Finding The Value Of Ex (Para sa mga Ayaw Mag-move On)
vincentmanrique · 5 chapters · 5,327 words
Finding the Value of Ex
Para kay Jeffrey Reyes, si Hazel De Dios ang nag-iisang babae para sa kanya. Wala na siyang balak na maghanap ng iba pa. Kaya naman sobrang sakit ang naramdaman niya nang mag-break sila dahil na rin sa kagagawan ng babae.
Ngunit ang puso ni Jeffrey ay ayaw namang tumibok para sa iba. Tanging si Hazel pa rin ang hinahanap nito at wala nang iba pa.
Sa gitna ng kalungkutan ng pagiging isang brokenhearted, inisa-isa ni Jeffrey ang mga magagandang katangian ni Hazel bilang kasintahan.
Sapat na ba ang mga katangiang iyon para balikan niya ang isang babaing nanloko sa kanya sa kabila ng pagmamahal niya rito?
Sundan natin ang kanilang kasaysayan!
Thanks to Shai_
raaa for the very beautiful book cover.
It’s Over
I DON’T KNOW what happened. Akala ko, napaka-perfect na ng ating relasyon. I thought we will be together for life. We had our dreams. We built those dreams together. Who would ever thought that in just one tick of the clock, everything will be shattered into pieces of unfulfilled promises? Ano ba ang ginawa ko? Ano ang nagawa ko na hindi mo nagustuhan? Bakit hindi ka nagsabi na may nagagawa na pala akong ayaw mo? Sana nagawan ko pa ng paraan. I can always adjust for you. Kahit ano, puwede nating pag-usapan at ayusin kung kinakailangan. Basta huwag lang tayong umabot sa ganito.
Kaso, tapos na.
Wala na.
Huli na.
It’s over! And I can’t do anything about it.
Iniiwasan mo na ako. Pinagtataguan. Pati social media accounts mo, deactivated na. Ganoon ba kalaki ang galit mo sa akin na mas ninais mo pang mawalan ka ng access sa social media kaysa magkaroon ako ng access sa’yo? Sa buhay mo?
Hindi ba dapat ako ang mas magalit sa’yo dahil ikaw naman ang gumawa ng dahilan para magkahiwalay tayo? Ang sakit ng ginawa mo. Wala akong kaalam-alam. Bigla na lang sumabog sa mukha ko ang katotohanang hindi ka na pala sa akin. Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na ipinakita at ilinadama ko sa’yo? Kung nagkulang ako, sana sinabi mo.
Pero hindi mo iyon ginawa. Hindi ka man lang nag-effort para maayos ang nabubuong gusot na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ba talaga iyon. Bakit kasi hindi ka nagsalita? Bakit hindi mo ako sinumbatan? Ang daming bakit na gusto kong masagot pero hindi ko alam kung paano. Ikaw lang naman kasi ang nakakaalam ng sagot sa mga tanong ko.
Kung tatanungin mo ako, wala akong masasabing hindi maganda tungkol sa’yo. Nakita ko lahat sa’yo ang katangiang hinahanap ko para sa isang perfect girlfriend. Iyon ang buong akala ko! Hanggang sa mangyari ang nangyari kahapon…
“
Haze
,
hindi
ka
ba
pumasok
?
Galing
ako
sa
room
n’yo
but
I
didn’t
see
you
there
.
Alalang-alala
ako
sa’yo
.“
Hinintay
kong
sumagot
ang
kausap
ko
sa
telepono
.
“
Hindi
,
eh
.
Nandito
ako
sa
apartment.
Dumating
kasi
ang
mama
ko
from
the
province
,
bumisita
lang
kaya
hindi
na
muna
ako
pumasok
.
Na-miss
ko
si
mama
,
eh
.
“
“
Puwede
ba
kitang
puntahan
diyan
ngayon
?
Para
makilala
ko
na
rin
ang
mama
mo
,“
Na-wish
ko
bigla
na
sana
pumayag
siyang
pumunta
ako
sa
tinitirhan
niya
.
Matagal
ko
nang
gustong
makilala
ang
parents
niya
,
mula
pa
noong
maging
girlfriend
ko
si
Haze
.
Ilang
ulit
na
nga
akong
nagbalak
na
sumama
sa
kanya
sa
probinsiya
,
hindi
lang
natutuloy
kaya
ayaw
ko
sanang
palampasin
ang
pagkakataong
ito
na
makilala
ang
ina
ng
babaeng
mahal
na
mahal
ko
.
“
Ha
?
Ah
eh
,
huwag
na
lang
muna
ngayon
.
Pagod
sa
biyahe
si
mama
.
Eto
nga
natutulog
,“
sagot
ni
Haze
na
aking
ikinalungkot
.
“
Sayang
naman
.
Kahit
mamaya
sana
pagkatapos
ng
klase
ko
.
“
“
Next
time
na
lang
,
Jeff
.“
“
Please
?“
I
tried
to
use
my
charm
.
