Game of Cards #1: Kreios Castellano
HiroYuu101 · 53 chapters · 52,730 words
Wattpad Originals Announcement
Hello, Hiroes!
I am thrilled to announce that this story, Game of Cards #1: Kreios Castellano, has been chosen to be a part of Wattpad Originals, formerly paid stories!
I want to share a little backstory about #GOCKC. I started writing this story back in 2021. I even went to Iloilo kasi doon ang setting ng Game of Cards para masulat ko nang maayos ang mga lugar na babanggitin and so I could experience firsthand the beauty of Iloilo. But I stopped writing this as I focused on my other series muna which is yung CPS. But I lost my drive to write GOC kahit natapos ko na ang CPS. Gumawa pa nga ako ng ibang series which is yung LDS.
Wattpad then contacted me and I finally found my lost drive to write the story again. They gave me the inspiration to continue it. I’ve been working for this story for months. Now, Kreios and Illya are back again.
Game of Cards series is another dark romance series of mine. But just like on my two other series, ang unang kwento ng series ay medyo light lang. So, asahan n’yo na light ang story na ’to compared sa ibang stories ng Game of Cards. Magiging pa-dark nang pa-dark ang story ng bawat kwento.
To all my readers, thank you so much for always supporting me. For your undying love and patience. I love you all so much.
To Wattpad, thank you so much for this opportunity. Wattpad really changed my life. I so love writing in this platform.
Sa lahat ng mga naghintay ng story na ’to, here it is. It’s back on Wattpad again. Kreios and Illya are finally back.
Hope you enjoy reading this story!
Comms

Stay tuned for more updates, and in the meantime, you can learn more about Wattpad Originals here:
Wattpad Originals 101 [Filipino]
Prologue
Inggit. Selos. Mga negatibong emosyon na sa una ay aakalaing maliit lang. Mga emosyon na ang akala ng iba ay madaling ignorahin. Emotions that other people thought was just nothing if one won’t make a big deal out of it. Emotions that others thought could easily die within oneself.
But that isn’t true. People who have felt those emotions know that isn’t true. Those kinds of emotions are actually hard to ignore. Mahirap ipagsawalang-bahala lalo na kung araw-araw mong nararamdaman. Kung araw-araw na ipinapadama sa iyo ng mga taong nakapalid sa iyo.
Inggit. Selos. Mga maliliit na emosyon sa una pero kapag lumaki at lumala ay kayang pagalawin ang isang tao. Maliliit na emosyon sa simula pero kapag naramdaman ng isang tao ay kayang makapanakit ng iba. Kayang bumulong ng mga di-magagandang bagay sa utak ng nakakaramdam nito. Kayang sumira ng buhay ng tao. And worse, it could even kill if it were just ignored.
Nakakamangha na ang mga ganitong klaseng emosyon ay kayang mag-utos sa isang tao. It amazed me how such a feeling could drive someone mad and make them do things that were impossible for them to do. A feeling that could eat up a person slowly until they weren’t able to control themselves anymore. Dahil kinain na sila ng inggit. Kinain na sila ng selos.
And those feelings and emotions played a great part in what I’ve become today.
“Ma’am?”
My eyes flew open when I heard that voice that pulled me back from my reverie. It was from my driver. Napatingin ako sa kanya mula sa backseat ng sasakyan ko at nakitang nakatingin sa akin mula sa rearview mirror.
“Aalis na po ba tayo?” my driver asked me.
I didn’t answer. Hindi ko alam kung ano’ng isasagot ko sa tanong na iyon. Dahil maging ako ay hindi ko alam ang gagawin.
Should I just leave today just like before? Or should I gather my courage and step out of this car and go into the place in front of me after coming here for a lot of times now?
“Hindi ko alam, Kuya . . .” I said to my driver. Na pagkatapos ng hindi na mabilang na beses na pagpunta namin dito ay saka lang ako naging matapat sa kanya. “Should we just leave?”
Lumingon sa akin ang driver ko. He’s in his early forties, at kapag ngumingiti ay makikita ang kulubot sa magkabilang gilid ng mga mata niya. He’s old enough to be my father. And somehow, whenever I looked at him, naaalala ko ang ama ko.
Kaya rin siguro nagawa kong magtanong nang ganoon sa kanya. Dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. I want to gather my courage and go to that place na matagal ko nang hindi napupuntahan. But the idea of stepping in that place again made my knees tremble with fear and nervousness.
Fear. Pagkatakot. Emosyon na pumipigil sa tao na gawin ang mga bagay na nais nilang gawin. Emosyon na mahirap labanan lalo na sa mahihina ang loob. An emotion that is hard to fight when all your life, you lived in comfort. Emotion that is the opposite of courage.
Fear. Pagkatakot. It is a negative emotion but also a natural reaction. Especially to those who were afraid to take the risk. Those who have lived in comfort and don’t want to try something new in their lives. Those who have already been contented with what they have.
It was a negative emotion but could bring positive results if one has the courage to take a risk. If one has the courage to try something new.
Maaring may magsasabing puwede ring maging negatibo ang resulta noon, but what if it will have a positive result? You will never know if you don’t take the risk. Hindi mo malalaman kung hindi mo lalabanan ang takot mo.
“Ito na ang pinakamatagal na pag-iisip mo sa bawat araw na humihimpil ang sasakyan dito, ma’am,” sabi ni Kuya Gil matapos ngumiti sa akin. “Hahayaan mo na lang bang masayang ang oras na iyon?”
Muli akong tumingin sa labas ng bintana ng kotse at tiningnan kung ano’ng nasa harapan ko. Ang takot at pangamba ay unti-unting lumulukob sa pagkatao ko. Hindi pa nakatulong ang mabilis na tibok ng puso ko.
“Huwag kang matakot, hija.” I heard Kuya Gil say it, pero hindi ako lumingon sa kanya at nanatili ang tingin ko sa labas. “Hindi ko alam kung ano’ng nangyari pero nalagpasan mo iyon. Kaya alam kong malakas ka.”
I sighed with what he said. Tama. Nalagpasan ko nga ang bahaging iyon ng buhay ko pero hindi naging madali. Ilang taon akong kinain ng kadiliman at kalungkutan. Naramdaman kong nag-iisa na naman ako. At sa pagkakataong ito ay ang sarili ko na lang ang makakatulong sa akin.
It was hard trying to stand on your own when you felt like you’d fallen six feet underground after being high with happiness for so long. Na noong una ay miserable ka na pero nakaramdaman ng kaligayan na hindi mo inaasahan. At mas masakit na bumalik sa pagiging miserable uli pagkatapos noon. Masakit ang naging pagbagsak ko.
At natatakot akong maramdaman ko uli iyon.
But I will never know if this will lead to a positive result if I don’t take the risk.
I looked at Kuya Gil and smiled. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago lakas-loob na binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba.
Sinalubong ako ng ingay ng mga estudyante sa pagbaba ko. It was Saturday kaya walang gaanong estudyante pero maiingay ang mga grupo na lumalabas at pumapasok sa unibersidad na iyon.
I am in front of a well-known and prestigious university in the province of Iloilo. Binasa ko ang pangalan ng unibersidad na nandoon sa arko ng entrance ng university at hindi ko na napigilan ang pagdagsa ng mga alaala sa isip ko. At bago pa ako malunod at muling matakot ay sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko.
Kaagad akong pinapasok ng guard nang ipakita ko ang alumni ID ko. The university was big, and I know that it will take time, pero gusto kong sulitin ang lakas ng loob na mayroon ako ngayon bago pa mawala. I want to take my time and look around this place that I once considered my home, kahit na sa mga mapait na alaalang mayroon ako na dito mismo nangyari sa unibersidad na ’to.
Sabado noon kaya duda akong makakita ng mga elementary student, but there were some high school students there. Kung may klase o practice para sa extracurricular activities nila ay hindi ko na pinansin.
The catwalk was wide. Iyong dinaraanan ng mga sasakyan at nilalakaran ng estudyante. Pero dahil nga Sabado ay walang masyadong sasakyan. I could even walk in the middle of the road, but since I am not a student here anymore, I better not get too much attention.
Sa bawat lugar na naaalala ko ay bumabaha sa akin ang mga alala. I remember I loved watching the elementary kids playing like they were not stressed with school. Naiinggit ako noon sa kanila at parang gusto na lang bumalik sa pagkabata. So that I wouldn’t feel too much stress and pressure. O kaya ay para magkaroon ng panibagong pagkakataon.
I continued walking that path. Ang hangin ay umihip at kinailangan kong sikupin ang buhok kong nakalugay para hindi magulo. My hair is long. Hanggang baywang kaya madaling magbuhol sa ihip lang ng hangin.
Napatigil ako nang marating ko ang lugar kung saan ako maraming alaala. It was on the big field. Doon kung saan madalas na mag-practice ang mga soccer player. O kaya ang cheering squad. Or any activities or events that needed a wide place.
Maulap ang araw na iyon at madalas na tumatakip ang mga ulap sa sinag ng araw dahil na rin sa malakas na ihip ng hangin kaya hindi ko masyadong maramdaman ang init. It was a fine day, a perfect time for my sightseeing here in the university while reminiscing about my past.
Tinanaw ko ang malagong puno sa kabilang bahagi ng field na iyon. Ang partikular na puno na iyon. May mga estudyanteng nakaupo sa ilalim noon na marahil ay nagtatago sa lilim ng puno laban sa sinag ng araw. Napangiti ako nang mapait nang may maalala na naman.
Ilang taon na ang lumipas pero nandoon pa rin ang puno na iyon. Ang puno na nakasaksi ng kaligayahan at pagkabigo ko noon. It was still there, standing strong even after those memories that it witnessed.
Just like how I managed to stand up even after everything.
“Iiyak ka na lang? Paano kung mawala ako?”
Napapikit ako nang maalala ko ang sinabing iyon ng isang lalaki sa alaala ko. Napapatingin ang mga estudyante sa aming dalawa at sa unang tingin, kapag may makakita sa aming hindi kami kilala ay aakalain na siya ang dahilan ng mga luha ko noon.
“Bakit? Mawawala ka ba?” I remember asking that question to him.
He smiled. Malinaw na malinaw sa mga alaala ko kung gaano kaganda ang ngiting ibinigay niya sa akin noon. Mga ngiti na hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan. Kahit na ang ngiting iyon ang dahilan ng kasiyahan at pagkabigo ko noon.
I depended on him. He was the one who brought happiness to me. He was the one who brought colors to my college life. Ang kabanata sa buhay ko na akala ko ay magiging puno lang ng sakit dahil sa inggit at selos ng mga taong nasa paligid ko.
But then he came. Like a shooting star that made my wish come true. Ang hiling kong sana ay may mangyaring pagbabago sa buhay ko. But just like a shooting star, he was gone even before I knew it. He came into my life and was gone too fast.
Malungkot ako at nag-iisa bago siya dumating sa buhay ko at pinasaya ako. I was able to forget the feeling of being alone. So when he left, I didn’t know what I should feel.
Okay lang sana kung umalis lang siya. But he wrecked me first before leaving me.
I sighed and opened my eyes again. Naramdaman ko ang pamimigat ng dibdib ko. I should stop now. Ayos na ito. Dahil kapag nagtagal pa ako rito ay hindi ko na kayanin.
I turned around to go back to my car pero bago pa ako makahakbang ay napatigil nang makita ang lalaking nakatayo sa harapan ko. Mukhang kanina pa siya nakatayo roon at nakatingin sa akin, pero sa itsura niya ay parang hindi pa makapaniwalang nandito ako ngayon sa harapan niya.
“Illya . . .” I heard him mumble my name.
He took a step without looking away from me. Na para bang bigla akong mawawala sa harapan niya kapag inalis niya ang tingin sa akin. At sa bawat paghakbang niya ay siya namang paglakas ng tibok ng puso ko.
I am scared of how this encounter will gonna end. Scared of remembering the past that I’m trying to forget. Ilang taon ko bang iniwasan ang nakaraan dahil sa takot na maramdaman ko uli ang sakit? Pero nandito na ngayon ang taong pilit kong kinakalimutan. Here is the past that I needed to face.
So instead of taking a step back out of fear, instead of walking away, I managed to stay in my place until he’s only a few steps away from me.
Inggit. Selos. Takot. Mga emosyong nagkaroon ng malaking bahagi sa nakaraan ko.
Takot. Takot na baka muli na naman akong masaktan.
But if I don’t take the risk, then I will never know if this will have a negative or a positive result.
I looked at him, and he was just staring at me. Nakita ko na naman ang mukhang iyon. Ang lalaking may mukha na habang-buhay nang nakatatak sa mga alaala ko.
“Kreios . . .”
Chapter 1
Tahimik lang akong nakamasid sa labas ng bintana ng sasakyan, pinagmamasdan ang bawat dinaraanan namin. Nakasandal na ako sa bintana dahil sa pagod sa naging biyahe namin sa eroplano kanina. Nahihilo na rin ako pero hindi naman ako makatulog dahil hindi ako komportable dito sa likod ng sasakyan.
Ano nga uli tawag d’on? Jet lag?
Sinubukan kong humiga sa upuan at umunan sa kandungan ng kapatid ko na sumulyap lang sa akin at bumalik din sa pagmamasid sa labas ng bintana. Si Papa ang nagmamaneho ng sasakyan at si Mama naman ang nasa passenger’s seat. Kanina pa sila nag-uusap at nakikinig lang ako nang tahimik.
“Kung kailan dalawang taon na lang at magtatapos na si Illya, saka pa tayo lumipat,” si Mama na bagama’t hindi malakas ang boses ay halata naman ang inis. “Hindi ka ba naaawa sa mga anak mo? Maninibago sila rito!”
“Hindi na nga kasi kumakasya ang sahod ko para sa gastusin natin,” sagot naman ni Papa na pasulyap-sulyap sa rearview mirror. “Iisang pamilya tayo pero dalawang renta sa bahay ang binabayaran natin. Dalawang bayad sa tubig at koryente pa. Ubos na ubos ang sahod ko doon pa lang.”
May nadaanang humps ang sasakyan kaya umalog kami sa loob. Napapikit ako para pigilan ang hilo.
“Paano pa ang pagkain natin?” pahabol ni Papa.
“Bakit kasi hindi provided ng company ang titirhan mo? Sila iyong nagpa-transfer sa’yo rito tapos ganyan?”
“Hayaan mo na . . .” sabi ni Papa na sinusubukang pakalmahin si Mama. “Buti nga at hindi ako tinanggal sa trabaho.”
Muli akong tumingin sa labas ng bintana. At dahil nakahiga ako rito sa likod ng sasakyan ay ang bughaw na kalangitan ang nakikita ko. Hindi maaraw pero hindi rin naman maulap. It was a clear sky. Maganda sana kung wala lang paparating na bagyo.
Funny, because somehow, mas gusto ko kapag umuulan kapag ganitong mahaba ang biyahe. But this weather is fine for me. At least, hindi mainit ang panahon.
We were originally living in Manila. That’s also the place where my brother and I grew up. Walang sariling bahay at umuupa lang na sapat na ang laki para sa apat na miyembro ng pamilya. Ayos lang naman sa akin iyon. Kahit kailan naman ay hindi ako naghangad ng mas malaki. Basta natutugunan ang mga pangangailan namin ay sapat na para sa akin.
Hanggang sa magsara ang branch ng kompanya na pinagtatrabahuhan ni Papa sa Manila. And he was one of those lucky employees na hindi tinanggal sa trabaho. He got transferred here in Iloilo instead. We own a car na ipinadala pa rito sa Iloilo mula sa Manila nang mai-transfer si Papa. At ito nga ang ginagamit namin sa ngayon. It wasn’t an expensive car, but it’s doable.
At first, we tried to adjust with my father being here in Iloilo while we’re in Manila. Dahil nga kinonsidera din nina Mama na doon na kami lumaki ng kapatid ko at gusto nila na doon na rin kami magtapos. As from their perspective, mas madaling matatanggap sa trabaho kung sa isang unibersidad ng Manila kami makakapagtapos.
Pero mukhang hindi na nila kinaya ang gastusin. Father was also renting an apartment here kaya doble-dobleng renta, koryente, at tubig ang binabayaran namin. Hindi kumakasya sa sahod ni Papa at kinukulang kami sa pagkain. Kaya nagdesisyon sila ni Mama na lumipat na rin kami dito.
Wala namang problema sa akin ang paglipat namin dito. I didn’t have many friends in my past university. Dalawa lang sila at hindi ko rin masasabing malalim ang samahan namin. Silang dalawa kasi ang magkakilala at nasali lang ako nang minsang magkaroon ng groupings. Wala na silang mahanap at ako na lang ang nag-iisang walang kagrupo kaya wala na rin silang choice kundi ang isali ako. And from then on, palagi ko na silang kasama.
I felt a little bit sad transferring here. Iniisip ko na kung siguro nagtuloy-tuloy pa ang pagkakaibigan namin ay magiging malalim ang samahan namin. Wala silang choice noong isinali nila ako sa groupings, but when it’s over, they didn’t get rid of me. Sinamahan pa rin nila ako.
Pero naisip ko na ganoon talaga ang buhay. Some people were just meant to come and go in our lives.
Tiningala ko ang kapatid ko. He’s different from me. Marami siyang kaibigan lalo pa at lalaki. Isa sa mga sikat sa school nila dahil sa pagiging guwapo at maraming humahangang babae. Grade 12 na siya sa susunod na pasukan at magtatapos na sana ng high school pero kinailangan nga naming lumipat. Alam kong mas mahihirapan siyang mag-adjust.
Naramdaman niya siguro ang titig ko kaya bigla siyang tumingin sa akin. He sighed. Tinanggal niya ang salamin sa mata ko.
“Baka masira,” sabi niya at siya na mismo ang nagtabi ng salamin ko.
I squinted my eyes dahil sa biglang paglabo ng paningin ko nang mawala na ang salamin sa mata ko. I heard my brother chuckle. Natawa siguro sa naging reaksiyon ko.
“Mag-contact lens ka na kasi,” sabi pa niya na agad kong inilingan.
“Ayaw. Makati sa mata.”
“Sagabal naman sa mata ’yung salamin. Kailangan pang laging pinupunasan.”
“Mata ko naman ’to. Hindi sa’yo.”
Tumawa uli siya kaya sinubukan ko nang kunin ang salamin ko na hawak niya. Ibinigay niya naman iyon. Bumangon na muna ako bago ko iyon isinuot at inayos ang nagulong buhok dahil sa paghiga ko.
“Jupiter. Illyasviel.”
Napalingon kami ng kapatid ko sa harap nang tawagin kami ni Papa. He was looking at us through the rearview mirror.
“Look outside. Diyan kayo mag-aaral.”
My brother and I both looked outside. Hindi ko mapigilang mamangha sa unibersidad na nakikita ko sa harapan ko. Nadanaan lang ng sasakyan ang gate pero sa labas pa lang ay mahahalata na kung gaano iyon kalawak sa loob.
It was a private university. Of course we couldn’t afford its tuition fee, pero mabuti na lang at pareho kaming nakapasa ng kapatid ko sa scholarship na provided mismo ng unibersidad na iyon. We just tried our luck. Pero dahil pareho kaming biniyayaan ng talino kaya pareho kaming nakapasa doon sa test na pinasagot sa amin.
I am in my third year in college while my brother is in senior high. Dalawang taon na lang din naman ang ilalagi ko roon. Apat na semester.
Kaya hindi na rin nagreklamo si Mama nang malamang dito ako mag-aaral. Nabawasan ang pagrereklamo niya dahil sa paglipat namin. It was one of the most prestigious universities in the country. Kung dito ako magtatapos ay magiging maganda ang record noon sa résumé ko.
“Ayusin n’yo pag-aaral n’yo, ha? Baka matanggal ang pagiging scholar n’yo,” Mama warned. Nakikisilip din siya sa labas ng sasakyan. Sadya namang binagalan ni Papa ang pagmamaneho para magkaroon kami ng mas mahabang time para matingnan ang university na iyon.
“May basketball team ba diyan, Ate?” bulong sa akin ni Jupiter pero narinig naman ni Mama.
“Tigilan mo ’yang basketball-basketball na ’yan, Peter, ha? Magseryoso ka sa pag-aaral mo!”
Napakamot ang kapatid ko sa batok niya. “May scholarship din kaya ang pagiging varsity player, ’Ma,” katwiran pa niya.
“Heh! May scholarship ka na rin naman! Huwag ka nang maghangad ng isa pa at baka parehong mawala!”
Natawa ako nang pagalitan ang kapatid ko pero ako naman ang binalingan ni Mama.
“Isa ka pa, Illya, ha? Matino ka noon sa Maynila pero baka dito ka naman magbulakbol. Wala munang boyfriend-boyfriend!”
“Mama, naman,” reklamo ko at napagaya tuloy ako sa kapatid ko na napakamot din sa batok. “Para namang may papatol sa’kin?”
“Aba, eh, bakit? Maganda ka naman.”
Hindi na lang ako nagsalita. Tumingin ako sa kapatid ko na seryoso ang tingin sa akin at saka nagkibit ng balikat. Nagbuntonghininga na lang ako at muling tumingin sa labas ng bintana.
I wasn’t one of those pretty girls that many will admire. Simple lang ako, hindi pagtutuunan ng pansin ng iba. Iyong kapag nakita ng isang beses sa daan ay hindi na muling lilingunin pa. Isama pa ang eyeglasses ko na hindi na yata mawawala sa akin.
I have a very ordinary face. Nakasabog ang kilay na medyo may kakapalan pa. Matangos naman ang ilong at may mapupulang mga labi. Hindi rin gaanong katangkaran pero hindi naman maliit. Kumbaga, sakto lang talaga.
Ang mga mata ko raw ang best asset ko dahil mahaba ang mga pilik-mata ko. I have almond-shaped eyes. Malamlam at parang nangungusap daw. Pero natatakpan naman iyon dahil sa salamin ko.
I sighed. Ibang-iba kami ng kapatid ko na simula pagkabata ay palaging nasasabihan ng guwapo.
Naningkit ang mga mata ko nang may mapansin sa labas. There was a group of bikers. Nasa lima yata sila at lahat ay may kasamang mga babae na katerno rin ng suot ng mga lalaki: black leather jacket and black shirt underneath. Black combat boots and pants. Habang sa mga babae naman ay leather jacket, a tube top underneath, and a skirt na sigurado akong mas tataas pa kapag umangkas sila sa mga naglalakihang motor na iyon.
“Ano ’yan? Gangsters?” tanong ni Mama na mukhang nakita rin ang tinitingnan ko.
Base sa pagtingin ng mga tao sa paligid nila ay masasabi kong maingay ang grupo. Probably around my age. Nagtatawanan ang mga babae at ang mga lalaki ay nakasandal sa mga motor nila habang naninigarilyo. Napangiwi na lang ako.
“Huwag mong sabihing nag-aaral din sila roon?” naaalarmang tanong ni Mama kay Papa dahil malapit lang sa university ang pinagtambayan ng grupo.
“Hindi naman mawawala ang mga ganyang bata sa mga eskuwelahan,” komento ni Papa. “Mga batang pariwara at ayaw ayusin ang buhay.”
Napatingin ako sa kapatid ko. Sinundan niya ng tingin ang grupo hanggang sa malagpasan na iyon ng sinasakyan namin. Pagkatapos ay tumingin lang siya sa akin at hindi man lang nagkomento tungkol sa nakita.
“Huwag kayong lalapit sa mga ganoong tao!” si Mama na nilingon pa talaga kami ni Jupiter sa likod. “Sinasabi ko sa inyo. Malilintikan talaga kayo sa akin.”
Hindi na lang ako nagsalita at sumandal sa kinauupuan ko. Sinubukan kong tanawin ang grupo kanina pero hindi ko na makita.
I could tell that they weren’t just ordinary people. I mean, ang alam ko ay mahal ang mga big bike na ganoon. Iyong mga motor na madalas kong napapanood sa mga palabas na ginagamit sa mga drag racing. And those leather jackets, I know that they were expensive.
Eh, di mayaman sila? Kung totoo man ay hindi na nakakapagtaka kung doon nga sa university na iyon sila nag-aaral. They were able to buy those outfits and bikes, so I’m sure they could afford the tuition fee as well. Hindi na nila kakailanganin ng scholarship.
Bumalik ang pagkahilo ko kaya isinandal ko na lang ang ulo sa upuan ko. I closed my eyes, trying to get some sleep, when my father suddenly stepped on the brake. Mabilis akong napadilat ng mga mata at mas lalo pang nahilo.
“Tanggalin mo muna ang salamin mo,” sabi ni Jupiter na basta na lang kinuha ang salamin sa mata ko.
“Mas lalo lang akong mahihilo,” I said. Sinubukan kong bawiin ang salamin ko sa kanya pero napatigil dahil sa sunod-sunod na pagmumura ni Papa. He rolled down the window as he shouted.
“Putang ina! Umayos kayo!” he said and honked. “Huwag n’yong idamay ang mga tao kung gusto n’yong magpakamatay!”
Dahil nakabukas ang bintana ay naririnig ko ang nasa labas. I heard laughter at kasunod noon ay tunog ng motor na mabilis ang pagpapatakbong nilagpasan ang sasakyan namin. Mas nagmura pa si Papa dahil parang inaasar pa siya ng mga iyon.
Probably, one of the bikers did an overtake kaya biglang napapreno si Papa. At base sa tunog ng mga motor sa labas, it’s obvious that they’re reckless drivers.
“Mga gago!” Papa shouted once more. Hinawakan siya sa braso ni Mama para pakalmahin.
“Hayaan mo na. Baka mamaya, mas lalo pa tayong mapahamak kapag ginalit mo.”
Napatingin ako sa kapatid ko, pero dahil walang salamin ay hindi ko maaninag ang ekpresyon niya. Pero muli rin akong napatingin sa labas nang may humintong motor sa tabi ng kotse namin. Doon sa side ni Papa.
“George,” dinig kong tawag ni Mama kay Papa at halata ang takot sa boses niya.
Muli akong tumingin sa labas. Isang lalaki ang sakay ng motor at may angkas na babae at nakapulupot ang mga braso noon sa baywang ng lalaki. Ang itim na leather skirt na suot ay sobrang taas na.
“Sir.” It was the guy who spoke. His voice was deep and husky, which surprised me. It was the manliest voice I’ve ever heard.
“Ano’ng kailangan mo?” sabi ni Papa na pinatatag ang boses. Mukhang nag-aalala rin dahil baka kung ano’ng gawin ng lalaki sa amin.
I squinted my eyes, trying to see the man clearly. Pero dahil may suot ding helmet at mata lang ang nakikita sa kanya ay imposibleng makita ko nang buo ang mukha niya sa malabong paningin ko.
“I’ll apologize for my friend’s behavior. Hindi lang ho maiiwasan na magkatuwaan sa daan,” the man said. And his voice seemed like it just vibrated in my ears.
Mukhang nagulat si Papa sa pagpapakumbaba ng lalaki. Pero agad ding nakabawi at tumikhim.
“Makakaaksidente kayo kung ganyan ang gagawin n’yo! Paano kung—”
“Ayos lang, hijo. Wala namang nasaktan sa amin,” sabi ni Mama bago pa maituloy ni Papa ang sasabihin niya. Siguro ay nag-aalala rin si Mama na baka kapag nagalit ang lalaki ay kung ano’ng gawin pa sa amin.
Sumilip ang lalaki sa amin ni Jupiter. Mukhang doon lang napansin na may nakasakay sa likod. Napigil ko ang hininga ko sa pag-aakalang magtatama ang mga paningin namin. Pero hindi nangyari dahil nga malabo ang mga mata ko kaya hindi ko alam kung nakatingin siya sa akin. Samantalang tahimik naman ang kapatid ko sa tabi ko.
My father rolled up the window slightly kaya napaayos na ang lalaki at muling tiningnan ang Papa ko.
“Pasensiya na ho talaga. Hayaan n’yo at pagsasabihan ko,” I heard the man say again.
“Oh, c’mon,” maarteng sabi ng babae na nakaangkas sa likod ng motor. “Halika na at mali-late pa tayo.”
“Sige na, hijo,” sabi pa ni Mama. “Ayos lang talaga kami. Maraming salamat.”
Nakita ko ang pagtango ng lalaki at ibinaba na ang face shield ng helmet niya. It was black kaya mas lalo kong hindi nakita ang mukha niya.
“Sige ho. Ingat ho sa pagmamaneho,” the man said and finally drove away.
Nang makaalis ang lalaki ay hinampas ni Mama sa braso si Papa.
“Masyadong mainitin ang ulo mo! Paano kung may dalang baril ’yon at patayin tayo, ha?”
“Eh, ikaw? Bakit kailangan mong magpasalamat sa taong ’yon? Paano nga kung may dalang baril?” my Papa rebutted.
I heard Jupiter chuckle beside me. Umiling lang siya at tumingin na sa labas ng bintana.
I looked outside the window just like my brother did. Iniisip kung ano pa’ng mangyayari sa mga susunod na araw na pagtira namin dito sa Iloilo.
I sighed. So much for my first day.
Chapter 2
The house was slightly bigger compared to the apartment that we rented in Manila. There were three small rooms inside, a living room that was adjacent to the kitchen, and a bathroom. Sa palagay ko ay mas mahal ang renta nito kaysa sa apartment namin sa Manila pero dahil iisang renta, tubig, at ilaw na lang ang babayaran, sa tingin ko ay sasakto naman ang pera namin para sa ganitong bahay.
Kinuha ko ang traveling bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko doon sa compartment ng kotse. Pero nagulat ako nang kunin ni Jupiter iyon sa akin at siya na mismo ang nagbuhat kasama ang mga bag niyang naglalaman din ng mga gamit niya. Sigurado akong mabigat iyon pero sa itsura ng kapatid ko, mukhang kaya niya pang buhatin ang lima pang mga bag.
“Malinis na ang mga kuwarto n’yo,” si Papa na kinukuha ang iba pang mga gamit sa likod ng kotse. “Iakyat n’yo na muna ang mga gamit n’yo.”
Sabay kaming tumango ng kapatid ko. We entered the house, ako ang nagbukas ng pinto para sa kanya dahil ang dalawa niyang mga kamay ay may bitbit na tigdalawang mga bag. Mukha namang hindi siya nahihirapan kaya hindi na ako nagsalita.
Tumigil kami nang makapasok sa bahay. Inilapag na muna ng kapatid ko ang mga bag sa sahig para pagmasdan ang kabuoan noon. Kompleto na ang mga kagamitan na nandoon. May TV at electric fan na rin ang nandoon sa sala. Nandoon sa loob ng kitchen and dining table na may apat na upuan.
Tiningnan ko ang kapatid ko para makita kung ano’ng reaksiyon niya sa bagong bahay namin—sa magiging bagong buhay namin. But all I could see was curiosity. Para bang nag-iisip siya kung ano’ng mangyayari sa amin sa simula ng pagtira namin dito.
Hindi ko alam kung gaano katagal kaming makakapag-adjust sa buhay rito sa Iloilo. Nasanay kami sa buhay Maynila. Bago sa amin ang lahat. Bagong mga kaklase, at kung susuwertihin, bagong magiging mga kaibigan.
I sighed. Siguro ay maganda na rin ito. Para maihanda ko rin ang sarili ko kapag nakapagtapos na ako ng kolehiyo. Panibagong yugto na naman kasi iyon sa buhay ko. At least, kapag dumating na, hindi na ako masyadong mabibigla dahil dito pa lang ay nararanasan ko na kung paano mag-adjust sa magiging buhay namin dito.
Narinig ko ang buntonghininga ng kapatid ko bago gumalaw at muling binuhat ang mga bag. He looked at me. Iginalaw niya ang ulo niya papunta sa direksiyon ng hagdan na nasa gilid ng bahay. Nagsimula akong maglakad at sumunod ang kapatid ko sa akin.
Ang tatlong kuwarto lang ang nandoon sa itaas. Magkakasunod na nakasaro ang mga pintong nandoon. Binuksan ko ang unang pinto at nakita ang mga gamit doon ni Papa. Ibig sabihin ay sa aming dalawa ni Jupiter ang dalawang nasa dulo.
Binuksan ko ang dalawang magkasunod pa. Pareho lang naman ang luwag. May isang kama at cabinet na may nakakabit nang salamin. Tiningnan ko si Jupiter.
“Saan mo gusto?” tanong ko at nagkibit lang siya.
“Ikaw, Ate?” balik-tanong niya sa akin.
Sa totoo lang ay mas gusto ko sana ang kuwarto na nandoon sa dulo. Para kasing hindi ako masyadong maiistorbo sa ingay dahil hindi madaraanan ang kuwarto ko. But I have to give way for my little brother. Dahil ako ang ate at nakakatandang kapatid niya ay sinanay ako ni Mama na magbigay-daan para sa kapatid ko.
I take a look at the room on the far end one last time bago ko itinuro sa kapatid ko ang kuwartong nasa gitna. Nanatili naman ang tingin ni Jupiter sa akin na parang pinag-aaralan ako. Kinailangan ko pang tumingala sa kanya dahil kahit na ako ang panganay ay mas matangkad naman siya kaysa sa akin. Hanggang dibdib niya nga lang ang lebel ng paningin ko.
Masyadong seryoso ang itim niyang mga mata habang nakatingin sa akin. Kapag ganitong umasta ang kapatid ko ay nakakalimutan kong mas bata siya sa akin. He’s friendly with everyone kaya nga naging sikat siya sa dati niyang school sa Manila bukod pa sa pagiging guwapo niya. Pero pagdating sa akin ay ganito siya. Hindi ko makitaan ng pagiging nakababatang kapatid ko. He’s more matured than me.
Jupiter loves to play basketball. Palagi siyang niyayaya ng mga kaibigan niya na sumali sa liga ng barangay doon sa Manila. Gusto niya ngang sumali sa basketball team doon sa school nila pero hindi siya hinahayaan ni Mama at sinasabing mag-focus na lang sa pag-aaral.
But I guess Jupiter wanted to help our parents with our expenses. Kagaya kapag tuwing nananalo sila sa liga ng barangay. Ang parte niya sa napanalunan niya ay ibinibigay niya kay Mama. And I admire him for wanting to help our parents even at such a young age.
Nadinig kong nagbuntonghininga ang kapatid ko. Pumasok siya sa huling kuwarto at nagulat ako nang inilapag niya ang mga gamit ko roon. Pagkatapos ay sa gitnang kuwarto naman ang sa kanya.
“Mas gusto ko rito,” sabi niya bago pa ako makapagtanong sa ginawa niya. “Sige na. Ayusin mo na mga gamit mo, Ate.”
Wala sa sariling napangiti ako. Kung minsan din kasi ay parang si Jupiter pa ang mas matanda sa aming dalawa. May mga pagkakataon na ako pa ang pinagbibigyan niya. Wala akong ideya kung paano niya nalalaman na nagbibigay-daan ako para sa kanya kaya hindi niya hinahayaang magawa ko. iyon.
He sighed. Pagkatapos ay inabot ang tuktok ng ulo ko para guluhin ang buhok ko.
“Sige na. Mag-aayos na rin ako ng kuwarto ko.”
Nang maghapunan ay nabanggit ni Papa na enroll-an na sa university na papasukan namin sa susunod na linggo. Pinaalalahanan niya kaming mag-enroll na sa unang araw pa lang dahil mga scholar nga kami. Hindi na lang din ako nagreklamo dahil wala rin naman akong gagawin dito sa bahay.
Naubos ang mga araw namin sa pag-aayos ng mga gamit. Ako ay naging abala sa kuwarto ko para maging komportable at madali sa akin ang makapag-adjust. Si Jupiter ay sinubukang ikutin ang lugar namin. Tuwing umaga ay nag-jo-jogging siya at naikuwento niya na isang beses daw ay may nakasabay siyang mag-jogging na sa university rin na iyon nag-aaral.
“Golden Lions, Ate!” ngiting-ngiting anunsiyo ni Jupiter isang umaga pagbalik niya galing sa pag-jo-jogging.
“Huh? Ang alin?” lito kong tanong na napatigil pa sa paghahanda ng almusal sa lamesa para tingnan ang kapatid ko na pawisan pa. “Magpunas ka nga muna.”
Inabot niya naman ang towel na baon niya at tumayo sa tabi ko na parang gustong-gusto niya talagang magkuwento. Nagpatuloy naman ako sa pag-aayos ng hapag.
“’Yong team sa university! Golden Lions daw! At may basketball team na every year daw nag-o-open for tryouts!”
“Anong basketball-basketball na naman ang naririnig ko diyan, ha?” tanong ni Mama na naglagay ng ulam sa hapag. Napangiti na lang ako dahil alam kong pagagalitan na naman ang kapatid ko. “Sinabi kong bawal kang sumali sa mga ganyan, Peter, ha?”
“’Ma, naman, eh,” si Jupiter na parang batang napasimangot pa. “’Pag nakapasok ako sa team, sigurado na ang scholarship ko para sa college!”
“Tigilan mo ’yan! Mawawalan ka ng oras ng oras sa pag-aaral dahil sa mga practice!” sabi ni Mama na namaywang pa talaga.
“’Pa!” hinging-saklolo ni Jupiter kay Papa na nagkibit lang habang humihigop ng kape niya.
Pero ang alam ko ay ayos lang kay Papa na sumali si Jupiter sa basketball team ng university. Pero dahil ayaw ni Mama ay hindi na lang siya nagkomento kaysa magtalo pa sila. At sa tingin ko ay alam din iyon ni Jupiter.
Nakasimangot na naghila ng upuan ang kapatid ko at umupo roon. Natatawang tinabihan ko siya dahil ang bilis nagbago ng mood niya. Parang kanina lang ay tuwang-tuwa pa siyang pumasok ng bahay para ibalita sa akin ang nalaman niya, pero ngayon ay halatang nawala na siya sa mood.
“Kaya ko namang pagsabayin, eh,” sabi ni Jupiter. Hindi pa rin tumitigil sa pagpipilit kay Mama.
“Nasasabi mo lang ’yan dahil gusto mong pumayag ako,” sabi ni Mama na umupo na rin. “Hindi maiiwasang kailangan mong mamili sa pag-aaral at basketball kapag nagkataon.”
“I’ll balance my time, ’Ma. Promise. Hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko.”
“Ang tingin ko naman ay pagkatapos pa ng klase ang practice ng mga ’yan sa basketball,” sabi ni Papa at nakangiting tiningnan siya ni Jupiter. Pagkatapos ay mabilis at sunod-sunod na tumango nang muling balingan si Mama.
“Kaya nga mawawalan ng oras sa pag-aaral ang anak mo!” my Mom said. “Paano pa makakagawa ng assignments kung pagod na pag-uwi galing sa practice?”
Humigop si Papa sa kape niya bago sumagot.
“Hindi naman siguro araw-araw ang practice nila.”
“Paano kapag may laban ang mga ’yan? Eh, di magiging busy ’yan! Malamang aaraw-arawin ang practice!”
“Excused sila sa academics, ’Ma, ’pag ganoon.” Tiningnan ako ni Mama. “Ang alam ko . . .” mahinang dugtong ko.
“Sige na, ’Ma,” sabi ni Jupiter na kulang na lang ay magpapadyak ng paa.
Natawa ako at inayos ang salamin ko bago sumubo ng pagkain. Natutuwa ako na parang kay dali para sa kapatid ko ang pag-a-adjust sa bagong buhay namin. Ngayon nga ay gusto niya agad subukan ang pagsali sa basketball team ng university na papasukan namin kahit wala pa naman siyang gaanong alam tungkol doon at kung sino-sino ang makakasama niya.
I wish I had courage like my brother does.
“Dalawang taon pa naman ako sa university, ’Ma,” sabi ko habang nginunguya ang pagkain sa bibig ko. “Mababantayan ko pa si Jupiter.”
Hindi nagsalita si Mama. Napatingin ako sa kapatid ko na abang na abang sa sasabihin ni Mama. Sa tingin ko pa nga ay tinatantiya rin niya ang magiging reaksiyon ni Mama.
Ilang sandaling hindi nagsalita si Mama na parang pinag-iisipan ang lahat. Matiyaga namang naghintay ang kapatid ko at hindi na nagsalita pa uli. Siguro ay naiisip niya na baka kapag nakulitan sa kanya si Mama ay tuluyan nang hindi pumayag.
Sa huli ay nadinig namin ang pagbuntonghininga niya.
“Pag-iisipan ko,” she said. “Kumain na muna tayo.”
Nagkatinginan kami ng kapatid ko at sabay kaming napangiti.
At least, hindi tuluyang tumanggi si Mama ngayon. Mas magandang resulta ’to kaysa sa nakaraan.
Chapter 3
Enrollment day kaya maaga kaming nagising ng kapatid ko para sa araw na iyon. Unang araw ng enrollment. Ang gusto ko sana ay huwag nang makisabay sa dagsa ng mga estudyante na mag-e-enroll sa unang araw pa lang. One week naman ang enrollment, at ang balak ko ay sa pangatlong araw na lang mag-enroll.
Pero ang sabi ni Mama ay ngayon na lang daw. Baka raw kasi maraming asikasuhin pa since scholar nga kami ng kapatid ko. Mas maraming oras ang mayroon kami para mag-asikaso kung sakali.
“Nandito lahat ang mga kailangan n’yo. Inayos ko na ’yan kagabi,” sabi ni Mama at ibinigay pa sa akin ang isang brown envelope na puno ng mga papeles. “Transcript of record n’yo, transfer stub, pati ’yong proof ng scholarship n’yo, nandiyan na rin.”
Inaantok pa ako pero pilit kong nilabanan iyon para pakinggan ang mga bilin ni Mama. Hindi pa rin kasi ako nakakapag-adjust. Namamahay pa rin ako at nahihirapang makatulog sa gabi. Kaya napupuyat talaga ako.
Mabuti pa ang kapatid ko, komportableng-komportable na. Nakakapag-jogging pa nga sa umaga. At pakiramdam ko ay marami na rin siyang naging kaibigan sa pag-iikot niya sa subdivision tuwing nag-jo-jogging siya.
Ganyan naman siya palagi. He’s friendly. He could easily adapt to his surroundings. Kaya nga maraming nagiging kaibigan. Samantalang ako, hirap na hirap pa ring makapag-adjust.
I wish I could be like him. Sana ay namana ko rin ang pagiging easy-going ni Mama. Pakiramdam ko kasi ay mahihirapan ako ngayon lalo pa at bagong university ang papasukin ko.
