loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Forbidden Love Affair (The Illicit Affair Book 2)

Forbidden Love Affair (The Illicit Affair Book 2)

ZefPenya · 17 chapters · 36,056 words

Cast and Characters

Main Characters

Diego Loyzaga as Ezekiel “Zeek” Lacsamana

Ian Veneracion as George Salcedo

Sofia Andres as Hazel Magbanua – Lacsamana

Mikael Daez as Anthony Dimalanta

Supporting Characters

Jodi Sta. Maria as Rebecca ‘Bek’ Cruz

Enzo Pineda as Marco Antonio

Theresa Loyzaga as Vivian Lacsamana

Erika Padilla as Jennifer ‘Jen’ Diaz

Dennis Trillo as Arnold Magbanua

Carla Abellana as Daisy Gonzaga-Magbanua

FLA: Chapter 1 (Panibagong Simula)

Hazel Magbanua – Lacsamana. Ito na ang bagong pangalan ni Hazel pagkatapos magpakasal ito sa kanyang nobyo na si Zeek, mga ilang buwan na din ang nakalipas.

Nanganak na siya sa isang malusog at napaka-cute na baby boy, na si Jayson Magbanua – Lacsamana o tawag nila sa palayaw na Ace. Limang buwan na siya ngayon at mahal na mahal siya ng lahat lalung-lalo na ang kanyang lola na si Vivian.

Hindi kasi umaalis si Baby Ace sa tabi ni Vivian dahil parati siyang iniiwan sa lola. May mga trabaho kasi ang kanyang mga magulang at wala na silang oras na alagaan ito.

        "Cookie...?"  tawag ni Hazel sa kanyang asawa habang nakaharap ito sa malaking salamin sa kanilang silid. Tinitignan niya kasi ang kanyang mga stretch marks sa kanyang tiyan.

        "Yes...?"  sagot naman ni Zeek sa loob ng banyo.

        "Punta ka nga dito, Cookie. May ipapakita ako sa'yo"

        "Saglit..."  at magkalipas ng ilang sandali ay lumabas na nga si Zeek sa banyo at pinuntahan ang asawa sa harapan ng salamin  "Oh bakit, Berry?"

        "Hindi ba pangit?"

        "Ang alin?"

        "Ito oh..."  turo niya sa mga marka niya sa tiyan  "Mga stretch marks na 'to"

        "Hindi naman. Sino ba ang may sabi na pangit yan?"

        "Ako siyempre. Sobrang pangit kaya"  pag-iinarte niya sa asawa  "Cookie. Ang pangit-pangit ko na talaga oh"  iyak niya ng parang baby.

        "Ano ka ba, Berry. Hindi ka pangit noh. Maganda ka, okay?? Normal lang siguro yan dahil nagka-anak ka, at lumabas diyan sa sinapupunan mo ang napaka-gwapo nating anak na si Baby Ace"

        "Alam ko naman yan, Cookie. Pero parang hindi kasi ako 'to eh"  

Huminga ng malalim si Zeek at niyakap ang asawa para mawala ang lungkot nito. “Kahit ano man ang maging mukha mo, Berry. Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan”

        "Promise mo yan ah?"

        "Oo naman. Promise"

        "Sige..."  biglang ngumiti si Hazel at hinalikan ang kanyang asawa sa labi  "Salamat dahil andiyan ka parati para mapagaan ang loob ko"

        "Of course. Anything para sa reyna ng buhay ko"  halik muli ni Zeek kay Hazel  "I love you"

        "Mahal din kita"  sagot naman ni Hazel  "Oh sige na, Cookie. Pumasok ka na sa trabaho mo. Baka ma-late ka na"

        "Sige. Mag-ingat ka dito ha. Oo nga pala, anong oras ba ang pasok mo Berry?"

        "Day-off ko ngayon, Cookie. Baka nakakalimutan mo"

        "Ay oo nga pala. Sorry nakalimutan ko"  sabay ngiti niya sa asawa  "So pano, alis na ako ha. Ba-bye"

        "Bye. Ingat ka"

        "Ikaw din Berry. Sabihin mo na lang kay Mama na umalis ako ng maaga"

        "Okay Cookie. Ako ang bahala"

Samantala. Sa bahay ni George at Anthony.

        "Good morning babe"  halik ni Anthony sa kanya sa kama  "Galit ka pa rin ba sa akin?"  pero hindi sumagot si George at bumangon na lang ito sa kanyang kama  "Uy babe..."

        "Tigilan mo muna ako, Anthony. Huwag mo muna akong kausapin"          

        "Galit ka pa rin ba?? Parang ganon lang, ganyan ka na magalit sa akin"

        "Bahala ka nga"  at tumayo si George sa kama at nagtungo sa banyo.

Hindi manahimik si Anthony dahil sa nangyari kagabi na away nilang dalawa. Sinundan niya si George sa banyo para kausapin ito. “Babe… bakit hindi mo ako kinakausap ng maayos?”

        "Huwag kang makulit. May trabaho pa ako"  sagot niya habang hinuhubad niya ang kanyang  mga suot at pinihit ang shower  "Mamaya na tayo magusap"

        "Sige. Ikaw ang bahala"  tanging sagot ni Anthony at lumakad palabas ng banyo.

        "Teka..."  sabat ni George at pinigilan siya sa kanyang paglabas. Napahinto naman si Anthony at tumingin muli sa kanya  "Gusto mo ba talagang malaman kung ano talaga ang nararamdaman ko sa'yo...? Ang totoong dahilan kung bakit galit na galit ako?"

        "Oo naman. Sabihin mo sa akin para naman mai-tama ko ang ano man ang pagkakamali ko sa'yo"

        "Yan. Diyan ka magaling. Ang pagmamakaawa mo at parang ikaw ang lumalabas na biktima"

        "What do you mean?? Hindi kita maiintindihan"

        "Alam mo, simula nung nagkabalikan tayo two years ago, malaki na talaga ang pagbabago mo"  panimula ni George habang hubo't-hubad ito habang kinakausap niya si Anthony  "Hindi na kita kilala. Parang ibang tao na ang kaharap ko ngayon"

        "Hindi kita maiintindihan babe"

        "Hindi mo ba talaga ako naiintindihan...? O sadyang dine-deny mo lang?"  sagot niya  "Oh sige. Sasabihin ko na lang if you're playing dumb.... sige... let's start nung hindi mo pagsabi sa akin na may naging karelasyon ka pala na ginamit mo... sino ba yun...? Si Mike...?"

        "Ilang beses ko bang pinaliwanag sa'yo na nakalimutan ko lang sabihin sa'yo. Besides, hindi naman siya importante eh"

        "Yun nga eh. Ginamit mo siya"  pagdidiin ni George sa kasalanan niya  "Ginamit mo ang feelings niya. Para ano?? Para mag-move-on lang dahil sa akin...?"

        "Oo. Tama ka"  pag-aamin ni Anthony at doon na bumagsak ang kanyang luha nung inaalala niya ang nangyari sa kanya noon  "Pero hindi mo lang alam kung ano ang naramdaman ko noon nung nagkahiwalay tayo. Muntik na ako mabaliw at magpakamatay nang dahil sa'yo..."  

        "Pero mali pa rin na ginamit mo siya. Sobra mo siyang nasaktan. Kitang-kita sa mga mata niya at nararamdaman ko sa bawat salita na lumalabas na mahal ka niya"

        "As I said, wala na akong pakialam sa kanya"  dugtong ni Anthony habang tumutulo ang luha niya sa galit  "Galit na galit ako sa kanya dahil pinahiya niya ako  ng kanyang tito sa maraming tao"

        "Ikaw lang naman ang nag-umpisa nun diba? At ikaw ang may gusto na sumama sa akin kahit hindi ka imbitado. Para ano?? Para maranasan mo ang pagiging marangya..?"

        "Shut up. Alam mo na hindi ako ganyan"  tanggol ni Anthony sa kanyang sarili  "At bakit ba ganon ka lang ka-affected sa Mike na yon...?? Bakit?? Gusto mo siya...?"

        "Huwag mong ibalik sa akin ang pinaggagawa mo, Anthony. Hindi ako ang issue dito... kundi ikaw"   balik niya  "Pinapaalam ko lang sa'yo ang mga ginawa mong nagpabago ng pakikitungo ko sa'yo"

        "Seryoso ka...?? Ang tagal-tagal na nun. Yan pa rin ba ang issue mo?"

        "Hindi. Meron pa. Sa loob ng dalawang tao nating pagsasama ngayon, marami ka pang nagawa na nagpapabahala sa akin. Hindi ka na talaga ang dating Anthony na nakilala ko noon at minahal ko"

        "Babe. Ano ka ba. Ako pa rin 'to. Si Anthony na nagmamahal sa'yo"  at lumapit siya kay George sa loob ng shower  "Hindi ako nagbago"

        "Sana nga..."  sambit ni George  "Sana nga totoo lahat ng mga sinasabi mo... kasi parang iba ka na talaga. Sa totoo lang?? Gustong-gusto na kitang iwanan... pero pinipilit mo pa ako na manatili sa buhay ko. Pero ito ang pakatandaan mo, sa susunod na gagawa ka pa ng hakbang na hindi ko magugustuhan, pasensiya na lang"  sabay tingin niya kay Anthony na nanlilisik ang mga mata  "Sige na. Lumabas ka na dahil maliligo na ako"

Dakong alas-diyes ng umaga nang makarating si George sa kanyang opisina sa The Deluxe Suites Hotel. Dalawa ang kanyang opisina; ang una ay nasa kanyang hotel at ang pangalaw naman ay nasa Dy Group of Companies (DGC).

Nang pag-upo niya sa kanyang upuan sa opisina niya ay sakto din may biglang pumasok. “Knock…! Knock…!!” sambit ni Bek patungo sa kanyang dating asawa.

        "Oh Bek. Bakit ka nandito?"  tanong niya kay Bek at kumuha ng isang baso na alak sa office table  "May problema ka?"

        "Hmmmm. Wala naman. E ikaw? May problema ka ba?"

        "Wala din naman"

        "Talaga?? E bakit ang aga mong umiinom ng alak?"

        "Wala naman 'to. Pampagising lang. Wala naman masama diba?"

        "Meron. Kapag may problema ka..."  at umupo ito sa bakanteng upuan at tumingin kay George  "Meron ba...?"

Napasinghap si George sa sinabi ni Bek at humigop ng alak sa kanyang baso. “Nonesense. Bakit mo ba binibigyan ng dahilan ang mga ginagawa ko…?”

        "Kasi kilalang-kilala kita, George. Remember?? Naging asawa kita?"  paalala nito sa kanya  "Alam ko lahat ang mga kilos o galaw mo. Kapag masaya ka... kapag may problema ka. Kaya huwag mo na akong gawing tanga"

        "Oh sige..."  buntong-hininga ni George at inilagay ang baso sa mesa  "Huli mo na ako. Panalo ka na"

        "See.... sabi na eh"  ngiti ni Bek  "So tell me, George. Ano ba ang problema mo ngayon?"

        "Kay Anthony"

        "Anthony?? Sa partner mo ngayon? Bakit? What about him?"

        "Kasi parang hindi ko na siya kilala. Hindi na siya ang dating Anthony na nakilala ko noon"  kuwento niya kay Bek  "Parang iba na siyang tao dahil ang laki na ng pinagbago niya"

        "Well George. Lahat naman ng mga tao ay nagbabago..."  dugtong ni Bek sa dating asawa  "Tulad ko, ang laki ng pinagbago ko ngayon kasi hindi na ako nababaliw sa'yo dahil tanggap ko na na hindi talaga tayo para sa isa't-isa"

        "I'm happy to hear that, Bek. Pero iba si Anthony eh. Iba na ngayon ang ugali niya, simula nung pinahiya niya ang kanyang ex sa maraming tao. Hindi siya ganyan noon eh. Nagulat talaga ako"  hindi napigilan ni Bek ang sarili kundi tumawa na lang sa kuwento ni George. Nagtaka naman siya kung ano ang nakakatawa at kaagad niyang tinanong ito  "Anong nakakatawa sa sinabi ko...? Hindi hindi naman ako nagpapatawa eh"

        "I know..."  ngiti ni Bek  "Nakakatawa lang kasi noon na akala ko ay magkakatuluyan talaga kayo ni Zeek pero naghiwalay pa rin kayo. Naalala ko yung mga araw na grabe ang pagtatanggol mo sa kanya dahil sobra mo siyang mahal... pero ang ending... bumagsak ka pa rin kay Anthony"   sabay tawa ni Bek

        "Akala ko rin eh"  buntong-hininga ni George  "May pangyayari kasi sa aming dalawa na hanggang doon na lang ang aming relasyon"

        "How sad. Pero mahal mo pa rin siya?? O wala na talaga?"

        "Sa totoo lang?? Minahal ko si Zeek... at hanggang ngayon ay hindi pa rin magbabago iyon"

        "So what are you waiting for...?? Iwan mo na si Anthony at balikan si Zeek. Huwag mong sayangin ang pagsakripisyo ko sa marriage natin na  mapunta naman sa maling tao"

        "Ang hirap Bek eh"

        "Why..?"

        "Kasi masaya na siya ng asawa niya. At nang anak nila"

        "Sus. Edi iwan niya ang babae. Katulad nung pag-iwan mo sa akin noon"

        "Iba naman ang kwento nila kesa sa kwento natin, Bek"  dahilan ni George  "Ipinaglaban ko siya noon dahil mahal ko siya. Pero iba ang mahal niya. Si Hazel. At  masaya na ako ngayon dahil masaya siya"

        "Oh well. Ikaw ang bahala. Pero basta, mas boto pa rin ako kay Zeek kesa kay Anthony na yan"  pero hindi sumagot si George at tinignan niya lang ang dating asawa  "Oh. Bakit ka ganyang makatingin sa akin?? Don't tell, nagugustuhan mo pa rin ako"

        "Hindi. Sobra ka talaga"  ngiti ni George sa biro ni Bek  "Nakatingin lang ako sa'yo dahil sobrang laki na ng pinagbago mo, Bek. Sobrang bait ka na ngayon at supportive sa akin"

        "Sus. Yan lang naman pala. Kasi nga diba.... I'm over you... at tanggap ko na hindi na talaga tayo magkakatuluyan. Kontento na ako ngayon sa buhay ko"

        "Salamat ulit Bek"

        "You're welcome" ganting ngiti ni Bek sa kanya  "Oh pano, balik na ako sa opisina ko. May gagawin pa ako..."  tumayo si Bek sa kanyang inuupuan at lumakad palabas ng opisina niya

        "Sige.."  sagot din naman ni George at sabay kuha ng baso niyang may alak at inubos ang laman nito

        "Bye...."  huling sabi ni Bek bago sinara ang pintuan.

Samantala.

Inaanyaya ni Anthony ang kanyang kaibigan na si Grace na magkape sa isang coffee shop dahil wala itong magawa sa bahay nila ni George.

Pumayag naman si Grace na magkita silang dalawa para naman makapag-usap ng masinsinan.

        "Hay sa wakas"  buntong-hininga ni Anthony habang nakita niya si Grace na kakarating lang  "Dumating ka rin. Bakit ang tagal mo?"

        "Sorry baks. Naglaba pa kasi ako eh"  at umupo siya sa bakanteng upuan  "Teka. Nag-order ka na ba?"

        "Wala pa nga. Hinihintay kita dahil ikaw ang manglilibre sa akin"  ngiti ni Anthony sa kaibigan

        "Ganon?"  taas ng kilay ni Grace  "Ikaw ang nag-invite na mag-kape tapos ako pa ang manglilibre sa'yo?? Galing mo din noh?"

        "Sorry na baks. Wala kasi akong pera ngayon eh"  paliwanag niya sa kaibigan  "Nag-iipon kasi ako. May bibilhin kasi ako eh"

        "Naku. Yan ka naman parati eh"

        "E ikaw muna ang taya baks. Promise. Bawi na lang ako kapag may pera ako"

        "Haaay. Ano pa nga ba"  buntong-hininga ni Grace  "Eh kamusta ka na?? Anong ganap natin..?"

        "Wala nga eh. Boring nga sa bahay namin ni George"

        "E bakit hindi ka maghanap ng trabaho...?"

        "Hay naku baks. Kung alam mo lang. Ilang beses na akong naghanap ng trabaho"

        "Ganon?? E bakit hanggang ngayon ay tambay ka pa rin? Don't tell me, nagpakasasa ka na sa yaman ng boyfriend mo noh?? Kamusta ang bank accounts niya, baks? May nakuha ka na bang pera??"

        "Gaga ka ba?? Hindi ako ganong tao noh"  kunot ng noo ni Anthony  "Hindi ako makapasok sa trabaho kasi parang sinasadya"

        "Sinasadya?? What do you mean?? At sino naman ang sumasadya yan?"

        "Kasi nga Tito ng ex ko si Jeffrey Dy. Alam naman natin na majority ng mga negosyo dito ay nakapangalan sa kanya. Idagdag mo pa si ex at ang hawak niya ding mga kumpanya"

        "Ahhh. Yan pala ang dahilan. E kasalanan mo din kasi baks"

        "Alam ko naman yun. Alam ko na may kasalanan akong nagawa kay Mike na yan. Pero naman, bigyan naman nila sana ako ng pagkakataon na magbago at huwag nila sanang sirain ang buhay ko. Bigyan nila ako ng trabaho"

        "Pero kung sa bagay, tama ka. Sumusobra na talaga ang mga mayayamang Intsik na yan eh. Kung makapag-hari at mag-kontrol ng mga buhay ng mga Pilipino dito sa Pilipinas, akala mo sa kanila ito"  pagsang-ayon ni Grace  "Pero baks. Kung hindi ka makapasok at makahanap  ng trabaho, bakit hindi mo subukan kay George na mag-apply...?"

        "Sa kanya...? Okay ka lang...? Ayaw ko nga noh"

        "E bakit naman? Mag-partner naman kayo diba?"

        "Ayoko. Oh sige, kung doon ako mag-apply at makapasok nga ako dun. Sandamakmak namang tsismis ang masasabi at maririnig ko dahil ang rason lang na nakapasok ako ay boypren ko ang may-ari. Hindi ba masamang pakinggan yon?"

        "Hindi kaya, qualified ka naman siguro sa posisyon na a-applyan mo"

        "I don't think so. Kahit ano naman ang gagawin ko na mabuti, ako pa rin ang lumilitaw na masama. So why bother?"

Natahimik na lang si Grace dahil nasa punto naman ang kanyang kaibigan. Huminga muna siya ng malalim bago siya napaisip ng kanyang isasagot kay Anthony.

        "Kung sa bagay, tama ka. Wala ka namang choice at magpapaalaga ka na lang kay George"  buntong-hininga muli ni Grace  "Pero baks, sana ituloy mo pa rin ang paghahanap ng trabaho ha. Ikaw kasi eh. Sa lahat ng mga lalaki na pwedeng irelasyon, sa mga mayayaman ka pa talaga pumatol"

        "E hindi ko naman sinasadya yon. Lalung-lalo na kay Mike. Hindi ko naman alam na negosyante ang tao" tanggol ni Anthony sa kanyang sarili  "Hindi halata kaya, sobrang low-key niya"

        "DUH!! He's Michael Teng. Hindi mo kilala?"

        "As a negosyanteng mayaman?? Hindi"  sagot niya sa kaibigan  "Basta. Ang gulo-gulo na ng buhay ko, baks. Tapos idagdag pa 'tong si George"

        "Oh bakit?? Nag-away ba kayo...?"  

        "Hindi eh. Wala naman kaming pinag-awayan. Pero parang nagagalit siya sa akin and he's cold na for these past few days"

        "Baka may nagawa o may sinabi ka na ikinagagalit niya"

        "Hmmmm. Parang wala naman"  habang inaalala niya ang kanyang mga nagawa o sinabi  "Except lang yong pinahiya at pinagalitan ko si Mike noon. Diba sobrang tagal na yon? It was two years ago pero parang hindi pa siya nakapag-move-on doon"

        "Oo nga. Sobrang tagal ng isyu na yun"  dugtong naman ni Grace  "O baka naman naghahanap lang siya ng dahilan"

        "Dahilan...? What do you mean, baks?"

        "Dahilan... para mag-away kayo. Kasi baka may nakita na siyang bago"

        "Parang hindi naman. Sobra ka naman, baks"

        "Isipin mo 'to ha. Gumagawa lang siya ng rason para magalit siya sa'yo at para mag-away kayo. Kahit ang sobrang tagal na isyu ay pinapalala niya para lang mag-away kayo... pagkatapos nun, hiwalayan. Para malaya na siya sa bago niyang relasyon"  paliwanag ni Grace sa kaibigan.

Itutuloy…

FLA: Chapter 2 (Pag-krus ng Landas)

Hindi makapaniwala si Anthony sa sinabi sa kanya ng kaibigan na kung bakit malamig si George sa kanya. Gumagawa lang daw ito ng rason para mag-away at magkahiwalay silang dalawa para malaya na si George sa kanyang bago.

        "Parang hindi naman eh. Hindi ganyan si George, baks. Alam ko na faithful at loyal siya sa akin"

        "Sigurado ka ba diyan?"

        "Oo naman. Sigurado ako"

        "Oh sige, ikaw ang bahala. Basta sinabihan na kita tungkol diyan"

        "Don't worry, baks. Kilala ko si George. Hindi niya gagawin yan"

Tumaas na lang ang dalawang kilay ni Grace sa sinabi ng kaibigan. Kita sa mukha niya na hindi siya naniniwala kay Anthony at pinagtatakpan niya lang ito. “Pinapaalala lang kita baks ha. Alam mo naman ang kuwento nila noon ng dating asawa niya. Marami siyang naging ka-affair” paalala niya kay Anthony “Diba ikaw na ang nagsabi na may nangyayari sa kanila ng dating assistant niya na si Lucas?”

        "Yeah I know. Noon yon. Pero he's a changed man"

        "Changed man ka diyan. Naku baks. Walang ganyan. A cheater is always a cheater. Tandaan mo yan"

        "Ibahin mo si George. Mabait siyang tao"

        "Well. Ikaw ang bahala"  sagot ni Grace  "Basta huwag mo akong kakausapin o susumbatan kapag tama ako"

        "Grabe ka naman"

        "Eh totoo naman e"  at tinignan ni Grace ang mata ng kaibigan  "Baks. Iwan mo na si George hanggang maaga pa. Masasaktan ka lang. Please. Para naman sa'yo ito eh"

        "Ewan ko..."  buntong-hininga ni Anthony  "Parang siya na ang buhay ko baks eh. Hindi ko alam kung saan ako pupulitin kapag nagkahiwalay kami. Sa totoo lang, sirang-sira na ang buhay ko"

        "That's why ayusin mo ang buhay mo ngayon bago pa mahuli ang lahat. Baks. Kaibigan kita at ayaw kitang nakikita na nahihirapan"

Sa likod na nanlulumo na mga mata ni Anthony ay ngumiti ito sa kaibigan. “Ano ka ba? Huwag ka ngang maawa sa akin, kaya ko ’to noh. Ako pa ba…”


Dakong alas-singko ng hapon nang makauwi si Zeek sa kanilang bahay. Nang pagpasok niya ay may bigla siyang narinig na iyak mula sa kanilang silid na mag-asawa. Nagtaka ito at nagdesisyon na magtungo kaagad sa kanilang silid upang tignan kung sino ang umiiyak.

        "Berry..?"  tanong ni Zeek sa kanyang asawa na nakaupo at humagolgol sa iyak. Umupo si Zeek sa tabi ng umiiyak na asawa  "Bakit ka umiiyak?? Si Baby Ace..? Okay ba siya?"

        "Oo Cookie. Okay ang baby natin. Natutulog na siya"  patuloy pa rin ang pamumula ng kanyang pisngi sa pag-iyak.

        "E anong nangyari?? Bakit ka umiiyak?"

Hinawakan na lang ni Hazel ang kamay ng asawa at tinignan niya ito sa mata. “Cookie?? Ipangako mo muna sa akin na mamahalin mo pa rin ako kahit anong mangyari”

        "Oo naman. Mahal kita, okay?"  haplos ni Zeek sa pisngi ni Hazel  "Huwag ka nang umiyak. Ano ba talaga ang problema Berry?"

        "Ito oh..."  sabay turo niya at itinaas ang kanyang damit para ipakita muli ang mga stretch marks niya sa asawa "Sobrang pangit talaga, Cookie"

Nagpabuntong-hininga na lang si Zeek sa asawa, nag-aalala talaga kasi siya kay Hazel dahil umiyak ito at parang malaki ang problema… pero ito lang pala.

        "Hay Berry. Akala ko kung ano na..."

        "Hindi lang na 'kung ano na' ito, Cookie. Katawan ko 'to. At sobrang pangit na ako"

        "Akala ko ba ay napag-usapan na natin yan kaninang umaga? Hindi pa pala tapos yan"

        "E kasi ehh. Parang mga kalmot ng mga pusa"

Tumayo si Zeek sa kama at niyakap ang asawa na nag-iinarte “Berry… kahit ano pa ang itsura mo, mamahalin pa rin kita. Kahit puro kalmot ng pusa ang tiyan mo, mahal na mahal kita”

        "Iiiiihhh naman eh.."  iyak ni Hazel na parang bata

        "Oh bakit?? Tama naman Berry. Ang importante naman ang nararamdaman kong pagmamahal sa'yo. Hindi ang itsura mo"

Napangiti na lang si Hazel sa matatamis na mga salita sa kanya ng asawa. Niyakap niya lang ito ng mahigpit “Salamat Cookie. Mahal na mahal din kita. Walang iwanan, okay?”

        "Walang iwanan"  sagot ni Zeek.

Samantala.

Kakauwi lang ni Anthony sa kanilang bahay ni George. Tila pagod ito sa mula sa paglabas nila ng kaibigan na si Grace.

Pero nung pagpasok niya ay nagulat siya sa kanyang nakita dahil nandoon na si George at kumakain ng meryenda sa kusina.

        "Babe..."  panimula ni Anthony habang lumalakad ito papunta sa kanya  "Ang aga mo naman yata"

        "Bakit? Bawal ba?"

        "Hindi. Wala naman akong sinabi na bawal"  dugtong niya kay George  "Nagulat lang kasi ako dahil gabi ka na umuuwi. Ganon lang"

        "Okay..."  at itinapon ni George ang maliit na mangkok na pinalagyan niya ng ice cream sa lababo  "Sabi mo eh"  sabay alis niya sa harap ni Anthony.

        "Babe..."  sabay hawak niya sa braso ni George  "Galit ka pa rin ba sa akin?? Sorry na oh"

        "Nasabi ko na ang lahat kanina ang gusto kong sabihin"  sagot ni George  "Depende na sa'yo kung ano ang pagka-intindi mo"

        "Oo na babe. Alam ko na malaki ang pinagbago ko at iyan ang dahilan kung bakit ka galit sa akin. Pasensiya na"  sabay hawak niya kay George ng mahigpit  "Basta bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan sa'yo na mahal kita"

        "Sige..."  panimula ni George  "Pagbibigyan ko ang gusto mo"

        "Talaga babe??"  at lalo niya pang hinigpotan ang pagyakap kay George  "Maraming salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon"

        "Sige na. Bitawan mo na ako"  unti-unting kinukuha niya ang mga braso ni Anthony na nakapulupot sa kanyang katawan  "Magbibihis na ako"

        "Huwag ka munang magbihis, babe"

        "Bakit?"

        "Kasi may pupuntahan pa tayo"

        "Saan naman yan?"  kunot ng kanyang noo

        "Kakain tayo sa labas. Pupunta tayo sa mall"

        "Talaga?? Treat mo ako?"

        "Wala akong pera babe eh. Ikaw na lang"

        "Sabi ko na nga ba"  singhap ni George  "Sige na. Alis na tayo"

        "Yehey! Thanks babe"

Lumakad sila kaagad palabas ng bahay at sumakay ng sasakyan ni George. Walang nagawa si George kundi hayaan na lang ang gusto nito na umalis kahit labag ito sa kanyang kalooban.


        "Cookie. Baakit pa tayo umalis at nagpunta ng mall?"  habang lumalakad sila sa loob ng department store  "May bibilhin ka ba?"

        "Oo. Meron Berry"

        "Ano naman yun? Sana naghintay na lang tayo ng Sunday para makasama si Mama at si Baby Ace"

        "Mabilis naman tayo dito. At isa pa, masyadong baby pa ang anak natin para makalabas"  paliwanag ni Zeek sa asawa  "Kaya mag-enjoy ka muna dahil ipagsha-shopping kita"

        "Ano?? Tama ba ang narinig ko...?"

        "You heard me"  ngiti ni Zeek kay Hazel  "Kaya pumili ka na ng gusto mo para makabayad na tayo sa cashier kasi gumagabi na. Alam ko naman na matagal ka pang makapili ng gusto mo..."

Nagulat si Zeek sa biglang pagyakap ng asawa sa kanya “Thank you, Cookie. Salamat dahil sobrang bait mo”

        "Oo naman. It's my responsibility as a husband to make my wife happy. Kasi mahal kita at gusto ko na mapasaya kita kahit sa ganitong paraan lang. Alam ko na may pinagdadaanan ka kasi ngayon sa katawan mo eh"  sabi niya asawa at kinilig naman si Hazel nang sabihin iyon ni Zeek sa kanya  

        "You're so sweet Cookie"

Ngumiti na lang si Zeek sa sinabi ng asawa “Sige na. Pumili ka na”

        "Sige Cookie. Mag-uumpisa na ako ha"

        "Sure. Take your time. Uupo lang ako dito"

Magkalipas ang isang oras na paghahanap ni Hazel ng mga gusto niyang damit, ay sa wakas ay nakapagbayad na sila at makakauwi na ng bahay.

        "Sorry Cookie ha. Marami kasing magagandang damit dito sa mall eh. Kaya mahirap sa akin na magdesisyon kung ano talaga ang kukunin ko"  sabay pakita sa asawa ang limang bag na pinamili nila.

        "It's okay. I expected that naman eh"  sagot ni Zeek  "Ang importante ay happy ka. So, happy ka ba?"

        "Yes Cookie. Super happy"

        "I'm happy that you're happy"  dugtong niya  "Masarap sa pakiramdam kapag nakikita kita na masaya, Berry"  napangiti na lang si Hazel na parang kinikilig ito dahil tinititigan siya ng kanyang asawa  "Ang ganda mo talaga, Berry."

        "Salamat Cookie ha. Salamat talaga sa lahat. For spoiling me and for the love"

        "Anything for my queen"  sabay kuha niya ng kamay ng asawa at hinalikan ito.

        "Zeek...?" nagulat at napatingin ang mag-asawa sa biglang nagsalita sa kanilang harapan.

        "George"  sagot ni Zeek sabay lunok ng kanyang laway  "Kamusta...?"

        "Ito. Masaya. Kasama ang aking pinakamamahal na si Anthony"  agad niyang inakbay si Anthony at piniga ang balikat nito  "E ikaw?? Kamusta kayong mag-asawa?"

        "Actually, we're happy din Sir"  sabat ni Hazel sa kanya  "Sa katunayan nga ay binilhan ako ng asawa ko ng mga damit at gamit ko. Haay. Ito talaga ang asawa ko, parati niya akong sinosorpresa at pinapadama niya sa akin na para akong reyna"

        "Wow. Talagang masaya nga kayo"  tanging sagot ni George. Halata sa boses niya na nasaktan siya sa sinabi ni Hazel. Napansin at nahalata naman din ito Anthony pero mas pinili niya na lang na tumahimik  "So I guess, mauna na kami? Maglilibot pa kasi kami eh. Bibilhan ko pa ang babe ng gusto niya"  sabay pisil ng balikat ni Anthony

        "Sure. Mag-ingat kayo and have fun"  sagot ni Zeek.

Hindi sumagot si George at lumakad silang dalawa palayo sa mag-asawa. Samantala tinignan naman ni Zeek ang asawa na tila may ibig sabihin.

        "What...? Bakit ka ganyan makatingin sa akin, Cookie?"

        "Ano yon? Anong drama yon? Kailangan mo pa talaga na ibunyag sa kanila ang tungkol sa atin?"

        "Cookie. Sorry na. Si George kasi eh. Nang-iinis"  dahilan ni Hazel sa asawa  "Pinamumukha niya sa atin na masaya sila kaya nasabi ko yon. Pasensiya na"

        "Kahit na. Ang pangit pakinggan at isa pa, hindi naman sila importante eh. Huwag mo nang uulitin yun ha"

        "Okay po, Cookie. Pasensiya na ulit"

        "It's okay, Berry. Basta promise mo sa akin na hindi mo na uulitin yon"

        "Promise Cookie. So, uwi na tayo?"

        "Hindi pa"

        "Ha?? Bakit? Saan pa ba tayo pupunta?"

        "Kakain. Gutom na gutom na ako eh"

        "Eh dun na lang tayo kumain sa bahay. Walang kasama sina Mama at Baby Ace"

        "Ano ka ba, Berry. Minsan lang naman tayo nakalabas, lubos-lubusin na lang natin ito"  paliwanag niya sa kanyang asawa  "Sige na, please??"

        "Ohhh sige na nga. Pero basta magpaalam ka muna sa bahay"

        "I already did, Berry. Sinabihan ko na si Mama kanina bago tayo umalis"  paniniguro ni Zeek sa kanya  "So?? Lets eat?"

        "Sige na nga. Tayo na"

        "Yey.! Sa wakas, pumayag ka na din"  sabay ngiti ni Zeek dahil sobrang saya ito dahil pumayag ang kanyang asawa na magtagal muna pa sila sa mall upang kakain.

Samantala. Habang naglilibot sina Anthony at George sa mall.

