loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Forever Crush

Forever Crush

ririayie · 2 chapters · 1,335 words

Forever Crush [One-Shot]

Hi readers ! :)

Try ko naman gumawa ng one shot story.

hehehehe

Sana maitawid ko ng ayos tong story na to.

Hindi ko nga sure kung one shot to. hehehe

Monologue lang po tong story ko.

Actually parang narration lang to.

Pero kahit ganun.

Sana suportahan niyo pa din.

Matagal ko na din kasi tong gusto isulat eh.

Hindi ko kasi alam kung paano uumpisahan.

hehehe

Sana support niyo pa din to guys ! :)

I really need your support!! :)

Harthart!! :)

#confession after 7 years

</3

Forever Crush

(One-Shot)

It happened during my college days. Actually, first day ko un bilang college student.

Alam mo un feeling na kabado tapos excited din. Mixed emotions ung right term for it para iexplain ung nararamdaman ko during that time.

First time ko din kasing malalayo ng lugar eh. Nung elementary at high school kasi ako, walking distance lang ung school ko. Kaya ayun, hindi ako sanay sa city. Medyo province style kasi ung place kung san kami nakatira. Although province naman talaga. hehehehe

Naalala ko pa nun, malinaw na malinaw pa sa memory ko. Nung first day ko sa school na un. I remember him wearing green shirt. Kahit almost 8 years na un nung nangyari eh. Still, ang linaw pa rin ng vision ng memory na un sa utak ko. May kapareho pa siyang shirt nun, naka green din. Akala ko pa nga nun kambal sila nung kapareho niya ng shirt. Pero hindi pala.

Nung una ko siyang nakita, actually malayo siya sakin nun. Hindi ko siya masyado naaninag ng ayos eh. Pero kahit ganun,  I still find him attractive. Baliw lang di ba ? Hindi ko pa nga siya nakikita na malapitan di ba? Tapos  I find him attactive na.

Ganun ata talaga ung pag nagugustuhan mo ung isang tao eh.

Agad agad ba ?

Nasabi ko agad na gusto ko siya?

Hindi kaya nagcoconclude ako agad??

Hindi naman.

Kasi totoo naman talaga naramdaman ko eh. The first time I saw him, he had me.

Pero ang tanong? Tinanggap niya ba ako?

The answer???

No!

Ang sakit lang di ba?

From that first day na nakita ko siya, nagustuhan ko na siya. Denial pa nga ako nun sa feelings ko. Sabi ko sa sarili ko, crush ko lang siya. Pero hindi eh..Hindi na basta crush ung nararamdaman ko eh.

I’m starting to fall in love with him.

Kahit na alam ko na hindi niya ko sasaluhin.

Buong college life ko. From 1st year hanggang sa makagraduate kami. Hindi ako naattract sa ibang guys. Sa kanya lang. May mga nanligaw sakin, pero wala eh. Masyadong malakas ung epekto ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko magawang ibaling nararamdaman ko sa kanya sa ibang tao.

Imagine!

4 Years !

4 Years un na siya lang ang gusto ko. Kahit may time feeling ko nagfafade bigla ung nararamdaman ko sa kanya. Ung tipong akala ko move on na ko.

Pero mali ako.

Maling mali.

Hindi pala nagfafade ung feelings ko for him.

Dun ko lang narealize na namamanhid na pala ko.

Manhid na ko sa pag iignore niya ng feelings ko for him

Sabi nga ng classmates ko sakin, bakit ko daw ba nagustuhan ung lalaki na un. Hindi naman siya gwapo eh.

Ano ung nakaka attract sa kanya??

Ung sense of humor niya.

Wala atang araw na hindi niya ko napapatawa.

Hindi ko nga alam kung manhid ba siya or talagang he’s ignoring my feelings for him.

May days naman na ok na ok kami. Lage niya kong kinukulit. Lage niya kong niloloko. Minsan gusto ko na sabihin sa kanya na tigilan niya ung pagbibiro niya sakin.

Kasi..

Mas lalo akong naiinlove sa kanya.

Mas lalong lumalalim ung nararadaman ko for him.

Minsan gusto ko ng aminin sa kanya na gusto ko talaga siya eh. Kaso, ano namang mapapala ko di ba ?

4 years kong tinago ung nararamdaman ko for him.

4 years kong pinilit hindi maipakita na gustung gusto ko siya.

Pero hindi ako marunong mag pretend eh. Sabi ng mga classmates ko, alam naman daw niya talaga na may gusto ako sa kanya.

