong personal. May limitasyon din naman ang pagiging taklesa ko ’no. 

“How about you, Cheryl… Wala ka pa bang boyfriend?” tanong ni Aivan. 

Napangiwi ako. “Wala pa nga, e. May ire-reto ka ba sa ’kin? Pwede na sa ’kin kung may kakilala kang doktor din, tapos mayaman.” Nagtaas-baba ako ng kilay. 

Marahang napahalakhak na lang si Aivan saka tumango. “May kakilala ako, gusto mong ireto kita sa kan’ya?” pagsakay n’ya sa trip ko. 

“Ay, wow. Bet ko ’yan.”

“Okay, sasabihan na lang kita kapag handa na siya,” sabi n’ya pa saka napangiti sa akin. 

Napakurap na lang ako. “Hala? Seryoso pala ’yon?”

My goodness, ha. Nawindang ang lahat ng system sa katawan ko. 

Tumango si Aivan saka hinawi ang buhok n’ya. “Oo naman… ayaw mo ba?”

Napaisip ako… Siguro nga panahon na para magkajowa ako. Sayang naman ang ganda kong ’to kung hindi ako madidiligan… Charot! 

“Okay, fine,” kunwaring napipilitan na sabi ko. 

Ngumiti na lang si Aivan… May kakaiba sa ngiti n’ya pero hindi ko na lang pinansin… Haharapin ko na ang hamon this time. Hindi na ako matatakot kahit pa jumbo hotdog ang etits ng irereto n’ya sa akin. Fighting!

NATAPOS ANG ARAW ko na super pagod. Kahit naman mukha akong maganda at fresh lagi, nakakaloka pa rin ang trabaho ko. Lagi pa akong napapa-overtime. Hindi kasing laki ng sweldo ko noon sa Canada ang sinu-sweldo ko ngayon pero okay na rin. Mas komportable pa rin akong magtrabaho at manatili rito sa Pinas. Saka dinudugo ang ilong ko kaka-english sa ibang bansa. 

Saka napapaligiran din kasi ako ng mga jumbo hotdog sa Canada. Nakaka-stress. 

“Hoy, teh. Chismis ng mga nurse kanina, close raw kayo nu’ng bagong poging doktor. Trulalu ba?” tanong ni Charlie nang palabas na kami sa ospital at pauwi na. 

“Hindi naman, slight lang. Ex kasi siya ng ate ko,” paliwanag ko na lang saka kumagat sa gummy worms na binili ko sa kung saan. Parehas kami ni ate na mahilig sa gummy worms. Share ko lang. 

“Sana ako naman next,” kinikilig na sabi ni Charlie. 

“Next na ano? Next na maging ex?” tanong ko na lang. 

Binatukan ako ng gaga. “Tse! Pangit mo kausap. Bye na nga! Ingat sa pag-uwi teh, baka mamatay kang virgin,” sabi na lang n’ya saka pumara na sa taxi. 

Pinakyuhan ko na lang siya bago sumakay sa jeep pauwi. O-order na lang ako ng pizza pag-uwi. Tinatamad akong magluto, e. 

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na ako sa apartment na tinutuluyan ko. Pasimple akong tumingin sa phone ko. Hiningi ni Aivan ang  number ko kanina para daw ma-update n’ya ako sa kakilala n’yang irereto n’ya sa akin… Sana legit ’yon, medyo jowang jowa ako ngayon dahil sa stress. Gusto ko ng kalambingan. Charot lang ’yung sinabi ko kanina na ayaw ko ng boyfriend. 

Isa akong babae na aminado sa weakness ko… Yes, queen things!

Kukuhanin ko na sana ang susi ng pinto ngunit natigilan ako nang mapansing bahagyang nakaawang ’yon. Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko. Pasimple kong kinuha ang syringe ko sa bag saka dahan-dahang pumasok sa loob… Madilim sa bahay… pero may kaunting liwanag galing sa bintana. 

“Oh, you’re finally here, Cheryl…”

Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses na ’yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Aivan na nakatayo mula sa di kalayuan at nakapamulsa habang nakatitig sa akin. May isa pang lalaki na duguan ang mukha at nakaluhod… Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko dahil sa gulat. 

“A-Ano’ng nangyayari dito, Aivan? A-Ano’ng ibig sabihin nito?” nagkakanda-utal na tanong ko. 

“Ahh… this man here tried to steal some stuff in your house. I was just helping you,” sabi  n’ya saka pinasadahan ng daliri ang talim ng kutsilyong hawak n’ya. Dumugo ang daliri n’ya ngunit parang hindi naman n’ya alintana ’yon. 

Napalunok ako habang nakatingin kay Aivan… Tila ibang iba ang aura n’ya ngayon kaysa kanina. Nakakatayo ng mga balahibo ang titig at maliit na ngisi sa labi n’ya. Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa kan’ya… hindi dahil sa lalaking nagtangkang magnakaw sa bahay ko. 

Mas nakakatakot si Aivan.

Hinila ni Aivan ang buhok ng nakaluhod na lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang walang babalang ginilitan n’ya ang leeg nito sa harapan ko. Nanghihinang napaupo ako sa sahig at napatili dahil sa gulat nang sumirit ang dugo ng lalaki mula sa leeg nitong ginilitan ni Aivan. Nanginig ang buong katawan ko sa takot. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ako ang cellphone ko para humingi ng tulong pero tila hindi ko mapindot ’yon sa tindi ng panginginig ng mga kamay ko. 

Kinakabahang napatingin ako kay Aivan. Malamig na tumingin siya sa akin saka pinahid ang dugo ng lalaki sa pisngi n’ya bago naglakad palapit sa akin. Pilit akong umaatras pero agad akong napasinghap nang pader na pala ang nasa likod ko. Mmas lalong umakyat ang kaba sa dibdib ko nang makalapit siya sa akin saka inapakan ang kamay ko. Napatili na lang ako sa sakit nang diinan n’ya ang pag-apak doon. 

“Hey… what the fuck are you doing?” Umupo siya upang magpantay ang mukha namin. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa tingin n’ya sa akin, pati sa mga mata n’ya… Lalo na sa talsik ng dugo sa leeg at damit n’ya. 

“You should be thanking me for saving you, Cheryl… You’re so shameless.”

Nanginginig na napatango ako. “S-Salamat! S-Salamat po!” nanginginig sa takot na sabi ko. 

Mabilis kong kinuha ang syringe sa bag ko gamit ang isang kamay. Agad na sinaksak ko ’yon sa leeg n’ya. Nanlaki ang mga mata ko dahil tila wala ’yong epekto sa kan’ya. Sinubukan kong isaksak sa leeg n’ya ’yon ulit, pero gaya kanina, wala siyang reaksyon… Napangisi na lang siya at inalis ang syringe na nakasaksak sa leeg n’ya saka hinagis ’yon.

Nagtayuan ang mga balahibo ko nang mahinang humalakhak siya habang nakatitig sa akin. “Damn… You’re more exciting than your sister.”

Mahigpit na hinawakan n’ya ang panga ko saka inuntog ang ulo ko sa pader bago ako tuluyang nawalan ng malay. 


A/N: I like to read your theories about this story, kasi kapag may nakahula ng plot nito, magdadabog ako. Char.

CHAPTER II

Nagising ako na nasa madilim na kwarto. Agad akong napabangon, pero napasapo rin ako sa ulo ko dahil sa matinding pananakit no’n. Napapikit na lang ako nang mariin dahil parang umiikot ang paningin ko. 

“Oh, good thing you woke up… Akala ko napatay kita.”

Napapitlag ako nang marinig ang pamilyar na boses na ’yon. Agad akong napakapit sa kumot at napatingin kay Aivan na prenteng nakaupo sa couch mula sa ’di kalayuan. Nakatitig ito sa akin na para bang kanina n’ya pa ako pinapanood matulog. Nagtayuan ang mga balahibo ko. 

Napangiti na lang ako at marahang pinukpok ang ulo ko saka awkward na tumawa. “OMG, ’y-yung kanina, panaginip lang ’yon, ’diba? Imposibleng may pinatay ka tapos…” muli akong napahagalpak ng tawa at pumalakpak. “Hay, grabe na talaga ang mga napapaginipan ko.”

Tama, siguro naloka lang ako kanina. Ang Aivan na kilala ko, hindi magagawa ’yon. Halos narindi ako sa mga pagku-kwento ni Ate tungkol sa kan’ya noon… kung gaano siya kabait, gentleman, at understanding. Kaya imposibleng may pinatay siya. 

Natigilan ako nang muling pumasok sa isip ko ang lalaking namatay. Bumaluktot ang mga binti ko at napayakap ako sa mga ’yon nang maalala nang malinaw sa isip ko kung paano ginilitan ng leeg ni Aivan ang lalaki kanina… ang pag-agos ng dugo nito, ang dugo nitong nagkalat sa sahig ng bahay ko… Imposibleng panaginip lang ang ganoong ka-detalyadong pangyayari sa isip ko. 

Nanginginig na naman ang buong katawan ko dahil sa takot. Napatingin ako kay Aivan na malamig na nakatitig lang sa akin… tila naaaliw siya na nakikita akong natatakot. 

“T-Totoong pinatay mo ’yung lalaki kanina? B-Bakit mo ginawa ’yon? D-Demonyo ka!” Kahit nanginginig ako sa takot, kumuha ako ng isang unan at ibinato ’yon sa kan’ya. 

Hindi na lang nagsalita si Aivan, hindi rin naman tumama ang unan sa kan’ya. Hinawi n’ya ang buhok saka tumayo at lumapit sa akin. Napaatras ako at mas lalong nanginig ang katawan ko nang umupo siya sa kama saka tumitig sa akin. 

“Should I kill someone in front of you again? Your reaction is amusing me,” sabi nito saka umangat ang sulok ng labi. 

Nagtayuan ang mga balahibo ko. Napaiwas na lang ako ng tingin at pasimpleng tumingin sa paligid ng pwedeng ipanlaban sa kan’ya. 

“It will be no help. You’re a nurse so you must know what CIPA means… Kahit saksakin mo ako ngayon, hindi ko mararamdaman,” anas n’ya habang tila naaaliw na nakatitig sa akin. 

“M-May CIPA ka?” tila hindi makapaniwalang tanong ko. 

Napabuga na lang ako ng hangin at napakuyom ng kamao. Tangina. Kung gano’n hindi siya nakakaramdam ng physical pain. Bakit masyadong unfair ang sitwasyon naming dalawa?!

“You just have to accept that you’re my new toy now… You have to do your best. Entertain me as much as you can so I won’t get bored and kill you,” nakangiting sabi n’ya sa akin na para bang hindi nakakakilabot ang sinasabi n’ya ngayon. 

Napalunok ako at napakapit nang mahigpit sa kumot. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa buhay ko para mangyari sa akin ang ganito… Napasabunot na lang ako sa buhok ko at tumingin kay Aivan na nakatitig lang sa akin. 

Parang gusto ko na lang himatayin ulit kaysa makita ang pagmumukha ng siraulong ’to. Wala siya sa tamang katinuan. Walang matinong tao ang katulad n’ya. 

“A-Aivan… Hindi ba pwedeng pakawalan mo na ako? Ahm, h-hindi ko naman sasabihin kahit kanino… please. M-May pinagsamahan naman kayo ng ate ko diba? P-Please, sayang ’yung simpleng buhay at pangarap ko kung a-ano… k-kung papatayin mo lang ako.” Pinagdikit ko pa ang dalawang palad ko saka napapikit nang mariin.

“My… do you think I’m foolish enough to just let you go? Kapag pinakawalan kita… bangkay ka na. Gusto mo ba ’yon?” 

Nagtayuan ang mga balahibo ko at napadilat nang maging malamig ang boses n’ya. Napalunok ako kasabay ng panginginig ng mga labi ko… Paano pa ako makakatakas sa siraulong ’to? Kailangan kong pag-isipang maigi ang magiging galaw ko dahil siguradong matalino siya pagdating sa ganito. 

Hindi ako mawawalan ng pag-asa… Hahanap ako ng pagkakataon para makatakas. Kailangan ko munang kumalma at pag-aralan ang magiging galaw ko. 

“Kumain ka,” tipid na sabi na lang ni Aivan saka tumayo at lumabas ng silid.

Napatingin ako sa pagkain. Wala akong balak kainin ’yon. Bukod sa gulay ’yon, wala talaga akong gana kumain dahil sa mga nakita ko kanina. Napapikit ako nang mariin at napasabunot sa buhok ko… Gusto kong maalis na sa isip ko ’yon. Pero mukhang kahit sa bangungot hahabulin ako ng nakita ko kanina. 

Napatingin ako sa pinto na pinaglabasan ni Aivan kanina. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko… Bakit kaya hindi n’ya ako tinatali o ano man? Kampante ba siya na hindi ako makakatakas dito?

Tumayo ako at dahan-dahang nagtungo sa pinto. Marahan kong binuksan ’yon at sumilip sa labas. Napakunot na lang ang noo ko, mukhang simpleng bahay lang ito. Halatang mamahalin ang mga gamit pero hindi ito tulad ng inaasahan ko na madilim at creepy. Malinis ang buong bahay n’ya na halos masilaw ako sa makintab na sahig. Malaki ang bahay na halos mansyon  na yata ’to. Mukkhang mamahalin din ang mga gamit. 

Napalunok na lang ako at nasilip si Aivan na nakaupo sa may living room at nanonood ng TV. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Hindi siya heavily secured gaya ng inaasahan ko. Mukhang may pag-asa naman akong makatakas. 

Agad kong kinuha ang tinidor sa tray ng pagkain na nasa bed side table. Hindi naman porke may CIPA si Aivan, wala ng epekto sa katawan n’ya ang mga sugat. Oo, hindi n’ya mararamdaman ang sakit, pero siguradong may downside pa rin iyon sa kan’ya. 

Marahan akong lumabas ng silid habang abala si Aivan sa pinapanood. Buong ingat akong nagtungo sa malaking pinto na sa tingin ko pinto palabas. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak nang mahigpit sa tinidor. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Aivan habang palapit sa pinto. 

“Hey, woman… I can see your reflection on the TV.”

Napapitlag ako nang magsalita siya saka lumingon sa akin. Hindi sinasadyang napatingin ako sa TV. Nanlaki ang mga mata ko at napaupo sa sahig. Nabitiwan ko ang tinidor dahil sa pagkataranta at agad na napatakip sa mga mata ko. 

Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot… ’Yung pinapanood n’ya… Mukhang totoo iyon. 

“Akala ko ba nurse ka? Bakit takot ka sa dugo?” tanong n’ya. Nararamdaman kong nakangisi siya ngayon. 

“I-Iba naman ’yan! P-Patayin mo ’yang TV! P-Please!” Hinihingal ako habang mariing nakatakip sa mga mata ko. 

Mukhang totoong totoo ang nasa TV. Habang buhay ko na yatang maaalala iyon. Hanggang ngayon nagtatayuan pa rin ang mga balahibo ko. 

Narinig kong pinatay na ni Aivan ang TV. Mas lalo akong kinilabutan nang marinig ko ang halakhak n’ya. Narinig kong naglakad na siya papalapit sa akin. Nanatiling nakatakip ako sa mga mata ko nang maramdaman ko na ang nakakatakot n’yang presensya sa unahan ko. 

Jusmio… Bakit ba kailangang mangyari sa akin nito? Naging mabait naman ako ha. Oo, mukha akong pera pero hindi ko deserve ’to!

Mas lalo akong nanginig nang hinawakan ni Aivan ang pagkakatakip sa mga mata ko. Napalunok ako at napatingin sa kan’ya na tipid na nakangiti sa akin. “Kung ako sa ’yo hindi ko na tatangkain tumakas, Cheryl… We’re literally in the middle of a forest. Dito pa lang sa bahay ko mahihirapan ka ng tumakas.” Kinuha n’ya ang tinidor sa sahig. “You should eat your food while I’m being kind. Kapag nainis ako,” tumingin siya sa akin nang malamig, “hindi kita papakainin ng ilang araw. I’ll just watch you die from hunger,” malamig na sabi n’ya habang nakatitig sa mga mata ko. 

Nagtayuan ang mga balahibo ko. Napalunok na lang ako at bahagyang umatras sa kan’ya. “K-Kakain naman ako, e. K-Kaso gulay ’yon, h-hindi ako nakain ng gulay!”

Halatang natigilan si Aivan sa sinabi ko, tila hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin. Maya maya pa ay bigla siyang napahalakhak. Napaupo pa siya sa sahig habang natatawa. Napakunot na lang ang noo ko… Hindi ko alam kung bakit bigla akong napikon. 

“Damn… You’re hilarious!” natatawang sabi pa rin ni Aivan. 

“H’wag kang tumawa! K-Kita mo ng takot na takot ako rito, e! Tangina ka, siraulo!” Tinulak ko siya palayo sa akin. 

Napatingin ako sa tinidor na hawak n’ya. Mabilis na kinuha ko iyon sa kan’ya. Natatawa lang siya at hinayaan akong kuhanin ’yon. Itinutok ko ’yon sa kan’ya at akmang isasaksak sa kan’ya pero agad n’yang nahawakan ang palapulsuhan ko. 

“I have meat in my fridge,” sabi na lang n’ya saka kinuha ang tinidor mula sa akin nang walang kahirap-hirap. 

Napakunot ang noo ko. “H-Human meat ba ’yon?” Parang gusto kong maduwal. 

Napahalakhak na naman si Aivan. “Damn girl, I’m not a cannibal.” 

“M-Masisisi mo ba ako?! Sa sobrang dami kong nalaman na nakakagulat tungkol sa ’yo ngayong, k-kahit yata sabihin mo na marunong ka lumipad, hindi na ako magugulat!” 

Napangisi na lang si Aivan at tumayo saka hinawi ang buhok n’ya. “I’ll cook for you,” sabi na lang n’ya saka tinalikuran na ako at nagtungo sa kusina. 

Napatingin akong muli sa pinto. Nagtungo ako ro’n at sinubukang buksan ’yon pero naka-lock iyon mula sa labas. Napakagat ako sa kuko ko at nilibot ng tingin ang paligid. Isa lang ang bintana sa bahay na ’to pero may railings pa. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napatingin kay Aivan na nagsisimula na yatang magluto ngayon. 

Hindi ako pwedeng magtagal dito… Malay ko ba kung kailan siya biglang toyoin at maging siraulo na naman. Ang hirap pa naman n’ya basahin. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip n’ya… Paano kung gawin n’ya rin sa akin ang katulad sa pinapanood n’ya kanina?

Napayakap na lang ako sa sarili ko nang magtayuan ang mga balahibo ko sa takot… Hindi normal na tao ang Aivan na ’to. 

Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko at huminga nang malalim. Kahit nanginginig ang mga paa ko, humakbang ako palapit kay Aivan. Umupo ako upuan at pinaglaruan ang mga daliri ko habang pinapanood ang ginagawa n’ya… Mukhang magaling siya magluto. 

Napapikit na lang ako nang mariin nang makitang kinuha n’ya ang kutsilyo at pinanghiwa sa karne… Naghabol ako ng hininga at napakapit nang mahigpit sa mesa. Mukhang hindi na ako makakapagtrabaho nang normal sa oras na makatakas ako rito… hindi na maalis sa isip ko ang lalaking pinatay n’ya sa harapan ko kanina. 

“Hey… You look constipated.”

Napalunok na lang ako at idinilat ang mga mata ko saka napatingin kay Aivan. Nakasandal ang likod n’ya sa fridge habang nakatitig sa akin at nakapamulsa. 

“A-Anong klaseng tao ka, Aivan? I-I mean… b-bakit mo ginagawa ’to?” nauutal na tanong ko. 

Napangiti si Aivan saka umupo sa tapat ko. “Well… it’s fun.”

Napalunok ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Fun? Dahil lang fun?

“Ahm, A-Aivan… do you have childhood trauma? K-Kaya ka ba gan’yan?” nauutal na tanong ko. 

Aivan smiled and shook his head. “No, I don’t have childhood trauma or whatever you call it… Ganito na talaga ako,” sagot n’ya. 

Tangina… Mukhang kinukutuban na agad ako. 

“Ahm… D-Diba ex ka ni ate? I-Ibig sabihin minahal mo siya, diba?” tanong ko pa. 

“Well… not really. I just want her to keep by my side because she’s the most convenient woman to be with… but I don’t know if I love her. How will you know if you love someone?” tanong n’ya… He seems really curious, o baka naman nagpapanggap lang siya. 

“K-Kapag ano…” Tangina, paano ko ba sasagutin ’yon, e, hindi pa naman ako na-i-in love?

“Kapag?” tanong n’ya. 

“Kapag bumibilis ’yung tibok ng puso mo at k-kinikilig ka. K-Kapag gusto mo siya laging kasama at magpakasal sa kan’ya,” sabi ko na lang… Ni hindi ko alam kung tama ba ’tong pinagsasabi ko. 

“Oh, is that so?” Napahawak si Aivan sa baba n’ya. “Then I didn’t love her. I never felt that towards her. I just want to keep her then kill her if she no longer amuse me,” sabi na lang n’ya saka isinandal ang likod sa backrest ng upuan. 

Napakuyom ang kamao ko sa sinabi n’ya. Gusto kong suntukin ang pagmumukha n’ya ngayon pero pinipigilan ko ang sarili ko… Kahit na gaano ako kainis sa kan’ya, kailangan ko pa ring mag-isip nang ayos.

“T-Then… Ahm, ibig sabihin… Nagpapanggap ka lang? Palagi ka bang nagpapanggap?” 

Tumango si Aivan.

“B-Bakit ka nagpapanggap?” tanong ko pa. 

“It’s entertaining to watch and observe fool people like you. It’s also entertaining to watch people being carried away with their emotions. I like to observe them… see them cry and suffer… it was truly fascinating.”

Napalunok na lang ako sa isinagot n’ya. Parang ako ang nanghihina sa ginagawa namin ngayon, lalo pa akong nanghihina dahil sa mga isinasagot n’ya sa akin… Nakakapanginig ng katawan, pero pinipilit kong umaktong normal at walang takot. 

“N-Nakakaramdam ka ba ng lungkot? Konsensya? May pakiramdam ka ba?” tanong ko pa. 

“Well… you can say that I lack feelings, but I can feel happiness and excitement… and that’s when I kill people,” sabi n’ya habang matiim na nakatitig sa ’kin. “I don’t feel remorse at all though. I find it exciting seeing people beg for their lives before I kill them. It’s the only moment that my heart throbs… It’s fucking exciting,” bulong n’ya habang nakatitig pa rin sa akin. 

Nanginig ang mga tuhod ko, pati na rin ang ibabang labi ko habang nakatitig sa kan’ya. Napangisi siya sa naging reaksyon ko na para bang naaaliw siya na nakikita akong natatakot. Napalunok na lang ako at napakapit nang mahigpit sa mesa. 

“Y-you’re a psychopath, Aivan.”

Ngumiti lang sa akin si Aivan. He crossed his arms and smirked at me. “You wouldn’t want to mess with a psychopath, Cheryl… So, be a good girl and do your best to entertain me. Hmm?”

He’s hopeless… Kapag hindi ako nakaalis dito, siguradong mamamatay ako sa mga kamay n’ya. Kailangan kong tumakas.

CHAPTER III

Naalala ko na naman ’yon, kung paano ginilitan ng leeg ang lalaking ’yon sa harap ko… Hinihingal na napabangon na lang ako at napakapit nang mahigpit sa kumot. Napapikit ako nang mariin at napahawak sa sentido ko… sabi na nga ba at mangyayari ’to. Babangungutin ako. 

“You should drink water.”

Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita. Napamura ako nang malakas nang makita si Aivan  na prenteng nakaupo sa couch mula sa di kalayuan at nakatitig sa akin. Naiinis na kinuha ko ang isang unan at ibinato ’yon sa kan’ya na nailagan naman n’ya. 

“Bakit nandyan kang gago ka?! Aatakihin ako sa puso dahil sa ’yo!” asik ko. 

“So what? I’ll cure you, I’m a doctor,” sabi na lang n’ya saka ngumisi sa akin. 

“T-That’s not the issue here! Sobrang creepy na natutulog ako tapos nandyan ka at pinapanood akong matulog!” naiinis na sabi ko. 

Nakakaramdam pa rin ako ng takot sa kan’ya pero hindi ko mapigil ang inis ko sa kan’ya ngayon. Tanginang ’yan. Sino ba naman ang hindi mawi-wirdohan kung natutulog ka tapos may nakatitig pala sa ’yo? 

“Kaya pala binabangungot ako dahil nandito ka!” asik ko. 

Napangiti si Aivan saka itinuro ang sarili n’ya. “Why is it my fault? I’m just watching you suffer from your nightmare… Masama ba ’yon?”

Napapikit ako nang mariin at napahilot sa sentido ko. Wala na talagang pag-asa na makausap ko nang matino ang lalaking ’to. Mauuna yata akong mamatay sa sakit ng ulo dahil sa kan’ya!

“Drink some water. Inihanda ko na ’yan dahil alam kong babangungutin ka…” sabi ni Aivan saka itinuro ang baso ng tubig na nasa bedside table. 

Napairap na lang ako. “Ayoko, baka may lason pa ’yan.”

“I won’t kill you that way, Cheryl. That would be an easy death for you… totally not my style.”

Napabuga ako ng hangin saka napahilamos sa mukha ko. Kinuha ko ang tubig at ininom ’yon para pakalmahin ang sarili ko. Pagkatapos ay tumingin ako kay Aivan na nakatitig lang sa akin at sa bawat galaw ko. 

“Pwede ko bang tawagan o-text man lang ang ate ko? Mag-aalala ’yon sa akin,” sabi ko na lang. 

Lumamig ang tingin sa akin ni Aivan. “Don’t try to fool me, woman… Minsan wala kang paramdam o tawag sa ate mo ng ilang buwan,” sabi n’ya saka napangisi. 

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil nautakan n’ya ako ro’n. Naging boyfriend nga pala siya ni ate kaya malamang alam n’ya ang tungkol sa bagay na ’yon. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at muling tumingin kay Aivan na nakatitig lang sa akin, tila binabasa n’ya ang iniisip ko. 

Bakit ganito? Pakiramdam ko nalalaman n’ya ang lahat sa akin pati na ang iniisip ko sa simpleng pagtingin n’ya lang sa mga mata ko, samantalang ako hindi ko malaman ang tumatakbo sa magulo n’yang utak. Baka ang iniisip n’ya lang sa mga oras na ’to ay kung paano ako pahihirapan at papatayin. 

Tangina naman talaga. Kung alam ko lang na mangyayari ’to, sana nakipag-sex na lang ako sa Canadian na nakilala ko noon kahit malaki ang etits niya!

“Ahm, p-paano ro’n sa ospital? ’Y-yung trabaho ko ro’n, siguradong hinahanap na ako ng mga–”

“Naasikaso ko na ’yon… You don’t have to worry about those stuff and focus on your goal,” sabi n’ya, umangat ang isang sulok ng labi n’ya. 

“Goal? Ang goal ko lang naman, e, makatakas dito,” bulong ko saka napaismid. 

Napangisi na lang si Aivan. “You have to entertain me. I will kill you if I don’t find you entertaining anymore,” sabi n’ya saka napahawak sa ibabang labi. 

Napabuga na lang ako ng hangin at napahilot sa sentido ko. “Ano bang entertain ang pinagsasabi mo?! Hindi naman ako clown! Shuta ka!” 

Natahimik ako nang tumingin nang malamig sa akin si Aivan. Agad akong napalunok at kinabahan sa tingin n’yang ’yon. Alanganing ngumiti na lang ako at napahawak sa batok ko. “I-I mean, shuta ka po. “ 

Tangina, Cheryl Miranda! Anong ginagawa mo?!

Marahang napahalakhak si Aivan habang nakatitig sa akin. Pinigil ko ang sarili na batuhin siya ulit ng unan. Anak ng pating naman! Gustong gusto ko na siyang sapakin ngayon. 

“That’s what I mean, Cheryl. Just be yourself. Your existence itself is already fucking hilarious,” natatawang sabi n’ya saka napangisi. 

Napairap na lang ako at napakagat sa ibabang labi ko. “K-Kailan mo ’ko balak pakawalan?” tanong ko na lang sa mahinang boses. 

“Hmm… you didn’t get me at all, Cheryl.” Napahawak si Aivan sa batok n’ya. “Wala akong balak pakawalan ka. I told you, I’ll keep you alive as long as I find you entertaining. Kapag hindi na ako natutuwa sa ’yo, papatayin na kita.”

Nagsindi siya ng sigarilyo saka hinithit ’yon. Napakunot na lang ang noo ko saka napatakip sa ilong ko… Ngayon lang yata ako nakakita ng doktor na naninigarilyo. 

Napabuntonghininga na lang ako at napatitig sa kan’ya na nakatitig lang din sa akin. “I-Ibig sabihin, hindi na sa akin ang buhay ko?”

Tumango si Aivan. “Hmm… your life is mine now,” bumuga siya ng usok saka ngumiti sa akin. 

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napakuyom ng kamao… Mas lalo kong kailangan tumakas. Malay ko ba kung kailan siya topakin at bigla na lang akong patayin? Kailangan ko ng umisip ng paraan kung paano ako makakaalis sa lugar na ’to. 

NAGISING AKO NA mabigat ang katawan. Hindi ako nakatulog nang ayos dahil ayaw umalis ni Aivan sa kwarto ko. Sino ba naman ang makakatulog sa ganoong sitwasyon? 

Tahimik na pinapanood ko na lang si Aivan habang nagluluto ng almusal. Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa kan’ya. Hindi rin siya natulog, ah. Sana himatayin siya dahil sa kulang sa tulog… Tapos tatakas agad ako rito. 

Napapitlag na lang ako nang maghain na ng pagkain si Aivan sa mesa. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka pasimpleng tumingin sa kan’ya nang umupo na siya sa tapat ko. 

“Ano… Aivan, diba siyempre mauubusan ka ng stock ng pagkain dito? Ano’ng ginagawa mo kapag gano’n? Lumalabas ka ba? Kasi siyempre diba… h-hindi ka naman palaging mags-stay rito,” sabi ko na lang saka alanganing ngumiti sa kan’ya.

Natigilan si Aivan at napatingin sa akin. Ngumisi siya saka sumubo ng kanin. “May mga tauhan akong magdadala ng mga kailangan ko… Hindi ako aalis dito,” makahulugang sabi n’ya saka isinandal ang likod sa backrest ng upuan. 

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napahawak nang mahigpit sa kutsara. Mukhang kailangan ko talagang magplanong tumakas kahit pa nandito siya… pero paano ko ba siya mauutakan? Kailangan kong mag-ingat dahil pwede n’ya ’kong patayin ano mang oras. Kailangan ko munang pag-aralan nang maigi ang kilos ko. 

“Still planning to escape?” tanong ni Aivan saka ngumisi sa akin. 

Hindi na lang ako nagsalita at nagsimulang kumain. Ang una kong kailangang gawin ay kumain, pakisamahan siya, at mabuhay. Wala naman akong ibang magagawa. Kailangan ko muna siyang pakisamahan at siguruhin na hindi siya totopakin. 

WALA NAMAN AKONG ibang ginagawa kundi ang tumulala at magpa-ikot ikot sa bahay ni Aivan. Pasimple akong naghahanap ng paglulusutan dito, pero walang ibang daanan maliban sa pinto na nasa living room, nag-iisa lang din ang bintana, may railings pa. Bukod do’n wala ng ibang lulusutan. 

“Tangina, paano ba ’to?” bulong ko na lang habang sinusubukang buksan ang pinto. 

Napabuga na lang ako ng hangin at nagtungo sa living room. Naabutan ko roon si Aivan na nagbabasa ng medicine book. Napaismid na lang ako at umupo sa malayo sa kan’ya saka kinuha ang remote. 

“Pwede ba akong manood ng TV? Mamamatay ako sa boredom,” pagpaparinig ko. 

Tumingin sa akin si Aivan saka inayos ang specs n’ya. “Mas magandang mamatay sa boredom kaysa ako ang pumatay sa ’yo,” sabi n’ya saka napangisi. 

Alanganing ngumiti na lang ako at nag-thumbs up. Tangina, ito ba ’yung tinatawag na dark humor?

Binuksan ko na lang ang TV at nanood ng kung ano. Buti na lang at may kdrama roon. Tahimik lang naman si Aivan na nagbabasa sa tabi ko. Nagfocus na lang ako sa panonood ng medical kdrama para hindi ako ma-stress nang sobra sa sitwasyon ko. 

Saktong pinapakita sa kdrama ang scalpel. Natigilan ako nang may pumasok na ideya sa isip ko… Nakita ko na maraming kutsilyo sa kusina ni Aivan. As in marami… Paano kaya kung kumuha ako ng isa roon at itago ko? 

Tumingin ako sa paligid, wala naman akong nakikita na CCTV rito sa bahay n’ya. Napatingin ako kay Aivan na tahimik lang na nagbabasa. Napakagat ako sa ibabang labi ko at matiim na tinitigan siya… Kung titingnan siya ng ganito, mukha lang talaga siyang normal na tao. 

Natigilan ako nang mapatingin siya sa akin. Agad akong napasipol saka tumingin sa TV. “Hay, grabe talaga sa mga drama, hindi naman gan’yan mag-opera, e… Diba?” sabi ko na lang. 

Pasimple akong napatingin kay Aivan. Hindi naman siya kumibo at tumuloy na lang sa pagbabasa. Mukhang wala siya sa mood mang-inis ngayon… pero sa totoo lang medyo kinakabahan ako. Baka may ibig sabihin pala ang pananahimik n’yang ’yan. Baka bigla siyang topakin tapos… Tangina, hindi pa talaga ako handang mamatay!

“I’m craving for…” biglang nagsalita si Aivan.

“k-killing people?” pagtuloy ko sa sinabi n’ya. Agad akong napalunok sa kaba. 

Napatingin sa akin si Aivan saka marahang natawa. “Pizza…”

“P-Pizza? Sure ka?” nakakunot-noong tanong ko, malala ang trust issue ko sa kan’ya. 

Tumayo si Aivan saka inalis ang specs n’ya. Napalunok na lang ako at hinabol ng tingin ang mga ginagawa n’ya. Nagpamulsa siya saka ngumisi sa akin. “I’ll make a pizza… Gusto mo rin ba?” tanong n’ya. 

Napakunot ang noo ko, pero tumango na lang din ako dahil medyo nagc-crave rin nga ako sa pizza. Sumunod na lang ako kay Aivan nang magtungo siya sa kusina. Umupo na lang ako at pinanood siya na nagmamasa ng dough… Mukhang gusto nga talaga n’ya ng pizza. 

“Aivan… sa mga ganitong sitwasyon, mukha ka lang normal na tao,” nasabi ko habang nakatitig sa ginagawa n’ya. 

Napangisi na lang si Aivan at hindi na tumugon sa sinabi ko… Hindi na lang ulit ako nagsalita at tahimik na pinanood siya. 

Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siya… pero mukha siyang nag-e-enjoy habang gumagawa ng pizza. 

NAPATITIG NA LANG ako sa kisame. Hindi na naman ako makatulog… Totoo pala talagang nakakalito ang mga katulad ni Aivan. May mga panahon na talagang natatakot ako sa kan’ya, pero meron ding mga panahon na para lang siyang simpleng tao… na parang hindi siya nakakatakot. 