Hanggang ngayon ay kitang-kita sa mukha ni George na nasaktan siya na makita na masaya si Zeek kasama ang kanyang asawa. Hindi pa rin kasi siya nakapag-move-on sa kanta dahil sobrang-sobra niya minahal ang batang yon.

        "Babe...? Okay ka lang?"  panimula ni Anthony.

        "Oo. Okay lang ako"  sagot niya

        "Parang hindi eh. Yung totoo, okay ka lang ba talaga..?"

        "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayos lang ako...!"  biglang pagtaas ng boses ni George. Maraming tao ang nakatingin sa kanila dahil nga sa biglang pagsigaw niya kay Anthony.

        "Babe. Huwag kang sumigaw dito. Nakakahiya"

        "Ikaw ang nakakahiya"  sabay bulong nito kay Anthony  "Ang kulit mo eh"

        "Pasensiya na. Nagtatanong lang naman ako"

        "I don't care"

        "Babe? Galit ka ba sa akin?"

Hahawakan na sana ni Anthony ang braso ni George pero umiwas ang isa. “Huwag mo akong hawakan. Kasalanan mo ’to eh”

        "Ha? Ano ba ang naging kasalanan ko sa'yo?? Wala naman ah"

        "Kung hindi dahil sa kaartehan mo na pumunta dito, hindi sana kami nagkita ni Zeek at ng asawa niya"

        "Parang yon lang? Galit ka na?"  dugtong ni Anthony  "Hindi ko naman alam na andito sila. Ginusto ko ba yon?"

        "Wala akong pakialam kung ginusto mo o hindi. Basta ikaw ang sinisisi ko sa nangyari"

        "What?? Teka. Sandali lang ha. Bakit ka ba ganito ka-apektado nung nagkita mo ang ex mo?? May nalalaman ka pang ipagbibili mo ako ng gusto ko. Ano yon? Pinagseselos mo siya....?? Don't tell me na may nararamdaman ka pa sa kanya..."

        "Ano?? Ano naman bang kahibangan yan"

        "Eh uminit ang ulo mo nung nagkita tayong apat kanina eh. Lalung-lalo na nung sinabi ng asawa niya na masaya sila"  paalala ni Anthony sa kanya  "Akala mo ba ay hindi ko nahahalata ang reaksyon mo kanina?? Halata ko at kitang-kita ko sa mata mo na nasasaktan ka"

        "I don't know what you're talking about"  at naunang lumakad si George at iniwan si Anthony

        "Saan ka pupunta...? Iwan mo ako...??!"

        "Uwi na tayo. Nawalan na ako ng gana dito"

        "Babe naman. Huwag ka nang magalit. Sorry na. Nagulat lang ako"

Pero hindi siya pinansin ni George at patuloy pa rin ang kanyang paglakad. Nagdesisyon na lang siya na lumakad at hinabol ito.

Itutuloy…

FLA: Chapter 3 (The Unexpected)

Kakalabas lang ng mag-asawa sa isang mamahaling restaurant. Tila hindi makalakad ng maayos ang dalawa at humihingal ito dahil marami ang kanilang kinain dito.

        "Naparami yata ang kinain ko, Cookie. Parang tataba ako nito"  sambit ni Hazel sa asawa.

        "Minsan lang naman 'to, Berry. Okay lang yun"  sagot ni Zeek  "At hindi ka tataba noh. Ang sexy mo kaya. Hindi tatalab ang taba sa'yo"

        "Sus. Nambola ka pa Cookie"

        "No, I'm not. Totoo ang mga sinasabi ko, Berry"

        "Oo na. Sige na, naniniwala na ako"  habang lumalakad sila palabas ng mall  "Cookie?"

        "Yes Berry?"

        "Tignan mo nga sa telepono mo kung anong oras na"  utos niya sa asawa  "Baka hinihintay na tayo ng baby natin"

        "Oh sige"  kaagad naman kinuha ni Zeek ang kanyang telepono at tinignan ito kung anong oras na. Pero iba ang kanyang nakita at napalaki ang mga mata niya dahil sa maraming tawag at text na natanggap niya  "Ang daming tawag si Mama"

        "Ha? Bakit siya tumawag?"

        "Teka Berry. Check ko muna ang text niya"  at binasa naman iyon kaagad ni Zeek ang mga mensahe ng kanyang ina  "OH SHIT!!"

        "Oh bakit Cookie?? Ano ba ang sabi ni Mama??!"

        "Ang huling mensahe ni Mama ay one hour ago pa"  habang nanginginig ang kamay niya habang binabasa niya ito  "Nasusunog ang bahay..."

        "What??!! Oh my god, Cookie. Ano pa ang hinihintay natin. Let's go! Umuwi na tayo, baka ano na ang nangyari sa kanila"

Kahit hingal na hingal sila sa kabusogan ay tumakbo pa rin sila papunta sa parking lot na kung saan nandoon ang kanilang sasakyan. Wala na silang sinayang na oras dahil baka ano na ang nangyari sa mag-lola nila sa bahay.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Nanlaki ang kanilang mga mata nang pagdating nila sa labas ng kanilang bahay. Maraming mga tao ang nakatumpok at nagkagulo sa labas dahil sa nangyari. May isang truck ng bombero din doon na parang katatapos lang nila mag-apula ng apoy.

Hindi napigilan ni Hazel na bumaba ng sasakyan at tinignan ang bahay. Totoo nga ang text ni Vivian sa kanila kanina na nasusunog ang bahay pero hindi nila napansin iyon dahil kumakain sila ng hapunan sa restaurant.

Huli na ang lahat. Huli na dahil natupok na ng apoy ang kanilang bahay na pinaghirapan nilang patayuin magkalipas ang ilang taon na pagtatrabaho. At wala siyang ideya kung ano na ang nangyari sa kanyang anak at sa biyenan na si Vivian.

“Ma’am. Ikaw ba ang may-ari ng bahay na ’to?” tanong ng isang lalaki na naka-uniporme ng bombero.

“Opo Sir. Ano po ang sinimulan ng sunog?”

“Hindi pa namin alam kung ano ang dahilan ng sunog pero huwag po kayong mag-alala dahil mag-iimbestiga kami kaagad” sagot niya kay Hazel “As of now, pumasok na po ang tauhan namin upang i-check ang loob ng bahay”

        "Salamat po Sir"  sagot ni Hazel  "So nasaan po ang mga tao sa loob?"

Hindi nakasagot ang bumbero dahil may lumabas na dalawang stretcher. Dalawang nakahiga na nakatakip ang buong katawan nila ng puting kumot.

Parang alam na ni Hazel kung sino ang dalawang nakahiga at wala nang buhay. Umiyak na lang si Hazel at nilapitan ang dalawang bangkay at niyakap ng sobrang higpit.

        "Ang baby ko..."  iyak ni Hazel  "Wala na ang baby ko.... Mama.... Sorry talaga... hindi namin napansin ang tawag at text mo... pasensiya na talaga"

        "Ma?? Baby Ace??"  sambit naman ni Zeek sa likuran ni  Hazel. "Pasensiya na talaga.... Diyos ko.... hindi ko alam na mangyayari ito sa inyo"

Humarap si Hazel sa asawa at nanlilisik ang kanyang mga mata “Kasalanan mo ’to. Kasalanan mo ’to!!!” at binugbog niya ng suntok si Zeek sa dibdib habang umiiyak. “Kung hindi ka lang sana naging pabaya. Sana buhay pa sila ngayon!!”

Niyakap na lang siya ng asawa ng sobrang higpit at umiyak na rin “Shhh. Berry. Tama na… Sorry. Sorry talaga. Alam ko na kasalanan ko talaga ito”

        "Hinding-hindi kita mapapatawad...."  patuloy pa rin ang pag-iyak niya habang niyakakap siya ng kanyang asawa ng mahigpit.

Sa gitna ng yakapan at iyakan ng mag-asawa ay inistorbo sila ng isang bumbero “Ma’am. Sir. Pasensiya na po sa istorbo pero dadalhin na namin ang mga bangkay sa morgue”

        "Sige"  sabay alis ni Hazel sa pagkayakap niya sa asawa at pinunasan ang kanyang mga luha  "Kayo na ang bahala sa anak at sa biyenan ko"

        "Wala pong problema, Ma'am. Sige po, alis na kami"  at tumingin siya kay Zeek  "Sir..?? Alis na kami"

        "Sasama ako"  sabay tingin niya sa asawa  "Berry, sasamahan ko muna sila ha. Doon ka muna dumerecho sa bahay nina Daddy at Mommy. Susunod ako"

Pero hindi sumagot si Hazel sa pagpapaalam niya dito. Umalis na lang si Zeek kasama ang ambulansya na sakay ang bangkay ng kanilang mahal sa buhay.


Samantala. Sa bahay ni George.

Habang papasok sila ng bahay…

        "Parang bitter ka 'ata sa nakita mo kanina ah"  panimula ni Anthony

        "What? Ano ang ibig mong sabihin?"  kunot ng noo ni George

        "Huwag ka nang magkaila pa. Alam ko na umiba ang mood mo nung nakita mo ang ex mo at ng kanyang asawa na masaya"

        "Seryoso ka...?"  habang lumapit si George sa kanya  "Lahat na lang ba ng galaw ko ay binibigyan mo ng ibig sabihin...??"

        "Bakit? Totoo naman diba? Na mahal mo pa rin siya"  ulit ni Anthony sa kanya  "My god!! Its been years, hindi ka pa rin ba nakakapag-move-on sa kanya?"

        "Ang dami mong alam. Pwede ba, tumahimik ka"

        "Anong tumahimik?? Bakit? Ayaw mo bang marinig na masaya na ngayon ang ex mo sa asawa niya?"  pagdidiin pa niya lalo kay George  "O baka naman mahal mo pa rin siya kasi nagagalit ka sa nakita mo kanina"

        "I said, shut up!! I don't owe you an explanation sa naramdaman ko kasi hindi mo naman ako pagmamay-ari!! Okay?"  doon natigilan si Anthony at parang sinampal siya ng katotohanan na sinabi sa kanya ni George  "Know your place..."

Nasaktan si Anthony at parang kumurot ang dibdib niya nang marinig niya iyon. “Ano ang ibig mong sabihin?? Wala na tayo?? Hindi mo na ako mahal?” pero hindi sumagot si George “George. Sumagot ka!!”

        "Wala. Basta. Magpahinga ka na dahil gabi na"

Tumalikod muli si George pero pinigilan siya ni Anthony at hinawakan ang isang braso nito “Huwag kang tumalikod. Kinakausap pa kita” pagmumula ng ilong niya “Bakit ganyan na lang ang pakikitungo mo sa akin, babe? Parang hindi na kita kilala”

        "Look who's talking"  dugtong ni George  "Kung ako sa'yo, tumahimik ka na lang dahil kahit anong gawin mo, hindi na talaga ako magbabago. Tama ka, hindi na ako ang dating George na minahal mo noon"

        "Bakit?? Ano ba talaga ang naging kasalanan ko sa'yo...?"  iyak niya kay George

        "Ilang beses ko nang sinabi sa'yo. Ikaw lang ang makakatama sa mga mali mo"

        "Alam ko naman yon at pinagsisihan ko na ang mga ginawa ko. Andito na ako oh. Bumabawi sa mga nagawa ko"

        "Talaga?? Sorry. But it's still not enough"

        "Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo lang ako?? Sabihin mo lang para  bumalik ang dating George na minahal ko"

        "So naramdaman mo na ngayon ang naramdaman ko sa'yo"  paalala ni George sa kanya  "Binigyan ko ulit ng pagkakataon ang relasyon natin dahil akala ko ikaw pa rin ang dating minahal ko. Pero iba nag-iba ka na. Masyado ka nang selfish, naging immature at naging user"

        "I'm sorry babe. I'm really sorry. Hindi ko sinasadya na saktan ka"  sabay yakap niya kay George  "Ginawa ko lang naman yun dahil mahal kita eh"  pero walang sinagot ang isa sa kanya  "Sabihin mo lang babe. Gagawin ko lahat para lang maibalik ang pagmamahal mo sa akin"

        "Wala na. Wala ka nang dapat na mapatunayan sa akin. Tapos na"

        "What do you mean?"

Walang sabi-sabi ay lumakad at dumerecho si George palayo at nagtungo siya sa kanyang silid. Iniwan niya si Anthony na nakatayo habang umiiyak sa kanyang sinabi.


Kinalaunan ng gabing iyon.

Kararating lang ni Hazel sa bahay ng kanyang mga magulang para doon muna magpalipas ng gabi dahil wala na talaga silang natira na gamit sa nasunog nilang bahay.

        "Mommy..."  iyak ni Hazel habang papasok siya sa bahay at kaagad niyakap ang kanyang ina.

        "Natanggap ko ang message mo, anak. Totoo ba ang nangyari???"  at tumango si Hazel bilang sagot  "Diyos ko... tumahimik na sana ang kaluluwa ng aking balae at ang aking apo"

        "Mommy... okay lang ba kung dito muna kami manirahan ni Zeek pansamantala?"

        "Oo naman anak. Walang problema sa amin ng Mommy mo"  dugtong naman ni Arnold sa kanyang anak  "Welcome na welcome kayo dito sa bahay"  ngiti niya sabay tapik nito sa balikat ni Hazel.

        "Salamat Daddy. Pero don't worry po, hahanap kami kaagad ng bahay na malilipatan kapag nagkaipon ulit kami"

        "Its okay, Hazel. Kahit magtagal pa kayo dito. Okay lang sa amin ng Mommy mo"

        "Salamat po ulit Daddy"

        "Teka. Saan na ba si Zeek, anak?"  tanong naman ni Daisy

        "Sumama po siya sa ambulansya na patungo sa morgue, Mommy. Siya na po ang nag-asikaso sa mga bangkay ng anak ko at ni Mama"

        "Good. Mabuti naman kung ganon"  dugtong ni Arnold  "Oo nga pala, ano nga pala ang totoong nangyari? Nasaan kayo kanina habang nasusunog ang bahay ninyo?"

        "Nasa mall po... pinagbili po ako ng asawa ko ng mga gamit tapos kumain sa restaurant"  kuwento ni Hazel habang tumutulo ang kanyang luha   "Hindi po namin alam na nasusunog na pala ang bahay"

        "E si Vivian?? Hindi ba siya tumawag sa inyo na may nangyayari sa bahay ninyo?"

        "Wala po Dad"  pagsisinungaling ni Hazel

        "Ganon ba..."  sabay hinga ng malalim naman ni Daisy "Kawawa naman sila... lalung-lalo na ang apo ko. Sobrang bata niya pa"

Hindi nakasagot si Hazel sa mga sinabi ng kanyang magulang at umiyak na lang ito na parang baby habang lumalakad siya papunta sa kanyang Daddy. “Daddy… wala na si Baby Ace. Wala na ang baby ko…” iyak niya habang yakap-yakap siya ni Arnold.

        "Shhh. Tahan na baby. Andito na si Daddy"  sabi niya sa anak habang nanlulumo din ang kanyang mga mata dahil sa pagkawala ng kanilang apo  "Kailangan niyo lang na magtulungan na mag-asawa sa nangyari sa inyo ngayon. Alam ko na mahirap pero kailangan ninyong magpatuloy sa buhay"  Hindi siya sumagot sa payo ng ama at niyakap niya na lang ito ng sobrang higpit.

Magkalipas ang isang oras ay naka-uwi na si Zeek sa bahay at kaagad dumerecho sa kanilang silid. Nadatnan niya si Hazel na nakaupo sa kama at parang tulala.

Lumakad siya patungo sa asawa at tinabihan ito at niyakap ng sobrang higpit.

        "Huwag mo akong hawakan"  sambit ni Hazel sa asawa.

        "Galit ka pa rin ba sa akin, Berry?? Sorry na oh. Hindi ko naman alam eh"

        "Hindi alam?"  ulit niya  "Kung tinignan mo siguro ang cellphone mo at nabasa ang text ni Mama, malamang ay buhay pa silang dalawa"  habang nanlulumo ang kanyang mga mata

        "Bakit ako ang sinisisi mo?? Hindi ko naman ginusto ang nangyari ah"  balik niya kay Hazel  "Nanay at anak ko ang namatay... sa tingin mo ba ay masaya ako sa nangyari..??"

        "Pero pinabayaan mo pa rin sila. Hindi ka naging aware sa mga dapat na mangyari. Nagpabaya ka"

Sasabog na sa galit si Zeek pero nagdesisyon na lang siya na kumalma dahil naiintindihan niya ang kanyang asawa.

Tumayo siya lumabas na lang ng silid at pumunta sa sala para doon na lang magpalamig ng kanyang ulo at para umiwas na lang sa gulo.


Kinabukasan, Sa bahay ni George.

Kakalabas lang ni Anthony at pumunta sa kusina. Doon niya nakita si George na nagluluto ng kanilang agahan.

        "Good morning babe"  sabay yakap niya mula sa likuran ni George.

        "Good morning"  tanging sagot ni George.

Sumilip siya sa kawali upang tignan kung ano niluluto ni George. “Wow. Kare-kare. Masarap yan ah. Breakfast ba natin yan, babe?”

        "Hindi"

        "Lunch?"

        "Hindi din?"

        "Ha?? E para saan yan? At bakit ka nagluluto kung hindi naman natin kakainin:

        "Para ito kay Zeek"

        "Kay Zeek...?"  ulit ni Anthony sa kanya. Biglang uminit muli ang tenga niya dahil sa narinig nito  "Bakit...? Ano na naman ba 'to?"

        "Kakainin niya"

        "Kakainin...? Bakit? Wala ba silang pagkain sa kanila? So ano ka? Katulong nila? Ikaw pa talaga ang magluluto para sa kanila??"  sarkastikong sagot ni Anthony sa kanya.

        "That's none of your business. Magluluto ako ng ulam sa ayaw mo o sa gusto, at para kanino, okay??"

        "Anong 'that's  none of my business' ang pinagsasabi mo..."  ulit ni Anthony sa kanya. Parang tinutusok ng kutsilyo ang kanyang puso sa sobrang sakit nang marinig niya iyon  "May I remind you na partner mo ako. Dapat mong sabihin sa akin ang mga kilos mo lalung-lalo na tungkol sa ex mo na si Zeek"

        "Ang aga pa, Anthony. Huwag kang magsimula ng gulo"

        "E putang-ina....!! E ikaw nga ang gumagawa ng gulo..!!"  balik sa kanya ni Anthony  "Tapos ako pa...? Huwaw ha"

        "Ang ingay mo. Pwede ba, bumili ka na lang sa labas ng makakain natin...? Nagugutom na ako eh"

Biglang tumaas ang kilay nita sa inutos sa kanya ni George. “Seryoso ka..? Bibili pa ako ng pagkain natin? E bakit hindi na lang natin kainin yan”

        "Sundin mo na lang ang utos ko bago pa ako magalit ng tuluyan sa'yo"

        "Fine..."  at lumalakad palabas na lang si Anthony. Sinunod niya na lang ang utos ni George habang tumutulo ang luha nito.

Sobrang sakit na talaga ang ginagawa sa kanya ni George dahil niloloko niya na ito ng harapan. Parang nagiging tanga na ito sa pagmamahal niya kahit alam niya unti-unting nawawala ang nararamdaman ni George sa kanya.

Pero alam niya mula simula, kahit dine-deny niya, na siya at ang ginawa niya ang dahilan kung bakit nagbabago ang pakikitungo ng kanyang mahal sa kanya.

At alam niya na kailangan niya iyon pagbayaran…

Itutuloy…

FLA: Chapter 4 (Hidden Agenda)

Habang nasa trabaho si Zeek ay nandoon pa rin si Hazel sa bahay ng kanyang magulang, walang lakas at parang walang ganang gumalaw, Nakaupo lamang siya sa sofa ng bahay habang nakatingin sa kawalan.

        "Hazel...?"  sambit ng boses ng lalaki papunta sa kanya.

        "Marco..."  sagot din ni Hazel "You're here na pala"

        "Oo. Kaagad akong naligo at nagbihis nung tumawag ka. Andito na ako, alam ko na  kailangan mo ngayon ng makakausap"

“Salamat naman kung ganon. Malaking tulong ’to sa akin” sabay iyak niya “Wala na kasi akong pwedeng makausap sa problema ko eh. Pasensiya na ha”

        "Okay lang sa akin, Hazel. Huwag ka nang humingi ng tawad"  paniniguro sa kanya   "Magkaibigan naman tayo eh. Diba? What are friends are for"

Ngumiti si Hazel habang umiiyak ito “Salamat..” sambit niya

        "So, kamusta ka na...?"

        "Heto... hindi pa rin makapaniwala na patay na ang baby ko... tapos si Mama. At wala na kaming bahay. Lahat ng pinaghirapan naming mag-asawa ay nawala lang nang ganun-ganun na lang"  kuwento niya kay Marco  "Hindi ko alam kung saan ako magsisimula eh. Walang-wala na kami"

Umupo sa tabi niya si Marco at inabot nito ang kamay niya at piniga. Tinignan niya ito sa mga mata at sinabing “Everything will be alright, Hazel. Alam ko na mahirap ang pinagdadaanan ninyong dalawang mag-asawa pero naniniwala din ako na malalampasan ninyo ito”

        "Sana nga..."

        "Cheer up, okay??"  sabay tapik niya sa balikat ni Hazel  "Magpasalamat na lang kayo na andiyan pa kayo sa isa't-isa, nagmamahalan. At meron pa kayong matitirhan na bahay. Mabuti nga dahil nabili na nila muli itong bahay. Matagal na nila itong pinaplanong bawiin eh"

        "Oo nga eh.."

        "Smile ka nga..."  at ngumiti naman siya kay Marco  "Ayan... lalung lumilitaw ang kagandahan mo kapag nakangiti ka"

        "Ikaw talaga. Palabiro ka talaga"  sabay tawa ni Hazel

        "Hindi nga. Totoo ang mga sinasabi ko. Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka"

        "Salamat.."  ngiti niya

        "Huwag mo nang masyadong isipin ang anak ninyo, Hazel. Magpasalamat ka na lang sa Diyos sa nangyari"

        "Magpasalamat??"  ulit niya  "Saan naman?"

        "Magpasalamat dahil hindi niya na maranasan ang hirap ng buhay dito sa mundo. At sigurado ako, nasa langit na ngayon siya"

        "Kung sa bagay. May point ka"  buntong-hininga ni Hazel  "Marco?? Salamat ha? Kahit papaano ay gumaan na ng kaunti ang pakiramdam ko. Isang tunay ka ngang kaibigan"

        "Sus. Wala yun. Sinasabi ko lang naman sa'yo lahat ng 'to para maging maayos ka na at para makatayo na kayo na mag-asawa sa problemang ito"  pero biglang suminghap si Hazel at parang hindi sang-ayon sa huling sinabi ni Marco.  "Bakit? May masama ba sa sinabi ko?"

“Wala naman… iniisip ko lang ang asawa ko”

        "Si Zeek?? What about him?"

        "Ewan ko Marco eh. Parang galit ako sa kanya"

        "Saan ka naman magagalit sa kanya?"

        "Sa ginawa niya. Sa kapabayaan na ginawa niya"  paliwanag ni Hazel sa kanya  "Kung sana hindi kami umalis kagabi. Hindi mangyayari ito. Sana kung napansin niya man lang ang tawag ni Mama habang maaga pa, malamang buhay pa sila ngayon"

Huminga muna ng malalim si Marco bago siya sabihan si Hazel “Hazel…. huwag mong sisihin si Zeek. Hindi niya naman ginusto yun eh. Pareho lang naman kayo ang nawalan” paliwanag niya “Actually, mas malala pa sa kanya dahil dalawa na mahal niya ang nawala, ang anak ninyo at ang nanay niya”

        "Ewan ko, Marco. Hindi ko alam ang iisipin ko. Naguguluhan ako ngayon"

        "I understand, Hazel. Nasa madilim kayong lugar ng asawa mo ngayon. Naiintindihan ko kung may galit ka sa kanya dahil humahanap ka lang ng taong sisisihin sa mga nangyari. Pero ito lang sana ang maipapayo ko, pag-usapan ninyo yan ng maayos ito. Huwag niyong hayaan na masira ang relasyon ninyong mag-asawa"

        "Kung ganyan lang sana kadali"  sabay tulo muli ng kanyang luha  "M-Marco..?"

        "Bakit?"

        "What if kung nakinig ako noon kina Daddy tungkol kay Zeek?? At sa'yo ako nagpakasal? Ano kaya ang future natin?"

        "Ahmmmm. Hindi ko alam, Hazel. Ang importante ay mag-asawa kayo ngayon. Nagmamahalan kayo. Huwag na natin balikan ang nakaraan"

        "What if kung sa'yo ako nagpakasal..?? Siguro iba ngayon ang nararamdaman ko. Siguro masaya ako ngayon"

        "Masaya naman kayo diba?"

        "Oo. Noon. Nung hindi pa nangyari ito"  at tinignan niya si Marco sa mga mata nito papunta sa labi. Mamula-mula at makinis ang mga ito. Gusto niyang halikan ang mga ito.

Napansin naman ni Marco na unting-unti lumalapit ang labi ni Hazel sa kanyang labi “Hazel?? What are you doing?”

        "Kiss me, Marco"

        "Hazel. Mali ito"

        "Just kiss me. Kailangan ko ng comfort mo ngayon. Kailangan ko ng yakap at halik mo ngayon"  isang pulgada na lang pagitan ng kanilang mga labi "Please. Iparamdam mo sa akin kung gaano mo ako kamahal, Marco"

Dadampi na sana ang labi ni Hazel sa kanya pero nagising si Marco sa katotohanan na hindi ito pwede. At itinulak niya si Hazel palayo “NO! Stop this, Hazel! Alam ko na nagugulahan ka ngayon dahil sa pinagdadaanan ninyong dalawa”

        "Please Marco. Nagmamakaawa ako. Please be mine"  iyak ni Hazel

        "Nahihibang ka na, Hazel. Wala ka na sa sarili mo"

        "Pero gusto kita Marco. Gusto kita and I need you"  iyak niya pa ng parang bata

        "Believe me, Hazel. Kailangan din kita ngayon. God knows kung gaano kita ka-mahal hanggang ngayon pero may asawa ka na. Iba na ang buhay natin"

Hindi sumagot si Hazel dahil humagolhol na ito sa kaiiyak. Tumayo si Marco sa sofa at tangkang aalis na. Pero napahinto ito dahil may taong pumasok na hindi nila inaasahan.

        "Good morning"  bati ni George sa kanila

        "Sino ka..?"  tanong ni Marco kay George

        "I'm George. George Salcedo"  napatayo din si Hazel sa sofa. At sa sobrang kaba ay hindi ito makagalaw na parang istatwa.

        "G-George?? Hi-kaw si G-George...?? An-nong ginagawa mo dito?"  pang-uutal na tanong ni Marco sa kanya. 

        "Ahmmm. Parang may ginagawa ata kayo. Siguro babalik na lang ako mamaya o bukas"

        "No no. Everything is fine"  sabay habol ni Marco kay George na tangkang aalis na sana  "Ano ba ang pakay mo dito?"

        "Ahmmm..."  panimula ni George at sabay tingin kay Hazel na umiiyak  "Nandiyan ba si Zeek?"

        "Si Zeek?? Wala eh. Nasa trabaho niya"  sagot ni Marco

        "Ah ganon ba? Ibibigay ko sana ito"  sabay angat ng isang paper bag na may lamang ulam  "Pagkain para sa kanilang mag-asawa"

        "Sa kanila? Sige. Sure"  kuha naman ni Marco ng dala ni George  "Yun lang ba??"

        "Ahm. Yup. Yun lang"

        "Great"

        "So alis na ako. Maraming salamat"

        "Walang anuman, George. Salamat din sa pinadala mo"

        "Sure"  ngiti ni George  "Pasensiya pala ulit sa istorbo"

        "No it's okay. Nag-uusap lang naman kami ng asawa niya. Malaki kasi ang problema niya kaya ganon"

Sumulyap muli si George sa asawa ni Zeek. Tama nga na malaki ang problema nito dahil hindi siya pinapansin. “I understand. Sige. Alis na ako”

Kaagad lumabas si George ng bahay at tuluyan nang umalis doon. Samantala si Hazel naman ay biglang napahinga ng malalim na parang binunotan ng matalim na bagay sa kanyang dibdib.

        "Oh my god. Muntik na tayo dun ah. Nakita niya kaya ang ginawa natin, Marco?"

        "Anong natin? Ikaw lang naman ang nagpupumilit na halikan ako diba?"  paalala ni Marco sa kanya  "Malamang. Nakita niya yon dahil alam ko sa mga kilos niya. Naiilang siya sa atin"

        "No. No. No. This can't be"  sambit ni Hazel na parang natataranta dahil nakita sila ni George  "Baka magsumbong siya kay Zeek"

        "Magsumbong?"  ulit ni Marco  "E diba wala na sila? Wala na silang komunikasyon na dalawa"

        "Hindi natin alam. At alam mo naman si George, lahat gagawin para makausap niya lang si Zeek"  sagot niya  "At ito na ang magandang pagkakataon niya para magkabalikan sila"

        "Siya pala yun. Wala akong ideya na iyon pala si George"

        "What?? Seriously? Hindi mo alam ang mukha niya??"  sambit niya kay Marco  "At iyan pa talaga ang iniisip mo ngayon, Marco??"

        "Oh bakit?"

        "Nahuli niya tayo na may ginagawa oh. Hindi ka ba nakakabahan??"          

        "Nope. Wala naman tayong ginagawa. I mean ako"

        "You're impossible"  mas lalo pang tumibok ng malakas ang puso ni Hazel. Parang wala na ito sa kanyang sarili at hindi niya na alam kung ano ang gagawin dahil nahuli siya sa akto ni George  "Kapag malaman ni Zeek ito. Hihiwalayan niya ako"

        "Diba ayaw mo na sa kanya? Oh. It's fair naman"

        "Pero hindi ang tulad nito. Ayaw kong mandiri si Zeek sa akin. At lalung-lalo na. ayaw kong mapunta muli siya kay George"

        "Hindi mangyayari yun"

        "At paano ka naman nakakasiguro..?"

        "Basta. Hindi ko alam. Pero huwag mo munang pag-isipan yan. Stop thinking too much, okay?"  payo ni Marco  "Ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang asawa mo. Pag-usapan ninyo ang problema niyo, hindi ang George na yan"

        "Pero ayaw ko na nga sa kanya, Marco. Ikaw ang gusto ko"

        "PLEASE"  hinga ng malalim ni Marco  "Tigilan mo na 'to, Hazel. Kailangan ka ng asawa mo. Kayo ang lakas ng isa't-isa"

        "Please Marco..."  pagmamakaawa pa niya at sabay yakap nito kay Marco.

        "Ayaw kong maging rason ng hiwalayan ninyo. Please, tama na"

Tinanggal naman ni Marco ang mga kamay ni Hazel at kaagad lumakad palabas ng bahay. Samantala si Hazel naman ay umiyak na parang bata dahil hindi niya talaga kung ano na ang nangyayari sa kanyang buhay.


Hindi makapaniwala si George sa kanyang nakita sa bahay nina Hazel. Nahuli niya ito na may kahalikan siya na ibang lalaki.

Tulala siya habang lumalakad patungo sa kanyang opisina.

        "Hazel is cheating on Zeek..?"  sambit niya habang papasok ng opisina  "Paano?? Sobrang bait ni Zeek. Hindi niya magagawa ito"

        "Sino ang kausap mo..? Para ka nang baliw diyan"  dugtong ng isang boses na nakaupo sa kanyang upuan.

Nagulat naman si George dahil may biglang nagsalita. Doon niya nakita ang tao na nakaupo nga sa kanyang pwesto “Bek. Ano ang ginagawa mo dito?”

        "Wala naman. Just waiting for you"

        "Ikaw..?? Hinihintay mo ako?? Sa ano?? Tungkol ba 'to sa hotel?"

        "No. Hindi tungkol sa negosyo. The hotel is running smoothly"

        "Then, bakit ka nandito?"

        "Gusto ko lang naman kamustahin ang dating asawa ko"  sagot ni Bek at tumayo siya sa upuan ni George  "Kamusta ang lakad mo?"

        "Lakad?? Wala akong lakad kanina"

        "Sigurado ka?? Ang lakad mo patungo sa bahay na tinitirhan ngayon nina Zeek? Hindi ka ba pumunta doon?"

        "Teka. Paano mo naman nalaman na pumunta ako kanina doon?"
         "George. Marami akong mga tenga at mga mata na gumagala sa paligid. Kaya alam ko ang nangyayari lalung-lalo na ang nangyari kagabi sa bahay nila at ang pagkamatay ng ina at anak ni Zeek"

        "Oo nga. Nakakalungkot ang pinagdadaanan ni Zeek ngayon"  buntong-hininga ni George  "Nung una nga, hindi ako makapaniwala sa balita eh. Pero totoo nga ang nangyari nung pinuntahan ko kaninang umaga ang bahay nila na nasunog"  kuwento niya kay Bek  "Mabuti na lang ay may napagtanungan ako kung nasaan sila. Kaagad ko naman pinuntahan ang bahay na tinitirhan nila ngayon"

        "Paano mo naman nalaman ang nangyari??"

        "May nagtext sa akin na unknown number. Akala ko nga, pinagtitripan niya lang ako eh. Pero sabi niya, pumunta na lang daw ako sa bahay. Kaya ayun.. totoo nga"

        "Ganon ba..."  tanging sagot ni Bek  "So nung pagpunta mo na doon sa bahay na kanilang tinitirhan, nakausap mo si Zeek?"

        "Hindi eh. Pero..."

        "Pero ano..?"

        "Si Hazel kasi... may nakita akong may ginagawa siya"

        "What about her? Anong nakita mo??"