Hoping
na
sana
mapapayag
ko
siya
. “
Kahit
saglit
lang
ako
.
Gusto
ko
lang
ma-meet
ang
mama
mo
.“
“Huwag
nang
makulit
.
You’ll
meet
my
parents
soon
.“
She
stood
firm
with
her
words
and
I
know
I
can
no
longer
convince
her
.
“
Sayang
naman
…“
That was my first call to you on that fateful day. I never expected that later on that day, I will be experiencing the worst day of my life.
“Jeff…” I heard my mom’s voice as she started knocking on my room’s door. Wala akong balak pagbuksan siya. “Jeff, hindi ka pa kumakain. Kumain ka na muna rito baka magkasakit ka.”
“Leave me alone, mom. Hindi ako gutom. Hindi pagkain ang kailangan ko. I want answers to my questions. Ano ang pagkukulang ko? Anong mali ang ginawa ko sa aming relasyon? Bakit kami umabot sa ganito?” I cried in deep sorrow. I never felt so devastated and wasted.
“Buksan mo ang pinto, anak. Mag-usap tayo. Mas gagaan ang dibdib mo kung maihihinga mo ang iyong sama ng loob.” My mom is always calm and caring. And I love her for that. Pero ayoko ng kahit sinong kausap ngayon.
“I want to be alone, mom. Just leave me alone…”
“
O
,
Jeff
bakit
napatawag
ka
ulit
?“
Parang
may
nadama
akong
kakaiba
sa
boses
ni
Hazel pero
hindi
ko
maipaliwanag
kung
ano
.
“
Baka
gising
na
ang
mama
mo
,
Haze
.
Baka
puwede
na
akong
pumunta
riyan
to
meet
her
.“ Ganito talaga
ako
kakulit
kapag
may
gusto.
At
kung
kelan
pinagbabawalan
,
mas
lalo
kong
ini-insist
ang
gusto
ko
.
“Jeff, uhm ano kasi… Ah, tulog pa siya. Sobrang napagod talaga sa biyahe.
“
“
Ganoon
ba
?“
Ewan
ko
pero
bakit
pakiramdam
ko
ay
may
itinatago
ka
?
Parang
may
kakaiba
talaga. I just can’t tell kung ano, pero parang may mali.
“You’re wasting your life. Ano bang mapapala mo kung magmumukmok ka riyan? Mawawala ba ang problema mo kung gugutumin mo ang sarili mo? Anak, be matured enough in handling your problems. Huwag mong gawing miserable ang buhay mo dahil lang sa isang babae,” payo ng aking ina.
“Sorry, mom. Just leave me alone for now. Gusto kong mapag-isa.”
I tried to call you for the third time. But this time, hindi para humingi ng permiso mo para makapunta ako riyan.
Pero hindi mo na sinagot ang tawag ko. But still, I decided to go. Nag-text na lang ako sa’yo para alam mong papunta na ako.
Kakatok sana ako pagdating sa apartment na tinitirhan mo, pero nagulat ako na bukas ang pinto kaya pumasok na ako. Anyway, madalas ko namang ginagawa na pumasok dito basta alam kong andoon ka sa loob.
“Haze…” Tinawag kita habang papasok ako. Baka nasa kusina ka at naghahanda ng kung ano mang makakain. “Haze andito na ako…”
Wala bang tao? Lumabas ba kayo ng mama mo?
Sinubukan kong pumunta sa kuwarto mo. Nakasara iyon pero hindi rin naman naka-lock ang pinto.
Binuksan ko ang pinto at saka sumilip sa loob. “Haze…”
Parang dumagan sa akin ang buong mundo sa nakita ko. Nakahiga ka sa kama katabi ang isang lalaki at natatakpan ng kumot hanggang dibdib ang tila hubad ninyong mga katawan.
Hindi ko mapaniwalaan ang aking nakita. Sa itsura ninyo ay tila katatapos n’yo lang gumawa ng kasalanan.
“Haze, ano ’to?” Doble ng pagkagulat ko ang nakita kong gulat na rumehistro sa mukha mo. Is this the reason why you didn’t want me to come here?
Bigla ang sulak ng dugo sa ulo ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong sugurin ang lalaking katabi mo na nagtangkang tumayo pero nahagip pa rin sa balikat ng suntok ko. Nakita kitang tumayo rin habang nagmamadali kang ipinulupot ang kumot sa katawan mo.
Pumorma ako upang muling sugurin ang lalaking tanging boxers lang ang suot.
“Huwag, Jeff!” Mabilis kang kumilos para pigilan ako. Hinarangan mo ako upang hindi ko na muling masuntok ang lalaki mo.Napakasuwerte naman niya.
“Tama na, Jeff! Huwag kang mag-eskandalo rito.” Nakita ko ang galit sa mukha mo.
