Golden Bug
MrAoiKun · 4 chapters · 6,917 words
CHPT 1: Piece of (Sh×it) Gold
Basang basa na ang sapatos ko dahil sa tilamsik ng ulan. Sinipsip na din siguro ng medyas ko ang tubig ulan na walang tigil habang pinapanood ko ang mga lalaking tinatabunan ng lupa ang libingan ng aking namayapang asawa. Hindi bakas sa mukha ko ang lungkot. Wala akong pinapakitang emosyon. Nakatutok lang ako sa bawat pagtapon ng pala sa lupa pababa sa kabaong ng asawa ko. Habang naririnig ko ang impit na iyak ng kanyang ina. Si Miss Diana Zabringa. The matriarch of the dynasty. Ang nagpapagalaw sa mundo ng namayapa kong asawa. Ah, hindi lang pala ng mundo niya. Pati ng aking mundo. Napangiti ako sa isip ko. Ngayong patay na si Percy, makakalaya na ako sa kamay ng mga Zabringa. Makakauwi na ako sa simpleng buhay ko kasama ng aking pamilya. Pero hindi pala iyon ang mangyayari. Dahil pagkatapos na mailibing ni Percy, doon pala magbabago ng tuluyan ang aking buhay.
××××× Zabringa Manor. Tatlong ektaryang lupa na tinayuan ng tatlong palapag na mansyon. Modern Medditerrenean ang tema ng mansion. Pagpasok mo palang sa napakagarang bakal na gate ay isang driveway ang lalakbayin mo. Malaking hardin na may isang malaking fountain sa gitna ang makikita mo sa kaliwang bahagi ng mansion samantalang isang malawak na man made lake naman ang makikita mo sa kanang bahagi nito. Matatanaw mo ang kabundukan na nasa itaas na bahagi ng mansion. Para kang nasa isang pelikula. Isang pelikulang puro karangyaan ang tema. Naaamoy mo ang kayamanan, ang pera, ginto, mamahaling singaw ng pagkain. Napakaganda. Nakakabighani. Parang isang panaginip na hindi mo na gustong gumising pa.
Ito ang buhay na akala ko ay pinapangarap ko noon. Sinabi ko sa sarili ko, kapag yumaman ako, lahat ng bagay sa mundo ay mabibili ko. Magagawa ko ang lahat ng gusto ko. Maibibigay ko sa pamilya ko ang karangyaan na hindi namin kailanman naranasan. “Master Jansen, pinapatawag ang lahat ni Miss Diana sa dining hall.” basag ng isang pamilyar na boses sa pagmumuni ko. Nabalik ang kamalayan ko sa kasalukuyan. Nakita ko si Ophelia. Ang mayor doma ng pamilyang Zabringa. “Susunod ako, Ophelia. Magaayos lang ako ng kunti.” sagot ko sa kanya at agad naman siyang lumisan sa silid namin ni Percy.
Biglang hinanap ng mata ko ang malaking portrait na nasa sentro ng aming kwarto. Naaalala ko pa ang araw na iyon. Ang laki ng ngiti ni Percy habang hawak niya ang kamay ko. Kapwa kami nakasuot ng mamahaling tuxedo na tailor made pa mula sa Milan. Wala akong emosyon na maipakita. Wala akong maramdaman sa mga sandaling yun. Sinulyapan ko ng isang beses pa ang portrait bago ako lumabas ng kwarto at puntahan ang naghihintay na mga Zabringa sa dining hall. Ito na ang pinakahihintay kong sandali. Ang araw ng aking kalayaan. Ang araw na sasabihin sa akin ni Miss Diana na wala na akong halaga sa kanya dahil patay na ang kanyang anak, ang aking asawa.
Pagpasok sa dining hall ay nakakasilaw na liwanag ang dadatnan mo. Apat na dangling crystal chandelier ang nakaistasyon sa apat na sulok ng dining hall. Sampung milyon ang halaga ng bawat chandelier na iyon. At tatambad sayo ang dalawamput isang talampakan na dining table na gawa sa redwood na inukit pa mula sa Alaska. Pinarisan pa ng napakagarang mga upuan na gawa sa kahoy at mga gold ornaments sa back support nito. Nakahain ang napakaraming putahe na iilan lang naman ang nakakain ko at iilan lang ang kilala ko.
Sa pinakadulong bahagi ay nakaupo si Miss Diana. Sumisimsim ng wine mula sa kanyang hawak na baso. Sa kaliwa niya ay si Luciano, ang kanyang unang asawa, ang ama ni Percy. Sa kanyang kanan naman ay si Federico, ang kanyang ikalawang asawa, ama ni Alessandra at Apollo. Katabi ni Federico si Apollo at Alessandra na nakatingin lang sa kawalan. At habang patungo ako sa aking inuupuang pwesto, nahagip ng mata ko ang isang hindi pamilyar na mukha. Alam ko lahat ng pumapasok sa mansion, iyon ang hinahangaan sa akin ni Miss Diana. Nababasa ko ang isang tao sa unang tingin pa lang. Kaya siguro hindi siya nagdalawang isip nang magdesisyon si Percy na ipakilala ako sa kanya bilang mapapangasawa niya.
“Miss Diana, who is that man sitting at my husband’s chair?” walang emosyon kong bigkas habang naglalakad ako papalapit sa kinauupuan ng estranghero.