Napailing na lang ako at tumagilid pero agad akong napatili at napabangon nang makitang nakahiga roon si Aivan na prenteng nakahiga, bisig n’ya ang ginamit n’yang unan. Napatingin siya sa akin nang tumili ako. 

“Ang lalim ng iniisip mo na hindi mo ’ko naramdamang humiga rito,” nakangising sabi na lang n’ya. 

“Tangina! Aatakihin ako sa’yong hayop ka! Bakit bigla ka na lang sumusulpot?! Jusme!” Hinihingal ako at napasapo sa dibdib ko. Akala ko talaga aatakihin ako sa puso dahil sa lalaking ’to. 

“You can’t sleep, right? H’wag ka na muna matulog… Play with me, hmm?” 

Napataas ang kilay ko. “Ano tayo? Bata?” masungit na sabi ko na lang. “Saka kung patayan ’yan, ayokong makipaglaro sa ’yo.” Napangiwi na lang ako. 

Napatingin ako kay Aivan nang tumitig siya sa kisame, tila nag-iisip siya ng pwede naming laruin kuno. Ano ba ang trip ng lalaking ’to sa buhay?

Napatitig na lang ulit ako sa kan’ya at napahawak sa baba ko. Nalilibugan din ba siya? Lalaki pa rin naman siya, diba? Malamang tinitigasan din siya kapag may babaeng maganda at sexy na tulad ko ang aakit sa kan’ya? Tapos kapag nakipag-sex siya… siyempre makakatulog siya. 

“Alam ko na ang lalaruin natin,” bulong ko saka ngumiti kay Aivan. 

Napalingon siya sa akin at ngumiti. “Ano?”

Goodbye, dignidad. Ang mahalaga makatakas ako rito, kahit virginity ko ang nakataya. 

Natigilan si Aivan nang walang pasabing umupo ako sa ibabaw n’ya. Ngumisi ako sa kan’ya saka pinasadahan ng daliri ko ang dibdib n’ya. Sa totoo lang nararamdaman ko ang matigas n’yang abs sa pang-upo ko pero hindi ko na lang pinahalata na naapektuhan ako roon… Nagulat na lang ako nang hindi sinasadyang sumanggi ang pwet ko sa bukol sa pagitan ng legs n’ya… Tangina? 

Bakit jumbo hotdog din ’to?! Takot ako rito!

“What are you doing, Cheryl?” tanong ni Aivan habang nakatitig sa akin. 

“Ahm… P-Para makatulog tayo, maganda kung nakakapagod na laro ang lalaruin natin, diba?” nakangising sabi ko saka bahagyang iginalaw ang balakang ko. 

Tangina… Sorry. Sorry, ate. Sorry, self. Desperada na ako. 

Napasinghap ako nang biglang umupo si Aivan. Nanlaki ang mga mata ko nang malapit na ang mukha namin sa isa’t isa. Parang gusto ko na mag-backout nang humawak siya sa likod ko at hinila ang katawan ko palapit sa kan’ya. 

“Are you sure you can handle me, Cheryl?” anas ni Aivan.

Napalunok ako at napailing. “H-Hindi, hindi po. J-Joke lang ’yon, haha,” sabi ko na lang at akmang aalis sa pagkakaupo sa kan’ya pero napasinghap na lang ako nang pagpalitin n’ya ang pwesto namin at siya naman ang pumaibabaw sa akin. 

Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko… Tangina. Ano ba ’tong kagagahan ko?!

“What game are you talking about, Cheryl? Maybe, I can consider it…” nakangising sabi n’ya.

Natatarantang itinulak ko siya saka tinadyakan palayo sa akin. Napabangon naman siya at napahawak sa tiyan n’ya nang tadyakan ko ’yon. Hindi naman siya nag-react dahil marahil hindi naman n’ya naramdaman ’yon… Dali dali akong kumuha ng kumot at ibinalot ’yon sa sarili ko. 

“S-Sabing joke lang ’yon, e! Manyakis! S-Siguro may pagnanasa ka sa ’kin ’no?” 

Napahawak si Aivan sa batok n’ya at napangisi. “Bakit ako? Sino ba ang bigla na lang pumatong sa ’kin at tinangkang akitin ako?”

Nag-init ang mukha ko sa sinabi n’ya. Bigla na lang akong tinablan ng hiya sa ginawa ko kanina. Tangina… Dapat pinagplanuhan ko munang maigi. Sa susunod na lang… pwede ko naman siyang lasingin na lang o ano. 

“Joke nga lang kasi ’yon! U-Umalis ka na nga rito! Hindi ako makakatulog kung nandyan ka!”

Nang hindi pa rin umaalis si Aivan, tumayo na ako at hinawakan siya sa braso saka hinila siya palabas ng kwarto ko. Akmang isasara ko na ang pinto pero agad n’yang hinarang ’yon. “Should I just kill someone in front of you or–”

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin n’ya at agad siyang pinagsarhan ng pinto. Napaismid ako at nagtungo na lang sa kama saka humiga. Napatitig ako sa kisame at napabuntonghininga. 

Lahat ng posibleng paraan, gagawin ko para makatakas, pero kapag walang tumalab sa mga ’yon… Mukhang mapipilitan akong patayin siya. 

Mas maganda na ’yon kaysa ako ang mapatay n’ya… Uunahan ko siya. 

SAGLIT LANG AKONG nakatulog. Nagising din ako pagsapit ng alas tres ng madaling araw. Agad akong bumangon at sinilip kung nandito ba sa kwarto si Aivan. Nakahinga ako nang maluwag nang wala na siya rito. Buti naman. Ang creepy lang talaga na palagi siyang nandyan sa dilim sa tuwing magigising ako.

Lumabas ako ng silid para uminom ng tubig. Babalik na sana ako ngunit natigilan ako nang mapatingin sa bintana. Nandoon si Aivan at nakaupo, nakatitig sa labas na para bang may hinihintay siya… o binabantayan. 

Napatingin ako sa mga mata n’ya. Hindi ko malaman kung ano ang iniisip o nararamdaman n’ya sa mga oras na ’to… o kung meron ba. 

Ngayon ko lang napansin simula nang mapunta ako rito. Palagi siyang gising kahit pa nagigising ako ng madaling araw… Sa gabi man o araw, palagi siyang gising.

Hindi ko pa nakitang natulog si Aivan… parang palagi siyang may binabantayan.

CHAPTER IV

Tahimik na pinagmamasdan ko na lang si Aivan na abala sa paghahanda ng pagkain namin. Hindi pa rin maalis sa isip ko na hindi ko pa siya nakikitang matulog… Hindi ako nakatulog kakaisip kung paano ko gagawing advantage ’yon para makatakas sa kan’ya. 

“What are you thinking, hmm, Cheryl?”

Napapitlag ako nang lumingon sa akin si Aivan saka napangisi. Napatikhim na lang ako at tinapik-tapik ng daliri ko ang mesa. “Wala, nagugutom lang.”

Ngumiti na lang si Aivan saka muling binaling ang atensyon n’ya sa niluluto. Kapag ngumingiti siya ng gano’n, mukha lang siyang normal na tao sa paningin ko… pero nakakakaba. Ano ba ang plano n’ya sa akin? Hindi ko alam kung sa anong paraan ko siya na-e-entertain.

Pinanood ko na lang ang likod n’ya at napakagat sa kuko ko. Kailangan ko munang magplano maigi. Hindi madaling utakan si Aivan, halatang matalino siya at malakas ang pakiramdam. Kailangan ko munang pag-isipan… Mag-isip ka kahit bobo ka, Cheryl!

Napatigil ako sa pag-iisip nang maamoy ko ang niluluto ni Aivan. Naghain na siya para sa aming dalawa saka umupo sa tapat ko at ngumiti. “Let’s eat.”

Napalunok na lang ako at napatingin sa burger steak na niluto n’ya, aminado ako na magaling magluto si Aivan. Halos maglaway ang bagang ko sa bango ng niluto n’ya. Tumikhim na lang ako at kinuha ang kutsilyo at tinidor saka nagsimulang kumain… Tama, hindi ako makakapag-isip nang ayos kung gutom ako. 

Nagsimula na ring kumain si Aivan. Nadi-distract lang ako dahil patingin tingin siya sa akin… Ano ba’ng problema n’ya?!

“B-bakit ka ba tingin nang tingin?! Oo na, maganda ako, alam ko ’yon!” sabi ko na lang saka napaismid. 

Ngumisi si Aivan saka isinaksak ang kutsilyo sa mesa. Halos mapatili ako nang bumaon talaga ang talim  ng kutsilyo sa matibay na mesa. Napakurap na lang ako at nanginginig ang mga kamay na napahawak sa kutsilyo ko.

“Why are you so quiet, Cheryl? I don’t like it,” sabi ni Aivan habang nakangiti sa akin… Mas lalo lang dumadagdag sa takot ko ang ngiti n’yang ’yon. 

“W-wala ako sa mood! Para naman akong timang kung maingay ako lagi, ’no!” depensa ko na lang sa sarili ko. 

Napangisi na lang si Aivan saka parang wala lang na kinuha ang kutsilyo saka nagsimulang kumain. “I told you I’m gonna kill you if I no longer find you entertaining, right?” tanong n’ya saka isinubo pagkain. 

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at tumango. “O-oo! Alam ko naman, ’no,” bulong ko na lang. 

Natigilan ako nang may pumasok sa isip ko. Napataas naman ang kilay ni Aivan at naghihintay sa sasabihin ko. Ngumiti na lang ako sa kan’ya saka nagtaas-baba ng kilay… Aakto muna akong cool ngayon. 

“What if… magbonding tayong dalawa?” tanong ko. 

Napakunot ang noo ni Aivan. “What the hell are you saying, Cheryl?” tanong ni Aivan at uminom na lang ng tubig. 

“Ano ka ba? Siyempre para hindi tayo ma-bored!”

“You’re up to something again, aren’t you?” tanong ni Aivan saka matiim na tumingin sa’kin. 

Napalunok ako at umiling. “H-hindi ah. Nabo-bored lang talaga ako! Sige na,” pamimilit ko. 

Napangisi na lang si Aivan at hindi na sumagot. Hindi na lang din ako nagsalita at tumuloy sa pagkain kahit nagp-plano na ako sa isip ko. 

Pagkatapos naming kumain, nagyaya ako kay Aivan na manood ng movie. Sinadya kong pumili ng tragic at nakakaiyak na movie, wala namang kontra si Aivan at prenteng nakaupo lang sa couch habang nakain ng popcorn… Napabuntonghininga na lang ako. Sa mga ganitong pagkakataon talaga, mukha lang siyang normal na tao sa paningin ko. 

Napailing na lang ako at sinimulan  na ang movie. Pasimple akong tumitingin kay Aivan habang nanonood kami. Wala naman siyang reaksyon. Kahit pa sobrang nakakaiyak ’yung scene at halos sumabog na ang luha ko, wala pa rin siyang pinapakitang interes sa movie. 

“G-grabe, nakakaiyak ’no?” tanong ko saka pinahid ang mga luha ko. 

“No, she deserves to die. I’m happy that she died,” sabi na lang n’ya saka nagkibit-balikat. 

Napairap na lang ako at pinigil ang sarili kong batukan siya. Pagkatapos manood ng movie, niyaya ko naman si Aivan na mag-exercise. Halatang nagtataka siya sa mga trip ko sa buhay pero sumasakay na lang din siya… mukhang bored din kasi siya. Buti na lang. 

“One, two, three… Go! Go!” bilang ko sa bawat push up ni Aivan na sinasabayan ko naman ng jumping jacks. 

Kung ano-ano pang exercise ang ginawa namin, siniguro ko na mapapagod talaga si Aivan. Hindi naman siya nakontra sa mga trip ko, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa roon o kabahan. Hindi ko alam kung nakakatunog ba siya sa pinaplano ko o baka bored lang talaga siya. 

“Ang next nating gagawin, maglinis!” nakapamaywang na sabi ko matapos namin mag-exercise. 

“Malinis naman ang bahay ko,” sabi na lang ni Aivan saka umupo sa couch. 

“Hindi pa ’yon sapat! Dapat super linis! Halika na!” Lumapit ako sa kan’ya at hinawakan ang wrist n’ya saka hinila siya patayo. 

Hindi na lang nagsalita si Aivan at nagpahila sa akin. Kinuha ko ang mop at basahang bilog. Inabot ko sa kan’ya ang mop. “Ikaw ang magmo-mop, ako naman ang magpupunas ng kung ano ano.”

Tumango na lang si Aivan at sinunod ang utos ko. Nagsimula na kaming maglinis. Inabot na kami ng dilim dahil buong bahay ang nilinis namin. Muntik pang mawala sa isip ko ang misyon ko dahil natatawa ako sa tuwing bumabahing si Aivan kahit wala naman talagang nakakatawa roon… Deserve niya ’yon. Sana malunok n’ya lahat ng alikabok sa mundo. 

“Okay, dahil tapos na tayong maglinis at nakapagpahinga na tayo nang slight, maliligo naman tayo,” sabi ko saka nagpamaywang. 

“Sabay tayo?” tila pa-inosenteng tanong ni Aivan. 

“Anong sabay?! Asa ka! May sarili kang banyo sa kwarto mo, diba? Maligo ka na, ako rin maliligo na. Pagkatapos mo, pumunta ka sa kwarto ko dahil may gagawin pa tayo,” sabi ko na lang. 

“What are we gonna do? Sex?” parang wala lang na tanong n’ya. 

Nag-init ang mukha ko dahil naalala ko na naman ang ginawa ko noong nakaraan. Bakit ba pumasok sa isip ko na planuhing makipag-sex sa kan’ya?! 

“Hindi! Basta bonding lang! Sige na,” sabi ko na lang saka tinalikuran siya at nagtungo sa kwarto ko. 

Agad akong naligo at nagpalit ng komportableng damit. Halos mapatalon naman ako sa gulat dahil naabutan ko na si Aivan na komportableng nakaupo sa kama ko paglabas ko ng banyo. Napatikhim na lang ako at umupo rin sa kama at pinunasan ang buhok ko gamit ang towel. Si Aivan naman ay wala lang kibo sa tabi ko. 

“Pst,” pagtawag ko sa kan’ya. 

Tumingin sa akin si Aivan. “Hmm?”

Basta ko na lang inihagis ang towel sa sahig saka humarap sa kan’ya. Hindi nakawala sa paningin ko ang pagkunot ng noo ni Aivan dahil sa paghagis ko ng towel. “Pulutin mo ’yon at isabit ulit sa bathroom,” utos n’ya. 

“Tinatamad ako, bukas na… Focus lang tayo sa goal,” sabi ko na lang saka nag-Indian seat. 

“Anong goal?” tanong pa n’ya. 

“Magdadasal tayo,” sabi ko habang seryosong nakatitig sa kan’ya. 

“Magdadasal? Bakit tayo magdadasal?” nakakunot-noong tanong n’ya. 

“Malamang! Dapat lang na magdasal bago matulog. Sige na, magdasal tayong dalawa,” sabi ko na lang. 

“Hindi ako nagdadasal,” parang wala lang na sabi n’ya. “I don’t believe in God,” dagdag n’ya pa… Hindi na naman ako nagulat.  

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Napayag siya sa lahat ng pinagawa ko ngayong araw kaya in-expect ko na papayag siyang mag-pray kami. Hindi ito parte ng plano ko, gusto ko lang talaga siya makasama magdasal… Kahit na naiinis ako sa kan’ya, gusto ko pa rin siyang ipagdasal. 

“Okay, magkwentuhan na lang tayo,” sabi ko saka agad na humiga. 

Hindi na lang nagsalita si Aivan at humiga na lang din sa tabi ko. Tumagilid ako at humarap sa kan’ya habang siya naman ay nakatitig lang sa kisame… Ang plano ko ay pagurin siya hanggang sa makatulog siya, pero mukhang hindi naman siya inaantok. 

Hindi ko namalayan na napatagal ang titig ko sa kan’ya… Nakakatakot naman talaga si Aivan, pero hindi ko alam kung bakit may mga pagkakataon din na hindi siya nakakatakot… na parang nakakaawa lang siya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ’yon nararamdaman. Ano ba’ng dahilan para maramdaman ko ’yon?

“Akala ko ba magku-kwentuhan tayo?” biglang tanong n’ya. 

Napatikhim na lang ako at napaiwas ng tingin sa kan’ya. “O-oo nga, ahm… Kaso baka ma-boring ka sa kwento ko dahil normal lang naman, kaya ikaw na lang ang magkwento.”

Baka sakaling magkwento siya tungkol sa past n’ya. 

Tumango na lang si Aivan saka tumikhim bago nagsimulang magkwento. “Last week, I killed a lot of people from my father’s organization. I tortured the hell out of them first before I killed them. It was exhilarating because I killed them by chopping their head off and–” 

“H’wag na pala! Hahaha!” awkward na tumawa ako. 

Tangina, bakit ba umasa pa ako ng matinong kwento sa lalaking ’to?!

“Matulog na lang tayo,” sabi ko na lang saka tumingin sa kan’ya. “Halika, lumapit ka sa akin,” sabi ko saka hinawakan ang wrist n’ya at hinila siya patabi sa akin. 

Hindi na lang nagsalita si Aivan pero napaharap siya sa direksyon ko. Napalunok na lang ako nang magtagpo ang mga mata namin lalo na nang halos ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa’t isa. 

“Ahm, n-natatakot ako mag-isa kaya gusto kitang makatabi matulog. H’wag kang mag-assume diyan ha! Baka isipin mo riyan na gusto kitang makatabi. No way! H’wag kang mag-assune. Duh!” sabi ko na lang saka inismiran siya. 

“Wala naman akong sinasabi,” depensa ni Aivan. 

Pumikit na lang ako at nagpanggap na matutulog. Hindi naman nagsalita o kumilos si Aivan. Paglipas ng ilang minuto, idinilat ko ang mga mata ko para silipin si Aivan… Napakurap na lang ako dahil hindi pa siya pumipikit at nakatitig lang sa akin. Napabuga na lang ako ng hangin. 

“Huy, matulog ka rin. Mukha ka ng zombie, oh,” sabi ko na lang. 

“I can’t sleep,” agad na sabi n’ya. 

Napailing na lang ako at ipinatong ang kamay ko sa matigas na braso n’ya saka marahang tinapik tapik ’yon na parang nagpapatulog ako ng bata. “Tulog na, Aivan. Hmm hmm hmm… Tulog na, tulog na, Aivan…” pagkanta ko na lang habang tinatapik tapik siya sa braso. 

“What a fucking idiot,” bulong ni Aivan, natatawa pa. 

“Shh! H’wag ka ng maingay. Tulog na tayo,” sabi ko na lang saka pumikit habang tinatapik-tapik pa rin siya. 

Hindi ko alam kung tatalab ba ’tong katangahang ginagawa ko pero sa ngayon wala akong ibang maisip kundi ang mapatulog si Aivan… Hindi ako pwedeng matulog. Kikilos ako kapag nakatulog na siya. Alam kong sobrang liit lang ng chance na makatakas ako, pero susubukin ko lang. Bahala na.

NAPASINGHAP AKO at napabangon nang mapagtantong nakatulog ako. Naiinis na napasabunot ako sa buhok ko dahil sa katangahan ko. Napatingin na lang ako sa katabi ko at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang natutulog si Aivan. 

Lumapit ako sa kan’ya at inilapit ang mukha ko sa mukha n’ya. Pinakiramdaman ko ang paghinga n’ya para alamin kung tulog ba talaga siya. Napatakip na lang ako sa bibig ko nang mapansing tulog nga siya… Mabigat ang paghinga n’ya at mahinang humihilik pa. Napatitig ako sa mukha n’ya. 

Hindi ko namalayan kung gaano katagal akong nakatitig sa kan’ya. Ang peaceful n’ya tingnan habang natutulog… parang normal lang siya. Kapag nakapikit siya ng gan’yan, hindi mo maiisip na nagagawa n’yang pumatay ng mga tao. 

Napabuntonghininga na lang ako at umiling saka dahan-dahang bumangon. Mukhang mahimbing ang tulog ni Aivan kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras at lumabas ng silid ko. Nagtungo ako sa kwarto ni Aivan. Napasuntok ako sa hangin nang mapagtantong hindi naka-lock ’yon. 

Walang gaanong laman ang kwarto n’ya pero hinalughog ko lahat para hanapin doon ang susi ng bahay na ’to… pero wala akong nahanap. Lumabas ako ng kwarto n’ya at hinalughog ang bawat parte ng bahay na pwede n’yang pagtaguan ng susi pero wala talaga. Nagtungo na lang ako sa kusina para kumuha ng isang kutsilyo at itinago ’yon sa bulsa ko saka bumalik sa kwarto… baka na kay Aivan mismo ang susi, o baka nasa bulsa n’ya.

Mahimbing pa rin na natutulog si Aivan nang makabalik ako sa kwarto. Napalunok ako at dahan dahang lumapit sa kan’ya saka sinuri ng tingin ang kabuuan niya. Wala namang bulsa ang suot n’yang damit. Sa tingin ko rin naman hindi n’ya iyon itatago sa brief n’ya o kung saan man… pero, what if doon nga nakatago?!

Napabuga na lang ako ng hangin at napahilot sa sentido ko. Umupo na lang ulit ako sa kama at napahilamos sa mukha ko. Inaasahan ko na rin naman na wala akong mapapala kahit makatulog si Aivan. Bukod sa hindi ko alam kung nasaan ang susi, kahit naman makalabas ako rito, hindi ko alam kung paano ako makakatakas. Ni hindi ko alam kung nasaan kami ngayon. 

Susuko na lang ba ako? Hihintayin ko na lang ba na ma-bored sa akin si Aivan at patayin ako? 

Wala naman akong malalim na dahilan para magpatuloy sa buhay, pero ayaw ko pang mamatay. Marami pa ’kong hindi nagagawa, ’yung mga bagay na gusto ko… pero hindi naman talaga natin mapipili kung paano o kailan tayo mamamatay. 

Pero ayoko naman kasing mamatay na virgin!

“Hmm…” 

Napasinghap ako nang marinig na umungol si Aivan. Dali dali kong tinapik tapik ang braso n’ya. Napatingin ako sa kan’ya, nakapikit pa rin siya pero bahagyang nakakunot ang noo n’ya… mukhang masama ang panaginip n’ya. 

Marahan kong inilapat ang daliri ko sa nakakunot n’yang noo saka marahang hinilot ’yon. Napangiti na lang ako nang tila effective naman ’yon. Tinapik tapik ko na lang ulit siya hanggang sa mukhang ayos na siya… para akong nagpapatulog ng bata. 

Napabuga na lang ako ng hangin at tumayo pagkatapos. Akmang lalabas na sana ako ng kwarto ngunit natigilan ako nang mapatitig sa makinang na bagay na nasa flower vase na malapit sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko at agad na kinuha ’yon… Gano’n na lang ang gulat ko nang mapagtantong susi iyon. 

Ito na ba ang susi sa naka-lock na pinto?! Pero bakit dito lang nakalagay? 

Napailing na lang ako at dali daling lumabas ng kwarto at nagtungo sa nag-iisang pinto palabas ng bahay na ’to. Napalunok muna ako at nanginginig na inilusot ang susi sa susian. Nanlaki ang mga mata ko dahil kasyang kasya iyon. Ang mas lalong nagpagulat sa akin ay ang pagka-unlock ng pinto nang ikutin ko ang susi. Napaawang ang labi ko… Kung gano’n, nandoon lang pala nilagay ni Aivan sa vase ang susing ’to?! Bakit ngayon ko lang nalaman?!

Napailing na lang ako at agad na binuksan ang pinto. Nanginginig pa ang mga tuhod ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari… Akmang lalabas na ako ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang may humablot sa braso ko. 

“My, my… Where do you think you’re going, hmm?” 

Nagtayuan ang mga balahibo ko nang marinig ang baritonong boses ni Aivan. Nanginginig na napalingon ako sa kan’ya, seryosong nakatitig lang siya sa akin, walang emosyon sa mga mata n’ya. Mas lalo akong kinabahan. 

“A-Aivan…”

“It took you long enough to find the key,” sabi n’ya saka napangisi. 

Napalunok ako at agad na kinuha ang kutsilyo na nasa bulsa ko at itinutok sa leeg n’ya. Hindi  naman gumalaw si Aivan at nanatili lang na nakatitig sa akin, tila hinihintay n’yang isaksak ko ang kutsilyo. 

“Do it, why are you hesitating?” nakangising tanong n’ya saka bahagyang itinagilid ang ulo, tila binibigyan ako ng access para masaksak ang leeg n’ya. 

Nanginginig nang maigi ang mga kamay ko. Kapag sinaksak ko siya sa leeg, siguradong mamamatay siya. Makakapatay ako ng tao… Kaya ko ba ’yon? Kahit makaligtas ako rito, gabi gabi akong babangungutin sa katotohanan na nakapatay ako ng tao. 

Impit na napatili ako nang hablutin ni Aivan ang kamay ko saka inilapit iyon sa leeg n’ya. “Cheryl… Can’t you see? I’m giving you a chance to kill me.”

Napalunok ako at hinawakan nang mahigpit ang hawakan ng kutsilyo. Pilit kong itinatak sa isip ko na hindi ako makakatakas kung hindi ko siya papatayin… pero ayaw gumalaw ng mga kamay ko para saksakin siya. 

Napasinghap na lang ako nang hablutin ni Aivan ang kutsilyo mula sa kamay ko saka hinagis ’yon sa sahig. Hinila n’ya ako palapit sa kan’ya saka padabog na isinara ang pinto saka marahas na isinandal ang likod ko roon. Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadya nang tumitig siya sa mukha ko. 

“You just wasted your chance,” bulong n’ya. “If you’re that weak… you won’t be able to escape from me, Cheryl Miranda.”

CHAPTER V

Ang alam ko lang, nawalan ako ng malay. 

Nagising na lang ako, nilalamig. Nangatog ako at mas namaluktot sa kama. Binalot kong lalo ang sarili ko sa kumot. Ngumingitngit ang mga ngipin ko sa lamig. Napabuga na lang ako ng hangin nang maalala ko ang nangyari. 

Hindi ako nakatakas. Dito na ba ako mamamatay? 

Hindi ko akalain na mamamatay akong virgin. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam kina ate, at sa dalawa ko pang kapatid na lalaki. Kung alam ko lang sana pinabura ko sa kanila ang search history sa laptop at phone ko!

Sinubukan kong bumangon, pero nanghihina talaga ako. Nangangatog ang buong katawan ko sa lamig. 

“Don’t move.”

Napapitlag ako nang marinig ang boses na ’yon. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, sa gilid ko. Nakaupo si Aivan sa upuan doon, may hawak pa siyang thermometer. Inilapag niya na ’yon sa bedside table saka malamig na tumingin sa akin. 

“You have a fever,” sinabi na lang niya. 

Napabuga ako ng hangin. Hindi ko na maalala ang huling beses na tinamaan ako ng lagnat. Kahit nurse ako at nagtatrabaho sa ospital, hindi ako mabilis magkasakit o mahawa ng sakit. Simula ng kidnap-in ako ng lalaking ’to, wala ng magandang nangyari sa buhay ko!

Napaismid ako at sinubukang bumangon ulit, pero hinawakan ni Aivan nang mahigpit ang balikat ko saka pinahiga ulit ako. 

“I said you have a fucking fever.”

“Nugagawen?” sarkastikong tanong ko. 

Naningkit ang mga mata ni Aivan saka tinaasan ako ng kilay. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko saka mahinang sinampal sampal ang labi ko. Tangina namang bibig ’to. 

“Kain,” tipid na sabi niya saka inabot sa akin ang mangkok na may soup. 

Nalukot ang mukha ko. “Ano ba ’yan, may gulay,” bulong ko pa. 

Tumawa nang mapakla si Aivan sa sinabi ko. “Seriously?” tanong niya, tila hindi makapaniwala. 

Itinikom ko na lang ang bibig ko at sinubukang bumangon. Napailing si Aivan saka humawak sa braso ko at tinulungan akong bumangon. Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama saka kinuha sa kaniya ang mangkok, pero nanghihina ako. Muntik ko mabitiwan pero agad na nasalo ni Aivan. Kinuha niya na lang ’yon at kumuha ng kutsara. Hinipan niya pa ang soup sa kutsara bago ako sinubuan. 

Napataas ang kilay ko habang nakatitig sa kutsara. “Ano’ng pinaplano mo? Baka naman may lason ’to?” tanong ko pa. 

“I told you, I won’t kill you yet. Excited ka na bang mamatay?” tanong niya. 

Ewan ko kung matatawa ba ako roon o kakabahan. Ang hirap naman kasing i-spelling-in nitong si Aivan. 

Hindi na lang ako nagsalita ulit at isinubo ang soup. Pasimple akong napakagat sa loob ng pisngi ko dahil masarap ’yon kahit puro gulay. Hindi nakawala sa paningin ko ang maliit na ngisi sa labi ni Aivan nang makita ang reaksyon ko, pero napawi agad ’yon nang tumingin ako sa kaniya. 

Sayang talaga ’tong si Aivan… Bakit ba kasi ganito siya? 

Tahimik na sinusubuan niya lang ako. Hindi na rin ako nagsalita, pero pasimple akong napapatingin sa kaniya buong oras… Hindi tama ang mga ginagawa niya, pero iniisip ko kung may dahilan ba siya… Kung talaga bang nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya… o baka naman may dahilan. Hindi ko alam kung bakit ako nag-iisip ng ganito. 

Napabuga ako ng hangin. Iniisip ko pa rin kung tama ba na hindi ko siya sinaksak… kung mas makakabuti ba sa’kin kung sinaksak ko na lang siya t tumakas. Pero alam ko sa sarili ko… Hindi na ako mabubuhay ng normal ulit kung sakaling ginawa ko ’yon. Masamang tao si Aivan. Inisip ko noong una na kailangan ko rin siyang patayin para iligtas ang sarili ko, pero hindi ko rin talaga alam kung kakayanin iyon ng konsensya ko. 

“What are you thinking?” tanong ni Aivan saka inilapag na ang mangkok. 

Kumuha siya ng tubig at kumuha ng gamot sa lagnat. Inilapit niya ’yon sa labi ko. Kahit nag-aalangan, ininom ko na lang din ang gamot. Hindi na nagsalita si Aivan. 

Akmang hihiga na ako pero agad na humawak si Aivan sa balikat ko. “Are you really a nurse?” tanong niya, tila hindi makapaniwala, parang naiinis pa. 

“Bakit? Are you a nurse din po?” tanong ko na lang, sarcastic pa. 

“Huwag ka munang humiga agad,” sabi na lang niya at hindi na pinansin ang katangahan ko sa buhay. 

“Ang bigat na ng katawan ko, e. Higang higa na ako,” reklamo ko na lang. 

“Mamaya,” tipid na sabi na lang ni Aivan saka tumayo. Kinuha niya na ang mangkok at baso saka lumabas ng kwarto. 

Binalot ko na lang lalo ang sarili ko sa kumot saka napaismid. Nakakulong na nga ako rito, nagkasakit pa! 

Bumalik din agad si Aivan, may dala pa siyang mga libro. Napasinghap ako nang umupo ulit siya sa upuan malapit sa kama saka inabot sa akin ang mga libro. Agad kong tiningnan ang mga ’yon, na-excite pa ako. Pero napawi ang excitement ko nang makita kung anong klaseng mga libro ’yon… Bakit puro classic literature ang mga ’to? Hindi kaya ’to ng braincells ko!

“Wala ka bang romance books or manga diyan?” tanong ko saka umismid. 

“Manga?” tanong niya, napakunot ang noo. “I don’t have mangoes here.”

“Pft!” Napahagalpak ako ng tawa sa tanong niya. 

Napakunot lalo ang noo ni Aivan habang ako tumatawa na parang timang dito. Napapahampas pa ako sa kama, na pinagsisihan ko rin kasi nanghihina nga pala ang katawan ko. Tinapik-tapik ko na lang ang dibdib ko habang pinapakalma ang sarili ko kakatawa. 

“What?” tanong pa ni Aivan, parang naiinis na. 

“Tangeks. Hindi mango ’yon! I mean, ’yung mga Japanese comics, gano’n!”

“Comics lang naman pala. Bakit manga pa ang sinasabi mo?” tila naiiritang tanong niya. 

“Bakit ba? Iyon gusto ko, e! Wala ka ba no’n?” tanong ko habang binubuklat buklat ang mga libro niya na pangmatalino lang yata. 

Buti nga kinaya ng utak ko ang mga medicine books. Hindi naman kasi ako kasing talino ng mga kapatid ko. Nagtiyaga lang talaga ako sa pag-aaral at pagre-review. Hindi ako tulad nila na talagang gifted sa talino. 

“Wala,” tipid na sagot na lang ni Aivan. Kumuha siya ng isang libro at nagbuklat. “These are fun to read too,” bulong niya. 

Umirap ako saka sinubukang basahin ang The Catcher in the Rye, pero first sentence pa lang parang dudugo na ang ilong ko. Isinara ko na lang ang libro at umiling. “Hindi talaga. Hindi kaya ng utak ko.”

Tumingin ako kay Aivan na ngayon ay nagbabasa na. Napabuga ako ng hangin at humiga na lang habang hindi siya nakatingin, pero siyempre naramdaman niya ’yon kaya agad siyang napalingon sa akin. Hindi na lang siya nagsalita at hinayaan na ako. 

“Aivan, maglaro nga tayo,” bulong ko. “Sige na, para antukin ako.”

Tumingin sa’kin si Aivan, isinara niya ang libro saka ngumisi sa akin. “Tatakas ka ulit?”

“Hindi! Maglalaro nga lang. Sige na… Ganito ha. Sasabihin natin kung ano ’yung tingin natin sa isa’t isa, tapos sasabihin natin kung totoo ’yon o hindi. Okay ba? Simple lang, ’di ba?” Nagtaas-baba pa ’ko ng kilay. 

“We can lie about it though,” sabi naman niya. 

“Oo nga, pero nasa sa atin na ’yon, kung magsisinungaling tayo o hindi. Nasa sa atin na rin kung maniniwala tayo o hindi.”

Sinuklay ni Aivan ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. Ngumisi siya sa akin at tumango. “Okay.”

Kahit nanghihina ako, bumangon ako at isinandal ang likod ko sa headboard. Pinaningkitan ko siya ng mga mata saka tumitig nang maigi sa mga mata niya, para malaman ko kung magsisinungaling siya o hindi… pero siguradong hindi ko naman malalaman iyon. 

“Ako muna… Hmm… Feeling ko talaga, hindi maganda ang childhood mo,” sabi ko na lang. 

Hindi agad sumagot si Aivan, nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko, may maliit na ngisi sa labi. “That’s… not true.”

Umismid ako. “Okay. Ikaw naman.”

Mas lalong ngumisi si Aivan. “You’re definitely a virgin.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Shit! Sasabihin ko ba ang totoo? 

Tumikhim ako at ngumisi sa kaniya, pilit. “Hindi ’yan totoo. Dami ko kayang lalaki sa Canada noon,” bulong ko na lang. 

Marahang humalakhak si Aivan. “Really, huh?”

Napairap na lang ako at muling tumikhim. “Hmm… Ikaw! Hindi na virgin,” sabi ko na lang, kahit obvious naman. 

Isinandal ni Aivan ang likod sa sa sandalan ng upuan habang nakangisi sa akin. “That’s not true… I’m still a virgin.”

