GRAVITY(BXB)
ThePageWriter · 6 chapters · 3,484 words
PAALALA
“
HINDI NORMAL na relasyon o pagmamahalan sa pagitan ng dalawang lalaki ang inyong mababasa, kaya’t kung hindi ka pa handa at wala ka pa sa hustong edad para magbasa ng ganitong klaseng istorya ay ipagpaliban mo na muna.
Muli, let’s formally welcome,
GRAVITY
.“
Date started: 01-27-2018 Date ended:
PROLOGUE
“Tama na nga ’yan, Aian! Akin na ’yan!” Sigaw ni Sid kay Aian at inagaw nito ang hawak na bote ng kaibigan.
“Ba’t mo ba ako pinapakialaman, ha? Ikaw, isa ka pang epal sa buhay ko.. alam mo ’yon? Kunwari corcern ka, kunwari mahalaga ako sa’yo, pero alam ko naman ’yong totoo. Na ganoon lang din kababa ang tingin mo sa’kin gaya ni Papa! Kaya buti pa ay ibalik mo sa’kin ’yang alak at ’wag ka ng mangialam sa buhay ko!” Singhal pabalik nito kay Sid na noo’y napakunot-noo sa sinabi ng kaibigan.
“Lasing kalang kaya mo nasasabi ’yan. Kaya ikaw, kung tingin mo ay bagsak na ’yang buhay mo, ayusin mo na, ’tol. Minsan nasa’yo na rin kasi ang problema, e. Masyadong mataas ’yang pride mo,” panenermon ni Sid. “Minsan, Aian, bro, isaksak mo sa isip mo na hindi masamang ibaba ang pride. At ito ang alak mo, gago! Pati ako na kaibigan mo nagawa mo pang paratangan ng ganyan. Anong klase kang kaibigan, ha?” Ani Sid na noo’y sumibat na dahil napipikon na siya sa kaartehan ng kaibigan.
“Ikaw na ’tong nagmamalasakit, ikaw pa ang masama! Nakakabwiset!” Palahaw ni Sid nang makalayo na siya sa pwesto ng kaibigan.
Bakit nga ba niya inaalala ang pariwarang kaibigan, gayong lagi naman siya nitong pinapasakitan?
GRAVITY-PART I
PART I- TAWA
SID
ISANG nakakabagot na maghapon na naman ang lumipas ngunit hindi ko malaman kung bakit kailangan kong maramdaman itong sakit sa dibdib ko dahil sa halos dalawang linggo naming hindi pag-uusap ni Aian. Kung bakit ba naman kasi nakipagtalo pa ako sa lokong ’yon habang siya ay nakainom ng alak? Gago rin siguro ako.
Alas sais na nang gabi pero ’yong bintana na katapat ng kwarto ko ay hindi pa rin nagbubukas. Hanggang kailan niya ba ako titikisin? Nakakagago na na hindi ko nakakausap ang kaibigan kong ’yon.
“Baka naman ako ang hinihintay niyang mag-sorry sa naging pagtatalo namin nitong nakaraan?” tanong ko sa aking sarili. Pero bakit naman ako magso-sorry gayong ako itong nasaktan sa mga sinabi niya?
Pero.. sige na nga!
Kaya naman mabilis na mabilis ang ginawa kong paglabas sa bahay at dumiretso na ako sa bahay nila. Nasa gate pa lamang ako ay iba na ’yong pakiramdam ko. Feeling ko kasi ay magtatalo na naman kami. Pero sisikapin kong hindi makipagsabayan sa init ng ulo niya dahil ayoko na ng ganitong set-up.
“Tita, nand’yan po ba si Aian sa loob?” bungad na tanong ko sa Mama ni Aian.
“Ikaw pala, Sid! Pumasok ka na sa kwarto ng lokong ’yon at kausapin mo nang malinawan sa buhay ang isang ’yon,” natatawang wika ni Tita Maye.
“S-sige po!” at natawa pa ako habang naglalakad patungo sa kwarto ni Aian.
Tatlong magkakasunod na katok muna ang aking ginawa bago niya buksan ang pinto.
“Bakit hindi ka pumasok kanina, ha? Anong problema mo sa buhay? Bakit hindi mo ako pinapansin?” sunud-sunod na tanong ko sa kanya ngunit ang tangi niya lamang isinagot ay “pakialam mo?” at humarap na siyang muli sa computer niya.