“Ah, Jansen. Come now, sit down first. He can introduce himself later. This is very important. We should have dinner first before anything else.” nakangiting sagot sakin ni Miss Diana at wala akong magagawa kundi ang tumabi sa lalaking ngayon ko palang nakikita. Kahit sa mga events na pinuntahan namin ni Percy at sa mga family gatherings, hindi ko pa siya nakikita. Curly brown hair na faded ang haircut sa gilid. Caramel complexion na taliwas sa kulay ng mga Zabringa na kasing puti na ng gatas ang balat. Blue ang kanyang mata na para bang isang siyang mutant sa X-Men. At ngayon ko lang napansin na nakikipagtitigan na pala siya sakin. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at agad na tinuon ang aking pansin sa pagkaing nasa harap ko. Tahimik ang lahat. Istrikto ang salita ni Miss Diana. Kung oras ng pagkain, bawal magsalita. Kahit isang ingay ay pagsisisihan mo nang pinanganak ka.
Hinintay kong matapos ang lahat. Hinihintay ko na magsalita si Miss Diana. Gusto kong malaman kung ano na ang mangyayari sakin ngayong wala na ang asawa ko. Narinig ko ang pag igham niya. Hinanda ko ang sarili ko sa kung anuman ang pwede kong marinig. “My eldest son is now dead. Ang tagapagmana ng Zabringa Pharmaceuticals ay wala na. Percy had so much potential. Pero kung di dahil sa katangahan niya, hindi sana nangyari lahat ng iyon.” may halong galit sa boses ni Miss Diana sa huling parte ng sinabi niya.
“Now, the board is shaken. The stakeholders are also shaking their butts to push through. Ang mga hidden agendas nila, nilalabas na nila. Knowing that my son was my ace, they will claw their way up and will try to tear me down.”
Gusto ko sanang sumabat pero simula nang mawala si Percy, nawalan na ako ng kapangyarihan na magsalita sa harapan ni Miss Diana. Pero para narin kay Percy, kailangan ko pa rin siyang ipagtanggol kahit na nanahimik na ang kaluluwa niya. “Zabringa still holds the majority of votes is they try to motion for changes. Percy was the COO, Alessandra or Apollo can take that position—” “What? Are you crazy, Jansen? Nagpapatawa ka ba? Alessandra? Apollo? Kakainin sila ng buhay sa loob ng kompanya. You know how cutthroat the company is. Mas lalo na ngayon na nawalan na ako ng isang kamay.” “Your children equally deserves that position. Sadyang pinapaboran mo lang masiyado si Kuya Percy. And this leech, ano pa bang ginagawa niya dito? Patay na si kuya. Hindi ba yun lang naman ang silbi niya? Ang maging sunod sunuran sa gusto ni Kuya Percy.” Wala akong imik. Alam ko nang sasabihin iyon ni Alessandra. Noon pa man ayaw na nila sa akin. “Jansen managed to bring in 4 multinational companies to invest in our cancer drug proposal. He was able the pursuey those big companies that funded that project. Your idiot brother can’t even manage to pitch one good company and Jansen was saving his ass from humilation. Tell me, Ali? Ano bang nagawa mo para bigyan kita ng chance?”
Nagkatitigan lang kami ni Alessandra at kita ko sa mata niya ang sobrang pagkamuhi sakin. Kung titingnan, napakaganda ni Alessandra. Nakuha niya ang ganda niya sa kanyang ina. Model siya ng ilang brands ng Zabringa. Nag-aral siya ng Law ngunit hanggang ngayon hindi pa rin nakakapasa ng Bar Exams. Hindi ko makita sa kanya ang leadership na meron sa kanyang ina. Siguro nga namana niya ’yon sa kanyang ama.
“I’ve made a decision that I know will be the best. I will put Sahin as COO of Zabringa Pharmaceuticals.” Wala akong imik at napangiti ako sa isipan ko. Matatapos na din ang papel ko sa pamilyang ito. Si Percy, siya lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito. At kung sino man ang Sahin na tinutukoy ni Miss Diana, siya ang golden ticket ko para makaalis sa mga Zabringa. “Miss Diana, as your son’s widower, you have my support with your decision. And––” “I’m glad that you agree with me. Because Sahin will need all your help to learn how Zabringa Pharmaceuticals operates, how people works, and how they can be controlled.” Napatingin ako kay Miss Diana na nakalukot ang noo. Anong ibig niyang sabihin? Wala siyang balak na bitawan ako? “Yeah, you heard that right. Sahin will replace Percy. And you, you will be his husband.” Nagkatinginan ang lahat ng nasa hapagkainan. Hindi ko mapaliwanag kung galit at poot ba ang mararamdaman ko o lungkot at pagsisisi sa mga desisyon ko sa buhay. “Percy, potang ina mo talaga. Hanggang sa kamatayan mo di mo talaga ako bibitawan .”
Natapos ang dinner at isa isa nang nag alisan ang miyembro ng pamilyang Zabringa. Sinubukan akong yakapin ni Luciano pero sinabi ko sa kanya na ayos lang ako at hindi niya kailangang gawin iyon.
Naiwan ako at ang sinasabi ni Miss Diana na Sahin sa hapagkainan. Pinakikiramdaman ko siya habang patuloy niyang nilalagok ang laman ng kanyang baso.
“Tang ina, ang yaman pala talaga ng nanay ko. Hindi ko akalain na ganito siya kayaman.” biglang alingawngaw ng malalim na boses mula sa katabi ko.
Napangiti ako sa isip ko, anak ni Miss Diana ang isang to? Nagsusulputan na ba ang mga anak ni Miss Diana sa ibat ibang lalaki? Bakit ngayon ko lang nakilala si Sahin? Anak ba niya talaga ang lalaking to?