Napakunot ang noo ko. “Ano ba ’yan?! Hindi ka ba magiging honest kahit isang beses?” 

“I’m telling the truth, Cheryl. My dick is still a virgin… No one has given me even a handjob, blowjob… especially, a puss–” 

Nataranta ako at kinuha ang isang unan saka ibinato sa mukha niya. Tinawanan lang ako ni gagong Aivan. Hindi talaga ako naniniwala sa kaniya! Iisipin ko na lang na kasinungalingan ang lahat ng sasabihin niya sa laro namin!

“So, Cheryl… I’m sure you find me attractive, even before, when I’m still your sister’s boyfriend,” biglang sinabi niya. 

Parang nagtambol ang puso ko pero umismid na lang ako. “Duh, oo, totoo ’yan. Eh sa gwapo ka naman talaga, e. Saka ang dami ko nang nakahalubilong gwapo, ’no. Hindi na bago ’yon.”

Hindi na nagkomento si Aivan, pero nanatili siyang nakangisi sa akin. Lalo tuloy akong naiinis. 

“So, Aivan… Sa tingin ko, nagagandahan ka rin sa akin,” pagyayabang ko saka hinawi pa ang buhok ko. 

Marahang humalakhak si Aivan. Ipinatong niya ang siko niya sa hita niya, dahilan para lumapit ang mukha niya sa mukha ko. “That’s true,” bulong niya, tila paos pa ang boses. 

Awkward na tumawa na lang ako at bahagyang itinulak ang mukha niya palayo. Ewan ko kung bakit bigla akong naging uncomfortable… Pero normal lang naman siguro ’yon, kasi siyempre, kidnapper ko siya. Kakabahan talaga ako sa presensya niya. 

“Cheryl, I’m sure you wanted to be my girlfriend if I was normal,” biglang sinabi niya. 

Napasinghap ako. “Ayan! Hindi ’yan totoo, talaga. Sus. Kilabutan ka nga!” asik ko. Pero nagsisi rin kasi medyo nanakit lalamunan ko. 

Tinawanan na naman ako ni gagong Aivan, parang naaaliw na naman. Sabagay, kailangan ko siyang aliwin para hindi niya ako patayin. 

“Aivan, feeling ko totoong minahal mo si Ate.”

Tinaasan niya ako ng kilay. “I loved playing with Cristina… but I didn’t love her.”

Napaismid ako. Ang tanga niya naman kung hindi niya minahal o nagustuhan man lang ang ate ko. Super ganda ni ate, super sexy rin at mabait pa saka maalaga. 

“Okay, it’s my turn. Cheryl…” Tumitig si Aivan sa mga mata ko. Ngumisi siya sa akin. “I think… you’re starting to like me.”

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Sarkastikong tumawa ako at napasapo pa sa dibdib ko. “Wow, ang kapal mo naman… Wala na ako sa tamang katinuan kung magugustuhan kita, ’no!”

“If you happen to escape from here, though it’s impossible… I’m sure you’ll show signs of Stockholm syndrome,” ngumisi pa siya. 

Mas lalong napaawang ang labi ko. Tumawa pa ako nang mapakla. “Hindi ’yan mangyayari! Kapag nakatakas ako rito, talagang isusumbong kita sa mga pulis at hinding hindi kita pagtatakpan.”

Tumango si Aivan at muling sumandal. “Okay, sabi mo eh.”

Mas lalo lang akong nainis sa sinabi niya. Parang sarcastic kasi. 

“Baka ikaw pa ’tong magkagusto sa akin,” bulong ko na lang. 

Tumawa si Aivan, narinig niya yata. “You know I’m not capable of feeling unnecessary emotions.” Nagkibit-balikat siya. “Being like this is quite convenient.”

Napairap na lang ako at muling humiga at binalot ang sarili ko ng kumot. Medyo nilalamig pa rin kasi ako. 

Tumingin sa akin si Aivan. Hindi siya nagsalita. Tumayo siya at lumapit sa aircon. Nakita ko na hininaan niya ’yon. Nag-iwas na lang ako ng tingin at nagkunwaring sa iba nakatingin. Sinuway ko ang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. 

“Sleep,” sabi na lang niya saka muling umupo sa upuan niya. 

“Hindi ako makakatulog kasi nandiyan ka. Ano? Tititigan mo ’ko habang tulog ako?” mataray na tanong ko. 

“Stop talking nonsense. Matulog ka na kung ayaw mong patulugin kita habang buhay,” biro niya… pero alam kong hindi biro ’yon… o baka dark humor na naman!

Agad akong pumikit sa sinabi niya. Narinig ko pa ang mahinang halakhak niya. Hindi na lang ako nagsalita at mas lalong binalot ang sarili ko sa kumot. Naramdaman ko na hinihila na rin ako ng antok. 

NAGISING AKO na medyo magaan na ang pakiramdam. Mukhang tumalab ang pahinga at gamot. Babangon na sana ako pero natigilan ako nang maramdaman na may nakahawak sa kamay ko. Kakabahan sana ako pero nawala ang kaba ko nang makitang si Aivan lang pala ’yon. 

Pero nagulat ako sa naabutan ko. Nakatulog siya. Nakahiga ang ulo niya sa kama, nakaunan sa bisig niya habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko. Napalunok ako nang tila may kakaiba akong naramdaman sa tiyan ko… Takot ba ’to? 

Pero parang hindi naman ganito ang pakiramdam na takot. 

Napatingin akong muli kay Aivan. Dahan-dahan akong bumangon at umupo, iniingatan ko na magising siya. Matiim na tumitig ako sa kaniya. Baka mamaya nagpapanggap na naman siyang tulog. 

Marahan kong hinawi ang buhok niya, medyo mahaba ang buhok niya. Inipit ko ’yon sa ilalim ng tainga niya para matitigan ko nang maigi ang mukha niya… Aalamin ko lang kung totoong tulog siya!

Mabigat ang paghinga niya. Napasinghap pa ako nang makitang may kaunting laway siya sa gilid ng labi. Nakaawang kasi nang bahagya ang labi niya. Napatakip ako sa bibig ko para pigilang matawa. 

Napailing na lang ako at muling tumitig sa kaniya. Ang payapa niya tingnan kapag natutulog. Ngayon ko lang siya nakitang matulog nang totoo.

Natigilan ako nang mapansin na bahagyang kumunot ang noo niya. Marahan kong idinampi ang daliri ko sa gitna ng mga kilay niya para alisin ang pagkakunot. Napangiti ako nang tila tumalab ’yon. 

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig sa kaniya… hanggang sa makita ko na lang na may luhang kumawala sa isang mata niya. Natigilan ako, tila hindi makapaniwalang nakatitig ako sa luhang dumadaloy pababa sa buto ng ilong niya. Napatakip ako sa nakaawang kong labi. 

Kumunot ulit ang noo niya, mukhang binabangungot siya. 

Medyo hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Pinagsalikop ko ang mga daliri namin saka marahang pinahid ang luha niya. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon…

“Aivan… wala ka ba talagang… nararamdaman?” bulong ko. 

Hindi ko alam. Psychopath? Hindi iyon ang nakikita ko ngayon. 

Nawala ang pagkakunot ng noo ni Aivan. Muling naging payapa ang mukha niya habang natutulog. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka napasabunot sa sarili kong buhok. 

Tangina. Stockholm syndrome na ba ’to?

CHAPTER VI

Hindi ko na yata keri ang mga nangyayari sa buhay ko. Malala na nga ang katotohanang na-kidnap ako ng siraulong si Aivan… pero wala na yatang mas ilalala ang katotohanang inatake na yata ako ng Stockholm syndrome dahil sa kaniya.

Napabuga ako ng hangin habang kumakain ng niluto ni Aivan na pasta para sa akin. Tumingin ako sa kaniya na abala sa pagbabasa ng libro… Naiinis na nginuya ko ang pasta. Bakit sobrang sarap niyang magluto kahit wala siyang panlasa?

Nag-angat siya ng tingin sa’kin. Inayos niya ang salamin niya saka ngumisi sa akin. Tumikhim ako at agad na napaiwas ng tingin. Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at paulit-ulit na umiling. Humawak din ako sa dibdib ko nang maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Mapaklang tumawa ako saka tinampal-tampal ang pisngi ko. Nababaliw na yata ako.

Dulot lang yata ’to ng pagkakakulong ko rito… tama, stockholm syndrome lang ’to.

Muli akong tumingin sa kaniya. Nakatingin din siya sa akin. Isinara niya ang libro niya saka hinubad ang salamin sa mata.

“You’re looking at me as if I’m your food and not the pasta,” mayabang na sinabi niya saka pinatunog ang buto niya sa leeg.

Napalunok ako habang nakatitig doon. Kitang kita ko ang paggalaw ng Adam’s apple niya… ang sexy ng leeg niya. Nakikita na rin nang kaunti ang dibdib niya dahil nakabukas ang unang dalawang butones ng suot niya. Napangiwi ako saka uminom ng tubig… Bakit parang nakakauhaw naman ang panahon ngayon?

“K-kapal mo naman. Bakit naman ikaw ang gagawin kong pagkain? Duh!” Inirapan ko siya.

Napailing ako. Hindi pwedeng matabunan ng attraction ang inis at takot na nararamdaman ko sa kaniya. Siguro nalilito lang ako dahil masyado akong hayok sa landi. Matagal na ’kong nawala sa kabihasnan simula nang dukutin ako ng Aivan na ’to.

Muli akong tumingin kay Aivan. Nakatitig pa rin siya sa’kin habang may naglalarong ngisi sa labi niya… na para bang natutuwa siya na nakikita na uneasy ako sa presensya niya.

Bwisit. Ang guwapo niya.

My goodness naman, Cheryl Miranda! Kahit na gaano kaguwapo ’yan, pumapatay pa rin ng tao!

“Bakit ka ba tingin nang tingin?!” asik ko saka pinandilatan siya ng mata.

“Why? Am I making you uncomfortable?” tanong niya saka biglang tumayo.

Napalunok ako nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin. Humawak ako sa batok ko saka napaiwas ng tingin. Pinaikot-ikot ko ang pasta sa tinidor ko at nagkunwaring busy. Napapitlag lang ako nang ilapat niya ang kamay sa mesa saka sa itaas ng sandalan ng inuupuan ko… tila na-corner niya ako.

“H-huy, baliw ka ba?” nauutal na tanong ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakatingin din siya sa akin. Mas lalo yatang kumabog ang dibdib ko… Naaamoy ko ang mabangong sabon na gamit niya. Napansin ko na hindi siya mahilig maglagay ng pabango… dahil siguro hindi niya rin naman naaamoy iyon… pero ang bango bango niya pa rin. Tila natural ang amoy niya na mabango.

“You still don’t know that?” tanong niya saka matiim na tumitig sa’kin, may ngisi pa rin sa labi. “I’m fucking crazy, Cheryl.”

Nataranta ako dahil bahagyang lumapit ang mukha niya sa akin. Halos maamoy ko na nga ang mabangong hininga niya. Hindi na ako nakapag-isip at agad na inumpog ang noo ko sa ilong niya dahil sa pagpa-panic.

Napaatras si Aivan at napahawak sa noo niya. Wala naman siyang naging reaksyon, tila hindi nasaktan, pero malamig na tumingin siya sa’kin. “What the fuck, Cheryl?”

Napakurap ako. “What the fuck ka rin!” asik ko na lang.

“Do you have a fucking death wish?” tanong niya saka muling lumapit sa’kin.

Nakaramdam na ako ng legit pero konting kaba… Tangina, back to suspense thriller na naman ba ang genre nito?

“J-joke lang kasi. Pangit mo naman ka-bonding. For sure hindi ka naman nasaktan do’n. Ang hina lang no’n saka—” Natigilan ako nang mapatingin sa ilong niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang dumudugo iyon. “Shit na malagkit, pakshet ,” bulong ko saka napatakip sa bibig ko.

Humawak si Aivan sa ilong niya. Napatingin siya sa kamay niya at nakitang may dugo roon. Hindi naman siya mukhang nasaktan, pero nagpanic pa rin ako dahil dumudugo ang ilong niya.

Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. “H-hala, shit ka beh. Sorry! Kailangan natin ng nurse!” Natigilan lang ako nang mapagtanto na nurse pala ako. “Shit, ako pala ’yon!” natatarantang sinabi ko.

Napangisi si Aivan saka kumuha ng panyo sa bulsa niya at itinakip sa ilong. “Chill… this won’t kill me.”

“Sana nga mamatay ka na para makatakas ako, e,” naibulong ko.

Napatingin sa’kin si Aivan. Napakurap ako dahil nasabi ko pala ’yon nang malakas. Hindi naman siya mukhang napikon sa sinabi ko. Umismid ako at lumayo sa kaniya.

“Sige na, kaya mo na pala ’yan, e,” sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko.

Bumalik ako sa upuan ko at tinuloy ang pagkain ng pasta. Pasimple akong tumingin sa kaniya dahil medyo nag-aalala ako sa ilong niya. Kahit naman hindi niya maramdaman ’yon, may epekto pa rin ’yon sa katawan niya.

Napalunok ako nang mapansing nakatingin din siya sa akin… tangina. Bakit ang guwapo niya pa rin kahit dinudugo na ang ilong niya? Nasa kaniya pa ba ang problema o baka nasa akin na?

Napabuga ako ng hangin saka tumayo at lumapit sa kaniya. Kinuha ko ang panyo mula sa kaniya saka hinila siya paupo sa upuan. Sumunod naman siya at hindi kumontra. Ako na nag nagpunas ng ilong niya. Wala naman siyang sinabi at hinayaan lang ako sa ginagawa. Naramdaman kong nakatitig siya sa’kin buong oras kaya hindi ko alam ang gagawin… nagpanggap na lang ako na hindi apektado at pinagpatuloy ang ginagawa.

“Oh, ayan, wala na. Doktor ka naman kaya alam mo na ang gagawin,” sabi ko saka inihagis sa kaniya ang panyo.

Napailing ako habang nakahawak sa dibdib ko… Ano ba ’to? Naguguluhan na ’ko kung takot pa ba ’tong nararamdaman ko o iba na…

HINDI AKO nakatulog buong gabi. Hindi ko maiwasang mapaisip sa nararamdaman ko… Hindi ko pa matukoy kung ano… pero kung ano man ’yon, hindi ko dapat nararamdaman.

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko habang nakatitig sa kisame. Nasa living room lang si Aivan, at malamang hindi na naman siya natutulog.

Bumangon ako at binuksan ang pinto sa kwarto ko para silipin si Aivan. Natigilan ako nang mapansing nakaupo ulit siya sa may upuan na malapit sa bintana at nakatitig sa labas. Napabuga ako ng hangin dahil may nararamdaman na naman akong hindi ko maipaliwanag.

Nakita ko kung paano siya nakatulog nang mahimbing nang nakatulog siya sa tabi ko noong nakaraan. Hindi ko alam… bakit masyado akong bothered? Bakit parang gusto ko na makatulog ulit siya… hindi dahil sa gusto kong tumakas, kundi dahil gusto ko lang makita na makatulog siya nang mahimbing.

Isinara ko na rin ang pinto at bumalik sa kama ko. Umiling-iling ako saka napatitig sa sahig.

Tangina. Hindi na nga talaga maganda ’to… Kailangan ko na talagang makatakas dito. Hindi ko gusto ang pinatutunguhan ng mga nangyayari sa’kin ngayon.


“What’s wrong with you?”

Natigilan ako sa paglalaro sa daliri ko nang marinig ko ang tanong ni Aivan. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya na ngayon ay nasa tapat ko. Humarang siya sa tv para sa kaniya mapunta ang tingin ko. Napaismid ako saka tinaasan siya ng kilay.

“Ano’ng problema mo?” ganting tanong ko.

“You’re not entertaining me today, Cheryl,” tila bored na bored na sabi niya.

“Hindi naman kasi ako clown! Alis nga, nakaharang ka sa pinapanood ko, e!” asik ko. Inismiran ko siya saka itinulak palayo sa akin.

Bahagyang napakunot ang noo niya. “Ako ang pansinin mo, Cheryl. Play with me today.”

“Ewan ko nga sa’yo… Manonood ako. Bahala ka riyan,” pagsusungit ko pa.

Tama ’yan, Cheryl. ’Wag mo siyang pansinin… Isipin mo na lang ang plano mo na tumakas nang tuluyan.

Mas lalong napakunot ang noo ni Aivan, tila naiirita na. Napasinghap ako nang kuhanin niya ang remote saka inihagis ’yon sa tv. Impit na napatili pa ako nang mabasag iyon.

Tumingin sa’kin si Aivan na para bang wala lang sa kaniya ang ginawa niya habang ako… kulang na lang pasukan ng langaw ang bibig.

“Gago ka ba?! Bakit mo ginawa ’yon?!” singhal ko saka napatayo.

“Great. Now you’re looking at me. You should have done so earlier,” tila wala lang na sinabi niya.

“Wow… Kakaiba rin ang trip mo. Pwede ka na sa Guinness world records bilang pinaka malakas ang trip sa mundo!” Hindi ko napigilang mapasigaw.

“It’s your fault… Kung sana lang pinansin mo kaagad ako, hindi ko gagawin ’yon,” sabi niya saka nagpamulsa.

Napailing ako. “Grabe ka na, Sir. Pati ba naman tv pinagseselosan mo? Grabe, magpa-seminar ka nga muna ng anti-selos kay Jak Roberto!” asik ko.

“Who the hell is Jak Roberto?” nakakunot-noong tanong niya.

“Wala ka pala, e. Bakit ’di mo kilala ’yon? Siya ang pinaka matibay na lalaki sa mundo. Hindi seloso.” Kung ano-ano na naman tuloy ang pinagsasabi ko. Bwisit kasing Aivan ’to.

Napapadyak ako sa sahig saka tumingin nang masama kay Aivan. Tila wala naman siyang pakialam… mukha ngang natutuwa pa siya na makita akong napipikon sa kaniya ngayon.

“Nakakainis ka, alam mo ’yon? Sa tv na nga lang ako nakakapaglibang dito tapos sinira mo pa!” Sinipa ko siya sa binti.

“I’ll buy another tv,” sabi na lang niya saka nagkibit-balikat.

Napataas ang kilay ko. “Paano ka naman bibili?”

“Ipapa-deliver ko,” tila sarkastiko pang sabi niya.

Natigilan ako sa sinabi niya… Ipapa-deliver niya? Ibig sabihin may pupuntang tao rito? Ito na ba ang pagkakataon kong makatakas?

ILANG ARAW ko ring pinag-isipan ang magiging plano kong pagtakas. Ngayon na raw darating ang ipapa-deliver ni Aivan na tv. Baka ito na lang ang maging pagkakataon ko.

Pinilit kong umaktong normal kay Aivan… Pilit kong hindi ipinahalata na may plano akong tumakas.

“The tv will be delivered today. Are you excited?”

Natigilan ako sa pagkain ng ginawa niyang waffle para sa akin at nag-angat ng tingin sa kaniya. Humigop siya sa tsaang iniinom niya saka umupo sa tabi ko.

Umismid ako. “Para ka kasing tanga. May pasira-sira pa ng tv na nalalaman.”

Hindi na siya nagsalita at kinuha ang libro niya saka binasa. Napatitig na lang ako sa waffle sa plato.

Malaki ang posibilidad na tauhan din ni Aivan ang magdadala ng tv dito… Inasahan ko na ’yon… Pero ang mahalagang bagay rito, mabubuksan at mabubuksan pa rin ang pinto. May chance pa rin na makalabas ako rito.

Buong araw akong hindi mapakali. Hindi ko alam kung darating ba ngayong araw ang tv dahil gabi na, wala pa ring nadating na magde-deliver.

Tumingin ako kay Aivan na abala pa rin sa pagbabasa ng libro habang nakaupo sa couch. Lumapit ako sa kaniya saka umupo sa tabi niya… Pasimple kong hinawakan ang tinidor sa loob ng bulsa ko.

“Aivan… Hindi pa ba darating ’yung tv?” tanong ko.

Napatingin sa’kin si Aivan. Napalunok na lang ako nang mapansing magkalapit ang mukha namin. Tumikhim ako saka lumayo nang kaunti sa kaniya.

“Why are you so excited about it?” tanong niya saka hinubad ang salamin niya sa mata.

Pati simpleng paghubad niya no’n, para na ’kong may naririnig na background music katulad ng sa mga kdrama… o kaya naman sexy music kagaya ng sa mga Hollywood romance movies.

Umiling ako at marahang tinampal ang pisngi ko. Tangina… Ano bang kagaguhan ang pumapasok sa isip ko?

Natigilan kaming pareho nang marinig na may kumatok sa pinto. Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko.

Tumayo naman si Aivan saka may kinuhang susi sa bulsa niya. Napalunok ako nang lumapit siya sa pinto at binuksan ’yon. May dumating na lalaki na may dalang tv saka pumasok sa loob. Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at napatingin sa nakabukas na pinto habang inaayos ng lalaki ang tv.

Akmang tatakbuhin ko na iyon pero napamura na lang ako sa isip ko nang maudlot ’yon. Nagpaalam na rin ang lalaki kay Aivan at agad na umalis.

Natigilan ako nang lumapit si Aivan sa tv… Muli akong tumingin sa nakabukas na pinto na hindi niya pinapansin. Pumikit ako nang mariin at bumuga ng hangin.

Nanginginig ang mga kamay ko… kinakabahan. Kahit nanginginig… humakbang ako saka inihanda ang sarili ko sa pagtakbo palabas.

“Damn, you’re so fucking easy to read, Cheryl.”

Natigilan ako at napatingin kay Aivan. Nakapamulsa lang siya habang nakatitig sa akin… tila ba naaaliw siya sa nakikita.

“H-huh?” pagpapatay-malisya ko.

“You’re obviously trying to escape,” sabi niya pa saka marahang humalakhak… Nakakakilabot ang tunog no’n, pero tila may nararamdaman din ako na hindi ko maipaliwanag.

Muli akong napalunok nang humakbang siya palapit sa akin… Patuloy siyang humakbang hanggang nasa tapat ko na siya. Halos mag-angat ako ng tingin sa kaniya dahil masyado siyang matangkad… Tila nalusaw rin ako sa matiim niyang tingin sa mga mata ko.

“You had all the chance to run… Why are you still here, Cheryl?” tila nanunuyang tanong niya.

Lumunok ako at napakuyom ang kamao. “H-hindi gano’ng kadali ’yon.”

Napangisi si Aivan saka marahang humawak sa panga ko. Inilapit niya ang labi sa tainga ko para bumulong. “It’s not that you can’t escape from me… You just don’t want to,” bulong niya.

Napalunok ako at agad na humawak sa dibdib niya at buong lakas siyang itinulak… pero tila wala na talaga akong lakas..

“B-baliw ka! Tatakas ako! Minamanipula mo lang ako ngayon bwisit ka! Hayop! Bwisit! Sana mamatay—”

Napasinghap ako, hindi natuloy ang sasabihin nang hilahin niya ang braso ko para mas lalong mapalapit sa kaniya. Muli siyang humawak sa panga ko… Hindi mahigpit ’yon… Pero napagtanto ko na kayang kaya niya nga talaga akong durugin nang gano’n gano’n lang.

“Cheryl… You’re about to lose your mind too. I can already see it,” bulong niya sa tainga ko.

“H-hoy! ’Wag mo ’kong igaya sa’yo! Ikaw ang siraulo rito at hindi—”

Napasinghap ako nang bahagyang humigpit ang hawak niya sa panga ko. Walang habas niya akong isinandal sa pader saka siniil ng halik ang labi ko.

CHAPTER VII

Hindi ko naman first kiss iyon… pero hindi ko alam kung bakit parang nayanig ang lahat lahat sa akin. Ni wala ako sa posisyon para makaramdam ng kahit ano sa halik dahil nagbabalak akong tumakas.

Tangina, Cheryl Miranda! Ano’ng nangyayari sa’yo?!

Napalunok na lang ako nang ilayo na niya ang labi sa akin. Hindi ako nakagalaw. Nanatili lang ako na nakatayo habang nakasandal pa rin sa pader, walang kagalaw galaw.

Natigilan ako nang lumayo na siya sa’kin… Lumapit siya sa pinto saka isinara ’yon at ni-lock ulit. Ni hindi ko magawang madismaya roon dahil masyado akong nagulat sa bigla niyang paghalik sa akin.

Napakurap ako nang basta na lang ako nitong nilagpasan saka dumiretso sa couch at prenteng umupo.

Napakunot ang noo ko… Wow. Matapos niya akong halikan… gano’n gano’n na lang?!

“Hoy!” asik ko saka nakapamaywang na lumapit sa kaniya.

Nag-angat ng tingin sa’kin si Aivan. “What?” tanong niya pa saka kinuha ang libro niya at binuksan para basahin.

“Wow naman sa’yo, kuya…” Hindi ko napigilang sabihin. “Kiss and run yarn?!”

Isinandal niya ang likod sa backrest ng couch saka matiim na tumingin sa’kin. “Is that what you should be thinking about right now? You just lost your chance to escape, Cheryl.”

Napakurap ako sa sinabi niya… Oo nga ’no. Bakit iyon ang iniisip ko ngayon?

Tumikhim ako saka humawak sa batok ko. “H-hindi sa gano’n… Bakit bigla kang nanghahalik?! ’Wag mong idahilan sa’kin ang cliche line na gusto mo lang ako patahimikin. Pwede mo ’yong gawin nang hindi ako hinahalikan!” asik ko pa.

Tumayo si Aivan saka lumapit sa akin. Napalunok na lang ako saka bahagyang napaatras. Humawak ako sa batok ko saka muling tumikhim. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya… pilit kong binaling ang tingin ko sa ibang bagay. Palapit naman siya nang palapit sa’kin.

“Cheryl…”

Napalunok ako nang ilapit niya ang mukha sa akin. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Ngumisi siya nang makita niya ang reaksyon ko. Pakiramdam ko umuusok na ang mukha ko… Hindi ko na alam ang nangyayari sa’kin. Nasisiraan na rin yata ako ng bait.

Cheryl… Wala lang ’yan. Masyado ka lang talagang nalulungkot. Masyado ka lang naiistress sa mga nangyayari. Tama. Wala kang ibang kasama rito kundi si Aivan kaya nagkakaganyan ka na.

Napasinghap ako nang mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya. Akala ko hahalikan niya ako ulit kaya nataranta ako at akmang sasampalin siya… pero nahawakan niya kaagad ang kamay ko.

Napalunok ako nang sumeryoso ang mukha niya. “You’re getting comfortable with me, huh, Cheryl?”

Natigagal ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya. Tila nanghina naman ako at muntik pang mawalan ng balanse pero agad siyang humawak sa baywang ko. Napasinghap ako nang basta na lang ako nitong binuhat saka dinala sa kwarto.

“H-hoy… A-ano’ng pinaplano mo?! Nasisiraan ka na ba?!” asik ko.

Mas lalo akong nagulat nang bigla niya akong iniupo roon, malapit sa bedpost. Lumapit siya sa bedside table saka kumuha ng tali mula sa cabinet. Lumapit ulit siya sa akin saka hinablot ang mga kamay ko at sinimulang itali sa bedpost. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

“H-hoy! Bakit mo ’ko tinatali?!” pinilit kong magpumiglas sa ginagawa niya pero masyado siyang malakas kumpara sa’kin. Tila kayang kaya niya ang dalawang kamay ko nang isang kamay niya lang.

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko nang tuluyan na niyang maitali ang mga kamay ko… Oo nga at pinangarap kong maitali sa kama… pero hindi sa ganitong paraan! Sexy time dapat at hindi ganito.

Humawak si Aivan sa ulo ko saka matiim na tumitig sa’kin. “You have to learn your place here… I guess I’d been too soft on you, don’t you think?” tanong niya… Humigpit ang hawak niya sa buhok ko na tila sinasabunutan na ako.

Napalunok ako… Hindi ko matukoy ang nararamdaman ko ngayon. May parte sa’kin na natatakot… nang kaunti. Pero may parte rin sa’kin na iniisip na hindi ako sasaktan ni Aivan. Hindi ko alam kung saan ko pa nahugot ang ganoong isipin. Nasisiraan na rin nga talaga ako ng bait.

Cheryl, gising na. Sinasabunutan ka na niya, oh. Ano ba’ng iniisip mo riyan?

Napailing ako sa mga kung ano-anong pumapasok sa isip ko.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Pilit kong pinakalma ang sarili ko… kahit na gusto kong magwala na rito. “A-Aivan… Sorry na, oh. Ikaw naman kasi. Kung hindi mo ’ko hinalikan basta, hindi ako magre-react ng gano’n. Kasalanan mo talaga,” bulong ko.

Tangina. Magso-sorry dapat ako, e. Bakit napunta sa paninisi?

Hindi na nagsalita pa si Aivan saka iniwan na ako rito. Napaawang na lang ang labi ko saka napatingin sa mga kamay ko na nakatali sa bedpost. Pinilit kong kumawala roon pero tila talagang alam ng Aivan na ’yon kung paanong tali ang gagawin para hindi ako makawala rito.

“Aivan! Hoy! Ayoko ng nakatali! Aivan!” sigaw ko habang pilit na inaalis ang mga kamay ko sa pagkakatali niya.

Ilang ulit pa akong nagsisigaw pero hindi naman bumalik si Aivan ng kwarto. Naiinis na napapadyak ako sa sahig at napatitig na lang sa pinto. Bumuga ako ng hangin at napatitig sa kamay ko. Napangiwi na lang ako nang mapansin na namumula na ang palapulsuhan ko. Baka magkapasa na ’to.

Natigilan ako nang makalipas pa ang ilang minuto, pumasok din si Aivan. Lumapit siya sa akin. “How’s my Cheryl, huh? Having a good time?” tanong pa niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko saka inismiran siya. Iginalaw ko pa ang mga kamay ko dahil parang medyo sumasakit na ang palapulsuhan ko. Napahigpit yata ang pagkakatali niya roon.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko… hinawakan niya ang kamay ko saka tiningnan ang namumula ko nang palapulsuhan. Natigilan ako nang agad niyang tinanggal ang pagkakatali ng mga kamay ko. Nagtatakang napatingin ako sa kaniya.

Umupo siya sa tabi ko saka humawak sa kamay ko na may marka ng pagkakatali. Marahan pa ’kong napapitlag nang hawakan niya ’yon.

Tumingin siya sa’kin… Natigilan ako nang may makita akong emosyon sa mga mata niya… Anong emosyon ’yon? Takot? Pag-aalala?

Imposible.

“Does it hurt?” tanong niya pa.

Napakurap ako saka umiling. “H-hindi naman gaano.”

Hindi naman kasi talaga siya sobrang masakit.

Tumayo siya saka kinuha ang first aid kit niya. Hindi na lang ako nagsalita nang lagyan niya ng ointment at gauze ang wrists ko. Hindi naman ako nakakontra kahit na medyo ang OA ng ginagawa niya. Nanatili akong nakatitig sa kaniya at sa ginagawa niya.

Nag-angat siya ng tingin sa’kin matapos malagyan ng gauze. Napalunok na lang ako nang magtagpo ang mga mata namin… May nararamdaman na naman ako sa puso ko na hindi ko maipaliwanag.

Tangina. Nawawala ka na talaga sa sarili, Cheryl Miranda. Siya ang dahilan kaya nasaktan ang wrist mo, tapos kinikilig ka dahil sa ginawa niyang paggamot? Malala ka na!

“A-anong nakain mo? Bakit bigla kang bumait?” tanong ko saka inismiran siya. Binawi ko ang mga kamay ko sa kaniya saka humawak sa wrists ko.

Hindi siya sumagot. Inayos na lang ulit niya ang first aid kit saka lumabas ng kwarto nang walang pasabi. Napakurap na lang ako sa nangyari.

Ang weird niya naman… I mean, alam ko namang weird talaga siya… pero mas lalo yata siya naging weird sa paningin ko.

Pero mas weird yata ako dahil ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Mapaklang natawa na lang ako saka napailing. Naloloka na nga yata talaga ako.

Siguradong epekto lang ’to ng pagkakakulong ko rito sa poder ng Aivan na ’yon. Tama. Walang ibang dahilan kundi iyon lang.

HINDI MAALIS ang tingin ko kay Aivan habang nagluluto siya ng dinner namin. Kahapon pa siya tahimik… simula nang tinali niya ako tapos pinakawalan din. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya. Parang mas nakakakaba kasi ang pagiging tahimik niya. Mas okay pa yata sa’kin kapag pinipilit niya akong makipaglaro kuno sa kaniya.

Hinabol ko na lang siya ng tingin nang maghain na siya. Napatingin siya sa’kin nang mapansing nakatitig ako sa kaniya. Tumikhim naman ako at nagkunwaring tinatapik-tapik ang mesa saka nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Nakita ko mula sa peripheral vision ko na umiling na lang siya saka muling nagtungo sa kitchen counter. Natigilan lang ako nang makarinig na may nabasag.

Agad naman akong nagpanic at tumayo saka lumapit kay Aivan. Nakabasag siya ng plato. Napasinghap pa ako nang makitang nasugatan ang palad niya.

“Hala…” bulong ko saka agad na kinuha ang kamay niya at itinapat ’yon sa gripo.

Walang kibo si Aivan habang hinuhugasan ko ang sugat niya. Nang matapos, marahan kong pinunasan ’yon ng towel. Hinihipan-hipan ko pa.

“Don’t mind it. I don’t feel pain anyway,” sabi niya saka akmang babawiin ang kamay pero agad ko siyang pinaningkitan ng mga mata.

“Wag kang magulo.” Hinila ko siya paupo sa malapit na upuan.

Agad naman akong tumakbo sa kwarto saka kinuha ang first aid kit niya roon. Bumalik ako sa kusina saka inilapag sa mesa ang first aid kit. Binuksan ko ’yon saka kinuha ang mga kakailanganin ko sa paggamot sa sugat niya.

Kinuha ko ang kamay niya saka sinimulang lagyan ng gamot ’yon. Naramdaman kong nakatingin lang sa’kin si Aivan. Napailing na lang ako at pinilit na mag-focus sa paggamot sa sugat niya.

Nang matapos ako sa paglalagay ng paglinis at paglalagay ng gamot sa sugat niya, lalagyan ko na sana ’yon ng gauze pero natigilan ako nang bawiin niya ang kamay niya sa’kin.

Agad ko siyang tiningnan nang masama. “Ano ba’ng ina-arte mo riyan? Gauze na lang ang ilalagay ko. Akin na,” sabi ko na lang saka akmang kukunin ulit ang kamay niya.

Impit na napatili na lang ako nang tumayo siya at walang habas niyang hinawi ang first aid kit dahilan para maglaglagan ’to sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko saka nagtatakang tumingin sa kaniya.

“H-hoy… Ano’ng problema mo?” naitanong ko na lang habang seryoso siyang nakatitig sa’kin.

Napasinghap ako nang humawak siya sa magkabilang baywang ko saka tila walang hirap na binuhat ako at iniupo sa mesa. Napalunok ako at napakapit sa balikat niya… Lalo na nang matiim siyang tumitig sa akin.

“A-Aivan?” tanong ko sa mahinang boses.

Wala siyang sinabi o ginawa pagkatapos no’n. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Nakatitig lang din ako sa mga mata niya… hindi alam ang gagawin.

“A-ano ba’ng problema mo?” muling tanong ko.