Kahit alam kong alam niya na, hindi pa rin ako nagpahalata. Pilit ko pa ring tinatago ung feelings ko for him.

Hanggang sa hindi ko namamalayan na mahal na  mahal ko na talaga siya.

I remember pa kung kelan nagsimulang maging cold ung treatment niya sakin.

Nung may convention sa baguio. Pauwi na kami nun. Magkatabi kami ng upuan. Ang lamig pa naman nun. Kahit naka jacket na ko, nilalamig pa din ako. Hanggang sa naramdaman kong naninigas na ung kamay ko sa sobrang lamig.

Tapos maya maya pa, naramdaman ko ng hinawakan niya ung kamay ko. Hinawakan niya ng mahigpit. Sympre, super kilig ako. Sa wakas, may nangyari ng ganun di ba. Hinatid pa niya ko sa terminal nun pauwi samin. Kahit pa madami din siyang bitbit.

Ang saya saya ko nung araw na un. Hindi mawala ung ngiti ko. Ung lahat ng pain na ibinigay niya sakin nung hindi niya pinapansin ung nararamdaman ko, nawala un lahat dahil sa ginawa niyang un.

Sa totoo lang, sipmleng bagay lang naman ung pag holding hands di ba ? Pero para sakin, napakalaking bagay nun for me.

Sa wakas!

Akala ko magtutulou tuloy na ung something between us. Ang tanga ko lang kasi, nag assume ako agad.

Ayan tuloy. Doble doble ung sakit na balik sakin.

Nung monday na pumasok kami?

Hindi niya na ko pinapansin. Ang sakit di ba ? Bakit umiwas siya sakin ng ganun ganun na lang?

Hanggang sa hindi ko na naibalik ung dati naming connection. Ni hindi niya ko tinitignan. Parang dinudurog ung puso ko sa ginawa niyang pag iwas sakin. Ang daming naiwang tanong sa isip at puso ko.

Nung last time lang, ang sweet sweet niya..Tapos  biglang ganun? Iwas na iwas siya.

Kung kanikanino siya nalink sa mga classmates namin. Hindi ko pinansin un. Nagbulag bulagan ako.

Pero kahit ganun, hindi nawala ung feelings ko for him.

Kahit anong move on ko, wala eh. Mahal ko pa din siya.

Hanggang sa hinayaan ko na lang na iwasan niya ko.

Tapos nabalitaan ko na lang na may nililigawan na siyang iba. Matagal na daw niyang hinihintay un.

Para na namang dinurog ung puso ko.

Kawawa naman tong puso ko, ilang beses niya ng dinudurog. Buti nagagawa pa nitong tumibok para sa kanya kahit dinurog niya na.

Kahit na nalaman ko un, hindi pa din ako nawalan ng pag asa.

Nasabi ko sa sarili ko na I will confess my feelings for him.

Sa araw ng graduation namin, dun ko na lahat sasabihin sa kanya.

Hindi bale ng hindi niya tanggapin ung love ko, basta masabi ko.

Hanggang sa dumating na ung araw ng graduation namin. Ready na ko eh. Hinahanap ko na siya. Hihintay ko kung dumating na ba siya.

Tapos nakita ko siya naglalakad papalapit saming mga classmates niya.

Lalapitan ko na sana siya. Ganda na ng ngiti ko.

Dinurog na naman ung puso sa pang ilang beses pa dahil sa nakita ko.

Kasama niya ung girl.

Ung girl na nililigawan niya.

Ung girl na matagal niya ng hinihintay.

Magkawak kamay silang lumalapit samin. Hindi ko agad napansin na may kasama siya kasi natatakpan sila ng crowd.

Pinakilala niya samin ung girl. Iniisa isa niya kami. Pero nung malapit na niyang ipakilala sakin ung girl, umiwas na ko. Pumunta na ako agad sa CR at dun ako nagtago. Hindi ko na napigilan ang maiyak.

Grabe ung araw na un. Akala ko ung graduation ceremony ang magpapa iyak sakin. Hindi pala, siya pala.

Wala na kong balita sa kanila nun after graduation.

Pinilit kong mag move on kahit mahirap.

Pilit kong binuo ung puso kong dinurog niya.

Akala ko ok na ko eh.

Hanggang sa nabalitaan kong naging sila na officially.

Masakit pa rin pala.

Pinulot ko na naman ung puso kong nadurog ulit.

Akala ko naka move on na ko.

Pero hindi pa pala.

Hanggang ngayon pala.

Mahal na mahal ko pa din siya.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.