“Sabihin mo sakin ang totoo at huwag mong subukan na magsinungaling dahil hindi ka makakapagsinguling sakin, anak ka ba talaga ni Miss Diana o binayaran ka lang niya upang masiguro na hindi ako aalis sa Zabringa?”
Nagkatitigan kami at bigla siyang tumawa ng malakas. Hindi ko alam kung iniinsulto ba niya ako o nalaman ko agad ang sekreto niya.
“Sa tingin mo ba gusto ko mapunta sa pamamahay ng nanay ko? Ah, sabagay si Percy naman kasi ang paborito niyang anak at kaming mga anak niya sa ibat ibang lalaki niya ay mga substitute lang sakaling mamatay ang paborito niya.” natawa siya at uminom ulit sa baso niyang may laman na brandy.
Sinubukan niyang lumagok ulit pero kinuha ko sa kanyang kamay ang baso niya at tumayo ako sa kinauupuan ko. Hinarap ko siya at yumuko upang magpantay ang aming mukha. Nakita ko ang paglunok niya at pamumula ng kanyang pisngi. Tiningnan ko siya ng mariin at halatang pinagpapawisan siya. “Narinig mo ba ang sinabi ng nanay mo kanina? Ngayong wala na si Percy, ikaw na ang magiging asawa ko. Hindi ba napakadali lang kay Miss Diana na kalimutan si Percy at palitan siya ng bago. Hindi ka ba natatakot na baka mamatay ka rin katulad ni Percy?”
“Bakit? Pinatay mo ba si Percy?” tanong niya sa akin na kinangiti ko lang at di inaalis ang tingin sa kanya.
“Sa tingin mo ba ganun ako katanga upang patayin ang taong nag-angat sakin mula sa kahirapan? Sa taong naniwala sakin at sa taong minahal ako ng walang kapalit? At ano ang motibo ko para patayin si Percy? Para maghirap ulit?”
Hindi siya nakaimik. Patuloy ko lang siyang tinitigan hanggang sa ilayo ko sa kanya ang aking mukha.
“Magkakaroon ng meeting ng board bukas, siguraduhin mo na presentable ka sa harapan ng mga board members at shareholders. May tiwala sila kay Miss Diana at Percy. Since I am your secretary, it is my duty to make sure you will be the best kaya wala tayong panahon para matulog at maglasing.”
Pinasunod ko siya at nagtungo kami sa Study Room ni Percy at agad kong pinaliwanag sa kanya ang lahat ng dapat niyang malaman.
Hindi ko akalain na hindi pa pala matatapos ang kalbaryo ko sa kamay ng mga Zabringa. At kung si Sahin man ang daan upang makalaya ako, kailangan ko siyang alagaan upang masiguro ko na hindi na ulit ako makokontrol ng kahit na sinong Zabringa.
CHPT 2: Salty right?
Isang oras na akong nagsasalita at nagpapaliwanag sa key points na dapat niyang malaman tungkol sa kompanya pero mas pinili niyang bumato ng darts at tamaan ang center point nito. Halatang wala talaga siyang interes sa pagiging COO ng Zabring Pharmaceuticals. “Are you even listening to what I’m saying? Naintindihan mo na ba ang flow ng kompanya? Ang mga taong dapat mong kampihan at kailangan mong iwasan? The departments? The operations? The products? The ethics?” Natawa lang siya ng mahina at patuloy na bumato ng darts. Napasapo ako sa aking sintido. Kung pwede lang sabihin kay Miss Diana na iiwanan ko na lahat ng meron ako, kung ano mang naiwan sakin ni Percy dahil wala naman kaming Prenup na pinirmahan, technically sakin mapupunta lahat ng naiwan ni Percy pero hindi ko ugali yun. Nararamdaman ko na rin siguro ang pagod. Ang pakikipaglaban araw-araw para di ako maipit sa pinakababa ng food chain. “Alam mo, di ko talaga maintindihan bakit pumayag kang maging asawa si Percy. Bukod sa iyakin, matatakutin at napakadaling paikutin. Akala siguro ng nanay ko madali niya akong mabubulag sa pera niya. Matapos niya akong ipanganak, kinuha ako ng tatay ko. Lumaban si tatay ng patayan makuha lang ako. Pero walang laban si tatay sa isang Diana Zabringa. Kaya lumaki ako sa bahay na ito. Nung nasa hustong gulang na ako, ako na mismo ang naghanap sa tatay ko. Maswerte naman ako at nahanap ko siya.”
