loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
For All My Wrong Reasons(BXB 2016)

For All My Wrong Reasons(BXB 2016)

ThePageWriter · 5 chapters · 5,078 words

PANIMULA

//panimula (revised)

Nagsimula ang lahat sa pagkakaibigan  ni Jared at Jun.

Mahal ni Jun si Jared ngunit takot siyang sumugal dahil alam niya na sa una pa lamang ay talo na siya lalo na’t may babaeng gusto si Jared. Babae.

May pag-asa pa bang natitira para sa pag-ibig ni Jun kay Jared kahit na imposible at paano nga ba magkakaroon ng pagmamahalan sa pagitan ng dalawang lalaking kaibigan lamang naman ang turingan?

Malalaman.

Itutuloy…

Note:

AFTER SO MANY YEARS. Naisipan kong i-edit itong una kong naisulat na BL story dito sa wattpad. 2015 pa ito, grabe! I know, this isn’t a masterpiece kaya gagawan ko ng pag-asang mabuhay gaya ng gusto ko.

Disclaimer :

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Chapter 1

JUN

        “Kahit kailan talaga ang galing mo sa mga ganang bagay, bro. Kailan ba kasi kita matatalo? Para kasing ang daya-daya mo namang maglaro ng floppy bird.” Reklamo ni Jared.

Natawa nalang ako habang nagrereklamo si Jared dahil sa score kong 340, habang 104 ang kanya.

Iisipin niyong masyado ng luma ang trip namin pero ito talaga ang gusto naming gawin lalo na kapag walang ginagawa sa resort na pinapag-part time job-an naming dalawa.

“Pero sa tingin mo, pareng Jun, may pag-asa kaya ako kay Marie? Para naman kasing ikaw ang type niya. Basta Jun, walang sulutan ha?” Tanong niya.

Kung alam lang niyang wala siyang dapat ikatakot dahil siya naman talaga ang gusto ko noon pa. Pero anong magagawa ko kaibigan lang ako. Kaibigan lang.

“Ano ka ba naman, hindi ko ugaling manulot, tandaan mo ’yan. At bakit ko naman aagawan ang bestfriend ko, uy? Tsaka… isa pa, kung saan ka masaya doon ako! Alam mo naman na ’yon. Sabi ko kanya kahit itong puso ko ay unti-unti ng kumikirot dahil sa pagsisinungaling ko sa sarili ko.

“Yan naman ang gusto ko sa’yo parekoy, e. Pa-hug nga!” Masigla niyang sagot.

Niyakap niya ako bilang pasasalamat pero hindi niya alam ang mga yakap na’yan ang bumihag sa puso ko. Kung may gamot man sa pagiging tanga ay hindi parin ako bibili dahil kahit nasasaktan na ako makita ko lang na masaya si Jared, masaya na rin ako.

Ika nga nila na kapag mahal mo ang isang tao ay handa kang magpaka-martir para lang sa kaligayahan niya. Alam ko naman sa sarili kong kaibigan lang ako. Straight si Jared habang ako bisexual, bakla, paminta o ano pa man.

“Ikaw talaga Jared, basta para sa’yo,” sabi ko pa.

Normal lang na magsabihan kami ng mga sweet na salita dahil nakasanayan na namin ang isa’t-isa. Sanggang dikit nga kami pero sa akin ay iba naman na talaga. Mas lumalim.


Pag-aari ng tito ko ang resort na ito kung saan trabahador ang tatay ni Jared bilang receptionist. Ako naman trip ko lang ’din na mag-part time para may kasama si Jared. Nabo-bored daw siya kapag hindi niya ako nakikita. Ene be ? Ganan kami ka-close sa isa’t-isa.

Minsan sa bahay siya natutulog at minsan naman ay sa kanila ako natutulog. Bago ko makalimutan, nasa New York ang mom and dad ko dahil sa business namin doon.

Nakasanayan ko nang wala sila dahil nand’yan naman si kuya Junel at siyempre si Jared para samahan ako sa hamon ng buhay.

Naglalakad kami sa papunta sa pampang na tambayan namin kapag dapit hapon na. Gaya ng dati na parati kong ginagawa ay dinambahan ko siya sa likod para kargahin ako.

Sanay na’yan sa’kin dahil kapag ganyan alam niyang tinatamad akong maglakad.

“Pareng Jun, ang arte mo talaga kahit kailan!” Reklamo pa niya sabay tawa. Inilabas ko ang iPhone ko at nagtake ng picture habang nakasakay sa likod niya. Pinost ko agad sa instagram at may caption na “ with your bestfriend you’ll always feel safe and sound.“ #Bestfriend.