I’m on my third year. Dalawang taon nang magkakasama ang mga magiging kaklase ko. At kung sakaling hindi ako mailagay sa block section at magiging irregular student ako, mas lalo akong mahihirapan.
“Illya, samahan mo si Peter na mag-enroll. Baka maligaw pa ’yan,” sabi ni Mama at natawa ako nang automatic na nagreklamo ang kapatid ko.
“Ma, naman. Hindi na ’ko bata,” si Jupiter na pilit itinatago ang inis sa mukha para hindi na mas mapagalitan pa.
“Heh! Tumahimik ka! Huwag kang hihiwalay sa ate mo! Pareho lang kayong bago sa lugar.”
Jupiter sighed. Wala nang nagawa at tumahimik na lang. Alam niya kasi na kapag nagreklamo pa siya ay mas hahaba lang ang panenermon ni Mama sa kanya. Baka mahaba na ang pila sa admission kapag tumagal pa kami rito.
“Alis na kami, Ma,” sabi ko nang makita kong mukhang hindi pa tapos si Mama sa panenermon kay Jupiter. “Baka humaba pa ang pila ng mga estudyante. Gagabihin kami.”
Mukhang pumayag naman si Mama at hindi na itinuloy ang panenermon sa kapatid ko. Tumango siya at inihatid na kami sa labas.
“O, siya, sige na,” sabi ni Mama nang nasa tapat na kami ng sasakyan. “Peter, ha? ’Yong basketball-basketball mo na ’yan. Naku . . .”
I laughed. Napatingin ako sa kapatid ko na napakamot na lang sa batok bago binuksan ang passenger’s seat door ng sasakyan namin.
“George! Ikaw na’ng bahala sa mga anak mo,” bilin pa ni Mama kay Papa bago kami pumasok sa sasakyan at umalis na.
I was seated alone in the backseat. Tumingin ako sa labas ng bintana at sinubukang kabisaduhin ang mga madaraanan papunta sa university. Ngayon lang uli ako nakalabas simula nang makarating kami rito sa Iloilo. Hindi ko sinubukang lumabas ng bahay dahil doon pa nga lang ay nahihirapan na akong makapag-adjust, paano pa kaya kung lalabas ako?
I think I am what they call it. An introvert. Mas gusto ko pang nasa bahay na lang. Talking to people, trying to find friends seems really hard for me. Lalo pa at hindi rin naman ako madaldal. Nahihirapan pa nga ako kapag may kausap ako. Pakiramdam ko ay ang awkward-awkward ko.
I leaned my head on the window. Bahagyang gumalaw ang salamin ko sa mata dahil doon pero hindi ko na inayos. I just stared outside, worrying about this new world that I’m going to face.
“Anong oras kayo matatapos?” tanong ni Papa nang malapit na kami sa university.
Hindi sumagot si Jupiter, siguro ay walang ideya, kaya tumingin si Papa sa rearview mirror para tingnan ako. Wala rin naman akong alam kaya nagsabi ako ng totoo.
“Hindi ko alam, Pa,” I said. “Depende kung gaano kahaba ang pila at kung gaano kabilis ’yong mga nasa admission.”
Papa nodded. “I-text n’yo na lang ako kung patapos na kayo. Baka masundo ko kayo kung hindi pa ako nakakauwi galing sa trabaho.”
Bumaba na kami ni Jupiter nang huminto ang sasakyan namin sa harap ng university. Hindi na kami inihatid ni Papa sa loob at naglakad na lang kami papasok kahit malayo pa ang lalakarin namin. Pero ayos lang naman sa akin. May panahon kami ng kapatid ko para ma-familiarize ang lugar.
Maingay at maraming mga estudyante akong nakikita sa paglalakad namin papunta ng admission office. Madalas ay sa grupo nagmumula ang malakas na ingay. Tawanan at kuwentuhan dahil sa muling pagkikita matapos ang semestral break. Halatang magkakakilala na at duda akong hindi sila mga freshman. Baka nagkita-kita lang sa araw na iyon dahil bukas naman ang university.
Mas madalas ang nakikita kong estudyante na naglalakad nang mag-isa. Sa hula ko ay ito ang mga papasok na freshman sa university. At dahil transferee kami ng kapatid ko at scholar pa, kinailangan naming personal na mag-enroll.
Napatingin ako sa kapatid ko. Nakatingin lang siya sa mapa ng university na kasamang ibinigay sa amin noong natanggap kami para sa scholarship. Tinitingnan ni Jupiter ang mga sign na madaraanan namin. He was guiding our way and was doing his best to find the admission office without asking anyone.
Iyon ang isa sa pagkakapareho namin ng kapatid ko. Hindi kami nagtatanong sa ibang tao kung hindi namin alam ang daan o kung paano ang pumunta sa lugar na pupuntahan namin. We will first do our best to find it at kapag hindi na kinaya at tuluyan nang naligaw ay saka lang magtatanong.
Even for the things that we don’t know how to do. Susubukan muna naming pag-aralan iyon bago magtanong kung paano talaga gawin sa mga nakakaalam.
We have the same mindset regarding that. Ayaw naming makaistorbo ng iba kung kaya naman pala naming gawin.
Abala ang kapatid ko sa pagtingin sa mapa at sa daan kaya hindi niya napapansin ang mga babaeng sumusulyap sa kanya. Lalo na sa grupo ng mga babae. May isang mapapasulyap sa kanila sa kapatid ko, siguro ay nadaanan lang ng tingin pagkatapos ay mapapatingin uli. At saka sasabihin sa ibang kasama niya kaya lahat na sila ay tumingin sa kapatid ko.
Lihim akong napangiti. Mukhang nakikita ko nang magiging sikat na naman ang kapatid ko lalo na sa mga babae. Paano pa kaya kung sumali siya sa basketball team ng university na ’to?
“Gusto mong tingnan ’yong gym mamaya?” tanong ko sa kapatid ko.
Napatingin siya sa akin pero patuloy pa rin sa paglalakad. Natatawa ako nang ’yong kasalubong niya ang umiwas sa kanya dahil hindi siya nakatingin sa daraanan niya.
“Bakit, Ate?” he asked.
Ngumiti ako at inayos ko muna ang salamin ko bago sagutin ang tanong niya.
“Nandito ang mga varsity ng university. Malay mo, nandoon ang basketball team at nagpa-practice sila.
Napatigil sa paglalakad ang kapatid ko kaya tumigil din ako. Nakita ko ang kislap sa mga mata niya, halatang natuwa sa sinabi ko. I smiled sweetly at him. Isa sa mga ganitong pagkakataon na nararamdaman kong ate niya ako.
“Okay lang, Ate? Hindi mo ’ko susumbong kay Mama?” he asked excitedly. Paano ko pa siya isusumbong kung ganitong mukhang excited na excited siya?
“Hindi, ah. Ako naman ang nagyaya sa ’yo,” I said.
Naningkit ang mga mata niya. “Baka patibong ’yan, Ate, ha? Kasabwat ka ni Mama.”
Natawa ako nang malakas dahil sa sinabi niya. Malakas na para sa akin ang pagtawa kong iyon pero sa ibang makakarinig ay mahina pa iyon. Hindi rin kasi kalakasan ang boses ko kapag nagsasalita. Nasanay na ako na mahina ang boses ko dahil sa hiyang nararamdaman kapag makikipag-usap sa ibang tao.
“Hindi,” I assured him. Umiling pa ako. “Kung matapos tayo nang maaga, dadaan tayo roon.”
Sa hula ko ay nandoon ang lahat ng mga varsity club sa university na iyon. May nakita rin kasi akong naka-uniforn ng para sa isang cheerleader na nadaanan namin kami. Kaya sa tingin ko ay nandoon din ang mga nasa basketball team. Siguro ay para mang-engganyo ng mga estudyante na sumali sa club nila.
Halata ang saya sa kapatid ko sa isipin na dadaan kami sa university gym mamaya. Gustong-gusto niya talagang makasali sa basketball team. Sana lang talaga ay pumayag si Mama na pasalihin ang kapatid ko.
Mahaba ang pila nang makarating kami sa admission office. Sa palagay ko ay aabutin kami ng hapon sa dami ng kailangan naming pasahan. Hindi lang kasi ito ’yong kailangang pilahan. Parang dito pa lang ipapasok ang record ng estudyante, pagkatapos ay pipila para ipasok ang kursong gustong kunin. At dahil senior high school pa lang naman si Jupiter ay hindi na niya kailangang pumila roon.
Hindi naman nainip ang kapatid ko. Hindi pa man kami nakakaisang oras ay kausap niya na ang lalaking kasunod niya sa pila. He was a college freshman habang senior high school naman ang kapatid ko. Narinig kong ipinaliwanag pa ni Jupiter kung bakit kinailangan niya pang pumunta ng university kung may online enrollment naman.
“Taga-Manila kayo?” tanong noong lalaki. Halata ang hirap niya sa pagsasalita. Parang hindi sanay na magsalita nang deretsong Tagalog.
“Oo. Doon kami lumaki,” I heard my brother say.
Nagkuwentuhan pa sila. Nakakatuwa na nag-e-effort ang kausap niyang mag-Tagalog kahit na nahihirapan para lang maintindihan ng kapatid ko.
I think we need to learn their language here. Wala namang problema iyon Kay Jupiter lalo na at palakuwento siya. Mas mabilis niyang matututuhan iyon kapag may lagi siyang nakakausap sa ganoong language.
Siguro . . . magpapaturo na lang ako sa kapatid ko kapag marunong na siya. But I’ll try to learn the language too. Pakiramdam ko lang ay mas mauunang matuto si Jupiter kaysa sa akin.
Sa pila na rin kami kumain. Inabot na kasi kami ng lunch doon. Ang kapatid ko ang bumili ng pagkain para sa aming dalawa, kasama ang lalaking nakakuwentuhan niya dahil doon din daw nag-aral ang lalaki ng high school kaya kabisado na ang buong university. Naiwan ako sa linya.
Alas-dos na ng hapon nang matapos kami sa linyang iyon. Naglalakad kami papunta sa susunod naming pipilahan, doon sa kung saan ipapasok ang record namin sa kursong kukunin namin.
Napansin ko ang naglalakihang mga motor na naka-park sa gilid ng daanan. Maingay ang tawanan sa grupong iyon kaya naman ang mga estudyante ay napapatingin sa kanila. Maangas ang pormahan nila at agaw-pansin. Lalo na roon sa nag-iisang lalaki na naka-leather jacket pa talaga sa kabila ng tindi ng sikat ng araw.
“Sila ba ’yong nakita natin no’ng nakaraan?” dinig kong tanong ng kapatid ko. Pero dahil hindi ko alam kung sila nga iyon ay hindi ko siya sinagot.
“Kilala n’yo sila?” tanong ng lalaki na kanina pa namin kasama.
“Hindi.” Si Jupiter na ang sumagot. “Gangster ba ang mga ’yan?”
Natawa ang lalaki sa tanong niya.
“Hindi. Mahilig lang talaga ’yong grupong ’yan sa mga big bike. Pero mas mabuti kung iiwasan n’yo na lang ang grupong ’yan. Para mas safe.”
Mas safe? Ibig sabihin ay delikado ang grupong ’yon? Eh, di gangster nga?
Nagpatuloy na ang dalawa sa paglalakad kaya naiwan ako dahil nakatingin pa ako sa grupo. Nakita ko pa ang isang babaeng kasama sa grupo na bumulong doon sa lalaking naka-leather jacket.
“Ate, tara na.”
Napatingin ako kay Jupiter na napatigil pala sa paglalakad nang makitang hindi ako nakasunod sa kanila. Binigyan ko muna ng huling sulyap ang grupo bago naglakad palapit sa kapatid ko.
Chapter 4
Isa’t kalahating oras lang ang inabot namin sa sumunod na pila na panghuli na pala. Katulad sa unibersidad na pinasukan ko sa Manila, hindi nakabase sa grado kung saang section ilalagay ang mga estudyante. May certain number of students lang bawat section at kapag naubos na ang slot ay sa kabilang section na ilalagay.
Sa pangatlong section ako inilagay. Doon na lang daw kasi ang may slot dahil puno na sa una at pangalawang section. Hindi ako inilagay sa panggabi kahit na mas maraming slot doon dahil alam na transferee lang ako at baka manibago raw ako rito sa university. I’m just glad na napasama ako sa block section at hindi naging isang irregular student.
Pero iniisip ko pa lang na papasok ako sa isang lugar kung saan ako walang kakilala ay kinakabahan na ako. Ayoko na sanang maulit ang nangyari sa akin sa Manila. Kung saan hindi ako masyadong napapansin kaya sa groupings ay problemado ako. Isa ako sa mga tumatayo kapag tinatanong ng prof kung sino pa ang walang kagrupo at maghihintay na lang sa kukupkop sa akin. O hindi kaya ay ako ang last choice kapag kulang ang grupong nabubuo ng iba.
I wanted to be different this time. Pero masyado akong mahiyain at natatakot akong makipag-usap sa ibang tao. Kaya ang tingin sa akin ng iba ay tahimik. Natatakot tuloy ako na baka ganoon na naman ang mangyari sa akin katulad ng nangyari sa Manila.
Block section ang papasukan ko, ibig sabihin ay dalawang taon nang magkakakilala ang magiging mga kaklase ko at ako ay isang transferee lang. Sa loob ng dalawang taon ay sigurado akong naging magkakaibigan sila at baka may grupo-grupo pang nabuo. Hindi ko alam ang gagawin ko para mapasali kahit isa sa mga grupong iyon.
Mahiyain na nga ako, mahina pa ang boses ko. Kaya ang iba ay ayaw makipagkuwentuhan sa akin dahil hirap silang marinig ang mga sinasabi ko at kung minsan ay kailangan pang ulitin. Mas lalo pa namang humihina ang boses ko kapag nahihiya ako sa kausap ko.
“Seven a.m.? Ang aga, Ate, ah. Parang kami lang.”
Abala si Jupiter sa pagtingin sa registration card ko. Saglit ko siyang sinulyapan habang naglalakad kami at napansin ko na kahit tunog nagrereklamo ang sinabi niya ay masaya siya na ganoon ang oras ng pagpasok ko. Magsasabay kaming dalawa. Seven in the morning din kasi ang start ng klase nila.
Nawala na ang lalaking kasama namin kami dahil magkaiba ang kursong kinukuha namin at kailangan naming maghiwalay sa pangalawang pila. Nawalan tuloy ng kausap si Jupiter, pero kahit na ganoon ay matiyaga siyang naghintay sa akin na matapos ako sa pila.
“Ang dami mong vacant, Ate,” sabi ng kapatid ko na nakatingin pa rin sa registration card ko at paminsan-minsan lang sumusulyap sa dinaraanan. Kinailangan ko pa siyang alalayan sa paglalakad para hindi siya makabangga. “Nine to eleven, wala kang klase. Tapos two to three din.”
“Mas dadami pa ’yan sa second sem,” komento ko.
“Tapos wala kang pasok tuwing Wednesday!”
I just smiled. Alam ko naman na kahit marami akong vacant time ay mauubos din ’yon sa mga dapat gawin para sa mga subject ko. Ang alam ko ay magkakaroon na kami ng thesis at study case ngayong third year namin.
Ibinigay na sa akin ni Jupiter ang regi card ko.
“Gusto mo, tingnan na natin ngayon kung saan ang room ng first subject mo para hindi ka na maghanap sa first day ng klase?” he offered.
I smiled and shook my head. Minsan ay hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat kapag umaaktong mas matanda sa akin ang kapatid ko kahit ako naman ang ate. Ako dapat ang gumagawa nito sa kanya, eh.
“Hapon na, Peter.”
“Eh, pa’no ka sa first day?”
“Magtatanong-tanong na lang ako.”
Napatigil siya sa paglalakad para lang tingnan ako. Mas matangkad siya sa akin kaya nakatingala ako sa kanya. His eyes were squinting a little bit as he stared at me. Halata ang pagdududa sa itsura niya. Alam niya na hihintayin ko munang maligaw ang sarili ko sa paghahanap bago ako magtanong sa iba.
Natawa ako.
“Mahahanap ko ang room ko, Jupiter. May mapa naman,” I said, smiling.
“Pero malawak ’tong universty, Ate.” Kita ko ang pag-aalala sa kanya.
“Basta . . . punta na lang tayo sa gym, gusto mo?” pag-iiba ko sa usapan. Ayoko lang talagang pahirapan pa ang kapatid ko sa paglilibot sa university para hanapin lang ang room. Basta alam ko lang kung saan ang building ng college namin ay mahahanap ko naman agad kung saan ang room ko.
Nakita ko ang pagkislap sa mga mata ni Jupiter na hindi na niya naitago dahil sa sinabi ko. Mukhang kanina niya pa gustong pumunta talaga roon pero mas inuna pang problemahin kung saan ang room kaysa sa gusto niya. Hinihintay niya lang din siguro na magyaya ako tutal ako rin naman ang nagbanggit noon sa kanya kanina.
“Gusto ko, Ate . . .” May pag-aalinlangan sa mga mata niya. “Pero h’wag mo ’kong isusumbong kay Mama, ha?”
Natawa ako.
“Hindi. Ako naman kasi ang nagyaya, Peter. Don’t worry.”
My brother smiled. Kapag sa mga ganitong pagkakataon ay nararamdaman kong mas bata siya sa akin lalo pa kapag nakikita ko ang pagiging inosente ng mga mata niyang medyo naniningkit kapag tumatawa o ngumingiti. Kaya gustong-gusto ko talagang pangitiin siya palagi.
Nakalagay sa map na nasa kabilang dulo pa ang university gym kaya mahaba-haba pa ang lalakarin namin dahil malawak talaga ang university. Maraming mga estudyante pa rin ang makikita sa bawat sulok kahit na nang makaalis kami sa admission kung saan nagaganap ang enrollment at halos puno ng mga estudyante ang lugar.
Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang mga estudyante. Madalas ay grupo-grupo ang mga magkakasama at nakikita ko ang sarili ko na isa sa mga walang kasama na nakaupo sa mga bakal na benches doon.
Nadaanan namin ang Big Field, at kapag tinatanaw ko ang dulo ay nahahabaan ako sa lalakarin namin ng kapatid ko bago makapunta sa university gym. Sobrang lawak naman kasi ng field na ’to at may mga iba pang estudyante na nakaupo sa gitna ng bermuda grass na mukhang sanay na sanay na roon tumambay.
“Ate, doon tayo maglakad,” yaya sa ’kin ni Jupiter na itinuro ang gitna ng Big Field. Sa gilid kasi kami naglalakad, doon sa sementadong daan. Mukhang gustong tumapak ng kapatid ko sa bermuda grass.
Pumayag ako sa gusto niya at doon kami dumaan sa Big Field. Tawanan mula sa mga nagkukuwentuhang mga estudyante na nakaupo sa damuhan ang mga naririnig ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti kapag nakikita ko ang saya sa mga mukha nila.
Sana, maging masaya rin ako sa paglipat ko rito sa university.
But I know I shouldn’t just hope for it. I should make a move to make my wish happen. Kung hihintayin ko lang at hahayaan ang tadhana na gumawa ng hakbang sa gusto ko, alam kong baka hindi na mangyari ’yon. I should do something to make it happen.
Ang problema, wala akong lakas ng loob. Masyado akong mahiyain. Kung bakit ba kasi lumaki pa ’kong ganito. Hindi sana sa ’kin mahirap makipagkaibigan gaya ng kapatid kong si Jupiter.
Napansin ko ang pagtama ng isang bagay sa paa ko kaya napatigil ako sa paglalakad at tiningnan kung ano iyon. Bola ng basketball. Napatitig pa ako roon bago nagpasyang pulutin at hanapin ang may-ari.
Nakita ko ang isang lalaking naka-jersey na kulay dark blue na bahagyang tumatakbo papalapit sa direksiyon namin. Sa damit ay nakalagay ang tatlong acronym ng buong pangalan ng university at ang malaking number four sa pinakagitna.
“Sorry, nakawala.” He was chuckling when he went near us.
His hair was a bit damp because of sweat. Mas matangkad siya nang kaunti kay Jupiter at nakikita ko ang mga muscle sa mga braso niyang nakalabas sa jersey na suot. Ginamit niya ang wristband na nakasuot sa kanang braso niya nang may tumulong pawis mula sa noo niya.
The man looked at me. Nangunot ang noo pero napakamot naman sa batok. Parang may gustong sabihin pero hindi naman magawang masabi.
“Ate, ’yong bola,” bulong ni Jupiter sa tabi ko.
Napatingin ako sa bolang kanina ko pa pala hawak at muling napatingin sa lalaki. Doon lang ako natauhan.
Sa kanya ’yong bola!
“So-sorry!” nauutal pero mahina ang boses na sabi ko sa kanya. Natataranta pa ako nang iabot ko sa kanya ang bola.
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ng lalaki nang kunin niya sa akin ang bolang inaabot ko. Inipit niya iyon sa pagitan ng kanang braso at baywang niya.
“Freshmen?” he asked. Bahagyang nakataas ang kilay pero may ngiti naman sa mga labing mapupula.
Umiling si Jupiter.
“Senior high school ako. Third year college naman si Ate.”
The man frowned. Napansin kong tinitingnan niya ang envelope na dala-dala ko kung saan nakalagay ang mga requirement namin ni Jupiter sa pag-e-enroll.
“Pero mukhang nag-enroll kayo?” There was a confusion on the man’s face as he looked at the envelope before his gaze shifted at me. Agad akong napayuko para iwasan ang tingin niya.
“Ah, oo.” Si Jupiter ang sumagot. “Transferee kasi kami. From Manila,” habol niya nang makita ang pagtatanong sa mukha ng lalaki.
“Oh, wow!” the man exclaimed. Napaangat ako ng tingin sa mukha niya at mukha talaga siyang nabigla. “From Manila!”
Nagkatinginan kami ng kapatid ko. Sa paraan kasi ng pagsasalita ng lalaki ay parang nanggaling kami sa ibang bansa.
The man chuckled.
“Pasensiya na pala rito sa bola.” Itinuro niya ang bola gamit ang ulo niya. “Nabitawan lang ng ka-team ko.”
“Varsity ka?” Jupiter asked. Halata ang pagiging interesado sa boses.
Oo nga pala. Pupunta nga pala kami sa gym para makita kung nando’n ang mga varsity ng basketball team. Buti na lang may nakasalubong kami.
The man smiled. Inilipat niya ang bola sa kabilang braso at inilahad ang kanang kamay sa amin.
“Horus Fontanilla. Team captain of the Golden Lions Basketball Team.”
Nakita ko ang katuwaan sa mga mata ng kapatid ko nang magpakilala ang lalaki. He accepted the handshake with a big smile on his face.
“Jupiter Figueroa. Ito naman ang ate ko, si Illya,” pagpapakilala na rin sa akin ng kapatid ko na alam nang mahihirapan akong ipakilala ang sarili ko.
I gave the man a small smile, and he just nodded and smiled back at me for recognition.
“May practice kayo ngayon?” tanong ng kapatid ko at napahanga na lang ako sa normal niyang tono na parang hindi talaga nakakaramdam ng kahihiyan sa kaharap.
“Ah, hindi. Ganito talaga kami sa enrollment day. Nagyayaya kami ng mga gustong sumali sa team.”
“Ako, gusto ko!” mabilis na sabi ng kapatid ko at ako na lang ang nahiya para sa kanya.
Pero habang tinitingnan siya ay nakaramdam ako ng pagkainggit. How is it that he makes it look easier to talk with strangers while I find it hard to do so?
“Oh, tamang-tama, ah?” Horus chuckled a bit. “Looks like the ball led the way to you,” biro pa niya.
“Horus.”
Sabay-sabay kaming napalingon sa bagong boses na tumawag kay Horus. Nagmumula iyon sa likuran ko kaya kinailangan ko pang pumihit para makita kung sino iyon.
Natigilan ako nang makita ang itsura ng lalaki. Ang una kong napansin ay ang magulo at kulay itim na itim niyang buhok. Sabog ang makakapal na kilay at mayroong napakatangos na ilong. He has a perfect shape of lips and a defined jawline. The color of his eyes was black-brown at kapag tititigan ay pag-iisipan pa kung brown o itim ba talaga ang kulay ng mga mata niya.
Maangas ang dating niya sa isang plain black shirt na suot at itim na leather pants. Humahapit ang damit sa katawan niya. Sa isang kamay ay may hawak na leather jacket kaya napansin ko ang isang silver chain bracelet sa kanang pulsuhan niya.
“Kreios, p’re.” I heard Horus greet the man.
Napasulyap sa amin ang lalaking sa hula ko ay Kreios ang pangalan. Nang magtama ang paningin namin ay napalunok na lang ako. Sobrang pagkailang ang naramdaman ko sa mabigat niyang tingin kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin.
“Ang init na nga, may dala ka pang leather jacket,” dinig kong komento ni Horus. “Kaya ginagaya ka ng iba, eh.”
The man, Kreios, chuckled. Wala sa sariling nahigit ko ang paghinga ko at biglang napaayos sa salamin ko sa mata lalo na nang dumaan siya sa gilid ko at maglakad siya palapit kay Horus. Nahagip ng pang-amoy ko ang bango ng panlalaking pabango niya.
“Parang gago nga. Hayaan mong mamatay sa init.”
His voice sounds familiar . . .
They both laughed sa pinag-uusapan nila na sila lang ang nagkakaintindihan. Napatingin ako sa kapatid ko na kuryosong nakatingin sa lalaking bagong dating pero wala namang sinasabi para magpakilala. Sa palagay ko ay tinatantiya niya pa ang lalaki.
Kreios stopped laughing pero may ngisi pa rin sa mga labi nang tumingin sa amin ng kapatid ko pero mas nagtagal ang tingin sa akin. Then he looked at Horus and jerked his head towards us.
“Sino ’yan?”
“Ah! Sina Jupiter at Illya. Gusto raw sumali sa team,” Horus answered.
Napatingin uli si Kreios sa akin. His eyebrows creased with curiosity.
“Ikaw rin?”
Mabilis pero maliliit ang pag-iling ko. Sinubukan kong tingnan sa mga mata si Kreios pero bumaba lang ang tingin ko sa damit niya. Napansin ko ang basang parte sa may dibdib niya na dahil siguro sa pawis.
“Hindi . . . ’yong kapatid ko lang.”
I bit my lower lip when I answered his question with a soft voice. Sana lang ay hindi hilingin sa ’kin na ulitin ang sinabi ko!
“Si Jupiter lang,” sabi ni Horus at halos ipagpasalamat ko iyon dahil mukhang hindi ko na kailangang ulitin ang sinabi ko.
Nag-angat ako ng tingin pero agad ding napaiwas nang makita kong nakatingin sa akin si Kreios. Bigla akong inatake ng kaba sa isipin na kanina pa siya nakatingin sa akin.
Bakit niya ’ko tinitingnan? May problema ba? May mali ba sa ’kin? May dumi ba ko sa mukha? Nakatingin pa rin ba siya hanggang ngayon?
“Puwede kang maglaro ngayon,” biglang sabi ni Horus kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa kapatid ko. “Sa tryout, ’di ka na maglalaro.”
Mabilis na napatingin sa akin si Jupiter. Halata sa kanya na gusto niyang pumayag sa sinabi ni Horus. Pero umiling ako sa kanya.
“Hindi puwede, Peter . . .” mahina ang boses na sabi ko. Iniiwasang marinig ng dalawang lalaki sa harapan namin.
“Bakit hindi puwede?” si Horus na kahit mahina ang boses ko ay mukhang nadinig pa rin.
Sinubukan ko siyang tingnan. Nararamdaman kong nakatingin din sa akin si Kreios pero hindi ko siya nililingon. Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko sa kaba na sa tingin ko ay siya ang dahilan. Naiilang ako sa mga tingin niya.
“Enrollment ngayon. Hindi pa naman tryout.”
“Para nga hindi na siya maglaro sa tryout. Isasali ko siya kung magaling talaga siya. Ako na bahala kay Coach.”
Umiling uli ako.
“Hindi alam ni Mama. Hindi pa siya pumapayag sa pagsali ni Jupiter sa varsity team.”
Napatango-tango si Horus na parang naiintindihan na ang rason ko. Si Jupiter ay tahimik lang sa tabi ko, hinahayaan akong magdesisyon.
Ito pa ang isa sa mga gusto ko sa kapatid ko. Kahit na minsan ay umaakto siyang mas matanda sa akin, sinusunod niya pa rin talaga ako. Lalo na sa mga ganitong bagay.
I could tell that Kreios was still looking at me but not saying anything. Ingat na ingat talaga akong ’wag magtama ang paningin namin kaya ang mga mata ko ay kung saan-saan tumitingin, huwag lang sa banda niya talaga.
To be safe, I looked at my brother.
“Uwi na tayo?” I asked. Tapos na rin naman kaming mag-enroll at hindi na namin kailangang pumunta ng university gym dahil may nakasalubong na kami na isa sa mga basketball varsity. ’Yong team captain pa.
Tumango si Jupiter at nagpaalam na sa dalawang lalaki. Hindi ko na sila tiningnan dahil naiilang na talaga ako. Mas dumoble pa ang hiya at pagkailang ko nang dumating iyong Kreios.
I texted our father while walking towards the gate of the university. Si Jupiter naman ngayon ang umaalalay sa akin sa paglalakad para wala akong mabunggo. Nahihirapan pa ako dahil inaayos ko ang salamin sa mata ko na nalalaglag dahil nakatungo ako habang naglalakad. Itinago ko rin naman ang phone ko nang matapos at umayos na.
“Huwag ka na kayang sumali sa basketball team?”
Mabilis na napalingon sa akin si Jupiter dahil sa sinabi ko. May muntik pa siyang makabangga pero agad ding siyang nag-sorry at ibinalik ang tingin sa akin.
“Bakit, Ate?” Dinig ko sa tono ng boses niya na ayaw niya sa sinabi ko.
I sighed. Inayos ko ang salamin ko.
“Hindi mo ba naaalala kung sino ’yong Kreios?”
Kumunot ang noo ng kapatid ko. Saglit siyang nag-isip na parang inaalala talaga kung sino si Kreios. Maya-maya ay nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya.
“’Yong naka-motor na minura ni Papa!”
Inaasahan kong mas maaalala niya pa kaysa sa akin kung saan namin unang nakita si Kreios. Siya kasi ’yong may malinaw na paningin sa aming dalawa at nakakita sa itsura ni Kreios. I wasn’t wearing my eyeglasses that time. Boses niya lang ang narinig ko, at dahil malabo ang mga mata ay mas malakas ang pandinig ko kumpara sa mga taong may malilinaw na mga mata.
“Alam mo namang ayaw ni Mama sa mga taong ’yon. Tingin niya nga sa kanila, mga estudyanteng pariwara sa buhay.”
“Hindi naman siya kasali sa team, Ate,” katwiran pa ng kapatid ko.
“Pero kaibigan siya ni Horus na basketball team captain.”
“Mukha namang mabait.”
I shrugged.
“Hindi mo alam ’yan.”
“I didn’t know that you’re a judgmental person.”
Napatigil kami sa paglalakad ni Jupiter at sabay pang napalingon sa likod nang marinig ang pamilyar na boses. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kreios na nakatayo ilang hakbang ang layo mula sa amin. May ngising naglalaro sa mga labi niya at ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon niya.
Narinig niya ba . . . ang sinabi ko?
I heard him tsk three times. Doon pa lang ay nasagot na ang tanong ko sa sarili ko.
Narinig niya nga.
Tinitigan ako ni Kreios at muli akong napaiwas ng tingin. Maya-maya ay ibinalik ko ang tingin sa kanya pero napaiwas na naman. I heard him chuckle at my awkwardness.
“Jupiter, right? I’ll train you in basketball if you want. Hanggang sa mag-open ang tryouts.”
Napabalik ang tingin ko sa kanya. He was clearly talking to Jupiter.
“Hindi puwede,” mahina ang boses na sabi ko kaya napakagat uli ako sa pang-ibabang labi ko sa inis. Lalo pa nang makita ko na parang mas natuwa pa iyong Kreios dahil kulang na kulang sa conviction ang pagtanggi ko.
“I was the former team captain,” he said to Jupiter. “Umalis lang ako kaya si Horus ang pumalit. Marami akong maituturo sa ’yo.”
Mas lalong hindi puwede! Hindi na talaga puwedeng sumali sa basketball team ang kapatid ko kapag nalaman ni Mama ang tungkol kay Kreios!
Jupiter looked at me. Halatang-halata na gusto niyang tanggapin ang offer nitong si Kreios. A former university team captain offering to train him. Parang kahit sinong gustong sumali sa basketball varsity team ay hindi makakatanggi.
But I shook my head firmly. No. Desisyon ko ’to bilang ate niya at alam kong ito rin ang magiging desisyon ni Mama. Hindi namin kilala itong si Kreios. Baka kung ano pa ang ituro niya sa kapatid ko.
Jupiter sighed. Tumingin siya kay Kreios at umiling.
“Sorry. ’Di pa kasi pumapayag si Mama.”
Napatingin na rin ako kay Kreios at nakita ko ang mariin niyang titig sa kapatid ko. Then his gaze shifted to mine. He tilted his head as he stared at me kaya naman sobra ang panlalamig na naramdaman ko sa katawan ko dahil lang doon. Nakahinga lang ako nang maluwag nang ibaling niya uli ang tingin sa kapatid ko.
He shrugged.
“Alright. Pero kapag nagbago ang isip mo, just find me.” He nodded his head once. “Kreios Castellano.”
Muli niya akong sinulyapan at nakita ko uli ang pagngisi niya bago kami tinalikuran ng kapatid ko at naglakad papalayo.
Chapter 5
Kanina pa nauubos ang oras ko sa kakatingin ng mga post ng mga dati kong kaklase sa unibersidad na pinasukan ko noon sa Maynila. Kasali pa rin ako sa Facebook group nila kaya lahat ng mga post nila roon ay nakikita ko pa. Hindi ako sigurado kung nakalimutan ba nila akong tanggalin o naghihintay lang sila na kusa akong umalis doon.
Simula umaga ay ganito lang ang ginagawa ko. Lumalabas lang para kumain o hindi kaya ay para gumamit ng banyo. Pagkatapos ay babalik din kaagad sa pagbabasa ng mga post ng mga dati kong kaklase.
Punong-puno ng mga post nila ang news feed ko. Halata kung gaano ka-excited para sa muling pagbubukas ng klase bukas kaya kahit sa sariling wall ay nagpo-post na. At mas marami pa ang mga ganoon sa Facebook group ng block namin.
Hindi ko alam kung ano’ng nararamdaman ko habang binabasa ko ang mga post nila. Inggit ba?
Siguro nga . . . nakakainggit na makita silang excited sa muli nilang pagkikita bukas. Nakita ko pang sabi n’ong isa na kulang daw ang isang araw para sa kuwentuhan nila sa kung ano’ng nangyari sa kanila noong bakasyon. Na para bang ang dami ngang nangyari kahit hindi naman umabot ng taon ang huli nilang pagkikita.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin, kung may nakakaalala ba kahit isa sa kanila sa akin. Kanina pa kasi ako nagbabasa ng mga comment nila at hindi man lang nabanggit ang pangalan ko. Walang kahit isang nag-mention sa akin kahit na nakikita kong nagme-mention sila ng mga kaibigan nila. Kahit ’yong dalawang tao na naging kaibigan ko, mukhang nakalimutan na rin ang tungkol sa akin.
Naaalala ko pa, bago matapos ang school year noon ay alam ko na ang tungkol sa paglipat naming ito nina Mama. I told my friends about it. Naalala ko pa ngang natakot ako noon dahil baka wala naman pala silang pakialam sa sasabihin ko.
Pero sinabi nilang malulungkot sila dahil hindi nila ako makakasama hanggang sa pag-graduate namin. Na mami-miss daw nila ako. I remember I was happy hearing them say that. Naisip ko na . . . ah . . . naging mahalaga rin pala ako sa kanina.
Pero pagkatapos n’on . . . wala na . . . wala nang nangumusta sa akin.
Sinubukan kong makibalita sa kanila. Kahit na mahirap sa akin dahil hiyang-hiya akong unang kumausap sa mga tao. Na baka maabala ko lang sila. Pero na-realize ko, dalawang taon din kaming nagsama ng mga kaibigan kong ’to. Kaya siguro, okay lang naman kung kumustahin ko sila.
I was happy when I got their replies. Noong una ay mukhang ayos lang naman sa kanila kung makibalita ako sa kanila. Pero nang lumaon, nararamdaman ko ang lamig ng mga reply nila sa akin. Hanggang sa tuluyan nang hindi ako makatanggap ng mga reply sa kanila.
Doon ko naintindihan na hindi pala lahat ng taong darating sa buhay mo ay ituturing kaibigan. Hindi lahat ng tao ay papahalagahan ka gaya kung paano mo sila pahalagahan. May mga taong nakalaan na maging parte ng buhay ng isang tao, but they weren’t meant to stay. At some point, sila pa mismo ang maglalakad paalis sa buhay mo.
Nakarinig ako ng mahihinang mga katok mula sa pinto ng kuwarto ko. Napatingin ako roon at hinintay na bumukas. Nakita ko ang kapatid kong si Jupiter na sumilip para tingnan kung ano’ng ginagawa ko. Nang makitang nakaupo ako sa harap ng study table, napangiti siya at tuluyang pumasok sa loob.
“Meryenda mo, Ate,” sabi niya at inilapag ang banana cue na nakabalot pa sa plastic at isang baso ng pineapple juice sa study table ko. Napatitig muna ako roon bago tumingala sa kanya na nakatayo sa gilid ko.
“Binili ni Mama?” tanong ko at umiling siya.
“Ako bumili. May naglalako kasi sa labas.”
“Binilhan mo rin sina Mama?” tanong ko uli habang inaalis sa plastic ang banana cue.
Napakamot sa batok si Jupiter. “Hindi.”
Natigil ang tangka ko sanang pagkagat sa banana cue dahil sa sinabi niya. Napaangat uli ako ng tingin sa kanya at kinunutan siya ng noo.
“Ilan lang binili mo?”
“Isa lang,” sabi niya sa mahinang boses. Pakiramdam ko ay ayaw pa nga niya sanang sagutin ang tanong ko.
“Ha? Ako lang binilhan mo?”
Hindi siya sumagot at tumingin sa gilid niya kung nasaan ang maliit kong bookshelf na lalagyanan ng iilang mga libro ko. Iyon ang pinagtuunan niya ng pansin na parang bigla iyong naging interesante sa kanya kahit na alam ko namang hindi siya masyadong mahilig sa mga libro.
Jupiter wasn’t really the studious type, but he’s a fast learner. He’s that kind of student na kahit hindi masyadong nagbabasa ng libro at pinag-aaralan ng advance ang mga lesson, nakakasabay siya sa klase. Hindi niya pa agad nalilimutan ang mga napag-aaralan niya kaya kahit hindi palabasa ay matataas ang nakukuhang mga grado.
We’re the total opposite. He was the sports type while I was the studious type. At ang basketball ang gustong-gusto niyang sports. At ako, dahil mahiyain at hirap makipag-usap sa mga tao ay palaging mga libro lang ang kaharap. Ang oras ko ay madalas na ibinubuhos ko lang sa pag-aaral.
Hindi ko maiwasan ang mapabuntonghininga habang nakatingin sa kapatid kong hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinitingnan. He must’ve felt guilty. Alam niyang nahuli ko siya sa kung ano’ng gusto niyang gawin.
“Suhol ba ’to para payagan kitang sumali sa basketball team?” tanong ko at tuluyan nang kumagat sa banana cue.
Mabilis na napatingin sa akin ang kapatid ko. Napansin ko na parang gusto pa niya sanang itanggi ang sinabi ko pero napatigil at itinikom na lang ang bibig. Wala rin naman kasing silbi kung ide-deny niya pa kung iyon naman talaga ang ginagawa niya ngayon. Siguro, na-realize niya na kung itanggi niya pa, mas lalo kong hindi ibibigay ang gusto niya.
“Ate, kasi . . .” sabi niya na parang batang nagmamaktol dahil inagawan ng candy. “Payagan mo na ’ko. Hindi naman ako magbubulakbol.”
Napabuntonghininga ako.
“Hindi puwede, Jupiter. Ayaw nga ni Mama na sumali ka rin do’n. Mas lalo pa kapag nalaman niyang kaibigan pala n’ong team captain ’yong Kreios na ’yon. Tingin pa naman ni Mama roon, gangster.”
“Eh, Ate, sa junior team naman ako mapapasali dahil high school pa lang ako. Saka si Mama ang may ayaw, iba naman ’yong ikaw. May pag-asang pumayag ’yon kapag payag ka rin.”
“Kaya ako muna ang kinukulit mo ngayon?”
Napakamot uli sa batok si Jupiter. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapangiti. Gustong-gusto ko talaga kapag ganito siya. Nirerespeto niya ang pagiging matanda ko sa kanya. Ilang beses din siyang nanghingi ng permiso muna sa akin noon bago sa mga magulang namin. Puwede niya namang ideretso na sa kanila pero ako muna ang tinatanong niya.
Pero siguro, ganoon nga ang naiisip niya. Na kapag payag ako at hindi pumayag si Papa o hindi kaya si Mama, tutulungan ko siyang mapapayag sila.
“Wala naman kayong problema sa ’kin no’ng sumali ako sa basketball team sa dati kong school,” nagtatampo niyang sabi.
Muli akong nagbuntonghininga at tiningala siya kahit nangangalay na ang leeg ko dahil sa tangkad niya. Isa iyon sa mga kinaiinggitan ko sa kanya. Nabiyayaan siya ng tangkad.
“Wala naman talaga akong problema sa pagsali mo sa varsity team. Pero mukha kasing hindi mapagkakatiwalaan ’yong Kreios na ’yon, Peter . . . iyon lang naman ang inaalala ko. Baka maipluwensiyahan ka niya.”
“Hindi na nga kasali sa team si Kuya Kreios, Ate. Kita mo. Si Kuya Horus na ’yong team captain ngayon,” giit niya.
Napakunot ang noo ko sa narinig kung paano niya tinawag ang dalawang lalaking nakilala lang naman namin noong enrollment day. Pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. I think it was his way to respect someone who’s older than him.
“Pero magkaibigan naman sila.”
“Pero sa junior team nga ako mapapasali, Ate. Hindi ko magiging captain si Kuya Horus.”