Napatingin siya sakin habang ako ay nakikinig lang sa kwento niya. “Si Percy, naging paborito siya dahil madali siyang mapasunod ng nanay ko. Natatakot siya na maparusahan. Natatakot siya na itakwil. Lahat ng kalokohan niya, isinisisi niya sakin. Nakakatawa nga eh, gustong gusto niya na mamatay na ako. Pero siya pala ang unang mamamatay saming dalawa.” “Kaya ka ba bumalik dito para lang pagtawanan ang pagkamatay ni Percy? Para ipaalam sakin na tarantado ang taong pinili kong maging asawa?” hindi ko hinintay na makapagsalita pa siya. Hindi ko alam kung bakit pinipilit kong protektahan ang pangalan ni Percy dahil alam ko naman na lahat ng sinasabi ni Sahin ngayon sakin ay totoo. “Kapatid ko si Percy, ngunit kahit kailan di kami nagturingan na magkapatid. Ah, ilan nga ba ang anak ni Diana Zabringa? Si Alessandra at Apollo? Si Percy lang ang golden child niya. Ngayong wala na ang golden child niya, kailangan kong saluhin ang posisyon na yun. Alam mo ba kung ganu kalaking insulto yun sa pagkatao ko? Ang gawing isang substitute?” Bumato muli siya ng isang dart at tumama ito ng sakto sa bullseye point. Napatingin siya sakin at ngumiti. “Huwag kang mag-alala, Jansen. Alam kong gusto mo nang makawala sa Zabringa. At yun din ang gusto ko. Kaya sana magtulungan nalang tayo. Okay?” “Hindi mo alam kung ano ang gusto ko, Sahin. Ang mahalaga sakin ngayon, hindi mawala ang kontrol ng pamilyang ito sa kompanyang pinaghirapan ng nanay mong mabuo.” “Techna Pharmaceuticals was established as a drug production company in 1985. Owned by 4 different families that decided to sell it and soon acquired by the Zabringa family. Diana Zabringa served as its CEO from 1987 to the present day. She molded the company into not just life saving drugs but also quality of life products that made it very different among its competitors to this day. Taravin is its most popular product that helps manage pain without any adverse effects. The company’s value is at 10 Billion Dollars as of this year and is expected to yield even further due to the breakthrough of cancer preventing drugs from its clinical trial stage.”
Sa wakas ay nakinig na sakin ng tuluyan si Sahin. Pinakita ko sa kanya lahat ng members ng board at kung sino ang dapat niyang kaibiganin at dapat niyang iwasan. Mga taong posibleng makahanap ng butas laban kay Miss Diana. Di ko na namalayan na nakatulog na ako sa sofa ng study room habang binabasa ang annual report na ididiscuss ko sana kay Sahin. Nagising ako na may mabigat na nakadagan sakin. Minulat ko ang mata ko at napaiwas ako agad ng tingin dahil nasa dibdib ko payapang natutulog si Sahin. Masiyado niya naman atang sineryoso ang role niya bilang asawa ko. Hindi pa nag iisang linggo na nailibing namin si Percy at may ganito na? Tinapik ko siya sa kanyang braso pero mas lalo niya lang hinigpitan ang yakap sakin. Nananadya ba talaga siya? Inipon ko ang lahat ng lakas ko at malakas ko siyang itinulak at nahulog nga siya sa carpeted na sahig at napasapo siya sa ulo niya dahil sa dami ng ininom niya kagabi. “Aray! Gago ka ba? Bakit mo ako tinulak?” “Wala kang karapatan na yakapin ako dahil hindi pa kita kilala. At kung pwede lang, please don’t hug me like that. Hindi totoo ang relasyon natin. At hindi pa nag iisang linggo mula ng ilibing ko ang asawa ko. Kahit yun nalang, irespeto mo sana.” Napakamot naman siya ng ulo niya at iniwanan ko na siya sa study room. Tinawagan ko si Ophelia upang ipahanda sa mga maid ang kakailanganin ko para igroom si Sahin. Naghilamos ako ng mukha sa washroom ng kwarto namin ni Percy. Agad kong pinuntahan ang walk in closet naming dalawa. Amoy ko pa rin ang pabango ni Percy habang isa isang tinitingnan ang mga suit niya. Ngayon lang nag sink sa akin na wala na pala akong pagsisilbihan. Pagkagising ko ng umaga, hinahanda ko na ang isusuot niya. Lahat ng kailangan niya nakalatag na. Ang mga dapat niyang gawin sa araw na iyon ay isa-isa kong binabahagi sa kanya habang naliligo siya. Hindi ko alam pero nasanay nalang ako. Iyon naman talaga kasi ang magiging silbi ko bilang asawa niya. Minsan iniisip ko pa rin, paano kung di ako nakilala ni Percy? Ano ang buhay ko ngayon? Ang buhay ng pamilya ko? Nagring ang aking phone at napangiti ako agad sa pangalan na nasa screen. “Mama? Kumusta? Sorry hindi ko kayo matawagan nitong mga nakaraan. Masiyadong naging busy.” “Naku anak, huwag mo akong alalahanin. Ayos lang ako dito. Ayos lang kami ng mga kapatid mo. Alam namin na nagluluksa ka pa rin sa pagkamatay ni Percy. Gusto ko lang din malaman kung ayos ka lang ba?” Dama ko sa boses ni Mama na nag-aalala talaga siya sakin. At doon ako mas lalong napangiti. Marinig ko lang ang boses niya, nawawala na ang kalungkutan na nararamdaman ko. Nawawala ang pagtatago ko ng aking emosyon. “Uhmm… Ayos lang po ako, Ma. Susubukan ko pong makadalaw diyan sa susunod na linggo. Ikumusta mo nalang po ako kay Karl at Laurence.” “Oh sige anak. Basta tandaan mo, nandito lang kami palagi para sayo anak. Kailangan mo magpakatatag. Malalagpasan din natin lahat ng ito. Hinihiling ko lang naman na sana ngayon dahil wala na si Percy ay mas madalas ka na naming makakasama.” Napangiti nalang ako sa huling sinabi ni Mama bago ko tuluyang ibaba ang aming tawag. Alam ko naman kasi na hanggat nasa kamay ako ng mga Zabringa, wala akong kalayaan. Papasok na sana ako sa banyo nang makasalubong ko si Sahin. At alam kung wala siyang saplot dahil pababa ang pagtingin ko sa kanya. Napalunok ako at napatalikod ng mabilis upang magbigay daan sa kanya. Kelan siya nakapasok dito? “Pinapaalala ko lang sayo na hindi ito ang kwarto mo. Kwarto namin to ni Percy at wala kang karapatan na i-invade ang privacy ko.” Humarap sakin si Sahin na tumutulo pa rin ang mga butil ng tubig mula sa ulo niya pababa sa kahubdan niya. Alam kong sinusubukan niya ako. Inaakit sa katawan niya na halata naman mas maganda kesa sa katawan ko at katawan ni Percy. “Pinaapalala ko din sayo na wala na si Percy. At gaya ng sabi ng nanay ko, ako na ngayon ang asawa mo. Kahit parang napakasira ng ideya ng nanay ko, siya ang may hawak sa mga buhay natin. Kaya kung ako sayo, sanayin mo na ang sarili mong nakikita akong nakahubad.” Sinabayan pa niya ng kindat ang sinabi niya bago tumalikod sakin ng tuluyan at maghanap ng tuwalya. Napasapo nalang ako ng aking noo. Kailangan ko talaga ng lakas nga loob. Kasi ngayon pa lang, numinipis na ata hairline ko.
