loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETED

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETED

CHAKASALSAL · 54 chapters · 14,133 words

BABALA

ANG KWENTONG ITO AY

MOVIE STYLE WRITTING

ANG BAWAT MOVIE CLIPS AY NAGLALAMAN LANG NG

200

  • WORDS

AT KUNG AYAW MO NG MAIIKSING CHAPTERS AY PWEDE MO NG LISANIN ANG KWENTONG ITO

AT SA MGA MAKAKATAPOS NG KWENTONG ITO AY NAGPAPASALAMAT NA AKO NG MAAGA KASI TINIIS AT ININTINDI NINYO ANG AKING STILO KUNG PANO KO SULATIN ITONG KWENTO

PS. VOTE & FOLLOW

MAHAL KO KAYO MGA KASALSAL❤️

CHARACTERS

Shin Malaya Mark Fuentes Sarah Pambalan

At iba pang characters . . . . . . . .

Pa-FOLLOW PO NG WATTPAD ACCOUNT KO❤️❤️❤️

MOVIE TRAILER

The Goblin Needs The Goblins Bride

The Goblins Bride Loves The Goblin

The Gream Reaper Loves The Goblin

The Goblin Is Confuse but Wants The Gream Reaper

Curiosity Kills The Cat So I Suggest that you must Read the Story of the THREE

CHAPTER 1

Mark Pov

Noon, ang alam ko lang gawin ay ang sumunod sa utos ng hari

Makipagpatayan doon, atyaka dito

Ginagawa ang lahat para lang umangat ang kahiraan

Ginawa ko lahat ng sasabihin nya dahil naki-usap ang kanyang ama sa akin bago sya mamatay na lahat-lahat ng sasabihin nya ay susundin ko

Kaya ginawa ko ang makakaya ko para lang maibsan ang kagustuhan ng hari

Kahit madami na ang nadamay at nagbuwis ng buhay sa lahat ng digmaan na kinahahantungan ng kaharian


Pero nalaman ko na nagkagusto ang hari sa aking kapatid na babae noong nakita nya ito sa pagtitipun na kung saan, yun ang kaarawan ng hari

Handa na sana ang hari na bitawan ang kanyang pwesto para lang magsama lang sila ng aking kapatid, pero merong isang tao ang ayaw ng plano ng hari, kaya pinagplanuhan nya na lasunin nag isipan ng hari, na parang kinukuha ko na raw ang simpatya ng mga tao

Ang babaw ng rason pero ganyan ang mga tao noon

At balang araw ay mawawalan na sila ng interisado sa hari, at dahil sa naudyok din ang hari ay naisipan nyang ipapatay ako, kaya ang ginawa nila ay ginawa nila akong kalaban at sa araw na akoy patatamaan ng maraming pana sa labas ng palasyo ay biglang tumakbo ang aking kapatid sa aking harapan dahilan para sya ang matamaan neto…

Nagulat ang hari kaya tumakbo ito palapit sa aking kapatid at ng nasa harapan ko na sya ay iniyakan nya ito

Pero habang umiiyak ang hari ay inutusan ng sakim na iyon ang mga kawal at patamaan narin ang hari

na syang nasa aking harapan

Dahilan para sya ay malagutan ng hininga sa harpan ng bangkay ng aking kapatid

Maya-maya lang ay kinuha ng isang kawal ang espada na syang aking ginagamit sa digmaan na kung saan pumatay ng milyong-milyong tao

At pumunta sa aking harapan dahil na rin sa wala na akong lakas ay pinikit ko na lang ang aking mata at tinanggap ang aking kahihinatnan

CHAPTER 2

Narrator:

Merong banggaan ang nangyari sa gabing iyon at kawawa ang lalakeng nabangga, ang driver naman ay walang malay kasi dahil sa sobrang pagpreno neto ay tumama ang ulo sa manubela ng kanyang sasakyan pero hindi iyon hadlang para mabangga parin ang kawawang lalake na ngayon ay nakahandusay sa kalsada

May lakas pa ang lalake kaya dinilat nya ang kanyang mata at nakita nya ang isang binata na nakadamit ng all black, black jeans, black shirt, black long coat, at tyaka black hat at sa laki neto ay pwede ng matakpan ang kanyang mukha

Itinaas ng lalake ang kanyang kamay para humingi ng tulong sa binata

“tu.. Tulungan… M… Mo ako” Nahihirapan na bigkas ng lalake, natawa naman ang binata

“huh!!!, hindi ako anghel para ikaw ay aking tulungan, On-hold pa yung” My Angels Boyfriend“ na story ni Author, kaya wag ako kassy!!“ Sabi ng binata, tyaka nya tinignan ang papel na kanyang hawak

“ Rafael Zamora, 56 years old, died because of car accident, july 23,2019, 10:05 pm“ At ng nasabi iyon ng binata ay pinitik nya ang kanyang daliri at napunta ang lalake at binata sa isang kwarto at ang lalake kanina na duguan ay naging malinis ng mapunta sila sa kwartong iyon

Merong nilapag na basong may lamang kape ang binata sa harapan ng lalake tyaka sinabing

“inumin nyo po yan, tyaka kayo maglakad sa pintuang iyon” Sabi ng binata at tinuro ang nag-iisang pintuan sa kwarto

“anong mangyayari pag ininom ko ito at pag binuksan ko ang pintuan yan?” Tanong nya

“makakalimutan mo ang ala-ala mo dito sa lupa at pag dumaan ka sa pintuan na iyan ay ikaw lang ang makakalam nyan” Sabi ng binata, kaya marami mang maiiwan ang lalake ay wala na syang magagawa kundi sundin ang sinabi ng Grim Reaper, tyaka tumayo ang lalake at dumeretyo sa pintuan at binuksan ito, sa pagbukas nya ng pinto ay bumunga sa kanya ang puting hagdanan, palatandaan na mapupunta sya sa langet at tyaka tinignan ang binata at nginitian tyaka nya sinara ang pintuan

Niligpit ng binata ang baso at nilagay sa kanyang cup collection na nakadisplay sa likuran ng kwarto, na kung saan libo-libo ng baso ang nandoon, nagpapahiwatig na marami ng kaluluwa ang nagdaan sa kanya

Ito ang buhay ni Shin Malaya ang baklang Grim Reaper


FUN FACT:

Rafael Zamora is the Father of Chris Zamora boyfriend of Edgar Morena in my bxb story tittled “Mr.

Antipatiko

Hi mga kasalsal!!!! Musta na!!!, heto na naman tayo magsisimula ng bagong storya na tiyak magugustuhan ninyo..

Ps. Vote and

Follow

CHAPTER 3

Mark Pov

Kaya kong controlin ang klima sa pamamagitan ng aking nararamdaman, kaya kong pumunta sa ibang lugar sa pamamgitan ng paglabas masok ko sa kahit anong pintuan, may kakaiba akong lakas at bilis, pero ang hindi ko kayang gawin ay ang hugutin ang espada na ngayon ay nakatarak sa aking dibdib na syang pumipigil sa kamatayan na syang aking hinahangad.

Araw, buwan at maraming taon na ang nakalipas at hindi pa din dumadating ang aking bride na syang huhugot sa espada na nakatarak sa aking dibdib

Ang ginagawa ko na lang ay ang mamasyal sa bawat parte ng lugar dito sa mundo habang hinihintay ang aking bride.

Pero nakakasawa nadin pala ang ganitong set-up ng buhay

Araw-araw kong hinihiling na sana mamatay na ako kasi pagod na akong mabuhay

Nakakapagod na ang ganitong takbo ng buhay

Lahat ng mga taong mahal ko ay nagsasakripisyo para mapaglingkuran nila ako, lahat ng mga ninuno ng mga ninuno ay dumadaan silang lahat sa akin at pag napamahal na sila sa akin ay sya naman ang pagdating ng kanilang kamatayan

Pagod na ako, pero anong magagawa ko?

Ito ang bunga ng mga maraming tao na syang aking pinaslang sa bawat digmaan na aking pinamunuan

Ang magagawa ko na lang ay ang maghintay sa kanyang

pagdating

CHAPTER 4

Mark Pov

Nandito ako sa pinakataas na building dito sa City at kitang-kita ko ang mga magagandang ilaw na nanggagaling sa ibaba neto, and I can hear all kinds of sounds down there,merong mga nag-aaway na mag jowa, mga busina ng nga kotse, lahat ng mga sasakyan, may nagsisigawan, tp be precise naririnig ko pa mga utot nila at habang pinapakinggan kasabay ng aking pagmumuni-muni ay may tatlong salita ang syang umagaw ng aking atensyon

“tulungan nyo ako…” Nahihiripang bigkas ng isang tao

As much as possible ay ayaw kong make-alam sa buhay ng mga tao.

Pero merong nag-uudyok sa akin na puntahan ito

Kaya bigla akong naglaho at napunta bigla sa gitna ng kalsada na kung saan iilan lang ang mga sasakyan na pumupunta dito.

At nakita ko ang isang ginang na nakahandusay sa gilid ng kalsada at duguan na ito

Naglakad ako palapit sa ginang at nakita kong nahihirapan syang tumingin sa akin, pinilit nyang itinaas ang kanyang kamay at sinabing

“tu… Tulungan mo.. Ako” Nahihirapan nyang sabi

“pasensya na pero, ayokong makealam pag kamatayan na ang pinag-uusapan” Mahinang sabi ko, at hindi ito nakapagsalita

Ng bigla nyang hinawakan ang kanyang tyan

“kung totoo man ang Diyos, sana kahit anak ko nalang ang iligtas nya kahit wag na ako, nagmamakaawa ako” Nagsusumamo nyang sabi

Dahil sa kanyang sinabi ay pikit mata ko nalang pinitik ang aking daliri at tyaka ako umalis sa lugar na iyon

CHAPTER 5

Shin Pov

Kumakain ako dito sa Manok Restaurant kung saan mga ibat-ibang klase ng fried chicken ang mga nasa menu nila ng biglang may lumabas na papel sa aking harapan, nagpapahiwatig na meron na naman akong susunduin

“aysss……. Bakit ngayon pa!?, kumakain ako eh!” Reklamo ko tyaka ko kinuha ang aking sumbrero at lumabas sa restaurant mahirap na baka paghinalaan nila ako, pero bago yun nagbayad muna ako tyaka lumabas

Gabi na pero may trabago parin ako, ano ba yan!!???

Tyaka ako tumingin sa kalangitan

“ so masaya ka na!!??“ Malakas na daing ko habnag nakatingin sa taas at biglang kumulog ng malakas

“ito naman si boss, hindi mabiro, okey pupunta na ako!” Sabi ko at sinuot ang aking sumbrero

[Author: pag sinusuot ng mga grim reaper ang kanilang sumbrero ay nagiging invisible sila sa mga tao, at ang isa naman ay napupunta sila sa lugar na kung saan mamamatay ang taong kanilang susunduin]

Tama na ang paliwanag author nandito na ako sa set, you know!!?

Pero ang pinagtataka ko ay nasaan ang mamamatay na tao

Nakita ko ang dugo na nagkalat pero asan ang yung tao?

Nilabas ko ang papel at tinignan ang detalye

Name:

Rosa Pambalan & Baby

Reason:Car Accident

Time: 11:04 pm

May mali ba sa binigay ni boss?

Hmmmmm…

Haysssttt… Anong gagawin ko!? Magugulo na yung listahan ko neto!!??

Bahala na!!!

Sabi ko tyaka naglaho at napunta ako sa lugar na kung saan dumadaan ang mga kaluluwa bago mapunta sa langet o impyerno ito ang Room of Decision

Ano bang nagyayari?

CHAPTER 6

Narrators Pov

7 years later

Nagpakalayo-layo si Rosa Pambalan ng mangyari sa kanya ang isang himala, bagkus masaya sya at ligtas silang dalawa ng kanyang anak

At sa pitong taon na iyon ay ginugol lang ni Rosa ang kanyang atensyon para sa kanyang anak na babae na si Sarah Pambalan

Ang mag-ina ay paminsan-minsan na pumupunta sa bayan para dalawin ang isang matandang babae na nagtitinda ng mga gulay at doon sila bumibili ng kanilang uulamin kasi mas mura ang benta ng matanda sa mga gulay neto.

