loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Four Shades of Desire (BL | Poly) ✔️

Four Shades of Desire (BL | Poly) ✔️

AmorevolousEncres · 52 chapters · 120,567 words

FOUR SHADES OF DESIRE

This book is a work of fiction. Names, places, incidents are produced by the author’s imagination and are used fictitiously. Any resemblance to persons, living or dead, events and locales are extremely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical, including, photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

©AMORE2025

Posted : May 28, 2025

Completed : April 13, 2026

⚠️THIS IS A BL | POLYAMORY STORY⚠️


Synopsis

Si Cleo Guillermo ay isang mahirap, ulila, at lumaki sa puder ng kanyang Lola Kora. Mahirap sila, nabibilang sa daang-daang pamilyang Pilipino na nabibilang sa pamilyang nasa laylayan. Pero mataas ang pangarap ni Cleo at positibo ang pananaw sa buhay. Lumaking matapang at lumalaban. Walang sinusukuang laban o hamon sa buhay.

At dahil sa kagustuhang makapag-aral ni Cleo, pinapunta siya ng kanyang Lola Kora sa bahay ng mga Alvarez De Toledo upang maging working student slash babysitter siya sa mga apo ng mga Alvarez De Toledo na sina Dawson, Vidal, North, at Reign.

Ngunit kakayanin kaya ni Cleo ang hamon sa buhay niya kung ang apat na lalaki na kanyang babantayan ay mga makikisig, pilyo, tuso, at nasa kolehiyo na?

PROLOGUE

Prologue

Unang bukas ko palang sa aking mata ay bumungad na sa akin ang ceiling ng aking four-poster bed. Hindi pa ako nakakabangon at ni ultimo pag-angat sa aking kamay ay hindi ko pa nagagawa ngunit ramdam ko na ang pagod sa buong katawan ko.

Napaka-putangina! Putangina ng mga magpipinsang iyon! Mga walang hiya! Mga walang modo! Mga walang bayag!

Ay! Mali! Mali! May bayag pala ang mga iyon!

Mga walang ulo!

Ay mali na naman! May ulo pala ang mga magpipinsang iyong pero ulo yata sa burat nila ang kanilang ginagamit!

Isang linggo palang ako rito sa bahay nila— I mean… isang linggo pa lang ako rito sa bahay ni Lola Leticia Alvarez De Toledo kaso mukhang tumanda na ako ng sampung taon sa pagod ko!

Hindi ko pa nakikita ang hitsura ko sa salamin ngunit nararamdaman ko na ang malalaking eye bags ko!

Nanginginig ang kamay ko nang iangat ko ito. Nakita ko ang mga pamumula sa kamay ko dahil sa paglilinis ko kagabi sa buong sala dahil naglaro lang naman ang mga unggoy na magpipinsan sa sala nang mabaril-barilan at ang mga walang hiya ang bala ng kanilang water gun ay pintura! Thankfully, washable paint pala iyon! At kung minamalas hindi siya makuha ng washing machine kaya kinamay ko ang paglalaba sa mga kurtina at mga linens no’ng sofa at pati na ang carpet!

Nangingiyak ako sa awa ko sa aking mga kamay at daliri na pudpod na ang mga kuko. No’ng nasa amin pa ako, kahit na may trabaho sa karenderya. Naaalagaan ko ang aking kamay at katawan pero dito mansyon ng mga ADT (Alvarez De Toledo ) parang nag-fastforward ang takbo ng buhay ko into twenty times!

“Laban lang, Cleo! Laban para sa magandang kinabukasan! Laban para may pambili ng motor sa jowa in the future!” Pagli-lift ko sa aking sarili. Ito na talaga ang mantra ko simula noon. Mag-aaral ako ng mabuti para may maganda akong trabaho at para kaya ko na ring bumili ng motor sa jowa ko in the future! Kung hindi makakabili ng motor, may pang ospital kung tumanda na at walang kasama sa buhay! May pang St. Peter ba!

Tinapik ko ang balikat ng tatlong beses sabay sabi, “Laban lang, Cleo. Puputulin mo pa ang burat— ay! sungay pala, sungay ng mga unggoy na magpipinsang Alvarez De Toledo!” Ang bago kung mantra simula nang mapadpad ako rito sa bahay ng mga Alvarez De Toledo. Kung hindi dahil sa apat na magpipinsang iyon… hindi ko mababago ang aking mantra sa buhay!

“A-ahh!” Daing ko nang parang may tumusok na kutsilyo sa aking likod. Dahil talaga ito sa magdamagang paglalaba ko sa mga kurtina! Ang hahaba pa naman!

Umagang-umaga ngunit nakabusungot na ang mukha ko!

Dapat matutuwa ako! Dapat masaya ako at excited sa aking first day as a college student pero dahil sa mga unggoy na mapipinsan. Parang sasabak sa panibagong gyera ang aking hitsura.

“Makikita ninyong apat, unggoy na Dawson, unggoy na Vidal, unggoy na North, at unggoy na Reign! Ang ganti ng isang api— ugh, uhu!” sigaw ko sana kaso nasamid ako sa sarili kong laway.

Tang ina naman sa sama ng apat na unggoy, malakas pa rin talaga ang kapit nila kay Lord.

“Sorry, Lord, pinagmumura at pinaglalait ko ang mga anak mo rito. Ang sasama kasi ng ugali. Leksyonan mo sana ang mga iyon, Lord.” sabi ko at umalis sa aking kama.

Inayos ko muna ang aking higaan at saka tiningnan ang aking sarili sa salamin bago lumabas! Ako ang magluluto ngayon at may naisip akong napakagandang ideya.

“Ha… hahahaha!” Parang nababaliw kong tawa sa harap ng salamin. “Akala ng mga unggoy na ’yon, ha. Ngayon matitikman nila ang unang kabanata ng aking paghihigante sa kanilang kasamaan sa akin.”

Tsk! Pinag-dayoff pa nila ang driver at ang cook kahapon dahil maglalaro pala sila dito sa bahay at ako ang pinalinis nila sa buong mansyon! Alilang-alila ako!

Pero wala pa akong laban na inatrasan, wala pa akong laban na sinukuan. Definitely, hindi ang mga unggoy na iyon ang magpapa-atras sa akin.

Sabi ni Lola Leticia, ang kaibigan ng aking Lola Kora, kapag napatino ko ang mga unggoy niyang mga apo. Bibigyan niya ako ng reward. At ang reward ko ay three years, all around the world travel FULLY PAID at pag-aaral sa kahit na saang school ko gusto. Kahit mag-Seoul University ako o Harvard, ibibigay ni Lola Leticia sa akin. Basta… basta’t napatino ko lang ang mga unggoy niyang apo!

Biglang pumasok sa utak ko ang mukha ng apat na unggoy at kaagad kong tinapon ang mga mukha ng unggoy sa impyerno!

“Eww!” Kunwari ay pandidiri ko nang saglit na pumarke sa isip ko ang mga mukha ng mga apo ni Lola Leticia!

Inayos ko ang aking itim na tshirt at hinigpitan ko ang sintas ng aking shorts bago tumungo sa pinto!

Bumuntong hininga ako sabay bukas ko sa pinto ng aking silid. Mabilis akong lumabas sa aking kwarto kaso nakaisang hakbang lang ako palabas sa aking kwarto nang bumagsak na mula sa uluhan ko  puting bagay! Binalot ako no’ng puting bagay na bumagsak sa akin at doon ko napagtanto na harina ang bumagsak sa buong katawan ko.

Sumabog ang malakas na tawa sa aking kanan. Nauubo akong bumaling sa pinanggalingan ng tawa at doon ko nakita ang apat na mga unggoy na parehong wala pang pang-itaas na damit.

Si Daws na nakasandal sa dingding at naka-halukipkip ay may ngisi sa kanyang labi. Umiigting ang muscles niya sa braso! Si Vidal at North naman ay halos gumulong at malagutan ng hininga sa kakatawa. Namumula pa ang kanilang katawan sa kakatawa! Mapuputi kasi! Tapos si Reign naman ay natatawa rin at nakasandal sa railings.

“Mga putangina ninyong unggoy kayo!” sigaw ko at naubo dahil sa harina.

Kulang na lang nang kumukulong mantika at handa na akong prituhin! Dahil sa harina na nakabalot sa katawan ko!

“Good morning, Cleo!” Natatawang bati ni Vidal sa akin.

Itinaas ko ang aking gitnang daliri kay Vidal at sunod sa mga pinsan niyang mapuputing unggoy!

“Mga unggoy kayo! Dapat talaga sa inyo sa jungle! Hindi dito sa mansyon ni Lola Leticia!” sigaw ko na naman.

“Ah! You’re too harsh, nanny!” si North naman ay nagkunwari pang nasaktan ang dibdib niya! Sana natuluyan siya!

“Pakyu kayo! Malalaki lang ang burat ninyo pero ang utak ninyo sing laki ng monggo!” Huling sigaw ko bago tumalikod at babalik na sana sa aking kwarto kaso nang ihakbang ko ang aking paa ay na-slide ang paa ko sa mga harina!

Bwesit naman, Lord! Bakit ang lakas ng mga unggoy na iyon sa’yo? Bakit ako pa ang kinarma?

CHAPTER 1

Chapter 1

Halos mangiyak-ngiyak ako habang bumaba-baba sa mataas ma hagdanan ng mansyon ni Lola Leticia Alvarez De Toledo. Sa totoo lang no’ng una gandang-ganda ako rito sa naka-kurbang staircase ng mansyon kaso ngayon ay parang nagsisisi na ako kung bakit ganito kataas at haba itong hagdanan.

Tang ina kasi ng mga puting unggoy na apo ni Lola Leticia. Pinagtripan na naman ako at kung minamalas ay sa first day of school pa! Ang gagaling talaga! Mga hayop talaga!

Mahaba ang aking naging paghinga nang makaapak ako sa ground floor! Bwesit! Finally, after a thousand years ay nakababa na rin ako!

Paika-ika ang lakad ko tungo sa labas ng bahay kung saan naririnig ko ang mga boses ng mga unggoy na apo ni Lola Leticia. Boses palang nila umiinit na ang batok at ulo ko! Tingin ko talaga tumanda ako ng sampung taon dahil sa mga unggoy na ’to! Sa tingin ko rin mamamatay ako sa highblood dahil sa kanila! Bwesit! Kapag ako talaga nakaganti sa mga puting unggoy na ’to, naku makikita nila ang ganti ng isang api!

Pagkalabas ko ay para akong nakakita ng mga unggoy na modelo. Si Vidal nakasandal sa isa sa mga malalaking haligi ng balcony. Si Reign andon na sa labas at nakasandal sa kotse at napasalampak ang dalawang kamay sa bulsa ng slacks niya. Itong si Dawson naman ay naka-sideview at naka-cross arms. Tapos si North naman ay nakaupo sa sahig ng balcony at nakasampay ang dalawang kamay sa tuhod niya.

Napailing ako. Tsk! Papansin din talaga itong mga unggoy na ’to. Pero infairness naman talaga… kahit masakit sa loob ko na aminin ito. Mga gwapo talaga ang mga ito at ang lakas ng dating! Pero para sa akin mga mapuputing unggoy lang sila sa buhay ko. Also, kung ako ang bulaklak sa hardin sila naman mga piste sa buhay ko!

“Tara na!” sigaw ko dahil hindi yata nila naramdaman na nakalabas na ako.

Halos mapaatras naman ako nang sabay silang bumaling sa akin. Iyong mga mata nila kanina na mukhang pagod ay biglang sumigla nang makita ako. Para talaga akong nasa gubat dahil sa kulay ng mga mata nila! Tsk! Ako yata ang sunshine nila eh! Sunshine na paborito nilang asarin at paglaruan!

Mga bwesit wala man lang lumapit sa akin at tulungan ako rito na paika-ika na sa paglalakad.

“Oh, our nanny is here!” Eksaherado ni North at hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya o ano. Hindi bagay sa kanya.

Sinamaan ko ito ng tingin.

“Tara na! Late na tayo sa school!”

“Did you pack our meal?” tanong naman ni Vidal nang makalapit ako!

Pinasadahan ko sila ng tingin at halos mahilo ako sa kakaikot ko sa aking mata. Ano bang ulo ang ginagamit ng mga unggoy na ’to? Talaga bang ulo lang ng burat nila ang ginagamit nila!

“Hoy! Kung hindi ninyo ako pinagtripan kanina, may breakfast sana kayo— tayo! Pero dahil sa ginawa ninyo! Muntik pa akong maging lumpo! Kaya walang breakfast! Mag-take out tayo!” Pahayag ko naman. Shuta! Umagang-umaga at first day of school pero heto ako sini-sermonan ang mga unggoy na apo ni Lola Leticia.

“Ayaw namin!” Panghihimutok naman ni Vidal!

“Ay!” Shuta! Muntik na akong mapamura. “Edi, walang breakfast!”

“Edi, walang papasok ng university!” si Reign.

“Yeah, puro welcoming lang naman sa mga freshmen ngayon.” tamad namang sabi ni North.

“Mabuti pa nga!” Dagdag pa ni Vidal.

“Matulog na lang tayo!” ani Dawson!

PUTANGINA! Mga kumag! 

Umalis si Reign mula sa pagkakasandal niya sa kotse at akmang aakyat na rito sa balcony nila nang mabilis akong bumaba sa ilang baitang na hagdanan! Litse! Parang nawala ang sakit na iniinda ko sa aking balakang dahil sa kanila!

“Teka lang naman! Papasok ako!” Giit ko sa kanila at isa-isang pinukol ng tingin. “First day ko ngayon as college student.” Palibhasa kasi mga third year college na ang mga ’to kaya ganito na lang sila ka-confident umabsent sa first day.

Paano naman ako?

“Pumasok ka mag-isa.” Walang emosyon na sabi ni Dawson.

Literal na hayop din talaga ang lalaking ito!

“Ang layo nitong mansyon sa sakayan sa baba. Maglalakad ako roon? Ang sakit na nga nitong balakang ko dahil sa inyo! Para akong tinira ng sampu sa pwet!” Bulgar kong sabi na kinalaglag ng panga ni North. Si Dawson nanatiling masama ang tingin sa akin. Si Vidal naman namula ang mukha sa pagpipigil ng tawa at si Reign ay kumunot ang noo.

“Ah, ha, ha, hahaha! Joke ko lang iyon!”

“Tsk!” ani ng mga unggoy!

“Ano na?! Pasok na tayo sa school! Take out na lang tayo ng breakfast sa McDo!”

Ano ba ’yan? Ang titigas naman ng mga ulo ng mga ’to. Naiintindihan ko na talaga kung bakit nais ni Lola Leticia na pulutin ang mga sungay ng mga apo niya. At naiintindihan ko na rin kung bakit kailangan ni Lola na magbakasyon na malayo rito dahil naiis-stress na rin suguro siya sa mga unggoy na ’to.

“Kasi kung hindi n’yo lang pinag-leave ang mga trabahante at drivers ng mansyon. Hindi ko kayo guguluhin! Hinding-hindi ko kayo pipilitin na pumasok sa school! Psh! Akala n’yo naman pinipilit ko kayong pumasok dahil concern ako sa inyo! FYI lang, wala akong paki sa inyo! Period!”

“Pasok na lang tayo para manahimik na ng bunganga nito. Nakakarindi na.”

Maarte akong napahawak sa dibdib at bumaling kay Dawson. Bagot na bagot na siya sa lagay na ’yan pero ang sakit pa rin magsalita.

“You drive, Reign. I’ll only give you ten minutes para makarating tayo sa university.” Parang boss na dagdag ni Dawson.

Napatanga ako sa sinabi ni Dawson.

“Sure!” Tuwang-tuwa na sagot naman ni Reign sa kapwa niya unggoy!

“A-anong ten minutes! Ang layo ng university rito sa mansyon, hoy!”

Bwesit! Alam ko kung gaano kalayo ang university dahil ako ang personal na nagpasa ng mga requirements ko roon! Malayo siya. It’ll take forty minutes or so para makarating doon!

“Masyado yatang matagal ang ten minutes, Reign Bowie. Gawin mo na lang five minutes!” Sulsol naman ni North at umakbay kay Reign na pababa na rito.

Nag-apir pa talaga si Vidal at North.

“Tang ina talaga ninyo! Kapag talaga tayo na-disgrasya at namatay ako dahil sa mga kalokohan ninyong apat! Naku! Mumultihin ko kayo! Promise! Hindi ko kayo titigilan! Kahit sa pantulog at pagligo ninyo mumultuhin ko kayo!” Pagwawala ko.

“Oh, you just want to see our dicks?” ani Vidal.

“H-hoy!” Muntik na akong mabulunan sa sariling laway. Tila nasunog ang batok ko at tenga dahil sa bibig si Vidal! “As if naman gustong-gusto ko iyang mga mga sawa ninyo! FYI narami na akong nakitang ganyan!” Bawi ko sana kaso mukhang masama yata iyon nang lumapit sa akin si Dawson.

“What did you say?” Lalong naningkit ang singkit nitang mata!

“Ah… hehehe! Joke lang iyon. May lawit ako kaya malamang nakakita na ako sawa ’no!” Bwesit na Dawson. Ano naman ngayon kung nakakita na ako ng lawit ng iba? Ikakamatay niya?

“Tara na! Exicted na ako sa first day ko sa college!” Pag-iiba ko na lang sa topic namin. Litse! Gusto ko lang namang pumasok sa school pero napunta na ang topic namin sa mga burat! Jusko! Ang dami kasing burat ng bahay na ’to!

Sumakay na kami sa SUV nila. May nakita naman akong maraming kotse sa basement ng mansyon kaso itong SUV ang mas convenient ngayon kasi sasabay ako sa kanila! At mukhang hindi rin nila trip mag-drive ngayon!

“You want dicks pala huh, nanny!” Tukso ni North sa akin pagkapasok ko sa pinakalikod! Ang driver ay si Reign tapos sa tabi nito si Dawson, tapos sa likod sina Vidal at North at sa pinakalikod ay ako! Ako pa ang huling nakaakyat sa kotse dahil sa bakalang ko.

“Tse! Gusto ko ng burat pero hindi sa inyo, ’no! May standards ako.”

“Pati sa ganyan may standards ka?” Hindi makapaniwalang sabi ni North, natatawa na.

Naramdaman ko naman na umusad na kami. Napakapit ako bigla sa kinauupuan ko nang biglang bumilis ang takbo ng kotse!

“H-hoy, Reign umayos ka d’yan! Baliw talaga! Gusto ko pang grumaduate!”

At nagtawanan lang sila sa misery ko rito sa likod! Binilisan pa ni Reign ang takbo ng kotse at muntik na akong mamudmod doon sa upuan, mabuti na lang at mabilis na umagap ang daliri ni North sa aking ulo. Oo, daliri talaga ang ginamit niyang panangga sa ulo ko!

Nandidiri yarn?!

“Humawak ka. Ganito talaga magpatakbo ng kotse si Reign. Kaskasero ’yan kasi sanay sa racing.” si North at binawi ang daliri niya mula sa ulo ko.

Hindi ko alam kung wala lang talagang traffic o ano kasi eight minutes lang at nakarating na kami ng university!

Nakababa na ang apat at ako ay halos malula pa mula sa byahe namin! Jusko! Nakailang ‘Our Father’ ako dahil sa bilis ng takbo ng kotse! Parang naiwan ko pa ang kaluluwa ko sa mansyon pero ang katawang lupa ko ay nandito na sa parking lot ng university!

Pinulot ko ang aking backpack bag nangmakabawi na ako at saka ko sinukbit sa aking balikat ang bag. Dahil hindi naman gentlemen ang mga unggoy na Alvarez De Toledo cousins, ako na mismo ang nagbukas ng pinto para sa sarili ko. Well, sino ba naman kasi ako para pagbuksan nila, di ba? Babysitter daw ako rito pero shuta lang dahil mas malaki pa sa akin ang mga babantayan ko! May mga saltik pa!

Pagkababa ko sa kotse ay nakahilera ang apat sa harap. Sumama ang mukha ko at saka dumaan sa gitna nina Dawson at Reign.

“Excuse po! Makikiraan po!” sarkastiko kong wika at pilit na siniksik ang sarili sa pagitan ng malalaking katawan nina Dawson at Reign.

“Pasok na ako! Salamat sa paghatid! Pwede na kayo umuwi!” Ngisi ko sa mga unggoy pero mukhang badtrip sila dahil sumama lang lalo ang timpla ng mga mukha nila!

Pairap akong tumalikod sa kanila at tinahak ang daan patungo sa hallway kung iyon mga estudyante na tungo sa buildings.

Tourism ang kinuha kong kurso rito. Dati gusto kong mag-nars kaso may phobia kasi ako sa dugo! Ang linis kasi tingnan no’ng mga nursing students. Okay na siguro itong Tourism since magaling naman akong makipag-plastic-an! Sayang nga iyong offer ni Lola Leticia na scholarship kaso hindi ko pa naman napuputol ang sungay ng mga apo niya. Saka, baka in the long run magamit ko rin iyon. Hehehe!

Bumuntong hininga ako at saka kumapit sa sling ng bag ko. Nai-intimidate ako sa mga estudyante dahil parang ang yayaman nila! Kahit pang-ipit sa buhok ay mamahalin! Iyong uniform namin na pinaghalong powder blue at cream ay iba na ang datingan sa kanila. Powder blue ang kulay ng polo namin na may necktie na kulay dark blue tapos ang sa slacks namin ay kulay cream. Sa babae pwede rin naman silang mag-slacks but mostly sa nakikita ko, naka-skirt sila na hanggang sa ibabaw ng hita ang haba tapos may takong ang mga black shoes!

Nang may makita akong kumukuha ng larawan kaya naisipan ko rin na magpicture! Para may maipakita ako sa Lola Kora ko! Kinuha ko ang android phone ko sa bulsa ng aking bag at saka kumuha ng larawan. Gusto ko sanang magpakuha ng larawan para may full body akong kuha kaso nahihiya ako sa mga estudyante! Luminga ako hanggang sa makita ko ang apat na unggoy na parang mga hari kung maglakad sa gitna ng daan! Ang mga ibang estudyante ay nagsitabihan dahil sa kanila!

Umiling ako. Ngumisi ako at nag-jog palapit kay North. Ito kasi ang mukhang matino kahit puro lang asar at kalokohan ang ginagawa sa akin. Ito ang may mas maayos na utak.

“Kunan mo naman ako ng picture, please! Iyong nakita ang buo kung katawan at ang pangalan ng university!” sabi ko kay North sabay abot ko sa telepono ko sa kanya kaso tiningnan niya lang ang phone ko.

“Please?”

“A-ako na nga! Gaga!”

Nagulat ako nang may biglang umagaw sa phone ko at saka ako nito hinila palayo sa apat na unggoy. May tumulak pa sa likod ko na tingin ko pareho rin kami ng bandila na winawagayway!

“Pose na. Kunan na kita!” sabi nang lalaking bigla na lang nang-aagaw ng phone!

“Bilis, teh!” sabi naman no’ng nagtulak sa akin.

“Alam ko na tumatakbo sa isip mo, teh! Gora na. Posing na!” sabi no’ng may hawak sa telepono ko.

Confirmed! Mga bakla rin! 

Kahit na naguguluhan pa ako ay ngumiti na lang ako sa harap ng camera!

Matapos ang ilang picture ay kinuha ko na ang telepono ko.

“Maria pala.” Pagpapakilala ng bakla na kumuha ng picture sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa kanya. “M-Maria?”

Sinundot niya ang tagiliran ko.

“Okay sige. Mario! Mario ang pangalan ko! Oks na?”

Bumulanggit ang tawa ko.

“Reyna,” pagpapakilala naman no’ng isa.

“Reyna? As in… Reynato?”

Umirap siya sa akin. “Reynaldo, teh!”

Mas lalong bumulwak ang tawa ko!

“Ikaw anong pangalan mo?” sabay naman nilang tanong with matching taas sa kilay.

“Cleo…”

“As in Clemencio?” They said in unison.

“Mga gaga, hindi! Cleo lang.” Suway ko sa kanila. “Teka, anong mga programs ninyo?” Dagdag ko.

Bumilog naman ang mata ko nang bigla nilang ginawa iyong postura ni Darna.

“Tourism!” Mahaba nilang sabi habang nakataas ang kamay!

“Talaga? Tourism rin ako!” Turo ko pa sa sarili ko.

Umpit silang napatili.

Nagpatuloy kami sa paglalakad tungo sa aming building. Pinapagitnaan nila ako.

“Teka lang, bakit mo pala inagaw ang telepono ko kanina, Maria?”

Nakakatuwa na puro bakla ang naging una kong nakilala dito! Si Maria, may lalaki siyang katawan. Actually, may muscles nga siya pero ang boses ipit na ipit! Hindi siya ganoong maputi pero makinis! Si Reyna naman medyo may muscles din at pareho kami na maputi. Nga lang siya, mas makinis pa sa akin. Ako kasi maputi lang at dry ang balat kapag walang lotion! Parang may galisgis kapag di nakakapag-lotion! Sa aming tatlo ako pa ang pinakamaliit!

“Teh, hindi mo kilala ang mga lalaking iyon?” Eksaherado ni Reyna.

Nagusot ang mukha ko. Malamang kilala ko ang mga unggoy na iyon!

“Niligtas ka lang namin mula sa pagkakahiya, teh!” si Maria.

“Huh? Bakit? Sino ba ang mga iyon?” Eh, unggoy lang iyon sa buhay ko e.

“They’re the Alvarez De Toledo cousins! Kilalang-kilala ang mga iyon. Suplado, maaarte, magaspang ang mga ugali pero matatalino!”

“Gwapo at babaero din!” Dugtong ni Reyna kay Maria.

Halos lumuwa ang mata ko. “Matatalino?!”

Ngumiwi si Reyna. “’Yan lang talaga ang nakuha mo sa lahat ng sinabi namin, teh?!”

Ngumuso lang ako.

“Sarap mo naman ngumuso, teh! Sarap chapchap-in ng nguso mong pulang-pula!” ani Reyna.

“But yeah, matatalino sila! Matatalino sila sa iba’t ibang larangan…” Ang pagsasalita ni Maria ay nilamon ng malakas na announcement mula sa speaker na nakadikit sa mga corner ng building. May orientation pa pala kami!

CHAPTER 2

Chapter 2

The orientation was taking place in front of us pero ako iba ang pinakikinggan ng aking tenga. Ang mga mata ko nasa harap pero ang atensyon ko na kina Reyna at Maria. Ang mga beklabu na malalaki ang borta! Para silang mga lamok noon sa probinsya namin na bumubulong sa tenga ko. Naiirita ako ngunit hindi ko sila mapatay-patay.

Panay ang hanash no’ng emcee sa harap at may iba’t ibang mga speaker na nagsasalita. Pinakilala rin ang mga faculty members. Ngunit wala nang pumapasok sa utak ko. Tsk! Itong orientation-orientation ay pwede namang ganapin sa online eh. Siguro sasaya lang ako kapag natapos na kami rito at nag-Campus Orientation Walkthrough na kami. I’m sure masarap at maganda ang aking magiging college journey dahil maraming mga papables dito sa campus.

Thank you talaga sa mga papables na ginawa mo sa mundo, Lord! Kung hindi dahil sa kanila ay siguro walang gana itong buhay ko. Pwera nalang po sa mga magpipinsang unggoy na kasama ko sa mansiyon.

“Tingnan mo, tingnan mo kaagad, bakla!” Impit na pagwawala ni Reynaldo rito sa tabi ko.

Itong majubis na ito ay tatamaan talaga sa akin kapag hindi siya pumirmi!

“Ano ba kasi?!” Iritado kong baling sa kanya.

Ngumuso-nguso siya. Iritado kong sinundan ng tingin ang kanyang nginuso na direksyon pero ganon na lang ang paggusot ng mukha ko nang makita kong ang mga ADT iyon. Magalang na yumuko ang mga puting unggoy sa mga faculty na nakaupo sa unang row ng upuan. Tumabi pa ang apat sa mga faculty. Wow! Ganon siguro kakapal ang mga mukha?

“Ano namang meron d’yan?” Bored kong untag kay Reyna. Tiningnan ko rin sa tabi nito si Maria na nakatuon din ang mga mata sa magpipinsang Alvarez De Toledo.

Urgh! Daing ko nang makita ko ang mga mata ng dalawa na halos maghugis puso na kakatitig sa mga magpipinsan. Ganon ba talaga kakilala ang mga unggoy na iyon? Really?

“Teka nga, bakit kilala ninyo ang mga ung—ang mga lalaking iyon?” Maasim kong untag.

Tumingin silang dalawa sa akin.

“Ay, syempre kilala namin ang mga Alvarez De Toledo kasi alumni sila sa university kung saan kami grumaduate ni Reyna ng senior high school.”

“Kaya ba rito kayo nag-enroll sa SNU kasi nandito rin sila?” Ang hirap pigilan ng ngiwi ko.

Ngumisi ang dalawa. Ni hindi man lang naisipang humindi sa aking tanong.

“Sort of…” kinikilig na untag ni Reyna.

“Like yeah!” Pakanta pang saad ni Maria at saka nag-apir silang dalawa.

Oh my ged! Reyal na ito? Sikat ba talaga ang mga ADT? May ganitong effect sila sa mga juniors nila?

“Kinahuhumalingan n’yo talaga sila? As in?”

Umirap si Reyna sa akin at si Maria naman ay napawi ang tuwa.

“Oo naman!” Halos sabay nilang sambit.

Kahit na may ongoing orientation sa harap ay may orientation din kami rito sa aming upuan.

“Kilala nga kasi sila dahil matatalino at may kanya-kanyang sports din. Achievers na nga, sporty pa. Tapos mayaman at gwapo!” Animated na untag ni Maria. Si Reyna naman na nakikinig rito at parang nakikisimpatya rin sa kaibigan. Tango nang tango!

They’re hopeless. Oh my ged!

“Pero suplado, masungit, magagaspang ang ugali, at babaero naman, di ba?” Supalpal ko sa kanila. Sila na ang nagsabi nito sa akin kanina pero ngayon parang sinasamba na nila ang mga lalaki sa mga lumalabas ngayon sa bibig nila.

Kilabutan nga sila!

“Kaso masasarap sila.” Si Reyna.

“Yeah!” Si Maria naman.

“Obviously, they’re a walking redflag!” Kontra ko sa kanila.

“Pero ang redflag masasarap.” Ngumuso pa si Reyna.

Urgh! I almost gag!

“Redflag masarap, masarap!” Mahinang chant ni Maria at sinabayan naman siya ni Reyna.

Isa isa silang nakatanggap ng batok mula sa akin. Ewan ko ba, ngayon lang kami nagkakilala nitong dalawang beklabu na ito pero parang ang tagal na naming magkakilala. Parang sila ang nawawala kong mga kapatid.

But kidding lang NPSB kasi ako. No Parent Since Birth! Nilabas lang yata ako ng aking ina through her pechay tapos viola! Naghalo ang gerlalu!

“Baka matamaan kayo ng kidlat sa tsina-chant ninyo!” Suway ko sa mga ito.

“Grabe, bakla. Ang sakit ng batok mo, ha. Ang liit ng kamay mo pero parang sampung kamay ang bumatok sa akin.” Angil ni Reyna.

“Manahimik kasi kayo. Atsaka kung maka-admire kasi kayo sa mga Alvarez De Toledo ay parang kilala ninyo sila by heart!”

Umayos si Reyna sa pagkakaharap sa akin. Parang nasa akin na ang buong atensyon niya. Pasalamat na lang kami na nandito kami sa gitna dahil hindi masyadong nakikita kaya walang sumasaway!

“Hindi nila kami kilala, bakla, pero kami kilala sila ng heart namin!” Madrama nitong untag.

Umirap ako kay Reyna. Wala nang pag-asa ang mga ito. Hindi ko na kaya ang mga lumalabas sa bibig ng mga ito.

“Hindi mo lang kasi kilala ang mga ADT kaya ganyan ka. Kapag talaga ikaw nagka-crush sa kanila, naku! Walang agawan ng crush!” Sabat ni Maria.

Walang hiya at walang alinlangang tinuro ni Maria ang pwesto ng mga ADT sa harap. Kita kong engrossed na engrossed ang apat sa pakikinig. Pangiti-ngiti pa. Tsk! Hindi naman sila freshmen ah. Bakit nandito sila? Bakit feeling pa-importante ang mga ’to? Ang plastic talaga kahit saan-saan mo na makikita

Ay sus! Makarampa lang talaga sa mga facecard nila!

“Iyan si Reign Bowie,” simula ni Maria. “Siya ang pinakamalapit na pinsan ni Daws. Nagka-car racing siya at archery athlete. Mukha siyang seryoso pero mapagbiro din naman siya minsan. Isa iyan sa charm niya kaya nakakabingwit ng girls without sweat. Kinikilig din ang mga girls sa pagiging carefree niya.” Sunod niya namang tinuro si North. “Iyan naman si North Hayes, siya ang palangiti sa apat tapos mapagbiro at mahilig mang-asar. Siya rin ang pinaka-flirt sa apat at basketball player.”

Gusot lang ang mukha ko habang nagsasalita si Maria. Iniinda ko ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Isa-isa niya pang tinuturo ang mga lalaki kahit na kilala ko na naman ang mga ito.

“Siya naman si Reed Vidal, ang crush ko sa apat!” ani Reyna. “Masasabi kong si Vidal at North ay pare-pareho lang mapagbiro at pala ngiti. Lapitin siya sa mga girls kasi matulungin siya at kapag may nagpapaturo sa kanya, tinuturuan niya ng libre! Magaling pa sa chess!”

Ano? Matulungin? Si Vidal? Ang mukhang iyon matulungin? Eh parang si North lang naman iyon ah. Lagi akong napagti-tripan ng dalawang iyon!

“At syempre, si Dawson Vale, ang half-filipino, one-forth chinese at one-forth Spanish. Lahat sila may lahing spanish dahil sa kanilang yumaong lolo pero ang ina ni Daws ay nakapag-asawa kasi ng half-chinese, half-Filipino na businessman.” Paliwanag ni Reyna. Oh, di ko alam iyan ah. “Si Dawson, ’yan ang pinaka-cold sa lahat, aloof, at magaling sa archery. Pumangalawa si Reign sa kanya pagdating sa archery.”

Nakakatulong pala talaga ang pagiging madaldal minsan. Kahit nakakasama ko ang apat na unggoy sa bahay ay hindi ko alam itong mga sinasabi nina Maria at Reyna.

Sobrang judger ko ba? Well, those monkeys can’t blame me. Sa mga pinagagawa ba naman nila sa akin sa mansiyon.

“’Di ba ang ha-hot lang nila?” Dreamy namang saad ni Maria kaya naman napangiwi ako.

Nang matapos ang orientation ay halos magdiwang ako. Finally, makakalabas na rin! Hindi ko naman maiwasang hindi sulyapin ang gawi ng apat na lalaking asungot sa aking buhay.

Tumaas ang aking kilay nang makita kong nilalapitan ito ng mga babae at lalaki at nagpapa-picture. Kanina rin ay pinaakyat ang mga ito sa stage for photo opt kasama ang mga faculty. Mukhang big deal nga sila rito sa SNU, Southern National University.

Pero paki ko naman? Hindi pa rin magbabago ang isip ko na mga asungot sila, unggoy, at pahirap sa buhay ko!

Kaso wala namang nagtulak sa akin na gawin ito eh. Gusto ko lang naman makaahon sa kahirapan kaya nais kong mag-aral. Kung may shortcut lang talaga para yumaman ng hindi dumadaan sa illegal na gawain ay ginawa ko na!

“By pair ang Campus Walkthrough.” Siko naman ni Reyna sa akin pagkalabas namin ng auditorium. Itong beklabu na ’to ay akala mo ang liit ng katawan kung makasiko sa akin!

“Hah? May pa-ganyan pa? Hindi ba pwedeng um-awra na lang tayo?” Simangot ko.

“Gaga, bakla. Sinabi iyan kanina sa orientation!“ani naman ni Maria.

“Huh? Hindi ko narinig ah,” ani ko.

“Sige na. Kita na lang tayo later, bakla! Mwah!”

Umamba akong susuntukin ang beklabung si Reyna nang bigyan ako nito ng flying kiss niya.

Yucks!

Problemado akong nagpaikot-ikot sa kinatatayuan ko dahil kailangan pala ng partner sa bagay na ito. Walkthrough na nga lang sa campus by pair pa!

Iyong mga nakikita kong freshmen na lumalabas galing sa auditorium ay may mga partner na. Kanya-kanya na silang angkla sa kanilang braso sa kani-kanilang partner.

“Makapag-walkthrough na nga lang mag-isa—”

“Hey!”

Ang kilabit sa aking balikat mula sa likuran ko ang nagputol sa akin.

I looked over my shoulder. Namilog ang aking mga mata nang makita ko ang isang papable sa likod ko. Matangkad, moreno, gwapo, mapula ang kissable lips nito at makapal ang kulay. Parang hindi pa nasisira ng hangin ang kanyang curtain cut hairstyle.

“Akes?” Turo ko sa aking sarili.

The guy grinned.

“What do you mean?”

Oh my ged! Englishero ang papi ninyo!

Humarap ako sa kanya ng maayos. “Ibig kong sabihin ay ako ba ang tinatawag mo!”

“Ahh,” tango niya. “Yes.”

Muli kong pinag-aralan ang lalaki sa aking harapan. Malinis. Approachable ang awrahan at mukhang mabait.

“Who you ka ba? Anong business mo sa akin?” Maarte kong tanong sa kanya.

Oo, gwapo siya. Mukhang mabait pero ’di tayo papasiguro sa panahon ngayon. Marami nang mapagkunwari, ika nga nila iyong mga wolf in sheeps plastic cover.

“Are you looking for a partner?” Prangkang saad nito sa akin.

Pinanlakihan ko siya sa mata ko at maarteng humawak sa aking dibdib.

“Excuse me?”

Natawa siya. “I mean, partner para sa walkthrough. Late na kasi akong dumating at narinig ko na kailangan palang may partner sa campus walkthrough. If wala ka pang partner… mind if… tayo na lang?”

Oh my ged! Ene be! Ako lang ’to! Si Cleo Guillermo lang ito!

“S-sige!” Pabebe ko pang untag pero natatawa lang siyang umiling sa akin.

“Halika na. Sumunod na tayo sa iba.” anito at naunang humakbang.

Hinabol ko ang mahahabang hakbang niya upang magkasabay kami.

“By the way, I didn’t introduce myself. I’m Tanner Vasquez.”

“May lahi ka?”

Ngiti-ngiti siyang tumango sa akin. Ay as in? Ganito ba talaga? Parang ang gaan ng awra niya. Palaging nakangiti, parang walang problema. Nakakadagdag pogi points tuloy!

“Yeah, Latin-American.”

“Wow!”

“My deceased father was an Argentinian. How about you?”

“Ah, Cleo. Cleo Guillermo, half-filipino at mukhang half-korean.”

“What?”

“Hindi kasi ako sure kung Korean ba talaga ang mama ko o ano. Hindi ko kasi nakita. Basta ang alam ko Filipino ang ama ko.” Lingon ko kay Tanner. “Ay, sorry over share na yata akes sa’yo.”

Hirap naman kung dahil lang sa kaputian ako, singkit at maliit kong mata ay may dugong Korean na. Papaano kung Chinese pala ang mama ko o Japanese? Kaso may mga purong Filipino kasi na singkit din at mapuputi.

Hay! Ang hirap talaga kapag maraming sumakop!

“No, it’s fine.” Agap niya naman sa akin.

Nilahad ni Tanner ang malaking kamay sa akin.

“It’s nice meeting you, Cleo.”

Ngumuso ako tinanggap ko ang kamay ni Tanner. Deym! Ang lambot ng kamay niya! Sing lambot ng katawan ko!

“Natutuwa rin akong makilala ka, Tanner.”

After ng ilang shake hands ay binawi ko rin ang kamay mula rito. Para kasing ayaw na niyang pakawalan. Parang na-inlove na siya sa akin! Emerut!

“Ang soft ng kamay mo, ha. Wala ka sigurong trabaho?” Puna ko habang naglalakad kami. Nakaraan na kami sa computer lab, library, bio and chemistry lab at iba pa.

Tumawa si Tanner. “Hey, I wash my own car!”

Ay may sariling sasakyan.

“Iyan lang?”

“I read books at home, play games, and I do Muay Thai.”

“Talaga? Wow, stageous ka pala?”

“Prfft!” Tawa nito.

“Oh, bakit ka natatawa?”

May sayad ba ito?

“What do you mean stageous?”

Tumaas ang kilay ko. “Iyong pala aral na tao.” Katwiran ko naman.

Humalakhak si Tanner kaya naman nakuha niya ang ibang estudyante sa paligid.

“I think what you mean was studious.”

“Ha. Ha. hahaha! Oo nga. Iyan ang sabi ko.” Tawa ko sa kabila ng aking kahihiyan sa harap ni Tanner. Sinampal ko pa ang kanyang balikat ngunit bigla namang may bumundol sa likod ko. Na-out of balance ako dahil doon at nasubsob kay Tanner na nasa harapan ko. Naagap niya ang baywang ko.

“Ay, ano ba…” Kusang nawala ang boses ko nang makita ko ang bumundol sa akin. Si North. Nakita kong sumunod naman dito ang kapwa niya mga unggoy.

Saglit nila akong nilingon. Ang sasama ng kanilang tingin sa akin.

“Dahan-dahan naman, dude. May nabundol ka oh.” ani Tanner.

Tumuwid ako ng tayo.

Ngumisi si North. Umigting ang panga ni North at halos marinig ko ang paghasa ng ngipin niya.

“The two of you blocking the way.” Maangas na untag ni North.

“North!” Tumaas ang boses ko.

Tinaasan ako ni North sa kanyang kilay. Napatingin ako sa aming paligid. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante.

“Dude…”

Hinawakan ko ang kamay ni Tanner dahilan para malusaw ang kung anuman ang kanyang sasabihin. Takaw gulo yata ang dala ng mga unggoy na ito sa buhay ko ah. Sumusobra na ito!

“Tama na. O-okay lang naman ako.”

Kita ko ang pagbaba ng mga mata nilang berde sa kamay kong nakahawak kay Tanner.

Oh? Anong problema ng mga ito? Bakit ang sama ng tingin nila sa amin ni Tanner?

“Gutom na ako. Canteen muna tayo kung wala kang gagawin, Tanner.” Dugtong ko.

Sinilip ni Tanner ang kanyang silver na wrist watch.

“Wala naman siguro akong klase ngayon. Samahan na kita.” ani Tanner.

Kinuha ni Tanner ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay para siya na ang humawak sa akin.

Deym!

Inirapan ko ang apat at saka nagpahila na lang kay Tanner. Dinaanan namin ang apat pero bago pa kami makalayo ay nilingon ko ang mga ito. Sinamaan ko sila ng tingin.

“Guillermo,”

Dumapo ang mata ko kay Daws. Malamig siyang nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang nais iparating ng kanyang seryosong mga titig sa akin.

“What?” I mouthed.

Umigting lang ang panga nito at iniwas ang tingin sa akin. Ang tatlo naman ay parehong masasama ang tingin sa akin.

Bleh! Hindi lang kayo ang gwapo rito sa SNU! Bahala nga kayo sa buhay ninyo! Sa mansyon na lang tayo magtutuos!


This story is already at

chapter 5

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 3

Chapter 3

Dreamy kong inaakala ang interaction namin ni Tanner for the whole week! Kung pwede lang gumawa ng movie gamit itong malikot kong utak ay baka nakabuo na ako ng isang movie tapos may limang season na! Taray balak kabugin ang Bridgerton Series sa Netflix. Malamang kakabugin ko pa si Direk Antoinette Jadaone at Direk Cathy-Garcia Molina sa pagka-creative ngayon ng aking utak!

Inspired na inspired yarn, beh?

But of course, wiz (hindi) mangyayari ang bagay na iyan. Isa lamang akong hamak na beklabung gustong umasenso sa buhay! At beking gustong i-pamper ang boyfriend. Eme! Never! Never! Lulustayin ang perang pinaghirapan ng todo sa ibang tao na dadaan lang sa buhay natin. Alam kong naming motivation ko rin talaga iyan para su-ma-ccess. Pero para sa isang tulad na parang survival ang bawat araw para lang mabuhay. Natuto na ako. Wiz na ako magpapamotor sa future jowabels ko kundi kotse na! Eme ulit!

Napahagikhik ako sa sariling naisip. Ang creative talaga ng utak ko pagdating sa pag-iilusyon pero kapag sa school project naman ay naghihinalo. Creative lang iyong utak ko sa mga kalokohan o di kaya’y sa mga lalaki pero pagdating sa school stuff. Chus! Walang creativity!

Hmp! Ang hirap pa naman maging bakla tapos di creative! Kung pwede lang talagang facecard na lang ang labanan sa college ay baka may chance pa itong face ko!

Awrahan na lang sana sa college.

“Cleo!” Panggugulat ng kung sinong anak ni Lucifer mula sa aking likuran!

Tumalon ang balikat ko at sumambit, “Ay baklang kabayo na tinubuan ng bhelat sa noo!” Bulaslas ko sa gulat nang may biglang kumalabit sa akin mula sa likod.

Napakurap-kurap naman ako nang pag-ikot ko ay natagpuan ko si Reign na naka-krus ang malalaking braso. Malalim ang kunot ng kanyang noo at matalim ang titig sa akin.

Hilaw akong ngumiti sa kanya. Pinatay ko ang tubig dahil nagdidilig ako sa mga halaman dito sa hardin ng mansyon. Syempre, hindi na ako ang magluluto ngayon kasi may chef na naman. Tanging mga gawaing bahay na lang ang trabaho ko at ang apat na magpipinsan. Ang mga mestiso kong unggoy!

“What did you say?” tanong niya habang plakado pa rin ang kunot sa kanyang noo.

“Wala iyon!” I waved a hand in front of him. “Ano ba kasing sadya mo ngayon sa akin? Kita mo namang busy ako sa rito!”

Reign clicked his tongue. “As if naman gusto rin kitang puntahan dito. Ang cellphone mo nagwawala sa kwarto. Napaka-ingay! I was disturbed while watching porns!”

Nalaglag ang panga ko sa bermuda grass na aming tinatapakan dahil sa kanyang mapangahas na pahayag.

Napatingin ako sa araw na tirik na tirik pa!

“Maghunos dili ka nga, Reign! Really? Hapon pa nanonood ka? Ilagay mo naman sa lugar iyang kahayukan mo!” Namumula ang mukha kong suway sa kanya.

Yumugyog ang kanyang balikat at unti-unting umingay ang kanyang tawa sa harapan ko. Akala mo talaga nasaniban ng kung anong espiritu dahil kanina lang ang seryoso-seryoso niya tapos ngayon tumatawa!

Siguro lahat ng tao sa mansyon ay may sapak talaga!

“What the fuck!” Palatak niya. “You actually believe what I said?”

Ay bwesit!

“Tse! Pinagtitripan n’yo na naman ako?” Matapang kong untag sa kanya.

Tumigil siya sa pagtawa pero nanatiling namumula ang mukha, pinipigilan ang tawa na huwag sumabog.

“Hindi. Talagang maingay ang kwarto mo. Nagwawala ang cellphone mo.”

Pinanliitan ko sa mata si Reign dahil nagdududa ako sa kanya. What if another scheme na naman nila ito? Hindi ko pa naman alam kung kailan nila ako titiirahin! I mean, pagtitripan!

Dinuro ko siya. “Kapag talaga gino-good time mo lang ako, Reign. Makikita mo talaga…”

“Ano ang makikita ko?” hamon niya naman sa akin.

Kumibot ang aking labi dahil hindi ako makabuo ng sasabihin sa kanya. Tinaasan niya pa ako sa kanyang kilay na parang hinahamon akong magsalita.

“Makikita mo ang ganti ng isang api!” Pagdadrama ko kagaya no’ng nasa teleseryeng aking napanood.

“Weak!” aniya. “I thought you will say you will cut off my dick!”

Dahil sa kanyang pahayag ay awtomatik na bumaba ang aking mata sa maumbok na bahagi na nasa pagitan ng kanyang hita.

“Eyes on the prize, arent we?”

Para akong napapasong nag-angat ng tingin kay Reign. Amusement danced in his deep-set emerald eyes. His sealed lips hid a huge grin as he watched me with pure entertainment.

Bwesit! Argh!

Lord! Bakit ba nagiging uto-uto pagdating sa mga unggoy na ’to?

Nasusunog ang mukhang inirapan ko si Reign. Binagsak ko ang water hose at saka nagmartsa papasok ng mansyon! Mas lalo pa akong nainis nang pagkapasok ko, nakita ko ang tatlo pang magpipinsan na nasa sala. Si Daws nagbabasa, wow stageous, I mean studious yarn? Si North at Vidal naman ay naglalaro. Ano pa ba ang aasahan ko sa dalawang asungot na ’to? Numero uno pa naman itong mga pahirap sa buhay ko ngayon. Lakas man-trip.

Though biglang pumasok sa isip ko iyong sinabi nina Reyna at Maria (ang avid fan ng apat na ito). Mga sikat pala sila sa SNU dahil sa mga achievements nila na naiuuwi sa school. Ang chada nila sa part na ’yan pero para sa akin mga mapuputing asungot na unggoy pa rin sila.

Nararamdaman yata ni Daws na nakatitig ako sa kanila kaya binaba niya ang libro na binabasa sabay tiklop no’n. Simple niyang sinipa si North na malapit sa kanya at nginuso ako. Sabay na bumaling sa akin si North at Vidal.

They all smirked at me like they were thinking of something wicked again behind those curved lips!

Heh!

I straightened my back and raised an eyebrow at them before giving them a middle finger!

“Fuck!” Natatawang mura ni Vidal sa akin at siniko pa si North.

“You are becoming more and more bold, nanny!” Tukso ni North sa akin.

Si Daws naman umiling-iling sa akin na para bang nahihibang na ako.

“Hmp!” I stomped my feet on the floor before ascending to the second floor.

Imbes na ako ang mang-inis sa kanila! Ako lalo ang nabanas sa mga mukha nila!

Nang makapasok ako sa aking kwarto, bumungad sa akin ang malakas na ringtone ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa kama. Nanlaki ang ang mata ko nang makita ko ang ilang missed calls galing kay Lola Kora.

“Lola!” Puno sa energy kong sagot sa tawag ni Lola.

“Apo, Cleo! Kumusta ka na d’yan sa mansyon ni Leticia?”

Huminga ako ng malalim at lumapit sa malaking bintana. Humilig ako roon at tumingin sa baba. Nakita ko ang fountain mula rito sa kwarto ko. Swerte ako kasi may bintana dito sa harap ang kwarto ko. Kapag may mga bisita ang Alvarez De Toledo, madali ko silang makikita mula rito.

“Apo?”

“Ay, Lola. Sorry po. May iniisip lang.”

“Mmm, akala ko naman nawala ka sa linya. Kumusta ka na d’yan, apo? Okay lang ba ang trabaho mo?”

Jusko, la! Kung alam mo lang talaga kung ano-ano na ang ginawa ko rito sa mansyon ni Lola Leticia! Inaalila nila ako rito… I mean ng mga apo ni Lola Leticia!

Pero syempre hindi ko ito ibubulgar sa Lola ko. Matanda na siya at ayaw kong mag-alala siya sa akin dito. Masyado pa naman akong mahal no’n. Baka sumugod iyon dito sa mansyon at bugbugin ang mga kumag sa baba.

Napahagikhik ako bago tumikhim upang sagutin si Lola.

“Okay…” ang hirap niyang sabihin kasi magsisinungaling ako kay Lola. Bahala na nga. Ayoko ko lang naman siyang mag-alala sa akin. At saka, yakang-yaka ko ang mga asungot na iyon. Kung ano ang trip nila… tsk! Sasakyan ko pa sila.

“Maayos ako dito, Lola. Sobrang laki po ng mansyon ni Lola Leticia at ang daming pagkain!” Kwela kong untag.

“Hay! Mabuti naman kung ganon, apo. Kumain ka ng mabuti d’yan, ha. Wala ako d’yan kapag nagkasakit ka at nang magkalaman ang katawan mo. Sigurado akong marami ang ginagawa mo d’yan dahil sa laki ng mansyon ni Leticia.” Nahimigan ko ang pag-aalala at pangungulila ni Lola.

Tama lang naman ang laki nitong katawan ko. Hindi ako obese at hindi rin malnourished.

“Lola, may mga ibang katulong naman po rito sa mansyon. Hindi lang naman po ako ang gumagawa sa lahat.”

“Mabuti kung ganon. Pero ang mga apo ni Leticia, kasama mo sila d’yan,  diba? Hindi ka ba nila sinasaktan, apo? Naku, mga lalaki pa naman yata ang apo niya. Baka mga barumbado ang mga iyan o may bisyo. Dios ko, Cleo, huwag mong hayaan na matukdo ka.”

Hindi talaga ako lulubayan ng mga unggoy na iyon, ’no? Pati lola ko ay hindi pinalampas!

Mabuti na lang at hindi ako nakikita ni Lola dahil baka nakita na niya akong sukang-suka sa pagmumukha ng mga lalaking iyon.

“Mga…” bwesit sila, Lola. “Okay naman sila, Lola. May… may pagka-makulit at mapagbiro lang.”

Urgh! Ang hirap na hirap akong hindi magsalita ng masama sa mga apat na iyon!

“Sabayan mo na lang sila, apo. Alam ko naman na makulit ka rin.”

Sinuway ko na si Lola sa usapan namin tungkol sa apat. Tinanong ko na lang siya kung kumusta siya doon sa amin. Wala ba siyang sakit at kumakain ba siya ng maayos. Masaya na akong narinig na okay si Lola. Sapat na sa akin ang ilang minuto naming tawag.

Kinuwento ko rin kay Lola ang mga new found friends ko sa SNU, sina Mario, Reynaldo, at bebeloves Tanner. Natukso pa ako ni Lola kay Tanner. Siguro nahalata niya na puring-puri ko ang lalaki habang kinukwento sa kanya.

Masaya ako na tanggap ako ni Lola Kora. Bakla ako at ini-spoil ako ni Lola sa mga gusto ko. Sa katunayan nga, si Lola ang namimili ng mga damit ko no’n sa ukay-ukay. Tingin ko nga dream ni Lola ang gerlalu’ng grandchild kaso naging lalaki pero pusong binibini naman sa loob ang apo n’ya.

Oh my ged! Naiiyak tuloy ako.

Kelerke! Bigla kong namiss ang Lola Kora ko.

I was on the verge of crying when Lola cut off the call. Nag-i-emote ako nang biglang pumasok sa inbox ko ang text ni Tanner.

Papi Tanner: hi, Cleo! are you free tomorrow?

Kumabog ng malakas ang puso ko.

Deym! Aayain ba ako ni Tanner ng date? Simula na ba ito ng love story ko? Shocks! Kakasimula palang ng school year!

Ako: hello, tanner😺. wala naman akong gagawin bukas😸

Papi Tanner: cute!

Lord Jesus Christ! Kaya pala pinapahirapan mo ako rito sa mansyon ni Lola Leticia kasi ito ang isusukli mo!

Ang pagiging emosyonal ko kanina ay napalitan ng tuwa at kilig. Tingin ko umuusok na itong mukha ko dahil sa init.

Papi Tanner: let’s grab some coffee tomorrow

“Mmmp!” Impit kong tili!

Tumakbo ako sa aking kama at tumalon doon. Nagpagulong-gulong muna ako sa kama ng ilang beses bago nagreply kay Tanner. Aba, dapat may interval para naman hindi niya isipin na atat na atat akong mag reply sa kanya.

Ako: sure😽

Papi Tanner: see you tomorrow

Ako: see you

Binaon ko ang mukha ako sa unan at doon muling tumili. Pinagpapadyak ko pa ang aking paa at wala akong paki kung mahulog man sa sahig ang kumot ko.

Tumihaya ako at nilagay sa aking dibdib ang cellphone. Magkaiba ang kurso namin ni Tanner siya sa College of Engineering, eh ako sa College of Tourism and Hospitality Management. Nasa magka-ibang building kami pero sa isang linggo ay ilang beses na kaming nagkikita mapa-hallway man iyan o sa field. Minsan nga sa cafeteria ay nagkakasabay kami. Pero may sarili na siyang circle of friends. Mga papables din pero s’ya lang ang apple of my eye ko!

Grabe! Ka-text ko ang crush ko!

I was still riding high on thoughts of Tanner’s text when a throaty and raspy voice disturbed my lovely thoughts.

“Tapos ka nang gumulong at tumili?”

My head turned toward the direction of the voice. Tumaas ang aking kilay nang makita ko si Vidal. Naka sandal siya roon sa doorframe at namumutok ang kanyang biceps at triceps.

Awtomatik akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at inayos ang aking sarili. Pinulot ko rin ang kumot sa sahig pero di nilulubayan ng titig si Vidal.

Ano na naman ang kailangan ng lalaking ito? Kanina si Reign tapos ngayon ibang asungot na naman.

“Ano? Anong kailangan mo sa akin? Dinner ba? Baba na ako! Kakatapos lang ng tawagan namin ng Lola Kora ko.” Patiuna ko na kahit nagtutunog defensive akes.

May chef naman kung gutom na sila.

He poked the inside of his cheek with his tongue before pushing himself away from the doorframe. He heaved. I swallowed as he sauntered toward me.

Inis kong pinadyak ang aking paa, tumigil siya sa paghakbang.

“Ano ba ang kailangan mo?”

“Pack some clothes. May lakad tayo.” Bland niyang saad.

“Ano?”

“Pack some clothes. May lakad tayo.” Ulit niya at ngayon mas walang gana ang boses niya.

“Huh?”

Kumuyom ang kanyang mga panga. “Aalis tayo. Maghanda ka ng damit mo. I won’t repeat myself. Bye, Cleo!”

Hindi na ako hinayaan pa ni Vidal na makapagsalita at umalis na siya sa silid ko. Hinabol ko ang lalaki at naabutan ko siya sa hallway.

“Hoy, Vidal!” Tawag ko kaso dere-deretso ang lakad niya. “Hoy, unggoy!”

Ang tigas talaga ng lalaking ito. ’Sing tigas ng ulo niya! Ewan ko lang kung alin pa ang matigas!

“May lakad ako bukas!” Malakas kong sigaw.

Umikot siya. Pinaningkitan ako sa kanyang mata. His already dark green eyes turned even darker, like the eye of a storm.

“To where?”

Kumibot ang bibig ko. “L-lalabas kami ni Tanner!”

“Tan… who?!” His annoyed remarks.

“Iyong kasama kong lalaki sa campus walk-through. Though baka hindi mo na siya naaalala pero yeah, may lakad kami bukas.”

Nag-tsk siya. “Then cancel it. May lakad kami bukas at dapat kasama ang nanny namin.”

Ngumiwi ako sa kanya.

“Ayokong sumama,” pagmamatigas ko. Mas gusto kong kasama si papi Tanner ko.

“Sasama ka.” Dumaing si Vidal.

“Ayoko.”

“Sasama.”

“Ayoko!”

“Whether you like it or not, sasama ka.”

Galit kong pinadyak ang paa. “Ano pa ang silbi ng sinasabi mo kung kayo naman ang magdedesisyon para sa akin?”

“I’m just informing you… no, we’re informing you. No buts or excuses. Cancel your meet-up with that horse.”

My jaw dropped to the floor! Tinawag niya bang kabayo si Tanner?!


This story is already at

chapter 7

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :) )

CHAPTER 4

Chapter 4

With a heavy heart, nagtext ako kay Tanner na hindi ako makakatuloy sa aming lakad bukas. Of course, hindi ko sinabi ang tunay kong dahilan kung bakit hindi ako makakatuloy. Sa isang linggo kong pumapasok sa SNU, wala pang nakakaalam na nakatira ako sa bahay ng mga Alvarez De Toledo.

Sa isang linggo ko sa SNU napansin ko ngang maraming fans, I mean… kilala talaga magpipinsan sa eskwelahan namin. Akala ko nga mga eksaherada lang iyon nina Reyna at Maria. Almost everyone in the school knew them for their academic and athletic achievements.

Edi, sila na! Nuwa’y lahat!

But still, hindi naman porket gano’n sila ka-kilala sa SNU ay bayad na sila sa pang-aalila nila sa akin. Hindi ako ganon. Hindi ako nakakalimot lalo na’t sa mga hinanakit.

Ako: hellow, tanner. una sa lahat gusto kong magpasalamat na inimbita mo akong lumabas bukas. pangalawa, gusto kong mag-sorry kasi hindi pala ako matutuloy sa lakad natin tomorrow. may biglaang lakad kasi si akes kaya ganon… hindi ako available tom. pangatlo, sorry pa rin kasi nakapag-yes na ako sa’yo. pinaasa ba kita? at panghuli, pwede naman tayong lumabas sa susunod. hehe.

Pak! Pinindot ko ang send button. Hindi naman siguro masyadong OA ang hanash ko. Parang hindi naman halata na crush ko si Tanner.

Nalulungkot talaga ako. Gusto ko kasing kasama si Tanner kaysa sa mga mapuputing unggoy na ’yon! Tingin ko kapag kasama ko si Tanner ang gaan ng pakiramdam ko. Tingin ko prince charming ko si Tanner sa past life ko.

Binagsak ko ang cellphone sa mga damit na kinuha ko sa closet. Naghahanda na ako para sa lakad namin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kasi wala namang sinabi si Reign. Pero dahil dapat laging handa, may dala akong pang-swimming, essential ko for my skin, at dalawang pamalit na damit. May klase kami sa lunes kaya alam kong isang gabi lang kami kung saan man kami pupunta!

Mga magpipinsan na malalaki ang bayag. Ano ba kasi ang pumasok sa kukuti nila at naisipan nilang lumakad?

Mgwdanksk! Ugh! Isasama pa talaga nila ako Inis kong pinagpapadyak ang paa ko sa kama at sinabunutan ang buhok!

Sana talaga ayain pa ako ni Tanner sa susunod! Tingin ko kasi ito na ang simula ng love story namin ni Papi Tanner. Kaso lang may asungot–mga atribida sa buhay ko.

Sa isang bag ko pinagkasya ang mga gamit ko. Nagbihis na rin ako para bumaba. Ayaw kong may mapadpad na virus dito sa kwarto ko. Cotton pants na kulay baby pink at isang puting dri-fit shirt ang suot ko. Flip-flops lang din ang sapin ko sa paa kasi baka sa dagat lang kami o resort.

Sana man lang naging specific si Reign kung saan kami pupunta. Para naman alam ko kung anong damit ang isusuot ko. Para tama ang awrahan ko.

Bumuntong-hininga ako. Tamlay kong sinukbit sa balikat ang sling ng backpack bag at lumabas ng silid. Nang makarating ako sa dulo ng hallway, nakita ko na naman ang napakalaking family picture nila.

Saglit akong napatigil at tumitig doon. Talagang maganda ang lahi nila. Wala kang mapupuna sa physical features kasi ang gaganda at gwapo. Apat ang anak ni Lola Leticia at isa lang ang babae doon. Iyong babae kahit sa larawan lang alam mo nang istrikta. Iyong mga lalaki sobrang intimidating naman. Iyong mga apo naman… ay naku! Mga unggoy!

“Nanny~!” Pakantang tawag sa akin ni North.

Napaigik ako sa aking kinatatayuan. Nagbaba ako ng tingin sa ground floor. Nandon na ang apat. Si North lang ang may malaking ngisi sa akin, si Reign nakataas ang kilay, si Vidal nakangiwi sa akin, at si Daws naman mukhang pasan ang problema ng Pilipinas.

Ano bang problema ng mga ’to sa ’kin? Inaano ko sila? Akala mo naman talaga gustong-gusto kong sumama sa kanila. FTMI (For their more information), sila ang may nais na isama ako. Napipilitan nga lang ako eh!

“Ano na naman?!” Pa-singhal kong sagot kay North. Bumaba na ako sa mahabang hagdanan.

“Ang tagal mo,” angil ni Vidal.

“Sinurpresa ninyo ako eh. Sana kasi iniwan n’yo na lang ako. May lakad kaya ako bukas.” Nag-alala pa ako kasi walang reply si Tanner. Mukhang nagtatampo siya!

Bwesit na mga asungot ’to!

Lumipad ang mata ko kay Daws na parang pagod. Tumayo siya at nag-flex sa kanyang ulo.

“Let’s go,” anunsyon niya bago lumiko ang mata sa akin.

Tinaasan ko siya sa kilay ko. Sumama naman ang kanyang mata sa akin. Pinanlisikan ko rin siya sa mata ko.

Anong akala ng lalaking ito? Na magpapatalo ako? Chus! Nagpapa-alila ako pero nagpa-plot na rin ako ng revenge for them!

Pakyu sa kanila. Makakatikim sila sa ganti ng isang Cleo Guillermo!

Pinapunta ako ni North sa kusina kasi may kukunin pa raw ako. Hindi na lang ako umangal kasi sino ba naman ako sa bahay na ’to?

Nagpaalam ako sa mga maid na naiwan sa bahay. Awang-awa sila sa akin habang nagpapaalam ako. Siguro may lahi sila ni Madam Rudy Baldwin at naramdaman na nila ang future events ng lakad namin. Feel na siguro nila na kaka-awain ako ng apat!

“Mag-iingat kayo, Cleo. Tatagan mo lang ang loob mo ha,” si Ateng Jodel at inabot sa akin ang isang malaking eco bag.

“Habaan mo lang ang pasensya mo sa apat na batang iyon, Cleo.” Si Ateng Marli naman at inabot din sa akin ang isang itim na bag.

Ano mga ’to? Sheyt! Ang bibigat!

Si Ate Jodel ay isang single mother, matanda na at may konting puti ang buhok. Si Ate Marli naman ay nasa late thirties na rin at wala na ang asawa kasi nalunod sa sabaw. Emee! Nangibang bahay ang asawa niya kasi hindi raw siya mabuntis at gusto ng bata nung kanyang asawa.

“Huwag na kayong mag-alala sa akin mga Ateng ko! Yakang-yaka ko ang mga lalaking iyon! Kapag sumubra na sila… bayag nila ang magiging kapalit!” Hagikhik ko.

“Ikaw talaga, Cleo! Puro ka na lang biro. Alam mo naman ang apat na iyon. Masyadong mga tuso,” ani ateng Marli. “Kaya sumasakit ang ulo ni Madam Leticia sa mga apo n’yang iyan!”

“Tumigil ka na, Marli.” Suway ni Ateng Jodel kay ateng Marli. “Cleo, intindihin mo na lang ang apat.”

Umasim ang mukha ko. Ano pa nga ba?

“Malamang iintindihin ni Cleo ang mga ’yon, Ate Jodel, kasi wala siyang pagpipilian.”

Tinapik ko na lang ang balikat nilang dalawa. May plano pang mag-away sa harap ko eh.

“Chika na lang po tayo pagkauwi ko.” Paalam ko sa kanila.

Si Reign ang nag-drive kaya naman para kaming nasa karera. Napapapikit mata na lang talaga ako kapag may nakakasalubong kaming mga sasakyan. Nininerbyos naman ako kapag may sasakyang nauuna sa amin kasi nag-oovertake si Reign sa mga iyon. Parang pag-aari niya ang daan. Para bang siya ang hari ng highways!

Mga dalawang oras din kaming nasa byahe. Nasusuka akong bumaba ng kotse dahil sa sobrang hilo! Pumasok kami sa isang tanggapan.

Kumunot ang noo ko. Saan pala kami? Bakit ang daming pinadala nina Ate Marli at Jodel sa akin?

“Walang problema, sir. Sasamahan po kayo ng staff namin papunta roon sa cabin ninyo. Kayo lang po bang… apat—”

“Lima,” walang atubiling putol ni Daws sa babae na kausap.

“Okay, sir. Sorry hindi ko po kasi nakita.”

Abay malamang, Ate ko! Natatabunan ako rito sa likod ng mga higanteng ito!

“Enjoy your trip and your stay at Evermist Solace!”

Huh? Evermist Solace?

“T-teka,” tawag ko sa apat nang lumabas din kaagad kami sa tanggapan no’ng inn. Akala doon na kami.

“What?” ani Daws.

Tumalon naman ang puso ko dahil sa lamig ng boses niya.

“Saan ba tayo? Hindi pa ba tayo papasok sa room natin?” Turo ko sa inn sa likod. Nasa dalawang palapag lang iyon at may iba’t ibang  paraphernalia at emergency equipment pa.

“Maghi-hike pa tayo,” si Vidal ang sumagot sa akin.

Nabitiwan ko ang mga bitbit.

“Ano? Hike? Ayoko! Ayoko!” Pagmamatigas ko sa kanila.

Tiningnan ko sila isa-isa. Akala ko sa dagat— beach resort ang pupuntahan namin!

Naiiyak ako sa harap nila! Si Daws Umigting ang panga. Naka itim na breathable long-sleeves siya, abong nylon shorts, at sapatos.

Dumapo ang mata ko kay Vidal sa kaliwa niya, naka-pants ito na kulay abo at puting dri-fit sleeveless shirt. Kitang-kita ko tuloy ang bilog niyang braso. Ang laki! Si North naman ay itim na shirt, white convertible pants. At si Reign ay ganon din pants at t-shirt kaso kulay abo ang lahat ng suot niya. Lahat sila naka-sapatos talaga! Their muscles were accentuated by their fitted shirts. They looked enticing and pleasing to the eye. Hulmadong-hulmado ang biceps, triceps, at ang balikat na parang kayang pasanin ang mundo ko.

Ay sheyt! Hindi dapat iyan ang inaalala ko!

Deym! Bakit hindi ko ito napansin kanina? Bwesit! Sa sobrang pagkainis ko sa kanila ay hindi ko ito napagtuonan ng pansin! Kaya pala ang dami nitong pinabitbit nina Ate Marli at Jodel sa akin. Kaya rin siguro sila awang-awa sa mukha ko kanina!

Wytshdjndks! Bwesit sila! I have no choice nang dumating ang tour guide namin. Thankfully, si Vidal at North ang bumitbit sa dala ko kanina.

Shuta! My barbie arms. Huhuhu!

Laking pasalamat ko na lang na nakapag-pant din ako. I was tempted pa naman kanina na mag-shorts! Kaso lang maputik ang daan at makitid. Nang pumasok kami sa gubat ay medyo mayamog din at biglang nag-iba ang klima!

Huwag naman sana itong magaya sa mga pinapanood kong horror. Sa mga napapanood ko, isa-isa pa namang namamatay ang mga bida roon.

Nauna ang tour guide namin tapos si Reign, Vidal, North, ako at sa likod ko si Daws.

“Hoo!” Buga ko ng hangin!

Saglit akong tumigil at humigit ng hangin. Tang inang nature trip ito! Hindi ako nakapaghanda!

Pairap akong umapak sa isang bato nang ma-slide ang aking flip-flops!

“Ahh!” Sumabog ang tili ko sa buong kagubatan! Pumikit na lang ako.

Ako ba ang unang mamamatay sa amin dito?

Akala ko matutumba ako nang may kamay na humuli sa aking baywang. A huge and warm hands.

“Cleo!”

“Cleo!”

“Nanny!”

Sabay-sabay na sigaw ang narinig ko. Malakas ang alpas ng puso ko bago ko isa-isang minulat ang aking mata. Kumurap-kurap ako nang makita kong sinalo ako ni Dawson.

Tiningnan ko ang aking paa. Nasira ang flip flops ko.

“U-uh,” nangingiyak kong untag nang makita ko ang aking paa na dumugo.

Nasugatan ang hinalalaki no’ng finger toes ko! Nilapitan nila ako.

“Dalhin mo ito, Reign. I need to carry, Cleo. May sugat ang paa niya.”

Inilingan ko si Vidal.

Walang imik akong tinayo ni Dawson. Nakatitig siya sa hinlalaki ng paa ko na may sugat.

“Sir may dala po akong first aid. Pwede po nating gamutin ang sugat ni Sir pagdating sa tuktok. Malapit—” Ang tour guide na mabilis sinapaqan ni Daws. Bida-bida naman ang isanag ’to!

“Tend to his wound first, then we’ll resume.” Pagputol ni Daws sa tour guide.

Inalalayan ako ni Vidal paupo sa isang bato.

“Do you think you can still walk?” tanong ni North, may pag-aalala sa kanyang boses. Pinapagitnaan nila ako ni Vidal.

Si Reign at Daws nasa likod ng tour guide na gumagamot sa akin. Para silaw mga agila doon sa likod na nakamasid kaso nanunuklaw ang mga titig nila.

“T-tingin ko naman.” ani ko kay North.

“Pero naputol ang flip flops niya,” si Vidal.

“I’ll carry him.” Boluntaryo si Reign.

Sabay na umangat ang ulo ni North at Vidal kay Reign.

“No, ako na,” si North.

“No. Ako ang magbubuhat sa kanya,” ani naman ni Daws. “Ikaw ang magdadala sa bag ni Guillermo, Reign. May dala ka na North. Stick to it.”

T-teka lang naman!

Hindi naman siguro ako pinaglalaruan ng pandinig ko pero parang may narinig akong nag-tsk! Hindi ko lang alam kung sino!

Though nasugatan ako, nainis, galit, at masama ang loob sa apat. Nang makarating kami sa sinasabing Amora Scape, namangha naman ako sa bumungad sa akin.

It’s literally a paradise. Dito sa tuktok may isang cabin— ito siguro ang tutuluyan namin ngayon at ang sinasabi ng babae kanina na cabin namin. Wala akong ibang makita sa paligid kung hindi ang mga puting ulap na halos matabunan ang mga mabababang bundok! Tuktok na lang ang nakikita ko sa mga bundok dahil natatabunan na sila ng ulap.

Ang kulay dilaw naman araw sa isang dako ay unti-unti nang nawawala! Kahit nasugatan ako. Worth it pa rin siya!

“Wow!” Mangha kong untag habang nakayakap ang braso sa leeg ni Daws. I was still on his back, and he hadn’t put me down either.

Piniggy back ako ni Dawson since nasira na ang flip flops ko mula doon sa tinigilan namin. Though hindi ako naglalakad. Malakas pa rin ang kabog ng puso ko.

Hindi ko kasi aakalain na ang unggoy na ’to ang kakarga sa akin.

Ang tatlong unggoy nagkanya-kanya nang kuha ng video at larawan.

“I-ibaba mo na ako, Daws. Kukuha rin ako ng picture.” Tumingin ako sa kanyang mukha.

Pinagpapawisan siya at hiningal. Hindi naman kasi ako ganon ka-liit na tao. Pero hindi naman siya umangal eh.

Bigla siyang bumaling kung saan ang mukha ako kaya halos magtama ang aming ilong. Bumilog ang mata ni Daws, kagaya sa akin. My breath trapped in my throat. Pareho kaming nagulat doon at nabitiwan niya ako. Dahil din sa shock ko bumitiw ang braso ko sa leeg niya.

“Ahghh!” Daing ko nang lumagapak ang pwet ko sa damuhan!

“Daws!”

“Dawson!”

“What the hell, Daws!”

Angil naman ng tatlong nang makita akong namimilipit sa sakit ng pwet ko!

Oh my ged! My poor booty!


This story is already at

chapter 9

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 5

Chapter 5

Ika-ika akong naglakad sa loob ng aming cabin. Wawers naman! Ang laki pala nitong cabin. Though ito lang ang nag-iisang cabin sa tuktok ng bundok. The walls were made of stone pero ang kagamitan sa loob ay gawa sa kahoy. Overall, the cabin was made of concrete and hardwood. Ang may mga bintana na gawa sa transparent glass at may infinity pool din siya sa kabilang side. Several paintings were hung on the concrete walls.

“A-ahh,” daing ko at dahan-dahan na inupo ang sarili sa sofa na gawa sa kahoy pero may cushion naman na nakapatong at ilang throw pillow.

Siguro ay iba ang hangin dito sa Evermist Solace kasi hindi ako pinatrabaho ng mga asungot ngayon. Which is I think, tama lang kasi nasugatan ako at binagsak pa ako no’ng unggoy na Dawson kanina sa labas!

Pareho naman kaming nagulat pero kailangan bang ibagsak ako? Shuta niya ha! Ngayon tuloy iniinda ko itong pwet ko na parang nasipa ng kabayo.

My poor booty. Mukhang nagkapasa siya.

Tiningnan ko ang paa ko. Hindi naman ganon kalalim ang sugat pero ang hapdi niya kasi. Makakalakad naman ako kanina kaso lang wala akong extra na sapin sa paa. Sino bang mag-aakala na aabot kami sa bundok? Siguro ang apat na unggoy alam pero ako, hindi!

Grabe ang awrahan nilang apat pero ako naka flip flops lang. Hmp! Ang sasarap talagang tirisin ng mga iyon! Kung kaya ko lang talaga at may sapat lang akong lakas loob! Deym! Matagal ko na sigurong tiniris ang mga iyon kung kaya ko lang.

I craned my neck to see what they were doing in the kitchen. Yes. May kusina din itong cabin tapos sa labas may nakahanda ring barbecue stand at may mga sinibak ng kahoy just in case maisipan na magbonfire! Which is I think gagawin talaga namin.

“I don’t fucking know how to do this shit!” Padaing na reklamo ni North habang hawak ang barbecue stick at nagsusubok tuhugin ang marinated na karneng baboy.

“Goddammit! What’s the measurement for cooking rice?” Sunod namang reklamo ni Reign kaharap ang rice cooker. Akala niya naman sasagot ang rice cooker.

“How to fucking turn this on?” Reklamo naman ni Vidal habang tinititigan ang touch screen na stove.

Si Daws na parang hari sa kanila na nanonood lang ay biglang umeksena. Nakapamaywang siyang lumapit kay North na siyang nagtutuhog no’ng baboy.

“This is why I want to buy ready-to-eat foods,” sabi ni Daws.

“But we have Cleo,” said Reign.

“The dude is injured, Reign,” kontra naman ni North.

“But his hands are both fine,” sagot ni Reign kay North.

“Damn this! Look it up on the Internet. Malamang nando’n ang lahat ng solusyon sa problema natin.” Suhestiyon pa ni Vidal.

Daws, North, and Reign groaned at Vidal’s not-so-bright idea.

“Walang internet dito, Vidal.” Si North.

“Oh, shit! Right!” Si Vidal.

Bumuntong-hininga ako. Hindi talaga mabubuhay ang mga ’to dito sa bundok kung wala ako! Life saver nila ako! Emee! Muntik na ngang maging memories kanina paakyat!

Tiningnan ko ang cellphone. Binuksan ko ito at doon ko lang napansin na wala talagang signal kahit one bar man lang. No service ang dalawa kong sim!

Tumayo ako at ika-ikang lumapit sa mga asungot! Akala ko pa naman makakapagpahinga ako. Naturingang mga achievers ang mga ’to, eh hindi naman marunong kahit sa pagsaing lang ng kanin! Ultimo tuhog lang sa karne hindi pa alam!

Masyadong sini-spoil ni Lola Leticia ang mga unggoy niyang apo kaya ganito. Naturingang mga unggoy pero hindi mabubuhay sa kagubatan!

“Cleo,” ani Vidal.

Isa-isa ko silang tiningnan at dismayadong pinilig ang ulo.

“Tabi na. Ako na rito sa kusina.” Supi ko sa kanila.

“We’ll gonna watch you!” Matigas na sabi ni Reign.

Ay sus! Pa-bida!

Pinakita ko sa kanila kung papaano itusok iyong karne sa barbecue stick. Tinuro ko rin kung papaano paganahin iyong kalan at kung papaano magsaing!

“I know how to switch on the rice cooker; I just don’t know the measurement,” paliwanag pa ni Reign.

Sinamaan ko lang ito ng tingin. Malamig naman ang naging tingin niya sa akin.

Anong problema nito ngayon? Kanina lang nag-volunteer siya na bumuhat sa akin pero ngayon inaartehan na ako!

Luh? Sinumpong na naman ba ito? Please lang, huwag naman ngayon! Nasa bundok pa naman kami at wala kaming ibang kasama. Bumaba na umalis din kasi iyong tour guide na naghatid sa amin. Babalik na lang daw iyon bukas.

Ang pangit ng pagkakatusok ni North doon sa mga baboy pero okay na rin. Binalatan ko na rin iyong mga jumbo hotdogs para matuhog na rin ni North.

Ngayon na tahimik sila at nagtutuhog sa hotdogs at baboy, okay naman pala silang kasama. Kung wala silang prank sa akin, ayos lang naman pala. Walang nakaisip ng prank at hindi nila ako pinagdiskitaan kaya naging matiwasay ang pagluto ko.

Kaso lang hindi ako komportable kasi nakasunod ang apat na pares ng mata sa akin. Nako-conscious tuloy ako. Their eyes feel so heavy behind me whenever I turn my back to them.

Si Reign at Daws inutusan kong mag-ihaw sa labas. Si North at Vidal naman ang nag-ayos ng mga panggatong para sa bonfire namin mamaya sa labas.

“Hinaan lang ang pagpaypay, Reign! Masusunog ang ulam natin n’yan. Tingnan mo ’yang hotdog. Sunog na.” Inagaw ko sa kanya ang pamaypay.

Kawawang hotdog nangingitim na.

“Ako na. I know what to do!” Hablot niya sa pamaypay mula sa akin.

Sinulyapan ko si Dawson na tahimik lang na nagpapaypay at binabaliktad ang barbecue niya.

“Tama na ba ito?” Tinaas ni Dawson ang lutong pork barbecue.

Tuwa kong nilapitan si Dawson. Inagaw ko sa kanya ang barbecue at kumagat doon.

“Ito! Tama ito!” Nagthumb’s up pa ako sa kanya.

Daws just scowled at me.

Uh? Siya na nga itong pinupuri eh!

Pagkatapos naming magbarbecue, pumasok kami sa loob. Naghain na rin ako para sa aming hapunan.

“What the heck?! Sinong nagluto nito? Bakit sunog?” angil ni Vidal nang mapulot ang hotdog na sunog!

“Shut up, Vidal. “Just eat what’s on the table!” Malditong untag naman ni Reign.

Natawa ako. Muntik pang lumabas sa ilong ko ang kanin sa pagpipigil kaso nakawala talaga. Ayaw niya lang talaga punain ang mga sunog niyang niluto!

“What funny?” Istriktong tanong ni Daws.

Umiling ako.

Tumalim ang titig ni Daws sa akin kaya iniwas ko ang mata ko sa kanya. May mga saltik talaga sa tuktok itong mga magpipinsan na ’to. Everytime na akala ko, ayos na kami. Biglang susumpungin.

Matapos ang hapunan, nagbihis sila bago lumabas. Ginawan ko ang apat ng hot chocolate. Para sa sarili ko lang sana iyon kaso naawa naman ako. Mga alaga ko pa naman sila.

Nakapalibot kami sa apoy kaya hindi masyadong malamig. Ang konting puting ilaw na mula sa balkonahe ng bahay ang nag-iilaw sa amin dito sa labas maliban sa malakas na apoy sa gitna.

“Mag-o-open forum ba kayo? Sabihin n’yo lang para makaalis ako.” Pagbasag ko sa katahimikan nila.

Ewan ko ba. Mas okay sa akin na maingay sila kaysa sa tahimik. Mas kinakabahan ako kapag nagtitigan lang sila kasi tingin ko nag-uusap ang kanilang mata. Tapos ako parang tanga rito.

O baka sanay lang ako na lagi nila akong pinagtitripan kaya ganito ako kabalisa.

From the very beginning, may kakaiba na talaga akong nararamdaman sa mga magpipinsang ito. Aside sa kinakawawa nila ako at laging pinagkakaisahan. May bagay talagang… hindi ko maipaliwanag. May mga pagkakataon na naabutan ko sila sa sala na seryosong nag-uusap pero kapag napansin nila nasa paligid ako umaandar ang pagiging tuso nila.

Minsan nga napapansin ko silang nag-iexchange ng mga weird looks sa loob ng kotse! And it creeps me out!

Baka kasi nagpa-plot na rin sila ng prank sa akin. What if maisipan nila akong ilagay sa freezer? What if lang… bigla silang sumpungin at itapon ako sa bangin? Or worse baka mga serial killer ang mga ’to!

Kagaya ngayon! Wala kaming kasama. Baka pagkaisahan nila ako at katayin? Walang makakaalam kasi kami lang dito!

“You’re ovethinking again,” ani Daws.

Lumipad ang mata ko sa kanya. Madrama kong tinakip sa aking bibig ang isang kamay.

Hala! Mind reader ba ito? Nakikita o nababasa niya ba ang tumatakbo sa isip ko?

Sheyt! This is over for me!

“I’m not a mind reader or anything. It’s obvious from how your lips are pale and your shoulders are quivering.” Dugtong ni Dawson at sumipsip sa kanyang baso!

“Heh! Amfee mo naman! Wala naman iniisip! Baka kayo may iniisip na namang kagaguhan. Tandaan ninyo na nasa bundok tayo. Walang ibang tao!” Kinakabahan kong untag. Kahit na anong pigil ko para huwag mahalata na natatakot ako, nanginginig pa rin ang boses ko.

“Oh, ano kaya ang mabuting gawin ngayon? Tama ka, Cleo. Tahimik, walang ibang tao—tayo lang.” May panunuyang saad ni Reign.

A devilish grin curved his lips!

Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan!

“Ahhh!” Tili ko. “Huwag ka ngang gumaganyan, Reign! Kinakabahan ako sa’yo!” Naiiyak kong untag!

Lola Kora! Lola Leticia!

“Stop it, Reign.” Suway ni North kay Reign.

Dumiin ang titig ni Reign kay North.

“Give Cleo a break. May sugat ’yan. Hintayin muna nating gumaling iyan bago natin—”

“Tumgil ka, North!” Putol ko sa kanya.

Tingnan mo na. Sinumpong na naman.

“Anyways, Cleo. How are you… and that douchebag?” tanong ni Vidal.

Tumingin ako sa kanya. Blanko ang kanyang mukha.

Douchebag?

“Huh?” Lito kong saad.

“The boy who was with you during the campus walk-through.” North hinted.

Humaba ang nguso ko. Hay! Si Papi Tanner pala ang tinutukoy nila.

Inipit ko ang labi ko. Enebe?! Bakit nila ako tinatanong tungkol kay Tanner?

“Si Tanner?” Pabebe kong sagot.

Reign’s face contorted as if I had said something cringeworthy and strange. Daws’s face remained stoic, as always. Kung hindi siya naka-kunot noo, laging masama ang tingin niya sa akin. Na para bang may utang ako sa kanya na nakalimutan ko na. Vidal and North raised their eyebrows to their hairlines.

Anong klaseng mga ekspresyon ’yan? Hindi ba pwedeng kiniligin? Wala sigurong mga love life ang mga ’to! Ay sus! Mga one night stand lang ang mga hilig nito! Ipupusta ko pa ang virginity  ko!

Dahil naputol yata ang dila nila at hindi makasagot sa akin. Nagpatuloy na lang ako. I don’t know why they suddenly became curious about my Papi Tanner, but I still can’t keep my mouth shut.

“Nothing special.” Sinubukan kong itago ang kilig ko. Ngumuso ako, stifling a huge smile on my lips. “Hindi kami nagkakasama masyado  kasi magkaiba ang course namin. Pero nagkikita naman kami sa hallways, cafeteria, at sa ground ng school.” Share ko sa kanila.

Isa-isa ko silang tiningnan kasi ang naririnig ko lang ay ang pagtupok ng apoy sa kahoy. Napaatras naman ako sa aking kinauupuan nang makita kong nakatingin silang apat sa akin.

“A-ano bang problema ninyo? Nagkukwento ako sa crush ko rito. Kayo baka gusto ninyong mag-share?” Nagkukumahog kong sabi.

Na-over share na naman ba akes dito?

Nalaglag naman ang panga ko nang sabay silang bumuntong-hininga at sumandal sa kanya-kanyang upuan.

Ehh?

“Is he bothering you?” tanong ni Reign, nilapag ang baso sa ilalim ng upuan niya. Mukhang ubos na ang hot chocolate niya.

“Anong bother? Iyon nga ang gusto ko eh. Lalabas nga sana kami bukas pero dahil sa trip ninyong ito. Napurnada ang date namin!”

Kahit di ako sure kung date ba talaga iyong pag-aya ni Tanner sa akin!

“He asked you out?” si Vidal.

“Oo nga! Dumating ka kanina kaya naputol ang kilig ko.”

He frowned. “Kaya pala gumulong-gulong ka kanina sa kama mo? Para lang sa date?”

“Hoy!” Dinuro ko si Vidal. “Big deal sa akin iyong date, ’no! Siya palang kaya ang nag-aaya sa aking lumabas!”

“Lumabas naman tayo ngayon,” sabay bigla ni North. “Nandito pa nga tayo sa bundok!”

Sumimangot ako sa kanila.

“Ha.ha.ha!” Sarkastikong tawa ko. “Ang funny mo, North!”

Pasimple akong lumingon kay Daws na siyang nasa tabi ko pero super tahimik niya the whole time! Pinaglalaruan niya lang ang baso na hawak niya at umiigting ang panga.

What’s new? Palagi namang tipid ito magsalita. Akala mo talaga may bayad ang bawat buka ng bibig niya.

Humigit ako ng hangin. Masyado nang malamig ngayon dahil lumalalim na ang gabi.

“O-oi, Daws,” tawag ko rito. Para siyang robot na humarap sa akin. Napalunok tuloy ako. “Salamat pala sa pagkarga mo sa akin kanina kahit hindi naman kailangan. Pero kasalanan n’yo rin kung bakit ano nadulas, ’no! I’m not prepared for this trip. Nag-flip flops lang tuloy ako!”

Nagtagpo ang kilay ni Dawson. “Nagpapasalamat ka ba o naninisi?”

Nagmake-face ako sa kanya.

“Nagpapasalamat at naninisi sa inyong lahat!” At isa-isa ko silang tinuro!

“Matulog na tayo,” aya ni Reign.

“T-teka lang!” Tumayo ako. “I-isa lang ang kwarto ng cabin.”

Nagkatinginan sila.

“And so?” si Vidal.

Wytzvxshsk! Sarap talagang tusukin ng mata nito.

“Anong and so? Saan tayo magtutulog? Ako? Saan?”

“Sa kwarto, nanny,” sagot naman ni North. Tumayo siya at nag-inat sa malaking braso!

“Ha? Matutulog ako kasama kayo sa kwarto?” Bumilog ang mata ko.

“What’s wrong with that, Cleo?” Pagod na wika ni Vidal.

“Hoy! Hindi ako matutulog na kasama kayo sa kwarto!” I crossed my arms over my chest. “What if may gawin kayong masama sa akin? What if… patayin ninyo ako while tulog ako?” Kinakabahan kong untag.

“If we wanted to kill you, we would have done it a long time ago,” husky at malamig na saad ni Daws.

Bumaling ako sa kanya dahil ginapangan ako ng kakaibang lamig sa likod ko dahil sa boses niya. Tiningala niya ako.

Sometimes, okay na pala na tahimik si Dawson. Hindi kasi maganda ang lumalabas sa bibig niya.

I rubbed my hands over my arms as I felt all the hair on my body stand up.


This story is already at

chapter 12

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 6

Chapter 6

“Bakla, anetch nangyari sa’yo?” Tawa-tawang tanong ni Reyna sa akin.

Laking pasalamat ko nang pagkatapos sa aming first period ay vacant namin kaya naman naka-idlip ako. Pero kahit naka-idlip ako, pumipikit pa rin talaga ng kusa ang mga mata ko. Iyong kahit na anong pigil ko na ’wag pumikit, kusang namimigat na ang mga takipmata ko.

At sinong may kasalanan nito? Aba! May iba pa ba maliban sa mga alaga kong unggoy? Sila lang ang kasama ko buong weekend kaya sila ang may salarin kung bakit ganito ako kapagod at ka-antok.

Pumasok ako ngayong monday sa 7 AM class ko na haggardo versoza!

Wiz ko alam kung knows na ba nila na beklabu akis. Nevertheless, sa iisang kwarto talaga kami natulog doon sa cabin. Malaki nga iyong cabin pero isa lang naman ang silid. Kapag nag-inarte ako, sa labas ako matutulog at mapu-frozen pa ang ganda ko kapag nagmatigas akis!

Isa lang ang silid pero may tatlo namang kama sa loob. Magkakatabi sila Reign at Daws tapos si Vidal naman at North. Syempre, ako naman mag-isa ang atake sa kama. Kaso lang kahit mag-isa ako sa kama hindi ako makatulog ng maayos!

Just imagine na apat na otoko ang kasama ko sa iisang silid tapos hindi pa marunong magdamit! Talagang topless ang lahat na dumapa sa kama. Para talagang sinusubukan ako ni Lord sa mga oras na iyon. Mabuti na lang matibay ang self-control ko at devotion ko. Hindi ako nagpadala sa mga temptations!

“Cleo Guillermo to earth! Yeah?” ani Maria sabay tampal sa mesa kung saan ako nakahalumbaba.

“Baklang borikat ka!” Gulat kong sambit at napatalon.

Masama kong tiningnan si Maria at Reyna bago umayos sa pagkakaupo. Pinlantsa ko ang uniform gamit ang kamay ko. Inaantok ko silang pinukol ng tingin. Pagod kong nilagay ang kamay sa ibaba ng mesa at pinagsiklop.

“Bakit ba?” tanong ko.

“Nagtatanong kami kung anetch ba ang ginawa mo no’ng weekend at bakit ganito ka? Haggardo versoza kang pumasok. This is not you!” Tampal pa ni Reyna sa kamay ko.

Ngumiwi ako.

“Haggardo versoza but stil hagarDina bonnavie!” sabi ko sabay sway sa aking mga balikat.

“Naka-idlip ka ba talaga, bakla? O baka nagdi-daydream ka pa rin?” Pagbara naman sa akin ni Maria.

“Heh! Tigilan n’yo nga ako! Napagod lang ako kasi…” saglit akong napatigil. Oh my ged! Dehins pa pala nila alam na nakatira ako sa mansyon kasama ang mga hinangahaan nilang otoko rito sa campus!

Iyong mga idol nila, unggoy lang sa paningin ko. Sila patay na patay roon pero ako gusto ko nang yakapin ang mga Alvarez De Toledo na iyon sa leeg hanggang mag-violet!

Pwsdgfshk! Kung kakayanin ko lang talaga ang mga iyon. Kaso sa pangangatawan pa lang dehado na ako eh. Tapos apat sila, ako mag-isa lang. Hindi pa nagsisimula ang plano ko, talo na ako!

Kainis!

“’Di ba, working students ang beautiful na ’to?” Nilagay ko sa ilalim ng baba ko ang likod ng palad at mahinang t-in-ap ang baba. Kita ko ang mga protesta sa mukha ng mga beklabu kong friends kaso walang nagsalita sa kanila.

Nagpatuloy ako. “Last weekend kasi naisipan nilang magcamping kami. Umakyat kami ng ilann bundok bago nakarating sa camp site! Alam n’yo ba ang Evermist Solace? Doon kami pumunta!”

“Reyal!?” untag nilang pareho.

Exaggerated akong tumango. “Hmm!”

“Ang ganda roon, bakla ka!” Sampal ni Reyna sa aking balikat.

“Maganda nga pero grabe rin ang happenings na nangyari doon!” ani ko.

Naputol ang flip flops ko. Piniggy back ako ni Dawson. Pinag-ihaw ko si Reign at Dawson. Natulog ako sa iisang silid kasama ang apat na unggoy! Never in my wildest dream naisip na pwede pala iyon. Na kakayanin ko pala kahit wala akong tulog.

“Ilan ba kayong pumunta roon, baks?” si Maria.

“Ahm, lima lang.”

“Lahat ng mga kasama mo alaga mo? Kaya ba ganito ka ka-haggard?” si Reyna.

Tumango na naman ako. Mga alaga ko naman talaga ang kasama ko eh. Mga alaga na may saltik at daig pa ang babae na may PMS kung sumpungin!

“Hah? Papaano mo naman nakayanan? Ilang taon na ang mga alaga mo? Don’t tell me may pinapasuso pa?” Natatawang sambit Reyna.

“Actually…” Lord! Wala naman sigurong masama kung sasabibin ko ito sa kanila? Friends naman kami saka hindi naman ako pinagbawalan ni Lola Leticia na ipagsabi na alaga ko ang mga apo niya.

“Actually, anetch?” Dugtong ni Maria sa akin kasi ilang minuto rin akong natanga sa harap nila ni Reyna.

Deym! Bakit ba ang tagal ng instructor namin ngayon? Kinabahan tuloy ako rito!

“Promise muna kayo,” saad ko.

Nagtagpo ang plakadong kilay ni Reyna. “Huh? Anong promise iyan?”

“Uy, baks, kinakabahan ako sa’yo. Anak ng kriminal ba iyang mga binabantayan mo?” si Maria. Jusko! Kung saan-saan naman umaabot ang imagination nito!

“Basta promise muna kayo na kahit anong sasabihin ko… mananatili lang ito sa atin! Promise na hindi ninyo ito ipagkakalat!”

Baka kasi masira ang reputation ng mga unggoy na iyon rito kapag nalaman ng mga tagahanga nito na may nanny pa ito. Grabe naman kasi si Lola Leticia. Pero dahil sa apat na iyon kaya ako nandito sa SNU.

“Okie, okie! Promise!”

“Promise!”

Tinaas pa nila ang kanang kamay.

“Spill the tea na. Baka dumating na ang instructor natin.” Atat na wika ni Maria.

Kinamay ko sila na lumapit sa akin. Inusog nila ang upuan palapit sa akin. Nilapat nila ang ulo sa akin. Tiningnan ko ang dalawa na kuryosong-kuryoso.

“Alam n’yo na naman ’di ba na may inaalagaan ako? Kaya ako nakapasok dito sa SNU dahil doon.”

Dumiin ang titig ni Reyna sa akin. “Oo, bakla alam na namin iyan kaya dumeretso ka na sa mismong tea! Nakaka-intriga ka lalo eh!”

“Makinig ka na lang, Reyna!” suway naman ni Maria kay Reyna.

“Eh kasi… iyong mga inaalagaan ko… college na sila-”

“Huh? College?” sabay nilang sambit, naputol ako sa gulat dahil sa biglaan nilang sigaw!

Mahina kong sinabong ang ulo nila. Umaray ang mga ito.

“Manahimik nga kayo!” ani ko nakatingin na sa amin ang classmates namin. Na para bang mga weirdo kami rito. Lalo na no’ng grupo ng mga babae na may lihim yatang bad blood sa amin!

“Teka lang kasi. College na pero bakit naman may babysitter o nanny pa? Ang tatanda na naman.” Komento ni Reyna.

“Alam ko. Basta iyon ang trabaho ko, may mga college na binabantayan.” sabi ko, pero parang laruan lang naman ako sa apat na iyon. Inaalila nila ako at laging napagtitripan!

Kagaya na lang kanilang umaga! Huli kasi akong bumaba kasi marami pa akong ritual na ginawa sa silid. Kampante naman ako kasi nagluto naman ng breakfast si Ate Marli at Jodel.

Masaya sana ang almusal ko kanina kasi akala mo may truce sa amin no’ng mga ADT. Kaso nilagyan pala nila ng maraming sila ang ulam ko. Hindi ko alam kung gaano karami ang sili na nilagay nila pero naiyak ako sa sobrang anghang no’n! Tingin ko nga napaso ang dila ko.

Nanggigil nga ako ngayon nang maalala ko ito.

“Dito rin ba sila pumapasok sa SNU, baks? As in iyong apat na binabantayan mo? O sa ibang school?”

Bumuntong-hininga ako. “D-dito rin.”

“Talaga? Freshmen ba? Tulad din natin?” si Reyna.

Umiling ako. “T-third year na!”

“Huh?” sabay ulit nilang untag.

“Maniwala kayo’t sa hindi… third year na sila!” wika ko.

“Sino ba ang mga ito nang ma-judge namin sila?” ani Reyna, bakas na sa mukha niya ang pagkadisgusto.

“Nakakatawa naman na 3rd year na pala pero may nanny pa! Jusme! Ano sila? Kailangan pa bang paliguan? Pasusu-in?” Tawang-tawa namang sabi ni Maria at nakuha pang makipag-apir kay Reyna.

Maingay ang kanilang tawa, parang mga baliw! Di nila alintana ang mga ngiwi ng aming mga etchoserang classmates!

“Actually, sila ang iniidolo ninyo-ang mga Alvarez De Toledo ang alaga ko!” sabi ko sa gitna ang tawanan nila.

“Hahaha! Alvarez De Toledo raw!” si Maria.

“Alvarez De Toledo-” ani Reyna.

Natigilan silang dalawa, na-bato. Ilang sandali ay sabay nila akong binalingan. Bumilog ang mga mata, animo’y nakakita ng multo.

“Ano!?” Napatayo pa ang mga gaga!

“Sshh!” Supi ko sa kanila. Hinila ko sila paupo! “Ang ingay n’yo talaga!”