Ako naman ang napakamot sa batok ko ngayon. Nakikita ko naman ang punto niya. Pero hindi rin kasi malayo na magkrus ang landas nila ni Kreios. Malawak nga ang university, pero mas mapapalapit sila dahil parehong may koneksyon sa basketball.
“Sige na, Ate . . . hindi ko naman pababayaan ang pag-aaral ko. Nagawa ko na ’yan sa Maynila, magagawa ko rin ’yan dito.”
Napatitig ako sa kanya.
“Hindi ka ba natatakot kasi hindi mo kilala ang mga magiging teammate mo kung sakali?”
Mabilis na umiling si Jupiter. Parang sigurado pa siya sa naging sagot niya.
“Do’n din naman sa dati kong school, Ate. Hindi ko kilala ang mga naging ka-team ko no’ng una. Saka walang mangyayari kung matatakot lang ako at hindi ko susubukan.”
Hindi ako nakapagsalita agad at tumitig lang sa kanya. I really admire that part about him. Hindi siya takot sumubok. Malakas ang loob niya at hindi pa nahihiya.
Samantalang ako, halos lamunin na ng hiya at takot kapag may bago sa buhay ko. Katulad na lang ngayon. Pasukan na bukas at kinakain ako ng takot ko sa kung ano’ng puwedeng mangyari dahil bago ang lahat sa akin. Bagong university, bagong mga kaklase, bagong mga kakilala . . .
Pero heto ang kapatid kong si Jupiter at parang wala lang sa kanya kung lumipat man kami. Ang bilis niyang nakapag-adjust. Kahit iyong mga kaklase ko sa Maynila, mukhang nakapag-adjust na rin na hindi na nila ako magiging kaklase sa mga susunod pang taon. Na madali lang nilang nagawa dahil hindi naman ako gaanong tumatak sa kanila.
Samantalang ako . . . napag-iiwanan. Natatakot humakbang pasulong at subukan ang mga bagong bagay sa paligid ko.
Napatitig ako sa banana cue na hawak ko. Pagkatapos ay tiningala ko uli si Jupiter.
“Alam mo namang si Mama talaga dapat ang mapapayag mo na sumali ka sa basketball varsity team, ’di ba?”
Mabilis siyang tumango. “Pero gusto kong payag ka rin.”
I smiled helplessly. “Gusto mo lang tulungan kitang mapapayag si Mama, eh.”
“Tutulungan mo naman ako, ’di ba, Ate?”
Hindi ko na naiwasan ang mapatawa. Makakatanggi pa ba ako kung binilhan na niya ako ng banana cue gamit ang sarili niyang pera? Alam kong ginamit niya ang ipon niya para dito. Nag-iipon siya pambili ng bagong sapatos na gagamitin niya para sa pagba-basketball niya. Alam ko kasing pudpod na ang suwelas ng sapatos na ginagamit niya at hindi na magandang ipanlaro.
I flashed him a small smile.
“Sige na . . . payag na ’kong sumali ka.”
Nakita kong nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Napansin ko pa na kumuyom ang kamao niya at ang mahina niyang “yes”. Napailing na lang ako at ipinagpatuloy na ang pagkain ng banana cue.
Nang sumapit ang gabi ay hinanda ko na ang mga gamit ko para sa pagpasok ko kinabukasan. Kabang-kaba ako habang iniisip kung ano’ng puwedeng mangyari bukas. The anxiety is killing me. Mas lalo pang lumala iyon nang magising ako kinabukasan.
“Wala na ba kayong naiwan?” tanong ni Mama nang pasakay na kami sa kotse. Kanina pa siya nagbibilin sa amin at pakiramdam ko nga ay wala na iyong katapusan. Hindi naman ako makapag-concentrate dahil halos masuka na ako dahil sa kaba.
“Wala na, Ma. Kagabi pa kami nag-ayos ng gamit ni Ate.” Si Jupiter ang sumagot. Nahalata siguro na kinakabahan ako kaya hindi ako makapagsalita.
“O, siya, sige. Lumakad na kayo at baka ma-late pa kayo.”
Hindi ako mapakali habang nakaupo sa backseat at palapit nang palapit na kami sa university. Nakatingin ako sa labas ng bintana, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Pero dahil sa sobrang kaba ko ay nadadamay ang tiyan ko. Pakiramdam ko ay may malamig na hangin na umiikot doon at napapapikit na lang ako sa inis kapag nararamdaman ang pagsakit ng tiyan ko.
Bakit ba kasi ganito ako?!
Ramdam ko ang pamumuo ng mga butil ng malalamig ng pawis sa noo ko. Hindi na siguro maayos ang itsura ko ngayon. Mas lalo pa akong kinabahan nang tumigil ang kotse sa harap ng university gate.
Inayos ko muna ang salamin ko sa mata bago nagpaalam kay Papa at bumaba na ng kotse. Tumayo si Jupiter sa gilid ko habang tinitingala ang pangalan ng university na nakakabit sa arko ng gate.
“Ayos ka lang, Ate?” tanong ni Jupiter nang magsimula na kaming maglakad papasok.
Maaga pa pero marami nang mga estudyante ang pumapasok kahit unang araw pa lang ng klase. May one week adjustment period para sa amin pero mas gusto kong pumasok dahil transferee na nga ako. Ayokong mas mahuli kung patatagalin ko pa ang pagpasok ko.
“Oo,” sagot ko kay Jupiter kahit na hindi naman.
“Alam mo na ba kung saan ang building mo, Ate?”
Napatingin ako sa mapang hawak ko. Hinahanap ko kung may nakalagay ba ro’n kung nasaan ang building ng College of Business and Accountancy pero hindi ko makita. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa sobrang kaba ko ngayon. Nanginginig na nga ang kamay kong nakahawak sa mapa. Ramdam ko pa ang panlalamig niyon!
Hindi ko na nagawang magtanong noong enrollment day kung saan ang building ng college ko. Hiyang-hiya kasi ako. Kahit pagtatanong, hindi ko magawa.
Ayoko na talaga sa sarili ko.
“Alam ko na,” sabi ko na lang sa kapatid ko kahit hindi pa naman talaga.
Tumigil sa paglalakad si Jupiter kaya napatigil ako. Tiningnan ko siya at nakita kong nakatitig siya sa akin. Pagkatapos ay nagbuntonghininga siya at may itinuro.
“Doon ang sa senior high,” he said.
Sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya. Hindi ko alam kung anong partikular na building iyon pero ang hula ko ay iyong nasa dulo. Iyon kasi ang nakalagay sa mapa.
I looked at my brother and smiled at him. Tinanguan ko siya.
“Sige na . . . punta ka na roon.”
Hindi siya tuminag at nanatili lang ang tingin niya sa akin. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.
“Samahan kita papunta sa building mo, Ate,” he offered.
Mabilis akong umiling.
“Hindi na . . . mapapalayo ka pa,” sabi ko na lang kahit hindi ko pa naman talaga alam kung nasaan ang building ng college ko. Ayoko lang kasing maistorbo pa siya. Iyon na kasi ang building niya.
“Sigurado ka, Ate?” May pag-aalangan sa mga mata niya. Mukhang ayaw pa talaga akong iwan.
I gave him a reassuring smile.
“Oo. Nasa kabilang dulo kasi ang building ko.”
“Eh, di sana pala sa kabilang gate ka nagpababa,” he said. Napatawa ako na mahina sa pandinig.
“Sige na. Pumasok ka na.”
Ilang pang pilitan ay napapayag ko rin naman si Jupiter na pumunta na siya sa building niya. Kailangan niya pa kasing hanapin ang room niya at baka mahuli pa siya sa klase.
I started walking and looked at the map again. Sinubukan kong hanapin kung saan ang building ng college ko pero wala talaga akong ideya kung saan. Pinagbalik-baliktad ko na ang mapa pero walang nakalagay.
Nang sa wakas ay matanggap ko na hindi ako matutulungan ng mapa, sinubukan kong tumingin sa paligid. Karamihan ay mga college student ang nakikita ko. Naglalakad sila na parang walang pakialam sa paligid. Mukhang alam na rin nila kung saan ang pupuntahan nila.
Sa bawat estudyanteng mapapadaan sa harapan ko ay sinusubukan kong kumuha ng lakas ng loob para magtanong. At kapag akala kong kaya ko na, sa tuwing malapit na ang estudyante sa akin ay napapaatras ako. Nanlalamig ako.
Hindi ko na mabilang kung ilang tao ang dumaan sa harapan ko na sinubukan kong pagtanungan. May ilang napapatingin pa nga sa akin pero umiiwas ako ng tingin. At sa tuwing nangyayari ’yon ay mas lalo ko lang nararamdaman ang tingin sa sarili ko.
Bakit ba kasi ipinanganak akong mahiyain?
Tiningnan ko ang relo sa kaliwang pulsuhan ko at nakitang sampung minuto na lang ay seven na. Male-late ako kung hindi ko pa mahanap ang building ng college ko. Kailangan ko pa kasing hanapin ang room ko!
“Illya?”
Napalingon ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko at napakurap na lang nang makita si Horus na nakatayo sa harapan ko. He was wearing a plain dark green shirt and khaki shorts. Mas nagmukha siyang estudyante sa paningin ko ngayong hindi na siya naka-jersey uniform.
“Ikaw nga!” he exclaimed. Mas lumapit pa siya sa akin.
Nakatingala ako habang nakatitig lang sa kanya. Mas matangkad siya kaysa sa kapatid ko. Hindi ko iyon napansin noong una dahil hindi naman naging ganitong kalapit ang pag-uusap namin noon.
“Uh . . . si Horus ’to. ’Yong captain ng basketball varsity team. Nagkakilala tayo no’ng enrollment day,” sabi niya habang nakangiti. “Natatandaan mo ba ’ko?”
Tumango ako. Imposibleng makalimutan ko kung sino siya dahil interesado nga si Jupiter na sumali sa basketball team. Hindi rin naman palaging may nakikilala akong ganitong kagandang lalaki kaya hindi ko talaga makakalimutan siya nang basta-basta.
“Oo . . .” mahina ang boses na sabi ko.
Hindi ko sigurado kung narinig niya iyon pero narinig ko ang pagtawa niya. He looked carefree. Para bang ang tagal na naming magkaibigan kung makipag-usap siya sa akin ngayon.
“Akala ko, hindi mo ’ko nakilala. Hindi ka kasi nagsasalita,” sabi niya na may ngiti pa rin sa mga labi.
Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Nagulat rin ako sa biglaan niyang paglapit sa akin at pagtawag pa sa pangalan ko. ’Yong ibang tao kasi, dahil nga hindi naman ako madalas tumatak sa kanila, palaging nakakalimutan ang pangalan ko sa unang pagkikita. Kung minsan ay kailangan ko pang ipakilala ang sarili ko sa pangatlong beses na pagkikita.
Pero siya . . . natandaan niya agad ang pangalan ko.
“Papasok ka na?” he asked. Napasulyap siya sa university map na hawak ko. “Hindi mo alam kung saan ang building mo?”
Nakatitig lang ako sa kanya nang mga ilang segundo bago ako umiling. Namamangha pa rin kasi ako na ang isang katulad niya ay natandaan ang isang katulad ko. I was that kind of person na hindi nag-iiwan ng impression sa first meeting kaya mabilis makalimutan.
“Hindi,” I said with a soft voice. Nag-alala akong baka hindi niya narinig at balak na sanang ulitin sa mas malakas na boses kahit na alam kong wala nang ilalakas ang boses ko dahil nahihiya rin ako. Pero ngumiti siya sa akin.
“Ano’ng college department mo?”
“College of Business and Accountancy.”
Mahina uli ang boses ko pero hindi niya ipinaulit sa akin. Ibig sabihin ay narinig niya.
I sighed in relief. Hindi siya maiinis sa akin.
Most people couldn’t hear my soft voice when I’m talking, kaya ang iba ay kinailangan pang lumapit sa akin para mas marinig ako. Ang iba ay walang tiyagang ipaulit sa akin ang mga sinasabi ko dahil kung minsan, kahit sa pangalawang beses ay hindi pa rin nila naririnig. Kaya mas pinipili na lang nila na hindi ako kausapin.
Pero ang lalaking ’to . . . naririnig ang lahat ng sinasabi ko.
“Sa New Valentine Hall ’yon,” sabi niya at may itinuro. Nilingon ko iyon. “Pumasok ba ’yong kapatid mo? Medyo malapit lang kasi ’yong building niya sa inyo.”
Ibinalik ko ang tingin sa kanya at tumango. Gusto ko sanang itanong kung saan ang building na sinasabi niya pero tinamaan na naman ako ng hiya.
But he smiled like he understood my awkwardness. Muli siyang ngumiti sa akin.
“Saang gate ka ba pumasok?” tanong pa niya.
“Gate one.”
Tumango-tango siya. “Bukas, sa gate three ka pumasok. Mas malapit kasi do’n ’yong building ng college mo.”
Tumango ako at hindi na nagsalita. Napatungo ako. Hindi ko pa rin kasi alam kung saan ang New Valentine Hall na sinabi niya.
I heard his soft chuckle. Napaangat ako ng tingin sa kanya.
“Halika. Samahan na kita.”
Mabilis akong napailing. “H-hindi na . . . ituro mo na lang.”
“Sasamahan na kita,” he insisted.
“Baka ma-late ka . . .” mahina ang boses na sabi ko. Hiyang-hiya na ako.
He flashed me a smile again.
“Mamaya pa first class ko. Trip ko lang talaga pumasok nang maaga ngayon,” he said. “Tara na. Ikaw ang male-late kapag naligaw ka pa.”
Nauna na siyang maglakad sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Hiyang-hiya talaga ako. Mas ayos pa sa akin kung ituro niya na lang ang direksiyon at hindi na ako samahan. Nakakahiya na baka naistorbo ko pa siya.
Nilingon niya akong naglalakad sa likod niya. Napatawa siya at binagalan ang paglalakad para masabayan ako.
“Okay lang na ma-late ka since first day mo naman dito sa university. Pero ngayon lang, ha? Sa susunod na araw, hindi na puwede.”
Tumango lang ako sa sinabi niya at hindi na nagsalita. Ang awkward kapag tahimik. Ilang beses kong inayos ang salamin sa mata ko para lang may magawa. Buti na lang, marami siyang kakilala at kung minsan ay binabati pa niya pero hindi naman tumitigil sa paglalakad.
Oo nga pala . . . Team captain siya ng basketball team. Marami talagang makakakilala sa kanya.
Ilang sandali pa ay tumigil din kami sa tapat ng isang building. Nilingon niya ako at tinitigan.
“Saan ang room mo?” he asked.
Mabilis akong umiling sa isipin na baka hanggang doon ay tulungan niya uli akong hanapin.
“Ako na ang maghahanap . . . thank you.”
Alam kong mahina ang pagkakasabi ko. Hiyang-hiya na kasi ako at mas humihina lang ang boses ko kapag ganoon. But Horus smiled kindly at me.
“You’re welcome,” he said.
“Una na ’ko,” sabi ko. Gusto nang makawala sa nakakailang na sitwasyon na ’yon.
He smiled and nodded.
“Sige. See you around, Illya.”
Tumango lang ako at mabilis na tumalikod. Hindi na ako lumingon pa uli sa kanya at pumasok na sa building.
Chapter 6
Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko habang nakatayo hindi kalayuan sa classroom namin. Ramdam ko na ang pagbaon ng mga kuko ko sa palad ko dahil sa diin ng pagkakakapit ko sa bag ko pero hindi ko pinansin ang hapdi at sakit na nararamdaman ko. Mas malala pa ang kabog sa dibdib ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko pa ay anumang oras, mahihimatay na rin ako sa kaba.
Pangatlo ang classroom namin mula sa kaliwang hagdan ng third floor. Nakatayo ako sa pangalawang classroom at ramdam ko na rin ang titig ng ibang mga estudyante sa akin na nasa loob ng room na iyon. Siguro ay nagtataka kung bakit nandoon lang ako at nakatayo.
Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Para pa ngang nakapako na iyon sa kinatatayuan ko. I couldn’t feel my legs. Namamanhid na ang buong katawan ko dahil sa sobrang kaba.
I was always like this every first day of classes. Palaging kinakabahan. Takot muling makiharap sa mga tao. Pero alam kong wala naman akong magagawa dahil kailangan. Hindi ko maiiwasan ang ganito.
Pero ang kaba ko ay mas dumodoble kapag ganitong mga senaryo. Iyong bago ang lahat para sa akin. Katulad na lang noong first day ko bilang freshman. Bagong school. Bagong university. Bagong mga kaklase. Bagong paligid.
Mas lalo pa ngayon. Lahat ng bagay dito sa Iloilo ay bago para sa akin. Ang ibang mga nakasanayan ko sa Manila ay hindi puwede rito. I need to blend in. Bagong kultura. Bagong mga makikilala.
I took a deep breath. Mula rito sa puwesto ko ay rinig ko na kung gaano kaingay ang mga bago kong kaklase na nasa classroom na namin. Halatang magkakakilala na ang lahat na hindi ko na ipinagtataka. Dalawang taon na silang nagsama bilang magkakaklase, bilang magkakaibigan.
Mas lalo lang tuloy akong kinakabahan. Medyo kampante sana ako kung pare-pareho kaming mga bago at hindi pa magkakakilala. At least, may karamay ako. Pero kung ganitong ako lang ang bago, pakiramdam ko, mapupunta ang atensiyon ng lahat sa akin.
Kalma . . . kailangan kong kumalma. Natural lang naman sa kanila kung magiging kuryoso sa akin dahil bagong mukha ako sa room nila. Natural lang ’yon. Natural lang.
Pero kapag naiisip kong pagtitinginan nila ako, mas lalo lang akong kinakabahan.
Hindi ko namalayan na napahakbang na pala ako paatras. Ang katawan ko ay parang gusto na lang umatras at umuwi dahil hindi kinakaya ang sobrang kaba. Habang ang utak ko, nagtatalo pa kung tutuloy akong pumasok ngayon.
Muli akong humugot ng malalim na paghinga at inayos ang salamin kong suot. Ilang minuto na akong nakatayo roon. Pumayag pa akong magpatulong kay Horus para mahanap ang building ng college ko para hindi ako ma-late pero sa ganitong paraan naman pala ako male-late. Mabuti na lang at hindi pa dumadating ang prof namin.
Ano ba? Kailangan ko nang pumasok! Mas lalo lang akong kakabahan kung mananatili lang akong nakatayo rito! Baka hindi na talaga ako magkaroon ng lakas ng loob ngayon at tuluyan nang umuwi!
Pumikit ako nang mariin, at nang dumilat ay lakas-loob akong humakbang pasulong papunta roon sa pinto ng classroom namin. Ang utak at dibdib ko ay nagsusumigaw na huwag akong tumuloy at mas lalo pang nadagdagan ang kaba ko. Pero ginawa kong blangko ang isip ko at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng classroom.
May ilang mga nakapansin sa akin sa pagpasok ko. Ang iba ay napapatagal pa ang tingin sa akin pero babalik din naman sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nila. Dere-deretso akong naglakad sa unang bakanteng upuan na nakita ko. Doon sa pangalawa sa paghuling row, dulong upuan.
Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko nang sa wakas ay makaupo na ako. Pasimple akong tumingin sa paligid. Wala nang nakatingin sa akin at balik pakikipag-usap na sila sa mga kaibigan nila. Nakahinga ako nang maluwag.
Ayos din pala . . . kapag hindi ka napapansin ng iba.
Hindi rin naman dumating ang prof namin para sa unang subject. Dahil may grace period, hinintay muna ng iba na lumipas iyon bago nagdesisyon na lumabas na ng klase at gumala na lang muna dahil may dalawang oras kaming vacant period. Ang iba ay nagreklamo pa na kung alam lang daw nila, sa second subject na sila pumasok. Sayang lang daw kasi ang tulog nila at gumising pa nang maaga. Ngayon ko lang din naisip na hindi rin pala maganda ang schedule ko ngayong first sem.
Dahil walang makakausap, nagdesisyon na rin akong lumabas at ikutin na muna ang buong university. Hindi ko rin ’to nagawa noong enrollment day kaya para akong isang ligaw na bata kanina at hindi alam kung saan pupunta.
There were so many buildings. Hindi ko alam kung ano-anong mga college ang nandoon. Sana lang ay bago ako gr-um-aduate, malaman ko ang mga iyon.
Ang pinakagusto ko talagang lugar ay iyong sa may Big Field. Dahil kasikatan ng araw ay walang estudyante ang naroon. Ang iba ay sumisilong sa mga puno na nasa gilid ng Big Field at doon naupo sa batong bench na nakapaligid sa puno. Ang iba ay doon sa mismong gazebo.
Hindi masyadong ramdam ang init kapag nandoon sa bahaging iyon dahil sa mga puno. Ramdam ko pa ang hangin kahit kasikatan ng araw. Ang lagaslas ng dahon sa mga puno ay masarap sa pandinig.
Sa huli ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harapan ng university library. I heard that this is one of the biggest academic libraries in the Philippines. Hindi na ako magtataka dahil sa labas pa lang ay malawak na ang building. Paano pa kaya sa loob.
Gusto ko sanang pumasok at doon na magpalipas ng oras. Pero nahihiya ako. Baka kasi may kailangan pang hanapin katulad ng library card. Wala naman akong ganoon. Kaya nakontento na lang ako sa pagtitig mula sa labas.
Okay . . . hindi muna ngayon. Pero sa mga susunod na araw, dahil dalawang oras naman ang vacant time namin, dito na ako maglalagi. Mas komportable pa sa akin.
Napatili ako nang mabigla dahil muntik na akong mabuwal sa pagkakatayo! May bigla kasing nagtiklop ng isang tuhod ko gamit ang tuhod nila at dahil hindi ko inaasahan na may gagawa niyon sa akin, hindi ko napaghandaan at muntik nang mabuwal. Mabuti na lang at ang taong gumawa n’on ay agad akong hinawakan sa braso at inalalayan. Hinila niya ako patayo para hindi matumba kaya tumama ang katawan ko sa kanya.
My glasses fell off my eyes because of the impact. Dapat ay alalahanin ko iyon dahil baka nabasag, pero mas inuna kong tiningnan ang taong nakahawak sa akin. Ang lapit-lapit namin sa isa’t isa! Ramdam na ramdam ko ang katawan niya pati na rin ang init ng kamay niyang nakahawak sa braso ko.
I squinted my eyes. Dahil walang salamin ay lumabo ang paningin ko. Naaaninag ko ang taong nasa harapan ko pero hindi malinaw. Pero alam kong lalaki ang nakahawak sa akin. Dahil malabo ang paningin, mas lumakas ang pang-amoy ko. I could smell the cologne that he used. Mabango. Hindi masakit sa ilong.
Palagi akong nagrereklamo sa pabangong ginagamit ni Jupiter. Ang tapang kasi. Ang sabi niya ay kailangan niya raw iyon para hindi mabilis mawala ang amoy lalo pa at nagba-basketball siya.
Pero ang lalaking ’to, nagustuhan ko ang amoy ng pabango niya. It was mild. Nandoon ang tapang but it has a gentle scent.
“Sino—” tanong kong hindi ko natuloy dahil pilit pa ring inaaninag ang itsura ng lalaki.
I noticed him glancing down. Binitiwan niya ako at agad akong lumayo. Nakita kong may pinulot siya at ibinigay sa akin.
“Nahulog ’yong salamin mo,” he said.
That voice!
Mabilis kong kinuha mula sa kanya ang salamin ko at agad iyong isinuot. Mabuti na lang at hindi nabasag nang bumagsak. I looked at the man and gasped when I confirmed who he was.
“Hi, Miss Judgmental!” he greeted, wearing a playful smirk on his lips.
Wala sa sariling napahakbang ako paatras. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Hindi makapaniwalang nasa harapan ko siya at sa mga ginawa niya kanina!
He was wearing a plain gray shirt and a pair of maong pants. May hawak na leather jacket sa kamay na nakasabit sa likuran niya at hawak niya ang kuwelyuhan niyon. The silver chain bracelet on his right wrist glistened under the sunlight. Ang buhok niyang itim na itim ay mas gumugulo pa sa ihip ng hangin. Ang ilang mga hibla ay tumatakip sa noo niya.
“A-anong—” pautal-utal kong sabi sa mahinang boses. Hindi ko alam kung ano’ng itatanong ko!
Kreios frowned. Hindi ko alam kung hindi ba niya narinig ang tanong ko o nagtaka dahil nauutal ako.
He crouched down. Parang sinisilip ang mukha ko. Nang dahil sa ginawa niya ay nagkalapit ang mga mukha namin kaya naman muli akong napaatras. Biglang bumilis kasi ang tibok ng puso ko!
“A-ano’ng ginagawa mo?” I asked using my soft voice.
Ilang sandali pa siyang tumitig bago umayos ng tayo. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.
“Ang ganda pala ng mga mata mo . . .” he said.
He said that so casually, but it was enough for my heart to beat like crazy. Wala pang nagsasabi ng ganoon sa akin . . . bukod sa pamilya ko. Siya pa lang. Kaya hindi ko alam kung ano’ng dapat kong maging reaksiyon ngayon. Lalo pa at sobrang awkward kong tao.
A part of me was happy to hear him say that. Bilang na bilang sa mga daliri ko ang natatanggap kong mga papuri mula sa ibang tao. Dahil nga hindi masyadong napapansin, ang iba ay kakausapin lang ako kapag may kailangan. I rarely have real conversations with others.
Pero may parte rin sa akin ang natatakot. Takot na hindi ko alam kung para sa akin.
Nakita ko ang muling pagngisi ni Kreios pero mabilis lang bago niya tiningnan ang building na nasa harapan namin. Nanatili naman ang tingin ko sa kanya kaya nahuli niya tuloy akong nakatingin nang muli niya akong nilingon.
He let out a chuckle. Napapahiyang nag-iwas naman ako ng tingin.
“Gusto mong pumasok?” rinig kong tanong niya. Alam kong patungkol iyon sa library.
Mabilis akong napailing nang hindi pa rin tumitingin sa kanya. Napansin ko tuloy ang kuryosong tingin ng mga estudyanteng nakakakita sa amin.
“Why?” I heard Kreios ask again. “Nakita ko ang tingin mo sa library kanina. You look like you really wanna go inside.”
Mabilis akong umiling. “Hindi na . . . sa susunod na lang.”
Lumipas ang ilang sandali at wala na ’kong narinig mula sa kanya. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko dahil sobrang hina ng boses ko, dinadala pa ng hangin, kaya napatingin ako sa kanya. I saw him staring at me. His head was slightly tilted as his black-brown eyes settled on me. Mabilis uli akong napaiwas ng tingin.
Bakit ba palagi siyang nakatitig? Naiilang ako.
Para makatakas sa nakakailang na sitwasyon ay humakbang ako paatras sa kanya. I took my courage to look at him to formally bid a goodbye.
“Sige . . . mauuna na ’ko,” I said with a small voice. Hindi ko na kinumpirma kung narinig niya ba ang sinabi ko at basta na lang tumalikod para makaalis na.
Ano ba ’yon? Nakakailang talaga ’yong presensya niya. Naiilang naman talaga ako sa ibang tao pero grabe ang pagkailang ko kapag sa kanya. Bumibilis pa ang tibok ng puso ko sa kaba kaya ang naiisip ko na lang ay ang tumakas sa sitwasyon.
I sighed and started walking again to tour around the campus. Wala pang isang minutong nagiging payapa ang dibdib ko nang mahalata kong may kasabay akong naglalakad kaya naman napatingin ako sa gilid ko.
It was Kreios again.
Muli akong napasinghap. Malakas na iyon para sa akin pero dahil mahina ang boses ko, ako lang ang nakarinig. Pero napalingon sa akin si Kreios. He didn’t say anything, but I could see the cruel playfulness in his eyes. Parang nang-aasar pero parang hindi dahil wala namang sinasabi.
“Ba . . . bakit . . .” Itatanong ko sana kung bakit siya sumasabay na maglakad sa akin. Hindi naman kami magkaibigan para sabayan niya ako.
I was looking at his side profile. Pansin ko ang tangos ng ilong niya. At dahil sa liwanag ay nakikita ko rin na may kahabaan pala ang pilik-mata niya. Ang buhok niya ay banayad na sumasabay sa ihip ng hangin.
“Pupunta akong dining hall. Nagugutom ako,” he said without looking at me.
Pero hindi niya naman kailangang sumabay sa ’kin papunta do’n. Mas lalo lang akong naiilang. Mukha ring maraming nakakakilala sa kanya at napapansin ko ang tingin ng ibang mga estudyante sa amin.
Oo nga pala . . . naging basketball team captain siya. Kaya siguro maraming nakakakilala sa kanya.
Kung ako lang mag-isang naglalakad, hindi ako pagtitinginan. Baka nga wala pang tumingin sa akin.
Naiilang talaga ako.
Napatingin ako kay Kreios. Mukhang wala lang sa kanya ang mga estudyanteng napapatingin sa kanya. Ang iba nga ay binabati pa siya at parang gustong makipag-usap sa kanya pero mabilis niya lang tinatanguan at hindi na uli papansinin o titingnan pa. He looked confident in himself.
I wish I could be like that too. ’Yong wala nang magiging pakialam sa sasabihin ng ibang mga tao dahil alam ko sa sarili ko kung sino ako. Dahil mataas ang kumpiyansa ko sa sarili ko.
“Kumusta kapatid mo?” Kreios asked casually. Parang nagtatanong lang sa matagal nang kaibigan. Lumingon pa siya sa akin kaya mabilis akong napabaling sa harapan ko.
“A-ayos lang . . .” mahina ang boses na sagot ko.
“Payag ka nang sumali siya sa basketball team?”
Tumango na lang ako at wala nang sinabi pa. I was worried he would suggest training Jupiter again. Hindi ko na kasi alam kung paano tatanggi sa kanya o kung makakatanggi pa ako sa kanya ngayong wala si Jupiter.
Ganoon pa naman ako kung minsan. If someone was intimidating me, papayag na lang ako agad para makatakas na. I don’t know how to say no. It was hard for me to say no. Kaya ang iba ay sinasamantala iyon.
But Kreios didn’t say anything. Tahimik lang siyang naglalakad sa tabi ko. Ang ibang tumatawag sa pangalan niya ay pinapansin niya, minsan naman ay hindi. Napasulyap ako sa kanya at nakita ko ang seryoso niyang tingin sa harapan.
“Dito na ’ko,” he said after a while.
Napatingin ako sa tinuturo niya. Nakita ko muna ang mga uupuan sa labas para sa mga kumakain bago ko napansin ang parang canteen sa loob. Tumingin ako kay Kreios na nakatingin na pala sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin bago mahinang tumango.
I heard him let out a silent chuckle. Hindi ko siya tiningnan at nanatili ang tingin sa daan. Gusto ko nang umalis doon.
“See you around, Miss Judgmental,” I heard him say.
Saglit lang akong tumango nang hindi siya tinitingnan bilang pamamaalam bago naglakad palayo roon. Ang bilis ng lakad ko sa kagustuhang makalayo agad. Baka kasi maya-maya ay makita ko na namang nakasabay siya sa paglalakad sa akin.
Bakit naman kasi gano’n ’yon? He was acting like we’ve known each other for too long. Eh, narinig pa nga niya ang panghuhusga ko pa sa kanya noong enrollment day. Tapos bigla-bigla ay ganito siya sa akin.
But even if he was acting friendly, I could feel the barrier coming from him. The tone of his voice was telling me so. And the look in his eyes . . . it was serious the whole time. Ngumingisi pero nandoon ang pagkamisteryoso sa kanya. Para bang kinikilala niya ako pero wala siyang balak na ipaalam ang kahit na anong tungkol sa kanya.
I sighed. May kalahating oras pa bago ang susunod naming klase pero bumalik na ako sa room. Pero agad din namang kinabahan nang makita na nag-iba ang tingin ng mga kaklase ko sa akin. Ang iba ay nagtatagal na ang tingin. Ang iba naman ay napapa-second look na.
Bakit . . . ? May nangyari ba?
Mabuti rin naman at wala nang nagbalak lumapit at makipag-usap sa akin. Hanggang tingin lang sila. Para bang pinag-iisipan pa kung kakausapin ako o hindi pero maiisip na aksaya lang sa oras kaya hindi na itinutuloy.
Ayos lang . . . hindi ko rin naman alam kung ano’ng sasabihin ko. I’m not good at having a conversation with others.
It was already six in the evening when the class finally ended. Nakahinga ako nang maluwag. Hindi ako naging komportable buong maghapon. Kinakabahan kasi ako na baka may kumausap sa akin. Pero buti na lang, wala.
Naghahalo na ang liwanag at dilim sa langit nang lumabas kami ng classroom. Kasabay naming lumabas ang room na nauna sa amin kaya maraming tao sa hallway. Pero nagulat ako nang parang biglang may humawi sa mga estudyante at nakita ko ang isang babaeng naglalakad papunta sa direksiyon ko.
The girl was wearing a black leather skirt. Humahapit iyon sa balakang niya at ang haba ay isang dangkal ang taas mula sa tuhod. She was wearing a red inner top that was tucked into her leather skirt. Napapatungan iyon ng itim na leather jacket niya. Nakasuot ng black boots na may three-inch heels.
Tumigil siya sa harapan ko. The girl looked pretty in her layered brown hair. Matangos ang ilong at ahit ang mga kilay. She was wearing makeup, kaya mas lalo pang nagpakita ang ganda niya.
“Hi! I’m Jolene!” she said and held out her hand for a handshake.
Nakatitig lang ako sa kanya. I was busy appreciating her beauty kaya hindi ko man lang namalayan na ako pala ang kinakausap niya. Ilang sandali pa ang lumipas bago ko na-realize na ako pala ang kinakausap ng magandang babaeng ’to!
“Huh?” maang kong sabi. Napatingin pa ako sa paligid. Ang ibang mga estudyante ay iniiwasan kami dahil nasa gitna kami ng hallway. Napapasulyap pa sa amin na parang nagtataka pero wala namang sinasabi at nagpatuloy sa paglalakad.
“I’m Jolene,” the girl repeated. Ipinakita pa niya ang nakalahad na kamay sa akin.
Nataranta naman ako at mabilis na tinanggap ang pakikipagkamay niya.
“I-I’m Illya . . .”
“What?” tanong niya na mukhang hindi ako narinig dahil mahina ang boses ko.
“I’m Illya,” ulit ko sa mas malakas na boses. She was still frowning. “Illya.”
“Oh!” she exclaimed and shook my hand. “Nice to meet you, Illya! So you’re a business major?”
May pagkamaarte ang paraan niya ng pagsasalita pero hindi ko na masyadong inisip pa iyon. Iba-iba naman ang paraan ng pagsasalita ng mga tao.
“Oo,” mahina uli ang boses na sabi ko. She must’ve read my lips kaya tumango siya.
“I’m an engineering student!” she said cheerfully.
Napakunot ang noo ko. Masyadong malayo ang building ng College of Engineering dito sa New Valentine building. Kaya hindi ko alam kung bakit nandito siya at nakikipag-usap sa akin.
I heard her giggle.
“I noticed that you’re an unfamiliar face, so I figured that you’re a new student here.”
“Ah . . .” Tumango ako at nagsimula nang maglakad. Sinabayan niya ako sa pagbaba ng hagdan.
Pamilyar sa akin ang boses niya. Hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig.
“Gusto ko lang makipagkilala,” she said as we walked down the stairs. “With the hope that it’ll start a friendship between the two of us?”
Nasa pinakaibabang baitang na kami nang mapatigil ako dahil sa sinabi niya. It was a very unusual offer for me kaya napatitig lang ako sa kanya. She was smiling. Her smile looked so friendly.
“Bakit?” tanong ko. Sa sobrang lito ay mas humina ang boses ko kaya napakunot ang noo niya.
“What?” she asked, pero nawala rin naman ang pagkakakunot ng noo at napangiti uli. “Oh, you’re asking why? Wala lang. I just really want to be your friend and help you with anything ’cause you’re a new student in our university!”
Napatitig lang ako sa kanya. Wala nang masabi.
Ganito ba siya sa lahat ng mga new student? Kinakaibigan niya at gusto niyang tulungan? Is she really that friendly?
Wala pang nag-aalok sa akin na gusto nilang makipagkaibigan sa akin kaya hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang weird pala sa feeling. Ang akala ko ay sasaya ako kapag ganito. Pero . . . hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
“Ate.”
Napalingon agad ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng kapatid ko. Nakita ko siyang nakatayo, di-kalayuan sa amin. He had a curious look on his face as he looked at Jolene, who was looking back at him with a smile on her face.
“Oh! Magkapatid kayo?” tanong pa ni Jolene at nilingon ako.
I just nodded.
“Magkamukha kayo!” she exclaimed and giggled.
“Ate, uwi na tayo,” Jupiter said. Hindi pinansin si Jolene.
Tumango ako sa kapatid ko.
“Ah, sige.” Nilingon ko si Jolene na nakatingin sa akin. “Una na kami.”
“Alright! See you tomorrow!” She even waved a hand at me. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti.
Sabay na kaming naglakad ng kapatid ko palabas ng university. He was quiet at first. Pero nang masigurong malayo na kami sa building ng college ko ay nagtanong na siya.
“Sino ’yon?” he asked.
Nilingon ko siya saglit. Hinila niya ako sa gilid pa ng daan dahil may papalabas na kotse. Pinalagpas niya muna ’yon bago ipinagpalit ang puwesto namin. Siya na ang nasa tabi ng daanan.
“Si Jolene,” I answered.
“Kaklase mo?”
“Hindi . . . engineering student.”
Nilingon ko siya. I saw him frowning.
“Oh, eh, ano’ng ginagawa sa building n’yo?”
I shrugged. Lumingon uli ako sa harapan at nakita ang kotse ni Papa na nakaparada di-kalayuan sa tapat ng university gate. Naglakad kami papunta ng kapatid ko roon.
“Mag-iingat ka sa mga kinakaibigan mo, Ate,” I heard Jupiter say, kaya nilingon ko siya habang tumatawid kami. I heard him tsk. Nainis sa ginawa kong paglingon sa kanya habang nasa gitna ng kalsada.
“Bakit? Kilala mo ’yong Jolene?” tanong ko.
He shook his head.
“Sinasabihan lang kita, Ate. Huwag ka agad magtiwala sa mga kinakaibigan mo.”
“Hindi naman ako palakaibigan. Ikaw nga diyan ang dapat na mag-ingat. Masyado kang friendly.”
“Friendly nga ako pero pinipili ko ang mga pinagkakatiwalaan ko.” Tumigil siya at hinarap ako. Nasa tabi na kami ng sasakyan ni Papa. “Sa ’yo ako nag-aalala, Ate. Kaunti lang ang nagiging mga kaibigan mo kaya ibinibigay mo agad ang tiwala mo sa kanila. Na hindi naman dapat. Kilalanin mo muna.”
I smiled at him. Heto na naman siya sa pag-aakto niyang mas matanda sa akin.
“Don’t worry, Peter . . . magiging maingat ako, okay?”
He stared at me. Maya-maya ay nagbuntonghininga at tumango. Siya na rin ang nagbukas ng pinto sa backseat para sa ’kin. I said my thanks and went inside the car.
Chapter 7
Inaasahan kong hindi magtatagal ang pakikipagkaibigan sa akin ni Jolene. Ganoon naman palagi. Sa simula ay napagtitiisan pa nilang kausapin ako. Pero kapag nagsawa na sila ay doon na magsisimulang lumayo sila sa akin.
Sa tingin ko rin ay nasa akin ang problema. Dahil nga masyadong mahiyain, hindi ako ang madalas nagbubukas ng usapan. Sila ang palaging unang nakikipag-usap sa akin. Idagdag pa ang pagiging mahina ng boses ko na kailangan ko pang ulitin ng ilang beses ang sinasabi bago nila maintindihan.
Siguro . . . napapagod din sila sa pagiging ganoon ko.
Gusto kong maranasan ang pagkakaroon ng maraming kaibigan. Pero hindi ko naman alam kung ano’ng dapat gawin. Hindi ko alam kung paano babaguhin ang sarili ko. Masyado akong takot sa tao para mangyari ang kagustuhan kong iyon.
Kaya naman hindi ko inaasahan na araw-araw maghihintay sa akin si Jolene sa harap ng gate ng university tuwing pumapasok ako. Sa buong linggong iyon ay walang palya ang paghihintay niya roon sa akin para sabay kaming pumasok.
Nagulat pa ako nang makita si Jolene na nakatayo sa harap ng gate nang pumasok ako nang dumating ang Biyernes. Pagbaba pa lang namin ni Jupiter sa kotse ni Papa ay nakita na niya kaagad kami na para bang kanina pa inaabangan.
Napansin kong napatingin sa akin si Jupiter. Halata sa mga mata niya na hindi niya nagustuhan na makita si Jolene na naghihintay sa harap ng gate ng university. Nagkibit na lang ako sa kanya dahil ilang araw nang ginagawa ito ni Jolene pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasasanay.
At sa totoo lang, maging ako ay naiilang din. Wala pang gumagawa sa akin ng ganito. Iyong hihintayin ako para sabay kaming pumasok. Tapos ay magkaibang kurso pa kami. Ang mga kaklase ko nga na itinuring kong kaibigan ay hindi ginawa sa akin ito kailanman.
“Hi, Illya!” bati ni Jolene sa akin na kumaway pa pagkalapit namin sa gate. Tiningnan niya si Jupiter na nakatayo sa tabi ko. “Hi, Jupiter!”
Walang sinabi ang kapatid ko pero tinanguan naman siya. Alam kong ayaw niya kay Jolene. Ilang beses na rin niyang sinabi sa akin na huwag akong makikipagkaibigan kung kanino lang lalo pa at bago kami sa lugar. Hindi ko rin naman daw kaklase si Jolene at malayo ang building ng college nila sa amin.
Hindi ko naman magawang layuan si Jolene. Siya kasi ang kusang lumalapit. Masyado akong mahiyain para sabihin ang totoo na naiilang ako sa pakikipaglapit niya.
“Ate . . .” I heard the warning tone in my brother’s voice. “Una na ’ko,” ang sabi niya na lang.
“What? Sabay-sabay na tayo! Magkalapit lang naman ang building n’yo ng ate mo,” Jolene said.
Jupiter looked at her. Walang kangiti-ngiti ang mukha niya.
“Una na ’ko,” my brother insisted, kaya wala nang nagawa si Jolene at napanguso na lang. He gave me one last look before he went inside the university.