Nang makarating kami sa pangpang ay binaba na niya ako. Halatang napagod siya doon sa ginawa ko kaya naman umalis ako saglit para bumili ng maiinom.

Pagdating ko ay nakahiga siya sa buhangin at humihilik na agad. Grabe talaga ’tong bestfriend ko. Matindi.

Pagod na pagod siguro siya kanina after lunch dahil sa dami ng tourists na kumain. Maging ako rin ay nakaramdam ng pagod pero minabuti ko nalang na panoorin siyang natutulog.

Napakaamo ng muka niya, mahahaba ang pilik, manipis ang labi na parang gusto kong halikan pero hindi ko gagawin ’yon dahil bestfriend ko s’ya. Nirerespeto ko siya.

Maya-maya pa ay nagising si Jared at napangiti nang makita ako kaya naman napangiti nalang din ako. ’Yang mga ngiting ’yan ang nagsasabing ’wag ko siyang iwanan kahit ilang beses kong sinabing ayoko na.

Graduate ako ng Secondary Education Major in Mathematics at s’ya naman ay HRM graduate. Ayaw niyang mag-turo ako dahil mawawalan na ’raw’ako ng oras sa kanya, kaya naman pinagpasyahan kong ’wag munang magturo tutal malaki naman ang binibigay sakin ng kuya kong Architect.

“O pare.” Sabi ko sa kanya sabay abot ng palamig na malimig pa rin dahil sa yelo.

“Salamat, parekoy! ’Di ko alam kung anong gagawin ko kapag wala ka,” pambobola niya.

“Tara na nga gutom na’ko,” sabi ko habang pinipilit itago ang ngiti sa labi ko.

“Basta pagkain talaga, parekoy, ganan ka. Matakaw ka pero ikaw pa rin ’tong hindi tumataba sa’ting dalawa. Hindi ba unfair naman no’n?” Reklamo pa niya.

“Hoy, bestfriend kong pare ko pa! Kung makapayat ka naman d’yan F-I-T lang ako. Kala mo naman pati ang taba-taba mo, e macho ka nga kaysa sa’kin.” Sabi ko para palakasin ang loob niya. Ganan ’yan lagi e. Laging ikinukumpara ang sarili niya sakin at sa iba. Eh kung alam niya lang! Ay basta!

“Pare pa-back ride uli.” Sabi ko sa kanya pero bago paman ako makasakay sa kanya ay tumalon na siya sa likod ko.

“Pare pasensya ka na, ako naman ngayon, medyo masakit kasi ang likod ko kabubuhat sa’yo.” Wala na akong sinabi at naglakad na ako hanggang sa kainan ng resort. Hingal na hingal ako pero hindi ko pinahalata sa kanya dahil masaya naman kasi kahit papaano’y nakayakap s’ya sa’kin.

Nagpahinga muna kami bago pumasok sa loob ng kainan at sinimulan ng mag-intertain ng mga turista.

“Psst.” Nagulat ako sa sitsit na’yon na mula sa isang Koreano.

“Good Afternoon Sir, how may I assist you today?” Tanong ko sa kanya. Napa-O-shape naman ang kanyang bibig nang marinig niya ang pagka-fluent ko sa Ingles na lengwahe .

“I want to take an order.” Aniya. Marunong din naman pala siyang mag-english, pero kababakasan mo ng tonong asiano, este Koreano ang kanyang boses.

“Okay sir, can I get you order now?” Pabalik ko namang tanong sa kanya.

“I want to have chicken fillet and two cups of rice, and I want your halo-halo.”

Natawa pa ako sa pagkakasabi niya ng halo-halo. Dahil heylo-heylo ang baybay niya. I find him simple yet handsome at the same time kaya napatitig ako sa kanya.

“And I want it to be served with Iced tea.“Aniya.

“Soup Sir? Do you want to add soup to complement with your fillet sir?”

Nagpa-cute ako kahit alam kong gwapo ako kasi baka madala siya sa ginagawa ko.

“Okay, I’ll take that soup, too.” Aniya sabay bigay sakin ng isang napakagandang ngiti.

“Okay, Sir your order will be serve in 10 minutes.” Sabi ko sabay punta sa kitchen para i-abot sa chef de rang namin ang order niya. Napangiti nalang ako at nakita ko sa ’di kalayuan si Jared na nakasimangot habang nakatingin sa Koreano na kinuhanan ko ng order.

After ng ilang minutes ay pumasok si Jared sa kitchen dahil naabutan ko siya doon nang kumuha ako ng order ng iba pang customer.

“Sa table number 4 ako na ang mag-se-serve ha.” Paalam niya. Nang i-check ko ang orders list ay sa’kin ’yon nakapangalan at ako ang dapat mag-serve sa costumer na’yon.