        "Nakita ko kanina na may kasama siyang ibang lalaki sa sala. Hindi ko kilala ang lalaking yun pero alam ko na may namamagitan sa kanilang dalawa."

        "Paano mo naman nasabi?? Sinabi nila sa'yo na may namamagitan sa kanila?? Ganon?"

        "No. Kasi nakita ko sila na naghahalikan"

        "Woah.. Teka lang. I lost track sa sinabi mo..."  buntong-hininga muli ni Bek sabay ngisi  "So you're telling me that Hazel..."

        "...is cheating on Zeek. Yes. Tama. May relasyon sila ng lalaking iyon"

        "Really...??"  at kita sa mukha ni Bek ang saya sa balita na narinig niya kay George  "Magandang balita yan"

        "Maganda?? What do you mean Bek?"

        "Kasi dahil kapag malaman ni Zeek na may karelasyon siyang lalaki, sigurado ako na hihiwalayan niya ito. At doon ka papasok para bawiin muli si Zeek"

        "No. Hindi ako ganyan. Ayaw kong mag-take advantage sa mga nangyayari sa kanilang dalawa"

        "Oh come on, George...! Don't act as if you are a saint!"  pagtaas ng boses ni Bek sa dating asawa  "Nagawa mo nga akong iwan sa kabila ng pagmamahal ko sa'yo noon diba, ito pa na may malaking kasalanan ang malanding babaeng yan"

        "Pero iba ito, Bek. Ayaw kong masira ang pamilya nila"

        "Sila ang sumisira ng kanilang pamilya, George"  sabay lapit ni Bek kay George  "Hindi ikaw. Binibigyan na kita ng pagkakataon para magkabalikan kayong muli. Sana gawin mo 'to"

        "Ano?? What do you mean na pagkakataon, Bek?"

        "Wala"  sabay lakad niya papunta sa pintuan at binuksan ito  "Kung ako sa'yo, George. Grab this opportunity para magkabalikan kayong muli bago pa mag-iba ang takbo ng utak ko"  

Doon na tuluyang lumabas si Bek at sinira ang pinto ng opisina. Nakatayo na parang istatwa si George sa mga sinabi sa kanya ng dating asawa. Ano kaya ang kanyang ibig sabihin? May kinalaman ba siya sa nangyayari kina Zeek at Hazel?

Itutuloy…

FLA: Chapter 5 (Pasakit ni Anthony)

Nagtungo si Anthony sa lugar ng trabaho ng kanyang kaibigan na si Grace upang pag-usapan muli ang problema nila ni George.

        "Baks naman. Alam mo naman na may trabaho ako diba...?"  sambit ni Grace habang papalapit ito kay Anthony  "Oh bakit ba..?"

        "Labas tayo baks"

        "Labas? Okay ka lang?? Diba kasasabi ko lang na may trabaho ako..?"

        "Mag-absent ka muna. Treat ko"

        "Treat mo?? O treat ng pera ni George mo? Hay naku baks. Huwag ka nga. Alam ko naman na wala nang pera"  balik niya kay Anthony  "So ano? Kinuha mo naman ang credit card niya noh?"

        "Tumahimik ka nga. Alam mo hindi ka nakakatulong"  pagtataray niya

        "Naku ito naman. Masyado kang pikon. Nagbibiro lang kaya ako..."  himas ni Grace sa ulo ng kaibigan  "Sorry na"

        "Oo na. Hindi na ako galit. So ano na? Sasamahan mo ako?"

        "Susubukan ko. Busy kasi kami ngayon eh"

        "Please?? Kailangan ko lang ngayon ng kaibigan na makakausap"  pakiusap niya sa kaibigan.

Nanlambot ang puso ni Grace dahil sa mukha ng kaibigan na malungkot at nagmamakaawa. “Oh sige na. Magpapaalam lang ako sa boss ko”

        "Talaga?? Yehey!! Salamat baks. Super salamat talaga"

        "Sshhhh. Ang ingay mo"  saway sa kanya ni Grace  "Basta mauna ka na lang sa coffee shop na parati nating tinatambayan. Huwag kang umalis doon at hintayin mo ako dahil magpapaalam muna ako sa boss ko bago ako umabsent"

        "Ano naman ang sasabihin mo sa boss mo?"

        "Basta. Ako na ang bahala dun. Sige na. Umalis ka na"

        "Sige. Hihintayin kita dun ha"

        "Sure... See yah!"

Kararating lang ni Marco sa kanyang condo unit, pagod at parang naiinitan ang kanyang narararamdaman. Walang sabi-sabi ay hinubad niya ang kanyang t-shirt at bumungad ang nakaumbok na mga muscles na punong-puno ng pawis sa kanyang makinis at maputing balat.

Humiga siya sa kanyang sofa at napahinga ng malalim. Iniisip niya kasi ang mga sinabi ni Hazel kanina sa kanilang bahay. Totoo ba na may pagtingin na siya sa kanya? At nagsisisi ito dahil si Zeek ang kanyang pinakasalan at hindi siya?

Hindi niya talaga maiintidihan ang kanyang sarili at ang kanyang nararamdaman.

        "Bakit ito ang nararamdaman ko kay Hazel...??"  sambit niya  "May pagtingin pa rin ba ako sa kanya? Oo. Mahal ko pa siya"  pero bigla siyang tumawa sa kanyang naiisip  "Ano ka ba Marco... nahihibang ka na ba? May asawa na si Hazel. Hindi na pwede ang nararamdaman mo sa kanya..."

Magkalipas ng isa at kalahating-oras ay sa wakas ay nakarating na din si Grace sa coffee shop na kung saan matagal na naghihintay ang kanyang kaibigan.

        "Hay sa wakas. May balak ka pa palang dumating"  sambit ni Anthony  "What took you so long?"

        "Kung alam mo lang, baks. Mahirap kaya magpaalam sa boss namin"  dahilan ni Grace  "Marami kasi kaming ginagawa kaya  ayaw niya sana na umalis ako"

        "Ahh ganon ba? E ano ang sinabi mong dahilan para pumayag siya?"

        "Wala. Sabi ko lang naman na may emergency. Sumama ang pakiramdam ng anak ko"  paliwanag niya kay Anthony. Pero hindi siya sumagot at biglang bumagsak ang mukha nito. Nakita naman ni Grace na umiba ang timpla ng mukha ng kaibigan  "Baks...?? Okay ka lang?"

        "Okay lang ako"  sabay ngiti niya  "Mag-order ka na dun baks"

        "Sagutin mo muna ako. Okay ka lang ba talaga..?"

        "Oo naman"

        "Talaga lang ha. Hindi ka naman mag-yaya at nagpupumilit na lumabas tayo kapag wala kang problema diba?"  at yumuko na lang si Anthony  "Ano yan baks?? Sige na. Sabihin mo na sa akin"

        "Si George kasi..."

        "Si George na naman..?? Ano pa nga ba ang inaasahan ko"  buntong-hininga ni Grace  "Oh bakit? Ano na naman ang tungkol sa kanya?"

        "Nagluto siya kanina ng breakfast..."

        "Oh...! Ano naman ang problema dun? E maganda nga yan kasi ang sabi mo noon na ikaw parati ang nagluluto ng agahan ninyo diba..?"  sabi niya sa kaibigan  "Siguro nagi-guilty na siya sa ginagawa niya sa'yo"

        "...ng para kay Zeek...?"  dugtong ni Anthony sa una niyang sinabi at doon bumuhos ang luha niya sa kaibigan habang kinikuwento niya ang nangyari  "Ang sakit lang kasi baks. Sobrang sakit dahil pinagmumukha niya na talaga sa akin na walang kwenta na akong tao at iba na ang kanyang mahal at hindi na ako"

Walang masagot si Grace kundi hinimas niya na lang niya na lang likuran ng kaibigan. “Hindi ko alamg yan ah. Sige lang baks. iiyak mo lang yan. Andito lang ako para sa’yo. Alam ko na masakit dahil naranasan ko na rin yan noon sa ama ng anak ko” at patuloy pa rin ang iyak ni Anthony “Sige lang baks. Iiyak mo lang yan…”

        "Hindi ko maiintindihan baks eh. Lahat naman nagawa ko para maging mabuting partner para sa kanya. Pero bakit ganito?? Mahal niya pa rin ang ex niya...??"

        "May ganyan talaga baks. Kahit anong gawin at pagpapakita mo ng pagmamahal sa taong yan, kung iba ang mahal niya, balewala lang lahat ang mga effort mo"

        "Ang sakit baks eh. Sobrang sakit"

        "Masakit talaga yan baks. Sobra"

        "He is unfair"  tulo pa rin ng kanyang luha

        "Don't worry baks. Andito lang ako para sa'yo"  sambit muli ni Grace sa kanya  "Gusto mo, umalis tayo dito at umuwi muna sa bahay niyo? Sasamahan kita"

        "Sige..."  marahang tango ng kanyang ulo

        "Sige. Tayo na. Para makapag-pahinga ka na"

Kinagabihan.

Umuwi si Zeek sa bahay ng mga magulang ni Hazel bandang alas-siyete ng gabi. Nadatnan niya na kumakain na ang tatlo ng hapunan.

        "Oh Zeek. Nandito ka na pala"  sambit ni Arnold sa kanya  "Hali ka na. Samahan mo na kami dito sa pagkain"

        "Sige po. Salamat. Pero busog pa po ako eh"  sabay tingin niya kay Hazel na patuloy pa rin ang pagkain na tila hindi niya nakikita ang asawa

        "Sigurado ka? Saan ka ba kumain?"

        "Doon po sa dining ng pinagtatrabuhan ko"  paliwanag ni Zeek sabay ngiti sa ama ni Hazel  "Sige po Dad. Akyat na po ako"

Dumerecho si Zeek sa kanilang silid kahit nagugutom na ito. Gusto niya sanang kumain at kausapin ang asawa pero alam niya na galit pa rin ito sa kanya.

Samantala sa hapagkainan. Nahalata ni Arnold na parang may problema ang mag-asawa dahil umiiwas si Zeek kay Hazel. Kaagad niya naman tinawag ang anak.

        "Hazel..."

        "Po...?"  habang ngumunguya ng pagkain

        "May problema ba kayong mag-asawa?"

        "Ha? Wala po. Bakit ninyo natanong yan?"

        "Huwag ka nang magsinungaling Hazel. Halata na umiiwas si Zeek sa'yo"  sambit ni Arnold sa anak  "Ano ba ang problema ninyo?"

        "Wala nga Dad. Baka pagod lang siya.... at busog daw siya... katulad ng sinabi niya"

        "Pag-usapan niyo yan, Hazel"  utos ni Arnold sa anak  "Mag-asawa na kayo. At dapat kung may problema, pinag-uusapan at hindi na kailangan hintayin pa ang kinabukasan"

        "Pero Dad..."

        "Sige na anak. Sundin mo na ang Daddy mo"  dugtong naman ang kanyang ina  "Para naman sa inyo ito ang sinasabi ng Daddy mo"

        "Okay po..."  sabay hinga ng malalim ni Hazel.

Tumayo si Hazel nang hindi pa tapos ang kanyang pagkain. Kaagad siyang umalis at umakyat patungo sa silid nilang mag-asawa upang kausapin ito kagaya ng utos ng kanyang ama.

Nang pagpasok niya sa silid ay nadatnan niya si Zeek na nakahiga na sa kama at malalim ang iniisip.

        "Kumain ka na dun"  panimula ni Hazel sa kanya

        "Mamaya na. Busog pa ako eh"

        "Sige. Ikaw ang bahala"  buntong-hininga muli ni Hazel  "Sige na. Labas na ako"  sabay bukas niya muli ng pintuan.

        "Berry. Sandali lang"  pagpigil ni Zeek kay Hazel na lumabas  "Mag-usap muna tayo..."

Walang sagot at kaagad muli niya sinira ang pintuan at lumapit sa asawa na nakabangon na sa pagkahiga. “Ano yon??” balik sa kanya ni Hazel na matigas ang tono ng boses.

        "Umupo ka naman sa tabi ko Berry oh"

        "Haay. Ano nga yun? Pwede ba? Sabihin mo na"

        "Sasabihin ko sa'yo kapag tinabihan mo ako dito"  walang nagawa si Hazel kundi sundin na lang ang kanyang asawa. Nang pagkaupo niya sa tabi ni Zeek ay kaagad naman siya hinawakan sa kamay ng asawa at tinignan ang mga mata nito  "Berry?? Galit ka pa rin ba sa akin?"

        "H-hindi. Hindi na ako galit sa'yo"

        "E bakit hindi mo ako pinansin kanina nung pag-uwi ko...? At ngayon, parang ayaw mo na akong kausapin"

        "Kumakain ako kanina. Natural. Hindi kita napansin dahil busy ako sa pagkain ko"  dahilan ni Hazel sa asawa  "At pinuntahan nga kita dito diba?? So it means, hindi ako galit sa'yo"

        "Talaga...?"  pag-aliwalas ng mukha ni Zeek

        "Oo naman. Hindi ako galit sa'yo"

        "Oh sige. Kung hindi ka nga galit sa akin, kiss mo nga ako"  paglalambing ni Zeek sa kanyang asawa.

        "What..??"

        "Yes. Narinig mo ako Berry. Kiss mo ako kung hindi ka galit sa akin"

Biglang nainis si Hazel sa pakiusap sa kanya ng asawa pero naisip niya ang sinabi ng kanyang magulang na ayusin ang kanilang problema kaya sinunod niya na lang ang lambing ni Zeek.

        "Mwah!!"  halik ni Hazel sa pisngi ng asawa

        "Yaaann. Ang sarap naman"  abot-tengang ngiti ni Zeek dahil sa halik ng asawa. Hinawakan niya ang dalawang kamay ng asawa at hinalikan din ito  "Berry, sorry talaga ha. Sorry kung nagpabaya ako. Hindi ko naman alam na mahahantong sa ganito eh"

        "Okay lang..."  tanging sagot ni Hazel  "Kamusta na pala ang bangkay ng anak at Mama mo..?"

        "Bukas na daw sabi ng funeral homes. Pwede na tayong pumunta sa chapel nila bukas para ayusin iyon para sa lamay nilang dalawa"

        "Mabuti naman kung ganon. Ako na lang ang pupunta bukas para asikasuhin sila at ang chapel"

        "Sige Berry. Salamat sa pag-volunteer. Busy rin kasi ako bukas eh"

        "Wala naman pinagbago dun. Kahit bukas lang naman ang hinihingi ay hindi mo pa magawa, kahit mag-asikaso lang sa ina at anak mo"

        "Ha? What do you mean? Galit ka ba?"

        "Hindi. Sige na. Matulog ka na. Dahil alam ko na pagod ka sa trabaho mo"  utos ni Hazel sa kanya

        "Sige. Salamat sa concern Berry. Goodnight. I love you"

        "Goodnight"  sabay tayo ni Hazel sa kama at lumakad palabas ng kanilang silid.

Samantala. Sa bahay nina George at Anthony.

Kakauwi lang ni George sa bahay at nakita niya ang magkaibigan na si Grace at Anthony sa sala at nag-iiyakan.

        "Anong dramang ito?"  panimula ni George  "Bakit nag-iiyakan dito sa pamamahay ko...?"

Tumayo si Grace at nilapitan si George “George, masama ang loob sa’yo ng kaibigan ko dahil sa pinagagawa mo sa kanya. Sana tigilan mo na ’to dahil sobra mo na siyang nasasaktan”

        "So ito pala ang dahilan ng iyakan ninyo...? Ang pag-uusapan ako...?"

        "Hindi naman sa ganon, George"  dugtong ni Grace

        "You shut up... okay? Wala kang alam sa mga nangyayari sa aming dalawa"  sabat ni George  "Ano naman ba ang sinabi ng magaling mong kaibigan sa'yo...?"

        "He told me everything. Lahat-lahat. Simula nung panlalamig mo sa kanya, ang parating mainitin ang ulo mo kapag nag-uusap kayo at ang recently lang na pagdalaw mo sa ex mo. Ano yun, George..?"  sambit sa kanya ni Grace na pinagtatanggol ang kaibigan  "Baka nakakalimutan mo, magkarelasyon kayo ng kaibigan ko. Dapat pinag-uusapan ang mga problema ninyo, hindi ang hindi mo siya pinapansin at palaging mainit ang ulo mo"

        "Talaga...?? Yan ang sinabi niya sa'yo...? Well tama ka naman, hindi ko na siya pinapansin at inaamin ko... ayaw ko na sa kanya"  pag-amin ni George sa kanilang dalawa  "You know why?? Kasi pinilit niya ako na magbago ako sa kanya dahil sa pag-uugali niya. Katulad nang parati kong sinasabi sa kanya na parang hindi na siya ang Anthony na minahal ko dati, ang Anthony na mabait at maunawain sa lahat ng bagay. Iba na siya ngayon"

        "Pero sana binigyan mo pa siya ng pagkakataon para magbago, hindi na iniwan mo siya bigla sa ere"

        "I tried Grace. God knows I tried so much sa relasyon na 'to"  dugtong ni George  "Ilang beses ko na siyang pinagsabihan at binigyan ng pagkakataon pero hindi pa rin siya nakinig"  paliwanag niya sa kaibigan ni Anthony  "Ikaw Grace. Tatanungin kita, masisisi mo ba ako kung magbago ako sa kanya...?"

Natahimik si Grace at hindi makasagot kay George. Tama nga ito at hindi naman siya masisisi kung iyan ang nagawa niya kay Anthony.

        "Tama ka George. Hindi kita masisisi..."  yuko ni Grace

Narinig naman iyon ni Anthony ang sinabi ni Grace. Tumayo ito at nagtungo sa kanilang dalawa.

        "Baks. Ano 'to?? Kumakampi ka na sa kanya?"

        "Hindi naman sa ganon, baks. Tama naman siya eh"  paliwanag ni Grace  "Malaki ang kasalanan mo sa kanya, at ilang beses ka na niyang pinagsabihan pero hindi ka pa rin nakikinig"

        "I can't believe this. Kaibigan kita. Huwag mo naman ako ilaglag"

        "Ikaw mismo ang lumaglag sa sarili mo, baks"  balik sa kanya ni Grace  "Hindi mo sinabi lahat sa akin. Ikaw pala ang may kasalanan at ang masakit dun, kinampihan pa kita sa ginawa mo"  at tinignan niya si George  "I'm sorry George. Hindi ko talaga alam 'to. Hindi ko nga talaga alam ang buong kwento. Nahihiya ako sa'yo"  at sumulyap din siya sa kaibigan  "Baks. Sana sinabi mo sa akin ang totoo para masabihan at mapayuhan kita ng tama at hindi humantong sa ganito"

        "Its okay"  sagot ni Anthony habang nanggigigil ito sa galit  "Ngayon alam ko na. Hindi pala talaga kita tunay na kaibigan"

Hindi na lang sumagot si Grace dahil masama rin ang kanyang loob sa kaibigan. Mas pinili niya na lang na tumahimik para wala siyang masabi na masakit at masama laban kay Anthony.

Itutuloy…

FLA: Chapter 6 (Karma)

Nandoon at nakatayo pa rin sina Anthony at George sa sala at tahimik sa paglabas ni Grace ng bahay. Lalung kumurot ang kanyang dibdib dahil pati ang kanyang kaibigan ay iniwanan siya sa ere.

        "So masaya ka na...? Pati ang pinakamatalik kong kaibigan ay iniwan na din ako"

        "No. I'm not. Sa katunayan nga, nalulungkot ako sa'yo dahil you're living in a world full of lies"  paliwanag ni George sa kanya  "Ang pagsisinungaling mo sa kaibigan mo, kay Mike na pinaasa mo sa wala at ang pag-asa mo na maging maayos pa tayo"

        "Babe..?? Wala na ba talaga? Hindi mo na ba talaga ako mahal?"

        "I did. Minahal kita. Pinilit ko ulit na mahalin ka pero ikaw na mismo ang tumutulak sa aking palayo"  sambit niya kay Anthony  "Iba ka na. Hindi na kita kilala"

        "Masisisi mo ba ako..? Masisisi mo ba ako na gamitin si Mike para lang makapag-move-on dahil sa ginawa mong pag-iwan sa akin?"  buhos muli ng iyak ni Anthony  "Ikaw ang dapat ang sisihin kung bakit nagka-ganito ako"

        "Alam ko na isang malaking gago ako noon dahil hindi kita ipinaglaban kay Bek. At hanggang ngayon ay pinagsisihan ko ang nagawa ko sa'yo"  sabi ni George sa kanya na mahina ang tono ng boses  "Pero huwag mong isisi lahat sa akin dahil hindi naman ako ang may hawak sa buhay mo kundi ikaw. Ikaw ang gumagawa ng mga maling desisyon sa buhay mo"  at ipinatong niya ag isa niya kamay sa balikat ni Anthony  "Huwag mo akong gawing sentro ng buhay mo, Anthony. Maraming tao pa diyan ang magmamahal sa'yo, katulad ng pagmamahal mo sa akin"

        "Are you breaking up with me?"

        "No. But I'm giving you freedom. Malaya ka nang maghanap ng taong magmamahal sa'yo. Ang taong ipaglaban ka"  sambit niya kay Anthony  "Patawarin mo ako Anthony. Pero hindi ako ang taong yan"

        "NO! Don't do this to me, babe. Mahal kita"  pagmamakaawa ni Anthony  "Please. Just give me a chance. Magbabago na ako"

        "Ilang beses ko nang narinig yan pero hindi mo pa rin ginagawa"

        "Please"  at lumuhod siya sa harap ni George  "I'm begging. Nagmamakaawa ako sa'yo na huwag mo akong iwan babe"

        "What are you doing?!"  sabay alalay ni George sa kanya na tumayo  "Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, Anthony. Tumayo ka... Bigyan mo naman ng halaga ang sarili mo"

        "Mahal kita kasi eh"  pamumula ng buong mukha niya at basing-basa ng luha  "Hindi mo ba ako kayang mahalin ulit...?"

        "I'm so sorry Anthony. Pero hindi ko na talaga kaya"

        "Bakit? Bakit hindi mo akong kayang mahalin muli?"  pero hindi sumagot si George. Doon na uminit ang ulo ni Anthony dahil kahit anong pagmamakaawa niya ay ayaw pa rin bigyan ng pagkakataon ni George  "Alam ko na... si ex mo ba ang rason kung bakit ayaw mo na sa akin?"

        "Excuse me?? Bakit nadamay si Zeek dito?"

        "Bakit hindi?? Diba dinakhan mo siya kaninang umaga ng pagkain?? ....at parang concern na concern ka?"  paalala nito kay George  "Magsabi ka nga ng totoo sa akin, George. Nagkabalikan na ba kayong dalawa?"

        "What are you talking about....??! Ilang beses ko nang――"

        "――just answer my damn question!!!"

        "Hindi. Okay?? Hindi kami"  sagot ni George  "Pinuntahan ko lang siya kanina dahil may natanggap akong mensahe na hindi ko alam kung kaninong nanggaling"

        "Anong sabi...?"

        "Ang sabi ay nasunogan silang mag-asawa at kailangan nila ng tulong. Ang sabi pa sa text ay nandoon sila sa bahay ng mga magulang ni Hazel"

        "Talaga?"

        "Oo naman. At seryoso ka talaga?? Pati yan ay binibigyan mo ng ibig sabihin..?"

        "Oo naman. Kasi mag-ex na kayo at wala ka nang karapatan para mag-concern ka sa kanya"

        "You're impossible"  iling ng ulo ni George sa sinabi niya  "Hindi ka na talaga kilala"

        "Yan... binabalik mo sa akon na parang ako ang may mali. Diyan ka magaling eh"

Napahinga na lang ng malalim si George sa inaasal na ugali ni Anthony sa kanya “You know what? I can’t do this anymore”

        "Wh-Why?? What do you mean?"

        "Umalis ka na sa pamamahay ko. Ayaw na kitang makita pa dahil nakapaka-imposible mong kausapin"

        "But babe..."

        "Leave!!!"

Hindi nakasagot si Anthony at marahan na lang lumakad papunta sa kanyang silid para mag-empake ng kanyang mga gamit. Magkalipas ng isang oras ay dahan-dahang lumakad si Anthony palabas silid, dala-dala ang kanyang maleta na puno ng damit.

Nandoon pa rin si George, nakatayo at hinihintay siya. Malalim ang kanyang iniisip dahil sa pinagagawa ni Anthony at mapilitan ito na palayasin na lang siya sa pamamahay nito.

        "Babe. Sorry ulit sa nagawa ko"  sambit niya kay George  "Salamat sa lahat ng pagmamahal mo. Hinding-hindi kita malilimutan"

Pero hindi sumagot si George sa mga pagpaalam niya. Doon na lang siya nagdesisyon na umalis na lang habang umaagos ang kanyang mga luha.


Kinabukasan.

Maagang nagising si Zeek dahil maaga siyang papasok sa trabaho dahil may mga event siya na kanyang minamanage sa hotel at ayaw niyang ma-late.

Nang pagtungo niya sa banyo ay nakita niya si Hazel na may ka-kuwentuhan sa telepono. Nakita niya ang mukha ng asawa na parang kinilikilig ito sa kanyang kausap sa kabilang linya.

Doon nagtaka si Zeek at kaagad tinanong si Hazel.

        "Berry. Sino yan?"

Nagulat naman si Hazel sa biglang pagpasok ni Zeek at kaagad piñata ang telepono “Ahhmm. Wala. Kaibigan ko lang” at kaagad piñata ang kanyang telepono at inilagay sa kanyang bulsa.

        "Talaga? Sinong kaibigan, Berry? At anong sabi niya?"

        "Basta. Wala ka na dun"  at lumakad palabas ng banyo si Hazel  "Maligo ka na diyan dahil ako na ang susunod dahil pupunta pa ako sa funeral homes para asikasuhin ang kanilang lamay"

Hindi na lang sumagot si Zeek sa mga sinabi ni Hazel sa kanya. Pero parang may iba sa kilos ng kanyang asawa, parang may tinatago ito.


Lumalakad sa daan si Anthony dala-dala ang kanyang maleta na punong-puno ng kanyang damit. Hindi niya alam kung saan siya pupunta dahil kahit sa kanyang kaibigan na si Grace ay galit na rin sa kanya.

Parang baliw na ito na lumalakad sa daan dahil magulo ang kanyang buhok at basang-basa pa rin ng luha ang kanyang buong mukha.

Natigilan siya sa paglakad nang may napansin siyang may huminto na auto sa kanyang gilid. Kaagad niya naman sinilip kung sino ang taong nasa loob pero hindi niya maaninag dahil tinted ang buong sasakyan.

Biglang bumakas ang isang pintuan at lumabas ang taong nakasakay.

        "Anthony...."  sambit ni Mike habang nilalapitan ang kanyang ex  "What are you doing here? Okay ka lang ba...?"  umiiyak na lang siya at bumagsak ang kanyag bag sa daan at niyakap si Mike ng sobrang higpit  "Ano ba ang nangyayari sa'yo...?? Bakit ka umiiyak?"

        "Long story..."  patuloy pa rin ang iyak niya habang niyayapos niya si Mike  "Pagod na ako. Pagod na pagod. Gusto ko nang magpahinga"

        "Ganon ba? Sige. Umuwi muna tayo. Gusto mo ba yon?"  at tumango si Anthony sa suhestiyon ni Mike  "Sige. Let's go, para masabi mo sa akin ang dahilan kung ano ang nangyari sa'yo"

Inalalayan ni Mike ang kanyang ex na sumakay sa kanyang sasakyan dahil parang wala na itong lakas para kumilos. Nang pagkaupo niya sa loob ng sasakyan ay sinunod naman ni Mike ang bag nito at inilagay sa likuran ng auto.

Pagkatapos iyon, nagdeisiyon na lang na umuwi si Mike kahit may trabaho pa dahil gusto niyang ihatid muna sa kanyang bahay si Anthony dahil kailangan niya na talaga magpahinga.

Sa loob ng sasakyan at habang nagmamaneho si Mike.

        "Mike...?"  panimula ni Anthony habang tinititigan niya ito ng mabuti  "Galit ka ba sa akin?"

        "Galit??"  ulit niya  "What for?"

        "Dahil sa ginawa ko noon sa'yo... na ginamit kita dahil hindi pa ako nakapag-move-on kay George"  paalala nito kay Mike  "Pero believe me, Mike. Minahal din naman kita"

        "Hmmmm. Matagl na yon. Huwag kang mag-aalala. Hindi na ako galit sa'yo"

        "Talaga? Hindi ka na galit sa akin?"

        "Oo naman. Tapos na yon"

Biglang gumaan ang naramdaman ni Anthony dahil pinatunayan ni Mike na hindi na ito galit sa kanya. Malaki ang posibilidad na magkakabalikan pa sila dahil ramdam ni Anthony na mahal na mahal siya nito.

Nang pagdating nila sa bahay, na dati niyang tinitirhan noon, akala niya ay muling babalik ang kanyang mga alaala, na dati silang nagmamahalan. Akala niya ay hindi pa rin nagbabago ang loob ng bahay dahil ang akala niya ay ayaw ni Mike na umiba ang itsura dahil ayaw niyang makalimutan ang mga alaala nila noon… pero doon siya nagkakamali.

        "Wow ha. Malaki ang pinagbago ng bahay mo Mike ah"

        "Talaga? Nagustuhan mo? Pero parang dismayado ang itsura mo"

        "Of course not.. promise, nagustuhan ko"  at lumapit si Anthony sa kanya ng dahan-dahan ay nilapit ang labi nito sa labi niya.

        "Anthony? Anong ginagawa mo?"  kunot ng noo ni Mike

        "Hayaan mo ako na bumawi sa'yo, Mike. Mahal pa rin kita"  pero imbes na patulan ang halik ni Anthony ay tumawa na lang ito malakas  "You're making me laugh, Anthony"

“Bakit? Ayaw mo ba?”

“Of course, ayaw ko”

“Ha? E bakit? Akala ko mahal mo ako?”

“Yes I did. Minahal kita noon pero hindi na ngayon”

“B-bakit? Hindi kita maiintindihan”

“It’s because. I am taken already”

“What?”

“Yes. Actually nasa kwarto siya at natutulog”

“I don’t understand” habang mabilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi siya makapaniwala na may karelasyon na ngayon si Mike sa iba. Akala niya na hanggang ngayon ay mahal at hinahabol pa rin siya nito “Hindi ko talaga naiintindihan ang mga nangyayari ngayon”

“Ha? Bakit naman?”

“Akala ko kasi may tsansa na magiging tayo ulit. Pero nalaman ko lang ngayon, taken ka na pala”

        "What? I didn't say na magkakabalikan tayo"  at napahinto si Mike dahil parang alam niya na ang ibig sabihin ni Anthony  "Wait... you're thinking na magkakabalikan tayo? Dahil kinuha kita sa gilid ng kalsada?"  paghuhula niya  "Okay ka lang? Kinuha lang kita dahil naaawa ako sa'yo.. kargo de konsensya ko naman kung pabayaan kita doon diba??... "

        "Pero..."

“…at hindi ako tanga para makipagbalikan ulit sa taong gumamit at pinaglaruan ang damdamin ko”

        "I'm sorry"  iyak ni Anthony  "Alam ko na malaki ang nagawa kong kasalanan sa'yo. Ramdam na ramdam ko ngayon ang galit mo dahil iyon din ang ginawa ni George sa akin ngayon. Naiintindihan kita, Mike"

        "Galit...?"  ulit ni Mike  "No. Hindi na ako galit sa'yo Anthony. At isa pa, masaya na ako ngayon sa pinakamamahal ko na si Darwin"

        "Good to hear that"  sabay punas ng kanyang luha  "So pano, alis na ako"

        "Ha? Bakit? Saan ka ba pupunta?"

        "Aalis na ako dito habang hindi pa gising ang partner mo"  sagot niya  "Mahirap na, baka magalit"

        "Don't worry, Hindi siya magagalit dahil hindi naman siya seloso eh, At isa pa, ex lang naman kita"  paniniguro ni Mike sa kanya. Kaagad niyang iniba ang usapan nilang dalawa at muling tinanong si Anthony  "So tell me, Anthony. Ano ba ang nangyari sa'yo? Bakit dala-dala mo ang mga gamit mo? Parang pinalayas ka sa inyo eh"

        "Wala na kami"  sagot niya habang nakatitig sa sahig  "Break na kami, Mike"

        "Ano? Pero bakit? Bakit kayo naghiwalay?"

        "Mahabang kwento. Hindi ko muna masasagot yan"

        "Oh sige, hindi na kita pipilitin na magkuwento"  sambit ni Mike  "Alam ko na nasasaktan ka pa rin sa nangyari sa inyo ni George. Alam ko dahil naranasan ko na rin iyon"  sabay ngiti ni Mike sa kanya  "So, I'll better going. Dito ka muna ha"

        "Ha? Saan ka pupunta? Aalis ka talaga? Iwan mo talaga ako dito..?"

        "Siyempre, papasok ako sa opisina ko. Dito ka lang muna matulog dahil alam ko na wala kang matutuluyan"

        "Eh pano ang partner mo? Ano ang gagawin ko kapag magkita kami?"

        "Don't worry, itetext ko na lang siya mamaya na may pinapasok akong tao dito"

        "Seryoso ka? Iwan mo ako dito kasama siya?"

        "Oo naman. Don't worry. Hindi siya nangangagat"  biro niya kay Anthony  "Alis na ako. Enjoy"

Walang nagawa si Anthony na pigilan si Mike sa pag-alis sa kabila ng pagmamakaawa niya dito. Gusto niya sanang umalis pero wala siyang magagawa dahil wala naman siyang matirhan. Kailangan niya na lang na pakapalin ang mukha niya ng ilang araw para lamang matirhan siya.