Tila natauhan siya. Bumitiw siya sa baywang ko saka bahagyang umatras. Akmang aalis na siya pero agad akong kumapit sa damit niya. Natigilan siya saka napatingin sa’kin.

Hindi ko alam kung anong malanding kaluluwa ang sumapi sa’kin… Humawak ako sa batok niya saka hinila siya palapit sa’kin… at siniil siya ng halik sa labi.

Halatang natigilan siya sa ginawa ko. Gusto ko sanang pagsisihan agad ang ginawa ko… pero pumikit na lang ako at mas inilapit siya sa’kin… Wala na, e. Nangyari na… Paninindigan ko na lang. Bahala na kung itulak niya ’ko at patayin dito.

Natigilan lang ako nang maramdaman na humawak siya ulit sa baywang ko saka sa gilid ng leeg ko at tinugon ang halik ko… mas malalim, mas nakakalunod. Napakapit ako nang mahigpit sa damit niya… lalo nang magsimulang gumalaw ang mga labi niya at banayad na humahalik sa mga labi ko.

Tangina… Ano ba ’tong pinapasok ko? Ano ba ’tong ginagawa ko? Nasisiraan na yata talaga ako ng bait.

CHAPTER VIII

Tila hindi ko na yata alam kung gaano kami katagal naghahalikan ni Aivan. Para na ’kong malalagutan ng hininga… pero hindi ko naman magawang itulak siya o tumigil.

Para ngang gustong gusto ko pa ang halik niya… kahit para akong malalagutan ng hininga… kahit pakiramdam ko papatayin niya ako sa halik.

Nakahawak siya sa leeg ko… hindi gaanong mahigpit, pero tila nararamdaman ko ang gigil niya ro’n. Hindi ko alam ang mararamdaman…

Ang alam ko lang, sobrang weird kung halik ang magiging cause of death ko.

Napasinghap ako nang humawak siya sa baywang ko at mas lalo akong hinila palapit sa kaniya. Humigpit naman ang hawak ko sa batok niya. Impit na napadaing ako nang humigpit ang hawak niya sa baywang ko na tila ba nagpipigil siya nang matindi. Ramdam na ramdam ko ang pagbaon ng dulo ng mga daliri niya sa balat ko.

May kaunting sakit… pero hindi ko alam… kung bakit parang nagugustuhan ko pa ’yon. Ano na ba’ng nangyayari sa’kin?

Stockholm syndrome ba ang lahat ng ’to?

Halos naghahabol na ako ng hininga nang maghiwalay na ang mga labi namin. Daig ko pa yata ang lumaklak ng empi at gin bilog sa kalasingan na dulot sa’kin ng halik na ’yon.

Napalunok ako saka napatingin sa kaniya na nakatitig din sa akin. Hindi ko mabasa ang pumapasok sa isip niya… kung hinalikan ba niya ako dahil naakit siya sa’kin, o dahil trip niya lang, o baka gusto niya ’kong halikan bago niya ako patayin… hindi ko alam.

Hindi ko rin alam kung bakit tila wala na akong pakialam.

“A-Aivan?” nasabi ko na lang. Hindi ko alam ang sasabihin.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Inaasahan ko nang itutulak niya ako o lalayo at sasabihin na pagkakamali lang ang nangyari kagaya sa mga drama… pero nanatili lang siyang nakatitig sa’kin.

Napakurap ako saka awkward na ngumiti. “Haha… Uhm, very good. Magaling ka humalik. Rating ko ten stars para sa’yo,” sabi ko na lang saka nag-thumbs up.

Napangisi siya saka bahagyang itinagilid ang ulo habang titig na titig sa’kin. “I think I deserve a million stars for that kiss,” mayabang na sabi niya.

Umismid ako saka inirapan siya. “Hindi ah… Sakto lang,” bulong ko.

Siyempre, charot lang ’yon. Halik niya ang pinakamasarap na naranasan ko…

Napakurap na lang ako at napailing sa mga pumapasok sa isip ko. Cheryl naman!

Tumikhim ako saka humawak sa dibdib niya at mahina siyang itinulak. “O-okay na… Alis na,” bulong ko. Pilit kong hindi ipinapahalata na nahihiya ako sa nangyari.

Natigilan ako nang humawak siya sa baba ko at marahang inangat ’yon. Napalunok ako at napatingin sa kaniya. Matiim na tumitig naman siya sa’kin… Hindi ko talaga mabasa ang iniisip niya ngayon.

“Let’s kiss again,” bulong niya saka bumaba ang tingin sa labi ko.

“H-huh? B-bakit?” tanong ko. Parang tanga lang.

Hindi na siya nagsalita ulit at humawak sa batok ko saka muling siniil ng halik ang labi ko. Imbis na pumalag, ipinikit ko pa ang mga mata ko saka napakapit sa matipunong braso niya.

Mahina akong napasinghap nang bigla siyang humawak sa baywang ko saka ako binuhat. Iniyakap ko naman ang mga hita ko sa baywang niya para hindi ako malaglag. Iniyakap naman niya ang matigas na braso sa baywang ko.

Patuloy ang halik niya sa labi ko… hindi ko matukoy kung banayad o sabik ba ang paraan ng paghalik niya. Minsan parang hinahagod ng labi niya ang labi ko… pero kung minsan para siyang mauubusan ng halik ko.

Hindi ko na namalayan na nasa kwarto na kami. Napagtanto ko na lang nang maramdaman kong lumapat ang likod ko sa malambot na kama.

Yumakap ako sa batok niya habang mas lalong lumalalim ang halikan naming dalawa. Napapitlag pa ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa hita ko… marahan niyang pinipisil ang balat ko ro’n… tila nanggigigil na hindi ko maipaliwanag.

Tumigil siya sa paghalik… pero marahan naman niyang kinakagat ang ibabang labi ko.

“A-Aivan…” daing ko saka napakapit nang mahigpit sa balikat niya.

Bumaba ang halik niya sa panga ko. Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko nang maramdaman kong pumapasok ang kamay niya sa loob ng damit ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na dapat ko siyang pigilan… Masama siyang tao. Kidnapper siya. Pumapatay siya ng tao… wala siyang konsensya at pakiramdam… Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya maitulak at kung bakit mas lalo ko pa siyang hinihila palapit sa’kin.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko at halos mamaluktot ang mga daliri ko sa paa nang maramdaman ko ang malambot niyang labi roon… naramdaman ko rin ang marahang paghagod ng dila niya roon at pagkagat niya sa balat ko. Napalakas ang daing ko nang maramdaman kong tila minamarkahan niya ang leeg ko.

Ang kamay niya na kanina ay nasa tiyan ko lang, nasa dibdib ko na. Wala akong suot na bra kaya agad na dumampi ang palad niya sa dibdib ko. Parang nag-aapoy ang katawan ko dahil sa sensasyon na nararamdaman ko ngayon. Hindi naman bago sa akin ang ganito… pero hindi ko maipaliwanag kung bakit parang bago sa akin… na para bang hindi ko pa naranasan ang halikan at hawakan nang ganito.

Naghahabol pa rin ako ng hininga nang tuluyan na siyang tumigil. Idinikit niya ang noo sa noo ko. Hindi naman ako nagsalita at pumikit na lang. Naidilat ko lang ang mga mata ko nang humawak siya sa baba ko. Napatingin ako sa mga mata niya saka napalunok.

“A-Aivan?”

Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya ngayon… Alam ko namang imposible, pero gusto kong malaman ang iniisip at nararamdaman niya sa mga oras na ’to… kung meron man.

“B-bakit mo ’ko hinalikan?” bulong ko sa mahinang boses.

“Why did you kiss me back?” ganting tanong niya sa’kin.

“Ano ba ’yan? Tanong din ’yung sagot mo sa tanong ko,” sabi ko na lang saka napaismid.

Marahan siyang napangiti sa sinabi ko. Bahagya pa akong natigilan dahil hindi ’yon ngisi… kundi ngiti. Kailan ba ang huling beses na nakita ko siyang ngumiti? Simula nang malaman ko ang tunay na kulay niya, hindi na siya ngumiti nang ganiyan sa akin.

“You’re damn funny as always, Cheryl…” bulong niya saka ibinaon ang mukha niya sa leeg ko.

Napalunok naman ako at hindi siya pinigilan… Ano ba talaga ang nangyayari sa’kin? Delikado na yata ’to.

Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

NAKATULOG KAMI ni Aivan sa kama. Nagising na lang ako na umaga na… at wala na rin siya sa tabi ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko saka napahawak sa magkabilang pisngi ko nang maalala ang malupit na halikan namin kagabi.

Impit na napatili ako saka ibinaon ang mukha ko sa unan… Bakit nagpadala agad ako sa halik niya kagabi?! Ano na ba’ng nangyayari sa’kin?!

Bumangon ako ulit saka huminga nang malalim. Pilit ko munang pinakalma ang sarili ko. Nag-exercise pa muna ako at nagtatalon para lang kumalma.

Pagkatapos kong magpakalma na parang timang, dumiretso na ako sa bathroom para mag-ayos ng sarili. Damit na naman ni Aivan ang isinuot ko. Komportable naman ang mga damit niya dahil malambot ang tela at malaki pa. Kaso palagi akong walang bra at panty.

Napakamot ako sa batok ko nang magtungo sa kusina. Naabutan ko ro’n si Aivan na naghahanda ng almusal. Tumikhim naman ako para magpapansin sa kaniya.

Tumingin siya sa’kin. Napakagat ako nang mariin sa loob ng pisngi ko nang makita ang guwapong mukha niya. Aware naman ako na gwapo talaga si Aivan… pero bakit parang mas lalo siyang gwapo ngayon? Hindi ko maipaliwanag.

“G-good morning,” bati ko na lang sa kaniya. Pilit akong nagpapa-cool kahit na naghuhuramentado ang puso ko rito.

Hindi siya nagsalita, ni hindi niya ako nginisihan kagaya ng palagi niyang ginagawa kapag gusto niya akong inisin. Ibinalik na lang niya ang atensyon sa niluluto niya.

Nagtatakang umupo ako sa upuan habang nasa kaniya pa rin ang tingin ko.

Ano naman kaya ang problema niya?

Lumapit na rin siya agad matapos magluto. Nagluto siya ng fried rice at omelette. Panay naman ang habol ko sa kaniya ng tingin dahil tahimik lang siya.

Umupo na rin siya sa tabi ko pagkatapos. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

“Pst! Aivan,” pagtawag ko sa kaniya. “Bakit ang tahimik mo sa umpisa? Idol mo ba si Mommy Oni?”

Napakunot ang noo niya. “What the hell are you saying?”

Umiling ako saka tumikhim. “I mean… bakit ang tahimik mo? Kinakabahan ako, e… baka mamaya nagpaplano ka na palang patayin ako.”

Hindi siya nagsalita at kumain na lang. Kahit nagtataka ako sa kinikilos niya, hindi na lang din ako nagsalita.

Nang matapos kaming kumain, nagligpit na rin agad si Aivan saka naghugas ng mga plato. Napanguso ako habang pinapanood siya… Ano ba talaga ang problema niya?

Hindi na ako nakatiis. Lumapit ako sa kaniya saka humawak sa damit niya. Napatigil naman siya sa paghuhugas ng plato saka tumingin sa’kin.

Sinimangutan ko siya. “Galit ka ba sa’kin? O baka gusto mo na akong patayin kaya ganiyan ka? Boring na ’ko para sa’yo?” sunod-sunod na tanong ko.

Seryosong tumitig lang siya sa’kin… As usual, hindi ko na naman mabasa ang tumatakbo sa magulong isip niya.

Hindi siya nagsalita. Napabuntonghininga ako saka bumitiw na sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng tampo… Bakit ba kasi ayaw niya akong pansinin?!

Tinalikuran ko na siya at akmang babalik na lang sa kwarto nang maramdaman kong yumakap siya sa’kin mula sa likuran. Napapitlag ako sa ginawa niya… pero hindi ko naman siya itinulak palayo.

Ibinaon niya ang mukha sa kurba ng leeg ko saka dinampian nang magaan na halik ’yon. Napalunok na lang ako sa ginawa niya… Tumitibok na naman nang mabilis ang puso ko.

“You’ll never be boring to me, Cheryl…” anas niya habang nakayakap pa rin sa’kin.

Napakurap ako… Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang sinabi niya… o kung dapat ba akong ma-offend dahil katuwaan lang ang tingin niya sa’kin.

“You don’t get it, do you?” bulong niya pa saka mas hinigpitan ang yakap sa akin na parang ayaw na ’kong pakawalan.

“H-huh?”

“What did I tell you before?” tanong pa niya.

“M-malay ko… Ang dami mo na kayang nasabi sa’kin,” bulong ko.

Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Bumaba ang magagaan na halik niya sa balikat ko.

“I told you that I will kill you once I find you boring… once you no longer amuse me…”

Napalunok ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko… kung gano’n, ibig sabihin niya ba na…

“You will never be boring to me. You will be amusing to me… You know what that means, right?” tanong pa niya na mas lalong nagpatigagal sa’kin.

Kung ganoon… Ibig sabihin lang no’n… hindi na niya ako papatayin?

“I will never kill you, Cheryl… Among all the people in the world… You’re the only one I could never kill.”

CHAPTER IX

Napansin ko ang pagbabago ni Aivan ng mga nagdaang araw. Hindi siya gaanong nagsasalita… pero bigla siyang naging touchy. Hindi ko alam kung dahil ba ’to sa mga halikan na pinagsaluhan namin o ano.

Hindi ko rin naman kung magagawa ko bang seryosohin ang sinabi niyang hindi niya ako papatayin.

Napatingin ako kay Aivan na abala sa pagluluto ng tanghalian. Isa sa napansin ko kay Aivan… mahilig siyang magluto.

Sinabi ko na sa kaniya noon na kaya ko namang magluto, pero gusto niya na siya. Naisip ko pa noon na baka nilalagyan niya ng lason ang pagkain ko, pero hindi pa naman ako namamatay.

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Ano ba naman ’to? Parang normal na lang tuloy sa’king isipin na mamamatay ako anumang oras.

Pero hindi ko alam… may kakaiba akong naramdaman sa sinabi ni Aivan noong nakaraan… na hindi niya ako papatayin. Alam kong hindi ko naman dapat pagkatiwalaan ’yon… Hindi ko na rin alam. Mukhang kailangan ko nang masanay sa mga nangyayari sa’kin ngayon.

Tumayo ako at lumapit kay Aivan. Sinilip ko ang niluluto niya. Natakam agad ako nang makita kong sinigang ang niluluto niya. Napalunok ako saka tumingin kay Aivan. Tumingin siya sa’kin saka ngumisi.

“Gutom ka na?” tanong pa niya.

Napakamot ako sa batok ko at napaiwas na lang ng tingin sa kaniya… Ang gwapo niya.

Tumikhim ako saka inamoy ang niluluto niya. Nagugutom na ako agad.

Muli akong tumingin sa kaniya. “Bakit ang sarap mong magluto kahit wala kang panlasa?” hindi ko napigilang itanong.

“I’m just following cookbooks and watching cooking videos online,” paliwanag niya.

Napatango ako saka ngumiti. “Maluluto na ba ’yan?”

Tumango siya. “Malapit na.”

Bumalik na ako sa upuan ko. Naghain naman agad si Aivan pagkatapos niyang magluto saka umupo sa tabi ko. Excited na tinikman ko naman ang niluto niya.

“Wow! Ang sarap!” Muli akong humigop ng sabaw.

Nakatitig lang sa’kin si Aivan. “You like it?”

Umismid ako. “Sus, nagtanong ka pa. Palagi ko namang gusto ang mga niluluto mo.”

Napangiti siya sa sinabi ko saka ipinagsalin ako ng tubig. Nagsimula na ’kong kumain. Halos sunod-sunod ang subo ko dahil masarap talaga ang pagkakaluto niya sa sinigang.

“Sure ka ba na doktor talaga ang para sa’yo? Bakit hindi ka nag-chef?” tanong ko saka sumubo ng kanin.

“My Dad wants me to be a doctor,” tipid na sabi niya saka ibinaba ang kutsara niya.

Napatango ako. Curious ako tungkol sa Dad niya pero mukhang wala siya sa mood pag-usapan ang tungkol doon.

Pagkatapos naming kumain, hinugasan ko na lang agad ang mga plato dahil mukhang nawala siya sa mood dahil sa biglang pagtatanong ko.

Habang naghuhugas ng plato, natigilan na lang ako nang maramdaman na yumakap si Aivan sa’kin mula sa likuran. Napalunok ako at natigilan sa ginawa niya pero hindi ko naman siya itinulak at hinayaan siyang yakapin ako.

“Aivan?”

Hindi siya nagsalita. Ibinaon niya ang mukha sa kurba ng leeg ko saka mas hinigpitan ang yakap sa’kin. Para nang may nagkakarera sa puso ko, pero pinilit kong hindi magpa-apekto at tumuloy sa paghuhugas ng mga plato.

Nang matapos ako, agad akong nagpunas ng mga kamay saka hinarap siya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya habang seryosong nakatitig lang siya sa’kin. Humawak ako sa magkabilang pisngi niya.

“Ano’ng problema? Nasisiraan ka na naman?” Tinaasan ko siya ng kilay.

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa pisngi niya. Umismid ako saka inirapan siya.

“Oh, edi hindi na hahawak… Arte mo naman,” bulong ko na lang.

Natigilan ako nang siya ang humawak sa pisngi ko. Inilapit niya ang mukha sa’kin saka pinagdikit ang noo namin. Hindi ko alam kung bakit pa rin ako nagulat. Dapat nasasanay na ’ko sa biglaang pagiging touchy niya.

“Ano na naman ang problema mo?” bulong ko saka humawak sa kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

Napasinghap na lang ako nang bigla siyang humawak sa baywang ko at binuhat ako. Nahihilig na siya sa pagbuhat sa akin. Hindi ko na talaga maintindihan ang trip niya.

Dinala niya ako sa living room saka iniupo sa couch. Agad naman siyang umunan sa kandungan ko pagkatapos. Hindi na ako nag-inarte at humawak na lang sa buhok niya at nagsimulang haplusin ’yon.

Pumikit siya saka hinayaan ako sa ginagawa. Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako. Gusto ko kapag nakikita siyang nakapikit o natutulog… minsan ko lang kasi siya makitang natutulog.

Palagi siyang gising. Hindi ko gusto na gano’n siya. Gusto ko siyang nakikita na natutulog nang payapa.

Natigilan ako nang idilat niya ang mga mata. Napalunok ako nang magtagpo ang tingin naming dalawa. Kinuha niya ang kamay ko saka idinikit ’yon sa labi niya at dinampian nang magaan na halik.

“Aivan…”

“Hmm?” tanong niya habang nakatitig pa rin sa’kin.

“Hindi mo talaga ako papatayin?” tanong ko saka humawak sa pisngi niya.

Tumango siya. “I won’t kill you.”

Napanguso ako. “Hindi mo pala ako papatayin… Edi pakawalan mo na ’ko.”

Napangisi si Aivan saka marahang pinisil ang baba ko. “Nice try, Cheryl.”

Inismiran ko siya. “Hindi naman kita isusumbong sa mga pulis. Saka jojowain pa kita kung gusto mo,” halos pabulong ko na lang sinabi ang panghuli.

Bahagyang ngumiti si Aivan saka marahang pinisil ang kamay ko. “Your sister will never let that happen.”

“Si ate? Bakit? Dahil ex mo siya?” nakakunot-noong tanong ko. “Mabait naman ’yon si ate. Maiintindihan niya kung sakali mang—”

Natigilan na lang ako nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Bakit parang ang labas gustong gusto ko siya maging jowa?!

Tumikhim ako. “I-I mean… kung sakali lang naman na ma-trip-an natin ang isa’t isa,” sabi ko na lang.

Natigilan ako nang biglang bumangon si Aivan. Napalunok ako nang tumitig siya sa’kin saka ngumisi.

“You already like me though,” tila confident na sabi pa niya.

Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. “H-hoy, ang assuming mo naman, ’te!”

Napasinghap ako nang mas lalo siyang lumapit sa akin. Halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa.

“Why? You don’t like me?” tanong nito sa mahinang boses habang titig na titig sa’kin.

Halos mapaubo ako. Humawak ako sa dibdib niya saka marahan siyang itinulak. “E-ewan ko sa’yo, beh! Baka ikaw nga riyan ang may gusto sa’kin, e!”

Napangiti siya habang titig na titig sa’kin. “Yeah, I like you…”

Napasinok ako bigla sa sinabi niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. “P-pinagt-trip-an mo pa talaga ako, e, ’no?! Sabi mo hindi ka nagkakagusto!”

Naiirita ako sa kaniya! Kung ano ano ba naman kasi ang sinasabi!

Umaasa tuloy ako.

Naiiritang tumayo ako saka iniwan siya roon. Tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na lang sa kwarto.

Agad din naman siyang sumunod sa’kin. Hindi ko siya pinansin at humiga sa kama saka yumakap ng unan. Humiga naman siya sa tabi ko saka yumakap sa baywang ko. Naiinis na tinalikuran ko siya pero agad siyang humawak sa balikat ko at pinaharap ako sa kaniya.

“Are you mad?” tanong pa niya saka humalik sa noo ko.

Inismiran ko siya. “Ewan ko nga sa’yo… Akala mo nakakatuwa ka palagi,” bulong ko saka inirapan siya.

Napahalakhak si Aivan saka mas inilapit ako sa kaniya. “Nagtatampo ka, Cheryl?” tila nang-aasar na tanong niya.

Inirapan ko siya. “Lagi mo na lang akong pinagt-trip-an! Hindi naman nakakatuwa! Alam kong hindi ka nagkakagusto at wala kang pakiramdam kaya ’wag mo nang sabihin ’yon! Okay?!”

Napawi ang ngisi sa labi ni Aivan. Pero tipid siyang ngumiti. “You’re right… I have no emotions and feelings,” sinabi niya saka marahang hinaplos ang pisngi ko. “I don’t like you… I don’t like you… at all,” anas niya habang titig na titig pa rin sa’kin.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang hitsura niya… kung bakit ganoon ang tono ng boses niya at ang paraan ng pagtingin niya sa’kin. Hindi ko maipaliwanag. Kagaya ng palagi kong problema… hindi ko rin naman mabasa ang iniisip niya.

Napabuga ako ng hangin at tumango. “A-alam ko naman, ’no… Hindi mo ako magugustuhan,” sinabi ko na lang saka napahawak sa dibdib niya.

Natigilan ako nang hinila niya ako para yakapin. Ipinikit ko naman ang mga mata ko nang haplusin niya ang buhok ko saka humalik doon.

Nanlalambot na naman ang mga tuhod ko. Nararamdaman ko rin ang tila nagkakarera sa dibdib ko. Alam kong wala namang ibig sabihin ang lahat ng ’to sa kaniya… Walang epekto ang lahat ng ’to sa kaniya… pero hindi ko alam kung ano ang nagtutulak sa akin na makaramdam ng ganito…

Ang umasa.

NAGISING NA lang ako ng gabi dahil sa naririnig kong iyak. Agad akong napabangon. Natigilan na lang ako nang makita kong nakaupo si Aivan sa kama. Nakayakap siya sa mga tuhod niya habang umiiyak. Magulo pa ang buhok niya at mukhang kakagising lang din… tila binangungot.

“A-Aivan?” tanong ko saka lumapit sa kaniya.

Napatingin ako sa nanginginig na katawan niya. Napalunok ako, nakaramdam ng matinding pag-aalala dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Ang bigat sa dibdib marinig ng iyak niya… Naramdaman ko na lang na namumuo rin ang luha sa mga mata ko. Kahit nag-aalangan, humawak ako sa braso niya at marahang hinaplos ’yon.

“Aivan…”

Tumingin siya sa’kin. Mas lalong kumirot ang dibdib ko nang makita ko ang mga mata niyang namumula at puno ng luha.

“I d-don’t know what to do anymore, Cheryl…” Umiling siya, paulit-ulit na umiiling habang nakayakap sa sarili.

Agad akong lumapit sa kaniya at hinila siya para yakapin. Gumanti siya nang mahigpit na yakap sa’kin saka ibinaon ang mukha sa leeg ko. Hinayaan ko lang siya na umiyak at hinaplos ang buhok niya.

Nanginginig ang buong katawan niya habang nakayakap sa akin. Napalunok ako at napakagat nang mariin sa ibabang labi ko habang hinahaplos ang likod niya.

Hindi ko na alam… Hindi ko na alam ang dapat kong isipin tungkol kay Aivan. Kung ano ba talaga ang totoong siya… kung ano ba talaga ang nararamdaman niya… kung ano ba talaga ang meron sa kaniya… at kung ano ba talaga ang buhay na meron siya.

Bakit pakiramdam ko… hindi siya psychopath?

CHAPTER X

Napansin ko na umaktong parang walang nangyari si Aivan kinabukasan. Sa mga nagdaang araw, hindi ko na lang din in-open sa kaniya dahil baka hindi siya komportableng pag-usapan ’yon.

Tahimik na nakatitig lang ako sa kaniya habang nagbabasa siya ng libro, nakahiga pa sa kandungan ko. Hinahaplos ko naman ang buhok niya habang nakatitig sa guwapong mukha niya.

Hindi ko na rin talaga alam kung ano ang label namin. Palagi kaming sweet at touchy sa isa’t isa. Magkatabi na rin kaming matulog at palagi siyang nakayakap at naglalambing sa akin. Hindi ko na rin tinatanong kung ano ba talaga kami dahil kuntento naman ako sa ganito, basta kasama ko siya.

Ang weird lang na nauwi kami sa ganito dahil takot na takot ako sa kaniya noong una. Kidnapper ko rin siya. Alam ko na baka Stockholm syndrome lang ito… na baka ako nakakaramdam ng ganito dahil doon… pero wala na akong pakialam doon ngayon.

Basta masaya ako na kasama siya, kahit na palagi kaming walang ginagawa, kahit na paulit-ulit lang ang nangyayari sa amin araw-araw… Gusto ko na kasama ko siya. Gusto ko na palagi siyang nakikita at nahahawakan. Gusto ko na palagi siyang nasa tabi ko. Gusto ko ang presensya niya at lahat lahat sa kaniya… kahit na alam ko kung gaano siya kasama.

Malakas ang pakiramdam ko na hindi siya sobrang sama… may iba pang itinatago si Aivan sa loob ng puso niya na hindi niya binubuksan sa kahit na sino.

Noong gabing umiyak siya sa’kin… kitang kita ko ang matinding lungkot at takot sa mga mata niya.

Gusto ko pa siyang makilala pa nang lubos. Gusto ko pang malaman ang mga hindi ko pa alam tungkol kay Aivan.

Gusto ko siyang maintindihan.

Gusto ko si Aivan. Gustong gusto ko siya. Hindi ko na yata matanggi sa sarili ko.

Wala na akong pakialam kung totoo ito o Stockholm syndrome lang. Basta ang alam ko, gusto ko siya.

“Cheryl…”

Napatigil ako sa paghaplos sa buhok niya. “Hmm? Bakit na naman?”

Bumangon siya saka humarap sa’kin. Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Nagpapabebe lang ang peg.

“What do you want to do that doesn’t require us to go outside?” tanong niya saka isinara ang libro niya.

Ngumisi ako. “Sex.”

Tinaasan niya ako ng kilay. “Are you sure about that?” tila nanunuksong tanong niya.

“Joke lang. Baka hindi ko kayanin ang hotdog mo,” bulong ko.

Ngumiti sa akin si Aivan. “Do you want to see my dick?”

Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Hayop na lalaking ’to, ang hirap biruin ng ganoon. Masyadong kakaiba ang trip.

Sanay na naman akong makakita ng ganoon dahil sa trabaho ko bilang nurse, pero siyempre, iba naman kapag pagkalalaki ni Aivan ang pinag-uusapan. Baka himatayin pa ako bigla.

“Tigilan mo nga ako, Aivan Vallente. Baka tadyakan pa kita, e.” Umismid ako.

Malakas na ang loob ko na gani-ganitohin siya ngayon. Hindi na siya nagagalit… Baka nahulog talaga siya nang tuluyan sa alindog ko. Well, hindi ko naman siya masisisi.

Ang ending, nanood na lang kami ng kung ano-anong movie. Wala naman akong ibang ginawa kundi panoorin ang reaction niya sa mga ’yon.

Wala siya palaging reaksiyon sa mga pinanood namin. Pero kapag natingin ako, ngumingiti naman siya kaagad. Hindi ko maintindihan ang lalaking ’to. Bakit ko ba siya nagustuhan?

“Do you really like watching me more than the movies that we’ve watched?” nakangising tanong niya saka yumakap sa baywang ko.

“Pinapanood ko lang ang reaction mo, okay?! ’Wag ka ngang feeling diyan.” Inismiran ko siya.

Tinawanan niya lang ako saka nagsimula nang magluto ng hapunan namin. Tahimik na nakamasid lang naman ako sa kaniya, pinapanood siya.

Hindi na ako nakatiis at lumapit sa kaniya saka yumakap sa kaniya mula sa likuran. Natigilan siya saglit, pero hinayaan niya ako at tumuloy sa ginagawa.

Napanguso ako. “Aivan…”

“Hmm?” tanong niya habang naghihiwa ng mga ingredients.

“Anong naramdaman mo noong nanood tayo ng mga malulungkot na movies?” tanong ko saka idinikit ang pisngi ko sa likod niya.

“I didn’t feel anything,” agad namang sagot niya.

Umirap ako. “Okay, sabagay… hindi naman nakaka-shock ’yon.”

Mas magugulat pa siguro ako kung sasabihin niya sa’kin na may naramdaman siya sa movie.

“Why? Are you disappointed?” tanong niya saka bahagyang lumingon sa akin.

Umiling ako. “Hindi naman. Alam ko na naman sa sarili ko na ganiyan ka. Wala naman na akong magagawa roon.”

“You still like me… even though I’m not capable of liking or loving you back?” tanong niya sa mahinang boses.

Tumango ako. “Oo… Wala ng kaso sa’kin ’yon. Ang mahalaga sa’kin ngayon, e, masaya ako na kasama ka. Walang kaso sa akin kahit dito na tayo habang buhay,” bulong ko.

Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Humarap siya sa akin saka seryosong tumitig sa mukha ko. “Your Stockholm syndrome… was quite serious,” bulong niya.

Napangisi na lang ako. Hindi ko alam kung bakit nagagawa naming pag-usapan ’to na parang wala lang. Malala na nga yata talaga ako.

“Okay lang sa’kin kahit hindi mo ako magustuhan kagaya ng pagkagusto ko sa’yo… Okay lang sa’kin kung hinahayaan mo lang ako sa tabi mo dahil entertaining para sa’yo… Bahala na kung ano’ng mangyari… kung ano man ang patunguhan nito.”

Saglit na natahimik si Aivan. Nanatili siyang nakatitg sa’kin bago nagsalita… “You’re really entertaining, Cheryl,” bulong niya pa.

Tumawa ako at pabirong hinampas ang dibdib niya. “Okay, fine. Compliment ko na lang sigurong tatanggapin ’yon.”

Napangisi si Aivan saka yumakap sa’kin. Natigilan ako sa ginawa niya… parang nagwawala ang puso ko, pero ginantihan ko rin naman siya ng yakap.

“Gusto mo pa rin bang tumakas, Cheryl? Do you still wish to run away from me?” tanong niya sa mahinang boses habang marahang hinahaplos ang buhok ko.

“Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na ayoko nang umalis sa lugar na ’to. Oo, okay sa akin dito habang buhay basta kasama ka… pero siyempre, gusto ko na lumabas tayong dalawa. Gusto ko na maggala tayo, manood ng sine, maglakad sa park habang magka-holding hands at kung ano-ano pa. Marami akong gusto gawin sa labas na kasama ka…”

Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siya na nakayakap sa akin, tila nag-iisip nang malalim.

WALA NAMANG kakaibang nangyari sa mga sumunod na araw… Ayos lang naman sa akin. Sa totoo lang, may contentment akong nararamdaman habang kasama si Aivan. Hindi ko maipaliwanag. Sapat na yata sa akin ang ganitong buhay basta kasama siya.

Mas lalong nagiging sweet at touchy si Aivan. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba kaming nag-make out. Siyempre, gustong gusto ko naman.

Alam kong wala na ’tong kaso kay ate dahil may jowa na siya ngayon, pero kinakabahan pa rin ako sa magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Aivan. Kahit naman bali-baligtarin ang mundo, ex niya pa rin si Aivan.

“Aivan?”

Natigilan na lang ako nang magising sa kalagitnaan ng gabi na wala si Aivan sa tabi ko. Napabuntonghininga ako. Malamang nasa sala na naman siya at nakatitig sa may bintana… hindi makatulog.

Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto. Natigilan ako nang makitang wala rin sa living room si Aivan. Hinanap ko rin siya sa kusina at sa bathroom, pero wala siya sa mga ’yon.

“Aivan? Nasaan ka?!”

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Hindi kaya iniwan niya na ako ritong mag-isa?

Natigilan ako nang mapansin ko na nakaawang ang pinto. Nakabukas ang pinto!

Isa na naman ba ’to sa mga trip ni Aivan? Gusto niya bang i-test kung tatakas ako o hindi?

Napailing ako. Naging malala na ang pagiging overthinker ko dahil kay Aivan.

Lumapit ako sa pinto at sumilip doon. Lumabas ako at agad na hinanap si Aivan… pero agad din akong napaatras nang makita siya mula sa ’di kalayuan, malapit sa malaking puno.

Napalunok ako. Nahihintakutang napatakip ako sa bibig ko nang makitang may sinasaksak siya… paulit-ulit niya itong sinasasaksak kahit wala ng buhay. Ang mas lalong nagpatakot sa’kin… ay ang katotohanan na nakangiti siya.

Nakangiti si Aivan habang sinasaksak ang lalaki na para bang nasisiyahan siya roon.

Nanginig ang buong katawan ko sa nakita. Sinubukan kong ’wag gumawa ng ingay at nagmamadaling pumasok sa loob saka bumalik sa kwarto.

Napalunok ako at nagkumot. Naramdaman ko ang matinding panginginig ng mga kamay ko.

Alam ko na sa sarili ko kung anong klaseng tao si Aivan. Alam ko ng wala siyang nararamdamang konsensya sa tuwing pumapatay siya… Alam ko ng walang kasiguraduhan at patutunguhan ang nararamdaman ko para sa kaniya… kundi takot at pati na rin kamatayan.

SINUBUKAN KONG umakto ng normal kay Aivan kinabukasan. Tahimik lang din naman siya buong araw… na para bang nararamdaman niya na wala ako sa mood. Hindi siya nangulit o ano pa man.

Pagsapit ng gabi, yumakap siya sa’kin at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. Napabuntonghininga ako at gumanti ng yakap sa kaniya.

“Cheryl…”

Napalunok ako. Ngayon ko lang siya narinig na nagsalita ngayong araw.

“Bakit?” tanong ko saka hinaplos ang likod niya.

“You saw me last night, right?” tanong niya.

Natahimik ako… hindi alam ang sasabihin.

“What do you feel about it? You saw the monster in me… You know how terrifying I can be. You know how I easily take people’s lives as if it were nothing… Tell me, Cheryl… What do you feel… about it?” tanong niya sa mahinang boses.

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko. “H-hindi ko rin alam, Aivan. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko… Hindi ko gusto ang ginagawa mo… natatakot ako. Natatakot ako para sa sarili ko… at para sa’yo. Halo halo lahat sa isip ko.”