××××*
Nakangiti si Miss Diana habang tinitingnan ng maiigi si Sahin. Ako din naman ay di makapaniwala na bagay pala talaga sa kanya ang executive look. Kunting grooming lang ang ginawa ko sa kanya at bumagay din sa kanya ang red undershirt at black na suit na pinasuot ko sa kanya.
He is taller than me. 6’3“ ang tangkad niya samantalang 6 ft. lang ako. At bagay sa kanyang ang suit dahil custom made talaga iyon para sa kanya.
“You look good, Sahin. I hope you are as sharp as you look. Sana ay hindi ako mapahiya mamaya sa board.”
Napansin ko naman ang pag-irap ni Alessandra sa sinabi ng nanay niya. Tiningnan niya ako at napailing habang kumakain.
“I have a golf competition coming up. And I would like Kuya Sahin to come join my party. Its not a request, I am ordering it.” biglang nagsalita si Apollo at napabaling ako ng tingin sa kanya.
“What do you need him there for? Hindi pwedeng sumama si Sahin sa golf competition mo because I know he will be in trouble just like what you did the last time.”
“Mom? Hanggang ngayon ba ganun pa rin kalaki ang disappointment mo sakin? I won that fucking competition. I won it. It was not my fault that someone’s wife wanted to be fucked by me. I obliged!”
Dinamba ni Miss Diana ang mesa at alam ko kung ano ang mga susunod na mangyayari.
“Ah, so dahil nanalo ka sa competition na yun, ok lang sayo gumawa ng eskandalo? You really know how to push my buttons. Kung hindi dahil sa PR comnections ni Jansen sa organizers ng Golf Competition mong yun at hindi pumayag na makipagareglo ang asawa ng babae that you were saying that wants to fuck with you, our deal with other big pharma companies would have been gone, blown like the wind!”
Napasapo siya sa noo niya at muling humarap kay Apollo na ngayon ay nakakuyom na ang kaliwang kamay.
“Kapag nasira ang image ng Zabringa dahil sa kagagawan mo o ng kahit na sino man sa inyo, lahat tayo lulubog. And I won’t let that happen. So no, Sahin will not go with you in that competition. And please, kung kinikilala mo talaga akong ina, keep your dick to yourself!”
Umalis si Misa Diana sa harapan namin at patuloy lang ako sa aking pagkain. Samantalang matatalim na mga mata na ang pinupukol sakin ng magkapatid na nasa kabilang banda.
“Amazing ka talaga, Jansen. Mukhang ikaw na ang susunod na tagapagmana ni Diana Zabringa. Bida ka nanaman ngayon. At anong susunod, pati si Sahin uutuin mo rin katulad ng ginawa mong pang-uuto kay Kuya Percy? Galing! Pero tandaan mo ’to. Habang nasa kamay ka ng mga Zabringa, you are walking in thin ice. Kaya mag-iingat ka at huwag na huwag kang magkakamali.”
Seryoso ang mga binitawan na salita ni Apollo sakin bago niya lisanin ang mesa. Alam kong malaki ang galit niya sakin. Maraming bagay ang unti-unting lumalabas ngayong wala na si Percy.
Nilalabas na nila ang kanilang mga pangil at sungay.
CHPT 3: It was never there
CHPT 3: It was never there
Magkatabi kami ni Sahin sa likod ng Mercedes- Benz GLC 300 Black na sasakyan na namin ni Percy simula ng ikasal kami. Si Dandy ang driver ngayon dahil ayaw ni Miss Diana na ako ang magdrive. Para mas maturuan ko pa siguro si Sahin kaya naman habang nasa byahe ay tinatanong ko na siya sa mga dapat niyang sabihin at hindi sabihin sa introductory speech niya mamaya. “Pwede naman kasi hindi na niya muna ako ipakilala sa buong kompanya. Alam naman natin lahat na siya ang masusunod, kaya bakit minamadali niya akong ipakilala sa lahat?” Napabaling ako ng kay Sahin habang nanonood sa tablet ko sa mga nangyayari ngayon sa business world. “Dahil yun ang gusto ni Miss Diana. Naghihintay lang ang mga kaaway niya sa kompanya na magkaroon siya ng kahinaan. At si Percy of all people, siya ang nawala sa kanya. Kaya kailangan niyang gumawa agad ng paraan para takpan ang kahinaan na yun. That’s how you manage a big conglomerate. You never let your enemies have an advantage against you.” paliwanag ko sa kanya. “Siguro totoo nga ang sinabi ni Apollo. Madali mo lang din napapaikot sa mga kamay mo si Percy dahil halos parehas lang din naman kayo ng ugali ng nanay ko. Pakiramdam ko nga mas anak ka pa niya ituring kesa kay Percy.” nakangisi siyang bumaling sakin at nagkatitigan kami ng matagal. Ngayon ko lang narinig ang mga salitang yun. Ang ikokompara ako sa taong sa kaibuturan ng puso ko ay kinamumuhian ko. Pero hindi ko dapat ilahad ang damdamin ko. Kailangan kong mag-ingat. Dahil isang pagkakamali ko lang, hindi ko alam kung ano ang magiging resulta nito. Hindi ko pagkakatiwalaan si Sahin dahil kahit si Percy, kailanman ay hindi ko pinagkatiwalaan.
