Fulfilling His Wish ✅
Terrorious · 11 chapters · 15,211 words
FULFILLING HIS WISH
“A-Anong ginagawa mo dito?”
tanong ko kay Juaquin nung pumasok siya sa ospital kung saan ako naka-confine.
Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng kanyang mukha nang makita ang kalagayan ko. Nakasakay ako sa wheelchair na pinag-ipunan ni papa para mabili sa akin. Hawak ko ang swero na nakakabit sa aking kamay at mahina na ako.
Lumapit siya sa akin at lumuhod.
“Hinanap kita Achlys. B-Bakit bigla ka nalang hindi nagpakita? B-Bakit hindi ka na nagparamdam sa akin? Ilang linggo akong naghanap sa’yo kung saan-saan na parang tanga.”
Hinawakan ko ang kanyang mukha nung magsimula siyang umiyak.
“Juaquin, ano ka ba? Matatapos na yung tatlong buwan na pangungulit ko sa’yo. Hindi ba dapat…masaya ka?”
Napasabunot siya sa kanyang buhok na parang hindi niya inaasahan na marinig iyon sa akin.
“Fuck! I wanna spend my life with you, A-Achlys. Just forget about our deal. Gusto na kita. This time gusto na kita. Gustong-gusto na kita!”
Hindi ko na napigilan ang pagbukso ng aking damdamin nung marinig ko ang pagtatapat niya. Pinunasan ko ang kanyang mga luha gamit ang nanginginig at payat kong mga kamay. Napakasakit sa akin ang makita ko siyang umiiyak. Parang nadudurog ang puso ko.
Nginitian ko siya nang pilit dahil ayaw kong umiyak sa harap niya. Gusto ko makita niyang matatag ako at kaya ko pang lumaban para sa kanya. Para sa aming dalawa.
Gusto niya na daw ako.
Achlys, ito na yung pinakahihintay mo.
Sa wakas, mahal ka na ng taong mahal mo.
Parang gustong tumalon ng puso ko dahil iyon din ang lagi kong pinagdadasal. Lagi kong hinihiling na sana mapansin niya din ako. Sana tingnan niya din ang direksyon ko. Na sana mahalin niya rin ako…kung papalarin.
“S-Salamat, Juaquin. H-Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya.”
sinuklay ko ang pawis niyang buhok para ayusin iyon.
Ngumiti siya sa akin habang namumula ang sulok ng kanyang mga mata.
“So, tayo na ba?”
Kami na ba?
Juaquin, gustong-gusto kong maging tayo pero…
Mawawala na ako sa mundong ito.
“H-Hindi na kita gusto.”
I whispered using my soft voice.
That was a lie.
Pero, kailangan kong gawin ito dahil natatakot akong iwan siyang mag-isa.
WARNING: THIS STORY IS ONLY FOR OPEN-MINDED PEOPLE. THE PLOT MAY TRIGGER YOUR ANXIETY AND DEPRESSION. READ AT YOUR OWN RISK.
Disclaimer: This story is purely work of fiction and made with my own imagination. Some person’s name, places, things, scenarios are not based on a true story.
Note: Plagiarism is a crime and don’t ever claim my story as someone else’s work since, I worked hard for it.
ONE
Achlys Pov
Scribble…scribble…scrible…
“Mr. Fajardo? Are you still with us?”
Mrs. Baltazar asked.
Kaagad akong napabalik sa katinuan nung marinig ko ang apelyido ko.
“Yes ma’am!”
napatayo ako mula sa aking upuan at bahagyang napalakas ang boses ko.
Lumapit sa akin si Mrs. Baltazar kaya napaayos ako ng aking tayo. Malalim ang kanyang mga titig habang papalapit sa lamesa ko kaya napalunok ako. I smiled trying to calm her down but it didn’t work.
“It’s Mr. Chua again. I keep on discussing in front but you’re just sketching?”
tanong niya habang hawak ang notebook ko na puno ng drawing ni Juaquin.
I lower my head.
“Sorry ma’am. This will not happen again.”
I said sounded apologetic.
She crossed her arms.
“As you should, Mr. Fajardo. I’m telling you, this is not the first time that you draw Mr. Chua’s face while I’m teaching. This is my last warning!”
Tumango nalang ako bago umupo. Nakita ko ang tawanan ng ilan kong mga kaklase pero hindi ko nalang pinansin. Sanay na ako sa kanila.
“Biological science in the 21st century has been marked by the amending of well-recognized scientific branches into newly created discipline-”
The bell rang.
Yes! Lunch na pupuntahan ko na yung crush ko.
Mabilis kong pinasok ang aking gamit sa loob ng aking bag at dinala iyon paglabas. Nakarating ako agad sa canteen at hinanap ko siya sa table nilang magkakaibigan pero di ko siya makita. Umupo nalang ako sa isang upuan malayo sa table nila.
Napangiti ako nang pumasok siya sa canteen habang hawak ang tupperware na may lamang luto ko para sa kanya. Pumunta siya sa pinakagitnang parte ng canteen at sumigaw.
“Kanino na naman tong pagkain na nakalagay sa locker ko?! Hindi ka ba talaga magpapakita!?”
he bellowed while he’s holding the food that I cooked for him.
Nag-break kasi sila ng girlfriend niyang si Venice a week ago. Napansin kong pumayat siya ng konti kaya nilutuan ko na siya ng lunch simula noon. Sinasabi ko lagi sa mga guards na kasali ako sa student council para mailagay ko yung niluto ko sa locker niya bago siya pumasok.
Did I introduce myself already?
I guess not.
Hi! I’m Achlys Rome Fajardo, 18 years old. I’m now a Grade 12 Senior Highschool student in one of the known schools here in Manila. I was only a freshman when I first saw him. Hindi ko makakalimutan yung araw na iyon.
Ang araw kung kailan niya nabihag ang puso ko.
(Flashback)
“Anak, hindi ka na ba talaga magpapahatid?”
nag-aalalang tanong ni papa habang inaayos ang pagkakasara ng suot kong bag.
Tumingin ako sa likod ko para makita siya.
“Hindi na po, pa. Malapit lang naman ang school ko. Lalakarin ko nalang po.”
Sinuotan niya ako ng sumbrero bago nagsalita ulit.
“Anak wag kang tatakbo, lumakad ka lang.”
“Bakit po papa?”
I curiously asked.
Napakamot siya sa kanyang ulo.
“K-Kasi mainit baka pagpawisan ka.”
Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Lumabas ako ng bahay at ikinaway ang kamay ko kay papa bago tuluyang umalis. He gave me an assuring smile and waved his hand too.
Maaga na kaming iniwan ni mama. Sabi ni papa, namatay daw si mama nung ipinanganak niya ako. Nakita ko lamang ang mukha niya sa mga pictures at paintings ni papa. My dad is a painter, mahilig siyang gumawa ng mga murals at nature paintings. He only tried to paint his first portrait nung niligawan niya si mama. I’m an only child kaya sobrang protective sa akin ni papa. He would always say na kamukha ko si mama at iiyak nalang siya bigla.
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang school nang bigla kong makita ang isang lalaki. He has the same uniform as mine so I know that he’s one of my schoolmates. Nakatingin siya sa pula niyang sasakyan habang nakakunot ang noo.
“Fuck! Ano bang problema mo, Mcqueen? Gumana ka na, late na ako!”
sigaw niya habang sinisipa ang gulong ng kotse niya.
Humakbang ako palapit sa kanya at hinawakan siya sa balikat. Napatingin naman siya sa akin habang nanlilisik ang mga mata. He had a pair of stunning eyes, sharp and definitive nose and a sensuous red lips. Ilang minuto ko na yatang pinagmamasdan ang mukha niya nang bigla siyang nagsalita.
“Wag ka ngang tumingin, ang pangit mo!”
he shouted and remove my hand from his shoulder.
I sighed.
“S-Sorry. Gusto mo sabay na tayo? Kaya namang lakarin yung school mula rito.”
“Pwede ba, wag kang umaktong parang close tayo. Umalis ka na at baka ikaw yung sunod kong sipain!”
he warned me.
Nagdadalawang isip akong umalis sa harap niya at nagsimulang maglakad. Nakita ko namang humarurot ang pula niyang sasakyan at nilagpasan ako. Ngumiti nalang ako ng pilit.
Nang makarating ako ng room ko ay late na akong nakapasok. Unang araw ng klase pero napalabas ako agad. Nakasandal ako sa dingding na tapat ng room ko nang biglang lumabas sa kabilang room yung lalaki kanina.
“Late din pala siya.”
I murmurred.
He growled. ”
Anong sabi mo?!”
“Wala ang sabi ko…ang gwapo mo.”
I whispered very softly so he won’t hear it.
Hindi nalang niya ako pinansin at sumandal nalang din siya sa dingding. Nakatagilid ako ng bahagya para pagmasdan siyang muli. Nakapikit lang siya na animo’y natutulog habang nakatayo.
Gamit ang aking hintuturo ay ginuhit ko sa hangin ang kanyang gwapong mukha. Marahil ay namana ko kay papa ang hilig sa pagguhit kaya nais ko rin maging pintor pagdating ng araw.
At ang mukha ng lalaking pinagmamasdan ko ngayon ang nais kong unang ipinta.
“Hi! I’m Jordan. What’s your name?”
tanong sa akin ng lalaking katabi ko habang hinihintay ang susunod na prof.
I looked at the guy beside me and I saw that he has a pleasant face. Mukha siyang mabait kesa sa lalaki kanina. Nginitian ko siya bago ako sumagot.
“Achlys.”
Nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya nang marinig ang pangalan ko.
“You mean Achilles, one of the greatest warrior from greek mythology?”
“No, it means death-mist from greek. A- for apple, C- for charlie, H- for hotel, L- for lima, Y-for yankee and S- for sierra.”
I explained to him.
“Ahhh, bakit naman ganon yung pangalan mo?”
he asked curiously.
I sighed.
“Hindi ko rin alam. Tanong mo sa ninuno ko. Ang dami mo namang tanong.”
Tinawanan niya nalang ako. Maya-maya pa ay dumating na ang prof sa Algebra. Akala ko’y magpapakilala muna kami sa harap ngunit bigla niya kaming pinasadahan ng mga tanong about sa subject niya.
“Mr. Fajardo, what are the types of algebra?”
the prof called my name.
Napatayo naman ako kaagad.
“Uhmm…e-elementary, advanced, abstract, linear and…”
Patay! Nag-advance study ako pero nalimutan ko ito.
Nakatingin lang sa akin ang prof habang hinihintay ang susunod kong sasabihin. I’m already sweating and panting because of the pressure. All of my classmates are looking at me. Parang maiiyak na ako dahil sa kanilang mapang-husgang mga titig.
“Commutative…”
bulong ni Jordan sa akin na katabi ko.
I cleared my throat before I speak.
“And c-commutative, sir.”
Kaagad namang napangiti ang prof nang marinig iyon.
“You may now sit, Mr. Fajardo.”
Tumango at at dahan-dahang umupo. I looked at Jordan and he gave me an enticing smile. I owe him big time for saving my ass earlier.
“Hey, Achlys! Sabay na tayo papuntang canteen.”
sigaw ni Jordan nang mabilis akong lumabas ng classroom.
Balak ko kasing hanapin yung gwapong lalaki kanina. I just wanna know him. Gusto ko malaman yung pangalan niya, yung mga bagay na gusto niya, mga hobbies niya o kung may kaibigan na ba siya kasi kung wala, gusto ko siyang maging kaibigan.
“Halika na, Jordan.”
yaya ko sa kanya habang naghihintay sa labas ng classroom.
Mabilis naman siyang lumabas ng classroom at inakbayan ako. Ang saya ng aking pakiramdam lalo na’t mayroon agad akong naging kaibigan. Hindi kasi ako pansinin. I’m just a common student so I find it hard to get along with others. Hindi kasi ako maputi dahil hindi ako lumaki sa Maynila. Iniwan ako noon ni papa kila sa lola sa probinsya dahil walang magbabantay sa akin. Pagsasaka ang tanging pinagkakakitaan nina lola kaya tumutulong ako dati.
Hindi rin ako matalino kaya hindi ako madalas napapansin kapag lumiliban ako sa klase dahil sakitin ako. Kapag pumapasok ako kinabukasan, wala man lang nagtatanong kung anong nangyari sa akin. Wala silang pakialam sa isang kagaya ko.
Hindi rin ako malakas. Mabilis akong mapagod kaya hindi ako pinapatulong ni papa sa mahihirap na gawaing bahay. Hindi ako magaling sa kahit anong sports kaya hirap din akong sumali sa mga extra-curricular activities nung highschool ako. Madalas lang akong nanunood sa mga kabataang naglalaro tuwing sportsfest at naiinggit ako dahil magagaling sila.