Saglit kaming natahimik… Walang nagsalita sa amin pagkatapos no’n at nanatili kaming magkayakap. Napabuntonghininga siya saka humalik sa tuktok ng ulo ko.

“Cheryl… Did you believe in me when I told you… that I’m not going to kill you?” tanong pa niya.

“Hindi ko alam… Hindi ko alam kung dapat kong paniwalaan ’yon. Hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa isip mo, Aivan.”

“If you stay here a little longer… you’ll become hopeless. You will lose yourself. And I think you’re getting there… Mabubulag ka ng nararamdaman mo para sa’kin.”

Natahimik ako sa sinabi niya… dahil may punto siya. Marahil ganoon nga ang kahinatnan ng kahibangan kong ’to.

“The door isn’t locked…”

Natigilan ako sa sinabi niya saka kumalas sa pagkakayakap niya para titigan siya. “H-huh?”

“You are free to escape… Sa oras na makalabas ka rito, may sasalubong sa’yong tao na makakatulong sa’yo paalis sa lugar na ’to. I’m setting you free… Babalik ka na sa dati mong buhay,” seryosong sinabi niya habang nakatitig sa akin.

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na ’to.

“A-Aivan…”

Humakbang si Aivan paatras sa akin. “Go ahead and run away from me. This is your chance… the only chance that I’ll give you. So, don’t waste it. Run. Escape. Forget about me.”

Napalunok ako at umiling. Halatang natigilan siya… lalo na nang lapitan ko siya at niyakap. Natulos siya sa kinatatayuan. Niyakap ko siya nang mahigpit saka napapikit nang mariin.

“H-hindi kita iiwan. Ayaw kitang iwan… Gusto kitang makasama… Ayokong malayo sa’yo. W-wala na akong pakialam sa magiging outcome… B-basta gusto kitang kasama. Wala na akong pakialam kahit na gaano ka kasama… o kung balak mo man akong patayin.”

Gusto kong batukan ang sarili ko ngayon. May parte sa akin na gustong tumakbo at tumakas… bumalik sa dati kong buhay na parang walang nangyari… Pero siguro nga… malala na ako.

“Your feelings for me… are much deeper that I thought,” bulong ni Aivan saka hinaplos ang likod ko.

Hindi ko na nagawang i-deny ang sinabi niya… dahil pakiramdam ko totoo iyon. Talagang malalim na nga yata ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Kumalas na si Aivan sa pagkakayakap sa’kin saka ngumiti. Humalik siya sa noo ko saka hinaplos ang pisngi ko.

“Are you sure you don’t want to leave?” tanong pa niya.

“Hindi ako aalis, Aivan. Dito lang ako sa tabi mo.”

Mas lalo siyang napangiti sa sinabi ko.

“Okay… Do you want us to watch a movie? I’ll make a midnight snack for us.”

Ngumiti ako at tumango. “Oo… Manood naman tayo ng nakakatawang movie.”

Marahan siyang humalakhak saka tumango. “Okay. I’ll just prepare our food.”

Umalis na rin siya agad at dumiretso sa kusina. Napabuga na lang ako ng hangin saka tumingin sa paligid… Bahala na. Ano man ang mangyari, kasalanan ko naman. Ginusto ko ’to… Bahala na kung ano ang mangyari.

Napatingin ako sa pinto. Desidido na ako na hindi ako aalis, pero lumapit ako roon… Papayagan niya na kaya ako lumabas-labas para magpahangin lang?

Napailing ako saka pinihit ang doorknob… pero natigilan ako nang mapansin na naka-lock ’yon.

Napalunok na lang ako at napatingin kay Aivan na abala sa pag-aayos ng pagkain sa kusina.

Naka-lock ang pinto… Kung gano’n… wala pala talaga siyang balak patakasin ako. Mukhang sinubok niya lang talaga ako.

CHAPTER XI

“Aivan… Hindi ba tayo magse-sex?” tanong ko.

Literal na nasamid siya sa tanong ko. Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko para pigilang matawa sa reaksyon niya. Nakakatawa kapag nagre-react siya ng ganiyan.

“What?” tila hindi makapaniwalang tanong niya.

“Sabi ko… kung hindi ba tayo magse-sex?” tanong ko ulit.

Ibinaba niya ang baso sa sink saka tumitig sa’kin. “Do you want us to do it?” tanong niya saka humakbang palapit sa’kin.

Napalunok ako saka humawak sa batok ko. “S-siyempre… Kaya nga kita tinatanong, e. Gusto kong mag-sex tayo.”

Napangisi si Aivan habang nakatitig sa’kin. “You’re too… straightforward.”

Umismid ako. “Siyempre, bakit pa ’ko magpapaligoy-ligoy, ’di ba?”

Tumango si Aivan. Humawak siya sa magkabilang balikat ko. “Hmm… But you must know something about me…”

“Hmm?” tanong ko.

Inilapit niya ang labi sa tainga ko saka bumulong. “I do not feel arousal.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “H-huh?!” nagulantang na tanong ko.

Ngumiti siya sa’kin at tumango. “Yes. I do not feel arousal,” pag-ulit pa niya.

Napaawang ang mga labi ko saka napakurap. “P-pero… naging girlfriend mo si ate, ’di ba? I-ibig sabihin, hindi niyo pa ginawa ’yon?” bulong ko.

Tumango siya. “Yeah. We never did that… Sure we made out, but we never had sex.”

Napalunok ako. Humawak ako sa kamay niya saka hinila siya papuntang living room. Nagpatianod naman siya sa akin. Pinaupo ko siya sa couch. Umupo rin ako sa tabi niya at hinawakan ang pisngi niya paharap sa’kin.

“Seryoso ka ba? Hindi ka ba nanti-trip lang?” tanong ko pa.

Kahit naman nasa phase ako ngayon na gustong gusto ko si Aivan, minsan nakakapagduda pa rin kung totoo ang mga pinagsasabi niya.

“It’s true… We never had sex because I don’t feel aroused,” sabi pa niya saka isinandal ang likod sa sandalan ng couch.

Napaawang ang mga labi ko. “A-alam ba ni ate ang tungkol diyan?”

“No, she had no idea,” sagot naman niya.

Napalunok ako. “I-ibig sabihin… wala kang kakayanan makipag-sex?”

Tumingin sa’kin si Aivan saka ngumisi. “Why? Are you disappointed?”

Napanguso ako saka umismid. “Okay, magiging honest ako… Medyo disappointed ako dahil gusto kitang maka-sex… pero ano’ng magagawa ko, e, sa hindi ka nakakaramdam ng ganoon,” bulong ko.

Lumapit sa akin si Aivan. Isinandal niya ang matipunong braso sa itaas ng backrest ng couch, titig na titig sa akin.

“You still like me despite the fact that I’m incapable of having sex with you?” tanong niya saka mas inilapit ang sarili sa akin.

Napahawak ako sa batok ko. “O-oo… Pero sure ka ba talaga? Paano mo naman nasabi na hindi ka nakakaramdam ng arousal? Anong basehan mo? Nagpa-check up ka ba? Ay, doktor ka nga pala,” bulong ko saka napakamot sa batok ko.

“My pet down here…” Bumaba ang tingin niya sa pagitan ng mga hita niya, “doesn’t get hard.”

Napasinghap ako. “Gago? Seryoso ba?” muling tanong ko.

Marahang napahalakhak siya sa reaksyon ko.

Huminga ako nang malalim. “Pero bakit ang galing mo humalik? Saka kapag ano diba…” tumikhim ako, “kapag nagme-make out tayo… basta! Ang galing mo, e!”

Mas lalo siyang napahalakhak. Naiinis na hinampas ko ang braso niya dahil tinatawanan niya lang ako rito.

“Of course, I have to satisfy my woman in small ways like that. Of course, I can kiss you, I can… finger-fuck you or eat you up… But sex is something I couldn’t give you. Is that alright?” tanong niya. Seryoso na siyang nakatitig sa akin.

Napalunok ako habang nakatitig din sa kaniya. “O-okay lang naman sa akin. Nagulat lang talaga ako dahil hindi ko in-expect…” Bumaba ang tingin ko sa pagitan ng mga hita niya.

Kaya pala… Kaya pala hanggang make out make out lang kami!

Buong araw ’yong hindi naalis sa isip ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko tungkol doon, sa totoo lang. Totoo namang gusto ko pa rin siya kahit na hindi kami mag-sex, pero may parte sa akin na medyo disappointed pa rin.

“Cheryl…”

Natigilan ako sa pag-e-emote nang pumasok si Aivan sa kwarto. Mukhang kakaligo niya lang at ang guwapo niya tingnan. Agad naman akong bumangon saka yumakap sa kaniya pagka-upo niya sa kama. Yumakap din siya sa akin. Inamoy-amoy ko siya… Ang bango naman.

Humiga kami at nagyakapan. Naka-unan ako sa braso niya habang hinahaplos niya ang buhok ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya saka humalik sa labi niya.

“Kapag hinahalikan kita ng ganoon, wala kang nararamdaman?” bulong ko.

Nagtaas ng kilay si Aivan. “You’re still thinking about it?” tanong niya.

Napanguso ako. “Siyempre naman. Napapaisip pa rin ako, ’no… So, ano nga? Wala ka talagang nararamdaman kapag hinahalikan kita ng gano’n? Or kahit kilig man lang?” binulong ko ang huling tanong.

Marahang humalakhak si Aivan. “I think you already know the answer to your questions… Why bother asking?” tanong niya.

“Ibig sabihin, wala ka talagang nararamdaman? Wala talagang chance na magkagusto ka sa akin?” tanong ko pa.

Natahimik si Aivan, pero nanatili siyang nakatitig sa akin. “It’s kinda unfair, right? I mean… You like me so much, but I couldn’t like you back.”

Napatitig ako sa mga mata niya… Napaisip din ako tungkol doon… Oo nga, unfair kung iisipin. Gusto ko siya… baka dumating pa sa punto na mahal ko na siya, pero kahit na gaano ko siya kamahal… Hindi niya maibabalik sa akin ang nararamdaman ko. Hindi dahil sa hindi niya gusto… kundi dahil wala siyang kakayanan para gawin ’yon.

“Oo… unfair. Pero ano bang magagawa ko? Hindi ko na rin naman mapigilan ’yung pagkagusto ko sa’yo… Kung hindi mo man ako magugustuhan pabalik, okay lang. Basta kasama kita, okay na ’yon.”

Hindi na nagsalita pa si Aivan. Yumakap na lang siya sa akin. Nagsumiksik ako sa dibdib niya saka yumakap nang mahigpit sa kaniya. Nakatulog na kami nang ganoon.

NANG MAGISING ako, naghahanda na si Aivan ng almusal namin. Lumapit ako sa kaniya at yumakap mula sa likuran niya. Humarap siya sa’kin saka humalik sa noo ko.

“Good morning,” bati niya saka muling ibinaling ang atensyon sa niluluto.

“Good morning,” bati ko rin. Nagtungo na ako sa upuan ko at umupo roon.

Napangiti ako nang ipaghain niya ako ng fried rice. Amoy pa lang, masarap na.

Umupo rin siya sa tabi ko pagkatapos. Agad akong sumubo ng fried rice. Napangiti ako dahil tama nga ang hinala ko na masarap ’yon. Masarap talagang magluto si Aivan. Naiinggit nga ako sa kaniya, e.

“Aivan…”

Tumingin siya sa’kin. “Hmm?”

“Tanggap mo pa rin ba ako kahit hindi ako masarap magluto?” tanong ko saka ngumiti nang matamis sa kaniya.

“Hindi… Dapat matuto kang magluto. Hindi habang buhay may magluluto para sa’yo,” sabi niya saka sumubo ng fried rice.

Napataas ang kilay ko. “Edi habang buhay mo ’kong ipagluto.”

Napangisi at umiling na lang siya sa sinabi ko.

Pagkatapos naming kumain, nagtulong kaming dalawa sa paglilinis ng bahay at paglalaba. Napansin ko na magaling din sya maglinis. Baka ganito rin siya kagaling kapag naglilinis siya ng mga taong pinapatay niya.

Napangiwi ako at napailing sa mga naiisip ko.

Napatingin ako kay Aivan na abala sa pag-mop ng sahig. Ano kaya ang kahihinatnan namin? Napapaisip din talaga ako kung hanggang saan ’to… Napapaisip din ako kung hanggang kailan ako gusto ni Aivan sa buhay niya. Baka magsawa rin siya sa’kin.

“What are you thinking again?”

Napapitlag ako nang magsalita si Aivan. Tumikhim na lang ako saka hinarap siya.

“Wala lang… Kung ano-ano lang,” bulong ko saka tumuloy sa pagpunas ng mga vase.

Lumapit siya sa’kin saka humawak sa magkabilang balikat ko. “Are you thinking about it again?” tanong niya saka napataas ang kilay.

Napakunot ang noo ko. “Huh?”

Bumaba ang tingin niya sa pagitan ng mga hita niya. Napasinghap ako nang malinawan sa ibig niyang sabihin.

“Hindi ’yan ang iniisip ko. Ano ka ba?! Tingin mo sa’kin, puro sex ang nasa isip?” sarkastikong tanong ko. “Hay, naku. Makaligo na nga lang.”

Iniwan ko na siya roon saka agad na naligo. As usual, damit na naman niya ang isinuot ko.

Pagkatapos ko, naabutan ko siya na kakatapos lang maglinis. Kumuha naman ako ng maliit na towel saka pinunasan siya ng pawis. Humawak naman siya sa baywang ko saka pumikit at hinayaan ako na punasan siya.

Naligo na rin siya pagkatapos makapagpahinga. Nanood na lang kami ng movie maghapon. Sa totoo lang, nagbabasa lang naman siya sa tabi ko. Napansin ko na mas na-e-enjoy niya magbasa kaysa manood. Ako kasi mas gusto ko na nanonood, e.

“Aivan…”

Tumigil sa pagbabasa si Aivan saka tumingin sa’kin. Napanguso ako at lumapit sa kaniya saka yumakap sa baywang niya. Umakbay naman siya sa’kin saka humalik sa sentido ko.

“Aivan… Itong mga ginagawa mo ba para sa’kin, ano’ng ibig sabihin ng mga ’to?”

“What do you mean?” tanong niya.

“I mean… Napipilitan ka lang ba na gawin ang mga ’to… ang yakapin ako, ang halikan ako, ang ipagluto ako… Kasi diba, hindi naman ’to dahil may gusto ka sa’kin, kasi imposible ’yon. Napapaisip lang ako na baka napipilitan ka lang.”

“I guess overthinking is your talent,” sabi niya saka umiling.

“Wala ka talagang balak sagutin ang mga tanong ko, ’no?”

“Stop thinking about anything else. Just… enjoy these moments like this without thinking about the future… or where this will lead us. Can you do that for me, Cheryl?” tanong niya saka marahang inipit ang ilang hibla ng buhok sa ilalim ng tainga ko.

Napanguso ako saka tumango… Malala na nga talaga ang Stockholm syndrome ko… o baka malala na rin talaga ang pagkakagusto ko sa kaniya. Hindi ko na alam.

Bahala na rin kung hanggang saan ako dalhin ng pagiging padalos-dalos ko pagdating kay Aivan.

Humawak ako sa magkabilang pisngi niya saka humalik sa mga labi niya. Humawak naman siya sa likod ko at mas pinalalim ang halik. Ipinikit ko ang mga mata ko saka yumakap sa batok niya.

Agad niya akong binuhat at dinala sa kwarto namin. Inihiga niya ako sa kama habang patuloy ang mainit na halikan namin. Napasinghap lang ako at bahagyang itinulak ang dibdib niya nang may maalala ako.

Napakunot ang noo niya saka tumingin sa’kin. “What’s wrong?”

Tumikhim ako. “P-pero diba… hindi ka nakakaramdam ng arousal?” bulong ko.

“That won’t be a problem…” sabi niya saka muli akong siniil ng halik sa labi.

Hindi pa rin ako matahimik. Humawak ako sa balikat niya saka pinagpalit ang pwesto naming dalawa. Natigilan siya nang ako na ang nasa ibabaw niya. Umupo ako sa bandang tiyan niya saka humawak sa dibdib niya.

Hindi makatarungan sa akin kung matu-turn on ako sa sitwasyong ’to… pero siya, hindi.

Hinubad ko ang suot kong damit. Bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Napanguso ako… Confident naman ako sa katawan ko, pero nakaramdam bigla ako nang kaunting hiya sa kaniya. Tumikhim ako saka pumaibabaw sa kaniya at siniil siya ng halik sa labi. Humawak naman si Aivan sa baywang ko at tinugon ang halik ko.

Napasinghap pa ako nang hawakan niya ang buhok ko dahil naglalaglagan ’yon sa mukha niya. Natigagal ako dahil kinuyom niya ’yon sa kamay niya na para bang sinasabunutan niya ako. Hindi naman malakas, pero parang ganoon na rin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong na-turn on doon.

Napalunok ako at agad na umupo. Pakiramdam ko sobrang init na ng buong mukha ko.

Nakatitig lang sa akin si Aivan, pero may kakaibang emosyon sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag. Bumibigat ang paghinga niya habang titig na titig sa akin.

Natigilan ako nang maramdaman akong kakaiba sa pang-upo ko. Saktong nakaupo na pala ako sa pagkalalaki niya, hindi ko napansin. Pero ang nagpagulat sa akin… nararamdaman kong tila nabubuhay ang pagkalalaki niya. Napalunok ako at gulat na napatingin kay Aivan.

“A-Aivan?”

Napalunok siya at agad na bumangon. Natigilan ako nang alisin niya ako sa kandungan niya saka umalis sa kama.

“Aivan… Nagsinungaling ka ba sa’kin? Akala ko ba…”

“Just forget about it,” agad na pagputol niya sa sasabihin ko.

Bumangon ako at hinarap siya. “Ano ang kakalimutan ko? Hindi kita maintindihan… Nagsinungaling ka ba sa’kin dahil ayaw mo akong maka-sex?” nakakunot-noong tanong ko.

Napabuntonghininga siya saka seryosong tumingin sa akin. “Yes, I don’t want to have sex with you.”

“B-bakit? Dahil ayaw mo sa akin? Ayaw mo ’kong hawakan? Napipilitan ka lang talaga?” sunod-sunod na tanong ko.

“No. It’s not like that.”

“Eh bakit? Ipaliwanag mo sa’kin, Aivan.”

“I just… don’t deserve it. Someday, you’ll regret that you did it with me. Let’s just… fool around and be happy like this as long as we are here. Sex is something… that I do not want to do with you not because I don’t want you… but because I don’t deserve it.”

“B-bakit hindi mo deserve? Sex lang naman ’yon. Hindi ’yon big deal sa akin. Dahil ba ikaw ang magiging first ko? Walang kaso sa’kin ’yon. Wala naman akong pakialam doon… Hindi naman big deal sa akin ang sex… Pero gusto kong makipag-sex sa’yo ngayon dahil gusto kita… May nararamdaman ako para sa’yo.”

Napaiwas siya ng tingin sa’kin. “You’re really… straightforward.”

Lumapit ako sa kaniya at yumakap. “Oo… Gano’n talaga ako… kaya magtiis ka.”

Napabuntonghininga siya saka yumakap din sa’kin. Hinaplos niya ang buhok ko saka marahang humalik sa noo ko.

Humarap ako sa kaniya saka tumingkayad at marahang hinalikan siya sa labi. Napangiti naman siya sa ginawa ko at humalik din sa akin.

Binihisan na niya ako pagkatapos no’n at natulog na lang kami nang magkayakap.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi na wala siya sa tabi ko. Halo halo na naman ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako dahil baka nasa sala na naman siya at hindi makatulog… o baka naman pumapatay ng tao.

Alam ko sa sarili ko na tanggap ko na si Aivan kahit na ganito siya… pero may parte pa rin sa akin na gusto na mabago pa siya… na mamuhay siya ng iba sa pamumuhay niya ngayon.

Marahang binuksan ko ang pinto sa kwarto, sapat lang mara masilip ko ang living room. Natigilan ako nang makita si Aivan na nakatayo at nakatitig sa bintana… may kasama siyang lalaki.

“Are you really sure about this, Aivan?” tanong ng lalaki.

Saglit na natahimik si Aivan bago sumagot. “I’m… sure,” bulong niya.

Napabuntonghininga ang lalaki saka napahilamos sa mukha. “What can I do… to change your mind?”

“There’s nothing you can do… There’s nothing we can do,” sagot ni Aivan.

Marahan kong isinara ang pinto at umupo na lang sa kama. Napabuntonghininga ako saka humawak sa batok ko.

Sobrang misteryoso ni Aivan para sa akin. Pakiramdam ko ang dami ko pang dapat malaman sa kaniya maliban sa mga bagay na alam ko na.

Natigilan ako nang bumukas ang pinto. Napatingin sa akin si Aivan, pero mukhang hindi naman siya nagulat na makitang gising ako. Tumayo ako at lumapit sa kaniya saka yumakap.

“Aivan… May problema ba?”

Yumakap din siya sa akin saka hinaplos ang buhok ko. “Walang problema.”

“Aivan… Gusto mo ba talaga kapag pumapatay ka ng tao?” bulong ko saka mas hinigpitan ang yakap sa kaniya.

Natahimik siya, pero nanatiling nakayakap sa akin.

“You don’t like it… when I kill people?” tanong niya sa mahinang boses.

“Kung gusto mo ng honest na sagot, sige, sasagutin ko… Ayoko na pumapatay ka ng tao,” bulong ko. “Natatakot ako, hindi para sa sarili ko… kundi para sa’yo.”

Napabuntonghininga si Aivan saka mas hinigpitan ang yakap sa akin. Humalik siya sa tuktok ng ulo ko.

“It’s odd that… you always give me strength, Cheryl.”

Hindi ko tinanong ang ibig niyang sabihin doon… dahil akala ko magandang bagay ang sinabi niya.

Dapat pala tinanong ko. Dapat pala kahit na alam kong hindi niya sasabihin sa akin… tinanong ko pa rin. Dapat pala… inalam ko ang ibig niyang sabihin.

CHAPTER XII

“Ang boring, ’no, Aivan?” tanong ko sa kaniya saka pinaikot-ikot ang dulo ng buhok ko.

Isinandal ko ang braso ko sa pintuan saka pinaikot-ikot ang daliri ko sa pagkakabuhol ng towel sa bandang dibdib ko. Kakatapos ko lang maligo at plano ko siya akitin.

Napataas ang kilay ko dahil abala pa rin siya sa pagbabasa ng libro. Ni hindi man lang ako tiningnan. Tumikhim ako nang malakas para mapansin niya ako. Nag-angat naman siya ng tingin sa’kin saka napataas ang kilay.

Rumampa pa ako sa harapan niya na parang model. Dumiretso ako sa wardrobe para maghanap ng masusuot. Napangisi pa ako nang may maisip na kalokohan. Inalis ko ang pagkakabuhol ng towel sa katawan ko at hinayaan ’yon na malaglag sa sahig. Siyempre, hubad na hubad naman ako rito.

“Oops… Sorry, hehe. Hindi ko sinasadya na—”

Natigilan ako nang mapansin na hindi na pala nakatingin sa’kin si Aivan at nagbabasa na ulit. Inayos niya pa ang salamin niya saka prenteng isinandal ang likod sa backrest ng couch.

Napaismid ako at padabog na kumuha ng t-shirt at isinuot. Kinuha ko ang suklay saka sinuklay ang buhok ko habang pinaniningkitan ng mga mata si Aivan.

Lumapit ako sa kaniya pagkatapos saka umupo sa kandungan niya. Natigilan naman siya sa ginawa ko. Yumakap ako sa batok niya saka ngumiti.

“Puro ka basa. Pansinin mo naman ako.” Inismiran ko siya.

Inalis ko ang salamin niya saka sinuot ’yon. Napapikit pa ’ko dahil medyo mataas pala ang grado ng mata niya.

“Anong grado ng mata mo?” tanong ko.

“150,” sagot niya saka isinara ang libro niya at ipinatong sa malapit na table.

Humawak siya sa hita ko saka humalik sa braso ko. Napangiti ako at isinuot sa kaniya ang salamin niya saka yumakap sa kaniya. Ibinaon ko ang mukha sa leeg niya.

Palagi lang naman ganito ang ganap namin dito… Sa totoo lang, hindi naman ganitong buhay ang gusto ko para sa sarili ko noon, pero hindi ko alam kung bakit kuntento na ako sa ganito kay Aivan.

Hindi ko alam kung ano bang gayuma ang ginamit sa akin ng lalaking ’to.

“Aivan…”

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Napatigil si Aivan sa pagluluto at napatingin sa’kin. Nag-pose ako sa harap niya at ipinakita ang lab coat niya na suot ko. Nakabukas ’yon, at wala akong damit panloob. Nakita ko kung paano napataas ang kilay niya, saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

“What are you doing?” tanong niya pa.

Lumapit ako sa kaniya saka hinawi pa ang buhok ko. “Ang hot ko, ’di ba?”

Tumango siya. “Yeah, you’re hot,” sabi na lang niya saka muling ibinaling ang atensyon sa niluluto.

Napabuga ako ng hangin saka sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Hindi ko alam kung sincere ba ang sinabi niya o ano!

Sa totoo lang, mukhang wala talaga siyang balak na may mangyari sa amin. Basta susubukan ko na lang siya akitin sa abot ng makakaya ko.

“Aivan!”

Tumingin siya sa’kin nang tawagin ko siya. Natigilan siya nang makita ako. Sinuot ko ang apron niya… pero walang kahit anong damit. Apron lang talaga.

“What the hell is that?” nakakunot-noong tanong niya.

Napangisi ako saka kumindat sa kaniya. “Ako muna ang chef for today.”

“You’re not a good cook,” sabi na lang niya saka bumalik na sa paghihiwa ng ingredients.

Napaawang ang mga labi ko saka tiningnan ang sexy self ko. Bakit ganiyan na naman ang reaksyon niya?! Hindi siya naaakit sa’kin?! E, bakit last time…

Napapadyak ako sa sahig saka bumalik na sa loob ng kwarto.

Nauubusan na ako ng pakulo, ah. Ano pa bang pagpapa-sexy ang kailangan kong gawin?

“Aivan!”

Napatigil siya sa pagkuha ng mga damit niya sa closet nang tawagin ko siya. Ngumiti ako sa kaniya saka yumakap sa braso niya.

“Sabay tayong maligo, pwede?” tanong ko saka isinandal ang ulo ko sa matipunong braso niya.

“Bakit?” nakakunot-noong tanong niya.

Umirap ako. “Bakit? Bawal?”

“Why do we have to take a bath together?” tanong niya pa.

“Oh. Okay. Sorry, gusto ko lang sana maglambing sa’yo. Pero sige, ’wag na.” Bumitiw ako sa braso niya.

Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Hindi na ako nagsalita at agad na lumabas ng kwarto. Naramdaman kong sumunod si Aivan, pero umupo na lang ako sa couch saka binuksan ang TV.

Umupo siya sa tabi ko. “I’m sorry… Okay, let’s take a bath together…” bulong niya saka humawak sa braso ko.

“Hindi na. Ayokong napipilitan ka sa mga ginagawa mo kapag kasama mo ako. Nagtampo ako, kaunti lang. Manonood na lang ako ng TV para makalimutan ko rin mamaya. Sige na, maligo ka na,” sabi ko na lang saka inilipat-lipat ang channel.

“Sige na… Sabay na tayo. Hindi ako napipilitan…” sabi pa niya.

“Sige na, Aivan. Hindi naman ako nagagalit. Sige na, maligo ka na roon.”

“I’m sorry, Cheryl… It’s not that I don’t want to take a bath with you. I was just genuinely asking why we have to do it together. It doesn’t mean I don’t want to.”

“Oo nga… alam ko naman. Sige na. Wala na rin naman ako sa mood. Manonood na lang ako rito.”

“I’m sorry, Cheryl…”

“Oo na… Doon ka na. Sabing manonood ako—AHH!”

Napatili ako nang bigla niya akong binuhat at dinala sa bathroom. Wala na akong nagawa nang maipasok niya ako roon.

Basta na lang niya hinubad ang suot niyang t-shirt. Parang gusto ko tuloy siya patawarin agad nang makita ko ang matipunong katawan niya. Napatikhim pa ako at agad na napaiwas ng tingin.

Napasinghap ako nang hilahin niya ang suot kong damit. Inalis na niya ang pagkakabutones no’n saka agad na hinubad mula sa katawan ko.

Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko para magpigil ng ngiti. Gusto ko pa mag-inarte, e.

Sunod niyang hinubad ang pang-ibaba. Pinilit kong hindi tumingin sa pagkalalaki niya… Baka mawala pa ang tapang ko na akitin siya kapag nakita ko iyon. May pagka malandi lang ako, pero medyo scary ang malalaki.

Binuksan niya na ang shower. Humawak siya sa kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. Humawak siya sa magkabilang braso ko saka humalik sa pisngi ko, saka sa labi. Yumakap naman ako sa batok niya at tuluyang napangiti.

“Bakit ayaw mo ’kong nagtatampo? Pwede mo naman akong takutin na lang gaya ng ginagawa mo dati,” bulong ko.

Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. “I bet it won’t work on you anyway.”

Nagtagal kami sa bathroom dalawa kahit wala naman kami masyadong ginawa kundi magyakapan at maghalikan doon.

“Aivan… suklayan kita,” sabi ko saka hinila siya paupo sa kama.

Hindi naman siya kumontra at hinayaan akong suklayan siya. Tuwang tuwa naman ako sa pagsusuklay sa buhok niya. Medyo mahaba rin kasi ang buhok ni Aivan.

Kung ano-anong style pa ang ginawa ko. Tinatawanan ko lang siya. Wala naman siyang reaksyon at hinahayaan lang ako.

Umupo ako sa kandungan niya nang magsawa ako.

“Cheryl…”

“Hmm?” tanong ko.

Tumitig siya sa’kin bago muling nagsalita. “Hindi ka ba nagsasawa rito? Don’t you miss your life outside?” tanong niya.

“Hindi naman ako nagsasawa basta kasama kita…” sabi ko na lang saka humalik sa labi niya. “Pero ang concern ko lang… ayoko mag-alala sa akin ang mga kapatid ko. Pwede ko ba silang i-update minsan na okay lang ako? Alam ko naman na sanay sila na palagi ako walang paramdam… kaso baka magtaka na sila kapag sobrang tagal na.”

Tumango siya sa sinabi ko. “I’ll take care of that.”

Ngumiti ako saka muling humalik sa labi niya. “Thank you.”

Hinila na rin niya ako pahiga sa kama saka niyakap. Umunan ako sa braso niya saka nagsumiksik sa dibdib niya. Nakatulog ako habang hinahaplos niya ang buhok ko.

NAGISING AKO dahil sa masamang panaginip. Ako na lang daw mag-isa sa madilim na gubat. Iniwan ako ni Aivan doon, mag-isa.

“Cheryl?”

Nag-angat ako ng tingin kay Aivan na nakatitig lang sa akin. Napalunok ako at humawak sa laylayan ng t-shirt niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

“Aivan…” Agad akong yumakap sa baywang niya. “Nakakatakot ang panaginip ko.”

Nanatili siyang nakatitig sa akin, wala siyang sinabi. Nagtatakang tumingin ako sa kaniya. Talagang matiim na nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko malaman ang tumatakbo sa isip niya.

“Aivan?” tanong ko.

Napasinghap ako nang humawak siya sa pisngi ko saka basta na lang siniil ng halik ang mga labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Pumaibabaw siya sa akin saka mas pinalalim ang halik… na parang mauubusan siya.

“Why do you keep on seducing me?” anas niya sa pagitan ng halik.

Napakurap ako… Hindi ko naman siya inaakit kanina. Talaga namang nanaginip ako.

Hindi na lang ako kumontra at tinugon ang halik niya saka ipinikit ang mga mata ko. Impit na napadaing ako nang kagatin niya ang ibabang labi ko.

Hinaplos niya ang hita ko, habang bumababa sa panga at leeg ko ang halik niya. Napasinghap na lang ako nang walang habas niyang kinalas ang pagkakabutones ng shirt niya na suot ko. Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko nang maramdaman ang kamay niya sa dibdib ko.

Naramdaman kong nag-iwan siya ng maraming marka sa leeg ko bago bumaba ang halik niya sa dibdib ko.

“A-Aivan…” Napadaing ako nang maramdaman ang mga labi at dila niya sa dibdib ko, at sa tuktok no’n. Halos mawalan ako ng ulirat sa ginawa niya.

Ang isang kamay niya ay humawak sa tuhod ko para paghiwalayin ang mga ’yon. Napaarko na lang ang likod ko nang maramdaman ang kamay niya sa pagkababae ko. Dumapo ang mga daliri niya sa labi ng pagkababae ko, parang tinutukso pa ako.

“Aivan… Aahhh…” Namaluktot ang mga paa ko.

Naramdaman kong sinipsip niya rin ang balat ko sa bandang dibdib at nag-iwan ng marka ro’n. Napabuga siya ng hangin… tila pigil na pigil mawalan ng kontrol. Naramdaman ko pa ang pagkuyom ng kamao niya.

Halos hindi na ako mapakali nang maramdaman ko na nang tuluyan ang daliri niya sa hiwa ng pagkababae ko.

Hindi naman ako talaga baguhan sa ganito. Pero may kakaiba sa bawat hawak ni Aivan na hindi ko maipaliwanag. Parang ibang iba.

“Ahh! A-Aivan! Aahhh…” Halos tumirik ang mga mata ko nang bumaba ang mga labi niya sa pagkababae ko. Hinagod niya ang dila roon. Mas binuka niya ang mga hita ko at mas ibinaon ang dila. Hindi ko na halos alam ang dapat gawin. Nanginginig ang mga hita ko.

Napaungol ako nang malakas, bago pa ako tuluyang makarating sa kasukdulan… agad na ipinasok ni Aivan ang daliri sa loob ko. Nanginig nang matindi ang mga hita ko sa ginawa niya. Nanghihinang bumagsak ang ulo ko sa unan.

“A-Aivan! Ahh! Aahh!”

Mula sa mabagal, naging pabilis nang pabilis ang pag-ulos ng daliri niya. Umarko ang likuran ko nang tuluyan akong labasan… Napalunok ako habang naghahabol ng hininga.

Gumapang din agad si Aivan hanggang sa magpantay ang mukha namin. Hinubad niya ang suot na t-shirt saka muli akong hinalikan sa labi. Ibinuka ang mga hita ko. Napalunok ako at napayakap sa batok niya nang maramdaman kong ibinaba niya nang bahagya ang garter ng suot na sweatpants.

“A-Aivan…” Napadaing ako nang maramdaman ko ang tuktok ng pagkalalaki niya sa hiwa ng pagkababae ko.

“Cheryl… Do you want this?” tanong niya saka muling humalik sa labi ko. Tila humahagod ang mga labi at dila niya sa mga labi ko.

“Aivan… P-please…” daing ko saka mas ibinuka ang mga hita ko para sa kaniya.

Napapikit ako nang mariin nang tuluyan niyang ipinasok ang pagkalalaki roon. Narinig ko ang mabigat niyang paghinga pati na rin ang mahinang daing niya.

“Fuck…” ungol niya saka mas lalong ibinaon ang pagkalalaki.

“A-Aivan… M-masyadong…” Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi nang unti-unti kong maramdaman ang sakit.