“Ako pa, Haze? Ako pa ang nag-eeskandalo?” Hindi ko yata mapaniwalaan na ako pa ang parang lumalabas na may kasalanan. “Sino ba ang nahuli kong halos hubo’t-hubad na magkatabi sa kama?”
Wala akong nakitang pagsisisi sa mukha mo. Parang hindi ikaw ang babaeng nakilala at minamahal ko.“Jeff, umalis ka na. Huwag mo na kaming guluhin!”
“Ha?” napapantastikuhang sabi ko. “Ginulo ko kayo? Kelan?” sumbat ko sa kanya. “Dahil ba naistorbo ko kayo sa ginagawa n’yong pagpapaligaya sa mga sarili n’yo?”
Lumagpak sa mukha ko ang kanang palad mo. Dama ko ang init at sakit ng sampal mo pero wala nang mas sasakit pa sa nakita kong panloloko mo sa akin.
“Umalis ka na!” Hindi ko inakala na kaya mo akong ipagtabuyan. Anong nangyari sa dalawang taon nating pinagsamahan?
Hindi na ako nagsalita pa. Ayoko nang sumbatan ka pa. Masakit akong magsalita kapag galit at ayokong saktan ka.
Taas-noo akong naglakad papalabas ng apartment. Walang lingon-lingon kong nilisan ang lugar na naging saksi ng iyong panloloko sa akin. Napakasakit para sa akin na ito lang ang kahahantungan ng ating relasyon. Pero wala akong magagawa kundi pulutin sa sahig ang natitirang dignidad kong winasak mo ngayon lang.
Marahil nga ay hindi tayo para sa isa’t-isa. Masakit pero kailangan kong tanggapin. Pipilitin kong kalimutan ka. Hindi ikaw ang babaeng para sa akin. Hindi ka deserving sa pagmamahal na kaya kong ibigay.
Hindi ka magiging deserving kahit kailan.
“Aaahhh!!!” Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko para mailabas ang lahat ng sama ng loob na naipon sa dibdib ko.
“Mahal kita, Haze!!!”
Independent
“Independent woman is a woman who can stand by her own feet and walk alone when you can’t be there.”
Una kong nakita si Hazel sa isang campus rally. Napahanga niya kaagad ako sa unang tingin pa lang. Simpleng-simple siya sa suot niyang white t-shirt at fitted maong pants ngunit aaminin kong ang lakas ng kanyang dating. Nakadagdag siguro sa kanyang appeal iyong pagiging aktibo niya sa ganitong uri ng pagtitipon. Ewan ko, pero bilib na bilib ako sa babaing nakikipaglaban para sa kapakanan ng iba. Tulad ngayon, nagra-rally sila para ibalik sa serbisyo si Mang Danilo, ang school janitor na mahigit dalawampung taon nang naglilingkod dito sa eskuwelahan pero bigla na lang tinanggal sa trabaho dahil lang nabasag nito ang side mirror ng kotse ng isang estudyante na anak ng isa mga miyembro ng board of school directors. Ang ama pa mismo ng estudyante ang sumibak sa trabaho sa kawawang janitor.
Nagulat ako ng umakyat siya sa stage at hinawakan ang mikropono at buo ang tinig na nagsalita sa harap ng mga estudyante.
“Mga kapwa ko mag-aaral! Anong klaseng pamantasan meron tayo? Isang pamantasan na walang pakialam sa kanyang mga empleyado. Isang pamantasang sabik sa power tripping ng mga taong nagpapatakbo rito. Isang pamantasan na hindi nag-iisip at walang puso sa maliliit nitong empleyado na buong buhay na ang ginugol dito pero tinanggal na lang nang wala man lang due process. Ipaglaban ang karapatan ng mga maliliit! Ipaglaban ang karapatan ni Mang Danilo!” sigaw niya habang nakakuyom ang kaliwang kamao sabay itatas ito sa bawat bigkas niya ng mga salita para ipaglaban ang karapatan ng tinanggal na janitor.
Naghiyawan ang mga estudyanteng kasama sa rally. Buong puwersa silang sumasang-ayon sa mga binitiwang salita ni Hazel… si Hazel De Dios.
Mas lalo akong humanga kay Hazel nang malaman kong first year college pa lang siya sa kursong AB Political Science. Hindi na ako nagtaka na ganoon siya kaaktibo sa rally. Course pa lang niya, alam mo nang palaban at hindi basta-basta magpapatalo.
Ako naman ay second year college pa lang noon sa kursong Business Administration major in Management. Simpleng estudyante lang ako. Maliban sa iilang club na sinalihan ko ay wala na akong ibang school activities. Mas pinagtutuunan ko ng pansin ang academics. Dahil marami pa akong plano after graduation from college. Hindi sa kolehiyo magtatapos ang pag-aaral ko. Kukuha pa ako ng masters degree. Pero sa ngayon, hindi ko itatanggi na nakuha ni Hazel De Dios ang buong atensyon ko.