Isang araw at iyon ay sabado kaya naisipan ni Rosa na ipasyal ang kanyang anak sa malapit na playground sa kanilang bahay

Habang nasa kalagitnaan ng paglalaro ang anak ay bigla itong tumayo at may nilapitan sa gilid kaya nagtaka si Rosa at nilapitan din ang anak na ngayon ay parang may hinahawakan sa hangin

“hmmm.. Anong pangalan mo?, asan ang amo mo?” Tanong ng anak na babae pero nakita ni Rosa na wala itong kausap

Kaya pumasok sa isip nya na.

Nakakakita ba ang anak ko ng ispirito?

Yan ang tanong nya pero binaliwala na lang iyon at tyaka sila umuwi

Pero hindi alam ni Rosa na nabu-bully na pala ang kanyan anak sa school neto dahil daw nakakatakot si Sarah kasi parang may kinakausap ito pag nag-iisa

CHAPTER 7

Narrators Pov

.

.

.

Dumating ang araw na pinakahihintay ni Sarah at ito ay ang kanyang kaarawan (August 15)

Hindi naman alam ni Sarah na may handa pala ang kanyang ina

Sa bawat kaarawan kasi ni sarah ay puro mga gulay lang ang handa neto at tanggap naman ni sarah kasi alam nyang wala silang kaya sa buhay, pero pinapangarap kasi ni sarah na sana may cake naman sa kanyang kaarawan, kaya kumayod ang kanyang ina para lang makabili ng cake na gusto ng kanyang anak

Pero sa gabing kanyang pag-uwi ay nangyari na ang kinakatakot ni Rosa, patawid na sana sya sa kalsada pero may nakita syang matanda na patawid sa kabilang kalsada at iba naman ang dereksyon na lalakarin ni Rosa kaya nilagay nya muna ang cake sa gilid at tinulungan ang matanda pero sa hindi inaasahan ay merong malaking truck na papalapit sa kanila at parang wala itong balak na tumigil kaya tinulak ni Rosa ang matanda dahilan para sya lang ang mabangga ng truck at nagpagulong-gulong ang kanyang katawan na ngayon ay wala ng malay.


Sa kabilang banda ay kauuwi lang ni Sarah galing sa paglalaro

“ma!! Nandito na ako!” Siga ng bata

“o anak!, halika dito may surpresa ako” Sabi ng ina at dali-daling pumasok si sarah at nakita ang kanyang ina na nakaupo sa sahig at kaharap ang cake na pinapangarap ni sarah sa kanyang kaarawan

“wow!” Sabi ni sarah

“maupo ka dito at sindihan mo na itong maliit na kandila” Nakangiting sambit ng kanyang ina

CHAPTER 8

Narrators Pov

.

.

.

Masayang lumapit si sarah at umupo sa harap ng kanyang ina

“alam mo ba mama, nakakuha ako ng perfect score kanina na sa school” Nakangiting sabi ni sarah

“ang galing naman ng anghel ko” Sabi naman ni rosa

At kinuha naman ni sarah ang posporo sa gilid at sinindihan ang maliit na kandila na nasa tuktok ng cake at ng nasindihan neto ay biglang humangin dahilan para mawala ang sindi neto

At napatitig si sarah sa kanyang ina

“bakit anak may dumi ba sa mukha si mama?” Nakangiting sabi ni rosa

“hindi ikaw ang mama ko?” Naluluhang sabi ni sarah

At nabigla naman si rosa sa sinabi ng anak

“talagang nakikita mo ang lahat” Matamlay pero may ngiting sabi ni rosa

“pa…patay ka na ba ma…mama?, pa….pano nagyari yun?, asan ka nga….ngayon?” Umiiyak at nauutal na tanong ni sarah sa kanyang ina

pumatak narin ang luha ng ispirito ni rosa kasi nakikita nya ang kanyang anak na umiiyak

“nasa malapit akong hospital sa bayan” Sabi ni rosa at tumayo si sarah para sana umalis ng magsalita si rosa

“suotin mo yung pulang scarf anak, kasi malamig ngayong gabi” Naiiyak na sabi ni rosa at nilapitan ni sarah ang tinutukoy ng kanyang ina at pinulupot sa kanyang leeg habang pumapatak ang kanyang luha

CHAPTER 9

Narrators Pov

.

.

.

Pagkatapos na pinulupot ni sarah ang scarf sa kanyang leeg ay tumingin ito sa kaluluwa ng kanyang ina

“masaya ako na kahit kaluluwa na ako ay nakita at nakausap mo ako sa huling pagkakataon, mag-iingat ka ngayon anak dahil wala na si mama na laging kasakasama mo, maging matatag ka aking anghel, at wag makikipag-away magagalit si mama nyan” Nakangiting sabi ng kangyang kaluluwa kay sarah at hindi napigilan ni sarah na mapahagulgol dahil sa lungkot

“opo mama, mahal na mahal kita” Sabi ni sarah sa kanyang ina

“mahal na mahal din kita aking anak” Sabi ni rosa at lumabas na si sarah sa maliit nilang bahay pero nagulat ito kasi may nakita syang lalake na nakatayo malapit sa kanya at naka suot ito ng all black

“sino ka?” Tanong ng batang sarah

“ikaw ang dahilan kung bakit nagkagulo-gulo ang listahan ko, at ito na ang oras mo para madala ko na ang kaluluwa mo at ng iyong ina” Malamig na sabi ni Shin sa batang sarah na ngayon ay natatakot sa kanyang nakikita, ngayon nya lang napagtanto na isang grim reaper ang kanyang kaharap

“layuan mo ang bata” Sabi ng isang matandang babae at nilingon ni sarah kung saan iyon nanggaling

CHAPTER 10

Narrators Pov

.

.

.

“lola!” Sabi ni sarah at tumakbo tyaka pumunta sa likod ng matanda

“sino ka?” Tanong ni Shin sa matanda

“ako lang naman ang kanyang lola” Sabi ng matanda

“akin na ang bata” Sabi ni shin

“pabayaan mo ang bata, hayaan mong pumunta muna sya sa katawan ng kanyang ina” Sabi ng matanda at napagtanto naman ni shin ang gustong ipahiwatig ng matanda

“ikaw bata! (at sumilip naman si sarah sa likuran ng matanda para makita ang grim reaper) hindi man kita makukuha ngayon, sisiguraduhin kong magkikita tayo ulit” Sabi ni shin sa batang sarah at nagtago ulit sa likod ng matanda

“nasa loob ang kaluluwa ng kanyang ina” Sabi ng matanda at naglakad ang grim reaper papasok sa maliit na bahay para masundo ang isang kaluluwa na matagal ng nawawala sa kanyang listahan

Ng nakapasok ang grim reaper ay lumuhod ang matanda at pinantayan si sarah na ngayon ay natatakot sa grim reaper na kanyang nakita kani-kanina lang

Binigay ng matanda ang repolyong hawak neto kay sarah at saka sinabing

“regalo ko iyan para sayo, puntahan mo na ang iyong mama sa bayan, at pagkatapos nun dadating ang inyong tita at aampunin ka, kaya magpakabait ka sa kanila” Sabi ng matanda at niyakap ni sarah ang matanda

“mamimiss kita lola” Sabi neto at tyaka kumalas at tumakbo para pumunta sa bayan

“mamimiss din kitang bata ka” Nakangiting sabi ng matanda at biglang naglaho na parang hangin

CHAPTER 11

Mark Pov

7 years later

Wala na akong ibang ginawa kundi maglakad sa mga ibat-ibang pintuan para pasyalin ang bawat contenente ng mundo, pero hinihingi ko parin na sana dumating na ang araw na merong huhugot ng espada na nakatarak dito sa dibdib ko

I’ve been living a long life , and all I want is to die already


Napag-isipan kong mamasyal ngayon sa bayan at dinala ang aking payong kasi ramdam kong uulan ngayon, at tyaka ako naglakad sa pintuan at lumabas ako sa pintuan ng cr na malapit sa Park

Naglakad-lakad ako at napatingin sa isang malaking bato na kasing laki ng isang bahay, kasi pinaniniwalaan ng mga tao na swerte ito at nanggaling sa ibang planeta, tssskk… Mga tao nga naman, pero sa malaking bato na iyon ay nakita ko ang isang grim reaper na nakaupo at umiinom ng kanyang kape, gwapo sya pero mas bagay sa kanya ang cute kasi mas gwapo ako.

Napatingin sya sa aking gawi at nagulat sya na parang alam nyang may nakatingin sa kanyang bahay

“tsskkk.. So vulgar” Nakangisi kong sabi habang nakatingin sa kanyang mata tyaka umalis.

Shin Pov

Nagulat ako ng may nakita akong tao na nakatingin sa gawi ko na parang alam nyang may nakatira dito kahit na malaking bato lang ito sa mata ng tao, at doon ko lang na realise na isa pala itong goblin

“tsskkk.. So vulgar” Nakangisi nyang sabi, tyaka umalis

“huh!!! Haha! eh ano ngayon!?” Inis na sabi ko na lang sa hangin

CHAPTER 12

Sarah Pov

Naglalakad ako suot ang aking pulang scarf patungong University, ng biglang may nagpakita na multo sa aking harapan, nakatingin sya sa akin kaya nilayo ko ang aking tingin para hindi kami magka-eye contact, kaya ang ginawa ko na lang ay kinuha ang headset sa aking bulsa tyaka sinalpak sa aking teynga para kunyari nakikinig lang ako ng music

“alam kong nakikita mo ako!!!” Sabi nya pero hindi ko parin pinapansin

Biglang syang lumapit at napatigil ako sa aking paglalakad

“tama ako!!! Nakikita mo ako!!!” Sabi nya pero naglakad lang ako ng deretsyo at tumagos sya sa katawan ko

Pero sumunod sya sa aking paglalakad

“ikaw ang goblins bride, diba?” Tanong nya, sa lahat ng multo na nakikita ko ay tinatanong nila o kaya sinasabi nila na ako ang goblins bride kaya nawalan na ako ng pasensya

“ano ba yang giblins-goblins bride na yan!!?” Pasigaw kong tanong na nagpagulat sa multo at alam ko narin na nakatingin ang mga taong naglalakad sa akin kasi nagsasalita akong mag-isa buti nalang naka headset ako para iwas hinala ng kunti

“kailangan Pasigaw?” Gulat na tanong ng multo

“ang goblins bride ay ang mapapangasawa ng goblin” Simpleng sabi nya

“malamang, bride nga diba!, pero bakit ako!?” Inis kong tanong

“aba malay ko!!, basta yun lang ang na-chismiss ko sa mga ibang multo, sana all bride!!” Sabi nya kaya napa-roll eyes na lang ako ng di-oras at tyaka sya iniwan

CHAPTER 13

Mark Pov

Nandito ako ngayon naka-upo kaharap si lolo ramon, matagal na syang nagsisilbi sa akin pati narin ang kanyang ancestor’s of ancestors lahat ng mga ninonoo nya sa past hanggang sya sa kasalukuyan, at meron din syang apo na lalake

“ano na ang plano mo master?, ngayon pa at hindi pa nagpapakita ang iyong magiging bride” Sabi nya

“hindi ko alam lolo ramon baka wala sya dito sa pilipinas kundi nasa ibang bansa, kung gayun man ay kailangan kong puntahan ang mga ito” Seryosong sabi ko

“kailangan mo ba talagang gawin ito master?, hindi ba pwedeng mabuhay ka na lang ng matagal?” Nalulungkot nyang tanong

“gugustuhin ko man pero napapagod din ako lolo, gusto ko na ding magpahinga, kaya kung kinakailangan mang maglakbay at puntahan ang mga contenenteng yan ay gagawin ko” Sabi ko magsasalita na sana si lolo ng biglang may nagsalita

“aalis ka tito!?, kung ganon, pwedeng akin na ang credit card mo” Naka ngiting sabi ng apo ni lolo ramon na si Ray, isang binata na adik sa credit card o basta pera! kaya kinutusan ko ito

“aygo!!! Tong bubwit na to talaga, hindi pwede!” Sabi ko na natatawa, at ang loko nag-pout sa harapan ko tyaka tinignan nag kanyang lolo

“lolo tignan mo si tito ayaw ibigay yung credit card sakin” Sumbong neto pero si lolo ramon naman ay kinutusan ang binata kaya wala ng nagawa si Ray at nagwalk-out kaya hindi namin mapigilang pagtawanan sya sa kanyang pagiging isip bata

CHAPTER 14

Sarah Pov

Nandito ako ngayon sa inuupahan kong maliit na bahay, at naghahanda ako ngayon kasi may part time job pa ako ngayong gabi na kailangan pasukan.