“Tama ba ang narinig namin? Alvarez De Toledo?” Pasigaw ngunit mahinang untag ni Reyna.

“As in iyong mga Alvarez De Toledo na kilala namin?” si Maria.

“Oo nga! Basta iyong promise ninyo ha.” Tumalikod ako sa kanila.

Ang mga walang hiya inikot ang upuan ko para iharap sa kanila!

“So, kilala mo sila? Magkasama kayo sa bahay? Anong amoy nila sa bahay, baks?”

“I wonder kung ano ang ginagawa nila sa bahay! Araw-araw mo pala silang nakikita? Nakakasamuha?”

Intrigang-intriga ang nga bakla! Jusko! Jusko! Kung alam lang talaga nila kung gaano ka-childish ang mga iniidolo nila! Kung alam lang talaga nila kung gaano ka-sama ang mga iyon sa tulad kong byutipol!

“Tao pa rin ang mga iyon sa mansyon ni Lola Leticia. Mabaho at maingay din kapag umutot. Nakakasama ko sila sa bahay pero naaasiwa ako sa mga pagmumukha ng mga iyon.” Sumasama ang mukha ko habang nagsasalita. “Saka malay ko ba… sa mga amoy ng nila? Dugyutin ang mga iyon.”

“Uy, grabe ka na, bakla! Feeling ko may lihim kang galit sa mga Alvarez De Toledo,” apila naman ni Maria.

“Aysus! Pinagtatanggol mo pa talaga ang mga iyon. Ako ang kaibigan ninyo!”

“Pero may crush kami sa kanila.” si Reyna.

“Yeah~!” si Maria.

“Pero, bakla, kilala mo na pala sila from the very beginning?” usisa ni Reyna.

“Hindi. Aside sa names nila, wala na akong alam. Kaya nga hangang-hanga ako sa inyo na kilalang-kilala ninyo ang mga unggoy na ’yon!”

“S-sinong unggoy?” ani Maria.

“Ang mga magpipinsang iyon!” Deretsong sagot ko.

Iningusan ako ni Reyna. “Grabe, akla! Gandang-ganda sa self?”

“Of course! I am… byu.ti.pel!” (Beautiful)

Ginulo pa nila ako. Nagsisi tuloy ako kung bakit ko inamin sa kanila na nasa iisang puder lang ako at ang mga Alvarez De Toledo. Kung ano-ano na ang mga tanong sa akin.

Tama bang itanong kung ano ang kulay ng brief ni North? Ni Reign? Tapos, favorite food daw!

Jusko! Basta kung ano ang ihain sa mesa kinakain ng mga ’yon! Basta edible kinakain no’n!

Nanindig ang balahibo ko nang tanungin ako ni Reyna kung ilang inches daw ang mga batuta ng mga otoko!

Gaga talaga! Anong akala nila sa akin? Ni hindi ko nga nakita ang mga burat ng mga lalaking iyon. Pero… kung pagbabasihan ang bakat. Naku! Malamang parang ahas! Nakatabingi pa nga sa haba! Para sigurong bottled water ang taba, pero ang haba hindi ko na alam kung ilan.

“Magkakilala kasi ang lola ko at ang lola nila. Dahil mahirap lang kami, naisapan kong pumasok kina Lola Leticia. Iyong ang dahilan kung bakit ako naging working student sa kanila.” Kwento ko. Ayaw ko nang sabihin sa kanila na gusto ni Lola Leticia putulin ko ang sungay ng mga apo niya. In short, susubukan kong patinuin ang apat na unggoy.

“Hindi na ba sila naghahanap ng ibang working student?” ani Reyna.

“Oo nga! Naghihirap din kami, Cleo.” ani Maria.

Mga gaga! Ako pa ang lolokohin!

Naudlot din ang aming pag-uusap nang dumating ang instructor namin. Hanggang sa maglunch na kami. At bigla namang may binalita si Reyna sa amin ni Maria. Inaya niya kaming lumabas mamayang gabi para manood daw ng car racing! Si Maria naman excited na excited.

Hindi ko alam na may ganyan pala rito!

Nang magsi-uwian kami, iyon ang laging pinapaalala ni Reyna sa akin. Of course, na curious naman ako kasi wala no’n sa amin, kaya gora na rin.


Nang sumapit ang gabi. Hinintay ko munang tumahimik ang buong mansyon. Na-plano ko na naman kung saan ako lalabas kaya hindi na siya mahirap!

At nang sumapit ang alas otso, tama na tumahimik na ang buong mansyon. Maingat akong bumaba sa makurbang hagdanan at dumaan sa kitchen bago ako umikot sa gate.

“Ang tagal mo naman!” Reklamo ni Reyna sa akin. Siya ang sumundo sa akin.

“Tumakas pa kasi ako,” saad ko, kinabit ang seatbelt.

Suot ko ang maikli at puting maong shorts, cotton sweatshirt na kulay cream at sapatos na kulay puti rin.

Nag-uusap kami ni Reyna tungkol sa car racing na aming pupuntahan. Hindi naman pala permitted ang car racing na iyon. Pero may mga mayayaman na audience na siyang pasimuno at pumuprotekta.

“Dito na tayo?” tanong ko nang tumigil ang sasakyan. Sumilip ako sa labas at ang daming tao! Medyo madilim pero ang maliwanag ang kahabaan ng highway.

Lumabas kami ni Reyna. Hahanapin pa raw kasi namin si Maria na nauna na sa amin. May mga sasakyan kasi sila. Ako nakiki-hitch lang.

Umawang ang labi ko nang makita ko ang mga babaeng naka-pekpek shorts, mga tao na kanya-kanyang bitbit ng alak, tapos sumasabog din ang amoy ng sigarilyo, pabango, at usok na galing sa ignition ng sasakyan! Maingay at magulo.

“Reyna! Cleo!” Tawag ni Maria sa amin ni Reyna. Nasa tabi mismo ito ng isang sasakyan na parang kasali rin sa racing mamaya.

Nang makalapit kami ni Reyna kay Maria. Mabilis itong mag-abot sa amin ng alak.

“D-di ako umiimom…”

“Tanggapin mo na. Minsan lang naman ito saka 10 AM ang firist subject natin bukas.” Pagputol ni Maria sa akin.

Malalim ang naging lunok ko at tinanggap ang alak. Humarap kami sa daan. At nakita kong may bagong dating na sasakyan.

Teka… bakit pamilyar ang kotse na iyon?

“Shocks! Dumating na si Reign!”

“Malamang may pinalampas ba iyan na race dito?”

“Sa bagay nga.”

“Pero wala yata ang mga pinsan niya?”

Nanlamig ako bigla.

Kailangan kong magtago! Dapat hindi ako makita ni Reign! Tumakas lang ako sa mansyon. Alam ko naman na maraming tao pero may chances- it’s too late. Bago pa man ako makaalis sa pwesto ko nagtagpo na ang mga mata namin ni Reign!

Kumabog nang malakas ang puso ko na parang gustong lumabas sa ribcage ko. Kahit malayo ramdam ko ang talim ng titig nito.

Shuta! Nakita niya ako!

Na-estatwa ako sa aking kinatatayuan nang makita ang malalaking hakbang ni Reign patungo sa amin. Nang makarating ito sa harap ko ay walang atubiling hinaklit ang braso ko.

“What are you doing here!?” Nanlisik ang mata niya at kumuyom ang mga panga.

Sinubukan kong bawiin ang braso ko kaso bumaon lalo ang daliri niya sa balat ko. Dinaga lalo ang dibdib ko.

Napangiwi ako sa sakit. “R-Reign,”

“Hey, Reign Bowie Alvarez De Toledo!” May lalaking tumawag sa kanya.

Reign looked over his shoulder, pero hindi niya ako binibitiwan.

May lalaking lumapit at halos manginig ako nang makita ko ang hitsura nito. Ngumiti ito at nakita ko ang dila niya, may kuminang doon. May piercing siya sa kilay, ilong, labi, at dila.

“Paxon,” Reign growled. Binaba niya ang kamay at tinago ako sa likod niya.

“Who’s this pretty chick, Reign? Bakit mo tinatago?”

“He’s off-limits, Paxon,” Reign said coldly.

“Uhoh!” Paxon scoffed. “Para ka namang hindi sanay, Reign Bowie. We used to share woman. Come on, don’t be greedy.”

“I said… he’s. off-limits!” Reign barked.

Parang demonyo na tumawa iyong Paxon. Napakapit ako sa black leather na jacket ni Reign.

“Tsk! Bakit hindi natin daanin ito sa laro? The winner will take that pretty boy home.” Anunsyo no’ng Paxon!


This story is already at

chapter 14

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 7

Chapter 7

Shuta! Is this guy for real? Ano? Ako ang gagawing premyo sa laro nilang ito? Seryoso ba ’to? Anong akala niya sa ’kin? Trophy? Pera? Na pwede nilang iuwi kapag nanalo sila?

Sa totoo lang malapit na akong magwarla rito sa likod ni Reign kaso natatakot ako. Natatakot ako sa Paxon na ’to kasi tadtad ang katawan ng tattoo. Nanlilisik pa ang mga mata na para bang… may tama? Ay ewan ko! Tapos may mga piercings pa sa kung saan-saan.

Iba iyong nararamdaman kong kaba ngayon. Sanay naman akong makipagtalo sa mga ADT kaso ngayon iba kasi itong kaharap ko. May feeling kasi ako na kahit na ano pang galit ng mga ADT sa akin, hindi nila ako sasaktan. At least, ’di ba?

Kaso itong Paxon. Parang wala itong sinasanto eh. Sa mga piercings at tattoo palang nanginginig na ako. Sa leeg at braso, napuno iyon ng kung ano-anong tribal tattoo. 

But then, bakit kilala ni Reign ang ganitong lalaki? Ganito ba ang kaibigan niya sa labas kapag wala siya sa mansyon at sa school? Papaano niya nakilala ang ganitong klaseng tao? And if my memory serves me right, sinabi ng Paxon na ’to na they used to share women? Ano iyon? Nagpapasahan sila ng babae? Kadirdir naman ang mga ’to!

Oh my ged! Sa sitwasyon ko ngayon iyan pa ba ang iisipin ko? Kung seryoso itong Paxon na ’to na ako ang magiging trophy nila ngayong gabi, hihimatayin ako!

A.Yo.Ko!

I turned to Reyna and Maria, and their jaws practically hit the ground. Kung may iniinom lang sila ngayon baka nakita ko na kung papaano umagos iyon mula sa kanilang bibig. Ewan ko kung gulat ba sila sa nakikita nila o laglag ang panga kasi nadawit ako sa litseng sitwasyon na ’to!

And if it weren’t for them hindi rin naman ako mapapapdpad sa lugar na ’to! They’re the one who invited me to this kind of place. To this illegal place!

“R-Reign,” I uttered, my voice shakier than it should have been. Together, I tugged on Reign’s jacket. 

Umiigting ang panga ni Reign nang bumaling sa akin. Parang puputok na ang ugat niya sa noo at leeg dahil sa pagpipigil.

Ano? Siya pa ngayon ang galit sa akin? Ako ba ang pagbubuntunan niya ng sisi ngayon? Aba! Hindi ako papayag!

“You could’ve gone to bars instead of coming here, Cleo Guillermo! Of all places, why the hell are you here?” Every word that came out of his mouth was laced with cruelty and emphasis.

Tinaas ko ang tingin sa kanya. Niyakap ko ang sarili dahil bigla akong nilamig. Alam kong gabi na kaya malamig na ang hangin pero iba—iba ang lamig na nararamdaman ko ngayon. The way Reign’s eyes stared at me made my knees weak—or maybe it was because of all the tension I felt!

“H-hindi ko naman alam! Curious lang din ako kaya sumama ako kina, Reyna at Maria!” Matapang kong untag kahit malapit na akong mag-collapse.

Reign ran his fingers problematically through his slightly wavy dark brown hair. Dahil sa kanyang ginawa lumitaw ang natural na highlights no’ng dark brown niyang buhok!

“Bakit ka k-kasi lumapit sa akin?! Dapat hindi ka na lumapit! Manonood lang naman ako. Hindi naman ako gagawa ng kung ano!” Satsat ko pa sa kabila nang malakas na hampas ng damdamin ko.

Totoo naman. Kung hindi siya lumapit sa akin hindi ako makikita nitong obnoxious na si Paxon! Kahit sabihin pang nakita niya ako, dapat ’di niya nilapitan!

“Do you have any idea how dangerous this place is?” he hissed.

“Ewan ko!” sagot ko naman. Napahagod si Reign sa kanyang noo, nakokonsumi na yata sa ’kin. “Eh, ikaw bakit ka nandito kung delikado?”

“I’m not talking about myself. I’m talking about you! It’s dangerous for you to go out at this hour!”

Sumulyap ako sa likod ni Reign at nanindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang makita ko ang ngisi ni Paxon! Naglip-bite pa siya. Akala niya naman kina-gwapo n’ya  iyon.

Niyakap ko nang mahigpit ang katawan ko at iniwas ang tingin kay Paxon. Naririnig ko na ang mga bulong-bulongan mula sa mga taong nag-aabang ng laro.

My eyes began to burn as tears started to form. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagbalot ng ibang jacket sa balikat ko. Naiangat ko ang namamasa kong mata kay Reign. Nanatiling kuyom nito ang panga at nanlilisik ang mga mata.

“Stay here,” he said in deep tone.

“P-pero papaano iyong laro? R-Reign, ayoko ko.” Umiiling kong untag. “Pumusta ka na lang ng pera!” Giit ko.

He sighed audibly. “Do you think that’s easy? That man was insane!”

“R-Reign,” my eyes fluttered.

“Now you’re scared. Brace yourself, Cleo,” he warned.

Akmang tatalikod na si Reign nang hulihin ko ang kanyang kamay. Bahala na ’to! Iritado man ako kay Reign pero mas gugustuhin ko pa rito kaysa roon sa Paxon na iyon!

“Please, ipanalo mo.” Nakikiusap kong untag sa kanya. “A-alam kong katulong lang ako sa mansyon—alila ninyo pero kahit ngayon lang, Reign. Please, manalo ka.” Wala itong naging reaksyon kaya tumingin ako sa mata niya.

Hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha pero nakatitig lang si Reign sa aking mukha. Para bang pinag-aaralan niya ito o ano. Mayamaya ay dumepina ang panga niya.

“Just stay with your friend. You’re going home with me.” Sumulyap siya sa likod ko kung saan si Reyna at Maria.

Tumango ako.

“Mananalo ka?”

“Just watch.” aniya bago binalingan iyong Paxon.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa pero nagtanguan sila. Tinapik ni Reign ang balikat no’ng Paxon at pumunta sa kani-kanilang sasakyan na nasa starting line.

Pinagsiklop ko ang kamay ko. Nang tumingjn sa akin si Reign, binigyan ko siya ang encouraging look. Ewan ko kung makakatulong ba iyon sa kanya o hindi. Basta iyon lang ang magagawa ko para sa kanya at para sa sarili ko.

“Baks,” kilabit ni Reyna sa akin.

Ngayon ko lang sila binalingan ni Maria. May awa nila akong tiningnan.

“Sorry, baks, pinagalitan ka ni Reign?” si Maria.

Salamat  naman at concern sila sa akin kaysa kay Reign. Isa pa naman ito sa idol nila.

“Ano iyong sinabi ni Paxon? Sorry, baks, mukhang pinahamak ka namin ni Maria rito.” ani naman ni Reyna.

“No. Huwag kayong mag-alala. Sanay na akong makipagsagutan sa mga magpipinsang iyon.” sabi ko naman kahit nanginginig na ako.

Basta wala akong pakialam sa Paxon na iyon. 

Any moment from now baka talagang bumagsak ako sa Paxon na iyon. Bwesit! Hindi ito normal na laro! Isumbong ko pa sila sa police!

“Ano, baks? Ikaw ba ang ginawang pustuhan ni Paxon at Reign?” Usisa pa ni Reyna sa akin na parang normal itong nangyayari dito.

Nakuha nito ang atensyon ko.

“Reyna, hindi ba ito ang unang beses na nangyari ito?” tanong ko.

Nagkatinginan sila ni Maria. Bumuntong-hininga si Reyna bago ako tiningnan. Kinabig ako ni Reyna palapit sa kanila ni Maria. Tumingin pa siya sa paligid bago nagsimulang magsalita.

“Gangster iyang si Paxon.” Pagsisimula ni Reyna. Bumilog ang mata ko sa kanya. “Pero, baks, hindi iyang gangster na siga-siga lang. Malaki ang organisasyon ng mga iyan. Ewan ko lang kung totoo pero ang sabi-sabi kasali iyan sila sa mga malalaking sindikato. At hilig na talaga n’yang si Paxon ang ganitong klaseng laro, iyong tao ang ginagawang pusta. Basta may magustuhan siya. Hindi n’yan pinapalampas!”

Piste! Anong ibig sabihin nito? Na na-type-an ako ni Paxon? Hindi ba niya kita na beklabu akes?

“Umm!” Tango ni Maria. “May narinig pa kami na pumapatay daw ang mga tulad nila ng tao! Kaya nag-aalala kami sa’yo,  baks!”

“Huh? Hindi sila hinuhuli?” May kilabot kong tanong kay Reyna.

“Bakla, papaanong nahuhuli eh pinagtatakpan ang mga iyan ng mga malalaking tao. Kumbaga mga galamay lang sila!” si Reyna.

Napalunok ako. “P-papaanong may kilala si Reign na ganyang tao?”

Nagkibit sila ng balikat.

Reign, ano ba ang ginagawa mo kapag wala ang mga pinsan mo? Bakit kilala mo ang taong tulad ni Paxon? Kung totoo man ang sinabi ni Reyna at Maria. Then, delikado ka d’yan sa Paxon ’yan. At ako? Papaano ako nito kapag natalo si Reign? Kaya ba hindi rin ito mahindian ni Reign kasi alam niya ang mangyayari kapag may sumalungat kay Paxon?

Parehong nakatingin sa akin si Reign at Paxon. Wala akong mabasa na emosyon sa mukha ni Reign. Kay Paxon naman ay kinikilabutan ako. Hindi ko alam kung anong klaseng katangahan ang pumasok sa utak ng lalaking ito at ginawa pa talaga akong pustahan.

A shiver ran down my spine at the thought of what Paxon would do to me once he won this race.

Napukaw ang atensyon dahil sa mga taong nag-cheer, biglang naging parang pelikula ang gabi. Ang daming tumili, ang daming sumigaw, at parang buong mundo biglang naghintay ng karera nila. May nakita pa akong naglabasan ng pera para pumusta kung sino kay Reign at Paxon ang mananalo.

Nanahimik ako pero ang utak ko parang gulo-gulo. Galit ako kay Reign kasi wala siyang magawa sa pustahan na ‘to. Kaya dapat manalo siya. Nais ko siyang manalo, pero ayoko ring ako yung ginawang premyo.

Ramdam ko ang kaba. Yung tipong parang ako yung tatakbo, hindi ang kotse.

“Relax, Cleo,” bulong ni Maria. “Kayang-kaya ni Reign ‘yang si Paxon.”

Tumingin ako kay Reign na kasalukuyang nakasandal sa itim niyang kotse. Tahimik lang siya, pero bakas sa mukha niya ang kaseryosohan. Hindi siya katulad ni Paxon na puro yabang at ngisi ang ginagawa. Hambog. Pumasok si Reign sa kotse niya mayamaya. Wala man lang gear o anong proteksyon. Ang delikado!

Samantalang si Paxon? Aba, heto’t pinapalibutan na naman ng mga babae, nagtatawanan, sumisigaw ng pangalan niya na para bang manok nila ito na isasabong.

Napapailing na lang ako. Ang yabang niya. At lalong nakakainis kasi ramdam kong halos lahat ng tao rito, parang bet siya. Ako at sina Maria at Reyna lang yata ang umaasang matalo siya.

Sige lang, Paxon. Um-awra ka lang d’yan kasi lalamapasuhin ka ni Reign mamaya!

Sana, Lord! Please, Lord!

“Drivers, ready up!” sigaw ng announcer, sabay taas ng kamay. May babaeng nakasuot ng maikling makintab na dress. Tinaas nito ang kamay na may hawaka na maliit na baril.

Mas nagkagulo anag mga tao sa paligid sa pagchi-cheer. Narinig ko pa ang malakas na pag-rev ng makina ni Paxon, parang gusto niyang ipamukha sa lahat na siya ang hari ng kalsada.

Tsk! Tungeks siya kasi hari din ng kalsada itong si Reign!

Napalunok ako.

“Three… two… one…” anang no’ng babae at saka pinaputok sa ere ang baril. Napatili pa ako sa gulat.

Deym!

Sabay na sumibat ang dalawang sasakyan na parang kidlat. Nag-iwan pa ito ng makapal na usok.

Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao. Ang daming cellphone nakaangat, nagre-record ng karera. Teka, pwede ba iyan? Baka makita ito ng mga police! Nevertheless, hindi ko maalis ang tingin ko sa dalawang kotse. I think I forgot how to breathe.

Si Paxon, mabilis ang umpisa niya. Parang rocket na biglang lumayo agad ng ilang metro. Narinig ko pa yung tawanan ng mga fans niya.

“Ayan na! Wala na! Talo na si Reign!”

Pakyu! Pakyu kayo! Mananalo ang unggoy na si Reign! Ipapanalo niya ito!

“Come on, Reign…” bulong ko sa sarili ko. Hindi ko na inisip kung narinig ba ako nina Reyna at Maria. “Ngayon mo ako yabangan at pakitaan, Reign Bowie.”

Sa unang liko, halos mag-drift si Paxon, sobrang lapit sa bangketa. Nagulat pa yung ibang tao at nagsitakbuhan palayo.

Baliw!

Pero siyempre, humabahol din si Reign dito.

“Damn,” sabi ng isang lalaki sa tabi ko. “Ibang klase talaga ‘to si Reign. Hindi basta-basta.”

Naramdaman kong tumibok ng mabilis ang puso ko.

Halos mabingi ako sa mga sigaw ng nanonood ngunit parang namanhid ako sa kabog ng dibdib ko.

May isang matinding kurbada bago ang finish line. Doon nagkamali si Paxon. Sobrang bilis niya at  hindi na niya na-manage ng tama yung liko. Sumayad ang kotse niya sa gilid at muntik nang umikot.

Napatili ang lahat.

Ako naman ay napatakip lang sa bibig.

Nakabawi ako sa gulat nang dumaan ang kotse ni Reign sa kurba. At sa isang iglap, siya na ang nauna.

“Yes!” sigaw ko sabay talon! Para akong nabaunutan ng tinik sa aking lalamunan at ngayon nakahinga na ako ng maluwag!

At ayun na nga. Sa huling segundo, si Reign ang dumaan sa finish line, habang si Paxon, naiwan, halos bumangga pa sa barrier kung hindi lang siya nakabawi sa preno.

May nagtangkang sumalubong kay Reign nang lumabas ito sa kotse kaso nagdere-deretso siya sa akin. Kinuha niya ang palapulsuhan ko at hinila.

“T-teka lang, Reign!”

“Let’s go home!” Padarag niyang hila sa braso ko, akala ko may balak siyang putilin ang braso ko!

Nilingon ko si Reyna at Maria. Kumaway lang ang mga beklabu sa akin! Ni hindi ako pormal na nakapagpaalam sa kanila!

Reign placed me in his car’s shotgun seat before striding toward the driver’s seat. Walang imik siyang nag-drive sa kahabaan ng highway. Bumalik ang kaba ko nang mariing tumapak ang paa niya sa gas.

“Reign,” tawag ko sa kanya.

Napatili ako nang bigla niyang niliko ang kotse at nagpreno! Akala ko matatapon ang  katawan ko kung hindi lang dahil sa seatbelt!

“Ano ba!? Papatayin mo ba ako? Kung may balak kang mamatay, mamatay kang mag-isa, Reign!” Singhal ko sa kanya, umalpas ng malakas ang puso ko sa takot.

Nanggilid ang luha ko sa kaba. Nailigtas nga ako kay Paxon. Papatayin niya naman ako!

“Holy shit!” he barked. “I almost lost to that madman, Cleo! Naisip mo ba kung ano ang mangyayari sa’yo?”

“Nanalo ka naman! Tapos na! ’Tsaka, alam mong baliw iyon pero hindi mo naman pinigilan ang lalaking iyon!” Tuluyan nang bumagsak ang mga luha na hindi ko mapakawalan kanina. Siguro dahil sa saya na nanalo si Reign at sa kaisipang hindi ang Paxon na iyon ang nanalo kaya ako umiiyak. Ewan ko ba. Naghalo-halo na ang emosyon sa dibdib ko.

“Because there’s no way to settle it unless it’s a race!”

Ginulo ko ang buhok ko. Kasalanan niya pa rin ito. Ang pangit ng choice of friends niya.

“Bakit ka ba nakikipagkaibigan doon, Reign? Kung kilala mo ang lalaking iyon, dapat lumayo ka na roon!”

He clicked his tongue and slapped his hands against the steering wheel.

“Cleo, it’s either you make friends with that man or make him our enemy. That’s the only choice in our world.” He said it while looking straight into my eyes!


This story is already at

chapter 15

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 8

Chapter 8

“Bakla!” Sinalubong kaagad ako nina Maria at Reyna pagkapasok ko palang sa classroom. Ang mga echosera at echosero kong classmates ay napatingin tuloy sa amin. Intrigang-intriga yarn?

Inakay nila ako sa upuan ko. Humila sila ng kanya-kanyang plastic arm chair sa harap ko. Tamad ko silang tiningnan. Abang na abang silang dalawa sa akin, animo’y may dala akong malaking tsismis sa kanila.

Ang bigat-bigat pa ng mga mata ko. Gusto ko pa sanang matulog. Sobrang high ko pa sa mga nangyari kagabi. Hindi ko lubos maisip na malalagay ako sa ganoong sitwasyon. 

Just imagine. Sumama lang ako sa mga kaibigan ko kasi hindi pa ako nakakapunta sa mga street race, street race na iyan. At pagkatapos ako pa ang magiging premyo sa unang round ng laro? Shuta lang talaga!

Mabuti na lang talaga at nanalo ang otokong si Reign. Nagamit niya rin ang pagiging kaskasero niya sa tama!

“Ano na?” Kilabit ni Reyna sa braso ko. Ito namang beklabung ito. Atat na atat.

Ano ba ang gusto nilang malaman?

“Umuwi lang kami ni Reign,” sagot ko.

“Huh? Parang galit iyon.” Ngusong sabi ni Maria. “Yeah?” Tumingin pa siya kay Reyna na parang nanghihingi ng suporta rito.

“Uhuh! Kaya nga nag-alala kami ni Maria sa’yo kagabi, Cleo. We’re… partly at fault sa nangyari kasi kami ang nag-aya sa’yo na pumunta roon. If it weren’t for us, hindi ka naman mapupunta sa lugar na ’yon.”

Umiling ako kay Reyna. Kahit na inaya nila ako, ako pa rin naman ang magdedesisyon doon. Ako pa rin ang nagdala sa sarili ko sa sitwasyon na ’yon. Pero ibang usapan na iyong pagiging premyo ko sa laro ni Reign at Paxon.

Ang obnoxious na Paxon na iyon talaga ang may saltik sa tuktok. Anong akala niya sa mga tao? Sa taong tulad ko? Laruan? Pera?

Dumaan sa isip ko ang mukha ni Paxon at hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako roon. Pati ngisi niya, nakakatakot.

Sorry, Lord. Sobrang judgemental ko na anak mo.

“Wala kayong kasalanan doon. Iyong Paxon lang talaga ang may tama sa ulo,” saad ko sa kanila.

“Talagang na-espatan ka lang ni Paxon, bakla. Tapos magkasama pa kayo ni Reign.” Si Maria.

“Bagong mukha kasi si Cleo. Baka dahil doon.” Ani naman ni Maria.

Sinandal ko ang likod ko sa silya. “Ayoko ko nang isipin sila. Sumasakit ang ulo ko.”

“Pero, bakla, si Reign nga. Wala ba siyang ginawa sa’yo? Para kasing galit na galit siya kagabi. Ang bilis niyang umalis. Hindi man lang uminom.” Saysay ni Reyna at nagkatinginan sila ni Maria bago nagtanguan.

Humukdong ako sa aking arm chair at nag-angat ng tingin sa kanila. May malaking katanungan sa aking mga titig sa kanila.

Kumibot ang labi ni Reyna, nagpatuloy siya. “Usually kasi, after ng laro may inuman pa. Tapos may susunod na naman na match. Kadalasan si Reign hinihintay n’yan ang final round ng race.”

Aba’y hindi ko na alam iyan. Hindi ko nausisa si Reign tungkol sa street racing na ’yan dahil sa tuwa ko kagabi na nanalo siya. Dapat lang din naman! Emee!

Nagkibit lang ako ng balikat sa kanila. “Inuwi niya lang ako. Oo mukhang galit nga siya kasi sobrang bilis niyang magpatakbo. Akala ko nga naiwan ang kaluluwa ko.”

Hindi ko na lang din sinabi sa kanila ang tungkol sa maliit na pagtatalo namin ni Reign. I think, hindi na naman iyon importante pang ipagsabi.

“Talaga palang… sa mga Alvarez De Toledo namamasukan, bakla. Kagabi lang talaga nagsink-in sa akin ang lahat.”

“Like yeah! I was so stunned last night when Reign came to see us. Akala ko sa atin siya lalapit. Si Cleo lang pala ang sadya.”

Tinago ko na lang ang mukha ko sa braso ko na aking ginawang unan.

The fact na nagtatrabaho ako sa mga Alvarez De Toledo bilang isang taga-alaga sa kanila ay natanggap ko na naman iyon. Sa mga linggong nagdaan na kasama ko ang apat na unggoy. Mukha lang naman silang ordinaryong mga college student, sa panlabas na anyo. Nothing special. Nothing to be afraid of (I hope so).

Parang na-amaze ako. I mean, more on nagulat lang ako sa mga nalaman ko kina Maria at Reyna tungkol sa apat na labanos na iyon. Hindi rin naman kasi ako nag-usisa kay Lola Leticia tungkol sa kanyang mga apo. Hindi ako naging interested sa kanila.

Though lately, may napapansin akong kakaiba sa mga kinikilos nila. Iba rin ang kanilang tingin sa akin. Ewan ko, baka threatened sila sa ganda ko? Echos lang!

Ewan ko ba. Alam ko naman no’ng una palang na hindi na talaga nila ako gusto sa pamamahay ni Lola Leticia. They weren’t able to voice it out, but as a beautiful human being. Nafi-feel ko siya! Also, iba talaga ang tingin nila. Habang tumatagal mas nagiging dark iyong aura nila para sa akin.

Lalo na kapag nagkakasama silang apat at tahimik. Jusme! May kakaiba talaga sa kanila. Mas nagiging evident na sila sa akin ngayon. Iyong mga kakaibang pakiramdam ko tungkol sa kanila mas lumala!

Nang maglunch break. Ginugulo ako ng mga beklabu kong kaibigan. Ngayon na nag-sink in na talaga sa utak nila na nasa puder nga ako ng mga Alvarez De Toledo. Gusto nilang ipakilala ko sila sa mga ito! Nais pang pumunta sa mansyon.

Shuta naman! Ayoko kayang maging FC, feeling close, sa mga iyon. Saka kaninang umaga, wala silang masyadong imik. Nagtataka nga sina Ate Jodel at Marli dahil walang trippings ang magpipinsan sa ’kin!

“Hindi ko nga close ang mga iyon. Humanap na lang kayo ng ibang i-look up. ’Wag na ang apat na iyon. Madidismaya kayo sa ugali!” Maasim kong sabi sa kanila at uminom ng tubig.

“Hindi mo siguro pinapakisamahan, baks?” May pang-aakusang saad ni Reyna sa akin.

Sumama ang mukha sa kanya. “Sila ang hindi marunong makisama sa ’kin. Kinakawawa nila ako sa bahay!”

“Mag-adjust ka rin. Apat na magagandang lalaki kaya ang inaalagaan mo.” si Maria.

Tumili pa sila ni Reyna.

Ay! Ayoko silang isipin!

Nilibot ko ang mata sa buong cafeteria. Excited akong maglunch kasi inaabangan ko si Tanner. Wala kasi siyang text sa akin. Mukhang napurnada na ang lovestory ko dahil doon sa lintik na camping namin sa bundok! Marami nang estudyante pero hindi ko talaga nakita si Tanner. Madali ko lang naman siyang makita kasi matangkad siya at gwapo!

Ehe! Enebe!

“Ipakilala mo kami ni Reyna, bakla. Tapos magreason ka sa kanila na may project tayo para makapunta kami sa mansyon nila.” Balik na naman ni Maria sa usapan namin tungkol sa pagpapakilala sa kanila sa apat na labanos at pagpunta sa mansyon. Jusko!

Actually, text ni Tanner ko ang inaabangan ko sa cellphone ko. Akala ko after no’ng camping may matatanggap akong text kay Tanner pagkababa namin sa bundok kaso wala.

Na-discourage kaya iyon? Sana naman hindi!

Ahudiskwvshk! Inaaya pa kasi akong no’ng apat sa camping nila!

Maaga ang aming dismissal sa hapon dahil hindi pumasok ang aming last propesor. Si Maria at Reyna nag-ayang gumala sa mall kaso tinamad ako. Isa pa, ayaw ko munang gumawa ngayon ng kung ano na ikakainit ng ulo ng mga unggoy.

At sa totoo lang, lihim akong nagpapasalamat kay Reign kasi mukhang hindi niya binalita sa mga kapwa niya unggoy ang naging lakad ko kagabi. Dahil sa naging sagutan namin sa kotse niya hindi na tuloy ako pormal na nakapagpasalamat sa kanya. Wala na kasi kaming imikan hanggang sa makauwi sa bahay.

Also, alam kaya ng iba niyang pinsan ang ginagawa niya? Kilala kaya ng mga ito ang mga kaibigan ni Reign sa labas ng mansyon?

Sinandal ko ang ulo ko sa bakal na poste nitong waiting shed sa parking lot. Nag-aantay ako sa apat na dumating. Kahit sobrang awkward kanina, sinabay pa rin naman nila ako.

Hindi siguro nila matiis ang byutifel na si ako! Echos lang syempre.

Tinangay ako ng antok ko habang nakasandal sa poste. Malamig ang panahon at medyo madilim ang paligid dahil sa makulimlim na kalangitan. Ngunit nagising naman ako nang may marinig akong mga boses ng otoko!

Kaagad kong minulat ang aking mata. Hinagod ko ito, inalis ko ang ulo sa pagkakasandal sa poste at umayos ng upo. Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. Akala ko kung sino nang makita kong si Tanner iyon. Kasama nito ang circle of friends niya na dehins ko naman kilala.

“Tanner!” Feeling close kong kaway kay Tanner. Mukhang patungo na ito sa kotse niya.

Napalingon si Tanner sa ’kin pati na iyong tatlong lalaki na kasama niya. Despite the distance, nakita ko ang mga malolokong ngisi ng mga kaibigan ni Tanner bago nagkanya-kanyang tapik sa balik ng lalaki.

Napatuwid ako sa kinauupuan kong bakal nang makita kong nag-jog si Tanner palapit sa akin. Napaipit ako sa buhok ko sa likod ng tainga. Chus! Wala namang takas na buhok!

Nahihirapan ako sa pagtikom ng bibig ko kasi ngumingisi siya. Parang na-paralyze ang bibig ko kakangisi. Para akong buntot ng butiki na naputol, ’di mapalagay!

“Hi!”

“H-hello!”

Enebe! Sheyt!

“Kumusta iyong nilakad mo no’ng sunday?” tanong niya at tumabi sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, saglit kong tinago ang mukha at impit na tumili. Muntik ko pang kagatin ang kamay ko. Huminga ako nang malalim bago siya binalingan.

“O-okay naman siya.” Echosera ka rin, Cleo! Halos isumpa mo nga ang araw na ’yon! “Sorry pala ulit.”

“It’s fine. Mukhang importante naman ang lakad mo.”

So, nabasa n’ya nga ang text ko kaso hindi siya nagreply? Nais ko sana siyang tanungin tungkol doon pero anong karapatan ko?

“Hindi rin ako nakapagreply sa’yo kasi niyaya na rin ako ng mga kaibigan ko ng inuman. Then, I thought I will bump into you yesterday. Kaso hindi kita nakita.”

Ehe! “Okay lang. ’No ka ba!”

Huminga siya ng malalim. “So, available ka na ba sa Saturday? Baka kasi kapag linggo may sudden errand or trip ka ulit.”

Hay! Papi Tanner! Ang sarap talaga sa tainga ng boses mo! Pwedeng pang ringtone! Emerut! Landi mo, Cleo!

“Sige. Sa Saturday. Wala naman akong gagawin sa araw na ’yan.”

Tumango siya. “Then, iti-text na lang kita?”

“Mmm!”

Tumayo siya. “Thank you, Cleo. See you around!”

Paalam niya naman at ginulo ang buhok ko. Patakbo siyang tumungo sa kotse niya. Malapit lang ang kotse niya sa sasakyan na dala namin kanina kaya natatanaw ko si Tanner.

Nagbaba si Tanner ng salamin at kumaway sa akin bago umalis.

Ahhh! Ackk! Oh my ged!

Nagcross finger ako at pumikit. Matutuloy na kami ni Tanner sa linggo! Hindi ko na hahayaan ang magpipinsan na iyon na tangayin ako kahit saan! Kahit Hong Kong Disneyland pa ’yan, kahit iharap pa si Jungkook sa harapan ko. Hindi na ako sasama sa apat!

“What are you doing? You look like crazy.”

Naimulat ko ang mata. Taas ang kilay ko at inikot ang mata sa direksyon ng pinanggalingan ng boses ni Reign. Ang unggoy na ’to na naman! 

“Wala,” mataray kong saad. I crossed my arms. “Masama na bang kiligin ngayon?”

Ang mapayapang mukha ni Reign ay nasira. Nagtagpo ang kanyang mga kilay at lumapit sa akin. Nalanghap ko ang panlalaking pabango niya dahil sa lapit niya. Parang may humukay sa t’yan ko.

“Is this that douchebag again?”

“Ano?” Napasimangot ako.

Papaano niya nalaman na si Tanner?

“So, tama ako?” sinasabayan ng mood ni Reign ang sama ng panahon!

“Ano namang paki mo?” Tumayo ako bago pa magkainitan kaming dalalwa. “Teka, nasa’n na ba ang mga kapwa mo unggoy at ang tagal naman nila.”

Sige magtaray ka, Cleo, at nang matamaan ng ligaw na suntok iyang maganda mong mukha!

“Nasa bahay na sila.”

“Ano?” Bulaslas ko.

Nagtakip siya ng tenga dahil sa sigaw ko.

“Can you lower your voice? Aren’t you informed that your voice is so sharp?”

At bigla namang kumulog nang malakas. Napatili ulit ako. Kanina medyo madilim na naman ang paligid pero ngayon mas dumilim pa.

“Bakit naman hindi kayo nagsabi na maaga ang dismissal ninyo? Kanina pa sana ako umuwi kaya ko namang magcommute!” Satsat ko.

“We have different majors so hindi talaga kami sabay-sabay lahat.” Parang natatangang sabi nito sa akin.

“Tara na,” kinamay ko ito habang nagma-martsa papunta sa kotse nila. “Umuwi na tayo bago pa tayo abutin ng ulan. Tumataas pa naman ang baha dito!”

At dahil hindi ako nakatingin sa nilalakaran ko, dahil naka’y Reign ang mata ko, hindi ko nakita ang sementong umangat kaya nabundol doon ang paa ko.

“Ahhh!” sigaw ko dahil alam kong matutumba na ako. Pati si Reign ay nanlaki ang mata.

Pero hindi ako bumagsak kasi nahawakan ni Reign ang uniform ko. I could hear the stitches of my uniform creak under Reign’s grip as he pulled me with force. Kinabig niya ako at nasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

“R-Reign,” usal ko nang marinig ko ang kabog malakas na kabog ng kanyang dibdib.


This story is already at

chapter 17

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 9

Chapter 9

Mabilis kong tinulak si Reign nang makabawi ako. Eww! Dehins yayakap ng isang unggoy. Inayos ko ang uniform ko at tumalikod kay Reign dahil nagkakarambola na ang bulate ko sa t’yan. Jusme! Don’t tell me nagreplicate na ang mga bulate ko sa t’yan? That’s totally eww! Mas eww pa sa mga unggoy na apo ni Lola Leticia. 

Pasimple kong nilingon si Reign sa likod ko. Nakataas ang kilay nito at nakatingin sa akin! Napakurap ako nang magtagpo ang mata naming dalawa. Para akong akong pusang nahuhuling nagnanakaw ng ulam sa mesa.

“Tara na!” Pagtataray ko sa kanya upang matabunan ang pagkagulat ko nang magtagpo ang mga mata namin.

Nakita kong humulma ang kanyang panga nang kuyomin niya ito ng mahigpit. Really, what’s wrong with me? Bakit napapatitig na ako sa unggoy na ’to?

Tumalikod na lang ako at pumasok sa kotse. Sa front seat ako sumakay kasi wala ang mga kapwa niya unggoy ngayon. Nakaka-bwesit sana man lang may heads up sila na nauwi na pala sila sa bahay. I’m very fine naman if magco-commute ako pauwi.

Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan nang makalabas kami ni Reign sa gate ng campus. Halos hindi na makita ang daan dahil sa buhos ng ulan.

Panay ang galaw ko sa aking upuan. Ewan ko ba kung bakit balisa ako ngayon sa tabi ni Reign. Siguro hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari last night. Para na kasi akong aswang na nainitan ng holy water dito.

“What’s wrong?” tanong na ni Reign. Mukhang napansin niya rin na sobrang likot ko rito sa kinauupuan ko. “May problema ba? May something sa upuan?”

Kaagad kong iniling ang ulo sa kanya. Hilaw ko siyang nginitian kaso naningkit lang ang mga mata ni Reign. Ilang saglit niya akong tinitigan bago binalik ang tingin sa daan. May himala yata kasi hindi mabilis ang pagpapatakbo niya sa kotse. O baka dahil lang ito sa ulan, hindi na rin kasi halos makita ang daan.

“W-wala naman,” tugon ko sa kanya nang tingin ko hindi sapat ang iling ko sa kanya.

Tumango lang si Reign at lumalim lalo ang pagkakakunot noo niya dahil sa ulan sa labas.

May kidlat at kulog sa labas ng kotse. Hindi man klaro ang kulog sa labas pero parang may vibration kasi sa lakas. Ang sama talaga ng panahon ngayon. 

Hanggang sa biglang tumigil ang kotse. Hindi naman namatay ang makina. Napatingin ako kay Reign. Bumuntong-hininga ang lalaki.

“Anong nangyari, Reign?” tanong ko rito.

“We can’t go on dahil sa lakas ng ulan. Hindi ko na maaninag ang daan.” Sagot niya naman at sumandal sa kinauupuan. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa.

“Oh, iti-text ko na lang sila Ate Marli at Jodel na magluto ng dinner. Anong gusto mo? Itext mo na rin ang mga pinsan mo kung ano ang gusto nilang ulam para maluto na nina Ate.” Sabi ko at nagtipa na ng message ko kay Ate Marli.

“Kahit ano na lang. Kakain din ang mga iyon.”

Tinapunan ko si Reign ng tingin kaso nasa cellphone niya pa rin ang mata. Mukhang may ka-text din.

“Sigurado ka?”

“Yeah,” walang gana niyang sagot.

Ngumuso ako at nagkibit balikat na lang din. Basta kapag nagreklamo ang mga unggoy sa bahay sa ulam namin mamaya. Si Reign ang ituturo ko. Wala akong lakas ngayon na makipag-away sa kanila.

Matapos kong magtext kay Ate Marli. Saglit akong nag-Facebook at nag-my day sa malakas na ulan. Pinatay ko rin ang cellphone ko at sumandal sa head rest nitong upuan ko.

Huminga ako ng malalim. Lumingon ako sa gawi ni Reign at napagitla naman ako nang mahuli ko siyang nakatitig sa akin.

“Oh my ged!” Bulaslas ko naman at humawak sa dibdib ko.

Walang naging reaksyon si Reign sa pagkagulat ko. Muntik na akong atakehin dito sa puso kaso siya hindi man lang nagpakita ng kung anong reaksyon. Bigla tuloy akong nag-wonder kung ito pa rin ba ang Reign na kasama ko kagabi.

“A-ano bang tinitingin-tingin mo d’yan?” Suway ko kay Reign. Bored niya akong tinitingnan.

“It’s nothing. Nagtataka lang ako kung bakit biglang nag-hire si Lola Leticia ng nanny for us when we don’t need one. Ate Marli and Jodel are with us. I just don’t get why she hired you. Did she hire you so we’d behave? That’s what she usually does, and I wouldn’t be surprised if she did.” Walang kurap matang saad ni Reign sa ’kin.

“Reign,”

“You’re not the first one she hired, Cleo. Marami nang nauna sa’yo at lahat sila wala namang nagawa hanggang sa sumuko na rin. They didn’t even last a month!” Patuloy na hanash ni Reign.

Shuta naman! Is this his way of saying na sumuko na lang ako? No way! Never! Kung susuko ako para sinuko ko na rin itong dream kong makapag-aral!

“Kaya n’yo ba ako pinagtitripan kasi iyon ang gusto ninyo? Na sumuko na rin ako kagaya no’ng mga nauna sa ’kin?”

Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa kanyang mata.

“But you’re different, Cleo. You know how to fight back.” Hindi niya ako sinagot.

Taas noo akong ngumisi sa kanya. Halos makalimutan ko nang na-stuck na kami rito sa daan dahil sa malakas na ulan.

“Is that your road of giving me a compliment?”

Nagdikit ang mga kilay ni Reign sa pagkalito.

“Road or rude?”

Napairap ako sa kanya.

“Hindi. Parang way ba. Paraan ba!”

This time natawa na talaga siya. Nakita ko ang kompleto niyang ngipin kakatawa dahil sa sinabi ko.

“So you mean that was my ‘way’ of giving you a compliment?” Pagklaro niya.

“Uhuh! Tumpak!” Panggagaya ko sa tono ni Reyna.

“No. Naninibago lang kami sa’yo. Maliban sa mga matagal nang katulong sa bahay ni Lola. Ikaw palang ang unang h-in-ire ni Lola na hindi naging interested sa ’min. Instead, you loathe us. You never hesitate about things. When you say you don’t like us, you really don’t. You’re quite bold for a little gay.”

Napaahon ako mula sa pagkakahilig sa upuan ko. Sinampal ko ang braso ni Reign.

“Sumusobra ka na naman. Anong little gay ka d’yan!?”

Ngumiwi lang siya mula sa pagsampal ko sa kanya.

“Why? Hindi ba totoo? Maliit ka naman talaga!”

Napamaang na lang ako sa kanya.

“Hindi ba pwedeng malalaki lang kayong magpipinsan kaya naliliitan kayo sa ’kin? Discrimination na ’yan ah.”

“It’s not discrimination. I’m just stating a fact, Cleo Guillermo. And for a little gay like you, you sure have the guts to talk back and fight back against us. Hindi ka ba talaga natatakot sa ’min? You didn’t know us, Cleo. You don’t know what we’re capable of.” Biglang nag-iba ang tono ng boses niya sa huling sinabi. Wari’y may iba siyang pinupunto roon.

“H-hindi ah,” huni ko naman. Hindi tuloy ako makatingin kay Reign ng maayos dahil sa kanyang sinabi.

Hindi naman sa hindi ako takot sa kanila o ano. May takot pa rin naman ako ’no. Kasi syempre mga lalaki silang malalaki ang katawan at hindi ko kilala. Isa pa, isa lang ako at apat sila. Dehadong-dehado ako pero nilalakasan ko lang talaga ang loob ko. Ayoko ko kasing isipin nila na mahina ako. Na porket ganito ako, bakla o ano, ay mahina na. I just don’t want to be labeled as such. Palabarn na ang acclang ito simula pa noon.

Aaray at uungol pero ’di aatras! Eme! Iba na yata siya.

“You’re peculiar, Cleo. You surprised us as well. Keep doing that dahil hindi kami mahihirapan kapag ganyan ka.”

Bumalik ang tingin ko kay Reign pero ngayon ay nasa daan na ang kanyang mga mata.

Huh? Anong ibig n’yang sabihin doon? May balak pa rin silang patalsikin ako sa bahay ni Lola Leticia?

“A-anong ibig mong sabihin doon sa sinabi mo?” Kilabit ko kay Reign.

He ran his tongue over his lips, a slow grin spreading across his face. “Wala.”

Nangunot ang ilong ko dahil sa naging sagot niya sa ’kin.

Iba ang feelings ko roon sa sinabi niya ah. Parang may something doon. Something juicy. Something delicious. Chus!

Muli ko namang naalala ang nangyari no’ng nakaraang gabi nang makita ko ang seryoso niyang mukha.

Hindi ko na lang iyon masyadong inisip.

“Thank you pala,” wika ko.

“For?”

Kumibot ang labi ko. “Dahil doon sa ginawa mo no’ng nakaraang gabi.”

Umangat ang sulok ng labi niya.

“Ayaw ko lang ding matalo sa lalaking iyon.”

“Kahit na ’no. Natatakot kaya ang lalaking iyon.” Kinilabutan ako nang sumagi na naman sa isip ko ang mukha ni Paxon. “Isa pa… hindi mo rin sinabi sa mga pinsan mo ang nangyari last night. Salamat doon.”

Reign snickered, and I couldn’t help but raise an eyebrow at him.

“Hindi naman porket hindi ko iyon sinabi sa kanila, hindi nila iyon malalaman, Cleo.”

“Huh?!” Gitla ko. “I-ibig mo bang sabihin, alam nila?”

“Walang sekreto sa amin, Cleo,” ngisi nito sa akin.

Bakit ang seksi ng ngisi ng otokong ito?

Iniling ko ang ulo ko dahil sa naisip. Deym! Anong nangyayari sa utak ko ngayon? Napasukan ba ito ng masamang hangin?

“K-kung ganon… kilala rin ba ng mga pinsan mo ang mga kaibigan mo? Pati iyong Paxon?”

Napalunok ako nang dumiin ang titig ni Reign sa mukha ko.

“Cleo, marami kang hindi alam sa ’min. You might faint kapag nalaman mo kung ano at sino kami.” Ay binalik niya ang mata sa daan.

Natulala na lang ako sa mukha ni Reign. Umayos siya sa kanyang kinauupuan. Gumalaw na ang kotse at doon ko lang napansin na humihina na pala ang ulan.

Nagpatuloy sa pagmamaneho si Reign at natahimik na lang ako. Naguguluhan ako sa mga sinasabi nito. Marami siyang sinasabi na nag-iiwan ng mga palaisipan sa ’kin.

Totoo naman, hindi ko pa nga kilala ang mga ito. Marami pa akong hindi alam sa mga Alvarez De Toledo na ’to. Sino nga ba ang mga magpipinsan na ’to?

Mshuwoegdsk! Ano ba ’yan!? Mas pinoproblema ko pa sila kaysa sa school ko ah.

“Basta salamat pa rin, Reign. Wala akong paki kung ano o sino kayo, basta ako ginagawa ko lang ang trabaho ko.” Sambit ko. Hindi ko na lang inintindi pa ang iba niyang sinabi sa ’kin.

Wala akong narinig na hanash mula sa mga pinsan ni Reign pagkarating namin sa bahay. Tanging tingin lang ang naibigay nila sa amin nang makita kami ni Reign na pumasok. 

Kinabukasan cancelled ang klase dahil sa lakas ng ulan. Mukhang may bagyo yata. Mabuti at mabilis nakapag-announce ang SNU ng cancelation.

“Ate Marli, napansin n’yo po bang bumaba ang mga magpipinsan?” tanong ko kay Ate Marli na siyang nakita kong nasa kitchen, nanonood ng Rated X videos! Echos lang! Syempre nagluluto ang gerlalu!

Tiningnan ko ang luto ni Ate at kinuha na rin ang pagkakataong iyon upang tikman ang niluluto ni Ate Marli. Kumuha ako ng kutsara at tumikim.

“Hindi ba sila nagpaalam sa’yo?”

Nilunok ko ang sabaw sa bibig.

“Nagpaalam? Umalis sila, ate? Ang lakas ng ulan!” Gulat kong wika.

Bumuntong-hininga lang si Ate Marli. “Naku, Cleo. Nagpaalam sina sir Dawson, Reign, at Vidal na may aasikasuhin daw muna sila sa labas!”

“Si North, ate? Kasama nila?” Hindi niya nabanggit eh.

“Ay, hindi ko nakita. Mukhang nagpa-iwan yata?”

“Hindi pa bumababa, ate? Ang breakfast no’n.”

“Ay naku, puntahan mo sa silid niya, Cleo. Hindi ko nakitang bumaba si Sir North.”

Nagpaalam ako kay Ate Marli. Tinahak ko ang daan patungo sa second floor ng bahay. Jusme! Saan ba pumunta ang tatlong asungot? Bakit nila iniwan si North dito sa bahay? Baka mapaano ang mga iyon, ang lakas ulan!

Ano ba ’yan? Para naman akong nag-aalaga nito ng mga bata! Eh mga binata na naman itong binabantayan ko!

“North! North, ang breakfast mo!” Kalampag ko sa pinto ng silid ni North.

Diniin ko ang tainga ko sa pinto nang wala akong marinig mula sa loob.

“North,” sampal ko ulit sa palad ko doon sa pinto. “North, breakfast na. Huwag kang papansing unggoy ka. Wala rito ang mga pinsan mo.”

Ngunit wala pa ring sumasagot sa akin. Sa inis ko, pinihit ko na ang busol ng pinto nito. I expected it to be locked from the inside, but to my surprise, it wasn’t. I slowly pushed the door open.

Bumungad naman sa akin ang dim light na kwarto ni North. Pansin ko ang poster ng ilang basketball players sa dingding. May dartboard sa isang bahagi ng dingding, tapos may isang poster ng babaeng naka-two piece. Wow naman!

“North…” kusang nalusaw sa loob ng bibig ko ang pagtawag kay North nang makita ko siyang nanginginig doon sa kama niya. Kahit may kumot, nakikita ko ang pag-vibrate ng katawan nito. Ang lampshade pala sa tabi ng kama niya ang nagbibigay ng konting ilaw sa kwarto.

“North?!” Malakas kong sambit sa kanya.

Mabilis akong lumapit sa kanya. Sinipat ko ang noo ni North at nagulat sa init nito.

“May lagnat ka? Hoy!”

Doon lang nagmulat ng mata si North. Hinanap ko ang switch ng ilaw sa kwarto nila. Mabilis kong in-on nang makita ko ang switch ng ilaw.

Bumalik ako sa kama niya. Umupo ako. Nakapikit na naman ito.

“Gaga ka. Bakit hindi ka nagsabi na may lagnat—” Naputol ako nanag takpan ni North ang bibig ko.

“You’re so noisy. Mas lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa boses mo, nanny.” Paos nitong saad.

“Litse ka!” Sampal ko sa balikat ni North kaya dumaing ito. “Ay, sorry! Sorry!” Bawi ko rin.

Nagmulat siya. Namumungay ang mga mata niya. Wala ang mapaglarong ngiti na laging nakapaskil sa labi ni North.

“You’re so mean to someone who’s having chills, nanny!”

Natulala ako nang matitigan ko nang mabuti ang mga mata ni North. Magka-iba ang kulay ng kanyang mga mata. Ang isa kulay hazel. Ang isa naman kulay berde! Wait, ano nga ang tawag sa condition na ganito? Heterochromia?

“I know I’m handsome, Nanny, but spare me for now. I’m s-sick!”

Napilig ko ang ulo.

“Siraulo! Teka, k-kukuha lang ako n-ng makakain mo. Para makainom ka ng gamot. Wala pa naman ang mga pinsan mong magagaling!” May sarcasm sa tono ng boses ko.

At akmang tatayo na ako nang biglang hatakin ni North ang kamay ko. Na-out of balance ako at natumba sa kanya. Nasubsob ang mukha ko sa bandang dibdib niya.

“North, a-ano ba!” Pagwawala ko sa yakap niya.

“Hahawaan kita sa lagnat ko!” Umihip ang mainit niyang hininga sa tenga ko.

Aba’y leche rin ang otokong ’to!


This story is already at

chapter 17

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 10

Chapter 10

“Bitiwan mo nga ako, North! Ikaw na nga itong may lagnat, inaasar mo pa ako!” Pagwawala ko sa yakap ni North kaso malakas talaga siya!

May lagnat ba talaga ang lalaking ito? Bakit ba ang lakas niya pa ring mang-inis sa ’kin kahit inaapoy siya ng lagnat?

“Hahawaan nga kita sa lagnat ko, Nanny Cleo!”

Lecheng hininga!

Nagsalita siyang muli at napatigil naman ako sa paglilikot dito sa gitna ng bisig niya nang umihip sa aking batok ang init niyang hininga!

Hindi naman ako natakot o ano pero iyong balahibo ko sa batok ay nagsitayaun! Dumiin ang ngipin ko sa aking labi dahil hindi maganda ang kutob ko rito. O baka ako lang itong praning?

What I mean is, inosenteng galaw lang ito ni North, kaso ako iba na. Iba ang dalang kilabot no’n sa ’kin! Siguro’y hindi lang ako sanay na ganito ang isang North Hayes Alvarez De Toledo?

“N-North, may lagnat ka. Kailangan kong kumuha ng makakain at gamot mo baba!” I struggled in between his arms again.

“You really invited yourself here, Cleo.” Garalgal ni North. Mas naging paos ang boses niya ngayon, siguro’y dala ng lagnat niya.

Sa bawat ihip ng mainit ng hininga ni North sa batok ko, mas lalo akong hindi mapalagay. Parang may kung anong nagigising sa kaloob-looban ko.

“Hindi ba pwedeng mag-alala sa mga alaga kong papansin?” Pagtataray ko.

Napapapikit ako. Mabuti na lang na kahit sa gitna ng pagkakagulo ng sistema ko, hindi ako nauutal. Nadadaan ko pa rin sa pagtataray ang mga sagot ko kay North!

Parang timang lang, Cleo! Baka nakakalimutan mo ang mga paghihirap na ginawa ng magpipinsan sa’yo?!

“Narinig ko kina Ate Jodel at Marli na umalis ang mga magagaling  mong pinsan. Tapos naiwan ka. Nagtataka lang ako. Isa pa baka magsumbong kayo kay Lola Leticia na hindi ko kayo tinitingnan dito!” Dugtong kong paliwanag, ewan ko. Masyado akong nagiging defensive pakinggan dito ngayon.

“Mmm, isusumbong ka talaga namin!” North let out a rasp, amused laugh.

Jusmee! Hindi nakakatulong sa totoo lang!

“B-bitiw na! Kailangan ko pang bumaba para sa breakfast mo, North! ’Wag nang matigas ang ulo, bwesit ka!”

Nang maramdaman ko ang pagluwag nang bisig ni North sa katawan ko, kaagad akong bumwelo palayo sa kanya!

Tumayo ako at pinadaan ang kamay sa suot na tshirt at shorts. Inis kong tiningnan si North sa kama niya. Kung wala lang siguro itong lagnat ay baka nadambahan ko na siya.

Kaya mo talagang dambahan, bakla ka?

Ngumingisi lang si North sa pagkagusot ng mukha ko sa kanya. Animo’y kasiyahan niya ang pagsira ng araw ko.

But honestly, iba yata ang dulot ng lagnat kay North. He looked different, more attractive, somehow. His heterochromatic eyes were half-lidded with drowsiness, his features softened by the fever’s warmth.

Maharas kong iniling ang aking ulo! Deym! Napasukan ba ng masamang hangin itong utak ko ngayon? Why am I suddenly thinking na gumagwapo itong maputing unggoy na ’to?

Eme mo, Cleo! This is not you!

“Am I too handsome, Nanny? You’re spacing out. I thought you’d been struck by lightning!”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Inangat ko ang paa ko at walang pag-aatubiling pinatid ang paa ni North! Ngunit imbes na suwayin niya ako o magalit, humalakhak lang ang magaling na unggoy.

“D’yan ka na nga! Natutulala ka d’yan! Iniisip ko lang kung papaano ko malalagyan ng lason ang pagkain mo!”

Umiling lang si North at yumakap ng mahigpit sa kanyang comforter. Ang inis ko sa lalaki ay napalitan ng pag-aalala. Kahit pilyo at makulit ang lalaki, may lagnat pa rin ito.

“Papatayin ko muna ang aircon ha, North.”

This time hindi na siya sumagot sa ’kin. Tanging tango na lang ang sagot niya. Pumikit siyang muli kaya hinanap ko na ang remote control sa aircon ng silid niya at pinatay na lang muna ito.

Natutuwa ako rito sa mansyon ni Lola Leticia. Halata kay Lola na fond na fond siya sa mga apo dahil ang daming nakasabit na larawan ng mga ’to! Sa baba may malaking family picture nila sa wall tapos may iilang paintings na pinalanunan daw iyon ni Lola Leticia sa mga auctions. Ang karaniwang nakapaskil sa dingding sa baba ay mga paintings at dito sa taas mga larawan na ng apo n’yang tuso—pilyo, at puno ng kalokohan!

Kaya nga minsan kapag lumalabas ako sa kwarto ko, inis na inis na ako dahil mukha ng mga unggoy ang una kong nakikita sa umaga. Kagaya ngayon! Though hindi ko talaga naging hilig ang pagmasid sa mga larawan ng mga ’to. Mga konting glance lang talaga ang nagagagwa ko kasi badtrip ako lagi sa mga ’to.

Magbu-buwan na ako rito sa mansyon ni Lola Leticia pero dehins ko pa nakita ang mga parents ng apat na unggoy sa personal. Tanging sa larawan ko lang nakita ang mga magulang nito. I wonder if hindi pa sumagi sa isip ng mga magulang nito na kunin ang anak nila rito. Para naman sana mabawasan ang unggoy na bumubwesit sa kin.

“Cleo, anong nangyari sa’yo?” tanong ni Ate Jodel nang makarating ako sa kitchen.

Umupo muna ako saglit sa high chair na nasa harap ng countertop. Tumigil si Ate Jodel pagpunas no’ng countertop. Wala namang dumi iyon kaso parang pinapakintab niya ito lalo.

“Wala lang, Ate.” Malalim ang naging buntong-hininga ko.

“Wala lang pero ang lalim na ng pinapakawalan mong hininga. Tungkol ba ito sa apat na Alvarez  De Toledo?”

Ay naku, teh! Isang ADT palang ito pero ganito na ako! What more kung nandito ang apat?

“Habaan mo na lang ang pasensya mo sa mga iyon, Cleo. Naninibago lang ang mga iyon sa’yo kasi first time nilang makasalamuha ang tulad mo.” Saysay pa ni Ate Jodel.

Tumaas ang perfect kong kilay. Emee! Gumanda lang kasi hinulma ko na siya. Mayabong kasi itong kilay ko.

“Tulad ko, ate?”

Bahagyang natawa si Ate Jodel at nagpunas ulit.

“Oo,” sagot ni Ate Jodel bago tumalikod sa akin. This time nasa sink na naman siya.

Nasaan na ba si Ate Marli? Kanina nagluluto lang iyon dito ah. Sana nandito siya para mas masarap ang chismisan namin! The more, the merrier ang atake mga vhakla!

“Kasi iyong mga dumaang mga kasambahay rito na h-in-ire ni Donya Leticia kung ano-ano ang ginawa. May isa pa ngang nakapasok dito tapos sektretong kinukunan ng larawan ang apat tapos binebenta!”

“Huh? Ganon ka-lala, ate?” Bulaslas ko sa gulat.

Saglit akong nilingon ni Ate, tumango. “Oo, tapos naalala ko, meron ding isang babae rito na nakapasok at bigla-bigla na lang pumapasok sa kwarto nila sir.”

“Oh my ged!” Sambit ko na lang.

“May mga nakapasok na sadyang nang-aakit lang sa apat at kung ano-ano pang mga kabalastugan ang ginawa, Cleo. At kaya ko nasasabi na iba ka, kasi ikaw wala kang amor sa apat. Tapos lumalaban ka pa sa kanila. Wala kang takot!”

Naku si Ate Jodel over naman sa compliment kemerut for me! Dehins lang niya alam ang takot ko sa magpipinsan na iyon. Ayaw ko lang kasing magpa-api kaya pilit kong nilalaban ang apat na ’yon. Saka kung magpapa-api lang ako, ang talunan ko naman no’n. Ayoko ko sa damsel in distress eme-eme na ’yan. Kung kaya ko, lalabarn akes. Labarn lang nang labarn ang vhaklang ito!

“Teka nga, kumain ka na ba ng agahan mo—”

“Hala!” Napatalon ako mula sa pagkakakupo ko nang maalala kong kailangan ko pa palang dalhan ng agahan ang isang unggoy na nilagnat sa taas! Leche naman!

“Anong nangyari sa’yong bata ka!?” Si Ate Jodel na naman ngayon ang nagulat sa akin.

“Ate, kailangan ko pa palang dalhan ng breakfast si North Hayes sa taas!”

“Oh, anong nangyari kay Sir North? Ayaw bumaba sa agahan?”

Umiling ako at mabilis na kumuha ng plato, bowl, at kobyertos.

“Hindi, ate ko. Nilagnat ang timawa na iyon. Kailangan ko pang painumin iyon ng gamot!”

“Naku, hindi mo naman sinabi kaagad! Nakipagchikahan ka pa sa ’kin! Tulungan na kita.”

“Sarap kasi lagi ng tsismis, ate.”

Tinawanan lang ako ni Ate Jodel. Binigay niya sa akin ang tray. May nilagay na rin siyang gamot at tubig roon.

“Kung may kailangan ka tawagin mo lang kami ni Marli, ha. Huwag ka nang bumaba para mabantayan mo si Sir North.”

“Hindi na iyon bata, Ate.”

“Pero may lagnat kasi.”

Napairap na lang ako.

Umakyat ako sa taas at dumeretso sa silid ni North. Hindi na ako kumatok since wala namang silbi, hindi naman ako pinagbubuksan ng lalaking ito.

“Bangon na, North. Kumain ka na nang makainom ka ng gamot mo.” Gising ko sa timawa.

Gumalaw si North. Nanghihina talaga ang otoko dahil sa lagnat niya. Unti-unting binuka ni North ang kanyang mata. Hay, ewan ko ba. Nagagandahan ako rito sa mata ni North. Hindi siya weird tingnan para sa akin. Naa-attract nga ako roon sa totoo lang!

Naa-attract? Gaga ka rin, Cleo!

“Kain ka na. Bilis!”

Muli kong sinipat ang noo ni North. Nag-aalala ako nang maramdaman ko ang init niya. Mukhang lumala pa ang lagnat niya.

“North, dadalhin ka ba namin sa ospital? Tatawagin ko ba ang kapwa mo unggoy?”

He let out a small laugh.

“My hands are shaking, Nanny. I don’t think I can lift a hand right now.”

Ngumiwi ako sa kanya. Nasaan na ang lakas n’ya kanina? Pinagtitripan lang ba ako ng lalaking ito?

“North, magpagaling ka muna bago mo akong pagtripan. Bangon na. Kumain ka na!” Usig ko rito.

Umiling siya sa akin. Huminga ako ng malalim. Ang sarap naman talagang ibuhos nitong dala kong kanin at ulam sa kanya!

Amusbshnshk! Tumabi ako sa kanya at dinala sa kama niya ang pagkain. Tinulungan ko si North sa pagbangon dahil hindi niya rin daw kayang bumangon.

“Nganga na!” Masungit kong untag at tinaas ang kutsara na may ulam at kanin.

Tiningnan niya lang ang kutsara.

“Ano na?” Pukaw ko rito kasi mukhang wala pa sa sarili.

“Ikaw muna ang kumain. Baka may l-lason ’yan,” anito.

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya! Dinibdib niya talaga iyong sinabi ko sa kanya kanina? Really?

“Walang lason ito.”

Matigas siyang umiling sa akin. Arghh! Nakakainis! Nakakainis na ang unggoy na ’to! Hinahabaan ko na ang pasensya ko pero sumusobra na ’to!

Labag man sa loob ko pero ako ang unang sumubo sa pagkaing dinala ko para sa kanya. Pinakita ko sa kanya ang bawat nguya ko sa pagkain. Pati paglunok ko pinakita ko.

“Okies na ba?” sabi ko nang malunok ko ang pagkaing nasa bibig.

“Yeah,” garalgal nito.

My lips contorted. Para akong nagpapakain ng bata. Thankfully, ang bilis niya kumain at hindi na napa-bebe pa sa ’kin. Wala siyang reklamo sa mga malalaki kong subo sa kanya.

“Ito gamot. Inumin mo kaagad nang makapagpahinga ka.” Binigay ko sa kanya ang gamot at pinainom ng tubig.

“Higa na,” utos ko matapos niyang uminom ng gamot.

“Are you used to taking care of someone?”

Kumunot naman ang noo ko. Tinabi ko ang tray sa may bedside table at inayos ko ang kumot niya. Animo’y bata talaga itong inaalagaan ko.

“Ha? Bakit mo naman tanong?” Taka kong tanong sa kanya. Nanatili akong nakaupo sa kanyang tabi.

He gave a sluggish shrug.

“Hmm, nasanay lang siguro ako. Ang Lola ko kasi kapag nagkakasakit, ako lang ang tumitingin sa kanya. Kami lang din kasi ang magkasama sa bahay. Kaya siguro ganon,” nakangiting sagot ko naman kay North.

Umasim naman ang mukha ko nang makita kong nakatitig lang siya sa ’kin na para bang tinubuan na ako ng sungay.

“Ano bang tingin ’yan, North?” ’Di maguhit ang mukha ko sa kanya.

“Nothing. I think you’re too passionate when talking about your… grandmother. How about your mom and dad?”

“Wala na,” I answered, crossing a hand over my neck to gesture that both my parents were dead. “Hindi ki na naabutan ang mga magulang ko kaya ang lola Kora ko na lang ang kasama ko sa bahay namin.”

“Oh,” usal niya.

“Okay lang iyon!” Feeling close kong tampal sa braso ni North.

“Hindi… hindi mo ba sila nakita kahit sa larawan man lang? How about sa puntod nila?”

Hay! Bakit ba kuryoso itong lalaki na ’to sa life ko? May binabalak ba ito? Hmmm…

“Wala kasi iyong bahay namin dati ni Lola binagyo. Wala kaming nasamsam na mga gamit mula doon. Kaya hindi ko nakita ang larawan nila. Bata pa rin kasi ako no’n.”

“Hindi ka ba na-curious kung… kung ano ang hitsura nila?”

“Syempre curious ako. Kaso wala rin naman akong mahanap na larawan nila.”

Natahimik si North. Humiga na siya. Aalis na sana ako nang humawak ang kanyang kamay sa palapulsuhan ko.

“North,”

“Don’t leave me.” May demand sa boses niya.

“Ibababa ko ang tray.”

“Leave it there. Just don’t go!”

“Ano ba ’yan! Parang bata ka naman eh! Anong gagawin ko rito?”

Syempre, gusto ko ring manatili sa silid ko ngayon. Maulan kaya masarap humiga.

“Ask me or lie next to me.”

“Ayoko nga!”

“Then just sit there and don’t leave me!”

Binawi ko sa kanya ang kamay ko. Bumaba ako sa kama niya. Tinawag ako ng unggoy kaso hindi ko siya pinakinggan. May lagnat na nga, ang demanding pa ng timawa!

Kinuha ko ang tatlong throw pillow na nasa sofa. Bumalik ako sa kama at ginawa ako iyong boundary naming dalawa.

Pak! Pak! Pak!

Isa isa kong tinuro ang tatlong throw pillow.

“Walang lalagpas d’yan ha.” Warn ko kay North.

Pagod niya lang akong tiningnan at sumenyas sa akin na pahigain na sa tabi niya. May kasama pang tapik sa bakanteng pwesto sa tabi niya.

“Kapag may pinaplano kang masama sa akin, sinasabi ko sa’yo, North. Hindi ka patatahimikin ng kaluluwa ko.”

Humiga ako.

“Mnm! Just shut your mouth. Naririndi na ako.”

Nilingon ko ito sa pwesto niya. Nakapikit na siya.

“H-hoy!” Usal ko naman nang kunin niya ang isang kamay ko at pinatong niya iyon sa may bandang dibdib niya.

“North!”

“D’yan ang kamay mo para alam kong nandito ka.”

Napalunok ako. Nasa ibabaw lang naman ng makapal na comforter ang kamay ko kaso lang may kung anong sumikdo sa dibdib ko. Heart burn?

Pumikit na lang ako. Ayaw kong intindihin kung ano na itong nangyayari sa aking katawan. Kaso lang ilang minuto pa nga lang akong nakapikit. May naramdaman na akong nakatitig sa akin. Parang nanunusok na ang titig nito sa aking mukha.

Nagmulat ako. Ngunit ganon na lang ang kinalaki ng mga mata ko nang makita ko sa may pintuan si Vidal! Nakasandal siya roon, naka-krus ang braso sa harap ng malapad niyang dibdib na para bang matagal na siya roon. Kita ko ang pag-angat baba ng kanyang malalapad na dibdib na siyang hinuhulma no’ng suot niyang shirt halos pumutok anag tahi.

“V-Vidal,” mahina kong sambit.

“Nice position,” malalim niyang untag. Na para bang hinugot pa sa kailaliman ng lalamunan niya ang boses.

Napatingin ako sa postura ko rito sa kama. Tinakasan ako ng dugo sa katawan nang makita kong nakayakap na ako dibdib ni North!

“A-Ahhhh!” sigaw ko at tumingin kay Vidal. Kaso umirap lang ang lalaki sa ’kin at tumalikod na para bang… dismayado siya?

Huh?


This story is already at

chapter 20

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 11

Chapter 11

At ano naman ang problema sa ’kin ni Vidal? Bakit kung maka-irap siya sa ’kin ay para bang may malaki akong kasalanan sa kanya?

Litse siya daig niya pa ang gerlalung may buwanang dalaw sa attitude niya sa ’kin, ha! Kina-gwapo niya iyon?

Weririt! Bakit ba nandito siya sa kwarto ni North? Anong ginagawa niya rito? Nakauwi na ba ang ibang mga unggoy? Saan sila galing? Sa jungle?

Eh, bakit ko ba pinoproblema ang unggoy na iyon? Wala naman akong ginagawang masama rito sa kwarto ni North! Umiidlip lang naman ako.

However, napatingin ulit ako sa posisyon namin ni North. Dehins ito nagising sa kabila ng tili ko. Tulog mantika ang awrahan ng otoko!

Nais ko mang lumayo kay North at bumangon kaso lang nakagapos din pala ang braso niya sa baywang ko. Para iyong ugat na kapit na kapit sa akin! Sisisihin ko ba si North dito?

I nearly dragged a hand down my face, realizing I was the one who’d carelessly crossed the thin line between us. Ako ang tumanday sa lalaki at yumakap! Hindi pa nakakatulong na feel na feel ko ang pagkakaunan ko rito sa mapalad na dibdib ni North!

Kapal ng face mo, bakla ha!

Kinapa ko ang noo at leeg ni North nang maalala kong nilagnat pala ang otokong itey! I sighed in relief when his fever went down.

Gumalaw ako ng konti at babangon na sana kaso parang nakapako itong braso ni North sa katawan ko. ’Tapos ayaw ko pang gisingin ang lalaki dahil nagpapahinga ito.

Tiningnan ko si North na mapayapa ang tulog. Naku, kung sasakalin ko siya ngayon hindi niya talaga ako mapipigilan. Nais ko sana ng konting ganti sa mga panti-trip nila ngunit nilagnat nga kasi. Postponed na lang muna ang revenge kenemerut ko.

Nakasama ko na si  Reign. What I noticed about him was that he seemed mysterious, serious, and often looked grim. Meanwhile, after spending just a couple of hours with North, I noticed that he gave off a playful vibe and had a warm heart. Warm heart? Warm heart kung hindi kasama ang mga kapwa niya unggoy! Saka maayos naman pala itong si North.

Maayos kapag may lagnat? Emee!

Ang tangos din pala ng ilong nitong unggoy  na ’to. Ang magulo ang kanyang kulay chest nut na buhok at plakadong-plakado ang makapal na kilay.

Wow! Maganda pa ang kilay niya kaysa sa ’kin ah. Medyo makapal ang kanyang pulang labi at… naningkit ang mata ko. May nunal siya sa gilid ng labi niya!

“Are you done eye rap*ng me, nanny?”

“Ay palaka!” Bulaslas ko sa gulat nang biglang magsalita si North!

Nasampal ko ang kanyang dibdib dahil sa pagkabigla. Natatawa siyang nagmulat ng mata. Mistulang tumigil ang oras sa ’kin nang makita ko ang mga mata ni North.

“Too handsome for you, right?”

Muling lumagapak ang palad ko sa kanyang dibdib. Kaya pala may bagyo dahil sa kahanginan ng lalaking ito!

“Kaya tayo binabagyo d’yan sa kahanginan mo eh!”

“Why? Hindi ba? Natulala ka nga d’yan while looking at me.” Untag niya. Akmang papabulaanan ko siya nang unahan niya ako. “Don’t even think of denying it. I saw it with my own eyes!”

Inis kong winaksi ang kanyang braso sa baywang ko. Umupo ako at pinagkrus ang aking braso. Gusto ko sanang mag-breast out kaso wala naman akong dibdib na kagaya no’ng kay Mommi Toni Fowler. 

Aliw na aliw si North habang nakatingin sa ’kin na nag-iinarte rito sa tabi niya. I don’t really know what’s wrong with me. Despite our away-bati na relasyon at maya-mayang sagutan. Hindi ko nafi-feel na sasaktan nila ako physically. Yes, they’re big boys with big muscles, but they don’t use their physical strength to get even with me.

“Ikaw nga d’yan, ang higpit ng yakap sa ’kin. Para kang tuko kong makaligkis sa katawan ko!” Giniling-giling ko pa ang katawan ko sa harap niya.

At ang walang hiyang Alvarez De Toledo tinawanan lang ako na para bang nagdyo-joke lang ako rito sa tabi niya.

Aba’y! Ang lakas din talaga ng amats nitong otoko  na ’to! Sinusubukan talaga akes ha!

Naiinis kong pinatid ang kanyang binti dahil halos maubo na siya kakatawa. Parang timang naman! Nagseseryoso kaya ako rito!

“Ano bang problema mo? Bakit ka tumatawa d’yan mag-isa! Unggoy talaga!” Suway ko sa kanya.

“Nagpapatawa ka k-kasi!” Nauutal pa siya dulot ng tawa niya kanina.

“Ano? Hindi naman ako nagbibiro!” Pagtataray ko sa kanya.

Bumangon si North. He let the blanket fall loosely over his lap.

“Sabi mo kasi para akong tuko makaligkis sa’yo? Eh, sino ba ang yumakap sa ’kin?”

Bumalik sa ’kin ang hiya! Nrggduqnssk!

“Eh sino ba ang brasong nakagapos sa akin na parang ayaw akong pakawalan?” Nagmi-make face na ako upang pagtakpan ang hiya.

Nahigit ko naman ang hininga nang biglang umabante si North sa akin at nilapit ang kanyang mukha sa akin. Sa gulat ko ay humampas ng malakas ang puso ko sa aking ribcage!

“Sino ba ang malikot?” Saad niya sabay galaw sa kanyang ulo, nang-iinis sa akin.

“H-huh?” Utal kong sambit dahil sa lapit niya.

Deym! Baka maamoy niya ang amoy patay kong bibig!

Kumuyom ang panga ni North. Bumaba ang mata niya sa labi ko, balik sa aking mata, tapos sa labi ko na naman. Gumalaw ang kanyang panga at lumayo sa ’kin.

Sheyt talaga! Mabaho ba talaga ang hininga ko? Mukhang nabahuan si North!

“Ang likot-likot mo! Akala ko nga may balak kang ihulog ako sa kama ko dahil sa likot mo. Naninipa pa.”

“T-talaga ba?”

He smirked. “Do I look like I’m kidding, nanny?”

Ramdam ko ang paggapang ng mga blood cells ko sa katawan patungo sa aking pisngi ko. 

“Tse! D-dahil naninibago lang ako sa k-kama mo! Higaan kasi ng animal!” I struggled to reason!

Nakita ko naman ang pag-angat ng gilid ng labi ni North. Hindi na niya ako kinu-kontra kaso lang nakita ko ang ngisi niya! Ngisi lang iyon kaso ramdam kong hindi siya naniniwala sa rason ko.

Inis kong pinatid ang makapal niyang kumot at nang pababa na ako ng kama ay inabot niya naman ang kamay ko, dahilan para mapatigil ako.

“Ano ba!? Bitiwan mo ako!”

“Cleo,” lumambot naman ang boses niya nang banggitin niya ang palangan ko.

Nilingon ko siya na gusot ang namumulang mukha.

“Thank you! Thank you for taking care of me.”

Binawi ko ang kamay ko sa kanya. Nakuyom ko ang bedsheets ng kama gamit iyong kamay na hinawakan niya. May kakaiba kasi akong naramdaman, parang may kung anong mainit na gumapang sa aking palad na galing sa palad niya.

“Ano pa ba ang silbi ko sa bahay na ’to? Nanny nga ako, ’di ba?” I reminded him.

“I know. I’m just expressing my gratitude, okay? Can’t you at least be happy that I’m thanking you? How heartless you are, Nanny Cleo!”

“Tse! Patay ako ngayon nito sa pinsan mong unggoy!” mahina kong sabi at pinulot ko ang tray na dinala ko rito kanina.

Naglakad na ako tungo sa pinto nang magsalita si North.

“Who?”

“Ha?”

“Sinong pinsan ko ang tinutukoy mo?”

Napatango ako. “Si Reed Vidal. Nagulat ako nang pagkagising ko nakasandal na siya dito sa may pintuan. Akala ko nga kapre kaso maputi kasi!”

Nangunot naman ang noo ni North.

“May ginawa ba siya?” sunod niyang tanong.

“Wala naman. Pinuna lang ang pagyakap ko sa’yo! Akala niya siguro sarap na sarap akong kayakap ang tulad mong animal!” Ismid ko sa kanya.

Nang makababa ako ay doon ko lang napansin na wala na palang ulan, kaso lang makulimlim pa rin ang paligid. Pagkarating ko ng kusina ay nando’n si Ate Jodel at Marli sa may sink, naghuhugas yata sila kaso mukhang may juicy na pinag-uusapan!

“Bulaga!” Panggulat ko sa kanila sabay talon sa likod nilang dalawa.

Napasigaw naman silang dalawa sa gulat at napahawak pa sa dibdib niya si Ate Jodel.

“Ikaw talaga, Cleo! Aatakehin ako sa puso dahil sa’yo eh!” Puna ni ate Jodel sa ’kin!

“Akala ko kung sino na!” Si Ate Marli naman at huminga ng malalim.

Sumabog ang tawa ko nang makita ko ang mga hitsura nila ni Ate. Animo’y mga magnanakaw na nahuli sa akto! Binaba ko ang tray bago pinagkrus ang aking barbie arms! Char!

Barbie arms o patpatin lang, Cleo?

Tinapik-tapik ko ang aking daliri sa braso at tinaas ang kilay.

“Ano’ng chismis mga ateng?” ani ko.

“Ikaw talaga, Cleo! Kumain ka na nga lang. Pasado ala una na, oh!” Supla naman ni ate Jodel sa ’kin.

“Eme kayo! Huling-huli na kayong dalawang sa mga mata ko, ate. Anong pinag-uusapan ninyo at engrossed na engrossed kayo?” Pamimilit ko naman.

Kinuha ni Ate Marli ang isang baso at humarap siya sa ’kin habang pinupunasan iyon.

“Si sir Vidal kasi, ang init ng ulo. Kanina mukhang maayos naman pero ngayon bigla na lang sinumpong!” Pabulong ni saad ni Ate pero may suspense doon.

“Talaga, ate?” Usyoso ko naman.

“Mmm!” Tango ni Ate Marli.

“Kanina pa po ba sila nakauwi? Hindi ko po kasi nalaman eh.” ani ko.

“Saan ka ba kasi? Ni hindi mo binaba itong tray! Kanina pa nakauwi sila sir!” si Ate Jodel.

“Sa taas lang, Ate. Nakatulog kasi ako,” sagot ko kay Ate Jodel.

“Pinuntahan ni sir Vidal si sir North para mag-lunch. Kaso biglang sinumpong eh.” si Ate Marli singit pa ni Ate Marli.

“Tama na iyan. Cleo, kumain ka muna.” si Ate Jodel na parang ayaw na ng tsismis.

Napanguso na lang ako. Kaya pala nando’n sa taas kanina si Vidal. Nagulat siguro ang unggoy na ’yon nang makita ako sa silid ng pinsan kaya ganon ang inakto. Moody lang talaga siguro ang otokong ’yon.

Habang ina-arrange ko ang aking mga damit na tinupi bigla namang nag‐vibrate ang cellphone ko.

Reyna: Yohoo!

Maria: Cleoo!

Reyna: Tinangay ka na ba ng baha, bakla?

Napilig ko ang ulo. Umupo ako sa kama at nagtipa ng reply sa kanila. Itong GC namin ay pang notes lang talaga dapat ito. Pero ngayon nag-ingay si Reyna.

Ako: Buhay pa ang ganda ko mga pangit!

Reyna: Ay, wow!

Maria: gurl, stop ka na d’yan. baka bumalik ang bagyo!

Natawa naman ako.

Ako: Ano ba kasi ang kailangan ninyo? Para naman kayong palaka na nag-iingay kasi maulan!

Reyna! Ikaw’ng chaka ka grabe ka na sa ’min!

Maria: Like yeah!

Ako: ano ba kasi ang maipaglilingkod ko sa inyo mga kamahalan?!

Reyna: Iyong favor namin ni Maria, baks.

Maria: Pretty, please, Cleo! Pakilala mo lang kami sa kanila!

Reyna: Yeah! Kunwari lang may group activity tayo keneme tapos ipapakilala mo kami sa kanila!

Ako: Mga gaga talaga! Titingnan ko! Alam n’yo namang hindi maayos ang relasyon ko sa mga idols ninyo. Pero susubukan kong magpaalam if pwede ba akong magdala ng mga palaka sa mansyon!

Reyna: Ang sama mo sa ’min, bakla ka!

Maria: Ahw! Thank you, Cleo. Isa ka ring palaka!

Ako: Kukak!

Reyna: Gaga!

Dahil umaliwalas na ang panahon kinabusakan, may pasok na ulit. Natutuwa ako kasi pakiramdam ko close na kami ni North. Though kanina no’ng palabas ako ng bahay ay pinatid niya ako. Pero nakaiwas naman ako. Neknek niya kasi maingat na ako kapag nasa paligid sila!

Kinukulit na rin ako ni North lalo na’t magkatabi kami sa loob ng kotse. Ang harut niya, hinihila niya ang buhok ko!

Sa pagiging akupado ko kay North hindi ko na lang namalayan na para na pala akong tsina-chop ng titig nina Vidal, Reign, at lalo na ni Dawson.

Sheyt sila! Ano na naman ang ginawa ko? Bawal ba akong maging close sa pinsan nila? Ang dadamot ha!

Pagkarating ko naman sa classroom si Reyna at Maria na naman ang nanggugulo sa ’kin. Atat na atat na silang pumunta sa mansyon ni Lola Leticia, kung saan ang jungle na tinitirhan ng mga mapuputing unggoy!

Nakahinga lang ako ng maluwag nang dumating ang Sabado! It’s because it’s D-Day—the day Tanner and I are going on a date. Err, date ba talaga? Ah, basta para sa ’kin date siya!

From Papi Tanner: See you later!

Napatili ako habang naghahanap ng maayos na isusuot dahil sa text ni Tanner! Arrghh! Lord, sign na ba ito na magkakaroon na ako ng serious na love life?

Thank you, Lord!

Ako: see you😸

Sobrang ganda ng araw ko dahil kay Tanner. Nagsend na rin siya ng location kung saan kami magkikita.

Pangiti-ngiti akong lumabas ng bahay. Nasa terrace na ako nang may biglang magsalita.

“And where are you going?”

Halos humiwalay sa katawan ko ang aking kaluluwa nang marinig ang isang boses. Nilingon ko ito at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko si Dawson na nakasandal sa isang dingding!

“Anong ginagawa mo rito, Daws?” Saad ko at nakahawak pa rin sa chest ko. Para naman itong kabute, kung saan-saan lang tumutubo.

“Ako ang unang nagtanong sa’yo.” Walang gana niyang untag.

Inirapan ko siya. “D’yan lang sa labas. Saglit lang ako, bibili lang ng banana cue!”

Tumaas ang kilay niya. Humagod ang kanyang mata sa buong katawan ko. Naka-shorts ako na hanggang sa mid-thigh ang haba, puting inner shirt, at knitted na jacket. Medyo makulimlim na naman kasi.

“With that outfit?”

Um-awra ako sa harapan ni Dawson, kung ano-ano ng posture ang ginawa ko pero nanatiling seryoso at matalim ang titig niya sa ’kin.

“Masama ba? Ganito lang talaga ako magdamit. Sige na, aalis na ako. Saglit lang naman ako! Babosh!” Nagflying kiss pa ako kay Daws kaso tumaas lang ang kilay niya.

Kumuyom ang panga niya.

Gumastos talaga ako sa pagkikita namin ni Tanner dahil nagtaxi pa ako. Nang marating ako sa location na kanyang sinend sa akin ay matigaya ko siyang hinintay.

Ako: nandito na me 😺

Ilang sandali lang ay nagreply si Tanner sa text ko.

Papi Tanner: See you in a bit. On the way na ako.

Nanalamin pa ako sa camera ng cellphone ko at inamoy ang katawan. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Wala masyadong tao ang lugar na tinigilan ko. Ang building naman sa likod ko kung saan ako nakatayo ay sarado, mukhang walang nag-aakupa. Pero sa kabilang daan naman ay nandon ang isang gusali na may iilang tao.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala si Tanner. Dumaan ang isang oras pero wala pa rin siya. Panay na ang tingin ko sa oras kaso wala pa rin ito hanggang sa magdalawang oras na.

“Baka na-traffic lang.” Pag-aalu ko sa sarili.

Ngunit ilang sandali lang ay bumuhos na ang malakas na ulan. Nagpanghanap ako ng lugar na masisilungan kaso wala akong matakbuhan dahil sa biglaang paglakas ng ulan. Siniksik ko na lang ang sarili ko sa isang sulok ng abandunadong building.

Naiyak ako at niyakap na lang ang sarili. Sumasabay sa lakas ng ulan ang pagbuhos ng luha ko. Pero ilang sandali lang may nakita akong pares ng paa sa harapan ko at ang pagtigil ng patak ng ulan sa pwesto ko.

Nag-angat ako ng tingin. My eyes widened at the sight of his forest-green gaze, framed by slightly tousled dark brown hair that made him look effortlessly disheveled. Akupado ng isang kamay niya ang payong na nakatabingi para makasilong ako. Nababasa na ng ulan ang kanyang likod.

“V-Vidal,” I sobbed.

Tears streamed down my cheeks relentlessly.

“Let’s go.” Aniya at naghubad sa kanyang leather jacket na suot.


This story is already at

chapter 22

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 12

Chapter 12

Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan? Umiiyak na lang palagi Gusto ko nang lumisan…

Mas lumakas ang buhos ng luha ko nang marinig ko ang malakas na sounds mula sa tapat na establishment. Hindi pa ako nakasakay sa kotse ni Vidal at talagang sumakto pa roon ang kanta.

Nakikisabay na nga sa aking pusong sugatan ang panahon. Pati ba naman ang kanta? Talaga bang inaasar ako ng panahon today?

Pwede naman kasing Igiling Giling na lang ni Willie Revillame ang ipatugtog nila. Talagang iyong kantang iyon pa talaga!

Napatingin ako sa loob ng kotse ni Vidal. Pasimple kong pinunasan ang aking pisngi. Malinis, mabango, at makintab. Tiningnan ko naman ang hitsura ko. Basa at may konting putik ang paa.

Shuta! Masyado kong ginandahan ngayon pero mauuwi lang pala sa ganito! Iyong face card ko haggardo versoza na.

“Pasok na, Cleo. I’m drenched already!”

Napaigik naman ako nang marinig ko ang pagdaing ni Vidal sa likod. Umikot ako at tiningala ang unggoy kong alaga.

Weririt! Ano ba ang ginagawa niya rito? Paano niya ako nahanap sa lugar na itey? Don’t tell me… ini-stalk niya ako? Stalker ko si Vidal!

Flick!

“Aww!” reklamo ko nang walang sabi-sabing pinitik ni Vidal ang aking noo! “Bakit ka ba namimitik? Inaano kita?”

Nananakit na siya ng tao! Parang si Daws lang-walang ka-gentle gentle sa bones! Paano ko ba naman kasi makakalimutan iyong paghulog ng ulupong na iyon sa ’kin sa lupa noong nag-camping kami. May pabuhat-buhat pa siya sa ’kin ibabagsak lang naman ako.

Pero, forgiven itong si Vidal today! He saved me.

“Kung ano-ano na naman kasi ang pumapasok d’yan sa isip mo!”

“Ha? Alam mo?” Lumaki ang mga mata ko.

“Tss! Halata nga kasi sa hitsura mo. I don’t exactly know what it is, but your face says something weird! Now get in the car before we catch a cold.” Utos niya sa akin, nanatiling nakataas ang isang kamay na may hawak na payong. Though nababasa siya since mas pinapayungan niya ako!

“Eh!” ugong ko, pinadyakan ang paa sa mabasang kalsada. “Ang linis-linis ng kotse mo.”

Tamad siyang napabuga ng hininga. “Will you get in the car, or do you want me to throw you inside?”

Naalarma ako.

“Vidal.”

“Cleo!” Vidal growled.

Nakamot ko ang aking batok bago umakyat sa kotse. Nakita ko kasing halos pumutok na ang ugat ni Vidal sa noo dahil sa pagtitimpi sa ’kin. Baka nga hambalusin na ako nito!

Kakaupo ko lang sa passenger seat nang biglang humampas nang malakas ang pinto ng kotse. Napatalon ako sa gulat at lumipad ang dalawang palad ko sa aking dibdib. Akala ko talaga bumulwak na ang puso ko palabas dahil sa pagkagulat!

“Siraulo ka ba!” sigaw ko at sinundan ng tingin si Vidal na umikot tungo sa driver’s seat! Syempre, malaya kong sinigaw iyon since nasa labas si Vidal, alam kong hindi niya ako maririnig.

Honestly, I’m kind of relieved that this white monkey is here with me right now. Madami lang akong hanash sa kanya pero nawaglit ang aking pagkabigo dahil nainis ako sa kanya. Emerut! Talagang nasaktan ako sa hindi pagsipot ni Papi Tanner sa ’kin pero dumating si Vidal, my knight and shining umbrella for today’s ganap!

Marami na naman akong crush. Hindi ko na nga mabilang simula noong elementary. Kaso ngayon lang ako… nabigo ng ganito! Siguro dahil last week ko pang nilo-look forward itong date sana namin ni Tanner?

Mahilig ako kumiringking sa mga boys kaso wala pa talaga akong naging boyfriend. Wala pa kasi akong pa-motor or shoes! Eme lang! Nagbabagong buhay na ako, ’no!

Kaya nga siguro ako nasasaktan ng ganito kay bebeloves Tanner kasi akala ko siya na si Mr. Right! Akala ko siya na ang icing sa ibabaw ng cupcake ko! Sheyt! Nag-iilusyon lang ba akes?

“Bakit ka ba nagpapaulan doon? You could’ve gone to other place.”

Saka lang ako bumalik sa reyalidad nang magsalita si Vidal. Nakasakay na pala siya, hindi ko man lang namalayan. Gano’n na lang siguro akes kalutang ngayon na hindi ko iyon napansin.

Lumingon ako kay Vidal at gano’n na lang ang pagkalaglag ng panga ko nang tama namang naghubad siya ng puting t-shirt. Hinugot niya iyon mula sa likod tungo sa ulo niya. Dahil doon mas nagulo ang kanyang straight at dark brown na buhok.

I unconsciously gulped.

Vidal shook his head. His muscles were in the right places. He had a small waist despite being a toned man.

Bigla kong naramdaman ang pagtaas ng temperatura sa loob ng kotse habang naglalakbay ang aking mata sa kanyang katawan. I often saw him topless, but I never appreciated his body this much! Sila naman kasing magpipinsan ay mahilig maghubad! Animo’y naubusan ng damit!

Nanlaki pa lalo ang mga mata ko nang bumagsak ang tingin ko sa bahagi ng kanyang gitnang hita. Mabundok at malaki!

“Staring is rude!”

“Aysheyt na titi ’yan!” sambit ko sabay takip ng kamay ko sa aking bibig! Kaso huli na-pinagsigawan ko ang titi ni Vidal!

Oh my ged!

Deym! Litseng bibig meron ka, Cleo Guillermo! Magdahan-dahan ka naman sa mga sinasabi mong bakla ka!

Vidal shot me a teasing grin. His faint dimples cut through his cheeks before he dropped his eyes on his colossal junior! Jusko! Junior niya kaso sing-lapad pa yata ng palapulsuhan ko!

“Why? What’s wrong with my dick, huh, Cleo?” Tukso pa ni Vidal habang nagpapabalik-balik ang tingin sa ’kin at sa kanyang hindi makatutuhanang size na ahas! Litse ’yan!

“H-ha? Anong dick? Anong pinagsasabi mong dick?” Kahit na nauutal, pilit ko pa ring dini-deny ang katagang lumabas sa bibig ko. Hindi ko na tuloy alam kung saan ako titingin dahil sa hiyang kumakain sa aking katawang lupa!

Echoserang bibig kasi, eh!

“You want to see him? Don’t worry, he won’t bite!” Panunukso pa ng unggoy sa akin.

Nakita na niyang para na akong kamatis na hinog na rito. Dinadagdagan niya pa ang hiya ko!

“T-tse! Hindi ako ganyan kahayok sa titi mo, Vidal! FYI, marami pang iba d’yan na mas malaki!”

Msgsrthsk! Ano na ba itong lumalabas sa bibig ko? ’Tsaka bakit ba umabot kami sa titi?

“Right. Tulad ba ng lalaking kikitaan mo dapat ngayon?”

Parang awtomatik na nag-shutdown ang hiya ko at napalitan ng lungkot nang mabanggit ni Vidal iyon.

Wala na sana akong balak i-entertain iyong sakit at pagkabigo ko, kaso binubuksan niya na naman! Ang galing talaga ng kumag na ’to!

Tumingin ako sa harap at nakita kong mas lumakas pa ang buhos ng ulan. Kinagat ko ang aking labi nang muli kong maramdaman ang pag-init ng aking mga mata. Hanggang sa naramdaman ko ulit ang paglandas ng maiinit na likido sa aking pisngi. Pumikit ako at yumuko, hinayaan ang mga luhang maglakbay pababa sa pisngi ko.

Nasaktan ako pero baka na-lowbat lang si Papi Tanner, ’di ba? Baka na-stranded din siya dahil sa lakas ng ulan.

“Magpunas ka na. Uuwi na tayo bago pa tumaas ang tubig sa daan,” sabi ni Vidal at may tinapon na towel sa aking ulo.

Without taking off the towel, I turned my eyes to Vidal. Nagpupunas ulit siya sa kanyang katawan at buhok.

“Vidal,” ani ko, mahina ang boses ko at nanginginig. Hindi dahil sa lamig kundi dulot ng pag-iyak ko.

“What?” Tumingin din siya sa gawi ko. Ngayon na natitigan ko nang husto at malapitan ang mga mata ni Vidal, ngayon ko lang narealize na mas dark pala ang pagka-green ng kanyang mga mata. Halos hindi ko maaninag, pero kapag natatapatan ng ilaw, makikita ang kulay forest green niyang mga mata.

“Cleo?” Tumalim ang titig ng kanyang monolid forest-green na mga mata sa ’kin.

“A-ano… ayaw ko pang umuwi sa mansyon,” mahina kong untag. Ayokong makita ng ibang mga unggoy ang namumugto kong mga mata ngayon.

Malalim ang kanyang buntong-hininga. “May lugar kang gustong puntahan?”

Ilang sandali akong natahimik, nag-isip kaso wala namang pumapasok sa isip ko.

“W-wala akong maisip… saka maulan.”

Sa likod niya ay may inabot siya-isang itim na t-shirt at sinuot niya ito. Sinuklay rin niya ang buhok pero kahit anong ayos, bagay pa rin sa kanya.

Unfair!

“Okay lang ba sa’yo kung kahit saan?”

“Mmm!”

He beamed. “Then let’s go. Put your seatbelt on.”

Kinabit ko ang seatbelt ko. “Basta hindi tayo mapapahamak sa pupuntahan natin ha.”