“Ah, Jared ako na tutal ako naman ang dapat talagang maghahatid niyan sa kanya.” Sabi ko sabay kuha ng tray na nasa kamay niya na.

“Hindi ako na, Jun,” aniya sabay tangkang kunin ang tray sa’kin kaya naman nainis na ako.

“Ano ba, pare? ’Di ba sabi ko ako na?” Sabi ko at napaiwas nalang siya ng tingin at inabot ng maayos ang tray sa akin. Ano kayang problema noong lalaking ’yon? Tsss!

Itutuloy…

Chapter 1.1-Continuation

JUN

[At multimedia]

Malawak ang ngiti ng Koreanong iyon nang makarating ako sa kanyang table.

“Sir, your order: chicken fillet with two cups of rice, Nido soup, our special halo-halo and your drinks, sir, Iced tea. Did I get your order right, Sir?” Sabi ko.

Ngumiti siya at bakit na naman kaya? Napangiti na ’rin tuloy ako kahit naiinis ako kay Jared.

Nagtataka lang ako kasi mag-isa lang naman siya pero pina-doble n’ya lahat ng binili n’ya. Is he dating someone? I don’t know.

Teka bakit naman ako naging interesado sa kanya?

“Yes, you got my order right and I hope you don’t mind joining me here..” aniya na nagbigay sa’kin ng dahilan para mapangiti.

“Ah, sure.” Sagot ko sa kanya sabay upo sa katapat niya.

Sa ’di kalayuan nakita kong nakamasid sa’min si Jared pero nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay agad siyang nagpatay malisya at pinagpatuloy ang pagtatrabaho at ako naman nagtataka pa rin.

“I’m Jin Yu.” Panimula niya sabay ang pag-abot ng kanyang kamay sa akin. Mala rosas ang kamay niya nang pagmasdan ko ito bago ko kinuha at kinamayan.

“I’m Jun.” Nakangiti ako at ganoon din naman siya. Fixed nga ata iyon, e.

“Can you be my friend? Tanong n’ya sa’kin. “Sure ! Malakas ang pagkakasagot ko sa kanya noon kaya napatingin ang ibang crew samin. Maging si Jared ay nakuha ko ’din ang atensiyon. Nakisimangot pa siya noong sulyapan ko siya.

Bakit na naman kaya?

“Pareng Jun, out na’ko. Sasabay ka na ba?” Tanong niya.

“Ingat pare, mamaya pa’ko. Sige.”

Hindi na s’ya nagsalita at tuluyan na ngang umalis. Nagtaka naman ako dahil 6:00 palang naman, kasi usually eight kami umaalis pero ngayon nauna na siya.

First time n’yang umuna sa’ming umuwi. Siguro manliligaw na s’ya kay Marie? O baka naman sila ng dalawa. Masaya ako para sa kanya kung ganoon.

“Hmm your food here tastes good.” Banat ni Jin Yu na ikinatuwa ko.

“Thank you for the compliment! May I ask you about personal matters?” Tanong ko sa kanya.

“Yes, you can. What are friends are for, right?” Natawa ako sa tono niya ng pananalita. Cute.

“Why are you laughing?” Kunot noong tanong n’ya sa’kin.

“Kasi I find you nice.” Ayon na lamang naisagot ko sa kanya .

“How old are you now, by the way?” Tanong ko sa kanya.

“I’m already twenty two and next week will be my birthday so, I am inviting you to come over with me to celebrate my birthday since we’re friends now, right?” As an answer sa alok niya ay nag-nod nalang ako bilang pagsang-ayon.

Marami kaming napagkwentuhang dalwa tungkol sa buhay niya. Isa ’rin pala siyang teacher, kaya pala ang husay n’ya ding mag-ingles. Gusto niya rin na i-text ko siya kapag kailangan ko s’ya o kaya naman kapag may problema ako.

Magsisinungaling ako kung sasabahin kong hindi ako attracted kay Jin Yu. Sino ba naman ang hindi magkaka-crush sa ganitong klaseng nialalang namay napakagandang features?

Tulad nga ng sinabi ko, nais n’ya talagang matutong magtagalog kaya i-ha-hire n’ya ’raw ako bilang private tutor n’ya na 3 times a week lang naman ang hiniling n’yang panahon. Alam niyo ba kung magkanong sahod? Sampong libo kada month. O e, ’di para na rin akong nagturo sa isang private school..