3 Years Ago
“This property is perfect if you want to escape the busy city life. You can see the perfect lake view from here inside the living room. Three bedrooms that are enough for a starting family. We have a medium sized pool in the front yard. And enough space to put some other amenities. It’s a minimalist design but we have a very good interior designer that we can recommend if you need some changes to any of the spaces here. So what can you say, Mr. Zabringa? Do you like this one?”
Tumigil kami sa paglalakad ng kliyente ko at patuloy naman ang pag-ikot ng paningin niya sa paligid. This house is worth 15 Million. If makoclose ko ang deal na’to, mapapag-aral ko na si Laurence sa University of Cambridge. Ang pangarap niyang eskwelahan kahit noon bata pa siya. Napakaswerte ko lang dahil sa dalawang taon palang na pagiging real estate agent ko ay isang Zabringa na ang naging kliyente ko. At hindi ko din alam paano niya nakuha ang aking business card. Never ko pa siya nakadaupang palad at ngayon pa lang din kami nagkita ng personal.
“I like it. This is what I am looking for actually. I like peace and quiet. I can concentrate more if I am in a good space like this. I will take this one.”
Gusto kong magtatalon sa saya dahil sa wakas, matutupad ko na din ang pangako ko sa kapatid ko. Malaki ang commission na makukuha ko dto na sapat na upang makapag enroll siya at magkaroon ng desinteng matitirhan sa UK. “I will prepare the contract and bring them personally to you by Monday, Mr. Zabringa. Is that ok with you?” “Yeah. It would make me happy to see you again after this, Mr. Alba.” Hinawakan niya ang kamay ko at hindi na normal sa pakiramdam ko ang paghawak niya dito. Lumapit siya lalo sakin at hinawakan naman ang pisngi ko. “You just don’t know how beautiful of a man you are, Mr. Alba. Or should I call you by your name?” Hindi ako makapagsalita dahil sobrang lapit na ng mukha niya sakin at nag-aattempt na siya na halikan ako pero iniwas ko ang aking mukha sa kanya. “I’m… I’m sorry Mr. Zabringa but this is inappropriate. I don’t do this kind of thing towards my prospects.” Nakita ko sa pheriperal vision ko na nakangiti siya at parang nagugustuhan pa niya ang paglayo ko sa kanya. “Well, I think I like you even more. Yan ang gusto ko sa isang tao, yung hindi basta basta bumibigay. Yung alam nila ang worth nila. I thought you would get down on your knees and suck my dick just like all of those leeches in my company, but you are very different. You are incredible, Mr. Alba.” Muli ko siyang hinarap at isang nakakalokong ngiti ang ginawad niya sakin bago siya tumalikod at tuluyang umalis sa property. Kinakabahan akong umupo sa sofa at muling inalala ang mga sinabi sakin ni Mr. Zabringa. Alam ko ang mga ganung ngiti. Alam kong pagnanasa iyon. Alam kong hindi lang basta pagiging agent ang tingin niya sakin. Present Day
Narating namin ang opisina ng COO sakay ng secret elevator. Hindi pa pwedeng makita ng kahit na sino man sa kompanya si Sahin. Kailangang maipakilala siya na sorpresa sa lahat. Dahil sa lagay ngayon ng kompanya, hindi na garantisado na marami pa rin ang papanig kay Miss Diana. Inikot ni Sahin ang tingin niya sa malaking opisina at napansin niya agad ang portrait ko na nasa pinakagitnang bahagi ng receiving area. Natawa siya at tiningnan niya ako. “Tang ina talaga ni Percy ano? Ginawa kang santo. Sinamba ka talaga ng gagong yun. Alam ko naman na marami talagang magkakagusto sayo. Ibang-iba ka rin sa lahat ng mga nakilala ko. Pero ibang klase pala si Percy magmahal. Gagawin kang simbahan. Gagawin kang relihiyon.”
“Uutusan ko ang utility staff na tanggalin na ang portrait na yan since wala na si Percy. At ikaw na ngayon ang aking boss. Kailangan ko pang kausapin si Miss Diana tungkol sa sinasabi niyang pagiging kapalit mo kay Percy bilang asawa ko.” Natawa siya lalo at lumakad siya papunta sa kinatatayuan ko at nagkaharap kaming dalawa. “Huwag kang mag-alala. Kahit pa sabihin ng nanay ko na asawa kita. Hinding hindi mangyayari yun. Hindi ako katulad ni Percy na mapapaikot mo sa mga kamay mo.” Kumindat siya sakin at para bang may kung anong pakiramdam ang lumukob sakin. Napahiya ba ako? Bakit ganun? Bakit parang bigla akong nabalot ng pagkagalit?