Ngumisi lang ang lalaki sa ’kin bago binuhay ang kotse.

Hayst! Bakit ba kapag minamalas ako, laging may isa sa apat na sumusulpot? O baka naman sila talaga ang nagdadala ng malas sa buhay ko?

Ay, wow naman, Cleo! Binubunton mo pa talaga sa ibang tao ang kamalasan mo sa buhay! You were born with it. You were born unfortunate in this unfair world!

“Vidal,” wika ko habang nagmamaneho ang lalaki. Tahimik-kailangan kong magsalita para lang hindi mapanis ang laway ko.

“Ano?”

“Hindi ka ba magtatanong k-kung bakit mag-isa ako ro’n?”

Vidal clicked his tongue. “Obviously, hindi ka sinipot ng lalaki mo.”

Lalaki ko? Para namang may secret affair kami ni Papi Tanner no’n.

“Uh,” sambit ko, bumaling ako sa kanya kaso nasa daan lang ang mga mata niya. Medyo malabo na rin ang daan dahil sa lakas ng ulan. “Oo nga pala, paano mo naman nalaman iyon?”

Nakita ko ang pag-alon ng kanyang Adam’s apple. “Narinig ko lang din kanina habang nag-uusap kayo ni Daws sa labas ng bahay.”

I found myself nodding at his response. “Pero anong ginagawa mo sa lugar na iyon?”

“May binili lang,” sagot niya.

“Biniling, ano?”

“May hardware sa tapat kung saan ka nakatayo. Bumili lang ako ng pako ro’n.”

Eh? May sira ba ang mansyon? Pero kung may sira, may maintenance naman ah. Nautusan siyang bumili?

“Pako? May nasira sa mansyon?”

“Wala sa mansyon ni Lola, pero sa bahay ko, meron.”

“May bahay ka!?” gulat kong tanong sa kanya.

Napatingin siya sa ’kin dahil sa gulat ko.

“Kaming apat, meron. It was our late grandfather’s gift to us.”

Jusko! Ang gara naman kung magregalo ng lolo nila! House and lot! Shuta, kami nga sa probinsya ni Lola Kora, ultimo lupa wala-lupa lang sa paso ang meron kami!

Sheyt! Hindi ko talaga alam kung gaano kayaman ang mga Alvarez De Toledo. Hindi ko maarok kung hanggang saan ang yaman nila! Nabibilang pa ba nila ang pumapasok na pera sa bangko nila? Maybe I’ll spend a lifetime counting their money!

Halos hindi ko mahagilap ang panga ko nang makarating kami ni Vidal sa sinasabi niyang bahay.

Shuta siya! Bahay raw pero ang laki! Oo nga’t hindi singlaki ng mansyon ni Lola Leticia, pero ang laki din nito!

“Multo ba ang naninirahan dito?” saad ko nang makapasok kami ni Vidal sa bahay niya.

Actually, bungalow-type ang bahay. Made of glass, wood, and cement. Kulay puti at brown naman ang kadalasang pintura. Kaso dito sa loob, halos puti at may mga malalaking vase.

“Malakas ba ang ulan o may naririnig akong alon?” litong sambit ko.

“May dagat sa likod ng bahay. Property din namin.”

“Huh?” Muntik nang lumuwa pati mata ko.

Oh my ged!

“Yeah!”

Tumakbo ako tungo sa bintana kung saan matatanaw ang dagat.

“Oh my!” May dagat nga! Sayang lang kasi masama ang panahon ngayon!

Naramdaman ko ang presensya ni Vidal sa likod kaya naman lumingon ako. Kaso hindi ko inaasahan na sobrang lapit niya pala kaya bumundol ako sa kanyang matigas na katawan.

“Careful,” saad niya at humawak sa baywang ko.

Sheyt! Nakalimutan ko yatang huminga sa loob ng ilang segundo.

“May ganito r-rin bang bahay sila North?” tanong ko sa kanya.

Humigpit naman ang pagkakahawak niya sa aking baywang.

“Nope. Depende kasi sa amin kung saan namin gusto. Tinanong kami ng lolo noon kung ano ang gusto namin at naghanap siya ng property na akma sa gusto naming apat,” sabi ni Vidal habang nakatuon ang mga matatalim niyang mata sa ’kin.

Sa kung anong dahilan, hindi ako mapalagay sa mga titig niya. May kung ano itong pinupukaw sa aking sistema.

“W-wow!”

Buang! Bakit ba ako nauutal? Dahil ba hawak niya ako? Eh ano naman kung nakahawak siya?

“Pwede kayang ampunin n’yo na rin ako? Ni Lola Leticia? Hehehe!” biro ko, dumapo ang mata ko sa kanyang malapad na dibdib na hinuhulma ng kanyang itim na t-shirt.

“That won’t do,” agad niyang tugon.

“Psh! Joke lang naman iyon!”

Umusog na ako para makawala sa kanyang pagkakahawak. Para kasing wala na siyang balak na pakawalan ako! Eme! Nag-iilusyon na naman ang bakla!

Sinilid niya sa bulsa ng jeans ang kamay-napansin kong mahilig siya ro’n ha.

“Anyway, may aayusin akong cabinet sa kusina. Can you cook something for us? Something with soup.”

Ngumiwi ako kay Vidal. Duda na ako sa pagdala niya sa ’kin rito sa bahay niya. Kaya naman pala, kasi may balak siyang gawin akong cook!

But forgiven, since dumating siya kanina. Baka kung hindi siya dumating, para na akong basang sisiw ngayon!

“Ano ba ang gusto mo?” Tiningala ko siya. Ang tatangkad talaga nitong mga mapuputi kong unggoy! Halata rin sa kanila na may halong dugong banyaga!

“Ikaw,” usal niya habang nakatitig sa mga mata ko.

“H-ha?”

“Sabi ko, ikaw-kung ano ang gusto mong lutuin. May laman naman ang ref ko,” sagot niya at tumalikod na sa ’kin.

Guni-guni ko lang ba iyong narinig ko kanina? Psh! Baka nagugutom lang ako. Hindi kasi natuloy ang date ko with Papi Tanner.

Susunod na sana ako kay Vidal nang mag-vibrate ang cellphone kong nasa loob ng bag ko. Kinuha ko ito at tiningnan.

Papi Tanner: Cleo, sorry! I can’t come. My parents suddenly arrived.

Nanikip ang dibdib ko. Ilang oras ako ro’n pero ngayon lang siya nag-text.


This story is already at

chapter 24

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 13

Chapter 13

Binaliwala ko ang text ni Papi Tanner. Sa totoo lang nati-tempt akong mag text sa kanya at magreply kaso lang pa-hard to-get-girl ang atake ko ngayon. Baka kasi akalain ni Tanner na easy lang ako since ang dami kong pinapakitang motives sa kanya. Kaya ngayon plano kong i-ignore muna ang text niya. Siguro magri-reply lang ako sa kanya kapag tapos na kaming kumain ni Vidal.

Nagpaalam ako kay Vidal na maliligo muna akes since medyo dugyot na ang awrahan ko right now. Hindi naman siya nagkiming ipahiram sa akin ang isang kwarto nitong bahay niya at pinahiram niya rin ako ng boxers at tshirt. Not bad naman since mabango kahit unggoy ang may ari! Naligo akes dahil medyo wet na ang gandang bakla na ’to. Medyo dugyot, medyo wet. Mga medyo lang since mahirap tablahan itong ganda ko sa mga external forces! Emee!

Nilabhan ko na rin ang damit ko at sinampay ko lang sa loob ng banyo. Tinapat ko iyon sa aircon para mabilis siya magtuyo. Nang tingnan ko naman ang self sa salamin. Napatili ako!

“Ahh~! Ang seksi mo!” ani ko sa self ko. Syempre eksaherada ko lang para hindi ko maisip ang pain na dinulot ni Papi Tanner sa pag-indiana jones niya sa akin.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin at umaangat lalo ang kaputian ko dahil sa kulay navy blue na tshirt na pinahiram ni Vidal sa ’kin. Umaabot ang tshirt sa mid thigh ko at hindi nakikita ang suot kong boxers. Para na tuloy siyang dress. Saglit kong b-in-low dry ang buhok ko bago lumabas.

Deretso ako sa kusina upang magluto para sa amin ni Vidal nang maabutan ko siyang nagkukumpuni sa isang pinto ng cupboards. Nakapatong siya sa isang silya. Nakatalikod sa gawi ko at umiigting ang kanyang muscles habang nagkukumpuni roon. Topless siya at naiwan lang ang kanyang jeans.

Oh sheyt! His shredded back looks irresistibly hot as my eyes fix on it like they’re a magnet and I’m steel; the ridges of his muscles move like coiled ropes beneath his skin. Hindi ko magawang ilayo ang mga mata ko sa bawat galaw ng kanyang malapad na likod habang may inaayos siya sa cupboards.

Itong maputing unggoy na ’to palang yata ang nakita kong napaka-seksi tingnan habang nagkukumpuni! Maybe a blue-collar job doesn’t make him any less of a handsome man. He’s brooding and so manly!

“Cleo? Cleo!”

“Kabayong hayok ka!” Bulaslas ko naman sa gulat.

My eyes instantly shifted to Vidal’s face. Nagusot ang kanyang gwapo— unggoy na pagmumukha. Bitbit niya ang isang screwdriver at bumaba siya sa silya. Sinara niya ang inayos na cupboards habang hindi nilulubayan ng titig ang aking wet looks! Emee!

“You drifted off,” he said, smirking slightly.

“Luh? Me? Ano’ng space out ka riyan!? Nag… nagtataka lang kasi akes kung ano ang ginagawa mo. Nakapukos lang ako sa muscles, I mean sa pagkukumpuni mo!” Naghihikahos kong paliwanag sa unggoy.

“May inaayos lang ako kasi lumuwag ang pinto. Pinasikip ko lang.” Tinapunan niya ng isang sulyap ang cupboards.

“Oh, mabuti kung ganon.”

Vidal lazily walked toward the countertop and placed his hand on it. He leaned, and my eyes sparkled as they were blessed with the sight of his big muscles. The way his muscles flexed felt so wrong, yet so irresistibly attractive to me.

Flick!

“Ahh! Vidal!” Inis kong untag at sinamangutan ang unggoy! “Nakailan ka na sa ’kin ah! Bakit ba ang hilig mong saktan ako?”

“Natutulala ka na naman,” his playful remark came with a faint dimple showing on his cheek.

“Huh? Ano’ng tulala ka riyan?”

Hinihimas ko ang noo ko na parang nasusunog mula sa pitik niya nang makita ko itong nakatitig sa akin. Nako-conscious ako sa mga titig niya nang  lumandas ang mga mata nito pababa at muling umangat sa mukha ko.

Vidal nipped at his lips, but when our eyes met, his eyebrows knitted together! Parang kasalanan ko pang nahuli ko siyang nakatitig sa ’kin! Bwesit siya!

Sumama ang tingin niya sa ’kin. “Magluto ka na lang!”

Nag-make-face ako sa kanya. “Oo na nga! Magluluto na po!”

“I’ll just take a shower then.”

Hindi ko na tiningnan pa si Vidal nang lisanin niya ang kusina dahil naninibaghan na ako sa self ko! Because, bakit naman ako natutula sa lalaki? Sanay na naman ako sa mga katawan nila pero bakit… bakit ngayon nawawala ako sa self ko?

Isa pa. Kailan pa ako namangha sa mga katawan ng unggoy na iyon? Halos araw-araw nila iyong binabalandra sa ’kin pero kebir! Never akes naakit.

Siguro nasobrahan ako lang sa diversion ko sa pagkabigo ko kay Tanner. Kaya siguro gano’n na lang.

Nilabas ko ang manok dahil plano kong mag-chicken soup na lang kami ni Vidal ngayon. Dahil na-frozen iyong manok binabad ko muna siya sa tubig habang nagsasaing ako ng kanin sa pressure cooker.

Habang naghihiwa ako ng manok, panay ang lipad ng utak ko sa text ni Tanner. Gustong-gusto ko na siyang reply-an, baka kasi magtampo pa iyon kapag wala akong reply sa kanya. Kaso lang pakipot lang dapat kasi ang atake ko ngayon! Dapat maisip ni Papi Tanner na hindi rin ako easy bebeboy! Emerut! Ang dami nang pumapasok sa isip ko na hindi maganda.

Hinihintay ko na lang na lumambot iyong manok kaya nagkaroon ako ng time na i-check ang phone ko. Kaso lang mas lalo akong na-dismaya nang makita kong wala nang follow-up text si Tanner sa akin. Parang takot siyang mag-double text sa akin. Habang ako parang naka-parade na iyong text sa kanya.

Lumabi ako kasi medyo nanikip ang dibdib ko habang nakatingin sa aming conversations. Then a realization hit me like a damn bullet. What if kaya lang gusto ni Tanner na makipagkita sa akin kasi magpapaturo siya? Pero bobo naman ako.

Wala talaga akong maisip kung hindi date sana. Date na sana kaso naging bato pa!

Pinunasan ko ang luha na lumandas sa pisngi ko. Paano na ito ngayon? Mukhang like na like ko na si Papi Tanner!

Apshdgsmsgsk! Ang gwapo niya kasi eh! Tapos ang bait sa akin! Ang gentle! Sinong ’di mahuhulog doon?

Lola Kora, umiibig na yata ang baklang apo mo rito!

Mabuti sana kung kagaya sa mga unggoy kong alaga. Baka kung gano’n, hindi ako magkakagusto!

Flick!

Nabitiwan ko ang cellphone ko dahil sa gulat nang may pumitik sa aking noo! Handa na sana akong bungangaan si Vidal nang makita kong nasalo ng isang kamay niya ang cellphone ko.

Mabilis ko itong binawi sa kanya. But it was too late because he had already seen my conversations with Tanner.

“The heck!” he grumbled a curse. “What’s with his name on your phone?” Parang nahihintakutan pa siya sa naka-register na pangalan ni Tanner sa aking contacts.

“Ang sadista mo! Sinasaktan mo ako lagi, Vidal!” Inirapan ko siya. “Saka paki mo naman kung ano ang pangalan ni Tanner dito sa contacts ko?”

“At least I didn’t hurt you emotionally.”

Napalabi ako. Ang sarap naman talaga minsan busalan ng bibig.

“N-nananakit pa rin!”

My lips twitched when I smelled my scent on him. Oh my ged! Pareho kami ng shower gel na ginamit!

Ngumisi lang siya sa ’kin, dahil doon nakita ko na naman ang biloy niya sa pisngi. Bago pa magtagal ang mata ko sa kanya, tumalikod na ako upang tingnan ang aking niluluto.

There must be something wrong with me right now. Natutulala na kasi ako sa harapan ni Reed Vidal, ang isa sa mga unggoy na malakas mang-trip sa ’kin!

Nang matapos sa pagluluto. Naghain na ako at inayos ang lamesa. Si Vidal naman nagbitbit pa ng alak sa mesa at binigyan niya ako.

“Anong oras tayo uuwi?” tanong ko habang sumisipsip ng sabaw sa kutsara.

Ah, ang sarap ko talaga! Este. Ang sarap talaga ng luto ko!

“Later, why? Gusto mo nang umuwi?”

Inilingan ko ito. Hindi na namumugto ang mata ko pero malakas pa naman ang ulan sa labas.

“Then let’s stay here for a few more hours.”

“Sige!”

Pagkatapos no’n ay tahimik na kaming kumakain ni Vidal. Medyo hindi ako sanay na walang sigawan at wala siyang kalokohan na ginagawa sa ’kin ngayon.

Sinulyapan ko si Vidal na maganang kumain. Itong mga apo ni Lola Leticia talaga, ang lalakas kumain. Though, ang gaganda pa rin ng mga katawan nila. Well, ikaw ba namang may built-in na gym sa bahay. Ewan ko na lang.

Minsan na kasi akong napadpad doon nang utusan nila akong linisin ang buong gym! Halos mawalan din ako ng malay no’n!

“Cleo? What’s wrong? Is there something on my face?”

I came back to my senses.

“Oh, just handsomeness!” Halos mabulunan ako nang takpan ko ang bibig kaso, wala na. Nasabi ko na ang na nasa utak ko lang dapat.

Vidal’s eyes fixed on me as if he had found something ridiculous on my face. Not long after, his boyish laughter broke out!

“Cleo!”

Tinakpan ko lang ang mukha ko upang itago ang pamumula nito!

“Cleo!”

Tawa pa ng unggoy!

“Tama na! Tama na, Reed Vidal Alvarez De Toledo!”

Naririnig ko pa ang mahihina niyang tawa nang ibaba ko ang aking palad. Ngayon ay nahihirapan na akong salubungin ang mga titig  niya sa ’kin.

“Handsome, huh! Sinong mas gwapo sa amin ng mga pinsan ko? Sinong mas gwapo sa amin ni North?” Sunod-sunod niyang tanong, hindi pa rin nawawala ang tuwa sa mga mata niyang para akong dinadala sa ilalim ng gubat.

“Wala! Unggoy kayong lahat!”

“Damn!” he laughed, leaning his head back, and I could see his Adam’s apple bobbing up and down. Lumalaki ang butas ng kanyang ilong na matangos!

Vidal brushed his perfectly disheveled, straight dark brown hair back.

“Tapusin mo na ang kinakain mo d’yan! Kung hindi ka titigil isasaksak ko itong tinidor ko sa’yo!” Banta ko rito kasi nakikita kong natutuwa siya sa kahihiyan ko ngayon!

Binaba ko ang mata sa plato ko upang itago ang namumulang mukha.

“Cleo.”

“Ano!?” Iritado kong untag.

“Cleo,” ulit nito.

“Ano nga!?”

“Cleo.”

“Ano ba—”

“You’re cute!”

Kahit walang laman ang bibig ko. Mabulunan pa rin ako sa sinabi ni Vidal!

“A-ano?!” Eskandalasa kong sambit!

“You’re so cute like an… owl?”

“Bwesit ka talagang unggoy ka! Hindi n’yo talaga papalampasin ang araw na hindi ninyo ako naaasar ’no?”

Umiling lang siya bago sumandal sa silyang kinauupuan at uminom sa kanyang alak.

“So, do you have any plans?”

“Anong plano? Umuulan sa labas. Gusto ko sanang pumasyal doon sa dalampasigan.” Nguso ko pa sa labas.

“Ahh!” Daing niya saka nilapag ang lata ng kanyang alak. “If… natuloy ang date ninyo no’ng lalaki mo—”

“Ni Tanner,” singit ko.

“Whatever! Again, kung natuloy lang ang lakad ninyo… what do you think ang ginagawa ninyo by now?”

Tiningnan ko ang lata ng aking alak. Oo nga no? Ano na kaya ang ginagawa namin ni Tanner?

“Okay, let’s not talk about that. Ano na lang ang gusto mong gawin aside from what you mentioned earlier.” Disma ni Vidal nang tumahimik ako.

“Mag-ice cream kaya tayo?”

“Hindi ka ba nilalamig?”

I pouted.

“Sige na nga. Popcorn na lang tapos mag-Netflix na lang tayo pampatay oras.”

“Ang pangit naman n’yan!”

“Edi, sige ikaw na lang mag-decide! Tinatanong mo pa ako tapos aayawan mo naman pala!”

Sumama ang tingjn ni Vidal sa akin. Kita niya namang wala sa mood ang tao ngayon dahil napurnada ang date.

“Fine!”

Napangiti naman ako ngunit nang matagpuan ko si Vidal na nakatitig sa ’kin. Kinagat ko ang labi upang pigilan ang sarili na ngumiti.

Nagluto muna ako ng Popcorn samantalang si Vidal ay nando’n na sa sala. Nandon kasi ang malaking flat-screen TV niya. Dala ko ang malaking bowl ng popcorn at napatanga ako nang patay ang ilaw sa sala at nakababa ang blinds ng mga bintana. Ang dilim tuloy. Ang nagpapaliwanag sa paligid ay ang TV lang.

I plopped down on the sofa where Vidal was. I placed the popcorn on the center table and curled my legs up on the sofa.

“Pwedeng manood tayo ng Heartstopper?” I hummed.

“Heart-what?” Vidal’s forehead creased.

“Heartstopper.”

Kahit labag sa loob ni Vidal iyon pa rin ang pinanood namin. Habang nanoood ay inaabot ko ang popcorn. Nang mapansin ko si Vidal na hindi kumain, umusog ako palapit sa kanya. Nasa magkabilang side kasi kami ng sofa nang magsimula na ang movie kanina.

“Oh,” ani ko, tinapat ang popcorn na hawak ng thumb at index finger ko sa kanyang bibig.

His gaze lingered on my hand.

Akala ko wawalisin niya ang kamay ko nang kainin niya nga iyon. A strange, electric tingle raced through me as my fingers grazed Vidal’s lips!

“K-kumuha ka rito!” sabi ko, nilayo ang kamay sa kanya.

“Yes, sir!” biro niya pa.

My lips twisted.

Muli kong binaling ang atensyon sa pinapanood. Hanggang sa naramdaman ko ang unti-unti pamimigat ng aking mga talukap. Nangangalahati na kami sa movie na pinapanood nang tuluyan na akong tinangay ng antok.

Nakalimutan ko na ang pinapanood dahil sa kaantukan ko. Malamig kasi tapos madilim pa, ang sarap tuloy matulog ko. At sa muling pagbukas ko ng aking mga mata nakaunan na ako sa hita ni Vidal.

Bumaling ako sa TV. Naka-on pa rin iyon at iba na ang movie kaso lang naka-mute yata kasi walang ingay. Binalik ko ang mata kay Vidal na nakasandal lang sa sandalan ng sofa. Naka-cross arms at natutulog din. Ginalaw ko ang aking paa at doon ko nakita na may kumot na ako roon.

Pigil hininga ako sa paggalaw ng ulo ko dahil nakaunan ako sa hita ng lalaki! Natatakot akong magising siya at makita ang posisyon namin.

Weririt! Malayo naman kami sa isa’t isa kanina ah. Papaano ako umabot sa ganito? Bakit dito ako umunan sa hita ni Vidal? At saka, kinumutan niya ba akes?


This story is already at

chapter 26

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 14

Chapter 14

“Lunes na naman!” Pagod kong untag habang naghahanda sa mesa.

Wala pa ang mga unggoy kong alaga kaya hindi pa ako badtrip. But seriously, iniisip ko pa rin ang nangyari no’ng Sabado. In-Indiana Jones akes ni Papi Tanner sa aming lakad. Maulan din naman no’ng araw na ’yon, pero sana man lang nagtext siya ng maaga na hindi siya makakapunta. Parang basang sisiw tuloy ang awrahan ko roon.

’Di na rin naman iyon mababawi o mababago pa. Look forward na lang sa susunod na pag-aya ni Papi Tanner. Eme!

’Di na nadala, Cleo, ha.

Mabuti na lang talaga, Vidal came! Tingin s-in-aved niya ako sa araw na iyon. Iyong pait at sakit ng damdamin ko ay medyo natakpan ng inis at pagkayamot! Eme! Masaya ako kasi nando’n siya nang wala akong maisip gawin. Nando’n siya sa oras na kailangan ko ng someone! Nando’n siya sa oras na hindi ko inaasahan!

May mga kaibigan naman ako roon sa probinsya, sa San Francisco Province. Tingin ko nga buong section namin noon friends ko. Pero, that kind of friend na nasa tabi mo, masasabihan mo ng mga worries mo, problems in life, kaibigan na matatakbuhan mo… wala ako no’n.

Ako iyong klase ng tao na kapag kailangan ako ng kaibigan ko, nando’n ako sa tabi niya. Always to the rescue akes sa aking mga kaibigan. Kaso kapag ako na ang may kailangan… wala. Walang nasa tabi ko.

Kaya nga hanga ako sa relationship nina Maria at Reyna kasi kasangga talaga nila ang isa’t isa. Kahit pagdating sa mga lalaki, nand’yan sila sa isa’t isa! And I’m so thankful na na-recruit nila ako sa kanilang kulto. Kung merong HUKBALAHAP (Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon) noon, kami namang magkakaibigan ay may HUKPANGHAL— Hukbong Pangkabaklaan at Haliparot. Emerut!

Iyan na nga ang pangalan ng GC namin, HUKPANGHAL. Nasira na talaga iyong GC namin na pang-notes lang sana.

“Nanny!” Ang bulong ni North Hayes Alvarez De Toledo sa tainga ko ang nagpatalon sa akin na parang palaka sa gulat!

Shutang otoko! Ang sarap buhusan ng nilagang baka ang pagmumukha!

“North!” Iritado kong sambit at kinuskos ang tainga dahil parang naiwan pa ang init ng kanyang hininga roon!

“Good morning!” he said it cheekily, completely brushing off my growing annoyance. Ang palaging ginagawa ng unggoy!

“Walang good morning kung pagmumukha ninyo ang sasalubong sa umaga ko!” bwelta ko sa kanya, inirapan.

“Hi, Cleo!”

Tumuon naman ang mata ko sa bagong dating na si Vidal. Ang unggoy naka-uniporme nga kaso nakabukas naman ang butones no’ng long sleeves niya tapos bukas ang coat. Ni walang necktie ang lalaki!

Baka nakakalimutan nito na school ang pupuntahan namin, hindi runaway o fashion show!

“Hi mo, mukha mo! Ayusin mo ang uniform mo, Vidal. ’Tsaka nasaan na ang necktie mo? Shuta! Hindi na kayo mga bata!” Pag-aalburuto ko. Wala talagang araw na hindi ako naha-highblood sa mga unggoy na ’to!

Sabay naman dumating sina Reign at Daws. Mabuti pa ang dalawa dahil presentableng-presentable ang awrahan nila. Itong si Vidal lang ang papansin!

Binigyan ako ni Reign ng tipid na ngiti kaso si Dawson blankong ekspresyon lang ang afford ng otoko.

Mahal na mahal ang ngiti, Daws? Magkano ba?

Umupo na sila para sa aming breakfast.

Through some unforeseen circumstances, I got to know and spend time with Vidal, Reign, and North. And because of it, medyo nakikilala ko ang mga mapuputing unggoy na apo ni Lola Leticia. Hindi naman pala sila gano’n ka-sama, nakakain naman pala ang mga ugali nila. Mga KSP lang talaga sila, Kulang Sa Pansin. Chus!

Kasi buwan na akong nandito pero hindi ko man lang nakilala ang mga ito. Pangalan lang nila at mukha ang alam kong detalye sa kanila. Unlike, Reyna and Maria, na ang dami nilang alam sa talambuhay ng mga unggoy na ’to.

At dahil sa mga… hindi inaasahang mga pangyayari, nakasama ko sila at maayos naman pala sila kahit konti. Kagaya ni Reign, pwedeng-pwede niya akong isumbong sa mga pinsan niya lalo na kay Lola Leticia sa paglalakwatsa ko ng dis-oras nang gabi. But then, hindi niya ginawa. Niligtas niya pa ako roon sa baliw na Paxon.

Si North naman akala ko puro pangti-trip lang sila ni Vidal sa ’kin kaso may soft side din pala siya. Maayos naman pala siyang kasama. And most especially, alam nila— alam niyang bakla ako but he let me sleep in his room, his very own bedroom, without hesitation or suspicion.

Kasi alam ko naman na may mga lalaki talagang hindi komportable sa mga bakla. May mga lalaki talagang tingin nila sa bakla, kakasta na sa kanila. Ang feeler lang, ’di ba? Like, even if we are gay— I am gay, may standards din kami.

Then there’s Vidal, he was great company last Saturday. He made me feel comfortable and important that day. Kahit na nasaktan ako sa nangyari at nadismaya, masaya akong nando’n si Vidal. Nanood pa kami ng BL movie kahit ’di niya gusto.

Dumapo ang mga mata ko kay Dawson nang umupo ako. Itong si Daws naman. Wala lang, dekorasyon lang siya. Ang sungit niya sa ’kin eh! Parang kasuklam-suklam ako sa mga mata niya!

“Ah, oo nga pala…” simula ko. Dumapo ang kanilang mga mata sa ’kin. “Alam ng mga friends ko na… na dito ako nagtatrabaho.”

Wala nagsalita sa kanila. Sheyt! Ayaw ko lang kasi na kulitin ako ng mga ’yon na pumunta rito. Hindi kasi nila ako tinitigilan.

Ano ba kasing meron ang mga unggoy na ’to? Hindi ko maintindihan ang mga kaibigan kong iyon! Parang santo kong maka-samba sa mga otokong ’to.

“Gusto nilang pumunta rito. Gusto nila kayong makilala. Pumayag kayo, please? Ngayon lang naman, isang beses lang.” Tinaas ko pa ang index finger ko sa kanila.

Isa isa kong tiningnan ang mga unggoy pero napangiwi ako nang tumalim ang titig ni Daws sa ’kin.

Deym! Nakakatakot naman ang isang ’to!

“Do you mean the two guys you always hang out with?” Vidal stated.

Magana akong tumango sa kanya.

“Oh, those two big boys?”

Nalukot ang mukha ko nang sabihin iyon ni North. Kung nandito lang ang dalawa, malamang parang natatae na ang mga ’yon!

“We have classes, Cleo. On weekend, may NSTP kayo, ’di ba?”

“Pagkatapos ng NSTP namin. Hindi naman iyon whole day,” sagot ko kay Reign.

Tiningnan ng tatlo si Daws na tahimik na kumakain. Naramdaman siguro nito na nakatuon ang mga mata ng pinsan niya sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin.

“What?” anito.

“Okay lang ba sa’yo?” si Reign.

“Pupunta rito ang dalawang friend ni Cleo.” Suna ni Vidal.

“Mmm! Die-hard fan ninyo ang dalawang ’yon!” Dagdag ko.

Daws just shrugged his shoulders. Napalunok ako nang dumiin ang titig niya sa ’kin. May problema talaga ang Daws na ’to sa ’kin! Litse siya!

“Okay,” tipid niya sagot.

I smiled at Daws, but he only returned my smile with a blank stare.

Tingin ko talaga sa lahat ng magpipinsan, ito lang ang hindi ko magiging kaibigan. Kahit konting ngiti lang, pero wala. May problema kaya siya sa ’kin? Sa bakla?

Well, basta hindi niya ako sasaktan bahala na siya. Gagawin ko na lang ang trabaho ko. Susubukan kong patinuin ang mga tuktok ng mga unggoy na ’to. After all, iyan naman talaga ang role ko sa buhay nila. Though minsan nakakalimutan ko siya dahil sa inis ko sa kanila.

Matapos lang talaga ang lahat ng ’to. Hinding-hindi ako magpapakita sa mga mapuputing unggoy na ’to. Kahit hibla ng buhok hindi nila makikita!

Kahshsjbsk!

Napairap ako nang sampalin ni Reyna ang aking braso. Si Maria naman ay sinakal ang leeg ko.

Shutang mga beklabung itey! Ano ba ang tingin nila sa ’kin? Kita namang balingkinitan ang katawan ko. Hindi na nakontento sa pagkuyog nila sa akin papunta rito sa classroom.

“Talaga? Totoo?” bulaslas ni Reyna.

Ch-in-at ko na kasi sila sa GC namin na tutuloy kami sa mansyon sa Sabado.

“Like real na talaga? Makakapunta na kami sa mansyon nila?” Kinikilig namang untag ni Maria.

“Mga sira, mansyon iyon ni Lola Leticia,  hindi ng mga unggoy na ’yon.”

Napadaing sila. Ayaw na ayaw kasi nilang tinatawag kong unggoy ang kanilang mga idols. Mga echosera!

“Apo pa rin. Sa kanila pa rin iyon!” ani Maria.

“Hindi. May kanya-kanyang bahay ang mga ’yon.” Wika ko.

Syempre kay Vidal ko lang nalaman ang bagay na ’yan no’ng  Saturday.

“Sa kanila pa rin iyon, sa mga Alvarez De Toledo pa rin iyon.” Welga ni Reyna.

“Like yeah~” gatong pa ni Maria.

Ang sasarap talaga kutusin ng mga beklabung ito. Ang sakit ng katawan ko sa mga pinaggagawa nila. Ang lalaki kasi ng kamay.

“Basta pagkatapos nito, wala nang kasunod o ibang favor ha. Alam n’yo naman na hindi ko trip ang mga magpipinsang iyon. Hindi kami close no’n.”

Medyo lang… yata? Syempre excluded si Daws.

“Cleo, dapat kasi ikaw ang nagpapakumbaba. Mga alaga mo sila.” Hinamas pa ni Reyna ang likod, parang pinapakalma niya ako kasi umagang-umaga pero highblood na ako.

“Tsk! ’Wag na nga nating pag-usapan ang mga lalaking iyon! Nakaka-irita na. Sa bahay puro mukha nila ang nakikita ko, pati ba naman dito sa school ay sila ang topic?”

“Okay, sige. Magsagot na lang tayo sa iniwang activity ni Prof sa Life and Works of Rizal!” si Maria.

“Gosh! Bakit ba pa-importante itong si Rizal? Babaero naman siya. Hay! Ang sinaunang redflag!” Daing ni Reyna.

Napailing ako. Deeply rooted na pala ang pagiging redflag ng mga boys! Emerut!

Lumabas ako saglit sa gate ng campus upang bumili ng makakain. Tamang-tama dahil dumating na iyong nagtitinda ng kwek-kwek. Pagkatapos kong bumili ay bumalik ako sa loob dahil sa parking lot ko na hihintayin ang mga unggoy kong alaga.

Maaga kasi ang dismissal namin ngayon ’tapos si Reyna at Maria tumambay sa isang kapehan. Libre lang sana nila kaso hindi ko kasi siya trip. Ayaw ko no’ng  kape-kape lang, dapat lamon! Chus! Saka baka umuwi na ang mga otoko, wala akong masakyan.

Kaso sa kasamaang palad nakasabay ko si Tanner papuntang parking lot! Tumambol naman ang puso ko. Gusto ko siyang iwasan. Nais kong tumakbo palayo sa kanya ngunit nabato na ako.

“Cleo,” Tanner called out as he zoomed closer, a sheepish smile tugging at his lips.

“Tanner,” untag ko naman.

Parang hindi ko na nalalasahan sa bibig ko ang kwek-kwek na kinakain. Masyadong nagwawala ang dibdib ko.

“I’m so sorry about last Saturday, Cleo. Dumating kasi ang mom ko tapos umulan. Hindi na ako nakaalis,” he explained.

Kahit may kirot sa dibdib ko pilit ko siyang nginitian. Crush na crush ko si Tanner. Kaya naman nang inaya niya ako, umasa talaga ang bakla.

“O-okay lang.”

“Hindi ka ba naulanan no’n? I’m really sorry, Cleo.”

Kumagat ako sa aking kwek-kwek. Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. Nagiging  hilaw na ang ngiti ko.

Gaga ka talaga, Cleo! Umasa ka talaga! Baka naman friendly date lang iyong gusto ni Tanner. Pinapaasa mo lang ang sarili mo!

“H-hindi… hindi naman.”

“That’s good to hear. Sa Saturday libre ka ba? This time after ng NSTP. Promise, maghihintay na ako sa’yo.”

“Ah, may plano kasi ako at ang mga kaibigan ko after ng NSTP namin, Tanner.”

Kumuyom ang kanyang kamao.

“Then sa susunod na lang? If it’s fine with you, I really, really want to make it up to you, Cleo. I’m sorry again.”

“Tingnan na lang natin?”

Umigting ang kanyang panga. “I’ll text you then. Goodbye, Cleo!”

“Hmm,” tango ko sa kanya.

Tinawag naman siya ng mga barkada niya kaya naiwan na niya rin ako. Tiningnan ko lang na umalis ang sasakyan ni Tanner. Hindi pa rin ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

Ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala ay tuluyang lumandas ang mga pisngi ko nang binagsak ko ang aking mata sa aking kwek-kwek.

Ang daya naman! Isang piraso na lang ang kwek-kwek ko pero parang wala akong nalasahan sa bibig ko!

My tears trickled down my cheeks.

“Was the food too spicy?”

Napatalon naman ako nang marinig ko ang malamig na boses ni Daws.

“D-Daws.”

Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko nang tamad itong humakbang tungo sa ’kin.

“M-maanghang nga siya. Hehe! Naiyak ako sa anghang.”

Naglilikot ang mga mata ko at sa pagkakataong iyon mas nahirapan akong iwasan ang mga mapanuring titig ni Dawson sa akin.

Dawson Vale Alvarez De Toledo Young Yuan, sa lahat ng pwedeng makakita sa akin ngayon, bakit ang indifferent na ’to pa?

“I heard that you were ditched by the douchebag you were supposed to meet last Saturday.”

Sheyt! Narinig niya ba ang usapan namin ni Tanner kanina?

Hindi pa ako tapos sa pagpupunas sa pisngi ko nang bumalik ang tingin ko kay Dawson.

“You were crying about him?”

Lord, hindi nakakatulong ang lalaking ito ngayon. Naiiyak na naman ako!

Lumabi ako. Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko.

“Ang saya mo siguro dahil hindi ako sinipot!”

“Do you think so?” Nanunukat ang kanyang tono.

His cold, expressionless eyes bore into mine. Napikit ko naman ang mga mata ko nang iangat ni Dawson ang kanyang kamay. Nasa utak ko na nasasampalin niya ako pero naimulat ko ang aking mata nang guluhin niya ang buhok ko.

“Daws.”

“May… dahon lang sa ulo mo. Let’s get inside the car. It’s so hot out here.”

Iniwan ako ni Daws na naguguluhan sa kanyang kinilos. Tinignan ko ang semento, nagbabakasakali na makita ang dahon na kinuha niya sa ulo ko kaso wala naman akong nakita.

Mabilis namang dumaan ang mga araw hanggang sa dumating sa Sabado. May pasok ako pero dinaan ako ni Reign sa school since may lakad daw siya. Hindi ko na rin naman inusisa ang otoko roon.

“Tumawag ka sa bahay kung uuwi na kayo,” saad ni Reign sa akin.

Tiningnan ko siya, nakahawak ang isang kamay niya sa manibela habang ang isa ay naka-sampay doon sa bintana ng kotse. His head dipped slightly, eyes fixed on me through the dark lenses of his sunglasses that perched on the tip of his sharp nose.

“Kasabay ko naman sila Reyna at Maria, Reign. Sasabay na lang ako sa kanila. Saka ’wag kang magtatagal sa pupuntahan mo.” Bilin ko sa lalaki.

He smirked. “Why? Are you worried about me, Cleo?”

Inikotan ko siya sa mata ko. “Hindi ’no! Syempre, kayo ang pinunta ng mga kaibigan ko. Ayaw ko lang… na wala ka.”

Dinilaan ni Reign ang kanyang labi. Nagusot naman ang mukha ko nang kurutin niya ng pino ang pisngi ko.

“A-aray ko! Aray ko! Bwesit ka talagang, unggoy ka!” Tinampal ko na ang kamay nito. “Sige na, baba na ako!”

“Okay, take care, Cleo. We still need you!”

Padarag kong sinara ang pinto ng kotse niya dahil kung ano-ano na ang sinasabi ng unggoy.

Lord, ano ba ang mga nakain ng mga unggoy kong alaga ngayon? Hindi ko sila kinakaya!

Nag-lecture ang aming propesor sa dalawang oras at ang dalawang oras naman na natira ay inilaan namin sa paglilinis ng isang barangay.

Nang matapos kami tinext ko si Ate Marli na damihan na lang nito ang lunch dahil may kaibigan ako sasabay sa amin.

Nang makarating kami sa mansyon halos lumuhod at hagkan ng dalawa ang binabaan naming driveway sa harap ng mansyon. Dinala ko sila sa loob at pinakilala kina Ateng Marli at Ateng Jodel.

“Ate ang mga magpipinsan po?” tanong ko kay Ate Jodel.

“Baka nasa kwarto nila, Cleo. Puntahan mo na lang.”

Tinanguan ko si Ate Jodel.

“Dito muna kayo, ha. Tatawagin ko sila. Magbibihis na rin ako.”

“Oh my! Go, my friend! Maghihintay kami rito!” si Maria.

“Take your time, Cleo!” ani Reyna.

Natawa na lang ako sa dalawa. Pagkarating ko sa second floor ay kinatok ko ang silid nina Reign, Vidal, at North kaso walang sumasagot. Binuksan ko rin iyon upang silipin kung nando’n ba ang mga ’to kaso wala naman.

Hanggang sa mapadpad na ako sa kwarto ni Dawson.

“Daws?” sabi ko sabay katok sa kahoy na pinto.

Naghintay ako ng ilang segundo ngunit wala ring sumagot. At kagaya sa ginawa ko sa ibang silid, binuksan ko ito. Ngunit hindi ko inaasahan ang aking nakita.

Nalaglag ang panga ko nang makita kong kalalabas lang ni Daws galing sa banyo. Nakatapis lang ito ng towel sa baywang at nagpupunas sa kanyang buhok.

Halos masinok ako nang dumapo ang mga precious eyes ko sa gitnang bahagi ng hita niya. May gabundok doon na bagay.

“Fuck!” Mura ni Dawson.


This story is already at

chapter 28

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 15

Chapter 15

Gano’n na lang siguro ka-lutang ang beklabung ito nang makita ko na lang ang sarili ko na naliligo. Ang plano ko lang naman ay magbihis para maasikaso ko na sina Maria at Reyna sa baba. Ngunit heto ako, basang-basa sa ulan. Emerut! Saka ko lang na-realize na naliligo na pala ako nang nasa ilalim na ako ng shower.

OA naman ang self na itey! Para namang first time makita ang unggoy na ’yon na topless! Saka knows ko na naman talaga na malabundukin talaga sila. I mean, extra talaga ang mga nota ng mga unggoy. But then, I was caught off guard when I saw Daws with his wet look!

Those defined muscles, expansive chest, and broad shoulders demanded attention. Sheyt! Bigla kong naramdaman ang pagtaas ng temperatura ng aking pisngi!

Sa inis ba itong pag-init ng mukha ko? Baka… tsk!

Pinilig ko ang ulo.

Nagbihis na lang ako at saka tinampal-tampal ang pisngi upang magising na ng tuluyan ang katawang tao na ’to! Bakit ba kasi hindi na mawala sa isip ko ang katawan ni Daws?

Shuta! Ang dami ko nang hanash, kailangan ko na palang balikan ang mga bwisita ko sa baba! Baka kasi bungangaan na ako ng mga iyon kapag nagtagal pa ako!

Lord! Please, gabayan n’yo po ako ngayon! Ilayo niya po sa akin ang mga tukso! Amen!

Hinagilap ko ang cellphone ko matapos kong i-check sa salamin ang aking magandang mukha! Eme! Buhat na buhat si Self, Cleo? Gora lang, accla!

Nakapambahay lang ako nang bumaba ako, isang simpleng printed gray shirt at medyo maikling shorts na halos matakpan ng aking tshirt.

“Ate Marli?” Taka kong sambit nang makita ko si Ate Marli na nasa hagdanan, paakyat yata siya rito sa second floor ng mansyon. “May kailangan po kayo?”

“Jusko kang, bata ka. Ano ba ang ginawa mo rito sa taas?” Nagpapanic na saad ni Ate Marli.

Weririt! Did I miss something while I was in my room?

Hinaklit ni Ate Marli ang braso ko at mabilis nitong inangkla ang braso sa akin. Tumaas ang kilay ko kay Ate.

“Nasa baba na sila Sir. Ikaw na lang ang hinihintay.”

“Ay, hindi pa po sila nagla-lunch? Dapat kumain na lang ang mga unggoy na ’yon kahit wala ako. Na sa ’kin ba ang kanin? Mga patay-gutom pa naman ang mga ’yon.” Wika ko, napabuga na lamang ng hininga sa ilong.

“Naku, ayaw nila. Gusto kang hintayin saka sina Reynaldo at Mario naman ay ayaw ring kumain kasi nahihiya pa.”

Chus! Ang mga majubis na beklabung iyon? Nahihiya? Eh, iyon ang pinunta nila rito. Don’t tell me, very demure and very cutesy ang atake nila today? Mga echosera ha!

“Tara na nga, ate. Baka mainip na ang mga iyon.”

“Mabuti pa nga, Cleo! Ikaw kasi eh, ang tagal mo!”

Naku! Kung alam lang talaga ni Ate Marli ang aking struggle dahil lang nakita ko ang wet looks ng unggoy. Halos manindig ang balahibo ko sa batok. Kinilabutan ako… kinilabutan sa laki ng bundok! Eme!

“Cleo!” Pabebe kaway ni Maria sa ’kin nang matanaw nila akong palapit sa dining table.

Naka-setup na pala ang table at nando’n na ang foods. May mga utensils na rin at ako na lang talaga ang hinihintay nila. Chus! Rarampa ang baklang ’to!

“Sorry kung pinaghintay ko kayo.” Untag ko naman.

Tinuro ni Reyna ang bakanteng upuan sa kanyang tabi. Sa isang tabi no’n ay doon naka-upo si North.

Ngumingisi si North sa ’kin na para bang may balak na namang kagaguhan ang unggoy.

“Magpigil ka, North, ha!” Banta ko rito nang makaupo sa tabi niya.

Tumalon naman ang balikat ko nang bigla nitong nilapit ang bibig sa tainga ko at bumulong. Someone groaned at hindi ko lang alam kung sino o baka gutom lang ako.

“I’m well-behaved, nanny!”

Naniningkit ang mga mata kong binalingan si North. Kamuntikan ko pang kalmutin ang mukha nito nang tingnan ko siya at nando’n pa rin ang tuso nitong ngisi!

Ggrrr!

Inirapan ko si North at simpleng tumingin kina Reign, Vidal, at Daws. Kaso gano’n na lang ang pagtataka ko nang makita ko ang munting kulubot sa kanilang noo. Mas lumalim pa ang pagkakakunot nila sa noo habang nakatingin sa akin.

Litse! May nagawa na naman ba ako? Teka, galit ba sila kasi pinaghintay ko sila sa lunch namin?

Ikaw kasi, Cleo, eh!

“Sorry natagalan ako. Naligo ako kasi… kasi pinaglinis pa kami ng prof namin! Let’s eat?” untag ko, ngumiti ako sa kanila kahit halos dambahan na nila ako.

My lips quirked up in annoyance. Rolling my eyes, I diverted my gaze away from them and smiled at my friend. Tsk! Para talagang walang kumukulong inis sa aking kaibuturan dahil sa mga unggoy kong alaga.

“Nag-usap na kayo?” bulong ko sa kanilang dalawa. Sunod ni Reyna ay nando’n si Maria.

“Yes, bakla! Oheemmggeee!” Impit na tili ni Reyna, halos mawala na ang poise ni accla!

“Ang tagal mo kasi sa taas! Ang babait nila at ang gi-gentlemen! Sila ang unang nakipagkilala sa amin at inaya kami rito sa table! Very hospitable!” Walang hingang saad ni Maria. “Like, gwapo na nga! Mga gentleman pa! Ugh!”

Echosera talaga itong si Maria! Kung makaungol parang wala kami sa harap ng grasya ha.

I gave him a playful eye roll.

“Blessing din iyong pagiging kilos pagong mo sa taas, bakla ka!” sabat naman bigla ni Reyna, bakas pa sa mukha nito ang konting pamumula.

Ano ba talaga? Naiinis ba sila o nagpapasalamat sila na natagalan ako?

Pero sa totoo lang, may kung anong klaseng init sa puso ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Tuwang-tuwa sila sa simpleng pagdala ko sa kanila rito sa bahay. Their reactions were so priceless.

Panay ang kurot nila sa kamay ko na nasa ilalim ng mesa. Panay pa ang pasasalamat nila. Naiiyak ako for some reason kasi hindi ko kailanman nakita ang mga ganitong reaksyon sa mga kaibigan ko noon. Nagpapasalamat nga lang ang mga kaibigan ko dati kapag nililibre ko sila.

“You’re the best talaga!” si Reyna at gigil akong kinurot.

“Like yeah~!” si Maria naman ay napapatango.

Mga sira talaga ang mga ’to! Kung wala lang siguro ang mga unggoy kong alaga ngayon. Umiyak na ako! Nagpipigil lang talaga ako ngayon sa luha ko kasi ayokong umiyak sa harapan ng mga ’to!

“Kumain na nga kayo!” ani ko at dinaan sa tawa ang emosyong unti-unting kumakain sa aking damdamin.

“Nabusog na kami kanina pa, bakla!”

“Tama si Reyna, Cleo!” natatanawang gatong ni Maria kay Reyna.

Napailing na lang ako. Kumuha na ako ng rice at nang kukuha ako ng ulam. Sumablay pa talaga ang mga mata ko sa mga unggoy. Hindi na siguro ako magugulat kung isang araw matutusok ko ang mga mata nila.

“Kain na?” untag ko sa mga ’to.

Daws simply rolled his eyes, unfazed. A small, downward-curving smile played on Reign’s lips, while Vidal and North shook their heads from side to side before finally digging into their food.

Sa totoo lang medyo fifty-fifty ako roon sa sinabi ni Maria na hospitable, gentleman keme, ang mga unggoy kong alaga. Pero ngayon na nakikita kong nakikipag-usap sila kina Reyna at Maria at pinasyal nila sa leisure room nila at sa pool. Napatanong na lang tuloy ako kung ano pa ba ang silbi ko rito kung matitino naman pala ang mga lintek na unggoy na ’to.

Kung pinakita lang nila ito kay Lola Leticia, malamang lilipad kaagad pauwi si Lola ngayon. Ngunit, paano naman iyong sinabi ni Reign na hindi nga makatagal sa kanila ang mga naunang katulong sa ’kin dito?

Jusme! Pina-plastic lang ba nila ang mga beklabu kong friends?

Halos mapadaing naman ako nang alalayan ni North si Reyna nang buhatin nito ang maliit na dambells. Habang si Maria naman ay ina-assist ni Reign doon sa treadmill.

Chus!

Sumandal lang ako sa may pintuan ng gym room at nanood sa kanila. Pansin kong wala si Daws. Ang tatlong unggoy lang ang nandito. Gusto ko man silang lapitan ngunit gusto kong sulitin na ito ng mga bakla. Baka kasi pagkatapos nito ako na ang mapalayas ng mga otoko!

“Bakit hindi ka lumalapit sa kanila?”

“Ay, Lola ko!”

“Lola mo?”

Hawak ko ang dibdib na humarap kay Dawson! Shuta naman! Bakit ba para silang mga kabute na basta-basta na lang sumusulpot? Kanina iniisip ko kung nasaan ito pero ngayon na nandito, nabadtrip na ako.

“Bakit ka ba nanggugulat d’yan?” Gusot ang mukha kong saad sa kanya. Padarag kong binaba ang kamay mula sa dibdib ko.

Hindi naman yata ako gano’n ka-lutang para hindi ito maramdaman na paparating. Litse! Ni hindi ko narinig ang yabag ng paa nito.

“I’m not. You’re just zoning out!”

Zoning out?

Zoning out n’ya mukha niya!

“Nanny!” Tawag ni North sa ’kin kaya napabaling ako sa kanya.

I saw Daws shift his weight out of the corner of my eye.

“Bakla!” Kamay naman ni Reyna sa ’kin.

Lumapit ako sa kanila, kaysa naman manatili ako sa tabi ni Daws.

“May kailangan kayo?” tanong ko kay Reyna, sinilip ko rin si Maria.

“Nanny, why don’t you take them back to the pool. Nais nilang maligo sa pool.” Saysay naman ni North.

“Huh?” sambit ko, tinaasan ko ng kilay ang dalawang bakla.

Matalim kong tiningnan ang mga bakla. Muntik na nilang pagdaupin ang palad, tumango lang ako.

“Naligo na ako!”

“K-kami lang, Cleo!” singit ni Maria.

Sa huli hinayaan ko na lang sila sa gusto nila. Iniisip ko kasi na isang beses lang ito. Kumuha ako ng panligo nilang damit. May extra namin silang dala dahil usually after ng NSTP namin nagbibihis kami.

The boys were in the living area at kami lang tatlo sa may pool, susunod daw ang mga unggoy sa ’min dito.

Mas mabuting ’wag na lang silang sumunod dito. Mas payapa ang utak ko kapag walang mga asungot sa buhay ko.

“T-teka, hindi nga ako maliligo!” Protesta ko sa dalawa nang hilahin nila ako patungo sa pool.

“Dito lang tayo sa tabi, upo ka dali!” Atat na wika ni Reyna.

Umupo kami sa gilid ng pool at tinampisaw ang paa sa pool.

“So?” Intrigang sambit ni Maria.

I furrowed and lifted my brow. “So? Anong so?” Nakangiwi kong sambit.

“The progress!” si Reyna.

“Like yeah! Ang progress sa lovelife mo with Tanner!” Dugtong ni Maria.

Namigat ang balikat ko nang banggitin nila si Tanner. As much as gusto ko talagang i-keep muna itong feelings ko for Tanner. Hindi siya keribels ng lips ko. Nais kong i-gate keep ito kaso lang para na rin kasi akong mababaliw. Kaya naman nabanggit ko sa kanila si Tanner at about sa mga pag-aya ni Tanner sa ’kin na hindi matuloy-tuloy!

Deym!

“Wala!” tugon ko.

“Hindi ka na niya kinulit after no’ng Sabado?” Busisi pa ni Maria.

“Hindi na.”

“Uh! What an ass!” si Reyna.

“Oi!” Supi ko kay Reyna. “Nagkita naman kami no’ng Monday, though… nag-aya ulit siya kaso tumanggi naman ako. Sinabi ko na may plano tayo ngayon!”

“What?”

“Gosh!”

Eksaherado nilang dalawa. Kung hindi lang talaga magsasalita ang dalawang ’to, hindi mo talaga malalaman na mga lalaki rin ang gusto nilang harvatin!

“Dapat sinabi mo sa ’min.”

“Like, yeah, we could’ve canceled this.”

“Hindi na ’no. Saka… masaya naman kayo today dito, ’di ba? Sulitin n’yo na ito kasi ito ng ang una’t huli!”

Kinurot ni Reyna ang pisngi ko at gigil naman akong niyakap ni Maria.

“We’re so happy, Cleo!”

“Yeah! So happy namin, bakla, kaya gusto ka naming matulungan with Tanner! You made us so happy today, kaya dapat maging happy ka rin!”

Tumango si Reyna, sumang-ayon kay Maria. “Uhuh! Kaya kung si Tanner ang happiness mo, gagawan natin ng paraan ’yan!”

“Pero baka ang gusto ni Tanner… ay friendly  date lang?” Worried kong saad sa kanila.

Kinabig ni Reyna ang mukha ko paharap sa kanya. “Bakla, kung hindi ka crush ni Tanner. Hindi ka niya aayain nang aayain.”

Kinabig din naman ni Maria ang mukha. “Oo nga. Just strike the iron while it’s still hot, bakla!

Sa mga sinabi ng bakla sa ’kin, medyo nabuhayan na naman ang loob ko. Para akong bulaklak na malapit nang mamatay dahil sa init ngunit, diniligan nina Maria at Reyna ang pagiging delulu ko kay Tanner!

“At dahil d’yan… mag-swimming na tayo!” hiyaw ni Reyna at hinatak sa pool!

“Ahhh—”

Naputol ang tili ko nang mahulog ang katawan ko sa pool! Nagkukumahog ako sa pagkampay ng kamay ko.

Naubo ako. “M-mga gaga!”

Tingin ko pumasok ang tubig sa ilong ko.

“Ikaw kasi, ang tamlay mo nang pag-usapan natin si Tanner!” ani Reyna.

Inirapan ko ang dalawa. Narinig ko ang impit nilang tili pero umiling lang ako sa kanila. Lumangoy ako tungo sa gilid ng pool upang umahon.

Mga sira din talaga minsan itong mga kaibigan ko. Ngunit na-uplift din talaga nila ang mood ko. Simula kasi no’ng nakita kami ni Tanner talagang nawalan ako ng gana the whole week. My sour mood dragged on the whole week to the point that I didn’t want to go to school. Pero syempre, ’di ako papatalo roon.

Magiging successful pa ang baklang ito para may panggastos sa lalaki! Eme!

Umahon ako at nang itataas ko na ang sarili ko upang makaalis sa pool, bumungad naman sa harap ko ang apat na kamay.

Nag-angat ako ng tingin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang apat na lalaki, si Vidal, North, Reign, at Daws na puro topless at nakalahad ang kamay sa akin.

Weririt! A-anong ginagawa nila?

“Cleo,” si Vidal.

“Nanny,” ani North.

Sinundan naman ni Reign. “Cleo.”

“Guillermo,” si Daws.

T-teka lang…

Natanga lang ako habang nakatitig sa apat na kamay. Kaninong kamay ang aabutin ko? Pero bakit kailangan kong mamili sa kanila? I mean… mga impakto ito. Mga asungot sa buhay ko! Mga mapuputing unggoy!

Pero hindi ko maintindihan kung bakit nag-init ang mga pisngi ko!

Hilaw akong ngumiti sa kanila, napa-U-turn ako bigla pabalik sa mga kaibigan ko na laglag ang mga panga.

“A-ang sarap pa palang lumangoy!” sambit ko at   sumisid para na rin hindi nila makita itong pamumula bigla ng pisngi ko.

Nilagnat yata ako. Kinumbulsyon si accla!


This story is already at

chapter 31

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 16

Chapter 16

“Thank you so much, Cleo!” salubong ni Tanner sa ’kin nang makarating ako sa loob ng restaurant.

Sa totoo lang hindi ako nagpaalam sa mga unggoy kong alaga na makikipagkita ako ngayon kay Tanner. Sabado na ulit ngayon at again kinulit ulit ako ni Tanner na lumabas kami.

Oh my ged! He is constipated— I mean, consistent sa pagkulit sa akin na lumabas kami. At ngayon nga ay nagka-oras na ako. Tapos na ang klase namin sa NSTP, nakapagbihis na rin ako ng new outfit at hinatid ako ni Reyna at Maria sa meet up place namin ni Tanner.

Hindi ako pinababa ng mga beklabu sa kotse hangga’t hindi confirmed na nakarating na si Tanner! And of course, bago pa kami makarating sa isang restaurant, nando’n na si Tanner!

Tumayo pa si Tanner at pinaghila ako ng upuan.

Lord! Ito na ba iyon? Magkaka-love life na ba ako, Lord? Eme lang pinakitaan lang ng konting motives at gentleness, handa nang maghabol ng ten years!

“Please order whatever you want. It’s on me. Wait, okay lang ba sa’yo ang restaurant na ’to? Sorry, hindi na kita natanong with regards to this.”

Enebe! Grabe naman itong si Papi Tanner! Parang nini-nervous siya! Shocks! Ako lang ’to, si Cleo Guillermo!

“O-okay lang.” Pabebe ko sa kanya. Dapat demure at cutesy yata ang atake ko kay Tanner. Baka kasi ma-turn off ito sa ’kin. Dapat turn on lang! Chus! Landi mo na, accla!

“Just tell me kung ano ang gusto mo, okay?” aniya.

’Ikaw! Ikaw ang gusto kong kain— echos lang!

Kimi akong tumango kay Tanner at kinuha ang menu! Litse! Isang buklat ko palang sa menu nalula na ako sa prices ng mga pagkain!

Ano ’to? May kasamang gold ba ang mga pagkain nila rito? Bumuklat ulit ako at ganon talagang ang ranges ng mga pagkain. Nasa two thousand pataas ang presyo.

“May napili ka na?” tanong ni Tanner sa ’kin.

Binaba ko ang menu. Balak ko sanang makipagsplit kay Tanner sa bayarin kaso ’wag na lang pala. Baon ko na buong linggo ang isang ulam dito eh.

“I-ikaw na lang pumili. Hehe! First time ko rito, ’di ko alam kung ano ang masarap na pagkain.”

Matamis na ngumiti si Tanner. Sus! Pa-fall naman ang lalaking ito! Hulog na hulog na po!

“Ako na lang mag-oorder for you.”

Tumango ako kay Tanner at inabot ko ang baso ng tubig sa mesa na may straw. Sumipsip ako roon at tiningnan si Tanner na siyang nakikipag-usap doon sa waiter.

Natulala ako sa kanyang gwapong mukha. At ewan ko kung gutom lang ba ako o ano pero biglang nag-iiba ang tingin ko sa kanya. Biglang nakikita ko ang mukha ni North na nakangisi, sunod ay si Vidal na nakataas ang kilay, ’tapos si Reign na matalim ang titig sa akin.

Inilingan ko ang ulo at saka mariing pinikit ang mga mata. Ano’ng nangyayari sa ’kin? Ano ’yong mga nakikita ko?

Napahawak naman ako sa dibdib ko nang muli kong tingnan ang gawi ni Tanner at nakita ko ang mukha ni Daws na malamig ang titig sa ’kin!

Pinagpawisan ako ng malamig!

“We’ll have your order ready for you shortly, sir!” saad no’ng waiter at tumalima.

“Hey, Cleo? Are you okay?” tanong ni Tanner sa akin.

“H-huh?”

“Damn! Ano’ng nangyayari sa’yo? Pinagpapawisan ka. Mainit ba?”

Napakapa ako sa noo ko. Oo nga. Pinagpapawisan ako! Ako yata ang constipated sa amin ni Tanner!

“A-ah, pwedeng comfort room muna ako?”

“Oh, sure. Wala pa naman ang foods natin.”

Ngumiti ako kay Tanner saka hinagilap ko ang aking bag. Pumasok ako sa banyo. Dumeretso ako sa harap ng salamin at tiningnan ko ang sarili ko. Malakas naman ang aircon ng restaurant kaso lang pinagpapawisan ako ng husto!

Ano ba ang problema ko? Bakit ko ba nakikita ang mukha ng mga unggoy kong alaga? Konsensya ko ba iyon kasi hindi ako nagpaalam sa kanila kanina? Should I call them and tell them that I’m with Tanner?

O baka naman laman sila ng isip ko buong week dahil doon sa nangyari sa pool? Ano ba’ng special  doon?

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Tatawag na sana ako kina ate Marli nang bigla itong tumunog sa kamay ko.

“Shuta!” gulat kong sambit nang may tumawag. Si Lola Leticia!

Mabilis ko itong sinagot.

“L-lola! Lola Leticia, kumusta po!” Masigla kong sagot sa tawag ni Lola.

Tumawa ito. Chus! Tawa palang ni Lola Leticia parang nakakakita na ako ng dollar sign!

“I should be the one asking you that, Cleo. How are you? Kumusta ka? Ang mga apo ko? Hindi ka ba nila pinapahirapan d’yan?”

Shit lang, La! Kung alam mo lang na muntik na akong maging disabled nang madulas ako sa harina! Kung alam mo lang, La, na pinaglaba ako ng mga unggoy mong apo sa mahahabang kurtina ng mansyon! Nasira at napudpod pa ang nails ko!

Idagdag pa na muntik na akong maging memories nang mag camping kami sa Evermist Solace!

“Apo? Cleo, are you there?”

Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Lola Leticia sa kabilang linya.

Tumikhim muna ako.

“Opo! Sorry po, La. Okay lang naman po ako! Okay na okay po!” Okay na pong pag-uumpugin ko ang ulo ng mga lintek mong apo, Lola!

“Talaga? Masaya akong marinig ’yan mula sa’yo, Cleo. But you’re already having a hard time there… just call me, okay? Don’t hesitate to call me.”

“Opo, La!”

“And how are my grandsons?”

Muntik na akong mapaismid.

“Okay lang naman sila, lola. Keri ko pa po ang mga kalokohan ng mga ’yon!”

“Oh, Cleo! Ano ba ang mga ginagawa nila sa’yo?”

Dinaan ko na lang sa tawa.

“Mga simple lang naman, La. Kayang-kaya ko po!”

“Hay, nakakatuwa na umabot ka ng buwan d’yan, apo. Thank you so much!”

Bumuntong-hininga ako. “Wala iyon, Lola! Saka nai-enjoy ko na naman po ang mga panti-trip nila sa ’kin. At saka, maganda po iyong school kung saan ninyo ako pinapasok, La. Thank you po!”

“No worries, Cleo. Anyway, nasaan ka ngayon?”

“A-ahh, nasa labas, Lola. Inaya po kasi ako ng friends ko na lumabas.”

“Friends?” Klaro ni Lola.

“H-hindi po. Isa lang po pala. Tanner po name niya.”

“Okay, then. Enjoy!”

Pinatay ko ang tawag ni Lola. Inayos ko na lang din ang self ko at saka lumabas ng banyo.  Tama naman nang dumating ako dahil sini-serve na ang mga foods namin ni Tanner. Nagutom ako bigla!

“Sorry, tumawag ang lola ko kaya n-natagalan ako sa banyo.”

Nakangiting umiling si Tanner. “It’s okay, Cleo. Let’s eat? Then after, if you want to, let’s watch a movie?”

Magana kong tinanguan si Tanner!

Oh my ged! Nai-imagine ko na ito! Ang sweet moments sa loob ng sinehan! Makakaranas na ako ng tunay na romance! Chus! Umandar na naman ang pagiging delulu ng accla!

Nilagay ko muna ang table napkin sa hita ko at nagulat na lang ako kay Tanner nang kunin niya ang plato ko at pinalit iyong sa kanya.

“Oh,” sambit ko. Tiningnan ko ang plato ko. Naka-slice na iyong steak ko.

Arghhh! Internal scream ko.

“Thank you!” mahina kong wika, saglit na iniwas ang mukha sa kanya upang ngumiti ng malaki!

“You’re welcome, Cleo!”

Nagpatuloy kami sa aming lunch ni Tanner. Pansin ko naman ang ibang mga customer sa loob na napapatingin sa gawi namin.

Ano’ng mga tingin ’yan, mga teh!? Inggit? Eme!

“Cleo, malapit na ang foundation week ng school. May mga sinalihan ka bang activities?” tanong niya sa ’kin.

Oo nga pala. Malapit na ang foundation week ng SNU. Buong linggo na walang klase pero required pumunta sa school! In-announce na ’yan sa GC namin.

Pero bakit tungkol sa school ang pinag-uusapan namin ngayon?

Nilunok ko ang laman ng bibig ko. “Wala pa, eh. Pero mukhang may booth namin kami. Tutulong lang siguro ako roon. Kayo?” sagot ko pa rin sa kanya.

“Mmm, plano ng mga barkada ko na sumali raw kami sa ML tournament. I think, we will try that one.”

“Oh! Manonood kami kung ganon!”

“Thanks! I’ll text you then.”

“Sige!”

Pagkatapos naming maglunch ni Tanner. Naglakad-lakad kami sa mall. Ewan ko kung paranoid lang ba talaga ako o ano. Pero pakiramdam  ko… may nakasunod sa amin ni Tanner. Hindi ko lang pinapahalata sa kanya ang uneasiness na nararamdaman ko.

Bandang alas kuwatro ay naisipan na naming mag-sine. Si Tanner na ang bumili ng tickets namin. Ayaw niyang tanggapin ang pera ko kasi siya raw ang nag-aya!

“Ahm, Cleo, can you hold these for me? Mauna ka na sa loob. I really, really need to use the bathroom.”

Kaagad ko namang tinanggap ang popcorn at drinks namin mula sa kanya.

“Sa loob na ako maghihintay, ha.”

He nodded. “Mmm!”

Nag-jog si Tanner tungo sa banyo at ako naman ay pumasok na lang sa sinehan. Maraming vacant seat kaso iyong nakalagay sa aming ticket na lang ang inakupa ko. Baka kasi hanapin pa ako ni Tanner.

Ilang minuto ang lumipas kaso wala pa rin si Tanner. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Malapit nang magsimula ang movie pero wala pa siya.

Ako: Malapit na magsimula ang movie. Di ka pa tapos?

Hanggang sa magsimula ang movie. Wala pa ring Tanner. Wala ring reply mula sa kanya. Tatayo na sana ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko.

Papi Tanner: I’m so sorry, Cleo. I have an indigestion. Hindi ako makakasunod sa’yo.

Nanghihina kong binaba ang cellphone ko. Bakit kaya siya nagka-indigestion? Pareho lang naman kami ng kinain na food ah.

Akmang tatayo na ako nang may biglang tumabi sa akin at hinawakan ang braso ko. Bumagsak ang pwet ko sa upuan. Handa na sana akong sumigaw ng saklolo nang magsalita ito.

“Stay.”

Kumandirit ang ulo ko sa nagsalita. “D-Daws? Dawson Vale?”

“Sshhh!”

Sinuri ko ito. Natakpan ko ang bibig ko nang mapagtanto kong si Dawson nga! Naka-black Essential hoodie siya at bored ang matang nakatutok sa harap!

“Hoy! Ano’ng ginagawa mo rito?” pabulong kong saad sa kanya.

“Movie.”

“Huh? Dito rin talaga?”

“Yes, and?”

Hindi ako makapaniwalang nandito siya.

“Kanina ka pa ba?”

“Not so.”

Tsk! Ang sarap talaga nito kausap. Tumuon naman ang mata ko sa kamay niya na nakahawak sa akin. Hindi niya pa ito pinapakawalan.

“I should be the one asking you, Guillermo. What the hell are you doing here? Is this part of your performance task in NSTP?”

Ay, bwesit! Muntik ko nang makalimutan na hindi pala ako nakapagpaalam sa kanila! Mariin kong pinikit ang mga mata ko.

“G-gumala lang kami…”

“Kami?”

“S-sino pa ba? Nina Reyna at Maria… a-ano lang… nagka-emergency sila kaya umalis.”

“What a terrible liar!”

Napasinghap naman ako.

“I saw them at SB, though!”

Ngumiwi ako. Sinandal ko ang aking katawan sa upuan at tumingin sa harap.  Lumamon ako ng popcorn bago muling nagsalita.

“L-lumabas ako… pero totoong hinatid ako nina Reyna at Maria dito. Ano… si Tanner ang kasama ko.”

Nararamdaman ko ang paghigpit ng kanyang pagkakahawak sa braso ko. For some unfathomable reason… hindi ko mabawi ang braso ko mula sa pagkakahawak nito.

“Where is he now?”

“Nagka-indigestion daw siya. Umuwi na siguro.”

“What an asshole!”

“Hoy!”

“Tsk!”

“Kaya ba aalis ka na kasi hindi siya makakahabol dito?”

Hindi ko na maintindihan ang takbo ng movie na aming pinapanood.

“Oo! Ano pa ba ang gagawin ko rito?”

“Natuloy na rin talaga ang date ninyo, ha. But sadly he left you alone. Tsk!”

“Uwi na tayo,” matamlay kong aya sa lalaki. “May kotse kang dala? Pa-hitch na lang.”

Nararamdaman ko ang titig nito sa aking mukha.

“Do you really want to go home?”

Pinaglalaruan lang siguro ako ng tainga ko pero tingin ko, biglang lumambing ang boses ng unggoy kong kasama.

“Ayaw ko lang dito.” Nguso ko.

At sa walang pagdadalawang isip, tumayo si Daws at hinila na ako palabas ng sinehan. Lumabas kami sa mall at doon ko napansin na palubog na ang araw.

“Come with me.”

Kumunot ang noo ko kay Daws. Hindi ako nakapagprotesta sa kanya nang hatakin na niya ako kung saan.

“Wait lang, Daws. Hindi pa ba tayo uuwi?” Lakad-takbo ang hakbang ko dahil sa haba ng biyas ng unggoy!

Napatanga ako nang makarating kami sa may dike. Ma-tao ang lugar at mukhang marami talagang pumupunta na tao. Sa likod namin may nagsi-skate na mga bata. May mga nagtitinda ng ice cream at kung ano-ano pa.

“Wow!” Lumapit ako sa may dike at tiningnan ang kulay kahel na parang nahahaluan na ng pulang kulay na kagiliran.

Hinahampas ng hangin ang buhok ko.

“Here.”

Nakurap-kurap ko ang aking mata nang humarang sa line of vision ko ang ice cream.

“Thank you, Daws!” Wika ko sabay kuha sa ice cream na nasa cone.

Napapangiti na lang ako habang kumakain ng ice cream. Tumingin ako kay Daws na patalikod na nakaupo sa sementong dike. Kumakain din siya ng ice cream pero ang mata ay nasa tanawin sa harap.

Natulala ako habang nakatingin sa kanya. Ang gwapo rin talaga ng unggoy na ’to. Bumaba ang hoodie niya kaya nakita ko ang kanyang itim na buhok na medyo may kahabaan. Masungit tingnan ang kanyang tuwid na kilay at ang singkit na mata.

Sa ilang segundo kong nakatitig kay Daws biglang nag-slow motion ang lahat. Ang paglagat niya sa ice cream. Ang pag-ihip ng hangin sa kanyang buhok.

Pinilig ko ang ulo.

“Cleo? Something wrong?”

“Huh?”

His eyes narrowed.  “Nothing. Akala ko may sasabihin ka— shit!”

“Hala!” sambit ko naman nang maramdaman ko ang malalaking patak ng ulan!

Nagtakbuhan na ang mga tao para sumilong.

“Daws…” nalunok ko naman ang nais sabihin nang makita kong hinubad niya ang suot na hoodie, naiwan ang kanyang puting sleeveless.

“Come here!” Yakap ng braso niya sa akin at hinatak ako upang sumilong sa kanyang hoodie.

Yakap ng isang braso niya ang katawan ko habang ang isa ay nakahawak sa hoodie na nagsilbing silungan namin.

Tumakbo kami pabalil sa parking lot ng mall, tingin ko nandon kasi ang kotse niya. Kaso lutang na ako dahil nakatitig lang ako kay Dawson. Nababasa siya ng ulan kasi sinisiguro niya ako! Posible pala iyon, ’no? Iyong tumatakbo kami pero parang nakalutang lang kami, hindi ko nga nararamdaman ang patak ng ulan o ang basang daan.


This story is already at

chapter 33

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 17

Chapter 17

Umalis kami ni Daws sa parking lot kaso na-stuck naman kami sa tabi ng daan dahil lumakas ang ulan! Ang sheyt na ulan ay bumuhos ng todo. Kaya imbes na magpatuloy sa pagmamneho si Daws, itinabi niya na lang ang kotse! ’Di kasi ito tulad no’ng  unggoy niyang pinsan na walang kinikilala sa daan. At minamalas talaga ang accla kasi gabi na tapos nandito pa kami sa tabing daan.

Chineck ko ang self na basang-basa sa ulan. Argh! Ewan ko kung ano na ang amoy ko ngayon. Galing pa ako sa klase ko kanina sa NSTP at nagbihis lang para makipagkita kay Tanner tapos na-Indiana Jones na naman sa movie. Ngayon na-ulanan ako kasama si Daws.

Ako ba talaga ang malas o ang mga unggoy kong alaga ang may dalang bad luck sa buhay ko?

Ahwkashnshk! Feeling ko ang dugyot na ng awrahan ko ngayon! Pasimple akong sumulyap kay Daws kaso nasa daan lang ang mata niya. Bumaba naman ang mga mata ko sa kanyang braso. Umuusli ang mga ugat niya roon. Dahil sa ilaw na galing sa labas, naaninag ko ang muscles niya na nangingintab!

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa unggoy bago pa man mangyari ang nangyari kanina. Ewan ko kung ano ang nangyari pero bigla na lang talaga akong natanga sa otoko. Bakit akes nakakaramdam ng ganito?

Hmp! Siguro dahil concern lang ako sa kanila kasi mga alaga ko sila at may responsibilidad ako kapag may nangyaring masama sa kanila.

Matatalino ang mga mapuputing unggoy na ’to! Likas na katangian ng mga unggoy. I’m sure kagaya ni Reign, alam na rin nila kung bakit ako napadpad sa mansyon ni Lola Leticia. And that is to cut their dicks off! Eme! Mga sungay kasi!

Huminga ako ng malalim dahil sa kung anong kadahilanan, biglang humataw ang puso ko. Imbes na maaliw na naman ang mga mata ko sa muscles ni Daws, tumingin na lang ako sa malalaking butil ng ulan sa labas.

Argh! Ang malas-malas ko talaga!

“Here!”

“Ay butiking buntis!” Gulat kong sambit nang itapon ni Daws ang isang tshirt sa aking kandungan.

Pumihit ako paharap sa kanya. Pinulot ko ang tshirt.

“Ano ’to?” tanong ko sabay taas no’n.

“You guess.” Tamad niya naman wika.

Sumama ang tingin ko sa kanya! Ang sarap-sarap talaga kasama ng lalaking ’to! Ang sarap kurutin sa singit!

“You’re wet. Magbihis ka muna. I’ll look for a nearby hotel where we can stay for—”

“H-hotel!” Malakas kong sambit.

“Yeah?” Patanong niyang saad, bumaling sa ’kin. Napako sa ’kin ang mga mata niya. Mula sa mukha ko, bumaba ang kanyang mata. Gumalaw ang kanyang panga at pinulot ang cellphone sa dashboard.

“Magbihis ka.” Malamig at flat niyang wika.

Malamig na nga ang panahon, pinapalala niya pa.

“Tumalikod ka!” Asik ko rito.

Nag-side eye siya sa ’kin. Then, once again, he roamed his chinky olive-green eyes over me.

“There’s nothing for me to see!”

Parang nawalan ako ng kontrol sa bibig ko nang kusa itong nalaglag dahil sa kanyang sinabi.

A-ang kapal niya!

Syempre wala siyang makikita kasi pareho naman kaming otoko kaso lang girl ako by heart! Kaya wala akong malulusog na dibdib! Idagdag pa na wala akong sexy body. Balat, buto, at kaluluwa ko lang!

“Hmmp!” Maldita kong ismid at saka tumalikod sa kanya. Ayaw ko na lang maghanash dahil baka magka-clash kaming dalawa!

Ayaw ko naman talagang magbihis lalo na dahil tshirt ito ng unggoy kong alaga kaso lang wet akes— nabasa ako ng ulan kanina. Natatanga kasi ang accla! Litse!

Inamoy ko pa ang damit nito. Ang bango!

Sobrang laki ng tshirt nito pero hindi na ako naging choosy!

“S-saan tayo ngayon?” tanong ko nang buhayin niya muli ang makina ng kotse.

“To the nearby hotel—”

“Huh! Magmo-motel talaga tayo?!” Bulaslas ko.

“Papatilain lang ang ulan, okay? As if I want this too…” aniya pero pabulong na ang kasunod no’n.

“Eherm! Magti-text na lang ako sa bahay na matatagalan din ako.”

“There’s no need to. Nagtext na ako sa mga cousins ko.”

Oh my ged!

“S-sinabi mo na magkasama tayo?”

“I told them I picked you up and we got stuck on the road because of the rain.”

Napabuga na lang ako ng isang malalim na hininga at saka tumingin sa harap. Mahina ang pagpapatakbo ni Daws dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Nasa front desk kami nang makaramdam ako ng hiya! Kakaiba kasi ang titig sa akin ng mga gerlalu sa front desk! At alam ko kung bakit gano’n ang nga titig nila! It’s because of Dawson’s T-shirt that looks like a dress on me!

“Two rooms—”

“Isa na lang,” kilabit ko sa otoko. “Saglit lang naman tayo.”

Nagtagal ang kanyang titig sa akin bago muling bumaling sa babae. In the end, Daws got one room for us. And I didn’t know that this white monkey would get us a suite!

“A-ano…” natigalgal ako nang mapasok kaming dalawa sa aming kwarto!

Seryoso ba ’to? Saglit lang kami pero suite room ang kinuha ng unggoy!

“Bakit ito?”

Dawson just walked past me and got inside the room like a king… the king of the jungle! Eme! Lion pala iyon!

“Just go inside and wash up!”

Niyakap ko ang sarili ko at saka madramang siniksik ang sarili sa dingding. Na para bang daga ako na na-corner ng isang malaking pusa at takot na mahuli o patayin.

Naningkit lalo ang mga singkit na mata ni Dawson nang lingunin niya ako. Halos mag-isang linya na ang kanyang kilay dahil sa pagtataka sa inakto ko.

“What?” Lito niyang saad at walang anu-ano’y naghubad sa kanyang white sleeveless!

My breath caught in my throat, as if someone had stolen the very air from my lungs.

Deym! Gagawin ba talaga namin ito ngayon? Kaya ba suite room itong kinuha ni Daws kasi may balak siya sa ’kin?

Lord! Hindi po ito ang inaasahan ko! Ayaw ko po sa unggoy! Hindi man ako kagandahan ngunit may standard—

“Wash up unless you want to get sick, Guillermo!”

Huh?

Ah, maliligo lang pala! Kaya nga hindi ko aakalain na gagawin namin ito ni Dawson. Na maliligo ako sa isang suite room kasama siya!

“What? Bakit nakatayo ka pa rin d’yan like you saw a ghost?” Ang malamig niyang boses ay naging istrikto na!

Umalis ako sa pagkakasandal ko sa dingding. “Niyayakap ko lang ang self ko. Chini-check if w-wala akong lagnat! Naulanan—”

“Whatever! Just wash up already so I can wash myself too!”

Bago ko pa ipahiya ng todo ang sarili ko kay Dawson. Kumaripas na ako patungong banyo. Halos iuntog ko na ang sarili ko sa pinto ng banyo nang makapasok!

Dahil ba ito sa ulan? Dahil ba sa ulan kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko?

Dala lang siguro ito ng pagdadalaga ko! Eme!

Mabilis akong naligo. Tanging bathrobe lang ang suot ko nang lumabas ako ng banyo. Hindi rin ako tinapunan ng tingin ni Dawson at saka pumasok na sa banyo para din maligo.

Lord! Ano ba itong ginagawa namin ni Daws?

Tinuyo ko na lang ang buhok ko gamit iyong towel at nang madampi na lang ito ay humiga ako sa kama.

Pero ang ganda din nitong room namin, ha. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang buhos ng ulan. Hindi pa rin sila tumitila.

Ang pag-click ng doorknob ang nagputol sa titig ko roon sa labas. I felt my throat run dry when I saw Dawson come out of the bathroom wearing nothing but a mere towel loosely hanging around his waist. His V-line peeked through the towel, and prominent veins bulged under his pale skin.

My eyes began to travel south; his peaks looked like they were inviting my clumsy hands to touch them. His broad chest thumped up and down deliberately, and…

My eyes flickered like a broken post light when Dawson caught me ogling him!

“What are you looking at? Hungry?”

Ramdam ko ang pag-uunahan ng mga red blood cells ko tungo sa mukha dahil sa sinabi ni Dawson!

Napalunok ako. “O-oo. Gutom ako.”

I forced my eyes to look away from the temptations, not knowing where they had come from!

“Room service na lang tayo. I’m… hungry as well.”

Siguro nga mga gutom lang kaming dalawa ni Dawson.

Dumating ang aming pagkain at tahimik kaming kumakain ng dinner namin. Ang awkward lang sa end ko dahil hindi ko na matitigan si Dawson ng deretso.

Bobang si ako kasi eh! Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip!

Bukas ang lahat ng ilaw ng kwarto at pareho kaming dalawa na nasa kama. Isang malaking pagkakamali talaga na tumutol ako sa unggoy na dalawang room ang kukunin.

Eh sino naman kasi ang mag-aakala na tatagal ang ulan ng ganito? May bagyo ba? Na-litse na ’to!

The television was on, and a movie was playing that I didn’t remember the title of. Parang survival movie siya.

Parang may sapi ang ulo ko na umikot sa direksyon ni Dawson. Tuwid itong nakasandal ang katawan sa headboard ng kama at walang kurap na nakatingin sa TV. Nakaka-distract masyado ang katawan nito na wala man lang pang-itaas.

And again, for the second time that we were together, I found myself gaping at him as if he were the most prized masterpiece in an art studio.

His distinguished side profile never failed to amaze me. Ito iyong mga bagay na hindi ko napapansin sa araw-araw na nakakasama ko sila. Puro lang kasi inis at pagkabadtrip ang nararamdaman ko. At ngayon na nakatitig lang ako sa kanya, ngayon ko lang na-appriciate ang mukha niya.

Matangos ang ilong, mahahaba ang makurbang pilik mata, manipis but slightly pouty lips at natatabunan ng kanyang straight na buhok ang kanyang noo. Ito na ang kinababaliwan ng mga babae sa kanila?

Nakasama ko na ang iba pang unggoy at masasabi kong… gwapo nga sila. Marami namang gwapo eh, kaso iba kasi ang hatak nila. Their sex appeal stands out from the rest of the good-looking men.

I think, dito nabaliw ang mga beklabu kong friends.

“Is there something wrong with my face?”

“Ay palaka ka!” Napahawak ako sa dibdib ko, akala ko lumabas na sa katawan ko ang kaluluwa ko dahil sa gulat nang magsalita si Dawson!

Sa inis ko dahil pinakaba niya ako, umusog ako palapit sa kanya at sinampal ko ng malakas ang kanyang balikat!

“Litse kang unggoy ka! Hindi n’yo talaga pinapalampas ang araw na hindi ako naba-badtrip!”

In a swift motion, Dawson turned to me, freezing me in place.

I hiccuped as his olive-green eyes pierced through me like lasers, ready to shred me into pieces!

“You’re the one gawking at me, Guillermo,” he asserted in a low, husky tone, his eyes never leaving my face. “Care to share what’s running through your mind?”

“H-huh?”

“What’s wrong? Is there something on my face? Or do you just love staring at me, hmm?”

My throat went dry, my eyes dilated, and I felt my face flush a deep shade of red!

“W-wala!” Nagkabuhol-buhol na itong utak ko ngayon. Think! Think, Cleo! Magaling ka sa palusot bakla ka! “A-ano… nagtataka lang ako… kung bakit kayong apat na mga unggoy a-ay nasa bahay ni Lola Leticia!”

Thank you, Lord!

Nang mahanap ko na ang lakas ko, kaagad kong dinistansya ang sarili ko kay Daws. Ngunit nagwawala pa rin ang dibdib ko!

“Because we like being with each other,” he answered, darting his eyes back to the television.

“Iyon l-lang?” Panindigan mo na itong pagsisinungaling mong, accla!

“Yeah, plain and simple. We just like being with each other.”

Ay? Walang madramang rason?

“Both our parents are busy with their businesses and don’t have much time for us, but our grandparents do, and it just so happens that Abuela and Abuelo wanted to take care of us. That’s why.”

Muli kong hinarap si Daws nang maging malumanay ang boses nito. Akala ko kasi hindi siya iyong nagsasalita.

“H-hindi ko nakita na dumadalaw ang parents ninyo… sa mansyon.”

Umigting ang panga niya.

“I told you. They’re so busy. Uuwi lang sila kapag may ginawa kaming katarantaduhan.”

Napapairap ako sa rason niya.

“Kaya n’yo ba pinagti-tripan ang mga dati ninyong maids?” Napapailing ako at tumingin sa television na nagsasalita na lang mag-isa.

“Tsk! We just don’t want anyone to watch us,” I heard him chuckle.

“Sinabi n’yo dapat kay Lola Leticia! Tingnan n’yo, dumating tuloy ako sa bahay at magtitiis kayo sa bunganga at mukha ko!” Hagikhik ko. “’Yan tuloy nautusan akong putulin ang bayag— I mean ang mga munting sungay ninyo!” pabulong kong habol.

“Guillermo, we don’t want to lose you over anyone– over everything!”

My head snapped toward him. “Huh?”

Dawson’s lips jerked into a smirk. He leaned on me and, without hesitation, flicked my forehead!

“Nothing, Guillermo. Go to sleep! I’ll wake you up when the rain stops.”


This story is already at

chapter 35

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 18

Thank you so much for the 60k reads!❤️


Chapter 18

Nakahalumbaba ako sa desk ko habang nasa harapan ko ang dalawang beklabu na animo’y team ni Jessica Soho kung maka-interview sa ’kin. They’re pestering me about what happened on my date with Tanner last Saturday! Kung date ba iyon.

Pasalamat talaga ang mga beklabu na ’to na nag-iwan lang ng pasasagutan ang aming prof sa Canvas. Kaya naman may time silang gambalain ang pananahimik ko.

Pilit ko rin kasing inaalala ang mga ganap ko no’ng Sabado! Panay ang talak ng mga friendship ko kaso lumilipad sa ibang dimesyon ang braincells ng accla.

Tama ba talaga iyong narinig ko mula kay Dawson? Mahina kasi ang boses niya eh! Nilalamon no’ng volume ng movie na aming pinapanood dahil sa baba ng boses.

“Guillermo, we don’t want to lose you over anyone– over everything!”

“Guillermo, we don’t want to lose you over anyone– over everything!”

“Guillermo, we don’t want to lose you over anyone– over everything!”

Iyon ang narinig ko. Ewan ko kung nahaluan ba iyon ng linya mula sa bida ng pinapanood naming movie o ano. At kung iyon nga ang narinig ko, ano naman? Ano naman ang ibig sabihin no’n?

Napangisi ako bigla nang pumasok sa isip ko ang ideya na baka ayaw na ng apat na ’yon na lumipat ako ng ibang trabaho? Bala na-wili na sila sa presence ko sa buhay nila! Well, gandang accla kasi si self! Chus!

But seriously, ’di ko rin talaga alam ang mga trip ng mga Alvarez De Toledo na ’yon. Kanina no’ng pumasok kami wala silang imik sa ’kin at parang naninibago ako sa kinikilos nila. Kinakabahan ako. I’ve already grown accustomed to their playful and chaotic side, and I think I prefer that version of them rather than their serious one. Para akong ’di makahinga dahil doon.

“Bakla!” Ang batok ni Reyna sa ’kin ang nagpabalik sa aking isip mula sa kasalukuyan!

Echoserang beklabu na ’to!

I stared at Reyna menacingly. “Bakit mo ba ako binatukan, bakla?! Arghh!” Daing ko sabay hagod sa batok ko na tinamaan ng malaking kamay ni Reyna!

“Grabe na kasi ang hanash namin dito pero mukhang nasa ibang mundo ka r’yan! Akala namin nagdi-daydream ka na!” Pabagsak niyang wika.

“Like yeah~ but seriously, bakla. Ano ba ang iniisip mo? What about your date with Tanner?” Atat na tanong ni Maria, nanginig pa siya na animo’y kinikilig sa kung ano mang pumapasok na eksena sa utak niya.

Sus! Shuta lang! Kung alam lang talaga nila na Indiana Jones na naman ang atake ng otokong si Tanner sa ’kin no’ng Sabado!

“Kumain lang kami, okay? That’s it!” Simpleng sagot ko kay Maria.

I don’t want to dwell on it anymore. Because whenever I think about what happened that Saturday, Dawson’s face suddenly pops into my mind like a plague! Tingin ko talaga sila ang malas sa buhay ko! Yet, he was actually helpful to me that day. Pinanood namin ang movie, kumain ng ice cream sa baywalk, at nakapag-suite room pa ako sa isang hotel! First time ko iyon!

“Ano? Naglunch lang kayo? Wala bang ibang ginawa si Tanner Vasquez? He didn’t make a move on you?” Mahinang bulaslas ni Reyna pero nando’n ang inis.

Sinandal ko ang self sa sandalan ng aking arm chair at pagod silang tiningnan.

“I think dapat na akong mag-move on from Tanner, mga bakla!” Anunsyo ko sa kanila na kinagulat ng mga ’to!

Well, I can’t blame them though. Baliw na baliw kasi ako kay Papi Tanner tapos ngayon bigla kong sasabihin sa kanila na susuko na akes!

“You’ll give him up na?” saad ni Maria, his eyes stretched wide as he let out a sharp gasp.

Ayoko! Ayoko naman talaga pero ang mga circumstances na ang naglalayo sa aming dalawa. Tanner’s actions pushed me to this. Alam ko namang… may pagkadelusional ako sa kanya kaso mukhang malabo na.

Siya ang first ever crush ko rito sa Southern National University, ’tapos in-approach niya pa ako ng una. Kaya siguro lumabis ang accla na ’to. Kaya inaakala kong may something siya for me. Pero baka, friendly lang siya. Ako lang itong nag-iisip ng kung ano!

Pero, bakit niya ako niyayaya lumabas? Pinapaasa niya ba ako kasi halata na ang feelings ko sa kanya?

“Bakla, baka tama lang ito. Alam n’yo na. Ilang beses na rin akong na-Indiana Jones ng otoko. Maybe that’s the sign?”

“Pero nagbibigay kasi siya ng motives?” si Reyna.

“Motives ba talaga o baka tayo lang ang nagmi-misinterpret sa actions niya?” I countered Reyna’s remark.

I had already decided to move on from my first crush, Tanner Vasquez! However, the universe had other plans for my life.

As the foundation week commenced, Tanner started flooding my inbox, asking about the event and my plans. Tinatanong niya rin kung pwede bang sumama silang magbabarkada sa amin.

Of course, binalita ko ito sa mga beklabu kong friends at forda go naman ang mga ’to! Walang ina-atrasan ang mga accla!

“Hindi talaga hahayaan ni Universe na magmove-on ka, bakla.” Bulong ni Reyna sa tainga ko nang makita kong papalapit sa amin si Tanner kasama ang dalawa niya pang kaibigan na lalaki.

“Ayon, may para sa amin na rin!” Ngisi naman ni Maria.

“Cleo!” Kumaway si Tanner sa ’kin kaya naman tinukso ako ng mga accla at sinundot pa ang tagiliran ko.

“Walang  magmo-move on, ’no?” bulong ni Reyna sa ’kin.

“Kanina pa kayo? Oh, by the way, this is Jem and Richio,” pakilala ni Tanner sa kanyang mga kaibigan.

Ngumiti ang mga lalaki at saka naglahad ng kamay.

Nagkanya-kanya na rin kami ng pakilala sa kanila. Sila din pala iyong sinasabi ni Tanner na kaibigan na umaya sa kanya na sumali sa ML tournament. Tinuloy nila ang pagsali kaya matutuloy rin kami sa panunood sa kanila.

“Sa gym na tayo, nine na. Magsisimula na ang program.” Anunsyo ni Maria at sabay na kaming tumungo sa gym.

Sa buong opening program, hindi ko nakita ang mga ADT. Kanina sabay naman kaming pumasok dito kaso humihiwalay kasi ako sa kanila. Ayaw kong kuyugin ako ng mga fans nila ’no!

O baka hindi ko lang din sila napapansin sa dami ng tao sa gym at kasama ko si Tanner, nasa kanya ang buong atensyon ko. May speech ang president ng SNU at pormal nitong binuksan ang foundation week. May mga cultural performances din na nag-perform at nang matapos lumabas kami para i-explore ang mga booths at mga club displays. Baka lang may masalihan kami.

Buong hapon naming kasama sina Tanner, Richio at Jem. So far magaan silang kasama at game sa mga trip ng kaibigan ko. They didn’t mind our sexual orientation and embraced their bond with us openly.

Nagpaalam na rin kami sa isa’t isa nang sumapit ang hapon. Si Tanner na lang ang kasama ko habang naglalakad palabas.

“Ang game pala namin is sa Wednesday. Do you think you can come? Reyna and Maria too—Richio and Jem invited them as well.”

“Oo naman! Wala rin naman kaming gagawin eh.”

“Cool! And also, Cleo free ka sa Friday, after ng closing program?”

“Oh, bakit?” Saglit ko siyang tiningala. Nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa kaso hindi ko muna ito tiningnan.

“Do you… uh, I’m just trying to shoot my shot for another date with you. Alam mo naman na-ditch ulit kita roon sa movie.”

I shook my head at him and beamed. “Wala na iyon, Tanner. Hindi ko na iyon iniisip. Sumama ang t’yan mo eh.”

Napabuga siya ng isang maharas na hininga.

“So, on Friday?”

Tumigil ako sa paglalakad at humarap kay Tanner. Nakatingin lang din siya ng deretso sa mga mata ko.

“Mmm, sa Friday.”

The corners of his mouth turned upward.

“Nice. So, ihahatid na kita. Wala ka bang sasakyan?”

“Hindi na. May masasakyan ako.” I politely declined his offer.

“Okay. So mauuna na ako. Take care!” aniya at nag-jog palayo sa ’kin.

Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa at nang bubuksan ko na sana ito. May biglang humawak sa kabilang pisngi ko at may labing dumampi sa kabilang pisngi!

Nang mag-angat ako ng tingin. It was Tanner, smiling so widely.

“Bye again, Cleo! See you tomorrow,” he jabbered, winking at me.

My lips parted as I realized what he had just done! Nag-init ang mukha ko at halos tumalon sa tuwa!

Arghhh! Lord, salamat po! Talagang ayaw n’yo  po akong magmove on kay Papi Tanner!

Aaahhhhh!

Ramdam ko ang init ng mukha ko nang tingnan ko ang cellphone ko. Sumama rin naman ang mukha ko nang makita ko ang text ni Ate Marli sa ’kin. Biglang nagdeteriorate ang saya ko nang mabasa ko ang text.

Ateng Marli: Cleo, pinapasabi nila Sir na nasa bahay na sila. Magcommute ka na lang daw muna.

Ako: okey, ate 😸

Naiwan nga ng mga unggoy, pero kinilig naman! Okay lang!

Okay na okay! Impit akong tumili! Kung pwede lang gumulong dito, gumulong na ako!

Masaya akong umuwi sa mansyon. Tingin ko nga mas magaan ang pakiramdam ko ngayon na wala ang mga unggoy kong alaga sa paligid ko. Tingin ko sila talaga ang nagdadala ng bad luck sa buhay ko at ang may dala ng eerie feelings.

Naipit ako sa traffic dahil may na-aksidenteng sasakyan. Kaya nagtaka ako na wala ang magpipinsan sa living area. Usually doon sila nagkukumpulan at naglalaro. Well, except kay Daws na laging libro ang kaharap. Genius yarn? Chus!

I wore a loose printed T-shirt and striped boxer shorts, just enough to reveal my smooth, fair, and creamy skin! Creamy ’yan dahil may lotion!

Rumampa na ako patungo sa kitchen ngunit hindi ko pa rin makita ang mga lintek kong alaga! Papansin talaga ang mga ’yon!

“Ay wow! Ang ganda mo naman ngayon, Cleo!” Puna ni Ate Marli nang mapansin na extra ang ganda ko ngayon.

Halik palang sa pisngi ’yan pero blooming na ang self! What more kung may rated SPG na? Eme!

“’Nu ka ba, Ate! Always na naman akong maganda!” Kunwari ay suway ko kay Ateng Marli. Nilibot ng ulo sa paligid. Wala talaga ang magpipinsan. Tahimik din ang bahay. Wala naman siguro sila sa gym room. “Ate, nasaan ang mga alaga ko?”

“Ah, umalis sila, Cleo.” Sagot ni Ate Marli sa akin.

Umupo ako sa high chair ng island counter.

“Po?”

“May lakad daw sila,” sabat naman ni Ate Jodel. Tinulak niya ang plato na may lamang pagkain sa ’kin. “Kumain ka muna.”

“Tapos na po ba silang magdinner?” Ang mga patay gutom na ’yon!

“Hindi. Nagmamadali sila kanina eh.” si Ateng Marli.

Binunot ko ang cellphone ko sa bulsa at tiningnan kung may text ba sila sa ’kin. Wala! Apat silang lumabas ngunit wala man lang ni isa sa kanila ang nakaalala na i-inform ako sa mga rampa nila!

“Kumain ka na lang, Cleo. Baka mamaya ay darating na rin ang mga ’yon,” ani Ateng Jodel.

“Oo nga, Cleo,” si Ate Marli.

Bumuntong-hininga ako at naghugas ng kamay. Gusto kong magkamay ngayon habang wala ang apat. Kapag kasi kasama ko sila gumagamit ako ng tinidor at kutsara! Pakitang tao ko lang iyon sa kanila! Echos lang.

Pinagpahinga ko na rin sila Ate Jodel at Marli. Ayaw kong hintayin pa nila akong matapos sa dinner ko. Natapos na lang ako sa dinner ko ngunit wala pa rin ang magpipinsan.

My chest started hammering with nerves. I can’t describe what’s rushing through me right now. I’m restless and troubled about those white monkeys! They should be capable of taking care of themselves, yet my thoughts keep circling back to them. Ito yata ang unang pagkakataon na hindi ko sila nakasama sa dinner simula nang dumating ako rito.

Yes, each of them had errands and their own lives, but it never happened that the house was left empty. Lumalabas ang tatlo pero may naiiwan talaga. Iyan ang napansin ko.

Hanggang sa humiga na lang ako dahil inantok na ako kakahintay sa kanila.

To Reign: Nasaan na kayo? Bakit wala kayo sa bahay? Umuwi na kayo!

Text ko kay Reign at tinabi ko ang cellphone. Naghintay ako ng ilang minuto kaso walang reply! Pinatay ko na ang lampshade sa may nightstand.

Muli kong kinuha ang cellphone ko.

To North: North? Nasaan na kayo? Umuwi na kayo, pakiusap lang!

Wala ring reply si North.

To Vidal: Kung nasaan man kayo wag na kayong umuwi sa mansyon, mga unggoy kayo!

Galit na ako dahil ’di man lang sila nagpaalam. Alam kong katulong lang ako, nanny kumbaga lang nila ako pero dapat nag-inform sila kung saan sila pupunta!

What if biglang tumawag si Lola Leticia? What if hanapin niya sa ’kin ang mga kumag? Anong isasagot ko kay Lola?