Wala yatang bagay na magaling ako maliban sa pagguhit. Yun nalang ang isang bagay na marunong ako kaya lagi akong nag-eensayo para maging katulad ni papa. Madalas kong pakialaman ang mga gamit niya sa pagguhit kapag tulog na siya sa gabi. Gumuguhit ako ng kahit ano. Madalas eroplano ang mga obra ko dahil gusto ko ring lumipad sa himpapawid at maramdaman ang pagiging malaya.
.
TWO
“Kilala mo kung sino yun?”
tanong ko kay Jordan nung makita ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap na pumasok sa canteen.
Napatingin naman siya sa entrance kung saan ako nakatingin.
“Ahhh…that’s Juaquin Nigel Chua. Hindi mo ba siya kilala?
Spoiled na anak ng mayor.”
Tumango nalang ako. Bigatin pala siya at mahirap abutin. Mukhang mahihirapan akong kilalanin siya lalo na’t hindi rin siya approachable. Kung kagaya lang siguro siya ni Jordan, baka mabilis kaming magkasundo.
Maaga akong pumasok kinabukasan bago pa dumating ang ilang estudyante. Sinilip ko ang room niya at nagulat ako nang makita ko siyang tulog habang nakayuko sa lamesa. Mag-isa lang siya kaya dahan-dahan ko siyang nilapitan.
Umupo ako sa gilid ng kanyang upuan at nakahalumbaba habang siya’y aking pinagmamasdan. Mahimbing ang kanyang tulog kaya kampante akong hindi niya nararamdaman na may nakatingin sa kanya. Napakaamo ng kanyang mukha kapag tulog. Gamit ang aking daliri ay ginuhit kong muli ang kanyang mukha sa hangin. Pinipilit kong sauluhin ang bawat detalye ng kanyang mukha at humihiling na sana’y tumigil ang oras para matingnan ko siya ng mas matagal.
Biglang tumunog ang bell. Hudyat na kailangan ko ng umalis. Bumili ako ng tsokolate sa malapit na tindahan kanina at nilapag ko yun sa lamesa niya. Pilit kong pinapagaan ang sarili palayo sa kanya dahil ayaw ko siyang magising. Marahil ay sisigawan niya ako ulit kapag nakita niya akong nakatingin sa kanya.
“Achlys, saan tayo gagawa ng reflection paper?”
tanong sa akin ni Jordan.
Nagkaroon kasi kami ng assignment sa Oral Communication at kami ang mag-partners ni Jordan. Isang linggo na akong nag-aaral dito pero wala pa rin akong ibang kaibigan bukod sa kanya. Mabait si Jordan sa lahat kaya nagulat ako nang niyaya niya akong maging partner sa assignment namin. Marahil ay naaawa lang siya sa akin dahil wala naman akong ibang kaibigan bukod sa kanya.
“Pwede bang sa library nalang tayo? Wala kasi akong gadgets eh.”
pag-amin ko.
Matagal na akong gustong bilhan ni papa ng laptop pero alam kong gipit din kami dahil hindi naman ganon kalaki ang kita niya bilang pintor. Pero napansin kong kailangan pala ito sa aking pag-aaral kaya nagpaplano akong mag-ipon gamit ang aking baon na bigay din niya.
“Movie yung kailangan nating gawan ng reflection paper, hindi tayo pwede sa library. Sa bahay nalang namin.”
alok niya.
Nang matapos ang klase ay inakbayan ulit ako ni Jordan palabas ng room. Tanghali ang uwian kaya maalinsangan ang labas. Kinuha niya ang payong sa kanyang bag at pinayungan ako. Nasa labas na kami ng school nang pumarada ang isang puting sasakyan. Iniluwal non ang isang magandang babae at nakangiti kay Jordan na katabi ko.
“Hey Joe!”
bati ng maganda babae habang yakap si Jordan. Kaagad naman siya kumawala sa yakap nang mapansin niya ako.
“Oh, who’s this cute guy right here?”
“T-This is Achlys.”
pagpapakilala sa akin ni Jordan. Agad naman inilahad ng magandang babae ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko iyon at ngumiti sa kanya.
“Hi! I’m Felisa, sister ni Jordan.”
nakangiti niyang sabi sa akin
Inihatid kami ni Ate Felisa sa bahay nila. Napakalaki ng kanilang mansyon. Kinuha ng kanilang kasambahay ang mga bag namin ni Jordan nung makapasok kami sa loob.
Meron itong isa magarang hagdan paakyat sa pangalawang palapag.
Nasa loob kami ng kwarto ni Jordan habang nanunuod ng isang palabas. Napaiyak ako nung makita ang paghihirap ng babaeng bida para mapansin siya ng kanyang mahal. Labis ang tuwa ang aking naramdaman nung nagkatuluyan sila sa dulo.
Nung mga oras na iyon, si Juaquin ang nasa isip ko. Mabilis ang tibok ng aking puso nang maalala ko ang kanyang mukha. At nang magtama ang aming mata namin nung una ko siyang nakita ay alam kong nahulog na ako sa kanya.
Alas-6 ng umaga ay narito na ako sa tapat ng locker niya. Gumawa ako ng sulat na naglalaman ng aking nararamdaman para sa kanya. Dahan-dahan ko iyong isiniksik sa uwang ng kanyang locker habang nagmamasid sa paligid. Kumaripas ako ng takbo nung makita ko siyang palapit.
Nakayuko ako sa sulok ng dingding habang pinagmamasdan siyang buksan ang kanyang locker. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo nang mapansin ang kulay pulang papel na naglalaman ng aking pagsinta. Tumagilid ako ng bahagya nang bigla siyang lumingon na wari’y hinahanap ang nagbigay sa kanya ng sulat. Napangiti nalang ako nang pilit ng makita kong pinunit niya ang sulat na bigay ko sa kanya.
Nagdaan ang mga araw, linggo at mga buwan pero patuloy pa rin ako sa pagbibigay ng sulat. Marami man akong takdang-aralin ay hindi ko nakakaligtaan ang paggawa ng sulat sa kanya tuwing gabi. Tumigil lang ako nung naging sila ni Venice.
Simula noon, hindi ko na siya sinulatan muli. Napakaganda ni Venice at alam kong mahal siya ni Juaquin. Parehas silang mayaman at parang modelo ang kanilang mga itsura. Naging masaya ako para sa kanilang dalawa. Pinilit ko na siyang kalimutan at ibaon sa limot ang aking nararamdaman pero hindi ko magawa.
(End of Flashback
)
“Hindi ka ba talaga magpapakita?!”
Juaquin bellowed at the center of the whole canteen.
“I’m getting goosebumbs. What if multo pala yung nagbibigay nun kay Juaquin?”
narinig kong bulungan ng mga estudyante.
Nakita ko ang pagpasok ni Jordan sa entrance at pagkuha niya ng tupperware na hawak ni Juaquin.
“Bakit ba kasi ayaw mo nalang kainin pre? Kinakain mo naman dati pero bakit ayaw mo na ngayon?”
Juaquin sighed.
“A-Akala ko kasi si Venice ang nagbibigay.”
Napayuko nalang ako nung marinig ko yun sa kanya. Kaya pala niya kinakain ang binibigay ko dahil akala niya ay Venice iyon galing. Simula nung lumipat si Jordan sa section nila Juaquin ay lagi niya na akong binabalitaan tungkol dito. Inamin ko kasi sa kanya ang nararamdaman ko para kay Juaquin. Nakakatuwang hindi naman niya ako hinusgahan dahil may gusto ako sa lalaki.
“Paano ba ‘yan? Mukhang kailangan mo nang itigil ang pagluluto mo para sa kanya…”
Jordan said while touching his nape.
“So, ako nalang yung lulutuan mo ngayon?”
I nodded while pouting my lips.
“Yeah. Wala na akong choice.”
I answered sounding unsure.
“Ayaw mo pa kasing umamin, malay mo ikaw lang pala yung hinihintay niyang magsabi.”
he suggested.
I smiled at him genuinely.
“Sige hahanap lang ako ng sign.”
He frowned.
“Sign? Ano namang sign yon? At saka kailan pa?”
I chucked when I saw his grumpy face
. “Pag end of the world na hahahaha!!!”
I’m trying to fold the cuff of my jogging pants so I can move more freely during our PE class. Volleyball ang laro namin. I never tried playing this sport before but I’m kind of familiar on how to play the game by watching our intramurals when I was in highschool.
“Fajardo, Garcia, Acosta, Enrile and Arevalo, you are the team 1.”
our PE teacher said.
Lalaki sa lalaki ang magkakalaban at ako lang yata ang dehado dahil mas malalaki sila sa akin. Sa totoo lang, ayoko talagang sumali pero baka bumagsak ako. I keep on breathing heavily before the game starts. I’ve been their classmate for already a year but, I’m still not close with them.
I haven’t done anything wrong as far as I can remember. Ever since Jordan transferred to Juaquin’s section because of his outstanding performance, no one tried to approach me just like what he did.
“Mr. Fajardo, what’s wrong? Are you okay?”
tanong sa akin ni Mr. Alonzo na PE teacher ko nang mapansing hinihingal ako.
I don’t know what’s wrong with my body this past few days. Lagi akong mabilis mapagod kahit hindi naman ako gumagawa ng mabigat na gawain. I guess sports doesn’t suit me at all.
“I’m okay sir.”
I assured my teacher.
Paikot-ikot lang ako sa likod ng mga ka-team ko dahil ayaw naman nila akong pasahan ng bola. Napangiti ako nang makita ko sina Juaquin at Jordan sa kabilang side ng court. Mukhang maglalaro sila ng basketball dahil lunch nila. Kinawayan naman ako ni Jordan nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanila.
Mas ginanahan akong maglaro para magpakitang-gilas kay Juaquin. Sinubukan kong lumapit sa harap ng net at di ko na pinansin ang nagtatakang titig ng aking mga kaklase. Nang mapansin kong papunta sa akin ang bola galing sa kabilang team ay agad ako tumalon pero…
Masakit
.
Napahawak ako sa aking puso habang pinipilit ang paghinga ko. Napatakbo sa aking direksyon ang mga kaklase ko. Nakatingin lang sila habang pinagmamasdan akong naghihirap sa paghinga. Lumapit sa akin si Mr. Alonzo at pinakiramdaman ang pulso ko.
Naiiyak na ako sa sobrang kaba at sakit. Huminga ako nang malalim at gumaan naman ang pakiramdam ko. Napangiti ako sa aking mga kaklase nang makita kong nag-aalala sa akin.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Jordan na tumakbo palapit sa akin at kinarga ako sa likod niya. Napayakap nalang ako sa kanyang leeg sa sobrang pagkabigla.
“What happened there, Achlys?”
tanong sa akin ni Jordan pagkatapos akong i-check ng nurse sa clinic.
I grasp my head.
“Napagod lang siguro ako. Hindi naman kasi ako sporty kagaya mo.”
He tsked.
“Pinag-alala mo ako. Sa susunod wag ka ng sumali sa mga sports. Kung pwede lang ako maglaro para sa’yo, ginawa ko na.”
I nodded. Napatingin ako sa mga mata niya nang hawakan niya ang pisngi ko.
“Achlys, don’t make me worry again. Hindi ko kaya.”
.
THREE
I considered that moment when I’m catching my breath as the sign that I’m waiting for. Hindi naman kasi natin malalaman kung hanggang kailan nalang ang itatagal natin sa mundo. So, I made up my mind to pursue Juaquin starting that day.
Tapos na ang klase at hinihintay ko siya sa tabi ng pula niyang sasakyan.
Ilang minuto akong naghintay nang bigla akong makarinig ng malakas na tunog. Nakita ko ang bola na sinipa ng isang estudyante at nagasgasan nun ang kotse ni Juaquin. Kinuha ng lalaki ang bola niya at kumaripas ng takbo.
I’m trying to touch the scratch on Juaquin’s car when I heard his deep voice.
“Why are you touching my Mcqueen?”
Tumayo naman ako agad nang makita ko ang nakakunot niyang noo.
“Jeez! Are you the one who scratched it?!”
I shook my head in disagree.
“H-Hindi ako yan,”
dahan-dahan kong itinaas ang kaliwang kamay ko at umaktong nangangako.
“Promise.”
He covered his face.
“Fuck! Alam mo ba kung magkano pampaayos niyan? Umalis ka na nga!”
Kinuha ko ang 500 pesos na baon ko sa isang linggo at inabot iyon sa kamay niya.
“P-Pasensya ka na iyan lang yung perang meron ako, pero babayarin kita.”
He made three steps close to me
“At paano mo naman ako mababayaran?”
“Pwede mo akong gawing katulong o assistant. Magaling akong maglinis, magluto tsaka,”
I hold my chin while trying to think of something I’m good at.
“magdrawing.”
He chuckled sarcastically.