        "Good morning"  pasok ni Bek sa opisina ni George na masaya ang mukha nito  "How's your sleep my dearest ex-husband?"

        "Bek"  tanging sagot ni George

Napansin naman ni Bek ang abot-tengang ngiti nito. “Well, well, well. What’s with that smile..? May nangyari ba kagabi na hindi ko alam?”

        "Well. Meron"

        "At ano naman yon...?"  upo ni Bek sa bakanteng upuan

        "Hiwalay na kami ni Anthony. Malaya na ako sa kanya"

        "Wow"  panlalaki ng mata niya  "That;s indeed a great news, George. So tell me, ano ba ang nangyari? Paano mo siya hiniwalayan?"

        "Wala naman. Sinabi ko lang naman sa kanya na ayaw ko na at kailangan naming maghiwalay"

        "Good. Mabuti naman kung ganon. Ang tanong ko, masaya ka ba sa naging desisyon mo?"

        "Oo naman. Kahit mahirap na wala akong partner ngayon"  sagot niya kay Bek  "Nasanay kasi ako na palaging may karelasyon eh. Pero kailangan naman talaga na tigilan iyon dahil sobra ng toxic ng relasyon namin"

Itutuloy…

FLA: Chapter 7 (Pagtataksil)

“Good, dahil nagawa mo na yan. I’m so proud of you” abot tengang ngiti ni George habang pinupuri siya ni Bek “So, what’s your next plan?”

        "Plan? What do you mean?"

        "Plano mong mapasaiyo si Zeek"  paalala niya kay George  "Ngayon ay wala na kayo ng walang kwentang Anthony na yan, malaya ka na ulit para makipagbalikan kay Zeek"

        "Seryoso ka talaga diyan sa pinagsasabi mo?"

        "Oo naman. Inumpisahan mo na diba?"

        "What do you mean?"

        "Ang ibig kong sabihin ay pinuntahan mo na siya sa bahay at dinalhan ng pagkain"  paliwanag ni Bek  "You made your first move. So, ipagpatuloy mo lang yan"

        "Bek. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ako ganyan. Hindi ako magte-take advantage sa nangyayari kay Zeek"

        "Eh kailan ka kikilos?? Kapag huli na ang lahat??"  balik ni Bek sa kanya  "George, magmadali ka baka magsisi ka sa huli kapag hindi mo mabawi ang taong mahal mo. Pwede mo nang gawin lahat dahil single ka na, at isa pa, IKAW si George Salcedo"

        "No. Mali ang gusto mo Bek"  pagmamatigas pa niya kay Bek  "Oo, mahal ko si Zeek pero may asawa na siya ngayon"

        "So what??? Diba lumalabo na sila ngayon? Dahil nahuli mo na naglalandian sila ng isang lalaki?"  paalala muli niya kay George  "So why don't you tell Zeek the truth"

        "NO! Ayaw ko. Wala ako sa lugar para pakialaman ang relasyon nilang mag-asawa"  tanggi ni George sa payo ni Bek  "Hindi ako ganyang tao, na sirain ang kanilang kasal para lang sa pansariling interes"

        "Wow... coming from you ha. Ang bait mo na pala ngayon, George"  sabay pang-iinsulto na palakpak ni Bek sa kanya  "Matanong ko lang, George. Kailan ka ba naligo ng Holy Water at parang ayaw mo ng gawin ang dati mong ginagawa....?"

        "Sa mga nangyari sa atin, at sa amin noon ni Zeek. Malaki na ang pinagbago ko, Bek"  sambit niya sa dating asawa na mahina ang tono ang boses  "As I said, mahal ko si Zeek. Pero tadhana na lang ang makapagsasabi sa aming dalawa"

        "I'm impressed that you're a changed man na talaga"  sagot naman ni Bek at napahanga siya sa sinabi ng dating asawa  "So I guess, I should stop it na"

        "Stop what..?"  kunot ng noo ni George. Hindi niya naiintindihan ang ibig sabihin ni Bek  "Ano ang ititigil mo, Bek?"

        "Ang plano ko"

        "What plan??"  kunot ng noo ni George  "May ginawa ka ba na hindi ko alam, Bek...?"

        "Actually, meron"

        "Meron?? At ano naman yun?"

        "Well. Simple lang naman ang ginawa ko"  panimula ni Bek sa pagkuwento kay George  "Inutusan ko ang mga tauhan ko na sunogin ang bahay nila"

        "What?!"  sigaw ni George  "Bakit mo nagawa yon? Are you insane...??!"

        "Maybe... ginawa ko lang naman yun para maturuan si Hazel ng leksyon na hindi dapat binabangga ang mga tao na kagaya natin... at kay Zeek, na hindi ka niya dapat ipinagpalit sa walang kwentang babaeng yon"

        "Mas lalo mo pa pinapalala eh... baliw ka na talaga"  dugtong ni George sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga narinig niyang balita o sa pag-amin mismo ni Bek sa kanyang nagawa  "Hindi ko alam kung ano ang pumasok diyan sa isip mo para gawin ang ganyang bagay, Bek"

        "Baka nakakamlimutan mo na pumayag ka sa plano ko, George..."

        "NO! Wala kang sinabi sa akin na plano mo. Kaya huwag mo akong isisi sa akin ang pagkakamali mong yan, Bek"  panduduro ni George sa kanya

        "FINE! My mistake. So ano na ang gagawin natin ngayon?"

        "Gagawin?"  ulit niya sa dating asawa  "Ako pa talaga ang tinatanong mo kung ano ang gagawin...? na ikaw mismo ang may kagagawan nito?"

        "Oo naman. Ginawa ko naman ito para sa'yo eh."

        "My god!! I can't believe this is happening"  sambit ni George habang pabalik-balik ang kanyang paglakad na tila naguguluhan sa mga nangyayari  "You are crazy....!!"

        "I know. Inaamin ko na nga diba? Sorry na"

        "Sige"

        "Talaga?? Pinapatawad mo na ako?"

        "Wala akong sinabi na ganyan, Bek. Pero ito lang ang hinihingi kong pabor sa'yo at sana magawa mo"

        "Anything. Sabihin mo sa akin at gagawin ko"

        "Huwag na huwag mong ipaalam sa iba ang tungkol dito na may kinalaman ka sa pagkasunog ng bahay nila. Maliwanag?"

        "Oo naman. Hindi naman ako tanga para sabihin sa iba ang nagawa ko"

        "Good"

        "Yan lang?"

        "Yes, yan lang"

        "Eh ikaw? Anong gagawin mo?"

        "Itatama ko ang mga ginawa mo, Bek. Mali ito eh"

        "Pasensya na ulit, George. I messed up"  buntong-hininga ni Bek  "Pero ginawa ko lang naman yon para matuwa ka sa akin"

        "Stop it. Huwag ka nang humingi ng tawad. Nangyari na ang nangyari"  sabi nito sa dating asawa  "Basta gawin mo na lang ang sinabi ko kanina sa'yo na maninitiling lihim ito"

        "Huwag kang mag-aalala. Our secret is safe"

        "Mabuti naman kung ganon"  sabay hinga ng malalim ni George  "Sige na Bek. Pwede ka nang lumabas. May gagawin pa ako"

Lumabas si Bek sa opisina ni George na malungkot ang mukha dahil nga sa ginawa niya. Alam niya kasi na na-dismaya ang dating asawa sa kanyang ginawa nito.


Limang beses na katok sa pintuan ng condo ni Marco bago niya ito binuksan. Laking-gulat niya sa taong nakatayo sa labas. Hindi niya talaga inaasahan ang taong bumisita sa kanya.

        "Hazel... ano ang ginagawa mo dito...?"

        "Oh bakit? Don't tell me na nakalimutan mo ang sinabi ko kanina nung mag-usap tayo sa telepono"

        "Naalala ko yon. Pero I don't expect na totohanin mo ang sinabi mo"

        "Sino ba ang may sabi sa'yo na nagbibiro ako...?"  doon na hindi makasagot si Marco at kaagad naman pumasok si Hazel sa loob ng condo niya.

Kita sa mukha ni Marco na hindi ito makapaniwala sa nangyayari sa kanyang harapan. Tinakpan niya lang ang kanyang bibig ng kanyang kaliwang palad sabay hinga ng malalim.

        "Hazel...?"  panimula muli ni Marco habang lumalakad papunta kay Hazel.

        "Yes...?"

        "I think you should leave"

        "Why??? Ayaw mo ba?"  sabay lapit ni Hazel kay Marco na tila hahalikan niya ito.

        "M-mali ito eh. Hindi pwede 'to. May asawa ka na, Hazel"

        "Hindi mo naman sinasagot ang tanong ko eh... ayaw mo ba?? o gusto...?"

Biglang natahimik si Marco at pinikit niya na lang ang kanyang mga mata at hinayaan na dumampi ang mga labi ni Hazel sa kanyang labi. Kahit anong tanggi niya, alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso na may nararamdaman pa din siya kay Hazel.

Naging mainit ang kanilang gantihan ng mga halik. Binuhat ni Marco si Hazel at dinala sa dining table at doon hinalikan ng madiin ang leeg. Unti-unting hinubad na nila ang kanilang saplot sa katawan at ipinagpatuloy pa rin ang mainit na halikan.


Samantala. Sa trabaho ni Zeek.

Katatapos lang kanyang trabaho at kasalukuyan siyang lumalakad palabas sa hotel na kanyang pinagtatrabahuan. Sakto din na hinabol siya ng kanyang kasama sa trabaho. Si Adrian.

        "Sir. Sandali. Hintayin mo ako"  tawag niya kay Zeek  "Sabay na tayo umuwi"

        "Sige"  tanging sagot ni Zeek habang nakatayo lang siya at hinihintay si Adrian papunta sa kanya  "Akala ko ba ay hihintayin mo pa ang girlfriend mo?"

        "Hindi na daw eh"

        "Bakit daw?"

        "E nagpaalam siya kanina sa akin na may pupuntahan pa sila ng mga kaibigan niya"

        "Ah ganon ba? So okay lang sa'yo?"

        "Oo naman, Sir. Okay lang talaga sa akin"

        "Please. Don't call me 'Sir'. Nandito na tayo sa labas ng establishment at wala na tayo sa trabaho"  pakiusap ni Zeek sa kanya  "You can call me by my name na lang"

        "Okay po, Sir... I mean Zeek"

        "Good"  sabay ngiti ni Zeek.

Pero bigla siya muling nagseryoso ang mukha niya dahil may naalala naman ito. Ito ay ang tungkol kanina sa kanyang asawa na may nahuli siyang may kausap sa telepono.

Napansin naman iyon ni Adrian at kaagad tinanong ang kanyang boss “Sir… ahhmmm… Zeek? Okay ka lang po ba?”

        "Ahhhmmm. Adrian?? May tanong ako"

        "Sige po. Ano po yon?"

        "Do you trust your girlfriend? Ang ibig kong sabihin, wala ba siyang tinatago sa'yo?"

        "Hmmmm. That's a hard question, Zeek. Pero it doesn't matter eh. Kung nagsisinungaling siya o may iba siya, o may kachat siyang ibang lalaki. Okay lang yun sa akin, alam mo ba kung bakit?"

        "Bakit?"

        "Kasi mahal ko siya. Mahal na mahal. Yung tipong wala ka nang pakialam sa mundo, basta ang importante ay ang nararamdaman mo sa kanya"  paliwanag sa kanya ni Adrian  "Bakit po? May problema ba kayo ni Ma'a, Hazel?"

        "Ahhmmm. W-wala"  sabay ngiti ni Zeek  "Natanong ko lang naman sa'yo yan dahil ang bilis mo lang pumayag nung magpaalam siya sa'yo na may pupuntahan siya"

        "Hmmm. Let's just say na malaki ang tiwala ko sa kanya kaya hinahayaan ko lang siya sa mga gagawin niya"

        "Ganon? What if kung malaman mo na niloloko ka lang niya?"

        "Then let's back to my first answer kanina sa'yo, Sir. Wala akong pakialam kasi mahal ko siya"  natahimik si Zeek sa sinagot ng kanyang tauhan. Napansin naman ulit iyon ni Adrian na parang may bumabagabag sa kanyang boss  "Bakit mo naman natanong yan, Sir? Yung totoo po, may problema ba kayo ni Ma'am Hazel?"

        "W-wala"  tanggi ni Zeek

Naputol ang kanilang usapan nang tumunog ang telepono ni Zeek. Kaagad niya namang hinugot ang kanyang telepono sa kanyang bulas at sinagot iyon.

Zeek: Hello? Sino ’to?

Carol: Hello Sir Zeek. Magandang hapon po. Si Carol po ito ng Metropolitan Funeral Homes, remind po lang sana kayo na ngayon na pong araw magsa-start ang rent ninyo sa isa naming room para sa burol.

Z: Ahmmm. Yes. Ang asawa ko ang pumunta diyan. Okay na ba?

C: Ano po ang name ng asawa ninyo sir?

Z: Hazel, miss. Hazel Lacsamana.

C: Wala pong dumating na Hazel Lacsamana dito Sir eh.

Z: What? Imposible yan dahil sinabi niya sa akin kagabi na siya ang mag-aasikaso diyan. Paki-check nga ulit, Miss.

C: Wala po talaga, Sir. Pasensiya na

Z: Eh pano yan, Miss? Hindi namin naasikaso?

C: Wala naman pong problema, Sir. Kaya nga tinawagan ko po kayo ulit baka nakalimutan ninyo. Puntahan niyo na lang ulit bukas para mailipat na sila sa room para sa burol.

Z: Sige Miss. Ako na lang ang pupunta diyan bukas. Pasensiya na sa abala

C: No problem po Sir.

Z: Sige Miss. Salamat ulit.

C: Salamat din po

Kaagad naman binaba at pinatay ni Zeek ang kanyang telepono. Kita sa mukha niya ang pag-aalala dahil hindi napuntahan kanina ni Hazel ang punerarya para asikasuhin sina Vivian at ang kanilang anak.

        "Sir Zeek. Okay lang ba kayo?"  tanong ni Adrian sa kanya.

        "Oo Adrian. Ayos lang ako"  sagot naman niya  "Sige na. Mauna ka nang sumakay para makapagpahinga ka na sa inyo"

Pasadong alas-siyete ng gabi sa condo unit ni Marco. Nakahiga sila sa kama na hubo’t-hubad. Naka-unan ang ulo ni Hazel sa dibdib ni Marco na parang pagod na pagod silang dalawa at namamawis ang kanilang hubad na katawan.

        "That was a great sex. Hazel"  buntong-hininga ni Marco

        "Yes. I know"  pagsang-ayon naman ni Hazel sa sinabi ni Marco habang hinihingal ito dahil sa kanilang ginawa  "Matagal naman ang huling sex ko na ganito ka-hot"

        "What do you mean? Hindi na ba kayo nagse-sex ng asawa mo?"

        "Nagse-sex. Pero hindi katulad dati"  sabay angat ng ulo niya at tumingin sa mga mata ni Marco  "Hindi kagaya ngayon. Full of passion and love"

        "So ibig mong sabihin, wala nang pagmamahal ang pagsasama ninyo ngayon?"  sabay iling ni Hazel ng kanyang ulo bilang sagot  "Kailan mo lang naramdaman yan?"

        "Since nung nalaman ko ang tungkol sa kanila ni George. Noong hindi pa kami kasal"

        "Wait. Ang akala ko ay tanggap mo siya? Hindi ba?"

        "I don't know. Maybe natakot lang ako noon"

        "Natakot? Saan?"

        "Natakot na baka magpakamatay  siya. Remember?? He tried to kill himself"  paalala niya kay Marco  "And that's why, natakot ako dahil baka ako ang sisihin ni Mama kapag namatay siya"

        "All this time, niloloko mo lang pala si Zeek? Ang pamilya na ginawa ninyo? Kawawa naman siya"

        "Yes and no"

        "Yes and no?? Paki-explain Hazel"

        "Yes, kasi tama ka. Everything's changed nung nalaman ko yon... and no, dahil minahal ko naman siya ulit kahit papaano nung nagka-anak kami"

        "So..?"

        "So... what?"

        "Paano nangyari na nawala na ulit ang pagmamahal mo sa kanya?"

        "Nung namatay nga si Baby Ace. Nawala rin ulit ang pagmamahal ko sa kanya. Ang anak namin ang tanging rason kung bakit buo ang pamilya namin"  paliwanag ni Hazel kay Marco  "Pero ngayon ay wala nang tumatali sa aming dalawa, wala nang rason para magsama kami"

        "So what's your plan?"

        "Hihiwalayan ko na siya for good. And..."

        "And...?"

        "At ikaw ang pipiliin ko"  sabay halik ni Hazel sa labi ni Marco  "Pasensiya na talaga dahil natagalan ako para piliin ka. Pero ngayon ay sigurado na ako sa aking nararamdaman para sa'yo. Mahal kita, Marco. Mahal na mahal"

        "Mahal din kita, Hazel"

Itutuloy…

FLA: Chapter 8 (Panlalamig ng Relasyon)

Kararating lang ni Zeek sa bahay ng mga magulang ni Hazel. Malalim ang kanyang iniisip habang papasok siya ng bahay. Ito pa rin ang tungkol sa kanyang asawa at ang kausap niya sa telepono.

Lalo pang dumagdag nung hindi siya nakapunta sa punerarya para asikasuhin ang lamay ni Vivian at ang kanilang anak.

‘Saan ka ba pumunta kanina, Hazel..?’
sambit ni Zeek sa kanyang sarili
‘Ano ba ang ginagawa mo…’

Bumalik ang kanyang ulirat nang sinalubong siya ng ina ni Hazel. Si Daisy.

        "Oh Zeek. Nandito ka na pala. Nanggaling ka ba sa morgue?"  tanong niya kay Zeek  "Kamusta na? Nakaburol na ba sila??"

        "Wala pa po eh"

        "Ha? E bakit naman? Ang sabi ni Hazel sa akin kanina ay siya na lang daw ang bahal mag-asikaso"

        "Hindi ko rin po alam. Yan din ang sabi niya sa akin. Pero ako na lang bahala bukas. Ako na lang mag-aasikaso kina Mama"  sabi niya kay Daisy  "Mag-a-absent na lang po muna ako bukas sa trabaho"

        "Sige Zeek. Tama yan. Ikaw na lang muna doon ang bahala dahil baka hindi pa handa si Hazel"

        "Sige po"  pait na ngiti ni Zeek sa ina ni Hazel.

Ramdan ni Daisy na malungkot si Zeek dahil sa pagsubok na nangyayari sa kanilang mag-asawa at kaagad niya itong niyakap ng sobrang higpit si Zeek “Zeek. Anak iiyak mo lang yan. Alam ko na mahirap sa’yo ang nangyari sa Mama at anak mo pero tatagan mo lang ang loob mo. Andito lang ako. Ina mo rin ako, Zeek”

Walang sabi-sabi ay bumuhos na ang luha at iyak ni Zeek. Ngayon niya lang ibinuhos ang lahat ng kanyang sama ng loob sa nangyari sa kanya.

        "Kasalanan ko po 'eto. Kung hindi po sana kami umalis o sana nabasa ko man lang ng maaga ang text ni Mama, siguro buhay pa sila ng anak ko ngayon"

        "Huwag mong sisisihin ang sarili mo, Zeek. Walang may gusto sa pangyayaring ito. Lahat naman tayo ay nalulungkot sa pagkawala nila kaya huwag mong ipasan ang problema, Zeek. Andito kami"

        "Miss na miss ko lang po kasi si Mama at ang baby ko. Parang hindi ko kaya na makita ko silang dalawa sa kabaong. Naaawa ako"

        "Alam ko. Naiitindihan kita, anak. Pero kailangan mong tanggapin na hanggang dito na lang ang buhay nila"

Tumigil ang kanilang yakapan na dalawa nang makita ni Daisy si Hazel na kakapasok lang sa bahay.

        "Anak. Hazel"  sabay alis ni Zeek sa pagkayakap ni Daisy habang pinupunasan nila ang kanilang mga luha  "Saan ka galing?"

        "Naghanap lang po ako ng apartment na malilipatan namin"

        "Naghanap ka?"  ulit ni Zeek  "Akala ko ikaw ang umasikaso kina Mama at Baby Ace sa morgue?"

        "Oo nga. Pinuntahan ko kanina"

        "Talaga?"

        "Oo naman"  pagsisinungaling ni Hazel

        "E tumawag kanina lang ang Metropolitan Funeral Homes na walang dumating sa kanila para asikasuhin"

        "So ano ang pinapalabas mo, Zeek...?? Nagsisinungaling ako...?"

        "Wala akong may sabi na nagsisinungaling ka. Ang tinatanong ko lang naman, saan ka pumunta kanina..? At bakit hindi mo pinuntahan kanina ang morgue..?"

        "Naghanap nga ako ng apartment..!"  pagtaas ng boses ni Hazel  "Bakit ang kulit mo...?! Pasensiya na kung hindi napuntahan. Nakalimutan ko lang. Okay na...?"  sarkastikong sabat niya sa asawa

        "Okay"  tanging sagot ni Zeek  "Ayaw ko na makipagtalo sa'yo. Sana sinabi mo na lang kagabi na hindi mo kaya para ako na lang pumunta sa morgue"

        "So sinisisi mo ako ngayon...??? E diba sinabi mo kagabi na hindi ka pwede dahil busy ka sa trabaho mo...?? Bakit para ako pa ang may kasalanan dito....?!"

        "Hazel..."  saway ni Daisy sa anak  "Huwag kayong magtalo lalung-lalo na sa harapan ko. Irespeto niyo naman ako"

        "Pasensiya na po, Mommy"  sambit naman ni Zeek.  "Hindi ko lang kasi maiintindihan ang pinagagawa ni Hazel"

Hindi sumagot si Hazel at dumerecho siya sa kanilang silid. Tumingin naman si Daisy kay Zeek “Sige na anak. Sundan mo na ang asawa mo”

Sinundan nga ni Zeek si Hazel sa kanilang silid upang kausapin muli ang asawa. Nang pagdating niya sa kwarto ay nadatnan niya ang asawa na nagbibihis ng kanyang damit.

        "Sorry, Berry"  sabay yakap ni Zeek sa likuran ng asawa  "Sorry sa mga sinabi ko. Nagulat lang ako. Nagtataka lang kasi ako"

        "Nagtataka?"  sabay harap ni Hazel sa kanya  "Anong kinatataka mo?? E nakalimutan ko nga lang. Humingi na nga ako ng pasensiya sa'yo diba?? Hindi ka pa rin ba okay?"

        "Okay na ako, Berry. That's why humihingi na ako ng tawad sa'yo"  at hinawakan niya ang mga kamay ng asawa ng mahigpit  "Sorry na, Berry. Bati na tayo, okay?"

        "Okay"  buntong-hininga ni Hazel. Kitang-kita sa mukha ni Zeek ang galak dahil hindi na galit ang asawa  "Sige na. Lumabas ka muna dahil magbibihis lang ako"

        "Dito muna ako, Berry"

        "Bakit naman?"  kunot ng noo niya

        "Kasi gusto kong makita ang seksi mong katawan"  kagat-labi at kindat ni Zeek sa kanya.

        "Huwag ngayon, Zeek. Pagod ako"

        "Mawawala ang pagod mo Berry kapag nagawa natin ito"  at nilapitan niya muli ang asawa at hinalikan ng todo.

Nagulat si Hazel sa ginawa ni Zeek. Binuklas niya ang mga kamay at lumayo sa paghalik ng asawa. Kaagad niya itong sinampal si Zeek ng sobrang lakas.

        "Ano ka ba??!! Diba ang sabi ko sa'yo na pagod ako...??! Saan ba diyan ang hindi mo naiintindihan...??!!"

        "Sorry Berry. I'm really sorry. Nabigla lang ako. Namiss lang kasi kita. Matagal na kasi tayo na hindi ginagawa yan"

        "Nabigla na naman?? Yung totoo, Zeek. Ilang beses ka ba mabibigla ngayon sa gagawin mo??"

        "Sorry na, Berry"

        "Ewan ko sa'yo. Pagod nga ako, okay?? Huwag mo muna akong istorbohin"

        "Pasensiya na ulit, Berry"  sambit muli ni Zeek na malungkot ang mukha  "Kung ayaw mo, naiintindihan ko. Alam ko na ayaw mong gawin 'to dahil galit ka pa rin sa akin. Pero isipin mp lang palagi na mahal na mahali kita"

Hindi sumagot si Hazel sa kanya at humiga na lang ito at nagpahinga. Nagdesisyon na lang si Zeek na umalis sa kanilang silid upang bigyan ng space si Hazel sa kanyang nararamdaman.


Nakaupo si Anthony sa sofa ng bahay ni Mike. Nagtago siya kanina para hindi siya makita ni Darwin, na bagong partner ng kanyang ex.

Gulong-gulo na ang isip ni Anthony dahil wala na talaga siyang mapupuntahan. Hindi niya alam kung magtatagal pa siya doon dahil baka makita na siya at mapalayas na ng tuluyan.

Wala siyang ideya at alam na kakauwi lang ni Darwin mula sa trabaho at nakatayo ito at nakatingin sa kanya.

        "Ikaw pala si Anthony..."  sambit niya.

Napatalon ang puso ni Anthony sa biglang nagsalita malapit sa main door ng bahay. Tumayo na lang siya at lumapit kay Darwin upang batiin. “Yes. I’m Anthony. Nice to meet you” at inangat niya ang kanyang isang kamay para kamayin ito.

Hindi tinanggap ni Darwin ang pagkamay ni Anthony at tinignan na lamang ito “Alam ko ang rason kung bakita ka nandito dahil tinext at tinawagan ako ni Mike tungkol sa’yo” paalala niya kay Anthony “Pero hindi kita nakita kanina”

        "Ahmmm. Pasensiya na. Nagtago kasi ako"

        "Nagtago?? Bakit ka naman magtatago?"

        "Takot kasi ako sa'yo dahil baka magalit ka at palayasin mo ako dito"

        "No. Hindi ako ganyan. At alam ko naman ang rason mo kung bakit ka nandito"

        "So okay lang sa'yo na nandito ako?"

        "Oo naman. Basta yun lang ang kakailanganin mo. Hindi si Mike" 

        "Yes. Yun lang. At wala akong balak na agawin ko muli siya mula sa'yo"

        "Mabuti naman kung nagkakaliwanagan tayo"  sabi ni Darwin na matigas ang tono ng boses  "Know your place"

        "I will. Don't worry"

        "Sige"  at lumakad si Darwin patungo sa silid nilang dalawa ni Mike  "Teka. Muntik kong makalimutan..."

        "Ano yon?"

        "Kumain ka na at maligo. Nangagamoy ka na kasi"  pang-iinsulto ni Darwin  "Ayaw namin ni Mike ang mabaho dito sa bahay"

Walang nagawa si Anthony sa sinabi Darwin sa kanya. Wala naman siyang pagpipilian kundi makibagay sa mga may-ari ng bahay.


Kinabukasan. Sa burol ng ina at anak ni Zeek.

Dakong alas-diyes ng umaga ay nandoon na si Zeek at inasikaso na ang lamay ng kanyang ina at anak. Magkalipas ng ilang minuto, nakaburol na si Vivian at ang anak niya na si Ace sa isang silid na air-conditioned.

Nakaupo siya sa isa sa mga monoblock chair, nakatingin sa kawalan habang hinihintay ang mga darating na bisita.

        "Condolence"  sambit ng boses lalaki na nakatayo sa kanyang likuran. 

Nang marinig iyon ni Zeek ay kaagad siyang tumayo upang batiin ang unang taong makikiramay at pumunta doon. Nagulat siya nang makita ang unang bisita na pumunta doon.

        "George...?"  at sumulyap naman siya sa kasama ni George na nakatayo sa gilid niya  "Bek..? Anong ginagawa ninyo dito?"

        "Nakikiramay kami Zeek sa pagkamatay ng ina at anak mo"  panimula ni George  "Alam ko ang nararamdaman mo ngayon. Malungkot at hindi alam ang gagawin"

        "Salamat"  pilit na ngiti ni Zeek sa kanilang dalawa  "Nagulat lang ako dahil andito kayo"

        "Nakilala naman din namin ang Mama mo noon, Zeek. Hindi rin kami makapaniwala na wala na silang dalawa ng anak mo. Pwede bang umupo sa tabi mo...?"  at tumango naman si Zeek bilang sagot. Kaagad naman si George umupo sa tabi ni Zeek. 

May halong saya at ilang ang nararamdaman niya dahil pagkatapos ng ilang taon ay ngayon niya lang muli naaninag ang mukha ng kanyang mahal. Gusto niyang yakapin si Zeek at sabihin na mahal na mahal niya pa rin ito pero alam niya na hindi pa ito ang tamang pagkakataon na sabihin sa kanya, kaya nagdesisyon na lang siya na ipagliban muna ang kanyang nararamdaman at samahan na lang si Zeek sa kanyang pinagdadaanan ngayon.

Samantala si Bek naman ay dumerecho sa dalawang kabaong at tinignan sina Vivian at Baby Ace.

        "Kamusta ka na George?"

        "Heto... okay naman. Busy pero worth it dahil maganda ang takbo ng hotel"  sagot ni George

        "Mabuti naman kung ganon, George"

        "Ahmmm. Zeek?"

        "Bakit George?"

        "Pasensiya na kung wala ako sa tabi mo nung may nangyari sa inyo ha. Hindi ko alam eh"

        "No George. Huwag kang humingi ng tawad. Hindi mo kasalanan ito"  sagot ni Zeek sa kanya  "Kasalanan ko ang nangyari sa kanila... sinisisi ko ang sarili ko na namatay silang dalawa"

        "I heard what happened, lahat-lahat, pero huwag mong sisihin ang sarili mo, Zeek. Kayanin ninyong dalawa ito ni Hazel. Mag-asawa kayo"

        "Mag-asawa nga ba talaga...?"  sabay tingin niya kay George

        "What do you mean?"

        "Wala. Nevermind"  sabay tayo ni Zeek sa kanyang upuan  "Kakausapin ko muna ang mga bagong dating na mga bisita"

        "Sige Zeek. Andito lang kami"

Nang pag-alis ni Zeek ay kaagad naman lumapit si Bek kay George at kinausap. Umupo siya sa upuan na ginamit kanina ni Zeek.

        "So kamusta ang pag-uusap ninyong dalawa?"

        "Zeek's broken. Naaawa ako sa kanya. Kailangan niya ngayon ng kaibigan na makakausap"  sabay hinga ng malalim ni George  "Pero Bek. Ang totoo... gustong-gusto ko na sana siyang yakapin at hagkan. Gustong-gusto ko na sabihin sa kanya na mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon"

        "Sana ginawa mo..."  bulong ni Bek

        "Bek. Diba kasasabi ko lang sa'yo na he is broken..? Kailangan niya ngayon ng kaibigan. Isang tunay na kaibigan na kayang mapakinggan ang kanyang problema, hindi na isang tao na magte-take-advantage sa kahinaan niya ngayon"

        "Yeah right"  sabi ni Bek

        "Bek. Diba napag-usapan na natin 'to?"

        "Oo. Sorry George. Botong-boto talaga kasi ako kay Zeek eh. Lahat gagawin ko para mapa-sa'yo muli siya"

        "Don't even think about it"  saway niya kay Bek. Ngumiti na lang si Bek dahil alam niya ang ibig sabihin ni George.

Kinagabihan. Sa bahay nina Mike at Darwin.

Nadatnan ni Mike ang kanyang partner na si Darwin na nanonood ng palabas sa telebisyon. Kaagad niya naman itong nilapita at hinalikan.

        "Good evening..."  halik ni Mike sa kanya. Pero hindi siya pinansin ni Darwin.  "Okay ka lang?? Parang wala ka ata sa mood"

        "Hanggang kailan ba dito ang Anthony na yan sa bahay natin?"

        "Diba napag-usapan na natin yan? Dito muna siya titira habang wala pa siyang bahay na malilipatan"

        "Ano ka ba sa kanya, Mike?? Parang concern na concern ka pa rin sa kanya ah"  pagtaas ng boses ni Darwin  "Magsabi ka ng totoo sa akin. Mahal mo pa rin ba siya?"

        "No. Of course not. Ikaw ang mahal ko"

        "Then paalisin mo siya dito sa pamamahay natin. Ayaw ko na nandito siya"

        "Diba sabi mo, okay lang sa'yo?"

        "Ikaw ang nagpupumilit, Mike. Baka nakakalimutan mo"

        "I know. Sorry"

        "So ano pa ang hinihintay mo?? Palayasin mo siya dito baka mahuli pa ang lahat"

        "What do you mean?"

        "Baka may pinaplano siya sa'yo. Baka gusto niyang magkabalikan kayo at maagaw ka niya sa akin. Ayaw kong mangyari yon"

        "Hindi mangyayari yon. Trust me"

        "Hindi ako matatahimik kung wala na siya dito. Paalisin mo siya Mike"  pagpupumilit ni Darwin

        "I'm sorry but I can't do that"

        "E bakit naman?"

        "Naaawa nga ako sa kanya. Wala na siyang matitirhan. At alam ko, ako lang ang makakatulong sa kanya"

        "Naririnig mo ba ang sarili mo??,Hindi ka charity at hindi ito bahay-ampunan. Pinapaalala lang kita Mike. He is your ex. And I am your partner"  paalala ni Darwin sa kanya  "Ang pangit tignan kung magkasama tayong tatlo dito sa iisang bubong"

        "Alam ko... pero bigyan natin siya ng matitirhan. Naaawa talaga ako sa kanya eh..."

        "I can't believe this. Napaka-insensitive mo"  at tumayo si Darwin sa sofa "Hindi mo kino-consider ang nararamdaman ko..."