Nagulat ako nang biglang kumapit sa braso ko si Jolene kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako nang maluwag.
“Tara na! Pasok na rin tayo!”
Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako papasok ng gate ng university. Ilang na ilang talaga ako sa hawak niya. Hindi pa nakatulong ang mga kursyosong tingin sa amin ng mga estudyante. Siguro, nagtataka kung bakit magkasama kaming dalawa.
Magkaibang-magkaiba kasi kami lalong-lalo na sa pananamit. Jolene was wearing a fitted top and a red leather skirt na hanggang ibabaw ng tuhod niya ang haba. Naka-black boots din siya na may taas na two-inch heels. She was also wearing makeup.
Samantalang ako, naka-maong na pantalon at simpleng blouse na pinatungan ko pa ng cardigan. Hindi rin ako naglalagay ng makeup sa mukha. Hindi rin naman kasi ako marunong. Isa pa, nagsusuot kasi ako ng salamin kaya sa tingin ko ay hindi naman mapapansin sa akin kahit maglagay pa ako ng makeup.
Jolene also looked like she’s popular with the students, lalo na sa mga lalaki. Kanina ko pa kasi nakikita na pinagtitinginan siya. Pagkatapos ay lilipat sa akin ang tingin nila at makikitaan ko ng pagtataka ang mga mukha nila.
Ayoko talaga ng ganito. Ayoko ng pinagtitinginan ako. Kinakabahan ako.
“What time ang break time mo mamaya?” tanong ni Jolene habang naglalakad kami papunta sa building ko.
“Ha? H-hindi ako sigurado. Hindi ko pa kasi kabisado ang schedule ko.”
“Ano?” nakangiting tanong sa akin ni Jolene. Hindi siguro narinig ang sinabi ko dahil sa hina ng boses ko.
“Hindi ko alam,” sabi ko sa mas malakas na boses ngayon.
“Oh . . . hindi mo pa kabisado schedule mo? Sayang . . . pupuntahan sana kita para sabay tayong kumain.”
Hindi ako nagsalita. Hindi ko rin kasi alam kung ano’ng sasabihin ko. I actually felt in awe that she thought like that. Ang layo kasi talaga ng building nila, nasa kabilang dulo pa. Tapos pupuntahan niya ako para sabay kaming kumain. Sa paglalakad pa lang ay mauubos na ang oras niya.
“Well . . . may next time naman. Kabisaduhin mo na schedule mo, ha?” sabi niyang nakangiti. Tumigil siya sa paglalakad nang makarating na kami sa New Valentine Hall.
“S-sige . . . akyat na ’ko,” sabi kong nahihiya at naiilang. Hindi ko alam kung paano magpaalam sa kanya.
“Okay! Bye, Illya!” sabi niyang kumaway pa.
Tipid lang akong ngumiti sa kanya at tinalikuran na siya. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang hindi ko na siya kasama.
Ang hirap makasama ng taong katulad niya. Lalo pa at hindi ako sanay sa atensiyon ng mga tao. Hindi nga ako binibigyan ng second look ng iba tapos ngayon, tinititigan na nila ’ko. Ilang na ilang talaga ko. Pakiramdam ko, nakabantay sila sa mga ikinikilos ko.
Nang pumasok ako sa room ay napansin ko pa ang tingin sa akin ng ibang mga kaklase ko. Mabilis akong yumuko para walang masalubong na tingin sa kanila at dere-deretsong naglakad papunta sa upuan ko nang walang pinapansin at tinitingnan.
“Hi.”
Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang magsalita ang babaeng katabi ko ilang minuto matapos kong maupo. Sa buong linggo kasi ay hindi niya naman ako kinausap. Kaya naman nagulat ako ngayon. Kinalabit pa niya kasi ako.
“Ah. Hi . . .” awkward kong sabi.
“Ikaw ’yong transferee from Manila, ’di ba? Ano nga uli ang pangalan mo?” nakangiti niyang tanong sa akin.
“Illya.”
Napatingin ako sa lalaking katabi niya na nakadungaw rin at nakikinig sa pag-uusap namin. Ibinaba ko ang tingin ko. Hindi matagalan na nakatingin sa iba.
“Ah, I’m Maggie tapos ito naman si Justin.” Itinuro niya ang lalaking katabi niya.
I looked at them. Tumango lang ako nang bahagya at mabilis ding nag-iwas ng tingin sa kanila. Hindi ko alam kung ano pa’ng dapat na sabihin ko.
Nakikipagkaibigan ba sila sa ’kin? I shouldn’t act like how I acted before! Gusto kong magkaroon ng kaibigan ngayon!
“Close kayo ni Jolene?”
Nag-angat uli ako ng tingin kay Maggie nang marinig ang tanong niya. She has a curious look on her face.
“Ilang beses ko na kasi kayong nakikitang magkasama,” she continued. “Feeling ko tuloy, sobrang close n’yo. Kilala mo na ba siya dati pa?”
“Ah, hindi . . .” mahinang sabi ko.
“Ha?”
“Hindi,” sabi ko na umiling pa. “No’ng first day of class ko lang din siya nakilala.”
“Ah . . .” Iyon lang ang sinabi ni Maggie. Hindi na nadugtungan pa. Nakipag-usap na siya kay Justin na katabi niya.
She probably thought that I wasn’t that interesting. Kung hindi rin siguro dahil kay Jolene, hindi niya naman talaga ako kakausapin.
I sighed. I wanted to have friends. Pagkakataon ko na sana ’to para sa bagong pamumuhay ko. Pero hindi ko talaga kayang labanan ang hiya ko. Iniisip ko pa lang na makikipag-usap ako sa ibang tao, kinakabahan na agad ako. Gustuhin ko man pero palagi na lang akong pinapangunahan ng hiya at takot.
Hindi ko alam kung pa’no babaguhin ang ugali kong ’to. Ayoko rin naman ng ganito. Naiinggit ako sa mga taong hindi nahihiya. ’Yong kayang dalhin ang sarili nila kahit saan pa sila magpunta.
Umasa pa ako na yayayain ako nina Maggie at Justin na sumabay sa kanilang kumain nang mag-lunch break na kami. Pero mukhang hindi talaga sila interesado sa akin. I feel bad for myself. Pero kasalanan ko rin naman kasi. Sana hindi na lang ako umasang yayayain nila ako. O kaya kung hindi sana ako nahihiya, ako na sana ang nakipag-usap sa kanila para makipagkaibigan.
Hindi na talaga ako kinausap n’ong dalawa hanggang sa mag-uwian na. Nakita ko sa labas ng building si Jupiter na mukhang kanina pa naghihintay sa akin dahil nakikita ko na ang inip sa mukha niya. Nang makita niya ako ay siya na mismo ang lumapit sa akin.
“Tara, bilis. Baka dumating pa ’yong isa,” sabi niya at hinila pa ako. Hinayaan ko na lang siya.
“Sino?”
“’Yong kaibigan mo!” he said. Palinga-linga pa siya habang naglalakad. “Ayoko lang talaga sa kanya, Ate. Ibang-iba kasi siya sa ’yo.”
Napangiti ako.
“Judgmental ka rin pala, eh.”
Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya tinawanan ko na lang siya. Nakita namin ang kotse na nasa labas na ng gate kaya lumapit kami roon at sumakay na.
Wala nang sinabi si Jupiter tungkol kay Jolene kaya naging tahimik ang biyahe namin. Sa tingin ko ay ayaw niya na ring palakihin. O kaya ay dahil kasama namin si Papa. Baka matulad pa roon kay Kreios na sobrang ayaw ni Mama sa lalaking ’yon.
Isa pa, tingin ko naman ay hindi kami magiging magkaibigan talaga ni Jolene. Ewan ko . . . ayoko talaga ng pakiramdam ko kapag kasama siya. Feeling ko, mas lumalala lang ang hiya ko.
Sa dami ng mga iniisip ko ay hindi ako nakatulog nang maayos kaya maaga akong nagising kinabukasan. Papasikat pa lang ang araw. Walang pasok at mas mabuti sana kung magpahinga na lang ako, pero kahit ano’ng gawin ko, hindi na talaga ako makatulog.
Kakaumpisa pa lang ng klase pero ganito na agad ang nararamdaman ko. Paano na lang kaya kung nasa kalagitnaan na at matatambakan pa ’ko ng mga requirement?
Kanina pa ako nakatitig sa salamin. Magulo ang buhok ko dahil galing sa pagtulog. My eyes were puffy against my glasses. Walang kaayos-ayos ang itsura ko.
Kung naging maganda kaya ako, magiging madali lang kaya sa ’kin ang makipagkaibigan?
I tried to smile at my reflection. Inilahad ko pa ang kamay ko.
“Hi! Puwedeng makipagkaibi—” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko at napabuntonghininga na lang.
It’s useless. Kahit sa sarili ko ay hindi ko magawa. Gusto ko sanang i-practice ang sasabihin ko kung gusto kong makipagkaibigan sa isang tao. Baka sakaling kapag nasanay ako ay hindi na magiging awkward sa ’kin kapag sinabi ko ’yon. But I think I’m failing miserably.
Wala na ba talagang pag-asa na magkaroon ako ng kaibigan?
Nakarinig ako ng tunog sa labas lang ng kuwarto ko kaya tumayo ako para silipin ’yon. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Jupiter na isinasara ang pinto ng kuwarto niya. He was wearing a loose gray sando and black gym shorts. May nakasabit na towel sa kaliwang balikat niya.
“Jupiter?”
Nagulat yata ang kapatid ko at muntik pang mapatalon nang tawagin ko siya. Tumingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata.
“Ate! Ginulat mo ’ko!”
Kumunot ang noo ko at pinasadahan uli siya ng tingin.
“Saan ka pupunta?” I asked.
“Ah . . . mag-jo-jogging lang, Ate. Konting laro na rin ng basketball pagkatapos.”
“May kasama ka?”
“Wala.”
Tinitigan ko siya. Nag-iisip. Ang alam ko talaga, nag-jo-jogging tuwing umaga si Jupiter. Natigil lang noong magkapasok na. Pero dahil weekend ngayon at wala siyang pasok, kaya niya gagawin uli.
Tumingin ako sa loob ng kuwarto ko. Pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin sa kanya na mukhang naghihintay sa sasabihin ko.
“Sama ako,” I said.
“Ha?” si Jupiter na mukhang nagulat yata.
“Sama ako. Ang aga ko kasing nagising. Wala rin naman akong gagawin.”
Kaysa naman magmukha akong tanga sa harapan ng salamin na pagpa-practice lang kung paano makipagkaibigan, hindi ko pa magawa nang tama. Mas mabuting samahan ko na lang siya.
And I think mas okay ang ganitong makapaggala ako. Kaysa ikulong ko ang sarili ko sa loob ng kuwarto. Okay lang naman dahil kasama ko naman si Jupiter.
“Sigurado ka, Ate?” Jupiter asked.
I nodded.
“Gusto ko ring libutin ’tong subdivision.”
Ilang sandaling tumitig sa akin si Jupiter. Tinatantiya siguro kung seryoso ako. Maya-maya ay tumango na rin naman siya.
“Sige . . . ikaw bahala.”
I smiled at him.
“Mag-aayos lang ako.”
“Hintayin kita sa ibaba.”
Simpleng T-shirt na maluwag at jogging pants ang isinuot ko. Hindi ko naman kasi ginagawa ’to kaya wala akong damit para sa ganito. Init na init tuloy ako habang tumatakbo. Ramdam ko ang pawis sa mga binti ko. Sana pala ay nag-shorts ako!
Hingal na hingal ako pagkatapos! Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko na parang umaabot yata sa ulo ko. Pawis na pawis din ako! Dumidikit na ang damit ko sa T-shirt na suot ko sa sobrang pawis!
“Okay ka lang, Ate?” tanong ni Jupiter na inabutan ako ng tubig na binili niya. Nakaipit sa braso at tagiliran niya ang bola na kinuha niya pa sa bahay.
“Okay lang ako,” sabi ko pero hinihingal pa rin naman. “Kung gusto mo, mag-jogging ka pa. Hihintayin na lang kita rito.”
Ang sabi kasi sa ’kin ni Jupiter, kalahating oras daw siyang nag-jo-jogging sa isang araw. Pero fifteen minutes pa lang ay nandito na kami sa court ng subdivision at nagpapahinga. Hindi ko na kasi talaga kaya kung sasabayan ko pa siya.
“Hindi, okay lang, Ate. Ngayon lang naman.”
Nakonsiyensiya tuloy ako. Sana pala hindi na lang ako sumama. Feeling ko kasi ay hindi sapat ang fifteen minutes na pagtakbo kay Jupiter. Mukhang hindi siya hinihingal. Pawis pero hindi gaano kumpara sa akin.
“Siguro kapag nag-jogging uli ako, wala dapat akong kasama,” I said.
Natawa si Jupiter. Umupo siya sa tabi ko.
“For beginners pa lang kasi dapat ang takbo mo. Ako kasi, matagal ko nang ginagawa ’to. Hindi mo dapat ako sabayan.”
“Maiiwan mo ’ko!”
“Binagalan ko pa nga ang takbo ko, eh! Para makasunod ka,” he said.
“Wala, eh. Hindi kasi ako sanay.”
Jupiter grinned at me. Binuksan niya ang bottled water na hawak niya.
“Next time na lang. Ako magte-train sa ’yo.”
Uminom siya ng tubig. Kinalahati niya ang bote at inilagay iyon sa tabi ko. Pagkatapos ay tumayo siya at ipinaikot ang bola sa kamay niya.
“Magba-basketball ka na?” I asked.
He looked at me.
“Oo. Kung gusto mo mauna ka na sa bahay, Ate.”
Uminom ako ng tubig at inilagay rin ’yon sa tabi ng kay Jupiter pagkatapos. Tumayo ako at pinagpag ang mga kamay ko.
“Ako na lang kalabanin mo,” I said.
My brother frowned.
“Huh? Talo ka naman, eh.”
“Kaysa naman wala kang kalaban,” sabi ko at pumunta pa sa gitna ng court. “Haharangan lang naman kita, ’di ba? Para hindi mo ma-shoot ’yong bola?”
“Oo,” alanganing sabi ni Jupiter. Napakamot pa siya sa batok niya. “Pero may rules do’n, Ate.”
“Ano-ano?” I asked curiously.
“Bawal maniko. Bawal ring manulak.” Jupiter stared at me. Alam kong marami pa siyang sasabihin na rules pero nagbuntonghininga na lang siya. “Basta walang sakitan, Ate.”
I nodded. Determined to help my brother with his training.
Alam ko kasi na gustong-gusto niya talagang makapasok sa basketball team ng university. Pero dahil wala pa siyang masyadong kilala, wala siyang nakakasamang maglaro ng basketball. Hindi katulad noon sa Manila na malalapit lang ang bahay ng teammates niya kaya kung minsan ay magkakasama silang maglaro ng basketball kung kailan nila magustuhan.
Jupiter is the friendly one between us, but I know he’s adjusting too. Alam kong nahihirapan din siya pero siya na mismo ang gumagawa ng paraan para mapadali ang pag-a-adjust niya. Kung sana ay kaya ko ring gawin ’yon.
“Okay, game,” I said.
Pumorma pa ako na parang hinaharangan siya. Kagaya n’ong napapanood ko sa TV kapag nanonood silang dalawa ni Papa ng basketball doon.
“Subukan mo ring agawin ’yong bola, Ate,” he said. Tumango na lang ako kahit alam kong imposible kong magawa iyon.
Jupiter dribbled the ball. Nag-ready na ’ko para maharangan siya at sinubukan kong basahin ang galaw niya. Inayos ko ang salamin ko para hindi malaglag sa paglalaro. When he dribbled the ball again, nagulat na lang ako sa bilis ng galaw niya. Nalagpasan niya ako at walang kahirap-hirap na nai-shoot niya ang bola sa ring sa likuran ko.
Napatulala na lang ako sa nangyari. Hindi ko alam kung dahil ba wala lang akong alam sa basketball o talagang magaling ang kapatid ko kaya hindi ko namalayan ang lahat. Ni hindi nga ako nakakilos at nandito pa rin ako sa puwesto ko!
“Ate naman!” reklamo ni Jupiter nang kunin niya ang bola. “Hindi mo naman ako hinarangan, eh.”
“Ang bilis mo kaya!” sabi ko nang makabawi.
“Nakatulala ka nga lang!”
“Nagulat ako. Ang bilis mo kasi. Ulit na lang,” sabi ko nang nasa harapan ko na uli siya.
“Subukan mo kasing agawin rin ’yong bola. Huwag mo lang akong harangan,” he said.
“Sige na, sige na,” I impatiently said. Muli akong pumorma.
Napakamot muna si Jupiter sa gilid ng kilay niya bago nagseryoso. Naghanda uli ako. Kanina, sa kaliwa ko siya dumaan kaya doon ko rin siya susubukang harangan.
Jupiter dribbled the ball again. I got ready and fixed my glasses. Pinanood ko ang bola nang bitiwan niya at tumalbog iyon sa sahig hanggang sa bumalik iyon sa kamay niya. When he let go of the ball again, alam ko na kung ano’ng kasunod.
Humarang ako sa kanan niya nang humakbang siya roon, but it looked like it was a faint move. Mabilis kasi siyang humakbang pakaliwa at muli na naman akong nilagpasan. He was dribbling the ball as he ran towards the ring before he shot the ball. Pumasok ang bola sa ring.
“Ate, sabing agawin mo rin ’yong bola!” si Jupiter na mukhang nainis na habang pinupulot ang bola.
I frowned.
“Para namang magagawa ko ’yon!”
May narinig akong kaunting echo dahil sa pagsigaw ko. Hindi ganoong kalasan pero natuwa ako. Puwede pa palang lumakas ang boses ko.
“You had the chance!” Jupiter said as he walked towards me. “Kung sinubukan mong agawin ’yong bola kanina, nagawa mo sana.”
“Magaling ka kaya. Imposibleng maagaw ko sa ’yo ’yong bola!”
“Sinubukan mo pa rin sana, hindi ’yong sumuko ka na agad,” inis niyang sabi sa ’kin.
Hindi na lang ako nagsalita. Mas mabuti siguro kung hindi na lang ako nagpresintang kalabanin siya. Mas mukha kasing tinuturuan niya akong mag-basketball kaysa sa tinutulungan ko siya sa pagpa-practice niya.
Hindi naman ako magaling sa sports. Ang bagal ng kilos ko. Kaya kahit na anong turo pa ang gawin niya sa ’kin, alam kong hinding-hindi ko iyon makukuha.
“Looks like you guys are having fun. Puwedeng sumali?”
Pareho kaming napalingon ng kapatid ko sa nagsalita. I frowned. Medyo malabo ang salamin ko kaya pinunasan ko iyon, at nang isinuot ko uli ay nakita ko si Kreios na nakatayo di-kalayuan sa amin.
He was wearing his usual biker outfit. Ang leather jacket ay hawak niya sa isang kamay at nakasabit iyon sa balikat niya kaya kita ko ang suot niyang plain white shirt. Sa kabila ay hawak niya ang itim na helmet na nakaipit sa braso at tagiliran niya.
I saw him looking at me. Hindi ko matagalan ang tingin niya kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at itinuon iyon sa kapatid ko. Nakita ko sa mga mata ni Jupiter na mukhang hindi alam ang gagawin. Ibinalik ko ang tingin kay Kreios na naglalakad na papalapit sa amin ngayon.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” sabi ko sa mahinang boses. Bumalik na naman ang hina ng boses ko dahil ibang tao na ang kinakausap ko.
“I was riding my bike around when I saw you guys here, playing basketball.” He looked at my brother. “You’re training yourself?”
Nagulat pa nga ako nang sagutin niya ang tanong ko. Mahina ang boses ko, alam ko ’yon, pero narinig niya. Wala sa sariling napatingin ako sa kapatid ko na tumango sa tanong ni Kreios.
“Oo. Baka kalawangin, eh,” Jupiter said.
I heard Kreios chuckle.
“So payag ka na talagang sumali siya sa varsity team?”
May palagay akong ako ang tinatanong ni Kreios kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya. I was right. He was looking at me. Mabilis tuloy akong nagbaba ng tingin dahil sa kaba nang masalubong ko ang tingin niya.
“Oo . . .” I said. Hindi ko na dinugtungan pa.
Kabang-kaba ako. Hindi ko alam kung bakit. I guess he’s just too intimidating? Sa kanya lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng kaba kapag kausap ko siya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
“What about my offer? I can train him.”
Umiling ako at tiningnan ang kapatid ko.
“Tara na, Jupiter.”
“Whoa, wait. Wait,” natatawang pigil sa akin ni Kreios bago pa ako makahakbang. Hinarangan niya ang daraanan ko. “We’re still talking, Miss Judgmental.”
Napasimangot ako sa itinawag niya sa ’kin. Lakas-loob akong tumingin sa kanya.
“Bakit ba gusto mo siyang i-train?” I asked.
He shrugged. Itinagilid niya ang ulo niya habang titig na titig sa akin. Nakita ko pa ang pagngisi niya.
“I was bored. Wala akong magawa.”
Tumingin ako kay Jupiter para lang maiwasan ang tingin ni Kreios pero ramdam ko ang bigat ng titig niya sa akin. I gulped. Sobra-sobra ang kaba ko sa gano’ng titig niya lang!
Kaya rin sana gusto ko na lang umalis. Hindi ko talaga kayang tagalan ang presensya ni Kreios. Ramdam ko na iyon noong una pa lang kaming nagkita. Ewan . . . kinakabahan kasi ako.
Jupiter looked like he wanted to consider it. Hindi lang makapagsalita dahil hinihintay ang sasabihin ko. Alam kong kahit ano’ng maging desisyon ko ay susundin niya.
I know training with Kreios would benefit Jupiter. He said he was the former captain. Ibig sabihin ay magaling siya. Marami siyang maituturo sa kapatid ko. Ayoko namang alisin ang opportunity na ’yon kay Jupiter. I know how much he loves basketball.
“How about a deal?” Kreios said. Nakita siguro na hindi ako makapagdesisyon. “One on one kami ng kapatid mo. Kapag natalo ako, titigilan ko na kayo. Pero kapag natalo ko siya . . . then I’ll train him until the tryout.”
Tumingin ako kay Jupiter na mukhang gusto ang suggestion ni Kreios pero hindi lang nagsasalita, bago ko tiningnan si Kreios.
I don’t know . . . I shouldn’t decide on this one. Ayaw ni Mama sa isang ’to.
Pero siguro . . . may chance naman si Jupiter na matalo siya? Nakita at naranasan ko pa kanina kung gaano kagaling ang kapatid ko. Maybe he has a chance. Isa pa, maganda na rin ’tong may makalaban si Jupiter kahit ngayon lang. Kaysa naman sa akin.
I looked at Kreios. Hindi pa ako nagsasalita pero mukhang alam na niya kung ano’ng desisyon ko base sa ngisi sa mga labi niya.
I sighed.
“Okay . . . deal.”
Chapter 8
Nabitiwan ko na ang mga salitang ’yon bago pa nagbago ang isip ko. Sana pala ay tumanggi ako. Paano kung manalo siya? Eh, di mas makakasama siya ng kapatid ko kaysa sa mangungulit lang siya na i-train si Jupiter sa tuwing nagkikita kami. Saka ko lang naisip na titigil din siya sa pangungulit kapag nagkaro’n na ng tryout!
Pero wala na. Nasabi ko na. Nakita ko pa ang pagngisi ni Kreios na kahit hindi pa nga sila naglalaban ng kapatid ko ay parang nanalo na siya.
Hindi ko maiwasan ang mainis. Para kasing minamaliit niya ang kapatid ko at parang siguradong-sigurado pa siyang mananalo siya base sa ngising ipinapakita niya. He wasn’t even saying anything but his smirk was enough to tell that he’s thinking like that!
Napatingin ako sa kapatid ko na kanina pa pala nakatingin sa akin. Parang hinihintay pa na bawiin ko ang sinabi ko. Nakita ko rin ang gulat sa kanya. Siguro, hindi inaasahan na makikipag-deal ako kay Kreios nang hindi man lang siya kinakausap tungkol do’n.
Halos pukpukin ko na ang ulo ko. Si Jupiter naman ang makikipaglaban kay Kreios at hindi ako kaya bakit ako ang nakipag-deal? Ako talaga ang nagdesisyon para sa kanya!
Napabuntonghininga ako.
“Kakausapin ko lang ang kapatid ko,” sabi ko kay Kreios at nilapitan na si Jupiter. Hindi ko na hinintay ang pagpayag niya.
Bakit pa nga ba ako nagpaalam sa kanya?
“Alright,” Kreios said. “Puwede naman tayong magsimula kung kailan n’yo gusto.”
Hindi ko siya pinansin at hinila si Jupiter palayo sa kanya. Nang makontento na ako sa distansiya namin sa kanya at masigurong hindi niya maririnig ang pag-uusapan namin ay tumigil na ako sa paglalakad. Si Jupiter ay nakatitig lang sa akin.
“Tingin mo, matatalo mo siya?” mahina kong tanong.
Lilingon na sana si Jupiter kay Kreios pero diniinan ko ang pagkakahawak ko sa braso niya, pinipigilan siya sa gagawin niya. Nakuha naman agad iyon ng kapatid ko kaya tumingin na lang siya sa ’kin.
“Hindi ko alam, Ate,” bulong niya. “Pero former captain siya. Malamang, magaling ’yan.”
“Magaling ka rin naman, ah?”
“Pero kumpara sa kanya?” He even jerked his head in the direction of Kreios before he shrugged. “Hindi ako sigurado.”
Napabuntonghininga ako. Pasimple kong tiningnan si Kreios sa likuran. He was looking at the ring in front of him. Maya-maya ay tumingin sa gawi namin at hindi ko ’yon inaasahan kaya bago ko pa mabawi ang tingin ko ay nahuli niya na akong tinitingnan siya. He just tilted his head to the side as he looked back at me.
Sinimangutan ko siya at ibinalik na lang ang tingin sa kapatid ko.
“Dapat ba, hindi na lang ako nakipag-deal?” alanganin kong tanong.
Hindi ko rin talaga alam kung bakit parang nagpadala ako sa gusto ni Kreios! Hindi niya naman siguro io-offer ang ganoong deal kung alam niyang matatalo lang siya. Hindi ko pa siya nakikitang maglaro ng basketball pero dahil former captain siya, siguro nga, magaling siya. Pero heto ako at nakipag-deal pa sa kanya!
“’De, ayos lang, Ate. At least may maayos akong makakalaban ngayon,” pag-alo sa ’kin ni Jupiter.
“Paano kung matalo ka?”
Hindi agad nakapagsalita si Jupiter. Tumingin pa siya sa harap na parang nag-iisip bago ibinalik ang tingin sa akin.
“Ewan ko, Ate. Pag-isipan na lang natin ang gagawin natin ’pag dumating na tayo do’n.”
Nagbuntonghininga ako at ilang sandali bago alanganing tumango. Nginitian ako ni Jupiter at sabay kaming naglakad palapit kay Kreios na mukhang kanina pa kami hinihintay.
“So?” bungad niya nang makalapit kami.
“Game ako.” It was Jupiter. “Manonood lang si Ate. ’Di siya puwedeng mag-referee. Wala naman siyang alam sa basketball, eh.”
Kreios chuckled as he looked at me. Nag-init ang buong mukha ko kaya nag-iwas ako ng tingin at tumalikod na para umupo sa mga bench doon para lang makaiwas sa kanya. Hindi ko talaga matagalan ang presensya niya.
Ibang-iba si Kreios sa mga taong nakilala ko. Pormahan pa lang. At siya lang din ang may ganoong kalakas na presensya na kahit segundo yata ay hindi ko talaga makayanan. Hindi ko alam kung dahil lang ba ’to sa pagiging mahiyain ko o talagang ganoon ang epekto niya sa mga tao.
Sumunod din naman ang dalawa sa akin sa bench kaya nawalan ng saysay ang pag-iwas ko kay Kreios. Napatingin pa ako sa kanya nang ilagay niya sa tabi ko ang leather jacket niya. He glanced at me and smirked when he noticed me looking at him.
“Watch it for me, Miss Judgmental,” tukoy niya sa jacket niya.
Nag-iwas lang ako ng tingin at inayos na lang ang salamin ko pero ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin. I could swear that he’s still wearing that smirk on his lips!
“Ate, try mong mag-score na rin.”
“Ha?” nabibigla kong tanong. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kreios bago siya naglakad papunta sa gitna ng court. Napasimangot ako bago tumingin kay Jupiter.
“Try mo ring mag-score. Baka may makaligtaan kami,” he said.
“Ah . . . pa’no ba?”
“One point lang sa makaka-shoot.”
“Hanggang ilang points?”
Jupiter looked at Kreios, standing in the middle of the court with his hands on his hips. Hindi ko mapigilan ang paghanga habang nakatingin sa kanya. He was wearing a simple V-neck white shirt. His pants were hugging his long legs cruelly. Hindi ko alam kung paano siya makakapaglaro nang maayos kung ganoon ang pantalon niya.
But it’s okay . . . that would be an advantage for Jupiter.
“Paano ang laro?” my brother asked him.
“First one na maka-five points.”
Tumango ang kapatid ko bago ako tiningnan. Tinanguan ko siya para ipaalam na nakuha ko ang ibig sabihin ni Kreios.
“Sige, Ate. Punta na ’ko roon.”
I nodded again and smiled at him.
“Good luck.”
Jupiter flashed me a smile before he jogged his way towards Kreios. Hawak niya ang bola at ipinasa niya iyon kay Kreios.
“You know the basic rules. There’s no need to brief you,” Kreios said. Mahina sa pandinig ko ang boses nila dahil medyo malayo sila sa ’kin.
Tumango lang ang kapatid ko. Then, Kreios pointed at the ring behind him.
“We’ll use that ring,” he said and nodded once. “You go first.”
Inayos ko uli ang pagkakasuot ng salamin ko para mapanood sila nang maayos. Kreios dribbled the ball once before he tossed it to my brother. Pumorma siya ng depensa nang masalo iyon ng kapatid ko. Jupiter dribbled the ball, looking for an opening. Nang makahanap ay mabilis siyang kumilos at nalagpasan si Kreios. He shoots the ball in the ring easily.
Napangiti ako. Now Jupiter was one point ahead! Alam kong maaga pa para matuwa pero hindi ko maiwasan. To think that he’s against the former captain of the university’s basketball team!
“Nice shot!” Kreios exclaimed. Napangiti ang kapatid ko at ipinasa sa kanya ang bola na mabilis niya namang nasalo.
Si Jupiter naman ngayon ang dumepensa. Kreios dribbled the ball. Mabilis niyang nalagpasan ang kapatid ko, but Jupiter caught up to him. He tried to block him, but Kreios already released the ball, trying to make a shot. Pero tumalbog lang ang bola sa ring at hindi pumasok.
Kabang-kaba ako habang nanonood! Ang akala ko ay maiso-shoot ni Kreios ang bola pero hindi siguro siya nakakuha ng magandang buwelo dahil hinarangan siya ni Jupiter.
Kreios just chuckled. He didn’t even look disappointed that he missed. Casual lang niyang ipinasa ang bola sa kapatid ko na mabilis namang nasalo ’yon.
Nai-shoot uli ni Jupiter nang walang kahirap-hirap ang bola kahit hinaharangan siya ni Kreios. From where I was sitting, I could see the seriousness on my brother’s face. Mukhang sineseryoso niya ang laban.
Nang si Kreios na uli ang tumira, hindi niya uli nagawang i-shoot ang bola. Kagaya noong una ay tumawa lang siya. And when it was Jupiter’s turn again, pumasok uli sa ring ang bola, making their score three-zero. Jupiter was in the lead.
“Matatalo yata ako, ah?” Kreios said with a chuckle. Mukhang hindi naman siya nanghihinayang doon.
Tinitigan ko lang si Kreios nang siya na uli ang may hawak ng bola. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin niya nagagawang maka-shoot kahit isang puntos lang. He’s the former captain of the basketball team. Sigurado akong hindi naman siya magiging team captain kung hindi siya magaling.
Does that mean na magaling talaga ang kapatid ko?
I watched him as he dribbled the ball. Nagawa niyang makawala sa depensa ng kapatid ko pero nang subukan niyang i-shoot ang bola ay tumalbog lang uli iyon sa ring. I started to think na sinasadya niya na talaga.
It was my brother’s turn. Nai-shoot niya ang bola at isang puntos na lang ay mananalo na siya. I should celebrate. Pero hindi ko magawa. Lalo na nang makita ko ang pagngisi ni Kreios.
“I’ll get serious this time, okay?” he said with a smirk still on his lips.
Hinigit niya ang shirt na suot niya mula sa likod at hinubad iyon sa katawan niya. Inilagay niya iyon sa bench na mas malapit sa kanila. Agad akong pinamulahan ng mukha nang makita siyang walang pang-itaas! Hindi ko tuloy alam kung iiiwas ko ba ang tingin ko sa kanya o hindi! Pero pag ginawa ko kasi ’yon, hindi ko na mapapanood ang laban!
Hindi ko na napigilan ang mga mata ko na maglakbay sa katawan niya. Hindi iyon ang unang beses na makakita ako ng lalaking walang suot na pang-itaas. Ilang beses ko nang nakita si Jupiter nang ganoon lalo na kapag naglalaro siya ng basketball, pero walang-wala ang katawan ng kapatid ko sa kanya!
His body was ripped. He has a chiseled chest. Malapad din ang mga balikat niya. At nang bumaba pa ang tingin ko ay mas namula pa yata ang mukha ko nang makita ang mga abs doon! His body was even glistening because of sweat!
Huminga ako nang malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Ayokong mahalata nila na namumula ang mukha ko. Nakakahiya. Baka kung ano pa’ng isipin niya. May palagay pa naman akong mahilig mang-asar ’tong si Kreios. ’Yon ngang narinig niya isang beses na hindi maganda ang sinabi ko tungkol sa kanya, hanggang ngayon ay inaasar niya pa rin ako tungkol doon. He’s even calling me as Miss Judgmental.
“Try to keep up with me,” I heard Kreios say. Hindi naman nagsalita ang kapatid ko at ipinasa na sa kanya ang bola.
Kreios smirked before he dribbled the ball. Inaabangan ko kung ano’ng gagawin niya pero nagulat na lang ako nang malagpasan niya na ang kapatid ko. He’s fast! Sa tingin ko pa nga ay nagulat pa si Jupiter sa bilis niya pero sinubukang humabol ng kapatid ko. But before he could reach him, Kreios already threw the ball. It went in the ring flawlessly.
Napatulala ako! Nagulat nang sobra sa bilis niya. Kung akala ko, mabilis na ang kilos ng kapatid ko kanina, wala pa pala iyon kay Kreios. He was moving like the wind.
Nahalata ko na mas sumeryoso pa ang kapatid ko. Hawak na niya ngayon ang bola at si Kreios na ang dumedepensa. He tried to run past him, but Kreios looked like he knew what my brother was going to do. Hindi makalagpas ang kapatid ko sa kanya. Kreios wouldn’t let him near the ring. Kaya walang nagawa si Jupiter kundi bitiwan ang bola kahit malayo ang distansiya niya sa ring. That was the first time he missed.
“Hindi ka seryoso kanina?” tanong ng kapatid ko nang mapansin na nag-iba na ang kilos ni Kreios ngayon.
Kreios chuckled before he shrugged.
“Seryoso naman. I was trying to read your moves,” he said. “Again?”
Walang sinabi si Jupiter at ipinasa kay Kreios ang bola. And again, like earlier, hindi nakahabol ang kapatid ko nang lagpasan siya ni Kreios kaya malaya niyang nai-shoot ang bola papasok sa ring.
It went on like that. Nagagawang salingin ni Kreios ang bola kay Jupiter kaya kapag sinusubukan niyang tumira ay hindi pumapasok ang bola. Hanggang sa nakahabol na si Kreios at nag-tie na ang score nila.
It was Jupiter’s turn, but he missed. Kitang-kita ko ang pagseseryo niya nang muli niyang ibinigay kay Kreios ang bola. He was trying to block him. But Kreios made a faint move. He sidestepped but went the opposite way when Jupiter blocked him that way. He threw the ball on the headboard. Tumalbog iyon, but he caught the ball mid-air. Saka sh-in-oot ang bola sa loob ng ring.
Kreios won. Ni hindi na uli naka-shoot pa si Jupiter kahit isang puntos na lang ang kailangan niya para manalo.
Nakatulala lang ako. Hinayaan lang ni Kreios ang bola na tumalbog at nilapitan ang kapatid ko. Naglahad siya ng kamay.
“Good game,” he said. Hindi nagsalita si Jupiter at tinanggap ang pakikipagkamay niya.
He smirked before he looked my way. Nagsimula akong kabahan. He was looking directly at me and started walking towards me. Hindi ko tuloy alam kung ano’ng gagawin ko!
Nakalapit na siya sa akin pero hindi ko man lang siya matingnan. Mas lalo pang dumoble ang pagkailang ko sa kanya ngayong wala siyang suot na damit pang-itaas. Hindi ako makatingin sa kanya!
“Paano ba ’yan? I won,” he said. Rinig ko ang pagngisi sa boses niya.
Hindi ako nagsalita. Natataranta ako! Pinagpapawisan ang mga palad ko dahil damang-dama ko ang presensya niya habang nakatayo siya sa harapan ko. Halos maiyak na ’ko sa kaba!
Para makatakas ay tiningnan ko na lang ang kapatid ko na ngayon ay nakaupo na sa gitna ng court at hinihingal. Nakapatong ang mga braso niya sa mga tuhod niyang bahagyang nakabuka habang naghahabol siya ng hininga.
“Peter!” I called him.
Kinuha ko ang bote ng tubig niyang may natira pang laman at nilapitan siya para makatakas kay Kreios. Hindi ko talaga siya kayang tingnan!
“Ayos ka lang ba?” I asked. Lumuhod ako para magpantay ang tingin namin. Inayos ko pa ang salamin ko na muntik nang mahulog.
Tumango siya. “Ayos lang ako, Ate.”
Tinitigan ko siya kung nagsasabi siya ng totoo. Baka masama ang loob niya sa pagkatalo niya. Pero bukod sa naghahabol siya ng hininga, mukhang wala na akong nakita pang problema sa kanya.
“Ayos ka lang talaga?” paniniguro ko.
Tinitigan ako ni Jupiter at napatawa nang makita ang pag-aalala sa mukha ko.
“Ayos lang talaga, Ate. Expected ko na rin naman na matatalo niya ’ko,” he said. Nahalata niya siguro na iyon talaga ang itinatanong ko sa kanya.
Inaasahan ko na rin naman iyon dahil alam naman naming dating captain ng basketball team si Kreios. Pero hindi ko maiwasan ang umasa na mananalo pa rin siya lalo na kaninang isang puntos na lang ang kailangan niya.
I think what Kreios did is really cruel. He made us hope that Jupiter had a chance against him. Talagang ipinaabot niya muna sa apat na puntos ang kapatid ko bago siya nagseryoso!
“You good?” rinig kong tanong ni Kreios at naramdaman ko ang presensya niya sa gilid ko. Nakita kong naglahad siya ng kamay sa kapatid ko. Jupiter grabbed his hand, and Kreios helped him up.
“Yeah . . . great game,” sabi ng kapatid ko at tumayo na rin ako.
“I guess I’ll have to train you from now on.”
Napipilitan akong humarap kay Kreios dahil sa sinabi niya. Kahit na naiilang ako dahil hindi pa rin siya nagsusuot ng damit pang-itaas ay hinarap ko pa rin siya.
“Kailangan mo ba talagang gawin ’yon?” inis kong tanong. Medyo lumakas ang boses ko dahil doon pero mahina pa rin kung ikukumpara sa iba.
Kreios tilted his head. Nagtataka ang tingin na ibinigay niya sa akin.
“Ang alin?” tanong pa niya.
“Iyon! ’Yong ginawa mo!” Nainis ako dahil kaunting pagtaas lang ng tono ay nanginig na ang boses ko.
Napatitig sa akin si Kreios. Mukhang nagulat sa inis na ipinapakita ko sa kanya.
“Ang alin ba? You have to be more specific, Miss Judgmental.”
“Kailangan mo ba talagang paabutin na makaapat na puntos si Jupiter bago ka magseryoso?”
Naiinis talaga ako. Pakiramdam ko ay pinaglaruan niya ang kapatid ko. Pinaasa niyamg makukuha ng kapatid ko ang panalo pero hindi naman pala.
Naaalala ko tuloy ang nabasa ko tungkol sa Greek Mythology. Si Tantalus. Ang parusa sa kanya na hindi siya makakakain at kahit malapit ang puno sa kanya at naaabot niya naman ang bunga ay hindi niya makuha dahil lumalayo sa kanya kapag sinusubukan niya. Parang ganoon ang ginawa niya sa kapatid ko!
“Kailangan kong pag-aralan ang galaw niya. I don’t know how Jupiter plays. Unlike him, who already has an idea about me ’cause I’m the former captain. It’s a bit unfair.”
“Unfair? Unfair pa ang tawag mo sa ginawa mo?”
“Ate . . .” Dinig ko ang pag-aalala sa boses ni Jupiter.
Pero wala na. Kinain na ’ko ng inis at galit ko. Nawala na lang bigla ang hiya ko sa lalaking kaharap ko!
Pero si Kreios ay mukhang natutuwa pa habang nakatingin sa akin. Nakitaan ko pa nga ng paghanga ang mukha niya. Gamit ang mga daliri, sinuklay niya pataas ang buhok niyang medyo basa dahil sa pawis.
“Whoa . . .” he even muttered. “Hindi ko alam na marunong ka palang magalit at magtaas ng boses, Miss Judgmental.” Ngumisi pa talaga siya.
Napasimangot ako. Hinawakan ko sa braso si Jupiter para sana hilahin na siya paalis doon pero bago pa ’ko makahakbang ay nagsalita na naman ’yong isa.
“Whoa, wait, wait . . .” pigil sa ’min ni Kreios nang natatawa. “Where do you think you’re going?”
“Uuwi na,” sagot kong hindi siya tinitingnan. Bumalik sa dating hina ang boses ko.
“Kailangan pa naming pag-usapan ni Jupiter ang tungkol sa training niya.”
Inis ko siyang nilingon.
“Wala kayong pag-uusapan dahil hindi mo siya ite-train.”