Pero bago maghanda ay pumunta muna ako sa aking kusina slash, sala slash, balkunahe slash kwarto narin, ganyan kaliit ang bahay na pinauupahan nila sa akin pero wala akong magagawa kundi magtiis, kaya kumuha na ako ng plato nilagyan ng medyo panis na kanin at pumunta sa lamesa.

Nagtataka kayo kung ano ang ulam ko no?

Tinanggal ko ang maliit na panakip at nakita ko yung hotdog na binili ko kahapon, inamoy ko ito, at hindi naman amoy panis kaya sya na ang inulam ko..

Comment kayo kung naranasan nyo na ito

Pagkatapos kumain ay nagderetyo na ako sa katabing banyo at naligo, sinabay ko narin ang pagsisipilyo para mas mabilis matapos


Heto ako ngayon naglalakad papapunta sa lugar kung saan ako magtratrabaho, Sa gabi pumupunta ako sa hotel at naglilinis ng nga cr, sa umaga pumupunta ako sa jollibee at naghuhugas ng mga plato at kasunod nun pumupunta rin ako sa kalayong Chowking at naglilinis sa kusina nila.

Sapat naman ang kinikita ko, sapat na para mabayaran ang aking upa at mapag-aral ang aking sarili, Afternoon po ang klase ko kaya may trabaho ako sa umaga.

CHAPTER 15

Shin Pov

Umiinom ako ng kape ng biglang may lumabas na papel sa aking harapan Napaikot nalang ako ng aking mata, at kinuha iyon tyaka ako tumayo

“nagkakape pa eh…” Mahinang daing ko tyaka kinuha ang aking sumbrero at lumabas sa aking bahay

Sinuot ko ang aking sumbrero at napunta ako sa isang liblib na lugar at nakita ang nakahandusay na tao malapit sa malaking puno, lumapit ako at nakitang nahihirapan itong huminga

Tinignan ko ang papel

Name:

Melinda Oandas

Age: 47

Cause: Heat stroke

Date: August 11, 2020

Time: 12:10 pm

Tinignan ko ang aking relo at meron na lang syang isang minuto bago mamatay

At nawalan na nga ito ng malay at bumangon nag kanyang kaluluwa

“sumama ka sa akin” Sabi ko at lumapit sya sa akin at bigla kaming naglaho.

Naglalakad kami ng biglang nakita ko si Sarah na kung tawagin naming nga grim reaper ay lost soul kasi sya ang nawawalang kalukuwa sa aking listahan

Pupuntahan ko na sana sya ng biglang nagpakita ang isang matanda kaya napahinto ako at napangisi

“sadyang lagi kang sumusulpot matanda, or should I say Madam X” Sabi ko at biglang naging dalaga ang matanda

“wag mo syang lalapitan, kung ayaw mong mawala ang kaluluwang kasama mo ngayon baka madagdag pa sa listahan mo ng mga lost soul” Sabi nya at napatingin ako sa kaluluwnag kasama ko at naginhawaan ako ng makita ko sya sa aking likuran tyaka ako tumingin kay madam X

“may araw karin” Sabi ko at naglaho kami ng kaluluwa tyaka napunta kami sa loob ng aking bahay


Fun Fact: Melinda Oandas ang nanay ni Sandria Oandas na kabit sa aking story na “LET’S PLAY”

CHAPTER 16

Shin Pov

“inumin mo ito” Sabi ko kay Melinda at kinuha nya ang tasa at ininom ang kape

“at buksan mo ang pintuang iyon” Sabi ko at tinuro ang pintuan, tumingin sya sa akin at tyaka nagsalita

“ano ang mangyayari sa akin pag tumawid ako sa pintuan iyan?” Tanong nya

“hindi ko iyan masasagot, sandyang ikaw lang ang makakaalam ng kasagutan sa iyong katanungan” Sagot ko sa kanyang tanong

Napatango ito tyaka tumayo at nilapitan ang pintuan, nagdadalawang isip pa ito kong bubuksan ba nya ang pinto o hindi

“ano pang hinihintay mo Melinda” Sabi ko at ng binuksan nya ang pintuan at biglang merong may malaki at maitim na kamay ang humablot sa kanyang katawan at napasigaw ito

“tulungan mo ako!!!, pakiusap!!” Sigaw nya at pilit hinihila ang kanyang sarili, tumayo ako at nilapitan ito

“ sadyang ang sama-sama mo lang noong nabubuhay ka, kaya nababagay lang sayo iyan“ Cold kong sabi at tinulak ito dahilan para makuha ang kanyang katawan at sinara ko ang pintuan

“hagard!!!, kailangan kong mamasyal ngayon, nakakaloka kasing Melinda yan!” Sabi ko at lumabas ng bahay

At pumara ng sasakyan, kaming nga grim reaper ay pwede kaming magpanggap na tao at gawin ang nga gusto naming gawin dito sa lupa, kaya masaya ako na naging grim reaper ako.

CHAPTER 17

Shin Pov

“ para po manong!, dito na po ako!“ Sabi ko at nagbayad tyaka lumabas

Nagtataka kayo kung saan ko nakuha yung pera ko no?

Well kaming mga grim reapers pag may masusundo kaming kaluluwa ay meron din kaming natatanggap na sahod galing sa itaas, na pwede naming gamitin pag nagpapanggap kaming mga tao pero pag walang pera pwede naming gamitin mga sumbrero namin para maglaho, maging invisible in short gustong takasan ang mga babayaran hahhaha

Naglakad-lakad ako at may nakita akong nagtitinda ng mga fishballs kaya nilapitan ko ito

“bente nga pong fishball manong” Sabi ko tyaka ko kinuha ang basong may laman ng fishball at binigay ang aking bayad

Sinimulan kong maglakad ng biglang may kumalabit sa akin sa pamamagitang ng paghila nya sa aking damit kaya napatingin ako kung sino iyon at nakita ko ang isang madungis na batang namamalimos

“palimos po” Sabi ng bata kaya lumuhod ako at binigay ang fishball na aking kinakain tyaka kinapa ang aking bulsa at eksaktong nakuha ko ang bente at binigay sa kanya

“pambili mo ng iyong inumin para dika mabilaukan” Sabi ko at nakangiti itong umalis

“may puso din pala ang mga kagaya ninyo” Sabi ng isang boses at medyo nainsulto ako dun kaya nilingon ko kung sino ang nagsabi nun at nagulat ako sa aking nakita.

CHAPTER 18

Shin Pov

Tumayo ako at tinignan sya ng matalim

“sadyang judgemental ka lang kasi sa aming mga gream reaper” Seryosong sabi ko

“eh… Bakit ang talim ng tingin mo sakin?” Nakangisi nyang tanong kaya napailing na lang ako

“ewan ko sayong goblin ka!!” Inis kong sabi tyaka naglakad at nilagpasan sya

Tama kayo ng nabasa, ang nag-iisang goblin ang nagsabi ng nakakainsultong mga salita kani-kanina lang

“hoy!, san ka pupunta?” Tanong nya

“wala ka ng pake!” Inis kong sabi

“ito naman galit agad?, ako nga pala si Mark” Pagpapakilala nya

“wala akong pake!” Sabi ko

“ang sungit-sungit neto, ganda ka!?” Inis na din nyang sabi kaya napatigil ako sa aking paglalakad at hinarap sya at napatigil din sya sa pagsunod sa akin

“pwede ba wag mo akong sunda! , katatapos lang ng trabaho ko at gusto kong magsaya kaya kung pwede lumayo-layo ka sa akin” Naiirita kong sabi

“dami mo ng sinabi ah… Edi lalayo!” Sabi nya at naglakad patalikod para makalayo sa akin

“malayo na ba ito??!!” Sigaw nyang tanong sa akin kaya napasapol na lang ako sa aking noo dahil sa kakulitan slash katangahan ng goblin na ito

“bahala ka dyan!!, kung hindi ka lalayong matanda ka!!, ako na lang ang lalayo!” Sigaw ko

“anong sabi mo ako!! Matanda!!! Aba––”.

Naputol ang kanyang sasabihin kasi naglaho ako at napunta sa isang cubicle, ng lumabas ako ay napagtanto kong nasa Mall pala ako kaya sinimulan ko ng naglakad at nilibot na lang ang mall.

CHAPTER 19

Mark Pov

Nakauwi nako at nagtungo agad ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig, ng bigla kong naalala si Mr. Grim Reaper

Ako matanda?? Tskkk…

Habang iniisip iyon ay hindi ko mapigilang mapangisi at napahagikhik narin sa kasungitan ng grim reaper na iyon.

Bakit kaya ang sungit non? Hindi ko pa nalaman yung pangalan nya

Habang iniisip ang lalakeng yun ay merong biglang nagsalita

“mukhang masaya ka ngayon ah, master” Sabi ni lolo ramon at tinignan ko sya

Tinuro ko ang aking sarili

“ako masaya??” Tanong ko at tumango naman ang matanda

“sino naman po ang swerteng babaeng nagpapasaya sayo?” Tanong nya

Pasensya na lolo pero hindi babae ang nagpapasaya sa akin

“ah wala.. Masaya lang ako kasi, wala lang” Sabi ko at tyaka sya iniwan na nakangisi

Paglabas ko ng kusina ay nakita ko naman agad si Ray

“tito, pera mo nga dyan, pambili ko lang ng bagong cellphone nasira kasi kahapon yung iphone 11 ko eh..” Sabi nya at nakapuppy eyes pa ang loko

Napaikot na lang ako ng aking mata at nilabas ang aking credit card

“yan!, ibalik mo din yan agad” Sabi ko at kinuha nya ito tyaka lumabas na may malaking ngiti sa mukha

“master, iniispoil mo naman ang apo ko”. Sabi ni lolo

“okey lang yan lolo, pano na kung nawala na ako diba?” Sabi ko sa kanya

“master” Mahina nyang sabi pero inunahan ko na sya

“labas muna ako lolo, magpapahangin lang ngayong gabi” Sabi ko at kinuha ang aking jacket tyaka binuksan ang pinto

Behind The Scene

Authors Pov

May nagbabasa pa ba neto?

Maganda ba itong story?

Okey lang ba ang twist?

Madami akong gustong itanong pero yan na lang muna.

Mahirap na baka walang nagbabasa ng kwentong ito at baka aasa lang ako sa wala

Pero kung meron man, salamat at binabasa nyo ito..

Ps. Mahal ko kayo mga kasalsal💛💛💛

CHAPTER 20

Sarah Pov

Katatapos lang ang aking trabaho at yun ay ang maglinis ng mga cr sa hotel at heto ako ngayon nakatayo sa labas ng cr at tinitignan ang nga taong pumapasok neto, ang hirap kasing isipin na yung pinaghirapan mong linisin ay dudumihan lang ng ibang tao ang masaklap pa doon ay ang dali-dali lang nilang gawin iyon, kaya tumalikod na ako at hinawakan ang aking bag tyaka lumabas sa hotel.

Habang naglalakad ay napapaisip na lang ako na sana pinanganak na lang akong mayaman , sana hindi nalang namatay si inay, sana mayaman na lang ang napangasawa nya, at sana makahanap ako ng lalakeng gwapo na mayaman pa.

Pero habang napapaisip ay biglang may lumitaw na kaluluwa sa aking harapan, nagulat ako pero hindi ko iyon pinahalata pero nagakakamali ako, kasi nahalata ng multo na nakikita ko sya

“ikaw na yata ang tinatawag nilang Goblins Bride?” Tanong nya, pagkalipas ng ilang minuto ay kinukulit nya parin ako at takot na takot na talaga ako, ng biglang naglaho sya at lumitaw bigla ulit sa aking harapan, kaya napasigaw na ako

“ahhhh, tama na!” Sigaw ko

“aalis ka o ikaw ang mawawala” Sabi ng isang boses at paglingon ko ay nakita ko ang isang matipuno at gwapong lalake.

“pasensya, aalis na ako!” Sabi ng multo at agad na naglaho

Nagtaka naman ako pero paglingon ko sa lalake ay wala na ito sa aking likuran.

Sino ka?

CHAPTER 21

Sarah Pov

Birthday ko na pala ngayon august 15 na,kaya naisipan kong bumili ng cake at pumunta sa malapit na beach,hindi ko ba nasabi sa inyo na merong malapit na beach dito at ito ay isang sakayan lang, gusto kong ipagdiwang ang aking birthday doon, kasi mas nakakarelax ang alon ng karagatan at maganda pagmasdan ang asul na kulay neto.