Umalis si Darwin sa sala at kaagad lumakad papasok ng kanilang silid. Hindi niya nakayanan ang mga naging desisyon ni Mike sa kanyang ex na patirahin pa ng matagal sa kanilang bahay.

Samantala. Naiwan si Mike na nakaupo pa rin sa sofa. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at kung ano ang magiging desisyon niya kay Anthony. Gulong-gulo talaga ito dahil gusto niya lang makatulong sa tao pero mas sumisira ito ng kanilang pagsasama ni Darwin.

Itutuloy…

FLA: Chapter 9 (Dinner Date)

Magkalipas ang ilang mga araw, nailibing na sina Vivian at si Baby Ace. Pero katulad pa rin ng dati ay hindi pa rin makapaniwala ang lahat lalung-lalo na si Zeek na patay na ang dalawang tao na mahal niya sa buhay.

Isang araw sa hotel na pinagtatrabahuan ni Zeek.

Busy ang buong crew ni Zeek sa araw na iyon dahil may mga malalaking event sila na pinaghahandaan. Hindi sila mapakali dahil may mga dapat pa silang tapusin na gawain at deadline na sa araw na iyon.

        "Excuse me po Sir Zeek"  tawag ng isang waiter

        "Yes? Ano yon? Busy ako"

        "May bisita po kayo"

        "Bisita?"  sabay tingin niya sa waiter habang nakakunot ang noo dahil wala siyang inaasahan na bisita sa araw na iyon.  "Sinabi  ba ang pangalan niya?"

        "Ayaw niya pong ipaalam Sir eh"  sagot niya  "Pumunta lang daw po kayo sa kanya para makapag-usap kayo"

        "Saan ba siya?"

        "Sa opisina niyo po..."

        "Sige..."  buntong-hininga ni Zeek  "Pupunta na ako ngayon. Kayo muna ang bahala dito"

Kaagad siyang lumakad palayo sa venue at pumunta sa kanyang opisina na nasa kabilang gusali upang kausapin ang misteryosong bisita niya.

Nang pagdating niya sa kanyang opisina ay nagulat siya sa taong nasa loob at naghihintay.

        "George"  panimula ni Zeek  "Anong ginagawa mo dito?"

Hindi sumagot si George sa tinanong sa kanya ni Zeek at ngumiti lamang ito “Hi Zeek” tanging sambit niya “How are you?”

        "I-i'm okay. Pinipilit kong maging maayos. Thanks for asking"

        "Good to hear that"

        "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, George. Anong ginagawa mo dito?"

        "Wala naman. Gusto lang kitang kamustahin"

        "Yun lang...?"  kunot ng noo ni Zeek

        "Oo. Yun lang"

        "Well..."  sabay hinga ng malalim ni Zeek  "Kung wala ka nang sasabihin, babalik na ako sa trabaho ko.  Pasensya na ha, kasi busy ako ngayon eh. Marami pa kaming tatapusin para sa mga event mamaya"  sabay alis ni Zeek

        "Zeek. Wait"  tawag muli ni George sa kanya.

Kaagad huminto si Zeek at bumalik muli kay George para harapin muli ito “Yes? May sasabihin ka pa?”

        "Ahmmm. Oo"  panimula ni George

        "Go. Sabihin mo na sa akin ang gusto mong sabihin kasi nagmamadali ako"

        "Iimbitahan sana kita mamayang gabi na lumabas para mag-dinner. Kung okay lang sa'yo"

        "Dinner..?"  ulit ni Zeek  "Why?"

        "Wala naman. Gusto ko lang naman makipagkuwentuhan sa'yo, kung okay lang?"

        "Hmmmm. Sige"  sagot naman niya kaagad sa alok ni George  "Bumalik ka na lang dito mamaya after ng shift ko"

        "Talaga Zeek? Payag ka?"

        "Oo naman. Wala naman masama sa dinner lang diba?"

        "Right. Tama ka. Walang masama"  ngiti ni George

        "So alis na ako, George. Balik na ako sa trabaho ko"

        "Sige Zeek. Pasensiya na ulit kung naabala pa kita"

        "It's okay"  ngiti ni Zeek.

        "Well. See you later"

        "See you"

Kaagad naman tumalikod si Zeek kay George at lumakad palabas ng opisina. Samantala si George naman ay abot-tenga ang kanyang ngiti dahil pumayag si Zeek sa kanyang imbitasyon na kumain sila sa labas.


Samantala. Sa bahay nina Mike.

Hindi pumasok si Mike sa kanyang opisina dahil medyo masama ang kanyang pakiramdam. Tanging silang dalawa lang ni Anthony ang nasa loob ng bahay dahil pumasok sa trabaho si Darwin.

Kakagising lang din naman ni Anthony at nakita niya si Mike na nandoon sa sala. Mag-isa habang nananonood ng tv.

Parang tsansa niya na ito na muling akitin ang kanyang ex para mapasakanya muli ito at parang wala na siyang problema.

“Mike…” tawag ni Anthony sa kanya habang lumalakad ito palapit

        "Oh bakit, Anthony? May kailangan ka?"  tanong naman niya na kasalukuyang nakaupo sa sala at nagpapahinga

        "Wala naman.... ahmmm. Matanong ko lang sana kung nasaan ngayon si Darwin?"

        "Si Darwin?? Bakit? May kailangan ka sa kanya?"

        "Wala. Natanong ko lang naman"

        "Ganon? Eh nasa trabaho pa siya eh. Baka mamaya pa siya makauwi"

        "Talaga?"  sabay ngiti ni Anthony na parang may pinaplano.

Walang sabi-sabi ay dahan-dahan siyang lumakad kay Mike, umupo sa kanyang tabi at hinimas ang kamay nito.

Napansin naman iyon ng isa at kaagad kinuha ang kanyang kamay “What are you doing…?!”

        "I missed you, Mike. Sobrang miss na miss"  at hinimas niya pa lalo si Mike papunta sa dibdib nito at nilapit niya ang kanyang bibig sa labi ng isa.  "Kiss me... and say that you love me"

        "Huwag Anthony. Mali ito"  pang-iiwas ni Mike

        "Yes. Tama ito, Mike. Gawin natin 'to. Mahal pa rin kita"  sambit niya kay Mike habang nilalapit niya ang kanyang labi dito  "Na-realize ko na ikaw ang taong tunay nagmamahal sa akin. Pasensiya na sa mga nagawa ko. Naging insensitive ako sa'yo"

Tumaas ang kilay ni Mike sa mga sinabi ni Anthony. “Wait. Are you flirting with me, Anthony?” doon tumayo si Mike at tila nagagalit na ito

        "Sorry Mike. Pero miss na miss kita"

        "Sorry pero hindi kita miss"  ganti niya kay Anthony  "Ano ba ang ginagawa mo?? Nilalandi mo ako?? Para sa ano 'to??"

        "Hindi Mike. Sobrang miss at mahal na mahal kita"  abot ng kamay niya sa kamay ni Mike pero tinanggal niya ito  "Please Mike. Bigyan mo ako ng chance para bumawi sa'yo oh"

“You know what?? Binigyan kita ng pagkakataon, Anthony. Pinatawad kita sa mga ginawa mo sa akin” paalala niya sa kanyang ex “Pinatuloy kita sa bahay ko at pinakain. Tapos yan pa ang gagawin mo? Ang lalandiin ako?? Well tama nga si Darwin”

“Sorry Mike….”

“Alam mo, nung tumira ka dito sa amin, gumulo ang buhay naming dalawa. Parati kaming nag-aaway ni Darwin” habang tumataas ang tono ng boses ni Mike “Ikaw ang rason ng lahat, Anthony…!! Habang tumatagal ay nagseselos siya dahil baka may gagawin ka sa akin” paliwanag ni Mike “Pero I chose to defend you dahil akala ko nagkakamali lang siya. Pero tama pala siya. Sana hindi na lang kita pinatuloy dito sa pamamahay ko”

        "Mike. Sorry. Mahal pa rin kita. Just give a chance"  hahawakan niya sana si Mike pero iniwasan niya ito.

        "Huwag mo akong hawakan, Anthony"  sambit niya  "Mas mabuti pa na umalis ka na lang dito bago pa kami magkahiwalay ng dahil sa'yo"

        "Mike.... utang na loob... bumalik ka na sa akin"

        "ALIS!!!"

Wala namang choice si Anthony kundi umalis na lang dahil sa kanyang ginawa. Alam niya na nagkamali siya dito dahil naging desperado lang siya dahil wala nang tao ang nagmamahal sa kanya.


Dakong alas-siyete ng gabi.

Bumalik si George sa hotel na kung saan si Zeek ay nagtatrabaho. Susunduin niya ito dahil sa kanilang usapan na lalabas sila para kumain na dalawa.

        "Kanina ka pa...?"  bati ni Zeek sa kanya habang papalabas siya ng gusali.

        "Hindi naman. Bago pa lang naman ako. Mga 30 minutes pa lang ako nandito"

        "Seryoso?? 30 minutes?? Tagal ah"  sambit ni Zeek  "Pasensiya na ha. Medyo busy kasi kami kanina"

        "No it's okay. Naiintindihan ko naman"

        "Talaga?"

        "Oo naman. Okay lang talaga sa akin ang maghintay"  paniniguro ni George sa kanya  "Kasi worth it naman ang paghihintay ko sa'yo eh"

Tila kinilig si Zeek sa sinabi sa kanya ni Geirge at napangiti na lang siya bilang ganti sa sinabi nito.

Pumunta sila sa isang mamahalin na restaurant upang doon kumain. Gusto kasi ni George na maging special ang gabing iyon dahil sa unang pagkakataon pagkatapos na maghiwalay sila ay muli silang magkasama at magkakausap ng masinsinan.

        "Dito mo talaga ako dinala..??"  sambit ni Zeek

        "Oo naman. Bakit? May problema ba?"

        "E ang mamahal ng mga pagkain nila dito eh. Alam mo naman na nagtitipid ako"

        "Sino ba ang may sabi sa'yo na ikaw ang magbabayad?"

        "What?"

        "Ako ang nag-imbita sa'yo na lumabas diba? Don't worry, Zeek. Ako na ang bahala sa bill"

        "Seryoso ka? Nakakahiya kasi eh"

        "Huwag ka nang mahiya. Ako ang bahala sa'yo"  sabay pa-cute ni George sa kanya  "Parang hindi ka naman nasanay noon na ako ang gumagastos parati"

        "George. Please. Huwag mo nang ibalik ang nakaraan. Tapos na yon"  suway ni Zeek sa kanya  "At gusto ko lang klarohin na hindi ako nasanay sa mga ginawa mo noon sa akin. At isa pa, ikaw ang may gusto na ikaw parati ang gumagastos diba?"

        "Right. Tama ka"  sabay bagsak ng mukha niya  "Sorry sa sinabi ko"

        "It's okay. Kalimutan na natin yon"

        "Sige. Let's order na?"

        "Sure"

Tinawag kaagad ni George ang waiter upang mag-order na ng kanilang kakainin. Habang namimili si Zeek sa menu ay walang tigil ang sulyap ng isa sa kanya na parang nasisiyahan talaga ito dahil magkasama silang muli.

Sa gitna ng kanilang masarap na pagkain nila ay nagkukuwentuhan sila tungkol sa trabaho ni Zeek.

        "Masaya ako dahil tumagal ka sa hotel"  sambit ni George  "Kamusta naman sila?"  at napakunot ng noo si Zeek sa tanong ni George  "What? May masama ba sa sinabi ko?"

        "Wala naman. Nagtataka lang ako sa tanong mo"

        "Nagtataka?? Bakit ka naman nagtataka?"

        "Kasi hindi ko alam kung sino ang nagtatanong... si George Salcedo ba, na may-ari ng The Deluxe Suites, na mag-iispiya tungkol sa hotel ko, o si George na kaibigan ko na concern lang sa akin"  doon tumawa ng malakas si George sa paliwanag ni Zeek  "Bakit ka tumawa? Totoo naman diba?"

        "Wala naman. Ang cute mo kasi kapag gumaganyan ka"  sabi ni George  "Well, to answer your question... nagtatanong ako bilang kaibigan mo, hindi bilang isang kalaban ng hotel mo"

        "Ohhh. Good to know"  dugtong naman ni Zeek  "Okay naman. Masaya ang mga kasama ko. Sa katunayan nga, parang barkada lang kami eh"

        "Talaga? Wow. Mabuti naman. Pero kung sa bagay, kahit noon pa naman ay ganyan ka rin eh. Malapit ka sa mga tauhan mo"

        "Oo naman. Kailangan mo talaga maging malapit sa mga tauhan mo dahil kung wala sila, hindi makakatakbo ng maayos ang hotel diba?"

        "Of course. Tama ka. That's why diyan ako nainlove sa'yo eh"  hirit ni George na may landi ang tono ng kanyang boses. Natihimik si Zeek sa mga sinabi nito sa kanya. Kaagad naman inabot ni George ang kamay niya at pinisil ito  "Zeek. I missed you. Sa bawat oras, minuto, at segundo na hindi tayo magkasama ay nababaliw ako.  Gusto kitang yakapin ng mahigpit at sabihin sa'yo na kung gaano kita kamahal"  pero hindi sumagot si Zeek at nakaupo lang siya na parang istatwa  "Zeek. Sumagot ka naman sa sinabi ko oh"

        "W-wala eh"

        "Anong wala, Zeek? Sabihin mo sa akin ang nararamdaman mo. Sabihin mo rin sa akin na mahal mo rin ako"

        "Wala akong masabi, George. I'm speechless right now sa narinig ko sa'yo"  paliwanag niya  "Hindo ko alam ang maisasagot ko"

        "Sabihin mo lang na may nararamdaman ka pa rin sa akin, Zeek"

        "I don't know, George. May asawa ako. Mahirap sa lugar ko na magsabi"

        "Pero mahal mo pa rin ako diba...?"  at kinuha ni Zeek ang kanyang kamay na hawak-hawak ni George. Naramdaman at napansin din naman ng isa iyon biglang umiba ang timpla ng mukha niya at nalungkot ito  "Ahmm. Pasensiya na Zeek. Pasensiya na sa sinabi ko. Sinabi ko lang naman ang gusto kong sabihin dahil parang sasabog na ang puso ko kapag hindi ko nasabi sa'yo ito"

        "It's okay, George"  at tumayo si Zeek nang hindi pa tapos siyang kumain  "I need to go. Uwi na ako. Parang napagabi ata ako"

        "Gusto mo hated kita?"

        "Huwag. May sarili akong sasakyan. At baka makita tayo ng asawa ko na magkasama. Ayaw ko na magduda siya sa atin"

        "Sige. Ikaw ang bahala. Mag-ingat ka na lang sa pag-uwi mo"

Kaagad umalis si Zeek sa kanilang mesa at sa restaurant at iniwan si George na nakaupo at nakatulala at nanghihina sa nangyari.


Kinabukasan. Dakong alas-diyes ng umaga. Sa lugar ng trabaho ni Grace.

Nakaupo si Anthony sa semento, sa labas ng gusali na kung saan nagtatrabaho ang kanyang kaibigan na si Grace. Wala na siya kasing mapupuntuhan dahil ang mga tao na minahal niya noon ay tinalikuran siya.

Tanging si Grace na lang ang nalalabing tao na matatakbuhan niya, sa kabila na ginawa niyang kasalanan nito sa kanya. Wala na talaga siyang choice kundi patawarin na lang ang kaibigan.

Hindi namalayan ni Anthony ay nakatulog na pala siya sa semento habang hinihintay si Grace. Nagising lang siya nang ginising siya ng kaibigan na nakatingin sa kanya at napansin niya na dapit-hapon na pala.

        "Baks, okay ka lang?"  sambit ni Grace  "Kanina ka pa ba nandito?"

        "Oo. Kanina pa... aray..."  sambit niya habang tumatayo dahil nangangalay ang kanyang ibabang bahagi ng katawan.

        "Oh. Ano nangyari sa'yo?"

        "Wala. Nangalay lang ang katawan ko sa kakahintay sa'yo"

        "Talaga? Pasensiya na baks ha. Hindi ko alam eh"  kita sa mukha ni Grace ang pag-aalala niya sa kanyang kaibigan  "Halika na baks. Sumama ka muna sa boarding house ko"

        "Salamat baks"  pangmumutla ng labi ni Anthony.

Sa boarding house ni Grace…

        "Maupo ka muna, baks"  alok ni Grace sa isang medyo sira na upuan  "Kumain ka na ba?"

        "Salamat"  upo naman niya sa upuan  "Hindi pa eh. Mag-iisang araw na ako hindi kumakain"

        "Naku. Ganon ba? Nakakaawa ka naman. Ano ba ang nangyari sa'yo baks? Bakit ka nagka-ganyan?"

        "Pinalayas ako ni George sa bahay niya... tapos habang lumalakad ako, nakita ako ni Mike"

        "Mike?? Ang ex mo?"

        "Oo"

        "So? Anong nangyari?"

        "Pinatuloy niya ako sa kanyang bahay. Ang akala ko ay magkakabalikan kami dahil pinatuloy niya ako"

        "Oh tapos??"  pagtaas ng kilay ni Grace na tila alam niya na ang susunod na mangyayari

        "Hindi pala... may partner pala siya... ginantihan niya lang ako, baks"  iyak ni Anthony  "Ang sakit.... Sobra"

Napasinghap si Grace sa mga kwinento ng kaibigan sa kanya “E ano naman ang pumasok sa isip mo na babalikan ka niya?”

        "E ang sobrang bait niya sa akin baks eh. Tapos dinala niya ako sa kanyang bahay. Ang akala ko may tsansa na magkabalikan kami kasi alam ko kung gaano niya ako kamahal"

        "Well, lahat naman ng tao ay nagbabago. Sa tingin mo, hindi pa ba siya magbabago sa ginawa mo sa kanya...?"  paalala nito sa kaibigan  "Don't underestimate Mike dahil matalino siya, he owns a multimillion company, remember?? Kung naisip mo na ginagantihan ka niya dahil ang akala mo ay pinaasa ka niya, well, deserve na deserve mo yan"

Itutuloy…

FLA: Chapter 10 (Adulterous Woman)

Tila natamaan at nasaktan si Anthony sa mga sinabi sa kanya ni Grace. Hindi niya akalain na masasabi yan ng kaibigan niya ng harap-harapan. Pero tama din naman siya, malaki ang naging kasalanan niya kay Mike at dapat lang sa kanya na gantihan siya sa kanyang mga nagawa.

        "Alam ko naman yon, baks, siguro ay umaasa lang ako na bibigyan pa ako ng tsansa ni Mike sa kabila ng nagawa ko sa kanya, hindi pala"

        "So don't expect ng lahat ng tao ay bibigyan ka pa ng pagkakataon. Sinaktan mo siya at ginamit... kahit ako man ay hindi kita mapapatawad sa ginawa mo"

        "I know..."  sabay yuko niya at pinunasan ang luha niya. Tumingila siya at tinignan muli ang kanyang kaibigan  "Kaya nagsisisi na ako nung muli ko nakita si Mike. Ang akala ko ay magkakabalikan na kami. Gagawin ko na talaga ang lahat para maging maayos ang relasyon namin"

        "Weehhh??"  tanging sambit ni Grace.

        "Anong weh? Totoo nga baks. Magbabago na talaga ako at hindi ko na siya sasaktan"

        "Naku. Kilala kita baks. Iba ang kailangan mo kay Mike, hindi ang pagmamahal niya"

        "Grabe ka naman baks"

        "Oh bakit? Hindi ba?"  hindi na lang sumagot si Anthony sa mga tirada sa kanya. Kumalma naman si Grace dahil kita niya sa mukha ng kanyang kaibigan na malaki ang problema  "Oh.. e ano na ang plano mo?"

        "Hindi ko alam eh"  sabay hinga ng malalim ni Anthony  "Pero pwede ba na dito muna ako sa'yo?"

        "Ha??"  parang natameme si Grace sa pakiusap ng kanyang kaibigan  "Kwan kasi baks..."

        "Sige na naman baks oh. Please. Kahit yun lang ang maitutulong mo sa akin"

        "Mahirap kasi. Alam mo naman ang mga rules ng boarding house dito diba? Bawal ang outsiders"

        "Please baks..."  patuloy pa rin ang pagmamakaawa ni Anthony sa kaibigan  "Tutulong naman ako sa'yo sa pagbayad eh. Please. Patuluyin mo lang ako dito"

“Tutulong…?” ulit ni Grace “Saan ka kukuha ng pera?? Diba wala kang trabaho? At umaasa ka lang sa pera ni George??”

        "Ang sakit mo naman magsalita"  sambit ni Anthony  "Humihingi lang naman ako ng pabor sa'yo"

        "Oh bakit? Hindi ba totoo?? Totoo naman na umaasa ka sa pera niya..."  dugtong ni Grace  "At alam ko na kung bakit umaasa ka na magkakabalikan kayo ng ex mo dahil siya na lang ang natitirang pag-asa mo, na gagastos sa'yo..."

Parang tinusok ng kutsilyo ang puso ni Anthony habang sinasabi iyon ni Grace sa kanya. Hindi niya akalain na masasabi iyon ng kanyang matalik na kaibigan.

Sobra talaga siyang nasaktan at napatulo na lang ang kanyang luha.

        "Kung ayaw mo na tumira ako dito kahit pansamantala lang, sana sinabi mo na lang sa akin ng maayos. Hindi ang iinsultuhin mo ako"  sabay punas niya ng kanyang luha  "Akala ko ay tunay kitang kaibigan. Handa mo akong tulungan kapag kailangan kita at may problema ako. Hindi pala. Nagkamali pala ako"

Hindi nakasagot si Grace dahil bigla na lang umalis ang kanyang kaibigan habang umiiyak. Inaamin niya na nabigla siya sa kanyang nasabi dahil naiinis na rin siya kay Anthony dahil sa mga kanyang maling desisyon na nagawa niya sa kanyang buhay.


Samantala. Sa bahay ng mga Magbanua.

Nadatnan ni Daisy ang kanyang anak na si Hazel sa hapagkainan na may ginagawa sa kanyang laptop. Kaagad niya naman itong pinuntahan dahil may importante siyang sasabihin dito.

        "Anak. Hazel"

        "Yes Mom?"  habang nagtatype siya sa laptop 

        "Busy ka ba? May sasabihin sana ako sa'yo, anak"

        "Bakit po? May problema ba?"  sabay tingin niya sa ina at nakita niya na may dala-dalang dalawang maleta ang ina  "Oh. Saan po kayo pupunta?"

        "Magpapaalam lang sana ako sa'yo na aalis kami ng Daddy mo"

        "Wow. Vacation?"

        "Hindi. Business trip anak"  sagot ni Daisy

        "Ahh okay"  doon umiba ang mukha ni Hazel na parang dismayado sa pag-alis nila  "Kailan ba kayo aalis?"

        "Ngayon na anak"

        "What? Bakit agad-agad? Hindi ninyo ako nasabihan ng mas maaga?"

        "Yun nga anak. Kanina lang sinabihan si Daddy mo ng kumpanya niya"  paliwanag niya kay Hazel  "Kaya nagmamadali kami ngayon para makasakay na ng eroplano"  doon nakita at nahalata ni Daisy na parang sumama ang loob ng anak  "Anak? Galit ka ba?"

        "Hindi po. Siguro nagulat lang ako dahil biglaan ang pag-alis niyo"

        "Kanina lang naman siya tinawagan anak eh. Sorry na"  himas ng buhok ni Daisy sa kanyang anak

        "Okay na po, Mom. Please lang. Don't touch my hair"  sambit niya  "So, saan ba kayo pupunta?"

        "Sa Cebu anak. Doon ang sabi ng boss niya"

        "Ganon ba... hanggang kailan ba kayo dun?"

        "Hindi pa namin alam anak eh. Pero tatawag kami kaagad kapag uuwi na kami ha"  hinga ng malalim ni Daisy  "Sige na anak. Alis na kami ha. Nasa labas na kasi si Daddy mo. Naghihintay na siya. Late na kasi kami"

        "Sige po Mommy. Mag-iingat lang kayo sa pagtravel"

        "Salamat anak. Kayo muna ang bahala ni Zeek sa bahay ha"

        "Okay po"

        "Bye anak"  sabay halik niya sa ulo ni Hazel.

Nagmamadaling lumabas si Daisy para makaalis na sila ng kanyang asawa. Samantala naman si Hazel ay patuloy pa rin sa kanyang ginagawa sa kanyang laptop.

Nang maramdaman niya na umalis na ang kanyang mga magulang ay kaagad niyang kinuha ang kanyang telepono at may tinawagan ito na tao.

Hazel: Hello babe?

Marco: Yes babe? Bakit?

H: Punta ka dito sa bahay. Dali

M: Ha? Bakit?

H: Basta. Pumunta ka na lang dito ngayon

M: Oh sige. Liligo muna ako

H: Mamaya ka na lang maligo. Dito na lang, after ng masarap na sex natin

M: Talaga?? Oh sige. Wait mo lang ako diyan babe. Coming na ako diyan. Pero teka, sigurado ka ba na pwede diyan?

H: Oo babe. Pwede dito. Kaya bilisan mo na dahil miss na miss na kita

M: Oh sige. Coming na ako

H: I can’t wait babe.


Sa opisina ni George.

Kakapasok lang ni George sa opisina niya dahil katatapos lang ng kanilang board meeting. Kita sa mukha niya ang lungkot dahil sa nangyari na hindi maganda sa kanilang dinner date ni Zeek kagabi. Umupo na lang siya sa kanyang upuan habang malalim ang kanyang iniisip.

Biglang pumasok ang kanyang assistant at doon nasira ang malalim niyang iniisip. Pero hindi niya inaakala na may kasama siya papasok na parang nanghihingal pa.

        "Sir. Pasensiya na. Sinabihan ko na siya na hindi pwede"  sambit ng kanyang assistant.

        "Sino ba yan...?"  kaagad lumitaw si Anthony sa kanyang paningin. Makikita sa mukha niya ang lungkot at bigat ng kanyang pinagdadaanan. Napahinga na lang ng malalim si George sa nalaman na bisita  "Okay lang. Andito naman siya sa loob kaya kakausapin ko na lang siya"  sabay tayo ni George at lumakad papunta kay Anthony  "Pwede ka nang umalis"

        "Okay sir"

Kaagad lumabas ang assistant niya sa opisina. Naiwan si Anthony na namamaga ang mga mata dahil sa pag-iiyak.

        "Anong ginagawa mo dito, Anthony.....??"  panimula ni George  "May nakalimutan ka bang gamit dito sa opisina ko...? Parang wala namang gamit dito dahil hindi kita dinala sa lugar na 'to"

        "Babe... sorry..."  sabay yakap niya kay George.

        "Sorry saan..?"

“Please. Bigyan mo ako ng pagkakataon. Pangako. Magbabago na talaga ako. Please babe. Bumalik ka lang sa akin”

“Talaga..?” sabay ngiti ni George bilang hindi naniniwala sa sinasabi ng kanyang ex “Parang hindi naman…”

“Babe. Seryoso ako. Bumalik ka lang sa akin”

“E bakit…?” biglang sumeryoso ang mukha niya “Sige nga Anthony, magbigay ka ng isang mabigat na rason kung bakit kita babalikan…?”

“Kasi mahal kita… nagmamahalan tayo…” sabay hawak sa kamay ni George “Babe… gusto kong ibalik nung araw na masaya pa tayo.. yung panahon na hindi pa kayo nagpakasal ni Bek”

“Maniwala ka Anthony. Gusto ko din balikan yon pero imposible nang mangyari dahil iba na ang taong kaharap ko”

“Ako pa rin ’to babe. Please. Mahal pa rin kita” muli niyang niyakap si George ng mahigpit habang humagolhol sa iyak.

Inalis ni George ang mga braso ni Anthony na nakapulupot sa kanya “Diba napag-usapan na natin ’to Anthony? Klaro na sa’yo na wala na tayo diba?”

        "Ayaw ko babe. Mahal pa kita. Please"  doon lumuhod si Anthony kay George. Nagmamakaawa na balikan siya nito.

        "Kahit ano pa ang gawin mo, Anthony. Hindi pa rin magbabago ang naging desisyon ko sa atin. TAPOS NA TAYO"  pagtaas ng boses niya  "At umalis ka na dito sa opisina ko bago pa ako tumawag ng security"

        "Babe... Please"  pagmamakaawa niya habang basing-basa luha ang buong mukha niya.

        "Alis na...!"

Walang nagawa si Anthony, kahit lumuhod na siya sa pagmamakaawa kay George ay buo na talaga ang desisyon nito. Tumayo na lang siya at pinunasan ang basang mukha niya ng luha. “Sorry ulit, babe. Basta tandaan mo palagi lang na mahal na mahal kita” sabi niya

Doon na siya lumabas ng opisina. Umiiyak at hindi na alam kung ano kanyang gagawin.

Kakalabas lang ni Anthony mula sa elevator, nakasalubong niya ang dating asawa ng kanyang ex na si Bek. Nagtinginan silang dalawa na parang nangungusap ang kanilang mga mata sa isa’t-isa.

        "So you're here"  sambit ni Bek

        "Yes"  tanging sagot niya

        "Anong ginagawa mo dito?"  sabay tawa niya kay Anthony  "Nevermind answering that dahil alam ko na ang rason kung bakit ka nandito"

        "At ano naman yon?"  pagtaas ng kilay ni Anthony

        "Trying your best na magkabalikan kayo ni George"  doon napalunok ng laway si Anthony  "Oh yes. Alam ko lahat ang nangyayari sa inyo ng dating asawa ko. You know what? Masaya ako ngayon sa'yo... dahil desperadong-desperado ka na talaga na maging kayo muli ni George"

        "Wala kang alam, Bek. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko ngayon"  iyak muli ni Anthony

        "Oww. Bakit ka umiiyak? Kawawa ka naman. Why?? Wala ka ng pera? That's why pinipilit mo na magkabalikan kayo dahil hindi ka nagtagumpay sa pag-akit sa isa mong ex na si Mike...?"

        "Pano mo nalaman ang tungkol kay Mike...?"  paglaki ng mata niya

        "Marami akong mata at tenga na uma-aligid dito, Anthony. Alam ko lahat ang nangyayari sa'yo. At lahat ng yon ay sinasabi ko kay George para hindi ka na niya talaga balikan"

        "Bakit ka ganito sa akin, Bek...? Ano ba ang ginawa ko sa'yo...?"

        "Simula nung naging kayo ni George ay hindi na talaga kita gusto. At nung nagkabalikan muli kayo ay lalo pang dumagdag iyon dahil ikaw sagabal sa pagbabalikan nila ni Zeek"

        "What...?"

        "Isa kang manggagamit, Anthony. Wala nang magmamahal sa'yo dahil sa ugali mo. Wala kang dapat sisihin sa miserable mong buhay kundi ikaw lang. Kasalanan mo ang lahat na nangyayari ngayon sa buhay mo. Tandaan mo yan. Wala nang tao ang magmamahal sa'yo. Mag-isa ka na lang sa buhay...."

Hindi nakayanan ni Anthony ang mga masasakit na sinasabi ni Bek sa kanya at kaagad siyang tumakbo palabas ng hotel. Samantala si Bek naman ay nakasunod ang tingin sa kanya habang nakangiti na parang demonyo.


Kinagabihan. Sa bahay ng mga Magbanua.

Nakadapa si Hazel sa dining table na hubo’t-hubad habang nasa likuran niya naman si Marco na basang-basa ng pawis.

Mainit ang kanilang pagtatalik dahil sa bawat kadyot ni Marco, sa bawat pagpasok niya kay Hazel, at sa bawat ungol nilang dalawa ay ramdam na ramdam ang init at sarap ng kanilang ginagawa.

        "Masarap ba, babe?"  ungol ni Marco habang nakadapa si Hazel sa kanyang harapan.

        "Oo babe. Sobrang sarap... uuuggghhh"

        "Sigurado ka ba na hindi uuwi sina Tita at Tito dito?"

        "Hindi babe. May business trip sila"  

        "E ang asawa mo..? Baka mahuli niya tayo"

        "Hindi babe. Baka mamaya pa dahil nagtext siya sa akin na may event pa sa hotel nila eh"  sabay ungol ni Hazel  "Sige pa babe. Huwag mong tigilan. Binibitin mo ako eh"

        "Oh sige. Sabi mo eh"  at mas lalo pa niyang binilisan ang paggalaw ng kanyang beywang  "Sarap ba??"

        "Super.... uuugghh. Shet!!"

Ipinagpatuloy pa rin nila ang mainit na pagtatalik nilang dalawa. Wala silang pakialam kung gaano kalakas ang kanilang ungol dahil silang dalawa lamang sa bahay at sinusulit nila ang bawat sandali.

Pero sa gitna ng kanilang ginagawa ay nagulat si Marco dahil may nakatayo sa kanyang gilid.

        "Zeek..??"  sambit ni Marco habang namumutla na ang labi nito

Bumangon naman si Hazel nang marinig niya iyon. Nakatingin silang dalawa kay Zeek, kinagabahan dahil nahuli sila sa akto ng asawa ni Hazel.

        "Oh bakit tumigil kayo...?"  panimula ni Zeek  "Sige na. Ipagpatuloy niyo lang yan. Aalis naman ako eh. Para walang maiistorbo sa inyo"

        "Zeek..."  sambit muli ni Marco na parang may sasabihin

        "Oh bakit Marco? May sasabihin ka?"  balik ni Zeek sa kanya  "Sige. Magpaliwanag kayo. Ano 'to? Huwag niyong sabihin na aksidente lang ito"

        "Cookie. Hindi naman sa ganon"

Bumaling ang tingin ni Zeek kay Hazel “So you’re talking to me now…?? Wow. Maganda pala kapag nakipag-sex ka sa ibang lalaki dahil may lambing na ang tono ng boses mo sa akin, Hazel”

        "Bro... please"  sabay hawak ni Marco sa kanyang braso

        "Huwag mo akong hawakan..."  sabay alis ng braso niya  "Nandidiri ako sa inyo..."  at tumingin siya kay Hazel  "Lalung-lalo ka na..."