Kreios looked amused. “What? Hindi ganyan ang deal natin kanina, Miss Judgmental. Ang usapan, kapag nanalo ako, ite-train ko si Jupiter.”
Tuluyan ko na siyang nilingon.
“Hindi papayag si Mama kapag nalaman niyang ikaw ang magte-train kay Jupiter. Dapat kay Mama ka na lang nakipag-deal.”
Kreios let out an amused laugh. Imbes na mainis sa pag-back out ko sa usapan namin ay mukhang mas natutuwa pa siya.
“I would love to make a deal with your mother pero sa ’yo na ako nakipag-deal. At hindi ako umaatras sa usapan, Miss Judgmental.”
Sinimangutan ko lang siya pero mas lalo lang lumawak ang ngisi niya. I looked away. Hindi na lang ako nagsalita at hinila na nang tuluyan ang kapatid ko paalis doon. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Kreios pero hindi naman kami pinigilan sa pag-alis.
Tahimik lang kami ng kapatid ko habang naglalakad pabalik sa bahay. Sumusunod lang sa akin si Jupiter at walang sinasabi. Habang ako ay marami ang iniisip.
Hindi dapat ako nakipag-deal sa taong ’yon. It was like having a deal with the devil. Sana naisip ko na kaya siya nag-offer ng gano’n ay dahil una pa lang, alam niya talagang mananalo siya.
Hinayaan niya kaming umalis pero alam kong hindi iyon ang magiging huling pagkikita namin. Kung makulit siya noon, alam kong mas mangungulit siya ngayon lalo pa at may pinanghahawakan na siya.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kami pa talaga ng kapatid ko ang napili niyang guluhin! He has nothing to gain if he trains Jupiter. Mapapagod lang siya at maglalaan pa ng oras para sa kapatid ko!
“Ate . . .” rinig kong tawag ni Jupiter habang naglalakad kami. Mukhang hindi na nakatiis.
Tumingin ako sa kanya. “Ano?”
“Ano na’ng gagawin mo? Natalo ako . . .”
Nagbuntonghininga ako. Hindi dapat ako ang tinatanong niya. Siya naman ang gustong i-train ni Kreios at hindi ako.
“Ikaw ba?” tanong ko. “Ikaw naman ang ite-train.”
Ilang sandaling natahimik si Kreios. Dahil maaga pa ay walang dumadaan na sasakyan sa kalsadang ’yon ng subdivision. Ang mga yapak lang namin ni Jupiter ang maririnig.
“Ayaw ni Mama kay Kreios, Ate . . .” he said.
“Pero gusto mong tanggapin ’yong offer niya?”
Hindi uli nagsalita si Jupiter, pero kahit hindi niya sabihin ay alam ko na ang magiging sagot niya.
“Makakatulong siya para mag-improve ang skills ko,” sabi niya maya-maya. “Grabe, Ate . . . ang dami ko nang nakalaban, pero siya ’yong pinakamagaling! Best match nga ’yon para sa ’kin kahit one on one lang!”
Tiningnan ko ang kapatid ko at nakita ko ang katuwaan sa mukha niya kahit sa daan lang siya nakatingin.
“Kahit natalo ako, wala akong naramdaman na sama ng loob. Masaya pa nga ako. Naisip ko na . . . gusto ko ring maging kasinggaling niya.”
I could see the dream on my brother’s face. Isang beses ko lang nakita iyon sa mukha niya noon. No’ng sinabi niya na gusto niyang sumali sa basketball varsity ng school nila.
Looked like he got inspiration from Kreios.
“Gusto mong turuan ka niya?” tanong ko.
Tumingin sa akin si Jupiter. Nakita ko ang pagsang-ayon niya, pero maya-maya ay tumungo na lang.
“Hindi papayag si Mama, Ate . . .”
Hindi ako nagsalita. Kung ako lang ay ayaw ko naman talaga. Hindi pa namin kilala kung sino ang Kreios na iyon. Bago pa lang kami rito sa lugar at wala pang masyadong kakilala. Hindi pa namin alam kung sino ang dapat naming pagkatiwalaan.
Pero ayoko namang pigilan si Jupiter sa gusto niya. Tama naman siya. Marami siyang matututuhan kapag tr-in-ain siya ni Kreios. Mas lalo siyang gagaling sa basketball.
Wala na muling nagsalita sa amin hanggang sa makarating na kami sa bahay. Naabutan namin si Papa na nasa sala na at si Mama naman ay nasa kusina para ihanda ang almusal namin.
“Oh, nandiyan na pala kayo,” sabi ni Mama nang makapasok kami. Tumuon ang tingin niya sa akin. “Ikaw nga, Illyasviel, sa susunod, kung sasama kang mag-jogging sa kapatid mo, sabihin mo sa ’kin. Hindi ’yong nag-aalala ako rito na baka kung nasaan ka na!”
Napangiwi ako. Hindi ko naman kasi naisip na mag-aalala siya. Pero naiintindihan ko naman si Mama. Alam niyang hindi ako iyong sporty type. Hindi niya siguro naisip na sasama ako sa pag-jo-jogging kay Jupiter.
“Sorry po,” sabi ko at umupo na. Tumabi sa akin si Jupiter.
“Ate . . .” bulong niya.
“Oh?” sabi kong mas mahina pa sa boses ko.
“Naiwan ko ’yong bola sa court.”
Natigilan ako at napatingin kay Jupiter. Oo nga pala! Sa kagustuhan kong makalayo kay Kreios, nalimutan ko na may dala nga palang bola si Jupiter! Ang mahal pa naman kapag bumili ng bago.
“Balikan mo pagkatapos mong mag-almusal,” sabi ko.
Hindi na nagsalita si Jupiter at tumango na lang.
Chapter 9
Hindi na ako nagtaka nang makita uli si Jolene na nakatayo sa gate ng university at parang may hinihintay. Narinig ko pa ang buntonghininga ni Jupiter na nasa passenger’s seat at sa tingin ko ay nakita niya rin ang tinitingnan ko ngayon.
“Mag-aral kayong mabuti, ha?” bilin sa amin ni Papa bago kami bumaba ni Jupiter sa kotse.
My brother looked at me after our father drove away. Sinulyapan ko lang siya isang saglit at tumingin sa kaliwa at kanan ko bago tumawid. Humabol naman siya sa akin.
“Sabing layuan mo, Ate, eh,” bulong pa sa akin ni Jupiter na talagang sumabay sa akin sa pagtawid para lang sabihin iyon.
“Hindi ko kayang sabihin nang deretso, Peter,” I said.
I heard him take a deep breath. Hindi na siya nagpumilit pa. Alam niya namang mahirap sa akin ang sabihin iyon lalo pa at mahiyain ako. Kaya tumahimik na lang din siya hanggang sa makarating kami sa kabila at agad na sumalubong sa amin si Jolene.
“Good morning, Illya! Good morning, Jupiter!” Jolene cheerfully greeted us. Tinanguan lang siya ni Jupiter nang isang beses at nagpaalam na mauuna na raw siya sa klase niya.
Tiningnan ko ang likod ng kapatid ko habang naglalakad siya palayo sa amin. Wala sa amin ang nagbanggit pa uli sa kung ano’ng nangyari no’ng Sabado. Hindi na siya nagsalita tungkol doon. Kahit nang bumalik siya sa court para sa bola niya pero hindi niya naman nahanap.
I sighed. Gusto ni Jupiter na tanggapin ang alok ni Kreios pero alam niyang hindi ako papayag. Alam ko kasi na hindi rin papayag si Mama kaya tinanggihan ko ang deal namin ni Kreios kahit siya pa ang nanalo roon.
At sa tingin ko, mas nalungkot pa si Jupiter sa pagtanggi ko sa deal namin ni Kreios kaysa sa pagkawala ng bola niya.
Nagulat ako nang ipinulupot ni Jolene ang mga braso niya sa kanang braso ko at hilahin na ako papasok sa university. Naiilang ako sa paghawak niya. Mas matangkad pa naman siya sa akin. Nahihirapan tuloy ako sa paglalakad.
“How’s your weekend?” nakangiting tanong sa akin ni Jolene habang naglalakad kami. Nasa akin lang ang mga mata niya at ang mga nakakasalubong pa namin ang umiiwas sa kanya.
“A-ayos lang naman . . .” mahina kong sabi kaya hindi na ’ko nagtaka nang hindi marinig ni Jolene.
“Ha?”
“Ayos lang naman,” ulit ko na sa mas malakas na boses.
“Ah . . .” she muttered, slightly nodding her head. “Mine’s the usual lang. Partying with my friends at night. Hindi na nga ako sumama sa kanila kagabi since may pasok ngayon. Ayokong pumasok nang lasing.” She giggled at that.
Hindi ko alam kung ano’ng dapat kong sabihin doon. Natahimik na lang tuloy ako.
Hindi naman bago sa akin ang mga taong kagaya ni Jolene. Marami sa mga kaklase ko sa Manila ang katulad niya. Kahit ang kilos nila ay may pagkakapareho.
Pero ang bago sa akin ngayon ay ang kausapin ng isa sa mga katulad nila. Back then, my classmates always thought that I was a boring person. Na hindi sila mag-e-enjoy kapag kausap ako dahil wala namang kainte-interesante sa akin. Kaya kung hindi lang din importante ay hindi talaga sila nakikipag-usap sa akin.
People like Jolene always wanted to have fun. They want a thrill in their lives. Ibang-iba sa akin na hindi ko magawang umalis sa comfort zone ko.
“You should come with us next time! You’ll enjoy it there!” sabi pa ni Jolene na para bang magiging masaya talaga ako kapag ginawa ko iyon.
Pilit akong ngumiti sa kanya.
“Ayoko, Jolene . . . hindi naman ako mahilig sa mga ganyan,” mahina kong sabi. Kung hindi narinig ni Jolene, feeling ko ay hindi ko na kakayaning ulitin ’yon.
“Aww . . . kahit one time lang?” pamimilit niya pero umiling ako. “That’s sad . . .”
Mabuti na lang at nakarating na kami sa classroom ko kaya binitiwan niya rin naman ako. Nakahinga ako nang maluwag nang magpaalam na siya sa akin dahil magsisimula na ang klase niya.
Naabutan ko pa ang kuryosong tingin sa amin ng ibang mga kaklase ko nang pumasok na ako sa room. Pagkatapos ay lilipat ang tingin nila kay Jolene na ngayon ay naglalakad na paalis. Dahil lang din naman sa kanya kaya tinatapunan ako ng tingin ng iba.
Wala rin namang kumausap sa akin pagkatapos niyon. They’re just curious as to why someone like me is always with Jolene.
It’s been a week since the class started, pero wala pa rin akong nagiging kaibigan kahit sa mga kaklase ko. Natatakot tuloy ako na kapag nagkaroon ng groupings ay mapag-iwanan na naman ako.
Pero mas takot akong makipagkaibigan. Mas mahirap sa ’kin na labanan ang hiya at takot ko. Iniisip ko pa lang, nanginginig na ako sa kaba.
Dumating ang lunch break at kahit sa paglabas ay grupo-grupo ang mga kaklase ko. They have their own circle of friends. Samantalang ako, lumabas nang mag-isa at sa palagay ko pa nga ay walang nakapansin sa akin.
Naisip kong mag-isa na lang kumain sa labas kaysa sa loob ng room namin. Mas makikita ko lang kung gaano ako nag-iisa. Ayokong marinig ang malalakas nilang tawanan habang nagkukuwentuhan sila. Mas mararamdaman ko lang na wala nga akong kaibigan.
Umupo ako sa isa sa mga batong bench na nakapalibot sa puno. Ang pinakamalaking puno ang pinili kong puwesto dahil malaki rin ang lilim nito. Kahit tanghaling tapat ay hindi masyadong mainit. Maginhawa ang ihip ng hangin.
Inilabas ko ang baon kong sandwich sa bag ko pati na rin ang isang libro para habang kumakain ay nagbabasa ako. Nakakakalahati pa lang ako sa sandwich nang maramdaman ko ang pag-upo ng kung sino sa tabi ko. Hindi ko na sana papansinin, akala ko, estudyante lang na nakikiupo. Pero masyadong malapit ang taong ’yon sa akin na amoy na amoy ko na ang pabango niya.
“Found you,” he even said. Napilitan na tuloy akong tingnan kung sino siya.
It was Kreios.
The moment our eyes met, damang-dama ko kaagad kung gaano bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba habang nakatitig sa mga mata nya. Nataranta ako. Hindi alam kung mananatili lang doon o tatayo na lang at aalis na.
“A . . . ano’ng ginagawa mo rito?” sa halip ay naitanong ko. Nagulat pa ako roon!
Napatingin sa paligid si Kreios na bahagyang nakakunot ang noo. Ibinalik niya ang tingin sa akin at may nakita akong pagkislap sa mga mata niya.
“Dito rin sa university na ’to ako nag-aaral,” he said.
“No . . .” mahina kong sabi na umiling pa. Kinakabahan pa rin ako. “A-ano’ng kailangan mo sa ’kin?”
Ang daming bakanteng upuan pero dito pa talaga siya umupo sa tabi ko. Kabang-kaba na naman tuloy ako!
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at ngumisi pa sa akin.
“Alam kong alam mo kung ano, Miss Judgmental.”
Hindi ako nagsalita at nag-iwas na lang ng tingin. Yumuko ako sa librong binabasa ko pero wala na naman akong maintindihan.
He’s right. Alam ko kung bakit siya nandito. Inaasahan ko nang magpapakita nga siya sa akin ngayon.
“Nasa ’kin ’yong bola n’yo. Naiwan n’yo no’ng Sabado,” sabi niya nang may ilang segundo akong hindi nagsalita.
Napatingin agad ako sa kanya.
“Pakibalik naman . . . nag-iisang bola lang ’yon ng kapatid ko.”
“I will if you’ll keep your end of the bargain,” he said. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya at hindi na nagsalita.
Sabi na, eh. Mangungulit siya dahil sa nangyari no’ng Sabado. Talagang hindi niya pinalagpas ang pagkakataong ’yon para mangulit na naman. Hindi ko lang talaga alam kung bakit niya ’to ginagawa.
“Natahimik ka na naman,” I heard Kreios say.
Naglakas-loob akong tumingin sa kanya kahit pa kabang-kaba ako.
“Bakit ba kasi mapilit ka?” I asked. “Aksaya sa oras at effort mo kung ite-train mo ang kapatid ko. Hindi mo naman siya kilala.”
Nakatitig lang sa akin si Kreios habang nagsasalita ako. Hindi niya talaga inalis ang tingin sa akin at parang pinapanood pa ’kong magsalita. Nailang uli tuloy ako at ibinaba na lang ang tingin sa sandwich na hawak ko.
Hindi na ’ko nakapagbasa. Hindi na rin ako nakakain dahil sa kanya. Kabang-kaba talaga ako kapag nandiyan siya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya maya-maya. Hindi ako nag-angat ng tingin. Kinakabahan akong makita ang mga mata niyang baka nakatitig na naman sa akin.
“Gusto ko lang sulitin ang oras hangga’t puwede ko pang gawin ang mga gusto ko.”
Napatingin ako sa kanya dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Naisip ko pa na baka ang ibig niyang sabihin doon ay dahil maghahanap na siya ng trabaho kapag nakatapos na siya, kung saan marami na ang responsabilidad.
Pero hindi siya sa akin nakatingin at nakatingala lang siya sa langit. Ang mga sinag ng araw na nakalusot sa pagitan ng mga dahon ay tumama sa mukha niya.
I saw him close his eyes. Napaawang ang bibig ko habang nakatingin lang sa kanya. It’s like beautiful scenery, like a painting. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya.
Kaya naman nang muli siyang tumingin sa akin ay nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin at yumuko.
“Eh, ikaw? Bakit ba ayaw mong tanggapin ang alok ko?” he asked. “Your brother will benefit from this. Big time.”
I pursed my lips.
“Hindi kita kilala . . .” mahina ang boses na sabi ko. Duda pa nga ako kung narinig niya pero ewan ko ba. Kahit gaano pa yata kahina ang boses ko ay maririnig niya pa rin.
He chuckled.
“Oh, I’m sure you know more about me than what I know about you.”
Hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakayuko. Tama naman ang sinabi niya. Halos araw-araw, sa classroom, may naririnig akong usap-usapan tungkol sa kanya. Marami ang nakakakilala sa kanya dahil siya ang former captain ng basketball team.
Pero sa lahat ng ’yon, wala pa akong naririnig na masama tungkol sa kanya. Ang paraan ng pananamit niya ay hinahangaan pa ng marami. Lalo na ng mga babae. At ang ibang mga lalaki ay ginagaya pa siya sa porma niya kung minsan.
Humugot ako ng malalim na buntonghininga.
“Bago lang kami rito . . . hindi namin alam kung sino ba ang dapat naming pagkatiwalaan,” sabi ko na. Sa tingin ko kasi ay kahit ano’ng iwas ko, hindi niya talaga ako titigilan. Kaya gusto kong malaman niya ang punto ko.
“How will you know if you won’t let them prove themselves?”
Napatitig ako sa sandwich na hawak ko.
“No’ng . . . no’ng unang araw namin dito, nakita kita. Nag-overtake kayo sa sasakyan namin,” I said.
“Alam ko,” sabi ni Kreios na ikinagulat ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. “Namukhaan kita una pa lang. Pero malabo ang mga mata mo, kaya sa tingin ko, sa boses mo ako nakilala.”
Tumango ako. No’ng nagkita kami rito sa university no’ng enrollment day, kinailangan ko pang ilang beses na marinig ang boses niya bago ko nalaman na siya pala ’yon.
Kreios let out a chuckle.
“I guess I made a bad impression that day,” sabi niyang natatawa pa.
Tumango ako.
“Kina Mama at Papa . . . akala pa nga nila, may dala kang baril. Kaya natakot sila no’ng kinausap mo.”
Malakas na napatawa si Kreios dahil doon. Nagtinginan pa sa amin ang ilang mga estudyanteng napadaan dahil sa pagtawa niya. Ako naman ay napatitig lang sa kanya. His laugh sounds so manly. Lalaking-lalaki sa pandinig.
He looked at me with a smile on his face. Napatulala na lang ako sa nakangiti niyang mukha.
“May pinagmanahan ka naman pala,” he said, and his lips curved into a smirk.
Napayuko ako at napanguso pa. Sigurado akong namumula ang mukha ko ngayon. Kung bakit kasi nasabi ko pa ’yon. Mas lalo lang niyang napatunayan na totoo ang paraan ng pagtawag niya sa akin. Feeling ko tuloy ay mas aasarin niya ako dahil doon.
Natahimik kaming pareho pagkatapos niyon. Umihip ang malakas na hangin at inilagay ko ang kumawalang mga hibla ng buhok sa likod ng tenga ko. The sounds of the leaves against the wind made me feel so calm.
Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon pero . . . unti-unti na rin akong nagiging komportable.
“Horus!”
Napaangat uli ang tingin ko kay Kreios dahil sa malakas na pagtawag niyang ’yon. He was looking ahead. May kinawayan siya kaya napatingin ako roon. Nakita ko si Horus na papalapit sa amin na mukhang nagulat pa nang makita ako.
“Kreios at Illya? Nakakagulat na makita kayong magkasama, ah?” bati ni Horus nang makalapit sa amin.
“Tulungan mo nga ako rito kay Miss Judgmental,” Kreios said. Napatawa tuloy si Horus.
“Ano?” Horus asked as he chuckled.
“’Lika rito.” Hinigit ni Kreios si Horus sa tabi niya. “Nag-deal kasi kami nitong si Miss Judgmental. I won, but she refused to do her part.”
“Anong deal?” Horus asked.
“’Pag nanalo ko, ite-train ko sa basketball ’yong kapatid niya.”
“At ayaw pumayag ni Illya?” gulat na tanong ni Horus.
Napatitig na lang ako sa librong nakapatong sa mga hita ko. Kinakabahan na naman. Baka kapag dalawa na silang pumilit sa akin ay mapapayag na nila ako. Hirap na hirap pa naman akong tumanggi. Buti nga, nagagawa ko ’yon kay Kreios kahit na kabang-kaba ako sa presensya niya pa lang.
“Tanggapin mo na, Illya,” sabi ni Horus maya-maya. “Magaling ’tong si Kreios. Mas magaling pa nga sa ’kin ’to.” Ipinatong pa niya ang siko sa isang balikat ni Kreios.
Kreios looked pissed as he shook Horus’ arm off his shoulder.
“Sino kaya sa ’tin ang captain ng team ngayon?”
Natawa si Horus doon.
“Hindi naman ako magiging captain kung hindi ka umalis.”
Hindi nagsalita si Kreios pero nakikita ko ang inis sa mga mata niya. He even tsked. Namangha naman ako roon. Ayaw niyang sabihin ni Horus na mas magaling siya.
“Maraming matututuhan si Jupiter kay Kreios,” pamimilit pa ni Horus sa akin. “Kapag nakapasa sa tryout ng junior varsity team ang kapatid mo, mas malaki ang chance na makasali siya sa senior varsity team.”
“Yeah . . . but before one could enter the senior varsity team from the junior varsity team, kailangan muna nilang patunayan na magaling nga sila,” dagdag ni Kreios.
“Yep. Isa hanggang tatlo lang din ang kinukuhang mga bago. At ang kinukuha nila, ’yong magagaling talaga.”
Naisip ko tuloy kung paano maglaro si Jupiter. Magaling naman siya. Mabilis siyang kumilos. Pero nang makalaban niya si Kreios, walang-wala ang kapatid ko. Nagmukha siyang baguhan lang sa basketball, eh, ilang taon nang naglalaro ang kapatid ko. He’s also maintaining his body and doing exercises and diet para lang sa basketball.
Kung kasinggaling ni Kreios ang mga tinatanggap sa senior varsity team, hindi ko alam kung makakapasok ang kapatid ko.
“’Pag nakasali pa si Jupiter sa senior varsity team, scholar na siya ng university,” Horus said, still trying to convince me.
Iyon pa ang isa sa mga ikinakatwiran ng kapatid ko. Magiging scholar daw siya. Hindi na mahihirapan sina Mama at Papa sa allowance at tuition fee niya. Mahirap pa namang makakuha ng scholarship sa college. Sinuwerte lang ako ngayon. Pero kailangan ko pang i-maintain ang grades ko hanggang sa magtapos ako.
Lumipat kami rito dahil kulang na ang sinasahod ni Papa kapag nasa Manila kami at siya ay dito nagtatrabaho. Kaya napagdesiyunan namin na dito na lang tumira para makatipid. Kung magiging scholar uli si Jupiter kapag college na siya, ang laki ng maitutulong n’on sa pagtitipid namin.
“Kung gusto mo, puwede kang sumama at manood sa ’min ng kapatid mo habang tine-train ko siya,” Kreios said. “So you can make sure that you have nothing to worry about.”
Napatingin ako kay Kreios. Puwede ko namang gawin ’yon. Mababantayan ko si Jupiter. Hindi mangyayari ang ikinakatakot ko na baka kung ano-ano ang ituro niya sa kapatid ko. Makakasiguro ako na tungkol lang iyon sa basketball.
“Kakausapin ko muna si Jupiter . . .” mahina kong sabi.
“The kid wants it, I could tell.” It was Kreios. “He’s just waiting for your approval.”
Natahimik ako. Hindi alam ang sasabihin. Alam ko naman na gusto ni Jupiter ang mag-training kay Kreios. Una pa lang, nakita ko nang interesado talaga siya. Hindi na niya inisip na hindi naman talaga namin kilala si Kreios.
Mabilis makipagkaibigan si Jupiter, pero alam kong hindi siya mabilis na magtiwala. Kaya nagulat ako nang makitang interesado siya.
Isa pa, I saw how his eyes twinkled when he talked about that one time he played against Kreios. Tuwang-tuwa siya.
Hindi nagsalita ang dalawang lalaki. Hinahayaan lang akong makapag-isip. Ipinagpapasalamat ko na hindi na ako masyadong kinakabahan kaya nakakapag-isip ako nang maayos.
“Weekend lang puwede,” mahina ang boses na sabi ko. Tumingin pa ako kay Kreios na mukhang kanina pa nakatingin sa akin at hinihintay lang ako.
He nodded. “Weekend it is.”
“Anong oras? Puwede kayang mga four ng hapon?” tanong ko. Sa umaga na lang siguro ako mag-aaral. O puwede rin kapag natapos na ang training nila. Hahanapin din kasi kami ni Mama kung umaga pa lang ay wala na kami.
“That’s even better,” Kreios said.
Napatitig ako kay Kreios. Nag-iisip pa rin. Natatakot ako na baka mali ang maging desisyon ko.
Kreios stared back at me. Dahil natatamaan ng liwanag, mas nangibabaw ang pagiging kulay brown ng mga mata niya. His eyes were twinkling against the sunlight. Ang gandang pagmasdan ng mga mata niya.
Naputol lang iyon nang itagilid ni Kreios ang ulo niya habang nakatitig pa rin sa akin. Nagbaba ako ng tingin pero maya-maya ay tumingin uli sa kanya.
“Okay . . .” Sobrang hina ng boses ko nang sabihin ko iyon. Pero gaya ng inaasahan ko, narinig iyon ni Kreios. Napangiti pa siya.
“Alright!” He stood up. Napasunod ang tingin ko sa kanya. “Papasok na ’ko. Ilang minuto na ’kong late.”
“Ha?” naguguluhan kong tanong. May klase siya pero inuna niya munang kumbinsihin ako?
Kreios laughed at my reaction.
“I’ll bring the ball with me on the weekend. See you, Miss Judgmental.” Hindi na ako nakapagsalita pa dahil naglakad na siya paalis pagkatapos n’on.
Napakurap na lang ako habang nakatitig sa likod niya habang naglalakad siya palayo. Hindi ko alam kung ano’ng unang iisipin ko. Pumayag lang naman ako sa deal niya na i-train niya si Jupiter. Sana lang talaga ay tama ang ginawa ko.
Ayoko rin namang pigilan ang kapatid ko sa gusto niya . . . at sa pangarap niya. He has liked basketball since he was a kid. It was his passion. Ayokong hadlangan siya do’n.
“Mabait si Kreios . . .”
Napatingin ako kay Horus na biglang nagsalita. Nando’n pa pala siya. Akala ko ay umalis na rin siya.
He smiled.
“Mabait ’yan. Nahuhusgahan lang naman ng mga hindi nakakakilala sa kanya dahil iba ang paraan ng pananamit niya. Iba ang porma niya. Pero hindi naman dahil naiiba ang isang tao sa paningin natin, ibig sabihin, masama na sila. Just because he’s different doesn’t mean that he’s a bad person.”
Natahimik ako sa sinabi niya. Naisip na tama siya. Dahil lang bago sa paningin at naiiba sa normal na nakikita, nandoon na ang panghuhusga ng mga tao. Dahil lang nakita nila na hindi sila katulad ng iba ay iisipin na agad na masama ang mga naiiba. Kahit hindi pa naman nila kilala ang tao, huhusgahan na agad dahil sa kaunting nakikita nila sa pagkatao ng iba.
Humans tend to judge others. Isa iyon sa mga kinaaayawan kong ugali ng mga tao. Ang mapanghusga. But then, I am like that too. I judged Kreios because of what I saw and heard. Hindi ko muna naisip na hindi ko naman talaga siya kilala para isipan ng ganoon.
Nang makauwi kami ay nagdesisyon akong kausapin ang kapatid ko tungkol sa naging desisyon ko. Kinatok ko siya sa kuwarto niya at ilang sandali ay pinapasok niya ako.
“Jupiter, gusto mo ba talagang i-train ka ni Kreios?” I asked. Nakaupo siya sa dulo ng kama niya at ako naman ay nakatayo sa harapan niya. “Huwag mong isipin ang gusto namin ni Mama. Gusto kong marinig ang sa ’yo.”
Tinitigan ako ni Jupiter. Nagulat siguro na ganoon agad ang tanong ko pagpasok pa lang sa kuwarto niya. Maya-maya ay dahan-dahan siyang tumango.
“Gusto ko talaga, Ate. Magaling siya. Marami akong matututuhan sa kanya.”
“Kahit hindi mo pa siya kilala, ayos lang sa ’yo na i-train ka niya?” tanong ko.
Ilang saglit na natahimik si Jupiter. Mukhang pinag-iisipan ang tanong ko.
“Ayos lang. Wala naman akong kilala kahit isa nang magpunta tayo rito, Ate.”
Natigilan ako. Maya-maya ay napahugot ng malalim na paghinga.
“Pumayag na ’ko sa gusto ni Kreios. Nakausap ko na rin siya. He’ll start training you this weekend.”
Nanlaki ang mga mata ni Jupiter sa gulat at napatayo pa. Mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Napangiti tuloy ako sa reaksiyon niya.
“Talaga, Ate?!” he exclaimed. Bahagyang tumaas pa ang boses niya.
Tumango ako. “Siya rin ang nakakuha ng bola mo. Ibibigay niya raw sa Sabado ’pag nag-training kayo.”
Kitang-kita ko ang katuwaan sa mga mata ng kapatid ko dahil sa mga sinabi ko. Ngayon pa lang, naisip ko nang hindi mali ang desisyon ko kung ganitong kasaya naman siya dahil doon.
“Paano si Mama?” tanong niya na nabawasan ang pagkakangiti.
I took a deep breath and sighed. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sasabihin kay Mama. Natatakot ako na baka magalit siya at tuluyan nang patigilin si Jupiter sa pagba-basketball.
“Ako na’ng bahalang magsabi sa kanya,” sabi ko nang makita na nagsisimula na siyang mag-alala. “Basta mag-train ka nang mabuti, ha?”
Mabilis at sunod-sunod na tumango si Jupiter. Halatang masayang-masaya.
“Salamat, Ate!”
Napangiti na lang ako.
Chapter 10
Bumalik ako sa kuwarto ko at naghanda na para matulog. Pero magkakalahating oras na yata, pero gising na gising pa rin ako at hindi man lang dinadalaw ng antok. Nakatitig lang ako sa kisame. Iniisip pa rin ang mga naging desisyon ko ngayong araw.
Pumayag lang naman akong i-train ni Kreios si Peter sa pagba-basketball. Ibig sabihin, may tsansang magkalapit sila. Mahigpit pa namang ibinilin sa amin ni Mama na huwag na huwag kaming lalapit sa mga taong katulad ni Kreios. Lalo pa at hindi naging maganda ang impresyon ni Mama sa grupo nila. Sila pa naman ang unang na-encounter namin nang makarating kami rito sa Iloilo kaya duda ako kung papayag siya.
Hindi ko tuloy alam kung paano sasabihin kay Mama ang tungkol dito. Walang problema kay Papa lalo na kung papayag naman si Mama, pero kung hindi, wala rin siyang magagawa. Kaya kanina pa ako pabiling-biling sa higaan. Nag-iisip ng paraan kung paano ko sasabihin kay Mama na magte-training si Jupiter sa tulong ni Kreios.
Baka magalit pa si Mama kapag nalaman niya na ako talaga ang dahilan. Hindi naman gagawin ni Jupiter kung hindi ako pumayag. Sabihin pa ni Mama na ako ang ate, pero ako pa ang nangongonsinti sa kapatid ko imbes na gabayan siya. Ibinilin niya pa naman sa ’kin na bantayan ko ang kapatid ko sa university!
Kaya naman, kinabukasan, nang kumakain na kami sa hapag ay tahimik lang ako. Pinapakiramdaman ko si Mama kung good mood ba. Titiyempo sana ako. Pero mukhang hindi maganda ang gising ni Mama dahil tahimik lang siya nang inihahanda ang almusal namin.
Napatingin ako kay Jupiter at nahuli ang tingin niya sa akin. Mukhang kanina pa niya ako inaabangang mapatingin sa kanya. Ininguso niya si Mama, ipinaparating na sabihin ko na. Pero mariin akong umiling. Now is not a good time. Marami pa namang pagkakataon.
Ang katahimikan na ’yon ay umabot pa hanggang sa paghatid sa amin ni Papa sa university. Kaya nang makababa kami ng sasakyan at makaalis si Papa, sabay pa kaming napahinga ng kapatid ko.
“Nasaan ang best friend mo, Ate?” tanong ni Jupiter nang tumawid kami at mapansing wala si Jolene na madalas na naghihintay sa akin sa gate.
“Hindi ko siya best friend,” mahinang sagot ko. Sabay na kaming naglakad papasok ng university.
“Ah, hindi ba? Sobrang close n’yo na nga, eh,” sabi ni Jupiter sa tonong nang-aasar.
Sinamaan ko siya ng tingin, pero tinawanan niya lang ako. Nagpaalam na siya na hihiwalay na sa ’kin nang makarating na kami sa college building ko.
Pumasok ako sa room nang nakatungo at walang tinitingnan na kahit na sino. Gaya ng dati, maingay pa lang sa pagpasok ko at parang walang nakapansin sa akin. Wala ring bumabati, ’di tulad ng iba sa mga kaibigan nila.
Napabagal ang paglalakad ko nang malapit na ako sa upuan ko. Nakita ko kasi ’yong upuan. Sira at walang desk. Plastic na gray ang upuan namin, pero bakal ang mga paa niyon at suporta ng sandalan sa likod. Pero walang desk ang sa akin at ang bakal na pinapatungan lang ang nandoon.
Napalinga ako sa paligid para sana maghanap ng ibang magagamit kong upuan. ’Yong hindi sira. Pero wala na akong makita dahil okupado na lahat. Wala nang bakante. Parang dati naman ay maraming bakanteng upuan sa likod.
Napatingin sa akin si Maggie na katabi ko sa upuan. Siguro ay nagtataka dahil hindi pa ako nararamdamang umuupo at nakatayo lang doon.
I saw her frown. Napatingin siya sa upuan ko, and I saw realization in her eyes.
“Ay, sira upuan mo?” kaswal niyang tanong at luminga pa sa paligid. “Wala nang bakanteng upuan. Try mong manghingi sa kabilang room. Baka meron sila.”
Alam kong hinding-hindi ko magagawa ’yon. Sila ngang mga kaklase ko, nahihiya na ’kong kausapin, paano na kung tagakabilang room pa? Ayokong makaistorbo o makaperwisyo ng iba.
Napatingin ako sa upuan ko. Mahihirapan akong makapagsulat doon, pero mas mahirap sa akin kung manghihingi ng upuan sa kabilang room. Paano kung may prof na sila? Paano kung nagle-lecture na? Nakaistorbo pa ’ko! Ayoko ng gano’n!
Nakakahiya! Hindi malakas ang loob kong makipag-usap sa iba. Siguradong dadalhin ko sa buong buhay ko kung sakali ngang makaperwisyo ako nang dahil lang sa upuan ko.
Umiling ako kay Maggie na mukhang naghihintay sa gagawin ko.
“H-hindi . . . hindi na. Pagtitiyagaan ko na lang,” mahinang-mahinang sabi ko na alam kong hindi niya narinig. Pero nagkibit lang si Maggie at bumalik na sa pakikipag-usap kay Justin.
Napabuntonghininga ako at walang nagawa kundi ang umupo na lang. Inilagay ko ang bag ko sa patungan ng desk at iyon ang naisip na gawin na lang sulatan mamaya. Minsan lang din naman kami pagsulatin ng mga prof namin. Madalas silang magbigay ng handouts at pumapayag din naman silang kunan na lang namin ng picture kapag PowerPoint ang gamit nila.
Sa isang subject lang naman namin kinailangang magsulat kaya hindi ako masyadong nahirapan. Hindi rin naman marami ang sinulat namin.
Dumating ang lunch at doon uli ako pumuwesto sa paborito kong tambayan. Doon sa benches sa gilid lang ng Big Field. Doon sa pinakamalaking puno na may malalagong dahon kaya malaki ang lilim na nagagawa.
Walang masyadong estudyante ang nagpa-practice doon dahil na rin tanghaling tapat. Hindi naman mainit at malakas pa ang simoy ng hangin dahil na rin sa mga punong nakapaligid doon. Kaya ayos lang din sa akin kung dito ako magpapalipas ng lunch.
Naglabas ako ng libro at tahimik na kumakain. Umihip ang hangin kaya pinigilan ko sa paglipat ng page ang libro, pero ang buhok ko naman ay sumabog sa mukha ko. Hinintay kong mawala ang hangin bago sinubukang ayusin ang buhok ko.
“Mas prinoblema mo pa ang libro kaysa sa buhok mo. Unbelievable.”
Nagulat ako nang biglang may magsalita sa tabi ko, pero mas nagulat ako nang makita kung sino iyon. Si Kreios. Simpleng itim na T-shirt lang ang suot niya at maong pants na pinaresan ng itim na running shoes. Nakakapanibago ang itsura niya ngayon sa paningin ko. Madalas ko kasi siyang makita na naka-leather jacket o ’di kaya ay naka-leather pants.
Hindi siya maputi, pero hindi rin naman maitim. Sakto lang. Pero kapag ganitong naka-black shirt lang siya, nagmumukha siyang maputi. Simple lang ang black T-shirt na suot niya. Wala ngang design o sulat man lang, pero hindi ko maiiwas ang tingin ko sa kanya. Bumagay sa kanya ’yong suot niya.
“Hi, Miss Judgmental!” he greeted me with a smirk on his lips.
Doon naman ako natauhan at mabilis na nag-iwas ng tingin. Napayuko ako at hiniling na sana ay hindi niya nahalatang nakatitig ako sa kanya kanina.
“Ano’ng . . . ginagawa mo rito?” mahina kong tanong, pero alam ko namang maririnig niya pa rin. Ang kaba sa dibdib ko ay nagsisimula na naman.
“Nakikiupo,” he said casually.
Napatingin ako sa paligid. Marami namang bakanteng mga bench doon. Sa likuran lang ng pabilog na bench na inuupuan naming ’to ay wala ring nakaupo. Pero napili niya pa ang tumabi sa akin.
“Marami namang ibang upuan,” sabi ko pa.
Kreios chuckled. Napatingin tuloy ako sa kanya nang naguguluhan. Iniisip kung ano’ng tinatawanan niya.
He grinned as he leaned back. Itinukod niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya palikod para gawing suporta habang nakangising nakatitig sa akin.
“Tinabihan kita kasi kilala kita,” paliwanag niya. “Oo nga pala.” He fished something out of his pocket with one hand. Nakita kong cellphone iyon nang iniabot niya sa akin. “Pahingi ng number mo.”
“Ha?”
“Pahingi ng number mo,” ulit niya.
“Bakit?”
He frowned. “Para alam ko kung pa’no ka kokontakin. Baka mamaya, hindi pa kayo sumipot sa Sabado.”
“Hindi ako gano’n. Hindi ako paasa,” sabi kong medyo iritable.
Tumawa lang siya at walang ibang sinabi, pero mas lalo lang yata akong nainis doon. Kahit hindi niya kasi sabihin, parang alam ko kung ano’ng iniisip niya. Na pinaasa ko siya nang biglang umayaw ako sa deal kahit pa nang manalo siya.
Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya at binalingan ang cellphone niya sa kamay ko. Binuksan ko ’yon, ilalagay na sana ang number ko, pero nakita kong naka-lock. Default wallpaper lang ang gamit niya.
“Naka-lock,” mahina kong sabi at ipinakita pa sa kanya ang phone.
Gumalaw siya. Ang akala ko ay kukunin niya ang phone sa akin kaya mas inilahad ko pa iyon. Pero nagulat ako nang maramdaman ang pagsakop ng kamay niya sa kamay kong nakahawak sa phone niya. I flinched and shivered against the warmth of his large hand. Kahit na mainit naman iyon, pero naramdaman ko ang panginginig ko.
Kreios chuckled when he noticed my reaction. “Relax . . .” he softly said with a hint of laughter in his voice.
Pinigilan ko ang gumawa ng anumang reaction, pero ang tibok ng puso ko ay sobrang lakas. Kabang-kaba ako! Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. Kung babawiin na ba ang kamay ko o hahayaan lang siya sa ginagawa niyang pag-unlock ng phone niya habang hawak ang kamay ko.
Pero natatakot naman ako na baka ’pag binawi ko ang kamay ko, mahulog ang phone niya at masira.
Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Hindi ko maintindihan ang kilabot na bigla na lang nanulay sa buong katawan ko. Sinusubukan kong gawing normal ang paghinga ko kahit kinakapusan na ako ng hangin.
Siguro . . . ganito ang reaksiyon ko dahil ngayon lang ako naging ganitong kalapit sa lalaki. Hindi ako sanay. Sobrang kaba tuloy ng nararamdaman ko!
Kreios did what he needed to do with his phone. He unlocked it using the touch ID with his thumb. Hinintay kong magbukas iyon, at nang mangyari ay mabilis na binawi ang kamay ko kasama ang phone niya. Naramdaman ko pa ang bahagyang panginginig ng kamay ko.
I put my number on his phone. Kitang-kita ko ang panginginig ng daliri ko habang ginagawa iyon. Sana lang ay hindi mahalata ni Kreios.
“Oh,” I said when I handed him his phone.
Kinuha niya naman iyon at mabilis kong binawi ang kamay para hindi na magdampi ang mga balat namin. Baka kasi mas lalo pang dumoble ang kaba ko at hindi ko na talaga mapigilan ang panginginig ko!
Kreios typed something on his phone. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa kaya inilabas ko iyon. Isang text message ang natanggap ko sa isang unregistered number. Hindi ko pa binubuksan, pero nahuhulaan ko na kung kanino galing ’yon. Konti lang din naman ang nakakaalam ng number ko.
Unregistered number:
Hi, Miss Judgmental! :D
“It’s me,” Kreios said. Gusto kong sabihin na halata naman, pero pinili ko na lang ang manahimik.
Kinakalma ko pa rin ang sarili ko dahil sa nangyari. Sanay na akong palaging kinakabahan kapag nandiyan siya, dahil sa presensya niya. Pero iyong magkadikit ang mga balat namin, ngayon lang yata ako kinabahan nang gano’n sa buong buhay ko. Mas kabado pa ako kanina kaysa sa tuwing ipinapakilala ko ang sarili ko sa klase tuwing first day ng klase.
Sinulyapan ko si Kreios at nakita kong tahimik lang siyang nakatingin sa paligid. Parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina. Parang normal lang iyon sa kanya. Samantalang ako, hindi na mapakali rito. Hirap na hirap pang pabalikin sa normal ang tibok ng puso ko. Kahit ’yong bilis lang ng tibok kapag nandiyan siya.