Matapos kumain ay nagpaalam na s’ya na babalik na sa kanyang inuupahang room kaya naman nag-offer akong ihatid na s’ya. Malabo na baka may mang-trip sa kanya, gwapo pa naman s’ya. Habang naglalakad ay naka-akbay ako sa kanya

#GalawangJun haha. Natawa ako sa ideyang ’yon na pumasok sa isip ko.

Sa resort na’to kasi ay mayroong mga kwartong nirerentahan ng mga turista na nasa 150 rooms kaya ng nasa hallway na kami ay may nakita akong pamilyar na muka tama si kuya Junel at si Jared. Ano kayang pinag-uusapan nila?

Hay, na’ko! Bahala na silang mag-usap wala namang masama doon. ’Di ko nalamang sila tinawag pa at baka makaistorbo lang ako sa pag-uusap nila ni kuya. Medyo malayo ang kwartong inuupahan ni Jin Yu dahil nasa ika 55th room pa s’ya at nasa 30th room palang ang nadadaanan namin.

“Ah.. Jin Yu, thank you for the treat earlier and thanks for treating me as one of you new friend.” Sabi ko sa kanya kaya naman napatigil kaming dalawa sa paglalakad.

“Don’t worry about that co’z it’s my choice, just so you know. I wanted you to be friend with me because I find you good enough to be friend with me and don’t you think that we have something in common? Aniya na nagbigay sakin ng kaba. Alam kaya niya na bisexual ako?

“What do you mean by that “common thing” we both have?“ Tanong ko sa kanya.

“Don’t deny it, I knew that you’re not straight as well.“Aniya. Napanganga ako sa sinabi niya. Ganoon ba siya kadaling makaramdam ng mga kagaya niya.

“Let’s go now, we’re almost there.” Sabi ko para ibahin ang usapan kasi ayoko ng usapang ’yun.

“Sorry for that thing, I knew, somehow I offended you,” sabi niya pa pero hindi ko pa rin s’ya pinansin at tumuloy lang ako sa paglalakd. Nabalot kami ng katahimikan ng mga sandaling iyon.

“Okay lang ’yon alam ko naman sa sarili kung ano ako talaga ako, hindi ako normal na lalaki at ngayon ko lang ’to aaminin sa sarili ko na iba ako.”

Sabi ko habang nakaharap sa kanya.

“What did you say? I don’t really got you.” Kunot noo niyang tugon sa sinabi ko.

“Nothing important, I just said that on Wednesday will be the start of our tutorial and don’t get me wrong about what you said earlier, it’s not really a big deal..”

Pinipilit niya na pumasok muna ako para magpahinga pero tumanggi na ako dahil medyo gabi na.

Habang naglalakad nag-sync in lahat ng sinabi sa’kin ni Jin Yu n parehas lang kami ng kasarian. Napangiti nalang ako na naglalakad mag-isa sa hallway na mahabang daanan pabalik sa restaurant kung nasaan ang gamit ko. Nang makarating ako sa reastaurant ay nakita ko agad si tito Chad.

“Oh, ’di mo ’daw tinapos gawain mo Jun, kahit kailan ka talagang bata ka o, bakit kasi nagt’ya-tyaga ka dito e kahit hindi ka na naman magtabaho mabubuhay ka na. Ikaw talagang bata ka.”

Napangiti nalang ako kay tito Chad dahil sa halos paulit-ulit niyang sermon sa’kin tungkol sa pagtatrabaho ko.

“Tito Chad alam mo kasi gusto ko yung experience at hindi dahil mayaman kami este tayo e, magbubuhay prinsipe na po ako.“Sabi kay tito na kung alam lang niya ay si Jared talaga ang dahilan ng lahat ng ’to.

“Oh, sige tama ka naman d’yan sana ganan ’din ang pinsan mo.” Sabi ni tito Chad na ang tinutukoy ay si Ace and kaedaran ko lang ’din at kaklase ko simula highschool hanggang college. Parehas ’din kami ng course na kinuha dahil gusto ’rin niyang maging teacher gaya ko. Pero tulad ko ay tinatamad parin siyang mag-apply dahil ika nga niya “gusto ko munang magbuhay prinsipe bago ako magturo.”

Natatawa talaga ako sa pinsan kong ’yon dahil sa kababawan sa buhay.

Pagkakuha ko ng bag ko ay agad kong kinuha ang Cellphone ko na may 10 missed calls mula kay Jared at 2 naman kay Jin Yu.

Tiningnan ko ’rin ang text message ko at may text na galing kay Kuya na : “ Alis muna ako for 3 days kaya ikaw lang muna bahala sa bahay.“ -Kuya Junel.

Agad naman akong nagreply ng “ okay“ sa kanya at binasa ang mga messages ni Jin Yu.

’I hope you’ll come early tomorrow.