        "Cookie..."  sabay iyak ni Hazel  "Sorry... sorry talaga"

        "Talaga?? You're sorry??"  sabay singhap niya  "You know what? I don't  have time for this. Bahala kayo sa buhay ninyo. Enjoy your night! Solong-solo niyo ang bahay na 'to. MGA BABOY KAYO!"

Kaagad lumakad si Zeek palabas ng bahay habang nasasaktan sa kanyang nasaksihan. Samantala ang dalawa naman ay nakatayo at tulala. Hindi sila makapaniwala na mahuhuli sila sa akto ni Zeek dahil ang alam nila ay hindi pa siya uuwi kaagad ng bahay.

Itutuloy…

FLA: Chapter 11 (Matinding Galit)

Nakaupo sina Hazel at Marco sa sofa, nakatulala at iniisip ng paulit-ulit ang nangyari. Hindi pa rin sila makapaniwala dahil nahuli na nga sila ni Zeek at parang alam na nila ang susunod na mangyari sa kanila.

Tangi ang unan lang sa sofa ang ginamit nilang pangtakip sa kanilang hubad na katawan. Wala na silng ganang magsuot ng damit dahil sa problema na kanilang iniisip.

        "I can't believe this is happening"  pagsira ni Marco sa mahabang oras na katahimikan  "Sinabi ko na sa'yo, Hazel eh. Ayaw ko ng gulo...!"

        "Marco... nangyari na ang nangyari... wala na tayong magagawa"

        "Talaga...? E ako nga ang nagsabi sa'yo na hindi pwede ito dahil kapag malaman ng asawa mo ay sigurado na gugulo ang buhay natin. See?? Hindi ako nagkamali"

        "Pwede ba?? Huwag na tayong magsisihan??"  balik ni Hazel sa kanya  "Ginusto mo naman ito diba?? Kaya tumahimik ka na lang diyan"

        "Oh sige... tatahimik na lang ako..."  buntong-hininga ni Marco  "Pero alam mo ba ang gagawin mo ngayon?? Dahil nabisto na tayong dalawa na may relasyon tayo...?"  pero hindi sumagot si Hazel dahil malalim ang kanyang iniisipn  "Hazel.. sumagot ka naman oh. Natataranta na ako ngayon....! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko...."

        "Hindi ko alam... okay?? HINDI KO ALAM"  pagtaas ng boses niya  "Kung ako sa'yo, tumahimik ka na lang diyan at mag-isip ng gagawin natin at hindi na umiyak na parang bata"

        "Kinakabahan talaga ako Hazel eh... sana hindi ko na lang kinagat ang gusto mo"

        "Ano ba ang ibig mong sabihin...?"  pagkunot ng noo ni Hazel  "....na nagsisisi ka sa ginawa natin?? Sa relasyon natin?"  pero hindi sumagot si Marco sa tanong sa kanya ni Hazel. Parang alam niya na ang sagot ni Marco kahit hindi ito nagsasalita. Sa sobrang inis ay itinapon niya ang unan, na natatanging pangtakip sa kanyang hubad na katawan, kay Marco  "Hayup ka...!!"

        "Aray.... Ano ba?!! Ano ba ang nangyayari sa'yo...?!"

        "Matapos kong ibinigay ang sarili ko sa'yo, nagsisisi ka lang palang hayop ka...!!"

        "Oh bakit ako ang inaaway mo...?? E totoo naman eh" pagtaas ng boses ni Marco  "Kung hindi mo ako inakit, hindi tayo hahantong sa ganito"

        "Pero gusto mo naman diba?? Ginusto mo ehh"

        "Hazel naman. Lalaki ako... kahit sino namang lalaki kapag aakitin ng taong mahal niya ay kakagat"  balik nito sa kanya  "Pero mali talaga 'to eh. Sobrang mali dahil may asawa ka na. At ngayon, mas lumala pa dahil alam na ni Zeek ang tungkol sa atin...."

        "Hayup ka, Marco... manggagamit ka...!!"  doon na siya tumayo habang pinulot niya ang unan na inihagis niya kanina at tinakip muli sa hubad niyang katawan. Sinugod niya si Marco at sinampal-sampal niya ito  ".... sinamantala mo ang pagkakababae ko...."

        "Teka...."  at doon niya hinawakan ang kamay ni Hazel upang pigilan ang pananakit nito sa kanya  "Ako pa talaga ang nanamantala, Hazel??? E ikaw ang nga ang nag-take advantage ng sitwasyon dahil alam mo na may nararamamdan ako sa'yo"  balik ni Marco kay Hazel  "Hindi mo ako totoong mahal dahil ginamit mo ako para tumakas sa problema ninyong mag-asawa..."

        "Hindi totoo yan. Ikaw ang manggagamit..."

        "Sige.... ibalik mo pa sa akin lahat, Hazel. Pero sigurado na ako sa desisyon ko na iwan kita dahil ayaw ko ng ganito"

Kaagad tumayo si Marco at sinuot niya ang kanyang damit. Pagkatapos nun ay nagmamadali siyang umalis at iniwan niyang umiiyak si Hazel.

        "Marco..! Bumalik ka...! Pag-usapan naman natin 'to"  tawag ni Hazel pero hindi lumingon si Marco at tuluyan na ngang umalis sa kanilang bahay.

Kinabukasan. Sa opisina ni George

Nasa telepono siya at kausap niya ang kanyang kaibigan at kasosyo sa negosyo na si Jeffrey Dy – Rodgers.

Nagkukuwentuhan sila tungkol sa problema na pinagdadaanan ngayon nina Jeff at ng kanilang pamilya.

George: I’ve heard what happened sa anak ni Nathan. Kamusta na kayo?

Jeff: Siyempre, hindi kami makapaniwala nung una. Pero tanggap na namin ngayon at ang kalagayan niya. Mas malakas kasi ang kanyang self-esteem kung andito kami na naka-supporta sa kanya emotionally and physically.

G: Well. Good to hear that, Jeff. Don’t worry, malalampasan din ninyo yan. Magdasal lang kayo sa Panginoon.

J: I know, George. Malalampasan din namin ito. Salamat pala sa concern

G: Anytime…

J: So kailangan ko na ’to bababa ha. May gagawin pa kasi ako.

G: Sige Jeff. Mag-ingat ka

Hindi sumagot ang kausap ni George at kaagad niya itong ibinaba. Doon siya nagulat na may tao pala nakatayo at nakatingin sa kanya.

        "Zeek...? Ginulat mo ako ah. Hindi ko namalayan na andiyan ka pala"  pero hindi sumagot si Zeek sa kanya. Tumingin lang ito sa kay George habang nanlulumo ang kanyang mga mata.  "Zeek..? Are you okay?"

        "Hindi. Hindi ako okay, George"  at doon na tumulo ang kanyang luha.

Tumayo naman si George at pinuntahan si Zeek. Niyakap niya ito kaagad ng mahigpit at tinanong “Bakit?? Ano ba ang nangyari? Ano ba ang problema mo?”

        "Si Hazel.... at si Marco...."

        "Bakit?? Ano ba ang nangyari sa asawa mo?? At sino si Marco?"

        "Kaibigan na lalaki ni Hazel"

        "So ano naman ang rason kung bakit ka umiiyak ngayon, Zeek? Anong ginawa nilang dalawa?"

“Nakita ng dalawang mata ko na nagsesex sila sa bahay…” kuwento ni Zeek kay George habang nanginginig ito sa galit “Mga hayup sila… ang bababoy nila….”

Walang nasabi si George dahil nagulat din siya sa balita na narinig niya. Pinabayaan niya na lang na umiyak ng umiyak ang kanyang ex dahil wala naman siyang magagawa o masasabi tungkol kay Hazel.


Dumerecho si Marco sa hotel na pinagtatrabahuan ni Zeek. Gusto niya kasing kausapin ng masinsinan ang asawa ni Hazel at hihingi siya ng tawad dito.

Hindi niya na kasi alam kung ano ang gagawin sa ginawa nilang kasalanan at gusto niya itong i-tama.

        'Kailangan ko talagang makausap si Zeek kahit ano ang mangyari' 

sambit nito sa kanyang sarili
‘Kahit mapahiya ako dito ay ayos lang. Ang importante ay makahingi ako ng tawad at maipaliwanag ko sa kanya ang side ko’


Habang iniiyak ni Zeek ang sama ng loob niya sa kanyang asawa ay biglang naalala ni George nung araw na pumunta siya sa bahay nila, nung araw na nahuli niya na may hinahalikan si Hazel na ibang lalaki.

        "Zeek....? May sasabihin sana ako sa'yo. Huwag ka sanang magalit sa akin"

        "Ano yun, George..?"

        "Nung araw kasi na nabalitaan ko ang nagyari sa inyong mag-asawa ay kaagad kong pinuntahan ang bahay ng mga magulang ni Hazel para makamusta kita..."  panimula niya sa kanyang kuwento  "...pero iba pala ang nakita ko sa bahay ninyo Zeek..."

        "Ano'ng nakita mo...?"

        "Nakita ko na may kahalikan si Hazel na ibang lalaki.... hindi ko kilala kung sino ang lalaking iyon. Pero baka si Marco nga yun"  at hinawakan niya ang dalawang kamay ni Zeek  "Zeek, kitang-kita ng dalawang mata ko ang nangyari sa kanila... pasensya na kung hindi ko kaagad sinabi sa'yo dahil baka hindi ka maniniwala sa akin"

Tila dumagdag ang sakit sa puso ni Zeek sa mga rebelasyon ni George sa kanya. Hindi niya talaga ito kaya… “Matagal na pala nila ako niloloko… kaya pala ayaw niya ng igalaw ko siya dahil iba na pala ang gumagalaw sa kanya. Ang kakapal ng mukha nila….” habang nanginginig sa galit at sakit ang tono ng boses ni Zeek habang sinasabi niya iyon.

        "Zeek. Kumalma ka... hindi galit ang solusyon sa problema ninyo"

        "At ano George...?? Sabihin mo nga sa akin kung ano pa ang magiging solusyon sa ginawa sa akin ng dalawang yan...? NILOKO NILA AKO....!"

        "Oo. Alam ko. Pero kumalma ka muna. Baka ano pa ang magawa mo dahil sa galit mong yan"

        "Ang sakit kasi eh.. Sobrang sakit George"  iyak ni Zeek  "Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Yung ginawa mo na ang lahat para maging masaya ang taong mahal mo pero sa kabila ng lahat ng yon ay niloloko niya pa rin ako"

Walang nasagot si George sa sinabing pasakit ni Zeek sa kanya. Niyakap niya na lang ito ng sobrang higpit para mawala lang ng kaunti ang kanyang nararamdaman.

Pagkatapos ng ilang minuto ay kumalma na ang nararamdaman ni Zeek. Tumahan na siya sa kanyang iyak at nakaupo na ito sa upuan ni George. Habang si George naman ay nakaupo sa mesa na nakaharap sa kanya.

        "Kamusta na ang nararamdaman mo, Zeek?"

        "Hindi pa okay, George. Hinding-hindi ako magiging okay sa ginawa nila"

        "So ano'ng plano mo ngayon?"

        "Hindi ko alam..."  buntong-hininga niya

        "Umuwi ka muna, Zeek. Magpahinga ka"

        "Hindi ako uuwi dahil andun siya sa bahay. Hindi pa ako handa na kausapin ang malanding yon"  pagmamatigas ni Zeek  "At baka hindi pa sila tapos sa kanilang ginagawa"

        "Zeek. Kailangan mong harapin ang problema mo. Huwag mong takasan"  payo niya kay Zeek  

        "So ano ang gusto mong gawin ko, George?? Kakausapin ko siya na parang wala lang nangyari...? Ganon ba?"

        "Oo. Kausapin mo dahil asawa mo siya. Pag-usapan niyo 'to"  dugtong ni George  "Nangako kayo sa harapan ng Diyos na magsasama kayo habambuhay. Kahit ano man ang mangyari sa inyong dalawa dahil nagmamahalan kayo"  hindi nakasagot si Zeek sa sinabi sa kanya ni George. Inabot naman ni George ang kanyang kamay at tumingin ito sa kanyang mga mata  "Zeek. Huwag niyo kaming gayahin ni Bek na nasira ang relasyon namin dahil namatayan kami ng anak. Kahit wala kayong anak, patunayan ninyo na nagmamahalan kayo"

Sinunod ni Zeek ang payo ni George sa kanya na kausapin ang asawa na si Hazel. Habang papasok siya sa bahay ay nakita niya si Hazel na nakaupo sa sofa. Hubad pa rin at ang tanging pinatatago niya ng hubad niyang katawan ay ang unan na nasa sofa.

Tila uminit muli ang ulo niya dahil sa nakita.

        "Oh. Katatapos niyo lang ba??"  panimula ni Zeek habang lumalapit siya kay Hazel  "Asan ang magaling mong Fuck-Buddy?"

Tumayo si Hazel sa kanyang inuupuan na hubo’t-hubad at nilapitan si Zeek “Cookie… I’m sorry…” iyak niya habang inaabot ang braso ng asawa

Napatingin si Zeek sa hubad na katawan ng asawa. Diring-diri ito kay Hazel. “Huwag mo akong hawakan” pangangalit ni Zeek sa kanya

        "Cookie. Let me explain..."

        "Explain?? Wala ka nang dapat ipaliwanag sa akin, Hazel. Maliwanag na sa akin ang nakita ko sa inyo kagabi. Kaya pala. Kaya pala malamig ka sa akin. Kaya pala na ayaw mong makipagsiping sa akin dahil sa kanya. Dahil may ibang lalaki na na gumagalaw sa'yo...!!"  sigaw niya sa asawa at namumula na ang kanyang mukha sa galit "Oh kamusta?? Malaki ba ang titi ng lalaking yan kaya binibigay mo yang puke mo...???!!"

        "Napaka-bastos mo...!!"  sabay sampal niya kay Zeek  "BASTOS!!"  hagulhol niya sa iyak  "Hindi mo alam ang pinagdadaanan at pakiramdam ko nung namatay ang anak ko"  iyak niya  "Dinala ko siya sa sinapupunan ko ng siyam na buwan. Inalagaan ko siya kahit maliit lang na oras ang pahinga ko pero masaya pa rin ako dahil bawat ngiti at iyak niya ay parang musika sa tenga ko pero hindi ko na maririnig yun dahil pinatay mo ang anak natin...!! Hindi mo alam ang pakiramdam ko dahil hindi ka ina....."

        "Tama ka. Hindi ako ina. Hindi ko nararamdaman ang pinagdadaanan mo ngayon. Pero asawa mo ako, Hazel. Kailangan kita. Kailangan kita para maging maayos muli ang pamilya natin"  doon na bumuhos ang iyak ni Zeek sa kanyang sinabi  "Pero mas pinili mo na humanap ng ibang lalaki. Mas pinili mo pa siya kesa ayusin natin ang pagkakamali ko, ang problema nating mag-asawa at ng pamilya natin. Ano'ng klaseng tao ka..."

        "Dahil sinisisi kita sa pagkawala ng anak natin. Kasalanan mo'to lahat... hinding-hindi kita mapapatawad...."

        "Alam ko. Alam ko na may pagkakamali ako at inaamin ko yun..."  sagot ni Zeek  "Pero tell me Hazel. Sapat na bang rason yan para humanap ka ng ibang lalaki...??"  hindi sumagot si Hazel sa huling sinabi ng kanyang asawa sa kanya.  "Pinipilit ko din namang tumayo sa problema natin ah... Hindi lang naman ikaw ang namatayan, Hazel.... namatay ang anak ko... ang nanay ko.... sa totoo lang.... kailangan ko ngayon ang asawa ko para kahit man lang mapagaan ang nararamdaman ko pero wala ka.... nanlamig ka sa akin.... humanap ka ng ibang lalaki...."

Napagtanto ni Hazel na mali siya sa kanyang ginawa dahil hindi niya alam ang nararamdaman ng asawa dahil puno ng galit ang kanyang puso. Inaamin niya na mali siya talaga at doon bumuhos ang kanyang iyak. “Cookie. Please. I’m really sorry. Hindi ko alam na mabigat pala ang nararamdaman mo”

        "Hindi mo alam dahil hindi ka nagtanong sa akin kung okay lang ako..."  punas ni Zeek ng kanyang luha  "Alam mo, akala ko ay mapapatawad pa kita sa ginawa mo pero sana hindi na lang ako nakinig kay George. Hindi na lang sana ako pumunta dito"

        "Nag-uusap kayo??"

        "Oo. Bakit?? May masama ba?"

        "Hindi Cookie. Wala naman akong sinabi na masama eh"  at hinawakan niya muli si Zeek pero kaagad ni Zeek kinuha ang kamay ng asawa  "Patawarin mo naman ako oh. Please Cookie. Nagmamakaawa ako sa'yo. Mahal na mahal kita. Diba nangako tayo sa isa't-isa na walang iwanan...?"

        "Sinabi ngang huwag mo akong hawakan eh!! Nandidiri ako sa'yo...."  panduduro ni Zeek sa kanya habang nanggigil ito sa galit  "Paasa ka, Hazel. Akala ko ay hindi mo na ako iiwan sa ere pero hindi pa rin nagbago. Nagsisisi ako na ikaw ang pinili ko kesa kay George noon. Nagsisisi ako dahil binigyan pa kita ng pagkakataon at pinatawad!! At nagsisisi ako dahil minahal pa kita ulit!!'

Itutuloy…

FLA: Chapter 12 (Pagbabalikan)

Magkalipas ang ilang mga araw….

Maagang nagtungo si Zeek sa kanyang trabaho para makalimut sa sakit na kanyang nararamdaman. Ayaw niya kasing huminto sa pagkilos dahil kapag tumigil siya ay naalala niya ang eksena sa dining table nung gabing iyon, ang pagtataksil ni Hazel sa kanya.

Nakaupo siya sa kanyang opisina at may kausap na kliyente.

        "Is that all, Ma'am?"  tanong ni Zeek sa kliyente habang nililista sa event order ang kanilang pinag-uusapan.  "Wala ka pa po bang may idagdag?"

        "Yes. Iyan lang"  sagot ng babaeng kausap niya         

        "Sige po, Ma'am. Uulitin ko lang po ang sinabi ninyo kanina"  sambit ni Zeek habang binabasa ang sinulat niya  "Next Tuesday ang event ninyo dito, sa Intramuros Function Room, 100 pax...."

        "....yes yes.. don't need to remind me dahil alam ko na"  sabay tayo ng babae  "Alis na ako Mister Lacsamana. Salamat sa pag-accommodate sa akin. May gagawin pa kasi ako"

        "No problem Missus Santos. It's a pleasure serving you"  pagkamay nilang dalawa.

Ngumiti ang babae at walang sabi-sabi at lumakad ito palabas ng opisina. Napahiga si Zeek sa kanyang upuan at huminga ng malalim. Sa wakas ay makapagpahinga na siya pagkatapos ng pagkausap niya sa kanyang kliyente.

Pero naputol ang kanyang tangkang pagpahinga nang pumasok ang isa sa mga student intern na nag-pa-practicum sa hotel.

        "Sir Zeek...."  sabay pasok ng isang babae.

        "Yes?? Bakit?"

        "May bisita po kayo. Gusto ka daw niya makausap"

        "Sino siya? Tinanong mo ba ang pangalan niya?"

        "Hindi po Sir eh... sorry po"

        "It's okay. Papasukin mo na lang siya dito"  lumabas muli ang babae at tinawag ang bisita ni Zeek. At pagpasok ng bisita ay kaagad siyang tumayo  "WHAT ARE YOU DOING HERE???"  pagtaas ng kanyang boses

        "Zeek. Please. Let me explain..."

        "Ano pa ang dapat mong ipaliwanag, Marco?? Wala na.... kasi alam ko na ang totoo ninyong relasyon ng babaeng yon"   dugtong ni Zeek  "Ilang beses ko bang sabihin sa'yo na hindi ka na babalik pa dito"

        "Kahit ilang araw o linggo pa ako dito magbalik-balik ay gagawin ko para lang mapatawad mo lang ako, Zeek"  iyak ni Marco  "I know nagkamali ako. Naging marupok ako sa sinabi at ginawa sa akin ni Hazel dahil inaamin ko na may pagtingin pa rin ako sa kanya... pero... nagsisisi ako ngayon sa ginawa ko dahil sinira ko ang pagsasama ninyong dalawa. Zeek. I am sorry..."

        "So ano ang gusto mong mangyari...?? Patawarin kita... ?? Na kalimutan ko na lang ang nakita ko...?? Ang ginawa ninyong pagtataksil sa akin??? Ganon ba yun?"

        "Hindi ko alam, Zeek...."  iyak ni Marco  "Malaki ang nagawa kong kasalanan sa'yo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko"

        "Hindi mo talaga alam?? Pwes. Ipapaalam ko sa'yo"

        "Ano yun Zeek??"

        "Maghanda-handa kayo dahil magsasampa ako kaso sa inyong dalawa"

At doon mas kinabahan pa lalo si Marco sa narinig niya mula kay Zeek “Zeek. Please, don’t this. Mawawalan ako ng trabaho kapag malaman nila na may kaso ako”

        "Sana inisip ninyo yan bago ninyo ginawa ang pambababoy ninyo."  panlilisik ng mga mata ni Zeek sa kanya  "Don't worry, malaki ang supporta ko sa relasyon ninyong dalawa. Magkakasama pa rin kayong dalawa sa kulungan. Doon ninyo ituloy ang relasyon ninyo"

        "Zeek..."

        "LEAVE!! Umalis ka na bago pa ako tumawag ng security para kaladkarin ka palabas dito"

Nangingiyak na lumabas si Marco sa opisina ni Zeek. Nabigo muli Marco sa paghihingi ng tawad sa kanya.


Nakabalik na sina Daisy at Arnold magkalipas ang dalawang linggo na business trip sa Cebu. Nang pagpasok nila sa kanilang bahay ay nadatnan nila ang kanilang anak na nakabihis na at parang may pupuntahan.

Nagulat naman si Hazel sa pagbalik ng mga magulang niya. “Mom. Dad. Andito na pala kayo. Hindi naman po kayo nagsabi na uuwi na kayo, nasundo ko sana kayo”

        "Hindi anak. Okay lang"  sambit ni Arnold sa kanyang anak  "Kaya naman naming umuwi eh. At isa pa, may trabaho ka. Ayaw na naming makaistorbo sa iyo"

        "Okay lang kaya, Dad. Madali lang naman magpaalam sa boss ko eh"

        "Ganun ba? Sige anak. Don't worry, sa susunod naming pag-uwi ng Mommy mo ay magpapasundo kami sa'yo"

        "Sige Dad. Promise yan ha"  sagot naman ni Hazel  "So kamusta ang lakad ninyo?"

        "Okay lang naman, nak. Nakakapagod at enjoy din naman kahit papaano"

Napangiti na lang si Hazel sa sinabi ng kanyang ama “E ikaw anak?” dugtong naman ni Daisy “Kamusta naman kayo dito?”

        "Okay naman po kami"  mapait na ngiti ni Hazel  "Wala naman po ditong problema sa bahay nung wala kayo"

        "Talaga anak?"

        "Oo naman po, Mom"  ngiti niya muli

Nahalata naman ni Daisy ang tono ng boses niya at ang mukha niya na parang nasasaktan. Hinawakan niya ang kamay ng anak at tinanong.

        "Anak?? May problema ba?"

        "W-wala po, Mom. Okay kami ni Zeek"  sagot naman ni Hazel  "Sige po, alis na ako. Pasok na ako sa trabaho"

        "Sige anak. Mag-iingat ka"  sabi ni Arnold.

Sinundan ni Daisy ng kanyang tingin ang anak habang palabas ito bahay. Parang may nararamdaman ito na mali sa kilos ni Hazel.

        "Parang may mali sa anak natin"  sambit ni Daisy

        "Ha? May mali?? Parang wala naman ah"

        "Ang ibig kong sabihin ay parang may problema siyang mabigat"  paliwanag niya sa asawa  

        "Depressed?"

        "Oo. Parang ganon na nga"

        "Hay naku Daisy"  buntong-hininga ni Arnold  "Kung anu-ano ang iniisip mo. Kararating lang natin. Kailangan nating magpahinga baka pagod lang yan"

        "Sana nga..."

        "Sige na... isara mo na ang pinto at pumasok na tayo sa silid. Para makapagbihis at makapagpahinga na tayo"

        "Knock knock!"  sambit ni George habang papasok sa opisina ni Zeek.

Nakita naman ito ni Zeek, ngumiti ito at tumayo sa pagdating ni George. “Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong niya at sabay sa halik sa labi

        "Wala lang. Gusto lang kitang bisitahin. Ayaw mo ba?"

        "G-gusto. Pero baka madami kang gagawin sa hotel mo"

        "Don't worry. Andun naman ang Manager ng hotel eh. So, malaya ako na gumala at pumunta kung saan kong gustong puntahan"

        "Sigurado ka?"

        "Oo naman. Bakit hindi?"  halik muli ni George sa labi ni Zeek  "I love you"

        "I love you too"  pero hindi sumagot si George at nakatingin lang ito kay Zeek  "Bakit babe? May problema ba sa mukha ko?"

        "Wala naman. Hindi lang ako makapaniwala na akin ka na muli. Kahit dalawang araw pa lang tayo nagkabalikan pero parang panaginip pa rin na kaharap kita ngayon at nahalikan"  sagot ni George  "You have no idea kung gaano kita ka-miss"

        "Miss rin kita babe. Miss na miss"  

        "What do we have hear...?"  nagulat silang dalawa nang may biglang pumasok sa opisina na matandang intsik   "Mister George Salcedo, nandito sa hotel ko. Wow... it's an honor"

        "Mister Vicente Uy..."  sambit ni George  "Hindi ko alam na hotel mo pala ito"

        "Really..??"  sabay tingin ni Mr. Uy kay Zeek  "Mister Lacsamana. Can we talk in private please"

        "Yes Mister Uy"  at tumingin siya kay George bilang pagpapaalam.

Kaagad lumakad at lumabas si Zeek sa kanyang opisina. Samantala ay nandoon pa rin sa loob ang dalawa sa mga may-ari ng pinakamalaking hotel sa Pilipinas.

Tinignan ni Mr. Uy si George mula taas hanggang baba na parang ayaw nito sa kanya. Lumakad siya sa upuan ni Zeek at doon umupo habang nakatingin pa rin ito sa kanya.

        "Mister Salcedo. Ano'ng ginagawa mo dito sa hotel ko...?"

        "Binisita ko lang ang kaibigan ko, Mister Uy"

        "Si Zeek??"  tango naman ni George bilang sagot sa tanong  "Yes. Sinabi niya sa akin na kaibigan ka niya"

        "Yup"

        "Yun lang?? Yun lang ba ang rason kung bakit nandito ka?"

        "Huh? What do you mean, Mister Uy"

        "I'm a businessman... and so are you..."

        "Ano'ng ibig mong sabihin?"

“Alam ko na nag-iispiya ka sa amin”

        "That's nonsense. Hindi ko magagawa yan"  tanggol ni George  "Andito lang ako dahil kay Zeek"

        "Yes it does"  ganti niya  "Alam naman natin na unti-unting bumababa muli ang sales ninyo kesa sa amin na umaakyat kaya andito ka sa teritoryo ko at naghahanap ng idea"

        "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Mister Uy"  tanggol niya sa kanyang sarili  "Wala akong planong ganya. At isa pa, hindi totoo ang pinagsasabi mo dahil nasa ilalim na kami ng DGC...."

        "... yes alam ko. Pero aminin natin na hindi binibigyan ng atensyon ni SKY ang hotel mo dahil hindi iyon ang kanyang priority. Parang ikaw pa rin mag-isa ang nagpapatakbo ng hotel mo"

        "Jeff's here. At siya ang kumausap sa akin at binili ang hotel ko at hindi ang kanyang anak"

        "Oh come on. Nasa Teng Prime Holdings si Jeffrey Dy. Hindi ka niya matutulungan"  dugtong niya  "So alam ko kung ano ang ginagawa mo dito George. You're spying on us"

        "That's a serious accusation at malaking insulto yan sa akin. Wala kang pruweba"

        "Wala nga ba?? As I said, negosyante ako at alam ko ang tumatakbo dyan sa utak ng kalaban"  sambit niya kay George  "Kung ako sa'yo ay umalis ka na ngayon dito sa hotel ko at hindi na bumalik. Baka ano pa ang magagawa ko sa'yo"

Hindi na lang sumagot si George sa pambabastos sa kanya ni Mister Dy. Sinunod niya na lang ito at kaagad umalis sa opisina habang mainit ang ulo.


Sa bahay ni George…

Doon na nakatira si Zeek sa bahay ni George pagkatapos lumayas kina Hazel kahit hindi pa sila nagkabalikan dalawang linggo na ang nakakaraan.

Kakauwi lang ni Zeek at nakita si George na nakaupo sa sofa na parang mainit ang kanyang ulo. Kaagad niya naman nilapitan ito upang alamin ang nararamdaman ang kanyang mahal.

        "Hi babe..."  bati at halik ni Zeek sa kanya

        "Hi..."  tanging sagot naman niya

        "Okay ka lang?? Parang mainit ang ulo mo"

        "W-wala. Wala 'to babe. Okay lang ako. Huwag mo lang akong pansinin"  dahilan niya  "Kumain ka na dun dahil nagluto ako ng hapunan. Tapos magpahinga ka na"

Napahinga ng malalim si Zeek at umupo sa tabi ng kanyang mahal. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan muli “Tungkol ba ’to kanina? Kay Mister Uy?” pero hindi siya sumagot “Ano ba ang sinabi niya sa’yo kanina, babe?”

        "Wala"

        "Babe... we're partners right?? Pwede mong sabihin sa akin ang lahat. Huwag ka nang mahiya"

        "Fine..."  buntong-hininga niya  "May sinabi siya sa akin na parang nabastos at nainsulto ako"

        "Ano ba ang sinabi niya sa'yo?"

        "Wala babe. Wala lang 'to. Parang natamaan lang kasi ang ego ko pero okay ako. Magiging okay ako"

        "Sigurado ka?"

        "Oo naman"  sabay halik ni George sa labi ni Zeek  "Basta ay nandito ka sa tabi ko ay magiging okay ako"

Ngumiti naman si Zeek na parang kinikilig sa sinabi ni George “Ang sweet mo talaga, babe”

“Oo naman. Mahal kita eh. Sige na babe, kumain ka na at magpahinga na din. Susunod ako sa’yo sa kwarto”

        "Sige..."  sambit ni Zeek sabay tayo sa sofa at lumakad papasok sa kanilang silid.

Kinabukasan.

Pumunta si Marco sa bahay nina Hazel dahil pinatawag siya ng magulang nito. May halong kaba ang nararamdaman niya dahil baka ano na ang nalaman nila at ang kanilang sasabihin sa kanya.

        "Good morning po, Tita. Tito"  bati ni Marco sa kanilang dalawa habang namumutla ang kanyang labi.

        "Good morning din, Marco"  sagot naman ni Arnold sa kanya  "Umupo ka"

Umupo naman din si Marco sa tabi ni Arnold na nasa sofa. “Bakit Tito? May problema ba?” lunok sa kanyang laway . Hindi sumagot sina Arnold at Daisy at lumitaw sa kanilang mukha ang lungkot. Doon na mas lalong kinabahan si Marco dahil baka nalaman na nga nila ang tungkol sa kanilang dalawa “Tito. Tita. I’m sorry. Kung ano man ang nagawa kong kasalanan ay humihingi ako ng tawad”

        "Ano ang ibig mong sabihin, Marco?"  kunot ng noo ni Daisy  "Wala kang nagawang kasalanan"

        "Ah wala ba...?"  sambit ni Marco na parang nagkamali siya sa kanyang pag-intindi sa mag-asawa  "E bakit ninyo po ako pinatawag?"

        "Pinatawag ka ng Tita mo kasi parang may mali sa kilos ng anak namin"  dugtong naman ni Arnold  "Parang depressed siya. Baka may alam ka sa nangyari sa kanya, Marco. Nag-aalala na kasi kami sa kanya"

        "Ano po ba ang tungkol sa kanya, Tito?"

        "Ano ba ang nangyari dito nung wala kami?"

        "Wala naman Tito"  pagsisinungaling niya kay Arnold  "Okay naman po ang lahat. Wala namang problema"

        "Sigurado ka ba, Marco?"  singit naman ni Daisy  "Parang may iba sa anak ko eh. Hindi ko pa naman nakausap si Zeek dahil hindi pa nakakauwi kagabi pa. Sa tingin mo ba ay tungkol sa kanila ang problema?"

        "Hindi ko talaga alam Tita eh. Sorry po ha"

        "Okay lang yan Marco. Atleast sinubukan mo ang lahat para matulungan kami"  sagot ni Arnold

        "Basta po. Huwag kayong mag-alala. Ipapaalam ko sa inyo kaagad kung ano talaga ang problema ni Hazel. Kakausapin ko siya"

        "Sige Marco. Maraming salamat ha. Maasahan ka talaga namin"

        "Anytime po"  ngiti ni Marco  "Sige po, Tita. Tito. Alis na po ako. May pasok pa kasi ako sa trabaho eh"

        "Sige. Mag-iingat ka"  tapik ni Arnold sa kanyang balikat

        "Salamat po"

        "Teka Marco..."