To Dawson: Mga unggoy kayo, nasaan ba na kayo? Uuwi pa ba kayo?

Do I sound like a parent to them? Am I feeling too close to them?

Babawiin ko pa ba ang text ko? Eh hindi ko na iyon mababawi pa. Mabuti pa sana kung sa Messenger dahil pwede i-unsent.

Dumapa na lang ako sa kama at pinikit ang mga mata ko. Pilit ko na lang tinulog ang inis ko sa mga kumag.

Nakatulugan ko nga ang pagkabanas ko sa kanila kaso nagising naman ako dahil sa tunog ng cellphone ko.

“Aish! Sinong anak ni poncio pilato ba itong nambubulabog ng tulog?!” Galit kong wika at kinapa ang cellphone ko sa kama.

I pried my eyes open and checked the text messages.

Vidal: We’re home, Cleo.

North: Nakauwi na po, Madam!

Dawson: We’re on the way home, Guillermo.

Reign: Nakauwi na, Maem Cleo Guillermo.

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang mabasa ko ang mga text nila sa ’kin. I sprang out of bed and rushed to the door. I don’t know what compelled my body to move like that.

Ni hindi ko na inintindi ang hitsura ko ngayon. But rest assured naman na bongga pa rin ang awrahan ko kahit kakagising lang! Tsk! Bagay na mga magaganda lang ang nakaka-relate!

Hiningal ako nang makarating sa baba. Minutes ago na iyong mga text nila kaya inaasahan kong nakarating na sila ngunit wala pa.

Huminga ako ng malalim.

Bumukas ang double doors ng main door at doon sabay na pumasok si Daws at Reign at nakasunod sa kanila si Vidal at North.

Lumapit ako sa kanila upang masapak sila isa isa. Ngunit naantala ang kamay ko sa ere nang makita ko ang kanilang hitsura. Ngayon ko lang napagtanto na hindi dumi o simpleng mantsa ang nasa damit nila.

It was blood!

“A-ano…” garalgal ko at nanghina ang tuhod.

Halos umikot ang paningin ko.

“Ano’ng… n-nangyari sa inyo?” Isa isa kong tiningnan ang kanilang hitsura. May mga pasa, punit sa labi, at sugat ang mukha nila. “Napaano kayo?! Sumagot kayo mga kumag!” Singhal ko sa kanila, halos mapaos pa ako!

No one answered my question. They just avoided my flaring eyes!


This story is already at

chapter 37

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 19

Chapter 19

Hindi mapirmi ang paa ko habang pinagmamasdan ko ang mga lintek na unggoy sa sala. Nakahalukipkip ako habang tinitingnan silang apat na hindi umiimik. Mayamaya naman ay nilagay ko ang dalawang kamay sa magkabilang baywang. Walang gustong magsalita. Walang gustong sumagot sa tanong ko!

Galit ako. Naiinis ako. Kinakabahan at nangangamba sa kanilang kalagayan! Dahil paano kung hindi lang ito ang natamo ng mga ’to? Akes pa ang malilintikan sa mga magulang nila?

Kahit sila ang may kasalanan, sa ’kin ibabato ang sisi.

Masama ang tingin ko sa kanila.

Huminga ako ng malalim bago binaba ang dalawang kamay ko mula sa baywang. Umupo ako sa tapat nilang apat. Kita kong sumunod naman ang kanilang mata sa galaw ko.

They’re aware of my frustrations and displeasure, yet no one is brave enough to answer me. Or maybe they’re just brave enough not to answer me. Kasi sino ba naman ako sa mansyon na ’to? Alipin lang naman nila ako eh!

“Linisin n’yo ’yang mga sugat ninyo. Gamutin ninyo dahil ’pag nag-iwan iyan ng piklat, ako pa mananagot kay Lola n’yan!” Istrikto kong mando sa kanila.

Pinagkrus ko ang braso ko. “Sa totoo lang, wala naman akong paki kung ano ang gawin ninyo. Buhay n’yo ’yan at malalaking tao na. Ang akin lang dapat hindi ako madamay. Maayos kong ginagampanan ang pagiging alipin ko rito sa inyo kaya sana umayos kayo!”

Tumayo ako. “Pinag-alala ninyo ang mga unggoy kayo! Matutulog na ako–”

“N-nanny,” putol-putol na tawag ni North sa ’kin.

I shot him a glare. “Ano?”

He flinched a little.

“H-hindi pa kami nagdinner…”

“Huh? Nakipagrambulan kayo sa kung sino nang hindi man lang kumakain? Dapat busog kayo! At least kung may ma-tegi man, busog!”

North and Vidal almost laughed at my remark, but they held it in well!

“Sige na. Maghahanda ako. Kayo naman ayusin n’yo ’yang hitsura ninyo. Ayokong makakita ng dugo ha! At saka, kung kinakailangang bumisita kayo ng doktor para hindi kayo magkapiklat o ano, just do so!”

Tinalikuran ko na silang apat. Masama talaga ang loob ko dahil hindi man lang sila nagpaalam sa ’kin kung saan sila tutungo o pupunta. Ginabi na nga sila ng uwi, umuwi pang may pasa at sugat ang mga king ina!

Okes lang naman sa ’kin kung ano ang ang gusto nilang gawin sa buhay. Matatanda na sila at matigas na talaga ang ulo. Ang sa ’kin lang, ayaw kong isipin ni Lola Leticia na ang lenient ko sa mga apo niya at hindi ko ito nabantayan. Lintek na trabaho ito, mga college students ang titingnan.

Kung may kaya lang talaga kami ni Lola Kora, matagal na akong umalis sa mansyon na ’to! Kung hindi lang sa rewards at alok ni Lola Leticia na pagpapaaral sa ’kin. Malamang umuwi na ako ngayon sa ’min!

Pero syempre, si Cleo Guillermo ako eh. Hindi ako sumusuko agad-agad.

Nagluto ako ng fried rice, since may tira pang kanin kanina, nagprito na rin ako ng isda, ham, and mga itlog.

No matter how much I loathe those white monkeys, they’re still the grandsons of Lola Leticia, my boss. I have the right to be mad at them for making me worry, but that’s it. Hanggang d’yan lang talaga ang kaya ng aking powers.

Pwede ko silang leksyunan at sigaw-sigawan pero nasa kanila pa rin kung makikinig sila sa ’kin. I’m just a nanny (ika nga ni North)—and a nobody in this house!

Naghain ako pagkatapos kong magluto at habang nagsasalin ako ng tubig at juice sa mga baso isa-isang dumating sa dining area ang mga puting unggoy na patay-gutom.

Nakahinga na ako ng maluwag nang makita kong nakapambahay na sila. Malinis na at wala ng dugo. Kanina akala ko talaga mawawalan ako ng malay nang makita ko ang mga hitsura nila.

I can’t stand the smell of blood. My stomach churns as it crawls into my nostrils.

“Kumain na kayo. Tawagin n’yo lang ako kapag ’tapos na kayong kumain,” ani ko nang dumating si Dawson. Ito ang pinakahuling bumaba. Pa-bida rin talaga!

May band-aid na ang kanilang mga mukha dahil mga natamong sugat. Though hindi talaga natatabunan ang mga pasa.

“No. You should eat too, Cleo.” Alma ni Vidal.

I snorted. “’Tapos na akong kumain. Magtitimpla na lang ako ng gatas!”

“Then, pagkatapos mong magtimpla ng gatas, dito mo umumin.” Sabat naman ni North.

Inirapan ko lang ang dalawa bago umalis sa dining area. Bumalik ako sa kitchen. Ginawa kong pampatay oras ang paglinis ng sink at paghugas ng mga platong ginamit ko kanina.

Nang matapos ay saka pa ako nagtimpla ng gatas at umupo lang ako sa isang high chair ng island counter. Inubos ko ang gatas ko bago ako lumabas ng kusina upang tingnan ang apat na kumakain. Nang mapansin kong hindi na nila ginagalaw ang pagkain nilapitan ko sila. ’Tapos na naman pala silang kumain.

“Matulog na kayo. Magsabi kayo kung hindi kayo makakapunta sa school bukas ha. Para makapagcommute ako.” Anunsyo ko naman.

Hinagilap ko na ang mga pinagkainan nila. I saw Daws drag a hand over his hair. Reign sighed audibly, while North and Vidal hummed in response to my words.

Dinala ko na sa kitchen ang mga pinagkainan nila. Hindi ko iyon kayang dalhin sa kitchen lahat kaya binalikan ko ang iba. Pagkabalik ko sa dining ay wala na sila.

Binilisan ko ang paghuhugas dahil anong oras na rin. Wala namang klase bukas dahil Foundation Week, kaya ayos lang kung matagalan ako.

Nagpupunas na ako sa mga kobyertos nang biglang may yumakap sa ’kin mula sa likod! I was about to shout for help when the man behind me spoke.

“Nanny,” North mumbled behind me, his breath fanning against the skin of my neck. Mabilis kumalat ang init ng hininga niya sa leeg ko!

“North!” Daing ko sa inis dahil labis niya akong pinakaba! Akala ko kung sino na ang yumakap sa ’kin!

Napakalaki ng mansyon at ’di ko alam kung ilang tao na ang nawala rito. Akala ko minulto na ako!

Hindi umalis si North sa likod ko. Gumapang pa nga ang kanyang kamay papunta sa harap at humigpit ang pagkakayakap niya sa ’kin.

“N-North, ano ba!” Reklamo ko dahil bakit bigla niya akong niyakap? “Alisin mo nga ang kamay mo! Nagpupunas ako–”

“We’re so sorry,” he meddled in the middle of my statement.

“Ano?!” Lito kong saad, sinubukan kong pumiglas sa yakap niya pero hinigpitan niya ang pagkakagapos ng braso sa akin.

“Sorry for not informing you that we’d be leaving. We didn’t mean to worry you, nanny.”

“Tsk! Bitiw na!”

Unti-unti niya naman akong binitiwan pero tumabi sa ’kin. Sinilip-silip pa ang mukha ko.

“You’re mad at us, aren’t you?”

I rolled my eyes. “Sino ba ang hindi? Baka bigla akong patalsikin ni Lola Leticia dito!”

“Hindi… hindi namin hahayaan na mangyari ’yan.”

Nilapag ko ang kobyertos. Natapos na rin sa wakas.

Tiningnan ko nang maigi ang mukha ni North. May band-aid sa kanyang isang pisngi tapos sa kabila naman ay pasa lang sa tabi ng mata niya.

Walang sabi akong kumuha ng bottled water sa ref. Binalikan ko si North at nilapat ko ang bote ng tubig sa pasa niya.

I caught how he held his breath as I lightly pressed the cold bottle of water against his bruise.

“Nag-alala ako sa inyo. Umalis kayo nang hindi sinasabi kina ate Jodel at Marli kung saan kayo tutungo. At tingnan n’yo ang nangyari sa inyo ngayon.”

Bahagyang yumukod si North dahil naka taas ang kamay. His eyes lingered on my face.

“I already said sorry, Cleo.”

“Eh iyong mga pinsan mo?” Ismid ko.

“They’re also sorry. Medyo na-guilty lang siguro na hindi kami nakapagpaalam.”

“Sino ba kasi ang gumawa nito sa inyo? Iyong Paxon ba? May grupo ba ang lalaking iyon?”

Nanigas ang bagang ni North. “If you happen to cross paths with Paxon, nanny, please stay away from that asshole.”

See? Hindi nagulat si North na kilala ko si Paxon. Instead, he warned me about the guy. Reign was really right when he said there are no secrets between them. Whether they keep their mouths shut or not, they have their own ways of knowing things!

At kahit na hindi sabihin ni North. Ayoko ko ring makatagpo pang muli ang Paxon na ’yon! Yikes!

Ang pagkakatitig ko sa pasa ni North ay naputol nang maramdaman ko ang mga nanunusok na titig ni North mukha ko.

“Ano?” Iritado kong ani sa kanya.

His mouth lifted into a smile. “Ang ganda pala ng mata mo, nanny.”

Biglang may nagwalang kung ano sa loob ng t’yan ko! Mga baby bulate ko siguro?

“Ano b-bang pinagsasabi mo d’yan!?”

Hindi lumalayo ang titig niya sa mga mata ko.

“Singkit at hazel brown ang kulay. Ang hahaba rin ng lashes mo. Did you put something on it?” Kuryoso niyang saad. Ni wala akong magawa nang abutin niya ang pilikmata ko!

Mas maganda kaya ang mga mata nila. Para akong dinadala ng mga mata nila sa gubat!

“N-North!” aniko. Maingat niyang hinahaplos ang lashes ko. “Nabakla ka ba? Inggit ka sa lashes ko? Innate ’yan para sabihin ko sa’yo!”

He chuckled manly. Nilayo niya ang kamay sa pilikmata ko.

Nagbaba siya ng tingin sa ’kin. I feel like a small prey under the huge predator in front of me ready to eat me alive!

“I am fond of someone… who’s gay. Bakla na rin ba ako kapag gano’n?” North grumbled under his breath.

My lips went dry from his question. I think my mind suddenly malfunctioned as I tried to form a sentence.

When I was about to reply, someone behind me spoke.

“Cleo, North.”

Tinanaw ko sa aking balikat kung sino ang nasa likuran ko at nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kong si Reign iyon! He was topless, wearing only his wide-legged sweatpants. One hand rested in his pocket, while the other held a can of beer.

He took a sip, and I noticed how his eyes drilled into me as he drank, Adam’s apple bobbing up and down in his throat.

“Reign,” ani ko.

“Ouch, shit!”

Hindi ko namalayan na dumiin na pala ang pagkakalagay ko sa bote ng tubig sa pasa ni North kaya nagreklamo siya!

“Hala!” Binalingan ko si North, natataranta! Para akong gumawa ng krimen na nahuli sa akto! “Sorry, sorry, North! Hindi ko sinasadya!”

Namilipit siya sa sakit.

“I-ito ikaw na lang ang maglagay n’yan. Gusto mo ba kumuha ako ng compress?”

Umiling siya. “There’s no need to.” Namilipit pa rin sa sakit!

Dahil do’n hindi ko tuloy namalayan na nakalapit na pala sa ’min si Reign.

Tiningnan ko siya. May pasa sa gilid ng kanyang labi at may band-aid sa noo!

Ayokong ibaba ang mata ko kasi wala siyang suot na tshirt! I mean, dati walang-wala sa ’kin ang ganito eh. Sanay na ako sa katawan nila kaso ngayon parang may nag-iba na.

“Ginagamot mo si North?” tanong niya at nilapag ang beer niya sa sink.

“Dinampian ko lang sa bote ng tubig.”

Napaatras naman ako nang lumapit sa akin si Reign. Napakurap-kurap ako. Ngunit isang atras lang ng paa ko, bumangga na ang katawan ko sa sink.

Nahigit ko ang hininga nang yumuko si Reign at nilapit ang mukha sa ’kin. Halos maduling ako sa lapit ng mukha namin!

“R Reign!” Ungot ko. Nagwawala na ang puso ko.

“May pasa rin ako. Gamutin mo rin!” anito, tinuro ang pasa sa gilid ng labi niya.

I was caught off guard. North, however, draped his arm around Reign’s shoulder before they made their way out of the kitchen, leaving me with my heart racing wildly.

Marahas ang naging buntong hininga ko habang nagpapahangin kami nina Reyna at Maria sa isang kapehan malapit sa SNU.

Friday na ngayon, last day na ng Foundation week, ibig din sabihin ay babalik na kami sa normal day ng klase. Hindi ko na kinuwento sa mga friends ko ang nangyari sa apat. Nagtaka sila no’ng nakita nila ang apat na may pasa sa mukha kaso nagkibit balikat lang ako.

“Niyaya ako ni Tanner na lumabas ulit!” Balita ko sa kanila.

Naantala ang pagsipsip ni Maria sa kanyang kape!

“Like… real?!” Nand’yan na naman siya sa kanyang pakanta na pagsasalita!

Tumango ako. Pumangalumbaba ako sa mesa namin.

“Edi, go na, bakla!” Excited namang saad ni Reyna, napatampal pa siya sa braso dahil sa tuwa!

Huminga ako ng malalim. As much as I want to kaso lang ang apat kasi gusto nilang sabay kaming umuwi mamaya. Magtext lang daw kapag uuwi na kami. Kakain din daw kami sa labas kaya sabay kaming uuwi!

Iyan talaga ang iniisip ko since kanina. Ngayon din kasi iyong balak naming lakad ni Tanner! Nakakainis! Ayaw kong tanggihan si Tanner at ayaw ko ring hindi-an ang mga unggoy dahil tingin ko bumabawi sila sa ’kin!

“Eh, kasi sabay kami ng mga unggoy uuwi ngayon! Paano iyan?”

“’Yun lang!” si Reyna.

“Sino ba ang lamang sa’yo, bakla?” tanong ni Maria.

Umalis ako sa pagkakahalumbaba ko.

“Wala namang malamang sa kanila. Gusto kong siputin si Tanner at gusto ko ring sumama sa mga unggoy!”

“Then, itext mo si Tanner. Ngayon na kayo lumabas para maaga kayong makauwi later, ’di ba?” Suggest ni Reyna, pinagkrus ang braso sa isa’t isa.

Tumango naman si Maria bilang pagsang-ayon!

“Pero paano kung ayaw ni Tanner?”

“Edi, ’wag ka na lang din tumuloy. Best in Indiana Jones pa naman ang atake niya sa’yo!” si Reyna!

Dahil doon tinext ko si Tanner.

Ako: hello tanner😸

Send ko ng text sa lalaki at nilapag ang cellphone sa mesa. Sumipsip ako sa frappe ko habang naghihintay sa reply nito. Nabitiwan ko kaagad ang sinisipsip nang magpop-up ang reply nito!

Papi Tanner: Hey, Cleo. Wazzup?

Ako: tanner, pwede bang ngayon na lang tayo lumabas? busy kasi ako later hehe😿

Papi Tanner: Really? Free ka ngayon? Saan ka?

Ako: oo nasa labas ako ng SNU. nasa malapit na kapehan kami ng mga friends ko.😸

Papi Tanner: Sunduin na kita d’yan?

Ako: wag na. ako na lang pupunta sayo. san ka?

Ayaw kong dito niya ako sunduin dahil baka makita kami ng mga alaga kong unggoy! Hindi pa naman ako nagpaalam sa mga ’yon! Saglit lang din naman ako eh!

Papi Tanner: I’m at Starbs with my friends too. Pwede ka bang pumunta sa likod ng SNU? Doon tayo magkita. Is it okay with you?

Ako: sige!😺

Papi Tanner: Cool. See you in a while.

Nagpaalam ako kina Maria at Reyna. Bitbit ko ang hindi ko pa naubos na frappe palabas ng shop. G-in-oodluck pa ako ng dalawa, akala mo naman talaga may gagawin kami ni Tanner o ano!

Nilakad ko na lang din ang likod ng SNU. Medyo may kalayuan siya pero keri ko namang lakarin. Mabuti na rin na makapaglakad-lakad ako para irampa itong ganda ko!

Nakarating ako sa likod ng SNU. Wala masyadong napapadpad sa lugar at kung may dumadaan naman sa sasakyan ay kaunti lang. Mabuti na lang dahil may mga puno ng kahoy roon kaya may masisilungan ako habang hinihintay si Tanner.

Ako: nandito na akes😸

Papi Tanner: Malapit na ako.

Habang hinihintay si Tanner ay sumandal ako sa puno ng kahoy at inipit ko sa braso ko ang frappe. Inabala ang sarili ko sa pagreply kina Maria.

Bumungisngis ako sa mga text ng kaibigan ko nang may tumigil na kotse sa harap ko. Awtomatik kong naibaba ang cellphone. Malaki ang ngiti ko nang makita ko ang pamilyar na kotse ni Tanner! Ngiting-ngiti ako na animo’y nanalo ng lotto sa tuwa!

Bumukas ang pinto ng driver’s seat at lumabas si Tanner. Mabilis siyang lumapit sa ’kin.

“Hi, Tanner!” Masaya kong saad sa kanya ngunit hindi ko inaasahan ang biglaan niyang paghaklit sa palapulsuhan ko. Nahulog ang cellphone at frappe ko sa semento! Rinig ko pa ang pagkabasag ng cellphone ko.

“Tanner, dahan-dahan–” hindi ko nasundan ang sunod na nangyari dahil hinila na niya ako tungo sa sasakyan.

Sinubukan kong bawiin sa kanya ang kamay ko ngunit malakas siya. Sapilitan niya akong hinila tungo sa kotse niya na para bang nagmamadali siya!

“Tanner, ano ba?! Ang cellphone ko–” muli na naman akong naputol nang may kinuha siya sa bulsa niya na panyo at tinakip sa bibig ko!

Suminghap ako sa gulat dahilan para manuot sa ilong ko ang kakaibang amoy no’ng panyo!

Tanging panlalaki lang sa mata ko ang nagawa ko. Nagkaroon pa ako nang lakas para kumawala kaso kulang ang lakas ko. Hanggang sa unti-unting mawalan ng lakas ang buong katawan ko. Bumigay ang katawan ko at nandilim ang buong paligid!


This story is already at

chapter 39

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 20

Chapter 20

“Nandito na siya. I already brought him here,  kaya nasaan ang girlfriend ko?!”

Nakapikit ang mga mata ko pero may maririnig akong ingay at sigawan. Ginalaw ko ang katawan ko ngunit pakiramdam ko may pumipigil sa ’kin. Ginalaw ko ang kamay ko. Nais ko sanang kapain ang mukha ko at ang katawan ko kaso may sagabal. Nakatali ang mga kamay ko!

Nasaan akes? I heard different voices, but they weren’t familiar to me. There was only one voice that kept shouting, and it was Tanner’s!

My heart sank as my last memory of him flooded my mind. Ramdam ko ang pagguho ng puso ko at ang pagkabasag nito.

Ang tanga naman natin self! Ang tanga-tanga natin! Wiz din natin masisisi ang otoko kasi ikaw ang malakas mag-ilusyon. Ikaw ang nagbibigay ng ibang meaning sa mga pag-aya niya sa’yo. In the end, ito pa ang binagsakan mo!

“Patience, Tanner. Patience!” Boses ng isang lalaki!

“You pressured me to bring him here, and now you won’t tell me where my girlfriend is? If that’s what you want, then I’ll take him back with me!” This time, it was Tanner’s voice that thundered.

May… may girlfriend siya. May girlfriend si Tanner! At kung tama ako… kaya niya ako dinala rito dahil sa girlfriend niya na mukhang hawak no’ng lalaking nagsalita kanina.

Nang magkaroon ako ng sapat na lakas. Naimulat ko na ang mga mata ko. Akala ko nakatabingi na ang mundo. Ako pala ang nakahiga sa sahig! May maraming karton sa paligid, mga troso, at mga lumang silya.

Dahil sa tulong no’ng dilaw na ilaw sa taas ng ceiling natatanaw ko si Tanner na kaharap ang isang lalaki na same lang din ng height niya. Kaso may halos mapuno sa tattoo ang mukha, leeg, at braso no’ng lalaki! Makintab din ang ulo nito!

“At sa tingin hahayaan namin iyon, Tanner?” The man’s voice was laced with mockery. “May gagawin pa tayo d’yan kapag hindi dumating ang mga Alvarez De Toledo.”

My body tensed. Kahit na wala siyang binanggit na pangalan, malakas ang pakiramdam ko na ako ang tinutukoy niya!

“What?” Tanner stressed. “Sabi ninyo wala kayong gagawin sa kanya! Wala ito sa usapan, Synx! You told me that I would bring him here to lure the Alvarez de Toledo cousins!”

“What changed you, Tanner? Have you grown soft over that fag?” Pang-uuyam ng lalaki kay Tanner.

“It’s not like that, Synx! And please, don’t change the subject! Just tell me where my girlfriend is!” Tanner barked.

“Dammit! How fucking stubborn! I’ll let your woman go, Tanner. You’ll see her, but let’s just wait for the Alvarez de Toledo!” the man named Synx shouted.

Nangatal ang labi ko kasabay no’n ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Nanlabo ang paningin ko habang nakikinig sa kanila.

Sheyt! Unti-unti ko nang napagtagpi-tagpi ang lahat basi sa mga narinig ko sa kanila. The more na nakukuha ko ang kanilang  pinagtatalunan, the more na naninikip ang dibdib ko!

I truly liked Tanner. My admiration for him was genuine. Deym! Pinakitaan lang kasi ng konting atensyon at motibo nahulog kaagad! Anetch na ang gagawin ko ngayon? Magre-relapse akes habang hawak ng mga ’to?

Kung sino man iyang si Synx na kasigawan ni Tanner, tinago nito ang girlfriend niya at makikita niya lamang ito kapag nadala niya ako rito.

So all this time… pinapakisamahan lang ako ni Tanner because of this? Nais niya lang kunin ang loob ko para makita niya ang nobya niya!?

Kasalanan mo rin ang lahat, Cleo! Ikaw ang nagbibigay ng malisya sa mga pinapakita ni Tanner sa’yo! Kung may sisisihin man dito, ang self ko lang din!

And how about the Alvarez De Toledo? Sino ba itong kausap ni Tanner at ginamit pa akong paing para sumugod ang mga unggoy kong alaga rito? Kaano-ano ko ba ang mga ’yon? Mga alaga ko lang naman!

Bakit nadamay na naman ako rito?

“Ano na ang balita? Nasend n’yo ba ang picture ng bakla’ng ’to sa magpipinsan na ’yon? Ba’t ang tagal?!” Malakas at iritadong wika no’ng lalaki.

“Nasend na namin boss. Wala nga lang reply.” sagot naman ng isang boses ng lalaki.

“Lintek! Kating-kati na akong gantihan ang magpipinsan na ’yon! Babasagin ko ang mga ulo no’n kagaya sa ginawa nila sa mukha ng kapatid ko!” Gigil nitong wika.

“Gisingin ang baklang ’yan! ’Pag iyan walang silbi, bugbugin n’yo na lang.” Sunod nitong saad.

“No! Ako ang gigising sa kanya.” Apila naman ng boses ni Tanner.

“Oi, Tanner! Parang totoo na ’yang concern mo d’yan sa bakla na ’yan, ah. Sa tingin mo ba hindi ’yan magagalit sa’yo kapag nalaman n’yan ang totoong mutibo mo sa pagpasok mo sa buhay niya?”

“Shut up, Synx! Matuto kang tumupad sa usapan!” Tanner rumbled.

“Tang ina! Nagiging malambot ka na nga, Tanner!” Tawa no’ng lalaki, sinuntok niya pa ang dibdib ni Tanner.

Tanner shoved his hand away.

Naglakad si Tanner tungo sa ’kin. Nakita ko ang gulat na rumehistro sa mga mata ni Tanner nang makita niya akong gising. Mabilis siyang lumapit sa ’kin at binangon ako.

Akala niya ba hindi ako galit sa kanya? Anong akala niya sa akin? Sobrang bait? Santo?

“I’m sorry, Cleo,” mahina niyang wika.

Akmang pupunasan niya ang basa kong pisngi ngunit iniwas ko ang mukha sa kanya. Tumiim-bagang ako at masama ang tingin sa kanya.

“I’m so sorry that I dragged you into this mess, Cleo.”

“T-talaga? Nagso-sorry ka? Inisip mo ba talaga ito ng maayos, Tanner? Kailangan bang mandamay ka ng ibang tao p-para sa girlfriend mo?”

Yumuko siya.

“Wala akong ibang choice, Cleo.”

Pagak akong natawa sa kanya. “Pwede mo naman silang isumbong sa pulis, Tanner! Bakit ganito ang–”

“Cleo, wala kang alam sa ganito.” Umiiling niyang wika.

“Ano’ng pinagsasabi mo?”

“Let’s just hope na dumating ang mga Alvarez De Toledo.” Nag-angat siya ng tingin sa akin.

Nakuyom ko ang mga panga.

“Tanner, i-iyong mga… pagyaya mo sa ’kin na lumabas. Dahil ba iyon dito? Niyaya mo ba akong lumabas para madala mo ako rito?”

He pursed his lips together. “I’m sorry!”

“Alam mong m-may crush ako sa’yo… ginamit mo iyon.” Tumulo muli ang luha ko.

Ang sakit! First time kong magkagusto ng ganito! Lord, eme ko lang naman iyong sinabi ko dati na handa akong maghabol ng 10 years!

Parang tiniris-tiris ng ang puso ko sa sakit!

“Kung no’ng una mong aya sa ’kin, natuloy tayo no’n. Dadalhin mo rin ako rito?”

Tango lang ang naging response ni Tanner doon.

“Bakit pinatagal mo, Tanner? Porket may feelings ako sa’yo pinaasa mo ako todo? Para ano–”

“Nakasunod lagi sa’yo ang mga Alvarez De Toledo!”

Nagtagpo ang kilay ko sa pagtataka.

Natawa pa siya ng bahagya. “Hindi mo talaga alam? Hindi mo alam na sinusundan ka nila?”

“A-ano’ng ibig mong sabihin?”

“I don’t know if it was just a coincidence or not pero lagi ko silang napapasin kapag lumalabas tayo. Hindi mo talaga sila napapansin?” Ulit niya.

Dahil sa sinabi niya naisip ko ang mga pag-aya ni Tanner sa ’kin— mga paglabas namin na lagi akong ini-indian!

Oo nga. No’ng hindi ako sinipot ni Tanner minsan, nando’n si Vidal. No’ng iniwan niya ako sa sinehan, nando’n naman si Daws. Nagtataka ako sa mga pagsulpot nila kaso hindi ko naman iyon inisip masyado. Para sa akin… coincidence lang ang mga iyon. It didn’t dawn on me that they might be following me until Tanner pointed it out!

Ngunit kanina ko pa talaga iniiisip kung bakit akes ang ginamit ng mga ’to na paing para mapasugod ang mga unggoy rito!

Like… bakit ako?

Jusme! Nahawaan na ako ni Maria nito!

Hindi ko alam kung anong oras na pero dahil sa mga butas ng dingding nitong lumang warehouse yata. Tumatagos ang sinag ng araw mula roon. Baka hapon pa o ano.

Pagod kong sinandal ang katawan ko sa dingding. Ramdam ko ang mabigat na atmospera dito. May nakita akong nasa sampung mga lalaki excluding Tanner.

Dumagundong ang dibdib ko nang makita ko ang mga hawak nilang dos por dos na kahoy. Nais ko mang puntahan ako ng mga unggoy at iligtas pero ayokong mapahamak sila dahil sa ’kin.

Muli akong naiyak. Kasalanan ko ito eh. Walang sisisihin dito kundi ako lang! Kung sana natauhan lang ako no’ng mga panahon na nauudlot ang mga lakad namin ni Tanner. Hindi ako aabot sa puntong ito. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko? Bakit kasi hindi na ako nadala?

Humagulhol ako ng iyak! Umalingawngaw ang boses ko sa buong warehouse.

Kahit na away-bati at sigawan ang relasyon ko sa mga unggoy. Ayaw kong mapahamak ang mga ’yun! Kargo ko pa kapag may nangyaring masama sa mga ’yon!

“Lola! Wahh! Lola!” Iyak ko! Syempre may kasamang drama!

“Puta! Tumahimik ka!” Baling no’ng Synx sa ’kin. Nakaupo ito sa isang gabundok na kahoy! Marahas nitong dinuro sa akin ang foldinh knife na hawak.

Napatalon naman ako sa gulat dahil akala ko ibabato niya ito sa akin.

“Shut up, you fag! Kung ayaw mong masaktan manahimik ka! Tanner, patahimikin mo ang baklang ’yan!” Matigas nitong mando kay Tanner.

Si Tanner na hindi napapalagay ay lumapit sa ’kin. Gwapong-gwapo ako rito kay Tanner eh. Crush na crush ko talaga siya. Pero dahil sa nalaman ko ngayon, biglang bumaba to the bottom ang admiration ko sa kanya.

Ang pangit niya na pala! May jowang merlat na pala siya!

“Cleo, please–”

“Tse! Duwag ka! Nandadamay ka pa ng tao dahil sa girlfriend mo! Kapag napahamak ang mga unggoy dahil dito. Ikaw babalikan ko, maging multo man ako o ano. Gaganti ako sa’yo!” Asik ko kay Tanner!

Mistulang nalunok niya ang dila dahil tumahimik lang siya.

Shocks! Ang dugyot ko na siguro ngayon. Hindi ako maka-awra ngayon dito dahil nakagapos ang paa at kamay ko. Kung susubukan ko mang tumakas, ang dami namang tauhan no’ng Synx!

Naiinis ako dahil hindi ko na alam kung ano ang hitsura ko ngayon! Galit ako dahil nadamay ako sa ganitong bagay. Love story ang hiniling ko, Lord! Hindi action series! Bigo rin ako at disappointed kay Tanner. Durog at duguan ang puso ko ngayon!

However, hindi nagtagal ang pagdaramdam ko nang may marinig akong ugong ng kotse sa labas. Tunog palang no’n, kilala ko na kung sinong kaskasero iyon!

I felt like everyone inside the warehouse was alerted when they heard the car’s ignition roar outside.

“Nand’yan na ang mga Alvarez De Toledo, boss!” Anunsyo ng isang tauhan ni Synx!

N-nandito talaga sila? Ang mga asungot na ’yon!

Ngising-ngisi nilingon ni Synx si Tanner. May binato siya kay Tanner na papel.

“Nand’yan ang girlfriend mo! Pwede kang sumibat pero pwede ring pagtulungan natin ang magpipinsang iyon!” ani Synx.

Si Tanner ay mabilis na pinulot ang papel sa sahig.

Nakita kong tumayo ang mga tauhan ni Synx at nag-abang sa pagpasok ng mga unggoy! Si Synx ay tumalon pa mula doon sa kinauupuan niyang mga troso.

Napagitla naman ako nang hilain ni Tanner ang paa ko!

“A-ano’ng g-ginagawa…” Nanginginig kong saad nang bumunot siya ng kutsilyo mula sa kanyang likod.

“Tumakas ka habang naglalaban sila.” Aniya saka sinimulang tabasin ang makapal na lubid sa paa ko!

Isang malakas na hampas doon sa matayog na pinto ang nagpa-angat ng tingin ko sa may pintuan. Napasinghap naman ako nang bumulagta ang pinto sa sahig at ang dahilan para magliparan ang makapal na alikabok!

The warehouse was thick with dust, and through it, I saw the silhouettes of four men gliding inside. As the particles settled, Dawson, Reign, Vidal, and North came into view, all dressed in the black outfits from earlier. Ang mga unggoy na ’to!

“Done,” usal ni Tanner nang makalagan ang paa ko.

Halos masubsob ako nang tumayo ako. Nabigla ang paa ko sa kilos ko at hindi ko man lang naisip ang pamamanhid nito.

“The fuck you want, you bastard?” Daws snarled!

Synx laughed evilly! “Oi, oi! Hindi mo ba ako namumukhaan, Dawson Vale?”

“Sino ka bang kalbo ka?” This time, it was North. I could sense the impatience in his tone.

“Wala kaming kilala na tulad mo!” si Vidal naman.

“Puta! Ang hahambog n’yo talaga!” Galit na saad ni Synx!

“Galit ka na sa lagay na ’yan?” Panunuya ni Reign.

Napapikit ako! Talagang may gana pang mang-asar ang unggoy!

Sheyt!

“Where’s Cleo?” Malamig na tanong ni Dawson.

Tumawa lang si Synx.

“Nandito! Nandito ako!” sigaw ko at tinaas ang kamay ko na may tali pa!

“The fuck, Guillermo!”

“Shit!”

“Cleo!”

“Nanny!”

Daing ng mga unggoy!

“Ha! Kaano-ano n’yo ba ang baklang ’yan? Bagong laruan n’yo ba? Mukhang ito yata ang magihing downfall ng mga Alvarez De Toledo!”

Ngumiwi ako. Ang OA naman nitong Synx na ’to kung maka-downfall! Siya muna ang mada-down!

“Fuck you!” sigaw ni North dito.

“Hoi, North Hayes at kayong tatlo! Hindi n’yo ba talaga ako namumukhaan? Ako lang naman ang kapatid no’ng binugbog ninyong lalaki! And right now, my brother is still recovering in the hospital!” si Synx. “It’s been two months, but my brother is still in a coma because of the four of you!”

Nanlaki ang mga mata ko.

“The hell, man! Alin do’n ang kapatid mo? Marami kaming binugbog, hindi na namin matandaan kung sino!” Wika naman ni Vidal!

“Oh,” usal ni Daws. “I think, I remember him. Siya ba iyong nagcrack ang ulo? Sorry hindi kami ang gumawa no’n. Nando’n nga kami. Kasali kami sa riot no’n sa hideout ng grupo ni Paxon but we’re not the one who did it. It was Paxon!”

Tumango si Reign. “Oh, damn! The bald man! Yeah, I remember him. It was really Paxon. Hinampas siya ng baseball bat ni Paxon no’n.”

“’Wag ninyo akong lokohin! Nanunuro lang kayo ng iba sa kasalanan ninyo! Ano pa ba ang hinihintay ninyo?! Sugurin n’yo na!” Galit na sigaw ni Synx sa mga tauhan niya!

“Damn!” mura ni Daws

“Shit!” Vidal raised his fist.

“Bring it on!” Reign said, as if he were hungry for action!

“Mga bobo!” ani naman ni North na siyang sumalo sa unang sumugod! Sinipa ni North ang malapit na kahoy sa kanya at ginamit iyong sandata!

As much gusto kong makita ang pagkakagulo nila, hinila na ako ni Tanner palabas ng warehouse. Patago kaming dumaan sa likod ng mga naka-pile na troso.

Matagumpay kaming nakalabas ni Tanner. Kaagad niyang binitiwan ang kamay ko.

“I’m really sorry, Cleo, but I have to go. I need to see my girlfriend. ’Wag mo nang hintayin ang magpipinsan na ’yon, tumakas ka na.” Nagmamadali niyang wika saka tumakbo sa kanyang kotse.

Marami pa sana akong itatanong kay Tanner kaso kumaripas na siya.

Napalingon ako sa nilabasang warehouse. It’s either papasok ako sa kotse na alam kong sa mga Alvarez De Toledo o babalik sa loob. But then, I found myself walking back. I couldn’t leave those monkeys! I didn’t know if I could help them or not, but I just wanted to be there.

Lipad ang kamay ko sa bibig ko nang makita kong pinagtutulungan ang apat kong alaga.  Apat lang kasi sila tapos nasa sampu ang kalaban.

Bones cracking.

Painful groans.

A heavy smack reverberated through the warehouse.

Kung ano-ano na lang ang narinig ko. Nakita kong lumipad ang katawan ng lalaki bago bumagsak nang tamaan ito ng flying kick ni Reign!

Ngumisi pa si Reign bago ito tinalikuran upang harapin pa ang isang lalaki. Ngunit ang hindi napansin ni Reign ang pagtayo ng lalaking na-flying kick niya. Pinulot nito ang isang dos por dos na kahoy at ika-ikang tinungo si Reign.

Ewan ko kung gaano kalakas ang loob ko nang sumugod tungo kay Reign. Akupado siya sa pakikipagsuntukan kaya hindi niya napansin ang lalaking tumayo.

“Reign!” sigaw ko bago niyakap ang likod ni Reign. Ang sunod kong naramdaman ay ang pagtama ng matigas na bagay sa likod.

“Ughh!” Ungol ko lang. Ramdam ko ang pagkalat ng init bago ang sakit sa parte kung saan ako natamaan hanggang sa unti-unti akong nawalan ng lakas.

“Shit!”

“Cleo!”

“Cleo!”

“Reign, catch Cleo!”

Hindi ko na makilala ang mga boses dahil mahina na sila sa pandinig ko. Nilalabanan ko ang pagpikit ng mga mata ko kaso umikot na ang paningin ko at tuluyang bumigay ang katawan!


This story is already at

chapter 41

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 21

Chapter 21

“Dammit! This is your fault, Vidal! You should’ve saved him first bago ka sumali!” Tunog pang-aakusang wika ni North.

Nang magkamalay ako, ang pagtatalo ng mga unggoy ang unang sumalubong sa aking mga tainga. Dehins ko pa naibubuka ang mga mata ko na namimigat pero alam ko at naririnig ko ang mga pagtatalo nila. Nagtuturuan ang mga kumag!

I heard Vidal snort at what North said. “Fuck you, North! We’re obviously outnumbered, and as much as I want to save Cleo, I’m also surrounded by Synx’s minions!”

“Goddammit! Pwede bang manahimik kayong dalawa, North, Vidal!?” Angil naman ni Reign.

May umungol sa kanila at hula ko ay si Dawson iyon sa tono palang ng boses at sa baba nito.

“The three of you, stop it! If you want to point fingers at each other and argue about what happened earlier, get out!”

Reign groaned. “Come on, Daws. I’m just trying to stop the two!” Apila ni Reign sa naging pahayag ng pinsan.

“Lumabas na lang tayong lahat dito!” Wika ni North.

“Ikaw na lang ang lumabas.” Reign snarled.

“Ikaw lang naman ang maraming sinasabi, North.” Vidal pointed out.

“Fuck! Shut up, you guys!” Daws barked!

Basi sa naaamoy kong antiseptic at alcohol sa paligid batid ko nang nasa ospital akes. Muli namang bumalik sa isip ko ang mga nangyari doon sa lumang bodega ng mga lumbers.

I was kidnapped by Tanner because his girl had been abducted by Synx— ang may pakana sa lahat ng ’to. Ginamit niya akong paing para pumunta ang mga unggoy sa bodega at makaganti sa mga ’to dahil sa nangyari sa kanyang kapatid.

Nagkagulo nang dumating ang mga lintek na unggoy hanggang sa pinakawalan ako ni Tanner. Pero ang magaling na si ako ay bumalik pa sa bodega dahil nag-aalala sa mga alaga kong pasakit lang sa ulo.

Ano ba’ng ulo ang ginamit nila at pumunta sila sa lugar  na ’yon? Mga utak monggo yata ang mga ’to! Akala ko achievers? Kung matalino ako at nag-iisip ng mabuti hindi ako pupunta!

However, part of me is thankful that I was saved from that place!

Lord! Hindi pa nga ako umaabot ng taon sa mansyon ni Lola Leticia,  mukhang may foreshadowing ka na na hindi ko makukuha ang rewards ni Lola Leticia! Kaurat naman!

As I looked back at what happened, muli namang pumasok sa isip ko ang ginawa ni Tanner. The simple admiration I had for Tanner brought so much pain to my chest. It felt unbearable, to the point that my chest seemed to tighten.

Ang tanga naman natin sa part na umasa tayo na may lalaki nang genuine sa atin, Cleo. Bakla ka ng taon, asang-asa ka sa mga paandar n’yang pag-aaya sa’yo sa labas. Iyon pala gusto ka lang kidnap-in para makita na niya ang jowa niyang may pechay. It was all for his woman!

Tanner, walang bayag! Hmp!

Itong sakit na nararamdaman ko ngayon ay wala namang ibang pwedeng sisihin kundi ang self ko lang din. Kasi wala namang sinasabi si Tanner sa ’kin, eh. Ako ang umasa sa simpleng texts niya, may pahalik-halik pa ang litse, at pag-aaya niya na laging Indiana Jones ang atake!

Ni hindi ako nadala sa mga nauudlot naming paglabas. Parang silent warning na sana iyon na i-stop ko na itong pagka-delulu ko sa kanya. Kaso labarn kasi nang labarn ang bakla! Ayan tuloy, nasaktan!

Deserve mo ’yan, Cleo! Kailangan pa kasing masaktan bago matuto!

Pero argh! Naiiyak ako habang nakapikit ang mga mata at nakikinig sa mga mahaharas na hinga ng mga unggoy! Masakit talaga!

Nagmulat ako at wala yatang nakapansin sa kanila. Inikot ko ang mata sa buong silid.

Naks naman! Nasa VIP na hospital room yata akes ah! Ang room parang pang hotel ang awrahan!

Una kong napansin si Dawson na nasa isang single seater na sofa. Naka-cross arms at nakadungo. Si Reign ay nasa sandal ang katawan sa kinauupuang sofa ni Daws at nakatalikod ng bahagya sa gawi ko.

Sunod namang lumipad ang mata ko kay Vidal na nakaharap doon sa bintana at nasa likod ang kamay. Napangiti ako nang makita ko si North na nasa tabi ng hospital bed ko at nakayuko habang siklop ang mga kamay.

Nagpi-pray ’yan siya! Chus!

Ang daming hanash, bakla!

Natahimik din sila!

“Nggh!” Daing ko nang subukan kong ibangon ang katawan ngunit walang lakas ang katawan ko! Masakit din ang likod ko!

Oh my ged! What happened sa katawang lupa ko? Magiging baldado na ba ako, Lord? ’Wag naman po!

“Cleo!”

“Nanny!”

“Guillermo!”

“Cleo!”

Sumabog ang mga boses ng mga unggoy at kaagad na pinalibutan ang hospital bed ko! Kitang-kita ko sa mga hitsura ng mga ’to na gustong-gusto akong hawakan at suriin. Ngunit tanging pagkuyom lang sa kanilang mga palad ang nagagawa!

Kinunutan ko sila sa noo ko at humawak sa aking ulo.

Lord, malakas naman po ako sa inyo, ’di ba? Tanggalin n’yo na po itong sakit sa katawan ko.

Para kasi akong dinaganan ng twelve wheeler truck!

“T-teka… a-ano…”

Pwe! Ang gaspang ng lalamunan. Ang dry-dry niya!

Akmang hihingi ako ng tubig sa mga unggoy nang magsalita si North!

“Nanny, naaalala mo pa ba ako? Ako ito, si North Hayes Alvarez De Toledo.” Tinampal niya pa ang dibdib.

A-ano’ng eksena ba itong ginagawa ng kumag na ’to?

“A-ano—”

Kitang nagkautal-utal na ako. Sumapaw pa ang magaling na si Vidal. Isa pa sa eksaheradong unggoy!

Winaksi ni Vidal si North. Tinungkod niya ang isang kamay sa bed ko.

“Cleo, you don’t remember me? I’m Vidal… Reed Vidal Alvarez De Toledo!” Madamdaming saad naman nito.

Naipikit ko ang mga mata at humawak sa noo ko. Mas pinalala nila ang sakit ko sa ulo!

Nagmulat ako at masamang tumingin kay Reign na siyang nasa paanan ko. Mahigpit ang pagkakakapit ng kamay niya sa bed ko kaya umuusli ang mga ugat sa braso!

“Cleo, it’s me, Reign Bowie! Ang kaskaserong driver sa aming magpipinsan.” Bumahid ang pag-aalala sa mukha ni Reign.

Lumipat ang mga mata ko kay Dawson. Baka may entry siya sa kabaliwan ng mga unggoy niyang pinsan.

“He doesn’t have a concussion or something. Ang likod niya ang napuruhan kanina kaya bakit inaakala ninyong hindi niya tayo naalala?” May ngiwing saad ni Daws sa mga pinsan. Tinapunan niya ng tingin ang mga pinsan na para bang ang bo-bobo ng mga ’to!

Natulala pa ang tatlo sa kanyang sinabi bago bumaling sa ’kin.

“Ang o-OA ninyo! Mas pinapasakit ninyo ang ulo ko! At saka…” isa isa ko silang tiningnan at napapakislot. “naasiwa ako sa mga mukha ninyo! Lumayo-layo nga kayo sa kama ko!”

Sabay na napaiwas ng tingin ang tatlong OA na unggoy sa ’kin. Si North ngumungusong bumalik sa pagkakaupo niya. Si Vidal tumayo ng maayos at inayos ang suot. Samantalang si Reign naman at nagtaas ng kilay bago nagpoker face!

’Yan, ang o-OA kasi! Mga litse!

“How are you? Shall I call the doctor to check on you? May masakit ba sa’yo? Saan?”

Umurong naman ang pagka-irita ko nang lumapit si Daws sa akin. Kung nakakaya ko lang lumayo rito ay baka ginawa ko na.

Hindi ko alam kung bakit o ano… pero parang may nagwawala sa loob ng t’yan ko.

Siguro gutom ka lang, bakla ka!

Ito ba ang epekto ng suntukan nila laban sa grupo no’ng Synx? Naalog ba ang ulo ng mga ’to? Lumuwag ang mga turnilyo sa ulo?

“Reign, press the intercom and call the doc–”

“’W-wag na!” Mabilis kong pigil bago pa man matapos si Daws.

OA rin pala ang isang ’to! Akala ko ligtas sa pagiging exagg pero hindi pala!

“Maayos naman ang pakiramdam ko aside sa likod ko na masakit. Ano l-lang… nauhaw ako.”

Kaagad tumalima si North at kumuha ng tubig. Si Dawson naman inalalayan akong makabangon.

“I will peel some oranges and an apple for you, Cleo. Maybe you’re hungry na rin.” Ani Vidal

“Right!” Tango ni Reign.

Sa gilid lang ng bed nagbalat ng mga prutas si Vidal at Reign. Si North at Dawson ay nasa magkabilang panig ng kama.

Natahimik ang buong kwarto kaya nagsalita ako. Ang awkward pala kapag hindi kami nagsisigawan.

“Ilang oras pala akong tulog?”

North leaned forward, resting his elbows on his parted knees. “Sinugod ka namin dito ng 6 PM, and now you just woke up, nanny. It’s 1 AM, so you were unconscious for about seven hours.”

Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga unggoy. Malinis ang suot nila at mukhang nakapagbihis na. Malinis na rin sila. Walang sugat pero may mga pasa.

“Umuwi kayo?”

Dawson shook his head. “No, ate Jodel and Marli brought us some clothes.” Sagot ni Daws.

“Naku, umuwi na kayo. Kaya ko naman ang sarili ko. Magpahinga na kayo. Bukas lalabas na rin ako kasi maayos na naman ang katawan ko,” ani ko saka tiningnan si North at Daws. “Basta bayaran n’yo ang bill ko rito, ha. Wala pa naman akong pera ’tapos mukhang mamahalin pa itong room na kinuha ninyo!” Ismid ko.

Nahampas lang naman ako eh!

“We’re not leaving you alone, Cleo.” Nilagay ni Reign sa kandungan ko ang plato na may lamang mga prutas at nakahiwa na. May tinidor din doon.

Napatingin ako Reign. Umupo siya sa edge ng kama.

Kumain ako sa prutas dahil gutom na rin talaga ako. Sa totoo lang gusto ko rin silang kumprontahin doon sa nangyari. Kaso hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Tinakasan ko kasi sila para lang kay Papi Tan— kay Tanner na lang pala.

“We’re sorry, Guillermo.”

Mula sa prutas ay dumapo ang mata ko kay Dawson na siyang nagsalita. Namumungay ngayon ang kanyang chinitong mga mata.

“Nadamay ka sa… gulo namin.” Dugtong niya.

“Bakit ako ang pinunterya ng Synx na ’yon?” Mahina kong sambit.

“Maybe it’s because you’re always seen with us.” ani Vidal.

“Baka… inakala nila na isa ka… s-sa pinsan namin?” ani naman ni North na nasundan ng ilang ungot at daing ng mga pinsan niya.

Talaga pinsan nila? Sa ganda kong ito? Emee!

“Hindi na naman hahayaan na mangyari ulit ang ganito, Cleo. Sorry again.” saad ni Reign.

“Talagang wala ng susunod!” Asik ko naman. “Pero, bakit kayo sumugod doon ng kayo lang? Dapat nagdala kayo ng pulis–”

“Kapag nalaman nila na may pulis kaming kasama, ikaw naman ang sasaktan nila.” Seryosong singit ni North sa ’kin.

“Kahit pa humingi kami ng tulong sa mga pulis, Cleo. Wala ring silbi. Makakalaya rin sila dahil… may malalaking tao na nagsusuporta sa kanila.” Pahayag ni Vidal.

“Sino ba ang mga iyon? Sila rin ba ang bumugbog sa inyo no’ng umuwi kayong may mga sugat? O iyong Paxon?”

Sumipol si North at Vidal sabay layo ng tingin sa ’kin.

“They’re nothing. No and no!”

Bumaling ang atensyon ko kay Dawson nang sumagot siya.

“Dawson.” Seryosong wika ni Reign na para bang binabalaan niya si Dawson.

“It… it was just like a common… street fight.”

“Street fight?”

“Just simple punching, Cleo,” Reign deadpanned, his gaze pinned intently on Dawson.

“Throwing punches pero ang lala ng nangyari sa inyo!”

Walang naging reaksyon si Daws habang si Reign naman ay bumuntong-hininga lang.

“’Wag n’yo na lang uulitin iyong ginawa ninyo. Pananagutin n’yo pa ako sa mga magulang ninyo, eh!” sabi ko at inirapan sila. “P-pero salamat dahil dumating kayo.”

Hindi pa kayang ihandle ng utak ko ang mga nangyayari ngayon! Bombarded ang utak ko ngayon sa revelations! Revelations about Tanner Vasquez na ginamit lang akes!

“Dapat kasi hindi ka na lumabas kasama ang lalaking iyon!” Pabulong ni saad ni North pero dahil malapit kami sa isa’t isa narinig ko ito!

“Si Tanner ba tinutukoy mo?” saad ko at pinukol ng matalim na titig si North.

Huminga ako ng malalim. Naninikip na naman ang cup-D kong dibdib! Emerut!

“Yeah, kasi siya ang nagdala sa’yo sa lugar na ’yon. Didn’t you feel it? From the very beginning, that man was already suspicious!” Vidal leered.

Pinapak ko ang labi ko.

“Kung napansin n’yo palang suspicious siys, dapat binalaan n’yo na ako!” Naiinis kong saad kasi nasaktan na ako! Huli na! Nauto ang munting damdamin ko!

Nag-init ang mga mata ko. Naiiyak ako sa katangahan ko! Lord!

“Kung sinabihan ka namin… maniniwala ka? Makikinig ka?” Udyok ni Reign sa ’kin na kina-tanga ko naman.

Oo nga. Kung pinagsabihan nila ako… malamang sa malamang sila pa ang magiging kontrabida para sa ’kin. Lalamang at lalamang sa puso ko si Tanner kasi may crush ako sa kanya.

“K-kaya… kaya sinusundan n’yo na lang ako ng palihim kapag kasama ko si Tanner?” tanong ko sa kanilang apat.

Napansin ko ang pagkatigalgal nila. Hindi ko naman napansin na nakasunod sila o ano. Wala akong paki kung hindi lang ito nabanggit ni Tanner sa akin.

“We just want you to be safe.” Nanigas ang bagang ni Reign.

“You are in our house, so b-basically that makes you under the care of the Alvarez De Toledo family.” Pormal na wika ni Dawson kaso napansin ko ang pagkabalisa ng kanyang olive green na mata.

“We just want to be around you… if things go south, nanny.” North said.

“Hindi lang din namin malapitan ang lalaki mo since… gustong-gusto mo eh.” Vidal muttered.

Na-touch naman ang marupok kong damdamin sa mga sinabi nila. Kahit pala lagi kaming nagsisigawan sa bahay at laging nanti-trip sa ’kin… may care din pala sila sa welfare ko?

“A-ayoko ko na roon! Matutulog na pala ako. Salamat sa prutas. Matulog na rin kayo. Kahit mga unggoy kayo matuto naman kayong magpahinga.” Wika ko at dahan-dahan na binaba ang katawan upang bumalik sa pagkakahiga.

Sa sumunod na araw ay nakalabas din naman ako sa ospital. Noon gustong-gusto ko na kinakausap ako ng apat pero ngayon na nag-iinitiate na sila na kausapin ako, ako naman ang tahimik. 

Dinibdib ko pa rin ang mga nangyari. Kasi kung hindi rin ako nagpakarupok at nagpakatanga sa feelings ko kay Tanner, hindi ako malalagay sa sitwasyon na ’yon. Walang ililigtas ng mga unggoy at hindi sila makikipagsuntukan sa mga tauhan ni Synx.

Naging matamlay ako hanggang sa umabot ang Linggo. Hindi ko naman ma-contact ang mga beklabu kong friends since namatay ang cellphone ko. Napulot ito ng mga unggoy kaso namatay na— nasira.

Hindi ako pumasok sa eskwela kahit na medyo nawawala na ang sakit ng likod ko. Ayaw ng mga kumag! Pinag-module nila ako! Isang linggo rin akong nag-module at sila ang nagpapasa sa mga papers ko.

“Let’s go the beach!” Anunsyo ni Reign nang maghapunan kami Biyernes ng gabi!

“Nanny, magbi-beach tayo! Get your bikinis ready!” Kabig ni North sa braso ko, nando’n ang panloloko nitong ngisi sa labi.

“Huh?” anas ko dahil lutang. “Kasama ako?”

“Of course!” Ngiting-ngiti wika ni Vidal.

“Hmm!” Tango ni Daws. Napatitig ako sa kanya. “Bago ka bumalik sa lunes sa school. Magbeach muna tayo.”

I gave them a wry smile. “Si Ate Jodel at Marli na lang ang isama ninyo! Kailangan n’yo lang naman ng taga-luto, ’di ba?” Matamlay kong wika.

“No!” Supla ni Daws. “You’re going with us not because you’re our cook, but to unwind and relax!”

“Eh, sinong magluluto?”

“Kami!” pasigaw na saad ni North sabay taas sa kamay.

“Marunong ba kayo? Baka malason tayo!” Kinakabahan kong sabi.

“Edi, tayong lahat ang malalason!” Tawa naman ni Vidal kaya napailang si Reign at Dawson!

And for the first time since I was discharged from the hospital, I was able to smile genuinely at them.

Hay! Ang mga unggoy na ’to!


This story is already at

chapter 43

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 22

Chapter 22

Akala ko eme-eme lang ng mga unggoy ang pag-aaya nilang magbeach kami kaso kinaumagahan natanaw ko sila sa sala na naka-pang beach outfit na! Si North at Vidal nga kahit nasa loob pa ng bahay ay suot na ang sunglasses nila. All of them were dressed in white and soft neutral colors that blended well with their fair skin. The soft glow of sunlight filtered through the long curtains and showered them as if it were paid lighting just for them.

Tiningnan ko naman ang self ko. Nakapantulog pa akes at hindi pa nga nakapanghilamos! Ni daliri ko lang ang ginamit kong panuklay kanina.

Natagalan kasi akes na bumangon for today’s video. Muntik ko nang makalimutan na may mga alaga pala akong hayop dito sa mansyon na kailangang palamunin.

When Reign announced during dinner last night that we were going to the beach, I didn’t take it seriously. Akala ko nga eme-eme lang at gusto lang akong i-cheer ng mga kumag.

Kaso ano ’to ngayon? Handang-handa na sila at ako mukhang babalik pa sa tulog ko!

Napapabuntong hininga ako habang nakatitig sa kanila. North, who was wearing a matching two-piece set in heavy, cream-colored seersucker, walked over to me. His short-sleeved shirt hung open over a simple ribbed tank.

Nalukot ko naman ang labi nang swabeng itaas ni North ang kanyang sunglasses sa ulo.

“You should get ready already, nanny. Kanina ka pa namin hinihintay!” aniya nang makarating sa harap ko.

His masculine scent wafted to my nostrils. A playful smirk never left his lips as he held my gaze with his heterochromatic eyes. Those green and hazel irises really caught me off guard as I gaped at them.

Hindi ko makalimutan ang unang beses na natitigan ko ang mga mata ni North at namangha akes.

Tumikhim ako at inirapan si North nang ma-realize ko na napatitig na ako ng matagal sa kanya.

Ang otoko nakangisi pa rin.

“H-hindi pa nakahanda ang mga dadalhin ko… sa beach!” Medyo naantala ako kasi may pagdadalawang isip at kaba na baka mairita sa ’kin ang mga timawang ito!

Kung ano-ano na lang talaga ang tawag ko sa kanila. Minsan mga unggoy kong alaga, kumag, tinawa, at kung ano-ano pa. But one thing is for sure, mga piste sila sa buhay ko. However, this time mukhang bumabawi yata sila?

Patanong talaga, bakla?

“Take your time.” Singit ni Reign sa likod.

Dahil seryoso na talaga ang lakad na ’to. Imbes na tumungo ako ng kusina, bumalik ako sa taas.

Nilingon ko muna sila saglit. “Mag breakfast muna kayo habang hinihintay ako!” sigaw ko sa kanila mula dito sa taas.

“Worry not about breakfast, Cleo! We already had our breakfast!” Balik na sigaw ni Vidal sa ’kin.

Mabilis akong naghanda ng mga gamit na dadalhin ko sa beach. Dehins ko pa alam kung saang beach kami tutungo pero ang importante alam ko nang dagat ang aming ganap at awrahan today .

Tinapon ko sa bag ang: sunscreen, sunblock, shades, lotion, liptint, pabango at ilan ko pang essentials sa katawan.

Isang simpleng button down lang ang suot ko na halatang maluwag sa ’kin, skyblue at white na stripe cotton shorts at strap sandal na kulay itim. Sinukbit ko sa balikat ko ang malaking tote bag at lumabas ng silid. Extra ang bilis ko ngayon dahil naghihintay ang mga otoko.

I held my breath when I saw Daws leaning against the staircase railing, his arms folded over his chest.

“Daws,” tawag ko rito habang papalapit sa kanya.

Umayos si Dawson sa kanyang pagkakatayo at nilagay sa bulsa ang dalawang kamay. Tiningala niya ako habang pababa. I saw his jaw harden.

He looked dazzling in his crisp white button-down, the sleeves rolled up to his elbows, revealing his arms and the silver watch on his wrist. Half of the buttons remained undone, allowing me to see his muscled chest and the peak of his abs, paired with creamy linen shorts.

“Give me your bag,” aniya nang makarating ako sa harap niya.

“Magaan naman siya.”

“It’s fine.” Balewala niyang wika at inagaw na sa ’kin ang bag.

“Nasaan sila?” tanong ko at hinanap ng mga mata ko ang iba niyang pinsan.

“They’re already waiting for us in the car.” Casual na sagot ni Daws.

May kinuha siya sa center table ng sala: dalawang transparent na baunan.

Inabot ni Dawson ang dalawang baunan sa ’kin.

“Ano ’to?”

“You should eat your breakfast.”

Sinilip ko ang laman no’n. Ang isa ay mga prutas na nakahiwa at ang isa naman ay fried rice, ham, at manok.

“I asked Ate Jodel to pack breakfast for you since babyahe na tayo. Sa sasakyan mo na lang kainin.”

Tumango ako kay Daws.

Natatanga pa rin ako dahil sa mga inaakto ng mga otoko sa ’kin. ’Di ako sanay na ganito sila eh.

Nilagay ni Daws ang bag ko sa likod ng kotse at kinatok niya ang salamin sa likod bago siya pumasok sa front seat. Pinagbuksan ako ni Vidal ng pinto sa likod. Bumaba si Vidal at minuwestra ang kamay niya sa ’kin.

Si Reign ang nagmamaneho at sa tabi niya si Daws. Sa likod naman ay si North, Vidal at ako na nasa gitna ng dalawang lalaki.

Na-conscious na tuloy akong lumamon sa pagkain na hinanda daw ni ate Jodel dahil sa mga otokong nakapalibot sa ’kin.

“Let’s go?” ani Reign sabay sulyap sa rearview mirror. Nagtagpo ang titig namin si Reign at umangat ang gilid ng labi nito.

Napakurap-kurap akes dahil parang may kung ano sa loob ng t’yan ko na bumaliktad! Deym! Ang mga baby bulate ko ba ito? Gutom na sila?

Don’t worry, babies, kakain na tayo!

“Mmm!” Tango ko at ang mga kapwa niya unggoy ay nagtanguan din.

Napanguso naman ako nang mapansin na ang kalma lang ng aming pagpapatakbo ngayon. Nanibago na naman ang baklang si ako!

Bilog ang pisngi ko sa apple na ngininguya nang magtanong ako.

“Saan pala tayo pupunta?”

“Sa Zambales.” Si Dawson na nasa harap ang sumagot sa ’kin.

“Umm, resort ba ang pupuntahan natin?”

“Nope, nanny. Our family own a rest house in Olongapo, Zambales, doon tayo pupunta.”

Naitango ko lang ang ulo ko.

“Kagaya ba no’ng bahay mo, Vidal?” Lingon ko kay Vidal.

I was slightly surprised when I caught him staring at me. Ang kanyang tuwid at dark brown na buhok ay sapo ng kanyang sunglasses. Iba rin talaga ang hatak ng kanyang forest-green na mata sa ’kin.

Umiling siya. “Kay Abuela iyon, but the house is being taken care of by a caretaker.”

Namimigat pa ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mahihinang tapik sa pisngi ko.

“Arghh! ’Nu ba! Natutulog pa ang tao, eh!” Ungot ko at kinamot ang pisngi kong saan ako tinapik ng kung sino!

“We’re here, Cleo.”

Nagmulat ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Reign na nakadungaw sa ’kin! Ngumiti na naman siya.

Hinila ko palayo sa kanyang mukha ang paningin ko at tumingin sa paligid. Kami na lang ang nasa sasakyan!

“N-nasa sila?” Kinamot ko ang mga mata.

“Papasok na sila sa loob ng bahay. Baba na,” aniya saka bumaba sa kotse.

Hawak ni Reign ang pinto ng kotse at hinintay akong malakabas. Natatamaan siya ng sinag ng araw doon. Inaalon din ng hangin ang kanyang suot na linen long sleeves. Just like Dawson, a few buttons of his long sleeves were left undone, deliberately showing off his white shirt and muscled ridges. Reign’s baseball cap was pulled low to shade his eyes, which watched me like a hawk.

Mga tatlong oras din ang byahe namin bago kami nakarating dito. Ewan ko nga kung papaano ako nakatulog sa gitna nina Vidal at North kanina. Pero nagpapasalamat ako kaysa naman indain ko ang mabigat na atmospera sa loob ng sasakyan.

“Ang ganda!” usal ko nang makapasok kami ni Reign sa loob ng bahay na gawa sa salamin at semento.

“Feel at home, Cleo.” saad ni Reign at wala sa sarili akong napatango.

Lumabas ako sa bahay at doon ko nakita ang pool tapos sa unahan no’n ay nando’n ang malawak na dagat! May mga lounge chairs din sa tabi!

Habang tinitingnan ko ang kabuoan ng bahay ay may narinig naman akong nagdoorbell. Ako na ang lumabas para tingnan kung sino ang panauhin.

Binuksan ko ang gate ng bahay at doon nagulat ako nang makita ko ang mga beklabu kong kaibigan na kapwa naka-suot ng sun beach hat at may kanya-kanyang knitted bag!

“Bakla!”

“Bakla ka, Cleo!”

Salubong nila sa akin at sinakal ako ng yakap!

“Like, super ka naming na-miss, bakla!”

“Oo nga!”

Para kaming mga tanga na tumatalon habang magkayakap. Animo’y lagpas isang taon na hindi nagkita! With matching teary eyed pa!

“Invited ba kayo? Baka naman nanggi-gatecrash lang kayo, mga bakla!” ani ko, naluluha na ako pero tuwang-tuwa talaga ako kasi nandito sila! Akala ko ang mga unggoy lang ang kasama ko eh!

“Gaga ka, bakla! Invited kami, ’no!” Sampal pa ni Reyna sa braso ko.

“Gaga ka, ang sakit!” Sampal ko rin sa kanya!

Pumasok kami sa bahay at kagaya ko namangha rin sila sa ganda! Syempre sinabulong din sila ng apat na unggoy!

“Mabuti at nakarating kayo,” si North, kumindat pa.

“Ehe! Enebe!” Pabebe namang untag ni Reyna. Ang laki ng katawan ni Reyna pero isang unggoy lang kakapampag agad!

Nagtagpo ang kilay ko. Akala ko si Vidal crush nito?

“Thank you sa pag-invite ninyo sa ami !” si Maria naman at kunwari inipit ang buhok sa tainga.

“Of course, para naman hindi ma-bore si Cleo with us.” Wika ni Reign.

Natawa ang apat na mga timawa! Chus!

Kinuha ko ang mga bag nilang dalawa.

“Sa dagat lang kami!” anunsyo ko sa mga unggoy. “Babosh!”

Hindi ko na hinintay na sumagot sila at hinila ko na ang dalawang bakla palabas. Nilagpasan namin ang pool at dumaan sa may hagdanan pababa sa pinong buhangin ng dagat.

May mga lounge chairs din pala dito sa baba na naka-linya. Tapos ang mga palm trees ay siyang nagsisilbing guwardiya sa init!

Hinubad ko ang suot kong button down shirt at tinapon sa lounge chair.

“Maligo na tayo–”

“Wait lang, bakla!” Pigil ni Reyna sa akin.

Hinila nila ako ni Maria at pwersahan na pinaupo sa katapat nilang lounge chair.

“Uh,” usal ko.

“What happened?” Intrigang usisa ni Maria sa ’kin.

“H-huh?” Nautal ako.

Reyna and Maria rolled their eyes at me. Maria crossed her arms.

“Come on, Cleo. Hindi ka pumasok ng school for a week! Nalaman namin sa isang prof natin na nagmo-module ka na pala!”

“Tumpak!” Napapalakpak pa si Reyna bilang pagsang-ayon kay Maria. “Nagcha-chat kami sa GC natin at nagti-text sa’yo but walang reply. Hindi ka rin namin na-reach. We were so worried about you, Cleo.”

“’Tapos, alam mo bang ang mga ADT ang nagpapasa ng mga modules mo? The whole week na wala ka sa school, kaya pala laging napapadpad sa room natin ang mga ADT! Kaya ayon, iyong mga gerlalung mga bitchesa nating classmates. Panay ang papansin sa mga alaga mo!” Sumbong ni Maria sa ’kin, panay pa ang irap niya sa ere. Ako tuloy ang halos mahilo sa kanyang ginagawa. “Like, kung alam lang talaga nila na mas close namin ang mga ADT kaysa sa kanila!”

Huminga ako ng malalim. For some reason nairita ako sa mga sinabi ni Maria sa ’kin. Pumasok kasi sa isip ko ang mga magaganda kong classmates na kumikiringking sa apat.

Biglang… ayaw ko sa tanawing iyon. I mean, the Alvarez De Toledo cousins were already popular at SNU. They had cemented their reputation in the school through their academics, talents, and skills, which brought them significant recognition. Syempre, ang source ko ay sina Maria at Reyna sa mga iyan.

Saka feel ko rin naman ang kasikatan ng apat sa school, kasi kahit na naglalakad lang sila sa ground ng school, students make way for them. At lagi kong nakikita ang mga paghanga ng mga estudyante sa kanila! Gwapo sila na may ibubuga. Hindi lang sa acads kung hindi pati na sa sports. Mga litse! Sila na ang talented! Mabuti na lang ’di marunong magluto!

Para manahimik ang mga beklabu kong friends at kinuwento ko sa kanila ang nangyari for the past week. Hindi pala nasabi ng apat sa kanila ang nangyari sa ’kin. O baka ayaw akong pangunahan ng apat? Either way, wala naman sigurong masama kung sasabihin ko ito sa mga friends ko.

Sinapo ni Reyna ang ulo at si Maria naman ay napapabuga ng mararahas na hininga habang nakapamaywang sa harap ko. Para silang bulkan na malapit nang sumabog! Nag-aalburoto na!

“Ang… ang putanginang si Tanner Vasquez? Fuck you siya, ha!” Galit na saad ni Reyna.

“Like yeah! Paano niya iyon nagawa kay Cleo? Fuck him! Gumawa pa naman tayo ng ways para mapalapit silang dalawa ni Cleo!” Dismayadong-dismayado si Maria. “Damn him! Ngayon, I kind of blame myself na tuloy dahil nakidnap ka, Cleo. What kind of friends are we?”

“Oh my gosh!” Niyakap ni Reyna. “Mag-uutos na ba ako ng mga tao para ipabugbog ang Tanner na iyon, bakla? Sabihin mo lang!”

“Ipa-kidnap din natin bago bugbugin!” Suna pa ni Maria.

Matigas kong inilingan ang dalawa na nagpupuyos sa damdamin.

“’Wag na. Okay na ako, oh. Dumating naman ang mga unggoy kong alaga.”

“Gosh! I think deseve ni Vidal ng kiss from me?” ani Reyna at tumingin kay Maria na parang himihingi ng simpatya.

“Like yeah! Deserve nilang apat ng kiss from us—”

“Manahimik kayo!” Banas kong putol sa kanila. Alam ko naman na biro lang nila iyon kaso nairita ako. “Maligo na tayo!”

Tumayo na ako at nagmartsa tungo sa dagat with only my  stripe cotton shorts. Ramdam ko ang pag-alon ng pwet ko sa bawat mabibigat kong hakbang patungo sa dagat.

Bakit ka naiirita, bakla? Alam mo naman na harmless ang mga sinasabi ng mga friends  mo at walang lakas loob ang mga iyon halikan ang apat mong alaga. Pero bakit may pagdabog ka, Cleo?

Kaysa sumabog ang ulo ko kakaisip. Lumangoy na lang ako sa dagat upang maibsan ang iniisip!

“Cleo!”

“Wait, bakla!”

Ang mahihinang tawag ng bakla pero lumangoy na lang ako.

Pati ako naiirita na rin sa sarili ko.

Hindi na ako itey. Parang iba na ’to!

May nabanggga ako habang lumalangoy kaya napatigil ako at umahon! Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang lalaki sa harapan ko. Topless siya at nakangisi sa ’kin.

“Ahhh!” sigaw ko sa gulat, mistulang nakakita ng multo.

Akala ko kasi kung sinong goliath na! Emerut!

“Hi!” Bati nito at umabanse tungo sa ’kin.

I stepped back with each of his steps toward me.

“’W-wag ka ngang lumapit sa ’kin!” angil ko at sinabuyan ko siya ng tubig dagat.

Napapikit lang siya sa mata niya pero may ngisi pa rin sa labi.

“Hey, gusto ko lang magpakilala sa’yo, okay?”

Kinunutan ko siya sa noo ko.

“I’m Uno,” sabi niya sabay lahad ng kamay niya.

Hindi ko tinanggap ang kamay niyo.

“Okay, to tell you. D’yan ako nakatira,” turo niya sa isang malaking bahay na nasa tabi ng rest house ni Lola Leticia.

Oh, kaya ba moreno siya dahil nasa tapat lang ng dagat ang bahay niya? Or innate na?

Because of what Tanner did, I became wary of guys who approach me. Ayaw ko na ng round two sa nangyari sa feelings ko kay Tanner.

Uno raised both his hands. “Wala akong gagawin na kung ano sa’yo, okay? Natuwa lang ako na may ibang tao na napadpad dito. Matagal kasing walang tayo d’yan sa mansyon sa tabi. Also, I find you adorable!” Amuse niyang wika.

Inirapan ko siya. “Cleo!”

Nilahad ko na lang din ang palad ko sa kanya. Ngumisi si Uno, tatanggapin na niya sana ang kamay ko nang may sumaboy ng tubig sa kanya mukha.

Muntik na itong malunod!

“Damn!” Daing ni Uno at napahawak sa mata na mukhang napasukan ng tubig!

Nilingon ko kung sino iyon. Nalukot ang noo ko nang makita ko ang apat na unggoy na parang galing sa marathon. Hinihingal at nandidilim ang mga titig!

“Shit!” Mura ni North.

“Dammit!” si Reign.

“Saglit na nga lang nawala sa mata. May umaaligid nang ibang hayop!” Ismid ni Vidal.

“Guillermo,” tawag naman ni Daws sa ’kin.

“Ano ba’ng nangyari sa inyo? Para naman kayong may hinahabol o ano.” Ngiwi ko.

Wait, sino ang sumaboy ng tubig dagat kay Uno?

“Sorry, Uno. Muntik na kasi akong madapa eh. Nasabuyan tuloy kita ng tubig!” Matabang na wika ni North.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni North!

But wait… magkakilala sila?

Nagpalipat-lipat ang mata ko mula sa mga unggoy at kay Uno. Hanggang sa ngumisi si Uno sa apat na timawa na ngayon ay nasa tabi ko na.

“Hey, North, Reign, Daws, Vidal, nice to meet you again, pals!”

“Fuck you, Uno!” ani Dawson.

“You never change, man,” wika ni Reign.

“Magaling pa ring mang-asar?” Natatawang wika ni Uno.

“Tang ina mo!” si Vidal.


This story is already at

chapter 45

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 23

Chapter 23

Mga beklabung traydor! Nakakita lang ng gwapo at kaagad na nahumaling ang mga bakla!

Pangisi-ngisi lang si Uno habang kinakausap siya nina Reyna at Maria. Ang mga bakla, aliw na aliw na animo’y nakahanap ng ibang laruan!

“Dito lang din ako nag-aaral sa Olongapo.” Kamot pa ni Uno sa likod ng ulo sabay tawa kina Maria at Reyna.

“Ahws, wala ka bang balak magtransfer sa Southern National University? You said you’re friends with the Alvarez De Toledo. They can make—”

“No, no!” Mabilis ang pagtanggi ni Uno sa mga bakla!

Jusko! Mga gaga talaga, kakakilala lang sa tao gusto na kaagad palipatin ng school? Ang mga kagagahan talaga ng mga ’to! Shuta!

Halos mag-isang linya na itong kilay ko dahil sa pagkakakunot nito habang nakatingin ako sa kanila.

Moreno, matangakad, may humor na ’di ko bet, at sa tindig palang ni Uno umaalingasaw na ang pagiging palikero ng otoko!

Madam Auring yarn, bakla? Judger ka rin ka eh! Ni ngayon mo lang din nakilala ang tao.

Nilingon ko naman ang mga alaga ko. Naglatag sila ng mesa sa labas at pansin ko na kanina pa sila roon sa harap ng malaki nilang ihawan kaso hindi pa natatapos!

Umakyat muna kami rito dahil tirik na tirik pa ang araw. Idagdag na nabanas ako sa mga unggoy kaya umahon ako. Para naman silang shokoy na sumunod sa ’kin nang umahon ako.

Si Uno ay inimbita na rin nila. Hindi na rin nahiya itong si Uno at umu-o kaagad. Pero mukhang close naman sila sa mga alaga kong unggoy kasi may lakas siyang mang-asar sa apat.

May loungers rin dito sa may pool area kaya hihiga lang sana ako. Ngunit napansin ko ang mga unggoy na nahihirapan doon sa pag-iihaw nila!

Litse!

Bumuntong-hininga ako saka inayos ang basa kong shorts. Ang kaninang hinubad kong button down ay sinuot ko bago naglakad tungo sa mga timawa!

May mga prutas sa mesa kaya doon ako dumaan, kumuha ako ng isang hiwa ng watermelon.

“Luto na?” Ani ko nang makalapit sa kanila. Nahati ang apat para bigyan ako ng space.

Pinagtulungan nila ang mga iniihaw kaso… nadismaya ako nang makita ko ang pork barbecue nila na sunog, ang isda tustang-tusta na. Kung hindi naman sunog hilaw naman!

“Cleo.” Sumunod ang mata ni Reign sa ’kin.

“Just sit there, Cleo.” Saad naman ni Daws na siyang nagpapaypay sa mga baga.

Kumuha ako ng isa doon sa pork bbq nila na tingin ko luto kaso ang tigas nang kagatin ko ito! Mukhang naluto lang sa lakas ng apoy ang labas pero hilaw sa loob!

“Akin na nga!” Agaw ko sa food tongs mula kay North.

“Ako na!” Agaw ko rin sa pamaypay mula kay Daws.

I saw how Daw’s mouth opened as if he were about to say something or object, but no words came out. Still, the resistance in his chinky olive-green orbs was vivid.

Kahit mawala pa ’yang singkit niyang mata hindi ko sila hahayaang pakainin kami ng hilaw! Hindi nga kami malalason dito pero magkaka-diarrhea naman!

“Guillermo.”

“N-nanny.”

“We really suck at this!” Ungot ni Vidal.

“We’re sorry, Cleo.” Bulong pa ni Reign.

Paawa pa!

Isa isa kong tiningnan ang apat. Nang makita ko nang mabuti ang kanilang mukha. Napahagalpak ako ng tawa!

Kinailangan kong ibaba muna ang hawak na tongs sa kakatawa. Tinakpan ko ang bunganga ko na kita halos ang ngala-ngala ko dahil sa kakatawa!

Sino bang hindi matatawa sa hitsura nila na parang hinilamos yata ang usok at uling?

“Ampapangit ninyo!” Hagalpak ko na naman!

Natigilan ang apat dahil sa lakas ng tawa ko. Ang kanilang mga mata na puro kulay luntian ay nakatuon lang sa ’kin. Nakatingin sila sa ’kin na para bang sinapian na ako!

Natulala sila at awang ang mga labi.

“Nagmumukha na talaga kayong mga unggoy! Hahaha!” Humawak ako sa t’yan ko at tumawa.

Pinadyak-padyak ko pa ang paa ko dahil nakakatawa talaga ang hitsura nila!

I cleared my throat before biting down on my lip to tone down my scandalous laugh. Binalik ko sa apoy ang mga bbq nilang hilaw pa. Iyong sunog naman ay sinubukan kong isalba sa pamamagitan ng pagkiskis sa mga sunog na part.

Bakla ka talaga, Cleo! What if ikaw ang ihawin ng mga unggoy? Matutusta ka talagang, bakla ka!

“Hehehe!” Hagikhik ko dahil nahihirapan akong pigilan ang tawa ko.

“Linisin ninyo ang mukha ninyo! Ampapangit na ninyo!” I snickered.

“So kailangan pang lagyan ng uling at mausukan kami para lang tumatawa ka ng d’yan, Nanny?” Tudyo ni North sa ’kin, sinilip niya ako para makita ang mukha ko.

“H-hoy!” Napatalon ako sa gulat!

Nilapit ni North ang mukha sa ’kin. Nahigit ko naman ang hininga ko dahil sa lapit niya sa ’kin!

“Can you clean my face for me, Nanny?” Pumikit pa siya at lumabi sa harap ko!

Aba’t!

Napa-atras ako.

“What the fuck!” Malakas ang naging mura ni North nang buhatin siya ni Vidal at saka tinakbo patungo sa pool!

Itatapon lang sana ni Vidal si North sa pool kaso lang nahawakan ni North ang damit ni Vidal kaya silang dalawa ang nahulog sa tubig!

“Tang ina!” Malakas na sigaw ni Vidal nang makaahon.

“You started it, dumbass!” si North naman at sinabuyan ng tubig si Vidal.

Kapwa nabasa ng tubig ang kanilang suot dahilan para kumapit sa kanilang katawan ang damit. I saw both of the white monkeys unbutton their clothes.

Swabe nila itong hinubad dahilan para makita ko ang kanilang katawan na alam mo talagang alaga sa gym! You don’t need to touch it to know it was hard. Just by studying their pecs and abs, you’ll know how hard it is.

However, naputol ang pagmamatyag ko sa dalawang unggoy na nagtatampisaw nang humarang sa line of vision ko ang katawan ng isang kumag, si Reign!

“I think the barbecues are luto na.” Turo niya sa inihaw na tinalikuran ko.

Oh? Kailan pa naging conyo ang isang ’to?

Sheyt ka, bakla! Napapatagal ang tingin mo sa mga unggoy mong alaga!

Naisipan kong mag-boodle fight na lang kami. Tutal mahaba naman ang mesa at wala naman kaming hinanda na may sabaw.

Tinulungan ako nina Reyna at Maria sa pag-aayos ng mesa habang ang mga unggoy nagtampisaw saglit sa pool.

Sinundot ni Reyna ang baywang ko. “Ano iyon, ha!?”

Lukot ang mukha kong binalingan si Reyna. “Ano’ng ano?!”

“Ay, si bakla nagmamaang-mangan pa!” Puna niya!

“Like yeah~ we saw it kaya, ’di ba, bakla?” Tango ni Maria kay Reyna.

Kumuha si Reyna ng bbq at sumubo!

“Yes! Super ang laugh mo kanina tapos natulaley ka no’ng tinitingnan mo si bebe Vidal at North sa pool!” Hanash ni Reyna at pinaikot-ikot pa ang mata!

Shuta! Nakita iyon ng mga beklabung ’to?

“Wala iyon ’no! Tiningnan ko l-lang kung malulunod ba sila!” Ani ko naman.

Ano pa ba ang isasagot ko? Hindi ko rin naman alam kung bakit ako natulala kanina!

Maria bumped his hips against mine. I breathed out a weary sigh before meeting his gaze. A playful grin curved his lips as he watched how annoyed I was.

Ano ba ang gusto ng mga beklabung ’to? Dehins nga ako inaasar ngayon ng mga alaga ko, sila naman ngayon ang nang-aasar!

What if pauwiin ko sila?

“Akala mo ba dehins namin mapapansin ni Reyna ang laugh mo kanina? Ayiee! Close na sila!”

Irap lang ang nagawa ko at nilatag ang mga prutas sa tabi!

I smirked when I thought of something mischievous. “Natawa lang ako kasi napagtanto kong ang papangit pala nila!”

“Hey!” si Maria.

“Over naman si bakla! Pretty ka, beh?” ani Reyna!

Binelatan ko lang silang dalawa!

Kumain na kami dahil alas tres na rin at wala pa kaming lunch. Deretso na siguro hapunan itong lunch namin eh.

Sa rectangular na mesa nasa tapat namin ni Maria, Reyna, at Uno ang mga alaga ko. Ganadong kumain ang mga lintek na unggoy dahil masarap ang ulam. Luto at hindi hilaw!

’Di talaga maaasahan sa kusina ang mga ’to. Naturingang mga achievers kaso lang boploks sa kusina. Magaling lang lumamon!

Nagkamay lang ako at sina Reyna at Maria ay trying hard sa pagkakamay. At hindi lang pala si Reyna at Maria ang nahihirapan sa pagkakamay. Pati ang apat kong alaga, hirap na hirap! Si Uno lang yata ang sanay magkamay kumain!

Dahil nasa tapat ko lang si North. Ang kamay niya ang mabilis kong nahawakan.

“Nanny,” usal niya nang kunin ko ang kamay niya na napuno sa kanin!

Ano ba ang ginawa niya sa kanin? Kinalmot niya?!

“Ganito iyan,” sabi ko at nilagyan ko ng kanin at isda ang kanyang kamay. Kumuha rin ako ng kanin at isda para i-demonstrate ito sa kanya.

“It’s so hard!” Reklamo niya nang mahulog ang kanin nang dalhin niya ito sa bibig.

Ngiwi akong tumingin sa kanya, dahil hindi ko naman naisubo ang kanin sa kamay ko. I leaned forward over the table and stretched my arms to reach his mouth.

“Oh!” sabi ko nang matapat sa labi niya ang kamay ko.

“For me?!” Ngiting saad niya.

“Malamang! Bilisan mo nangangalay na ako, North!” Angil ko. “Ayaw mo? Edi, ’wag–”

“No!” Agap niya sabay huli sa palapulsuhan ko! Halos mawala ang kanyang irises nang ngumiti siya ng malapad sa ’kin at dinala ang kamay ko sa bibig niya.

“It’s really difficult!”

“I don’t know how to either!”

“The rice keeps on falling!”

Laglag ang panga ko nang balingan ko ang tatlo pang alaga na sunod-sunod na nagreklamo! Tiningnan ko sila. Nakatanaw rin sila sa ’kin na parang nanghihingi rin ng saklolo!

I heard North chuckle softly, amused sound that hinted at his hidden amusement.

“Nanny, ahh!”

Binalingan ko si North na humilig sa mesa at binuka ang bibig na parang bata na nagpapasubo!

Nairita naman ako kaagad! I thought nandito kami para mag-unwind at magrelax ako? Bakit pati sa pagsubo nila trabaho ko na?

Akala ba nila nakalimutan ko ang sinabi nila na sila ang magluluto? Tapos ang ending ako pala ang nag-ihaw?

Nice! Mga litse sila!

“Kukuha ako ng kobyertos! Ni hindi na ako makakain sa inyo eh!” Pagdabog ko at iniwan sila.

“Ako na lang ang magturo sa inyo sumubo, Daws. Halika kayo, ahh!”

“Damn you, Uno!” si Vidal.

“Shut it, Uno!” sambit ni Reign.

“You wanna die, Uno?” Ungot ni Daws.

Narinig ko na lang ang pagsipol ni Uno.

Matapos naming kumain ay pinagligpit ko ang mga timawa sa taas. Hindi nakaligtas si Uno kaya ang lahat ng boys ay nasa taas nagliligpit sa mga pinagkainan namin.

At kami naman nina Maria at Reyna na babae lang sa puso. Bumaba na ulit kami rito sa dagat. Ang dalawang beklabu ayon, para ng balyena na lumalangoy sa dagat. Ako naman ay humiga pa rito sa lounger.

Miss ko na itong walang dumi-disturbo sa akin. Naisipan ko sanang kumuha ng larawan kaso lang wala ng cellphone si bakla!

Nakatawag naman ako kay Lola Kora kasi nakikigamit ako sa cellphone ni Ateng Jodel o kundi naman ay kay Ateng Marli. Kaso ayoko naman na forever na akong manghiram sa kanila. Titipirin ko na lang siguro ang baon ko!

Ang pagmumuni-muni ay naudlot nang may umupo sa lounger na aking kinahihigaan! Apat ang lounger dito tapos makikiupo— natigilan naman ako nang makita ko kung sino ang umupo.

Ang walanghiyang si Uno pala!

Ngumisi siya sa ’kin. Hindi ba ito kinakabag? Kanina pa siya naka-topless! Naasiwa ako!

Pero sa katawan ng mga alaga mo hindi ka naaasiwa, Cleo?

Sarap mo talaga! Sarap mong iuntog sa pader, bakla!

“Anong ginagawa mo rito, Uno?!” Banas kong tanong sa kanya. I rose from lying on the lounger. Nag-indian sit ako at pinag-krus ko ang aking braso. “’Tapos na kayong magligpit sa taas?”

Binigyan ko na sila ng instructions kanina sa mga dapat gawin!

“Tapos na ako. Ang mga baby mo na lang ang nasa taas–”

“Anong baby? Baby mo mukha mo!” Asik ko sa kanya.

Inangat ni Uno ang isang binti sa lounger bago pinatong ang siko roon sa hita. Hinimas niya ang baba gamit ang kamay na nakapatong doon.

“Ang initin naman ng ulo mo, Cleo. That’s why I really wonder kung paano ka natiis ng mga Alvarez De Toledo. Knowing their patience, huh! It’s quite surprising to me!” Uno mused.

“M-matagal mo nang kilala ang mga Alvarez De Toledo?” Usyoso ko kay Uno.

He smiled when he saw me becoming interested in our conversation. Naibaba niya ang paa saka tinuko ang dalawang palad sa likod. Naka-side view siya kaya naman mas lalong nadepina ang tangos niya ilong.

Ebarg ang otoko na itey! Grabe rin ang facecard! Lumalaban sa facecard ng apat kong unggoy!

“Matagal ko na silang kilala dahil magkatabi ang property nila at ng family namin. Kaso once a year lang ang bonding namin. Kapag bumibisita lang ang family nila rito.” Kwento ni Uno.

“Nakita mo na ang parents nila?!”

Inikot niya ang ulo sa akin. Tumango siya.

“What’s their parents looks like or…”

“Intimidating! They’re not your typical strict, uptight parents—they’re on a whole other level!”

Wala sa sarili akong napalunok sa sinabi ni Uno.

“Well, that’s only my perception, Cleo. Why? Hindi mo pa ba sila nakikita?”

Umiling ako. “Bago palang naman ako sa mansyon. Two months pa!”

“Soon, you’ll be meeting their parents, so get ready! Just show them how badass you are!”

Tsk!

“At bakit ko naman gagawin iyan, aber? Nagbabantay lang ako slash all-around-made nila.”

Wa pakels na ako sa mga parents ng mga otoko as long as maayos sila kapag umuwi na ang mga parents nila dito!

May amuse sa mga mata ni Uno na tumitig sa akin. Nagulo niya ang malago at itim at kulot na buhok!

“Just how dumb are you, Cleo?” Iling-iling niya pang saad.

“Ano!?”

Shuta! Natawag pa ngang dumb!

Lord, oh. Inaaway akes ng otoko!

“Nothing, Cleo!” Huminga siya nang malalim. Saglit siyang tumingin sa likod ko bago umusog palapit sa ’kin bago bumulong sa tainga ko. “But let me tell you this, Cleo. A time will come when you’ll be torn between four men - four men who will show you the different shades of desire!”

Natigalgal ako sa sinabi ni Uno kaya naman hindi ako nakagalaw. Hanggang sa naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa pisngi ko!

Hindi kaagad iyon rumehistro sa ’kin. Ngunit bago pa ako makapag-react, marahas na umangat na ang katawan ni Uno sa ere nang kwelyuhan siya ni Dawson at Reign.

Malakas ang naging sipa ng puso ko sa loob ng ribcage.

Naibaba ko naman ang mga matang gulat sa kamay na yumakap sa braso ko at sa kamay na humawak sa balikat ko. Si North at Vidal!

Uno chuckled. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

“See?” aniya at ngumisi lang kahit na nag-aalburuto na ang mga alaga ko.

Ano?


This story is already at

chapter 47

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 24

Chapter 24

Banas kong binagsak ang katawan ko sa bermuda grass habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Sobrang dami ng bituin ngayon. O baka naninibaghan lang ako since matagal na rin nung huli akong nakapagmuni-muni sa gitna ng gabi.

Sa totoo lang lumabas ako ng bahay dahil hindi ako makatulog. Pagod ako matapos magtampisaw sa dagat. Pero tingin ko dahil sa dami ng iniisip ko. Dehins ako makatulog.

Ganap na ganap ngayon ang aking utak! Deym! Iniisip ko kasi iyong mga sinabi kanina ni Uno! Nabwesit ako sa otoko since binigyan niya ako iisipin! Magsasaya lang naman sana ako rito kaso dahil sa mga vague things na sinabi niya. Natutulaley na ang bakla!

Nahihibang na talaga ang Uno na ’yon! Mabuti nga at hindi nasuntok ng mga unggoy kong alaga kanina. Nang-aasar kasi. Ang init pa naman ng mga ulo ng mga alaga ko kanina. Anytime tingin ko sasabog sila. Shuta!

Argh! Wrythsmlpshk! Dahil sa mga hanash ni Uno, hindi ko na naisip ang pagka-broken hearted ko kay Tanner.

Ang rupok kasi talaga ng damdamin ko. Ang daling mahulog. Ang daling ma-attach! Pinakitaan lang ng konting motives, ayon kumalampag kaagad. Pero ang masaklap ay hindi masuklian ang feelings ko.

Hindi na kasi happy crush iyong feelings ko kay Tanner eh. Talagang in-embrace na siya ng heart ko. Kaso… may gerlalung jowa pala ang otoko! Kaurat!

Bounce back kaagad kahit sobrang sakit! Never magiging kabit at never magiging reason na makasira ng isang relationship! Ayaw ko no’n!

Sarap sana ikuwento nito kay Lola Kora. I’m sure excited iyon sa mga tsika ko sa kanya.

Anyways, kahit na naging broken hearted ako sa lalaking ’di naman naging akin in the first place. I’m kind of happy na mabilis ang maging recovery ng heart ko. Siguro dahil sa mga modules ko!

Hindi ako nagkaroon ng oras para i-entertain ang pain ng heart ko until it slowly fades.  Siguro no’ng magising ako sa ospital, para akong binagsakan no’n. Kaso nando’n kasi ang apat kong alaga. Dinibdib ko iyong nangyari since may nadamay, umabot pa sa pisikalan, at may nasaktan.

Kahit na gano’n ang nangyari, I still look at the brighter side of all the things that happened. Thankful, ako na nalaman ko ng maaga iyong reason ni Tanner sa paglapit sa ’kin. Thankful, ako na may concern pala ang mga unggoy sa well-being ko. Thankful, ako na hindi sila nasaktan ng malala sa naging away nila sa grupo nila Synx.

And now that I’m over with Tanner, binigyan naman ako ng puzzle ni Uno! Litse talaga ang lalaking iyon! Kung hindi lang talaga gwapo! Emee!

Haharot na naman, Cleo? Iba ka, bakla! Kaya ka nasasaktan! Tama na, Cleo! Pumirmi kang bakla ka!

“Cleo?” Naiangat ko ang ulo nang may tumawag sa ’kin. Si Reign pala na papalapit sa akin kung saan ako nakahilata sa bermuda grass.

“Hindi ka ba nilalamig dito? You should get inside.” Wika ni Reign.

Ay sus! Baka siya ang lamigin! Naka-sleeve less at shorts lang kaya siya, whereas ako, naka-jacket at pajama!

Tanging tingin lang ang nagawa ko nang humiga rin siya sa tabi ko. Inunan niya ang isang braso at tumingin din sa mga bituin sa kalangitan. His hairy armpits came into view.

Ang bango naman ng unggoy na ’to!

“’Wag ka ngang masyadong dumikit sa ’kin!” Angal ko sa kanya kasi nagdidikit na ang katawan namin. Eh, ang lawak nga nitong poolside ng pool. Aside from that parang may kung anong napukaw sa sistema ko.

“Why are you complaining? I won’t do anything, okay? Not while you’re not okay yet!”

So may gagawin siya once na maging okay na akes?

“Unggoy talaga!” Masama ko itong tiningnan kaso nakaderetso lang ang kanyang tingin.

Tingin ko nung nagpaulan ng kagwapuhan si Lord, nagtampisaw siguro ang magpipinsan na ’to! Siguro dahil may lahi silang Espanyol kaya ganito kagaganda ang kanilang genes!

And though I had only seen their parents in pictures, masasabi kong perfect combo ang kanilang mga parents.

Ako naman… maganda rin! Dapat lang! Wala na ngang nagco-compliment sa self ko, idi-discriminate ko pa?

“But seriously, Cleo— are you okay now? How’s your back?” anito. Tsk! Ang tatangos talaga ang mga ilong nila!

Pinutol ko na lang ang tingin ko sa otoko. “Hindi pa!” Deny ko.

Maayos na ako. Ayaw ko lang sabihin sa kanya kasi baka kung ano na naman ang maisip nitong kalokohan! Baka ako ang ihagis niya sa pool!

“You should recover quickly.”

“At bakit ikaw ang magdi-decide n’yan?”

“Because we’re kind of lonely.”

“Huh?”

“We’re lonely kapag… hindi ka namin naiinis at hindi nakikita ang pag-usli ng mga ugat mo sa leeg!” At tumawa ang walang hiyang unggoy!

I turned my head toward him, fixing him with a sharp gaze that cut straight through his laughing expression.

“Mga timawa kayo! Kasiyahan n’yo talaga kapag highblood ako sa inyo?!”

I saw him lick his lips before he tilted his head toward me, his deep-set emerald-green eyes slowly lifting to meet mine.

Muling bumalik sa isip ko iyong napadpad ako doon sa car racing nila. Hindi ko makakalimutan ang pagligtas niya sa ’kin laban doon kay Paxon. Either ayaw niyang magpatalo kay Paxon or gusto niya akong iligtas. Nagpapasalamat ako sa kanya.

Hindi pa kami close no’n pero he did his best to win. Na-realtalk na niya rin ako about sa pagpasok ko bilang alalay nila sa mansyon.

“Reign,” kusa na lang iyong lumabas sa bibig ko nang hindi ko namamalayan.

“What?” Tumagilid siya sa direksyon.

Medyo na-conscious naman ako sa mga titig niya sa ’kin. What if may muta pa ako? Or dumi sa mukha? Baka ako na naman ang pagtawanan nito kagaya ng pagtawa ko sa kanila kanina.

“Cleo?”

“Ah, wala may naisip lang kasi ako bigla.” Iling ko naman.

“Say it while I’m still in the mood to listen to your whatnots. Spill it.”

Tumagilid na rin ako at inunan ko ang braso. Bakit kami nag-uusap ng ganito ni Reign sa labas?

“Kapag ba… kapag ba naging close na tayo at hindi na ako galit sa inyo o ano. Posible bang paalisin n’yo na ako sa mansyon ni Lola Leticia?”

Kumunot ang kanyang noo. “What do you mean?”

“K-kasi naalala ko ang sinabi mo noon na parang nanibago lang kayo sa ’kin kasi… hindi ako interested sa i-inyo. Kaya ako nagtagal sa mansyon ni Lola Leticia kasi… parang curious lang kayo o a-ano–”

“You lasted this long, Cleo, because you’re determined. You are driven by purpose and your intellect— your mindset. You have the grit!”

Ngumuso ako. “Pero kung gusto ninyo akong mawala sa mansyon kaya n’yo naman.”

“But you have the toughest backer. You have our Abuela. We cannot easily push you away from the house. Besides, we’ve already grown accustomed to your loud mouth. We would miss you if we let you go.”

“Ibig ba n’yang sabihin hindi n’yo na ako pagti-tripan?”

Ngumisi siya at piningot ang ilong ko. “That’s a different story!”

“Ehhh?”

“You’ll be stuck in the house, Cleo. You invited yourself into a house full of hungry lions. Be ready to be devoured!”

Nasampal ko ang dibdib ng otoko!

“Timawa talaga! Kinakabahan ako sa sinasabi mo ha!”