Nandito na ako sa dalampasigan at buti na lang hindi malakas ang simoy ng hangin kaya nasindihan ko ang maliliit na kandila na nasa tuktok ng cake, tumingin ako sa malayo at pinagmasdan ang mga alon tyaka nagsalita.

“sana nandito ka ngayon inay, pero okey lang dalaga na anak mo, yan lang ang gusto kong sabihin at miss na miss na po kita”

Pinunasan ko ang luhang nagbabadyang pumatak at tyaka pumikit

“sana may magandang mangyayari sa aking ngayon, kahit hindi ngayon pwedeng bukas o sa isang buwan, sana nga”

Bulong ko sa hangin at tyaka hinihipan ang kandila at tyaka dinamdam ang hangin na tumatama sa aking pisngi ng biglang…..

“ikaw na naman!?”

Tanong ng malalim na boses at pagdilat ko ng aking mata ay nakita ko ang lalake na tumulong sa akin ng gabing iyon pero isa pa la syang kaluluwa kaya tumayo ako at nilapitan sya

“alam kong multo ka pero paano mo alam na nandito ako, sinusundan mo ba ako?”

Nag-uusisang sabi ko

“hindi kita sinusundan,ikaw kaya ang dahilan kong bakit bako nandito ngayon”

Sabi nya kaya napakunot ang aking noo

alam kong hindi ka ordinaryong multo

Bulong ko sa hangin tyaka napaisip, at biglang lumaki ang aking mata ng marealise ko ang lahat.

CHAPTER 22

Sarah Pov

“ikaw ba ang goblin?, bakit dika makapagsalita?, ikaw ba talaga ang goblin?” Kanina ko pa sya kinukulit at hindi parin nya ako sinasagot

Paano ko nasabi na sya ang goblin?

Sino ang hindi magtataka diba,lahat ng mga multo na nakakakita sa kanya ay tinatakbohan sya at napatunayan ko yan kanina kasi habang sinusundan ko sya ay nagsisilaho ang mga multo na sana ay lalapit sa akin, kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at pinilit syang pinaharap sa akin tyaka ako nagsalita

“sabihin mo na kasi kung ikaw ang goblin?” Huling sabi ko at hinaglit nya ang kanyang kamay tyaka ako tinignan ng matiim sa aking mata

“ako nga ang goblin at ano naman iyon sayo?” Tanong nya sa akin

Napangiti naman ako tyaka sya tinignan, mata sa mata

“ako ang goblins bride” Sabi ko at naramdaman ko na parang natigilan sya at tinitigan ako ng maiigi

“pano mo nasabi?,alam mo ba na yang sinasabi mo ay pwede ng magkagulo-gulo ang buhay mo,kaya itigil mo na itong kahibangan na ito” Mahaba nyang sabi sa akin at balak na naman sana nyang mag walk out kaya hinawakan ko na naman ang kanyang kamay

“hindi ka ba titigil?” Inis nyang tanong sa akin

“ako nga ang goblins bride! Tignan mo ito” Sabi ko tyaka ko binitawan ang aking pagkakahawak sa kanyang kamay tyaka ako tumalikod at hinawakan ang aking buhok at tinaas ito dahilan para makita nya ang markang nakatatak sa likuran ng aking leeg na syang palatandaan na ako talaga ang goblins bride.

CHAPTER 23

Mark Pov

Noong una ay hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nya pero ng pinakita na nya ang marka sa likuran ng kanyang leeg ay doon na ako natigilan.

Noon ay hinahangad ko na sana dumating na ang babae na syang huhugot ng espada na nakatarak sa aking dibdib, pero ngayon na nasa harapan ko na sya ay parang nagbago ang aking hangad, pero binaliwala ko na lang muna iyon at tyaka sya tinignan

“ako nga ang goblins bride, papakasalan mo na ba ako?”

Nakangiti nyang sabi at hindi ko mapigilang mapatawa sa kanyang reaksyon

“ang pagpapakasal ay para sa mga nagmamahalan”

Sabi ko naman

“eh…. kung ganon dapat magmahalan tayo kasi ako nga ang goblins bride, I LOVE YOU”

Sabi neto habang may ngiti sa mukha at ng nasilayan ko ito ay hindi ko alam aking mararamdaman pero umiwas na lang ako ng tingin sa kanya

“sinasabi ang I love you pagmahal mo lang ang isang tao”

Seryosong sabi ko

“pano mo pala ginawa iyon?”

Tanong ko

“ang alin?”

Tanong nya

“pano mo ako napapunta dito?”

Tanong ko ulit

“ewan hindi ko alam, pero ngayon na nandito ka, ipasyal mo naman ako, birthday ko kasi ngayon eh….”

Sabi nya

Tatanggi na sana ako pero nung sinabi nya na birthday nya ngayon ay wala na akong nagawa kundi ipasyal sya sa malapit na amusement park dito, hindi ko hawak yung credit card ko kasi nga biglaan na napunta ako dito pero buti na lang may pera akong dala-dala in case of emergency

“tara na”

Simpleng sabi nya at hinawakan ang aking kamay tyaka nya ako hinila papunta sa aming distinasyon

CHAPTER 24

Sarah Pov

Pauwi na ako at guise what, sinamaan nya akong umuwi ni Mr. Goblin, ang pogi nya talaga, matangkad, maputi, baka may abs rin, at habang iniisip ko sya ay hindi ko mapigilang kiligan habang iniisip ko yung mga nangyayari sa amusement park kanina, ikwekwento ko na sana pero tinatamad si author kaya wag na lang

“kumusta ka at ang iyong ina this past years?” Tanong nya sa aking likuran

“okey lang naman, namatay si inay noong mag seseven na ako” Sabi ko

“pasensya sa nangyari sa nanay mo” Sabi nya

“ano ka ba, okey lang iyon, hindi naman ikaw ang may kasalanan dun” Sabi ko

“malapit na ba tayo?” Tanong nya at kita ko naman na malapit na kami sa bahay na inuupahan ko

“dyan…malapit na tayo” Sabi ko sa kanya

Ng makalapit na kami ay nakita ko na parang nilalabas ang mga gamit ko sa loob, kaya dali-dali akong tumakbo at nakita doon ang land lady na parang inuutusan ang mga kalalakihan na naglalabas ng mga gamit sa loob

“ano pong nangyayari maam?” Nagtatakang tanong ko at humarap naman ito sa akin

“ano ka ba sarah,tatlong buwan ka ng hindi nakakapagbayad ng upa, eh…kung ganyan naman lagi ay mas mabuti pang palayasin na kita dito at maghanap ng ibang uupa” Sabi nya

“diba po sinabi ko pong babayaran ko po lahat “ Sabi ko

“hanggang kailan??, anyways lumayas ka na dito kunin mo mga gamit dito at umalis na kayo!!!” Sigaw nya, luluhod na sana ako ng hinawakan ni mr. goblin ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya

“hindi mo kailangang gawin yan, kunin mo na lang yung mga damit mo at mga importanteng gamit at doon ka na lang sa mansyon manirahan sa ngayon” Sabi nya sa akin at wala akong nagawa kundi mapatango na lang sa kanyang sinabi.

CHAPTER 25

Mark Pov

1 week na pala ang nakalipas nagmula nung lumipat si sarah dito sa mansyon, nung una ay parang nahihiya pa ito at gusto na nyang umalis para maghanap ng bagong lilipatan pero ang sinasabi ko sa kanya ay pwede syang tumira dito dahil sya ang goblins bride.

At sa isang week na iyon ay nakita ko at napansin ko sa aking sarili na ako ay masaya sa presensya ni sarah, at nakita ko rin na close na sila nila lolo ramon lalong-lalo na si ray

Ngayon nga at katatapos ko lang maligo at naisipan kong uminom ng tubig kaya lumabas ako sa aking kwarto pero nakita ko si sarah na naglilinis sa kusina kaya nilapitan ko ito

“bakit ikaw na naman ang naglilinis dito?” Nakangiting tanong ko

“pasensya na talagang nasanay na ako sa gawaing bahay” Nakangiti din nyang sagot sa akin

Tumango na lang ako at hinayaan ito sa kanyang ginagawa pero bigla akong napahinto at tnignan sya ulit at sakto naman na napatingin sya sa gawi ko

“bakit?” Tanong nya

“wala ka bang nakikita sa akin?” Tanong ko at seryoso syang napatingin sa aking katawan

“wala naman maliban na lang dyan sa gwapo mong mukha at maganda mong pangangatawan na nakakainlove” Nakangiti nyang sabi, napangiti ako sa papuri nya at nadismaya rin kasi kung sya talaga ang goblins bride dapat nakikita nya yung espada ngayon na nakatarak sa aking dibdib

Kaya napa-isip na lang ako Kung wala syang nakikita bakit may marka sya sa likod ng kanyang leeg na isang palatandaan na sya talaga? Sino ka ba talaga? Ikaw ba talaga ang goblins bride? O baka nagpapanggap ka lang?

Yang ang mga katanungan na gusto kong masagutan pero wag na muna sa ngayon.

CHAPTER 26

Shin Pov

Matagal-tagal narin pala ako ay nanirahan sa bahay na ito, at ngayon ko lang naisip na 20 years na pala ako dito sa malaking bato na naninirahan kaya naisipan ko naring maghanap ng bahay, yung maganda, malaki at nakikita ng mga tao, kasi naisip ko na why not bumili ako ng sarili kong bahay para mas maganda at para mas mukhang maging tao ako kahit alam kong patay na ako at isa lang akong grim reaper.

Kaya kinuha ko na ang aking sumbrero at sinuot kaya naglaho ako at napunta sa isang building na kung saan doon naghahanap ang mga tao ng bahay na kanilang bibilhin

Maglalakad na sana ako ng biglang may humawak sa aking kamay na nagpagulat sa akin, Tinignan ko ito kung sino ang lapastangan na humawak sa akin at nakita ko ang isang cute na binata

“bakit, anong kailangan mo?” Tanong ko

“naghahanap ka ba ng bahay? May bahay kasi akong binebenta, mansyon ito, aalis na kasi ang may-ari at gusto nyang ibenta ito na kahit sa murang halaga lang” Mahaba nyang sabi at nang narinig ko iyon ay hinawakan ko agad ang kanyang kamay tyaka sinabing

“tayo na, puntahan na natin iyang sinasabi mo” Sabi ko agad

Nandito na kami sa loob ng bahay, mansyon pala kasi naman ang ganda sa labas tas pagpasok ko meron pa palang igaganda

“ito naman ang kusina….” Sabi sana ni Ray pero naputol ang kanyang sasabihin kasi may nagsalita sa likuran namin

“anong ibig sabihin neto?” Nakita ko na natigilan si Ray sa kanayang pagpapaliwanag at parang narinig ko narin ang boses na iyon kaya sabay kaming napalingon ni Ray at nakita ko sa aking harapan si GOBLIN

CHAPTER 27

Shin Pov

Nalilito ako ngayon kasi bakit nandito ang goblin na iyan?, bibilhin din ba nya itong bahay?

Pero napansin ko na nakapangbahay lang sya ng damit.

At napalaki rin ang aking mata ng makita dito si sarah ang lost soul

Pero pinapunta ni mark si sarah sa kanyang likuran

Kaya napatingin na ako kay mark

“bibilhin mo din ba itong bahay?”

Tanong ko

Magsasalita na sana sya pero inunahan ko na ito

“well sorry ka na lang, kasi ako na ang bibili neto”

Sabi ko at napansin ko na parang gusto akong pigilan ni ray sa aking mga pinagsasabi

“pinagsasabi mo!!! mansyon ko ito,at sinong may sabi na binebenta ko ang sarili kong bahay”

Sabi neto na nakangisi kaya napatingin ako kay ray tyaka sya pinanlakihan ng mata pero nag-iwas lang ito ng tingin.

“kaya kung pwede ay umails kana dito”

Sabi nya

“okey fine!!!”

Sabi ko at aalis na sana ako ng hinawakan ni ray ang aking kamay tyaka sya tumingin kay mark

“tito, parang-awa mo na ah, wala na akong pera, diba sabi mo aalis kadin kasi sabi mo noon wala dito yung babaeng hinahanap mo”

Pagmamakaawa ni ray at napatingin ako kay sarah

Ikaw nga talaga ang goblins bride.