“W-wala ka bang pasok? Baka . . . baka ma-late ka,” sabi ko. Mas okay siguro kung wala siya rito sa tabi ko. Baka kumalma na ’ko.
“Wala akong klase,” he said.
Napatingin ako sa kanya. Hindi naniniwala sa sinabi niya. Nang hindi ko na sinundan ang tanong ko ay napatingin sa akin si Kreios. Mahina siyang napatawa nang makita ang paraan kung paano ko siya tingnan.
“Oo nga!” sabi niyang natatawa. “Lunch break ko ngayon.”
“Eh, bakit kahapon?”
“Tuwing Monday and Thursday lang ang schedule kong gano’n. Mas maaga ng isang oras ang lunch namin sa gano’ng araw.”
“Ah . . .”
He grinned at me.
“Concerned ka?” Halata ang pang-aasar sa kanya.
Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon na lang uli ang atensiyon sa libro at pagkain ko. Hindi naman ako makapag-concentrate. Nandoon pa rin ang kaba sa akin, pero medyo kumakalma na ’ko.
“Palagi kang nagbabasa, ah? Ako kasi, tamad magbasa,” sabi niya maya-maya.
“Halata naman,” bulong ko, pero nakalimutan kong malakas nga pala ang pandinig niya.
Napatingin ako sa kanya, handa nang bawiin ang sinabi ko sa pag-aalala na baka sumama ang loob niya. But I heard his chuckle while looking at me with fascination in his eyes.
“Nagiging judgmental ka na naman, Miss Judgmental,” sabi niyang may katuwaan sa boses.
Nang-aasar na naman siya kaya iniiwas ko na lang ang tingin sa kanya at tumungo sa libro ko. Pero kahit anong pagbabasa ang gawin ko ay hindi na iyon pumapasok sa utak ko.
“Why are you always looking down?” he asked after a while. Hindi ko uli siya sinagot.
Kasi nando’n siya. Hirap akong tingnan siya nang hindi naaapektuhan sa presensya niya o kapag nakikita ko siyang nakatingin sa akin. Hirap akong salubungin ang tingin niya. Mahiyain ako, pero mas lumalala lang yata ’yon kapag nandiyan siya.
Isa pa, ayoko ring makitang pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante. Mga nagtataka kung bakit kinakausap ako ng isang tulad niya.
“If you’re always looking down, all you will see is the dirt. Try looking up or straight ahead, you’ll see the good things in life.”
Wala sa sariling napatingin ako sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan na maririnig ko iyon sa kanya. Walang-wala sa itsura nya. He doesn’t look like someone who has a positive view of life. Parang wala sa personality niya. Especially on the way he dresses and the way he drives his motorcycle like there’s no tomorrow.
But then, I don’t really know him. Ngayon pa lang kami nagkakausap. Hindi dapat ako magbase sa nakikita ko sa panlabas niya.
“There you go . . .” Kreios said softly. He has a gentle smile on his lips. “Look people in their eyes. Ang ganda pa naman ng mga mata mo.”
Agad akong pinamulahan ng mukha dahil sa narinig sa kanya kaya mabilis akong napaiwas ng tingin sa kanya at yumuko. Ang librong hawak ko ay hinawakan ko ng dalawang kamay at itinaas iyon, inihaharang sa mukha ko habang nagkunwaring nagbabasa.
Kreios chuckled. I even heard amusement in his voice.
“But of course, you need to get used to it first,” he said. Kahit hindi ko siya tingnan ay nahuhulaan kong nakangiti siya.
Hindi na ako nagsalita at pinagtuunan na lang ng pansin ang libro. Hindi na rin naman siya nagsalita at tahimik lang na nakaupo sa tabi ko, pinagmamasdan ang buong Big Field. Nang matakpan kasi ng ulap ang araw ay may mga estudyante nang nagpa-practice doon.
Unti-unti na rin naman akong nasanay sa presensya ni Kreios. O siguro, nasanay talaga ako sa kabang nararamdaman ko sa presensya niya. Parang hindi na mawawala pa iyon. Hindi kagaya noon na makita ko pa lang siya ay parang gusto ko nang tumakbo palayo.
Natapos ang buong lunch break ko nang sinamahan ako ni Kreios. Wala na kaming napag-usapan pagkatapos niyon at prente lang siyang nakaupo sa tabi ko. Habang ako ay pinipilit na magbasa. Nang magpaalam ako na babalik na sa room ay nagulat pa siya. Nakalimutang may klase rin siya na susunod. Kaya naghiwalay na kami pagkatapos niyon.
Naging ganoon ang eksena namin sa buong linggo. Hindi na ako nagrereklamo sa tuwing umuupo siya sa tabi ko. Minsan ay tahimik lang siya kaya nakakapagbasa ako nang matino. Kung minsan naman ay talagang sadyang iniinis ako at mukhang mas natutuwa pa siya tuwing nagre-react ako sa pang-aasar niya.
Isang linggo ko ring tiniis na gamitin ang sirang desk bilang upuan ko. Parang hindi na nga naaalis doon ang upuan. Hindi katulad noon na kapag maayos ay nag-iiba-iba ang inuupuan ko sa araw-araw. Nahahalata ko dahil ang iba ay may mga sulat sa desk, ang iba ay wala.
Pinagtiyagaan kong ganoon ang desk ko hanggang Friday. Mas kakayanin ko iyon kaysa sa mang-abala sa kabilang room para humingi ng upuan. Iniisip ko pa lang, feeling ko ay aatakihin na ako sa sobrang kahihiyan kapag ginawa ko ’yon. Umaasa na lang ako na sa pagdating ng Lunes ay mapalitan na ’yon.
Hindi ko rin nakita si Jolene sa buong linggo. Parang bigla na lang siyang naglaho. Bigla rin naman siyang sumulpot noon. Hindi na rin naman ako nagtaka. Ilang beses ko na ’tong naranasan noong sa Manila pa lang ako nag-aaral. Siguro, nagsawa na rin si Jolene sa akin dahil na-realize niyang boring akong tao.
“Hindi mo pa nasasabi, Ate?” tanong sa akin ni Jupiter, Sabado ng umaga, pagdating niya galing sa pag-jo-jogging. Pasimple niya akong nilapitan habang naghahanda si Mama ng almusal namin at tinanong ’yon.
“Hindi pa,” sagot kong halos ’di na bumuka ang bibig. “’Di ako makatiyempo.”
“Pa’no ’yan, eh, mamaya na ’yon? Sasama ka?”
“Oo naman. Hindi kita puwedeng hayaang mag-isang kasama si Kreios.”
“Baka mapagalitan tayo, Ate,” dinig ko ang pag-aalala sa boses niya.
“Sasabihin ko naman. Humahanap lang talaga ko ng tiyempo.”
“Ano ba’ng pinagbubulungan n’yo diyan?” tanong ni Mama nang mahalata siguro kami ni Jupiter kaya mabilis kaming naghiwalay ng kapatid ko at umaktong normal lang.
Naupo na ako sa hapag at sakto naman na napaubo nang sunod-sunod si Papa kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Nagpaabot siya ng tubig at agad ko naman ’yong ibinigay sa kanya.
“Ayos ka lang, Pa?” nag-aalala kong tanong matapos kong iabot ang tubig sa kanya.
He nodded while drinking his water. Pinunasan niya ang bibig niya at binalingan ako pagkatapos.
“Ayos lang. Nangati lang ang lalamunan ko.”
I nodded. Natuon ang mata ko kay Jupiter nang maupo si Mama. Sumesenyas sa akin na sabihin ko.
Nainis ako sa pamimilit niya kaya inirapan ko tuloy. Sabi kasing kukuha nga muna ng tiyempo. Hindi naman kasi puwedeng biglain si Mama kung gusto niyang mapapayag!
“Ma . . . sasama pala ’ko kay Jupiter mamayang hapon sa pag-jo-jogging niya,” I said. Naghahanap ng palusot para makalabas mamaya.
Kung katulad lang ako ni Jupiter na palaging lumalabas, hindi ko na kailangang gawin ’to. Pero dahil nasanay sila na nasa loob lang ako palagi ng kuwarto ko, magtataka sila kung basta na lang ako lalabas nang hindi nagpapaalam.
Napakunot ang noo ni Mama nang tumingin kay Jupiter.
“Mag-jo-jogging ka uli mamaya?” she asked. “Nakapag-jogging ka na, ah?”
Napatingin tuloy sa akin si Jupiter. Nanghihingi ng tulong kung ano’ng sasabihin, pero hindi rin naman ako makaisip. Bakit ba kasi pag-jo-jogging ang idinahilan ko?
“Ano kasi, Ma . . .” Sumulyap uli si Jupiter sa akin, pero umiling ako sa kanya para sabihin na wala akong maisip na dahilan. “M-malapit na ’yong tryouts . . . ano . . . kailangan kong mas mag-practice pa.”
Mas lalong nangunot ang noo ni Mama at napatingin pa sa akin. Kinabahan tuloy ako. Baka mahalata niyang nagsisinungaling kami.
“Tapos mo na ba ang mga school work mo?” she asked my brother instead.
“Tatapusin ko bago kami mag-jogging ni Ate.”
Hindi nagsalita si Mama at kumuha ng pandesal. Nag-aabang lang kami ng kapatid ko sa sasabihin niya. Hindi pa nga pala siya pumapayag na sumali uli si Jupiter sa varsity team. Mawawalan ng saysay kung magte-training siya kay Kreios.
“Siguraduhin mong hindi mo pababayaan ang pag-aaral mo, Jupiter,” sabi ni Mama. “Naku . . . ’pag bumaba talaga ang grades mo dahil dito, hindi ka na makakahawak ng bola sa ’kin.”
Pareho kaming napangiti ni Jupiter at nagkatinginan pa.
“Thank you, Ma!” Peter said with a wide smile on his face.
Chapter 11
Simpleng T-shirt at jogging pants na dating uniform ko sa P.E. sa dating university noong nag-aaral pa ako sa Manila. Ganito rin ang isinuot ko noong sumama ako sa pag-jo-jogging ng kapatid ko noon. Para naman mas kapani-paniwala ang palusot namin kanina kay Mama.
Kinakabahan pa ’ko. Baka mahuli kami ni Mama na hindi ako nagsasabi ng totoo kaya sinusubukan kong umakto nang normal. But I feel like I was just trying too hard. Hindi pa naman ako sanay magsinungaling.
“’Ma, alis na kami,” paalam ko kay Mama bago kami umalis ni Jupiter ng bahay para makapunta na sa court.
Mula sa panonood ng TV ay tumingin sa amin si Mama. Napaderetso tuloy ako ng tayo dahil sa kaba. Naramdaman ko ang pasimpleng pagsiko sa akin ni Jupiter na nakatayo sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin at nag-abang lang sa sasabihin ni Mama.
“Magba-basketball ka rin ba, Peter?” tanong ni Mama. Napatingin tuloy ako sa kapatid ko.
“Opo, Ma,” walang kahirap-hirap na sagot ni Jupiter. Totoo naman kasi. Magba-basketball siya dahil ite-train siya ni Kreios.
“’Wag kayong masyadong magpapagabi, ha? Delikado! Hanggang alas-siyete lang kayo.”
Napatingin uli ako kay Jupiter. Hindi ako makasagot kay Mama. Hindi ko kasi alam kung sapat na ba ang tatlong oras para sa training nila ni Kreios. Wala naman kasi talaga akong ideya sa basketball.
Pero mukha namang walang problema dahil mabilis na tumango si Jupiter.
“Sige, Ma. Uwi kami ni Ate bago mag-seven,” sabi pa niya. Tumango lang si Mama at bumalik na sa panonood ng TV kaya umalis na kami ni Jupiter.
Tahimik lang kami ng kapatid ko habang nilalakad namin papunta sa court na hindi rin naman kalayuan sa bahay namin. Buti na lang medyo malapit lang ’yon. Kung hindi ay baka mawalan ako ng gana na samahan si Jupiter sa training niya kung malayo. Ayoko pa naman ng gano’n. Baka kung sakali, hindi na talaga ako pumayag na mag-training pa si Jupiter kay Kreios.
Masasabi kong isa ito sa mga bago sa buhay ko. Noong nasa Manila kami, hindi ako nanonood ng training ni Jupiter. Hindi nga ako sumasama sa pag-jo-jogging sa kanya. Pero kailangan ko siyang bantayan ngayon lalo pa at kakikilala pa lang namin kay Kreios.
“Bakit hindi mo pa sinasabi kay Mama?” tanong sa akin ni Jupiter maya-maya.
Malayo-layo na rin ang nalalakad namin at mukhang sinadya talaga iyon ng kapatid ko. Tumingin pa kasi siya sa likod. Tinitingnan kung nakasunod ba sa ’min si Mama.
Para namang susunod ’yon.
“Humahanap pa nga ako ng tiyempo,” sabi ko. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na ’yong nasabi sa kanya.
“Ang tagal naman! Ang hirap mag-practice nang patago! Ngayon pa lang, kinakabahan na ’ko na baka mahuli tayo ni Mama!” reklamo pa ni Peter kaya napatingin ako sa kanya.
Nakita kong tumingin uli siya sa likod. Halatang kabang-kaba. Napairap tuloy ako sa inis sa kanya.
“Ang kulit mo! Hindi nga puwedeng biglain si Mama. Alam mo na ayaw niya kay Kreios!” pasigaw kong sabi, pero dahil mahina ang boses ko, mukhang hindi umepekto ’yon kay Jupiter.
“Ano ’yon? Lagi na lang tayong tatakas ’pag magte-training ako?”
“Eh, di ikaw na magsabi kay Mama kung gusto mo!” inis kong sabi.
Nakakainis na kasi. Paulit-ulit na lang. Sabi ngang humahanap ng tiyempo, pero pilit pa rin siya nang pilit. Ayoko pa naman n’ong nape-pressure ako. Mas lalo lang akong natataranta at kinakabahan. Baka pumalpak pa.
Kaya nga gusto ko sana na sa paraan ko gawin ang pagsasabi kay Mama. Pero binuburyo talaga ako ni Jupiter.
Alam naman niyang hindi maganda ang tingin ni Mama kay Kreios. Pinapaiwas pa nga kami sa taong kagaya niya.
Pero mukhang mas takot naman si Jupiter kay Mama kaysa sa hindi makapag-practice ng basketball.
Takot din naman ako. Kaya nga hanggang ngayon, hindi ko pa masabi. Alam ko pa naman ang ugali ni Mama. ’Pag nagalit ’yon, wala nang makakapagpabago sa isip n’on. Kaya kailangang tantiyahin din. Dapat hindi siya magagalit kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol dito.
Pero alam kong kailangang ako talaga ang magsabi kay Mama. Mas magagalit ’yon kapag sa iba pa niya nalaman kaysa sa amin ni Peter.
Nakarating na kami sa court at nakitang may mga naglalaro doon. Ibig sabihin, kailangan pa naming maghintay na may matapos bago kami makagamit ng ring. Eh, mukhang kakasimula pa lang nitong mga gumagamit ng ring na nasa bungad ng court. ’Yong nasa kabila naman na nasa dulo, hindi ko alam.
Mag-aalala na sana ako, pero may itinuro si Jupiter doon sa mga naglalaro gamit ang nasa dulong ring. I squinted my eyes. Inayos ko pa ang salamin ko at isa-isang tiningnan ang mga naglalaro doon. Hanggang sa namukhan ko ang isa sa kanila.
It was Kreios. Hindi ko nahalata na siya iyon no’ng una dahil ibang-iba ang suot niya kaysa sa nakasanayan kong nakikita sa kanya. Naka-simpleng black shirt lang siya, jersey shorts, at basketball shoes.
Hawak ni Kreios ang bola at hinaharangan siya ng mga kalaro niya. Pero mabilis siyang nakalusot at lumapit sa ring. He let go of the ball, and it went smoothly in the ring.
Nakita kong tumawa siya. Nang tumalikod ay napaharap sa gawi namin. His eyes immediately found where we are. Kumaway siya, pinapalapit kami ni Jupiter. Nagkatinginan kami ng kapatid ko, pero naglakad din palapit sa kanya.
Nakita pa namin siyang may kung anong sinabi sa mga kalaro niya. Then the others looked at us. Nailang tuloy ako at napayuko habang naglalakad. Saka lang ako nag-angat ng tingin nang makalapit na kami kay Kreios.
Nakita kong wala na ang mga nakalaro niya kanina. Napatingin ako kay Kreios, pero agad ding nagbaba uli ng tingin nang makita kong nakatingin din siya sa akin. Narinig ko pa ang pagtawa niya. Hindi ko lang alam kung tumatawa siya dahil doon sa iniisip ko. Naalala ko kasi noong sinabi niya sa ’kin na palaging tingnan ang mga tao sa mata nila. Na kabaligtaran ng ginagawa ko ngayon.
“Kanina ka pa, Kuya?” rinig kong tanong ni Jupiter para kay Kreios.
“I just got here. Nakipaglaro lang ako saglit habang hinihintay kayo,” I heard Kreios say.
Nanatili lang akong nakatingin sa sapatos ko. Dahil sinabi kong mag-jo-jogging ako, napasuot din tuloy ako ng rubber shoes.
Napaderetso ang likod ko nang maramdaman ang mabigat na tingin sa akin ni Kreios. Nakayuko pa rin ako, hindi siya nakikita kaya hindi ko alam kung nakatingin nga siya sa akin. Pero base sa pananayo ng mga balahibo sa batok ko, feeling ko, tama ang nararamdaman ko.
“Hi, Miss Judgmental!” narinig kong bati ni Kreios sa ’kin. Tama nga ako. Nakatingin nga siya sa ’kin.
Saglit lang akong nag-angat ng tingin para ibalik ang pagbati niya. Ayoko kasing maging bastos. Tinanguan ko lang siya, pero agad ding nagbaba ng tingin. Kinakabahan na naman kasi uli ako.
I heard Kreios chuckle. “So let’s start?”
“Ano’ng gagawin ko, Kuya?” rinig kong tanong ng kapatid ko.
Nag-angat ako ng tingin. Nakita kong nililibot ni Kreios ng tingin ang kabuuan ng court. Pagkatapos ay tiningnan ang kapatid ko.
“Slow jog for three laps,” he said. “Uupo muna kami ng ate mo do’n.” Itinuro niya pa ang batong bench sa gilid.
Nagulat naman ako roon. Mas lalo akong kinabahan. Naisip kong maiiwan kaming dalawa ni Kreios habang nililibot ng takbo ni Jupiter ang buong court. Parang hindi ko yata kaya ’yon.
Hindi ko naman alam kung bakit. Ilang beses din naman siyang nakikiupo sa tabi ko sa bench doon sa university. Kaming dalawa lang palagi ang nandoon. Pero ayos lang sa akin.
Ngayon kasi, mas kinakabahan ako. Parang ayaw ko tuloy patakbuhin ang kapatid ko.
Pero tumango na si Jupiter at sinimulan nang gawin ang sinabi ni Kreios. Ni hindi man lang niya tinanong kung okay lang ako roon! Alam niya naman na sobrang mahiyain ako!
“C’mon, Miss Judgmental. Umupo na tayo,” yaya pa sa akin ni Kreios.
Wala tuloy akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya papunta sa bench na nasa gilid. Kaysa naman magmukha akong kawawa mag-isa sa gitna ng court.
Tahimik akong naupo sa bench na nilapitan ni Kreios. Nakita ko ang isang training bag doon. Mukhang may damit doon at nagbihis lang siya. Sa bagay. Naka-motor nga pala siya.
Hindi ko siya deretsong tinitingnan. Pero sa gilid ng mga mata ko, nakita kong kinuha niya ang tubig sa loob ng bag niya at uminom. Pagkatapos ay umupo na rin siya sa tabi ko.
Mas lalo akong na-conscious. Wala sa sariling napaderetso ako ng upo. Ang mga kamay kong nakapatong lang sa mga hita ko ay naikuyom ko na sa sobrang kaba.
Ngayong magkatabi kami ni Kreios, amoy na amoy ko ang pabangong ginamit niya. Ang bango-bango niya kahit na medyo pawisan dahil sa saglit na paglalaro kanina. Pero mas mukhang bumango pa nga siya lalo na nang humalo ang pawis niya sa pabango niya. Hindi ko alam na puwede pala ’yon.
“Relax, Miss Judgmental. Halatang kinakabahan ka,” rinig kong sabi ni Kreios na bahagyang natawa pa.
Napangiwi tuloy ako. Nakakahiya. Napansin niyang kinakabahan ako! Ayoko nga sanang ipahalata, pero mukhang hindi ko nagawa nang maayos ’yon.
Kapag nandiyan si Kreios mas lalo lang lumalala ang kaba ko. Ang akala ko pa naman, nasanay na ako sa presensya niya nitong mga nakaraang araw kapag nagkakasama kami sa lunch. Pero sa tuwing nakikita ko siya, nararamdaman ko pa rin ’yong kaba. Mukhang hindi na talaga mawawala.
“Talk,” rinig kong sabi niya maya-maya. Napaangat tuloy ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kasi naintindihan kung ano’ng ibig sabihin niya do’n.
“Huh?”
“Talk. Para mabawasan ang kaba mo.”
Napakunot ang noo ko. Imposible ’yon. Hindi naman ako madaldal. Hindi rin ako mahilig magsalita dahil nga mahina ang boses ko. Imbes na mas gustuhing makipag-usap sa akin ng tao, naiinis lang sila dahil hindi nila marinig ang sinasabi ko minsan.
Kaya mas lalo lang akong kinakabahan kapag nagsasalita ako. Natatakot kasi ako na baka mainis din sila sa akin kapag kailangan pa nilang ipaulit nang ilang beses ang sinasabi ko.
“Hindi ka kakabahan kung komportable ka sa tao. Hindi ka na mahihiya,” paliwanag ni Kreios. Nakita niya siguro na nalilito ako. “But to be comfortable with them, of course you must talk to them first.”
Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumingin na lang ako kay Jupiter na mabagal ang pagtakbo. Mukhang hindi pa nga nakakaisang lap. Hindi niya ba puwedeng bilisan? Kinakabahan kasi akong makipag-usap kay Kreios.
“C’mon, try it. Talk. You can ask me anything,” sabi pa ni Kreios na kinukumbinsi pa rin ako.
Napatingin ako sa kanya nang may pag-aalangan. Mas lalo tuloy akong kinakabahan ngayong pinipilit niya ’ko. Mas hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. Wala akong mahagilap sa utak ko na puwedeng itanong sa kanya!
“Talk to me, Illya . . .”
Napaawang ang mga labi ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko napaghandaan ’yon. First time kong marinig siya na tinawag ang pangalan ko. Palagi na lang kasing Miss Judgmental.
Parang tambol sa lakas ang naging pagtibok ng puso ko. Umabot pa hanggang sa lalamunan ko kaya hindi tuloy ako makahinga nang maayos. Napalunok pa ako sa pagbabakasakaling makahinga ako nang maluwag kapag ginawa iyon. Pero sobra pa rin ang kaba sa dibdib ko.
Hindi naman iyon ang unang beses na tinawag ako sa pangalan ko ng ibang tao. Pero bakit parang iba ang dating sa kanya? Nakakakaba. Nakakataranta. Ang bilis-bilis pa ng tibok ng puso ko.
I noticed Kreios was just looking at me. Waiting patiently for me to talk. Wala na siyang sinabi bukod doon at hindi na ako pinilit muling magsalita. Naghintay na lang siya hanggang sa kusa kong gawin iyon.
Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para magtanong sa kanya. Pero wala pa rin talaga akong maisip na itatanong. Ang gulo-gulo ng isip ko. Hindi ako makahanap ng mga salita. Isinara ko na lang tuloy uli ang bibig ko at tumitig sa kanya.
He smiled at me. Mas lalo akong natigilan nang makita ang pagngiti niya. His smile was warm. Parang sinasabi sa akin na naiintindihan niya kung hindi ko man magagawa. Hindi na niya uli ako pinilit at tumingin na sa kapatid ko.
But I wanted to try it. He is someone who can understand that I’m shy, who can hear everything I’m saying no matter how soft my voice is. Alam kong kapag sinubukan kong magsalita at mahina ang pagkakasabi ko dahil sa hiyang nararamdaman, maririnig niya pa rin. Hindi ko na kailangang ulitin. Hindi ko mararamdaman ang mas mahiya dahil kailangan kong ulitin ang sinabi ko. Hindi rin siya maiinis dahil maririnig niya agad ako.
He was the only one who also encouraged me to speak; who offered that I could ask him anything. At ayokong sayangin ’yon.
I wanted to try speaking to him.
“B-bakit mo pinapatakbo si Jupiter?” ang nakakatalino kong tanong.
Bakit gano’n ang tanong na lumabas sa bibig ko? Ang dami-dami kong puwedeng itanong, ’yon pa talaga!
Mukhang nagulat pa si Kreios at agad na napatingin sa akin. Halata sa kanya na hindi niya inaasahan ang pagsasalita ko. Pero mabilis din siyang ngumiti at mahinang tumawa.
“I’m observing his movements. Especially how he runs. Para maayos ko siyang ma-train,” he patiently explained to me.
Nagtataka ko naman siyang tiningnan na nakatingin pa rin sa akin ngayon. Tiningnan ko ang kapatid ko. Hindi ko alam kung nakakailang lap na siya. Napatingin uli ako kay Kreios at naabutan pa rin ang mga titig niya.
“Pero . . . sa akin ka naman nakatingin,” sabi kong sobrang hina. Inayos ko pa ang salamin ko at yumuko.
Ngayon ko lang na-realize na nakakahiya pala ang sinabi ko!
“Because I’m talking to you,” he said. Nang tiningnan ko siya ay nakita kong nakangisi siya.
“Ang sabi mo kasi, kausapin kita,” mas mahina ko pang sabi at yumuko uli.
Inoobserbahan niya pala si Jupiter kaya niya pinatakbo. Hindi ko naman alam. Nakaistorbo tuloy ako sa ginagawa niya. Sana ay hindi na ako sumubok na tanungin siya. Sana hindi ko na lang ginawa. Nakaperwisyo na naman ako.
Sinubukang hulihin ni Kreios ang mga tingin ko. Sinilip niya ang mukha ko kaya wala akong nagawa kundi ang tingnan siya. He clung his head in a haughty gesture before I saw him smirk.
“I told you to always look people in their eyes, Illya . . .” he said. “You should do it . . . especially when you’re talking to them.”
Hindi ako nagsalita. Hindi ko naman kasi kaya ’yon. Naiilang ako at mas nahihiya lang. Tapos ay si Kreios pa ang kaharap ko ngayon na hanggang dalawang segundo ko lang yata kaya siyang tingnan sa mga mata.
“’Nga pala, I texted you,” sabi niya nang mapansing wala na akong balak pang magsalita. “Hindi ka nag-reply. Akala ko tuloy, ’di kayo pupunta.”
Nagulat ako sa sinabi niya.
“Nag-text ka?” Hindi ko alam ’yon. Hindi ko pa naman dala ang phone ko ngayon.
“Yeah . . . hindi mo ba natanggap?” nagtataka niyang tanong.
Mabilis akong umiling tapos ay nataranta kaya nagpaliwanag agad ako sa kanya.
“Hindi naman kasi ako nagtse-check madalas ng phone ko. Wala rin naman kasing nagte-text sa ’kin.”
Madalas ay laptop pa ang gamit ko. Mas nakakatulong kasi sa akin ’yon sa pag-aaral. Ginagamit ko lang naman ang phone ko dahil sa pamilya ko. Sila lang din naman ang nagte-text doon.
Napatango si Kreios. I noticed him hiding a smirk. Napakunot tuloy ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
“Bakit?” I asked. Kinakabahan ako na baka pinagtatawanan niya na pala ako.
“Nothing,” he said, but he chuckled. “I just thought that you’re different from others. Madalas kasi ’yong iba, halos hindi na mabitiwan ang phone nila. Pero ikaw, hindi mo pa malalaman na hindi ako nag-text kung hindi ko pa sinabi.”
“Wala naman kasi akong gagawin sa phone ko kaya hindi ko rin ginagamit,” sabi ko pa.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya nag-iwas na ako ng tingin. Nakita ko si Jupiter na palapit na sa amin. Mukhang tapos na sa pagtakbo.
“You’re done?” Kreios asked. Tumango ang kapatid ko kaya tumayo na siya. “Alright. Let’s start.”
Maya-maya lang ay nandoon na sila sa isang bahagi ng court. Gamit nila ang ring doon sa dulo.
Tahimik ko lang silang pinapanood. Inaayos ko pa ang salamin ko kung minsan na para bang makakatulong iyon para mas makita ko pa sila.
I saw Kreios talking seriously with my brother. Seryoso rin namang nakikinig ang kapatid ko sa lahat ng mga sinasabi niya.
First day pa lang ng training nila kaya madalas ang ipinagawa lang ni Kreios ay paglaruing mag-isa ang kapatid ko at inoobserbahan niya naman.
Kreios is a strict trainer. May kaunti siyang ipinagawa sa kapatid ko kanina, parang may itinurong moves, pero halata agad ang pagka-istrikto niya. Ilang beses niya kasing pinapaulit iyon sa kapatid ko hanggang sa magawa iyon nang tama ni Jupiter.
Malapit nang mag-seven nang matapos silang dalawa. Napalitan na ng iba ang mga naglalaro kanina sa isang ring na nandoon. Kanina pa rin bukas ang mga ilaw sa court.
“Same time tomorrow?” Kreios asked. Napatingin ako sa kanya, pero agad ding napaiwas ng tingin nang basta niya na lang hinubad ang T-shirt siya. Nakita ko tuloy ang katawan niyang pawisan. Naramdaman ko pa ang pag-init ng mukha ko.
“K-kailangan din ba bukas?” nauutal ko pang tanong habang nakaiwas ng tingin sa kanya.
“Of course. Next month na ang tryout. Kailangang mag-practice nang mag-practice si Jupiter kung gusto niyang makapasok sa team.”
Nagkatinginan kami ng kapatid ko. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya na mukhang napansin naman ni Kreios.
“May problema ba?” he asked.
Umiling ako, pero sumagot naman si Jupiter.
“Si Ate kasi, Kuya. Hindi pa sinasabi kay Mama na tine-train mo ’ko,” pagrereklamo ni Jupiter. Mukhang malaki talaga ang problema niya na hindi ko pa rin nasasabi ang tungkol doon.
I heard Kreios chuckle. “You want me to help?” he asked.
Alam kong sa akin nakadirekta ang tanong na iyon kaya tiningnan ko siya. Dahan-dahan ko pang ginawa ’yon. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nakasuot na siya ng white shirt.
Umiling ako. I know he didn’t mean any harm. Pero sa tingin ko kasi, mas okay kung ako ang magsasabi kay Mama.
Mukhang naintindihan naman iyon ni Kreios dahil nakita ko ang pagtango niya.
“Alright. Let’s just meet here again tomorrow,” he said before he looked at me. “Text me when you both get home.”
Nagulat ako, pero tumango na lang ako.
Dala na ni Jupiter ang bola niya na ginamit nila ni Kreios kanina sa pagte-training nang umalis kami sa court. Tahimik lang na naglalakad ang kapatid ko. Mukhang napagod yata sa training nila kahit first day pa lang naman. Paano pa kaya sa susunod?
Pero hindi naman nagreklamo si Jupiter. I could even see the happiness in his face. Mukhang nag-enjoy naman siya sa training dahil marami siyang natutuhan.
Nang makarating sa bahay ay wala namang sinabi sa amin si Mama. Wala pa si Papa galing sa trabaho. Sinabi lang na magpahinga na muna kami at mamaya na kami maglinis ng katawan. Dumeretso ako sa kuwarto at agad na hinanap ang phone ko.
Nakita kong may dalawang message nga akong na-receive doon. Parehong nanggaling sa iisang unregistered number na alam ko na kung kanino. Hindi ko pala na-save ang number ni Kreios.
Binasa ko ang unang text na natanggap ko pa kaninang umaga.
Unregistered number:
Good morning, Miss Judgmental! Remind lang po sa practice namin ni Jupiter mamaya.
Hindi ko alam, pero bigla na lang akong napangiti nang mabasa ’yon kahit hindi naman nakakatawa ang text ni Kreios. Binasa ko naman ang pangalawa na natanggap ko kaninang bago mag-alas-kuwatro ng hapon.
Unregistered number:
Hey, I’m already here at the court. Will wait for you both.
Mahina akong tumawa. I saved his number first before I texted him.
Me:
Hi! Nakauwi na kami.
Ilang sandali lang ang hinintay ko bago ako nakatanggap ng reply mula sa kanya.
Kreios Castellano:
That’s good. You should rest.
Me:
Thank you for today.
Hindi pala ako nakapagpasalamat sa kanya kanina. Nakalimutan ko.
Tumunog ang phone ko nang makatanggap ng reply sa kanya. Napangiti ako nang mabasa ang text niya.
Kreios Castellano:
The pleasure is all mine.
Chapter 12
Halata ang kaba sa mukha ng kapatid ko habang papunta kami sa court ng subdivision kinabukasan. Ilang beses din siyang lumingon sa likuran namin habang naglalakad kami. Medyo nakampante lang siya nang makarating na kami sa court nang hindi naman sumusunod sa amin si Mama.
Medyo marami ang mga tao sa court dahil araw ng Linggo. Lalo na ang mga bata na mukhang pinayagang maglaro maghapon ng mga magulang dahil na rin may pasok na kinabukasan. Nag-alala pa kami na baka walang magamit na ring, pero nang makita namin si Kreios na mag-isang gumagamit ng ring na nandoon sa dulo ay nawala ang pag-aalala namin.
Kinawayan kami ni Kreios kaya lumapit kami ni Jupiter sa kanya. Inayos ko naman ang salamin ko at hindi na naman makatingin nang deretso sa kanya. Nakatungo lang ako nang makalapit at tumitig na lang sa sapatos ko.
“Kumusta?” tanong ni Kreios na hindi ko alam kung para kanino dahil nanatili lang akong nakayuko.
Ang akala ko pa naman ay hindi na ako mahihiya sa kanya dahil nagpalitan kami ng text messages kagabi. Hindi na ako nag-reply sa huling sinabi niya. Hindi ko rin naman alam kung dapat ko pa bang reply-an ’yon. Isa pa, it was a dead end. Wala na akong maisip na sasabihin doon kaya pinili ko na lang na huwag nang mag-reply.
Pero ngayong kaharap ko siya, kinakabahan na naman ako.
“Ayos lang, Kuya.” Si Jupiter ang sumagot sa tanong niya.
“Hindi ba nanakit ang katawan mo?” Kreios asked. “Moderate training tayo ngayon. Medyo nakakapagod kumpara kahapon.”
Napatingin ako kay Jupiter at nakita ko ang pagtango niya sa sinabi ni Kreios. Lakas-loob kong tiningnan ang lalaking kaharap ko, pero nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Kasabay ng pagyuko ko ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba.
Nakakainis talaga. Ilang beses ko nang nakakasama si Kreios kaya dapat ay medyo komportable na ako sa kanya. Pero nando’n pa rin kasi ang kaba sa akin lalo na sa tuwing magsasalubong ang mga tingin namin.
“Alright. Start your warm-up with a slow jog. Then proceed sa usual warm-up,” rinig kong sabi ni Kreios. “Uupo lang uli kami ng ate mo roon.”
Nakayuko pa rin ako, pero alam kong ang tinutukoy niya ay ’yong bench na inupuan din namin kahapon. Pumayag si Jupiter, at nang magsimula siyang tumakbo ay niyaya na ako ni Kreios na maupo. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya papunta sa bench.
Tahimik akong umupo habang inaayos ang salamin ko. Naramdaman ko ang pag-upo ni Kreios sa tabi ko. Wala sa sariling napaderetso ako ng upo. Pinanood ko na lang ang kapatid ko na mabagal na tinatakbo ang paligid ng court.
Kabang-kaba pa rin ako at hindi mapakali. Wala namang ginagawa si Kreios at nakaupo lang sa tabi ko. Pero masyadong malakas ang presensya niya at hindi ko magawang balewalain. Kahit sino naman siguro ay mahihirapang huwag pansinin si Kreios.
“Hindi ka na nag-reply kagabi,” rinig kong sabi ni Kreios maya-maya.
Mabilis akong napatingin sa kanya nang bigla siyang magsalita, pero agad ding napaiwas ng tingin nang makita kong nakatingin siya nang deretso sa akin. Huminga muna ako nang malalim para sana pakalmahin ang kaba sa dibdib ko, pero hindi pa rin naman nawala.
“W-wala na kasi akong masabi,” mahinang sabi ko.
“Kahit man lang ‘bye’ or ‘goodnight’?” tanong ni Kreios na natatawa. “Naghintay pa naman ako sa reply mo.”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nakonsiyensiya tuloy ako.
“Sorry,” I said softly. Mahinang-mahina ’yon dahil na rin nahihiya ako at nakokonsiyensiya, pero mukhang narinig niya dahil saglit siyang natawa.
“It’s okay,” he said. “Naisip ko rin na baka nagpapahinga ka na.”
Hindi ako nagsalita. Hindi pa kasi agad natulog kagabi dahil kumain pa kami. Sadyang hindi ko talaga siya ni-reply-an dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin pagkatapos ng huling text niya.
Nakakahiya. Pinaghintay ko siya sa reply ko.
“Sinabi mo na ba sa Mama n’yo na tine-train ko si Jupiter?” tanong niya.
Napasulyap ako sa kanya. He was waiting for my answer as he looked at me. Mukhang interesado siyang marinig ang isasagot ko. Somehow, it made me happy. Bukod sa pamilya ko, siya lang ang nagpakita na interesado talaga siyang kausapin ako. And he looked genuine with his actions.
“Hindi pa . . .” sagot ko na ilang saglit tumitig sa kanya bago nag-iwas ng tingin. “Hindi ko alam kung paano sasabihin, eh.”
“Just tell the truth. Mahirap din naman na may itinatago ka sa mga magulang n’yo.”
Napatingin ako sa kanya. He gave me a smile when he saw me looking at him.
“Sabihin mo na mamaya,” he said. “Ayoko rin namang i-train ang kapatid mo nang walang permiso ng magulang n’yo. Baka mas lumala pa ang pagka-disgusto sa ’kin ng mama n’yo. Sabihin pang bad influence ako.” Natawa siya pagkatapos.
“Pa’no kung patigilin nang mag-train sa ’yo si Jupiter?” nag-aalala kong tanong.
He gave me a reassuring smile. Pakiramdam ko tuloy ay magiging okay ang lahat dahil sa ngiti niyang ’yon.
“Let’s cross the bridge when we get there,” he said.
Sa buong panahon ng pagte-training nina Jupiter at Kreios ay iyon lang ang iniisip ko. Kung paano sasabihin kay Mama ang tungkol doon. Tama si Kreios. Kailangan ko na ngang sabihin kay Mama. Ayoko rin namang makita ang pag-aalala at kaba sa mukha ng kapatid ko na baka mahuli kami ni Mama sa tuwing pupunta kami sa court.
Nang matapos ang training nila ay pinaalalahanan pa ako ni Kreios na sabihin ko na raw kay Mama pag-uwi namin. He gave me an encouraging smile when he saw the worry on my face. Nagpaalam na rin kami ni Jupiter pagkatapos at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay.
“Sasabihin mo na?” tanong ni Jupiter habang naglalakad kami.
Tumango ako. “Oo.”
“Kinakabahan ako, Ate,” he said.
Napangiwi ako. Sana ay hindi niya na lang sinabi ’yon. Mas dumoble tuloy ang kaba ko! Alam niya naman na mas malala ako kung kabahan kaysa sa kanya.
Tahimik lang tuloy kami hanggang sa makarating kami sa bahay. Nakita namin si Mama na nanonood ng TV. Mukhang tapos nang magluto at nagpapahinga lang.
“Oh, nandiyan na pala kayo,” sabi ni Mama na tumayo nang makita kami. Lumapit siya sa lamesa at nagsimulang maghain. “Mamaya na kayo maglinis ng katawan. Kumain na muna tayo,” she said.
“Si Papa?” tanong ko.
“Tulog. Nagpapahinga. Ilang araw na ring masama ang pakiramdam n’on. Buti at nakapagpahinga ngayong day-off niya,” sagot ni Mama. “Sige na. Umupo na kayo at maghahain na ’ko.”
Nagkatinginan kami ni Jupiter, pero sumunod kami sa hapag at umupo sa puwesto namin doon. Pinanood namin si Mama na matapos sa paghahain. Nang umupo na si Mama ay nagkatinginan uli kami ng kapatid ko. Nakita ko ang bahagyang pagtango niya, parang sinasabi sa akin na simulan ko nang sabihin kay Mama.
Tiningnan ko si Mama na busy sa paglalagay ng pagkain sa plato niya. Hinintay ko muna siyang matapos bago ako kumuha ng malalim na paghinga. Kinakabahan na naman kasi ako.
“Ma . . .” panimula ko. Mas dumoble ang kaba ko nang tumingin siya sa akin.
“Oh?” sabi niya nang may ilang sandali akong hindi nagsalita.
“May ano . . . may sasabihin kasi kami ni Peter sa ’yo,” mahinang sabi ko at naramdaman ko ang pagsipa ni Jupiter sa paa ko mula sa ilalim ng lamesa. Napatingin ako sa kanya at nakita kong parang maiiyak siya dahil nilaglag ko siya bigla.
Napasimangot ako. Ano ’yon? Akala niya ba, hindi ko siya idadamay? Eh, siya nga ’tong tine-train ni Kreios.
“Ano ’yon?” tanong ni Mama na napatingin pa kay Jupiter nang makitang nakasimangot ako sa kapatid ko.
“Eh, ’di ba po, malapit na ang tryout nila?” marahang sabi ko. “Next month na kasi ’yon, Ma, kaya kailangan ni Peter na mag-practice nang mag-practice.”
“Oo,” sabi ni Mama na nagsimulang kumain. “Kaya nga kahit hapon, nagte-training pa rin siya. Sinasamahan mo pa nga, ’di ba?”
Napatango ako dahil totoo naman. Napatingin ako kay Jupiter na mukhang kinakabahan. Umiwas ako ng tingin dahil mas nadagdagan lang ang kaba ko.
“Buti nga lumalabas-labas ka na. Hindi ’yong nakakulong ka lang sa kuwarto mo,” sabi ni Mama sa ’kin. “Mukhang nakabuti sa ’yo ang paglipat natin sa Iloilo.”