Are you alright now? Sorry for that thing again :(

I’m pretty much excited to finally learn your language :)

I hope you got home safe. :)

’ Yon ang huli niyang mensahe at nag-reply ako sa kanya ng

“No problem! Keep safe and good night! See you tomorrow at 9:00 o’ clock.”

May tatlo pang un-read messages kaya naman binasa ko ito.

“Sorry,Parekoy! Umuna na’ko masakit kasi ang likod ko, gusto mo masahihin mo nalang ako para mawala ang sakit “-Pareng Jared.

Joke lang ’yun Pare koy !! Haha, sorry ang kulit ko!!-Pareng Jared

“Madaya ka kanina, Parekoy! Hindi mo’ko isinamang kumain kasama ’yung Koreanong hilaw na ’yon” -Pareng Jared.

Dapat ba akong matuwa? Kiligin? Magtatalon? Ewan! Paano ba ako hindi mapo-fall sa taong ’to kung lahat ng actions niya kakaiba sa lahat. Ay oo nga pala bestfriend nga pala kami. Nagtataka lang talaga ako pero hindi na ako umaasa. Kung may lakas lang ako ng loob magtapat ng nararamdaman ko ay ginawa ko na. Pero ni aminin nga sa sarili ko kung bakla ba ako o lalaki ay hindi ko magawa, ang pagtatapat pa kaya ng nararamdaman?

Hay na’ko buhay! Mali ’to ! Mali ang umibig sa bestfriend ko!

Pag-uwi ko sa bahay 8:45 na ng gabi nang bigla ko namang maalalang i-text si Jared para dito matulog sa bahay.

“Parekoy! Dito ka muna matulog samin, wala si kuya aalis .” I-sesend ko palang sana kaso biglang may dumamba sa-kin kaya naman nalaglag ako sa gilid ng kama. Medyo masakit ’yun!

“Jun, pare, okay kalang ba?” Alalang tanong ni Jared.

“Loko-loko ka talaga Jared!” Nakasigaw na ako at siya naman tinawanan lang ako. Tawa na nagpapabigat sa nararamdaman ko sa kanya.

End of Chapter 1.1

Next update will be posted tomorrow or maybe today!

Don’t forget to leave comments or vote if you find this chapter good :)

Thank You !

Chapter 02-First Pain

JUN’S P.O.V

[Jin Yu-On on multi media]

Mula sa pagkakalaglag sa kama ay napatitig ako sa muka niya ng ilang segundo nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Hudyat na tinatawagan na s’ya ni Marie. I knew it! It was Marie.

“Saglit lang ’to pare..” Aniya at lumabas siya para sagutin ang tumatawag sa kanya. Ewan ko ba kung bakit tila may kung anong elemento ang nagsasabing sundan ko s’ya. Kaya heto ako ngayon sinusundan s’ya.

“Hello!? Hello Marie, mahal ko bakit ka tumawag? Namimis mo na ba agad ako? Magkasama lang tayo kanina ah mahal ko.” Ah kaya pala bigla-bigla nalang s’yang umalis. Pero akala ko ba masakit ang likod n’ya? Magaling Jun, magaling!

Tumigil s’ya sandali at saka nagsalita uli. “Oh sige mahal,saan kita susunduin?”

Hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang luha sa aking mga pisngi na nagmumula sa aking mga mata.

Sa sobrang sakit hindi ko na pinakinggan pa ang mga susunod na sasabihin n’ya dahil ako lang din naman ang masasaktan. Tao lang din ako.. nasasaktan.

Pumasok ako sa kwarto ko at nag-lock para ibuhos lahat ng nararamdaman ko. Bestfriend n’ya ako pero ni isang detalye na sila na pala hindi  man lang niya sinabi sa’kin? Fuck!

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagkatok sa pinto at agad kong inayos ang sarili ko para hindi n’ya mahalatang nasasaktan ako kaya ako nagkakaganito.Pagbukas ko ng pinto ay dumiretso na ako sa kama at nagtaklob para isipin n’yang inaantok na’ko at  para na’rin umakto na walang narinig sa mga sinabi n’ya.

“Pare tumawag si Mama eh..nagpapasundo sa’kin sa sakayan kaya sa bahay na ako matutulog. Pasensya ka na Pareng Jun ha.“Aniya na lalong  nagpabigat ng damdamin ko dahil nagsinungaling na naman siya.

“S-sige m-mag ingat ka..” Halos pumiyok ako sa pagsasalita dahil sa kasinungalingan ng bestfriend ko..Fuck! Ng dahil lang sa babaeng ’yon nakakaya ni Jared na magsinungaling sa akin ng ganito?