Pero bakit parang may iba akong nararamdaman

Parang hindi ko gusto ang mga susunod na mangyayari

CHAPTER 28

Mark Pov

Nung nakita ko na naman si grim reaper ay hindi ko alam kong ano aking mararamdaman, kasi pwede nyang kunin agad ang kaluluwa ni sarah, pero hindi ko maintindihan bakit parang nangingibabaw ang saya sa aking kalooban ngayon na nakita ko ulit sya.

nabigla lang ako sa mga pinagsasabi ni ray na binebenta ko daw itong mansyon ko, pero gusto ko ng tumawa nung nagtaray na si mr. grim reaper dahil kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkaasar

“sige naman oh tito”

Pagmamakaawa ni ray sa akin, hindi sana ako papayag kasi delekado ang buhay ni sarah pag magsasama sila sa iisang bahay pero dahil sa aking nararamdaman ay pumayag na ako, kasi gusto kong malaman kong ano nga ba itong nararamdaman ko

“pero sa isang kondisyon”

Sabi ko at nakita kong napataas ang kilay ni grim reaper

“ano pala pangalan mo?”

Tanong ko

“shin”

Sabi neto kaya napangiti ako

“yun lang?”

Takang tanong nya

At napatango lang ako

“okey, asan ang magiging kwarto ko?”

Tanong nya at sininyasan ko si ray na ituro ang kwarto ni shin

“this way madam”

Nakakalokong sabi ni ray pero nilapingos lang ni shin ang teynga neto at naglakad na sila papuntang kwarto nya.

CHAPTER 29

Shin Pov

Kagigising ko lang at gusto kong kumain kahit hindi ako nagugutom ay gusto ko paring i-feel na parang tao parin ako at dinadaan ko iyon sa pagkain, kaya lumabas na ako sa kwarto at napansin ko na parang ang tahimik dito sa loob ng mansyon

Kaya naglakad na lang ako papuntang kusina at nakita ko si mark na kumakain sa dulo ng mahabang lamesa

“kumakain ka?”

Tanong nya pero parang nang-aasar ang kanyang tuno

“oo, ikaw bakit ka kumakain?, as far as I know hindi naman nagugutom mang isang goblin na kagaya mo”

Sabi ko

“same as you”

Sabi nya pero napakuyom na lang ako ng palad

Talagang binebwisit ako ng lalakeng ito

“asan sina ray?, bakit parang ang tahimik yata?”

Tanong ko

“Pumasok silang dalawa ni sarah”

Simpleng sabi nya

“oh…. edi wow”

Sabi ko tyaka ko kinumpas ang aking kamay at nagsi-galawan ang mga plato at kutsyara at nilagyan neto ang sarili

“one more thing, wag mong gagamitin yang kapangyarihan mo pag nasa paligid natin si ray”

Sabi nya

“bakit naman?”

Takang tanong ko

“hindi nya alam na goblin ang tito nya, kaya sana wag mong ipapahalata na grim reaper kadin”

Sabi nya kaya tumango na lang ako.

CHAPTER 30

Shin Pov

Katatapos ko lang kumain at napag-isip-isip ko rin na wag mo na akong gumamit ng kapangyarihan ko kasi mas lalo lang akong manghihina, hindi kagaya ng isang goblin na unlimitted ang kanyang lakas, kami kasing mga grim reaper may limitasyon kaya naisipan kong wag mo ng gumamit ng kakayahan ko para iwas gulo narin pag nasa paligid si ray.

Tumayo na ako at kinuha ang aking plato at dumerityo sa lababo para hugasan ito, nagtaka naman si mark

“ilagay mo na lang dyan” Sabi nya

“wag na, ako na ang maghuhugas ng pinagkainan ko” Sabi ko at nakita kong binilisan nyang kumain tyaka tumayo ng naubos nya ang kanyang kinakain

“isama mo rin ito” Hirit nya

“ano ka sinuswerte?” Singhal ko naman

“maghuhugas ka na nga lang kaya isama mo na ito” Sabi nya ulit

“plato nya hugas nya, ganun dapat” Sabi ko, di ako papatalo!! As in no!!

Napa-tsk na lang sya at tumabi sa akin pero may pwersa dahilan upang muntikan na akong matumba kaya ginamit ko ang aking pwet para itulak din sya

“ohhh” Sabi nya na nakangisi kaya kumuha sya ng bula sa aking hinuhugasan at pinahid sa aking noo

“sinusubukan mo talaga ako” Sabi ko naman at nagbelat lang sya tyaka tumakbo palabas ng kusina Habang nang-aasar

CHAPTER 31

Shin Pov

Kumuha ako ng maraming bula at tyaka sya hinabol

“bumalik ka dito!”

Sabi ko

“bumalik ka dito”

Panggagaya nya pero sa tunong nakakaasar

“aghhhh”

Timpi ko at biglang naglaho at napunta ako sa kanyang harapan na nagpagulat sa kanya pero agad din syang nakapaglaho at napunta sa gitna ng sala

Kaya sinimulan ko ulit tumakbo papunta sa gawi nya pero ang ungas nakadila habang tinatakbuhan ako

Nakakainis pero nacu-cutetan ako sa kakulitan nya, pero dapat makaganti rin ako para patas

Binilisan kong tumakbo at tyaka naglaho ng mabilis at napunta sa kanyang likuran at hinila sya paharapan, ipapahid ko na sana ng bigla nyang hinaglit ang aking kamay dahilan para ma-out balance sya, sa kasamaang palad ay nadamay rin ako at natumba kaming dalawa

Sayang hindi kami nagkahalikan

Luh!!!! Pinagsasabi mo shin!!??

At nakita ko ang mukha ni mark sa malapitan, ang gwapo nya talaga, wala man lang katigyatigyawat ang lalaking ito, mapapatulala ka na lang ng biglang may nagsalita kaya tumingin kami at nakita ko ang isang matandang lalake na nakatayo sa aming harapan kaya napatayo kaming dalawa agad ni mark.

CHAPTER 32

Mark Pov

“ano ibig sabihin neto?”

Tanong ng isang boses at sabay kami napatingin sa nagsalita at nakita ko si lolo ramon na nakatangin sa amin, kaya dali-dali kong tinulak si shin dahilan para mapadaing ito sa gilid at tyaka ako tumayo, at tumayo na rin si shin tyaka tumingin sa akin ng masama

Narinig ko namang tumawa si lolo sa aming harapan

“ano pong kailangan nyo lolo?”

Tanong ko

“wala naman, baka naabala ko pa kayo”

Nalangising sabi neto

“hindi….”

Sabay naming sabi ni shin at nagkatinginan kami

Kaya napatawa na lang si lolo sa aming harapan

“maupo muna tayo dun”

Sabi ni shin, at sa wakas nagsalita din ang grim reaper na ito

Nandito kami ngayon nakaupo at pinag-uusapan si sarah, sinabi narin namin kay lolo na isang grim reaper si shin nung una nagulat sya, nahimatay pa sya ah buti na lang nasalo ko sya agad at nung nagising ay doon namin kwinento ang lahat ng nangyari kay sarah sa sitwasyon ni shin at sa sitwasyon ko.

Buti na lang nakuha lahat ni lolo ang gusto naming iparating.

CHAPTER 33

Mark Pov

“sigurado ka bang sya ang gonlins bride?”

Tanong ni shin sa gitna ng aming pag-uusap nina lolo ramon

“oo, sigurado akong sya ang goblins bride”

Sabi ko kahit may pagdududa rin ako

“meron ka bang pinanghahawakan?”

Tanong ni shin ulit sa akin

“meron, yung kanyang marka sa bandang likuran ng kanyag leeg na isang palatandaan na sya nga talaga ang goblins bride”

Mahabang sabi ko

“kung gayon, bakit hindi nya nakikita yang espada na nakatarak sa dibdib mo?”

Nakakunt na tanoong sa akin ni shin

“yang ang hindi ko alam, hindi ko alam”

Mahinang sabi ko

Shin Pov

1 week later

Isang week na nag-aasaran, nagkukulitan, at tyaka nagbabangayan sa loob ng mansyon sa tuwing pumapasok sina ray at sarah

At sa 1 week na iyon ay mas nakikilala ko si mark, at dahil narin sa 1 week na iyon ay mas nahulog ang nararamdaman ko sa kanya

Hindi ko alam kung bakit, pero mas lumalalim ang aking nararamdaman sa kanya sa tuwing kinukulit nya ako, inaasar at mga time na nag-aalala din sya

Mark bakit mo ba ginagawa sa akin ito?

Pinapahirapan mo itong puso kong ito

Shutagres!! Nagiging makata na ako!

Ang corny!!!!

CHAPTER 34

Sarah Pov

Pumasok na kami ni ray sa university.

At nandito na ako sa library kasi may ipinapagawang research ang aming prof, kaya naisipan kong tawagin si mark, alam ko na kung pano ko natawag si mark noong birthday ko at yun ay nung hinihipan ko yung candle at bigla na lang itong lumabas, kaya sinubukan kong bumili ng isang maliit na pack ng posporo para masubukan, there’s no harm on trying sabi nga nila.

Nilabas ko na nga ang posporo na aking dala-dala at sinindihan ito at hinihipan, at biglang lumabas si mark na may hawak na tinidor at may karne pa na nakalagay dito, isusubo na sana nya ng ako’y nagsalita

“masarap ba?”

Nakangiti kong tanong at bigla lang syang napadilat at tumingin sa paligid

“paanong nandito ako?”

Takang tanong ko

kaya pinakita naman ang posporong hawak ko

“sa pamamagitan neto”

Nakangiti kong sabi

“huh!!, bago yan, bakit mo ako tinawag? At sa gitna pa talaga ng pagsubo ko talaga”

Daing ko

“hahahaha mag papatulong sana ako kaya tinawag kita pero kumakain ka pala, sorry”

Paumanhin ko, pero aaminin ko nacucute-tan ako sa pag daing nya kanina, haha

“okey na yun, basta wag mo na ulit gagawin ito”

Nakangiti nyang sabi sa akin

At nakangiti akong tumango

CHAPTER 35

Mark Pov

Nagtaka ako kasi hindi na nangungulit si sarah, kaya hindi ako matahimik dito sa loob ng mansyon

At tinignan ko ang aking relo at nakitang gabi na pala

Sarah Pov

Pauwi na ako galing sa aking trabaho at naglalakad dito sa kalsada Iniisip ko kanina yung pangungulit ko kay mark, nakakatawa yung mga reacton nya pag tinatawag ko sya

Pero habang naglalakad ay parang may nakasunod sa akin, kaya binilisan ko ang aking paglalakad, pero ramdam ko na parang binibilisan din nila ang kanilang paglalakad, kaya tumakbo na ako ng mabilis

Tuloy parin ako sa pagtakbo pero napunta ako sa isang lugar na may malaking harang at doon na nila ako natagpuan, lumapit sila at hinawakan nila ako

“bitiwan ninyo ako!!!!, tulong!!! Tulong!!” Sigaw ko pero bigla nila akong sinikmuraan dahilan para manghina ako, naramdaman ko na binuhat nila ako at ang natatandaan ko na lang ay pinasok nila ako sa isang sasakyan bago ako nawalan ng malay

Mark Pov

“pwede maupo ka muna” Sabi ni shin na kanina pang naka-upo sa aking harapan

“parang may mali kasi eh” Mahina kong sabi kay shin

CHAPTER 36

Shin Pov

Kanina ko pa nakikita si mark na palakad-lakad dito sa sala, at hindi ko alam kong ano ang aking mararamdaman, nagseselos na ewan na hindi ko alam, pero binaliwala ko na lang iyon.

Sarah Pov

Naramdaman ko na parang umaalog ang aking paligid kaya pinilit ko ang aking sarili na idilat ang aking mata susubukan ko na sanang igalaw ang aking kamay para kunin ang posporo at tawagin si mark pero naramdaman ko na ito ay nakatali, kaya nawalan na ako ng pag-asa, tinignan ko ang mga dumukot sa akin pero hindi ko sila kilala

“ano ang kailangan ninyo sa akin?”