Tumango ako kahit na kinakabahan.
“Tapos, Ma, ’di ba, ’pag ano . . . ’pag nakapasok sa junior basketball team si Jupiter, mas malaki ang chance niya na mapasali sa senior varsity team. Minsan daw, hindi na pinagta-tryout ’pag nagustuhan ng coach. Mismong coach na ang magsasali sa senior varsity.”
“Full scholar na ’yong gano’n, Ma,” dagdag ni Jupiter sa sinasabi ko.
“Ah, gano’n?” sabi ni Mama na patuloy sa pagkain.
“Opo . . .” sabi ko. Napatingin ako kay Jupiter at tinanguan niya ako. “Kasi, Ma. Para mas gumaling si Jupiter, may . . . may nagte-training po sa kanya.”
Saglit na napakunot ang noo ni Mama at kuryosong napatingin sa akin.
“Talaga? Sino?” she asked.
“Former basketball captain ng senior team. Umalis lang sa team kaya ’di na siya kasali ngayon,” sabi ko.
“At tine-train nito si Jupiter?”
Tumango ako kay Mama. “Opo. Nagsimula siyang i-training si Jupiter kahapon. Nando’n ako, Ma. Binabantayan ko rin ang mga itinuturo niya kay Jupiter.”
“Kilala mo?” nagulat pang tanong ni Mama. Alam niya kasing ilag ako sa tao, at kapag hindi ko kilala ay nilalayuan ko. Nagtaka siguro siya na talagang sumama pa ako kay Jupiter sa pagpa-practice kung may iba pa pala kaming kasama.
Tumango ako at alanganing ngumiti sa kanya.
“Kilala mo rin, Ma . . .”
Napakunot ang noo niya. “Sino?”
Sumulyap ako sa kapatid ko na nawalan na ng kulay ang mukha sa sobrang kaba. Ibinalik ko ang tingin kay Mama na nag-aabang sa sagot ko.
“Naaalala mo po? No’ng ano . . . no’ng unang araw natin dito sa Iloilo. May . . . nakasabay tayo sa daan na nagmo-motor.”
Hindi pa ako tapos magsalita, pero nakita ko na ang pagsimangot ni Mama.
“Hindi ko nagugustuhan kung saan papunta ’tong pinag-uusapan natin, Illya, ha?”
Napangiwi ako nang marinig ang tono ni Mama. Mukhang pinipigilan niya ang galit niya dahil hindi pa ako tapos sa pagkukuwento.
“Siya ’yong kumausap sa ’tin, Ma. ’Yong humingi po ng sorry para sa mga kasama niya,” patuloy ko.
“Hay, naku! Tigilan n’yo ’yan!” pagalit na sabi ni Mama.
“Mabait naman si Kreios, Ma,” sabi ko pa.
“At talagang alam mo na ang pangalan, ha?”
“Siyempre po . . .” mahinang sabi ko.
“Alam mong ayaw ko sa kanila, Illya. Sinabi ko na ngang iwasan n’yo, pero hinayaan mo pang i-train niya ang kapatid mo!”
“Kaya nga, Ma, sinasamahan ko si Jupiter. Para alam ko na tine-train niya lang talaga.”
“Naku, hindi! Hindi pa rin ako papayag!”
“Ma . . .” si Jupiter na tumulong din, pero mariing umiling si Mama.
“Isa! Tigilan n’yo kung gusto mo pang makasali sa basketball varsity team na ’yan!”
Pareho kaming natahimik ng kapatid ko. Alam naming galit na si Mama, at kung magpumilit pa kami ay mas lalo pang mapapasama.
“Kaya naman pala himalang lumalabas ka na sa kuwarto mo, Illya! ’Yon pala, may nililihim na kayo ng kapatid mo. Tama ngang hindi magandang impluwensiya ang mga taong katulad n’on!”
Hindi ako nagsalita at yumuko lang sa pagkain ko. Nagsimula na rin akong kumain dahil mas magagalit lang si Mama kung hindi ko pa gagalawin ’yon. Hinayaan lang namin siya ni Jupiter na pagsabihan kami at tahimik lang kaming kumain ng kapatid ko.
“Ba’t ang tahimik n’yo?” ang bungad sa ’min ni Papa na halatang kagigising lang.
“Itong mga anak mo!” panimula ni Mama na tumayo para ipaghanda si Papa ng pagkain.
Tahimik lang kami ni Jupiter habang nagkukuwento si Mama kay Papa kung ano’ng ginawa namin. Si Papa ay hindi rin nagsasalita. He knew better than to interrupt her with her rants. Nakinig na lang siya nang tahimik habang kumakain.
Wala na sa aming nagsalita ni Jupiter hanggang sa umakyat na kami. Pero hindi ako dumeretso sa kuwarto ko. Sinundan ko si Jupiter sa kuwarto niya. Narinig ko ang buntonghininga niya nang makapasok kami.
“Pa’no na ’yan?” tanong ko kay Jupiter. Umupo siya sa dulo ng kama niya na bagsak ang mga balikat.
“Ayun . . . eh, di itigil na,” sagot niya na halata ang lungkot sa boses.
“Hindi ka na magte-training kay Kreios?”
He sighed.
“’Wag na, Ate . . . kaysa naman hindi ako pasalihin ni Mama sa varsity. Mas okay na ’yong ganito.”
“Pero mas malaki ang chance mo na makapasok sa varsity kung ite-train ka ni Kreios.”
Napatingin sa akin si Jupiter. Nakita ko ang paghihirap sa mukha niya at ang pag-aalangan. Siguro, nag-aalala siya na baka hindi siya makapasok sa team.
“Ako na lang ang bahalang mag-train sa sarili ko, Ate.”
“Okay lang sa ’yo na ’di ka na i-train ni Kreios?” tanong ko.
Napatitig siya sa akin. Maya-maya ay muling nagbuntonghininga. Ibinagsak niya ang katawan sa kama habang ang mga paa niya ay nakasayad pa rin sa sahig.
“Hindi, Ate,” pag-amin niya. “Kahit dalawang araw pa lang akong tine-train ni Kuya Kreios, ang dami ko na agad natutuhan sa kanya. Pa’no pa kaya kung magtagal ’yon?” He sighed. “Kaya lang, ayaw ni Mama, kaya wala akong magagawa.”
Hindi na ako nagsalita. Nalulungkot ako para sa kapatid ko. Nakikita ko kasi sa kanya na mukhang nag-e-enjoy siya sa tuwing tine-train siya ni Kreios kapag pinapanood ko sila.
Nagbuntonghininga ako at bumalik na sa kuwarto ko. Sinubukan kong mag-isip ng paraan para mapapayag si Mama, pero wala akong maisip. Kilala ko si Mama. Kapag ayaw niya, ayaw niya talaga. Mas magagalit lang siya kung pipilitin pa.
Kinabukasan ay wala pa rin kaming imik ni Jupiter habang nag-aalmusal kami. Si Mama ay tahimik lang din, mukhang masama ang loob sa paglilihim namin ni Jupiter sa kanya. Si Papa naman ay mukhang nakikiramdam lang.
Hanggang sa sumakay na kami sa sasakyan at ihatid kami ni Papa sa university. Nakatingin lang ako sa labas. Nagi-guilty tuloy ako. Mukhang mas lumala pa kasi dahil naglihim kami.
“Hayaan n’yo na muna ang mama n’yo. Lalamig din ang ulo n’on,” sabi ni Papa habang nagmamaneho. Umubo siya kaya napatingin ako sa kanya.
“Okay lang kayo, Pa?” tanong kong nag-aalala. Tumango naman si Papa at sinulyapan ako sa rearview mirror.
“Hindi lang nagustuhan ng Mama mo dahil naglihim kayo sa kanya. Lalo na ikaw, Illya.”
Napanguso ako. “Ayaw niya kasi kay Kreios, Pa.”
“Iyon nga. Ayaw niya, pero hindi n’yo pa iniwasan.”
“Pero magaling siyang trainer, Pa!” sabi ni Jupiter. Sinulyapan siya ni Papa at ibinalik din naman ang tingin sa daan.
“Magaling ba talaga?”
“Opo! Ang dami ko na agad natutuhan sa kanya!” masayang kuwento pa ni Jupiter.
“Kaya lang, ayaw ng Mama n’yo sa kanya.”
Natahimik naman ang kapatid ko sa sinabi ni Papa. Napabuntonghininga naman ako at tumingin na lang uli sa labas.
Kailangan kong makausap si Kreios. Puwede ko namang i-text na lang siya, pero ayokong maging bastos. Naging mabuti naman siya sa akin. Pinagtiyagaan niya akong kausapin. Siya pa lang ang tumatagal na nakikipag-usap sa akin na mukhang hindi nabo-boring sa pagsasalita ko.
Kapag naiisip ko na hindi na kami mag-uusap, ewan ko. May lungkot akong nararamdaman.
Tahimik lang kami ni Jupiter habang naglalakad na kami papasok sa university. Hindi na kami nag-usap. Nakarating ako sa room at mas nadagdagan pa yata ang lungkot ko nang makita na hindi pa rin napapalitan ang upuan ko.
Bakit? Wala bang naglinis? Hindi ba napansin ng janitor na sira ang upuan?
Wala akong choice kundi ang umupo na lang. Plano ko sanang tiisin na lang uli na gano’n ang upuan ko buong araw, pero mukhang hindi ko talaga araw ngayon.
“Get a one-fourth sheet and put your bag in front of you,” sabi ng professor namin para sa unang subject. “We’ll have our first quiz today.”
Ibinaba ng mga kaklase ko ang mga bag nila sa harapan nila. Nag-alangan akong gawin ’yon. Mahihirapan ako sa pagsusulat kung wala akong patungan dahil walang desk ang upuan ko. Pero nang makitang ako na lang ang hindi naglalagay ng bag sa harapan ko, wala na akong choice kundi ang gawin ang inutos ng prof namin.
’Yong bakal na lang siguro ang papatungan ko. Okay naman. Iiwasan ko na lang ang mga butas para hindi mabutas ang papel ko.
“Number one,” sabi ng prof namin at nagmadali ako sa pagsusulat ng pangalan ko. “What is the first and primary function of management?”
Nahirapan akong isulat ang sagot dahil iniiwasan kong mabutas ang papel ko. Hindi naman ako makapagreklamo. Masyadong tahimik ang buong klase sa pagsagot ng tanong ng prof namin.
“Miss?”
Napatingin kaming lahat sa prof ko at kinabahan ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Naisip ko tuloy na baka akalain niyang nandadaya ako kahit alam kong hindi naman ako nandaya. She looked at my table and then back at me.
“Sira ba ang upuan mo?”
Mas lalo pa akong kinabahan nang napalingon ang lahat ng mga kaklase ko sa akin. Wala sa sariling inayos ko ang suot kong salamin.
“Yes, ma’am,” mahina kong sagot. Alam kong hindi narinig ng prof namin, pero kahit hindi ko naman kasi sagutin ang tanong niya, alam niyang sira ang upuan ko.
“Ikaw,” turo niya sa kaklase kong lalaki na nasa unahan. “Manghingi ka ng upuan sa kabilang room. Ilabas mo na rin ’yong sira pagkatapos.”
Napatayo pa ako. Gusto ko sanang sabihin na kahit ako na lang ang gumawa niyon, pero hindi ko magawa. Naisip ko pa lang na iistorbohin ko ang kabilang klaseng wala akong kilala ay umaatras na ako. Iyon nga pala ang dahilan kung bakit nagtiis ako sa upuan ko nang isang linggo.
Bumalik ang lalaki kong kaklase na buhat na ang upuan. Lumapit siya sa akin at inilagay ang upuan sa gilid bago niya kinuha ang sirang upuan. Siya na rin ang naglagay ng maayos na upuan sa tamang puwesto.
“S-salamat,” nauutal pang sabi ko sa hiya at pagkataranta. Nakaistorbo na naman ako! Natigil pa ang pagku-quiz namin nang dahil sa akin.
Tahimik akong umupo at yumuko na lang. Inayos ko ang salamin at nagkunwaring nagsusulat. Nang makabalik na ang lalaking kaklase ko ay ipinagpatuloy na uli ang quiz namin.
Nakakahiya. Nakakahiya talaga. Sa sobrang hiya ko ay nanginginig pa ang mga kamay ko habang nagsusulat. Hindi na rin ako makapag-concentrate sa quiz namin dahil nanlalamig ang pakiramdam ko.
Nakakainis. Bakit ba sobrang mahiyain ko? Ganito lang pero grabe na ang nagiging reaksiyon ko.
Mabilis akong lumabas ng room nang mag-lunch break kami. Hiyang-hiya talaga ako kaya nagpalipas ako ng oras doon sa madalas kong tambayan. Doon sa bench sa palibot ng puno kung saan palagi kaming tumatambay ni Kreios.
Dahil Lunes, alam kong may klase siya nang ganitong oras. Bukas ko pa siya makakausap tungkol sa desisyon ni Mama.
Okay na rin. Pakiramdam ko, hindi rin ako makakausap nang maayos ngayon dahil sa nangyari kanina. Nanginginig pa rin kasi ako.
Kinabukasan ay agad akong dumeretso sa tambayan nang mag-lunch break na. Madalas ay ako ang nauuna roon kaya naman nagulat ako nang makitang nandoon na si Kreios. He flashed me a wide smile when he saw me.
“Hi, Miss Judgmental!” bati niya sa akin na nakangisi pa nang makalapit ako at maupo sa tabi niya.
Napanguso ako. Iyon pa rin ang tawag niya sa akin. Mukha namang nag-e-enjoy siyang inisin ako at tawagin ako sa ganoong paraan.
Inayos ko muna ang salamin ko bago tumingin sa kanya. Ngayon ko planong sabihin sa kanya ang desisyon ni Mama. Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya, pero nalulungkot na agad ako.
“Nasabi ko na kay Mama,” mahinang sabi ko. Mas humina pa ’yon dahil sa lungkot na nararamdaman ko.
Natigilan si Kreios. Nawala ang ngisi sa mga labi niya.
“Ano’ng sabi? Pumayag?” he asked.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya bago yumuko at umiling. Narinig ko ang pagbuntonghininga niya.
“Look at me, Illya . . .”
There was something in his voice that made me do what he said. Walang pag-aalangan akong tumingin sa kanya. He was looking at me with gentleness in his eyes.
“I told you to look people in the eye when you’re talking to them, right?” he said.
Sinubukan kong iiwas ang tingin ko dahil sa biglang kabang bumundol sa dibdib ko nang magtama ang mga paningin namin. Pero ibinalik ko rin ang tingin ko sa kanya. Nakita ko ang katuwaan sa mga mata niya nang gawin ko ’yon.
“There you go . . .” he said. Napangiti pa siya, pero agad ding nagseryoso. “Hindi pumayag ang Mama mo na i-train ko si Jupiter?”
Marahan akong umiling. Ilang beses na umiiwas ang paningin ko sa kanya sa sobrang hiya, pero nilalakasan ko ang loob ko na tingnan siya sa mga mata dahil sinabi niya.
“Hindi . . . nagalit pa nga, eh,” I softly said.
Napatango-tango siya.
“Ayaw niya sa ’kin, huh?” he mumbled. Parang sa sarili niya lang sinasabi ’yon. “Ano’ng sabi ng kapatid mo? Pumayag ba?”
Umiling ako. “Nalungkot . . . gustong-gusto niya talagang mag-training sa ’yo. Ang dami niya raw natututuhan. Kaya lang . . . sabi ni Mama, hindi na raw siya pasasalihin sa varsity team kapag ipinagpatuloy niya ang pagte-train sa ’yo.”
Nakatitig lang sa akin si Kreios habang nagsasalita ako. Na-conscious tuloy ako at tinamaan uli ng hiya. Pero ibinalik ko uli ang tingin sa kanya. Nakita ko ang pagkaaliw sa mga mata niya nang tingnan ko siya uli.
Napangisi siya at tumingin sa Big Field pagkatapos. May ngisi pa rin sa mga labi niya habang pinapanood ang mga estudyanteng nagte-training doon. Maya-maya ay tumango at tumingin uli sa akin.
“Alright . . . wala tayong magagawa kung gano’n.”
Napaawang ang mga labi ko dahil sa sinabi niya. Mukhang wala lang kasi sa kanya ’yon. Samantalang ako, nalulungkot dito kahit hindi ko maintindihan kung para saan. Siguro, dahil hindi ko na siya madalas makakausap. Baka nga hindi na kami magkausap pa dahil wala na rin namang dahilan pa para magkausap kami.
I was disappointed. Ewan ko. Parang may parte sa akin ang nasaktan. Mukhang ayos lang sa kanya na hindi na i-train si Jupiter.
Nadala ko ang lungkot na ’yon sa buong araw hanggang sa pag-uwi namin. Kung dati, tahimik ako, mas tumahimik pa ako ngayon. Wala akong ganang magsalita dahil sa lungkot na nararamdaman ko.
Mukhang nagtatampo pa rin sa amin si Mama at hindi pa rin kami kinakausap ng kapatid ko. Ayos na rin sa akin dahil wala talaga akong ganang makipag-usap. Hindi ko talaga alam kung bakit parang ganitong kalaki ang epekto sa akin sa isipin na hindi na kami mag-uusap ni Kreios. Samantalang noon, pinagtatabuyan ko pa siya.
Siguro kasi, siya lang ang mukhang enjoy na enjoy sa pakikipag-usap sa akin. Sa kanya ko lang nakita ang pagkaaliw sa mga mata habang kausap ako. Aliw na aliw pa habang inaasar ako. At sa di-malamang dahilan, kahit anong hina ng boses ko, palagi niyang naririnig ang sinasabi ko. Iyon ang nagustuhan ko kapag nakikipag-usap sa kanya dahil hindi ko na kailangang mag-alala na baka mainis siya sa sobrang hina ng boses ko.
Tahimik kaming kumakain nang makarinig ng pagkatok sa pinto namin. Nagkatinginan kami. Tatayo na sana si Mama, pero pinigilan siya ni Papa.
“Ako na,” he said. Dumeretso siya sa pinto para pagbuksan ang kung sino mang kumatok.
Nagpatuloy ako sa pagkain. Si Mama naman ay mukhang nakaabang sa kung sino ang kumatok.
“Sino ’yon?” tanong ni Mama kaya napalingon ako. Nakabalik na si Papa.
“Kaibigan daw nina Illya at Jupiter,” sabi ni Papa at napatingin ako sa likod niya nang makita na may nakasunod sa kanya.
Wala sa sariling napatayo ako dahil sa gulat nang makita kung sino ang bisita namin. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
“Good evening po,” he politely greeted. Napatingin siya sa akin at nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya. Napangisi siya sa gulat kong reaksiyon.
“Kreios . . .” gulat na gulat kong banggit ang pangalan niya.
s
Chapter 13
Ilang beses kong sinubukang ikurap ang mga mata ko para lang makasiguro na hindi nga ako namamalik-mata ngayon. Hindi ko kasi maisip na pupunta nga si Kreios sa bahay namin isang araw lalo pa at hindi ko naman inilihim sa kanya na ayaw sa kanya ni Mama. It doesn’t seem logical that he’s here in our house.
Pero kahit anong kurap ang gawin ko, hindi pa rin nawawala si Kreios sa harapan ko. He was standing there, wearing a navy blue checked flannel shirt. Nakabukas ang unang dalawang butones niyon kaya kita ang white undershirt niya. Unlike before, he was wearing maong pants instead of leather pants.
He looked really different from his usual style. Kaya hindi rin ako makapaniwala na si Kreios nga ang kaharap ko ngayon dahil ibang-iba siya sa paningin ko. Nakaayos ang buhok niya, hindi kagaya noon na palaging magulo ang buhok at ang ibang hibla ay tumatama sa noo niya. Some strands were on the side. Parang katulad doon sa mga lalaking bida sa Korean dramas na mahilig panoorin ng mga kaklase kong babae noon.
Tinitigan ko siya. Sinisiguro pa rin na nakatingin ako kay Kreios at hindi ibang tao ang kaharap ko ngayon.
But he’s really here. Kreios is really here in our house. With that smug look on his face while looking at me. Parang natutuwa sa gulat kong ekspresyon ngayon.
“Kuya Kreios!” I heard Jupiter exclaim. Mukhang nagulat din nang makita kung sino ang bisita namin ngayon.
Kreios looked at him. Tinanguan niya pa ang kapatid ko bilang pagbati.
“Hey.”
“Kreios? Ikaw si Kreios?”
Napangiwi ako nang marinig ang boses ni Mama kaya napatingin na rin ako sa kanya. Hindi maganda ang nakikita kong ekspresyon sa mukha niya. May palagay pa nga ako na basta niya na lang paaalisin si Kreios ngayong kilala niya na kung sino ang bisita namin.
“Magandang gabi ho, Mrs. Figueroa,” magalang na bati ni Kreios kay Mama.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Mama na hindi man pinapakita ang pagtataray sa mukha, nakawala naman sa tono niya ang pagsusungit.
Narinig kong napatikhim si Papa. Nahalata rin siguro na hindi maganda ang tono ni Mama.
“’Wag nating paghintayin ang pagkain,” he said. Tinapik niya sa balikat si Kreios. “Hijo, kumain ka na ba?”
Napatingin si Kreios kay Papa. Mukhang hindi alam ang sasabihin.
“Uhm . . .”
“Saluhan mo kami,” sabi ni Papa na hindi na hinintay ang sagot ni Kreios. Naglakad na rin siya pabalik sa upuan niya sa hapag.
Pare-pareho kaming napatingin kay Papa. Nagulat sa alok niya kay Kreios. Nakita ko pa si Mama na di-makapaniwala ang tingin na ibinigay kay Papa. Halatang ayaw sa alok na ’yon. Pero wala nang pinansin sa amin si Papa at umupo na.
Si Mama naman ay walang nagawa kundi ang tumayo. Pero bago ’yon ay tinapunan niya naman ng matalim na tingin si Papa bago siya bumalik sa kusina para ipaghain si Kreios. Napatingin ako kay Kreios na mukhang hindi alam kung ano’ng gagawin.
Nahuli niya ang tingin ko. Gusto ko sanang mag-iwas ng tingin dahil bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga tingin namin. Kahit nandito ako sa bahay, ang lugar na pakiramdam ko ay ligtas ako lalo pa at nandito sina Mama at Papa . . . hindi pa rin pala niyon mapipigilan ang kabang nararamdaman ko kapag nandiyan si Kreios.
“Umupo ka na diyan,” sabi ni Mama na inilagay sa tabi ko ang bagong plato at mga kubyertos na kinuha niya. Pagkatapos ay umupo na rin siya.
Nakita ko naman ang pag-aalangan kay Kreios na lumapit sa tabi ko. Dahan-dahan pa siyang naglakad. Nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Ngayon ko lang kasi siyang nakitang ganito. Mukhang kinakabahan din.
“Sige na, hijo. Umupo ka na. Saluhan mo kami,” sabi ni Papa nang makita ang pag-aalangan kay Kreios.
I heard Kreios let out a chuckle. Pero halata ko naman ang pagkailang doon. Napahimas pa siya sa batok niya na parang nahihiya bago tuluyang lumapit sa hapag at hinila ang upuan sa tabi ko.
“Salamat po,” sabi niyang napatingin kina Mama at Papa bago ako huling sinulyapan. Tinanguan ko lang siya at sabay na rin kaming naupo. Pati si Jupiter na kanina pa rin pala nakatayo.
Nagpatuloy kami sa pagkain nang walang nagsasalita. Tahimik lang. Napatingin ako kay Mama na kahit sa pagkain ay nakataas ang noo. Parang ini-intimidate ang katabi ko. Halata sa kanya na hindi niya nagustuhan na nandito sa loob ng bahay namin si Kreios.
Hindi ko tuloy malunok nang maayos ang kinakain ko. Conscious na conscious pa ako sa katabi ko. Kinakabahan na naman ako. Hindi ko alam kung magbabago pa ba ang pakiramdam kong iyon kapag nandiyan si Kreios.
Hindi ko alam kung bakit siya nandito ngayon. Ni hindi ko nga inaasahan na isang araw, makikita ko si Kreios dito sa loob ng bahay namin. Lalo pa ang kasabay namin siyang kumain!
Hindi ko alam kung ano’ng plano niya. Kanina, nang matapos kaming mag-usap, ang akala ko pa ay iyon na ang magiging huling pag-uusap namin. Kaya hindi ko talaga inaasahan na magpupunta siya ngayon dito sa bahay.
But he’s really here . . . beside me.
“Ano nga uli ang pangalan mo, hijo?” tanong ni Papa sa gitna ng katahimikan. Nagulat pa ako sa biglang pagsasalita niya! Sobrang tahimik kasi sa hapag at ang tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig bago nagsalita si Papa.
“Kreios Castellano ho,” sabi ni Kreios na napatuwid pa sa pagkakaupo.
“Paano kayo nagkakilala ng mga anak ko?” tanong uli ni Papa.
“Nagkausap lang ho no’ng enrollment day.”
“Hindi mo kaklase si Illya?” tanong ni Papa na nakakunot na ang noo.
Umiling si Kreios. “Hindi ho. Mas mataas po ako sa kanya ng year level.”
“Eh, di graduating ka na?”
Muling umiling si Kreios sa tanong na ’yon ni Papa.
“Hindi ho. Five-year course ho ang kurso kong engineering. May dalawang taon pa ho ako sa CPU.”
Napatingin ako kay Jupiter. Patuloy lang sa pagkain ang kapatid ko, pero halata kong nakaabang din siya sa mga isasagot ni Kreios sa mga tanong ni Papa. Mukha rin siyang kabado.
Kahit ako rin naman. Nakaabang din ako sa mga sasabihin ni Kreios. Kinakabahan din ako na baka may masabi siyang hindi magustuhan nina Mama at Papa. Lalo na ni Mama na tahimik lang din, pero alam kong nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawang lalaki.
Kahit na magaan ang paraan ng pagkakatanong ni Papa kay Kreios, alam kong sinusuri na rin niya ang katabi ko. He’s observing him. Parang kinikilala na nila at nag-aabang lang ng maling sasabihin para magkaroon ng dahilan paalisin sa bahay namin.
“Balita ko, tine-training mo sa basketball si Jupiter,” pagpapatuloy ni Papa. “Magaling ka sigurong mag-basketball kung gano’n.”
“Former captain siya ng basketball team, Pa,” may pagmamalaking sabi ng kapatid ko.
Mom glared at Jupiter. Nawala ang ngiti ng kapatid ko at napayuko na lang sa pagkain.
I saw my father frown. Kuryoso siyang napatingin kay Kreios.
“Former? Hindi na ikaw ang team captain? Bakit?” sunod-sunod na tanong ni Papa.
“Umalis na ho ako sa team,” deretsong sagot ni Kreios. Nakatingin din siya nang deretso kay Papa. Kung kinakabahan pa rin siya, hindi ko na alam. He looked confident now.
“Bakit naman?”
“May iba ho akong pinagkakaabalahan.”
“Bukod sa pag-aaral?” tanong ni Mama na sa wakas ay nagsalita na rin.
Hindi ko alam kung saan ako mas matatakot, kapag nagtatanong si Mama kay Kreios o kapag tahimik lang siya. Mukha kasing hindi niya nagustuhan ang sagot ni Kreios.
I know why. Mahalaga ang edukasyon para kay Mama. Palagi niya sa aming sinasabi ni Jupiter na mas madali naming makukuha ang mga pangarap namin kung makakapagtapos kami. Mas hindi kami mahihirapan para sa kinabukasan kung papahalagahan namin ang pag-aaral namin.
Kaya sigurado talaga ako na hindi niya nagustuhan ang sagot ni Kreios. Halata naman sa tono ng boses niya at sa pagkakakunot ng noo niya.
Napatingin muna si Kreios kay Mama bago tumango.
“Suma-sideline ho ako. Kailangan kong kumita para may panggastos kami sa araw-araw.”
Napatingin ako kay Kreios. Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Hindi ko alam na working student pala siya.
“Anong trabaho naman ’yang sideline mo?”
Napasulyap sa akin si Kreios bago uli tumingin kay Mama.
“Uhm . . . we’re exterminating . . . pests.”
“Pest control?” tanong ni Papa.
Sunod-sunod namang napatango si Kreios.
“Oho. Pest control. Gano’n na nga ho.”
Nagkatinginan sina Mama at Papa. Napatango-tango pa silang dalawa. Nakita ko rin ang pagbabago sa ekspresyon ni Mama. Nakitaan ko siya ng paghanga para kay Kreios, pero hindi pa rin nawawala ang pagiging istrikto sa kanya.
Kami naman ang nagkatinginan ng kapatid ko. Alam kong pareho ang tumatakbo sa isip namin, pero walang nagsalita sa amin.
“O, siya . . . mamaya na natin ipagpatuloy ’to. Kumain na muna tayo,” sabi ni Mama nang mapansin na hindi kami makakain nang maayos dahil sa pagtatanong nila kay Kreios.
Nagpatuloy uli kami sa pagkain. May ilang beses na napapasulyap ako kay Kreios habang kumakain. Hindi ko alam na gano’n pala ang dahilan niya kaya siya umalis sa team. Ngayon ko lang nalaman. Ngayon lang din naman niya deretsong sinagot ang tanong na ’yon.
Sayang ang full scholarship niya bilang isang varsity. Pero siguro, mas importante sa kanya na may ipanggastos sila sa pang-araw-araw kaysa sa scholarship niya.
Siya kaya ang breadwinner sa pamilya nila? O tumutulong lang siya sa mga magulang niya? Ilan kaya silang magkakapatid?
Ang akala ko talaga ay galing siya sa mayamang pamilya. My parents thought that too when we first saw him with his biker gang. Mukha kasing mamahalin ang motor niya. Pati na rin ang leather jacket niya na alam kong hindi lang iisa. Napapansin ko kasi minsan na nag-iiba ang style ng leather jacket na sinusuot niya. Kaya akala ko rin ay mayaman siya.
Siguro ay galing sa ipon niya ang ipinambili niya ng motor at leather jacket? Puwede naman ’yon. Si Jupiter din naman. Nag-iipon sa baon niya para may pambili ng magandang basketball shoes.
Nahuli ni Kreios ang ginagawa kong pagsulyap sa kanya. Naramdaman niya siguro ang mga tingin ko. Our eyes met. He didn’t say anything, pero napansin ko ang unti-unting pag-angat ng sulok ng mga labi niya. Nahihiya akong nagbaba ng tingin bago inayos ang salamin ko.
Lumipat kami sa sala nang matapos kami sa pagkain. Magkakatabi kami nina Mama at Jupiter sa mahabang sofa. Nasa gitna naman ako. Si Papa naman ay nakaupo sa pang-isang sofa na nakapuwesto sa kabila. Si Kreios naman sa pang-isahang sofa sa kanan.
Hindi naman ako ang kakausapin nina Mama at Papa pero kinakabahan ako. Nakakuyom na ang mga kamao ko na nakapatong sa mga hita ko. Sinusubukan na pakalmahin ang sarili ko sa pamamagitan niyon.
Hindi ko naman malingon si Jupiter sa tabi ko, pero alam kong kinakabahan din siya. Lalo pa at kitang-kita namin ang titig ni Mama kay Kreios na hindi na niya nilubayan ng tingin simula nang maupo kami.
“Ano’ng sadya mo at pumunta ka rito nang ganitong oras?” sa wakas ay pagsasalita ni Mama.
Napaderetso naman ng upo si Kreios dahil doon. Tumingin siya kay Mama. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masabi kung kinakabahan siya.
“Pasensiya na ho kung pumunta ako rito nang walang pasabi,” he started. “Gusto ko rin pong pormal na humingi ng paumanhin sa naging first meeting ho natin. I believe we all started in a wrong foot.”
“Ayos lang, hijo,” sabi ni Papa kaya mabilis na napatingin si Mama sa kanya. “Humingi ka na rin naman ng dispensa noong araw na ’yon. Isa pa, hindi naman ikaw ang totoong may kasalanan kundi ang kaibigan mo.”
“They didn’t apologize to you, so I’ll apologize on their behalf,” sabi pa ni Kreios. “Saka naging dahilan po ’yon para hindi maging maganda ang tingin n’yo sa ’kin.”
“Iyan lang ba ang sadya mo?” tanong ni Mama kaya napatingin si Kreios sa kanya.
“Hindi ho. Gusto ko rin ho sanang ipagpaalam si Jupiter. I want to train him until the tryout.”
Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Jupiter sa tabi ko. Sigurado ako na mas kinabahan pa ang kapatid ko dahil nabanggit na ang pangalan niya. Hindi ko siya nilingon nang makitang saglit na napatingin sa amin si Mama bago ibinalik ang tingin kay Kreios.
Narinig ko ang pagtikhim ni Papa. “Gusto ko lang itanong kung bakit gusto mong i-train ang anak ko?”
“Malaki ho ang potensiyal na,” Kreios said to my father. “He has great skills, pero nakatago dahil hindi nate-train nang maayos. And I wanna help him with that. I figured that he’ll have a hard time training himself dahil bago pa lang siya sa lugar. Mahihirapan ho siyang makahanap ng kasamang mag-practice. That’s why I offered my help.”
“Eh, ’di ba, may trabaho ka pa?” sabat ni Mama.
“Free ho ako every weekend. Hindi rin naman araw-araw ’yong trabaho kong ’yon,” Kreios answered. “Alam ko ho kung ano’ng inaalala n’yo. Hindi n’yo ho ako kilala at bago lang kayo sa lugar. Hindi n’yo alam kung sino ang puwedeng pagkatiwalaan.”
Hindi nagsalita sina Mama at Papa dahil iyon naman ang totoo. Kreios took a deep breath before he continued.
“That’s why I decided to formally introduce myself today. Para humingi ng permiso na i-train ko ang anak n’yo. Sa court din po kami ng subdivision na ’to magpa-practice ni Jupiter. If you like, you can watch us during our training para mabantayan n’yo ho na tungkol lang sa basketball ang ituturo ko. Illya has been doing that.”
Kreios looked at me. Nahalata ko na parang gusto niyang sang-ayunan ko ang sinabi niya. Napatikhim tuloy ako at napaderetso ng upo. Bigla na naman akong kinabahan.
“Oo, Ma . . .” I said. Kahit na kinakabahan ay naglakas-loob ako. “Nando’n ako. Binabantayan ko sila. Wala po akong nakikitang mali sa mga itinuturo ni Kreios kay Peter.”
Napasulyap ako kay Kreios at nakita ko ang pag-angat ng sulok ng mga labi niya. He seemed pleased that I agreed to him and helped him with my parents. Napayuko ako at ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.
“Magaling si Kuya Kreios magturo, Ma!” sabat na rin ni Jupiter, pero rinig na rinig ko ang kaba sa boses niya. “Ang dami kong natututuhan sa kanya.”
Napatingin sa aming dalawa si Mama kaya napatahimik kami ng kapatid ko. Mom was frowning. Parang hindi niya yata nagustuhan na tinutulungan pa namin si Kreios.
“Alam mo bang nagsinungaling sa akin ’tong mga anak ko dahil sa ’yo?” sabi ni Mama nang muling tumingin kay Kreios.
“Ma, hindi naman kami nagsinungaling ni Ate. Tinago lang namin sa inyo,” sabi ni Jupiter at siniko ko siya para manahimik na. He can’t read the room! Halatang mas hindi nagugustuhan ni Mama ang pagtatanggol namin kay Kreios.
“Hindi ko lang akalain na nagsinungaling sila sa ’kin dahil sa ’yo,” sabi ni Mama at itinuro ako. ’Lalo na ’tong si Illya! Hindi pa ’yang nagsisinungaling sa ’kin! Napakamahiyain ng batang ’yan, pero nagawang maglihim sa ’kin dahil sa ’yo.“
“Pasensiya na ho kayo,” Kreios said. “Hindi ho sa ipinagtatanggol ko sila. Hindi ko rin sinasabing tama ang ginawa nila. Pero sa tingin ko ho, gusto lang nilang tumulong sa inyo. Granted na ang full scholarship kapag naging varsity si Jupiter. Makakabawas ho sa gastusin n’yo dahil may allowance din silang matatanggap.”
Napaawang ang mga labi ko habang nakatingin kay Kreios. Hindi ko alam, pero . . . humanga ako sa kanya. Hindi niya sinabi na hindi niya alam ang tungkol sa paglilihim namin. Sa tingin ko pa nga, mas mapapabuti siya kung sasabihin niya ’yon. Pero tinulungan niya pa kami.
“That’s why I’m here, asking for your permission to train Jupiter. Para hindi na ho maglihim ang mga anak n’yo sa inyo,” magalang na sabi ni Kreios kina Mama at Papa.
“Sa akin ay wala namang problema,” sabi ni Papa bago itinuro si Mama. “Siya ang dapat mong kumbinsihin.”
Napatingin kaming lahat kay Mama. Hinihintay ang isasagot niya. Hindi pa rin nagbabago ang pagiging istrikta ng mukha niya. Iniisip ko tuloy na mukhang imposibleng magbago ang isip niya. Gano’n pa naman siya kapag may desisyon na.
Ramdam ko ang tensyon sa sala habang nag-aabang kami sa desisyon ni Mama. Hindi ko alam kung sino’ng mas kinakabahan, kung si Jupiter o ako. Napatingin ako kay Kreios na kalmado lang habang nakatingin kay Mama.
I heard Mom take a deep breath. Napasulyap siya sa akin bago tumingin kay Kreios.
“Simula nang i-train mo si Peter, nakita ko ang pagbabago kay Illya,” she said. “Dati, nakakulong lang maghapon sa kuwarto niya ’yang batang ’yan, pero ngayon, lumalabas na at sumasama kay Peter sa court kahit na hindi siya pamilyar sa lugar. At ikaw na hindi niya masyadong kilala, pumapayag siyang makasama mo siya.”
Napangiwi ako. Dahil sa mga sinabi niya ay inaasahan kong tatanggi si Mama. Pero nagulat ako nang tumango siya kay Kreios.
“Mukhang napabuti naman ang nangyari kaya sige . . . pumapayag na ’ko,” she even said.
Si Jupiter ang unang nag-react. Narinig kong napasigaw siya ng malakas na “yes”, pero tumigil din nang tingnan niya si Mama. I looked at Jupiter. He looked happy at medyo teary-eyed pa. Hindi ko na naiwasan ang malawak na mapangiti.
“Maraming salamat po, Mrs. Figueroa,” sabi ni Kreios na halata ring masaya na pumayag na si Mama.
“Basta susundin n’yo lang ang kasunduan natin!” sabi pa ni Mama. “Hanggang alas-siyete lang kayo puwedeng mag-practice. Puwedeng abutin ng alas-otso, pero iyon na ang pinakagabi n’yong uwi dapat. Dito lang kayo sa court ng subdivision magte-training! At basketball lang ang ituturo mo sa kanya!”
“Makakaasa ho kayo,” Kreios assured her. Napatingin siya sa akin, at nang makitang nakangiti ako, he smiled back at me.
“Tutal, nagkasundo na ang lahat, puwede na siguro tayong magpahinga,” si Papa na nakita kong nakangiti, pero halata ang pagod sa mukha. “Gabi na rin at may mga pasok pa kayo bukas.”
Tumayo na kaming lahat. Hinatid pa nina Mama at Papa si Kreios sa pintuan. Lumabas na rin ako at nagdesisyon na samahan si Kreios sa paglabas.
“Kung may dala ka lang na bulaklak, aakalain kong aakyat ka ng ligaw kay Illya,” sabi ni Mama nang makarating kami sa pintuan.
Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin kay Mama. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.
“Ma, naman!” angal ko pa.
“Sa gate pa lang po, malamang hindi n’yo na ’ko pinapasok,” sabi ni Kreios na may ngisi sa mga labi.
Natawa si Mama habang napangiti naman si Papa.
“Mag-iingat ka sa daan, hijo.”
“Sige ho. Maraming salamat po uli.”
Pumasok na sina Mama at Papa sa loob. Tinanguan naman ni Kreios si Jupiter bago pumasok na rin ang kapatid ko sa loob ng bahay. Saka lang ako nagsisi sa desisyon ko nang maiwan kami ni Kreios sa labas.
Tahimik at may naririnig pa akong huni ng mga kuliglig. Kanina, maayos pa ako dahil kasama ko ang pamilya ko. Pero ngayong dalawa na lang kami, bumibilis na naman ang tibok ng puso ko sa kaba.
I heard Kreios take a deep breath.
“Kinabahan ako roon, ah,” natatawang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong napahimas pa siya sa batok niya. “Alam ko na kung bakit kayo takot sa mama n’yo.”
Napalabi ako. “Hindi naman halatang kinakabahan ka kanina.”
Kreios flashed me a smile that made my heart skip a beat. Napayuko ako at nagsimulang maglakad papunta sa maliit na gate ng bahay namin. Nakita kong nakaparada ang motor niya sa labas.
“Thank you. Tuwang-tuwa si Jupiter,” mahinang sabi ko nang makarating kami sa gate. Nakayuko pa rin ako dahil sa hiya. “Ang akala ko, huling pag-uusap na natin ’yong kanina sa university.”
I heard Kreios chuckle.
“Puwede ba ’yon? Manggugulo pa rin ako sa ’yo tuwing lunch time. Plus, I don’t back down that easily.”
Napaangat ang tingin ko sa kanya. There was a smug smirk on his lips. Hindi ko na napigilan ang pagpapakita ng ngiti sa mga labi ko.
“Looks like we’ll see each other often now,” he said. Mas lalo akong napangiti.
“Hm. Ingat ka . . .”
He was staring at me. His black-brown eyes looked darker in the dark. The shade on his face from the lamppost across the street made him look mysterious.
“See you around, Miss Judgmental.”
Chapter 14
Tuwang-tuwa si Jupiter. Isa ito sa mga pagkakataong nakita kong hindi mapantayan ang saya sa mukha ng kapatid ko. Sa palagay ko ay iniisip niyang dahil pumayag na si Mama na i-train siya ni Kreios, hindi na magiging problema sa kanya ang makapasok sa basketball team ng university. Mukha ngang hindi na siya nag-aalala kung matatanggap siya o hindi.
Maybe Kreios training him was already a win for him. Marami na kasi siyang natutuhan mula sa lalaki. Para ngang nagkaroon na siya ng professional trainer dahil kay Kreios.