Grabe sa halos 11 years naming pagkakaibigan ngayon palang s’ya nakapagsinungaling sakin ng ganyan..Dahil pa sa isang babae.

“H’wag mo nakong ihatid pare, okay na’ko kahit hanggang gate lang.“Aniya na napatingin sa akin..

“Sige.” ’Yun nalang ang nasabi ko dahil ayokong mabisto n’ya na umiyak ako dahil sa kanya.

“Pare, pula ang mata mo.” Ayos kalang ba? Masakit ba mata mo pare?“ Nag-aalala n’yang tanong.

“H-hindi pare. Ayos lang ako. Medyo sinisipon lang ako.” Sagot ko naman sa kanya.

“Sige, pare… ipahinga mo lang ’yan.” Tinapik n’ya ako sa braso at tuluyan ng naglakad palabas ng gate ng bahay namin habang ako ay nanlambot ang tuhod at napaupo nalang at ang mga pesteng luha ko ay tuluyan na ngang nagsipatakan.

Maya pa ay nakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Oo nga in-love ako sa bestfriend ko pero ganito ba talaga kasakit aminin sa sarili kong napakasakit ng mga ginagawa niya?

Hahayaan ko nalang na siya ang magsabi sa’kin lahat kesa ako pa ang tumuklas sa sarili ko kasi lalo lang akong nasasaktan. Grabeng buhay ’to!

Ganito na nga ako tanga pa!


Kinabukasan ay nagising ako sa ingay “ Jun bunso, Jun–gising! Bakit dito ka natulog sa labas ng bahay baka magkasakit ka.“ Si kuya pala ang gumising sakin. Agad ko siyang niyakap at ang mga luha ko ay unti-unti na namang pumapatak.

“K-kuya ang sakit!” Sabi ko kay kuya habang nakayakap ako sa kanya ng mahigpit.

“Bunso tahan na nandito na si kuya.” Napakalambing ng pagkakasabi ni kuya sa akin kaya naman nakaramdam ako ng security .Yung feeling na may nag-aalala sa’yo ang sarap lang sa pakiramdam.Alam ni kuya kung ano talaga ako,pero tanggap niya ako kung ano ako.

“Marami pa d’yang iba bunso. Masasaktan kalang kapag  ipinilit mo ang sarili mo sa isang taong ayaw sa’yo.

“Gwapo ka bunso at matalino kaya kung ako sa’yo leave this place at lumipat na tayo sa bahay na’tin sa Ayala. Doon na tayo magsimula para maka-move on ka.” Sabi ni kuya na hinding-hindi ko gagawin dahil baka ikamatay ko.

“Ayoko kuya! Hinding-hindi ko ’yan gagawin tsaka paano naman si Tito kapag umalis ako? Sino ng makakatulong n’ya sa resort n’ya kapag umalis ako.” Paliwanag ko.

“Sus, si tito o si Jared?” Napatitig ako kay kuya habang nakayakap ako sa kanya. S’ya talaga ang higit na na nakakakilala sa’kin kaya naman napatawa nalang ako na nauwi sa pagtawa naming dalawa para kaming tanga ni Kuya dahil sa katatawa kahit wala naman talagang nakakatawa.

“Alam mo bunso… ang pangit mo kapag nag-dadrama ka kaya tara na sa loob at mag-almusal muna tayo.” Sabi ni kuya tsaka ako binuhat na parang bata.

“K-kuya ibaba mo’ko, kuya!!!

Nagpapapadyak ako habang buhat ako ni kuya. Paano ba naman kasi makikita kami ng mga maids, tsaka ang mga kalokohan naming dalawa.

“Kuya bakit ang aga mo ata umuwi? Hindi ba tatlong araw ang sabi mo?” Tanong ko naman kay kuya.

“Natapos ko na kasi ng mas maaga ang mga projects ko kaya naman umuwi ako ng maaga para may kasama ka rito ano? Ayoko namang ma-bored ka rito at magdrama nalang palagi sa buhay.

Natawa na naman ako sa kanya at isinubo ko na ang bacon sabay sagot ng “A-”.

“Little bro, I have a surprise for you by the way.” Aniya sabay abot sakin ng isang napakaliit na box.Pagbukas ko ay may laman itong susi.

“Para saan naman ’tong susi kuya?” Tanong ko sa kanya.

“Didn’t you get it?” Kunot noo niyang tanong sabay hatak sakin sa garahe at doon tumambad sakin ang isang kotse na may tatak na ford. Sa sobrang tuwa ko ay dinambahan ko si kuya kaya naman napakapit siya sa tiyan niya dahil sa pagtama ko roon.

“Nagustuhan mo?“Tanong agad ni kuya.