Nakakuha ako ng tiyempo na makilala siya nang makasabay ko siya sa canteen. Nauna ako sa pila, kasunod ko siya.
“Isang lasagna at iced tea,” sabi ko sa sales crew.
“Miss, ano sa’yo?” narinig kong tanong sa kanya ng isa pang sales crew.
“Pineapple juice at isang order ng lasagna,” sabi ni Hazel.
“Naku, miss last order na iyong kay sir. Wala nang lasagna,” malungkot ang mukhang sabi ng crew.
Napatingin ako kay Hazel. Nakita ko sa mukha niya ang pagkadismaya, pero hindi pa rin nawawala ang natural niyang ganda.
“Miss,” sabi ko sa kanya. “Kung gusto mo, sa’yo na lang iyong order ko. Oorder na lang ako ng iba.”
Umiling si Hazel. “Hindi, huwag na. Ako na lang ang oorder ng iba.”
“I insist. Ayan o, mukhang gustong-gusto mo talaga ng lasagna. Kaya huwag ka nang tumanggi,” sabi ko sa tonong hindi talaga papayag na tanggihan niya. “Hindi ko pa naman nababawasan ’yan.”
Napangiti si Hazel at hindi iyon nakaligtas sa paningin ko.
“Kung mapilit ka ba, eh. Sige, akin na lang ang lasagna mo. Anong oorderin mo? Ako na lang ang oorder ng kakainin mo, then palit na lang tayo,” Hazel remained smiling I noticed the dimples on her cheeks.
“Goto na lang sa akin.”
“Miss, goto at pineaple juice na lang,” sabi ni Hazel sa crew.
“Ilagay mo na lang dito sa tray ko ang order mo para ako na lang ang magdadala sa table,” suhestiyon ko.
“No, kaya ko na ito. Hintayin mo na lang ako sa table.”
“Okay, sabi mo eh,” sabi ko habang marahang tumatango. Nauna na akong nagtungo sa table pagkatapos kong bayaran ang pagkaing inorder ko. Hindi naman nagtagal at heto na rin si Hazel, dala ang tray na may goto at pineapple juice.
Napansin kong likas sa kanya ang pagiging palangiti na lalong nagpapatingkad sa ganda niya.
“Heto na ang goto mo.”
“At heto naman ang lasagna mo.” Inilipat ko sa tapat niya ang plato ng lasagna.
“Kain na tayo,” yaya niya.
“Kakain ba tayo nang hindi pa magkakilala?” tanong ko.
“Well…” tila nag-aalangan niyang sabi. Oo nga naman, asiwa kung siya pa ang unang magbibigay ng pangalan.
“Ako si Jeffrey Reyes,” pagpapakilala ko sabay abot ng kanang kamay sa kanya.
Hindi siya nag-alinlangan na abutin ang kamay ko. “Hazel… Hazel De Dios.”
“Pwede na tayong kumain.”
Narinig ko ang impit niyang pagtawa. Bakit ba ang sarap sa pandinig ko ng tawang iyon?
“Yeah, puwede na.”
Habang kumakain ay nag-uusap kami na para bang matagal na kaming magkakilala.
“Ano na ang balita kay Mang Danilo?” Iyon ang naisipan kong itanong para mag-umpisa ng pag-uusapan.
“May meeting kami sa board of school directors. Pumayag na silang makipag-usap sa amin. Pero hindi pa rin kami titigil sa ginagawa naming rally,” kuwento pa niya.
“Hindi ba naaapektuhan ang pag-aaral mo sa ginagawa mong pagsali sa rally?”
Sumubo muna siya ng lasagna at nginuya ito bago sumagot, “Aanhin mo ang matututunan sa loob ng klase kung mananatili kang mangmang sa kawalang hustisya na nagaganap sa paligid mo?”
Muntik ko nang mailuwa ang pagkaing nasa bibig ko. Pahiya ako roon, ah. Simple kung bumanat ang babaeng ito, pero sapul ang tatamaan.
“Kung sabagay, may punto ka naman doon. Pero ang inaalala ko—”
“Hindi mo ako dapat alalahanin. Kaya ko ang sarili ko. Kung ano mang gusot ang pasukin ko, I’ll make sure na kaya kong lusutan.” Itinuloy niya ang pagkain ng lasagna.
Napatitig ako kay Hazel. Ang sarap niyang panoorin habang abala sa pagkain. Ayun tuloy, tapos na siyang kumain pero ako ay hindi pa.
“Matagal ka pa ba?” sabi niya habang tinitingnan ang oras sa relong pambisig.
“Sandali na lang ’to. Bakit?”
“Puwede bang mauna na ako sa’yo. May gagawin pa kasi ako sa bahay.”
“Hintayin mo na ako, ihahatid na kita.”
“Ihahatid? Eh, hindi mo nga alam kung saan ako nakatira,” pambubuska niya sa akin.
“Ituturo mo naman, ’di ba?” Sinabayan ko iyon ng isang pamatay na ngiti.