Nanghihina kong tanong sa kanila

“may utang ang nanay mo sa amin na hindi pa nya binabayaran, namatay sya kaya dapat ikaw na anak nya ang mag babayad nun, ang tanga kasi ng nanay mo eh…. ang galing nyang mangutang pero wala naman pambayad”

Sabi ng lalake at hindi ko mapigilang magalit kasabay ng luhang pumapatak sa aking mata

“tulungan mo ako, mark”

Mahina kong sabi kasabay ng aking paghikbi

Mark Pov

Habang ako ay nag-iisip ay biglang may narinig akong salita, at ito ay ang tinig ni sarah

“tulungan mo ako mark”

CHAPTER 37

Narrators Pov

Tinawag ni sarah si mark sa mahinang boses at umaasa si sarah na sana may sasaklolo sa kanya, pero hindi alam ni sarah na narinig pala ni mark ang kanyang pagtawag sa kanyang pangalan

At ng narinig iyon ni mark ay dali-dali itong kumuha ng coat, lalabas na sana sya ng sinabi ni shin na sasama din ito, kaya dali-dali silang naghanda at hinawakan ni mark ang kamay ni shin na hindi alam ni mark na sa simpling paghawak lang nya sa kamay ni shin ay hindi na maipaliwanag ang kanyang nararamdaman

Hinila ni mark si shin at sabay silang lumabas sa pintuan at lumabas sila sa isang cr in the middle of nowhere

Nagtaka silang dalawa at nagkatinginan pero biglang may narinig silang sumisigaw ng tulong at nakita nilang may papalapit na isang sasakyan

Kaya naghanda silang dalawa at nilabas ni mark ang kanyang espada na nakatarak sa kanyang dibid, kayang-kaya nyang gamitin ang espada pero babalik at babalik din ito pag natapos na nyang magamit kaya ang tanging makakahugot lang ay ang goblins bride

Biglang nagulat ang mga kidnappers dahil may nakita silang dalawang lalake na nakatayo sa kalsada, nakita rin ito ni sarah at nakita nya na sina mark pala at shin ang nakatayo

Kaya napaluha na lang ito sa saya

CHAPTER 38

Sarah Pov

“sino ba ang mga yan?”

Tanong ng isang lalake sa kasama nya

“hindi ko alam”

Sabi neto at binusinaan sina mark pero hindi parin sila umaalis sa mga pwesto nila

“sagasaan mo na lang sila”

Sabi ng isang lalake kaya napalaki na lang ako ng aking mata dahil sa kanyang sinabi

“wag!!!”

Sigaw ko

“manahimik ka!”

Suway nila sa akin

Pero biglang umilaw ang kamay ni mark at nakita ko ang espada na kanyang hawak, oo, nakikita ko yung espada na nakatarak sa dibdib nya pero hindi ko sinasabi kasi baka magka-ackwardan pa kami pag tinanong ko kung ano ang ikinamatay nya, kaya hindi ko na lang iyon sinabi na may nakikita ako nung tinanong nya ako

“ano yung nangyayari?”

Takang tanong ng lalake

Pero binilisan nila ang takbo ng sasakyan

Pero sa pagbangga ng sasakyan sa katawan nila ay biglang nahiwa ang sasakyan na aming sinasakyan, buti na lang nasa gilid ako kaya hindi ako nasama sa paghiwa

Naiyak na lang ako sa takot at saya kasi nandito silang dalawa para iligtas ako, nandito si mark para iligtas ako

Nilapitan ako ni mark at yinakap ako ng mahigpit kaya napakapit na lang ako sa kanya.

CHAPTER 39

Shin Pov

Nakita ko na nilapitan ni mark si sarah na umiiyak at niyakap nya ang babae

Imbes na maawa ako ay selos ang aking naramdaman, bakit ba kasi may nararamdaman pa ako sayong goblin ka, kaya nilayo ko na lang ang aking tingin

At nilapitan ang dalawang kidnapper na ngayon ay gulat na gulat parin sa mga nangyayari ng nakita nila ako ay bigla silang nagmakaawa

“patawarin nyo ako, kasalanan ito ni basilyo!”

Sabi ng isang lalake

“kasalanan mo ito romeo!”

Sabi din ni basilyo kay romeo

Napataas na lang ako ng kilay na may ngisi rin sa aking labi

“grabeh mga pangalan ninyo, basilyo at romeo, wahahah”

Tawa kong sabi at mas lalo silang nilapitan at tyaka ako nagsalita

“tumingin kayo sa kaing mata”

Bigkas ko at bigla silang napatingin sa aking mata kaya napangiti ako

“ang mga nangyari ngayon ay kagagawan ng iyong matagal ng away sa isat-isa, hindi ninyo matandaan ang mga nangyari ngayon kundi ang iyong away na dalawa lamang. PERIOD”

Sabi ko at bigla silang nawalan ng malay, epekto ng aking hipnotismo, once na gumising na sila ay wala na silang matandaan kundi ang ayaw na lang nila.

CHAPTER 40

Shin Pov

Umuwi na kami sa mansyon at pinahiga ni mark si sarah sa kanyang kwarto

Lalabas na sana kami ni mark ng bilang nagising si sarah

“mark”

Bigkas ni sarah at napatingin kaming dalawa sa gawi ni sarah at dali-dali namang lumapit si mark at niyakap ito, nakita ko naman na umiiyak si sarah habang yakap-yakap sya ni mark

“akala ko mamatay na ako, akala ko katapusan ko na”

Sabi ni sarah

“tahan na, okey na ang lahat, tumahan ka na, nandito naman ako para sayo, hahanapin at hahanapin kita kahit nasaan kaman”

Pag-papatahan ni mark kay sarah

“salamat, salamat”

Sabi ni sarah at niyakap ng mas mahigpit si mark, napaikot na lang ako ng aking mata at lumabas sa kwarto ni mark

At napasandal na lang ako sa pintuan ng kwarto ni mark at napakawak sa aking mukha

At hindi ko namalayan na may pumatak na palang luha sa aking mata

“bakit ganito ang nararamdaman ko, imbes na maawa ako bakit malungkot ngayon ang nararamdaman ko”

Mahina kong sabi at impit akong humikbi para hindi nila marinig ang aking pag-iyak

Nakita ako ni ray sa ganitong sitwasyon at nilapitan nya ako at niyakap kaya napayakap na lang ako sa kanya at binuhos ang aking nararamdaman.

CHAPTER 41

Mark Pov

Isang week na ang nakalipas nagmula nung makidnap si sarah

“pasok muna ako sa trabaho ko”

Sabi nya, wala naman akong magawa kundi pumayag kasi kahit pagbawalan ko sya ay hindi rin naman sya makikinig sa akin

“kailangan ba talagang pumunta ka?”

Nag-aalala tanong ko sa kanya

“kailangan, walang mangyayari sa akin, wag kang mag-alala andyan ka naman eh”

Nakangiti nyang sabi kaya napabuntong hininga na lang ako at tumango sa kanyang kagustuhan kaya nakita ko na syang lumabas ng mansyon

Maya-maya lang ay lumabas si shin sa kanyang kwarto at parang may pupuntahan din sya

“san ka pupunta?”

Tanong ko

“may trabaho ako ngayon”

Malamig na sabi nya, napansin ko kay shin na parang ang cold nya sa akin magmula pa nong last week na may nangyari kay sarah

Bakit kaya?

“sama ako”

Sabi ko kaya napatangin na sa akin si shin at nakakunot ang kanyang nuo na parang hindi sya sang-ayon

“hindi pwede, ano na lang isipin ni boss na ang isang grim reaper ay may kasamang goblin, kaya hindi pwede”

Sabi nya, pero tumayo ako at kumuha ng coat

“san ka pupunta?”

Tanong ni shin

“sasama ako, sa ayaw at sa gusto mo”

Sabi ko kaya napaikot na lang sya ng kanyang mata na ikinatuwa ko naman

CHAPTER 42

Shin Pov

Nandito kami ngayon ni mark sa gilid ng kalsada, kanina pa kami naghihintay dito

“bakit ang tagal?, asan na ba yung susunduin mo?”

Tanong nya

“bakit ka pa kasi sumama-sama sa akin?, pwede ka namang umuwi kung gusto mo”

Suhesto ko pero niyakap nya ng mahigpit ang kanyang sarili at nagsalita

“hindi, dito lang ako, sasamahan kita”

Sabi nya at naramdaman ko na nag-init ang aking mukha kaya nilayo ko ang aking tingin sa kanya at tinignan na lang ang kalsada

Maya-maya lang ay may dalawang sasakyan ang magbabanggaan ng magsalita si mark

“magbabanggaan na sila, kailangan ko itong pigilan”

Sabi ni mark pero hinawakan ko lang ang kamay neto at sinabing

“wag kang makealam”

Sabi ko

“paanong hindi ako makikialam eh, may mamamatay sa aking harapan ngayon pag hindi ko ito pipigilan”

Sabi nya

“isa sa kanila ang aking susunduin, nakiki-usap ako, wag kang makealam”

Sabi ko at biglang nanlambot ang ekspresyon ng kanyang mukha at hinawi ang kanyang kamay.

nagbanggaan na nga ang dalawang sasakyan at nilapitan ko ang sasakyan tyaka nilapitan ang isang lalake na nasa loob neto

Name: Roy Bernarde

Age: 34

Cause: CAR ACCIDENT

Time: 10:04 pm

Date: august 25

At biglang bumangon ang kaluluwa ng lalake at isinama ko sya sa dating bahay ko kung saan nandoon ang room of decision, at tahimik parin si mark na nakasunod sa aming dalawa

Nagpahuli ako ng lakad para makasabay ko si mark

“minsan kasi, hindi natin maipigilan ang pagkamatay ng mga tao, pag kaya mong pigilan dapat wag mo ng pakealaman, kasi may kapalit itong mas malaking disgracia”

Mahinang sabi ko sa kanya at napabuntong hininga na lang sya.

CHAPTER 43

Shin Pov

Nakapasok na sa langit ang kaluluwa na aming sinundo ni Mark, at speaking kay Mark ay lumabas na ako sa Room of Decision at nakita syang nakatayo sa gilid at nakatingin lang sa kanyang paa na kanyang nilalaro

Nilapitan ko sya at tinapik

“Okey ka lang ba?, About pala kanina…” Naputol ang aking sasabihin ng bigla nyang hinawakan ang aking kamay

“Okey lang,tara date tayo!” Bigla nyang sabi na nagpagulat sa akin at hinila ako papunta sa pintuan ng Kwarto kaya napapikit ako, pagbukas ko ng aking mata ay nasa mall na kami kalalabas lang namin sa pintuan ng cr na nasa mall

Hila-hila nya parin ako kaya, hinila ko bigla ang aking kamay na nagpatigil kay mark

“Anong pinagsasabi mo?” Nagtataka kong tanong kay mark habang nakatingin sa kanyang mata

Mark Pov

Hindi ko alam kong ano ang pumasok sa aking isipan, ang alam ko lang ay gusto ko syang kasama, maka-date, nalilito ako pero gusto ko ang aking ginagawa

Kaya napangiti ako at hinawakan ulit ang kanyang kamay

“Hindi ko alam pero ramdam ko at gusto kitang makasama ngayong araw” Nakangiti kong sabi at napatingin si shin sa aking kamay na nakahawak sa kanyang kamay tyaka sya tumingin sa akin at nakangiting tumango, hudyat na pumayag sya sa date na gusto ko

CHAPTER 44

Sarah Pov

1 week later….

Pauwi na ako ng biglang may nagpakita sa akin na multo

“Ikaw ba ang Goblins bRide?” Tanong nya

Pero hindi ko ito pinansin kaya nagkunwari akong parang hindi ko sya nakita

Pero napatigil ako sa kanyang huling sinabi sa akin

“Akala mo ikaw ay para sa kanya pero hindi, kasi may mahal na syang iba” Yan ang sabi ng multo, kung ang sinasabi nya ay si mark, ay hindi iyon mangyayari kasi ako lang ang itinakda para sa kanya.

Kaya nagtuloy-tuloy na ako sa aking paglalakad pauwi

Habang naglalakad ako ay naalala ko yung mga kaganapan sa mansyon, yung pagiging super close nina shin at mark na para silang magkasintahan, kasi sa tuwing may trabaho si shin ay sumasama si mark, sa tuwing magtitinginan sila ay may ngiti pang kasama sa kanilang mga labi, pero isinawalang bahala ko lang ang mga iyon kasi, ramdam ko naman at kitang-kita ko kay mark na hindi sya papatol sa kapwa nya lalake ang masaklap pa ay sa isang grim reaper

…………….

30 mins. Later…..