“Tsk!”

“Pero, Reign… iyong iba mong pinsan… tingin mo ba ayaw na rin nila akong paalisin sa bahay o…”

“Cleo, we may annoy you, pester you, make you mad, and all that— but we never told you to leave the house. I may not be sure, but those rascals… I can feel that they don’t want to let you go too. What I-I mean is, ayaw ka na rin nilang paalisin sa bahay.”

Huminga ako ng malalim. “Mabuti naman! Sure na akong makakapagtapos na ako ng college nito sa SNU!” Ngisi ko kay Reign.

Kailangan ko na lang ng ibang reasons to survive until sa fourth year! Kailangan ko ng new Papi! Eme! Kaya ka nasasaktan, bakla ka.

Ang ngisi sa labi ko ay kusang nakusaw nang maramdam ko ang init ng hininga ni Reign na tumatama sa ilong at mga labi ko.

“R-Reign,” nautal ako nang malakas na kumabog ang puso ko dahil sa konting distansya namin ni Reign.

“Cleo,” he murmured softly, his eyes locking onto my lips like a laser.

Binitiwan ko ang pagkakaunan ko sa aking braso at tinungkod ko ang aking dalawang palad sa kanyang dibdib. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang malakas na sipa ng kanyang dibdib sa ilalim ng palad ko.

I wanted to shove him away, but my body felt heavy and unresponsive. Every ounce of strength seemed to vanish as Reign’s palm cupped my face, his thumb grazing my cheek gently.

Ang pimples ko, Reign! Emerut!

Lord, ano’ng nangyayari sa unggoy na ’to? Nakalanghap ba ito ng masamang hangin? O baka masama ang epekto ng hangin sa kanya ngayon?

Reign was about to close the tiny gap between us when heavy raindrops suddenly splashed onto us, breaking the moment.

“U-u-umuulan!” Nagkukumahog kong sambit.

“Fuck!” Mura ni Reign at mabilis na tumayo.

Inalalayan niya ako at saka kami tumakbo sa loob ng bahay!

Tulala kong tiningnan ang nilulutong ulam para sa aming breakfast. Ako ang pinakamaagang nagising. Ewan ko kung tulog ba talaga ang tawag do’n since parang idlio lang dahil umaga na naman!

Tang inang, otoko na ’yon. Ginugulo niya lang lalo ang isip ko.

Natapos ako sa pagluluto pero wala pa ring nagigising kaya naisipan kong lumabas at maglakad-lakad sa dalampasigan!

Irarampa ko muna itong ganda ko sa dagat dahil tingin ko nahihilo na ako sa mga ganap ngayon!

Ahhh! Lord, pagpahingahin n’yo naman po ang katawang lupa ko! Ano ba namang klaseng buhay ’to? ’Di nga stress sa acads, stress naman sa mga happenings. Hindi na ito nakakaganda sa self ko!

Wearing my shorts barely peeking out from under the hem of my oversized shirt, I strolled along the seashore, the sand cool beneath my feet. Sinadya kong magpaa dahil plano ko talagang maglakad-lakad sa mababaw na parte ng dagat.

Naabot ng alon ang paa ko habang naglalakad ako. Inaalon ng hangin ang damit ko at ginugulo nito ang aking buhok.

I gazed at the rising sun, its light bathing the surroundings in gentle, warm hues of soft orange. Kung hindi ako napadpad sa bahay ni Lola Leticia, hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na makita ang ganito kagandang tanawin. What an amazing creation.

In the past, I tried to ask God why He made me this way. Of course, hindi naman isang pitik lang mauunawaan mo na kaagad ang self mo. I’ve also been through a phase in my life where I asked myself if there was something wrong with me.

I’m biologically male, but I’m sexually attracted to men. Sa aming probinsiya na wala masyadong bakla. Akala ko talaga may mali sa ’kin. But just like the Almighty Being made this world, humans are also created differently and uniquely. Humans themselves have dynamics, too complex for narrow-minded people to understand.

It’s really sad how some people think being gay or lesbian is just a phase in someone’s life. It both pisses me off and saddens me that they see it as merely a portion of someone’s life. O baka hindi lang sila educated. O baka inaakala nila na trend ito kaya nila sinasabayan? Hay!

Ako bakla na talaga ako! Hindi ito mari-reset or mari-reboot o ano pa d’yan! Lalaki ang gusto, may talong, may burat, may batuta! Ekes sa mga may pechay at tahong! Forda friendship lang kaya ng aking self pagdating sa mga gerlalu!

“Cleo!” I jolted out of my deep thoughts when someone called my name!

Lumingon ako. Sheyt! Napapalayo na pala ako sa bahay ah!

I narrowed my eyes to see who had called me. My eyebrows furrowed in annoyance when I recognized the man, it was Vidal.

“Cleo!” Kumaway-kaway pa siya sa ’kin at saka tumakbo palapit.

“Ahh!” I shrieked. Tumakbo na rin ako palayo upang hindi ako maabutan ni Vidal.

“Tang ina, Cleo!” Tawag pa nito.

Binilisan ko ang pagtakbo ko. The wind slapped against my face as I tried to sprint forward. Saglit kong nilingon si Vidal at napatili naman ako ulit nang makita kong ang lapit na niya!

Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya hindi ko napansin na may maliit na butas pala sa buhangin. Nahulog ang paa ko roon at nadapa!

Sumapol pa ang mukha ko sa buhangin! Mabuti at walang bato kaya hindi ako nasugatan!

“Aray!”

“Cleo, shit!” si Vidal nang makalapit sa akin.

Agaran niya akong dinaluhan. Pinunasan niya ang mukha ko gamit ang suot niyang tshirt.

“Bwesit kang kumag ka!” Kinurot ko siya ng pino.

Inis ko siyang tiningnan ngunit nagulat na lang ako nang sapuhin niya ang katawan ko mula sa buhangin. Binuhat niya ako at kinarga in bridal style.

“H-hoy, Vidal!” Singhal ko sa kanya kaso hindi siya umimik.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong naglalakad siya tungo sa dagat!

“Vidal!” I shouted, but before I could react, he had already thrown me into the sea!

Nang makabawi ako ay sinabuyan ko siya ng tubig!

“Ito pala ang gusto mo ha!” Singhal ko sa kanya at walang tigil siyang sinabuyan! Tawang-tawa pa ako nang hindi siya makaganti!

Kaso ilang sandali lang ay may yumakap na sa katawan ko!

“Ahh!” Tili ko na naman.

Basang-basa na rin si Vidal at sinusuklay niya patalikod ang basang buhok. Ang isang kamay ay mahigpit na nakayakap sa baywang ko. Umangat ang katawan ko.

Kumapit ako sa kanyang matitigas na braso at hiningal!

“Bwesit ka! Ano bang sadya mo? Bakit mo ako hinahabol!?”

Malakas siyang tumawa. “Because you were running away! I was just chasing you!”

“Chasing mo mukha mo! Nadapa tuloy ako!”

“Are you hurt somewhere?” Bumakas ang pag-aalala sa boses niya.

Ngayon niya pa ako tatanungin n’yan eh hinagis na niya ako rito sa dagat? Ang galing!

“Wala!”

“That’s good. Gusto lang naman kitang sabayan sa paglalakad mo since gusto rin kitang makausap. Pero tumakbo ka.”

Ako pala ang may kasalanan?

Inirapan ko siya.

“Sungit talaga!” Tukso niya pero ewan ko! Parang may lambing sa boses ni Vidal!

Nababaliw na ba ako nito, Lord? Dahil ba ito sa mga ganap ngayon? Nalintekan na!

Yumakap ang dalawang braso ni Vidal sa katawan ko. And for some reason, I didn’t feel anything, no discomfort at all, around his arms.

“Nakita ko kasi kayong magkausap ni Reign kagabi sa labas–”

“Nakita mo?” Malakas kong sabi kaya napapikit siya.

“Yes! I was about to smoke pero nando’n kayo sa labas. Anong… pinag-usapan ninyo?” He asked quietly, yet the curiosity in his tone was evident.

Tumikhim ako. “Wala lang. Tungkol lang sa… sa mga bagay-bagay!”

“Bagay-bagay? Like what?”

Pairap kong sinalubong ang mga mata niyang para akong nasa kagubatan.

“Kung papaalisin n’yo ba ako sa bahay! Syempre, knows n’yo naman siguro kung bakit ako nandito, ’di ba?”

“Hindi ka aalis!”

Ngumisi ako. “Hindi talaga kasi tatapusin ko muna ang college! Saka ko kayo iiwan‐- ay!” Tili ko na naman nang higpitan ni Vidal ang pagkakayakap sa ’kin.

Mapapaos pa yata ako rito kakatili!

“You cannot escape from this trap, Cleo.” He suddenly announced.

“Huh?” I grimaced.

“Nothing!” He shrugged, his gaze dropping to my puckered lips.

“Cleo?”

“O-oh?” Nautal ako kasi ramdam ko ang init ng titig niya sa mga labi ko.

“Will you be mad?”

“Huh? Sa a-alin?”

“If I do this!” he said, leaning in and tilting his head toward mine, aiming for my lips.

Lumapat ang labi niya sa ’kin sa ilang segundo pero kusang gumalaw ang kamay ko. My hand shot up to his face immediately. My palm burned after delivering a loud, solid slap!


This story is already at

chapter 48

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 25

Chapter 25

Dumating ang Lunes na hindi ko iniimik si Vidal. Natapos kami roon sa short break namin na hindi ko siya pinapansin kasi naiinis ako sa kanya.

Sino ba kasing hindi maiinis kung bigla-bigla ka na lang hahalikan, aber? Ano’ng akala niya sa ’kin?

Sa totoo lang, wala akong pagsisisi sa naging sampal ko sa kanya. Dapat lang iyon kasi hinalikan niya ako nang walang paalam! I mean, kahit magpaalam siya, ayaw ko rin. ’Di rin siya makakahalik dahil ayoko!

Dahil sa shutang halik na ’yon ni Vidal, mas dinagdagan niya ang iniisip ko. Nagsimula kay Uno tapos sinundan niya pa! Tapos may paparating pa kaming prelim!

Lord! Maawa naman kayo sa anak ninyo rito! Hirap na hirap na ako rito, Lord! Kaya pa ba ito ng powers ko? Hindi ko na kayang awrahan ang lahat ng nangyayari sa life ko right now!

Pero at least kahit na nabadtrip ako roon sa beach, may maganda naman akong natanggap pagkauwi namin galing doon sa beach house ng mga Alvarez De Toledo because… pinadalhan ako ni Lola Leticia ng new phone!

Bago at latest siya! Nakakatuwa! Makakapag-download na ng dating app at makahanap na ng papa de asukal! Emerut! Hindi na haharot ang baklang itey because nilugmok na ng pagkakataon! Eme!

Hindi pa nga totally and definitely healed ang puso ko dahil kay Tanner. Paawat muna sa kaharutan!

But seriously, nabalita kasi nina Ateng Marli at Ateng Jodel ang situation ng life ko kay Lola Nawalan ako ng phone, at nang malaman iyon ni Lola Leticia, pinadalhan niya kaagad ako ng bago.

Like… ang super-duper bait ni Lola. Nahawa pa nga kay Maria!

But anyway, nakapag-thank you na ako kay Lola nang matawagan ko siya gamit ang new, fully paid kong phone. Tinawagan ko rin si Lola Kora para i-update siya sa new number ko. Baka kasi i-textmate niya pa ’yong dati kong number o ’di kaya’y sila Ateng Marli!

“Problema mo, baks?” tanong ni Reyna sa kin nang malalim akong bumuntong-hininga.

Gumagawa kami ng reviewer dito ngayon sa library, pero tingin ko fully loaded na ang utak ko sa happenings ng life ko.

Puwede bang mag-stop muna ako sa everything? Of course, hindi! Hindi tayo gano’n ka-privileged, Cleo! Namamasukan ka na nga lang eh!

Naturingang may subject kami ngayon na Understanding the Self, pero kahit ako, hindi ko na maintindihan ang self ko!

“Like, yeah~ panay ang buntonghininga mo, bakla! Are you okay?” sunod na tanong ni Maria.

“Kahapon pa ’yan doon sa beach house, baks,” sunod pang wika ni Reyna.

Tinaob ko na lang ang papel kung saan nakasulat ang mga notes ko. Magme-memorize na lang ako ng mga tourist spots, festivals, at cultural sites.

“Mag-study tayo!” pagsasawalang-bahala ko sa mga sinabi nila.

“Mag-study pero bothered na bothered ang face mo, baks!” point out ni Reyna habang tinuturo ang haggardo-versoza kong mukha.

“Itabi nga muna natin ’to!” At silang dalawa na nga ang nag-alis ng libro at cellphone ko.

Ngayon ay pareho silang abang na abang sa akin. Tingin ko, chismis lang talaga ang bumubuhay sa mga ’to.

“Nasa library tayo, mga bakla!” mariin kong wika. Ang bilis pa namang maka-detect ng librarian sa mga nag-iingay!

“Like, duh! Hindi ’yan problema. Let’s go out. Wala naman ang P.E. instructor natin later, kaya doon tayo sa café shop sa labas,” agarang suhestiyon ni Maria.

Sa bagay nga naman. Wala ang P.E. instructor namin dahil next week na lang daw kami magme-meet. May activity kami sa swimming, at iyon na rin daw ang magiging basehan niya sa aming prelim.

“Tumpak! Halika na, baks,” ani Reyna.

Pagod ko silang tiningnan pero hinagilap ko na rin ang mga gamit ko sa table. Isinilid ko ang mga ito sa tote bag ko at lumabas na kami ng library.

Lumabas kaming naglalakad sa hallway at, sa kamalasan, nadadaanan namin ang chess hall palabas. Sana pala sa kabilang hagdan na lang kami dumaan.

Kahit hindi pa kami nakakalapit, napansin ko nang maraming babaeng nasa labas.

“Oh, naglalaro siguro si bebe Vidal,” saad ni Reyna.

“Yeah~ marami lang naman talagang estudyante rito sa chess hall kapag naglalaro siya,” sabat ni Maria.

At hindi nga sila nagkamali. Kusang lumingon ang ulo ko nang tumapat kami. Dahil transparent glass wall lang ang dingding ng room, kitang-kita ang nasa loob.

Nakita ko si Vidal na may estudyanteng katapat, may chessboard sa gitna at timer sa gilid. Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko si Vidal na seryoso, pero iba ang aura niya ngayon habang nakatingin sa kanyang mga chess pieces. He looked relaxed, though even if I wasn’t inside the room, I could feel the tension in the air.

“Ang gwapo talaga ni Vidal, ’no?”

“Sinabi mo pa!”

“Para siyang nag-iibang tao kapag naglalaro ng chess!”

“Swerte ng magiging girlfriend ni Vidal. Mabait, matulungin, matalino, palangiti pa, magaling sa chess, at gwapo pa! Ahhh!”

“Shut up, girl! Mabuti nga wala pang girlfriend silang magpipinsan. Wala tayong kaagaw!”

Oo nga. Sa tagal ko sa mansyon ni Lola Leticia, wala akong narinig na may mga babae sila. Marami ang nahuhumaling sa kanila pero paranv wala silang mga nobya.

Hanggang landi lang din ba sila? Harot-harot lang sa mga babae?

Eh ano naman sa’yo, Cleo, kung humarot sila? Anong paki, bakla?

Reyna snapped his fingers in the air.

“Hoy! Tulala ka na naman!” pagpukaw sa ’kin ni Reyna.

I blinked and jerked in my chair. Nandito na kami sa café shop kung saan sila laging tumatambay kapag vacant hours namin.

“Oorder na kami. Ano’ng sa’yo? Libre na namin,” dagdag ni Reyna.

Tiningnan ko si Maria na nakatayo na. Mukhang siya ang mag-o-order ng drinks namin.

“Iyong Strawberry N’ Cream nila sa frappe series ang sa ’kin.”

“Got it!” ani Maria.

Kaagad tumalima si Maria para umorder. Siguro dahil class hours ng iba kaya wala masyadong tao sa loob ng café. May iilang estudyante pero nag-aaral na rin sila dahil palapit na nga ang prelim. After ng kasiyahan sa Foundation Week, balik ulit sa dating gawi.

After a couple of minutes, bumalik na rin si Maria sa aming table. Ihahatid na lang daw sa amin ang mga drinks.

“Umorder na rin ako ng cake nila. I’m salivating over their blueberry cake,” sabi ni Maria.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Ang dalawang beklabu ay nasa harap ko at parehong may mga mukhang nagmamadali. Tutok na tutok sila sa akin. Tingin ko nga, bawat buka ng bibig ko ay binibilang na nila.

Naisubsob ko ang noo ko sa mesa. Nakakapanghina na ang mga problemang ito. Dagdag pa sa iisipin ko ngayong may paparating na exam! Buwisit!

Nang dumating ang order namin, saka pa lang ako umahon mula sa pagkakasubsob. Kinuha ko kaagad ang frappe ko at mariing sumipsip doon.

Tanging pagkurap lang ang nagawa ng mga beklabu sa harap ko.

“Bakla, chill ka lang, okay?” bahagyang natawa si Reyna.

Malakas ang kabog ng dibdib ko. Tingin ko, mas tensyonado pa ako ngayon kaysa noong panahong crush na crush ko pa si Tanner. Hindi ako ganito kabalisa noon. Sheyt!

“Yeah, besides, whatever man ’yang sasabihin mo, baks, nandito lang kami ni Reyna to listen to you. ’Di ka namin uukrayin!”

Lumabi ako sa kanila at tinakpan ang mukha ko gamit ang palad.

Ang OA natin, Cleo. Parang ’di tayo sanay sa harutan ah. Parang dati lang ito ang gusto natin. Kaso lang kasi… alaga ko iyon. Si Reed Vidal Alvarez De Toledo iyon!

“Bakla, may tanong muna ako.”

Reyna immediately put his drink down and beckoned with his hand for me to continue.

“What is it?”

Pati si Maria ay napatigil sa pagsubo ng cake.

“W-what if…” pagbibitin ko, at kita kong halos pigil-hininga na ang mga bakla sa harapan ko.

“Aray ko!” inis kong hinaing kay Maria nang kurutin niya ang braso ko.

“Gaga ka kasi! Masyado kang pa-suspense! Ano? Tungkol na naman ba ito kay Tanner? Hindi ka pa naka-move on after what he did?” Bakas sa mukha ni Maria ang pagladisgusto.

“Tumpak! Bakla, suportado ka namin sa whatever karutahan, okay? But please, ’wag na sa Tanner Vasquez na ’yon!” ismid pa ni Reyna. “Marami pang daks at masasarap d’yan!”

Umirap ako sa kanila. “Wala na. Ayoko na sa otokong ’yon!”

“Then what?”

“Edi ano pala ang inuungot-ungot mo? Hindi ka ba comfortable na sabihin ’yan sa ’min?” tanong ni Reyna.

I huffed.

“H-hindi naman sa gano’n. A-ang hirap lang kasi…”

“Ano ba ’yan! Kung hindi ka pa komportable, bakla, it’s fine. Dito lang muna tayo since malakas ang aircon,” saad ni Reyna.

“Right, right—”

“May humalik kasi sa ’kin!” pasigaw kong putol sa kanila.

Kapwa nalaglag ang kanilang mga panga dahil sa biglaan kong pagsigaw. Mabuti na lang at walang laman ang mga bibig nila. Ilang sandali silang natanga at napakurap-kurap na lang.

“You—” simula ni Reyna, pero nasapawan ni Maria.

“You’re what?” bulalas ni Maria.

“Sino?” ani Reyna.

“Kailan ka hinalkan?” sunod ni Maria.

“Gwapo ba?” halos mag-hyperventilate na si Reyna.

“Halik lang ang ginawa niya?”

“Teka, pinilit ka ba?” awat ni Reyna kay Maria.

Lumabi ako. “A-ano kasi… bigla na lang. Bigla na lang niya akong hinalikan. Hindi ko alam… basta iyon ang nangyari. Kaya nga nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba ito sa inyo. Kaya kanina… ito sana ang itatanong ko!”

Mas na-intriga pa ang mga bakla. Umayos si Reyna sa kinauupuan niya, at si Maria naman ay pinagdaop ang mga kamay sa mesa.

“Nagustuhan mo ba ang halik?” busisi ni Reyna.

Nagkibit ako ng balikat. “E-ewan ko… saglit lang naman.”

“Bakit saglit lang?”  tunog dismayado pang singit ni Maria.

“Nagulat ako, baks. Saka hindi ko aakalain na sa lahat ng tao, siya pa ang gagawa no’n!”

“Don’t tell me si Tanner?!”

“H-Hindi, no!” matigas kong sagot.

“Well, that’s good. Pero dahil bothered na bothered ka sa kiss na iyon, kahit smack kiss lang, that means ba na may something ka sa kanya?” ani Maria.

“W-wala! Ano’ng something ka diyan?”

“Duh? Like, crush mo! Gusto mo!”

Sunod-sunod ang iling ko kay Maria. No, it can’t be. How can I like a man like him? At kakatapos ko lang kay Tanner. Lipat kaagad sa iba?

I know replaceable naman si Tanner, pero ang magustuhan si Vidal? Deym. No way!

“Baks, kami ni Maria, we do casual harutan and landian, okay? Nakikipag-momol kami without feelings involved. Pero ikaw… mukhang seryoso ka. Parang hindi ka nagpapahalik without label.”

Nagsalubong ang kilay ko sa pahayag ni Reyna. So happy crush lang pala nila ang mga ADT? Nakikipag-momol lang sila?

“Akala ko ba may crush kayo sa mga ADT?” umasim ang mukha ko.

“Bakla, crush namin sila, okay? Idol namin. Pero ang hirap naman pangarapin ng mga ’yon! Mukhang mataas ang standards at ang dami naming kaagaw.”

Tumango si Reyna sa winika ni Maria. “Also, baks, gerlalu ang hanap ng mga otoko.”

Gerlalu? Litse! Eh bakit hinalikan ako ni Vidal? Ano iyon? Experiment lang? Ako pa talaga ang ginawa niyang sample?

“Pero balik tayo sa humalik sa’yo. May feelings ka ba roon?” muling balik ni Maria sa topic.

“No! Hindi ko siya gusto, okay?”

“Ngunit ginugulo niya ang isip mo?”

“Dahil lang sa halik niya! Nagiging palaisipan siya sa ’kin kasi… medyo close kami tapos ginawa niya iyon!”

“Gosh! Edi may gusto iyon sa’yo!” conclude ni Maria.

“Ano? Imposible!”

At bakit, bakla? Kung posible ba haharot ka? Ganda mo naman, teh!

“Desisyon yarn? Alam mo, kinumpronta mo ba?” taas-kilay ni Reyna.

Of course, hindi ko kinumpronta si Vidal. Hindi ko na alam kung paano siya haharapin pagkatapos ng ginawa niya.

Mas may chance pa sigurong pumuti ang uwak kaysa magkagusto si Vidal sa ’kin romantically. The idea of Vidal Alvarez De Toledo liking me was just so unbelievable.

Baka nadala lang siya ng pagkakataon. Baka may kung anong epekto sa kanya ang dagat doon.

Pagkatapos ng klase, sumabay ako sa mga beklabu palabas ng school.

“Ingat ka, okay? Whenever you need someone to talk to, nandito lang kami ni Maria.”

“Chat ka sa GC or text o tawag. May new phone ka na naman, you know how to reach us.”

Humalik ang dalawa sa pisngi ko bago sila pumasok sa kani-kanilang kotse. Sometimes sinusundo sila, kagaya ngayon. Minsan naman, sila ang nagmamaneho.

Wala akong plano na sumakay sa kotse kasama ang apat na unggoy kaya naghahanap ako ng masasakyang jeep. Kinuha ko muna ang cellphone ko para i-text ang mga unggoy na mauuna na ako. Ngunit bigla na lamang may humawak sa braso ko.

Akala ko lumipad na ang kaluluwa ko pati ang balikat ko sa gulat. Akala ko may kidnapping 2.0 na naman. Kaya natigilan ako nang makita kong si Vidal ang may hawak sa ’kin.

I yanked my arm away from him and stepped back.

“Cleo—”

“H-Hindi ako sasama sa inyo sa pag-uwi—”

“Cleo, let’s talk!”

“Pagod ako, Vidal. Saka wala tayong dapat pag-usapan!”

Humakbang siya palapit sa ’kin kaya humakbang din ako palayo. Mariin akong napapikit nang mapansin kong may mga estudyanteng nakatingin na sa ’min.

Ayokong kuyugin ng mga fans nila kaya inilalayo ko ang sarili ko sa kanila sa school. Pero ano itong ginagawa ni Vidal ngayon?

“Vidal, magtigil ka nga!”

“I will, but let’s talk about the—”

Mabilis ko siyang pinutol bago pa niya masabi ang katagang iyon. “It was just a spur of the moment! Kinalimutan ko na ’yon—”

Ngunit sinapawan ako ni Vidal. “F*ck that. I can’t easily shrug it off, Cleo, when you’re like this!”

Pasalamat talaga siya at walang dumadaan malapit sa pwesto namin.

“Vidal, ’wag ngayon, okay?”

“But when?” gigil niyang saad.

“Cleo, Vidal.”

Kapwa kami napalingon ni Vidal sa pinanggalingan ng boses ni Reign. Palapit din ang lalaki sa ’kin kaya naman nataranta ako.

Napansin ko ang mga estudyante sa paligid na nakatingin na sa ’min.

I was about to run away from the two white monkeys, however, I bumped into something hard, making me stumble backward.

I thought I would fall to the ground, but he was quick to wrap his arms around my waist.

“C-Cleo.”

“T-Tanner?” nautal ako, nanlaki ang mga mata nang ma-realize ko kung sino ang nabangga ko.

Tanner was about to say something, but I felt a huge hand grip my shoulder. Reign and Vidal quickly pulled me away from Tanner.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 26

Chapter 26

“S-sigurado ka ba na dito tayo mag-uusap, Cleo? I think your men are ready to launch an attack at me anytime now!” wika ni Tanner habang sinusulyapan sa ibang mesa ang dalawang unggoy na pinupukol kami ng matatalim na titig!

Ang hirap na hindi sila pansinin dahil kung makatitig sila ay parang papatay na sila ng tao! Medyo nakahinga nang maluwag ang bakla na ’to. Kasi akala ko kanina magkakaroon ng rambulan 2.0. Mabuti na lang at napakiusapan ko ang dalawang otoko na kausapin si Tanner.

Really, wala na akong balak na kausapin ang lalaki na ’to, kaso lang maayos kasi siyang nakiusap sa ’kin.

So why not pagbigyan ko? After this… wala na talaga! This is the last time that I’m going to talk to him.

Sheyt! Magmo-move on na ang bakla na ’to, ’no! Pero kailangan ko pa ba iyon? Hindi ko na kasi siya naiisip eh. O baka dahil nagpatong-patong na itong iniisip ko kaya nawaglit na sa isip ko si Tanner?

Knows ko naman ’no, na unforgivable talaga iyong ginawa ni Tanner sa ’kin. Pero, naipit lang din siya eh. He just wanted to save his girlfriend! Swerte naman ng merlat dahil may tarantado siyang boyfriend na kayang gumawa ng kasamaan para sa kanya. Emerut!

“’Wag mo na lang silang pansinin para hindi ka mabato ng baso d’yan!” ismid ko kay Tanner.

Sulyap kasi nang sulyap kina Vidal at Reign. Kung wala lang siyang gerlalung jowa, iisipin ko nang may gusto siya sa unggoy kong alaga!

I saw how he swallowed before he looked at me. Ngayon ay hindi na makatingin sa akin ang lintek na Tanner.

Masama ba ang pakiramdam niya dahil sa ginawa niya sa ’kin? Guilty siya?

Aba! Dapat lang ’no! Kinidnap niya ako at pinagkanulo roon sa grupo ni Synx. Mga lalaking may saltik din!

“I’m sorry, Cleo,” he said breathlessly, as though he was having a hard time getting those words out. “Kulang ang salitang sorry sa ginawa ko sa’yo. I… I toyed with your feelings. I used your feelings for my own benefit.”

Toyed. Wow, laruan yarn?

Napalabi ako. May kumirot sa puso ko—kirot na may panghihinayang, pagsisisi, at lungkot.

Alam niya nga na may feelings ako sa kanya. Alam niyang crush ko siya, na may attachment na ako sa mga pinapakita niya sa ’kin. ’Tapos ginamit niya ako.

Alam ko na ito. Napagtanto at naisip ko na ito. Pero may sampal at kirot pa rin talaga sa puso ko.

Masakit pala talaga masampal ng katotohanan. Ito pala ang pakiramdam kapag iyong taong gumawa ng katarantaduhan sa’yo ang umamin mismo.

“I understand kung gusto mo akong sampalin ngayon.” Tumango-tango siya. “Tatanggapin ko ang lahat ng nais mong sabihin ngayon, Cleo. I deserve an earful from you.” Yumuko siya at tinakpan ang palad sa kanyang mukha. Na para bang natatakpan no’n ang kagaguhang ginawa niya sa ’kin!

Shuta talaga itong si Pa—pangit na Tanner. May pa-earful-earful pa siyang nalalaman! Ano ’yon?

“Nagkita… na ba kayo ng girlfriend mo?” tanong ko sa kanya.

Mukhang hindi niya inaasahan ang naging pahayag ko kaya bilog ang mga mata niyang nag-angat ng tingin sa ’kin. Pinagsiklop niya ang kamay sa mesa at sumandal sa kanyang silya.

“Y-yeah, nakapag-usap na rin kami.”

“Alam n’ya ba ang ginawa mo? Iyong ginawa mo para lang makita siya?”

Nanigas ang kanyang mga bagang bago dahan-dahan na tumango. Animo’y hirap na hirap siyang gawin iyon.

When he gazed back into my eyes, there was sadness, regret, and embarrassment looming over his somber eyes.

“She knows. And she got mad… she also wanted to apologize to you, but I told her that I need to apologize to you first. That I need to face you first, alone, because I’m the one who made a mistake and an unforgivable sin against you. I’m really, really sorry, Cleo.”

I drew out a heavy and ragged breath. “Ewan ko… sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang nais kong sabihin sa’yo ngayon, Tanner. But I’m kind of happy na inako mo ang kasalanan mo at hinarap mo ako. Salamat dahil inamin mo na rin na naging gago ka talaga.”

Napatango-tango na lang siya sa sinabi ko. “Thank you, Cleo.”

“Thank you sa paunang kilig na binigay mo sa ’kin!” biro ko naman para gumaan nang bahagya ang aming pag-uusap.

Tanner took a brief glance towards Reign and Vidal before he gave me a teasing grin.

“I didn’t know the depth of your feelings towards me before, Cleo. But I’m sure… there are men out there who deserve you more.”

“Gago ka ba? Anong there are at men?”

“There is a man lang!” pagtatama ko sa kanya.

He just raised an eyebrow at me. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin.

“At saka… ’wag ka na ring lalapit-lapit sa ’kin,” ani ko sa kanya. Kahit wala siyang plano na lumapit sa ’kin after this at sobrang laki rin ng SNU kaya malabo sigurong magkita kami, kaso gusto ko lang iyong iklaro sa kanya.

“I want to be friends with you again, Cleo. I want to be your friend, but whatever makes you feel safe and secure, I will do it.”

Sayang… kung hindi lang talaga gago itong si Tanner.

Tsk! Tama na, Cleo. Baka rumupok ka na naman. May jowa ’yan, bakla! Malaking ekis na iyan!

“Also, ayaw kong banggiting ang mga lalaking nasa paligid mo,” dagdag nito mayamaya. Kinindatan pa ako!

Feeling din itong si Tanner ha. Hindi pa kami bati pero ginaganito na niya ako! Utot mo, Tanner! Naiinis pa rin ako sa’yo!

“Lalaki ko?”

Siya nga itong gusto kong maging lalaki dati eh. Mas bobo ba siya sa ’kin? Akala ko knows niya ang feelings ko?

Sa huli, kahit pa sundan ako ng mga unggoy hanggang sa Mars, hindi ako sumabay sa kanila pag-uwi. Sinunod ko talaga ang gusto ko na mag-commute pauwi.

Nag-jeep ako at naglakad sa loob ng subdivision. Wala na akong pang-motor dahil ginto rin ang singilan ng mga motor sa labas ng gate.

“At kinausap mo talaga, baks?” dismayadong wika ni Reyna; muntik nang malaglag ang mask sa mukha.

“Oh my gosh!” buntonghininga ni Maria.

’Tapos na ang hapunan pero hindi pa ako inaantok kaya nandito ako sa may pool area ng mansyon at nakipag-videocall sa mga bakla.

Binalita ko sa kanila ang ganap ko kanina at ngayon naiinis sila sa ginawa ko.

“Dapat sinampal mo iyon!” inis na wika ni Reyna.

“Like yeah~ dapat pinabugbog mo na kina Vidal at Reign!” ani Maria.

“Nagso-sorry pa siya! Sana iniisip niya ang trauma na dulot no’n sa’yo,” si Reyna.

“Kaurat naman ang lalaking iyon. Gwapo nga, mukha namang matalino, kaso minsan nabobobo talaga pagdating sa love!” si Maria.

“At least nag-sorry na siya, ’di ba? Saka kinausap ko lang din ang lalaki para may closure iyong dating feelings ko sa kanya!”

Natawa ang mga beklabu dahil sa sinabi ko.

“Wow! Closure!” hagalpak ni Maria.

“Na para bang naging sila!” tawa ni Reyna.

Mga sira talaga ang mga ’to!

“Ahh, basta! ’Yon na ’yon, mga bakla. Tinuldukan ko na ang lahat sa amin ni Tanner!”

“Wow! Grabe naman sa tinuldukan, baks! Naging kayo? Ikaw talaga, Cleo ha!” tinuro pa ako ni Reyna. Mabuti na lang at naka-videocall lang kami!

“Totoo. Saka sinabi ko na rin sa kanya na ayaw ko na siyang lumapit-lapit sa ’kin!”

“Baka iyon ang gusto niya, bakla!” tawa ni Maria.

Ang mga bitchesa na ’to! Parang hindi nga kaibigan ah!

“Shuta kayo! Para kayong ’di tunay na kaibigan! Dapat maging masaya na lang kayo kasi hinarap ko ang litseng ’yon! Akala ko ’di n’yo ko uukrayin!”

“Hahaha!”

“Kanina iyon, baks!” Panunukso pa talaga ni Reyna sa akin.

Sinamaan ko sila ng tingin! “Sige na. Babosh na! Mag-aaral pa ako!”

“Wow! Studious yarn?” tukso ni Maria sa ’kin.

Hay! Naalala ko tuloy ang first meet namin ni Tanner!

Tama na, Cleo! Ngayon ka pa ba magri-relapse?

Pinatay ko na ang videocall namin at tumingin sa kalangitan. Ang daming bituin ngayon! Ang ganda nilang tingnan. Nakakagaan sa lahat ng mga iniisip ko for the past few days!

Malaki ang ngiti ko habang nakatingin sa kalangitan nang biglang nandilim ang paningin ko dahil sa kamay na tumakip sa mga mata ko!

“Ahh! Sinong unggoy ka?!” hiyaw ko. Hinawakan ko ang mga kamay nito na tumakip sa mga mata ko. Tatanggalin ko na sana ito, kaso lang humigpit ang mga kamay niya.

“Hulaan mo!”

Binaba ko ang aking kamay at huminga nang malalim.

Lintek na North Hayes! Sarap kurutin sa singit ng timawa!

“Alisin mo nga ang kamay mo, North! Ang sakit sa mata!” angal ko sa kanya.

Tumawa siya at pabagsak na umupo sa lounge chair kung saan ako nakaupo!

“’Wag ka ngang lumapit sa ’kin. Naaasiwa ako sa inyong mga unggoy kayo!” asik ko sa kanya.

“Nanny, kay Vidal ka lang galit.”

Kinunutan ko siya ng noo.

“Ano ngayon?” pagtataray ko sa kanya.

Pinagkrus ko ang braso sa harap ng bilog at malaki kong dibdib. Eme lang!

“Bakit dinadamay mo ako?” North pouted.

Nanlaki ang mga mata ko at halos kilabutan ako sa kanyang ginawa. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pagsikdo ng damdamin ko.

“H-huh?”

“Hindi ka na sumabay sa amin. I noticed that you’re avoiding Vidal, but we’re not Vidal, okay? Kaya bakit nadadamay kami?”

I huffed an air through my mouth. “Pareho k-kasi kayong mga unggoy.”

“Hindi mo ako madadaan sa ganyan, Cleo Guillermo.”

Bumagsak ang balikat ko.

Paano ko ito sasabihin sa kanya? Ano na lang ang iisipin niya sa ’kin?

Oo nga’t si Vidal ang humalik sa ’kin. Naguguluhan na ako kasi wala lang naman iyon dapat. Pero bakit hindi siya mawala sa isip ko? Bakit hindi ko siya mawaglit sa isip ko?

Sanay akong humarot pero iba na pala kapag ikaw ang hinarot! Ako ang nababaliw ngayon dahil sa halik ni Vidal! Sheyt talaga!

“North… may hinalkan ka na ba?” tanong ko sa kanya. Ang kanyang mga matang seryosong nakatitig sa akin kanina ay iniwas niya.

Napalunok ito at tumikhim nang malakas.

“W-why did you suddenly ask about that?”

“Wala naman.” kibit-balikat ko. “Sabihin mo na. ’Wag magsisinungaling sa ’kin, unggoy ka!”

“W-well, I have kissed someone already.”

“Marami?” intriga kong tanong.

“Hey, nanny!” Alma niya sa akin.

“Gusto ko lang namang malaman!”

Umigting ang panga niya. “Just a couple of women, okay?”

“Ay, hindi mo na mabilang?”

“Hindi ako nagbibilang!” Medyo iritado na siya.

Nalaglag ang panga ko.

“S-sa mga hinalkan mo… hindi mo na ba sila naiisip ngayon?”

Namumula siya at napahilamos sa kanyang mukha gamit ang dalawang palad.

“Bakit ko naman sila iisipin? They’re all in the past! Besides, for fun lang naman ang mga iyon. Others were kissed because we were under the influence of alcohol.”

Deym! So baka fun lang din iyong ginawa ni Vidal? Baka bigla siyang nauhaw sa halik at ako ang nakita niya?

Something within me doesn’t sit right thinking that Vidal just kissed me for fun or because I’m just convenient for him at that time.

’Yan lang, bakla ka. Bini-big deal mo kasi ang bagay-bagay eh!

“Ikaw, North. Kaya mo ba akong halikan na just for fun?” Bago ko pa ma-realize ang mga katagang lumabas sa bibig ko, naisatinig ko na iyon!

Naisampal ko ang cellphone sa bibig ko! Tumahip nang malakas ang puso ko na halos masuka na ako. Si North naman ay nalaglag ang panga at napakurap-kurap ang kanyang mga mata.

Gaga ka ba talaga, Cleo?

Napatuwid ako at deretsong tumayo. Para akong robot na nagma-malfunction dito sa harapan ni North. Umuusok na ang tainga ko rito sa hiya!

“G-goodnight, North! Hehe! Inaantok na talaga ako. Hay!” Isang bwelo kong untag sabay talikod kay North habang nakatulala pa siya.

Binibilisan ko ang hakbang ko dahil ayaw kong makita si North. Ngunit hindi pa man ako nakaabot sa pinto papasok ng mansyon ay may kamay nang humawak sa ’kin.

Napatigil ako at tiningnan ang malaki, maugat, at maputing kamay na pumulupot sa aking palapulsuhan!

“Cleo,” North said huskily, like he dragged that tone down from his throat.

Para akong robot na humarap kay North. My eyebrows shot up shakily at him.

“M-mmm?”

My feet were nailed to the ground when North closed the tiny gap between us. My breath caught in my throat as he held my chin and tilted my head slightly to the back. Shockingly, my body was obediently following his lead without a second thought.

Cleo, umayos kang bakla ka! Hoy! Gumalaw ka, bakla!

I was protesting internally to my body, yet it failed to reach me.

North slowly leaned his face towards me, and my eyes could only widen like I saw a miracle in front of me when I felt his firm, yet comforting lips against mine!


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 27

Chapter 27

Ewan ko kung papaano natapos ang prelim namin. Lutang ako buong linggo pero naitawid ko ang examination namin. Nag-ooverthink na lang ako ngayon kung maipapasa ko ba ang mga exam na kinuha. Pero sana naman.

Wala akes sa sarili na pumasok sa aming classroom. Ngayon ay hindi na naman ako sumabay sa mga unggoy; parang one week na rin na hindi ako sumasabay sa kanila.

Tapos na ang exam pero ang pagdudusa ng kagandahan ko rito sa mundong ibabaw ay hindi pa rin matapos-tapos! Anong klaseng parusa ba ito, mahal kong Emre! Eme!

Pero totoong ngayon ay hindi lang isa, kundi dalawa na ang unggoy na iniiwasan ko. Si Reed Vidal, hindi ko maharap dahil ginagambala ako ng kanyang halik. Na tingin ko… for fun lang yata. At ngayon, litse, pati si North Hayes iniiwasan ko na rin dahil sa nangyaring lintek niyang paghalik sa akin!

Oo, aminado naman akes na ako ang nagtanong sa kanya noon. Pero dapat sumagot lang siya ng oo at hindi! Hindi iyong gagawin niya talaga!

Si Reign at Dawson nga mukhang naiirita na rin dahil kung ituring ko sila ay para silang mga unggoy na may nakakahawang sakit. Akala siguro nila takot akong mahawaan ng pagiging unggoy nila.

Well, cute naman ang mga unggoy eh.

Ngayon, dalawang unggoy na ang tiniris-tiris ko sa aking isipan. Ang dalawang makukulit na unggoy na iyon! I think mas mabuti pa iyong pagtripan nila ako ng kung ano-ano kaysa naman sa ganitong trip. Para akong tatakasan ng bait eh!

“Baks?”

“Hoy, Cleo!”

“Ahh, mga borikat kayo!” sambit ko nang wala sa sarili nang itulak ni Reyna ang aking balikat.

Nagsalubong naman ang mga kilay nila ni Maria sa akin. Natakpan ko ang bibig nang ma-realize ko ang mga katagang binitiwan ng bibig ko.

Nag-peace ako sa mga majubis na beklabu.

“S-sorry, mga bakla! Kayo kasi eh. Ginugulat niyo ako. Kita niyo naman nag-iisip ang tao rito.” Sa huli, sila pa rin ang sinisi ko.

Bakit ba? Desisyon ako eh. Dapat kasi dinahan-dahan nila ako. Sila itong nagka-kape pero ako yata ang nininerbyos eh.

“Ano? Last week pa iyan, bakla!” si Reyna.

“Like yeah~ hindi pa iyan tapos, baks?” Sumabat pa si Maria sa tabi ko.

Wala akong payong kaya nandito ako ngayon sa gitna nilang dalawa. Tinatawid namin ngayon ang malawak na oval ng SNU dahil nasa kabilang building ang next subject namin.

Ito kasing next instructor namin ay ayaw pumunta sa building namin. Kaurat pa kasi nasa 5th floor ang room niya at laging out of order ang elevator! Pasalamat na lang talaga na malakas ang aircon sa room ni Sir.

Dahil kung hindi, ipo-post ko na siya sa page ng SNU. Mapapa-anonymous post ako sa page ng school nang wala sa oras!

“Nadagdagan kasi siya,” problemado kong saad.

I think I’m more stressed about this matter than my own studies. Hindi ko pa nakikita ang mga resulta ng exams ko pero mas inaalala ko itong sitwasyon ko ngayon. Sheyt na life naman ito!

Lord, pwede bang ibalik niyo na ang dating life ko? Iyong masungit lang sila sa akin pero pinagtitripan ako? Mas kaya ko pa yata iyon, Lord eh.

Lord, anak mo rin ako. Grabeng paghihirap na ito, Lord!

Ang lakas mong magreklamo, bakla ka! Eh, may kasalanan ka rin naman. Bakit mo kasi tinanong iyon sa kumag na iyon? Ayan tuloy, ang isang problema mo, dinoble mo! Magdusa ka diyan!

“Anong ibig mong sabihin?” Naintriga si Maria.

Binaba nila ang payong nang makarating kami sa building. Sinilip namin ang elevator kaso may nakapaskil na naman na ‘out of order’! No choice kaya naghagdan kami. Maaga pa naman kaya okay lang na matagalan kami.

“Don’t tell me nagpahalik ka ulit?” ani Reyna.

Nanlaki ang mga mata ni Maria. Sinuri niya ako. Inunahan ko sila ng lakad.

“M-may humalik nga sa akin.”

Hinigit nila ang braso ko at pwersahang hinarap sa kanila. C-in-orner nila ako sa isang sulok ng hagdanan bago kami lumiko paakyat sa third floor.

“Aray ko naman, mga bakla! Kita niyong ang liit ng braso ko. Grabe pa kayo makahila sa akin!” angal ko sa kanila.

“So, hinalkan ka nga ulit?” Hinimas ni Reyna ang braso ko. Ngumuso siya.

Inirapan ko lang siya.

“So, how was the kiss this time? Magaling ba humalik? May dila na?” kinikilig na tanong ni Maria.

May dumaang classmate namin kaya napatitig sila sa amin.

“Dumeretso na kayo! May iniimbestigahan lang kami rito,” pagtataboy nila sa aming classmates.

“W-wala, okay! Walang ganyan at saka…” hinabaan ko ang nguso ko. Lumaylay ang balikat ko.

“Oh, why? Are you okay?” Reyna’s voice softened.“Bakla, were you harassed by this man—”

Umiling ako. “Walang ganyan, mga bakla…” Kinagat ko ang labi at yumuko sa kanila. “K-kasi… please don’t judge me,” putol-putol kong saad.

“Kami pa ba ang huhusga sa iyo? We’re sisters in soul! Uukrayin ka lang namin kung tungkol na naman ito kay Tanner. May gerlalung GF na iyon, baks!”

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Reyna. Pinuno ko muna ng hangin ang dibdib ko bago ko sinalubong ang kanilang mga mata na nananantya sa akin.

“Mga bakla, nasabi ko na naman sa inyo last week ’di ba na may humalik sa akin?” ang simula ko. Tahimik silang tumango at hindi nagsalita. Kaya nagpatuloy ako. “However, may… iba na namang humalik sa akin.”

Napatango-tango silang dalawa. Hindi kaagad sila nakapag-react at mukhang pina-ponder pa ang sinabi ko.

“There are two people who kissed you? And you’re bothered by these men?”

I nodded in agreement with Reyna’s statement.

“Bakla ka, Cleo! Ang ganda mo!” gigil niyang wika saka ako kinurot sa braso!

“Reyna! Seryoso kasi!” naiinis kong saad.

Napabuntonghininga siya. Si Maria naman ay pinagkrus ang braso at itinaas ang mukha sa akin.

“You know what, Cleo? Kung wala kang feelings, hindi ka naman mabo-bother nang ganito,” saad ni Maria.

“A-ano?”

“Baks, look… kami ni Maria, sanay kami sa ganyan. We can even kiss different men in one night. Sanay kami at walang feelings na involved doon. We do casual things that are so strange for you,” pahayag ni Reyna, kinukompas ang kamay na para bang guro siya na nagtuturo ng lesson sa estudyante niya. “You overthink things, Cleo, that’s why you carry the weight of it each night. I noticed that you’re a type of gay that is more conservative than Maria and I am. You’re too serious and you put meaning to things that are only casual to others.”

“S-so, ibig mo bang sabihin… casual lang iyong mga ginawa nila sa akin?”

Parang ganito lang ang sinabi ni North. Na parang for fun lang din. Tapos ako rito, kung saan-saan na umaabot ang utak.

“Baka. We won’t know. Dapat kasi kapag nagpapahalik ka, kausapin mo muna. Make a clear boundary between the two of you!” sabi naman ni Maria.

I get the two of them. For them, it was just normal to kiss someone even if you don’t have feelings for them. Walang kaso iyon kasi sanay silang gawin iyon.

But my situation wasn’t like that. I am overthinking things because I live with them. I live with them and eat with them at one table. Mga alaga ko lang sila.

Maliban sa iniisip ko ang rason nila kung bakit nila ako hinalikan, pinoproblema ko rin ang katotohanang magpinsan iyong mga humalik sa akin!

What if they find out about it? Ano na lang ang iisipin nila sa akin? Na nilandi ko sila? For what? Or worse, baka itulad nila ako sa mga dumaang mga kasambahay ng mansyon na pumasok lang sa trabaho para landiin sila!

Kagaya nina Reyna at Maria, kapag consensual naman ang halik, okay lang sa akin. Okay lang sa akin kung sino ang hahalikan ko. Ang kaso lang kasi sa sitwasyon ko ay magpinsan sila at parehong alaga ko!

Malilintikan ako nito kay Lola Leticia kapag nagkataon! Goodbye world tour! Goodbye SNU ako kapag nalaman ito ni Lola!

After ng klase namin, inaya ako ng mga bakla na manood ng basketball training sa gym. At dahil ayaw ko pa namang umuwi sa mansyon, sumama ako sa kanila. Gulat na gulat sila dahil first time ko itong sumama sa kanila.

“Huwag mo na iyong isipin. Naninibago ka lang siguro!” Niyakap ako ni Reyna. Ang beklabu na ito!

“Yeah, masasanay ka rin, baks,” kindat ni Maria sa akin.

Lumabi ako nang uminit ang mga mata ko. Oh my ged! Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kung wala akong mga kaibigan na ganito!

Lord, salamat sa mabubuting friends! Hindi man ako biniyayaan ng kompletong pamilya, may lola naman ako na mahal na mahal ako. May mga kaibigan naman ako ngayon na mapagkakatiwalaan ako.

Hindi lang ako clown sa amin. Hindi na kagaya noon na kaibigan lang ako kapag kailangan nila. Ngayon may mga kaibigan na ako na mapagsasabihan ko ng mga worries ko. May mga kaibigan na ako na nakikinig sa drama ko sa buhay.

Ang sarap pala magkaroon ng mga kaibigan na ganito. Kaibigan sa walang pinipiling sitwasyon ng buhay mo. Kaibigan sa saya at kalungkutan sa buhay!

“Alvarez De Toledo, focus! Ano ba ang nangyayari sa iyo!” Ang sigaw ng basketball coach ng varsity ang unang bumungad sa amin pagkapasok namin. Dumeretso kami sa taas na bahagi ng gym kaya naman natanaw namin ang korte.

May tumapik sa balikat ni North. Parang may binulong siya kay North at tumango lang ito. May puting headband si North sa ulo at kahit nandito kami sa taas, kita ko ang basa niyang katawan dahil sa pawis. Basa na ang jersey niya na kulay blue. Iyan ang kulay ng school namin. Sa aming P.E. na t-shirt at short pants ay pinaghalo ang powder blue at cream.

“Sorry, coach.”

“Ten minutes water break!” singhal ng coach nila.

Sheyt! Oo nga pala, bakit ko ba nakalimutan na kasali pala sa basketball team ng SNU itong si North? Iniiwasan ko siya pero nandito ako, nanonood!

Gaga ka talaga, Cleo!

Umiinom si North sa kanyang Aqua Flask nang magkatinginan kaming dalawa. Mabilis niyang naibaba ang Aqua Flask niya.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumayo. “Maria, Reyna, mauuna na pala ako. Hindi pa kasi ako tapos sa activity natin sa FIL 1!”

“Oh, nandito pa si North. Sino ang sasakyan mo pauwi?” tanong ni Maria.

“Ah, magco-commute ako. Sige na, babosh na. Mag-ingat kayo, okay?”

“O-okay!”

“You take care, Cleo!”

Kinaway ko na lang ang kamay sa kanila at tinakbo ang pinto pababa. Mabilis ang lakad ko palabas ng gym ngunit may kamay na humuli sa akin.

“North!” sambit ko nang hilahin niya ako tungo sa likod ng malaking pinto ng gym.

“You’re here to…”

“Ops! Weririt! Sumama lang ako kina Reyna. P-pero naalala ko na may brochure pa akong gagawin. Kaya uuwi na ako.”

Habang nagsasalita ako, nakita ko naman si North na nakatitig sa mga labi ko. Kaagad kong tinakpan ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko.

Ngumuso ako sa likod ng bibig na may takip.

“I didn’t drag you here to steal another kiss. Ang sakit mong tumuhod.” He chuckled a little. Nag-init ang mukha ko. Si Vidal nasampal ko after niya akong halikan at si North naman natuhod ko nang wala sa sarili.

Naibaba ko ang kamay ko.

“Iniiwasan mo na rin ako. Pero gusto kong magkausap tayo, Cleo. The kiss, I actually like—”

“Ops, para! Huwag muna ngayon, North. Please?”

Huminga siya ng malalim. “Okay. But just so you know, Cleo… I kissed you of my own will. And not because it’s for the fun.”

I can’t help but stare at his heterochromatic eyes. As I looked at those hazel and green irises, it feels like I am lost in my own thoughts.

Is this how they get women to swoon over them? They just stare at them with this kind of look, a look that feels like they are commanding and hypnotizing someone.

I was in deep thoughts the next day when Reyna and Maria interrupted me, calling me back to the present.

“Ano ba iyan!?” iritado kong sambit nang pingutin ni Reyna ang tainga ko. Si Maria naman ay nilapit ang mukha sa mukha ko. Akala ko tuloy isang dugong! Eme!

“Anong ano ka riyan?! Ang travel brochure pinapapasa na! Ang gaga, kung saan-saan na naman ang utak!” palatak ni Reyna.

Napatakip ako sa bibig ko. Oo nga pala. Ang brochure na ginawa ko noong nakaraang gabi. Hindi ko pa siya na-print!

“Hindi mo pa nagawa, baks?” tanong ni Maria.

“Hindi. Nagawa ko na. Kaso hindi ko na-print. Nandito sa cellphone ko! Nakalimutan ko siyang ipa-print kaninang umaga sa labas!”

Nakamot ni Reyna ang batok.

“Halika ka. Ipapa-print natin iyan. Ngayon ang pasahan, baks!”

“Nakalimutan ko!” saad ko. “Wait, ako na lang ang lalabas. Diyan lang ako sa tapat ng gate magpapa-print. Shuta naman nito!”

Nag-excuse na ako sa aming instructor at tumakbo palabas ng room. Kapag minor subject talaga, sila pa ang may ganang umasta na parang major.

Tumawid ako sa daan at nang makarating ako sa printing shop ay mahaba naman ang pila.

“E-excuse me. P-pwedeng sumingit, please? Apat na page lang—”

“Hmp! Kanina pa kami rito. Pumila ka,” masungit na putol ng babae sa akin.

Umalis ako roon at naghanap ng ibang printing shop! Actually, may printer naman ang mga unggoy sa bahay. Ma-pride lang ako at hindi sila kinakausap. Iniisip ko rin kasi na may printing shops naman dito sa labas ng school. Kaso nakalimutan kong magpa-print kanina!

Kaurat naman ito!

Napairap ako nang may makita akong mga estudyante ng SNU na nagyoyosi. Hanggang sa umabot na ako sa part ng eskinita na tahimik.

Naglalakad tungo sa isang computer shop kung saan nagpi-print din sila nang may maramdaman akong sumusunod sa akin. Sa daang iyon ay wala masyadong tao na dumadaan at kadalasan dito nagtatago ang mga estudyanteng nagyoyosi.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. Namuo ang malalamig na pawis sa noo at palad ko. Kapag binibilisan ko ang lakad ko, bumibilis din sila.

Nang tatakbo na ako, may humila naman sa kuwelyo ng uniform ko. At saka ako pwersahang inikot!

“Hmmm!” sigaw ko ngunit may palad na tumakip sa bibig ko!

Sumipa nang malakas ang puso ko nang makita ko ang mga lalaking sumugod sa akin. Ito ang mga lalaking nakita ko kanina na nagyoyosi. Estudyante sila ah!

Nagpupumiglas ako mula sa kamay ng dalawang lalaki. Ang isang lalaki naman ay may tiningnan sa cellphone niya.

“Ano? Ito na ba iyong pinapahanap ni boss Paxon?”

Paxon? Ang hayop na ’yon na naman?

Tumango-tango ang lalaking may hawak na cell. “Mmm! Dalhin na iyan sa kotse.”

Nangatog ang mga binti ko! Pero nang maramdaman ko ang pagluwag ng kamay na nakatakip sa bibig ko, kinagat ko nang mariin ang kamay nito kaya napatili ang lalaki.

“Tulong! Saklolo—” Napatingin ako sa lalaking naglalakad papasok dito sa makitid na eskinita. Sinisindihan nito ang yosi niya!

“Reign! Reign, tulong— ahh!”

Nalaglag ang yosi sa bibig ni Reign nang makita ako. Tinapon niya ang lighter na dala at kaagad sumugod sa tatlong lalaki na sumubok kidnapin ako!

“Fuck! Alvarez De Toledo na naman!”

Sinugod ng dalawang lalaki si Reign pero inunahan niya ito ng flying kick sa dibdib at ang isa naman ay malakas niyang siniko sa mukha! Akmang tatayo na ang isang lalaki na natumba sa flying kick ni Reign nang tadyakan ito ni Reign at inikot ang kamay. Napasigaw ito nang malakas nang mabali ang kamay.

Ang isang lalaki na siyang may hawak sa akin ay pilit akong hinihila palayo kina Reign. Ngunit bago pa kami makalabas doon, naabutan kami ni Reign.

Reign snatched me away from him and pummeled the guy’s face until he could no longer stand. Pero hindi siya nakontento roon. Lumuhod siya at ginulpi pa ang lalaki.

Nanghihina nang husto ang mga binti ko sa pangangatog; bumigay ang katawan ko at sumalampak sa semento.

“T-tama na. Tama na, Reign!” awat ko kay Reign dahil para na siyang nawala sa katinuan. Tumatalsik na ang dugo sa bawat suntok niya sa mukha noong lalaki!

Niyakap ko ang katawan niya. Hinihingal ito.

Tiim-bagang siyang tumingin sa akin. Akmang hahawakan niya ako kaso may dugo ang kamay niya. Hinubad niya ang polo at pinunas sa pisngi ko. Umiiyak pala ako. Sa sobrang takot ko, hindi ko alam na umiiyak pala ako. Ngayon ko lang iyon napagtanto.

“Sshh!” aniya.

“R-Reign!” Umiyak ako nang malakas.

Reign tugged me close to him before he kissed my forehead and brought me into his arms. I clutched the fabric of his white sleeves. My cries were muffled as he pressed my face into his chest. The violent pounding of his chest crashed against my face.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 28

Chapter 28

“You’re calm now?” mahinahong tanong ni Reign sa akin.

Kahit na nanginginig pa ang katawan ko, tumango ako sa kanya. Nagbaba ako ng tingin sa kamay ko na nakahawak sa kanyang braso. Tumingin ako sa braso niya; kanina ay nagpalit siya ng damit kaya kitang-kita ang kanyang bare arms. Namumutla ito lalo dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kanya!

Sa ilang buwan na nakasama ko sila, tingin ko lahat na lang talaga ng pwedeng ma-experience ng isang tao ay nangyari na sa akin. Nagkagusto na ako nang reyal sa isang lalaki, nagka-heartbreak kahit na wala naman kaming label noon (ang malala, ako lang ang nag-iilusyon sa lahat), na-kidnap ako, at may humalik na sa akin!

Sheyt! This is not the life that I signed up for, Lord! Maawa naman kayo sa katawang lupa ko rito sa Earth. Hindi na ito keri ng maganda at nakakaakit kong katawan! Eme!

Nauna kaming umuwi ni Reign. Dinala niya ang kotse at hindi ko alam kung may masasakyan pa ba ang mga unggoy niyang pinsan na nasa school. Ang activity na kailangan kong ipasa ay nawala na rin sa utak ko.

Unti-unti kong binitiwan ang braso ni Reign at pinagsiklop ang mga kamay ko. Ewan ko ba sa kanya kung bakit hindi niya ako iniiwan. Nandito na naman kami sa bahay. Safe na ako rito.

“Reign, kailangan kong bumalik ng school. Nandoon pa ang bag ko at may kailangan akong ipasa na activity!” Sabi ko sa kanya.

Umiling siya. “Ako na ang magdadala ng kailangan mong ipasa. Where is it?”

Tumaas ang kilay ko sa kanya pero kalaunan ay napabuga na lang ako ng hangin sa bibig ko.

“Ipapa-print pa.” Sabi ko.

“Ako na. Just stay here. Babalik din ako sa school dahil nandoon pa sila Daws.” Anito.

“Ang bag ko?”

“Dadalhin ko. Just text or call your friends and tell them that you’re already home. They might worry about you.”

Tumango ako kay Reign. “Thank you, Reign.”

Nabubwisit ako sa mga timawang ito, pero kapag kailangan ko ng tulong o ’di kaya’y nanganganib ang buhay ko, lagi talagang may dumarating na isa sa kanila. Nagkataon man ang mga bagay na iyon o hindi, nagpapasalamat pa rin ako.

Kumalma na ang sistema ko nang umalis sa silid ko si Reign. Babalik na rin siya sa school.

Ako: Mga bakla, umuwi pala ako ng mansion. Sumama kasi ang tiyan ko. ’Di ako makatae sa banyo ng SNU! 😿

Send ko ng message sa aming GC, ang HUKPANGHAL.

Ayaw kong mag-alala sila sa akin kaya mas pinili kong hindi na lang sabihin ang nangyari kanina. Isa pa, parang kailan lang din noong kinidnap ako ni Tanner. Sa sobrang lapitin ko sa disgrasya, tingin ko itong buhay ko ay nasa isang survival show!

Maria: Bakla? Are you for real?

Reyna: Nanggu-good time ka ba, baks? What about your activity? Ang brochure mo?

Ako: Dadalhin ni Reign diyan. Kayo na lang mag-abot kay Ma’am. Saka ibigay niyo na lang din ang bag ko kay Reign, mga bakla!😿

Reyna: Okie! Okie! Pero paano ka nakauwi? Grab?

Ako: Nag-taxi ako. Sige na, magpapahinga muna akes.

Maria: Get well soon, bakla.

Ako: Salamat, mga bakla.😽

Pagkatapos kong makipag-chat sa kanila, pumunta ako sa banyo upang maglinis ng katawan at magbihis. Nang mahubad ko na ang uniform ko, doon ko lang napansin na nagka-black and blue spot ang mga braso ko.

Sa sobrang takot at pagpapanic ko kanina, hindi ko naramdaman ang higpit ng pagkakahawak ng lalaki sa akin. Ngayong kumalma na ako, doon ko lang din naramdaman ang pagod at pananakit ng katawan ko.

Habang pinupunasan ko ang katawan ko, inalala ko ang sinabi ng lalaki kanina. Ako raw ang hinahanap ni Paxon, iyong lalaking naging kalaban ni Reign dati sa street racing. Ang hinayupak na iyon!

Ano ang kailangan ng hinayupak na iyon sa akin? Bakit niya ako hinahanap? Hindi ba siya maka-move on na natalo siya ni Reign? Don’t tell me na tulad din siya roon kay Synx na may saltik sa tuktok? Na gagawin akong paing?

Mga litseng otoko! Minsan ko mang hiniling kay Lord na sana may lalaking maghabol sa akin, pero hindi ganitong klase ng habol, Lord! Ibang paghahabol ang tinutukoy ko!

Deym! Dapat talaga naging specific ako sa hinihiling ko kay Lord!

“Ahh!” daing ko nang subukan kong pindutin ang pasa sa braso ko. Legit na pasa nga!

“Jusko! Napano iyang braso mo, Cleo?” binusisi ni Ate Marli ang braso ko nang makita niya ang pasa.

Iwinasiwas ko ang kamay ko. “Wala ito, Ate! Nabangga lang ako sa… sa dingding.”

Hilaw akong ngumiti.

“Naku, lagyan mo ’yan ng compress. Kukuha ako ng ice,” natatarantang sabi ni Ate Marli.

Oh my ged! Nag-aalala ba si Ate Marli sa maganda kong balat? Oo nga naman. Nadungisan ang maputi kong balat, maputi pero parang galisgis ng isda kapag hindi nakapag-lotion! Shuta!

“Ano? Anong nangyari sa ’yo? Napano ’to?” alalang sinuri ni Ate Jodel ang braso ko. Mukhang nakichismis siya kay Ate Marli kaya napatakbo sa akin. Tiningnan niya ang dalawang braso ko na may pasa.

“Malayo sa bituka, Ate Jodel! ’Nu ka ba!” biro ko. Sama ng tingin ang binalik niya sa ’kin.

“Naku, ikaw na bata ka. Mag-iingat ka naman! Pansin ko ngang may pagkatanga ka, pero mag-iingat ka naman!” Nakakunot noong wika ni Ate Jodel pero may concern doon sa tono ng pananalita niya.

Ay, sumusobra na itong si Ate Jodel, ah! Sarap kurutin sa singit! Emerut!

“Ate naman!” reklamo ko sa kanya.

Sumingit naman si Ate Marli dala ang isang bowl ng ice cubes. Nilagyan niya ng ice cubes ang compress at saka ibinigay sa akin.

“Salamat, Ate Marli.”

“Cleo, para ka na naming nakababatang kapatid ni Jodel dito. Kaya natural na mag-alala kami sa ’yo.”

“Oo nga, Cleo. Sige na. Kami na lang muna ang magluluto ngayon. Asikasuhin mo muna iyang braso mo,” dagdag ni Ate Jodel.

“Mga Ate, nagkapasa lang naman ako. Hindi ako naputulan ng kamay at paa. Kaya ko naman pong tumulong.”

“Hindi na!”

“Pumirmi ka, Cleo!”

Ngumuso na lang ako sa kanilang dalawa sabay sabing, “Opo!”

Dalawang compress ang gamit ko para sa mga pasa ko. Tiningnan ko sina Ate Jodel at Marli na naghahanda ng hapunan. Dinalhan pa ako ni Ate Jodel ng cookies na ginawa niya at juice.

Lumabi ako. Sa kabila ng mga kamalasang nangyayari sa buhay ko ngayon, there are really things that remind me to be thankful— kahit sa mga maliliit na bagay na parang hindi ko napapansin o nakakaligtaang pasalamatan araw-araw.

Kagaya na lamang ng pag-aaruga nina Ate Jodel at Marli sa akin. Dito lang kami nagkakilala sa mansion ni Lola Leticia pero para na nila akong kapatid kung ituring. Their little gestures really warm my heart.

Aside sa mga beklabu kong friends, nagpapasalamat ako na nakilala ko sila. Nagpapasalamat ako na sila ang naging kasama ko rito sa bahay. Kasi kahit na nahihirapan na ako at nalilito sa mga nangyayari, nandito sila para gumaan ang pakiramdam ko.

Ang saya ko na ngayon… may matatawag na talaga akong mga tunay na kaibigan. Mga kaibigan na hindi ka lang sasamahan sa kasiyahan, kundi sasamahan ka sa lahat!

Habang nagluluto sila, nakikipagkwentuhan ako sa kanila. Kinumusta nila ang pag-aaral ko. At dahil doon, muli akong dinalaw ng kaba dahil hindi ko pa alam ang mga grades ko.

Okay lang tres, basta hindi INC! Eme! Lord, ’wag naman po sana tres at INC. Sana po gabayan ninyo ang mga professor at instructors namin sa paggawa ng grades!

Flat one sana, Lord! Hehe! Nagmamalabis na ang bakla!

Kahit na ayaw akong patulungin nina Ate Marli at Jodel, tumulong pa rin ako, nag-insist na ako sa pag-aayos ng mesa. Malapit nang mag-alas singko kaya alam kong paparating na ang mga iyon. Kung wala silang practice sa kani-kanilang sports, pauwi na ang mga unggoy.

Sumabay ako kina Ate Jodel kumain. Simula kasi noong iniwasan ko si Vidal, kina Ate Marli at Jodel na ako sumasabay sa hapunan.

“Ako na lang ang maghihintay sa mga unggoy na ’yon, Ate. Magpahinga na po kayo!” ani ko matapos naming kumain.

“Sige. Pero iwan mo na lang ang pinagkainan nila. Kami na ang magliligpit, Cleo.”

Umiling ako kay Ate Jodel. “Hindi na, Ate. Kaya ko na po. Hindi na naman kumikirot itong braso ko.”

“Hay, o siya sige kung iyan ang gusto mo. Sa kwarto na kami, ha!”

Tinanguan ko silang dalawa. Habang hinihintay ko sa kusina ang apat na unggoy, naisipan ko munang mag-scroll sa aking social media accounts.

Wala nang masyadong ganap ang social media ko dahil sa mga happenings sa buhay ko. Hindi rin kami nakarampa ng mga beklabu lately. Puro na lang shared posts. Miss ko nang rumampa at umawra. Sana makagala naman kami.

Nagte-tempt na akong mag-text sa mga unggoy dahil dumidilim na at wala pa rin sila. Saang gubat na ba sila gumala?

Ilang sandali lang ay may narinig na akong andar ng sasakyan sa labas. Agad akong tumayo at iniwan ang cellphone sa countertop para puntahan sila. Bubungangaan ko lang dahil pinag-alala ako. Ang tagal nilang umuwi, mga litse!

Malalaki ang hakbang ko upang salubungin sila, ngunit hindi pa man ako nakakaabot sa pinto ay may narinig na akong mga sigaw. Napatigil ako.

“Damn you, Reign! It’s all because of you!” Vidal’s voice echoed.

“Vidal, shut the fuck up!” North butted in.

“No! Why would I, North? Muntik na namang ma-kidnap si Cleo because of him!” Vidal thundered.

“Goddammit, Vidal! Ang kitid naman ng utak mo! It’s not Reign’s fault, okay?! Those are Paxon’s men,” North hollered back.

“Damn! North, kung hindi dahil kay Reign, hindi makikilala ni Paxon si Cleo! Ngayon, doble na ang bantay natin sa kanya dahil dito!” ani Vidal.

“’Yan lang ba talaga ang concern mo, Vidal?” Dawson meddled.

“What? What are you trying to say, Daws?” Vidal barked.

“Oh, come on, Vidal. You know what I’m talking about!” Daws said in a mocking tone.

I heard someone groan.

“Right! ’Di ba, iniiwasan ka ni Cleo? What the hell did you do? Why is he avoiding you, huh!” Reign taunted Vidal.

Inis kong binuksan ang pinto at doon tumambad si Vidal na kinukwelyuhan si Reign. Si North ay masama ang tingin kay Vidal, habang si Dawson naman ay nakatiim-bagang na nakatingin sa dalawa.

Nanlalaki ang mata ko at agad kong inawat sina Vidal at Reign. Hinawakan ko ang braso ni Reign at nilayo siya kay Vidal.

“Anong nangyari dito? Bakit nagsisigawan kayo?!” singhal ko sa mga unggoy.

Si North ang mabilis na nag-iwas ng tingin sa akin. Si Vidal naman ay napakagat-labi habang nanlilisik ang mga mata kay Reign. Nang tingnan ko si Dawson, malamig na tingin lang ang ibinigay niya sa akin.

“Walang sasagot sa inyo? Ano?!” singhal ko, muntik pang pumiyok.

“N-nanny…” nauutal na sabi ni North.

“Sagot!” I exclaimed.

Nagtagis ang bagang ni Vidal. “Nalaman namin na… na muntik ka nang madugot ng mga tauhan ni Paxon, Cleo. Nag-worry lang kami!”

“Oo, alam niyo na pala. Pero bakit naririnig ko ang boses mo mula sa loob, Vidal, na sinisigawan si Reign? Siya ang nagligtas sa akin mula roon sa mga hinayupak na gusto akong dukutin!” inis kong saad.

“Cleo, calm down,” sabi ni Reign sa tabi ko.

“Pero kung hindi dahil kay Reign, hindi ka makikilala ni Paxon, Cleo! Your life wouldn’t be in danger if Paxon didn’t know you!” Nanigas ang mukha ni Vidal.

“Vidal, tumakas ako sa mansion ng gabing iyon upang sumama sa mga kaibigan ko na manood ng street racing. Hindi ko naman alam na nandoon si Reign. At siguro nagulat lang siya nang makita ako kaya nilapitan niya ako. Hindi rin naman ginusto ni Reign na makita kaming dalawa ni Paxon doon. Ang litse na ’yon lang ang may sira sa ulo! Ano bang habol niya sa akin? Natalo na siya ni Reign sa racing!”

“That bastard might want to get back at Reign through you, nanny,” mahinang sabat ni North.

“Ano?” asik ko kay North at napanguso siya, parang asong nabahag ang buntot.

“What North means is, baka gustong gumanti ni Paxon through you, Guillermo. Maybe Reign showed a little concern for you at that moment and that tickled the interest of Paxon. And now, he wants to use you to get even with Reign,” wika ni Daws habang nananatiling blanko ang ekspresyon.

Shuta! Gagamitin pa akes ng Paxon na ’yon? Gaga ba siya?

Ngayon, hindi na lang ako mag-iingat laban kay Synx kundi pati na rin dito kay Paxon? Dahil sa paglalapit ko sa mga Alvarez De Toledo na ito, nagiging lapitin na rin ako sa disgrasya.

Inaakala ng mga hayop na iyon na may kung anong espesyal sa amin ng mga ADT, kaya gusto nila akong gamitin! Mga boba rin sila eh!

Paano ba ako hindi magiging malapit sa mga unggoy na ’to? Alaga ko sila. Sasabay ako sa kanila sa school kasi gusto kong makatipid. Kahit pa hindi ko sila nakikita sa school dahil magkaiba kami ng building, nagkakasama pa rin kami pauwi.

Itutuloy ko na lang ba itong pag-commute ko forever? Dehins na lang ako sasabay sa kanila? For my safety na rin ito at para malayo sila sa kapahamakan! Ako pa ang malalintikan sa mga magulang nito kapag nalamang nabubugbog ang mga anak nila dahil sa akin!

Napahilamos ako sa aking mukha. Tinanaw ko ang malinaw na pool. Nakikita ko ang bilog na repleksyon ng buwan sa tubig. Kapag gulong-gulo ang isip ko, dito talaga ang takbuhan ko.

Gabing-gabi na at ayaw ko namang istorbuhin ang GC namin ng mga beklabu.

Naputol ang pagkakatulala ko nang may humarang na baso sa line of vision ko. Napakurap-kurap ako bago tiningnan kung sino iyon. Si Reign pala.

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Nakapantulog na siya— plaid PJs at itim na sleeveless kaya kitang-kita ang malapad niyang balikat.

“Tanggapin mo na,” aniya bago umupo sa tabi ko.

Umayos ako ng upo at kinuha ang baso ng gatas mula sa kanya. “Akin ’to?”

“Hmm,” tugon niya bago pinagkrus ang mga hita. Tumungga siya sa bote ng beer na dala niya.

“Salamat!” usal ko bago uminom ng gatas. Napangiti ako nang dumaloy ang tamang init nito sa lalamunan ko.

Huminga siya nang malalim. “I’m sorry, Cleo.”

Muntik nang mahulog ang baso sa kamay ko dahil hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Bilog ang mga mata kong bumaling sa kanya.

Reign ran his tongue over his lips, wetting them. “It’s about earlier. My cousins and I had a little argument.”

Ngumiti ako sa kanya. “Normal lang siguro iyon, Reign. Kahit gaano kayo kalapit sa isa’t isa, hindi talaga maiiwasan ang maliit na pagtatalo. Sa gano’n… mas natitibay ang pagsasamahan ninyong mga ungoy.”

He laughed. “I guess.”

“Oo nga pala, iyong mga binugbog mo kanina… hindi ka ba mapapatawag sa school?”

Ibinaba niya ang beer sa sahig; mukhang ubos na niya iyon. Nagpahid siya sa gilid ng bibig gamit ang likod ng kamay at pinukol ako ng tingin. Napasipsip ako sa gatas habang nakatingin sa kanyang mga mata.

“Hindi iyon mga estudyante sa SNU, Cleo. Mga tauhan iyon ni Paxon.”

“Huh?”

“Hindi ko alam kung saan sila kumuha ng uniform pero sigurado akong hindi sila nag-aaral doon. Don’t think about them, okay?”

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kasi madudungisan na ang good records niya sa eskwela.

“Um…” usal ko nang ilapit ni Reign ang katawan niya sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata nang dumukwang siya at pinunasan ang labi ko.

“R-Reign…”

“May gatas lang sa labi mo,” wika niya.

Pinupunasan niya ang labi ko pero ang mga mata niya ay nakapokus din doon— doon sa labi ko.

Napalunok ako nang maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

“Cleo.”

“H-huh?”

“Can I lick it?” he gulped.

“U-um… umm” Bago pa ako makapagsalita, naramdaman ko na ang mga labi ni Reign sa akin. He licked the bottom of my lips and then continued to the top.

I froze in my position, my hand tightening around the glass as Reign continued kissing me. It was as if he was cleaning the milk off my lips.

“Reign!” I snapped, finally pushing him away.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 29

Chapter 29

After all the things that happened, I think I need to talk to someone, someone who knows me well and who I know won’t say a thing about my situation. At least, that’s what I thought. Gusto ko rin namang maglabas ng sama ng loob at mga hinanaing sa mga friends ko. Kaso lang, lately kasi ang dami ring drama na nangyari sa buhay ng baklang ’to. Ayaw ko munang isturbuhin ang mga beklabu na ’yon for now sa mga hinanaing ko!

Urgh! Ang daming ganap sa buhay ko ngayon, Lord! Sa iba Mo na ibigay itong iba!

Lumabi ako nang marinig ko ang paghinga ni Lola Kora sa kabilang linya. Grabe, halos tatlong buwan ko na rin hindi nakikita si Lola!

Next week is semestral break namin, isang linggo rin iyon kaya gusto ko munang umuwi sa probinsya. After nitong call namin ni Lola Kora, I planned to call Lola Leticia para makapagpaalam sa kanya na uuwi muna ako sa amin.

I think kapag nagtagal pa ang katawang lupa ko rito sa mansyon, tuluyan na akong mawawalan ng bait. Masasayang lang itong maganda at sexy kong katawan ’pag nagkataon! Eme!

“Namiss kita, apo! Iba pa rin talaga kapag kausap ka sa telepono.”

Napalabi akes nang marinig ang malungkot na boses ni Lola. Habang nakikinig ako sa boses ni Lola ngayon, biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari sa buhay ko kamakailan. Ilang beses nanganib ang buhay ko rito. Ni hindi ko naisip kung ano kaya ang mangyayari kay Lola kapag nagkataong natuluyan ako sa mga adventure ng buhay ko rito.

“Miss na miss na rin kita, Lola!” Tumulis ang nguso ko at tinakpan ko ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadyang umagos.

“Hay, ayaw mo na ba d’yan?”

“H-hindi naman, Lola! Namiss lang po talaga kita,” nagka-crack na ang boses ko dahil sa pagpipigil na huwag umalulong.

“Maayos ka lang ba d’yan? Bakit naman ganyan ang boses mo, apo? Gusto mo ba ako na lang ang dumalaw d’yan sa bahay ni Leticia?”

Umiling ako na para bang nasa harap ko si Lola Kora. Hinarang ko ang puno ng kamay ko sa aking mga mata. Ang drama ko lately, ha! Daig pa ang nakalaklak ng hormone o juntis na gerlalu sa sobrang drama!

Tinakpan ko ang speaker ng cellphone at saka huminga nang malalim. Tumikhim ako upang klaruhin ang lalamunan ko na parang may bumabarang kung ano.

“Hindi na, L-lola… malapit na rin naman po ang sembreak namin. Plano ko pong umuwi. Magpapaalam lang po ako kay Lola Leticia.”

“Mmm, mmm! Mabuti kung gano’n. L-lilinisan ko itong silid mo, apo!”

“Ako na lang, Lola. ’Wag na po kayong mag-abala d’yan, ’La. Ako na ang maglilinis d’yan pagkauwi ko!”

“Malakas pa ang buto ko, Cleo. Kaya ko pang maglinis!”

Nang matapos ang tawagan namin ni Lola, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Nakatihaya lang ako rito sa kama ko at atat na atat nang makauwi sa probinsya namin, sa San Francisco.

Namiss ko ang maputing buhangin at ang malinaw na dagat doon. Though hindi naman talaga malapit ang bahay namin sa dagat, puwede lang siyang lakarin mula sa amin.

Ang katuwa sa amin ay hindi private iyong dagat; public beach lang iyon pero maraming tao since pino ang buhangin at may palm trees na puwedeng silungan. Kahit na public beach siya, naalagaan pa rin ito ng mga tao at ng munisipalidad.

“Hello, apo! Napatawag ka. Is there any problem in the house?” sagot ni Lola Leticia sa tawag ko.

Inayos ko ang desk ko. Kakatapos ko lang gumawa ng assignment sa TCH 1 at naisipan kong tawagan na si Lola Leticia upang makapagpaalam na uuwi ako sa probinsya sa susunod na linggo.

“A-ah, wala naman, Lola. Hehe!”

“Mmm, akala ko may ginawa na naman ang mga apo ko sa’yo!” playful na saad ni Lola.

Lola Leticia, sana nga po may mga kalokohan na lang silang ginawa sa ’kin. Kasi ayoko sa mga ginawa nila sa ’kin lately. Mas pipiliin ko pang buhusan nila ako ng harina, magbaril-barilan ng pintura, at i-prank ako ng kung ano-ano kaysa magseryoso ang mga apo ninyo! Doon ako kinikilabutan, eh!

Amgsgskrshk! Shuta kasi, dahil sinimulan ito ni Vidal! Lintek na bakasyon iyon, may sumpa yata ang rest house nilang iyon! Simula no’n, parang sunod-sunod na yatang may humalik sa ’kin at ayokong umabot sa punto na pati si Daws ay mahalikan ko na. So before it happens, lalayo muna ang beklabu na ’to rito!

“Ha-ha! Wala naman po, Lola. M-mababait na po ang mga apo ninyo sa ’kin!”

“Oh! That’s so nice to hear, Cleo. Uuwi rin ako d’yan soon, maybe in December.”

Napatango-tango ako.

“Ah, Lola, n-napatawag po pala ako kasi… kasi po magpapaalam po sana ako.”

“Why? Magpapaalam? Are you planning to leave my house, apo?”

Doon ako mabilis na umiling kahit wala naman sa harapan ko si Lola Leticia. Nakagawian ko na lang siguro ito.

“Hindi, Lola. Ano kasi po… namiss ko lang po ang probinsya namin. Ilang buwan na rin po kasi ako rito sa mansyon ninyo. At saka si Lola Kora din po, namimiss ko na po siya,” pahayag ko.

“Ah, gano’n pala. Sige, apo. Walang problema sa ’kin. If gusto ng mga apo ko, isama mo sila sa probinsya—”

“Wag!” agaran kong pagputol kay Lola Leticia.

“Apo?”

“Ay, ang ibig ko lang pong sabihin, Lola, ay ’wag na po since maliit lang ang bahay namin sa probinsya. ’Tapos wala pa pong aircon doon at maayos na higaan!”

“So, mag-isa kang uuwi?” ani Lola.

“Opo, kung papayagan ninyo!”

“Of course naman, apo! Mag-iingat ka sa biyahe mo. Also, maghuhulog ako ng money sa bank account mo, okay?”

“Salamat, Lola Leticia!”

“Walang anuman, apo! Enjoy your vacation, okay? And please send my regards to your Lola. I miss that freak!”

Napakislot naman ako sa huling sinabi ni Lola Leticia! Siguro nga masasabi mo talagang true friend ang isang tao kapag nag-uukrayan na kayo at hindi nasasaktan sa mga salitang lumalabas sa bibig!

Nang magkita-kita kaming mga beklabu, sinabi ko sa kanila ang plano ko. May plano akong imbitahin sila sa aming probinsya kaso lang may mga plano na rin pala sila sa bakasyon! Inimbita nga rin nila ako sa out-of-the-country nilang rampa ngunit gusto ko talagang umuwi ng probinsya.

“Sige, next time sama ka na sa amin, ha! Sa Japan lang naman tayo at Hong Kong,” saysay ni Reyna matapos kong sabihin ang plano ko.

“Ako sa probinsya ko lang kayo maiimbita, mga bakla.” Nguso ko.

“It’s fine! Sa December kapag walang plan ang family namin, punta tayo sa inyo!”

Tinanguan ni Maria si Reyna. “Yeah, at iimbitahin natin ang mga Alvarez De Toledo at si Uno! OMG! I miss Uno so much na!” maarteng wika ni Maria.

“Gaga!” Binatukan ito ni Reyna. “Akin na si Uno! Mutuals na kami sa FB at IG ko!”

At dahil doon, nagtalo na ang dalawa dahil kay Uno! Ang bwisit na kulot na ’yon! Ang lalaki ng katawan ng mga beklabu na ’to pero ang ADT at si Uno lang ang kahinaan nila.

Should I say na si Uno lang at hindi kasama ang mga ADT? Para kasing… ayaw ko?

Nghavgsjshk! Ewan ko na sa’yo, Cleo! Gaga ka rin, bakla!

“What, you traitor! Friends na rin kaya kami sa FB at IG! Nagmi-message na nga kami sa isa’t isa, eh!” Maria jabbed at Reyna.

“Bitch! Bakit hindi mo sinasabi sa ’kin? Nilalandi ko na si Uno!” Reyna fought back.

“What!” Maria stressed.

“Hmp!” Sabay pa silang irap sa isa’t isa.

My eyes went back and forth sa mga beklabung nagtatalo kay Uno. Mga malalanding bakla!

“T-teka nga! Akala ko ba ang mga Alvarez De Toledo ang crush ninyo?”

“Hay, baks! Mga Alvarez De Toledo ang pinag-uusapan natin dito, gets? Kahit tumuwad at bumuka kami sa harapan nila, wala kaming pag-asa sa mga iyon. Simpleng paghanga lang talaga ang meron kami ni Maria sa kanila.”

“Pero, kapag kami nilandi ng isa sa kanila, forda go! Sino bang tatanggi sa mga gwapo at daks na tulad nila!”

Umusok naman bigla ang tainga ko dahil sa sinabi ni Reyna! For some reason, ayaw kong naririnig ang gano’n pagdating sa mga litseng unggoy!

Napangiti ako nang makita ang pamilyar na daan tungo sa aming probinsya. Itinaas ko nang bahagya ang bintana ng bus na sinasakyan at nilanghap ang preskong hangin.

Sa parte na ’to, wala na masyadong sasakyang dumadaan; ang bundok at kulay luntian na lang na kapaligiran ang nakikita ko.

I’m finally home! Uuwi na ang main character sa kanilang probinsya! At sa totoo lang, marami ring tulad ko na feeling main character na uuwi na rin sa kani-kanilang tahanan mula sa siyudad. Sembreak na kasi!

Siyempre suot ko ang isang gray pants, t-shirt ng college namin, at saka naka-hang ang ID sling ng SNU. Perfect! Kidding aside, hindi na lang kasi ako nagbihis at dumeretso na sa bus station. Hindi na ako umuwi ng mansyon dahil uwing-uwi na ako!

But honestly, ayaw ko lang magpaalam nang personal sa mga unggoy. Isa-isa ko na lang silang tinext na pauwi na ako.

“Lola!” Kaway-kaway ko kay Lola Kora nang makita ko itong nagwawalis sa labas ng bahay. Jusme, ang gurang na ’to, napakasipag! Baka gusto mo ring magwalis sa daan, Lola?

Dahan-dahan ang paglingon ni Lola sa ’kin, pero nang makita niya ako ay kaagad na lumiwanag ang kanyang mga mata!

“Apo, Cleo!” Tinungo kaagad ni Lola ang aming bakod upang pagbuksan ako. Hanggang dibdib ko ang taas no’ng bakod namin na gawa sa kahoy, hindi ko siya natatalon.

Sinalubong ako ni Lola ng yakap at halik sa magkabilang pisngi! Over itey si Lola sa halik niya, may laway na! Eme!

Muli kaming nagyakapan ni Lola na para bang galing akong abroad at 20 years na hindi nakauwi ng Pilipinas.

“Gumanda ka lalo sa bahay ni Leticia, apo!” Kinapa-kapa pa ni Lola ang braso at balikat ko.

“May magic po yata talaga ang tubig sa Manila, ’La!” hagikhik ko.

“O siya! Pasok na tayo sa loob! Naku, nagluluto pa ako ng hapunan. Hindi ka naman nag-abiso na ngayon ka pala uuwi. Akala ko bukas pa, ’di ba may klase ka ngayon?”

Inangkla ko ang braso ko kay Lola at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.

“NSTP lang ang klase ko ngayon, Lola. Half day lang po!”

“Ay, gano’n ba iyon. Eh, nakapagpaalam ka ba nang maayos sa bahay ni Leticia? Iyong mga alaga mo roon? Nakapagpaalam ka rin sa kanila?”

“Haha! Oo, Lola! Saka iyon nga ang gusto ng mga ’yon—ang mawala ako sa bahay ng abuela nila!” pagsisinungaling ko.

Lord, sorry! Sorry po talaga!

Nang pumasok kami sa bahay ni Lola, napangiti ako. Sa wakas, nakauwi na rin ako sa tahanan namin. Namiss ko itong kahoy naming bubong, ang mga larawan ko sa dingding no’ng bata pa, at mga drawings ko noon na kahit pangit ay isinasabit ni Lola. Akala mo talaga mga paintings ni Leonardo da Vinci.

Nagpahinga lang ako saglit at tumulong na rin kay Lola sa paghahanda ng hapunan namin. Nakakatuwa na ang maliit naming ref ay puno at may groceries pa. Itong si Lola kasi, ang sipag! Naglalabada, may pananim pa sa likod ng bahay, at may alagang mga manok!

Kahit mahirap kami ni Lola, hindi naman kami salat sa ulam since may manok kapag gusto namin ng masarap na ulam. Kung hindi naman, may mga pananim siyang gulay. Though hindi malaki ang kita since maliit na lupa lang naman. Nakikitira lang din kasi kami sa lupa ng ibang tao rito sa San Francisco. Mabuti na lang talaga at mabait ang mayamang may-ari ng lupa; hindi kami iniitsapwera.

“Namiss ko itong pakbet at adobong manok mo, Lola!” Ngisi ko kay Lola nang malunok ang pagkain sa bibig.

“Dahan-dahan ka sa pagsubo, Cleo. Wala kang kaagaw sa ulam,” ani Lola nang makita ang malalaki kong subo.

“Alam ko, ’La!” saad ko kahit na puno ang bibig.

“Punong-puno ang bibig mo, ’wag kang magsalita! Parang sinasanay mo na yata iyang bibig mo, ah!”

Doon naman ako naubo sa sinabi ni Lola Kora sa ’kin. Siguro nilulumot na itong utak ko sa sobrang pagkaberde! Iniiba ko ang meaning ng sinasabi ni Lola! O baka iyon talaga ang ibig sabihin ni Lola?

“Lola!” naasar kong sambit.

Tumawa lang si Lola! Ayan siya, konsintidor kaya mas lalong humaharot ang apo! Eme!

“Ahh!” daing ko sa sarap nang tuluyan na akong makahiga sa kama ko. After ng skincare routine ko, nakahiga na rin sa wakas sa kama kong matigas. Manipis lang kasi ang foam.

Maliit lang itong kwarto ko kumpara sa kwarto ko sa mansyon ni Lola Leticia, pero iba pa rin talaga ang feeling kapag nakauwi ka sa sariling bahay. Komportable ako sa bahay ni Lola Leticia, pero iba ang comfort na dala ng kama ko at manipis na kumot.

Natulog ako na may ngiti sa mga labi! Thankfully, walang Alvarez De Toledo na bubungad sa akin kinaumagahan.

Nabulabog ako sa lakas ng katok sa pinto! Isang patid ko lang sa kumot ko, nahulog na iyon sa sahig.

“Cleo!”

“Lola!” daing ko.

Ang aga-aga pa naman, ah! Inaantok kong tiningnan ang wall clock sa silid ko. Alas-siyete pa lang ng umaga!

“Lumabas ka d’yan! May mga naghahanap sa’yo!”

Doon ako nakabalikwas. Tuluyang nagising ang diwa ko roon. May naghahanap sa ’kin? Sino?

May nagpabarangay ba sa ’kin?

Bumaba ako ng kama na ang tanging suot ay ang maputing manipis na sleeveless shirt at plaid na pajama na naka-hang sa hips ko. Nakikita nga ang flat kong tiyan at pusod kasi maliit itong sleeveless ko tapos nakababa ang PJ.

Lumabas ako ng kwarto na nakabusangot ang mukha at magulo ang buhok. Ngunit ganoon na lang ang kinatigalgal ko nang makita ko sa salas ang mga lintek kong alaga! Ang mga Alvarez De Toledo, nagkakape sa salas!

Umawang ang labi ni North nang makita ako. Si Vidal naman ay nanlaki ang mga mata. Si Reign ay naantala sa pag-inom niya ng kape, habang si Daws naman ay naninigas ang bagang.

“Apo, sila ang naghahanap sa’yo! Ito na pala ang mga apo ni Leticia noon! Ang lalaking tao na!” tuwang-tuwa na wika ni Lola.

At doon ako nanghina. Bakit nandito sila? Akala ko makakapagbakasyon ako nang matiwasay?


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 30

Chapter 30

Nagtaas ako ng tingin sa mga kumag na nagkakape! Feel na feel at home na ang mga unggoy. Talagang binilhan pa sila ni Lola Kora ng pandesal!

Anong oras kaya dumating ang mga lintek na ito rito? At paano nila natunton ang bahay namin ni Lola?

Kwsusbshk! Umagang-umaga, sumasakit na ang brain ng baklang ’to! Hindi ba talaga nila ako pagpapahingahin? Kaurat naman!

Magdadabog na ako rito sa sobrang pagkairita!

Ang mga unggoy, nagsiksikan sa isang sofa. Ang lalaki nila kaya tingin ko bibigay na ang sofa namin ni Lola sa bigat nila. Though hindi malaki itong house namin ni Lola Kora, ni minsan hindi ko naramdaman na sobrang liit nito. Ngunit dahil sa presensya ng mga puting unggoy na ito, tingin ko nag-shrink na itong bahay!

Nais kong magdabog, magwala, sumigaw, at manakit, kaso lang ayaw ko namang ipakita kay Lola Kora ang pagiging mapanakit kong tao! Kasi pustahan pa, kakampihan niyon ang mga unggoy na ito kaysa sa akin. Kahit hindi kilala ni Lola ang mga ito, sila ang kakampihan niya!

Kahit wala silang sinasabi o ginagawa, ramdam ko ang tensyon at kaba nila habang tinitingnan ko sila. Hindi nila masalubong ang masasamang titig ko sa kanila at parang nag-transform sila from rabid dogs to puppies.

Gusto ko silang batukan isa-isa, pero baka biglang sumulpot si Lola galing sa kusina. Ganadong-ganado pa naman siyang magluto ng marami dahil may mga bisita-bwisita.

Parang na-jinx iyong inisip ko kagabi na walang bubungad sa aking mga unggoy. Sana man lang pinaabot nila ng three days bago sila sumunod sa akin!

“Pagkatapos ninyong magkape, uuwi naman kayo, ’di ba?” At the back of my mind, ipinagdarasal ko na sana umuwi rin sila ngayon o mamayang hapon.

Nagkatinginan ang mga timawa bago bumaling sa akin.

“A-actually, Cleo…” pag-aantala ni Vidal. Malalim ang naging lunok niya bago dinugtungan, “We would like to stay here, too.”

“Ano?!” gulantang ko.

“Cleo? Anong isinisigaw mo riyan?” sambit ni Lola mula sa kusina dahil sa eskandalosong sigaw ko.

Sheyt! Nakakawala talaga ng poise ang mga unggoy na ito!

“W-wala, La!” sagot ko rito at pinandilatan ko ng mata ang mga unggoy.

“Umayos ka riyan, apo. May mga bisita ka,” pangaral pa ni Lola sa akin.

Napabuga na lang ako ng marahas na hininga. Ang mga unggoy ay parang nakahanap ng kakampi dahil sa pagsupi ni Lola sa akin. Umayos ako sa pagkakaupo at taas-noong pinukol ng tingin ang mga timawa.

“Uminom na kayo nang makaalis na kayo!” saad ko sa kanila. “Saan pala kayo nag-book ng hotel na tutuluyan dito?”

Nagkatinginan ulit sila at parang nag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga titig. Sheyt! Pinaglalaruan ba ako ng mga unggoy na ito?

Si Reign ang matapang na humarap sa akin. Humigit ito ng hangin sa ere.

“To be honest with you, Cleo, wala kaming… natutulugan dito,” tugon ni Reign.

Hilaw ko silang nginitian. Ang sarap talagang kurutin ng mga singit nila! Matatalino at may pera ang mga ito, pero hindi yata nila iyon ginagamit ngayon. Saang ulo ba ang ginamit ng mga ito?

Ulo sa baba o sa taas? Emerut!

“Walang problema ’yan. May mga maliliit na inn naman sa lungsod o kung gusto ninyo ng hotel meron din naman kaso medyo malayo.”

“What?” sambit ni Vidal.

“Nanny…” Napasimangot naman si North.

At si Reign naman ay sumama ang mukha. “Cleo!”

“O, bakit ba? Samahan ko pa kayo!” boluntaryo ko pa sa kanila, kaso mukhang hindi nila iyon nagustuhan dahil mas lalo lang sumama ang tingin nila sa akin.

Si Dawson naman ay nakakunot-noo lang at matalim ang titig sa akin. Anong problema ng unggoy na ito sa akin? Kanina pa siya tahimik, hindi kagaya ng mga pinsan niyang nakabusangot na ang mga mukha.

Sa mga magpipinsan, tingin ko talaga itong si Dawson ang napakahirap pakisamahan. Lagi kasi siyang tahimik at masyadong seryoso. O baka dahil hindi kami magka-jive kaya medyo siya ang hindi ko nakakasabay.

However, noong magkasama kami sa hotel, okay lang naman siyang kasama; masyado lang talagang mysterious. Hmp!

“Kumakain ba kayo ng ganito, mga hijo?” nakangiting saad ni Lola nang makaupo ang apat na unggoy.

Masyadong crowded ang mesa namin para sa anim na tao. Idagdag pa na ang lalaki ng mga timawang ito. Nagsiksikan na lang kami rito sa paligid ng square naming mesa.

“Kaunti na lang itong manok dahil tira na lang namin ito ni Cleo kagabi. Pero pwedeng tag-iisa kayo,” alok pa ni Lola sa mga unggoy.

Eskandaloso akong napabuga ng hininga sa ilong. Sinampal naman ni Lola ang balikat ko.

“Lola!” angal ko, habang hinahaplos ang umiinit na balikat dahil sa bigat ng kamay niya.

“Nasa harap ka ng grasya, Cleo.”

Ngumuso ako. “Sorry po! Pero huwag mo nang bigyan ng manok ang mga ’yan, Lola! Kanin na lang ang sa kanila at iyang kangkong. Kung hindi sila kumakain niyan, paalisin na lang!” sabi ko, at nakakuha naman ako ng masamang titig kay Lola Kora.

“Haha! Pagpasensyahan niyo na itong apo ko, mga hijo! Masama kasi ang gising, eh.” Nauulinigan ko ang pagka-peke ng boses ni Lola sa mga unggoy.

“Aray!” Napatalon ako nang kurutin ako ni Lola sa hita sa ilalim ng mesa.

“Umayos ka riyan! Mga bisita mo sila at apo ni Leticia!” pabulong na wika ni Lola sa akin.

Kung alam mo lang talaga Lola, kung bakit atat na atat akong umuwi rito sa atin! Jusme!

“Don’t worry, Lola. Kay Nan-kay Cleo na po itong chicken. Kumakain naman kami nitong… sautéed weeds?” ani North, at nangunot ang noo sa ginisang kangkong.

Sautéed weeds? I was internally laughing, but my face remained straight and serious! Napapikit ako dahil natatawa ako sa ekspresyon ni North at sa sinabi nito. Sa pagpipigil ko, umalog ang aking balikat.

“O siya, magsikain na kayo! Ang aga niyo pa namang bumiyahe,” sabi ni Lola.

Asikasong-asikaso ni Lola ang mga unggoy at feel na feel naman nila ang moment na iyon. Kahit si Dawson ay napapatango at tipid na ngumingiti kay Lola. Masyadong masayahin sa buhay si Lola at kwela, kaya kahit si Dawson na mahirap patawanin ay napapangiti niya.

Siguro dahil na rin sa kung paano ako pinalaki ni Lola kaya puno rin ako ng positibo at hindi madaling umaatras sa mga hamon sa buhay. Despite how people around me back then treated me, I’ve never held any grudges against them. Kahit sa pamba-backstab ng mga kaibigan ko noon, nagagawa ko pa ring ngumiti sa kanila at sumama.

Kahit sa simple ng buhay namin ni Lola Kora, masaya ako. Oo, may mga times na naghihirap kami, pero nalalampasan namin iyon.