Napahalakhak si Hazel. Iyong halakhak na sakto lang ang lakas.
“Does it mean payag ka nang ihatid kita?”
“Bakit mo muna ako ihahatid?”
“Para alam ko ang bahay mo. Para alam ko kung saan ako aakyat ng ligaw.”
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Hazel. Ang kanina’y masayang mukha ay naging seryoso.
“Hindi ka na nakapagsalita. Bawal ba kitang ligawan?” tanong ko
“Ahm, h-hindi naman.”
“Puwede naman pala, eh.” Hindi ko na inubos ang laman ng plato. Nilagok ko ang iced tea at agad na tumayo. “Tara na, para hindi tayo gabihin.”
PAGKALIPAS NG dalawang buwan ay sinagot ako ni Hazel. Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa oras na iyon. Sa sobrang tuwa ko ay halos ipagsigawan ko sa loob ng campus na sinagot na niya ako. Kung hindi pa nagpalakpakan ang mga taong nakarinig sa sinabi ko ay hindi pa ako magbabalik sa huwisyo. Nagkatawanan na lang kami ni Haze, iyon na ang naging tawag ko sa kanya mula nang maging girlfriend ko siya.
Ang saya-saya namin… Noon.
Akala ko ay wala nang katapusan ang kaligayahan. Bakit? Kasi magkasundo naman kami. Kahit paano ko man isipin ay wala talaga akong maalalang puwedeng pag-umpisahan ng gusot.
Nagsawa? Posible. Pero ewan.
Baka dahil walang issue sa aming relasyon kaya naging boring na iyon para sa kanya.
Ano nga ba talaga ang nangyari? I never heard her complain on anything. Kahit nga minsan hindi ko na siya naihahatid sa apartment kung saan siya nakatira dahil madalas na hindi na magkatugma ang aming schedule, okay lang naman sa kanya.
“Don’t worry, I can go home alone,” sabi niya sa akin habang kausap ko siya sa telepono noong minsang tinawagan ko siya para sabihing hindi ko siya maihahatid pauwi.
“Ingat ka, ha?” paalala ko sa kanya.
“Sila ang mag-ingat sa akin. Makuha sila sa tingin.”
“That’s my girl. O sige na, mag-start na ang next class ko. Bye!”
“Bye!”
Hindi kami mahilig magsabihan ng “i love you” but we know that we love each other.
That’s what I thought…
Confident
“She loves her imperfection, perfectly.”
“ANONG NANGYARI sa kaso ni Mang Danilo?” minsan ay naitanong ko kay Haze habang magkasama kami sa campus. Papauwi na kami noon at tulad ng dati ay ihahatid ko siya sa apartment na tinitirhan niya.
“Ayun, okay na. Ibinalik na siya ng board of director sa trabaho niya at binayaran pa iyong mga araw na hindi siya nakapagtrabaho dahil nga sa biglaan siyang inalis sa serbisyo,” mahabang sagot niya.
“Talaga? Ang galing n’yo naman. Natulungan n’yo ang isang kawawang empleyado ng eskuwelahan.”
“Eh, wala naman kasing ibang tutulong sa kanya. Kung hindi pa nga kami kumilos hahayaan na lang niya ang nangyari sa kanya,” malungkot na sabi ni Haze. “Hindi naman kasi maglalakas-loob na lumaban ang katulad ni Mang Danilo. Iisipin na lang niya na wala naman siyang mapapala kung lalaban pa siya. Kaya ipagpapasa-Diyos na lang niya ang mga nangyari.”
“I’m so proud of you, alam mo ba iyon?” buong pagmamalaki kong sabi kay Haze. “Nakaka-proud isipin na ang girlfriend ko ay isang babaeng malakas ang loob, alam ang gusto niya, at alam kung anong gagawin para makuha ito. Ang swerte-swerte ko sa’yo!”
“Buang!” natatawa niyang sabi. “Ginawa ko lang ang dapat kong gawin. Siguro naman kapag sa akin nangyari ang ganoon, gagawin mo rin para sa akin ang ginawa namin para kay Mang Danilo.”
“Naku, subukan lang nilang gawin sa’yo ang ganoon. Hindi lang ako magra-rally. Susunugin ko pa ang buong eskuwelahan,” sabi ko kasabay ang malakas na halakhak.
Napahalakhak din si Haze. Noon ko lang siya nakitang tumawa ng ganoon. Walang pretensyon. Puno ng kumpiyansa sa sarili. Hindi niya kailangang bumuo ng ibang persona sa harap ko dahil alam niya kung sino siya. Alam niya rin kung ano ang gusto niya. At masaya siyang ipakita sa akin ang totoong siya.
Ang ganda-ganda ni Haze. Iyong gandang hindi mo pagsasawaan. Iyong gandang alam mong hindi perpekto pero dahil confident siya sa sarili niya ay nagagawa niyang mag-stand out ihalo man siya sa maraming tao.