Nasa harapan na ako ng mansyon ng makita ko na hinalikan ni mark si shin sa harapan mismo ng malaking pintuan, binaling ni shin ang kanyang mukha habang naghahalikan parin sila ni mark at ng imulat nya ang kanyang mata ay saktong ako ang kanyang nakita kaya natulak nya bigla si mark sa gitna ng kanilang paghahalikan.

CHAPTER 45

Shin Pov

1 week ang nakalipas nagbuhat nung unang sinamaan ako ni mark sa pagsundo ng kaluluwa at hanggang ngayon ay sinasamaan nya parin ako at pag natapos ko ang aking trabaho ay niyaya nya akong kumain at sinasabi sa akin na date na namin iyon.

Tuloy na tuloy na ganon ang aming set-up, pag-nahatid na nya si sarah sa school ay agad-agad syang uuwi para samahan o sumama sa aking pagsusundo.

Nalilito na ako sa aming sitwasyon na para bang laro lang lahat sa kanyang ang kanyang ginagawa na para sa akin ay nagiging dahilan ng pagkahulog lalo ng aking kalooban para sa kanya.

At heto na nga, katatapos lang naming kumain sa isang restaurant at pauwi na kami.

…………. Ng nasa harapan na kami ng mansyon at magkasabay kaming naglalakad ng naisipan ko syang tanungin.

“Ano ba talaga tayo?” Mahinang tanong ko at napabaling ang kanyang tingin sa akin

“Tayo na” Diretyo nyang sabi kaya napatingin na ako sa kanya

“Totoo ba yan!?, O baka ginagago mo lang ako!, Alam mo kung laro lang ito para sayo… *Tsup” Naputol ang aking sinasabi ng bigla nya akong hinalikan, smack lang naman, at ngumiti sya

“Gusto kita, kaya ko ito ginagawa, gusto kita kaya sinasamaan kita, at gusto kita kasi gusto kita” Maikling sabi nya pero tagos sa aking puso.

Wala akong imik at nakita kong hahalikan na naman nya ako kaya pumikit ako at saktong dumampi na ang kanyang labi sa aking labi, maya-maya lang habang naghahalikan kaming dalawa ay minulat ko ang aking mata at nakita ko si sarah na nakatingin sa amin ni mark na naghahalikan kaya naitulak ko bigla si mark at napatingin din si mark kay sarah at nakitang nagulat din ito kay sarah.

CHAPTER 46

Sarah Pov

Nagulat ako sa aking nakita Si Mark at Si Shin naghahalikan Nagulat din silang dalawa ng makita nila ako na nakatingin sa kanila

Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman, ang alam ko lang ay sobra ang aking pagkamuhi kay shin kasi inagaw nya sa akin si mark

Maya-maya lang ay may bumulong sa akin

“Diba sinabi ko na sayo, na hinding-hindi magiging kayo, kasi inagaw sya ng baklang grim reaper nayun ang lalakeng gusto ko” Bulong nya, tinignan ko kung sino at nakita ko ang multo na nakita ko kanina

“Gusto mo bang tulungan kita?” Nakangisi nyang sabi, sasagot na sana ako ng bigla nya akong sinaniban at nawalan na ako ng kontrol sa aking sarili

Mark Pov

Biglang nag-iba ang awra ni sarah ng sumanib sa kanya ang multo na nasa kanyang tabi kanina

Tumalon ng mataas si sarah at agad na nakapunta sa aming harapan, hinawi nya ng malakas si shin dahilan para mapahandusay sya sa gilid at kita ko na malakas ang impak neto

Umiiwas ako sa lahat ng suntok nya at ayoko syang gantihan kasi katawan ni sarah ang kanyang sinaniban mahirap na baka masaktan ko ito

Pero hinawakan ni sarah ang espada sa aking dibdib na nagpabigla sa akin kaya hindi ako nakagalaw nung oras na iyon….. . . . . .

CHAPTER 47

Shin Pov

Sa mga oras na iyon ay parang gusto kong kunin agad ang kaluluwa ni sarah pero napagtanto ko na hindi si sarah ngayon ay kalaban ni mark kundi isang palaboy na kaluluwa na gustong makaganti kay mark.

Pero nagulat ako ng hinawakan ni sarah ang espada na nakatarak sa dibdib ni mark kaya tumayo ako agad sa aking pagkakahandusay at pigilan sana si sarah sa kanyang balak ng biglang ginalaw ni mark ang kanyang kamay at tinutok sa tyan ni sarah dahilan para tumalsik ang kanyang katawan at nawalan ng malay si sarah.

Nakita ko na napatalsik din ang kaluluwa palabas sa katawan ni sarah. Susugurin na sana ni mark ang kaluluwa ng…

“Ako ng bahala, tignan mo si sarah” Seryosong sabi ko sa kanya at tumango sya sabay nilapitan si sarah

Nakita ko na maglalaho na sana ang kaluluwa ng inunahan ko na ito at napunta ako sa kanyang harapan tyaka sya sinakal

“Sino ka!?” Tanong ko Sasagot na sana sya pero pinaglaho ko na ito

You know me, galawan lang yun sa drama, yung hihintayin yung sagot, I’m a grim reaper ang bawat minutos ay mahalaga, pero sa kaluluwang iyon wala syang karapatang mapunta sa langit o sa empyerno, ang bagay sa kanya ay maglaho na ng tuluyan

Ng napaglaho ko na ang kaluluwa ay tumingin ako sa gawi ni mark at saktong papalapit si mark sa gawi ko habang buhat-buhat si sarah na wala pang malay. . . . . .

CHAPTER 48

Shin Pov

Umaga na at nandito kami ngayon ni mark sa sala at hinihintay na gumising si sarah, para sabihin ang aming relasyon.

Sa aking pag-iisip ay nakita namin ni mark na lumabas si sarah sa kanyang kwarto, napatayo kaming dalawa at sinalubong si sarah na palapit sa amin.

“Sarah about sa… (Pakkkk!!!)” Sampal nya sa akin

“Yan, dahil inagaw mo sa akin si mark” Sabi nya

(Pakkk!!)

“Yan, dahil ahas ka” Sabi nya sa akin

“Sarah” Mahinang sabi ni mark pero sinenyasan ko si mark na huwag na munang sumabat, tumingin ako kay sarah sabay..

(Pakkk!!!) “Yan, dahil hindi mo matanggap na ako ang mahal ni mark” Sabi ko

(Pakkk!!) “Yan, dahil hindi ako ahas kundi grim reaper ako!” Sabi ko at hinawakan ni sarah ang pisngi nyang aking sinampal at nagkatinginan kami, maya-maya lang ay sabay na kaming dalawang napatawa

Mark Pov

Nung nagsampalan silang dalawa ay nag-aalala ako, pero ng tumawa sila bigla ay nalito din ako, parang mga baliw ito..

“Yun lang?” Tanong ko

Tumingin silang sabay sa akin

“Bakit gusto mo din bang masampal?” Tanong ni shin

“Kaya nga” Nakangising segunda ni sarah

“What I mean, is natanggap mo agad?” Tanong ko

“Oo, natanggap ko agad, at isa na dun ang rason na pagliligtas ninyo sa akin nung nasaniban ako, at nagpapasalamat ako dun, at tyaka napag-isipan ko bago ako lumabas sa kwarto na iyon ay pag ako makakatuluyan mo ay baka mamatay din ako, kasi isa lang naman akong tao,at kung si shin naman ay pwede kayong magkasama habang buhay, edi bongga na!!, Kayo na!!!, Sana all!! At least crush ko rin naman si Ray na inaanak mo noh!!!” Mahaba nyang sabi at natawa na lang kami ni Shin sa kanyang sinabi

CHAPTER 49

Mark Pov

Naisipan namin ni shin na mag-date ngayon para makalimutan namin ang tagpuan na nangyari at buti natanggap agad ni sarah na hindi sya ang mahal ko kundi si shin

“Oh ano na?!, Magkwekwento ka na lang dyan sa mga readers?, Hindi na tayo magdedate?” Sarcastic na sabi ni shin sa akin, tss… Buti mahal ko’tong grim reaper na ito, kung hindi ginamitan ko na yan ng powers ko, kaya lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa lips, smack lang naman mahirap na baka makita kami nila sarah at ray.

“Ikaw naman, tayo na” Sabi ko at sabay kaming lumabas sa pintuan

………….

Maya-maya habang naglalakad kami at nagkwekwentuhan ay bigla naming nakita si madam X at nakangisi itong tumingin sa amin sabay tingin sa kamay naming magkaholding hands dahilan para mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni shin

“Hahha sadyang nakakatuwa ang tadhana, kayo pa talagang dalawa ang nagkatuluyan, well wala na akong magagawa, si Boss na ang gagalaw” Nakangising sabi sa amin ni madam-X

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong bigla ni shin

“Dahil sa hindi mo magawa ang iyong trabahong grim reaper ka ay ang boss mo na ang gagawa ng trabahong dapat natapos mo na noon pa” Sabi nya kay shin at bigla akong kinabahan para kay sarah

Krriiinnnggg

Biglang nagring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa aking buksa at nakitang si ray ang tumatawag kaya sinagot ko agad, magsasalita na sana ako ng…

“Tito nasusunog ang library namin at si sarah nasa loob ng library!” Malakas na sabi nya at dahil iyon sa nerbyus

“May nangyari ba?” Tanong ni shin

“Nangyari na nga” Nakangising sabi ni madam-X

Agad kong hinila si shin at pumasok sa malapit na pintuan at iniwan namin si madam-x at lumabas kami sa loob ng library na ngayon ay nasusunog

Nakita ko na nakahandusay si sarah at wala na itong malay sa gitna ng library at agad namang tinakbo ni shin si sarah para tignan.

Agad ko namang kinontrol ang apoy tyaka kinumpas ang aking kamay dahilan para mawala bigla ang malakas na apoy na kanina lang na nakapalibot sa library

Sakto naman na may bumberong dumating kaya naisipan na namin ni shin na umalis at isinama narin ang katawan ni sarah sa mansyon.

FINAL CHAPTER

Mark Pov

1 year later…..

Isang taon na ang nakalipas at tandang-tanda ko pa yung huling nangyari kay sarah na kung saan muntikan na syang mamatay dahil sa sunog na nangyari sa kanilang paaralan, nakapagtapos na sina ray at sarah sa kanilang pag-aaral at ngayon nga ay magkasintahan na ang dalawa.

Nakakatawa ngang isipin na pinaglaruan lang kami ng tadhana, sinong mag-aakala na ang grim reaper na syang kukuha sa kaluluwa ni sarah na syang goblins bride na dapat ay nakatakda sakin, at nakatakda ring huhugot ng aking espada ay sya pala ang makakatuluyan at aking mamahalin habang buhay.

Shin, yan ang pangalan ng grim reaper na aking minahal, at masasabi kong kaming dalawa ang patunay na sa pagmamahal ay walang pinipiling kasarian, at maslalong walang pinipiling uri, ang pagmamahal ay para sa lahat, kung ang langgam ay mahal ang ahas kahit mahirap mangyari ay dapat handa tayong tanggapin ito kasi sa pagmamahal dapat walang katanungang dapat na masagutan pa, alam kung may sarili kayong definition ng pagmamahal pero yan ang kahulugan ng pagmamahal sa akin.

Maya-maya lang ay pumasok si shin sa aming kwarto at lumapit sa akin

“Halika na kumain na tayo nakahanda na ang umagahan” Sabi nya sa akin

Tumayo naman ako sa pagkakaupo sa aming higaan at nilapitan sya tyaka sya niyakap at hinalikan, tumugon naman ito, ng naghiwalay na ang aming labi ay nagkangitian kaming dalawa

“Tayo na” Nakangiti kong sabi at lumabas kami sa aming kwarto.

Oo, magkasama na kami ni shin sa iisang kwarto, at sa isang taon na iyon ay mas lumalim ang aming pagmamahalan sa isat-isa.

Sina ray at sarah naman ay magkahiwalay parin ng kwarto, aba! Dapat lang kasi hindi pa sila mag-asawa hahaha

Nagtungo kami sa kusina at nakita sina ray at sarah na kumakain na ng biglang nagsalita si shin

“Birthday mo na pala bukas sarah” Nakangiting sabi ni shin

“Huh! Birthday mo!?” Gulat na tanong ni ray kay sarah

“Matagal na kayong magkasintahan hindi mo parin alam kung kailan birthday ni sarah” Sabi ko naman kay ray at binatukan ni sarah ang binata

“Kaya nga eh, tsk” Sabi ni sarah pero nilambing naman ito ni ray

“Oh sya, tama nayan, kumain na tayo” Sabi ni shin

“Dapat maghanda tayo bukas” Sabi ko sa kanila at sumang-ayon sila sa aking plano

………………………..