“Are you serious? At bakit naman kita paglilinisin? Magluto, pwede pa. Tsaka ano yung isa? Mag-drawing? You gotta be kidding me.”
I quickly shook my head.
“Hindi ako nagbibiro. Wala kasi akong perang pambayad sa mahal ng kotse mo. Teka, bakit ba ako magbabayad? Eh hindi nga ako yung nakagasgas ng kotse mo!”
bahagyang napalakas ang boses ko. Nakatingin na sa direksyon namin ang ilang estudyante na pauwi na rin.
He clapped his hands slowly.
“Huli ka na, tumatanggi ka pa. Alright, you’ll be cooking my lunch for a week to pay off your debt. Wag mong subukang lagyan ng lason kung ayaw mong makatikim sa’kin. Naiintindihan mo?”
I genuinely smiled at him.
“Yes, I’ll be glad to cook for you!”
Maaga akong nagising kinabukasan para lutuin ang lunch naming tatlo nina Jordan at Juaquin. Simula pa noon ay sinasabay ko na sa pagluluto ang baon ni Jordan dahil nag-aambag naman siya. Hindi daw kasi masarap magluto ang kasambahay nila kaya gusto niyang ako ang magluto.
“Anak, kumusta ang kalusugan mo? May masakit ba sa’yo?”
tanong sa akin ni papa habang nag-aalmusal kami.
I noticed that he’s always asking me about my health than my studies this past few months. Minsan nga ako nalang yung nagsasabi sa kanya na ayos lang ako bago pa siya magtanong. He must be very worried about me since I’m his only child.
I swallowed my food before speaking. ”
Ayos lang po ako papa, ikaw po?”
He smiled after hearing I’m okay.
“Ayos lang din naman ako. Ikaw lang talaga itong inaalala ko.”
Simula noong bata ako ay hindi ako tumaba kahit kailan. Tumangkad lang ako pero hindi nagbago ang payat kong mga braso at binti. The last time we went to a doctor, they prescribed vitamins for me to gain weight but it didn’t work.
“Jordan, ito na yung lunch mo tsaka pakibigay naman itong isa kay Juaquin.”
I asked him a favor when he went out from his classroom.
Napakamot siya ng ulo.
“Patago ko ba ulit ibibigay? O sasabihin kong sa iyo galing?”
I cleared my throat.
“Sabihin mo galing sa’kin.”
He laughed.
“Eh bakit di nalang ikaw magbigay? Nauna na nga siya sa canteen baka hinihintay ka na nun.”
Kaagad na ngumiti ang mukha ko nung marinig ko yun sa kanya.
“T-Talaga, hinihintay niya ako?”
I whispered.
He lean closer to my ear before he speak softly.
“I said, ‘baka’ hinihintay ka niya.”
Tinulak ko si Jordan papuntang canteen dahil baka maubos ang oras ng lunch sa pag-aasaran namin. Umupo ako agad sa dati kong pwesto malayo sa table nila. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Juaquin nung iabot ni Jordan ang luto ko sa kanya.
Napaawang ang labi ko nung makita ko siyang lumakad palabas ng canteen at iniwan ang luto ko sa lamesa. Dali-dali ko naman siyang sinundan. Mabilis ang kanyang lakad kaya naghahabol ako ng hininga para maabutan siya.
“J-Juaquin, s-sandali lang!”
I shouted when we reached the garden of the school.
Kaagad naman siyang lumapit papunta sa akin at inabutan ako ng panyo galing sa bulsa niya. Masaya ko iyong kinuha sa kanya habang nanginginig ang aking kamay.
He sighed heavily.
“Sinabi ko ba sa’yong ipaabot mo kay Jordan yung lunch ko? Hindi porket ikaw yung nagluto ay hindi mo na sa akin ibibigay!”
I bow my head down.
“P-Pasensya na, Juaquin. Baka kasi mapahiya ka ‘,pag lumapit ako sa’yo.”
Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ako sa balikat.
“Bakit naman ako mapapahiya?”
I pouted my lips before I speak.
“Kasi tingnan mo yung itsura ko. Ang itim ko tapos ang pangit ko pa.”
He chukled while holding his tummy.
“Ikaw, panget? Sino naman nagsabi sa’yo niyan?”
“Ikaw.”
I directly said to him.
Kaagad na nawala ang ngiti niya nang marinig iyon sa akin.
“What? Ako, sinabihan kang pangit? Kailan ko naman sinabi iyon?”
Nakatingin ako sa mga paa ko habang sinisipa ang mga tuyong dahong bumabagsak mula sa puno.
“June 5, 2017 at exactly 7:30 am.”
“Magkakilala na ba tayo last year?”
he asked curiously.
I shook my head.
“H-Hindi, kalimutan mo na yung sinabi ko.”
Simula nung pag-uusap namin na iyon ay mas lalo akong nagkagusto sa kanya. I never thought that I would have the chance to talk with him casually. He’s a nice person and I’m sure of that. I’m craving to know more about him and see where it would lead us.
Sa mga sumunod na araw ay ako na mismo ang nagbibigay sa kanya ng niluto ko. At gusto niya pang sa canteen ko iyon ibigay kaya hindi ako mapalagay sa mga estudyanteng nakatingin sa akin ng masama. Juaquin is our campus hearthrob, so a lot of girls fell over heels for him.
“Umupo ka.”
utos sa akin ni Juaquin nung iabot ko sa kanya ang lunch niya.
Nakatingin sa akin sila Jordan, Andrei, Phillip at Howard na katropa niya habang nakaupo sa tapat ng table nila. Kaagad naman nila akong binigyan ng space para makaupo.
Juaquin growled.
“Hindi diyan sa tabi nila, dito sa tabi ko.”
he ordered while tapping the chair beside him.
Lumakad naman ako at umupo sa tabi niya. We started eating silently until Venice came in our direction. She’s wearing a duffle jacket on top of her school uniform.
“Oh, new face?”
Venice asked when she saw me.
Howard smiled at her awkwardly.
“Yes, he’s a friend of Jordan and Juaquin.”
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nung marinig iyon. Lumapit siya sa akin at kinuha ang tupperware na may luto ko at tiningnan iyon nang maigi.
“Ano to? Juaquin, bakit ka kumakain ng gulay? Di’ba ayaw mo nito?”
she asked while looking at Juaquin worriedly.
Kinuha ni Juaquin ang tupperware na hawak ni Venice bago magsalita.
“Ano bang pakialam mo? Hindi ako kumakain ng gulay na niluto mo kasi ang pangit ng lasa.”
Sabay na tumawa sila Jordan, Phillip, Andrei at Howard nung marinig iyon kay Juaquin. Wala ng nagawa si Venice kundi ang iwan kami sa table at bumalik sa mga kaibigan niyang cheerleaders.
Hinawakan ni Juaquin ang balikat ko para iharap sa kanya.
“Okay ka lang?”
Bigla namang hinampas ni Jordan ang kamay ni Juaquin na nakakapit sa akin.
“Kumain ka na, dude. Matatapos na yung lunch.”
Kaagad namang inalis ni Juaquin ang kamay niya sa akin at mabilis na kumain. Hindi ko alam kung nagsasabi si Venice ng totoo nung sinabi niyang hindi kumakain si Juaquin ng gulay dahil madalas ko yung lutuin sa kanya.
“Achlys!”
pagtawag sa akin ni Jordan habang sakay ng sasakyan niya.
Napalingon naman ako sa kanya.
“Bakit?!”
sigaw ko dahil baka di niya ako marinig.
He smiled at me.
“Sabay ka na sa’kin. Dadaanan ko rin naman yung bahay mo.”
Sumakay nalang ako sa kotse ni Jordan dahil tanghali na at mainit ang sikat ng araw. Malapit lang ang bahay ko pero napansin kong sinasadya niyang bagalan ang pagda-drive kaya natagalan kami.
“So, k-kayo na ba ni Juaquin?”
he asked when he stopped his car in front of my house.
I smiled at him flatly.
“Malabong mangyari iyon.”
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit at tinanggal ang pagkakabit ng seatbelt ko.
“Hindi ka malabong mahalin, Achlys. Magtiwala ka sa sarili mo. Baka nga may iba diyang patay na patay sa’yo…”
pagbibiro niya.
I couldn’t help but to laugh loudly after he said that.
“Minsan magsabi ka nga kung magjo-joke ka para alam ko. Hindi ako ready don.”
Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya.
“Sino bang may sabi sa’yo na nagbibiro ako?”
.
FOUR
Ngayon ang huling araw na magluluto ako kay Juaquin at ito rin ang araw na balak kong ipagtapat ang aking pag-ibig sa kanya. I’ve been practicing this confession ever since the first time I saw him but, I’m feeling very nervous now that it’s happening.
Tinitingnan ko sa salamin ang aking sarili pagkatapos kong magbihis. Nagpulbos ako, nagsuklay at halos ipaligo ko na ang pabango. Napangiti ako nang makitang presentable na ang itsura ko.
Dali-dali akong bumaba ng hagdan at nakita ko si papa na nagluluto ng almusal. Nakatalikod siya sa akin kaya mabagal ang aking mga hakbang para siya’y gulatin. Hindi ko iyon natuloy nang bigla siyang humarap sa akin.
“Anak, baka ubos na ang pabango mo na kakabili ko lang nung nakaraan.”
he said while sniffing on my uniform.
I touched my nape.
“Hindi naman po, papa. Mayroon pa namang natira na konting-konti nalang.”
pagbibiro ko sa kanya.
Biglang sumeryoso ang mukha ni papa nang mapansin ang braso ko.
“A-Anak, parang mas pumayat ka yata? Kumakain ka ba ng maayos? Kulang ba ang allowance na binibigay ko?”
sunod-sunod niyang mga tanong.
Nasamid ako sa pagkain nung marinig ko yun.
“Papa, relax. Kumakain ako nang maayos.”
I flexed my thin arm to show him my invisible muscle.
Nang matapos kaming kumain ng almusal ay ako na ang naghugas ng pinggan dahil maaga pa naman. Hindi pa man ako nangangalahati sa paghuhugas ay pinawisan na ako agad. Marahil ay dahil sa mainit na panahon kaya ako mabilis makaramdam ng pagod.
“Bye, papa!”
paalam ko sa kanya bago lumabas ng pinto.
Ngumiti naman siya ng matamis.
“Ingat ka, anak!”
Hindi pa ako nakakalabas ng pinto nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. I felt dizzy for some reason so I massaged my temple. Napahawak ako sa pinto nang biglang simikip ang aking dibdib at mahirapan akong huminga.
“ANAK!!!”
iyan ang sigaw ni papa bago ako mawalan ng malay.
I gently open my eyes when I heard the voice of my dad. Bumungad sa akin ang puting kisame at rosaryo na nakasabit sa may dingding. I turned my face to dad and saw that he’s speaking with an old doctor.
“I’m sorry, Mr. Fajardo but we don’t have an available donor yet.”
that’s the doctor said to my dad.
Lumuhod ang papa ko sa doktor na nagsabi nun.
“D-Doc, please tulungan niyo ang a-anak ko. Nagmamakaawa ako! Siya nalang yung meron ako.”
Hinawakan ng doktor ang balikat ni papa at tinulungan siyang tumayo.
“We will do our best, Mr. Fajardo but please brace yourself for what’s about to happen.”
That day, is the day I found out that I’m suffering from an
End Stag
e
Congestive Heart Failure
and I only have 3 months left.
Pagkabigla, lungkot at kaba. Iyan ang aking naramdaman. Umiiyak si papa habang hawak ang dalawa kong payat na kamay. Inalis ko iyon sa pagkakahawak niya at pinunasan ang kanyang mga luha habang nakangiti.
“A-Anak, sabi ng doktor dito ka na sa ospital mananatili habang naghahanap sila ng available donor. Gagaling ka pa, anak. Gagawa si papa ng paraan.”
my dad assured me.
I shook my head in disagree.
“P-Papa, ayaw ko pong mag-stay dito. Gusto ko pong mag-aral
.”
My dad sighed.
“A-Anak, kailangan mong tumigil muna sa pag-aaral para sa kalusugan mo. Gusto mo ba pumunta tayong ibang bansa? Nasabi mo sa akin noon na gusto mong pumunta sa Japan para makita ang cherry blossoms at Mount Fuji.”
Nung mga oras na iyon, alam kong di na ako magtatagal. Pangarap kong makapunta noon sa Japan pero nagbago na ito ngayon.
Juaquin Nigel Chua
.
Siya na ang pangarap kong makasama bago ko lisanin ang mundong ito. Simula nung una ko siyang makita, alam kong hindi na ako magmamahal ng iba. And if tomorrow is my last day, I wanna share my last night with him.
Wala ng nagawa si papa nung sabihin ko sa kanyang gusto kong magpatuloy sa pag-aaral. Nakasakay ako sa taxi kasama siya habang hawak ko ang lunch namin nina Juaquin at Jordan. Malapit lang naman sa bahay namin ang school pero ayaw akong palakarin ni papa.