Humalik siya sa labi ko habang ang isang kamay niya, nasa dibdib ko. Siguro sinusubukan niya akong i-distract sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Tama nga talaga ang hinala ko na matinding laban ang pagdadaanan ko kay Aivan. Sabi na nga ba at malaki ang kargada niya!

Kahit tila hirap na hirap siya magpigil, sinubukan niyang magdahan-dahan sa uha lalo na sa tuwing napapaigik ako sa sakit…Habang tumatagal, unti-unti nang lumalalim at bumibilis ang bawat pagbayo niya nang tuluyan akong makapag-adjust.

“Ahh! Ah! A-Aivan… Aahhh…” Napalakas ang ungol ko nang walang habas niyang isinagad ang pagkalalaki. Pakiramdam ko hihimatayin ako sa tindi ng sensasyon na lumulukob sa pagkatao ko ngayon.

“Ah, Cheryl… Yes…” ungol ni Aivan at napapikit saka kinagat ang ibabang labi.

“A-Aivan! Oohhh… Aivan!”

Mas lalong bumilis ang pag-ulos niya na tila may hinahabol. Halos mapasabunot ako sa sariling buhok nang tuluyan akong nilabasan. Nanginginig ang mga tuhod ko… pero patuloy pa rin ang mabibilis na ulos ni Aivan.

“Ah, Cheryl… Fuck. Ah…” ungol niya saka nagpakawala nang malalalim na ulos. Tila malapit na rin siya…

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman sa loob ko ang pagsabog ng likido mula sa pagkalalaki niya. Mas lalo niyang ibinuka ang mga hita ko at mas ibinaon ang pagkalalaki… tila sinisiguro na walang makakatakas, lahat sa loob ko mapupunta. Napaawang ang labi ko at kumapit sa magkabilang balikat niya.

Akala ko tapos na iyon… pero naulit pa nang naulit.

“Aivan! Aahhh…”

Kinuyom niya ang buhok ko at marahang hinila ’yon habang walang habas na bumabayo sa likuran ko. Pakiramdam ko umuuga na ang kama dahil kanina pa kami rito.

“Damn…” daing ni Aivan bago muling nilabasan sa loob ko.

Bumagsak na ako sa kama dahil hindi ko na yata talaga kaya. Naramdaman ko na lang na umalis si Aivan saglit at bumalik na may dalang basang towel at nilinisan ako. Kinumutan niya ako at humiga sa tabi ko pagkatapos. Napapikit na lang ako nang yumakap siya sa akin.

“Akala ko ayaw mong makipag-sex sa akin,” mahinang bulong ko dahil na rin sa antok.

“I thought I was good at holding back…” bulong niya saka humalik sa noo ko.

“Siyempre naman. Ako na ’to, e.”

Marahang humalakhak siya sa sinabi ko. “Yeah, right.”

Hindi ako nagsalita pa ulit at sinubukan ng matulog. Antok na antok na rin ako.

“You asleep?” tanong niya.

Tinatamad na ’ko sumagot dahil wala na talaga akong energy.

“That was… my first time. I hope I didn’t disappoint you,” bulong niya.

Wow. First time niya? Shit. Bukas na nga ako magre-react tungkol diyan!

“I love you, Cheryl,” bulong pa niya bago ako tuluyang hinila ng antok.

CHAPTER XIII

Mas lalong naging sweet si Aivan. Hindi ko alam kung dahil ba may nangyari na sa amin o baka talagang ganoon lang siya.

“Cheryl…”

Napatigil ako sa paghihiwa ng ingredients dahil yumakap siya sa akin mula sa likuran. Napangiti naman ako nang ibaon niya ang mukha sa leeg ko. Naramdaman ko pang inaamoy-amoy niya iyon kahit hindi pa ako naliligo.

“Gutom ka na ba? Mamaya pagkatapos ko magluto, tatawagin kita agad… Pero ’wag mo ’kong rereklamuhan kapag hindi kasing sarap ng luto mo ang luto ko, ha.” Naningkit ang mga mata ko.

“I won’t be able to taste it anyway,” bulong niya saka marahang humalik sa balikat ko.

“Kahit na! Basta dapat masarapan ka,” pagmamaktol ko. Weird naman no’n… but well, pakialam ko ba.

“Sabi ko kasi ako na lang ang magluluto,” bulong pa niya saka mas hinigpitan ang yakap sa akin.

“Wag ka ngang magulo riyan. Kita mong nag-e-effort akong magluto rito para sa’yo, e.” Inismiran ko siya.

Hanggang sa matapos akong magluto, nakayakap lang siya sa akin. Natatawa na lang ako dahil para siyang tuko na nakayakap lang sa akin.

“Tada! Tapos na ang niluto kong ano…” Napangiwi ako habang nakatitig sa niluto kong dinuguan. Bakit parang nakalimutan ko na yata lutuin ang nag-iisang putahe na kaya kong lutuin nang perfect?

Buti na lang walang panlasa si Aivan.

Nagsimula na kaming kumain. Ako muna ang unang tumikim ng niluto ko… at medyo okay naman siya. Hindi naman ganoon kasama. Sa tingin ko.

Tumingin ako kay Aivan na tahimik lang na kumakain sa tabi ko. Napangiti ako at sumandal sa braso niya. “Subuan mo na nga lang ako,” pag-iinarte ko sa kaniya.

Bahagya siyang napangiti at pinagbigyan naman ako. Mas lalo akong nagsumiksik sa kaniya habang sinusubuan niya ako.

“Cheryl…”

“Hmm?” tanong ko saka uminom ng tubig.

“Do you still remember what happened the first time we had sex… I mean, do you still remember what I said before you sleep?” tanong niya sa mahinang boses.

Napakunot ang noo ko. “Ano ’yon? Ano’ng sinabi mo?”

May sinabi ba siya no’n? Masyado na akong lutang dahil sa pagod ng panahong ’yon. Pero ngayon, hindi na ako basta basta mapapagod, hihi. Sanay na ako, ’no.

“Nothing,” tipid na sabi na lang niya.

Tumaas ang kilay ko. “Weh?! Meron, e. Ano ba ’yon? Sige na, sabihin mo na sa’kin. Hindi ako matatahimik.”

“I told you it was my first time.”

“Ay! Iyon ba? Narinig ko ’yon, e!” Napahagikhik ako. “Weh ba? Totoo bang first time mo ’yon?!” nakangising tanong ko saka sinundot-sundot ang tagiliran niya.

Wala ako ginawa buong araw kundi tuksuhin siya tungkol doon. Tinatawanan niya lang ako at minsan hinihila para yakapin. Palagi namang ganito ang ganap namin araw-araw… Hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit hindi ako nagsasawa.

Pagsapit ng gabi… magkatabi na naman kami. Napapadalas na ang pagtulog niya, lalo kapag katabi ako. Pero madalas pa rin siyang bumangon sa tuwing madaling araw. Minsan may kausap siyang lalaki na sa tingin ko kaibigan niya. Minsan naman nakatulala lang siya sa may bintana.

Nang bumangon ako pagsapit ng madaling araw, wala na naman si Aivan sa tabi ko. Pasimple akong bumangon at sinilip siya sa labas. May kausap na naman siyang lalaki. Palagi kong hindi naiintindihan ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung para saan o ano.

Pero may tiwala ako kay Aivan… dahil mahal ko na siya.


“Let’s go out…”

Napatigil ako sa pagtutupi ng mga damit dahil sa sinabi ni Aivan. Nagtatakang tumingin ako sa kaniya.

“Huh?” tanong ko.

“I said… let’s go out… Actually, you can go back home now,” sabi niya saka hinaplos ang buhok ko.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. “Nakikipagbreak ka na ba sa’kin? Pinapakawalan mo na ’ko? Friends na lang tayo?” sunod-sunod na tanong ko.

“What the hell are you saying?” nakakunot-noong tanong niya sa pag-iinarte ko.

“E, bakit pinapalaya mo na ako?” Tumayo ako saka nagpamaywang.

“Sabi mo may relasyon na tayo, Cheryl… It will be so weird if I’m still gonna lock you up here. I told you I have no plans on killing you anymore. You’re my girlfriend now, right?” tanong niya saka tumayo rin at humawak sa kamay ko.

Napataas ang kilay ko saka yumakap sa baywang niya. “Paano kung isumbong kita sa mga pulis?”

Napangisi siya saka humalik sa noo ko. “Isusumbong mo ’ko sa pulis? Kaya mo?” tila naghahamon na tanong niya.

Napanguso ako. “Ang yabang, ah. Palibhasa alam na alam mong hindi ko gagawin ’yon. Hmp!” Ibinaon ko ang mukha sa matipunong dibdib niya.

Marahan siyang humalakhak saka gumanti ng yakap sa’kin.

Sa totoo lang, excited din naman akong makalabas ulit. Siyempre, gusto ko rin naman makita ang mga kapatid ko. Kumusta na kaya ang mga ’yon? Kapag hindi man lang sila nag-alala sa ilang buwan kong pagkawala… talagang magdadabog ako sa kanila.

“Ang ganda naman ng dress na ’to. Ikaw ang pumili?” tanong ko kay Aivan. Umikot ako sa harap ng salamin.

Ibinili niya ako ng baby blue halter dress. Bagay na bagay at kasya naman sa’kin. Hindi ko alam na magaling din siyang pumili ng damit.

Akala ko sa pagpatay ng tao lang siya magaling.

Pagkatapos naming maghanda, magkahawak kamay na kaming lumabas ng bahay niya. Lumabas pa kami sa mga puno puno sa paligid bago kami nakarating sa kalsada. Nandoon na ang kotse niya. Sumakay na rin kami agad sa loob saka umalis doon.

Magkahawak-kamay pa rin kami habang nasa biyahe. Panay ang daldal ko habang tahimik naman na nakikinig si Aivan.

Sa totoo lang… marami akong bagay na gustong itanong sa kaniya… Gusto kong malaman ang nararamdaman niya sa tuwing magkasama kami… kung may nararamdaman ba siya para sa akin.

Kahit alam ko na ang sagot doon… kahit alam ko nang wala siyang nararamdaman, gusto ko pa rin itanong.

Kahit naman wala… tatanggapin ko pa rin. Minahal ko naman siya na alam ko na ang kahahantungan. Ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa… pero kuntento na ako sa ganito basta kasama ko siya. Tanga man sa paningin ng iba, pero wala na akong pakialam pa sa lahat ng ’yon.

Una kaming nagpunta sa mall at nag-ikot ikot doon. Napansin ko na parang patingin-tingin siya sa paligid.

“May kabit ka ba? Bakit panay ang tingin mo kung saan-saan?” nakataas-kilay na tanong ko habang nakayakap sa braso niya.

Marahan siyang napahalakhak sa sinabi ko. “What the hell are you talking about?”

“Sa akin ka kasi mag-focus. Ano ba kasi ang tinitingin tingin mo sa paligid?”

Umakbay na lang siya sa’kin saka humalik sa sentido ko. “Wala lang… Saan mo ba gusto magpunta?”

Hinila ko siya sa bilihan ng pets… pero hindi pala siya mahilig sa pets.

“Bakit ayaw mo sa pets? Grabe, hindi talaga tayo compatible,” napapailing na sabi ko na lang.

“I just don’t like them. I don’t want some little living creatures to take care of… But adopt one if you want to,” sabi na lang niya.

Napanguso ako. “Next time na lang.”

Hinila ko naman siya sa bilihan ng skin care. Kung ano-anong pinabili ko sa kaniya roon dahil gusto ko na sabay kaming mag-skin care. Parang sa tiktok lang gano’n. Couple goals.

“Bili nga tayo sa coffee shop. Halika…” sabi ko saka hinila si Aivan sa Starbucks.

Um-order kami ng kape at sliced cake. Kinuha ko naman ang cellphone ko na isinauli na niya sa’kin kanina. Panay ang take ko ng pictures sa order namin. Nag-take din ako ng maraming pictures kasama siya.

Ang daming text messages at missed calls sa phone ko pero hindi ko muna ’yon pinagpapansin. Panay lang ang bonding namin ni Aivan.

“Aivan, sa tingin ko ’wag muna nating sabihin kina ate ang tungkol sa’tin. Kasi siyempre, ex mo pa rin ang ate ko.”

Tumango naman si Aivan. “Sure. It’s up to you,” tipid na sabi niya.

Pagsapit ng gabi, hinatid na rin niya ako sa bahay ni ate. Doon ako nagpahatid dahil gusto ko munang makita ang mga kapatid ko. Ilang buwan din akong hindi nakita ng mga ’yon.

“Bye, Aivan! Kita na lang tayo bukas. Text text na lang,” pagpapaalam ko sa kaniya nang ihatid niya ako sa malayo-layo nang kaunti sa bahay.

Humalik ako sa labi niya bago lumabas ng kotse niya. Kumaway pa ako sa kaniya. Binuksan niya ang bintana ng kotse at sumilip sa’kin saka ngumiti bago umalis.

Napabuga na lang ako ng hangin at dumiretso na sa bahay. Buti na lang at hindi naka-lock ang gate kaya nakapasok naman ako. Napansin kong nakaparada ang kotse ng boyfriend ni ate na si Kuya Eron sa labas.

Pagpasok ko sa loob, napatingin sa akin sina ate at Kuya Eron. Mukhang tulog na ang anak nila na si Zav.

“Cheryl,” nakangiting bati sa akin ni ate. Agad siyang tumayo at lumapit sa’kin saka humawak sa kamay ko. “Bakit ngayon ka na lang ulit bumisita?”

Awkward na tumawa ako. “Well, busy sa life. Haha.”

Napatingin ako sa boyfriend niyang pogi. Ngumiti naman sa’kin si Kuya Eron.

“Gano’n ba? Sige, magpahinga ka na muna. Gusto mo bang kumain muna?” tanong pa niya.

Hanggang ngayon maalaga pa rin si ate.

“Okay lang, ate. Busog naman ako. Papahinga lang muna ako,” sabi ko na lang saka ngumiti sa kaniya.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Napatitig ako sa kisame at napaisip.

Bakit kaya hindi gaanong nagtanong si ate? Oo, madalas talaga akong walang paramdam… pero ilang buwan din ang pagkakakulong ko sa poder ni Aivan. Hindi man lang ba siya nagtaka kung saan ako nanggaling? Mausisa pa naman si ate… Ano kaya ang nangyari doon?

GOOD MOOD ako paggising ko kinabukasan. Naabutan ko sina ate na naghahanda na ng almusal. Sumabay na ako sa kanilang kumain saka nakipaglaro kay Zav. Miss na miss ko na rin ang pamangkin kong ’to.

Natigilan ako nang mag-text si Aivan pagsapit ng tanghali. Mukhang hindi na siya makatiis at miss na miss na ako.

Aivan: Cheryl. I miss you already. I’m here waiting outside.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at agad na nag-ayos. Hindi na ako naglagay nang bonggang makeup dahil si Aivan lang naman ’yon. Nakita na nga niya akong may muta at panis na laway, e. Keri na ’to.

Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa sala… natigilan lang ako nang makitang nag-uusap doon si ate at Kuya Eron.

“It seems like your sister really likes Aivan,” sabi ni Kuya Eron.

Napasinghap ako nang marinig ’yon… Kung gano’n, alam pala nila.

Napabuga ng hangin si ate at tumango. “Oo… mukhang mahal na siya ni Cheryl.”

“I still don’t trust him, Cristina. I will never forget what he did to you back then… when he sexually assaulted you. Even if it was not intention—”

“Ano?” hindi ko napigilang itanong.

Natigilan silang dalawa at napatingin sa akin. Napatayo naman agad si ate at bahagyang nanlaki ang mga mata nang makita ako.

Pakiramdam ko parang may sumampal nang malakas sa akin. Agad akong lumapit kay ate at humawak sa kamay niya.

“G-ginawa ni Aivan ’yon sa’yo? T-tinangka ka niyang… samantalahin?” tanong ko sa mabigat na dibdib.

Nanginginig ang mga kamay ko ngayon at alam kong nararamdaman ’yon ni ate.

“Cheryl… that was before. If you’ll just let him explain, you will know—”

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at napabitiw sa kamay niya… Kilala ko si ate… Hindi siya magsisinungaling. Hindi sinungaling si ate.

Dali dali akong lumabas ng bahay. Narinig ko pang tinawag ako ni ate pero hindi ko na siya nilingon pa.

Nanginginig ang buong katawan ko sa halo halong emosyon. Nanginginig ang mga labi ko habang naglalakad palapit kay Aivan na nakatayo mula sa di kalayuan.

Imbis na yakap, sampal ang sinalubong ko sa kaniya. Natigilan siya sa ginawa ko… pero hindi nagsalita at tumingin lang sa akin.

Oo nga pala… wala siyang pakiramdam. Paano ko na lang siya masasaktan? Paano ko pa maipararamdam ang galit ko?

“Totoo ba? T-totoo bang tinangka mong samantalahin ang ate ko noon?” tanong ko sa nanginginig na boses.

Hindi nakasagot si Aivan at napaiwas na lang ng tingin sa akin. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng malamig na tubig… Pero pakiramdam ko rin, para akong sinisilaban sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko ngayon…

“Sumagot ka! T-totoo ba ’yon?! Totoo bang ginawa mo ’yon sa ate ko?!” asik ko saka itinulak siya sa dibdib.

Saglit na natahimik si Aivan bago nagsalita. “I… did. I did that… to Cristina.”

Nanghihinang napaatras ako sa sinabi niya kasabay ng pagtakas ng mga luha mula sa mga mata ko.

“Hayop ka!” Buong lakas kong sinampal ang pisngi niya. “Napakahayop mo! Hayop ka! Hindi kita mapapatawad! Hayop!” Panay ang suntok at hampas ko sa dibdib niya pero hindi niya ininda ’yon at hinayaan ako.

Napahagulgol ako ng iyak habang patuloy siyang sinasaktan… Napaiwas ng tingin sa’kin si Aivan… pero hindi ko mabasa ang iniisip o nararamdaman niya… kung meron ba talaga siyang nararamdaman sa mga oras na ’to.

“Wag na ’wag ka nang magpapakita sa’kin! Hinding hindi kita mapapatawad! Hayop ka!”

Agad ko siyang tinalikuran at tumakbo pabalik sa bahay habang umiiyak. Hindi naman ako tinawag ni Aivan o hinabol… Wala na akong pakialam. Nangingibabaw sa puso ko ngayon ang matinding konsensya… para kay ate.

Nagawa kong mahalin ang lalaking gumawa ng ganoon sa kapatid ko… Hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko.

CHAPTER XIV

Nanginginig pa rin ako sa matinding galit… galit para kay Aivan at galit para sa sarili ko.

“Che! Buksan mo ang pinto… mag-usap tayo, please…”

Naririnig ko ang boses ni ate mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ko siya pinagbuksan at nanatili akong nakahiga sa kama habang namamaluktot. Umabot na ng dilim pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. Alam kong kanina pa nag-aalala sa akin si ate, pero hindi ko alam kung kaya ko ba siyang makita. Doon na siya nakatira kay Kuya Eron sa Manila, pero hindi pa rin sila umuuwi doon dahil sa akin.

Naiinis ako sa sarili ko dahil nagawa kong mahalin ang lalaki na gumawa ng kahayupan sa kaniya. Nahihiya ako sa sarili ko. Akala ko kaya kong tanggapin ang lahat tungkol kay Aivan… pero hindi ang ganito. Hindi ko kayang lunukin ang ganito.

“Cheryl! Please kausapin mo si ate… Sige na… Nag-aalala ako,” sabi pa ni ate habang paulit-ulit na kumakatok.

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko habang patuloy ang pagtakas ng mga luha mula sa mga mata ko. Ayoko muna silang makita lahat.

Halos buong araw pa akong nanatili sa kuwarto ko. Ilang beses din akong kinatok ni ate, pero hindi ko pinagbuksan.

Natigilan lang ako pagsapit ng gabi… dahil nabuksan na ang pintuan. Mukhang hindi na nakatiis pa si ate at pinabuksan na kay Kuya Eron.

“Cheryl…”

Agad siyang lumapit sa akin at yumakap. Napalunok na lang ako at napakapit nang mahigpit sa mga braso niya.

“A-ate…”

“Cheryl naman… Bakit mo ba ako pinag-aalala ng gano’n?” Humawak si ate sa kamay ko at hinaplos iyon.

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang pilit na nagpipigil ng luha… pero hindi ko na nagawang pigilan. Sunod-sunod ang naging pagtakas ng mga luha mula sa mga mata ko.

“S-sorry, ate. Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo para sa’min… Nagawa ko pang mahalin ang lalaking g-gumawa ng ganoon sa’yo.” Mas lalo akong napahagulgol ng iyak.

“Cheryl… Makinig ka sa’kin…” Humawak si ate sa magkabilang balikat ko. “Hindi mo naman alam ang tungkol doon. Kung alam mo, alam kong hindi mo magagawang mahalin si Aivan… at isa pa, hindi ginusto ni Aivan na gawin ’yon. Makinig ka sa kaniya… Pakinggan mo ang sasabihin niya.”

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at umiling. “Ate… a-alam kong sinasabi mo lang ’yan dahil gusto mong pagaanin ang loob ko.”

Umiling siya. “Totoo ang sinabi ko, Cheryl… Oo, aaminin ko na may kaba pa rin sa puso ko sa tuwing nakikita ko siya… Pero alam kong nahihirapan din siya dahil hindi niya ginusto ’yon. Kahit itanong mo pa sa Kuya Eron mo,” paliwanag pa ni ate.

Kahit na gaanong pagpapagaan ni ate sa loob ko, hindi ko mapigilang makonsensya. Hindi ko mapigilang umiyak sa tuwing maiisip ko na minahal ko si Aivan… at mahal ko pa rin siya kahit hanggang ngayon.

“Cheryl… Kumain ka na muna,” sabi ni ate saka hinaplos ang balikat ko.

Hindi ako nakatulog buong gabi. Sa totoo lang, wala akong gana mag-almusal. Pero nag-aalala na sa akin si ate. Pipilitin ko na lang na sumabay sa kanilang kumain.

“Cheryl…”

Napatingin ako kay Kuya Eron nang tawagin niya ako. Seryosong nakatingin siya sa akin, pero kita ko rin naman ang pag-aalala ro’n.

“If everything’s too heavy for you, you can talk to Aivan. You know me. You know how much I love your sister. If Aivan is a bad person, I won’t even let him see Cristina… even you. You’re Cristina’s sister so I care for you too. I admit, I’m still mad as hell at him for what he did back then. That’s something that I won’t be able to forget and forgive him for even if he never wanted to do that… But you can listen to him. You can listen to him if you want to know his side… Para na rin sa peace of mind mo,” sabi ni Kuya Eron saka bahagyang ngumiti sa akin.

Natahimik ako. Iyon din ang ilang beses nang sinabi sa akin ni ate… ang pakinggan si Aivan. Hindi ko alam kung anong dahilan ba ang tinutukoy nila… Kung may valid ba talagang dahilan kaya ginawa ’yon ni Aivan kay ate.

Natigilan ako nang akmang kakain ng bacon. Napahawak ako sa sikmura ko dahil pakiramdam ko bumabaligtad ’yon. Agad akong tumayo at dali daling tumakbo papuntang sink. Agad na lumapit sa akin sina ate nang tuluyan akong napaduwal.

Patuloy lang na humahaplos si ate sa likod ko habang sumusuka ako. Nanginginig ang mga kamay na naghilamos ako pagkatapos. Napatingin ako kay ate saka humawak sa tiyan ko.

“Cheryl… kailan ang huling beses na dinatnan ka? Nakita kong hindi mo nagamit ang mga napkin na nasa kwarto mo,” sinabi ni ate habang seryosong nakatitig sa akin.

Napalunok ako at napatitig sa sahig… Wala kaming ginagamit na proteksyon ni Aivan sa tuwing nagtatalik kami… Bakit nawala sa isip ko ang posibilidad na ’yon?

Hindi kami nag-aksaya ng oras ni ate. Sinamahan nila ako sa ospital… at doon ko nga nakumpirma ang hinala ko.

“Ms. Miranda is five weeks pregnant. Congratulations,” bati ng doktor sa amin.

Napahilamos si Kuya Eron sa mukha niya. “Damn Aivan,” bulong niya.

Napabuga ng hangin si ate at humawak sa kamay ko. Hinila niya ako palabas ng opisina ng doktor. Seryosong tumingin siya sa akin.

“Buntis ka… Ano na ang plano mo ngayon, Che?” tila nag-aalalang tanong ni ate.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at humawak sa tiyan ko. “Ate… palalakihin ko ang anak ko.”

Tumango si ate at humawak sa balikat ko. “Tutulungan kita, Cheryl… Pero si Aivan… sasabihin mo ba kay Aivan ang tungkol dito?” tanong pa ni ate.

“I bet he knew what he did. I’m sure he’s aware that he got Cheryl pregnant,” biglang pagsingit ni Kuya Eron. Nakasandal ang likod sa pader habang nakapamulsa.

“Eron,” tila nananaway na sabi pa ni ate.

Tila wala pa rin ako sa sarili nang makauwi. Natigilan lang ako nang makitang naghihintay si Aivan sa tapat ng gate. Naglalakad lakad nang pabalik-balik at tila malalim ang iniisip.

Napatingin siya sa direksyon namin nang maramdaman ang presensya namin. Sa akin agad dumako ang mga mata niya. Palagi naman siyang hindi natutulog, pero halata sa mga mata niya ngayon na malalim ang inisip niya.

“Cheryl…” bulong niya nang makita ako.

“She’s pregnant,” agad na sabi ni Kuya Eron.

“Eron! Ano ka ba?! Dapat hinayaan mo si Cheryl na magsabi,” panenermon ni ate sa kaniya.

“I bet she won’t tell him anyway. Ako na ang nagsabi para hindi siya mahirapan. Let’s just go inside and let them talk. Ayoko nang lumalapit ka kay Aivan,” sabi ni Kuya Eron saka inakbayan si ate at hinila na papasok sa bahay.

Tila wala namang pakialam si Aivan sa kanila dahil ni hindi niya tinapunan ang mga ’yon ng tingin. Nasa akin pa rin ang mga mata niya.

“Cheryl…” anas niya saka lumapit sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at napakagat nang mariin sa ibabang labi ko. “Ayaw kitang makita,” mariing sinabi ko. “Sinabi ko na sa’yong ayaw kitang makita, ’di ba?”

Kahit halatang nag-aalangan, humawak siya sa kamay ko. “Buntis ka… magkaka-anak tayo?” bulong niya.

“Anak ko lang ’to. Hindi ako makakapayag na kilalanin kang tatay ng anak ko! Kaya umalis ka na dahil wala kang aasahan sa akin.”

Akmang aalis na ako at lalagpasan siya, pero agad niya akong hinawakan sa kamay saka hinila ako para yakapin. Napalunok ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. Niyakap niya ako nang mahigpit saka ibinaon ang mukha sa kurba ng leeg ko.

“I missed you so much, Cheryl. Please… Let me hug you like this,” anas niya.

Napakagat ako sa ibabang labi nang maramdaman kong namumuo ang mga luha ko.

“B-bakit mo ’yon nagawa sa ate ko? T-totoo bang hindi mo ’yon ginusto?” Nanginig ang mga kamay ko. “Please, sabihin mo nang tapat sa akin kung bakit mo nagawa ’yon… at kung totoo bang hindi mo ginusto.”

Saglit na natahimik si Aivan. Nanatili siyang nakayakap sa akin.

“I can’t tell you the reason… but I never… I never wanted it,” anas niya saka mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

Napapikit ako nang mariin. “Bakit hindi mo pwedeng sabihin sa akin? Bakit kina ate… sinabi mo? Wala ba akong karapatan na malaman ang tungkol sa’yo?”

“I don’t want you to get hurt. Knowing about it… will just… hurt you. I don’t want to hurt you in any way.”

Saglit pa kaming nanatili sa ganoong posisyon bago niya ako binuhat saka naglalad palapit sa kotse niya. Napahikbi ako nang mamuo ang mga luha sa mga mata ko. Yumakap ako sa batok niya.

“Please spend this day with me, Cheryl… After this, I’ll let you go if you want me to.”

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Hindi na lang ako pumalag nang isakay niya ako sa kotse niya. Tahimik lang kaming pareho sa biyahe.

Dinala niya ako sa isang bahay na hindi pamilyar sa akin. Pinaupo niya ako sa kama saka muling yumakap sa akin. Hindi ako gumanti ng yakap sa kaniya, pero hindi ko rin naman siya itinulak palayo.

Wala naman kaming ibang ginawa. Ipinagluto niya lang ako ng pagkain at tumabi sa akin kahit hindi ko siya kinikibo.

Nagbasa-basa na lang ako ng mga libro na nandoon at nanonood ng tv. Kinakain ko na lang nang walang kibo ang bawat niluluto niya para sa akin.

Halos buong araw lang din siyang nakatitig sa akin na para bang ayaw niya akong mawala sa paningin niya. Bawat galaw ko, titig na titig lang siya sa akin. Kahit hindi ko siya pinapansin at hindi ako nagsasalita, panay lang ang asikaso niya sa akin.

Pagsapit ng gabi, magkatabi kaming natulog. Yumakap siya sa akin saka pina-unan ako sa bisig niya. Humalik siya sa tuktok ng ulo ko saka hinaplos-haplos ang braso ko.

“Cheryl… I will protect you and our child from everything,” bulong niya saka marahang humalik sa noo ko.

Hindi ko alam kung ano’ng ibig niyang sabihin… o kung saan niya ako gustong protektahan.

“I don’t want our child… to be like me. I want our child safe… and have a normal life. I will do everything to keep you both safe.”

Gustong gusto kong itanong ang ibig niyang sabihin… pero mas pinili ko na hindi magsalita.

“Cheryl… Can you root for me? Can you tell me to be brave… so that I can protect you better? Please give me strength… You’re the only one who can give me that. Please, just let me hear your voice.”

Kinagat ko ang loob ng pisngi ko bago nagsalita. “K-kaya mo na ’yan…”

Naramdaman kong bahagya siyang ngumiti sa sinabi ko. “Thank you… that’s more than enough.”

Hinaplos niya ang buhok ko saka mas hinigpitan ang yakap sa akin… na para bang ayaw niyang matapos ang oras na ’to.

“Do you want to know what I said the first time we made love?” bulong niya habang hinahaplos ang likod ko.

Napalunok ako. “A-ano ’yon?”

Napabuga siya ng hangin. “Mahal kita, Cheryl… Mahal kita… M-mahal na mahal…”

Bumigat lang ang loob ko sa sinabi niya. “N-nagsisinungaling ka. Hindi ka marunong magmahal,” bulong ko.

Hindi siya nagsalita at mas lalong yumakap sa akin.

“Yes… It’s better that way…” iyon na lang ang nasabi niya.

Hindi ko na naman siya maintindihan… at kagaya ng palagi kong ginagawa, hindi ako namilit o nagtanong.

Nang magising ako kinabukasan, nasa bahay na ulit ako… nasa kwarto ko. Hinanap ko agad ang presensya ni Aivan kahit na ayaw ng isip ko.

Nagsisisi ako… Sobrang nagsisisi ako dahil kagabi pala ang huling beses na makikita ko siya.

Hindi ko na pala siya ulit makikita… Hindi ko na pala siya ulit makakasama.

CHAPTER XV

TRIGGER WARNING: Violence, animal cruelty, extreme trauma


Aivan Vallente

Excited ako na makilala ang Papa ko… si Aranjo Vallente.

Twelve years old na ako nang sabihin sa akin ni Mama na meron pala akong Papa. Palagi akong naiinggit sa mga kaibigan at kaklase ko na merong Papa.

“Anak… excited ka na ba talagang makita ang Papa mo?” nakangiting tanong ni Mama habang inaayos ang buhok ko.

“Opo, Mama! Mabait po siya? Magugustuhan niya po ba ako?” tanong ko pa.

“Mabait naman ang Papa mo. Hindi lang siya showy. Pero minahal ko rin naman siya… kaya masaya ako na nilapitan niya ako at gusto ka raw niyang makilala.”

Sobrang excited ko nang araw na ’yon… hindi ko alam na iyon pala ang magiging pagsisisi na dadalhin ko sa puso ko habang buhay.

Malamig na nakatingin lang sa akin ang Papa ko. Hindi ko alam na mayaman pala ang Papa ko… hindi nasabi sa akin ni Mama.

“P-Papa… hello po. Nasaan ang Mama ko?” tanong ko saka tumingin sa paligid.

Nakatulog lang ako sa kwarto rito, pero paggising ko wala na si Mama. Hindi ’yon aalis nang hindi ako kasama.

“Pinaalis ko… Ikaw lang ang kailangan ko rito, hindi ang Mama mo,” malamig na sabi pa niya.

Napalunok ako… nakaramdam ng matinding kaba. Bakit niya sinasabi ’yan tungkol kay Mama? Akala ko ba mabait siya? Sabi ni Mama mabait siya… pero wala akong nararamdaman sa kaniya ngayon kundi takot.

Paulit-ulit kong hinanap sa kaniya si Mama sa ilang araw kong pananatili rito. Hindi niya ako sinasagot. Ayaw niya rin akong paalisin. Naguguluhan ang mura kong edad sa mga nangyayari.

Isang gabi, nakita ko ang bagay na hindi ko makakalimutan… Nakita kong pumatay ng tao si Papa. Paulit-ulit niyang pinagsasaksak ang lalaki sa sahig. Kitang kita ko sa mukha niya na natutuwa siya sa ginagawa.

Hindi ako nakatulog ng gabing ’yon at buong gabi ring umiyak dahil sa takot. Hindi ko alam na ganoon si Papa… na pumapatay siya ng tao.

Hanggang sa narinig ko silang nag-uusap ng tauhan niya.

“He’s my son… He should grow up like me. He should be born to be like me. It should be in his blood too,” sabi ni Papa saka ininom ang wine sa baso.

Nanatili akong nakaupo at nanginginig, nagtatago sa malaking vase habang pinakikinggan ang pag-uusap nila.

“Do you think he’s a psychopath too?” tanong ng lalaki.

Psychopath? Ano ang psychopath? Ano ang pinag-uusapan nila?

“He should be… Wala na siyang silbi sa akin kung hindi siya papatay… I don’t need an emotional and foolish son. He should be like me… emotionless, heartless, killer… He should treat people like foolish toys.”

“What would you do if he was born like his mother… I mean, what if he’s just a normal person and not a psychopath like you?” tanong ng lalaki.

Ngumisi si Papa bago sumagot. “Papatayin ko siya… pati ang ina niya na nagluwal sa kaniya. I will kill her for having a normal son. I don’t want a normal son… They’re useless to me if he wasn’t born the way I want him to be.”

Nanginig ang buong katawan ko sa sinabi niya. Ilang araw akong hindi nakatulog. Wala akong ibang ginawa kundi mag-search tungkol sa mga psychopath… Natatakot ako para sa sarili ko at para kay Mama.

Ganoon pala si Papa… masama pala siyang tao… at gusto niya, ganoon din ako.

Dapat wala akong pakiramdam o konsensya. Dapat wala akong puso. Dapat pumapatay ako ng tao at masama… Bakit niya gusto ang ganoon?

“To know if he was really born like me, I will test him… If he did what I wanted him to do, I would let him and his mother live… but if he’s just a normal child… You already know what I’ll do,” nakangising sabi pa nito.