Kaso lang, sa mga nangyari sa buhay ko doon sa mansyon ni Lola Leticia… parang sinubok niyon ang pagkatao ko. Ibang-iba ang buhay ko roon kumpara dito sa amin. Ang hirap malayo at lumabas sa comfort zone mo. But how will I grow as a person if I shelve myself sa kung saan lang ako komportable at takot na sumubok?

Despite the comfort that Lola Leticia had offered to me, bumigay pa rin ako sa mga tuksong nasa paligid. Napuno ako sa mga tuksong iyon hanggang sa hindi ko na kinaya. Kaya umuwi ako rito sa San Francisco, ngunit sinundan naman ako ng mga tuksong iyon dito.

Paano na ngayon ’yan?

“Oo nga pala, ilang araw kayo rito, mga hijo? May matutuluyan ba kayo? Naku, nais ko mang patuluyin kayo rito sa bahay namin kaso… maliit at malamang sa lapag kayo hihiga. Eh, alam ko naman na sanay kayo sa malamig na kwarto at malambot na higaan-”

“Actually, Lola, I’m very fine lying on the floor!” Atat na putol ni North, kita ko ang pilit niyang paglunok sa pagkain na nasa loob ng bibig niya!

Ang tatakaw talaga!

Lumunok din si Vidal sa kinakain. “Yeah, now that you mentioned it, North, I kind of miss how we slept on the floor before!” pag-arte naman ni Vidal.

Tumango pa si North.

“Right!” Pinitik ni Reign ang daliri sa ere.

“Um, wala kaming na-book na hotel, Lola. That’s why… kung ano man ang ma-offer ninyo for us, we will grab it,” saad ni Dawson. Pinisil pa ni North at Reign ang kanyang balikat saka nagtanguan ang mga kumag!

“Ano? Ayaw ko-”

“Ganoon ba? Edi mabuti! Pero sinasabi ko sa inyo, ha, malamig sa lapag at matigas!” sapaw ni Lola sa akin at kinurot na naman ako.

Napangiwi na lang ako!

Lord, oh! Inaapi ako, Lord!

Ngayon na nais kong iwasan ang mga unggoy, itong si Lola naman ang umeeksena! Sinisira niya ang plano kong pagtaboy sa mga unggoy na ito!

“That’s fine, Lola!” ani Reign.

Isa lang ang masasabi ko: Shutang ina sa lahat ng nangyayari ngayon! Hindi ko pala matatakasan ang apat na ito kahit ngayong sembreak!

Kagat ko ang labi at mariing pinikit ang mata nang makita ko ang mga gamit nila na nasa sala. Neknek nila! Sinabi nilang hindi sila nakapag-book ng hotel pero may dala silang mga gamit! Mga letse talaga! Akala nila hindi ko makukutuban itong pinaplano nila!

Una pa lang, wala na silang balak na mag-book ng hotel dahil gusto nila rito sa bahay. Sa bahay namin na maliit!

“There are a lot of nice beaches around here, huh!” komento ni Vidal habang binabagtas ng kotse ang daan tungo sa palengke.

Inutusan ako ni Lola na mamalengke pero nagpumilit ang mga unggoy na sumama sa akin! Kasama ko ngayon ay si Vidal at Dawson, habang si North at Reign naman ay nagpaiwan sa bahay dahil tutulong sila kay Lola na manghuli ng manok!

“These are your native chickens, Lola?” Naalala kong manghang wika ni North nang makita ang mga native chicken namin. Parang natakot sa kanila ang mga manok namin kasi kahit nagsaboy na sila ng makakain, lumalayo ang mga ito!

“Oo, ’di ba gusto ninyo ng lechon na manok? Dito na tayo kumuha. Tulungan ninyo akong manghuli,” ani Lola Kora, at nagsitanguan naman sina North at Reign.

Kaya ayon, ang dalawang unggoy ay naiwan sa bahay upang manghuli ng manok. Sana may mahuli sila!

“Kaya nga gusto kong imbitahin sina Reyna at Maria rito. Sayang lang at may plano na ang mga lukaret sa kanilang sembreak,” wala sa sarili kong wika.

Nilingon ako ni Vidal mula sa passenger seat. Si Dawson kasi ang nagmamaneho at ako naman ay nandito sa likod. Kinunutan ko naman ng noo si Vidal nang dumiin ang tingin niya sa akin.

“Ano?” malditang untag ko dahil napapatagal na ang titig ni Vidal sa akin.

“Nothing, Cleo. I’m just glad,” makahulugan niyang wika.

Inirapan ko lang si Vidal.

“Wala tayo sa mansyon kaya huwag kayong gagawa ng kalokohan o ano. Isa pa, nandito kayo sa lugar namin. Hindi ko kayo boss ngayon!” sabi ko.

“No one will argue with you on that, Cleo,” anas ni Vidal.

Sa pag-irap ko ay nahagip naman ng mga mata ko si Daws na nagmamaneho. Saglit kaming nagkatinginan nang tumingin din siya sa rearview mirror.

There’s something about his stare at me since they arrived here. It makes me feel so uneasy whenever our eyes meet.

Nang makarating kami sa palengke, masyadong agaw-pansin ang dalawang unggoy dahil maliban sa mapuputi sila, matatangkad din sila at bago ang mga mukha sa amin. Hindi man ganoon kaliit ang San Francisco, pero para sa mga taong tubong-rito talaga, malalaman nila ang mukha ng dayo sa lugar.

“Pogi, anong sa inyo? Dito na kayo sa amin!”

“Pogi, dito kayo! Bagong huli itong mga isda namin! Bibigyan ko kayo ng tawad!”

“Mga pogi, gulay rin kayo! Presko pa itong mga gulay namin!”

Kaliwa’t kanan ang tumatawag kina Vidal at Daws sa bawat rampa namin sa loob ng palengke. Bentang-benta ang mukha ng dalawa at nakakatawad ako nang todo dahil sa kanila. Kung ako lang ito, jusme! Kahit na anong awra ko walang tawad!

May binili akong malaking isda; one thousand two hundred sana siya, kaso tinawaran ko ng 1k at ayon, pumayag ang tindera. Pogi raw kasi ang taga-bitbit ko!

May silbi rin pala ang mga mukha ng mga ito! Hindi na masamang nagpumilit silang sumama, though si Dawson ay mukhang napipilitan lang.

“Ayan, ice cream muna kayo,” bigay ko sa kanila ng ice cream cone na nabili ko sa tagsa-sampung piso. Nandito kami kung saan nila pinark ang kotse sa ilalim ng punong kahoy. May dumaan kasing nagtitinda ng sorbetes.

“Ano ’to?” ani Vidal.

“Suhol?” Nanliit lalo ang matang singkit ni Dawson.

“Mainit kasi. Mag-ice cream muna tayo bago umuwi. Saka, gusto niyo bang puntahan ang tinutukoy kong hotel dito sa amin? Malapit lang siya dito. Pwede ninyong i-check. Huwag na kayong makipagsiksikan sa bahay!”

“Nakakahiya naman kay Lola Kora. We already agreed to stay in your house,” ani Vidal at sumubo sa kanyang ice cream.

“Yeah, it would look bad if we took back our words,” saad ni Dawson.

Bumuntonghininga na lang ako. Bahala na nga sila sa buhay nila. Huwag lang talaga silang magreklamo sa akin. At mas lalong huwag silang magsumbong sa parents nila o kay Lola Leticia.

Sarap pa naman ng buhay ko sa mansyon, tapos ang mga apo ni Lola sa lapag ko lang pinatulog.

Nilabas nila ang mesa at silya sa bakuran. Naglagay sila ng isang ilaw at dito kami sa labas nagle-lechon ng manok at isda.

Topless sina North at Reign habang nag-iihaw. Si North ay malaki ang ngisi habang nagle-lechon ang tatlong manok sa ibabaw ng apoy. Talagang pinili nila ang malulusog naming manok!

“Apo, kumuha ka nga sa loob ng malalaking tupperware para dito sa isda. Hindi siya kasya rito sa dinala mo kanina,” utos ni Lola.

Wala naman akong ginagawa kaya kaagad akong tumayo at pumasok sa bahay. Nasa kusina namin ang mga malalaking Tupperware-nasa cabinet na nasa taas ng sink!

Napalinga-linga ako. Hindi ko maabot ang malaking Tupperware at walang silya dahil inilabas na lahat.

Tumingkayad ako, itunungkod ko ang isang kamay sa sink at itinaas ang isa para abutin ito. Sumakit ang kamay ko dahil sa pag-abot. Napangiti ako nang maabot ko na, ngunit bago ko pa ito tuluyang makuha, may malaking kamay na umabot dito.

Suminghap ako at napaikot, kaso tumambad sa akin ang katawan ni Dawson. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Naninigas ang kanyang mukha sa akin at hindi ko mabasa ang emosyon sa kanyang mga mata.

“D-Daws, ang T-Tupperware…”

He tilted his head at me; I swallowed my words.

“What are you doing to us, Guillermo?” he asked, his voice controlled and his jaw tightening hard.

“Daws, anong… sinasabi mo?” I chirped. My heart pounded with the sheer distance that separated our bodies.

“This is going nowhere already. I tried so hard… I tried not to confide in my emotions, but it seems like I was enchanted.”

Nag-panic ako nang unti-unting iyuko ni Dawson ang kanyang ulo. Hindi ako makagalaw at makapagsalita. Kumapit na lang ako sa gilid ng sink at ipinikit ang mga mata.

Kaso napadilat ako nang maramdaman ko ang bibig ni Dawson sa leeg ko. My pulse rattled as I felt his lips touch me, and then his tongue licked my neck.

“Dammit, Cleo!” he snarled against my neck.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 31

Chapter 31

“Nakakainggit!” Ungot ng mga beklabu nang ipakita ko sa kanila ang magandang falls na pinuntahan namin ng mga unggoy!

Kasalukuyan kaming nagvi-video call ngayon at pinapakita ko sa kanila ang magandang view sa harapan. Favorably, the weather seems to know our plan for today’s ganap because maayos ang panahon.

Si Lola Kora kasi eh, nabanggit niya pa itong magandang talon dito sa lugar namin. Si Vidal kasi hindi na rin mapigilang hindi sabihin kay Lola kung gaano ka-ganda ang beach dito sa amin. At ito namang si Lola, pinagmalaki niya pa tong talon dito sa lugar namin.

Dahil nakuryoso ang lintek na mga unggoy, napilitan akong sumama sa kanila. Si Lola ay nais sana naming isama kaso mariing tumanggi si Lola at ang dahilan niya ay ang nanghihina n’ya na raw’ng tuhod! Nagboluntaryo si Reign na pasanin si Lola pero tinawanan lamg siya ni Lola.

Ay sus! Pumapapel na rin itong si Reign, sumisipsip sa Lola ko! Akala niya siguro madadaan nila ako sa lola ko! Neknek nila kasi hindi nila ako mauuto at hindi lulubag ang loob ko kahit gamitin nila si Lola.

Unti-unti na ring nakikilala itong falls na ’to kaya nga ngayon may ibang mga kabataan na tulad namin na dumayo.

Napapismid ako sa mga babaeng rampa nang rampa sa harapan ng kubong inarkilahan namin! May pa hagikhik pa sila at takip sa kanilang bibig kapag tumatawa at napaparaan dito sa aming kubo!

Ngayon na mag-isa ako sa kubo namin wala na ring mga babaeng rumarampa, nando’n na naman sila sa tubig umaawra kasi nando’n na ang mga timawang unggoy! Mga unggoy nga naman! Gustong-gusto kapag dito sa gitna ng gubat!

Hmp! Malunod sana!

Emerut! Joke lang, Lord! Kargo ko pa ang mga ’to kapag may nangyaring masama sa kanila!.

“Dapat sinabi mo sa amin, palaka ka, na may magandang falls d’yan sa province ninyo! Hindi na sana kami nakapag-out of the country!” Daing ni Reyna.

“Like yeah~ ’tapos nand’yan pa ang mga bebe loves namin!” Hirit pa ni Maria.

Bebe loves? Prfft!

Natawa ako pero may konting kudlit sa dibdib ko na hindi ko maipahiwatig!

Mukhang gutom na yata ako? Oo parang gano’n na nga! Gutom lang ako!

“Matagal na akong hindi nakagala rito mga bakla kayo! Hindi ko naman knows na ganito na ang binongga ng talon!” Ismid ko sa kanila.

“Mabuti hindi ninyo na-invite si Uno! Kubg nand’yan siya baka mauna akong umuwi sa mga parents ko!”

“Gaga ka, Mario! Magpigil ka d’yan,  bakla!”

“Whatever, Reynaldo!”

Hindi na nga maganda ang mood ko, mas dinagdagan pa ng pagtatalo ng mga accla. Kahit sa video call namin ay wala talagang pinipili ang dalawang ’to! Isa pa pagtapos nilang tawaging bebe loves ang mga Alvarez De Toledo ay biglang pagtatalunan nila si Uno? Ang mga beklabung ito talaga!

Mahaharot din talaga!

Ilang sandali lang ay tinapos na rin namin ang aming video call. Hinilig ko ang pisngi sa aking palad habang nakatanaw sa malawak na tubig at sa bumubuhos na tubig ng falls. Hindi ko naisip na sembreak pala ngayon kaya may mga turista rin sa lugar.

May maingay na grupo sa kabilang panig. May lumalangoy sa tubig at ang iba naman ay may tunatalon mula sa mataas na bato pababa sa tubig!

Halos umabot na sa linya ng buhok ko ang pagkakataas ng kilay ko nang makita kong mga may babaeng mapangahas na lumapit sa mga Alvarez De Toledo. Parang may pinag-uusapan ang mga unggoy kaso may lentang lumapit— este babaeng lumapit sa kabila.

Tunay naman nakaka-agaw talaga ng pansin ang mga timawa. Maliban sa mapuputi sila, talaga naman umaangat ang kanilang hitsura at wala no’n dito sa amin. Ang apat na unggoy ay parang mga dayuhan na napasyal lang dito.

They can easily entice woman without even lifting a finger!

Wow, entice talaga, Cleo?

Hindi ko namamalayan na habang nakatingin ako sa kanila ay napapa-ikot na pala ako sa mata ko. Sa hindj ko maipaliwanag na kadahilanan, naiinis ako sa mga babaeng sumusubok na kilalanin ang mga kumag.

“Well, boys will be boys!” usal ko na lang sa sarili.

Biglang pumasok sa isip ko ang biglaang paghalik ni Vidal sa ’kin. Ang pagkabig ni North sa akin upang mahagkan ako. Tapos ang halik ni Reign doon sa may pool. At ang no’ng nakaraang gabi lang… wala man lang akong nagawa nang sipsipin ni Daws ang leeg ko.

Nagpakawala ako nang marahas na hininga at niyuko ang ulo bago niyakap ang dalawang palad sa leeg. Laking pasasalamat ko na hindi nagmarka ang ginawa ng timawang Dawson na ’yon!

Pjwgakmbshk! Nag-angat ako ng tingin, nando’n pa ang ang tatlong babae na lumapit sa kanila. Nag-uusap sila at hindi ko iyon marinig dahil sa layo namin sa isa’t isa.

Biglang sinakop ng kaba at takot ang dibdib ko nang sumagi sa isip ko ang kaisipang malalaman nilang apat na sila ay nakahalik na sa akin. I mean si Daws, hindi niya naman ako hinalkan. Ang tatlo, ano na lang ang magiging reaksyon nila sa oras na malaman nila ang katotohanang iyan?

Paano ko sila haharapin?

Tumayo ako at inayos ang puting kamiseta na suot. May nais sana akong puntahan na bahagi ng falls nang may nakasalubong ako. Ang mga babaeng umahon mula sa tubig. At kung minamalas nga naman, sila itong dati kong kaibigan no’ng senior high school.

“Cleo?!” saad ng dating classmates ko dlash friends ko noon.

“Nowi, si Cleo!” Tuwang saad naman ng isa ko pang kaklase.

Si Nowi ay kaibigan ko rin no’ng senior high school. May dalawa siyang alipores na siyang naging kaibigan ko rin dati. Kaso nagkalamat ang aming samahan nang malaman ko na kinuntsaba nila ang isang schoolmate namin noon na crush ko upang patulan ako.

Nalaman ko na binayaran pala nila iyong crush ko upang sakyan ako sa mga trip ko noon. Of course, madali akong nahulog kasi crush ko na eh. But then he ghosted me the time that I’m already fell deeper for him. However, what hurt me the most was the truth that my friends were conspiring with him. Na hindi naman pala totoo ang feelings no’ng lalaking iyon sa ’kin.

At hindi pa talaga ako natuto sa nangyari noon, dahil umasa pa ako kay Tanner noon. Tsk! Ang dali kong ma-fall eh. Mabuti mabilis din akong mag-move on!

“H-hi!” Ang tanging sambit ko. Akmang lalapasan ko sila ngunit hinaharangan nila ang daan.

“How are you, Cleo? ’Di ka ba nag-aaral ngayon? Bigla ka lang nawala rito sa San Francisco.”

“Galit ka pa rin ba sa ginawa namin? Biro lang namin iyon sa’yo, Cleo.”

“Tama! We’re friends naman. Alam mo naman ang mga trip namin!”

Malamig ko silang tiningnan. Anong klaseng kaibigan ang gagawin ang ginawa nila sa ’kin? They played with my feelings. Natuwa nang masaktan ako!

Hay! Ewan ko kung papaano ko sila natatawag na kaibigan noon. Siguro dahil sa kagustuhan kong maki-belong nagtiis ako.

“Sorry. Wala akong maalala na tulad ninyo!” I crossed my arms, cocking my head to the side.

Lihim akong natawa nang makita ko ang galit nilang titig sa ’kin. Halos makita ko nang umusok ang kanilang ilong at tainga sa sobrang galing!

Umatras ako nang makita kong susugod sila sa akin. Gusto ko man silang labanan kasi tatlo sila eh. Baka lunurin nila ako sa tubig. Kaso lang naantala ang kanilang pagsugod sa akin nang lumapit sa akin ang mga unggoy!

Nalaglag ang kanilang panga at mistulang nakakita ng multo.

“Cleo.” Sabay pangtawag ng mga unggoy sa akin.

Umakbay sa akin ni Reign. “Maliligo ka na?” bulong niya.

“Oo sana kaso may humarang sa akin.” May panunuyang saad ko habang hindi inaalis ang titig sa mga classmates ko noon!

“Sa wakas!” Ngisi ni North.

“Let’s go!” hiyaw ni Vidal.

“Mga kumag kayo—”

Naputol ang sigaw ko nang pasanin ako ni Daws sa kanyang balikat at tumalon sa tubig! Marinig ko naman ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga katawan sa tubig!

Hanggang dito ba naman pinagkakaisahan nila ako!

“Mga timawa!” sigaw ko nang makaahon at mabilis na naghilamos!

Masasama kong tiningnan ang mga unggoy pero nang makita ko ang mga classmates ko na hindi makabawi sa gulat. May satisfaction sa kalooban ko sa ginawa nila.

Sumabog ang kanilang tawa dahil sa naging reaksyon ko!

Ako na yata ang happiness ng mga ’to, Lord! Eme!

“Are you okay?” Inagapan kaagad ni Daws ang siko ko nang makalapit siya sa akin. Ang isang kamay ay ginamit niyang panuklay sa kanyang buhok.

Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso dahil sa naganap kagabi sa kusina. Right after he nipped my neck, I accidentally slammed his head with the plastic chopping board that my hand find on the sink.

“My head is fine if that’s what bothering you. Also it doesn’t mean that you smacked me with the chopping board and I’ll automatically foget what happened, Guillermo. Everything is clear in my mind.”

“Dawson,” usal ko. I took a deep breath and release it on my nose. I started to feel my heart banging my chest violently.

Dawson open his mouth to say something, but before the word came out his mouth, North clamped his one arm around Dawson’s neck before tilting him back!

“Fuck, North!”  Namilipit na wika ni Dawson pilit na kumakawala sa braso ni North na mahigpit na nakagapos sa leeg niya.

“Ano’ng pinag-uusapan ninyo ni Nanny, ha!” North asked, grinning as he saw his cousin struggling around his arm.

“It was nothing so let go of me before I’ll drawn wiut my won hands, North Hayes!”

“Fine, fine, fine, Dawson Vale Alvarez De Toledo Young Yuan!”

“Let go now, North Hayes Alvarez De Toledo before that madman losses his patience with you!” anang naman ni Vidal.

“I was just playing, Reed Vidal Alvarez De Toledo!” Ngisi lang ni North at saka pinakawalan si Dawson.

Nang makalaya si Dawson mula kay North ay kaagad siyang gumanti rito! Nilublob niya ang kawawang unggoy na pinsan sa tubig!

“Tang ina!” Hingal na mura ni North nang pakawalan ni Daws ang kanyang ulo mula sa pagkakadiin sa tubig!

“Reign Bowie Alvarez De Toledo, you should’ve help me! Hindi ka pa naman nakahuli ng manok kahapon! Ako ang pinagod mo!” Bwelta ni North.

“It was your fault, North. Ang likot mo kasi kaya natatakot ang manok! Ayaw nang lumapit sa ’tin!”

Nagpakawala na lang ako ng isang malalim na hininga nang marinig ko ang kanilang argumento. Kung saan-saan na umaabot ang pinagtatalunan!

Kung hindi ko lang talaga kilala ang mga ’to! Aakalain ko talagang may sa kung ano’ng sira sa tuktok nila! However, these men were the very men who always right there for me when I need someone. These were the very men who was able to make me laugh when I’m feeling down. They were the reason why I don’t feel lonely. These men were able to make me feel that I’m important.

Kung aalahanin ko, si Reign nailigtas niya ako mula sa kamay ni Paxon ng dalawang beses. Si North kahit na siya ang laging pinuno sa kalokohan, pinapatawa niya ako. Si Vidal sinamahan ako at pinagaan niya ang loob ko no’ng hindi ako nasipot ni Tanner! Itong si Dawson naman… no’ng naiwan ako ni Tanner sa sine, siya ang sumama sa akin. Pinagaan niya ang loob ko at naghotel pa kami.

First ko kayang maghotel kasama ang isang lalaki! Though nagpatila lang kami ng ulan sa oras na iyon! But still, ang mga maliliit na bagay na kanilang ginawa para sa akin ay malaki ang naging puwang no’n sa aking puso.

“Borikat ka!” sambit ko gulat nang may biglang kumapa ng towel sa ulo ko. Muntik nang lumabas sa dibdib ko ang puso ko sa gulat! Litse!

“Ano ba kasing…” Kusang nanghina ang boses ko nang makita ko si Dawson.

He occupy the space beside me and tilted his head up to the dark, starry sky. Beside the full bright full moon was the twinkling stars as though they’re joyous up there.

Naiyakap ko ang towel na kinapa ni Dawson sa ’kin. Pareho kami ngayong nakaupo sa troso sa harap ng bahay.

“You cannot sleep?” he queried.

The night was quiet and there are few fireflies in the air and the faint light coming from the solar light outside the house.

“Marami lang iniisip. Hindi ako makapag-isip sa kwarto kasi ang iingay ng hilik ng mga unggoy mong pinsan!” Sagot ko at pinakiramdaman ang sarili.

Umisod siya palapit sa akin kaya naman humigpit ang pagkakakapit ko sa towel. Ito na naman ang puso ko na nagwawala. Shuta!

“Was what happened last might bothering you?”

I snickered. “Isa lang ’yan!”

“Cleo,”

Yumuko ako at tiningnan ang paa ko. Parang nanghina ang mga kamay ko kaya binaba ko ito. Kinuyom ko ito.

“Daws, umuwi ako rito para makapag-isip isip pero sinundan n’yo naman ako rito. Nalilito na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.”

Ano na lang ang tawag sa ’kin? Hindi naman ako hayuk sa lalaki ah. Totoo naman ako kapag may nararamdaman ako sa isang tao. Pero ngayon… ang tatlo niyang pinsan hinalikan ko na at siya hinayaan ko sa ginawa niya last night.

“Cleo,” mahinang wika ni Dawson sabay patong sa kanyang palad.

Napatingin ako sa aming kamay.

Wala pa akong laban na sinukuan. Pero itong nangyayari ngayon sobra-sobra na ang bigat nito. Apat laban sa isa. Iisang damdamin pero maari ba itong tumibok sa apat na lalaki?

Nanlalabo ang mga mata ko sa luha nang iangat ko ito kay Dawson. Napapikit na lang ako nang haplusin ni Dawson ang pisngi ko. A lone tear escaped my eyes, but Daws wiped it away.

“I’m sorry for confusing you, Cleo.”

Nagmulat ako.

I hiccuped when I saw the sheer distance of our face. Pakiramdam ko nakalimutan ko nang huminga dahil sa konting distansya namin.

Dawson closed his eyes as he slant his head and titling my chin with his fingers, bringing our lips together! Our lips touched to each other for only a matter of seconds when we heard several gasped behind us!

Sabay kaming napatingin si Dawson doon. Para akong niyanig nang makita ko ang tatlo niyang pinsan na nakatingin sa amin!


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 32

Chapter 32

Nanlalambot at namamanhid ngayon sa kaba ang katawan ko. Hindi ko alam kung anong oras na pero nandito kami ng mga unggoy sa labas ng bahay. Hindi ko alam kung tahimik na lang ba talaga o sadyang ang kabog na lang ng dibdib ko ang naririnig ko sa mga puntong iyon!

They saw it. Vidal, Reign, and North saw us… they saw Dawson kissing me. Though dampi lang naman iyon at ilang segundo lang din!

Nandito kami sa labas ng bahay pero tingin ko ang bigat ng atmosphere. Biglang hindi ako makahinga nang maayos dahil sa presensya nilang apat at sa tensyon na namumuo.

Mahshkeosgessk! Lord, help me! Maawa ka naman sa anak mo ngayon, Lord!

Ano’ng gagawin ko nito ngayon? Nangyari na ang kinatatakutan ko! Hindi pa sila nagsasalita simula nang makaupo sila pero tingin ko… alam na nila ang nangyayari!

Sinabi na noon ni Reign sa akin na wala raw lihim sa kanila. There’s no secret between them, pero kahit ba ang paghalik sa akin… pag-uusapan nila? Ishi-share nila iyon sa isa’t isa?

Hindi naman siguro sila gano’n kalala ang amats nila para gawin nila iyon, ’di ba?

Kanina lang nilalamig ako kaso ngayon nanginginig na rin ang mga tuhod ko at alam kong hindi iyon dahil sa lamig. It was because of their presence! It was too much!

Magkatabi silang apat na nakaupo sa trosong panggatong namin dito sa bahay. Hindi pa iyon nasisibak kaya naman pwedeng maupuan. North and Dawson, who were sitting next to each other, are both wearing black sleeveless shirts, showing off their broad shoulders and ripped muscles. Si Dawson, naka-PJ siya, habang si North naman ay cotton shorts.

Beside Dawson were Reign and Vidal. Reign was wearing a gray wide-neckline sweater, allowing his collarbone to come into view. Nakasilid naman ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang suot na pants. At si Vidal ay naka-itim na Under Armour shirt at itim na sweatpants.

All of them were wearing serious facial expressions that made my heart rattle cruelly inside my chest like it was about to burst away from my ribcage.

Ilang sandali kong ipinikit ang aking mata at kinagat ang labi. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ngayong magpaliwanag. “Ahm, i-iyong nakita ninyo… wala lang i-iyon. It is not what you think it is, okay?” Putol-putol kong saad dahil sa bayolenteng pagwawala ng dibdib ko.

Ayaw kong i-misunderstand nila ang halik na iyon! Ayaw kong isipin nila na kagaya lang ako sa mga dumaang househelps sa bahay nila-na ang habol ay silang apat. Na ang habol ay ang kanilang mga burat! Na gusto kong tuhugin silang magpipinsan! Hindi! Wala! Una pa lang, kulo ng dugo na ang naramdaman ko sa kanila.

Ewan ko… ewan ko kung ano ang nangyari at naipit na ako sa sitwasyong ito! Nakipagsapalaran ako sa mansyon ni Lola Leticia dala ang eagerness kong makapag-aral ng college. Wala ito sa isip ko. No’ng una ko silang makita… humanga ako kasi ang gugwapo nilang lalaki. Kaso hindi sumagi sa isip ko na magustuhan sila romantically o ano.

Ang mga nangyayari ngayon… wala ito sa kalkulasyon ko. In those months that we’ve been together, siguro nga… lumambot ang puso ko sa kanila. Kaso ito… Lord!

“Why, Cleo? What do you think we are thinking?” It was Reign who was brave enough to ask me.

“Reign,” sambit ko.

“You kissed our cousin-no. Dawson kissed you,” ani Reign. “You let me kiss you too before.”

Bumaon ang ngipin ko sa aking ibabang labi. Kung hindi lang siguro ako ngayon nakaupo, baka kanina pa bumigay ang katawan ko sa lupa.

“I kissed Cleo too. It was during our trip to Zambales. Hindi niya ginusto… ako ang nag-initiate ng halik,” kompisal ni Vidal, pero ang kanyang mga mata ay nasa akin.

Nag-init ang mga mata ko sa mga sinabi nila. Hindi ito ang gusto kong mangyari. I want to settle everything in private and talk to them one by one. Not like this. Parang naging conference na siya.

“And I kissed him too!” sunod na saad ni North. Isa-isa niyang tiningnan ang mga pinsan. Wala akong mabasang ibang emosyon sa kanilang mga mukha kundi ang pagka-seryoso. Lahat parang may gustong sabihin. Lahat ay parang may nais ilabas na saloobin!

“It was my own will. Ako ang humalik sa kanya.” North smirked, trying to ease the thickening tension around us.

“So, if there’s something that we have in common, it is kissing Cleo, pero hindi niya own will iyon. It was ours,” Dawson pondered.

“Please! Oo… oo hinayaan ko kayong humalik sa akin. Kahit na sabihin ninyong own will ninyo iyong ginawa… matanda naman ako. Hindi justifiable na kayo lang ang sasalo sa lahat ng iyon.” Yumuko ako. Nagbagsakan ang mga luha ko na napundo sa mga mata ko. “Desperado man ako pero hindi ako aabot sa puntong gagamitin ko ang katawan ko para lang paluguran ang mga gusto ninyo. Ayaw kong isipin ninyo na nilalandi ko kayong lahat! Ayaw kong isipin ninyo na kaya ako nagpahalik sa inyo dahil… dahil sa trabaho ko. Kasi maniwala man kayo o hindi, wala akong ginusto sa mga nangyayari ngayon!”

“How can we think of you as such, Cleo?” si Reign. “Wala akong maalala na lumandi ka sa akin. You’re busy with Tanner back then.” May pait sa boses ni Reign.

Dawson shook his head. “Hindi mo kami nilandi, Cleo.”

Ngumisi si North. “Wala kang nilandi sa amin, Nanny. It was more that you hated us.”

“Kahit nga tingin mo sa amin ay parang ang sama naming lalaki,” wika ni Vidal.

Tumango ako. Sinisinok na ako dahil sa pag-iyak ko.

Lumunok ako. Pinalis ko ang luha sa mga pisngi ko at matapang kong inangat ang ulo sa kanila.

“Alam n’yo naman… na isa sa bilin ni Lola sa akin na patinuin kayo. Na putulin iyang mga sungay ninyo, pero ibang mga Alvarez De Toledo ang nakilala ko. Makulit lang kayo at puno ng kalokohan. Kaya habang tumatagal sa mansyon ni Lola Leticia… napapatanong na ako sa trabaho ko sa inyo. Matino kayong lalaki… kaya paano na ako kapag wala na akong silbi sa bahay ng abuela ninyo?”

“Hindi ka aalis sa bahay ni Abuela, Cleo,” agarang sabat ni Reign. Nanigas ang kanyang mga bagang.

“Hindi kita hahayaang umalis o palayasin sa bahay ni Abuela, Cleo,” singit naman ni Vidal.

“Not even Abuela can push you away, Cleo.” Nandilim ang mga singkit na mata ni Dawson.

“Nanny, magtatapos ka… kasama kami,” ani North.

Napailing ako sa kanilang mga sinabi. Medyo natawa ako sa mga corny lines na binitiwan nila. Kung si Tanner ang nagsabi sa akin ng mga linyang iyon noon, naku, baka gumulong na ako sa kilig.

Kaso ibang-iba ang sitwasyon ko ngayon. I no longer hold feelings for Tanner. I’m now conflicted, feeling troubled, and at sea because of these four men!

Binalewala ko ang mga sinabi nila at nagpatuloy ako.

“No’ng una… hindi naman ganito, eh. Hindi naman ako naguguluhan sa nararamdaman ko. I’m very transparent with my hatred towards the four of you. You all know how much you annoy me and pissed me off. Alam n’yo rin na kapag may gusto ako sa isang tao… mahahalata ninyo sa kilos ko. Pero dahil sa inyo… hindi ko na alam kung ano itong nararamdaman ko ngayon! Oo… oo hinayaan ko kayong halikan ako. Hindi ko naman sila ginusto… iyan ang totoo. Hindi ko sila ginusto kaso… kaso lang palagi ko silang naiisip! Para na akong nababaliw rito!” Inis kong ginulo ang buhok ko. Napahilamos ako sa aking palad.

Ewan ko kung ano na ang hitsura ko ngayon sa harapan nilang apat. Naghalo na ang sipon at luha! Ang dugyot ko na!

“Cleo, sorry,” ani Vidal. “I don’t know when and how… but I like you.”

Nanlaki ang mga mata ko kay Vidal.

“I may act like a kid and be goofy around you, but I really do like you, Cleo.”

“Damn you, Vidal!” North sneered.

Inis na binalingan ni Vidal si North. Kung magkatabi lang sila ay baka nagsabong na silang dalawa.

“North, totoo ang sinasabi ko! Do you think basta-basta na lang din ako hahalik kay Cleo kung wala akong nararamdaman?!” asik ni Vidal kay North.

Hinawakan ni Reign si Vidal at inaawat naman ni Dawson si North!

“At sa tingin mo rin ba hinalikan ko lang din si Cleo dahil nag-eeksperimento ako? Gusto ko rin siya!” North barked at Vidal.

“The fuck, you two!” banas na saad ni Reign habang hawak si Vidal sa braso!

“What, Reign? Hindi ba humalik ka rin kay Cleo? What now? Isasali mo siya sa collection mo? Pinahamak mo nga siya sa tauhan ni Paxon!” Galit na bwelta ni North!

Napahawak ako sa ulo ko. Bigla na lang nagkainitan ang mga timawa!

“The heck, North! I may be a damn playboy, but I don’t play with my feelings for Cleo! What if I have feelings for him too? What if I kissed him because I like him too?”

“Tang-ina ninyo! Nahulog din pala kayo!” untag ni Vidal.

Nanlisik ang mga mata ni Dawson kay Vidal.

“You shit, just because you’re the first one who realized your feelings for Guillermo, you think you are entitled to say that! What if we feel for him too, huh!?” Dawson challenged!

Tumayo na silang apat at nagkanya-kanyang kuwelyo, konting-konti na lang ay magsusuntukan na sila. Si Dawson, kinuwelyuhan si Vidal habang si Reign naman ay inaangat na si North sa lupa!

Marahas akong tumayo. “Tama na!” galit kong sigaw.

Nakita nila ang nag-aalab kong mata sa galit kaya padarag nilang binitiwan ang isa’t isa.

“Kung magsusuntukan kayo, umalis na kayo! Wala akong… wala akong paki sa mga sinabi ninyo! Nilinaw ko lang na may fault din ako, siguro nga malandi para magpahalik sa inyong apat. Pero wala akong balak… i-entertain kung ano man itong gumugulo sa akin.” Isa-isa ko silang tiningnan. “Kaya kayo, kung hindi ninyo kayang hindi magsuntukan, umuwi na kayo. Wala akong balak paluguran iyang pagiging bayolente ninyong pagkatao!” I lashed out. That’s the only way I could think of to de-escalate the situation.

Kita ko ang pagprotesta sa kanilang mga mata ngunit bago pa man sila makapagsalita, inunahan ko na sila.

“Isa pa, kung magsasapakan kayo at may makita akong pasa o sugat d’yan sa unggoy ninyong pagmumukha, ’wag na kayong magpakita sa ’kin!”

Habang may lakas pa ang mga binti ko, mabilis akong pumasok ng bahay at iniwan ko silang apat sa labas. Bahala na ang mga otoko na ’yon kung nagkarambula sila. Ipapa-barangay ko na lang sila bukas ’pag hindi pa sila umalis.

Humiga ako sa kama at dinama ko ang puso ko na bigo ko pa ring pakalmahin. May parte sa akin na ayaw maniwala sa kanilang mga sinasabi. Pero may bahagi rin ang puso ko na parang natuwa na… gusto nila ako!

Ang weird. Pati ako ay kinikilabutan sa nararamdaman ko.

Hindi na talaga natuto, self? Hindi ka pa ba nadala sa nangyari sa feelings mo kay Tanner? Gagang accla ka, Cleo!

Kung mag-aaway silang apat para lang sa sinasabi nilang nararamdaman nila sa akin… mas mabuting itigil na nila ang kahibangang ito. Habang maaga pa at kaya pang agapan, mabuting itigil na ito. Ayaw kong umabot sa punto na masira ang kanilang samahan bilang magpipinsan dahil sa tulad ko.

Tsk! Haba naman ng buhok ng accla na ’to kung pag-aawayan ng mga unggoy na ’yon. At ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga tao? Si Reyna at Maria, ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nila itong nangyari ngayon?

Gaga ka talaga, Cleo! Talagang c-in-onsider mo pa ang nararamdaman ng apat na ’yon. Baka tamaan ka ng kidlat, Cleo Guillermo!

Ewan ko kung paano ako nakatulog sa gabing iyon pagkatapos ng rebelasyong naganap at mainit na pag-uusap namin ng mga unggoy. Hindi ko rin alam kung nagsuntukan na ba sila, umalis ng San Francisco, o ano.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumagos sa bintana ng silid. Ni hindi ko man lang naibaba ang kurtina kagabi. Bumangon ako at tumaas ang kilay ko nang may marinig akong nagsisibak ng kahoy sa labas. Maingay na rin ang kusina at ang mga manok sa labas.

Humikab ako at hinagod ang matang nanlalabo pa. Kumunot ang noo ko sa pagtataka nang makita kong nakaligpit na ang higaan ng apat na unggoy sa isang sulok ng silid.

Si Lola Kora ba ang nagligpit n’on?

Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang kusina. Mag-isa si Lola na nagluluto. May pakanta-kanta pa ito.

“Magandang umaga, Lola!” bati ko kay Lola at niyakap ito.

Tinapik niya lang ang ulo ko habang nagsusugkay sa niluluto niyang mga alimasag na ginataan.

“Magandang umaga, apo!”

Nag-toothbrush ako at habang nagmumog ako ay bigla namang nagsalita si Lola.

“Ang babait pala talaga ng mga alaga mo, apo! Naku, ang sisipag!” tuwang wika ni Lola.

“Po?”

“O hindi mo ba sila nakita? Nasa labas sila!”

Dahil sa sinabi ni Lola, malalaki ang hakbang kong lumabas ng bahay. Nagpunas ako sa bibig kong may bula gamit ang likod ng kamay kaso naibaba ko ang kamay ko nang makita ko ang apat na unggoy!

Si Dawson at Reign, nagsisibak ng kahoy na topless, kumikinang ang kanilang matitipunong katawan dahil sa pawis at sinag ng araw na tumatama sa kanila. Sa kabilang banda naman ay si Vidal na nagdidilig sa mga munting pananim ni Lola at bigla namang sumulpot si North na may bitbit na balde, iyong balde na siyang gamit ni Lola kapag nagpapakain sa mga manok! Kapwa topless din ang dalawang kumag!

“A-anong ginagawa ninyo, mga timawa kayo!?” parang nag-echo ang boses ko sa buong San Francisco!

Pati ang mga babaeng napapatigil dahil sa eksena ng mga lintek na unggoy sa bakuran ay napatalon dahil sa malakas kong boses! Halos maghugis-puso pa ang mga mata ng mga merlat!

Kwaofhpyshk! Parang sasabog na ako sa inis kahit sobrang ganda ng araw ngayon!


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 33

Chapter 33

Hindi ko makapa ang panga ko mula sa pagkakalaglag nang marinig ko ang sinabi ng mga timawa sa akin. Nakailang ulit na silang bumigkas sa mga katagang iyon, ngunit ayaw pa ring tanggapin ng isip ko.

Dahil ba sa lamang-dagat na nakain nila kaya sila ganito ngayon? Kagabi pa nila ako ginugulat! Hanggang ngayon ay walang mintis nila akong ginugulat sa mga pinagsasabi nila!

Despite their confession last night, I’m still skeptical about it. It blows my mind, yet in the middle of it… I find myself pleased at the thought of them… liking me.

Who wouldn’t, right? Kilala silang personalidad sa SNU (Southern National University). Magaling sa sports, matalino sa academics, malakas ang dating, at hinahangaan ng marami! Sinong hindi kikiligin kapag nalaman mong may gusto sila sa iyo?

Hindi naging maganda kung paano ko nalaman ang kanilang feelings para sa akin. Nagulat ako, kinilig, at kinilabutan! Because how? Paano nila nagustuhan ang tulad ko? There’s nothing special about me. Kapag nasa classroom o nasa isang pagtitipon, hindi ako nagtataka kung ako ang hindi napapansin. I don’t stand out that much. Shuta! Kasi sa recitations lang ako laging napapansin.

Nagfi-feeling maganda lang talaga ako. I mean, for me, maganda naman ako. I’m cute and pretty! Parang kaliskis lang ng isda itong puting balat ko ’pag ’di nakapag-lotion!

Nakakagulat nang malaman na gusto ako ng mga lintek na unggoy na ito. Ano na lang itong sinasabi nila sa akin ngayon?

“We’re serious, nanny. Look, hindi kami nag-away kagabi. We sorted out our issues and problems with each other last night,” pahayag ni North, at nagtanguan ang mga kapwa niya unggoy.

Napapikit ako nang magsalita si North. Tinanaw ko si Lola Kora mula rito sa aming kinaroroonan. Nasa aming cottage pa si Lola; ayaw niya munang magtampisaw dahil mainit pa raw. Kami ng mga timawa ay nandito na sa dagat. Nauna ako, kaso sumunod sila sa akin. Hanggang dibdib ko ang tubig ng dagat at nasa harapan ko ang mga otoko. Seryoso at nagtatagpo ang kanilang mga kilay dahil sa sinag ng araw.

Ngayon ay sumama na sa amin si Lola Kora dito sa beach. It’s a public beach kahit na weekdays, kaya matao siya. Idagdag pa na bakasyon ng mga main characters (estudyante) na umuwi mula sa malalayong lugar.

Akmang magsasalita si Reign kaso lang itinaas ko na ang kamay ko. Isa-isa ko silang tinitigan nang matalim sa kanilang mga mata.

“Na… nababaliw na ba talaga kayo? Umayos kayong apat, kung hindi ay lulunurin ko kayo ritong mga unggoy kayo!” banas kong untag sa mga timawa, nagsasalubong na ang kilay.

Having them in front of me, topless and wet with sea water, was exhilarating. However, their bodies were the least of my concerns right now.

Exhilarating, Cleo? Sheyt kang bakla ka!

“Cleo, look at us. Hindi kami nag-away kagabi; instead, we talked things out and reached a conclusion-to court you!” Dawson stated.

Napahilamos ako ng tubig-dagat. Kailangan malamigan ang ulo ko sa mga sinasabi nila ngayon sa akin.

Nahibang na! Gusto nila akong ligawan! Silang apat! Sira ba sila?

“You can’t!” matigas kong saad. I gazed at them with my eyes pleading for them to understand what I was trying to say.

“Why can’t we, Cleo?” Vidal asked.

“We like you. Why can’t we pursue our feelings?” Reign seconded.

“Guillermo, it’s kind of weird for us too. Ngayon lang kami nagkagusto sa iisang tao. Kahit nga sa laruan noon, ayaw namin na magkakatulad kami o may katulad,” pahayag ni Dawson. Nagtanguan ang kapwa niya unggoy. “Pero dahil sa iyo… nagkasundo kami sa isang bagay.”

“It’s not really good to others, and other people may raise their eyebrows and think of this as disgusting or gruesome. But we thought of a polygamous relationship.”

“Though that will only happen if you allow us to court you,” salo naman ni North kay Reign.

My heart was about to leap out of my chest. Wala akong makitang kahit isang pagbibiro sa kanilang mga titig sa akin. Nag-aabang lang sila sa reaksyon at sagot ko sa kanila.

I sensed danger… hindi ko alam kung bakit pero iba ang nararamdaman ko.

“Hindi ko alam…” umiling ako. “Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa inyo,” mahina kong saad.

I could’ve said no and turned them down at once para mawala at maputol na ang lahat ng ito. Ngunit iba ang lumabas sa bibig ko.

Kagat-labi kong pinagmamasdan sina Reyna at Maria. Nandito ulit kami sa paborito nilang kapehan malapit sa SNU. Bilad na bilad ako sa araw last week doon sa probinsya, kaya ngayon ay may sunburn ako. Ang dalawang beklabu naman, fresh na fresh ang atake nila.

Sumisipsip lang sila sa kanilang iced coffee habang ako naman ay nasa harap ang frappe na hindi ko magalaw. Para akong magkakasakit sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Plano ko kasi ngayon na sabihin sa kanila ang mga naganap last week sa San Francisco.

I spent my sembreak with the Alvarez De Toledo cousins, and I can say that the remaining days we spent in the province were memorable. They didn’t pressure me at all. They just expressed themselves and wanted to court me. The next day, hindi na nila iyon binanggit at parang bumalik na ulit sa dati ang pakikitungo namin sa isa’t isa. Well, except that right now, they’re more caring and attentive towards me.

Kahit si Lola Kora ay nagulat dahil sa inakto ng mga timawa. Pero siyempre, nasisinghalan ko pa rin sila, lalo na sina North at Vidal na ang kukulit.

“Mamaya manonood tayo ng practice nina Dawson at Reign,” saad ni Reyna, pagtukoy niya sa practice nina Reign at Dawson sa archery mamaya sa ground.

“Of course! Oo nga pala, malapit na rin ang intramurals. Kaka-excite!” gigil na wika ni Maria.

Ngising-ngisi sa akin si Reyna nang balingan niya ako. “’Di ba may sasabihin ka sa amin, baks?”

Naibaba ni Maria ang kape at tumango. “Yeah, I almost forgot. Ano pala ang gusto mong sabihin, bakla?”

Nanginig ang labi ko at tumango sa kanila. Huminga ako nang malalim at saka umisod pa lalo sa table namin.

Nagkatinginan silang dalawa bago bumaling sa akin na may pagtataka dahil sa lalim ng paghinga ko. Siguro nahahalata na rin nila ang pagkabalisa ko.

Hinawakan ko ang baso ng frappe ko na namamawis. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko rito upang itago ang panginginig ng kamay ko.

As much as I don’t want to share this or tell anyone, I can’t bottle everything up anymore.

“M-may manliligaw kasi sa akin-” panimula ko, ngunit naunahan na ako ng mga gagang beklabu.

“What?” sigaw ni Maria.

“Si Tanner Vasquez na naman ba?” inis na untag ni Reyna.

Nabulabog tuloy nila ang ibang mga customer sa loob ng shop.

Over naman ang mga beklabu na ito sa reactions nila! At bakit si Tanner ang naisip nitong si Reyna? Alam naman nila na naka-move on na ako roon! Saka may sabit na iyong tao! May bitchesa na iyong jowa!

“Huh? Hindi!” kaagad kong suway sa kanila. “Mga lukaret talaga! H-hayaan niyo akong matapos, okay? ’Wag muna OA please!”

Napasipsip tuloy sila sa kanilang kape.

“Sorry naman!” nguso ni Maria.

Umasim ang mukha ko sa kanila. Ang gu-gwapo talaga ng mga beklabu na ito, sana makabingwit na rin sila ng mga lalaki para sa kanila!

“Go, magkwento ka na!” kinumpas-kumpas pa ni Reyna ang kamay.

Muli akong nag-imbak ng hangin at saka ako nagkwento sa kanila. Habang isinasaysay ko ang mga nangyari sa probinsya, iniwasan kong mabanggit ang mga pangalan ng apat na unggoy.

“Weririt!” itinaas ni Maria ang kamay sa ere. “Hinga muna, please!”

Sapo naman ni Reyna ang kanyang noo matapos akong magkwento sa kanila.

“You mean to say…” simula ni Maria, na siyang dinugtungan ni Reyna.

“That you have four suitors? And you… feel something for all four of them?!” impit na saad ni Reyna. Bakas sa kanyang boses ang gigil at kagustuhang sumigaw kasi nasa publikong lugar kami.

Kagat-labi akong tumango sa kanila.

Kinuha ni Maria ang kamay ko saka ito inalog-alog. “OMG! Ang ganda mo, bakla ka!” ani Maria nang makabawi sa gulat.

“So, sino ang mga ito? Kilala namin? Are they hot hunks?” sunod-sunod na tanong ni Reyna.

“Mga kababata mo ba sa San Francisco? Kyahh!” tili ni Maria.

“Nagulat ba sila sa biglang glow-up mo, baks, kaya napa-amin sila bigla?” wika ni Reyna.

“Sa bagay, nagka-moment-moment kayo, like what you told us,” kinikilig na saad ni Maria.

“It must have been so romantic for them!” Napasapo pa si Reyna sa kanyang pisngi.

“Like yeah~ naligo sa talon, naligo at naglaro sa dagat! Oh, very common things pero nakakakilig, yeah?!” ani Maria.

“So, sino nga ang mga itey na manliligaw mo, palaka ka!” tinampal ni Reyna ang kamay ko.

Kilig na kilig silang dalawa ni Maria.

“T-teka lang… hindi ba kayo nawi-wirduhan doon? Mga baks, apat,” I emphasized. Ipinakita ko pa sa kanila ang apat kong daliri. “…apat na lalaki ang nagugustuhan ko! Isn’t that weird? Don’t you feel grossed out?”

Sumeryoso silang dalawa. Ipinatong nila ang mga braso sa ibabaw ng mesa.

“To be honest, baks, I was shocked. Kasi aminin na natin, hindi naman talaga siya normal, ’di ba? Siguro kung crush lang, understandable. Pero kasi iba na iyong sa iyo. But then again, who am I? Who are we to judge you? That’s what you feel.”

Napapatango si Maria. “Yeah~ we cannot judge you, baks, just because you like four men. Alam naman namin na hindi ka nagpapadalos-dalos sa decisions mo. We know that you thought about it thoroughly.”

“But be ready, baks. May mga nandidiri nga sa lalaki na nakikipagrelasyon sa mga bakla. What more sa iyo? I hope you’re ready!”

Napaisip ako sa naging turan ni Reyna. He was right. The people’s judgments. This thing is considered taboo to most people. Pag-uusapan ito ng mga tao!

“Pero manliligaw pa naman, eh. Not sure pa naman kung sasagutin,” salo ni Maria.

Tumango si Reyna. “Sino nga itong mga lalaki na ito?”

Ngumisi ako sa kanila. “Huminga muna kayo nang malalim!”

“Psh! So OA mo naman, bakla ka!” natatawang suway pa ni Maria.

Lumabi ako sa kanila. Inayos ko ang buhok sa noo ko.

“Ang mga unggoy na Alvarez De Toledo!” seryosong wika ko.

Mistulang dumaan ang diyos nang matahimik ang dalawa. Ilang saglit pa ay bumulwak ang tawa nila na parang nababaliw!

“Pfft! HAHAHA!” tinakpan ni Maria ang bibig kaso kumawala pa rin ang tawa niya.

“HA… HAHAHAHA! Punyeta ka, bakla!” parang sira si Reyna na sinasampal ang mesa kakatawa.

“Umayos ka naman, Cleo!” namumula sa tawang sabi ni Maria.

“Seryoso nga ako!” inis kong ipinadyak ang paa ko dahil hindi nila ako siniseryoso! Akala nila gino-good time ko lang sila!

“Baks, naman! ’Di ba kinaiinisan mo sila?”

“Like yeah~~!”

“Sila nga iyong tinutukoy ko sa mga kwento ko sa inyo! ’Di ba nakwento ko na sa inyo na sumunod sila sa akin sa probinsya? Doon sila umamin, nakita kasi nila na hinalkan ako ni… ni D-Dawson!” Unti-unting humina ang boses ko.

Nalaglag na lang ang kanilang panga sa naging pahayag ko. Napakurap-kurap na lang sila.

“Cleo.”

“Nanny.”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng mga boses. Boses pa lang, alam kong ang mga unggoy na iyon.

Nakita ko kung paano sumunod ang mga mata ng mga estudyante na tumatambay sa loob ng shop. May nakita pa akong kumukuha yata ng larawan o bidyo base sa kung paano nito sinundan ang cellphone sa apat na lalaking pumasok.

My breath hitched as I watched them waltzing toward us like they were on a runway. Swabe lang ang kanilang galaw at ang natural na lakad lang nila. Kaso ngayon, parang nagso-slow motion ang bawat galaw nila sa paningin ko.

“K-kasama ko sina Reyna at Maria,” saad ko nang makalapit sila sa table namin. Binalingan ko ang mga beklabu na hindi pa rin matikom ang bibig.

“Paano niyo pala ako nahanap?” tanong ko sa mga timawa.

“We have your class schedule, Guillermo,” ani Dawson.

“And, of course, this,” ani Reign at ikinaway niya ang cellphone.

Right! Nilagyan nila ng tracking device ang cellphone ko para daw mabilis nila akong matunton kung saan man ako magsuot-suot! Gusto ko man silang kontrahin sa bagay na iyon kaso lang ilang beses na rin kasing nalagay sa alanganin ang buhay ko.

“Shit!” Reyna cursed. Binato niya ang mga unggoy ng matalim na titig. “You’re all… courting our friend? Nililigawan ninyo… si Cleo?”

Pinandilatan ko ng mga mata si Reyna kaso hindi niya ako ma-gets.

“We are…”

“Yes.”

“Yes, and?”

“Since last week.”

Kinagat ko na lang ang labi ko sa naging sagot ng mga timawa kay Reyna.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 34

Thank you for 170k reads! Salamat sa pagsubaybay sa kwento ni Cleo at sa apat niyang unggoy🫶


Chapter 34

Tumalim ang titig ko sa mga unggoy. “Ano? Kakain sa labas? Ayoko! Umuwi na tayo!” bulaslas ko nang mapagtanto ko kung saan kami ngayon tutungo.

Two weeks na ang nakalipas simula nang i-announce nilang liligawan nila ako. Kahit wala silang narinig na kumpirmasyon mula sa akin, ginawa pa rin nila ang gusto nila. Matitigas ang ulo at ayaw makinig sa akin. Kini-claim na talaga nilang nanliligaw sila. Sheyt!

Pagkatapos nilang aminin sa mga beklabu kong friends na nililigawan nila ako, I told them to tone it down. Ayaw kong kumalat sa school iyon dahil maraming mata ang nakasunod sa kanila. Ayaw ko ng atensyon. Nasanay na akong hindi napapansin. Sanay na akong nalalaktawan.

Isinandal ko ang katawan sa kinauupuan ko rito sa backseat at saka inis na pinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib. “Sinabi ko naman sa inyo na ayaw ko ng atensyon, ’di ba? Tapos ngayon lalabas tayo? Kakain sa labas? Matalino ba talaga kayo?” iritado kong saad sa kanila.

“Nanny, we’ve been busy since last week,” North said, shifting his weight beside me.

Vidal nodded from the passenger seat, beside Reign who was driving the car. “North is right, Cleo. Naging abala kami sa practice dahil malapit na ang Intramurals. Puspusan ang practice namin.”

Umirap ako. Kukuntrahin ko na sana si Vidal ngunit inunahan ako ni Reign na siyang nagmamaneho. Sandali niya akong tiningnan sa rearview mirror.

“Cleo, we claimed that we are courting you, and yet we failed to do-”

“Wala naman iyang basehan, Reign. May kanya-kanyang pakulo ang mga nanliligaw. At isa pa, naiintindihan ko naman kung bakit kayo busy. May mga sports kayo,” pahayag ko. Tinigasan ko ang boses para mas maging convincing ang pinupunto ko.

“That’s why we want to take you out, Guillermo. School has been tiring, we just want to hang out with you,” apila rin naman ni Dawson sa kabilang side ko. Naninibago pa rin talaga ako kapag nagiging mahinahon ang boses ng isang ’to. Sanay akong malamig siya sa akin!

Nasa gitna kasi ako nina North at Dawson ngayon. Alas siyete na ng gabi at on the way na kami sa restaurant na sinasabi nilang pupuntahan namin para sa dinner.

Nakapagluto na naman sa bahay sina Ate Marli at Ate Jodel, pero nagpaandar pa ang mga unggoy na ’to na kakain kami sa labas!

“Pero mariin kong bilin sa inyo na ayaw ko ng atensyon, ’di ba? Kahit sabihin niyo pang walang nakakakilala sa inyo outside the school, hindi natin kontrolado ang lahat!” litanya ko.

“Okay lang naman kung sa bahay, eh!” Pahabol ko.

“Don’t worry too much about people seeing us, Cleo. We rented the whole place for tonight,” Reign inserted from the driver’s seat.

“Ano?!” Napaahon ako mula sa pagkakasandal nang wala sa oras. Napapantastikuhan ko silang pinukol ng matatalim na titig.

Dawson smiled. “We already anticipated you complaining about this and that, so we rented the place.”

“Don’t worry, Nanny. The whole place… is all ours for tonight,” North added at my side.

Vidal looked at us in the backseat and winked at me. “You can now relax, Cleo.”

Naibagsak ko muli ang katawan. “Nababaliw na talaga kayong apat!”

Natawa lang sila sa reaksyon ko. Naramdaman ko ang oaghimas ng daliri ni Dawson sa kamay ko. Nang balingan ko siya, deretso lang ang mata nito sa harap.

Akala ko sa isang simpleng restaurant lang kami pupunta, but it turned out to be a fine dining restaurant. Totoong walang ibang tao sa lugar except for the chef, the bartender at the backlit bar counter on one side, and the two waiters who greeted us warmly when we stepped inside and showed us to the best table.

May mga artificial blossom trees sa paligid. Ang mataas na ceiling ng restaurant ay may chandeliers na nagkukulay sapphire ang ilaw. Sa bar counter ay may mga nakalinyang alak at ang nag-iisang bartender doon ay tuwid lang na nakatayo.

I looked so lost in the place. First time ko sa ganoon ka-sosyal na lugar at para akong hayop na first time makalabas sa kagubatan. Ang mga unggoy ko namang kasama ay pormal sa kanilang polo shirts at trousers. Just a little adornment on these four men already made them look extraordinary.

Tulak ng isang waiter ang champagne trolley na lumapit sa aming table, may ipinakitang iba’t ibang bote ng champagne ang waiter .

“What do you want, Cleo?” North whispered against my ear. The warmth of his breath fanned my skin.

Inis ko siyang tiningnan at banas na hinimas ang tainga ko kung saan siya bumulong. Nakikiliti ako, shuta siya!

“Iyon, oh,” turo ko sa isang bote. Mukha kasing maganda ang kulay noon.

“The Amour de Deutz for him, and Bereche et Fils for the four of us. Thank you,” pormal na mando ni Reign sa waiter.

May isinerbe sila sa amin na flatbread na may mushroom na naka-bake. Sunod ay ang aming appetizer na iba’t iba ang kulay na parang may mga damo!

Ang mga unggoy, six-course meal ang pinili kaya matagal-tagal kami sa restaurant. At habang naghihintay sa aming mga pagkain, napag-usapan namin kung sino ang matanda sa kanilang apat.

“Ano? Si Reign ang pinakabata sa inyo?” bulaslas ko sa gulat.

All this time, akala ko si North o si Vidal ang pinakabata sa kanila!

“Yeah! You didn’t know?” Kumunot ang noo ni Reign, as if na-offend ko siya roon sa sinabi ko.

“H-hindi! Hindi naman kasi ako nagka-interes na kilalanin kayo. Ang importante lang naman sa akin ay magawa ko ang trabaho ko!”

“You’re so heartless, Nanny!”

Inismiran ko ang mga unggoy. Ang mga otoko na ’to, ang daming alam! Nababagot na ako rito kakahintay sa pagkain namin. Pasalamat na lang talaga sila na masasarap ang pinapakain nila. Kung hindi… naku, magwawarla ako rito!

“At least ngayon alam ko na, ’di ba?”

Ang pinakamatanda pala sa kanila ay si Vidal, nasundan ni North, tapos ni Dawson, at ang pinakabata ay si Reign.

Vidal was born on January 6. North was March 16, while Dawson was on April 10, and Reign was on May 20. Lahat sila ngayon ay nasa bente na ang edad at currently third year sa SNU, at lahat sila ay under the College of Business.

“What about you, Cleo? When is your birthdate?” tanong ni Vidal.

“December 2. Magni-nineteen na ako sa December 2.”

“You look so young. I really thought before that you were only seventeen!” turan ni Dawson.

“I thought so, too,” tango ni Reign.

Lagpas dalawang oras ang naging dinner namin. Kahit paano ay na-satisfy naman ako sa kinain namin ngunit hindi ako ganoon kabusog. Sumakit din ang puwet ko kakaupo. Gusto pa nilang mag upgrade sa 10 course meal, kaso umayaw na ako.

“You can take a nap, Cleo. We’ll just wake you up when we’re already at the house,” saad ni Dawson.

Tumango ako at ipinikit ang aking mga mata. Ilang minuto pa lang mula nang makaidlip ako ay naalimpungatan na lang ako sa mga pabulong nilang pagtatalo.

“Just keep on driving, Reign!” ang matigas na saad ni Vidal.

Sinundan naman iyon ng nag-aalalang boses ni North. “We can’t afford to risk Cleo’s safety right now!”

“Sinusundan nga tayo, North, Vidal!” I heard Reign hiss.

“Fuck them! We really should report them,” mura ni North.

“Or better, take them down!” ani Reign.

“Reign, kasama natin si Cleo right now!” si Vidal. “I know what are you trying to say, and it’s gonna be bloody.”

“Shit! They’re really tailing us!” Dawson growled.

“Take out your guns-” saad muli ni Reign, kaso naantala siya nang magsalita ako.

“A-anong nangyayari?” papungas-pungas kong saad at hinagod ang inaantok na mga mata.

Nakaani ako ng ilang mura mula sa kanila. Matulin ang takbo ng kotse at ramdam ko ang tensyon sa loob. Si North na lagi kong nakikitang nakangisi ay nakatiim-bagang na ngayon. Ramdam ko naman ang tensyon nina Vidal at Dawson sa tabi ko.

“Someone has been following our car since we left the restaurant, Cleo,” sagot ni North sa akin.

“But don’t worry, Cleo, nandito kami,” ani Vidal.

Lumingon ako sa likod at may nakita nga akong tinted na sasakyan na nakasunod sa amin.

“K-kilala niyo ba ang mga iyan?” kinakabahan kong untag.

Ilang sandali ang lumipas na walang umimik mula sa kanila.

“Hindi… hindi namin sila kilala, Cleo,” nag-aalangan tugon ni Reign, na parang may tinatago.

Muli akong umayos sa kinauupuan ko. Tiningnan ko si Reign sa harap na namumuti ang kamao habang mahigpit na nakakapit sa steering wheel.

That night, we still arrived at Lola Leticia’s safe and sound. Sa sumunod na araw ay nawala na rin naman iyong sumusunod sa amin. Matiwasay na ulit kaming pumasok sa school.

Hindi ko alam kung praning lang ba ako o talagang pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Ngumingiti ako sa kanila dahil nakatitig sila sa akin, pero irap ang ibinabalik nila.

Huminga ako nang malalim at saka kumapit sa sling ng backpack ko. Matulin ang paglalakad ko dahil kakaiba ang nararamdaman kong titig ng mga estudyante ng SNU. Para bang may nagawa ako sa kanila, especially the girls. Ang mga lalaki ko namang nakakasalubong ay iba ang hagod sa akin at nagbubulungan pa!

Everything seemed off.

“Dumating na siya!” ang bungad sa akin ng mga kaklase ko pagkapasok ko pa lang ng classroom.

Nagpatuloy sana ako sa paglalakad tungo sa silya ko nang humarang sa dinaraanan ko ang tatlo kong babaeng classmates.

“Guys, nandito na pala ang makati nating classmate!” one of my female classmates spat.

The three of them advanced towards me, which is why I staggered back.

Lito ko silang pinukol ng tingin. Lumakas ang sipa ng puso ko.

“A-anong sinasabi nin-”

“Tsk! Akala mo kung sinong inosente at tahimik sa klase, pero may tinatago palang kalandian!” my other classmate snapped at me before I could finish my sentence.

“You’re just… a nobody, Cleo Guillermo. Your name doesn’t even ring a bell. Pero ang landi-landi mo!” One of the girls who approached me pushed my head.

“Ano ba!?” I fought back.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa kanila para ganituhin nila ako.

“Tsk! Ikaw pa ngayon ang matapang? Right after you flirted with Reign, Dawson, North, and Vidal?!”

I felt my world collapse right in front of me. My palms and my back felt cold with sweat.

“A-ano?” Nilibot ko ang mata sa mga kaklase ko. May disgust, dismaya, at galit sa kanilang mga mata.

Wala pa si Maria at Reyna dahil maaga akong dumating sa school. May practice kasi ang mga alaga ko kaya maaga kaming pumasok. At hindi ko… hindi ko ito inaasahan. Paano nila nalaman?

“Akala mo ba walang nakakita sa’yo na sumama kay Vidal pagkatapos mong magpaulan?”

“Hindi mo rin siguro alam na may kumuha ng larawan sa’yo na kasama mo si Reign sa isang car racing?”

“And you even had the audacity to go out with Dawson after all you did! May pa-nood-nood ka pa ng practice game ni North! Pinupuntirya mo na naman siya!”

“Kating-kati ka na, Cleo? Ayaw mo sa isa, kaya gusto mo silang apat? Disgusting!”

I wanted to fight back and retaliate. Gusto ko silang suplahin sa mga paratang nila, kaso walang lumalabas na kahit isang salita sa bibig ko.

Right in front of them, I froze. Natuod ako sa aking kinatatayuan. Nablanko ako dahil sa biglaang pagputok ng problemang ito.

May bumato ng kung ano sa akin. Sumapol iyon sa mukha ko at bumagsak sa paanan ko. Kahit na nanlalabo ang mga mata ko sa luhang nagbabadyang bumagsak, nakita ko pa rin iyong mga larawan. Larawan na kasama ko ang mga Alvarez de Toledo.

“Hindi mo pa rin ba aaminin iyan? May kumuha na ng larawan sa inyo, Cleo! Kalat na iyan sa buong SNU!”

Akala ko sa mga serye o drama ko lang makikita ang mga ganito. Akala ko mahihina lang ang bida pero kapag ikaw na ang nasa sitwasyon at pinagtutulungan, mabablanko ka.

Umagos ang luha ko nang palihim. Lumuhod ako upang pulutin iyong mga larawan sa sahig at isa-isa iyong tiningnan. Kaso lang, naputol ako nang maramdaman ko ang sunod-sunod na pagbato sa akin ng mga papel.

Napagitla ako nang may maramdaman akong malamig na bumuhos sa ulo ko. Narinig ko ang singhap ng mga kaklase ko.

“Know your place, Cleo. Dinudungisan mo ang section natin, eh!” tawa noong babaeng bumuhos ng lemonade sa akin.

Mas bumuhos ang luha ko at sinapo ang buhok na nabasa ng lemonade.

“Anong nangyari- oh my, Cleo!” ang malakas na singhap ni Maria. Dinaluhan nila ako ni Reyna at saka inakay patayo.

“Puta! Sinong gumawa nito!?” Pagwawala ni Reyna at isa-isang tinuro ang mga kaklase ko.

Nagulat ako nang buhatin ni Reyna ang isang silya at saka iyon itinapon! Napatili ang mga classmates namin. “Ano? Walang magsasalita? Gusto ninyong daanin natin ito sa dahas?!”

“If you have a problem with Cleo, bakit kailangang umabot sa ganito? Aren’t you ashamed of yourselves?!” singhal ni Maria.

Napansin ko na pareho sila ni Reyna na hinihingal at pinagpapawisan.

“Gosh! Reynado, Mario, bakit hindi iyang kaibigan ninyo ang tanungin ninyo?”

“He brought all of this on himself, too! Makating bakla kasi!”

“Hinayaan na ngang maging bakla, naging hayok pa sa lalaki!”

“Ahh, makati at hayok pala, ha!” ani Reyna at saka malalaki ang hakbang na sinugod iyong mga classmates kong nagsalita.

Tatlong babae iyon laban sa kanya kaya dehado siya, pero lumaban si Reyna at hinila ang buhok ng mga babae! Napaiyak ang mga ito sa sakit.

Sabunutan, sampalan, at may narinig akong nasisirang uniform sa hilahan ng damit. Akmang lalapitan ko na ang mga kaibigan kong nakikipagsabunutan nang maunahan ako ng Mayor namin.

“Tama na!” Pumagitna ang aming classroom Mayor. “Fuck! Ano ba itong pinag-aawayan ninyo?!”

Taas-noong inayos ni Reyna ang buhok. “Bakit hindi mo tanungin iyang mga babaeng iyan, Mayor?” Galit na dinuro ni Reyna ang classmates namin.

Susugod na sana ang mga babae kay Reyna kaso pinigilan na sila ng ibang classroom officers. “Ikaw ang unang sumugod sa amin, bakla ka! Mga salot!”

Tinaas ni Maria ang gitnang daliri sa kanila gamit ang dalawang kamay. “Girl, kilalanin mo kung sino ang binabangga mo, yeah? Makapagsabi ka naman na salot, eh mas salot pa ’yang pagmumukha mong gawa ng doktor!”

“Mario, calm down!” ani Mayor, habang napahilot sa kanyang noo.

“Saka muna kami artehan, ’teh, kapag fully healed na iyang ilong mo na ipinagawa mo sa Korea!”

“Maria, Reyna, tama na,” sabat ko sa mga kaibigan.

Tumawa si Reyna sa akin at muling tinaasan ng kilay ang mga classmates naming sinabunutan nila.

“Walang nilandi si Cleo, siya ang nilandi. Tandaan niyo ’yan!” Reyna said arrogantly.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 35

Chapter 35

First time kong makapunta sa bahay ng isang kaibigan. Noon kasi, hindi ako nakakasama sa mga ganito. Iba pala ang pakiramdam, parang belong na belong ka talaga. At ngayon, sobrang espesyal din nito dahil nakita ko kung paano ako ipinagtanggol nina Reyna at Maria. Hindi naman nila kailangang makipagrambulan doon sa mga classmate namin kanina. Para sa akin, sapat na ang tumayo sila sa tabi ko, pero dahil sa ginawa nila, ipinakita nila sa akin na hindi lang sila nasa tabi ko sa kasiyahan, pati sa lowest moment ko, narito sila para sa akin.

Mayaman pala talaga si Maria dahil sa laki ng bahay nila at sa mga katulong na sumalubong sa amin kanina. Nakakatuwa na parang mga kaibigan niya rin ang kanilang mga kasambahay. Isa pa, nasa isang exclusive village itong bahay nila.

Napanguso na lang ako habang nakatitig sa aking repleksyon sa salamin. Kakatapos ko lang maligo at magbihis. Hindi na namumugto ang mga mata ko, kanina kasi, parang hindi na makita ang mga ito sa kakaiyak. Singkit na nga, tapos umiyak pa, akala ko hindi na ako makakakita!

Kaming tatlo ang lumiban sa klase ngayon. Matapos maayos ni Mayor ang gulo sa classroom, pumunta kami rito sa bahay nina Maria. Ayaw raw kasi nilang makita ang mga classmates namin, na para bang sila ang inaway ng mga ito.

Inilagay ko ang towel sa balikat ko at lumabas ng banyo. I saw Reyna and Maria having a serious conversation on the bed. Sa harap nila ay may tray ng pagkain, cookies, fruits, chips, and fruit shakes.

Narinig nila ang pagsara ko ng pinto kaya nilingon nila ako. Maloko ko silang nginitian nang makita ang malungkot nilang titig sa akin.

“Ang luwag ng shorts mo sa akin, baks. Nahuhulog, pero at least branded naman!” Ipinakita ko pa sa kanila ang waistband ng cotton shorts na suot ko na nirolyo ko nang ilang beses. Suot ko ngayon ang isang itim na cotton shorts at baby pink na t-shirt.

“Halika rito, palaka ka. Let’s talk!” Kinawayan nila akong dalawa.

Ngumisi ako dahil sobrang seryoso ng dalawa. Umakyat ako sa malaking kama ni Maria at nag-indian sit tulad nila. Kumuha ako ng prutas at kumain. I felt their piercing eyes following my every move. Pakiramdam ko, kahit sa pagnguya ko ay binabantayan nila ako.

“Mga bakla kayo! Bakit ba ganyan kayo makatitig sa akin? Ang seryoso niyo naman! Hindi akes sanay, ha!” suway ko sa dalawa.

Si Reyna ay inis na nag-cross ng arms at napabuga ng hininga. Si Maria naman ay parang nanggigil sa akin.

“Mabait ka ba talaga, baks, o nagkukunwari ka lang?”

“Yeah, because kung ako lang iyong binato kanina ng mga papel at binuhusan ng juice-”

“Lemonade yata iyon, baks!” pagtatama ni Reyna kay Maria.

Umirap si Maria. “Yeah, lemonade nga! Sorry, my fault!” pabiro pang untag niya, ngunit muling bumalik ang iritasyon sa kanyang mukha. “Itong si Cleo, naiinis ako! Bakit hindi ka lumaban kanina? Bakit hindi mo sinuntok o sinabunutan ang mga babaeng iyon? Shit! Nangangati pa ang hands ko na sumabunot sa kanila!”

Ang isang unan ang pinanggigilan ni Maria. Iyon ang kanyang pinagsusuntok sa inis.

“Korek ka, baks! Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo nang makita kong parang basang sisiw itong friend natin! Nasaan na ang baddie Cleo na kilala namin? The sassy and baddie Cleo that we know! Hanggang salita ka lang ba, bakla?”

Kumuha ako ng cookies at kumagat nang kaunti.

“Gusto ko namang lumaban. Gusto ko ring sumali kanina sa sabunutan ninyo, but at that moment… parang nag-malfunction ang katawan ko. Parang nag-shutdown ang utak ko at hindi ako makagalaw sa gulat nang biglang pumutok ang bagay na iyon,” paliwanag ko sa kanila. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. I saw how their annoyance subsided as I continued lamenting. “At saka, ayokong gumawa ng gulo sa school. Pinapaaral lang ako ni Lola Leticia, ayokong isipin niya na sayang ang pinanggastos niya sa pag-aaral ko. Alam niyo naman na gusto ko lang makapag-kolehiyo, ’di ba? Tapos ngayon… ganito na. Mali ko rin naman… hindi ako nag-iingat. Mali ko ring hindi ko tinanggihan ang magpipinsan!”

My throat felt scratchy. Tingin ko, doon lang tuluyang bumuhos sa akin ang bigat ng mga nangyari kanina sa SNU. Ngayon, pakiramdam ko ay ang bigat ng katawan ko at ang hirap huminga, na parang may sumasakal sa puso ko.

I pressed the base of my wrists onto my eyes and curled my body before I broke down once again.

“Sshh! Nandito kami sa tabi mo, baks!”

“You’re not alone, okay?”

Niyakap nila akong dalawa.

“Salamat, Maria, Reyna. Salamat kasi nandito kayo. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala kayo!” I hiccuped.

“Sshh! Tama na, sumasabay na ang sipon mo sa luha mo, baks!”

Nasamid ako sa sinabi ni Reyna. Nasampal tuloy siya ni Maria. Nanood na lang kami ng sitcom sa malaking flat-screen TV sa kwarto ni Maria.

“Alam na kaya ito ng mga ADT, Cleo?” biglang tanong ni Maria.

“Ewan ko,” pagkibit-balikat ko na lang.

“Tingnan mo ang cellphone mo. Baka may tumatawag na sa’yo o nagte-text,” ani Reyna.

Pinatay ko kanina ang cellphone ko dahil tingin ko, kapag nagbukas ako nito, ang issue ang bubungad sa akin. Parang nagkaroon ako ng trauma kaya ayaw ko munang humawak ng cellphone.

Iniisip ko na mahahanap nila ako kapag gusto nila akong makita, kaso nakapatay pala ang cellphone ko. Ngayon, gusto ko lang munang huminga at makapag-isip-isip.

“Saka na. Uuwi na rin naman ako mamaya. Makikita ko rin sila sa bahay ni Lola Leticia.”

“Maybe it’s good too, baks, kung sabihin mo ito sa kanila kung hindi pa nila alam ang nangyayari.”

“Yeah, they’re the Alvarez De Toledos of SNU. Maybe… just maybe, they can do something about it.”

Tumango ako kina Maria at Reyna saka yumakap sa plushie toy. Dahil nasa magkabilang side ko ang mga beklabu, isinandig nilang dalawa ang kanilang ulo sa balikat ko.

Sobra ang ganap sa buhay ko today, but it was bearable dahil nandito sa tabi ko ang dalawang bakla. Sumakit ang ulo ko sa pag-iisip kung paano kumalat ang mga larawang iyon at kung sino ang nagpakalat at gumawa ng istorya.

Nakatulog kami sa kama at nang sumapit ang hapon, nagdesisyon na akong umuwi. Hinatid naman nila ako sa bahay ni Lola Leticia.

“Basta, kapag kailangan mo kami, alam mo kung saan kami hahanapin, okay?” ani Reyna.

“Mag-text ka lang o tumawag, baks. We got you!” anas naman ni Maria.

“Thank you, mga bakla! Hulog kayo ng langit!”

“Hulog kami galing impyerno, bakla,” biro pa ni Reyna kaya binatukan siya ni Maria.

“Mario, nakakailan ka na sa akin ngayon, ha! Akala mo hindi ko napapansin!”

“Sorry naman!”

Bumaba ako ng kotse at kumaway sa kanila. Saka lang ako pumasok sa loob ng mansyon nang mawala na ang sasakyan sa paningin ko.

I was startled when I entered the house. The four Alvarez De Toledos welcomed me with stern faces, tightened jaws, and clenched lips. Parang lumukso ang puso ko sa loob ng dibdib ko. Wala akong gana ngayon sa pakulo nila.

“Where have you been?” Naunang nagsalita si Reign.

“Why did you turn off your phone?” si Vidal.

“Do you know how dangerous it is outside for you, Guillermo?”

“Hinanap ka namin, Nanny. Wala ka sa school, wala ka rin sa usual spot na tinatambayan niyo ng mga kaibigan mo. Where did you go?”

Huminga muna ako nang malalim. Nakatulog naman ako sa bahay ni Maria, pero ngayon, pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan ko.

“Inaantok ako. Bukas na tayo mag-usap, please!” Lalagpasan ko na sana sila kaso lang ay nagsalita sila.

“Cleo!” sabay nilang untag.

“Pagod ako ngayon, okay? Pwede namang bukas, eh. Huwag kayong mag-alala dahil mag-uusap talaga tayo! Ngayon, gusto ko munang mapag-isa! Pakiusap!” Hapong wika ko sa kanila.

Napakurap-kurap si North sa biglaang pagsinghal ko sa kanila. Sina Reign at Vidal ay nanigas ang mukha, habang si Dawson naman ay para akong sinusuri.

“Did something happen?” Dawson asked softly. Uminit ang mga mata ko sa luha.

Akala ko hindi na ako iiyak! Shuta! Hindi ganito ang branding ko, eh. Hindi naman ako iyakin o emosyonal na tao.

“Cleo, may nangyari ba na hindi namin alam?” sunod na tanong ni Reign. Sa pagkakataong iyon ay naging malumanay na ang boses niya.

I sighed. “Bukas na tayo mag-usap,” saad ko saka tuluyan silang nilampasan.

“Nanny, ang dinner mo! At least eat your dinner before you go to bed!” pahabol na sigaw ni North, kaso hindi ako lumingon at nagtuloy-tuloy na sa pag-akyat sa silid ko.

Pumasok ako sa kwarto at ni-lock ang pinto. Isinandig ko ang katawan ko sa saradong pinto at doon na bumuhos ang luha ko. Bumagsak ang bag ko sa sahig at parang walang lakas ang katawan kong dumausdos sa pinto.

Niyakap ko ang mga binti ko saka ako umiyak. Inilabas ko ang boses ko na hindi ko mailabas kanina. Gusto kong sumigaw upang gumaan ang dibdib ko. Naninikip ito nang husto na halos hindi na ako makahinga.

Bakit ang daling manghusga ng tao? Bakit ang dali nilang magsalita nang ganoon? Don’t they have feelings?

Words cut deeper than physical pain. A mere word can cut deeper and linger for a longer time than physical pain.

Kinabukasan, ayaw kong pumasok sa school. Baka maulit na naman ang nangyari kahapon. Ayaw ko na ring buksan ang cellphone ko. Namumugto ang mga mata ko at hindi ito kayang takpan ng makeup.

However, despite all those hesitations and fears, nakita ko pa rin ang sarili ko na nagbibihis ng aming uniform. Wala akong inaatrasan. Hindi ako magpapatalo sa walang katotohanang mga kumakalat na issue sa school. Oo nga’t may nararamdaman ako sa mga unggoy na iyon pero hindi ko sila nilandi.

I looked at my reflection in the mirror. My eyes were swollen and lifeless. Parang kailan lang noong excited na excited ako sa first day of school, at ngayong magtatapos na ang first semester, saka pa talaga nangyari ang lahat. Nawalan na ako ng ganang pumasok. Gusto ko na lang bumalik sa San Francisco Province.

But then, naalala ko ang hirap ng buhay namin ni Lola Kora sa probinsya. Ayokong mamatay na mahirap.

Medyo nagulat ako nang pagkarating ko sa hapag-kainan ay nandoon na ang apat na unggoy. Tapos na silang kumain base sa kanilang mga plato na malinis na at basong may natirang juice.

Kinagat ko ang labi ko. Pilit akong ngumisi sa kanila.

“Ang aga ninyong nagising, ah! Tapos na kayong mag-breakfast? Pwede na kayong mauna sa school!” masiglang saad ko, na parang walang naganap na iyakan kahapon at kagabi.

Kumuha ako ng toasted bread at pinahiran ng cheese. Pinakiramdaman ko sila, tahimik lang sila at nagmamasid sa akin.

Supposedly, binabati rin nila ako pabalik, ngunit ngayon ay tahimik lang sila.

“Ito lang ang kakainin ko kung gusto niyo talagang sabay tayong papasok ng school! Hehe! Busog na rin kasi ako at-”

“Hindi ka nag-dinner last night,” pagputol ni Vidal sa akin. “Tinawag ka ni North for dinner, but you went straight to your room, Cleo.”

Kumagat ako sa bread.

Ngumiti ako sa kanila. “Ahh, naghapunan na kasi ako sa bahay ni Maria.” Which was a lie. Hindi ako makakain nang maayos matapos ang insidente.

“Bakit hindi mo sinabi sa amin, Cleo?” Umigting ang mga panga ni Reign.

“H-huh?”

“Bakit hindi mo kami tinawagan o sinabihan sa nangyari?” sunod na saad ni North.

“Kung hindi pa kami nagtanong-tanong kagabi, we wouldn’t have known what happened to you! You made us feel so worthless and like cowards, Cleo,” dugtong naman ni Dawson.

Muli akong kumagat sa toasted bread ko. Doon ko itinuon ang aking mga mata dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanilang apat.

“Alam… niyo na pala. Hehe! Akala ko ako pa ang magsasabi sa inyo ngayon, eh!” Dinaan ko na lang sa tawa.

“Cleo, dapat sinabi mo sa amin.”

“Ayos lang ako, Vidal,” wika ko sa kanya.

“Pero hindi ayos na hinarass ka ng mga classmates mo! We were so furious last night when we learned about it from your class mayor!”

Gulat akong tumingin sa kanila. “Kinausap ninyo si Mayor?”

“Tsk! Of course! We want to clear your name and punish those girls who harassed you!” Kaagad kong inilingan si Reign sa kanyang naging pahayag.

“Huwag! Huwag ninyong gawin iyan! Naayos na naman ni Mayor ang gulo kahapon. Please, Reign, Dawson, North, Vidal, ayaw ko ng gulo. Nais ko lang pumasok nang walang gulo sa eskwela. Kasi kung itutuloy niyo iyang sinabi ninyo… lalaki lang ito lalo.”

Pikit-matang napabuntong-hininga si Reign, si North naman ay napayuko na lang. Si Vidal ay umiling, habang si Dawson ay nagtiim-bagang.

“Cleo, you’re too good to those girls who-”

“Dawson, please! Hindi na naman siguro nila iyon uulitin dahil napagsabihan na sila ni Mayor.”

“But, Nanny! Hindi simple ang ginawa nila sa’yo!”

“Yes, North is right, Cleo!”

Inilingan ko sina North at Reign.

“Fine! If that’s what you want!” Dawson grumbled.

“For us, Cleo, we’re just an ordinary student at SNU. But because of the scandal that happened, we cleared your name. We posted a statement to clear your name at para matigil na rin ang mga estudyante sa paghaharass sa’yo,” saysay ni Vidal.

Matamlay kong tiningnan ang apat. Nakatitig lang din sila sa akin.

“Pero tingin ko… mas mabuting itigil niyo na lang ang ginagawa ninyong apat.” Mahinang wika ko.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 36

Chapter 36

Dapat masaya ako kasi sobrang bilis humupa no’ng issue sa school. Tingin ko isang linggo lang siyang naging maingay, pero kalaunan ay parang bumalik na ulit sa dati ang buhay ng mga estudyante. Iyong mga classmates ko naman, tahimik na rin. Kaya dapat masaya ako, kaso lang nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko ay ang bigat ng dibdib ko.

Hindi nag-iinarte ang self. Talagang parang may bumabagabag sa akin. Akes ang nahihirapan sa naging desisyon kong patigilin ang mga unggoy sa ginagawa nila, sa panliligaw kuno nila sa akin.

Ako ang nagdesisyon, ako rin ang nagdusa! Each day feels like climbing the highest peak of a mountain. It’s excruciatingly painful, but I still need to dahil iyon ang gusto ko. Gusto kong maabot ang tuktok nito.

Ang hirap na sabay kaming pumapasok sa school, sabay umuwi, at sabay sa pagkain pero hindi kami nag-iimikan.

Weririt! Sila lang pala ang nag-uusap at parang hangin na lang ako sa buhay nila. Kung umakto sila ay parang hangin na lang ako, nararamdaman nila ang presensya ko pero hindi nila ako nakikita.

Ito na ang gusto ko. Ganito ang gusto ko noong una, mapayapang araw. Walang bangayan, walang sigawan, walang tuksuhan, at walang sakitan.

However, sa mga nangyayari ngayon, napagtanto kong mas masakit palang hindi nila ako pansinin. Masakit palang makita silang parang wala lang nangyari samantalang ako ay hirap na hirap na.

Naninikip ang dibdib ko habang inaalala ang mga simpleng away at bangayan namin noon. Habang nagri-reminisce ako, tingin ko ay ang romantic ng mga ’yon!

Nababaliw ka na, self! Dahil sa kagagahan mo, ikaw lang din ang nabaliw! Shuta ka, Cleo Guillermo!

At sa kalagitnaan ng pagdadamdam ko dahil naging cold na ang mga unggoy sa akin, saka naman kumalat sa SNU ang mga larawan namin ni Tanner. Humupa na ang issue sa amin ng mga Alvarez De Toledo, pero pumalit naman iyong kay Tanner.

Pero nagpapasalamat ako na nagsalita si Tanner doon. Nilinaw niyang magkaibigan kaming dalawa at iyong mga larawan na magkasama kami ay ‘friendly date’ lang.

Bwisit sila! Hindi nila alam kung ilang beses akong inindian ni Tanner! Totoong nagkagusto ako sa tao, kaso nag-bounce back naman kaagad ako since may jowang merlat. Ginamit pa ako ng lintek na otoko.

“Sigurado kang kikitain mo silang dalawa?” usisa ni Reyna sa akin habang naglalakad kami patungo sa coffee shop.

“Like, yeah~ Si Tanner Vasquez ang pinag-uusapan natin ngayon, Cleo Guillermo. Baka kung ano na naman ang gawin no’n sa’yo!” pumalatak naman si Maria.

“Kaya nga, ’di ba? Sa isang coffee shop ako makikipagkita sa kanila. Kasama naman daw ang syota niya kaya kampante akong walang gagawin ’yon. Saka public place kaya!”

“After everything, ngayon pa talaga siya makikipagkita? What’s wrong with him?” Irap nang irap sa ere si Reyna.

Knows ko naman na nag-aalala lang sila sa akin, since may nagawang hindi maganda iyong tao sa akin. Alam ko kung saan nagmumula ang pag-aalala nila.

“You two know naman na nawala ang phone ko, ’di ba? At kung hindi rin pumutok ang issue naming dalawa, hindi ko rin in-accept ang friend request niya sa Facebook. Isa pa, dati nang sinabi ni Tanner na gusto akong makausap ng jowa niyang merlat.”

Ako rin ang nagsabi kay Tanner dati na ayaw kong lumalapit siya sa akin sa school. Hindi ko rin naman siya nakikita kahit sa school grounds o canteen. Ngayon lang ulit kami magkikita at kasama niya ang girlfriend niya dahil gusto rin ako nitong makausap.

Ilang table ang layo nina Maria at Reyna sa table na ina-occupy ni Tanner at ng kanyang girlfriend.

“Hi!” magiliw na bati sa akin ng babae.

Tiningnan ko si Tanner at ngumiti siya sa akin. Sinuklian ko siya ng tipid na ngiti bago muling tiningnan ang kanyang girlfriend.

Sheyt! Kaya naman pala halos mabaliw si Tanner dito dahil sobrang ganda naman pala. Maliit ang mukha na hinuhulma ng kanyang v-cut hairstyle na may bangs pa. Singkit din ang mata, maputi, at ang ganda ng ngiti. Ito iyong klase ng ganda na nakakapanliit. Grabe ang face card ng merlat!

“Hello!” maliit kong bati sa kanila.

“Hi, Cleo! I’ve heard a lot about you from Tanner.”

Pati ang pang-uuto niya sa akin, ate girl, knows mo? Eme!

“Hehe!” hilaw kong tawa.

“Oh, by the way, I’m Khalin Moon.”

May lahi nga. Sa apelyido niya pa lang ay halata na. Ewan ko rito kay Khalin, ha, pero ngiti siya nang ngiti sa akin. Napaka-friendly niya naman? Hmm!

Tinanggap ko ang kamay ni Khalin at muntik akong mapamura nang maramdaman ang kanyang malambot na palad. Jusme! Hiyang-hiya ang kalyo ng palad ko sa kamay niya!

“Cleo… Cleo Guillermo.”

Tumaas saglit ang kanyang kilay pero kaagad ding ngumiti nang pakita ang kanyang maputi at pantay na ngipin.

“Ako na ang mag-o-order ng drinks ninyo,” boluntaryo ni Tanner.

“Okay,” ngiti ni Khalin sa jowa. Binalingan ako ng babae. “Anong drink ang gusto mo, Cleo?”

“Strawberry frappe,” tugon ko.

Tumalima si Tanner para mag-order at si Khalin naman ay nakuha ang atensyon ko nang kunin niya ang kamay ko sa mesa. Napapiksi ako roon.

“Oh,” usal niya. “Cleo, actually, pinilit ko lang si Tanner na i-chat ka para makipagkita sa’yo. I just really, really wanted to apologize to you. I’m sorry na nadamay ka.”

“Nangyari na ang nangyari, Khalin. Hindi na natin iyon maibabalik pa.”

Bumagsak ang balikat niya. “You’re right, but that doesn’t mean I won’t apologize. I know naman na humingi na rin ng tawad si Tanner sa’yo. Pero feeling ko, kailangan ko ring humingi ng tawad sa’yo. Napahamak ka because of him. He played with your feelings, that was so inconsiderate of him. Kung gusto niya akong iligtas, he could have thought of other ways. Nandamay pa talaga siya ng inosenteng tao. And now look at what happened, iyong mga taong walang alam sa nangyari, ginagawan kayo ng story.”

“Ang importante naman sa akin, Khalin, ay alam ko sa sarili ko ang ginagawa ko. Oo, inaamin ko noon na nagka-feelings nga talaga ako kay Tanner. Mabilis akong ma-fall, eh. Mabuti na lang at mabilis din akong maka-move on. Kinalimutan ko na ang mga nangyaring iyon. At saka about sa issue ngayon, nag-post na rin naman si Tanner tungkol doon. Wala rin naman akong dapat pang sabihin sa mga taong sarado ang utak.”

Ipagtanggol ko man ang sarili ko o hindi, ngayong presko pa sa kanila iyong mga isyung naglabasan tungkol sa akin, ayaw talaga nilang makinig. Paniniwalaan ng mga tao ang gusto nilang paniwalaan kahit na wala namang katotohanan.

“Cleo, are you okay?” tanong ni Tanner sa akin nang ilagay niya sa harap ko ang aking frappe.

Tumaas ang kilay ko sa kanya.

Kinagat niya ang labi. “Nothing. I just noticed that you’re kind of down since you arrived earlier. I hope the issue about us doesn’t weigh on you that much. Kinlaro ko na iyon,” maingat niyang saad.

“Wala ito! May iniisip lang,” tanggi ko naman.

“How are you and the Alvarez De Toledos?” tanong muli ng lalaki.

“Huh? Haha! Wala naman.” Napasipsip ako sa frappe ko.

Sa totoo lang, hindi ko iniisip masyado iyong lumabas na mga larawan namin ni Tanner na magkasama. Gawan man nila iyon ng isyu, ang mas nagpapabigat ngayon sa akin ay ang pagiging malamig ng apat sa akin.

I don’t care about other people’s opinions, pero iniisip ko ang apat. May say kaya sila tungkol doon sa mga larawan namin ni Tanner? Well, alam naman nila na crush na crush ko si Tanner dati.

Natapos ang pag-uusap namin na gusto akong maging kaibigan ni Khalin. Pero tingin ko hindi ko keri ang bagay na iyon. Kaaway lang ang mao-offer ko for her. Emerut! Hindi rin kasi maganda ang feelings ko kay Khalin eh.

“Anong ginagawa mo rito?” Ang unang tanong ko kay Uno nang isang araw ay bigla siyang sumulpot sa mansyon ni Lola Leticia.

“Grabe naman, Cleo? Wala bang ‘good afternoon’ d’yan?” biro niya.

Hinampas ko ang braso niya. Akala niya hindi ko alam na nilalandi siya ng dalawa kong kaibigan!

“Sira! Nagulat lang! Wala ka namang heads-up na pupunta ka rito!”

“Your men invited me for a drink! I think they really miss me, am I correct?”

Umirap ako sa kanya. “‘Your men’ ka d’yan! Feeling mo lang ’yan, Uno!”

“Ouch!” aniya saka umarteng nasaktan ang kanyang damdamin.

Umakyat ako sa taas upang puntahan ang mga unggoy dahil dumating na ang bisita nila, kaso lang ay nasa hallway na pala sila ng second floor. Mukhang pababa na rin.

Nagtagal ang titig nila sa akin dahil nakaharang ako sa dinaraanan nila. Iyong mga mata nilang iba’t ibang shade ng kulay green ay parang tinutupok ako.

“N-nasa baba si Uno,” saad ko. Akala ko ay mawawalan ako ng malay sa harapan nila. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko na halos hindi na ako makahinga.

“Mmm, we’re heading downstairs, Cleo,” Vidal said in his monotone voice.

Tumango lang ako at idinikit ang katawan sa dingding upang makaraan sila nang malaya.

Napasinghap ako nang dinalanan lang nila ako. Parang may sumakal sa akin. Iyong puso ko ay parang may tumarak na punyal na siyang dahilan kung bakit ito nagdurugo.

“Ayos ka lang ba, Cleo? Kung hindi ka maayos, kami na ni Jodel dito,” anang ni Ate Marli habang tumutulong ako sa kanila sa pagluluto.

Ang mga Alvarez De Toledo at si Uno ay nasa may pool area. Nag-iinuman at nagsu-swimming. Inaanyayahan ako ni Uno kaso mas pinili kong tumulong dito sa kusina.

“O-okay lang ako, ate. May iniisip lang po k-kasi ako.” Tipid kong nginitian ang dalawang ateng.

Matapos naming magluto ay tumulong din ako sa paglalabas ng mga pagkain. Kinukutos ko ang sarili ko dahil kahit anong pigil ko na hindi lingunin ang mga unggoy sa may pool, lumingon pa rin ako. Kapwa sila nakababad sa pool at nag-uusap. Kahit si Uno ay topless din at napapahilamos ng tubig.

“Kuha muna ako ng food, ha? Nagugutom na kasi talaga ako, eh,” rinig kong saad ni Uno.

Kaagad kong ibinalik sa mesa ang mata ko at inayos ang pagkakahanay ng mga pagkain.

“Una na ako sa loob, Cleo, ha?” ani Ate Jodel dahil nauna na siyang pumasok sa loob. Maghahapunan na rin kasi kami.

“Sige, ate, susunod din po ako.”

Umalis si Ate Jodel ngunit sumulpot naman sa tabi ko si Uno. Ngumiwi ako nang ipagpag niya ang basang buhok sa akin.

“Uno!” inis kong suway sa lalaki. Akmang aabutin ko ang buhok niya upang hilaun ito, ngunit sinangga niya kaagad ang braso ko.

“Ops! Ang seryoso mo kasi rito!”

“Ano naman sa’yo?”

“Ang sungit mo naman ngayon!” aniya saka lumapit sa akin. Kumurot siya sa balat ng crispy pata. “There’s something going on between you and the Alvarez De Toledos, am I right?”

My head snapped at him. “A-anong sinasabi mo?”

Ngumisi ang isa pang kumag. “It’s obvious. Iniiwasan mo sila. Ang mga gago naman, iniiwasan kang pag-usapan pero… territorial pa rin.”

“T-tse! Kung ano-ano na ’yang sinasabi mo, Uno!”

“Cleo, it’s obvious. Those assholes like you.”

“U-Uno…”

“Are you afraid, Cleo?” Deretsong untag niya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

“Well, I can’t say that it’s easy either. Mahirap ngang magkagusto sa isa, ano pa kaya sa apat… ’di ba?”

“Mali kasi ito, Uno, eh. Kahit saan tingnan, maling-mali!”

Sinuyo ako ng apat dahil gusto nila ako. At no’ng naamin ko na sa sarili ko na nahuhulog na rin ako sa kanila, pumutok naman iyong isyu. Siguro sign na iyon para tumigil sila. Ang tadhana na ang gumawa ng paraan kasi hindi ko sila napigilan no’ng una. Ginising lang ako ng tadhana sa katotohanan.

“You know what, Cleo? Unang impression ko pa lang sa’yo no’ng una kitang makita, batid ko nang matapang ka at hindi madaling sumuko. Kaya akala ko tigasin ka talaga, however, may kanya-kanya naman tayong kahinaan, ’di ba?”

“I-iba na kasi ito, Uno, eh,” mahinang saad ko.

“Nahihirapan din sila, Cleo. Nahihirapan din ang apat na ’yon, honestly, kaya nga nila ako pinapunta rito dahil wala raw silang makaka-usap. Mga gago, nandito ka naman!” Iling-iling niyang untag. “But seriously, Cleo, ayaw nilang masakal ka nila, ayaw nilang masaktan ka dahil sa kanila, ayaw nilang nakikita kang ganito. You know what they said? Mas pipiliin nilang pagmasdan ka kaysa naman masaktan ka dahil sa nararamdaman nila.”

Naibalik ko ang mata ko kay Uno. Ang kumag na ’to, nagmama-ang-maaangan pa talaga eh may alam pala sa mga nangyayari!

“May kanya-kanya tayong kahinaan, Cleo. Somehow, I understand you. And those assholes? Ikaw rin ang kahinaan ng mga ’yon,” pahayag ni Uno at ginulo ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay. “Take your time, Cleo. Hinihintay ka lang din nila. They’re just giving you time and space. Hindi sila basta-basta sumusuko, I hope you’ve realized that by now.”

Hindi nga kami nagkaroon ng maayos na pag-uusap ng mga unggoy. Bigla-bigla ko na lang silang pinapatigil sa pagsusuyo nila sa akin. Hindi rin nila ako kinwestiyon doon.

At sa mga panahon na naging neutral sila sa pakikitungo sa akin, doon ko hinahanap ang kanilang warmth. Sa mga panahon na naging pormal sila sa akin, doon ko naman nakita ang halaga nila sa buhay ko.

Ang kakulitan ni North. Ang malolokong ngiti ni Vidal sa akin. Ang pagiging protective ni Reign. Ang pagiging attentive ni Dawson despite his cold and nonchalant demeanor. Each of them has a space in my heart. Each of them gave off different warmth in my heart.