Nalaman kong bawal na akong tumakbo at gumawa ng mahihirap na gawain. Mas mabilis na akong mapagod at hingalin kahit sa bahay lang ako naglalakad kanina. Madalas din akong umubo pero normal lang daw iyon sa may mga sakit na tulad ko.
My dad excused me to all of the sport activities that we’ll be having in the future. I know that he’s worried about me and just care about my safety. It’s been a long time since my mom left us and it must be hard for him if I will leave him as well.
“Bakit di ka pumasok kahapon? Alam mo namang last day mo na as my personal cook, di’ba?!”
galit na tanong ni Juaquin nang iabot ko sa kanya ang niluto ko.
Ayaw akong paglutuin kanina ni papa pero nagpumilit ako, dahil gusto kong ako mismo ang magluto para kay Juaquin.
“P-Pasensya na, Juaquin. May inasikaso lang ako kahapon.”
I whispered.
He sighed.
“Kumain nalang tayo.”
Gustuhin ko mang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko ay inunahan ulit ako ng takot. Takot ako na baka hindi niya tanggapin ang pag-ibig ko sa kanya. Takot na baka layuan niya ako at pandirihan. Takot na baka hindi ko na siya ulit makausap pagkatapos kong magtapat.
Hinintay ko ang aming uwian at muling naghintay sa tabi ng kotse niya. Nanginginig ang aking mga kamay at nangangatog ang aking mga tuhod. Napangiti ako nang makita ko siyang palapit ngunit naglaho din iyon ng masaksihan ko ang pagyakap sa kanya ni Venice.
Muli, nawalan ako ng pag-asa. Marahil ay hindi ko na masasabi sa kanya ang aking nararamdaman bago ako mawala. I just walked out from that scene, feeling devastated. I might really die if I didn’t leave that place because it’s hurting my heart.
Hindi ako makatulog kinagabihan kaya nakadungaw lang ako bintana habang pinagmamasdan ang madilim na langit. Gamit ang aking daliri ay ginuhit ko ang mukha ni Juaquin habang nakatingin sa mga bituin. Isa siyang bituin na napakahirap abutin. Pilitin ko mang kalimutan siya ay hindi siya mawala sa utak at puso ko.
Kakalimutan ko na ba ang aking pag-ibig?
Mama, please give me a sign
.
Give me a sign if I need to continue pursuing him or I should stop this dillusion that I’m feeling…
My tears fell from my misery eyes when I saw a bright shooting star. Somehow it gave me a glimpse of hope to continue. I guess that’s my mom assuring me to keep on fighting despite of the pain that I’m feeling.
Araw ng sportsfest, nakasuot ako ng tshirt at shorts dahil pwede naman daw ang informal clothing. Walang lessons at susuportahan lang namin ang aming pambato na sasali sa mga sports at games. Nakaupo na ako sa tabi ng aking mga kaklase habang hinahanap si Juaquin. Maraming tao sa loob ng covered court dahil dito rin ang registration area ng mga balak sumali sa laro.
Napangiti ako nung makita ko siyang palabas ng court kaya dali-dali ko siyang sinundan. He’s wearing a sports sando shirt and shorts. He stopped when we reached the garden and turn his face to me.
Magkasalubong ang kanyang mga kilay habang nakatitig sa’kin.
“Bakit ka ba sunod nang sunod?”
This is my last chance and I won’t waste anymore time to say my feelings for him.
“M-Mahal kita, Juaquin.”
I confessed while looking at the ground, trying to compose myself before hearing him reject me.
I saw how his fist clenched after hearing what I said.
“Nagbibiro ka ba? Never akong papatol sa kagaya mo!”
Ang sakit.
Inaasahan ko nang sasabihin niya iyon pero ang marinig iyon mismo sa kanya, parang gumuho yung mundo ko.
Pero hindi pa rin ako susuko. Gusto kong maramdaman niya na hindi ako nagbibiro. Na kahit ilang beses ko siyang pilit binura sa utak ko ay hindi ako nag-tagumpay. Na kahit nasasaktan na ako ngayon at nahihirapan akong magpatuloy, gusto ko pa ring sumugal sa kakarampot na pag-asa.
“Juaquin Nigel Chua, date me for three months and I will promise that I won’t bother you again after that.”
That’s my only wish before I leave this world.
It’s always been him that I’m wishing for.
His happiness, his safety and even the people around him to never leave his side.
He chuckled in disbelief.
“Okay, I will fulfill your wish if you can win against me in the track and field race.”
I’m doomed.
It’s either I can win against him or I might lose because of dying.
I smiled at him nervously.
“S-Sure. I will win against you and you’ll be my date for three months.”
.
FIVE
“Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo?”
tanong sa akin ni Jordan habang minamasahe ang likod ko.
Naka-ready na ang lahat ng mga maglalaro. Some of the players are doing some warm up exercise and some are talking with their coach. Si Juaquin naman ay nagpu-push up habang ang ilang mga babae ay nakatingin sa kanya.
I turned my face on my back to see Jordan.
“Sigurado na ako. Kung ito ang paraan para mapansin niya ako, ay malugod ko itong gagawin.”
Hinawakan ni Jordan ang braso ko at pinatayo ako sa harap niya. Mabilis siyang lumuhod at sinintas ang sapatos ko.
“Nandito lang ako. Pag di mo na kaya, itaas mo ang kamay mo dahil pupuntahan kita agad. Gets mo?”
sabi ni Jordan habang nakatingin sa mga mata ko.
Naalala ko ang sinabi niya sa akin na wag ko siyang pag-alahanin pero kailangan ko itong gawin. Kumakapit na ako sa patalim at posibleng ito na ang huling takbo ko. Pero alam kong hindi ako magsisisi basta’t kasabay ko si Juaquin.
Ngumiti ako kay Jordan dahil alam kong nag-aalala siya para sa akin.
“Yes Coach!!!”
Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang aking buhok.
“That’s my Achlys!”
Maya-maya pa ay nagsalita na ang emcee at sinabing magsisimula na ang track and field race. Nanginginig ang aking mga tuhod habang papalapit sa starting line. Oval shaped ang race track at nasa kaliwa kong tabi si Juaquin.
“Whaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!”
sigaw ng mga estudyante.
Napatingin ako kung saan nakaupo ang mga classmates ko pero hindi yata nila napansin na sumali ako sa race. Maraming mga posters kung saan nakalagay ang pangalan ni Juaquin. Ang mga cheerdancers kabilang si Venice ay kilig na kilig sa bandang tabi.
“Umayos ka, ayoko ng lampa.”
Juaquin warned me.
I cleared my throat.
“S-Siguraduhin mo rin na matatalo mo ako.”
“Malamang, ako pa ba?”
he smirked.
“On your marks…”
the emcee started. All of the players lower down their right leg facing the ground along with their fingers. Ginaya ko naman sila.
“Get set…”
the emcee continued and I breathe and sighed heavily. Kinakabahan na ako at parang ayoko nang magpatuloy. It’s a 200 meters race at mainit ang sinag ng araw dahil tanghali na.
Nung mga oras na iyon, pinapanalangin ko nalang na sana umabot ako kahit sa kalahati ng race. Hindi ko na inaasam na manalo dahil ang makasama ko lang sa pagtakbo si Juaquin, ay panalo na ako.
“Pftttttttttttt!!!”
tumunog ang malakas na pito.
Nagsimula na ang karera. Nakangiti akong tumatakbo habang nakatingin sa katabi kong si Juaquin. Napakasaya ng kanyang mukha nang malagpasan niya ako. Pilit akong humahabol sa kanya nang bigla akong makaramdam nang pagsikip ng aking dibdib.
Shit.
Napatigil ako sa pagtakbo sa gitna ng karera habang hinahabol ang aking paghinga.
“Anong nangyare?”
“Bakit siya tumigil?”
“Hoy, hindi pa tapos. Malayo ka pa sa dulo!”
Iyan ang mga sigaw ng mga estudyanteng nanunuod. Mahigpit na nakahawak ang aking kaliwang kamay sa aking dibdib at tumutulo na ang aking mga luha.
“Hindi ako makahinga, tulong!”
iyan ang gusto kong isigaw pero hindi ko magawa.
Juaquin, hindi na kita maaabutan.
Maari bang ikaw naman ang humabol sa akin?
Nanginginig kong itinaas sa ere ang aking kanang kamay para bigyan ng hudyat si Jordan na hindi ko na kaya.
Bumagsak ang aking katawan sa mainit na lupa at naghahabol ako ng aking huling hininga. Bago ako pumikit ay nakita ko si Juaquin na tumatakbo pabalik sa akin. Masakit ang aking puso pero napangiti ako nung makita ko siya.
“Achlys!!!”
sigaw ni Jordan bago ako tuluyang mawalan ng malay.
“Ma?”
tawag ko sa isang magandang babae na nakangiti sa akin habang nakahiga ako sa kanyang hita.
Sinuklay niya ang aking buhok bago magsalita.
“Anak, oo ako ito. Kumusta ka na?”
Tumango ako.
“Ayos lang po ako, mama. Isasama niyo na po ba ako sa’yo?”
She shook her head in disagree.
“Hindi pa, anak. Gusto lang kitang makita at may nais akong ihabilin sa iyo.”
Umupo ako mula sa aking pagkakahiga at ngumiti sa kanya.
“Ano po yun, mama?”
Hinawakan niya ang aking pisngi at tumulo ang kanyang mga luha.
“Sabihin mo sa papa mo na pinapatawad ko na siya. Nung araw na pinanganak kita ay wala ang papa mo sa tabi ko. Naging abala siya sa pagpipinta kaya hindi ko sinabi sa kanya ang aking kalagayan. Nung araw na iyon ay pinapili ako ng doktor kung mabubuhay ako o ililigtas kita dahil…may sakit din ako. Mahal na mahal kita anak kaya ang buhay mo ang pinili kong iligtas at hindi ko iyon pinagsisihan kailanman. Sabihin mo sa papa mo na mahal na mahal ko siya at kung magkakaroon ako ng pagkakataong mabuhay muli, ay siya pa rin ang pipiliin ko.”
Pinunasan ko ang kanyang mga luha.
“Mahal na mahal ka rin po ni papa. Hanggang ngayon, ikaw pa rin po ang inspirasyon niya sa kanyang mga obra.”
Niyakap niya ako ng mahigpit. Humagulgol ako dahil napakagaan ng aking pakiramdam habang yakap niya ako. Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na makakausap ko
at mayayakap ang aking ina.
I woke from the sound of whimpers. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata ang pinasadan ng tingin ang paligid. Nasa loob ako ng school clinic at nakahiga sa kama. Napatingin ako sa lalaking nakayuko habang hawak ang aking kaliwang kamay.
“Shit! Kasalanan ko ‘to.”
pagsusumamo ni Juaquin.
Napatingin naman siya sa akin nang tumawa ako.
“O-Okay ka na ba? May masakit ba sa’yo?”
I shook my head to lessen his worriedness.
“I’m fine. May…h-hika lang ako kaya ako natumba.”
pagsisinungaling ko.
“Bakit di mo kasi sinabi agad?! Eh di sana hindi na kita pinasali.”
he growled.
I smiled at him intently.
“Paano ba yan? Talo ako. Kalimutan mo na yung sinabi k-”
He cut me off.
“Let’s date. The three months date that you offered, let’s do that.”
Hindi ko na napigilan ang luha ko nung mga oras na iyon. Sobrang saya ko at hindi ako makapaniwala na matutupad yung hiling ko. Gusto ko siyang yakapin pero nanghihina pa rin ako.
He pulled out his handkerchief from his pants and wipe my tears. Marahil ay naaawa lang siya sa akin kaya siya pumayag pero wala na akong pakialam. Mabilis lang naman ang tatlong buwan at kapag mawala ako ay madali niya rin akong makakalimutan.
Maya-maya pa ay pumasok si Jordan sa loob ng clinic. Namumula ang kanyang mga mata at yukom ang kanyang kamao. Matalim ang kanyang titig kay Juaquin pero umamo iyon ng makita akong gising.
Umupo si Jordan sa kama katabi ko.
“I bought a soup for you. Gusto mo bang subuan ki-”
“Hey! He’s not paralized. Kaya niyang kumain mag-isa.”
biglang sabat ni Juaquin.
Pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga at kinuha ang dalang lugaw ni Jordan. Mabilis ko naman iyong naubos dahil nagugutom din ako simula kanina.
Hapon na ng makauwi sa bahay. Sumakay nalang ako ng jeep dahil, napagod ako ngayong araw. Nadatnan ko naman si papa na may kausap sa telepono kaya hindi ko muna siya nilapitan.