Tinalikuran ko na lamang siya at agad na pumunta sa aking opisina na adjacent lang sa opisina ng COO. Umupo ako sa aking swivel chair at tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong palad. Napakaraming nangyayari sa buhay ko simula ng mawala si Percy. Parang pinaparusahan niya parin ako kahit sa kabilang buhay.
“Akala mo di ko malalaman ang lahat, Jansen? Akala mo siguro napakatanga ko para hindi ko malaman ang lahat ng sikretong tinatago mo sakin?”
Umaalingawngaw nanaman ang boses niya sa isipan ko. Hindi ito nangyari ng ilang araw. Nanginginig ang kamay ko. Kailangan kong inumin ang gamot ko. Hindi ako pwedeng magkalat ngayon. Kailangan kong icompose ang sarili ko. Agad kong kinuha ang pampakalma ko sa aking bag. Lumagok ako ng isang tableta at ininuman agad ng tubig. Isang oras pa ang lumipas at pinatawag na ang lahat sa board room. Agad kong pinuntahan si Sahin at tuwang tuwa pa siyang kinakausap ang nasa kabilang linya ng phone niya. “It’s time. Kailangan na nating pumunta ng board room, Sahin. Handa ka na ba?” Nagpaalam siya sa kausap niya at inilagay sa bulsa niya ang phone niya. Linapitan niya ako at ngumiti siya sakin. “Wala naman akong choice diba?” saad pa niya bago naglakad palabas ng opisina at agad ko naman siyang sinundan. Malapit na kami sa board room ng hawakan ko bigla ang kamay ni Sahin at napatingin siya sakin. “We have to go inside together. Kailangang makita nila na handa kang pangatawanan ang posisyon na naiwan ni Percy. You have to convince them.” At yun nga ang ginawa namin. Sabay kaming pumasok sa board room at nag-aabang na ang lahat sa aming pagpasok. Nasa pinakagitna ng oval table si Miss Diana at nakangiti siya sa aming dalawa habang naglalakad kami patungo sa podium kung saan magsasalita si Sahin.
Nakita ko si Mr. De Lucas at Mr. Grand na lumapit kay Miss Diana na kapwa nalilito kung ano ang nangyayari. Silang dalawa ang may pinakamalaking share sa kompanya maliban sa combined na share ni Miss Diana at ng mga anak niya. “Gentlemen, please have a seat. I know this is a very sad moment for all of us. Since the passing of my son the COO of Zabringa Pharmaceuticals Percy Zabringa, things have been rough for us especially. He had hopes and aspirations for the company. He was aiming to reach higher goals. But sadly, his time with the living has been cut short. But allow me to give all of you hope. The hope of new beginnings. The hope of somehow my late son’s dreams can still be attained. As you all know, I have another child from my second husband. Kumir and I had never been in the best terms since he won’t allow me to become a mother to our child. But I still raised him and gave him all the love and support that I could give. Please allow me to introduce my son, Sahin Singh Zabringa.”
Nagpalakpakan ang lahat ng nasa loob ng board room at itinuro ko kay Sahin ang podium. Hudyat na iyon na kailangan na niyang magsalita. Ramdam ko ang pressure pero parang wala lang sa kanya ang pagpapakilala sa kanya ng ina.
Naglakad si Sahin papunta sa podium at agad namang nilahad ang speech na ginawa ko para sa kanya. Hindi ko akalain na mabilis niyang mamememorize lahat ng iyon. Sa labas parang basagulero at walang pakialam si Sahin pero alam kong sa loob niya, naroon ang pagiging isang leader. Naroon ang pagiging palaban at paninindigan niya.
“Hinding hindi mo ako mapapalitan, Jansen. I will take you with me to the depths of hell.”
Muli nanaman akong nilukob ng kaba. Narinig ko nanaman ang boses ni Percy. Napalingon ako sa aking likuran. Ang mukha ni Percy na duguan at nanlilisik na mata ang aking nakita.
CHPT 4: B*tch Mommy
Chapter 4 Am I having hallucinations? Nakikita ko ba talaga ang mukha ni Percy ngayon. He is looking at me piercing at pakiramdam ko may sumasakal sa aking leeg. Bigla akong nahirapang huminga and I just looked around me and people were applauding. Nanghihina ako na pinilit ko na lamang makarating sa glass door ng board room upang makalabas ng tuluyan. Nakikita ko pa rin si Percy. Kita ko pa rin ang mukha niya from the other side of the room. Patay na si Percy. Wala na siya. Pero bakit hanggang ngayon, hawak niya pa rin ang buhay ko? Ang buhay na inangkin niya na wala manlang akong kalaban laban.
3 Years Ago
“What do you think? I just made some adjustments with the bedroom since I want to have a bigger bed for the two of us. And then I pitched some ideas to the interior designer and this was the result. It looks more like home than when you first brought me here, right?”
Hindi ko alam kung bakit ko pa ba hinayaan na makipagkita ulit kay Percy Zabringa. Alam kong hindi ako pwedeng tumanggi dahil siya ang pinakamalaking kliyente ko and he will certainly make me the top agent for the rest of the year because of his purchase of this big house.
“Yes, it definitely looked more beautiful now than it was before. I don’t really have knowledge with designs but this really suits your personality. The black accents and the greys in some of the materials here makes it look like I live in someone who is controlling things.”
He suddenly grabbed me by my arms at pinaharap niya ako. He has this annoyed look and I just stared at him calmly.
“Are you saying that I am controlling? That I’m a freak because I like these colors?”
Hindi ako sumagot sa kanya. I just looked away and I tried to be polite as much as possible.