“Ang galing talaga nina Reign at Dawson! Hayst!” buntonghininga ni Reyna habang nanonood kami ng archery competition.

Dumating ang intramurals na klaro na ang nararamdaman ko para sa apat. I plan to talk to them after the intramurals. Sa mga nagdaang linggo ay hinayaan ko muna silang maging busy sa kani-kanilang sports. Marami pa naman kaming oras eh.

“Like, yeah~ Look at those girls! Grabe kung makatili! Nandito ang gusto ng mga ’yan, mga teh!” palatak naman ni Maria sa tabi ko.

Naramdaman ko ang mga mata ng mga beklabu sa akin kaya binalingan ko sila. “Ano?”

“Wala, palaka ka! Ang haba lang ng buhok mo! Pinakyaw mo ang magpipinsan, eh-”

“Sshh!” I hushed them. Umakto silang zi-nipper ang kanilang bibig.

Nauna akong umuwi sa apat. Tinext ko sila na mauna na ako sa bahay dahil napanood ko na rin naman ang lahat ng match nila sa araw na iyon. I hailed a taxi and went home.

Mabagal ang paglalakad ko papasok ng mansyon nang mapansin ko ang mga sasakyan sa labas ng bahay. Tumaas ang kilay ko. Nakauwi na ba si Lola Leticia? Bakit hindi nagbalita sa akin si Lola?

Malaki ang ngiti kong pumasok sa bahay. Namiss ko rin si Lola Leticia, eh. Kaso unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko kung sino ang nasa sala. Ito ang unang beses na nakaharap ko sila, at nangatog ang mga tuhod ko dahil sa kanilang presensya.

Ang mga magulang ng mga unggoy ay nasa sala. Tiningnan nila ako na para bang isa akong specimen na kanilang pag-aaralan.

“G-g-good afternoon po, Ma’am, Sir!” anas ko at saka yumuko. Dapat nilagyan ko ng ‘s’? Nandito kasi lahat ng parents ng mga unggoy.

“Cleo Guillermo, right?”

Nag-angat ako ng tingin at hinanap sa mga tao sa sala ang tumawag sa akin.

“O-opo,” tugon ko na lang.

I saw Dawson’s mother cock her head to the side before she eyed me intently. Naiihi na ako sa pants ko.

“We have a lot of things to discuss, Cleo, don’t we?”

Napatanga ako sa kanila.

“Come join us here, hijo,” tawag naman ng ina ni North sa akin.

Nahihilo na ako sa presensya nila. A surge of shock and fear coursed through me.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 37

Chapter 37

Wala akong panahon o oras para mag-inarte dahil nasa harapan ako ng mga magulang ng apat na unggoy. Kaso lang, sa mga puntong iyon ay parang hihimatayin na ako sa kaba at takot habang nakatuon ang mga mapanuring titig ng mga gurang na ito sa akin. Pinagmamasdan nila ako na para bang tinubuan ako ng sungay sa noo.

Sa mga larawan lang dito sa bahay ko sila nakikita. May mga family pictures kasi silang nakasabit sa dingding nitong mansyon, kaya nakikilala ko kung sino sa apat na unggoy ang kanilang mga anak. Tama nga si Uno, napaka-intimidating ng mga magulang ng apat. Nakakapanliit.

Mahwosusbbshk! Nakakainis! Nais kong magdabog at magwala kaso hindi ko magawa. Sana pala hindi na lang ako naunang umuwi! Sana pala nagpagabi na lang ako sa school. Sana pala hinintay ko na lang ang band palabas sa ground. Hindi ko sana makikita ang mga ’to!

Sa pagkakaalala ko, si Lola Leticia ang uuwi ngayong December dito sa mansyon. Walang binanggit si Lola na uuwi rin ang mga magulang ng unggoy niyang mga apo. Kaso, bakit nandito na ang mga ’to? Bakit nandito na sila gayong wala pa si Lola Leticia?

Sheyt! Habang dumadaan ang bawat segundo, palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga at naninikip na ang aking puso.

“You were the one whom our mother hired to look after our sons, right, Cleo?” tanong ng ina ni Dawson. Nagtatagpo ang kanyang mga kilay at kahit hindi niya sabihin, ramdam ko ang pagkadisgusto ng babae sa akin.

Walang intro-intro, diretso na tapatan! Parang nasa Face-to-Face lang sa isang TV show! Kaso dehadong-dehado ako dahil mag-isa ako tapos sila walo! Shuta!

“O-opo! Ako nga po!” sagot ko. Dikit na dikit ang mga paa ko sa isa’t isa at nasa tuhod ang dalawang kamay.

Lord, sana hindi nila nahahalata ang panginginig ng mga tuhod ko ngayon! Kahit na anong pigil ko, nagba-vibrate talaga sila nang kusa.

“You’re just here for five months, aren’t you?” tanong naman ng ina ni North, isa sa mga manugang ni Lola Leticia.

Oh my ged! Hindi ako maka-awra sa harapan nila dahil nakakapanghina ang kanilang mga titig. Parang hinihigop nila ang katiting na lakas na mayroon ako ngayon.

“Tama p-po kayo, Madame!” tugon ko.

Tiningnan ko ang mga ama ng mga unggoy kong alaga. Sa isang mahabang sofa nakaupo ang mga magulang nina North at Dawson. Habang sa isang single sofa naman ang ina ni Vidal, at sa armrest nito nakaupo ang kanyang ama. Ganoon din ang pwesto ng mga magulang ni Reign.

Wala akong mapuna sa kanilang mga hitsura. Magaganda, sopistikada, graceful ang galaw, at intimidating. Dahil sa kanilang presensya, parang may mabigat na bagay na bumagsak sa mga balikat ko.

I bit my lips, which were already as white as paper right now. Kahit ang likod ko ay pinagpapawisan nang malamig kahit may aircon naman sa mansyon. Ang mga palad ko ay sagana sa pawis, animo’y pasmado.

“You’ve been here for just a short span of time, yet you managed to create such a huge and unpleasant issue with our sons, haven’t you, Cleo Guillermo?”

Malalim ang naging lunok ko sa tanong ng ina ni Reign. Deym! So, nakarating sa kanila ang issue? Halos isang linggo lang iyong pinag-usapan sa school tapos nawala ring parang bula, ngunit nakaabot pa rin sa kanila.

“W-wala po iyon, Madame. G-gawa-gawa lang po ang mga iyon. Walang katotohanan ang mga iyon!” tanggi ko sa kanila.

“Really?” anas ng ina ni Vidal.

Yumuko ako at huminga nang malalim. “Batid kong nakarating sa inyo ang nangyari sa school, p-pero hindi po totoo ang mga iyon. N-nakakasama ko po ang mga u-unggoy… este… ang mga anak ninyo kasi sabay po kaming pumapasok sa school at umuuwi. Naghihiwalay din po kami agad pagdating sa school dahil hindi naman p-pareho ang building namin.”

Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagsasalinan ng titig ng mga kalalakihan. Pero ang kanilang mga asawa ay nakatuon pa rin sa akin.

“But there are pictures of you together with our sons, your pictures with Vidal, Reign, North, and Dawson. Those were taken on different days and at various events. You even went camping, just the five of you. What about those?” hayag ng ama ni Dawson.

“Yes, hijo. Nakita namin ang mga larawang iyon,” segunda naman ng ama ni Reign.

Pinukol ako ng titig ng ama ni North. “Is there… something going on, Cleo?”

“Were you interested in our sons?” ani ng ama ni Vidal.

“We saw the post. The statement our sons made to save your face, your reputation, Cleo,” matamang saad ng ina ni Reign.

Hindi ako nakasangga sa mga tanong nila.

Oo nga naman. Nakarating sa kanila ang mga larawan at issue sa school tungkol sa kanilang mga anak. Kaya imposibleng hindi umabot sa kanila ang naging pahayag ng mga ito.

’The photos circulating online have reached us. It was disheartening how some of you easily believed those baseless words and faceless accusations. Cleo is one of our househelps. We never told this to anyone, but because of what happened, we cannot let it slide. He is being harassed by some of our fans and it pains us, we treasure him so much. He never flirted with us. Not even once!

Those photos were taken without our knowledge. But to make things clear, those were just simple hangouts with Cleo, as he is close to us and is our friend. As of now, we are already tracing who took the photos and who uploaded them.

You could have asked us instead of posting those photos. You could have approached us instead of resorting to violence.

We hope that through this message, everything is clearer now.’

Reign Alvarez De Toledo North Alvarez De Toledo Dawson Alvarez De Toledo Vidal Alvarez De Toledo

Wala namang kung ano sa post. Para lang talaga iyon matigil ang pang-haharass ng ibang estudyante.

“Nagpapasalamat po ako sa ginawa nilang iyon, Madame. S-siguro po… nakita l-lang nila na sumusobra na rin ang ibang estudyante kaya tingin nila ay kailangan nilang gawin iyon.” Nakuyom ko ang aking palad.

Kinagat ko ang labi ko dahil parang anomang oras ay mawawalan na ako ng malay dito.

Naiintindihan ko kung bakit nila ginagawa ang bagay na ito. Ayaw lang nilang madawit o madungisan ang reputasyon ng kani-kanilang mga anak. Tapos nadawit pa sa ganoong issue-hindi maganda iyon para sa kanila. Lalo na sa isang katulong at baklang katulad ko.

“Hijo, you didn’t answer my question.”

Lumipat ang mata ko sa ama ni Vidal.

“P-po?”

“Hijo, hindi man namin laging nakakasama ang mga anak namin at tanging si Mama lamang ang nakasaksi sa paglaki nila, we know them. We know our sons,” litanya ng ama ni Reign.

“Dammit!” napamura ang ama ni North.

“May kutob na kaming… interesante ang mga anak namin sa’yo, ’di ba?”

Hindi ako nakasagot sa ama ni Vidal dahil dumating na ang mga unggoy.

“Mommy!”

“Dad!”

“Pa!”

“Ma?”

Para akong nabunutan ng tinik nang marinig ko ang mga boses nila! Shuta nila! Bakit ang tagal nilang umuwi! Ginigisa na akong mag-isa ng mga magulang nila! Mga timawa talaga!

Lumapit sila sa kani-kanilang mga magulang. Para silang nagkaroon ng family gathering. I swallowed the bitter bile forming in my throat as I watched them. Kumpleto ang pamilya nila. Mahal sila ng mga magulang nila.

Ito ang bagay na hindi ko naranasan. Ito ang bagay na kailanman ay hindi ko matatamasa. Kaya kahit hindi dapat… may inggit sa puso ko. Parang ang unfair ng mundo sa akin.

I wasn’t born privileged. Kailangan kong mag-extra kayod para makapasok sa school. Lahat ng bagay ay kailangan kong gapangin para lang makuha. Parang ang hirap sumaya ng katulad ko.

Ngayon na alam ko na ang nararamdaman ko para sa apat, saka naman ako kinontra ng pagkakataon. Now that I’ve sorted out my thoughts and feelings for the four of them, saka naman ipinakita ng mundo sa akin ang masakit na katotohanan.

“Bakit po kayo napa-uwi rito? Where’s Abuela?” narinig kong tanong ni Vidal.

“We’re here because we missed you guys, and we heard what’s happening here,” tugon naman ng ina ni Vidal.

“What? What happening?” si Reign.

“We just asked Cleo some questions,” saad ng ina ni Reign sa kanya.

“Like what?” sabat ni Dawson.

“Kung naging interesado rin ba si Cleo sa inyo,” ang ina ni Dawson ang sumagot sa kanya.

“We know you, young men. You’ve been interested in this little fella, right?”

“Dad!” North barked at his father. “Mom, Dad, Tito, Tita, wala pong ginagawa si Cleo. He’s just doing his job here,” anas ni North. Isa-isa niyang tiningnan ang kanilang mga magulang at mga tito at tita.

“Dammit! You went home because you guys knew we’re interested in Cleo. And what about it? What if we like the same-”

“Dawson Vale!” awat ng kanyang ina. “Are you out of your goddamn mind? Are you hearing yourself?”

“My God! Ano’ng nangyayari sa inyo? Liking the same… the same person? And a boy? Aren’t you guys disgusted by such a thing?” tumaas na rin ang boses ng ina ni Vidal.

“It was really a bad idea na pagsama-samahin kayo!”

“And this idea of Mama, too- to have a fag houseboy!” iritadong saad ng ina ni Reign kasunod nang sinabi ng ina ni North.

“Ma, tama na!” napasigaw si Reign sa kanyang ina.

Nagkagulo na sila. Nagkanya-kanya na silang sigawan. Ang apat na unggoy ay pinagtatanggol ako sa kanilang mga magulang, habang ang mga magulang naman nila ay nagbabato ng masasakit na salita sa akin.

“That boy should leave!” matigas na turo ng ina ni Dawson sa akin.

“Tita!” North’s voice raised.

“You young men became this ungrateful and ill-mannered because of that fag!”

“Tita, please, don’t disrespect Cleo like-”

“Manahimik na kayo!” awat ko sa mga batang Alvarez De Toledo, dahil sa tingin ko ay handa na silang makipag-away sa mga magulang nila. I’m not worth it. I don’t deserve to be protected by them. I don’t deserve to be defended like this.

Sapat na sa akin na malaman na handa nila akong ipagtanggol kahit laban sa mga magulang nila. Pero hindi ko kakayanin kung masisira ko ang relasyon ng pamilya nila.

I know they like me. I feel it. I see it. And that’s enough for me. Sapat na sa akin na malamang may nagmahal sa akin… hindi lang isa, kundi apat. Kung part of a phase lang itong nararamdaman nila, it’s fine with me. Because once in my life, I was loved- loved aside from my Lola Kora’s affection.

Awtomatikong nanahimik ang apat at pumirmi. Nanlaki ang mga mata ng kanilang mga magulang. Parang nagulat sila na sa isang salita ko lang ay sumunod ang kanilang mga anak nang walang angal.

“Tama na,” mahinahon kong saad.

“Nanny.”

“Guillermo!”

“Cleo!”

“Cleo.”

Nginitian ko sina North, Dawson, Reign, at Vidal. Akmang lalapit sila sa akin kaso umiling ako.

“Kung ayaw ninyong apat na magkawatak-watak, that boy needs to leave this place!” sabi ng ina ni Reign.

“Ma!” Alma ni Reign sa ina.

“Yeah, by now you should have realized what you’ve done, hijo.”

“Mom, please tama na po!” ani North.

“We won’t tolerate our sons, and neither will we tolerate you! Kahit na ano pa ang nararamdaman mo sa mga anak namin, aalis ka!”

“No, Mom!” kontra ni Vidal sa ina.

“We kindly ask you to leave, hijo. We don’t want to resort to coercive measures just for you to abandon this-”

“Daddy, alam ninyong hindi lang din kami manonood kapag may ginawa kayo kay Cleo!” asik ni Dawson sa ama.

“No matter how I see it, I don’t see anything special with this little fella. He is just a normal boy-”

“A fag,” pagputol ng ina ni Reign sa ina ni North.

“Tita!”

“Mommy!”

“Hehe!” ngisi ko. Nakita ko ang pagtataka sa mga mata ng apat na unggoy.

Naningkit ang kanilang mga mata sa akin. Tiningnan nila ako na para bang nababaliw na ako, tumatawa sa gitna ng pagtatalo nila.

Yes, indeed, I was hurt- badly hurt by the words they threw directly at me. Pero masaya ako kahit ang sakit na… kahit na gusto ko nang umiyak. Walang luhang lumalabas sa mga mata ko. Naghalo-halo ang takot, kaba, inggit, at sakit sa dibdib ko. Siguro hindi na alam ng utak ko kung ano ang uunahin, kaya hindi ako makaiyak ngayon.

“Papaalisin niyo po talaga ako?” tanong ko at isa-isa kong tiningnan ang mga magulang ng apat na unggoy.

Nakita ko ang pagpoprotesta sa mga mata nina North. Pakiramdam ko ay gusto na nila akong dambahin ngayon at alugin ang utak.

“You heard us, hijo!” mataray na saad ng ama ni Reign.

Reign hissed at his father.

Ngumuso ako. “Hindi po ba kayo mag-aalok ng pera? Iyon po kasi ang nakikita ko sa mga teleserye, eh. Iyong maglalabas po ng tseke ang magulang sabay sabing, ‘Sampung milyon, layuan mo ang anak ko.’”

Natanga ang mga unggoy sa naging pahayag ko. Ilang sandali lang ay natatawang umiling si Reign. Si Vidal naman ay napapikit pero may ngisi sa labi. Si Dawson ay parang proud na nakangiti sa aking ginawa, at si North naman ay namumula, parang nagpipigil siyang huwag humalakhak!

Ngunit ang kanilang mga ama ay halos lumuwa ang mga mata. Ang kanilang mga ina naman ay nagkanya-kanyang hawak sa dibdib, animo’y aatakehin na sa puso.

“Pero apat po sila, eh. Kaya magiging 40 million. Ngunit alam ko pong napakayaman niyo, kaya gusto ko po sanang gawing 80 million. Tig-dalawampung milyon po ang bawat isa sa kanila.”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 38

Chapter 38

“Bakla, ’wag ka muna mabaliw, please lang! May finals pa tayo sa Thursday at Friday,” untag ni Reyna sabay flip ng kanyang imaginary long hair sa likod. He gave me the sassiest glare.

“Like yeah~ may last battle pa tayo before this sem ends! Urgh!” sunod na ungot naman ni Maria kay Reyna.

Sheyt! Anong gagawin ko nito ngayon, Lord? Mayaman na ako! Milyonaryo na ako sa isang iglap lang! Pwede na ba akong tumigil sa pag-aaral at gumala na lang around the world?

Hindi na nakakaganda sa akin itong mga happenings sa buhay ko. Baka mag-decline itong face card ko. Ni hindi na maka-awra ang baklang ’to ngayon dahil sa sunod-sunod na mga ganap sa buhay! Litse talaga! Nshskshwshk!

Oo nga’t maswerte na ako no’ng prelim namin dahil nakapasa ako kahit paano, pero ngayon sana maipasa ko ulit. Ipapa-Diyos ko na lang ulit ang finals namin sa Huwebes at Biyernes!

Inaatupag ko naman ang mga kailangan kong pag-aralan ngunit dehins akes nakakapag-focus dahil sa mga nangyayari. Gustuhin ko mang maging nonchalant sa mga happenings ngayon pero ’di ko magagawa!

Ayan na, Cleo! Kasalanan mo rin naman ’yan, bakla ka! It was you who dragged yourself into this mess! Wala kang ibang sisisihin kundi ang sarili mo lang din!

“But in fairness, baks, ha. Ang ganda nitong condo mo,” ngisi ni Reyna at saka nilibot ang mga mata sa condo ko.

Sinapo ko ang aking ulo at ibinagsak ang mga mata sa reviewers ko. Ilang beses ko na itong binabasa pero tingin ko walang pumapasok sa isip ko.

Limang araw na simula no’ng kinumpronta ako ng mga magulang ng mga unggoy. Limang araw ko na ring hindi nakikita ang mga unggoy kong alaga, at limang araw na rin akong nakatira dito sa condo.

I never saw this coming, to be honest. Hindi ko aakalain na mararanasan ko ang mag-condo-condo.

Kasi sa totoo lang, wala akong plano. Napakabiglaan ng pag-uwi ng mga magulang ng mga unggoy kung kaya’t hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko.

For the past weeks, my mind was occupied by the four white monkeys and busy sorting out my feelings. Nakalimutan kong may mga magulang pala sila. Nakalimutan kong may kailangan pa pala akong haraping iba aside sa feelings ko.

Para akong na-ambush at hindi ako makapag-react. Talagang hinayaan ko na lang ang lahat na mangyari, with no restraint or repulsion.

At naisip ko pa talagang mag-demand ng pera sa mga magulang ng mga otoko! Ggrr! Gaga ka rin talaga, Cleo!

Halos sabunutan ko na ang sarili ko habang nasa harap nina Reyna at Maria. Sa mga nakalipas na araw, sila itong kasama ko at sa kanila ko nasasabi ang mga ganap ko sa buhay. Alangan namang sabihin ko kay Lola Kora? Eh, baka atakehin iyon!

Akala ko kapag may pera na ako, wala nang problema, kaso parang mababaliw naman ako kakaisip. Anong gagawin ko sa 80 million na meron ako ngayon? Oo nga’t nasa tseke pa sila, pero aanhin ko ang pera na iyon kung wala akong peace of mind at tunay na kaligayahan?

I shouldn’t have belittled the parents of those four monkeys! I thought hindi sila maglalabas ng pera at kokontra sa gusto ko. Kaso lang, unang naglabas ng tseke ang magulang ni Dawson. Right there, isa-isa nila akong binigyan ng tig-dalawampung milyon!

Maliit lang ba ang dalawampung milyon sa kanila? Dapat ba siguro ginawa kong 100 million each?

Ang reckless ko! Dapat 100 million each iyon para umangal sila at hindi ako paalisin sa mansyon ni Lola Leticia.

But thankfully, sa kalagitnaan ng komprontasyon na iyon, dumating si Lola Leticia. She went against her family and hauled me out of their house. That’s why nandito na ako sa isang condo ngayon. Kinunan ako ng condo ni Lola Leticia dahil ayaw niyang mag-stay ako sa bahay habang nando’n ang mga anak niya dahil baka saktan daw ako ng mga ito. At isa pa, pinapalayas na rin ako ng mga anak niya.

Hindi rin pumayag si Lola Leticia na umalis ako ng bahay nang hindi niya alam kung nasaan ako o kung wala akong matutuluyan, kaya kinunan niya ako ng condo unit.

“Anyway, bakla, after ng finals natin, vacation na. What’s your plan? Iiwan mo ba talaga ang mga ADT?” usisa ni Maria maya-maya, kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kanila ni Reyna.

“May Christmas party tayo pero hindi naman ’yon mandatory. Kung sino lang ang gustong sumali. Dadalo ka ba?”

Ibinagsak ko ang ulo ko sa aking mga reviewer. “Uuwi na lang ulit ako sa San Francisco at baka doon na rin ako mag-aral.”

“What? Aalis ka ng SNU? Baks, you bagged 80 million from your suitors’ parents! Basically speaking, you’re a millionaire right now. Kaya mo nang mag-aral sa SNU without Lola Leticia’s assistance!” Eskandalosong saad ni Reyna.

“Like~, Reyna’s right, Cleo. Mayaman ka na ngayon, magagawa mo na kung ano ang want mo!”

“Pero tingin niyo ba hahayaan ako ng parents ng mga unggoy na ’yon? Kapag nalaman nilang nasa SNU pa ako, tingin n’yo ba titingin lang sila?” pahayag ko sa kanila.

Kaya nga nila ako binigyan ng 80 million dahil atat silang palayuin ako sa mga anak nila. I cannot go against those big and powerful families. Kung hindi ako aatras, no doubt that I’ll be crushed. Ito ang klase ng laban na hindi ko talaga kaya. Ito ang klase ng laban na ayaw ko nang subukan.

“But you like them, ’di ba? Alam na ba nila ang feelings mo?”

Tiningnan ko si Reyna. “Ano pa ang point?”

“Palaka ka, baka may magawa sila!”

“Yeah~!”

“Baks, kahit may gawin ang mga unggoy na iyon, ayaw ko rin. Ayokong kinakalaban nila ang pamilya nila para sa akin. I’m not worth the risk and the fight! They’ll get nothing from me! I’m just a nobody-a bum gay!”

“Cleo, you’re not! Don’t think of yourself so low. Do you really think nagustuhan ka ng mga Alvarez De Toledo because may makukuha sila sa’yo?”

“Reyna’s right, Cleo. Minsan lang nagkakasundo ang mga Alvarez De Toledo. Kaya napansin mo na iba-iba ang sports nila kasi ayaw nilang mag-clash sa isa’t isa. Pero dahil sa’yo, nagkasundo sila. They seriously like you more than what we think!”

All I ever wanted was to finish my studies and give Lola Kora a better life. I wanted to give back the love and care she gave me, that’s why I strived to be successful. Lumalandi ako noon kaso hindi rin talaga seryoso at wala rin talagang matinong lalaki noon na lumandi sa akin. And what’s worse ay iyong pinaglaruan lang ako ng crush ko.

And now that I fell in love… not just with one or two men, but four men, may malaking pader kaagad na humarang. Maybe it’s God’s way para hindi ako tuluyang malunod sa nararamdaman ko.

Sa mga lumipas na araw na hindi ko nakikita ang mga Alvarez De Toledo, pakiramdam ko ay wala nang excitement itong buhay ko.

Nakakalokang isipin na sa loob ng ilang buwan na nakasama ko sila ay ganoon na ang naging epekto nila sa buhay ko.

Namiss ko iyong mga walang kabuluhang away namin at pagtatalo. Namiss ko iyong sigawan namin. Namiss ko lahat ng bagay na tanging sila lang ang nakakagawa sa akin.

“Finally! Tapos na ang exams! Thank you, Lord!” eksaheradang sigaw ni Reyna pagkalabas namin ng classroom. Nag-sogn of the cross siya.

“Like yeah~”

“Ano, gala tayo? Tapos inom tayo sa condo mo, baks? G?” puno ng enerhiyang wika ni Reyna. Parang hindi na-drain sa exams namin.

“Let’s all drink until we cannot walk anymore!” Maria cheered. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao sa paligid namin.

“Sige na nga!” I need this distraction. “Lubusin na natin ito dahil uuwi na rin akong probinsya!”

“Baks naman!”

“Itatali ka namin sa kwarto mo!” pananakot nilang dalawa.

“Mga lukaret! Uuwi lang ako kasi bakasyon at namiss ko na ang Lola Kora ko. Susurpresahin ko siya!”

“Tiyak magugulat ang lola mo, bakla, kasi naging instant millionaire ka!” tawa ni Reyna.

“Basta, hindi ka lilipat ng school! Sa SNU ka pa rin sa second sem!” may pairap na saad ni Maria.

“Oo nga!” ani ko naman.

Inangkla ko ang braso ko sa braso nila at naglakad na kami palabas ng school. Kumain at tumambay kami sa mall. Pagkatapos ay bumili kami ng alak dahil balak talaga nilang uminom kami.

Nag-alala tuloy ako dahil sa dami ng bote ng alak na aming binili. Tingin ko magkakasakit kami sa dami ng binili nila.

“Kayo naman, parang pinakyaw n’yo na ang alak doon!” puna ko sa kanila nang makita ko silang isa-isang nilalabas ang alak.

“Minsan lang naman, at uuwi ka pa sa probinsya ninyo. Sulitin na natin ito,” talak ni Reyna.

“And baks, baka pumunta rin kami sa probinsya ninyo, ha. The last time, nagsisi kami na hindi kami sumama sa’yo!”

“Sige ba!” sagot ko sa hanash ni Maria.

Dinala na namin ang pulutan, alak, at mga baso sa sala. Gusto rin kasi naming manood ng movie habang nag-iinuman.

“Nagpaalam ba kayo na hindi kayo uuwi ngayon? Baka may biglang sumugod dito, ha,” babala ko sa dalawang beklabu na nagsasalin na ng alak.

“Don’t worry, Cleo. Nagpaalam na kami!”

“Mabuti nang sigurado!” anang ko kay Maria.

Sa una ay puro lang kami chika tungkol sa kanilang mga nakakalandian dati. Hanggang sa umabot na nga kay Uno, at ang dalawa ay humaling na humaling nga roon. Ay sus! Ewan ko kung ano ang nakita nila sa kulot na iyon!

Hindi ako sanay uminom kaya binabantayan ko talaga ang sarili ko. Whereas ang dalawang beklabu, tungga nang tungga, kaya kahit alas-diyes pa lang ng gabi, bagsak na sila.

Si Reyna na siyang maputi, tulad ko, pulang-pula ang buong mukha at nakahiga na sa carpet. Si Maria naman ay nakasubsob na sa center table at lasing na rin.

“Alam mo baks, maswerte ka dahil crush ka ng crush mo! Kaya shana ’wag matakot mag-rishk!” tinuro-turo pa ako ni Maria.

“Mmm! Tama ang lukaret na ’yan, Cleo. Knows namin na mahirap kalaban ang mga magulang ng mga mahal mo. Pero wala namang mawawala kung aaminin mo sha kanila ang feelingsh mo. It’s up to those men kung paano ka nila ilalaban sa kanilang parents!” napapikit na saad ni Reyna doon sa sahig.

“Hay! Halika na nga kayo. Matulog na kayo.” Tumayo ako, muntik pa akong matumba dahil umikot saglit ang mundo ko.

Una kong dinala sa silid si Maria at sunod kong inakay si Reyna. Ang mga beklabu na ’to, akala ba nila ang liliit ng katawan nila? Sobrang bigat nila!

Pagkatapos kong asikasuhin ang mga bakla, nilinis ko rin ang kalat namin sa labas. Nagbihis na rin ako at nag-toothbrush. Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto upang makatulog nang may marinig akong nagdo-doorbell!

Napatingin ako sa mga bakla na bagsak na. Nagyayakapan na nga ang dalawa doon sa sahig.

Lumabas ako at binuksan ang ilaw. Tinungo ko ang pinto sa pag-aakala na sinusundo na ang mga beklabu. Ngunit nang buksan ko ang pinto, bumungad sa akin ang apat na unggoy.

Natigilan ako nang makita ko sila sa labas ng pinto. Isasara ko na sana ang pinto ngunit hinarang na ni North ang kanyang kamay at tinulak ito.

Saglit na tumigil sa pagtibok ang puso ko bago ito tumalon ng malakas.

“A-anong… ginagawa ninyo rito?” tanong ko sa kanila.

Lahat sila ay nakasuot ng itim na jeans at itim na t-shirt, except kay North na may leather jacket na kulay itim din. Napakurap-kurap ako nang makita kong kapwa na naman sila duguan! Si North at Reign, kapwa may dugo sa braso, habang sina Vidal at Daws naman ay sa mukha!

Don’t tell me they engaged in that street fight again? Ang mga timawang ito! Pinag-aalala talaga ako lagi!

“Bakit may dugo kayo?! Ano’ng ginawa ninyo?” I studied them and my heart sank when I saw their fists were all bruised and red! “Pumasok kayo! Pasok!”

Isinara ko ang pinto nang makapasok silang apat, ngunit pagkaharap ko sa kanila ay sinugod naman ako ng yakap nina North at Reign.

“North, Reign,” usal ko.

Kaso hindi pa ako nakakabawi sa biglaan nilang pagyakap, sinugod din ako ng yakap nina Vidal at Dawson mula sa likod.

“Daws, Vidal.”

“We missed you, Cleo,” ani Vidal.

Hindi ko alam kung kaninong kamay ang nakayakap sa baywang ko.

“You don’t know how much we missed you, Guillermo.”

“Every day was like hell, Cleo,” saad ni Reign.

“Nanny, please, bumalik ka na sa bahay ni Abuela. Wala na ang mga parents namin doon.”

Ninamnam ko muna ang kanilang yakap. Nakalimutan ko ang pagtataka ko kung bakit sila duguan ngayon dahil sa init ng kanilang yakap.

Isang linggo ko lang din silang hindi nakasama pero ang hirap. Hindi ko alam na ganito na pala talaga kalalim ang pagkahulog ko sa kanila.

“Cleo, let us be together again.”

“Hindi ka na namin kukulitin, Nanny. Just… just be with us, please!”

“Also, we already took care of those people who spread our pictures online, Guillermo.”

“Yeah, wala ka nang aalahanin doon, Cleo.”

Tinulak ko sila nang bahagya. Ngayong natitigan ko na sila nang maayos, saka ko lang napansin ang pagod sa kanilang mga mata at ang laki ng eyebags na parang hindi natutulog.

“Pero nasa akin na ang 80 million.”

“Then so be it! Who cares about that?” anas ni Vidal. Nagtanguan pa ang kapwa niya unggoy.

“Kaso lang… ayoko na kasi at uuwi na rin ako ng San Francisco.”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 39

Chapter 39

“What do you mean ayaw mo na at uuwi ka ng San Francisco?” pahayag ni Reign pagkatapos kong linisin ang dugo sa mukha at kamao nila.

“No, we won’t allow that idea of yours, Guillermo!” Mariing iniling ni Dawson ang kanyang ulo.

“Kung pupunta ka sa probinsya ninyo, sasama kami!” saad ni North.

Tinanguan ni Vidal si North. “Sasamahan ka na lang namin!”

Nasa sofa silang apat habang ako naman ay umupo rito sa center table katabi ang first aid kit. Pinagkrus ko ang aking mga braso at tiningnan ang apat na lalaki.

Habang nasa akin ang kanilang mata, hinila ni North ang shorts ko na umangat.

“Uuwi ako kasi namiss ko lang ang Lola Kora ko. At totoo, ayoko na rin…”

“Nanny.”

“Cleo, no.”

“Cleo.”

Kanya-kanya silang daing bago pa man ako makatapos sa aking nais sabihin. Shutang mga unggoy na ’to!

“Nakapagpasya na ako,” ani ko. Nakita kong abang na abang sila sa susunod kong sasabihin. They were already sitting on the edge of the sofa, anticipating the next words that would come out of my mouth. “Tsk! Ayaw ko rin nito. Totoong ayaw ko naman sa inyo noong una. Naiinis ako sa pagmumukha ninyo. Hindi ako naa-attract sa mga unggoy ninyong mukha. P-pero… ewan ko, baka ginayuma ninyo ako.” Biro ko para mabawasan ang kabang nararamdaman.

Pinutol ko ang titig ko sa kanila dahil sa intensidad ng kanilang tingin. I felt like melting in my seat while they stared at me with those piercing eyes.

“Totoo, hindi ko kayo crush… pero bigla ko na lang ding naramdaman na gusto ko na kayo. Sobrang hirap kasi… kasi hindi ito normal! Apat kayong gusto ko. Hindi ko alam kung paano ko ba ito ipapaliwanag sa inyo, pero gusto ko kayo! Hindi naman ako hayok sa lalaki kaso lang… ito ang nararamdaman ko. Promise, hindi ko rin sinasadya na gustuhin kayong apat,” kumpisal ko sa kanila. I could not express myself fully and precisely. Nahihirapan akong i-organize ang nasa isip ko dahil sa kaba.

I didn’t know how they would react. Sinabi na nila na willing sila sa isang polygamous relationship pero hindi ko ito inintindi noon. I didn’t know how such a relationship worked, but I was considering it now-now that I’ve realized my feelings and found the courage to confess.

Wala akong narinig mula sa kanila kaya nag-angat ako ng tingin. Napakurap-kurap silang apat. Hindi sila makapagsalita kaya naman nagsalita ulit ako.

“Hindi ako umamin sa inyo dahil lang wala na ang mga magulang ninyo sa mansyon ni Lola Leticia, at mas lalong hindi ako umamin para tuluyan kayong agawin sa kanila. Ayaw kong masira ang relasyon ninyong magpamilya dahil lang sa akin. Ayaw ko ng ganoon. At kaya rin ako uuwi ng probinsya kasi… gusto kong sabihin ito sa Lola Kora ko. Kayo… k-kung seryoso kayo sa nararamdaman ninyo, daanin natin ito sa tama.”

“Hell yes!” napasuntok sa ere si Reign.

“Fuck! You almost gave me a heart attack, Cleo!” buntonghininga ni Vidal.

Ngumisi si North sa akin. “Yes, Nanny! We’ll do that!”

Inabot ni Daws ang kamay ko at pinisil ito. “Fuck! Akala ko kung ano na. Yes, we’ll do this the right way, Guillermo. And yes, we’re goddamn serious about having a relationship with you!”

My heart jumped upon seeing their reactions. Kumalat ang init ng puso ko sa bawat sulok ng dibdib ko at hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi ko alam kung kailan huling sumaya nang ganito ang puso ko. Pakiramdam ko ngayon, ang peaceful at gaan ng damdamin ko.

It felt like the weight that had been pulling my heart down finally lifted all at once.

“Now, are we really official?” tanong ni Vidal sa akin.

Kumisap ang mga mata nila sa akin, ang kanilang mga pagod na mata ay parang biglang nagkaroon ng enerhiya at tuwa.

“Mmm!” tango ko sa kanila.

“You’re finally ours, Cleo. No taking back your words,” ani Reign.

Tumango ako. “Oo nga!”

“That only means that we’re now your boyfriends, Nanny.”

“And you as our partner,” dugtong ni Daws kay North.

“Ang weird na apat ang boyfriend ko,” bulong ko.

Ngumuso ako sa kanila.

“We didn’t usually share girls or women before, Cleo. We didn’t like it, but you came and twisted our lives,” Dawson said.

“We will make this relationship work, Nanny.”

Vidal snickered. “We will be your best boyfriends, Cleo.”

“You’ll be our queen!” Reign quipped.

“Then, can we kiss you again?” tanong ni North.

Dumaing ang kanyang mga pinsang unggoy. Binawi ko ang kamay na hawak ni Daws at saka tinakpan ang bibig ko.

“A-ayoko pa!”

“Why not?!” ungot ni North.

“Fuck you, North!” asik ni Vidal.

Binunggo ni Reign ang balikat ni North. “Can you calm your shit for a bit, North?”

“U-uminom kami ng mga kaibigan ko. Mabaho ang bibig ko.” Nag-toothbrush naman ako, pero ayaw ko munang magpahalik sa kanila dahil para pa akong nakalutang sa ulap sa tuwa. Also, pakiramdam ko hihimatayin ako kapag hinalikan nila ako ngayon.

“That’s fine, though!” pabulong na saad ni North, pero sinapak na siya ni Dawson.

“Calm down, North!”

North twisted his lips at Dawson.

“Kausapin ninyo ang magulang ninyo, dahil kakausapin ko rin si Lola Kora,” sabi ko.

“What? Pwede naman na samahan ka namin.”

“Hmm, tama si Vidal, Cleo.”

Inilingan ko si Reign. “Hindi na. Gusto kong makausap muna si Lola nang ako lang. Pwede naman kayong sumunod kapag tapos niyo nang kausapin ang mga magulang ninyo.”

“Paano ka uuwi sa probinsya niyo?”

Natawa ako sa sinabi ni North. “Magbu-bus ako! Basta mauna muna ako sa amin.”

Talagang gusto pa nilang samahan ako pauwi.

“Okay, let’s do that. Susunod kaagad kami sa iyo. We promise you that!” ani Dawson.

May naalala akong kailangan kong ibigay sa kanila kaya tumayo ako.

“Dito lang kayo, may kukunin lang ako sa kwarto,” sabi ko.

Kaagad akong pumasok sa silid ko. Nakita ko ang dalawang beklabu na walang kumot at malakas ang hilik. Inayos ko muna ang kumot nila. Nagpapasalamat ako sa kanilang dalawa dahil naging bearable ang mga araw ko sa presensya nila. They helped me a lot, and their support meant a lot to me.

Sa mga araw na kailangan ko ng masasabihan at masasandalan, lagi silang nasa tabi ko. Tingin ko, kaya hindi ako sinuwerte sa kaibigan dati ay dahil dito babawi ang pagkakataon sa akin.

“W-we love you, bakla,” usal ni Reyna habang kumakamot sa kanyang mukha.

“Mmm, Cleo, we’re here for you, baks,” bulong naman ni Maria.

Mahal nga nila ako kasi kahit sa panaginip nila nando’n na ako. Napahagikhik ako.

Lumabas ako ng silid at hinarap muli ang mga unggoy. Isa-isa kong ibinigay sa kanila ang tseke na binigay ng kanilang mga magulang sa akin.

Salamat, Lord, na hindi Mo ako hinayaang i-withdraw ang mga perang iyon. Pag nagkataon, mamomroblema pa ako kung paano ko muling bubuuin ang 80 million.

“W-what is this, Cleo?”

“Tseke ’yan na binigay ng mga magulang ninyo sa akin,” sagot ko kay Vidal.

Kumunot ang kanilang noo habang nakatingin sa akin. They all had puzzled expressions on their faces.

“Bakit mo ito binabalik, Guillermo?” ani Dawson.

“Oo nga, Nanny. Binigay na ito ng mga magulang namin sa iyo,” si North.

“Just keep this-”

Inilingan ko si Reign kaya kusa siyang napatigil sa pagsasalita.

“Ibalik niyo ’yan sa mga magulang ninyo. Ayaw ko ng 80 million.”

“Do you want a higher price? 500 million, perhaps?” Natutuwang sapaw ni North sa akin.

“Tsk! Ayaw ko rin. Kayo ang gusto ko. Kaya ko ibabalik ang mga tsekeng ’yan ay dahil kayo ang gusto kong makuha mula sa kanila!” I smirked.

“Fuck!”

“Goddammit!”

“That’s the nicest thing I’ve ever heard!”

“Shit!”

Napailing ako sa kanila. “Isa pa pala, mag-celebrate kayo ng Christmas kasama ang pamilya ninyo. Palipasin muna natin itong Pasko bago ninyo kausapin ang mga magulang ninyo. Kayo ang bahala kung kailan, basta huwag muna ngayon since papalapit na ang Christmas.”

Nagusot ang mukha ni Vidal. “But we wanted to celebrate Christmas with you, Cleo.”

“May next year pa naman.”

“What about New Year?” giit ni Daws.

Saglit akong nag-isip. “Pwede rin. By that time, I hope makausap ko na rin si Lola Kora.”

Umuwi ako ng San Francisco ilang araw bago ang Pasko. Nagti-text si Lola sa akin kung kailan ako uuwi, ngunit sinabi ko sa kanya na busy ako sa school. Siyempre, parte lang iyon ng plano kong i-surprise siya.

Bumili ako ng regalo kay Lola gamit ang ipon kong pera since wala na sa akin ang 80 million. Sayang, ilang days lang sa akin ang pera na ’yon. Emerut!

At ang main character ay umuwi na nga sa probinsya. Eme! Feel na feel ko ang pagiging main character pagkababa ko sa sinakyan kong bus.

Medyo madilim na nang makarating ako kaya nagtataka ako kung bakit walang bukas na ilaw sa bahay. Napansin ko rin ang bakuran na may mga basurang hindi natatapon at ang mga halamanang tinubuan na ng mga damo.

“Lola?” saad ko sabay katok sa pinto, kaso walang sumasagot.

Pinihit ko ang busol ng pinto nang makailang katok na ako ngunit wala pa ring sumasagot. Laking gulat ko nang hindi nakalock ang pinto.

Itinulak ko ito, ngunit malakas akong napasinghap nang makita ko si Lola Kora na duguan ang mukha, may busal ang bibig, at nangingitim ang mga mata.

Nakaluhod si Lola Kora sa sahig, bugbog-sarado ang mukha, at hawak ng isang lalaki ang kanyang buhok. Ang isa namang lalaki ay nakatutok ang armas sa sintido ng lola ko.

Nanlamig ang buong katawan ko. Kusang nanghina ang aking mga tuhod. Nahulog mula sa kamay ko ang eco bag na dala ko.

“Lola! A-anong ginawa niyo sa lola ko?! Sino kayo?” namalat ang boses ko sa pagsigaw. Akmang lalapitan ko si Lola Kora nang may biglang humila sa buhok ko at pinatid ang likod ng tuhod ko, dahilan para mapaluhod ako.

Pakiramdam ko ay natapyas ang anit ko mula sa aking ulo dahil sa biglaang paghila sa aking buhok. Mahapdi ito at akala ko ay mababali na ang leeg ko.

“Agh!” ungol ko sa sakit nang pagsipa at pwersahang paghila ng kung sino sa buhok ko. Doon ko lang napansin na may dalawa pang lalaki sa loob ng bahay maliban sa dalawang humahawak kay lola.

“Ang ingay mo!” anang ng isang lalaki at siniko ang mukha ko.

Parang may dumaang puting ilaw sa loob ng ulo ko. Parang tumama ang mukha ko sa sementong dingding at namanhid ang buong mukha ko kasunod ng matinding kirot!

Tanging ungol lang ang lumabas sa bibig ko. Mistulang may umugong sa tainga ko at nalasahan ko kaagad ang dugo sa loob ng bibig.

Nag-blur ang paningin ko kay Lola Kora. Naaninag ko siyang nanlalaban sa mga lalaking nasa gilid niya ngunit hawak pa rin siya sa buhok.

“L-Lola…”

“Damputin na ang dalawang ito at umalis kaagad tayo. Baka nakatunog na ang mga Guillermo at may dumating pang reinforcement!”

Iyon ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng kontrol sa katawan at nandilim ang paligid.

When my senses came back, ang lamig ng sahig ang tumambad sa akin at alikabok na pumuno sa baga ko. Binuksan ko ang aking mga mata.

May mga sirang bintana kung saan pumapasok ang liwanag ng buwan, at nakita ko ang mga lumang silya at kabinet. Tingin ko, nasa isang luma o abandonadong bahay kami.

“Cleo?” pabulong na saad ni Lola Kora sa akin. Babangon na sana ako ngunit doon ko lang napansin na nakagapos pala ang kamay ko at ang isa ko namang paa ay nakakadena sa malapit na dingding.

“L-Lola, ano po ang n-nangyayari?” Paos kong tanong sa kanya.

Napapangiwi ako dahil sa kirot ng mukha ko. Tingin ko, dulot ito ng pagsiko ng lalaki kanina.

“P-patawarin mo ako, Cleo. Hindi ko s-sinasadya!” Umiyak si Lola.

“L-Lola, hindi ko po k-kayo maintindihan!”

“Sorry! Sorry, Cleo!” hagulgol ni Lola.

“Lola, sino iyong mga dumukot sa atin? Bakit nila tayo sinaktan at dinala rito?”

“Tama na ang drama!” malakas na wika ng isang lalaki. Tiningnan ko kung sino ito.

Humila siya ng isang silya at pabagsak na inilagay sa harapan namin ni Lola.

Pilit kong ibinangon ang sarili ko. May mga tauhan siyang kasama- iyong mga dumukot sa amin. Tiningnan ko ang lalaki na prenteng umupo sa silya. Sunog ang isang bahagi ng kanyang mukha. Naka-trousers siya, navy blue na long sleeves, at makintab ang mga sapatos.

“S-sino ka?” Matapang kong tanong.

“Montgomery, walang kinalaman dito si Cleo!” Asik ng lola ko sa lalaki.

Naibaling ko kay Lola ang aking atensyon. May nag-aalab na galit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa lalaking tinawag niyang Montgomery.

Humalakhak ang lalaki na parang nasasapian ng demonyo.

“Really, Korazon? Edi dapat hindi dinamay ni Conrad ang pamilya ko!”

“Wala na siya!”

“Right, wala na siya, pero nandito pa ang anak niya!”

“Montgomery, maawa ka kay Cleo!”

“Maawa, Korazon? Dapat inisip din ’yan ni Conrad before he slaughtered my family! Meron bang awa ang inutil na ’yon?”

“Ikaw ang nauna!” galit na bwelta ni Lola.

Nagpabalik-balik ang mata ko kay Lola Kora at kay Montgomery. A-anong sinasabi nila?

Sinong Conrad at anong kinalaman niya sa akin?

“L-Lola, s-sino po si Conrad?”

Pinatunog ni Montgomery ang kanyang dila. “So… hindi niya alam kung sino si Conrad? I bet… hindi rin niya alam kung sino ba talaga siya at ang kanyang pamilya?”

Nakatingin lang ako kay Lola, naghihintay ng kanyang sagot.

“I’m so sorry, Cleo!”

Humalakhak si Montgomery! “Huwag kang mag-alala, hija, dahil susundan mo rin ang mga magulang mo! I’ll do the honor of delivering you to them. Doon na lang kayo sa impyerno mag-meet and greet!”

“Montgomery, ako na lang ang saktan mo at patayin mo. ’Wag lang si Cleo!”

“Don’t worry, Korazon, isusunod din kita! Pinahirapan niyo pa akong hanapin itong batang ito!”

Tumingin ako kay Montgomery at kinilabutan nang ngumisi siya sa akin. Lumapit siya at hinaklit ang buhok ko.

Naipikit ko ang aking mga mata sa sakit.

“You really look like your mother!”

“Tang ina mo!” asik ko sa kanya at dinuraan ko ang kanyang mukha.

Ngunit hindi ko inaasahan ang pagsampal niya sa akin. Parang nabasag ang mukha ko at nasubsob ako sa semento. Umubo ako ng dugo.

Pinulot ulit ni Montgomery ang buhok ko at muling pinagsasampal ang mukha ko. Nagwawala si Lola Kora, sigaw nang sigaw, ngunit dahil nakatali ay tanging boses lang ang nagagawa niya.

“Boss! Boss! May mga dumating na sasakyan! Mukhang nakatunog na ang mga Guillermo!” Hinihingal na untag ng isang tauhan ni Montgomery.

“Putang ina!” Nanlisik ang mga mata ni Montgomery at pabagsak na binitiwan ang buhok ko.

Nanghihina akong bumagsak sa sahig at nanlabo ang mga mata. Mahapdi at kumikirot ang buong mukha ko. Tingin ko, may pumasok na dugo sa mata ko dahilan para mamula ang paningin ko.

“Boss, apat na mga binata ang dumating! Mukhang ang mga Alvarez De Toledo na nagbabantay sa anak ni Conrad!”

“O, anong ginagawa ninyo? Patumbahin na ang mga batang iyon! Mga inutil talaga!”

A-anong ginagawa ng mga unggoy rito? Naiyak ako. Baka mapahamak sila! Hindi na sana nila ako sinundan pa rito.

“Cleo! Cleo!” Tawag ni Lola ngunit unti-unti nang nanghihina ang mga pandinig ko.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 40

Chapter 40

Nang magkamalay akes, naramdaman ko na tila may nakadagan sa mukha ko. Mainit ang facecard ko, mabigat, at kumikirot ang paligid ng aking mukha. Ang mga mata ko naman ay namimigat ang mga talukap na tila may nakadagan din.

Nang idilat ko ang aking mga mata, parang nasa ilalim ng tubig ang aking paningin-malabo. Napakislot ako nang tumusok sa mga mata ko ang puting liwanag ng fluorescent. Puting kisame ang nakikita ko nang luminaw ang aking paningin.

Sa kabila ng sakit na iniinda ko, sunod kong naramdaman ang pagsalakay ng kakaibang amoy sa aking ilong. Lihim akong napapatawag sa pangalan ni Lord dahil sa sakit na nararamdaman ko. The faint smell of disinfectant, alcohol, the cold surroundings, and the remnants of the dried air coming from the air conditioner struck my nose all at once.

Natulala ako sa puting kisame. I didn’t feel like moving as the recent incident flooded my mind like a plague. Nanlabo muli ang mga mata ko sa mabilis na pag-pump ng mga luha. Sting struck my eyes, I winced in pain.

Ngunit kahit sa kabila ng sakit, patuloy ang pagbuo ng mga luha ko. Ang lola Kora ko. Ang mga Alvarez De Toledo.

I sighed heavily as I felt my heart narrow inside my chest.

Umuwi lang naman ako sa San Francisco upang makita ang Lola Kora ko at para makasama siya sa Pasko. Balak ko ring sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ng mga unggoy. Ngunit hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin sa aming bahay.

Kung tumawag ba ako kay Lola, maiiwasan namin ito? Kung sinabi ko ba kay Lola na uuwi ako no’ng araw na iyon, hindi kami masasaktan ng ganito? Hindi kami mahuhuli ng kung sinong mga tao na ’yon?

Napuno ng pagsisisi ang heart ko.

Gustong-gusto kong maglumpasay ngayon ngunit ang sakit ng mukha ko. Oo nga pala, nabugbog ito dahil sa pagsiko ng lalaki sa akin at sa mga sampal na natamo ko mula sa lalaking nagngangalang Montgomery. I don’t know if pangalan niya iyon o apelyido.

Ngunit paano ako nakarating dito sa ospital? Sumikdo nang malakas ang puso ko nang maalala ko ang mga unggoy-ang mga Alvarez De Toledo. Nasundan nila kami ni Lola Kora, natunton nila kami. Ano’ng nangyari sa kanila?

Dahan-dahan kong ginala ang aking paningin sa paligid at wala akong kasama. Ngayon ko lang napagtanto na parang nasa isang hotel room ako. Malawak ang kwarto, may TV, may malalaking sofa, at may monitor sa tabi ko. May nakasaksak ding IV sa aking isang kamay.

“North?”

“Daws?”

“Reign?”

“V-Vidal?”

“Lola?”

Tawag ko sa kanila isa-isa sa kabila ng pamamalat ng lalamunan ko. Kaso lang, walang sumagot sa akin.

Biglang bumukas ang pinto. Doon pumasok si Lola Kora at nakasunod sa kanya ang isang lalaki na may katandaan na. Naghalo na ang itim at puting buhok no’ng lalaki, kaso sobrang lakas ng dating. Nangingulubot na ang kanyang balat pero hindi mo maitatanggi ang kanyang angking kisig.

“Cleo, apo! Mabuti at nagising ka na!” sinugod ako ni Lola Kora. May bandage ang mukha ni Lola at may pasa din siya.

Niyakap ako ni Lola. “Apo!” At nagsimulang humagulgol si Lola habang nakayakap sa aking katawan.

Ayaw kong umiyak kasi kumikirot ang mukha ko, ngunit naiyak ako nang makita ko si Lola. Akala ko nang mga sandaling nasa kamay kami ni Montgomery ay katapusan na namin. Akala ko iyon na ang huling reunion namin ni Lola! I was so afraid.

“Ano’ng nararamdaman mo? Tatawag kami ng doktor, ha. Conrad, tumawag ka ng doktor-”

“’W-wag na po, Lola,” singit ko sa pagkakataranta niya. “Maayos na ako, Lola. Itong mukha ko na lang po ang masakit.”

Kinagat ni Lola ang nanginginig na labi. “Sorry, apo! Sorry kung hindi kita naprotektahan laban kina Montgomery!”

Mahina akong umiling kay Lola. “Lola, ’wag n’yo pong sabihin iyan. Isa pa po, labis din kayong napuruhan doon.”

Nahagip ng mga mata ko ang matandang lalaki sa tabi na nakamasid sa amin ni Lola Kora. Kung hindi ako nagkakamali… ito ang tinawag ni Lola na Conrad.

Ito ba ang Conrad na tinutukoy ni Montgomery? Iyong sinasabi ni Montgomery na tatay… ko? Pero natandaan kong wala na pala ang papa ko kagaya nang naging sagutan ni Lola Kora at ni Montgomery.

“Lola,” usal ko.

Umupo si Lola sa isang silya na malapit sa aking hospital bed. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

“Ano iyon, apo? May kailangan ka ba?” ani Lola.

Tumingin ako sa lalaki sa kanyang tabi na tahimik kaming pinagmamasdan. Parang robot na sinundan ng tingin ni Lola ang direksyon na aking tinititigan.

Nang balingan ko si Lola ay napabuga siya ng isang malalim na hininga.

“S-siya po ba a-ang-”

Naiyuko ni Lola Kora ang ulo niya. “Siya a-ang Lolo Conrad mo, apo!”

“P-po?”

“Siya ang a-ama ng Papa Conrad mo. Siya si Conrad Guillermo Sr., at kapatid ko ang Lolo Conrad mo.”

Napakurap-kurap ako.

“Apo, Cleo!” ani ng Lolo Conrad. Ang kanyang matigas na mukha ay unti-unting nanlambot at namumula ang mga mata. “Your lolo is so sorry for not coming on time. Sorry because you had to go through Montgomery’s hands and get all of these bruises and wounds. I’m so sorry, apo!” Umigting ang mga panga ni Lolo at kinuyom nang mahigpit ang mga kamao.

“H-hindi… n’yo naman po iyong ginusto,” usal ko. “Ngunit naguguluhan p-po ako… ngayon. Kapatid n’yo lang po ang lola Kora ko, pero bakit… siya ang kasama ko sa probinsya? Bakit hindi ko po kayo nakikita?”

Pinisil ni Lola Kora ang aking kamay kaya naibaling ko sa kanya ang aking atensyon. Malumanay ang titig ni Lola sa akin. Mahina niyang hinaplos ang buhok ko.

“Para iyon sa kaligtasan mo, apo. Iyon lang ang naisip namin ni Conrad upang mailayo ka sa mga mata ng kalaban ng pamilya Guillermo.”

“K-kalaban ng pamilya natin, Lola?”

Tumango si Lola. “Hmm, dahil ang pamilya natin, apo, ang isa sa pinaka-maimpluwensyang gang sa buong Pilipinas at Southeast Asia. Maraming naghahabol sa atin upang mapabagsak tayo. Nag-lay low na ang pamilya natin mula sa aktibidad ng mga gang, ngunit may naghahabol pa rin sa atin tulad ni Montgomery.”

Umawang ang labi ko.

“Bakit n’yo po ako kailangang ilayo? Bakit kailangang ilihim po sa akin? Paano ang mga magulang ko? Ang Mama at P-papa ko?”

Parehong bumagsak ang mga balikat nilang dalawa.

“Hindi rin po ba totoo ang mga kwento mo noon sa akin tungkol sa mga magulang ko, L-lola?”

Umingay ang iyak ni Lola Kora. “Sorry, apo. Sorry!” Paulit-ulit na sambit ni Lola Kora.

“Lola,” naiyak na rin ako.

All my life, I was being fooled! What I believed was the truth was all a lie! My life has been a lie!

“Wala na ang mga magulang mo, apo. Ako ang nag-utos kay Korazon na hindi sabihin sa’yo ang nangyari sa mga magulang mo upang hindi ka makuryoso sa kung ano ba talaga ang pamilya natin o sa tunay mong katauhan. Kaya piniling magsinungaling ni Kora,” singit ni Lolo Conrad. “You’re asking about your parents, apo, and they were brutally killed by another gang and I didn’t want you to know about it.”

“P-po? Bakit po kailangang umabot sa gano’n? Bakit po sila kailangang patayin?”

“Cleo, your mother was Korean-an heiress of one of the most notorious gangsters in South Korea. Whereas your father, who’s my son, was my successor in our group, and them being together posed a threat to other groups. Kaya nagkasundo ang mga kalaban na patayin sila. Your parents were tortured to death, Cleo. At iyon… ayaw kong mangyari sa’yo!”

“When I heard about what happened to your parents, Cleo, umuwi ako ng Pilipinas at ako… ako ang umako na magtago tayo sa San Francisco. Ayaw kong pati ang nag-iisang apo ko ay sasapitin ang sinapit ng mga magulang niya. Sana… sana mapatawad mo kami ng Lolo Conrad mo, apo!” umiiyak na wika ni Lola Kora.

“Pati po ba… ang pagpadpad ko sa bahay ng mga Alvarez De Toledo ay… planado?”

Nag-iwas ng tingin ang lolo at lola ko.

“Matanda na ako, Cleo. Hindi ko na kayang makipagsabayan sa mga bata pagdating sa labanan, apo, kaya naisip namin ng Lolo Conrad mo na pabantayan ka sa mga apo ni Leticia,” paliwanag ni Lola Kora.

“At pumayag po si Lola Leticia roon? Alam niya po ba kung a-ano kayo?”

“Oo, apo,” sagot ni Lolo Conrad. “Hindi nagdalawang isip si Leticia nang sabihin namin na doon ka tumira sa kanila kasama ang kanyang mga apo. Though at first may hesitation sa kanya dahil ayaw niyang mapahamak ang kanyang mga apo. Pero hindi siya tumanggi.”

“Ako… ako lang po ang walang kaalam-alam sa lahat ng ’to? Ang mga Alvarez De Toledo ay may alam din pala?”

“Patawarin mo kami, Cleo. Dahil sa takot namin at sa panganib na dala ng pangalan natin, kailangan ka naming ilayo!”

Inilayo ko ang mga mata ko sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman ngayon dahil sa mga nalaman ko. Ang tunay kong pagkatao, ang tunay kong mga magulang na parehong pumanaw na, at ang katotohanang ang mga Alvarez De Toledo ay nautusang bantayan ako.

All this time, akala ko ako ang nag-aalaga sa kanila at ako ang may malaking responsibilidad sa kanila. Pero sila pala ang magbabantay sa akin.

At ngayon ko lang napagtanto ang mga sinabi ni Tanner dati-na sa bawat pagkikita namin, lagi niyang napapansin ang mga Alvarez De Toledo. Ibig sabihin, hindi coincidence na nando’n ang mga unggoy. Hindi by chance na nasa paligid sila, kundi sadyang nakabantay lang sila sa akin.

“Gusto ko pong magpahinga,” pagod kong saad at tinalikuran ang dalawang matanda.

“Kapag handa ka na ulit makinig sa amin, apo, nandito lang kami ng Lola Kora mo. Kahit anong katanungan mo, sasagutin ka namin.”

Kaya pala walang larawan na maipakita si Lola Kora sa akin, dahil ang totoo, ayaw niyang malaman ko kung sino ang mga ’to. Kaya pala kahit ni isang larawan, wala kami sa bahay.

Ngunit kahit na alam ko na ngayon kung sino ba talaga ako, hindi ko pa rin nakikita ang mga magulang ko. Pareho na silang wala sa mundo.

“Gusto ko ngang mapag-isa!” ani ko nang marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto.

“Apo, Cleo.”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses-si Lola Leticia!

Lumabi siya sa akin at tumayo sa tabi ng hospital bed ko.

“L-lola, ano’ng ginagawa ninyo rito?”

Ngumiti siya at sinuklay ang buhok ko. “Binisita ko lang ang mga nobyo mo sa kabilang kwarto.”

“L-lola,” nautal ako.

“You don’t have to be so surprised, apo. Iyong mga apo kong iyon, alam na alam ko ang kasuluk-sulukan ng bituka ng mga iyon! Isa pa, ako yata ang una nilang sinabihan na may gusto sila sa’yo at gusto ka nilang ligawan.”

“L-Lola Leticia!”

“Sshh, don’t cry nga! Ako, apo, nagulat din ako sa pinasok ninyong ito. Natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga tao sa paligid ninyo. Pero tandaan ninyo, nasa likod ninyo ako, okay? Nakasuporta ako sa inyo! Mahal na mahal ko kayo, apo!”

Tinulungan ako ni Lola Leticia sa pagbangon. Niyakap ko si Lola.

“Salamat po, Lola!”

“Mmm!” Kumalas si Lola Leticia sa aming yakapan. “Magpagaling ka, ha. Sa susunod, hindi ko na hahayaan na harapin mong mag-isa ang mga anak at mga manugang ko!”

Ngumuso ako kay Lola.

“At narinig ko sa mga apo ko na ibinalik mo pala ang tseke sa kanila.”

“H-hindi ko naman po kailangan no’n, Lola. Sobra-sobra na po kasi ang binigay ninyo sa akin eh!”

“Galing sa Lolo Conrad mo ang lahat ng binibigay ko, apo. Saka hindi mo rin kailangan ng 80 million dahil milyon-milyon din ang nasa bangko mo!” Humagikhik si Lola Leticia. “Ang mansyon ko lang ang napahiram ko sa’yo. Tapos kailangan mo pang pakisamahan ang apat kong apo.”

Matamis na ngumiti si Lola. “Pero hindi ako nagsisisi sa desisyon ko, Cleo. Ngayon ko lang nakita ang mga apo ko na sobrang saya at palaging ngumingiti. Whenever they talk about you, they all smile! You brought light and joy to their lives!”

“Masaya ako, Lola. Masaya rin po ako na nakasama ko sila. At nagpapasalamat ako sa pagbabantay nila sa akin!”

“Hay, kung alam mo lang, Cleo, na ako talaga ang unang komontra sa mga apo ko na pasukin ang gang-gang na ’yan. Kaso lang, gusto nilang sumunod sa yapak ng kanilang yumaong abuelo-ang asawa ko na dating gangster din na kasamahan ng Lolo Conrad mo.”

“M-magkasama po sila?”

Umupo si Lola Leticia sa silya. “Oo! They belonged to the same faction, apo. At alam mo ba, naalala ko lang, na dati napag-usapan ng asawa ko at ni Conrad na ang unang magiging apo namin ay ipagkakasundo nila itong ikasal. Kaso lang, naging puro lalaki ang apo namin. Pero tingnan mo naman ngayon, tadhana ang gumawa ng paraan para sa inyo.”

Kinuha ni Lola Leticia ang kamay ko. “Apo, alam ko ngayon na naguguluhan ka pa sa lahat at siguro may tampo o galit d’yan sa dibdib mo. Pero iniisip lang ni Conrad at Kora ang kapakanan mo. Grabe ang inabot nilang trauma nang mawala sina Mama Kimberly at Papa Conrad mo. Kaya ayaw nilang sapitin mo iyon at wala silang ibang nakita na paraan para ilayo ka sa mundo nila kundi ang buhayin ka sa malayong lugar. Sa lugar na malayo sa mga mata ng mga kalaban.”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 41

Chapter 41

Nag-indian sit ako sa hospital bed ko. Kanina, lumabas ako sa room ko upang puntahan ang apat na unggoy kaso lang napabalik ako rito sa kwarto nang makita ko ang mga bantay sa labas. Hindi ako sanay na ang daming bantay.

Huminga ako nang malalim. Until now, dehins ko pa nakikita ang mukha ko. What if nasira na talaga nang tuluyan itong facecard ko? Paano na a-awra si self? Eme!

Nang malaman ko mula kay Lola Leticia na nasa kabilang room lang din ang mga unggoy ay gusto ko silang puntahan, kaso lang na-weirduhan ako sa bodyguard na nakatingin sa akin.

Akala ko magpapasko ako rito sa ospital, pero nang i-check ako ng doktor kanina, sabi nito ay pwede na raw akong lumabas bukas. Nakahinga ako nang maluwag doon.

Sa totoo lang, ang hirap paniwalaan ng mga sinabi ni Lola Kora at ni Lolo Conrad. Buong buhay ko kasi… akala ko si Lola Kora na lang ang pamilya ko. Kaya nga kumayod nang todo ang bakla para kay Lola.

Dati, akala ko hinayaan lang ako ni Lola na tumira sa mansyon ng mga Alvarez De Toledo, pero iyon pala, parte lang din ng plano nila. At ngayong napagnilayan ko na ang mga bagay-bagay, ngayong nag-sink in na sa utak ko ang nangyari sa tunay kong mga magulang, ngayon ko lang naramdaman ang sakit at pangungulila sa kanila.

I cannot imagine the pain that they went through at the hands of our family’s enemies. They were beaten to death. Iniisip ko pa lang iyon, para na akong sinasaksak sa dibdib.

Kung nalaman ko lang din ito lahat noon, baka nabuhay lang din ako na puno ng galit sa puso at puro paghihiganti. Kanina, naikuwento ni Lola Kora sa akin na wala na raw ang mga pumatay sa mga magulang ko. Si Lolo Conrad daw ang tumugis sa mga ito; at sa mundong kanilang ginagalawan, alam ko na kung ano ang kinahinatnan ng mga taong pumatay sa mga magulang ko. They were also dead. It’s an eye for an eye and a tooth for a tooth kind of revenge.

“Apo, don’t live your life full of hatred. Ayaw namin ng lolo mo iyon. Ayaw ka naming pumasok sa mundong ito. Sapat na nandito kami.” Muli kong naalala ang pakiusap ni Lola Kora kanina.

“Montgomery and his men are already dead too, Cleo. The Alvarez De Toledos already took care of them. Those young men-I admire how they protected you and I’m amazed at how brave they were to go there by themselves to save you,” saysay ni Lolo Conrad.

Base sa sinaysay nina Lolo at Lola, si Montgomery na lang daw ang nag-iisang pamilya na hindi nila natutugis. At ang mga Alvarez De Toledo ang tumapos nito para sa kanila. Sabi ni Lolo, malakas daw dati ang mga Montgomery lalo na’t marami itong kapit at koneksyon, pero nang unti-unti nilang maubos ang mga taong pinagkakatiwalaan nito at ang mga taong sumusuporta rito, humina si Montgomery. That explains why hindi na ganoon karami ang mga tauhan niya. At natalo ng mga unggoy.

“Apo, kung gusto mong bumalik sa San Francisco, doon sa tinitirhan nating bahay, pwede tayong bumalik doon. Pero kung gusto mo na rin dito sa Manila manirahan, may mansyon din tayo rito. You choose where you want to live, okay? Your Lola Kora and I will always support your decisions.”

Ngumuso ako at tiningnan ang suwero sa isang kamay ko. Nagtampo ako kay Lola Kora dahil hindi ko nakilala ang Lolo Conrad ko. Ngunit ayaw kong mawalay sa dalawang matanda. Gusto ko silang makasama.

Akmang hihiga na sana ako sa kama nang bumukas ang pinto ng room ko. My heart jumped when I saw my boyfriends. My eyes stung as tears formed in them.

Si North, may black eye at benda ang ulo. Si Vidal naman, may cast ang isang kamay at naka-sling, at may pasa ang mukha. Si Reign naman ay may benda ang ulo at may band-aid sa kanyang magkabilang pisngi. At si Dawson naman ay naka-cast ang isang braso at bugbog ang mukha.

Winalis ng paa ko ang kumot at tinakbo ang apat na unggoy. Sinalubong ko silang apat ng yakap at isa-isa ko silang tiningnan.

“Sorry!” Mabilis na bumaha ang luha sa aking pisngi.

Maingat namang dinala ni Dawson ang ulo ko sa kanyang dibdib.

“Sorry dahil sa akin nasaktan kayo at muntik nang mapahamak!”

“Sshh! It’s not your fault, babe,” pag-alu ni Dawson sa akin habang humahalik sa buhok ko.

“You are our boyfriend, cherry. We won’t sit still and do nothing when we know you’re in danger.”

Umahon ako mula sa dibdib ni Dawson at tiningnan si North. He opened his arms, as if inviting me for an embrace. Tiningala ko si Dawson at tumango siya.

Lumapit ako kay North at muli siyang niyakap. Marahan niya akong tinulak at humalik sa noo ko.

“We’re so glad that you’re okay, cherry. Kung alam mo lang noong nakita ka naming walang malay… tingin ko nakita kong dumaan ang kaluluwa ko sa harap ko. At halos paliparin na nga ni Reign ang kotse papunta rito sa ospital.”

“Thank you!” Nilingon ko silang apat habang patuloy sa pag-agos ang luha ko. “Salamat… at dumating kayo! Aaminin kong ayaw ko kayong pumunta roon para iligtas ako kasi alam kong mapapahamak lang kayo. Kaya naiiyak ako ngayong nakita ko kayo. Masaya ako na ligtas kayo at ’di nasaktan nang sobra.”

Kinabig ako ni Reign at niyakap. Hinagod niya ang likod ko.

“No need to thank us, baby,” bulong ni Reign habang ang bibig ay nasa ulo ko. “Yet, you really scared me that time. I thought we lost you.”

Kumalas siya sa aming yakapan at tiningnan ang mukha ko.

“A-ang pangit ko na ba?”

Reign laughed and I heard his cousins chuckle.

“You’re still very pretty. However, it’s better to heal these bruises and wounds first, ’cause I really want to kiss you already, baby.”

Nasampal ko ang dibdib ni Reign.

“Come here, mi amor. Let me see your face.” At kinuha naman ako ni Vidal mula sa mga kamay ni Reign.

Tumawa lang si Reign at tumayo nang tuwid. Vidal carefully cupped my face with his hands and studied it.

“Vidal,” I pouted.

“You’re not going around without any of us anymore, mi amor. Ayaw na naming mangyari ito. Last time, ang grupo ni Synx ang kumidnap sa iyo with the help of that bastard Tanner. And then you were almost abducted by Paxon’s men. Palagi ka na lang napapahamak kapag wala kami sa tabi mo.”

“Sorry,” I whispered.

Pumikit ako nang inilapit ni Vidal ang mukha sa akin. I felt his lips on my closed eyelid.

“Like what we said, no need to feel sorry, Cleo. There are things we cannot control. There are things that sometimes get out of our hands. However, we’re here to keep you safe and guard you.”

Umupo kami. Mabuti na lang at malaki itong silid ko at may mga sofa sa loob.

“Paano niyo pala ako nahanap?” tanong ko sa kanila.

“Via your phone, babe. Remember na naglagay kami ng tracking device sa phone mo? Nang dumating sa amin ang balita na nawala ka, kaagad ka rin naming na-locate,” sagot ni Dawson.

“Ang intel ng gang ang nagbalita sa amin na hindi kayo mahanap o ma-contact ng Lola mo. Noong gabing iyon, mabuti na lang at nasa bulsa mo ang cellphone mo at hindi yata nakuha ng mga tauhan ni Montgomery,” sunod na saad ni Vidal.

“Dahil mas malapit kami sa lugar kung saan ka dinala ni Montgomery, kami ang unang dumating sa lugar. Nang dumating ang iba pang reinforcement ay nailabas na namin kayo ng lola mo at isinugod kaagad dito sa ospital,” kuwento naman ni Reign.

“Alam ba ng mga magulang ninyo na nandito kayo? Na-ospital kayo dahil sa akin?” Bato ko muli ng tanong sa kanila.

Nagsulyapan ang mga kumag. Nakuha ni North ang atensyon ko nang makita ko siyang huminga nang malalim.

“Hmm! Galing kami sa aming mga magulang bago kami sumugod kung saan ka dinala ni Montgomery, cherry. Remember na pinapabalik mo sa amin ang tseke?”

I nodded at North.

“Natanggap namin ang balita na nawawala ka noong kasama namin ang pamilya namin. Kaya nalaman nilang ikaw ang pupuntahan namin.”

Nagtanguan naman ang ibang kumag, sumasang-ayon sa sinaysay ni North.

“W-wala silang sinabi? Hindi kayo pinigilan?”

“Alam na nila ang trabaho namin sa iyo, Cleo,” sagot ni Vidal.

“Kaya pigilan man nila kami o hindi, wala rin silang magagawa,” dugtong ni Reign.

“And when you’re ready, babe, our parents would like to talk to you again,” singit ni Dawson.

“Mmm! Whenever you’re ready, cherry,” sabi ni North.

Na-discharge na rin kami sa ospital. Ang apat na unggoy ay kinuha ni Lola Leticia at ako naman ay sumama kina Lola Kora at Lolo Conrad.

Kagaya nang nauna kong sabi sa mga unggoy, magce-celebrate kami ng Pasko kasama ang mga pamilya namin. At ngayon, sobrang unexpected at special ng Pasko ko this year dahil kasama ko ang Lolo Conrad ko.

Nakasuot ako ng pulang sweater na nakatupi hanggang siko at puting pants. Panay ang vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa kaya tumigil muna ako sa paglalakad at kinuha ito.

Binaha ng message ang HUKPANGHAL naming GC.

“Happy birthday, bakla! Eme lang! Merry Christmas, Cleo Guillermo, ang baklang pinagpala sa balat ng earth!”

Napahagikhik naman ako sa voice message ni Reyna sa aming GC.

“OMG! Merry Christmas, bakla! If I know, super merry na ng Christmas mo because may boyfriends ka na. Like~ sana kami rin!”

“Merry Christmas din, Reynaldo at Mario. Salamat dahil dumating kayo sa buhay ko. Ang saya ng unang semester ko sa SNU dahil sa inyo! Maligayang Pasko ulit!”

“Eww! Super bad, baks! Sino si Mario?”

“Tumpak, Maria! At sinong Reynaldo at Mario? Ang babantot naman ng mga pangalan na ’yan!”

“Heh! Ewan ko sa inyong dalawa!”

Pumunta na ako sa kusina. At ganoon na lamang ang pagtataka ko nang may makita akong isang babae na nakatalikod sa gawi ko. Pamilyar ang kanyang hairstyle sa akin. The V-cut of her hair and her poise were so familiar to me.

“Apo! Nandiyan ka na pala.” Kaway ni Lola Kora sa akin na siyang kausap noong babaeng nakatalikod sa akin.

Lumingon ang babae sa akin at ganoon na lang ang pag-awang ng labi ko nang makita ko kung sino ito. Si Khalin Moon!

“Cleo?”

“Khalin?”

Sabay pa naming untag.

“Anong ginagawa mo rito?” ani ko.

“What are you doing here? What’s up?” sabi ni Khalin.

“Nagkakilala na kayo?” singit naman ni Lola Kora.

Lumapit si Lola Kora sa akin.

“Ahm, mahabang kuwento po, Lola. Pero nagkakilala lang kami ni Khalin kamakailan.” sagot ko kay Lola.

“Cleo, Khalin,” si Lolo Conrad nang dumating sa kusina.

“Conrad, magkakilala na pala sina Khalin at Cleo.”

Nagbalik-balik ang tingin ni Lolo Conrad sa akin at kay Khalin.

“Mabuti kung ganoon. Cleo, apo, si Khalin ay pinsan mo dahil kapatid ng Mama Arin mo ang ama niya. Unfortunately, the two of you shared the same fate; wala na rin ang mga magulang ni Khalin dahil sa naging gang war sa South Korea.”

Nakita ko ang pamumula at panunubig ng mga mata ni Khalin.

Lumapit si Khalin at hinawakan ang kamay ko. “That’s why you look so familiar to me. Akala ko noong una kitang makita ay pareho lang ang mukha mo kay Tita Arin. And it turned out, you’re really her son.” Niyakap ako ni Khalin.

I cried on her shoulder.

“Wala rin kasi akong kaalam-alam tungkol sa family ni Tita. At wala ring naikuwento si Sir Conrad at Ma’am Korazon sa akin tungkol sa iyo,” patuloy ni Khalin at kumalas sa yakap namin.

“It was for Cleo’s safety, Khalin. Yet, despite all those things we did para maprotektahan si Cleo at mailayo sa mundong ginagalawan namin, may mga bagay pa ring hindi namin napaghandaan at naiwasan. I think it was fate all along,” ani Lolo Conrad.

Though Khalin and I both lost our parents, si Khalin ay nakasama niya ang kanyang pamilya ng ilang taon sa South Korea. Kaya naman nakilala niya ang mga magulang ko sa pamamagitan ng kanilang mga litrato. Sa kanyang naalala, inubos daw ng mga kalaban ang pamilya Moon at siya lang ang nakaligtas.

Naikuwento rin ni Khalin sa akin na itinakwil pala ang kanyang ama dahil umibig ito sa katulong. Kaya ang ina ko ang naging heiress, kaso lang namatay ito. Kaso hindi rin sila nakaligtas sa mga kalaban kahit na tinakwil na sila ng mga Moon. Ang mga grandparents naman namin sa South Korea ay wala na rin dahil sa gang war na sumiklab doon. Kaya napadpad din siya sa Pilipinas-itinakas siya ng isang tauhan nila at dito siya dinala sa Lolo Conrad ko.

Si Lolo Conrad din daw ang tumulong sa kanya na makapag-aral at nagbigay ng tahanan. And now, she’s part of the gang wherein my grandfather is the leader.

“Hindi ko alam na ikaw pala ang apo ni Sir Conrad na nakidnap. Hindi rin kasi ako isinama sa operasyon nilang iyon,” saad ni Khalin sabay inom sa kanyang wine glass. “At sorry ulit, Cleo, sa ginawa ng boyfriend ko sa iyo, ha. Nahihiya ako sa iyo ngayon, especially since hindi mo sinabi kina Sir Conrad ang tungkol sa kidnapping din na ginawa ni Tanner.”

Huminga ako nang malalim. “Huwag na nating pag-usapan iyan, Khalin. At aaminin ko sa iyo, hindi rin talaga maganda ang feelings ko sa iyo noong una nating pagkikita. Iba kasi ang tingin mo, eh!”

She licked her lips. “I told you. Naalala ko sa iyo si Tita Arin, and it turned out that she’s really your birth mother!”

“But still, Khalin… I think matagal-tagal pa bago tayo maging… close friends?”

Ngumiti siya. “No worries about that, Cleo. We all have our time now. We can bond and have dates as cousins. Let’s get to know each other.”

“Mmm!”

“Anyways,” tumingala siya saglit at napatingala rin ako sa nagliliwanag na kalangitan dahil sa fireworks. “Merry Christmas, Cleo!”

I glanced at her. “Merry Christmas, Khalin!”

“Apo! Merry Christmas!” Niyakap ako ni Lola Kora.

“Maligayang Pasko, Lola! I love you po!”

“Merry Christmas, Cleo!” si Lolo Conrad naman sa likod ni Lola Kora.

Tumabi nang kaunti si Lola. Niyakap ko si Lolo. “Merry Christmas din, Lo!”

Humigpit ang yakap ni Lolo sa akin. “Thank you so much, apo, for forgiving me and for keeping you away from the truth about yourself. Always remember that I love you! Please, forgive your old man for being such a coward!”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 42

Chapter 42

Ibinaba ko ang dalang bulaklak para sa mga magulang ko. Dalawang araw na ang lumipas matapos ang Pasko at matapos kong malaman na pinsan ko palang sa tunay na buhay si Ateng Khalin. It turns out that I also have Moon blood running in my veins.

Nakita ko na ang mga larawan nina Mama at Papa. At totoo nga iyong sinabi ni Montgomery: I really look like my mother. Mula sa aking maputing balat, singkit na mata, at itim na buhok. Ang matangos kong ilong ay nakuha ko naman sa Papa ko, at itong hazel brown kong mata ay nakuha ko sa genes ni Papa.

“Merry Christmas, Mama, Papa!” sabi ko matapos sindihan ang kandila.

Umatras ako at umupo sa silya. Kasama ko sina Lolo Conrad at Lola Kora, pero hinayaan muna nila akong mapag-isa rito sa loob. Itong puntod kasi nina Mama at Papa ay ginawan talaga ng parang bahay. Pwedeng tumambay at meron pang space sa taas nito. Bongga pa ito sa bahay namin ni Lola Kora doon sa San Francisco!

Hinimas ko ang larawan nina Mama at Papa na nakabaon doon sa kanilang tomb. Masaya akong malaman ang tungkol sa mga totoo kong magulang, pero malungkot din ako dahil hindi ko na naman sila makakapiling.

All I could do right now was stare at their tombs and cry. I’ve been with Lola Kora for my entire life until recently. Naghahanap ako ng mga magulang, hinahanap din sila ng puso ko kahit na hindi ko sila nakita. At ngayon na kaharap ko ang puntod nila, mas nangulila ako lalo.

Nag-Indian sit ako sa harap ng kanilang tomb. Sobrang linis dito kaya naman kahit humiga pa ako rito ay keribels lang.

“Sana nandito kayo, Mama, Papa. Sana nayakap ninyo ang maganda at sexy ninyong unico hijo!” pagbibiro ko, pero umaagos ang luha ko.

“Ma, Pa, I’m so sorry po. Sorry po dahil nagtampo ako sa inyo. Sorry po kasi akala ko hindi ninyo ako mahal.” Pinalis ko ang luha ko. “Kay Lolo at Lola Kora po, nagtampo rin ako sa kanila sa paglilihim nila sa akin tungkol sa inyo at sa tunay kong pagkatao. Pero nang malaman ko at naintindihan ko ang kanilang rason… nauunawaan ko kung bakit sila humantong sa ganoong desisyon.”

Kasi tama naman ang mga grandparents ko, siguro nga kung alam ko iyong mga nangyari sa mga magulang ko, hindi lang ako uupo at walang gagawin. I would seek revenge for my parents. My heart won’t be at ease and in peace.

Alam kong masama at mali, pero masaya ako… masaya ako nang malaman ko na wala na ang mga taong pumatay at nagpahirap sa mga magulang ko. Kaya sana kung nasaan man ngayon ang Mama at Papa ko, sana masaya sila at sana nakikita nila ang ganda ko ngayon. Eme lang ang panghuli.

“Ma, Pa, kahit na wala akong alaala sa inyo…” I stopped in the middle because of the tears on the verge of pouring out of my eyes. “Namiss ko po kayo. Namimiss ko po kayo! Mahal na mahal ko po kayo!”

Huminga ako nang malalim dahil nagsimula na namang manikip ang dibdib ko. Biglang pumasok sa isip ko ang mga unggoy.

“At saka… may aaminin po pala ako sa inyo. Hehe! Knows n’yo naman po siguro na hindi ko na po maipagpapatuloy ang bloodline ng mga Guillermo kasi bakla po ako… at m-may mga boyfriend po ako. Oo, Ma, Pa, boyfriends po. Tama po ang naririnig ninyo, kung naririnig n’yo man ako ngayon! May ‘s’ kasi apat po sila!” Tumawa ako kahit na mag-isa lang ako.

Sa totoo lang, hindi ko pa nasasabi kina Lola at Lolo ang tungkol sa mga unggoy. Ewan ko kung may nahahalata ba sila o ano. Pero balak ko ring sabihin ito sa kanila after dito.

“Iyon pong… m-mga binabantayan kong mga mestisong unggoy… nahulog po ako sa kanila. Ewan ko nga, Ma, Pa, hindi ko naman kasi bet noong una, eh. At sa totoo lang po, para talaga silang mga unggoy sa paningin ko. Maiingay, makulit, at lagi akong pinagtitripan.” Napangiti ako nang maalala ko ang mga kalokohan ng mga timawa. “Ngunit kahit na ganoon po sila… they were able to seize the deepest part of my heart. Kahit na away-bati po kami, lagi po silang nasa paligid ko. Parte man po iyon ng trabaho nila o hindi na bantayan ako, I really appreciate them. Sa bawat bigong pagkakataon at kalungkutan ko, nandoon sila o ang isa sa kanila para pagaanin ang dibdib ko. Siguro… kaya ako nahulog sa kanila dahil doon.”

“Ewan ko, Ma, Pa, kung ano ang magiging tingin ng mga tao sa akin o sa aming lima, pero mahal ko po sila, eh. Gustong-gusto ko po sila.”

Kapag bigo ako, may isa sa kanila na darating. Kapag malungkot ako, may isa sa kanila na nagpapatawa sa akin. Kapag nasasaktan ako, may isa sa kanila na pinapagaan ang dibdib ko. Kapag mahina ako, laging may isa sa kanila na nagpapalakas sa akin. At kapag nasa peligro ako, nandiyan sila para iligtas ako.

Ayan tuloy, pakiramdam ko kinabog si Rapunzel sa haba ng buhok ko!

“Apo.”

Gulat akong lumingon nang marinig ko ang boses ni Lola Kora sa likod ko kasama si Lolo Conrad. Tumayo ako at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanila. Animo’y nahuli nila akong may ginawang kalapastanganan.

Akala ko minulto na ako ni Papa at Mama dahil sa inamin ko sa kanila.

Pinagpag ko ang shorts ko.

Biglang nanlamig ang buong katawan ko nang makita ang dalawang matanda. Seryoso ang kanilang mga mukha. Ni hindi ko sila naramdaman na pumasok dito sa loob.

Alam ko namang plano ko nang sabihin ang tungkol sa amin ng mga unggoy sa kanila pagkatapos ko rito, pero hindi sa ganitong paraan. Base sa reaksyon nila, alam kong narinig nila ako.

“Lola, Lolo.” Nanginginig ang boses ko dahil sa lakas ng kaba sa dibdib ko. “M-may… narinig po ba kayo?”

Nakita ko kung paano humugot ng hangin si Lolo Conrad. Tumabi siya kay Lola Kora.

“You’re referring to those young Alvarez de Toledos, right, Cleo?” ani Lolo.

Tumango ako. Wala na ring saysay kung itatanggi ko kasi narinig nila ako. Hindi ko na kailangan ng kumpirmasyon dahil sa sinabi pa lang ni Lolo, batid ko nang narinig nga nila ang buong sinabi ko kanina.

“A-alam ko pong hindi ninyo maiintindihan. Alam k-ko pong naguguluhan kayo kung papaanong umibig ako sa apat na lalaki. P-pero, Lolo, Lola, mahal ko po sila,” natataranta kong saad. Naramdaman ko ang pagdaloy ng mainit na likido sa pisngi ko mula sa aking mga mata. “Bakla po ako, pero hindi po ako hayok sa lalaki. Nagkataon lang po na tumibok ang puso ko sa kanila. Hindi ko rin maipaliwanag, eh, kasi kung si North o si Reign lang ang pipiliin, pakiramdam ko may kulang. Kung si Vidal o si Dawson din ang pipiliin ko, pakiramdam ko hindi ako buo. The four of them make me complete, Lolo, Lola. Each of them showed me the different shades of love and desire. They give different hues to my life that I didn’t know existed.”

Walang sinabi si Lola Kora, pero dinala niya ang basa kong mukha sa kanyang dibdib. Hinagod niya ang likod ko at napahagulgol na lang ako.

“It must have been so hard for you, Cleo. Hindi siguro naging madali ang pag-intindi mo sa nararamdaman mo para sa kanila. I’m sorry wala ako sa tabi mo, apo. Sorry kung wala kami ng Lolo mo. Pero nandito ako para sa iyo, kung ano man ang nararamdaman mo. Nandito lang ako sa tabi mo, Cleo.”

Umiling ako at patuloy na humagulgol.

“Wala po iyon, Lola. At salamat po!”

May gumulo sa buhok ko mula sa likod.

“Although my mind cannot really grasp everything at once right now, apo, Lolo will try his hardest to understand you and your feelings, okay? Just give your old man some time to process this,” saad ni Lolo Conrad.

Kumalas ako sa yakapan namin ni Lola Kora. Umikot ako upang harapin si Lolo. Ngumingiti pa rin siya sa akin.

Lumabi ako at niyakap siya nang mahigpit.

“Thank you, Lolo!”

“You’re always welcome, apo!”

Wala si Khalin sa bansa ngayon kasi pumunta siya ng South Korea. Gusto niya ring bisitahin ang pamilya roon at kasama niya si Tanner. Gago si Tanner, pero wala akong magagawa kung siya ang gusto ni Khalin. Desperado lang din talaga siguro siya sa mga oras na iyon na iligtas si Khalin.

Though I wonder if alam ba ni Tanner na isang gang member si Khalin. Well, sa kanila na iyon. Labas na ako sa kanilang relasyon.

Ngumiwi ako nang makita ko ang mga pictures na sinend ni Khalin sa akin-mga pinuntahan nilang lugar sa SK. Wala namang mukha nilang dalawa iyon, kaya medyo okay lang, hindi lang talaga mapigilang hindi ngumiwi. Ewan ko, nagfi-feeling na ang merlat na ito ever since in-accept ko siya sa Facebook.

“We should visit South Korea together sometime. Dito lumaki si Tita Arin,” basa ko sa chat niya sa akin.

Khalin: “Wala na akong mahagilap na albums or pictures sa mansyon ng mga Moon dito. Gusto ko pa namang makita mo ang mga old pictures ni Tita.”

Nagtipa ako ng reply sa kanya. Bakit pa siya bumalik sa lumang bahay ng mga Moon? What if may mga kalaban doon?

Ako: “Ikaw’ng babaita ka, be careful. Baka may mga kalaban pa ng mga Moon na nagmamatsyag diyan. Baka ma-tegibels ka riyan!”

Khalin: “Saglit lang kami ni Tanner doon. We’re at the condo.”

Ni-likezone ko siya.

“Happy New Year, Cleo!”

Ni-likezone ko ulit siya pero nakangiti ako.

May sumulpot naman na text mula kina Ateng Marli at Ateng Jodel, ang mga friends ko sa mansyon ni Lola Leticia. Hay! Namiss ko ang mga Ateng.

“Happy New Year, Cleo! Nammiss k n nmn d2 sa mansyn,” ang text ni Ate Jodel.

“Cleo, kailan ka bblik dto sa mansyon? We miss u! Happy New Year!” text naman ni Ate Marli sa akin.

Hay, ang mga merlat na ito! Namiss ko rin sila. Isa-isa ko silang nireplyan.

“Namiss din kita, Ateng. Namiss mo ba ang ingay ko diyan sa mansyon, Ate Marli? Haha! Happy New Year din,” reply ko kay Ate Marli.

“Happy New Year, Ateng! Soon po babalik din ako diyan sa mansyon. Alam ko kasing miss n’yo na ang ganda ko diyan!” reply ko kay Ate Jodel.

Tiningnan ko ang chat box ko at messages. Walang text, tawag, o chat ang mga unggoy sa akin. New Year na mamaya pero wala silang paramdam sa akin. Naiinis na ako. Baka pagsisihan ko pang ikinuwento ko sila sa Mama Arin at Papa Conrad ko.

Tumalon naman sa gulat ang balikat ko nang may kumatok sa pinto. Bitbit ang cellphone ko, tinungo ko ang pinto.

“Ate?” ani ko nang makita ko ang babaeng kasambahay.

“Sir, pinapababa po kayo ng Lolo at Lola ninyo.”

“Bakit daw, Ate?” tanong ko sa kasambahay.

“Hindi ko rin po alam, Sir. Basta po pinapababa kayo,” seryoso nitong wika.

Napalunok ako. Ano naman kaya ang kailangan ni Lolo at Lola sa akin?

Sumunod ako kay Ate. Dumungaw ako sa baba at ganoon na lang ang kinalapad ng ngiti ko nang makita ko ang mga unggoy na kaharap nina Lola at Lolo!

Nawala ang inis na naramdaman ko at nilampasan ko si Ate.

“Bakit hindi kayo nag-text na pupunta kayo rito?!” hingal kong untag. Sabay nila akong nilingon. Mabibigat ang paa kong naglakad tungo sa kanila.

Tumayo ang apat na unggoy nang makalapit ako. Aartehan ko sana ang mga unggoy nang maalala kong nasa harap pala kami ni Lolo at Lola.

“Apo, ipinagpaalam ka nila na lalabas daw kayo,” si Lola Kora.

“You’ll be celebrating New Year with them, Cleo?” ani Lolo Conrad.

Tiningnan ko ang apat. Plano lang naman iyon, hindi ko alam na gagawin nila talaga. Hindi nila ako na-inform! But then, gusto ko rin silang makasama. Namiss ko sila.

“K-kung papayag kayo, Lolo, Lola.”

Istriktong tiningnan ni Lolo ang mga unggoy; napatuwid tuloy sa kanilang kinauupuan ang mga ito.

“Ingatan ninyo ang apo ko. Vidal, North, Dawson, Reign, I saw your dedication and loyalty in the group, pero ibang usapan kapag involved ang apo ko…”

“L-lolo, ’wag n’yo naman po silang takutin,” singit ko kay Lolo.

“Pinapaalalahanan ko lang ang mga nobyo mo, Cleo.”

Kinagat ko ang ibabang labi at tumingin sa mga unggoy. May mga multo ng ngiti sa mga labi nila.

“We’ll take care of Cleo, Sir, Ma’am!” ani Reign.

“Maasahan n’yo po kami,” sabi ni Vidal.

Bumuntonghininga si Lola Kora. “Aasahan namin iyan at may tiwala kami sa inyo. At saka itong relasyon na meron kayo… hindi ito kadalasang nakikita ng mga tao sa paligid natin. Maraming huhusga sa inyo at mandidiri, sana handa kayo sa mga bagay na ’yon.”

“We already thought about that, Ma’am. But still, what matters to us are the people who support us and our families,” anas ni Dawson.

“Alam din naman po namin na hindi po ordinaryong relasyon ang meron kami. Kaya kung sakali man po, nakahanda naman po kami. Ang sa amin lang po… ’wag lang saktan si Cleo,” si North.

Isang sasakyan lang ang ginamit namin patungo sa rest house nila. Ani nila, kami lang daw ang tao roon ngayon.

“Masaya sana kung isasama natin sina Reyna at Maria. Para hindi boring!” wika ko sa gitna ng biyahe.

I heard them groan in protest.

“You can invite them, babe, but not right now.”

Tumango si North sa sinabi ni Dawson. “Yeah, Dawson’s right, cherry.”

“Besides, we wanted you to ourselves this time, baby.” Reign glanced at me through the rearview mirror.

“We’ve been looking forward to this, Cleo. So, for now, it’s just us, okay, mi amore?”

Gigil kong pinagsasampal ang mga braso nila.

“Kayo ha, akala ninyo hindi ko napapansin iyang callsign-callsign ninyo sa akin?” puna ko sa kanila, isa-isa silang tinuro. I crossed my arms in front of my chest; huminga ako ng malalim. “Kinikilabutan ako sa mga callsign ninyo! Itigil n’yo ’yan!”

“Babe!”

“Baby!”

“Mi amore!”

“Cherry.”

Umakto akong parang nasusuka sa mga tukso nila sa akin.

“Magsitigil kayo!” Tinakpan ko ang tainga ko. “Mga unggoy kayo, kapag hindi kayo tumigil, makakatikim kayo sa akin!”

“Uh-oh! We cannot wait to taste you too, Cleo!” Reign grinned at the rearview mirror!

Sinipa ko ang driver’s seat na kinauupuan ni Reign! “Ugh! Mga litseng timawa!”

Pakiramdam ko umusok ang tainga ko sa inis.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 43

Chapter 43

“Sa family n’yo rin ang property na ’to?” tanong ko sa mga unggoy nang makababa kami mula sa kotse. Mula sa garahe ay inikot ko ang tingin sa lugar habang nakasunod lang ang mga unggoy sa akin. Akala mo naman ay tatakbuhan ko sila rito.

It was a huge bungalow-type house in front of the pristine blue water of the sea. Naalala ko tuloy iyong bahay ni Vidal dati na pinuntahan namin. Parang ganito ang style niya. That time, we weren’t able to enjoy the view since the rain was pouring.

“This place is Abuela’s escape, Nanny!” North answered.

Nilingon ko siya nang marinig ko ang pamilyar niyang tawag sa akin. I giggled. Mukhang ayaw na nilang makatikim ng sampal mula sa akin kaya hindi na nila ako tinawag sa kanilang ginawang mga pet names.

Baby, babe, mi amore, cherry. Akala ko noong una ko itong marinig mula sa kanila ay pinaglalaruan lang ako ng tainga ko. Hindi naman sa ayaw ko ng mga pet names. Maybe it will take time bago ako masanay sa tawag nila sa akin.

Tumayo ako sa harap ng dagat at nakangiting ipinikit ang mga mata upang damhin ang sariwang hangin at ang maalat na simoy mula sa dagat.

“Ang ganda rito!” anas ko habang tinitingnan ang mga unggoy. Sa kanan ko ay sina North at Vidal, at sa kaliwa naman ay sina Reign at Dawson.

“When Abuela wants some time alone or whenever she misses our Abuelo, this is her go-to place out of all our properties,” komento naman ni Reign sa tabi ko. Naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim.

I remembered what Lola Leticia said-na kaya sumali sa gang itong mga unggoy na ’to ay dahil sa kanilang lolo. They must have loved and idolized him that much. Mayaman na kasi sila, halos nasa kanila na ang lahat, pero gusto pa rin nilang pasukin ang magulong buhay ng mga gangster na tulad ni Lolo Conrad.

“Hindi ko masisisi si Lola Leticia, ang ganda rito eh. And I guess special ito sa kanya,” saad ko na may ngiti sa labi.

May panghapong araw pa pero hindi mainit sa aming kinatatayuan dahil may mga palm trees na sumasangga sa init.

“It is. Ito kasi ang lugar na paborito nila ni Abuelo. That’s why this place is really special to Abuela,” sabi ni Vidal.

“Mmm, some of our properties are up for rental, except for this one,” sabat ni Dawson kay Vidal.

Ngumuso ako at nilingon silang apat. This still feels so surreal. Having four boys, these gentlemen, with me still amazes me. From being their nanny-slash-aider-slash-cook to being their partner.

Honestly, our relationship poses a little threat and fear in my chest. Ito ang unang beses na papasok ako sa isang relasyon na apat ang partner. Ito rin ang unang pagkakataon na nagmahal ako nang seryoso. May takot, kaba, at pangamba sa dibdib ko. Takot na baka isang araw ay mawala ang lahat ng ito. Kaba dahil baka panandalian lang ang lahat o baka patikim lang ito ng tadhana sa akin. Pangamba dahil sa mundong ginagalawan nila at ng pamilya ko. Ayaw ko silang mapahamak. Ayaw kong masaktan sila.

Dawson pulled my neck and claimed my lips while I was washing the bowl. Napatigil ako sa aking paghuhugas at tinugon ang kanyang halik.

Nagluluto ako ng pagkain para sa aming media noche mamaya at tinutulungan nila ako. Kaso, bigla akong hinalikan ni Dawson.

“Hindi na ba masakit ang mukha mo?” he asked gently after he let go of my lips. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.

“Mmm! Hindi na,” tango ko sa kanya.

“I’ll take this sa labas,” aniya at ipinakita sa akin ang kinuha niyang baso sa glass rack na nasa tabi ko. Pinunasan niya ang labi ko. “I miss them.”

“Tse! Sige na!” natatawa kong suway sa kanya.

Nang matapos ako sa pagbanlaw noong bowl ay isinalin ko ang macaroni. Hawak ng isang kamay ko ang kawa at sa kabila naman ang sandok.

“Kabayo ka!” sambit ko sa gulat nang may biglang humawak sa kamay ko.

Pairap akong tumingin dito at nakita ko si Reign na nakangisi sa akin.

“Huwag mo nga akong ginugulat! What if nahulog itong kawa?” anas ko.

“That’s why hinawakan ko.” He grinned.

I gulped when I felt his body pressed behind me.

“Reign,” usal ko.