“O, andito na tayo,” sabi ko sa kanya pagdating namin sa apartment. “Mag-dinner ka nang maaga at matulog ka rin nang maaga. Bawasan mo ang pagpupuyat.”
“Nagpupuyat naman ako dahil sa pag-aaral, hindi dahil sa ibang bagay.”
“Kahit na. Hindi maganda na laging madaling-araw ka na natutulog. Aba, alagaan mo naman ang sarili mo,” kinokonsensya ko siya. Baka sakaling makita niyang concern ako sa kanya at sundin ang sinabi ko.
Nakita ko siyang umismid lang, pero hindi iyong ismid na nagmamaganda. “Pumasok ka muna sa bahay, makapagmeryenda.”
“Next time na lang. Kailangan ko na ring makauwi. May gagawin pa akong assignment.”
“Ganoon ba? Sige, mag-iingat ka.”
“Pumasok ka na sa loob,” sabi ko. “Para makaalis na ako.” Ganoon ako. Hindi ako umaalis sa labas ng apartment hanggang hindi ko siya nakikitang pumasok sa loob ng kanyang tinitirhan.
Pagkarating ko ng bahay ay agad kong sinimulang gawin ang assignment na ipapasa na kinabukasan. Kailangang matapos ko iyon kung hindi ay palalabasin ako ng propesor sa classroom. Ugali na ng propesor kong iyon na hindi tanggapin sa klase ang mga estudyanteng hindi gumagawa ng assignment. Ang malala pa, kapag maraming napalabas biglang magpapa-quiz kaya zero lahat ng estudyanteng hindi pinapasok sa klase. Major subject pa naman. Hindi ko pinangarap na bumagsak sa subject na ito.
Dahil naging busy na ako, hindi ko na nai-text pa si Haze noong gabing iyon. Nang matapos ang mga dapat tapusin ay natulog na ako upang kinabukasan ay maagang magising.
Sa school ko na inabangan si Haze kinabukasan. Pero almost lunch time na eh, hindi pa rin siya nagpaparamdam. Baka busy lang. Pero nang hindi pa rin siya nagrereply sa text messages ko ay sinubukan ko na lang siyang tawagan.
“Hello…” Narinig ko ang boses ni Haze. Medyo nawala ang pag-aalala ko. Sa tono ng boses niya ay mukhang everything is under control. Baka nga busy lang talaga siya kaya hindi niya nagagawang sumagot sa messages ko.
“Asan ka? Sabay ba tayong magla-lunch?” tanong ko.
“Hindi ako pumasok. Sorry, hindi ko nasabi sa’yo.”
“Bakit? Nasaan ka ba?” nag-aalala kong tanong.
“Nandito ako sa ospital, magpapa-inject ako ng anti-rabies. Nakagat ako ng pusa kanina noong papunta na ako sa school,” kaswal niyang tugon. Everything is under control nga.
“Pusa? May alaga ka bang pusa sa bahay?” Parang wala naman akong nakitang pusa sa apartment niya noong ilang beses kong pagpunta roon.
“Hindi, wala. Pusa ng kapitbahay. Papalabas na kasi ako ng pinto nang biglang pumasok sa loob. Noong pinalalabas ko, ayaw lumabas. Kaya hinawakan ko na lang. Ayun, sinakmal ako,” parang walang anuman siyang nagkuwento. Ako pa ’yung kinabahan habang dinedetalye niya ang nangyari. “Kaya imbes na pumasok sa school, eto dumiretso na lang ako sa ospital para magpaturok ng anti-rabies.”
“Eh, kumusta ka na? Aren’t you even worried?” Ako itong alalang-alala sa sinabi niya.
“Eto, I’m still waiting for my number to be called. Daming pasyente, eh. Siguro dalawang pasyente pa bago ako matawag.”
“Bakit hindi mo sinabi sa akin, sana nasamahan kita diyan sa ospital.”
“Hindi na. Para ito lang naman. Hindi naman ito grabe. Kailangan lang talagang magpa-inject kasi hindi tayo sigurado kung may rabies ba yung pusang kumagat sa akin. Mabuti na ang nag-iingat,” sabi niya. “But don’t worry, I’m perfectly okay. Baka makahabol pa ako sa afternoon class ko.”
“Saang ospital ’yan, pupuntahan kita.” Hindi talaga ako mapapanatag kung hindi ko siya makikita.
“Huwag na nga kasi. Okay lang ako. Magkita na lang tayo diyan sa school mamaya.”
“Sigurado ka?”
“Oo…” paniniguro ni Haze sa akin. “Sige na, mamaya na lang. Tinatawag na ako ng doktor.”
“Okay…” Nawala na siya sa kabilang linya. Si Haze talaga, ayaw na ayaw niyang may nag-aalala sa kanya. Lagi niyang sinasabing kaya niya. Okay lang siya. Siya na ang bahala… Haay, ano ba ang hindi kaya ng babaing ito?