Buong gabi akong hindi nakatulog kakaisip tungkol doon. Ano ang gagawin niya? Ano ang ipapagawa niya sa’kin?

Doon nakasalalay ang magiging buhay ni Mama… Hindi dapat ako magkamali.

“Aivan… Come here.”

Napalunok ako nang tawagin ako ni Papa. Pilit kong ipinakita sa mukha ko na hindi ako natatakot… at wala akong emosyon kagaya niya.

May inilapag na rabbit ang tauhan niya sa sahig. Napalunok ako at nagtatakang tumingin kay Papa.

Ngumiti siya sa akin, kinilabutan ako sa ngiti niyang ’yon. “Kung talagang anak kita… ano ang dapat mong gawin diyan?”

Naghagis ng dalawang bagay si Papa sa sahig… isang carrot, at isang kutsilyo. Agad na nanginig ang mga kamay ko dahil naiintindihan ko ang ginagawa niya.

Gusto niya akong subukin.

Pilit kong hindi ipinakita na kinakabahan ako. Kinuha ko ang kutsilyo saka hinawakan sa tainga at sinaksak ang kuneho. Kahit gusto kong magtatakbo at umiyak nang tumalsik sa mukha ko ang dugo nito, pilit akong nagtapang-tapangan at hindi nagpakita ng emosyon.

Humalakhak si Papa habang nakatingin sa kawawang kuneho na wala ng buhay sa sahig. Tila ba tuwang tuwa siya sa ginawa ko.

“You’re really my son, Aivan… I’m proud of you,” nakangiting sinabi niya sa akin.

Hindi ko makakalimutan ang ngiti niyang ’yon. Buong gabi akong umiyak habang pilit na hinuhugasan ang dugo ng kuneho sa katawan ko. Sa edad na dose anyos, nagawa kong pumatay ng hayop.

Nanginginig ang buong katawan ko habang humahagulgol ng iyak. Panay din ang pagsusuka ko sa tuwing papasok sa isip ko ang duguang kuneho. Takot na takot ako… Kinakain ang batang isip ko ng konsensya dahil sa ginawa kong pagpatay sa hayop.

“S-sorry… S-sorry po,” bulong ko habang patuloy na umiiyak.

Nasundan ang mga ’yon. Natutuwa si Papa na nakikita akong pumapatay. Ilang gabi rin akong umiiyak dahil sa takot at konsensya… Ayokong gawin, pero si Mama… ayokong mamatay si Mama.

Fourteen years old ako nang unang beses akong pumatay ng tao. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Pinasok kami ng magnanakaw sa bahay… at gusto ni Papa na patayin ko ang lalaki.

Sinaksak ko ito nang paulit-ulit kagaya ng gusto ni Papa. Nakangisi ako at humahalakhak na parang gustong gusto ko ang ginagawa sa harapan ni Papa… kahit nanginginig na ang mga kamay ko sa matinding takot.

Nang matapos, dumiretso agad ako sa banyo at nanghihinang umupo sa sahig. Humagulgol ako ng iyak at napasabunot sa sarili kong buhok. Hindi maalis sa isip ko ang pagmamakaawa ng lalaki sa akin na ’wag ko siyang patayin… na may uuwian pa siyang mga anak at pamilya.

Napatakip ako sa bibig ko at pumikit nang mariin habang patuloy ang pagtakas ng mga luha mula sa mga mata ko. Gusto kong magsisigaw. Gusto kong tumakbo at tumakas… pero alam kong mahahanap niya ako… mahahanap niya kami.

Gusto ko nang makita si Mama… pero si Papa lang ang nakakaalam kung nasaan siya. Gustong gusto ko itanong, pero ayokong isipin niya na may pakialam ako. Hinihintay ko na lang sa tuwing siya ang nagsasabi ng tungkol doon.

Habang lumalaki ako, palagi kong nakikita ang mga ginagawa ni Papa… at lahat ng ’yon, gusto niyang gawin ko rin.

I reached the age of 25… and I’m currently studying medicine because he wants me to be a doctor… so that I can learn more about human anatomy… so that I could easily kill people just like him.

Gusto ko maging chef. Magaling magluto si Mama at marami siyang itinuro sa akin noong bata pa ako. I really want to be with her again. I want to see her again… but I just can’t… I just want her safe. I couldn’t even see her the way I am now. I have killed a lot of people… I’m a sinful man that she never wished me to be… I couldn’t face her anymore. Gusto ko na lang na maging ligtas siya kung nasaan man siya ngayon.

At the age of 35, I finally became a doctor. I specialize in Neurology just like what my father wanted.

He made me do a lot of things. He taught me a lot of things. Sa ilang taon ko sa poder niya, gumaling din ako sa pag-arte. I did everything to act like a psychopath.

It was hard… It was agonizing to pretend like him… It was hard to pretend like I’m enjoying it when I kill and torture people. Walang gabi na hindi ako umiiyak at nagsusuka sa tuwing pumapatay ako ng tao.

I don’t want to live like this. Sa totoo lang, gusto ko na lang mamatay… Pero hindi ko alam ang gagawin niya kay Mama kapag ginawa ko ’yon. Kailangan kong gawin lahat. Kailangan kong tiisin lahat… Para hindi mapahamak si Mama na nag-iisang pamilya ko… dahil hindi pamilya ang tingin ko kay Papa.

He made me torture people. He made me kill even the innocent ones. I just couldn’t take it anymore… Gusto ko na lang mawala at matapos ang lahat ng ’to.

“Are you worrying about your mother?” tanong ni Papa.

Pasimple akong napalunok. Ngumisi ako sa kaniya. “I don’t know. I don’t feel anything about it. I’m curious about her whereabouts though.”

“She’s safe and having a great time with her new family. Mukhang kinalimutan ka na.”

Sa totoo lang, mas lumamang sa sistema ko ang pagkapanatag kaysa sa selos sa sinabi niya… Iyon lang ang gusto kong marinig… na ayos lang si Mama.

Habang tumatagal, palala nang palala ang mga bagay na ginagawa ko para kay Papa. Sa totoo lang… gustong gusto ko na siyang patayin, pero alam kong hindi ko kakayanin. He’s a powerful man. He has a lot of people on his side.

I only have one… Soren is the only person that I considered my friend, the only person that I trust. I saved him once when my father was about to kill him when I was 20. Nagdahilan na lang ako kay Papa na gusto ko siya gawing laruan.

Pero siya lang ang napagkakatiwalaan ko at napagkukwentuhan ko ng lahat ng bigat sa dibdib ko.

I had no choice but to live my life as a heartless man… a psychopath who has no feelings and emotions… but deep inside, I’m just a weak man… with the weakest heart. Acting brave is already hard enough… but being like one is the hardest. Buong buhay ko, takot na takot ako kay Papa… pero pilit akong nagpapanggap na katulad niya… kahit gustong gusto ko nang sumuko, hindi ko magawa.

He made me do worse things that I couldn’t take… He wanted me to rape women.

That’s something that I could never do… That’s something that I know I can’t do. Babae rin ang Mama ko… Hindi ko kayang gumawa ng ganoong bagay sa kahit na sinong babae.

Nagdahilan ako. I pretended that I have CIPA, that I feel no pleasure… that I’m not capable of having sex with someone. I lied about it… because I couldn’t stomach raping women.

He tortured me that night to test if I really do have CIPA. I wanted to shout in pain, but I acted as if I felt nothing with his brutal tortures.

Habang tumatagal… mas lalong bumibigat ang lahat para sa akin. Gustong gusto ko nang sumuko… pero hindi pa pwede. Kailangan munang mamatay ni Aranjo Vallente bago iyon mangyari.

Hanggang sa naging pasyente ko si Cristina Miranda… Magaan ang loob ko sa kaniya… at sa totoo lang, nagustuhan ko siya. Pero alam kong wala akong karapatan dahil sa sitwasyon ko… Sisirain ko lang nag buhay niya.

Pero nakita siya ni Papa…

“I want to play with that woman,” nakangising sabi ni Papa nang makaalis na si Cristina sa opisina ko.

I gulped hard and clenched my fists. I looked at him and forced a smile.

“She’s my toy… Don’t touch her. She’s mine to play with,” I said in a calm tone… even though I’m shaking in fear inside.

“Okay, okay… I’ll just observe you as you play with her… but if I’m not satisfied, I’ll take her from you and make her my toy,” he said before he left.

That made me realize… that I’m helpless… I’m tied up… and I’m in no position to love or even like someone.

CHAPTER XVI

Aivan Vallente

Sinimulan kong magbantay kay Cristina… dahil ayokong si Papa ang magpuntirya sa kaniya.

My father will only hurt her… he will play with her like some kind of a toy like he always does.

I don’t want to stalk her like a creep… but I have to. My father is observing me. I know he’s always watching me… that’s why I rarely sleep. He wants to make sure that I’m living a life that he wanted for me… like his shadow… like his clone.

I had to play with Cristina, because it’s better than letting my father toy with her. Palagi akong nakokonsensya sa ginagawa ko… walang araw na hindi bumibigat ang dibdib ko roon… pero wala akong magawa. I’m just doing my best not to have her played with or killed by my father.

I honestly liked her… I liked her romantically. I fell in love with her. But I know I can’t. I can’t be with her. Hindi ko dapat siya mahalin dahil walang patutunguhan. Wala akong karapatan. Hindi dapat.

I did my best to make it look like I’m just playing with her. Palaging nakamasid si Papa sa mga ginagawa ko. Kailangan kong galingan sa pag-arte, kailangan kong umakto na katulad niya. Kailangan kong mawalan ng emosyon at pakiramdam.

“Are you really just playing with that woman?”

Natigilan ako sa tanong ni Papa. Napalunok ako at pilit na ngumiti sa kaniya.

“I’m just playing with her, Papa. What do you think of me?” I drank my wine and acted calm.

“You have taken too much time. You made her fall in love with you already… You should take it to the next level. Use her to trigger a Feroci member, Eron Frenier. Scare her. Torture her. Blackmail her. Use her child to scare her if necessary… You don’t feel pleasure but scare her and touch her against her will… You don’t want me to do all that by myself, right?” he grinned at me.

I clenched my fists under the table. I’m so conflicted. The things he wants me to do… are unbearable. Mas gugustuhin ko pa yata kung sasabihin niya na lang na patayin ko ang sarili ko.

I was helpless. I couldn’t do anything… I just cried like a coward… I have to do horrible things again. I have to hurt innocent people again… When will this stop? When will I be powerful enough to stop my father? Until when am I going to live like this?

I did scare Cristina like my father wanted. It was fucking agonizing… It was torturous as hell. It fucking hurts seeing her scared… It hurts every fucking time that I had to hurt and scare innocent people like her.

I was honestly so thankful that Eron Frenier was there to save her from me… and from my father.

Guilt was eating me up. Kahit pa alam ko sa sarili ko na hindi ko gusto ang lahat ng ginagawa kong masasamang bagay… pero ginawa ko pa rin. Walang araw na hindi ako nakonsensya sa lahat ng nagawa ko. Walang araw na hindi bumibigat ang dibdib ko sa tuwing maiisip ko ang lahat ng ’yon…

Ako ang gumawa ng mga ’yon… labag man sa loob ko, pero ako pa rin ang gumawa. Masama rin akong tao dahil nagawa ko ang lahat ng ’yon para lang maging ligtas kami ni Mama.

Eron and his group tortured me… I accepted everything as I deserved it. But I had to act as if I felt nothing. I still had a role to play… I don’t know if my father is still watching me even from here.

Sa totoo lang… pagod na pagod na ako sa lahat… pero kailangan kong labanan lahat. Kailangan kong tatagan ang loob ko.

“Feroci is really something.” Napahalakhak si Papa habang pinapaikot ang laman ng wine glass.

“They’re fucking tough,” I chuckled.

Eating with my father like this was always torturous. I always want to run away from him. I always want to throw up every time I see him.

“I discovered that that woman has a sister… What was her name again? Cheryl Miranda?”

I gulped and bit my lower lip hard… I know what he’s implying.

“I think she will be a good toy to play with…” he smirked.

I clenched my fists and forced a smile. “She’s mine to play with… I’m planning to kidnap her. I will use her to have my revenge on Cristina and Eron Frenier.”

Papa chuckled as if that thought pleases him. “That’s a good idea, son. You really took after me,” he said… as if he was so proud of me.

That’s what I did. I started planning how I should deal with Cristina’s sister, Cheryl Miranda.

How am I going to protect her? Do I really have to harm and scare her just like what I did to Cristina?

I decided to kidnap and hide her from my father. Pinatay ko rin ang tauhan ni Papa na pumasok sa bahay niya… sa harapan mismo ni Cheryl. I want to show her that I’m a psychopath… a heartless and emotionless killer.

“Aivan…” Soren called me.

He went to my room… and as usual, he saw me crying and shaking in fear. I couldn’t sleep… again. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari sa buhay ko. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Hindi ko na alam.

Iniwan ko muna si Cheryl doon… Kailangan ko pa rin magpakita kay Papa… baka magtaka siya. Baka mahanap niya pa kung nasaan si Cheryl. Nagdahilan na lang ako sa kaniya na itinago ko ang laruan ko sa kaniya… na ayokong pakialaman niya ako sa pagpapahirap kay Cheryl.

Hindi ko na alam… Gusto ko nang matigil ang lahat ng ’to… Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang lahat.

Soren sighed and tapped my shoulder. “Kung titibayan mo ang loob mo… makakaya mo bang gawin lahat para lang mapatay si Aranjo Vallente?”

I stopped crying and looked at him. “W-what do you mean?”

“Paano kung manghingi tayo ng tulong sa Feroci? Isa sila sa kilala ko na kayang kalabanin ang tatay mo… Bakit hindi tayo manghingi ng tulong sa kanila? Sasamahan kita sa laban na ’to… Hindi ko na rin kayang makita na ginagawa niya ang lahat ng ’to sa’yo. Hindi ko na kayang makita na nahihirapan ka, Aivan.”

Kahit na mahirap para sa’kin, sinunod ko ang sinabi niya. Nilapitan ko si Eron… ang Feroci.

Nakatanggap ako ng suntok, sipa, at pananakit mula sa kanila bago nila ako sinubukang pakinggan.

“So, you’re telling us that you did everything… to keep your mother safe?” Cadence Lettiere asked.

I gulped and nodded. “I-I know I’m shameless for asking help after everything I did to you and Cristina… but… I-I can’t do this anymore. I could no longer take this… R-right now, Cheryl is with me and—”

“Cristina’s sister? Cheryl?” Eron asked and grabbed my collar.

“I-I had no choice. Kapag hindi ko ginawa ang mga gusto niya… papatayin niya si Mama. Please… Help me find my mother. If you can help me and assure my mother’s safety, I will kill Aranjo Vallente myself… He’s one of Feroci’s strongest enemies, right? Please…” I know I sounded desperate… pero ito na lang ang magagawa ko.

Napapagod na ako. Gusto ko nang matigil ang lahat. Ayoko ng manakit at pumatay ng mga inosenteng tao… Napapagod na ako.

“Aivan…” Seryosong tumingin sa akin si Cadence Lettiere. “Your mother’s name is Marissa Suarez… right?”

Napalunok ako at tumango. “B-bakit? Alam mo ba kung nasaan siya?”

Nagkatinginan muna sila bago sumagot si Cadence. “She died a long time ago, Aivan… Matagal nang patay ang nanay mo. I know about that because I did an investigation about you. Your mother died about three decades ago.”

It felt like my whole world shattered. There’s no way that’s true. I asked them for help… but there’s no way I could trust his words…

Not until they showed me my mother’s grave. Aranjo Vallente even had her… buried. Nalaman ko kay Cadence na nagawa siyang paglamayan ng tatay ko… na wala akong kaalam alam.

Akala ko masisiraan ako ng bait sa nalaman ko. Matagal na siyang patay… My mother died the day she disappeared from my sight. Akala ko… nasa malayong lugar lang siya. Akala ko pa noong una itinago siya ni Papa sa kung saan.

“AHH!” I cried so hard… until there’s no more tears left.

Buong buhay ko… ibinuhos ko. Ginawa ko ang lahat ng gusto ni Papa… dahil akala ko pinoprotektahan ko si Mama sa ganoong paraan.

Wala pala akong pinoprotektahan… Wala na pala si Mama.

For the first time, Eron looked at me as if he found me pitiful. Kahit si Cristina, nalaman ang lahat ng tungkol sa akin… kung gaano ako katanga at ka-miserable.

Sinugod ko kaagad siya nang malaman ko ang tungkol kay Mama… Gusto kong makumpirma mula sa kaniya… Gusto kong malaman mismo mula sa kaniya… at gusto kong umasa na mali ang Feroci. Gusto kong umasa na buhay pa ang Mama ko at nagkakamali lang sila.

Imbis na bigyan ako ng sagot… tinawanan niya lang ako. Tinawanan lang ako ni Aranjo Vallente.

“I killed her when you were just twelve, Aivan… I killed her the moment she tried to save you and get you out of here. I gave her mental torture before I killed her… I showed her my true colors and killed someone in front of her that night… She was scared, she could run away easily, but she tried to save you first… so I killed her. As I stabbed her, I told her that I would kill you next… Just imagine how agonizing it must have been for her before she died.”

“Hayop ka!” I shouted at the top of my lungs.

Tumakbo ako para sugurin siya pero agad na humarang ang mga tauhan niya. Tinawanan niya lang ako na para bang aliw na aliw siya na makita akong ganito.

“Akala mo ba hindi ko alam, Aivan… You will never be like me. I knew right from the start that you’re not a psychopath… I knew right from the start that you have emotions… that you couldn’t bear killing people… that you cried and threw up every time. But I let you live because it was so fun to watch. I was having fun. If you could just see how foolish you are. It was fun to watch you try so hard to act like me… Just imagine all the people you tortured and killed because of me… for nothing.”

I almost couldn’t handle the emotional and mental torture he gave me that night. Para akong mababaliw sa bigat na nararamdaman ko. Gusto kong magpakamatay… gusto ko nang bitiwan lahat. Gusto kong sumigaw at magwala.

Simula nang araw na ’yon… Binuo namin ni Soren at ng Feroci ang planong patayin si Aranjo Vallente.

Nanatili si Cheryl sa tabi ko… Desperado na ako, pero ginamit ko siya para makasiguro na tutulungan ako ng Feroci.

Hindi kasama sa plano ko ang mahalin siya. I did everything to scare her. I even made sure she would see the monster in me.  I killed all of Aranjo Vallente’s men who tried to follow us even though I knew that she was looking. I did everything for her to not love me, and for me to not love her. Ayokong mahalin siya… dahil wala na akong balak pang mabuhay pagkatapos ko kay Aranjo Vallente. Pero hindi ko napigilan.

Minahal ko si Cheryl… nang sobra… kahit na hindi dapat… kahit na walang magandang idudulot ’yon para sa kaniya… kahit na kaunti na lang ang oras.

CHAPTER XVII

Aivan Vallente

Loving Cheryl was something I never expected. She wasn’t really likable. She does weird and unusual things. She has extreme thoughts. In terms of attitude and everything, she’s very different from Cristina.

While staying together and acting as her kidnapper… I really did my best to look scary. I did my best to make her fear me. I did my best not to get attached because it would never do me good.

“Aivan, wala kang panlasa pero ang sarap mo magluto. Paano ’yun?” she asked as she ate the pasta I cooked for her.

I bit my lower lip and did my best to restrain my smile. Hindi ko na maalala kung ilang beses na niyang sinabi ’yan. She always compliments my dishes… and it always makes me happy every time I hear it.

I honestly feel bad for lying to her. Gusto kong sabihin sa kaniya na wala naman talaga akong CIPA, na may pakiramdam ako at panlasa. I want to tell her everything and be honest with her… but that would be unnecessary. That was risky. Baka lalo lang kaming ma-attach sa isa’t isa… Baka ma-attach lang ako sa kaniya.

“Aivan… Bampira ka ba? Bakit hindi kita nakikitang matulog?”

I looked at Cheryl when she randomly asked that. I stared at her to see if that was a serious question… and damn. Her eyes seemed serious as if she really thinks I’m a vampire or something.

“Just go to sleep,” I muttered and continued reading.

I looked at her from my peripheral vision. I fought the urge to laugh when I saw her trying to read the classic books on my shelf. Napapakunot ang noo niya habang sinusubukang basahin ang mga ’yon. I found it cute.

“Tangina namang mga libro ’to,” she muttered and scratched her nape.

Wala rin naman siyang nagawa. Humiga siya sa kama at pinilit na basahin ang libro… Ilang saglit lang, nakatulog din siya. Her lips were slightly parted and her other foot was on the floor. I chuckled while staring at her. She was really the most carefree woman that I met.

Napailing na lang ako at lumapit sa kaniya saka inayos ang pagkakahiga niya sa kama. Kinumutan ko rin siya. Umupo ako sa tabi niya at inayos ang buhok niya na nakaharang sa mukha niya.

I stared at her for a moment. I don’t know why I found her presence… comforting. I don’t know if it’s because she’s Cristina’s sister… or because she’s just Cheryl… she’s just being herself and I’m liking it.

“Aivan… Sana naman bago mo ako kinidnap, in-inform mo muna ako. Ang lungkot lang kapag naiisip ko na hindi ko man lang nagawang makipag-sex,” binulong niya ang huling sinabi.

My forehead creased. I don’t know why the thought of someone touching her makes me mad.

“Aivan… matulog ka sa tabi ko. Palagi kang hindi natutulog,” she said while staring at me.

I could see it in her eyes… She was concerned. She really wants me to have a peaceful sleep. That always warmed my heart every fucking time, and it’s so hard to pretend that it didn’t affect me.

It’s hard to pretend that I feel nothing. It’s becoming harder for me to pretend as if I’m heartless… and a psychopath.

I started feeling weird things the more I spent time with Cheryl. I started to feel things… that are not good for us.

I tried to stop myself… but maybe I didn’t try hard enough.

She started liking me too. I honestly think that maybe it was just Stockholm syndrome… that maybe she didn’t like me romantically. Naiisip ko na baka iniisip niya lang na gusto niya ako dahil palagi kaming magkasama.

Every time she shows me how much she likes me, every time she tells me that she likes me, and every time she tells me that it’s okay if I don’t feel anything for her at all frustrates me… I want to tell her that I like her… no, I love her. I want to tell her that I’m not what she thinks I am. I want to show her that I’m just Aivan… a cowardly man… a man who loves her so much. But I couldn’t.

I don’t deserve her. We shouldn’t be together… I’m not the one for her. She deserves so much better…

I started imagining us together… having a normal and peaceful life. My feelings became harder to fight. She always makes me forget that situation I am in.

Cheryl always makes me happy. She always makes me smile with the simple things that she does… I realized she’s starting to give light to my dark life… even though I don’t deserve it at all.

Cheryl makes everything bearable. She always gives me courage and strength without her even realizing it. She always gives me reason to continue… to be brave… She makes me want to protect her with all I have.

I do not care about my own life anymore. Siya na lang ang pinaka importante sa akin. Siya na ang buhay ko. Siya na ang lahat sa akin.

I don’t know what Cheryl did to me. I don’t know why I love her like this for the short time we spent together…

I smiled faintly and caressed Cheryl’s hair. She was peacefully sleeping in my bed…

She’s pregnant… I know this could happen… I do not deserve to be a father and yet, I made her pregnant. What am I even thinking?

She hugged me and snuggled on my chest. I smiled and gently caressed her arm… My vision started to become blurry due to tears forming in my eyes.

Seeing her like this makes me hesitate about my decision… Seeing her like this often makes me want to just escape with her and live a happy life with her… Seeing her like this often makes me forget that I was a sinful man just like my father…

But I have decided. I want to end everything… I will end Aranjo Vallente… I will end everything in my way.

Using everything that I know about my father, Feroci was able to kill all of Aranjo Vallente’s men through their smart ways and strategies.

Ang natira na lang ay ang mga tauhan nito sa mansyon niya. I told Feroci to spare them for me to kill… including my own father.

“Aivan…” Eron sighed. “Are you really sure… about this?” he asked, hesitating.

I gave him a faint smile and nodded. “Ako ang dapat na tumapos nito, Eron… Thank you for all of your help despite everything I did to you and Cristina… I-I really appreciate it. Thank you.”

Seryosong tumingin siya sa akin. “How about Cheryl? Ano ang plano mo sa kaniya? You will leave her… just like that?”

I forced a smile. “My life… is unredeemable, Eron. Being with Cheryl made me forget what kind of man I became for a moment… it made me forget that someone like me does not deserve her… I became someone that my father wanted for me. He won. I killed a lot of people… I killed even the innocent ones.” Nanginig ang mga kamay ko at napapikit nang mariin. “This life… is no longer worth living for.”

Even if I try to live a normal life after this… I won’t be able to. My past will always haunt me. I just know that… I am a hopeless case.

Sinugod ko nang mag-isa ang mansyon. I honestly do not consider myself as someone physically strong, but I have learned a lot while acting and pretending… I killed a lot of people too.

Pinagsasaksak at pinagbabaril ko ang mga tauhan ni Papa. He was just watching me do all that. Prenteng nakaupo lang sa couch habang walang emosyon na nakatitig sa akin.

After killing all of them. I sat on the couch across from him and gave him a faint smile.

“Naka-lock na ang lahat ng bintana at pinto… Ipinaharang ko rin kay Soren ang mga ’yon nang pumasok ako para siguradong hindi tayo makakalabas dito.”

Napakunot ang noo ni Papa sa sinabi ko.

“Papa… I-itigil na natin lahat ’to… P-pagod na pagod na ’ko. P-pagod na pagod na… Ayoko na, Papa… P-please, ayoko na…”

Nanatiling nakatitig sa akin si Papa na tila ba naguguluhan siya sa sinasabi ko.

I forced a smile as tears escaped from my eyes. “This mansion will explode in ten minutes… We will die here together.”

CHAPTER XVIII

Ayokong aminin na miss na miss ko si Aivan. Ayoko siyang tawagan… kahit na tila kusang gumagalaw ang mga kamay ko at kinukuha ang cellphone ko. Nagpapasalamat na lang ako dahil nagagawa kong pigilan ang sarili kong gawin ’yon.

“Ate… Bakit hindi pa kayo umuuwi ni Kuya Eron sa bahay niyo? Kung iniisip niyo ako… hindi na kailangan. Kaya ko naman ang sarili ko.”

Napabuntonghininga si ate saka humawak sa kamay ko. “Ako ang bahala, Che. Hindi rin naman ako mapapanatag hangga’t hindi kita nababantayan, e. Hayaan mo na muna akong bantayan ka rito.”

Hindi na lang ako nagsalita at hindi na kinontra pa si ate. Palagi naman talaga siyang ganiyan. Mula noon pa, parang siya na rin ang tumayong magulang naming magkakapatid. Alam ko namang hindi talaga siya mapapakali hangga’t alam niyang hindi kami okay.

Natigilan lang kami ni ate nang biglang dumating si Kuya Eron. Tumingin siya sa akin. Napansin ko na tumikhim siya saka napaiwas ng tingin. Napakunot ang noo ko dahil parang iba ang kutob ko roon.

“Cheryl… Nagkausap na kayo ni Aivan?” tanong pa ni Kuya Eron.

Hindi ako agad nakasagot. “Uhm… Hindi kami nagkausap. Wala naman kaming dapat pag-usapan. Papalakihin ko nang mag-isa ang anak ko… Hindi siya capable maging magulang, Kuya Eron.”

Humawak si Kuya Eron sa batok niya at marahang napahimas doon… tila may gustong sabihin pero hindi magawa.

“May problema ba, Eron?” nakakunot-noong tanong ni ate. Tila kilalang kilala na niya si Kuya Eron.

“Nothing… By the way, I have to go. It is better if none of you will leave the house. Just stay here…” seryosong sabi ni Kuya Eron.

Mas lalong napakunot ang noo ni ate. “Pinapakaba mo naman ako, Eron. Ano ba’ng meron? Ano ba’ng nangyayari? Ipaliwanag mo nga sa akin,” sabi pa ni ate.

Humalik si Kuya Eron sa noo ni ate. “You have nothing to worry about. I will always keep you and our child safe… even Cheryl.” He looked at me.

Napakunot din ang noo ko… naguguluhan sa nangyayari.

Umalis si Kuya Eron nang walang pinapaliwanag sa amin ni ate. Parehas tuloy kaming napapaisip kung ano ang nangyayari.

Sinubukan ko na lang na hindi mag-isip ng kung ano-ano. Hindi makakabuti sa akin ang ma-stress nang ma-stress. Pinilit ko na lang din na hindi isipin si Aivan. Pakiramdam ko hindi makakabuti sa akin ang isipin siya nang isipin… pero hindi ko mapigilan.

Napabuntonghininga ako habang kinakain ang niluto ni ate para sa akin… Nami-miss ko ang luto ni Aivan. Gusto kong ipagluto niya ulit ako kagaya ng dati. Alam na alam na rin naman niya ang mga pagkain na gusto ko.

Nanood na lang ako ng movie para hindi siya maisip… pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya maalis sa isip ko.

Dapat ba kinausap ko muna siya kahapon? Bigla na lang niya akong dinala rito… Ni hindi niya man lang ako hinintay na magising. Hindi ba siya seryoso sa akin?

Napailing na lang ako sa naiisip ko. Nakakalimutan ko kung minsan na wala nga pala siyang emosyon at pakiramdam.

Napatitig na lang ako sa kawalan habang iniisip na naman si Aivan… Wala ba talaga siyang nararamdamang emosyon?

Pero bakit ganoon siya tumingin sa akin kung minsan? Hindi ko maipaliwanag…parang palaging may sinasabi ang mga mata niya. Ganoon lang ba talaga siya kagaling magpanggap?

Napabuga ako ng hangin saka umiling. Hindi na naman maalis sa isip ko. Kung ano-anong bagay na naman ang iniisip ko… mga bagay na imposible at hindi naman mangyayari.

Kahit anong subok kong libangin ang sarili ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko siya maalis sa isip ko.

Yumakap ako sa unan ko saka napabuga ng hangin. Halos buong araw na hindi naalis si Aivan sa isip ko… Hindi ko maintindihan kung bakit.

Iba ang pakiramdam ko ngayon.

Pagsapit ng dilim, lumabas ako ng kwarto ko at nagtungo sa kusina. Mukhang tulog na si ate at ang anak niya na si Zav.

Uminom na lang ako ng tubig… Natigilan lang ako nang biglang bumukas ang pinto. Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko nang may lalaking pumasok na hindi pamilyar sa akin.

Naningkit ang mga mata ko at tinitigan siyang maigi… naaalala ko siya. Siya ang lalaking nakita ko na kausap ni Aivan dati.

“You’re Cheryl Miranda, right?” tanong niya. Pawisan siya at tila namumutla.

Napalunok ako. “P-paano ka nakapasok sa bahay namin?” nauutal na tanong ko.

Lumapit siya sa akin. “Please come with me… Only you can stop him…”

Napakunot ang noo ko. “A-ano’ng ibig mong sabihin?”

“I have no time to explain. Please come with me.”

Hinawakan niya ang wrist ko saka hinila ako palabas ng bahay. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang pagdudahan siya. Sinilip ko ang kwarto ni ate, pwede naman akong sumigaw… pero pinili kong sumama sa lalaki.

“I’m Soren, I’m Aivan’s long time friend,” paliwanag ng lalaki.

“A-ano ba ang nangyayari, Soren? Nasaan si Aivan?” tanong ko.

Habang nasa biyahe kami… ipinaliwanag niya sa akin kung nasaan si Aivan, kung ano ang sitwasyon ni Aivan… kung ano ang naging buhay ni Aivan.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na lumuluha. Nanginginig ang buong katawan ko. Napalunok na lang ako nang tumigil na ang kotse.

“Aivan’s father made him suffer for so many years, Cheryl. Yes, he killed a lot of people. Most of them are innocent ones. He did everything that his father wanted. He was manipulated. He knew that fact but the guilt he felt for doing all of those for nothing kills him inside.”

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya. Nanginginig ang kamay na napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang sarili ko na mapahagulgol ng iyak.

“There’s a bomb inside the mansion… It will explode after a few minutes… He was locked inside with his father… and he’s planning to die there too.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “A-ano? M-may bomba sa loob?”

“I won’t be able to stop him even if I save him there… He will kill himself eventually… that’s why I desperately brought you here… Please, make him change his mind.”

Hindi ako nag-aksaya ng oras. Dali dali akong lumabas ng kotse. Agad kong tinakbo palapit sa mansyon, pero agad na humawak si Soren sa braso ko para pigilan ako nang akmang lalapit pa ako roon.

“It will be risky to let you in there. Hindi ko alam kung anong oras sasabog ang bomba…” Inabutan niya ako ng cellphone. “Talk to him through this phone… He will hear you.”

Nanginging na kinuha ko ’yon mula sa kaniya. “Aivan! Nasaan ka, Aivan?! S-sumagot ka!”

Inilapit ko sa tainga ko ang cellphone. Napalunok na lang ako nang marinig ko ang malalim niyang paghinga roon.

“Cheryl…”

Mas lalo akong napahagulgol ng iyak nang marinig ko ang boses niya. “A-Aivan… Oo, si Cheryl ’to… M-may bomba sa loob, ’di ba? L-lumabas ka riyan. Lumabas ka, Aivan… Please, lumabas ka… Nagmamakaawa ako sa’yo.”

“What are you doing here? Umalis ka rito, Cheryl,” sabi pa nito sa mahinang boses. “Soren… What are you doing? Alisin mo si Cheryl dito… Ilayo mo siya rito.”

Napapikit nang mariin si Soren kasabay ng pagtakas ng mga luha mula sa mga mata niya. “H-hindi ka ba talaga namin mapipigil, Aivan?” tanong nito sa mahinang boses. “Hindi na ba talaga… magbabago ang isip mo?”

“Soren… Thank you for everything that you’ve done for me for the past years. Thank you for following my orders, especially this one, even if it’s hard for you… Now please… please leave. Umalis kayo ni Cheryl sa lugar na ’to… P-pakiusap, Soren…” sabi pa ni Aivan sa kabilang linya.

“Aalis lang ako rito kung kasama ka! Lumabas ka riyan! Sumama ka sa’kin! P-please… Ako ang piliin mo, Aivan… ’Wag mo ’kong iiwan!” umiiling na sabi ko habang patuloy na lumuluha.

Nakarinig ako ng tila may naghahagis ng mga gamit sa loob. May naririnig din ako na iba pang boses maliban sa kaniya… sa tingin ko sa tatay niya iyon.

“Pa… Please stop. I’m so… tired. Please, just stop.”

Napapikit ako nang mariin nang marinig ang sinabi niya. Ramdam na ramdam ko roon ang mga emosyon na pilit niyang itinago sa mga panahon na magkasama kaming dalawa.

“A-Aivan… Lumabas ka, please. Aivan… Sumama ka sa akin. ’W-wag mong gawin ’to…” Humawak ako sa tiyan ko. “M-magkaka-anak tayo, ’di ba? K-kaya please… ’wag mo naman akong iwan. Please…” Sunod-sunod ang naging pagtakas ng mga luha ko.

Sinubukan kong humakbang palapit sa mansyon, pero agad akong pinigilan ni Soren.

“Cheryl… I want to be honest with you… kahit ngayon lang. Kahit na huling beses na… gusto kong maging tapat sa’yo, Cheryl…”

“A-Aivan…” Napapikit ako nang mariin.