“Gustong-gusto!”

Napangiti ako ng malaki dahil sa regalo ni kuya sa’kin at ang ipinagtataka ko lang ay anung meron at niregaluhan niya ako?

“Salamat talaga kuya,ngayon makakapag gala nako whenever and wherever I want!

-                        -

Mag-aalas nuebe na ng tanghali ng matapos akong maligo ng mabasa ko ang text ni Jin Yu.

“I’m here in Lucena City, wanna come with me?,I’m having a road trip - Jin Yu

“ Sorry but,I can’t.You know I have my work here right? Ayon ang huli kong reply sa kanya .Nagbihis lang ako ng puting V-neck na T-shirt at pants tsaka ako lumabas para magpunta kay tito.

“Lil’ bro ingat! Sabi ni kuya tsaka ako umalis.

Habang nagmamaneho ay nakita ko si Marie at si Francis na magkayakap kaya pinarada ko muna sa tabi at tiningnan sila ng maayos at saka kinuhanan ng picture.Walanghiya kang babae ka,malandi ka,manloloko ka! Mahal na mahal ka ng bestfriend ko tapos lolokohin mo lang grabe! ’Yan ang mga sinabi ko habang nasa loob ako ng sasakyan.Nakakabanas ang babaeng ’yon!

Pagdating ko sa resort ay nakita ko ay ipinarada ko muna ang sasakyan ko sa private parking at saka bumaba at nakita ko naman ang pinsan kong si Ace na nakatingin sa sakin habang bumababa.

“Couz ang ganda ng sasakyan mo,sa’yo ba’yan? Tanong agad niya kaya nag-nod ako bilang sagot.Nakakatuwa ang reaksiyon niya dahil napa-WOW- siya.

“Astig talaga kapag si kuya ang bumili.Sabi ko pa sa kanya at sinapok ko na ang pinsan kong ’to dahil napa-WOW nanaman siya.Palibhasa kasi siya lang ang lalaki sa kanilang tatlong magkakapatid kaya inggit na inggit s’ya na ako may kuya at siya naman wala.

“Sige bro pasok na’ko”Sabi ko sabay tap sa balikat n’ya.

“Sige bro.“Aniya tsaka ako naglakad papunta sa loob ng kainan.”

End of Chapter 2

Itutuloy!

Bitin muna! Haha!

Don’t forget to leave comments/votes cuz it’s highly appreciated :)

SALAMAT REASONERS !

Chapter 2.1-Continuation

Jared’s P.O.V

“ Pare kami na ni Marie,kami na ni Marie.“Habang nagsusuklay ay pinapraktis ko ang mga linyang sasabihin ko sa bestfriend ko na si Jun.Alam ko matutuwa ’yon kapag nalaman niyang kami na,for sure.

Gusto ko sana s’yang i-text kaso parang may problema ata ang pare ko,pansin ko kasi kagabi palang nung nasa kwarto palang s’ya bago ako umalis.Ano kayang problema ng bestfriend ko?

Nang makarating ako sa Resort ay agad akong nagpalit ng puting damit na may tatak na pangalan ng resort.Hinanap agad ng  mata ko si Jun kasi excited na akong sabihin sa kanya lahat,kasi aminado ako kagabi nagsinungaling ako sa bestfriend ko,kasi kailangan e.Gusto kasing i-surprise s’ya.

Maya-maya pa ay nakita ko na si Jun na papunta sa direksiyon ng C.R kaya  naman nagpasya nalang akong ituloy ang pagpupunas ko ng mga tables,at tutal din naman wala pang torista na kumakain,kasi mag-aalas diyes palang kaya naman nasa may swimming pool ngayon maraming tao o, di kaya naman ay sa dalampasigan dahil hindi naman kainitan ang araw,kumbaga tama lang ang init ng araw.

Ilang minuto pa ang lumipas ng makita ko ’yung hilaw na Koreano na malagkit ang tingin sa Pare ko.Pakshit s’ya!,tantanan n’ya pare ko,kundi malilintikan s’ya dahil straight ang pare ko at ’di n’ya dapat ina-aksaya ang panahon n’ya sa lalaking ’yun.Maya-maya pa ay sinalubong s’ya ni Jun na parang hindi man lang napansin ang presens’ya ko doon.Nag-iinit talaga ang ulo ko dahil sa gagong ’yun.Susulutin pa ata ang bestfriend ko.

Pumasok na lang ako sa loob pero ng lingunin ko ang kinatatayuan nila ay wala na sila doon.Saan naman kaya pupunta ang mga ’yun?