NANG MAGKITA kami sa eskuwelahan ay ipinakita niya sa akin ang apat na bakas ng pangil ng pusang kumagat sa kanya.
“Sabi ko sa’yo, maliit lang ’di ba? Mas masakit pa nga ’yung injection kesa sa kagat ng pusa. At madugo ang presyo. Ang mahal! Buti na lang may pera pa ako.”
“Eh, ’di wala ka ng allowance ngayon?”
“Meron pa. Mapagkakasya ko pa ’to hanggang Sunday.”
“Kapag kinulang sabihin mo sa ’kin, ha?”
Nakangiti siyang tumango.
“Paano ’yan ’pag nagpeklat?” Inginuso ko ang kamay niyang nakagat ng pusa.
“Wala ’to. Para ito lang? Hindi ko naman ikapapangit ang konting mantsa sa balat,” kumpiyansang sabi ni Haze.
Biglang nagbago ang itsura niya at matiim na tumitig sa akin. “Bakit? Aayawan mo na ba ako ’pag nagkapeklat ako?”
“Ha?! Hindi, ah! Ba’t ko naman gagawin ’yon? Hindi naman ako ganoon kababaw. My love for you is not skin deep. It’s more than what is visible to the eye,” puno ng damdaming sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang matamis na ngiti ni Haze. Pati mga mata niya ay ngumingiti rin.
Muli ay nakumpirma ko sa sarili kong si Haze na talaga ang babaing gusto ko makasama habang buhay. Mahal ko si Haze. Mahal na mahal…
At akala ko ay mahal na mahal din niya ako.
Akala ko lang pala ang lahat…
Beautiful Inside and Out
“From the outside, she looks beautiful and attractive in her own way, her simplicity and friendliness. From the inside, she is a person who has an extraordinary and inspiring personality.”
“Kumusta na ’yong nakagat ng pusa?” tanong ko kay Haze noong huli kaming magkita pagkatapos ng klase.
“Okay na. Nothing to worry. Eto nga, halos hindi na mapansin ang pilat ng sugat,” sagot niya sa akin kasabay ang isang matamis na ngiti.
Ewan ko ba, kapag ngumingiti si Haze ay mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Ang ganda niya ay hindi nakakasawa. Siya iyong kapag tinititigan mo ay mas lalo pang gumaganda.
Hindi ba may napapansin tayong mga babae na sa unang tingin ay magagandahan agad tayo. Pero kapag tinitigan mo na ay saka mo sasabihing, ah sakto lang pala. Hindi naman pala masyadong maganda.
Pero iba si Haze. Sa unang tingin man o kahit pagtagal na, maganda pa rin siya. Oo, sasabihin ng iba na maraming mas maganda pa rin kay Haze lalo na iyong mga artista. Eh, bakit naman natin siya ikukumpara sa mga artista? Hindi naman siya pabulosa. Hindi nga siya mahilig sa mga kolorete. Maganda siya at kaakit-akit in her own little way. Si Haze ay isang simpleng babae lang. Pero ang kasimplehan niya talaga ang nagdala. Iyong kasimplehan niya ang mas nagpapatingkad sa ganda ng kanyang itsura. At kapag nakilala mo siya at naging kaibigan ay mas lalo mong makikita na hindi lang siya isang magandang babae sa panlabas na kaanyuan. She is naturally friendly kaya madali niyang makapalagayang loob ang sino man. Sa totoo lang, kahit mahilig siyang sumama sa mga rally sa school man o sa kalsada, hindi ko pa siya nakitang makipag-away kanino man. Ang ginagawa niyang pagsama sa rally ay pakikipaglaban para aa karapatan ng iba, ng mga taong maliliit na gusto nigang tulungan sa sarili niyang paraan. Nagsisilbi siyang boses ng mga nauumid at nauutal. Ng mga nahihiya at walang kakayahang ipabatid sa iba ang kanilang mga hinaing at agam-agam.
Iba talaga si Haze. Ibang-iba. Siya iyong tipo na may ekstra ordinaryo at nakaka-inspire na personalidad.
Hindi ka niya pipintasan sa iyong mga kakulangan. Instead, tuturuan ka niyang gumawa ng mga bagay para iangat ang iyong kakayahan. Dahil naniniwala siyang nilikha ng Diyos ang tao na pantay-pantay. Ang kakulangan ng isa sa isang bagay ay maaaring punan sa ibang bagay naman. Parang ganito: kung hindi ka maganda, baka naman sobrang matalino ka. Kung hindi ka magaling sa Math, baka naman magaling ka sa Arts. Tapos sasabihin ni Haze, “Nasa sa’yo na iyon kung paano mo palalabasin sa sarili mo ang nakatago mong talento. At ang mga kahinaan mo bilang tao, huwag mong hahayaang maging kahinaan mo hanggang sa pagtanda mo. Little by little, learn to improve on your weaknesses until such time when these weaknesses become your strength as well without you knowing it.”