“Boss, oo naman babayaran ko rin kaagad. Kailangan ko lang talaga ngayon ng pera.”
my dad said while massaging the bridge of his nose.
Alam kong hirap si papa dahil hindi naman malaki ang kita niya bilang isang pintor. Matanda na rin siya kaya hindi na siya natatanggap sa mga kumpanya. Gustuhin ko mang tulungan siya ay hindi naman kaya ng katawan ko.
“Anak, hindi mo ba nakakalimutang inumin yung gamot mo?”
he asked worriedly while we’re eating our dinner.
“P-Papa, ano kaya k-kung wag na akong uminom ng…gamot?”
nakayukong tanong ko sa kanya.
Napakarami ko kasing kailangan inumin na iba’t-ibang gamot nang makita ko ang riseta ng doktor. Hindi pa kayang bilhin ni papa ang lahat ng iyon kaya siguro siya humihiram ng pera sa mga kakilala niya.
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo sinuntok ang pader. Nakayukom ang kanyang kamao at mabilis ang kanyang paghinga. Napahawak siya kanyang mukha at pinipigilan ang kanyang mga luha.
He turned his face to me.
“Anak paano mo nasasabi sa akin yan?! Ganon nalang ba kadali sa’yo ang sumuko?”
Tumayo ako sa aking upuan at nilapitan siya.
“Pa, h-hindi na rin ako magtatagal kaya wala ng silbi ang mga gamot.”
Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang aking mga kamay.
“A-Anak, pwede bang lumaban ka para sa akin? Iniwan na ako ng mama mo pati ba naman ikaw?”
Niyakap ko siya at tumango dahil masakit para sa akin ang makita siyang umiiyak. He’s always been my strength and I can’t believe that seeing him pleading will become my weakness.
“A-Achlys! Hey, right here!”
sigaw sa akin ni Juaquin nang makapasok ako sa loob ng covered court.
Intramurals na kasi at may laro sila ngayon ng basketball. Seniors versus Sophomores ang magkalaban. Dala ko naman ang bag ko habang palapit sa kanya.
Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang aking balikat para paupuin ako sa bench ng team nila. Katabi ko ngayon si Mr. Gomez na basketball coach ng mga seniors. Nakita ko ang nanlilisik na mata ni Venice na nasa gilid ng court habang nakasuot ng cheerdance costume.
He cupped my face before he speak.
“Dito ka lang at panuorin mo akong ipanalo ang game.”
.
SIX
Mas lalo akong humanga habang pinagmamasdan si Juaquin nang magsimula ang basketball game. Kakampi niya ang mga tropa niya na sina Jordan, Andrei, Phillip at Howard. Matatangkad ang grupo nila kaya lugi ang kalaban.
Mahigpit ang depensa ng kalaban kaya nahirapan si Jordan kung paano mapapasok ang bola sa ring. Tumakbo naman sa direksyon niya si Juaquin at hinihintay na ipasa sa kanya ang bola.
“Go Jordan!!!”
sigaw ng mga estudyante nung ma-shoot ni Jordan ang bola.
Ilang 3 point shots din ang nadagdag nina Andrei, Phillip at Howard kaya tambak ang kalaban sa 1st set ng game. Kaagad silang lumapit sa pwesto ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Juaquin nang abutan ko ng tubig sina Jordan.
Umupo sa tabi ko si Juaquin habang hinihintay na magsimula ang 2nd set.
“Bakit di kita nakitang nag-cheer sa’kin kanina?”
he whispered at me.
I cleared my throat.
“Ahh, kasi marami na kayong supporters kaya hindi na siguro ako kailangan.”
“Hindi naman sila yung gusto kong marinig.”
he murmurred.
Lumapit ako nang bahagya sa kanya.
“A-Anong sabi mo?”
tanong ko dahil hindi ko narinig ang sinabi niya.
Tumayo siya agad nang pumito ang referree. Kagaya ng sinabi niya ay pilit akong sumasabay sa pagsigaw ng bawat estudyante kapag nagkakapuntos ang team nila. Napansin kong mas ginanahan ang team nina Juaquin kaya sila ang nanalo.
Napaiwas ako ng tingin nang makita ko ang pagyakap ni Venice kay Juaquin pagkatapos ng game. Agad naman kumalas si Juaquin mula sa yakap ni Venice at tumakbo palapit sa akin. Kaagad kong inabot ang tumbler niya na may lamang tubig.
“Congratulations! Ang galing niyo.”
pagbati ko kay Juaquin.
“I’m a strict captain so they had no choice but to be great.”
pagmamayabang niya.
“Uuwi ka na ba? Gusto sana kitang yayain sa first d-date natin…”
I asked him while looking on the ground.
He chuckled.
“Sige, maliligo lang ako tapos alis na tayo agad.”
Nasa labas ako ng restroom habang naghihintay kay Juaquin. Bigla akong kinabahan nang maalala kong hindi pa ako nakakainom ng gamot. Mabilis kong binuksan ang aking bag para hanapin iyon nang bigla akong umubo na may kasamang dugo.
Oh god, please I need more time to be with him…
I already made my plans for our future dates that will last for 3 months, so please have mercy on me…
Allow me to share my last breath with him by my side…
Gamit ang aking panyo ay pinunasan ko ang dugo sa aking bibig. Binalik ko agad iyon sa bag nang makita ko siyang lumabas ng restroom. Nginitian ko naman siya agad nung mapansin kong nagtataka siya sa kinikilos ko.
“Saan mo ba ako dadalhin?!”
galit na tanong ni Juaquin habang hawak ko ang palapulsuhan niya.
I looked at him from behind.
“Basta.”
Nakarating kami sa tapat ng isang karenderya malapit sa school. Alam kong hindi siya kumakain sa mga ganitong kainan, pero ito lang kasi ang kaya ng budget ko. Gustuhin ko mang makipag-date sa kanya sa mga magarang restaurant ay di ko naman iyon afford.
“Hey, bakit ang layo mo?!”
sigaw niya sa akin.
Malayo kasi ang table ko mula sa kanya dahil alam kong naiilang siya sa mga estudyanteng nakatingin sa amin. Gustuhin ko mang lumapit sa kanya ay nagdadalawang-isip ako dahil baka nahihiya siyang kasama ako. Kontento na akong makita siya sa malayo at yun din ang gagawin ko kung hindi siya pumayag sa alok ko.
Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang tumayo at nilapitan ako. Hinawakan niya nang mahigpit ang palapulsuhan ko at dinala ako sa tapat ng upuan niya.
“I thought you want to date me, bakit lumalayo ka?”
he whispered.
Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri at hindi ako makatingin sa kanya.
“K-Kasi baka nahihiya kang kasama ako. Galit ka na siguro kasi hindi ka pa kumakain sa mga ganitong kainan. D-Dapat pala di na kita niyayang makipag-date…”
He cleared his throat so I look at him.
“That’s fine. I also like to experience eating in this kind of place so don’t feel bad.”
Umorder ako ng kanin, menudo, bicol express at caldereta. Pinipigil ko ang aking pagtawa nang mapansing pilit na kinakain ni Juaquin ang mga inorder ko. I can just watch him frowning all day and I will never get tired by just looking at his face.
“Ayaw mo ba ng bicol express? Masarap yan.”
I asked him curiously.
He made a scrunch face.
“Hindi ko pa kasi yan natitikman tsaka baka di ko magustuhan.”
I scoop a small amount of bicol express using the serving spoon and place it in front of his mouth.
“Try mo, hindi ka malalason.”
He’s looking at my eyes while eating the food I gave him. I saw the amused emotion of his face after he tasted it.
“Masarap pala ‘to, bakit hindi ito yung niluto mo sa akin noon?”
“W-Wait, alam mong ako yung nagluluto sa’yo nung naghiwalay kayo ni Venice?”
bahagyang napalakas ang boses ko sa sobrang kaba.
He smirked.
“Sa tingin mo ba hindi kita mahuhuli? Hinihintay lang kitang umamin pero di mo naman ginawa tsk.”
Labis na tuwa ang aking naramdaman nung mga oras na iyon. Pinipigilan ko ang luha na nagbabadyang pumatak mula sa aking mga mata. Matagal niya na palang alam ang pag-ibig ko at hinihintay niya lang akong umamin.
Sumakay ako sa jeep para habulin ang sasakyan niya pauwi. Ako itong may sakit pero gusto kong makauwi siyang ligtas. Nang makababa siya ng kotse niya ay tumigil iyon sa isang malaking mansyon. Ito ang mansyon ng pamilyang Chua. Ang kanyang ama na si Sylvester Chua ang mayor ng aming siyudad.
Nang makapasok siya sa kanilang mansyon ay kinuha ko ang aking sketch pad para iguhit siyang muli. Sumandal ako sa isang puno habang inaalala ang mukha niya habang kumakain sa harap ko kanina. Nakakatuwang isipin na kahit siguro ako’y nakapikit ay kaya ko pa rin siyang iguhit. Hapon na nung mag-desisyon akong umuwi.
Nagdaan ang isang buwan at mas napansin ang pagpayat ko. Maputla na rin ang aking labi at nawalan na ng sigla ang aking mga mata. Nagpatuloy ang pagdi-date namin ni Juaquin at ngayong simula ng semestral break ay niyaya ko siyang pumunta sa amusement park.
Isa ito sa bucket list na gusto kong gawin namin sa loob ng tatlong buwan. Sumakay ako ng jeep papunta sa kanilang mansyon. Nang makarating ako ay maaga pa, kaya umupo ulit ako sa punong lagi kong tinatambayan kapag sinusundan ko siya pag-uwi. Sa loob ng ilang linggo naming pagdi-date ay hindi ko nakakaligtaan na sundan ang sasakyan niya at siguraduhing ligtas siyang makakauwi.
Kahit siguro sundan ko siya habambuhay ay hindi ako magsasawa. Mas napapanatag ang puso ko kapag nakakauwi siyang ligtas. Napatingin ako sa ulap nang biglang kumidlat at bumuhos ang malakas na ulan. Pilit akong sumisilong sa puno at nanginginig sa sobrang lamig. Wala akong telepono kaya hindi ko siya matawagan.
Gamit ang aking daliri ay ginuhit ko muli ang kanyang mukha sa langit at humihiling na sana’y lumabas siya sa kanilang mansyon at maalala niya ang date namin. Lumipas ang isang oras ay hindi pa rin siya lumalabas. Hindi ko na napigilan ang aking pag-iyak kasabay ng malakas na ulan.
“ANAK!!!”
iyan ang sigaw ni papa bago ako nawalan ng malay.
Nagising ako nang maramdaman ang basang bimpo sa noo ko. Tinulangan naman ako ni papa na umupo dahil hindi ko kaya. Mas lalo akong nanghina dahil sa taas ng aking lagnat.
My dad sighed heavily.
“A-Anak, pwede bang wag ka nang umalis ng bahay. Hindi kita mababantayan sa labas. Sinong tutulong sa’yo pag nangyari yun ulit?”
Pinilit kong magsalita.
“Pa, ayokong makulong dito sa bahay. Gusto kong masilayan ang labas kasama ang aking kaibigan.”
He genuinely smiled after hearing me.
“Kaibigan? Si Jordan ba iyang kaibigan mo na gusto mong kasama?”
Wala pa akong dinadalang kaibigan sa bahay namin. Madalas akong tanungin ni papa tungkol sa mga kaibigan ko pero si Jordan palang ang nakwento ko sa kanya. Simula pagkabata alam kong pansin niya ang pagiging mahinhin ko at mahina kumpara sa ibang kabataang lalaki na kaedad ko at hirap akong makisalamuha sa lahat ng aking mga kaklase.
I bit my lower lip.
“Meron po akong bagong kaibigan. Juaquin po ang pangalan niya.”
I can see that he’s tying to stop himself from crying.
“I-Ipapakilala mo ba sa akin iyang bago mong kaibigan?”
Tumango nalang ako sa kanya. Nananalangin akong dumating ang araw na maipakilala ko sa kanya si Juaquin. Gusto kong makilala ni papa ang lalaking tinitibok ng aking puso bago ko siya iwan.
.
SEVEN
Nag-aalmusal kami ni papa nung biglang may kumatok sa pinto. Agad namang tumayo si papa para tingnan kung sino ang nasa labas. Napahawak ako sa aking bibig nang malaman kung sino ang kumakatok.
“Nandyan po ba si Achlys?”
tanong ni Jordan kay papa.
Hawak ni papa ang pinto habang nakatingin kay Jordan.
“Bakit niyo hinahanap ang anak ko?”
“Aalis po kami ng anak niyo…sir.”
sabi ng pamilyar na boses.
Kaagad akong tumayo at lumapit kay papa. ”
Pa, sila yung mga kaibigan ko. Ito po si Jordan… ”
tinuro ko si Jordan at sunod si Juaquin.
“Siya naman po si Juaquin.”