“M-may pakiramdam ako, Cheryl. I-I’m not a psychopath… Nalulungkot ako, natatakot, nagagalit, nasasaktan, sumasaya, nagmamahal… Lahat ng emosyon ramdam na ramdam ko noong nakilala kita. Sobrang saya ko sa bawat oras na kasama kita… Killing people doesn’t make me happy. Killing people doesn’t excite me… It scares me… so damn much. Para akong pinapatay sa konsensya sa bawat taong pinatay ko, Cheryl. I killed them all with the thought that I was just saving my mother. Iyon na lang ang iniisip ko… n-na ginagawa ko ’yon para iligtas siya.”

Mas lalong bumigat ang dibdib ko nang marinig na nabasag ang boses niya. Mas lalo akong napahagulgol ng iyak nang marinig ang hirap sa boses niya… na para bang hindi na niya kaya ang lahat.

“I did everything to justify what I did in my mind. B-but thinking about it… thinking about all the people I’ve killed… thinking about how they begged me to spare their lives… how they begged me to let them go back to their families… it haunts me every night… Para akong pinapatay sa konsensya. K-kahit anong pilit kong ipasok sa isip ko na hindi ko ’yon ginusto lahat… hindi ko kaya, Cheryl. I’m just as sinful as my father. I’m just as bad as him…”

Umiling ako. “H-hindi, Aivan… Hindi totoo ’yan! Hindi ka masama katulad niya… H-hindi ko sinasabi ’to dahil mahal kita… o dahil gusto kitang iligtas… Iyon ang totoo. Hindi mo deserve ang lahat ng ’to… Please, Aivan. L-lumabas ka na. Nagmamakaawa ako.”

“Buong buhay ko… gusto ko lang mamuhay ng normal. Gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka. Gusto ko magkaroon ng simpleng trabaho, buhay at pamilya kasama ka… I-iyon lang ang pangarap ko, pero ang hirap… Hindi ko mararanasan ’yon sa buhay na ’to, Cheryl. H-hindi…”

Mas lalo akong nanghina nang marinig kong umiiyak na siya sa kabilang linya. Sobrang bigat sa dibdib marinig ng bawat paghikbi niya… ng bawat pagkabasag ng boses niya… ang emosyon sa bawat salitang binibitiwan niya.

Paano niya nagawang tiisin ’yon ng matagal na panahon? Sigurado ako na wala siyang ibang naramdaman kundi lungkot at matinding takot… Paano niya nakaya ’yon simula pa lang ng bata siya? Bakit kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng hirap? Bakit siya pa?

“G-gagawin natin ’yon, Aivan. Mamumuhay tayo ng normal at simple… kasama ang anak natin. K-kaya lumabas ka na. Nakikiusap ako… G-gawin natin ang gusto mo… ang pangarap mo. H-hindi pa huli ang lahat. Aalisin ko ang takot sa puso mo… Aivan… P-please, nagmamakaawa ako… Gusto kitang makita. Gusto kitang yakapin… G-gusto pa kitang mahalin.”

“Kailangan kong gawin ’to, Cheryl. Hindi matatapos lahat ng ’to kung mananatili akong buhay…” Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita. “Pero aaminin ko na natatakot ako. N-nakakatakot dito, Cheryl.

Nakakatakot ang paligid, nakakatakot ang katotohanan na mamamatay na ako pagkatapos ng ilang minuto… Natatakot akong mamatay… Natatakot ako sa bukas na hindi na kita makikita. N-natatakot ako, Cheryl.“ Tuluyang napahagulgol ng iyak si Aivan na para bang nilalabas na niya ang lahat ng emosyon na matagal niyang itinago sa akin.

“K-kung natatakot ka, u-umalis ka na riyan, Aivan. H-halika na, please. U-umalis na tayo rito. Aivan… S-sige na naman… Mamuhay tayo nang masaya kagaya ng gusto mo. A-Aivan… Pakiusap! Aivan!” Mas lalong lumakas ang iyak ko. Nanginginig na ang buong katawan ko sa matinding takot. “H-hindi pa kita nayakap nang matagal. H-hindi tayo naging masaya nang matagal. A-Aivan naman… Lumabas ka na. Lumabas ka…”

“Cheryl… I hope God will let me repent for all the sins I’ve done in this life. I hope He will still forgive me. A-after I’m done repenting, I hope He’ll give me a chance to live the way I want to in my next life. I wish to meet you again… I’ll face anything. I will do anything. I-I will suffer in hell a hundred times if He wants me to… S-sana pagbigyan Niya na akong sumaya sa susunod.”

Napasigaw ako habang paulit-ulit na umiiling. “A-Aivan! Lumabas ka! Aivan! ’Wag mo ’kong iwan! L-lumabas ka!”

Pilit akong umalis sa pagkakahawak sa akin ni Soren, pero hindi niya ako binibitiwan. Patuloy akong umiiyak habang sinusubukang tumakas sa pagkakahawak niya sa braso ko. Pupuntahan ko si Aivan! Gusto ko siyang puntahan! Gusto ko siyang makita…

“Cheryl… You are the best thing that ever happened to me. You made me dream. You made me so happy even for a short time… You made me want to be a better person for you. You made me realize that even a person like me deserves to be loved… I couldn’t imagine my life if I hadn’t met you… I love you, Cheryl… M-mahal na mahal kita…” Muli siyang napahagulgol ng iyak sa kabilang linya.

“M-mahal din kita, Aivan! Mahal natin ang isa’t isa… Pakiusap… Aivan!”

“Cheryl… I love you. I love you so much…”

Pakiramdam ko nagunaw ang mundo ko nang tuluyang sumabog ang mansyon. Nawala na si Aivan sa kabilang linya kasabay no’n. Natulala ako at napabitiw sa phone habang nakatingin sa mansyon na ngayon ay nilalamon na ng apoy.

Paulit-ulit akong umiling kasabay ng pagtakas ng mga luha mula sa mga mata ko.

“Aivan!” Pilit akong nagpumiglas. Mas lalong lumakas ang iyak ko. Paulit-ulit akong sumigaw… sinisigaw ang pangalan ni Aivan. Wala na akong pakialam kung kinakailangan man na pumasok ako sa loob at masunog doon… Kailangan ko si Aivan. Kailangan ko siyang makita.

“Aivan! Hindi! A-Aivan! Bitiwan mo ’ko! Si Aivan! P-pupuntahan ko si Aivan! Kailangan ako ni Aivan!”

“Cheryl!” Narinig ko ang boses ni ate.

Hindi ko na nagawang pansinin iyon at pilit na umaalis sa pagkakahawak sa akin ni Soren.

Natigilan ako nang makita si Kuya Eron, kasama ang mga kaibigan niya. Kahit halos magkanda-dapa ako, pilit kong tinakbo ang direksyon niya saka humawak sa damit niya.

“K-kuya Eron! N-nasa loob si Aivan… Iligtas natin siya, please. N-nasa loob pa siya!”

Napaiwas siya ng tingin sa akin. “He made that decision, Cheryl. He will never be at peace in this life… We must… let him go.”

Umiling ako. “Hindi! Hindi totoo ’yan! H-hindi!” Mas lalo akong napahagulgol ng iyak.

Umiiyak na rin si ate habang nakatitig sa akin. Kahit halos gapangin ko na lang, pilit kong kinuha ang cellphone. Napapikit ako nang mariin kasabay ng hindi mapigil na pagluha ko.

“A-Aivan… N-nandiyan ka pa, ’di ba? Sumagot ka, please. Aalis na tayo rito… P-please… S-sabihin mo sa’kin na nandiyan ka pa… Sabihin mo sa’kin na nakaalis ka riyan. A-Aivan… ’Wag mo naman akong iwan ng ganito. Nandiyan ka pa, ’di ba? A-Aivan… Alam kong nandiyan ka pa. Aivan… Mahal na mahal kita! P-please, sumagot ka! Pakiusap! Aivan! H-hindi… Hindi… Ayokong iwan mo ’ko… A-ayoko… Nagmamakaawa ako, sumagot ka…”

Kahit na ilang beses ko siyang tawagin…wala nang sumasagot pa sa kabilang linya.

Nanghihinang nabitiwan ko ang phone… Napatitig ako sa mansyon na ngayon ay nilalamon na ng malaking apoy.

Napaluhod ako sa sahig habang patuloy ang pagtakas ng mga luha mula sa mga mata ko. Tila sinampal na ako ng katotohanan.

Wala na si Aivan… Iniwan na ako ni Aivan.

CHAPTER XIX

Nagising ako na tila mabigat ang ulo. Pati talukap ng mga mata ko, parang mabigat din at tila ayaw bumukas ng mga ’yon.

Napalunok ako at pilit na idinilat ang mga mata ko. Puting kisame ang tumambad sa akin… pati na rin ang pamilyar na amoy… ang amoy ng ospital.

“Cheryl?”

Narinig ko ang boses ni ate. Nanlalabo pa ang paningin ko, pero pilit ko siyang inaninag. Humawak siya sa kamay ko at ramdam ko ang bahagyang panginginig no’n na tila kinakabahan siya.

“Cheryl… Naririnig mo ba ako?” tanong pa niya.

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para magsalita, pero walang boses na lumabas mula roon dahil sa matinding panunuyo ng lalamunan ko. Tumango na lang ako sa tanong niya para kahit papa’no ay hindi na siya kabahan pa.

Napalunok ako at muling napatitig sa kisame… pilit na inaalala ang mga nangyari.

Isang tao lang ang agad na pumasok sa isip ko.

“A-ate… S-si Aivan?” tanong ko saka muling lumingon sa kaniya.

Tumingin si ate sa katabi niya na si Kuya Eron. Napabuga sila ng hangin saka tumingin sa’kin.

“Cheryl… ’Wag mo munang isipin ang ibang bagay… Magpalakas ka muna at magpahinga. Makinig ka kay ate… kahit ngayon lang, hmm?” Hinaplos ni ate ang buhok ko.

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko kasabay ng pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. “W-wala na ba talaga si Aivan? I-iniwan niya na ba talaga ako?”

Napalunok si ate sa tanong ko. Nakita ko rin ang bahagyang pamumula ng mga mata niya nang tuluyan akong lumuha.

“A-ate… P-paano na ako? M-mahal na mahal ko si Aivan… P-paano na ako? W-wala na siya… H-hindi ko kaya.” Napahagulgol ako ng iyak at napatakip sa mga mata ko.

Kung alam ko lang na iyon ang plano niya… Sana kinausap ko siya nang maayos noong huling araw na magkasama kami… Sana man lang nagawa ko siyang pigilan. Sana man lang nagawa kong iparamdam sa kaniya na hindi siya mag-isa… na may nagmamahal sa kaniya sa kabila ng lahat ng nangyari sa kaniya.

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak sa tuwing nagigising ako. Nag-aalala na si ate pero wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak kasabay ko at damayan ako.

“Cheryl… Kailangan mong magpalakas at kumain…” sabi ni ate habang nakahawak sa kamay ko.

Hindi ako nagsalita… Nanatili akong nakatitig sa bintana… sa may labas… habang inaalala ang maikling alaala namin ni Aivan.

“Kakaiba si Aivan sa lahat, ate…” bulong ko saka bahagyang napangiti. “Hindi ko inakala na mamahalin ko siya ng ganito. Ang weird niya noon. Wala siyang ibang ginawa kundi takutin ako at balaan ako na papatayin niya rin ako kapag nagsawa siya sa akin.” Bahagya akong natawa.

Hindi nagsalita si ate. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin, nakikinig sa kwento ko.

“Sa lahat yata ng kidnappers… siya lang ang kilala ko na masipag magluto para sa kinidnap niya. Buhay prinsesa ako sa poder niya, sa totoo lang. Nakakatakot siya kung minsan… ay, madalas pala… Pero may kakaiba sa presensya niya na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko… wala akong dapat ikatakot sa kaniya.” Bumaba ang tingin ko sa kamay ko saka bahagyang ngumiti. “Naguluhan din ako sa sarili ko. Dapat natatakot ako sa kaniya, dapat tinatakasan ko siya… pero hindi ko alam kung bakit mas gusto ko na nasa tabi niya… hindi ko alam kung bakit ayaw ko nang malayo sa kaniya. Naisip ko pa no’n na baka nasisiraan na ako ng bait… Baka nawawala na ’ko sa sarili ko…” Ngumiti ako nang mapait. “Pero ngayon… alam na alam ko na sa sarili ko na talagang mahal na mahal ko si Aivan. M-mahal na mahal ko siya, ate.”

Napaiwas ng tingin si ate nang tuluyang magtakasan ang mga luha ko na para bang nahihirapan siya na nakikita akong umiiyak.

“T-tapos… huli ko nang malalaman na ang dami niya palang pinagdaanan… na halos buong buhay niya… puro lang pagdurusa ang naranasan niya.” Napakuyom ang kamao ko. Hindi ko pa rin lubusang maisip kung paano niya nagawang kayanin lahat sa loob ng maraming taon.

Si Aivan… sobrang nahihirapan siya hanggang sa huling sandali ng buhay niya.

“N-naiisip ko pa lang na umiiyak siya at nagtatago sa kwarto niya nang mag-isa sa tuwing natatakot siya… Naiisip ko pa lang na wala siyang ibang magawa kundi manakit at pumatay ng tao na iniiyakan at pinagdurusahan niya pagkatapos… na kailangan niyang magpanggap at gumawa ng mga bagay na hindi niya gusto… na kailangan niyang ipa-kontrol ang buong buhay niya sa tatay niyang demonyo… na kailangan niyang magdusa sa bagay na hindi naman dapat niya pinagdadaanan… Sobrang nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko ang mga ’yon, ate… S-si Aivan… buong buhay niya hirap na hirap siya… n-na tipong kahit nandito ako sa buhay niya… mas pinili niya pa ring mamatay…”

Napatakip ako sa bibig ko at tuluyang napahagulgol ng iyak. Hindi ko na alam kung kailan ba ako magsasawa kakaiyak.

Paulit-ulit kong hinihiling na sana ay napagbigyan ako na makasama pa si Aivan… Hindi ko alam kung magagawa ko siyang iligtas… o kung magagawa kong baguhin ang isip niya… kung magiging daan ako para kahit papaano, gustuhin niya ang buhay.

“Cheryl…”

Natigilan ako nang isang araw bisitahin ako ni Soren. May ibinigay siya sa akin na makapal na notebook… na sa tingin ko ay luma na.

“That’s Aivan’s notebook…”

Natigilan ako sa sinabi niya. Napalunok ako at napahawak nang mahigpit sa notebook na para bang wala na ’kong balak na bitiwan ’yon habang buhay.

Nang makaalis na si Soren, hindi ako nag-aksaya ng oras at agad na binasa ang nakasulat sa loob.

Natatakot ako kay Papa. Gusto ko nang umalis. Gusto ko na ang Mama ko pero hindi pwede. Ayokong mamatay ang Mama ko. Titiisin ko kahit na natatakot ako.


Gusto ni Papa na manakit ako ng tao at ng mga hayop… Ayaw yun ni Mama. Hindi ganon ang tinuro sakin ni Mama. Takot na takot na talaga ako. Gusto ko na umuwi kay Mama.

Natagpuan ko na lang din ang sarili ko na lumuluha habang binabasa ang mga sinulat niya roon. Kitang kita na tila bata pa ang nagsusulat doon… may mga bakas din ng patay ng luha sa mga salitang nakasulat doon.

Hindi ko magawang isipin kung paano natiis ni Aivan ang lahat ng ’yon sa murang edad… Hindi ko magawang isipin… Hindi ko rin alam kung kakayanin ko.

Sobrang hirap na. Ayoko na ng ginagawa ko. Hindi ko gusto ang lahat ng ito. Hindi ko na alam kung paano ko haharapin si Mama kapag nalaman niya. Nakokonsensya na ako.


Maraming gusto si Papa. Gusto niya na maging katulad ko siya. Gusto niya rin ako na maging masamang tao katulad niya. Natatakot ako… Paano kung tuluyan na talaga akong maging masamang tao? Paano kung maging masama talaga ako katulad ni Papa?


Akala ko masasanay rin ako kapag nagtagal… pero palagi pa rin akong umiiyak sa tuwing may sinasaktan ako… sa tuwing may pinapatay ako. Hindi na kinakaya ng puso ko ang konsensya na nararamdaman ko. Gusto ko nang matapos ang lahat ng ’to.

Habang tumatagal, mas bumibigat ang mga nakasulat sa notebook niya… mas lalong humihirap basahin… mas lalong sumasakit.

I just want this to end. I just want to die… but I don’t know what he’ll do to my mother once I end my own life. I couldn’t risk my mother’s safety just for my own. I’ll just hope that all of this will end one day.


I don’t want to do this. I don’t want to hurt Cristina and her child. I don’t know what to do anymore. I don’t know anymore.


I find it so hard and agonizing to treat patients during the day, but kill people during the night. It’s been years. Dapat sanay na ako… pero hindi ko pa rin kaya. Killing people is still agonizing as before… I want to save them. I want them to live… but I’m a coward. I couldn’t do that.


When I discovered that my mother was already dead a long time ago… My mind went blank for a moment. And when he told me that he’s aware that I’m not a psychopath all this time made it more painful. He just played with me… I killed all those people not to save my mother but to his enjoyment. I was just as bad as him. Maybe… worse.

Napatakip ako sa bibig ko at napapikit nang mariin… Tila hindi kinakaya ng puso ko ang mga nakasulat doon. Sigurado ako na sobrang bigat ng lahat para sa kaniya. Bakit nangyari sa kaniya ang lahat ng ’yon? Sobrang bigat… sobrang sakit.

Whenever I’m with Cheryl, I often forget what kind of life I had lived for the past years. Her presence alone can make me forget that I was Aranjo Vallente’s shadow. With her around, it feels like I’m free to be me… to be just Aivan… my mother’s Aivan, not my father’s. Cooking delicious food for her, watching her dance and jump when she’s excited, watching movies with her, reading a book with her, spending time with her… all of those are the best moments of my life.

Despite the tragic and agonizing life that I’ve led… Cheryl showed me something beautiful… something that can make me smile… She was the only best thing that happened to me. She’s the only one who made me feel almost all the positive and happy emotions. She made me dream all of the impossible dreams.

I want a simple life with her. That’s my dream.

Napayakap ako sa notebook ni Aivan habang humahagulgol ng iyak. Agad na pumasok ng silid ko si ate at nag-aalalang lumapit sa akin.

“Cheryl… Ano’ng nangyayari? Bakit ka umiiyak?” tanong niya saka humawak sa pisngi ko.

Umiling ako habang patuloy na umiiyak. Yumakap sa akin si ate at hinaplos ang likod ko. Humigpit ang hawak ko sa notebook… Ito na lang ang magsisilbing alaala ni Aivan sa akin…

“Cheryl… Please, l-lumaban ka… May anak ka pa. M-may anak kayo ni Aivan. Lumaban ka. Nandito ako, kaming mga kapatid mo. Hindi kita iiwan at pababayaan. Kaya labanan mo, Cheryl… Para sa’yo at sa anak mo. Kayanin mo… Pakiusap, Cheryl…” sabi ni ate habang patuloy na hinahaplos ang likod ko.

Natigilan ako at napahawak sa tiyan ko… Napapikit ako nang mariin at mas lalong napaluha… Tama… May anak kami ni Aivan.

Kailangan pa ako ng anak namin. Kahit na gaanong kasakit para sa akin… pipilitin kong lumaban para sa anak namin.

ILANG LINGGO rin akong nanatili sa ospital bago ako nakalabas.

Pinipilit kong maging okay… pero hanggang ngayon, wala pa ring gabi na hindi ko iniiyakan si Aivan. Gabi gabi ko pa ring hinihiling na sana nasa tabi ko na lang siya… na sana kasama ko pa rin siya.

“Cheryl… sigurado ka bang kaya mo mag-isa?” nag-aalalang tanong ni ate saka hinaplos ang pisngi ko.

Tipid na ngumiti ako at tumango. “Kaya ko na, ate. Salamat…”

Napabuntonghininga na lang siya at hinayaan akong umalis.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na nagpunta sa lugar kung saan nakalibing si Aivan… Mabigat ang loob ko na magpunta sa lugar na iyon… dahil patunay lang ’yon na talagang wala na siya sa akin… na hindi na siya babalik sa akin kahit na gaano katagal akong maghintay.

Tipid na napangiti na lang ako habang nakatingin sa lapida niya. Umupo ako malapit doon saka inilapag ang bulaklak.

Marahan kong hinaplos ang pangalan niya na nakaukit sa lapida.

Aivan Vallente

Sana sa susunod niyang buhay… mapagbigyan siyang maging masaya at mamuhay ng normal. Sana maging malaya siya… malayang mamuhay sa paraan na gusto niya… at malayang magmahal.

Bahagyang ngumiti ako kasabay ng pag-alpas ng luha sa mga mata ko.

“I hope God won’t be too cruel on you again in your next life.”

CHAPTER XX (LAST)

Sa mga nakalipas na taon, masasabi kong napalaki ko nang ayos anak namin ni Aivan… si Aiden Chavis Miranda.

Lumaki siyang mabait at matalino. Kahit wala na si Aivan, palagi kong sinisiguro na natatanggap niya ang sapat na pagmamahal mula sa’kin, pati na rin sa mga kapatid ko.

“Mama… Look at my old toys. All of them still work well, but I don’t use them anymore.”

Natigilan ako sa pagbibilang ng kinita ko sa restaurant at nilingon si Aiden. May dala siyang malaking box na puro laruan niya ang laman. Agad naman akong tumayo at lumapit sa kaniya para tulungan siya sa pagbitbit.

“Bakit dala mo ang mga laruan mo, ’nak?” tanong ko.

Ngumiti siya sa’kin nang matamis. “Mama, pwede po ba i-donate ko na lang po ang mga ’to? Sa mga bata po sa orphanage?” inosenteng tanong niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Hinaplos ko ang malambot niyang buhok saka lumuhod para pupugin ng halik ang buong mukha niya. Panay naman ang hagikhik niya sa ginagawa ko.

“Ang bait naman ng baby boy ko na ’yan. Kaya proud na proud ako sa’yo, e.” Marahan kong pinisil ang magkabilang pisngi niya.

Napatitig ako sa anak ko… Kamukhang kamukha niya si Aivan. Minsan napapaisip ako na siguro, kung nabuhay ng normal si Aivan… ganito rin siya, katulad ni Aiden.

Walong taon lang si Aiden, pero talagang matalino ito at disiplinado na. Kung minsan pakiramdam ko mas matured pa siya sa akin. Hilig na hilig niya rin na mag-donate ng meron siya sa mga bata sa orphanage. Palagi kasi siyang isinasama roon ni Ate Cristina tuwing Linggo.

“Cheryl… Sigurado ka ba na hinid ka na magtatrabaho ulit sa ospital?” tanong ni Ate habang sinusuklayan ang buhok ng anak niya na si Zav.

Alam kong nanghihinayang pa rin sila na hindi na ako bumalik sa pagtatrabaho sa ospital. Hindi ko naman sila masisi. Hindi rin biro ang pinagdaanan ko sa pag-aaral ng nursing noon. Pero desidido talaga ako.

Nagpatayo ako ng restaurant five years ago. Pinangalanan ko ’yong Aivan & Aiden . Nag-aral ako ng pagluluto bago ko pa man ipanganak si Aiden. Aaminin ko na hindi ko pinangarap ang ganito noon, pero ngayon… alam kong mahal ko ngayon ang ginagawa ko.

Pangarap din ito ni Aivan… Ang makapagluto, ang simpleng buhay… simpleng pamilya.

Oo… noong una, ginawa ko ang ganito dahil kay Aivan. Pero habang tumatagal, natutuwa ako sa ginagawa ko, hindi lang dahil sa pangarap ito ni Aivan.

“Masaya ako sa ginagawa ko, ate. Sapat din naman ang kinikita ko para sa amin ni Aiden, sobra sobra pa nga.” Tumingin ako kay Aiden na abala sa paglalaro ng lego.

Maayos din kasing kumikita ang restaurant ko. Sa katunayan nga niyan, plano ko nang magpatayo ng branch sa ibang lugar dahil in demand talaga at dinadayo pa ng mga taga-malayo. Na-feature kasi ng sikat na vlogger ang restaurant ko at lumabas na rin sa TV.

“Mama… Dadalawin po natin ang Papa ko?” tanong ni Aiden habang nilalagay sa basket ang mga pagkain na hinanda ko.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. “Oo, anak. Marami ulit tayong iku-kwento sa kaniya. Ikaw rin, siguradong marami kang kwento sa Papa mo. Excited ka na ba?”

“Opo, Mama!” tila tuwang tuwa na sabi niya saka yumakap pa sa baywang ko.

Marami naman akong naikwento kay Aiden tungkol sa Papa niya. Hindi ko na lang isinama ang mga bagay na hindi niya pa pwedeng malaman. Buong akala niya, namuhay lang kami ng normal ni Aivan… nagmahalan sa normal na paraan… Buong akala niya, namatay si Aivan sa normal na paraan.

Nakokonsensya man ako na magsinungaling sa anak ko sa bagay na ’yon, wala rin akong magawa. Hindi pa siya handang malaman ang tungkol doon. Masyado pa siyang bata para doon.

“Hello po, Papa…”

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan si Aiden na abala sa pagkukwento sa puntod ni Aivan, kagaya ng palagi niyang ginagawa. Naikwento niya rin ang ginawa niyang pag-donate ng mga laruan, pati na rin ang mga bagong kaibigan nakilala niya sa school.

Marahan kong hinaplos ang pangalan niya na nakaukit sa lapida. Ilang taon na ang nakalipas… hindi ko nagawang magmahal ng iba sa mga nakalipas na taon. Hindi ko alam kung dahil ba ’yon sa gusto kong mag-focus lang kay Aiden… o sadyang wala lang talaga akong magawang mahalin na iba maliban sa kaniya.

Marami naman ang nanligaw at sumubok na pumasok sa buhay ko. Mabait ang karamihan sa kanila at tanggap naman si Aiden, pero hindi ko alam kung bakit hindi sila matanggap ng puso ko… dahil siguro hindi naman sila si Aivan.

“Mama…”

Natigilan ako nang biglang pumasok si Aiden sa kwarto ko saka umupo sa tabi ko. Ngumiti naman ako at agad siyang niyakap at humalik sa sentido niya. Yumakap din siya sa akin saka tumitig sa mukha ko.

“Mama… Yung Papa ng classmate ko, may crush daw po sa’yo,” biglang sinabi niya. “Don’t worry, he’s a single Dad po.”

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. “Bakit mo naman biglang nasabi ’yan, anak? Alam mo namang wala akong plano sa mga ganyan ganyan… Ikaw lang ang priority ko… saka si Papa mo lang ang mamahalin ko.”

Napanguso siya. “Baka po nasasabi niyo lang po ’yan dahil po sa’kin. Baka ayaw niyo po maging happy at magkaroon ng boyfriend dahil po sa iisipin ko.”

“Anak… Wala talaga sa isip ko ang mga ganoon. Hindi na ako magbo-boyfriend.”

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. “’Wag po kayong magsalita ng tapos, Mama.”

Natawa na lang ako sa mga salitang nalalaman niya. Pakiramdam ko talaga nakikipag-usap ako sa ka-edad ko lang.

“Ikaw talaga, anak.” Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya at pinanggigilan ’yon.

Mas lalo siyang ngumuso. “Kapag may nakilala po kayong pogi, baka po maging crush niyo.”

Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. “Ganoon ba ang tingin mo sa’kin? Bibigay sa pogi?” nakataas-kilay na tanong ko.

Nagsimula akong kilitiin siya. Panay naman ang tawa at piglas niya sa pagkiliti ko.

Hindi ko maiwasang mapaisip. Ngayon lang in-open sa akin ni Aiden ang bagay na ’to. Siguro bothered siya sa katotohanan na hindi ko sinubok na magboyfriend o makipag-date man lang.

Napatitig ako sa picture ni Aivan sa kwarto ko. Ngumiti ako saka marahang hinaplos ang mukha niya roon.

“Dapat magpasalamat ka sa’kin. Akala mo ba… sobrang loyal ko sa’yo,” bulong ko.

Naramdaman ko na lang na nanlalabo ang paningin ko… at namumuo ang luha sa mga mata ko.

Sa mahigit walong taon na nakalipas… akala ng karamihan, ayos na sa akin… Akala nila hindi ko na gaanong naiisip si Aivan. Akala nila tanggap ko na ang nangyari sa kaniya… ang nangyari sa amin.

Pero gabi-gabi ko pa rin siyang iniiyakan. Gabi-gabi ko pa rin siyang naiisip. Palagi pa rin siya sa isip at puso ko… Hindi siya nawala kahit saglit.

“Ano ba’ng gayuma ang ginamit mo sa’kin, hmm?” Napangiti ako. “Bakit mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon? Ano ba’ng ginawa mo sa’kin?”

Napapikit na lang ako nang mariin kasabay nang sunod-sunod na pagtakas ng mga luha mula sa mga mata ko. Humiga ako sa kama habang yakap ang picture niya. Pinilit kong pigilin ang mga hikbi ko at umiyak nang tahimik… kagaya ng palagi kong ginagawa tuwing gabi… sa tuwing nangungulila ako sa kaniya.

NAGING MAS ABALA ako ng mga nagdaang araw dahil may nagpa-reserve ng gaganaping party sa malaking hotel, at restaurant namin ang magluluto at maghahanda.

“Ms. Miranda… You didn’t disappoint me with the food you prepared for us today.”

Napangiti na lang ako sa sinabi ng CEO ng kompanya. Makakabuti sa restaurant ko ang review at feedback niya sa mga niluto ko dahil ma-impluwensya siyang tao, lalo na sa mga mayayaman din.

Nang matapos ang party, tinulungan kami ng mga staff ng hotel sa pag-asikaso. Napabuga ako ng hangin at pinaypayan ang sarili ko gamit ang mga kamay ko. Malamig naman dito sa hotel, pero parang naiinitan pa rin ako sa dami naming ginawa ngayong araw.

Natigilan ako nang mapansin na may nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko at napatingin sa isang table. May lalaking nakaupo roon kasama ng iba pang nagtatrabaho sa kompanya. Medyo nag-stand out siya sa akin dahil siguro mas matangkad siya kaysa sa iba niyang kasama… at gwapo rin ito.

Ngumiti siya sa akin. Napakunot lalo ang noo ko… Bakit naman ako nginingitian ng isang ’yon?

Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na siya pinansin pa. Ewan ko ba roon… Baka type lang ako. Gwapo siya, oo… pero wala talaga akong balak na pumatol kahit kanino.

Nang matapos na kami, ipinasok na namin sa van ang mga utensils namin. Natigilan ako at napahawak sa bulsa ko nang mapansin na wala ang panyo ko.

Naiwan ko ba sa loob?

“Miss!”

Natigilan ako at napalingon sa tumawag sa akin. Napasinghap na lang ako nang mapansin na siya ang lalaking nakatitig sa akin kanina.

“Miss… Is this yours? I saw you holding this earlier…” sabi niya saka iniabot sa akin ang panyo ko.

Tipid na ngumiti ako saka kinuha ’yon mula sa kaniya. “Salamat, Sir…”

Napatingin na lang ako sa kaniya. Mas matangkad at mas guwapo siya sa malapitan.

Napahawak na lang ako sa batok ko dahil hindi pa rin siya umaalis at nakatingin lang sa akin.

“Uhm… may sasabihin ka pa, Sir?” tanong ko.

Tila natigilan naman siya at napahawak sa gilid ng leeg niya. “Oh… all the food that you cooked tastes great… And uhm… I’m Ryker Silas. I work as the senior manager of the hardware company… that uhm… hired you for this event,” tila kinakabahang sabi niya.

Tumango ako. “Okay. Salamat sa feedback,” sabi ko na lang at akmang aalis na pero humawak siya sa braso ko. Nagtatakang napatingin ako sa kaniya.

“Uhm… Can I know your name?” tanong pa niya.

“Cheryl… Cheryl Miranda,” sabi ko na lang saka pasimpleng inalis ang pagkakahawak niya sa akin.

“Oh… Can I have your number?” Tumikhim siya. “Incase lang na… baka kailanganin ko ng magluluto para sa next event namin…” dagdag pa niya.

Napailing ako sa ginagawa niya… Kung buhay pa si Aivan at nandito ngayon, malamang kanina pa patay ang lalaking ’to.

Kinuha ko na lang ang calling card ko at inabot sa kaniya. Napangiti naman siya at agad na kinuha ’yon.

“May kailangan ka pa ba, Sir?” tanong ko pa. Gusto ko na rin kasing umuwi.

Napalunok siya saka tumingin sa panyo ko. “Uhm… I saw a name embroidered on your handkerchief. Is he… your boyfriend… or husband?”

Napatingin ako sa panyo ko… nakaburda ang buong pangalan ni Aivan doon.

Tumingin ako kay Ryker saka tipid na ngumiti. “Asawa ko siya.”

Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya dahil sa naging sagot ko. Hindi na ’ko nag-aksaya ng oras at agad siyang iniwan doon saka sumakay sa van.

Napabuga ako ng hangin saka hinaplos ang pangalan ni Aivan na nasa panyo ko…

Kahit ilang lalaki pa ang sumubok na pumasok sa buhay ko… si Aivan lang ang mamahalin ko. Siya lang sa buhay ko. Siya lang… wala nang iba.

Pero natigilan na lang ako kinabukasan… dahil sumulpot ang Ryker na ’yon sa restaurant ko.

Ngumiti siya sa akin. Pinagtitinginan siya ng mga staff ko, pati na rin ng mga customer. Masyadong agaw-pansin ang kagwapuhan nito. Dagdag pa na matangkad din.

Napakunot ang noo ko saka humawak sa batok ko. “Sir? May kailangan kayo?” tanong ko na lang.

Mas lalo siyang ngumiti sa akin. “I just went here to eat breakfast… but based on what I’ve heard just now… you have no husband or boyfriend.”

Napabuga ako ng hangin habang nakatitig sa kaniya… Iba ang nakikita ko sa lalaking ’to. Mukhang makulit at mapilit.

Mukhang mahihirapan akong itaboy ang isang ’to.

BOOK 2

Selfless Love: Cheryl Miranda 

Cheryl Miranda promised to herself that she would only love Aivan and no one else. She promised to herself that she would just focus on herself and her child with Aivan and would not love again. But when a stubborn man, Ryker Silas, came into her life, she started to forget everything that she promised to herself.

She never wanted to fall in love again, but she couldn’t stop herself when it comes to Ryker. For her, it was all wrong. Her selfless love was only for Aivan… or so she thought. 

  ![](https://img.wattpad.com/db030a4668cfd647f3d2f585c42ad7d07c7660f5/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4a7a5275526259515f4d7a4d67513d3d2d313336343135363931392e313737333431353734363537326536353736323435383735353037332e706e67)

NOTE

Hi, I just want to inform those who have no idea… Selfless Love: Cheryl Miranda, the 2nd book of this story is only available in our VIP Group, and it won’t be posted here on wattpad. 

For those who want to avail, just message this facebook page: Elies Premium Ticket Booth. 

  ![](https://img.wattpad.com/4d3269bceb0f9d898c9d7cec365cb5450123899f/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f646c686e70724c41395a417a64673d3d2d313432313538393530322e313762323563383966346437336134393438323032343731343638382e6a7067)

Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.