“Meron akong pakialam kasi we’re bestfriends, gago!” tugon ko ngunit nanatili lamang siya sa ganoong posisyon.
“Hindi mo talaga ako papansinin, ha?” panunuya ko pero nanatili siyang walang kibo. Pero determinado akong magkaayos kaming dalawa dahil nahihirapan na talaga ako na hindi kami magkasundo.
“Anong gagawin mo kapag lumipat ako ng school?” tanong ko sa kanya na madalas niyang ikinaiinis.
“Wala. Sarili mo ’yan. Malaki ka na. Alam mo na ang tama at mali,” walang kabuhay-buhay na sagot niya sa’kin.
Sa totoo lamang ay hindi iyon ang ine-expect kong sagot mula sa kanya kaya naman nakaramdam ako ng pagtatampo pero hindi ko ipinahalata iyon.
“So, next sem ay lilipat na ako doon sa Manila para ipagpatuloy ’tong degree program ko. Nagpunta lang ako rito para magpaalam kaya sige, d’yan ka na.” Hahakbang pa lamang ako palayo ay pinigilan na niya ako sa pamamagitan ng paghila niya sa aking kaliwang kamay na naging dahilan para humarap ako sa kaniya.
“You’re lying! Anong gusto mong kainin? Libre kita,” nagmamakaawa ngunit convincing ang kaniyang boses kaya naman napatawa ako.
“Papansinin mo rin naman pala ako, e, nag-iinarte ka pa! Tsaka tungkol sa paglipat ko sa Manila, hindi ko gagawin ’yon dahil ayokong iwan ang pinakamamahal kong bestfriend,” paliwanag ko na pakiwari ko naman ay nagustuhan niya dahil niyakap niya ako at doon ay tinapik-tapik ko siya sa kaniyang balikat.
“Basta hindi ka lilipat, ha?” tanong niya habang nakayakap siya akin. Marahil ay nagsisigurado ang loko.
“Oo naman, no!? Hindi ako lilipat.” Sabi ko at nagtawanan kaming dalawa.
Sa ganoon kadaling paraan ay nagkabati kami ni Aian at gaya nga ng sinabi niya ay ililibre niya ako ng pagkain. Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko ngayon kahit na sa simpleng tuhug-tuhog lang naman niya ako dinala.
Though mali na kumain kami ng street food ay ang hirap i-admit na nasasarapan kaming dalawa sa fishball, kwek-wek at lalo na sa kikiam!
“Oh, ito pa!” natatawa pa siya habang sinusubuan ako ng medyo mainit pang kikiam.
“Gago! Ang init!” sabi ko na naging dahilan para magtawanan ang mga nandoon na bumibili rin.
“Hayaan mo na, Sid. Minsan lang naman ’to dahil kapag nalaman ni Mama na kumain na naman tayo ng street food ay parehas pa tayong mabawasan ang allowance gaya noon. Kung ba’t ba naman kasi ayaw nila tayong kumain ng mga ganitong pagkain, e,” wika niya.
Tama naman si Aian dahil ang sarap kaya ng mga pagkaing kalye.
“Alam mo naman ’di ba na noong high school tayo ay parehas tayong nagsuka dahil sa nakain nating street food? Siguro ayon ang reason nila kung bakit ayaw na nila tayong kumain ng pagkaing gaya nito, ’di ba?” wika ko naman na sinang-ayunan naman niya.
“Siguro nga pero parang napaka-lame naman nila masyado. Ang aarte!” at sabay kaming humalakhak dahil sa banat niyang iyon.
“Nga pala, bakit ka absent kanina?” singit na tanong ko.
“Tinatamad lang ako kanina dahil hindi mo ako dinaanan,” diretsto niyang sagot.
“Arte mo!” sabi ko pero part of me is saying na kaya pala. Tama naman siya dahil kasunduan na namin iyon na dapat ay dadaanan ko siya sa umaga para sabay kaming pumasok sa school.
“Sa Lunes na lang ako babawi,” singhal ko.
“Dapat lang, ’no? Ang hirap kayang pumasok sa school na walang kasabay,” pagmamaktol pa niya.
“So, dapat hindi ka na uli mag-iinaso, ha? Baka next time na mabwiset ako sa’yo at masuntok na kita ng isa,” sabi ko at tumawa naman siya.
’Yan na naman siya sa tawa niyang ’yan, e. Nadadala ako masyado na parang gravity na ang hirap pigilan.