Dad nodded.
“Ganon ba? Pasensya na kayo mga iho, hindi ko alam na kaibigan pala kayo nitong anak ko. Pasok kayo.”
Jordan is wearing a black tshirt, fitted jeans and a leather booths while Juaquin is wearing his short sleeve polo, tan jeans and a pair of loafers shoes.
Maliit lang ang bahay namin kumpara sa kanilang dalawa pero komportable naman silang umupo sa dining table para saluhan kaming kumain.
“San niyo pala balak pumunta?”
tanong ni papa kila Juaquin pagkatapos naming kumain.
“Sa Star City lang po. Aalagaan po namin yung anak niyo.”
Jordan assured my dad.
Napakamot si papa ng ulo.
“Mga iho, hindi kasi pwedeng sumama itong si Achlys sa inyo dahil meron siyang karamdaman.”
Napatigil si Juaquin sa pag-inom ng tubig.
“A-Ano po bang sakit niya?”
“Hika! May sakit akong hika.”
ako na ang sumagot dahil ayokong malaman nila.
My dad looked at me confusely. I know he didn’t expect that I will tell a lie. I’ve always been honest to everything but I don’t want my illness to be a hindrance. I want to experience being carefree and just enjoy the few weeks I have left.
“Sige. Mga iho, wag niyong papagurin itong anak ko. Bawal siyang sumakay sa mga matataas at mapanganib na rides. Iuwi niyo rin siya sa akin ng ligtas.”
my dad remind them.
Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Jordan. Nakakapagtakang hindi dala ni Juaquin ang kotse niyang si Mcqueen. Tahimik lang si Juaquin habang katabi ko siya sa passenger seat. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din kami sa Star City.
Sila na ang nagbayad ng entrance fee ko pagpasok namin. Niyaya ko silang bumili ng mga animal headbands at hindi naman sila umalma. Nakasuot ako ng bear headband, cat ang kay Jordan habang bunny naman ang kay Juaquin. Hawak ko ang cellphone na pinahiram sa akin ni Juaquin at nagpicture kaming tatlo.
Sumakay kaming tatlo sa carousel habang nagtatawanan dahil mga bata ang kasabay naming nakasakay. I used the phone of Juaquin to took a video of our faces while laughing.
Nung mga oras na iyon, hinihiling ko na sana mawala na yung sakit ko. Ganito pala yung pakiramdam ng may kaibigan? Gusto ko silang makasama ng mas matagal pero…
“Achlys, okay ka lang?!”
tanong sa akin ni Jordan nang mapansin ang patuloy kong pag-ubo.
Umalis saglit si Juaquin para bumili ng inumin kaya si Jordan lang ang aking kasama. Tiningnan ko ang kamay kong pinantakip sa aking bibig at napaiyak nang makita ang dugo.
Napaawang ang labi ni Jordan nang mapansin niya iyon.
“H-Hindi gamot pang-hika yung iniinom mo, tama ba ako?”
Tumango nalang ako. I felt guilty especially that I lied to him and I know that he’s just worried about me.
It a white lie and I have good intention why I did that. He covered his eyes trying to stop himself from the urge of crying.
“Please don’t tell this to Juaquin. I’m begging you, Jordan.”
I pleaded.
Lumuhod siya para magpantay kami at dahan-dahang hinawakan ang braso ko.
“B-Bakit siya pa rin yung iniisip mo, Achlys? Dapat nagpapagaling ka. Di’ba sinabi ko naman sa’yo na wag mo akong pag-aalahanin?”
“Kaya nga di ko sinabi sa’yo dahil alam kong magagali-”
Jordan cut me off.
“Magagalit talaga ako!”
he massaged the bridge of his nose, trying to calm himself down.
“S-Sorry, Achlys. Nag-aalala lang ako.”
Nakita kong papalapit sa amin si Juaquin. Dali-daling kinuha ni Jordan ang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang kamay kong may dugo.
Tumayo si Jordan at lumapit kay Juaquin.
“Pare, iuwi na natin si Achlys. Baka magalit sa’tin si tito.”
Tumango naman si Juaquin. Sumakay kami ulit sa kotse ni Jordan pauwi sa bahay ko. Nagpaalam naman ako sa kanila bago tuluyang pumasok ng bahay.
Kaagad namang natuwa si papa nung makita ang headband ko na suot ko.
“Mabuti naman at nakauwi ka bago dumilim, anak.”
Niyakap ko si papa nang mahigpit. ”
Pa, alam mo sobrang saya ko.”
Tumango naman si papa habang hinahaplos ang aking likod ng mapansing umiiyak ako.
“A-Anak, mukhang hindi ka na ulit makakabalik sa pag-aaral…”
Umalis ako sa pagkakayakap at tiningnan siyang maigi.
“B-Bakit po papa?”
“Tumawag sa akin ang doktor mo, kailangan ka ng ma-confine sa ospital. Para sa kalusugan mo ito, anak.”
may bahid na pag-aalalang wika ni papa.
“Pero, papa ayos pa naman ako. Wala pa namang tatlong buwan-”
“Hihintayin mo pa ba ang tatlong buwan, anak!?”
bahagyang napalakas ang boses ni papa.
“Pa, mahal ko si Juaquin!”
sigaw ko sa kanya. Lumuhod ako para magmakaawa.
“Pa, gusto ko pa siyang makasama, please. I-Isang araw. Bigyan mo po ako ng isang araw para makasama siya.”
Marahil ay naawa sa akin si papa kaya pumayag nalang siya. Isang linggo nalang ay matatapos na ang sembreak. Hindi na rin ako makakapasok sa eskwalahan dahil kailangan ko ng manatili sa ospital.
Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa mansyon nila Juaquin. Dala ko sa bag ang aking gamot, payong, sketchpad at ang aking lapis. Nais ko siyang iguhit nang malapitan. Noon kasi ay sa malayo ko lang siya nakikita at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na mapalapit sa kanya.
Napangiti ako nang dumungaw siya sa bintana ng kanyang kwarto kaya agad ko siyang kinawayan. Nakita ko ang paglaki ng kanyang mga mata nang makita ako sa labas ng mansyon nila.
Matagal akong naghintay sa kanya pero hindi niya ako pinuntahan. Pasakay na ako ng jeep pauwi nang bigla kong marinig ang kanyang boses.
“Achlys! Hey, saan ka pupunta?”
Humarap naman ako sa kanya at hinayaang umalis ang jeep. Nakita ko siyang kasama si Venice at papalapit sila sa akin. Parang dinudurog ang puso kong makita silang dalawa pero handa ko siyang suportahan kung saan siya masaya.
“N-Naligaw kasi ako, di ko naman alam na mansyon niyo pala ito. S-Sige uuwi na ako.”
nauutal kong sabi at tumalikod sa kanilang dalawa.
Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas na magpatuloy sa paglalakad. Kasabay ng bawat hakbang palayo sa kanya ay ang pagtulo ng aking mga luha.
Marahil ay sila na ulit.
Dapat akong maging masaya para sa kanya.
Siguro’y dapat ko ng kalimutan ang nararamdaman kong pag-ibig.
“Gusto mo bang sumama sa’min?!”
sigaw ni Venice na siyang nagpatigil sa akin.
Pinunasan ko ang aking mga luha at ngumiti bago ako humarap sa kanila.
“T-Talaga? Saan ba kayo pupunta?”
Achlys, hanggang kailan mo ba sasaktan ang sarili mo?
“B-Birthday ni mom. Gusto mo bang sumama sa loob?”
alok sa akin ni Juaquin.
Tumango naman ako at sumunod sa kanila. Nakahawak si Venice sa kamay ni Juaquin ng makapasok kami sa garden nila. Napakaraming bisita na nakasuot ng pormal na kasuotan, at iba’t-ibang putahe ang nakahanda sa mahabang lamesa.
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan nung makita ko si Mayor Sylvester Chua na nakasuot ng black pair of suit habang si Mrs. Anasthasia Chua na suot ang kanyang red long dress.
Napatingin ako sa suot kong pantalon at luma kong sapatos. Gustuhin ko mang umalis sa kinatatayuan ko ay hindi ko magawa dahil nakatingin na sa akin ang ibang bisita. Mapanghusga ang kanilang mga titig at marahil ay nagtataka kung bakit ako nakapasok dito.
Nanginginig na ang aking mga tuhod nang lapitan ako ni Juaquin.
“Hey, are you okay?”
Tumango nalang ako.
“A-Ayos lang ako. Kailangan ko ng umalis, Juaquin. Hinahanap na yata ako ni papa.”
pagsisinungaling ko.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at bumuntong-hininga.
“Gusto kitang ipapakilala kila dad, Achlys. Please trust me. Hindi kita pababayaan.”
Tumango nalang at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko papunta sa table nina Mr. at Mrs. Chua. Napapagitnaan naming dalawa ni Venice si Juaquin. Maya-maya pa’y dumating ang ilang kasambahay nila Juaquin at nilapag ang mga pagkain sa table namin.
May sausage rolls, chocolate truffles, chicken empanadas at steaks ang nasa tapat ko ngayon. Nag-alay muna ng speech ang mag-asawang Chua bago magsimulang kumain ang lahat. Hindi naman ito pinakinggan ni Juaquin at nauna ng kumain.
“You’re Achlys, right?”
tanong sa akin ni Mrs. Chua nung matapos akong kumain.
I cleared my throat before answering her.
“Y-Yes po.”
I saw her smirked.
“Anong trabaho ng parents mo?”
walang alinlangan niyang tanong.
Mabilis na tumayo si Juaquin at hinampas ang lamesa.
“Mom, why do you have ask that?”
She rolled her eyes.
“Because he’s you’re frien-”
“I told you, I’m dating him!”
malakas na sigaw ni Juaquin sa mom niya.
Nakatingin na sa amin ang ibang bisita. Magkasalubong ang kilay ni Mr. Chua at nakatingin naman ng masama sa akin si Venice. Napaawang ang labi ko nang tumayo si Mrs. Chua at sinampal si Juaquin.
“You disappointed me, son.”
malamig na sabi ni Mrs. Chua bago siya naglakad palayo.
.
EIGHT
Hawak ni Juaquin ang kamay ko palabas ng mansyon nila. He’s panting and breathing heavily. He’s wearing his black longsleeves, slacks and his oxford pair of shoes.
Nang makalabas kami sa mansyon ay hinawakan ko ang kamay niya at pumara ako ng bus. Nakita ko ang pagdadalawang-isip sa mukha ni Juaquin pero wala na siyang nagawa nung pumasok ako sa loob ng bus kaya sumunod siya.
This must be his first time riding a bus. Puno ang loob ng pumasok kami kaya napilitan kaming tumayo. Parehas kaming pawis habang nakahawak sa bus handrails. Napangiti ako nang kuhanin niya sa likod ko ang dala kong bag.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero alam kong masaya ako kapag kasama siya.
He chuckled.
“Whooo! Grabe yon. Para tayong hinahabol ng pulis.”
I gave him a sweet smile.
“Bakit ka kasi umalis? Baka mas lalong magalit sa’yo yung mga magulang mo.”
He grasped his head.
“Hayaan mo na silang magalit, ang mahalaga ay masaya ako ngayon.”
he said and gave a wink.
Sana ay isa ako sa dahilan kung bakit siya masaya. Dahil iyon ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng bus, pero sana’y matagal pa ang aming destinasyon.
Maya-maya pa’y may isang ale na tumayo mula sa upuan at lumabas ng bus. Alam kong pagod na si Juaquin sa tagal naming nakatayo kaya siya ang gusto kong umupo.
“Upo ka na, Juaquin.”
I offered him the vacant seat.
Napakamot siya ng ulo.
“Bakit ako? Dapat ikaw ang umupo.”
“Wag na, hindi pa naman ako pagod.”
I lied. I’m physically tired but being with him makes me strong.
He took a deep breath.
“Ikaw ang uupo o ako ang uupuan mo?”
Napatingin kay Juaquin ang ilang pasahero nung sinabi niya iyon. Ako na yung nahihiya para sa kanya dahil seryoso niya iyong sinabi. Umupo nalang ako sa bakanteng upuan habang nakatayo siya sa gilid ko.
Bumaba kami sa isang malawak na park. Kinuha ko sa kanya ang bag ko at sabay kaming naglakad. Hapon na nung makarating kami kaya hindi na mainit ang kapaligiran.
Nakaupo kami sa malawak na damuhan habang pinagmamasdan ang mga batang nagtatakbuhan. Nakaramdam ako ng kapayapaan nung mga oras na yon. Lumingon ako sa katabi kong si Juaquin at nakita ko siyang nakatingin din sa akin.
I smiled at him genuinely.
“Can I draw you?”
I saw the surprise look from his face.
“S-Sige. Ayusin mo, gusto ko gwapo ako sa drawing mo.”