Sa bagal ng oras naiinip ako dahil wala ang pare ko,wala akong makaka-asaran at makaka-kulitan.I-tetext ko na nga lang.

To:Pareng Jun

Pareng Jun,nasan ka ngayon?Kasama mo ba’yong Koreanong hilaw kahapon? Nang mag-send na ay inantay ko ang reply n’ya ,pero walang ni isang reply akong natanggap kaya ta-tawagan ko nalang.Agad kong i-denial ang numero ni Jun.Nagri-ring ito pero walang sumasagot.Nasan kaya ang mokong na’yun?Tsk,..hindi n’ya sinasagot ang mga tawag ko..Nag-riring nga wala namang sumasagot..Grabe nasan ba kasi ang bestfriend ko? Nab–beast mode ako dahil sa Koreanong hilaw na’yan.

Sumapit ang tanghali pero wala pa’din si Pareng Jun.Dumami na nga at halos mapuno na ang restaurant ay hindi parin talaga dumarating ang bestfriend ko.Wala nanaman tuloy akong kasabay kumain.Tsk..

Bandang alas tres na ng hapon at kakaunti na lamang ang tao sa restaurant kaya naman naisipan kong lumabas muna para magpahangin sa spot namin ni Pareng Jun.Maya-maya pa ay nakarinig ako ng nagtatawanan.. Nandito lang pala ang pare ko kaya tumabi ako sa kanya kaya naman nagulat silang dalwa nung Koreanong hilaw na’yon.

“Pare nandito kalang pala kanina pa kita hinahanap kasama mo lang pala ’tong kumag na’to,” Ang sabi ko sabay turo sa koreanong ’yon.Alam napakabastos ng turing ko sa koreanong ’to pero hindi n’yo mai-aalis sa’kin ang nag-uumapaw na inis.Dahil ba sa inaagaw na niya ang bestfriend ko pati na’rin oras inaagaw n’ya na ng buong-buo .Leste!


JUN’S P.O.V

“So,I supposed to  leave the two of you now since we’re done here Jun,right? Tanong ni Jin Yu na alam kong gusto n’yang kaibiganin si Jared pero si Jared at n agtataboy sa kanya palayo.

“Sige wala ng balikan ha.“Napakasarkastiko ng pagkakasabi ni Jared na hindi ko nagustuhan kahit pa hindi iyon naiintindihan ni Jin. “Pare ba’t mo naman binastos ’yung tao? Kasi naman wala s’yang karapatang magalit kay Jin Yu gayong wala naman itong ginagawang masama sa kanya.

“E,kasi pare mainit ang dugo ko dun sa koreanong hilaw na’yon kasi nawawalan na tayo ng bonding mag-buddy.“Ang arte naman nitong mokong na’to.Gumuhit naman bigla ang ngiti sa labi ko na bigla na lamang napalitan ng pekeng ngiti ng makita kong paparating si Marie.

Napakalawak ng ngiti ni Marie ng mga sandaling iyon habang papalapit samin habang si Jared naman ay nakangiting tagumpay..

“Hello Jun!” Ang bati ni Marie ng makalapit sa amin. “Hi Marie.” Ayun ang naisagot ko sa kanya at lumapit na s’ya sa boyfriend n’ya.

“Mahal dinaanan kita dito kasi mis na agad kita.” Hindi ko alam kung anong dapat na reaksiyon ko pero pinili ko nalang ngumiti para sa kanilang dalawa.

“Ah,pare kami na ni Marie .” Aniya. “Talaga?,Kailan pa? Siniglahan ko ang boses ko para naman maramdaman n’yang proud ako sa kanilang dalawa. Maganda si Marie,matangkad,matangos ang ilong at maayos manamit.Mapagkakamalan mo sigurong modelo kapag di mo kilala.

“Nung isang araw lang pare.“Napangiti nalang ako kahit sa loob ko’y sasabog na sa sakit. Eto na’yung kinakatakutan ko noon nangyayari na.

“Buti naman pare,masaya ako para sa inyo.” Ti-nap ko siya sa balikat at nagpaalam na para bigyan silang dalawa ng oras sa isa’t-isa.Ayokong maka-istorbo sa kanilang dalawa dahil gusto kong maging masaya si Jared,silang dalawa.

Habang nasa kotse ako ay naisipan kong i-text si Jin para samahan ako sa Lucban para sumimba at magroad trip nadin..

Kotse ko ang ginamit namin at siya na ang pinagmaneho ko dahil baka ma-aksidente kami dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Maya-maya pa ay nakatulog na ako ng hindi ko namamalayan.

[Itutuloy]

Pabitin muna po :)

Salamat sa pagbabasa guys :)

Matatagalan ang next update..Salamat !


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.