ITUTULOY….
GRAVITY-PART II
PART II: MINSAN
SID
ITO NA yata ang pinakanakakabagot na maghapon na nangyari sa buhay ko. Halos dalawang Professor kasi namin ay hindi nagturo kaya’t puro attendance lang ang ginawa namin ni Aian at ng iba ko pang mga kaklase na kung hindi magkakantahan ay magsisigawan. Naririndi ako. Naiirita. Pero I am in college now kaya kailangan ay matututo akong makibagay kung kaya’t sa mga sandaling ito ay hinihintay ko na lamang matapos ang isang oras at lalabas na ako ng klaseng ito.
“Ikaw Sid, paano mo maire-relate ang GRAVITY sa pagka-fall ng isang tao towards one another?” bigla na lamang naitanong ni Clarisse sa’kin. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o hindi. “I know the answer would be easy for you since magaling ka naman sa Science, ’di ba?” aniya pa at namalayan ko na lamang na pinapalibutan na ako ng mga kasama niyang babae.
Ano ba naman ang mga ito? Parang hindi mga sophomore magkikilos! Bulong ng aking isip pero mas namayani pa rin sa’kin ang respeto para sa kanila.
“To relate love with gravity, I would like to say nor to inform you na hindi naman gravity ang main reason kung bakit tayo nahuhulog at nakakagusto sa isang tao. In fact, tayo rin ang main reason kung bakit tayo nahuhulog o napo-fall. Pero ganoon pa man, masasabi kong ang pagkagusto o pagka-fall sa isang tao ay parang gravity rin na hihilahin ka pababa kapag toxic na o mabigat na mabigat na. Iyan ang pinakamahirap sa gravity at pagmamahal.. sa magkaparehong paraan kasi ay mahuhulog tayo at masasaktan sa kalaunan,” pagpapaliwanag ko at narinig ko naman ang palakpakan ng mga kababaihan sa bandang likod ng klase habang ang mga lalaki naman ay naka-thumbs-up na animo’y nakarinig ng payo mula sa isang love expert.
“Wow naman! Paano mo naman nasabi ’yon, Bro?” tanong ni Aian at pansamatalang tumaas ang kilay bago tumawa’t sinabing “’Di ba wala ka namang love life?”
Matapos niyang sabihin iyon ay tila naasar ako ng bahagya lalo na’t nagtawanan din ang mga ka-block mates ko.
“H’wag ka ngang epal, Aian!” pagmamaktol ko sabay tawa rin para maiba ang usapan. Sa totoo lang kasi ay hindi ko pa alam kung kung bakit wala pa akong nagugustuhan gayong gwapo naman ako at marami rin sa mga kaklase ko ang alam kong may gusto sa’kin. Marahil ay kontento na ako sa kaibigan-kaibigan lang muna.
“Uy, natulala ka na r’yan?” at doon lamang ako bumalik sa aking pag-iisip ng tama.
“Wala. May naisip lang akong pagkain na bibilin ko pagkatapos ng klaseng ’to,” palusot ko na alam ko naman na lulusot.
“Pagkain talaga, e, ’no? Patay gutom ka ba? Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend na loko ka, e! Puro ka kasi pagkain!” aniya.
“Gagaya mo pa ako sa’yo? Wala akong mapapala sa pakikipaglandian sa mga babaeng hindi ko naman talaga gusto, ’no?” paliwanag ko at tumango naman siya bilang pagsang-ayon.
Matapos an gaming klaseng iyon ay diretso na kami ni Aian pasakay sa kaniyang motorsiklo. Ngunit habang naglalakad kami ay hindi siya umiimik.
“Uy!” tawag ko sa kanya at inakbayan ko pa siya para alamin kung bakit hindi siya umiimik.
“Hindi ka talaga magsasalita, ha?” sabi ko at kiniti ko siya sa parteng likod niya kung saan malakas ang kaniyang kiliti.
“Ano ba!” singhal niya at aksidenteng naitulak niya ako kaya’t napahiga ako sa semento. Medyo masakit iyon sa likod at siko dahil ang mga parteng ’yon ang unang tumama sa’kin sa semento.
“S-sorry. O-okay ka lang?” tanong niya at akmang aalalayan na niya ako patayo pero hindi ko kinuha ang kamay niya dahil hindi ko na siya maintindihan!