Matagal ka ng gwapo sa paningin ko
.
Nilabas ko ang sketch pad at pencil sa bag ko. Napangiti ako nung humarap siya sa aking direksyon para mas madali ko siyang maiguhit. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
Nanginginig ang aking kamay habang siya’y aking ginuguhit. Matagal ko na siyang pinagmamasdan pero ngayon ko lang napansin na may maliit pala siyang nunal sa gilid ng kanyang kaliwang mata.
“My parents want me to marry Venice.”
pagbasag niya ng katahimikan.
I saw him smirked before he continue.
“Simula nung nalaman kong hindi siya yung nagpapadala nung mga natatanggap kong sulat noon, nawala na yung pagmamahal ko sa kanya.”
Napatigil ako sa pagguhit at tiningnan ko siyang maigi.
“K-Kailan ka ba nagsimulang makatanggap ng sulat?”
“A year ago.”
he answered.
Nabitawan ko ang hawak kong lapis nung marinig ko iyon sa kanya. Sobrang daming tanong sa utak ko pero hindi ko masabi.
“Noong una, hindi ko pinansin ang mga sulat na natatanggap ko sa loob ng locker ko pero nung unang beses ko iyong nabasa ay naging interesado ako sa sumulat. Mas kilala niya pa ako kesa sa sarili ko. Minsan kong naabutan si Venice sa tapat ng locker ko, kaya inakala kong siya yung nagpapadala nun. Pero nung nakasama ko siya nang matagal, nalaman kong hindi sa kanya galing ang mga sulat.”
he explained.
Juaquin, ako yun
!
Sa akin galing ang mga sulat.
Ako yung mas nakakakilala sa’yo kesa kay Venice.
Gustuhin ko mang aminin iyon sa kanya pero naunahan ako ng kaba. Natatakot ako na baka hindi niya matanggap na sa akin galing ang mga sulat. Natatakot ako na baka layuan niya ako at hindi ko na siya ulit makita sa mga huli kong sandali.
“Bakit parang mas gwapo ako dito sa drawing mo?”
tanong niya sa akin habang hawak ang sketch pad ko.
“Gwapo ka naman talaga.”
I blurted.
I saw him blushed.
“Alam mo marami nang nagsabi sa akin niyan pero sa’yo lang ako kinilig.”
Hindi ako makapagsalita pagkatapos ko yung marinig sa kanya.
I cleared my throat to broke the silence.
“S-Salamat, Juaquin.”
“Para saan?”
he whispered.
I looked at the sky trying to stop myself from the urge of crying.
“S-Sa lahat-lahat. Matatapos na yung tatlong buwan nating date at gusto kong malaman mo na seryoso ako nung sinabi kong hindi na ako magpapakita sa’yo ‘pag natapos ito.”
He bit his lower lip.
“Malapit na palang matapos ang tatlong buwan, hindi ko man lang namalayan.”
I chuckled when I saw his disappointed face.
“Kaya pagkatapos nito, gusto ko makita kang mas masaya. Alagaan mo yung sarili mo at lagi kang mag-iingat.”
He frowned.
“Kung makapag-payo ka parang hindi na tayo magkikita.”
I bite my lower lip.
“S-Syempre magkikita pa tayo.”
I lied.
Pwede bang wag na matapos ang araw na ito?
Maari ko bang patigilin ang oras kahit sandali
?
Hindi ko na siya kayang iwan.
“Juaquin!”
sigaw ko sa kanya bago siya umalis nang sunduin siya ng dad niya. Pinipilit niya akong isama pauwi pero di na ako pumayag.
Napalingon siya sa akin bago sumakay sa van nila.
“Bakit?”
Mahal kita!!!
Mahal na mahal kita.
Salamat sa alaala.
“Mag-iingat ka!”
paos kong sigaw mula sa malayo.
Tumango naman siya bago pumasok sa sasakyan. Pinagmamasdan ko ang pag-alis ng sasakyan nila Juaquin habang patuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Pilit kong kinalma ang sarili ko bago ako sumakay ng bus.
Kaagad akong niyakap ni papa nung makita niyang umiiyak ako.
“Sinabi mo ba sa kaibigan mo ang totoo?”
I shook my head.
“H-Hindi po, pa. Hindi ko po kayang sabihin sa kanya.”
Our house filled with me and my dad’s sobs and whimpers. Now I know how much it hurts my dad when my mom died. It’s tearing my heart to leave someone I love but this is what I need to do.
Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni papa para mag-empake ng ilang gamit na kailangan ko sa ospital. Hindi ko alam kung gaano katagal akong mananatili sa ospital o kung makakalabas pa ba akong muli. Hawak ko ang sketch pad na may lamang drawings ni Juaquin at ang huling sulat ko para sa kanya.
“Papa, pwede bang pahiramin mo ako ng iyong gamit sa pagpinta?”
tanong ko kay papa.
He looked at me with curiosity on his eyes.
“Para saan mo naman gagamitin, anak?”
I cleared my throat.
“G-Gusto ko pong ipinta si Juaquin. Nais ko ring ipinta ang mahal ko kagaya ng ginawa mo kay mama nung niligawan mo po siya.”
My dad immediately hugged me. He’s panting heavily and he’s now crying.
“Oo naman, anak. Kahit ano gagawin ko para sa’yo. Nais mo bang ibigay kay Juaquin?”
I shook my head.
“H-Hindi ko po alam, papa. Baka po hindi na kami muling magkita.”
Umalis siya sa pagkakayakap at hinawakan ako sa balikat.
“A-Anak, wala ka ba talagang balak sabihin sa kanya ang karamdaman mo?”
“Mahina na po ako, papa. Ayoko pong makita niya akong ganito. Hindi ko po gustong maging pabigat sa kanya.”
I said in a hoarse voice.
Tumango nalang si papa. Siya na ang nagbuhat ng maleta na may lamang mga gamit ko pababa sa living room. Maya-maya pa ay bumusina na ang taxi na maghahatid sa amin sa ospital.
Tumigil ang taxi kung saan kami nakasakay sa tapat ng Philippine Heart Center. Nakatingin lang ako sa labas ng buong ospital at parang ayoko ng pumasok. Nakayukom ang aking mga kamay at doon ako kumukuha ng lakas para hindi umiyak.
My dad stopped from walking when he noticed I’m not following him.
“Anak, anong problema?”
Pa, pwede bang wag na akong tumuloy?
Gusto ko pa pong makita at makasama si Juaquin.
Nais kong masilayan ang kanyang mukha kahit sa huling pagkakataon.
Iyan ang gusto kong sabihin kay papa pero nawalan na ako ng lakas ng loob. Dahan-dahan akong lumakad palapit kay papa.
“Wala pong problema, papa.”
Marahil ay nakahiram na si papa ng pera dahil isang private room ang aking magiging silid. The room where I’ll be staying isn’t huge but it’s fine. My dad is the only person I have on my side and I don’t expect any visitors other than him.
Isang linggo na akong naka-confine sa ospital. Mas pumayat at humina ang katawan ko. Sinimulan ko na ring ipinta si Juaquin dahil pinahiram sa akin ni papa ang mga gamit niya sa pagpipinta. Nanginginig na ang aking mga kamay kaya marami na rin akong nasayang na canvas at pintura. Sinabihan ako ni papa na siya na daw ang magpinta kay Juaquin, pero hindi ako pumayag.
Kasalukuyan akong nakatayo habang nakadungaw sa bintana ng kwarto ko nang bigla akong makarinig ng kumakatok sa pinto. Pilit akong lumapit sa pinto para buksan iyon at nagulat ako sa aking nakita.
Kaagad akong niyakap ni Jordan habang patuloy ang pag-iyak.
“I-I’m sorry, Achlys. H-Hindi ako nakapunta agad.”
.
NINE
Hindi ko inaasahang bibisita si Jordan sa akin. Siya ang una kong naging kaibigan at isa siya sa dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban.
“K-Kumusta ka na?”
tanong ko sa kanya.
He sighed heavily.
“O-Okay lang. Ikaw ba? Hindi ka ba nababagot dito?”
tanong niya habang hawak ang kamay ko.
I smiled flatly at him.
“Hindi naman ako nababagot dito. Mababait ang mga doktor at mga nurse.”
Totoo iyon. Mabait ang doktor ko na si Doc. Mendez at kasundo ko ang lahat ng nurse. Madalas nila akong tanungin kung bakit walang bumibisita sa akin na mga kaibigan at sasabihin ko namang abala ang mga kaibigan ko dahil balik-eskwela na.
He sincerely smiled while looking at my eyes.
“Mabuti naman kung ganon. Nag-aalala kaming lahat sa’yo nung hindi ka pumasok ng isang linggo. Pinuntahan kita sa bahay niyo at nakita ko dun ang papa mo na nag-eempake ng mga gamit.”
Binenta na ni papa ang bahay namin. Malaki kasi ang bayarin sa mga gamot at mga physical tests para suriin ang aking karamdaman. Hindi man sigurado ang paggaling ko pero patuloy akong hindi sumusuko dahil naaawa ako kay papa. Lahat ng mga paintings niya ay binenta niya sa mababang halaga dahil kailangan namin ng pera. Nakakalungkot isipin na walang tumulong sa aming mga kamag-anak.
“Lilipat na kasi si papa ng bahay. Masyadong malaki ang luma naming bahay para sa kanya.”
I explained to Jordan.
He frowned.
“B-Bakit sa kanya lang? Hindi ka ba sasama sa kanya?”
I lowered my head at bite my lip.
“H-Hindi na ako magtatagal, Jordan.”
Bigla siyang tumayo at tumalikod sa akin. Mabilis ang kanyang paghinga at napansin ko iyon sa galaw ng kanyang mga balikat.
Humarap siya sa akin habang namumula ang sulok ng kanyang mga mata.
“A-Anong sinasabi mong hindi ka na magtatagal?! Bakit di mo sinabi sa akin, Achlys? Tutulungan naman kita eh.”
Itinaas ko ang nanghihina kong kamay at inabot ang kanyang umiiyak na mukha.
“P-Patawarin mo ako, Jordan. Ayokong maging pabiga-”
He cut me off.
“Fuck! Hindi ka kailanman naging pabigat, Achlys. Para sa akin ikaw ang pinakamahalaga.”
I wiped his tears.
“A-Anong ibig mong sabihin?”
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mukha ko at lumapit siya sa akin.
“Look at my eyes, Achlys. Now tell me what can you see?”
I looked at his eyes intently.
“Syempre ako yung nakikita ko. Kaharap mo ako eh.”
He sighed heavily.
“Mahal kita. Mahal kita, Achlys pero si Juaquin ang lagi mong nakikita!”
Hindi ako kaagad nakapagsalita nung marinig ko iyon sa kanya. Madaming tumatakbo sa utak ko pero di ko alam saan ako magsisimula.
“B-Bakit ako, Jordan?”
I blurted.
He bite his lower lip.
“Bakit hindi ikaw? Bakit ba ang baba ng tingin mo sa sarili mo? Achlys, di mo ba napapansing patay na patay ako sa’yo?”
My lips parted in shock.
“A-Anong gagawin ko, Jordan?”
He shook his head.
“Wala kang dapat gawin, Achlys. Ayokong pilitan ka sa bagay na hindi mo magugustuhan. Alam kong si Juaquin ang mahal mo pero hayaan mo akong alagaan ka.”
Tumango nalang ako bilang pagsang- ayon. Simula nun lagi na akong binibisita ni Jordan pagkatapos ng klase niya. Hinabilin ko kay papa at Jordan na wag ipaalam kay Juaquin kung nasaan ako at kung ano ang kalagayan ko ngayon.
“Anak, kumain ka din nitong mansanas.”
alok sa akin ni papa.
I got the apple that he’s holding and bite it. I’m now confined in this hospital for 2 weeks and I never get bored because of dad and Jordan.
Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto at iniluwal non si Jordan na may dalang daisy bouquet at iniabot niya iyon sa akin ng nakangiti.
My dad cleared his throat.
“Kumusta ang pag-aaral mo, Jordan?”
Jordan sat beside me on my bed and turn his face to dad.
“Maayos naman po, tito. Malapit na po ang final exams pero kayang-kaya.”
My dad smiled after hearing Jordan.
“Mabuti naman kung ganon. Huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo.”
“Tama si papa, Jordan. Hindi naman kailangang araw-araw ka ditong bumisita. Ang laki na ng eyebags mo. Magiging panda ka na niyan.”
pagbibiro ko.
Sabay namang tumawa sila papa at Jordan. Nagkwento si Jordan tungkol sa pamilya at pag-aaral niya pero hindi niya nabanggit si Juaquin. Marahil ay wala ng pakialam si Juaquin at tuluyan niya na akong nakalimutan.
Masaya kaya siyang hindi niya na ako nakikita?