Natapos na kaming kumain at pumasok narin sina sarah at ray sa kompanya ko kasi doon sila nagtratrabaho, baka nakakalimutan ninyo matagal na akong nabubuhay sa mundong ito kaya naisipan kong magpatayo ng aking kompanya at ito naman ay lumago at isa na ito sa pinakamalaking kompanya sa buong pilipinas.

“Labas tayo, date” Sabi ko kay shin

“Sige, pero dapat umuwi tayo bago mag-12 pm” Suhesto nya kaya napakunot ang aling nuo

“Bakit naman?” Tanong ko

“May trabaho ako sa oras na iyon” Sabi nya, ah kaya pala…

“ Sige, dapat maaga tayo ngayon para masulit natin ang date natin“ Nakangiti kong sabi

At sumang-ayon sya

…………………..

Nandito kami ngayon sa loob ng sinihan at nanonood ng End Game

Pero sa di malamang dahilan ay parang nababagabag ang aking kalooban na parang may mangyayari hindi maganda

“Bakit?, Parang hindi ka mapakale dyan?, May problema ba?, Ayaw mo ba ang pinanonood natin?” Nag-aalalang tanong ni shin, at mas lalo akong napapamahal sa kanya pag ganitong side ang pinapakita nya

“Wala naman, okey lang ako, akin na ang popcorn” Nakangiti ko namang sabi

……………………..

Shin Pov

Naka-uwi na kami dito sa mansyon at nagpahinga muna.

Kamusta na kayo? Isang taon na ang nakalipas Single ka parin ba? Hahhahha joke!!!!

Gustuhin ko mang samahan at makadate pa ng matagal si mark ay wala akong magagawa kasi may trabaho ako ngayon

Kaya naligo muna ako pero ng nasa kalagitnaan ako ng aking pagsasabon sa aking katawan ay pumasok si mark sa banyo ng nakahubad

Nagulat ako pero nung nakita ko ang kanyang  alaga ay napalunok ako

“Gawin na natin dito para bago naman, matagal na nung may nagyari sa atin eh… Ganadong-ganado na si baby mark” Nakangisi nyang sabi kaya nilapitan ko ito at sinunggaban ng halik tyaka hinawakan ang kanyang alaga at hinimas-himas ito

Lumuhod ako at blinowjob at pagkalaki-laki nyang alaga, si mark naman ay hinawakan bigla ang aking ulo at mas diniin ang pagkakasubo ko sa kanyang alaga dahilan para mabilaukan ako.

…………

Natapos na ang kababalaghan na nangyari sa amin at talagang masakit ang butas ng pwet ko, pano ba kasi tudo pasok at diin ang ginagawa nyang pagbayo sa akin, talagang pasok na pasok

“Okey ka lang ba?” Tanong ni mark

“Hindi ako okey!, Masakit butas ko, alis na nga lang ako, mag-iingat ka” Sabi ko at bago ako lumabas sa pintuan ay nagsalita si mark

“Ikaw din mag-iingat, at pag nakauwi ka gawin naman natin sa kusina” Nakangisi nyang sabi

“Che!!!!” Singhal ko at narinig ko pa ang pagtawa nya habang palabas ako ng mansyon

…………….

“Nandito ka na pala” Sabi ni Mara Kasamahan kong grim reaper, sya yung nagbibigay ng mga papel na kung saan doon nakalista ang pangalan ng aming susunduin

“Hetong sayo” Sabi nya sabay bigay ng papel ng tignan ko ang aking papel ay blanko ito kaya napakunot ang aking nuo at tumingin kay mara para tanungin kung bakit blanko ang papel ko pero wala na ito sa aking tabi, kaya napakamot na lang ako ng aking buhok

Bakit

blanko ito??

Maya-maya lang ay naisipan kung bumili muna ng kape at ng nakabili na ako ay tinignan ko ulit ang aking papel na hawak at ang nakakagulat ay may sulat na ito pero ang nakapagtataka ay hindi pangalan ang nakasulat kundi ito…

Buhay

para sa buhay ng

iba

Maya-maya lang ay may sumigaw

“Yung mga bata!!!” Sigaw ng isang ale at tinignan ko ang mga batang naglalakad sa gitna ng daan para tumawid sa kabilang side ng kalasada at may papalapit naman na medyo may kalakihang sasakyan at pansin mong walang preno ang malaking sasakyan na pabangga na sa mga bata

Pero may biglang sumulpot na syang talagang aking ikinagulat

………………

Sarah Pov

“ Anong kakainin natin?“ Tanong ng isa kung kaibigan sa kompanya

“Jollibee naman tayo” Sabi nung isa

“Pero sino pa lang bibili ngayon?” Tanong naman ng isa

“Ako na lang” Sabi ko at nakangiti silang tumingin sa akin, may kotse naman na ako, kaya ako na lang ang bibili sa labas, medyo malayo kasi ang jollibee dito sa kompanya.

…………..

Habang nagdradrive ako ay nagulat ako sa mga nakita ko, nakita kong nasa gitna ng kalsada ang mga bata habang may malaking truck sa side ng kalsada na syang babangga sa mga bata at nakita ko rin si shin na nasa gilid ng kalsada habang nakatingin sa mga bata

At bigla akong napa-isip

Hindi

maaari

, ang mga bata ang

susunduin

ni shin ngayon parang hindi ako

sang-ayon

sa mga

nagyayari

, mga bata pa sila.

Ito na ba?, ito na ba ang

huli

?,

At napangiti na lang ako pinikit ang aking mata tyaka hinanda ang aking sasakyan at binilisan ang takbo tyaka binangga sa malaking truck

Narrators Pov

Binangga ni sarah gamit ang kanyang sasakyan sa truck para mapatigil ang mabilis na takbo ng truck na dapat babangga sa mga bata at dahil dun ay napuruhan ang ulo ni sarah at naligo na ito sa sariling dugo neto

Habang si shin naman ay hindi makapaniwala sa mga nangyari

Ang tumatakbo na lang sa kanyang isipan ay

Talagang

napakasama

mo boss….

Maya-maya lang ay dumating ang ambulansya at sinakay ang katawan ni sarah, tinanggal agad ni shin ang kanyang sumbrero at tumakbo sa ambulansya at sinabing

“Kaibigan nya ako” Sabi ni shin sa mga tao na nasa loob ng ambulansya at pinayagan naman nilang sumama si shin

…………….

Shin Pov:

Papunta na sina ray at mark dito sa hospital kasi nasabi ko na sa kanila ang nangyari kay sarah

“Ikaw ba ang pamilya ng pasyente?” Tanong ng doctor na umasikaso kay sarah

Tumayo ako at sumagot ng oo

“Ikinalulungkot ko pero hindi namin naisalba ang buhay ng pasyente” Sabi neto tyaka umalis sa aking harapan

Parang nawalan ako ng lakas ng marinig ko ang sinabi ng doctor

Sakto naman ang pagdating nila mark at ray at tinanong ang doctor at agad na napaluhod si ray tyaka umiyak at si mark naman ay papalapit sa akin

“Mark si…. (Pakkkk!)” Magsasalita na sana ako ng sampalin nya ako bigla na aking ikinagulat

“Akala ko ba, hahayaan mo ng mabuhay si sarah!????, Bakit!!!???, Kasalanan mo ito lahat!!!” Sigaw nya sa akin at bigla na lang tumigil ang aking paligid dahil sa mga sinabi ni mark, hindi ko na pala namalayan na pumatak na pala ang aking luha at sinagot si mark

“Hindi ko inaasahan na ikaw pa talaga ang magsasabi nyan sa akin?, Hindi ako ang pumatay sa kanya?, Bakit ko gagalawin ang kaluluwa nya kong napamahal na sya sa akin, kung balak ko mang kunin ang kaluluwa nya sana ginawa ko na iyon ng matagal pa, pero hindi ko ginawa kasi napamahal na sya sa akin at napamahal narin sya sa mga taong malalapit sa akin, sa lahat ba naman ng taong magbibintang sa akin, ikaw pa talaga?, Sabagay hindi ka tao kundi goblin ka!!!” Umiiyak at mahaba kong sabi sa kanya at kinuha ang aking sumbrero at lumayas sa hospital…

………………..

Mark Pov

Nandito pa kami sa hospital at pinapabalsamo na ang katawan ni sarah

(Author’s Pov: wala akong alam sa mga balsamo thing.. basahin nyo na lang hahha)

“Hindi mo ba hahanapin si tito shin?” Tanong ni ray pero hindi ako umimik

“Alam na ni sarah na mangyayari ito sa kanya” Sabi nya at yun na ang time na napatingin na ako kay ray

“Pero alam mo ang sabi nya” Sabi ni ray

“Ano?” Mahinang tanong ko

“Sabi nya na sabihin ko daw sayo na pag-dumating ang araw na ito ay wag mo daw sisisihin si tito shin, kasi lahat ng nga nagyayari dito sa mundo o sa buhay ng tao ay planado ng Diyos hindi planado ng grim reaper, yan ang sabi nya kaya hanapin mo na si tito shin, wag kang mag-aalala babantayan ko si sarah, maiintindihan karin nya” Nakangiting sabi ni ray at dun lang ako naliwanagan at nag-sisisi ako sa aking ginawa at sinabi kanina kay shin

Kaya dali-dali akong tumakbo palabas ng hospital at hinanap si shin

..wala sya sa mansyon

Bigla kong naisipan na puntahan ang dati nyang bahay

…………

Shin Pov

Nandito ako sa dati kong bahay at nakaupo dito sa sala at umiiyak habang iniisip ang mga nangyari ngayong araw ng biglang may kumatok ng malakas and it turned out na si Mark lang pala

“Shin nandito ka ba?, Kung nandito ka buksan mo ang pinto oh!.. mag-usap tayo!, Patawarin mo sana ako, hindi ko sinasadya mga sinabi ko kanina sa hospital, shin mahal na mahal kita! Patawarin mo sana ako, shin nandyan ka ba sa loob!?, Patawarin mo sana ako” Mahaba nyang sabi sabay katok na malalakas sa aking pintuan kaya wala akong choice na buksan ito

At ng nabuksan ko ito ay agad akong niyakap ni mark

“Patawarin mo ako, mahal na mahal kita” Sabi ni mark at naramdaman ko na nababasa na ang aking damit at doon ko lang napagtanto na umiiyak na pala si mark kaya hiniwalay ko sya sa aming pagyayakapan at tinignan sya sa mata tyaka ko pinunasan ang kanyang luha

“Pinapatawad nakita pero hindi pa ako pwedeng umuwi ngayon” Sabi ko na nagpakunot sa noo ni mark

“Ba.ba.bak.bakit?” Nauutal nyang tanong

“Hinihintay ko ang pagdating ng kaluluwa ni sarah” Sabi ko

At tamang-tama naman na may kumatok rin sa pintuan, pagbukas ko ay nakita namin ni mark ang kaluluwa ni sarah..

………………..

“Inumin mo na ito at buksan mo ang pintuang iyon” Sabi ko kay sarah at tinuro ang pintuan

Katabi ko ngayon si mark habang si sarah ay nakaupo sa aming harapan

Iinumin na sana nya ang isang tasa ng tsaa ng tumingin muna sya sa amin at nagsalita

“Masaya ako na nakilala ko kayo, at pakisabi kay ray na mahal na mahal ko sya, salamat sa lahat” At doon na pumatak ang aking luha

“Oo sasabihin namin yan” Sabi ni mark

“Makakaasa ka” Nakangiting sabi ko

“Wag ka ng umiyak shin di bagay sayo” Biro ni sarah at napangisi na lang ako sa sinabi nya

At ininum na nya ang tsaa at tumayo tyaka binuksan ang pintuan, ng nabuksan nya ang pintuan ay hagdan papuntang langit ang aming nakita

Tumingin sya sa gawi namin at sinabing

“Paalam” Sabi nya at pumasok tyaka sinara ang pintuan.

Maya-maya lang ay hinawakan ni mark ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya

“Tayo na, umuwi na tayo Mahal” Nakangiti nyang sabi at napangiti ako

“Oo tayo na Mahal” Sabi ko rin sa kanya

The End


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.