        "Bakit po Tita?"

        "Bakit ka kanina humingi ng tawad sa amin??"

        "Ahh. Yun ba Tita?? Ehhh. Kwan po. Nagulat lang kasi ako dahil baka kung ano ang nagawa ko"

        "Bakit?? Meron ba?"

        "Ha?? W-wala p-po Tita"  pang-uutal niya  "Sige po. Alis na po ako. Late na kasi ako"

Tumayo si Marco at unti-unting lumakad palabas ng bahay nila habang malakas ang tibok ng kanyang puso.

Samantala ang mag-asawa naman ay nagtinginan na parang iba din ang kilos ni Marco.

Itutuloy…

FLA: Chapter 13 (Playing the Victim)

Kakarating lang ni Zeek sa bahay nina Arnold at Daisy. Bumalik siya sa kanila dahil may natira pa siyang gamit na hindi niya nakuha nung huli niyang pagpunta doon.

Sakto din nang pagpasok niya ay nadatnan niya si Daisy sa sala na nakaupo. Nagulat ito dahil hindi niya inaasahan na nakauwi na pala ang mga magulang ng kanyang asawa.

        "Tita... andito na po pala kayo"  sambit ni Zeek sa kanya.  "Kailan lang po kayo nakauwi?"

        "Kanina lang, anak."  sagot ni Daisy  "Hindi ba binanggit ni Hazel sa'yo na nakauwi na kami?"

        "Hindi po eh"  tanging sagot ni Zeek at umalis sa kanyang harapan  "Sige po, punta muna ako sa kwarto. May kukunin lang"

        "Sige anak"

Nahalata ni Daisy na parang maginaw ang pakikitungo ni Zeek sa kanya. Nang paglabas ni Zeek mula sa silid ay nakita niya na may bitbit na bagahe ito.

        "Alis na po ako"  paalam niya kay Daisy

        "Oh anak. Saan ka pupunta? Ang dami mong dala ah"

        "Aalis po ako"

        "Aalis??"  ulit ni Daisy  "Bakit? Saan ka pupunta?"

        "Basta po... Sige po. Alis na ako"

        "Zeek.... please. Mag-usap muna tayo"  tawag ni Daisy sa asawa ng anak. Kaagad naman huminto si Zeek at bumalik kay Daisy  "May problema ba kayong mag-asawa?? Parang hindi ko kasi nakikita na magkasama kayo, at IKAW na nandito sa bahay"

        "Bakit hindi ninyo itanong sa magaling n'yong anak??"  at doon uminit ang ulo ni Zeek at napatingin kay Daisy na nanlilisik ang mga mata.

        "May problema ba kayo ni Hazel??"  sabay lapit ni Daisy sa kanya  "Kung ano man yan, Zeek. Marahil ay pwede din naman ninyo mapag-usapan yan ng maayos"

        "Mapag-usapan ng maayos...?"  ulit ni Zeek  "Seryoso ba kayo...?"

        "Oo naman. Mag-asawa kayo ng anak ko. Hindi solusyon ang paglalayas"

        "Talaga....??"  lapit din ni Zeek sa kanya  "Hindi pa ba sinabi sa inyo ng magaling mong anak ang tungkol sa amin? Ang totoong nangyari sa amin...?"

        "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo Zeek. Ano ba yun, anak?"

        "Hindi niya ba sinabi sa'yo na habang wala kayo dito ay may pumupunta dito na lalaki at pinapainit ang laman at pinapasaya siya nito?"  

        "Imposible yan Zeek. Hindi ganon ang anak ko"  tanggol ni Daisy sa kanyang anak  "Baka nagkakamali ka lang"

        "Hindi ako nagkakamali dahil kitang-kita sa dalawang mata ko nagtatalik sila...."  sabay tingin sa dining table  "Diyan mismo sa dining table ninyo..."

        "Hindi magagawa ng anak ko yan, Zeek. Mahal ka ni Hazel. Diba nagpakasal kayo...? Mag-usap kayo ng maayos"

        "As I expected..."  ngisi ni Zeek  "Ipagtatanggol mo ang anak ninyo kahit siya ang may mali. Kahit ako na ang nasasaktan sa ginawa niya. Sige!! Magsama kayong lahat!! Hindi ko kailangan ng simpatya ninyo"

Kaagad tumalikod si Zeek at kinuha ang kanyang dala. Kaagad siyang umalis palabas ng bahay at sumakay sa kanyang sasakyan.

Dumerecho na lang si Zeek sa kanyang trabaho dahil kung uuwi pa siya ng bahay at iwan ang kanyang mga dalang gamit, sigurado ay male-late na talaga siya.

Nang pagpasok niya sa hotel ay kaagad siyang sinalubong ng isa sa mga waiters niya…

        "Sir Zeek..."  bati nito sa kanya

        "Bakit? May problema ba?"

        "Wala naman po, Sir. Pinapatawag lang po kasi kayo ni Mister Uy"

        "Ha? Bakit? Ano ang sabi?"  at doon na nataranta ang mukha ni Zeek dahil sa hindi inaasahan na pagpatawag sa kanya ng may-ari

        "Hindi ko alam Sir eh. Pumunta ka na lang daw sa opisina niya"

        "Oh sige..."  buntong-hininga niya  "Pupunta na ako dun dahil baka may nagawa tayong mali o baka kakausapin niya ako. At kayo muna ang bahala dito sa baba ha"

        "Okay po Sir. Masusunod"

        "Good. Sige na. Bumalik ka na sa trabaho"

Huminga ulit ng malalim si Zeek bago siya pumunta sa opisina ng may-ari na nasa likurang bahagi ng front desk ng hotel.

Habang lumalakad siya papasok ng opisina ay doon bumilis ang kabog ng kanyang dibdib at napaisip….. ‘ano ba ang nagawa kong kasalanan? Bakit niya ako pinatawag sa opisina niya’

Nakatayo na si Zeek sa harapan ng mesa ng may-ari na si Mister Uy. Nakaupo siya habang may pinipirmang mga papeles.

        "Good morning po, Mister Uy"

        "Good morning din, Mister Lacsamana"  sabay lapag niya ng ballpen sa mesa  "Umupo ka..."

Doon mas kabado na si Zeek. Wala talaga siyang ideya kung bakit siya pinapatawag ng may-ari. Sinunod niya na lang ito at kaagad umupo sa bakaenteng upuan.

        "Bakit po Sir? Bakit ninyo po ako pinatawag?"

        "Hmmmm. Wala naman Zeek. May itatanong lang sana ako sa'yo"

        "Sige po. Ano po yon?"

        "Tungkol kay Mister Salcedo"  panimula ni Mister Uy  "Totoo ba na may relasyon kayong dalawa?"

        "Uhhhmmmm"  tanging sambit ni Zeek

        "Magsabi ka ng totoo, Zeek. Ayaw ko sa tao ang nagsisinungaling. Totoo ba??"

        "Hmmm. Op-po Mister Uy. May relasyon kami ni George"

        "Wow. I didn't expect na magsasabi ka kaagad ng totoo sa akin"  sambit niya at tumayo siya sa kanyang upuan at nilapitan si Zeek  "I admire your courage na magsabi sa akin ng totoo at relasyon ninyong dalawa. Napahanga mo ako dun"

        "Wala naman po akong nakikitang dahilan na hindi ko ipagmalaki ang relasyon namin. Mahal ko po si George"

        "Well. That's true"  hingang malalim ni Mister Uy  "Ang sa akin lang naman ay hindi ko siya gusto"

        "Hindi gusto?? Saan po?"

        ".... na meron siyang access dito sa hotel ko... mahirap na, baka nag-iispiya siya dito sa akin"

        "So ano po ang gusto ninyo?"

        "Hiwalayan mo siya para hindi na siya makapasok dito sa akin"

        "What?!"  sabay tayo ni Zeek  "No! Hindi ko magagawa yan"

        "Bakit hindi?? He's a spy"  sambit ni Mister Uy  "... at alam ko na ginagamit ka lang niya para makapasok siya dito sa hotel ko. Hindi ka niya totoong mahal."

“But Mister Uy, hindi ganyan si George…”

        "Sundan mo na lang ang gusto ko, Zeek. Para walang gulo..."

        "Pero..."

        "Huwag ka nang dumahilan. My decision is final. Hiwalayan mo siya o mawawalan ka ng trabaho"  

“Per….”

“Sige na. Pwede ka nang bumalik sa trabaho mo”

Walang nagawa si Zeek kundi tumahimik na lang sa sinabi ng kanyang amo. Kaagad siyang tumayo at lumakad palabas ng opisina.


Kinagabihan.

Kararating lang ni Hazel sa kanilang bahay. Kaagad siyang pumasok at nadatnan ang kanyang mga magulang na nakatayo malapit sa pintuan.

        "Good evening po, Mommy. Daddy"

Pero hindi sumagot si Daisy sa bati ng anak. Kaagad siyang tumalon sa tanong niya “Totoo ba…?”

        "Totoo ang ano po?"  kunot ng noo ni Hazel.

        "Na may dinala ka ditong lalaki sa bahay nung wala kami ng Daddy mo...?"  kumpronta ni Daisy sa anak  "HAZEL...! May asawang tao ka... mali ito... hindi ka namin pinalaki ng ganito..."

        "What?? Saan niyo naman narinig ang tsimis na yan?? Mommy naman...."

        "Huwag ka nang magsinungaling, Hazel..."  dugtong ni Daisy  "Dahil ang asawa mo mismo ang nagsumbong sa akin. Nahuli kayo mismo ng asawa mo na may nangyayari sa inyo diyan mismo sa dining table...!!""

        "What?! Are you joking?? C'mon, Mom"  sabay tawa niya ng malakas  "That's not true. Hindi ko magagawa yan"

        "E ano yung sinasabi ni Zeek sa amin, Hazel?"  sabat naman ni Arnold sa anak

        "Gumagawa lang siya ng kwento dahil siya ang may kasalanan"

        "What do you mean, Hazel?"

        "He's having an affair"  sagot niya sa mga magulang  "Nagkabalikan na silang dalawa ni George. Kaya binabalik niya sa akin na ako ang may kasalanan para makaalis na siya dito at doon titira kay George"

        "E bakit hindi mo sinabi sa amin nung umuwi kami??" 

        "Mommy naman. Away namin yun"  pagsisinungaling pa ni Hazel  "Ayaw ko naman na madamay kayong dalawa ni Daddy sa problema namin"  doon tumulo ang luha ni Hazel

Kaagad naman siya niyakap ng kanyang ina para pawiin ang kanyang anak. “Sorry anak. Hindi namin alam na iyan pala ang totoong kwento” sambit ni Daisy sa anak “Akala namin ay nagsasabi ng totoo si Zeek, hindi pala. Pasensiya na anak kung naniwala kami agad sa sinabi niya”

        "Okay lang po yun. Ngayon ay alam niyo na ang totoo"  patuloy pa rin ang iyak niya  "Hindi ko talagang aakalain na magkakabalikan pa silang dalawa... sobrang sakit..."

        "Huwag kang mag-alala, anak"  dugtong ni Arnold  "Si Daddy ang bahala sa walang kwenta mong asawa..."

Samantala. Sa bahay ni George.

Kararating lang ni George mula sa nakakapagod na trabaho at gusto niya nang magpahinga pero nung pagpasok niya ng bahay ay nadatnan niya si Zeek na andoon at nagluluto ng kanilang hapunan sa kusina.

        "Hey babe"  bati ni George kay Zeek habang papalapit sa kusina  "How's work?"  sabay halik niya labi ni Zeek.

        "Okay lang naman. Ikaw babe? Kamusta ang trabaho?"

        "Heto... nakakapagod..."  sabay tingin niya sa niluluto ng kanyang mahal  "Wow... ang sarap naman yan babe. Tamang-tama, gutom na gutom ako"

        "Umupo ka na lang sa dining babe. Malapit na tong maluto"

Pero nahalata ni George ang mukha ni Zeek na parang malalim ang iniisip. “Babe? Are you okay?”

        "Yeah. Okay lang ako, babe. Bakit mo naman natanong?"

        "Kasi parang mabigat ang mukha mo ngayon babe eh. Parang hindi ikaw ang kaharap ko ngayon"

        "Sorry babe. May iniisip lang ako"

        "Ano ba yun? Okay lang ba na malaman ko?"

        "May problema lang kasi sa.... it's okay. Don't worry"

        "...and?? What happened ba talaga?"

        "Si Mister Uy..."  panimula ni Zeek  "Tinanong niya ako kanina kung may relasyon tayo"

        "Anong sagot mo...?"  kunot ng noo ni George.

        "Ang sabi ko... oo. Meron"  kuwento niya kay George  "Sinabi ko sa kanya babe eh. Sorry"

        "No no no. No need to apologize babe. Okay lang yan"  sagot ni George  "Okay naman sa akin kung malalaman ng mga tao ang tungkol sa atin eh"

        "I know babe. Pero may sinabi siya sa akin eh..."

        "At ano naman ang sinabi niya sa'yo...?"

        "Itigil ko na daw ang makipagrelasyon sa'yo dahil ayaw niya sa'yo dahil may access ka daw sa hotel niya"  Paliwanag ni Zeek sa kanya  "Mahirap na daw dahil baka nag-iispiya ka"

Pero imbes na magalit si George ay tumawa na lang siya ng malakas “Seryoso…?? Yan ang rason niya??? Grabe… ang nonsense ah”

        "Hindi ka galit, babe?"

        "Bakit naman ako magagalit??? Dahil sa sinabi niya baka nag-iispiya ako?? Of course not...!! Napakawalang-kwenta ang rason niya"

        "Sa kanya... hindi ka ba nagagalit sa kanya?"

        "Hindi babe. Hindi ako galit. As I said, walang kwentang bagay ang rason niya"  buntong-hininga ni George  "Tama na nga 'to. Kumain na lang tayo. Nagugutom na ako eh"

        "Oh sige. Umupo ka na dun at pagsisilbihan kita"

        "Talaga...?"  ngiti ni George sabay kagat ng kanyang labi

        "Oo naman. Sige na babe. Umupo ka na dun"

        "Sige na nga..."  sabay halik sa batok ni Zeek  "Bilisan mo ha"

        "Opo. Ito na..."

Kinaumagahan.

Nagising si George sa ingay sa doorbell ng gate. Alas-sais pa lang ng umaga pero may tao na umiistorbo sa kanilang pagtulog.
‘Sino ba yan?? Istorbo naman sa pagtulog oh’ isip ni George.

Kaagad siyang lumabas ng bahay at binuksan ang gate upang tignan kung sino ang tao na maaga pang umiistorbo sa kanila.

Pero nung pagbukas niya ng gate, kaagad siyang sinuntok ng tao sa labas at napatumba ito sa semento. Pagkatapos ay kinuha ng tao ang damit ni George para makatayo ito habang nanginginig sa galit.

Doon niya nakita ang mukha ng taong pumasok. Ang ama ni Hazel. Si Arnold.

        "Hayup kayo... napaka-baboy ninyo...."  pangangalit ni Arnold kay George  "Saan si Zeek...?? Saan ang hayup na yon...!!"

        "Ano ba ang kasalanan namin sa inyo...??!! Bakit ganyan lang ang galit mo sa akin...??!"  habang dumudugo ang labi niya.

        "Kasi... iniwanan ng salot na yan ang anak ko para makipagbalikan sa'yo..."  pangagalit pa rin ni Arnold  "Ilabas mo si Zeek bago pa kita mapatay ngayon dito..."

        "Sige... Subukan mo. Patayin mo ako... Ang lakas ng loob mong magtangka ah. Baka nakakalimutan mo na nandito ka sa loob ng bahay at lupa ko"  pagtatanggol ni George sa kanyang sarili  "Pwede din kitang mapatay at mailibing dito ng walang nakakaalam"

        "Talagang mas matapang ka pa ha. Ikaw na nga ang sumira ng pamilya, ikaw pa ang may ganang magtangka ng buhay...??"

        "Ako pa talaga ang sumira ng pamilya...?"  ulit ni George sa kanya  "Pumunta at dito na nakatira si Zeek sa akin dahil naglayas siya sa pamamahay ninyo dahil iniwan niya ang asawa niya.... tama nga yon"  pag-aamin niya  "Pero ang anak mo ang gumawa ng kababuyan, hindi si Zeek"

        "Narinig ko na ang kwento na yan...."  tawa ni Arnold  "Ibabalik niyo pa talaga kay Hazel ang mali?? At kayo ang kawawa...?? Grabe kayo... pinagplanuhan ninyo talaga ito..."

        "Pinagplanuhan?? Bakit hindi ninyo tanungin si Marco..."

        "Ano ang ibig mong sabihin...? At ano ang kinalaman dito ni Marco?"

        "Siya lang naman ang lalaking kasama ni Hazel...."  nanlaki ang mga mata ni Arnold sa sinabing pangalan ni George sa kanya. Parang istatwa na hindi makagalaw dahil nagulat ito sa kanyang nalaman  "Oh bakit ka natahimik?? Gulat ka?? Na ang tao na tinuring mo pang anak ang gagawa ng kahayupan kasama ng anak mong babae"

        "Hindi. Gumagawa lang kayo ng istorya. HINDI!!"

        "Kung ako sa'yo, tanungin mo mismo si Marco kung ano talaga ang totoo..."

Hindi na sumagot si Arnold at tumakbo na lang palabas ng gate. Samantala si George naman ay nanginginig sa galit dahil nga sinugod sila ng ama ni Hazel.

Itutuloy…

FLA: Chapter 14 (Maling Katotohanan)

Kagigising lang ni Zeek sa kama ni George at nahalata niya na wala ito sa kanyang tabi. Kaagad siyang tumayo at lumabas para hanapin ito. Nagtataka siya dahil hindi ito ang tamang oras ng pag-gising kada umaga.

Nang paglabas niya ng kanilang silid ay nahanap niya si George sa sala, nakaupo sa sofa at nakatitig sa sahig na parang malalim ang kanyang iniisip. Kaagad niya naman itong nilapitan.

        "Babe..?? Okay ka lang?"  himas ng ulo ni George.

        "Yes babe. I'm okay"  sabay tingin niya kay Zeek.

Doon nakita ni Zeek na pumutok ang labi ni George. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang sugat. Kaagad niyang tinanong ito kung ano talaga ang nangyari. “Ano ang nangyari dito..? Bakit pumutok ang labi mo?”

        "Maaga tayong dinalaw ng malas, babe"  buntong-hininga ni George  "Pumunta dito kanina ang ama ni Hazel. Sinuntok niya agad ako nung pagbukas ko ng gate"  kuwento niya  

        "Ha?? E bakit niya yan ginawa sa'yo?? At ano ginagawa niya dito...?"

“Ikaw kasi ang tinuturo ni Arnold na ikaw ang may kasalanan ng hiwalayan ninyo. Dahil naglayas ka at nakipagrelasyon sa akin”

        "What?! That's insane!"  sigaw ni Zeek  "Ako pa talaga ang tinuturo nila na gumawa ng kabastusan??"

        "Yun nga eh. Napaka-unfair nila"

        "E ano ang sinabi mo sa kanya...??"

        "Nagkakamali siya... dahil ang anak niya ang may kasalanan kahit itanong niya pa kay Marco"  hindi nakasagot si Zeek at nagpabuntong-hininga na lamang siya. Umupo kaagad siya sa tabi ni George at bigla na lang umiyak. Hindi niya kasi akalain na babalik pa sa kanya ang pagsasala na ginawa ni Hazel sa kanya at parang si Hazel ang lumabas na biktima  "Oh babe... huwag ka nang umiyak, okay?"  himas ni George sa kanyang likuran  "Malalampasan din natin 'to. Kahit ano pa ang sabihin nila sa atin ay nagmamahalan tayo"

        "Hindi naman ako umiiyak dahil diyan babe eh..."  iyak ni Zeek  "Para kasing napaka-unfair lang ng buhay. Ako na nga ang niloko, ako pa ang lumalabas na may mali"

        "Babe... hindi mali ang pagmamahalan natin"  panimula ni George  "Hindi ka naman ang nagkasala eh. Siguro napaghandaan lang talaga ni Hazel ito. Don't worry, gagawa tayo ng paraan para ibalik sa kanya at mapatunayan natin sa kanila na mali ang kanilang pinagtatanggol na tao"

        "Sana nga babe. Kasi hindi ko na alam kung paano ko pa ipagtanggol ang sarili ko"  sabay hinga ng malalim ni Zeek  "Napapagod na ako"

        "Huwag kang mapagod, babe"  akbay ni George sa kanya  "Baka nakakalimutan mo na andito lang ako sa tabi. Ipaglalaban kita dahil mahal na mahal kita"

        "Salamat babe"  ngiti ni Zeek na parang nata-touch sa sinabi ni George  "Salamat dahil nasa tabi kita ngayon. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kapag wala ka"

        "Don't worry. Hindi kita iiwan babe. Tandaan mo yan"

Inalalay ni George ang ulo ni Zeek sa kanyang balikat para doon ipahinga. Kaagad niya naman hinalikan ang noo ng kanyang mahal at hinawakan ang kamay nito.


        "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na AYAW KO NA... ayaw ko nang madamay sa gulo ninyong dalawang mag-asawa"  sambit ni Marco sa telepono  "NO HAZEL. Ikaw ang makinig sa atin. We're done! Ayaw ko na!!"

Natigilan si Marco at napatingin sa pintuan ng kanyang condo dahil may biglang kumatok dito. Kaagad naman niyang binaba ang telepono at pinuntahan ang pinto para malaman at tignan kung sino ang tao sa labas.

Nang pagbukas niya ay bumungad sa kanya ang ama ni Hazel na si Arnold. Nakatayo sa labas ng kanyang pintuan.

        "Oh tito. Andito po kayo"  bati ni Marco na nanginginig ang tono ng boses  "Kamusta po...?"

        "Ayos lang naman"  sagot niya  "Pwede ba akong pumasok..?"

        "Shhh-sure po. W-walang problema. Pasok po kayo"

Kaagad naman siya pumasok sa condo ni Marco. Kaagad niya naman sinara ang pintuan. Masakit ang mga tingin ni Arnold sa apat na sulok ng bahay ng binata dahil sa nalaman niya mula kay George.

….na baka si Marco ang lalaki ni Hazel at ang karelasyon nito…

        "Ikaw Marco....?"  panimula ni Arnold nang matapos ang mahabang katahimikan sa kanya

        "Ano'ng ako Tito?"

        "Kamusta ka na...?" 

        "Okay lang naman po ako Tito"

        "Good. Good to know that"  napatingin si Arnold sa mga mata ng binata pero umiwas si Marco sa mga tingin niya.  "Kayo?? Kamusta na kayo ng anak ko na si Hazel?"

        "What do you mean po, Tito?? Okay naman po kami ni Hazel"  sagot niya  

        "Talaga...?"  tanong muli ni Arnold na tila hindi naniniwala sa sinabi ni Marco. Tumango naman si Marco bilang sagot  "Mabuti naman na okay kayo ng anak ko. Kasi alam mo naman ang pinagdadaanan nilang dalawang mag-asawa"

        "Oo nga Tito eh... nakakagulat ang nangyari. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Zeek"

        "Naniniwala ka na kasalanan ni Zeek yon?"

        "Oo naman Tito. Bakit hindi?"  sagot niya  "E simula pa lang noon ay sila na ni George eh. Pero ang nakakagulat ay akala ko ay mahal niya si Hazel at kinalimutan niya na ang lalaking yon. Hindi pa pala"

        "Oo nga eh..."  pagsang-ayon lang ni Arnold

        "E ikaw Tito?? Naniniwala ka ba na si Zeek ang gumawa ng kasalanan...?"

        "Honestly, hindi"  panimula niya  "May nagsabi kasi sa akin na si Hazel ang may kasalanan. Nakita ni Zeek na may lalaki siyang dinala sa bahay namin at nakipagtalik siya..."

        "Talaga po, Tito?  Hindi ko alam yan ah"  pagsisinungaling ni Marco

        "At sinabi na ikaw daw ang lalaking yun. Totoo ba yun, Marco?"

        "Ha...?"  panlalaki ng mga mata ni Marco. Biglang bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Pinatili niya ang kanyang sarili na kalmado dahil natawagan siya kanina ni Hazel na baka pupunta sa kanya ang kanyang ama at nakapaghanda sila ng kanilang sasabihin. Pero nagdadalawang-isip siya dahil gusto niyang  aminin kay Arnold ang totoo dahil gusto niya nang matapos ito , pero kung gagawin niya naman yun, ay baka si Hazel na lang ang pagbuntungan ng kanilang galit at maiwan siya sa ere. Naaawa naman siya sa kanyang minamahal na babae.  "Uhhhmmm..."  tanging sagot niya

        "Ano Marco?? Sumagot ka. Totoo ba..?"

        "Hindi po. Hindi po totoo yun"  pagsisinungaling niyang muli  "Mahal ko po ang anak ninyo, inaamin ko yan. Pero nirerespeto ko naman ang marriage nilang dalawa"

Napagbuntong-hininga si Arnold na parang nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib. Ngayon ay alam niya na ang katotohanan at hindi si Hazel ang may kasalanan at hindi si Marco ang lalaki niya, katulad nung sinabi ni George.

        "Mabuti dahil alam mo kung saan ka lulugar"  at kaagad siyang nagtungo sa direkasyon ni Marco at niyakap ito ng sobrang higpit  "Para na kitang tunay na anak, Marco. Mababaliw siguro kami ng Tita mo kapag gumawa ka ng ganitong kasalanan. Patawad dahil nagduda ako sa'yo"

        "Huwag ka na pong humingi ng tawad Tito. Hindi naman ako galit sa'yo"  sambit ni Marco  "Talagang ginagawa nila ang lahat para maibalik sa kanila ang simpatya ninyo"

        "Oo nga eh. Lahat gagawin nila para magkatuluyan sila"  dugtong ni George at sabay hinga ng malalim at biglang umiyak "Nakaka-dismaya talaga si Zeek. Akala ko mabait siyang bata pero hindi pala. May tinatago din pala siyang sama ng ugali. Hindi talaga ako nagkakamali nung una, sana hindi na lang sila nagkatuluyan ng anak ko. Si Hazel ang kawawa"

Hindi nakasagot si Marco sa iyak ng ama ni Hazel at kaagad niya na lang niyakap ito. “Tahan na po, Tito. Andito lang po ako”


Sa hotel na pinagtatrabahuan ni Zeek.

Nakaupo si Zeek sa kanyang opisina, may inaayos ito na schedule para sa isang linggong mga event sa hotel.

        "Good morning, Mister Lacsamana"  sambit ni Mister Uy na kakapasok lang sa kanyang opisina.

Nagulat naman si Zeek at kaagad tumayo sa kanyang inuupuan “Ay Mister Uy… good morning. Andito pala kayo” sabay ligpit ng kanyang mga gamit “May kailangan po ba kayo..?”

        "May itatanong lang ako sa'yo, Zeek"

        "Sure po. Ano naman po yon?"

        "Kamusta na kayo ni Mister Salcedo??"

        "Okay naman po kami, Mister Uy"

        "Kayo pa...?"

        "Ahmmmm.... Opo Mister Uy"

        "Ganun ba?? Diba sinabihan na kita kahapon na itigil na niyo na yan??? Bakit hindi mo pa siya hinihiwalayan...?"

        "Pero Mister Uy... hindi po pwede"

        "Bakit hindi?!"  sigaw niya kay Zeek

        "Mahal ko po siya. At wala naman po akong nakikitang dahilan para hiwalayin siya"

        "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kahapon sa'yo...?"  paalala niya kay Zeek  "...na mahirap ang magkarelasyon sa kanya dahil baka nag-iispiya lang siya dito sa atin"

        "Hindi niya naman magagawa yan, Mister Uy. Kilala ko siya"

        "Talaga?? Gaano ka kasiguro at gaano mo siya kakilala?"  tanong niya  "Wala kang alam. Lalung-lalo na sa totoong pagkatao ni George Salcedo"  hindi nakasagot si Zeek. Nakatingin lamang siya kay Mister Uy na nanginginig ang kanyang katawan  "Sundin mo ang inutos ko sa'yo. I'll give you one last chance para magawa mo yan, kung hindi ay baka mapaalis kita dito sa hotel ko"

        "Pero Sir"

        "As I said. Gawin mo ang gusto ko o baka gusto mong mawalan ka ng trabaho"

Tumalikod kaagad si Mister Uy at umalis sa opisina ni Zeek. Samantala si Zeek naman ay nakatayo na parang hiindi alam ang kanyang gagawin.

Kinagabihan. Matatapos na ang shift ni Zeek at excited na siyang maka-uwi ng bahay dahil gusto niya nang makapagpahinga.

Pero nung lalabas na siya sana ng kanyang opisina ay hinarang siya ng kanyang amo.

        "Uwi ka na...?"  panimula ni Mister Uy sa kanya.

        "Opo Mister Uy. Uwi na ako. Katatapos lang ng shift ko eh"

        "Good. Sige. Mag-ingat ka sa pag-uwi"

        "Salamat po, Mister Uy"

        "Basta gawin mo na mamaya ang sinabi ko sa'yo at baka mapanatili pa kita dito sa hotel ko"  

Pero hindi sinagot iyon ni Zeek at ngumiti na lang ito “Sige po Mister Uy. Alis na po ako”

        "On second thought..."  sabay hawak ni Mister Uy sa braso ni Zeek. Napatingin naman siya sa kamay na humawak sa kanya  "Mamaya ka na lang umuwi"

        "Bakit po??"

        "May ipagagawa ako sa'yo sa opisina ko... importante.  Okay lang ba?"

        "S-sige po. Walang problema"

        "GOOD. Sige.  Sumunod ka sa akin"

Naunang lumakad si Mister Uy at sumunod naman kaagad si Zeek sa kanyang likuran. Gustong-gusto na sanang umuwi ni Zeek dahil pagod na pagod na ito at sobrang antok na. Pero wala siyang magagawa dahil inutusan siya ng may-ari mismo ng hotel.

Nang pagpasok nila ng opisina ay biglang nagsalita si Mister Uy. “Umupo ka Zeek”

        "Sige po"  kaagad naman siyang umupo sa bakanteng upuan  "Ano naman po ang ipapagawa ninyo sa akin..?"

        "Sandali..."  sambit niya. Nakita niya si Mister Uy na bumalik sa pintuan at ni-lock ito. 

Biglang kinabahan si Zeek nang makita niya iyon dahil baka ano ang gawin nito sa kanya. “Uhhhmm Mister Uy… baka bukas ko na lang gagawin yan. Gumagabi na kasi eh” pagmumutla niya

        "Ngayon na..."  paglalanding tono ng kanyang boses. At tumayo siya sa harapan ni Zeek samantala si Zeek naman ay tumingala sa kanya.

        "Ano nga po yun?"  tanong muli niya na parang natutuyo ang laway sa kanyang bibig dahil sa sobrang kaba.

        "Simple lang naman ang ipapagawa ko sa'yo Zeek"  at lumuhod si Mister Uy sa kanyang harapan  "Mag-relaks ka lang. Just sit and enjoy"  at kaagad hinimas ang bukol ni Zeek.

Tama nga ang hinala ni Zeek at kaagad niyang tinulak ang kanyang amo. “Are you insane?! Hindi ko magagawa yan dahil para lang kay George ’to”

        "Pero ako amo mo. Wala kang karapatan na suwayin ang pinag-uutos ko..!"  

        "Kahit na binabastos mo na ang pagkatao ko?! NO!! HINDI KO MAGAGAWA ANG GUSTO MO!!"

        "Kahit ngayon lang naman, Zeek. Patikim lang. Alam ko na gusto mo rin"

        "As I said, para lang kay George 'to. Sorry"

        "Diba sabi ko na itigil niyo na yan??! Akin ka lang Zeek. Ayaw ko na may kahati. Mahal kita"

        "You're impossible...! Mali ang gusto mo"

Kaagad lumakad si Zeek papunta sa pintuan pero biglang nagsalita muli si Mister Uy. “SIGE. Umalis ka at talikuran mo ako dahil kapag nakalabas ka na diyan ay sisante ka na…!”

        "Fine. Wala akong pakialam"  sabay bukas ni Zeek ng pintuan at lumabas.

        "ZEEK!!! BUMALIK KA DITO!!"  pagwawala niya.

Samantala. Sa bahay nina Arnold at Daisy.

        "Pasensiya anak kung hindi kami naniwala sa inyo ni Marco"  iyak ni Daisy kay Hazel habang yakap-yakap niya ito  "Patawarin mo kami ng Daddy mo kung nagduda kami"

        "Okay lang po yun, Mommy. Daddy."  Sambit naman ni Hazel  "Hindi naman ako galit sa inyo eh"  at napatingin si Hazel sa kanyang ama na parang walang imik  "Daddy?? Okay ka lang?"

        "Hindi anak. Hindi ako okay"  sagot niya  "Hindi lang kasi ako makapaniwala hanggang ngayon na magagawa ni Zeek sa'yo yun"

        "Kaya nga Daddy eh"  buntong-hininga ni Hazel  "Nasasaktan nga ako ngayon dahil nagawa niya yon"

        "Pero sigurado ka ba anak na nasasaktan ka..?"  tanong naman ni Daisy sa kanya na parang may nahahalata.

        "Oo naman, Mommy. Sobra akong nasasaktan. Dahil sa kabila ng lahat ng pagsasama namin ay pinili niya pa din si George"

        "Talaga anak??"

        "Oo naman po. Bakit naman natanong niyo yan?"

        "W-wala. Wala anak"  sabay yakap muli ni Daisy sa kanya ng punong-puno ng pagdududa.  "Basta tandaan parati na andito kami ng Daddy mo para sa'yo"

        "Salamat Mommy"  ganti naman niya

        "Kailangan nating makagawa ng paraan para maparusahan ang mga salot na yan"  dugtong ni Arnold.