Ibinaba ni Reign ang aming mga kamay. Kinuha niya ang sandok mula sa akin at saka niya hinawakan ang baba ko. I tilted my head when he leaned down and kissed my lips. Butterflies went crazy inside my stomach as I responded to Reign’s kisses.

Nabitiwan ko ang kawa at tuluyan kong hinarap si Reign. Hinila niya ako palayo roon sa stove. Lumakad lang din ang mga paa ko kasunod niya. I hooked my arms around his neck and tiptoed to kiss him better. His one hand was on the back of my head while the other was on my neck.

Yet, I felt another hand on my side. I was humming inside Reign’s mouth when I felt another mouth on my back.

Nang pakawalan ni Reign ang bibig ko, saka pa ako lumingon kung sino ang nasa likod ko. Napakurap-kurap ako nang makita si Vidal na humahalik sa aking lantad na balikat. Nakatabingi na iyong damit ko.

While my one arm was grasping Reign’s shoulders, my other arm moved on its own and I cupped Vidal’s cheeks.

Vidal looked at me through his lashes, his forest-green eyes pierced me warmly. Pinatakan niya ng halik ang kahabaan ng balikat ko patungo sa leeg, sa likod ng tainga, hanggang sa napapikit na lang ako. Sunod kong naramdaman ang kanyang pag-angkin sa aking mga labi.

“V-Vidal!” ungot ko at sinagot ang kanyang mga halik.

Si Reign naman sa harapan ko ay pumasok sa loob ng t-shirt ko at doon salitang idinadampi ang bibig sa magkabilang dibdib ko.

Nawawalan ako ng ulirat habang nakikipaghalikan kay Vidal at dinadama ang paglamas, pagsuso, at kagat ng ngipin ni Reign sa dibdib ko.

Naputol ang aming ginagawa nang tawagin kami nina North at Dawson mula sa labas. Naghahanda rin kasi sila doon ng mga fireworks para sa salubong namin sa Bagong Taon mamaya. Inayos ni Reign ang suot ko habang pinupunasan naman ni Vidal ang labi niya.

“Namaga ba?” tanong ko kay Vidal.

“Hindi gaano, pero may sugat.”

“Tara na. Ang ingay ng dalawa sa labas,” saad ni Reign.

Tinakpan ko ang mga pagkaing niluto at sumunod sa dalawa. Napangiti na lang ako habang inaalala ang nangyari. Ang harot ko talaga! Pero at least, sa mga boyfriends ko naman.

Dati para akong nababaliw noong hinalikan nila ako, pero ngayon, excitement na ang nararamdaman ko. Tinakpan ko ang labi ko habang nakaharap sa salamin. Kakatapos ko lang maligo; wala na kaming balak pang matulog dahil alas-diyes na rin naman. Ang mga unggoy ay nasa salas at nagkukuwentuhan.

Alam ko na may dapat pa kaming pag-usapan tungkol sa magiging set-up ng aming relasyon at sa plano kong pakikipagkita sa mga magulang nila, ngunit palilipasin ko muna siguro itong Bagong Taon!

Suot ko ang puting cotton shorts at pulang t-shirt. Nagspray ako ng pabango sa leeg at sa palapulsuhan. Nagsusuklay ako ng buhok nang makarinig ako ng katok sa pinto.

“Pasok,” ani ko at tiningnan ang pinto mula sa salamin.

Dumungaw ang ulo ni North mula sa nakaawang na pinto. “Nanny?”

“North,” sabi ko sabay lingon sa kanya. “Pumasok ka.”

Umalis ako sa harap ng vanity mirror at lumapit sa kanya. May dala siyang maliit na paper bag.

“Come here,” aniya saka ako hinila paupo sa kama. Konti lang ang rooms dito pero malalaki ang mga kwarto. Kahit ang kama, sa tingin ko, ay king-sized. Mabango at sobrang lambot pa!

“Ano ’yan?” Nguso ko sa paper bag na dala niya.

Inabot niya ito sa akin. “It’s for you. Christmas gift ko sa’yo.”

“Huh?”

“Wait, hindi pa ba sila nagbigay ng regalo sa’yo?”

Inilingan ko si North. Tiningnan ko ang laman ng paper bag at may maliit na box roon na kulay navy blue. Kinuha ko ang box at binuksan. Nakita ko ang silver ring doon na napapalibutan ng maliliit na crystals.

Tiningnan ko si North. His heterochromatic eyes glimmered as he focused on me.

“North, w-wala akong gifts sa inyo!”

“Being your partner is already a gift to us, Cleo,” sabi niya. Kinuha niya ang singsing mula sa lalagyan nito at isinuot sa middle finger ko. “Bagay na bagay sa daliri mo.”

Bumaba ang mata ko sa daliri ko kung nasaan ang singsing. Bagay iyon sa maputi at mahahaba kong daliri. Tamang-tama lang din ang sukat.

“Thank you so much, North!” Umusog ako sa kanya at yumakap nang mahigpit.

His arms snaked around my small waist, pulling me into his rock-hard body. When we pulled away from each other, his hazel and green eyes searched my face until they glued on my lips.

“I wanted to kiss you,” he murmured.

I planted one hand on the bed before I tugged the neckline of his shirt towards me and kissed his lips. Nagulat siya at nanlaki ang mga mata. Napangisi ako habang naglalapat ang mga labi naming dalawa.

In a heartbeat, North kissed my lips like a hungry man. It seemed like he had been waiting for it, and now he was savoring every inch of my lips.

Nahulog sa sahig ang lalagyan ng singsing at ang paper bag nang bumigay ang kamay kong nakatungkod sa kama. Bumagsak si North sa ibabaw ko pero hindi niya pa rin pinapakawalan ang labi ko. Nag-iispada ang mga dila namin habang ang mga kamay niya ay abala sa pagtaas ng damit ko. Dumaing siya sa gitna ng halikan namin nang matagpuan niya ang hiyas ko sa dibdib.

“Cleo, North, what took the two of you- ops!”

Natigil si North sa paghalik sa akin at sabay kaming napatingin sa pinto. Nakita ko si Reign doon na nakangisi at nakasandal. Sumulpot naman sa kanyang likuran sina Vidal at Dawson.

“Ohh!” anang ni Vidal. Mayamaya ay ngumisi rin ito.

Tinulak ko na si North at umupo sa kama. Si North naman ay may inis na humiga.

“Wrong timing naman kayo!” ungot niya.

“Did we spoil the fun?” anas ni Dawson.

Pumasok silang tatlo sa kwarto. Napalunok naman ako nang maramdaman ang pagsikip ng puson dahil sa presensya nilang apat.

“Akala ko ba hihintayin natin ang New Year?” si Reign.

“You are really a monkey, North!” bungisngis ni Vidal.

“Ugh! Shut the fuck up, Reed Vidal!” asik ni North sa pinsan niyang si Vidal.

“A-ano ang ibig ninyong sabihin na hihintayin ang New Year?” anas ko.

Umahon si North sa kama.

“We will just wait for the New Year before we’re going to pop your tight crevice down there, Nanny.”

Bumilog ang mga mata ko sa kanila. Nag-iwas ng tingin si North; si Vidal naman ay sumipol; si Dawson ay nagkamot sa batok niya habang si Reign naman ay tinulak ang loob ng pisngi gamit ang dila.

“You… may balak kayong ganyan tapos hindi ako sinabihan?” Isa-isa ko silang pinukol ng masasamang tingin.

“Well,” Dawson sighed. “It’s still a plan, Cleo. Besides, we haven’t decided who will… make love to you first.”

“Lahat kayo hindi naisip na gawin iyon nang sabay-sabay kasama ako?”

And now it was their turn to look flabbergasted at my remark.

“Dammit!”

“Shit!”

“Damn!”

“Holy shit!”

Halos sabay-sabay nilang daing dahil sa naging turan ko.

“B-bakit ganyan ang reaksyon ninyo?!” naiirita kong saad sa kanila.

“Cleo, you just have one fucking hole!” matigas na saad ni Reign. Ramdam ko ang kanilang mga matang nanunusok na sa akin.

I pouted. “I have one hole down there, but I have a mouth and two hands,” I chirped shyly.

“Goddammit!”

“Shit!”

“Fuck!”

“But Cleo’s right! She can accommodate all of us in one-”

“Hold your goddamn horses, North!” Dawson barked at him.

“Yeah, Cleo might accommodate each of us, but can his body handle us?” Humalukipkip si Reign at tiningnan ang katawan ko.

Mzhwonshsk! Parang nagkakabuhol-buhol na itong mga tumatakbo sa isipan ko.

Umayos ako sa aking pagkaka-upo at seryoso silang tiningnan. Gusto kong iparating sa mga itokong ito na desidido rin akong subukan ito… na sabay sila. Kung hindi ko naman kaya… I know hindi naman nila ako pipilitin.

“Let’s try it!” I said with full determination.

I heard Reign chuckle. Dawson narrowed his chinky eyes at me, Vidal knitted his eyebrows, and North swallowed hard. Though their eyes glint something carnal.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 44

⚠️ 18+ (

Mature Content Warning:

This chapter contains explicit scenes. Read with caution.)

Chapter 44

Shuta! Ang dami kong hanash kanina at ang lakas ng loob kong magbitiw ng ganoong mga linyahan, ngunit nang makita ko ang mga mata ng apat kong lalaki na nag-aalab sa pagnanasa at pagkasabik, bigla kong naramdaman ang panginginig sa mga hita ko.

Pwede ko kayang bawiin ang sinabi ko kanina? Pwede bang sabihin ko na eme ko lang iyon? Prank?

Lukaret! Ako pa yata ang unang mapuputukan sa pagsalubong ng Bagong Taon, ah!

Bwiset!

Pero sa kabila ng kaba ko, hindi ko maipagkakaila ang namumuong excitement at anticipation sa kaloob-looban ko. May takot dahil hindi ko alam kung papaano namin ito gagawin, at takot na baka hindi ko sila kayang apat. Kaso, may parte ng dibdib ko na nais sumubok.

Ganito naman siguro talaga kapag first time-may pangamba at pag-aalinlangan. Pero hindi iyon naging sapat upang umatras ako. Nagfi-feeling magaling at matapang na ang beklabu ’to kanina.

Lumabas saglit si Reign. Hindi ko alam kung saan siya pumunta, pero nang makabalik siya, may dala na siyang ilang sachet ng condoms at mga bote ng lubes.

Parang may nagtutulak sa sarili ko na umatras sa kama. Pinuwesto ko ang sarili ko sa gitna ng malaking kama na may puting kobre-kama. Bukas ang lahat ng ilaw ng silid, kung kaya’t kitang-kita ko ang bawat pagbabago sa ekspresyon ng mga mukha ng mga unggoy.

Dawson and Vidal pulled off their shirts and threw them on the floor without breaking eye contact. Si Reign at North naman ay sunod ding naghubad ng damit.

I felt a throb between my legs at the sight of them.

Naitukod ko ang mga kamay ko sa likod upang suportahan ang katawan kong nanginginig. Ewan ko kung sa kaba pa ba ito o sa pananabik. I closed my legs together to hide my shaking limbs.

I had to lick my lips as they ran dry while I stared at the four men standing at the foot of the bed, topless and oozing with sex appeal. Their shredded and well-defined muscles were served in front of me like a dish to choose from. Pero pakiramdam ko gusto ko silang lahat, hindi ako makapili sa kanila.

Ramdam ko ang pagtaas ng temperatura sa loob ng kwarto. Nawala ang lamig ng aircon, parang hindi na ako tinatablahan ng lamig dahil sa init na unti-unting tumutupok sa aking katawan.

I started to sweat as I felt hot waves course through my body. Maybe I was this frenzied over them being naked in front of me that I felt my stomach jiggle. My manhood started to come to life.

My teeth caught my bottom lip as I rubbed my legs together. I felt myself wet down there already.

“Dammit! You’re as excited as we are, Cleo,” Reign cursed.

I didn’t know. In my mind, I felt like I should be ashamed, however, it didn’t strike me. Instead, my skin burned even more at Reign’s comment.

Umuga ang kama nang umakyat silang apat. Hinubad ni North ang t-shirt na suot ko at si Vidal naman ang naghubad ng short ko. Sunod niyang ibinaba ang underwear ko na may bahid na ng precum.

“Shit! You’re so turned on, Cleo,” Dawson snarled beside me.

Umusok ang mukha ko nang hagurin nila ako ng tingin mula sa aking naninigas na dibdib, pababa sa tiyan ko, hanggang sa namamasa kong pagkalalaki. Umungol sila at sabay na humawak sa katawan ko. Humasa ang paa ko sa kobre ng kama.

Umigting ang kanilang mga panga habang pinagmamasdan ang hubo’t hubad kong katawan. Hindi ko alam kung sino sa kanila, pero may narinig akong pagngangalit ng ngipin.

“O-ohh,” halinghing ko. Si Vidal ay nasa gitna ng nakahiwalay kong mga hita. Sa may kanan ko naman ay si North, sa kaliwa ko ay si Reign, at malapit sa ulo ko ay si Dawson.

Umikot ang mga mata ko at kumurap-kurap nang lumandas ang kamay ni Dawson sa leeg ko. Ang kamay naman nina Reign at North ay sinasadya nilang idaan sa naninigas kong nipples. At si Vidal naman ay kaliwa’t kanan na humahalik sa aking hita patungo sa singit ko.

“You’re such a bad, bad baby boy, Cleo. So bad for making us this hungry for you!” Vidal gritted his teeth.

Parang shunga lang pero tumango ako roon. O baka nawawala na rin ako sa sarili ko.

I felt so much pressure within me that I wanted them to take it out. The surge of need and horniness hit me.

Their different shades of green eyes were pinned on me with lustful stares. Vidal, whom I had always known as playful and laid-back, was gone; he now looked like a caveman wanting to satisfy his hunger.

My eyes drifted to North, who was equally playful and the most mischievous of them, yet right now he was consumed by desire. Then to my left was Reign; he who always looked serious and protective was now eaten by his unworldly desire. And here’s Dawson who was nipping on my neck; I always thought of him as quiet, cold, and composed, but just like his cousins, he was swallowed by unearthly desire.

North wet his lips. “You’re so hot, nanny!” North whispered as he dived into my right nipple.

Dinilaan ni Reign ang umiigting at sensitibo kong utong. Ilang sandali lang ay sumuso na siya roon.

“Mhmm!” Reign hummed on my left while he was playing with my left nipple.

Bumigay ang kamay ko pero nasalo ako ni Daws. Bumagsak ang katawan ko kay Dawson na nasa likod ko, itinagilid niya ang ulo ko upang mahagkan ang mga labi ko.

“Nghh, mmm!” hapong ungol ko sa gitna ng halikan namin ni Dawson.

Ang mga nanginginig kong hita ay kusang nagsasara pero naramdaman ko ang dalawang kamay na humawak doon. Mahigpit nilang hinawakan ang likod ng tuhod ko at sapilitan itong pinaglalayo.

Masakit ang singit ko dahil sa ginawa nila pero hindi ako makaangal. I felt so exposed and stretched.

“Mmn,” halinghing ni Dawson nang pakawalan niya ang labi ko at saka pinadaan ang mainit na dila sa panga ko tungo sa aking tainga.

Para akong nilalagnat sa init ng katawan ko at ang paningin ko ay medyo cloudy na rin. Nang ibaba ko ang aking tingin, nakita kong sina North at Reign pala ang may hawak sa magkabilang hita ko at nakaangat na ito sa ere. Si Vidal ay nakadapa doon sa ibaba, and he rubbed his face on my balls down there.

Umangat ang puwit ko sa kama nang maramdaman ko ang pagpasok ng daliri sa loob ng entrada ko sa baba! Tumirik ang mga mata ko.

“Ohh, ah, ahhh!” sigaw ko. Pilit na umaangat ang puwit ko kaso yumakap ang isang kamay ni Vidal sa baywang ko at ipiniit ako sa kama. Ang kamay naman nina Reign at North sa may hita ko ay humigpit ang pagkakahawak.

Another wave of ecstasy blew me away when I saw North and Reign undress themselves completely. Their huge, large, and long shafts were hard and watery at the tip.

“O-ohhh, oh my god!” I shouted with my hoarse voice when Vidal pummeled his digits inside me like a beast.

“Ughh!” daing ni Vidal habang walang habas na nilalabas-masok sa akin ang kanyang mga daliri.

“Be careful, Vidal!” North scolded Vidal because of his brutal thrusts inside me.

“You’re just a little naughty boy, Cleo. How dare you tease your boyfriends like this, hmm?” nalilibog na daing ni Dawson.

Vidal never stopped pushing and pulling his fingers inside me, and my hips started to rock with him. At the same time, Reign’s hand found my manhood and stroked it for me.

“A-aghh, ngghh, mhmm!” ungol ko.

Nanginig ang katawan ko.

“Fuck! Faster, Reign, I feel him nearing his climax,” Dawson commanded Reign.

“Ahh, dammit!” Reign groaned, his fist moving up and down rigorously.

My toes stretched out and my eyes rolled back when I climaxed; my manhood squirted hot and creamy liquid. It landed on my stomach and on Reign’s fingers like lava from an erupting volcano.

Hingal na hingal ako pagkatapos kong labasan. They laid me down on the bed. Si North ay bumaba saglit sa kama para kumuha ng tissue at pinunasan ang tiyan ko.

Nakita ko si Vidal na hinubad ang condom na nasa tatlong daliri niya. Pagkatapos ay naghubad na rin siya. All of them were now sweaty, naked, and wet down there, too. Tumataas-baba ang kanilang mga dibdib na tila kinakapos sa hangin.

The shred of shame left in my body dissipated into the air. Napapalibutan nila ako na hubad-baro at hawak ang kanilang mga pagkalalaki. All of them pumping their hands on their veiny and slick poles.

Vidal and Dawson exchanged their positions, ngayon si Vidal na ang nasa gilid ng ulo ko habang si Dawson na ang nasa gitna ng hita ko.

Dawson eyed my stretched and twitching hole below. I felt like closing my thighs because of his fiery gaze, however, he was in between my parted legs.

“So fucking red and wet,” Dawson rasped. “You stretched him good, Vidal.”

“Still, be careful, Daws. He is still too tight!” Vidal replied.

I didn’t know what was wrong with my body, but hearing them talking about me in that vulgar and indecent way made my body more giddy. Those words may have seemed lewd and dirty, yet I still felt excitement and agitation.

Dawson picked up one of the condom sachets scattered on the bed and opened it using his teeth. He then rolled down the condom on his stiffening manliness. Dawson walked on his knees to get near my entrance again.

Napansin ko naman ang paglapit nina North, Reign, at Vidal sa akin. Hinawakan ni Dawson ang magkabilang hita ko at saka ito isinampay sa kanyang balikat. Ngayon ay medyo naka-elevate na ang puwerta ko at mas kita na niya ang kumikiwal kong lagusan sa baba.

“O-ohhh,” angil ko nang ikiskis nina Reign at North ang ulo ng kanilang namamasang pagkalalaki sa aking sensitibong dibdib.

Vidal guided my face to face him and brushed the head of his cock along my trembling lips! His hand was shaking too, as if he was struggling to control himself.

I felt Dawson brush his crown on my entrance as if enticing me there!

Pleasure started to build again in my belly as I felt the four lengths rubbing against my body at once. Dawson rubbing his dick on my hole, Reign and North brushing their shafts on my nipples, and Vidal’s member grazing my lips.

It was too much. It was much, yet I felt like my body wanted more. I knew I sounded insane and ridiculous since it was my first time, but my body craved more. More. More of them. More of their members on me!

How greedy. How insolent of me!

“Ah, a-ahhh!” I screamed when Dawson pushed himself inside me!

I squirmed.

It took a few seconds before my hole could fully adjust to his size. I felt his manhood inside me fill every possible nook inside me. I was so full and so stretched.

“Goddammit, Guillermo! You’re so fucking hot and tight that I feel my cock strangled. Yet, it feels so fucking nice!”

Dawson took me so savagely that I felt the bed dancing with us. I felt like a fucking doll being fucked by a beast! Nalilibog ako lalo sa naririnig kong pagbabanggaan ng mga katawan namin ni Dawson.

And when I looked at his cousins around me, they looked worried about my situation as their cousin took me brutally.

“Dawson, I know that it’s so wonderful being inside Cleo, but be careful, you brute!” Vidal snapped at Dawson.

“Fuck! Are you going to break him, Daws?!” North gritted.

I shook my head at them.

Itinaas ko ang kamay ko. Giniya ko si Vidal palapit sa bibig ko.

“Cleo!”

“Ahh, a-ahh! I-I’m… ohhh, good! I can still a-accommodate you… mhm, all!” putol-putol kong wika.

Vidal sat on my face and started to take my mouth. And my hands held North and Reign’s members as they fucked my fists too.

My eyes blurred with unshed tears as the four of them took me. Dawson was hammering me below, Vidal was pounding his cock inside my mouth, while North and Reign were groaning as I fisted them. Kinuyom ni Vidal ang buhok ko at naging bayolente ang bawat ulos.

I loved and hated it. I loved how I could make them feel good, but I also hated how I felt so satisfied and felt love while they did this to me.

Kaagad akong nilabasan at matapos ni Dawson, si Reign naman ang pumalit doon sa baba.

Magulo ang kama. Tumutunog na sa mga pag-angkin nila sa akin. Now, North was the one taking my mouth and his balls were slapping on my chin. Nakatungkod ang kamay niya sa headboard ng kama. Reign was down there, pinning me on the bed and hammering my hole like there’s no tomorrow.

Niyakap ni Reign ang dalawang binti ko at saka sagad akong inaangkin. Muli na naman akong nilabasan sa mula sa mararahas na pag-ulos ni Reign.

Nang si North na ang pumalit sa baba, pinadapa nila ako. Sa ibaba ko ay sina Reign at Vidal na nilalamas, kinakagat, at sumususo, habang si Dawson naman ang umaangkin ngayon sa bibig ko.

Naghalo ang luha at pawis ko sa ginagawa namin. But my body could still keep up, I felt weary but still, I could go on.

North was holding my hips and sank his thickness frantically inside me. Moans and groans ripped from their throats.

Slap. Slap. Slap. Namanhid ang puwet ko dahil sa mga sampal ni North doon.

And the loud smacking of North’s balls behind me filled the room too; his length reached the unimaginable depth within me that made me lose my mind.

Vidal took North’s position behind me and now I was close to losing consciousness. My vision was now spiraling as Vidal thrusted and thrusted and thrusted his cock inside me.

Naramdaman ko ang panginginig ni Vidal sa loob ko, hudyat na naabot niya na rin ang rurok. At naramdaman ko naman ang maalat-alat na ibinulwak ni North sa bibig ko. Sa magkabilang kamay ay naramdaman ko ang mainit na likidong ipinabulandit nina Dawson at Reign!

Tuluyan nang pumikit ang mga mata ko. I was overly stimulated from the different men taking me, from the different angles and positions we did. Before I lost consciousness to the world around me, I felt the giant pressure within me bursting and I heard the loud bang from outside.

“Happy New Year, Cleo!” They whispered, and my mind eventually shut off.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 45

Chapter 45

Masama ang pakiramdam ko nang magising ako. Ang liwanag na nanggagaling sa labas ay tumatagos na sa kurtina ng kwarto. Maaliwalas ang malaking silid at umaalingasaw sa ere ang amoy na something lemony.

Napangiwi ako nang subukan kong gumalaw. Parang may nagsindi ng apoy sa loob ng katawan ko. Hindi ko kayang igalaw ang katawan ko na tila ba dinaganan ako ng ten-wheeler truck. Inaapoy ang pwet ko at may hapdi na hindi ko alam kung saan galing.

Nilibot ko ang tingin sa silid. Wala na ang lintek na unggoy. Itinaas ko ang kumot upang tingnan ang sarili. May suot na akong damit at malinis ang katawan, pero masama talaga ang pakiramdam ko.

Binalik ko ang kumot sa katawan at tumagilid dahil sa sakit ng pang-upo ko. I don’t feel like climbing out of my bed. Gusto ko pa naman sanang i-enjoy itong lugar at maligo sa dagat, kaso paano ako makakaligo nito ngayon kung inaapoy ako ng lagnat at hindi makagalaw nang maayos?

Sino ba naman kasi ang nag-utos sa’yo, Cleo, na hamunin ang mga unggoy mong nobyo? Ikaw lang ang nagdala ng kapahamakan sa sarili mo! Wala kang sisisihin kundi ang malandi mong sarili!

Ayan, sinalubong ang bagong taon na may lagnat!

Ngumuso ako at napangiti nang maalala ko ang mga nangyari sa amin kagabi. Well, nilagnat man at hindi makaalis sa kama, masaya naman ako sa nangyari. I passed out, but I still remember that I was able to handle the four of them.

“Cleo?”

I turned towards the door when I heard Reign’s voice. Sunod na pumasok sina Dawson, Vidal, at North sa silid.

“Dinalhan ka namin ng breakfast,” nakangiting saad ni North at bahagyang itinaas ang dalang tray.

“You know that we’re not good cooks, right? So we just reheated the food that you cooked last night,” sabat naman ni Dawson.

Umupo sila sa kama. Inalalayan ako ni Vidal na maupo nang makita niyang nahihirapan akong bumangon; siya rin kasi ang pinakamalapit sa akin.

“You’re burning, Cleo. Shall we call a doctor to check on you?” pahayag ni Vidal na may bahid ng pag-aalala sa boses.

Napakislot ako nang sipatin niya ang noo ko. Malamig ang kanyang kamay sa balat ko kaya napagitla ako. Sunod niyang dinampi ang likod ng palad sa leeg ko.

Si Dawson naman ay humawak sa palad ko. Si North ay sinipat din ang noo ko at kinumpara ang init naming dalawa sa pamamagitan ng pagkapa sa sarili niyang noo.

“Mas uminit pa nga siya kumpara kanina,” wika ni North at nababahala akong tinitigan.

Malamyos ang titig ni Reign sa akin nang makita niya ang pagkabagabag sa mga mukha ng pinsan niya. Nagsalita siya.

“Or maybe we can go to the hospital? Shall I get the car ready?” sabi ni Reign. “Or we could just wait for our family doctor. Mas maganda kung tayo na mismo…”

“Huwag na,” agap ko kay Reign. Nginitian ko silang apat. “Nabigla lang siguro ang katawan sa nangyari kagabi kaya ako nilagnat. At saka…” humaba ang nguso ko. “Hindi kaya biro ang laki ng tite ninyo! Tapos apat pa kayo.”

Kahit na mainit na ako dahil sa lagnat, ramdam ko pa rin ang pagkalat ng panibagong init sa aking pisngi.

“We’re just worried, Nanny.”

I smiled at North.

“Also, ayaw naming malaman nina Sir Conrad at Ma’am Korazon,” sunod namang saad ni Vidal.

“And we don’t want to break their trust in us,” si Dawson.

“Baka sa susunod, ayaw ka na nilang ipahiram sa amin,” ngisi ni Reign.

“Mga timawa! Hindi naman ganoon ang lola at lolo ko. At saka, partner n’yo naman ako. Bakit hindi nila ako papayagan lumabas kasama kayo?”

Napangiti sila sa sinabi ko. Huminga sila nang malalim at tumango.

“Fine. Pero kumain ka na para makainom ka ng gamot,” wika ni North sabay lapit sa akin ng tray ng pagkain.

“Do you want us to feed you, Cleo?” Reign asked.

Umiling ako. “Nilagnat ako pero kaya ko namang sumubo.”

“Kapag maayos na ang pakiramdam mo, saka lang natin imbitahin ang friends mo. Si Uno, papapuntahin din namin once you feel better,” saysay ni Vidal. Siya na rin ang naghalo ng pagkain ko.

Kumain ako at uminom ng gamot. Hinayaan naman ako ng apat na magpahinga. Kahit na umiidlip ako, nararamdaman ko silang apat na salit-salit na pumapasok sa silid ko upang i-check ang temperature ko.

Pinalitan din nila ng mas makapal at darker na kulay ang kurtina upang makatulog ako nang maayos. Sa lunch ay ginising ako nina Daws at Reign para pakainin. Sa gabi naman ay sina Vidal at North ang nag-asikaso sa akin. Kahit sa pagpunta sa banyo ay binubuhat nila ako.

Kinabukasan ay bumuti na ang pakiramdam ko. May lagnat pa rin pero hindi na ako ganoon kainit, though iyong sakit sa aking pang-upo ay nananatili pa rin. Ika-ika pa rin ako kung lumakad.

Ika-ika akong lumabas ng bahay dahil nasa balkonaheng nakaharap sa dagat ang aming breakfast. Hindi sila magaling magluto pero umorder sila ng pagkain sa labas, kaya kahit papalapit pa lang ako, naamoy ko na ang lechon at mangga.

“Magandang umaga!” bungad ko sa apat na siyang nag-aasikaso sa mesa. Humampas sa akin ang maalat na simoy ng hangin mula sa dagat. Naririnig ko ang mga alon at ang mga dahon ng puno sa paligid na iniihip ng hangin.

Napangiti ako nang makita ang lechon belly, sweet and sour shrimps, crab, at chicken inasal sa mesa. Si North ay naghihiwa ng pakwan at si Dawson naman ay sa mangga.

Naglaway ako bigla sa mga nakahandang pagkain.

“You’re feeling good?” Nag-jog si Reign papunta sa akin at humalik sa sentido ko. Giniya niya ako tungo sa mesa na may iba’t ibang putahe.

“Good morning, Nanny!” bati ni North sa akin at humalik sa aking pisngi.

Si Dawson naman ay humalik sa kabilang pisngi ko. “Good morning, Cleo. How’s your recovery?”

“Morning, Cleo!” ani Vidal saka humalik sa tungki ng ilong ko. Pinaghila niya rin ako ng upuan at inalalayan akong umupo.

“Okay na ako! Baka bukas pwede na akong maligo sa dagat. Nangangaway na sa akin ang dagat, oh!” Nguso ko sa tubig sa labas.

Masaya kaming kumain. Naninibago pa rin ako na sila ang nag-aasikaso sa akin. Sanay kasi ako na halos subuan ko na ang mga unggoy na ’to. Ngayon, sila na ang nagsisilbi sa akin.

Hmp! Baka ngayon lang ’to dahil kasalanan nila at ng malalaki nilang tite kung bakit ako nilagnat! Emerut!

Inaya ng mga kumag si Uno, at ako naman ay inaya ang mga kaibigan ko na sina Reyna at Maria. Ang mga beklabu naman, forda go lang. Atat na atat ding pumunta lalo na nang mabanggit kong inaya rin ng mga unggoy si Uno.

Kinabukasan ay kumuha kami ng larawan sa dalampasigan. Hindi pa dumarating ang mga kaibigan namin kaya kinuha namin ang pagkakataong iyon na makapag-bonding kaming lima at kumuha ng mga larawan.

Suot ko ang manipis na puting sleeveless shirt na pinatungan ko ng pale blue short-sleeve polo at pinaresan ng puting shorts. The salt-tinged breeze of the sea fluttered my pale blue polo. My slightly dark, straight hair was tousled as the wind brushed against me.

Pinagmasdan ko ang apat na unggoy. The sky was pale and the morning sun cast a soft glow around us. Si North ay suot ang navy blue na button-down na nakabukas ang mga butones at khaki shorts. Sa tabi nito ay ang pinsan na si Reign, dressed in an earth-toned knit shirt layered over a simple white tank and wide-leg linen pants. Si Dawson naman ay suot ang set of cream-colored linen short-sleeve polo and shorts. Habang si Vidal naman ay naka-oversized slate-blue shirt na sadyang hindi binutones at dark shorts.

Kaya hindi ko masisisi ang mga babae at kahit ang mga kaibigan ko na nahumaling sa kanila. Ang gaganda ng lalaki at ang lalakas ng karisma. Bawat isa sa kanila ay talagang may ibubuga.

“Okay na,” nagtaas si North ng kanyang thumb.

Nag-jog naman sina Dawson, Reign, at Vidal patungo sa akin. Sa magkabilang side ko sina Reign at Dawson; sa tabi ni Reign ay si Vidal. Nang matapos si North sa pagkalikot sa camera ay tumabi naman siya kay Dawson.

Itinaas ko ang dalawang kamay bago ngumiti at nag-peace sign. Ang mga lalaki naman sa tabi ko ay nagkanya-kanyang ngiti.

Ilang take rin ang ginawa namin bago lumipat sa ibang bahagi ng lugar. Kumuha rin kami ng larawan na kami-kami lang nina Reign, North, Vidal, at Dawson. Siyempre, nagpakuha rin ako ng solo pictures ko!

“Ang gaganda ng kuha!” tuwang-tuwa kong wika habang nire-review namin ang mga larawan.

Tiningnan ko naman ang mga unggoy na imbes sa camera ay sa akin nakatingin.

Ngumuso ako at isa-isa silang hinagkan sa pisngi.

“Ang ganda ko, ’no?” biro kong untag dahil ang lalagkit ng tingin nila sa akin.

“Very beautiful!” Dawson grinned.

Reign licked his lips. “Sobrang ganda!”

“Definitely beautiful!” Vid nodded.

“So pretty!” North breathed.

Naunang dumating si Uno at sunod namang dumating ang mga kaibigan ko. Ako ang pinagtulungang tuksuhin ng mga beklabu pagkarating nila!

Pero mangiyak-ngiyak naman sila nang simulan ko nang isalaysay ang nangyari last year sa pag-uwi ko ng San Francisco. Naikwento ko rin kina Reyna at Maria ang tungkol sa pagkatao ko.

Niyakap nila ako nang mahigpit. Humagulgol sina Reyna at Maria sa balikat ko. Ang mga gagang ito talaga!

“Nalulungkot me sa nangyari sa parents mo, baks! Huhuhu!” humihikbing saad ni Maria.

“Nanginginig ako kapag naiisip ko ang sinapit nila!” sumisinghot naman si Reyna.

Kumalas sila sa yakapan namin at nagpunas ng luha. Kahit ako ay tumutulo rin ang luha.

“Ang mga uhog ninyo, mga bakla kayo!” suway ko sa kanila habang pinupunasan din nila ang pisngi ko.

“Gaga!” Sinampal nila ang balikat ko.

Humiga kami sa buhangin at tumingala sa mala-gintong kulay ng kalangitan. Niyakap nila akong dalawa.

“Even though your parents are gone, baks, at least nakilala mo ang Lolo mo at ngayon…” pagbibitin ni Reyna.

“May apat ka pang nobyo, shuta ka!” sabay nilang untag at kinurot ako nang pino sa tagiliran.

Sumabog ang tili ko.

“Like, yeah~ hindi mo talaga dinalawa, talagang apat!” untag naman ni Maria.

“Basta, Cleo, nandito lang kami ni Maria sa tabi mo, ha. Whatever happens, we’ve got you!”

Niyakap ko silang dalawa gamit ang aking mga braso.

“Thank you, mga baks!”


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 46

Chapter 46

Vidal

“Happy birthday, Reed Vidal!”

My shoulders jumped in surprise as I entered my house and Cleo’s sharp, joyous voice echoed throughout the room. When I saw how huge the smile on Cleo’s lips was, I was immediately magnetized by it. His smile was just too contagious and too pretty. He was cradling a cake in his hands. May birthday hat pa siyang suot sa ulo.

I rushed toward him and hugged him carefully, trying not to crash into the cake. He giggled in my arms. The way his body vibrated against mine made my heart flutter even more.

After all the flings that I had in the past-after all the girls I flirted with-I thought that this day wouldn’t come. That someday, someone would make my heart race this wild.

Totoo pala talaga iyong parang halos hindi ka na makahinga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib mo. Totoo pala iyong slow motion; iyong natutulala ka, napapangiti nang mag-isa, at para kang nababaliw sa isang tao.

I cannot call it bragging because I wasn’t really proud of it, but I dated plenty of girls back then. However, none of them made me feel as excited as when I’m with Cleo.

Kung dati siguro, tatawanan ko lang kapag may nagsabi sa akin na mahuhulog ako sa isang bakla. Pero ngayon, tingin ko hindi na ako makakabangon pa mula sa pagkakabagsak ko kay Cleo Guillermo.

“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!” He sang, swaying his body slowly while smiling at me cheekily. Hindi ko na rin mapigilang hindi mapangiti ng malapad habang nakatingin sa kanya na masayang kumakanta. “Happy birthday, Reed Vidal Alvarez De Toledo! Blow your candles na at mag-wish ka!”

I closed my eyes and murmured my wish in my mind. At nang buksan ko ang mga mata ko, mukha ni Cleo na nakangiti nang malapad ang bumungad sa akin.

Hinipan ko ang candles na nakatarak doon sa cake. Nilibot ko ang tingin sa buong bahay; inaasahan kong susulpot ang mga pinsan ko pero wala sila.

“Halika, naghanda ako ng pagkain sa kusina. At kainin na rin natin ang cake mo pagkatapos,” excited niyang wika at saka ako hinila patungo sa kusina.

Wala talaga ang mga pinsan ko. Ewan ko, siguro dahil palagi na kaming magkakasamang apat kaya hinahanap ko na rin sila. Mapa-sports events, racing ni Reign, at sa mga competitions sa school-palaging kasama namin ang isa’t isa para sumuporta.

Siguro dahil lumaki kami na malayo sa mga magulang namin at palagi silang busy sa trabaho, kaya ang isa’t isa na lang ang naging support system namin. Well, hindi naman totally na wala ang parents namin. Sadyang hindi lang sila nakakadalo sa mga competitions na sinasalihan namin.

Sa mga larawan namin sa bahay ni Abuela, kahit sa anong events, magkakasama kaming apat na para bang magkadugtong na ang mga bituka namin. Sa mga awards at napapanalunan namin, magkakasama kami. Kapag may isa sa amin na nananalo, kaming apat ang aakyat sa stage. Kaya nga rin siguro tumunog ang mga pangalan namin dahil palagi kaming magkakasama at competitive din pare-pareho.

“Wala sina Daws, Reign, at North?” tanong ko kay Cleo. Pinaghila ko siya ng silya at humalik sa kanyang buhok.

“Wala. Sabi nila ito na lang daw ang treat nila sa’yo. Magdi-date tayo rito sa bahay mo! Hehehe!” Cleo chuckled cheerfully.

“Napapayag mo sila?” tanong ko sa kanya.

Pinupunasan niya ang kobyertos namin pero kinuha ko iyon mula sa kanya at ako na ang nagpunas niyon. Pagkatapos ay ako na rin ang naghain ng pagkain para sa kanya.

Cleo is skinny to me. I wanted him to gain some weight and muscles. Kaya nga nag-alala ako sa kanya noong may nangyari sa amin. Talagang napakatapang naman niya since siya pa talaga ang nag-suggest na gawin namin iyon.

“Sila pa nga ang nag-insist nito. Well, ako ang nagka-idea na i-surprise ka sa birthday mo.”

“And how did you know that it was my birthday today? Hindi ka ba pumasok? It’s the first day of school after the vacation.”

He smiled sheepishly.

Pinagpalit ko ang plato namin pagkatapos kong hiwain ang steak niya.

“Kina Reyna at Maria noong nakaraang araw. Alam mo naman na madaldal ang mga iyon at ang daming alam tungkol sa inyong magpipinsan. Isa pa, wala kaming pasok dahil wala pa kaming prof.”

While we knew everything about him, my life and the lives of my cousins were still a mystery to him. I think this date will help him get to know me. Well, makikilala niya rin naman kami as time goes by since we’re his boyfriends.

“Kain ka na. Ako ang nagluto nito, nag-assist lang sa akin ang mga unggoy mong pinsan…”

“Na boyfriends mo rin.”

Tumawa siya. “Wala eh. Mahilig ako sa maputing unggoy!”

Napailing ako at nginitian siya. Humiwa ako sa steak ko at sinubo ito. Tumango ako sa kanya habang hinihintay niya ang reaksyon ko.

“It’s so good!”

“Kayang tapatan si Gordon Ramsay?”

I chuckled. “Kayang tumapat kay Gordon Ramsay.”

Humalakhak siya nang malakas at nasampal pa ang braso ko. Bigla ko tuloy naalala ang unang pagkakataon na nakita ko ang kanyang larawan. It was the time when my cousins and I were having a discussion about our job to keep him safe.

Isa-isa naming inabot ang mga larawan sa mesa at ang mga detalye ng kanyang pagkatao.

“Cleo Guillermo,” I recited his name in the back of my head and studied his photo. He was smiling so wide with his lips parted. Nawawala tuloy ang kanyang mga mata dahil sa kanyang tawa.

He is really fair-skinned, and his expressive hazel-brown orbs disappeared when he smiled, just like in the photo attached. His lips looked naturally pink and glossy, and his small face was framed by his dark, straight hair.

My finger unconsciously ran over his photo. He looks like a cheerful and spirited type of person, even just by looking at his photo.

“We need to guard him. According to Sir Conrad, we need to keep him safe because of the threat lurking around him. Ma’am Korazon can no longer guarantee hus safety dahil tumatanda na siya. And he’s going to college at dito siya sa atin tutuloy. Kailangan nating itago sa kanya kung sino tayo.”

“Hindi ba siya kayang protektahan ni Sir Conrad?” Reign asked.

Napatingin ako kay Dawson.

“Hindi niya kilala si Sir Conrad. Hindi siya lumaki kasama si Sir Conrad at wala siyang kaalam-alam sa tunay niyang katauhan,” tugon naman ni Dawson kay Reign.

“We need to protect him without him noticing or knowing that we are protecting him,” dagdag pa ni Dawson.

At first, Abuela was really hesitant about this assignment. Kahit nga sa pagsali namin sa gang ay tumutol siya noong una. Alam niya na delikado at marami ang naghahangad ng downfall sa mga Guillermo even until now, kaya nag-aalala siya sa amin.

Nakahalukipkip ako at may ngisi sa labi habang tinitingnan si Cleo na giniya ni Abuela papasok sa bahay. Laglag ang kanyang panga at bakas sa mukha niya ang pagkamangha sa mga nakikita niya.

Base sa nabasa ko tungkol sa kanya, lumaki siya sa probinsya ng San Francisco. Kinalakihan niya ang simpleng pamumuhay kasama si Ma’am Korazon. Ginawa iyon ng kanyang grandparents to protect him from their dangerous world.

Kawawa siya. Wala siyang kaalam-alam na purong kasinungalingan ang kanyang pagkatao.

Nang makita niya kaming apat na nakatingin sa kanya, nabura ang malapad na ngisi sa kanyang labi at napalitan ng ngiwi.

“Apo, sila ang babantayan mo!” saad ni Abuela.

Hindi totoo na babantayan niya kami, it was the other way around. Kami ang magbabantay sa kanya laban sa mga gustong manakit sa kanya. Kaya kailangan ni Abuela ng excuse para manatili siya sa bahay at mapalapit sa amin.

“Ang papangit! Mga mukhang unggoy- puting unggoy!” narinig kong komento niya habang nakatingin sa mga larawan namin na naka-hang sa dingding ng bahay ni Abuela.

“Monkey, huh!” I taunted him.

Napatalon siya at lumingon sa akin. Bilog ang kanyang mga mata na tumitig sa akin.

“Wah! Palakang tinubuan ng bhelat sa noo!” anas niya at tinakpan ang bibig, as if naman hindi ko narinig ang sinabi niya.

I winced at his words. Lumapit ako sa kanya at ngumisi nang malaki nang makita ko ang pagkataranta niya.

“What?”

“Wala! Sabi ko para kayong mga unggoy!”

Napansin naming magpipinsan na matamlay siya sa bahay. Minsan naman ay natutulala. Ilang araw pa lang siya sa bahay ngunit pakiramdam namin ay uwing-uwi na siya sa probinsya na kanyang kinalakihan. Though napapansin din naman na kapag nasa paligid kami ay tumatapang siya. Hindi niya pinapakita na nalulungkot siya at matamlay. I felt sorry for him because we noticed it no matter how hard he tried to conceal his feelings.

Kaya naman nakaisip ng mga kalokohan si North. At dahil kaming dalawa ang laging nagkakasundo pagdating sa mga ganoong bagay, kami ang palaging nakikitang kaaway ni Cleo. Si Reign at Daws kasi ay sumasakay lang sa trip namin ni North.

At hindi ko namamalayan na sa tuwing nakikita kong naiinis si Cleo at nakabusangot ang mukha, natutuwa na ako. Kapag nakikita kong nawawala na ang kanyang mga mata sa inis, naaliw na ako. Kapag nanggagalaiti na siya sa amin at namamaos na ang boses kapag tinatawag ang pangalan namin.

I was a straight man. I was a straight man before Cleo bent my sexuality. And I’m not complaining. Acknowledging my feelings for a gay guy like Cleo doesn’t make me less of a man. I think I became more of a man because of it-because I was courageous enough to admit it.

At dito sa bahay na ito, dito ko napagtanto ang nararamdaman ko para sa kanya-na mas malalim na ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi na siya simpleng pagkaaliw o tuwa kapag nakikita ko siya.

At galit na galit ako sa putang inang Tanner na iyon. He used Cleo’s feelings for him to lure him. Galit ako at nagseselos kasi gustong-gusto ni Cleo si Tanner Vasquez! If only I could cut his legs, I would have already done it a long time ago so that he couldn’t walk beside Cleo nor near Cleo.

Kandong ko si Cleo habang nanonood kami ng movie at paminsan-minsan naman ay sinusubuan niya ako ng cake gamit ang kanyang tinidor. Nakita kong nagco-confess ang guy sa pinapanood namin kaya naman napatanong ako kay Cleo.

“When did you realize your feelings for us, mi amor-”

The next word I said was muffled inside my mouth when Cleo covered my mouth with his hand.

“Mi amor-”

“Tigilan mo ako sa petname-petname na iyan, Vidal! Baka tadyakan kita diyan! Kinikilabutan ako, ha.”

“Cleo, ayaw mo ba niyon? I thought… couples should have a callsign for his or her lover?”

“Well, ayoko. Mas sanay ako na tinatawag ninyo ako sa name ko. Ayaw ko na ng callsign.”

“Fine!” I surrendered. “Now answer my question.”

Binaba niya ang tinidor na hawak sa center table at humarap sa akin. He cupped my face and looked at me solemnly. I felt like melting as he stared at me. My heart made a leap.

“There’s no exact time and date kung kailan, Vidal. Parang isang araw… nagseselos na ako kahit sa mga kaibigan ko na nahuhumaling sa inyo. Alam ko naman na matagal nang humahanga ang mga kaibigan ko sa inyo before I came into your lives. Pero naiirita ako kapag pinag-uusapan ka nila at kinikilig sa inyo. Gusto ko… ako lang,” salaysay niya habang nakatingin nang deretso sa mga mata ko.

Natutunaw ako lalo rito.

“I know na hindi ko mako-kontrol ang mga humahanga sa inyo. May tuwa sa akin kapag ganoon, kaso may konting selos din. Sorry!”

I pulled his head down and claimed his lips for a kiss.

“No need to feel sorry, Cleo. We’re already yours. No matter how many girls or boys or gays out there admire us, iba ka pa rin. Ang pagtingin mo pa rin sa amin ang gusto namin. Our hearts still beat for you, and only you!” I whispered at him like a vow.

Bago pa man siya makapagsalita muli, hinuli ko na ulit ang kanyang labi at hinalikan siya nang mabagal.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 47

Chapter 47

North

I stared at my reflection in the mirror-particularly my eyes, which were of different colors. One was hazel and the other was green. Back then, I always thought of this as some kind of curse because I was always bullied for it. Hindi naiintindihan si Mommy nang sabihin niya ang kondisyon na ito sa akin. Ang gusto ko noon, matanggal siya at maging pareho ang kulay ng mga mata ko.

Even though I have heterochromatic eyes, my vision is clear and I have no other issues when it comes to my eyesight. Others may find my eyes cool, but when I think of the times I was outcasted and bullied by other kids, I feel so bad for my younger self.

Ginulo ko ang buhok ko at inayos ang towel sa baywang ko. Lalabas na sana ako ng banyo nang mapansin ko ang mga matang nakatitig sa akin. Sinundan ko ito at nakita ko si Cleo na nakasandal sa doorframe ng banyo.

“Kanina ka pa gising?” tanong ko sa kanya habang nakatitig sa repleksyon niya sa salamin.

Nakapagbihis na siya at mukhang handa na sa biyahe namin. This will be the first time we’ll be leaving the mansion with just the two of us. Pupunta kami sa farm namin sa probinsya. Actually, it is owned by my grandmother on my mother’s side. Naglambing ang lola ko na dumalaw ako sa farm dahil hindi na ako nakadalaw sa kanya. Kaya pinaunlakan ko na rin.

Sinabi ko ito sa mga pinsan ko, at si Cleo naman ay naging kuryoso kaya inimbitahan ko siya. Pumayag din naman ang mga pinsan ko, but of course, I have to ensure Cleo’s safety.

Naglakad siya patungo sa akin at kaagad kong nalanghap ang kanyang matamis na amoy. He stood beside me and my hand moved on its own, wrapping around Cleo’s waist as I kissed his neck.

He squealed with delight.

“Ang tagal mo naman dito. Umalis na lang tuloy sila Reign, Daws, at Vidal. May trainings sila.”

Tumango ako. Although I have training today, nagpaalam naman ako kay Coach na liliban muna ako. Si Cleo naman NSTP lang ang klase nila ngayon at may iniwan lang na activity.

“Good morning!” sambit ko sa kanya.

Cleo wrapped his arms around my biceps.

“Mmm! Bilisan mo na. Excited na ako pumunta sa orange farm ninyo! Kung papayag ang Lola mo, mamimitas tayo, ha. Tapos dalhan natin sila Ate Jodel at Ate Marli.”

I kissed his head and looked at our reflection in the mirror. Nakita ko ang kanyang daliri na suot ang singsing na bigay ko sa kanya. I gave Cleo a ring, Vidal gave him a necklace, Reign gave him a bracelet, and Daws gave him crystal-embellished barrette. And Cleo wore them today. He wears them every day, and watching him wear the things we gave him makes it feel like we really own every inch of him.

Kumurap-kurap si Cleo habang nakatitig sa aming repleksyon sa salamin. He smiled sweetly.

“Ang ganda talaga ng mga mata mo, North,” anas niya.

Ilang beses na niya yata itong sinabi sa akin, pero every time he mentions it, I admire my eyes too. Back then, I couldn’t really appreciate these eyes because they gave my younger self a hard time.

Cleo complimenting them warms my heart. It feels like something I have been looking for after a long time. It’s like a validation for me.

Bumili kami ng bulaklak sa aming nadaanang flower shop. Nagpa-arrange ako ng bulaklak para kay Lola at para kay Cleo. I’m not really the romantic type-or maybe I just got used to having girls constantly around us. I didn’t need to make an effort because girls were already lining up for us. Nagkakaroon ako ng relasyon sa mga babae pero purely for pleasure lang. And those girls knew me too; sex lang din ang gusto nila.

But liking Cleo made me search for things for couples-what guys do to make their partners happy. I feel like a novice with these kinds of feelings. It feels like I’m a kid starting to learn how to walk. And the feeling of being territorial over someone-over Cleo. The feeling that rather than lose him, I would gladly share him with my cousins.

“Para sa akin?” gulat niyang sambit nang pagbalik ko sa kotse, inabot ko sa kanya ang pungpong ng red roses.

“Advance Valentine’s gift ko for you,” I informed him, smiling.

Tinanggap niya ito at inamoy. “Ang ganda-ganda. Iyang isa, sa Lola mo?”

I nodded. I started the engine and slowly hit the road to the airport.

“Thank you so much, North!”

“You’re welcome, Cherry!” I teased him. I know how he hates it.

Umungot siya.

“North!” naasar niyang wika, nalukot ang kanyang maliit at matangos na ilong.

“I’m just teasing you! Namiss ko kasi ang nakabusangot mong mukha!”

Cleo glared at me, however, his eyes still glinted with bliss.

Ibinalik ko sa daan ang mata ko at huminto nang makita kong pula ang stoplight.

I glanced at Cleo from time to time and caught him taking pictures of the flowers on his lap. He was dressed in a simple white sweater, khaki pants, and sneakers. His cheeks were a bit pinkish, his lips were red and shiny, and his dark hair fell just above his eyes. Staring at him made my chest rumble. He was strikingly pretty today. His clothes made him look like an angel sent from above. Para siyang naggo-glow sa kaputian lalo na’t natatamaan siya ng sinag ng araw mula sa labas.

It was around 1:00 PM when Cleo and I arrived at my grandmother’s house. May sumundo naman kasi sa amin mula sa airport kaya less hassle. Beside the huge house were hectares of orange farms and livestock.

Sinalubong kami ni Cleo ng mga kasambahay.

“Senyorito North!”

“Hello po! Si Lola?”

Malalaki ang ngisi ng mga kasambahay na sumalubong sa amin at kuryoso nilang pinukol ng tingin si Cleo na akay ko sa baywang. Sa kabilang kamay ko naman ay ang bulaklak para sa lola ko.

“N-nasa loob na, Senyorito. Kanina pa po ’yong excited sa pagdating ninyo. At saka… excited na rin pong makilala ang girlfriend ninyo?” Batid ko ang pag-aalinlangan sa boses nito.

“Ate, wala akong girlfriend.”

“Ha? Ah, eh sabi kasi ni…”

“Boyfriend po ang meron ako,” agap ko.

Nalaglag ang pangang nito sa sinabi ko. Iniwan ko na itong natigalgal sa labas at dirediretsong pumasok sa bahay.

Naninigas si Cleo sa mga bisig ko.

“Relax, they won’t bite you!” bulong ko sa kanya.

Inis niyang kinalmot ang tainga ko kung saan ako bumulong.

“Tsk! Letse ka talagang timawa ka!” asik niya sa akin na kinasinghap naman ng mga kasambahay na nakarinig.

“Ang yaman din pala ng lola mo rito,” sambit ni Cleo nang makapasok kami sa bahay.

I let him wander for a bit when we reached the living room.

“Kaya pala hindi nag-atubili ang mga magulang ninyo na bigyan ako ng twenty million dahil sa yaman ninyo!”

I chuckled.

“You should have raised the price. Ang liit lang pala ng halaga namin sa’yo.”

Bumaling siya sa akin na may ngiwi sa labi.

“Heh! Pero tama ka, sana ginawa kong one hundred million bawat isa…”

“Tapos magtatanan tayong lima,” dugtong ko.

Natawa siya sa sinabi ko. Sa gitna ng pagmamasid ni Cleo sa bahay, sumulpot si Lola galing sa kusina.

“North Hayes, ikaw na ba ’yan!” tili ni Lola kaya pati si Cleo ay napalingon na rin. Ibinaba niya ang picture frame na hawak.

Lumapit ako kay Lola, yumakap, at ibinigay ang bulaklak na binili ko kanina.

“Ahh, ang sweet mo talaga, apo! Namiss kita! Akala ko nakalimutan mo na ako!” Muli akong niyakap ni Lola.

“I miss you too, Lola. I’m sorry kung hindi na ako nakadalaw rito last vacation.”

“Mmm! Mmm!” tango ni Lola at napasilip sa likod ko.

Napangiti ako kung sino ang kanyang sinisilip. Si Cleo na parang tuod na nakatayo at nakasiklop ang kamay sa harap. Para siyang bata roon.

I walked towards him, taking his hand and interlacing my fingers with his.

“North,” may pagpipigil niyang untag. Malalalim na ang kanyang paglunok.

“It’s fine.”

Napatitig si Lola sa kanya.

“Lola, si Cleo po… ang partner ko. At Cleo, ang Lola ko.” pakilala ko sa kanila.

“Ito… ito ’yong nakukwento mo last year, apo?”

“Yes, lola!”

Napansin ko ang pagdiin ng ngipin ni Cleo sa kanyang labi nang lumapit sa kanya si Lola.

“Halika rito, apo! Kay tagal kitang gustong makilala!” Kinabig ni Lola si Cleo at niyakap.

Nanlalaki ang mga mata ni Cleo na bumaling sa akin. Tiningnan ko siya na parang sinasabi ang ‘I told you so’ look.

“Halika kayo rito sa dining area. I prepared food for you.”

Hinila na kami ni Lola patungo sa kusina. Talagang ang dami niyang nilutong pagkain. Natutulala si Cleo sa pag-aasikaso ni Lola sa kanya.

“Ang bait ni Lola!” naiiyak niyang sabi sa akin nang umalis saglit si Lola para kumuha ng dessert.

“Alam ba niya na… hindi lang ikaw ang boyfriend ko? Na kayong apat na magpipinsan ang boyfriend ko?”

Marahan akong tumango sa kanya. Dahil sa palaging tawag ni Lola sa akin, nakukwento ko sa kanya ang setup ng relasyon namin. Hindi rin naman ito naintindihan ni Lola kaagad. Buwan din siyang hindi tumawag sa akin pero kalaunan ay tumawag siya at nagtanong tungkol kay Cleo.

“Hindi na masyadong mainit ngayon doon sa farm basta huwag lang kayong lumayo,” ani Lola nang ihatid niya kami sa labas.

Tinanggap ko ang inabot nitong basket at pamitas ng orange.

“Magpaturo kayo sa mga tauhan doon kung ano ang tamang pitasin,” paalala niya.

“Salamat po, Lola,” Cleo chirped.

Naglakad lang kami ni Cleo tungo sa farm. May suot siyang sumbrero at bota. Nakarolyo na rin ang kanyang pants hanggang sa ibaba ng tuhod.

“Senyorito North, magandang hapon po!”

Tinanguan ko ang mga tauhan.

“Ang taray mo naman pala, North! Sikat ka pala rito.”

Humalakhak ako. “Dahil lang iyon makulit ako noon at dito naglalaro. Kung alam ko lang, masaya sila na umalis ako rito dahil wala nang pasaway!”

“Tarantado ka rin kasi talaga, ’no?”

“Masiglahing bata lang!”

Itinuro sa amin ng mga tauhang nagtatrabaho kung saan kami pwedeng mamitas. Namitas si Cleo at tumikim.

“Ang tamis! North, oh!” alok niya sa akin.

I crouched a bit and opened my mouth. I nodded. Ang tamis pa rin talaga ng mga orange rito.

“Namitas na tayo para may dalhin tayo pabalik sa mansyon ni Lola Leticia!”

Nakasunod lang ako kay Cleo habang namimitas siya. Ako na ang tagabitbit ng basket.

“Oh my god! Ang lalaki nila!” tili niya at humarap sa akin hawak ang dalawang malalaking orange. “North, kunan mo ako ng picture!”

Walang angal kong ibinaba ang basket na dala at hinugot ang cellphone sa bulsa. Ngumiti siya nang malawak nang itapat ko sa kanya ang cellphone. Ngumuso siya at inilapit sa magkabilang pisngi ang orange. Nawawala ang kanyang mga mata sa bawat ngiti niya.

Because of it, I was brought back to the time when Dawson announced to us that we had to guard him. The moment I stared at his photo that time, something within me was awakened. Hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sa larawan nang matagal. It felt like some force was dragging my eyes to study him.

Even in his picture, he already looked so cute; he was like a little, cheerful puppy. Parang gusto ko siyang i-pat sa ulo at lambingin.

“Apo, sila ang babantayan mo!” Pahayag ni Abuela sa amin.

Kapwa kami ng mga pinsan ko nakamasid kay Cleo na parang bata na manghang-mangha sa kanyang paligid. It was true that he was raised away from wealth. If only he had known that an affluent life was just waiting for him. Desperado lang siyang makapag-aral kaya siya dumating sa bahay ni Abuela. Iyan ang nasa isip niya.

Little did he know, we were really the ones who would be guarding him.

“North!” galit niyang sigaw sa banyo. “Mapapatay kitang unggoy ka!”

One time, sinabi ko sa kanya na nasa banyo na ang towel niya. Totoo naman na nandoon na, kaso nilagyan ko ng mga ipis-pero hindi naman iyon totoong ipis!

Asar na asar siya sa akin kasi ako lagi ang mastermind sa mga kalokohan namin. At ewan ko rin, tuwang-tuwa ako kapag nag-aalburuto na siya.

Kaso lang, sa gitna ng mga pangti-trip ko sa kanya, hindi ko na namalayan ang sarili ko na nahuhulog na sa kanya. Na hinahanap ko na ang matatalis niyang boses, ang mga salitang parang alien sa pandinig ko, at ang kanyang mga tawa.

I always loved Cleo’s chinky eyes. And I think that’s where I first fell. Just like right now.

Hinaplos ko ang pisngi niya. Nakahiga na kami sa kama at kapwa nakatagilid. Ang taming ilaw na lang dito sa dating kwarto ko ay ang lampshade sa tabi ko.

Lumulubog ang kanyang kabilang pisngi sa unan at ang kabila naman ay siyang natatamaan ng dilaw na ilaw. Natatakot siyang matulog mag-isa sa ibang kwarto kaya itinabi ko siya sa akin.

“Maaga pa tayo bukas. Matulog ka na,” usig niya sa akin.

Kiniskis niya ang pisngi sa palad ko.

“Nagising ba kita?” malambing kong tanong sa kanya.

“Sinetch ba ang hindi magigising sa ginagawa mo?”

My lips twitched at his ‘alien’ word.

“Nothing. I just find you so lovely when you sleep. You’re not like a tiger.”

“North!” banas niyang daing.

“Kidding. But Cleo, you really look like an angel when you sleep.”

“At kapag gising?”

“Parang aso na nangangagat!”

Biro niyang kinagat ang daliri ko na humahaplos sa kanya. Hinayaan ko naman siya. Wala akong paki kahit saan niya pa ako kagatin.

“Ganyan ba ang tingin mo sa akin, ha? Aso?”

“No, noong unang kita ko sa’yo, para kang tuta. Ang sarap mong lambingin at i-pet.”

“At ngayon hindi na?” tumabang ang kanyang boses.

“No. Ngayon gusto na kitang i-baby, hagkan, at i-cuddle.”

I saw his cheeks redden.

“S-sira ka talaga!”

“I love you so much, Cleo. I hope you know that.”

Umusog siya palapit sa akin at ibinaon ang mukha sa hubad kong dibdib.

“I love you too, North. Mahal na mahal ko kayo!”

I kissed his hair and pulled him tighter in my arms.

“I know, Cleo.”

I smiled and closed my eyes. Damn, my whole world is in my arms.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 48

Chapter 48

Dawson

“Okay na ba itong awrahan ko for today’s ganap?” Cleo sang cheerfully, smiling widely before twirling in front of me. He was draped in a navy blue polo paired with white shorts that matched the color of the leather sneakers on his feet.

Pinasok ko na siya rito sa loob ng kwarto niya dahil natatagalan siya. May usapan kaming dadalhin ko siya sa golf course since nainggit siya no’ng nakaraan na lumabas ako kasama ang ibang classmates ko na nagyayang mag-golf. I usually stick around with my cousins-but just like with my cousins, I have my circle of friends in school too.

Wala ngayon si North, Vidal, at Reign dito sa bahay ni Abuela since pinapauwi sila ng kanilang parents sa kanila. Whereas ako naman ay wala ang both parents ko rito sa bansa dahil nasa China sila. Hindi pa nakakauwi ng Pilipinas ang parents ko ever since the Chinese New Year. Ako naman ay umuwi kaagad sa Pilipinas dahil may klase at trainings sa archery.

I propped myself up, marching towards him and wrapping my arms around his back. My arms around him tightened. I cannot believe this cute little guy actually likes me. Sa malamig kong pakikitungo sa kanya, sa sungit ko sa kanya, at sa pagiging tahimik ko at seryoso. Hindi ko aakalaing mahuhulog din siya sa akin.

Kasi ako… I fell for him so fucking deep. And I didn’t know that my rascals of cousins would fall for him too. Akala ko nakahanap lang ng mapagtitripan si North sa katauhan niya, akala ko naaaliw lang si Vidal kay Cleo, at akala ko parte lang ng trabaho namin kaya tingin ko concern lagi si Reign sa kanya.

But it turned out that the four of us desired him and adored him more than what we should. Unlike my other cousins who are fond of flings and women, I’d rather indulge myself in books. Si Vidal marami siyang babae, si North naman mahilig makipag-entertain ng mga girls. Mas lalo na si Reign na hindi lang babae kung hindi pati lalaki ay tipo no’n. Akala ko nga hindi ako makaka-develop ng romantic feelings kay Cleo because those things-I find them boring and dull.

Yet, there’s Cleo. His playful nature, resolute, and feistiness made me explore things. With him, my world becomes lively and exciting. He makes me want to do things I haven’t tried before, just like getting jealous and falling in love.

“You’re so gorgeous, Guillermo,” I whispered, looking into his eyes tenderly.

My lips quirked up when I saw how his cheeks turned red.

“Chus! Binobola mo pa ako eh! Tara na nga!” he said shyly, biting down on the smile creeping on his lips to escape.

“Yeah, let’s go before I drag you onto my bed and kiss with you all day!” I lazily said.

Marahas siyang lumingon sa akin at sinamaan ako ng tingin. Marunong akong magmaneho ng kotse at sa katunayan nga ay may kanya-kanya naman kaming sasakyan kaso parang nasasanay na rin kami na kapag may lakad, si Reign kaagad ang driver.

Ang Land Cruiser ni Lola ang dinala kong sasakyan since may gamit kaming dala ni Cleo. I bought him all the necessary things he needed even though he only asked to play golf out of curiosity. Hindi pa raw kasi siya nakakapunta o nakakapaglaro no’n.

“Ang laki pala dito!” Mangha niyang sambit nang makababa kami sa sinakyang golf car.

Ako na ang nagbaba ng aming mga bags at ako na rin ang naghila sa aming bags tungo sa green.

“Wala bang ibang naglalaro?”

Napatingin naman ako sa paligid na walang nando’n maliban sa amin. Tahimik nga ang hole na ito at mukhang kami lang ang nandirito. Ang paligid ay napapalibutan ng matatayog na puno ng acacia at ang amoy ng bagong tabas na damo ay humahalo sa samyo ng oras na iyon. Kami lang ang nag-iingay doon except for the birds chirping from afar and the sprinklers over the area.

“I’ll go first,” sabi ko sa kanya. “Watch me.”

I showed him the posture and how to swing the golf club.

Pinulot niya mula sa kanyang sariling bag ang isang club at pumwesto siya. Umikot naman ako sa likod niya.

“Relax your shoulders,” hawak ko sa kanyang balikat. “Focus on the ball and keep your balance.”

Inalalayan ko rin ang kamay niya sa tamang paghawak ng club. I felt him stiffen. I grinned. Hindi pa rin talaga siya nasasanay na ganito ako sa kanya. Parang nagugulat pa rin siya na touchy akong tao.

It’s his fault! Kung hindi dahil sa kanya hindi naman ako magiging ganito ka-clingy. Dati nga hindi ko matingnan ang mga pinsan ko kapag nagagawi kami sa clubs at kung sino-sino lang ang mga babae.

Bumwelo siya at malakas na ini-swing ang club sa bola na nasa harap kaso para siyang tumira sa hangin dahil hindi man lang ito tumama sa bola.

“Ay!” bigong sambit niya.

“Just be fluid with your swing along the motion. Isa pa,” ani ko.

Muli siyang tumira kaso lang muntik lang siyang matumba dahil sa lakas ng bwelo niya ngunit hindi naman tumama sa bola!

“Smshsjdoshk! Shuta naman ito! Bakit ang dali-dali lang tingnan sa mga videos? Bakit dito ang hirap!?”

Natawa ako sa kanyang frustrations. Lumapit ako sa kanya. I leaned forward, my front brushing his back. I glided my hands down to his and guided him.

Nanigas siya sa pagdikit ng katawan ko sa kanya.

“D-Daws,”

“Mmm?” I murmured.

“I-iyong ano mo!”

“What, Cleo? I’m teaching you to swing your club so you can hit the ball,” I said sensually.

“Eh, nilalandi mo ako! Sinasadya m-mong ikuskos ang ano sa l-likod ko!”

I cannot see his face properly because he was wearing a baseball cap, but his ear turned bright red like it was grilled under the fire.

“I did not, Guillermo,” bulong ko sa kanya at hinampas ang club. Tumama iyon sa bola at lumipad ng malayo!

Umikot siya sa akin. Nakangisi ako sa kanya kaso nakabusangot naman ang mukha niya sa akin. Masama ang tingin niya at namumula. Though I know it wasn’t because of the sunlight kissing his pretty face.

“I was just teaching you, Cleo. I’m innocent!” I raised my hands in the air as if surrendering.

“Hmp!” Malditong ungot niya. Kumuha siya ng bagong bola.

Pinapanood ko lang siya na hampas nang hampas sa kanyang club. Aliw ko siyang pinagmamasdan habang ginagawang tungkod ang club ko. I cannot play when he’s this adorable.

“Gusto mong sa clubhouse na lang tayo kumain?” Aya ko sa kanya nang mapagod na siya.

Pinunasan ko ang kanyang noo gamit ang towel.

“Parang gusto ko nang mag-swimming dahil sa init! Sana pala hindi tayo pumunta ng tanghali rito!”

“You want to take a swim? Do you have a place in mind? I can text my cousins that we’ll be late. Besides, baka hindi rin sila maagang makauwi sa bahay ni Abuela.”

“Oo nga pala!” Biglang sambit niya at napapitik sa daliri niya. “Naalala ko noon may bahay si Vidal na nasa tabing dagat lang, regalo daw iyon ng Abuelo ninyo! May ganoon ka rin ba?”

My forehead creased.

“Ahm, yeah. Why? Gusto mong pumunta roon?”

“Pwede?” Excited niyang saad.

Natawa ako at pinunasan ang leeg niya.

“Of course, babe!”

Tinampas niya ang kamay ko.

“Ayoko nga ng callsign-callsign na ’yan, Dawson Vale Alvarez De Toledo Young Yuan!”

“Yeah,” tamad kong sambit.

Sinakay ko ang aming bag sa golf car na gamit namin kanina. Unang sumakay si Cleo kaso lang may biglang tumigil na golf car sa tabi namin lulan no’n ang dalawang babae at isang lalaki na siyang nagmamaneho.

“Dawson! I knew it! Ikaw nga talaga!”

Kumunot ang noo ko rito. I don’t know her!

“I told you it’s Alvarez De Toledo!” aniya sa kanyang kasamang babae na maikli ang buhok.

“Tsk!” Irap no’ng babae at ngumisi naman nang tumingin sa akin.

“Oh, sorry, but… have we met before?” I asked, my brows furrowing.

Alam ko naman na medyo kilala nga kami sa SNU at sa ibang univ, but I don’t usually interact with them. Ang mga pinsan ko lang.

“We saw you at the archery competition last intramurals! And you really caught my attention as well as your cousin Reign Alvarez De Toledo!” saad ng babae na nakapusod ang buhok.

“Mmm. Thank you then?”

Tumalikod ako at nanlaki ang mata nang makita ko si Cleo na nandidilim ang mga mata. Naka-krus ang braso sa isa’t isa at nanunusok ang mga titig sa babae. Nang balingan niya ako kaagad siyang umirap sa akin!

Fuck!

“Wait, Dawson! Can I ask for your number?”

Nilingon ko ang babae na nakapusod ang buhok. Nakababa na ito sa golf car at inaabot ang cellphone sa akin.

“I’m sorry, Miss. But my boyfriend wouldn’t like this.”

“Boyfriend?!”

“Yeah, he’s my boyfriend,” I beamed proudly, motioning my head toward Cleo.

Iniwan ko na ang babae roon na natunganga. Pinaandar ko ang golf car.

“Cleo,” tawag ko rito dahil nakatingin na siya sa kabilang direksyon at parang ayaw na akong tingnan.

“I don’t know her. You see, hindi ko siya kilala at mukhang fan lang?”

“Ang ganda no’n!” Padaskol niyang wika.

Nangunot ang noo ko.

“Hindi maganda. Mas maganda ka!” Kontra ko.

“Hmp! Malaki ang dede! Bouncy pa!”

Goddammit!

“I like yours though! I like it that it’s not bouncy. I like it that it’s not big.” I recited.

Iritado siyang nag iwas ng tingin.

“Tsk! Cleo, it’s our date today. Let’s not fight. Besides, I’m not really a womanizer. I’ve always behaved and been uninterested in women or men even before you came!” I explained, because I felt like tatalon na siya sa golf car anumang oras dahil sa selos!

“Ang daming umaaligid sa inyo at humahanga!”

Tinigil ko na ang golf car. Pinihit ko siya paikot sa akin. Ayaw niyang tumingin sa akin kaya naman hinawakan ko ang baba niya.

“A lot may admire us, Cleo, but we only have our eyes and hearts on you. Remember that you were able to capture my heart and my cousins’ hearts like no one has ever done!”

“Nakainis! Kaya nga nakakapagtaka na nahulog kayo sa akin, eh. Sa dami ng mga admirers ninyo! Ano lang ba ang ako? Hindi ako tulad no’ng mga humahanga-”

I pressed my lips against his. He shut up.

“Don’t compare yourself with them, Cleo. We fell in love with you because you have the qualities that we wanted. Don’t belittle yourself because we have standards too and you were able to surpass the bars we’ve set!”

Ngumuso na lang siya.

Dinala ko siya sa bahay na regalo ng grandfather namin. Unlike Vidal’s rest house that was situated along the seashore, my house is perched amidst lush green surroundings and below the house is a lake. There were only a few houses nearby and the place was so serene-it feels like you’re connected with nature.

“Ang lalaki na ng mga isda,” komento ni Cleo nang makita ang pond sa harap ng bahay.

The house was made of glass, wood, and stone, which is why it’s naturally cool. The sunlight filtering through the glass lightened the whole house.

Kumawala si Cleo mula sa pagkakahawak ko sa kanyang baywang at tumakbo tungo sa glass wall na nakaharap sa malawak na lawa.

“Malinis na ba ang lawa na ’yan?” Lumingon siya sa akin at malaki ang kanyang naging ngiti. The kind of smile where his eyes disappear.

“Mmm!” Tango ko sa kanya at yumakap sa kanya mula sa likod.

Umalon ang kanyang balikat pero ilang sandali lang ay isinandal niya rin ang katawan sa akin. Tiningala niya ako. His stare looked so unguarded and carefree.

Naalala ko tuloy na mission lang namin na protektahan siya laban sa mga gustong pumatay sa kanya, particularly Mr. Montgomery. Pero hindi ko namamalayan na sa pagbabantay ko sa kanya at sa pagsunod sa kanya, nahulog ako sa kanyang mga kakaibang ugali.

I really can’t believe that for someone like me who wasn’t a romantic type of guy and didn’t like flirting, I fell in love with a gay guy. Despite how bad we were to him back then and how we treated him, Cleo was such a brave and determined person. Maybe that’s why I like him too.

Cleo tiptoed and kissed my lips. Ilang sandali kong ninamnam ang kanyang labi sa labi ko. Matapos ang ilang segundo ay hinawakan ko ang kabilang pisngi niya at tinagilid ang ulo upang mahagkan ko siya nang maayos.

“Do you like my place?” I asked him, still dizzy from our kiss.

“Oo ang ganda!” Ngumisi siya at sumandal sa glass wall. Para siyang naggo-glow roon dahil sa pang-hapong araw na tumatagos mula sa likod niya. “Ang dami mo na sigurong babae na dinala rito!”

Ayan na naman siya.

Tinungkod ko ang palad sa gilid ng ulo niya. I inclined towards him and brushed the tip of my nose against his.

“You really love bringing that up, huh? What if I told you that you’re the first person I fell in love with? What if I told you that I’ve never been interested in anyone until you?” I taunted him.

Lumapat ang kanyang palad sa dibdib ko.

“Dawson,” Cleo said drunkenly. “Daws, g-gusto kong maligo.”

I kissed his lips briefly and looked into his eyes.

“Yes, we will take a bath!” I said, kissing him again and slowly undressing him.


This story is already

COMPLETED

on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

CHAPTER 49

​ Chapter 49

Reign

​I looked over my shoulder where Cleo was standing together with Reynaldo and Mario-his best friends. The race was already over, but I was swamped with my friends on the race track, and there were a few people who wanted to take a photo with me; that’s why I was stuck with them.

​My jaw clenched when I saw him brazenly roll his pretty eyes at me when our gazes met. He tore our eye contact and faced his friends who were, I think, talking to him nonstop because their mouths never shut up as I watched them.

​“Reign, pwede pa-hug?” one feminine-looking boy asked politely.

​“Ahm… pwedeng akbay na lang? My boyfriend’s gaze already feels like daggers behind us,” natatawa kong saad sa kanya.

​Due to the light around, I was able to see how his face turned red.

​“Oh my god! I’m sorry!”

​I shook my head. “No, no need to say sorry,” ani ko sa kanya at kinamayan ko na siya para makakuha na ng larawan.

​Matapos ang ilang minuto ng pagngiti, sa wakas ay natapos na rin iyon. Naglalakad ako patungo kay Cleo kung saan sila ng mga kaibigan niya nang makita ko siyang naka-wide legged gray pants lang at manipis na tank top na siyang humuhulma sa kanyang maliit at makurbang katawan.

​Habang papalapit ako sa kanila ay hinubad ko ang itim kong leather jacket. Nang makaabot ako sa kanila ay isinampay ko sa balikat ni Cleo ang jacket ko. His shoulders jumped in shock as I placed my jacket over them, as though he didn’t feel me coming.

​I heard his friends’ exaggerated sighs.

​“Cleo, mauna na kaming umuwi sa’yo ha! You know naman na may curfew rin us!” Mario said while grinning at Cleo. However, the latter was so oblivious to it.

​“Sige, Maria,” balewalang untag ni Cleo.

​Reynaldo and Mario shared a meaningful stare at each other before Mario spoke.

​“I’ll go with Maria na rin, Cleo, ha! You take care, baks!”

​“Mmm! Kayo rin, mag-ingat kayo sa pagmamaneho. Ang lalim na ng gabi!” Cleo waved his hands at his friends.

​He watched them leave in their own car, and when they had disappeared from our line of vision, I snaked my arm around Cleo’s slim waist.

​“At uuwi na rin tayo. Ang paalam ko sa mga pinsan ko, iuuwi kita nang maaga,” saad ko.

​Marahas siyang tumingala sa akin.

​“Nanalo ka sa race kanina!” pahayag niya.

​Tinaasan ko siya ng kilay. “And?”

​“Narinig ko na may after-party kayo! Gusto ko sumama at maranasan iyon!” Cleo uttered, his eyes brimming with anticipation and excitement.

​“I’m sorry, it’s a no, baby. Puro alak and loud music lang ang nando’n. You won’t enjoy it. And besides, hindi maiiwasan ang mga rambol kapag tinamaan na ng alak ang mga tao.”

​Umirap siya sa akin at inis akong tinulak. Mas nainis yata siya dahil tinawag ko na naman siyang ‘baby’.

​“Ehh! Gusto kong uminom!” Nalukot ang kanyang mukha. “Pero, pwedeng mag-bar tayo? Kahit saglit lang?”

​“Hindi alam ng mga pinsan ko ito. Ang alam nila, dito lang tayo at uuwi rin,” katwiran ko sa kanya.

​Cleo fished his phone out of the pocket of his pants.

​“Iti-text ko sila. Papayag naman ang mga iyon since ikaw ang kasama ko, Reign. Boyfriend ko naman ang kasama ko,” saysay niya habang abala siya sa pagtitipa ng text doon sa cellphone niya.

​I poked my tongue on the side of my cheek inside my mouth upon hearing him. The emotions that I felt towards Cleo were still really new to me. Although we have been in a relationship for months, whenever I hear him calling me-or calling us-his boyfriend, my heart still flips inside my chest. And it is something that is foreign to me even though I’m already this old.

​Ever since, wala talaga akong naging seryosong karelasyon. I just did one-night stands and flings. I may find women and men attractive, yet I didn’t do relationships.

​Dati, palaisipan talaga sa akin kung bakit kailangan pang pumasok sa isang relasyon para makuha ang isang tao. When I can have sex with them without being committed and still feel satisfied. Hindi ka nga magiging cheater, pero fuckboy naman.

​At kinakahiya ko iyan-kinakahiya ko na ganyan ang thinking at mindset ko noon when it comes to relationships. Ang gago. Ang kupal pakinggan. Nakakahiya!

​“Ayon! Pumayag sila!” tuwang-tuwang saad ni Cleo at hinarap niya ang screen ng cellphone sa akin.

​I smiled at him.

​“Magba-bar tayo tapos next time, tayong lima na ang lalabas! Busy kasi sila ngayon eh. Patapos na naman ang sem na ’to.” Cleo added.

​“Okay, let’s go, pero ayusin mo muna ang pagkakasuot ng jacket mo.”

​Inayos niya ang jacket na ipinataw ko kanina sa kanyang balikat at isinara niya pa ang zipper niyon. Hawak ko ang kanyang maliit na likod at giniya ko siya tungo kung saan naka-park ang kotse ko.

​It was already past eleven in the evening, and when we arrived at the bar, there were already a lot of tipsy people as we made our way to the counter. Pinauna ko si Cleo sa paglalakad habang nasa likod niya ako, parang matayog na pader na siyang harang laban sa mga nais lumapit sa kanya.

​Madilim, at ang mga malilikot na strobe lights lang ang nagsisilbing liwanag sa loob. Ang dance floor naman ay jam-packed na rin ng mga taong nagsasayawan. Ang mga maiingay na sigaw ng mga tao sa dance floor ay humalo sa tugtog.

​Kumuyom nang husto ang mga panga ko nang makita ko ang iilang lalaki na napapalingon kay Cleo. Cleo was so damn attractive and pretty even though he was covered by my leather jacket and his pants. His small face, thin pink lips, and chinky cat-eyes were enough for these men to turn their heads.

​May nakita akong matapang na sumalubong kay Cleo, pero pinandilatan ko ito. Kinailangan kong dumikit sa kanya para lang malaman nilang hindi na available si Cleo.

​Nakahinga ako ng maluwag nang makarating kami sa counter.

​“A tequila for him,” saad ko sa bartender nang makaupo si Cleo sa silya.

​Hinila ni Cleo ang neckline ng t-shirt ko pababa at bumulong siya sa akin.

​“Hindi ka iinom?”

​“No, I have to watch over you,” I whispered back to him.

​“Hindi ako bata. Uminom ka rin, basta ’wag lang magpakalasing. Hindi pa ako marunong magmaneho ng kotse.”

​“I already had three beers earlier. Ayoko nang uminom. You enjoy yourself, I’ll watch over you.”

​Sometimes, kapag hindi siya abala sa kanyang klase, ginagawa naming date ang pagtuturo ko sa kanya magmaneho. Bibigyan kasi siya ng kotse ni Sir Conrad pero hindi siya marunong magmaneho kaya nagpaturo siya sa akin.

​I saw him bravely chug down the glass of tequila.

​“Isa pa po!” taas-kamay niya sa bartender. Sinulyapan niya ako. “Ay, kuya, gawin n’yo pong dalawa!”

​Kinunutan ko siya ng noo.

​“Cleo, dahan-dahan lang,” paalala ko sa kanya.

​He just sexily beamed at me. Gumalaw ang panga ko.

​Nang dumating ang alak niya, ibinigay niya sa akin ang isang baso. My brows quirked up quizzically at him.

​“Para sa’yo. Alam ko naman na hindi ka malalasing dito eh.”

​Ngumiti ako sa kanya. Kinuha ko ang baso at saka ko siya kinabig palapit sa akin. Sensual siyang napadaing.

​Tilting my head, I aimed for his lips. Kanina ko pa siya gustong-gustong halikan. I smiled in between our sealed lips as I felt him responding to my kisses.

​I snagged his slim waist soon enough and I was already French kissing him fervidly, as though it was the answer to the long drought I’ve felt. Our fronts brushed against each other, his hands over my biceps, holding onto them tightly like it was where he got his strength.

​My other hand traveled upward until I reached his hair, and my fingers tangled through it. Nang pakawalan namin ang isa’t isa, pareho kaming hinihingal.

​“Do you want to dance?” I asked him.

​Fuck, my member was so hard inside my jeans, and I felt like it wanted to come out. It was straining too much against my jeans.

​“Sasamahan mo ako?”

​“Of course, if you want me to.”

​Tumango siya. Inubos muna namin ang aming alak bago ko siya dinala sa dance floor. Nang makarating kami sa dance floor ay bigla namang naging intimate ang tugtog.

​Cleo wrapped his arms around my neck and I wound my arms around his back. Kinabig ko siya upang magdikit ang katawan namin.

​Cleo slowly swayed his hips while he was looking into my eyes. I felt like melting as he stared at me like I was a puzzle he wanted so bad to figure out.

​Dammit! Little did he know he had already figured me out a long time ago. It was the time when Abuela brought us to San Francisco. If my mind serves me right, my cousin and I were around six or seven years old. That’s why he was really a baby at that time.

​It was a summer vacation and Abuela wanted to visit her best friend, Ma’am Korazon.

Pumunta kami noon sa isang beach at kasama si Cleo. That time, si Dawson sobrang aloof pa at libro lang ang inaatupag. Si Vidal naman ay naliligo sa dagat kasama ang ibang bata, kasama si North. Ako ay naiwan kasama si Ma’am Korazon at si Abuela sa cottage namin.

​“Apo, ’yan si Cleo. Apo siya ni Lola Kora ninyo. Maglaro kayo riyan sa dalampasigan oh.” Nginuso ni Lola ang maliit at maputing bata na nagtatago lang sa likod ng kanyang Lola.

​Nilapitan ko siya. With my hands behind my back, I crouched down to him. The little boy gasped when he saw me, and his cheeks immediately turned bright red. Sobrang itim ng buhok niya, singkit ang mga mata, at ang bangs ng kanyang buhok ay umaabot sa kanyang kilay. My heart made a high leap.

​Sobrang cute niyang bata.

​“I’m Reign, do you want to play with me?”

​But the little boy, Cleo, just knitted his forehead; his eyes fluttered in confusion at me.

​“Apo, ’wag kang mag-English,” suway ni Lola sa akin. “Apo, kuya mo ’yan. Pwede kang makipaglaro sa kanya riyan sa dagat.”

​“T-talaga, Lora?”

​Natawa ako dahil nabubulol siya. Bata pa rin kasi.

​“Oo naman.”

​Inilahad ko ang kamay kay Cleo. He was hesitant, but he still accepted my hand. Muntik ko nang mabawi ang kamay ko mula sa kanya nang makaramdam ako na para akong nakuryente sa paglapat ng kamay namin. Nanlaki ang kanyang mga singkit na mata sa akin.

​I just smiled at him.

​“Let’s go?”

​“S-sige po!”

​Dinala ko siya sa may dalampasigan at doon kami naglaro. Umupo siya sa tabing-dagat na siyang inaabot ng alon ang kanyang mga maiikling binti.

​“You’re so pretty!” Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi.

​“Kuya?”

​Hindi niya ako naintindihan!

​“Nothing. ’Wag mo akong tawaging ‘kuya’!”

​Cleo just pouted his lips.

​The moment I saw him once again when he arrived at Abuela’s house, the familiar flip of my stomach happened just like the first time I saw him. It was the kind of sensation I never felt towards anyone but him! Yet he doesn’t remember me.

​“You’re so pretty, Cleo,” I echoed as we continued dancing. I could not take my eyes off him.

​“Ano?” malakas niyang wika. Nalunod man iyon dahil sa malakas na tunog mula sa mga speakers, klaro pa rin iyong nakarating sa tainga ko.

​“I said… you’re so pretty!” Nilakasan ko ang boses ko.

​He smiled cheekily. “Reign, hindi mo na ako kailangang bulahin pa. Boyfriend ko na naman kayo!”

​Hinapit ko ang baywang niya upang idikit siyang husto sa akin.

​“You’ve always been so pretty in my eyes, Cleo. Dati at magpahanggang ngayon.”

​Kumunot ang kanyang noo sa akin.

​“Dati?”

​“Nothing. I just said that I love you… I love you so much, Cleo,” I said before planting a soft kiss on his forehead.

EPILOGUE

Epilogue

“Ang bonggacious naman ng birthday party ni Lola Leticia!” eksaheradong wika ni Reyna nang mapasok sila sa loob ng venue kung saan ginaganap ang kaarawan ni Lola Leticia.

“Like, yeah~! Ang dami pang mga pogi oh!”

“Tama na ’yan, kumain na tayo!” anyaya ko naman sa kanila dahil nagugutom na ako.

Nauna sa akin sina Lola Kora at Lolo Conrad dito. Si Khalin naman ay kasama rin nila nina Lola at Lolo doon sa kanilang table. Nando’n din sa table nila iyong lalaki na ilang beses ko nang nakikitang bumibisita sa bahay ni Lolo- si Sir Piotr, kasama ang maliit na lalaki na sabi niya kakilala niya.

Naiwan ako kanina sa may lobby kasi hinintay ko pa ang mga beklabu na ’tong dumating. Nahihiya raw kasi sila kapag hindi kami magkasamang pumasok dito sa venue ng birthday!

“Ah, yes! Kumain muna tayo!” untag naman ni Reyna, sabay pinitik ang kanyang daliri sa ere.

“O.M.G! Is that Uno? O namamalikmata lang ako? Like~~”

“Where? Where’s Uno?” mabilis na sabad ni Reyna kay Maria.

Gusot ang mukha kong sinundan ng tingin ang direksyong pinakuan ng tingin ni Maria.

I could only sigh when I saw Uno together with Dawson, Vidal, North, and Reign. Nasa iisang mesa sila at nag-uusap.

“Why is he so pogi?!” maarteng untag ni Maria.

Hindi bumagay kina Maria at Reyna ang ipit nilang boses sa lakas ng dating nila sa kanilang tuxedo! Plakado pa ang mukha sa makeup, though bumabagay naman sa kanila.

Hindi talaga papahuli ang mga beklabu na ’to pagdating sa face card! Face card never declines ang mga majubis na ’to!

“Kapag talaga pumayag ’yang si Uno na maging boyfriend ko, dadapaan ko ’yan at uupuan!”

“Yeah~ and remember to kneel also, baks!”

“Kyaahh!” tili nilang dalawa at saka hawak-kamay na nagtilian!

Ngiwi kong binalingang muli si Uno kasama ang mga Alvarez De Toledo. Ano bang meron sa kulot na ’to at kilig na kilig itong mga kaibigan ko sa kanya! Litse ’yan siya kapag nag-away ang dalawang ’to dahil sa kanya. Ipapaputol ko kina Daws ang kanyang junior!

“Tara na-”

Naantala naman ako nang hilain ko ang mga kaibigan ko upang kumuha ng pagkain sa buffet. Laway na laway na ako sa mga pagkaing nakadisplay, kaso lang parang bumaliktad ang sikmura ko nang may tumawag sa akin.

“Cleo!”

Nang lingunin ko ito, nanlamig ako nang makita ko ang mga magulang nina North, Reign, Vidal, at Dawson. Kasama pa ng mga ito ang kani-kanilang mga asawa.

“Baks, tara na para doon tayo sa table…” Unti-unting nawala ang boses ni Reyna sa likod ko.

Sandali kong binalingan ang dalawang kaibigan.

“Mauna na kayo, mga baks.”

Hilaw silang ngumiti sa akin at kiming tumingin sa mga magulang ng apat na unggoy.

“Sige, baks,” sambit ni Maria.

Sa kabila ng panlalamig ng mga palad ko at malalakas na sipa ng puso ko, pilit akong ngumiti sa mga magulang ng mga unggoy.

“It’s nice seeing you here, Cleo,” wika ng nanay ni Vidal.

“Ah, hello po, Ma’am, Sir! Magandang gabi po!” bati ko sa kanila at yumuko. Saglit akong napapikit nang mariin at nang iangat ko ang tingin ko ay ngumiti ako sa kanila.

“Relax, Cleo. We won’t hurt you,” saad ng ina ni North.

Pero o-offer-an ninyo ako ng milyones para layuan ang mga junakis ninyo? Natuto na ako; hindi na sasapat ang sampung milyon o dalawampung milyon.

Isa-isa ko silang tiningnan; iba na ang kanilang mga titig sa akin at hindi na ito kagaya noong una naming pagkikita. Deym! Hindi ba nila ako pina-plastic ngayon? Baka naman pagtalikod ng mga ’to sa akin ay may masama pala silang balak o may kinikimkim na hinanakit sa akin.

“Hehe! Kumusta po kayo, mga Madame, Sir! P-pasensya na po pala kayo na hindi ko po kayo nabigyan ng time na makapag-usap tayo. M-medyo naging busy po ako sa school eh!” Kinamot ko ang batok ko. “Ah, matanong ko lang po, binalik na po ba ng mga anak ninyo ’yung tseke na binigay ninyo sa akin? Binalik ko po kasi iyon sa mga anak ninyo at sinabing ibalik sa inyo.”

Ngumiti ang mga ginang sa akin. Hindi ko alam kung napipilitan ba sila sa ngiti nila o may constipation sila.

“Yes, binalik na ng mga anak namin ang tseke, Cleo,” pahayag ng ina ni Reign. Binalingan niya naman ang mga magulang nina Vidal, North, at Dawson. Kaagad na nagtanguan ang mga ito.

Tipid ko silang nginitian. “Mabuti naman po! Babayagan ko talaga ang mga unggoy na ’yon kung binulsa nila ’yung tseke!”

Kahit na sa sobrang kaba ko, nagawa ko pa ring magbiro sa kanila.

Sa totoo lang, natapos na lang ang semester na ’to na hindi ko ulit sila nakakaharap. Isang beses lang din naman binring-up ng mga unggoy na gusto akong makausap ng mga magulang nila. Simula noon, hindi na rin namin iyon napag-uusapan. Kapag magdi-date kami, date lang talaga. Hindi namin napag-uusapan ang kanilang mga magulang, na para bang ipinagbabawal itong banggitin whenever we were together.

And now, I didn’t expect to bump into them this casually here. Kahit na ilang buwan na akong may relasyon sa mga anak nilang mapuputing unggoy, hindi ko pa rin talaga napi-prepare ang self ko!

At siguro kahit bigyan pa ako ng ilang taon ng mga unggoy, I will never ever be prepared. Paulit-ulit lang sigurong babalikan ng isip ko ang pagkakataong pinalayo nila ako sa kanilang mga anak-kung paano sila nadidiri at tiningnan ako na parang basura na kailangang itapon dahil baka makasama sa kanila.

“Cleo…” Sa pagbibitin ng ina ni Dawson, napaangat ang tingin ko sa kanila. Lumunok siya nang malalim at saka humugot ng malalim na hininga.

“We’re so sorry, Cleo,” Dawson’s mother uttered slowly.

They smiled at me with their lips pressed together.

“May nasabi kaming masama sa’yo. Hindi ka man namin sinaktan physically, but what we said to you may have left a scar that can never be mended. We’re so sorry!” wika ng ina ni Reign.

“We’re just parents, Cleo. Iniisip lang namin ang kapakanan ng mga anak namin. Ginawa namin ang tingin naming tama at nakakabuti sa kanila. Sa pag-aakala naming kilala namin sila, nagawa namin iyon at nasaktan namin ang mga anak namin. Ang akala naming tama para sa kanila ay hindi pala.”

Tumango ang nanay ni Vidal sa sinabi ng ina ni North.

“Pasensya ka na, Cleo, sa mga nasabi namin sa’yo. Akala kasi namin kilala namin ang aming mga anak. However, wala naman kami sa tabi nila habang lumalaki sila. Nasa puder sila ni Mama at Papa.”

“Sorry, Cleo,” sabi naman ng ama ng mga unggoy.

Nanginig ang mga labi ko habang nakatingin sa kanila.

“I hope you’ll give us a chance, Cleo, to get to know you,” anas ng ina ni Reign at ngumiti sa akin. “We will slowly accept what you and our sons have, Cleo. Please, give us time as well.”

Tumango-tango ako sa kanila. Nakangiti ako pero bigla akong naluha! Ang saya-saya ng puso ko.

“Oh my God! Why is he crying?” may pag-aalalang untag ng ina ni North.

“W-wala po ito,” anas ko at nagpunas ng luha.

“M-masaya lang po ako, mga Madame at Sir!”

“Cleo, there’s no need for you to call us Sir and Madame. Tita and Tito would be… nice,” pahayag ng ina ni Vidal.

Lumabi ako sa kanila at tinuyo ang pisngi.

“Wala na pong tseke, ha. Hindi na po ako tatanggap ng dalawampung milyon. Gagawin ko ’yang isang daang milyon kapag pinalayo n’yo po ako ulit sa mga unggoy ninyong anak!”

Natawa sila sa akin at isa-isa akong niyakap.

Kinakabahan ako kanina; akala ko kasi mag-ooffer na naman ng pera. Mabuti naman at hindi. My heart warmed because of what they said. Their apologies made my heart swell with happiness.

Umalis ang mga magulang ng apat na unggoy. Kakarating lang kasi nila at hindi pa nababati si Lola Leticia. Tutungo na sana ako sa mesa ng mga boyfriend ko at ng mga kaibigan ko nang makita ko ang apat na unggoy na malalaki ang hakbang na lumalapit sa akin. Ngunit naantala naman sila dahil sinalubong sila ng kanilang mga magulang.

Unang nakarating sa akin sina Reyna, Maria, at si Uno. Nanliit ang mga mata ko nang makita kong hawak ni Uno ang dalawang beklabu sa kanilang baywang. Akmang magsasalita ang mga bakla kaso inunahan ko na sila.

“Am I missing something here?” untag ko at suspicious silang tiningnan. Nagpupunas ako sa basang pisngi.

“Wala ito, baks!” winiwagayway pa ni Reyna ang kamay sa akin.

“Nirentahan namin si Uno for tonight!” Maria chuckled playfully.

“Uno,” pinandilatan ko sa mata ang kulot.

“What, Cleo? I’m innocent here.” Uno licked his lips and chuckled.

“Ikaw na lalaki ka, kung ano man ang trip mo sa mga kaibigan ko, gigripuhan kita sa tagiliran mo!” pagbabanta ko sa kanya.

“Hey, Cleo. I’m just being a gentleman.”

“Tse! Sige nga, kung papipiliin ka, si Maria o si Reyna?” taas-kilay kong untag.

Malagkit ang naging tingin ni Uno kina Maria at Reyna bago siya bumaling sa akin.

Ngumisi siya. “Why would I choose between the two of them when I can have them both?”

Nalaglag ang panga ko. Ang mga beklabu naman ay impit na napatili!

Magsasalita na sana ako nang dumating ang apat na unggoy; tumabi silang tatlo. Kaagad akong niyakap ni North. Ni hindi ako makaganti ng yakap sa kanya nang kumalas siya at sinuri ang katawan ko.

“Ano’ng ginawa nina Tita at Mommy sa’yo, Nanny?”

“May sinabi ba sila?” aligagang untag ni Vidal.

“Nag-offer ulit ng money?” kunot-noong saad ni Reign.

“Come on, Cleo. Say something!” matigas na wika ni Dawson.

Isa-isa ko silang binatukan. Ang dadrama nila, inaagawan ako ng eksena!

“Paano ko kayo sasagutin kung sunod-sunod kayong nagsasalita, ha? Naturingang mga achievers, kaso ang bobobo ng galawan!”

Napakamot na lamang sila sa kanilang batok kung saan sila nahampas.

“We were just worried, Cleo,” sabi ni Reign.

“You can’t blame us, Guillermo. Minsan ka na nilang pinagsabihan at inofferan ng pera,” ani Dawson.

“Alam namin na gusto ka nilang makausap, malay ba namin kung hihingi ba sila ng tawad o tuluyan kang ilalayo sa amin,” nguso pa ni North.

“Tandaan mo, Cleo. Umalis ka man, lumayo ka man sa amin, dehado ka pa rin. Apat kaming boyfriend mo,” Vidal said possessively.

Inirapan ko sila para itago ang kilig.

“Wala. Hindi nila kayo ilalayo sa akin at hindi nila ako ilalayo sa inyo. They just apologized at mukhang… okay na sila sa relasyon natin. Gusto na nila akong makilala, eh!” kindat ko pa sa kanila.

Napabuntong-hininga sila at kumalma ang kanilang mga mukha. Ang tensyonado nilang balikat ay napanatag.

Ngumiti ako nang malapad sa kanilang apat. Ang gugwapo nila sa kani-kanilang itim na suit. Mas umaangat ang kanilang kagwapuhan dahil sa itim na suot, nakaayos pa ang mga buhok.

They launched a hug at me. Hindi ko alam pero nasanay na akong niyayakap nilang apat nang sabay. Sa dalas nilang gawin iyon, parang alam na nila kung saan-saan sila pupwesto kapag niyayakap nila ako. Kahit sa kama kapag natutulog kami, may kanya-kanya na rin silang pwesto. Though hindi naman kami gabi-gabing nagsasama sa iisang kama dahil minsan ay umuuwi ako sa mansyon ni Lola Leticia.

The four of them showed different hues of love and levels of affection. Each of them has its own characteristics that are imprinted in my mind and in my heart. Reed Vidal Alvarez De Toledo, North Hayes Alvarez De Toledo, Reign Bowie Alvarez De Toledo, and Dawson Vale Alvarez De Toledo-Young Yuan showed me the different shades of desire that I will always crave. It was like a craving that only the four of them could satisfy.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.