“Alam mo, Aian, hindi mo naman ako kailangan itulak kung may problema ka!” mahinahon ngunit may diin at nagtatakbo ako palayo sa kanya.
Iritable na ako hindi lang dahil sa inasal niya kanina kundi dahil na rin sa pagdugo nitong sugat ko sa siko dahil sa nangyaring pagbagsak ko sa semento.
Minsan ko hindi ko maunawaan si Aian pero hanggang kaya ko siyang intindihin ay iintindihin ko dahil magkaibigan kami. Pero ang hindi ko lang alam ay kung hanggang kailan ko pagt’ya-t’yagaan ang ugali niya.
ITUTULOY….
GRAVITY-PART III
GRAVITY-PART III: BURGER
SID
NAMANTSAHAN ng dugo ang aking uniporme at napansin iyon ni Mama kaya akala niya ay nakipagbasag-ulo ako kung saan lalo na’t ginabi na rin ako kakaisip kung bakit ako itinulak ni Aian. Naisip ko nga pinagtitrip-an lang ako ni Aian pero he seemed really serious na animo ay napakalalim ng pinaghuhugutan niya para itulak ako. Wala naman akong nasabing masama sa kanya.
“Bakit ba kasi nakikipagbasag-ulo ka? Tingnan mo ang napala mo? Ang dumi na ng uniporme mo tapos may sugat pa ’yang siko mo!” sabi ni Mama sa’kin at si Ate Karla naman ay tawa lang ng tawa sa kaniyang nakikita at naririnig.
Bakit ba ako nagka-ate ng ganito kabaliw? Sabi ng aking isipan at tumawa na lang ako.
“’Te, buti naman at naisipan mong umuwi. Miss na kita!” paglalambing ko.
“Na-miss mo ang mukha mo!” sagot niya sa akin sabay tawa ng pagkalakas-lakas. Tingnan mo itong si Ate, babaliw-baliw na naman!
“Oo nga! Baliw na’to,” at ako naman ang tumawa ng malakas.
“Naglalambing na naman ang baby bro ko. Napakarami mong sinasabi d’yan. Halika nga rito!” aniya at saka niya ako niyakap.
“Ang dami raw sinasabi, e!” at kinutusan niya ako ng isa.
“Aray naman!” angal ko pabalik.
Napakaanagas naming maglamabingan ni Ate pero hindi naman iyon kaso sa mga magulang naming dahil tuwang-tuwa pa nga sila dahil sobrang close naming ni Ate.
Ewan ko nga lang kay Ate kung bakit hindi pa siya nagpapakilala ng bagong nobyo para naman maikasal na siya at magkaroon na ako ng gwapo o magandang pamangkin mula sa kanya. Malakas naman ang business niya na flower shop at bake shop kaya paniguradong ayos na ayos na ang future ng pamilya niya. Lalo na kung magkakaroon siya ng mayaman din na asawa.
Nasa ganoong pag-iiisip ako nang biglang tumunog ang aking cellphone at mabilis kong sinagot ang nasa kabilang linya.
“Hello?! Anong problema mo at napatawag ka?” pabaros kong bungad dahil si Aian ang tumatawag.
“Pasensya ka na sa inasal ko kanina. Masyado lang akong naging iritable lalo na’t binanggit mo na parang ang sama-sama kong tao,” aniya sa mababang tono. Napaisip tuloy ako sa nasabi ko kanina at napakamot ako sa ulo nang maalala ko ang nasabi ko sa kanya.
“Gagaya mo pa ako sa’yo? Wala akong mapapala sa pakikipaglandian sa mga babaeng hindi ko naman talaga gusto, ’no?”
Pero kahit na! Hindi iyon sapat para mag-inarte siya ng ganoon! May pagtulak pa siyang nalalaman.
“Nand’yan ka pa ba? ang tanong niya sa kabilang linya.
“Bakit ka nga tumawag?” ang tanong ko sa iritableng tono. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa kaartehan niya sa buhay. Ang sarap lang niyang suntukin sa mukha para matuto.
“Hihingi ng sorry,” mala-bata niyang tugon. Na animo pa ay nagpapalambing.
“Tapos?”
“Sorry na,” walang kabahid-bahid ng pangamba niyang sagot. “Masyado akong naging sensitive..” ang dugtong pa niya.
“Alam mo rin, ’no? Dinaig mo pa ang babae niyan, e.” sagot ko sa kaniya.