        "Ano naman ang gagawin natin sa kanya, Daddy?"

        "Kakasuhan natin siya hanggang magsisisi siya sa kanyang ginawang panloloko sa'yo...."

Itutuloy…

FLA: Chapter 15 (Si Mister Uy)

Kinagabihan. Sa bahay ni George.

Nakauwi si Zeek sa bahay dakong alas-nwebe na ng gabi. Mainit pa rin ang kanyang ulo dahil sa nangyari kanina sa opisina ng may-ari ng hotel. Ito ay ang muntikan nang pangmomolestiya ni Mister Uy sa kanya.

Nang pagpasok niya ng bahay ay nadatnan niya si George sa sala na may ginagawa sa kanyang laptop. Napansin naman siya kaagad ni George at kaagad tumayo sa sofa at nilapitan niya ito.

        "Hey babe... musta ka na...?"  panimula ni George sa kanya at hinalikan ito sa labi "Bakit ngayon ka lang? Maraming tinapos sa trabaho sa office??"

Tumango naman si Zeek bilang sagot “Okay lang ako babe. Kumain ka na?”

        "Oo eh. Sorry ha. Ginutom na kasi ako kaya nauna na lang akong kumain"  paliwang nito  "Pasensiya na talaga kung hindi kita hinintay"

        "Okay lang babe. Walang problema"  buntong-hininga ni Zeek na pilit hindi ibaling ang galit niya kay George.

Tila nahalata naman ni George na may may iba kay Zeek dahil hindi ito masaya at mainit ang ulo nung pagpasok niya “Babe…?? Okay ka lang? Parang mainit ang ulo mo? May problema ba…??”

        "Meron..."  sagot kaagad nito  

        "Pwede bang malaman kung ano yon? Baka may maitulong ako diyan."

        "Babe. I think alam ko na ang rason kung bakit masama ang tingin sa'yo ni Mister Uy"

        "Talaga?? At ano naman yon?"

        "I think he likes me"  sagot nito  

        "What?? Seryoso ka babe?"

        "Oo babe. Seryoso ako"  paniniguro ni Zeek sa kanya.  "Alam ko dahil muntik niya na akong mapagsamantalahan"

        "WHAT?!"

        "Yes!! Pero don't worry dahil hindi natuloy dahil tinulak ko siya nung nagsimula na siyang lumuhod at hinipo ako"  paliwanag ni Zeek. 

        "Saan...??"

        "Sa opisina niya kanina"  panimula ni Zeek sa pagkuwento  "Nadatnan niya kasi ako na uuwi na. Tapos pinigilan niya ako at sabi niya ay may ipagagawa siya sa akin pero doon daw sa opisina"

        "Tapos...?? Sinunod mo naman?"

        "Oo babe. Pero nung habang nakaupo na ako ay nakita ko siya na ni-lock ang pintuan"  patuloy niya sa pagkuwento  "Doon na ako nagduda.... At ganon, hindi nga ako nagkamali"  pero habang kinikuwento niya iyon ay umiinit din ang ulo ni George dahil sa ginawa ni Mister Uy kay Zeek. Nakita naman iyon ni Zeek at doon na siya kinabahan   "Babe. Please. Kumalma ka. Wala namang nangyari eh"

        "Alam ko. Pero hindi ko maiwasan na magalit dahil sa ginawa niya"  sambit ni George  "Hindi ko akalain na ganyan pala ka-baboy ang matandang yon. May pagnanasa pala sa bata"  at tumingin siya kay Zeek  "Babe. Promise me na huwag na huwag ka nang pumasok dun. Hindi ako papayag na may gagawin pa siya sa'yo"

        "Oo babe. Hindi na talaga ako babalik dun"

        "Good. Dito ka na lang bukas. Ako na ang bahala sa kanya"

        "Ano'ng gagawin mo sa kanya?"

        "Wala naman... basta... kakausapin ko lang"

        "Sige babe. Basta huwag mong daanin sa dahas. Kausapin mo lang siya"

        "Okay babe. Promise"  sagot ni George sa kanya at kaagad ngumiti  "Sige na. Kumain ka na at para makapagpahinga ka na dahil parang pagod na pagod ka na"

Kinabukasan.

Dakong alas-otso ng umaga ay umalis si George para nga kausapin si Mister Uy sa kanyang hotel. Gusto niyang kumprontahin ito sa ginawa niya kay Zeek na pamomolestiya.

Samantala sa bahay nila. Hindi makapag-isip ng maayos si Zeek habang nakaupo ito sa kama at kagigising lang. Alam niya na maaga umalis si George at nagtungo sa hotel.

Nang biglang tumunog ang buzzer ng gate….

Nagtaka si Zeek dahil maaga bumalik si George sa kanilang bahay.
‘Ang aga niya naman bumalik. Baka siguro may nakalimutan lang’
sambit ni Zeek sa kanyang sarili.

Kaagad siyang tumayo sa kama at lumakad palabas ng silid papunta sa main door ng bahay. Nagsuot siya ng tsinelas para maging proteksyon para sa paglabas niya para pagbuksan ng gate si George.

Pero nung pagbukas niya ng gate ay iba pala ang bumungad sa kanya…

        "Tita...?"  sambit ni Zeek habang nasa labas ng gate si Daisy.  "Ano'ng ginagawa mo dito?"

        "Good morning, Zeek"  bati ni Daisy  "Pwede ba kitang makausap?"

        "S-sige po, Tita. Pumasok po kayo"

Kaagad binuksan ni Zeek ang gate para makapasok ang ina ng kanyang asawa. “Pumasok lang po kayo sa loob ng bahay. Isasara ko lang ang gate”

        "Sige Zeek"

Nang pagpasok ni Zeek sa loob ng bahay, nakita niya na nakaupo si Daisy na parang malalim ang kanyang iniisip.

        "Tita, kumain ka na ba?"

        "Oo Zeek. Tapos na"  buntong-hininga ni Daisy at kita sa mukha niya ang halong lungkot at dismaya  "Zeek. Umupo ka sa tabi ko. Mag-usap tayo"

        "Sige po"  kaagad naman siya nagtungo sa sofa at tinabihan si Daisy  "Ano po yon, Tita? Let me guess, tungkol ba 'to sa anak ninyo...?"

        "Oo Zeek"  sabay singhap ni Zeek  "Please Zeek. Umamin ka na. Huwag mong ibalik kay Hazel ang lahat ng ginawa mo"

        "At ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ako ang gumawa ng kasalanan...!"  pagtaas ng kanyang boses  "Siya ang nanloko sa akin. Sila ni Marco..!!"

        "At ano ang ebidesnya na mapapatunay sa mga sinasabi mo??"  balik ni Daisy sa kanya  "Wala. Dahil totoo ang sinabi nina Hazel at Marco sa'yo...."

        "Talagang naniniwala kayong mag-asawa sa sinasabing kasinungalingan nilang dalawa..???"  balik din ni Zeek  "Binibilog lang nila ang mga ulo ninyo. Siyempre, pinagplanuhan nila yan at ibalik sa akin ang ginawa nila"

        "Hindi totoo yan. Mabait ang anak ko na si Hazel... at si Marco dahil kilalang-kilala ko siya. Hindi niya magagawa ang mga paratang mo sa kanya"

Napasinghap muli si Zeek dahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari at sa paniniwala ng mag-asawa “Fine. Wala na akong magagawa dahil kahit anong gawin kong paliwanag ay nagiging biased kayo sa paniniwala” sambit niya “I’m done explaining”

Walang nasagot si Daisy kundi umiyak na lang ito ng todo. Hindi niya pa rin kasi matanggap ang “ginawa” ni Zeek sa kanyang anak. Akala niya kasi ay perpekto at masaya ang kanilang kasal na dalawa.

“Zeek. Ano ba ang ginawa ng anak ko sa’yo, bakit mo yon ginawa, Zeek?” iyak ni Daisy sa kanya “Minahal ka ng anak ko at tinanggap kahit ano pa ang nagawa mo… kulang pa ba yon?”

Biglang uminit ang tenga ni Zeek nang sinabi ni Daisy iyon. “Tinanggap?? Bakit? Ano ba ang mali sa akin?? … na nagmahal ako ng lalaki???” balik ni Zeek sa kanya “Kung tutuusin nga, siya pa dapat ang mahiya eh. Kasi tinanggap ko siya ulit sa kabila nung pag-iwan niya sa akin sa ere dahil nakinig siya sa inyo na umalis papuntang Amerika” sumbat niya “Tapos ako pa pinalalabas niya na ako ang gumawa ng kasalanan…?? ANG KAPAL NG MUKHA NIYA!!”

        "Zeek. Alam mo naman na hindi niya magagawa yon"  dugtong ni Daisy  "Alam namin na nagkamali kami noon sa'yo. Huwag mo naman ibalik kay Hazel. Umamin ka na..."

        "Seryoso po kayo na ako pa ang nagsisinungaling???"  pero hindi sumagot si Daisy at umiyak na lang ito  "Alam niyo. Mabuti na lang na umalis na lang kayo dito bago pa mawala ang respeto ko sa inyo"

        "Pero Zeek...."

        "PLEASE. Utang na loob. Umalis na kayo..."  panggigigil ni Zeek

Hindi na lang sumabat si Daisy at kaagad na lang umalis palabas ng bahay. Samantala si Zeek naman ay nanggigigil sag alit dahil binaliktad pa ni Hazel ang kuwento.


Samantala. Sa opisina ni Mister Uy.

        "Mister Uy..."  sambit ni George nang pagpasok niya sa opisina nito.

Napatingin si Mister Uy kay George at ngumiti ito. “Mamaya ko na lang pipirmahan ’to. Lumabas ka muna may kakausapin pa ako” sambit niya sa kanyang assistant na lalaki, isang matipuno ang pangagatawan at gwapo na parang model.

Malagkit ang tingin ni Mister Uy sa kanyang assistant habang lumalakad ito palabas ng opisina. Nakita naman ito ni George at natawa lang ito sa ginawa ng matanda. “I can’t believe it. Pati ang assistant mo?? Pinagpapantasyahan mo…?”

        "So...? Ano naman ang pakialam mo...?? Hotel ko 'to"  ngiti ni Mister Uy  "And admit it, he is yummy... and hot. Ngayon lang ako nakatikim ng masarap na bata"

        "Ang baboy mo..."

        "Watch your words, George. Andito ka hotel ko. Show some respect!"  sigaw ni Mister Uy  "And look whos talking. Diba ganyan ka rin noon?? Diba nilandi mo ang assistant mo noon?? ...at ang student intern na si Zeek? Wow. Infairness. Tumagal kayo ha. Mabuti at "

        "Pano mo nalaman yan?"

        "George... marami akong tenga at mata na umaaligid dito kaya alam ko ang nangyayari sa buhay mo"  sambit niya kay George  "Kaya show some respect, George. Ako pa din ang first true love mo"

        "Respect...??"  ulit ni George  "E ano yung pambabastos na ginawa mo kay Zeek?? You're calling it respect??"

        "Oh come on. Wala namang nangyari eh"  sabat niya  "Hindi ko akalain na ganyan pala siya ka-drama. Sumumbong agad sa'yo?? Parang babae ah"

        "Parang wala lang talaga sa'yo ang nangyari noh?? Na parang chill lang ang lahat??"  balik ni George  "Ganyan na ba talaga kakapal ang mukha mo?? Pwede ka naming kasuhan dahil sa ginawa mo at masisira ang pangalan ng hotel mo"

        "Go. By all means. File a case. Sue me. Hindi ako natatakot"  banta niya kay George  "Baka gusto mo sabihin ko kay Zeek ang nakaraan natin"

        "You can't do that. Matagal na tayong tapos"

        "So shut up. Let me enjoy Zeek"

“Ano ba talaga ang gusto mo?? Bakit mo kami ginaganito…?”

        "Wala naman. I just want to punish you sa ginawa mo sa akin noon. Nung ako pa ang laman ng puso mo"  paalala niya kay George  "Nung araw na hindi mo ako niloko noon at pinagpalit sa mas bata.... Ano nga ba ulit ang pangalan niya...?? Ahhh. ANTHONY..."

        "Alam mo na hindi tayo seryoso sa isa't-isa noon diba?? Alam mo na hindi ako tatagal sa'yo"

        "Oo. Alam ko. Pero unting-unti kitang minahal at nahulog ako sa'yo... pero pinagpalit mo ako sa kanya"  sambit niya  "Kaya gusto ko sanang pagsamantalahin si Zeek para kahit papaano ay nakaganti ako sa'yo"

        "Hindi ko alam.. akala ko ay hindi ka seryoso sa akin. Pasensiya na"  sambit ni George  "Pero hindi rin naman ako nagsisisi dahil kahit papaano ay may naramdaman ako sa'yo noon"

        "Stop it. Hindi mo na mabibilog ang ulo ko sa mga sinasabi mo. Huli na ang lahat, George"  dugtong niya  "Nasaktan na ako. Hindi ko na matatanggap ang pagpapatawad mo"

        "So ano ang gusto mong mangyari...?"

        "Kung hindi ko rin naman maagaw si Zeek sa'yo then just stay out of my life... at isama mo ang bago mong nilalaro ngayon na si Zeek"

        "Hindi ko siya pinaglalaruan. Seryoso ako sa kanya"

        "Talaga lang ha...?"  sabay tawa ng malakas ni Mister Uy sa kanyang sinabi. Huminto kaagad ang kanyang pagtawa at tumingin sa mga mata ni George  "May kailangan ka pa...? Pwede ka nang umalis dahil marami pa akong gagawin"

Hindi na lang sumagot si George sa kanya. Lumakad siya palabas ng opisina habang nanlilisik ang kanyang mga mata kay Mister Uy.

Nang paglabas ni George sa opisina ni Mister Uy na nasa likuran ng front desk, laking-gulat niya nang makita niya ang ina ni Hazel ni Daisy. Kausap ang isang receptionist sa front office.

Hindi siya nagdalawang-isip at pinuntahan si Daisy sa front office. Malakas kasi ang kanyang pakiramdam na andito siya para magsumbong o mag-eskandalo tungkol sa nangyari ng “panloloko” ni Zeek sa kanyang anak.

        "What are you doing here..?"  pagkumpontra ni George sa ina ni Hazel  "Pumunta ka ba dito para mag-eskandalo?... para pahiyain si Zeek...?"

        "Excuse me..??"  pangtataas ng kilay niya kay George  "Andito ako sa hotel para magcheck-in... at ano ang pinagsasabi mo ang tungkol kay Zeek? Nananahimik ako dito. Huwag mo akong bastusin. Hindi ako ganyan"

        "Sinungaling. Alam ko na may gagawin ka dito"  at hinawakan ni George ang kanyang braso ng mahigpit  "Umalis ka na dito baka ano pa ang magawa ko sa'yo"

        "Ano ba?! Nasasaktan ako!! Bitawan mo ako!!"

        "Itigil niyo nang pagsisira sa pangalan ni Zeek. Sobrang kawawa na siya sa mga paratang niyo sa kanya na siya ang nanloko sa anak ninyo"  panggigigil ni George habang nakahawak siya ng mahigpit sa braso ni Daisy.  "Alam nina Hazel at Marco ang buong katotohanan at huwag kayong mabulag sa katotohanan"

        "Bitawan mo nga ako..!! Guard!! Tulungan ninyo ako...!!"

        "Ano'ng kaguluhan dito sa labas...?!"  sulpot ni Mister Uy sa kanila. Nakita niya na andoon pa rin si George at ang isang babae na hindi niya kilala  na gumagawa ng eskandalo sa front office mismo ng hotel  "Hindi ka pa talaga aalis sa hotel ko George?? Umalis ka na at huwag ka nang manggulo dito dahil nakakasama sa hotel ko.!! Masyado mo nang bini-bwisit ang buhay ko"

Kaagad niya naman binitawan ang braso ni Daisy at nagsabi “Binabalaan kita Daisy. Tama na” at tumingin siya muli kay Mister Uy. “Pasensiya na sa gulo. Alis na ko”

        "Good"  sagot naman ni Mister Uy  "Para manahimik na ang hotel ko"

Hindi na lang siya sumagot at lumakad siya palabas ng hotel. Samantala si Daisy naman ay lumapit sa kanya.

        "Magandang umaga po"  bati ni Daisy kay Mister Uy  "Ikaw ba si Mister Uy?? Ang may-ari ng hotel?"

        "Yes. Ako nga. Bakit? May kailangan ba kayo sa akin?"

        "Opo Sir. Tungkol po ito kay Ezekiel Lacsamana"

        "Kay Zeek?? Pasensiya po, Ma'am. Hindi siya po pumasok ngayon eh"

        "Hindi ko siya hinahanap"  panimula ni Daisy  

        "E ano ang kailangan ninyo?"

        "Gusto ko sanang magreklamo at magreport sa ginawa niya sa asawa niya"

Doon napataas ng kilay si Mister Uy. Tila alam niya na kung bakit galit na galit kanina si George sa babaeng ito. May tinatagong sikreto si Zeek.

Itutuloy…

FLA: Chapter 16 (Ang Pagpapahiya kay Zeek)

Bumalik si Zeek sa hotel na kanyang pinagtatrabahuan noon dahil magfafile siya ng resignation para opisyal na siyang makaalis doon. Pinagbawalan siya ni George na huwag na lang siya bumalik at hayaan na lang iyon pero hindi siya nakinig at sinunod ang kanyang gusto.

Nung pagpasok niya ng gusali ay bigla siyang nagtaka dahil ang mga mata ng mga kasama niya noon sa trabaho ay nakatingin sa kanya. Mga mata na parang naghuhusga, ang iba naman ay nag-uusap sabay tingin sa kanya.

Hindi niya na lang pinansin yun at nagderecho sa opisina ng Human Resource Department o H.R.

        "Good morning...."  bati niya sa isang babae

        "Good morning po. Sino po sila..?"

        "Uhhhmm. I'm Ezekiel Lacsamana"  sabay kuha niya ng kanyang resignation letter at binigay sa babae  "Magpapasa kasi ako ng resignation letter"

        "Ezekiel Lacsamana?"  ulit ng babae  

        "Yes po, Miss. Bakit po?"

        "Wait lang po Sir ha"

        "Sige"

Kaagad tumayo ang babae at dumerecho sa kanyang kasama na parang may itinanong. Sumulyap naman ang babae kay Zeek na parang nagkukumpirma na siya talaga iyon.

Doon na nagtaka si Zeek dahil parang iba na talaga ang kanyang nararamdaman dahil parang nakakaduda ang mga tingin nila sa kanya

.

Magkalipas ang ilang minuto, bumalik ang babae na kanyang kinausap.

        "Sir Zeek...."  panimula ng babae

        "Yes Miss...?? May problema ba?"

        "Hindi po namin kasi tinatanggap ang resignation ninyo eh"

        "Ha?? Bakit naman?"

        "Gusto ka pong kausapin ng may-ari. Si Mister Uy"  sagot niya kay Zeek  "Siya na lang daw ang magpapaliwanag"

        "Ngayon na...?"

        "Opo Sir. Ngayon na"

        "Sige..."  sabay buntong-hininga ni Zeek.

Nagtungo na si Zeek sa opisina ni Mister Uy para kausapin ito sa kanyang resignation. May halong kaba at inis ang kanyang nararamdaman dahil sa ginawa noon ni Mister Uy sa kanya. Pero dapat niya itong harapin para matapos na ang kanyang pagre-resign sa hotel na iyon.

Nang pagpasok niya sa opisina ni Mister Uy…

        "Zeek. You're here..!" sigaw ni Mister Uy na masaya ang tono ng kanyang boses  "I can't believe na bumalik ka"  lumapit siya at tangkang hahalikan niya ito pero umiwas si Zeek dito  "Ohhh. What's wrong, babe?"

        "Don't call me 'babe'. Hindi naging tayo... at never magiging tayo"  sagot ni Zeek  

        "Uuyyy. Kalma lang. Bakit parang mainit ang ulo mo ah..."

        "Ano ba ang drama mo na ayaw ng HR tanggapin ang resignation ko...?"  sambit ni Zeek  "Ano na naman ba ang plano mo..?"

        "Wala naman. Ayaw ko lang na umalis ka dito sa hotel ko"

        "At bakit...?

        "Kasi mamimiss kita kapag umalis ka, Zeek"  sarkastikong sagot ni Mister Uy sa kanya  "Mamimiss talaga kita lalung-lalo na ang nangyari sa atin"

        "Walang nangyari sa atin..."  pagtatama ni Zeek  "Tandaan mo yon"

        "Owwww. My bad. Pero kung si George siguro magyaya sa'yo, sigurado ako na papayag ka kaagad"

        "Of course. He's my partner. Kahit araw-araw pa"

        "Ouch. Ang sakit naman"  dugtong niya  "Nasaktan ako dun ah. Mahal mo talaga si George noh?"

        "Yes. Mahal ko siya. At ako na ang nagsasabi sa'yo na malabo na maging tayo kaya tanggapin mo na ang resignation ko at para makaalis na ako dito for good"

        "Kaya pala iniwan mo ang asawa mo para lang kay George. Lahat gagawin mo para lang sa pagmamahal mo sa kanya. Kahit iwan mo ang asawa mo. Ang sama mo"

        "At kanino mo naman yan narinig...?"  kunot ng noo ni Zeek  "At hindi ko siya iniwan. Siya ang may kasalanan ng hiwalayan namin. Alam niyo yon. Alam niyo ang kwento ko"

        "No. Hindi ko alam. Hindi kasi ako mahilig makinig sa tsismis sa labas lalung-lalo na mangialam sa buhay ng mga tauhan ko dito"  dugtong naman niya 

        "So bakit mo ako hinuhusgahan ng dahil lang sa tsismis na hindi totoo?"

        "Kasi ang ina mismo ang asawa mo ang pumunta sa akin dito nung isang araw"

        "Si Daisy?"  tanong ni Zeek at tumango naman si Mister Uy  "Yun ang sabi niya sa'yo?? Na ako ang may kasalanan? Ako pa ang sumama kay George?"

        "Bakit? Hindi ba totoo? Kayo na ni George ngayon"

        "Bumalik ako kay George dahil naghiwalay kami ni Hazel DAHIL NAHULI KO SIYA NA MAY KA-SEX NA IBA"  pagtaas ng tono ng boses ni Zeek  "Sa tingin mo ba, tatagal pa ba ako sa asawa ko kung niloloko niya lang ako?? DIBA HINDI??"

        "Tama ka naman"  sagot niya  "Pero bakit iyon ang sinabi sa akin ng ina niya?"

        "Kasi nabilog na sila ni Hazel at ng lalaki niya na si Marco"  dugtong ni Zeek  "At siyempre, sino pa ba ang mas kakampihan nila, kundi ang anak nila"

Doon napagtanto ni Mister Uy na nagsasabi ng totoo si Zeek at siniraan lang siya ni Daisy. Kaagad niya kinuha ang kamay ni Zeek at piniga ito “I’m sorry Zeek. Hindi ko alam” sabi niya “Hinusgahan kita kaagad at hindi ako nakinig sa paliwanag mo. Pasensiya na ulit”

        "It's okay po Mister Uy. Sanay naman ako na hinuhusgahan ako ng mga tao lalung-lalo ngayon dahil magkasama ulit kami ni George"  mapait na ngiti ni Zeek  "Okay lang po yun"

        "Zeek? Okay ka lang. Concern ako sa'yo dahil kung anu-ano ang mga sinabi niya sa'yo"

        "Okay lang po yun, Sir. As I said, sanay na po ako sa mga sinasabi ng pamilya ng dating asawa ko"  sa kalagitnaan ng kanilang kuwentuhan ay bigla lang natawa si Zeek sa mga ginawa ni Daisy  "Hay naku, Mister Uy. Hindi ko akalain na pupunta siya dito para lang magsumbong sa boss ko at pahiyain ako. I can't believe it"

        "Zeek... Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya dahil alam ko na hindi mo magagawa yan"

        "Salamat po"  at doon ngumiti si Zeek dahil sa sinabi sa kanya ng matanda  "Salamat dahil naniniwala kayo sa akin at hindi sa kasinungalingan ng dati kong asawa. Sobrang nabilog nina Hazel at Marco ang ulo nilang dalawa"

        "Alam ko, Zeek. Naaawa ako talaga sa'yo ngayon dahil alam ko na ngayon ang pinagdadaanan mo"

        "Salamat po ulit sa pag-iintindi"

“So ano ang gagawin mo?”

        "Hindi ko alam eh"  buntong-hininga ni Zeek at umupo sa bakanteng upuan  "Bahala na sila kung ano ang isipin nilang lahat sa akin. Pagod na akong magpaliwanag"

        "Pero nagsumbong siya sa akin, Zeek. Hindi naman maganda yun dahil hindi naman ako bahagi ng pamilya ninyo. Balak ka nilang pahiyain"

        "I know... pero pagod na po ako. Bahala na sila"

Ayaw na lang ni Mister Uy na makipagtalo kay Zeek sa kanyang plano. Nagtungo na lang siya sa likuran ni Zeek at hinimas ang balikat nito. “I understand, Zeek. I’ll respect your decision pero pag-isipan mo ito, Zeek. Sinisira nila ang pangalan mo”

        "Opo Mister Uy..."  doon niya nahalata ang pananantsing ni Mister Uy sa kanya. Kaagad siyang tumayo at humarap sa kanya  "Sige po, Sir. Alis na po ako"

        "Sige. Mag-ingat ka, Zeek"

        "Salamat po ulit sa pag-iintindi at sa paniniwala"

        "Any time. I'm here to help"  ngiti ni Mister Uy.

Kaagad lumakad si Zeek patungo sa pintuan at lumabas doon. Samantala si Mister Uy naman ay napangiti sa usapan nila ni Zeek. Isang ngiting demonyo.


Sa bahay nina Arnold at Daisy.

        "Ano ba ang ginawa mo, Daisy...??!"  pagtaas ng tono ng boses ni Arnold  "Bakit ka pa nagpunta dun?? At kelan lang yan..?!"

        "Nung isang araw lang... I know  na mali ang ginawa ko pero hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kay Zeek"  iyak ni Daisy  "Kahit nagmamakaawa na ako, hindi pa rin siya umaamin sa ginawa niya sa anak natin"

        "Hindi natin mapipilit ang taong nagsisinungaling, Daisy. Kahit ano ang gawin mo, hindi natin mapapaamin si Zeek"  paalala niya  "Pero huwag mo naman ibaba ang pagkatao mo dahil lang sa kanya. Kahit ganyan ang ginawa niya ay may career ang tao. Huwag mong sirain"

        "E ano ang gusto mong gawin ko...?? Pabayaan na lang siya at ang lalaki niya???"

        "Siyempre hindi. Pero hindi naman pwede ang ginawa mo"  

        "Oo. Alam ko, Arnold. Pasensiya na. Hindi na mauulit yon"

        "Hindi na talaga dahil babalik ka dun sa hotel para ibawi ang lahat ng mga sinabi mo tungkol kay Zeek"

        "Sige. Gagawin ko yan. Bukas na bukas pupuntahan ko ang hotel at kakausapin ko ang may-ari"

        "Mabuti naman. Sige na. Matulog na tayo dahil may trabaho pa tayo bukas"

Samantala.

Kakauwi lang ni George mula sa kanyang hotel. Isang nakakapagod at nakakastress ang naging trabaho niya isang buong araw.

Pagpasok niya sa bahay ay kaagad tumakbo si Zeek sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit.

        "Hello babe. How's your day..??"  bati ni Zeek

        "Ito pagod..."  at nakita niya si Zeek na parang baby na naglalambing sa kanya. Hindi pa rin siya humiwalay kay George sa pagyakap  "Oh bakit babe?"

        "Galit ka pa rin ba sa akin? Sorry kung pumunta ako kanina sa hotel"

        "Hindi na babe. Nirerespeto ko naman ang desisyon mo eh. Pero sana naman, irespeto mo rin ang mga sinasabi ko sa'yo, para naman sa'yo yun"

        "I know babe. Sorry na"

        "It's okay"  buntong-hininga niya  "So kamusta ang pagpasa mo ng resignation? Tinanggap niya??"

        "Hindi eh"  sabay kalas niya sa pagyakap kay George.

        "Oh bakit naman?"

“ Ewan ko babe“ sagot niya “May sinabi siya kasi kanina, tungkol kay Daisy”

        "Sa nanay ng dating asawa mo..?"

        "Oo babe"

        "Ano'ng sabi niya tungkol kay Daisy?"

        "Sinirian niya ako kay Mister Uy. Sinabi niya ako daw ang may kasalanan ng lahat, iniwan ko si Hazel para lang sa isang lalaki"  kuwento niya kay George  "Hindi ako makapaniwala na kaya nilang gawin yun, babe."

        "Eh ano naman ang naging reaksyon ni Mister Uy??

        "Hindi siya naniniwala kay Daisy. Mabuti na lang na hindi mapang-husga si Mister Uy. Sobrang bait niya"

        "Talaga..?"  bigla siyang may naalala nung araw na nasa hotel siya ni Mister Uy. Nakita niya si Daisy sa front desk at kinompronta niya ito.  "Babe. May sasabihin ako sa'yo"  panimula ni George  "Nung araw na nandoon ako kay Mister Uy, nakita ko si Daisy sa labas"

        "Talaga?"

        "Oo babe. Kinompronta ko siya"  salaysay niya  "Pero ang sabi niya sa akin na magtse-check-in lang siya. Pero totoo pala ang hinala ko"

        "Ang sama talaga nila babe"  at doon nagsimula mamula ang ilong ni Zeek at biglang umiyak  "Lahat talaga gagawin nila para magdusa ako sa kasalanan na hindi ko ginawa. Grabe sila. Tapos kaya pala masama ang mga tingin ng mga kasamahan ko sa trabaho, hinusgahan din nila ako dahil sa maling paratang na pinagsasabi ng pamilya ng dati kong asawa"  walang nasagot si George sa sinabi ni Zeek. Niyakap niya na lang ito muli para matahan ang iyak ng kanyang mahal.  "Pagod na pagod na ako, babe. Ayaw ko na..."

        "Sshhhh. Huwag kang magsabi ng ganyan babe"  sabay himas ng likod ni Zeek  "Nandito lang ako. And I know na malalampasan natin 'to. Kaya natin 'to, okay?"

Kinabukasan.

Dakong alas-diyes ng umaga ay dumating si Daisy sa hotel na pinagtatrabahuan noon ni Zeek. Katulad sa usapan nila ng kanyang asawa ay pupuntahan at kakausapin niya si Mister Uy para ibawi ang lahat ng mga sinabi niya nung isang araw ang tungkol kay Zeek.

        "Good morning, Mister Uy"  bati ni Daisy habang papasok siya sa opisina ni Mister Uy

Nagulat si Mister Uy sa hindi inaasahan na pagdating ni Daisy “Ohh. You’re here. You’re Daisy, right?”

        "Yes Mister Uy"  sagot niya  "Ako yung nagsabi sa'yo tungkol kay Zeek"

        "Yes. I remember"  sambit niya  "So, bakit ka nandito, Missus Magbanua? May sasabihin ka pa ba tungkol kay Zeek?"

        "Wala po... sa katunayan ay nandito ako para bawiin ang lahat ng mga sinabi ko tungkol sa kanya"  sagot niya  "Alam ko na may mga nabitawan akong hindi magagandang salita kay Zeek, pero ngayon binabawi ko na po. Hindi ko sinasadya"

        "Hindi mo sinasadya..?"  ulit ni Mister Uy  "Well, honestly, I don't care"  at doon biglang uminit ang ulo ni Mister Uy  "Wala akong pakialam sa mga personal issues niyo. Ang importante sa akin ay ang hotel ko... BUT... si Zeek ang pinag-uusapan natin.  Isang napaka-responsable, masipag, gwapo at higit sa lahat , matalino na tao na nagtatrabaho sa hotel ko"  balik niya kay Daisy.

        "Alam ko po yon"  pangsang-ayon naman ni Daisy  "Alam ko na hindi siya nagpapabaya sa kanyang trabaho at kung gaano siya kasipag"

“Yes. Tama ka. He’s a huge asset sa hotel ko… pero unti-unting nawawala yan dahil sa mga paratang mo sa kanya na hindi totoo. Kumalat ang tsismis sa buong hotel at lahat ay nakatingin sa kanya na para siya talaga ang may kasalanan”

“Hindi ko alam yan. Sorry kung ganyan ang naging epekto kay Zeek”

“Well…” sabay hinga ng malalim ni Mister Uy “Nangyari na ang nangyari. Wala na tayong magagawa para balikan at itama ang mga nagawa mo. Basta sana sa susunod, Missus Magabanua, pag-isipan ninyo ng mabuti ang gagawin ninyo. Baka nakakasira na kayo ng pagkatao”

“Opo Mister Uy. Ganyan din ang sabi ng asawa ko. Na mali ang ginawa ko. Nadala lang kasi ako sa emosyon ko. Sa galit ko kay Zeek. Pero sana mapatawad ninyo ako”

“Huwag kang humingi sa akin ng tawad. Dun ka humingi ng tawad kay Zeek”

        "I will Mister Uy. Gagawin ko yan"

        "Sana nga"  sagot niya  "Sige na. You can go now. Marami pa akong gagawin dito"

        "Sige po. Alis na ako. Salamat po ulit sa oras mo"

Hindi sumagot si Mister Uy sa huling sinabi niya bago siya umalis. Tinignan niya lang ito na lumalakad palabas sa kanyang opisina na malagkit at mainit ang tingin nito.

Itutuloy…


Return to top?

Part of a series

The Illicit Affair

Part 1 of 1
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.