Kumakain kaya siya nang maayos?
Nakakauwi ba siya ng ligtas?
Ang dami kong gustong itanong kay Jordan pero tumahimik nalang ako. Hirap na akong tumayo kaya naka-wheelcheer ako kapag aalis ng kwarto ko. Saulo ko na yata ang kabuuan ng ospital sa tagal ko na ditong naka-confine.
Nakita kong tulog si papa sa sofa malapit sa kama ko. Pinilit kong tumayo mula sa pagkakahiga at umupo sa wheelchair ko. Lumapit ako sa painting na ginawa ko kay Juaquin at inalis ang telang nakabalot dito. Wala akong litrato niya kaya ang painting na gawa ko ang lagi kong pinagmamasdan sa umaga paggising at bago ako matulog sa gabi.
Miss na kita, Juaquin.
Ramdam kong malapit na rin akong mawala.
Maari ba akong humiling muli na makita ka?
Gusto kitang makasama bago mahuli ang lahat.
Iyan ang hiling ko nung gabing iyon habang pinagmamasdan ang gawa kong painting sa kanya. Umiiyak ako ng tahimik dahil ayokong makita ako ni papa na malungkot. Bumalik ako sa aking kama at pinapanalangin sa sana’y mapaniginipan ko si Juaquin.
Tanghali na ng magising ako kinabukasan. Hindi ko makita si papa sa kwarto ko kaya napagdesisyunan kong lumabas. Bumaba ako habang sakay ng elevator para hanapin si papa. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang hindi inaasahang bisita.
“A-Anong ginagawa mo dito?”
tanong ko kay Juaquin nung pumasok siya sa ospital kung saan ako naka-confine.
Nakita ko ang mabilis na pagbago ng kanyang mukha nang makita ang kalagayan ko. Nakasakay ako sa wheelchair na pinag-ipunan ni papa para mabili sa akin. Hawak ko ang swero na nakakabit sa aking kamay at mahina na ako.
Lumapit siya sa akin at lumuhod.
“Hinanap kita, Achlys. B-Bakit bigla ka nalang hindi nagpakita? B-Bakit hindi ka na nagparamdam sa akin? Ilang linggo akong naghanap sa’yo kung saan-saan na parang tanga.”
Hinawakan ko ang kanyang mukha nung magsimula siyang umiyak.
“Juaquin, ano ka ba? Matatapos na yung tatlong buwan na pangungulit ko sa’yo. Hindi ba dapat…masaya ka?”
Napasabunot siya sa kanyang buhok na parang hindi niya inaasahan na marinig iyon sa akin.
“Fuck! I wanna spend my life with you, A-Achlys. Just forget about our deal. Gusto na kita. This time gusto na kita. Gustong-gusto na kita!”
Hindi ko na napigilan ang pagbukso ng aking damdamin nung marinig ko ang pagtatapat niya. Pinunasan ko ang kanyang mga luha gamit ang nanginginig at payat kong mga kamay. Napakasakit sa akin ang makita ko siyang umiiyak. Parang nadudurog ang puso ko.
Nginitian ko siya nang pilit dahil, ayaw kong umiyak sa harap niya. Gusto ko makita niyang matatag ako at kaya ko pang lumaban para sa kanya. Para sa aming dalawa.
Gusto niya na daw ako.
Achlys, ito na yung pinakahihintay mo.
Sa wakas, mahal ka na ng taong mahal mo.
Parang gustong tumalon ng puso ko dahil iyon din ang lagi kong pinagdadasal. Lagi kong hinihiling na sana mapansin niya din ako. Sana tingnan niya din ang direksyon ko. Na sana mahalin niya rin ako…kung papalarin.
“S-Salamat, Juaquin. H-Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya.”
sinuklay ko ang pawis niyang buhok para ayusin iyon.
Ngumiti siya sa akin habang namumula ang sulok ng kanyang mga mata.
“So, tayo na ba?”
Kami na ba?
Juaquin, gustong-gusto kong maging tayo pero…
Mawawala na ako sa mundong ito.
“H-Hindi na kita gusto.”
I whispered using my soft voice.
That was lie.
Pero, kailangan kong gawin ito dahil natatakot akong iwan siyang mag-isa.
Bigla siyang tumayo nang marinig iyon sa akin.
“Wala akong pakialam! Ang mahalaga gusto na kita. Hayaan mo akong mahalin ka, Achlys
. Nagmamakaawa ako sa’yo
”
he pleased in a hoarse voice.
Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Itinaas ko ang aking kamay para abutin ang mukha niya at lumuhod siya sa akin para mag-pantay kami. Kahit anong pilit kong ipagtabuyan siya ay hindi ko magawa kapag nakikita ko siyang umiiyak.
Tinulungan niya akong makabalik sa loob ng kwarto ko. Maingat ang kanyang pagkilos na para akong isang babasaging gamit. Napakasaya ng aking pakiramdam at parang nalimutan ko ang aking sakit nung marinig ko ang pagtatapat niya.
Mahal namin ang isa’t-isa at iyon ang mahalaga. Hindi alintana ang aking karamdaman at ang pagsapit ng araw at buwan para kami’y maghiwalay.
Sana’y wag na itong matapos, iyon ang aking pinapanalangin.
.
TEN
Dumaan ang ilang linggo at mas lumala ang aking kondisyon. Madalas akong hindi makatulog sa gabi dahil sa patuloy na pag-ubo. Naka-kabit na sa akin ang ilang aparato na siyang tumutulong para makahinga ako nang maluwag. Simula nung magtapat ng pag-ibig sa akin si Juaquin ay lagi niya na akong binibisita pagkagaling sa eskwela. Madalas ay kasama niya si Jordan at buong hapon nila akong ki-kwentuhan.
Mahimbing ang aking tulog nang makaramdam na may humahawak sa kamay ko. Minulat ko ang aking mga mata at nilingon ang nasa tabi ko. Napangiti ako nang makita si Juaquin na mahimbing ang tulog habang hawak ang aking kaliwang kamay.
Gamit ang aking kanang kamay ay sinuklay ko ang kanyang buhok. Hindi naman siya nagising kaya hinawakan ko ang kanyang mata, ilong, pisngi at ang kanyang labi.
Nagulat ako nang makita si papa na pumasok sa loob ng aking kwarto at doon ko lang nalaman na malalim na ang gabi. Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni papa nang makita ang natutulog na si Juaquin sa tabi ko.
I put my index finger to my lips asking my dad to be quiet. Umupo nalang siya sa sofa habang nakatingin sa amin. Lumipas ang ilang minuto ay nagising na si Juaquin.
“Sorry, Achlys. Matagal yata akong nakatulog.”
bungad ni Juaquin nang makita akong nakatingin sa kanya.
I smiled at him.
“Okay lang, umuwi ka na baka hinahanap ka na sa inyo. Tsaka nandito na si papa.”
I pointed at my dad’s direction.
Biglang napatayo sa upuan si Juaquin nang makita si papa na nakangisi.
“Magandang gabi po, tito. Nandito po ako dahil gusto kong bisitahin ang anak niyo.”
My dad shrugged.
“Alam ko Juaquin, dahil halos ayaw mo na akong tigilan sa kakatanong kung nasaan ang anak ko.”
Juaquin walked closer to my dad and whispered something. I saw how my dad frowned after hearing Juaquin.
“Pasensya na iho, pero hindi pwedeng umalis ng ospital ang anak ko. Nakikita mo bang mahina na siya?!”
my dad bellowed at Juaquin.
Nakita ko ang pagluhod ni Juaquin kay papa.
“Tito please, gusto ko pong makasama ang anak niyo.”
Biglang pumasok si Doc. Mendez sa loob ng kwarto ko at nagulat nang makita si Juaquin na nakaluhod at umiiyak.
“The patient’s panting and can’t breathe properly because of his weak pulse and his lungs aren’t functioning well. He’s now critical and his body can’t withstand any more external shocks. We’re just…counting his last days.”
Doc. Mendez advised.
Mas lalong lumakas ang iyak ni Juaquin nung marinig iyon. Si papa naman ay pilit na pinipigilan ang kanyang pag-iyak. It must be hard for them to know the truth.
“Ano po bang kailangan nating gawin doc? Kung kailangan niya ng heart donor, handa akong ibigay ang puso ko para kay Achlys mapagaling niyo lang siya.”
Juaquin blurted.
I shouted.
“Juaquin, stop! Ano bang iniisip mo? Mas lalong ayokong mabuhay kung mawawala ka!”
Juaquin turned his face to me.
“Achlys, kunin mo nalang din ang puso ko kung iiwan mo rin ako.”
pagsusumamo niya.
Tumingin ako kay papa na patuloy ang pag-iyak at paghagulgol.
“Pa, g-gusto ko pong sumama kay Juaquin. Maari mo ba kaming payagan?”
Lumapit sakin si papa at niyakap ako. Parang ayaw niya akong bitawan nung mga oras na yon.
“S-Sige anak. Papayag na ako kung iyon ang gusto.”
hinalikan niya ang noo ko.
Hinatid kami ni papa hanggang makalabas kami ng ospital. Nakasakay ako sa aking wheelchair habang nasa likod ko si Juaquin. Nung makarating kami sa harap ng sasakyan ni Juaquin ay agad akong niyakap ni papa.
“Please be my child again, huh?”
my dad whispered.
Hinalikan ko si papa sa pisngi.
“Opo, papa. Gusto ko pong maging anak mo ulit. Mahal na mahal po kita.”
Nakasakay ako sa shotgun seat ng kotse ni Juaquin. I never thought that I would have the chance to get inside of his Mcqueen (car). Hawak niya ang kamay ko habang naglalakbay sa madilim at malamig na gabi. Tumigil kami sa isang dagat. Nagulat ako nung binuhat niya ako sa kanyang likuran. Mahigpit ang kapit ko sa kanyang leeg habang pinipigilan ang pag-iyak.
“K-kailan mo ako nagustuhan?”
paos na tanong ko kay Juaquin habang yakap niya ako sa ilalim ng buwan. Suot ko ang dala niyang jacket para di ako lamigin.
He kissed my forehead.
“Well, I think it’s when we had our first date sa karenderya. Remember when you said that you might embarrass me so you distance yourself. Doon ko na-realize na you really care for me.”
I nodded.
“I really care for you. Everything about you matters to me. I want you to… find someone who will care for you just like how I care. I wanna see you happy and grow with someone you truly love.”
He gasped while I’m leaning on his shoulder.
“I don’t think I can find someone like you, Achlys. Nag-iisa ka lang sa puso ko.”
Dahan-dahan akong umalis mula sa pagkakasandal sa kanyang balikat. Pinunasan ko ang kanyang mga luha gamit ang nanginginig kong mga kamay.
“S-sinabi sa’kin ng papa mo na gusto mong pumunta ng Japan. N-nakapag-book na ako ng ticket natin at aalis tayo agad bukas. Achlys, sabay nating puntahan ang Mount Fuji tapos hintayin natin ang spring para makita natin yung cherry blossoms. G-gusto mong makita yon diba?”
I’m trying to keep my eyes open because I’m afraid that I won’t see him again if I close it.
“Juaquin, hindi na yata ako makakasama sa’yo sa Japan. Pero may ginawa akong painting para sa ‘yo, kasama nun ang isang sulat na naglalaman ng tapat na pagmamahal ko.”
Tumango si Juaquin habang patuloy ang pag-iyak. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ang aking mga labi.
“If I were to be born again, I’d find you sooner. Let’s meet each other again, Juaquin.”
that’s what I said before I peacefully left him.
That night, he fulfilled my last wish to be on my side before I catch my last breath.
To Juaquin,
If I could bring back the time, I would like to pursue you since the first day I loved you. I was in 1st year highschool when I realized that I liked you. You probably didn’t notice me because there’s a lot of people who adore you. I did my best to keep up with them, but I’m just a nobody and my presence wasn’t noticeable enough.
I’ve been through a lot just for you to date me. I even ran a tracking field, went outside of your house just to make sure that you’re safe, cooked your lunch everyday, and feel embarrassed when you’re avoiding me.
But, it’s all worth it when you grant my only wish. You don’t know how much happy I am that time. Imagine winning a lotto after trying a million times. I couldn’t express how you made my life worth living for.
When we had our first date, I made sure to entertain you because you seemed bored. You must have felt uneasy because you’re dating a guy. I tried to swallow my pride at that time because I badly wanted to be with you.
It feels surreal and unbelievable that someone like you will notice someone like me. There’s nothing special about me. I’m not good looking, don’t have white skin, and even my personality sucks. I couldn’t even make you smile just like how you are to me.
For the man who captured my heart, please be free. I want to see you grow as a person, be with someone who can stay with you till you grow old, and be happy, just like the last time I saw you.
Thank you for fulfilling my last wish, Juaquin.
Sincerely yours,
Achlys
:/