“Kaya nga e. Sorry na..” sa naging sagot niyang iyon ay kaagad nawala ang galit ko sa kanya. Sino ba naman ako para pasakitan ang maarte kong kaibigan? Tao lang din naman ako pero hindi ko ipapahalatang napatawad at naintindihan ko na siya agad.
“Okay!” singhal ko sabay tawa ng nakakaloko.
“Paanong okay?” pagkaklaro niya.
“Okay na. H’wag mo nalang uulitin uli. Minsan hindi na kasi talaga kita maintindihan, e,” pagtatapat ko sa kanya.
“Promise, hindi ko na uulitin, Bro. Hindi na talaga,” masigla niyang sagot at nang matapos an gaming usapan ay tinawag ako ni Ate na nasa baba raw ni Aian.
“Ano ’yon?” kaswal kong tanong.
“Burger. Alam kong matakaw ka d’yan, e.” diretso niyang sagot.
“Ngayon, nanunuhol ka na, ha? Akin na nga ’yan at nagugutom na ako!” sabi ko at sabay kaming tumawa.
“Kamusta pala ’yang siko mo?” pag-uusisa niya nang mapansin niya ang bendang nakabalot sa siko ko.
“Malayo ’yan sa bituka, ’no? Basic lang ’yan! Kaso parang gusto ko na lumanding ang kamao ko sa mukha mo para bawing-bawi na ako,” paliwanag ko.
“If that’s what you want. Hit me!” natatawa niyang tugon at habang busy siya sa pagtawa ay binuksan ko ang burger at mabilis kong isinapo sa mukha niya ang palaman ng burger na may mayonnaise.
“What the!” sigaw niya habang tawa ako ng tawa sa naging hitsura niya. Gago siya, e. Tama lang sa kanya ’yon.
“Ngayon, patas na tayo!” sabi ko at habong hininga kong inubos ang mga natitirang hamburger na dala niya habang siya ay shock pa rin.
H’wag niyang sabihing mag-iinarte na naman siya? ’Di ba kakapatawad ko lang sa kalokohan niy?
ITUTULOY..
GRAVITY-PART IV
NOTE: Pasensya na kung ngayon lang ako makakapag-update. Babawi ako sa inyo :)
PART IV: GIRLFRIEND
SID
MATAPOS ang isang linggo, malapit na ang midterm examination at halos lahat nagka-cramming. Ewan ko ba naman sa mga Professor namin, hindi naman mga nagtuturo tapos nakukuha pang magpa-exam ng kung anu-ano. Tingin ata nila sa’min ay Android na 24/7 kayang magsilbi.
“Busangot na naman ’yang mukha mo. Anong problema?” ang tanong ni Aian sa’kin nang mapansin niyang wala ako sa husyong mag-aral o mag-review pa sa ngayon.
“WALA!” sagot ko na nagpakunot naman ng kanyang noo.
“Wala raw, e. Ako pa ang niloko mo?” balik niya.
“Mga Professor kasi natin nakakainit ng ulo! Tingan mo’t nagre-review tayo ng atin-atin lang. Sana man lang nabigyang halaga ’yong tuition fee natin! Napipikon na ako sa kanila!” bulyaw ko pa dahil pakiramdam ko ay sasabog na talaga ako.
“Tama ’yan, President!” singit ng isa kong kaklaseng babae.
“Oo nga! Masyado silang mga tamad magturo tapos kung makapagbigay ng exam kala mo nagturo e!” singit pa ng isa ko pang kaklaseng babae sa may likuran ko.
“Kita mo na? Lahat kami ay nabi-bwiset sa kolehiyo natin. Ang tatamad magturo! Bwiset sila!” gigil na gigil na sagot ko at naging sanhi iyon ng pagtawa niya ng malakas.
“Anong nakakatawa?” tanong ko pero tawa pa rin siya ng tawa.
“Anong nakakatawa!?” pag-uulit ko.
“Kasi magsayado kang seryoso sa buhay mo. Halika nga rito!” at sinunod ko naman siya. Sobrang lapit na naming sa isa’t-isa at tumayo naman siya upang akbayan ako.
“Bibili tayong shake para naman lumamig ’yang ulo mo,” pang-aamo niya. Dapat lang!
Matapos ko iyong marinig ay pakiramdam ko ay gumaan agad ang loob ko at sinong tatanggi sa shake? Ang sarap kaya no’n! Heaven!