Magaling naman kasi talaga si Kreios. Nakikita ko iyon kapag nanonood ako sa kanila ng kapatid ko. May mga galaw siyang alam kong nakakatulong nang malaki para makapuntos. Maliksi rin siya kung gumalaw. At may emosyon sa mukha niyang parang madali lang ang ginagawa niya. As if he really enjoyed being on the court, holding the ball, playing basketball.
Nakita ko rin na nag-improve nang malaki ang kapatid ko simula nang turuan siya ni Kreios. Kaya nga si Peter, laging malawak ang ngiti na para bang nanalo na sa championship. Magaling na siya sa basketball, paano pa kaya kapag natutukan na siya nang husto ni Kreios at wala na kaming inaalala na baka mahuli kami ni Mama?
I was glad. Masaya akong nakikita ang katuwaan sa mukha ni Jupiter. Hindi niya masyadong iniinda ang paglipat namin dito sa Iloilo. He was adjusting so well. And I think Kreios became a big help for that.
Maging sa akin din naman. Hindi ko inaasahan ang makakilala ng isang tulad niya. He was . . . different. Hindi ako sigurado pero mabilis para sa ’kin ang makapalagayan siya ng loob kahit pa naiilang ako dahil hirap akong makipag-usap at makipagkaibigan.
But with Kreios, he was making it easy for me. Na kaya ko ring makipagkaibigan. Na may mga taong magtitiyagang makipag-usap sa ’kin kahit ganito ako. Na may makakarinig sa mga sinasabi ko gaano man kahina ang boses ko. Na may mga taong handang magpasensiya sa ’kin. Na may mga taong makakaintindi sa gusto ko kahit hindi ko man iyon isatinig.
Ni hindi ko nga rin akalain na magagawa niyang makipag-usap sa mga magulang namin para lang maayos niyang ma-train si Jupiter. Para hindi na kami maglihim sa mga magulang namin. Para hindi na kami magsinungaling. Siya na nga ang naaabala namin dahil libre niyang tine-train si Jupiter. Nang walang kapalit. Pero ginawa niya pa iyon para sa ’min.
Kakaiba talaga siya. Hindi ko mapaniwalaan na may taong mag-e-effort nang ganito para sa ’min. Para sa ’kin.
That’s why it wasn’t only Jupiter who was glad for what he did. I was too. Masaya akong nakipaglapit siya sa ’min.
Umihip ang hangin at naramdaman kong may pumasok na dumi sa kanang mata ko dahilan ng pagkakapuwing ko. Tinanggal ko ang salamin ko at kinusot ang mata. Hindi ko mapigilan kahit na alam kong hindi ko dapat gawin ’yon. Makati kasi talaga.
Naalala ko tuloy nang minsang napuwing din ako at nagulat pa si Peter nang kusutin ko ang mga mata ko. Hindi niya raw akalain na napupuwing pa ako kahit may suot na akong salamin. May shield na raw kasi ang mga mata ko kumbaga. Ang sabi ko naman, eyeglasses ang suot ko. Hindi naman goggles or helmet. Malamang mapapasukan pa rin talaga ng dumi.
“Hi, Miss Judgmental!”
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na ’yon, pero dahil hindi pa nakasuot ang salamin ko ay malabo ang paningin ko. I could only make out his silhouette, but I already knew who he was. Kabisado ko na yata ang boses niya na sa tuwing naririnig ko ay siya rin ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Kumurap ako. Wala na ang puwing sa mga mata ko, pero hindi ko pa rin agad naisuot ang salamin nang maglakad si Kreios sa harap ko. Yumukod siya para magpantay ang mga tingin namin dahil nakaupo ako sa naging paborito kong tambayan na rito sa Big Field. Sa pabilog na stone bench sa lilim ng puno.
“Are you okay?” Dinig ko ang masuyong tanong ni Kreios. May pag-aalala rin sa boses niya. “What happened?”
Umiling ako. Hindi na napigilan ang maliit na ngiti.
“Wala. Napuwing lang ako.”
Pero hindi gumalaw si Kreios sa harap ko. Nanatili lang siyang nakayukod sa harap ko. Ang mga kamay ay nakatukod pa sa mga tuhod niya at kahit malabo ang paningin ko at hindi ko tuluyang masalubong ang mga tingin niya, ramdam kong nakatitig siya sa ’kin, sa mukha ko. Mabigat kasi ang mga tingin niya. Imposibleng hindi ko maramdaman.
Ang akala ko pa nga ay hindi niya narinig ang sinabi ko dahil mahina ang pagkakasabi ko roon. Uulitin ko na sana. But then, he’s Kreios. He could always hear whatever I was saying, no matter how soft my voice was.
He sighed. I saw him look down. Kumilos siya at nagulat pa ako nang maramdaman ang magaan niyang paghawak sa pulsuhan ko na para bang humahawak siya ng isang bagay na madaling mabasag. Pero sapat na iyon para magwala ang puso ko sa loob ng dibdib ko.
His touch was so light I felt like he was only brushing my skin. But his hand was warm. Even warmer than the sunny afternoon.
Marahan niyang kinuha ang salamin kong hawak ko pa rin. Isinuot niya ’yon sa ’kin. Magaan lang ang bawat galaw niya na halos hindi ko nga mamalayan kung hindi lang sa paglinaw ng paningin ko nang maisuot niya sa wakas ang salamin sa mga mata ko.
My vision of him crouching down in front of me became clearer. When he noticed my gaze finally focused on him, he smiled. Natulala na lang ako sa ngiti niyang ’yon.
“Nakikita mo na ba ’ko?” he asked.
Napakurap ako sa naging tanong niya.
“Nakikita naman talaga kita kahit wala akong salamin. Hindi naman ako nabubulag ’pag wala ’to.”
He chuckled. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakasuot na ang salamin ko, pero pakiramdam ko ay mas luminaw pa ang lahat dahil sa pagtawa niyang ’yon. Kahit pa nakasuot siya ng damit na madilim ang kulay, his usual get-up. A simple black shirt and leather pants.
“I know . . . but what I mean is, can you see me clearly now?”
Dahil wala naman akong ibang sasabihin ay tumango lang ako. He looked satisfied with that. Napatango siya at dumeretso ng tayo.
“That’s good. No matter how much I like seeing your eyes, I realized I like it more when I know your gaze is focused on me.”
Agad kong naramdaman ang pamumula ng mukha ko dahil sa sinabi niya. At bago pa niya mahalata iyon ay mabilis akong yumuko. Tumingin na lang ako sa librong nasa mga hita kong binabasa ko kanina bago pa siya dumating. Doble pa yata ang hiyang nararamdaman ko ngayon kumpara sa lagi kong nararamdaman kapag nakikipag-usap ako sa mga tao.
I heard him groan before he sat beside me. Pinili ko pa rin ang yumuko kahit na gusto kong malaman kung ano’ng nangyari sa kanya. He sounded frustrated.
“Ayan na naman. Nakayuko na naman siya,” dinig kong sabi niya na alam kong para din naman sa ’kin. “I told you to look someone in their eyes when you’re speaking with them, right?”
“N-nahihiya lang ako.”
“O baka hindi lang ako kaaya-ayang tingnan talaga?”
Mabilis akong umiling. Sobrang imposible ng sinasabi niya. He’s the most good-looking person I’ve ever seen. Heto nga’t ramdam ko rin ang tingin ng iba sa ’ming nakakakilala sa kanya. Nagtataka yatang makita siyang kasama ako.
“Hindi. Nahihiya lang talaga ako . . .”
He looked at me. Ang katawan niya ay nakaharap din sa direksiyon ko kahit ang view sa harap namin ay ang malawak na field. Mas magandang tingnan kaysa sa ’kin na nakayuko at hiyang-hiyang tingnan siya.
Sinilip niya ang mukha ko. His head was even tilting as he did so.
“Then . . . does it mean you find me handsome?”
Mabilis akong napilingon sa kanya at tatanggi na sana, pero nang makita ko ang nakangisi niyang mga labi na halatang inaasar lang pala ako ay nag-iwas uli ako ng tingin. Nakasimagot kong ibinalik ang tingin sa libro ko.
“Ewan ko sa ’yo.”
Malakas ang naging pagtawa niya. Ibang-iba sa mahina kong boses. Umayos siya ng upo. Ang mga kamay ay itinukod sa upuan. He stretched his legs, looking comfortable, and finally looked at the scenery in front of us.
Katahimikan ang namagitan sa ’ming dalawa. But it wasn’t completely quiet, as there was noise from the students who were in the Big Field and from those who were passing by. Also, from those birds flying around. Ang iba ay dumapo sa punong pinagsisilungan namin at humuni.
Nag-angat ako ng tingn. Pinanood ang mga estudyanteng nasa Big Field na may kanya-kanyang ginagawa.
Walang nagsasalita sa ’min ni Kreios. We just drink in the silence and the scenery in front of us. At nakakapagtakang hindi ako nakaramdam ng pagkailang sa presensya ng isang tao.
Madalas kasi, naiilang ako kapag ganitong may kasama akong iba at pareho kaming tahimik. Gusto kong may mapag-usapan, pero nahihiya naman akong magsalita. I didn’t want to feel the awkwardness. Mas gugustuhin ko pa ngang umalis na lang at maging mag-isa na naman kapag ganoon.
But with Kreios, it was different. Right now, I feel . . . comfortable with him. As comfortable as I am when I’m alone.
Nilingon ko si Kreios sa tabi ko. Nagulat pa ako nang makitang nakatingin siya sa ’kin. Ang akala ko kasi ay sa harap din siya nakatingin.
He smiled when our eyes met.
“I told you, right? You’ll see the good things in life when you’re looking up or straight ahead instead of just looking down.”
Nagugulat talaga ako sa kanya kapag ganito siya. As if he really has a positive view of life. At kung makapag-advice siya sa ’kin ay para bang marami na siyang napagdaanan.
But then, I guess he was really like that. Libre pa ngang ite-train ang kapatid ko. He was willing to do it freely.
Maybe he was right. That I’m judgmental. Dahil lang sa paraan ng pananamit niya at naging unang pagkikita namin ay may nabuo na akong imahe ng personalidad niya sa isip ko. Kaya kapag may ginagawa at sinasabi siyang labas sa imaheng ginawa ko, nagugulat pa ako.
I smiled at him. Nakita ko ang pagkakatigil niya at napatulala sa ’kin.
“Salamat, Kreios, ha?” I said. “Do’n sa pagpapaalam mo sa mga magulang ko para sa pagte-training kay Jupiter. Hindi mo naman kailangang gawin ’yon, eh.”
Ilang sandaling nakatulala lang sa ’kin si Kreios bago kumurap. Maya-maya ay napangisi rin.
“What a smile . . .” he mumbled. “Kung lagi ko ba namang makikita ’yang ngiting ’yan, then I’m willing to do anything again.”
Mahina akong natawa. Napailing at nag-iwas ng tingin sa kanya.
“Seryoso kasi ako.”
“Wow! And you’re laughing as well!”
Nakasimangot ko siyang tiningnan na ikinatawa niya.
“You don’t have to worry about it,” he said. “It’s nothing. Sabi ko naman sa ’yo, wala rin naman akong gagawin. Might as well do something useful with my time.”
Nakakunot ang noong nilingon ko siya.
“Pero, ’di ba, may trabaho ka?”
Natigilan siya. Maya-maya ay umiling.
“Hindi naman ’yon araw-araw. They’ll call me if they need my service.”
Napatango ako at muling tumingin sa harap. Nakalimutan ko na ang librong binabasa ko kanina. At sa tingin ko, ngayong nandito na si Kreios, hindi na uli maibabalik ang atensiyon ko sa pagbabasa.
So, I just closed the book. I held it with both hands while it was still on my lap and focused my gaze on the scenery.
“Have you had your lunch?” Kreios asked after a while. Tumango ako nang hindi siya nililingon.
“Tapos na,” mahina kong sabi na alam kong rinig niya pa rin naman. Malakas talaga yata ang pandinig niya. Nahiling ko tuloy na sana lahat ng nakakausap ko ay may pandinig na katulad sa kanya. Para hindi ko na laging inuulit ang sinasabi ko kapag hindi nila iyon naririnig.
Pero alam kong nasa akin naman talaga ang problema. Mahina ang boses ko na mas humihina pa kapag nahihiya akong makipag-usap. Hindi na yata maaalis ang pagiging mahiyain ko—ang pagiging duwag kong makaalis sa comfort zone ko. And the whole world wouldn’t adjust for me.
Hindi naman palaging may kagaya ni Kreios akong makikilala sa mga lugar na pupuntahan ko. Hindi ako nakakilala ng katulad niya sa Manila. Dito lang sa Iloilo. And I think he’s the only one in this world.
“Lunchtime ko rin,” he said. “In case magtaka ka na naman kung bakit nandito ako at mag-alala na baka mag-cutting ako sa klase.”
I frowned at him. Nakangisi kasi siya. Nang-aasar na naman. Ewan ko ba sa lalaking ’to. Hindi nakakalimutan ang mga nasabi ko noon kaya laging ginagamit at nakakahanap ng paraan para asarin ako.
“Ewan ko sa ’yo,” tanging nasabi ko na lang.
Natawa siya.
“Oo nga pala, bago ko makalimutan, malapit na ang tryouts. It wouldn’t be enough if every weekend ko lang ite-train ang kapatid mo,” he said.
I looked at him. There was that wicked glint in his eyes again kaya hinanda ko na ang sarili ko sa pang-aasar niya.
“So, I’m just thinking,” he said, “since legal na naman tayo—”
“Anong legal ka diyan!” Napatayo pa talaga ako! Ang libro ay nalaglag sa biglaang pagtayo ko.
Ang lakas ng naging pagtawa ni Kreios. He was even clutching his stomach. Tuwang-tuwa sa naging reaksiyon ko. Mukhang nagiging hobby na niya talaga ang asarin ako!
Naku naman! Kung hindi lang talaga dahil sa kapatid ko!
“Priceless!” he even said while laughing.
Naiinis na tiningnan ko siya. Nang hindi pa rin talaga siya tumigil sa pagtawa ay pinulot ko na ang libro ko. Tumayo ako at iniwan siyang tumatawang mag-isa sa ilalim ng punong ’yon.
“Miss Judgmental, wait!” dinig kong tawag niyang natatawa pa rin.
Hindi ako tumigil sa paglalakad. Lagi niya akong inaasar. Ewan ko. Hindi pa ako nakakaranas ng ganoon. Na para bang matagal na kaming magkaibigan kaya ganoon na lang niya ako asarin. Or he was really like that.
Parang kanina lang nag-a-advice pa siya sa ’kin tapos ngayon, aasarin niya ako.
And . . . I wasn’t sure how to react. Tama ’tong ginagawa ko? Walking out on him? O hayaan ko lang siyang asarin ako?
Thinking back, siguro, hahayaan ko na lang ang ibang asarin ako. Sa sobrang pagkamahiyain ko, kahit naiinis, mahihiya rin akong patigilin sila. Mahihiya akong sabihin na naiinis ako sa pang-aasar nila.
Pero kay Kreios, ewan ko. Hindi ko nga akalain na isang araw, magagawa kong mag-walk out sa isang tao dahil sa inis.
“Illya, wait.”
Napatigil ako. Hindi dahil sa bigla niyang paghawak sa pulsuhan ko kundi dahil sa muli niyang pagbanggit ng pangalan ko. Lagi na lang akong natitigilan kapag ganoon. Hindi rin naman kasi madalas sa pangalan niya ako tinatawag. Palagi na lang, Miss Judgmental.
That’s why to me, whenever he’s calling me by my name, it feels like it is always on an important occasion.
“Alright. Hindi na kita aasarin,” sabi niya nang marahan niya akong hinarap sa kanya, pero nakangisi naman. “Pero wala naman kasing mali sa sinabi ko.”
Tumawa na naman siya nang simangutan ko siya. Pilit kong inalis ang kamay niyang nakahawak pa rin sa ’kin, pero hindi niya ako hinayaan.
“Okay. Okay. I’ll be serious this time,” he said and took a deep breath. “Kulang ang weekend sa pagte-train kay Jupiter. Malapit na ang tryouts. So, I’m thinking I’ll train him as well after class.”
Napaisip ako roon
“Dito sa campus?”
“Hmm . . .” Umakto siyang nag-iisip. “Kahit doon na lang din sa lugar n’yo. I wouldn’t want to worry your parents.”
I appreciated that. Kahit naman pinayagan na siyang i-train ang kapatid ko na alam kong hindi rin tututol ang mga magulang namin sa gusto niyang gawin, he still considered my parents’ feelings.
“Kay Peter mo na lang sabihin ’yan. Hindi naman ako ang ite-train mo,” I said.
He nodded.
“I just want to let you know. Baka kasi hindi ka naman pumayag.”
Sinimangutan ko na naman siya. He chuckled.
“Alright. Abangan ko na lang kayo mamayang uwian. Kakausapin ko rin kapatid mo.”
I nodded. Napangisi siya.
“Iyon lang. Sige na. I’ll go back to my class.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Ang sabi mo, lunchtime n’yo!”
Mas lumawak lang pagngisi niya. Binitiwan niya na ako sa wakas at humakbang paatras.
“See you later, Miss Judgmental!” sabi niya at nanakbo na palayo.
Chapter 15
Hindi na dapat ako nagulat nang makitang nag-aabang nga si Kreios sa ibaba ng Valentine Hall dahil nabanggit na niya namang hihintayin niya kami ng kapatid ko pagkatapos ng klase. Pero nagulat pa rin ako. Hindi ko lang inaasahan na tutuparin niya ang sinabi niya.
Pero ganoon nga pala talaga siya. May isang salita. Kinulit niya pa nga ako noon nang umatras ako sa usapan namin o pustahan nang matalo niya si Jupiter noon.
At mukhang hindi lang ako ang nagulat nang makitang nandoon si Kreios. Maging ang mga kaklase ko rin. Ang iba ay tumigil pa para batiin siya na tinatanguan niya naman. Hindi ako sigurado kung kilala niya ang lahat ng ’yon, pero pinansin niya pa rin.
I saw how his face lit up as soon as he saw me kaya ang mga kaklase kong binabati pa siya ay napatingin din sa direksiyon ko. Nataranta ako sa atensiyong biglang nakuha at yumuko. Hindi naman kasi nila ako tinitingnan nang ganito kapag nasa classroom kami.
Nag-alangan tuloy akong lumapit kay Kreios kahit na alam kong hinihintay niya ako. Ramdam ko pa rin kasi ang tingin ng mga kaklase ko sa ’kin. Kinakabahan na naman ako. Natatakot na magkamali kahit na ang gagawin ko lang naman ay humakbang palapit kung nasaan si Kreios.
Tapos . . . pakiramdam ko pa, may iba rin silang iniisip sa paghihintay na ’yon sa ’kin ni Kreios. Ayokong bigyan nila ng malisya ’yon.
“Illya!”
Napaangat ang tingin ko nang marinig ang boses na ’yon. It was from Jolene. Nakatayo siya sa tabi ni Kreios at mukhang kasamang naghihintay ng lalaki kanina pa. Hindi ko kasi siya napansin.
So . . . Kreios wasn’t alone. Ipinagtaka ko pa ang makitang magkasama sila, pero naalala kong pareho nga pala sila ng kurso. Hindi malabong magkakilala nga sila. Baka magkaklase pa nga.
Jolene was friendly and popular, and Kreios was well-known as well in this university. Ako ngang transferee lang ay kinaibigan na agad ni Jolene. Paano pa kaya si Kreios?
Mabuti na rin siguro na nandoon si Jolene. At least, hindi makakabuo ng kung anumang malisya ang mga kaklase ko sa ginawang paghihintay sa ’kin ni Kreios.
Kaya naman humakbang na ako palapit sa kanila. Pareho silang nakatingin sa ’kin at naghihintay sa paglapit ko. Hindi lang pala sila. Pati ang mga kaklase kong nagtataka siguro kung bakit hinihintay ako ng dalawang ’to.
Kabang-kaba ako habang humahakbang. Hindi sanay sa mga atensiyong nakatutok sa ’kin ngayon. Natakot ako na baka mamali ako sa paghakbang at mapahiya sa harap nilang lahat.
But thankfully, I managed to stop in front of Jolene and Kreios without embarrassing myself. Pinakawalan ko ang hininga kong hindi ko alam ay pinipigilan ko pala. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, pero sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.
“Tapos na ang klase n’yo?” rinig kong tanong ni Kreios. Nakayuko lang ako at hindi nag-aangat ng tingin sa kanila ni Jolene.
Tumango ako.
“Dadating na rin si Jupiter maya-maya,” mahina kong sabi. Mas mahina pa kaysa sa dati na para sa iba ay bulong na lang yata ’yon. Hindi tuloy ako sigurado kung narinig ni Kreios kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.
But he nodded. Mukhang narinig niya naman.
“It’s okay,” he said. Narinig niya nga. “Hindi naman ako nagmamadali.”
I pursed my lips and nodded at him. Pinigilan ko ang ngumiti. Alam niya sigurong matataranta ako kung sakali mang maghintay pa siya.
“Wow . . . you actually heard what she said?” Hindi makapaniwalang tiningnan ni Jolene si Kreios. “Wala talaga ’kong narinig sa sinabi niya.”
“You would if you’re really interested in what she’s saying.”
Napatitig ako kay Kreios. Ang kaba sa dibdib ko ay mas lumala. Hindi. Hindi iyon kaba. May kakaiba akong nararamdaman at dahil mas bumilis pa ang tibok ng puso ko ay inisip kong kinabahan ako dahil iyon naman ang madalas mangyari noon.
“Hmm . . .” Jolene smiled at me. “Oh, Illya. I hope you don’t mind that I’m here. Magpapahatid kasi ako kay Kreios, pero ang sabi niya, kailangan niya pang kausapin ang kapatid mo.”
Tumango ako at magsasalita na sana, pero naunahan ako ni Kreios.
“I told you to use your car.”
Napalabi si Jolene.
“I can’t. Hindi ko pa nakukuha ang driver’s license ko.”
“How about your driver?”
“He’s a family driver. He’s driving for my parents as well.”
Hindi nagsalita si Kreios at tinitigan lang si Jolene. Hindi ko alam kung ano’ng iniisip niya, but Jolene smiled sweetly at him.
“C’mon . . . you’re always doing this naman, ’di ba?” Nag-iwas ako ng tingin at yumuko na lang nang kumapit siya sa braso ni Kreios. “What’s the difference now?”
Ah . . . naalala ko na! Kaya pala noong una ay pamilyar ang boses niya sa ’kin, narinig ko na nga iyon dati! Ang unang araw din namin sa Iloilo! Siya ang nakaangkas sa likod ng motor ni Kreios noon! I met her just the same day I met Kreios!
Kung ganoon . . . gilfriend ba siya ni Kreios?
Napatingin ako sa dibdib ko nang parang may tumusok doon. Sa loob. Hindi ko alam kung ano, pero may parte sa ’kin ang parang gustong tumakbo palayo para makatakas sa dalawang taong nasa harap ko ngayon.
“Ate . . .”
Mabuti na lang dumating na si Jupiter bago ko pa magawa ang iniisip ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang papalapit sa ’min ang kapatid ko.
“Peter . . .”
I saw him look at Jolene who smiled at him. Walang emosyon sa mukha ng kapatid ko, pero alam kong hindi niya nagustuhan ang makitang nandoon si Jolene. Naalala kong pinapalayo pa nga ako ni Peter sa kanya.
Pagkatapos ay napatingin siya kay Kreios. Agad siyang napangiti nang malawak.
“Kuya Kreios!”
Mahinang natawa si Kreios sa nakitang pagkagiliw sa kapatid ko. Ako rin naman. Jupiter looked like an innocent kid when he approached Kreios with a big smile on his face. Si Kreios naman, inakbayan pa si Jupiter at ginulo ang buhok. Mas lalo akong napangiti sa nakita.
Jupiter really likes him. Siguro kasi ay para siyang nakahanap ng nakatatandang kapatid na lalaki sa katauhan ni Kreios. Alam ko naman na may mga bagay siyang hindi masabi sa ’kin o matanong na kung meron lang siyang kuya, sasabihin niya roon lahat. Lalo pa at palaging abala si Papa sa trabaho. I know Jupiter wanted to have an older brother who could guide him.
Kaya naman ganito siya kagiliw kay Kreios. I remember my brother saying he’s a good judge of character. Kaya nga pinapalayo niya ako kay Jolene dahil may nararamdaman siyang hindi maganda sa babae. Hindi katulad kay Kreios na halatang gustong-gusto niya.
That means Jupiter sees Kreios as a good person. And I could see it too. Doon pa lang sa ginawa niyang pagpapaalam sa mga magulang namin. He wouldn’t do that if he didn’t have good intentions.
“May problema ba, Kuya?” tanong pa ng kapatid ko, pero nakangiti naman.
Umiling si Kreios. Napansin kong hindi na pala nakahawak sa kanya si Jolene at pinapanood na lang sila na may ngiti rin sa mga labi.
“Wala naman. Sasabihin ko lang na kailangan din kitang i-train after class dahil malapit na ang tryouts. Alam kong mapapagod ka pero—”
“Ayos lang sa ’kin, Kuya!”
Natigilan si Kreios. Napatitig sa kapatid kong ngiting-ngiti naman.
“Sigurado ka?”
Sunod-sunod na tumango si Jupiter.
“Ayos lang. Gusto ko nga ’yon, eh. Ang dami ko kasing natututuhan sa ’yo. Saka sanay na ako. Nagte-training din kami dati.”
Napangisi si Kreios. Muli niyang ginulo ang buhok ng kapatid ko at inalis na ang pagkakaakbay.
“Alright. Then it’s settled. Kahit bukas na lang tayo magsimula.”
“Sige!” Tumingin sa ’kin si Jupiter. “Ay, Ate, hindi raw tayo masusundo ni Papa.”
Natigilan ako. Kunot-noong tiningnan siya.
“Bakit?”
“Nag-chat si Mama, ah? Nag-half day lang daw si Papa sa work niya kasi may sakit. Hindi mo ba nabasa?”
Umiling ako. Kukunin ko na sana ang phone ko sa bulsa pero hindi na lang itinuloy. Late na rin naman ang pagbasa ko.
Hindi ko naman kasi laging hawak ang phone ko hindi katulad ni Jupiter na maraming nakakausap doon dahil hindi sila nawalan ng komunikasyon ng mga kaibigan niya sa Manila. Kaya nagbabasa na lang ako ng libro sa libreng oras ko.
“She isn’t checking her text messages as well,” gatong pa talaga ni Kreios na hindi na rin yata nakalimutan ang hindi ko pag-reply sa kanya noon.
“Wala naman kasing nagte-text,” dahilan ko.
“Mag-commute na lang daw tayo,” Jupiter said.
Napatingin ako sa kanya.
“Hala, hindi ako marunong.”
Hatid-sundo kasi kami ni Papa kaya hindi ko inaalala ang pag-commute. Ngayon ko lang naisip na kahit pala ganoon, sana ay inalam ko ang alternate na biyahe naman para sa mga ganitong bagay.
“Ihahatid ko na lang kayo,” sabi ni Kreios at napatingin kami ng kapatid ko sa kanya.
“That won’t do. Tatlo kayo sa motor?” sabi ni Jolene na halata na sa mukhang hindi yata nagustuhan ang sinabi ni Kreios. “Besides, ihahatid mo pa ’ko, ’di ba?”
“They’re still new in this place, Jolene,” mariing sabi ni Kreios. “Hindi pa nila alam ang mag-commute. Ikaw, alam mo naman. You’re from here anyway.”
Mukhang may sasabihin pa sana si Jolene, pero mas piniling itikom na lang ang bibig. She took a deep breath. Pagkatapos ay matamis na ngumiti.
“Okay. Next time na lang, I guess,” she said and glanced at me before looking back at Kreios. “I’ll go now then. Wala na rin naman pala akong hihintayin dito. Bye, Kreios, Jupiter, and . . . Illya.”
Tumalikod na si Jolene at naglakad palayo. Wala man lang akong nasabi. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Nagulat kasi ako sa naging pangyayari. Tapos . . . parang hindi talaga nagustuhan ni Jolene ang desisyon ni Kreios.
Siguro ay hindi talaga. Naghintay nga siya rito kasi ang akala niya ay ihahatid siya ni Kreios pauwi. Tapos biglang hindi na dahil kami na ng kapatid ko ang ihahatid dahil lang hindi kami marunong mag-commute.
Puwede naman naming alamin na lang sana. Baka magalit sa ’kin si Jolene . . .
“Kahit si Ate na lang ang ihatid mo, Kuya.”
Napatingin ako kay Jupiter dahil sa sinabi niya. Kung makapagsalita kasi siya ay parang wala ako roon.
“Magko-commute na lang muna ako ngayon para sa susunod, alam na namin ni Ate kung paano,” sabi pa ni Jupiter. “Saka bawal ang tatluhan sa motor, eh.”
“Hindi, ’wag.” Umiling pa talaga ako. “Ako na lang. Ako ang mas matanda sa ’tin.”
“Ano naman ngayon?” kunot-noong tanong sa ’kin ni Jupiter at nagpigil lang akong saktan siya.
“Ako dapat ang gumawa n’on. Ako dapat ang nag-aalaga sa ’yo.”
Napakamot si Jupiter sa likod ng ulo niya.
“Ate naman . . . pagko-commute lang ang pinag-uusapan natin, eh. Ang simple-simple tapos sisingitan mo ng ganyan,” he said, and I heard Kreios chuckle. “Sa tingin mo ba, makakapagtanong ka?”
Sa sinabi niyang ’yon ay natigilan ako. Hindi agad ang sagot ko. Doon pa lang ay payag na akong siya na nga lang muna ang mag-commute.
“And you’re a girl, Illya,” Kreios said. “A gorgeous woman. Mas safe kung sasabay ka na nga lang sa ’kin. Baka may mangyari pa sa ’yo sa daan.”
Alam kong matindi ang naging pamumula ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi pa ako napupuri nang ganoon ng ibang tao! Palagi na lang ang mga magulang ko ang nagsasabi n’on. Tapos sinabi niya pa talaga sa harap ng kapatid ko! Si Jupiter tuloy, ngiting-ngiti!
Mas lalong ayokong sumabay sa kanya. Bigla ay hindi ako naging komportable sa isiping aangkas ako sa motor niya. Hindi na naman ako komportable sa presensya niya. Kinakabahan na naman ako.
“Tayo na lang dalawa ang mag-commute, Peter . . .” halos magmakaawa nang bulong ko sa kapatid ko na narinig pa rin ni Kreios.
“No. Sumabay ka na sa ’kin, Miss Judgmental,” giit pa ni Kreios at alam kong wala na akong laban dahil tumango si Jupiter. “I should talk to your parents as well. Ipapaalam ko ang schedule ng training ni Jupiter.”
“Hindi naman kailanga—”
“Puwede na rin ngayon natin simulan ang training, Kuya!” excited pang sabi ni Jupiter na mukhang walang alam sa inaalala ko.
Kreios stared at my brother.
“Are you sure? You need to at least ready yourself.”
“Ready-ng ready na nga ’ko, Kuya, eh! Excited ako sa training. Marami na naman akong matututuhan sa ’yo.”
Kreios chuckled.
“Alright. Then, isasabay ko na ang kapatid mo,” he said. Hindi na nila talaga ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi. “Sa Gate 2 ka na lumabas. May jeep na do’n papuntang plaza. Magpababa ka ro’n. May mga tricycle do’n na puwede nang maghatid hanggang sa inyo.”
Sunod-sunod na tumango si Jupiter.
“Pakiingatan na lang si Ate, Kuya . . . first time niyang sasakay sa motor.”
Tumango si Kreios tapos ay sabay na silang tumingin sa ’kin. Naaalala pa pala nilang nando’n ako. Kung makapag-usap kasi sila ay parang wala ako roon dahil hindi na talaga nila ako tinanong kung gusto ko nga bang sumabay kay Kreios.
Tiningnan ko ang kapatid ko. Nanghihingi ng tulong dahil palagay ko ay maiilang ako kung aangkas nga ako sa motor ni Kreios. Pero si Jupiter, mukhang inaasahan na mas papayag akong magpahatid kay Kreios kaysa sumamang mag-commute sa kanya.
“Sige na, Ate,” pilit pa niya. “Sumabay ka na kay Kuya Kreios. Baka kasi mali ang mababaan o masakyan ko. Dalawa tayong maliligaw kung sakali.”
“Maliligaw ka?” Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-aalala! Paano kung saan mapunta ang kapatid ko?
Pero tumawa lang si Jupiter at umiling.
“Kaya ko ang sarili ko, Ate! Susundin ko lang ang sinabi ni Kuya Kreios. Sa susunod ka na lang sumama sa ’king mag-commute. At least, alam ko na no’n kung pa’no.”
Napipilitang tumango na lang ako. Naiintindihan ko ang punto ni Jupiter. Dagdag alalahanin niya pa ako kung sakali ngang maligaw siya. Kahit hindi niya pa kabisado ang lugar, alam kong makakagawa siya ng paraan para makauwi sa ’min. Doon nga sa Manila, kung saan-saan nakakapunta ang kapatid ko, nakakauwi pa rin naman sa bahay.
“Sige . . . mag-iingat ka, Peter.”
“Kayo rin.”
Naglakad na nga palabas ng campus ang kapatid ko habang kami naman ni Kreios ay sa parking space pumunta. Doon kasi nakaparada ang motor niya. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Kinakabahan na agad, hindi pa man ako nakakaangkas sa motor.
“Here.” Inabot sa ’kin ni Kreios ang isa pang helmet. Wala sa sariling kinuha ko ’yon at napatitig sa motor.
It was a big black bike. Bigla ay natakot akong sumampa roon. Hindi pa naman ako marunong umangkas. First time ko ’to kung sakali. Paano pala kung mahulog ako?
Naalala ko pa naman ang pagpapatakbo ni Kreios noon, no’ng unang magpunta kami sa Iloilo. He drove fast, he and his friends. Kaya nga galit na galit si Papa noon dahil bigla na lang nag-overtake ang isa sa mga kaibigan niya.
Pero huli na para umatras. Nakasakay na siguro ang kapatid ko. Kung magko-commute ako, paniguradong maliligaw ako.
Bakit ba kasi hindi ko naisip kanina kung ano’ng puwedeng mangyari sa ’kin kapag nakaangkas na ako sa motor ni Kreios? Mas natakot pa ako sa presensya niya kaysa sa mahulog sa motor!
“What’s wrong?” tanong ni Kreios. Napansin yatang nakatayo lang ako roon at hawak lang ang helmet.
He sighed when I didn’t answer. Kinuha niya mula sa ’kin ang helmet at humarap.
Nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Marahan niyang tinanggal ang salamin ko sa mga mata. Sunod ay isinuot niya sa akin ang helmet. He made sure that it was perfectly fit and secured bago niya isinuot uli sa ’kin ang salamin ko. Inayos niya rin ang buhok ko at nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya ’yon.
Pagkatapos ay ngumiti siya. I felt my heart skip a beat with that smile.
“There.”
Inalalayan niya ako sa pagsakay sa motor. Mahina ang naging tili ko nang hawakan niya ako sa baywang at halos buhatin na pasakay sa motor. He chuckled at my reaction. Isinuot niya na rin ang helmet at sumakay na.
“Kapit ka,” he said. Bahagya pa akong nilingon na tahimik lang sa likod niya.
Kumapit nga ako roon sa hawakan sa likod. Muli siyang natawa.
“Hindi diyan. Sa ’kin. Hold onto me, Illya.”
Nag-alangan ako. Siyempre. Hindi pa ako nagiging ganitong kalapit na halos maramdaman ko na ang init ng katawan niya mula sa likod. Iwas na iwas pa nga akong mapadikit sa kanya. Kabang-kaba tuloy ako at sa tingin ko ay mas mamamatay ako sa kaba kaysa sa pagkahulog sa motor.
Sa nanginginig na mga kamay ay humawak ako sa kanya. ’Yong damit niya lang ang hinawakan ko sa magkabilang gilid niya. Napansin ko ang pagngisi ni Kreios at napailing.
“Kapit pang mabuti,” he said.
“Eto na nga. Nakakapit na,” mahina kong sabi at dinig ko pa ang kaunting panginginig ng boses ko.
Kreios shrugged.
“Bahala ka. Mahuhulog ka kapag ganyan ang kapit mo.”
“Okay na nga ’ko.”
Ilang sandali niya muna akong tinitigan. Nakayuko lang ako. Hindi masalubong ang tingin niya. Pagkatapos ay narinig ko siyang nagbuntonghininga bago humarap at binuhay na ang makina ng sasakyan.
“Suit yourself,” he said and started driving.
Sa unang pag-usad pa lang ng sasakyan ay naintindihan ko kung ano ang sinabi ni Kreios. Kinabahan ako nang hindi ko agad mabalanse ang sarili ko! Sa sobrang kaba ay nag-iba ang paraan ng pagkakahawak ko sa kanya.
Mula sa damit ay pumalibot na ang mga braso ko sa baywang niya. Magkadikit na talaga ang katawan namin at hiniling kong sana ay hindi niya mahalata ang lakas ng tibok ng puso ko!
I heard Kreios chuckle. Natutuwa pa talaga ang lalaki habang kinakabahan ako rito sa likod! Hindi naman mabilis ang pagpapaandar niya, pero dahil nga first time kong makasakay sa motor, kinakabahan pa rin ako.
Iba pala sa feeling. Hindi kasi secured. I felt exposed, hindi katulad sa kotse na may bubong, may pinto, at nasa loob ka. Pakiramdam ko tuloy, maling galaw ko lang ay mahuhulog na ako!
“Relax, Miss Judgmental. Hindi naman kita hahayaang mahulog,” sabi pa ni Kreios nang mapansing mas humihigpit ang pagkakayakap ko sa baywang niya.
Hindi ako nagsalita. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko, pero gaya kapag nasa kotse ako, mas nararamdaman ko lang ang paggalaw ng sasakyan. Mas ramdam ko lang kasi ang hanging dumadampi sa balat ko.
Muli akong dumilat nang maramdaman ang pagbagal ng andar ng motor. Nasa labas na pala kami ng university. Nagtaka ako nang huminto si Kreios sa tabi ng isang jeep na nakaparada sa harap ng university at mukhang naghihintay para mapuno ng mga pasahero. May itinuro si Kreios sa loob.
“Si Jupiter.”
Sinubukan kong tanawin ang kapatid ko sa loob. Nandoon nga siya at dahil nasa bahagi siyang malayo sa ’min, tumango lang ang kapatid ko. Bahagyang pinaandar ni Kreios ang motor hanggang sa tumapat siya sa driver.
Nakipag-usap siya sa driver gamit ang Hiligaynon. Hindi ko iyon maintindihan noong una. Pero sa tingin ko ay hinahabilin niya si Jupiter. Bahagya pa kasi siyang tumango sa direksiyon ng kapatid ko at napalingon pa ang driver doon.
The driver nodded and answered back using the same language. Tumango si Kreios, sinaluduhan ang driver ay nagsimula na muling patakbuhin ang motor.
Hindi ko mapigilan ang bahagyang mapangiti dahil sa ginawa niya. Nawala ang pagkailang ko at mas kumapit na lang sa kanya. Bigla ang naging mas paglaki pa ng tiwala ko sa kanya kaya sinubukan kong tumingin sa mga daraanan namin, nagtitiwala sa sinabi niya kaninang hindi niya ako hahayaang mahulog. His body warmth was making it even easier for me to trust him. Dahil ramdam kong nandoon talaga siya.
I know that he could drive faster than this, but he didn’t. Sapat lang ang bilis ng pagpapatakbo niya. Kaya nabawasan ang kaba ko. Sa huli ay naging komportable na sa likod.
Papalubog na ang araw kaya isa-isa nang binubuksan ang ilaw sa daan. The streetlights were so beautiful. Lalo na nang makarating kami sa plaza. Napaawang ang mga labi ko at hindi mapigilang tumingin sa paligid.
It was so beautiful. Hindi pa gaanong madilim, pero sa hula ko ay mas maganda pa ang lugar na iyon kung tuluyang didilim. Mas maliwanag ang ilaw. Hindi ko masyadong makita ang lugar kapag nakasakay ako sa kotse, pero ngayong nandito ako sa motor, kitang-kita ko ang ganda ng paligid.
There was that bandstand illuminated with lights. Iyon agad ang bubungad kapag nakarating sa plaza. Kitang-kita sa dilim dahil sa mga ilaw na nakakabit doon, outlining the exterior of the bandstand. Sinubukan ko pang silipin ang loob ng plaza dahil hindi masyadong makita sa labas dahil sa mga punong nasa mga gilid. Pero itinigil ko rin dahil naalala kong nasa motor nga pala ako.
“Dito kayo sasakay ng tricycle,” biglang sabi ni Kreios.
Napalingon ako sa tinitingnan niya at nakita ang terminal ng tricycle. Unti-unti niyang itinigil ang motor doon para magtanong.
Nakikinig lang ako sa pakikipag-usap niya sa driver. Hiligaynon kasi. Nang tumango siya ay pinaandar na uli ang motor.
“Beynte raw papasok sa subdivision n’yo,” he said. His voice was almost drowned by the wind.
“Mura lang pala,” I said. Expected ko kasi ay mga fifty pesos pa.
He chuckled. I could feel his body shake against mine.
“Gano’n lang ang gagawin n’yo ’pag magko-commute kayo. Dalawang sakay lang naman.”
Tumango ako kahit na alam kong hindi niya naman ako nakikita. I smiled. Thankful for his thoughtfulness.
“Thank you, Kreios . . .” I mumbled. Mahina ang pagkakasabi ko, halos tangayin na ng hangin. But I know in my heart that he still heard it.
Chapter 16
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 17
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 18
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 19
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 20
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 21
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 22
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 23
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 24
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 25
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 26
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 27
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 28
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 29
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 30
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 31
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 32
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 33
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 34
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 35
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 36
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 37
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 38
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 39
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 40
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 41
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 42
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 43
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 44
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 45
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 46
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 47
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 48
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 49
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Chapter 50
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.

Epilogue
This story is part of the Paid Stories program, a selection of exclusive stories that help support Wattpad writers. Click here to continue reading on the Wattpad app.
Esta historia pertenece al programa de Historias Pagadas, una selección exclusiva de historias con las que apoyas a escritores de Wattpad. Da click aquí para seguir leyendo en la aplicación.