“Tara na. Uwi na tayo,” yaya ko sa kanya. Tumango lang siya at magkasabay na kaming naglakad papunta sa iniuwian niyang apartment. Habang nasa daan ay nakasalubong kami ng isang babaeng namamalimos may kargang anak. Payat ang babae at ang anak nito na tila dalawang taong gulang lang ay napakaliit at mukhang may sakit.
Pagtapat sa amin ng babae ay huminto si Haze at nagtanong. “May sakit po ba ang baby mo?”
Sa una ay parang nag-aalangang magsalita ang babae. Pero sa huli ay sumagot din ito. “Wala po, payat lang talaga siya,” sagot ng babae.
“Saan kayo umuuwi?”
Umiling ang babae. “Wala kaming bahay. Natutulog kami kung saan abutin ng gabi. Minsan sa bangketa, minsan sa ilalim ng tulay. Minsan din sa mga overpass. Kaso kapag biglang umulan, kailangan naming lumipat ng puwesto.”
Nakita ko ang habag na rumehistro sa mukha ni Haze. Nababasa kong gusto niyang tulungan ang mag-ina.
Binuksan niya ang dalang bag at kinuha sa kanyang wallet ang isandaang piso. “Eto po, ate pambili n’yo ng pagkain. Ingatan n’yo po si baby.”
“Maramimg salamat.” Tinanggap ng babae ang pera at umalis na ito.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. “Ang bait mo naman,” sabi ko sa kanya. “Isandaan talaga?”
“Eh, magkano? Limang piso? Sampu? Beinte? Anong mabibili no’n? At least ’yung isandaan, siguradong makakabili sila ng panghapunan,” aniya.
“Pero ’di ba sabi, don’t give the man a fish. Instead, teach him how to fish.”
“Totoo naman iyon. Kaya nga lang sa itsura ni ate at ng anak niya, kailangan muna nilang kumain bago mo sila turuang magtrabaho para makakain. Nakita mo naman siguro, ’yong baby parang may sakit sa sobrang kapayatan,” argumento pa niya.
Nginitian ko si Haze. “Eh, ba’t ka affected?”
“Nakakaawa kaya sila. Kaya any help na kaya ko at puwede kong ibigay, hinding-hindi ko ipagdadamot.”
Muli akong humanga sa kakaibang ugali ni Haze. Paano mong hindi mamahalin ang babaeng ito na hindi maramot magpakita ng malasakit at pagmamahal sa kanyang kapwa?
“O, nandito na tayo,” sabi niya nang makarating kami sa apartment na tinitirhan niya. “Gusto mo bang pumasok muna?”
“Next time na lang, may gagawin pa akong research work.”
“Ikaw ang bahala.” Nagkibit-balikat siya. “Salamat sa paghahatid sa akin.”
Hinintay ko lang na makapasok siya sa loob ng apartment bago ako tumawid sa kabilang kalye para sumakay ng jeep. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ko si Haze at ang magaganda niyang katangian na mas lalong nagtutulak sa akin para siya’y mahalin. Napakasuwerte ko. Iilan na lang ang mga tao ngayon na maganda na sa panlabas na anyo ay maganda rin ang kalooban.
“Anak, andyan ka na pala,” salubong sa akin ni mama nang makarating ako ng bahay. “Magpalit ka na ng damit at tinatapos ko lang itong niluluto kong hapunan natin. Tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo.”
“Opo, ’ma. Gagawin ko lang po muna itong research work ko. Bukas na ’to isa-submit, eh.” Dumiretso na ako sa aking kuwarto para magbihis. Naiwan si mama sa kusina.
Mahal na mahal ko si mama. Mula noong iwanan kami ni papa noong apat na taong gulang pa lang ako ay si mama na ang tumayong ama at ina sa akin. Ginawa niya ang lahat para maitaguyod ako. Kung anu-anong trabaho ang pinasok niya. Basta mapagkakakitaan ay ginagawa niya para lang matustusan ang pag-aaral ko at ang iba pang mga gastusin namin dito sa bahay. Ngayon nga ay may dalawang online jobs siya. Sa umaga ay legal transcriptionist at sa gabi naman ay nagtuturo siya ng English sa isang Hapones.
Wala na akong balita kay papa. At hindi ko rin naman siya hinahanap. Iniwan niya kami at tuluyan nang pinabayaan. Hindi naman ako galit sa kanya. Hindi ko lang maiwasang magtanong at magtampo lalo na noong mga panahong nakikita kong umiiyak si mama. Awang-awa ako kay mama dahil alam kong nahihirapan na siya. Ngunit nanatili siyang matatag at hindi sumuko. Hanggang napatunayan ni mama na kaya namin na kaming dalawa lang. Nawala man ang dapat sana ay tatayong haligi ng aming tahanan, pero para sa akin ay hindi siya isang malaking kawalan.