“Buti pa nga!” iyon ang napili kong isagot kahit na napakaraming tumatakbo sa aking isipan.
Ilang minuto lang ang lumipas ay naroon na agad kami sa canteen para bumili ng shake. Mayamaya pa ay may babae siyang nilapitan kaya naman sumunod na lamang ako kasi wala rin naman akong choice. Siya ang manlilibre, e.
Doon ko nakita ang magandang babae na nakaunipormeng pang food tech. Pero ang ipinagtataka ko ay ang pamumula nito lalo na nang makalapit na kami sa table nila. Weird!
“Babe!” si Aian at doon ako nagulat. Kahit kinikilig ang mga kasama no’ng Ailene ay tila naparalisa ang aking mga ugat sa muka kaya napakapeke ng ngiti ko. Na animo ay kinikilig din.
“Babe, ang bilis niyo ata? Wala ba kayong klase?” maayos na pagkakatanong ni Ailene kay Aian.
Kung pagmamasdan mo si Ailene ay simpleng babae lang siya at mukhang mga sinabi rin sa buhay at sa tingin ko pa ay mabait siyang tao.
“Wala kasi kaming Prof, Babe. Alam mo naman ang professor ng College of Entrepreneurship; masyadong masisipag,” at natatawa pa si Aian habang sinasabi iyon sa nobya niya. Dahil doon ay napatawa na rin si Ailene at ewan ko ba kung bakit hindi ako makahanap ng kapintasan sa kanya. Maybe she’s just genuine enough para kay Aian.
“Nga pala, Babe si Sid, bestfriend ko. Sid, si Ailene, girlfriend ko.” At agad akong nag-hello at ganoon din naman siya. Natatawa pa nga ako kay Aian kasi parang tinititigan niya ’yong magiging reaksyon ko.
“Nga pala, maiwan ko na muna kayo rito dahil naiwan ko ’yong cellphone ko sa bag ko. Kunin ko muna.. Enjoy!” sabi ko at hindi ko na inintindi ’yong mga sinasabi nila.
Ang init kasi ro’n sa canteen. Masyadong maraming tao at biglang nag-iba ’yong mood ko.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa hindi ko sinasadyang mabunggo ’yong lalaking may hawak na cellphone. Kasi naman e, bakit siya nagse-cellphone habang naglalakad!
“S-sorry. Nasaktan ka ba, Bro?” tanong ko pero hindi siya nagsalita dahil nakatitig lang siya sa mukha ko at napansin ko na hindi siya mukang estudyante rito.
“Bro?” ulit ko pa at doon palang siya nag-react.
“Wala ’yon. Ingat nalang siguro tayo sa daan sa susunod kasi parehas tayong mali. Ikaw na tumatakbo ng matulin kahit wala ka naman sa soccer field at ako na feeling driver na focus sa pages-cellphone.” Wika niya at ewan ko ba kung bakit bigla na lang ako napatawa ng malakas. Mayamaya ay narinig ko na rin siyang tumatawa ng malakas at pakiramdam ko ay nabura lahat ng pagod ko kasi nakakabuhay ’yong tumawa ng tumawa kahit na ang babaw naman talaga no’ng concept.
“Ang weird natin, ’no?” tanong niya.
“Oo!” at sabay kami uling tumawa.
“S-sige, Bro. Bukas pa ’yang zipper mo,” sabi ko at conscious siya kaya’t tiningnan niya ang parting ibaba niya at sabay tawa.
“Bukas nga! Hala! Bakit hindi ko napansin?! Awkward!!!!” aniya habang inaayos ang kaniyang zipper.
“Bro! Una na ako,” aniya nang tinggan niya ang kaniyang cellphone.
“Chester nga pala, Bro.”
“Sid.” At doon ay umaalis na s’ya dahil magsisimula na raw ’yong team building nila.
Matapos iyon ay napabuntong hininga na lamang ako at lalo pa akong napabuntong hininga nang mapansin kong wala ang bag ni Aian sa tabi ng bag ko.
“President, umalis na si Aian kasama ’yong magandang girlfriend niya. Magde-date daw ata.” Sabi ng babae kong kaklase at napatango na lang ako at umub-ob sa armchair.
Mukang uuwi ako ng mag-isa ngayon. Bakit ba kasi kailangang magka-girlfriend ng hindi ako sinasabigan man lang?
Dapat na rin ba akong mag-girlfriend?
ITUTULOY..