“Mr. Zabringa, I am just your agent and I am telling you my honest opinion. Do you want me to lie just so you can keep me locked in your hands?”
“May I remind you again, that this big house that I bought was handled by you. And you are responsible for making me feel this way, Jansen. Alam ko ang galawan ng mga katulad mo. You think I can’t ruin your life if you ever make a mistake of staying away from me? Oh no! I will make sure that everyone that surrounds you knows who I am and what I’m capable of!”
Hindi ako sumagot. Alam ko naman na simula pa lang meron ng saltik sa ulo ang taong kasama ko sa bahay nato ngayon.
“At anong gagawin mo? Gugulihin mo ang buhay ng pamilya ko? Sisirain mo ang career ko? You will tie me up like a zoo animal? I don’t even know you and you will act like you already own me?”
Ngumiti siya at hinaplos ang aking pisngin. Tinitigan niya ako sa aking mga mata and he attempted to kiss me on my lips pero lumayo ako.
“Jansen Pisanto, you don’t have any idea how men and women will kill just to get a hold of this hands. For them to be kissed by these lips. And to be fucked so hard by this big dick. And here I am, offering you everything. I am even planning to marry you eventually. And yet, nagagawa mo pa akong tanggihan? You amuse me, Jansen.”
Tinapik niya ang aking pisngi ng mahina at umalis sa living room ng malaking bahay. Naiwan akong nanginginig. Dahil siguro sa takot? Dahil hindi ako makapaniwala na isang napakayamang tao ay nagkaroon ng kakaibang pagnanasa sa isang tulad ko. Hindi ko alam king ano ang gagawin ko sa mga sandaling to. Gusto ko maglaho nalang na parang bula. Pero wala akong magagawa sa puntong ito, hawak na niya ako sa leeg. Kapag nagpumiglas ako, ako ang unang mawawala.
Present Day “Like I said, Sahin will be a great leader in the future. Anak ko siya, David. You know how I lead and bring out the best in each of my employees, I’m sure that he can do it too.” Nakikinig ako kay Miss Diana at Mr. David, siya ang OIC ng position na iniwan ni Percy ng mamatay siya.
“I know he is your son. But can’t you just give this position to someone who knows the company well? I don’t think that just because he is your son, kaya na niyang maging katulad mo? Percy was not that good at his job. But Jansen, he was behind your son’s success.”
Napatingin si Miss Diana sa akin and I know from that instance, she is throwing daggers at me. “Jansen was Percy’s husband. So naturally, he will support his husband through and through. Kaya nga nandito pa rin si Jansen because I think that Sahin needs his guidance. And he is already a Zabringa. Dala na niya ang aming apilyedo. What can he ask for more?” “I’m just asserting that Jansen will definitely make a better COO for this company. I don’t do the decisions anyway, so I will rest my case and take my leave.” Tumayo si Mr. David sa upuan niya while I stood up and bowed down in sign of respect. Tiningnan niya ako ng walang emosyon at umalis na ng tuluyan sa opisina ni Miss Diana. “Did you honestly think that jist because Percy died, you will take his place over? Mukhang nakakalimutan mo na ang lugar mo, Jansen. You are at my mercy dahil baliw na baliw ang anak ko sayo. And I can’t do anything about it. But now that he’s gone—” “Now he’s gone so you have no reason to keep me. Ano pa bang kailangan mo sakin, Miss Diana? You know from the start, I don’t even want to be a part of your family. I don’t want to be married to Percy. You know how abusive he was towards me. Don’t you think I deserve to at least cut my ties with your family and live my life in peace?” Napatawa si Miss Diana ng malakas habang pumapalakpak. Umiiling-iling pa siya at sumagot sa akin. “You are a great actor, Jansen. You always think that you are a victim. You always play this innocent person who just got caught up in my son’s obssesion. You really think makakawala ka pa sa kamay ng isang Zabringa? When my son died, where were you? Oh! I remember… You were partying like crazy with your “so called friends”. You can’t wait for my son to die so much that you had an early celebratory party, right?“
Alam kong sa mga oras na yun namumula na ako sa galit pero pinipilit ko pa ring maging mahinahon. Kahit saang anggulo tingnan, ako pa rin ang magiging masama sa paningin ng lahat. Ganun na nga siguro kapait ang kapalaran ko. “Tandaan mo ’to, Jansen. As long as I am breathing and I am in control of everything, hinding hindi ka makakawala sa aking kamay. You took my son away from me, I will take your freedom. That’s fair enough right? Now go back to your office and make Sahin the best fucking CEO this company will ever have!”
At umalis na ako sa opisina niya. Blanko ang isip ko. Lumulutang ako habang naglalakad. I don’t know what to do with my life. Pero dahil sa sinabi ni Miss Diana, may naramdaman akong galit. Isang galit na gusto kong mas lalong lumaki. Galit na palagi kong pinipigilan dahil sa takot. Nakita ko ulit si Percy sa dulo ng hallway. Duguan ang mukha niya pero siya pa rin ang nakikita ko. Ang mukha niya. Ang ngiti niyang nagbibigay lang sakin ng takot at pangamba. Ang kanyang suot na itim na button up at pulang neck tie. Ano ba ang dapat kong gawin upang makalaya sa impyernong ginawa sa akin ni Percy. “Makikita mo Percy, kahit nasa impyerno ka na, sisiguruhin kong babagsak ang pamilya mo. Lahat ng pinaghirapan niyo, ibabaon ko pababa sa impyerno kasama mo.”

